Greg's Diary
absurd018 · 60 chapters · 36,505 words
NOTE
SUPER SHORT STORY NA MAY MARAMING CHAPTERS HAHAHHAA.
ENJOY! :)
DON’T FORGET TO LEAVE COMMENTS AND VOTE AHHH!!! 😄😄😄
PS: BOOK 1 IS NAKA PRIVATE. PARA MABASA TONG SHORT BOOK 1, YOU MUST FOLLOW ME FIRST HEHE! :)
Hi. So eto, tinry ko yung
TAP WATTPA
D na pinopromote sa home page? Lol yung parang chat stories. Haha
Anyway, gumawa ako ng acc. at story don. Sana mabasa niyo lol.
absurd018 pa rin ang username ko don tapos ‘Falling with David Licauco’ title hahahaha! Enjoy 😊
https://taptap.app.link/dr4VifAJsD <–– ayan yunf link kung macclick siya. Haha
PS AGAIN. Let’s talk thru my social media accounts lol.
twitter: itsnipo
instagram: iamnipo
WARNING LANG!!
M2M STORY TO. LALAKI SA LALAKI. PERO WHOLESOME AT LIGHT LANG. READ AT YOUR OWN RISK :)
Part 1
November 8, 2015
I’m starting this diary to help myself na hindi malungkot. Mag isa na lang ako ngayon, literally.
Nasa boarding house ako, maraming kwarto at puro estudyante rin daw nandon. Mag isa lang ako sa kwarto at medyo nag momoment pa. Medyo kinakabahan pa naman ako dahil transferee lang ako.
From province to Manila, pero kailangan ko ng tanggapin na Manila Boy na ako at wala na akong babalikan pa sa Samar.
I got this super small room, super small kasi malaki kwarto ko sa Samar, parang CR ko lang ’to.
Oh well, wala pa naman akong sasabihing iba, so, bye Janis.
(Janis ang name ng diary ko haha)
Part 2
November 9, 2015 7:31PM
Okay Janis, may ikekwento ako sa’yo!
Unang pasok ko sa room kanina, may napansin kaagad akong lalaki.
Marine Student siya! Semi kalbo ang buhok, sa sobrang fit ng damit niya, mas mapapansin mo yung magandang katawan.
Kung bakat yung muscles niya mas lalong bakat yung ano na. :))))
Ayoko siyang tignan ng matagal kasi mamaya makahalata siya! Pero ang gwapo niya, sobra!!
May pagka bad boy aura siya tapos suplado, yung kadalasang makikita mo sa movies pero totoo pala yung mga ganon! Sayang lang hindi ko siya kaklase sa lahat.
Business Ad course ko eh, siguro napunta lang siya sa section na yon kasi walang bukas.
Sa English ko lang siya kaklase, nakakalungkot. Pero sigurado akong aalamin ko yung pangalan niya.
Part 3
November 10, 2015 9:07PM
Sad at hindi ko kaklase si Kuyang Marine every tuesday. Sana palagi na lang monday!
Good thing at may mga new friends ako, yes, si Patricia at Jane. Mas komportable kasi akong kasama mga babae dahil nga sa sekswalidad ko, minsan mapang asar mga lalaki kapag bakla ka.
For the record, hindi naman ako super gay, mga slight gay lang. Hindi ako crossdresser pero never akong naattract sa babae so I think gay ako. Hindi rin ako malambot so, ganon na lang isipin mo Janis.
Gusto ko na lang sana makita si Poging Marine!
Part 4
November 11, 2015 8:34PM
OHMYGOSH. MWF pala yung schedule ng english ko so MWF ko kaklase si Poging Marine.
Oh sht. Nagkita na naman kami at this time, nagtagpo mga mata namen ng mga 3 seconds. Siya yung unang tumingin palayo pero ako nakatingin pa rin sa kanya ng mga 4 seconds.
Ang gwapo niya lalo kanina, parang ang ganda ganda ng gising niya. Nakangiti siya kaharap yung phone niya.
Sana nanunuod lang siya ng movie o kaya may sinend na joke tropa niya.
Sana hindi siya nakikipagtext sa jowa niya. Sana single siya.
Nasa harap kasi ako nakaupo, sa 2nd row sa may aisle, tapos siya sa 4th sa kabilang aisle naman.
Nahulog pa yung ballpen niya kanina tapos saktong may dumaan sa bandang ballpen niya kaya nasipa paharap, sakto mismo sa may harap ko.
Agad kong kinuha yung ballpen niya at nung lalapit ako sa kanya, napansin kong tumayo siya at siya na lumapit.
“Thank you” sabi niya saken sabay ngiti. Para akong namesmerize sa kagwapuhan niya. Naamoy ko pa pabango niya, alam kong afficionado yon! Ganon pabango ko dati eh!
Bumalik siya sa upuan niya at ako naman nakatingin pa rin sa kanya ng pasulyap sulyap.
11 number namen. Nung araw na nag thankyou siya saken dahil sa pagkuha ko ng ballpen niya.
Part 5
November 13, 2015 10:05PM
Kakauwi ko lang galing inuman with Patricia and Jane. Masaya naman silang kasama, mga baliw baliw din. Hindi ko rin alam bakit nila ako kinaibigan eh ang ganda ganda nilang dalawa.
Well, sabi nila cute raw ako kaso nung sinabi kong bakla ako nagtawanan lang sila at parang nalungkot. Pero ganon talaga, atleast kaibigan pa rin kami.
ABSENT si poging Marine kanina, nakakainis. Wala tuloy akong inspirasyon kanina, bakit hindi man lang nagpaalam saken. Nakakainis.
Lol, pero so far, masaya naman yung first week ko at medyo nakakamove on na ako sa nangyari sa buhay ko.
Part 6
November 14, 2015 9:01AM
JANIS SORRY ANG AGA KO NAGSULAT NGAYON PERO HINDI MO AAKALAIN TO.
DITO RIN NAGDODORM SI POGING MARINE SA BOARDING HOUSE NA ’TO!!!!!
Nakita ko siya kanina, shirtless at nakaboxer habang may hawak na plastic na parang pandesal laman.
Bakit ka pa bumili ng pandesal eh may pandesal ka na sa tyan mo!
Janis, ang abs niya grabe!!! Six pack tapos yummy. Argh!!! May karog din siya, ang sexy kaya ng karog!
Moreno siya at hindi takot sa araw, ako kasi ayokong naaarawan pero siya, lalaking lalaki.
Ang sarap talaga promise. Ang laki pa ng pwet, sabi nila kapag malaki raw pwet, malaki rin daw yung ano ehh.
Buti na lang hindi niya ako nakita kung hindi nakita niyang naglalaway ako!
Argh ang sarap talaga, Janis.
6:01PM
WAIT JANIS, KAKAUWI KO LANG GALING SM MANILA AT SHET!!!! SA KABILANG KWARTO LANG SIYA TUMUTULOY!!!!
Room 23 ako, siya room 24. Ohmygosh. Bakit ngayon lang kita nakita!!
Nakita ko siyang nakahubad at pawisan, mukhang galing sa basketball court. Grabe!!
Hindi pa rin niya ako nakikita at wala akong balak na makita siya. Ayokong malaman niya na dito ako tumutuloy.
Hay, Thank you Lord!!!
Part 7
November 16,2015 7:01PM
Okay, so my day was okay. Good thing pumasok si Poging Marine kaso kung gaano siya kablooming last wednesday, at kung gaano siya kasarap nung weekend, ayun naman yung kinalungkot niya kanina.
Nakatulala lang siya, literal na nakatulala tapos minsan makakatulog. Tapos magsosoundtrip tapos makakatulog uli.
Gusto ko siyang lapitan kanina para tanunging, “babe okay ka lang?”
Pero syempre diba may hiya pa ako ng konti sa sarili ko kaya hindi ko ginawa.
Pero syempre dahil ibang level na rin yung pagkacrush ko sa kanya, sinundan ko siya after class.
Yung level ng crush ko kasi sa kanya level 2 na.
Level 1 kasi yung pasulyap sulyap.
Level 2 yung susundan ko na siya after class kung saan siya pupunta.
So after nga ng klase, sinundan ko siya kanina pero dumiretso siya ng CR, di sana ako papasok pero narealize kong lalaki pala ako at pwede rin akong pumasok.
Nakita ko siyang naghihilamos sa loob, sabay punas at labas uli. Hindi niya siguro ako kilala, mabuti na rin yon para ma stalk ko siyang mabuti.
Nakita ko ring tumambay siya sa may court mag isa.
Wala ba siyang friends? Bakit mag isa lang siya?
Naupo ako sa may kalayuan sa kanya pero syempre enough pa rin para makita ko siya. Nag tetext ata siya o naglalaro, hindi ko sure.
Nung malelate na ako sa klase ko, umalis na ako at hinayaan ko na siyang mag isa.
Hindi ko pa rin alam ang pangalan niya at yun ang nakakainis!
Part 8
November 18, 2015 10:33PM
It’s official! Weeksarry namen ni Poging Marine. Isang linggo na nakalipas simula nung nag Thank You siya saken dahil sa pagpulot ko ng ballpen niya.
Syempre ako lang nag celebrate mag isa, pero syempre para mapansin niya ako, inulit ko kanina yung nangyari last week.
So naglakad ako sa harap niya at sinadya kong hinulog yung ballpen sa harapan niya. Pinulot naman niya kaagad yon at inabot saken.
Kinalabit pa niya ako kasi lumagpas ako sa kanya.
“Ballpen mo” sabi niya saken sabay smile. Ohmygosh, kanina nakasimangot siya pero nag smile siya para saken.
Nagthankyou rin ako sa kanya at yon ang celebration namen ng weeksarry! Ibang level talaga yung kilig ko kapag nakikita ko lang siya o kahit naaamoy.
Part 9
November 21,2015 01:16AM
So kakauwi lang nila Patricia at Jane sa dorm. Nag inuman kasi kaming tatlo and yes, nagkasya kami. Kasya naman pala tatlo sa kwarto.
Kinwento nila saken na may mga boyfriend nga sila at matatagal na sila. Next time raw ipapakilala nila saken.
Pansin na pansin din daw nila yung palagi kong pagtingin kay Poging Marine at sinabi nila saken yung pangalan niya.
Dominique Patrick Severra
Stalking time!!!!
Hinintay ko lang talagang umalis yung dalawa bago ko istalkin ang babe ko
Bumungad yung profile picture niya pero hindi siya kalbo rito at parang nasa pageant siya.

Naka private yung account niya kaya dalawang picture lang nakikita ko.

LORD. ANG SARAP TALAGA!!! WHY!! kahit medyo may tama ako, parang mas lalo akong tinatamaan sa kanya ng malala!!
Ang gwapo.
Gusto ko sana iadd kaso nahihiya ako at saka hindi pa naman ganon kakapal mukha ko pero hello, aadd ko lang naman. Siguro bukas na kapag okay na ako.
Ang hirap isulat neto habang nakatitig sa kanya.
Dominique. Gosh. Pangalan pa lang ang sarap na. Ang yummy na.
At dahil super crush ko siya, ginawa ko siyang wallpaper ng PC ko. Syempre, medyo maharot ako eh.
Huhu, sana makausap ko naman siya ng malapitan sa susunod.
Part 10
November 25, 2015 09:15PM
2nd weeksarry na namen ni Dominique simula nung pinulot ko yung ballpen niya, wala akong ginawang iba kundi pagmasdan lang siya. Gosh, hindi nakakasawa mukha niya.
Ang linis linis kasi, ang gwapo gwapo, lalaking lalaki. Argh. Yummy!
Pero after nung klase namen kanina, may lumapit sakeng lalaki, well kung idedescribe mo yung physical look niya, okay siya.
Goodboy datingan, naka eye glass tapos nerdy pero cutie. Cutie nerdy na slight yummy. Iba na kasi yung category ng yummy ko, si Dominique na!
So ayon, niyayaya niya akong sumali sa club nila, TIP Voice, eto yung school paper. Nagsulat kasi kami one time ng story, wala lang, seatwork lang pero nabasa raw niya at nagandahan siya sa way ng pagsusulat ko.
Syempre ayoko muna, sabi ko hindi pa ako ready sa mabigat na trabaho kasi sanay akong mag isa pero sabi ko naman pag iisipan ko.
Malapit na rin Birthday ko at napag usapan namen nila Patricia at Jane yung plano….
Wait, may kumakatok sa pinto balik ako later, Janis.
+++
11:02PM
I WAS SPEACHLESS. LITERALLY. PARANG SASABOG NA AKO NGAYON. GUSTO KONG SUMIGAW!!!! ARGH!!!!
KUMATOK SA PINTO KO SI DOMINIQUE OMG!!!!
NAKASANDO LANG SIYA AT SHORT, FVCK YUNG MUSCLES SARAP DAKMAIN TAPOS ARGH ANG GWAPO NIYA!!
Nakita niya raw akong pumasok dito at first time raw niya akong makita. Kilala niya ako Janis!!!
Tinawag pa niya akong “Greg!”
Hoy! Gregory pangalan ko pero binigyan mo na ako ng nickname!!! Anong ibig sabihin non!!
Gosh, 21minutes kaming nag usap sa tapat ng kwarto ko!!!! Oh mygosh. Wala naman kaming maayos na topic pero pucha yung amoy talaga.
Gusto ko siyang langhapin.
Gusto ko siyang hubaran tapos amoy amoyin!
Gusto ko siyang sunggaban ng halik!!
Argh. Dominique tayo nalang please!!
AYOKO PANG MATULOG. PERO MAAGA PA PASOK KO PERO GUSTO KO SIYANG KATUKIN SA KABILANG KWARTO PARA DON NA LANG AKO MATULOG. LORD HELP ME!!!!
Part 11
November 26, 2015 08:02AM
OKAY JANIS MABILIS LANG TO, KUMATOK NGAYON SI DOMINIQUE AT NAKASUOT NG UNIFORM!! SABI NIYA SABAY NA KAMING PUMASOK. SHET. I NEED TO CALM PERO HOW.
OKAY Kwento ko mamaya!!
++
08:47PM
JANIS HELP ME. FEELING KO BFF NA KAMI NI DOM PERO I WANT MORE.
Ang sabi niya saken nahihiya siyang magsalita sa section namen sa english kasi block section daw.
Sabi ko naman transferee lang ako kaya nahihiya rin ako magsalita.
Sabi pa niya, parang ako lang daw pwedeng malapitan doon kasi ako raw yung mukhang mabait.
MABAIT ZONED ako! And i love it!!!
Hindi naman kami magkaklase kanina kaya hanggang sa school lang kami magkausap.
OMG, This could be a start of something new! Something great and sana something wild!
At si Patricia and Jane naman, gustong uminom sa labas kaso sabi ko sa dorm na lang kasi baka ma out of budget ako.
Marami akong pera I know pero naka budget na kasi siya hanggang sa gumraduate ako. 3Rdyear second sem na ngayon plus one year pa kaya hindi na ako pwede gumastos gastos.
Pumayag naman sila at nilapitan na naman ako ni Anthony, yung cutie nerdy guy na nagyayaya saken na sumali sa TIP Voice, umayaw na naman ako kasi di ko pa napag iisipan.
Ang saya ng araw ko ngayon, siguro dahil na rin kay Dom na kumatok sa kwarto ko kaninang umaga para isabay ako sa pagpasok.
Part 12
November 28, 2015 12:08PM
Okay, so kaninang umaga, nakita ko si Dom na pababa habang may dalang bola ng basketball and yes, ang sarap pa rin niya.
Nakasuot siya ng jersy shorts at sando na may apelyido niyang Severra sa likod.
Buti na lang nakaayos na ako at nung pababa siya, sinundan ko siya hanggang sa court na hindi naman kalayuan sa dorm.
Although ang ggwapo rin ng iba niyang kalaro tapos yung iba naman slight lang, siya pa rin talaga mapapansin mo, lutang na lutang na kagwapuhan.
Everytime na ngumingiti siya parang magical. Kitang kita naman kasi na talagang masaya siya pati yung mga mata niya.
Bumili ako ng pandesal para kunwari napadaan lang ako sa court at hindi magmukhang nandoon ako para panuorin siya.
Eh kaso sa hindi namang inaasahang pagkakataon, tumalbog yung bola sa ring at papunta saken at sakto rin na si Dom yung naghahabol!
Alam niyo yung moment na may makakasalubong kayo tapos hindi mo alam kung kakanan ka o kakaliwa kaya nagmukha kang tanga na nakatayo lang? Eto yung moment na ’yon.
Habang tumatakbo siya palapit sa bola eh hindi niya ako napansin kaya nung malapit na saken yung bola, halos tumalon siya at nabangga niya ako kaya pareho kaming natumba sa daan.
Humingi naman siya kaagad ng tawad, tinanong pa kung nasaktan ako.
Sht, concern siya saken.
Sabi ko na lang hindi pero leche ang sakit ng likod ko, parang nagasgasan. Mas masakit pa yung gasgas na sugat kesa sa malalim na sugat eh.
Tinayo niya ako at kahit pawisan siya, ang sarap niya pa rin langhapin.
Langhap sarap. Mapapakagat labi ka talaga.
Kinuha niya yung bola at bumalik sa laro.
Pero dinaganan niya ako. Ang dami tuloy pumasok sa isip kong madumi pero syempre, sinarili ko na lang.
Tanghali pa lang, Janis. Sana madagdagan pa yung mangyayari.
+++
10:09PM
SHET!!! KAKASABI KO LANG NA SANA MADAGDAGAN PANGYAYARI EH ETO NGA NADAGDAGAN NGA!!
So kanina dapat mamamalengke ako para magluto naman para sa dinner ng sakto paglabas ko, lumabas din sa kabilang pinto si Babe Dom ko.
Kinamusta niya ako kung okay ako, sabi niya kasi alam niyang nasaktan ako.
Concerned citizen talaga siya.
Hindi pa nakuntento, nung sinabi kong mamamalengke ako, niyaya niya ako sa kwarto niya at sinabing doon na ako kumain!
Lord ang daming pumasok sa isip ko kanina pero kinalma ko kasi kaming dalawa lang doon.
Compare sa kwarto kong malinis, maayos at organize, yung kanya eh medyo makalat. May mga bote ng alak sa gilid, tapos amoy lalaki rin, samantalang ako palaging may air freshener.
Makalat din yung ibang shoes at yung ibang mga damit. Humingi naman siya ng pasensiya sa maduming kwarto.
Pero ang pinakamalinis na part ng kwarto niya eh yung kusina at banyo! As in flawless, organize at maayos.
Nagluto raw siya ng sinigang na baboy at inaasahan daw niya mga tropa niya kaso di sumipot!
Solo lang kami sa kwarto niya habang kumakain. Kwento siya ng kwento anout basketball, siguro akala niya hilig ko rin yon pero oo lang ako ng oo!
Sa totoo lang mabait siya, mabait siya kausap, parang ang bait niyang anak, kapait basta parang mabait siyang tao.
Medyo may pagka badboy lang talaga itsura niya.
Gosh, lumabas ako ng kwarto niyang masaya to think na wala kaming ginawa maliban sa kumain at kwentuhan ah! Ang saya!
Sana maulit uli yung mga ganitong moment.
Part 13
November 30, 2015 09:55PM
YEY HAPPY BIRTHDAY TO ME!
Absent si Dom kanina kaya medyo malungkot ako pero nandiyan naman si Patricia at Jane para pasayahin ako.
Nilibre nila akong kumain sa labas ng lunch at napagpasyahan nameng hindi na pumasok sa last subject namen para mag inom sa dorm.
Masaya kakwentuhan tong dalawang to kasi mga babaeng bakla rin. Kasama nila yung boyfriend nila.
Si Zach, boyfriend ni Patricia, may trabaho na si Zach at medyo matured pero syempre kung kasing ganda ni Patricia jowa mo, dapat gwapo ka rin. Gwapo si Zach at matangkad. Buti na lang hindi ko siya type.
Si Louie naman boyfriend ni Jane. Well, mas maliit ng konti kay Zach, pero gwapo rin at mestiso. Medyo chinito at sobrang clingy kay Jane, palaging nakadikit. Buti na lang din at hindi ko siya type.
Kahit lima kami kanina eh hindi ako naOP. Ako pa rin ang bida sa usapan, hot topic, tinanong nila ako kung may naging boyfriend ako.
Nagsinungaling ako at sabi ko wala pa pero ang totoo, meron na. Si Joshua, pero ayoko na muna siyang isipin at gusto kong magsaya.
Nagsurprise pa yung dalawa saken ng may ininvite silang lalaki para saken.
Sana nga si Dom na lang eh pero nagulat ako na si Anthony pala ininvite nila!
Compare sa suot niya sa school na nerdy at nakabagsak, medyo party peeps datingan niya. Ang cute, may dala dala pa siyang regalo na nakalagay sa paperbag.
Todo kantyawan yung apat saken, natatawa lang si Anthony at ako. Kinausap ako ni Anthoy about sa pagsali ko sa TIP Voice pero hindi pa rin ako makapagdecide.
1 week na lang daw at hindi na sila tatanggap kaya pag isipan ko raw mabuti.
Okay din naman kausap si Anthony, masaya, yung tipong hindi ka niya hahayaan na OP ka o hindi ka magsasalita, parati siyang may tanong.
Kahit lovelife ko interesado siya.
So far, masaya naman yung Birthday ko kahit hindi pumunta si Dom. Though siguro hindi naman niya alam, nabanggit ko yon one time sa kanya nung kumain ako sakanila pero siguro hindi niya natandaan.
Nagpasalamat pa rin ako kay Patricia at Jane sa masayang celebration ko ngayon.
Part 14
December 1, 2015 09:35PM
ETO NA ATA ANG ISA SA PINAKAMASAYA KONG ARAW DITO SA MANILA.
Okay.
Nagsimula siya pag gising ko, actually kagabi pa malakas yung ulan so umasa na kami na sana walang pasok at nagkatotoo nga! Walang pasok sa sobrang lakas ng ulan.
Medyo makalat pa yung bahay dahil hindi ako naglinis kaya nilinis ko muna lahat at napagpasyahan kong bumili ng pagkain sa labas.
Pero omg shet. Alam niyo na next na mangyayari.
Nakita ko si Dom. Ang poging marine babe ko!
Nakaupo sa tapat ng pinto niyo at natutulog. Okay, imbis na gisingin siya, pinagmasdan ko muna siya. Shocks, angel in disguise talaga. Sobrang gwapo.
Pero medyo nakakaawa yung pwesto niya kasi halos maipit na kamay niya siguro dahil nilalamig kaya ginising ko siya.
Ang sabi niya wala raw yung susi niya, naiwan niya sa bag niya don sa bahay ng tropa niya, saktong umuulan at napakalakas kaya hindi siya nakabalik para kunin.
Nagsorry naman ako sa kanya kasi katok daw siya ng katok sa pinto ko kaso dahil sa nakainom ako eh napasarap tulog.
Okay so ganito nangyari, pinatuloy ko siya sa kwarto ko at sinabi kong mamamalengke lang ako. Bumili ako ng pang sinigang na baboy na ulam at pagbalik ko, napaka mouth dropping talaga.
Nasa kwarto ko siya at nag eexercise!!! Nakashort na lang siya, boxer at walang suot na damit. Nagsisitups siya at pawis na pawis na yung abs niya.
Argh ang sarap.
Nagsorry siya kaagad dahil nasanay daw siyang ganito ginagawa sa umaga. Shet, ang hirap magtago ng feelings na nasasarapan ka sa view.
Nag insist siya na siya na raw magluluto at pumayag ako kasi masarap talaga luto niya. Ako naman naglinis muna ng bahay.
Habang kumakain kami, bigla siyang napasigaw. As in yung parang may naalala siyang mahalaga tapos sumigaw siya,
“Birthday mo pala kagabi!! Sorry hindi ako nakapunta!”
Oh okay lang babe, nandito ka naman ngayon.
Sabi ko okay lang pero sabi niya babawi raw siya, meron daw siyang biniling regalo para saken kaso nasa bag din daw niya.
Imagine mo yun. Yung crush mo, may bibigay daw sayo. Ibang level talaga kilig ko non.
Yung halos maipit na itlog ko dahil gusto kong pigilan yung kilig ko. Ganon yung nangyayari saken.
Pagkatapos kumain, siya na rin naghugas.
Nasa sala kami, since wala kaming TV, kanya kanya kaming tingin sa phone namen. Pero ako, siya yung tinitignan ko. Siya yung view ko.
Pero bigla niyang tinanong kung pwede raw siyang makigamit ng PC dahil mabagal daw data niya. Sabi ko mag connect na lang sa wifi kaso sira raw phone niya don kaya pumayag ako.
Nag CR muna ako at habang umiihi ako may naalala ako.
Shet na malagkit!!!!!!
Siya pala yung nasa wallpaper ng PC ko!!!
Hindi pa ako tapos umihi, talagang pinigilan ko at tumakbo ako palapit sakanya pero huli na ang lahat.
Nakatawa siya habang nakatingin sa screen.
Tinignan niya ako at tumawa rin siya saken. Napakagat labi ako sa hiya.
Ang sabi naman niya okay lang daw yon pero leche, hindi okay yon! Nakakahiya!
Parang gusto ko ng magpakain sa lupa dahil sa nangyari! Pero inulit niyang sabihin na okay lang daw.
Sabi pa niya hindi raw ako halata at akala niya raw girlfriend ko si Patricia. Argh nakakainis!!
Napaupo lang ako sa upuan ko at hindi ko na siya pinagmasdan. Sobrang hiyang hiya ako hanggang sa makatulog ako.
Nagising lang ako ng may kumatok sa pinto. Napansin ko ring tulog si Dom kaya lumabas ako.
Friend ni Dom yon, si Warren. Napapansin kong kasama minsan ni Dom to sa school at sa gupit niya, mukha rin siyang marine. Ginising ko kaagad si Dom at agad niyang binati kaibigan niya.
Okay, dala rin ni Warren yung bag ni Dom.
Nagpasalamat din si Dom dahil sa pag stay niya sa kwarto ko pero hindi ko pa rin maiwasang mahiya sa kanya.
Binulungan niya pa ako at sabing “ promise okay lang, tropa pa rin tayo ah?“
Shet. Para akong kinilabutan sa bulong niya. Ang hot. Sobrang hot.
Kaya hinayaan ko na siya sa kwarto niya at bumalik na ako sa loob.
Ang bilis ng oras kanina, mag gagabi na at feeling ko may pasok na bukas.
Bumili ako ng softdrinks sa labas at pagbalik ko ng kwarto, nakita ko si Dom na nakatambay sa labas.
Inabutan niya ako ng damit. Kulay white yon na plain. Ang sabi pa niya hindi niya alam kung ano yung prefer kong size kaya ayan na lang daw. Binili raw niya talaga yon para saken.
Seryoso, gusto kong itago yung ngiti ko pero hindi ko magawa. Nakangiti ako ng malaki sa kanya at nagpasalamat.
Ngumiti lang rin siya at bumalik sa kwarto niya.
Yes, isa ’to sa pinakamasayang araw ko sa Manila.
Part 15
December 3, 2015 08:19PM
Okay, so I seriously don’t know why I’m crying right now.
Kanina kasi ang saya saya ko, good mood na kasi ako palagi lately dahil na rin sa alam na ni Dom na crush ko siya pero wala pa ring nagbago.
Actually kahit alam niyang crush ko siya, never siyang naging pa fall or paasa saken. Parang tropa pa rin.
Kapag tunay na lalaki talaga, walang malisya sa kapwa lalaki. Ako kasi may malisya talaga eh.
Pero kasi kaya ako malungkot, kasi kanina pagkauwi ko galing klase, nakita ko si Dom sa labas ng kwarto niya na may kausap sa phone.
Nung nakita naman niya ako, agad siyang humingi ng favor saken na magpatulong magluto.
Pumasok ako sa kwarto niya na medyo makalat sa kusina kasi nga nagpeprepare siya ng lulutuin. Mukha ring nagmamadali siya kaya tumulong na rin ako pati maglinis.
Okay, ready na lahat, nagluto siya ng steak at mashed potato. Napaka talented niya talaga pagdating sa pagkain.
Nung tinanong ko kung sino yung bisita niya, ang sabi niya, yung girlfriend niya raw.
Natahimik ako sandali pero agad na sumagot ng ‘ah okay’ pero deep inside parang may kurot saken na hindi ko maramdaman.
Crush na crush ko kasi siya tapos hindi ko alam na may girlfriend pala siya.
Syempre tapos naman na yung trabaho ko at nagpaalam ako sa kanya na uuwi na. Nagdala rin ako ng niluto niya kasi talaga raw para saken yung isa.
Umoo na lang ako pero pag uwi ko iyak ako ng iyak.
Para akong tanga. Hindi naman kami pero feeling ko niloko niya ako dahil sa hindi pagsabi.
Nakakainis. Kung pwede ko lang kita isabuhay, Janis, niyakap na kita. Pero wala akong mayakap kaya yung unan na lang yayakapin ko.
Part 16
December 4, 2015 10:09PM
Feeling brokenhearted pa rin ako pero atleast alam ko na may girlfriend siya.
Pumayag na rin ako sa gusto ni Anthony na sumali sa TIP Voice para malibang ko sarili ko sa mga susunod na araw.
Tuwang tuwa naman si Anthony, pinakilala niya rin ako kanina sa mga students na kasali doon. Pero hindi ko pa rin masink in isa isa yung mga pangalan nila.
Tumambay lang ako kanina sa court, humiga habang pinagmamasdan yung napakalaking fan, nakakahilo yung pag ikot to the point na nakatulog ako.
Nagising lang ako na may nagsasalita sa tabi ko na parang may kakwentuhan. Pagmulat ko, si Anthony pala.
Nagsorry siya kasi may tumawag daw sa kanya.
Nakita raw niya akong natutulog kaya tinabihan niya ako.
Sinamahan niya rin ako kumain non at napansin niya yung kalungkutan ko. Ang sabi ko okay lang ako pero hindi siya naniwala kaya ang ginawa niya pumunta kaming SM Manila.
Pilit niya akong pinapatawa pero wala talaga ako sa mood, puro pilit na tawa lang.
Kaya ang ginawa niya, pumunta siya sa may karaokehan at bigla siyang kumanta. Pinagsigawan pa niya na para raw saken yung kantang ’yon.
Medyo nakakahiya pero wala kasi siya sa tono, kahit yung mga tao tumatawa.
Ako naman natatawa rin kaya sabi ko sa kanya tumigil na at okay na ako. Hindi siya nakinig, tinapos niya pa rin yung pag kanta at nung natapos na sumenyas ako uli ng okay na ako.
Naglakad lakad kami uli at nilibre niya pa akong kumain. So far, nag enjoy naman ako sa ginawa namen.
Hindi na uli kami nakapasok ng last subject namen pareho pero okay lang daw sa kanya. Hinatid niya ako hanggang sa tapat ng dorm ko.
Nagpasalamat ako sa ginawa niyang pagpapasaya saken.
Nagulat pa ako ng niyakap niya ako ng mabilis at saka nagmadaling umalis.
Hindi ko maiwasang mapangiti at sinabi ko sa sarili kong, HUWAG KANG TANGA, HINDI KAYO NI DOM KAYA HUWAG KANG MAG REACT NG GANYAN.
Right Janis?
Part 17
December 6, 2015 6:00PM
Okay, so may message ako sa’yo, DOM.
HUWAG KANG PAASA PLEASE. MAY GIRLFRIEND KA. PLEASE HUWAG AKO, CRUSH NA CRUSH KITA. HUWAG MO NA AKONG GULUHIN.
Haha joke lang pero seryoso, hindi talaga siya pa fall, talagang friendly lang siya at mabait.
So kanina, habang matiwasay akong naglalaba habang nag dedaydream ako tungkol kay Dom, kumatok siya sa pinto.
Syempre, dala dala niya pa rin yung kakisigan niya at kagandahang taglay.
Nagbigay pa siya saken ng spaghetti. Nagluto raw kasi nandon yung girlfriend niya kanina. Kailangan talagang ipamukha?
So ayon, kumatok siya at sinabi kung gusto ko raw sumama sa kanila sa Christmas Vacation. Sabi niya sa Bicol daw.
Aba syempre tumanggi ako. Nakwento ko kasi sa kanya na wala na akong pupuntahan sa Samar, wala na, eto na yung bahay ko forever. Kaya siguro niyayaya niya ako.
Pinilit niya ako.
Aba, syempre konting pilit lang saken ni Dom papayag na ako, pero ang sabi ko lang pag iisipan ko.
Take note, ang sabi niya pa.
“Ayokong mag isa ka lang dito sa Pasko. Malungkot. Sama ka na lang saken sa Bicol, masaya pa!”
Diba? Paasa o friendly?
Or assuming lang talaga ako?
Pagbalik niya, tinikman ko kaagad yung spaghetti niya at shet, ang sarap.
Siya kaya, anong lasa niya?
Part 18
December 8, 2015 4:30PM
Ang aga ko umuwi, kahit nagyayaya sila Patricia at Jane, tinatamad ako. Ewan ko ba.
Wala ring masyadong ganap kay Dom, yeah, nakikita ko siya kaso simula nung nalaman kong may girlfriend siya ako na lumayo, sasaktan ko lang sarili ko.
Sobrang nakakatamad talaga kanina sa school, ewan ko ba.
Makatulog na nga lang.
++++
11:47PM
Seryoso ’to! Mga 30mins kong kinalma sarili ko bago ko sinulat ’to.
Okay. So eto…
Natutulog ako kanina ng kumatok uli si Dom sa kwarto, okay, kalmado lang ako pero parang nagmamadali siya. Hinatak niya ako kaagad palabas.
Nakauniform pa ako, nakauniform din siya. Tinatanong ko kung saan kami pupunta ang sabi niya sa SM.
Umakyat kami kaagad sa 5th floor at nanuod ng sine.
3D, The Good Dinosaur.
Okay, so ang cute lang na yung katulad niya, nanunuod ng animated films.
Okay pa lalo kasi tuwang tuwa ako sa movie, ang ganda tapos nakakaiyak pero mas nakakatuwa siya kasi ako pasulyap sulyap ako sa kanya.
Nakita ko siyang umiyak kanina! Siguro sa hiya saken agad niyang pinunasan. Pero ang babaw lang ng luha niya.
Paglabas namen inaasar ko lang siya na iyakin pala siya. Umamin naman siya saken.
Hindi ko lang maimagine na umiiyak siya kasi yung itsura niya lalaking lalaki, laki pa ng katawan.
Sabi ko ako na manlilibre ng pagkain pero ang sabi niya sa bahay na lang daw kasi nagluto siya ng marami.
Okay naisip ko solo na naman kami sa kwarto niya.
Pagdating don, naghain siya para samen.
Kwento niya, nag away sila ng girlfriend niya at hindi sumama manuod ng sine.
Sabi pa niya inaabangan niya talaga ’yon at yung ticket last last month pa pina book, ganon siya ka excited.
Nagkwento pa siya about sa girlfriend niya. Bago pa lang daw sila, 2months. Palagi na raw silang nag aaway pero mahal daw niya eh.
Nakikinig lang ako sa kwento niya about sa babae ng bigla siyang nagtanong sa lovelife ko.
Ang cute niya kasi magtanong. Parang curious na curious siya. Sabi niya kasi naririnig rinig lang niya yung same sex relationship pero wala pa raw siyang kilalang ganon.
Ewan ko rin kung bakit pero kinwento ko sakanya yung about sa ex ko.
2 years kami sa Samar. Syempre, childhood sweetheart. Okay naman kaming dalawa pero nung nalaman ng Pamilya niya, nagalit sila saken.
Tapos one time, nung umalis ako sa bahay para pumuntang mall, paguwi ko nakita kong nasusunog yung bahay namen. Andon sila mama at papa, walang natira. Walang natira saken.
Ayoko sanang isipin na sinadya ng pamilya ng ex ko yon pero malakas kutob ko na sila may gawa.
To the point na ayoko ng tumira doon kaya napagpasyihan kong lumipat ng Maynila.
Parang ang gaan sa loob na nakekwento ko ’to sa iba at nakita ko sa mukha ni Dom yung lungkot pero sabi ko okay na ako. Kahit hindi.
Tumahimik kami bigla kaya naalala niya ulit na yayain ako sa Bicol this time ibang leven na pangungulit niya.
Tinabihan niya ako at inakbayan. Shet. Ang bango ng aficionado cologne niya. Bagay na bagay sa kanya.
“Uuyy sige na. Please” “Promise, hindi ka malulungkot don” “Sige na, wala kang kasama rito” “Please please please, sasaya lang ako kapag sumama ka” “Luluhod ako sumama ka lang”
Ganyan, paulit ulit. Kaya umoo na ako sakanya. Mamaya ikamatay pa niya na hindi ako sumama, charot.
Tuwang tuwa si loko to the point na niyakap niya ako.
Parang bumabagal talaga yung mundo kapag kasama ko siya.
Iba talaga si Dom. Sobrang swerte ng mapapangasawa niya.
Part 19
December 11, 2015 09:01PM
I felt sorry for Anthony. Niyaya niya ako na pumunta sa probinsiya nila sa Davao kaso nagsabi na ako kay Dominique eh. Nagpareserve pa raw siya ng ticket sameng dalawa pero sabi ko icancel na.
Nakita kong nalungkot siya kanina, hindi ko alam kung paano siya pasayahin kaya nilibre ko na lang siya kumain.
After non, magkakasama kami nila Patricia at Jane. Inaasar nila ako kay Anthony.
Sabi nila may gusto raw saken si Anthony pero ayokong maniwala. Parang imposible, hindi naman siya mukhang katulad ko.
Sabi pa nila, palagi raw akong hinahanap ni Anthony sakanila. Puro pang aasar to the point na di na ko makasalita.
Malakas mang asar yung dalawang to.
Huwag na raw akong umasa kay Dom kasi may girlfriend.
Nakita ko na kasi yung girlfriend niya, ang ganda nga. Dyosang dyosa.
Ano ba laban ko.
Pero habang nasa classroom kaming tatlo kanina, biglang pumunta si Anthony. Sabi niya sumama raw ako sa kanya, siguro medyo guilty ako kasi tinanggihan ko siya sa pagsama sa kanya sa probinsiya kaya sumama ako sa kanya.
Laking gulat ko ng isama niya ako sa bahay nila!
Pinakilala niya pa ako sa mama at papa niya. Pakilala niya saken “siya yung palagi kong kinekwento”.
Nagtinginan sila na parang kilalang kilala nila ako. Medyo awkward pero masaya kasama pamilya niya lalo na yung bunso niyang kapatid na maliit.
Pinilit din ako ng parents niya na sumama kaso talagang tumanggi ako, nakakahiya rin naman kay Dom kung bigla akong sasama sa kanila. Kaya sabi nila sa summer na lang at umoo ako.
Inakyat ako ni Anthony sa kwarto niya, yes, mayaman sila at kitang kita sa bahay. Malaki rin yung kwarto niya, may mga poster sa gilid na basketball at mga movies.
At okay, eto pinaka nakakagulat sa lahat.
Umamin siya saken!
Umamin siya saken na gusto raw niya ako at matagal na niya akong gusto!
Naalala ko nung nagtransfer ako, may nag asikaso ng mga requirements ko at sabi niya siya raw yon. Saka ko lang naalala na siya nga yon.
Simula non di daw niya ako hinayaang mawala sa paningin niya.
Ang bilis ng pangyayari pero hindi ko alam sasabihin ko sa kanya.
Nandoon pa rin siya nakatingin saken.
Gusto kong tumakbo paalis pero hindi ko magawa.
Pero biglang siyang ngumiti. Ang sabi niya hindi ko naman daw kailangang sumagot. Basta raw gusto niya lang malaman na gusto ko siya.
Matagal tagal din kami sa kwarto niya hanggang sa tawagin kami ng mama niya kasi kakain na daw. Tatanggi sana ako pero pinilit nila ako.
Hinatid pa ako ng Papa niya hanggang sa bahay namen. Sobrang nakakahiya.
Part 20
December 16, 2015 07:01AM
GRABE YUNG BYAHE PAPUNTANG BICOL. ALMOST 12HOURS.
Pero syempre, almost 12 hours din kaming magkatabi ni Dom sa bus.
Kahapon pa kami ng gabi umalis. Mas gusto niya gabi para pag dating daw namen doon, umaga at makakapag gala na kami.
So, nagdala ako ng damit good for a week, laba laba na lang doon.
Pero hindi ko naanticipate yung lamig sa bus!! Sobrang lamig! OA sa lamig. Para kaming nasa iceland, ganon!
Nakapants naman ako at long sleeve na shirt pero hindi pa rin kaya. Si Dom naman may dala dalang jacket. Naaawa siya saken kasi alam niyang nilalamig ako kaya nagdoble na ako ng suot.
Medyo umokay naman na pero malamig pa rin.
Okay so this is the good part. :)))
4Hours nakalipas ng dumating kami sa stopover. Pagbaba namen agad kaming bumama. 11 na kaya malamig na rin sa labas pero hindi kasing lamig sa bus.
Tumatawa siya pero nakalimutan niya raw ipaalala saken na magdala ng jacket.
Binilhan niya ako ng cup noodles para makarecover ng init.
Inalok pa niya yung jacket niya saken. Hinubad na niya kaagad at inabot saken. Kahit alam niyang ayoko, wala na akong nagawa.
So bumalik na kami ng bus at pag upo pa lang namen, nilamig na siya.
Nakakaawa kasi halos yakapin na niya yung katawan niya sa lamig.
Inalok ko yung jacket kaso magagalit daw siya kapag hinubad ko yon. Kaya hindi ko na ginawa. Naglabas na lang siya ng damit para mag doble.
Mukhang okay naman na siya kaya napagpasyahan ko ng matulog.
Nagising ako ng maramdaman kong nakayakap siya saken. Oo!! Nakayakap siya!
Nakalagay sa tenga ko mga bibig niya kaya naririnig ko yung mahinang pag hinga niya. Ramdam ko na nilalamig siya kaya hinayaan ko siya.
Tinakpan ko na yung aircon pero malamig pa rin. Yung ibang pasahero eh nakakumot sa bus, naanticipate talaga nila yung lamig.
Pinasok niya pa yung kamay niya sa loob ng jacket.
Ewan ko kung gising siya o tulog pero ako, parang bato yung nararamdaman ko! Parang ayokong matapos tong araw na ’to na nakayakap siya saken.
Pero panira ang stopover.
Agad ko siyang ginising para bumaba kami. Ako naman bumili sa kanya ng cup noodles at nagkwento siya bigla.
Susunod daw mga tropa niya sa Bicol pati yung girlfriend niya. Tinanong ko siya kung bakit kaming dalawa lang yung umuwi, ang sabi niya.
“Baka maOP ka, gusto ko tayong dalawa lang magkasama”
Oh! Diba? Hindi siya nagpapakilig niyan pero ako kilig na kilig! Pinapaasa na naman niya ako.
Palagi raw silang nasa Bicol at first time din daw ng girlfriend niya.
Mabilis lang yung stopover don. Ayaw pa niyang sumakay dahil sa lamig pero sabi niya, yayakap na lang daw siya saken.
Okay. So tulog nga siya kanina at hindi siya aware na nakayakap siya saken.
Syempre ako umoo lang ako.
Bigla niyang sinabi na.
Tropa tropa lang naman. Baka magalit yung partner mo.
Naintriga ako sa sinabi niya pero ang tinutukoy niya pala si Anthony. Kasi nakita niya raw ako na kasama ko siya pauwi nung isang araw.
Hindi nalang ako sumagot at okay na yung iniisip niya na may jowa at hindi ako patay na patay sa kanya.
Okay eto na yung part 2!!!
Sa bus, gising na siya at nakikinig ng music. Umakbay siya saken kasi nilalamig na siya. Maya maya nakatulog na naman siya at biglang yumakap saken.
Ewan ko talaga kung tulog siya o gising pero ang sarap sa pakiramdam ng yakap niya.
Kahit magulo siya matulog eh okay lang basta ganito lang kaming dalawa.
Ako naman kasi nasa loob ng jacket yung kamay ko. Nakayakap din ako sa sarili ko.
At dahil nga nasa loob ng jacket yung kamay niya, nararamdaman kong hinahawakan niya yung kamay ko!!!
Yes!! HHWRTB.
Holding Hands While Riding The Bus.
Hindi ko alam kung bibigay ko pero naisip kong minsan lang to.
Kaya binuka ko yung mga kamay ko at hinayaan ko siyang hawakan ako sa kamay.
Okay. Malamig pareho kamay namen pero mas malamig sa kanya.
Ang saya.
Hindi ko na napigilan antok ko non at nakatulog na ako.
Nagising lang ako ng sabihin niyang malapit na kami at nakasandal lang ako sa balikat niya non.
Tinanggal niya siguro yun nung gumising siya.
Hindi naman ako naghintay ng matagal at parang 20mins lang, nasa Pili Bicol na kami.
Part 21
December 18, 2015 10:09PM
Okay, so eto, magkatabi kami ngayon ni Dom sa kama. Argh nakakainis bakit ang laki ng kama niya!
Edi sana nagsisiksikan kami at no choice kundi magpatungan.
Joke.
Okay, so ganito nangyari kahapon at ngayon, pinakilala niya ako sa Lolo niya. Siya lang kasi yung tao rito.
Napakalaki ng bahay nila, wala OA.
Bali apat yung kwarto sa itaas, tapos lahat may sariling CR. Naglalakihan din mga kama. Pero, ayun lang yung laman. Kama lang. Walang kahit ano.
Yung bintana eh napakaganda ng view, yung Mt. Isarog.
Sabi niya tabi na lang daw kami sa kama pero kung ayoko eh sa sahig daw siya.
Diba parang ang sama ko naman kung ganon gagawin ko. Sabi ko tabi na lang kami.
Inayos lang namen yung bag sa gilid, naglabas siya ng sampayan at nilabas namen mga damit sa bag.
Hindi naman kami nagsayang ng oras at lumabas kaagad kami. Tinanong niya ako kung nauuhaw daw ba ako, syempre sabi ko oo. Gusto ko sana sabihin, uhaw sa kanya eh.
Pero imbis na kumuha ng tubig, umakyat siya ng puno ng niyog.
Shet. Ang cute niya habang umaakyat. Sana naging puno na lang ako.
Pagdating sa tuktok eh naghiwa siya ng mga limang buko. Siya na rin yung naghati non at grabe, fresh buko juice. Fresh BJ galing sakanya. Ang sarap sarap.
Ang gwapo niya rin uminom ng juice. Parang nag sslow mo habang umiinom siya.
Yung natatapon yung juice sa labi niya papunta sa leeg at katawan niya habang nakapikit at umiinom. Oh shet.
Sabi niya rin kung okay lang ba gulay at isda kainin namen, sabi ko naman oo, kahit siya pa kainin ko.
Syempre di ko sinabi yung last na yon.
Kaya kumuha siya ng pangbimwit at pumunta kami sa ilog.
Oh naghubad pa siya ng sando niya! Why!
Malapit lang yung ilog doon sa bahay nila at namingwit siya. May mga isda nga doon! Nakailang huli rin siya.
Tinanong ko kung pwede kong itry kaya inabot niya saken.
Pero palagi kong nabibitawan kapag may nahuhuli ako kaya ang ginawa niya, pumwesto siya sa likod ko at yumakap.
Totoo to!! Hanggang may mahuli kaming isda. Sabi ko pa sana wala kaming mahuli para nakaganon lang kami.
Pero agad agad meron at humigpit hawak niya sa kamay ko hanggang sa makuha ko.
Sobrang nakakaproud na makahuli ako ng isda!
Next naman eh pamimitas namen ng gulay. Literal na pinipitas lang namen yung talong, ampalaya at kalabasa. Nakakatuwa lang kasi sobrang fresh ng mga gulay.
Siya rin nagluto pagbalik at sabi ko sa kanya.
Swerte ng mapapangasawa mo
Ngumiti lang siya saken at sabi “kung merong magtatangka”
Sumagot ako, ako, I Volunteer hahaha sabay sabing joke.
Tumawa lang din siya ng malakas don sa sinabi ko.
Parang ang bilis ng oras don, siguro dahil ang dami nameng ginagawa, nagtatanim din kasi si Dom sa labas tapos nagpapakain ng mga hayop.
Nakakatuwa siyang pagmasdan. Ganyan lang ginawa namen maghapon. Nakatulog ako kaagad kagabi sa pagod at kanina, ganon pa rin ginawa namen.
Pero this time, kumuha na siya ng lambanog sa kapitbahay nila dahil bukas daw ng umaga eh darating na mga tropa niya at girlfriend niya.
Okay. So sinulit ko siya maghapon at sinamahan sa mga ginagawa niya.
Ayoko ng matapos yung oras na kasama ko siya.
Part 22
December 21, 2015 11:13PM
Hinintay ko lang mag 11:11 para mag wish. And eto, kasama ko ngayon mga tropa ni Dom sa kabilang kwarto, dumating na kasi sila at syempre, yung girlfriend na niya kasama niya sa kwarto niya.
So ayon, kahapon ng umaga, si Warren lang yung familiar saken, yung dalawang lalaki hindi, yung girlfriend niya, si Lovely, nakita ko lang pero di niya ako kilala.
Hyper nilang lahat, parang hindi pagod sa byahe! Binati ako ni Lovely kasi matagal na daw niya akong gustong mameet.
Si Warren naman nakipag kamay lang.
Yung dalawa, si Emman at Tyrone. Si Emman, maliit lang siya pero mukhang mabait. Si Tyrone naman yung tropa mong matalino pero baliw.
Si Warren naman yung pogi, pero kapag hindi niya katabi si Dom. Kasi number 1 pa rin saken si Dom.
Kumain kaming lahat sa luto ni Dom, lahat sila sarap na sarap pero si Lovely eh may ibang pagkain, di kasi siya kumakain ng gulay.
Nakwento saken ni Dom na si Warren ang palaging nagpapatawa sa grupo nila, hindi nga siya nagkamali, tawa kami ng tawa sa mga banat niyang yung iba korny.
Nasa taas silang lahat at tinutulungan ko si Dom maghugas.
Mukhang masaya siya nung dumating sila kasi nakita niya yung girlfriend niya.
So, mga alas kwatro, nag iinuman na kami. At syempre, magkatabi sila. Katabi ko si Warren at Emman non habang umiikot ang tagay.
Masarap ang lambanog. First time ko makatikim. Sa sobrang sarap parang tinatamaan na ako. Pero gusto ko pang uminom.
Napansin ko rin na lasing na lahat. Sabi naman kasi ni Dom hindi sila malakas uminom. Kanya kanya na sila ng punta ng CR.
Naiwan kami ni Dom sa inuman.
Naghubad siya ng damit sa harapan ko habang nakatingin saken.
Okay so maganda kung kinekwento ko yung mga sinabi niya saken non pati mga sagot ko.
“Ikaw palagi kitang nahuhuli na nakatingin saken”
“Kasi cute ka eh” oh diba, palaban ng mga sagot ko. Iba rin tama ng lambanog, parang nakakasira ng pagkatao.
“Haha sayang ka, pogi ka pa naman”
“Ayaw mo yon? Pogi sa pogi?” pucha. Pinagsisisihan ko talaga yung mga sinabi kong yan. Nahihiya ako habang sinusulat to
“Haha loko ka. Pero salamat ha?”
“Salamat saan?”
“Kasi crush mo ko”
“Haha paano mo naman nasabi na crush mo ko?”
“So hindi mo ako crush?” aba aba, nagpapacute siya saken nung mga gabing yon para siyang tenge.
“Haha syempre, oo. Crush kita” seryoso kung may time machine ako, sasampalin ko sarili ko para tumigil sa mga sinasabi niya.
“Hehe, atleast may nakakaappreciate saken”
Pero seryoso, parang may something sa sinabi niyang ’yon. Parang may hugot. Pero binawi niya kaagad.
“Lasing na ako, Greg! Lasing ka na ba?”
“Medyo. Kaya ko pa.”
“Lumayo ka saken nanghahalik ako kapag lasing haha”
“We? Try nga???” diba? Malandi. Pokpok. Pakarat. Ganyan ako pag lasing.
Tumawa lang siya at kita ko sa kanya na hilong hilo siya at di na niya napigilan na tumumba.
Ako rin naman tumagay lang ng isang malaki at natumba na.
Nagising na lang ako sa amoy ng pritong tuyo. Nagluluto na kasi si Dom at parang bagong gising siya.
Binati niya ako ng GoodMorning at nakipagkwentuhan. Nahihiya akong humarap sa kanya dahil sa mga nasabi ko pero siya kwento lang ng kwento.
Bumaba na rin ang lahat kasi nakaamoy daw ng pagkain.
Si Warren naman nakipagkwentuhan saken sa labas.
Okay, so si Warren eh may pagka pogi kaso kasi kenkoy kaya parang hindi napapansin, alam niyo yung ganon?
So ang sabi niya kung okay lang daw ba na magtabi kami mamaya kasi dala dalawa raw sa kwarto. Naisip ko naman na baka magtabi na si Dom at jowa niya kaya umoo ako.
Iba rin yung tinginan ni Warren, may pagka malagkit na ewan.
So pagdating nga ng gabi eh magkakasama kami sa isang kwarto. Hindi rin daw kaya nung dalawa na magsolo kaya sumama samen.
Syempre si Dom at Lovely magkatabi sa kabilang kwarto. Inaasar pa nilang lahat si Dom sa pagsigaw sa labas ng kwarto pero ako deep inside, selos na selos.
Part 23
December 26, 2015 7:07PM
WOW. Isa to sa pinakamasaya kong Pasko.
Umuwi na si Emman at Tyrone dahil hindi daw sila pwedeng magcelebrate ng pasko rito kaya kaming apat na lang natira kasama si Lolo.
Inuman at party party kami sa malaking bahay kahit apat lang kami. Kaming dalawa ni Dom nagluto.
Bigla namang umakyat si Dom at Lovely sa kwarto, inasar ni Warren yung dalawa na may gagawin lang kababalaghan kaya nakitawa na lang ako.
Maya maya, biglang bumaba si Lovely dala dala yung bag niya na parang nag away silang dalawa ni Dom. In a span of 20minutes, ganon. Nag away kaagad sila
Sa taranta namen ni Warren, naisipan ni Warren na sundan si Lovely, samantalang ako naman, umakyat para tignan si Dom.
Okay, so umiiyak si Dom.
Naalala ko, mababaw lang pala luha niya pero siguro malalim yung pinag awayan nila.
Hinayaan ko lang siya na umiyak pero nung naramdaman niyang nandon ako, bigla siyang nagpunas.
Tinanong ko kung anong problema pero ayaw niya pa magsalita. Tahimik lang kaming dalawa hanggang sa nagsalita siya.
Sabi niya may respeto siya sa mga babae at sa magulang ni Lovely. Nameet niya na raw yung pamilya niya at nangakong babantayan ’to ng mabuti.
Gusto raw ni Lovely na makipag seex sa kanya pero tumanggi siya.
Nagulat ako sa sinabi niya. Siguro, yung tingin ko sa mga katulad niya eh fvckboi, tapos eto, tumatanggi sa ganon.
Ramdam ko yung lungkot niya.
Kwento pa niya parang ramdam niya na yun lang daw yung habol ni Lovely sa kanya.
Naalala ko na naman yung sinabi niya nung nakaraang linggo, sinabi ko sakanya na maswerte yung mapapangasawa niya pero parang humugot siya.
So eto pala ’yon.
Nakakahiya raw na kinekwento niya saken yung ganon.
Naiintindihan ko naman. Naiisip ko tuloy na may mga ganyan pa palang lalaki. Na parang naniniwala sa sex after marriage.
Sabi niya pa bumalik na kami sa baba at dapat hindi malungkot ng ganito kasi paskong pasko.
Pagbaba namen, kami lang yung tao.
Ang hirap ibalik nung sigla kanina kaya siya na yung naunang mag abot saken ng alak. Alam kong pilit lang yung saya niya pero sinabayan ko na rin siya.
Okay, nakakapagod yon. Para kaming tanga, talon ng talon tapos inom ng inom edi lasing na lasing.
Naupo kami sa sofa. Pawis na pawis.
Naghubad na naman siya sa harapan ko. Ayan, palagi na lang naghuhubad sa harap ko.
Ngumiti siya saken.
At bumulong.
Thank you sa pagsama saken.
Everytime na bumubulong siya, kinikilabutan ako. Parang…. Argh…. Di ko maexplain!
Okay. So nakaupo kami pareho. Pagod na pagod. Ng bigla siyang nagtanong about kay Anthony.
Out of nowhere lang, as in, boom, biglang Anthony. So, inamin ko sa kanya yung totoo. Sabi ko hindi talaga kami, hindi ko rin alam kung bakit ko sinabi sa kanya na kami.
Then bigla niyang sinabi. “Pinapagselos mo ata ako eh!”
Okay! Kinalma ko sarili ko kasi para na naman akong tanga na kinikilig.
Why!
Pero syempre, ang ganda ng moment na ’yon tsaka biglang may eepal.
Bumalik na si Warren at sinabi niyang umuwi na raw si Lovely. At uuwi na rin daw siya. Hindi naman umangal si Dom kaya umuwi na rin siya.
Naiwan kaming dalawa don. Naglinis kami at skaa umakyat.
Ewan ko pero ang gaan ng loob ko ngayon, parang feeling ko napasaya ko si Dom kahit ganito lang ginagawa ko.
Bumalik ako sa kwarto ko pero sumunod siya! Sabi niya tabi na lang daw kami kasi natatakot siya matulog mag isa.
Sa isip ko, gusto mo lang ako yakapin eh.
Chineck ko pa talaga, hinintay kong makatulog siya ng tuluyan, hinintay ko kung yayakapin niya ako pero wala. Nganga. Asado na naman ako.
So natulog na ako.
Nagising ako sa weird na nakadikit sa hita ko.
Yes!!! Weird nga yon!!
Nakayakap yung mga paa niya sa binti ko kaya nararamdaman ko junjun niya!! At dahil umaga, matigas yon!
Yes! Ramdam na ramdam ko at mapapalunok ka talaga dahil malaki.
Nagulat ako kaya nagising din siya. Nagsinungaling na lang ako na binangungot kaya nagising.
Sobrang awkward kaninang umaga. At nag ayos na kami ng gamit kasi babalik na kami, don na daw kami mag new year sa dorm.
Nag uwi lang kami ng maraming buko at gulay. At eto, papunta na kami ngayon sa terminal para umuwi.
AUTHOR’S NOTE
Pabitin muna sa last 2 parts ha? Hahaha yes, finale na kaagad siya. Bilis ng update no????
LEAVE COMMENTS AND VOTES HA???? SALAMAAAAAT!!!
PS: TAPOS NA YUNG LAST 2 CHAPS! BITININ KO LANG NG SLIGHT :)))(
Part 24
January 4, 2016 11:35PM
Okay. So back to school, back to reality. New year new me.
Pero ang panget ng pasok ng New Year saken. Dahil nag away kami ni Dom.
Okay, kwento ko lang yung nangyari nung New Year, medyo kakaiba kasi wala yung pamilya ko. Pero good thing nandiyan si Dom.
Syempre nagpaputok kami together, fireworks ah. At nagluto rin siya ng pagkain. Kasama pa rin sila Warren, Emman at Tyrone.
So while partying sa loob ng kwarto nila Dom, bumalik ako sa kwarto ko para mag CR.
Then paglabas ko ng CR, nasa loob si Warren! Yes! Si Warren. Mukha siyang lasing sa inaasta niya.
Happy New Year daw sabi niya saken sabay abot ng alak. Syempre lasing na rin ako kaya tinanggap ko.
Pero after nameng itagay yung baso ng alak na ’yon, bigla niya akong niyakap patulak sa kama.
Akala ko nung una lasing lang siya pero hindi, pilit niyang hinuhubad damit ko at parang hinahalikan ako sa leeg.
Aba syempre nanlaban ako kaya tinulak ko siya.
Mas malakas pa rin ako sa kanya dahil di pa ko gaanong kalasing non. Madali naman siyang bumagsak at nakatulog sa kama ko.
Bumalik ako sa kabila para sabihin kay Dom yung ginawa ni Warren pero sabi niya nanttrip lang daw yon at lasing na lasing na.
Hinayaan ko na lang din yung pangyayari at bumalik sa kasiyahan.
Kinabukasan non, hindi pa rin ako mapakali sa ginawa ni Warren. May masama akong pakiramdam.
Naisip ko na baka sinabi ni Dom yung tungkol sa pagkakagusto ko sakanya kay Warren kaya ganon siya umasta.
Parang nakakaoffend sa part niya kung ganon pero kung pagmamasdan mo kasi sila para silang close na close na nagsasabihan ng mga sikreto.
Sa pag iinarte ko, pinili ko siyang di pansinin. Nag lock ako ng kwarto ko na kahit kumakatok siya eh di ko siya pinag bubuksan. I know, mali pero parang ito yung tamang gawin.
Hanggang sa pagpasok, talagang sumilip muna ako ng kwarto bago lumabas para di ko siya makasabay.
Pero syempre, monday ngayon at magkaklase kami, so pinili kong hindi pumasok sa klase. Buti na lang at wala ring prof ngayon kaya ligtas ako.
Kinwento ko naman kay Patricia at Jane yung pagBicol namen hanggang sa New Year encounter ko.
Sabi nila, Team Anthony pa rin daw sila dahil si Anthony, umamin na saken samantalang si Dom, paasa daw.
So patuloy ang pag iignore ko kay Dom maghapon.
Actually ako lang naman may tampo kay Dom, hindi naman siya aware na may tampo ako.
At sino ba naman ako para magsabi sa kanya na nagtatampo ako, diba?
FINALE
January 11, 2016 11:11PM
OH, THANK YOU POONG NAZARENO!!!
Okay so, Janis! Long time no sulat, I’m sorry, ang dami lang tumatakbo sa isip ko pero this time nasagot na lahat.
So ayun nga, di’ba iniiwasan ko si Dom for the past few days? And guess what? Napapansin niya yon!
Nung tuesday, nagmadali akong pumasok ng kwarto galing school pero agad naman kumatok si Dom sa pinto ko.
“Nakita kitang pumasok oy, buksan mo ’to!” tandang tanda ko pa yang sinabi niyang yan pero di ko pa rin siya pinapansin.
Then the next day, halos sabay kaming papasok ng gate, alam kong nakita niya ako kaya nagmadali ako, napansin ko rin na nagmadali siya para kausapin ako pero ni lock ko pa rin yung pinto.
The other day, papasok na ako ng school pero nakita ko siyang nakatambay sa labas ng kwarto ko. Talagang inaabangan niya ako. Since magkaklase kami sa first subject, wala akong kawala.
So tinawagan ko si Anthony kung nasa school na kasi magpapasundo ako at sabi niyang oo, buti na lang.
Nakasilip ako sa bintana para makita ang nangyayari, nandon na kasi si Anthony, kinakausap si Dom.
Saka ako lumabas. Kunwari di ko alam na nandon si Dom sabi ko pa, “uy bakit di ka pa umaalis?” tapos tinignan niya ako na parang ewan.
Di ko na hinintay yung sinagot niya at hinila ko na si Anthony. Humingi naman ako ng pasensiya sa kanya pero ang sabi niya lang “kahit ano basta para sa’yo”
Hays. Ang sama ko. Feeling ko ginamit ko si Anthony nung mga oras na ’yon.
Tapos kinabukasan uli, nakaabang pa rin si Dom sa labas. Hindi ko naman siya forever dapat isnobin diba kaya hinarap ko na siya.
Tuwang tuwa pa siya nung nakita niya ako.
Kinamusta niya ako sabi ko okay lang. Bakit ko raw siya iniiwasan, sabi ko naman busy lang ako.
Bigla siyang nag open up na break na sila officially ni Lovely.
Siguro, kaya gusto niya akong makausap para may paglabasan siya ng sama ng loob. Kinomfort ko naman siya non pero sabi niya okay lang daw siya.
Nagpabebe lang ako sa kanya ng mga ilang araw pero ngayon, bati na kami.
So, dumating na yung araw ng Nazareno, pero bago yon, natulog kina Dom si Warren kasi deboto talaga sila. Ako naman gusto ko sumama kasi napapanuod ko sa balita ’to, gusto ko masubukan.
Naging okay naman yung experience ko, grabe pala talaga yung tao, parang dagat ng tao sa dami pero ang nakakatuwa, lahat passionate at talagang may paniniwala.
Feel ko magiging deboto na ko ng Nazareno.
So ayon, di ko pa nakwento na bago kami umalis nung araw na yon, inulit na naman ni Warren yung ginawa niya. This time, verbal at action na.
Sabi niya ramdam niya raw kung ano ako at di niya raw sasabihin kay Dom yung gagawin namen. Papasayahin niya raw ako, di niya raw bibiglain.
Nung una kasi tinawanan ko lang pero after namen magdevote kay Nazareno, nung nasa bahay na ako, tinanong niya ako kung okay ako. Kung game daw ako.
Siguro wala talaga akong man instinct kasi imbis na sapakin ko siya at bugbugin eh naiyak ako kasi sobrang naoffend ako. Napaka sensitive ko pala.
So again, tinulak ko siya at minura (sorry Lord) sabay takbo sa kwarto ko at umiiyak.
Naisip ko na naman na kung hindi sinabi ni Dom kay Warren yung tungkol saken, hindi ganon itatrato saken ni Warren.
Parang nanghihina akong gumalaw.
Babaeng babae diba.
Kinabukasan na ako nagising at eto na!
Eto na ang ultimate sagot sa mga katanungan ko at kalandian ko.
Kalma lang kayo kasi ako 2 hours muna kumalma bago isulat ’to.
Okay, so monday, magkaklase kami uli ni Dom. Again, suplado, di pinapansin, nagmamaganda, ganon peg ko kanina.
Nung matapos yung subject agad niya akong kinompronta sa tapat ng room.
May problema ka ba? Tanong niya saken. Sagot ko naman wala. Pero mapilit siya to the point na kahit naglalakad ako palayo, sumusunod siya at nangungulit.
Nung mapadpad kami sa konti lang yung tao, eto na….
Uy, bakit ka ba hindi namamansin? Parang sira naman to! Ayan sabi niya saken.
Kaya sinabi ko naman yung ginawa ni Warren saken at sabi ko pa na sana hindi niya sinabi kay Warren yung tungkol saken.
Okay, ganito yung usapan namen.
“Wala akong sinasabi sa kanya! Para kang sira ganon ba ko?”
“Eh paano niya nalaman? Bakit binabastos niya ako?”
“Wala akong kinalaman don, Greg. Umayos ka nga”
“Oh, nagagalit lang naman ako sa sarili ko kasi di ko kayang pagtanggol sarili ko sa mga taong katulad ni Warren, ayon lang. Kaya wala ako sa mood makipagusap”
“Oh bakit kailangan mo ko idamay?”
Take note, para kaming mag jowang nag aaway ah.
“Kaibigan mo kaya yon!”
“Oh? Kailangan damay ako? May ginawa ba ako sa’yo?”
“Wala.”
“Oh wala naman pala! Huwag ka ngang bata! Malaki ka na! Kayanin mong ipagtanggol sarili mo!”
“Sige next time, kapag inulit ni Warren alam ko na gagawin ko” sarcastic voice.
“Kung di mo kaya nandito lang naman ako! Ako magtatanggol sa’yo!”
Alam niyo yung sa movies, yung biglang babanat ng nakakakilig yung bida tapos biglang magsslowmo, naka focus sa mga bida yung camera tapos may background music na maganda.
Ganitong ganito yung nangyari nung sinabi niya yon.
Feel ko, 1 hour ko siyang tinitigan sa sobrang bagal ng oras.
“Sigurado kang hindi mo sinabi kay Warren?”
“Bakit ko sasabihin? Kilala ko ’yong mokong na ’yon! Fvckboi yon! At kung sinabi ko yon, talagang gagawin non lahat para makuha ka!”
“Sure ka?”
“Oo nga! Promise, never kong ipagkakalat yan”
“Promise?”
“Oo nga!”
“Promise uli??”
Paulit ulit kaming ganyan. Kinukulit ko siya pero….
“Promise?” tanong ko uli.
“Oo nga.”
“Promise?”
“Oo nga! Gusto ko saken ka lang!”
….
…
…
…
Habang sinusulat ko ’to, huminto rin ako kasi naalala ko kung paano niya sinabi saken yon.
Akala ko mali lang ako ng pagkakarinig pero totoo. Ganon yung sinabi niya.
Pagkatapos niyang sabihin yon, umalis siya. Tumakbo.
Iniwan niya ako don pero alam ko kung ano yung narinig ko.
Paguwi ko kanina, nasa tapat siya ng pinto, nakaupo, naghihintay.
Okay, wala akong kawala.
Tumayo siya.
Magkatapatan kami.
Tahimik.
Binuksan ko yung pinto at pinapasok ko siya.
Tahimik uli.
May awkwardness talaga.
Pero bigla siyang nagsalita.
“Sorry sa nasabi ko kanina”
“Bakit?”
“Bakit?”
“Anong bakit?”
“Hindi ka ba galit?”
“Bakit ako magagalit?”
“Na sinabi ko yon”
“Na ano?”
“Na gusto ko saken ka lang”
Wait. Parang kinakain yung tyan ko sa kaba.
“Kung nanttrip ka, talagang magagalit ako!”
“Hindi ako nanttrip. Totoo yon.”
Sht. Eto na yung moment talaga!
“Di ko rin alam pero kakaiba nararamdaman ko eh.”
“Ano ba nararamdaman mo?” tanong ko.
“Na ano…”
“Ano?”
“Na ano… Basta.”
“Ano nga?”
“Basta.”
“Hala, ano nga?”
“Na parang ano…”
“Parang??”
“Parang…”
“Para kang timang!”
“Parang gusto kita!”
Huli na para itago yung ngiti ko sa mga labi. Grabe yung kilig na nararamdaman ko!
“Hindi ko rin mapaliwanag. Ewan ko. Tinatanong ko sarili ko kung bakla ba ako pero…. Ewan.”
Hindi pa rin ako makapagsalita. Paano ka makakapagsalita? Hello, super duper crush mo yon.
“Uy, wala ka bang sasabihin???” sabi niya.
“Wala.”
“Wala?”
“Wala.”
“Ano? Busted na ako kaagad?”
Promise. Hindi ko mapigilab kilig ko. Nakakahiya sa kanya, baka isipin niya na patay na patay ako sakanya, which is true naman.
“Busted ka diyan. Nanligaw ka na ba??” biro ko.
“Pwede ba akong manligaw?”
Hoy!!! Biniro ko lang siya pero ganyan sagot niya. Seryoso, sobrang seryoso siya. Walang halong biro sa mga mukha niya.
“Ahhh….”
“Ahhh…. Yes? No?”
“Ewan ko.”
“Sabi mo crush mo ko.” sabi niya sabay ngiti.
“Hoy!!!”
“Hehe sorry. Sige, huwag na lang.”
“Uy to naman nag iisip pa ako”
Teka, parang pamigay ko sa part na yon?
“So pwede akong manligaw?” tanong niya uli.
Umoo lang ako habang nakangiti.
Ngumiti rin siya saken sabay tumayo siya para tumabi saken.
Nakaharap kami pareho sa maliit na table sa harap namen.
“Sooooo….” sabi niya.
“So, ano?”
“Soo.. Pwede ba kitang halikan?”
“Halikan? Grabe ka hindi pa nga tayo!”
“Uhm. Hawakan kamay???”
“Bawal pa.”
“Akbayan?”
“Uhm… Sige.” sagot ko.
Hala, siguro kung kaharap ko sarili ko ngayon baka nasampal ko self ko sa kalandian.
Ayon nga umakbay siya saken ng dahan dahan.
“Okay lang???” tanong niya.
“Oo.”
Seryoso, nakaganon lang kaming dalawa ng napakatagal na oras.
Sabi ko sa kanya umuwi na siya kasi gabi na. Oh diba ang landi. So ayun, lumabas na siya at eto ako, sinusulat ang napakasayang pangyayaring yon.
END OF BOOK 1
Ang bilis lang di’ba???? Haha abangan niyo yung book 2. Mga isang bagsakan lang uli, haha!
PS: VOTES AND COMMENTS NAMAN OH. KADA CHAPTER HAHA REGALO NIYO NA SA AUTHOR HAHA MWA! :)
BOOK 2
Guys, hindi na isang bagsakan yung updates ah! Haha pero araw araw na every 12AM!!!
GET READY SA BOOK 2 NI GREG NA SIGURADONG MAGPAPAKILIG AT MAGPAPAIYAK SAINYO :)
😄😄😄😄
BOOK 2 - Part 1
And Greg’s back!!!!
Still short lang yung updates, but everyday na siya! ❤
Hope you’ll love this one as much as you loved book 1 ❤
January 14, 2016
08:45PM
Okay! Sorry kung ang tagal ko bago nakapagsulat pero NAWAWALA SI JANIS!!
Naiwan ko ata somewhere! Argh nakakainis! Andon pa naman lahat ng sinulat ko!!
So gumawa ako ng bagong diary at papangalanan ko siyang, Cady!
Very mean girls diba? Cady at Janis!
So eto na! 4 days after magtapat saken ni Dom, seryoso, nagbago siya.
Ang panget ng pagbabago niya!
Umiiwas siya saken, hindi niya ako pinapansin. Minsan, sasadyain kong magsabay kami pumasok kaso ayon, hindi siya lumalabas.
Ginagawa niya yung pag iiwas niya saken non.
At ang isa pa, kahit sa classroom namen, hindi niya ako pinapansin.
Napapaisip tuloy ako kung anong nangyari sa kanya. Bakit niya ako iniiwasan. Bakit niya ako hindi pinapansin.
Siguro nabigla lang siya sa sinabi niya at hindi niya talaga ako gusto.
Hays, yes, umiyak ako kagabi Cady, kaso hey, hindi naman kami di’ba?
So kanina, to the rescue si Anthony! Well, hindi naman niya alam na umamin si Dom saken, hindi rin alam nila Patricia at Jane kaya wala akong mapagsabihan ng nararamdaman ko.
Okay, so speaking of Anthony, napansin na naman niya na malungkot ako so pinasaya niya ako.
Kanina habang nagsusulat kami sa school paper, kaming dalawa lang sa room, nag mamake face siya. Bigla na lang manggugulat, tapos kumanta pa ng kung ano ano.
Parang hindi siya satisfied hanggang di ako napapangiti, so kahit papano, pinilit kong ngumiti.
At eto pa, nung pauwi pa ako, nagsesend pa siya saken ng selfies.
Caption “Oh eto na mukha ko, ngumiti ka na”

Minsan naiisip ko bakit hindi na lang si Anthony nagustuhan ko eh.
Send pa siya ng send ng selfie.

Hindi mo talaga makakailang cute siya eh pero iba na talaga yung tama ko kay Dom.
So eto na, paakyat na ako sa kwarto pero narinig ko boses ni Dom na mukhang may kausap sa phone. Tumatawa kasi siya ng malakas.
Sinilip ko muna siya at tama nga ako.
Ayoko lang muna magpakita baka mawala siya bigla sa mood kaya tumambay ako don hanggang sa pumasok siya ng kwarto niya.
Sinilip ko pa siya sa loob kaso nakasara na yung pinto.
Eto ako ngayon, malungkot na kumakain mag isa. Habang iniisip siya sa kabilang kwarto.
Book 2 - Part 2
January 17, 2016
10:48PM
Nasabi ko na kay Janis yung pinakamasayang araw ko sa Manila eh. Pero para rito sa diary kong ’to, kekwento ko yung pinakamasayang araw ko as of now.
Okay so Sunday today, at iyak ako ng iyak kagabi so namamaga yung mata ko.
Nag asikaso ako para magsimba and guess what, paglabas ko ng kwarto, palabas din si Dom.
Nagulat siya nung nakita niya mata ko. Ang sabi ko nanuod lang ako ng movie kaya umiyak ako kagabi.
Mukhang naramdaman niyang nagsisinungaling ako kaya hindi siya naniwala. Sabi niya wait lang at magbibihis lang din siya.
Sinamahan niya akong magsimba non. Hindi ako kumikibo. Tapos pagtapos ng misa niyaya niya akong kumain sa labas.
Pinunta niya ako sa BGC, sa Mozu, nilibre niya pa ako.
Hindi pa rin ako nagsasalita.
Tapos bigla niya akong sinubuan ng pagkain.
Ang hirap kasi tumanggi, alam mo yon, crush na crush mo eh.
Tapos all of a sudden, nag sorry siya. As in, sincere sorry.
Kanina raw nakatingin siya saken habang nagmimisa. Kasi raw namiss daw niya ako.
Naguguluhan daw siya sa sarili niya, kung ano talaga nararamdaman niya para saken pero everytime raw na nakikita niya ako na malungkot sa klase, gustong gusto niya raw ako lapitan kaso hindi niya alam sasabihin niya.
Hinawakan pa niya kamay ko don, ako yung nahiya kasi may mga kumakain din nung mga oras na yon pero mapilit siya.
“Sorry, please smile ka na”
Gosh. Biglang automatic na nag smile ako, para akong tanga.
“Ayan. I’m really sorry. Really. Really. Sorry. I will never ever do this again, I promise”
Ang sarap iquote ng mga sinasabi niya, feeling ko ang ganda ganda ko.
After namen kumain non, nakaakbay lang siya saken. Hindi niya inalis yung pagkakadikit ng katawan nameng dalawa at parang abswelto na siya sa lahat ng ginawa niya saken.
Hindi pa siya natapos, sa BGC kasi parang park yon tapos naupo lang kami sa damuhan, nakaakbay pa rin siya saken habang nagkekwento siya.
Ang bango bango!! Ang sarap halikan. Tinitigan ko nga yung leeg niya kanina pati labi niya habang nagsasalita pero hindi niya pinapansin yon, todo kwento pa rin siya.
Pagdating ng 6PM, inuwi na niya ako pero di kami dumiretso sa kwarto ko, don kami sa kanya.
Shet, akala ko may mangyayari na kaso ayon, pinagluto niya lang ako. Sa totoo lang ang sweet ng ganito.
Nagluto siya ng steak, dinner daw namen pati mashed potato. Napansin kong favorite niya tong lutuin.
Pero nung naghain siya, isang plato lang at share na raw kami. Ayaw daw niya ng maraming hugasin pero kita ko sa mukha niya na gusto niya lang na isa gamitin namen para sweet.
So eto pa, sinusubuan niya pa ako habang kumakain. Wala akong laban, shet. Hinayaan ko siya. Sabi niya kasi babawi lang siya sa panahong di niya ako kasama.
“Masarap ba?”
Napaka seductive ng pagkakatanong niya. Nang aakit ata to eh.
Syempre sagot ko oo.
“Mas masarap ako”
Aba! Akala ko ba nakipaghiwalay siya sa ex niya dahil sa issue na ’to.
Pero natawa ako at hindi nakasagot.
“Syempre hindi pa natin gagawin yon, hindi mo pa ko sinasagot eh”
Aba, ang sagot ko syempre hindi pa niya ako nililigawan. Hindi pa nga siya sigurado sa nararamdaman niya.
“After kitang makasama ngayon, sigurado na ako sa nararamdaman ko.”
Napaka seryoso namen ngayon at the same time babawian niya ng comedy para mabalance yung aura.
“Hahalikan mo ba ako sa harap ng maraming tao?”
Nakakagulat talaga mga tanong niya pero ako syempre, tuwang tuwa. Sagot ko lang depende kung sisimulan niya.
“Nako, baka malula ka sa halik ko!”
Ano ba tong sinasabi niya. Lord help me, dalawa lang kami sa kwarto niya.
Pero after namen kumain, naglinis lang siya saglit tapos hinatid niya na ko sa kwarto.
“Huwag ka ng magpapaligaw sa iba ah”
Sabay kindat saken. Ano na, gusto ko sana siya halikan kaso ayokong maging mukhang pamigay kaya ngumiti lang ako at sinara ko na yung pinto.
Hindi pa siya nakuntento, nag chat pa siya saken.
“Pst, Thank you kanina”
“Tulog ka na ba?”
“Pst, miss na kita kaagad”
“Huy, chat ka naman”
“Inboxzoned :(”
“I miss you”
“Huy gregory ko, chat mo me :((”
“Sige kakatukin kita diyan!”
Wait, seryoso, iba yung ngiti ko sa “gregory ko” gosh!!!
Nagchat ako sabi ko matutulog na ako.
“Kiss mo muna ako, kahit virtual lang”
Shete naman Dom. Ano ba! Wala pang 10mins na magkahiwalay tayo.
Nagreply ako ng emoji na kiss.
“Argh…. Sana totoo. Goodnight gregory ko 😍😍😘😘😘😘😘😘😘😘😘😘😙😙😙😙😙😙😙😙😙😙😙😙😙😙😙😙”
Niyakap ko yung phone ko non! Pucha, sana ganito na kami araw araw!
BOOK 2 - Part 3
January 21, 2016
03:05AM
JGH from Patricia’s party at eto ang nangyari.
Okay, wait, sobrang bilis lang talaga ng pangyayari. Let’s start kaninang umaga.
Syempre magkaklase kami ni Dom sa English, medyo may konting tinginan kami tapos sabay kindat.
Medyo may pagtapon ng ballpen tapos pupulutin niya tapos aabot saken.
In short, ang landi nameng dalawa! Wala namang nakakapansin don kasi hello, lalaking lalaki kaya si Dom at maraming nagkakagusto sa kanya.
So ayon, after class, pumasok siya sa next niya, tuwing wednesday kasi talaga malabo kaming magkasama sa school dahil mas grabe sched niya pag wed.
Ako naman nung vacant eh dumiretso sa grupo ko sa TIP Voice para sa newspaper sa school.
At syempre, todo alaga saken si Anthony. Todo bigay ng tubig, pagkain, kahit naman nasa harapan ko lang yung mga yon, talagang magpapapansin siya.
Tinanong niya ako kung sasama raw ba ako sa party ni Patricia at syempre, yes, tropa ko yon eh.
Buti naman daw kasi sasama rin daw siya.
So, fast forward sa party, konti lang mga tao. Wala pang mga sampu, hindi rin siya party, inuman lang siya.
I think alas otso na non nung halos lasing na lahat, ewan ko ba bakit ang hirap kong malasing.
So ayon, nirereto na naman ako ni Patricia at Jane kay Anthony. Talagang nililink nila ako.
Naglaro pa kami ng truth or dare at alam kong sinasadya nilang itapat saken yung bote para ilink ako kay Anthony.
So nung natapat nga, ang sabi, halikan ko raw sa cheeks si Anthony.
Okay, guess what,lahat ng tao don nagchecheer na gawin ko yon. Kahit mga boys don chinecheer kami.
At bilang lumalandi ng loyal sa crush ko, tumanggi ako at sinabi kong di ako komportable.
KJ ko raw pero naiintindihan ni Anthony.
So eto, realtalk to, si Anthony, sobrang gentleman. Parang epitome of fictional character. Siya talaga ang pamantayan.
Kaso alam mo yon? Kahit gaano kaperfect ng isang tao eh hindi mo talaga siya kayang magustuhan.
So back to inuman, medyo tipsy na ako kasi pinapainom nila ako ng marami para malasing so tinawagan ko si Dom.
Ang kapal ng mukha ko don pero agad naman niyang sinagot.
Nahalata niya ata na lasing ako dahil sa pananalita ko. Ayoko naman siyang pag alalahanin pero huli na ang lahat.
“Nasaan ka? Susunduin na kita!”
Akala mo boyfriend niya ako. Possesive? I like it!
Ang sabi ko kaya ko pero mapilit siya.
“Please, iba nararamdaman ko. Sabihin mo kung nasaan ka, pupuntahan na kita. Sige, hindi kita susunduin, gusto lang kita makita.”
Shet. Ang sweet talaga. Pero may inner kalandian is nangingibabaw. Ang sabi ko ayoko pa talaga. At ayon, pinilit niya ako uli.
“Kahit sa labas lang ako, gusto ko lang ako maghahatid sayo after ng party”
Okay. Feel ko yung worry niya kaya sinabi ko kung nasaan na ako. Agad naman niyang binaba yung tawag at bumalik ako sa inuman. Nakipaginuman pa ako sa mga natitirang nakatayo.
Pero tinawag ako ng boyfriend ni Patricia para sabihing nagsusuka si Anthony sa labas.
So paglabas ko, inalalayan ko siya. Medyo marami kasing tumitingin na kapitbahay eh.
Pero bigla siyang nagsalita na kinagulat ko.
“Ano bang wala saken para hindi mo ko magustuhan?”
Nung una akala ko lasing lang siya kaya niya nasasabi to. Siguro factor din yon pero, inulit niya pa.
“Bakit ba ayaw mo saken?”
Kinukulit niya na ako to the point na nasasaktan ako. Iba talaga nagagawa ng pagkalasing.
Pero sa gulat ko biglang dumating si Dom. Parang to the rescue siya sa ginawa niya. Hindi naman niya sinapak si Anthony pero tinulak niya lang.
Si Dom naman, bigla akong binuhat sa mga balikat niya. Imagine that. Yung parang kinidnap ka tapos sapilitang binuhat, ganon.
“Bakit ba naglalasing ka!”
Okay, sinesermonan niya habang naglalakad.
Pero dahil sa ayos ng buhat niya, parang feeling ko nasusuka ko.
At hindi nga ako nagkamali.
Nasukahan ko siya!
Shet!
Binaba niya ako sa tabi, sa gilid lang, medyo madilim pero hindi niya ako iniwan. Nakaupo kami habang nakaakbay siya saken,
“May problema ka ba? Bakit ka naglalasing?”
This time, yung tono ng boses niya seryoso talaga.
Sabi ko lang hindi, naparami lang kasi party.
“Ayoko sanang pagbawalan ka sa mga ganyang bagay. Sige lang, okay lang mag enjoy. Pero sana alam mo limit mo. Ayoko pa naman na umiinom ka ng hindi ako kasama”
Nahihilo ako pero nakikinig ako sa mga sinasabi niya.
“Mamaya…, baka may mananching sayo don. Ako nga di pa nakaka score sayo tapos mauunahan pa nila ako”
Natawa ako.
Pero dahil sa lasing, halos nakapikit na ako.
“Kung gusto mo naman maglasing, pwede naman sa dorm ko o sa dorm mo. Maglasing tayo magdamag. Atleast diba, tayong dalawa magkasama. Ayaw mo ba yon?”
Gusto kong sumagot pero umoo lang ako.
“Hays. Nagbook na ako ng uber. Wait na lang natin.”
So again, hindi ako nagsasalita. Siya lang talaga.
“May sasabihin pala ako….”
“Ano kasi….”
“Kanina, nung nakita ko kayo kasama ni Anthony….”
“Wala…. Uhm…. Parang nagseselos ako.”
“Ewan ko ba…. Parang….. Basta…. Gusto ko kasi saken ka lang. Yung wala akong kaagaw”
Okay. Ayan ang huli kong narinig. Natandaan ko pang tinignan ko siya dahil sa mga sinabi niya pero nalasing na ako ng todo.
Ginising niya lang ako dahil nasa dorm na ako. Parang 3hours din daw tulog ko.
Madaling araw na at may nakahandang sopas para saken.
Ang sakit ng ulo ko pero mahirap talaga makatulog kapag nagising ka ng lasing.
“Pagkatapos mong kumain, maglinis ka ng katawan saka ka matulog. May pasok ka pa mamaya.”
Sabi ko dito na siya matulog kasama ko kaso tumanggi siya.
“Gagawin natin ang tama. Kapag tayo na, kapag sinagot mo na ako, magsasama na tayo sa isang kwarto ha?”
Diba? Paano ka hindi maiinlove sa katulad niya!!
“Hey, ano pala. Uhm, darating pala yung kapatid ko this saturday, papakilala kita ah? Hehe”
Hindi ko alam kung good idea ba yon pero mukhang gusto niya kaming magkakilala kaya ngumiti na lang ako.
Nung umalis na si Dom, kinuha ko kaagad tong diary ko para isulat ang nangyari.
Argh, sakit pa ng ulo ko!!!
BOOK 2 - Part 4
January 24, 2016
08:09PM
Hindi niyo alam guys yung level ng kaba ko kahapon ng mameet ko kapatid ni Dom.
For starter, akala ko lalaki yung kapatid niya yun pala babae. Akala ko kasi lalaki.
Okay so eto na nga, pumunta si Valentina sa dorm ni Dom. At first medyo may pagka maldita siya. Mapapansin mo naman sa babae yung pagiging maldita.
Medyo maarte pa nga siya magsalita.
Pero guess what? Nagbago lahat yon ng makilala niya ako.
So nung pinakilala ako ni Dom sa kanya parang nahiya siya bigla. Alam niyo yung may tinapat na pogi yung tropa mo sayo para tumahimik ka? Ganon yung reaksyon niya.
Nahihiya pa siya makipagkamay saken.
Tawa naman ng tawa si Dom kay Valentina, ang sabi pa saken ng kapatid niya, Val na lang daw itawag ko sa kanya.
So ayon na, medyo nawala na yung hiya nung maglulunch na kami. Ininvite din kasi ako ni Dom sakanila para mag lunch.
Pagpunta ko, parang kumapal naman yung mukha ni Val kasi medyo may touchy moment na siya saken.
Sinusubuan niya pa ako habang kumakain.
Nung una inaasar asar pa ni Dom si Val pero ngayon naiinis na siya. Ang pogi pogi ko raw kasi.
Eew.
Gusto ko sanang krompalin at sabihin na may something kami ng kuya niya kaso pinigilan ko sarili ko.
Ang sabi niya pa umalis na raw muna si Dom sa bahay para masolo niya ako. Hindi naman pumayag si Dom at sinabing sumama raw ako sa kanya para mag grocery.
Gusto rin daw sumama ni Val kaso wala raw magbabantay sa bahay niya kaya kaming dalawa lang umalis.
“Hay, magiging karibal ko pa ata yung kapatid ko sa cutie pie ko”
Kinurot niya yung pisngi ko nung sinabi niya yon. Good thing nasa loob kami ng tricycle at kaming dalawa lang.
Matakaw daw si Val kaya marami siyang biniling pagkain.
Medyo natagalan pa kami kasi nagharutan pa kami ng slight sa mall.
So pagbalik namen, naka lock yung kwarto niya. Mukhang nakatulog si Val kaya pumunta muna kami sa kwarto ko.
Siguro mga 5 na yon ng hapon. Kanya kanya lang kami sa ginagawa.
“Pwedeng paidlip muna? Kanina pa kong umaga gising ehhh. Naglinis pa ako ng kwarto para kay Valentina”
So linis na yon? Ang dumi pa rin kaya ng kwarto niya.
Nagulat ako ng bigla siyang naghubad ng pants. Naka short siya na maiksi. Ewan ko kung may suot siyang brief non kasi iba yung pagkabakat ng ano niya eh.
Sa sala pa siya matutulog pero sabi ko sa kama na lang.
Okay, for the record, isang malaking kwarto lang to so kahit sa kama siya e makikita ko siya.
Tapos naghubad din siya ng TShirt niya, wala siyang suot na damit ngayon.
Shet, ewan ko ba kung inaakit niya ako o ano. Pero nahuli ko siyang nakatingin saken at ngumiti na parang nangaakit nga.
Hindi naman ako umimik at hinayaan ko siyang matulog sa kama ko.
So here’s the highlight of the day.
Nakatihaya siya matulog.
Nakataas kamay, nakalagay sa likod ng ulo niya.
Imagine the hotness.
Imagine also the pagtitimpi.
Sobrang pagtitimpi talaga ginagawa ko.
Medyo may mahina siyang paghilik na cute pakinggan.
Lumapit ako at pinagmasdan ko pa siya lalo
Gosh, Lord, ang hot! Why!
Ang sarap niya patungan tapos…argh!!
So hanggang tingin lang ako.
Agad ko namang iniwas yung tingin ko baka kung ano pang mangyari. Nagprito muna ako ng uulamin namen mamaya pati nagsaing na rin.
Okay, sinilip ko siya uli pagkatapos kong gawin yon at yung isang kamay niya nakalagay sa may abs niya.
Bigla niyang pinasok sa sh0rts niya yung kamay at kinamot.
OMG!!! Ang hot!!
Tapos tinanggal niya uli.
Wait, so lumapit ako uli para pagmasdan siya
Tumabi ako ng dahan dahan.
Inamoy ko siya…. Oh My Gosh. Ang bango!!
Nilapit ko pa yung ilong ko sa leeg niya para amuyin ng mabuti.
Oh my gosh. Ang bango talaga.
At eto na, nagulat ako ng bigla siyang nagsalita.
“Bakit mo ko inaamoy?”
OMG! PARA AKONG MAHIHIMATAY SA SINABI NIYA.
Yes, nagmadali akong tumayo pero mas mabilis siya, hinila niya ako at halos matumba ako sa katawan niya. Niyakap niya ako ng mahigpit.
Iba yung init ng katawan niya! Gosh, ngayon ko lang naramdaman tong ganito
“Ikaw ah. Sscore ka pa saken ah!”
Bulong niya na para bang kinilabutan buong pagkatao ko.
Kumakawala ako pero mas malakas siya.
“Daya, payakap naman kahit sandali lang.”
Para siyang bata pero hinayaan ko siya.
So inayos ko pwesto ko pero sa hindi inaasahang pagkakataon, nasanggi ko junjun niya.
So eto na, confirmed na confirmed
Wala siyang suot na briieff!!!!
Sinilip ko ng bahagya yung ano niya.
And guess what
Nakatayo!!
Sa sobrang kaba ko tumayo ako kaagad at nung napansin din niya nakatayo yung kanya, agad niyang tinakpan to.
Kung gaano yung hiya ko, ganon din yung hiya niya.,
Gosh, nakakahiya talaga.
Sakto nung moment na yon, narinig kong kumakatok si Valentina.
Agad ko naman siyang pinagbuksan non at agad akong niyakap. Nakita kong nagbibihis si Dom habang nakangiti saken.
Ang harot harot ni Valentina saken habang kumakain pero mas pilyo si Dom kasi pinapadaan niya yung paa niya sa may binti ko at hita habang kumakain kami.
Ano ba tong magkapatid na to!
+++++
TEAM VALENTINA TAYO SA DRAG RACE AH!!! HAHAHA
BOOK 2 - Part 5
January 27, 2016
09:01PM
Parang sira ’tong si Dominique kanina. Muntikan na kaming mahuli ng kapatid niya!
So, etong si Dom eh hindi nakapasok kanina dahil masama raw pakiramdam. Paanong hindi sasama? Ehhh nagpaulan kahapon matapos nameng mag gala kasama kapatid niya.
Kaya pala nandito yung kapatid niya kasi may aasikasuhin daw siya. So wala yung kapatid niya rito.
Nag request si Dom na bantayan ko siya sa dorm ko kasi wala nga siyang kasama.
Hindi siya nagsasakit sakitan, sobrang taas talaga ng lagnat niya to the extent na gusto ko na siya dalhin sa hospital pero ang sabi niya, kiss lang daw at yakap galing saken eh okay na siya.
Ayon na, pinaglutuan ko na siya, sinubuan pa, totally asikaso talaga. Swerte lang talaga at may event sa school ngayon kaya hindi rin ako pumasok.
Pinagpahinga ko siya.
Nagtiis ako sa init, gusto ko kasi pagpawisan siya. Sobrang talukbong na niya pero lamig na lamig pa rin daw siya.
Sa sobrang init, nag hubad ako ng damit. Naka short lang ako.
Lalayo sana ako sa kanya pero mahigpit hawak niya sa kamay ko, paano ako makakaalis.
Hindi ko namalayan na nakatulog na rin pala ako sa tabi niya. At hindi lang basta tulog, mahabang tulog din.
Parang alas dose palang kanina nung pinainom ko siya ng gamot at pinagpahinga. Pero siya pa yung gumising saken, alasais na.
Pinainom ko uli siya ng gamot at una niyang sinabi pag lapit ko sa kanya.
“Inaakit mo ba ako?”
May sakit yan ah! Pero mukhang okay na siya kasi basa na yung likod at buhok niya sa pawis.
Pinunasan ko muna siya pero siya, loko loko, nakakainis (kinikilig ako habang sinusulat ’to)
“Ang bango naman ng Greg ko. Hmmmmm”
Diba!! Pawisan ako pero ang bango ko raw!
Halos kurutin ko siya pero mukhang napalakas kaya umaray siya sa sakit.
“Grabe ka naman! Ang lakas ng kurot mo, parang kailangan niyan ng kiss!”
Magaling magpakilig ’tong si Dom. Sobra!
Since, kinurot ko siya sa braso eh kiniss ko yung braso niya.
“Ehh paano naman labi ko? Medyo masakit. Medyo dry, basain mo naman daw”
Para siyang manyak na ewan habang sinasabi yon! Nakakatawa siya! Kukurutin ko sana kaso baka umangal na naman.
“Uyyyy, madumi pa ko. Dapat pinupunasan mo pati abs ko, pababa”
Abs talaga?! Pababa?!
May sakit to!! Ganito siya pag may sakit.
Pinapaghubad ko siya ng damit kaso para siyang bata na ayaw maghubad.
“Dapat ikaw naghuhubad saken.”
Aba! Aba! Paano ka maiinis sa kanya? Naiimagine niyo naman kung gaano siya kagwapo di’ba? Sobrang gwapo talaga!
So tinaas ko yung damit niya para hubarin.
Mapapakagat labi ka kasi talaga sa yumminess na makikita mo.
“Hala, short pa, pawis din yan”
Okay. Medyo naughty siya kahit may sakit.
Hinubad ko rin yung short niya at naka brieef lang siya sa harap.
Ibang level talaga yung pagtitimpi ko.
So pinunasan ko na siya. From leeg down to abs, oo nga, hindi ko siya napunasang mabuti kanina.
At eto pa, umuung0l siya ng slight!
“Dahan dahan lang po” with a sweet sexy voice.
Nakakainis, hinampas ko tuloy siya ng pamunas.
So ayon, binaba ko na sa hita niya.
“Oy, may nilaktawan ka, dapat don din!”
So turo nga sa junjun niya!
Infairness, kahit may sagabal na briief ehh may pa santol si mayor! Bukol kung bukol!
Sabi ko sa kanya siya na lang mag punas.
“Ehhh, sayo rin naman yan. Huwag ka ng mahiya. Sige na, pagbigyan mo na ako.”
Para siyang sira!!
Sinabi ko sa kanya yung dinrama drama niya sa Bicol about sa ex niya na gusto lang sa kanya ehh seex,
“Hala. Iba yun, sa kanya seex ang tingin niya saken. Pero dito, kung gagawin natin, with love diba????”
Sabay kindat saken,
Seryoso ba siya rito????
Tinanong ko siya kung seryoso siya.
“Oo nga. Ikaw? Kung gusto mo lang naman”
Shet, seryoso nga siya. Nakangiti pa siya saken. Para siyang timang, kinikilig talaga ako.
“Naka short ka na, naka brieef na ako, ano pang kulang???”
Leche rin mga linyahan niya eh no?
“Dali, bibigay ko sa’yo ang full performance ko”
Loko loko!!! Halos mahampas ko talaga siya ng malakas sa dibdib niya nung sinabi niya yon pero bigla niya akong niyakap ng mahigpit.
“Haha, sorry. Kung ano ano sinasabi ko sa’yo. Salamat lang talaga sa pagaalaga saken. The best ka talaga kaya gustong gusto kita eh. Di mo ko iniiwan”
So, hindi pala tuloy yung balak namen?
Kidding aside, bigla bigla siyang nagiging seryoso kapag feel niya na sumosobra siya sa paghaharot saken.
“Huwag kang magpa linlang sa kapatid ko ah. Nako, maraming naiinlove don, huwag ka ng sumali. Saken ka lang dapat”
Hindi ko alam ang tamang gesture na gagawin kaya niyakap ko lang siya ng mahigpit din.
Okay sakto ng alisin ko pagkakayakap eh biglang pumasok si Valentina sa kwarto.
Nagulat siya kasi parehas kaming nakahubad pero agad namang biniro ni Dom na may nangyari sameng dalawa sabay yakap uli saken ng mahigpit.
Bigla naman akong kinuha ni Valentina sa kanya at siya naman yumakap saken.
Muntik na. Muntik na talaga!
Buti na lang nacompose ko sarili ko kung hindi nasa kalagitnaan palang kami ng pag aanuhan eh nahuli na kami ni Valentina.
++++++
VOTE AND COMMENTS GUYS!!! 😊😊
Kapag si Valentina na eliminate bukas sa RPDR nako, ako na nagsasabi sainyo ahhahahah!
Kidding aside, VOTE AND COMMENTS GUYS!!!! hihi thankyou.
PS: sasampalin ko mang spoil ng rpdr saken hahahha
BOOK 2 - Part 6
January 30, 2016
11:07PM
Kaya naman ako gumawa ng diary dahil nalulungkot ako sa nangyari sa buhay ko at kailangan ko ng makakausap ng personal life ko, kahit hindi na tao, kahit dito na lang sa diary ko.
Pero nung dumating si Dom, nagbago. Kaya ayan, bihira na ako makapagsulat.
Pero, eto, I’m back Cady!!
So, si Dom? Ayon, dinala niya sa school yung pagiging maharot niya.
Lalo na kahapon sa klase namen sa English, first time niyang tumabi saken. At eto pa, hinahawakan niya kamay ko at nilalagay niya sa hita niya.
Medyo kinakabahan ako, pero dahil sa likod kami nakaupo at kami lang nakaupo doon ehh wala naman nakakapansin.
Pinapahid pahid niya pa pataas sa ano niya.
Ang naughty naughty talaga pero I’m loving it!
Minsan, ipapasok naman niya sa loon ng polo niya para mahawakan ko abs niya, shet, ang tigas tigas. Batak na batak talaga. Tapos mapapapikit pikit siya kapag pinipisil ko utoong niya.
Tinignan ko si Patricia at Jane, mukhang nakikita nila kami kasi tawa sila ng tawa. Tinigilan na namen ni Dom ’yon pero may pakunti kunti pa ring hawak hanggang sa matapos yung klase.
Then today, hindi na naman kami magkaklase so sabay na lang kaming nag lunch sa canteen. Kasama naman namen si Patricia at Jane.
Inenterrogate pa nilang dalawa si Dom.
Salit salit na nagsalita yung dalawa.
“Mahal mo?”
“Baka naman saktan mo?”
“Team Anthony kami parehas kaya dapat galingan mo pa!”
“Huwag mo ’tong paglaruan, baka sipain ka namen!”
Tawa naman ng tawa si Dom, kahit ako natatawa sa medyo kamalditahan ng dalawa.
Bilang sagot ni Dom, sinubuan niya ako ng pagkain, big deal yon!! Kasi maraming tao sa loob ng canteen at alam kong may makakakita samen.
Natapos yung kainan namen at dumiretso ako sa mga kasama ko sa paggawa ng school newspaper.
Nandoon si Anthony, tahimik at walang imik.
Hindi niya ako pinansin hanggang sa umuwi kami. Siguro hanggang 7 ehhh hindi niya ako iniimik.
Lalapitan ko sana siya paglabas kaso may lumapit sakanyang lalaki na gwapo rin at sa unang tingin eh alam kong may something na sila.
Atleast di’ba? Masaya na rin siya kahit papano.
So, pauwi na ako ng dorm ng makita ko si Dom sa labas ng dorm niya.
“Nakay Val na naman yung susi. Wala pa siya!”
Medyo inis niyang sabi saken kaya pinapasok ko muna siya sa loob ng dorm ko.
Seryoso, pagkabukas pa lang ng pinto, at pagtapak ng paa ko sa loob, bigla niya akong niyakap ng mahigpit, sinara yung pinto at binuhat papunta sa sofa.
Nagulat ako, kaya nahampas ko siya ng malakas pero wala lang sakanya.
“Namiss kita!”
Bulong niya saken non.
Alam niyo yung nanghina ako sa bulong niya kaya wala akong nagawa kundi yumakap na lang ako sa kanya.
“Namiss mo ba ako?”
Tanong niya saken.
Para siyang sira, magkasama lang kami kanina.
“Bakit parang baliw na baliw ako sa’yo? Ano bang ginawa mo saken ha!”
Tinanggal niya yung pagkakayakap saken ng sandali tapos niyakap niya ako uli.
“Sana ganito na lang tayo palagi”
Okay, so here’s the thing. Natatakot ako sa pwedeng mangyari. Una sa lahat, straight siya, ayun ang alam ko. Saken niya lang naramdaman ’to at dahil palagi kaming magkasama kaya siya parang infatuated saken.
Tapos, paano pagka graduate niya? Marino siya at siguradong magbabarko ’to, paano na yon?
Tapos yung parents pa, paano kapag nalaman? May trauma ako sa parents parents.
Sinabi ko yan sa kanya lahat. Ang ginawa niya?
Tinanggal niya yung pagkakayakap.
Naupo kami ng maayos.
Harap harapan.
Hinawakan niya yung magkabilang pisngi
Pinaglaruan yung labi ko.
Pinisil pisil pisngi ko.
Nginitian ako.
Sabay halik sa noo.
“Huwag mong isipin ’yan. Isipin muna natin yung ngayon at saka natin problemahin ’yan”
Binibigyan naman niya ako ng assurance, at promise, ramdam na ramdam ko ’yon.
“Bakit? Tayo na ba? Sasagutin mo ba ako? Di’ba? Wala pa tayo sa stage na ’yon. Sagutin mo muna ako bago mo isipin ’yan”
Natawa na lang ako.
Niyakap ko siya after non at nagpasalamat. Ayoko pa kasi talaga, sa ngayon.
Baka bukas pwede na o sa susunod.
Kidding aside, gusto ko tanungin niya ako personally kung gusto niya ba akong maging jowa, ganon!!
“Gustong gusto na kitang halikan, sa totoo lang. Gusto ko maramdaman yung pinagpapantasyahan ko gabi gabi. Sakit na kaya ng palad ko kaka ano kaka isip sayo”
Kinurot ko uli siya ng malakas sa sinabi niya.
At after ng harutan nameng yon, kumatok na si Valentina sa dorm ko at may dalang balita kay Dom
“Kuya, pupunta raw sila Mama rito sa weekend! Nako, maglinis ka na ng bahay mo!”
Natawa ako sa biro ni Valentina pero pansin ko sa mukha ni Dom na kinakabahan siya.
++++++
VOTE AND COMMENTS GUYS!!!!!! 😊😊😊😊
Safe si Valentina this week. Laveeet! No spoilers ah! Saktan ko kayo!!! Hahahha
BOOK 2 - Part 7
February 4, 2016
03:09AM
Okay, hindi niyo alam kung gaano ako kinakabahan sa pagmemeet ko sa parents ni Dom sa sabado.
Pansin ko rin sa mukha ni Dom na kinakabahan siya, pero ayoko ng dagdagan yung pressure niya.
Niyaya ko sina Patricia at Jane na mag inom ngayon para na rin mabawasan yung kaba ko.
Todo chika pa sila at kulit kung ano bang status namen ni Dom. Sabi ko wala pa, hindi pa naman niya kasi ako tinatanong.
Nabalitaan na rin nila yung about kay Anthony na may jowa ng iba, kaya raw team Dom na sila.
Inferness, ang lakas nameng uminom na talo kasi naka isang litro kami ng empi lights pero medyo lang yung tama namen.
Alasyete na ata non ng biglang dumating si Dom sa dorm ko. Nagulat pa siya kasi nakita niya sina Patricia at Jane.
“Galing kaya ako sa room niyo kanina. Kaya pala hindi kayo pumasok sa last subject niyo ah!”
Sabi ni Dom.
“Bakit? Pinagbabawalan mo ba siyang uminom kasama friends niya?”
Sabi ni Patricia.
“Hindi ah. Paglulutuan ko pa kayo, wait lang!”
Pumunta siya ng dorm niya at kinuha yung mga stock sa ref niya at magluluto raw siya ng sinigang para samen.
Tuwang tuwa naman yung dalawa.
Pinagmamasdan naman namen siya habang naghahanda. Since nakatalikod siya at nagbihis ng pambahay, mas mapapatingin ka talaga.
Paano ba naman, may pa muscle at pa pwet siya samen!
“Masarap ah”
“Pwede pa isa?”
Sabi nung dalawa.
Narinig ko namang tumawa si Dom, naririnig niya pala kami.
“Sorry, exclusive for Gregory lang ako”
Oh di’ba?!! Paano ka hindi maiinlove.
Edi todo hampas saken yung mga babae!
Tumayo naman si Patricia para painumin si Dom, hindi naman siya tumanggi.
Hindi rin matagal yung luto ni Dom, at hinain na niya samen yung luto niyang sinigang.
Gosh ang sarap!!!!!
Masarap na nga siya, masarap pa siya magluto.
At habang humihigop kami ng sabaw eh hinihilot niya yung likod ko. Edi mas lalong heaven di’ba?
Inggit na inggit naman yung dalawa saken. Pero sa totoo lang, nahihiya pa rin ako. Masyado kasi siyang sweet pero hello? Choosy pa ba ako.
So after ng higupan at pahinga, umuwi na yung dalawa. At naiwan na kami ni Dom sa dorm ko.
“Ehem, wala na yung kapatid ko, wala na tayong sagabal sa mga gagawin natin”
Sabi niya saken. Dahan dahan niyang ni lock yung pinto at binuhat niya ako from sofa to kama.
Sabi ko naman medyo masakit yung ulo ko sa kalasingan at pasayahin niya ako.
Nagsimula siyang gumiling giling sa harap ko. Pakingshet, kahit nakakatawa siya eh iba yung sarap na pinapamalas niya.
Ang sarap po.
Napansin ko ring tumatayo yung ano niya! May pagtayo talaga.
Tinanong ko tuloy kung wala ba siyang briief.
“Wala. Hindi na kailangan non!”
Halatang halata!!! Bakat na bakat!! Sobrang laki!!!
Nagpatuloy siya sa pag giling pero kahit masarap at nakakatemp, mas nangingibabaw yung pagod ko at antok ko.
Tumigil naman siya at tumabi saken saka pinahiga niya ako ng maayos.
Siya naman yung nagpunas saken at nag bihis. Sabi ko naman kaya ko na pero alam kong gusto niya lang gawin to.
Pinisil niya pa yung ano ko habang pinupunasan ako.
“Uyyy o gumugusto to ohh!”
Nahampas ko tuloy siya ng malakas sabay tawa pero after niya akong punasan eh mas pumresko yung pakiramdam ko.
“Greg….”
Sa tono ng boses niya parang seryoso yung sasabihin niya.
“Uhm. Pwede ba na kaibigan muna pakilala ko sa’yo kay mama if ever? Parang…. Hindi ko pa kayang umamin sa kanya tungkol saten eh.”
Ofcourse, naiintindihan ko yon. Hindi ko naman siya kailangang pilitin at saka hindi ko kailangang mag demand sa kanya tungkol don.
“Hayaan mo sa susunod, kapag sinagot mo na ako at saka may stable na tayo, sasabihin natin sakanila. Para wala na rin silang masabi, unico hijo kasi ako eh haha alam mo na.”
Walang kaso saken. Ayoko mangyari yung katulad ng sa ex ko. May takot na ako sa ganon.
“Nako hindi naman ganon yung nanay ko haha.”
Tinanong ko pa siya kung paano kung biglang malaman na kami. O kaya mahuli. Anong gagawin niya.
“Una naman, hindi mo pa ako sinasagot kaya hindi ko alam yan haha pero kung sakali edi mahuli.”
Tinanong ko pa kung paano kapag ayaw.
“Edi ayaw nila”
Tanong ko pa kung paano kapag tinakwil ka nila.
“Edi itakwil. Matanda naman na ako at saka alam ko na yung gusto ko. At ikaw yon.”
Nawala talaga lasing ko nung mga oras na yon! Promise. Parang bigla akong natauhan na dapat sagutin ko na to kaagad baka magbago pa isip niya.
“Matulog ka na! At babalik na ako sa dorm ko. Pwede lang tayo magtabi kapag tayong dalawa na hehe’
Sinabihan ko lang siya na hintayin niya ako matulog bago umalis at halik lang sa noo yung sagot niya.
Naalimpungatan lang ako ngayong madaling araw at hindi na makatulog kaya sinulat ko yung nangyari.
+++++
VOTE AND COMMENTS GUYS!!!! 😀
BOOK 2 - Part 8
February 5, 2016
08:33PM
Nag aaral akong mabuti kanina ng bigla akong hinanap ni Patricia. Pinapatawag daw kasi ako ni Maam Salcedo.
Kinabahan ako kasi nasa library ako tapos talagang effort si Patricia para puntahan ako, urgent daw! So wala na akong nagawa kaya sumama ako.
Pagdating sa faculty office, may pinapagalitan siyang estudyante. Edi mas lalo akong kinabahan.
Siguro nahuli kaming nagkokopyahan nila Patricia kaya ako tinawag.
So, nung matapos na si Maam Salcedo sa isang estudyante, pinapasok na niya ako sa office niya.
“Punta ka sa kabila. Sa room 208. Bigay mo ’to”
May inabot siyang letter saken na naka envelope. Okay, akala ko talaga ehh papagalitan niya ako, buti na lang messenger lang.
Pero iba yung dating ni Patricia, parang may something eh. Kaso hindi ko naman makausap si Patricia kaya naglakad na ako papuntang kabilang building.
So pagpasok ko sa room 208, may mga prof don na hindi ko naman kilala na parang may ginagawa.
Sinabi kong kay Maam Salcedo ako at inabot ko yung letter sakanila.
“Okay, so ikaw pambato ni EE sa pageant?”
WHAT?! SERYOSO, para akong tanga sa gulat pero wala silang ginawa, parang inasikaso lang nila yung pagsama sa pangalan ko.
Magrereklamo sana ako kaso ayan! Pinalayas na ako kaagad. Babalikan ko sana si Maam Salcedo kaso wala na sa school.
Tawa naman ng tawa si Patricia kasi siya raw yung nag suggest kay Maam.
“Huwag ka ng maarte, ikaw lang gwapo sa EE!”
Pero hiyang hiya ako! Ano naman gagawin ko don? No choice na rin naman ako kaya pumayag na ako.
So pag uwi ko kanina, nahihiya akong sabihin kay Dom ’to. Baka kasi pagtawanan niya ako or what.
As expected, nagsasampay siya ng damit niya sa labas, wearing only his boxers. Napakasarap talaga netong taong ’to!
Nung nakita niya ako, kinindatan niya ako.
“Wait, matatapos na ako”
Agad siyang pumasok sa dorm niya, ako naman pumasok din sa dorm ko at nagbihis. Pumasok na siya kaagad sa dorm ko ng walang paalam, sanay naman ako sa kanya.
“This is for my lovey cutie pie!”
Inabutan niya ako ng cake na puro kitkat sa gilid.
“Alam mo tamang pagkain ng kitkat? Ganito oh”
Kumuha siya at sinubo niya saken yung isa, pero agad naman niyang sinubo yung kabila.
Halos magkiss na talaga kaming dalawa!!!
“Hahahah sayang, kala ko didikit na ehh!”
Tinanong ko siya kung bakit siya may pa cake ngayon.
“Ehhh baka maging famous na ako sa school, bahala ka, kailangan mo na akong sagutin kaagad, baka may makauna na! Bahala ka rin.”
Sinapok ko siya sabay sabi kung magpapa agaw ba siya
“Aba syempre joke lang ’yon haha!”
Tinanong ko uli kung para saan yung cake. Mamaya may ginawang kalokohan eh.
“Wala wala. Ano lang, napili lang akong representative sa Marine sa pageant. Wala eh, gwapo. Wala talaga tayong magagawa.”
AYY JUSKO!!! Bakit naman siya pa.
“Bakit ganyan reaksyon mo??? Ayaw mo ba akong sumali don?”
Hindi ko alam sasabihin ko. Natatawa na lang din ako. Nagtaka pa siya kung bakit ako tumatawa, kaya sinabi ko sa kanya yung nangyari kanina.
“Weh? Hahahahha seryoso??? Hala hahaha. Baka halikan kita bigla sa stage kung sakali hahhaha!”
Pinahiran ko siya ng icing sa mukha. Nakakahiya kung ganon!
“Ay, alam mong kaya kong gawin ’yon! Haha”
Nagmakaawa ako na huwag, para na rin sameng dalawa.
“Sige, ganito na lang. Kapag ako nanalo, wala ka ng magagawa. Kapag ikaw nanalo, sige, hindi ko gagawin.”
Parang mahirap ata yung gusto niya. Sinapok ko siya at sabi ko pa kapag ginawa niya yon, hindi siya makaka score saken.
Bigla naman siyang humingi ng sorry sabay yakap saken.
“Sorry na, joke lang naman yon haha. Pwede na ba ako maka score ngayong gabi???”
Loko siya! Sabay batok ko sa kanya.
“Ayy bagong deal na lang, kapag ako nanalo, pa score ako sa’yo. Kapag ikaw naman nanalo, sige scoran mo rin ako!”
Natawa talaga ako sa sinabi niya, parang pabor naman sa kanya yung dalawa.
“Sa’yo rin no. Alam ko naman na pinagnanasaan mo ako minsan. Pero okay lang. I understand. Masarap naman kasi talaga ako”
Niyakap ko na lang siya bigla. Hindi ko rin alam kung bakit ko siya niyakap eh pero gusto ko ako naman unang magmomove.
“Aba, nagpapalambing ka pa ahh. Basta basta ganon deal ah?”
Hindi ako pumayag. Basta ang sabi ko na lang, kung sino manalo, may isang ultimate na wish na hindi pwedeng tanggihan, kahit ano.
Inayos niya yung buhok ko sabay kiss uli sa cheeks ko. Hay Lord, bakit ang gwapo niya.
Hinalikan niya uli ako sa kabilang cheeks ko.
Sabay halik sa ilong ko at sumagot siyang.
“Deal”
+++++
#98 na siya sa Teen Fiction hahahha! Thank youu!!!
VOTE AND COMMENTS PA MORE GUYS 😊😊😊😊😊
BOOK 2 - Part 9
February 6, 2016
11:39PM
Eto ako. Kanina pa nakatunganga sa kama.
Ayoko na sanang magsulat ngayon sa diary ko pero nakakabuang. Hindi ako makatulog.
Saturday ngayon at ngayon na yung araw na dumating yung mama ni Dom. Mama niya lang.
Okay yung Mama niya, kamukha niya sa mata at ilong. Mukha ngang strikta pero hindi naman niya ako tinarayan or something.
Yung point lang na pinakilala niya ako as friend eh medyo hurt lang ako haha. Pero hindi yun yung dahilan kung bakit ako nageemo ngayon.
So, ayun na. Lumabas pa kami kanina, sinama pa ako ni Dom kasi sabi niya rin nagpapractice kami para sa pageant.
Ang nagpabago lang talaga sa mood eh yung mabanggit ng mama niya yung ex niya, si Lovely.
Again, kung iisipin mo wala lang naman talaga yun. Pero kasi ang masaklap, ang alam pala ng Mama niya eh sila pang dalawa.
Okay, so the fact na hindi niya nabanggit na break sila is okay lang uli. Pero, hindi lang yon! Nagkekwento pa raw siya tungkol kay Lovely kahit nung mga nakaraang araw.
Imagine! Sa isip ng Mama niya sila pa at the same time, nagkekwento siya about sa ex niya na para bang hindi niya ako nilalandi.
Ang issue ko lang kasi, sana hindi na lang siya nagkekwento di’ba?? Ehhh bakit siya nagkekwento? Para matago yung totoong pagkatao niya?
Naiinis talaga ako sa kanya non! Sobrang inis! Hindi na lang ako makapagsalita habang kwento ng kwento yung Mama niya saken about sa kinekwento sa kanya ng anak niya tungkol kay Lovely.
Kesyo magkasama raw sila, binilhan pa raw niya ng cake. Eh yung mga kinekwento niya, sakin niya ginawa lahat yon!!
Ang hirap mag fake smile, promise. Nakakagigil.
Hindi lang yon. May sinabi pa siyang sobrang nainis ako.
“Ininvite ko si Lovely. On the way na raw siya”
Di’ba? So pupunta pa si babae na bwisit! Wala rin reaksyon si Dom. Gusto ko na sanang umalis kaso nakakahiya naman, hindi pa ubos pagkain ko tapos libre lang naman to.
Tahimik lang ako.
Hindi ko tinitignan si Dom. Sa phone lang ako nakatingin.
Then bigla na ngang dumating si Lovely.
Aba, iba yung aura ni Lovely. Hoping bigla kay Dom!! Parang nilalandi niya kasi sa kilos niya.
Ang sarap niyang sabunutan at buhusan ng sprite sa mukha ng matauhan.
Gusto ko sana siyang sigawan na “hoy leche ka akin na siya ngayon!!” kaso nandon yung nanay ni Dom eh.
Promise, super awkward at inis nararamdaman ko so sabi ko uuwi na ako kasi may gagawin pa ako. Ayaw pa akong payagan ni Dom pero sabi ko magsisimba pa ako.
Di’ba? Ginamit ko pa si Lord sa kainisan ko.
Pumayag naman Mama niya, hindi na ako nagpaalam kay Dom at umalis na ako.
Nagsimba na ako. Baka magtampo saken si Lord na ginamit ko siya sa alibi ko eh.
So umuwi akong inis na inis.
Nakahiga.
Nag ooverthink.
Hindi naman ako pwede mag demand kasi hindi pa naman kami, leche ko rin kasi eh ang arte arte ko dapat sinusunggaban ko na tong si Dom para hindi na mawala saken eh!
Nakatulog ako kakaoverthink at naalimpungatan ako ng bandang hapon kasi nagugutom ako.
Palabas na sana ako ng makita ko silang tatlo pabalik ng dorm ni Dom.
Jusko!!! Ang hirap nilang iwasan.
Pero ako na nag adjust.
Kaso iba rin tong si Lovely eh, talagang lumapit saken para kausapin ako.
“Uy, Kumusta ka? Hehe.” tanong niya.
Eto, masasampal na kita!
Pero syempre ngumiti lang ako at sinabi kong okay lang.
“Hindi pala alam ng Mama niya na nakipaghiwalay na siya saken. Nakakahiya tuloy hehe”
Leche nahiya ka pa sa lagay na yan ah! Sarap mong sampalin. Sexx lang naman habol mo sa kanya!!!
Pero biglang nawala yung galit ko sa sinabi niya.
“Siguro kung alam niya lang na hindi ako tutuloy sa Singapore para sa kanya eh babalikan niya na ako”
Bakit ganito yung side ng story niya? Ang sabi niya kaya siya nakipaghiwalay dito eh dahil puro sexx lang habol niya.
“Pakisabi naman sa kanya na mag usap kami. Ayaw niya rin kasi akong kausapin kanina. Gusto ko lang din sana ayusin yung relasyon namen. Alam kong close kayong dalawa, kaya sana matulungan mo ko”
Syempre hindi ako sumagot. Mabuti na lang din umalis siya.
Pero hindi ko pa rin talaga maiwasang mag isip. Parang ang daming nangyari ngayong araw na ang hirap isink in sa utak ko.
Sinungaling din pala si Dom. Wala talagang perpekto. Sabi na nga ba, too good to be true siya masyado.
So simula kanina hanggang ngayon, katok siya ng katok. Tapos magchachat. Tatawag. Magtetext pero hindi ko siya pinapansin.
I need alone time for myself.
+++++
VOTE AND COMMENTS GUYS!!!!!😊😊😊
BOOK 2- Part 10
February 8, 2016
10:10PM
Aha! So nagfeeling ako ngayong araw. Ni kahit anong tingin kay Dom, hindi ko ginawa.
Sa room sa English, wala akong pagpansin sa kanya kahit lumalapit siya saken.
Aba? Bakit ko siya papansinin eh “niloko” niya ako. Baka masampal ko lang siya ng wala sa oras.
Kaso ang masaklap, ang hirap niyang iwasan.
After nung pagdededma ko sa kanya hanggang lunch, dumating naman yung oras para sa practice sa pageant.
Syempre, kasali kaming dalawa. Kaya imposibleng hindi kami magkita don.
Kasama ko lang yung babaeng representative ng program ko kasi siya lang kilala ko maliban kay Dom.
So blocking, sayaw sayaw, rampa rampa. Ganon. Medyo nakaka stress pala yon kasi sobrang pawis na ako kanina, wala pa akong dalang kahit anong inumin at pagkain.
Good thing inabutan ako nung representative ng Civil Engineering ng inumin at fudgee barr.
Nagpasalamat naman ako.
Hindi ko naman maiwasang hanapin si Dom pero hindi ko na siya makita ngayon.
Maya maya, napansin ko siyang pumasok sa kwarto uli na may dalang pagkain. Dalawang inumin at dalawang footlong.
Inabot niya saken yon pero tinanggihan ko.
“Usap tayo mamaya”
Sabi niya saken pero sabi ko busy ako. Inabot ko na lang kay Angela, yung kasama ko, yung pagkain na binigay ni Dom.
“Sorry na, Greg.”
Hindi ko pa rin siya pinansin hanggang sa sumenyas uli ako don sa nagbigay saken ng pagkain ng Salamat. Ngumiti naman siya saken pabalik.
Gusto ko lang talaga asarin si Dom at mukha naman siyang naasar.
Back to practice na uli kaya umalis na si Dom.
Kung wala lang issue na ganito, seryoso baka naglandian pa kami rito sa kwarto pero hindi eh, galit pa rin ako sa kanya.
So nung pauwi ako, balak niya sana ako lapitan pero napansin kong lumapit yung CE na nagbigay saken ng pagkain.
“Uy, di’ba Greg pangalan mo???”
Masayahin siya tignan. Chinito, cute, yung mata niya parang palaging nakangiti kaya kapag sumimangot siya akala mo nagjojoke lang siya.
“Parehas tayo ng dorm ehh, sa 4thfloor lang ako, napapansin kita palagi kapag papasok ako”
Ay jusko. Bakit hindi ko siya napapansin. Nagkekwentuhan kami habang naglalakad pabalik ng dorm namen. Napapansin ko rin si Dom na nakasunod samen.
“Uy, Roi nga pala hehe.”
Pakilala niya. Mukhang nga siyang mabait at approachable.
Nung palapit na kami sa dorm eh, nawala na sa paningin ko si Dom sa likod.
“Malapit na pageant, goodluck saten hehe. Araw araw tayong pagod katulad ngayong araw hehe”
Ngiti lang din sagot ko sa kanya. Nagpaalam na siya at umakyat sa dorm niya samantalang ako pumasok na ako saken.
Humilata ako kaagad. Naalala kong hindi ko pala nalock yung pinto pero sa sobrang pagod ko, hinayaan ko na lang muna.
Ehh nakaidlip pala ako ng hindi ko napapansin pero pagkakita ko sa pinto, nakasara na, tapos may kumot na nakapatong na sa katawan ko.
May nakita akong kape from McDo sa lamesa, may nakalagay na note.
“McCafee for you. Marami ka pang assignment, to keep you awake. Sana McCaffeeling na uli kita. I miss you. I’m sorry. -Dom”
Mali bang hindi ko siya pinapansin?
Mali bang nag iinarte ako?
Eh kasi nasaktan talaga ako eh.
Sinunod ko na lang instinct ko at hinayaan ko muna na ganito kaming dalawa hanggang sa makarinig ako ng sincere apology galing sa kanya.
+++++
VOTE AND COMMENTS GUYS!!!!! ☺☺
BOOK 2 - Part 11
February 12, 2016
10:24PM
Parang ang dami kong ginagawa lately. Una sa pageant, tapos exams pa, tapos si Dom pa na palagi akong kinukulit. Hindi ko pa rin kasi siya pinapansin.
Diba, almost a week ko na siya di pinapansin. Feel ko talaga effective tong ginagawa ko eh.
Pero aside sa mga ginagawa ko, kailangan ko pang makahanap ng company para mapag OJT-han! So ayon yung ginawa ko kanina.
Pumunta ako ng BGC, para umattend ng interview. Inexcuse ako sa school kaya no worries.
Eto na!! Pag punta ko don, hindi ako nagexpect ng gwapong boss o HR na kakausap saken pero biniyayaan ako ng pagkain para sa mga mata ko.
Jusko! Napakasarap niya!!
Second lang siya syempre, first ko pa rin si Dom.
Kaso etong HR na ’to eh mestiso at parang may lahi tapos maskulado pa! Gosh, Lord, help me.
So ininterview niya ako.
Ang pangalan niya ay Matteo.
Gosh. Wait. Ang gwapo talaga. Hindi ako makapag concentrate.
Everytime na nagsasalita siya, parang feel ko siyang sunggaban!
Ang hot pa ng boses.
Ang ganda pa ng ngipin.
Oh My!
Pero nung natapos na yung interview ko, natapos na rin na makita ko siya.
Naisip ko na maswerte girlfriend neto kasi mukhang napakabait pa niya.
Pero wait, there’s more!
Hindi siya straight!
Yes! Hindi siya straight.
Nung pauwi na kasi ako, nakita ko si Dom sa tapat ng building! Sinundan pala niya ako kasi hindi raw siya mapakali nung umalis ako.
So, hinayaan ko na lang muna siya na sumunod. Nilibre pa niya akong kumain.
At dito ko nga nakita si Sir Matteo, may kasamang lalaki. Hindi naman ako judgemental na tao kaya hindi ko muna jinudge, pero nung makita ko silang nagsusubuan, ay iba na ’to.
Confirmed nga na mag jowa. At isa pa, parang wala silang paki sa sasabihin ng iba.
Ang cute nila tignan, actually cute din yung isang guy!
Kaso nahuli nila akong nakatingin sakanila na para bang nababasa nila isip ko. Ngumiti kasi silang pareho saken.
Ngumiti na lang din ako sakanila at hinarap ko si Dom.
“Gusto mo rin ba ng ganon???” tanong niya saken. Tinutukoy niya yung PDA in public.
Sagot ko na lang baka magalit girlfriend niya sabay ngiti.
Nagmamatigas pa rin ako.
Wala naman siyang ginawang iba kundi harutin ako pero wala man lang sorry o explanation kung bakit niya ginawa ’yon.
Hindi siya nakasagot.
Kumain na ako habang pinagmamasdan niya lang ako. Nailang ako kaya tinigil ko yung pagkain.
Sabi ko sa bahay na lang ako kakain kaya niyaya ko na siyang umuwi.
Pagdating sa bahay, pumasok din siya sa kwarto ko. Agad niyang hinawakan yung kamay ko.
“Hindi mo pa rin ba ako papansinin? Kaya mo ba kong tiisin ng ganito?” panunuyo niya.
Namimiss ko na rin siya, sa totoo lang, kaso nga lang gusto ko talaga makarinig ng sincerity sa kanya.
Sabi ko na lang, pagod na ako at gusto ko ng magpahinga.
Huminga lang siya ng malalim at saka umoo.
Hinalikan niya lang ako sa kamay saka siya umalis. Kita ko naman sa mga mata niya yung lungkot kaya naguilty ako.
Sabi ko sa sarili ko, bukas, promise, babalik na kami sa dati!
+++++
VOTE AND COMMENTS!!!!
BOOK 2 - Part 12
February 13, 2016
11:55PM
May kekwento ako sainyo.
Nasa dorm ako habang hinihintay ko si Dom. Gabi na pero hindi pa rin siya umuuwi.
To think na gabi na at maghapon ko siyang hindi nakita. Hindi ko rin siya nakita kanina sa basketball court o kahit saan.
Tinetext ko siya at tinatawagan pero hindi siya sumasagot.
Kahit nilalamok na ako rito sa labas ng kwarto niya, gusto kong makita niya ako kaagad pag uwi.
Gusto ko mag sorry sa ginawa ko sa kanya nung mga nakaraang araw.
Pero wala talaga siya.
Pumasok muna ako sa kwarto ko para doon na lang maghintay.
Maya maya, may narinig akong maingay sa labas na nagtatawanang mga babae. Ayoko sanang lumabas kasi mukha namang hindi si Dom ’yon.
Pero narinig ko boses niya!
Lasing na lasing na boses niya.
Lumabas ako habang akay akay siya ng dalawang babae.
Ang dami ko pang narinig na malalaswang salita like.
“Kakainin kita mamaya!”
“Nako, 2 vs 1, sana kayanin niyo ako!”
“Ang sasarap niyo!”
Hindi ko maiwasang maiyak sa narinig ko.
Gusto ko ng bumalik sa kwarto ko pero huli na, nakita na ako ni Dom.
Hinawakan niya yung kamay ko para pigilan. Nauna na yung dalawang babae sa kwarto niya.
“Pasensiya na” sabi niya saken. Sa pungay ng mga mata niya, alam mong lasing na lasing talaga siya.
“Hindi ko na kayang maghintay sa’yo. Mas maarte ka pa sa babae! Lahat na ng sorry ginawa ko pero ayaw mo pa rin!”
Para akong sinapak sa kaluluwa ko sa sobrang sakit ng sinabi niya! Pero hindi ako makawala sa kanya.
“Mahal pa naman kita pero nakakapagod ka rin pala”
Mas masakit yon sa masakit na sinabi niya kanina. Para akong binibiyak. Gusto ko siyang saktan pero kahit anong bitaw ko sa kanya, hindi ko magawa.
“Tama na. Ayoko na. Sasaktan mo lang ako Greg! Nararamdaman ko! Sasaktan mo lang ako!”
Siya naman umiiyak ngayon at para akong manhid dahil wala akong nararamdaman sa higpit ng hawak niya.
Hindi ko na kaya. Para akong nawawalan ng hininga sa sakit. Ang sakit sa dibdib. Ang sakit sa puso.
Nanlalabo na lang yung paningin ko sa nangyari hanggang sa bumagsak ako.
Then nagising ako.
Pawis na pawis. Brownout pala at umaga na.
And oo…
Panaginip lang pala yung nangyari samen ni Dom. Panaginip lang pero ramdam ko yung sakit kapag nagkatotoo ’yon!
Agad akong lumabas, wala ng hila hilamos. Pinuntahan ko kaagad si Dom sa kwarto niya pero walang tao.
Naglinis na muna ako ng katawan at hinintay ko siya maghapon.
Tinetext ko siya uli at tinatawagan pero wala pa rin siyang sagot.
Naalala ko na naman yung panaginip ko, ang sakit sakit pala. Kahit panaginip lang siya, ramdam na ramdam ko. Ayokong mangyari ’yon!
Gabi na, pero wala pa rin siya.
Nagluto pa naman ako para saming dalawa pero hindi pa siya umuuwi.
Nakita ko pa si Roi na paakyat, nagusap pa kami sandali pero umakyat na rin siya.
Alas dyis na pero wala pa rin siya. Kaya naisipan ko na lang na matulog na uli.
Pasara na ako ng ilaw at pinto ng may narinig akong nagsasalita. Babae.
Sumilip ako at may babae ngang maganda sa tapat ng pinto ko. Nung una, ayoko pang makichismis pero nung narinig ko yung boses ni Dom, talagang nakinig ako.
Narinig kong sabi ng babae, Salamat daw!
Sumilip ako at nakita ko yung itsura niya, maganda yung babae! At familiar siya kasi mukhang dito rin siya nagdodorm!
Sabi naman ni Dom umakyat na daw siya at baka makita ko pa raw silang dalawa na magkasama.
Nakita ko pang yumakap yung babae sa kanya, gumanti rin si Dom ng yakap at pinagmamadali na siyang umalis neto.
Nakita ko pang tumambay si Dom sa harap ng kwarto ko. Mukhang tinatawagan niya ako kasi nagvivibrate yung phone ko.
Nung hindi ako sumagot, pumasok na siya sa kwarto niya.
This time, hindi panaginip to! Totoong may babae nga si Dom!
++++
VOTE AND COMMENTS GUYS!!!!!
BOOK 2 - Part 13
Guys!! Visit niyo si
CokeNFries
tapos basahin niyo story niya!!!! 😊😊😊😊
February 15,2016
01:45AM
Kung nasabi ko na na napakadaming nangyari saken ngayong araw? Edi mas maraming nangyari ngayon.
Kanina pag gising ko, nagmamaktol maktol pa ako. Seryoso, umiyak ako kagabi kakaisip kay Dom. Para kong tanga. Nag inarte pa kasi ako tapos iiyak iyak eh no.
Parang mga 9 ako nagising kanina, una kong ginawa, sumilip sa kwarto ni Dom.
Tapos gusto kong kumatok kaso nahihiya ako.
So bumalik ako sa kwarto ko para kumain. Tapos palabas na ako ng dorm uli para silipin siya kaso nandon yung babae!!
Umagang umaga! Nandoon siya sa tapat ng kwarto ni Dom.
Nanggigil ako sa kanya.
Sasampalin ko na sana paglabas ko kaso naunang bumukas yung pinto ni Dom at lumabas siya na parang kakagising niya lang din.
Ayon siya, mukhang ang saya saya niya tignan!
Naiiyak na naman ako ngayon hanggang sa nakita ko silang lumabas.
Jusko, para talaga akong tanga kanina.
Tinext ko pa si Patricia at Jane non na pumunta sa dorm ko. Sabi nila pupunta raw sila.
Pagdating nila halos sapukin nila ako nung kinwento ko yung nangyari.
“Maarte ka kasing bakla ka!” sabi ni Patricia.
“Arte mo! So papayag kang aagawin lang sayo jowa mo?!” sagot naman ni Jane.
“Nako, Gregory ah! Valentines ngayon!! May date kaming dalawa ng mga jowa namen kaya di ka namen masasamahan maghapon!”
“Oo Greg! Kilala mo ba yung babae?tara tambangan na natin!!”
Infairness sa mga tropa ko. Parang nabubuhayan ako.
Bakit nga ba ako nagmamaktol. Pwede ko namang komprontahin yung dalawang yon!
So nagbihis ako at lumabas kaming tatlo. Wala kaming idea kung saan kami pupunta kaya in the end, bumalik kami sa dorm.
Hapon na pero di pa rin sila bumabalik.
Umalis na rin sila Patricia at Jane non dahil nga may date pa sila.
Ako naman nanlulumo na naman. Pero nagrecord ng voice message sina Patricia at Jane, sumisigaw sila at sinasabing “KUNIN MO SI DOM!!!!”
kaya namomotivate uli ako.
So eto na ang funny part.
Medyo magdidilim na ng dumating yung dalawa. Leche, nagtatawanan pa silang dalawa. Hindi nila alam nakasilip ako sa pinto ko habang nagkekwentuhan sila sa labas.
Huminga ako ng malalim.
Binuksan ko yung pinto.
Tumingin silang dalawa saken.
Ako naman nakataas na kilay ko. Nakapamewang pa ako.
Realtalk, ang taray taray ng dating ko kanina. Siguro matatakot din ako sa sarili ko kapag nakaharap ko tong mukha kong to sa salamin.
Ngumiti naman si Dom nung nakita niya ako. Akma siyang lalapit pero pinigilan ko siya.
Dumiretso ako sa babae.
Promise, patampal na ako! Pinigilan ko lang at nagkibit balikat na lang ako.
Nahihiya ako sa sinabi ko sa kanya. Sabi ko kasi.
Ikaw babae ka. Alam mo bang may nililigawan na yang lalaking yan bakit dikit ka pa ng dikit?!
Ang taray diba.
Mukhang natakot si girl tapos nagsalita pa ako.
Ayoko ng makikita kang dumidikit ka sa kanya, naiintindihan mo ba?!
Si Dom naman sa gilid ko pinipigilan ako. Umiyak yung babae at tumakbo paakyat. Si Dom naman hinatak ako papasok sa dorm ko.
“Ano bang problema mo?!”
Aba, siya pa yung galit.
Hindi ako sumagot. Hindi ko rin siya tinitignan.
“Hindi mo ko papansinin ng ilang araw? Tapos bigla mong aawayin si Myla?!!”
Sumigaw din ako sa kanya, ang sabi ko, ang bilis mo namang magpalit!! Gusto ko lang naman suyuin mo pa ako eh!
“Ehh nilalandi ko ba si Myla?!!”
Sumagot akong, bakit hindi ba?!
“Hindi!! Bakit ko siya lalandiin? Eh tinutulungan niya ako sa surprise dinner ko sayo ngayong Valentines!!”
Okay.
Natahimik ako.
Kita ko sa mukha ni Dom na galit nga siya.
At sa sobrang galit niya, binuhat niya ako. Binuhat sa balikat niya!
Umakyat kami sa rooftop at nakita ko ngang may special dinner don!
May lamesa sa gitna, may mga pakandila pa. May pa rose petals pa sa sahig. Meron pang bulaklak sa lamesa!
“Ayan!! Tinulungan niya akong gawin yan para sayo!!”
Shet.
Nakakahiya talaga.
Nakatayo lang si Dom don na para bang hindi siya makapaniwala.
Nilambing ko siya pero umiiling siya
Niyayakap ko pa pero inaalis niya.
Nilalambing ko talaga siya at nung ngumiti siya, niyakap ko siya ng mahigpit.
“Kasi bakit ka nag iisip ng ganon.”
Sabi niya pa. Hindi ako nakasagot basta nakayakap lang ako sa kanya.
“Ikaw lang naman kaya akong tiisin ng ganito katagal eh. Ako di ko kaya yon”
Shet. Naguguilty na ako lalo sa sinasabi niya.
Feel ko willing nako igive up virginity ko sakanya.
Pero joke ’yon.
Pumunta na kami sa lamesa at nag usap.
“Anong sabi mo kanina? Ayaw mong dumidikit si Myla saken??? Bakit?? Nagseselos ka ba??”
Ayan na naman yung mapang asar yet ang gwapo niyang mukha.
Humindi ako.
“Sus. Selos ka eh. Aminin mo na!”
Hindi pa rin ako sumagot.
“Yieee… Selos siya, love niya ako”
Yung ngiti ko abot tenga sa sinabi niya,
“Nagseselos Greg ko. Gusto niya sakanya lang ako. Yieeeee…”
Pinatigil ko siya at sabi kong bababa nako kapag nangasar pa siya.
“Wooo…. Grabe yung selos mo kanina ah. Ang cute mo, baka nga nahalikan na kita kanina ehh!”
Parang sira to!! Halos makurot ko na yung binti ko sa kilig.
“So love mo nga ako??”
Pangungulit niya uli.
“You love me? Huh?? Love me???”
Dumila lang ako.
“Yieee. Dila means yes.”
Dumila uli ako.
“Hay nako love na love mo talaga ako!”
Tigilan mo na nga! Sabi ko sakanya kasi ang kulit kulit niya.
“Pero huwag mong isipin na kaya kitang lokohin or ipagpalit ha? Hinihintay ko lang na lumamig ka.”
Naging seryoso na naman siya. Sinabi ko lang na sobra akong nasaktan sa ginawa niya.
“Maling mali ginawa ko, wala akong excuse doon. Pero I’ll make it right, asap. Okay?”
Hinawakan niya kamay ko na nasa lamesa at naghintay ng sagot ko.
Umoo ako.
“So love mo nga ako?”
Ayan na naman siya!
“Sige na, sabihin mo lang. Love kita. Tapos titigil na ako!”
Mukhang wala nga siyang balak tumigil.
“Dali na. Say, Love kita!”
So…,
Ayun.,,,
Sinabi ko na sakanya. Love kita.
Si loko parang sira kung kiligin. Ang laki ng ngiti! Jusko ang sarap icapture ng ganitong moment.
“Ehhh mas love kita!”
Sagot niya saken.
Jusko! Ngiti lang din naging sagot ko. Maya maya, nagsalita uli siya.
“Love you!” sabay kindat!
+++++
VOTE AND COMMENTS!!
WALA NA SI VALENTINA!!!! 😭😭😭😭
Note: Kapag umabot ng 80 votes to, upload ko na kaagad yung next part! Haha!
BOOK 2 - Part 14
Ang bilis maka 80 votes ah!!!! Hahaha as promised, eto na agad!! 😊
February 16, 2016
10:09PM
In the first place, kaya may pageant sa school kasi Foundation week namen. At start na ng foundation week namen means walang klase halos lahat!
Hindi pumasok si Dom ngayon samantalang ako naman pumasok para sa school paper na sinusulat namen.
Parang okay na kami ni Anthony. Kinakausap na rin niya ako ngayon. Mukhang okay na sa kanya na “kami” ni Dom.
Niyaya niya pa ako maglunch non!
Sabi pa niya masaya na raw siya samen ni Dom. Sabi ko naman hindi pa kami.
Habang nagkekwentuhan kami, bigla naman akong nilapitan ni Roi.
Tinitigan niya lang ako.
Medyo creepy lang kasi nakatitig siya habang kumakain ako.
Nung medyo nairita na ako, nagsorry siya. Sabi niya pa kung may gagawin daw ako mamaya, sabi ko wala naman. Magkita raw kami sa may dorm.
Well, sa 4thfloor lang naman siya nakatira kaya pumayag naman ako.
After ng lunch na ’yon, nagtext si Dom na umuwi na raw ako kasi lilibre raw niya ako manuod ng sine.
Pag uwi ko, nasa loob siya ng dorm ko at nagluluto. Asusual, nakahubad na naman, nakaboxer at nagpapa cute saken.
Tanong ko kung aalis pa kami, ang sagot na naman.
“Huwag na. Netflix and sexx na lang tayo!”
Sinugod ko siya saka hinampas na malakas. Nagbakas pa yung kamay ko sa likod niya.
“Rawr. Ganyan pala trip mo ah. Medyo BDSM”
Kinurot ko uli siya sa mga pinagsasasabi niya!
Pero bigla niya akong niyakap ng mahigpit. Kahit malagkit katawan niya, niyakap ko rin siya.
“Namiss kita kaagad” bulong niya saken.
Kanina lang kami magkasama. As in kaninang umaga lang!
“Dito na lang tayo. Tinatamad na akong umalis eh. Gusto na lang kitang pagsamantalahan”
Loko loko talaga tong si Dom pero infairness, gustong gusto ko naman!
“Binigay na pala saken yung picture nung pictorial. Gusto mo makita?”
Okay. So syempre kasali kami sa pageant tapos may papictorial pa ’yon. Yung akin kasi tinago ko, nahihiya akong ipakita sa kanya. Pero nung nakita ko yung sa kanya, grabe!!

Paano ka hindi mawewet diyan?!

Ayoko na. Nakatingin pa siya saken habang tinitignan ko picture niya.
“Sarap ko no? Sayang lang hindi mo pa ko natitikman”
Nakisakay naman ako sa kanya at sinabi kong magpapatikim ka ba?
“Aba aba… Oo naman.”
Kinuha niya kamay ko at pinahaplos niya sa buong katawan niya. Sa abs niya. Sa nipples niya. Napapikit pa siya sa sarap habang ginagawa ko ’yon.
“More…. Kiss me please”
Hala! Natuturn on nga si loko!
Nangasar pa ako. Hinawakan ko na siya ng ako lang. Sa leeg niya. Sa likod. Pinisil pisil ko nipples niya.
Aba napapakagat labi pa siya sa sarap.
Nagulat ako lalo ng bigla niya akong inalalayan papunta sa kama.
Seryoso. Parang gusto niya talaga.
Pero ako talaga nang aasar lang.
Humiga siya.
Pumatong ako.
Gosh!! Ang laki!!!
Friends. Ang laki po talaga. Bakat. Gising na gising. Buhay na buhay. Medyo scary nga eh haha!
Then nagkatitigan kami habang hinahawakan ko yung garter ng boxers niya habang pinapasok ng slight yung daliri ko.
Nakapikit lang siya althroughout promise. Ang sarap niya pagmasdan.
Bumulong ako sa tenga niya at sinabi kong “masyado ka namang turn on. Nagbibiro lang ako”
Sabay tawa sa kanya!
Natawa rin siya na parang nahiya kasi nung tumayo kami, nakatakip siya sa ano niya kasi tayong tayo talaga promise hahahah nakakadistract.
“Nakakainis ’to. Napakapaasa!”
Tawa pa rin ako ng tawa pero niyakap ko lang siya sa likod habang nagluluto siya. Ganun lang naman gusto ko, magyakapan kami.
So hindi na nga natuloy yung alis namen. Kumain lang kami habang nanunuod sa laptop. Syempre may pakunti kunti siyang hawak saken. Syempre ako rin sumasakay.
Nakatulog kaming dalawa non, nagising na lang kami nung may kumakatok sa dorm ko. Syempre ako na yung tumayo, bumalik ng tulog si Dom.
Pagbukas ko ng pinto, nandoon si Roi. Tinanong ko kung bakit siya nandito.
Pero hindi siya sumagot.
May kasama pala siyang isa.
Seryoso. Nung makita ko siya, kinabahan ako, natakot, kinilabutan…. Ewan ko ba. Basta iba pakiramdam ko.
“Kumusta ka na?”
Ayoko siyang kausapin pero wala akong magawa. Kaharap ko na siya. Naalala ko naman yung ginawa ng Pamilya niya sa Pamilya ko.
Si Joshua ’yon. Ang ex ko.
+++++
VOTE AND COMMENTS GUYS!!!
ANG BILIS MAKA 80 AHH? HAHAHA!
BOOK 2 - Part 15
February 17, 2016
08:22PM
Nakakatakot lang yung nangyari kanina. Kasi di’ba dumating yung ex ko out of nowhere.
Ayon pala, tropa silang dalawa ni Roi. At nung nakwento daw niya ako, nagulat siya na magkakilala kami so pinuntahan niya raw ako.
Kinwento ko kay Dom lahat kaninang umaga kasi sinaraduhan ko talaga ng pinto sila Roi at Joshua.
Ang reaksyon lang ni Dom eh ang yakapin ako ng mahigpit at sinabing huwag akong magalala kasi hinding hindi siya aalis sa tabi ko.
Pero nung bandang tanghali, kumatok na naman si Joshua sa dorm ko this time, wala si Dom kasi namalengke.
Nagpupumilit siyang pumasok pero hindi ako pumapayag.
Hindi naman siya galit or what, parang desperate lang siya makausap ako.
Kaso paano mo kakausapin yung taong “pumatay” sa Pamilya mo.
Grabe pagdadasal ko na sana dumating na si Dom.
Pero nagulat ako sa ginawa ni Joshua.
Lumuhod siya sa harap ko habang umiiyak. Nagmamakaawa na makipagbalikan siya saken.
Never pa raw niya naramdaman yung pagmamahal na katulad ko. Mahal na mahal daw niya ako.
Sinabi niya pang walang kinalaman parents niya sa nangyaring sunog at talagang aksidente lang lahat ng ’yon.
To be honest, ayoko talagang isipin na may kinalaman parents niya pero sobrang galit kasi saken non eh kaya hindi ko maiwasang isipin ’yon.
Buti na lang dumating na si Dom at sa eksenang nadatnan niya, nauna yung galit niya.
Sinapak niya kaagad si Joshua nung nakita niyang nakaluhod siya sa harap ko. Tinadyakan pa.
Pero lumaban si Joshua at nakasapak din kay Dom.
Nandoon si Roi na umawat sa dalawa.
Galit na galit din si Joshua kay Dom. Sabi pa niya kung bakit daw nagagalit si Dom, kung kami raw ba.
Hindi naman nakasagot si Dom. Hindi pa naman kasi kami.
Kung makaasta raw si Dom parang kami na. Eh hindi pa raw kami nagbbreak ng maayos ni Joshua. Parang tinakbuhan ko lang daw yung relasyon nameng dalawa.
Nanggigil pa si Dom at nagpupumilit na sapakin si Joshua pero pinipigilan ko siya.
Nagtinginan lang ng masama sila Dom at Joshua saka umalis si Joshua.
Pumasok naman kami ni Dom sa loob at tinignan ko yung sugat niya sa mukha.
Ramdam ko yung galit niya.
Galit na galit.
Kaya naman niyakap ko siya para kumalma siya kahit papano.
“Ayoko lang na nakikita kang natatakot. Kitang kita kong takot na takot ka sa kanya!”
Hindi ako sumagot basta nakayakap lang ako sa kanya.
“Hayaan mo. Hindi ko na hahayaang guluhin ka non!”
Sinabihan ko siyang kumalma na. Kasi ako okay na, nakarecover na sa nangyari. Kaya sana siya rin.
“Wala akong nasagot kanina”
Siguro yung tinutukoy niya eh sa tanong na kung kami ba.
Sabi ko sa kanya eh bakit hindi niya sinabing kami?
Ayaw daw niyang pangunahan.
Sinabi ko naman sa kanya na sana sinabi niyang tayo kasi Mahal ko naman siya.
Sa totoo lang nabigla ako. At yung reaksyon ni Dom na sobrang galit eh napalitan ng ngiti.
“Mahal mo ko????”
Eto na naman siya. Ramdam ko ng mangungulit siya.
“Mahal mo nga ako? Sabi mo mahal mo ko? Sabihin mo uli!!”
Imbis na sumagot, tumayo ako at umiwas.
“Awwww…. Ang sakit ng mukha ko sa sapak kanina. Sana naman halikan to ng nagmamahal saken”
Tinignan ko siya na nakaturo sa labi niya at nakanguso.
Lumapit ako sa kanya. Hinalikan ko yung kamay ko sabay nilapat ko sa labi niya.
“Contaminated na yon kapag hindi diretso sa labi mo! Dapat lips to lips. Tongue to tongue.”
Pinitik ko yung labi niya pero hinalikan ko na lang siya sa cheeks.
Ewan ko. Para siyang si Bunak, don sa FB na sinampal yung kapatid kaya napahawak sa pisngi.
Ganong ganon yung reaksyon niya!
“First time mo kong kiniss ng ganito!”
Okay. Yumakap lang ako uli at bigla na naman akong naging seryoso.
Sabi ko kasi medyo nawala na yung takot ko sa Pamilya ni Joshua kasi nung sinabi niyang hindi niya pamilya may gawa non, parang naniniwala ako.
Ngayon naman, natatakot ako sa Pamilya ni Dom.
Paano kapag nalaman nila… If ever? Ano na namang mangyayari.
Kaya bigla niya akong hinawakan sa mukha at sinabing.
“Bukas na bukas sasabihin natin sa kanila na tayong dalawa. Okay???”
Magsasalita sana ako pero pinigilan niya ako.
“Huwag kang matakot. Hindi kita iiwan dito, okay? I wanna be your last.”
Ang maganda kasi kay Dom may assurance siya palagi everytime ganito yung usapan namen. Palagi niyang ipaparamdam saken na okay lang ang lahat.
“Basta pa score sayo ah? Kahit mga 3 rounds lang!” sabay biro niya.
At sinapak ko na naman siya ng malakas sa sinabi niya!
+++++
VOTE AND COMMENTS GUYS!!!!! 😊😊😊
BOOK 2 - Part 16
If nabibitin kayo sa ikli ng story ko, visit niyo si
CokeNFries
! Maharot din yung bida don hahahahah!
++
February 19, 2016
11:55PM
This is the very very best day ever ever ever!
Kanina yung pageant namen.
At realtalk, hindi ako pinansin ni Dom. Seryoso talaga siya sa pageant, gusto kasi niya manalo. Actually, nakakatawa siya promise. Gusto pa niya isavotage mga gamit ko.
So yung pagent ehh may paunang rampa, sportswear, may pa swimsuit pa at yung final formal wear.
Syempre, ready ako pati na rin si Dom sa mga pa rampa.
Nakakatuwa kasi may mga sumisigaw din saken. Pero iba talaga sigawan kay Dom, crowd favorite. Sino ba naman kasing hindi mapapasigaw sa kanya.
Ineexpect ko na na papasok siya sa top 5 para sa Q&A, and sadly, hindi ako pumasok.
Hindi naman ako umalis para panuorin pa rin siya.
Then, nung rumampa na siya with formal wear, grabe yung tilian. Mapababae, bakla at buong audience.
Nung tinanong na siya, agad siyang nakasagot.
Hinding hindi ko makakalimutan yung sagot niya.
Q: Define what love is using your program.
Yung moment na yon, bigla siyang napatingin saken sabay ngiti. Yung mga katabi kong babae tumili akala nila sakanila, baka sampalin ko sila bigla.
“Bilang isang Marine Student, may mga kantyaw samen na manloloko kami, seamanloloko nga diba? Pero in reality, we’re lonely. Malayo sa Pamilya, kaibigan at syempre sa minamahal. At sa tingin ko ayon yung love, yung sacrifice mo para sa ikabubuti ng future mo at ng mga taong mahalaga sa buhay mo. Love kasi willing kang maging malungkot pansamantala para sa pangmatagalang saya. Katulad ko, bilang isang Marino, ginagawa ko ’to para sa taong mahal ko.”
Sabay tingin saken at kindat.
Crowd favorite talaga tong si Dom at nung pagkatapos niya eh naghintay na kung sino mananalo.
And guess what?
Siya panalo!
Wala kasing kwenta mga sagot nung iba eh kaya siya talaga bukod tanging umangat.
Syempre masaya ako pero inner me is kinakabahan dahil nga sa usapan namen.
Busy siya sa pagpapapicture, kami rin nila Patricia at Jane eh busy sa mga nagpapapicture saken.
Pansin kong may hinahanap si Dom pero marami talagang lumalapit sa kanya kaya hinayaan ko na muna siya.
Nag CR muna ako sa may registrar banda kasi walang tao don, konti lang pumupunta.
Pagkaihi ko galing cubicle, nandon na si Dom sa loob ng CR.
Sinara niya kaagad yung pinto at ni lock.
Nakatingin siya saken na parang may gagawin siyang masama saken. Suot suot pa niya mga sash at korona niya.
Kumakagat kagat labi pa siya habang palapit saken.
“Proud ka ba?” tanong niya sabay tayo sa harap ko. Syempre, yumakap na ako kaagad sa kanya bilang sagot.
Pero iba yung yakap niya, binuhat niya ako papunta sa lababo. Nakaupo na ako don at magkaharap kaming dalawa.
“Meron akong one wish, remember?” sabi niya.
Eto na.
What if yayain niya ako ng sexx dito sa CR gosh baka magka scandal kami pero medyo exciting din yon.
O kaya kahit hawak hawak lang. G lang din naman saken.
What if subo? Gosh. Ang daming pumapasok sa isip ko. Baka mabulunan ako.
Tinanong ko siya kung anong gusto niya.
“Kiss”
Nagulat ako sa kiss. Kasi anytime pwede naman kaming mag kiss. Pero ginamit niya yung 1 wish na yon para lang sa kiss.
“Nanalo ko, and I want that kiss.”
Aba, competitive.
Pumayag ako.
Inamoy ko muna yung hininga ko mamaya hindi na kanais nais pero okay pa naman.
Nagmadali akong nagmumog muna kasi katabi ko naman yung sink.
Huminga ako ng malalim.
Pero never umalis ng tingin si Dom sa mga mata ko.
Gosh. Eto na talaga.
Pumikit ako.
Yes.
Hinawakan niya na mukha ko.
Gosh eto na talaga.
Nagkadikit na mga noo namen.
Omygosh.
Ilong na.
Eto na talaga.
Then it happened.
Naramdaman ko na yung labi niya.
Shet!! Ang sarap!!! Lasang apple dahil sa lipbalm.
Gosh. Shet, ginagalingan niya masyado.
Alam niyo yung mapapabuka ka na lang ng labi. Gosh, ganon, then naramdaman ko yung dila.
Shet.
Actually medyo nagulat ako kaya napadilat ako pero nung tinignan ko siya, nakapikit siya habang dinadama yung halikan namen.
Nakaka turn on.
Super.
Yumakap ako sa kanya at gumanti ng halik.
Shet. Ang sarap.
Medyo maingay na yung halikan namen.
Eto na.
Ramdam ko yung turn on niya, hello! Nakadikit ano niya saken kaya ramdam kong matigas na.
Para kaming sabik na sabik sa isa’t isa.
Para siyang marino na nasa barko ng ilang taon tapos sabik na sabik siyang halikan ako.
Bigla niyang inalis yung pagkakahalikan namen. Sabay ngiti saken.
“Mahal na Mahal Kita, Greg.”
Fvcking shet!!! Yes, harap harapan.
Hindi ko inaasahan kaya mas lalong nakakakilig.
OMG.
Nanggigigil ako sa kanya gusto ko ng ibigay sa kanya lahat.
“I wanna be your boyfriend, bestfriend, partner, whatever. Okay lang ba?”
Tanginaa! Oo naman. Oo oo oo oo oo!!!
Hinalikan ko siya sa labi sabay oo. Tapos halik uli sabay oo. Paulit ulit hanggang sa yakapin niya ako habang naghahalikan kami.
Shet. Ang sarap. Nakakaadik yung halik.
Ayoko ng umalis sa halikan namen.
Tapos niyaya niya na akong umuwi.
“Tuloy natin sa dorm mo” sabi niya na parang may ibang pinapahiwatig.
Go lang naman ako kasi hello, kami na!!
Then, pagdating sa dorm, eto na. Hubaran na kaagad ng damit.
“Sure ka???” tanong niya uli habang hinahalikan ako.
Medyo kinakabahan ako kaya hindi ako nakasagot kaagad pero umoo ako.
Pero, mas nakakainlove lalo yung sagot niya.
“Gawin nating memorable first mo, hindi lang tayo sa dorm mo. Sa special place tayo. For now, I wanna kiss you all night long”
Di’ba? Parang masasabi mo na lang na nanalo na ako.
Naghubad kami ng damit habang naghahalikan and yes, ganon lang ginawa namen. Walang iba. Pinilit namen sarili namen at nakaya namen.
+++++
VOTE AND COMMENTS!!!
AYAN SILANG DALAWA NA!!!!
100+ votes, post ko kaagad kasunod hahaha (tumaas yung demand sorry haha)
BOOK 2 - Part 17
February 21, 2016
11:45PM
To be honest, hindi ko lang boyfriend si Dom, halos lahat ata eh role niya sa buhay ko.
Bestfriend, food buddy, movie buddy, eating buddy, lahat lahat!
Ofcourse, medyo nahihiya siya sa ibang tao kapag nasa labas kami pero ayos lang naman saken yon. Tamang akbay lang siya saken kapag nasa labas. Minsan, bigla niya akong ikikiss sa cheeks kapag nasa corner kami.
Today is Sunday, ginising niya ako at sinabing magsimba raw kami kasi magpapasalamat daw siya kay Lord kasi sinagot ko na siya.
After nameng magsimba, nagpunta kami sa Star City. Sa totoo lang, hindi pa ako nakakapunta rito kaya tuwang tuwa ako nung mapuntahan ko yon kanina kasama siya.
Nung pumasok kami sa parang haunted house don, bigla niyang hinawakan kamay ko.
Since marami kaming sabay sabay na pumasok don, nagpahuli kami.
At nung nauna na yung mga tao. Literal na binuhat niya ako at pinatong doon sa may kabaong na display at sinimulan niya akong halikan ng matagal.
Gusto kong magsalita pero hindi ko magawa, inenjoy ko bawat halik na ginagawa niya saken.
Maya maya, naglakad na uli kami at humabol sa mga tao.
Mas trip niyang pumasok sa mga bahay bahay na booth sa Star City kesa sumakay sa mga rides.
Kasi kada pasok namen sa madilim na lugar na ’yon, hindi pwedeng hindi niya ako hahalikan.
Kada makahanap siya ng timing, hahalikan niya ako.
Sobrang saya ko kanina.
Napagpasyahan pa nameng umuwi ng maaga para doon na raw kami mag dinner sa bahay.
8 na ng makarating kami sa dorm ko at sobrang gulat ko na napaka ayos doon, may mga balloons, may pagkain sa lamesa at may romantic ng music.
Sabi niya sina Patricia at Jane raw nag set up neto kaya huwag akong mag alala.
Pinaupo niya ako pero bago siya umupo, hinalikan niya ako uli sa mga labi ko.
“Nagustuhan mo ba?” tanong niya. Umoo ako kasi hello!!! Surprise kaya ’to!
“Alam mo ba?”
Naguluhan ako sa tanong niya.
“Alam mo nga?”
Na ano?sagot ko.
“Na mahal na mahal kita.”
Ay jusko! Eto na naman siya sa pagpapakilig niya saken!
Sinipa ko siya sa ilalim ng lamesa sa sobrang kilig.
Maya maya, binuksan na namen yung nakatakip na pagkain, gosh, beef steak ’to. Ang ganda ng plating. Jusko.
Nacurious tuloy ako kung magkano binayad niya kina Patricia at Jane dahil sa preparation na ’to.
Pagkatapos nameng kumain, inappreciate ko muna yung mga balloons sa loob pati yung mga rose petals na nakakalat.
Sabi niya pa, maliligo muna siya kasi sobrang lagkit na raw niya. Kaya ako rin naligo muna.
Promise, sobrang saya ko kanina, to the point na ayoko ng matapos tong gabing to.
Pagkatapos kong maligo, iba na yung scenario ng dorm ko!
May pa kandila naman ngayong maliliit sa paligid. Nakapatay yung ilaw, kaya ibang iba yung mood.
Nakita ko siyang bahagyang nakahiga sa kama, may rose sa bibig niya habang nakasuot lang siya ng bath robes.
Lumapit siya saken, binigay niya yung rose sa bibig niya papunta sa bibig ko.
Natatawa ako sa ginagawa ni Dom.
Sabi ko magbibihis lang muna ako kasi nakatapis lang ako ng tuwalya pero hinila niya ako at hinalikan sa labi.
Gosh, buti na lang nagsipilyo na ako. At siya naman, fresh na rin. Kaya mas dinamdam ko yung halikan namen..
Nung yinakap niya ako, may naramdaman ako.
Wala siyang suot na underwear!!!!
Yes, mga momshie. Naka bath robes lang siya. Pero sa loob, wala siyang suot.
Nagulat ako at the same time na turn on. Tayong tayo, galit na galit.
Ewan ko kung bakit ko hinawakan.
Pero nagustuhan niya!
Gosh! Wait, ang laki talaga promise.
Eto na ba?mangyayari na ba? Yes, gusto ko na please.
Tinanong niya ako kung Mahal ko ba siya, walang pag aalinlangan na sinabi kong Oo. Sumagot naman siya na Mahal na Mahal din niya ako at bibigay niya raw saken yung buong buo niya.
Medyo green at the same time sweet.
Wala na akong paki. Pumayag na ako sa gusto niyang mangyari.
Ilang beses niya pa akong tinanong kung sure ba raw ako. Ang sabi ko oo.
Tinanong ko kung gusto niya, ang sagot niya ba naman nung unang beses daw na nakita niya ako, gusto na niya akong anuhin.
Hinigpitan ko hawak ko sa ano niya kaya natawa na lang siya.
And guess what?
Yes.
Ginawa na namen yon.
Siguro 3 rounds, pero iba. Iba yung feeling, parang ang sarap ulit ulitin.
Hindi ako nagsisi sa ginawa namen at kahit ilang beses pa nameng ulitin, hindi ako magsasawa.
++++++
VOTE AND COMMENTS.
Hindi na siya virgin huhuhuhu! LOL.
Last 3 chapters na lang guys!!! Haha :)
BOOK 2 - Part 18
February 29, 2016
09:44PM
I’m sorry kung ngayon na lang uli nakapagsulat.
Tapos na kasi yung foundation week sa school kaya busy na uli sa mga ginagawa. Sinulit pa ako ni Dom bago magstart yung busy week namen.
By ‘sinulit’ ang ibig sabihin non eh alam niyo na :)
School paper works, projects, exams, essays, group report, natambakan kami. Parang almost 2 weeks kaming ngarag.
Naiintindihan naman ni Dom lahat yon kaya okay lang na hindi kami masyado magkita.
Pero mahigpit niyang sinabi na sosolohin daw niya ako ngayong araw (Feb 29) kasi miss na miss na raw niya ako.
So eto na, normal day sa school kanina at pagdating ng hapon, lumabas kaming dalawa.
Syempre, nuod sine, kain sa labas tapos konting gala sa Luneta. Medyo cheesy di’ba? Pero super importante saken ng mga moments na kasama siya.
Napakaliit talaga ng mundo at nakasalubong pa namen si Joshua, kasama si Roi sa Luneta.
Automatic na nagalit kaagad si Dom pero kaagad ko siyang pinigilan kasi maayos namang lumapit samen yung dalawa.
Maayos din naman na nakiusap si Joshua na makipagusap saken na kami lang. Pumayag din naman ako.
Lumayo muna kaming dalawa at humingi siya ng tawad sa kung ano man yung ginawa niya.
Wala naman siyang ginawa saken eh, yung pamilya niya lang. Pero nanindigan siya na walang kinalaman yung parents niya sa nangyari sa parents ko.
Nag away pa nga raw sila ng parents niya kasi bakit daw sila sinisisi. Eh hindi naman sila mamamatay tao.
Tinanggap ko yung sorry niya, sinabi ko rin na kami na ni Dom officially. At masaya na raw siya para saken.
Sila pala ni Roi kaya pala parang nawala siya sa buhay ko nung mga nakaraang araw.
Atleast, okay na lahat. Okay na kami. Pero as much as possible, ayoko pa rin sana makisalamuha sa kanila.
Pag uwi namen ni Dom, kinukulit niya pa rin ako kung ano yung pinagusapan namen ni Joshua pero ang sabi ko lang na ‘okay na, hindi na siya manggugulo’.
Syempre, pagpasok na pagpasok kaagad sa kwarto eh agad niya akong hinalikan.
Tinitigan niya ako after halikan at alam kong ibig niyang sabihin.
Gusto niya makipag ano.
Nasa mood naman ako pero mas gusto kong cuddle night lang kami kaya pumayag naman siya.
Magkayakap kami sa kama ko, minsan maghahalikan. Minsan magkakapaan. Basta puro ganon lang.
Biro pa niyang huwag na siya magdorm kasi palagi naman daw siyang nasa dorm ko. Share na lang daw kami.
After non, bigla na naman siyang naging seryoso.
Birthday daw na Mama niya bukas. Magdidinner daw kasama si Valentina. Niyayaya niya ako, sasabihin na raw niya na kaming dalawa.
Tinanong ko pa kung ready na siya ang sagot niya oo.
Kinakabahan ako pero kita ko naman sa kanya na hindi niya ako papabayaan.
Maya maya, malagkit na pakiramdam ko kaya sabi ko magshoshower na muna ako. Pero pagpasok ko ng CR, pumasok din siya!!
Parehas kaming nakahubaad don.
“Akala mo naman hindi mo pa natikman yan. Sabay na tayo!” biro niya pa saken.
Nakatalikod pa ako sa kanya pero yumakap siya sa likod at alam niyo na.
“Kahit araw araw tayong ganito, okay lang saken” bulong niya saken.
Shet, nagpaparamdam na naman siya. Tinatamaan din ako.
Humarap ako sa kanya at hinalikan ko siya.
And alam niyo na sunod na nangyari, dinalawang rounds na naman niya ako sa CR :)))))))
Nung matutulog na kami, nakayakap at spooning, bumulong siya saken.
“Parang gusto kong magshift ng course”
Nagulat ako sa sinabi niya saka siya nagpaliwanag.
“Isang taon na lang gagraduate na tayong pareho. After non, magbabarko na ako. Hindi ko kayang hindi ka kasama ng ganong katagal. At saka gusto lang naman ni Mama na mag marine ako pero ang gusto ko talaga maging Civil Engineer”
Ayoko siyang magpadaos daos sa gagawin niya kaya sabi ko na lang na pag isipan niyang mabuti. Okay naman ako sa lahat ng gagawin niya eh.
Syempre after non, kiss naman at anuhan hanggang sa makatulog kami.
+++++
VOTE AND COMMENTS!!!!
LAST 2 CHAPTERS HAHHAA. (Bonus update to!)
BOOK 2 - Part 19
March 4, 2016
10:33PM
Alam ni Dom kung gaano ako kinakabahan sa nanay niya. Ayoko nga sanang tumuloy kasi feeling ko may masamang mangyayari.
Ang sabi ko pa, huwag na lang muna namen sabihin na kaming dalawa para hindi mabigla. Pumayag naman siya.
So eto na, kanina nung naglalakad kami sa restaurant at nakita ko na siya kasama ni Valentina, medyo gumaan loob ko. Kasi mukhang good mood siya.
Paglapit namen, agad niyang tinanong kung nasaan si Lovely. Agad niyang sinabi na hiwalay na silang dalawa kaya huwag na daw niyang hanapin kay Dom yon.
Ayan na, medyo nagalit nga si mother, kasi bakit daw nakipaghiwalay eh botong boto raw siya doon.
Gusto na sanang umalis ni Dom kasi nasisira raw yung mood dahil sa Mama niya pero sabi ko Birthday niya kaya pagbigyan mo na lang.
Eto na, kumakain na kami. Syempre si Valentina, kinakausap din ako at nakikipagharutan. Yung mama naman niya eh seryoso at walang imik.
After ng lunch at naglakad lakad kami, hindi maiwasan ni Dom na harutin ako. Syempre, napapansin ng Mama ni Dom yon kaya medyo naiilang ako.
May pagkakataon pa na bigla niya akong hinalikan sa pisngi ko,
Okay, inner me is happy. Pero outside me is scared!
Eto na, nahuli kami ng Mama niya non! At para siyang amazona na nagwala. Buti na lang nasa Parking lot kami at wala masyadong tao.
Nagsisisigaw siya. Bakit daw naging bakla siya. Bakit daw lalaki, salot daw sa lipunan mga bakla. Panira lang sa buhay,
Inner me is gusto siyang patayin at sampalin. Pero syempre, keep your composure and class.
Nagsagutan pa silang dalawa. Pinipigilan ko pa si Dom kasi feeling ko talaga magkakasakitan na sila.
Nagmakaawa ako sa Mama ni Dom na tumigil na pero eto, SINAMPAL NIYA AKO NG MALAKAS.
Yung sa sobrang lakas eh mapapaupo ka sa sahig. Yung babakat yung kamay mo sa pingi niya, ganon kalakas.
Hindi pa siya nakuntento, talagang pati pagtadyak ginawa niya. Buti na lang humarang si Dom saka tinulak niya yung Mama niya.
Agad niya akong pinabangon at saka umalis. Naiwan naman si Valentina doon habang tumatakbo kami palayo ni Dom.
Napadpad kami sa Roxas Blvd at naglakad lakad. Syempre naalala ko yung trauma ko sa pamilya ni Joshua.
Nakaya niya nga akong saktan ehhh kaya baka kaya niya uling gawin saken ’yon.
Hindi rin maiwasan ni Dom ang mapaiyak pero sa totoo lang, naaawa rin ako sa kanya.
Niloko ko pa siya, pahalik halik pa kasi saken eh, ayan tuloy nahuli kami. Tumawa na lang siya.
Napagpasyahan na nameng umuwi, and guess what, nandoon yung Mama niya at si Valentina.
Bago pa kami makapagsalita, eh lumuhod na sa harapan ko yung Mama niya. Nagmamakaawa na makipaghiwalay na ako sakanya kasi wala raw kaming future, wala raw tumatagal sa ganitong relasyon.
Umiiyak siya. Syempre, nanay ’to kaya naiiyak din ako.
Pero mas lamang yung galit ni Dom kaya hinihila niya ako. Yumayakap na yung Mama niya sa mga paa ko para magmakaawa pero mas malakas si Dom kaya umalis na naman kaming dalawa.
Since pagod na pagod na kami sa nangayari eh napagpasyahan nameng mag check in na lang para pampalipas ng gabi.
Nung patulog na kami, nagmakaawa rin si Dom saken. Lumuhod sa harap ko. Umiiyak. Habang hawak yung mga kamay ko.
“Huwag kang makikipaghiwalay, Mahal na Mahal kita.”
Leche. Ang drama ngayong araw!! Naiiyak ako kay Dom. Syempre sabi ko hindi. Hinding hindi, after neto eh sa tingin ko mas tatatag kaming dalawa.
Ayoko siyang nagmamakaawa ng ganon kaya pinatayo ko na siya.
Bumili siya ng alak kasi alam ko yung stress niya, ramdam na ramdam ko. Hinayaan ko na lang para kumalma siya at nung matutulog na kami, ang higpit ng yakap niya saken.
Naalimpungatan lang ako kasi may tumatawag kay Dom at sa sobrang lasing niya, hindi siya nagigising.
Tinignan ko kung sino, yung Mama niya syempre. May mga text din, binasa ko na.
“Anak, umuwi ka na.” “Anak, gusto ko lang kung anong ikabubuti mo” “Anak, mahal na mahal kita. Umuwi ka na” “Baka hindi ko kayanin na mauwi ka sa isang lalaki. Baka magpakamatay na lang ako”
Puro ganyan. Seryoso, naiiyak din ako.
Ang daming tumatakbo sa isip ko. May mga ganito talagang tao, mga galit sa bakla. At nagkataon pa, nanay ng boyfriend ko pa.
Ayoko ng magisip kasi bumabalik yung trauma ko sa Pamilya ni Joshua.
Kailangan kong gumawa ng desisyon para sameng dalawa.
+++++
VOTE AND COMMENTS GUYS!!!!!
FINALE BUKAS. HAHA
BOOK 2 - FINALE
ICYMI: MAY UPDATE NA SA EXTRAORDINARY WORLD. HEHE. CHECK IT OUT!!
+++
March 6, 2016
11:34PM
A week before final exams, todo aral kaming dalawa ni Dom. Ayaw sana nameng mastress muna sa Mama niya kaya nagfofocus talaga kami rito.
Pero kanina habang nagrereview ako, may tumawag sakeng unknown number at pagsagot ko, si Sir Matteo ’yon! Sa company ng pinag OOJT-han ko.
Nung sinagot ko, kinongrats niya ako kasi isa ako sa dalawang napili nila na mag OJT sa company nila sa Singapore.
Syempre, sobrang saya ko. Alam ko kasing may allowance ’yon pandagdag din sa kailangan ko. Tapos yung experience.
Umoo ako kaagad at sabi kong pupunta ako kaagad sa office nila sa weekend.
Ang bilis lang kasi. Sa susunod na 2 weeks na kaagad yung alis ko.
Kaya pagbalik ko, agad agad akong bumalik kay Dom at kinwento ko sa kanya yung balita.
Sa totoo lang, excited siya para saken. Hindi siya nagbigay ng malungkot na aura, at kita ko naman sa kanya na masaya siya para saken.
“Kailangan mong ipasa lahat ng exams mo! Kapag may mababa nako baka tanggalin ka nila!” paalala niya.
Syempre naman alam ko ’yon.
Nasa library kami kanina non habang nasa dulo kami ng book shelves para hindi makita na nagyayakapan kami.
Hinalikan niya ako sa labi sabay sabi ng Congrats.
Hinalikan niya pa ako ng hinalikan hanggang sa makaramdam ako ng ibang sensasyon. Agad kong dinakma yung kanya na napasigaw naman siya.
Sabi ko huwag siyang maingay baka marinig kami. Tumawa naman siya saka naexcite.
Agad akong lumuhod at alam niyo na nangyari next. Oo, sa library namen ginawa. Sobrang bilis lang talaga. Mga 3mins lang tapos okay na.
Tawa kami ng tawa pagbalik namen sa table.
After magreview, niyaya niya akong kumain at naging seryoso yung tono ng boses niya.
“Sa totoo lang malulungkot ako na wala ka pero mukhang masaya ka naman. At saka di’ba 3 months lang naman ’yan?”
Sabi ko sandali lang ’yon at saka dalawa lang naman kaming mag OOJT eh. Kaya huwag siyang magalala.
“Syempre, mamimiss lang kita. Tapos hindi na kita mahahalikan. Tapos hindi na kita maano. 3 months din ’yon”
Loko talaga tong boyfriend kong ’to. Sabi ko tiis na lang muna siya.
“Nako, aaraw arawin kita sa mga susunod na araw hahhaa.”
Balak pa ata akong sirain neto bago ako umalis.
“Pero sa totoo lang, parang mabilis lang yung 3 months. Okay na rin ’yan para na rin pagbalik mo, bukod na tayong dalawa haha”
Binatukan ko tuloy siya bigla sa sinabi niya.
“Haha. I love you so much. May 2 weeks pa ko para solohin ka” sabi niya sabay halik sa labi ko ng mabilis. Hindi ko alam kung may nakakita o wala pero hinayaan ko na lang.
Nauna akong umuwi kasi may klase pa si Dom at guess what kung sino nasa tapat ng dorm ko, Mama niya.
May pinakita siya sakeng papel na naglalaman na stage 3 na raw ovary cancer niya at sobrang nanghihina na siya.
Eto na naman siya sa pagmamakaawa niya saken na makipaghiwalay ako sa kanya.
Awang awa ako sa Mama niya kasi kita kong nahihirapan na siya.
Hindi ko alam kung tama bang magsinungaling ako sa kanya para sa ikabubuti niya kaya sinabi kong aalis na ako papuntang Singapore.
Hindi alam ni Dom ’to at sabi ko gagawin ko ’to para sa kanya.
Nag iba yung glow sa mukha niya at parang sumaya siya sa sinabi ko.
White lies ba ’yon? Either way, ayoko lang ng may umiiyak na nanay sa harapan ko.
So pag uwi ni Dom kanina sinabi ko sa kanya yung nangyari. Hindi rin siya nakapag react masyado.
“Makikipaghiwalay ka na?” tanong niya na habang naiiyak.
Agad kong pinunasan luha niya sabay halik sa labi niya, sabi ko hinding hindi. Nagsorry ako sa kalagayan ng Mama niya pero hindi ko rin naman kayang irisk yung happiness ko mapagbigyan lang siya.
“Mahal ko Mama ko, alam mo naman di’ba? Ayoko lang yung nangingialam siya saken…. Saten.”
Alam na alam ko ’yon kaya sabi ko sa kanya, habang wala ako, pakita niya sa Mama niya yung totoong nararamdaman niya para saken para makita niya na seryoso siya saken.
“Hindi tayo pwedeng mag usap?” tanong niya.
Kinurot ko uli siya sa braso niya. Sabi ko bakit naman kami hindi mag uusap??? Ehh gusto ko lang naman sa buong summer eh alagaan niya Mama niya. Ipakita niyang Mahal niya Mama niya at baka sakali mapagbigyan niya kaming dalawa.
“Ganyan ba talaga gusto mo?” tanong niya.
Umoo ako. Kasi masakit sa feeling mawalan ng magulang. Maswerte siya at nandiyan pa Mama niya.
“Ako rin, magrerequest” sabi niya.
Sabi ko kahit ano ,
Pero hindi siya nagsalita at hinalikan ako uli. Alam ko na naman susunod na mangyayari rito kaya pinagbigyan ko siya.
Sa totoo lang, everytime na ginagawa namen ’to, ang saya saya ko.
Kasi sa tuwing nasa kalagitnaan kami ng moment, hihinto siya sabay titingin sa mga mata ko tapos hahalikan ako ng madiin sabay sasabihing mahal na mahal niya ako.
Kaya alam ko, Mahal na Mahal ako ni Dom.
After nameng gawin ’yon, nagkwentuhan pa kami hanggang sa natanong ko yung tungkol sa Papa niya.
“Hindi kami okay ni Papa hehe. Wala na akong balita sa kanya. Alam ko lang nasa ibang bansa siya”
Sa tono ng boses niya parang ayaw niya magkwento tungkol doon kaya naiintindihan ko naman.
“Sabihin mo nga…”
Hindi ko nagets tanong niya.
“Sabihin mo nga”
Na ano, sabi ko.
“Na mahal mo ko.”
Tinignan ko siya sabay sabi sa kanyang mahal ko siya.
“Promise?”
Promise na promise.
“Hindi mo ko pagpapalit?”
Sabi ko never ever ever.
“Kahit anong mangyari??”
Kahit ano pa yan, sagot ko.
“Mahal na Mahal din kita. Tandaan mo ’yan. Ha?” sabay kindat at halik saken.
I know, maraming magbabago after neto pero isa lang ang sure, Mahal namen ang isa’t isa.
+++++
END OF BOOK 2
OH DIBA MAY PA BOOK 3 HAHAHA. BUKAS NA RIN YAN AGAD AGAD HAHA.
150 votes, post ko kaagad hahhaa! (Finale to kaya mas mataas demand hahahhaa)
BOOK 3 - Part 1
Hi. So eto, tinry ko yung
TAP WATTPA
D na pinopromote sa home page? Lol yung parang chat stories. Haha
Anyway, gumawa ako ng acc. at story don. Sana mabasa niyo lol.
absurd018 pa rin ang username ko don tapos ‘Falling with David Licauco’ title hahahaha! Enjoy 😊
https://taptap.app.link/dr4VifAJsD <–– ayan yunf link kung macclick siya. Haha
BOOK 3 STARTS NOW.
+++++
April 1, 2016
07:33
PM
Naiwan ko diary ko sa Manila!!!! So kailangan kong bumili ng bago rito! Nakakainis.
What a beautiful country. Super linis. Super ganda. Super organized. Lahat talaga sumusunod. Parang gusto ko na rito sa Singapore forever.
So kaninang umaga kami nakarating dito kasama ko sina Sir Julian at Matteo. Yes, magjowa nga sila. Pero super hot.
Sa kanila pala yung company at ngayon ineexpand lang nila sa ibang bansa. At the same time, gusto rin nila ng new set of employees kasi hoping daw sila na iabsord kami pag graduate.
Walang kaso saken. Walang wala. Gusto ko magtrabaho para sa kanila.
Nag ayos na ako ng gamit ko sa tinutuluyan kong condo ngayon. Nasa pang 10thfloor, fully furnished, ang ganda ng view at syempre, komportable.
Naexcite akong mag explore sa Singapore kaya bumaba muna ako para mag explore.
Gosh. Ang ganda talaga. Walang halong OA pero parang pwede kang mahiga sa sahig sa linis.
Bawal din pala ang chewing gum dito. Gosh. Sana ganito kadisiplinado mga tao sa Pilipinas para may kaunti namang pag unlad.
So, kumain pa ako at naglakad lakad uli. Medyo mahal lang cost of living dito pero sa tingin ko malaki naman sahod kaya sakto lang din.
Mga 5 na ako bumalik ng condo kanina at pag baba ko palang ng elevator, nakita ko ng nakabukas yung kwarto ko.
Sobra akong kinabahan kasi nandoon lahat ng gamit ko at yung allowance ko.
Sumilip pa ako ng kwarto baka mamaya may mga tao tapos bigla akong dukutin tapos itapon sa dagat ng walang malay.
Pero nilakasan ko loob ko.
Hanggang sa pagpasok ko, dahan dahan lang.
Agad akong pumunta ng CR at may nakita akong tao don. Gosh. Nakahubad siya at nakaharap sa salamin habang nagfflex ng katawan.
Infairness, napakagwapo niya!
Peeo bigla akong nadulas habang hawak ko yung pinto kaya bumukas yon at nasubsob ako sa likuran niya.
Nagsigawan kaming dalawa habang pahulog kami sa sahig.
Nung bigla kaming nagkatitigan at narealize na hindi naman kami gagawa ng masama sa isat isa, agad kaming tumayo.
Syempre tinanong ko kung sino siya, baka namali lang siya ng pasok na kwarto.
“Di’ba ikaw si Gregory? Di’ba? Di’ba? Di’ba???”
Yung personality niya makikilala mo agad. Kenkoy siya at masayahin.
Umoo ako.
“Hello hello… Ako si David. Ako roommate mo. Di’ba ikaw din yung ka OJT ko? Hehe”
Sht. Oo nga pala. Hindi naman nasabi saken ni Sir Matteo na dalawa kami sa kwarto.
“Hindi ka ba sanay na may kasama sa kwarto? Hays. Sayang. Don’t worry nagrequest na ako ng isa pang bed. Di rin ako sanay ng may katabi”
To be honest, ang hirap niyang seryosohin. Nakahubad kasi siya. At hindi ko maiwasang mapatingin sa perfect abs niya.
“Kumain ka na? Uminom? Grabe. First time ko rin dito. Ang saya no? Nakapag gala kanaba? Sayang hindi ako nakasama…..”
Ang dami niyang sinasabi. Ang bilis. Parang hindi mauubusan.
“Ohh… Sorry, medyo maingay ako hehe. Okay. Uhm. Sige…. Hehe.”
Ang awkward nung last na sinabi niya kaya ako naman bumalik na ako sa kama ko at tinry ko ng kontakin si Dom.
Alam ko kasi nasa hospital siya kaya hindi siya sumasagot.
Sobrang pagod ko naman, napagpasyahan ko ng matulog ng maaga ngayon.
+++++
VOTE AND COMMENTS AGAD GUYS. HHAHAHA BOOK 3 STARTS NOW. HIHI
BOOK 3 - Part 2
Happy 4K votes!!!! Sana dagdagan pa haha!
April 2, 2016
09:45PM
So hindi ko alam kung paano ko makekwento tong araw na ’to.
Pag gising ko kasi kanina, masarap pa rin tulog ni David. Since saturday ngayon, mas pinili ko ulit maglibot libot sa Singapore.
Sa monday pa naman start ng pasok ko.
Pagbaba ko naman, nakita ko rin na palabas si Sir Matteo at Julian. Binati ko naman sila. Maglilibot din daw pala sila pero hindi na ako sumama kasi nakakahiya.
Yung allowance ko eh hindi ko tinipid. Kapag may makita akong makakainan, agad akong kumakain.
Isa pang maganda dito sa Singapore eh ang napakabilis na wifi!
Ang bilis magload ng pictures sa fb at instagram.
Habang nag bbrowse ako, biglang tumawag si Dom saken sa messenger via video call.
“Good Morning sa mahal na mahal ko!” bati niya saken at kitang kita na bagong gising talaga siya. Nakahubad pa siya at nakatalukbong ng kumot.
Sabi ko kanina pa ko gising at naglalakad lakad uli.
“Tsk. May morning boner ako rito. Wanna see?”
Bago pa ako makasagot, pinakita na niya saken yung ano niya! Shet, nakatayo nga at galit na galit.
Agad kong tinakpan phone ko mamaya may makakita saken.
“I wish you were here. Miss na kita kaagad!” bigla naman niyang paglalambing.
Pero napapansin ko na parang nagmamaster J siya ngayon habang kausap ako.
“Salita ka lang po. Iniimagine ko na lang.”
Natatawa ako na naiinis sa kanya. Bigla talaga siyang naging ma L. Pero sa totoo lang din, miss ko na rin siya pati yung ginagawa namen.
Aba, totoo ngang nag aano siya kasi maya maya tumitirik na mata niya at sumigaw pa ng malakas.
“Sorry, hehe. Love mo ba ako?” bigla niya ulit tanong.
Hindi naman ako sumagot.
“Weeeee… Sasagot na yan. Love mo ko di’ba?”
Sumagot naman ako ng oo.
“Ayan. I need my daily dose of your ‘love mo ko’ line. Hehe I love you.”
Sumagot ako ng I love you too.,
“No, I super duper love you.”
Eto na naman siya sa pagiging makulit niya slash pa cute.
“Mahal na Mahal na Mahal na Mahal kita!”
Inuulit ko lang din lahat ng sinasabi niya.
“Alam mo ba ’yon? Mahal kita kahit nakapikit ako, ikaw iniisip ko. Yieeee kinikilig yan”
Inner me is kinikilig talaga pero paano ko maiiwasan di’ba?!
“Sige na po. Pupuntahan ko uli si Mama sa Hospital and baka mamaya na uli ako mag online. Medyo lumalakas na rin kasi siya.”
Umoo naman ako at tinadtad ko ng halik yung phone ko para sa kanya.
Ewan ko bakit enjoy na enjoy akong mag isa ngayon sa paglalakad. Pero nung alas tres na ng hapon, naisipan ko ng umuwi. Parang paikot ikot na lang kasi ako eh.
Pagpasok ko sa kwarto, wala si David.
Dumiretso ako ng CR pero laking gulat ko!!!
Nakahiga siya sa bath tub habang nag mamaster J!!!!
Yes!!! Huling huli ko siya.
Wala siyang suot. As in wala.
Nakapikit siya habang nasa kalagitnaan ng pag aano niya.
May suot siyang earphones na para bang mag kausap siya sa phone habang nag aano siya.
Gosh. Kitang kita ko. Tayong tayo kay David!!!! Ang taba at naka trim. Shet.
Nung namulat mata niya, nagulat din siya sabay takip ng katawan niya.
Agad naman akong lumabas ng kwarto at tumakbo pababa. Shete shete. Bakit ko nakita yon!!!
Nagpalipas ako ng oras sa labas hanggang sa bumalik ako ng alas otso ng gabi. Sana lang at tulog na siya pero pagbalik ko, nakahiga siya sa kama at nagcecellphone.
“Hoy. Bakit ka namboboso kanina ha?!” hindi ko alam kung galit siya oh ano. Hindi ako nakasagot sa hiya.
“Pwede naman tayong nagsabay kanina haha to naman! Nakita mo pa ako sa panahong tinamaan ako ng pagka L”
Tumawa lang ako ng pilit. Pero nangulit pa siya.
“Laki no? Laki diba? Hahhaa kakaunti pa lang nakakatikim diyan. Nako.”
Hindi ako interesado pero naiimagine ko na naman siya. Juskopo. Mataba at….. Argh.
Sabi ko next time mag lock siya ng pinto.
“Ehhh mas trip ko nga yon kapag may nanunuod saken, nagulat lang ako sayo kanina ehh!”
Pwes huwag ako kasi hindi ko trip yung trip mo, sabi ko sa kanya sabay suot ng earphones. Pero kinalabit niya ako.
“Uy, sorry pre. Alam ko medyo mahangin ako pero deep inside mabait ako promise. Pasensiya na sa ugali ko.”
Aba, mukhang may mabait na side nga.
Ngumiti lang ako bilang sagot sabay suot uli ng earphones ko.
++++++
VOTE AND COMMENT GUYS!!!!
Baka kasi sa Monday na yung next update ko kasi magbabakasyon ako sa Batangas. Hope you understand hehe.
Para hindi mabitin, si David din bida ko sa story ko sa ‘Tap’!
Download niyo yung app na ‘Tap’ sa appstore. Tapos search niyo ko, Absurd018
Title ng story ko don: Falling For David Licauco. Lol.
Enjoy enjoy!! See you again monday!!!
Download Tap kung nabitin kayo rito sa wattpad haha!
––
Not an update. Later mga 11:30 hehe.
Hello! Sana matulungan niyo naman ako hahaha.
So eto, malapit na pasukan and I wanna lessen the burden of my parents by having part time job lol.
So kung sino man sa mababait kong readers ang makaka help saken makahanap ng part time ehh big help na lol.
Sana meron.
I have nothing against networking pero sana wag networking haha mahina ako mag attract ng tao eh haha.
Again, sana meron. Comment lang kayo rito o kaya PM niyo ako. Salamat!!
Big help talaga!! 😊😊😊
Delete ko rin to after lol medyo nakakahiya eh haha.
BOOK 3 - Part 3
Tulong lang tayo sa ibang author hehe, visit niyo po si
MayxeeTakahashi
! Read niyo yung story niya kung gusto niyo hehe. Thanks 😊😊
+++++
April 7, 2016
10:45PM
Wow. Di ko naimagine na magiging ganito ako ka busy. As in, busy to the point na pagpasok ko eh pigang piga utak ko, pag uwi ko, wala na akong time magsulat sa diary ko.
So kanina ang pinakanakakapagod kong trabaho. Talagang hinahanda na ako sa mga susunod na kabanata ng buhay ko.
Magkasama kami ni David sa isang kwarto kung saan kami nagtutulungan para sa trabaho.
Panget lang first impression ko kay David pero pagdating sa trabaho, professional siya.
Tapos eto kanina, nung lunch time namen, syempre kwentuhan kaming dalawa. Bigla niya akong inasar.
“Ikaw ah! Mahilig ka pala makipag cam to cam ahh. Nahuli kita kagabi. May ka chat kang lalaki tapos nagpapakitaan kayo ng mga ano niyo!”
The way niya sinabi niya yon, matatawa ka kasi para siyang bata pero syempre, ako ang biktima kaya hindi ako natuwa.
“Akala mo tulog ako kagabi no? Hahaha nanunuod kaya ako sa’yo! Hihi. Mas malaki pa rin yung akin kesa sa’yo pero pwede na rin.average naman sayo”
Hiyang hiya ako sa sinasabi niya. Nasanay na ako sa mga asar niya nung nakaraang araw pero iba yung ngayon. Nakakahiya at nakakaasar.
“Yie yie yie…. Okay lang naman kung gay ka. Di naman ako nanghuhusga. Pero sana sinabi mo kaagad haha!”
Inamin ko naman kaagad sa kanya na boyfriend ko si Dom. Pinakita ko pa mga pictures namen together at mas lalo siyang nagulat.
“Wow wow wow!!! Magaling. I’m proud na may karoommate ako at soon to friend na out and proud hehe.”
Inasar ko tuloy siya kung gay din ba siya pero tumanggi siya. Sinabi niya lang saken na may girlfriend siya.
Inasar ko pa na siguro siya yung kausap niya nung nahuli ko siyang nag aano sa CR.
“Oo bakit?hahaha ikaw nga live video pa eh haha!”
Oh diba, balik din saken yung pang aasar.
Pero feeling ko, after netong araw na to mas magiging close kami ni David.
After lunch namen kanina, pinatawag kami ni Sir Julian para may pagawa. Sa totoo lang talaga, parang kami yung mga boss.
Bakit? Kasi apat lang kami sa company eh. Isang kwarto lang kasi siya na malaki tapos may dalawang kwarto sa loob. Yung isa nga office namen ni David tapos hiwalay yung kina Sir Julian.
Training daw to kasi kung gusto namen magtrabaho para sa kanila sa Pilipinas, pwede raw nila kaming supervisor agad agad.
Oh diba.
So after work, umuwi kaagad ako para tawagan si Dom. May usapan kasi kami ngayon eh.
“Huwag na huwag mong babanggitin yang pangalan ng roommate mo ah!” sabi niya kaagad pag bukas ng tawag.
Oo nga pala, medyo nagseselos kasi siya kay David lalo na nung kinwento ko yung nakita ko.
Pero kinwento ko pa rin nangyari kanina.
“Good. Mabuti ng alam niya na saken ka lang at wala ng ibang pwedeng umagaw sayo!”
Nagtitigan lang kami sa screen ng phone at parang nag iimagine ng mga bagay bagay. Ako, iniimagine kong katabi ko siya ngayon at kayakap.
“May balita pala ako sa’yo tungkol kay Mama.”
Kinabahan ako sa sinabi niya pero nakinig ako.
“Tinry kong isingit pangalan mo tapos ayon. Kinamusta ka lang niya. After non, wala na. Feeling ko naman okay na siya pero bigyan pa natin ng chance hehe”
Medyo nawala yung kaba ko sa sinabi niya kaya napahinga ako ng maluwang.
After namen magchat, nagready na ako para matulog at magsulat sa diary ko pero saka pa lang umuwi si David habang may dalang bote ng alak.
Mukhang nakainom siya sa inaasta niya.
“Pinagmalaki ko pa sayo girlfriend ko, malalaman ko lang na niloloko pala ako!!” sabi niya pagpasok
Inalalayan ko siya kaagad para makahiga.
Pero niyakap niya ako at iyak ng iyak. Kung ano ano sinasabi niya na hindi ko na maintindihan kasi lasing siya at humahagulgol sa iyak.
“Lovely!!!!” sigaw niya.
Naalala ko tuloy yung ex ni Dom pero paano kung si Lovely nga yung tinutukoy niya?
“Lovely, ikaw ba ’to???” sabi niya sabay tingin saken.
Nagulat ako ng bigla niya akong halikan! Lasang lasa ko yung alak sa bunganga niya. Napakalakas niya kaya hindi ako makaalis.
Agad ko siyang tinadyakan at nung napaaray siya binitawan niya ako.
Natumba ako sa sahig. Nagmoment pako sandali sa halik niya. Jusko inis na inis ako!!
Tumayo para sapakin siya pero ang himbing na ng tulog niya habang umiiyak.
Iniisip ko tuloy kung sasabihin ko pa to kay Dom. Mamaya magalit na naman siya.
+++++
VOTE AND COMMENTS GUYS!!!!
Hello again, thank you sa mga nakabasa ng story ko sa ‘Tap’ wattpad, may 9000taps na siya lol!
Thankyou rin sa nagmemessage na nagugustuhan nila haha! Download niyo rin yung app na ‘tap’ wattpad, tapos search niyo ko absurd018, makikita niyo story ko, ‘Falling for David Licauco’. Thankyouuu!!! 😊
BOOK 3 - Part 4
April 10, 2016
11:45PM
Sunday na sunday at wala akong ganap sa condo ngayon. Si David naman mukhang umalis na naman kasi maghapon din siyang wala sa kwarto.
Maliban lang kaninang tanghali nung dumaan sina Sir Matteo at Julian sa kwarto para magbigay ng pagkain.
Anniversarry daw kasi nilang dalawa. Grabe!!!! Ang sabi niya 17years na sila. Wow!! Grabe yung 17 years para sa same sex relationship!
Agad ko kaagad sinabi kay Dom yun pero kasi hindi pa siya online kaya naman hinintay ko nalang na magmessage siya.
Bigla namang nagising yung pangielamero side ko kasi nakita kong nakabukas yung drawer ni David.
May nagsasabi saken na buksan ko ’yon at ayon nga, gosh. May nakita lang akong kakaiba sa drawer niya.
Blankong libro. As in literal na blankong libro. Walang title yung book, pagbuklat ko rin, walang laman. As in wala. Pero parang iniingat ingatan niya ’to.
Nagulat ako ng bigla naman siyang pumasok sa kwarto at agad akong niyakap ng mahigpit sa likod. Hindi siya yakap eh, more on ni-lock niya sarili niya saken.
Tinanong niya kung anong ginagawa ko bakit ko pinapakialamanan yung libro niya. Wala raw pwedeng humawak neto, as in wala.
Binitawan niya ako sabay kuha don sa libro.
Tinanong ko siya kung bakit wala namang nakalagay don pero ang sagot niya lang, “akala mo lang”
Ang weird ni David pero naisip ko baka diary niya rin ’yon kaya hindi ko na lang siya kinulit.
Maya maya, biglang pumasok sina Sir Julian at Matteo sa kwarto na parang kinabahan. Sabay sabi naman ni David na okay lang lahat.
Sobrang weird ng nangyayari ngayon kaya hinayaan ko na lang matapos. Hindi ko pa inalok si David ng pagkain pero ang sabi niya, magkakasama raw silang tatlong kumain kanina.
So ayon, nakatulog ako at pag gising ko, tumatawag si Dom at sabi niya magbihis daw ako ng maganda kasi magdidinner kaming dalawa.
Nagulat naman ako kasi hello, nasa Singapore ako paano kami magdidinner?
Ano to? Mag mamala Teejay siya na bigla nalang pinuntahan si Anjo sa America nung pasko?
Gosh, naexcite ako kaya naman naligo ako kaagad at nagbihis.
Nung sinabi kong tapos na ako, tumawag siya uli via video call naman at ayon nga, nakaayos din siya ng damit pero alam kong nasa kwarto niya lang siya dahil sa ayos.
Pero may pa candle light pa siya at may steak sa lamesa.
Nakuha ko naman yung gusto niyang mangyari kaya kinuha ko muna yung tirang pagkain kanina tapos nagsindi rin akong kandila sa table. Kaharap ko yung phone ko para kunwari magkasama kaming dalawa.
“Pasensiya, mahal pala pamasahe papunta diyan, surprise sana kita ehh” sabi niya pero sabi ko okay lang. Huwag na niyang pilitin kasi mahal talaga. Dagdag na lang namen sa ipon.
“Parang sira si Mama. Gusto raw niya magka apo ako. Paano tayo makakabuo eh wala ka namang matres diba? Haha”
Magaalala na sana ako pero mukhang nakaramdam siya.
“Huwag ka mag alala. Kinakamusta ka niya kaya feeling ko medyo okay na. Sana magtuloy tuloy na”
Mukha namang okay si Dom. Syempre, ayoko sirain yung mood namen para sabihin yung paghalik saken ni David diba.
After nameng kumain. Sabay kaming humiga at this time, miss na miss na namen isa’t isa.
“Sana nasa tabi kita.” nagpapalambing na naman siya. Si Dom talaga pinakamalambing sa lahat!!
“Kilala mo ba si Cedie? Galing ako sa kanya kanina eh”
Cedie?! Ngayon ko lang narinig yung pangalan na yon ah! Syempre naghysterical ako. Mukha pa namang pang bottom yung pangalang Cedie.
“Kailangan ko kasi si Cedie kanina eh”
Nang aasar siya! As in! Alam niyang naaasar ako pero patuloy pa rin siya. Nung naginarte ako ng slight at di nagpakita sa camera, todo suyo naman siya.
“Gusto ko bang malaman kung sino si Cedie?” tanong niya pa.
Umoo lang ako.
“Edi si Cedie-R King. Bumili lang ako ng memory card.”
Halos mabaliw ako sa kakatawa. Napakacute kasi ng pagkakabanat niya ng CD-R king.
“Oh diba. Napasaya na naman kita!”
Nakakainis. Tawang tawa pa rin ako pero nung ayos na, at matutulog na raw siya nakita kong umiyak siya. Parang tumulo lang yung luha bigla tapos agad niyang pinunasan.
“Sorry. Miss na miss lang kita. Sana matapos na ’yan.”
Ayan na umiiyak na siya talaga. Naiiyak tuloy ako
“Mahal na Mahal Kita, Greg. Pag uwi mo babawi ako promise. Mahal na Mahal kita. Goodnight. Bye. Mwa mwa nwa!”
Ayaw niya kasing makita ko na umiiyak siya kaya binaba na niya. Naiiyak na rin ako sa kanya kaya tatayo sana ako para maghilamos pero nagulat akong nakahiga na si David.
Hindi ko narinig yung pagpasok niya oh naramdaman man lang. Nakahiga na siya at nagtetext. Inasar lang niya ako sa pagkindat niya na para bang narinig niya yung pinag usapan namen ni Dom.
++++
VOTE AND COMMENTS AH!!!
May tap limit pala yung sa Tap! Hahhaa try niyo na lang i-auto play. Huwag niyo iTap baka pwede yon. Long press lang sa gitna tapos hayaan niyo magplay. Baka okay lang haha.
13K taps na siya! TY.
Tap account: absurd018
Story: ‘Falling for David Licauco’
BOOK 3 - Part 5
April 17, 2016
11:55PM
Sa sobrang busy sa trabaho, halos hindi na kami makapagusap ni Dom to the point na nagtatampo na siya saken.
Sa totoo lang, parang yung trabaho ko rito eh pang CEO levels na. As in, nakakapagod talaga. Ako pa naghahandle nung ibang works na nasa Manila.
So, nung lunch break, pinuntahan ko sina Sir Matteo at Julian sa office nila pero pagpasok ko don, nakaabang na sila at parang alam nilang darating ako.
Sabi kaagad nila maupo ako. Oh diba, ang creepy. Pero umupo nga ako at sinabi ko yung mga hinaing ko.
Alam ko naman na may kontrata akong pinirmahan at training to para sa totoong buhay pero hindi pa ako ready. Di pa nga ako graduate eh, tapos napepressure na ako sa work.
Agad naman nilang sinabi na hindi na nila ako bibigyan ng mabigat na trabaho pero parang naguilty ako, sa totoo lang din yung sweldo ko pang medyo CEO na rin.
Ang bilis magbago ng mood ko diba, so sinabi ko na lang sakanila na dahil nga sa boyfriend ko kaya gusto ko sanang light muna yung work ko. Nagtatampo na kasi siya.
Natawa lang sila Sir Julian at Matteo saken pero ang sabi nila naiintindihan din daw nila kaya babawasan na lang daw nila ng 1hr yung shift ko. Pwede na rin naman at saka pwede ko ng iuwi yung ibang work.
Pag uwi ko naman kanina, may kasama si David sa bahay. Bihira to na siya yung naunang umuwi samen.
“Hello!” bati nung lalaki saken na kasama niya. Tumayo kaagad siya at nagpakilala saken.
“Luigi pala. Anak ako nila Daddy Matteo at Papa Julian”
Aba. Nag aampon din pala sila pero infairness, kamukha nilang dalawa si Luigi na parang sila talaga yung tunay na magulang.
Bago pa ako magpakilala, agad siyang nagsalita na para bang matagal na kaming magkakilala.
“Hey!! Ikaw si Greg di’ba? Friend…..boyfriend mo si Dominique? Tama ba?”
Nagulat ako kasi hindi naman nakekwento ni Dom si Luigi.
“Huwag kang magalala. Malalaman mo rin kung gaano ka kaimportante samen” sabi niya.
Hoy, pagod na pagod na ako sa trabaho tapos kung ano ano pa sinasabi netong si Luigi.
“Hoy Giorgio Luigi tigilan mo na yung roommate ko!” sabi ni David.
“Hahahaha ikaw ah. Madaya ka. Gusto mong kasama si Greg ah! Madaya madaya haha!”
Tinanong ko sila kung mag jowa ba sila kasi parang close na close silang dalawa. Agad naman silang tumanggi at nagbatukan bigla.
“Wala. Huwag mong intindihin si Giorgio haha. Tara shot ka!” yaya ni David.
“Huwag. Kakausapin na niya si Dom ehh. Dun na tayo sa kwarto ko maginom. Sige, bye na Greg!” sabi ni Luigi sabay kuha ng mga alak at pagkain at labas sa kwarto ko.
Parang nababasa ni Luigi yung isip ko pero hinayaan ko na lang sila at agad kong tinawagan si Dom.
Alam kong nagtatampo siya saken kaya nung sinagot niya, hindi siya nagsasalita. Nakahiga siya pero hindi nakatingin sa camera.
Kinukulit ko siya pero ayaw talaga niya.
“Ngayon ka lang nagkaroon ng oras saken” sabi niya sabay sad face.
Syempre sinuyo ko pa. Baka gusto lang magpalambing neto.
“Hindi mo na ba ako love?” sabi pa niya.
Pinaulit ulit kong sabihin na mahal ko siya at unti unti namang ngumingiti yung mga labi niya kaya alam kong okay na siya.
Namiss lang daw niya ako ng sobra kaya siya nagtatampo. Naiintindihan ko naman siya kaya nilambing ko pa siya.
“Uhm, gusto pala makipagkita saken ni Papa. Out of nowhere biglang gusto niyang magpakita.”
Sabi ko naman pumayag siya kasi Papa niya yon pero ang sagot niya pag iisipan na lang daw niya muna kasi ayaw na niyang dagdagan yung pinoproblema niya.
Hinayaan ko na lang siya kasi alam kong gusto niya rin muna magkaroon ng lakas ng loob bago kausapin tatay niya.
+++++++
VOTE AND COMMENTS GUYS!!!
LAST 5 CHAPTERS NA LANG!!!! HAHA TOTOO NA TO. WALA NG BOOK 4 😊😊
ICYMI: May Book 2 ang story ni Ethan, Benj at Jack!! Kaso nasa TAP siya haha. Check niyo na lang don! 😊
BOOK 3 - Part 6
June 12, 2016
11:34PM
Oh diba ang bilis lang ng OJT ko. Pero nakaipon na kaagad ako ng triple pa sa kung anong meron ako ngayon kaya sobra akong nagpapasalamat kina Sir Julian at Matteo.
Pagbaba ko pa lang ng airport kanina, sinalubong na ako ni Dom. Agad niya akong niyakap ng mahigpit na mahigpit. Hinahalikan niya pa ako sa buong mukha ko.
Sabi ko baka makita kami ng mga tao pero wala na raw siyang paki.
Kung dati daw takot na takot siyang makita kami ng ibang tao na naglalandian eh ngayon, hindi na niya iisipin yon. Siya may hawak ng maleta ko habang hawak niya kamay ko sa kabila.
All eyes on us nga. Pero walang paki si Dom. Kahit ako wala naman akong paki.
Pagpasok kaagad namen ng cab, agad niya akong hinalikan sa labi. Masyadong malakas si Dom kaya napahiga ako non.
Huhubarin na sana niya yung damit ko pero biglang nagsalita yung driver.
“Pwede bang pag uwi niyo na lang yan?” sabi niya. Natawa kami ni Dom kaya bumangon kami.
Habang umaandar yung sasakyan, hindi pa rin ako binibitawan ni Dom. As in, nakaakbay siya. Maya maya, yayakapin niya ako, tapos hahalikan. Basta, kitang kita kong namiss niya ako.
Bumubulong bulong pa siya saken.
“Pagod ka ba??”
Hindi naman ako pagod. Ang haba nga ng tulog ko kagabi tapos tulog din ako sa flight ko.
“Pag uwi naman….ano tayo… Alam mo na.”
Seryoso. Sobrang na miss ko rin siya kaya pumayag ako. Pinahawak pa niya saken yung ano niya, grabe, tigas na tigas! Mukhang lagot ako neto ah.
Pagbaba namen sa may dorm, dumiretso kami sa kwarto niya. At don palang, sabik na sabik na siya saken.
Halos sirain niya yung suot kong damit para lang mahubaran.
Alam niyo na nangyari after? Yes. Halos di ako makalakad sa sobrang gigil niya. Ang dami rin nameng kalmot sa likod pareho. Ang dami ring kissmarks sa leeg at dibdib.
“Kung may lakas pa ako baka nag isang round pa tayo” bulong niya saken. Pero pagod na kaming pareho.
“I love you so much…” bulong niya uli saken.
Maya maya, nagbihis na uli siya. Sabi ko cuddle muna kami pero may pupuntahan daw kami. Kaya naman nagbihis na rin ako pero pumunta lang kami sa kwarto ko.
At nakita kong may handaan doon, at nandoon sina Patricia, Jane, Anthony at mga jowa nila. Ang daming pagkain, ang dami rin alak.
Syempre, todo walwalan kami kahit tanghali hanggang hapon hanggang gabi.
Nung lasing na lahat, natulog muna sila. Dito kasi sila matutulog lahat pero kami ni Dom, sa kwarto niya.
Pag punta namen sa kwarto ni Dom, hinalikan niya ako uli. Hinding hindi naman kasi ako magsasawa sa halik ni Dom.
Feeling ko may mangyayari na naman pero niyakap niya lang ako after.
“Sabi ko kay Papa papakilala ko sa kanya yung mahal ko”
Akala ko sinabi niyang lalaki. Pero, hindi pa pala sila naguusap. Tinext niya lang. Hinihintay niya lang akong makauwi.
Sabi ko bahala na. Yung mama niya nga nakaya namen eh. Kakayanin din namen syempre yung sa Papa niya.
“Kinausap pala ako ng boss mo. Yung dalawang gwapings din na magjowa. Hehe, ayaw ka na raw kasi nilang pakawalan.”
Nasabi nga saken nila Sir Matteo at Julian na gusto nila na ako talaga mag manage ng Singapore branch nila pero pag iisipan ko pa kasi iniisip ko rin si Dom.
“Pero feeling daw nila nagdadalawang isip ka dahil saken.”
Ayoko naman isipin niya na ganon pero sa totoo lang, ayon din naiisip ko. Ayoko naman siya biglang iwan lang.
“Ewan ko ba parang nababasa niya nasa isip ko. Alam niyang ayoko maging Marino. Kaya sasagutin daw nila pag aaral ko ng Accountancy. Tapos dun na rin daw ako magtrabaho sa kanila sa Singapore”
Nagulat ako kasi wala namang nabanggit yung boss ko ng ganito! Mukha namang gusto niya yung offer na binigay sa kanya.
“Tatanggapin ko ba?”
Syempre inner me, gusto ko! Para magsama kaming dalawa. Pero syempre, ayoko naman na pangunahan siya kaya sabi ko pagisipan niyang mabuti.
“Mahal mo ba ako?”
Random question na naman pero syempre sumagot ako ng Oo, mahal na mahal.
“Then kukunin ko na, para magkasama na tayo!”
++++++
VOTE AND COMMENTS GUYS!!!!
HAHA ABANG KAYO SA LAST 4 CHAPTERS!!! HAHA SANA MAGUSTUHAN NIYO LOL.
Note. Nwala na namn diary ni baklang Greg kaya story format na siya, hindi na diary format haha!
BOOK 3 - Part 7
Nagising na lang ako dahil sa amoy ng niluluto ni Dom. Nakita ko siya habang nagbabaliktad ng kung ano man yung nasa kawali na yon, habang nakahubad siya.
Sinitsitan ko siya sabay lingon saken sabay lapit at halik sa mga labi ko.
“Good Morning sa pinakamamahal ko!” magandang bati niya saken.
“Good Morning. Bakit nagluluto ka? Anong meron?”
“Syempre, first day of school. Naka ready na rin uniform mo. Maliligo ka na lang. Not unless, gusto mo paliguan kita?” sabay kurot sa tagiliran ko.
“Haha kaya ko na! Salamat!”
“Ay nga pala. May tumatawag sa’yo kanina, sinagot ko na rin kasi tawag ng tawag mamaya may gusto sayo yun eh.”
“Sino raw?”
“Si David. Yung karoommate mo na hinalikan ka!”
“Hala. Binabalik na naman niya. Hindi naman niya sinasadya yon eh.”
“Kahit na. Ayoko pa rin. Saken lang lahat yan. Saken lang” sabay yakap saken ng mahigpit na para bang ayaw na niya akong pakawalan.
“Pero anong sabi niya?”
“Magkita raw kayo mamaya kasi may bibigay siya. Sabi ko sasama ako sa ayaw at sa gusto niya. Wala naman siyang magagawa eh kaya pumayag siya.”
“Hehe. Sige po.”
Binuhat niya pa ako papunta sa kainan kahit napakalapit lang saken non. Sobrang sweet ni Dom na parang kulang nalang samen anak.
Nag shift na nga kaagad si Dom kaya medyo weird siyang tignan sa uniform niya. Pero sobrang gwapo niya pa rin, as in super duper gwapo.
Nung matapos yung klase namen pareho, agad kaming pumunta sa Mozu para makipagkwentuhan kina David.
Magkasama pa silang dalawa ni Luigi.
“Namiss kita, Greg!” sabay yakap saken ni David. Kahit hindi nakatingin si Dom alam kong nagagalit siya ngayon.
After non, agad akong hinawakan ni Dom sa mga kamay ko at natawa na lang sila David.
“Sa totoo lang, buti na lang at kayong dalawa yung humarap. Kasi may gusto sana kaming sabihin sainyong dalawa eh” panimula ni Luigi.
“Huwag muna ngayon pre, magkwentuhan na lang muna tayo” sabi ni David.,
“Ngayon na. Nandito na eh. At saka kapag umayaw sila edi maghanap na kaagad tayo ng iba”
“Alam mong sila gusto ng tatay at daddy mo. Kaya dapat silang dalawa talaga”
Sumingit naman ako sa usapan nila.
“Hello, naririnig namen kayo!” sabi ko pa.
“Ewan ko ba rito kay David, masyadong pabibo eh hehe. Pero diba inofferan kayo nila dad ng trabaho after school?”
“Yes, pero pinag iisipan pa namen.”
“Oh, alam ko namang tatanggapin niyo yon eh. 100% sure, nakita ko na eh”
“Anong nakita mo na?”
“Ang ibig sabihin ni Luigi, nakita na niya kung paano mo kamahal yung work mo nung nasa SG tayo kaya sure siyang tatanggapin niya hehe.”
Sumenyas si Dom saken na para bang tinatanong kung anong nangyayari. Hindi ko rin naman talaga alam.
Pero nung pa order pa lang kami, agad namang nagsalita si Dom.
“Kumusta ka na pala pre? Long time din ahh” sabi niya kay Luigi.
“Oo nga eh. Kita mo, parehas pa kayo ng ex ni David. Haha napakaliit talaga ng mundo”
Mukhang hindi nila alam yung tungkol kay Lovely kaya naman nagtinginan silang dalawa.
“Pero no issue naman na yon diba? Kayo na ni Greg. Tapos masaya naman kayong dalawa, ang issue niyo na lang eh yung sa Mama mo.” paliwanag ni Luigi.
Sakto pagkasabi niya ng Mama, agad na may tumawag kay Dom at sa reaksyon niya na parang kinakabahan eh kinabahan na rin ako.
“Si Mama raw!”
At agad na kaming umalis para puntahan Mama niya sa Ospital.
++++
Nakita ko si Valentina roon habang yakap niya Mama niya. Hindi ko naman maintindihan kung anong nangyayari kaya naiwan ako sa may labas.
Maya maya, lumabas si Dom na umiiyak. At sa ayos ng iyak niya, alam kong wala na yung Mama niya.
Niyakap ko lang siya kasi ayon lang kaya kong ibigay sa kanya ngayon.
Nung medyo lumipas na yung oras, may dumating na lalaki. Medyo may edad na at sa itsura niya, alam kong tatay ni Dom “to.
Hindi ko alam kung lalabas ba ako para magkausap sila pero mahigpit yung hawak saken ni Dom at alam kong ayaw niya akong umalis don.
Tinignan lang kami ng Papa niya kasi magkaholding hands kami ngayon eh.
Maya maya, kinausap kami ng Papa niya sa labas.
“Kumusta ka na anak?” tanong ng Papa niya.
Hindi naman sumagot si Dom.
“Palagi ako nandito. Pero hindi naman kita naaabutan”
“Okay na rin siguro yon”
Pinigilan ko si Dom sa pagsagot sa tatay niya ng pabalang.
“Okay lang. So, kayo pa rin pala ni Greg…. Greg name mo diba?”
“Opo opo”
“Alam mo ba last wish ng Mama saken ni Dom??? Na huwag kong hayaan na kayong dalawa magkatuluyan.”
Mukhang na trigger si Dom. Binitawan niya ako at hinawakan niya Papa niya sa mga damit ng mahigpit.
“Kung pupunta ka rito para sabihin yan!!! Umalis ka na lang!!” sigaw niya.
Pero kalmado lang Papa niya.,
“Ano bang alam ko sa nangyayari sa’yo? Wala naman ako sa tabi mo.” sabi ng Papa niya.
“Kaya nga! Kaya wala kang karapatan na paghiwalayin kaming dalawa!”
“Bakit? Sinabi ko bang paghihiwalayin ko kayo? Sinabi ko lang yung sinabi ng mama mo saken palagi”
Natahimik si Dom at dahann dahan na binitawan papa niya.
“Isa sa mga alam ko eh huwag mong pigilan ang nararamdaman mo para sa isang tao. Kita kong masaya ka sa piling niya, nagshift ka pa ng course para sa kanya diba?”
Hindi naman ako nakakasagot.
“Alam kong huli na. Ang gusto ko lang mapunan ko yung pagkukulang ko sa’yo bilang tatay mo. Alam kong galit ka pero sana hayaan mo na bumawi ako”
Hindi pa rin siya nagsasalita.
“Anak, wala akong balak paghiwalayin kayo ni Greg. Mukhang mabait na bata si Greg, sabi ni Valentina mabait daw siya. Mahal mo naman siya at siguradong Mahal ka rin niya. Maiintindihan din ng Mama mo yang pinili mo. At sigurado akong naririnig niya tayo ngayon, at kung makakapagsalita lang siya, sasabihin niyang sinusuportahan niya kayong dalawa”
“Natakot lang Mama na baka sa future, wala kang makatuluyan. Pero sabi ko sa kanya, mas nakakatakot kapag naging rebelde ka dahil lang sa mas pinili mo yung gusto mo kesa sa kagustuhan ng anak mo”
“Nung iniwan ko Mama mo, naguilty ako kasi may anak kami eh. Pero alam niya na hindi namen mahal ang isa’t isa. Alam niya yon, kaya nung sumama ako sa totoong mahal ko, napakasaya ko.”
“Mahal ka ng Mama mo, kaya ganyan na lang siya makareact. Sana maintindihan mo”
“Bumalik ako para gabayan ka sa mga gagawin mo. Sa mga gagawin niyo ni Greg. Hindi na ako aalis sainyo”
Ewan ko, habang nagsspeech yung Papa niya, naiiyak ako. Napakaswerte ni Dom sa Papa niya. In the end, nagyakapan silang dalawa na mas lalong nakakaiyak tignan.
Tinawag din ako ng Papa niya para sumali sa yakapan nila at feeling ko, kasama na ako sa Pamilya niya.
+++++
LAST 3 CHAPS!!!! HIHI.
VOTE AND COMMENTS GUYS!!!!
BOOK 3 - Part 8
Nagbago lahat simula nung naging okay si Dom at yung papa niya. Umalis na si Dom sa dorm niya para sumama sa Papa niya, kasama si Valentina.
Namatay din pala yung kinakasama ng Papa niya kaya mag isa na lang din siya. Ang huling hiling naman daw nung babae eh balikan yung mga anak niya.
Mag isa na lang ako palagi sa dorm pero okay naman, masaya naman si Dom at kitang kita ko yon palagi kapag tumatambay siya ng dorm galing school.
Pero lately, kami ni David magkasama. Lumipat din pala siya sa school namen at halos magkaklase rin kami sa lahat. Medyo nagseselos nga si Dom eh pero syempre kapag sinabi niyang huwag ako sumama, hindi ako sasama.
Ngayon, nasa dorm ko kaming dalawa ni Dom. Nag aaral kasi malapit na midterms ng biglang dumating si David at Luigi na may dalang pagkain.
“Nag aaral kami mga pre. Sa susunod niyo na guluhin si Greg” maangas na sabi ni Dom.
“Sure ka ba talaga rito kay Dom, pre? Parang konti na lang gusto ko ng sapakin eh!” sabi ni David kay Luigi.
“Anong sabi mo?!” ayan, nagalit na si Dom. Pero agad akong umawat sa kanila.
“Pasensiya na Greg. Kwentuhan na lang tayo sa school bukas ah. Medyo wala rin sa mood tong si David eh!”
Umalis na silang dalawa! Hindi man lang iniwan yung pagkain, kainis.
“Bakit ba kasi naging kaibigan mo yan si David?!” inis na sabi niya saken.
“Galit ka lang ata kasi sila ni Lovely ngayon eh, yung ex mo”
“Hala, ano naman kung sila ni Lovely, eh tayong dalawa naman?” instant kilig diba?
“Tse! Mabait naman si David. At saka sabi ko naman sa’yo, kaibigan lang tingin ko don. Mas malaki kaya sayo hahhaha” biro ko pa.
Oo, nakwento ko rin kasi yung nakita ko. Isang araw niya rin akong di pinansin non pero ngayon okay na kami.
“Aba, dapat lang!” sabay yakap saken at halik.
Sa halos araw araw na session namen ni Dom, hindi pa rin ako nagsasawa at lalo na ngayon na feeling ko may mangyayari na naman. ☺☺
++++
Eto na yung isa sa pinaka kinatatakutan kong mangyari.
Pinuntahan ko si Dom sa room niya kanina at hinintay kong makalabas. Kasi after nameng mag review sa dorm non, parang 3 days kaming hindi nakapagkita, exams kasi tapos ako inaayos ko pa yung school paper.
Kaya nung paglabas niya ng room, niyakap ko siya kaagad. Parang wala akong nakikita na ibang tao, basta niyakap ko siya.
Agad niya namang tinanggal yung pagkakayakap saken, at inakbayan ako papunta ng canteen.
Ewan ko ba, kasi may mood talaga ako na gusto ko siyang nilalambing. As in, yung haharutin ko siya tapos minsan hahalikan ko bigla sa cheeks.
Minsan, hahawakan ko na lang bigla yung kamay niya, nakikisabay naman siya sa trip ko.
Pero ngayon, parang iritable siya. Siguro may issue lang siya sa bahay nila kaya nung tumambay kami sa dorm ko, agad naman siyang naging clingy.
Todo yakap, todo halik. Todo alaga talaga siya saken. Kaya tinanong ko siya about sa kanina.
“Bakit wala ka sa mood kanina? May problema ba kayo sa bahay?” tanong ko.
Maayos talaga yung pagkakatanong ko, walang halong badvibes, hinihilot ko pa nga siya eh pagkatanong ko pero parang galit siya nung sumagot.
“Bakit ganyan tanong mo?!”
Syempre, nagulat ako. Natahimik ako tapos bigla siyang nag sorry.
Kasi katulad ng sabi ko, kanina, okay siya. Tapos bigla naman siyang naging moody. Nakakapagtaka lang.
“Sorry na po. Marami lang akong iniisip” sabi niya.
“Pwede mo naman sabihin saken eh”
“Baka kasi magalit ka”
“Eh mas magagalit ako kapag di mo sinabi”
“Hayaan mo na lang. Hindi ko na lang iisipin” sabi niya.
Nagbihis na siya at akmang uuwi na.
May problema talaga siya pero ayaw niyang sabihin. Kaya kinabukasan, nag abang uli ako sa labas ng room niya para bigyan siya ng pagkain.
Feeling ko kasi kulang lang sa lambing pero nginitian niya lang ako tapos parang casual lang na kinuha niya yung pagkain tapos sabay kaming naglalakad. Ganon lang.
Ilang araw din siyang ganon, hanggang sa tanungin ko si Valentina kung may problema ba sa bahay nila, sabi niya wala naman. Masaya naman daw kuya niya pag nasa bahay.
So, ako siguro talaga may problema.
Binawasan ko pagiging clingy ko sa kanya.
Since isang school lang naman kami, hindi naman maiiwasan na magkiga kami pero umiiwas na rin ako. Baka kasi naiinis na siya saken.
Kapag mag isa lang ako at hindi kasama sina Patricia at Jane, umiiyak ako. Sinusubukan ko kasi siyang kausapin pero parang ayaw niya.
Ang dami tuloy tumatakbo sa isip ko kaya nung hindi ko na talaga kaya, sabi ko mag usap kami sa dorm ko. Feeling ko kasi naghiwalay na kami eh. Parang wala na.
Dumating naman siya, may dala pa siyang bulaklak at pagkain.
Agad niya akong hinalikan nung nakita niya ako pero wala lang saken.
Para kong tanga, umiyak na ako kaagad.
“Bakit ka umiiyak?” tanong niya.
“Mahal mo pa ba ako?” nacocornyhan kasi ako minsan eh pero parang desperado na ako.
“Oo naman!! Bakit ganyan ka mag isip?”
“Ilang araw tayong di nagkita, ilang araw mo kong di kinausap”
“Sorry kung ganyan nasa isip mo. Wala akong intensyon. Ayoko lang na araw araw nagkikita tayo, baka kasi magsawa ka kapag ganon.”
“Eh bakit todo iwas naman ata? Kahit Hi o Hello sa school wala?”
“Uyyy huwag ka ng umiyak….”
“Naiisip ko rin na baka nahihiya ka na saken. Na baka nakakairita na ako, na baka ayaw mo na ng nilalambing kita in public.”
Akala ko lalambingin niya ako. Pero nainis din siya saken.
“Ang dami mong iniisip! Gusto ko lang din minsan na magkaroon tayo ng oras sa sarili natin. Hindi yung palagi na lang tayong magkasama. Hindi yung sateng dalawa lang umiikot yung mundo natin!”
“Hindi ko naman hinihingi na palagi tayong magkasama ah? Kaya nga diba sabi ko sumama ka sa Papa mo para may oras ka. Kahit naman magkatext lang tayo okay na ako doon, pakita mo lang na interesado ka pa rin saken!”
“Hindi mo kasi nararamdaman nararamdmaan ko eh! Pinaghihinalaan na ng mga kaklase ko na tayo!” sabi niya.
“Bakit? Hindi ba tayo?”
Natahimik siya. Alam ko sa away namen na to, may mali ako pero mas mali siya.
“Kung sana hindi mo pinakita saken na mahal na mahal mo ko, sana hindi mo ko inispoil sa lahat ng yon, edi sana hindi kita kinukulit ng ganito. Namimiss lang kita, namimiss ko lang yung dating tayo. Sana sinimulan mo muna sa mababang level yung relasyon natin pero hindi, sinimulan mo kaagad sa pinakatuktok, sa pinakagrabe, to the point na kapag hindi mo ko sinuyo feeling ko di mo na ako mahal!”
“Ano ba, Greg?! Pwede naman maging tayo ng hindi natin kailangang maglandian sa harap ng maraming tao diba?!”
Again, para akong tanga pero tanga na kung tanga, grabe yung tulo ng luha ko ng mga oras na yon.
Ayoko siyang hawakan, feeling ko kasi magkaka pisikalan kami kapag hinawakan niya ako.
“Dati naman okay tayo ng ganito tayo ah? Bakit bigla kang nagbago?” tanong ko. Mahinahon. Kalmado.
“Hindi ko rin alam. Feeling ko lang masyado tayong nakulong sa isa’t isa. Parang nagawa na natin lahat. Wala ng bago”
Para niya akong sinaksak sa puso ko. Pinipilit kong huwag tumulo yung luha ko pero para siyang gripo na walang tigil!
“Nakikipaghiwalay ka ba?” tanong ko.
“Hindi ako nakikipaghiwalay. Please. Mahal Kita. Pero, let’s take a time off. Mamiss lang natin isa’t isa. Parang nawawala na kasi yung spark.”
Alam ko deep inside masakit, kasi ibig sabihin non, nababawasan na yung love. Nawawala na.
“Okay.” ayon lang sagot ko.
Yayakapin niya sana ako pero sabi ko huwag na muna.
“Para mamiss mo rin yakap ko” sabi ko sakanya.
Nahihiya siya saken. I mean, deep inside siguro, mas lamang pa rin pagka straight niya. Saken lang siguro siya naattract pero mas lamang pa rin yung pagka attract niya sa babae.
Hindi ko na siya hinatid palabas.
Ni lock ko kaagad yung pinto saka ko nagsisisigaw sa unan ko para umiyak.
++++++
LAST 2CHAPTERS GUYS!!!
VOTE AND COMMENTS NA!!!!! :)
BOOK 3 - Part 9
Ang daming nagbago after nung gabi na magkausap kami ni Dom.
Magkikita man kami sa school pero magngingitian lang. Magtetext pa rin siya ng good morning at good night, minsan nag I I love you pa. Pero, ramdam mo na napipilitan lang.
Walang gabi na hindi ako umiyak kakaisip kay Dom at sa kung anong nangyari samen.
Palagi kong binabalik yung mga araw, iniisip ko kung may mali ba akong nagawa para makagawa ako ng paraan para maayos yon pero ang ginawa ko lang naman eh mahalin siya at alam kong hinding hindi magiging mali yon.
Kahit sila Patricia at Jane, nag aalala na saken. Hindi ko lang kayang pag usapan sa ngayon ’to kaya umiiwas ako.
Kahit si Anthony na palagi akong kinukulit, wala rin akong masagot. Halos umiiwas na rin ako sa lahat.
Pero pag uwi ko ng dorm, nakabukas yung pinto. Naexcite ako kasi baka si Dom to, tapos makikipag ayos siya saken kaso hindi. Laking gulat ko ng makita ko si Sir Julian!
“Hindi ako magnanakaw. Hehe.” agad niyang sabi nung nakita ko siyang naglilibot sa dorm ko.
“Bakit po kayo nandito??”
Pero imbis na sagutin yung tanong ko, lumapit siya saken sabay yakap.
“Magang maga yung mata mo.” sabi niya.
“Hehe. Wala po to. Okay lang ako hehe.”
“Maniwala ka saken, magiging okay din lahat. Pangako.”
Hindi ko alam kung alam niya sitwasyon ko pero parang may assurance sa boses niya na parang magiging okay nga ang lahat.
“Bakit po pala kayo nandito?” tanong ko.
“Wala naman, may bibigay sana ako sa’yo kaso parang wrong timing ako hehe.”
“Nako, sige po. Ano po ba yon?”
“Hmmm… Mapagkakatiwalaan ba kita?”
“Tungkol po ba saan?”
“Bibigay ko sayo to” may inabot siya sakeng briefcase. Nakalock yon tapos inabot niya rin yung susi.
“Ano po ba to?” tanong ko.
“Aalis kasi ako at si Matteo, baka 2 months kaming mawawala. Ehhh I need you to open that before September 15.”
“Bakit hindi pa ngayon?”
“Actually pwede naman, kaso I’m putting all my trust sa’yo na hindi mo bubuksan yan before Sept. 15.”
Napaka weird naman pero chineck ko yung date, August 3 na. Halos isang buwan din akong matetemp na buksan ’to pero kakayanin ko.
“Kaya mo??” tanong niya.
“Opo hehe. Basta wala pong drugs or kahit ano to ah??”
“Hahaha nabasa ko na sa isip mo na sasabihin mo yan pero natawa pa rin ako haha”
“Eh kasi mahirap na po. Uso pa naman ngayon, alam niyo na kahit sino na lang.”
“Haha. Oo I understand. Trust me, okay? Basta walang masamang bagay diyan”
Inalog alog ko, mukhang wala naman talaga.
“Paano ba yan? Mauuna na ako. Ayan lang naman pinunta ko rito” sabi niya sabay tapik sa balikat ko.
“Sige po”
Umalis din kaagad si Sir Julian at naiwan na naman ako sa kwarto ko.
++++
Ewan ko, napagod siguro ako kakaiyak. Yung tipong okay na ako. Mahal ko si Dom pero hindi na ako iiyak. Parang ganon.
Hindi naman ako nangaasar pero palagi kaming magkasama ni Luigi lately, nagpopost pa kami ng pictures sa FB at IG, pero nagagalit si Dom. Gusto raw niya makipag usap saken.
So, after ng class uli, nagkita kami sa dorm.
Pagkapasok niya sa dorm ko, nilock niya kaagad yung pinto tapos niyakap ako ng mahigpit. Ang higpit ng yakap niya na parang miss na miss niya talaga ako.
Ako naman, niyakap ko rin siya ng mahigpit kasi miss na miss ko na rin siya.
“Pinagpalit mo na ba ako??” malungkot niyang tanong.
“Hindi…. Bakit kita pagpapalit?”
“Bakit hindi mo na ako kinakausap???”
“Napagod lang akong maghabol.”
“Gusto mo na bang makipagbalikan saken?”
Bakit bigla siyang naging ganito. Hindi naman sa nag iinarte pero hindi naman ganon kadali lahat ng yon.
“Sabi mo nahihiya ka na….” hindi niya pinatapos sinasabi ko, sumingit kaagad siya.
“Nung una lang yon. Maniwala ka, nailang lang ako kasi nag iba yung paligid ko, alam ng iba kong tropa sa Marine na tayong dalawa, pero ngayong lumipat ako, nanibago lang ako.”
Naiiyak siya habang nagkekwento.
Inasar ko pa siya.
“Nanliligaw si Luigi saken eh.” sabi ko sa kanya. Akala ko magagalit siya pero umiyak siya! Nakayakap saken habang paluhod na!
“Huwag, Greg! Sorry sa nagawa ko!! Mahal kita. Please. Please.”
Ang sama ko ba kung parang gusto ko pa siyang asarin? Kasi parang ngayon lang ako makakaganti sa panahong iyak ako ng iyak eh.
“Pinag iisipan ko nga kung sasagutin ko siya sa Birthday niya eh. Magandang Birthday gift yon”
Aba, mas umiyak si loko. Nakaluhod na talaga siya at nakayakap sa mga binti ko.
Naawa ako, hindi ko naman ginusto na umiyak siya ng ganon. Kailangan ko ring maging mature sa sitwasyon kaya pinatayo ko siya.
Naupo kaming dalawa sa kama saka ko pinunasan luha niya.
“Nasaktan mo ko nung nakipag cool off ka, alam mo ba yon?” sabi ko.
“Alam ko. Palagi kitang pimupuntahan sa room mo. Sinusubukan ko lang kung kaya ko, pero hindi eh. Ikaw talaga mahal ko, Greg. Maniwala ka. Wala akong iba!”
“Sabi mo non, na fall out of love ka saken?”
“Hindi ko maexplain! Parang nasanay ako na nandiyan ka. Siguro, kaya parang tinake kita for granted kasi alam kong babalik at babalik ka pero lately, nasasaktan na ako…”
“So inaamin mo na sinusubukan mo na tine take mo ko for granted?”
“HINDI! ARGH! ano ba to! Basta ang alam ko lang, Mahal na Mahal kita. Kaya ko ng ipagsigawan sa buong campus, kahit sa social media, kahit sa mundo na ikaw mahal ko. Maniwala ka. Bukas na bukas lang. Please?”
Deep inside, gusto ko! Gustong gusto. Gusto ko na nga siyang halikan eh. Pero kumalma muna ako.
“Ayoko, Dom. Gusto ko makita na Mahal mo talaga ako…”
“Liligawan kita uli, araw araw, hanggang sa sagutin mo ko uli. Katulad ng dati, kaya ko. Kahit huwag mo na muna ako sagutin, okay lang, basta gusto ko ibalik yung dati.”
“Deal. Pero this time, hard to get na ako, lalo” sabi ko sa kanya.
“Kahit ano pa yan, tatanggapin ko!”
Napalitan na ng ngiti yung mukha niya, nilalapit niya mukha niya para halikan ako pero agad kong hinarang daliri ko.
“Tayo ba? Nanliligaw ka pa lang diba? Bakit mo ko hahalikan?” sabi ko.
“Oo nga pala hehe. Yakap?”
“Niyayakap mo ba nililigawan mo? No. Dapat nga sa labas ka, wala ka sa loob ng kwarto ko” sabi ko.
“Hala, seryoso???”
“Mukha ba akong nagbibiro???”
Nagtitigan kami. Patigasan. Kung sino unang kumarap talo.
Pero siya nung natalo, kaya lumabas siya ng bahay tapos sa screen lang kami nag uusap.
“Magpapaligaw ka pa rin ba sa Luigi na yon?” tanong niya.
“Oo. Ehhh tumatanggap naman ako ng manliligaw. Bakit naman hindi?”
“Hays. May kakompetensya pala ako”
“Galingan mo na lang” sabi ko sa kanya.
“Mahal kita.”
Oh, parang magic word na biglang nagpangiti saken.
“Mahal din kita, pero paghirapan mo muna ako” sabi ko sabay kindat.
Alam kong natuwa siya sa sinabi ko, eto lang naman din kasi gusto ko, magkaayos kaming dalawa.
Agad ko namang tinawagan si Luigi tungkol sa nangyari. Sabi naman niya pupunta siya sa dorm ko ngayon.
Halos 8 na ng gabi siya nakarating, may dala pa siyang pagkain.
“Binenta mo pa ako sa kanya!” sabi niya nung kinwento ko nangyari.
“Hahaha sorry na!”
“Hey, di mo pa rin ba chinecheck yang bigay ni Dad?” sabi niya sabay turo sa briefcase na binigay ni Sir Julian 3 weeks ago.
“Malapit naman na mag Sept 15, hintayin ko na lang.”
“Haha nagkataon talaga sa Birthday ko no?”
“Oo nga no? Hahaha.”
“May idea nga ako kung ano yan eh pero hindi ko sure.”
“Sabihin mo na saken, dali na.”
“Hahaha, basta papel lang yan sigurado lol yung nakasulat don ang mahalaga”
“Tskkk, sige! Maghintay na lang ako!”
“Oy loko ka. Mamaya sugurin ako ni Dom kasi sabi mo manliligaw ako”
“Haha, ikaw kasi ehhh, masyado kang clingy lately”
“Nakakainis ka rin eh, pinangunahan mo rin ako”
“Ano?”
“Eh balak nga kitang ligawan eh. Seryoso.”
Halos maluwa ko kinakain ko, nung tinignan ko pa siya, seryoso siya.
“Single ka naman diba? Tsaka sabi mo naman liligawan ka ni Dom. Edi sabay na lang kaming manligaw sayo”
Shocks. Seryoso nga siya!!! Hindi ako makasalita. Gusto kong kumagat ng pizza kaso nakatingin pa rin ako sa kanya.
“Ano Greg? Ligawan kita? Tayo na lang, hindi kita sasaktan!”
+++++
VOTE AND COMMENTS GUYS!!!!!!!😊
FINALE NA NEXT CHAP HEHEHE!
FINALE NA TALAGA
Halos mabaliw ako sa sinabi ni Luigi.
Pero si loko loko, nagbibiro lang pala! Halos atakihin ako, feeling ko kasi ang ganda ko pero feeling ko lang naman.
Si Luigi kasi kaibigan, mabait na kaibigan, talagang masasabihan mo ng sikreto at hinanakit.
Siya yung tipo na aakalain ng lahat na jowa mo kasi sobrang close pero ang totoo ayaw niyo sa isa’t isa bilang mag jowa. Ganyan kami ni Luigi.
Ewan ko ba kung bakit kami yung mas close kesa kay David, si David naman kasi loko loko at palabiro. Si Luigi naman may ganong side pero kapag kaming dalawa lang.
So, kinabukasan, nagbago na lahat. Nagising na naman ako sa amoy ng nilulutong breaksfast. Pagkatingin ko, si Dom, nandoon sa kusina at nagluluto.
Ganitong ganito kami noon kaya napangiti niya kaagad ako pagkakita sa kanya.
Lumapit kaagad siya sabay halik sa pisngi ko.
UMASA AKO SA LABI PROMISE.
Pero hindi pa nga pala kami kaya kailangan ko muna magpa bebe.
“Good Morning” bati niya.
“Ikaw magnanakaw ka talaga! Bigla bigla ka nalang pumapasok ng walang paalam”
“Oo, ninakaw mo nga puso ko eh tapos pinapasok mo pa ko sa buhay mo” sabay kindat,
Leche. Umagang umaga, ganito siya pero gustong gusto ko naman.
Palagi na siyang ganon. Isang linggo siyang ganon saken sa bahay, sa school naman nag iba na rin siya.
Katulad kanina, hinatid niya ako hanggang classroom ko. Nung nakapasok na ako sa loob, pumasok din siya. So nasa harap kaming dalawa.
Imagine nandon din prof ko tapos bigla niya akong hinalikan sa loob.
Halos lahat naghiyawan sa ginawa ni Dom, pati ako nagulat. Hindi ko akalaing kaya niyang gawin yon.
“Sabay tayo mag lunch ah” sabi niya sabay alis. Naiwan akong nakatulala doon, habang naghihiyawan mga classmate ko.
Alam naman ng iba yung tungkol saken pero ngayon sure akong alam na ng lahat!
Pati prof ko, sakto bading din, kilig na kilig.
Feeling ko tuloy sure pass na ako rito.
Simula rin ng nalaman ng lahat na ganito ako, parang naging mas open na ako sa lahat. Hindi lang binabalik ni Dom yung dating kami, nilalabas niya rin kung sino talaga ako.
Ang gaan sa pakiramdam ng wala kang tinatago.
Andoon na ako sa point na gusto ko ng sagutin si Dom uli kaso gusto ko muna na siya yung magtanong.
“Nasaan ka?” tawag saken ni Dom.
“Sa klase pa, bakit?”
“Punta ka sa bahay, Birthday ni Papa eh. Nagluto siya para sayo”
“Para saken talaga?”
“Haha oo! Dali, hintayin kita ah!”
So after ng klase ko, dumiretso na ako kina Dom. Pagpasok ko ng bahay jusko, feeling ko ako yung may Birthday!
Sinurprise nila akong lahat, sila ng papa niya at Valentina. Hindi ko rin alam kung para saan yung hiyawan nilang surprise ehh pero natuwa na lang ako.
Niyakap ako ng Papa niya at ni Valentina, syempre si Val, super clingy na naman saken kasi ako raw ang TOTGA niya.
“Greg, sa kwarto tayo. Okay lang?” biglang yaya ni Dom nung marami ng dumadating na bisita, medyo pagabi na rin kasi.
Kaya umakyat kami sa kwarto niya, pagpasok na pagpasok namen niyakap niya ako kaagad.
Hinayaan ko siyang nakayakap saken pero nagulat ako ng naririnig kong umiiyak na siya.
“Uy, para tong sira. Bakit ka umiiyak???” sabi ko.
“Hindi ko alam kung paano ko nagawa yung iwasan ka ng halos dalawang buwan dahil lang sa pang aasar ng ibang tao saken”
Humigpit pa yakap niya. Parang ayaw na niya akong pakawalan.
“Ngayon, wala na akong paki sa sasabihin ng iba. Kahit ano pa yan, Mahal na Mahal kita. Greg”
Pinunasan ko yung luha niya at sabi kong kumalma muna siya kasi hindi siya makapagsalita ng maayos.
Ramdam mo talaga sa iyak ng tao yung sincere, ewan ko ba rito kay Dom, naiiyak tuloy ako!
Pero wala akong sinabi, hahalikan ko sana siya sa labi kaso bigla siyang umayaw.
“Hindi pa tayo uli” sabi niya. Ewan ko kung nag iinarte lang to eh, pero nung nakita ko siyang ngumiti na para bang nang aasar eh tumalikod ako.
“Mahal mo ba ako??“yakap niya naman sa likod ko.
“Oo naman” sagot ko.
“Mahal din kita.”
Hinawakan niya kamay ko habang nakayakap siya saken pero ewan ko, miss na miss ko na siya kaya humarap ako sa kanya para halikan.
Pero umiiwas talaga siya.
“Hindi pa nga tayo!” sabi niya pa uli.
“Edi tayo na uli. Sinasagot na kita.”
“Nagtanong ba ako?”
HALA!! Feeling ko napahiya ako doon! As in, parang kinain ako ng lupa.
“Haha, tara baba na muna tayo” hawak niya sa kamay ko pero binitawan ko siya.
Nang aasar kasi siya. Tawa pa siya ng tawa!
Argh!!! Inis na inis talaga ako.
Pero pagbaba ko, nagulat uli ako ng part two, part one kasi yung gulat ko kanina.
Lahat ng kamag anak niya nandoon sa may lamesa. Yung Papa niya, si Val, yung Tita niya. Yung Lolo at Lola niya, yung tatlong pinsang babae at dalawang lalaki.
May malaking banner don!
“Greg, Will you be my forever again?”
PUCHA!!
Halos kilabutan ako na ewan, sobrang unexpected.
Naaasar ako sa kanya kanina kaya nauna ako kaya nung nilingon ko siya, nakangiti siya saken tapos may hawak pang bulaklak!
Ano ba to! Ano bang ginawa ko sa buhay para gawin saken to ni Lord?!
“Sorry kung tinanggihan kita kanina. Gusto ko kasi na sa harap ng pamilya ko to itatanong sayo. Para mapakita ko sayo na Mahal na Mahal kita at hinding hindi kita iiwan.”
Parang magpopropose siya saken ng mga oras na to. Gosh, ang bata ko pa pero sige go lang.
“Greg, Will you be my forever? And ever?”
Gosh. Ang gwapo niya magpa cute! Tapos naiiyak na ako. Yung mga kamag anak niya sa likod kinikilig. Jusko, ano pa bang gagawin ko.
“Oo naman!!” sigaw ko.
Aba at nagpalakpakan na silang lahat sa likod. Tapos bigla niya na akong hinalikan sa harap nilang lahat!
Dalawa yung naisip ko, umalis sa sobrang hiya. O itutuloy ko to kasi nasasarapan ako.
Kaya doon ako sa nasasarapan, hinalikan ko rin siya ng madiin para ipakita na sobrang miss ko siya.
“Gustong gusto na kitang halikan kanina pa” bulong niya saken.
After ng kissing, lumapit saken Papa niya at niyakap ako.
“Welcome to the family again. Loko loko yan nung iniwan ka niyan kaya mas gusto kong magkasama kayong dalawa” sabi niya saken.
“Thank you rin po, feeling ko tuloy ako yung may birthday”
“Best Birthday gift ka na saken dahil pinapasaya mo anak ko” sabi niya.
“Uhm Pa,” sabay singit ni Dom. “Akyat muna kami, may nakalimutan lang kami” sabi ni Dom.
Agad kaming umakyat. Tinatanong ko siya kung ano yung nakalimutan namen.
Pagpasok ng kwarto, ni lock niya na kaagad at binuhat na niya ako papunta sa kama. Naghubad kaagad siya at hinubaran na niya ako.
Habang nasa kalagitnaan kami ng halikan bigla siyang tumigil.
“Mahal mo pa rin ako bukas?” tanong niya saken.
“Oo naman! Mahal na Mahal”
“Mahal na Mahal din kita”
At alam niyo na next na nangyari.
+++
Nakapatong ako sa kanya habang pinaglalaruan ko yung mga bigote niya.
“May sasabihin pala ako sayo” bigla niyang sabi.
“Ano??”
“Promise mo muna na hindi ka magagalit”
“Magagalit ako. Ano yon?”
“Haha, promise ka muna.”
“Oh, promise. Dali. Ano na?”
“Haha. Wait wait.” tumayo siya kahit nakahubad pa. May kinuha siya sa cabinet niya tapos humarap siya habang nakalagay yung kamay niya sa likod.
“Anong gusto mo? Etong nasa harap o nasa likod” sabay niya sabay nguso sa ano niya.
“BOTH! At the same time!”
“Hahaha naughty ka talaga. Pero eto, huwag ka magalit please?”
Lumapit siya sabay abot saken ng libro.
Nagkaroon pa ako ng gulat part three.
YUNG TATLONG DIARY KO NA SAKANYA!!
“BAKIT NASAYO TO?!”
“Sabi ko huwag ka magagalit eh”
“Hindi ako galit. Paano mo nakuha to?”
“Haha kinuha ko yan sayo haha. Sorry, tawang tawa kasi ako sa mga sinusulat mo lalo na nung transferee ka haha. Inlove na inlove ka saken”
SHET!!!! YUNG KAHARUTAN KO NON!
Hiyang hiya ako promise pero natatawa na naman si Dom.
“Hahaha huwag ka ng mahiya, nakita ko naman na lahat ng iyo eh. Okay na yan na alam ko na mahal na mahal mo ko talaga hahaha”
“Tse!! Hanap ako ng hanap sa mga to eh tapos nasayo lang pala!”
“Haha sorry na. Hehe, tara babawi ako sayo” hinalikan niya ako pero naaalala ko pa rin mga sinulat ko sa about sa kanya kaya nahihiya ako.
“Pero sa totoo lang, kinikilig ako habang binabasa yan. Ramdam ko kasi yung kilig mo hehe” bigla niyang bawi.
“Nakakahiya pa rin….”
“Sooner or later, malalaman ko rin yan. Baka next year, magpakasal na tayo edi malalaman ko talaga yan”
“Pakasal kaagad?!” kinikilig ako sa topic namen.
“Ayaw mo ba?”
“Gusto ko naman kaso gusto ko stable na lahat.”
“Sige, ipon muna tayo tapos saka ko magpopropose tayo papakasal na hehe”
“Paano kapag gusto mo ng baby?”
“Gusto ko lang ng aso. Okay na sayo?”
“Okay na okay!”
“Haha good. Pero try ko pa rin na iputook sa loob, baka makabuo”
“Hoy!!! Tigilan mo nga yan haha”
“Haha, alam na ng pamilya ko ah. Wala na akong paki sa sasabihin ng iba. Ikaw talaga mahal ko kaya sana bumalik na tayo sa dating tayo”
“Oo naman po. Hehe. I love you”
“I love you too. Sososososososososo much!!”
++
Nag aalarm phone ko kaya ako nagising.
September 15 na!!
Agad kong nilabas yung briefcase na bigay ni Sir Julian. Hawak ko na rin yung susi. Kinakabahan pa ako kasi mamaya biglang sumabog.
Pero pagpasok ko ng susi sa padlock, bumukas yung pinto ng bahay at dumating si Dom.
May hawak din siyang briefcase katulad nung hawak ko!
“Paano ka nagkaroon ng ganyan?” tanong ko.
“Bigay lang ni Sir Matteo mo, bakit meron ka rin?”
“Bigay ni Sir Julian to, bakit ka pumunta rito dala yan?”
“Sabi kasi ni Sir Matteo, dalhin ko raw to sa dorm mo ng September 15”
“Sabi naman ni Sir Julian, buksan ko to ngayong araw.”
“Ang weird”
“Oo nga.”
Nilapit niya yung kanya sa may briefcase ko, tapos sabay nameng binuksan.
May nakalagay doon na libro.
Walang nakasulat pero medyo makapal yung libro.
Parehas din nung kay Dom.,
Pero sa dulo, may nakasulat.
“Maraming Salamat sa lahat. Pirmahan niyo lang sa ilalim gamit yung ballpen sa briefcase tapos babalik na lahat ng alaala niyo.
Maraming Maraming Salamat, Greg. Malaking malaki ang utang na loob namen sainyo.“
Sinilip ko yung kay Dom, parehas din nakasulat sa kanya.
Wala naman sigurong mawawala kung pipirmahan namen to.
Kaya sabay nameng pinirmahan yung libro.
At bigla akong natulala.
Pumasok sa isip ko lahat ng ginawa ko noon.
Sinakripisyo namen ni Dom yung gift namen para mailigtas si Luigi.
Kaya pala sobrang bait saken ni Luigi kasi nakita kong ako yung bumuhay sa kanya.
Matagal ko na ring karelasyon si Dom.
Kitang kita ko lahat.
Pati yung battle of the gifted kung saan ako ang nanalo at si Dom naman ang pangalawa.
Ngayon alam ko na kung bakit mabait saken sina Sir Julian at Matteo.
Kami ang nagpasimula ng lahat. Kami ang nagpasimula ng mundo ng mga gifted.
THE END.
+++++++++++++++++++++++
OKAY SO MAY PAG CROSS OVER DIBA? AHAHAHA.
THANK YOU SA LAHAT NG NAGBASA.
SA MGA MAY AYAW NUNG FANTASY PART, ISIPIN NIYO NA LANG NATAPOS YUNG STORY SA BINIGAY NI DOM YUNG DIARY NI GREG HAHHA.
Medyo bibitin ko lang kayo ah? Kasi may binabasa akong libro ehhh, baka next week na ako mag update haha at may pasok na kaya slow updates na uli.
Feel free to message me on twitter about sa FINALE hahaha. TWEET ME @itsnipo !!! Thank youuu!! 😊😊😊😊
SO CLOSE YET SO FAR
Epilogue ba hanap niyo?
Hindi na kailangan yon! Haha.
Malalaman niyo yung susunod na mangyayari dito sa mga susunod na updates sa EXTRAORDINARY WORLD.
Connected talaga lahat ng mga yan! Haha pero super slow updates lang sa EO kasi mas nahyhype ako sa bagong story eh haha.
Check niyo sa profile ko yung So Close Yet So Far para malaman niyo. Malapit na malapit na yan. Ayan ang entry ko sa Wattys 2017 kaya sana suportahan niyo haha.
THANKYOU SA MGA NAGBASA NG STORY KO.
If you want to talk to me personally, tweet me @itsnipo. Fofollowback ko rin kayo magsabi lang kayo hahahha. Salamat!!!

