GS3: "Bawat Gabi" (on going)
Nyxxie Wp · 3 chapters · 2,037 words
Disclaimer
DISCLAIMER:
Everything in this books are created only by my imaginative mind. Those similarities of names, places, events in real life is totally coincidence.
Has a 🔞MATURED CONTENT🔞
Also contains a girl to girl romance… If you are 18- and not comfortable with this kind of story, please don’t read and skip this. Thank you!
- N Y X X I E -
PROLOGUE
“tang*na Cy… ipinagpalit ako sa bading” may pait na sabi ko habang hawak ang basong may alak na kanina ko pa tinititigan dahil halos di ko na kayang lunukin dahil sa sakit sa dibdib ko.
I reject so many men just for him kasi… siya yung gusto ko, kaso… iba yung gusto niya.
alam ko namang talo ako noon pa, bukang bibig niya na yun, high school palang… pero… kahit ba kunti hindi niya ako minahal? o nagustuhan man lang?
ako yung takbuhan niya everytime na kailangan niya nang kausap. kahit anong oras, kapag gusto niya… magtetext lang siya at ako namang si gaga… pupuntahan rin siya agad, kasi akala ko… kapag ako yung andun para sakaniya, kapag ako yung tumulong sakaniya, matutunan niya rin akong mahalin.
alam ko namang malabo yun dahil ano nga ba kami? ano nga ba ako?
isa akong babaeng laki sa bar.
di na mabilang kung ilan ang body counts.
pero i stopped nung nakilala ko siya… kasi iba siya sa lahat eh… di niya ako trinato bilang parasan nang libg niya.
tinetext niya ako kapag may problema siya, or kaya kapag may problema sila nang kaibigan niya raw… pero halata namang gusto niya.
dalawang beses lang nangyari samin… lasing pa siya. ang masakit nasabi pa niya ang pangalan nang lalaking yun kahit ako yung kasama niya sa init nang laman.
pero kahit ganun, dun ko siya nagustuhan.
iba yung level nang loyalty niya, sa concept na yun mas nahuhulog ako kasi what if ako yung nakakanas nun? what if sakin niya gawin yun?
sobrang swerte ko kung ako yun.
mali bang umasa ako? mali bang hilingin na sana ako nalang… dahil, ako naman yung andito… ako yung naiintindihan yung pagmamahal na kaya niyang ibigay… na kung saakin niya ibinigay ay buong puso kong pahahalagaan… piliin niya lang ako…
pero sa tagal nang pagsasama namin? hindi naiba yung gusto niya…
kahit hindi siya pinapansin ni Rowan, or hindi kinain yung ginawa niyang lunch… at kahit hindi siya yung pinili para sa demonstration? ginawan pa rin niya nang paraan.
hindi niya man lang ako nakita.
“kaya pala nag-aya ka nang inom… yung Jairo nanaman ba yan? sabi sayo hayaan mo nalang siya kung sino yung gusto niya… kasi kahit anong gawin natin, hindi natin mapipilit yung taong mahalin tayo dahil lang sa mahal natin sila. may sarili rin silang puso… at kung hindi tayo ang tinitibok nun, wala tayong magagawa.” ani ni Cy saka nikagok ang alak sa baso niya. “ke bading or hindi… minamahal niya yung tao dahil may katangian yun na wala satin.”
pano ko hahayaan gustong gusto ko siya…
“ano namang kulang sakin? babae ako, kaya niya bang manganak?”
“hindi naman rason yan para mahalin ka teh… ang tunay na nagmamahal ay hindi sa ganyang aspeto bumabase… kundi sa katangian nang tao na siya lang ang may kakayahan na wala sa iba. isipin mo nalang, kung talagang anak ang magpapatibay nang relasyon, bakit maraming nagpapalagl*g? bakit maraming single parent? bakit anraming nangangaliwa, o mga batang nasa ampunan? dun palang malalaman mo nang hindi iyon kasiguraduhan para piliin ka o mahalin ka eh… bunos lang ang bata pero hindi yun tali para di kayo maghiwalay. masakit man sabihin pero iyon yung realidad.” sagot nito ulit.
“saka di naman siya nagkulang sa pagpapaalala sayo na di ikaw yung gusto niya… ikaw yung nahulog, ikaw yung nagkagusto sakaniya… kumbaga parehas lang kayo nang sitwasyon. minamahal mo siya habang may minamahal siyang iba… tinataboy ka niya habang tinataboy siya nung gusto niya. kasi hindi natin kayang dektahan yung puso. pero kaya nating magparaya, lalo na kung one sided lang naman yung pagmamahal.” sagot naman ni Tarra.
“true teh, isa pa… marami pa namang lalaki jan. gaya nung foreigner na yun oh… gwapo niya” sabat naman ni Lyka na ikinatawa ko nang bahagya. panira talaga nang moment tong babaetang to.
“kapag gwapo talaga nawawalan ka nang pakealam sa nararamdaman ng kaibigan mo” biro ko.
“alangan namang mamuhay tayo sa sakit teh, kung masasaktan tayo, dapat sa kama… di ginawa yung mata para lumuha… ginawa yun para patirikin.” aniya pa na mas ikinalakas nang tawa namin.
“pero wala ka ring pag-asa jan… yan yung boyfriend ni Rowan, na gusto ni Jai.” ani ko nang makita ko yung wangis nung tinutukoy niya. yan yung naghahatid sundo kay Rowan eh.
“seryoso? g*gi natable ko yan noon, don’t mention na nakama rin… pero totoo ba?” kuryusonh tanong pa nito.
“swerte naman nun… dalawang pogi ba naman yung nagkagusto, di ko pa nakikita yung bading pero paniguradong gwapo yun… nakuvurious tuloy ako sa mukha nun…” si Tarra habang nakatingin din sa tinutukoy namin.
“siya laging top 1 samin, simula pa high school… pogi rin iyon, masayahin, palakaibigan, at mabait. kaya di naman talaga nakakapagtaka kung may mga magkagusto sakanya… di ko lang talaga matanggap.” wika ko saka tuluyang ininom yung alak sa baso ko.
masakit rin kasing tanggaping… natalo lang ako nang isang bading.
tang*na. maganda ako, babae… may matres, sexy… pero kung pagtatabihin talaga kami ay matres lang lamang ko sakanya… pero lubog ako sa talino, sa ugali, sa pagkatao.
dito sa bar pwede pang maraming gustong tumable sakin, maraming gustong tumik*m sakin, pero sa pagmamahal? mas kamahal mahal talaga siya.
ambaba kong tao…
isang taong binabagayan nang salitang “
ibong
mababa
ang
lipad
“ .
sa ganitong pamumuhay… sino nga bang magmamahal sakin?
na kahit sarili ko ay
nandid
ri
sa katauhan ko…
A:
hello
xiesseeeeeeeeee
,
sisimulan
ko na po ang
kwentong
ito starting today with this Page po… hopefully
subaybayan
niyo po ang
pangatlong
libo
nang
Gabiserye
natin hehehe, isang page lang po sa ngayon but no worries…
masusundan
at
masusundan
na to… just wait for my next updateeee… enjoy this one, mwaaa!
also
FOLLOW, VOTE
, and
COMMENT
for interaction hehe.
Chapter 1
A:
one chapter
tonighttt
habang
nagpaparami
ng readers🥹 susundan ko to pag umabot na nang 100 reads… and please follow me po, maawa naman kayo sa followers ko🥹 eme haha… mwaaa!
Louise P.O.V
“tehhhh naperfect dinnnn! ready na talaga bukasss!” masayang turan ni Jaesyl nang matikman ang pizzang niluto namin.
kumuha rin ako upang tikman yung ginawa namin at okay na rin talaga. di gaya nung mga unang try namin dahil syempre baguhan siya sa pagluluto kaya medyo masama talaga yung lasa, pero ngayon ang laking improvement niya… nakakaproud bilang partner niya.
nung una talaga nanghinayang ako dahil hindi si Rowan yung partner ko, kasi sa kanilang dalawa, mas mataas talaga ang makukuha kong grades kong si Rowan ang partner ko, at kahit di nun sabihin ay alam kong nagtampo siya dahil dun… pero kahit nagtatampo siya iniintindi niya pa ri ako at handa pa rin niya akong samahan kagaya nung birthday ko.
hindi rin kasi ako maka-hindi kay Jaesyl dahil kahit medyo alanganin siya sa skills ay mas mahaba ang pinagsamahan namin at ang nanay niya ang nagpapa-aral sakin.
kaya ngayong okay na ang niluto niya ay nabawasan na ang pangamba kong bumagsak. pero sana lang talaga ay okay ang maluto namin bukas.
parehas ko silang kaibigan, pero malaki ang tiwala kong mataas ang makukuha nilang score… ang akin ang alanganin…
“manifesting makapasa bukas, last semester na din naman after niyan.” dugtong niya saka muling sumubo nung pizza.
nilingon ko siya at bahagyang ngumisi, “ok lang yan, ikaw pa, pang 7 ka namn sa klase eh, kahit nga bumaba ang score mo dito, papasa ka eh… habang ako… ewan ko nalang…” wika ko.
di naman ako mahina pero di rin ako kasing talino nila… sakto lang kumbaga. pero para kay Lola, ga-graduate ako!
iyon ang pinangako ko sakanya nung nabubuhay pa siya, yun ang pangarap naming dalawa.
mag-anim na buwan na rin nung nawala siya, pero para sakanya, ipagpapatuloy ko ang buhay. wala na rin kasi akong magulang kaya sila tita Jam ang nagpapa-aral sakin.
si tita Jam kasi ay anak nung bestfriend ni Lola, kaya nung nawala si lola ay sila ang kumupkup sakin… bilang kapalit naman nun ay sila muna gagamit nung bakery.
nasunog kasi yung dati nilang bakery sa kabilang barangay kaya lumipat muna sila dito sa isa nilang bahay pansamantala habang nagrerenovate dun. katabing bahay lang din namin.
mayaman naman sila kaya sino ba naman ako para tumanggi? di rin naman ako nakakapagbenta sa bakery dahil nag-aaral pa ako. sayang naman kung mababakange yun.
isa pa, mababait rin naman sila. lalo na ang lola nila. sobra nga iyak nun nung nawala si Lola dahil simula pagkadalaga daw nila ay magkaibigan sila.
kahit ako ay di ko rin talaga inexpect na babawiin agad sakin si Lola dahil ang lakas lakas niya pa nun at 68 palang siya.
yun nga lang ay over fatigue dahil na rin sa kami lang dalawa ang nagpapatakbo nang bakery. napagod siya nang husto kakamasa nang mga tinapay.
di ko pa rin maiwasang hindi mamiss si Lola, dahil siya ang tumayong magulang ko… kaya’t kahit mag-isa na ako ngayon ay hindi ko siya bibiguin.
maaaring nawala man ang pisikal niyang anyo rito sa mundo, pero buhay siya sa puso at isipan ko.
lalaban ako para sakanya at sa pangarap naming dalawa.
palalaguin ko ulit ang bakery na itinayo pa nang mga lolo at lola ni lola. pamilya kasi kami ng mga panadera eh, kaya kahit di ako matalino ay may aasahan akong kakayanan para mabuhay.
niyakap ako ni Esyl nang mapagtanto niyang nanahimik nanaman ako.
childhood bestfriend din kasi kami eh kaya’t alam niya ang nararamdaman ko ngayon.
“miss ko na rin si Lola Gloria, pero alam ko masaya yun para sayo… ilang buwan nalang ohh… di ka rin naman babagsak dahil alam naman nila maam ang kakayahan mo. ikaw pambato namin sa mga school activities eh, kahit wala ka sa honor roll pero in terms of skill, ikaw pinaka magaling samin.” pag aalo nito sakin.
pero para sakin si Rowan pa rin talaga yung magaling samin, di lang talaga siya sumasama sa mga competition dahil wala siyang hilig sa ganun, pero mas masarap siya magluto. nung natikman ko nga mga luto niya noon, nagkacrush din ako sakanya eh… kaso baliko siya, nagkakagusto pa rin naman daw siya sa babae, yun nga lang atttraction lang… mas prio niya raw ang makatapos eh. kaya di ako umamin.
ang swerte nga nung bf niya eh… dahil kahit prio niya yung pag-aaral ay naging sila. at swerte din ni Rowan dahil nililive in siya.
“kelan kaya yung akin?” tanung ko sa isipan ko pero nagitla ako nang may nahulog na kutsara sa sahig.
parang kumawala yung kaluluwa ko sa katawan ko, gsgi! baka si lola na yun dahil sa pinapantasya ko!
“sorry la… joke lang yun,
gragraduate
muna pala…“ bawi ko sa sinabi ko kanina. di naman kasi mabiro si Lola eh. eme, haha.
“sorry nasipa ko, haha” wika ni Esyl kaya sinamaan ko siya nang tingin. papat*yin naman ako nito sa nerbyos!
kala ko si lola na eh, strikta pa naman yun… pero kahit ganun yun, mahal na mahal ko yun.
“ito naman, matatakutin ka pa rin talaga, tanda tanda mo na… saka kung dadalaw man si Lola mo, atleast dinalaw ka diba?” pang aasar pa nito na ikinatayo nang mga balahibo ko.
“di ako matatakutin, nagulat lang” pagsisinungaling ko kahit totoo naman… kahit naman namimiss ko si Lola ay ayaw ko siyang dumalaw sakin, lalayas talaga ako rito sa bahay. alam naman niyang matatakutin apo niya eh…
buti nalang talaga dito tumitira si Esyl, kasi kung mag isa ako rito, baka mamat*y ako nang maaga-dalaga.
gustuhin ko mang makita si Lola ulit pero sana sa panaginip nalang… gusto ko na rin siyang mayakap ulit.
“tara na teh, ayusin na natin to at matulog na dahil bukas ay magdedemo pa tayo, ang aga pati nun, jusko…” pag-aanyaya niya kaya’t naglinis na rin kami nang ginamit namin bago pumasok sa kwarto para matulog.
yes, magkatabi kami sa higaan, parehas naman kaming babae eh.

