H O O K E D (NGS #1)
Ineryss · 60 chapters · 193,151 words
Hooked
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
All rights reserved. This book or any portion thereof may not be reproduced or used in any manner whatsoever without the express written permission of the author.
P R O L O G U E
Warning: This story is one of my older works and it’s unedited. Expect some grammatical errors, a confusing timeline, and unmatched ages from the other books since I made some changes. Read at your own risk.
————
Mess
Dahan dahan kong isinara ang pinto ng aking kwarto. My parents left early. They went to my Lola’s country and will be back maybe after three days.
Kumakalabog nang husto ang aking dibdib dahil sa pagtakas. Suot ang itim na jacket na itinatago ng hoodie aking buhok, sinilip ko ang pasilyo ng bahay. Hindi ko alam kung nandito ba ang aking pinsan at nasa kwarto niya, pero sa tuwing nangingibang bansa sina Mommy and Daddy, naiiwan agad ako sa aking pinsan.
I suddenly remember my cousin’s words to me. If he finds out I’m sneaking out again, I’ll be dead meat.
Napatigil ako sa paghakbang at naikuyom ang aking mga kamay. Mariin akong napapikit at nagdadalawang isip na sa paghakbang. Nakokonsensya ako sa aking ginagawa at sa pagtatago ng sekreto sa kanya. Alam ko simula bata pa kami ay hindi na kami mapaghiwalay dalawa. Wala akong tinatago sa kanya at kahit maliliit na bagay ay sinasabi ko.
Pero sa mga ganitong bagay, I don’t think it’s a good idea if I tell this to him. He’ll get mad at baka malaman pa ng iba kong pinsan! My two girl cousins were guarded by my other cousins. Ganoon sila kahigpit sa aming mga babae na kahit ang mga nagiging crush ni Zera, di nila pinapalampas.
My phone beeped. Kamuntik na akong mapatalon pero minadali ko iyong kunin sa aking bulsa at tiningnan. Iyon ang nagtulak sa aking maglakad muli pababa, patago.
Where are you?
Nagtipa agad ako ng mensahe.
Palabas na ako, wait!
Ibinulsa ko ulit ang cellphone at maingat na humakbang pababa ng hagdan. Kaso parang sundalong nagge-gyera sa utak ko ang samo’t saring pagtutol sa aking loob. Ang rami kong naiisip na gagawin at hindi ko alam kung makakabuti ba iyon o makakasama lalo.
Paano kung isumbong niya ako kay Daddy pag nalaman ng pinsan ko ang pinaggagawa ko? Natatakot rin ako na baka mas mahirapan na akong makipagkita sa kanya.
Nakagat ko ang pang-ibabang labi at mabilis tumakbo pabalik. I checked my cousin’s room and screamed in excitement when I found out it was locked! Nasa labas siya! Wala siya sa bahay! Nambababae iyon! Yehey!
Mas binilisan ko ang pagtakbo at hindi maburabura ang malaking ngiti sa labi. Nang makarating ako sa harap ng pintuan, ganoon nalang ang pagkadismaya ko nang pinihit ko ang doorknob. It’s lock! I’m locked inside!
“Going somewhere?” I heard my cousin’s cold baritone voice.
Doon palang, para na akong mahihimatay sa takot.
My heartbeat tripled. I saw the silhouette of my cousin’s physique in my peripheral vision. Ryler, my cousin, is leaning against the wall, his arms crossed over his chest, his head tilting to the side as I can feel the intensity of his stare.
Ni hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan. Narinig ko ang yabag ng kanyang mga paang patungo na sa akin.
He stopped beside me, leaned against the door, and pulled my hoodie down as his brow raised with judgements. Ngumuso ako at yumuko, gustong itago ang ekspresyon.
“Manghoholdap ka ba ng bangko?”
Nakagat ko ang pang-ibabang labi. Ang kanyang ugaling namana niya sa kanyang ama ay sobrang nakakatakot. They hate him for talking savagely.
“H-Hindi…” mahina kong bulong, di makatingin sa kanya ng husto.
“Oh? Ba’t nakaitim ka na jacket? Gabi na ah? It’s already eight.”
“K-Kasi…”
“Don’t you dare lie to me,” may pagbabanta agad doon na mariin kong ikinapikit.
“Napapansin ko madalas na kayong magpansinan noong Buenaventura ah?” pang-aakusa niya na ikinanguso ko. They’re getting the wrong idea about us!
“Kaibigan ko lang naman si South.”
“Really? So you’re into boy friends now? As far as I remember, you don’t like boys, Nana.”
“Syempre bata pa ako noon!” Nag-angat ako ng tingin sa kanya. “I-Iba na ngayon…”
Imbes magulantang, walang gumuhit na ekspresyon sa kanyang mukha. Madilim at naninimbang lamang ang tingin sa akin.
“Kaya naglilihim kana sa’kin?” mas naging malamig niyang sabi na ikinalunok ko ng laway.
“M-Magkaedad lang naman kami ni South, ah? B-Bat hindi pwede,” napayuko ako.
Hindi kagaya kay Zera, iyong nagugustuhan ay ang laki ng agwat sa kanya. Akala ko, iyon ang problema, kaya masyado silang mahigpit sa amin.
“Kayo na?” tumalim na ang kanyang tingin sa akin, kaya namutla na ako. Hindi ako makasagot. Gusto kong umiling kaso napangunahan ako ng kaba.
Yumuko ako, kaso hindi niya iyon ipinalampas at itinulak muli ang aking baba para hindi maputol ang aming tingin. Ibinulsa niyang muli ang kamay at ngayon ay madilim na ang ekspresyon.
“Alam mo ba ang pinapasukan mo? I’m going to punch him if I found out your relation with him—”
“White!” nahawakan ko na talaga ang kanyang braso. “Please, no! Please!”
Umangat ang isa niyang kilay. Naiiyak na ako at hindi alam kung paano pagtatakpan itong kagagahan ko.
“A-Ano bang mali dito?” tanong ko sa nanlalabong mga mata.
Nakita ko kung paano siya naasiwa sa aking mga matang may pinipigilan na kung ano. Nagkasalubong ang kanyang kilay at nabasa ko sa kanyang mukha ang galit na parating.
“You’re just seventeen. Goddammit, Nana,” his jaw clenched.
“Wala akong ginagawang masama.” Nalaglag ang luha sa aking mga mata. Marahas siyang napabuga ng hangin. Nakagat niya ang labi at tumingala sandali, namaywang na sa aking harapan.
“Do you love him that much for you to cry in front of me, Nana?” he said coldly.
Tumango ako, nagpunas ng luha.
Huminga siyang muli ng malalim, tila may mabigat na bagay na dinadala sa loob.
“Ano bang gusto mo?” tanong niya.
“Pagtakpan mo ako kay Kuya Toshi at Kuya Grey. T-’tsaka sa iba pa.”
“Tang ina niya. Oh how much I want to smack the shit out of him.” Nahilot niya ang kanyang sintido. Tiningala ko siya at ngumuso.
Nasira agad ang kanyang ekspresyon at tinakpan ang aking mukha gamit ang kanyang kamay.
“H’wag kang nagpapaawa sa’kin di ako naaawa,” he fired strictly.
“Please Ryler…” and I know that once I use his first name, it’s hard for him to say no.
Sa hindi ko mabilang na pagkakataon, marahas ulit siyang pumakawala ng hininga. Ibinaba niya ang kanyang kamay at sinalubong ang aking tingin.
“Naghalikan na ba kayo noon?”
Nanlaki ang aking mga mata at nalaglag ang panga. “Ni South?!”
Nang mapansin kong nanghuhusga na ang kanyang tingin ay lumunok ako, umiling.
Kumalma naman ang kanyang ekspresyon.
“Ano pa?”
“Wala na… n-nag-uusap lang…”
“Iyon lang?” ngayon ay nang-aasar na ang boses na ikinapula ng aking pisngi.
Tumango ako.
“Oh, ba’t magkikita pa? Ba’t di kayo mag-usap sa cellphone?”
“Di naman pwede yung ganon. Kailangan ko rin makipagdate.”
Nang nakita ko kung gaano na katalim ang kanyang tingin ay napayuko agad ako. If the South finds this out, malalagot rin ako.
“May mahaba akong listahan na mga bawal niyo. Pag may nilabag ka ako mismo ang magsusumbong sa’yo kay Tito.”
Nakagat ko ang pang-ilalim na labi, sinisikap na hindi mapangiti ng malapad. Sigurado rin naman, kasi akong wala akong malalabag sa mga gagawin niyang rules. Puro lang naman talaga kami pag-uusap ni South. Kaso napasimangot rin ako nang pinitik niya ang aking noo.
“Stop giving me that weird reaction. Baka bukas matagpuan mo na iyang south mo sa flagpole, bibitayin ko ’yan.”
I giggled. He frowned and rolled his eyes snobbishly.
“Thank you, Way,” I smiled at him.
Since I was a kid, I’ve always been spoiled by him. Lahat ng aking kapritso ay sinusunod niya. Lahat ng aking gusto ay pinagbibigyan niya. Kaya hindi na ako magtataka kung pati sa napasukan kong gulo ay sinusuportahan niya ako.
Nagtipa ako ng mensahe kay South. Ngayon pa lang ay alam mong maiinis na iyon sa akin dahil ang rami ko ng hinihingi sa kanyang pabor. I’m sorry if I drag you into my mess…
Ako:
South, alam na ni Wayt : ((
South:
Lagot ka, mabibitay ka niya.
Ako:
Hindi! Sabi niya ikaw daw ibibitay niya!
South:
Ano na namang kasinungalingan ang inimbento mo? Lagot ka sa’kin.
Ako:
I’m sorry.
And then I just realized I had built another reason for me to stick with him even more. This is a big mess. I’m sorry, Wayt, if I need to lie to you… And I’m sorry, South, if I need to use you again…
1st Hooked
Attraction
“Ba’t mo yan tinititigan?” biglang sulpot ni Zera na ikinagulat ko.
Mabilis ko iyong itinago sa aking likod, umiling.
“Wala,” sabi ko na ikinaangat ng kanyang kilay.
Napabuntong ako ng hininga. Pero bago ko pa man ilabas ulit iyong magazine sa aking likuran ay naagaw na iyon ng kung sino.
“Nana is hiding something, Wayt oh! Tinititigan niya itong cover ng magazine! She’s even drooling! Yuck!” Zera’s voice boomed.
Nagsilingon ang mga pinsan naming lalake sa amin dito sa likuran. My eyes widened.
Mabilis ko iyong inagaw kay Zera kaso imbes na ibigay sa akin ay itinaas niya lang ang kanyang kamay at tumakbo na.
“Give it back, Zera!” I pleaded as I followed her, running like crazy. Pa zigzag iyong pagtakbo niya at parang gusto akong ligawin.
“May crush ka rin pala ha! Look! Look!” She showed it to my other cousins.
Nahinto ako sa paglapit roon at natigil sa aking kinatatayuan, kinakabahan na.
I don’t want to share it with my other cousin because they don’t know how fangirling works, unlike Wayt, who understands my passion for it as a fan.
“Patingin nga anong itsura,” sabi ni Ken, na tumayo na sumilip na sa magazine na hawak ni Zera.
Ang iilan ko pang pinsang lalake na naroroon rin ay nag-uusisa na. My heartbeats went crazy as their eyes settled on the magazine. Natigil ang paglalaro ng tatlo sa video game dahil sa pagharang ni Zera sa mismong harapan nila para lamang ibalandra iyon.
Nilingon ako sandali ni Wayt dito sa likod ng kinauupuan nilang sofa. Yumuko ako at nakagat ang pang-ibabang labi habang nasa mga kamay ko ang aking tingin at pinaglalaruan iyon.
“Tss, pakialamera.” Inagaw iyon ni Wayt sa kanya. Ngayon ay nakatayo na sa kanyang harapan.
“Hey!” Zera tried to reach it kaso imbes na makuha niya ay hinawakan lang ni Wayt ang kanyang noo at itinulak siya lalo.
“Patingin nga! Ano bang type nitong si Nana eh hindi naman ’yan mahilig sa lalake!” Humalakhak si Ken at kukunin na sana ang magazine, kaso tinampal lang iyon ni Wayr sa kanyang noo.
“Hindi sa inyo ang gamit papakialaman niyo.” pangaral niya sa dalawa.
“Sino iyan, Nana?” seryosong tanong sa akin ni Hiro.
“Kuya, he’s a famous celebrity! Si Nana nagkakacrush ata doon!” sumbong ni Zera. “Nabasa ko Sebastian ang huling pangalan!”
Di ko na masyadong napagtuunan ng pansin ang pagdaldal ni Zera dahil sa imahe ni Wayt na naglalakad na sa akin palapit.
Inilahad niya iyon sa akin. Tinanggap ko iyon at ngumiti ng tipid.
“Di ko sinasadya. Sorry,” I sighed.
“Next time, watch him secretly. Or when you’re with me.”
Tumango agad ako, napangiti ng matamis kay Wayt.
“You know him, man?” Si Ken na nang-uusisa na habang pabalik balik ang tingin sa amin.
“Hindi.”
“Imposible. Lahat naman alam mo tungkol kay Nana ah?”
“H’wag kang tsismoso.” Sinapak ni Wayt ang dibdib niya nang umupo siyang muli sa tabi nito at hawak na ang controller.
Umismid si Zera, nakahalukipkip na.
“Pag ako nilalagas niyo agad ang mga crush ko! Pero pag si Nana!ㄧ”
“We’re playing, Damonisse. Tabi diyan.” Tumagilid si Hiro para lang masilip iyong natatakpan ng imahe ng kanyang kapatid.
“Unfair!” sigaw niya at tumakbo na palabas ng bahay.
Napabuntong ako ng hininga at ibinalik ang tingin sa hawak kong magazine. Napangiti ako nang hindi man lang ako nagsasawang titigan ang itsura niya rito.
There’s something about his eyes that made me conquer my fear, and I’m thankful for it.
That guy I met years ago is a famous singer now. Bago pa lang ito sa industriya at mukhang nadiscover kaya mas sumikat ito. Naging laman siya ng iilang magazines at sikat rin na song writer. At a young age, nakakapagsabayan na siya sa mga magagaling na sikat na singer.
Tapos na silang maglaro ng video games pero ako, heto sa iPad at nakikinig sa isa niyang gawang kanta. He has this soothing, cold voice. Iyong malalim ngunit malamig. Na kahit pumikit ka, ay mahuhulog ka pa rin sa kanya.
Kung hindi lang talaga iyon kinuha ni Wayt sa akin, hindi ako matitigil.
Ngumuso ako nang in-off niya agad iyon.
“Puro kana gadgets, ah? Di kana naaarawan.”
“Summer naman…” paliwanag ko.
“Uubusin mo ang summer mo kakapanood diyan sa idolo mo?”
Mabilis akong tumayo at sinimangutan siya. Pinitik niya ang aking noo at hinila na rin palabas ng bahay.
Alam niya iyong tungkol kay Aries Sebastian, pero hindi niya alam na siya iyong lalakeng nakita ko noon.
“What if magkita kami ’no?” sabi ko habang patungo kami sa Clubhouse kung saan madalas tumambay ang aking mga pinsan.
“Nandiyan na naman iyang matataas na pangarap ng isang fangirl.”
“Kasi nga, I really admire him! I want to see him sing live! Gusto ko rin makikanta! Siguro nakakatuwa iyong ganoon!” My excitement conquered me as I tiptoed while walking, my dress dancing with each movement, and my hair bouncing lightly.
“And then I’ll scream his name! Tapos manonotice niya ako!” I chuckled in spite of his dagger look.
“Nangangarap lang naman ako!” Pahabol ko agad dahil hindi na mahitsura ang kanyang ekspresyon.
“Nangangarap kanang mag-isa. Asan na ako diyan?” Tumaas ang kanyang kilay kaya tumawa ako.
“You’re not his fan! At mabobored ka lang sa concert!”
I can imagine him beside me, nakahalukipkip, bagot na bagot at nakabusangot.
“May crush ka raw?” salubong agad sa akin ni Elle nang makarating kami sa clubhouse. Namula ang aking pisngi lalo na’t halos lahat ng aking pinsan ay nasa akin na ang tingin.
Sinundan ko sandali ng tingin si Wayt na nasa court na kung nasaan ang mga lalake kong pinsan. Ipinasa sa kanya ni Kuya Grey ang bola kaya sinimulan niya agad iyong idribble.
Nabitin naman sa ere ang aking bibig. Sasagot ng oo at hindi nalang. Fangirl lang naman ako katulad nga ng tawag sa akin ni Wayt. Hindi katulad ng mga gusto nilang pwede lang naman nilang lapitan kung gugustuhin talaga, ako kahit gusto kong lapitin ay imposible ata.
“Tao na si Nana!” halakhak ni Ken sa suot niyang jersey. Kung hindi lang siya binato ni Wayt ng bola ay hindi siya matitigil.
“Mabobrokenhearted siya. She’s got a crush on someone she can’t have. Poor girl.” Inilingan ako ni Zera.
I don’t get it. I’m just his fan.
“Magkatulad lang naman kayo ah? Bakit Zera, tingin mo mapapasa’yo rin iyong gusto mo?” sagot ni Wayt sa kanya na ikinaguhit ng pagkakaasar sa kanyang mukha.
“Watch and see! Baka bukas magulat nalang kayo girlfriend niya na ako!” sigaw niya na ikinatalim ng tingin sa kanya ng lahat kong pinsang lalake, unlike Ken na humalakhak lamang.
“Ba’t sa lahat ng magiging first crush mo iyang impossible mo pang maabot,” ani Elle.
“Di ko naman sinabing aabutin ko ah?” sabi ko.
What I said is true. Hindi ko rin naman kasi naikwento ang dahilan kung ba’t nalabanan ko ang takot ko. Akala lang nila ay nasanay lang ako at naging parte lamang iyon ng kabataan ko dahil marami rin namang nakapaligid na lalake sa akin. Hindi ko lang talaga mabitiwan ang araw na iyon.
I’m hooked with the past because his eyes taught me how to deal with my weakness. Na wala naman talaga akong dapat ikatakot dahil katulad ng mga mata niya, maganda iyon at nakakaakit titigan.
Linggo.
Nilagay ko lahat ng nakita kong mukha niya sa tulak tulak na cart ni Wayt. Nagkakasalubong ang kanyang kilay habang pinapanood ako sa aking ginagawa. Bawat gamit na makita kong may mukha ni Aries at konektado sa kanya ay deritso dampot na at hulog sa cart.
Most of my merchandise came from Wayt’s money. Sa aming dalawa, siya kasi ang may pera dahil may Restaurant sila at nagkakaroon siya ng sweldo pag minamanage niya iyon. He’s skilled.
“Magkakasya pa ba ’yan sa kwarto mo?” tanong niya.
Tumango ako at dinampot iyong baso na may mukha ni Aries.
“Kung hindi na magkasya siguro itatambak ko nalang ’yung mga teddybears ko.”
Umangat ang kanyang kilay. “Itatapon mo ang mga binigay ko dahil lang sa lalake na’yan?”
“Hindi naman sa ganoon! Ang rami mo kayang bigay sa akin! Bale itatago ko nalang muna…”
“Sa bodega?”
Humagikhik ako habang tumatango.
“Gigilitan ko ng leeg ’yang idolo mo.”
“Hoy wag! Kawawa si Aries!”
Umismid siya at nag-iwas ng tingin sa akin.
“Dami mo palang kauri dito.” Pinasadahan niya ng tingin iyong mga babaeng kinikilig at nangingisay sa hawak na merchandise.
“Marami siyang tagahanga eh,” sabi ko habang itinuturo na ang unan.
“Ang gwapo naman nitong fanboy ni Aries,” narinig kong sabi noong isang babae na ikinatuon ng tingin sa kanya ni White.
“I’m not his fanboy at all,” ani Wayt na ikinatingin ng iilang namimili.
Nahihiya akong ngumiti sa iilan at mabilis na itinulak si Wayt papunta sa kabilang pasilyo.
“Magagalit sila sa’yo pag inaway mo si Aries… “ pangaral ko na ikina “tss” niya lang.
“Nakakainggit naman iyong isa oh, palibhasa may boyfriend kaya ang daming nabibili na merch.”
“Oo nga eh. Tayo wala na ngang pera, wala pang jowa.”
“At higit sa lahat, walang ganda.”
Nilingon ko iyong dalawang babae na kaedad ko lamang ata. Nagulat pa sila sa aking paglingon. Nahihiya ko silang nilapitan.
“Fangirl rin ba kayo ni Aries?” tanong ko.
Namamangha silang tumango na ikinaliwanag ng aking mukha.
“Ako rin eh! Uhm, ako nalang ang bibili ng merchandise na gusto niyo. Nilibre ako ng pinsan ko kaya ililibre ko nalang rin kayo.”
Mas nagulat ang kanilang mukha. Nilingon ko naman si Wayt na tinutulak na ang cart at nasa aming gilid na.
“N-Nako nakakahiya naman Miss…” sabi noong isa na ikinailing ko.
“Natutuwa lang ako kasi sa aming magpipinsan, ako lang iyong fangirl.”
“At least, may supportive kang pinsan,” binalingan nila si Wayt at namumula sa tuwing napapasulyap sa kanya.
“Tapos na?” tanong ni Wayt na ikinatango ko agad.
Kinuha ko pa iyong hawak ng dalawa na merchandise at isinama sa aking pinamili.
“Salamat ha! Sobra sobra! Wala kasi kaming pambili ng ganito kamamahal na merchandise ni Aries, kaya hanggang tingin lang kami. Salamat!”
Ngumiti ako. “Suportahan niyo lang lalo si Aries ha. Wag kayong tumigil sa pagsuporta sa kanya.”
It made me happy. Na kahit noong kumain na, naging laman pa rin iyon ng topic namin ni Wayt.
“Sa sobra mong bait minsan nakakatakot kana,” aniya.
“Bakit naman?”
“Naaabuso ang mababait, Nana.”
“Pero may maibibigay naman talaga ako kaya ibinigay ko. Kasi kung wala akong maibibigay Wayt, wala rin akong ibibigay.”
Turo rin kasi iyon ni Daddy sa akin. Kung alam mong kaya mo namang magbigay, ba’t hindi mo iyon ibigay sa mga taong hindi iyon kayang bilhin? At isa pa, wala naman akong nakikitang masama roon. Natutuwa lang talaga ako kasi parehas kaming fangirl.
Umiling siya. “Kung si Zera ang kasama mo baka napaaway na kayong dalawa.”
Oo nga naman. I’m sure magagalit si Zera sa akin dahil sa pakikipag-usap sa mga hindi ko naman kilala. That’s one of her rules. Never talk to strangers.
“Ganoong lalake din ba ang pinapangarap mong maging boyfriend?” biglang tanong niya habang pauwi na kami.
Ngumuso ako. “Ayoko magkaboyfriend…”
“Dadating ang araw, mag-aasawa ka.”
I’m too young for that. Hindi naman ako nagmamadali rin.
“Sabi ni Mommy sa’kin pag-college na daw ako pwede na daw akong magkaboyfriend. Pwede na daw ako magboys.” sabi ko.
Tumango siya at sang-ayon, kahit nasisira ang ekspresyon ng aking pinsan.
“Pero si Aries naman ang gusto ko ngayon. Paano na ’yan? Edi hindi na ako magkakaasawa?!” nagugulat kong tanong.
“Enough with fangirling, silly girl. This is reality.” Pinitik niya ang aking noo.
“Diba dapat pag boyfriend mo, ’yung gusto mo talaga. Paano na ’yan. Edi hindi na ako magkakaboyfriend?” I asked curiously.
“I doubt it. Kung wala ako palagi sa tabi mo, baka marami na ring pumipila sa’yo.”
Is that even true? I really don’t know how to socialize with boys the way my other cousins do, especially Zera. Masyado akong mahiyain.
“Okay lang naman kung wala akong boyfriend.” Humilig ako sa mesa at bumuntonghininga.
“If you want to have a decent boyfriend, then find someone like me,” he said.
Sumimangot ako. “But Cassy told me you’re an asshole.”
Nasira agad ang kanyang ekspresyon. “A guy who will treat you better, Nana. Iyon ang ibig kong sabihin.”
Oh… right!
Alam ko namang wala akong ideya sa mga bagay bagay. I know that among my cousins, I am the most ignorant about love because I’ve never experienced it nor has anyone told me how it properly works. I’m sheltered. But I know the basics of how attraction works, and that’s what I feel for Aries.
2nd Hooked
H O O K E D
Binabasa ko iyong magazine kung saan nakafeature si Aries. Pauwi na kaming dalawa. Nasa front seat ako while siya naman iyong nagmamaneho. He’s already 18 kaya pwede na. Ako turning 18 palang ako eh.
“Look oh, may concert siya next week. Sayang nga at naubusan ako ng ticket.” Hindi ko naitago ang pagkalungkot sa aking boses. White’s eyes settled on the road, walang imik.
“Pangarap ko pa naman sana para at least man lang maging memorable ang summer ko since magkacollege na ako.” Inilipat ko ang pahina at mas nalungkot nang makita ko roon ang nakasulat na sold out sa tickets niya. Iheheld iyon sa MOA.
“Tingin mo White, ano kayang feeling sa live na concert?”
“Malalaman mo rin yan.”
“Paano?”
“Open the compartment,” aniya na ikinacurious ko. May tumatakbo sa aking ideya pero totoo ba?!
Lumunok ako ng laway at binuksan iyon. And there…
“It’s…” nilingon ko siya, nagugulat. “It’s empty!” sabi ko na ikinangisi niya.
“Wala pala diyan. Nandito.” may dinukot siya sa kanyang bulsa at laking gulat ko nalang nang makita ang VIP ticket ng concert ni Aries.
“White!” sa sobra kong saya ay nayakap ko siya.
“Fuck, I’m driving!”
Mabilis naman akong lumayo at kinompostora ang sarili. Naiiyak na ako at panay punas sa aking luhang pumapatak. That’s a VIP ticket!
“Ba’t may ticket ka?! I thought you hate him!” pinunasan ko ang luhang tumulo na naman sa gilid, tuwang tuwa ako na kahit ang samo’t saring emosyon ay humalo na na parang isang labahin sa loob ng washing machine.
“But you love him so…” ibinandera niya iyon sa aking mukha at ginalaw galaw. “Take it. I’ll just wait for you outside. Isa lang ang nabili ko dahil huling ticket na rin ’yan.”
Mas lumakas ang aking iyak. This is my dream! Iyong makikita ko siya ulit! Matitigan siya ulit! Akala ko kasi next year pa ulit ako makakapunta at hindi pa ako sigurado kung makakabili ba ako pero hindi ko inaakalang makakapunta ako sa concert niya next week!
“Pag di mo ’to kinuha sa kamay ko at hindi ka tumigil sa kakaiyak ay itatapon ko ito sa labas ng bintana.” Naiinip niyang sabi kaya mabilis ko agad iyong kinuha at sinikap na hindi na maiyak pa. I am just so happy I can’y control my emotion!
Hindi ko alam kung paano papasalamatan ng husto si White dahil sa kanyang ginawa. Minsan nga naiisip ko, ni isa ay wala pa akong nagagawang malaki sa kanya. Iyong masasabi ko talagang napasaya ko siya. Para na kaming magkapatid at ako itong spoiled na bunso sa kanya.
“Mommy oh! White bought me a ticket!” balita ko agad kay Mommy pagkauwi ko sa bahay. Nasa counter siya at naghahanda ng kung anong pagkain for our dinner tonight.
“Is that your idol’s concert?” namamangha niyang tanong na ikinatango ko agad.
“Wow! You must be very happy!” she tap my nose that made me giggled.
“Opo Mommy. My dream concert!”
“Aww honey… you need to have fun.”
Ngumiti ako ng malaki, tumango habang ginagalaw galaw sa ilalim ng kinauupuan kong stool sa tapat ng counter. Mamayang 8pm pa ang dating ni Dad and I’m sure pag nalaman niya ang balita ko matutuwa rin siya. Hindi naman kasi ako demanding na anak. They’re busy at ayokong mas magsikap sila sa pagtatrabaho at pagurin ang sarili nila dahil sa mga kapritso ko. I am already contented with the things I have. Si White lang talaga itong inispoil ako sa mga gusto ko dahil kabisado niya rin kasi ako. Kaya kahit hindi ko hingiin ay ibibigay niya dahil alam niyang gusto ko iyon.
One time, he told me pag nagkaserious girlfriend na siya ay hindi ko na raw siya mapapakinabangan. Hindi niya na raw ako iispoil kaya habang wala pa, ako raw muna ang iispoil niya. I’m not sure kung magkakaserious girlfriend ba siya eh tingin niya lang naman sa lahat ng nakakalandian niya ay fling lamang.
Tinulungan ko si Mommy sa paghahanda sa mesa. Ako iyong naglalagay ng plates habang inilalagay niya naman iyong mga naluto niya sa gitna. She’s a housewife at isang maid lamang ang meron kami. She’s helping my Mom with the chores. Kahit ako, minsan ay tumutulong rin.
“Anong meron dito?” Dad suddenly showed up. Lumiwanag ang mukha ni Mommy at mabilis na nagtungo sa kanya. She hurriedly wrapped her arms around his neck while Daddy’s arm snaked around her waist. Napangiti ako ng matamis sa kanilang dalawa.
“Late ka ng 1minute.” sumimangot si Mommy na ikinangisi naman ni Dad, unti unti ng nawawala ang mga mata.
Hinalikan ni Dad ang ilong ni Mommy at mas ngumisi. “Sa sobrang excited kong umuwi nabangga ako sa pinto.”
“Liar!”
Dad chuckled. Nakita ko pa kung paano bumaba ang kamay niya at napunta sa pang-upo ni Mommy. He squeezed her butt kaya nanlalaki ang mga mata kong nag-iwas ng tingin. Bakit kaya kailangan pang gawin ang bagay na iyan?
Hinayaan ko muna silang magkaquality time at saka lang ako nakasingit noong napansin na nila ang presensya ko.
“How’s my second girl?” tanong niya at kinurot ang aking pisngi.
“White bought me a ticket, Dad. Remember my crush? Iyong sikat na singer?”
Tumango-tango siya pero nagsusulyapan silang dalawa ni Mommy.
“Makakapunta po ako sa concert niya!” nagtatalon na ako at pumalakpak pa. “I’m going to see him!”
Sumimangot bigla si Daddy, si Mommy naman humalakhak.
“Akala mo effective ang bedtime stories mo Jimin? You can’t isolate your daughter away from boys come on!”
“Love, she’s just 17.” nahimigan ko agad ang pag-aalala sa boses niya.
“She’s turning 17, chill.” tumawa si Mommy. “Don’t ruined her excitement.”
Bumuntong ng hininga si Dad at napunta rin ang tingin sa akin.
“Akala ko ba ako lang ang idolo mo? Nakakaselos yan ah.” sabi niya sa nasasaktan na boses.
“Daddy naman, you’re far from this guy! Third lang po siya sa rankings ng important na lalake sa buhay ko.”
“Third?”
“Opo. Ikaw, si White tapos si Aries! yung ibang rankings ay sa mga remaining cousins ko na po.”
Humalakhak si Daddy at kinurot ang aking ilong.
“Susuportahan kita diyan sa pagpafangirl mo pero hanggang doon muna. Di pa ako handang ibigay ka sa iba.”
“Opo Dad! I am still your Daddy’s girl!”
They both chuckled. Kaya habang kumakain, kinukwento ko sa kanila iyong mga hit na kanta ni Aries. Kung ano ang naging inspirasyon niya kung ba’t natuto siyang magsulat ng kanta at kung kanino niya iniaalay iyong iba.
“So you mean may ‘the one that got away’ si Aries? He’s inlove?” tanong ni Mommy na ikinatango ko.
“Yes po Mommy. Iyon po ang pagkakaintindi ko sa first hit song niya. Sabi niya po sa isang interview dedicated daw po iyon sa babaeng hindi siya mahal.”
Nagkatinginan sila ni Daddy. He’s giving her a weird look na ikinaaangat ng kilay ni Mommy. Gusto ko ngang makisali kaso di naman ako marunong magtaas ng kilay.
“Ibig sabihin brokenhearted siya?” tanong naman ni Mom na ikinatango ko.
“Sayang nga po at di kami close. Icocomfort ko talaga si Aries. I’ll hug him and thenㄧ
“Marami siyang fans, Nana. Hayaan mo nalang iyong ibang fangirls niya na magcomfort sa kanya.” si Dad
“Pero Daddy, isa rin po ako sa fangirl niya. Ang dami niya nga pong tagahanga pero iyong mga kanta niya ang sasakit po ng meaning. Parang di po siya masaya…”
Lahat ata ng kanta niya ay nagpaparinig sa mga taong nasaktan sa pag-ibig. Sa sobrang lungkot noon, maiiyak ka nalang pag pakikinggan iyon lalo na sa tag-ulan. Mararamdaman mo talaga iyong sakit sa bawat lyrics. Sobrang nasaktan ata siya sa ginawa noong babae sa kanya. Idagdag pa ang napakalamig niyang boses.
Hindi ko tuloy alam kung ba’t nagawa siyang saktan noong babae. Bakit kaya may ganoon? Bakit may iba na nananakit ng damdamin? Di ba nila alam ang pakiramdam ng nasasaktan? Naniniwala kasi ako roon sa kasabihan na kung anong ayaw mong gawin sa iyo ay huwag mong gawin sa iba. Pero bakit may nananakit kung ayaw naman nilang sinasaktan? Ang gulo gulo.
It was a hot afternoon. Late akong nagising dahil sa kakapanood ng videos kaya kahit ang aking mga mata ay proud na binalandra sa akin iyong pinaghirapan ko kagabi. Pagkababa ko ng kwarto ay maingay na agad ang mga pinsan ko. They’re here?
“Tagal nating nagising ah? Akala mo naman may pinagpupuyatan.” kantyaw sa akin ni Ken na ikinasimangot ko.
“Meron naman talaga…” sabi ko
“Baka nga kahit iyong tunog ng utot ko mas maganda pa sa boses niyang Aries mo.”
Sumimangot ako dahil sa napakalakas na halakhak ni Ken. Nag-iwas nalang ako ng tingin pagkatapos kong nakita ang pagsapak ni White sa kanya noong controller kaya natigil siya sa kakaasar sa sa akin.
Silang dalawa lamang ang nandito. Iyong iba ata ay nasa clubhouse na naman. I’m sure nagbabasketball sila.
“Sasama ba iyang si Nana sa atin sa clubhouse?” narinig kong tanong ni Ken nang pumasok ako sa kusina.
“Anong gusto mo iwanan?” sagot ni White.
“Pwede rin! Ikulong nalang iyan dito total busy na iyan sa kakafangirl.”
“Mas magkakaroon iyan ng sarili niyang mundo kung mag-isa lang siya.”
Umupo na ako at nagsimulang kumain. Tumatakbo ang utak ko sa papalapit na concert ni Aries. Ano na kayang hitsura niya sa lumipas na taon? Magkakaroon ba ako ng tsansang makapagpapicture sa kanya?
Pagkatapos kong kumain ay naligo agad ako at nagsuot ng pambahay para sumama sa kanila roon sa clubhouse. Nasa may bleachers ang mga babae habang ang mga pinsan ko ay naglalaro na ng basketball.
“Ang tagal naman ni Trey. Toshi itext mo kung nasaan na.” utos ni Kuya Grey kay Toshi na wala ng sinabi at nasa cellphone agad ang atensyon.
Umupo ako sa bleachers. Kahit hindi pa nagsisimula ang laro ay todo na sa pagchicheer si Chey kay Kuya Toshi. Kaya siguro nakikipagsabayan rin si Kuya sa mainit na panahon.
“I heard White bought you a VIP ticket.” sabi sa akin ni Zera na nakataas pa ang kilay. Napapagitnaan ako nila ni Daphne rito sa bleachers habang sa gilid naman ni Zera ay si Elle. Nasa likuran naman namin ang magpipinsang Fortalejo. Cassey is busy with her phone.
Tumango ako sa kanya.
“That guy is nonsense, Nana. You’re wasting your time and money.” giit niya.
“Wala namang masama sa pagpafangirl, Zera.”
“I support you, Nana. Mas okay na iyan kaysa iyong marami kang lalake.” sabi sa akin ni Cassey kaya tiningala ko agad ito sa itaas na pasimple pang tiningnan ng makahulugan si Zera. Awtomatiko namang tumaas ang kilay nito nang tiningala niya rin ito.
“Oh, you mean kaysa iyong katulad sa’yo?”
“It’s called admirers Zera.”
“Admirers? It’s called leftovers, Cassey. Kung hindi lang mahigpit sa akin ang mga pinsan ko, wala kang admirers ngayon. They’re my leftovers.” my cousin said bluntly.
Cassey’s face darkened. “Minsan talaga ang sarap suntukin niyang bunganga mo.”
Zera rolled her eyes. “Whatever. You’re still ugly.”
Mas gumuhit ang galit sa mukha ni Cassey, kung hindi lang kinuha ng iilang boses ang aming atensyon ay hindi malilihis ang aming tingin.
Si Irah agad ang napansin ko. Kung si Shanaia ay cold ang mukha at walang mababasang ekspresyon, siya naman iyong cold at makikita mo ang galit at the same time. Franca is beside her, mukhang nahihiya pa. Napangiti agad ako ng matamis at kumaway.
“Irah! Franca!” napatayo ako at naisigaw na iyon kaya kahit iyong mga kasama nila ay napatingin narin sa akin. Doon ko lang napagtanto na may kasama silang tatlong lalake. Isa sa pares ng mga mata roon ay may pagkakatulad kay White, malamig at misteryoso.
Nahihiya akong umupo ulit at nailagay ang mga kamay sa aking hita, kinukuyom na iyon.
“That’s North and South ’di ba? Iyong kambal na anak ni Tito Uno?” narinig kong sabi ni Elle.
Tanging tango lang ang nagawa ni Zera at may tinititigan na.
Umakyat si Irah sa itaas namin kung nasaan ang mga Fortalejo habang si Franca naman ay tumabi kay Daphne.
“Ba’t nandito ang mga pinsan mo, Franca?” tanong agad ni Daph.
“Dito na sila magkacollege.” sagot niya.
“Dito na sila titira?” tanong ko naman na ikinatango niya. Ang alam ko kasi, sa bukid sila naninirahan.
“Mas convenient rin naman kasi dito ang college school.” komento ni Cassey sa itaas.
Naggugrupo-grupo na iyong mga lalake. Mabilis mong makikilala ang kambal dahil bukod sa hindi sila magkamukha, naiiba rin ang kanilang ugali sa isa’t isa. Iyong isa ay palangisi at iyong isa naman ay walang kaekspre-ekspresyon ang mukha.
Naging tahimik kaming mga babae sa panonood sa kanila. White is good at playing basketball. Pero noong maagaw sa kanya ang bola ay ganoon nalang ang pagkagulat ko. Napatayo pa ako.
“Inagaw niya sa pinsan ko ang bola!” Naituro ko iyong pinsan ni Franca.
“Umupo ka ignorante. Di lang si White ang magaling maglaro ng basketball.” awat sa akin ni Zera at hinila pa ako paupo.
“Magaling rin maglaro ng basketball si South, Nana.” sabi sa akin ni Franca na ikinamangha ko lalo na’t kasabay noon ang pagkaka 3point shot nito nang walang kahirap hirap.
“Sharp shooter rin siguro yan…” narinig kong sabi ni Cassey sa itaas. Hindi ko iyon gaanong naiintindihan at napapatitig nalang sa laro.
Mahigpit agad ang laro 1st quarter palang. May pustahan rin kasi silang mga lalake kaya siguro seryoso sila pagdating sa paglalaro.
“Matutunaw na.” Hinilamos bigla ni Kuya Hiro iyong mukha ni Zera na mabilis ring sumimangot.
“Go away, ogre.” Itinulak siya ni Zera paalis. Tumayo naman ako at nagtungo agad kay White para ibigay iyong dala kong towel niya. Kasama niya iyong dalawang kambal na napatingin sa akin kaya hinila ako ni White sa kanyang gilid.
“Hold my phone for awhile.” Ibinigay niya sa akin iyong phone niya. Tumango ako at akma na iyong bubuksan nang pinitik niya ang aking noo.
“H’wag mong pakialaman ang mga messages kung ayaw mong may mabasang kakaiba.”
Natawa iyong si North ata. Namula naman ang aking pisngi nang maalala ko iyong kabataan ko. Iyong aksidente kong nabasa ang isa sa mga text noong babae niya. That’s embarassing!
“Pinsan ko nga di nakakahawak sa cellphone ko. That’s privacy.” sabi ni North.
“She’s one of my privacies anyway.” kibit-balikat ni White at napunta ang tingin sa kakambal nito na hindi ko na magawang tingnan kung ba’t masyadong tahimik ito.
“Nagpaparinig.” sumipol si North at ngumisi. “Off limits.”
“Bumalik kana sa bleachers Nana.” sabi ni White na ikinatango ko agad. Lalo na’t nahihiya narin ako sa malalim na paninitig noong kambal ni North.
Imbes manood ng laro ay nagdesisyon akong maglaro nalang ng games roon sa cellphone ng aking pinsan pagkaupo ko sa bleachers. Kinakabahan kasi ako sa laro nila.
“Ang galing ni South!” sigaw na ni Cassey kaya hindi ko na nakayanang hindi makiusyoso. Saktong pag-angat ko ng tingin ay naagaw rin iyon ni White sabay shoot sa kinatatayuan niya. Point guard si White kaya ganoon nalang ang tira niya, hindi pumapalya.
“Loko ka Blue! Kakampi mo na ang hinaharangan mo!” inis na sabi ni Hiro.
“Akala ko kalaban kita.” sagot naman ni Blue.
“Itong si Grey matalino at matangkad lang talaga pero pagdating sa paglalaro di napapakinabangan!” hirit naman ni Ken.
“Fuck you! Eh ikaw itong puro agaw sa bola pero di naman nakakashoot.” malutong na sabi ni Kuya Grey na ikinahalakhak ni Ken.
“Delikado pag pumasok. Baka magbunga!”
“Shut up.” Pinalo ni Kuya Grey ang dibdib niya na ikinaatras nito pero mas humalakhak.
“Ako walang dumedepensa akin pero di niyo naman ako pinapasahan ng bola.” sabi ni Red sa dalawa na nagbabangayan.
“Malamang kalaban ka namin, siraulo!” Ken laughed even more.
Nakita ko ang pagsulyap sandali ni Kuya Toshi rito sa bleachers pero binawi rin agad. Hinihingal at pawisan na ang iba sa kanila. Si Trey parang may pinagkalaabalahan sa cellphone nito habang si White naman ay nasa dulo, tahimik lang. Ganoon rin iyong isa pang Buenaventura. Siguro kung hindi ko alam na kambal sila ni North, mas iisipin ko na sila ang kambal ni White. Hindi nalalayo ang kanilang ugali sa isa’t isa. Sa ekspresyon palang ng mukha ay may pagkakatulad na.
Irah stood up, kahit kami ay natangay ang mga mata sa kanya.
“Hey brat, where do you think you’re going?” naghalfjog agad si North nang napagtantong aalis si Irah. He’s wet at umaagos iyon pababa.
“May date ako,” malakas na sabi ni Irah, sapat lamang na marinig naming lahat rito. Tumigil sa paglalaro si Kuya Toshi at bumaling sa kanya kaya kahit iyong kambal ni North ay natigil narin.
“Date?” North chuckled, “May pumapatol parin sa’yo?”
Sa inis ni Irah, sinuntok niya iyong dibdib ng pinsan niya na imbes masaktan ito, si Irah pa ang napadaing at naigalaw galaw ang kamay.
“You’re not going anywhere. Balik doon.” Sumenyas si North kaso umirap lang ito at naglakad paalis.
“Irah,” malamig ng tawag ni South sa kanya sanhi para tumigil ito. Kinuyom niya ang kanyang mga kamao at naiinis na bumalik sa bleacher.
“Monkeys!” sigaw niya sa sobrang inis at halos ibaon ang pwet sa upuan.
Nailing ang iilan kong pinsan.
“Girls are really pain in the ass. Buti si Elle mukhang hindi babae.” asar ni Blue na ikinahalakhak ng kambal niya.
“You don’t have a pussy, Elle?” tanong ni Cassey na ikinabulabog nilang mga lalake.
“Of course meron! Weird sila!” namumulang sabi ni Elle.
“Girls and their dirty mouths,” nailing si White na awtomatiko namang ikinataas ng kilay ni Cassey.
“Don’t compare my mouth with your girls who blows you.”
Kitang kita ko ang paglingon ni White kay Cassey, madilim ang kanyang ekspresyon maliban sa iba na tumatawa, sumisipol at kinakantyaw na ito.
“Anong klaseng ihip ba iyang sa’yo White? Tuwing birthday mo ba iyan pinapagawa? May umiihip na iba sa kandila mo?” natatawang sabi ni Ken
“Man, stop it.” natatawang si Trey rin.
“Akala ko si Hiro itong kamahalan pero pati rin pala si White kailangan luhuran!” di maawat na sabi ni Ken.
“Gago!” Hiro tried to threw the ball at him kaso mabilis iyong nahuli ni South at dinribble dribble. Naroon ang buo niyang atensyon.
“Akala ko si Irah lang ang may matabil na dila. Normal pala talaga sa mga babae,” nailing na si North at hindi mabura bura ang ngisi.
Zera is just silent at ipinagpapasalamat ko ang bagay na iyon. May mga araw talaga na behave siya, tahimik at nagiging kaugali ko. Hindi ko alam kung bakit pero naweweirduhan ako kasi hindi niya naman normal ang ganyan.
Noong binalingan ko siya ay pagtataas lamang ng kilay ang natanggap ko.
“Don’t read me. I’m not as weird as you.” depensa niya agad kaya nag-iwas nalang ako ng tingin.
3rd Hooked
H O O K E D
Concert
Nagsimula ulit ang game pero natitigil sila minsan dahil may iba ng topic. Itinuon ko nalang ang aking atensyon sa pagbabrowse sa instagram ko. Kadalasan sa mga apps dito ni White ay mga account ko ang nakalog-in. Di kasi siya mahilig sa social media. Ako naman medyo mahilig pero puro lang rin pictures ng mga outing namin ang pinopost ko, mga videos naming magpipinsan.
Noong natapos sila ay nagkayayaan rin sa bahay nila White. Sumama ako at nahalo sa mga lalake maliban sa mga babae na nasa sala at may sarili naring mundo.
Ibinigay ni White sa akin ang headset niya. “Just incase.”
Umiling ako. “Okay lang. Wala rin naman akong magegets eh.”
Simula bata ako, ganito na. May mga topic silang ayaw ni White na marinig ko. Namulat ako sa mga pinsan ko na madali lang sa kanila ang bumingwit ng babae. Siguro ngumiti lang si Ken ay handa siyang luhuran ng lahat. O kaya ay tipid na “Oh” lang ni White bilang pagsagot magtitili na ang mga babae.
Pero sabagay, sino bang babae ang hindi sila mamahalin eh mababait naman sila, maalaga, mapagmahal at mga guwapo. Ewan ko lang talaga kung sapat na ba iyong rason ni Cassey para kamuhian ang mga pinsan ko.
Tumabi sa akin si Kuya Toshi. Kinabahan agad ako sa kanyang presensya. Pakiramdam ko may kasalanan ako…
“Sino iyong crush mo?” tanong niya, seryoso ang mukha.
Ngumuso ako at binalingan si White na umiling. “Si Ken pinagkakalat.”
“Si Aries po, Kuya…” sagot ko at yumuko. Nasa kandungan ko na ang aking mga kamay, nakahawak sa aking bestida.
“That’s normal. Babae ka naman.” sabi niya at ginulo ang aking buhok. Nang mag-angat ako ng tingin sa kanya ay nakangiti na ito ng tipid.
“Di ka galit?” mahina kong tanong.
“Ba’t kami magagalit Nana eh imaginary lang naman iyang crush mo.” halakhak ni Ken na may hawak hawak ng slice ng pizza doon sa pagkakaupo sa counter.
“He exists!” sigaw ko sanhi para mapalingon sa akin iyong kambal na Buenaventura.
“In your dreams?” he laughed even more.
“White si Ken oh…”
Awtomatikong lumagapak ang kamay ni White sa dibdib nito. Ken just hold his chest pero mas natawa lalo.
“Sabihin mo lang sa akin kung magpapabili ka ng Merchandise, Nana.” si Kuya Grey naman na nasa stool, nakaupo roon.
“Binilhan na po ako ni White.”
“Pati VIP ticket di’ba?” si Red naman.
Tumango ako.
“Tapos itong si White pati iyong limang piso na utang sa akin noong nakaraan pang taon ni hindi niya man lang mabayaran.” nanggigigil na sabi ni Blue.
“Kung makareklamo ka eh ang mahal mahal noong mga kinakain mo rito sa bahay. Lagpas limang piso.” sagot ni White.
“Bakit? Hindi naman barya na limang piso ang kinakain ko ah?”
“Ikaw itong naniningil eh hiniram mo lang rin naman iyon sa akin.” si Hiro naman kaya mas tumalim ang tingin ni White kay Blue na nagkakamot na ng batok.
Doon lang ako nag-iwas ng tingin nang magsalita ulit si Kuya Toshi.
“Magkacollege kana.” pag-iiba niya ng topic. “Sigurado ka bang okay kanang mag-isa? Di kana takot sa mga lalake?”
Umiling ako. “Hindi na po Kuya. ’Tsaka excited nga ako kasi sabi ni Mommy pwede na daw ako magboyfriendsㄧ
“Bawal.” singit agad ni White nang marinig ako. Nakanguso ko siyang binalingan sa counter na nakasandal habang nakatukod ang mga siko sa likod. May hawak siyang apple at iyon ang kinakain.
“Pero sabi ni Mommy!”
Tumawa si Ken at tinuro ako. “Kawawang bata. Stick ka nalang sa imaginary friend mo.”
“Pwede kang magboyfriend, Nana.” si Kuya Grey naman. “Pagkatapos ng koleheyo.”
“Paano na yan? Gusto ko may boyfriends ako. Gusto ko may mga kaibigan ako…” kahit nahihiya ako I still want to try it. Gusto kong hamunin ang sarili ko na kaya ko nang tumayo sa sarili ko.
“Just stick in your studies Nana.” si Kuya Toshi.
Kitang kita ko ang pang-aasar sa mukha ni Ken. He was even pointing me while laughing naughtily. Doon lang siya mabilis sumeryoso nang matalim siyang nilingon ni White.
Wala akong nagawa at tumango nalang. Maybe I will survive in college without any friends right? At nandiyan naman ang mga pinsan ko. Kaso iba iba naman kami ng courses.
Ang alam ko kasi, pag college na ako ay hindi na gaanong mahigpit sina Mommy at Daddy. Hindi naman talaga sila mahigpit sa akin, iyong mga pinsan namin ang mahihigpit. Di ko alam kung ba’t binabakuran nila kami sa mga lalake pero sila naman itong todo kung mangolekta ng babae sa school. Napakaunfair naman. Dapat pati kami ay bakuran rin sila sa girls.
Naging tahimik nalang ako sa kanilang tabi at hawak ang cellphone ni White. Naglalaro nalang ako ng hotdog bush room habang ang aking tenga naman ay naririnig ang kanilang topic.
“Doon sa amin, maraming mga falls kaya nakakacliffdiving kami ni South. Meron ba dito sa syudad?” tanong ni North.
“Walang falls. Mga pafall lang.” halakhak ni Ken.
“At pinapangunahan ni Ken.” si Blue.
“They fall for me, man. Wala akong magagawa roon. Marupok ako. Bumibigay rin.” ngumisi si Ken at nagawa pang suklayin paatras ang buhok.
“What a gayshit.” Ismid ni Red saka sumunod ang mga unan na nagliliparan na dahil sa pagbabatuhan ng tatlo. Sinalo ni White ang isang unan at ibinigay sa akin, sinenyasan niya akong ilagay iyon sa aking kandungan dahil sa suot kong dress.
“Magandang suhestyon yan ngayong summer. May mga beach naman dito na may matataas na cliffs. Pwede natin iyang subukan.” si Kuya Grey.
“So that’s settle. Ano, convoy nalang o kanya-kanyang sasakyan?” si Kuya Toshi.
“Van nalang.” si Hiro.
Si Kuya Grey at Kuya Toshi lang talaga kasi ang pinapayagan magdrive pag ganitong mga travels. Kaya naman ni White pero ayaw niya rin dahil mas gusto niyang nakaupo lamang.
“How about the girls?” si Red.
“Iwanan nalang natin ang mga iyan.” sagot agad ni Ken na ikinatalim ng tingin sa kanya ng mga pinsan ko.
“Can’t leave Daph. Responsibilidad ko siya.” si Kuya Grey.
Napalingon sa akin si White kaya napalingon narin ang iba sa akin. Wala ng nagtangkang magsalita at tumango-tango nalang agad sila dahil mukhang napupunta na nila ang gustong sabihin ni White.
“Dadalhin nalang rin namin si Elle. Baka gumala lang iyon at kung saan dalhin ni Zera.” si Blue
“Sige dalhin natin ang mga babae para naman may mga maitatapon tayo sa cliff para itest kung safe ba o hindi.” Ken laughed hysterically. Doon lang siya natigil nang samo’t saring gamit ang lumipad sa kanya at halos natataranta siyang umilag.
“Iyon ang masarap gawin kay Irah.” narinig kong sabi ni North kaya binalingan ko sila. Natagpuan ko agad ang mga mata ni South. May pagkakatulad talaga iyon sa mga mata ni White, pero mas misteryoso lamang ito lalo na’t di naman kami close. I smiled a bit at him kaso nag-iwas rin ng tingin kaya naputol ang pagngiti ko. Suplado.
Nagpalipas na ako ng gabi sa bahay nila White. Umalis na ang iba at kami nalang ni Ken ang naiwan. He’s still playing a video game.
“Nana!” Tita Snow’s soft voice filled my ear. Agad akong napatayo at lumapit sa kanya na kakadating lamang.
“Buti naman at nadatnan kita dito. Balita ko may crush ka raw? Nagpart time job kasi ulit si White sa Restaurant para mabilhan ka noong album raw.” sabi niya pagkatapos humiwalay sa pagkakayakap.
“Opo Tita! Pati po VIP ticket tita!”
“Dapat lang na spoiled ka kasi babygirl kita. Sabihin mo sa’kin pag may mga albums kang bibilhin ha.”
“Kay Dad ka lang rin naman manghihingi.” sabat ni White nang bumaba ito sa enggrande nilang staircase.
Ngumuso si Tita Snow. “Eh siya ang may pera eh.”
“He’s spoiling you too much.”
Namula ang pisngi ni Tita at nagpipigil na ng tawa. Nakakasindak pa naman si Tito Suga pero pakiramdam ko pagdating kay Tita Snow nagiging maamo siya.
“White magreply na!” Hinagis ni Ken ang cellphone niya kay White na hindi man lang nito sinalo kaya awtomatikong lumagapak sa sahig. Nanlalaki ang mga mata ni Ken nang mapagtanto niya ang kinahinatnan ng kanyang cellphone.
“Ba’t di mo sinalo?!”
“Di mo sinabi,” kibit balikat ni White na ikinahagikhik ko. Nang mapagtanto ni Ken iyon ay sumimangot siya.
“Kaonting asar lang naman iyong kay Nana ah?”
Tumawa kaming dalawa ni Tita Snow. Dismayado naman si Ken na ibinagsak ulit ang pwet sa sofa.
“Ano na naman kayang palusot ko nito kay Dad?”
“Halika sa taas. Magkwentuhan tayo sa crush mo…” hinila ako ni Tita papunta sa itaas habang nakasunod naman ng tingin si White sa amin.
“Ma, di ka pa kumakain.” tawag ni White.
“Mamaya nalang! Pagdating ng Daddy mo. Pinangakuan ko siya ng dinner kahapon.”
“Ako White, di pa ako kumakain. Ano bang pwedeng lutuin?” narinig kong tanong ni Ken.
“Mamatay ka sa gutom.” sagot lamang ni White na mas ikinahalakhak ni Ken.
Humagikhik kaming dalawa ni Tita nang marinig iyon. Di ko tuloy maimagine na dadating ang araw ay magkakaroon ng sariling asawa si White tapos ganyan siya kabully. Pero alam ko naman na katulad ni Tito Yoongi, mapagmahal rin siya.
Pagpasok namin sa kanilang kwarto, nagulat ako dahil sa mga damit na nagkalat sa sahig. Mabilis iyong pinagpupulot ni Tita at nagawa pang sipain papasok sa kama iyong bra?
“Pasensya na sa kwarto, Nana. Nagmamadali kasi kami kaninang umaga sa pag-alis. Nahihiya rin kasi akong utusan iyong maid namin eh marami na siyang ginagawa. Ayokong pati ito ay idagdag ko pa sa trabaho niya…” paliwanag ni Tita habang inaayos rin ang bedsheet ng kama.
“Okay lang po Tita. Pati po kwarto ng parents ko nadadatnan ko rin pong ganito.”
Namula ang pisngi ni Tita. Hinila niya ako sa may kama at doon kami nagkwentuhan. Sa tuwing nandito ako sa kanilang bahay, kami ang madalas nag-uusap ng kung ano ano ni Tita. Kinukwento ko sa kanya ang lahat. Para ko narin siyang second Mommy ko.
Doon lang kami natigil nang pumasok si Tito Suga na kakadating lang ata. Mabigat ang talukap ng mga mata nito at parang inaantok na.
Sinalubong agad siya ng mahigpit na yakap ni Tita. Inayos ko naman ang aking buhok habang pinapanood ang dalawa na nagyayakapan na. Tito Suga even smelled her neck at tila hinalikan iyon.
Nagbubulungan na sila ng kung ano kaya tumayo ako.
“Punta lang po ako sa ibaba, Tito, Tita.” paalam ko sa dalawa.
Tinanguan ako ni Tito pero mabilis ring bumalik ang tingin kay Tita.
“Tawagin mo lang ako ha, Nana.” sabi ni Tita sa akin na ikinangiti ko.
Lumabas rin ako roon pagkatapos kong magpaalam. Para rin silang sina Mommy at Daddy. Siguro pag nagkaasawa rin ang mga pinsan ko magiging katulad rin sila sa mga Dad nila.
Iyong plano nilang cliffdiving ay pagkatapos noong dadaluhan kong concert. Susulitin raw nila ang summer lalo na’t bukod doon sa cliffdiving, may mga pinaplano pa silang escapade.
Pero bago paman iyon, mas excited ako dahil sa pupuntahang concert ni Aries. Gabi pa lang ay nagkalat na ang mga damit sa aking kama, hindi ako makapili ng isusuot. Concert iyon ni Aries! At ito ang kauna-unahang beses na magkikita kami ulit. Gusto kong magmukhang dalaga.
Bago pa man ako makapili ng susuotin sa mga nagkalat na dress ay tumunog na ang tawag sa aking cellphone. Dinampot ko agad iyon nang makita ang pangalan ni White.
“Helloㄧ
“Don’t exaggerate yourself. Suotin mo ang gusto mong suotin.” bungad niya agad na ikinasimangot ko.
Umupo ako sa aking kama at sinuklay ang aking buhok gamit ang aking daliri.
“Di ko alam eh. Punta ka dito?”
“Magkacollege kana pero pati susuotin mo ako pa ang mamimili.” sagot niya sa malalim na boses, tila bumubulong lang sa kanyang cellphone.
Ngumuso ako. “Edi anong susuotin ko?”
“Damit. Desente. Komportable.” putol putol niyang sagot na ikinatango ko.
“Okay! Maaga akong matutulog ngayon para magising ako ng maaga bukas!”
“Kahit wag kanang matulog Nana.” sarkastiko niyang sabi na ikinahalakhak ko.
“Baliw! Sige, goodnight White!”
“Goodnight…”
Ibinaba ko ang cellphone at pinagliligpit nalang ang mga dress na pagpipilian ko sana. Pagdating sa mga fashion, si Zera ang magaling roon. Magaling siyang magbagay bagay ng mga susuotin at nadadala niya ng maayos ang kanyang sarili sa kahit anong okasyon. She always stands out. Sa aming magpipinsang babae, hindi ko maitatangging siya talaga ang headturner. Ako kasi, pag cute sa aking mga mata, feeling ko ay bagay na iyon sa akin. Ganoon ang mga tipo kong damit, iyong simple lang at cute. Si Elle naman ay may pagkakatulad lang rin kay Zera. Palagi ngang nagpapaligsahan ang dalawa at hinihigitan ang isa’t isa. Naririnig ko tuloy ang palaging komento ni Zera sa aking istilo sa pananamit. “Nandito na naman ang baduy.” Iyon palagi ang natatanggap kong komplimento sa kanya.
Nakaputing fit tshirt, jeans at flats lamang ako kinaumagahan. Excited ako dahil concert na ni Aries! Dala dala ko ang kanyang album at nagbabakasakaling makakuha ng autograph. First time kong dumalo ng concert at hindi ko maawat ang aking puso dahil sa sobrang excitement.
“Paano niya kaya ako mapapansin ’no?” tanong ko kay White habang nakasandal siya sa driver’s seat at nagmamaneho na. Tanging puting tshirt lamang ang suot niya at medyo magulo pa ang buhok, naniningkit ang mga mata.
“Akala ko ba sapat na iyong makapunta ka sa concert niya?” Umangat ang kanyang kilay sa akin.
“Pero syempre, mas maganda kung mapipirmahan niya ang album ko!”
“Ano bang meron sa ganyan eh dudumihan niya lang naman ng pentlepen ang cd mo?”
“Maganda kasi iyong fangirl ka tapos nakapagpapirma ka pa.”
“Ako na pipirma. Akin na.” Inilahad niya sa akin ang isa niyang kamay kaya natatawa akong inilayo ang aking album.
“Mas madudumihan ang cd ko pag pirma mo ang ilalagay mo White…”
Umismid siya at ibinalik ang kamay sa manibela.
“Di mo ako magegets kasi di ka naman fangirl.” dagdag ko pa.
“Gets kita.”
Nanlaki ang aking mga mata. “Talaga?! Fanboy kana rin ni Aries?” Nahawakan ko ang kanyang braso sa sobra kong pagkabigla.
Sinipat niya ang aking kamay at sinamaan niya iyon ng tingin. “Hands off. Madidisgrasya tayo.”
Mabilis akong bumitaw pero hindi ko tinantanan ang kanyang mukha.
“Fanboy kana rin ni Aries?!”
Itinuro niya ang kanyang sarili kaya agad akong napasimangot.
“Can’t resist myself, I’m sorry younglady.” Ngumisi siya sa akin na mas ikinasimangot ko.
Pinalakasan ko ang stereo at sinabayan ang kanta ni Aries. Pumikit ako at inimagine ang concert niya mismo. Nagwawala at sobrang ingay ng kanyang mga fans habang sinisigaw ang kanyang pangalan, at ako, naroon rin, nakikikanta at sinusuportahan ang lalakeng pamilyar sa akin habang nasa stage, buong pusong nagpeperform.
Naramdaman ko ang pagpitik ni White sa aking noo kaya doon ko lang naimulat ang aking mga mata. Naipark niya na pala ang kotse ng maayos at nakarating na kami sa mismong venue.
“I’ll wait you outside. Just call me if the concert is over.”
Tumango ako, gumagala na ang tingin sa labas kaso hindi siya nakontento roon sa naging sagot ko at binigyan pa ako ng makahulugang tingin.
“Uh, pag may nangyaring masama sa loob dapat lumabas agad ako o kaya ay tawagan agad kita. At dapat pagkatapos ng concert ay lumabas agad ako…”
“Good.”
Kinalas ko ang aking seatbelt, halos nanginginig na. Sabay kaming lumabas ng kotse at kahit ang aking mga tuhod ay nanginginig narin.
“White… k-kinakabahan ako! Ang bilis ng kalabog ng dibdib ko!”
Umismid siya. Wala ng sinabi at inihatid lang ako hanggang sa pinakaentrance. Tumigil ako saglit at binalingan siya. Sumenyas siya roon sa malaking picture ni Aries sa labas na halos inukupa ang isang pader. May iilang fangirls na naroon at nagpipicture.
“Tumayo ka doon. I’ll take you a picture.” Inilabas niya ang kanyang cellphone at hinila ang aking pulso.
“N-Nahihiya ako!” nagpabigat ako para sana h’wag nalang ituloy iyong plano niya kaso hindi ko na maawat si White sa pangangaladkad sa akin. Doon niya lang ako binitiwan nang makarating kami sa gitna.
Nabigyan kami ng espasyo dahil sa pagdating naming dalawa. Lahat sila ay nakay White na ang tingin, may iilan pang hawak ang kanilang mga cellphone at mukhang kinukunan na ng picture ang aking pinsan.
Inilabas ni White ang kanyang cellphone at itinutok sa akin.
Yumuko ako, pinaglaruan ang aking mga darili at nahihiya dahil sa pares ng mga matang nakatingin sa amin. Nakatayo na ako sa gitna, nasa likuran ko naman ang malaking picture ni Aries na nakayuko sa akin at nakangiti. Nagmukha tuloy akong tinitingnan nito.
“Show me your face and look at me, Nana.” narinig kong sabi nito.
“N-Nahihiya ako!” bulong ko pero klaro iyong sinabi.
Naglakad ulit si White patungo sa akin, naiiling. Kinuha niya sa akin iyong suot kong sling at isinabit sa kanyang gilid. My cute bag hung on his shoulder cutely. Medyo napahagikhik pa ako dahil masyado siyang manly para doon.
“Don’t hide your face on your hair and smile,” sabi niya habang inaayos ang aking buhok. Isinabit niya iyon sa bawat gilid at kahit ang aking baba ay itinutulak niya pataas sa tuwing yumuyuko ako at nahuhulog ulit ang iilang hibla ng aking buhok.
“N-Nahihiya talaga ako…” hinawakan ko ang kanyang braso, kumapit ako roon kaso inalis niya lang iyon saka ulit umatras.
Akmang yuyuko na sana ako nang umangat na talaga ang kanyang kilay.
“Nana,” tawag niya kaya inilagay ko nalang sa aking likuran ang magkabila kong mga kamay at ngumiti ng tipid. Nasentro ang aking tingin kay White na seryoso akong kinukunan ng picture habang ang isang kamay ay nakabulsa at ang isang kamay naman ay hawak ang kanyang cellphone. He titled his head as he took some shots with a bored look. Rinig na rinig ko ang sunod sunod na pagclick niya.
“Napakasupportive naman ng kanyang boyfriend. Suot pa nito ang slingbag ng babae…”
“Ang cute rin noong babae,”
“Magkapatid siguro ang dalawang iyan.”
“Ang gwapo noong lalake kahit mukhang napakasuplado.”
“Modelo siguro iyang lalake?”
Iyon ang naririnig ko sa mga nanonood sa amin. Kahit saan naman ata ilagay si White ay nakakakuha talaga siya ng atensyon.
Pagkatapos niya akong picturan ay nagmamadali akong tumakbo sa kanya. Ipinakita niya naman sa akin iyong mga nakuha niyang pictures.
“ID picture mo,” sabi niya na ikinasimangot ko. Nakatayo lang ako roon, tipid na nakangiti at nasa likuran pa ang mga kamay.
“Ikaw kasi…”
“At least may souvenir ka,” kibit-balikat niya na ikinangiti ko. Sabagay!
4th Hooked
H O O K E D
Tagahanga lang
Itinatak ko sa aking utak ang mga habilin ni White sa akin. Noong makapasok ako sa loob ng venue ay ganoon nalang ang excitement ko nang makita ko ang mga fangirls na katulad ko. Yakap ang aking mga albums, hindi nabura ang malaking ngiti sa aking labi. Lahat sila ay excited na excited at may kanya kanyang props. May malalaki akong banners na naaaninag at ang iilan ay may mga hawak na picture ni Aries. Ganito na siya kasikat at hindi ko alam kung makikilala pa ba ako. Ang isang hamak na babaeng aksidente siyang niyakap noon at natitigan siya.
Ilang minuto lamang ay namatay ang lahat ng ilaw. Nabigyan ng spotlight sa malaking stage at sumabog ang parang fireworks na lights sa bawat gilid. Naghiyawan ang mga manonood. Na kahit ako ay nagsisigaw narin sa aking isipan.
Lumabas sa malaking screen ang imahe ni Aries na magulo ang buhok, nakaitim at ginagawang drumstick ang hawak na ballpen habang nagsusulat ng kung ano sa isang papel. Tumingin ito sa camera at ngumiti ng tipid na ikinahiyaw nila. I just smiled at praised him for being so charming.
Nagpatuloy iyong video. Pinalabas roon ang paghahanda ni Aries sa kanyang concert, ang pagpiplay niya ng gitara sa backstage at seryosong seryoso ang mukha. Noong nagsimula siyang maghum ay lumakas ulit ang hiyawan lalo na nang humalakhak ito dahil sa paglapit lalo ng camera sa kanya.
Natapos iyong video sa isang simpleng kataga na “I’m Aries Sebastian. Taken by you.”
Namatay ulit ang ilaw at nabigyan ng spotlight ang gitna. Isang malamig na boses ang nagsimula, unti-unting may umangat ang isang platform sa gitna at may nakatayong lalake roon, hawak ang isang mic at may suot na gitara. Mas nakakabinging ingay ang nangyari. Na kahit ang aking puso ay nakikisali narin.
“Aries! Aries! Aries!” sabay sabay na sigaw ng libo-libong fangirls niya.
“Hey girl…” nagsimula itong kumanta. Humarap at inistrum ang gitara na ikinasabog muli noong parang fireworks na sa bawat gilid ng stage. Suot ang denim na jacket, tattered pants at itim na parang knukles sa mga kamay, tumalon siya roon sa kinatatayuan niyang platform hanggang sa bumagsak siya sa may stage at mas inistrum ang gitara.
The fans went wild as the beat of the song conquered the whole place. Kahit ako ay hindi na magawang kontrolin ang sarili. Ngumiti siya ng malapad at tumingala sabay suklay sa kanyang buhok paatras.
“If you know this song then sing with me.” sabi niya at sumabog agad ang napakalakas na intro noong kanta niyang isa sa mga paborito ko.
Nagsimula siyang sumuyod sa stage, naglalakad siya at halos mapugto ang aking hininga nang mapagtanto kong nasa VIP ako kaya noong umupo siya at hindi sumasayad ang pwet sa sahig, nanlalaki ang aking mga mata nang makita ko ito sa malapitan. Di ko inaakalang ang nakita ko noong mga nakaraang taon ay nasa harapan ko na, kumakanta at pinipilahan ng maraming mga babae.
“Aries! Pakasalan mo ako! Aries!” may itinapon na kung anong papel iyong babae babae sa stage. Na kahit ako ay gusto ko ring gumaya at itapon ang aking album para mapirmahan niya.
“A-Aries!” nagdadalawang isip ko naring sigaw, medyo nahihiya sa panggagaya sa iilan niyang fangirls na halos magwala na.
“Aries!” mas nilakasan ko ang aking boses kahit na alam kong nilalamon lang naman iyon ng iba pa nilang mga boses. Sa sobrang ingay ng paligid, kahit ang sarili kong boses ay hindi ko marinig.
Kinanta niya ng buong puso iyong hit song niya na sa bawat pagdating niya roon sa chorus ay nagheheadbang siya at mas marahas na inistrum ang gitara habang tumatalon talon ng kaonti. He was so gorgeous that I can’t help not to smile widely.
“That girl who runaway, wooooah!” sabay sabay na kanta ng mga fans niya sa chorus.
Ang iilan ay itinataas na ang mga kamay nila at may kung anong ritmong sinasabayan sa kanta. Itinaas ko rin ang aking kamay pero dahil nahihiya ako ay ibinaba ko nalang iyon at pumalakpak nalang.
Natapos iyong isang kanta niya. Umilaw ang buong stage kaya halos magwala na ang mga fans nang makita ito nang mas malinaw. Lumabas na ang kanyang mukha sa malaking screen. Nakapameywang ito, medyo pawisan ngunit nakangisi.
“How are you girls?” tanong niya na sabay sabay namang sagot ng mga fangirls. This is my first time hearing his baritone voice live! Mas malalim at malamig pala iyon sa personal! Kung gaano kaganda ang kanyang boses sa mga live videos, mas nakakaakit iyon pakinggan sa personal.
“Di ako okay! Nakakamatay ka! Aries!”
“Baby! Marry me!”
“Ang gwapo mo! Jusko!”
Natawa ako sa mga naririnig ko. Sa halip na sumagot ng malakas ay ibinulong ko nalang sa aking sarili ang gusto kong sabihin.
“Okay lang ako dahil nakita na kita.” sabi ko.
Pinulot ni Aries iyong papel. Hindi humuhupa ang pagwawala ng mga fans. Lalo na noong binasa niya pa iyon.
“Marriage contract…” humalakhak siya. “Kung sino ka man, makakahintay ka ba ng ilang taon pa? I’ll just work hard for our future so that I can marry you.”
The crowd went wild. May iba ko ng katabi na halos umiyak na. Para siyang isang Santo na sinasamba ng nakakaramihan. Na kahit lumuhod sa kanyang harapan at magpaalipin ay kaya nilang gawin. Gusto ko rin sanang ganoon ang aking reaksyon, iyong matangay ako ng aking paghanga sa kanya kaso sa aking kahihiyan ay nanatili lamang akong nakatayo, nakangiti ng malapad at pumapalakpak lamang.
Nagsimula ulit ang isang pamilyar na tugtog. Nagheheadbang na siya ulit habang sinusuklay pa ang kanyang buhok pag sumasabog rin iyon sa bawat galaw niya. Ang itim na parang bandana niyang suot ay halos ipagmalaki niya lalo na’t medyo mahaba ang kanyang buhok. Bumagay iyong bandana para itipon sila at mas magmukha siyang cool sa stage.
Nagsimula ulit siyang kumanta. Kahit ako ay ginagalaw galaw narin ang ulo para sabayan ang kanyang nakakaheleng boses. May mga lumabas na back-up dancer at nagsimula siyang sumayaw ng swabe lamang. Naglakad siya sa gitna patungo roon sa isa pang maliit na stage para mas makita ang iilang fans na sa bawat lakad niya ay sinasamahan niya ng nakakatulalang pagsayaw. Nakahang nalang ang gitara habang sinusuklay suklay niya paatras ang buhok, tumitigil para tumingala at saka ulit lalakad. Sa sobrang smooth ng kanyang galaw, kahit ako ay natutulala na.
Naisip ko tuloy iyong nagugustuhan niyang babae. Bakit hindi man lang siya magustuhan pabalik? Sikat na siya. Talented. Kung hitsura lang naman ang basehan ay lamang na lamang si Aries. Wala kang makikitang kapintasan sa kanya kaya nakakapagtaka at may babaeng umayaw sa kanya. Kung ugali lang rin naman, sigurado akong mabait siya dahil maayos niyang nadadala ang kanyang mga fangirls. Nagsisisi ba ang babaeng iyon? Alam niya ba ang nangyayari sa lalakeng tinakbuhan niya noon?
Isang oras at kalahati ata ang kinain noong concert. Kaya noong nagpasalamat na ito sa lahat, ganoon nalang ang panghihinayang ng mga fans at sabay sabay na napa “aww….”
Siguro okay na itong ganito. Masaya na ako dahil nakita ko siya. Kontento na ako dahil alam ko namang isa lang rin ako sa humahanga sa kanya, at katulad noong sinabi ni Ken ay para nga siyang isang imaginary friend. Alam kong imposible iyong malalapitan ko siya, makakausap at mapapasalamatan dahil sa ginawa niya sa akin.
Tapos na ang concert. Bumuntong ako ng hininga at kukunin na sana ang cellphone nang napagtanto kong ni isang video ay wala akong nagawa. Sa sobra kong pagkadala sa concert, nakalimutan ko man lang magvideo! Sayang naman Nana! Ba’t di mo man lang iyon naisip! Masyado kang nacarried away!
Natampal ko ang aking noo at nailing. Kung hindi lang kinuha noong organizer ang atensyon ko ay hindi ako matitigil.
“Dito po, Ma’am.” sabi nito na ikinatigil ko. Iginigiya niya narin kasi iyong iba sa isang lugar.
“Po?”
“May fanmeeting po iyong mga nasa VIP Ma’am.”
Nanlalaki ang aking mga mata sa sinabi noong organizer. F-Fanmeeting?! Iyong makakausap ko siya sa harapan?!
“Ma’am?”
Doon ulit ako bumalik sa sarili at tumango. Kumakalabog ng husto ang aking dibdib at ang rami ko ng nililista na sasabihin sa kanya.
Noong makita ko na siya sa isang lamesa, nakaupo roon at ngumingiti, tila sinalanta ng bagyo ang aking isipan at nabura lahat ng gusto ko sanang sabihin. Ni hindi ako sigurado kung makakapagsalita ba ako sa kanyang harapan.
May kung ano siyang sinabi sa Mic na hindi ko na naipasok sa aking utak. Nakatitig lang ako sa kanya, ni ang sigawan ng fans sa paligid ay nagmistulang hangin sa akin.
“Ikaw ang mauuna miss.” Iginiya ako noong babaeng organizer paakyat sa stage. May mga nagkalat na bouncer sa paligid niya.
Sinubukan kong huminahon at sinikap na maglakad sa kabila ng tuhod kong namamanhid. Lalo na noong tiningnan niya ako at natigil siya sa pagpindot pindot niya sa kanyang pentlepen sa mesa ay gumapang ang kaba sa aking loob. Nagkasalubong ang kanyang kilay, ni hindi na ito kumurap.
Noong makarating ako sa kanyang harapan ay natagalan pa akong umupo. Nakayuko lamang ako at yakap yakap iyong album niya.
“Have a seat,” sabi niya kaya nataranta ako at mabilis na ibinagsak ang sarili sa upuan. He chuckled a bit at nagawa pang dilaan ang pang-ibabang labi.
Kinuha niya sa akin iyong album at binuksan niya. Sinusulyapan niya ako paminsan minsan habang pinipirmahan iyon, naghihintay sa aking sasabihin lalo na’t binubuksan ko ang aking bibig at gustong gusto nang magsalita.
“A-Ano… s-siguro di mo na ako naaalala p-pero ako iyong y-yumakap s-sayo sa Mall. Nakamascot ka noon at…” nanikip ang aking dibdib at hindi na makahinga ng maayos. Putol putol pa ang pagsasalita ko dahil sa kaba. Naaalala niya pa kaya iyon? Naaalala niya pa ba ako?
Ngumiti siya sa akin. Napatitig ako sa kanyang mga mata, kahit ngumingiti siya ay naroon parin iyong kakaibang kislap ng mga mata niyang nakita ko noon. Hindi iyon nagbabago sa kabila ng pagkaenhance ng kanyang mukha. Mas nadipina na lahat ng features niya at walang makitang kapintasan sa bawat sulok ng mukha.
Nahihiya akong ngumiti pabalik, halos yumuko nalang at nasa kamay ang tingin na aking pinaglalaruan. Hindi matapos tapos ang gusto kong sabihin.
“What’s your name?” tanong niya, nasa album na ang buong atensyon.
“N-Nana… Nana Delafuente.”
Sandali siyang natigilan. Nag-angat siya ng tingin sa akin at ilang sigundong napatitig sa mukha ko. Kalaunan ay ngumiti rin siya na halos ikinatulala ko.
“You seemed familiar…” tila may inaalala siya na ikinaliwanag ng aking mukha. Nabuhayan ako ng loob at natutuwa na.
“Ako yung batang yumakap sa’yo! Y-Yung nakamascot ka!” mas klaro kong sabi na ikinatango tango niya, may inilagay sa aking album at mabilis na ang kilos.
“Call me later. May limit lang dito.” seryoso niyang sabi at ngumisi sa akin.
Hindi ko masyadong napunto iyong sinabi niya dahil pinaalis na agad ako noong organizer para sa susunod na fan niya. Iyong guard na ang gumiya sa akin palabas ng venue. Wala sa sarili akong naglalakad, hindi alam kung paano ipapasok lahat sa utak iyong mga nangyayari.
Di ko alam kung nananaginip lang ba talaga ako o nangyayari talaga ang lahat ng ito. Kahit isang minuto ko lang siyang nakausap, kahit ganoon lang, sobrang saya ko na dahil naaalala niya pala ako.
Tumunog ang aking cellphone at doon ko lang naalalang hinihintay pala ako ni White. Mabilis ko iyong kinuha na sa sobrang pagkataranta ko ay nahulog ko pa iyong album. Mabilis ko iyong dinampot kaso may nahulog ulit na parang isang card. Nagtataka ko iyong dinampot at tiningnan.
“Calling card?” naibulong ko iyon sa sarili hanggang sa naalala ko iyong sinabi ni Aries. Ito ba iyong sinasabi niyang tatawagan ko siya?!
Nang isang tawag na talaga ang bumalandra sa screen ng aking cellphone ay ibinulsa ko nalang iyon agad at nagtatakbo na palabas habang sinasagot ang tawag ni White.
“Tapos na?” tanong niya, halata ang pagkainip sa boses.
“Oo palabas na ako, teka tumatakbo ako.”
“Walk slowly. Madadapa ka niyan.”
“Okay lang! Ang dami kong kwento sa’yo White! Nakita ko siya sa personal!”
“H’wag mong sabihin dito sa cellphone. Mamaya mo na ikwento pagdating mo.”
“Okay!”
Naputol ang tawag kaya mas binilisan ko ang paglalakad. Sasabihin ko ba kay White na binigyan ako ng calling card ni Aries?! Pero magtataka siya kung ba’t ako binigyan ng number eh hindi niya naman alam na si Aries iyong nakamascot noon sa Mall. Baka pag sabihin ko ay magalit siya dahil inilihim ko sa kanya.
“Sige, dumaldal kana. Makikinig ako.” salubong niya agad nang makapasok ako sa driver’s seat. Siya na mismo ang humila noong seatbelt ko at ikinabit sa gilid.
“Nakita ko si Aries! Sumayaw siya! Naggitara! Tapos sa sobra kong pagkastarstruck sa kanya nakalimutan kong magvideo! Ni isa man lang picture wala ako! Tapos ang ingay ingay sa loob! At may nagtapon pa ng marriage contract! Tapos ang sweet ni Aries kasi sabi niya pagtatrabahuan niya raw muna ang future nila! Tulala lang talaga ako White! Di ako makasigaw! Gusto ko nga kumaway kaway kaso pumalakpak nalang ako! Sobrang cool niya sa stage! Ang gwapo niya!” Halos mapugto na ang aking hininga sa pagkukwento habang nagsisimula siyang magmaneho, nagkakasalubong ang kilay habang panay ang pasulyap-sulyap sa akin.
“Di ka nakavideo?”
Umiling ako, pero ngumiti rin dahil alam kong hindi pa naman iyon ang huli naming pagkikita. Alam ko, magkakausap pa kami ni Aries.
“Okay lang! Nakasave naman iyon sa memorya ko.”
“Makakalimutin ka. Baka bukas pagkagising mo wala kanang maalala sa concert niya.” Umismid siya sakin kaya humagikhik ako.
“’Tsaka may souvenir naman ako! Iyong kinuhanan mong picture!”
“Just frame it and put it in your room.” Tumango tango ako sa kanyang suhestyon.
“Ang saya saya ko ngayon… Alam mo gusto ko sanang magtapon rin ng kung anong gamit sa stage kasi pinupulot niya iyon kaso hindi naman ako handa eh. Tanging album niya lang ang dala ko.” Napasandal ako sa upuan at naiwan parin ang kalahati sa aking sarili doon sa concert. Nakikita ko parin doon ang mga nangyari kanina. Kung paano siya sumusuyod sa stage at ngumingiti. Sa isang hamak na die hard fan niya, kahit iyong makita ko lang siya ay tuwang tuwa na ako. Alam kong magkaiba na ang mundo namin ngayon.
“Maghihintay ka pa ulit ng isang taon para sa susunod niyang concert. Ipapareserve nalang kita ulit ng ticket.” sabi niya.
Tumango ako at nginitian siya. “Thank you so much!”
“You look like you’re really inlove?” Nasira ang kanyang ekspresyon sa ipinangalan niya sa aking kinikilos.
Sandali akong natigil. Inlove? Sapat na bang pangalanan ng ganoon ang aking kinikilos?
“Ano ba iyon, White?” nagtataka kong tanong.
“Kinikilig, gusto siyang makita, nababaliw, iyang pinaggagawa mo. Para kang si Chey na nababaliw kay Toshi.”
Oo nga ’no? Ganito rin si Chey. Napakasupportive niya sa lahat ng bagay kay Toshi. Palagi niya pa itong sinusundan at palagi siyang ngumingiti sa tuwing nagkakausap sila.
“Inlove ako kay Aries!” anunsyo ko at nagugulantang na. “White, di’ba masakit ang mainlove?!”
Nailing siya. “You’re so innocent I want to lock you in your room.”
“Pero positive ako, White. Feeling ko inlove ako kay Aries.” nag-aalala kong sabi.
“You’re not.” sigurado niyang sabi.
“Pero sabi mo mukha akong inlove!” giit ko.
“You’re not. Believe me.”
“Edi ano?” Tinagilid ko ang aking ulo para silipin ang kanyang mukha. Nakasentro sa kalsada ang kanyang tingin.
“Infatuation. Nadadala ka lang sa pagpafangirl mo.”
“Pero paano kung nainlove ako kay Aries? Anong gagawin ko?”
He glanced at me. Seryoso ang paninitig sa akin.
“Nothing,”
Kumurap ako. Wala? Wala akong gagawin? Paano kung lumala? Di’ba nakakabaliw daw iyon?
“Bakit wala?”
“You’re just a fangirl. Keep that in mind. A fan.”
Suddenly, that realization hit me like a truck. Iyong kasiyahan mo sa pagpafangirl, iyong nakukuha mong kaligayahan, pero bakit pag naiisip mo na hanggang doon ka lang naman sa linyang iyon ay may kirot na hatid sa’yo? Nagiging mas malawak bigla ang aking pang-unawa sa simpleng salitang “fangirl” at gustong lagyan iyon ng mas malalim na posisyon sa buhay ng isang lalakeng hindi naman umamin kung naaalala pa ba ako. Pero ang sabi niya ay pamilyar ako! Sa dami ng mga fans na nakakasalamuha niya, posibleng natambakan na ako ng iba pang magagandang alaalang nangyari sa kanya.
“Hindi naman siguro lahat ng fangirl ay hanggang doon lang. Hanggang tingala lang. Malay mo, may mga pinalad na fangirl at nabigyan ng pagkakataong makatuluyan iyong iniidolo nila.”
Umangat agad ang kilay ni White sa akin. Yumuko ako at itinago ang mga mata sa kanya na pilit niyang hinuhuli.
“Don’t cross the forbidden line, Nana. That’s painful.”
Nakagat ko ang pang-ibabang labi, hindi gaanong nakukuha ang pinupunto niya.
“Anong masakit dito?”
“May mga humahangang hindi nasusuklian ang ibinibigay nilang pagmamahal sa isang tao. Makontento ka man o hindi, mananatili ka sa linya. Tagahanga lang.”
5th Hooked
H O O K E D
Cliffdiving
My mind wandered somewhere as I tried to recall the memories of Aries talking to me yesterday. Masyado iyong hindi kapanipaniwala kaya noong nagising ako kinabukasan ay inutusan ko pang kurutin ako ni Zera.
“Di na kita gigisingin. Tanggap ko nang weird ka,” aniya at umalis agad sa aking harapan dala dala iyong sling bag niya. Ngumuso ako at kinurot nalang ang sarili. Di nga ako nananaginip.
Suot ang jacket na binili sa akin ni White, iyon ang naging outfit of the day ko dahil may nakalagay na Aries’s fangirl sa harapan. I’ve seen how Zera’s face wrinkled. She’s very disappointed and disgusted at the same time.
“Bakit? Cute naman ah?” Umikot ako sa kanyang harapan. I paired it with summer short and sandals.
Nairolyo niya ang kanyang mga mata. “Mas matanda ka pa naman sana sa akin.”
“But this is cute! See!” I showed her the hoodie with a cute bunny on it.
“It’s summer Nana. Saang sinaunang panahon ka ba galing?” Ngumiwi siya, hindi tinantanan ang disgustong paninitig sa akin.
Nilingon ko sandali ang mga pinsan kong aligaga sa labas at pumapaibabaw pa ang tawa ni Ken habang naglalagay ng mga gamit namin sa likod ng Van.
Elle showed up. Her eyes widened too when she saw me. Same sila ni Zera na nakadress at laces na nakaribbon sa bawat gilid.
Ngumuso ako at tumalikod, ipinakita ang nakalagay roon. “It says Summer love!” sabi ko na ikinatampal ng noo ni Zera.
“Hubarin mo nalang yan pag naroon na tayo. Did you bring some extras?” tanong ni Elle sa akin na ikinatango ko.
“Hulaan ko, merch parin?” Zera’s brow raised.
Inalala ko sandali iyong mga pinagdadampot ko. May tshirt naman akong malaking dala, tapos rashguard at…
“Kung di lang kita pinsan ikinahiya na kita.” naiiling na nagwalk-out si Zera. Bumuntong ako ng hininga at tiningnan ang jacket na suot. But it’s cute!
“Mainit ang panahon so dapat nagsando or dress ka nalang.” sabi ni Elle, nililingon ang imahe ni Zera paminsan minsan.
“But White told me to wear comfortable clothes.”
Ngumiwi siya. “Ewan ko sainyong dalawa. Mas malala pa kayo sa kambal kong kapatid,” naiiling niyang sabi at tumalikod na rin.
Sumimangot ako. Siguro, kaya ako naleleft behind sa mga babae dahil simula bata ako, kay White na ako nadidikit. Hindi bigdeal sa akin ang pananamit, kilay, buhok, o ang magiging imahe ko. Basta tingin ko cute naman ay gusto ko na.
Nakasalubong ko ang tingin ni White sa labas ng veranda. He’s wearing a plain white tshirt and black sunglasses paired with shorts and summer slipper. Sinenyasan niya akong lumapit sa kanya roon kaya nagtungo agad ako.
Ken laughed at me when he saw me. Ibinato ni White ang isang bag na hawak niya na nasalo naman agad nito at ibinato rin sa loob ng van.
“Ang ginaw talaga pag summer! Dapat pala nagjacket rin ako!” Nanunuyang sabi ni Ken tapos masusundan agad ng malutong na halakhak.
“Tigilan mo na yan. Pag iyan umiyak sa gulong ka talaga sasakay.” pagbabanta ni Kuya Toshi sa kanya habang tumutulong rin sa paglalagay ng gamit.
Napatingin ulit ako sa aking jacket saka kay White. Umangat ang kanyang kilay, wala namang pagkadisgusto roon.
“Panget ba?” tanong ko.
“If you’re comfortable with it then don’t seek for someone’s validation just to be accepted. Wear whatever you want to wear,” aniya.
Napangiti ako roon at tumango. Suportado niya ako sa lahat ng bagay kaya nagiging confident din talaga ako.
Nauna akong pumasok sa van. Sumunod rin si Zera at Elle na magkatabi sa pinakaharap. May mga dala silang go-pro at Dslr. Pagkaupo ni Zera ay inatupag niya agad ang paglalagay ng sunscreen sa kanyang balat. She even put something on her lips para mas maging makintab ito at hindi maging dry. Dinilaan ko nalang ang aking labi para maging basa ito. She glanced at me, iminuwestra ang hawak niyang parang stick na lipgloss.
Iiling na sana ako nang naunahan niya rin ako sa pagsasalita.
“Syempre tatanggi ka dahil ignorante naman talaga ang mga weird sa ganito.”
Kumurap ako at nalipat ang tingin sa pagpasok ni Hiro. Kinuha niya iyong hawak ni Zera at nang tinangka niya itong abutin ay itinulak lang ni Hiro ang kanyang noo kaya napabalik ito sa pag-upo.
“Give it back, Kuya!” nayayamot na sigaw ni Zera.
Pumasok si Ken at nakiusyoso agad. Kinuha niya iyong lipgloss kay Zera at nagtatakang tiningnan.
“Ito ba ang madalas niyong ilagay kaya parang ang tamis ng mga labi niyo?”
Sumunod naman ang kambal na natraffic narin sa harap dahil sa dalawang humaharang roon.
“Talaga? Matikman nga.” Kinuha iyon ni Blue at akmang bubuksan nang sumigaw na talaga si Zera.
“Give it back, freak!” Inabot niya iyon at marahas na hinablot sa kamay ni Blue.
“Naglagay ka rin?” tanong ni Red kay Elle at nagawa pang burahin ang labi ng kapatid kaya ang resulta ay mabilis itong kinagat ni Elle. Red groaned painfully. Ngumingiwi na at mabilis na niyugyog ang kamay.
Natatawang tiningnan ni Elle ang kapatid. Kinuha niya ang kamay ni Red at hinipan.
“I’m sorry!” she giggled even more. Pinitik pa ni Blue ang noo niya.
“Masama yan ha.” Binalingan niya naman si Red at sinapak ang dibdib nito. “Pakialamero ka kasi.”
“Mga babae ang aarte. Geez… I don’t understand the cult of these girls,” si Ken naman.
Nakahalukipkip na si Zera sa kanyang upuan at asar na asar habang si Hiro ay nakaupo na sa tabi ng bintana.
Pumasok rin si White at tumabi sa akin. Doon rin naman pumwesto si Ken sa tabi niya. May hawak siyang malaking Pringles at iyon ang nilalantakan.
Tiningnan ni White ang screen ng kanyang cellphone na agad namang inusisa ni Ken.
“May bago kang chic ’no? Patingin nga ng katawan. Anong cup ng bra?”
Nanlalaki ang aking mga mata sa tanong ni Ken. Na kahit siya, nang mapagtantong nandito lang naman ako ay nagulat rin. White glared at him.
“Bakit mo palaging tinatanong ang bagay na ’yan Ken?” tanong ko sa kanya na ikinakurap niya. White raised his brow at me. Hindi ko iyon pinansin at ipinatili ang tingin sa isa ko pang pinsan na gumagala na ang tingin.
“Body matters to me, Nana. Sa amin. Lalake kami syempre.” rason niya.
“Pero parang binabastos niyo na ang babae sa mga ganyang tanong. ’Di ba, White?” Binalingan ko ito, Ken chuckled.
“You’re asking the devil, Nana. Mas masahol iyanㄧ
“Tumahimik ka.” Sinapok agad ni White ang dibdib nito. Sumubo si Ken ng kinakain niya pero ngumingisi rin.
“Admit it to her, man. Tigilan mo na ang kakababy kay Nana. Matanda na iyan.”
“Binabastos niyo ang mga babae. It’s inappropriate,” simangot ko.
Umiling si Ken. “Boy’s topic Nana.”
Ngumuso ako at sinipat si White na inangatan akong muli ng kilay.
“Don’t be so curious. There’s a right time for everything,” aniya na ikinatango rin ni Ken.
“Baka nga ’yang Aries mo nakakatatlo pa sa isang araw.”
Di ko napunto ang ibig sabihin ni Ken sa nakakatatlo sa isang araw. Siguro tungkol na naman iyon sa gawain ng mga lalake.
“Siguro kaya kayo hate ni Cassey kasi ang babastos niyo.”
Kitang kita ko ang pagguhit ng insulto sa mukha ni White. Ken just chuckled hard, di natatablan sa aking sinasabi.
“Seriously, Cassey is always mad at us. Kahit sampong tama at isang mali ang gawin namin sa harapan niya, ’yung mali pa rin ata ang papansinin niya. That’s how her mind works.” Nailing si Ken at sumubo ulit.
Tahimik si White sa bagay na iyon. Cassey hates most of my boy cousins. Parang si Ate Chey lang din kay Kuya Grey.
“Itong si Cassey kasi…” si Ken na tinitingnan pa ang hawak na chip bago isubo. “She got a bad taste on men. Like… she got a bad taste if it wasn’t a Delafuente. Like us.”
“Edi may bad taste rin ako sa lalake? Eh hindi naman Delafuente si Aries.” sabi ko kay Ken.
“He got a bad taste on girls if it wasn’t a Delafuente.”
Some of us share the same features. Elle and I were angelic with a soft feature while Zera has a fierce and alluring beauty. Ang mga boys naman ay puro matatangkad. Si Wayt, Kuya Toshi at si Kuya Hiro ang sobrang snob tingnan, si Kuya Grey na intimidating, si Ken at Kuya Blue ang pilyo, si Kuya Red ang mabait kahit mukhang masungit pag seryoso.
Tumatak iyon sa aking utak. You got a bad taste on girls or boys if it wasn’t a Delafuente. Edi kung hindi ako nagustuhan ni Aries, pangit ang taste niya sa girls. Pero katulad ng sinabi ni White, I am just a fangirl and I need to stay on that line.
Dinaanan muna namin si Daphne sa kanilang bahay saka rin kami dumeritso. Nasa harap siya nakaupo, katabi ni Elle. They’re close…
Si Kuya Grey ang nagmamaneho at nasa front seat naman si Kuya Toshi. Ang kambal at si Ken lamang ang maingay sa loob ng Van. Halos tumayo na sila at nagkunwaring may hawak na mga gitara at marahas iyong inistrum habang sinasabayan iyong kanta sa stereo. Nagheheadbang pa si Ken at minsan ay sinusuklay paatras ang buhok tapos iyong kambal ay nagkukunwaring nagdadrums na. Si Blue ang kunwaring vocalist at nililipsinc iyong birit habang mas lumalala naman ang dalawa sa pagpiplay ng kanya kanya nilang instrumento.
Vinideohan ko agad sila at humagikhik dahil sa nakakatawa nilang pinaggagawa. Nailing si Hiro, halos mahilot na ang kanyang sintido.
“Ang sarap manghagis ng tao sa labas ng bintana.” sabi nito
Iclinose-up ko ang mukha ni Hiro na nayayamot na dahil katabi niya ang kambal sa gitna. Inilipat ko ang video at itinutok kay Ken na hindi na maawat sa kakaheadbang hanggang sa dahan dahan kong nilipat kay White na nakasandal sa upuan, nakatingala at medyo nakaawang ang bibig habang natutulog. Itinulak ko ang kanyang baba para maitikom niya iyon kaso hinawakan niya ang aking pulso at ibinaba iyon.
Zera and Elle were just both silent. Naka earphone si Zera at may pinagkakaabalahan sa cellphone ganoon rin si Elle. Si Daphne naman mukhang tulog. I wonder if kasama si Franca? We get along well. Siya ang madalas kong nakakausap sa mga Buenaventura unlike kay Irah na parang medyo ilag.
“Woah! Can’t wait to dive!” sigaw agad ni Ken nang makarating kami sa lugar kung saan ang tunog agad ng hampas ng alon ang sumalubong sa amin. May napansin akong isang kotse na kakahinto lang rin. Kung hindi ako nagkakamali, pagmamay-ari iyon ng mga Buenaventura.
Lumabas ako, suot ang aking cute na backpack kung nasaan nakasilid ang mga importante kong gamit. May isang bag pa akong dala at naroon ang aking mga damit.
“Franca!” Kinawayan ko agad ito na kakalabas lang rin. Ngumiti siya ng matamis sa akin at kumaway pabalik. Sunod namang lumabas ang pokerface na si Irah, may suot na sunglass, nakasee through na dress kung saan nakikita ang tube at short niya sa loob at sumabog agad ang buhok na isinuklay niya lang paatras para hindi tumakip sa kanyang mukha.
Kaedad lang si Irah at Zera. 16 lang silang dalawa habang si Elle at Daph naman ang magkaedad na kapwa 15 palang. Hindi naman nalalayo ang edad ko kina White, Ken, Hiro at iyong kambal. Si Kuya Grey naman ang matanda ng ilang buwan kay Kuya Toshi.
Sandali akong napatitig kay Irah. She’s fierce, katulad ni Zera, nakakamangha rin kung paano niya dalhin ang kanyang sarili lalo na’t ang alam ko, nagmomodelo siya.
Umismid si Irah sa aking dako. Di ko alam kung para iyon kanino.
Bumukas ulit ang front seat at driver’s seat at kapwa lumabas ang kambal. Kaedad lamang nila sina White kaya siguro sila agad ang nagiging close.
Nasa may cliff kami at nasa ibaba naman nito iyong dagat. Medyo takot ako sa heights kaya iyong hagdanan nalang siguro ang gagamitin ko mamaya para makarating doon sa magandang beach.
Nagkakagulo na ang mga lalake at panay ang silip roon sa cliff na tatalunan nila. Kung hindi ako hinila ni Franca, hindi ako mahahalo sa mga babaeng bumababa na roon sa hagdan.
“Magdadive ka rin ba?” tanong niya sa akin, natatangay minsan ang mga mata sa suot kong jacket saka rin ibinabalik sa aking mukha.
Umiling ako. “Takot ako sa matataas eh.”
Humagikhik si Franca at sinang-ayunan ang sinabi ko. “Ako rin eh. Irah is my opposite. Baka nga makitalon rin siya mamaya.” Nilingon niya ang pinsan niyang nagpaiwan nga sa itaas.
Nanlalaki ang aking mga mata. “Kaya niya iyon?!”
Tumango si Franca. “Wala naman iyang kinakatakutan. Game siya sa lahat.”
Bigla tuloy akong nainggit sa fighting spirit na meron si Irah. Hindi ba iyon nakakatakot? Paano kung dumeritso ka sa pinakailalim ng dagat at hindi na makaahon? Hindi ba siya natatakot na baka mapahamak siya?
May cottage na nalalapit sa beach. Inukupa namin iyon. Nakikita lamang namin ang mga imahe ng lalake sa itaas noong cliff. Siguro mga nasa 6ft ang taas noon.
“Tatalon ba sila diyan?” narinig kong tanong ni Daph na kitang kita rin ang gumuguhit na takot sa mukha.
Tumango ako na ikinagulat niya lalo.
“Pati si Irah?” dagdag niya pa na kahit si Zera, natuon narin sa itaas ang tingin.
“Your cousin is going to jump Franca?”
Tumango si Franca sa tanong ni Zera. Tiningala niya ulit ang cliff saka napangiwi.
“Not my thing.”
Naroon na lahat ng tingin namin. Kinuha ko agad ang aking cellphone nang makita ko si Ken na naghuhubad na ng pang-itaas at may hawak na go-pro. Si Blue at Red ay kapwa naghihilaan pa.
“Siguro kung hindi ko sila mga pinsan at di ko sila kilala mamamangha ako. Kaso kabisado ko mga baho at ugali nila kaya nakakabagot tuloy,” reklamo ni Zera at naupo na, nasa hawak na sunscreen ang buong atensyon.
“Si Zera parang si Irah,” bulong ni Franca sa akin na ikinahagikhik naming dalawa. Akala ko ako lang ang may ganoong iniisip pati rin pala siya.
Ken’s scream echoed all over the place. Kasunod noon ang pagbagsak niya sa tubig. Sumunod naman roon ang nakakabinging sigaw ng kambal na akala mo ay tumalon na iyon pala ay naghihilaan lang at napapaatras. Sinenyasan ni Hiro si White kaya kapwa na itinulak ng dalawa ang kambal. Their screams were so loud na kahit ang pagbagsak ay halos umangat narin ang tubig dahil sa lakas.
Sumunod naman si White na naghuhubad na ganoon rin si Hiro. They jumped without making any noise, tanging ang pagbagsak lamang nila ang naging ingay. Pumalakpak ako at mabilis na clinose-up sa tubig para makunan ang pag-ahon nila.
Sunod naman si Kuya Grey, nasundan ni North, hanggang sa si South narin ang pumwesto. The emotion of his face never changed. Cold iyon, hindi naman galit at hindi rin natutuwa. Balanse lamang at misteryoso.
“Ang gwapo rin ni South.” narinig kong compliment ni Elle.
Hinila lang ni South ang damit niya sa likuran hanggang sa nahubad niya ito. Mabilis kong ibinaba ang camera at hindi na iyon isinali sa video. Sanay naman ako sa mga pinsan kong topless, pero iyong makakita ako ng ibang taong ganoon, parang di ko na ata kaya.
Naiwan sa itaas si Kuya Toshi. Kahit si Franca ay nag-aabang rin sa pagdive ng kanyang pinsan na mukhang hindi parin tumatalon. Siguro umatras nalang iyon dahil nakakatakot naman talaga!
May pagka berde na nahaluan ng asul ang kulay noong beach. May mga puno rin sa paligid ng cottage. Nakikipagsabayan sa preskong hangin ang tunog ng alon na humahampas roon sa malalaking bato.
Nakaupo lamang ako sa buhangin, yakap yakap ang aking mga hita at may kung anong ginuguhit roon gamit ang isang stick na napulot ko lang.
Iyong mga babae ay nasa cottage parin, habang ang mga lalake ay hindi na maawat doon sa dagat dahil roon sa nirentahan nilang speed boat. Si Kuya Toshi ang nagpapaandar noon habang nakaangkas ang kambal kong pinsan.
Malapit ko ng maperpekto ang ginagawa kong heartshape sa pangalan ni Aries kung hindi lang talaga biglang tumakbo si Ken at dinaanan iyong gawa ko na nabura ang kabuuan kong gawa. Sumimangot ako at nag-angat ng tingin sa kanya na humalakhak agad.
“Di ko napansin Nana.” he said innocently.“Pero sabagay, di ka rin niya naman mapapansinㄧfuck! It hurts, man!” Nakangiwing hinawakan ni Ken ang kamay ni White na kinakaladkad siya gamit ang tenga nito. Tumawa ako lalo na’t natatangay na siya ni White pabalik sa dagat.
Naglakad papalapit si Irah sa may dalampasigan at hinubad ang suot niyang transparent na dress. Sumipol si Ken nang makawala na siya kay White. Mabilis namang umahon si North, nagbabanta na ang mga mata.
“Hoy Inday Irahㄧ
“If you stop me from wearing what I want then you’ll see me naked right now, North.” pagbabanta niya sa kanyang pinsan na kahit ang mga nakarinig roon ay natigilan.
Nameywang si North, nagkasalubong ang kilay at kalaunan rin ay bumuntong ng hininga. Irah just smirked.
“Ang tigas ng ulo,” naiiling na sabi ni North.
“Maliligo rin ako!” tumatakbong si Franca na kakabihis lang ng suot niyang rashguard at summer short. Kumpara kay Irah na naka two-piece at ibinabalandra ang perpektong hubog ng katawan. Mas matanda lang naman sana ako sa kanya ng dalawang taon kaso ba’t wala akong ganyang klaseng self-confidence?
6th Hooked
Secret
Hindi muna ako naligo. May dala akong rashguard at iyon nalang siguro ang susuotin ko mamaya.
Naglakad lakad ako mag-isa habang pinapakinggan ang kanta ni Aries. Naliligo si White at ayoko muna siyang gambalain dahil mukhang nagkakatuwaan sila roon. Di ko rin kasi alam paano makisalamuha sa mga babae. Kahit mga pinsan ko sila, may mga bagay parin talagang gusto kong mapag-isa.
I stop midway from walking at umakyat ng kaonti sa malaking bato para doon umupo. Humahampas ang alon sa ibaba at hindi naman gaanong malakas. Sumabog agad ang aking buhok at niyakap ako ng malamig na hangin sa kabila ng suot kong jacket.
Sinabayan ko ng paghahum ang kanta ni Aries na pinapakinggan ko. Ano kayang ginagawa niya ngayon? Busy kaya siya?
Bigla kong naalala iyong ibinigay niyang calling card kaya mabilis kong inalis ang casing ng aking cellphone kung saan ko inilagay iyong calling card. Inangat ko iyon at tinitigan ng mabuti.
“Totoo kaya ito? O baka naman fake? Pero bakit niya naman ako bibigyan ng calling card? Hindi kaya ay naaalala na ako ni Aries?” tanong ko sa aking sarili habang pumapaibabaw naman ang nakakahele niyang boses sa aking tenga.
“Tatawagan ba kita? Hindi ka kaya busy? Sasagutin mo kaya? Pero anong sasabihin ko?”
Sandali akong nag-isip isip. Pinapamulahan ako ng pisngi sa tuwing naaalala ko iyong sinabi niyang tatawagan ko raw siya. Siya na mismo ang nagsabi, Nana. Itry mo lang.
Ibinalik ko ang tingin sa screen ng aking cellphone at binuksan iyong icon ng call. Bumuntong muna ako ng mahabang hininga saka ko inilagay ang bawat numerong nakalagay roon sa calling card.
Nakagat ko ang pang-ibabang labi at nagdadalawang isip pindutin iyong call. Sumabog ulit ang aking buhok dahil sa hampas ng preskong hangin. Isinabit ko muna iyon sa gilid ng aking tenga, bumuntong ulit ng hininga saka pinindot ang call.
Narinig ko agad ang ring sa kabilang linya. Kumalabog ng husto ang aking dibdib at gusto ng patayin ang tawag pero sinasabayan ko rin iyon ng paglilista sa aking isipan ng mga maaari kong sabihin sa kanya. Relax Nana! Mabait si Aries…
Nakailang ring iyon hanggang sa nagsimula na ngang tumakbo ang tawag. Mas bumilis ang kabog ng aking dibdib, ginapangan agad ng kaba.
“H-Hello? A-Aries?” Nagdadalawang-isip kong tawag.
“Delafuente?” isang malalim at malamig agad na boses ang sumagot sa akin. Doon pa lang ay nagmistula na akong kulay papel at parang tinangay narin ng hangin papunta sa malalim na dagat.
“A-Ako nga… Uhm, yung ano… yung binigyan mo ng calling card…”
“Yeah… I am actually waiting for your call. What took you long?”
Nakagat ko ang pang-ibabang labi, gumala sa dagat ang aking mga mata. Naghahanap roon na maaari kong isagot.
“N-Nahihiya kasi ako. B-Baka ano… B-Busy ka k-kasi… ano…”
“I can spare some time for you,” agaran niyang sagot na ikinapula ng aking pisngi. Hindi ko alam na may mga salita palang labis na nakakalusaw ng puso.
Sandali akong natahimik, wala ng masabi dahil narin sa puso kong nagwawala.
“Where are you?” tanong niya.
“Uh, n-nasa beach ako kasama ng mga pinsan ko! Bale nagci-cliffdiving sila!”
“That’s too dangerous for a girl like you. Just stay on the shore.”
Tumango ako, malaki na ang ngiti.
“Natatakot rin ako, A-Aries… K-Kasi takot ako sa heights…”
He chuckled. “That’s expected since you’re a cute girl.”
Halos kagatin ko na ng malakas ang aking pang-ibabang labi, na pag hindi ko pipigilan ang aking sarili ay dudugo na iyon. Anong klaseng pakiramdam ba ito? Ang saya saya ko dahil nakakausap ko ang lalakeng tinitingala ko at ang lalakeng nagturo sa akin na hindi naman nakakatakot ang mga mata ng mga tao.
“Ikaw ba talaga si Aries?” bulong ko, hindi halos makapaniwala sa nangyayari.
“Yes, I am. Want me to sing?”
Umiling agad ako. “H-Hindi na! Nakakahiya naman!”
“If you’re still doubting me then we can meet…” halos ibulong niya na iyon sa malalim na boses.
Nanindig ang aking balahibo, kahit ang kalabog ng aking dibdib ay hindi ko na maawat. Makikipagkita siya sa akin?!
“Talaga?” wala sa sarili kong tanong.
“Yeah. If you want.”
“Bakit naman tayo magmemeet?”
“I want to see you again. I can sched it and you tell me if you’re free or not so I can re-sched it. Medyo busy ako pero may mga oras naman na free ako.”
Tila nahulog na ang kalahati ng aking sarili sa dagat at inalon agad iyon paalis sa akin. Hindi halos marehistro sa aking isipan ang pinagsasabi niya. Ni hindi ko na matukoy ang reyalidad sa panaginip. Totoo pa ba ang lahat ng ito? Sa milyon milyon niyang tagahanga, totoo bang nakikipag-usap siya sa simpleng katulad ko?
“Hey… still there?”
“Ah! Oo. Sige Aries, sabihin mo lang sa akin kung kailan ka free. Free naman ako palagi eh.”
“Okay. I’ll save this number and I’ll just call you.”
“Okay…”
“I’ll hang up now. May photoshoot pa ako.”
“Okay sige! I-Ingat…”
“Okay, you too. And by the way, keep this as a secret. Baka pag nalaman nilang nakipagkita ako sa’yo ay magkaissue tayo at mapapahamak ka. Can we keep this as our secret?”
Tumango agad ako. Naiintindihan ko ang pinupunto niya dahil palagi akong nanonood ng videos niya sa youtube at kung saan saan ako napapadpad. May mga fans siyang mga possessive na pag nalilink si Aries sa iba ay inaaway agad nila ito. Lalo na iyong modelo na may gusto raw kay Aries, hindi iyon tinantanan ng kanyang mga fangirls at inaway nila.
“Sige, wala akong pagsasabihan. Secret lang natin.”
“Thank you.”
“Sige, ibaba mo na. Baka nakakadisturbo na ako.”
“Okay… I’ll just call you when I’m free.”
“Sige…”
Namatay ang tawag. Hindi ko parin mabitiwan ang aking cellphone at nasa tenga ko parin iyon kahit na ilang sigundo na ang dumaan sa pagtapos noong tawag. Gusto ko tuloy tumalon rito at ilublob ang aking sarili sa dagat para lang matukoy kung totoo ba ang lahat o hindi.
Napangiti agad ako ng malapad at gustong humiyaw kaya dinaan ko nalang iyon sa bungisngis.
“May sekreto kami ni Aries…” napahagikhik ako, halos ibulong nalang iyon sa paghampas muli ng hangin sa aking mukha. Nilalamon ako ng saya dahil ang lalakeng nakita ko noon, may sekreto na kaming itinatago. Feeling ko tuloy super close namin dahil may malalim na kaming koneksyon kahit papaano.
Nang makabawi na ako sa aking nararamdaman, doon lamang ako tumayo at akma ng aalis roon. Kaso laking gulat ko nalang nang makita ang isang imahe ng lalakeng nakaangat na ang kilay at naninimbang ang tingin sa akin. Kinabahan ako bigla. Sa sobrang pagkataranta ay halos mawalan ako ng balanse. His swift hand abruptly hold my pulse to remain my balance.
“Careful,” malamig at matigas niyang sabi sa akin na ikinalunok ko ng laway. Napatingin ako sa kamay niyang mahigpit ang hawak sa aking braso, kinokontrol noon ang aking bigat na kahit ang ugat ay nakita kong lumabas na.
Tumayo ako ng tuwid. Binitiwan niya ako nang mapansin niyang kaya ko nang ibalanse ang aking sarili. Nahulog pa iyong calling card ni Aries na ikinalaki ng aking mga mata dahil pinulot niya iyon. Ibinulsa niya ang isang kamay habang ang isa ay hawak na iyon at tinititigan niya.
“A-Akin na.” Mabilis ko iyong kinuha sa kanya. Hindi siya nagsalita ng kung ano at hinayaan lang ako.
“Salamat pala sa tulong…” tangi kong sinabi, ni hindi na ito matingnan sa mga mata saka ako naglakad ng derideritso.
“Di mo man lang ba naisip kung papayagan ka ng pinsan mong makipagkita sa lalakeng iyan?” tanong niya na nagpatigil sa akin. Doon ako mas kinabahan. Oo nga pala. Kamuntik ko nang makalimutan ang mga pinsan ko! Si White! Sigurado akong magagalit sila pag nakipagkita ako sa isang lalake. Kung hindi man, sigurado rin akong hindi ako papayagan lalo na ni White.
Natigil ako sa paglalakad at natanga ng ilang sigundo. Anong gagawin ko pag nakipagkita sa akin si Aries? At hindi ko naman pwedeng sabihin sa mga pinsan ko! Magagalit si Aries sa akin! Sekreto namin iyong dalawa! Ayokong sirain ang tiwalang ibinigay niya sa akin! Ayoko siyang bigyan ng sakit sa ulo!
Nilingon ko ang lalakeng nakatayo parin kung saan ko siya iniwan, nakapamulsa iyon at napakamisteryoso ng malalamyang mga mata.
“A-Anong narinig mo?”
Nagkibit siya ng balikat. Lumunok ulit ako ng laway.
“P-Pwede bang hwag mo nalang iyong ipagkalat? Pwedeng ano… kalimutan mo nalang?”
Humakbang siya hanggang makarating siya sa aking gilid. Humampas ang hangin sa aming dalawa. Sumabog ang aking buhok na kahit ang kanya ay pinaglaruan rin ng hangin. Isinabit ko ang iyon sa aking gilid at nilingon siya sa aking gilid na huminto na.
“Wala akong mapapala diyan sa sekreto mo.” Humakbang ulit siya. Sinundan ko siya ng tingin, medyo nabunutan ako ng tinik pero nang huminto ito at nagsalitang muli, doon ako ginapangan ng panibagong kaba.
“But we’re not close either for me to keep your secret. Ipagdasal mo nalang na hindi mang-usisa ang pinsan mo sa pinag-usapan natin dito.” Nilingon niya ako, tanging ulo lamang ang gumagalaw at nakita ko ang misteryoso at madilim niyang mga mata. Doon lang siya umiwas nang maglakad siyang muli.
Malalaki ang aking hakbang at mabilis siyang hinabol. Hinawakan ko agad ang kanyang braso at niyakap iyon para pahintuin siya. Nagkasalubong ang kanyang kilay dahil sa ginawa ko.
“Please! S-South! Secret namin iyon ni Aries! A-At pag nalaman ng pinsan ko, magagalit sila! Mas gugwardyahan nila ako! Please!” I pleaded as my eyes settled on his mysterious and dark chocolate eyes. Tumama pa ang sinag ng araw sa kanyang mukha hanggang sa malinaw kong nakita ang nakakamangha niyang mga mata na akala mo ay sisilawin ka niya noon. The color of his eyes look enchanting to me. Even his thick brows and black eyelashes caught my attention.
The wind blew against us. My hair disheveled but I never left his sight. Nakipagtitigan ako. Namumungay ang akin habang ang kanya naman ay hindi ko makitaan ng liwanag. Katulad ng mga mata ng mga Buenaventura, mga misteryoso iyon, malalalim at madilim. Ganito rin ang mga mata ni Irah. Nakita ko na ang kanilang mga magulang at masasabi kong may kung ano talaga sa mga mata nila na nakakatakot, misteryoso.
Iginalaw niya ang kanyang braso kaya nabitiwan ko iyon. Umismid siya at ibinulsa ang kamay saka humarap sa akin ng buo. Napayuko ako at nahiya dahil sa ginawang pagyakap sa kanyang braso.
“I don’t trust my tongue. May sakit itong naglalabas ng mga sekretong alam kong hindi ko naman mapapakinabangan.”
I gulped at that. Alam ko namang si North talaga ang mas friendly at mabait. Si South kasi parang si White rin. Pero hindi kagaya ni White, pinapaboran naman ako noon sa lahat ng bagay.
“Pero pag sinabi mo sa mga pinsan ko malalagot ako.” malungkot kong sabi.
“Kawawa,” komento niya, walang emosyon ang pagkakasabi. “Kaso di ako naaawa.”
Nanlaki ang aking mga mata. Akma siyang hahakbang paalis kaya agad kong iniharang ang dalawa kong nakabukas na kamay para pigilan siya sa pag-alis.
“Please! I-Ililibre kita ng ice cream pag di mo ako isinumbong!” Sinikap kong ngumiti sa kabila ng pagkakasalubong ng kanyang kilay.
“Araw araw! Tapos may sprinkles yon!” mas ngumiti ako. Alam kong mapapapayag ko dahil kahit ako, hindi ko na matatanggihan ang ganoon.
“I don’t like sweets.” deklara niya na mabilis kong ikinasimangot.
“Huh? Ayaw mo sa ice cream?!” nagugulat kong tanong. “May tao palang ayaw sa ice cream?! Pero masarap sila!”
Ngumiwi siya at akmang aalis ulit kaya mabilis akong umusog para harangan ulit siya, ni hindi ko na maibaba ang aking mga kamay. Nakitaan ko ng pagkainis sa kanyang mukha na ikinagapang agad ng takot sa aking kalamnan.
“Pag di mo ako isusumbong, friend na tayo! Pwede mo rin akong sabihan ng sekreto mo! Pwede mo akong kausapin tapos makikinig ako! K-Kahit bawal daw akong makipagfriends sa mga lalake sabi ng pinsan ko, pero dahil ikekeep mo ang secret ko, kaibigan na tayo!” I smiled at him merilly and showed my thumb. “Deal?!”
“Who said I’ll keep your secret?” I watched his hair moved with the wind. Those messy hair and those dark chocolate eyes were intimidating. Nakakadagdag iyon sa kanyang awra na nagpatigil sa akin sa pangungulit. Yumuko ako at ibinaba ang mga kamay, hindi na matanggal ang simangot sa aking mukha.
I smelled his perfume when he leveled hisself to me. Nasa gilid ko ang kanyang mukha, may ibinubulong sa akin.
“Sigurado akong malalagot ka kay White.” pagbabanta niya saka ako iniwan. Mas lalo akong nalungkot at napaglaruan ang aking mga daliri. Ni ang pagbalik roon sa cottage ay hindi ko na magawa.
Nanatili ako ng ilan pang minuto roon. Pinag-iisipan ko ng mabuti ang gagawin pag isa isang nagsiklaban ang mga pinsan ko. Sa pagbabanta ni South, at sa mga sinabi niya, baka bukas gwardyado na ako. At masisira ko pa ang tiwala ni Aries. Paano na iyan ngayon?
Tumunog ang aking cellphone. Nang mabasa ko ang pangalan ni White ay kinabahan agad ako. Tumatawag na siya! Sinabi na ba ni South sa kanya?!
Nakailang lunok pa ako bago ko iyon sinagot.
“H-Helloㄧ
“Where are you?” matigas ang boses nito at tila galit. Naiiyak agad ako. Marahil ay sinabi na ni South!
“N-Nandito sa dulo…”
“Get back here right away.” tila galit iyon at nagbabanta na ang boses. Tumango nalang ako, nagsimulang maglakad pabalik sa cottage hanggang sa natagpuan ng ilang pares kong mga mata ang aking pinsan, nasa akin agad ang tingin ng iilan.
“Nagpakalayo layo ka siguro para makausap mo si Aries ’no?” natatawang salubong agad ni Ken sa akin na ikinaputla ko. Mabilis kong nilingon si South na inangatan lamang ako ng kilay. Ang iba ko namang pinsan ay hindi ako nilulubayan ng tingin.
“Stop making her feel that being a fangirl is weird, gayshit.” pangaral agad sa kanya ni White, na kung nasa tabi niya ito ay nasapak niya na ang dibdib.
“May sinabi ba akong weird? Ang sabi ko lang baka kinakausap niya iyong imaginary friend niyang si Aries.” mas malutong na humalakhak si Ken, ginulo pa ang basa niyang buhok.
Sa kanyang sinabi ay nakahinga ako ng maluwag. Hindi sinabi ni South! Pasimple ko pa siyang nilingon at nginitian. He just stared at me for awhile saka ibinuka ang bibig na nagpawala agad ng aking ngiti.
“Nag-uusap nga.” sagot niya na labis kong ikinagulat.
“Talaga?!” Tawang tawa na si Ken, “sabi ko na nga ba at weird talaga itong si Nana.”
“Gago ka talaga.” Sinamaan ng tingin ni Hiro si Ken. Mas mabuti na iyang pagpafangirl niya, di masyadong sakit sa ulo. Hindi kagaya nitong si Zera,“ nailing siya.
“Stop wandering around, Nana.” si White.
Tumango ako, ngumiti ng tipid saka lang rin ikinaiwas ng tingin ng iba at may pinagkakaabalahan na. Napasimangot rin ako nang mapagtanto kong kaya ngang sabihin ni South ang aking sekreto ano mang oras. Close siya sa mga lalake kong pinsan at hindi siya nagdadalawang isip ibuking ako.
Naligo rin ako kasama ng mga babae. Kaming tatlo nina Franca at Daphe ang nakasuot ng rashguard habang sina Elle, Zera at Irah naman ay nakabeach attire.
Nakaupo lang kaming dalawa ni Franca at Daphne sa may dalampasigan at nilulublob ang mga sarili sa tubig. Sa bawat paghampas ng alon ay umaabot iyon hanggang dibdib namin.
“Flat ka pala ’no,” komento bigla ni Franca at nasa dibdib na ang tingin na ikinalaki ng mga mata ko. Kahit si Daphne, napatingin narin.
“H-Huh? Flat ako?”
Tumango siya, akmang hahawakan ang aking harap kaya mabilis kong niyakap ang sarili, hiyang hiya.
“Mas malaki pa ata ang dibdib ni Irah. Diba 17 kana? Magkaedad lang tayo.” mahinhin niyang sabi.
“Bigdeal pala ang dibdib?” tanong naman ni Daph.
“Napansin ko lang naman,” ngumiti si Franca at tiningnan ulit ang aking dibdib. “Nagmumukha tuloy pader na pink iyang rashguard mo.” mahinhin niyang sabi ni ikinakurap ko, hindi ko alam kung mahihiya ba ako o maiinsulto dahil wala namang pagtataray sa boses niya.
Sinilip ko ang aking rashguard. “Meron naman akong dibdib ah?”
“Wala lang atang laman.” dagdag niya na ikinahalakhak ni Daphne.
“Di ko tuloy alam kung mabait ka talaga o nagbabait-baitan lang.” natatawang si Daph na ikinatawa rin ni Franca.
“Hindi naman importante ang dibdib. Ang importante, ang ugali ng isang tao.” sagot ko. Base narin sa sabi ni Mommy sa akin.
Umiling si Franca. “Sabi ni Irah sa akin, pag nagkaboyfriend ka raw, importante daw ang dibdib. Kasi importante daw iyon sa mga lalake.”
Pinamulahan ako ng mukha. Si Daphne naman ay hindi alam kung tatawa ba o ano. Kaya ba ganoon nalang si Ken?
“Ibig sabihin hindi ako magkakaboyfriend? Aayawan ako ng mga lalake?” tanong ko na ikinatango ni Franca.
“Dapat pala apat dibdib ko pag nagkaboyfriend ako para di ako iwanan.” hirit ni Daph na ikinahagikhik nila.
Hindi naalis sa aking utak ang dibdib ko sa kabila ng pagtatawanan ng dalawa. Nahuhulog ang aking mga mata roon bawat sigundo. Noong dumating si White at tinabihan ako rito sa kinauupuan ko, gumapang agad paalis ang dalawa na humahagikhik.
“Looks like you’re having fun,” saad ni White, itinukod ang dalawang siko sa likod at halos humiga na habang ang mga paa ay nakabukas.
“White,” nakasimangot ko siyang nilingon.
“Oh?”
“Flat ba ako?” tanong ko sa kanya na mabilis na ikinaguhit ng gulat sa kanyang mukha pero nawala rin naman agad. Nag-iwas siya ng tingin at itinuon sa harap.
“What do you mean?”
“Flat daw ako sabi ni Franca.” Sumimangot ako. “Iiwan daw ako ng mga lalake at aayawan. Hindi ako magkakaboyfriend, White…” sumbong ko na ikinasira ng kanyang ekspresyon.
“Hindi iyon ganoonㄧ
“Eh iyon rin ang sabi ni Ken di’ba! Ganoon iyon!” putol ko agad.
“If that’s the case then let’s find someone who will accept you wholly.”
“Meron bang ganoon?” tanong ko sa kanya.
“Love is not about physical appearance Nana. Hindi lahat ng pagmamahal, panlabas lang ang tinitingnan. May mga pagmamahal ring minahal mo ang isang tao sa kabila ng pangit niyang ugali, hindi perpektong katawan o estado sa buhay. Mahal mo lang talaga at sapat na iyong dahilan para maging perpekto ang isang tao sa paningin mo.”
Namangha ako roon. Ganoon pala ang pagmamahal! Pero perpekto na si Aries. Ibig sabihin, mahal ko siya!
“Talaga White? Ibig sabihin may magmamahal parin sa akin kahit flat ako?”
He frowned. “Edi anong tingin mo sa nararamdaman namin sa’yo? Ng pamilya mo?”
Oo nga ’no? Mahal naman ako ng pamilya ko. Siguro nagbibiro lang si Franca.
“Boobs topic niyo ah?” singit naman bigla ni Ken sa gitna namin.
“Sabi ni Franca, flatchested daw ako.” sumimangot ako.
“Kadalasan kasi sa mga fangirls, flatchested kasi puyat nang puyat, ayan tuloy di na nga tumutubo ang height, pati hinaharap naaapektuhan.” Humalakhak agad siya na ikinasimangot ko lalo. White glared at him sanhi para tumakbo na ito ng mabilis.
7th Hooked
H’wag kang feeling close, babae
Sa bawat pagdaan ng araw na hindi ako nakakahanap ng rason para makipagkita kay Aries, mas lalo lamang akong nalulungkot. Di ko alam kung paano aalis ng bahay nang hindi kasama ang mga pinsan ko, o si White.
Kumatok ako sa kwarto nila Mommy bago ko tuluyang pinihit ang doorknob. Nadatnan ko si Mommy na inaayos pa iyong bedsheet habang si Dad naman ay inayos ang lace ng dress ni Mommy na bumaba na.
“Hey sweetie!” Mom greeted me while Dad patted the bed. Nagtungo agad ako roon at gumapang papunta sa kanilang harapan.
“What’s wrong?” tanong ni Mommy sa akin. Si Daddy naman ay inaayos na ang aking buhok, isinasabit sa gilid ng aking tenga.
“Uhm, diba po pag college na ako malaya na ako?” tanong ko sa kanila.
Nagkatinginan sila.
“Yes, Nana.” si Mommy.
“Depende.” si Dad.
Sabay nilang sagot sanhi para magkatinginan sila ulit. Mom’s brow raised at him.
“Anong depende Jimin?”
“It depends Ab. Pwede akong driver niya kung may lakad siya. Delikado na ngayon. Maraming gago ang nagkalat.” paliwanag ni Dad sa malambing na boses at napunta ang kamay sa hita ni Mommy.
Bumagsak ang aking mata roon ganoon rin kay Mommy pero mabilis ring bumalik sa mukha ni Dad.
“Let her do the things she wants. Baka nagkakainteres na siya sa night lifesㄧ
“Oh no.” Binalingan ako ni Dad. “Nahihilig kana ba sa pagpaparty Nana?”
Mabilis akong umiling. “Hindi naman po iyon ang gusto kong sabihin.” Ngumuso ako.
“Tell us, baby.” Mom smiled at me sweetly.
Nahulog ang aking tingin sa aking mga daliring pinaglalaruan ko. Nakapiko pa ang aking dalawang paa at nagmistulang palaka sa posisyon ng pagkakaupo.
“K-Kasi ano… gusto ko sanang magpaalam kung pwede bang lumabas ako tuwing gabi?”
“Of course!” sagot agad ni Mommy at inunahan ang pagsasalita ni Dad. Naiwan ang kanyang bibig na nakaawang sa ere. Mom even glared at him.
Bumuntong ng hininga si Dad. “What time, Nana? Hanggang 8 pm ka lang. Sigurado naman akong ihahatid ka ni Whiteㄧ
“Dad hindi po si White kasama ko!” hirit ko agad na ikinaiwan na naman ng kanyang bibig sa ere. Nanatili iyong nakaawang hanggang sa itinikom niya rin dahil sa pagkakasalubong ng kanyang kilay.
Mom clapped. “That’s wonderful, Nana! Date ba iyan?! Wait. Di mo pa pinapakilala sa amin? At isa pa, mabuti rin iyang hindi si White ang palagi mong kasama. Your cousin has a life too, sweetie. And of course you have your own privacy tooㄧ
“Ab please, stop talking to her like she’s already 28. She’s just 17. Masyado pa siyang bata para sa ganoong mga bagay. And it’s better if White is with her all the time.”
Mabilis na tumaas ulit ang kilay ni Mommy. “Seriously Jimin… Baka magkadevelopan na iyang dalawa kung sila ang palaging nagsasama. Lalake at babae parin sila.”
Dad brushed his hair backwards as he licked his lowerlip. “That’s impossible, Ab. They’re cousins.”
“Anong imposible? Eh ikaw nga pinagseselosan mo iyong pinsan kong si Kurt at ikaw narin ang may sabi na lalake parin siya.”
“Fine. Oo na. Pero ang akin lang, our angel is just 17…” Hinaplos ni Daddy ang braso ni Mommy at malalim na ang tingin rito.
Mom rolled her eyes. “Oh please Jimin, I’m just 18 when you fuㄧ”
“Shh, love.” Mabilis na tinakpan ni Daddy ang bibig ni Mommy at nawawala na ang mga mata dahil sa kanyang halakhak. “H’wag mong isiwalat ang kapusukan natin noon. She’s an angel.”
“So demonyo ako noon ganoon ba?” inis na sabi ni Mommy pagkatapos hablutin ang kamay ni Dad.
“You’re my hot devil.” Dad planted a peck on her lips. “You’re always on fire who turns me on every damn second.” Dad smirked, Mom blushed.
“Tse!” Natatawang umirap si Mommy.
Palipat lipat lang ang tingin ko sa kanila at naghihintay na mapansin ulit. Sumimangot ako. Ang hirap namang makipag-usap sa kanila.
“Anyway,” sa wakas ay naalala ako ni Dad. “Pwede ka hanggang 10 pero sabihin mo sakin ang makakasama mo at kailangan ko siyang makausap. That’s my condition, Cana Aleyna.” Dad said with finalty.
Tumango ako. Wala ng nagawang rason dahil alam kong tapos na ang usapang ito.
“Ipakilala mo sa amin iyang nagyayaya sa’yong lumabas Nana. Don’t keep it as a secret please. Alam naman naming privacy mo iyon. But your Dad is paranoid so pagbigyan mo na. Don’t worry, di ka namin pinagbabawalang makipagdate. That’s part of growing up. Di mo mapipigilan ang sarili sa pagkahulog sa isang lalake.” Hinaplos ni Mommy ang aking pisngi. Si Daddy naman nagiging seryoso na. Hindi niya ata gusto iyong mga pinagsasabi ni Mommy.
“Okay po. Thank you Daddy, Mommy. Goodnight. I love you both, po.” I kissed them both at ganoon rin ang ginawa sa akin.
“Goodnight sweetheart, I love you, too!” sabi nilang dalawa at sabay akong niyakap.
Naglakad rin ako palabas habang naririnig ang pag-uusap ng aking mga magulang.
“Don’t be so hard on her, Jimin! Pinalaki mo na ngang takot sa lalake at mahiyain, pati ba naman sa pakikipagdate pagbabawalan mo? That’s her freedom.” pangaral ni Mommy.
“I’m just worried Ab. She’s my angel. Baka makapatay ako pag may nanakit diyan.”
“We’re here to guide her. Ayoko namang tumandang dalaga iyang maganda kong anak.”
“Fine, fine. Let’s just finish what we started awhile ago.”
Nilingon ko sila bago ko binuksan ang pinto at nakita itong naghahalikan na. Mabilis akong lumabas, dismayado. Di ko naman pwedeng ipakilala si Aries kay Daddy. Eh secret nga namin na magkikita kami. At hindi ko rin pwedeng sabihin kay White para pagtakpan ako eh siguradong hindi rin iyon papayag na makipagkita ako kay Aries. Paano na kaya ito?
“Bilib na talaga ako sa’yo Nana. Nakakaipon kana ng eyebugs mo buong summer!” Pinalakpakan agad ako ni Ken at standing ovation pa pagkapasok ko dito sa kusina. Nandito na naman silang dalawa ni White, kumakain.
Kinusot-kusot ko ang aking mga mata. Dapat pala magtanong ako kay Zera kung anong pwedeng pampawala ng eyebugs total magaling siya pagdating sa skin care.
“Pumapangit kana nga. Di pa mapapasayo iyang pinagpupuyatan mo. Kawawang bata.” Nailing iling si Ken na kung hindi siya sinipa ni White ay hindi ito mahahawi sa harapan ko. Ken groaned pero kalaunan ay natatawa ring bumalik sa pagkakaupo.
“I thought you slept early?” tanong sa akin ni White nang bigyan niya ako ng kubyertos. Tinanggap ko iyon at sumimangot nang maalala kong hindi ako masyadong nakatulog dahil sa kakaisip ng paraan para makipagkita kay Aries.
Umupo ako sa kanyang tabi, napapagitnaan na ako ng dalawa dahil umupo rin si Ken sa aking gilid.
“Syempre, pafeeling taken, kunwari nagpupuyat. Iyon pala dahil lang doon sa imaginary friend niyang si Aries.” nasundan agad iyon ng malutong na tawa ni Ken.
“Totoo kaya si Aries.” sabi ko, palipat lipat ang tingin sa paglalagay ng pagkain ni White sa aking plato at kay Ken na tawang tawa.
“Sige nga, ipakilala mo nga sa amin sa personal. Pag naipakausap mo iyan sa akin, maniniwala na akong tao iyan.”
“Pero nakapunta ako sa concert niya!”
“Oo nga. Pero di ko pa iyan nakikita. Ipakilala mo muna saka ako luluhod sa harapan niya at magiging isa narin sa tagahanga niya.” ngumisi si Ken sa akin, nang-aasar na iyon.
Sumimangot ako dahil alam kong kaya niya iyan sinasabi dahil alam niya namang imposible kong maipakilala sa kanila si Aries.
“Hindi naman iyon pwede.” mahina kong sabi.
“Baka maunahan ka pa ni Zera sa pagboboyfriend.” hirit niya agad at akmang matatawa ulit ng malutong kung hindi lang talaga siya sinipa ni White sa ilalim ng mesa.
Itinuon ko nalang ang atensyon sa plato. Di ko naman iyon inaalala. Hindi na bale kung hindi maniwala si Ken. Hindi na bale kung wala akong boyfriend. Basta, makita ko lang ang hinahangaan ko, okay na siguro iyon.
“You need to balance your time, Nana. H’wag puro videos tuwing gabi. Matulog ka ng maaga.” pangaral sa akin ni White habang si Ken ay dumadaing dahil sa natamo.
Tumango ako at walang ganang sumubo. Di naman ako nanonood ng mga videos. Napuyat lang talaga ako kakaisip ng dahilan para matuloy ang lakad namin ni Aries. Gusto ko, pag tumawag iyon ulit ay may maibigay na akong schedule.
Hinintay nila akong maligo pagkatapos ay sumama rin ako sa kanila roon sa clubhouse. Naroon na ang iilan kong mga pinsan. Pati na ang mga Buenaventura.
“Tagal niyo.” itinapon ni Hiro ang bola na nasalo naman agad ni White at pinaikot ikot na sa kanyang kamay hanggang sa napunta ito sa isang daliri niya.
Natangay ang aking mga mata sa bola pero kalaunan ay ibinalik rin sa harapan.
“Tanghali na nagising ang fangirl natin.”
Nang dahil sa sinabi ni Ken ay napatingin na ang iilan sa akin. Ang mga mata agad ni South ang nakasalubong ko. Nahihiya akong nag-iwas ng tingin at ayaw na iyong patagalin dahil baka maalala niya lamang iyong sekreto ko.
Wala rito ang mga babae kong pinsan at mga Fortalejo maliban kay Daphne, Irah tsaka Franca na nasa may bleachers. Kay White rin naman kasi ako mahilig sumama kaya iyong mga lalake rin talaga ang madalas kong nakakahalubilo.
Nandito kami sa mukhang gazebo ng clubhouse. May upuan naman roon at nakaharap kami sa gym kung saan naglalaro ang mga lalake ng basketball. Sa aming likuran naman ay ang swimming pool.
May mga yakap yakap na chichirya si Daph. Inilahad niya sa akin iyong isa, pati narin kay Francat at huling binigyan si Irah na tumanggi.
“I don’t eat carbs. Ayokong sirain ang katawan ko.” gumuhit sa kanyang mukha ang pagkadisgusto sa hawak naming mga pagkain.
Umismid si Daph pero wala ng sinabi.
“Ganoon pala talaga pag model ’no? Maalaga masyado.” sabi ko habang pinubuksan ang pringles.
“Kahit di siya modelo, maarte talaga siya.” sagot ni Franca.
Ginulungan lang siya ng mga mata ni Irah at humalukipkip rin, nasa gym na ang tingin lalo na’t pumapaibabaw na ang mga boses ng mga lalakeng nagpapasahan ng bola.
Hinanap ko ang imahe ni White, kaso nang maagaw rin ni South sa kanya ang bola ay nalipat rin sa kanya ang tingin ko. Hanggang ngayon ay hindi niya parin ipinagkakalat sa mga pinsan ko iyong narinig niya. Hindi kaya ay wala talaga siyang balak sabihin iyon? Hindi kaya ay mabait talaga si South?
“Go South!” sigaw ni Franca at pumalakpak kaya napalingon rito si South hanggang sa nahuli akong nakatingin sa akin. Nakaawang ng kaonti ang kanyang bibig at binasa ang pang-ibabang labi. Ilang sigundong nanatili sa akin ang tingin kaya nahihiya akong ngumiti.
“G-Go South…” bulong ko pero klaro iyon para mabasa niya ang pagkakabigkas ko.
His brow raised, galit na naman ang mga mata kahit mukha naman siyang kalmado. Masasanay rin ako sa mga mata ng mga Buenaventura.
I smiled at him again too. Kahit nahihiya, sinikap kong iparating sa kanya na kaibigan na kami. Kaso imbes ngitian ako pabalik ay suplado rin iyong lumipat sa laro. Tumakbo ito sa kabila at mabilis na naagaw kay Ken ang bola saka deritso iyong ishinoot kung saan siya nakatayo.
“Galing!” palakpak ni Daphne at Franca, na kahit ako ay napapalakpak narin at matamis na ang ngiti.
Nang makita ako ni Ken na pumapalakpak ay itinuro niya agad ako.
“Susunugin ko mamaya iyang mga merch mo! Taksil!”
Bumaling si White sa akin at nagkakasalubong na ang kilay. Nagthumbs-up agad ako sa kanya.
“Nagchicheer sa kabilang kampo si Nana. H’wag mo ng ibili ng merch iyan.” inis na sabi ni Ken at tinapunan ni Kuya Grey ng bola.
“Masyado kang seloso, Delafuente.”
Nasalo naman agad ni Ken ang bola. “Nagsalita ang hindi selosong Delafuente. Magcheer nga lang si Chey sa kabilang kampo halos makalimutan mo ng kadugo mo si Toshi.” Humalakhak si Ken na ikinasira naman agad ng ekspresyon ni Kuya Grey.
Natawa ang iilan.
“Macardiac arrest ka sana diyan sa kakahalakhak mo.” Nalulukot ang mukha ni Kuya Grey dahil sa pagkainis. Si Ken naman nayakap na ang tiyan kakatawa.
“Mga seloso ang lahi niyo. Yun talaga iyon.” sabi pa ni Trey.
“Kakampi ka namin Nana ha.” sabi pa sa akin ni Franca. Nasa team rin kasi ng mga Buenaventura at Montiel si Kuya Grey at Hiro.
“Okay,” halakhak ko na ikinagalit ulit ni Ken at binubulung-bulungan pa si White. Lumingon ulit sa akin si South kaya nahihiya akong tumigil sa pagtawa. Sumubo nalang ako ng hawak kong pagkain.
Nagsimula ulit silang maglaro. Iyong bola naman ang sinusundan ko. Napapansin kong si White at South ang madalas na makakuha noon. Ni hindi ko nga alam kung sino na ang nangunguna dahil nanonood lang naman ako. Sa tuwing naglalaro sila, pakiramdam ko ang saya saya noon dahil mukha silang nag-eenjoy sa pagpapasahan ng bola.
Mas malapit sa clubhouse ang bahay nila Trey kaya doon kami dumeritso pagkatapos nilang maglaro.
“Daya mo ah?” Inakbayan ako ni White habang naglalakad kami papasok sa bahay nila Trey. Topless ito at nakasabit sa kaliwang balikat ang tshirt.
Ngumuso ako. “Naroon rin naman sa kabilang kampo si Kuya Grey at Hiro.”
“Akala ko pa naman mas loyal ka sa akin.” he raised his brow at me. “Nakakapangduda.”
“Eh kasi sina Franca at Daphne sa kabilang kampo kaya doon narin ako.”
Umiling siya kaya tumawa ako. “Seloso niyo ni Ken.”
“I just thought you’re loyal to me. Baka hindi lang si Aries iyang pinagpapantasyahan mo ha.” pinitik niya ang aking noo kaya kinabahan agad ako dahil nagdududa na siya. Marami kasi talagang napapansin si White sa akin. Kabisadong kabisado niya ata ako kaysa sa akin na minsan ay naiignorante pa sa inaasal ko minsan.
“I am loyal. At laro lang naman iyon.” sabi ko.
Hinila siya ni Ken kaya napabitaw si White sa pagkakaakbay sa akin.
“H’wag kang magdidikit sa mga taksil, White. Ipinagpalit na tayo ng babaeng iyan.”
“Mean!” sigaw ko kay Ken at hinila ulit si White kaso hinila rin siya ni Ken sa akin.
Halos matangay ako kaya niyakap ko si White sa beywang nito para lang panatilihin ito sa akin.
“Hey clingy fangirl. Doon ka sa Aries mo.” ayaw paawat na sabi ni Ken.
“Loko loko.” itinulak siya ni White kaya natigil rin si Ken sa kakahila sa kanya. Humagikhik ako ng malakas. Kung hindi ko lang napansin ang mga mata ni South sa akin ay hindi ako mapapanguso.
“Nana, kain na tayo.” sabi sa akin ni Franca kaya bumitaw ako kay White at nagtungo sa kanya. Binigyan niya ako ng plato. Inabala ko naman ang sarili ko sa pagkuha ng pagkain. Kamuntik ko pang masanggi iyong pitsel na tubig dahil sa katangahan ko.
“Careful,” ang pamilyar ulit na boses ng kung sino ang narinig ko sa aking likod. Siya na mismo ang naghawak noong pitsel para hindi matumba.
Tumingala ako at napansing nasa likod ko na pala ito. Inilipat niya sa aking plato ang shrimp at medyo naasiwa sa pagtingin ko sa kanya.
“S-Salamat.” ngumiti ako sa kanya na ikinababa ng kanyang tingin sa aking labi pero kalaunan ay umiwas rin.
“Try this, Nana. Masarap rin ’to.” nilagyan ng pagkain ni Franca ang aking plato. Kahit si South ay may kung ano naring nilagay sa aking plato lalo na’t kami lang tatlo dito sa kusina.
“Di ako kumakain ng shrimp. Allergic ako.” nakasimangot kong sabi kay South.
Sandali siyang natigilan pero kalaunan ay umangat rin ang kilay.
“Alam ko. Kaya nga inilagay ko sa plato mo.” saka siya tumalikod.
Sumimangot ako at sinundan ito ng tingin. Ang sama naman.
Kinuha ko iyong mga shrimp na inilagay niya saka ko binalingan si Franca na nadadala na sa paglalagay ng pagkain sa kanyang plato. Si Irah naman nasa gilid kanina at patubig tubig lang.
Maingay na sila sa sala at may kung ano anong pinagkukwentuhan. Hindi na sumama si Red at Blue rito at pinuntahan na si Elle na nasa bahay nila Zera.
Habang kumakain, hindi ko mapigilang mapatingin sa grupo ng mga lalake. Binabantayan ko kung si South na ang nagsasalita. Baka kasi bigla siyang magkainteres sa sikreto ko at isiwalat agad iyon.
Nahuli niya ulit akong nakatingin sa kanya kaya mabilis akong yumuko.
Nahuli akong kumain. Mag-isa akong nagtungo sa kusina para ilagay sa sink iyong kinainan ko. Akma na sana akong lalabas nang makasalubong ko si South, dala rin iyong plato niyang wala ng laman.
Nginitian ko siya nang makabawi ako sa pagkagulat. Umangat lamang ang kanyang kilay.
Nilagpasan niya ako at nagtungo rin doon sa sink. Nanatili naman ako sa aking kinatatayuan, sinundan siya ng tingin.
“Ano, nakipagkita kana sa kanya?” malamig niyang tanong na ikinakurap ko. Nakaharap lang siya sa sink habang hinuhugasan ang kanyang kamay.
“H-Hindi pa kasi ano, si Daddy gustong makausap ng personal iyong nagyayaya sa akin lumabas. Eh imposible naman iyon kasi sikat si Aries. At hindi ko naman pwedeng sabihin iyon kay Daddy kasi secret namin iyon ni Aries.” paliwanag ko sa kanya.
Nagkasalubong ang kanyang maitim na kilay na kahit ang galit at misteryoso niyang mga mata ay may pinupunto na nang bumaling iyon sa akin. Di ko alam kung galit ba siya o kalmado dahil sa mga mata niya.
“Pinayagan kang lumabas basta nakausap lang ng Daddy mo iyong nagyayaya sa’yo?” tanong niya na ikinatango.
Humarap siya sa akin ng buo pagkatapos punasan ang basa niyang kamay. Ibinulsa niya iyon at isinandal ang kanyang gilid sa may sink, nasa akin na ang buong atensyon.
“Kapag niyaya kita, edi papayagan kang lumabas basta ay kausapin ko lang ang Daddy mo?”
Napakurap ako roon. “P-Parang ganoon na nga.”
Tumango-tango siya. Nalipat ang tingin sa ibang direksyon habang nanlalaki naman ang aking mga mata dahil sa naisip ko. Pwede iyon!
“Papayagan ako ni Daddy lumabas pag iniharap kita sa kanya!” excited kong sabi at napangiti pa.
Ngumisi rin siya sa akin. “Papayagan ka nga. Kaso ang problema diyan, papayag ba ako na gamitin mo?” mabilis na nawala ang ngisi niya at napalitan ng seryosong mukha. “H’wag kang feeling close, babae.” saka siya naglakad at iniwanan ako. Ang aking ngiti ay mabilis na nabura at napasimangot. Akala ko ba friends na kami?
8th Hooked
Friends
Sinundan ko ng tingin ang bawat galaw ni South sa bahay nila Trey. Na kapag tumitingin ito pabalik sa akin ay napapasimangot agad ako. Minsan ay bumibigkas ako ng ‘please’ kaya bibigkas rin siya ng ‘ayoko’ sanhi para mapasimangot ako lalo.
“Bukas ulit, Nana! Babye.” Winagayway sa akin ang kamay ni Franca na ikinawagayway ko rin ng akin at nginitian siya pabalik.
Binalingan ko rin ang kambal. “Babye North! Babye, South!” I smiled at them. Tumango si North na may ngiti sa labi maliban kay South na hindi man lang ako tiningnan.
Siguro kung si North ang nakaalam noong secret ko ay papayag siya agad sa gusto ko. Mabait kasi siya at palaging nakangiti hindi kagaya kay South na wala atang mahanap na rason para ngumiti.
Naglalakad na kami ni White pauwi. Si Ken naman ay nakabuntot sa amin at dederitso sa bahay nila White habang ako ay ihahatid nila sa bahay.
“Kanina pa yang labing iyan.”
Itinulak bigla ni White ang aking baba sanhi para mapakurap ako. Binalingan ko ito na inangatan agad ako ng kilay.
“Anong kanina pa?” hinawakam ko ang aking labi.
“Nakasimangot, malungkot.” sabi niya.
Ngumuso ako at nag-isip sandali ng alibi. Di ko naman pwedeng sabihin na dahil iyon kay South. Baka kung anong isipin niya sa akin.
“Oh? Malungkot ka?” puna agad ni Ken sa akin, inakbayan ako.
“Hindi…” mahina kong sabi pero bakas roon ang lungkot.
Nagkatinginan sila sandali ni White saka kinurot ni Ken ang aking pisngi.
“You know I’m just teasing you. Nasasaktan kana sa sinasabi kong fangirl ka lang at hindi mapapasayo iyong lalake na ’yon?”
Umiling agad ako kay Ken kaya kahit iyong isa niyang kamay ay ininat na ang kabila kong pisngi. Ngayon ay dalawang kamay niya na ang umiinat sa magkabila kong pisngi.
“Bawal kang sumimangot. Masakit sa mata yan.”
“Aray, Ken!” pinaghihila ko ang kanyang kamay.
Ngumisi siya na ikinailing lang ni White. Nasa amin ang tingin. Inakbayan niya akong muli, hawak na ang aking ulo.
“Magkano ba iyang si Aries at bibilhin nalang namin para sa’yo?”
“Di naman nabibili si Aries…”
“Oh edi ikaw nalang ang ibebenta namin sa kanya.”
Sumimangot ako lalo kay Ken na humalakhak lang at nagawa na namang suklayin paatras ang kanyang buhok.
“Mahirap maging fangirl. Minsan naiisip mo na kontento kang maging tagahanga niya lang pero palagi mo ring hinihiling na sana, ikaw nalang.” sabi ni White sa akin.
Tumango naman si Ken. Mas idinikit ako sa kanya. “May mga alak naman sa 3DBar. Sasamahan ka namin pag brokenhearted kana at gusto ng magpatiwakal. Alam mo namang supportive akong pinsan, kahit ako nalang ang magtali sa leeg moㄧ
“Gago ka talaga.” Hinila ni White ang kanyang tenga paalis sa akin kaya dumadaing na humiwalay ito. Napahagikhik ako.
Sinikap ko nalang tumawa habang hinahatid nila ako sa bahay. Nakalimutan kong apektado pala sila sa tuwing malungkot kami. Kahit si Ken na bully palagi sa amin, pero pag malungkot kami, doon agad lumalabas ang pagiging concern niya. Sa kanilang pito, di ko pa sila nakitang magalit pero pagdating sa aming mga babae, doon sila sumisiklab. Lalo na iyong bata pa ako, noong aksidente kong nabasa iyong messages ni White. Kuya Grey was so mad. Kahit si White ay galit rin.
Gabi na at tulala lang ako sa ceiling. Kung hindi tumunog ang aking cellphone ay hindi ako babalik sa aking katauhan.
Maybe it’s White?
Nilingon ko iyon sa aking gilid at nagtaka nang isang unknown number ang tumatawag. Sino ito? 10 pm na ah?
Sinagot ko iyon.
“Hello?”
“Hey. It’s me… Aries.”
Nanlalaki ang aking mga mata at mabilis na napabangon sa aking kama. Tiningnan ko pa ang screen ng aking cellphone na tumatakbo pa ang tawag saka huminga ng maluwag.
“A-Aries!” Excitement was shown all over my face. Na kahit sa tono ng pananalita ay may pananabik roon.
“Did I disturb you from sleeping? Kakatapos lang ng tour ko and I’m sorry it took me long to call you. I’ve been so busy…” he said huskily. Halata ang pagod sa malalim na boses.
“H-Hindi! Okay lang! Alam ko naman na busy ka…” hindi mapakali ang aking mga mata at gumagala sa kung saan. Kinuha ko pa ang malaking teddybear at iyon ang pinanggigilan ko para ilabas ang sumasabog kong emosyon sa loob.
“Thank you. But I’ll be free on Monday. We can meet at 8 pm. If that’s okay? Don’t worry, I’ll drive you home after. Pwede ka ba niyan?”
“Oo pwede ako.” sagot ko agad, ni hindi na makaisip ng rason kung ba’t ko iyon tatanggihan.
“May photoshoot ako sa umaga at fanmeeting sa hapon. So maybe I can talk to you at night?”
Tumango tango ako. “Okay! Pwede naman.”
“Okay.”
“Aries you need to sleep now. Maaga pa tayo bukas. May Mall tour ka pa.” narinig ko ang boses ng babae sa kabilang linya.
Aries sighed. “That’s my manager. So… I’ll call you again tomorrow?”
Tumango ako. “Okay lang Aries. Matulog kana kasi marami pang mga fans mo ang naghihintay sa’yo. Hihintayin ko nalang ang tawag mo ulit.”
“Okay. Good night. See you on Monday.”
Napangiti ako roon ng matamis. “See you… Good night.”
Pagkapatay ng tawag ay naibagsak ko agad ang aking sarili sa kama at nayakap ng mahigpit ang aking teddy bear. I wanted to scream so bad, gusto ko ring magtatalon sa aking kama pero ang lahat ng iyon ay idinaan ko nalang sa pagpapatid at halos madisarrange ko na ang aking bedsheet. Magkikita kami sa Lunes! 8 pm! Tapos ang curfew ko 10, edi may isang oras kami! Makakausap ko na ulit siya! Yehey!
Kaso nang napagtanto ko rin ang kondisyon ni Daddy kung lalabas ako tuwing gabi, hindi ko mapigilang malungkot.
Kaya kinabukasan, sumama ulit ako sa clubhouse. Kompleto na ulit ang mga babae at maingay na naman si Chey sa pagchicheer kay Kuya Toshi. Si Kuya Grey sa tuwing nagshoshoot ng bola ay palaging pumapalya na halos sabunutan niya na ang kanyang buhok at umiigting narin ang panga dahil sa gumuguhit na galit sa kanyang mukha.
“Lakasan mo pa, Chey! Mananalo kami nito!” tumatawang hiyaw ni Ken sa may bleachers lalo na’t kalaban nila si Kuya Grey.
“Hayop ka talaga.” Binato ni Kuya Grey ng gatorade si Ken na nasalo rin naman nito.
Hindi ko naman maiwas ang tingin ko kay South. Nakasunod ang mga mata ko sa pagtakbo niya, suot ang itim na tshirt, pawisan at sumisinghap dahil sa pagkahingal. Naikuyom ko ang aking mga kamay sa aking kandungan. Paano ko ba makakausap ng matino si South? Magpaalam kaya ako sa mga pinsan ko? Pero baka pati kay South bakuran narin nila ako.
Binalingan ko si Cassey sa may bleachers na iniikot ikot ang daliri sa dulo ng kanyang buhok. Tan skin na ito at namumula pa ang pisngi. Nagpa new hairstyle kasi siya.
“Parang noodles ang buhok mo, Cass.” komento ni Franca sa kanyang bagong hairstyle at hinawakan pa iyon.
“Is that a compliment?” ngumiwi siya.
“Maganda naman sa’yo.” dagdag ko pa.
“Oo. Pwede kanang mag endorse ng pancit canton.” si Franca na masyadong malambing ang boses at ngumingiti pa ng matamis.
Cassey frowned at her. “Are you really nice or what? Nagdududa na talaga ako sa’yo.”
“Sinasabi ko lang naman ang totoo. What’s wrong with that?” inosenteng tanong ni Franca.
Nabitin ang nakaawang na bibig ni Cassey sa ere nang gumulong rito sa bleachers ang bola. Si White agad ang tumakbo para kunin iyon.
“Ang ganda ng new look ni Cassey, White oh.” I even pointer her hair na ikinatingin ni White sa kanya sandali. Walang gumuhit na kung ano sa kanyang ekspresyon pero nagtagal iyon ng halos limang sigundo.
Pinulot niya ang bola at binalingan ulit si Cassey na nakataas na agad ng kilay.
“Yeah it’s nice.”
Napahagikhik kami ni Franca. Cassey even blushed.
“But isn’t too early to dress for halloween?” dagdag pa ni White saka rin tumalikod. Zera’s laughter filled the atmosphere.
“That feeling when your crush can’t even appreciate your new look!” sabi ni Zera sa malakas na boses, hindi mapigil sa pagtawa. She got this creepy laugh na medyo pamilyar rin. Parang ano… nadedemonyo?
“I’m prepared for your funeral actually, White.” pahabol na sagot ni Cassey, matalim na ang tingin sa likod nitong naglalakad sa gym.
White stop midway. Nilingon niya ito pero ang ulo lamang ang gumalaw para tingnan si Cassey sa likod.
“Bakit? Patay na patay ka ba sa akin?”
Sumipol ang mga lalake. Ken even clapped.
Namula ng sobrang ang mukha ni Cassey. Hindi ko alam kung dahil ba sa kahihiyan o sa kilig o sa galit. Hindi iyon matukoy.
Nagpatuloy sa paglalakad si White at tumakbo rin ulit sa gym. Ken even tap his shoulder twice, tawang tawa ito.
“Mga Delafuente, ibang klase rin kung bumanat.” naiiling na komento ni North at ngumingisi.
After the game, sumama ako ulit kina White. Iyong mga babae naman ay nagdesisyong sumeparate. Kami lang ulit ni Franca at Irah ang nasama sa mga lalake.
Nasa may pool area halos lahat ng mga lalake. Kaya noong pumasok si South sa bahay ay agad akong sumunod. Nadatnan ko siya sa kusina na kumukuha ng mga sanmig.
“South.” tawag ko agad.
Nakayuko siya sa may ref at inilabas ang iilang bote ng sanmig.
“Oh?”
Nilapitan ko siya at tumulong ako sa pagkuha ng sanmig. Tumayo siya ng tuwid at itinulak ang aking noo kaya napaatras ako.
“Bait bait dahil may kailangan.” umismid siya sa akin.
Ngumuso ako at nailagay ang aking mga kamay sa aking likod. Pinaglalaruan ko na roon ang aking mga darili.
“Kasi ano, si Aries tumawag sa akin kagabi.”
Umangat agad ang kanyang kilay. Isinara niya ang ref at ibinulsa ang mga kamay, sumandal na roon.
“And?”
“At ano… sa lunes daw, magkikita daw kami. 8pm daw. Tapos sabi ni Daddy hanggang 10pm lang daw ako.”
“8pm? Makikipagkita siya sa’yo sa gabi?”
Tumango ako. “Kasi sa umaga busy siya. May photoshoot siya tapos fanmeeting. Sa gabi lang free niya.”
Nakumbinsi rin naman siya pero hindi parin naaalis sa kanyang mga mata ang insulto. Na may mali sa sinasabi ko kaya ganoon iyon kagalit sa kabila ng pagiging kalmado niya.
“Please… gusto ko siyang makita. P-Patulong…” Hinawakan ko ang kanyang braso habang namumungay ang aking mga mata sa kanya.
Sandaling nahulog ang tingin niya sa aking braso.
“Why are you dragging me on your mess?” saka siya nag-angat ng tingin sa akin.
“K-Kasi…”
“Dahil alam ko ang sekreto mo?”
Tumango ako. “Kasi… f-friends na tayo…”
“You get easily hooked with the person around you. Ganyan ka ba kadaling maattach?” it was like a tone of mockery. Hindi ko alam kung ikinakagalit niya ba ang bagay na iyon o hindi lang talaga siya makapaniwala dahil nagfefeeling close na agad ako sa kanya.
“Sa ugaling ganyan, baka maabuso ka. Magamit.” galit na ang boses na iyon.
“Ibig sabihin abusado ako kasi gusto kitang gamitin?” tanong ko na ikinasira ng kanyang ekspresyon.
“Oo abusado ka.” sabi niya na ikinabuntong ko ng hininga. “I’m sorry.” Bumitaw ako sa pagkakahawak sa kanyang braso at yumuko. Masama nga naman iyon Nana. Na aabusuhin mo siya. Palagi pa namang pinapaalala sa akin ni Dad na maging mabait at hwag gumawa ng masama sa kapwa dahil iyon ang magiging susi mo sa paraiso sa langit. Ayoko namang mapunta sa impyerno at ayokong makapanakit ng kapwa tao.
Pumunta ako sa pool area. Dumako agad sa akin ang tingin ni White kaya nginitian ko ito ng tipid.
Nasa gilid naman ng pool si Irah. Nakatube nalang ito at shorts short habang inilulublob ang kalahating paa sa tubig. Kinukunan naman siya ng litrato ni Franca.
Naupo ako sa may veranda. Umahon naman agad si White at sinuklay paatras ang basang buhok.
Kinuha niya iyong puting towel at isinabit sa kanyang balikat habang naglalakad patungo sa akin.
“What’s with that face?” Hinilamos niya ang basa niyang kamay sa mukha ko kaya napahiyaw ako.
“You’re wet. Go away, White.” natatawa ko siyang itinulak kaso imbes lumayo, ngumisi lamang siya at mas lumapit.
“Mababasa ako!” mas natawa ako nang hinawakan niya ang aking beywang at inusog ako papunta sa kanya.
“Kadalasan sa fangirl tamad maligo. Kaya kahit mabasa takot na.” sabi niya sa akin na kahit ang aking dalawang hita ay akma niya ng kakargahin.
“Hey! No! Ayokong mabasa!” ginalaw galaw ko ang aking mga binti. White just chuckled. Nasa likod ko na ang isa niyang kamay at kulang nalang ay iangat ako sa ere.
“I’ll throw you on the water.” sabi niya na ikinatili ko lalo. Kaso sa kabila ng nakakabasag kong sigaw, may literal namang nabasag sa aming likuran.
Natigil sa kakakulit sa akin si White at kapwa kami napalingon sa likod.
“Fuck,” South cursed loudly. Galit na ang mukha at nakatingin sa nabasag na isang bote ng sanmig. Kakalabas niya lang ata at aksidente iyong nabitiwan.
Nagtungo agad si White roon at tumulong sa pagbitbit ng iilang bote. South look at him pero naiinis ring nag-iwas ng tingin.
“It slipped on my hand.” sabi ni South.
“Okay lang. May katangahan rin talaga tayong mga lalake.” si White.
Akma akong bababa sa veranda at tutulong narin sana nang kapwa sila napalingon sa akin.
“Stay there.” sabay nilang sabi. Nagkatinginan silang dalawa saka rin naiinis na iniwas ni South ang kanyang tingin.
“Baka may maapakan ka eh mas tanga ka.” naroon parin ang pagkainis sa mukha niya na kahit sa tono ng pananalita ay mahihimigan mo narin. Ngumuso ako at pinanood nalang silang dalawa.
“She’s really clumsy.” pagsang-ayon naman ni White.
“Anong meron dito? Ba’t kayo nagbabasag?” biglang litaw ni Ken at nag-usisa agad.
“Oh? Anong problema niyong dalawa? May pinag-aawayan ba kayong babae? Sino iyan?” dagdag pa ni Ken sanhi para ipokpok ni White iyong isang bote sa kanya.
“Ba’t di ka tumulong sa pagdala nang mapakinabangan ka.” inis na sabi ni White na ikinahalakhak nalang ni Ken.
Ang mga pinsan ko ang nagdala ng bote habang si South naman ay kumuha ng panglinis sa loob para linisin iyon.
Paglabas niya ay natuon agad ang tingin niya sa akin pero nailing lang rin at naiinis na yumuko para simulang pulutin iyong mga basag. Badtrip ba siya? Ngayon ko lang nakita iyong inis sa mukha niya.
“Gusto mo ng tulong?” tanong ko.
“Mukha bang kailangan ko ng tulong?” suplado niyang sagot na ikinaguso ko nalang. Galit ba siya kasi nanghihinayang siya sa natapon na sanmig? Masama pa naman ang nagsasayang ng pagkain at inumin.
“Di mo naman sinasadya.” sabi ko.
Hindi siya sumagot at itinuon ang buong atensyon sa pagliligpit.
“Mag-ingat ka South. Masusugat ka.” Tinagilid ko ang aking ulo para masilip lang ang kanyang ekspresyon. Kagat kagat nito ang pang-ibabang labi at nagkakasalubong ang kilay, seryoso sa pagliligpit.
“Wear your slippers when you decided to walk here,” nag-angat siya ng tingin sa akin at agad na nagkatitigan. Ngumiti ako at tumango. Umawang ang kanyang labi, saka rin nag-iwas at binasa ang pang-ibabang labi.
“Dahil pag nagkasugat ka. Di ko na iyon kasalanan.” dagdag niya pa.
Tumango tango ako at sinundan ng tingin ang kanyang likod na pumasok ulit sa loob. Ilang sandali lang ay lumabas ulit siya, may dalang mop. Tiningnan niya ako saglit, ngumiti ako ng tipid na ikinaiwas niya rin ng tingin.
“Follow me.” sabi niya saka ulit pumasok.
Napakurap ako roon. Luminga linga pa ako at napagtantong kami lang namang dalawa dito. Ako ba sinabihan niya noon?
Umalis ako sa railings kung saan ako nakaupo at naglakad papasok. Ang kusina ang komokonekta rito sa kanilang likuran patungo sa pool area. Natagpuan ko agad siya sa may counter, nakaupo siya roon.
Nilingon niya ako at sinenyasang lumapit. Naglakad agad ako patungo sa kanya.
“Bakit?”
“Since I’m free on Monday…” nahipo niya ang kanyang batok, nasa ibang direksyon ang tingin habang ang isang kamay ay nakahawak sa gilid ng counter.
“And I’m bored… So maybe I can drive you.” he said huskily. My eyes settled on his throat. His adam apple moved sexily as he swallowed, wala parin sa akin ang tingin.
Pumunta ako sa harapan para makita ang kanyang mukha. I heard his gasps pero mabilis ring naging blangko ang mukha.
“Payag kana?!”
Tumango siya kaya napahakbang ako papalapit sa kanya at nahawakan na ang kanyang braso.
“Talaga?!”
His face wrinkled at he pushed my forehead away from her.
“Not too close. I am just doing you a favor. Since I’m a bit bored. At gusto ko rin lumabas ng bahay. Gusto kong mamasyal sa gabi.” Nag-iwas ulit siya ng tingin sa akin.
“Edi friends na talaga tayo.” Humagikhik ako. That irritates him.
“Salamat, South.” pahabol ko agad.
May dinukot siya sa kanyang bulsa at inilahad sa akin ang kanyang cellphone.
“Type your number.”
Itinipa ko agad ang aking number roon saka ko ibinalik sa kanya. May kung ano siyang itinipa roon at ibinalik ang tingin sa akin kasabay ng pagring ng cellphone ko sa aking suot na short.
Kinuha ko iyon at nakita ang unknown number.
“Save mine. We’ll just text each other. Or I’ll just call you.”
Ngumiti ako sa kanya at tumango. Isinave ko agad iyong pangalan niya doon sa number saka ulit siya tiningala sa counter.
“Thank you ulit. Pag may secrets ka pwede mo ring sabihin sa’kin. I’ll keep it.” I smiled at him merilly. He stared at me for awhile, lips parted a bit.
“Secret nga tapos sasabihin.” He tsked and avoid my gaze. I giggled. “I’ll keep it too.”
Umiling lamang siya, nabasa ang pang-ibabang labi at nagiging misteryoso na naman ang mga mata. Bakit kaya nagbago ang isip niya at pumayag?
9th Hooked
Dinner
I am smiling from ear to ear after having a conversation with South. Nang makita ni Ken ang hindi mabura bura kong ngiti, mabilis niyang natapik si White kaya napalingon narin sa akin ito.
“Nababaliw na talaga ang fangirl na iyan.” narinig kong sabi ni Ken na ikinailing ni White. I just giggled.
“Irah. Look at South. Parang may kakaiba.” narinig ko ring sabi ni Franca sa pinsan niya kaya kahit ako ay natingnan na si South na kagat kagat ang pang-ibabang labi at parang nagpipigil ng ngiti habang may tinititigan sa cellphone nito.
“Wala akong pakialam sa buang na iyan.”
“Buang?”
“It means crazy. I heard it from Tita Aly.”
Franca giggled. Kahit ako ay natawa narin sa narinig. Sakto namang nag-angat ng tingin sa akin si South kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin.
Hinatid rin naman ako ni White sa bahay. Hindi na ako dumeritso sa kanila total malapit narin maggabi.
6pm na noong nagdesisyon akong magpalit ng bearprints pajama at longsleeve na may buttons. Itinali ko nalang ang aking buhok at hinintay sina Mommy at Daddy sa sala. Mga 7 kasi sila umuuwi. Palagi akong excited na salubungin sila.
Nagbeep ang aking cellphone at nakatanggap ng mensahe kay South.
South: Tomorrow is Monday. Is your Dad around?
Nagtipa agad ako ng mensahe. Oo nga pala. Kailangan ko siyang ipakausap kay Daddy.
Ako: Tuwing gabi lang nandito si Daddy. Busy siya sa work.
Hindi nagtagal ay nakatanggap agad ako ng mensahe sa kanya.
South: Ngayon?
Ako: Huh? Ngayon mo ako ipagpapaalam?
Sandali itong natagalan. Umupo ako sa sofa sa sala at hinintay ang reply nito. Maya maya, dadating na sila Mommy at Daddy.
South: Ikaw bahala.
Ako: Pwede ngayon?
South: Yeah
Ako: Okay. Hihintayin kita sa gate.
Natagalan ito sa pagreply. Naglaro pa ako ng hotdog bush at ilang sandali lamang ay nakatanggap ulit ako ng text galing sa kanya.
South: I’m outside your house.
Mabilis akong napatayo at tumakbo na palabas. Suot ang indoor slipper ay nagtatakbo na ako para pagbuksan ito ng gate.
Pagkabukas ko ng maliit naming gate, nakita ko agad ito sa gilid, nakasandal at nasa paa ang tingin. Ang dalawang kamay ay nakabulsa sa suot na itim na jacket at nakahoody pa.
“South,” tawag ko kaya awtomatiko niyang binaba ang hoody para matingnan ako. His messy hair were exposed as his dark and mysterious eyes settled on me.
“Pasok ka.” Iminuwestra ko ang loob. Naglakad naman siya patungo sa akin at pumasok sa gate.
“Wala pa si Daddy at Mommy pero maya maya dadating rin sila. Si Manang lang ang kasama ko. Iyong mga pinsan ko kasi mukhang naglalaro na naman ng video game sa bahay nila White.” pagkukwento ko sa kanya habang naglalakad kami papasok sa bahay.
Nilingon ko siya sa aking likod na gumagala ang tingin. Masyadong girly ang aming bahay dahil sa mga purple curtains na si Mommy mismo ang nagpalagay.
“Nana, nandiyan na ba ang mga magulang moㄧ” Natigilan si Manang nang makita ang imahe ni South. Nanlalaki ang kanyang mga mata at natakpan pa ang bibig.
“Manang, si South po.”
“Alam ba ito ng mga pinsan mo?” nabibiglang tanong ni Manang na ikinailing ko.
Marahang yumuko si South, “Good evening, Ma’am.”
Tumango tango si Manang. Magalang pala itong si South?
“Boyfriend mo, Nana?” si Manang.
“Hindi po, Manang. He’s my friend po. Yayayain niya po akong lumabas at kakausapin niya po si Daddy at Mommy.”
Mas lalong nagulat si Manang. Di ko nga alam kung bakit. Pero totoo naman talaga. Iyon ang plano namin ni South.
“Sige, dadalhan ko kayo ng meryenda sa sala.” palipat-lipat ang tingin ni Manang sa akin at kay South. Hindi makapaniwala ang kanyang mukha na kahit ako ay nagtataka narin. May nakakagulat ba dito? Siguro naintimidate siya sa imahe ni South?
Umupo si South sa sofa, nasa loob parin ng jacket ang mga kamay.
“Sabihin mo nalang kay Daddy na mamamasyal tayo ha. Tapos uuwi tayo before 10.” panimula ko.
“I’ll tell him you’re going to meet that Aries.” he smirked at me.
Nanlaki agad ang aking mga mata. Hinawakan ko ang kanyang braso.
“Mapapagalitan ako! Hindi naman iyan ang napagkasunduan natin!” nakasimangot kong sabi na ikinangisi niya.
“Gusto kong makita kang pinapagalitan ng Daddy mo eh. Para magrounded ka at di mo na ako makulit.”
My eyes widened. “Ang sama mo sakin! Akala ko ba friends na tayo?” I pouted as I look at him with my puppy eyes.
“We’re not.”
“Pero kinuha mo ang number ko tapos pumunta ka pa dito.”
“Ibubuking lang naman kita sa Daddy mo. Akala mo naman tutulungan kita.” Nang-aasar ang boses na iyon at hindi ko na mapigilang mapasimangot. Binitiwan ko ang kanyang braso at yumuko.
“Seryoso?”
“Maliban nalang kung…”
“Kung ano?” Nag-angat agad ako ng tingin sa kanya. He’s pinching his red lowerlip while thinking about something.
“H’wag yang mahirap ah.” singit ko pa.
“Psh, nevermind. Wala akong maisip.” Ibinalik niya ulit sa kanyang jacket ang kanyang kamay.
Hindi ko alam kung nang-aasar lang talaga itong si South o ano. Natahimik ako saglit lalo na’t tahimik narin si South. Naging busy na ako roon sa meryendang inilapag. Puro iyon mga bake cookies.
“Pst,” sitsit sa akin ni South. Itinuro niya ang gilid ng kanyang labi. Ako lang ang kumakain eh. Hindi siya mahilig sa matatamis.
“Huh?”
“May dumi.”
Napakurap ako at kinapa iyon pero wala naman. Naiirita siyang lumapit sa akin at siya mismo ang kumuha noon. Sandali akong natigilan lalo na’t ang lapit lapit niya na. Napatitig ako sa mga mata ni South. Ang mala tsokolateng kulay ng kanyang mga mata ay mas malinaw ko ng nakita. Nagkasalubong ang kanyang kilay sa paninitig sa akin at nairita agad.
“Aray.” daing ko nang kinurot niya ng malakas ang pisngi ko. Bumalik siya sa kanyang pwesto at nag-iwas na ng tingin.
“Kinurot mo ako,” hinawakan ko ang aking pisngi. Pakiramdam ko tuloy namumula iyon.
“Akala ko kasi dumi rin. Pisngi na pala.” He bit his lowerlip as he tried to control hisself from smiling. Sumimangot ako at ipinagpatuloy nalang ang pagkain. Ba’t feeling ko napakabully nitong si South?
Ilang sandali lamang ay narinig ko na ang pagkakabukas ng malaki naming gate at ang busina ng sasakyan ni Daddy. Napatayo ako habang si South naman ay naipagsalikop na ang kanyang mga kamay at nakabukaka ang mga hita. Nakasandal roon ang kanyang mga kamay na akala mo may dinadasalan na kung ano.
“Sweetie!” Mom smiled at me and spread her both arms kaya mabilis akong tumakbo sa kanya at niyakap ito ng mahigpit.
“Welcome home, po!” I kissed her cheek as she swayed me.
“I missed my daugther! How are you? Di ka ba binully ni Ken?”
Sumunod naman na pumasok si Dad. “May nangbubully sa prinsesa ko?”
Mabilis akong humiwalay kay Mommy at tumakbo narin kay Daddy.
“Welcome home, Daddy!” I kissed his cheek too. “Si Ken po minsan binubully ako pero nandiyan naman si White to protect me. At sabi ni Ken na joke lang naman iyon.”
Nailing si Dad. “Mana talaga iyan sa ama niyan. Noon, napakabully rin sa akin ni JK.”
Mom and I laughed. Naalala ko bigla si South kaya binalingan ko ito sa may sala. Nakatayo na siya roon at nakapamulsa, kalmadong nakatingin sa amin.
Natuon rin ang mga mata ni Mommy at Daddy sa kanya.
“South?” Nakangisi na si Mommy at may pinupunto ang pagkurba ng kanyang labi. Dad frowned.
“Good evening Madame, Sir.” he lightly bow down his head.
“Oh my gosh! Siya ba iyong nagyayaya sa’yong lumabas, Nana?” kinikilig na tanong sa akin si Mommy. Tumango naman ako, humagikhik narin.
“Hey, you two, calm down.” awat sa amin ni Dad kaya napanguso ako. Si Mommy naman makahulugan na ang tingin sa akin.
“Daddy, nandito po si South kasi lalabas po kami sa Monday. Ano po, ipagpapaalam niya po ako sa inyo. Di’ba South?” Binalingan ko agad si South na marahan namang tumango. Napangiti ako ng matagumpay. Di niya naman pala ako isusumbong eh!
Mommy laughed while Daddy lightly pinched the bridge of his nose.
“Jimin ha. Iyong kondisyon mo ay natupad ng anak mo. You can’t say no at hindi mo pwedeng pagbawalan ang mga bata. South’s family is our family friend. We should be thankful! Kakilala lang natin ang gustong makipagdate sa anak natin.”
“Mommy di po iyon date. Lalabas lang po kami ni South.” pahabol ko agad na kapwa ikinatingin nila sa akin. South pressed his lips from each other. Nag-iwas pa siya ng tingin at pinipigilan ang sarili na matawa. Tama naman iyong sinabi ko ah?
“I’ll drive her home before 10, Sir.” sabi pa ni South.
“Akala ko pag 20 na si Nana, doon ko na mararanasan ang bagay na ito. Why is it too early?” Daddy said, fustrated. Mom just laughed.
“Tumatanda kana daw kasi sabi ni Nana.” and then he frowned.
Doon na siya pinagdinner ni Mommy at Daddy sa bahay. Katabi ko si South habang ganado naman akong kumakain. Sa lunes magkikita na kami ni Aries! Yehey!
“Since when did you start hooking with each other?” Mom’s sweet smile never left her lips. Si Daddy naman naninimbang ang tingin kay South.
“Hooking?” Dad’s face wrinkled.
“Daddy, friend na po kami ni South last week lang po.” sagot ko at sumubo. Si South naman parang nabobother sa sinasagot ko.
“Last week?” di makapaniwalang tanong ni Dad, nahahaluan na ng kung ano ang ekspresyon ng mukha.
“We’re getting to know each other, Sir.” si South naman na ikinanguso ko.
“Hindi kaya. Kilala na natin ang isa’t isa.”
Palihim niya akong sinamaan ng tingin. May pinupunto na iyon na hindi ko gaanong magets.
Mommy laughed. “Look what you’ve doon to her Jimin! Masyado siyang inosente! Noong kaedad ko iyan, ang rami ko na atang nakakamakeㄧ
“Don’t start a conversation like that, Ab. Ayokong magselos at ayokong mag-away tayo.” si Dad na ikinatango tango agad ni Mommy, hindi nawawala ang pilyang ngiti.
“We’re taking it slow, Sir.” sagot ulit ni South na ikinailing ko.
“Hindi! Sa lunes na tayo mamamasyal, South. Bukas na ’yon.”
Nailing si Daddy, problemadong problemado. Si Mommy naman napapahalakhak. While South’s death glares at me became worst. What’s wrong with my answers.
South glared at me again secretly. Para iyong nagbabanta at inaawat ako. Bumigkas naman ako ng ‘bakit’ sanhi para mapabuntong siya ng hininga. Bakit? Mali ba ang mga sagot ko?
“May namamagitan ba sa inyo?” tanong ni Dad, seryoso ang mukha.
Tumango agad ako. “Opo Daddy. We’re friends na po.”
“God, angel. Kindly keep quiet for awhile.”
Napanguso ako sa sinabi ni Dad. Mom chuckled again.
“Yes, Sir.” sagot naman ni South na ikinapalakpak ni Mommy. Dad frowned even more. Di alam kung matutuwa ba o ano.
“I’m really glad at may iba ng lalake sa buhay ni Nana maliban sa mga pinsan niya. Akala ko hindi na ito magkakainteres sa mga lalake dahil narin sa pananakot ni Jimin sa kanya.”
“I am not scaring her, Ab.” Humaplos na ang kamay ni Daddy sa hita nito.
“You’re scaring her, Jimin.” tinaasan agad ni Mommy ng kilay si Dad.
Sekretong nagtipa ng mensahe si South sa ilalim ng mesa. Kalaunan ay tumunog rin ang akin habang nagdedebate sa aming harapan si Mommy at Daddy.
South: Ang daldal mo.
Ako: Tama naman mga sagot ko ah? Baka kasi isumbong mo ako bigla kay Daddy! :’<
He glared at me for the nth time secretly at nagtipa ulit ng mensahe.
South: Isusumbong kita kung di ka tumigil sa kakadaldal. You’re stirring up a rumor between us.
Ako: Huh? Tulad ng ano?
South: I’m your suitor.
Nanlalaki ang aking mga mata. Pero sabi ko naman na friends lang kami. At mamamasyal lang sa lunes. Hindi naman ganoon ang manliligaw.
Ako: Friends kaya tayo!
South: You know we’re not.
Ako: Ang sama mo. :’<
“Mag-usap tayo sa labas, South.” sabi ni Daddy kaya tumango si South at sumunod kay Daddy na naglalakad na palabas.
Tiningnan ko pa si South na sinamaan lang ako ng tingin. Napanguso nalang ako hanggang sa unti-unti rin silang mawala ni Daddy.
“I knew it! Mana ka talaga sa akin, Nana. Alam mo, when I was at your age, ganoon rin ang mga taste ko sa lalake. Mataas standard ko at sikat ako sa school.” Kinindatan ako ni Mommy.
“Boto po kayo kay South na maging friend ko, Mommy?” tanong ko at sumubo ng pagkain.
Tumango tango siya. “Of course! Kahit pa more than friends! He’s our family friend. Pero sabagay, sabi naman ni South you two are taking it slow.”
“Pero sa lunes na ’yon…” bulong ko sa aking sarili at napasimangot. Mom is already clouded by her imagination habang ang aking mga mata naman ay natatangay na sa labas kahit imposible ko naman silang makita rito.
Pagkatapos ng dinner ay nanatili muna kami ni South sa veranda. He has this evil stare that scares me while we’re sitting on the railings. Nakasayad ang kanyang mga paa at maliban sa akin na nakasquat talaga.
“Bakit?” nakasimangot kong tanong.
“Pahamak.” inis niyang sabi na ikinasimangot ko lalo.
“Pinagalitan ka ba ni Daddy?”
“Babantayan daw kita. Ano ako, babysitter mo?”
“Pero nandiyan naman si White. Di mo na iyon kailangang gawin. Kasi naman feeling nila kinder parin ako.”
“O talaga? Tingin ko sa’yo nursery eh.” sarkastiko niyang sabi at napaismid pa.
Ang sama talaga! Bakit niya ba ako inaaway?
“Inaaway mo ba ako?” tanong ko.
“Hinamon ba kita ng suntukan?”
Umiling agad ako.
“Edi hindi.”
“Pero nandiyan naman ang mga pinsan ko. Si Whiteㄧ he tsked. “….para magbantay sa akinㄧ
“Napakangako na ako sa Daddy mo. Di ko na ’yon pwedeng bawiin.” Nag-iwas siya ng tingin. “I’m going to look after you from now on.”
“Bakit naman?” Itinagilid ko ang aking ulo para masilip lang ang kabuuan niyang ekspresyon na iniiwas niya.
“Eh sinisekreto mo sa mga pinsan mo iyang pagkikita niyo ni Aries. Ako magbabantay sa’yo pag nagkikita kayong dalawa.”
Oo nga naman.
Itinuon ko ang tingin sa itaas at nakita ang mga bituin sa langit. Sobrang rami nila ngayon. Sobrang lapit nila sa isa’t isa at sabay na kumikinang.
“Bakit kaya ipinangalan ka sa direksyon ng parents mo ’no?” I asked him randomly. Sa gilid ng aking mga mata, imbes tumingala rin siya ay nasa akin ang kanyang tingin.
“Ask my Mom.” he whispered.
I just smiled and glanced at him. “Siguro pag naligaw ako at kasama kita hindi ako mawawala. Kasi alam ko, nasa tamang direksyon ako.” Humalakhak ako sa sarili kong banat.
Nailing siya. “Normal pala talaga sa inyo iyang mga banat na ganyan.”
“At normal naman sa inyo ang mga matang ganyan.” I look at his intimidating eyes. It never changed. Habang tumatagal, mas lumalalim lang ang mga matang iyon.
The wind blow my hair. His lips parted a bit and avoided my gaze. Lumunok siya ng laway at tiningala ang langit.
“Friends na tayo ha.” sabi ko sa kanya na hindi niya sinagot. “Sabi sa akin ni Mommy noon, di daw ako mahihirapang magkafriends kasi mabait daw ako. Pero bakit parang ang hirap ata? Di pa ba sapat iyong mabait?”
“Sapat na iyon. Ang hindi sapat, iyong label na binibigay mo sa isang tao na naghahangad ng higit pa.” Lumingon siya sa akin, may pinupunto. “May iba na hindi papayag na hanggang kaibigan lang, Nana.”
That made me silent for a moment. Alam ko naman na ignorante talaga ako sa mga bagay bagay. Na hindi malawak ang pang-unawa ko at wala ganoong naiintindihan sa nakapaligid sa akin. Para akong isang kasangkapang maingat na itinatago sa isang baul at inilalabas lamang pag kailangan na. Ganoon ako sa sarili ko. Distansya ako noon sa tao, nahihiya at natatakot makibagay sa mga nakapaligid ss akin na ang tingin ay isa akong mamahaling kasangkapan na dapat ay nahihiwalay sa mga hindi ko kauri. Namulat ako na iniiwasan ng karamihan dahil lang Delafuente ako. Kaya nga sinisikap kong ako mismo ang makibagay sa nakapaligid sa akin. Sinisikap ko silang intindihin kahit na minsan, may mga taong mahirap basahij at hindi mo talaga mapunto kung ano ang tingin sa’yo.
Napaawang ang aking bibig para sana sumagot nang tumunog ang aking cellphone. Nang makita ko kung sino iyon ay ganoon nalang ang panglalaki ng mga mata ko.
“S-Si Aries!”
Mas naging misteryoso ang mga mata ni South. His stares were already cold as he reached for my phone. Siya mismo ang sumagot at iniloudspeak saka ulit ibinigay sa akin.
Magtatanong na sana ako kung para iyon saan nang magsalita na si Aries sa kabilang linya.
“Hey…” his cold voice made me smile. Nasira naman agad ang ekspresyon ni South sa aking reaksyon.
“Aries…”
“I’m quite busy I’m sorry.” he said sincerely na nagpailing agad sa akin. Nakalagay ang cellphone sa gitna namin ni South at kahit siya, naroon rin ang tingin.
“Okay lang. Uhm, pinayagan na ako ni Daddy bukas. Tapos hanggang 10pm lang daw yung curfew ko.” Sumimangot ako.
“It’s okay. I’ll just drive you home after.”
Sinamaan agad ako ng tingin ni South. He even pointed hisself. Nagbabanta ang kanyang mga mata kaya tumango ako.
“Uh, h-hindi na Aries kasi ano, may susundo naman sa akin pagkatapos.”
“You sure? Who? Your cousin?”
“Ah…” Napatingin ako kay South. Umismid siya.
“Uhm, friend ko. Close friend ko, Aries.”
“Ah, bestfriend.” he chuckled. “So, you done having your dinner?”
“Oo tapos na. Kasama ko si Mommy, Daddy at yung close friend ko.” Binalingan ko si South na may binigkas naman sa akin, sapat lang para mabasa ko sa kanyang bibig. ‘Feeling’.
10th Hooked
First date
Pagkatapos kong makipag-usap kay Aries ay umuwi rin naman si South. Masaya ako sa nangyayari. May bago na akong kaibigan at natutulungan pa ako kay Aries. But South is quite a bully. Di ko alam kung ganoon ba talaga siya o gusto niya lang talaga akong asarin.
Inaayos ko na ang bedsheet ng aking kama para matulog na. Gigising pa ako bukas at magkikita pa kami ni Aries. Kahit ang susuotin ay pinoproblema ko na naman. Pero katulad noong sinabi ni White, dapat suotin ko lang ang gusto kong damit na komportable sa akin at desente tingnan.
May kumatok sa pinto ng aking kwarto. Paglingon ko roon ay sumisilip na si Daddy.
“Can I come in? Di pa ba ako nakakadisturbo?”
Umiling ako at nginitian ng matamis si Daddy. “Nagpeprepare na po ako matulog, Dad.”
Tumango tango siya at tuluyang pumasok. Nakabathrobe pa ito at nasuklay paatras ang buhok habang naglalakad papalapit saakin.
Umupo ako sa gilid. Umupo rin naman siya sa aking harapan at ngumiti.
“Tell me, what do you feel about that guy?” His hand combed my hair as he asked me in his deep yet low voice.
“Uhm,” kumurap ako. “Mabait po si South sa akin, Daddy. At friends po siya nila White.”
“Yeah, I know. I mean, yung nararamdaman mo talaga para sa kanya.”
“Normal naman po.”
My bit his lower lip as he tried to stop himself from smiling.
“I mean, do you like him?”
“Opo!” sagot ko agad na ikinaputla ni Dad. I am the kind of person who can’t hate someone. Bakit mo naman hindi magugustuhan ang isang tao eh ang Diyos nga pantay pantay ang tingin sa ating lahat at mahal tayo, dapat ay ganoon rin tayo sa isa’t isa.
“Really, Nana?” paninigurado niya na ikinatango ko.
“Daddy wag niyo po sabihin kay White ha. Please secret lang po natin ito ni Mommy. My cousins might get mad. Ayaw nilang nakikipagkaibigan ako sa boys. Wala naman akong makitang mali doon.”
“They’re just protecting you, Nana. I’m a bit busy at work at sila ang nandiyan para bantayan ka. Tama naman iyon.”
“Pero Daddy, I am not a kid anymore…” I pouted.
Dad sighed. Ngumiti siya sa akin at tumango.
“Sige. I’ll keep this as our secret. Pero please promise me, hanggang friends muna okay?”
“Friends na po kami, Dad.”
He chuckled. “Oo nga. Kaibigan na kayo.” and then he brushed his hair again backwards.
“Bakit po? Ayaw niyo po ba kay South na maging kaibigan ko?” I look at him using my puppy eyes. Makikita roon ang lungkot at pagkadismaya na ikinabahala ng husto ni Dad.
“Hindi naman sa ganoon, Nana. Hindi lang ako handa at natatakot lang ako sa mga posibilidad na mangyayari sa’yo. You’re just 17. You’re too young, baby…” Naging salamin narin ni Daddy ang aking mga mata. I can see my own eyes in his eyes right now.
“I’m trying my best to be responsible for you to stop worrying about me Daddy.”
He chuckled. “Well, you can’t stop me from worrying. Kahit siguro matanda kana ay mag-aalala parin ako sa’yo.” he tap my nose and chuckled again as his eyes lost it’s sight.
I smiled too and pushed myself closer to him for a tight hug.
“I love you po.”
He caressed my back as he kissed my head. “Love you too, baby. So much.” he whispered to me.
I understand Dad and I can’t blame him for being overprotective to me. Simula bata ako, umaapaw ang pagmamahal na ipinaparamdam nila sa akin ni Mommy. He’s not just a father to me but he’s my bestfriend too! Pinaparamdam niya sa akin na pwede ko siyang sandalan sa lahat ng oras. And I am thankful for having them as my family. Ipinagpapasalamat ko iyon dahil ganitong pamilya ang kinahantungan ko.
Pagkagising ko, nadatnan ko ulit si White at Ken sa aming bahay. I greeted them my sweet good morning at sumabay narin ng lunch.
“Nagpuyat kana naman ba kakapanood ng videos? Baka pag umulan ng pera sa umaga ikaw lang ang mamumulubi.” sabi sa akin ni Ken. White was glancing at me while eating.
Medyo buhaghag pa ang aking buhok at nakabestida parin. Sila naman ay mukhang ready na magbasketball. Baka nga ang iba kong pinsan ay nandoon na ulit sa ClubHouse.
“I slept early.” sabi ko.
“Eh ba’t mukha kang panda?” He even pointed me.
“Mukha ba?” I glanced at White who just shook his head. “Hindi naman daw!” Inasiman ko ng mukha si Ken na umiling lang.
“Inuuto ka lang ni White para hindi ka madepress pero ang totoo niyan pumapangit ka talaga laloㄧOww…” Ken grunted when White punched his chest. Sumimangot ako at itinuon ang atensyon sa pagkain. Gaano na ba ako kapangit sa paningin niya?
“Mamayang gabi matutulog na ako ng maaga.” sumubo ako. Umangat naman ang kilay ni White.
“Buti naman.”
Hindi ko maitago ang kakaibang ngiti. Mamayang gabi, magkikita na kami ni Aries! At alam ko, pag nalaman ito ni White ay magagalit siya. Nagtatago ako ng sekreto sa kanya.
Pagkatapos kumain ay naligo agad ako saka ulit kami pumunta sa ClubHouee. Sumuyod agad ang aking mga mata sa naroon. Wala pa ang mga Buenaventura kaya dumeritso ako sa parang gazebo at doon umupo. Wala na naman dito ang mga babae at mukhang may ibang pinagkakaabalahan.
Itinuon ko ang aking tingin sa aking cellphone at nagtipa roon ng mensahe kay South.
Ako: Maglalaro ba kayo ni North ng basketball?
Binalingan ko ang aking mga pinsan sa court. Dinidribble ni White ang bola habang kunwari naman siyang hinaharangan ni Red.
Akmang pupunta si White sa kabilang gilid kaya mabilis na pumunta roon si Red na ikinalipat agad ni White sa kabila. Napakamot ng batok si Red nang mapagtantong natakasan siya nito.
“Kaya gusto ko nalang talagang nagugrupo kay White.” reklamo niya.
Tumunog ang aking cellphone at mabilis iyong tiningnan.
South: Maybe.
Maybe? Hindi siya sure?
Ako: Di ka sure? Nandito na ako sa ClubHouse. Nandito na sila.
South: Not in my mood to play.
Sumimangot agad ako.
Ako: Pero may lakad tayo mamaya!
South: Anong kinalaman noon sa paglalaro ng basketball?
Ako: Eh wala ka dito eh. :’<
South: What a clingy baby you are.
Baby?
Ako: Di na ako baby ah!
South: I’m older than you and you’re still minor so you’re still a baby.
Ngumuso ako. Mukha ba akong baby?
“Oh, nandiyan na pala sila!” narinig kong hiyaw ni Ken kaya mabilis agad akong napalingon. Si South agad ang nakita ko, nakapamulsa at hawak sa kabilang kamay ang cellphone habang kagat kagat ang pang-ibabang labi.
“Hi!” Malakas kong bumati at kumaway sa kanila, sa kanya. Sabi niya di siya pupunta eh!
“Hi Nana!” si Franca ang bukod tanging kumaway sa akin pabalik. Tumango at ngumiti lang si North habang si Irah ay nakahalukipkip at nakabusangot ang mukha. Nag-angat ng tingin si South, nginitian ko agad siya kaso nag-iwas lang ito ng tingin.
Lumapit sa akin sina Irah at Franca habang dumeritso naman sa court ang kambal.
“Mabuti naman at nagkakautak na si Zera na dapat ihiwalay ang nabubulok sa hindi. Dapat dumistansya ang mga pangit sa hindi.” malamig at mataray na sabi ni Irah na umupo sa aking gilid.
“Alin ba siya sa binanggit mo? Iyong hindi?” tanong ni Franca na labis na ikinasira ng mukha ng kanyang pinsan. Humagikhik ako.
“Shut up or else I’ll slap you using my fist.”
Humagikhik agad si Franca na ikinaismid ng kanyang pinsan.
Habang naghahagikhikan kaming dalawa ay tumunog agad iyon. Palihim ko iyong tiningnan at nakita ang mensahe ni South.
South: Alam nila?
Ako: Sabi ko kay Daddy at Mommy secret lang na pumunta ka sa bahay kagabi.
I glanced at him at the court. He was patiently waiting on something while staring at his phone. Magkasalubong ang kanyang kilay at pinipisil pisil ang pang-ibabang labi habang nakatayo lamang.
Nakita ko siyang magtipa, kalaunan ay tumunog rin ang aking cellphone.
South: Secret huh.
Ako: Oo secret. Secret lang natin yun ha?
South: You have so many secrets and I don’t know if I can keep them all.
Sumimangot ako at binalingan siya roon sa may court.
“South! Game na! Mamaya na yan!” sigaw ni North sa kanya kaya ibinulsa ni South ang cellphone at tanging mga mata lang ang gumalaw para tingnan ako rito. Inangatan niya lamang ako ng kilay pagkatapos ay nagjog na palapit sa iba pa.
“South is quite weird. Siya ang pinakahuling taong maiisip ko na mahilig magcellphone. May katext ba siya Irah?” tanong ni Franca sa kanyang pinsan na ikinausyoso ko narin. May friends pa ba si South maliban sa akin?
Nagkibit ng balikat si Irah. “How will I know. I am not as nosy as you. Daming napapansin.” she glared at her.
Franca pouted. “Baka lang naman may ediya ka.”
“Wala. At kung meron man, wala na akong pakialam doon.” iritadong sagot ni Irah.
Matanong ko kaya kay South? Para may secrets narin siyang pwede kong itago. Para masabi niyang mapagkakatiwalaan niya rin ako. Ganoon naman kasi talaga ang magkakaibigan.
Wala naman talaga akong naiintindihan sa basketball. Basta kailangan lang nilang pag-agawan iyong bola at ishoot sa ring. Pagkatapos noon ay may mananalo.
“Gago talaga maglaro itong si Abo. Buti pa ang kanyang bayag tumatalbog! Pero iyong bola di niya man lang mapatalbog!” Malutong na humalakhak si Ken sa kanyang sinabi na kahit ang iba ay nakitawa narin. Di kasi nahawakan ni Kuya Grey ang bola at panay lang ang takbo. Ang ilap rin kasi ni White.
“Fuck you!” Nagdirty finger si Kuya Grey sa kanya.
“Di ka man lang nakascore! Masyado bang mabigat iyang mga bola mo?” dagdag pa ni Ken na halos ikamatay sa pagtawa ng kambal.
“You got no balls, man.” Humahalakhak na sabi ni North, hawak na ang tiyan.
Nagkamot ng batok si Red. “Anong bola ba ang tinutukoy nila?”
Natatawa namang tinapik ni Blue ang kambal. “Malamang iyong bola na shinoshoot natin. Akala ko pa naman gets mo kasi tumatawa ka rin!”
“Nakigaya lang ako. Ayokong ma op eh.” sagot niya.
“Iyong kanina pa natin nilalaro ang topic! Iyong bola!”
“Ah, gets ko na.” si Blue.
“Sige, tawa kana.” utos ni Red at sabay na humalakhak ang dalawa. Natigil ang mga pinsan ko sa kakatawa at mabilis na nasira ang ekspresyon habang naiiling sa kambal.
“Bayag lang talaga ang meron ang kambal na ’yan. Pero utak? Mukhang doon ako hindi sigurado.” nailing si Hiro na nakapameywang.
Tumunog ang aking cellphone kaya bago iyon buksan ay hinagilap ko ang imahe ni South. Nasa gilid siya ng court at nakaupo roon, nakapiko at nakabukas ang dalawang hita habang ang isang kamay ay nakatukod sa likod at nasa cellphone ang tingin. Siya lang ata ang hindi nakikisali sa tawanan.
South: What time do you want me to fetch you later?
Nagtipa ako ng mensahe.
Ako: 7:30?
South: How about 7?
Ako: Bakit 7? Ang aga naman noon!
South: I thought you don’t want to be late. Pag iintayin mo iyong lalake?
Ako: Oo nga ’no? Okay, 7!
Nag-angat ako ng tingin roon sa court at namataan siyang kagat kagat na naman ang pang-ibabang labi, nagpipigil na naman ng kung ano roon. Nag-angat rin siya ng tingin sa akin at mabilis na sumeryoso ang tingin.
Pagkatapos ng kanilang laro ay nahulog ulit kami sa bahay nila Trey. May babaeng pumunta roon at ipinakilala niyang girlfriend niya. Matangkad at may maliit na mukha iyong babae. Maiksi ang short nito at nakaspaghetti strap lang. Nasa may veranda silang dalawa habang ang mga lalake naman ay nasa sala. Katabi ko naman si White at nahalo sa kanila.
“Iba rin ang taste nitong si Trey.” humahaba ang leeg ni Ken kakasilip sa babae sa labas.
Sinulyapan naman ng iba iyong dako nila sa labas saka rin nagsiiwas.
“Paiba iba iyan ng girlfriend. Mapapagod rin yan.” sabi ni North.
“Oo. Matutulad iyan kay White. Tingnan mo iyan… maagang lumandi, maagang nagsawa kaya maaga naring natigang.” Nginisihan ni Ken ang aking pinsan at nagawa pang basain ang pang-ibabang labi.
“Wala kanang girlfriend?” tanong ni Kuya Toshi.
“Di pa ako nagkakagirlfriend.” sagot ni White na ikinasipol ni Hiro.
“Experience lang?” ngumisi si Hiro at may pinupunto na. “Kung anong ikinaloyal ni Grey kay Chey, ikaw naman itong ikinaloyal sa sarili mo.”
“Man, you’re creepy.” nailing si Kuya Grey at hindi kayang tingnan ang pagkurba ng labi ni Hiro.
“Wala na akong matipuhan.” sambit ni White at kinuha ang sanmig sa lamesa na nasa harap namin.
“Walang matipuhan o di ka tipo?” dagdag naman ni Hiro at hindi na mabura bura ang kakaibang ngisi sa labi.
Sa kanilang dalawa ni Zera, si Hiro ang tahimik kumpara kay Zera na sobrang daldal. Pero may mga araw rin na kapag si Hiro ang nagsasalita, parang ang lalim at may pinupunto. Lalo na sa ngisi niya, parang may kakaiba na hindi mo matukoy. Iyan minsan nirereklamo ng mga pinsan ko eh. May something daw. Para daw nadedemonyo.
Nagkasalubong ang kilay ni White. “Sinong babae naman ang hindi ako magugustuhan?”
Nagkibit ng balikat si Hiro. “Someone familiar…”
May natitipuhan si White? Pero pansin ko nga wala ng babae ngayon ang pinsan ko. Siguro tama si Ken na napagod na talaga ito.
Tumunog ang aking cellphone kaya natigil ako sa kakalaro ng games sa cellphone ni White. Inilapag ko muna sa aking hita ang cellphone at hinawakan iyong akin para tingnan ang mensahe ni South.
South: Nosy
Ako: Huh?
Pasimple ko siyang tiningnan. Seryoso ang kanyang mukha at nagiging madilim na naman ang tsokolateng mga mata niya. Ang itim na pilikmata ay para nang tinatakpan ang kabuuan ng kanyang mata sanhi para maging magkakulay na iyon.
Nag-angat siya ng tingin sa akin at pasimpleng winagayway ang kanyang cellphone. Mabilis na nahulog ang aking mga mata sa screen.
South: Nakikisali ka sa aming mga lalake.
Ako: Kahit noon pa sumasali na talaga ako. Pero di naman ako nakikinig.
Nalipat na ang kanilang topic kay Kuya Toshi. Si White mukhang malalim na ang iniisip.
“Buti pa itong si Toshi, may dinidiskartihang magandang chic. What’s her name again, man?” tanong ni Ken na ikinasama ng tingin sa kanya ng aking pinsan.
“Meron ba, Ken?” Kuya Toshi’s voice filled the atmosphere. Nakarinig naman ako ng lagutok ng kung ano sa aking likod at nakita si Irah na pinanggigigilan ang hawak na remote.
“Bakit ba walang magandang panoorin?” inis na sabi ni Irah.
Sumipol si Hiro at mas lumaki ang ngisi. “War, baby…” pagpaparinig niya.
Nalukot ang ekspresyon ni Kuya Toshi.
Inagaw naman sa kanya ni Franca ang remote. “Ako na nga maglilipat. Baka masira mo pa.”
“Meron! Kaklase mo pa nga di’ba?” Humalakhak si Ken.
“Kaklase? O baka naman si Chey rin iyan.” Painosenteng sabi Hiro at kinuha iyong isang sanmig. Sumilay pa ang ngisi sa kanyang labi nang tingnan niya ang pagtalim ng mata ni Kuya Grey kay Kuya Toshi..
“Mga hayop kayong dalawa. Ang sarap niyong bayagan.” nailing si Kuya Toshi at may dinukot sa kanyang bulsa. Inilabas niya iyong pakete ng sigarilyo at kumuha ng isa sabay tayo.
“Nastress ba bayag mo?” Malutong na natawa si Ken na ikinahalakhak narin ng iba. May kung sinong tiningnan si Kuya Toshi at nailing.
“Gayshit.” tanging sambit nito saka lumabas.
Ang alam ko kasi, napapasigarilyo lang si Kuya Toshi pag stress siya o may matinding iniisip.
Itinigil ko ulit ang paglalaro sa cellphone ni White at tiningnan iyong akin. May dalawang mensahe na roon si South.
South: Sumasagot pa.
South: Move a bit. Doon ka sa dulo ng sofa.
Nagkasalubong ang aking kilay.
Ako: Bakit?
South: I thought this is a secret? Isang tingin lang ni White sa’yo mababasa na yan.
Nang mapagtanto ko iyon ay nanlalaki rin ang aking mga mata. Oo nga ’no?!
Ako: Ay sorry!
I heard South tsked. Matulong iyon at kulang nalang ay paringgan ako.
Mabilis akong napatayo. Doon lang ako napansin ni White at tiningala agad ako.
“Going somewhere?” tanong niya na ikinaturo ko sa dako nila Franca.
“Doon lang ako White. Manonood rin ako ng tv.”
Tumango si White. Sinulyapan ko sandali si South at nahuli itong malalim ang tingin sa akin habang iniikot ikot ang hawak na cellphone. I smiled secretly at him kaso umismid lamang at nag-iwas.
“Ang sarap pumatay ngayong araw.” nangigigil na sabi ni Irah habang nakahalukipkip nang makaupo ako roon.
“Dahil ba doon saㄧ
“Ikaw ang mauuna ko pag di ka tumigil, Torrefranca.” pagbabanta ni Irah na ikinatikom agad ng labi niya.
Wala akong ediya kung ano ang ikinakagalit nito. Dahil ba wala siyang mahanap na papanoorin?
“Wala namang kayo ah?” inosenteng bulong ni Franca. Sapat lang para marinig ko.
Irah’s eyes darkened. Naikumpara ko agad ang mga mata ni South. Kakaiba ang mata ni Irah, iyong tipong pag naarawan ay masisilip mo ang bawat detalye ng kanyang mga mata at nagiging kakulay ng isang sunset sa malayo. Kaso ngayong galit siya, para na iyong langit na nagbabadyang maghatid ng kidlat. Na kung may pagkakatulad man sa mga mata ng kanilang lahi, madilim iyon at may pinupunto na.
“You deserved a payment for that answer. Wait,” may dinukot si Irah sa suot na short niya saka rin ipinakita sa kanyang pinsan ang dirty finger niya. “I forgot I don’t have coins so this will do.” ngumisi siya ng sarkastiko saka rin nasundan ng panggugulong ng mga mata at nagwalk-out na.
Kapwa kami nagulat ni Franca. Pero agad rin naman itong nakabawi at humagikhik.
“Butthurt siya.” bulong niya sa akin na hindi ko napunto. I even saw the dark awra on her eyes as she smiled sweetly. Nakakatakot naman ang lahi nila. Kung yung mga pinsan ko masayahin at mahilig mag-asaran, sila parang kulang nalang magpatayan. Di ko ata kayang maganon ni Zera. Baka umiyak ako sa takot.
Pagkauwi ko, inasikaso ko agad ang susuotin ko. Sa sobra kong excited ay maaga akong umuwi sa bahay at hindi na dumeritso kina White para mas makapagprepare ako. Nakatanggap pa ako ng mensahe kay Daddy at Mommy.
Daddy: What time are you leaving?
Mommy: Take care, honey! Have fun!
Nauna akong magreply kay Mommy.
Ako: Thank you Mommy!
Pagkatapos ko iyong sinend ay mabilis ko ring nireplayan si Dad.
Ako: Siguro mga 7 po, Dad.
Mabilis na nagreply si Daddy.
Daddy: Why is it too early?
Ako: Daddy 7pm po.
Daddy: I mean akala ko 8pm pa?
Sasabihin ko sana na baka traffic at ayokong malate sa pagkikita ni Aries nang mapagtanto ko ring mali iyon kaya mabilis kong iniba ang aking itinipang mensahe.
Ako: Kasi po Daddy before 10 nakauwi na po kami.
Nakagat ko ang pang-ibabang labi nang matagalan si Daddy sa pagreply. Nakatanggap naman ako ng mensahe kay Mommy.
Mommy: Your Dad wants us to spy you HAHAHA. I’ll back you up, sweetie. He’s not gonna ruin your first date. Love you! Mwah.
Napabuntong nalang ako ng hininga. Bakit ba iniisip nila na date ’to eh lalabas lang naman kami ni South.
11th Hooked
Dinner
I wore a simple white dress and flats. Chineck ko ang aking sarili sa malaking salamin, suot ang slingbag na may mukha ng isang bunny, ngumiti ako ng matamis. Siguro tama na ito. Mahilig kaya si Aries sa bunny? Dapat pala pag nagkita kami ay tanungin ko siya. Marami kasi akong slingbag na may iba’t ibang mukha ng hayop.
Nakatanggap ako ng mensahe kay South. Binuksan ko iyon at nagmamadali ring bumaba pagkatapos iyong basahin. Naroon na siya sa ibaba.
“South!” I smiled at him after seeing him outside, leaning on his black car and hands on his pocket. Napanguso ako dahil nakaitim lang siya na jacket at medyo messy ang buhok. Napapansin ko na ganoon rin ang buhok ni North. May kung ano talaga sa mga imahe nila na nakakasindak.
Tumayo siya ng tuwid at binalingan ako. He stared at me for awhile kaya ngumiti ako ng mas matamis. Nagawa ko pang umikot na ikinaangat ng kaonti noong dress ko.
“Okay lang ba?” tanong ko.
“Yeah,” nag-iwas siya ng tingin at binuksan ang front seat. “Get in, now.”
Pag si White ang bagcocompliment sa akin nasasatisfied ako kaso sa reaksyon ni South … hindi ba maganda? Bigla nalang kasi siyang nag-iiwas ng tingin.
Pumasok ako roon. Tinangay naman agad ng hangin ang aking isipan at napunta kay Aries. Ano kaya ang suot niya? Magugustuhan niya kaya ang suot ko?
Narinig ko ang pagsara ng driver’s seat kaya binalingan ko agad si South. Nagseseatbelt na siya kaya nagseatbelt rin ako.
“Magugustuhan kaya ni Aries ang suot ko? Lalo na ito?” Ipinakita ko sa kanya ang cute kong slingbag. His thick brows look intimidating. Nagkakasalubong iyon at parang nanghuhusga rin sa akin.
“Boys don’t like girls who shows too much skin.” Tiningnan niya ang braso ko kaya kahit ako ay napatingin narin sa magkabila kong braso. Nakalaces lang na ribbons iyon kaya expose na expose rin ang collarbone ko. Mom bought it to me. Ang sabi niya, pag makikipagdate ako, ganito daw suotin ko.
“Talaga?”
Hindi siya sumagot pero hinubad niya iyong itim na jacket niya. Ibinigay niya iyon sa akin at nasa harap na ang tingin, tila iniiwasan ang aking mga mata.
“Wear this.” sabi niya, tanging itim na pangloob ang naiwan.
Kinuha ko iyon at isinuot. Ayoko namang madismaya si Aries sa akin.
Nasa daan lang ang kanyang tingin habang nagmamaneho. Pabalik-balik ko naman siyang nililingon.
“South, yung tanong ko di mo sinagot.” sabi ko na ikinalingon ng mga mata niya, iyon lamang ang gumalaw sa kanya para tingnan ako.
“Oh?”
Itinaas ko ulit ang slingbag. “Magugustuhan ba ito ni Aries?”
Ibinalik niya ulit ang mga mata sa harap. “Paano ko malalaman? We’re not close.”
Ngumuso ako at pinagmasdan ang aking slingbag. “May tao bang ayaw sa bunny?”
“Too childish,” he whispered.
“But this is cute! Tingnan mo!” Inilapit ko iyon sa kanya.
“I don’t like cute stuff.” tangi niya lang sinabi na ikinalaki ng mga mata ko. Bakit naman?!
“Edi ayaw mo sa slingbag ko?”
Hindi siya sumagot. May pinindot lang siya sa stereo sanhi para sumabog roon ang isang kanta.
Tumahimik ako at binalingan ang bintana. Ang ganda noong kanta. Parang akma siya sa pagmamaneho ni South at sa pagtitig ko sa mga citylights na nadadaanan namin.
“Paborito mo ba ang kanta na yan?” tanong ko sa kanya. Hindi siya umimik. Malalim lamang ang titig sa daan.
“Anong kanta ba yan?” tanong ko ulit.
“Sleepless nights.” tanging sagot niya, gumagala na ang isipan sa ibang dimensyon at parang natatangay sa kanta.
“Sinong kumanta?”
“Ayokay.”
Tumango nalang ako. Sa gilid ng aking mga mata ay nakikita ko siyang kagat kagat ang kanyang ilalim na labi at para iyong pinaglalaruan. He even groaned at tila naiinis sa isang bagay nang sumandal siya lalo sa kanyang upuan.
I miss chasing down the morning light, and all those sleepless nights
I watched the lights outside the window. Katulad noong kanta, parang dinidesrcribe nito ang nasa paligid namin, ang nararamdaman ng isa sa amin at ang nakakadalang beat ng kanta.
South’s hands were tapping on the steering wheel. Sinasabayan noon ang beat ng kanta na kahit ang kanyang ulo ay medyo gumagalaw rin. He lightly gripped his hair and glanced at me. Mabilis akong nag-iwas at itinuon sa bintana ang aking tingin.
Napakamisteryoso talaga ng mga Buenaventura. Parang ang rami nilang tinatago sa mga misteryosong matang iyon. Bukas ang bintana ng kanyang kotse kaya nilingon ko siyang muli. Malinaw sa akin ang itim niyang pilikmata at pilit tinatakpan ang malatsokolate niyang mga mata na natatamaan na naman ng ilaw. It looks like a sunset with dark skies on it. Sa sobrang misteryoso, ni isa ay napagtanto kong wala talaga akong alam kay South.
Katulad ng kanyang pangalan, para siyang palaging nasa malayo. Na ako iyong salungat na lugar at hinding hindi siya makakasalubong. Na hindi ko iyon mararating dahil sa bawat paglapit ng isang lugar sa kanya, lumalayo lamang siya.
Sabi pa naman nila, iyong paborito mo daw na kanta ay iyon daw ang mga salitang hindi mo maipahayag. Mga salitang natatamaan ka at gusto mong sabihin sa kanya.
“Saan ba kita ibababa?” now his voice where so cold as he look at me with his dark eyes.
“Dito daw oh.” Ipinakita ko sa kanya iyong screen ng cellphone ko. Iyon ang Restaurant na pagkikitaan namin ni Aries.
He just nodded tsaka ulit iniwas ang tingin sa akin. Ba’t pakiramdam ko ang lungkot niya na bigla? Ang lungkot rin naman kasi noong kantang pinapakinggan niya. Parang ano, pang brokenhearted.
“Just text me if the dinner is done.” tanging sabi niya nang inihinto niya na ang kanyang kotse. Tumango naman ako.
“Sige. Uhm, mamaya nalang ulit.”
Wala sa akin ang kanyang tingin, nasa harap lamang. Tumango siya at binasa ang pang-ibabang labi. Napansin ko pa ang pagplay ulit noong kanta. Pabalik balik na iyon sa kanyang stereo?
Bumaba ako sa kanyang kotse. Ang pag-iisip ko tungkol sa misteryosong mga mata ni South ay tuluyan ring naglaho pagkapasok ko sa Restaurant. Kumalabog nang husto ang aking dibdib nang mapagtanto kong nandito na ako. Na makikita ko ulit ito.
“Do you have a reservation, Ma’am?” tanong sa akin noong waiter na sumalubong sa akin. Ang kanyang mga mata ay bumababa minsan sa sling na suot ko at sa aking kabuuan.
“Uhm, opo.” Sinenyasan ko siyang lumapit lalo sa akin. Nagtataka naman siyang lumapit, sakto lang para tumingkayad ako at bumulong sa kanya.
“Sebastian po.” mahina kong bulong, baka may makarinig at mapahamak si Aries.
Medyo natawa ito sa aking inasal. Ngumuso ako at sinenyasan siyang h’wag iyong banggitin.
The waiter smiled at me and nodded. “Follow me Ma’am.”
Tumango narin ako at sinundan ito. Nilingon ko ang ibang babae na nakikita ko sa loob ng Restaurant. Lahat sila ay nakafit na dress at may mga branded na purse. Kaya ba titig na titig sa akin iyong waiter? Dahil sa slingbag ko na bunny? O baka naman kasi nakajacket ako tapos nagmukhang palda na iyong dress ko.
May pinasukan kaming VIP room. Ang malapad agad na couch ang nakita ko pero ang mas kumuha ng atensyon ko ay ang lalakeng nakadikwatro roon, nasa cellphone ang tingin at nakadenim na jacket at itim na panloob.
“Sir,” tawag sa kanya noong waiter sanhi para mag-angat ito ng tingin. Nanigas agad ako. Kinain ako ng kahihiyan at hindi na makapaglakad nang maayos dahil sa mga mata niyang nasa akin na.
Tumayo si Aries at ibinulsa ang kanyang cellphone. Napakurap siya at medyo napahalakhak nang makita ako. Nilingon ko sandali ang waiter na nagpaalam na saka ulit ibinalik kay Aries.
“You look cute.” he chuckled and pulled the seat for me.
Nahihiya akong umupo roon. Umikot agad siya na kahit ang kanyang pabango ay sumabay rin ata sa kanya. Katulad iyon ng pamilyar na amoy ng mga lalake, ng mga pinsan ko.
Umupo siya sa aking tabi at inangat iyong table napkin para ayusin sa kanyang harapan. He smiled at me while opening some of the button of his sleeves.
“Ano nga ulit ang pangalan mo?” tanong niya habang inirolyo paangat ang sleeves na suot na denim at ipinaglaki ang maugat niyang kamay pati ang rolex niyang relo.
“N-Nana… Nana Delafuente.”
“Nana suits on you. Cute rin.” he chuckled.
Napangiti ako ng tipid. Hindi ko alam kung paano kikilos ng normal sa kanyang harapan. Ni ang pagdampot noong tubig na nasa aking harapan ay di ko na ata kaya. Pakiramdam ko ay matatapon lamang iyon pag hinawakan ko ito.
May dumating na waiter at nagbigay ng mga menu. Tumanggi agad ako roon.
“Busog pa kasi ako.”
“Busog ka sa katawan mong iyan?” he glanced at my body. “You need to eat Nana. Ako nalang mag-oorder sa’yo.”
Tumango ako, nahihiyang yumuko. Ang aking mga kamay ay nasa aking kandungan na at mariing nakahawak sa tela ng aking suot. Ni hindi ko makalma ang aking sarili. Pumipintig ng malakas ang aking dibdib at hindi siya matingnan ng buo. Palaging natatangay ang aking mga mata sa ibang direksyon at ang hirap noong ipanatili sa haparan.
“Hmm,” Pinisil ni Aries ang kanyang labi habang seryosong nakatingin sa menu. “This one. Make it two.” sabi niya sa waiter na tumango naman.
Inulit noong waiter ang order niya na ikinatango ni Aries. Pagkatapos noon ay umalis rin ang waiter sa aming harapan.
“So, are you okay?” tanong niya sa akin nang mapansin niyang hindi ko na maipanatili ang mga mata ko.
Umiling ako at ngumuso. “K-Kinakabahan ako…”
He chuckled. “Why?”
“K-Kasi sa youtube lang kita pinapanood t-tapos ngayon nasa harapan na kita.” Mas lalo akong napayuko at nanliit narin ang boses. “H-Hindi lang ako makapaniwala na nasa harapan na kita…”
He chuckled again. “You’re a different fangirl. Iyong iba kong namemeet di na makalma sa pagtili at dinadamba agad ako ng yakap. They’re so hyper and loud unlike you… Are you really my fangirl?”
Mabilis akong nag-angat ng tingin sa kanya at tumango sa nanlalaki kong mga mata.
“G-Ganon rin dapat ang gagawin ko k-kaso nahihiya ako! G-Gusto rin kitang ihug…”
He smirked and lean on his chair. Itinagilid niya ang kanyang ulo at mariin akong tiningnan.
“So you’re a shy little girl.”
Ngumuso ako at tumango. “Pero 17 na ako.”
“I’m already 20.” sabi niya. Kaedad niya sina Kuya Toshi at Kuya Grey.
“Alam ko. Tapos favorite color mo blue. Favorite number mo 10 at iyong kanta mo ay tungkol sa babaeng iniwan ka.”
He looks amused. Pero ang kinang sa mga mata ay naglaho rin dahil sa huli kong sinabi. Nang mapagtanto ko iyon ay kinabahan agad ako.
“S-Sorry… Di ko sinasadㄧ
“It’s okay. Alam naman talaga ng buong mundo iyong kanta ko.” he smiled with a hint of pain in his eyes. Ang mga matang nakita ko noon ay hindi parin nagbabago. Na kahit ngumiti siya ay palaging sinasalungat ng kanyang mga mata ang tunay niyang nararamdaman.
Dumating ang pagkain kaya sandali kaming natahimik. Pinanood ko ang waiter sa paglalagay ng pagkain at tinulungan ko pa itong mag-ayos ng kubyertos sa gilid ng aking plato.
“Salamat po.” nginitian ko iyong waiter na ngumiti narin pabalik sa akin.
“You’re so adorable.” Aries chuckled.
Nahihiya akong yumuko at napaglaruan na naman ang aking mga darili sa aking kandungan.
“Dapat masanay kana sa presensya ko Nana. If I have free time, maybe we can hang out and go to different places. Gusto mo bang sumama sa mga Mall tours ko?” tanong niya at sumubo ng pagkain, nasa akin ang tingin.
My eyes widened. Tatango na sana ako nang napagtanto kong hindi ko na iyon pwedeng gawan ng palusot lalo na’t malalayo na iyon. Baka mag-alala sa akin ang parents ko at baka mabuking na ako ng mga pinsan ko.
“Gusto ko sana kaso di ako papayagan ng parents ko.” malungkot kong sabi at nahulog ang tingin sa aking pagkain. Ginalaw galaw ko iyon, nadidismaya dahil alam kong limitado lang ang mga paglabas ko.
“Why not? Ihahatid kita pauwi.”
“Siguro ibigay mo nalang sa ibang fans Aries. Sapat na itong nakakasama kitang magdinner. Sobra sobra pa nga ito. Pero alam ko, may mga babae ring gustong maranasan ang ganitong posisyon. At ayoko namang maging unfair sa iba mo pang mga fans.” I smiled weakly at him.
Amusement is shown all over his face. Kumunot pa ang kanyang noo at naninimbang na ang mga mata na nakatitig sa akin.
“Can’t believe a fangirl like you exists. This is your opportunity to be with me Nana. Dapat madamot ka. Dahil hindi lahat ng fans ay nabibigyan ng ganitong oportunidad.”
“Dapat ba madamot ako?” nagtataka kong tanong. “Pero paano na ang iba mong fangirls? Di mo ba sila bibigyan ng ganitong oportunity. Bakit ako lang?”
He leaned closer and grabbed my hand. Napalunok ako at nahulog ang tingin sa likod ng kamay kong hinahaplos ng kanyang hinlalake.
“You’re kinda special.”
Namula ang aking pisngi. Hindi ko na naitago iyon at kusa nang isiniwalat ng aking mukha kung gaano ako naaapektuhan sa kanyang galaw.
“Ba’t ako special?”
“Nararamdaman ko lang.” he smiled at me and crouched a bit to kiss my hand. Nanlaki ang aking mga mata nang maramdaman ang malambot niyang labi roon. Ang kanyang mga mata ay hindi iniiwan ang akin.
Natakpan ko ang aking bibig sa gulat kahit na wala naman akong balak sumigaw. Baka kasi lumabas ang pagsigaw ko sa aking isipan at kumawala iyon sa aking bibig.
Binitiwan niya ang aking kamay at umupo ng maayos. Humalakhak siya.
“You’re so cute I want to bring you home.”
Nakagat ko ang pang-ibabang labi at yumuko. Nahawakan ko ang aking dibdib at halos marinig ang bawat pagsabog ng tibok noon.
Wala akong ediya kung ano ang nakita sa akin ni Aries para tratuhin ako ng ganito. Siguro dahil naaalala niyang ako iyong batang yumakap sa kanya? Pero alam kong mabait talaga si Aries at marami na akong nakitang mga interactions niya sa kanyang mga fans.
Habang sumusubo ako ay narinig ko ang pagclick ng isang camera. Nang mag-angat ako ng tingin kay Aries ay nakangisi na siya at hawak ang kanyang cellphone.
“You look cute even on my phone.” Ipinakita niya sa akin ang screen ng kanyang cellphone at ngumisi.
Namula ang aking pisngi. Sinundan ko siya ng tingin nang tumayo siya at umikot papunta sa akin. Lumebel siya sa akin at itinaas ang kanyang cellphone.
“Smile!” sabi niya na ikinangiti ko ng tipid hindi katulad niyang malaki ang ngisi.
Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag ang sayang nararamdaman ko sa dinner na iyon. Para akong lumulutang sa ere at nasa isang magandang panaginip kaya hindi ko alam kung reyalidad ba talaga iyon dahil hindi talaga kapani-paniwala.
“South!” Mabilis akong pumasok sa driver’s seat. Sa sobra kong excitement ay inangat ko ang kanyang kamay at hinawakan iyon ng dalawa kong kamay. I am facing him while he looks flustered on what I did.
“Nagdinner kami ni Aries tapos kinunan niya ako ng picture at hinalikan niya ang kamay ko! At sabi niya pa, magdinner daw ulit kami!” Mas hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kanyang kamay, para ko na iyong dinadasalan dahil sa pagkakasalikip ng dalawa kong kamay roon, nasa gitna naman ang kanya.
“At sabi niya, pwede rin daw akong sumama sa Mall tours niya! Kaso tumanggi ako kasi alam ko mapapagalitan ako ni Daddy sa mga ganoong lakad eh ilang days rin iyong ganoon! Ang bait bait ni Ariesㄧ
“Tama na kakadaldal. Anong oras na oh?” putol niya sa akin at tinakpan pa ang aking bibig. Ngumuso ako na kahit ang aking mga mata ay namungay.
Itinulak niya ang aking noo para medyo mapalayo ako sa kanya na kahit ang kanyang kamay ay binawi niya.
“Pero 9:30 pa lang? May 30 minutes pa ako para umuwi at before 10 nasa bahay na ako.” paliwanag ko sa kanya nang makita ko siyang pumupwesto na sa harap.
Hindi siya sumagot sa aking sinabi at hinila lang iyong clutch. Nagseatbelt siya kaya nagseatbelt narin ako.
“Napakaspecial mo naman atang fangirl.” sabi niya sa akin nang sinimulan niya ng hawakan ang manibela.
“Oo nga eh. Sabi sa akin ni Aries dahil special daw ako.” sagot ko sa kanya.
“Special?” Kumunot ang kanyang noo. “Special child?”
“Hindi sa ganoon!” humalakhak ako. “Special daw ako sa kanya! Kasi alam mo, nagkita na kami noong bata pa ako. Siya iyong naging rason kung ba’t hindi na ako takot sa mga lalake ngayon. Di na ako takot makihalubilo. Pero minsan nahihiya parin talaga ako.” Bumuntong ako ng hininga at sumandal sa upuan. “Excited na ulit ako sa pagkikita namin…”
“Dapat narin ba akong maexcite?” tanong niya na may halong sarkastiko ang boses na ikinalingon ko sa kanya.
“Bakit?”
“Excited na ulit akong pumunta sa bahay niyo at gamitin mo.” Umismid siya sa akin kaya napanguso ako. Oo nga pala.
Umupo ako ng maayos at kinuha ang kamay niyang nasa kanyang kandungan lang. Ipinagsalikop ko ulit ang aking mga kamay para malock ang kamay niya sa gitna. Nagkasalubong naman ang kanyang kilay at nilingon ako.
“Thank you kasi nagpapagamit ka sa akin, South.” buong sinseredad kong sabi na ikinabusangot niya.
“It doesn’t sound nice to me.” nasira ang kanyang ekspresyon.
“Huh?”
“It sounds dirty. Para akong nagiging sextoy mo.” Iniwas niya ang tingin at binawi ang kamay.
“Sextoy? Ano ’yan? Mahilig naman ako sa toys noong bata pa ako pero wala akong naririnig na ganyan.”
I saw how his adam apple moved as he swallowed. Naiinis na naman ang malatsokolateng kulay ng kanyang mga mata and he looks tense.
“Nevermind. Just forget it.” and he sighed deeply, looking fustrated with his brows meeting together.
12th Hooked
Contract
Sa lahat ng nangyari nang araw na iyon, ang malinaw lang sa akin ay ang pagkikita namin ni Aries at ang sinabi niyang magkikita ulit kami. Hinatid naman ako ng maayos ni South at nakausap niya pa ang parents ko ng gabing iyon. I was so happy hindi na ako nakapagpaalam sa kanya nang umalis na ito.
Kakagising ko lang. Pagkababa ko ng hagdan at nakita si White na maaga na namang nandito ay mabilis akong tumakbo papunta sa kanya. Ken is sitting beside him. Naglalaro silang dalawa ng computer game.
Napansin ni White ang pagtakbo ko kaya pinause niya iyong laro at binalingan ako.
“Ba’t mo pinause?!” nanggigil na sigaw ni Ken at napunta narin sa akin ang tingin. “Ang ganda na sana ng umaga pero anong nangyari sa mukha mo at hindi ka makarelate?” ngumiwi si Ken.
Tumabi agad ako kay White at hindi na pinansin si Ken. Di kasi ako nakatulog ng maayos kakaisip kung anong pwedeng ibigay kay Aries pag nagkita ulit kami. Nagresearch pa ako kaso wala naman akong nakukuhang matinong sagot. May isang suggestion pa roon na positions raw para mapasaya yung partner mo. Di ko na clinlick kasi di naman kami couple ni Aries.
“White, ano bang gustong gusto mong matanggap sa babae?” tanong ko sa kanya at hinawakan ang kanyang braso.
“Why are you asking about that stuff, Nana?” nagtatakang tanong ni White na kahit si Ken ay napakurap rin.
“Masyado kana atang nagiging malala sa pagpafangirl mo.” komento niya.
My eyes settled on White’s face. Wala akong pinapalampas roon na ekspresyon at baka makanahap ako roon ng ediya.
“Sagutin mo nalang please…” niyugyog ko ng marahan ang braso niya.
“Siguro iyong luto niya mismo.” sagot niya sa baritonong boses.
“Pataygutom ka White. Pati pagkain hihingiin mo sa babae.” Humalakhak si Ken.
“Iyon ang gusto ko e,” kibit balikat naman ni White.
“Kung ako, kahit siya nalang mismo.” Ngumisi agad si Ken at nasuklay paatras ang kanyang buhok. Sumimangot ako. Kaya hindi rin talaga sumasagi sa isip ko ang tanungin si Ken dahil alam kong kakaiba ang mga sagot niya.
“You’re such a whore.” Sinapak ni White ang kanyang dibdib na ikinatamis lang lalo ng kanyang ngisi.
“Iyon ang pinakamagandang bagay na matatanggap ko galing sa kanya, White. I wont ask for more. Kahit siya nalang…” his voice became deep as he licked his lowerlip and flashes his smirk.
Nailing si White at binalingan ulit ako. “Para saan ba iyan?”
“Nacucurious lang naman ako. Sige! Magbibihis muna ako!”
Mabilis ulit akong umakyat sa aking kwarto para makapagbihis. Excited na akong sabihin kay South ang plano ko.
Kaya habang nanonood ng game nila, katext ko siya. Nakaupo lang ako mag-isa sa gazebo. Mag-isa na naman ako dahil sa kakasabay ko kay White.
South: Bibigyan mo siya ng pagkain?
Ako: Oo!
Nag-angat ako ng tingin roon sa court at nakita itong pawisan, nakapamulsa at nasa cellphone ang tingin. Sandali siyang tumingala para makahinga ng maayos na kahit ang sinag ng araw ay tumama narin sa kanyang mukha. Medyo basa ang kanyang buhok at tumutulo roon ang pawis habang nakaawang naman ang kanyang bibig at halata ang paghinga para kumuha ng hangin.
Nang bumaba na ang kanyang ulo ay agad napunta sa akin ang tingin, nginitian ko siya na ikinaiwas niya lang at tinalikuran pa ako. Nagbeep ulit ang aking cellphone kaya napunta roon ang aking tingin.
South: Do you know how to cook?
Doon ko napagtantong hindi ako masyadong marunong. At hindi ko rin naman alam ang mga panlasa ng mga lalake.
Ako: Hindi :“(((
“South!” tawag sa kanya ni North at inihagis sa kanya ang bola. Natigil ito sa pagrereply sa akin at nagpatuloy ulit sa paglalaro.
Nanood nalang muna ako ng game. Masyado ngang mabilis ang kilos ni South at minsan ay hindi siya naaabutan ng aking mga mata. Nahagip ng aking mga mata ang seryoso niyang ekspresyon at misteryosong mga mata na tila hindi mo na naman mabasa.
Pagkatapos niyang makapuntos ay dinukot niya agad ang kanyang cellphone hanggang sa may kung anong itinipa roon.
Nagbeep ang aking cellphone kaya tiningnan ko agad ang mensaheng galing sa kanya.
South: I’ll teach you.
Ako: Marunong ka?!
South: Yeah
Nanlaki ang aking mga mata at hinanap agad ang kanyang presensya. Doon ko lang napagtanto na papalapit na pala siya sa akin. Umusog ako at nag eexpect na uupo siya sa aking tabi pero nagkamali ako. Humilig lamang siya sa railing na kinauupuan ko at tanging magkabilang mga braso ang isinandal roon. Medyo hinahabol niya parin ang kanyang hininga at hinihipan ang dibdib. Nasa dulo siya at malaki ang espasyong namamagitan sa amin, ang tingin ay nasa court.
“Marunong kang magbake?” tanong ko, sapat lang para marinig niya iyon.
Tumango siya, iginalaw-galaw ang ulo para mahulog ang iilang butil ng pawis saka sinuklay paatras ang basang buhok.
“Patulong ako, South.”
“Babae ka ba talaga?” umangat ang kanyang kilay at nilingon ako sandali.
Tumango ako. “Oo naman. Kaso hindi ko naman alam ang mga panlasa niyong mga lalake.”
“Ba’t di ka sa Mommy mo magpatulong?” suhestyon niya at inilipat ang tingin sa harap.
Oo nga no?
“Sige.” ngumiti ako ng tipid at inilipat ang tingin sa court. Naroon silang mga lalake, nakaupo sa sahig at nagtatawanan.
“Your Mom is busy, right?” tanong niyang muli kaya nilingon ko siya ulit.
“Oo. Pero minsan nasa bahay lang naman si Mommy. Siguro pag sasabihin ko sa kanya papayag naman iyon.”
“Mangdidisturbo ka pa.” nag-iwas siya ulit ng tingin. “Ako nalang ang magtuturo.”
Mabilis na lumiwanag ang aking mukha. Akma ko siyang lalapitan nang umalis rin ito sa kanyang kinatatayuan at nagtungo na roon sa court. Tanging mensahe niya lang sa cellphone ko ang natanggap ko.
South: Sa bahay niyo o sa amin?
Nakagat ko ang pang-ibabang labi at nag-isip sandali. Kung sa bahay namin, baka biglang pumunta si White o kaya ang mga pinsan ko. Magtataka sila at mag-uusisa.
Ako: Sa bahay niyo?
Binalingan ko si South na naroon narin sa grupo ng mga lalake. Nakita ko pa ang malamyang mga mata ni White na dumako sa akin kaya nginitian ko siya. Sinenyasan niya akong lumapit roon pero umiling lang ako, kasabay ng paglingon ko kay South ay ang mga mata niya ring naninimbang sa aming dalawa ni White. Nag-iwas siya ng tingin kaya ibinaba ko rin ang akin sa hawak na cellphone.
South: Pwede sa bahay. May lakad ang kambal ko.
Ako: Mommy at Daddy mo?
South: Nasa bukid. Bukas pa siguro ang uwi.
Ako: Kasambahay?
South: Sabihin mo lang kung gusto mo akong masolo. I’ll tell them to leave.
Napakurap ako at hindi iyon gaanong mapunto. Nang tiningnan ko na ito ay kagat kagat niya na ang pang-ibabang labi at nilalaro iyon.
Nagtipa agad ako ng mensahe.
Ako: Bakit naman?
South: Ewan ko rin. Baka may gusto kang ipaturo sa akin maliban sa pagluluto.
Ako: Wala na. Nahihiya na ako eh. Ang dami ko ng nahihingi sayong pabor :“(((
Nag-angat ulit ako ng tingin kay South at nakitang nakabusangot na. Hindi na ulit ito nagreply.
Kaya noong umuwi na ako pagkatapos naming pumunta roon sa bahay nila Trey, doon kasi sila kumain ay dumeritso narin ako pauwi. Wala pang tao sa bahay at mamaya pa atang gabi uuwi kaya mabilis rin akong pumunta sa bahay ng mga Buenaventura. Katabi lang naman iyon ng bahay nila Franca at nakakapunta na kami rito lalo na pag may event ang mga magulang namin.
Si South mismo ang nagbukas ng gate at hinila ako papasok. Tanging itim na tshirt at short ang kanyang suot habang ako naman ay nakasimpleng malaking puting tshirt tsaka short lamang.
“Di ba magagalit ang parents mo pag nagpapasok ka ng kung sino sa inyo?” tanong ko sa kanya habang sinusundan ko siya sa loob.
Umiling siya. Derideritso ang lakad papuntang kusina. Sandaling gumala ang tingin ko sa bawat madadaanan at pinagmamasdan ang magagandang mga mwebles nila. Malaki ang kanilang bahay. Ni hindi ko na maipasok sa aking utak ang ibang kasangkapan dahil sa malalaking hakbang ni South na hinabol ko nalang.
Nagtungo si South roon sa may mga drawer at may kinuhang isang notebook. Lumapit narin ako roon at nakiusyoso.
“Kailangan natin ’to.” sabi niya pa.
“Cooking book? Akala ko ba marunong ka?” tanong ko.
“Yun na nga. Marunong ako sa tulong nito.”
Napasimangot agad ako. “Edi hindi ka marunong kung walang sinusunod na procedures?”
“Daldal.” Pinalo niya ng marahan sa akin iyong cooking book. “Pasalamat ka nalang at tutulungan kita.”
Nahawakan ko ang aking ulo at sinimangutan siya lalo. Akala ko pa naman expert na siya.
“Ano bang lulutuin mo?” sinimulan niya iyong buklatin. Kahit ako ay napatingin narin doon.
“Kung ikaw ang lalake South? Anong gusto mong matanggap na pagkain sa’kin?”
“Wala.” sagot niya agad.
“Huh?” Tumagilid ang aking ulo para lang makita ang kabuuan niyang ekspresyon. “Wala? Ayaw mong makatanggap sa akin ng pagkain?”
“Umiiwas lang sa food poisoning.” sabi niya.
“Ang sama mo!” Ang nakasimangot kong mukha ay mas ikakasimangot pa pala.
“Ito nalang.” Ipinakita niya sa akin iyong napili niya.
“Brownies?” tanong ko sa kanya habang sinusundan siya ng tingin sa pagkuha ng mga ingredients doon sa drawer.
Inilapag niya iyon sa aming harapan. Hindi nalang ako nagsalita at kinuha na ang bowl para doon salain ang harina.
“Teka,”
Akmang lilingon na ako kay South nang mabilis narin siyang makarating sa aking liikod at isinuot sa akin iyong apron. Natigilan ako at pinakiramdaman siya sa aking likuran. Marahan niya pang hinawi ang aking buhok pagkatapos ay itinali sa aking beywang iyong laces ng apron.
“You might get dirty. Baka ako pa ang sisihin mo.” sabi niya.
Naaamoy ko siya sa aking likuran. Nilingon ko siya at tiningala saka natagpuan ang seryoso niyang mukha na nakatingin sa aking leeg, magkasalubong ang kilay at parang naaasiwa.
“Salamat,” saka ko siya nginitian.
Mabilis na nabura ang ekspresyon niya at napalitan ng panibago. Lumayo agad siya at kumuha rin ng sarili niyang apron, iniiwasan na naman ang aking mga mata.
Nagsimula rin kaming sundin iyong procedures. Minsan ay napipitik niya pa ang aking kamay pag maling ingredients ang nakukuha ko.
“Balak mo bang lasunin ang pagbibigyan mo?” inis niyang sabi nang napagtanto kong asin na pala iyong nadampot ko.
“K-Kasi naman magkamukha yung asin at asukal!” Ngumuso ako at hinimas ang kamay kong napitik niya.
Nailing siya at siya nalang mismo ang kumuha noong asukal na puti. Tumulong ulit ako sa pagmemeasure ng iba pang mga ingredients.
Marunong naman ako kahit papaano. Pero hindi talaga ako marunong pag ako lang ang mag-isa. Minsan ay inaalalayan pa ako ni Mommy.
Ako ang nagmix noong wet ingredients hanggang sa nagiging malapot na ito. Si South naman ay nakatingin lang sa ginagawa ko, nakahalukipkip lamang.
“Nana,” bigla niyang tawag pagkatapos ng malalim na paninitig. Sandali akong tumigil sa paghahalo at tiningnan siya. Itinuro niya ang aking mukha.
“May dumi?” tanong ko at kinapa iyon.
Lumapit siya ng tuluyan. Kaso imbes na alisin iyon, nagulat nalang ako nang lagyan niya iyon ng panibagong dumi noong nahalo ng ingredients.
“Pantay na.” ngumisi siya na ikinasimangot ko.
“Ang sama mo!” Kumuha rin ako ng mixtures roon at ipinahid sa pisngi niya. Humalakhak ako. “Ayan! Parehas na tayong dalawa!”
Akmang kukuha ulit siya sa mixing bowl kaya mabilis ko na iyong dinampot at itinaas ang dalawa kong kamay.
“Tama na South! Baka maubos!”
Umismid siya sa akin. Akala ko ay babawiin niya iyon sa akin dahil sa paglipat niya pero napakurap nalang ako nang binura niya sa magkabila kong pisngi iyong mga dumi roon. He was so gentle while wiping my cheeks as his eyes leveled on me. Napanguso ako nang matitigan ko ulit ng malinaw ang malatsokolate niyang mga mata. Bakit ba napakamisteryoso noon? Bakit parang ang layo layo ng kanyang iniisip na kahit ang kanyang sa mata ay hindi mo rin mahagilap kung ano ang laman ng kanyang isipan.
“South, masaya ka ba?” biglaan kong tanong sa kanya. Ang kanyang mga kamay ay nasa pisngi ko parin, humahaplos roon. Hindi ko alam kung marami ba siyang inilagay na mixture para ganoon nalang katagal iyong pagbura niya o naninigurado lang siyang wala ng natira roon.
“Just because I don’t smile doesn’t mean I’m sad.” sagot niya sa baritonong boses.
“Eh ba’t ka nga ba hindi ngumingiti?”
“Walang rason.” Ibinulsa niya ang isang kamay at tanging naiwan nalang sa aking pisngi ay ang isa.
“Bakit wala?”
Ang nanghahaplos na galaw niya kanina ay napalitan bigla ng pagkurot sa aking pisngi. Halos binatin niya iyon na ikinahiyaw ko.
“Aray!”
Kinuha niya sa akin iyong mixture at inilipat na sa baking pan. Tahimik na naman ito at seryoso ang mukha nang sundan ko siya sa aking mga mata habang hinihimas ang aking pisngi.
Pinanood ko siyang ipasok iyon sa oven. Niyaya niya akong lumabas muna at mamalagi doon sa sala nila. Panay siya lipat ng channel at bored ang mukha na nakaupo nakabukaka habang ang kamao ay nakatukod sa ibabaw ng headboard ng sofa para isandal ang ulo roon.
Palipat lipat lang ang tingin ko. Minsan sa screen ng tv tapos malilipat sa kanya. Ang aking mga kamay ay nasa aking kandungan at nakaupo ng maayos sa hindi kalayuan sa kanyang tabi.
“Nagkagirlfriend kana ba, South?” tanong ko.
Hindi siya umimik kaya hindi ko narin siya kinulit na sagutin iyon. Nacucurious lang kasi ako. Hindi niya ba naranasang maging masaya? Napapansin ko kasi sa mga lalake kong pinsan na sumasaya sila pag may girlfriend sila. Eh si South kaya?
“Nagkagusto kana rin ba?” tanong ko. “May hinahangaan ka bang babae?”
“Wala.”
“Bakit wala? Wala ka bang hinahangaan? Si Aries, may mga fanboy rin siya. Ayaw mo ba siyang hangaan?”
Nilingon niya ako, matalim na ang tingin at medyo galit ang misteryosong mga mata.
“Ba’t ko siya hahangaan?”
Ngumuso ako. “Para naman relate ka rin sa akin. ’Tsaka napapasaya niya kasi ako sa pamamagitan ng pagpafangirl sa kanya.”
“Kailan ba naging masaya ang humanga sa isang tao na alam mo namang hindi mapapasayo?” his brow raised at me.
Alam ko naman iyon. Pang-ilang beses ko narin iyong naririnig sa mga pinsan ko.
“P-Pero hindi naman ako naghahangad ng higit pa…”
“Don’t fool yourself, Nana. Habang tumatagal, mas lalong lalaki ang paghanga mo sa kanya at maghahangad ng imposibleng bagay. H’wag mong sabihin sa akin na bilang tagahanga niya, hindi ka rin naghahangad na makasama siya?”
Napalunok ako roon at nakaramdam ng ilang. Nakakasama ko na si Aries at may mga araw na makakasama ko pa siya ulit. Aaminin ko na naeexcite ako at natutuwa. Oo, napakaswerte kong tagahanga para mabigyan ng ganitong oportunidad, pero alam ko naman ang limitasyon ko bilang tagahanga niya.
“Galit ka ba?” concern kong tanong nang mapansin ko ang pagkakairita ng kanyang mukha.
“Hindi,” padabog niyang pagkakabitaw ng kanyang sagot at nag-iwas ulit ng tingin.
“Kay Aries ka galit?” tanong ko ulit.
“Why do you ask?” he sounds annoyed this time.
“Kasi naman, ang gusto ko lang namang sabihin ay baka gusto mo ring maging fanboy niya para sumaya ka. Para may rason kang maging masaya. May rason kang ngumiti. Pakinggan mo yung boses niya. Ganoon lang naman…”
He lazily glanced at me this time. Ang mga mata ay malamya na, na kahit ang pagkurap ay akala mo mabibigat ang kanyang mga talukap.
“B-Bale, gusto ko lang na maging fanboy ka para parehas tayong ano… fans.” I smiled at him.
“I can’t be his fanboy but I can be your fanboy.” he said deeply.
Nagulat ako roon. Hindi ko alam kung seryoso ba siya o inaasar na naman ako katulad ng nakahiligan niya sa nagdaan na araw. Ano naman kayang magugustuhan niya sa akin? Eh hindi naman ako gumagawa ng kanta. Hindi rin ako sumasayaw at hindi ako sikat.
“Pero hindi ako sikat, South.” Natawa ako ng kaonti. Binasa niya ang pang-ibabang labi at nag-iwas ulit ng tingin.
“A fangirl deserves a fanboy. Just that.” sabi niya.
Namula ang aking pisngi roon. Hindi ko inaasahan ang kanyang sasabihin. Ni hindi rin sumagi sa aking utak na magiging fanboy ko siya. Pero may parte rin sa akin ang natutuwa. Iyong malaman na may fanboy ako ay parang nakakalundag ng puso.
“Fanboy na kita?” Umusog ako patungo sa kanya at ngumisi.
Nagkasalubong naman ang kanyang kilay. “Oo nga.”
“Talaga South!” Hinawakan ko ang kanyang kamay kaya nabitiwan niya iyong remote pagkatapos ko iyong inangat sa ere at inipit sa magkasalikop kong mga palad.
Ipinikit niya ang mga mata at iniwas ang mukha sa akin. “Oo, ang kulit.”
“Pero ano naman ang magugustuhan mo sa akin kung ganoon?”
Sandali siyang natahimik. Ako naman ay nanatili ang tingin sa kalahati ng kanyang mukha. Ang dumidipina niyang panga at matangos na ilong ay nakakamanghang titigan na kahit ang itim at makapal niyang kilay ay dumadagdag sa pagiging misteryoso ng kanyang malatsokolateng mga mata. Gaano na ba kalayo ang pinag-iisip mo South? Kasinglayo ba iyon ng pangalan mo at imposible kong maaabutan?
Kumurap ako at natigil sa kakatitig sa kanya nang nilingon niya ako.
“Maghahanap pa ako ng rason dahil mukhang wala akong mahanap.” saka niya itinulak ang aking noo para mausog ako palayo sa kanya na kahit ang kanyang kamay ay aking nabitiwan.
Sumimangot agad ako. “Di naman kasi talaga ako espesyal. Wala ka talagang mahahanap kasi wala naman akong nagagawang maganda para kahangaan mo.”
“Ayaw mo niyan, may fanboy kana.” he sounds cheerful this time as he glanced at me. “You can sign my tshirt if you want…”
Nanlalaki ang aking mga mata at natawa na. Seryoso ba talaga siya?
“Seryoso?!” Humalakhak ako.
“Oo nga. Pirmahan mo ang tshirt ko.”
“Bakit naman?” Tiningnan ko pa ang kanyang tshirt. Dudumihan lang ata iyon ng perma ko.
“It’s a contract between us.”
13th Hooked
Friendship
Pinanood ko ang likod ni South na inilalabas sa oven ang baking pan. Inilapag niya ito sa mesa at saka ako binalingan. Lumapit ako lalo habang inilalabas niya iyon sa baking pan at ilagay sa tray.
“We’ll make another one.” sabi niya pa.
“Bakit naman?”
“This is for myself.” saka niya iyong simulang islice.
Ngumuso ako at tiningnan ang aking cellphone. Baka matagalan ako rito at hanapin ako ni Mommy at Daddy sa bahay.
Nagtipa nalang ako ng mensahe para makapagpaalam sa kanya.
Ako: Mommy nandito po ako sa bahay nila South. Nagbibake po kami.
Ibinulsa ko iyon at binalingan ulit si South na hinahanda ulit ang mga ingredients. Pumwesto narin ako. Nakaponytail na ang aking buhok para mas hindi iyon maging sagabal.
Ginawa ko na iyon ng buong ingat sa pagkakataon na ’to. Seryoso lang rin si South sa aking gilid binabantayan ang aking kilos.
“Tama ba ’to?” Ipinakita ko sa kanya ang hawak kong measuring cup na ikinatango niya.
“H’wag mo na masyadong galingan. Kakainin lang rin naman iyan.” sabi niya.
“Pero gusto ko masarap ang gawa ko.”
“Ang importante, gawa mo. Ibuhos mo na iyan dito.” Inilapit niya ang mixing bowl kaya ibinuhos ko roon ang iniistima kong dry ingredients.
“Kung kunwari mas masarap iyong nauna iyon nalang ang ibibigay ko ha.” Ngumiti ako kay South na ikinasira agad ng kanyang ekspresyon.
“Di ako kumakain ng di masarap. Akin ang masarap.” diin niya.
Ngumuso nalang ako at hindi na nakipagtalo pa. Sabagay nag-effort rin naman ako. Gagalingan ko nalang ulit dito sa pangalawa.
Siya ang nagbatil noong itlog. Mabilis ang galaw ng kanyang braso na ikinamangha ko dahil narin sa mga ugat na lumalabas roon. Parang sanay na sanay siya.
“Sanay ka sa pagbabatil ng itlog?” tanong ko.
“Sanay lang sa mabibilis na bagay.” seryoso niyang sabi.
Minsan talaga, iyong mga sagutan ni South hindi ko mapunto. Parang ang lalim at may ibang kahulugan.
“Katulad ng ano?”
Natigil siya at nilingon ako. “Tsismosa.”
“Gusto kong malaman! Curious ako eh.”
“Gusto mo?” Binitiwan niya iyong hawak niyang pinagbabatil niya ng itlog. Tumango naman ako kaya sinenyasan niya akong lumapit sa kanya.
Sinunod ko ang kanyang gusto at lumapit. Lumebel siya sa akin at bumulong.
“Tsismosa si Nana.”
Mabilis ko siyang sinimangutan. “Dali na kasi,” niyugyog ko ang kanyang braso. “Ano ba ’yon?”
Imbes na sabihin ay itinulak niya ang aking noo kaya mabilis kong hinawakan ang kanyang kamay at inipit iyon sa ipinagsalikop kong mga kamay.
“Ano kasi?”
Iritado niya akong tiningnan at niyugyog ang kanyang kamay.
“Nosy,”
“Para may alam ako sa’yo at pwede ko iyong itago bilang secret mo! Edi parehas na tayong may sekreto!” I said merilly.
He just shrugged and pulled his hand back. Hinigpitan ko lalo ang pagkakahawak roon na ipinagsalubong ng kanyang kilay.
“Oh sige sa’yo na.” saka niya inilayo ang kanyang sarili habang hawak ko parin siya.
“Sabihin mo kasi.” pamimilit ko.
“Bahala ka diyan.” suplado niyang sagot.
Magsasalita na ulit sana ako nang matakpan rin iyon ng ibang boses.
“Look who’s here.” Sumipol si North na kakapasok lang sa kusina nila. Ngumisi siya at may kung ano na sa kanyang tingin na agarang dumako sa kamay ko.
Mabilis kong nabitiwan ang kamay ni South at nahihiyang kumaway sa kanya.
“Hi North. Uhm, nagpapaturo lang ako magbake kay South.” sabi ko sa kanya na ikinasilay lalo ng ngisi sa kanyang labi.
“May naamoy akong matamis rito yun pala kayo.” saka siya humalakhak. “Nagpapaturo ka diyan eh wala naman iyang alam.”
Okay naman ata iyong first. At ’tsaka, marunong daw siya kung may sinusunod na procedures.
Nagtungo si North sa may ref at binuksan iyon. Itinuon ko naman ulit ang tingin kay South dahil sa pagpitik niya bigla ng aking noo.
“Tutunganga ka nalang? Kung ako ang gagawa nito mag-isa baka asin ang mailagay ko.” pagbabanta niya kaya mabilis ko ring tiningnan ang procedures at tumulong na. Sinimangutan ko pa siya. Eh kabisado niya naman iyon!
Nakarating si North sa aking tabi at nakiusyoso narin.
“Need a help, Nana? Mas magaling ako magbake kaysa sa kapatid ko.” sabi niya sanhi para malingon ko ito. Nakahawak ito ng bottled water at hindi nabubura ang kakaibang ngisi sa labi.
“Talaga, North?” namamangha kong tanong.
“Well yeah…” tumawa siya. “Eh iyang si South, medyo tamad iyan kaya nakakapagtaka at napapayag mong gumalaw galaw sa kusina.” Nilingon niya ang kanyang kambal na tahimik lang kaya nilingon ko narin si South. Madilim ang kanyang ekspresyon na kahit ang kanyang mga mata ay nakikipagsabayan narin.
“Let me,” akmang kukunin ni North sa akin iyong hawak kong measuring cups nang bigla akong hinila ni South pausog saka siya lumipat sa aking posisyon. Ngayon ay siya na itong pumapagitna sa amin ni North imbes na ako iyong nasa gitna kanina.
Humalakhak si North ng malutong habang ang mukha naman ni South ay mas lalo lang sumeseryoso.
“Kami na dito,” sabi ni South.
“You’re being possessive, South. Mag-aassume na ba akong inlove ang kapatid ko?”
Hindi sumagot si South, nanatili ang kanyang tingin sa ginagawa. Ako naman ay nanonood lamang sa kanilang dalawa. Kaso noong nilingon ako ni South, nakataas na ang kilay at nagbabanta ay mabilis ko ring ipinagpatuloy iyong akin.
May narinig akong click ng camera. Paglingon ko sa dako ni North ay pinipicturan niya na kami ni South.
“Souvenir lang.” Ngumisi si North saka rin ibinulsa ang kanyang cellphone. Natigil sandali si South at binalingan ang kanyang kapatid na kahit iyong hawak niyang cup ay nabitiwan niya.
“Chill,” umatras si North pero kakaiba na ang ngisi. “Sa labas na ako.” saka siya umalis at sumipol sipol pa.
Hindi ko alam kung bakit ganoon ang inasta ni North. Pero kabisado niya naman ang kanyang kambal kaya siguro kahit wala itong sabihin ay nababasa niya agad ang kilos at titig nito.
Nagtataka kong binalingan si South na hindi na mabasa ang ekspresyon ng mukha. Marahas siyang bumuga ng hininga at mariing napapikit.
“South?”
Bumaling siya sa akin, magkasalubong na ang kilay at halos hindi ko na maaninag sa kanyang mga mata ang malatsokolate nitong kulay dahil mas nababalutan na iyon ng iba.
“Don’t mind him. Tapusin na natin ito para maihatid na kita.” sabi niya saka bumilis ang kanyang kilos.
Naririnig ko ang sipol ni North sa may sala at ang boses niyang kumakanta. Parang good mood na good mood na ito maliban sa kambal niyang naging salungat niya na ata. Di ko alam kung bakit pero okay naman si South kanina. Pero nararamdaman ko lang na parang may kakaiba.
“Bye North! Alis na ako.” pagpapaalam ko rito nang mamataan ko itong nakaupo na sa sofa.
Bumaling siya sandali kay South na nasa aking tabi saka rin lumipat sa akin.
“Aalis kana agad?”
“Oo eh. Baka mapagalitan rin ako sa amin…”
“Alam ba ito ng mga pinsan mo?” tanong ni North na ikinailing ko. Gumuhit sa kanyang mukha ang pagiging interesado.
“Ah…” ngumisi siya saka bumaling kay South. “Ang hilig mo naman ata sa mga palihim?”
“Ihahatid ko lang,” paalam niya kay North na ikinatango nito saka ako hinila ni South palabas. Bakit parang nakakatakot umasta ang kambal? Hindi kagaya ni Red at Blue na nababalot ng kaligayan, sila naman itong nababalot ng misteryo. Wala akong napupunto sa kanilang tinginan at mga pinagsasabi.
Iniwan roon sa kanilang ref ang mga gawa naming brownies. May dala lamang akong kaonti para makain ko. Nakasilid ito sa isang box at nasa dala kong paperbag.
Nilingon ko si South sa aking gilid na tahimik lamang na naglalakad habang nakapamulsa, ang tingin ay nasa daan.
“Napakaopposite niyo pala talaga ni North ’no…” panimula ko para patayin ang katahimikang namamagitan sa amin.
Hindi siya kumibo kaya napanguso ako. Masyado na ata siyang natatangay ng kanyang pinag-iisip kaya hindi niya ako napapansin. Kinalabit ko ang kanyang braso at itinagilid ang aking ulo para mas masilip ang kanyang mukha. Nagkasalubong agad ang kanyang kilay nang nilingon ako.
“Ang seryo-seryoso mo. Tapos si North bawat sigundo ngumingiti.” sabi ko.
“I already told you, just because I’m not smiling doesn’t mean I’m sad. Just because he’s smiling doesn’t mean he’s happy. Kabaliktaran kami sa lahat ng bagay.” sabi niya na ikinamangha ko ng lubusan. Hindi masaya si North pero nagagawa niyang ngumisi?!
“Talaga?! Hindi siya masaya pero ngumingisi siya?!” nahawakan ko ang braso ni South dahil sa pagkakagulantang sa aking nalaman. Napatingin siya sandali sa kanyang braso kung nasaan ang aking dalawang kamay saka rin ako tiningnan.
“Why are you so flustered about it? Gusto mo ba iyong palaging nakangisi? Ganoon ba ang Aries mo?” may tabang na sa kanyang pananalita at nagawa pang hilain paalis ang aking kamay sa kanyang braso.
Umiling ako. “Hindi naman. Pero sino bang gustong maging malungkot ang isang tao? Nacucurious lang ako kung ba’t nagagawa iyon ni North pero ikaw parang limitado lang.”
Ibinalik niya ang tingin sa daan at ibinulsang muli ang isang kamay.
Itinagilid ko ang aking ulo at tinitigan siyang mabuti. Nang lumingon siya sa akin ay ngumiti agad ako ng matamis. Iritado siyang nag-iwas ng tingin. Ngumuso ako at hindi itinigil ang kakatitig sa kanya. Kaya noong lumingon siya ulit ay mas tinamisan ko ang aking ngiti, nagbabakasakaling ngumiti narin ito pabalik. Kaso imbes matuwa, mas nainis lang ata ito lalo.
“Stop it,” bininat niya bigla ang magkabila kong pisngi na ikinasira ng aking ekspresyon dahil sa hapdi.
“Aray, South!” hinawakan ko agad ang dalawa niyang kamay para lang tanggalin iyon.
“Total gusto mong ngumingiti palagi, ba’t di natin iyan binatin lalo para mas lumaki ang ngiti mo?”
“Bitaw na South!” Pagmamakaawa ko. Kitang kita ko kung paano siya ngumisi kakatingin sa aking mukha saka mas bininat iyon. Halos madikit na ako sa kanya at tinitingala ko na ito para lang awatin siya.
“South!” Naiiyak kong awat kaya binitiwan niya rin ako. Nahawakan ko ang magkabila kong pisngi at sobrang napasimangot na.
“Ang sakit…”
Nakagat niya ang pang-ibabang labi at nag-iwas agad ng tingin sa akin. Halatang nagpipigil ito ng tawa.
“Ano, ngingiti ka pa?”
Umiling iling ako, sinimangutan siya lalo. Tumango naman siya at nilingon ako, nakagat niya ulit ang kanyang labi at nahawakan pa ang kanyang panga. Halatang nagpipigil lang siyang matawa eh!
“Ang sama mo.”
“Kung makasabi ka ng masama akala mo naman inagrabyado kita.” Umismid siya sa akin.
“Pero bininat mo ang pisngi ko! Masakit!”
“Are you mad or just simply shouting?” nagtataka niyang tanong.
“G-Galit ako! Masakit!” Sinubukan ko siyang samaan ng tingin pero tanging ang kilay ko lang ang nagkakasalubong maliban sa mga mata kong nangliliit lamang.
“Nakakatakot ka palang magalit.” sarkastiko niyang sabi.
“Galit kaya ako! At hindi ako ngumingiti!”
Tumango-tango siya at pumapalpak. “Nice acting. But try harder next time.” saka niya tinapik tapik ang aking ulo na akala mo ay aso ako.
Bumuntong ako ng hininga. “Di naman kasi ako marunong magalit. Siguro, may mga bagay lang talagang mahirap gawin lalo na kung di mo naman nakasanayan. Ikaw di ka palangiti, ako naman ay hirap magalit. Di pala talaga napipilit ang mga bagay na hindi mo nakasanayan ’no?”
He stared at me for a moment. Wala akong mabasa na kung ano roon kaya ngumiti nalang ako. Kaso nang mapagtanto kong nginingitian ko na siya ay mabilis ko ring tinakpan ang aking bibig.
Pagdating namin sa bahay ay naroon na si Mommy at Daddy. Naninimbang ang tingin sa aming dalawa ni Daddy habang si Mommy naman ay malaki ang ngiti.
“Where have you been, Nana?” tanong ni Daddy.
“Kina South po. Nagbake po kami ng brownies.”
“You didn’t tell me.”
“Nagtext po ako kay Mommy!” saka ko binalingan si Mommy. “I already told her, sweetie. Kaso nagtatampo siya kasi ako lang iyong tinext mo.” ngumisi si Mommy kay Dad.
“Ano pang ginawa niyo?” si South na ang binalingan ni Dad this time.
“We did nothing, Sir.” sagot ni South sa pormal na boses.
Natawa si Mommy. “Oh please Jimin! Ikaw nga noon na palaging nasa kwarto ko wala namang nangyayari! Chill!”
Nailing si Dad at nasuklay paatras ang kanyang buhok. He looks so worried.
“I’m sorry Dad.” I sighed. “Next time po itetext ko rin kayo…”
“Hay, napaghahalataan na ang edad mo Jimin. Naistress kana…” tukso ni Mommy sa kanya.
Pasimple kong nilingon si South sa aking gilid na ikinalingon niya rin sa akin pabalik. Sinimangutan ko siya at agad rin akong nag-iwas ng tingin. Hanggang ngayon nanghahapdi parin ang pisngi ko!
Doon na siya pinagdinner ni Mommy. Iyong topic na nilang tatlo ay ang parents ni South. I’ve seen Tita Aly and sobrang ganda niya. Ang puti nito at may napakaamong mukha. Hindi nalalayo ang mukha ni North sa kanyang Dad habang si South naman ay parang kombinasyon ni Tito Uno at Tita Aly. He got this soft features yet manly. Magkasingtangkad lamang sila ni North at kung ikukumpara sa aking mga pinsan, magkasingtangkad lamang sila ni Hiro.
“Ano bang kursong kukunin mo, South?” tanong ni Dad.
“Artchitect, Sir.”
Namangha ang mukha ni Mommy. “Really?”
Tumango si South at nilingon ako. Iniwas ko agad sa kanya ang tingin at sumubo. Naasiwa naman si Daddy sa nasaksihan niya at nagkasalubong ang kilay.
“Pag tapusin mo muna ng college ang anak ko, South. Baka lalandiin mo iyan at hindi makaconcentrate sa pag-aaral niya.” sabi ni Dad sa malalim na boses at may pinupunto na.
“Nana is very attractive, Jimin. H’wag na tayong magtaka kung maaakit si South sa kanya.” Mom smiled naughtily. Bumusangot naman agad ang mukha ni Dad.
“Naaakit ka sa’kin?” pabulong na tanong ko kay South lalo na’t natuon na sa isa’t isa ang atensyon ni Mommy at Daddy. Nagdedebate sila.
“May nakakaakit ba sa’yo?” bulong pabalik ni South at nagawa pang sumubo ng pagkain.
“Pag nagbra at panty ako nakakaakit iyon sa mga lalake. Eh lalake ka naman, imposibleng hindi ka maakit.” sabi ko sa maliit na boses, nililingon pa ang parents ko at hindi na mapagtuunan ng pansin ang topic nila. Basta tumatawa lang si Mommy.
Nagkasalubong ang kilay ni South. Binasa niya ang pang-ibabang labi saka sumagot sa namamaos na boses. “Hindi,”
Lumapit ako sa kanya lalo para makabulong ng maayos. “Talaga? Dahil ba flat akoㄧ
“Cana Aleyna.” boses iyon ni Dad na nagpagulat sa akin. Mabilis akong lumayo at umupo ng tuwid. Nanlalaki ang mata ni Dad habang si Mommy naman ay natawa na.
I heard South breathe deeply as he lean on his seat. Tila may pinoproblema pero agad rin namang nawala iyon sa kanyang mukha.
“Aww baby, I’m so proud of you…” pabiro pang sabi ni Mommy na ikinasingkit ng mata ni Daddy at ikinakagat agad ng labi ni Mommy.
“Ilang gabi ko ring ipinagdasal na sana ay wala siyang namana sa ating kapusukan noon, Ab.” sabi pa ni Dad nang mariin niya itong tingnan.
“Look at your daughter, Jimin. She’s very prim and proper! Ako sa edad niya ay wala sa bahay, nasa Bar at nagpaparty. She grew up just like we want. Masunurin, mabait at maganda.” mataman na sabi ni Mommy.
Nakita ko sa gilid ng aking mga mata ang paglingon ni South. Parang naninigurado ang kanyang mga mata na nasa akin iyong mga diskripsyon ni Mommy kaya ganoon nalang ang kanyang paninitig. Dahan dahan ko siyang nilingon saka nahihiyang ngumiti na agad niya ring ikinaiwas ng tingin sa akin.
Dad sighed. “Nababahala na talaga ako. Why is it too early, Nana? I am not yet readyㄧ
“Daddy ready naman po ako eh. 17 na po ako.” sabi ko agad para matigil na siya sa kakaalala kaso mas lumala lang ata dahil sa kanyang pagkakagulantang.
“Oh honey, you’re not.”
“Yes po Daddy. Ready na po ako. Promise po.” saka ako nagcross finger.
Agad na binalingan ni Dad si South. “Nasa’yo ang pagpipigil, South. Pag nalaman kong may ginagawa na kayo, magkakabanggaan talaga ang pamilya natin.”
Tumango naman si South, “Yes, Sir.” saka ako binalingan.
Iyon na ang ikalawang pagkakataon na nakasabay namin si South magdinner. Natutuwa ako dahil pakiramdam ko, napagkakatiwalaan narin siya nila Mommy at Daddy katulad ng pagtitiwala ko sa kanya. Siguro sa susunod ay kay White ko naman ipapaliwanag ang lahat. Pauunti-untiin ko hanggang sa maging legal narin ako sa pakikipagkita kay Aries nang hindi na kumakapit kay South. Gusto kong manatiling kaibigan niya hindi dahil may kailangan ako kundi dahil nakabuo na kami ng friendship.
14th Hooked
Secret
Kumatok muna ako saka ko pinihit ang pinto ng kwarto nila Mommy at Daddy sa umaga. Nakapantulog parin ako at buhaghag ang buhok, hawak ang isang cupcake na may kandila ay maingat akong pumasok para hindi mamatay ang apoy.
“Happy birthday, My!” pagbati ko nang matagpuan ng aking mga mata ang imahe nilang dalawa sa kama. Kapwa buhaghag ang mga buhok at naniningkit ang mga mata. Dad even chuckled when he saw my cupcake. Teka, natulog ba sila? Ba’t parang puyat?
“Aw, that’s so cute, Nana!” nailagay ni Mommy ang kanyang kamay sa kanyang dibdib at napanguso. Mabilis namang kinuha ni Dad ang cellphone sa bedside table at mukhang vinivideohan ako habang naglalakad papalapit sa kanila.
“Happy birthday, love.” bati ni Daddy at itinapat sa kanya ang camera. He gave her a peck on her forehead at saktong nakarating narin ako.
“Happy birthday!” Hinalikan ko narin ang kanyang pisngi habang nakatutok sa amin iyong cellphone ni Daddy.
Hindi na mabura ang matamis na ngiti sa labi ni Mommy nang itinapat ko sa kanya iyong cupcake.
“Wish ka po muna saka niyo po iblow.”
Ngumisi ng makahulugan si Jimin na ikinasimangot ni Mommy at kinurot ito sa tagiliran. Dad chuckled even more, nasuklay pa paatras ang buhok. Wala na naman akong magets.
Pumikit si Mommy ng ilang sigundo pagkatapos ay dumilat rin at hinipan iyong kandila.
“Thank you Nana. I love you!”
“I love you too Mommy! Wish ko po sa inyo good health and always be happy!”
“I am more than happy baby.”
Dad chuckled. “Nadagdagan kana naman ng edad, Ab. Paano ba yan, tatanda kana talaga.” panunukso nito.
Sumimangot naman si Mommy. Dinilaan ko iyong icing at umupo sa may paanan. Natatangay minsan ang tingin ko sa kanila at mahuhulog ulit sa hawak na cupcake na kinakagatan ko na.
“Am I getting old, Jimin?” sumimangot si Mommy. Dad cupped her face at iniharap sa kanya ng buo. “Yes love…”
“Edi nagkakawrinkles na ako? Puti na ba ang buhok ko?” Mom pouted.
“At least you’re going to get old with me. I don’t mind your physical appearance.” saka niya iyon pinatakan ng mababaw na halik sa labi. Okay, na oop na naman ako. Minsan talaga naeechapwera ako. Manghingi kaya ako ng kapatid?
“Di niyo na po ba binabalak magkababy ulit? Ayaw niyo po bang sundan ako?” tanong ko na ikinaputol ng paghaharutan nila.
“Baby, we’re quite busy at ayoko munang manganak.”
“Pero kung nagbunga iyong kagabi then whyㄧ”Shut it Jimin.“ Mom hissed at him.
“Okay lang naman po. Sabi rin kasi nila masakit manganak. I don’t want you to feel that pain, My.”
“Aww, Nana. Ang sweet mo. Come here!”
Agad akong lumapit saka niya ako binigyan ng mahigpit na yakap. Kahit si Daddy ay nakisali narin at mas hinigpitan ang pagyakap sa aming dalawa.
Lumiban muna sila sa trabaho para sa magiging party mamaya. Naghahanda na sila sa likuran ng aming bahay dahil may openspace roon. Sa mga ganitong okasyon, magkikita kita na naman lahat ang mga angkan namin at magtitipon tipon. Pati ang mga Montiel at Buenaventura ay imbitado rin. Sayang nga at nasa Canada iyong pinsan ko tsaka si Tita at Tito Kurt.
Tuwing ganitong mga okasyon, si Mommy ang namimili ng mga isusuot ko. Pag sarili ko namang lakad ay malaya kong nasusuot ang gusto ko.
“Mommy, hindi ba magagalit si Daddy sa ganitong dress?” tanong ko sa kanya nang tingnan ko sa malaking salamin ang suot kong dress. “Parang napunit iyong tela ng likod My.”
Umiling si Mommy. “Style iyan, Nana. It’s called backless. I’m sure yung dalawa mong pinsan magdadamit rin ng maganda at magpapatalbugan. You need to dress well too. You’re a Delafuente.” sabi niya habang naglilipstick. Ngumuso ako at tiningnan ulit ang aking sarili. Sabagay, matatakpan rin naman ng mahaba kong buhok iyong likod ko.
“Baka lang po magalit si Daddy.” sabi ko.
“Halika, lalagyan kita ng light make-up.” sabi niya at hinila na ako paharap sa kanya. Nagpatianod nalang ako sa gusto niya.
“Remember, kasali sa mga bisita ang mga Buenaventura. Nagkakamabutihan na kayong dalawa kaya dapat ipamukha mo sa kanya na dapat sa’yo lang ang mga mata niya, ang buong atensyon niya.” sabi niya habang nilalagyan ako ng lipstick. Seryosong seryoso siya roon na kahit ako ay nagiging seryoso narin. Dapat ba ganoon iyon?
“Bakit naman po?” tanong ko.
Dumampot siya ng panibagong make-up saka ulit itinuon ang buong atensyon sa aking mukha.
“Para di siya maagaw sa’yo.”
“Maaagaw po siya, My?!”
“Yes Nana! Kung naging kampante ka maaagaw talaga iyon nang hindi mo namamalayan. Look at South, sa tindig at mukha palang nakakalaway naㄧ
“Di kaya ako naglalaway sa kanya.” putol ko.
“Kahit na. He’s a keep, baby! Kung sa pangingisda pa iyon, para kanang nakabingwit ng perlas imbes sa isda!”
Talaga? Hindi ko alam na ganoon pala kaimportante si South.
“Ano, gusto mong maagawan?” humalukipkip siya sa aking harapan.
Umiling agad ako. “Ayoko po!”
“Good!” Ngumiti ng matamis sa akin si Mommy at hinawakan ulit ang aking baba para lagyan ako ng kung ano sa aking mukha.
Ayoko namang maagaw si South. Paano nalang ang secrets namin?! Paano nalang ang friendship?! At siya lang ang kaibigan ko ngayon! Ang sama naman ng ganoong tao kung aagawin niya sa akin si South.
Nakatatak sa aking utak ang mga habilin ni Mommy. Natigil lang kasi kami sa kakatopic kay South nang pumasok si Daddy at nakiusyoso. Kapwa pa kami umiling ni Mommy nang tinanong niya kami kung may pinagpaplanuhan ba kami. Pagkatapos noon na op na naman ako kasi naging sweet na silang dalawa.
Saktong 6pm nang magsidatingan iyong iba pang mga pinsan ko kasama ang mga parents nila. Kumaway agad ako kay Daphne na nginitian narin ako pabalik. Nakahalfponytail ang kanyang buhok at may suot na light blue na dress.
Binalingan ko ang dalawa kong pinsan na katulad ng sinabi ni Mommy sa kanila ay napakarepresentable nga ng mga suot. Nakablack dress si Zera at ibinabalandra ang mamahaling brand ng kanyang damit na kahit si Elle ay ganoon rin na nakagucci. Iyon kadalasan ang mga damit niya hindi kagaya ng kay Zera na halo halo at puro branded.
“Sa mga ganitong okasyon ka lang talaga nagiging tao, ’no?” pinasadahan ako ng tingin ni Zera. “Akala ko may mukha noong idolo mo ang isusuot mo.”
“Si Mommy kasi nagpumilit nito.” tiningnan ko na ang aking sarili. “Don’t worry, di ko rin iniisip na ikaw ang nagdamit sa sarili mo.” sabi niya at hinawi ang kanyang buhok papunta sa likuran.
“Dapat magpaturo ka sa Mommy mo manamit, Nana.” si Elle.
“Okay naman ang mga sinusuot niya ah?” si Daph naman.
May sasabihin pa sana ako kung hindi lang nakuha ang atensyon naming lahat dahil sa panibagong mga dumating. Nagtaas agad ng kilay si Zera nang makita si Irah. Sinuklay pa nito ang buhok sa ibang direksyon kaya malayang nalaglag ang iilang hibla at parang isang slide na may patutunguhan. Ang ekspresyon ng kanyang mukha ay nanatiling kalmado ngunit seryoso. Ni hindi ko na malingon ang kasama niyang si Franca at mga parents nila dahil mas natatangay iyon ni Irah.
“No wonder modelo siya.” narinig kong sabi ni Daph.
“Nana!” tawag agad ni Franca sa akin kaya doon ko na siya nalingon. Napakurap ako nang makita siya. She’s stunning too! Maganda rin naman kasi si Franca! Maamo lang talaga ang mukha niya at parang behave na behave.
Kumaway ako sa kanya at lumapit. Si Irah naman ay bumaling sa amin pero mas lalong nagiging misteryoso ang mga matang tila nang-iinsulto palagi kahit hindi naman.
“Ang ganda mo!” komento niya sa akin at pinasadahan ako ng tingin. “Backless ka.” medyo natawa pa siya.
Tumango agad ako. “Si Mommy kasi…”
“Nalito lang ako ng kaonti.” ngumuso siya at sinilip ang aking likod saka ulit tiningnan ang aking harap. “Nakakalito ng kaonti, Nana.”
Sumimangot ako. “Inaasar mo ba ako?”
“Hindi ah! Di ko naman sinabing dalawa likod moㄧ mabilis niyang natakpan ang kanyang bibig at nanlaki ang mga mata. “Nasabi ko!” gulat niyang sabi na ikinahalakhak ko nalang.
Teka? Asan sina South at Uno? Imbitado rin sila ah?
Luminga linga ako sa kanilang likuran. Ang tanging nakita ko lang ay si Tito Dos at Tito Tres na kausap na si Daddy. Si Mommy naman ay napapalibutan na ng mga babae.
“Mamaya dadating na ang mga pinsan ko. Late talaga ’yon dahil sa kabagalan ni South.” sabi ni Franca na ikinakurap ko.
“H-Huh?”
“Ay hindi ba si South hinahanap mo?” tanong niya, mas nagiging inosente ang mukha.
“H-Huh?” Natanga ako ng ilang sigundo sa kanyang harapan. Masyado ba kaming obvious ni South? Pero kung masyadong obvious, edi sana nagreact na ang mga pinsan kong lalake.
“Napapansin ko kasi, pamilyar lang talaga ang ganoong titigan.” paliwanag niya. “Inililihim niyo ba?” inosente niyang tanong na ikinatutop talaga ng aking bibig. Ba’t ang weird nitong si Franca?
“It’s okay! Di naman ako nosy.” saka siya ngumiti ng matamis sa akin. Binalingan niya sandali ang pinsan niyang si Irah na nakaupo na roon sa ibang nakaset na tables saka ulit ibinalik sa akin. Ang mga mata ay nagsisimula naring maging misteryoso nang ngumiti siya ulit ng matamis. Pamilyar sa akin ang inaasal ni Franca at naisip agad ang inasta ni North noong nakaraang araw. Ganitong ganito rin. Parang kakaiba.
Sumunod na dumating ang mga Fortalejo. Chey, Cassey and Shanaia look elegant. Hindi ko na sila masyadong nabigyan ng pansin dahil kay Mommy agad sila dumeritso. Maya maya, naging kompleto na ang mga lalake kong pinsan at pinapangunahan na ang ingay. Pumapangalawa naman ang mga parents namin lalo na’t naririnig ko narin ang malutong na tawa ni Daddy at naiimagine ang nawawala niyang mga mata.
“Sinong pumunit ng damit mo?” tanong ni White sa akin at itinagilid pa ang ulo para makita ang kabuuan noon.
“Sabi ni Mommy style daw iyan.” napanguso ako sa kinauupuan naming lamesa.
“Wala naman sana si Aries dito pero mukhang masyado ka naman atang nagpapaganda?” umangat agad ang kanyang kilay sa akin.
“Hindi ah! Sabi ni Mommy dapat daw representable ako dahil Delafuente ako!”
Ibinaling ni White sa ibang direksyon ang tingin. Nang susundan ko na dapat iyon ay agad niyang iniwas sa ibang direksyon.
Nagkalat sa paligid ang fairylights. May mga mesa at sa gilid naman ay ang cater na klase klaseng handa. Malaki ang cake ni Mommy at may waiter na gumagala para magbigay ng wines o magserve ng pagkain. Pumapaibabaw naman ang mga kanta ni Lauv. Sa mga ganitong okasyon, nasanay na kami na nag-iinuman talaga ang mga parents namin lalo na ang mga Daddy namin. Nasa amin nalang iyon kung paano rin namin aaliwin ang aming sarili.
Ilang sandali lamang ay dumating na nga sina Tito Uno at Tita Aly. Humaba agad ang aking leeg at nilingon ang kambal na sumasabay sa kanilang magulang. Ang nakapamulsang imahe agad ni South ang kumuha ng buong atensyon ko. Nakarolyo ang suot niyang itim na polo at nakabukas ang dalawang botones. Ang buhok na magulo ay bumabagay sa seryoso niyang mukha na kahit ang malatsokolate niyang mga mata ay bumabagay narin sa itim niyang suot. Tama nga si Mommy, gwapo si South at may tindig. Nakakapagtaka nga at hindi siya nagmodelo.
Kagat kagat niya ang pang-ibabang labi at parang pinaglalaruan iyon nang magtagpo ang aming mga mata. Ngumiti ako ng tipid sa kanya at gustong kumaway kaso naalala kong nasa paligid lamang ang aking mga pinsan kaya pinigilan ko nalang ang aking sarili.
Natigil siya sa kakalaro sa kanyang labi at napatitig sa akin. Kahit ang nakabulsang kamay ay nailabas niya at nagiging malalim na ang pagkakatitig sa akin. He even stop midway from walking, lips part a bit and losing his senses.
Kumurap ako at medyo nailang roon sa paninitig ni South na tumatagal na. Nilingon ko ang kanyang parents na kausap na si Mommy at nakita ang paglingon ni Tito Uno sa kanya. Kahit ang misteryoso at makahulugang paglingon ni North sa akin ay may pinupunto na. Ngumisi siya at nailing.
Binalingan ni South ang ama na tinawag siya saka niya nilapitan ang direksyon nila Mommy. Napansin ko pa ang pagngisi ni Mommy at tuwang tuwa na. May kung anong sinabi si South na ikinagala sandali ng tingin ni Mommy at huminto lang noong mahanap ako.
Sinenyasan niya akong lumapit roon kaya tumayo ako. Binalingan ko sandali si White na parang wala sa kanyang sarili.
“White, tawag ako ni Mommy.”
Tumango siya kaya naglakad rin ako papnta roon. Kitang kita ko ang paglingon sa akin ni South. Nakakapaso ang kanyang paninitg na kahit ang aking paghakbang ay bumibigat na. Ngumuso ako at nagtatakang tiningnan siya pabalik. Narinig ko ang halakhak ni North hanggang sa naging klaro iyon sa akin nang tuluyan na akong makalapit.
“You look gorgeous, Nana.” ngumingising compliment sa akin ni North.
“Thank you, Hi po Tita aly, Tito Uno.” nginitian ko ang mag-asawang kapwa nakangiti sa akin.
“Sa mga Delafuente, itong si Nana talaga ang pinanggigigilan ko, Abbey. Ang ganda at ang bait bait!” sabi ni Tita Aly kay Mommy na ikinayuko ko.
Humalakhak si Mommy. “No wonder ganoon rin ang taste ng mga anak mo.”
Mukhang hindi iyon nagets ni Tita Aly dahil masyado ko ng kinukuha ang kanyang atensyon. Ang ganda niya sobra. May kung ano namang ibinulong si Tito Uno sa kanya at kitang kita ko ang pamilyar niyang ngisi na nakita ko narin kay North. Pilyo iyon at parang may pipupunto lalo na’t nagblush si Tita Aly.
“Nana, samahan mo muna si South sa loob ng bahay. Ituro mo kung nasaan iyong cr.” utos niya sa akin na ikinatango ko. Binalingan ko si South na nagkakasalubong na ang kilay at nag-iiwas sa akin ng tingin.
“South, tara.” sabi ko para kunin ang atensyon nito. Nauna akong humakbang saka nilingon siya sa aking likod na nakasunod na pero mas nagkakasalubong ang kilay kakatingin sa aking likod.
Tuluyan kaming nakapasok sa loob. Lumebel siya sa akin at halata ang inis sa mukha.
“Sinong pumunit ng damit mo?” tanong niya na ikinalingon ko narin sa aking likod.
“Backless iyan, South.” sabi ko.
“I know Nana. Kailan ka pa nahilig sa mga ganyang damit? Asan na iyong mga balot na balot?” umangat ang kanyang kilay sa akin. Sa mga nagdaan kasing araw, ganoon ang damit ko.
“Basta pag may okasyon si Mommy talaga nagdedesisyon sa mga susuotin ko. Pangit ba?” tanong ko.
Lumunok siya ng laway at nasa harapan lang ang tingin. Tumango siya na ikinasimangot ko.
“Sabi kasi ni Mommy dapat maganda ako para di daw ako maagawan.”
Doon niya ako nilingon, nakakunot na ang noo.
“Sabi ni Mommy maaagaw ka daw sa’kin kaya dapat maganda ako para sakin ka lang tumitig.”
Mas lalong nagkasalubong ang kanyang kilay, parang naiirita o ano.
Humarap ako sa kanya ng buo at inilapit pa ng kaonti ang aking sarili.
“Tingnan mo oh! Nilagyan niya ako ng lipstick ’tsaka kaonting make-up! Nag-effort si Mommy para di ka daw tumingin sa iba! Siguro concern siya sa friendship natin.”
Naiinis niyang itinulak ang aking noo paalis sa kanyang harapan kaya katulad ng nakasanayan ko pag ginagawa niya iyon ay hinuhuli ko agad ang kanyang kamay at ipinapalaman sa pagkakasalikop ng aking mga kamay.
“Para namang normal mo lang na mukha. Nalagyan lang ng kaonting kolorete pero mukha mo parin.” sabi niya at iniiwasan parin ang aking mga mata. Akala ko pa naman medyo nabago ang ayos ko. Iyon pala normal parin.
“Hindi ka naman titingin sa iba di’ba?” tanong ko, pilit hinuhuli ang mga mata niyang ipinagkakait niya sa akin.
“Ang kulit mo,” sabi niya sa akin sa namamaos na boses.
“Pero sabi ni Mommy pag ganito ang hitsura ko, hindi ka daw titingin sa iba! Hindi ka titingin di’ba?” mas klaro at may diin kong tanong.
“I won’t.” he said deeply as his dark chocolate eyes settled on me. “Sa’yo lang.” halos ibulong niya na iyon at sapat lamang para marinig ko.
I smiled at him sweetly saka rin binitiwan ang kamay niya. “Mabuti! Hindi mababasura ang effort ni Mommy! At ayoko ring maputol ang friendship natin eh wala pa akong alam na sekreto mo.” Ngumuso ako.
Tahimik lamang siya at naninimbang ang mga matang nakadirekta sa akin. Iginala ko ang tingin at umabante na. Malapit na pa kami sa cr.
“Dito pala ang cr Southㄧ
Nagulat ako nang hilain niya ulit ako pabalik sa kanya at iharap sa kanya ng buo. Ang isang kamay ay nakabulsa saka siya yumuko at ipinantay ang sariling mukha sa akin para dampian ng halik ang aking labi. His eyes were shut close as he crouched just to give me a peck on my lips. My eyes widened even more. Nasa aking pulso pa ang kanyang kamay na mariin rin ang hawak roon.
Dahan dahang dumilat si South. Umangat ang kanyang mga mata sa akin at medyo nagulat sa ginawa pero agad rin namang naglaho iyon hindi katulad ko na natigilan na sa nangyari. Sandali kaming nagkatitigan. Ramdam ko naman ang hindi pangkaraniwang tibok ng aking puso. Ni hindi ko iyon masabayan at masyadong mabilis.
Tumayo siya ng tuwid at nag-iwas ng tingin. “Since you’re demanding a secret from me then keep this as a secret. Keep that as my secret.” he said huskily.
15th Hooked
Dare
“I-Iyon ang sekreto mo?” nagtataka at namumula ang aking mukha sa sarili kong tanong. Iniiwasan parin ni South ang aking mga mata.
“Don’t be so flustered about it, Nana. That’s called friendly kiss. Akala ko ba magkaibigan tayo? You change your mind?” nahawakan niya ang kanyang batok habang nagkakasalubong ang kilay at hindi parin makatingin.
“Friendly kiss?”
“Yeah…” he licked his lowerlip as he swallowed hard. “Wala akong maisip na sekretong sasabihin sa’yo kaya yan nalang para matigil kana sa kakakulit sa akin diyan sa sekreto na iyan.” inis niyang sabi.
“Iyon na ang secret mo?”
Tumango siya, binalingan ako sandali pero nahulog rin ang tingin sa aking labi.
Ah. Yun naman pala! Friendly kiss. Ang babaw naman pala ng sekreto niya. Pero ang mahalaga roon, nanggaling na talaga sa kanyang bibig na magkaibigan na kami.
“Edi pwede mo iyong gawin anytime since friends na tayo?” tanong ko.
“Pwede…” halos pabulong nalang iyon, sakto lang para marinig ko. “Payag ka?”
Tumango agad ako. “Oo naman!”
Nailing siya. “How innocent.”
“Since friends na tayo… Di ko sasabihin yung secret mo. Pero wala kana bang ibang sekreto, South? Eh ang bigat noong akin eh.” sinilip ko ang mukha niyang iniiwas niya naman sa akin.
“Mabigat rin iyang akin. Kasing bigat iyan ng mga kamao ng pinsan mong tatama sa mukha ko pag nalaman nila iyang sekreto ko.”
My eyes widened. Ganoon kalala?! Seryoso ba siya?!
“Masusuntok ka nila?!”
He nodded and licked his lowerlip as he stared on my lips. “Yeah…”
“Ang lala naman pala! Sige! Secret lang!” Nilingon ko muli ang pasilyo papuntang cr at itinuro iyon. “Nandoon ang cr. Hintayin nalang kita dito.”
Tumango siya at naglakad rin doon. He even gripped his hair at tila binubulungan ang sarili. Di ko nalang iyon pinansin at umupo sa sofa para doon siya hintuin. Ganoon pala iyong friendly kiss. Edi ibig sabihin maraming iba’t ibang klase ng halik? Magtanong kaya ako kay Cassey? Para kasing marami siyang alam sa ganito.
Pero ba’t naman magagalit ang mga pinsan ko? Eh sa pagkakaalam ko, kahit sila ay sakim sa ganoong bagay. Minsan naririnig ko si Ken na sinasabi niyang masarap daw halikan iyong babae. So ibig sabihin, kaya pala siya friendly at normal lang na bigyan ng friendly kiss ang mga kaibigan mo.
Kaso ba’t parang may kakaiba sa ganoong halik? Parang nakakatulala at nakakasabog ng dibdib. Ni hindi ata ako nakahinga ng ilang sigundo at halos magulat sa ginawa ni South. Is that even normal? Akala ko kasi iyong dapat mong halikan ay mga espesyal na tao para sa’yo. Espesyal na ba ako kay South kung ganoon? Hindi kaya ay itinuturing niya na talaga akong kaibigan?
Paglabas ni South ay tumayo agad ako. Bumuntong siya ng hininga nang masipat niya ang aking likod.
“How annoying.” sabi niya sa kanyang sarili, sapat lamang na marinig ko.
“Huh?”
“Wala.” iritado niyang ibinulsa ang kamay at nagkakasalubong na naman ang kilay.
Ang weird niya naman. Magpinsan nga sila ni Franca. Pati nga kay North naweweirdan ako eh.
Pagkalabas namin sa bahay ay sumalubong agad ang ingay ng paligid. Malakas na iyong tugtog ng Maroon 5 na Girls like you.
“Doon ka sa mga babae.” sabi ni South bago tuluyang naunang maglakad papunta roon sa kinaroroonan ng lalake kong mga pinsan.
“Nana!” Kinawayan ako ni Franca kaya lumapit agad ako roon. Kasama niya sa ibang tables ang mga babae. May kung ano silang pinagkakaabalahan roon.
Umupo ako sa gitna ni Franca at Daphne. Sa kanyang gilid naman ay si Irah na seryoso ang mukha at si Cassey, Chey, Shanaia, Elle at Zera sa gilid ni Daph. Pinapalibutan namin iyong pabilog na mesa na may nakalapag na kung anong inumin, shot glass at boteng walang laman.
“Naglalaro kami ng truth or dare. Sali ka.” sabi ni Franca sa akin at sinimulan ng iikot ang bote.
Tumapat ang pwet kay Elle at ang ulo naman kay Cassey.
Nagsalin ng inumin si Franca sa shot glass na ikinangiwi ko.
“Pwede tayong uminom?” tanong ko.
“Wine ito, Nana don’t worry. Hindi naman siya hard drink at ladies drink ito. Di nakakalasing. Konti lang pag napasobra.” sabi niya.
“Truth or Dare?” tanong ni Elle.
“Dare.” sagot naman ni Cassey.
“Hmm, ano bang pwedeng iutos?” binalingan niya si Zera na may ibinulong rin naman agad sa kanya. Natawa si Elle sandali na ikinabusangot ng mukha ni Cassey.
“Wag niyong kalimutan, kahit laro lang ito nananapak ako.” sabi ni Cassey na ikinaangat ng kilay ni Zera.
“That proves how kj you are. Laro nga diba?”
“Pero kung ipapahiya niyo lang naman ako, truth nalang.” Ismid ni Cassey.
“Weak.” naiiling na nagsalin si Zera sa isa pang shot glass at itinulak papalapit sa kanya. She grimaced a bit just by looking on it. Kahit ako siguro, hindi ko magugustuhan ang inumin na iyan.
“Spit your dare, Elle.” sabi ni Zera.
Humalukipkip agad si Cassey sa kanyang upuan. Nakadenim tube top na dress ito at nakabun ang buhok na may nalalaglag na maliit na curly hairs.
“Demonyita.” sabi ni Cassey
Ngumisi lang si Zera. “I know.”
“Okay! I dare you to go on that side at magsexy dance ka.” Itinuro ni Elle ang direksyon ng mga lalake na ikinalaki ng mata ni Cassey.
“Ano? Kaya?” Zera’s playful smile grew even wider. Naningkit ang mga mata ni Cassey.
Naiinis na dinampot ni Cassey ang isang shot glas at nilagok iyon. Halos maduwal siya nang kumalahati na iyon at diring diri. “Yuck! This is aweful!” saka niya ulit ipinagpatuloy ang pag-inom.
Umatras ata ang aking dila habang pinagmamasdan si Cassey na diring diri. Wala rin naman kasing lemon o kung ano mang matamis na pagkain para papakin mo. Kaya kung ayaw mo talagang uminom, kailangan mong sundin nalang iyong dare sa’yo o kaya ay magsabi ng totoo.
“Gross,” nasira ang mukha ni Shanaia habang tinititigan iyong inumin. Malamya ang mga mata nito, nakabun ang buhok at may suot na grey na dress. Si Chey naman ay naka A-line na puting dress at nakalugay ang buhok. Napapansin ko madalas siyang lumingon roon sa dako ng mga lalake. Siguro si Kuya Toshi ang tinitingnan niya.
Pinaikot ulit ni Franca ang bote. Tumapat naman iyon kay Irah at ang pwet ng bote ay tumapat kay Zera. Ibig sabihin, si Zera ang magtatanong kay Irah.
Nagsukatan agad ng tingin ang dalawa.
“Truth or Dare?” tanong ni Zera
“Dare,” palaban naman na sagot ni Irah na ikinasilay ng ngiti sa labi ng aking pinsan. Pilya iyon at hindi ko gusto. Pag may ganyan kasi siyang ngiti may kalokohan siyang gagawin.
“Hmm, kiss the person you like this night.” mapanghamon na sabi ni Zera.
Ang dali lang naman noon! Eh friendly kiss lang naman iyan.
“Torrid.” and her smirk grew even wider again. Binalingan niya pa lahat ng mga lalake na nasa dulo lang namin at nagkakatuwaan.
“Pag hindi mo nagawa, isang shot. Pero pag nagawa mo, doble ang iinumin noong nag-utos.” pagpapaalala naman ni Franca sa mechanics noong laro. Nagsimula na siyang magsalin ng inumin sa isang shot glass at siguradong hindi iyon magagawa.
“Hindi niya gagawin?” tanong ni Cassey at nasa pagsasalin narin ni Franca ang tingin.
“Hindi sana ang sasabihin ko kaso…” sinalinan ulit ni Franca ang isa pang shotglass saka itinulak ang dalawang shot na may laman ng inumin papunta kay Zera. “She’s my cousin. Irah is always game.” ngumiti siya ng matamis kasabay ng pagtayo ni Irah at deri-deritso na ang lakad.
Lahat ng aming tingin ay natangay sa paglalakad ni Irah na parang rumarampa sa runway. Ang nakasanayan nitong kilos na sinusuklay ang buhok paatras sanhi para magulo iyon ay ginawa niya at deri-deritso lang ang lakad. Siguradong sigurado at walang pag-aalinlangan.
“No way…” gulat na sabi ni Cassey at natatawa na.
Nasa kanya lahat ng aming atensyon. Ni isa ay wala atang kumukurap lalo na nang tuluyan siyang makalapit roon na ikinatigil ng mga lalake at binalingan siya. Nanlalaki ang aking mga mata nang bigla niyang nilapitan ang aking pinsan, hinila ang suot nitong polo para pumantay sa kanya at hinalikan niya sa mismong harapan ng mga lalake.
“Holy shit.” malutong na mura ni Ken, nalaglag na ang panga.
Kahit ang mga pinsan niya ay masyado ring gulat na hindi agad siya nahila. Sa mga matang naroon, may bukod tanging pares ng mga matang nag-apoy agad sa galit. Hindi ko alam kung bakit pero alam kong galit na galit iyon.
Huminto si Irah sa paghalik at pinunasan ang kanyang labi. “This is just a dare. Napag-utusan lang.” and then she pointed my cousin Zera. Itinikom niya ang kanyang bibig na nakabukas rin pala saka bumusangot lalo na’t matalim na ang tingin sa kanya ng iba kong lalakeng pinsan. Lalo na si Kuya Toshi…
Naglakad ulit pabalik si Irah. Nakaplaster na ang nakakalokong ngisi sa labi at nasuklay ulit ang buhok sanhi para maiba ulit ang style noon.
“She likes Grey?” tanong ni Daphne sa akin na ikinailing ko rin, hindi sigurado.
“So you like my cousin?” tanong ni Zera pagkatapos lagukin ang dalawang shot. Hindi ba pangit ang lasa?
“This night? I kinda like his polo.” saka umupo si Irah at umakto na parang wala siyang hinalikan roon. Natahimik ang mga lalake sa kanilang direksyon at naninimbang na ang mga tingin. Si Ken lang itong nambabasag at hindi maiwasang humalakhak.
“Anong klaseng palusot iyan?” Nag-angat ng kilay si Zera.
“Go and buy a brain. I don’t want to explain.” Humalukipkip si Irah sa kanyang upuan at pinasadahan pa ang buhok.
“Where? Is there a place called the fuck I care?” kalmadong sagot ni Zera.
“So hindi mo gusto si Grey?” tanong agad ni Shanaia at sumingit na sa dalawa para lang maputol ang pagdedebatehan nila. Umiling si Irah.
“Hindi. Ang sabi ni Zera, ngayong gabi lang.” and then she smiled flatly. Walang humor roon.
“So you tricked us?” natawa si Cassey.
Nagkibit-balikat si Irah.
“Ganyan ka pala talaga kalandi.” inis na sabi ni Chey. Natakot agad ako at gusto ng tumayo makaalis lang sa mesang ito. Parang di na kasi maganda iyong nangyayari.
Nagtaas ng kilay si Irah. “This is just a game. Chill.”
“Laro pero sineryoso mo naman.” hindi parin nawawala ang galit sa tono ni Chey.
Irah just smiled playfully. “H’wag mong sabihin pati si Grey ay ipinagdadamot mo?”
“You kissed him infront of us. Wala ka bang kahihiyan?” Chey greeted her teeth. Napahawak naman agad ako kay Franca at natatakot siyang nilingon.
“Franca, alis nalang kaya ako?”
“Hayaan mo nga sila. Maglalaro pa tayo. Diyan ka lang.” sabi niya sa akin sa kalmadong boses. Hindi ba siya natatakot?!
“Correction, Chey. Nakatalikod ako sa inyo, sa iyo.”
Napabuga ng hininga si Chey, halata ang galit sa mukha. “Kaya pala sikat ka sa mga lalake. No wonder…”
Irah just chuckled. “Who do you want me to kiss then? Si Toshi?”
Chey stood up, inis na inis na at nakakuyom ang mga kamay.
“See?” Nailing si Irah. “Sino kaya itong malandi? Dalawang lalake binabakuran mo. Sayo?”
“Oopse, that hurts.” Zera smirked at pasimpleng nilingon si Chey. “Kung ako ang sinabihan ng ganyan sasampalin ko talaga.” halata ang panghahamon sa boses na iyon.
Umiling ito at naiinis na nagwalk-out. Inikot lang ni Irah ang botilya at balik ulit sa normal niyang mukha. Ayoko na atang maglaro. Baka may umaway rin sa akin. Gusto ko narin tumayo at humalo nalang doon kina White.
Bago pa man huminto ang bote at may ituro ulit ay umangat na iyon sa ere dahil sa pagkakadampot ng aking pinsan at walang ano-anoy itinapon sa gilid. Pumaibabaw ang pagkabasag noon na ikinagulantang namin at halos mapatalon pa ako sa aking upuan.
“Stop this nonsense,” seryoso at nagbabanta na ang mga mata ni Kuya Toshi na mariin nang nakatingin kay Irah. Ngayon ko lang nakita ang ganoong galit sa mga mata niya. Na pag hindi kami tumigil sa kakalaro ay hindi lang iyon ang mababasag niya.
Sa malakas na tugtog, sa mga magulang naming nasa di kalayuan ay napalingon narin dito. Pero mukhang wala naman silang nahalatang kakaiba dahil bumalik ulit ang kanilang tingin sa isa’t isa at nagtawanan ulit.
Irah just stared at him. Mas umusbong ang galit sa mukha ni Toshi at naiiling na tumalikod sabay dukot noong pakete ng sigarilyo sa kanyang suot na pantalon.
“Nastress na naman ata bayag ni Toshi!” narinig kong sabi ni Ken. Binalingan ko ang grupo ng mga lalake. Wala narin doon si Kuya Grey. Ang mga mata naman ng kambal ay nagbabanta na kay Irah na nagkibit nalang ng balikat at walang pakialam, ni takot ay wala sa kanyang mukha.
“Ba’t naman si Grey pa ang napili mo?” tanong ni Cassey.
“Wala lang. Gusto ko lang mang-inis.” sagot ni Irah.
“But Chey doesn’t like him.” si Daphne.
“I don’t think so.” kibit balikat ulit ni Irah at nagsalin ng inumin sa shot glass. Akma niya na iyong iinumin nang may umangat ng kanyang baso.
“Masyado kanang nagiging wild, Inday.” sabi ni North at siya mismo ang uminom.
Gumulong lang ang mga mata ni Irah. “Dare lang naman. And that’s a plain kiss. Di nga humalik pabalik.”
“Gusto mo pa talagang makipaglaplapan ha.” pinitik ni North ang pisngi nito.
“Ouch! Damn you!” itinulak niya ito palayo sa kanya kaso hindi natinag si North at nailing lang. Binalingan niya kaming lahat saka siya ngumiti.
“Sige na. Ituloy niyo na ang paglalaro niyo. H’wag na iyong may dare. Kahit truth nalang.” saka niya ako binalingan. “Baka may mga itinatago kayong sikreto at gusto niyong ishare sa iba.”
“Ayaw na namin.” si Franca agad ang sumagot na ikinangisi lang ni North.
“Okay.” saka ito umalis.
Kinabahan ako bigla doon. Bakit ba parang may kakaiba talaga?
“Ba’t ang weird?” narinig kong sabi ni Elle.
“Ano bang meron sa lahi niyo?” tanong ni Shanaia.
“It’s a Buenaventura thing you won’t understand.” sagot ni Irah.
Bumuntong ako ng hininga. Kaya hindi rin talaga ako makarelate sa mga babae at mas gustong kasama ang mga lalake dahil wala namang away na nangyayari. Natatakot ako sa mga ganoon at naiiyak.
Humalo na ako sa mga lalake. Nasa tabi na ako ni White at kinakalikot na ang kanyang cellphone. Topic nila iyong paghalik ni Irah kay Kuya Grey.
“Ano bang inilihi diyan kay Irah at masyadong wild?” natatawang tanong ni Ken. Siya lang itong hindi magawang magseryoso sa kabila ng nangyari. Iyong kambal naman mukhang clueless.
“Sili.” sagot ni North.
Sili?! Eh ang anghang noon diba?!
“Kaya pala ganoon kaanghang.” sabi ni White. “Mga kilos palang para ng apoy na hindi mo mahahawakan.”
“Kahit noong bata pa iyan hindi na talaga iyan nakokontrol. Kung hihigpitan mo yan, mas lalo lang kakawala.” paliwanag ni North.
“Sakit sa ulo ang ganyan.” si Hiro.
“Nakakastress rin sa bayag.” dagdag naman ni Ken.
Naging malakas ang tugtog at napalitan ng nakakadala. Napalingon ako sa gitna dahil sa boses ni Mommy na nangingibabaw at nakita si Dad na nagsesexy dance sa kanyang harapan. He was looking at her seriously at minsan ay mapapangisi pa saka aakitin sa Mommy sa sayaw niya.
“Ang landi mo ungas!” May kung anong lumipad na sapatos sa gitna. Sapatos ata iyon ni Tito V. Kalaunan ay sunod sunod na sapatos na ni Tito JK ang tumilapon roon pero hindi naman natatamaan ang parents ko. Sabay pa silang humalakhak dalawa at nag-apir.
Napatili si Mommy nang gumalaw si Daddy sa kanyang harapan at hinawakan pa ang kanyang pwetan. Kahit ako ay nanlalaki narin ang mga mata.
“Anong tawag sa sayaw na iyan?” gulat kong tanong.
“Dry humping, Nana. Pero kung hindi mo maintindihan kadyot nalangㄧ natigil si Ken sa kakasalita nang binato siya ng kung ano ni Hiro. Tinakpan naman ni White ang aking mga mata.
“Bawal sa bata.” narinig kong sabi niya na ikinanguso ko at mabilis na hinila paalis ang kanyang kamay.
Nakita ko ulit si Daddy na dahan dahan ng binobotones paalis ang suot na polo. Todo tili naman sina Tita Ellie at Julie na kahit si Tita Autumn ay tawang tawa na. Tita Sky is frowning, parang nandidiri.
“Sabuyan mo nga ng tubig ang tuta na iyan nang matigil.” si Tito Jin.
I wanna take you down, I really wanna take you down
Pumaibabaw ang chorus noong kanta na ikinawild lalo ng pagsesexy dance ni Daddy na halos ikinatili narin ng nanonood.
“Kahihiyan.” natakpan ni Tito Rapmon ang kanyang mga mata.
“Pero pag ikaw ang gumanyan sobra pa sa kahihiyan, ungas. Baka marehab kaming laaht dahil sa trauma.” si Tito Suga naman na ikinatawa rin ng iba pa nilang pinsan.
“Nakakabulag!” natatawang sabi ni Tito JK.
“Strip! Strip! Strip!” pinapangunahan ng sigaw na iyon ni Tita Autumn na ginaya agad ni Tita Addi at Tita Christienne. Iyong iba naman ay ngumingiwi na lalo na si Tita Julie at Tita Ellie na kapwa na nagtatakip ng mga mata.
“Strip!”
Nakisali narin pala sa pagsigaw si Cassey. Naroon sila sa kabilang table kasama ang iba pang mga babae.
Kinalas ng tuluyan ni Dad ang suot at hinapit si Mommy sa beywang saka siya sumayaw, dinidiin ang sarili kay Mommy na ikinalaki na talaga ng mata ko. Tinakpan ulit ni White ang mga mata ko.
“Stop covering her eyes, man! Hayaan mong makita niya kung gaano karupok ang mga magulang niya!” natatawang sabi ni Ken.
Napuno na ng hiyawan. Nakakabinging tilian ang yumakap sa paligid at hindi ko na alam kung anong nangyayari. Kahit si Mommy ay hindi narin magkamayaw sa pagtili. Sumunod naman ang paghalakhak ni Daddy.
“Happy birthday, love!”
“Ang harot mo!” saway ni Mommy sa kanya saka siya hinalikan ng mabilis ni Daddy sa labi.
“Happy birthday, Abbegail!” sigaw naman nila Tita.
“Si Jimin ang regalo namin sa’yo kaya pwede mo na siyang hubaran mamaya sa kwarto niyo.” mungkahi ni Tita Autumn na ikinatawa ng mga babae.
“Kaya pala ang raming nababaliw sa’yo noon. Ibang klase.” Humalakhak si Tito Tyrone.
“Oo isa ka doon.” si Tita Anne naman na ikinaingay na nila Tito.
“Lumalaki lang dahil sinayawan rin siguro ni Anne.” si Tito Jhope naman tapos tatawa agad silang lahat.
“Kinabayo siguro ni Anne kaya nakalimutang hindi siya lalake.” si Tito Vlad.
“Hell.” mura ni Tito Tyrone pero hindi na mabura bura ang ngisi sa labi.
Ang saya saya nilang lahat na kahit si Mommy ay hawak hawak narin ang tiyan kakatawa. Napangiti narin ako. Mabuti naman at masaya si Mommy sa birthday niya. Pero kahit hindi niya naman birthday, kasama niya lang sila ganyan na siya kasaya. Sabi niya kasi sa akin, sila iyong naging pamilya niya noong mga panahong naghahanap siya ng sarili niyang pamilya. They found my Mom when she was once lost. Iyon daw ang pinakamagandang regalo ang natanggap niya sa buhay niya.
16th Hooked
Keep
The party ended well. Naging kontento ako sa nangyari ng araw na iyon. Sobrang saya ni Mommy na kahit kinagabihan, naririnig ko parin ang ingay sa kwarto nila at mukhang gising pa noong lumabas ako para uminom ng tubig sa madaling araw. Isa sa mga kasiyahan ng mga anak ay ang makitang nakangiti ang magulang nila.
Tinitigan ko ang cellphone ko ng pang-ilang beses. Anong araw na ba? Malapit ng matapos ang summer at mahihirapan na akong lumabas tuwing school days. Hanggang ngayon, hindi parin tumatawag si Aries. Chineck ko iyong recent tweets niya tsaka iyong ig niya, nagpopromote na siya ngayon ng panibago niyang album at mukhang malapit niya na itong ilabas.
Sumama akong muli kay White roon sa clubhouse. Mag-isa na naman akong babae. Wala sila at mukhang pinagpaplanuhan talaga nila iyon kaya ako itong palaging mag-isa.
South glanced at me. Tulala ako noon sa court nang napagtanto kong nasa akin na pala ang mga mata niya. Tumigil ito sa pagtakbo sa court sa kalagitnaan ng laro at kinuha ang kanyang cellphone. Ilang sandali lamang ay nagbeep na iyong akin.
Binasa ko iyon.
South: Did you skip your breakfast?
Ako: Late na akong nagigising kaya minsan deritso lunch nalang.
Tiningnan ko siyang muli at nakita ang pagkakasalubong ng kanyang kilay, nagiging iritado na ang mukha.
South: Kaya pala mukha kang pasmado.
Ako: Ang sama mo!
South: Alam mo bang nakakapangit iyang hindi kumakain sa umaga? Your face looks stress today.
Sumimangot na talaga ako.
Ako: Talaga?
South: Yeah. Change your lifestyle and eat your breakfast tomorrow.
Ako: Pero kasi, minsan late na ako.
South: I’ll call you early in the morning then.
Binalingan ko si South. Ipinasok niya na ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa at naglaro ulit.
Nalulungkot lang ako kasi napagtanto kong ang hirap pala talaga maging isang fan. Iyong wala kang kasiguraduhan sa lahat ng bagay. Iyong iniisip mo ang mga posibilidad na alam mo namang may limitasyon. Nakakalungkot isipin pero wala kang choice para makontento kasi doon ka lang dapat lumugar. Wala kang karapatang magdemand. Ang tanging magagawa mo lang ay suportahan siya sa malayo.
Pero ba’t naman kasi ako umaasa sa mga bagay na alam kong hindi naman talaga para sa akin? Bakit ba may mga sitwasyon na kahit alam mong masakit, gusto mo paring subukan dahil baka magbago ang ihip ng hangin at bumaliktad ang alam mong mangyayari.
“Gago ka pala! Nakita mong doon ako pupunta sisikuhin mo ako!”
Nagulat ako sa pagsigaw ni Kuya Grey. Kakatayo lang nito sa pagkakaupo sa sahig at matalim na ang tingin kay Kuya Toshi.
“Laro lang. Nagkakasakitan talaga.” matabang na sabi ni Kuya Toshi.
Dinilaan ni Kuya Grey ang gilid ng labi na dumugo na. Mas tumalim ang tingin niya kay Kuya Toshi at iginalaw ng pakanan at pakaliwa ang leeg. Nagawa niya pang patunugin ang magkabila niyang daliri. Napalunok ako ng laway roon. Sa inaasal niyang ganyan, hindi na maganda ang kutob ko.
“How do you want to settle this then? Ano? Total mukhang parte naman pala ng laro itong nagkakasakitan.” matabang at masyado ng agresibo ang pagkakabitaw noon ni Kuya.
Pumagitna naman agad sa kanilang dalawa si Trey.
“Chill. Ang iinit ng ulo niyo.” nilingon niya ang dalawa. Nasa ibang direksyon ang tingin ni Kuya Toshi at nananantya iyon. Seryosong seryoso ang kanyang mukha maliban kay Kuya Grey na umiigting na.
“You’re being shallow, man.” si Ken iyon. Hindi na magawang ngumisi.
“Sige.” sabi ni Kuya Toshi na lubusan ko na talagang ikinaalarma.
“K-Kuya Grey!” natakot na ako at ambang tatakbo papalapit roon sa nanlalabo kong mga mata nang pinigilan ako ng mga mata ni White. Nagbabanta iyong huwag akong lumapit roon.
“Mga gago kayo. Maliit na bagay palalakihin niyo.” galit na sabi ni White.
“Tigilan niyo iyan. Iiyak na si Nana.” si Hiro.
“Para kayong mga bata.” sabi naman ni Blue, hindi na mahanap ang liwanag sa mga mata.
Nag-igting ang panga ni Kuya Grey, nilingon niya ang aking direksyon kaya mabilis kong pinunasan ang aking mga matang nagbabadyang may ilaglag. Ang nakakuyom na kamao ay unti-unti ring lumuwag saka niya binalingan si Kuya Toshi at nginisihan.
Sinipa ni Kuya Grey iyong bola na lumipad agad palabas ng court kasabay ng paglalakad niya paalis roon. Tanging mga mata ng aking pinsan lang ang sumunod sa kanya, na kahit ako ay nakaramdam na ng matinding takot. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakita kong seryoso na iyong away nila. Minsan naman silang magbangayan, pero hindi naman nauuwi sa ganito.
“Anong problema mo, Toshi? Alam mong mainit ang ulo noon sinasagad mo. Pumayag ka pa.” nagkakasalubong ang kilay ni Hiro nang sinabi niya iyon.
Ngumisi lamang si Kuya Toshi, ngisi na sobrang tabang. “Paano na yan, mainit rin ang ulo ko.” saka niya dinukot ang pakete ng sigarilyo at naglakad paalis.
Nanginginig ang aking mga tuhod sa aking kinatatayuan. Nakapameywang si White at nakakunot ang noo. Ang kambal naman ay tahimik lang, nananantya rin sa sitwasyon na kahit ang mga Buenaventura ay ganoon rin.
“Bago iyon ah?” si Ken na mismo ang bumasag ng katahimikan. “Si Chey parin ba ang dahilan ng away na ’to?”
“May gusto ba si Toshi kay Chey?” tanong ni North na ikinailing ng iilan kong pinsan.
“Di kami sigurado. Hindi naman nagkukwento si Toshi ng kinalolokohan niyang babae.” si Ken
“Di’ba may girlfriend iyon?” si Hiro
Nagkibit lang sila ng balikat. Alam ko, may nagiging girlfriend si Kuya Toshi pero hindi raw iyon tumatagal ng buwan. Iyon ang naririnig ko sa mga pinsan ko.
“Babae lang ang naiisip kong dahilan sa away ng dalawang iyon,” Inilagay ni Ken ang kanyang dalawang kamay sa likod ng ulo na ikinaangat ng suot niyang tshirt.
“Akala ko magsusuntukan na.” si Blue
“Mahirap umawat sa dalawa lalo na’t mas malakas sila.” si Red naman, seryoso narin ang mukha.
“Edi hayaang magsuntukan.” sabi pa ni White. “Baka iyon lang ang magpapakalma sa dalawa.”
Nakita ko ang paghawak ni South sa kanyang panga at ngumiwi. Sandaling may gumuhit na kung ano sa kanyang ekspresyon at nilingon ako. Umiwas rin naman agad siya at huminga ng malalim.
Nagdesisyon silang magkanya kanya muna total wala si Kuya Grey at Kuya Toshi. Nasa bahay naman ako nila White kasama si Ken roon. Kapwa parin seryoso ang mukha ng dalawa at malalim ang iniisip.
Nakita ko ang pagsipa ni Ken ng marahan kay White para kunin ang atensyon nito saka ito ngumuso, itinuturo ako noon.
“Nana, doon ka muna sa kwarto ko.” sabi ni White kaya tumango agad ako at umakyat na. Nilingon ko pa ang dalawa na mukhang ako lang ang binabantayan bago mag-usap.
Kung makikinig ako, wala rin naman akong maitutulong kaya nagkulong nalang muna ako sa kwarto ni White. Mabilis parin ang kabog ng aking dibdib at natakot sa inasal nilang dalawa kanina. Alam ko namang normal ang ganoong away sa mga magpipinsan. Pero bakit kailangang mag-away? Hindi ba pwedeng pag-usapan?
Nagbeep ang aking cellphone kaya agad ko iyong kinuha. Nabasa ko agad ang pangalan ni South.
South: How are you?
Ako: Natatakot ako :“(((
South: Sagutin mo.
Hindi ko alam kung ano iyong tinutukoy niya pero doon ko rin nakuha nang tumunog ang aking cellphone sa tawag. Nang sinagot ko iyon, ang malalim niyang buntong hininga agad ang sumalubong sa akin.
“South…” naiiyak kong tawag sa kanya.
“H’wag kang umiyak diyan kundi ibababa ko ’to.” iritado agad ang boses na iyon. Tumango ako at tinakpan ang aking bibig.
“K-Kasi, natakot ako. Mapapagalitan sila ni Tito Jhope at Tito Rapmon pag nalaman nila ito.” nanginginig ang aking boses dahil sa takot.
“That’s their fault. Malalaki na sila.”
“P-Pero mali ang ganoon! Madidisappoint mga Daddy nila pag nagsuntukan sila! Magpinsan sila!”
“Kahit magkapatid nag-aaway,”
“Pero ayoko ng ganoon! Ayokong nagkakasakitan sila…” nanlabo ang aking mga mata at gusto ng humagulhol. Humingos ako at tinakpan muli ang bibig para hindi maiyak.
Narinig ko siyang pumakawala ulit ng malalim na hininga.
“I made a homemade ice cream last night. Gusto mong tikman?” biglang pag-iiba ng topic nito.
“Mag-isa ka lang sa bahay niyo?” tanong ko.
Sandaling tumahimik ang kabilang linya. Gumala sandali ang aking mga mata at naghanap ng pwedeng pagkaabalahan nang magsalita itong muli.
“Yeah, come here…”
Tumayo agad ako at bumaba. Nag-uusap pa sila Ken at White pero nang makita ang aking imahe ay kapwa natutop ang mga bibig.
“Uuwi nalang ako.” sabi ko.
Tumayo si White. “Hatid na kita.”
Tumayo narin si Ken, may balak sumunod kay White. Kanina pa seryoso ang mukha niya kaya nakakapanibago.
“H-H’wag na! Kaya ko naman…” sabi ko at nag-iwas ng tingin. Nauna na akong lumabas. “Bye, White! Ken!” saka ako tumakbo paalis, hindi na sila nilingon pa.
Tiningnan ko ulit ang aking cellphone. Tumatakbo parin ang tawag roon nang tuluyan akong makalabas sa bahay ng aking pinsan.
“South?” tawag ko nang itinapat ko iyong muli sa aking tenga.
“How come you look weak at everything when you’re not afraid to lie to your cousins?”
Ngumuso ako roon. “Kasi takot akong magalit sila kaya ayoko nalang sabihin ang totoo.”
“Akala mo naman ikaw ang masasapak kung nabuko ka.” inis niyang sabi.
Mas binilisan ko ang aking paglalakad saka lumiko. Hindi ko na masyadong nagets iyong huli niyang sinabi dahil sa kakalingon ko.
Hindi pa ako tuluyang nakakarating sa tapat ng kanilang bahay, nakita ko na siya sa may gate nila. Naroon siya, nakasandal at nakabulsa ang isang kamay, ang isang paa ay nakatukod sa pader at nakayuko habang kausap ako sa cellphone.
“South!” tawag ko at halos tumakbo na makalapit lang agad.
Ibinaba niya ang cellphone at nilingon ako. Tumayo siya ng tuwid.
Ngumiti ako ng tipid sa kanya nang makarating na ako sa kanyang harapan.
“Bakit nandito ka sa labas?” Tumagilid ang aking ulo at dinungaw ang nakabukas nilang maliit na gate. Iyong malaki kasi ay sarado at mukhang nabubuksan lamang pag may lumalabas na kotse.
Sinenyasan niya akong pumasok kaya sinundan ko agad siya. Wala si North? Ang weird niya kasi noong nandito ako.
Sandaling gumala ang aking tingin pero natuon rin sa likod ni South. Pumasok kami ulit sa kanilang kusina. Nakita ko ang mga ingredients sa lamesa na ipinagsalubong ng kilay ko.
“Asan iyong ice cream?”
“Naubos na pala. Di ko alam sinong kumain kaya gagawa nalang tayo ng panibago.” saka niya binuksan iyong librong guide niya.
“Mahilig kayo sa matatamis? Di’ba sabi mo hindi ka mahilig?” nagtataka kong tanong at pilit hinuli ang mga mata niyang gumagala sa kinukuhang paglalagyan noong mixtures.
“Hindi nga. Baka si Mama ang kumain.” sabi niya pa.
“Mahilig si Tita sa ice cream?” tanong ko kaso imbes na sagutin niya iyon ng maayos ay bigla niyang ipinukpok sa aking noo iyong hawak na measuring cup. Lumagutok iyon sa noo ko na ikinasimangot ko na.
“Dami mong tanong. Para kang reporter.”
Hindi nalang ako nagtanong pa at tinulungan siyang gumawa noong ice cream. Ako mismo ang nagdesisyon sa flavor noon dahil total ako rin naman daw ang kakain.
Mabilis lang gawin iyong ice cream kaya mabilis rin kaming natapos. Pinanood kong ilagay ni South sa sink iyong mga nagamit na equipments na kahit iyong lamesa ay pinunasan niya.
Sumandal ako sandali sa pader at sumimangot. Magkabati na kaya si Kuya Grey at Kuya Toshi?
Biglang hinilamos ni South ang kanyang kamay sa akin. Natigil ako sa pagsimangot na kahit ang aking pinag-iisip ay nabura.
“Kanina pa iyan.”
“Eh kasi nalulungkot talaga ako.” Bumuntong ako ng hininga. Nameywang naman siya sa aking harapan, tumitig at tila nag-iisip ng kung ano.
“Ano bang nakakapagpasaya sa’yo?”
Sasagot na sana ako nang dinagdagan niya agad ang sinabi niya.
“Maliban diyan sa Aries na iyan.”
Natutop ang aking bibig at napasimangot.
Nairita agad siya roon. “Puro ka Aries. Akala mo naman ikaw rin ang rason ng kasiyahan noon. Marami kayo.”
“Alam ko kaya!”
“Di marunong pumili.” Umismid siya.
“Marunong ako!”
“Hindi.” Umalis siya sa aking harapan at nagtungo roon sa ref kaya mabilis rin akong bumuntot.
“Oo kaya.”
“Purket magaling lang kumanta.” inis niyang sabi at kumuha ng maiinom sa loob.
“At mabait si Aries!”
“Ah talaga? Nakatira kana pala sa bahay nila at alam na alam mo?” Tumungga siya roon.
“Updated ako kasi fangirl niya ako.” Tiningala ko narin siya at napunta sandali ang tingin sa adam apple niyang tumataas baba dahil sa pag-inom.
Inilapag niya iyon sa gilid saka dinilaan ang basang labi. Umangat pa ang kanyang kilay sa’kin.
“Fangirl hindi girlfriend.” sabi niya.
Eh hindi naman ako naghahangad na malagay sa posisyon na iyon ah? Alam kong imposible iyon at alam ko ang posisyon ko sa buhay niya.
“Alam ko…” sabi ko sa mahinang boses at nag-iwas ng tingin.
“Di mo alam.”
“Alam ko!” mas nilakasan ko ang aking boses para klaro niya iyong marinig.
“Eh ba’t doon ka sa lalakeng alam mo namang masasaktan ka? Ba’t gusto mong malagay sa posisyon bilang tagahanga niya kung may ibang lalake naman diyan na pwedeng higitan ang papel mo sa buhay niya. Higit pa sa tagahanga, Nana.” Naging malalim na ang kanyang boses at may pinupunto.
Nalungkot ako roon sa sinabi niya. Alam ko 17 na ako. Pero wala pa naman ako sa tamang edad kaya hindi rin lumalawak ang aking pang-unawa sa mga ganoong bagay. Marunong akong maghintay at hindi ako atat roon. Itong kay Aries, humahanga lang ako at gustong makita ang dulo kung hanggang saan ako nito tatangayin. Pero ba’t parang pakiramdam nila, na pag fangirl ka ay mapapariwala kana?
“Eh sino naman ang ganoong lalake…” mahina kong bulong, nasa sahig ang tingin.
“Ako.” agaran niyang sagot na ikinaangat ng tingin ko sa kanya. Pero agad ring nabago ang ekspresyon niya at tila nagsisi sa isinagot.
“Ako, wala akong pakialam diyan.” dugtong niya at nag-iwas agad ng tingin saakin kaya sumimangot nalang ako. Ang hilig talagang mang-asar ng lalakeng ito.
Umupo ako sa lamesa at itinukod ang magkabila kong siko roon para suportahan ang aking magkabilang pisngi. Lumilipad na naman ang aking utak sa bagay bagay, sa kinaroroonan ni Aries, kung ano ang ginagawa niya, ’tsaka kina Kuya Toshi at Kuya Grey nang bigla nalang inalis ni South ang aking mga kamay roon saka niya sinalo ang pagbagsak ng aking baba at hinawakan iyon.
“Sa dami mong iniisip lumilipad na rito sa loob ng kusina.”
Nilingon ko siya. Ang isang kamay ay nakasuporta sa aking baba habang ang isa naman ay hawak na iyong lalagyan noong ice cream.
“Oh ayan kainin mo.” Inilagay niya iyon sa aking harapan saka siya umupo roon sa aking harap. Nakahalukipkip at tamad na nakasandal roon.
Kumuha ako ng kutsara saka iyon binuksan. Medyo melted pa at hindi gaanong matigas pero mukhang malamig na. Nagscoop ako at inangatan siya sandali ng tingin saka iyon dahan dahang isinubo.
“How was it? Lasang ice cream ba?”
Medyo natawa ako roon. “Oo naman. Ice cream ito eh…” saka ulit ako sumubo.
Humilig siya paabante, ang isang kamay ay nakasuporta na sa pisngi habang nakatukod ang siko sa mesa, nagiging malamya ang mga matang nakatitig sa akin.
“Gusto mo?” tanong ko na ikinalalim lalo ng kanyang tingin.
“Gustong gusto…” mahina niyang bulong, na para lang dapat iyon sa kanyang sarili pero narinig ko parin.
Kumuha ako ng panibagong kutsara at ibinigay sa kanya saka ko inusog sa gitna iyong tupperware kung nasaan nakalagay ang ice cream.
“Ayan, hati tayo. Di ko naman ito mauubos purket mahilig ako sa matamis.”
Ngumiwi siya. “Halika nga dito. Lumapit ka.”
“H-Huh?”
Sinenyas niya pa iyong hawak na kutsara na lumapit ako sa kanya lalo. Halos sumampa na ako sa upuan para lang makalapit. Ang aking mga kamay ay nakadikit na sa lamesa at masyado ng malapit. Para na akong nakatuwad sa lamesa. Mabuti nalang at mukhang matibay iyon na kahit buong katawan ko ang iangat ay makakaya parin akong suportahan.
Nagulat ako nang lumagutok sa aking noo iyong hawak niyang kutsara. Sumimangot ako at napadaing. Bakit ba ang hilig hilig niyang mamalo sa noo?
“Aray naman!” nahipo ko ang aking noo, ang isang kamay nalang ang nakadikit sa mesa.
“It’s annoying.” sabi niya.
“Ako?”
“Ako.” nanunudyo at may pang-aasar na roon.
“Annoying ako?” naguguluhan kang tanong.
Tumango siya, malalim na ang pagkakatitig sa akin. Kalahati ng aking katawan ay nasa may mesa na. Sa sobrang lapit, pag lumapit siya lalo ay magkakabanggaan na ang aming mga mukha.
Nahuhulog na sa bawat gilid ang aking mga buhok. Napakurap ako nang binitiwan niya ang hawak na kutsara at hinawakan na ang ilang hibla ng aking buhok, nasa akin ang tingin na malamya at tila inaantok. Ang isang kamay lamang ang nanatiling sumusuporta sa kanyang baba at nakadikit ang ilang daliri sa pisngi.
“My secret…” panimula niya, halos pabulong lang pero klaro naman.
“Iyong friendly kiss?” tanong ko na ikinatango niya.
“It’s quite addicting…” his eyes slowly travel down to my nose and settled on my lips.
“Bakit?” nagtataka kong tanong, nakakaramdam na naman ng kakaiba sa aking dibdib. Para akong kinakabahan na kahit ang aking tiyan ay kakaiba narin.
Binasa niya ang pang-ibabang labi at mas naging malamya ang mga mata. Para na iyong nahuhulog sa isang hipnotismo kaya hindi niya maipanatili ang sarili sa tamang huwisyo.
“I don’t want you to keep it forever. I want to take it back and give it to you again. Gusto kong ulit ulitin hanggang makontento ako.” Inangat niya ang ilang hibla ng aking buhok at hinaplos haplos sa kanyang baba. Ginagawa niya iyong brush at parang may winawalis roon sa marahang galaw.
“But I’m not sure if I’ll be contented. I just want to keep you instead,” and then he smirked at me.
17th Hooked
With me
South wants to keep me. Hindi ko alam kung ba’t labis akong nasiyahan sa pahayag niyang iyon. Para akong nakalutang sa ere at gustong magdiwang. Ibig sabihin lang noon, nagiging malalim na ang friendship naming dalawa. Nagiging hooked na kaming dalawa sa isa’t isa at mas nagkakaroon ng koneksyon.
Pinadala niya sa akin iyong ice cream pauwi. Pagkauwi ko ay wala pa naman ang parents ko kaya nakapagdesisyon nalang akong sabihin sa aking parents na galing ulit ako sa bahay nila South. Buti nalang hindi ako nadatnan ni North roon. Sa kanilang dalawa, si South ata ang mas madalas mamalagi sa bahay kaysa kay North na gustong lumabas labas.
Gabi na noong makatanggap ako ng tawag kay Aries. Nanlalaki ang aking mga mata at nakalimutan lahat ng nangyari roon sa bahay nila South dahil tuluyan na akong nablangko. Lumunok ako ng laway saka iyon sinagot.
“Hey…”
“Aries,” klaro ko ng tawag sa kanya. Hindi na ako gaanong nauutal at medyo nasasanay na kahit papaano.
“Can we meet right now? Are you free?” tanong niya sa pagod at malalim na boses.
Natingnan ko agad ang orasan sa gilid ng aking kama at nakita roon ang nakabold na 07: 35. Ilang minuto nalang ay dadating na sila Mommy at Daddy. Minsan kasi eksaktong 8 sila dumadating o wala pang 8.
“Saan ba tayo magkikita?” tanong ko. Tumayo na ako at pumasok sa aking walk-in closet para makapili ng susuotin.
“Nasa hotel ako ngayon. I’ll text you the exact address. I’ll wait for you.”
“Okay sige! Magbibihis lang ako.”
“Okay…”
Namatay ang tawag kaya nagkandaugaga agad ako sa pagkalkal ng pwedeng isuot. Magdress kaya ako? O pants?
Hinila ko iyong hanger at nabunot ang isang cream na dress kaya iyon nalang ang napagdesisyunan kong suotin. Mabilis ang aking galaw at todo dampot na ako ng mga cute na bracelet.
Habang kumukuha ako ng sandals ay tinatawagan ko naman si South. Mabilis ang pagsagot nito, niloudspeak ko nalang iyon habang sinusuot ang sandals ko na may laces pa.
“Oh?” may buhay ang boses na iyon.
“South! Si Aries tumawag! Makikipagkita daw siya! Punta ka dito bilis. Maya maya dadating na si Mommy at Daddy, ipagpaalam mo ako please…” pilit kong nililingon ng bawat sigundo ang screen ng aking cellphone habang nakayuko ako at inaabot ang aking paa. Nakaupo ako sa aking kama na kahit ang aking utak ay nagiging mabilis narin ang pag-iisip sa susunod kong gagawin.
“Ah…” ang may buhay niyang boses kanina ay biglang naging matabang. “Sige. Papunta na.” saka namatay ang tawag.
Itinext ko muna siyang dalhin ang brownies na ginawa ko pagkatapos ay dumampot nalang ako ng slingbag saka polbo at bumaba rin. Saktong pagkababa ko ay ang pagtunog naman ng busina ng kotse sa labas ng gate. Sila Mommy at Daddy na ata iyan.
Sa labas ko na sila sinalubong. Kakalabas palang ni Mommy sa may front seat ay napunta agad ang kanyang tingin sa akin.
“May lakad kayo ni South?” tanong agad nito.
Tumango at nagpuppy eyes na sana ay tulungan niya akong magpaalam kay Daddy. Kapwa kami napabaling sa pagbukas ng driver’s seat. Sumeryoso agad ang mukha ng aking ama at nailing iling.
“Kailangan ba talagang gabi kayo gumala, Nana?” tanong niya, nagkakasalubong ang kilay.
“K-Kasi po wala naman pong tao dito sa bahay pag sa umaga o hapon kami lumabas. At mga ganitong oras po kayo dumadating ni Mommy kaya ganitong oras rin ako nakakapagpaalam.” ngumuso ako, nag-iwas na ng tingin dahil sa nonsense kong sagot.
Nalaglag ang panga ni Dad sa aking pahayag habang natawa naman si Mommy.
“I like her reason. Tama nga naman.” si Mommy
“Really Abbegail?” Naningkit ang mga mata ni Dad sa kanya. Inosente namang tumango si Mommy at humagikhik. Nahilot ni Dad ang sintido at bumuntong ng hininga.
“Signs of aging Nana. Pagpasensyahan mo na ang Daddy mo.” si Mommy na agarang napanguso nang sinamaan na siya ng tingin ni Daddy.
“Nasaan si South?” tanong ni Dad sa akin.
Bago pa man ako makasagot, may nagdoorbell na sa gate namin. Binuksan iyon ng katulong at iniluwa roon ang imahe ni South na simpleng nakaitim na jacket, short ’tsaka sapatos na may check sa gilid.
“Oh here he is. Saan ba ang date niyo, South?” salubong agad ni Mommy sa kanya nang makapasok ito.
“Saan ba, Nana?” Ibinalik sa akin ang tingin ni South. Napalunok ako nang napalingon rin sa akin ang mga magulang ko.
“Ikaw ang nagyaya?” si Daddy.
“H-Huh?” natanga ako. Kadalasan naman sa ganito, rumarason si South at pinapayagan agad kami. Pero ba’t parang iba ang tono niya ngayon? Baka maipit pa ako.
“I let her decide where she wants to eat and go when we’re having our dinner, Tito.” sagot naman agad ni South na medyo ikinahinahon ng mukha ni Daddy.
“That’s sweet.” Mom chuckled. “Ano Jimin? Papayagan mo o papayagan mo?”
“Anong magagawa ko? Kung hindi ako papayag mukhang nanghahamon na ako ng away sa’yo.” si Daddy na makahulugan na ang tingin kay Mommy na ngumiti lang ng matamis.
“South is a responsible man, Jimin. Last time, noong birthday ko, nakachikahan ko ng matagal ang Mommy niya. At close ka rin kay Uno. Aly likes our daughter and her sons too. Pinalaki sila ng maayos at responsable.”
Napabuntong ng hininga si Dad sa sinabi ni Mommy at binalingan ako.
“Have fun okay?”
Napangiti ako ng matamis at mabilis na tumakbo sa kanya para yakapin ito.
“Thank you, Daddy! I love you!”
Dad chuckled and kissed my forehead. “Love you too, sweetie.”
Saka ko rin niyakap si Mommy at hinalikan sa pisngi para makapagpaalam. Si Daddy may makahulugan pang tingin kay South na ikinatango nito. Doon lang ako nakahinga ng maluwag noong tuluyan na akong makasakay sa front seat ng kanyang kotse.
“Akala ko talaga ipapahamak mo ako kanina,” pagod ko siyang binalingan habang nakasandal ako sa upuan.
Hindi siya sumagot, nanatili ang pagkakasalubong ng kilay at nasa daan ang tingin. Bad mood ba siya?
“Ano iyong tango mo kay Daddy?” tanong ko.
“Depende na sa akin iyong curfew mo sabi niya. Kaya hanggang 9 ka lang ngayon.”
Nalaglag ang panga ko roon. 9?! Pero 10 ang napag-usapan namin ni Daddy!
“Pero 10 pm ang curfew ko!” dismayado kong sabi.
“Not anymore, younglady.” matigas niyang sabi na ikinasimangot ko na talaga.
“Sige na nga. At least pinayagan ako.” Ngumiti ako. “Oo nga pala, iyong brownies?”
“Ah…” Umakto siyang gulat. Iyong gulat na halatang pilit. “Nakalimutan ko.” saka iyon sumeryoso na ikinaloosen na talaga ng balikat ko.
“Anong ibibigay ko kung ganoon?” naging malungkot na ang aking boses.
“Wala. Mayaman naman iyon. Sabihin mo bumili siya ng sarili niyang brownies.” suplado niyang sagot.
Kaya nga ako nagpatulong sa kanya kasi gusto kong bigyan ng personal na gawa ko si Aries. Sayang naman iyon.
“Saan ba kayo magkikita?” tanong niya kaya ipinakita ko sa kanya iyong text ni Aries. Halos mapapreno siya at sinamaan na agad ako ng tingin.
“Hotel?” galit ang boses na iyon at nagpipigil lang.
Tumango ako. “Kasi narinig ko sa kabilang linya mukhang pagod siya, at galing siya sa pagpopromote ng album niyaㄧ
“At kayo lang dalawa?” mas nagiging iritado na ang boses niya sa bawat binabatong tanong. Naiwan sa ere ang aking bibig dahil sa kanyang pagputol kaya itinikom ko iyon at tumango nalang.
He groaned and brushed his hair. Nagulo iyon lalo sanhi para mas maging malinaw sa akin ang kanyang noo at ang galit niyang mga mata.
Wala na siyang sinabi pa. Mariin lang ang pagkakahawak sa manibela nang iniliko niya iyon. Itinuon ko ang tingin sa labas ng bintana. Hindi ito ang madalas naming daanan. Ito iyong main road at masyadong traffic pag dito ka dadaan.
Iyon nga ang nangyari. Nagsimula na kaming bumagal at pumila sa mga nauunang sasakyan.
“South… doon nalang tayo sa short cut.” sabi ko.
“We’re stuck. Mahirap ng lumabas sa ganitong sitwasyon.” matabang niyang sabi.
Nilingon ko agad ang gilid. Pwede namang lumiko pa.
“South, dito ka dumaan oh.” Itinuro ko iyon kaso hindi niya man lang ako nilingon, nabibingi na ata.
Nakagat ko nalang ang pang-ibabang labi at ibinaon lalo ang sarili sa sinasandalan ko. My shoulder loosened as I sighed. Baka naghihintay na iyon ng husto si Aries.
Nilingon ko si South. Nakatukod na ang kanyang kamay sa nakabukas na bintana at nakalapat ang kamao sa gilid ng ulo niya, malalim ang tingin sa daan at madilim ang mga mata. Binuksan ko narin ang sariling bintana saka sinalubong ang malamig na hanging pinaglalaruan na ang aking buhok.
Gumalaw ulit ang traffic. Natuwa ako roon at tiningnan ang bawat paglagpas ng mabibilis na sasakyan. Sa aming likuran naman ay may bumubusina. South is driving really slow na kahit iyong mga kotse sa likod naman ay nag-oovertake na sa kanya makauna lang at malagpasan siya.
“South, feeling ko ang bagal ng pagmamaneho mo.”
“Nag-iingat lang. Patakaran iyan sa daan.” sabi niya.
Bumuntong ulit ako ng hininga at nakasimangot na iginala ang tingin sa labas. Sa hindi kalayuan, may pumapaibabaw na mga ilaw at mukhang may nangyayaring kasiyahan dahil sa ingay noon na nagiging malakas na sa bawat paglapit namin lalo.
“Ano ’yan?” tanong ko.
“Perya. Gusto mong bumaba?”
Umiling ako pero natatangay ang aking mga mata papunta roon lalo na’t mukhang masaya ang lugar na iyon. Naramdaman ko nalang ang paghina lalo ng pagmamaneho ni South at ilang sandali lamang ay ipinark niya na iyon sa tapat noong perya.
“Di ko naman sinabing bababa ako.” sabi ko. “Malilate ako, South.” pagmamakaawa ko sa aking boses.
Tinanggal niya ang kanyang seatbelt. “Bibigyan kita ng ilang minuto. Ieextend ko at 9:30 na kita ihahatid pauwi.” sabi niya.
Tututol pa sana ako nang lumabas rin siya at umikot para pagbuksan ako ng pinto. Tinanggal ko ang seatbelt at lumabas narin. Mas naging klaro sa akin ang ingay. Tumingala ako at nakita iyong malaki nilang rides.
Umabante kaming dalawa patungo roon sa entrance. Nagbayad siya para sa aming ticket papasok.
Nanlaki agad ang aking mga mata nang tuluyan kaming mapunta sa loob. Nagkalat ang iba’t ibang booth na mukhang may mga pakulong laro at ang ingay na nanggaling sa mga taong nagkakatuwaan.
“Wow…” namamangha kong sabi.
“30 minutes ka lang dito ha. May lakad ka pa kay Aries.” sabi pa ni South pero hindi ko na iyon masyadong pinagtuunan ng pansin at naituro iyong isang booth.
“Doon tayo dali!” Hinila ko ang kanyang braso at kinaladkad siya roon. Nang makarating kami sa harapan noong booth ay binigyan agad ako ng lalake noong maliliit na bola.
“Kailangan niyo lang makashoot ng tatlong bola sa ring Ma’am at pwede na kayong mamili ng prize na gusto niyo.” Itinuro niya ang mga nakahelerang prize na nagpakinang ng aking mga mata. Malalaking stufftoy iyon at cute na mga plushes.
“Iyong bunny po akin!” Excited kong itinuro iyon na ikinatawa noong lalake.
“Maglaro ka muna.” Pinitik pa ni South ang aking noo.
“Ay oo nga pala!” Natatawa kong itinuon ang tingin sa harap. Tumayo pa ako ng tuwid at hawak sa dalawang kamay ang bola.
“Ready na Ma’am?” Tinanguan ko iyong lalake. May hinila siyang handle at nagulat nalang ako nang biglang gumalaw iyong ring.
“Di’ba hindi gumagalaw ang ring, South?!” Nanlalaki ang mga mata kong nilingon ito sa aking gilid.
Humalakhak naman iyong lalake sa naging reaksyon ko.
“Ang cute naman ng girlfriend niyo, Sir.”
“Di lang talaga marunong kaya nagdadahilan.” Ismid niya.
“Ma’am gumagalaw na po iyong time niyo. Isang minuto lamang at iyon po talaga ang twist ng laro namin dahil mahal iyong mga prize.”
Natataranta kong pinagbabato ang bola at ni isa ay wala man lang pumasok.
“Gumagalaw kasi!” reklamo ko at nagtapon ulit ng panibago. Hindi mabura bura ang ngiti noong lalake habang tinitingnan akong nahihirapan na at halos masama narin ang aking katawan sa pagtapon. Si South nalang ang humihila ng damit ko sa likod para umatras ako ulit at makalebel siyang muli.
“Wala akong nashoot South…” Nakasimangot ko siyang nilingon.
“Mas magtataka ako kung nakashoot ka.” Nang-aasar ang boses na iyon kaya sumimangot ako lalo.
“Ano Sir? Maglalaro ba kayo para sa girlfriend niyo?”
“Hindi, bahala siya diyan.” Umismid siya kaya malungkot kong tiningnan iyong bunny. Ang sama talaga nitong si South. Dadalhin ako dito tapos hindi naman pala ako tutulungan sa paglalaro.
“Ilang shoot ba para sa lahat ng stufftoy niyong rabbit?” tanong ni South at inirorolyo na ang suot na na sleeves noong jacket niya.
“Ah, bale limang rabbit iyan kaya nasa mga 15 na shoot.”
“Isang minuto lang ba talaga?” tanong ni South.
Tumango iyong lalake. “Ganoon talaga Sir. Masyadong maikli ang isang minuto dahil tatlong shoot lang rin naman ang kailangan. May iba nga na hirap pang makashoot ng dalawa.”
“Di ako nagrereklamo dahil maikli iyon. Masyado ngang mahaba eh.”
Nagulat iyong lalake na kahit ang aking mukha ay nabahiran ng pagkamangha. Masyadong mahaba ang isang minuto?! Pero bakit parang ang bilis lang noon sa akin? Ni isang shoot hindi ko man lang nagawa.
Hinila ulit noong lalake ang handle kaya awtomatiko namang dumampot ng bola ang bawat kamay ni South at ishinoot na iyon ng sunod sunod sa ring. Na sa bawat pagtakbo ng oras ay pinapantayan rin ng pagtakbo ng kanyang puntos.
“Ang galing!” Nalaglag na ang aking panga at nanlaki ang mga mata nang wala man lang siyang palya. Siguradong sigurado ang bawat pagdampot at paghagis niya na awtomatikong nashoshoot sa gumagalaw na ring. Hirap nga akong hawakan sa isang kamay ang bola tapos siya kabi-kabila pa! Sa sobrang bilis ay halos maduling na ako kakasabay ng kanyang kilos na kahit iyong lumilipad na mga bola ay hindi ko na masabayan. Kahit iyong lalakeng tagabantay ay gumuhit na sa mukha ang pag-aalala at gusto ng awatin si South sa paglalaro. Mauubos niya ang prizes!
Pinaligiran kami ng iilang tao sa likuran. Lahat sila ay namamangha sa kilos ni South. May iba pa na nangingisay at kinikilig.
Saktong pagkatigil noong oras at pagkatigil noong time ay huling bola narin roon sa basket na ikinalundag ng kaonti ni South para ishoot iyon sa pinakataas. Pumalakpak ang mga manonood na kahit ako ay napangiti na ng malapad.
“Naka singkwenta na puntos ka, South!” halos maisigaw ko na iyon at nagtatalon sa saya habang niyuyugyog ang kanyang braso. Initulak niya ang aking noo at halata ang pagpupumilit niyang pagsusuplado ng mukha.
Nagkamot ng ulo iyong lalake at napatingin sa mga prize. “Mukhang malulugi pa ata ako…”
“Kahit iyong bunny nalang po ang akin!” Itinuro ko ang pinanggigigilan kong stufftoy.
“Talaga hija?” Lumiwanag agad ang mukha ng lalake at kumuha na ng panungkit pagkatapos kong tumango. Nilingon ko si South at natawa kaso suplado lang na nag-iwas ng tingin.
Hawak hawak ko na iyon habang naglalakad kami. Halos lahat ng booth na makita ko ay sinusubukan naming dalawa. Ako ang palaging nauunang maglaro na palaging palpak at siya naman ang sumusunod at palaging nakakakuha ng premyo. Buti nalang hindi siya mahilig sa mga prizes kaya napupunta lahat sa akin. Isinilid ko nalang iyon sa isang malaking paperbag at si South ang nagdala noon.
Kumakain na ako ng cotton candy habang gumagala ang aking mga mata sa bawat booth na nadadaanan namin. Iyong kumuha ng atensyon ko ay ang photobooth kaya kinalabit ko agad si South.
“Magpicture tayo doon oh.” saka ko hinila ang damit niya para mapasunod siya sa akin. Pumasok kaming dalawa roon. Sapat lamang ang espasyo roon para sa dalawang tao.
“Smile!” nagpose agad ako sa camera. Siya naman ay walang kareareksyon kaya sa ikalawang click ay nilingon ko siya at ngumiti na ikinalingon niya rin sa akin, magkakasalubong na ang kilay. Sa ikatlong click ay bininat ko na talaga ang kanyang labi gamit ang isa kong kamay. Inakbayan niya ako at nag-akmang aalisin iyong kamay ko roon kaya hinawakan niya ang aking pulso kaso hindi niya rin itinuloy at sinamaan nalang ako ng tingin habang ako naman ay nakangiti ng matamis. Sa ikaapat na click ay nalipat na ang kanyang kamay sa aking baba at bininat rin ang aking labi. Tiningala ko siya habang nahuhulog naman ang tingin niya sa akin at pag-aangat ng kilay.
“Ang gaganda oh!” Ipinakita ko sa kanya ang bawat shots naming dalawa. Kinuha niya iyong isang kopya at ibinulsa saka umismid. “Ang kulit mo.” Tumawa lamang ako. Kunwari pa eh halatang nag-eenjoy rin naman siya! Ang saya kaya!
Eksaktong 9:30 nang makalabas kami ng perya. Ipinasok niya sa likod iyong mga prizes habang pumapapak parin ako ng cotton candy. Nang tuluyan kaming makapasok sa kotse, doon ko lang naalala iyong tunay na lakad ko dapat.
“Si Aries!” Nanlalaki ang aking mga mata at mabilis na hinagilap ang aking cellphone.
“Oh,” ibinigay niya iyon sa akin at doon lang nakita ang mga missed calls niya. Naalala kong ibinigay ko ito kay South kanina dahil ipinakita ko sa kanya iyong address.
“Di mo ako sinabihan…”
“Napasobra ka. Binalaan kita kanina pagkapasok natin.” saka niya hinila ang clutch.
Bumuntong nalang ako ng hininga at ngumiti. “Nag-enjoy naman ako ’tsaka ikaw rin kay okay lang.” Hinila ko ang seatbelt at isinuot iyon. Nang lingunin kong muli si South ay nakontento rin ako sa ekspresyon ng kanyang mukha. Hindi gaya noong kanina, ngayon ay mukhang kalmado na siya na kahit hindi siya ngumiti ay bakas sa kanyang mukha na naging masaya siya ng gabing ito.
“Yeah… at least you had fun… with me.”
18th Hooked
Kundi bibitawan kita
Nang araw na iyon, hindi ko na alam kung nagalit ba si Aries o ano. Pero nagsorry naman ako sa kanya through text. Maybe hindi na siya nakareply dahil sa pagod at hindi na ulit nakatawag dahil sa pagiging busy.
Si Kuya Toshi at Kuya Grey ay balik na ulit sa pagpapansinan. Para silang hindi nag-away noong nakaraang araw dahil normal na ulit ang pakikitungo nila sa isa’t isa. Akala ko talaga ay mag-iiwasan na sila.
“Babae ang ganoon, Nana.” sabi pa ni White sa akin noong sinabi ko ang bagay na iyon. Na akala ko ay magdededmahan sila.
Konting araw nalang ang natitira sa amin at pasukan na ulit. Kaya bago bumalik sa eskwela, nagplano silang mag-outing sa huling pagkakataon para mas masulit ang summer.
“Mga pantulog mo?” tanong sa akin ni White pagkababa ko ng aking kwarto.
“Tapos na. Nandito na lahat.” Ipinakita ko sa kanya ang malaki kong bag. Kinuha niya naman iyon saka siya lumabas kung nasaan ang mga pinsan ko.
Katulad ng set-up namin sa van, ganoon parin ang naging upuan. Pero sumama ang mga Fortalejo kaya nadagdagan kami ng tatlo. Okay na ba si Chey at Irah? Dahil sa pagkakaalam ko ay sasama rin ang mga Buenaventura at alam kong hindi mawawala si Irah sa ganitong outing.
“Sino ang pipiliin ko! Ikaw ba na pangarap ko! O siya bang kumakatok sa puso ko ohhhh!” Pumaibabaw ang nakakarinding pagbirit ni Ken sa gitna ng byahe. Ang kamay ay madrama pang nasa ere at dalang dala sa kinakanta habang may papikit pikit.
“Pag di ka tumahimik ihahagis kita palabas at iiwan sa daan. Maglakad ka pauwi.” inis na sabi ni Kuya Grey nang tingnan niya ito sa salamin.
Humalakhak si Ken. “Sa sobrang ganda ng boses ko ganyan ka kaaffected?”
Nasa likod sila ni White at Hiro. Tumabi kasi ako kay Cassey at si Daph naman ang nasa aking gilid. Sa harapan namin ay ang kambal at nasa gilid nila si Kuya Toshi na may suot na headset at nasa labas lamang ng bintana ang tingin. Sa harapan naman ay si Shanaia, Elle at Zera, front seat parin si Chey at nagmamaneho si Kuya Grey.
Sinamaan lamang ng tingin ni Kuya Grey si Ken at nilakasan ang volume noong kanta. Mga kanta iyon ni Lany at Lauv.
Busy si Cassey sa kakascroll sa kanyang instagram. Nakita ko pa ang artistang hinintuan niya dahil naghahalikan iyon.
“Friendly kiss.” sabi ko na ikinalingon niya sa akin.
“This is not a friendly kiss, Nana.”
“Huh? Hindi ba? Pero friendly kiss ang tawag diyan.”
Nasira agad ang kanyang ekspresyon. “Sinong may sabi, iyong pinsan mong inuuto ka?” Nilingon niya ang aming likuran kaya lumingon rin ako at nakitang tulog na tulog si White.
“Hindi iyan friendly kiss kung ganoon?” tanong ko.
“Ang friendly kiss ay sa cheeks lang. Kung may pasasalamatan ka. Ganoon.”
Pasasalamatan? Pero ano namang ipinapasalamat ni South? Sabagay, iyon daw ang secret niya.
“Edi anong tawag sa ganyang halik?”
“Torrid.”
Torrid? Iyong ginawa ni Irah kay Kuya Grey? Hindi ko kasi nakita paano niya iyon ginawa kaya wala akong ediya.
“Paano ba iyong ganoon?” tanong ko sa kanya.
“Watch some romance movie.” suhestyon niya na ikinasimangot ko.
“Bawal ako sa mga ganyan eh.”
“Grabe, ang boring ng buhay mo.” malutong niyang pagsasabi at nahawi pa ang buhok paatras. “Ganito nalang, pag ganoong halik, dapat nakapikit ka at hayaan iyong lalake na iguide ang labi mo. Ganoon lang naman. You’ll eventually learn. Just follow his moves. Just a tip para naman di na naiignorante.”
Ganoon lang pala. Kailangan lang gayahin iyong ginagawa ng labi niya. Gets ko na!
“May nakatorrid kana, Cass?” tanong ko.
Kumurap siya at umiling. “But I know how to do it. It’s just simple. French, torrid, passionate…” binilang niya pa iyon sa kanyang daliri. “Para ka lang namang kumakain noon ng lollipop.”
French? Torrid? Passionate? Ang rami palang klase klaseng halik?
“Talaga?”
Tumango siya. “Pero dapat ay sa espesyal na tao mo lang iyon gawin. H’wag kang gumaya sa mga pinsan mo na ginagawang libre iyong mga ganoon at kung sino sino nalang.” saka siya ulit lumingon sa likod.
Dapat espesyal na tao lang ang pagbibigyan ng halik. Copy.
“Bakit ka nagtatanong ng mga halik, Nana? May nakahalikan kana ba?” biglang tanong sa akin ni Daph kaya nilingon ko narin siya sa aking tabi.
“Uy anong tinatopic niyo kay Nana? White, iyong alaga mo dinidemonyo na ni Cassey.” Inalog pa ni Ken ang natutulog kong pinsan. Nayayamot na dumilat si White at parang masasapak na si Ken pero agarang napunta ang tingin sa harapan. Umismid agad si Cassey.
“Anong meron kung magtopic kami ng halik? Kayo itong mas demonyo dahil sobra pa sa halik ang pinag-uusapan.”
“Akala mo naman may karanasan ka.” hirit ni White.
Tumawa si Ken. “Wala ka palang karanasan Cassey? That’s sad!”
“Meron!”
“Sa lollipop?” si White.
Teka, narinig niya iyong pag-uusap namin?
Inis na umirap si Cassey. “Di kasi ako easy to get eh. I am not cheap as your girls.”
“War! War! War!” sigaw ni Ken na ikinalingon na ng iba kong pinsan sa amin.
“Anong meron diyan?” si Blue.
Itinuro ni Ken si Cassey at White. “Nagbabangayan tungkol sa halik.”
“Ah. Akala ko kung sino ng nag-aaway.” si Red naman.
Sanay na kasi talaga kaming lahat sa pagbabangayan nilang dalawa. Di ko nga alam kung bakit hindi talaga sila magkasundo. Simula nga noong highschool pa kami, mainit na ang dugo nila sa isa’t isa.
“Mataas ang standards ko. Kaya nga di ka nasasali.” si White.
“Ohhhhh! That hurts!” sigaw ni Ken at madramang sinapo ang dibdib.
Humagikhik kaming dalawa ni Daphne. Si Hiro naman sa gilid ni White ay naging iritado agad ang tingin kay Ken.
“If you’re the last man on earth, I’d rather stay virgin forever.” Sobrang talim na ng tingin ni Cassey sa kanya. Kaming dalawa naman ni Daph pabalik balik lang ang tingin sa kung sino ang magsasalita.
Ken whistled. “Dry forever.”
White just smirked. “Ah, virgin ka pa pala?”
Kitang kita namin ang gumuhit na matinding galit sa mukha ni Cassey. Parang naoffend ata siya.
“Oopse, that’s foul…” si Ken.
Bago pa man may makapagsalita ulit sa kanila, mabilis na ang galaw ni Cassey. Sumampa na siya sa upuan para makaharap doon ng buo at biglang hinila ang buhok ni White na ikinagulat naming lahat.
“Jerk!” she gripped his hair that made my cousin groaned. Kami naman ay natanga na at hindi alam kung paano aawatin ito.
“Cassey!” hinila ko ang kanyang braso kaso ayaw niyang magpaawat at dalawang kamay na talaga ang ginamit. Halos mapunta na siya sa likuran.
“Fuck,” Hinawakan ni White ang kanyang kamay pero mas nangigigil lang si Cassey at nagawa pang ihakbang ang mga paa para lang makarating doon. Nakatukod na ang dalawa niyang tuhod at napapagitnaan ang mga hita ni White.
Nasiksik si Ken sa gilid para lang bigyan sila ng matinding espasyo.
“Awatin mo sila, Hiro!” sigaw ni Kuya Grey.
“Pustahan! Pustahan! Kanino kayo!” pagsigaw ni Ken at naglalabas na ng pera.
“Kay White ako!” si Blue.
“Kay White rin ako!” si Red naman.
“Hiro pigilan mo sila!” sabi ko sa kanya na nasa bintana lang ang tingin at nakaheadset.
“Get off!” Hinawakan ni White ang magkabila niyang beywang pero hindi talaga huminto si Cassey.
Nailing na si Chey na kahit si Elle ay laglag panga na. Si Zera naman nasa labas na ng bintana ang tingin. Pumreno ng malakas si Kuya Grey na halos ikinasubsob naming lahat sa harapan.
Narinig ko ang pagmura ni White kaya nilingon ko siya at mahigpit na ang hawak sa beywang ni Cassey para hindi ito mahulog sa kandungan niya. Napahawak naman siya sa balikat ng aking pinsan para pumirmi roon.
“Tangina!” Nabuwal si Ken at nasalampak roon sa harapan kung nasaan ang pwesto ni Cassey. Para siyang nataob dahil sa kakatayo niya kanina para lang mangolekta ng pera sa sinasabi niyang pustahan.
“Lumabas kayong dalawa!” galit na sigaw ni Kuya Grey.
Nanlaki ang aking mga mata at kinabahan na nilingon silang dalawa. Hindi ko makita ang ekspresyon ni Cassey na kahit kay White ay hindi ko rin masilip dahil tinatakpan niya ito.
“Isa!” Hinampas ni Kuya Grey ang manibela na nagpatalon sa amin ni Daph.
“Gago ka talaga!” Sinuntok ni Cassey ang dibdib ni White at mabilis na umalis roon. Doon namin nakita ang buhaghag na buhok ni White pero wala namang galos ang mukha. Sinundan niya lang ng tingin si Cassey na lumalabas na ng van. Binasa niya ang pang-ibabang labi at nailing saka rin sumunod.
Nalulungkot ko silang tiningnan dalawa sa may likuran. Pinaharurot naman agad ni Kuya Grey ang sasakyan. Natangay lahat ang mga mata namin sa likuran at nakita ang dalawang mukhang ipinagpatuloy ang pagbabangayan dahil sinuntok ulit ni Cassey ang dibdib ng aking pinsan.
“Why do they hate each other so much?” tanong ni Daph sa akin.
Umiling ako at malungkot silang tiningnan na tuluyan ng lumiliit sa aking paningin. Tirik na tirik pa naman ang araw. At wala silang mga payong!
“Kuya Grey…” tawag ko.
“Let them Nana.” si Kuya Toshi na mismo ang sumagot sa akin. “Alam naman ni White ang destinasyon at malapit nalang. Siguro nasa 30 minutes kung lalakarin. Bigyan natin ng oras ang dalawa.”
“Ang init pa naman,” si Chey na mukhang nag-aalala sa pinsan.
“Baka gusto mo ring bumaba, Chey? Hatdan mo ng tubig.” si Kuya Toshi.
Umirap agad si Chey at humalukipkip nalang.
Naging tahimik ang aming van. Si Ken at ang kambal ay nagsesenyasan pa. Para na silang mga pipi at sign language nalang ang ginagamit. Nakisali si Hiro sa kanila at nagtaas ng dirtyfinger sa tatlo. Iyon ang katuwaan nila habang ako ay nakasimangot at nakatingin sa labas ng bintana. Nakakapaso ang sinag ng araw at mukhang galit na galit. Kumusta na kaya silang dalawa?
“Kaya ayoko talagang ginagalit si Kuya Grey.” bulong ni Daph sa akin.
Kinabahan na ako. Mukhang senyales ang mga iyon at pinapakita sa akin kung paano sumiklab ang mga pinsan ko. Ano namang ipapaliwanag ko pag nalaman nila? Pero alam naman nilang humahanga ako kay Aries at wala naman akong nakikitang masama sa pagkikita naming dalawa.
Mahigit limang minuto ang tinakbo ng byahe pagkatapos naming iwan si Cassey at White sa daan. Medyo malapit lapit nalang pala talaga. Pero mabilis ang pagmamaneho ni Kuya Grey. Kung lalakarin iyon, siguro mga nasa isang oras ata. Kukulangin ang kalahating oras.
Bumaba rin kaming lahat sa van. Puro puno na ang nakikita ko. Ni isa ay walang cottage at ang tanging naririnig lang ay ang hampas ng alon.
Kanya-kanyang hakot na ang mga lalake sa mga gamit sa van. Si Kuya Toshi iyong nagseset-up ng grill. Si Kuya Grey naman ang naglalabas ng mga pagkain at inilagay roon sa folding table na dala namin. Naroon iyon sa gilid ng mayayabong na mga puno at hindi nasisinagan ng mainit na araw. Para itong kakahuyan at nasa harapan ang magandang view ng malinaw na dagat. Kumikinang iyon dahil sa pagkakatama ng araw at nagbabago ang kulay. Halos makita ko na ang maliliit na bato sa ilalim.
“Baka paggising mo sa umaga, lumulutang na iyong tent mo sa dagat, Ken!” natatawang sabi ni Blue dala dala narin ang tent nila.
“I know how to swim, man!” sagot ni Ken na topless na at may suot na itim na sunglass. Ganoon siya kaexcited habang dala dala ang tent niya rin. Sa pagkakaalam ko, silang tatlo ni Hiro diyan sa loob.
“Pwede kanang umuwi gamit ang tent mo! Iaanod ka namin bukas!” natatawa naring sabi ni Red.
“Mga gago! Pag ako nakaganti di na talaga kayo makakabalik!” saka umalingawngaw ang tawa ng tatlo.
“Sa amin ka makikihalo ng tent, Nana?” tanong ni Elle sa akin. Tumango naman ako at binalingan si Zera na naglalagay na ng sunblock. Sumasabog ang kanyang buhok sa ere dahil sa hanging pinaglalaruan iyon.
“Elle, akala ko ba sa tent ka namin?” biglang akbay sa kanya ni Red.
“Malikot kayo ni Kuya! Ayoko.” Umiling iling siya.
“Malaki ang espasyo.” sagot pa ni Blue habang siniset-up na iyong tent.
“Mga bugok. Malaki na si Elle tapos gusto niyo pang ihalo sa inyo.” si Ken.
“Palibhasa only child.” si Blue saka sila nagkatinginan ni Red at kapwa napangisi. “Special child.” sabah nilang sabi at humagalpak rin ng tawa.
“Wag niyong ipasa sa akin ang sakit niyong dalawa.” ismid ni Ken.
“Kina Franca at Irah nalang siguro ako hahalo.” sabi naman ni Daph.
Oo nga pala. Nasaan narin kaya ang mga Buenaventura? Akma ko na sanang itetext si South kaso wala na palang signal. Kasabay rin naman noon ang busina ng isang kotse kaya natuon rin ang tingin naming lahat doon.
Pagkahinto noong kotse, bumukas agad ang likod at ang nakabusangot na si Cassey agad ang lumabas. Namumula ang kanyang pisngi na kahit ang kanyang balat ay ganoon rin. Deri-deritso ang lakad niya at hinubad pa ang suot na dress saka nagmartsa patungo sa dagat pagkatapos itapon sa dalampasigan ang damit. Sumipol si Ken, natangay na ang tingin sa pagsulong ni Cassey roon sa malinaw na tubig.
Ibinalik ko ulit ang tingin sa may kotse at nakalabas narin ang may sakay roon. Nagkakasalubong ang kilay ni White at mariin ang tingin sa dagat. Nang napagtanto niyang nakatingin ako, nag-iwas agad siya ng tingin at marahas ang pagkakabuga ng hininga.
“Nadaanan namin ang dalawa sa gitna ng daan kaya hinintuan namin. Para silang magsyotang nagbabangayan.” Ngisi ni North.
“Pinababa sila ni Grey dahil nag-aaway sa loob ng van.” sagot ni Ken sa kanya.
“Akala ko pa naman si Grey at Toshi lang ang nag-aaway. Ang iinit ng ulo purket mainit ang panahon.” Humalakhak si North.
Lumapit sa amin si Franca. Si Irah naman ay isinuot na iyong itim na sunglass na nakasabit sa suot niyang dress at humalukipkip na. Binalingan ko sandali si South na naglalabas ng gamit nila saka ko itinuon ang tingin kay Franca na nilingon sandali si South at ibinalik rin sa akin.
“Di na talaga ako magtataka kung naging kayo ni South…” sabi niya sa akin na ikinakurap ko.
“H-Huh? Magkaibigan lang kami ni South.” sabi ko agad.
Hinawi niya ang buhok na sumabog at isinabit iyon sa gilid ng kanyang tenga dahil sa hampas ng hangin. Buti nalang talaga at nakaponytail ang aking buhok.
“Doon naman nagsisimula lahat e,”
Umiling ako. “Hindi ah…”
“Napapansin ko lang naman. Parang off-limits kana.”
Bakit naman iisipin iyon ni Franca sa aming dalawa ni South? Eh hindi naman kami nagpapahalata tuwing nandiyan ang mga pinsan ko at pinsan niya. Nagkakausap kami minsan pero siya agad itong umaalis at humahalo sa mga lalake. At hindi naman siya palasalita.
Sinipat ko sandali ng tingin si South. Seryoso itong nagtatayo ng tent nila Franca habang si North ay naglalapag rin ng mga pagkain roon sa dako nila Kuya Grey. Nag-uusap sila roon.
“Ba’t mo iyan sinasabi sa’kin?”
“Kasi alam ko namang hindi mo didibdibin.” Pasimpleng bumaba ang tingin niya sa aking dibdib saka ako nginitian ng matamis. Ngumuso ako at tiningnan rin ang kanya.
Kumakain na ako ng barbeque at nakaupo sa duyan habang tinitingnan ang mga babae na naliligo na. Nagkakatuwaan silang lahat at halatang nag-eenjoy. Ang mga lalake naman ay mukhang wala pang balak maligo. Nangunguha sila ng mga tuyong kahoy doon sa liblib na lugar at tinitipon tipon nila.
Itinulak ko ang aking sarili gamit ang aking mga paa sa sahig para marahang umatras abante ang inuupuan kong duyan. Nasasanay na talaga akong maseparate minsan sa mga babae at okay lang kahit na hindi ako makasabay sa kanila. Minsan kasi, hindi ako makasabay sa mga pinag-uusapan nila. Eh wala naman akong alam sa mga pagtataray at sa mga make-ups, lalo na sa fashion na madalas nilang itopic at boys. Si Aries lang naman ang gusto ko.
Tumigil ang aking duyan kaya nagtataka akong lumingon sa aking likod. Nakita ko ang imahe ni South, ang isang kamay ay nakabulsa at ang isa ay pinipigilan ang aking duyan sa pag-abante.
“Ba’t hindi ka humahalo sa mga babae?” tanong niya, nilingon sandali ang dagat saka ibinalik sa akin.
“Ikaw nga hindi humahalo sa lalake.”
Umangat agad ang kanyang kilay. Ibinigay ko ang isa kong hawak na barbeque sa kanya. Tinanggap niya iyon sa isa niyang kamay, wala paring balak bitiwan ang aking duyan.
“Tumatawag parin iyong Aries?” tanong niya.
Umiling ako at nalungkot. “Busy siya.”
“Di ka lang talaga priority.” saka siya kumagat noong hawak niyang barbeque.
“Hindi ah! Busy talaga siya! Updated kaya ako sa mga lakad niya! Kalat iyon sa pages niya.”
Nag ‘tsk’ lang siya at supladong nag-iwas ng tingin.
“Nagpopromote siya ng album niya.”
“Hindi ako interesado.” sagot niya.
“At ang alam ko ay nagpophotoshoot siya ngayon. Excited na ako sa ilalabas niyang kanta dahil alam kong maganda naman talaga ang mga gawa niya…” pagpapatuloy ko parin.
Naiirita siyang tumingin sakin. Umatras siya kaya kahit ako ay nahila niya. Kinabahan agad ako roon lalo na’t nang-aasar na ang titig niya.
“S-South,” hinawakan ko agad ang kanyang kamay dahil baka bigla niya iyong bitiwan. Nilingon ko pa ang ibaba at sobrang nakaangat na ako dahil hindi ko na maisayad ang mga paa ko sa lupa. Na pag binitiwan niya ito ay deritso talaga ang angat ko sa ere.
“Isang Aries pa kundi bibitiwan kita.” pagbabanta niya at malalim na ang titig sa akin na labis kong ikinabahala.
19th Hooked
Rough
Nagpalit ako ng rashguard at short nang magdesisyon akong maligo dahil naliligo narin si White kasama pa ang iba. Kasabayan ko ng naliligo si Irah na nakatwo-piece at nakabun ang buhok. Iyong suot niyang bra ay parang nakatali lang ang laces sa likod. Kaming tatlo lang ni Franca at Daphne ang mga nakarashguard. Iyong ibang mga babae ay umahon na maliban kay Shanaia na hindi pa naliligo at natutulog sa loob ng tent. Wala ata siya sa mood.
“Fuck you, Franca!” malutong na sigaw ni Irah at tanging mukha nalang ang nakikita dahil sa biglaan niyang paglublob sa tubig.
Natatawang lumangoy paalis si Franca sa dako ng kanyang pinsan. Nagkatinginan kami sandali ni Daph saka ulit nilingon ang tumatawang si Franca sa aming harapan.
“Damn you! Give it back!” sigaw nito.
“Wala sa akin! Siguro nandiyan lang iyon sa tabi tabi!” sabi ni Franca at humalakhak ulit.
Hindi pa naliligo ang kanyang mga pinsan at naroon parin sa kakahuyan kasama si Kuya Grey. Nag-uusap sila ng kung ano ano at umiinom ng beer in a can habang ginagawang pulutan iyong barbeque.
“Find it!” galit na galit na sabi niya, namumula na ang buong mukha.
Tumawa ulit si Franca. “Bakit ba kasi ganoon ang suot. Ayan tuloy aksidente kong nahila…”
Nanlalaki ang mga mata namin ni Daphne. Ibig sabihin tinanggalan niya ng bra si Irah?!
“Ang sama…” nasabi ko na talaga iyon.
“Aksidente ba talaga?” si Daphne.
Tumawa lang si Franca.
“What’s this?” biglaang tumayo si Ken sa pagkakalublob. Inangat niya iyong pamilyar na panloob na ikinalaki ng mga mata ni Irah. Sinamaan niya agad ng tingin si Franca.
“Lagot ka talaga sa akin.”
“Teka, ano iyan?” nag-usisa agad ang kambal. Kung hindi biglaang sumulpot roon si Kuya Toshi at hinila iyon kay Ken ay napaglaruan na siguro nilang tatlo.
“Teka, Toshi! Mukhang braㄧ
“At hindi laruan.” inis na dugtong ni Toshi saka naglakad sa kinaroroonan ni Irah.
“Kay Irah iyon?” si Blue.
“Mukhang ganoon na nga. Sayang, akala ko pangpiring sa mata.” naiiling na sabi ni Red.
Sinapak naman ni Blue ang dibdib ni Ken. “Bastos. Para mo naring hinipuan si Irah sa dibdib.”
“I didn’t squeeze the cup. Lace lang iyon.” si Ken naman at ngumingisi na.
“Bastos ka parin,” si Red
Ibinalik ko ang tingin sa dako ni Irah. Naroon na si Kuya Toshi at nakatayo sa kanyang harapan. Nagmistulang batang paslit ito dahil sa pagkakalublob roon at natatakot tumayo.
“Diba malinaw ang tubig?” bulong ni Daphne saakin.
Tiningnan ko ang tubig at sapat lang na nakita ang hita kong nakalublob. Oo nga ’no?
Ibinigay iyon ni Kuya Toshi sa kanya saka rin ito umalis. Halata ang namumulang pisngi ni Irah at mukhang isinusuot na ulit iyon sa kanyang sarili sa ilalim ng tubig.
“Nacucurious tuloy ako kung sasabunutan o sasampalin ka ng pinsan mo.” si Daphne.
“Both ata.” kalmado at mahinhing sagot ni Franca. Hindi ba siya natatakot? Pansin ko sa kanya parang ang hilig niyang mang-asar at pasimpleng idinadaan iyong lahat sa pagiging mabait niya. Iyong tipong magagalit ka dapat sa kanya kaso hindi mo magawa kasi napakaanghel ng kanyang mukha at ang bait niya rin.
Tumayo si Irah, asar na asar ang mukha at sinipa iyong tubig kaya sumaboy iyon sa aming tatlo. Nauubo kong kinusot ang aking mga matang natalsikan rin at parang may nainom pa akong tubig.
“Hoy Inday Irah! Inaaway mo na naman si Franca!” Ang sigaw agad ni North ang narinig namin sa likuran.
“Ang hapdi ng mata ko!” reklamo ni Daph at nauubo narin. Nasa gitna kasi namin si Franca kaya pati kami ay nadamay.
“May kasama atang buhangin iyong pumasok sa mata ko. Pakihipan nga, Nana!” Naluluhang humarap sa akin si Franca kaya mabilis kong hinipan ang pulang pula niyang mga mata na kanina niya pa pala kinukusot.
“Ayan kasi…” nailing si Daph. Buti nalang hindi kami napasukan ng buhangin!
“Ikaw kasi…” sabi ko at hinipan ulit ng malakas ang kanyang mata. Humagikhik lang siya sa kabila ng natamo niya. Ibang klase.
Umahon rin naman kaming tatlo pagkatapos naming mawili sa kakahanap ng magagandang bato. Ang sabi ni Franca, mahilig raw mangolekta ng shells si Irah. May nabasag pa nga siyang isang garapon na koleksyon nito sa loob ng kwarto niya kaya simula noon ay hindi na siya pinapapasok sa kwarto ni Irah. Tinanong ko siya kung nasampal o nasabunutan na ba siya nito pero hindi pa daw. Puro lang daw pagbabanta at masasakit na salita na ikinakahagikhik niya lang. Ganoon ba si Tita Addi noong pagkabata niya?
Pumunta ako sa kakahuyan kung saan sila nagbabarbeque. Basang basa pa ako lalo na’t hindi ko mahagilap ang aking tuwalya sa aking bag.
Natigil sila sa kakatawa saka bumaling sa akin. Umangat agad ang kilay ni South at bumaba pa ang mata sa aking dibdib.
“White, naiwan ko ang tuwalya ko.” sabi ko sa pinsan kong nagkukusot ng basang buhok.
Tumigil siya sa kakakusot saka iyon inilahad sa akin. Iritado namang nag-iwas ng tingin si South nang kunin ko iyon. Gumalaw pa ang kanyang panga at namukol ang gilid ng pisngi dahil siguro sa dila niyang itinutulak iyon sa loob na akala mo ay nanghahamon ng away.
“Sa susunod, icheck mo ng mabuti ang mga dala mong gamit. Ano pa bang hindi mo nadala?” tanong sa akin ni White at tumayo na. Tinatakpan niya na ang aking imahe sa harapan.
“Ano… Ito lang ata.”
“You sure? Asan ba ang gamit mo? I’ll check it. Baka hindi ka nakadala ng mga panlooㄧ
“White,” tawag ni South sa kanya kaya natigil ito sa kakasalita at kapwa namin ito nilingon.
“Sa’yo.” matabang na sabi ni South at inilahad iyong beer. Tinanggap iyon ni White at tinanguan ito bilang papasalamat. Makahulugan naman akong tiningnan ni South, ang madilim na tingin ay nagbabanta at parang may ipinaparating. Di ko gets.
“Magbibihis lang ako White,” sabi ko nalang na ikinatango niya.
Nagsuot ako ng malaking tshirt at short tsaka komportableng tsinelas. Nasa duyan na ulit ako at kakatapos lang kumain. Nagbabago na ang kulay ng langit at nagsisimula nang dumilim. Ang ihip ng hangin ay medyo malamig narin sa balat.
Napunta ang aking mga mata sa karagatan. Ang aking mga paa ay nasa duyan at nakapiko roon habang ang isa kong siko ay nakatukod sa aking hita para suportahan ang aking baba. Nakikita ko ang paglangoy ni South roon. Swabe lamang ang kanyang galaw at medyo kinakain na ng dilim. Nagmumukha siyang silhuette sa ilalim ng liwanag ng kumikintab na dagat. Kanina pa siya roon at mukhang naaliw sa kakalangoy at kakasisid.
“Galing sumisid.” narinig kong sabi ni Cassey nang dumaan ito at napatingin sa may dagat. Dumeritso rin naman siya roon sa mga tent at hindi na ako nilingon rito.
Ibinalik ko ang tingin kay South. Umahon na ito. Malalaki ang kanyang hakbang habang hinihilamos ang mukha saka nalipat ang kamay sa buhok at sinuklay iyon paatras. Nagiging klaro na ito sa akin dahil sa pag-abante niya at nasulyapan pa ang namumukol niyang suot sa ibaba. Bago pa mapadpad ang tingin ko roon, nahuli niya na ang aking mga mata. Tumingin siya sandali sa aking likuran saka inilipat sa akin. Nginitian ko siya kaso bigla nalang sumabog ang kung anong boses sa aking likuran sanhi para mapalingon ako at halos mapatili dahil sa gulat.
“Ken!” malakas kong sigaw na halos ikinawala ng aking balanse sa paggalaw ng duyan. Humalakhak agad ito at nagtatakbo na dahil sa pagkaripas rin ng takbo ni White nang marinig ang aking sigaw para habulin ito.
Bago pa man ako mataob sa inuupuan kong duyan ay may humawak na noon. Tumutulo sa akin ang tubig at halos mariin akong mapapikit dahil sa pagkakahiga sa duyan, halos kabahan dahil baka mataob ako ng tuluyan.
Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata at nakita ang mukha ni South. Hawak niya ang magkabila ng duyan at pinigilan iyong gumalaw. Tumutulo pa ang tubig sa kanyang buhok dahil sa kanyang pagkakayuko.
“S-South,” tawag ko.
He just tsked. Wala na itong gaanong sinabi nang masigurado niyang huminto na ang paggalaw noong duyan saka rin umalis.
Noong gabi na, sobrang ingay na ng aking mga pinsan dahil sa bonfire sa aming harapan. Yakap yakap ko ang aking tuhod habang nakapatong ang aking baba roon, ninanamnam ang init na gawa ng apoy. May mga nilalagok ulit silang panibagong beer habang kaming mga babae naman ay can in a coke lang ang iniinom.
“Come on, White! Body heat!” Akmang yayakapin ni Ken si White kaya mabilis siya nitong itinulak.
“Tumigil ka kundi ihahagis kita diyan sa apoy.” inis na sabi ni White. Napangiti ako sa kanilang pag-aasaran lalo na’t hindi man lang natinag si Ken.
“Pasensya na, isang hamak na gwapo lang talaga.” saka ngumisi si Ken at isinuklay ang buhok paatras.
“Gusto mong itry, Nana?” Binigyan ako ng stick ni Franca kung saan may nakatusok na marshmallow. Tinanggap ko naman iyon at itinapat narin ito sa apoy. Ganoon rin ang ginagawa ni Daph.
“Pasukan na ulit sa lunes,” bumuntong ng hininga si Daphne.
“Oo nga eh. Pero exciting rin naman dahil panibagong environment ulit.” si Franca.
“Sana magkafriends ako…” bulong ko at naalala ang nakaraan kong pag-aaral. Hindi ako nagkakaroon ng kaibigan. Bukod sa mahiyain ako, hindi rin sila nagtatangkang kausapin ako. Kumakapit nalang ako sa mga nakakaklase kong kakilala katulad ni Cassey.
“Ano bang course mo?” tanong ni Franca habang nagtutuhog pa ng ibang marshmallows sa kanyang stick.
“Fashion designer,” sabi ko.
Nagulat siya roon. “Hindi halata sa’yo na mahilig ka pala sa fashion. Ang weirdo mo kasing manamit minsan.”
Aray naman. Akala ko sa mga pinsan ko lang iyon maririnig.
“Mahilig lang akong magdrawing ng mga damit…”
“Maganda ang kurso mo Nana. Ako nga hindi ko pa alam ang kukunin ko. Buti nalang at Grade Eleven pa ako,” si Daph. Kasabayan niya sila Elle, Zera at Irah.
Doon lang kami natigil nang kinuha ng isang strum ng gitara ang aming atensyon. It was South.
“Marunong kang maggitara?” tanong ni Ken sa kanya.
“Nah, he’s still learning.” si North naman mismo ang sumagot noon.
Napatitig ako sa seryosong mukha ni South at mukhang natututo na nga. Hindi ko alam na mahilig pala siya sa instruments.
“Natutunaw na.” sabi sa akin ni Franca kaya napakurap ako.
“Huh?” nilingon ko siya kaya hinawakan niya ang aking pulso at hinila iyon. “Ang marshmallow mo.”
“A-Ay sorry…” Ako na mismo ang lumayo noon. Ibinalik ko ang tingin kay South at nasa akin na ang tingin niya. Nakikita ko ang apoy sa kanyang mga mata na sinasalamin ang apoy na lumalaki sa aming harapan. Iyon ang nagsilbing liwanag namin para makita ang isa’t isa.
“Pahiram nga, South.” Kinuha iyon ni Ken sa kanya kaya doon lang naputol ang aming tinginan.
“Akala mo naman marunong.” pang-aasar agad ni Hiro.
“Marunong akong magstrum ng gitara.” saka iyon malakas na pinatunog ni Ken. Halos mapangiwi ako nang wala naman iyon sa tono at mukhang gawa gawa niya lang.
“Sino ang pipiliin ko!” kanta niya at inistrum ng marahas ang gitara.
“Isang hirit pa Ken at ikaw na ang sunod kong gagawing panggatong sa apoy.” galit na sabi ni Grey at matalim na ang tingin kay Ken.
“Ikaw ba na pangarapㄧ” nag-iba agad ang tono noon. “lang kita… At kahit mahal kita, wala akong magagawa… tanggap ko oh aking sinta, pangarap lang kita!” saka niya mali maling inistrum ang gitara na ikinatawa namin.
“Siraulo talaga.” nailing si Blue.
Inagaw sa kanya ni Kuya Grey ang gitara at sinimulan iyong patunugin.
“Matibay ba ang string niyan, South?” nag-aalalang tanong ni Ken. Tumango lang si South, nasa gitara narin ang tingin.
Magaling maggitara si Kuya Grey kaya natuon sa kanya lahat ng atensyon namin. Sandali kong nilingon ang direksyon ni Chey para makita ang reaksyon niya at namataan itong titig na titig sa aking pinsan, dismayado ang mukha at nagsisisi na ewan. Isa rin kasi sila sa nag-aaway. I mean, hindi katulad kay White at Cassey, palagi niyang sinusupladahan si Kuya Grey. Eh sa kanya nga lang bumabait si Kuya Grey kaysa sa ibang mga babae na nagtatangkang makipag-usap sa kanya sa school.
Pagkatapos naming magpainit sa bonfire, doon lang kami nagsipasukan sa tent noong naubos na lahat ng panggatong nilang kahoy. Nauna nang makatulog si Zera at Elle sa tent. Hindi ako maagang natutulog dahil nasanay na ang mga mata kong manood ng mga videos ni Aries tuwing gabi bago dalawin ng antok. Nakabukas parin ang tent at akma ko na sana iyong isasara nang may mapansin akong tao sa may dalampasigan dahil sa ilaw ng buwan.
Lumabas ako ng tent suot ang aking makapal na sweater saka naglakad papunta roon. May mga ilaw naman sa banda ng mga tent namin gawa noong mga lanterns na dala ni Kuya Toshi. Nagkalat iyon sa bawat tent at iyon ang nagpapaliwanag ng kaonti sa paligid.
Dinala ko ang isang lantern at naglakad patungo sa dalampasigan. Umangat agad ang tingin sa akin ni South pagkarating ko sa kanyang gilid. Nakatukod sa likuran ang bawat kamay niya at halos humiga na roon kasabay ng buhok niyang gumagalaw dahil sa hampas ng hangin.
“Ba’t di ka pa natutulog?” tanong niya nang maupo ako sa kanyang tabi. May espasyo pang namamagitan sa aming tabi kaya doon ko inilagay ang lantern.
“Hindi naman ako maagang natutulog dahil nanonood ako ng videos ni Aries sa ganitong oras.” sabi ko, bago ko pa mapagtantong nabanggit ko ang pangalan niya ay doon ko lang natakpan ang aking bibig.
Hindi siya kumibo. Ibinalik niya lang ang tingin sa karagatan at mas tumingala pa. Huminahon rin naman ako at niyakap ang tuhod para itinuon narin ang tingin sa harap.
“Mahilig ka pala sa gitara?” tanong ko.
“Medyo.”
“Edi, marunong kang kumanta?”
“Marunong pero hindi mahilig.” sagot niya na ikinalingon ko sa kanya. Ibig sabihin, maganda ang boses niya pero siya lang itong hindi mahilig kumanta?
“Bakit naman? Edi parehas pala kayo ni Aries?”
His adam apple moved sexily as he swallowed. Binasa niya ang nakaawang na labi saka ako nilingon. Ang mga mata ay nagiging katulad na ng buwan. Madilim ang nakapaligid roon pero may kaonting liwanag sa kabila ng pagiging misteryoso nito.
“Stop comparing,” matigas niyang sabi.
Ngumuso ako. Halata talagang ayaw niya kay Aries. Kahit si White at iba ko pang mga pinsan ay ayaw rin kay Aries. Ewan ko ba sa kanila.
“Malapit na ang pasukan. Matatapos na ang summer…” pag-iiba ko nalang ng topic at isinandal na ang baba sa tuhod kong magkadikit. “Sana magkafriends ako ’no?”
Hindi siya sumagot kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita.
“Gusto ko kasing may nakakausap ako… Gusto kong makisama. Gusto kong makisalamuha sa iba at iparamdam sa kanila na hindi naman ako naiiba sa kanilang lahat kahit na Delafuente ako.” Bumuntong ako ng hininga. Nakakalungkot lang kasi iyong wala kang kaibigan.
“You have your cousins,”
“Sabagay nga eh… Nasanay narin naman ako kaya okay lang siguro.” I smiled as I glanced at him. My hair deshiveled when the cold wind blew. Tila may ritmong sinusunod at ganoon nalang sila kung gumalaw sa ere.
He leaned a bit and fixed my hair. Isinabit niya sa aking gilid ang iilang hibla habang ang mga mata ay parang nangungusap na. Kumurap-kurap ako at naigala ang tingin sa iba’t ibang direksyon, kalaunan ay nauwi rin iyon sa pagtitig pabalik sa kanya.
“May nakapagsabi na ba sa’yong maganda ka?” tanong niya, ang boses ay singlalim na ng bangin.
Lumunok ako at umiling. Wala akong maalalang lalake na nagsabi noon sa akin. Eh hindi rin naman ako nagkakaroon ng mga kaibigan. Siya palang.
“Ah, expected ko rin naman.” saka siya ngumisi sa akin. Ang ngiti ay parang nanggaling sa liwanag na buwan, na sa kabila ng madilim na kalangitan ay may bukod tanging lumiliwanag.
Ngumuso ako at hindi magawang alisin ang tingin sa kanya. Hindi ko alam kung ba’t may kakaiba sa mga mata ni South. Para iyong isang direksyon. Na kahit lumingon ka sa iba at maligaw sa ibang direksyon, matatagpuan at matatagpuan mo parin ang mga pares ng mga mata niyang nakasentro lamang sa’yo. Na iyon lang dapat ang tingnan mo para hindi ka maligaw sa iba pa.
Nabura ang ngisi siya at napalitan ng panibago ang mga matang singlalim na ata ng karagatan ang tinging iginagawad sa akin. He leaned closer enough that made me swallowed. Kumakalabog na naman nang husto ang aking dibdib dahil lang masyado siyang malapit. Ibang iba ang mga mata niya kaysa kay Aries at hindi ko mawari kung makakaya ko bang tagalan ang ganoong tinging ipinupukol niya.
Lumapit pa siya lalo, nananantya ang mga mata sa magiging reaksyon ko. Sa halip na umiwas ay pumikit nalang ako. Natangay na ng alon ang aking pag-iisip at hindi ko na alam kung anong akmang gawin sa sitwasyon na ito.
I heard him groaned. Nang dumilat ako ay mariin na siya nakapikit at nakayuko. Konting konti nalang ang agwat namin at hindi ko alam kung ba’t nadidismaya ako sa nangyayari.
“B-Bakit ka tumigil?” tanong ko.
Bumalik siya sa kanyang pwesto, “Dahil kaya ko pang magpigil.”
“Bakit ka nagpipigil? Alam ko naman iyon, hahalikan mo ako at okay lang iyon sa akin dahil espesyal ka naman.” bahagya kong sagot sanhi para magsalubong ang kanyang mga kilay.
“You don’t know what you’re talking about.” namamaos ang boses na iyon nang pasadahan niya paatras ng kanyang kamay ang buhok.
“Alam ko South…”
Tumingala siya at mariing napapikit, tila nahihirapan na.
“Sa sobra mong inosente, kung hinila kita at pinaupo sa kandungan ko, aakalain mo parin sigurong friendly gestures lang iyon. I might do something rough if I can’t control myself…” saka ulit siya napahinga ng malalim, pilit kinakalma ang sarili.
20th Hooked
Kasi mahal
Yakap yakap ko ang nakabalot na comforter sa aking katawan habang humihikab sa umaga. Uuwi na kami at nagsisimula na silang maghakot ng mga gamit maliban sa dalawang tent na hindi parin nahahakot dahil tulog pa ang mga naroon.
“Gisingin mo,” utos ni Kuya Grey kay Kuya Toshi at nginuso iyong tent ng kambal.
“Isa isa tayo,” saka niya tiningnan ang malawak na dagat at nagkatinginan ulit ang dalawa.
Hindi nagtagal, binubuhat na nilang dalawa ang kambal na mahimbing na natutulog at walang ano ano’y itinapon sa dagat. Nag-apir agad sila at saka tumalikod.
Halos mangapa si Blue na nagising na ang buong diwa ganoon rin si Red na parang bolateng inasinan. Nagawa pa silang kunan ng litrato ni Zera. Natawa ako sa ekspresyon ng dalawa.
“Akala ko talaga nakaligo na naman ako sa sarili kong ihi!” sigaw ni Red
“Ang lamig!” Isa isa silang nagsiahon at parang mga basang sisiw yakap yakap ang sarili. “Naputol pa iyong maganda kong panaginip…”
“Ano bang panaginip mo?” si Blue
“Natutulog raw ako ng mahimbing sa tent.” pagkukwento naman ni Red na ikinasira ng ekspresyon ni Blue.
“Walang kwenta. Buti pa iyong panaginip ko, sa sobrang ganda hindi ko matandaan.” at nauwi sa pagtutulakan ang dalawa at paghihilaan pabalik sa dagat.
“How I wish maanod nalang sila ng alon at di na makabalik.” Naiiling na umalis si Zera dala dala iyong dslr niya. Nagawa niya pa akong tingnan at itinutok sa akin ang hawak na camera. Ngumiti agad ako at nagpeace sign.
Lumabas narin si Ken sa kanyang tent na wala sa sarili, buhaghag ang buhok suplado ang mukha at yakap yakap ang comforter sa kabuuan. Nakakapagtaka at naunang magising si White. Kung hindi lang talaga masyadong malamig hindi rin siguro ako magigising ng maaga. Ginising rin naman kasi ako ni Elle.
Binalingan ko ang kotse ng mga Buenaventura. Tapos na silang mag-impake at handa ng umalis. Nakita ko pa si Franca roon na humihikab at agad sinupalpal ng unan ni Irah.
“Nana, tayo na.” tawag saakin ni White kaya naglakad narin ako patungo sa van. Humihikab ako at kulang sa tulog. Ang tagal rin kasi naming bumalik ni South sa kanya kanyang tent. Namamangha nalang kaming dalawa kakatitig sa dagat habang pinapakinggan ang alon ng dagat.
Huling pumasok si Ken sa van, humihikab at mukhang nananaginip pa. Bigla siyang itinulak ni Hiro at hinila ang comforter nito na ikinatilapon ni Ken palabas.
“Larga!” sigaw ni Hiro kaya mabilis ring pinaandar ni Kuya Grey ang sasakyan na ikinamura ni Ken. Nakaboxer lamang ito at mabilis na tumakbo para habulin kami.
“Mga gago!” sigaw niya habang kami naman sa loob ay nasa bintana na ang tingin at tinatawanan ito.
“Ken! Ang bayag mo baka mahulog! Hawakan mo!” sigaw ni Blue at natatawang itinutok ang cellphone para mavideohan ito.
“Ang bola tumatalbog!” dagdag naman na sigaw ni Red na ikinahalakhak namin. Nagawa niya pang itaas ang dirty finger niya at sunod sunod na mura na ang sinambit.
“Go, fafi!” pang-aasar naman ni North sa matinis na boses nang matapat rin ang kotse sa dako namin. Dumungaw pa si Irah sa bintana at nginisihan si Ken na halos hindi na matigil sa pagtakbo.
“Witiwiw!” sipol ni Irah na hindi maintindihan dahil para niya rin iyong isinigaw. Umaalingawngaw rin ang tawa roon ni Franca.
“Tangina niyo!” Mas binilisan ni Ken ang pagtakbo.
“Smile!” saka siya kinunan ni Zera ng litrato.
Doon lang siya hinintuan nang tumigil ito sa pagtakbo at hinihingal na yumuko hanggang sa bigla itong nawalan ng malay. Mabilis na napapreno si Kuya Grey na kahit ang aming mga ngiti ay napawi.
“Shit!” halos hilain paalis ni Kuya Grey ang seatbelt na humiwalay na sa upuan dahil sa pagmamadali niyang makalabas.
“What happened?!” sigaw ni Elle at nabahiran na ng takot ang mukha.
Dali dali narin kaming nagsilabasan at napatakbo sa dako ni Ken. Naunang tumakbo ang mga lalake kong pinsan at kapwa alalang alala na ang mukha.
“Ken!” naiiyak kong sigaw na kahit si Zera ay may takot narin ang mukha, naninigas na sa kinatatayuan.
“Ken?! Wake up!” Pinikpik ni Kuya Grey ang pisngi nito.
“Isugod na natin sa hospital!” sigaw ni Hiro kaya pumwesto na sila para buhatin ito.
Pero bago paman nila ito mahawakan at mainagat sa ere, dumilat na si Ken at ngumisi. “It’s not funny y’know.”
Isa isang nasira ang aming ekspresyon na kahit ako ay napasimangot pero nauwi rin sa paghagikhik namin ni Daph nang pinagtulungan siyang pagsipain isa isa ng aking mga pinsan. Kinunan ulit iyon ng litrato ni Zera.
“Akala ko talaga kung ano na,” nahawakan ni Chey ang kanyang dibdib at nakahinga ng maluwag.
“Gago ka!” malutong na mura ni Kuya Toshi, bakas sa mukha ang pagkakapanatag pero naiinis rin.
“Mas gago kayo!” Malutong na halakhak ni Ken. “Gantihan lang!”
Isa lamang iyon sa mga magagandang alaala ng aming bakasyon bago tuluyang magsimula ulit ang panibagong taon ng aming pag-aaral.
Sa tuwing first day of school ay tahimik lamang ako at pangiti-ngiti sa mga kaklase ko. Noong highschool ako, naging consistent ang pagiging kaklase namin ni Cassey ngunit hindi ako sigurado ngayong college na kami.
Maaga ako palagi pag first day of school. Pinili ko agad ang ang upuan sa gitna dahil iyon ang nakasanayan ko. Ayoko naman sa harap dahil nahihiya ako at ayoko rin sa likod dahil baka hindi ako gaanong makaparticipate sa klase. At baka rin hindi ako makita ng teacher.
“May kaklase pala tayong Delafuente.”
“Oo nga eh. Sino kaya sa mga pinsan niyan ang magiging kaklase natin sa subject na ’to?”
“Sana naman si Ken, o kaya si Wayt! O si Hiro! O kahit iyong kambal nalang!”
Nilingon ko ang dalawang babae na pinag-uusapan ang mga pinsan ko. Natigil sila sa pag-uusap, sandaling kinabahan dahil sa paglingon ko. Ngumiti ako sa kanila at kumaway sanhi para mabahiran ng pagkagulat ang kanilang mga mukha.
“Hi,” bati ko.
“Hi Nana.” nahihiya namang bati noong maliit ang buhok.
“H’wag mo ngang kausapin iyan. Balita ko demonyita daw iyong isa niyang pinsan. Baka awayin rin tayo ng babaeng iyon.” inis na sabi noong katabi niya.
“Mabait naman si Zera.” pagtatanggol ko agad.
Sinapak siya noong isa at nginitian ako. “H’wag mong pansinin ang bunganga nito, Nana.”
Tumango ako at ngumiti nalang lalo na’t nag-iiwas na sila ng tingin sa akin.
Itinuon ko ang tingin sa pinto. Nagbabakasakali akong pumasok roon si Cassey o kaya si Shanaia since kapwa rin iyon mga first year college na. Iba iba kasi ang aming kurso kaya hindi ko ata magiging kaklase ang mga lalake kong pinsan sa lahat ng subjects. Pero siguro magiging kaklase ko sila sa iba.
May pumasok na lalake at naghanap agad ng bakante. Itinuro ko agad ang upuan sa tabi ko.
“Dito oh. Walang nakaupo.” sabi ko na ikinalingon lahat ng mga kaklase ko.
Medyo nahiya ako roon pero sinikap ko nalang ngumiti. Iyong lalake naman ay nakamot ang batok.
“Dito oh. May bakante rin.” sabi noong isa ko pang kaklaseng babae na mabilis niyang ikinalingon roon.
“Sige.” nginitian niya iyon saka ako binalingan. “Doon nalang ako.”
Napakurap ako at nahihiyang tumango. Siguro mas gusto niyang doon nalang umupo kasi nasa likod? Pero napapansin ko rin, simula highschool ako ay ilag sa akin ang mga kaklase ko. Ang sabi sa akin ni Cassey, kagagawan raw iyon ng mga gago kong pinsan. Na kahit pati mga babae ay ayaw akong kaibiganin dahil narin kay Zera. Ewan ko nga kung anong meron sa aming angkan at pakiramdam nila, naiiba kami sa kanila. .
Nadismaya ako nang mapuno na ang bakanteng upuan at iyong akin nalang ang wala. Ibig sabihin, wala akong kakilala? Wala rin ba akong magiging seatmate. Pero siguro naman sa susunod na subject meron. Baka si Cassey… si Franca? O isa sa mga pinsan kong lalake. Coz most of my cousins are all first year college aside from Toshi and Grey.
Pumasok ang prof. Mabilis kong kinuha sa aking bag ang notebook ko. Sabi pa naman nila mahirap raw ang kolehiyo kaya dapat makinig ako ng maayos.
Pinakilala niya lang sandali ang kanyang sarili saka rin nagsulat ng magiging topic niya sa buong semester. Nagsusulat na kaming lahat sa aming mga notebook nang may kumatok sa pintong nakabukas para kunin ang atensyon noong prof.
Napunta narin ang aking tingin roon at nakita si South, nakabulsa ang kamay at suot lang ang isang kamay noong bag niya.
“Pasok hijo. Next time, be early.”
Tumango siya. Napunta agad sa akin ang tingin at nagsimulang maglakad. May kung anong saya ang nabuhay sa aking loob. Magiging kaklase ko siya!
“Siya ba iyong nababalitang pinsan noong Montiel?”
“Oo siya ata. May kambal daw iyan.”
“Hindi rin talaga nalalayo ang mga mata kay Irah. Iyong malditang babae ng mga Buenaventura.”
Naging laman agad siya ng mga bulung-bulungan. Tuluyang nakarating si South sa aking harap at umupo sa bakante kong upuan. Sinundan ng aking mga mata ang bawat galaw niya. Kung paano niya hinubad ang suot na bag at inilabas roon ang nipis na notebook at isang ballpen.
Nang mapansin niyang nakatitig ako sa kanya ay tumingin rin siya sa akin.
“Oh?”
Umiling ako, ngumiti. Buti naman at magkaklase kami! Yehey!
Simula kasi noong outing na kasama namin sila, masasabi kong medyo close na kami ni South at malalim na ang nabuo naming pagsasama simula noong bakasyon. Hindi naman sobra pero alam kong magkaibigan na talaga kami. Magaan na ang loob ko sa kanya dahil hanggang ngayon ay inaalagan niya parin iyong sekreto ko.
“Ang saya ko at kaklase kita.” bulong ko sa kanya habang nagsusulat ako at paminsan minsan siyang nililingon.
“Ikaw lang ang masaya.” sagot niya na ikinahagikhik ko. Sanay na ako sa paganyan ganyan niya. Hindi naman iyon bago sa akin dahil ganoon talaga siya sumagot.
Maagang lumabas ang prof kaya maaga rin kaming nadismiss. Kasama ko si South sa paglalakad sa corridor. Napansin ko na bahay sa kanya iyong puting polo na may mahabang pulang necktie at brown na slacks. Bawat nadadaanan naming estudyante ay natatangay ang mga mata sa kanya at halos titigan ito ng matagal.
“Saan tayo tatambay, South?” tanong ko sa kanya habang inaayos ang pulang ribbon sa blouse ng aking uniporme.
“Anong tayo? Walang tayo.” nang-aasar ang boses na iyon. Nang nilingon ko ito ay nakaangat na ang isang kilay.
“Anong walang tayo?”
“Mag-isa akong tatambay.”
“Sama ako! Wala akong kasama! At may malaki pang oras bago ang susunod kong subject!” Nahawakan ko na talaga ang kanyang braso para lang hindi niya ako iwan.
Ibinaba niya iyon at bumusangot. “Manggugulo ka lang.”
Umiling agad ako. “Hindi! Hindi ako manggugulo.”
“Makulit ka. Imposible,”
“Hindi!” Itinaas ko ang aking kamay para makita niyang tutuparin ko iyon.
Umismid lamang siya at hindi na nagsalita pa. Ang alam ko, may magandang garden ang eskwelahang ito at sabi sa akin ng mga pinsan ko, mga Delafuente lang ang nakakapasok roon.
“May alam akong tahimik na lugar. Iyong tayo lang dalawa.” sabi ko agad sa kany at ngumisi pa.
“Nakakapangduda kana talaga…”
“Huh? Eh maganda kasing tambayan roon. At ’tsaka masaya iyon kasi tayo lang dalawa!” Ngumiti ako.
Malisyoso na ang pagkakatingin niya sa akin. Akala ko may sasabihin pa siya pero itinuon niya nalang tingin sa harap at hindi na nag-abalang sumagot. Ako naman itong nagtataka sa sinasabi niyang nakakapangduda at sa nanghuhusga niyang paninitig kanina.
Pagdating namin roon ay binuksan ko agad iyon gamit iyong susi na ibinigay sa amin isa isa. Tanging mga Delafuente lang ang may ganoon para pwede kaming makapasok rito anytime.
Pumasok kaming dalawa. Ang mga mata ko ay agad na naglakbay sa paligid. First time kong makapasok rito at sobrang maganda nga ang loob. May fountain sa gitna at napapalibutan naman ang paligid ng iba’t ibang klase ng bulaklak. May mga paru-paro pang dumadapo roon at ginagawang tahanan ang nagkalat na iba’t ibang klase ng halaman.
“Sa pagkakaalam ko, memorable raw ang lugar na ito kay Tita Ellie at Tito V. Dito rin daw madalas tumambay ang mga parents namin noon.” Inilapag ko ang aking gamit sa mesa saka ko nilingon si South na nakatayo parin at nakapamulsa. “At alam mo ba, may nangyari daw na kababalaghan rito sabi ni Daddy. Di ko alam kung ano dahil tumatawa agad siya at hindi natatapos sa pagkukwento.”
Sumampa ako sa mesa at doon naupo. Itinuro ko pa iyong silya sa aking gilid.
“Diyan ka oh.”
Inilapag niya ang bag niya sa mesa sak a umupo roon, nakabukaka ang mga hita at walang balak ilabas ang mga kamay. Ngumiti ako sa kanya at iginalaw galaw ang mga paa ko.
“Hindi na ba kayo babalik sa bukid? Di’ba doon kayo nakatira?” tanong ko para may mapag-usapan man lang kami.
“I’ll finish my studies here. Binibisita naman ng mga magulang ko ang lupain roon at may mga trabahante namang naiwan roon.”
Tumango tango ako. “Maganda ba doon sa inyo?”
“Yeah, it’s peaceful…”
“Peaceful rin naman ang syudad ah?”
Natangay sandali ang mga mata niya sa paa kong nakasabit sa ere saka ulit ako tiningnan.
“Mas gusto ko paring manirahan doon.” sabi niya.
“Edi ayaw mo dito?”
“It’s not the place anymore so nevermind.” kibit-balikat niya na hindi ko naman halos napunto.
“Ako, mas gusto kong mapunta sa isang lugar na hindi kapanipaniwalang nag-eexists. Gusto ko kasi iyong mga nakakamanghang lugar…”
“I thought you’re going to be quiet?”
“Oo nga pala!” Tinakpan ko ang aking bibig, “sige… hindi na ako magsasalita!” sabi ko roon, sapat lang para marinig niya.
“I doubt it.”
Umiling iling agad ako. Tumitig naman ang kanyang malatsokolaking mga mata sa akin, nanghahamon na ng kung ano.
“Hmm, you sure?”
Tumango ako.
Bumabang muli ang kanyang tingin sa paa kong gumalaw galaw. Kinukuha noon ang kanyang atensyon hanggang sa inusog niya palapit ang kanyang upuan roon at hinuli iyong isa kong paa sa pamamagitan noong isa niyang hita. Nang ilalabas ko na sana iyon doon, bigla niya nalang iyong inipit sa kanyang gitna na ikinasimangot ko. Umawang ang aking bibig para sana may sabihin nang umangat rin ang isa niyang kilay, pinapaalala noong may binitiwan akong salita kaya nauwi ulit iyon sa pagtikom.
Inilabas niya ang isa niyang kamay at hinawakan ang ibaba ng binti ko. Hindi ko alam kung ba’t bigla akong napalunok. Nang-aasar na naman siya at hindi ko alam kung makakaya ko bang magpigil ng bunganga. Halatang sinadya niya iyon para makapag-ingay ako.
Nahulog sandali ang kanyang mga mata sa kanyang kamay saka ulit umakyat sa aking mga mata kasabay rin ng pag-akyat ng kanyang kamay roon. Kumunot ang aking noo at tiningnan iyon, ang nanunukso niyang galaw at ang haplos na nakakapanindig balahibo.
He bit his lowerlip as he stop himself from smiling. Tumatakas roon ang pilyong ngisi at napunta na ang kamay sa ibaba ng aking palda. Hindi ko alam kung iaangat niya ba iyon o ipagpapatuloy ang galaw ng kanyang kamay.
“Palaban ah? Walang balak magsalita.” sabi niya at itinigil ang panghahaplos saka ulit iyon ibinulsa. Nakahinga ako ng maluwag nang sumandal siyang muli sa kanyang upuan.
Naging tahimik ulit ang paligid. Ngumuso ako at iginala ang tingin. Kahit ano nalang ang nakikita ko sa paligid saka ko ililipat at sa huli ay mahuhulog rin kay South. Iyong isang paa ko nalang ang aking iginalaw galaw. Kaso umandar ulit ang kapilyuhan niya at hinuli ulit iyon saka iniipit sa dalawa niyang hita. Ngayon ay nasa harapan ko na siya, na pag hihilain niyo iyong dalawa kong binti ay babagsak talaga ako sa kandungan niya.
Sumimangot ako at bumuntong ng hininga. Iniawang ko ang bibig pero naitikom ko lang rin ulit. Nakagat niya ang pang-ibabang labi at nagpipigil na naman.
“I don’t mind if you’re noisy. I am just teasing you…”
Sumimangot na talaga ako ng husto. “Ang sama mo talaga! Ang bully bully mo sa akin!”
Binasa niya lang ang pang-ibabang labi at hindi mabura bura ang ngisi. Napapansin ko, lately, madalas ko na siyang makitang ngumingisi, pero iyon rin ang mga oras kung may kapilyuhan siyang ginagawa hindi kagaya noong isa niyang kambal na bawat sigundo ay pwede iyong gawin.
“Pag nakapagtapos kana ng pag-aaral, ano ng gagawin mo? Babalik kana ulit sa bukid? Doon kana ulit?” nacucurious kong tanong.
Tumango siya. “Gusto mong sumama? I can tour you around. Since you love flowers, I can show you our ganden. Malawak iyon at puro sunflowers.”
My eyes widened. “Talaga?!”
“Yeah…”
“Sige! Gusto kong sumama! Sige!” I said merilly.
Dumako muli ang kanyang kamay sa aking binti pero parang naglalaro nalang roon. Para niyang kinakalmot iyon sa marahang paraan at iyon nalang ang magawa para magpalipas ng oras.
“Pero hindi kana uuwi sa syudad pagkatapos mong magkoleheyo rito?” tanong ko ulit, hindi winawala ang tingin sa kanyang mga mata kahit na nakatuon iyon sa kanyang ginagawa.
“It depends. You can live there too if you want…” he said nonchalantly.
“Saan ako titira roon eh wala naman kaming bahay.”
“We can build one…” Nang napagtanto niya ang kanyang sinabi ay tumikhim siya. “Kung magugustuhan mo lang doon. You can hire me as your Architect and I’ll design your place. Syempre hindi libre.”
Agaran akong napasimangot. “Bakit hindi libre?”
“Kasi mahal…” he said trailing.
21st Hooked
Sign
Sa sumunod na subject, natuwa ako nang naging kaklase ko si Franca. Naging seatmate ko siya at minsan, nakakailang ang paninitig niya sa akin. Ang kanyang mga mata ay parang CCTV na kahit hindi mo sabihin sa kanya ang pinaggagawa mo, mahuhuli niya parin.
“Ano iyong pinuntahan niyong lugar kanina ng pinsan ko? Anong ginawa niyo roon?” tanong niya sa kanyang malambing na boses habang ang mga mata ay nanatili sa mga gamit na inilalabas niya.
“H-Huh?” Kinulikot ko agad sa aking isipan kung paano niya kami namataan roon.
“Nakita ko kayo. Kanina.” saka niya ako nilingon, “nagkiss kayo doon ’no?” Atake niya sa mas malambing na tono ng pananalita na ikinailing-iling ko agad.
“Talaga? Mukhang hindi ka rin naman kasi marunong.” kibit-balikat niya at dinampot ang kanyang ballpen para magsulat ng kung ano sa kanyang notebook.
“Marunong ka?” tanong ko sa kanya na ikinailing niya.
“Hindi rin eh. Bawal pa sa akin pero si Irah marunong.”
Kumurap ako roon. Halata namang marunong si Irah. Kasi doon sa Highschool building, sikat niya sa mga lalake at nakakailang boyfriend narin doon.
Inabala ko nalang ulit ang aking sarili sa pagsusulat dahil nahuhulog narin ang buong atensyon doon ni Franca. Bagay sa kanya ang suot niyang uniporme lalo na sa medyo wavy niyang buhok. Nakikita ko sa kanyang mukha si Tita Addi pero mas may soft features siya at sinasalamin naman ng kanyang mga mata ang mata ni Tito Dos.
Bumaling siyang muli sa akin, nakatusok na sa pang-ibabang labi ang dulo noong ballpen niya.
“How did you two became close? Siguro…” Inilapit niya ang kanyang mukha sa akin at tinitigan ako ng mariin “Naggagamitan kayo ’no?” Pinindot pindot niya nang paulit ulit sa aking pisngi iyong dulo ng ballpen niya na ikinanguso ko.
“Friends kami ni South.”
Marahan siyang humalakhak. “Joke lang naman…”
Hindi ko na maalis ang tingin ko sa kanya. Iyong iba kong kaklase ay napalingon pa kay Franca dahil sa nakakaakit niyang pagtawa. Hinawi niya ang kanyang buhok at ngumiti ng matamis.
“Gusto mong mas makaclose si South?” tanong niya sa akin na ikinatango tango ko agad. Mabilis kong nahawakan ang kanyang kamay at inipit iyon sa ipinagsalikop kong mga palad.
“Oo, Franca! Gusto kong makaclose pa lalo si South. Kasi minsan, pakiramdam ko ang layo layo niya…” sumimangot ako.
“Malayo talaga siya. Nasa South siya.” sabi niya sa seryosong mukha na ikinakurap ko.
“Tumawa ka Nana, joke iyon.”
“H-Huh?” saka ako tumawa nang pilit. Ngumiwi siya.
“Sige, sasabihin ko sa’yo kung paano kayo magiging close. Pero dapat gawin mo ha…”
Tumango tango agad ako. May ibinulong siya sa akin na inilista ko agad sa aking isipan. Ganoon lang pala iyon?
“Talaga? Magiging close kami sa ganoong paraan?”
Tumango tango siya. “Oo. Subukan mo lang. Mga ilang araw niyan sobrang close na kayo.”
Sige mamaya. Baka may ilang subjects pa akong magiging kaklase ko siya.
Sa ikatlo kong subject, natuwa agad ako nang pumasok si Cassey. Sa sobra kong excitement, napasigaw na talaga ako at kinawayan agad siya. Ngumiwi siya sa akin at naglakad na papunta sa aking direksyon. Doon ko lang napagtanto na pinagtitinginan na pala ako kaya agaran kong binawi ang kamay kong nasa ere.
“Wala kang nakakaclose ’no?” tanong niya agad nang makaupo siya sa aking tabi.
“First day pa naman…” sabi ko at sinundan ng tingin ang bawat galaw niya. Habang tumatagal, si Cassey ata iyong tipo ng babae na mas lalong gumaganda at naeenhance ang features sa mukha. Napansin ko na straight na ang buhok niya.
“Hayaan mo bukas Nana, wala ka paring kakilala.” sabi niya sa akin at ngumiti pa ng matabang. Sumimangot agad ako at inilagay ang magkabilang palad sa aking pisngi, ang siko ay nakatukod na roon saka ko iginala mga mata sa aking mga kaklase na iniiwasang mapatingin sa akin.
“Paano ko naman sila kakaibiganin, kung sila mismo ang ayaw sa’kin?” sabi ko na ikinatigil niya sa paglalabas ng gamit.
“Hindi ikaw ang may problema Nana, sila.” sabi niya at lumagutok agad sa aking noo iyong hawak niyang ballpen. “Stop feeding yourself with toxic people. Delafuente ka. Ikaw lang ang matino sa mga pinsan mong gago. Be proud.”
Nahipo ko iyon sandali saka ulit saka mas sumimangot.
Bago pa lang magsimula ang klase, may pumasok ulit na nagpamangha ng lubusan sa aking mga mata. Ngumiti agad ako kay Franca na ngumiti rin pabalik. Inukupa niya iyong upuan sa tabi ni Cassey.
“Asan na iyong pancit canton mong buhok? Pinakuluan mo na?” puna agad ni Franca sa bagong ayos ng buhok ni Cassey.
Natuon narin ang aking tingin kay Franca na naglalabas ng gamit sa kanyang purse pero tinatapunan ng tingin si Cassey sa inosente niyang mga mata.
“Alam mo ikaw Franca, mukha ka lang talagang mabait pero hindi ka rin nalalayo sa pinsan mo.” malutong at mariing pagkakasabi ni Cassey.
“I am just curious. Napansin ko kasi…”
“Sa dami ng mapapansin mo iyon pa.” si Cassey
“Iyon lang kasi ang nakita kong maganda kaya iyon lang rin ang kumuha ng atensyon ko.” pormal niyang sabi na ipinagsalubong ng kilay ni Cassey. Kahit ako, hindi na alam kung insulto ba iyon o compliment dahil masyadong malambing ang pagkakasabi niya.
“I swear, you’re a devil. Siguradong sigurado…” nagugulantang na sabi ni Cassey na ikinahagikhik lang ni Franca.
Dumating ang prof kaya doon lang rin sumeryoso si Franca at ipinatong ang baba sa palad saka itinukod sa desk ang siko para. Seryosong seryoso na siya at parang nakalimutan ang presensya namin ni Cassey.
“Kakaibang nilalang…” narinig kong sabi kay Cassey habang tinititigan ito. Tumango naman ako dahil sang-ayon talaga akong kakaiba ang mga Buenaventura.
Silang dalawa narin ang nakasabay ko ng lunch sa cafeteria dahil pagkatapos noong subject na iyon ay breaktime rin namin kaya iyon na ang kinuha naming pagkakataon para maglunch.
“Ba’t puro ka gulay?” Ngumiwi si Cassey nang tiningnan niya ang inilapag na tray ni Franca.
“Because it’s healthy?” nag-aalangan niyang tanong habang inilalabas iyon isa isa paalis sa tray.
Tiningnan ko narin ang sarili kong pagkain. Salad, fries at carbonara. Hanggang sa namalayan ko nalang nasa pagkain ko narin pala ang tingin nila.
“Di ka kakain ng kanin?” tanong ni Franca na ikinailing ko. “Hindi ako mahilig minsan magrice. Gusto ko kasi matamis…”
Tinantanan rin naman ako ng kanilang mga mata. Nalipat naman ang tingin ko kay Cassey na dalawang cup ng kanin at dalawang klase ng ulam ang order saka iyong panghimagas niyang leche flan. Alam ko namang matakaw siya lalo na’t food lover siya.
Akma na sana kaming susubo ni Cassey nang biglang ipinagsalikop ni Franca ang kanyang mga kamay at taimtim na nagdasal. Mabilis kong nabitiwan ang hawak na kubyertos at nagdasal narin.
“Amen,” malambing na sabi ni Franca saka ko rin idinilat ang mga mata at pabulong na nagsabi ng Amen. Kapwa nalipat ang tingin naming dalawa kay Cassey na hindi mahitsura ang mukha at nakay Franca ang mga mata.
“Nakakakilabot ka.” sabi niya, hindi makapaniwala ang mukha.
“I was trained by Dad. It’s our rules pag kumakain. Useless daw kasi kung kain nang kain pero di mo naman ipinagpapasalamat iyong nasa hapag.” sabi ni Franca at sumubo.
Talaga? Religious pala si Tito Dos? Kasi naman iyong tattoo niya.
“Siguro sinadyang palakihin kang mabait at may takot sa Diyos dahil kung hindi, mas masahol ka pa siguro kay Irah.” si Cassey na sumubo rin naman pagkatapos.
Ngumiti lang ng matamis si Franca at sumubo ulit.
Sandaling umingay ang cafeteria. Sa mga ganitong klaseng bulungbulungan at akala mo mapupuno na ng korting puso ang paligid, alam kong nandiyan na ang aking mga pinsan.
“She’s hot, man! Damn! Kung pwede ngang ako nalang iyong silya niya at ako ang magsilbing upuan niya araw araw ay gagawin ko!” pumaibabaw agad ang boses ni Ken.
“Pag nalaman ni Grey iyang mga katarantaduhan mo dito sa college building, mabibitay ka talaga noon.” si Hiro na iyon.
Agaran ko silang nilingon lalo na’t nag-ikot agad ng mga mata si Cassey. Si Franca naman ay parang walang reaksyong nag-angat ng tingin sa dako ng aking mga pinsan. Nakita ko ang tatlong pumipila na sa harapan at kanya kanya ng pili ng pagkain.
“White!” tawag ko na ikinalingon ng tatlo.
Natuon sandali ang tingin ni White sa akin pero mabilis ring lumipat. Nanatili iyon ng ilang sigundo roon at kung hindi lang siya tinapik ni Ken ay hindi niya maibabalik ang tingin sa harap.
Pagkatapos nilang mamili ng pagkain, dala dala ang kanilang tray ay nagtungo sila sa amin.
Sunod sunod na ang naging subo ni Cassey, nagkakasalubong ang kilay at iritang irita.
“Vacant time niyo rin?” tanong ko.
Tumango si White. “Baka di na tugma ang schedule natin at di kita maisabay sa pag-uwi kaya sumabay ka nalang sa kanila.” Tiningnan niya ang mga babae.
“Okay lang naman. Kaya ko. Pwede naman akong magpasundo eh.”
Tumango siya.
“Dito tayo, White. H’wag diyan baka magliparan pa ang mga pagkain.” sabi ni Ken at umupo na roon sa tabi ng table namin. Dumeritso roon si Hiro. Ginulo lang ni White ang aking buhok saka rin nagtungo roon.
Ibinalik ko ang tingin sa pagkain saka tiningnan si Cassey na pati ata ang kubyertos ay gusto niya naring kainin. Halata ang nagliliyab na galit sa kanyang mga mata at halata ang pagiging iritado.
Pumaibabaw ulit ang halakhak ni Ken. Hinampas niya pa iyong table kaya lahat ng kumakain ay nagsisilingunan na sa kanya. Na kahit ang iilang babae ay napapangiti narin kahit hindi naman nila alam kung anong pinagtatawanan nito.
“You need to be friendly, Hiro. Halatang gusto ka noon. Kahit ngitian mo lang!” si Ken
“Mahirap ngang tingnan, ngitian pa.” sagot naman ni Hiro.
“Sign language nalang.” si White naman na mas ikinahalakhak ni Ken. Naantala ang pagsubo ng iilan rito dahil sa kanila. Na may iba, sinasabay ang pagsubo at kakatingin. Na para silang movie na dapat pagtuunan ng pansin.
“Masayahin ang mga pinsan mo ’no?” tanong sa akin ni Franca.
Tumango agad ako. “Since mga bata kami close kasi talaga kami sa isa’t isa.”
Naghihintay akong may idudugtong si Cassey roon pero mukhang tikom ang kanyang bibig dahil nasa pagkain ang buong atensyon.
Nagpaalam ako sa aking mga pinsan pagkatapos noong lunch naming tatlo. Kanya kanya rin naman kaming naseparate dahil magkaiba na ulit ang aming mga subject.
Wala akong naging kakilalang kaklase sa sumunod. Hindi ko nalang iyon inisip pa at itinuon ang atensyon sa pakikinig sa prof. May seatmate akong lalake pero hindi naman nagagawi ang kanyang tingin sa akin at hindi rin ako kinakausap kaya wala akong nagawa kundi tumahimik nalang talaga sa aking silya.
Naglalakad na ako patungo sa susunod at huli kong subject nang may biglang sumabay sa akin sa paglalakad. Pamilyar sa akin ang pabango niya kaya mabilis ko itong nilingon.
“South!” Nagugulantang kong tawag na ikinangiwi niya.
“Why are you so excited and shocked at the same time everytime you see me?” Tiningnan niya ang suot na rolex na relo saka umangat ang kilay. “Nagkita tayo kanina ah?”
Kinalma ko sandali ang aking sarili saka ngumuso. “Ewan ko nga eh. Naeexcite lang talaga ako pag nandiyan ka…”
Binalingan niya ako saka lumapit ng kaonti ang kanyang mukha para lang matingnan nang malapitan ang aking mga mata.
“Aminin mo, may gusto ka sa’kin ’no?”
Wala sa sarili akong tumango, nahuhulog na naman sa mahika ng kanyang mga mata.
“Oo, di’ba friends na tayo?”
He just tsked. Tumuwid siya ng tayo. Ang isang kamay ay nakabulsa habang ang isa naman ay nakahawak sa tenga.
“That hurts. Friends…”
Hindi ko na iyon masyadong pinagtuunan ng pansin dahil pumasok narin ako sa aking subject. Mas nagulantang ulit ako nang pumasok rin siya.
“Magkaklase ulit tayo?!” Sa sobrang excitement, halos maisigaw ko na iyon.
Tumagilid ang kanyang ulo sa aming likod lalo na’t nandito pa kami sa may pinto. Hinawakan niya ang magkabila kong balikat at inikot ako paharap saka ako sinimulang itulak papunta roon sa may lukuran.
“I’ll bring some duct tape tomorrow.” sabi niya pa.
Nilingon ko siya sa aking likod pero hindi ko naman siya makita kaya itinigil ko rin hanggang kapwa kami makaupo roon.
Tamad niyang naitukod ang siko sa desk at nasa palad na ang baba.
Ginaya ko rin naman siya pero dalawang kamay ang aking gamit maliban sa kanya na isa lamang. Nililingon ko siya paminsan minsan at iginagala ang aking tingin pero bumabagsak parin talaga iyon sa kanya.
Malamyang naibaling niya ang kanyang mga mata sa akin, iyon lamang ang gumalaw para tingnan ako.
“Pati ang mga mata mo ang kulit,”
Humagikhik lamang ako na ikinaiwas agad ng kanyang tingin sa akin. Inalis ko ang isa kong kamay sa aking pisngi at inilipat sa kanya. Sinundot ko iyong pisngi niya nang paulit ulit kaya halos pumantay sa isa’t isa ang kanyang kilay.
“Ang likot.” Iritado niyang kinuha ang aking kamay at hinawakan pa ang aking hintuturong daliri ng buo saka niya iyon ibinaba. Akma ko iyong kukunin pero mas humigpit lang ang kanyang pagkakakapit roon.
“South ang kamay ko…”
“Akin nalang.”
Sumimangot ako at hinayaan nalang ganoon ang kamay naming dalawa. Iyong hinlalaki lamang ang kanyang hinahawakan hanggang sa unti unti iyong lumuwang at idinikit ang kamay sa akin. Marahan iyong tumatapik sa bawat isa na minsan ay kakalamot pa ng marahan. Nagsisimula iyon sa ibaba ng aking mga daliri at sabay sabay nilang idadaan.
Ilang minuto na ang dumaan. Ang iilan ay nagsisialisan na dahil iyon ang patarakan na pag late ng 15 minutes ang prof ay umis nalang. Akma akong tatayo nang biglang ipinagsalikop ni South ang aming mga kamay kaya napabalik ako sa pagkakaupo.
“South labas narin tayo.” sabi ko at ginagalaw galaw ang aking kamay sa kanya.
“Dalawang oras naman ang subject na ’to. Let’s just stay here…” malalim niyang sabi at isinandal ang ulo sa kamay niyang nakapatong narin sa desk. Ginawa niya iyong unan niya.
Napalingon ako sa mga kaklase kong nagsilabasan na hanggang sa naiwan kaming dalawa. Bumuntong ako ng hininga at ginaya ang posisyon ni South. Humarap ako sa kanya maliban sa kanyang itinatago ang mukha roon sa desk. Ang tanging nakikita ko lang ay ang matangos at nakadepina niyang panga.
Hinila niya lalo ang aking kamay at isinama iyong ibulsa. Marahan akong natawa sa kanyang ginawa kaya iyon ang nagtulak sa kanya para humarap sa akin. Nagiging malamya na naman ang mga mata at nakasentro sa akin iyon.
Naging mabagal ang aking pagkurap. Hindi ko na mawari kung bakit may kakaiba ng nangyayari sa aking sistema. Di ko lubusang mapunto kung ba’t kinakabahan ako at naeexcite sa titigan namin. Na dapat hindi ko iyon putulin. Na dapat, maging matibay ang koneksyong namamagitan sa aming dalawa para hindi ako maligaw.
Sandali kong naalala ang sinabi sa akin ni Franca kaya mabilis akong napabangon.
“Pahiram muna ng kamay ko, South.” Iginalaw galaw ko iyon.
“Bakit?”
“May gagawin lang ako. Mabilis lang tapos ibibigay ko ulit sa’yo.” sabi ko sa kanya kaya nakagat niya ang pang-ibabang labi, saka unti unting niluwagan ang pagkakahawak noon.
Nang makawala ang aking kamay ay mabilis kong kinuha sa aking bulsa ang aking cellphone at hinanap ang isang app. Nakiusyoso narin doon si South. Hinila niya pa lalo ang kanyang silya para lang mas makalapit sa akin at masilip iyon.
“Ba’t ka nagsesearch nang ganyan?” Naging interesado agad ang kanyang boses. Nang may makita na akong mga videos doon na lumabas ay ipinakita ko agad sa kanya iyon.
“Turuan mo ako nito.”
His eyes widened. Na kahit ang labi ay umawang pa ng kaonti.
“You’re kidding me…”
Umiling ako at tiningnan ang video na isinearch ko. “Espesyal ka naman sa akin. Dali na para mas maging close tayo.” Ipinakita ko ulit iyon sa kanya.
“What’s with you? Di ko iyan magagawa.” Iritado niyang ibinaba ang aking cellphone pero agaran ko ring ibinalik sa harap niya.
“Pero ginawa nga ito ni Irah kay Kuya Grey eh. Gusto ko lang naman magpaturo.” pamimilit ko na ikinalunok niya.
“Hindi iyan pwede,” namamaos na ang kanyang boses nang binasa niya ang pang-ibabang labi at saka suminghap ng hangin.
“Bakit hindi?” Naging dismayado ang aking mukha.
“Ba’t ka magpapaturo ng torrid kiss sa akin? Para magawa mo kay Aries?” galit na ang boses na iyon na kahit ang kanyang panga ay umigting rin. His side profile is quite intimidating na pag lumingon ito ng buo ay hindi ko kakayaning makita ang kabuuang galit niya.
Umiling agad ako. “Hindi! P-Para mas maging close lang tayo!”
“I don’t want you to learn it. Hindi mo naiintindihan ang mga bagay bagay at baka kahit kanino mo nalang iyan gawin dahil marunong kana.” Naninigurado at may pinupunto na ang matigas niyang boses.
“South,” hinawakan ko ang kanyang pisngi at iginiya iyon paharap sa akin. I saw how his adam apple moved sexily as he swallowed hard.
“Pinagkatiwalaan nga kita na hindi mo ipagkakalat ang sekreto ko pero ba’t ikaw, ayaw mong magtiwala?” Sumimangot ako sa kanya.
“Bakit ka ba lumaking ganyan? Hindi ka ba nanonood o nagbabasa ng mga romance? Wala ka ba talagang alam sa ganoong bagay? Sa mga halik?”
“M-Meron… A-Ano… maghahalikan ang espesyal na tao. T-Tapos iyong ano… f-friendly kiss ay pagpapasalamat… a-at iyong torrid naman ay para maging ano… close kayo…” Nahawakan ko ang aking pang-ibabang labi at napaiwas ng tingin sa kanya. Ayokong makita niya sa aking mga mata na lahat ng iyon ay nakalap ko lang naman na impormasyon.
“Oh damn you for being so innocent,” he said deeply as his hand went to my nape and pushed me closer to him, meeting my lips.
Mabilis kong naisara ang aking mga mata na kahit ang aking balikat ay nagloosen na. The feeling is foreign and surreal to me. Namatay narin ang aking isipan at walang maisip na iba sa paggalaw ng kanyang labi sa akin, ang kamay ay nasa aking pisngi at marahang humahaplos.
“Part your lips a bit.” he whispered it to my lips that sent some electric feeling inside me.
Tumango ako at sinunod iyon, kinakabahan ng husto at nadadala na sa sitwasyon.
I felt his soft lips nibbled my upperlip. Para iyong isang sayaw na may kinakabisadong ritmo dahil sa musikang nakakatangay. His lips travelled on my lowerlip and sucked it lightly as his hand travelled on my jaw up to my chin, holding it with so much care.
Pabalik balik ang ritmong iyon sa aking itaas at ibabang labi. Namatay na nang tuluyan ang aking isipan at pakiramdam ko, kahit ang aking kaluluwa ay nilayasan na ako sa lugar na ito.
“Tilt your head,” sobrang paos na ang boses na iyon at sobrang lalim narin. Sinunod ko iyon hanggang sa naramdaman ko ang kanyang labi na nagsimulang humalik sa aking panga pababa sa aking leeg. Napasinghap ako at nakagawa ng hindi pamilyar na daing sa aking bibig. Tinakpan ko iyon pero ang sakim na mga kamay ni South ay hindi ako hinayaang takpan iyon.
Tila may sinusunod siyang direksyon sa bawat pagbaba ng kanyang halik at halos makiliti na ako roon. Umarko ang aking katawan at hindi na nakakayanan na kahit anong pigil kong kagatin ang aking labi, panggigilan iyon ay parang sinasaniban ang aking boses at kumakawala talaga.
Hindi ko na alam kung ano nang nangyari sa aking blusa dahil naramdaman ko nalang ang kanyang labi sa ilalim ng aking collarbone at para iyong sinisipsip. Mariin na akong napapikit at halos tumingala. Hindi ko makontrol ang sarili ko na kahit akong sikap kong magpakatatag at dapat ay natututo ako sa kanyang ginagawa ay parang itinutulak niya ako sa ibang dimensyon.
Tumigil siya kaya inaantok akong dumilat. Bumaba ang aking tingin at nagulat nang bukas na ang dalawang botones ng aking blusa at may pulang marka na roon.
“That’s a sign how close you are to me now. And you learned it in a rough way…”
22nd Hooked
H O O K E D
Type
Hindi ko alam kung anong mararamdaman pagkatapos noon. Para akong nahihiya na kinakabahan at nadidismaya dahil parang masyado iyong kulang. Naging tahimik siya ng ilang sigundo at nakasandal nalang sa upuan, nakatingala at nakapikit ang mga mata. Hindi ko alam kung tulog ba siya o ano.
Nahawakan ko ang sarili kong dibdib nang hindi ko na makalma ang pagpintig noon. Para akong aatakihin sa puso at kakagaling sa pagtakbo kaya ganoon nalang iyon kabilis.
“If I found out you did that with that jerk named Aries, I’ll seriously spit your secret Cana Aleyna. Ako mismo ang magsusumbong sa’yo sa mga pinsan at magulang mo.” Nagbabanta na ang galit na boses na iyon kahit na hindi naman siya dumidilat. Ang panga ay nakaigting at hindi humuhupa ang karahasan doon.
“P-Pero bakitㄧ
Mabilis siyang napadilat at mariin agad ang tingin sa akin, nambabanta na.
“You did that with me. Hindi maganda sa babae iyong kahit sino sino nalang ang hinahalikan.” he almost growled.
Lumunok ako at tumango. Ibang iba na ang pakikitungo niya ngayon at mas matindi na ang galit na nakikita ko sa t’wing sangkot na ang pangalan ni Aries. Parang sobrang close na namin at pinoprotektahan niya na ako sa lahat ng bagay.
Nahawakan kong muli ang aking dibdib. Nararamdaman ko ang kanyang labi roon at ang markang iniwan niya. Nakabotones na ulit iyon.
“Bakit ganoon… parang nahuhulog ang puso ko…” bulong ko, sapat lang para marinig niya.
Nag-iwas siya ng tingin at medyo huminahon na.
“I’ll just let you decide in your own for the mean time. Uunti-untiin kong tatanggalin iyan hanggang sa tuluyan ko iyong nasipa paalis.”
Kumunot ang aking noo, walang napupunto.
“Ang alin?”
Nilingon niya ang aking dibdib. “Your feelings for someone you think you like.”
Umiling ako, “Wala akong maintindihan…”
Nasuklay niya ang kanyang buhok at nabasa ang pang-ibabang labi. Sumandal siya ulit sa kanyang upuan at nasa kisame na ang tingin, umiigting na naman ang panga at may ikinakagalit.
“H’wag mo siyang hayaang humalik sa’yo para walang gulo. Yun iyon.”
Iyon ang mas naintindihan ko. Pero hindi naman purket gusto ko si Aries ay papayag narin ako. Para kasing ano… parang iyong pagiging espesyal niya ay napalitan na ng ibang posisyon. Na may umaangat ng ibang tao para palitan ang pwesto niya.
Nagpasundo nalang ako para makauwi sa bahay. May sunod pa kasing subject si South kaya sinabi niyang magpasundo daw ako at deritso uwi. Pag tumawag daw si Aries, ipaalam ko daw agad sa kanya.
Bumaba ako ng aking kwarto dala dala ang aking iPad at pinapakinggan iyong mga kanta ni Aries. Nagtataka ako kung ba’t hindi ko iyon masyadong pumapasok sa aking utak at mas nangingibabaw ang boses ni South, ang kanyang malalalim na titig, ang kanyang imahe at mga kilos na nagiging kabisado ko na sa aking isipan.
“Jusko po!”
Nakuha ni Manang ang aking atensyon at nagtataka itong tiningnan. Kahit nakaheadset ako ay narinig ko parin ang nakakabingi niyang sigaw roon sa baba at natakpan na ang bibig habang nanlalaki ang mga mata sa akin.
“Po?” tanong ko at nagtaka.
Dali dali siyang sumugod paakyat sa hagdan at kinaladkad ulit ako pabalik sa aking kwarto.
“Jusko, Nana! Makakapatay talaga ang mga pinsan mo!” Alalang-alala ang kanyang boses at mabilis ang mga hakbang makarating lang agad sa aking kwarto.
“Po?!” nagulat narin ako. Ba’t makakapatay? Sinong mapapatay?!
“May nangyari po ba, Manang?!” kinakabahan kong tanong nang tuluyan kaming makapasok.
“Oo meron!” Humarap siya sa akin ng buo. “Mapapatay nila iyang gumawa niyan sa’yo!” Itinuro niya ang aking dibdib kaya nagtataka narin akong napatingin roon. Huminahon agad ang aking mukha at natawa.
“Uy manang hindi po ito sugat! Wala pong nanakit sa akin!” Natatawa kong sabi. “Marka po ito kasi close na po kamiㄧ”
“Jusko! Jusko! Iyon na nga! Mas makakapatay ang mga iyon dahil sa markang iyon!” Nahipo ni Manang ang kanyang noo at deri-deritso na ang lakad papasok sa aking walk-in.
“Halika dito! Magbihis ka! At h’wag na h’wag mo iyang maipapakita sa magulang mo lalo na sa ama mo kundi may masusugod talaga iyon!” Hindi na mailarawan ang mukha ni Manang. Ako naman itong takang taka kung anong meron sa pantal hanggang sa nanlalaki narin ang aking mga mata nang may napagtanto ako.
“Dapat po ba ay sekret lang ito?!” Natakpan ko na ang aking bibig. Nailing naman si Manang at halos manghablot na ng mga mahahaba at balot na balot kong pambahay.
“Ikaw bata ka ba’t ka ba hinayaang lumabas ng bahay sa ganyang kainosentehan!” Humarap siya sa akin at may ipinakitang damit. Para na iyong sweater na kahit ang aking leeg ay matatakpan narin.
“Haya s’ya! Magbihis ka! Magbihis! Itutulak mo pa ata si White sa presinto! Magiging kriminal iyon pag nakita niya iyan, Nana! Hindi ka talaga nadadala sa mga ugali ng pinsan mo!” Aligaga na si Manang at siya pa mismo ang nagbaba noong zipper sa aking likuran.
Nagbihis ako at pajama nalang rin ang isinuot. Nasanay kasi akong magdress minsan pagkagaling sa school. Doon lang nahimasmasan si Manang nang makita niya akong balot na balot na.
“Sabihin mo nga, ano pa bang ginawa niyo?”
“Pag sinabi ko po sainyo, edi hindi na po secret…” sagot ko na ikinatampal niya sa kanyang noo.
“Basta! Wala munang pasok pasok ha! Yung ganito!” Nagsimula siyang umatras abante na hindi ko mapunto. Sayaw ba iyan?
“Ano po iyan Manang?”
“Basta! Kung ganito, atras ka agad!” Pinandilatan niya ako ng mga mata kaya mabilis akong napatango. Nakakatakot naman iyong ginagawa ni Manang. May problema ba siyang pinagdadaanan? Mag go with the flow ka na nga lang Nana! Intindihin mo nalang ang matatanda.
“Iyong nakakamabutihang gwapong lalake ba ang gumawa niyan sa’yo?” Sasagot na sana ako kaso natikom lang rin ulit ang aking bibig dahil sa pagdugtong niya roon. “Sabagay, sa mukha palang parang ang rami ng natanggalan ng kainosentehan, Nana. Mag-ingat ka naman!” Niyakap niya pa ako pagkatapos niyang ilapag iyong ginawa niyang meryenda sa akin rito sa kusina.
“Hindi po siya masamang tao, Manang. Ang bait bait nga noon eh…” ’tsaka tinatago niya pa ang sekreto ko. Gusto ko sana iyong idugtong kaso h’wag nalang.
“Lahat naman ata ng tao ay mabait para sa’yo. Iyang ama mo kasi, hindi ka iminumulat sa mga ganitong bagay kaya napakaignorante mo. Akala naman niyang ama mo eh 24/7 ka niyang mababantayan eh hindi naman!” Nailing siya, “Naku nako… di talaga iniisip ang ugali nilang mag-asawa dahil baka namana mo iyon.”
“Po?” Nasa kanya ang tingin ko habang sumusubo ako ng pancake. Ni hindi na maiguhit ang ekspresyon niya at sobrang nababahala.
“Marurupok iyang mga magulang mo noon, Nana! Saksi ako sa bahay nilang magkapatid kung gaano iyan kasakim sa pagmamahal. Iyong kapatid niyang si Suga, iyong Tito Suga mo, tahimik iyon pero halos madaling araw ng umuwi noon at nababaliw na roon sa asawa niyang si Snow.”
Napahalakhak ako sa aking nalaman. Namamangha ako dahil alam kong simula pa noon ay ganoon na talaga kalalim ang pagmamahal nila sa mga naging asawa nila. Kaya rin siguro sobrang close namin ni White sa isa’t isa dahil magkapatid lang ang aming mga ama.
“H’wag kang tumawa, bata ka! Hindi mo alam baka mas marupok ka pa sa kanila!” Natampal niya ang kanyang noo. “Sino ba namang papayag magpahalik diyan! Jusko naman Nana!”
“May pinakita po kasi akong video tapos po sabi ko gayahin naminㄧ
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil halos lumuwa na ang mga mata ni Manang. Parang kahit iyong mga puting buhok niya ay maiistress na at isa isang matatanggal sa kanyang anit dahil sa sinabi ko.
“Aba’t ikaw pa ang pasimuno?!” Napatingala si Manang at nahawakan ang suot na rosaryo. “Jusko! Mahabaging langit, gabayan niyo po ang aking alaga at ilayo mo kay Satanas! H’wag niyo pong hayaan na maligaw siya ng landas!”
Ganoon ba talaga kalala iyon? Kahit ako, ay napatingala narin at sabay na nanalangin kay Manang. Humingi narin ako ng gabay sa aming dalawa ni South na sana ay mas maging close pa kaming dalawa.
“H’wag na h’wag mo talaga iyang mababanggit sa mga pinsan mo Nana. Lalong lalo na kay Zera. Isusumbong at ipapahamak ka noon!”
Iyon ang habilin sa akin ni Manang pagkatapos niya akong dasalan. Ang alam ko, maaga siyang namatayan ng asawa at hindi na sila nagkaanak pa. Nawalan narin daw ng gana si Manang na maghanap ng iba at ibinigay nalang ang buong loyalty sa pagtatrabaho sa bahay nila Daddy noon. 20 years old pa raw siya noong maging kasambahay siya at mga bata pa raw sila Tito Suga at Daddy noon. Minsan ay sinasama raw siya nila Lolo Rico sa ibang bansa kaya hindi niya narin nilisan ang trabaho niya dahil sumasaya naman siya at nakokontento sa natatanggap niyang malaking sahod.
Maggagabi na noong nakatanggap ako ng tawag kay South. Napangiti agad ako at mabilis iyong sinagot. Kumalabog nang husto ang aking dibdib nang itinapat ko sa aking tenga ang screen ng cellphone ko. Napisil ko pa ang aking labi at halos hindi makapagpigil sa sumasabog kong nararamdaman. Kailanman, di ko ito naramdaman kay Aries. Iyong kakaibang excitement…
Hindi agad ito sumagot kaya wala sa sarili akong napahiga sa aking kama at tumagilid. Hindi ako mapakali. Nagiging iba na ang aking kilos at wala akong maintindihan.
“South…” tawag ko sa mahinang boses at halos pabulong lang.
“Hmm?” I heard him. Napalunok ako roon.
“A-Ah… Wala akong masabi… Pero gusto kitang kausap.” Tumawa ako roon.
“I just called to hear your voice anyway,” he said deeply.
Parang may kung anong bumulusok sa aking loob. Bakit ngayon ko lang napagtanto na nakakatuwa palang kausap si South sa cellphone?!
Hindi ko na napigilang mapangiti. “Hindi tumawag si Aries…” Imbes magtunog dismayado ay nahaluan ko na iyong ng tuwa dahil alam kong hindi siya magagalit.
He tsked. “When are you planning to stop being his fangirl? It’s annoying.”
“Kasi nga di’ba, siya ang naging rason kung ba’t ganito na ako ngayon. At ’tsaka mahal ko narin ang pagpapafangirl kay Aries. Naging parte na iyon ng pagkatao ko.”
Hindi siya nakasagot sa kabilang linya. Ilang sigundo pa ang dumaan bago ko narinig ang marahas niyang buntong hininga.
“Lagot ka talaga sa akin pag nasa tamang edad kana. Taob yang pagpafangirl mo pag ako na ang nagpakilig sa’yo.”
My heart went wild as I gasped for an air. Hindi ko gaanong mapunto iyon pero parang nagegets iyon ng puso ko kaya ganoon nalang siya makapag-ingay. Na kahit anong hawak ko, mahuhulog at mahuhulog ito sa tamang lugar.
“S-Seryoso?”
“Seryoso. When are you turning 18? Di’ba legal kana niyan?”
Napatango ako kahit alam ko namang hindi niya iyon makikita. “This year…”
“I’ll wait for it.” Sigurado na iyon at parang may itinakda na siyang gagawin at ako lang itong walang alam.
“Papakiligin mo ako?” I asked out of nowhere, naalala iyong linyahan niya na hindi ko mabura bura sa aking utak.
“I’ll do it.”
“Bakit?”
“For you to stop fangirling.” sagot niya. Nakikita ko sa aking isipan ang pagbasa niya ng kanyang labi at ang malatsokolate niyang misteryosong mga mata.
“Hindi pwede! Masaya ako sa pagpafangirl! Bawal!”
“Masaya kang umaasa ’no?” sarkastiko na iyong pagkakasabi niya.
“Hindi kaya ako umaasa kay Aries…” Tumihaya ako sa pagkakahiga at napatitig sa kisami. Ang mga nakadikit na stars at moon roon ay hindi pa umiilaw dahil nakabukas pa ang ilaw. Nagsisilbi ko iyong ilaw sa gabi.
Lahat ba ng fangirl ay ganoon talaga ang pananaw sa kanilang idolo? Na para silang bituin na kahit anong abot mo, hinding hindi mo iyon makukuha dahil nakatadhana talaga iyong nasa langit para hindi mo maabot. Na ang tangi mo nalang magawa ay sundan at tingnan ang pagsikat nila. Pero ba’t ba nangangarap parin ang isang tao ng mga imposibleng bagay kung pwede namang makontento nalang?
My feelings were uncertain to me. Nalilito ako at naninibago sa kalabog ng aking dibdib at sa excitement na nararamdaman ko. Hindi ko alam kung paano iyon papangalanan at hindi ko rin alam kung dapat bang ipagsawalang bahala ko nalang iyon.
“Nagawa mo na?” Ngumingisi na si Franca sa akin kinabukasan. Siya kasi ang naging kaklase ko sa first subject ko sa Tuesday.
“Oo…” nagdadalawang isip kong sagot pero nasabi ko parin dahil parang nanghihipnotismo ang kanyang mga mata.
“Nahorny ka ’no?” Marahan siyang tumawa nang sabihin niya iyon sa maliit na boses.
“H-Huh? Ano ’yon?” nagtataka kong tanong.
“Nang-init.”
“Oo!” Agaran kong sagot at napahawak sa kanyang braso. “Sobrang naging mainit yung pisngi ko!” excited ko ng sabi. Wala pa naman ang prof kaya pwede pang dumaldal.
“Sure ako nilagnat si South kahapon…” nag-aalala niyang sabi kaya kahit ang aking mukha ay nasalamin narin ang kanyang ekspresyon.
“B-Bakit?”
“Nagkakalagnat ang mga lalake pag ganoon.”
“Hindi ko alam Franca! Hindi mo sinabi sa akin!” Sinamangutan ko agad ito.
“Oh ngayon na alam mo na, tanungin mo siya mamaya kung nang-init siya ha. Para malaman mo kung nilagnat ba siya o hindi.”
Tumango tango naman ako at itinatak agad iyon sa aking utak. Sige mamaya.
“At isang bagay narin,” natingnan niya ang aking dibdib. Nahulog naman agad ang aking tingin roon.
“Tangunin mo rin siya kung nakakaturn off ba iyang ganyang size. Kasi sa pagkakaalam ko, kadalasan sa mga lalake gusto ang malalaki. Sayang naman kung itinutulak kita sa kanya tapos nasasaktan na pala ang pinsan ko dahil nga pader…”
“Kailangan ba talaga iyon?”
Tumango tango siya. “Kailangan iyon. Pag natanggap ka niya edi mabuti. Pero pag sinabi niyang nakakaturn off takbo ka sa akin para maisumbong natin sa mga pinsan mo.” Humagikhik siya kaya sumimangot agad ako. Parang mapapahamak ata ako sa ganoon. Di ko tuloy alam kung nasa tamang landas ba ako sa mga payo ni Franca o naliligaw na.
Noong breaktime ko ay mag-isa akong nagtungo sa cafeteria dahil narin wala akong naging kaklaseng kakilala sa isang subject. Mas gusto ko tuloy pag MWF kasi nakakasama ko tuwing lunch si Franca at Cassey.
Umupo ako sa bakanteng table kung saan umupo kahapon ang mga pinsan ko. Inilapag ko sa mesa ang aking bag saka rin inilapag ang tray na may lamang lunch ko.
“Napapansin ko, sa mga Delafuente na babae, si Nana iyong parang hindi marunong mag-ayos. Kung hindi lang siguro maganda at maamo ang mukha niyan, magmumukha siyang ewan.”
“Iyong malditang si Zera, sobrang napakafashionista. Namataan ko iyon kahpon papasok sa highschool building, akala mo humarampa sa runway.”
“Iyong isa niya ring pinsan sobrang ganda rin kung dalhin ang sarili. Hindi rin nagpapahuli iyon pero si Nana… parang palaging nahuhuli.”
Humagikhik sila pagkatapos. Hindi iyon nakaligtas sa pandinig ko at ipinagkibit balikat ko nalang. Dinampot ko ang aking burger pero bago ko pa man iyon makagatan ay may kumuha na noon.
Mabilis kong nilingon ang imahe ni South. Siya na ang may hawak noon at nagawa pang kagatan. Umupo siya sa aking tabi at pinasadahan ng tingin ang aking mga pagkain.
“Vacant time mo?” tanong ko sa kanya na ikinatango niya lang. “Kaklase ko ang maingay mong pinsan.” Iritado niyang sabi.
Bago ko pa man matanong kung sino kay Ken at sa kambal ang tinutukoy niya ay pumaibabaw na ang boses ni Ken.
“Nang-iiwan ka, South.” sabi ni Ken saka nalipat ang tingin sa akin kahit nasa entrance pa siya. “Oh, fangirl? Vacant mo rin?”
Tumango ako sa kanya. Umupo siya sa aking tabi at kinuha iyong fries ko.
“Paano ba iyan, wala ang guardian mong si White…” Ngumisi na siya at nang-aasar na kunurot ang aking pisngi. Nakita ko agad sa gilid ng aking mga mata ang paninitig ni South kay Ken.
“Oo nga pala, South. Nakita ko kanina kinausap ka noong chic mong seatmate ah? May number kana ’no? Saan kayo mamaya?” Malisyoso na ang ngisi ni Ken habang sumusubo ng fries at sabay sabay na umaangat ang kilay niyang may pinupunto.
Nilingon ko agad si South at nagtataka itong tiningnan.
“Di ko kinuha.” sabi lang ni South.
“Ba’t hindi? Maganda naman ah? Malusog ang alam mo na…” May kung inaksyon pa si Ken para lang iwasan iyong banggitin at nililingon ako minsan.
“I’m not into big boobs,” sagot ni South na ikinangiwi ng aking pinsan. Naalala ko bigla iyong sinabi ni Franca. Ibig sabihin ay hindi ako nakakaturn off sa kanya!
“Kadalasan sa mga babae roon, tipo ka rin. Sayang naman at ganyan ang standard mo.” Nailing si Ken at tig daladalawang fries na ang sinusubo.
“I am not into wild girls…” agaran niyang sagot. “I prefer innocent girls.”
Nasira ang ekspresyon ni Ken at nakontento naman akong haluin iyong carbonara ko. Di ko alam ba’t mas gusto kong ganoon ang type niya. Hindi narin ako magtataka kung bat sikat si South sa mga babae kagaya ng mga pinsan ko rito. May halo kasi silang foreign feauture at parang mararahas ang pisikal na anyo. Sila iyong may dating at malakas ang sex appeal. Iyong masasabi mong may kakaiba talaga sa dugo ng mga Buenaventura.
“Mga inosente? Iyong parehas kay Nana?” Nilingon pa ako ng aking pinsan. “Mahirap turuan ang mga ignorante at walang karanasan, South. You got a bad taste…” Nailing iling pa ang aking pinsan at imbes ay ako ang kumain noong carbonara ay kinuha niya rin sa akin.
“Gutom ako, Ken. Bumili ka ng sa’yo.” Nakasimangot kong sabi.
“Ginugutom ako ni White minsan. Para naman maranasan mo ring maalipusta.” saka niya pa ako sinubuan ng fries.
Sumimangot ako. Si South naman itong tumayo na kapwa namin ikinalingon sa kanya ni Ken.
“Oh saan ka pupunta?”
“Bibili,” tipid lang na sagot ni South at naroon na sa harapan ng counter. Kumuha siya ng tray at nagtuturo na doon ng kung ano. Ibinalik naman ni Ken ang tingin sa akin at ganado pang sumubo ng carbonara sa aking harapan.
“Wala bang humihirit o dumidiskarte sa’yong mga lalake mong kaklase?” seryoso niyang tanong na ikinailing ko lang.
“Baka may hindi pa nainform at may nangangahas. Sabihin mo agad para may maging punching bag kami. Mababayagan ko talaga…” Ngumisi siya sa akin. Kahit ngumingisi naman siya, pero parang seryoso siya sa kanyang sinasabi. Kaya di na ako nagtataka kung ba’t may mga lalakeng natatakot akong lapitan dahil pinagbabantaan at sinusulong rin nila ang kinakampanya iyang plataporma nila sa aming mga pinsan nilang mga babae.
Bumalik rin naman si South. Nagulat ako nang makita ko ang laman noong tray niya.
“Ang rami!” sabi ko.
“Masyado bang marami?” tanong pa ni South.
“Oo masyadong marami. Patay gutom ka pala, South?” Natatawang sabi ni Ken.
“O sige sa’yo na.” Inilapag niya sa aking harapan ang ibang pagkain.
“Ako rin! Kahit iyang burger nalang. Mas masarap kasi iyong libre kaysa sa sarili mong pera.” Itinuro ni Ken iyon kaya ibinigay rin naman iyon ni South hanggang sa iyong waffle nalang ang natira sa kanya. Ako naman ngayon itong ang raming pagkain.
“Ubusin mo iyan para naman magkalaman ka.” Mungkahi niya sa akin. Si Ken ay hindi na kami masyadong pinagtutuunan ng pansin dahil nasa pagkain na ang buong atensyon. Siya itong mukhang pataygutom eh…
23rd Hooked
H O O K E D
Possessive
“Ba’t siya nakaflats? Maganda sana eh… Ang laki ng tuition dito pero walang pambiling magandang maisusuot.”
“Delafuente iyan Tania…”
“Delafuente? Sino iyan?”
“Mga apo ng may-ari ng eskwelahan.”
Natutop agad ang boses noong babae nang napalingon sa kanilang dako. I smiled a bit when our eyes met. Huminto ako.
“Nagpaflats ako kasi di ako sanay sa may mga heels na sapatos…” Tiningnan ko ang aking black shoes na flat lang. “Kasi sabi rin sa akin ng pinsan ko, suotin ko daw iyong mga komportableng dalhin. Baka kasi pag nagheel ako matapilok ako…” I lightly laughed. Napakurap naman iyong babae at tila nahiya sa akin.
Napansin ko naman na nasa akin narin pala ang tingin noong ibang babae. Minsan ay napapatingin sila sa suot kong flats saka lamang mag-iiwas. Pero cute naman ah?
“Pagpasensyahan mo na ang kaibigan ko, Nana… Bago kasi siya dito kaya di ka kilala.” sabi noong may maiksing buhok nang bumaling ako ulit sa kanila.
“Siguro kung si Zera ang nakarinig sa sinabi ng babaeng iyan baka mas nainsulto siya kumpara kay Nana na mabait.” komento noong isa pang kaklase ko.
Umiling ako roon sa sinabi ng may maiksing buhok sa akin. “Okay lang. Marami talagang pumupuna sa mga suot ko. Ang weird daw!” Natawa ako ng marahan.
Umismid lamang sa akin iyong isa. Iyong may maiksing buhok naman ay nakitawa rin.
“Ano palang pangalan niyo?”
“Ako si Lessy tapos si Tania naman itong kaibigan ko.” may ngiting pagpapakilala niya na ikinangiti ko narin.
“Nice to meet you!” Naglahad ako ng kamay. Napatingin siya roon at nag-aalangang kunin. Pabalik balik ang tingin ko at sa kamay ko hanggang sa inangat niya rin ang kanya kaso bago ko pa man iyon mahawakan, may umakbay na sa akin at may tumanggap narin ng kamay ni Lessy na nakalahad sa akin.
“’Sup, gorgeous…” Hinalikan ni Ken ang kamay ni Lessy. Halos maging sunog ang kanyang mukha dahil sa pamumula noon.
“Why are you still standing here?” tanong sa akin ni Wayt na nakaakbay na at ang kamay ay nakahawak pa sa ulo ko.
Maraming nagsinghapan na mga babae dahil sa kanilang biglang pagpasok rito. Kahit iyong si Lessy at Tania ay nanlalaki na ang mga mata. Halos malaglag ang panga ni Tania kay White na nasa akin ang buong atensyon.
“Sabi niya kasi nakaflats ako.” Nilingon ko sandali si Tania na namumutla na. “Kaya sinabi ko sa kanya na mas komportable ako sa ganito…”
White immediately glanced at her. Si Lessy naman ay napalunok na.
“I-Inawat ko naman ang kaibigan ko, s-sabi ko na D-Delafuente si Nana…” si Lessy.
Tumawa si Ken. “Eh weird talaga iyang manamit si Nana. Nakahiligan niya. Masasanay rin kayo.”
Nagsimula ang tingin ni White sa paanan niya saka dahan dahang umakyat ang malamya nitong mga mata na akala mo inaantok ngunit sobrang suplado. Nang makontento siya sa paninitig sa babae ay binalingan niya ako at kinurot ang aking pisngi.
“Okay lang ’yan. Mas maganda ka naman.” saka niya ako itinangay sa kanyang paglalakad lalo na’t nakaakbay parin siya sa akin.
“Pasensya na Miss. Naagrabyado talaga lahat ng dila ni Wayt ang nang-iinsulto kay Nana.” Narinig kong sabi ni Ken, nang nilingon ko ito ay nakayuko na iyong babae.
“Ikaw naman kasi…” iyong Lessy naman.
Napabuntong nalang ako ng hininga. Nakokonsensya tuloy ako. Sigurado akong iiwasan na nila akong dalawa dahil sa nangyari.
Umupo kami sa may likod. Ako ang katabi noong bintana, si White sa aking tabi saka rin siya tinabihan ni Ken na hindi na matigil ang mga mata sa pagsuyod. Natutuwa ako at kahit papaano ay naging kaklase ko ang pinsan ko sa Psychology.
“Naoffend mo ata si Tania…” sabi ko kay White at sinimangutan ito.
“Tania who?”
“Iyong kanina doon oh.” Ngumuso ako sa direksyon nilang dalawa. Nililingon pa kami ni Lessy rito at nag-iiwas agad ng tingin nang napansin niyang nakatingin narin pala ako.
“Tingnan mo White, laki ng hinaharap oh…” Tinapik tapik siya ni Ken na nasa iba ang atensyon. Hindi siya pinansin ni White at inangatan lang ako ng kilay. .
“Mas maganda ka naman talaga ah?”
Ngumuso ako. “Favoritism ka lang!”
“White!” Niyugyog na talaga ni Ken ang uniporme niyang suot. Iritadong kinuha ni White ang kamay niya at binaliko iyon. Namilipit naman agad sa sakit si Ken at doon lang nalingon si White.
“Sige na! Sige na! Titigil na!” Ngumingiwing daing ni Ken. Binitiwan siya ni White at tamad ulit na bumaling sa akin ang mga mata.
“You know you’re my favorite.” mungkahi niya na ikinasira ng ekspresyon ni Ken.
“Kaya halos alipustahin mo ako!” Tiningnan ako ni Ken. “Dadating ang araw maagaw ko rin si White sa’yo fangirl.”
Sinapak naman ni White ang dibdib niya. “Nangingilabot ako.”
Humalakhak nalang ako. Nang mapansin kong nasa amin na pala ang tingin ng iilan ay nahihiya kong itinikom ang aking bibig. Siguro, kaya ako binigyan ng mga pinsan na kagaya nila dahil mahihirapan akong magkaroon ng mga kaibigan na maiintindihan at tanggap ako sa pagiging ganito. Okay na siguro kung wala akong maging kaibigan, nandiyan naman ang mga pinsan ko…
Noong pumasok ang prof ay doon lang naging concentrate si Ken. Si White naman ay tamad na nakahilig sa kanyang desk. Ako itong todo kopya tapos sinitsitan pa ako ni Ken.
“Paphotocopy ako mamaya ng sulat mo Nana. Ididikit ko nalang sa notebook ko…” mahina niyang sabi. Tumango ako at binalingan si White.
“Ikaw rin?”
“Nasa utak ko na lahat.” sagot niya na ikinasipol ni Ken.
“Baka mamaya niyan sa clinic na naman bagsak mo dahil masyadong napagod ang utak mo sa pag-iisip.”
“Kung di ka tumahimik mauuna ka talaga doon.” pagbabanta ni White sa ikinangisi lang ni Ken.
Napasukan ko narin lahat ng magiging subject ko sa whole week. Kadalasan ay kaklase ko si South. Nagiging kaklase ko rin sina Franca at Cassey pero sa dalawa subject lamang sa MWF at TThF. Iyong sa sabado ko ay naging kaklase ko si North sa P.E. Napapanguso nalang ako pag namamataan ko siyang ngumingisi sa akin, tapos biglang itataas ng sabay sabay ang mga kilay niya na parang may pinupunto.
“Ano na bang stage niyo ng kambal ko? Anong rank na?” tanong niya sa akin noong pinag-exersice kami sa gymnasium. Hinahawakan niya ang kanyang paa at nakabaliko iyon habang nakatayo siya ng tuwid.
“Anong ibig mong sabihin?” tanong ko habang nakaupo lang sa bleachers at kumakain ng burger.
“Palagi kayong magkasama rito sa eskwelahan. Pati noong summer mukhang nakakailang punta ka sa bahay. Inililihim niyo ba?”
Hindi ko lubusang mapunto kung ano iyong tinutukoy niya. Tumango nalang ako dahil totoo naman talagang inililihim lang namin ni South iyon.
Tumawa siya ng malutong. “Ang hilig hilig naman ata sa patago.”
Pang-ilang beses ko na talaga iyang naririnig sa kanya. Minsan gusto niya rin ata akong ibuko sa aking mga pinsan dahil binabanggit niya rin iyan.
“S-Sasabihin mo ba sa mga pinsan ko na pumupunta ako sa bahay ninyo?”
Ngumisi siya at binitiwan ang paa. Sinundan ko ng tingin ang pagflex ng kanyang braso at paglabas ng ugat roon nang iyon naman ang pagtuunan niya ng pansin.
“Di ako makikialam kung wala naman akong mapapala.” makahulugan niyang sabi na ikinangiti ko.
“Salamat…”
Humalakhak siya at nailing. “Ang inosente at ang bait mo. Di na ako magtataka…”
Ngumuso ako. Ano ba talaga dapat ang akmang reaksyon? At bakit masyado nilang binibigdeal pag mabait at inosente ka? Hindi naman ako inosente ah? Hindi rin ako ignorante. Marami kaya akong alam dahil nag-aaral naman ako ng mabuti. At ’tsaka, bawal lang talaga sa akin ang mga rated SPG dahil wala pa ako sa tamang edad. Sabi sa akin ni Mommy, siya raw mismo ang mag-aadvice sa akin pag legal age na ako para hindi siya maaway ni Daddy pag may itinuro siyang kung ano ano sa akin. Si Daddy kasi ang sobrang estrikto pagdating sa kanilang dalawa. Pag 8pm nga ay pinapatayan na ako ng internet connection kaya nagsisave talaga ako ng mga videos ni Aries.
“How’s school, sweetie?” Nadatnan ako ni Daddy sa sala kinagabihan. Mga 9 na at nandito parin ako, kinokopya iyong mga naresearch ko sa librong hiniram ko sa library.
“Okay lang naman po. Alam niyo po Dad, next week matatopic sa Psychology kung paano daw nabubuo ang isang baby. Excited ako kasi nacucurious rin ako kung ano talaga ang nangyayari sa loob ng tummy ni Mommy noong ipinagbubuntis niya ako…”
Nabahala agad ang mukha ni Daddy. Para siyang natatakot na naiistress.
“Kahit ano atang iwas ko sa’yo sa mga ganyang bagay, ay ibang tao ang magmumulat noon sa’yo at sa ayaw o gusto ko man, hindi ka magiging bata habangbuhay. Lalaki ka at magkakaisip na sa lahat…” nalulungkot niyang sabi sa malambing na boses.
“Daddy… Wag po kayong masyadong magworry sa akin. Di naman ako nagiging pabaya at alam ko naman po ang tama at mali. ’Tsaka wala po akong boyfriend…” paninigurado ko na ikinangisi niya.
“Dapat talaga wala muna. Ayokong mastress lalo. Baka tumanda ako ng maaga at hindi kana matutukan ng maayos…”
Niyakap ko ang kanyang beywang at napasimangot. “Sana po kayo nalang ang h’wag tumanda ni Mommy…”
“Hindi natin iyon mapipigilan, Nana. Para na iyong cycle ng buhay. Na dadating ang araw, tatanda ka at mawawala rin. Kaya ikaw… mabuhay kang masaya at gawin mo ang mga gusto mo. I’ll support you…”
Tiningala ko siya. Ang kanyang kamay ay humahaplos na sa aking ulo at namumungay ang mga mata.
“Thank you Daddy…”
He crouched a bit just to kiss my forehead. “Basta, h’wag kayong magmadali ni South. Hindi purket pumayag ako ay legal na kayong dalawa. Hanggang kaibigan muna.”
Tumango tango ako at napahagikhik. “Daddy close na po kami…”
“Hindi ko talaga alam kung dapat ba akong matuwa sa pahayag mong iyan o dapat mas mabahala…” his forehead wrinkles as he breathe deeply. Natawa nalang ako na ikinatawa niya narin.
Sunday.
Sa simbahan ang bagsak namin tuwing umaga at ipinagpapasalamat lahat ng dumating at nangyari sa araw araw naming pamumuhay. Ipinagpapasalamat ko na healthy ang parents ko ganoon rin ang mga pinsan ko. Ipinagpapasalamat ko rin na napunta ako sa ganitong estado ng buhay. Lahat ng dapat ipagpasalamat ay isinama ko talaga sa aking dasal pati narin ang friendship namin ni South.
Patapos na ang misa kaya nauna ng lumabas ang mga pinsan ko. Naroon sila sa may entrance at nag-uusap usap. Nagpaalam ako kay Mommy at Daddy at sumunod narin sa kanila. Busy pa kasi sila kakausap roon kay Father at mukhang magdodonate sila roon sa mga humihingi ng tulong dahil may sakit. Pati ang iilang magulang ng mga pinsan ko ay nakasentro rin ang atensyon sa pagtulong.
“Sige na, total weekends. Kahit mamayang gabi lang.” pamimilit ni Ken nang tuluyan akong makalapit. Bumaling sandali si White sa akin, lumapit ako nang tuluyan at nakiusyoso na.
“May lakad kayo?” tanong ko sa kanila.
“Alangan naman isama ko si Nana. H’wag na.” tanggi agad ni White.
“Kakasimba mo lang balak mo na namang gumawa ng panibagong kasalanan mamayang gabi. Napakahipokrito mo.” si Hiro.
“Tinatawag ng 3DBar ang sistema ko. Sige na naman…” nasuklay niya paatras ang kanyang buhok.
“Balak ko rin sana mamayang gabi. Sasama ako, Ken.” si North na biglaan nang sumulpot sa may gilid. Kasama niya si South na nakapamulsa at nakarolyo ang denim na polo. Ang buhaghag nitong buhok ay parang nadasalan ngayon kaya medyo maamo maliban sa mga mata niyang tila may ikinakagalit parin kahit kalmado lang naman ang ekspresyon.
“Oh! Sasama si North! Sino pa?” Iginala ni Ken ang mata sa iba ko pang mga pinsan.
“Pwede ka namang sumama. Sa bahay lang naman ako…” sabi ko kay White.
“Ikaw South? Alam kong hindi ka sasama pero tatanungin kita. Saan ka mamayang gabi?” tanong ni North sa kambal niya kaua natuon narin sa kanya ang mga mata ng pinsan ko.
“Sumama kana rin, South.” si Ken
Nagkasukatan ng tingin silang magkapatid. Ngumisi lamang si North at inosente ang paninitig kay South.
“Depende… pero di ako magBaBar.”
Tumango tango si North saka rin ako inosenteng binalingan. Nangungusap na ang kanyang misteryosong mga mata kaya agad akong nag-iwas ng tingin. Itinuon ko nalang iyon sa dako nila Franca at pinsan niyang si Irah.
Noong gabi na, nakatanggap ako ng tawag kay South. Mga 7pm na ata iyon.
“Hello South?” sagot ko habang nakaupo sa sala. Wala pa ang aking mga magulang kaya si Manang lamang ang kasama ko. Nang marinig niya ang pangalang iyon ay awtomatiko siyang tumigil sa paglalakad papunta sa kusina dala dala iyong vase na hawak niya at nang-uusisa na ang tingin sa akin.
“Any plans?” tanong nito na ikinailing ko.
“Wala naman…”
“Ayaw mong luamabas?” tanong niya.
“Di naman tumawag si Aㄧ” Natutop agad ang aking bibig nang mapagtanto kong lumalapit na nang tuluyan si Manang sa aking dako para makinig.
“Manang nakikinig ka po ba?” tanong ko sa kanya sandali na ikinailing nito at derideritso na ang lakad papuntang kusina.
“Hindi kasi tumawag si Aries…” pagpapatuloy ko ulit kay South sa mahinang boses.
Hindi agad ito nakasagot. Naghintay pa ako ng ilang sigundo at natingnan ang screen ng cellphone ko. Tumatakbo pa naman iyon.
“Can I come over?” sabi niya sa malalim at malamig na boses.
“Dito?” Iginala ko agad ang aking mga mata bahay. Bigla akong nataranta at napatayo na.
“Yeah…”
“Bakit?”
“I.. uh, iyong notes mo sa isang subject. Kokopyahin ko.”
Ah iyong schedules lang naman ata ang kinopya ko ah?
“Okay sige.”
“Okay… I’ll be there in a minute.”
Tumango na ako. Pagkamatay ng tawag ay agad akong napatakbo sa kusina. Nadatnan kong naghihimutok si Manang roon habang tinatanggalan ng lantang petals iyong iba at may kung ano anong ibinubulong sa sarili niya.
“Manang pupunta po si South!”
“Ay jusko naman Nana!” Nahipo niya ang kanyang dibdib at ang isang kamay ay pinipigilang malaglag iyong vase dahil sa pagkakagulat.
“Ikaw lang ata ang inosenteng marupok!” Pinaningkitan niya ako ng mata. “Gabi na. At dadating na maya maya ang mga magulang mo. Madadatnan kayo noon sa salaㄧ
“Pwede po kami sa kwarto ko, Manang.” Nilapitan ko siya at hinila ang kamay nito. “Ano po ba pwede kong isuot? Tama na po ba ito? Tulungan niyo po akong mamili kasi sabi ng mga classmates ko ang weird ko daw manamit.”
“Jusmiyo, Nana. Maiitak iyang si South ng Daddy mo pag pinapasok mo iyan sa kwarto. Ang akin lang, gabi na.”
“Gabi na nga po…” nilingon ko si Manang na hindi na naman mahitsura ang mukha.
“Ikaw bahala ka nga. Di naman nagpapapigil ang mga taong inlove. Halika at pipilian kita ng damit.” Mas umabante siya at ako na mismo ang kinakaladkad. Inlove ba ako? Parang ang lalim naman ng salitang iyon para ipaliwanag itong nararamdaman ko. Hindi na iyon abot ng aking isipan.
Pinanood ko siyang mangalkal ng mga damit ko sa walk-in. Pinili niya iyong longsleeve ko na may mukha ni Aries tsaka isang bearprints na pajama.
“Oh ayan…”
“Wala na po bang mas maganda?” tanong ko.
“Aba’y wala akong makitang maganda sa mga damit mo maliban lang iyong mga binili ng Mommy mo. Nasa bahay ka lang. Iyan na.”
Nagpalit ako ng damit at inilugay nalang ang buhok kong nakabun kanina. Gusto ko tuloy maglagay noong lipgloss na binili sa akin ni Mommy pero nasa bahay lang naman ako kaya h’wag nalang. Nagpabango nalang ako.
Naiiling sa akin si Manang nang bumaba na ako.
“Okay lang po ba kung hindi ako magdress?” Natigil ako sa huling dalawang baitang ng hagdan para lamang tingnan ang aking sarili. Ngayon lang ako naconscious nang ganito sa harapan ni South.
“Okay na iyan.”
Napangiti ako ng matamis roon na ikinangiwi naman ni Manang.
“Ang hirap mainlove pag masyado kang inosente. Parang karamdamang malubha, iyong halatang nilalagnat kana pero di mo parin alam kung anong sakit mo dahil ignorante ka…”
Ngumuso ako sa pinagsasabi niya. Mukha ba akong may sakit sa hitsura ko? Siguro ang putla ko.
Pero bago ko pa man mapagtuunan ng pansin ang kanyang sinabi ay may nagdoorbell na.
“Teka at pagbubuksan ko ang sinta mo…” sarkastiko niyang sabi at nagtungo na roon. Kinabahan naman ako at nagmadaling pumunta sa sofa. Umupo ako roon ng maayos at hindi mapakali. Nang hindi ako nakontento sa aking posisyon ay kinuha ko iyong soft pillow at inilagay ko sa aking kandungan. Nagkikita naman sana kami palagi ni South pero ewan ko ba… naeexcite na naman ako.
“Oh ayan na ang baliw na baliw kong alaga sa’yo. H’wag mo na ulit pagsamantalahan ang kainosentehan ha, hijo…” sabi ni Manang sa kalmadong boses. Mabilis na natuon ang tingin ni South sa aking suot at marahas ng nagkakasalubong ang kilay. Nang mapansin iyon ni Manang ay itinikom niya nalang ang bibig at nagpaalam agad. Nakapamulsa ito at nakaitim na naman na jacket. Ang buhok ay buhaghag at sinusuway na naman ata siya.
Umupo siya sa aking tabi at itinukod sa nakabukakang mga hita ang magkabilang kamay saka ipinagsalikop ang mga palad. Medyo nakayuko siya pero nasa akin ang tingin, sa suot kong damit. Naasiwa siya roon at hindi mapigilang ipagsalubong ang kilay.
“Asan na ang notebook mo? Akala ko ba kokopya ka?” tanong ko.
“I just came here to borrow your notes. Doon ko na kokopyahin sa bahay at bukas ko nalang isasauli.” matabang niyang sagot. Malayong malayo na ang kanyang boses noong tumawag siya sa akin.
“Pangit ba?” tanong ko agad nang tinititigan niya iyon nang husto.
“Sobra.” matigas niyang sagot.
“Talaga? Gwapo naman si Aries ah…”
He tsked and brushed his hair downwards using his fingers.
“Uuwi na ako. H’wag nalang pala.” Tumayo siya at akmang hahakbang na kaya mabilis kong hinawakan ang kanyang braso para lang mapigilan ito.
“T-Teka… M-Magbibihis ako, sandali lang! Tapos kukunin ko iyong notebook ko. Hintayin mo ako dito.” sabi ko sa kanya at tumayo na. Ni hindi ko na hinintay ang magiging sagot niya at kumaripas na ako ng takbo paakyat. Ang weird ko ba talagang manamit? Pangit ba talaga ang mga binibili ko? Dapat ba si Mommy nalang ang magdesisyon kahit sa mga pambahay at panglakad ko? Iyong binibili niya kasi sa akin ay mga special occassions kaya siya talaga ang namimili.
Nagtshirt na malaki nalang ako. Iyong may bunny na print sa harap saka ulit bumaba dala dala iyong notebook ko.
Kumalma naman ang kanyang ekspresyon at mukhang nakontento rin sa aking suot.
“Ayan.” Nakangiti kong ibinigay iyon sa kanya. Tinanggap niya iyon saka tinapik iyong sofa sa kanyang tabi kaya umupo ulit ako.
“Pansin ko talaga nagagalit ka pag binabanggit ko si Aries. Ganoon mo ba talaga siya kaayaw? Kasi sila Ken ganoon rin talaga ang tingin kay Aries.”
Umigting lang ang kanyang panga at nag-iwas ng tingin sa akin.
“Iba ang galit ko sa galit ng mga pinsan mo. I am more possessive…”
24th Hooked
Estranghero
Nadatnan ni Mommy at Daddy si South. Katulad ng nakagawian ay dito nalang ulit siya pinagdinner. Tinanong nila ito tungkol sa first day of school at kung ano anong related sa school. Pansin ko magalang si South sumagot sa parents ko, pero minsan sa akin ang suplasuplado ng mga sagot niya.
Pasukan ulit. Hindi na kami gaanong nakapag-usap ni South sa subject na iyon dahil sunod sunod na lesson na agad ang itinatopic noong prof. Halos sumakit nga ang aking kamay sa kakasulat maliban kay South na nakatukod lang ang siko sa desk, ang palad ay nasa baba at tamad na nakatingin sa harapan. Minsan ay nililingon niya ako pero nasisira lang ang kanyang ekspresyon saka ulit iiwas. Di ko nga alam kung bakit. Teka, napansin niya kaya iyong inilagay ko sa mukha ko?
Natapos na ang subject kaya mabilis kong pinagdadampot ang aking mga gamit at isinilid iyon sa loob ng aking backpack habang sinusundan ng tingin si South na nauuna ng maglakad palabas.
“South…”
“Later,” tanging sagot niya sa malamig na boses saka tuluyang naglaho ang likod sa aking mga mata. Sumimangot ako. Bakit parang ang cold niya ata? Wala ba siya sa mood?
“Anong nilagay mo sa pisngi mo at para kang sinampal?” nakangiwing tinitigan ni Cassey ang aking pisngi nang makapasok na ito sa subject kung saan kami magkaklase. Natigil naman ako sa pagiging tulala dahil sa pag-iisip ng rason kung bakit ganoon si South.
“Ito.” Ipinakita ko sa kanya iyong liptint na pwede ring pang cheek tint.
Kinuha niya iyon at disgustong itinapon. Nanlalaki ang aking mga mata lalo na’t kakabili ko lang noon kahapon.
“Itinapon mo!” nakasimangot kong sinundan ng tingin ang paglipad ng aking liptint palabas ng bintana saka siya nilingon.
“That looks cheap, Nana.” Nakangiwi niya pang binura iyong pisngi ko. “Ayan, para kang pininturahan sa pisngi.” dismayado siyang umiling.
Kumuha ako ng salamin at tiningnan iyon. Para ngang may gumuhit na linya roon. Para iyong namantsahan ng pulang marka.
“Kasi ang sabi pwede sa cheek… tapos mura lang. Bumili kasi ako ng ballpen kaya naisipan ko narin iyong bilhin…” paliwanag ko sa kanya.
“H’wag ka nalang magmake-up. Your bare face looks cute ang fluffy.”
“Tinry ko lang naman. Sige hindi nalang…”
Natuon rin ang aking mga mata sa kakapasok lamang na si Franca. Napatingin narin siya sa akin kasabay ng pagkunot ng kanyang noo.
“The innocent devil is coming…” sabi ni Cassey.
“Ang dumi ng mukha mo, Nana. Napano iyan?” Kunot-noo niyang inilapit lalo ang kanyang mukha nang tuluyan siyang makalapit sa aming harapan. “May araw rin palang pangit ka ’no?”
Napasimangot na talaga ako at mabilis na kinalkal ang aking backpack para maghanap ng pamunas. Buti nalang talaga at may baon akong wet wipes. Kaya ba ganoon nalang kung masira ang ekspresyon ni South? Kaya ba wala siyang ganang kausapin ako?! Kaya wala siya sa mood kasi nasira iyon ng mukha ko?! Hala…
“Bumili ng mumurahing liptint at sinubukan niya. Akala mo naman marunong gumamit.” sabi ni Cassey.
“Nagpapaganda kana?” Nakangiting tanong ni Franca sa akin nang tuluyan siyang makaupo sa kanyang silya.
“Sinubukan ko lang…” sabi ko at hinila iyong dalawang tissue noong wet wipes saka pinagmasdan ang aking sarili sa salamin.
“Ako nga,” naiiritang sabi ni Cassey at hinawakan ang aking baba para makaharap ako ng buo sa kanya. Si Franca naman ay humilig paabante para lamang masilip kaming dalawa, ang magkabilang palad ay nasa mga pisngi na at makahulugan pa ang ngiti sa akin.
“Kahit hindi ka magpaganda, maganda ka naman sa paningin niya…” si Franca.
“Hindi mo rin talaga napapakinabangan iyang pinsan mo. Dapat sa’yo ate ang ibinibigay. Inosente ka na nga, ignorante ka pa sa mga bagay bagay.” inis na sabi ni Cassey sa akin at hindi pinapansin iyong pinagsasabi ni Franca.
Ngumuso nalang ako at pinakiramdaman ang pisngi kong walang tigil niyang nililinis.
“Pag hate mo ang isang tao, bukambibig mo ba talaga siya?” tanong ni Franca na ikinalingon ni Cassey sa kanya.
“Ano iyon, inosenteng demonyita?”
“Sabi ko, hate na hate mo si White pero napapansin ko palagi mo naman siyang nasisingit sa usapan. Palagi mo ba siyang iniisip?” nagtatakang tanong ni Franca. Kahit ako ay napaisip narin. Oo nga ’no? Madalas mamention ni Cassey ang pinsan ko. Pero dahil kinamumuhian niya iyon kaya hindi narin ako nagtataka.
“So sinasabi mo na may gusto ako sa gagong iyon?” Cassey brow raised.
“Ikaw ang may sabi.” agarang sabi ni Franca.
Cassey face wrinkled. Halos umakto siyang nasusuka.
“I’d rather die being single!”
“Bakit kaya maraming nagpapakabobo sa pagmamahal ’no?” naiiling na itinuon ni Franca ang kanyang atensyon sa loob ng kanyang malaking purse. “I don’t want to act like a fool someday…”
Hindi na ata narinig ni Cassey iyon dahil binubulung-bulungan niya narin ang kanyang sarili tungkol sa mga ayaw niya sa aking pinsan. Para na siyang nagchachant ng mga black magic at kulang nalang ay may hawakang doll.
Noong lunch, lumitaw ulit ang aking mga pinsan roon. Cassey looks bothered, si Franca naman ay prenteng pasubo subo lamang at hindi naaapektuhan sa imahe ng aking mga pinsan. Iyong iba kasi rito na kumakain ay halos mangibang table na ang pag-uusap nila.
“Was she good?” Natatawang tanong ni Ken kay White. Umaalingawngaw ang boses niya lalo na’t katabi lang namin ang kanilang table.
“Walang nangyari.” sagot agad ni White, naiinis na sa matabil na dila ni Ken.
“Don’t deny it, man… the way she grinds at you… she looks hot and wild!”
Inis na hinablot ni Cassey ang kanyang cellphone at mabilis na sinaksak ang headset.
“Pagkain na nga lang ang masarap, mawawalan ka pa ng gana.” and she rolled her eyes.
Lumingon sandali si White sa aming table, nabasa ang pang-ibabang labi saka ibinalik ang tingin kay Ken na hindi na makapaghintay sa isasagot ng aking pinsan at abang na abang talaga.
“Umuwi ako ng maaga.” si White.
“Dalawa lang naman iyan, may pinagtatakpan ka, o pinaparinggan…” makahulugang ngumisi si Hiro at sumubo ng fries.
Natanga naman si Ken at pabalik balik ang tingin sa dalawa hanggang sa kalaunan ay nalaglag ang panga.
“You dumped that hot chic?!” Ken’s voice were like thunder lalo na’t nahampas niya pa sa gulat ang lamesa.
Nagkibit balikat si White at sumubo nalang. Si Ken naman itong halos madismaya at siya pa ang sobrang apektado.
Hindi ko alam kung bakit parang medyo mailap sa akin si South. Medyo nababahala ako at nalulungkot dahil hindi ako sanay sa kanyang inaasal. Pati iyong ibang subject na magkaklase kami ay wala parin siyang imik. Nabura naman ng maayos ni Cassey ang liptint ah? Hindi kaya ay nakukulitan na talaga siya sa akin?
Nakagat ko ang pang-ibabang labi habang panay bura ng mensaheng hindi ko macompose nang maayos. Palagi ko iyong pinapalitan at kabado pa sa pagtipa. Nagdadalawang isip ako kung isesend ba iyon o hindi nalang.
Binura ko iyong huli at nagtipa ng panibago. Medyo kaonti lang.
Ako: Galit ka ba sa’kin? :“<
Ilang minuto ang dumaan. Bawat sigundo ata ay nililingon ko iyon pero wala paring reply niya. Bumaba ako ng kwarto at nagtungo sa kusina para uminom ng tubig.
“Oh? Ba’t nakasimangot ka ata? LQ kayo ng South mo?” tanong sa akin ni Manang nang mamataan ako roon.
Sasagot na sana ako nang magbeep ang aking cellphone. Mabilis ko iyong binuksan. Ramdam ko naman ang naniningkit na mga mata ni Manang sa akin dahil sa hindi ko pagsagot.
South: Lemme borrow your notes.
Nagtipa agad ako ng mensahe.
Ako: Sige! Ako nalang ang pupunta sainyo.
Binalingan ko si Manang na mukhang nang-uusisa na.
“Manang, labas po muna ako.”
“Saan ka pupunta? Hoy Cana!”
Tanging sigaw nalang ni Manang ang naging klaro sa akin dahil nagmamadali na akong nagtungo sa aking kwarto. Hinablot ko nalang iyong mga notebook ko kung saan kami magkaklase saka ulit nagmamadaling bumaba.
“Uwi agad ha!” si Manang na bumuntot agad sa akin habang papalabas ng bahay. Tumango tango nalang ako at nagmamadaling lumabas.
Pagkarating ko roon ay nagdoorbell ako. Ang seryosong mukha agad ni South ang sumalubong sa akin. Nakaputing tshirt siy ngayon na may nakasulat na kung anong qoute sa itim na ink sa gitna noon bilang desinyo. Ang buhok ay buhaghag at sobrang dilim ng misteryosong mga mata.
“You’re sweating…” Umangat ang kanyang kamay at pinunasan iyong noo ko. Medyo hinihingal pa nga ako sa aking pagtakbo.
“K-Kasi nagmadali ako. K-Kaya tumakbo ako…”
Sandali siyang tumitig pero kalaunan ay umiwas rin saka tumalikod. Sinenyasan niya nalang akong pumasok kaya dali dali akong bumuntot sa kanya. Napansin kong mukhang siya na naman mag-isa…
Umupo siya roon sa sahig at pumwesto sa harapan noong mini table nila. May carpet naman iyong inupuan niya.
Inilapag ko ang notebook sa mesa saka niya iyon binuksan at tamad na itinukod ang siko sa gilid, ang kamao ay nakatukod na sa gilid ng kanyang ulo para magsilbing alalay noon. Nagsimula siyang magsulat.
Hindi ko alam kung anong gagawin. Gumala pa sandali ang aking tingin hanggang sa nagdesisyon nalang akong umupo roon sa likod niya dahil may sofa naman. Nag-indian squat ako ng upo. Nakashort lamang ako at malaking tshirt. Ni suklayin ang aking buhok ay hindi ko na nagawa dahil sa pagmamadali ko. Nakabun lamang iyon…
Napatitig ako sa kanyang likuran. Idinikit ko ang aking mga tuhod at niyakap iyon. Ang aking baba ay ipinatong ko na roon. Sinubukan ko siyang kalabitin. Tumigil siya sa pagsusulat pero hindi naman lumingon.
“Galit ka siguro sa’kin no? Ang pangit ko ba kanina?” tanong ko.
Hindi siya sumagot kaya ngumuso ako at nahalikan ang aking tuhod dahil sa pagbaon ko roon sa aking labi. Nang hindi ako makontento sa katahimikan ay marahan kong hinila ang kanyang tshirt para kunin lang ang presensya niya.
“Ba’t di ka namamansin?”
“I am writing.” sagot niya.
Bumuntong ako ng hininga at itinigil ang paghila noon. Mas niyakap ko ang aking tuhod. Malinaw kong nakikita ang likod ng kanyang leeg dahil sa pagyuko niya. Naeexpose na iyon na kahit ang kanyang buhok ay napuna ko narin. Ano kayang gamit niyang shampoo?
Nagbeep ang aking cellphone kaya natuon sandali ang aking tingin roon. Buong akala ko ay si Mommy at Daddy iyon o kaya ang aking mga pinsan pero laking gulat ko nalang nang mabasa ang pangalan ni Aries. South immediately glanced at me.
“Si Aries nagtext!” nagugulantang kong sabi sa kanya saka ko binuksan iyong mensahe.
Aries: Can we meet?
Nabasa ko rin ang sumunod niyang text. Naroon na ang address.
“Nakikipagkita siya sa akin!”
Ngumiwi si South at ibinaling ulit sa notebook ko ang kanyang atensyon. Nagsimula ulit siyang magsulat roon..
“South! Magkikita daw kami!”
Kasabay naman noon ang pagbuhos ng malakas na ulan sa labas. Nakikita ko sa malaki nilang bintana ang mararahas na pagpatak ng malalaking ulan roon.
“Can’t go out. It’s raining.” sabi niya na nagpasimangot sa akin. Nalulungkot kong tiningnan ang bintana.
“Baka titila ’to mamaya… Gusto kong lumabas…” Napasandal ako sa sofa at naisayad na ang mga paa sa kanilang sahig. Naramdaman ko agad ang malamig na tiles pero hindi ko na iyon pinagtuunan ng atensyon pa.
Nilingon niya ako sandali, ang mga mata ay agarang bumagsak sa aking mga paa.
“Your feet. The floor is cold.” sabi niya na ikinasimangot ko lang.
“Gusto kong lumabas…”
“Pag tumila na ang ulan,” saka ulit siya nagsulat.
Bumuntong nalang ako ng mahabang hininga at naingat muli ang aking mga paa. Pero dahil malapit lang naman ang kanyang likod ay doon ko idinikit ang dalawa kong talampakan. .
“Ang tagal naman tumila…” sabi ko habang tinitingnan ang malaki nilang bintana.
Halos mabagot ako kakahintay. Na kahit ang aking mga paa ay naisabit ko na sa magkabilang balikat ni South. Minsan ay ginagalaw galaw ko pa iyon at pinaglalaruan ang magkabila niyang tenga saka ako mapapahagikhik. Hindi niya naman ako sinasaway kaya ilang minuto ko rin iyong ginawa.
Nang tumila ang ulan ay mabilis kong naiapak ang aking mga paa sa sahig at hinila ang kanyang tshirt nang paulit ulit habang itinuturo ang bintana.
“Tumila na! South tumila na!”
Ilang sandali lang, bumuhos ulit ang napakalakas na ulan.
“Hindi pa,” sagot niya na ikinadismaya ko nang lubusan at napayuko na. Dumausdos ako sa sofa hanggang napasalampak ako sa sahig at roon napaupo. Nasa likuran niya na ako habang nakasandal sa paanan noong sofa nila. Nayakap ko ulit ang aking tuhod at naibaon sa aking tuhod ang mukha.
“Tumila na iyon kanina eh…”
“Get up,” Itinusok niya iyong ballpen sa aking ulo. Hindi ako nagpatinag.
“I don’t know you have a stubborn side.”
Bago ko pa man maangat ang aking ulo, naramdaman ko nalang ang pag-angat ko sa ere hanggang sa ibinagsak niya ako sa sofa.
“The rain doesn’t want you to go out.”
“May payong naman…”
“Nagsusulat pa ako. Babagsak ako kung uunahin ko iyang Aries mo.” Inis niya ulit akong tinalikuran saka bumalik sa pwesto niya kanina.
Tumayo ako at tumabi sa kanya. Ginaya ko rin ang kanyang posisyon pero dalawang palad ang inilagay ko sa aking magkabilang pisngi para maging suporta noon. I watched him write slowly. Na sa bawat letra atang isusulat niya ay nakakabilang pa ako ng limang sigundo. Kaya pala ang tagal niyang matapos!
“Gusto mo ako magsulat?” tanong ko.
“Your penmanship is ugly. Madudumihan lang ang papel ko.”
Sinimangutan ko siya. Tahimik ko nalang siyang pinanood at sinikap na maghintay. Nang napagod ako sa aking posisyon ay ginawa ko ring unan ang aking mga braso at doon inihiga ang aking ulo. Nakaharap ako sa kanyang papel at sinusundan ang paggalaw noong ballpen niya.
Palipat lipat naman ang mga mata ni South. Minsan sa notebook ko pero madalas sa akin. Hanggang sa napakurap nalang ako nang bigla niyang sinulatan ang aking pisngi. Para niya iyong nilagyan ng tatlong check na linya.
“Ang sama mo…” daing ko.
“Eh kanina nga may pulang marka na sulat sa pisngi mo. What did you do?”
“May binili akong liptint tapos binasa ko pwede siya sa pisngi kaso di ata ako marunong maglagay kaya naging ganoon.. “
He tsked. “You’re not the kind of girl who loves to wear make-ups. Ba’t naging interesado ka ata?”
“I just want to try…” sagot ko sa mahinang boses.
Nagpatuloy ulit siya sa pagsusulat. Nang mapagod siya sa kanyang posisyon ay ginaya niya narin ako. Ang baba ay nakalagay na sa kanyang braso at ginagawa iyong unan. Ang mga mata at hawak na ballpen nalang ang gumagalaw. Napatitig ako sa kanyang side profile. May kung anong kakaiba na naman sa aking loob at hindi ko mapigilan ang sariling titigan siya lalo. Halos paliguan ko siya ng papuri sa aking isipan dahil sa perpekto niyang hitsura.
Tumigil siya sa pagsusulat at nalipat ang mga mata sa akin. Iyon lamang ang gumalaw para matingnan ako.
“You bored?” tanong niya na ikinatango ko.
“Gusto mong ikaw magsulat?”
Tumango ulit ako. Para naman matapos ko agad iyon.
Iniusog niya ito sa aking harapan kaya awtomatiko akong napabangon at hinawakan agad ang kanyang ballpen. Naging mabilis agad ang aking pagsusulat. Siya naman ay tumayo. Akala ko ay may pupuntahan ito, pero laking gulat ko nalang ang umupo siya bigla sa aking likuran. Nasa gitna niya na ako na kahit ang kanyang braso ay dahan dahang pumulupot sa maliit kong beywang saka niya ipinahinga ang kanyang baba sa aking balikat.
“I’ll watch you write since I don’t want some errors…” he said almost a whisper.
Napalunok ako ng laway. May kakaibang epekto ang hatid ng kanyang yakap sa akin. Ang pagkakadikit ko sa kanya nang ganito kalapit ay nakakapanibago. I can even smell his manly scent being wrapped all over me…
“Continue,” nilingon niya ako kaya halos magbanggaan na ang aming mga ilong. Agad akong napaiwas at kinakabahang tiningnan ang notebook ko. Kanina, malinaw ko pa naman sanang naiintindihan ang pinagsusulat ko roon, pero ngayon ay parang ang hirap na noong basahin. Na kahit ang paghawak noong ballpen ay hirap na ako.
“Ang lakas ng loob mong magboluntaryo pero di naman pala maipagpapatuloy.” pilit na inis na ata iyon at kinuha sa akin ang ballpen. Akala ko ay papakawalan niya na ako at aalis na siya sa aking likuran pero mas humigpit lamang ang isang braso niyang nakapulupot sa aking beywang at mas idiniin ako sa kanya. His lips is almost touching the skin of my shoulder.
Unti-unting nagloosen ang nakaindian squat kong mga hita hanggang sa naisandal ko nalang iyon sa hita niyang ganoon rin ang posisyon katulad sa akin. I can’t hardly explain this foreign feeling… Para iyong isang virus na kumakalat sa aking sistema at gusto ko nalang ay manatili kaming ganoon ng ilan pang oras. It felt so warm and addicting…
“I kinda miss you. We haven’t talk much this day…” he said huskily.
Natuon ang aking mga mata sa kanyang kinokopya.
“Ikaw kasi… di mo ako pinapansin…”
“Missing me?”
Nilingon ko siya at sinimangutan ito kasabay ng pagtango ko. A smirked escaped his lips as he licked the lower part of it.
“Just waiting for the right time…”
“Huh?” naguguluhan kong tanong.
“When you’re already legal, I’ll fetch you early and we’ll go together in school. And then we can hang out for a bit before I drive you home… My treat.”
Sa sobrang sinseredad noon, parang hindi na ako makapaghintay. Hindi na ako nanghingi pa ng ibang dahilan kung bakit niya iyon gagawin dahil maski ako ay gusto rin ang ediya na iyon. Na may sarili ring desisyon ang aking buong sistema, na kahit hindi man ako papayag, itutulak parin nila ako sa tamang landas, sa direksyon ng lalakeng mas gusto nilang kasama.
“Pero papayag kaya si Daddy?” nag-aalala kong tanong.
“I’ll ask for his permission,”
Nakontento rin naman ako sa sagot ni South. Baka kahit ako ay kumbinsihin narin si Dad na sana pumayag ito.
“Nakakadisturbo ata kami…”
Mabilis akong napaangat ng tingin sa mga imaheng kakapasok lamang. Nanlalaki ang aking mga mata at akmang tatayo na nang humigpit lang ang kamay ni South sa aking beywang at ayaw akong payagang makatayo.
Ngumisi si North nang matagumpay. He even whistled. Ang mga estranghero naman ay nakatitig sa amin. The guy looks stiff with his blank expression. Mukhang maldito kahit parang wala namang masamang sinasabi. Iyong babae naman ay salungat nito. She has a soft features at nakakakuha ng pansin ang sobrang itim niyang buhok na parang hinahangin palagi kaya medyo maalon. Malaporselana ang kutis nito, payat, may katangkaran at hindi nalalayo ang mga mata sa lalakeng nasa tabi niya.
Binalingan ni North iyong babaeng kasama nila noong lalake na kaedad lang rin ata ng kambal.
“Want to say hi to my brother, Arih?” It was a tone of mockery. Lalo na’t iyong tingin ng babae ay naninimbang na.
Ngumiti lamang siya. Namangha ako roon. Mas lalo siyang gumanda…
“Expected na sa mga Buenaventura ang pagiging gago. Mahilig kayo sa mga babae eh,” matabang na sabi noong babae kay North na ikinahalakhak lamang nito.
“Iyong kapatid ko ang may babae tapos isasali mo ako. That hurts…” nagpanggap pang malungkot si North at nahawakan ang dibdib pero kalaunan ay tumakas rin ang pilyong ngiti.
“Latch,” tawag ni South roon sa lalake saka rin nalipat ang tingin niya sa babaeng nag-iiwas ng tingin. “Arianne,”
25th Hooked
Direction
Nakilala ko iyong magkapatid na Lealde. Si Latch na kuya ni Arih. Kababata pala sila ng kambal roon sa bukid. Mas matanda ako ng isang taon kay Arih habang si Latch naman ay mas matanda sa akin ng isang taon.
Nahihiya ako roon sa paninitig sa akin ng babae. Na pag magsasalubong ang aming mga mata ay nahihiya rin siyang ngumiti. Naiwan kaming dalawa sa sofa dahil iyong tatlo ay nasa may bintana. Nag-uusap ng kung ano.
Gusto kong magsimula ng topic pero kinakabahan ako dahil baka sabihin niyang napakadaldal ko. O baka ayaw niya sa ganoon… Ang aking mga kamay ay nasa kandungan lang ng suot ko at nahawak roon ng mariin. Para akong natabi sa isang babaeng may maibubuga kumpara sa akin na simpleng simple lang…
“Okay ka lang?” Tumagilid ang kanyang ulo at isa isa ring nalaglag ang hibla ng kanyang buhok na sumunod agad sa kanyang galaw. Isinabit niya iyon sa gilid ng kanyang tenga, hindi inaalis ang tingin sa akin.
Tumango ako. “N-Nahihiya lang…”
Binalingan niya sandali ang mga lalake saka rin ibinalik sa akin ang mga mata na may pinupunto na.
“Paano ka inuto ni South?” biglaan niyang tanong na hindi ko alam kung seryoso ba o may halong pagbibiro. Nang ngumiti siya kalaunan ay nakumpirma ko rin na hindi naman pala siya seryoso.
“Close friends kami…” marahan kong sabi.
“Ganoon ba? Si South nalang ang tanungin mo kung ano kami. Baka kasi pag may isinagot ako…”
“Arih,” biglaang tawag sa kanya ni South kaya kapwa nalihis ang aming mga mata papunta sa kanya.
Mapaklang ngumiti iyong Arih saka makahulugan ang tingin kay South. Tumayo pa ito at nginitian ako saka naglakad patungo sa kapatid niya. Kitang kita ko naman ang pagngisi ni North sa akin. Umiling iling siya at may pinupunto na.
“Ihahatid ko lang,” sabi ni South saka ako tuluyang nilapitan. Tumayo naman agad ako.
“Oh? What’s the rush? She can stay until dinner.” saad ni North, tuluyan nang sumandal sa malaki nilang bintana kung saan nakahawi ang hanggang sahig ring kurtina.
“She can’t.” si South
Humalakhak si North. “Bakit naman? Ayaw mo niyan magiging close sila ni Arih…”
I’ve seen how South’s eyes darkened. Hinawakan niya ang aking pulso at hinila na ako. Tiningnan ko si Arih at tipid na nginitian saka ko iwinagayway ng pilit ang aking mga kamay para magpaalam. Arih just smiled flatly. Hindi na umabot ang saya sa mukha. Iyong Latch naman ay wala ring reaksyon pero tumango naman nang gawin ko rin iyon sa kanya.
“Goodbye, Nana. See you in P.E. class…” pahabol ni North. Lilingunin ko pa sana ito pero masyado nang mabilis ang mga hakbang ni South kaya hindi ko na nagawa.
His hand gripped on my pulse. Nagiging seryoso na naman ang mukha at parang may ikinakagalit ang mga matang nahahaluan narin ng dilim.
Habang naglalakad kami ay naging tahimik na naman ito. Nakapamulsa nalang at mukhang malalim ang iniisip. Pabalik balik lamang ang tingin ko sa kanya, minsan sa daan tapos ibabalik ko rin sa gilid kung nasaan siya.
He glanced at me with a bored look, “May sasabihin ka?”
Umiling agad ako. Pero nang maalala ko ang sinabi sa akin ni Arih ay tumango rin ako.
“Sabi ni Arih sa akin tanungin daw kita kung ano kayoㄧ”
“Nosy,” bigla niyang pinitik ang aking noo kaya nahinto ako sa pagsasalita. Nakanguso kong nahipo iyon.
“Sabi niya tanungin kita! Kaya tinatanong kita…” nakasimangot kong sabi.
Ibinulsa niyang muli ang kanyang kamay at nabasa ang pang-ibabang labi.
“Kababata,” tipid niyang sagot na hindi ko na inusyoso pa. Iyon na nga. Mahirap bang sabihin iyon? Bakit kailangan ko pang tanungin si South?
“Pero ang ganda niya ’no?” namamangha kong sabi na kahit sa aking isipan ay malinaw parin ang detalye ng bawat maliit na detalye ng mukha ni Arih.
Hindi siya kumibo roon. Ngumuso naman ako at naalala iyong kuya niya.
“Iyong kuya niya rin ang gwaㄧ
“Ang ingay mo.” Itinulak niya ang aking baba kaya nauwi agad iyon sa pagkatikom. Napanguso ako sumimangot.
“Ang gusto ko lang namang sabihinㄧ
Mabilis na nagkasalubong ang kanyang kilay at nambabanta na ang misteryosong mga mata kaya kusa ko nalang iyong itinikom at inilagay ang magkabilang kamay sa aking likuran.
Habang naglalakad, may kumuha agad ng atensyon namin na mabilis nang natuon sa aming dalawa ni South ang tingin. Kinabahan ako bigla at binalingan si South.
“Takbo!” halos pabulong kong sabi.
“For what?”
“Pinsan ko iyan!” natataranta kong sagot sa kabila ng pagiging kalmado niya.
“I know.”
Napasimangot na talaga ako. “South, magtataka sila ba’t tayo magㄧ
“Oh? Ba’t magkasama kayo?” ang boses na ni Kuya Toshi ang pumaibabaw dahil tuluyan na itong nakarating sa aming harapan.
Hindi agad ako nakasagot. Naging blangko ang aking isipan at nakaawang naman ang aking labi pero walang lumalabas roon. Pabalik balik na ang mga matang nang-uusisa sa amin ni Kuya Toshi.
“Nanghiram lang ako ng notes. Ihahatid ko lang pauwi.”
Kumalma ekspresyon ng aking pinsan at nakontento sa sagot ni South.
“Nabanggit nga ni Ken na madalas daw kayong magkasama dahil magkaklase kayo. Ako nang maghahatid sa pinsan ko.”
Tumango si South at walang ano ano’y tumalikod rin. Nilingon ko sandali ang likod nito pero ibinalik ko rin kay Kuya Toshi. Lumebel siya sa akin saka kami nagsimulang maglakad. Gusto kong sumimangot pero hindi ko nalang ginawa. Ewan ko ba, nadidismaya ako. Parang gusto kong mainis kay Kuya Toshi bigla pero hindi ko naman alam kung anong rason kaya h’wag nalang.
“Kumusta pagpafangirl mo? Iyang mata mo nagkakaeyebugs na oh,” Hinawakan niya pa iyon at napangiwi. “Panda,”
“Natutulog na kaya ako ng maaga. Bawal na akong magbabad masyado sa ganoon kasi pasukan na. Mapapagalitan ako sa bahay…” Ibinaba ko ang kamay ng aking pinsan na ikinangisi niya lang sa akin.
“I am just teasing you.”
Napasimangot ako. Bakit ba ang hilig hilig nilang asarin ako? Si South ganoon rin sa akin… Siya itong pinakamapang-asar. Akala ko nga si Ken lang eh pero mas bully si South…
“Kuya, pag 18 na ako diba legal na ako? Hindi niyo na ba ako babakuran noon? Pwede na ba akong sumama kahit kanino? Lumabas?”
Tumingala siya, nakabulsa na ang mga kamay at akala mo ay sa langit kumukuha ng sagot dahil nandoon na ang kanyang tingin.
“It depends…”
“Depende?”
“Depende kung sino iyang sasamahan mo. Kung mapagkakatiwalaan naman edi pwede,”
Natuwa agad ako roon. Ang rami agad tumakbong scenario sa aking isipan kaso mabilis rin iyong nawala nang nahulog ang tingin sa akin ni Kuya Toshi at may pinupunto na ang ngisi.
“Kaso wala akong pinagkakatiwalaan pag kayong mga babae na ang sangkot. May lalake bang mag-iingat sa inyo katulad ng pag-iingat namin sa’yo?”
I sighed. Sa sagot na iyon, napunto ko na agad ang desisyon niya. Hindi siya papayag na kung sino sino lang ang sasamahan ko.
“Pero paano kung kaibigan mo? Paano kung family friend natin? Paano kung kilala niyo naman? Bawal parin?”
“Then he needs to ask our approval first.” naging matigas agad ang boses na iyon sa kabila ng pagiging kalmado niya.
I sighed heavily. Para akong may mabigat na dinadala at parang ang hirap hirap huminga. Bakit ba nafufustrate ako nang ganito? Bakit parang gusto kong maging legal nalang sa mata ng lahat at h’wag akong pagbawalan na gawin ang gusto ko. Bakit ang sarap sarap sumubok sa mga bawal? Para akong natutulak na dumaan sa ipinagbabawal sa akin dahil alam kong may naghihintay na maganda sa dulo.
Inakbayan ako ni Kuya Toshi at isiniksik sa kanyang gilid. Nakasimangot ko namang niyakap ang kanyang beywang.
“H’wag ka munang magboboyfriend parang awa mo na Nana. Baka maging bayolente kami pag may nanakit sa’yo…” sabi niya sa malalim na boses kasabay ng kanyang pagseryoso. Napalunok ako roon. Iyan rin ang linya ni Ken. Kahit hindi naman magkakapareho ay iisa lang ang ibig sabihin, mananakit sila.
“Ba’t naman kayo magiging bayolente? Ayaw niyo ba akong sumaya? Di’ba masaya daw mainlove? Sabi sa akin ni Mommy, iyon daw ang pinakaamagandang bagay na nangyari sa buhay niya. Ang nainlove siya kay Daddy…”
“You’re different from the two Delafuente girls Nana. You’re so pure and innocent,” kinurot niya ang aking ilong. “Hindi mo naiintindihan ang bagay bagay at baka madali kang mabilog, madaling mauto.”
“Madali ba? Hindi kaya. Si Ken nga noong nakaraang araw binigyan ako noong sandwich hindi ko kinain kasi hindi niya naman ugali iyong namimigay ng pagkain sa akin. Tapos noong binigay niya kay Blue naubo kasi may palaman pala na sili…”
“See? You’re thinking like you’re just inside the room. Ang tinutukoy ko, ang nasa labas noon, ang mundo.”
Pag nasa labas ako, nauuto ba ako? Hindi naman ah? Hindi nga ako palakausap ng tao kasi kusa rin naman silang lumalayo sa akin. At weird daw ako manamit.
Pagdating ko sa bahay, wala akong natanggap na mensahe kay South. Kahit iyong pagpunta ko kay Aries ay nawala na sa aking isipan at itinext nalang ito na naging busy ako dahil sa school.
I got this weird feeling. Iyong hindi ako mapakali at nababahala sa kung ano. Ni hindi ko maalis sa utak si South. Nasanay na akong tumatawag siya ngayong gabi pero mukhang hindi ata iyon mangyayari dahil naroon rin ang mga kababata niya.
May pasok na naman at katulad noong nangyari sa umaga, mas malamig na ang pakikitungo ni South. Sabi niya lang na dumeritso na ako sa aking sunod na subject at wala nang sinabi pa. Parang ang kilala kong direksyon na akala ko ay malapit ko nang mapuntahan ay unti unti na namang lumalayo at naliligaw na ako sa daanan.
“You look sad,” Franca’s eyes settled on me. “Si South ba?”
Umiling ako pero lalong sumimangot. Kakaupo niya lang sa aking tabi pero iyon agad ang napuna niya. Masyado bang halata sa akin? Kasi naman si South…
“Ilang taon kana nga ulit?”
“Uh, 17?” sagot ko dahil masyado siyang nagiging random.
“Hindi naman pala nalalayo ang edad niyong dalawa…”
Naihiga ko ang aking ulo sa desk at hinarap siya. Itinukod niya naman ang kanyang siko, ang palad ay nasa ilalim na ng kanyang baba at sinusuportahan iyon habang nasa akin ang tingin.
“You look innocent but you’re causing so much trouble…” Isinabit niya pa ang ilang hiblang tumakip sa aking mukha para lang makita iyon ng buo.
“H-huh?”
“Hindi ka mahilig sa gulo kaya ang gulo mismo ang lumalapit sa’yo…”
Di ko iyon napunto. Ni isang sinabi niya ay wala akong maintindihan. Para iyong ibang lenggwahe na kahit anong intindi ko ay wala akong maipapasok sa utak ko.
“Anong ibig mong sabihin…”
“Nameet mo na pala si Arih?” biglaan niyang pagliko ng topic. “Kagabi nasa bahay kami nila South. At nabanggit niya sa’kin na nandoon ka daw sa bahay.”
“Oo, pinansin niya ako… ’tsaka a-ano… n-nanghiram kasi ng notes sa akin si Southㄧ
“Uto-uto ka talaga sa mga diskarte ng pinsan ko,” she giggled softly.
Sumimangot agad ako. Sabi ni Kuya Toshi madali daw ako mauto. Ibig bang sabihin inuuto ako ni South?
“Inuuto ako ni South?”
Tumango agad siya. “Inuuto ka niya. Ako nga minsan inuuto kita eh.”
Nagulat ako roon. “I-Inuuto mo rin ako?!”
Marahan siyang tumango at tumawa. “Pero in a good way naman.”
Napanatag rin naman ako roon. Huminahon ang aking mukha at pumangalumbaba sa aking kinauupuan. Madali ba talaga akong utuin?
“Maganda si Arih, ’no?” biglaan kong nasabi iyon.
Tumango naman siya. “Siya ang pinakasikat na babae roon sa bukid. Bukod kasi na may-ari iyong Daddy niya ng Lealde Company, mababait rin iyon sa mga taong naroroon.”
“Talaga?”
Tumango siya. “Close kami eh. At alam mo ba…” mas inilapit niya ang mukha niya sa akin at may ibinulong. “May gusto siya kay South.”
Hindi ko alam kung ano ba dapat ang reaksyon na ibibigay ko. Nang bumaling siya sa akin, kumurap lang ako.
“Wala kang reaksyon?” tanong niya.
“Uh? Gusto ko rin naman si South. At ’tsaka bakit mo naman aayawan ang isang tao eh masama ang ganoon.”
Natampal niya ang noo niya at nailing. “Hindi sa ganoon na paraan. Gusto niyang maging asawa, gusto niyang naghahalikan sila. Iyong gusto na malalim, Nana.”
H-Huh? Ganoon ang tingin ni Arih kay South?
“Pero bawal pa naman silang magpakasal dahil bata pa sila ah?”
Sumimangot agad siya. “Di mo nagegets.”
Kumurap ako at tumitig ng matagal sa kanya.
Nagloosen ang balikat niya saka hinawi ang buhok. “Tuturuan kita ha. Kaya makinig ka…”
Tumango agad ako at mas itinuon ang buong atensyon sa kanya.
“Ganito, si Arih gusto si South. Ikaw gusto mo rin siya. At si South… nasa gitna. Pwede kang pansinin pwede rin pansinin si Arih kasi kababata niya iyon. Pero si Arih ayaw shinishare si South dahil nagseselos siya kaya aagawin niya si South sa’yo. Tapos ikaw wala kang magagawa kasi ignorante ka at tagabundok. At hindi na kayo magiging close ni South pag nangyari iyon. Pag pati si South ay mas napalapit rin kay Arih. Magpopoof ang friendship niyo at ikaw maiiwan mag-isa. Gets?”
Nawindang ako nang husto roon. Ganoon iyon?!
Tumango ako at natakpan ang aking bibig.
“Kaya dapat, mas lamangan mo closeness ni Arih at ni South. Di ko alam kung gaano sila kaclose kasi hindi naman kami madalas sa bukid, tuwing summer lang.”
Hindi ko alam kung paano papanatilihin ang closeness namin ni South. Kung paano iyon palalimin. Iyong sinabi ni Franca sa akin ay nakakatakot. Parang ayokong maputol ang namamagitan sa aming dalawa ng pinsan niya. Gusto ko, manatili iyong ganoon.
Noong maging kaklase ko ulit si South ay pinakiramdaman ko agad siya. Hindi siya gaanong namamansin pero naroon iyong patingin tingin niya sa akin at nagtataka ang mukha.
“Ano na naman bang tingin yan? Para kang nagdududa na ewan…” his eyes settled on mine. Para iyong may hinahanap roon dahil sa inaasal ko.
Tapos na ang klase at naiwan ulit kami rito. Nagsisilabasan na ang iba, ito narin ang huli kong subject maliban sa kanya na may isa pang subject.
“Nagdududa ako sa inyo ni Arih,” sabi ko agad na ipinagsalubong ng kilay niya.
“Nitong mga nagdaang araw ang rami mong sinasabi na hindi ko aakalaing maiisip mo.”
Hindi ko sinabing si Franca ang madalas kong nakakausap kaya nagkakaediya ako. Na sa kanya ko napupulot lahat ng iyon.
“Gaano ba kayo kaclose ni Arih? Mas close ba kayo kaysa sa akin? Minarkahan mo rin ba siya dito?” Itinuro ko ang aking dibdib. “Nahorny ka ba?”
His eyes widened in disbelief. Pinatili ko namang nakasimangot ang aking mukha para mas mabigyan ng emosyon ang sinasabi ko na hindi ko iyon gusto.
“Do you even know that word?”
“Oo syempre, nang-iinit, nilalagnat.” pagmamalaki ko na ikinasira ng mukha niya.
“Mas close ba kayo?” Mabilis kong hinawakan ang kanyang braso kasabay ng mga mata kong namumungay na.
Sandaling nahulog ang tingin niya sa aking braso saka ulit bumalik sa mga mata ko.
“She’s my childhoodㄧ
“Edi close!” halos madismaya ako nang husto sa aking isinigaw. Nabitiwan ko agad ang kanyang braso at pumangalumbaba na. Tumahimik ako at itinuon lang ang tingin sa harap, wala na itong balak kausapin pa.
Kung close sila, edi posibleng maagaw talaga si South. Ito na ata iyong sinasabi sa akin ni Mommy. At ayoko namang mangyari iyon.
Hindi siya nagsalita kaya dahan dahan ko siyang nilingon at gustong masilip ang kanyang mukha. Kagat kagat niya na ang kanyang labi at may tumatakas pa na ngisi roon.
“Di ako natutuwa. Galit ako,” sabi ko sa kanya na mas ikinabaon na ata ng kanyang mga ngipin sa kanyang labi. He’s holding back…
“Hmm, can’t see it.” He tilted his head and licked his lowerlip. Ang kamay ay nailagay na sa aking upuan at tila inaakbayan iyon.
I frowned even more. Kahit ang aking kilay ay ipinagsalubong ko pa nang husto at ngumuso. “Galit ako,”
“You look like a puppy to me…”
Bumuntong ako ng hininga at tumayo. Nang mapansin niya iyon, unti-unting naglaho ang liwanag ng kanyang mukha.
“Uuwi na ako,” gusto kong magtunog galit pero masyado akong nasanay sa malambing kaya kahit patigasin ko iyon ay kusang lumalambot.
Hindi ko na hinihintay ang sasabihin niya at dumaan na sa kanyang harap. Pero bago pa man ako tuluyang makalayo ay nagulat nalang ako nang mabilis rin siyang nakatayo, humarang na sa aking harapan at walang ano-ano’y hinawakan ang aking beywang para iangat ako sa ere.
Nanlalaki ang aking mga mata nang pinaupo niya ako sa desk at itinukod sa bawat gilid ko ang kanyang mga mahahabang kamay. Nasa gitna na siya ng aking hita at tuluyan na akong kinulong.
“Tell me what you feel,” he said huskily as his eyes darkened.
Para akong nahipnotismo ng kanyang paninitig. Na kahit ang aking puso ay nagsimula ring mag-ingay.
Hinawakan ko ang aking pang-ibabang labi at yumuko, hindi alam kung saan ipapapanatili ang gumagalang mga mata.
“Nagseselos ako kasi mas close kayo ni Arih…” mataman kong sabi.
“So you’re jealous…” tila nasisiyahan niyang sabi pero hindi na umabot iyon sa kanyang ekspresyon.
Tumango tango ako, ang aking mga mata ay nasa aking kandungan na, sa mga daliri kong pinaglalaruan ko.
“Nagseselos ako…” pag-amin ko ulit.
Itinulak niya ang aking baba at sinalubong muli ang aking mga mata saka niya ulit ibinalik ang kamay na nakatukod sa aking gilid.
“We’re not that close anymore since I went here…”
“Pero nandito na ulit siya!” Naikuyom ko ang aking mga mata dahil sa fustration ko. Para na akong mahihimatay sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.
Natakpan ko ang aking mukha at itinago ang mukha ko roon. “Aagawin ka niya sa’kin at maiiwan akong mag-isa… Iyon daw ’yon… Maiiwan ako…” sabi ko sa maliit na boses kasabay ng pagloosen ng aking mga balikat. Naiiyak na ako dahil narin sa nararamdaman kong hindi ko na lubusang makilala. Banyaga iyon at nakakapanibago.
Naramdaman ko ang kamay ni South sa isa kong pulso. Humawak iyon roon pero walang balak alisin ang pagkakatakip ko sa aking mukha.
Mas naamoy ko ang kanyang pabango hanggang sa naramdaman ko nalang ang malambot na paglapat ng kanyang labi sa likod ng aking kamay. He kissed it gently that made me calm down for a bit.
“I’m not going to leave you. I’m going to be your direction. I’ll guide you until you find your way home. Until you find me patiently waiting for you…”
26th Hooked
Bagay
Strange feelings. Iyon na ang madalas kong maramdaman nitong mga nagdaan na araw. Hindi ko matukoy-tukoy kung saan iyon nanggaling, kung bakit ganoon nalang iyon kumalat sa aking sistema at halos hindi ko na mapangalanan kung anong tawag sa ganoon.
Naalala ko pa iyong sinabi ni Franca sa akin nang sinabi ko sa kanyang sinabi ko kay South na nagseselos ako.
“Iyong selos, kahit wala namang ginagawang masama sa iyo iyong tao, kahit makita mo lang ang mukha niya, maiirita kana agad. Maiinis kana sa kanya na kahit ang boses niya ay ayaw mong marinig. Ganoon ang nagagawa ng selos.”
“Pero di na ako nagseselos eh kaya hindi na ako galit kay Arih.” sagot ko lang sa kanya. Hindi ko rin kasi talaga ugaling magalit o mainis sa isang tao dahil natatakot akong sila ang magalit sa akin pabalik. Ayoko nang ganoon…
Sunday. Walang pasok kaya pagkatapos magsimba ay bumagsak kami sa bahay nila Tito Jin. Naghahanda ito ng masasarap na luto niya para sa magiging hapunan naming lahat.
“How’s school, Nana?” Tumabi si Tita Sky sa akin nang mamataan ako sa sofa na mag-isang nakaupo at kinukulikot ang aking cellphone.
“Okay lang naman po Tita…” Marahan akong ngumiti na ikinangiti niya rin pabalik.
“Eh iyong pagiging inosente mo, kumusta?”
Kumurap ako roon. “Okay rin po?” Di sigurado kong sagot na ikinatawa niya ng marahan.
“That’s good… Iyong Daddy mo, lately naistress dahil lumalaki kana raw. Gusto kang baby ka forever…” she lightly combed my hair. Ako naman itong natatangay ang mga mata sa malabarbie niyang mukha. Sobrang ganda niya na nahuhulog ka talagang ibigay sa kanya ang buo mong atensyon.
“Wala naman pong magbabago eh,”
Umiling agad siya. “Don’t say that. Delafuente ka. Kahit hindi ka magpaganda, kahit hindi ka magbago, ang panahon mismo ang huhubog sa’yo at lalaki kang higit pa sa inaakala mong ganda. Nasa dugo iyon ng mga Delafuente Nana at hindi mo iyon mapipigilan.” Ngumiti siya at may pinupunto na.
“Talaga po, Tita?”
Tumango siya, “Yes… kaya sana bumilis ang panahon para mas mastress lalo si Jimin at malagas ang buhok dahil sa konsumisyon.” Humalakhak si Tita Sky na mabilis na ikinalingon ni Daddy rito. Kakapasok lang nito at mukhang tumutulong sa paghahanda noong makakain pero napunta agad sa amin ang kanyang atensyon.
“Skyㄧ
“Don’t be so paranoid, Jimin. Pinayuhan ko lang na bigyan ka ng sakit sa ulo para mapanot ka agad pag tumanda kana.” Humalakhak ulit si Tita na ikinasira ng ekspresyon ni Daddy.
“Pinapaalala mo pa eh ngayon pa nga sumasakit na ang ulo ko kakaisip sa mga mangyayari tapos dadagdagan mo pa…” Nailing si Daddy.
“Don’t be so paranoid. Kaya nagkakawrinkles ka eh.”
Binalingan ako ni Daddy na nginitian ko agad. “Opo Daddy, may wrinkles kana po sa forehead.” Pangungutya ko na sabay naming ikinatawa ni Tita Sky.
Bumusangot lang si Daddy at naiiling na nagtungo sa kusina. Naririnig ko na ang boses niya roon kausap si Tito Jin kaya ilang sigundo lang ay sumilip na si Tito Jin sa amin rito.
“Kalokohan?” tanong ni Tito Jin na mabilis na ikinailing ni Tita Sky.
“I am just talking with Nana.” Inosenteng sinuklay suklay ni Tita ang aking buhok.
“Baka binubulungan niya ng kung ano ano ang anak ko, Jin.” sumbong pa ni Dad.
“Come here Scarlet Gail. Tulungan mo ako sa kusina.”
Napangisi naman si Tita ng matamis at awtomatiko nang napatayo.
“Lalandiin mo lang ako sa loob eh,” natatawa siyang nagtungo roon.
Ngumisi si Tito Jin at hinila agad sa beywang si Tita. Pinupulot niya naman ang kanyang braso sa leeg ni Tito at dikit na dikit na sila sa isa’t isa.
“Stop spreading your witch crafts.” Pinatakan niya ng mabilis na halik ang labi ng asawa, “Mas tatanda ng maaga si Jimin dahil masyado ng nag-aalala sa anak niya.” saka nila kapwa binalingan si Daddy na hindi na mahitsura ang mukha.
“Paranoid,” tita teased him.
Nailing lang si Daddy at sinenyasan akong makihalubilo sa may pool area kung nasaan ang mga pinsan ko. Umiling ako at ipinakita sa kanya ang aking cellphone. Bumuntong naman siya ng hininga at itinuro ulit ang labas kung nasaan sina Mommy na tumutulong sa paghahanda noong mesa sa labas. Doon nila planong magset-up ng lunch namin. Tumango ako kay Daddy at tiningnan ang kanyang likod na umaalis na.
Sakto namang nagbeep ang aking cellphone at nakatanggap ng mensahe galing kay Franca.
Franca: Samahan mo ako sa Mall mamayang 3pm Nana.
Ako: Okay! Magpapaalam ako kay Daddy.
Franca: Wag ka magsama ng pinsan mo ha. Tayo lang.
Ako: Sige…
Itetext ko na sana kung bakit hindi pwede kaso tinawag narin ako nila sa labas kaya ipinagkibit balikat ko nalang iyon. Napapansin ko rin kasi kay Franca na ilap siya sa mga lalake. Mas matanda naman siya sa akin pero hindi katulad ng typical na babae sa edad niya ay wala ata itong hilig sa boys. Si Irah lang ata ang masyadong mahilig.
Topic ng mga parents namin ang studies namin. Kinukumusta nila ang mga subjects namin kung nahihirapan ba kami o kung nag-aaral ba kami ng mabuti.
“Hindi namin kayo pinipressure sa pag-aaral. Hindi naman matataas na grado ang basehan ng katalinuhan ng isang tao.” payo ni Tito Rapmon sa amin.
“Yes po Tito, kaya nga hindi ako nagseseryoso.” magalang pang sagot ni Ken.
“Loko loko iyan sa eskwelahan Tito JK. Kabi-kabila ang girls niya.” sumbong naman ni Zera na nag-angat pa ng kilay saka sumubo.
“Mukhang napunta ata ang pagiging international playboy mo sa anak mo, ungas.” si Tito V.
“International playboy pero takot sa babae talaga iyan… torpe.” si Tito Jin naman na ikinahalakhak namin.
“Sinong torpe?” mayabang na tanong ni Tito JK at binalingan si Tita Julie na matamis narin ang ngiti.
“Iyong lalakeng hanggang bintana lang kakatingin sa babaeng gusto niya pala simula pagkabata.” Ngumisi si Tita Celina na ikinahalakhak agad nila Tito.
“May pahomeschool homeschool pa ang lalakeng iyon…” si Daddy naman na inosenteng binalingan si Tito JK. “Kilala mo ba ’yon JK?” saka ulit sila naghalakhakan.
Nailing lang si Tito at ngumisi. “Di niyo ako masisisi, baliw nabaliw ako sa katabi ko.”
Nasira agad ang kanilang ekspresyon dahil sa banat ni Tito. Ang mga pinsan ko naman ay kay Ken ang tingin at nanghuhusga na agad iyon. Tumawa lamang si Ken at nasuklay na naman paatras ang buhok.
“H’wag ka masyadong kiligin Julie. Katabi niya rin ako. Baka ako rin ang tinutukoy niyang asawa mo.” pambabasag ni Tito Suga na mabilis nilang ikinahagalpak ng tawa. Nasa kaliwa kasi si Tito at sa kanan naman ay si Tita Julie.
Noong huminto na sila sa kakatawa ay tinawag ko agad si Daddy.
“Daddy, pwede po akong umalis mamayang 3?”
Mabilis ring natuon sa akin lahat ng kanilang atensyon.
“Sinong kasama mo?” si White agad ang naunang magtanong dahil mukhang pinoproseso pa ni Daddy sa kanyang utak ang magiging sagot.
“Si Franca. Magmamall kami…” sagot ko.
“Franca? Addison’s daughter?” tanong ni Tita Ellie na ikinatango ko.
“Opo,”
“Sinong kasama niyo, Nana?” si Hiro naman.
“Kami lang po dalawa,”
“Sama ako,” si White.
“Edi sasama narin ako,” si Ken naman.
“Sama rin kami. Elle sasama ka?” tanong pa ni Red na ikinatingin naman ni Elle kay Zera na agaran ring ikinatingin ni Hiro sa kapatid at naninimbang ang mga mata. Na kung sasama ito ay sasama rin siya.
“Pero sabi ni Franca kami lang daw dapat…” sumimangot agad ako dahil alam kong silang lahat ang sasama.
“Ano bang gagawin niyo sa Mall?” tanong pa ni White.
“May bibilhin ata siya…”
“Eh ba’t ikaw ang isasama?” mabilis niyang tanong.
“Kasi friends kami?”
“Baby, h’wag ka lang magpagabi ah…” singit agad ni Mommy na ikinangiti ko na.
“Hindi pa ako pumapayag ah?” sigundo naman ni Daddy nang nilingon si Mommy.
“Edi pumayag kana.” sagot ni Mommy.
“Let her have fun, Jimin. Baka nastress iyan sa pag-aaral.” si Tita Ellie.
“Ako rin Ma, nastress.” Madramang nasapo ni Blue ang ulo. “Pahinging pera.”
Tumawa sila dahil sa naging palusot ni Blue. Kahit si Tito V ay naikuyom pa ang kamay at parang may mikropono nang hawak dahil sa kakatawa.
“Bibigyan kita mamaya, Blue…” si Tito V.
“Ako rin Dad! Nastress rin ako!” si Red naman.
“Naestress rin pala ang mga walang utak?” narinig kong bulong ni Zera saka nagpanggap agad na walang sinabi. Kami kaming magpipinsan lang rin naman ang nakarinig dahil nawiwili na ang parents namin sa kambal.
Kaya noong mag3pm na ay si Daddy na ang nagmaneho sa akin papunta sa Mall. Hindi na sumama ang aking mga pinsan dahil kasama ko naman si Daddy.
“Si Franca ba talaga o si South?” tanong ni Daddy na sa akin.
“Si Franca po. Heto po ang text niya,” iniharap ko ang screen ng cellphone ko sa kanya lalo na’t may bagong mensahe si Franca. Nagtatanong siya kung nasaan ako.
Bumuntong ng hininga si Daddy. “Kung nandiyan man si South, umuwi parin kayo ng maaga.”
“Wala po si South, Dad…”
“Baka lang…” Nilingon niya pa ako sandali at ibinalik rin sa daan.
“Gusto niyo po kasama namin si South? Pero si Franca baka ayaw niya po.”
“Wala namang problema sa akin kung si South ang kasama mo. I trust that guy… At malapit rin sa akin ang mga magulang niya. Kaya kung nagkakamabutihan na kayo, wala naman iyong kaso sa akin,sa amin ng Mommy mo. Pero ang akin lang Nana, masyado pang maaga sa ganitong bagay. Magtapos ka muna… Pwedeng pagkatapos niyong mag-aral ay aliwin niyo muna ang mga sarili niyo. Abutin niyo ang pangarap niyo nang sabay, magtravel kayo, gumawa ng mga memories na magkasama, o kahit ano na maisipan niyo basta huwag lang iyong makakasira ng kinabukasan niyong dalawa.” Sumeryoso agad ang mukha ni Daddy at nagsisimula na namang mafustrate lalo na’t nagkakasalubong na ang kanyang kilay.
Tumango tango agad ako kay Daddy. Hindi ko rin kasi alam kung anong makakasira sa kinabukasan namin eh parehas naman kaming nag-aaral ng mabuti. At isa pa, gusto ko ring makapagtapos at maabot ang mga pangarap ko. Ang pangarap sa akin ng parents ko.
“Yes po, Daddy.”
“Hindi ko sinira ang tiwala na ibinigay mo sa akin na ilihim muna sa mga pinsan mo itong paglabas niyo ni South. Pero sana, huwag niyo ring sirain ang tiwalang ibinigay ko sa inyong dalawa. Nagkakaintindihan ba tayo Cana Aleyna?”
Tumango agad ako kay Daddy. Napangiti naman siya at hinila ako papalapit saka hinalikan ang aking noo nang huminto kami sa gitna dahil sa traffic. Niyakap niya ako ng mahigpit bago tuluyang humiwalay.
“If only I can shelter you forever. You’re my angel. Hindi ko alam kung anong magagawa ko kung nasaktan ka Nana. Baka masagad ko ang pasensya ko at makapatay ako…” Dad was so emotional as saying those things to me. Nagniningning ang kanyang mga mata at labis nang nababahala.
“I love you, Dad…”
“Love you too,” he kissed my forehead again.
As a parent, siguro normal lang talaga iyong lubusan kang mag-alala sa anak mo. Ang sabi nila, mas higit pa ang pagmamahal ng magulang sa anak nila kaysa sa ibang mahahalagang bagay sa mundong ito. Iba ang nagagawa ng isang pagmamahal ng magulang para sa anak. Na kahit alam nilang mali, kung iyon naman ang nakakabuti sa kanilang anak ay kaya nilang gawin iyon dahil sa labis na pagmamahal.
Ayoko rin namang umabot sa punto na iyong magulang ko ang mapasama dahil sa akin. Kaya hanggat mabuti ay dapat isipin kong mabuti ang mga desisyon ko dahil sa bawat pagkakamali ng isang anak, may magulang na labis na nagdudusa.
“Nana,” ang boses agad ang sumalubong sa amin nang makapasok kaming dalawa ni Daddy sa Mall.
“Franca,” napangiti agad ako. Si Daddy naman ay lumilinga pa sa likod ni Franca.
“Good afternoon po, Tito.” bati ni Franca at lumapit kay Dad para makipagbeso.
“Good afternoon, anong oras ba kayo uuwi?”
“Siguro po after dito.” sagot naman ni Franca.
Tumango nalang si Dad nang marahan saka ako binalingan.
“Mauna na ako Nana. Text me so that I can fetch you okay?”
“Yes po, Dad.” Humalik ako sa kanyang pisngi saka namin pinanood ni Franca ang paglalakad nito paalis at nagawa pang suklayin paatras ang buhok.
“Iyong Daddy mo sobrang makarisma talaga ’no?” komento ni Franca.
“Iyong Daddy mo nakakaintimidate…” sabi ko naman sa kanya.
“My Daddy is the nicest man I know.”
“Iyong Daddy ko rin,” pagmamayabang ko na sabay rin naming ikinahagikhik.
“Tara, may naghihintay pa sa atin sa starbucks.”
Huh? Akala ko ba…
Hindi ko na natanong kung sino dahil pagkapasok namin, ang pamilyar agad nitong imahe ang kumuha ng atensyon ko.
“Arih, si Nana…” pagpapakilala agad ni Franca sa akin.
“Yes, I know her. Nagkita na kami.” nginitian niya ako kaya napangiti narin ako pabalik. Napansin ko iyong suot niyang dress na fit kumpara sa aking mawavy ang ibaba dahil hindi gaanong nakayakap sa aking katawan. Na pag gumalaw ako ay matatangay rin iyon.
“Namimili kasi ng mga damit si Arih kaya sinamahan ko lalo na’t ayaw pumayag ni Latch pag umalis siyang mag-isa. Sinama narin kita para mas magkakilala kayo.”
Tumango ako at natatangay ang mga mata sa kamay ni Arih kung paano niya sinuklay sa ibang direksyon ang buhok niya hanggang kusa iyong malaglag sa balikat niya.
“Teka, order lang ako ng food ha.” Tumayo si Franca at hindi na ako niyayang sumama sa kanya. Napanguso ako at itinuon ang tingin sa likod nitong pumupunta na sa counter. Nakapants siya at may cute na top. Ang buhok naman ay nakabun habang may nalalaglag na iilang strands ng kanyang buhok.
“Close ka sa lahat ng Buenaventura?” tanong niya sa akin. Ang malambing niyang boses ay agarang kumuha ng atensyon ko.
“Ah, h-hindi gaano…” nahihiya akong yumuko.
Natawa siya sa aking inasal. “No wonder nagkagusto siya sa’yo. You’re adorable…” Itinulak niya ang aking baba at iniharap sa kanya saka siya ngumiti ng matamis. “Ayan, maganda ka naman kaya dapat wala kang ikahiya.”
Medyo naging komportable ako sa kanyang pakikitungo. Nakakagaan rin sa pakiramdam ang kanyang boses.
Nilingon ko sandali si Franca sa counter na kinakausap noong lalakeng nasa harapan para sa order nito saka ko ulit ibinalik kay Arih na hindi maalis alis ang tingin sa akin.
“Bakit hindi niyo kasama si Irah?” tanong ko.
“Iyong malditang pinsan ni Franca? Hindi kami gaanong close eh… at hindi naman iyon palakaibigan. Si Franca lang ang naging close ko kasi noong pumupunta sila sa bukid, si Franca ang mas approachable.”
Akala ko ako lang ang nakakapansin noon kay Irah, pati rin pala ang ibang tao.
“Ganoon talaga ata siya. Napakaopposite nila ni Franca…”
“Oo nga eh, pero alam mo…” Nilingon niya sandali si Franca saka lumapit sa akin. “Kung papipiliin ako sino ang mas maldita, si Franca talaga…”
“Talaga?” Nagugulat kong tanong.
Tumango siya. “Si Irah kasi bulgar ang ugali. Iyong inaasahan mo na talagang mataray, na dapat hindi mo banggain. Iyong may warning na talaga para aware ka na mapapahamak ka pag di mo sinunod. Pero si Franca misteryosa na mabait at anghel. Iyong akala mong safe na daan kasi sobrang tahimik at wala namang nakalagay na warning pero pagtawid mo bigla ka nalang mabubundol ng malaking truck…”
Natakpan ko ang aking bibig at nawindang nang husto.
“Di’ba?” nagugulat niya ring tanong.
“Hindi ko gets,” saka rin ako huminahon na ikinaputol ng thrill sa mukha niya. Imbes mainis ay natawa siya sa akin.
“Nanayo ang balahibo ko sa batok. Pinag-uusapan niyo ba ako?” tanong ni Franca. Kasama niya iyong lalake na dala dala iyong tray ng order niya saka rin nagpaalam at matamis pa ang ngiti kay Franca na nginitian niya pabalik pagkatapos niyang pasalamatan.
“Hindi ah,” Nilingon ako ni Arih, “di’ba Nana?”
Tumango agad ako. “Oo, hindi ko kasi nagets…”
Humagikhik si Arih, halos mamula ang pisngi. “You’re really right about her, Franca. Ang cute niya…”
Umupo si Franca at inilabas isa isa iyong inorder na pagkain. Inilagay niya sa aking harapan iyong frappe at napapangiti narin dahil nahawa na kay Arih.
“Sabi ko naman sa’yo para siyang tagabundok…” marahang sabi ni Franca
“Nakakatuwa siyang kausap. Parang ang sarap niyang kurutin kasi sobrang inosente…” humagikhik na siya ng husto at parang nanggigigil sa akin.
Hindi ako naleftbehind sa kanilang dalawa. Sobrang approachable ni Arih at mabilis siyang madala sa kanyang emosyon. Napakacarefree niyang babae at parang nagpapatangay lang sa alon kung saan man siya dalhin.
Naglakad lakad rin kami pagkatapos. Nawiwili si Arih kakapili ng bibilhin. Minsan si Franca ang namimili na agad niyang sinasang-ayunan.
“Ito gusto mo rin?” Isang duster ang itinapat ni Franca kay Arih.
“Pangit na iyan. Parang hindi na bagay sa akin…” reklamo niya at nagdadalawang-isip. “Pero okay lang rin… pambahay. Di’ba Nana?”
Tumango agad ako. “Cute siya…”
Natatawang ibinalik ni Franca iyon sa pinagkuhanan niya.
“Tagabundok ka rin Arih?” tawang tawa na tanong ni Franca na ikinasimangot ni Arih.
“Ang carefree mo talaga… Kahit siguro pasuotin kita ng basahan ay susuotin mo kasi sabi ko.” Mas humagalpak siya ng tawa. Kami lang dalawa ni Arih ang hindi makarelate kaya sinenyasan niya akong may sungay si Franca at doon lang rin kami nagtawanan.
“Saya saya niyo ata?”
Kapwa kami natigil at napalingon sa pamilyar na boses sa aming likuran. Sabay kaming lumingon roon at nakita si North na may kaakbay na babae. Ang kanyang ngisi ay parang nanghahamon na ng away sa kabila ng pagiging kalmado.
“You’re here?” tanong ni Franca at gumala ang tingin.
“Wala si South,” ang mga mata agad ni North ay napunta kay Arih, nagpaparinig na ewan.
Napansin ko ang pagkakasira ng ekspresyon ni Arih, kung kanina ay gumuguhit pa ang saya, ngayon ay wala ng makitang liwanag roon.
“Bumibili kayo ng damit?” Iginala ang tingin ni North sa nakahelera.
Tumango si Franca at napunta ang tingin kay Arih na nakatitig roon sa kasamang babae ni North. Kahit ako ay napatingin narin sa babae dahil pamilyar iyon sa akin. Parang kaklase namin ito sa P.E. class.
“Hi Nana! Maganda ang suot mo ngayon…” Pinasadahan ako nito ng tingin at ngumiti pa ng malapad.
Nahihiya akong ngumiti pabalik. “Si Mommy kasi namili nito. Nagsimba kami kanina…”
“Let’s go somewhere…” Hindi niya na pinagtuunan ng pansin ang sagot ko at hinila na ang tshirt ni North. Marahan lang yumuko si North ay may kung anong ibinulong, tumatakas ang ngisi na ikinahagikhik noong babae. Ang kamay ni North ay marahan nang sumusuklay sa nakalugay nitong buhok kung saan nakaakbay iyong braso niya.
“Franca, ito ba bagay sa’kin?” May dinampot na si Arih at iyon ang pinagtuunan ng pansin.
“Hindi ka parin talaga marunong pumili ng bagay sa’yo Arih?” North’s smirk grew even wider as his mysterious eyes darkened.
“Maganda naman di’ba?” Ipinakita ni Arih iyon kay North. Tumango lamang ito.
“Akala ko nasira ang mata mo. Ikaw ata ang hindi marunong pumili eh,” saka binalingan ni Arih iyong kasama niyang babae.
North just chuckled without any humor. Para iyong hilaw na ewan. Sumenyas lang siya na aalis na siya na ikinagulong agad ng mga mata ni Arih.
“Bwesit talaga,” nanggigigil niyang ibinalik ang hanger at nalaglag pa iyon kaya pinulot niya ulit. “Nakakainis talaga iyang pinsan mo, Franca. Parang ipinanganak talaga para bwesitin ako.”
“Ewan ko sainyong dalawa, kailan ba kayo nagkasundo?” May kinuhang hanger si Franca at itinapat sa akin ang isang damit. “Ito Nana, bagay sa’yo.”
Tiningnan ko iyon at napangiti. “Talaga? Bibilhin ko…” Akma akong kukuha na ng pera sa dalang slingbag nang ibinalik niya narin iyon.
“H’wag na. Mas bagay parin si South sa’yo,” saka siya humagikhik na ikinanguso ko. Si Arih naman hindi na ata kami naririnig dahil kung ano ano na ang binubulong roon sa mga nakahelerang damit. Mukhang nawala na ito sa mood…
27th Hooked
H O O K E D
Bantay sarado
Hindi matigil tigil si Arih sa kakabulong ng kung ano ano. Gigil na gigil parin siya na hinihila nalang siya ni Franca pag bigla itong nadadaan sa ibang direksyon.
“Mababangga kana sa pader,” palusot agad ni Franca.
“Masakit.”
“Mas masakit pag bumangga ka sa pader. Okay lang sana kung kay Nana kasi malambot siya kaso matigas iyan oh…”
Kapwa kami napasimangot ni Arih at kapwa nagkaintindihan na iba talaga ang tabas ng dila ni Franca. Malambing lang talaga siya at hindi niya idinadaan sa pagtataray ang pagsasalita.
Noong pauwi na kami, nadatnan namin sa parking lot si North roon, mag-isa nalang at nakasandal sa kanyang puting kotse habang nakapamulsa.
Awtomatiko namang sumimangot si Arih. “Franca, magtaxi nalang tayo.”
Nang marinig ni North ang boses niya napunta agad sa amin ang tingin.
“Franca,” tawag niya at binuksan ang backseat. Hinila naman agad ako ni Franca papasok roon.
“Franca!” naiinis na sumunod si Arih. Nang papasok na ito ay mabilis niyang isinara ang pinto saka ito nginitian sa bintana.
“Di kasya ang tatlo dito. Doon ka…” Ngumuso si Franca at tiningnan iyong front seat. Ang nasirang ekspresyon ng mukha ni Arih kanina ay mas lumala pa nang ngumisi na sa kanya si North.
“Bakit ba ang init ng ulo mo? Meron ka?” Sinipat ni North ang suot niyang hapit na hapit na dress na ikinapula ng pisngi nito.
“Bastos ka!” Mabilis na umangat ang mga paperbags na dala ni Arih para ihampas na sana iyon kay North kaso pinagkukuha lang iyon ni North sa kanya at inilagay sa likod ng kotse.
“Kahit kailan talaga ang wild mo pagdating sa’kin…” Humalakhak si Nort. Umikot siya at nagtungo sa front seat, binuksan niya iyon at nasuklay ang buhok paatras, ang tingin ay naninimbang kay Arih na nakahalukipkip.
“Sakay na,” sabi niya kay Arih.
“Nasan iyong babae mo? Ba’t mag-isa ka nalang?”
“Alam mo kung sino ang babae ko,” ngumisi si North at nabasa ang pang-ibabang labi. Naiinis na umismid si Arih sa kabila ng mukha niyang namumula.
“Get in stubborn. O baka naman gusto mong sa bubong ka? May tali ako sa likod.”
Naiinis na nagmartsa si Arih patungo roon at halos ibaon ang pwet sa upuan. Isinara naman agad iyon ni North saka rin umikot. Nilingon ko si Franca na nasa cellphone na ang tingin.
“Normal nila ang ganyan, Nana.” sabi niya pa sa akin saka niya ipinakita ang screen ng cellphone niya. “Ang ganda natin ditong tatlo oh,”
Napapansin ko kay Franca medyo wala siyang pakialam sa nangyayari sa paligid niya pero ang dami niyang napapansin. Ang weird niya talaga… Ang weird nilang mga Buenaventura.
May kung anong ipinasok si North sa may stereo saka niya nilakasan ang volume. Sumabog agad ang pamilyar na kanta sa sasakyan. Teka?
“Turn it off,” naiinis na pinindot ni Arih ang harapan pero agarang hinuli ni North ang kamay niya.
“Oh? Pati favorite song mo inaayawan mo na?” he chuckled evily.
“Mabubugbog talaga kita North. Nanggigigil na ako sa’yo.” galit na nagpumiglas si Arih.
“I missed you too,”
“Ang sarap mo nang bigwasan.”
“Sadista mo pagdating sa’kin ah? I kinda missed pinningㄧ
Sumabog ang sobrang lakas na volume noong kanta kaya natakpan agad ang boses ni North. May kung anong sinabi si North, mas ngumisi lang at mukhang si Arih lamang ang nakarinig dahil sila ang mas malapit. Okay lang ba sila?
“Favorite song rin ni Arih ang favorite song ni South?” wala sa sarili ko na iyong natanong sa aking sarili. Ganoon pala siguro sila kaclose.
Si North ang nag-adjust ng volume at halos ibaon na ni Arih ang kanyang likod nang sumandal siya roon sa upuan. Binalingan ko si Franca sa aking tabi na nasa cellphone parin ang atensyon. Nang mapansin niyang nakatitig ako ay ipinakita niya ulit ang kanyang cellphone.
“Ang ganda ng ngiti mo dito oh…”
“Why do you like that song anyway?” tanong ni North kay Arih. “Sleepless nights… hmm? That’s intriguing huh…” saka ako sinipat ni North sa salamin pero agaran ring binawi at inilipat ulit kay Arih.
“Demonyo,” malutong na sambit ni Arih sa kanya na ikinahalakhak ni North.
“What did I do? Umalis na nga ako tapos ngayon na nagkita ulit tayo ay mang-aaway kana naman.”
“Sinusumpa talaga kita. Napaka ano mo.”
“Napaka ano?” North licked his lowerlip as he glanced at her.
“Napakahayop,” dugtong agad ni Arih.
Hindi ko na nakakayanan ang mga naririnig ko. Ako lang ata itong affected at sobrang nag-aalala na dahil si Franca ay nakatuon ang buong atensyon sa pag-uupload ng pictures.
“Ouch, I’m hurt…” nagpanggap na sinapo ni North ang dibdib pero kalaunan rin ay humalakhak.
Hindi na sumagot pa si Arih at itinuon ang tingin sa labas. Sumeryoso naman agad ang mukha ni North. Ang aking mga mata ay nasa itaas lamang ng salamin, hindi maalis alis sa kanya. Nang mag-angat siya ng tingin ay mabilis rin akong umiwas.
“Close na kayo ni Nana?” Binalingan niya si Arih.
“Pake mo?”
“And you seemed to like her. Siguro…”
“Hindi ako kagaya mong tuso.” galit na sagot ni Arih sa kanya. “I don’t fake my feelings North. Kung gusto ko, gusto ko talaga. At kung ayaw ko, ayoko. Malabong malabo.”
North’s face suddenly darkened. Imbes sumeryoso ay mas sumilay lang ang ngising nakakakilabot.
“Alam mong mahal ako maningil Arih… alam mo ’yan…”
Nakitaan ko ng takot ang mukha ni Arih. Na kahit ang kalahating mukha niya lang ang malinaw sa akin, hindi parin nakaligtas ang gumuhit na kaba roon. Nilingon niya ako. Agad akong nag-iwas ng tingin at itinuon sa labas ng bintana.
“H’wag kang nangdadamay North.” pagbabanta ni Arih.
“Walang madadamay kung walang nakikialam. Kaya sila nadadamay dahil nakikialam sila.”
“Nawawala kana talaga sa sarili mo…” iritang sabi ni Arih.
Doon lamang ako natigil sa pakikinig nang makatanggap ako ng mensahe kay Daddy.
Daddy: Anong oras kayo uuwi? Magpapasundo ka ba sa’kin? I can fetch you.
Nagtipa agad ako ng mensahe.
Ako: H’wag na Daddy. Pauwi na po ako. Sorry di ko agad nasabi.
Daddy: It’s okay, sweetie. Take care. We’ll wait you.
Ako: Okay po :“)))
Naging tahimik na ang loob. Si North ay nakasentro na ang tingin sa harapan. Sandali kaming nagkausap ni Franca pero iyong topic niya ay ang pinamili lang namin na damit. Ako lang ata ang nagpapaapekto sa bangayan ng dalawa. Hindi rin kasi talaga ako sanay na may nag-aaway sa aking harapan. Natatakot ako sa mga ganoon dahil sa bahay, nasasanay akong palaging masaya ang nakapaligid sa akin. Ang mga pinsan ko ay masayahin rin naman kaya siguro naaapektuhan ako sa mga ganoong sitwasyon. Hindi ko naman alam na normal pala nila ang ganoon…
Pagkauwi ko, naging topic ko agad kay Mommy at Daddy ang lakad namin. Nasa hapag na kaming tatlo, nagdidinner.
“May binili po akong damit, Mommy. Si Franca po ang nagpili.”
“I’m sure maganda ang damit na ’yan. Gusto ko ang taste ng mga Buenaventura eh. Marunong sila pumili…” makahulugang sabi ni Mommy at ngumisi pa kay Daddy.
“Masyado mo naman atang binibida ang mga Buenaventura?”
“Kung lahi lang ang pag-uusapan, alam nating magaganda ang lahi nila. At ang laki rin ng naibubuga nila sa mga business. And of course, they’re our family friend.”
Dad swallowed as his forehead wrinkled. “Oh please Ab… she’s just 17. Stop talking to me like our baby is getting married…” Napasandal na talaga si Daddy sa kanyang upuan at hindi na mahitsura ang mukha.
Mommy chuckled at nagawa pang yakapin ang beywang ni Daddy.
“Aww, my baby’s Daddy is getting old…”
“Daddy, baka magkatotoo iyong sinabi ni Tita Sky na mapapanot ka agad dahil sa sobrang stress.”
Natawa si Mommy. “Jimin panot na talaga ang itatawag ko sa’yo!”
“Daddy panot.” panggagaya ko narin kay Mommy na ikinasira ng ekspresyon ni Daddy.
“Pagtutulungan niyo talaga akong dalawa?”
Umiling agad ako. “Sumang-ayon lang po ako kay Mommy…”
Ngumisi si Mommy na ikinailing lang ni Daddy, sinuklay paatras ang buhok at napangisi rin kalaunan.
“Ang kulit mo rin talaga,” kinurot ni Daddy ang kanyang ilong.
Maaga akong pumasok. Nadatnan ko agad si South roon sa kanyang upuan, nasa labas ng bintana ang tingin. Sandali kong napaliguan ng papuri sa aking isipan ang kanyang side profile. Kung paano iyon kaperpekto at ni isang pagkakamali ay wala kang mahanap.
“South,”
Nilingon niya ako. Nang tuluyan akong makalapit ay hinubad ko ang aking backpack saka rin tumabi sa kanya. Kagabi, nagtext siya sa akin na pumasok raw ako ng maaga kaya ang kahinanatnan, kaming dalawa palang sa classroom.
“Bakit? Anong problema?” tanong ko agad.
“I just want to see you early in the morning,”
Ang pag-aalala sa aking mukha ay tuluyang nabura. Akala ko naman may problema siya kaya niya ako pinapaaga.
“Oo nga pala, kahapon ang saya saya namin nila Arih! Ang bait niya tapos si Franca iyong namimili ng mga damit namin. Sinabihan rin siya ng pinsan mo ng tagabundok daw…” humagikhik ako sa aking pagkukwento habang siya naman itong malalim na ang titog sa akin.
“Alam ko. Ipinagmayabang sa akin ng kambal ko na inihatid ka niya sa bahay niyo.” Iritado niyang sabi.
“Kaming tatlo lang naman sana iyon tapos biglang lumitaw iyong kambal mo. May kasama siyang babae tapos nanggigil pa si Arih kasi binubwesit daw siya.”
“Mukhang close na kayo ni Arih…”
Tumango agad ako. “Oo. Kasi ang bait niya… ang bait ng kababata mo.”
Hindi siya kumibo roon. Sandali kong pinagtuunan ng pansin ang buhok niyang messy at hindi niya ata naayos ng husto. Hinawakan ko iyon at inayos sandali.
“Iyong paborito mong kanta… paborito rin pala iyon ni Arih? Iyong pinapatugtog mo?”
Hindi siya kumibo at nagiging malalim na naman ang pag-iisip. Ang misteryosong mga mata ay di mo na naman mabasa at tila lumalayo na naman sa kabila ng imahe niya sa aking harapan. Parang di ko na naman siya maabot. Di ko na naman siya mapunto.
Nang hindi na siya sumagot sa akin ay pumangalumbaba na ako.
“Si Arih at North, madalas ba talaga silang magbangayan? Ang sasakit ng tinatawag ni Arih sa kapatid mo. Tinawag niyang demonyo, hayop at nawawala sa sarili. Tapos sabi niya pa mabubugbog niya na daw si North. Pero sa akin mabait naman si Arih, mabait siya sa amin ni Franca.”
“Sa kapatid ko lang siya ganoon. She’s nice.”
Tumango ako. Normal pala talaga nila iyong dalawa. Di ko lang kasi magets eh… para kasing ang weird.
“Sa P.E. class ba, madalas kayong mag-usap ng kambal ko?”
“Ni North? Minsan pero hindi gaano. Hindi ko rin kasi nagegets eh. Ang weird niya magsalita.” Inunan ko na ang aking mga braso, ang aking mukha ay nakaharap sa kanya.
Itinukod rin ni South ang kanyang siko sa mesa, ang kamao ay nasa gilid na ng ulo at humarap rin sa akin. Tinatakpan niya na ako.
“Avoid him,” deklara niya na ikinasalubong ng aking mga kilay.
“Bakit?”
“Ayokong nakikipag-usap ka sa mga lalake. Yun lang naman.”
“Pero nakikipag-usap ako sa mga pinsan ko… Kay Daddy… Kina Tito…”
He sighed. Umangat ang isa niyang kamay at isinabit ang iilang hiblang tumakip sa aking pisngi. Nanatili sandali ang kamay niya roon at pabalik balik ang paghaplos.
“Ikaw, iyong kababata ko lang ang pinagseselosan mo. Tapos ako, sobrang rami. It’s not fair…”
“Huh? Nagseselos ka kay Daddy? Pero close narin kayo di’ba?”
Ang marahan niyang haplos ay biglang lumapat sa aking noo at pinitik agad iyon.
“Sa sobra mong inosente ang sarap mo rin talagang nakawin at itanan nalang. Ang sarap mong ipagdamot.”
Parang nasunog ang aking pisngi sa sinabi ni South. Ang kakaibang pakiramdam ay sumalakay na naman at binibigyan ako ng hindi ko mapangalanang sensasyon. Basta, nasisiyahan ako at gustong gusto ang ganoong pakiramdam. Sobra.
Iyon ang naging set-up namin ni South araw araw. Maaga kaming pumasok para makapag-usap ng matagal at tuwing hapon, pagkatapos ng klase ay nasa bahay siya namin para manghiram ng notes ko at kumopya. Naging busy narin kasi sa mga pinsan ko sa kani-kanilang pag-aaral kaya naroon na halos ang buo nilang atensyon.
“Nana, since may klase ka at hindi ka pwedeng lumiban sa klase… pwede bang sa pinsan ka muna magstay pansamantala?” Panimula ni Mommy nang magdinner kami. Nangyayari na talaga ito simula noon.
“Pinapatawag ka po ba ni Lolo Rico sa States, Dad?” tanong ko na ikinatango ni Daddy.
“Gusto niyang tumulong muna ako roon sa paghahandle ng business, baby. Since marami na ang mga clients, gusto niyang ako ang humawak noong iba.”
“Sayang naman po at di ako makakasama. Namimiss ko na si lolo at lola…” malungkot kong sabi na ikinalungkot narin ng mga mukha nila.
“You know we don’t want to leave you… pero hindi rin naman pwedeng lumiban ka sa classes mo Nana. At malapit na ang exam. Mahihirapan ka sa subjects mo pag may nakaligtaan ka.” paliwanag ni Mommy.
“Oo nga po eh. But it’s okay! May videocall naman po. Ingat po kayo doon ha.”
“Ikaw rin. At bawas bawasan niyo ang pagkikita ni South tuwing gabi.” si Daddy naman.
“Sa pagiging gwardya palang ni White, hinsi ko alam kung makakalabas pa ba ang anak natin, Jimin.” si Mommy naman.
“Medyo nakakapanatag nga ang ganoon.” Ngumisi pa si Dad at sumubo. Sinapak naman ni Mommy ang braso niya.
“That’s our daughter’s happiness. Hindi naman pwedeng mapressure iyan dahil sa pambabakod ng mga pinsan niya.”
“Calm down, Ab. One week lang naman tayong mawawala. Kahit isang linggo nalang muna silang h’wag lumabas…” saka ako binalingan ni Daddy. “Pwede ba iyon Nana?”
Tumango agad ako. “Opo Daddy…”
Nang gabing iyon ay nag-impake na sila. Ako naman ay nasa kwarto ko na at medyo nalulungkot dahil hindi ko na naman sila makikita.
Tumunog ang aking cellphone kaya mabilis ko iyong tiningnan at nakita ang tawag ni South. Mabilis akong napangiti ng malapad at sinagot agad iyon.
“South si Mommy at Daddy pupunta sa ibang bansa! Maiiwan akong mag-isa sa bahay!” Balita ko agad. Imbes magtunog akong malungkot ay nakalimutan ko na iyong idagdag at nangibabaw ang excitement dahil sa tawag niya.
“I don’t know if that’s a bad news or a good news to you…” sabi niya sa malalim na boses.
“Bad news… di ako kasama at mamimiss ko sila. Mag-isa lang ako… Walang tao sa bahay namin. Si Manang mukhang isasama nila…”
“That’s tempting.”
“Huh?”
“If we’re a couple, it’s like my girlfriend is sending some signals to me to come over and spend the night with her…”
Parang may kung anong kuryenteng dumaloy sa aking batok pababa dahil sa boses niyang may kung anong hatid na sensasyon. Di ko alam kung ba’t bigla akong napapalunok na kahit ang aking puso ay umiingay na naman.
“Ganoon ba iyon?”
“Yeah…”
“Gusto mong pumunta rito sa bahay pag wala na si Mommy at Daddy?” naguguluhan kong tanong.
“Yeah,” napapaos niyang sabi.
“Talaga?”
“I know how to control myself, no need to worry.” paninigurado niya na hindi ko napunto.
“Huh? Anong gagawin mo rito eh nasa bahay ako nila White. Doon daw muna ako.”
I heard him groaned. “You’re such a tease… May pa sabi sabi ka pang mag-isa ka lang pero maiiwan ka pala sa pinsan mo,” iritado niyang sabi sa akin na ikinahagikhik ko.
“Mag-isa nga kasi ako. Iiwan nila akong tatlo kaya doon muna ako kina White…”
He sighed. Ginaya ko rin siya at bumuntong ng hininga. Tumagilid ako sa pagkakahiga at niyakap iyong bigay niyang bunny sa akin.
“Pero sabi ni Daddy sa akin, bawal pa daw ako sa couple couple since minor pa ako.” dagdag ko sa nabanggit niya kanina.
“When you’re already 18 then,”
“Okay!”
I heard him chuckled. Humagikhik narin ako.
“Pero kinakabahan ako South,” pag-iiba ko ng topic.
“Hmm?”
“Paano kung tumawag si Aries? Hindi ko alam kung kaya kong lusutan si White. Pagdating pa naman sa kanya kinakabahan agad ako.”
Hindi agad ito nakasagot. Ilang sigundo pa ang dumaan bago siya napabuntong ng hininga.
“Di ko na iyan problema. Lusutan mo iyan kung kaya mo.”
“Di mo ako tutulungan?!” Sumimangot ako.
“Hindi,”
“Bakit?”
“Just quit being a fangirl.”
Hindi niya rin talaga tinatantanan ang pagiging fangirl ko.
“Pero nasisiyahan ako sa mga kanta ni Aries…”
“Ako nalang manghaharana sa’yo.”
“Seryoso?” Tumawa ako.
“Yeah…”
Tumawa akong muli. Natakpan ko pa ang aking bibig dahil sa pagkagikhik na kahit ang paligid ay nanlalabo na sa aking paningin dahil sa pagkawala ng aking mga mata sa tuwing tumatawa. Iyon ang namana ko kay Daddy eh…
Hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako nang gabing iyon habang nakikipag-usap kay South. Kinaumagahan, mga bagahe agad ni Mommy at Daddy ang bumungad sa akin. Kahit si White at Ken ay nandito na.
“Maiiwan kana naman. Kawawang bata…” naiiling na sabi sa akin ni Ken.
Tumayo si White at lumapit sa akin. Nakasimangot na ako habang pinapanood sila sa may veranda at ipinapasok na ang iilang bagahe.
“Nakasanayan mo narin namang tumira sa bahay,” inakbayan ako ni White.
Tiningala ko siya at mas lalong sumimangot. Isiniksik niya naman ako sa kanyang gilid.
“Ang hilig mong sumimangot,”
Naramdaman ko narin ang presensya ni Ken nang ibalik kong muli ang tingin sa labas. Akma siyang aakbay sa akin nang itinulak agad siya ni White palayo.
“Grabe naman kayong dalawa. Pinsan niyo rin ako pero kung ituring niyo ako ay para akong ulila.”
“Oh eto ang yakapin mo,” Ipinakita ni White sa kanya ang kamao niya kaya nakamot nalang ni Ken ang kanyang batok.
“Sige lang, kayo nalang pala. I love myself,” saka rin siya humalakhak.
Napalingon sa akin si Mommy. Bihis na bihis na siya at handa na talaga silang umalis dalawa. Sinenyasan niya akong lumapit kaya mabilis akong nagtungo palabas ng veranda at dinamba ng yakap si Mommy.
“Mamimiss ko po kayo… Hihintayin ko ang tawag niyo…” Tiningala ko si Mommy.
“We’ll call.” Basta pag may problema sabihin mo agad ha…“
Tumango tango ako. Lumipat naman ang tingin ni Mommy kaya napalingon narin ako roon dahil sa mga pinsan kong nandito narin sa veranda.
“White, I know she’s spoiled to you but please stop spoiling her too much. Patayan mo ng internet kung kinakailangan para makatulog iyan nang maaga.” sabi ni Mommy na ikinanguso ko.
“I will Tita.”
“Pwede namang sa bahay si Nana, Tita. Hindi lang internet ang papatayin ko, pati ilaw.” ngumisi pa sa akin si Ken
Lumitaw si Daddy sa likuran nila at tinapik tapik niya ang balikat ni Ken.
“Tama na ang kakabully sa prinsesa ko, Ken.”
“Nagbibiro lang ako Tito…” halos bumigat ang isang balikat ni Ken dahil sa kamay ni Daddy na dumidiin narin doon.
“Ingat po kayo Daddy…” niyakap ko siya sa beywang kaya doon niya lang tinantanan si Ken. Niyakap niya rin ako pabalik.
Pinatakan ng halik ni Daddy ang ulo ko. “Ikaw rin. Wag masyadong spoiled kay White. Hindi ka pa naman natatanggihan niyan…”
Humagikhik ako roon.
“Nana is not spoiled. Sadyang inispoil lang talaga ni White.” sabi ni Ken.
Hindi na ako sumama patungong airport. Pinaghahakot naman ni White ang iba kong gamit na dadalhin ko sa kanilang bahay. Iyong stufftoy na bigay sa akin ni South ang dala dala ko habang papunta kami sa bahay nila.
“May bago ka atang stufftoy? Di ako ang nagbigay niyan ah?” Umangat ang kilay ni White nang sinipat niya ang dala dala ko.
“Mahilig kaya ako sa bunny. Close friend ko ang nagbigay nito.”
“Ah, si Franca.” mahinahon niyang sagot at nawala ang paghihinala sa mukha kanina.
Pagkapasok namin sa bahay nila ay inakbayan niya agad ako.
“Paano ba yan, bantay sarado kana.” Ngumisi siya sa akin. Doon ko napagtantong mas mahigpit pa pala ito kaysa sa mga magulang ko.
28th Hooked
Siya lang
“Napapansin ko, cellphone kana nang cellphone ah?” puna ni White nang kumakain kaming dalawa ng agahan. His parents left early. Naiwan na naman kaming dalawa at tanging kasambahay lamang ang kasama.
Napatingin siya sa cellphone kong nasa gilid lang ng aking plato na kahit ako ay napatingin narin doon. Nasa screen pa ang text ni South.
“N-Nanonood lang ako ng vids…” kinuha ko iyon at ipinasok sa aking bulsa. Kumunot naman ang noo niya at natatangay ang tingin sa aking cellphone na kahit hindi niya na nakikita ay naroon parin ang kanyang mga mata.
“Imposible namang may lalakeng pumorma sa’yo sa eskwelahan.” sigurado niyang sabi na ikinanguso ko. Iyon narin ang sabi ni Ken. Tinataboy pala talaga nila. O baka tinatakot.
“Bakit kayo ganyan?” sumimangot ako. “Gustong gusto kong makipagfriends tapos kayo naman pinapalayo niyo.”
“Bakit mo kakaibiganin ang lalake kung pwede namang babae nalang?”
“Pero diba unfair iyon kasi nagiging bias ka? Dapat equal ang tingin mo sa lahat. Mapa babae, lalake, bakla…”
Umiling siya. “I don’t see girls as my friends. Dapat ang babae ginigirlfriend hindi binibestfriend. Ibebestfriend mo tapos pag mahuhulog hindi mo sasaluin dahil lang sa friendship? That’s bullshit.”
“Pero may friendship naman na naglalast ah?”
“Don’t argue with me. Kumain ka.” Sinubuan niya ako kaya wala na akong nagawa kundi hayaan nalang na ganoon ang isipin niya. Sasabihin ko sana na kami nga ni South!
Bawat subject ko, nagugulat nalang ako nang namamataan ko si White sa labas ng aking subject. Hindi ko maalala kung kailan siya naging ganito katutok sa akin.
“Bakit ka nandito?” Nanlalaki ang aking mga mata nang napagtanto kong kanina rin sa isa kong subject ay sinilip niya ako.
“Sino bang mga kaklase mo? May close ka diyan?” Sinilip niya ang loob at isa isang tiningnan ang mga kaklase kong lalake.
“Wala. Malilate kana sa subject mo!” Itinulak ko ang kanyang tiyan paalis kaso masyado ata akong lampa kaya hindi ko man lang siya napagalaw.
“Pwede ngang nalilate ang prof…” walang sense niyang sagot at hindi inaalis ang tingin sa loob ng classroom. Hinawakan niya ang aking pulso at pinigilan ako sa panunulak.
“White naman… mas lalo mong tatakutin ang mga classmates ko. Baka pag groupings wala akong makagrupo.” Sinimangutan ko na talaga siya.
Doon lang siya tumigil at inilipat ang tingin sa akin. Akmang may sasabihin ito kung hindi lang may mangibabaw na boses.
“Ba’t nandito ka sa labas, Nana?” tanong ni Cassey na sumulpot narin. Ang mga mata ay agarang nalipat kay White, si White naman ay napunta narin sa kanya ang tingin.
“Naligaw ka ata?” nag-angat ng kilay si Cassey kaya itinuro naman ako ni White.
Parang hindi ko na maputol ang titigan nila. Nagsusukatan at kapwa hindi nagpapaawat. Dumating si Franca kaya sa kanya rin natuon ang atensyon ko.
“Anong dinadasalan niyo dito?” tanong ni Franca nang huminto narin siya sa harapan at pinasadahan kami ng tingin.
Umiling iling ako.
“Tara Nana, pasok na tayo.” Hinila ako ni Franca papasok. Nilingon ko naman ang dalawa na mukhang magbabangayan na naman ata.
Sinabihan ko agad si South na parang nagiging gwardya si White at sinusuyod ang mga subjects ko. Minsan pa naman pag may breaktime, si South palagi ang kasama ko. Namamataan naman kami ni Ken pero pati siya ay nakikihalo rin sa aming dalawa. Noong hinatid nga ako ni South sa bahay namataan rin kami ni Kuya Toshi pero mukhang okay lang naman. Di ko talaga alam kung ba’t ganoon nalang sila ka overprotective eh wala namang nangyayaring masama sa akin. Hindi naman kriminal ang sinasamahan ko na may record sa kulungan o drug pusher na nagbabato. Hindi ko talaga maintindihan.
“Para rin naman sa kapakanan mo iyang ginagawa niya.” sabi niya.
“Pero magagalit iyon pag nakita akong nakikipag-usap sa mga lalake…” Pumangalumbaba ako sa aking upuan.
“That’s better,” wala sa sarili niyang sabi at nakatutok sa librong hawak.
“Di ka pupunta mamaya sa bahay nila White?” tanong ko na agaran niyang ikinalingon sa akin.
“Namomroblema ka nga baka makita tayong magkasama tapos papupuntahin mo ako?”
“Papayag naman ata si White pag tungkol sa school. Eh magkaklase tayo…”
Hindi siya sumagot kaya hindi ko rin alam kung pupunta ba siya o hindi. Late na dumadating ang parents ni White tuwing gabi. Minsan, mga 10pm na daw sabi ni White. Ang sabi niya kasi dinidate pa daw ng Mommy niya si Tito kaya nauuwi sa paggala tuwing gabi ang dalawa at naiiwang mag-isa dito ang pinsan ko. Kaya pala si Ken tambay rin dito.
“Sino bang dinudungaw sa bintana mo?”
Halos mapatalon ako sa gulat dahil sa boses ni White sa aking likuran.
“Ah… Si Southㄧ
Nang marinig ang pangalan ni South ay awtomatiko agad na umangat ang kanyang kilay, ang supladong mukha ay mas naging marahas na akala mo ay hindi maganda iyong nabanggit ko.
“Kasi kaklase ko siya sa ibang subjects at minsan nanghihiram siya sa akin ng notes!” Mabilis kong pahabol na hindi parin ikinaawat ng mga mata niyang naninimbang.
“Asan na ang notes mo? Ako na ang maghahatid.”
Pero gusto ko si South mismo ang pumunta rito…
Umiling agad ako. “Wala akong kasama dito pag iniwan mo ako…”
Kinuha niya ang kanyang cellphone at may tinawagan roon. Ilang sandali lang, may dumating na sa kanilang bahay saka niya rin naman kinuha sa akin iyong notes.
“Laki laki mo na pero pinapabantayan ka parin,” reklamo pa ni Ken nang humilata siya sa sofa at may hawak ng plato.
Nakakafustrate pala iyong may gusto kang makitang tao pero hindi pwede dahil sa mga pinsan mong lalake na akala nila, pag nakipagkita ka sa lalake ay mapapariwala kana. Ilang araw ring ganoon si White. Kahit si South, ilap rin sa akin pero tuwing subjects ay nagkakausap naman kami.
Gabi na at mag-isa nalang ako sa kwarto. 8 pm pa pero nakapatay na lahat ng ilaw sa labas! Hindi ko alam kung umalis ba si White. Minsan nakakapangduda kasi hindi niya naman ako iniiwan. Siguro… umalis kaya siya?
Saktong tumunog ang aking cellphone at ganoon nalang ang pagkagulat ko nang makita ang pangalan ni Aries.
Mabilis ko iyong sinagot at napaupo na sa pagkakahiga.
“Aries?”
“Hey…”
“A-Ano… Napatawag ka?” Gumala agad ang aking tingin sa kwarto. Ang aking mga gamit ay nakaarrange na rito.
“Busy?” tanong niya na ikinailing ko agad.
“Hindi naman. Nasa kwarto lang ako…” Nayakap ko ang aking mga binti at nailagau ang baba sa aking tuhod.
“So, pwede tayong magkita?”
Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Parang ang hirap tumakas sa ganitong kalagayan ko.
“Kasi…”
“I missed you,” he chuckles. “Just an hour and then I’ll drive you home.”
Napangiti ako roon at nakagat ang pang-ibabang labi.
“Okay… Ano, magbibihis lang muna ako.”
“Okay, I’ll send you my location.”
Tumango ako at nagmadali ring magbihis pagkababa ng tawag. Sa sobrang pagmamadali ay kumuha nalang ako ng jacket para iyon na ang maisuot. Halos pigil hininga ako sa paglabas at nagbabakasakaling wala si White kaso sa huli, nahuli niya rin ako at nakagawa na naman ako ng panibagong kasinungalingan.
Nakayuko lamang ako habang nagsusukatan ng tingin si South at White nang sinundo na ako nito. Ayoko na sanang gamitin si South pero napasubo na naman ako. At sa pagkakataon na ito, kay White na ulit. Nakakakonsensya…
“Ikaw palagi ang katext niya?” kahit mukhang kalmado si White sa kanyang tanong ay nararamdaman ko ang pagpipigil sa kanyang boses. Kahit nakaputing tshirt naman ito, parang hindi ko siya masyadong maaninag dahil narin sa yumayakap na dilim sa kanyang mukha.
“Yeah,” kalmadong sagot ni South, nakapamulsa at nakasandal sa dala niyang itim na kotse. Nandito na kami sa labas ng bahay pero si White hindi tinatantanan si South.
“Nagkakamabutihan pala kayo?” Ngumisi si White pero may halo ng tabang. “Ano ’to? Habang naggugrupo tayo? Ginagapang mo ng palihim ang pinsan ko?”
“White,” gumuhit agad ang takot sa aking mukha.
“I don’t have bad intentions. Kaklase ko siya sa ibang subjects at wala siyang kakilala. Alangan naman hindi ko rin kausapin?” kalmadong sagot ni South pero ang mga mata ay madilim na.
Ngumisi lang si White. “Isang mali lang South. Lagot ka sakin.” Pagbabanta niya.
Tumango naman si South at makahulugan narin akong tiningnan. Sinasabi na noon ang itinext niya sa akin na naging linya narin ni White sa kanya.
Pinagbuksan ako ng pinto ni South habang naninimbang naman ang mga mata ng aking pinsan sa amin. Tila naghihintay itong may maling mapuna saka siya sisiklab. Napalunok ako ng kilay nang makita ko ang sobrang seryosong mukha ni White sa labas, nakapamulsa na at kinain na ng dilim ang buong ekspresyon.
Mariin akong napapikit nang tuluyang umandar ang kotse. Alam kong hindi lang si White ang galit…
“Ano na naman bang kasinungalingan ang sinabi mo? Pinapangunahan mo ako sa pinsan mo.” iritang irita na ang boses na iyon.
“S-Sabi ko na tayong dalawa ang may lakad. H-Hindi ko sinabi na si Aries…”
“Why are you so desperate when it comes to him, Nana?”
Nang idinilat ko ang aking mga mata, hindi ko na alam kung anong bumabalot sa kanyang misteryosong mga mata. Galit na ewan na parang may iba pa.
“Kasi fangirl niya akoㄧ
“That’s beyond fangirling. Akala ko ba kontento ka sa pagiging tagahanga niya? Pero bakit pag nakikipagkita ay nababaliw ka?” nilingon niya ako at matalim na akong tiningnan.
Napayuko agad ako. Ito ang unang beses na nakikita ko talaga ang galit sa kanyang mukha na kahit sa kanyang boses ay halatang halata iyon.
“S-Sorry…” nakagat ko ang aking labi at sinikap kimkimin ang luhang nagbabadyang tumulo.
“Di kita maintindihan… Bumibigay ka sa’kin, bumibigay ka sa iba. Ganoon ka ba talaga kaignorante at sarili mong nararamdaman, hindi mo alam?”
“Hindi kaya kami nagkikiss ni Ariesㄧ
“Pero sa t’wing nakikipagkita siya, bumibigay ka. Doon palang, mapagsasamantalahan kana talaga.” parang leyon ang boses na iyon na nagpapikit agad sa akin dahil sa takot.
Parang ang bigat ng aking balikat na kahit ang aking dibdib ay sumisikip. Hindi ko alam kung ba’t ganito ako kaapektado at katakot dahil galit siya sa akin. Hindi ko rin naman kasi pwedeng sabihin kay White ang kay Aries. At totoo naman talaga na palagi kaming magkasama ni South sa school pero namimisinterpret lamang ng aking pinsan iyong sinasabi niyang mahal ko ito. Mabilis lang talaga akong maiyak sa mga taong galit sa aking harapan. Masyadong malalim ang salitang pagmamahal. Imposibleng maramdaman ko iyon sa ganitong edad.
Huminto ang kanyang kotse sa tapat ng hotel kung saan kami magkikita ni Aries. Dahan dahan kong binalingan si South na nakasandal lang sa upuan, singdilim na ng gabi sa labas ng mukha at kahit ang mga mata ay sinasalamin noong kalangitan na walang kakislap kislap dahil sa mga bituing nagtatago.
“A-Alis na ako…”
Tumango siya, ni hindi man lang ako nilingon. Binuksan ko ang pinto at nilingon siyang muli.
“Mabilis lang naman ako sa loob at ’tsakaㄧ
“Gawin mo ang gustong gawin mo. Magpakasaya ka.” matabang niyang sagot na ikinabara ng laway sa aking lalamunan. Naiiyak ako sa kanyang galit na kahit ang aking mga labi ay nanginginig na.
Tumango ako at dahan dahang bumaba roon. Nilingon ko ang kanyang kotse na umaalis saka ko rin nilingon ang hotel. Parang may nagtutulak sa aking h’wag nalang pumasok roon.
Kaso sa huli, pumasok rin ako at sinamahan noong lalakeng sumalubong sa akin kung nasaan si Aries.
Pumasok ako sa isang malaking silid. Ang malalaking salamin sa gilid, carpetted na sahig, mga pamilyar na kasangkapang nakikita ko sa mga Presidential suite.
“You came…” Aries smiled at me when our eyes met.
Parang may kung anong nawawala sa aking loob nang makita ko siya. Iyong excitement na hinaharap ko ay bigla akong pinagtaguan na kahit anong halughog ko sa loob, hindi ko mahanap iyon.
“Have a seat,” Sinenyasan niya akong maupo roon sa malaking sofa na nakaharap sa malaking flatscreen tv kung saan nagpiplay ang cable na channel.
Nagtungo ako roon at naupo ng maayos. Umupo naman siya sa tabi ko at naisandal ang ulo roon, halata ang pagod sa mukha.
“How are you?” he asked hoarsely.
“O-Okay lang. Busy ako sa studies ko eh…”
Tumango tango siya at nilingon ako. “Tomorrow, I’ll be having a mall tour. Gusto mong sumama? Since it’s Sunday…”
Umiling agad ako. “Hindi pwede Aries kasi… ano yung parents ko nasa ibang bansa e,”
“Ipagpapaalam kita kung ganoon,” mataman niyang sinabi.
Natuon ang aking tingin sa kanyang buhok na may panibago na namang highlights hindi katulad noong una naming pagkikita. Maganda at bagay sa kanya iyong bagong ayos lalo na’t naeexpose ang noo niya. Kumpara kay South, mas kalmado ang features ni Aries, mas mahinahon hindi kagaya sa mga mata ni South na kahit kalmado lang naman ang ekspresyon ay tila nagwawala iyon na pag natatamaan ng liwanag ay mas lalong nagiging misteryoso ang malatsokolateng mata.
His fingers snapped infront of my face. Doon ako natauhan at natigil sa kakakumpara sa kanilang dalawa. Kumurap ako at halos hilain ang sariling utak na naglalakbay na sa ibang dimensyon.
“H-Huh?”
“You okay? Parang wala ka sa sarili.”
Naalala ko bigla ang galit ni South, ang pagsisinungaling ko kay White, ang pagiging fangirl ko na parang mas lumalala na.
“Ah… Aries, pwede bang huli na ito?” biglaan ko nalang iyong nasabi. Na kahit ako ay nagulat rin nang makita ko ang gulat sa kanyang mukha.
“Why?” Medyo natawa siya, “Akala ko ba fangirl kita? Pero ba’t parang ikaw itong walang gana sa t’wing nakikita ako?”
Umiling iling ako. “Hindi! Masaya ako pag nakikita kita! Minsan ay naiiyak ako sa tuwa kasi ang katulad kong simple lang ay napapansin mo. Pero minsan, naiisip ko rin… fangirl lang naman ako. Kontento na ako pag sinusuportahan kita sa mga achievements mo. Kontento na akong tingalain ka. Kontento akong maging ganoon kasi alam ko namang may mga bagay na hindi pwedeng abutin.”
He chuckled even more. Hindi ko alam kung natutuwa ba siya o sarkastiko na iyon lalo na’t napakatabang.
“I am giving you the opportunity to reach me, Nana. Anong problema? Bakit mailap ka? Ganoon ba talaga kataas ang mga standards niyong Delafuente?” his gaze suddenly change.
Akma na sana akong tatayo nang biglang humarang ang kanyang kamay sa aking gilid. Nasa pinakadulo na ako ng sofa kaya hindi ko na kayang makawala pa.
Bumuntong siya ng hininga at yumuko. Naamoy ko agad ang nakasanayan kong pabango niya, pero parang hindi iyon nagugustuhan ng aking ilong dahil may mas gusto na silang pabango.
“Am I too busy?” dismayado niyang tanong na mabilisan kong ikinailing.
“Hindi!”
Nag-angat siya ng tingin at inilebel ang mukha sa akin. Timitig siya ng matagal hanggang sa bumaba iyon sa aking labi. Pero bago pa man may mangyaring kung ano, narinig ko na ang pagkabukas ng pinto.
“Sir nagpumilit po!” sigaw noong gwardya.
South, in his raging anger, barged in and pulled me away. Sa sobrang lakas noon, mabilis akong nadikit sa kanya at nalayo kay Aries.
Nagugulantang pa ako sa kanyang imahe, sa mga gwardyang nakikusyoso na at kay Aries na humabol at padarag akong hinila. Pero imbes na ako ang mahila, nanlalaki nalang ang aking mga mata nang mahila rin ni South si Aries palapit sa kanya at sinalubong ng malakas na suntok ang mukha nito.
Nabalot ng dilim ang mukha ni South na kahit ang mga mata ay parang sinilaban narin ng matinding apoy dahil sa galit. Walang mabasa sa kanyang mukha pero mangingilabot ka dahil sa mga matang nagbabanta na ng gyera.
“What the fuck,” daing ni Aries nang matumba siya. Ang mga gwardya ay akmang hahawakan si South pero hindi iyon natuloy dahil lang nilingon niya ito.
“Sino ka para gawin ’to saakin?” galit na tumayo si Aries at nagbabanta narin ang tingin. Halos magkasalubong ang kanyang kilay nang pahiran niya ang labi niyang dumugo.
“Artista ka lang, buenaventura ako. Wala iyang artistahing mukha mo pag binasag iyan ng kamao ko.” malamig na tugon ni South saka ulit ako hinila paalis doon. Ang tanging nagawa ko nalang ay lingunin si Aries na hindi na mahitsura ang mukha. Nakagat ko ang labi at pinigilang hindi maiyak.
Nakagawa ako ng malaking gulo at alam na alam ko ang bagay na iyon. Lalo na noong makarating kami sa kotse, kung paano marahas na isinara ni South ang pinto na halos ikatalon ko sa aking upuan.
“Hindi purket sinabi kong magsaya ka, magpapatangay kana. Paano kung hindi ako sumugod? Hindi mo ba naisip kung ano ang mangyayari sa’yo sa loob ng hotel na iyon?” His eyes darted on me when he finally gets in. Halos ilugmok ko ang aking sarili sa kinasasandalan kong upuan dahil sa takot at nakakasindak niyang boses. Masyado pang malinaw sa akin ang pagsuntok niya kay Aries, ang nagliliyab niyang galit na hindi mapapatay ng tubig kahit buhusan mo ng ilang ulit.
Itinuon niya ang atensyon sa harap at nagsimulang magmaneho. Yumuko ako, nilalaro ang mga daliri sa kandungan at halos humagulhol na.
“I told you that you could have fun, but I didn’t say you could flirt around with a guy like him. Pagsasamantalahan lang noon ang pagiging inosente mo!” Humagalpak ang kanyang kamay sa manibela dahil sa marahas niyang paghampas roon. Nagsimula akong pumakawala ng hikbi, hindi na nakontrol ang sariling emosyon.
“Pinapahamak mo talaga ang sarili mo dahil diyan sa pagiging ignorante mo.”
My shoulders rocked repeatedly as i cried while rubbing my both eyes. Sunod sunod ang pagtakas ng malalaking luha sa aking mga mata at hindi na mapigil ang boses sa paglikha ng nakakabinging iyak.
“K-Kaya nga itinigil ko na k-kasi…” kinain ng aking iyak ang aking boses. Gustuhin ko mang magpaliwanag, gustuhin ko mang sabihin sa kanya na iyon na ang huli ay hindi ko na magawa.
Huminto ang kanyang kotse. Sandali akong tumigil sa pag-iyak at sinilip kung nasaan kami. Nasa kalsada pa pala.
“Labas,” malamig niyang sabi na ikinagulat ko. Mas nanlabo ang aking mga mata at deri-deritso ang pagpatak ng malalaking luha roon.
Tumango ako, nakagat ang labi dahil sa panginginig noon.
“S-Sige… maglalakad nalang a-ako pauwi…” Humihingos kong sabi at halos hindi na makahinga ng maayos.
South glanced at me as his brows furrowed. “Labas dahil lalabas rin ako,”
“A-Akala ko kasi…” Hindi na iyon natuloy dahil sa pag-iyak kong muli. He bit his lowerlip, trying to maintain his anger but couldn’t help not to smile.
“Hindi kita pwedeng iuwi sa namumugtong mga mata. Mas pag-iinitan lang ako lalo ng pinsan mo.”
Pinunasan ko ang luha at tiningnan ang imahe niyang nauna nang lumabas. Lumabas narin ako pero nagulat nalang ako sa kanyang imahe roon, mabilis akong sinalubong at idiniin sa kanyang dibdib. Hindi nakatakas sa akin ang pabango niyang nagbigay sa akin ng komportable. Na dito ako nababagay at ganitong amoy lang dapat ang sobrang lapit sa akin.
I clutched his tshirt and cried harder on his chest while his arm wrapped around my small waist as he hugged me tigthly. Naramdaman ko sa aking ulo ang pagdampi ng kanyang labi, kung paano dumapo ang kanyang hininga roon at tila may dinadalang mabigat na bagay sa kanyang balikat kaya ganoon nalang kung huminga.
“If you let other guys see that vulnerable side of yours, you don’t know what could happen… You got it Cana Aleyna?” he said hoarsely.
Tumango ako at mas ibinaon ang mukha sa kanyang dibdib. My eyes shut close as he plant a kiss on my head. Parang may kung anong sumabog sa aking loob at napagtanto kong walang pwedeng gumawa sa akin ng ganito, katulad ng sinabi niya. Kundi siya lang…
29th Hooked
H O O K E D
Sugod
Yakap ang dalawang binti, ang baba ay nasa tuhod, pinagmasdan ko ang magandang citylights na nakikipagkumpetensya ang pagkinang sa mga bituing nagkalat sa kalangitan. Hindi ko alam kung nasaan kami, pero ang sabi ni South ay property raw ito ng mga Buenaventura. Binili ito ni Tito Tres kaya pribado ang lugar na ito at hindi basta basta napupuntahan ng kung sino sino lang.
Ang aking mga kamay ay naaliw sa kakabunot noong maliliit na damo sa aking gilid. Nasa tabi ko naman si South, nakatukod ang magkabilang kamay sa likuran at halos humiga narin, ang tingin ay nasa harap lang.
“Ang ganda ng lugar na ’to…” panimula ko at nilingon si South.
Binasa niya ang pang-ibabang labi pero hindi na nagawang lumingon sa akin. Kalmado na ang kanyang ekspresyon at ang mga misteryosong mga mata ay nagkakaroon na ng liwanag dahil sa ilaw noong buwan.
Hinawakan ko ang manggas ng kanyang damit at hinila hila iyon para kunin ang kanyang atensyon. Nang lumingon siya sa akin ay agad na naging mapungay ang aking mga mata at napanguso.
“Sorry… binigyan na nga kita ng sakit sa ulo kay White… pati kay Aries ay idinagdag ko pa…”
“You’re such a troublemaker. Ikaw lang ata itong mabait na imbes lumayo sa gulo, kusa ka pang lumalapit.”
Napayuko ako. Binitiwan ko ang kanyang damit at niyakap muli ang aking binti. Natatamaan ako sa kanyang sinasabi dahil alam kong totoo naman talaga iyon. Kung tinanggap ko lang sa umpisa na hanggang doon lang ang pagiging fangirl ko, hindi siguro ako makakagawa ng mga desisyon na alam kong may masasaktan at magagalit. Pag nalaman ito ng mga pinsan ko, sigurado akong malalagot ako. Lalo na kay Daddy dahil para narin akong nagsinungaling sa kanila.
Ang lamig na bumalot sa aking katawan kanina ay napalitan ng panibago. Bago ko pa man mapagtanto kung ano iyon, yumapos na ang mga braso ni South sa aking beywang na kahit ang kanyang magkabilang binti ay nasa gilid ko narin at dumidikit na sa akin. He placed his chin on my shoulder as he snuggled on my neck while hugging me.
Uminit ang pisngi ko na kahit ang aking puso ay hindi ko na mapanatiling kalmado dahil sa sobrang lapit ni South sa akin. I can even feel his breath on my neck…
“Mas mabuti naring alam ni White na nagkakamabutihan tayo para mabawasan rin ang sakit sa ulo ko.” he whispered deeply as his lips touched the skin of my neck. Na sa bawat pagsasalita niya ay sinisigurado niyang tumatama ang labi niya roon para patindigin ang balahibo sa aking batok.
“Sakit sa ulo mo si White?” tanong ko at nilingon ito pero mas isiniksik niya lang ang kanyang mukha sa aking leeg.
“Yeah… Sakit sa ulo, sakit sa mata.”
My eyes shut close as I felt his tongue on my neck. Aksidente iyong nasagi habang nagsasalita siya na kahit ang kanyang hininga ay nararamdaman ko narin.
“Ang dami mo namang sakit.” wala sa sarili kong sabi at itinagilid ang aking ulo para mas bigyan siyang laya roon.
“Your fault,”
Dumilat akong muli at napangiti na dahil sa posisyon namin. May mga lugar palang magandang tingnan at may mga posisyon ring masarap sa pakiramdam. Ngayon ko lang napagtanto na masarap labagin ang mga bawal lalo na kung ganito naman iyon kakomportable sa pakiramdam. Iyong halos hilingin mo na sana ay ganito na kayo habangbuhay. Okay lang kahit mapagalitan ako ng mga pinsan ko, okay lang…
“Di na ako fangirl,” masaya kong sabi.
“Hmm, that’s good.”
I put all my weight on him. Nakasandal na ako sa kanya na kahit ang aking ulo ay nasa kanyang balikat na at inuunan iyon.
“Edi wala kanang secrets na itatago. Iyon lang naman ang sekreto ko kaya naging malapit tayo…”
“Still, you need to hook with me.” mataman niyang sabi.
“Huh? Bakit?”
“You don’t know yet?” Umangat ang kanyang kilay sa akin.
Umiling ako.
“Babae kita,” he flashed a smirk.
“Babae mo ako?!” Bumangon na talaaga ako dahil sa gulat. Tumango siya at hinila muli ang aking beywang kaya bumagsak muli ang aking likod sa kanya.
Naririnig ko na ang mga linyang iyon sa aking mga pinsan. Iyong mga “babae” daw nila na paiba iba. Ibig bang sabihin, ako rin ay kagaya na ng mga pinsan ko?
“Edi ako rin may lalake narin ako?” tanong ko sa kanya na ikinatango niya, kagat kagat na ang pang-ibabang labi.
Sumimangot ako. “Bakit hindi girlfriend at boyfriend?”
“We can’t label it yet since you’re still minor and your cousins might get mad if I didn’t court you. Magpapagoodshot nalang muna ako,”
Sabagay rin. Pero sigurado akong magugustuhan naman siya ng mga pinsan ko. Kahit na si Kuya Toshi, pag nalaman niyang si South naman ang lalakeng nakakamabutihan ko, matutuwa rin iyon dahil magpinsan ang Mommy nila. Si Mommy nga natutuwa kasi family friend ang mga pamilya namin, kaya dapat ganoon rin ang mga pinsan ko.
“Si Aries, sinuntok mo…” pagpapaalala ko nang tumahimik na ito.
Itinukod niya ang kanyang siko sa likod kaya halos mahiga narin ako kakasandal sa kanya.
“That’s the best feeling ever,” sagot niya na ikinalaglag ng panga ko.
“Ang manuntok?! Imposible namang tinuruan ka ni Tito Uno nang ganyan…”
Humiga siya nang tuluyan hanggang sa kapwa kami bumagsak sa malambot na maliliit na damong naroon. Tumagilid siya paharap sa akin kaya dumaosdos ang ulo kong nakaunan sa kanyang balikat at napunta sa kanyang braso.
“Did I scare you?” he lowered hisself to me.
Tumango ako at natatangay na sa mukha niyang bumabalandra sa aking harapan. Imbes na alalahanin iyong galit niya kanina ay naisatabi ko na dahil mas kinukuha ang aking buong atensyon ng kanyang mga mata. There’s really something about his eyes… Na kahit ang sinag ng buwan na tanging nagbibigay ng ilaw sa amin ay hindi ako mabigyan ng sagot kahit na ilawan niya man iyon. Ano ba talagang meron sa mga mata nila at hindi mo mabasa basa? Ngayon lang ako nakakita ng ganitong pares ng mga mata na kahit anong titig mo ay mahuhulog ka lang lalo pero hindi mo alam kung gaano kalalim ang babagsakan mo.
He gently combed my hair using his fingers. Umangat sandali ang tingin niya roon pero bumalik rin sa aking mukha. Mariin akong napapikit at halos maghintay ng milagro. Na mangyayari iyong iniisip ko at dapat ay handa ako.
“What are you doing?” tanong nito.
“Baka kasi halikan mo ako, dapat daw nakapikit eh,” base narin sa sinabi ni Cassey sa akin.
Pero imbes may lumapat ay wala akong naramdaman. Dumilat ako at nakita si South, nakangisi na.
“B-Bakit?” Namumula ang aking pisngi at tinubuan ng kahihiyan. Bakit parang nakakahiya ata na binanggit ko ang ganoong bagay? Sa ngisi rin kasi ni South parang nanunukso na.
“Akala ko lang namaㄧ my eyes widened when he claimed my lips fully. Ilang sigundong nanlalaki ang aking mga mata at nagugulat parin dahil sa kanyang atake. His lips were starting to move in a familiar rhythm. His movements were so gentle as he nibbled my upper and lowerlip. Ang kanyang kamay ay nasa aking pisngi na, marahan iyong hinahaplos.
“Too bad my innocent girl doesn’t know how to kiss…” nanunuya na ang malalim na boses na iyon at nararamdaman ko pa ang kanyang pagngisi.
His kisses travelled on my jaw until I felt his breath on my ear.
“Next time, I’ll do worst than this. Grow up faster…”
Masaya. Sa sobrang saya ng nararamdaman ko, pagkahatid ni South sa akin sa bahay nila White ay nagtatalon na ako. Nahilamos ni White ang kanyang mukha at nameywang na. Itinuro niya pa ang sofa at parang nagpipigil ng galit na akala mo ay babysitter ko siya.
“Upo doon,”
“Teka magkukwento akoㄧ Nang makita ko ang talim sa kanyang mga mata ay deritso agad ang aking paglalakad papunta sa sofa at doon umupo. Bumuntong ng hininga si White, nahilot sandali ang sintido saka niya ako muling tiningnan.
“Isang oras lang pero late kayo ng dalawang minuto,” iritado niyang sabi. “May ginawa ba kayong kalokohan?”
Umiling agad ako. Wala naman akong matandaan na may ginawa kaming kalokohan. At dalawang minuto lang naman kaming nalate.
Nagtungo siya sa akin at tumabi. Hinawakan niya ang aking baba at inangat. Sinuri niyang mabuti ang aking leeg at hindi ko alam kung anong hinahanap.
“Anong meron?” tanong ko.
“Hinubaran ka ba niya? Hinawakan?” sunod sunod niyang tanong na ikinakunot ng aking noo. Huminahon ang kanyang mukha pero may gumuhit rin na pag-aalala.
“Hindi niyo pa ba napag-aaralan ang seㄧ ang sexual intercourse?”
“Napag-aralan…”
“Oh tapos?”
Nahawakan ko ang aking labi at napatingala para alalahanin iyong napanood kong videos.
“Mga maraming kiti kiti lang naman iyon na nag-uunahang lumangoy patungo roon sa butas tapos iyon na ang maglalakbay sa loob at mafoform na baby. Di nga ako makapaniwala na para pala tayong butiki sa loob ng tiyan ng Mommy natin noon.” Humagikhik ako na ikinabusangot ng mukha ni White.
“Nagsisisi na ako kung ba’t masyado kitang binibaby.” dismayado niyang sabi at nagawa pang umiling.
Ngumisi ako kay White saka ko siya niyakap.
“Thank you parin at pumayag ka! Ang saya saya ko…”
His shoulder loosened as he touched my back for support.
“Isang pagkakamali lang ng South mo, ako talaga mismo ang hahadlang diyan sa kasiyahan niyo.” pagbabanta niya na ikiusbong ng takot sa aking dibdib.
“Pero kung hindi naman kayo masaya sa kasiyahan ko… pwede ko namang isantabi nalang muna.” Humiwalay ako sa pagkakayakap kay White at tiningnan ang mukha nitong seryoso na.
“Di ko alam kung nangongonsensya ka lang o ano…” aniya
Ngumuso ako at nag-iwas ng tingin. Itinukod niya naman ang kanyang siko sa sofa at idinikit ang kamao sa gilid ng kanyang ulo, ang buong atensyon ay nasa akin na.
“If you really like him that much then I’ll give him to you since I’m spoiling you too much…” banayad niyang sabi na marahang ikinalaki ng aking mga mata.
“Talaga?”
Tumango si White. “Pumayag na nga akong magkita kayo. You sneak out, Nana. At ang mas nakakagulat ay gabi pa. Ganyan kana kaagresibong suwayin ang bawal dahil lang sa lalakeng iyan. Baka sa susunod, pag masyado kang hinigpitan ay makipagtanan kana.” Mariin na ang kanyang tingin sa akin na agaran kong ikinayuko.
“Kasi alam ko hindi naman kayo pumapayag pag may close kaming lalake…”
“Dahil hindi mo alam ang mundong nasa labas.”
“Kaya nga lumalabas akoㄧ
“Sagot pa.” putol niya agad na ikinakagat ko nalang ng aking labi. Ngumuso ako at nag-angat ng tingin kay White na lumalabas na ang linya sa noo dahil sa pagkakafustrate sa akin.
“Stress ka?” tanong ko na ikinabusangot niya lang.
May parte sa akin ang nalulungkot dahil alam kong hindi na kami magkikita ulit ni Aries pero may parte rin sa akin ang natutuwa dahil ang isa sa pinagkakatiwalaan kong lalake ay pumapayag na sa mga gusto ko. Hindi ko alam kung papayag ba si White na pagtakpan kami ni South pero hindi naman magiging matagal iyon dahil ilang buwan nalang, magiging 18 na ako.
“Lolo Rico!” Kumaway ako sa camera nang makita ko ang imahe ni Lolo. Medyo visible na iyong wrinkles niya at mukhang pagod pero hindi parin nawawala ang angking kagwapuhan nito.
“How are you, younglady?” tanong nito sa buong boses.
“Okay lang po! I’m with White po,” sabi ko habang naglalakad patungo sa kwarto ni White. Gabi na kasi…
“White!” Kumatok ako roon saka ko pinihit at pumasok. Nadatnan ko itong nakahilata sa kama kaya naglakad ako papunta sa kanya at tumabi. Umunan narin ako sa kanyang unan at itinapat ang camera sa mukha nitong seryoso. Ang cellphone na hawak ay nailagay niya na sa gilid.
“You really look like your father,” gulat na sabi ni Lolo Rico nang makita na ang kabuuang mukha ni White sa camera. I giggled playfully. Mabilis namang nakita ang mukha ni Lola roon at kumaway kaway agad.
“Oh, Nana… your laugh resembles your Dad so much. Nawawala rin ang mga mata!” Lola’s laughter filled the place. Nagkasalubong pa ang kilay ni Lolo at mukhang naingayan kay Lola.
“Mga apo natin ang gaganda at guwapo!” palingon lingon si Lola sa amin at kay Lolo na ngumingisi na.
“Dapat ay ipagpasalamat mo na ako ang naging asawa mo kundi hindi kita malalahian ng ganyan kaganda at gwapong apo.” mayabang na sabi ni Lolo.
“Hoy Rico, sino kaya itong patay na patay sa akin noon ha?” Lola fired back.
Humagikhik ako at nakita pa ang aking parents sa ibang dako ng camera.
“Mommy! Daddy!” Kumaway agad ako.
“Nana, baby!” Nakisali narin si Mommy.
“How are you? White, kumusta diyan ang baby ko? Inaalagaan mo ba ng mabuti?” Mommy’s voice became soft as she glanced at my cousin.
“Yes, Tita. Spoiled nito…” Makahulugan pa akong nilingon ni White.
“Kayong dalawa, bilisan niyo ang pag-aaral diyan para makasunod na kayo.” si Lolo.
“Di’ba at fashion designer ang kinuha nitong si Nana? Dapat ay dito iyan ipinag-aral, Abbegail. Malaki ang magiging papel ng batang iyan pag nahasa sa pagiging fashion designer. Sisikat iyan ng mabilis dito lalo na’t napakaganda…” si Lola naman
“Lola, gusto ko po dito sa Pilipinas kasi nandito ang mga pinsan ko.” paliwanag ko agad nang nakita ko rin sa mukha ni Mommy ang pagsang-ayon.
“Wala tayong magagawa, iyon ang gusto ng bata.” si Lolo naman.
“Hindi malabong sumikat si Nana, Jimin. Ihanda mo na ang sarili dahil alam kong pipilahan iyan,” pang-aasar pa ni Lolo kay Dad na sumimangot agad.
Natawa si Lola at Mommy.
“Para naman maranasan niyo iyong ipinaranas niyo sa akin noong kaedaran niya iyang anak niyo. Ang rurupok niyo sa pag-ibig. Kung may sakit lang ako baka matagal na akong nastroke sa inyo ni Suga dahil sa ibinibigay niyong problema.” si Lolo.
Napangisi si White habang ako naman ay humagalpak na ng tawa.
“Mabait ako noong kaedaran ko si Nana, Dad!”
“Anong mabait?! Nilinlang mo ako!” si Mommy na tumaas agad ang boses.
“Anong ginawa mo kay Abbegail, Jimin?” pagkampi naman agad ni Lola.
“Mga babae ang hilig magthrowback. Pinakasalan na nga hindi parin makontento.” Inilayo na ni Lolo ang camera at solo nalang siyang nakita roon.
Si Lolo ang nakadaldalan namin ng matagal. Si White nakikinig lang at sasagor pag kakausapin. Ako itong madalas dumaldal. Doon lang iyon natapos nang pinapatulog na ako dahil may pasok pa bukas. Doon nalang ako natulog sa kwarto ni White.
Sabay na kaming pumasok kinabukasan. Nasa entrance palang kami ni White ay nakita ko na ang imahe ni South na kakaswipe lang noong ID niya sa main gate.
“South!” sigaw ko agad at akmang kakaway nang mapagtanto kong masyadong malakas ang aking boses kaya nagsilingunan ang iilan.
“Kung makaasta akala mo hindi nagkita ah…” saway ni White sa akin.
Nasa amin na ang tingin ni South at nakapamulsang naghintay sa hinintuan niya. Awtomatiko namang umangat ang kamay ni White sa ere hanggang nahulog iyon sa pag-akbay sa akin.
“Good morning,” I greeted him softly. Tumango lamang si South, hindi natatanggal ang tingin sa kamay ni White.
“Sabay na tayo papuntang classroomㄧteka!” Napasimangot agad ako nang iginiya ako ni White paalis sa harapan ni South. Akma ko pa itong lilingunin kaso itinulak lang iyon ni White pabalik sa harapan.
“Ang sama mo… Iniwan mo si South,” pahayag ko.
“Alangan namang siya ang ihatid ko?” inangatan niya ako ng kilay kaya hindi nalang ako sumagot pa.
Nagbigay lang ng pointers ang mga prof para sa magiging examination. Next week na ang exam kaya ganoon nalang kabusy ang mga estudyante kakareview.
“Pupunta ka mamaya sa bahay nila White?” tanong ko kay South pagkatapos ng aming subject. Pinagpapasok ko na ang aking mga gamit sa loob ng aking packbag.
“I will,” sagot niya na ikinangiti ko.
“Talaga?”
Tumango siya at pinanood ako sa ginagawa.
“Bukas Sunday, baka magyaya ang pinsan mong si Franca ng gala. Sumama ka rin ha…”
“Ang dami mo atang schedule. Ganoon ka kasabik sa akin at gusto mo akong araw arawin?”
Natawa ako roon. Nalipat naman ang kanyang tingin sa ginagawa ko hanggang siya na mismo ang kumuha noong ilan kong gamit at kahit ang aking packbag ay hinila niya narin saka iyon pinagpapasok sa mabilis niyang galaw.
“You’re so slow…” aniya
Ngumuso ako at namangha sa mabilis niyang kilos. Napapansin ko pa ang maugat niyang braso na napapansin ko rin sa mga lalake kong pinsan.
“Bakit kayo maugat?” Dumampi ang aking hintuturong daliri sa ugat na naroroon sa kanyang braso at wala sa sariling sinundan iyon. Sandali siyang natigilan at pinagmasdan ang aking daliri na napupunta na sa dulo ng kanyang kamay.
“Because we do things in a hard way, fast and rough…” may pinupunto niyang sabi na hindi ko gaanong naintindihan dahil ang buo kong atensyon ay napunta na sa kanyang braso.
“Meron din dito,”
Nag-angat ako ng tingin sa kanya at nakita siyang itinuro ang kanyang leeg. Lumapit ako lalo para makita lamang iyon kaso kasabay rin noon ang pagyuko niya at pagdampi ng kanyang labi sa aking noo.
“Nabangga,” he smirked at me.
Ngumuso ako at napagtantong wala naman pala.
Dumeritso rin naman agad ako sa P.E. class ko pagkatapos. Ang imahe agad ni North ang kumuha ng aking atensyon. He was smiling at me like we haven’t seen each other in a month.
Nagpapractice kami ng magiging presentation na magiging parte noong exam kaya napadpad kaming lahat sa gymnasium. Itong si North naman ay napapadpad sa aking grupo dahil sa pakikipagdaldalan sa akin.
“You look happy,” puna niya.
Ngumiti ako sa kanya.
“Kayo na?”
Sasagot na sana ako kung hindi lang pumaibabaw ang kanyang halakhak.
“Imposible rin pala…” nang-aasar na ang boses na iyon na ikinasimangot ko. Alam kasi ng lahat kung gaano kahigpit sa akin ang mga pinsan ko.
“Baka sa susunod niyan umiiyak kana ha…” Ngumisi si North sa akin ng makahulugan. Katulad ng sinabi sa akin ni South sa akin, kahit nakangiti ito o mukhang masaya, mukhang kabaliktaran naman ang nararamdaman ko. May kung ano sa ngisi niya na hindi ko mapunto at parang may tinatagong kakaiba. Iyong parang may binabalak na masama kahit wala naman….
Sumabay ako ng uwi kay Franca at nagdesisyong sumama sa kanya papunta sa kanilang bahay. Ang sabi niya, wala pa ang kanyang parents at mukhang matatagalan roon sa kompanya. Kasama naman namin si Arih na kanina pa nakahalukipkip sa sofa kumpara sa amin ni Franca na nandito sa carpet nilang sahig at nakahilata habang kumakain ng matatamis.
Malaki ang bahay nila Franca. 3storey iyon at may swimming pool sa labas. Ang malaki nilang garahe agad ang bubungad sa’yo pagpasok at malapad na veranda. Kumpara sa bahay nila South na iyong magandang garden agad ang mapapansin mo. Ang kwento niya sa akin, mahilig daw si Tita Aly sa mga bulaklak kaya ganoon ang desinyo ng kanilang bahay, may hardin.
“You look stress. Nag-away kayo?” tanong ni Franca na ikinalingon ko narin kay Arih. Wala naman akong mapansing kakaiba bukod sa mukha niyang maganda. Si Franca napapansin ko ang hilig mangilatis. Parehong pareho sila ni North.
“Akala ko pa naman magiging masaya ang pagpunta ko rito… Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari gusto ko nalang ulit bumalik sa bukid.” Sumimangot si Arih
Hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nilang dalawa. Lalo na noong napunta sa akin ang makahulugang tingin ni Arih. Binigyan ko siya ng chocolate na ikinangiti niya lang ng tipid saka ulit bumalik ang pagsimangot. Kanina pa siya wala sa sarili. Nasa movie naman sana ang atensyon niya pero kahit nakakakilig na iyong palabas ay wala siyang kareareaksyon at parang nasa malayo ang iniisip.
“Nana,”
Napalingon akong muli kay Arih.
“May sasabihin sana ako…”
Kumurap ako at naibigay sa kanya ang buo kong atensyon. Kahit si Franca ay nalingon narin ito. Umawang ang kanyang bibig para sana magsalita kaso natabunan rin iyon ng isang tawag sa aking cellphone.
Tiningnan ko iyon at nakita ang pangalan ni Ken.
“Teka, sasagutin ko muna… Baka hinahanap na nila ako ni White.” sabi ko na ikinatango niya naman at nag-aabang lang.
“Kenㄧ
“Nasaan ka?!”
Nagulat ako sa ibinungad na boses ni Ken sa akin. Hindi ko kailanman narinig ang boses niyang galit na galit.
“N-Nasa bahay ng mga Buenaventuraㄧ
“Tangina naman Nana! Makakapatay na si White tapos nandiyan ka pa?! Lumabas ka diyan!”
Napatayo na talaga ako. Anong nangyayari? Si White?
“Anong nangyari kay White?” tanong ko, halos mamutla na. Binalingan ko sila Arih at Franca na hindi narin mahitsura ang mga mukha dahil sa aking inaasta. Kapwa na nakatayo ang dalawa at hinihintay nalang ang magiging reaksyon ko sa isasagot ni Ken sa akin.
“Sinugod niya si South! Galit na galit siya! Pati sila Toshi ay sumunod na roon!”
Para akong nawalan ng dugo sa narinig. Halos manginig ang aking tuhod sa sinabi ni Ken. A-Anong meron? Akala ko ba okay na kay White? Anong ikinakagalit niya kung ganoon?
30th Hooked
H O O K E D
Scandal
Hindi ko na alam kung paano ako mabilisang nakapunta sa bahay nila South kasama sina Arih at Franca. Nadatnan ko pa ang pagsipa ni White sa gate para lang pwersahan iyong buksan.
“Labas, Buenaventura!” galit na sigaw ni Wayt at halos ayaw magpaawat kay Kuya Toshi at Kuya Grey na naroroon narin kasama pa ang iba kong mga pinsan!
“Wayt!” Nag-amba akong tumakbo papunta sa kanya nang sinenyasan lang ni Kuya Toshi si Ken na harangan ako. Sa galit niya ngayon, balewala lang ang presensya ko.
“Ano bang problema, Wayt? Pag nalaman ito ni Tita Aly ay makakarating agad ang balitang ito kay Mommy. Malalagot tayong lahat.” Pagbabanta agad ni Kuya Toshi nang hawakan niya ito sa balikat at pigilan sa pagsipang muli sa gate na kumakalampag ng malakas dahil sa matinding pwersang ibinibigay ni White.
“Kung sinabi ko, baka hindi lang ako ngayon ang nagliliyab sa galit,” matigas na sabi ni Wayt na halos hindi ko mapunto.
Nagdilim ang mukha ni Kuya Grey at naghihintay nalang na bumukas ang gate. Nagsimula na akong maiyak at ipinagdadasal na sana ay walang mangyaring ano.
The door opened. Ang imahe agad ni South ang lumabas roon. Sandali iyong lumingon sa akin, ang mga mata ay may pinupunto na at pero agaran ring naagaa ng aking pinsan.
Ngumisi si Wayt ng nakakaloko at walang ano-ano’y ipinalipad agad ang kamao papunta sa mukha ni South. I screamed in so much horror. Bumulagta si South at napangiwi dahil sa sobrang lakas noon. Hinawakan niya ang panga at gumuhit sa mukha ang sakit na dinaramdam.
“Gago ka! H’wag mong idamay ang pinsan ko sa pagiging tuso niyo!” Nag-ambang lumapit muli si White para sugurin ito kaya agad siyang hinawakan ni Kuya Grey.
Ang imahe ni North na kakadating lamang ang kumuha ng atensyon ko. Sobrang seryoso ng mukha at hindi na maaninag ang mga matang singdilim na.
Umupo si South sa may sahig pagkatapos punasan ang dugong nalasahan niya sa labi dahil sa pagkakatumba. Nakayuko na ito at walang balak manlaban.
“Ano bang nangyayari?” Galit na ang boses ni Kuya Toshi at nababahala na sa aking pag-iyak dahil ako ang madalas niyang lingunin.
“Ang gagong iyan, ginagamit si Nana!” Itinuro niya si South na ikinatigil ko.
“Hindi iyan totoo, Wayt!” sigaw ko na mariin niyang ikinalingon sa akin. Ako… Ako ang gumagamit sa kanya kaya ano ang sinasabi niya?
“Hindi mo alam kung bakit lumalapit ang gagong ’to sa’yo, Nana?” Naging madilim ang kanyang ekspresyon kasabay ng pag-igting ng kanyang panga.
Takang taka ang aking mga pinsang lalake at nasa akin na lahat ng tingin. Hindi totoo ang sinasabi ni White dahil kung tutuusin, ako ang nanggamit rito…
“Ano ito, Nana?” kalmado ngunit may diin na ang pagkakatanong ni Kuya Grey sa akin.
I burst into tears. Imbes na pigilan ako ni Ken sa paglapit sa kanilang kinaroroonan ay nauwi na iyon sa pagyakap sa akin dahil sa galit ng aking mga pinsan.
“Ba’t hindi ikaw ang umamin, South? ’Di ba at may tinatago kang girlfriend?” tanong ni Wayt sa matabang na boses na sandali kong ikinatigil. Nilingon ko ang kinaroroonan ni South pero ang lubos na kumuha ng aking atensyon ay ang pagtakip ng bibig ni Arih dahil sa pag-iyak.
“Kaya mo palihim na nilalandi ang pinsan namin para mapagtakpan mo rin ang kalokohan mo ’di ba?” Nag-ambang lumapit si Wayt pero pinigilan siyang muli ni Kuya Grey. Lumalabas na ang ugat sa kanyang kamao at gustong paliparan ulit ng suntok ang mukha nito.
“South,” nagbabanta ang boses ni Kuya Toshi.
Nagloosen ang balikat ni South. Nakayuko parin ito at walang balak mag-angat ng tingin.
“Totoo,” bigkas niya na ikinalaglag ng malalaking luha sa aking mga mata. Nag-angat siya ng tingin at sinalubong agad ang mga mata kong nanlalabo na, ang puso kong tila nadurog sa loob at halos marinig ko ang pagkawasak.
“Totoo na ginamit ko siya sa umpisa dahil masyado naman siyang inosente,” deklara ni South na halos ikinasikip ng aking dibdib.
“Aba gago,” mura ni Ken at nag-amba naring sumugod pero naunahan lang ng aking pinsan dahil sa bilis ng kilos nito.
“Putangina ka! Mapapatay talaga kita!” Sa lakas ng pagpumiglas ni Wayt, sa pagkakagulantang ni Kuya Grey ay kusang nakawala ang aking pinsan at sinugod itong muli. Kinwelyuhan niya ng mabilisan si South na napatayo niya saka niya rin ito sinuntok.
“North!” pumaibabaw ang malakas na sigaw ni Arih, halos nakakasabayan ko narin sa pag-iyak.
Nanatiling misteryoso ang tingin ni North, walang balak umawat.
“Totoo naman ’di ba? H’wag niyong itanggi.” malamig na tugon ni North nang tinignan niya si Arih saka niya ulit tinignan ang kakambal niyang napaupo ulit sa sahig.
“Pero itinuloy mo pa rin? Para lang sa pangsarili mong kaligayahan ganoon ba?” halos hindi ko na makilala ang boses ni Arih dahil sa kanyang iyak.
Nagkibit ng balikat si North, ngumisi lang ng matabang. Derideritso ang lakad ni Arih patungo sa kanya hanggang sa huminto siya kasabay ng isang malakas na lagapak.
“Napakatuso mo,” saka ito tumakbo paalis.
Nakita ko ang pagkuyom ng kamao ni Kuya Toshi, ang galit na kinikimkim niya at mariin ang tingin kay South na walang balak ipagtanggol ang sarili. Na kahit si Kuya Grey ay napangisi nalang pero wala nang makitang saya roon. Pinatunog niya ang mga daliri at halos umigting na ang panga.
“Isang rason nga South? Anong dahilan at si Nana ang napili mong paglaruan?” mabagal ang paghakbang ni Kuya Grey na ikinatakot ko na. Mapapatay nilang lahat dahil sa galit nila!
Imbes tumayo, itinukod lang ni South ang kanyang mga kamay sa likod at halos humiga na roon.
“Gawin niyo ang gusto niyo. Kung iyon ang kabayaran ng pagkakahulog ko sa pinsan niyo, sasaluin ko.” Nag-angat siya ng tingin sa kanilang lahat, walang takot sa mukha.
My shoulders rocked repeatedly. Nasasaktan ako ng lubusan sa hindi ko matukoy na dahilan. I asked him about Arih. At sinagot niya akong kababata niya lang naman ito. Hindi ko matanggap na inamin niyang totoo ang ibinibintang sa kanya. Pwede niya namang itanggi! Pwede siyang gumawa ng rason! Alam ko, lahat ng iyon ay hindi pagpapanggap.
Pero kahit anong halungkat ko ng positibong bagay sa aking isipan ay nangingibabaw rin ang sinasabi sa akin ni Franca. Nauto ba talaga ako? Naloko ba talaga ako?
“Hindi naman sila ni South ah? Hindi niya naman ginirlfriend si Nana. Anong ikinakagalit niyong lahat? Iyong nalusutan kayo kahit pito kayong nagbabantay o naging salamin ng pinsan ko ang kagaguhan niyo?” kalmadong sabi ni Franca pero nagkakasalubong na ang kilay.
Iyon ang nagpatigil sandali ng galit nila at naninimbang na ang tinginan sa isa’t isa.
“Kuya!” Ang boses ni Zera ang kumuha ng atensyon naming lahat. Kasama niya si Elle na pulang pula narin ang mga mata at mukhang kakagaling sa iyak. Mabilis ang kanyang paghinto at naaawa akong binalingan.
“What gotten into your mind, Nana?!” galit niyang sigaw sa akin at nagbabadya na ang luha sa mga mata. “You have a scandal?!”
“Anong pinagsasabi mo Zera?” galit nang tanong ni Hiro na kahit si South ay nasa aking pinsan narin ang tingin.
“Look! She’s viral! Pumasok siya sa isang hotel kung saan nakacheck in iyong kinahuhumalingan niyang Sebastian!”
My face turned into a white paper. Para akong nabingi at halos nalaglag ang kalahati ng aking sarili sa lupa na kahit ang aking pagtayo ay hindi ko na maramdaman. Ang mga lalake kong pinsan ay naroon na sa cellphone ni Zera ang buong atensyon.
“You’re seeing him?” Binalot ng galit ang mukha ni Kuya Toshi na kahit si Kuya Grey ay nakay White na ang tingin. Agaran namang napunta ang galit na galit na tingin sa akin ni White na ikinanginig ng aking labi.
“S-Sorry…”
“Anong sorry, Nana?! Ano ’to? You didn’t tell me!” halos isigaw niya iyon sa akin na ikinatalon ko ng husto dahil sa gulat.
“Ang raming galit na galit sa kanya sa internet at kalat na kalat na siya sa social media! Pinagbibintangan siyang malandi! Napakarami narin niyang threats na natatanggap sa mga fans! Do something about it!” sigaw ni Zera sa mga pinsan kong natanga at kinakain na ng galit ang mga mukha.
“Fuck,” nasabunot ni White ang sarili niyang buhok. “You lied to me?! Akala ko ba si South?!”
“H-Hindi lang naman si South ang nanggamit! A-Ako! K-Kasalanan ko! G-Ginamit ko siya para pagtakpan ang pagkikita namin ni Aries!”
“Cana Aleyna!” galit na ang boses ni White at nagbabanta na ang tingin. Mariin akong napapikit at bumuhos mga luha sa aking mga mata. Itinago ni Ken ang aking mukha sa kanya at niyakap ako ng mahigpit.
“Kumalma kayo!” galit na sigaw niya at nahawakan na ang aking ulo para idiin ako sa kanyang dibdib. “Isinisisi niyo ang lahat kay Nana eh tayong lahat ang naging pabaya rito!”
“Anong klaseng pagbabantay ba ang ginawa mo, Wayt?!” Nasuntok ni Kuya ang pader sa sobrang galit nang silipin ko iyon para tingnan ang kanilang dako.
“Masyado mo kasing inispoil!” si Kuya Toshi naman at kulang nalang ay magsuntukan sila. Kung hindi lang sunod sunod na tumunog ang kanilang cellphone ay hindi sila matitigil sa pagbabangayan.
“Imbes magsisihan at magpadala sa galit, dapat iyang scandal ang pinagtutuunan natin ng pansin,” si Hiro naman.
Kahapon lang, ang saya saya ko pa. Hiniling ko pa na sana, huwag nalang tumakbo ang oras at hayaang iyong huminto sa sandaling iyon. Sa bawat matinding kasiyahan ay may kapalit ba talagang kalungkutan? Na sa bawat pagsasaya mo ay may naghihintay ring kalungkutan sa dulo?
“God! This is a big mess! Sinisira ng eskandalong ito si Nana!” Tita Celina said hysterically. Nasa harapan na kaming lahat ng mga magulang namin, maliban sa mga magulang kong wala paring alam. Iyong tumawag ay sila Tita pala at nabalitaan na ang nangyari.
“Nana, may nangyari ba sa inyo ng lalakeng iyan?” kalmadong tanong sa akin ni Tita Sky at kanina pa naninimbang ang tingin.
Umiling ako at halos yumuko na, ang aking mga mata ay namumugto ngunit hindi parin nauubusan ng luha. Nasa tabi ko na si Zera at Elle na kapwa nakaalalay sa akin.
“Mommy, I think ’yung fans ng Aries ang nagkakalat ng fake news dahil naiinggit kay Nana. Ganoon pa naman ang ibang mga fans. Nagagalit sila pag pakiramdam nila ay inaagaw na iyong pinakamamahal nilang idolo sa kanila,” si Zera
“Jin, Zera is right. Anong gagawin natin ngayon? H’wag na natin itong paabutin pa sa mag-asawa. Lalo na kay Abbegail…” concern na sabi ni Tita Sky.
Nagsidatingan ang iilan pa. Ang mukha agad ni Tita Snow ang aking nakita. Namumugto ang kanyang mga mata at mabilis akong nilapitan. Tumayo ako at niyakap siya.
“Ano bang nangyari? Bakit kalat na kalat ka sa internet? Sinong may gawa nito?” ramdam ko ang pagkadurog sa boses ni Tita. Umiyak lang ako sa kanyang dibdib at sising sisi dahil sa kagagahan ko.
“K-Kasalanan ko po… N-Nadala po ako sa pagpafangirl… T-Tapos po nakikipagkita siya sa akin k-kaya inilihim ko sa mga pinsan ko kasi hindi naman nila ako p-papayagan… Hindi ko naman inaakalang mangyayari ito…” Sunod sunod na hikbi na ang lumabas sa aking bibig, na kahit ang aking boses ay garalgal na dahil sa kakaiyak ko.
Narinig ko rin ang paghikbi ni Tita Snow at niyakap ako ng mahigpit.
“Sino iyang Aries? Magpafile tayo ng kaso. Minor de edad si Nana pero niyaya niyang maghotel. At iyang nagpakalat ng eskandalo sa social media ay sampahan narin natin total gusto atang sundan ang yapak noong idolo nila. Para naman may meet-up silang lahat sa kulungan.” si Tito, ang asawa ni Tita Snow.
“Marami tayong maikakaso pag nagkataon dahil wala pa sa tamang edad si Nana. Pwede natin itong maidiin at baliktarin ang pangyayari,” si Tito , ang ama ni Kuya Grey ang nagsalita.
“Pag nalaman ito ng kapatid ko, baka isuggest pa noong deritso papatay nalang.” dagdag pa ni Tito, ang asawa ni Tita Snow na ikinatahimik nilang lahat.
Nanatili ako sa kwarto ni Zera. Panay ang buhos ng aking luha na nagawa niya pa akong tapunan ng tissue dahil sa inis.
“Tigilan mo na nga iyang kakaiyak mo. Mabubulok sa kulungan iyang iniidolo mo at hindi mo na iyon makikita kaya h’wag kang maawa sa kanya.”
Niyakap ako ni Elle at hinimas ang aking likuran.
“Maaayos rin ito Nana. Malilinis rin ang pangalan mo.”
Ang rami kong pagsisi nang gabing iyon. Siguro kung hindi ako nagpadala sa excitement kay Aries ay hindi ako mapapalapit kay South. Ako mismo ang nagtulak sa kanyang gamitin rin ako dahil ako itong unang nanggamit. Kung alam ko lang na ganito ang kahihinatnan ng ganoong pagpapasya ay hindi nalang ako nagpadalos dalos at inisip ang magiging kahinatnan ng aking desisyon.
Sunday. Pagkagising ko, ang mga magulang ko agad ang bumungad sa akin. Balita ko, sa sobrang galit ni Daddy ay gusto niya nang magsampa ng kaso sa buong management noong Aries. Na kahit iyong sumasali sa nagkakalat ng balita sa facebook ay gusto niyang isaisahin at sampahan narin ng kaso dahil bullying na iyon. Hindi ako nasasaktan sa kumakalat tungkol sa akin dahil alam ko namang hindi iyon ang totoo. Ang lubosang dumudurog sa akin ay ang tiwalang nasira ko. Ang ginawa kong gulo at abala sa kanilang lahat. Sinira ko ang pangalan ng angkan ng mga Delafuente at ngayon ay pinag-uusapan na kami sa social media.
“Why did you keep this to us?” Tumulo ang luha ni Mommy nang tanungin niya ako.
“S-Sorry po…” Yumuko ako at hindi na makatingin sa kanya ng deritso.
“Wala kang kasalanan dito, Nana. Kung meron man, itatama parin namin iyon at lilinisin namin ang pangalan mo. Pinalaki ka naming desente at alam naming hindi ka sinungaling. We’ll fight for your right, okay?”
Tumango ako. Niyakap ako ni Mommy at naramdaman ko ang kanyang maliliit na hikbing pilit niyang itinatago. Parang pinunit ang aking puso. Doble ang nararamdaman nilang sakit dahil sa issue. Kahit sabihin mang hindi ko kasalanan, ako parin ang puno’t dulo ng lahat ng ito. Nagsimula ito sa akin at ako ang dahilan kaya nangyari ang eskandalong ito…
“Nasasangkot ang eskwelahan dahil sa eskandalong iyon. Nawawalan na ng tiwala ang ibang magulang dahil baka masangkot rin sa issue ang kanilang anak na nanggaling sa eskwelahan ng mga Delafuente,” narinig ko ang galit na boses ni Tita Sky nang magdebate sila sa sala.
“Pinalala lang noong Aries Sebastian at sinabing die hard fan itong si Nana at nagpupumilit na makipagkita sa kanya! May ugali rin ang bastardong iyon.” si Tita Julie naman.
Hindi ako naniniwalang sinabi iyon ni Aries. Pero nang ipinanood rin sa akin ni Zera iyong nagviral na video kung saan niya ipinahayag ang sinabi ni Tita Julie ay naiyak ako ng husto. Alam kong may rason siya kaya niya ito ginawa. Inaalagaan niya lang ang pangalan niya at pinoprotektahan ang career niya.
“Gaga ka! Ikaw itong naaagrabyado mas pinipili mo pang isipin ang kapakanan ng iba!” halos pukpukin ni Zera ang aking ulo nang sabihin ko iyon habang humahagulhol.
“At alam mo ba, sasama sila Kuya Grey sa hearing noong sinampang kaso para mabangasan raw nila. Hindi nakokontento ang pitong iyon hanggat hindi nila nasasaktan ng pisikal,” si Elle.
“Malas niya at Delafuente ang binangga niya. Mas pasisikatin lang siya ng pamilya natin pero sa kulungan na ang magiging bagsak niya. Buti nga at malalaos na ang pangit na iyon,” gigil na sabi ni Zera at kanina pa inis na inis sa mga mata kong namumugto.
Hindi na ako pinapasok ng eskwelahan at pinagtake nalang ng exam sa bahay. May isang prof ko ang nagbantay sa akin at siya ang nagbibigay noong test papers na sasagutan ko.
“Mabait ka namang estudyante Nana, nakakawindang lang iyong kumakalat…” sabi nito pagkatapos kong ipasa ang huling test paper na sinagutan ko.
Pagkatapos noong exam ko ay nagmukmok nalang ako sa kwarto at hindi mapigang hindi maiyak sa nangyayari. I ruined my life. Akala ko pa naman masaya iyong maraming pumapansin sa’yo at nakakakilala, pero ngayong nakukuha ko na lahat ng atensyon ay pinagsisisihan ko rin.
“Tapos na ang exam mo?” sumulpot bigla si Zera kasama si Elle sa bahay. Kapwa nakauniporme pa ang dalawa at mukhang dumeritso na dito.
“Tapos na.” Ngumiti ako at nagpunas ng luha.
“Don’t be so sad about it. Iyong mga naninira rin naman sa’yo sa facebook ay mga tao lang iyang walang magawa sa buhay. Hindi halos makaligo kakababad sa facebook at walang maipagmamalaking ganda kaya nakikisali sa pamumuna sa iba.” pahayag niya sa kilay na nagkakasalubong.
“Oo nga Nana! At isa pa, iyong Aries ay may masama pala talagang balak. Naiinggit pala iyon sa angkan natin! Kay Kuya Toshi! Binasted kasi ni Chey kaya ayun, gustong gumanti.” Balita sa akin ni Elle na lubusan kong ikinagulat.
Ibig sabihin, iyong tinutukoy niya sa kanyang kanta ay si Chey?! Iyong the one that got away niya? Iyong bumasted sa kanya?
“As what Ken said, you got a bad taste on boys if it wasn’t a Delafuente. Hindi siya Delafuente kaya malas niya at naipagpalit siya sa Delafuente. Kahit nga nag-artista pa siya at sumikat, walang wala parin iyang binatbat kay Kuya Toshi. Shame on him!” Zera rolled her eyes dramatically. Kahit si Elle ay ginaya rin siya pero sumama rin ang kanyang ulo sa paglipat noon sa kabila dahil hindi niya magawa ng tama.
Nakikipagkita sa akin si Aries dahil alam niyang Delafuente ako ganoon ba? He started hooking with me just to get his revenge with my cousin. Akala ko ako lang ang nanggamit ng tao, hindi ko alam ako rin pala itong nagamit ng dalawang lalakeng inakala kong totoo ang ipinapakita sa akin. Ngayon ko lang ata naintindihan ang tinutukoy ng mga pinsan ko tungkol sa mundong sakim at tuso.
“Naasikaso na namin ang mga papeles mo. Ta da!” Ipinakita sa akin ni Mommy ang ibang papeles at ang pasaporteng nagpataka sa akin nang madatnan niya ako sa aking kwarto na tulala lang sa bintana. Ang alam ko, wala si Daddy at inaasikaso iyong kaso na binabalak nilang ibato sa kampo ni Aries. Gusto ko mang pigilan na iurong nalang iyon pero sa galit ni Dad, ayaw niyang walang patutunguhan ang pamamahiya sa akin sa social media.
“Para po saan?”
Umupo si Mommy sa aking tabi at sinimulang suklayin ang buhok kong nakalugay.
“Well, we decided na sa ibang bansa mo nalang ipagpatuloy ang pag-aaral mo. At gusto ka ring makita ng Mommy ko, your lola.”
Aalis ako ng bansa? Dahil ba ito sa eskando?
“Dahil ba ito sa issue, My?” tanong ko na ikinatigil niya. Pinagbabawalan nila akong gumamit ng gadgets na kahit ang aking cellphone ay inimbargo ni Daddy. Ang alam ko, sa susunod na linggo na mangyayari iyong kasuhan. Gusto ko mang sumama ay ayaw pumayag ni Daddy.
“Hindi naman po iyon totoo at alam kong walang nangyari sa aminㄧ
“Nana, kahit mabuti ka ay hindi magbabago ang mundo para sa’yo. Ayokong masira nang tuluyan ng mga makikitid nilang utak ang kinabukasan mo rito. Malaki ang pangarap namin sa’yo ng Daddy mo. Dinala kita ng siyam na buwan sa aking tiyan at hindi kita iniluwal para apihin lang! I am so disappointed. Pinagkatiwalaan rin namin si South pero pati siya ay sinira ang tiwalang ibinigay namin ng Daddy mo.” Nailing iling si Mommy at halata ang pagkadismaya sa mukha. Kung noon ay botong boto siya rito, ngayon ay wala na akong maaninag na tiwala sa kanyang mukha.
“Pero My, ako ang naunang manggamitㄧ
“Stop it Cana Aleyna. Lahat ng babaeng inosente, nagagago. Kung hindi ka marunong maglaro, ikaw ang paglalaruan. Ipinakita mo kay South ang kahinaan mo kaya madali ka niyang naloko.”
My tears fell on my eyes. Para na naman iyong gripo na nakalimutan kong isara kaya ganoon nalang kung umagos. Hindi ko talaga matanggap ang nangyari. Dahil lang ba masyado akong inosente South? Bakit mo ito nagawa sa akin? Kung kailan masyado na akong nagpabingwit sa’yo ay doon ko malalamang patibong lang pala iyong kinakapitan ko. Para akong isang isdang biningwit sa malawak na karagatan, ang tangang babaeng lumapit sa bitag kaya napahamak.
“Too much innocence will provoke the people around you to use you… Napagsasamantalahan ang mga walang alam sa mundo Nana. Malungkot man pakinggan pero hindi ka mabubuhay kung wala kang alam sa nakapaligid sa’yo.”
31st Hooked
H O O K E D
Memorya
Kung may hindi man ako malilimutan ay ang masayang nangyari sa aking summer. Kung pwede lamang bumalik ako sa oras na ’yon at itama ang mga mali ko…
Tinupi ko nang maayos ang mga gamit ko habang pinagpapasok iyon sa malaki kong bagahe. Tanggap ko na ang mangyayari at kahihinatnan ng lahat ng ito.
But I am looking forward for a brighter future. Gusto kong may magawang maganda sa kabila ng problemang ibinigay ko sa parents ko at sa angkan namin. Gusto ko ring makita sa sarili ko na hindi lang ako hanggang dito, babaeng madaling mauto dahil masyadong inosente.
“I’m going to miss you…” Sumimangot si Elle nang makita niya akong nag-iimpake na. She’s with my cousin Zera.
Ngumiti ako sa kanila. Umupo si Zera at pinasadahan ng tingin ang aking mga damit habang si Elle naman ay nasa akin ang tingin na ngayon ay nakaupo narin sa aking kama.
“Aalis ka talaga?” tanong ni Elle.
“She needs to leave, Elle. Ang raming toxic dito. Mas mabuting umalis siya,” sabi ni Zera at may dinampot na damit. Nandidiri niya iyong tiningnan nang makita ang mukha ni Aries.
“Get rid of this, Nana.”
Kinuha ko agad iyon at itinupi. “H’wag na… Sayang ang gastos ni Wayt kung itatapon lang…”
Nasira agad ang kanyang ekspresyon pero wala nang gaanong sinabi pa. Elle helped me pack my things, si Zera ay tutulong rin minsan pero pupunain lang ang aking damit at hihilata lang sa kama.
“’Di ba mamayang gabi na ang flight mo?” tanong ni Elle na ikinatango ko pagkatapos kong isarado ang aking bagahe.
Napatingin si Elle kay Zera. Tumayo ako at nagtungo muli sa walk-in closet para tingnan ang iilan ko pang gamit na pwede kong dalhin. May pinili lang akong ibang flats saka rin ako muling lumabas.
“Hindi ko alam na may nangyayari na pala talaga sa inyo ni South…” si Elle
“Stop mentioning them, nakakagigil.” awat sa kanya ni Zera na halos mawala na ang itim sa mga mata dahil sa pagrolyo nito.
“Hindi ba kayo mag-uusap bago ka umalis, Nana?” tanong sa akin ni Elle pagkatapos umismid kay Zera.
Umiling ako at wala nang sinabi pa. I know, Dad wouldn’t let me to talk to him anymore. Kahit nga kay Franca man lang sana. Para akong biglang inilayo sa mga taong itinuring kong malapit. Na nakatadhana lang talaga akong mga Delafuente lang ang makasalamuha at wala nang iba pa.
Hindi ko alam kung ano pang dapat ipaliwanag ni South sa akin kung mag-usap man kaming muli. Sa mga binitiwan niyang salita, may parte sa akin na h’wag nalang iyong linawin dahil malinaw na sa akin na lahat. Uto-uto ako kaya ako nagamit dahil narin sa pagiging ignorante at inosente ko.
Nagpakita rin sa akin ang iba kong pinsan nang araw na iyon. Lumabas naman ang dalawa kong babaeng pinsan pagpasok ni Ken at White sa aking kwarto. May dalang stufftoy si White na umagaw agad ng aking tingin. His cold expression intimidates me.
“Naiwan mo sa kwarto ko,” inilahad niya iyon sa akin. Pagpakita sa stuff toy, nagsimulang lumabo ang aking mga mata. Parang isang palabas ang nagplay sa aking utak at nakita ko ang masaya kong sarili kasama si South sa peryang iyon.
I am not mad at him. Wala akong ikinakagalit sa kanya dahil ang lahat ng ito ay inaako ko at alam kong wala akong masisisi kundi ang sarili ko. Hindi tanggap ng aking sistema na pati siya ay ginamit rin ako nang hindi ko alam. Ayokong maglagay ng negatibong bagay tungkol sa kanya dahil mas naninikip lamang ang aking dibdib.
“S-Salamat,” kinuha ko iyong stufftoy at tumalikod rin para magpunas ng luha. Binuksan ko ang aking bagahe at isiniksik iyon sa gilid.
Tumihaya si Ken sa aking kama at naroon na ang tingin.
“Sino nalang ang mabubully ko rito? Alangan naman iyong kambal?” Bumusangot ang kanyang mukha.
“Magpapamiss talaga ako para marealize mo na dapat hindi mo nalang ako binully noong nandito ako…” sinikap kong ngumiti.
“Ngayon pa lang namimiss na kitang asarin. Mas marerealize ko lang na dapat bawat sigundo dapat kitang binully para naman nasulit ko,” ngumisi siya sa akin na ikinasimangot ko ng husto.
“Ayoko na sa’yo…”
Humalakhak lamang siya na kahit ako ay natawa narin.
“Kaya nga ang sakit sa loob pang may nang-aaway sa’yong iba, dapat ako lang…” sabi niya pa sa kanyang sarili nang tumitig siya sa ceiling.
Hindi ko alam kung okay na ba ang mga pinsan ko lalo na’t si Ken lang ata itong nagagawang makipagtawanan sa akin habang ang iba ay sobrang seryoso parin. Wala nang bumabanggit sa nangyari pero alam kong nakapaskil sa kanilang mukha kung gaano nila kagustong magmura sa t’wing naalala ang nangyari.
I left without formal goodbyes. Ang aking mga pinsan ay nangakong bibisitahin ako tuwing summer. White hugged me at the airport that made me cried. Halos ibulong ko ang kapatawaran sa kanya na sana ay h’wag na itong magalit sa akin.
“I am not mad at you… Sinisisi ko ang aking sarili dahil masyado ata akong naging maluwag.” aniya
Ibinaon ko ang aking mukha sa kanyang dibdib at hindi na maawat ang sarili sa pag-iyak. Hindi ko maisip ang buhay ko roon nang wala ang mga pinsan ko sa aking tabi. Will I survive?
“Pinaiyak mo!” naiinis na nakisali si Ken sa amin at nakiyakap. “Kayong dalawa ang hilig niyong magsolo.”
Ilang sandali lang, mas humigpit ang pagkakaipit sa akin dahil nakisali narin ang kambal. Hiro, Kuya Toshi and Kuya Grey just smirked. Pero nang tuluyan akong makawala ay hinila rin ako ni Kuya Toshi at niyakap.
“Take care, Nana…”
Niyakap niya lang ako ng mahigpit at wala ng gaanong sinabi pa. Ganoon rin ang ginawa ni Kuya Grey sa akin na sinabihan akong mag-ingat doon. Hiro, the stubborn, just waved his hand at me kaya ako na mismo ang nagtungo sa kanya at niyakap siya. Alam ko namang hindi siya masyadong mahilig sa affection kaya ako nalang ang gagawa. Kahit si Elle at Zera ay niyakap ko rin. Elle got teary-eyes after saying her goodbyes to me.
Wala talaga atang pamamaalam na masaya. Sino bang gusto na mang-iwan sa taong alam mong naging parte na ng mundo mo? That hurts…
“You okay?” Hinawakan ni Mommy ang aking kamay nang tuluyan nang umangat ang eroplano. Ang aking mga mata ay naiwan sa labas ng bintana, sa mga buildings na nagiging maliit na sa aking paningin.
Nilingon ko si Mommy at nginitian. Hindi makakasabay si Daddy sa amin. Kailangan niyang manatili dahil roon sa kaso. We haven’t talk yet. Sa galit niya, halos ibigay niya ang buong atensyon roon at ilayo agad ako rito. Si Mommy lang ang nagiging alalay ko.
“Hindi ka magiging lonely doon, Nana. You have your cousins too… Iyong mga Nevado at Blancaver.” sabi niya.
Bata pa ako noon nang mameet ko sila pero hindi ko na gaanong makalkal sa aking memorya ang kanilang mga mukha. Noong Christmas eve ata iyon nang bumisita kami roon para makita si Lola.
Nakaidlip ako sa byahe. Minsan ay mapapatingin nalang ako sa bintana at maiiyak dahil sa mga memoryang maalala saka ulit matutulog. Kahit ang aking panaginip ay parang reyalidad rin dahil ramdam na ramdam ko ang sakit. How can I even sleep peacefully knowing I lost someone I treasured?
The cold wind embraced me. Ang hindi nakasanayan kong lugar ang bumungad sa akin nang tuluyan kaming makalabas ni Mommy sa eroplano. Ang mga banyagang tao na nagkalat ay hindi ko mapigilang tingnan at namamangha dahil sa aking paninibago.
“Oh my goodness!” Lola shrieked when shw finally saw me. Ang pagpasok ko sa isang malaking bahay at hindi na maalalang detalye sa aking kabataan ay nagbibigay sa akin ng kakaibang pakiramdam.
“Lola,” nagmano ako sa kanya. Pagkatapos noon ay halos mapugto ang aking hininga dahil sa napakahigpit niyang yakap.
“Wow Abbegail! Ang ganda ganda ng anak mo!” puri naman noong isang babae na sa pagkakaalam ko ay magulang ni Tita Kolette at Tito Kurt.
“Thanks po,” I answered politely.
“Greg! She’s already here! Ang apo natin!” sigaw pa ni Lola hanggang ilang sandali lang ay may nagmamadali nang bumaba. Mommy even laughed when he saw my Lolo almost running towards us.
“Cana Aleyna?!” pabirong sigaw ni Lolo at napahawak pa sa puso na akala mo ay hihimatayin na. “Ang gandang dilag… Magkakaheart-attack ata ako…” he said dramatically na ikinatawa ko na talaga.
I hurriedly went to him and hugged him tightly.
“You were so small the last time you went here! But look at you! Tangkad tangkad mo na at sobrang ganda na!” pamumuri sa akin ni Lolo na ikinahagikhik ko.
Napaligiran na nila akong lahat at pinupuna ang bawat detalye ng aking katawan. Nakaloose na longsleeve lamang ako at suot ang isang pants na pinarisan ko ng flats. Ngumiwi pa si Antie Andrea dahil sa suot ko. Kaedad niya lang si Lola ko.
“Pag nakita mo iyong dalawa mong pinsan, mapupuna talaga iyang suot mo.” Nailing iling si Antie na binalingan pa si Mommy. “What’s with her outfit, Abbegail?”
“Siya ang pinapapili ko sa susuotin niya, Tita. I don’t meddle with it. Eventually, that girl will learn…” si Mommy
“Pinalaki atang Maria Clara ang anak mo ni Jimin,” natatawang si Lola
Pansin ko, kahit nasa bahay lang sila ay napakaformal nga ng mga suot nila. Iyong dalawa kong babaeng pinsan ay hindi ko narin matandaan kung ano na ang mga hitsura. Separate rin kasi ang Blancaver sa Nevado. Ang naalala ko lang ay maganda si Tita Jhazmine, iyong asawa ni Tito Kurt. And Tita Kollete, her husband Tito Kent, is pretty too. Hindi na ako magtataka kung may bubungad na magagandang babae sa aking harapan na kaedaran ni Cassey ang isa at ni Zera naman iyong anak ni Tita Kolette.
Medyo naging emosyonal ako nang tuluyan akong makapasok sa magiging sarili kong kwarto. Mom told me, she used to sleep on that room when she’s here. Hindi raw siya nakakadalaw rito noong hindi nalalayo ang edad niya sa akin dahil may alitan daw sila ni Lola. Si Daddy raw ang naging rason kung ba’t naayos niya ang problema sa both side ng parents niya. I can’t imagine my Mom at my age, partying all night. Ni minsan ay hindi pa talaga ako nakakapunta sa ganoong lugar sa sobrang higpit ng aking mga pinsan. Pinalaki akong parang prinsesa sa isang malaking palasyo na limitado lang ang galaw at dapat ay naaayon sa mata ng lahat. Na dapat ganoon ang babae, iyong balot na balot, mahinhin at malayo sa mga lalake.
“Bawal parin ba ako sa cellphone, My?” tanong ko kay Mommy nang mamataan ko siya kinaumagahan. Kapwa na kami nakaupo sa stool paharap sa countertop at kapwa kumakain ng gawa ni Lola na pancake.
“Your Dad will get mad if I lend you one, Nana.”
Nahalata ko sa mga mata ni Mommy na ayaw niyang suyawin ang gusto ni Daddy ngayon. Minsan naman ay nagiging kakampi ko siya at binibigay agad ang gusto ko, pero parang may nag-iba at si Daddy na lahat ang nasusunod.
“Your Daddy is scary when he gets mad, Cana. Iyon ang weakness ko. Kaya magpakabait muna tayong dalawa para hindi tayo malagot.” sabi niya sa akin.
“Inaway ka po niya?”
Tumango siya at mapaklang natawa. “Nagalit dahil isa rin ako sa nagtutulak sa’yo kay South. He even talked to your Tita Aly and Tito Uno about South’s behavior. Nakakanginig ng kalamnan iyang ama mo pag nagagalit, Nana. Kaya ayoko talagang ginagalit…”
Bumuntong ako ng hininga at napatitig sa aking pancake. Kaya ba noong nandoon ako ay pinagbabawalan nila akong makita si Daddy? Si Mommy lang iyong madalas kong makausap dahil hindi raw makontrol ang pagsiklab ni Daddy. Narinig ko pa iyong sinabi ni Tito JK na kung highblood daw si Daddy baka kinumbulsyon na daw iyon dahil sa galit at nastroke. That made my other Tito burst into laughter. Siguro hindi pa ganoon kaseryoso ang eskandalong nagawa ko dahil nakakapagtawanan pa naman sila.
Pinag-enroll ako ni Mommy sa prestigious school roon. They say, doon daw nag-aral si Tita Kolette and Tito Kurt and he’s famous for being a playboy and heartbreaker at the same time. Kahit iyong kapatid ni Mommy na si Tito Seth, nakapag-aral rin daw doon at naging sikat rin dahil sa angking hitsura. Kaya noong mapunta ako roon at nalaman ng iilan ang koneksyon ko sa mga Nevado at Roquero ay namangha na sila nang husto.
“I bet she’s a playgirl too,” narinig ko pa iyong blonde girl nang madaan kami sa gawi nila ni Mommy. Nagpapasa na ako ng papers ko para sa pag-aaral roon at bukas ay pwede na akong magsimula.
“I don’t see her as a playgirl. She looks like a nerd to me,” saka sila nagtawanan pagkatapos sipatin ang aking kasuotan.
“Don’t be so harsh on her. Her cousin might get mad on us.”
Doon lang sila tumahimik nang mabanggit iyong isa ko pang pinsan na nag-aaral rin sa paaralang iyon. Sabi sa akin ni Mommy, may ugali raw talaga iyong anak ni Tito Kurt at Tita Jhazmine at manang mana ang tabas ng dila sa mga magulang. Ang sabi niya, mas malala pa raw iyon kay Zera at fashionista raw manamit. Iyong isa ko namang pinsan ay napakaplaygirl rin daw. Iyong anak ni Tita Kolette ag Tito Kent.Napapansin ko nga iyong iilang babae roon sa school ay parang nakikipagkompetensya kung sino ang may pinakamaiksing skirt at pataasan ng heels. Ang kakapal pa ng mga lipstick at iyong mga buhok ay hindi ko alam kung nasabunutan ba o ano dahil masyadong messy. Ang layo layo ng nakasanayan kong mga tao na nakakapaligid sa akin doon sa Pilipinas. Dito parang triple ni Cassey at Irah dahil sa awra palang, para na silang mga wild.
“Iyong anak lang ng kapatid ko ang katulad mo, Nana. That girl is nice and adorable,” pamumuri ni Mommy roon sa anak ni Tito Seth. Nakita ko narin kasi si Tita Phoebe at sobrang amo ng kanyang mukha. Kapatid siya ni Tita Snow pero ang alam ko, wala sila sa Pilipinas. Kasama nila iyong kapatid ni Tito V at ang asawa niyang kapatid ni Tito JK na nagmigrate rito.
Pumasok ako sa school na walang kakilala. Pinagpatuloy ko ang aking kursong fashion designer. Sanay na ako sa impresion ng mga tao sa aking nakapalibot na pinupuna talaga ang aking suot. May grupo pa ng babaeng nagtawanan nang dumaan ako sa kanilang gilid. Ako lang ata ang may loose na blusa ng uniporme at hanggang tuhod na skirt ’tsaka flats. Yakap yakap ko pa ang aking mga libro at hinahanap iyong sunod kong subject. Iniiwasan kong mapatingin sa iilan na tatawa rin pagkatapos sipatin iyong suot ko.
“Yuck, she’s very far from her cousins. Y’all know those bitches always stunned…” iyong may blonde na curly hair ang narinig kong may sabi noon nang maupo ako sa cafeteria.
“She’s a Delafuente and her Mom is a Roquero…”
Napabuntong ako ng hininga sa naririnig kong impormasyon tungkol sa akin. Naiiyak ako pero sinikap ko nalang magpigil. First day na first day ay ako agad ang pulutan ng tsismis nila.
May naglapag ng tray sa aking harapan kasabay ng pagkamatay noong pag-uusap ng iba sa akin. Nag-angat ako ng tingin sa babaeng kumakain na noong sandwich niya. Nang mag-angat iyon ng tingin sa akin, halos matakot ako sa kanyang malamig na paninitig. Ang freckes agad sa kanyang mukha ang aking napansin na mas nakadagda sa suplada at maliit niyang mukha. Ang kanyang pagrating ata ang nagpatahimik sa iilan na kahit ako ay gusto nang lumipat ng upuan dahil masyado siyang nakakasindak sa kabila ng magandang mukha.
“Why so stunned? Am I beyond your imagination?” nag-angat siya ng kilay sa akin na mabilis kong ikinailing.
“S-Sorry, I… I didn’t know this table is not a-available…” marahan kong sabi at halos mabulunan sa pag eengles para lang maintindihan ako nito. Akma ko nang liligpitin ang aking pagkain at ibalik sa tray nang nagsalita siya.
“Nana? Iyong pinsan kong baduy raw? Ikaw na ’yan?” tanong niya at nagawa pang itagilid ang ulo para makita ang aking kabuuan.
Luminga linga pa siya pero nahulog rin muli sa akin ang tingin. “Wala akong nakikitang baduy rito at ikaw lang.” pangungumpirma niya pa na tama ang hinala niya sa akin.
Halos manlaki ang aking mga mata na kahit ang aking panga ay nalaglag. S-Siya iyong anak ni Tito Kurt at Tita Jhazmine?! K-Kaya pala pamilyar ang mukha niya dahil hawig siya ni Tita! Iyong mga mata niya ring manang mana sa Mommy at Daddy niya na sobrang cold kung makatingin at akala mo ay may galit sa’yo.
“Pinahiya mo ako. Ba’t ka pumasok ng ganyan? Basahan ba iyang suot mo?” she was so disgusted. Halatang halata iyon sa kanyang mukha sa kabila ng pagiging kalmado.
“K-Kasi dito ako k-komportableㄧ
Nairolyo niya agad ang kanyang mga mata dahil sa pagiging utal ko.
“Mas maganda pa ata manamit sa’yo ang mga tagabundok,” nailing iling siya at nasisira palagi ang mukha sa t’wing nadadaan ang kanyang tingin sa aking uniporme.
Pamilyar sa akin ang linyahan niya pero mas malala pa pala ako sa tagabundok?
“Pangit ba?” tanong ko sa kanya.
“Hindi naman. Pero kung ako ang nasa kalagayan mo, I’d rather wear nothing.” kalmado niyang sabi na ikinanguso ko. Ibig sabihin pangit nga…
Napatitig ako ng ilang sigundo sa mukha niya. Si Irah ang naaalala ko sa kanyang awra at kung paano dalhin ang sarili. Pero hindi katulad ng mga mata nitong pinsan ko, iyong kay Irah ay misteryoso. Sandaling sumagi sa akin ang pamilyar na mga mata kaya agaran kong pinilig ang aking ulo.
Iyong pinsan ko ang madalas kong makasama sa cafeteria at doon lang namamatay ang mga pangungutya sa akin pag nakikita nila ang presensya nito. Noong una, akala ko kinamamanghaan siya ng lahat pero may isang dahilan rin pala.
“Ipapakita ko sa’yo kung anong nangyayari sa mga weakling at nerd sa lugar na ’to.” sabi niya sa akin dala iyong coke in a can niya at rumampa sa cafeteria.
Sinundan ko ito ng tingin at halos malaglag ang aking panga nang sinadya niyang banggain iyong babaeng may eyeglass, nakaponytail ang buhok at may suot na packbag. Natapon sa suot nitong loose na blusa ang coke na ikinagulat noong babae.
“My fault.” narinig kong sabi ng pinsan ko sa tamad na boses.
The girl smiled at her at ipinagmalaki ang suot nitong braces.
“Nah, it’s okay Heluisse…”
Ibinigay ng aking pinsan sa kanya iyong coke na tinanggap naman agad noong babae.
“Throw it.” saka kumuha ng fries ang aking pinsan sa tray nito at kinagatan iyon. “And please include yourself,” saka lumakas ang tawanan sa paligid na ikinaguhit ng awa sa aking mukha para doon sa babaeng binully niya.
Doon ko nakumpirmang bully pala ito dito at ni isa ay walang nagtatangkang bumangga sa kanya. She’s popular at halos lahat ng mga lalake ay may gusto raw sa aking pinsan.
“If you’re innocent and vulnerable, the people will take advantage of you. Hindi sila matatakot dahil alam nilang hindi ka naman lalaban. Walang lugar sa mundo ang mahihinang kagaya mo.” sabi niya pa sa akin.
Katulad ng nangyari sa akin sa Pilipinas, napagtanto kong ang mahihina ay talagang naaagrabyado at naaabuso.
“From the word Hell, I’m Hell. Le. Wiss..” banggit niya sa kanyang pangalan sa mabagal na paraan kung paano dapat iyon bigkasin na kahit ang kanyang dila ay nakikita ko ring gumagalaw na akala mo ay inaakit ang kanyang kausap.
“Helewis?” nahihirapan kong banggit.
Isa lang iyon sa memorya ko kung paano ako nagsimula sa unibersidad na iyon. Ang dati kong katauhan ay parang naiwan ko narin sa Pilipinas at naisilang muli sa aking katawan pero sa ibang bersyon na.
32nd Hooked
H O O K E D
Cana Delafuente
“You coming, Cana?” ang kaklase kong si Alexis iyon. Papatapos na ang klase at uwian na.
“Yah’ sure!” Mabilis kong pinagliligpit ang aking gamit at isa isa na iyong ipinasok sa aking bag.
“Is your cousin Heluisse coming over?” tanong nito sa akin nang mabilis na akong lumebel sa kanya at ayusin iyong skirt kong umaangat na ata.
Nagkibit ako ng balikat at hinawi paatras ang buhok kong mahaba na kumpara noong nakasanayan kong hanggang kili kili lang. Marami na namang nagkalat na estudyante sa corridor at minsan ay natatangay ko na ang mga mata nito para sundan ang bawat kilos ko.
“Sup Cana!” Biglang may umakbay sa akin na lalake. Ang katangkaran nito ang umagaw ng pansin ko lalo na ang nakakaakit nitong mga mata na akala mo ay nakatingin sa kalangitang puno ng bituin kaya ganoon nalang iyon kung kumislap.
“Chaste,” I giggled while Alexis rolled her eyes. Siya ngayon ang latest na lalakeng umaaligid sa akin at hindi ko pa nababasted.
“Don’t be so flattered, Chaste. The next thing I knew, she already dumped you for being a bad kisser…”
Humagalpak ako ng tawa roon. “Hey!”
Chaste just smirk. “The girl who dumped boys for being a bad kisser huh…”
I smiled. “You might be on the list Chaste,” saka ko ibinaba ang kanyang kamay na ikinasipol niya lamang.
“Well, see you on the party Cana.”
“See you!”
Halos gumulong na ata ang mga mata ni Alexis sa sahig dahil sa sobrang pagkakarolyo niya noon. Humagalpak lamang ako ng tawa na ikinamangha ng iilang estudyanteng nadaanan namin dahil sa mga mata kong nawawala tuwing nakicarried away ako sa aking nakakaakit na tawa.
“You’re such a bitch. I remembered your first day here! And you changed alot! Look at your skirt! And your blouse! Plus your popularity! An ugly ducking that turned into a swan…” hysterical niyang paliwanag na nanlalaki pa ang aking mata sa t’wing tinitingnan ang imahe ko ngayon na malayong malayo na noong baguhan pa ako rito.
“Heluisse trained me.” kibit-balikat ko nalang at nasuklay paatras ang aking buhok na agaran ring nalaglag sa dapat nitong kalagyan.
Aaminin ko na malayong malayo ako sa nakagisnan ko sa Manila. I didn’t expect my changes but it’s for the better version of myself. I’m confident. Hindi na ignorante at natuto na.
“Damn it, man… Cana is fucking hot…” narinig kong sabi noong isang lalake na nilingon ko at nginitian. He was so stunned he went to me and blocked our way. Naglalahad na ito ng cellphone at akma kong kukunin para itipa ang aking numero kung hindi lang talaga ako hinila ni Alexis.
“Jesus Christ Cana! Stop flirting!”
Humagalpak akong muli ng tawa at nailing na lamang. It’s been what? 3 years? At isang taon nalang ay gagraduate na ako sa kurso kong fashion design. May iilan na akong mga gawang damit na ako mismo ang nagsusuot tuwing may okasyon.
May gaganaping house party roon sa kakilala naming varsity ng school. Isa ako sa imbitado at ang kaklase kong si Alexis. Hindi ko alam kung naroon ba ang pinsan kong si Heluisse o may iba na naman iyong lakad.
Papalubog na ang araw at nagsisimula nang dumilim ang kalangitan nang makarating kami. Ang ingay agad ng paligid ang aking napuna. Ang mga naroroon ay kaedaran lang namin at mga elites rin sa eskwelahan.
“Yow Cana!” Iyong lalakeng kasali sa varsity ang tumawag sa akin. Lumapit ito at binigyan agad ako noong hawak niyang pulang party cup. Inamoy ko iyon at sumimsim ng kaonti.
“Bacardi,” sambit ko sa aking sarili at naalala iyong una kong inom nito. Halos gumapang ata ako at nagsusuka pauwi ng bahay. Galit na galit pa si Heluisse sa akin dahil sinukahan ko iyong mamahaling chanel na top niya. Si Dad pa mismo ang kumarga sa akin patungo sa aking kwarto dahil bumagsak na talaga ako sa sofa.
Nawala si Alexis sa aking tabi. Hinila naman ako nitong si Fred hanggang sa makarating kami sa gitna kung nasaan rin ang iilang varsity.
“Cana is in the house!” may lalaking sumigaw noon na mas ikinaingay ng paligid at isa isa pang itinaas ang hawak nila. Tumawa ako at nasuklay paatras ang aking buhok, sinabayan narin ang pag-aangat noong hawak kong party cup.
“Game?” tanong sa akin noong blonde na alam ko ay elite rin sa school.
“Game,” I smirk at her saka pumwesto sa harap. Ang mga iilang lalake ay pinagsisigaw agad ang aking pangalan at pumupwesto na sa aking likod. Puro babae ang naiwan sa may table kung nasaan nakahelera ang iba’t ibang inumin na pag matatamaan noong iniikot na bote ay iyon ang iinumin mo. Nakailang laro na ako nito kaya sanay narin lalo na sa dare.
“No cellphones please! Don’t film this! I might kill someone for being toxic,” saad pa nooong sikat na varsity player at pinakamatangkad. That’s Slate… the hottest guy in our school…
Nagsimula ang laro. Dalawa lang naman ang patutunguhan mo kung hindi mo ininom iyong naiturong inumin. Mapapalabas ka o maghuhubad ng isang damit na suot mo. Iyong una kong laro nito ay napalabas ako, pero iyon rin ang huli kong matandaang naging kj ako sa ilang beses kong paglalaro ng ganito.
“Yuck! No way!” naduduwal na sabi noong isa nang matapat iyong hard na inumin.
“Strip strip strip!” sigaw ng mga lalake na ikinasali ko narin. Hinubad nito ang suot niyang bracelet at ngumisi pa. Pinagsasaway pa siya ng iilan dahil hindi naman dapat iyon kasali. I am not wearing any accessories…
Natapat sa akin ang bote at naituro ng pwet noon ang isang hard drink na nagpasimangot sa akin.
“No way… My Daddy will get mad if he found out I’m drunk so…” I started to unbotton my blouse at hinubad iyon, revealing my brassiere.
Nagsigawan ang mga lalake at halos paulit ulit nang chinachant ang pangalan kong “Cana”.
“You nailed it, girl!” sigaw pa noong isang babae pagkatapos akong makita.
Sa pagtagal ng game ay nakainom narin ako ng kaonti dahil ayoko nang hubarin ang aking skirt! Masyadong malakas ang tugtog at nakakabinging hiyawan ng mga nakapaligid sa akin ang pumaibabaw sa loob ng bahay.
Medyo nahilo ako kaya inalalayan akong pumunta ni Slate sa bathroom. Pero bago paman kami makapasok roon ay hinila ko na siya at idiniin sa pader kasabay ng labi kong sinalubong agad ang kanya. Slate groaned when I stroke his hair, pulling me closer to him. I don’t know if it’s the alcohol or it’s just my hunger…
“Damn, Cana…” his hand cupped my butt and pulled me up. Awtomatiko ko namang ipinulupot ang aking binti sa kanya at sinabayan ang nakakalasing niyang halik. Bumaliktad siya at ako ang isinandal doon sa pader na ikinasinghap ko pero hindi pinuputol ang lumalalim naming halikan.
Sa tatlong taon na namalagi ako rito, marami akong natutunan at nadiskubre base narin sa nasasaksihan ko araw araw sa aking paligid. Ang pagiging ignorante ko sa bagay bagay ay unti-unti ko ring nadiskubre hanggang sa ako na mismo ang natuto at nadala iyon sa lumipas na panahon.
“Cana! Your hot Daddy is here!” I heard Alexis voice from nowhere. Tumigil ako sa paghalik at naalarma agad.
“Wait, Slate! My Daddy is here! Put me down!” Tinapik tapik ko ang balikat niya habang ang kanyang halik ay umaabot na sa aking leeg. Hindi iyon nagpapaawat at halatang ayaw mabitin.
“Slate!” Mas niyugyog ko siya at doon lamang ito tumigil, ang mga mata ay lasing na lasing sa pagnanasa na kahit ang kanyang mga labi ay namumula pa..
Binaba niya ako. Mabilis akong tumakbo sa iniwanan ko noong blusa ko. Ang iilang naroon ay naiiling nalang sa akin at tumatawa na. Ilang beses ko narin ba itong nagagawa sa mga party house na pinupuntahan ko? Palagi akong natutunton ni Daddy at sinusundo ako para pauwiin.
Lumabas ako at mabilis na isinuot ang blusa na halos hindi ko pa maibotones ng maayos. Nasa may pinto na ako nang makita ko si Daddy sa labas, nakasandal sa itim niyang kotse at nakapamulsa, ang mukha ay seryosong seryoso na naman.
“Hey! Wait, Cana!” Hinila ako ni Slate sa aking beywang kaya nadikit ako sa kanyang muli. Maraming napatingin sa amin. Bukod sa sikat si Slate sa school, marami ring nagkakagusto sa kanya. And I even spotted Chaste, nasa amin narin ang tingin.
“I need to go, Slate…” Itinulak ko siya nang marahan kaso ayaw ata nitong magpaawat.
“Just a moment, are we good?” Dinampian niya ng halik ang aking labi na ikinagat ko roon. Tumango tango ako at itinulak siya ng marahan para tuluyan akong makawala.
“Yeah, see you in school!” saka ko ito kinawayan at dali daling tumakbo palabas. Bitbit ko nalang ang aking heel nang makalapit ako kay Daddy at hinalikan ito sa pisngi.
“Hey… you’re here…” sabi ko at halos mawala ang mga mata dahil sa pagtawa. Pinasadahan ko ng aking kamay at hinagod paatras ang aking buhok saka ko iyon sinuklay gamit ang aking mga daliri. Ang nakasanayang mannerism ni Daddy ay naaadopt ko narin ata simula noong humaba ang aking buhok.
“You’re drunk Nana,” madilim na ang mukha ni Daddy na ikinanguso ko. Siya nalang at si Mommy ang tumatawag sa akin noong pangalan kong madalas kong marinig. Nana is just too innocent and ignorant… I am far from that girl now.
“Konti lang naman,” nginitian ko si Daddy na umiling lang at sinipat pa ang aking blusa. Mabilis ko iyong tiningnan at napakurap dahil bukas pa ang dalawang botones noon.
“Opse, sorry.” Humalakhak ako nang sinipat ko iyon ng tingin. Nasuklay ni Daddy ang kanyang buhok at halos maaninag ko ang mga linya sa kanyang noo dahil sa pagkakafustrate sa akin nang pagbuksan niya ako ng pinto sa driver’s seat.
Nakapatong ang dalawa kong binti sa kotse habang kumakain noong nakita kong chichirya sa loob ng dashboard ni Daddy. Pabalik balik naman ang paglingon niya sa akin na agarang ipagsasalubong ang kilay dahil hindi nagugustuhan ang imahe ko.
“Ayusin mo iyang blusa mo at magsuklay ka.” saway niya na ikinanguso ko.
“Daddy, this is fine! Have you seen Heluisse? Ganito rin naman siya.” sabi ko na ikinasuklay niya ng kanyang buhok at lumalabas na naman ang linya sa noo.
“At sino na naman iyong kahalikan mo? Boyfriend?” mariin na ang tingin sa akin ni Daddy at nagbabadya ang galit sa boses.
Umiling ako at ngumiti ng matamis, “that’s Slate, Daddy. May gusto iyon sa akin…” base narin sa kumakalat na rumor sa school at idagdag pa iyong halikan kanina. No wonder wala siyang girlfriend dahil ako na pala ang kinababaliwan.
“The last time I fetch you, akala mo beach ang pinuntahan mo at nakabikini ka. Dapat ba akong matuwa ngayon at nakadamit ka pa maliban sa nakabukas na botones ng iyong blusa?” halata ang sarkastiko sa kanyang pananalita at hindi na ata mapahinahon ang kilay niyang nagkakasalubong.
Natawa ako nang maalala ang araw na iyon. Hindi pa kasi ako sanay sa mga inumin kaya iniiwasan ko pero paborito ata ako noong bote at ako ang palaging tinuturo. Pang-ilang beses ring nahilamos ni Daddy ang kanyang mukha nang araw na iyon na nagawa pang bumalik sa loob noong bahay para kunin ang mga damit ko.
“Chill, Daddy. Wala tayo sa Pilipinas. No one will judge you if you wear offensive clothes…” I smiled at him na mabilisang ikinasira ng kanyang mukha. Umawang ang bibig niya kaya inunahan ko na agad bago siya may mabanggit.
“You won’t gone viral if someone sees you making out with someone or wearing nothing,” kibit-balikat ko at mapaklang napangiti.
Nag-iwas ng tingin sa akin si Daddy habang ako naman ay natulala na sa kahabaan ng kalsada. Those sleepless nights thinking how innocent I was back then. Na kung ibabalik lang ang nakaraan, mas gugustuhin ko atang itapon ang ganoong ugali ko at mas pipilian ang naging ako ngayon. Siguro hindi ako nauto at okay parin ang pamumuhay ko sa Pilipinas kasama ang mga pinsan ko. Pero ngayon pa ba ako magsisisi? Tapos ko na iyong magawa. This is still me. Naadopt ko lang talaga ang pananamit at ugali nila rito, iyong pagiging liberated…
“Lola!” Mabilis akong nagtungo sa kanya at hinalikan ito sa pisngi. Ngumiti naman siya ng matamis pero nakipagtinginan rin kay Daddy at tila nag-uusap na sila sa kanilang mga mata.
“What happened to your blouse, Cana?” tanong ni Antie Andrea nang makita ang aking hitsura. Tumawa lang ako kaya nalipat ang kanyang tingin kay Daddy na nagkibit nalang ng balikat.
Umakyat agad ako sa aking kwarto at kamuntik pang madapa sa hagdan dahil sa nainom kong kaonti sa party. Naririnig ko na ang boses ni Daddy sa ibaba at ikinukwento kung saan niya ako sinundo.
Simula noong dumating si Daddy rito, ni isang impormasyon sa Pilipinas ay wala siyang sinabi sa akin. Noong unang summer naman ay bumisita ang mga pinsan ko rito kaya sobrang tuwa ko. Ipinakilala ko pa sa kanila si Heluisse at iyong isa ko pang pinsan na babae. Wala akong balita tungkol kay Aries o iyong Buenaventura man lang na kumuha ng kainosentehan ko tungkol sa mga halik. It’s okay to kiss someone because it’s not a bigdeal anyway. Kahit hindi mo mahal, kahit inuuto mo lang naman, kung gusto mong halikan, pwede mong halikan. I really learned things in a hard way huh.
“Balita ko may panibago ka raw lalake?” tanong ni Mommy sa akin nang mamataan niya ako sa kusina kinaumagahan. I am eating some nachos and baked mac early in the morning. Hindi sila masyadong mahilig sa kanin rito at nakasanayan ko naring ganoon ang lifestyle ko.
“Kinwento ni Daddy sa’yo?” tanong ko nang makaupo siya nang tuluyan sa aking tabi. Nakaroba pa ito at buhaghag ang buhok dahil kakagising pa lang.
“Yes…”
Ngumuso ako at sumubo ng nacho. “Slate is hot, Mommy. If you have seen her, papasa iyon sa standards mo.” sabi ko na hindi niya na ikinagulat pa.
“So, boyfriend mo na talaga?”
Umiling ako.
“But your Dad told me na nakita niya raw na hinalikan ka noong lalakeㄧ
“That’s called friendly kiss, My. Wala naman iyong label.” normal kong pahayag na ikinatikom ng kanyang bibig.
“Oo nga pala, lumabas na iyong results ng exam namin at mataas ang marka ko. Sabi noong prof magaganda raw iyong designs ko at pwedeng isali sa auction. What do you think, My? Para kasing masyado pang maaga para ilabas ang mga designs ko.” pag-iiba ko ng topic na mabilis rin namang ikinalihis ng kanyang atensyon.
“Hmm, it’s okay if you expose some of your designs. Sigurado akong pagkakaguluhan iyon sa auction, Nana. They’re amazing!” Marahang lumaki ang kanyang mga mata nang sumubo ng pagkain.
Napangiti ako ng matamis at sumubo narin. Simula noong may nakakita ng designs ko, medyo nagiging sikat ang aking pangalan sa kursong fashion designer. Palaging nangunguna ang mga gawa ko at nakakakuha ako roon ng malalaking marka. Noong second year ako, ako iyong pinagawa ng gown noong pambato ng aming eskwelahan and luckily nakatanggap ito ng award dahil naging outstanding ang aking design na suot niya.
Sa dami ng opportunities na nakaabang, minsan ay nahihilo na ako kung sino ang papapasukin at sino ang irereject. Iyong kinikuha kong opportunity ay iyong mas maeexpose ang aking designs.
“Daddy, I’m nervous… paano kung hindi nila magustuhan ang pagrampa ko?” Nanlalamig ang aking mga kamay nang nilingon ko ang runway at ang iilang judges sa harapan. Maraming taong manonood at baka ay sumali sa bidding mamaya kung nagustuhan iyong mga suot na design noong mismong designer. Naimbitahan ako sa isang malaking fashion show kaya hindi ko agad inaksaya ang oportunidad na maipamalas ang aking mga designs.
Hinaplos ni Daddy ang aking pisngi at nginitian ako.
“Ang ganda ganda mo tapos mahihiya ka? Maganda ang design mo at alam ko, lahat ng judges diyan ay mabibihag mo. You came from me Nana, they won’t resist your charm…”
Medyo gumaan ang aking pakiramdam dahil sa naging pahayag sa akin ni Daddy. Napapansin ko rin ang iilang kaedaran kong babae na napapalingon sa kanya. He’s wearing a tuxido and black slacks paired with black shoes. Galing pa ito sa meeting at nagmadaling pumunta rito para lang suportahan ako. Mom told me hahabol raw siya mamaya.
“I’ll make you proud, Daddy…” sabi ko na ikinangiti niya ng matamis.
“I’m already proud…” saka niya ako hinalikan sa noo.
Iyon ang pinanghawakan ko. Na nanonood si Daddy at dapat ay galingan ko sa pagrampa. Nagawa ko na ito ng ilang beses sa school sa tuwing nirarampa ang aking design sa aking prof pero iba parin iyong ipapakita mo iyon sa maraming tao at sa mga judges na galing pa sa mga malalaking kompanya.
Pumila na kami sa platform at naghihintay nalang na senyasan saka kami rarampa sa runway na medyo may kahabaan. May mga manonood naman sa bawat gilid na nangingilatis rin ang mga mata pag lalakad kana.
Huminga ako ng malalim saka isineryoso ang mukha nang ako na ang sumunod. Katulad noong itinurong tamang paglakad noong mentor ko sa school, iyon ang ginawa ko kasabay ng damit kong tumalbog talbog dahil sa aking paglakad. Sinadya kong ganoon ang pagkakadesign para makakuha ng atensyon sa t’wing naglalakad dahil sa pagsabay nito. Isa itong silk na kulay dugong A-line dress. Tube top iyon na may pagka V ang parteng cleavage at malalaki na ang platings sa may beywang hanggang itaas ng tuhod. Backless iyon at tanging laces ang nagiging saplot sa likuran.
Huminto ako sa gitna at umikot kasabay ng pagsuklay ko paatras ng aking buhok. I smiled cockily on the judges who look stunned while watching my moves. Parang wala silang pinapalampas, na kahit ang paglagay ko ng aking kamay sa aking beywang ay sinundan rin nila saka ako muling umikot at rumampa paalis, tanging likod nalang ang nakikita na ikinalakas ng palakpakan. Namataan ko pa si Daddy, nakatayo at mas malakas ang palakpak habang nakangiti ng malaki.
Sa huling rampa ko ay kasama niya nang pumapalakpak si Mommy at proud na proud ang mukha. Nabuhayan ako ng loob roon at mas ginalingan pa, ang kahihiyan ay naisipa ko na nang tuluyan palabas sa aking katawan.
“You made it! Ang ganda ganda ng rampa mo!” salubong sa akin ni Mommy nang pinuntahan ko sila. Nagyakapan kami at kulang nalag ay tumalon talon ako sa tuwa.
“My! I am so nervous! Grabe!” I said dramatically while wiping my beads of sweat on my forehead.
“Kinakabahan ka pa pala noon eh ang ganda ganda ng pagkakarampa mo. Hindi ka naman sana nagmodelo pero para kang naging modelo ng sarili mong damit, Nana.” si Daddy na ikinangiti ko nang lubusan.
“Really Dad?”
Tumango siya.
Natawa ako at nailing rin. Ngayon pa ako tinubuan ng hiya pagkatapos ng rampa at nababahala na baka ay hindi mapili ang aking design. Pero sa reaksyon ng aking mga magulang, malaki na ang kumpyansa ko at alam kong mapipili ang designs ko.
Hindi rin naman ako nagkamali sa aking hinala. Nang inanunsyo noong Mc ang ipinangalan kong “Cana’s design” ay napatili na kami ni Mommy. Umakyat ako muli sa platform at binigyan noong boquet. Nakuha ko pa iyong certificate na “best designs” na lubusan kong ikinatuwa.
“Miss Cana, may mga judges na gustong kumausap sa’yo at gustong bilhin ang designs mo. Pwede mo na iyong hindi isali sa auction dahil may buyer kana.” sabi noong babaeng isa sa staff noong program. Nagkatinginan pa sila Mommy at Daddy habang ang aking mga mata ay sumuyod sa kinaroroonan ng ilang judges. Ngumisi iyong lalake na kaedad lang ata ni Dad at itinaas ang hawak niyang champaigne na ikinangiti ko lang ng tipid. Sa ngiti palang parang manyakis na…
“Sorry pero nag-aaral pa ako eh. Third year college pa ako at gusto ko munang makapagtapos bago pumasok sa mga malalaking kompanya.” sabi ko. Wala namang pagtutol sa mukha ng aking mga magulang. Palagi naman nila akong sinusuportahan sa mga desisyon ko. Kailanman, hindi nila ako diniktahan kung ano ang gagawin ko. They let me choose my path. At ngayon, sinisigurado ko talagang hindi ako maliligaw, na hindi ako mapupunta sa maling direksyon katulad ng nangyari sa akin 3years ago. Sinisigurado akong nasa tamang daanan ako at naaayon ang direksyon na iyon sa ikakasaya ko.
“I’m sure, pag nakagraduate ka ay pag-aagawan ka ng malalaking kompanya Nana. Your designs will surely conquer the world. Sisikat ang pangalan mo.” sabi pa ni Mommy sa akin nang makapasok kami sa kotse at papunta na sa Restaurant kung saan kami magdidinner.
“Mamimili po ako ng magandang kompanya na hahawak sa akin, My. Iyong magagabayan ako sa paggawa ng sarili kong pangalan sa industriya at mamamanage ako ng maayos…” sabi ko sa likuran nang nilingon ako ni Mommy na nakaupo sa front seat.
Tumango tango si Daddy. “That’s good to hear Nana. Mas malaki ang oportunidad mo dito at unti-unti nang nakikilala ang mga designs mo kahit nag-aaral ka palang. Hindi na ako magugulat kung sa susunod ay palipat lipat kana ng bansa para kunin kang designer ng malalaking pangalan sa industriya…”
Singlayo ng sinabi ni Daddy ang paglalakbay ng aking utak at hindi halos makapaniwala ang nangyayari sa aking buhay. Alam ko namang maimpluwensya ang kinalakihan kong pangalan, na pag Delafuente ka ay papanig palagi ang swerte sa’yo dahil sa koneksyon ng angkan namin. Pero kung kahihiyan ang nadala ko noon gamit ang pangalan ko, ngayon naman ay unti-unti nang bumabango ang Cana Delafuente sa ibang bansa hindi dahil galing ako sa makapangyarihang angkan ng mga Delafuente kundi dahil sa mga designs kong nakikilala na kahit na hindi nila alam ang tunay kong pagkatao. Si Cana na gumagawa ng ingay hindi dahil inosente at ignorante sa mga bagay bagay kundi dahil sa mga designs kong nakakakuha ng atensyon.
33rd Hooked
Wild
“Hey…” Hinila agad ni Slate ang aking beywang nang mamataan niya akong naglalakad sa hallway nang tanghaling iyon.
Kumurap ako at namataan ang imahe ni Chaste na naglalakad narin sa aking gawi at nagkakasalubong pa ang kilay nang makita akong kasama si Slate.
“Lunch?” Ang kamay ay umakbay na sa akin. Naamoy ko agad ang mint sa kanyang bibig nang yumuko siya para sabihin lamang iyon ng malapitan.
“I’m not hungry, Slate…” banayad kong sabi at tinanggal ang pagkakaakbay niya. Nakavarsity parin ito at medyo pawisan pa pero humahalo lang ata ang kanyang pawis sa nakakaakit niyang pabango at mas lalong nagpapagwapo sa kanya.
“Diet?” Sinipat niya ang aking katawan. Wash day kaya nakapumps ako, fit na pants at top na may floral designs. Nagiging klaro ang aking malalalim na collarbone dahil sa nipis na strap ng aking suot at idagdag pa ang buhok kong sinuklay ko patagilid kaya napunta lahat sa aking likuran para hindi tumakip sa aking collarbone.
“Cana,” lumapit narin si Chaste at maanghang agad ang tingin kay Slate. Awtomatiko namang umangat ang kilay ni Slate at nakapaskil na sa mukha na kung manghahamon ito ng away ay susugod agad siya. I need to get out in here…
“So the rumors were right? You two were.. “ Naggesture pa si Chaste sa kanyang kamay tungkol sa aming dalawa ni Slate na ikinailing ko agad. Slate’s brows furrowed as he watched me.
“We’re just good friends,” anunsyo ko na ikinawala ng kislap sa mga mata ni Slate.
“Oh,” sumipol pa si Chaste at nang-aasar na ang tingin kay Slate nang matigilan ito sa aking tabi.
“Including you, Chaste,” pahabol ko na agaran ring ikinawala ng pagdidiwang sa kanyang mukha.
“Di ko kayo tipo,” hindi ko na napigilang magtagalog pa para hindi nila maintindihan iyon. Kapwa sila nagkatinginan at nakapaskil sa mga mukha ang kyuryusidad.
“Just google it. I need to go guys…” I smiled flatly saka rin ako tumalikod at iniwan ang dalawa na kapwa natigilan sa aking pahayag. Napabuntong ako ng hininga. Ilang lalake narin ba ang pumuporma sa akin rito at ni isa ay wala naman akong tinanggap bilang kaibigan ko.
“But we kissed…” narinig ko pa si Slate
“We kissed, too…” si Chaste naman. Natampal ko nalang ang aking noo dahil mukhang pumapangalawa na ako sa pinsan kong si Heluisse. Friendly kiss lang naman iyon ah? At sa dami ng nakahalikan ko, doon narin ako natuto. Ayoko lang talaga maulit iyong noon na may nagramble sa 2nd year dahil lang kinausap ko iyong isa na ikinaselos naman noong isa. Kahit koleheyo na ako ay ang gulo parin talaga ang kusang lumalapit sa akin.
Mag-isa akong nagtungo sa cafeteria. May mga bumati sa akin na nginitian ko at bumati narin ng tipid kong “hey…” dahil hindi ko na matandaan ang mga pangalan nila.
“You dumped the hottest guy in the campus,” bungad ni Heluisse sa aking nang umupo ito sa aking harapan dala dala ang tray niyang may orange na prutas at sandwich na hinati pa sa dalawa.
“Di ko naman siya type…” sabi ko.
“Pang ilang beses ko na ba iyang narinig sa’yo? Tao parin ba iyang tipo mo?” tanong niya sa akin.
Pumangalumbaba ako sa aking kinauupuan at tinitigan ang medo visible na freckles ni Heluisse. Iyon talaga ang nakakaakit sa kanyang mukha at ang mga mata niyang masyadong cold. Nakadress ito ng itim ngayon na akala mo ay may pinagluluksaan na bagay at litaw na litaw ang malalim na collarbone habang ang buhok ay nakahalf ponytail.
“Ayoko lang sa mga lalakeng masyadong hyper at playboy?” usal ko na ikinataas ng kanyang kilay.
“Suplado ang gusto mo? Intimidating? Cold?”
Ngumuso ako at hindi agad nakasagot dahil sa imahe ng lalakeng lumabas sa aking isipan. Bakit ko pa ba naiisip iyon? Ang hirap lang talagang kalimutan ng mga mata niya. Na kahit ipikit ko man iyon ay mukha niya parin ang makikita ko bago dalawin ng antok at kahit sa panaginip ay nandoon siya.
“Sa morgue, marami niyan.” sabi niya pa at kinainan ng maliit iyong sandwich niya.
“Hindi naman sa ganoon, pero gusto ko lang ng lalakeng misteryoso… kahit h’wag na iyong cold.”
“Like Aliens? Drug lords? Terrorist?”
Napasimangot ako sa mga binanggit niya. “Hindi naman iyong mga delikado!”
“Pero misteryoso sila. Bukas di natin alam nasakop na pala tayo,” kibit balikat niya na ikinahulog ng aking ulo at napayuko nalang. Bakit ba ganoon ang gusto ko sa lalake? Kahit na tinutulak ko ang sarili ko sa mga lalakeng nakapaligid sa akin, iyong kasalungat niya, ni isa ay walang pumapasa sa taste ko. I can’t find that excitement I felt when he kissed me… I feel like my feelings were hooked with someone I’m trying to forget. Na kahit nakawala na ako sa bitag at nakalayo na roon sa inihulog na hook sa dagat ay may parte parin sa aking loob na bumalik sa aking daan at magpahuli ulit sa bitag na iyon. Para akong isdang gusto nalang hilain paalis sa dagat at mailipat sa aquarium o kung malas man ay makain rin noong inaakala kong aalagaan ako dahil sa bitag na inihulog pero pagkain lang pala ang tingin sa akin dahil nga isda ako. Uto-utong isda.
Dumeritso ako sa bahay nila Heluisse dahil nagyayaya itong lumabas mamayang gabi. Pagdating sa kanilang bahay, nadatnan ko si Tita Jhazmine na may suot na apron at nagbibake ng kung ano.
“Cana!” mabilis agad itong napangiti nang makita ang aking presensya. Ang kanyang mga mata ay hindi nalalayo sa anak niyang si Heluisse na dumeritso na roon sa stool at pumapapak noong grapes sa gilid.
Tumabi ako sa aking pinsan at tiningnan ang niluluto niyang pancakes. Nagpunas siya ng pawis sa noo at napangisi nang resulta noong pagbabaliktad niya.
“See? Naperfect ko,” pagmamayabang niya kay Heluisse na tinitigan iyon sandali pero lumipat rin ang tingin sa ibang bagay.
“Ang galing niyo po, Tita!” Pumalakpak ako na ikinangisi niya lalo.
“Siya ata ang tunay mong anak, Mommy.” sabi ni Heluisse na ikinahalakhak ko.
“Kasi hindi ko rin talaga napeperfect ang hugis ng pancake ko pag binabaliktad ko na.” sabi ko
Hindi na iyon masyadong pinagtuunan ng pansin ni Heluisse. Kumuha siya ng platito at isang pancake saka iyon nilagyan ng syrup. Gumaya narin ako at kumain. Mukhang wala pa si Tito Kurt at nasa trabaho pa.
“Cana, nagpaalam ka ba sa Daddy mo na nandito ka?” tanong ni Tita na ikinailing ko
“Last time, madalas siyang tumawag rito at tinatanong kung magkasama kayo ni Lewiss,” binalingan niya ang anak na nasa pagkain lang ang tingin.
“Nasa house party po ako madalas, Tita,” sabi ko
“Sasabihin ko nalang sa Daddy mo na nandito ka para hindi mag-alala,”
Tinanguan ko si Tita. Minsan kasi ay naiiwan ko ang aking cellphone sa bahay. Hindi naman ako masyadong magadgets. Ni social media ay wala na ako. Nakakapagpicture lang ako kung family gatherings at sumasama ako roon. Ang weird nga at nakakaya kong makisalamuha sa mga tao at hindi na naaout of place hindi kagaya noong nakasanayan ko na nasa sulok lang at panay ang cellphone. Para akong isdang pinakawalan sa malaking dagat at nakawala sa isang hawla. Wala na ni isang nambabakod sa akin na kahit sino mang lalake ang umakbay o kumausap sa akin ay hindi matatakot.
“Pag susukahan mo ulit ako, iiwan na talaga kita sa kalsada at wala akong pakialam kung ligpitin ka nalang ng truck ng basura kinabukasan,” pagbabanta ni Lewiss sa akin nang pumasok na kami sa isang Bar.
“Ang harsh,” natatawa kong sinuklay paatras ang aking buhok na sumabog agad at medyo naging messy na.
Dumeritso kaming dalawa sa counter. Nag-usap lang kami tungkol roon sa sinalihan kong auction noong nakaraan. Kahit siya ay interesado sa mga designs ko na kaya niyang ipagpalit ang iba niyang Chanel na suot para lang sa designs ko. May iba siyang damit na ako mismo ang gumawa at gustong gusto niya iyon dahil binagay ko talaga sa kanyang awra, medyo intimidating siya kaya bagay sa kanya ang kulay black o mga dark colors.
“Heluisse!” Isang babae ang lumapit sa amin. Malapad agad ang kanyang ngiti nang nilingon siya ng aking pinsan.
“You’re here!” anang babae na ikinatitig ng matagal sa kanya ng aking pinsan.
“Gaga, di kita kilala,” saka rin itinuon ni Heluisse ang tingin sa harapan na ikinatawa ko lang dahil hindi siya naintindihan noong babae.
“You’re Cana, right? I’ve seen your designs!” pamumuri nito na ikinangiti ko ng matamis. Nasanay na ako sa mga hindi pamilyar na mukhang pumapansin sa amin ng pinsan ko.
“Basta elite talaga lapitin ng mga kagaya niyan, sipsip.” saad ni Heluisse bago inangat ang hawak na inumin at nilagok ang isang black label.
“See you in school!” Kumaway ito sa akin papunta sa dancefloor kaya kumaway narin ako pabalik.
Nasanay na ako sa mga ganoong babae. Marami noon sa school at didikit talaga sa’yo kung elite ka para lang hindi maleft behind. Hindi kagaya ni Heluisse na snob, pinapansin ko sila pabalik hanggang sa halos buong estudyante ata sa campus ay kilala na ako dahil sa pagiging friendly. Iyong iba naman ay nakikilala na talaga ako kahit hindi ko naman kilala. Sinasabi nilang sikat raw ako.
“Ang cute niya naman!” komento ko na ikinarolyo ng kanyang mga mata.
“Kung hindi siguro kita isinalba sa kabaduyan mo noon, baka hanggang ngayon nagmukha kang nobody kagaya noon na nagpapapansin nalang para mapansin,”
“Ang laki ng impluwensya mo,” umiling iling ako.
“Ganyan kana talaga, nakatago lang. Sabi ni Mommy sa akin, iyang mga magulang mo raw ay tinaguriang playgirl at playboy noong nasa edad nila tayo. Imposibleng wala kang namana sa dalawa…” Sinipat niya pa ako na akala mo ay may mali sa akin saka muling uminom noong inaalog alog niyang baso.
“Okay naman ako. Gusto ko naman ang ganito, iyong hindi nauuto, hindi ignorante at hindi inosente…”
“Ikaw kasi noon ang sarap mong utuin.”
Tumawa nalang ako at nasuklay muli ang buhok paatras. Nahawi ang aking buhok na sinundan pa ng tingin ni Lewiss pero nailing rin at sumimsim noong iniinom niya.
Nakailang baso ako at masyadong naalow sa pagsasaya. Ni hindi ko na namalayan ang sarili kong nakikihalo sa dancefloor at may lalake nang dikit na dikit sa aking pwetan. I felt his kisses on my neck kaya humarap ako at natatawa itong tiningnan.
“Hey…” Awtomatiko kong ipinulupot ang aking mga kamay sa kanyang leeg at halos titigan ang mga mata nitong hindi ko masyadong nagustuhan.
“Cana…” sambit niya sa aking pangalan na ikinakurap ko.
“You know me?” sabi ko nang malapitan para marinig niya iyon ng husto.
Tumango siya at ngumisi na, ang kamay ay nasa aking pwetan at doon namamahinga.
“Yeah… You caused trouble with guys in school. My friend Chaste and Slate were crazy over you. You dumped them?” bulong niya pero humahaplos na ang tungki ng ilong sa aking pisngi at parang nanunukso.
“Varsity?” tanong ko sa mga mata kong parang bibigay na at kulang nalang ay mahulog sa sahig.
“Yeah…” Lumapit pa lalo ang kanyang mukha, “friends?” halos ibulong niya iyon sa aking labi.
Dala ng nakakaliyong tunog, ng paningin kong umiikot, niyakap ako ng alak at bumigay na nang lumapat ang kanyang labi sa akin. Nalasahan ko agad ang ininom niya nang diinan ko ang halik at ginaya ang pamilyar na galaw ng kanyang labi. Ang aking kamay ay nasa may batok niya na na unti unti kong ginagapang papunta sa kanyang buhok at halos daanan ko iyon ng aking palad para mas itinulak siya lalo sa akin.
“A good kisser…” he deep breathely as his kisses travel on my jaw.
“Enough enough with that friendly kiss! Let’s go home, Cana.” Bigla nalang hinila at itinulak ni Heluisse iyong lalake paalis sa aking harapan saka niya ako hinila. Nilingon ko pa ito at iwinagayway ang aking mga kamay para magpaalam. He smiled at me and waved his hand, too.
“Sino ’yon, Heluisse?” tanong ko at halos umekis ekis na ang aking paglalakad dahil masyado na akong tinatamaan noong ininom ko habang kinakaladkad ng aking pinsan palabas.
“That’s Chain, isang senior at nabibilang sa elite sa school.” Nilingon niya ako sandali, sinipat ang umaalon kong paningin saka rin nailing at kinaladkad ako papasok sa isang cab.
“Sayang naman at gagraudate na…” bulong ko sa aking sarili na hindi nakaligtas sa kanya.
“You innocent playful girl…” nanliit ang kanyang mga mata sa akin. Ipinikit ko lang ang aking mga mata at isinandal ang aking ulo sa may bintana.
“Hmm, I’m just being friendly… Extra friendly…” I smiled innocently.
“Friendly huh. Kunwari friendly pero malandi na pala.” sabi niya pa pero di ko na iyon pinagtuunan ng pansin. The one who taught me is such a sly…
Nauna akong bumaba sa cab saka rin sunod na umuwi si Heluisse. Pag-uwi ko ng bahay ay akmang aakyat na ako sa gate para doon dumaan sa railings patungo sa aking kwarto pero di ko rin nagawa nang makita ko ang imahe ni Daddy, nakahalukipkip at madilim ang ekspresyon.
“Use the front gate, Nana.” utos niya na ikinangisi ko ng hilaw at bumaba rin sa sinampahan ko. Nagtungo ako roon at hinintay na buksan niya iyon.
“Why are you still up, Daddy?” tanong ko sa namumungay kong mga mata at medyo umiikot pa ang aking paningin.
“Magkasama raw kayo ni Lewiss?”
Tumango agad ako. Siguro nakalap niya iyon kay Tita Jhazmine dahil tumawag na naman siya roon.
Nauna akong pumasok sa bahay dala dala ang pumps ko at nakapaa nalang. Ramdam ko ang lamig noong tiles pero di ko na iyon pinansin pa.
“Deritso sa kusina,” sabi nito sa aking likuran kaya awtomatiko namang nalihis ang aking paglalakad papunta roon imbes na umakyat na sa aking kwarto.
Umupo ako at nahawakan ang ulo kong medyo kumikirot. Para akong umaalon at hindi na maramdaman ang sarili. Napasobra ata ako sa black label. Bukas ko talaga pagsisisihan ang pag-inom pag kumirot na ang aking ulo.
Naglapag ng mainit ng sabaw si Daddy sa aking harapan na medyo ikinabuhay ng aking katawang lupa. Nginitian ko siya bago ko iyon hinipan. Nakahalukipkip siya sa kanyang silya, hindi nagbabago ang madilim na ekspresyon ng mukha at malalim ang paninitig sa akin.
“Nana, may problema ba?” tanong niya bigla sa akin na ikinakurap ko.
“Po?”
“You’re acting strange these past 3 years. Dahil ba ito sa lalakeng nangloko sa’yo?”
Bumingisngis ako at nagawa ko pang takpan ang aking bibig para hindi lang tumakas ang aking boses.
“Daddy, no! Past na po iyon at wala akong dalang bagahe ng paghihigante o kung ano pa mang galit sa aking nakaraan. I am enjoying my life right now at masarap pala iyong malaya mong nagagawa ang mga hindi ipinagbabawal sa’yo. Araw araw, kahit nadadapa ay natututo akong bumangon at naiiwasan na ang mga sitwasyong ganoon dahil alam ko na ang mangyayari sa akin. I am learning from my mistakes, Daddy…”
His shoulder loosened, na kahit ang ekspresyon ng mukha ay unti unti nang nagiging kalmado.
“So you mean… walang kinalaman ang nakaraan sa pagiging ganyan mo?”
“Pagiging ganito?” Tiningnan ko ang sarili, “Pagsasaya at mamuhay ng naayon sa gusto mo, Daddy?”
Bumuntong ng hininga si Daddy. “I just thought you’re not happy… Hindi lang talaga ako nasanay na kahit ilang taon ata ang dumaan, iyong Nana na matatakutin, mahiyain at inosente parin ang nakikita ko.”
“Ako parin naman ’to, Dad. Pero gusto ko lang matuto sa sarili kong pagkakamali. Gusto ko lang tumayo sa sarili kong mga paa. Na hindi ako malilinlang dahil lang inosente at ignorante ako sa bagay bagay. Pinahiya ko po ang apelyido natinㄧ my voice cracked as I tried to compose my words.
“Hindi mo pinahiya ang apelyido natin, Nana. Biktima ka at wala kang kasalanan…”
Matabang akong napangiti. Kahit dumaan ang ilang taon, nakawala lang ako sa pagiging inosente at ignorante ko pero may bitag parin na hindi ko matanggal tanggal sa sistema ko. Ang bitag ng nakaraan ay nasa loob ko parin at ang hirap tanggalin noon.
“It’s my fault, sweetie… Kung maaga lang kitang minulat, kung ginabayan lang kita ng maayos at hindi masyadong nagpasubsob sa trabaho, baka naiwasan iyonㄧ
Umiling iling agad ako. “Hindi mo po iyon kasalanan, Daddy! Ni minsan, hindi ko po kinwestyon ang pagpapalaki niyo sa akin ni Mommy! Masaya po ako at ganoon niyo ako pinalaki. Sobra sobra na nga po iyong marangyang buhay at ang pagmamahal na ibinibuhos niyo. Doon po, kontento na ako.”
Tumayo si Daddy at pumunta sa likuran ng aking kinauupuan saka ako niyakap roon. Napahawak ako sa kanyang maugat na braso at dinama ang mainit niyang yakap.
“My poor little girl…” Hinalikan ni Daddy ang aking ulo na ikinangiti ko at mabilisang pinalis ang luhang patulo na.
“I am not little anymore, Daddy…”
“Ikaw parin ang batang tinuruan kong magbisikleta noon at gumagulhol ng iyak dahil nabangga mo iyong halamang nadurog. Awang awa ka sa bulaklak na halos mamatay sa pagtawa ang Mommy mo…” Kapwa kami natawa dahil sa kanyang sinabi. Naalala ko ang eksenang iyon. Na halos hindi ako makamove-on at nagsumbong pa ako kay White kaya binalikan namin iyong halaman at inilibing niya sa lupa.
“I didn’t change ’kay? I just learned from my mistakes. I learned it in a hard way…” pamilyar na sagot ko sa aking Daddy.
“I really thought nagrerebelde kana! Tapos malalaman kong normal ka lang pala? Maaga na nga ata akong mapapanot dahil sa pagiging wild mo,” nag-aalalang sabi ni Daddy na kapwa rin naman namin ikinatawa.
Tiningala ko pa siya at tiningnan ang kanyang buhok. “May isang white hair kana po,” saka ko iyon binunot.
Mariin siyang napapikit. “And you’re just turning 20 pero ganito na ako kung mag-alala sa pinaggagawa mo. Nakakagulantang ang pagdadalaga mo,”
Humagalpak lamang ako ng tawa. May ikakalala pa ba ang pagbabago ng aking imahe? Para sa akin mukhang wala naman ah? Pakiramdam ko lang tumangkad ako at nagkaisip na.
Summer. Tapos na ulit ang kabanata ko bilang 3rd year college at hinaharap ang mainit na sikat ng araw sa buwan ng May. Suot ang nude color na bikini, sinundan ko ng tingin ang pinsan kong kakaahon lamang sa suot na itim na bikini at hinilamos ang mukha kasabay ng pagsuklay niya sa kanyang basang buhok paatras.
Lumapit siya sa aking inuupuan at kinuha iyong citcus juice. Ibinigay ko sa kanya ang kanyang tuwalya niya isinabit niya sa kanyang balikat. Maganda ang pool na pinuntahan namin dahil makikita mo talaga ang kabuuan ng City. Ang naglalakihang mga gusali ay tanaw na tanaw mo lang dito sa itaas ng rooftop kung nasaan itong pool na may pagkahugis eternity.
“Summer na. Pupunta iyong mga pinsan mong taga Pilipinas?” tanong niya at nasa malayo na ang tingin.
“Siguro…” Ngumisi ako sa kanya ng makahulugan na mabilisang ikinabusangot niya.
“Pag di mo itinigil ang kakangiti ng ganyan pagkalunod talaga ang ikakamatay mo, Cana.” pagbabanta niya sa akin na ikinahalakhak ko lamang. Wala naman sana akong binabanggit na pangalan pero kung mang-akusa ay masyadong guilty.
“You know they’re not my type…” saad niya pa na ikinatango tango ko lang pero hindi mabura-bura ang matamis na ngiti sa aking labi.
“Stop it!” Akma niyang ibabato sa akin ang hawak niyang baso kaya napatili na ako at natatawang tumakbo paalis sa kanyang harapan. Kaso sa kakalingon ko sa aking pinsan ay hindi ko na nakita ang nasa harap. Nagulat nalang ako nang may humawak sa aking beywang para napatilihin ang aking balanse.
Napakurap ako at nag-angat ng tingin sa lalakeng nakangisi na sa akin. He’s a bit familiar to me…
“Careful,” he licked his red lip as he glanced at my body.
Ngumiti ako ng tipid at lumayo ng kaonti sa kanya nang tuluyan ko nang mabalanse ang aking sarili kahit wala ang tulong niya.
“Thank you,” I smiled at him causing him to stare at me.
“Cana! Get back in here! Marupok kang babae ka! Lumalayo layo ka nga sa mga gago!” sigaw ng aking pinsan na mukhang hindi napunto nitong lalake. Bago ko pa man maungkat sa aking alaala kung sino ito ay kusang pumasok ang pangyayari noong nagBar kami ni Heluisse. Siya iyong kaibigan ni Slate at Chaste…
“Ang sakit talaga magsalita,” bulalas nito na ikinalaglag ng aking panga. Pilipino ito? Akala ko pa naman…
“Kaya ko tinagalog para mas maintindihan mo,” sabi ni Heluisse sa malamig na boses na ikinangiwi ko nalang.
“Pasensya na sa pinsan ko,” ngumiti ako sa kanya na ikinatango niya na. Nagawa pang ngumisi. Sa mukha palang mukhang gago rin ito.
34th Hooked
Bitag
Graduation. The most memorable moment of my life. Suot ang aking toga, nakangiti kong tinanggap ang diplomang inilahad sa akin. Nilingon ko pa ang aking mga magulang, sila Antie Andrea, Lola and Lolo Greg na matamis ang ngiti sa akin kasama ang parents ni Heluisse. Sabay kaming gumraduate at kapwa masaya dahil sa wakas ay tapos na ang apat na taon naming pamamalagi sa koleheyo.
Kumain kami sa isang enggrandeng five star restaurant. Pinag-uusapan na nila iyong kabi-kabilang kompanya na gustong kunin ang aking mga designs.
“Why not you build your own company, Cana?” suhestyon ni Antie Andrea na ikinatingin sa akin ng mga magulang ko. Si Heluisse ay sinipat ako sandali pero sumubo rin at napunta sa pagkain ang atensyon.
“I am planning to build my own company po pero mag-iipon muna ako ng pera sa mga opportunities na lumalapit sa akin. Pag nakaya ko ng tumayo mag-isa sa sarili ko ay magtatayo na po ako,”
“Really? That’s brilliant, hija! I am so proud!” si Lola na pumalakpak pa sa akin.
“She’s really a grown-up 20 year old girl…” si Lolo naman
“Pero saan mo ba balak magtayo? Marami naman tayong connections dito… di’ba Tita?” binalingan ni Mommy si Antie na tumango tango rin agad.
“Sa Pilipinas po,” sagot ko na ikinatigil nila.
May kung anong gumuhit na reaksyon agad sa mukha ni Daddy. Alam nila kung anong nangyari sa akin sa Pilipinas kaya siguro ganoon nalang sila kagulat nang sabihin kong doon ko balak magtayo.
“I thought you’re already happy here? Bakit gusto niyo ata ni Heluisse na pumunta sa Pilipinas?” Binalingan pa ni Tito Kurt ang anak na sinipat rin ako ng makahulugang tingin.
“Maraming oportunidad sa Pilipinas,” si Heluisse naman na ikinaangat ng kilay ng kanyang Daddy.
“Nangingibang bansa ang mga tao dahil mas maraming oportunidad sa labas.”
“Kaya nga po mangingibang bansa kami ni Cana dahil maraming oportunidad sa labas, Dad.” sagot niya naman na ikinakagat ng labi ng kanyang Mommy at nagpipigil ng ngiti.
“She makes sense, Kurt,” natawa si Antie Andrea habang si Tito naman ay hindi na mahitsura ang pagmumukha at makahulugan na ang naninimbang na titig sa anak.
“So babalik ka roon? Kailan?” si Daddy naman kaya napunta ulit sa akin ang mga mata nila
“Maybe next next year? Depende pa po Daddy kasi marami akong opportunities na pumapasok.”
“Dadaluhan mo ba iyong fashion show sa France, Nana?” si Mommy naman.
Tumango agad ako. Next week na iyon eh at nakaschedule na ang flight ko roon. Last month ko pa naihanda iyong mga designs na isasama ko sa runway. Hindi na ako ang modelo at manonood nalang.
“Hire me as your model,” suhestyon pa ni Heluisse.
“Tapos kanang mag-aral ah? Finance pa ang kinuha mo. Di’ba balak mong magtayo ng cafe, Lewiss?” tanong ng Mommy niya na ikinailing lang ng aking pinsan.
“Finance lang naman ang kinuha ko para marunong akong magtipid ng pera, Mommy. I am planning to travel at magsaya muna bago magtayo ng sarili kong business,”
Tumango tango naman si Lola habang ang kanyang Daddy ay nailing.
“Let them do what they want to do. Graduate na sila at malaya na. Hayaan niyo na at sumuporta nalang.” pahayag ni Lola.
Napapansin ko ang gumuhit na pag-aalala sa mukha ni Daddy dahil lang nabanggit ko ang Pilipinas. Ang alam ko, graduate narin ang iba kong pinsan ngayon kaya baka summer pa makapunta rito. Noong nakaraan ay hindi sila nakapunta eh. Okay lang naman sa akin dahil alam kong may kanya kanya na talaga kaming buhay at mga pinapriority. Pero nakakacurious lang talaga minsan dahil wala akong balita kung ano nang nangyari sa lumipas na apat na taon. Imposibleng walang nagbago. Ang mga Buenaventura kaya?
Binisita ko muna ang parents ni Daddy bago tuluyang lumipad papuntang France. Nangako pa naman na ako pagkatapos kong makagraduate ay ititreat ko sila ni Lola.
“And who’s this beautiful younglady?” namamangha ang mga mata ni Lolo Rico nang pumasok ako sa kanilang bahay rito sa America. Halos dito na sila manirahan dahil mas marami ang kliyente nila rito at minsan lang umuwi sa Pilipinas.
“May pasalubong ako, Lolo!” Dala ang isang mousse cake, inilapag ko iyon sa study table niya at lumapit sa inuupuan niyang swivel chair para makapagmano at mayakap ito.
“A cake… Wow, di ko alam kung matutuwa ba ako o gusto mo na talaga akong mamahinga.”
Tumawa ako ng bahagya, “masarap naman po ang mga bawal kaya kumain rin po kayo minsan.”
Nailing si Lolo at napangisi na. Kasama ko si Daddy at Mommy na pumunta rito. Nasa baba sila at ako ang inutusang akyatin ito sa kanyang office dahil subsob na naman sa trabaho kahit summer na.
“She’s a godess, Abbegail. I can’t believe si Nana na iyan…” narinig kong sabi sa akin ni Lola nang tinanaw ang pagbaba namin ni Lolo sa grand staircase nila.
“Kahit ako rin, Ma. Di ako makapaniwala na ganyan pala ang kinalabasan pag hinalo kaming dalawa ni Jimin…” Mom giggled softly.
Sumandal si Daddy sa sofa at nasuklay ang buhok. Nailing pa ito.
“Di ko na talaga alam kung dapat ba akong matuwa sa nangyayari o mastress lalo…”
Nang makarating kami sa kanilang harapan ay umupo agad ako sa tabi ni Lola. Sa aking tabi naman ay si Lolo.
“Stress ka parin, Daddy?” natatawa kong tanong.
“Ilang beses nahuhuli ni Jimin na may kahalikan. Ang sabi ko nga parte iyan ng pagdadalaga niya dahil hindi naman ito panget pero mas naistress lang siya lalo kakasunod sa anak niya,” ngumisi pa si Mommy kay Daddy na bumusangot agad.
“Ano Jimin? Alam mo na kung ba’t ako tumandang ganito? Tapos dalawa pa kayo ng kapatid mong mahaharot,” si Lolo naman na ikinatawa namin nila Lola.
“Lalake kami ng kapatid ko, Dad. Eh iyang si Nana babae at nag-iisa pa.”
“Cana is doing well naman ah? Balita ko marami nang opportunities na nakaabang sa kanya.” Hinawi pa ni Lola ang aking buhok at manghang mangha akong tiningnan.
“Yes po, Lola. Dito po muna ako ng ilang days para makipagbond sa inyo tapos lilipad po ako papuntang France para sa isang fashion show. Naimbitahan po kasi ako roon ng isang sikat na modelo at gustong tingnan ang mga designs ko.”
“See! Wow! I am such a proud Lola!” Pumalakpak pa si Lola na ikinahagikhik ko.
“Buti at walang boyfriend,” tanong ni Lolo na kahit si Daddy ay hindi alam kung ano ang isasagot. Mommy just smirked.
“Ilang beses kong nahuli na may kasamang lalake pero hindi niya naman daw boyfriend. Extra friendly lang daw siya. Gusto kong hindi maniwala pero nakakalinlang ang inosenteng ngiti niyan, Dad.” matabang na sabi ni Daddy na ikinahagalpak namin ng tawa. Ngumisi pa si Lolo sa akin.
“Ikaw rin naman Jimin ah? Napakaextra friendly mo nga noon eh!” si Mommy
“Ikaw rin naman ah?” sumbat naman ni Daddy sa kanya. Nakikita ko pa ang kamay niyang nakapulupot sa beywang ni Mommy kahit nakaupo lang naman sila.
“Kaya h’wag na kayong magtaka kung ba’t ganito si Nana. Saan pa ba magmamana?” singit pa ni Lola.
“But seriously apo, you need to entertain boys… Bigyan mo ng sakit sa ulo iyang Daddy para iyan ang mas maunang mapanot sa amin para naman makaganti narin ako,” Ngumisi pa sa akin si Lolo at nang-aasar ang tingin kay Daddy na napalunok na ng laway at nasa akin ang tingin, naninimbang.
“Wala na po akong type e. Iyong mga pumuporma sa akin sa school Lolo mga playboy po. Mga gago po iyon…”
Lolo chuckled. “Marami talagang ganyan…”
“At lalo na kung nasa lahi ’no, Rico?” si Lola naman.
“Nandiyan na naman iyang pagtothrowback. Di kana nahiya sa apo natin.”
“Pamilyar lang kasi sa akin ang mga gago. Parang ang rami ko ngang kilala. Magkapatid pa ang mga iyon…” makahulugang sabi ni Lola.
“Gago pero loyal,” kibitbalikat lamang ni Lolo na ikinahalakhak ni Daddy, ang mga mata ay nawawala.
Sa edad kong 20, hindi pa naman pumapasok sa aking utak ang pagkakaroon ng seryosong seryoso. Parang masyado pa akong bata sa mga ganoon at hindi ko alam kung hanggang kailan ako magiging handa. Noong koleheyo ako, puro ako make-out pero ni isa sa mga lalakeng iyon ay wala naman akong naramdaman na espesyal. Wala iyong tinatawag nilang sparks. Wala iyong kaba, wala iyong pintig at kalabog ng aking dibdib. Huli ko iyong naramdaman ay noong 17 ata ako. And I don’t know if that feeling will find me again…
“Cana?” Salubong sa akin ng sikat na modelo rito sa France na si Ciarra. Half Filipino siya kaya ganoon narin ang interes niya sa aking mga gawa nang malaman niyang isa pala akong Pilipino.
“Yes, I am…” Napangiti na ako ng malapad at manghang mangha sa ganda nito.
“You’re a goddess! Aren’t you a model?” Pinagmasdan niya ako mula ulo hanggang paa. Nakapumps ako ng puti, dress na ako mismo ang nagdesign, ang Vline sa may parteng cleavage at strapless tube na humihiwalay sa skirt nitong hanggang tuhod ko at buhok kong simpleng nakabun lamang. Simple lamang iyon pero naenhance rin ang soft features noong mukha ko para mas magmukha akong mature na.
Umiling ako at natawa. Wala naman akong balak magmodelo pero gusto ko ring kumilatis ng mga magagaling na modelo sa Pilipinas para irampa ang aking mga gawa pag nagpatayo na ako ng sarili kong kompanya sa susunod.
Umupo ako sa harap kung saan klaro at kita ang mga rumarampa. Isa si Ciarra sa modelo at sikat rin dito dahil sa galing niya sa pagdala ng damit. Kung nagustuhan niya ang aking mga designs ay pwede niya ring ifeature iyon sa isang magazine para makilala ako ng mga umiidolo sa kanya at baka marami pang pinto ang magbukas para sa akin.
Naging ganoon na ang aking buhay. Kahit saang bansa nalang ako lumilipad dahil palagi akong naiimbitahan ng mga tanyag at sikat na pangalan sa buong mundo at nagkakainteres sa aking mga designs. Si Mommy o kaya si Daddy ang sumasama sa akin minsan depende kung hindi rin sila busy. Pero may mga lakad rin na mag-isa ako dahil iyong pinsan kong si Heluisse ay may pinagkakaabalahan rin naman. Kahit iyong pag-uwi ko sana sa Canada dahil alam kong dadating ang aking mga pinsan ay nadelayed pa dahil sa sumusulpot na mga lakad ko.
Noong una kong matitigan ang aking sarili sa sikat na magazine ay halos mapaluha ako sa saya. Isang sikat na modelo sa America ang may suot noong design ko at nasa gilid pa noon ang aking pangalan. Kahit wala ako sa picture, sobrang saya ko na dahil alam kong akin ang design na iyon.
Kaya noong matanggap ko ang pinakamagandang balita sa pagsusumikap ko ay kay Mommy at Daddy ko agad iyon ipinakita.
“Well payed and indemand fashion designer,” basa ni Mommy roon sa magazine na tiningnan niya at nagmamayabang agad ang mga mata nang binalingan ako. “CANA will conquer the runway for her world class designs! Oh my gosh, baby! This is so big!” Sa sobrang saya ni Mommy ay nayakap niya na ako ng mahigpit. Pinulot pa ni Daddy ang nalaglag na magazine at pinasadahan iyong muli ng tingin saka narin napangiti ng malapad.
“I knew it… Sisikat ka talaga!” puno ng galak na sabi ni Mommy sa akin at kulang nalang ay magtatalon siya.
“We need to celebrate this, baby. And you need an award for this…” si Daddy naman na hirap naring burahin ang ngiti.
Ito ang kauna-unahan kong runway na irarampa ng mga sikat na modelo ang aking gawa rito sa Canada. Alam ko, maraming dadalo sa aking unang fashion show at doon narin ako magkakaroon ng mga buyer. Nanggaling pa sa ibang bansa iyong iba at dumayo lang rito para masaksihan iyon. Sa laki ng aking achievement, sa sobra kong saya, minsan naiisip ko kung may makakahigit pa ba nito.
“Daddy, kahit ako na po ang mag-award sa inyo ni Mommy. Ano po bang gusto niyo?” tanong ko sa dalawa na nagkatinginan agad.
“May gusto pa ba tayo Jimin? Mukhang naibigay na lahat ni Nana ang kasiyahan na gusto kong makamit ngayon bilang isang ina niya…”
“Mommy, iyong hindi po ako kasali. Sa inyo po ni Daddy. Bakasyon? Uhm, balita ko po maganda roon sa Jeju Island. Pwede kayong doon muna ng isang linggo sagot ko po lahat!” Anunsyo ko na ikinangisi agad ni Mommy at sumasang-ayon na dahil sa excitement pero si Daddy mabilis agad na nagduda.
“Anong binabalak mo at pinapalayo mo kami?”
“Gosh, Jimin! Ang paranoid mo na! Stop it!” halos magkasalubong ang kilay ni Mommy. Lately, ang sabi niya sakin naiistress narin daw siya sa pagiging paranoid ni Daddy kaya nga gusto ko munang pagbakasyunin ang dalawa dahil kapwa na sila stress.
“Well love, I’ve seen her moves with boys! Magugulat ka talaga. Pamilyar na pamilyar at parang ang lala niya noong kabataan moㄧ
Lumagapak agad ang kamay ni Mommy sa braso ni Daddy. Ako naman itong nakangiti lang kakamasid sa dalawa na akala mo kaedad ko lang na couple ay may pinagtatalunang maliit na bagay.
“So sinasabi mong sa akin nakuha lahat ni Nana ang istilo niya sa mga lalake niya ngayon? Ikaw nga, ang dami mo ring babae noon ah? Halos mastress nga ako kakalagas!”
Dad chuckled, “nambabae na nga lang ako noon para may malagas ka lang dahil masyado kanang baliw na baliw sa akin. Pinagbigyan lang kita…” Daddy gave her a peck on her lips. Ngumuso si Mommy at mariin na ang tingin kay Daddy na ngumigisi lamang.
Habang pinapanood ang dalawa, hindi ko mapigilang isipin ang aking sarili sa ganoong kalagayan. Ganoon narin kaya kami ng mapapangasawa ko? May nakalaan ba talaga para sa akin? Mararanasan ko rin ba ang ganitong matamis na pagmamahal? Iyong walang lokohan? Ang sabi nila, sa edad na 16 ay posible raw na nakatagpo mo na ang makakasama mo habang buhay. Pero paano naman iyong mga ipinagtagpo pero hindi itinadhana?
Sa susunod na buwan pa naman iyong fashion show ko kaya pumayag rin naman ang dalawa na magpahinga muna ng ilang linggo at lumiban muna. Pumayag rin naman si Lolo at Lola dahil kailangan rin daw iyon ng parents ko lalo na’t si Daddy itong nasosobrahan na sa stress hindi dahil sa trabaho kundi dahil sa akin.
“Sa loob ng halos isang taon, achievement na iyang makagawa ka ng sarili mong fashion show ha.” sabi sa akin ni Heluisse nang ibinalita ko sa kanya iyong magiging kauna-unahan kong fashion show.
Nandito ulit kami sa paborito naming tambayan, iyong pool sa itaas ng rooftop noong malaking hotel. Gabi na at kita ang magagandang citylights na halos nakakatangay ng katinuan dahil sa sobrang ganda. Nagsimula ata akong mahumaling sa ganitong mga tanawin noong 17 years old ako…
“Hindi ko nga inaakala na aabot talaga ako sa ganitong yugto ng aking buhay. Parang hindi kapani-paniwala…” Tumingala pa ako sa kalangitan at halos hanapin roon ang senyales na sana hindi ito panaginip kahit na obvious na obvious namang nasa reyalidad ako.
“Ako nga rin eh. Pag naaalala ko iyong pagiging baduy mo noon, parang may himala talaga pag nakikita na kita ngayon,” her face even wrinkled as she glared at me. Na parang napakaimposible talaga ng nakikita niyang imahe ko ngayon pag naaalala ang naging ako noon.
“Oo na, baduy na ako noon!” Humalakhak ako, “kaya pala nauto ako…”
“Sino ba kasi talaga sa dalawa ang minahal mo? Iyong Aries o iyong South?”
Alam ni Heluisse ang pinagdaanan ko at kilala niya narin ang dalawa. Kami ang palaging magkasama dahil iyong anak rin namang babae ni Tita Kolette ay may sarili ring mundo at minsan lang sumasabay sa amin dahil nag-aaral pa ito ngayon at mukhang graduating narin.
“Hindi ko alam,” kibit balikat ko. Kapwa kami nakababad sa pool at nakahilig ang mga kamay sa gilid noon, ang tingin ay nasa magandang citylights sa kalayuan.
Kinuha ni Heluisse iyong citrus juice niyang nasa gilid lang at sumimsim roon bago ako tingnan muli.
“Kanino ka ba mas nasaktan?”
Naisip ko agad ang mukha ni South. Oo, mabigat iyong ginawa ni Aries sa akin, iyong sinabi niyang isa akong die hard fan at hindi man lang ako pinagtanggol sa kumakalat na issue sa social media na pakana ata ng mga fans niya. Pero hindi ko alam kung ba’t mas nasaktan ako sa ginawa ni South sa akin. Mababaw lang naman iyon kumpara kay Aries. Pero di ko alam kung ba’t parang hiniwa ang aking puso noong malaman kong ginagamit niya lang ako at may girlfriend pala siya. Wala naman akong ikinakagalit dahil masking ako ay ginamit rin siya pero hindi ko maipagkakailang nasaktan ako.
Hindi agad ako nakasagot kaya umangat na ang kanyang kilay sa akin. Gawa noong dim na ilaw at pabago pabago pa iyon, naaninag ko sa kanyang mga mata ang makahulugang tingin sa akin.
“Falling inlove is like hurting yourself. Walang nahuhulog ang hindi nasasaktan. Kaya nga masakit dahil nahulog ka…”
My heart went wild. Halos mapalunok ako ng laway sa naging pahayag ng aking pinsan. That’s impossible. 17 palang ako noon at imposible namang pagmamahal na iyon.
“Imposible,” mapakla akong natawa at napasadahan ng aking kamay ang basa kong buhok na nakabun naman. Naging malayo agad ang aking tingin, kahit nakalublob naman ako sa medyo mainit na tubig, may parte sa akin ang nanlalamig. May parte sa akin ang parang naging yelo at may bukod tanging tao lang ang makakatunaw noon.
“Sige nga, bumalik ka nga sa Pilipinas at harapan mo iyong lalakeng nanakit sa’yo. If it still hurts then you really do love him.” nanghahamon niyang sabi.
Sumimangot ako at naisandal ang aking baba sa mga braso kong namamahinga sa gilid ng pool. Parang ang bigat bigla ng aking mga balikat na kailangan ko pang huminga ng mahaba para lang mawala ang bigat na iyon.
“Baka nga kasal na iyon…” my eyes settled on the citylights. Ang mga kumikislap na ilaw sa malayo ay parang inaakit ang aking mga mata at gusto rin nila iyong kumislap. Simula noong natuto akong maging masaya mag-isa, parang ang hirap na kasing hanapin noong kislap na kahit sa kalangitan ay hindi ko na mahagilap. Parang pinaglalaruan ako ng aking mga mata na kahit anong hanap ko noon sa ibang lugar, hinding hindi ko iyon matatagpuan dahil wala namang katulad ang kislap na minsan ko nang nakita sa mga misteryoso niyang mga mata.
“Fashion designer kana. You can design his bride’s gown for their wedding…” nang-aasar ang boses noon na ikinasimangot ko. Parang nahulog at nalunod ang aking puso sa pinakailalim na tubig dahil sa kanyang sinabi.
“Ang sakit naman ng ganoon…”
“Tanga ka eh. Magtiis ka.”
“Ako nga iyong inuto niya…” sabi ko sa mahinang boses.
“So what? Perpekto ka ba? Hindi ka ba nagkakamali? Wala ka na ngang dibdib wala ka pang puso,” umismid siya sa akin na ikinabusangot ko na talaga.
“Noon ako walang dibdib. At meron akong puso…”
“Wala,”
“Meron nga!”
“Di ako naniniwala. Dahil kung meron, bakit hindi mo mabuksan buksan ang sarili mo sa ibang lalake? Remember our college days? You dumped all the hottest guy in our school!” her eyes shrinked at me. “Admit it, Nana. You’re still hooked with that guy… Ikaw lang ang nakawala sa bitag pero hindi ang puso mo, gaga.”
35th Hooked
Estranghero
Heluisse’s words crept into my mind. Ilang araw ko rin iyong hindi maalis alis sa aking isipan. Paano mo ba talaga masasabi kung pagmamahal na ang nararamdaman mo sa isang tao? Sapat na ba iyong masaktan ka? Sapat na ba ang lahat ng iyon para pangalanan ang sarili kong nararamdaman ng pagmamahal? Is that even enough?
May kumatok kung saan ako inaayusan at kung saan nakalagay ang aking pangalan sa labas. Tanging ang mga mata ko lamang ang tumingin sa imahe niya sa salaming nasa aking harapan. Busy pa iyong hairstylist sa pag-aayos sa aking buhok pero for final retouch nalang naman.
“Ready Miss?” tanong sa akin noong isa sa staff na marahan kong ikinatango at tipid na napangiti.
“You have some eyebags, Ma’am…” sabi pa noong hairstylist nang sipatin niya ang aking mga mata na tinabunan lang noong concealer.
“I’m excited and nervous…”
Napangiti ito sa akin, “I’ve seen your designs backstage and those were outstanding! If only I can afford one…”
“I can give you one if you like. I’ll let you choose later.” sabi ko pa na ikinalaglag ng kanyang panga at namamangha na ang mukhang lumiwanag dahil sa sayang yumakap roon.
“Really, Ma’am?!” ang hawak niyang clip ay nabitiwan niya pa. Natatawa ako nang mabilisan niya iyong pulutin saka ako tiningnan muli sa salamin.
“Yeah, why not…”
“But those were expensiveㄧ
“It’s just a cloth. I can make another one anyway,” kibit balikat ko na ikinalundag lundag niya na. Sa sobrang saya ay napayakap ito sa akin pero humiwalay rin agad nang mapagtanto ang kanyang ginawa.
“You’re such an angel, Ma’am… The rumors were right about you… You’re very nice!” walang tigil niyang pamumuri sa akin na ikinangiti ko.
Pagkatapos kong ayusan ay lumabas rin ako. Umupo ako sa harapan kasama noong mga dumayong sikat na modelo sa ibang bansa para makita ang designs kong irarampa.
Nakita ko pa ang imahe ng aking mga magulang sa assigned seats nila kaya kinawayan ko ang mga ito na kapwa proud na proud ang mga mukha. Dad is holding his dslr while si Mommy naman ay nagta-thumbs up sa akin. Sa presensya nilang dalawa ay medyo nadagdagan ang aking kumpyansa.
Nagsimula ang fashion show. Sumabog ang paiba ibang kulay noong headlights sa platform na ikinasunod ng isang nakakadalang kanta. Nagsimulang lumabas sa spotlight ang mga modelo na ikinapalakpak agad ng manonood. Kahit ako ay nakisali narin sa palakpakan, halos hindi mabura ang matamis na ngiti kakapanood sa mga damit na parang hindi kapani-paniwalang designs ko.
The mc explained the details of my designs as the models walk proudly on the runway. Lahat sila ay nakakaintimidate ang pagrampa na matatangay talaga ang mga mata para tingnan ng maigi ang inirarampa nitong damit.
“I like that,” sabi noong katabi kong may brunette na buhok. She came from Italy just to see my designs…
“I’ll save that for you,” sabi ko sa kanya at ngumiti ng matamis na ikinatango niya.
“Tell me the price and I’ll give you the check later,”
Tinanguan ko ito saka rin namin ibinalik ang tingin sa sumunod na rumampa. Idinitalye rin naman noong mc ang suot nito, ang mukha ng modelo ay masyadong seryoso at propesyunal ang pagkakarampa. Sikat silang mga modelo rito sa Canada at nakakamangha na isa na ang mga designs ko sa inirarampa nila.
“Let’s all welcome the fashion designer behind these world class clothes, Miss Cana!” anunsyo noong mc pagkatapos ng pagrampa. Pumunta siya sa dulo at inalalayan ako sa pag-akyat. Nagsitayuan naman ang manonood at pinaliguan na ako ng palakpak.
“Thank you!” nagagalak kong pasasalamat sa mga manonood.
Umakyat si Daddy at Mommy sa stage. May dalang boquet of roses si Dad sa akin at hinalikan agad ako sa noo nang tuluyang makalapit. I embraced him pagkatapos ay kinuha iyong inilahad niyang boquet saka kami nalunod sa nakakabinging palakpakan.
“We’re so proud…” bulong ni Daddy sa akin, yakap ng isang braso ang aking balikat nang ibulong iyon sa akin.
“Thanks Daddy, Mommy,” kapwa ko sila nilingon sa aking tabi na hindi mabura bura ang ngiti.
“Ang gaganda lahat ng gawa mo, Nana,” Mom said, teary-eyes pa siya nang sipatin ang mga modelong nasa aking paligid lang rin.
“I am so flattered, My…” Niyakap niya ako at nagawa pa kaming kuhanan ng picture ni Daddy. Kanina pa siya kakapicture na sa bawat sigundo ata ng aking kilos ay may kuha siya.
I even spotted someone on the crowd, smiling cockily while clapping his hands. I smiled back at him. He’s here…
Pumwesto rin sa bawat gilid ko ang tanyag na mga modelo suot ang aking mga designs para sa picture taking. I am smiling proudly with my parents at hawak pa iyong magiging pangalan ng mga designs ko. I named it myself Cana.
Sunod sunod ang paglapit sa akin noong mga kliyente. Sa 20 na designs ko ay nasold out lahat at iyong iba ay nanghihingi pa ng stocks.
“I’ll feature it in my vlog, Cana. I hope I can see your designs on the runway in Italy soon,”
Nahawakan ko ang aking dibdib at halos mashock sa sinabi nito.
“I would love that! Soon!” nagagalak kong sabi na ikinangiti niya.
“I’ll recommend your designs, ’kay?” may accent nitong sabi na ikinatango tango ko na.
Hindi pa lang ako nakakaahon sa magandang balita noong Italyanong modelo ay may sumunod na naman. Ni hindi ko na masaulo lahat ng mga bumabati sa aking designs at iniimbitahan ako sa isang fashion show para mafeatured rin iyong mga designs ko.
“Another boquet, Ma’am…” saad noong hairstylist ko na may dala na namang boquet nang makapasok na ako sa assigned room sa akin. Hindi ko na mabilang ang mga bulaklak na nakapangalan lahat sa akin at nakalapag roon sa mesa. Ang iba ay nasa sofa na.
“I’ll handle them,” nginitian ni Daddy iyong hairstylist saka kinuha iyong bulaklak. Nagulantang naman iyong babae na hindi agad naproseso ang nangyari dahil titig na titig pa kay Daddy. I’ve seen how Mom glared at the girl kaya mabilisan kong sinenyasan iyong hairstylist ko para maputol ang kakalaway sa ama kong nasuklay na ang buhok at tumingala ng kaonti.
“He’s my Dad,” sabi ko na nagpakurap sa kanya.
“Oh,” medyo gulat na sabi niya at nagawa pang lingunin ang dako ni Daddy na nagtungo na sa ina kong nakahalukipkip, nakaangat ang kilay saka niya ibinigay iyong boquet. May kung ibinulong si Daddy sa kanya at hinalikan sa pisngi saka lang kumalma ang ekspresyon nito.
“They’re so sweet,” komento ng aking hairstylist at parang nililipad na ng kanyang pag-iisip.
“Yeah…” Naibaling ko ang tingin sa lalaking naglalakad na, may hawak na boquet at nakangisi.
“Congrats,” Inilahad niya iyon sa akin na ikinatawa ko ng marahan.
“Thank you! And you came!” sabi ko
“Yeah, I bought a ticket,” saka niya pinasadahan ng haplos ang kanyang batok, ang isang kamay ay nasa bulsa na.
Nilingon ko sandali ang mga magulang kong nasa amin na ng tingin. Ang kilay ni Daddy ay nakaangat na habang si Mommy naman ay matalim parin ang tingin sa hairstylist ko pag nakikita niya ito.
“Your Dad is scary…” pabulong na sabi ni Chain sa akin nang sinipat niya sandali ng tingin ang aking Daddy.
“Ganyan talaga siya sa lahat ng lalakeng lumalapit sa akin. He acts like he’s my Army at hindi nagdadalawang isip mamaril,” I laughed softly.
“Can’t blame him… May anak siyang kabigha-bighani,” Chain licked his lowerlip as he smirked at me.
Natawa ako at nailing nalang.
“So, can I invite you on a dinner? Later?” tanong niya na napunta ang tingin sa likod. Bago pa ako makalingon roon, nasa gilid ko na si Daddy.
“My daughter is not available youngman. I’ll date her today.” sabi pa ni Daddy sa malalim na boses at may kakaibang ngisi sa labi.
“Daddy, marunong po magtagalog si Chain,” sabi ko
“Ah, mabuti. Mas magkakaintindihan kami,” saka niya tiningnan ng makagulugan si Chain na parang tinatakot ito sa kanyang tingin. Ngumuso ako.
“Just a dinner Sir. Pwede rin kayong sumama ng asawa mo.” anyaya ni Chain at tiningnan sandali ang dako ni Mommy na hindi parin matigil tigil sa kakabigay ng masamang tingin sa aking hairstylist. What’s with her? Ako ata ang natatakot sa buhay ng hairstylist ko. Para siyang pinagpaplanuhan ni Mommy na abangan ito mamaya paglabas.
“Dad…” nagpuppy eyes ako sa kanya. Dad’s brows furrowed, trying to send signals on me. “Please…”
“Pero okay lang rin naman kung hindi pwede…” si Chain
“Are you being extra friendly again, baby?” pabulong na sabi sa akin ni Daddy at sinisipat minsan ang kabuuang imahe ni Chain. I admit, Chain is attractive. Matangkad ito, ang foreign feature ay masyadong nakakakuha ng pansin, buhok na nakasuklay palagi paatras para iexpose ang noo, matangos at pointed niyang ilong and his charming smile. He’s so manly at hindi na ako magtataka kung ba’t isa siya sa kinababaliwan noon sa school, as what Heluisse said to me.
Tumango ako kay Daddy ay ngumiti ng inosente. Sandali niya pang nilingon si Mommy na nasa bulaklak ang tingin na ngayon saka ulit ibinalik sa akin, nasuklay paatras ang buhok at hindi alam kung ngingitian ba ako o ano.
“I’ll fetch you after. Mag-aabang ako sa labas ng Restaurant,”
Humagikhik ako sa sinabi ni Daddy at tumango tango. Ilan lang naman ito sa mga labas ko na nakabuntot talaga siya. Hindi siya nangingialam pero nasa gilid lamang siya, nagmamatyag.
Nagdinner kaming tatlo. Mom is a bit silent at mukhang lumilipad pa ang utak. Nagkatinginan kami ni Dad at nag-usap usap sa mga mata. Nang mapansin iyon ni Mommy ay napaangat agad ito ng kilay.
“Ba’t di niyo ako sinasali diyan?” tanong nito.
“Were you jealous, My?” I teased her saka ako sumubo ng pagkain.
Mom placed her spoon and fork and laughed softly.
“Ako Nana?” Itinuro niya ang sarili at tumawang muli. Si Daddy naman hindi alam kung tatawa rin ba o ano…
“Ba’t ako magseselos?” Nailing si Mommy at akmang pupulutin ulit ang kubyerros nang hinuli ni Daddy ang kanyang kamay. Nanliit agad ang mga mata ni Mommy at mabilisan iyong binawi.
“Tigilan mo ako,” matabang na sabi ni Mommy kay Daddy na ikinakurap ko. Okay? Di siya nagseselos pero galit siya?
Nabasa ni Daddy ang pang-ibabang labi at nanatili sandali ang tingin kay Mommy na tahimik nang ngumingisi pero nasa akin ang tingin. Noong bata ako, hindi ko sila namamataang nag-aaway pero may mga araw akong napapansin noon na nasa labas ng kwarto si Daddy at nakabalot ng comforter, doon sa may pinto natutulog. Ang palagi niyang sinasabi sa akin sa mura kong edad, nalock daw ni Mommy ang pinto sa loob kaya sa labas nalang siya. Naalala ko pa na noong nahuli ko siyang muli sa edad kong limang taong gulang, kinaladkad ko rin ang aking comforter at tinabihan siya roon sa may pinto nila. Paglabas ni Mommy, she was so shocked to see us both while I’m hugging Daddy at nakaunan sa bisig nito.
“H’wag sa harap ng anak mo ilabas iyang sungay mo, Abbegail,” I heard my Daddy whispered to her.
Mom smiled at him flatly. “Lagot ka sa akin pagkauwi, iyong comforter mo nasa pinto na…” she said sweetly.
Hindi na ako masyadong nabahala roon. Parte lang naman ng pag-aasawa ang ganoong mga away. Lalo na’t sabi sa akin ni Daddy ay napakaselosa daw niyang si Mommy. Noong 17 ako, I remembered myself getting jealous… Pero dahil may sulsol iyon ni Franca, ang inosenteng demonyong Buenaventura na tagabulong sa akin ng kung ano ano. Arih is nice to me kaya hindi ko rin magawang makaramdam ng galit. Well Cana, 17 ka palang naman noon. Di iyon selos…
The dinner ended well. Okay naman ang pakikitungo sa akin ni Mommy pero kapansin pansin ang pagkakabalaha ni Daddy. He was watching her moves all the time na pag magagawi ang tingin ni Mommy sa kanya ay magbabago agad ang tingin nito at parang nagbabanta na ng gyera pag nakauwi silang dalawa.
“Just because your Mom is mad doesn’t mean I’ll forget about that dinner date, Nana. I’ll fetch you so you need to call me…” si Daddy
Tumango tango agad ako at nilingon ang likod ni Mommy na nauuna nang pumunta sa parking lot. We decided to separate ways pero mukhang atat talaga itong makauwi na.
“Damn, she’s really mad…” nag-aalalang sabi ni Daddy nang makita si Mommy na marahas na isinara ang backseat at doon umupo.
“Will she be okay, Daddy?”
“Yeah, pag-uwi…” nakakasigurado niyang sabi sa akin at ngumisi.
Tumango tango ako at hindi na nga masyadong nag-alala. Daddy is good at calming her down. Si Mommy kasi parang ang bilis rin bumigay sa mga panunuyo ni Daddy sa kanya. Pero pag si Daddy ang galit napapansin ko talaga ang takot sa mukha ni Mommy.
“Tell me if something happens…” Hinalikan niya ang aking noo.
“Okay, Daddy. Take care!”
Nagtungo rin naman ako sa pagkikitaan namin ni Chain. Noong koleheyo pa ako, nasanay na ako sa ganitong date. Ang hindi lang talaga pinapayagan ni Daddy ay iyong mga hotels na kahit ako rin naman ay ayoko. Parang natrauma na ako sa mga ganoon kaya kung may nagyayaya sa akin sa kanilang mga condo, tinatanggihan ko na agad.
“Akala ko pagbabawalan kana talaga ng Daddy mo…” saad ni Chain nang hinila niya iyong upuan at inalalayan akong umupo roon.
“Daddy is nice naman. Pero sa akin lang talaga.” Natawa ako na ikinailing niya at may matamis nang ngiti sa labi.
Umupo narin ito sa aking harapan. Wearing his white polo, rolled till his arm, he looks so manly at naaamoy ko pa ang pabango niyang umaabot sa aking ilong.
“So, what do you want to eat?”
Umiling ako, “I am not that hungry kaya tubig lang siguro,”
“Kidding me?” natawa siya at sinipat ang aking katawan. “Ang payat payat mo na pero nababahala ka paring magka taba?”
“Hindi naman sa ganoon Chain, busog talaga ako.” Hinawakan ko ang aking tiyan na kahit bilbil ata ay wala akong makapa.
“Kung alam ko lang na busog ka, hindi nalang sana dinner ang pinagpaalam ko sa Daddy mo at doon nalang sa malapit na park… We can walk around while watching the lights…” suhestyon niya na ikinangisi ko. So Chain is a bit gentleman ha? Gago pero parang may kabaitan naman. Hindi ko siya masyadong inientertain noong koleheyo dahil narin naging busy ako lalo na’t graduating na ako noong nagpaparamdam siya sa akin. Pero hindi siya nawawala sa mga magagandang nangyayari sa aking buhay. Isa siya sa mga nanonood at palaging pumapalakpak sa akin.
May nakalapag ng pagkain sa aming harapan. Sumimsim ako ng tubig saka iyon inilapag at nakita ang pag ngiti ni Chain sa akin habang hinihiwa iyong steak niya. Sumimangot ako.
“Bakit?”
Umiling siya at nabasa ang pang-ibabang labi. “I just cant believe… the famous fahion designer Cana, is infront of me… drinking her cold water and looking so perfectly gorgeous.” he chuckled.
“Alam mo namang extra friendly ako. Pag nagyaya sila Slate o Chaste ng ganito, pauunlakan ko rin. O kahit sino pang kilala ko… I am not as snob as my cousin Heluisse,”
Tumango tango siya, “so hindi pala talaga dapat ako mag-assume…”
Umiling ako. “Don’t. Nasasaktan ang mga inosente at ignorante,”
Malutong na natawa si Chain. Ngumiti ako ng matamis at tiningnan ang inorder niyang pagkain sa akin. Kinuha ko ang tinidor saka tinusok iyong mushroom na side dish ata noong main dish na nasa aking plato. May kasama pa ngang broccoli…
“You dumped your admirers in a nice way… Nice strategy.”
“Are you one?” tanong ko at natuon sa kanyang mga mata ang tingin na nasa kanyang plato at isinubong muli iyong maliit na hiwa noong naslice niyang steak. He smiled at me and shook his head.
“Edi ano?”
Uminom muna siya ng tubig saka sumandal sa kanyang upuan, ang tingin ay nasa akin na.
“Since you’re extra friendly then I am more extra friendly…”
Marahan akong natawa. He’s what? More extra friendly?
Isa lamang iyon sa madalas naming paglabas ni Chain. Inaaya niya akong kumain at minsan, pag may mga pinupuntahan akong fashion show at naiimbitahan ako sa malalaking party ay siya itong nagiging chaperone ko. Siya tagadala ng aking mga gamit, taga gwardya sa akin pag hindi ako nasasamahan ni Daddy sa sobrang busy at driver rin pag may mga mabilisan akong lakad sa Canada.
“I’m tired,” nahipo ko ang noo at napasandal sa upuan rito sa assigned room ko.
“Iyong matandang nag-aalok sa’yo ng magandang oportunidad sa kanilang kompanya ay mukhang gusto ka,” sabi sa akin ni Chain nang hilain niya pababa ang dulo ng aking dress para matabunan ang naeexpose kong hita.
Tamad kong naimulat ang aking mga mata at tiningnan si Chain sa aking harapan. Nakasandal ito sa may mesa noong harap ng aking salamin at hawak iyong brusher ko sa aking pisngi. Iyon ang pinaglalaruan niya.
“Ang lagkit nga makatingin… kaya hindi ko rin magawang tanggapin. Baka magamit lang ako.” sabi ko.
Tumango siya, “that’s good. Akala ko noon, sa inosente mong mukha ay madali kang maloko at mauto. Pero sa ilang araw kong pagbuntot sa’yo, mukhang marunong ka namang kumilatis ng tao.”
“Marami kasing nakapaligid sa aking gago noong nasa Pilipinas ako. And someone taught me in a hard way…” saka pumasok sa aking utak ang mga sinabi ni South sa akin. Na napagsasamantalahan ang mahihina. Na kahit siya, ay pinatunayan rin sa akin na hindi dapat ako agad magtiwala.
Hinila ng paa ni Chain ang kinauupuan kong swivel chair kaya napalapit ako sa kanya dahil narin sa gulong nito. Ibinrush niya iyong brush na hawak sa aking pisngi na ikinangiti ko dahil medyo nakakakiliti iyon.
“Who taught you?”
“Someone I don’t think I truly know…” Itinukod ko ang aking siko sa kanyang hita at isinandal ang baba sa aking palad at medyo nakatingala na sa kanya.
His brush went to my nose as he stared at me. “He’s kinda mysterious huh,”
Tumango ako at ngumiti ng matamis kasabay ng pagpikit ko. “Yeah… that guy with a dark chocolate eyes is really mysterious…” Tuluyang lumipad ang aking isipan sa nakaraan. Those eye contacts, but it feels like he’s not really looking anywhere… not in me… Palagi iyong nasa malayo na kahit nasa malapit naman siya, na kahit naaabot ko naman siya, parang ang layo layo niya parin. Isang direksyon na katulad noong compass, ituturo lamang ang direksyon pero hindi mo naman matatanaw kung hanggang saan ang dulo nito at gaano ito kalayo. Ganoon siya kamisteryoso sa akin na ang tangi ko lang atang alam na masasabi kong tunay ay ang pangalan niya lang. Pero si South, ang tunay na siya, hindi ko alam kung kilala ko ba talaga.
Nilibre ako ng dinner ni Chain sa isang Restaurant. May ibang taong lumilingon sa akin na ipinagtaka ko. Nagviral na naman ba ako? Silly you, Cana. Hindi uso ang ganyang walang kwentang bagay rito.
“May dumi ako sa mukha?” tanong ko kay Chain nang binalingan niya rin ako.
“They’re looking at you because you’re Cana. Di ka parin ba aware na hindi kana simpleng dalaga?”
Oh?
“Talaga?”
Tumango siya at natawa ng kaonti. “Sometimes you’re wild, sometimes you’re adorable. What are you?” Hinawakan niya ang aking baba at ginalaw galaw iyon na ikinanguso ko.
Pinaghila ako ng upuan ni Chain. Umupo ako roon at pinasalamatan siya. My eyes settled on the waiter. May inilahad itong menu sa amin saka rin umalis.
“Please, don’t order your favorite cold water. Kumain ka ng marami,” pagbabanta sa akin ni Chain na ikinatawa ko na ng marahan.
Bago ko pa man masambit ang gusto kong kainin ay may lumapit ulit sa aming table. Kapwa namin iyong binalingan ni Chain. Ilang sandali akong napatitig at pinroseso sa aking utak kung sino ito lalo na’t nasa akin ang tingin. Pero nang inalis niya ang suot na itim na sunglasses, nang makita ko ang pamilyar na misteryosong mga mata nito ay napangalan ko rin ang mukhang estranghero sa aking harapan.
“Ditch him for awhile and lets talk,” saka siya tumalikod at hindi man lang nagawang lingunin si Chain. Nandito siya?
36th Hooked
Meet-ups
Nanatili ang aking tingin sa kanya. Ni hindi ko siya makilala kanina na kahit ngayon, kahit anong paninitig kong gawin sa kanya ay namamangha parin ako. Anong nangyari? Ba’t siya nandito? At sinong kasama niya?
Kinuha niya ang tissue at inilahad sa akin, “baka tumulo ang laway ko kakatitig sa akin.”
Sumimangot ako at hindi iyon tinanggap. Isinipa ko rin paalis iyong huli kong tanong dahil parang hindi ko kayang banggitin iyon o marinig ang ano mang balita tungkol sa kanya.
“Nandito ka?”
Tumango siya at hindi narin maalis ang mga matang nangingilatis sa akin, sa aking mukha at ibababa niya pa. Na para akong isang mamahaling kasangkapan na nakikitaan niya ng interes at gustong bilhin kaya hindi niya maalis alis ang mga mata sa akin.
“Graduate na ako at may oportunidad na nag-offer sa akin dito kaya lumabas rin ako ng bansa,” paliwanag niya at sinipat sandali iyong table na pinag-iwanan ko. Nilingon ko narin si Chain na tahimik lang na hinihintay ako roon.
“Boyfriend?” tanong nito na ikinailing ko agad.
Sandali kong prinoseso sa aking utak iyong sinabi niya. I am younger than her at kung tama ang estima ko, pati ang aking pinsan na sina Elle at Zera na kaedaran niya lang ay graduate narin.
“Anong oportunidad?”
“I’m a Model,” sabi niya at pinasadahan ang buhok niyang mahaba narin. Sinuklay niya iyon paatras, ang mukha ay masyadong intimidating at nakikita ko talaga sa mga may attitude na modelong rumarampa sa runway.
“You mean…”
“Naimbitahan ako rito ng isang sikat na brand ng damit.”
Namangha agad ako roon. Simula pa noon, may angking ganda na talaga si Irah na nakakamanghang titigan. Na kahit sa kanyang tindig ay masasabi mong malayo talaga ang kanyang mararating sa pagmomodelo. Pero nang nakita ko siya kanina, halos hindi ko siya makilala. Kung hindi niya lang inalis ang suot na glasses, baka natagalan akong kilalanin siya ng husto.
She’s wearing a fit haltered croptop, bragging her small waist and showing her flat yet firm tummy, a squared pants paired with pumps that made her look like a goddess in the runway. Mas lumala lang ata ang awra niya na pag tinabihan mo ay manliliit ka talaga.
“You changed, alot…” saad niya sa akin nang pasadahan niya akong muli ng tingin.
Napatingin narin ako sa aking sarili. I am just wearing a plain dress and pumps dahil masyado akong nagmamadali kanina sa daming lakad ko. Ni ang pagmimake-up ay hindi ko na gaanong nagawa at ipinaubaya ko nalang sa aking make-up atrist sa dinaluhan kong fashion show.
“Thank you,” I smiled at her.
“And you left,” agaran rin namang nagbago ang kanyang misteryosong mga mata at naging madilim na. “You left a bloody war,”
Ngumuso ako at napunta ang tingin sa baso. Noong bangayan, wala si Irah noon. Siya rin naman kasi iyong tipo ng babae na mas gugustuhing magkulong sa kwarto kaysa makisali sa grupo. We’re not that close… at ito ata ang pinakamahabang pag-uusap naming dalawa.
“Alam mo iyong sa amin ng pinsan mo?” sabi ko sa maliit na boses. Hinawi niya lang ang buhok at nagkibit ng balikat.
“Wala naman akong pakialam roon. Can’t blame you… marami talagang toxic sa Pilipinas at hindi ko na kayang huminga roon sa t’wing iniisip kong nakikisawsaw ako ng hangin sa mga taong hindi ko masikmura.” her face wrinkled. Halata ang pagkadisgusto at mas naging madilim ang mga mata.
Simula pa noon, alam kong iba rin talaga ang pananalita ni Irah. Her soft features opposed her personality. Palagi siyang blunt at walang pake kung masaktan ka sa sasabihin niya. Kaya rin siguro ayaw niyang makihalubilo dahil narin alam niyang makakasakit talaga ang bibig niya.
“Ilang araw kana bang nandito?” tanong ko.
“Almost a month narin,” tipid niyang sagot at tinitigan lang ang pagkaing nasa kanyang harapan pero hindi niya parin ginagalaw. Nawalan ba siya ng gana o diet siya?
“Nakikita mo parin ba ang mga pinsan ko? Kumusta na sila?” medyo naging masigla ang aking boses.
“Humihinga pa naman. Kahit anong dasal kong h’wag na parang ang tibay ng kapit kay Satanas,” and then she rolled her eyes. Natawa ako roon. She reminds me of my cousin, Heluisse!
At isa pa,“ her face darkened as she stared at me. “What happened between you and my cousin South created a war… Our parents were afraid your cousins might trick us to get even. Kaya pinapalayo narin kaming mga babae sa mga lalake mong pinsan.”
That shocked me. A-Anong nangyari? Ibig sabihin…
“P-Pero hindi naman ganoon ang mga pinsan ko…”
“You think so?” Ang mga mata niya ay mas dumilim pa. Parang isang kalangitang nagbabadya ng isang kidlat o ano mang dilubyo.
“But let’s not talk about nonsense things. Tapos na kaya move-on,” pahabol niya na hindi ko narin masyadong inusisa pa dahil hindi rin naman talaga close si Irah sa mga pinsan kong lalake. Si Franca ay close sa mga babae kong pinsan kaya hindi ko narin masyadong inalala pa. My cousins are not like that… At malapit rin ang mga Buenaventura sa amin kaya imposible talagang gumanti sila.
Hindi rin naman nagtagal ang pag-uusap namin ni Irah dahil may tumawag rin sa kanya at nagulat pa ako nang may sumundong lalake. His hand clung in her waist nang inalalayan niya itong papasok sa isang magarang kotse. Boyfriend niya?
“Sino iyon?” tanong ni Chain sa akin na nilingon muli ang labas kung saan nakapark ang kakaalis lang na kotse.
“A family friend,” tipid kong sabi at ngumiti.
Ilang araw ang lumipas, nakatanggap rin ako ng balita kay Lola at Lolo Rico na narito raw si Kuya Toshi at nagmamanage noong kompanya ni Lolo Dwight rito. I screamed in excitement when I found that out. Kadalasan rin talaga sa mga parents ng aming pamilya ay nasa ibang bansa ang mga business. Ang tatlo pa nilang kapatid na magulang nila Tito Jin, Tito Rapmon at Tito V lang talaga ang may mga negosyo sa Pilipinas. Isang tanyag na doktor iyong Daddy ni Tito Rapmon, may-ari ng malalaking condominiums naman ang ama ni Tito V at may-ari naman ng kompanya iyong ama ni Tito Jin. Ang grandparents nila na may-ari noong eskwelahan ay may kapit rin sa mga kotse. Ganoon kalawak ang aming angkan na halos sakupin ang buong Pilipinas sa mga negosyo nila na ipinapasa narin sa mga sumunod kung wala itong balak magtayo ng sarili nilang negosyo.
Pumunta agad ako sa kompanya ng parents ni Tito Jhope. Sa pagkakaalam ko, mas piniling manirahan ni Tito Jhope sa Pilipinas dahil narin sa mga parents namin na gusto ring doon lang tumira.
Pagkapasok ko, sinabi ko lang ang apelyido ko at inihatid na ako noong babaeng may blond na buhok sa front desk kung nasaan ngayon ang aking pinsan.
Pinihit ko ang isang office at bumungad agad ang laki noon. Isang lalake na nakasandal sa kanyang mesa, nakacorporate attire, ang buhok na clean cut at seryosong pagmumukha ang kumuha ng aking atensyon.
“Kuya?” tawag ko na kumuha ng kanyang atensyon at napalingon sa akin. His brows furrowed while watching me from head to foot. Ang mga mata ay hindi ata ako nakikilala sa tagal ng pagkakatitig sa akin.
“Nana?” hindi sigurado niyang tawag.
“Kuya Toshi!” puno ng galak kong sigaw at napatakbo na papalapit sa kanya. Tumayo siya ng tuwid para salubungin ako saka ko siya niyakap ng mahigpit.
“Sobrang namiss po kita! Oh my gosh!” Halos magtatalon ako sa saya. Ang nakasanayan kong pabango ni Kuya Toshi ay nanuot sa aking ilong na mas lalo ko lang ikinaexcite sa kanya.
“What happened to you in here? Anong ginawa ng panahon sa’yo?” gulat niyang tanong nang humiwalay ako at hindi parin matigil ang mga mata sa kakakilatis sa akin. Bakas sa mukha ang pagkamangha pero ang labi ay hindi alam kung kukurba ba o ano. Hindi alam kung masasayahan sa pagbabagong nakikita sa akin o mafufustrate lamang kagaya ni Daddy.
“Fashion designer na ako, Kuya!”
Binalingan niya ang mesa kaya sinundan ko iyon at nakita ang mga magazines na nakafile sa gilid at puro mga featured noong designs ko.
“I know… I am updated. And seeing you right now… halos hindi kita makilala! Parang ang layo layo mo na roon sa babaeng huling nakita ko. You look so…” Pinasadahan niya akong muli ng tingin at hindi madugtungan iyong sasabihin niya. Nang wala siyang masabi ay binasa nalang ang pang-ibabang labi at nagkasalubong lalo ang kilay.
Tumawa ako sa naging reaksyon ng aking pinsan. “Ikaw mas gwapo na…” ngumisi ako at mas tinitigan ang kanyang imahe. Kulang pa ata ang salitang iyon para ilarawan ko siya pero mas lalo siyang naging mature at mas naging manly…
“Nabanggit sa akin ni Lolo Dwight na halos mamuti na raw ang buhok ni Tito Jimin kakasunod sa’yo at kakabantay sa’yo. And when I saw you right now, kung ako siguro ang naging bantay mo ay maaga rin akong tatanda. You look tamed but wild at the same time…”
“Ako pala ang pinagti-tsismisan nila Lolo Rico at Lolo Dwight mo?” Ngumuso ako at iginala ang tingin sa kabuuan ng kanyang opisina. Ang malalaking bintana ay kitang kita ang kabuuan ng City rito.
Umupo si Kuya sa may mesa at kinuha iyong magazine. Ang mga mata ay nangungumpara sa akin at ibabalik ulit sa magazine.
“She looks more wild in personal, damn it.” narinig kong bulong nito sa kanyang sarili nang tingnan niya akong muli. Ngumiti ako ng matamis kay Kuya na hirap akong ngitian pabalik.
“You left your work Kuya?”
Tumango siya,
“Bakit naman? Nahihirapan bang magmanage ang Lolo Dwight mo rito? Si Lolo Rico nga minsan ay nagpapatulong sa ibang clients niya kay Daddy…”
Sa pagkakaalam ko, itong kompanya nila Lolo Dwight ay naghahandle ng mga management ng mga modelo. May isang clothing line na pinamamahalaan nila at marami nang napapasikat na mga models. Gusto ko nga sanang dito rin ipamanage ang aking mga designs pero ayoko namang maging madali ang lahat sa pag-abot ko sa aking pangarap. Papaboran lang ako rito dahil Delafuente ako at maiisip ng ibang tao na kaya rin naman ako sumikat dahil ang kompanyang nagpaangat sa aking pangalan ay Delafuente lang rin. I want to strive hard in my own… kaya sinikap ko talagang pabanguhin ang aking pangalan kahit walang umaalalay sa akin na angkan namin. Lolo Rico agreed with that at binalaan narin ang kapatid niya na h’wag akong ispoiled at hayaan akong mag-explore rito without their help. Ayoko nang maging dependent sa mga nakapaligid sa akin dahil iyon ang ginawa ko sa nagdaang 17 years… Masyado akong sumandal sa nakapaligid sa akin, sa mga pinsan ko kaya masyado rin akong naging ignorante.
“I just want to manage some models…” makahulugan niyang sabi na ikinangiti ko.
“Hanggang ngayon parin pala ang hilig niyo parin sa mga babae,” humalakhak ako na ikinangisi niya lang at nabasa na ang pang-ibabang labi.
“I prioritize important things, Nana.”
Important things? Ah, baka ganoon nalang siguro ang kagustuhan niyang tumulong sa Lolo Dwight niya rito. Si Tito Jhope kasi mas piniling magmanage ng negosyo sa Pilipinas kaysa iyong nangingibang bansa sila. At gusto rin kasi ni Tita Chanelle iyon. Nabanggit pa nga sa akin noon ni Mommy na mas pipiliin raw talaga ni Tita Chanelle ang simpleng pamumuhay kaysa sa mararangyang bagay. Bukod kay Mommy, isa si Tita Chanelle sa mga babaeng hinahangaan ko, sila ni Tita Snow…
Lumabas kaming dalawa ni Kuya Toshi para kumain sa labas. Nagkwento siya tungkol sa mga pinsan ko na may mga pinagkakaabalahan narin pala isa isa kaya halos hindi na makapunta rito. Isa rin sa dahilan ay ang hayaan raw muna ako sa sarili ko. Dad told them na I’m doing good naman kaya h’wag daw silang mag-alala. Pero noong nakita raw ako ni Kuya Toshi, ngayon palang ay sobrang nag-aalala na siya kahit na nasa tamang edad na naman ako.
“I am turning 22 this year kuya at ikaw… turning 26 kana,”
His face darkened, “H’wag mong masyadong patandain Cana. 25 palang,”
“Pero turning 26 parin!”
Mas lalo lamang siyang napabusangot. “Am I that old enough? Hindi pa ako 30’s.”
Tumawa ako dahil sa pumaskil na fustration sa kanyang mukha. Bakit ba inaalala niya ang kanyang edad eh he looks so manly right now! Hindi ko talaga alam ba’t hindi siya tipo ni Hiluisse eh isa pa naman roon si Kuya Toshi na ipinagtutulakan sa pinsan ko.
“Nagkita na ba kayo ni Heluisse, Kuya?” Ngumisi agad ako. “I can call her right now if you wantㄧ
“H’wag na. I have her number,” saad niya na ikinalaki ng aking mga mata.
“Iniimbitahan ako ni Tita Jhazmine at nakikita ko minsan ang babaeng iyon na panay irap sa akin. Mga magulang lang naman namin itong pinagpupustahan kaming mga anak nila. Kung hindi sa akin ang bagsak noong Heluisse, sa panganay ni Tita Shy raw dapat,” he explained.
Alam ko ang katuwaan noong mga Mommy nila eh. Magbestfriends kasi sila at gustong itulak ang pinsan kong si Heluisse sa isa sa mga anak ng bestfriend ni Tita Jhazmine. Kaya nga pag kinukutya ko si Heluisse ay naiimbyerna agad siya sa akin dahil di niya naman daw mga type. Sinabi ko pang single ang dalawa pero mas gumagrabe lang ang binabato niya sa aking mga salita na kahit ang hawak niya ay literal niya nang ibinabato sa akin kaya tumitigil rin ako.
“Eh single ka naman kuya ah?”
Imbes sumagot, nagkibitbalikat lamang siya. Napapansin ko pa ang iilang kumakain rito ay panay lingon sa kanya. Kahit saan kasi ilagay ang mga pinsan ko ay nakakahakot talaga sila ng mga mata ng babae sa paligid. Lalo na si Kuya Toshi na masyadong maappeal.
“Oo nga pala,” uminom ako sandali ng tubig para malunok iyong kinakain ko. Kuya Toshi is eating silently, “si Irah…” mabilis siyang nag-angat ng tingin sa akin. “Nandito pala siya. Iyong Buenaventura na anak nila Tito Tres at Tita Christienne, kuya. Iyong kaedaran ni Zera… nagkita kami noong nakaraang linggo.”
His brows furrowed the way I explained Irah to her. Iyong kaedaran ni Zera ang mas nagpalukot ata ng mukha niya. Ayaw niya rin kasi noon sa mga matataray na bata kaya siguro ganyan nalang ang kanyang reaksyon. Baka hindi niya na natatandaan kaya idinitalye ko na para maalala niya agad.
“She’s with her boyfriend ata,” sabi ko pa na mas nagpadilim ng kanyang mukha. Hindi ko na iyon masyadong pinagtuunan ng pansin dahil nahulog rin ako sa pamumuri kay Irah.
“Sobrang ganda na ni Irah. Kita tiyan na may kaonting abs pa siya noong nagkita kami tapos tumangkad siya! Sobrang nagmana talaga siya sa Mommy niya pero iyong awra niya sa Daddy niya talaga nakuha… Close ba kayo, kuya?”
Napasandal na siya sa kanyang upuan, niluwagan ng necktie at tiimbagang na nang marinig ang aking diskripsyon. Gusto ko nga rin sanang magwork-out para maenhance ang flat kong tiyan katulad noong kay Irah pero sobrang busy ng scheds ko at hindi naman ako rumarampa sa runway kaya okay na itong akin.
“She’s with a guy?” tanong nito sa matigas ngunit malalim na boses.
“Di ko alam kung boyfriend pero humawak kasi sa beywang at inalalayan siyang pumasok sa kotse. Di ko na alam anong nangyari sa loob kasi tinted iyong bintana,”
Isang mahaba at marahas na hininga ang nabitiwan ni Kuya. Tinititigan niya pa iyong pagkain at parang may ikinakainis roon.
“20 na si Irah kaya siguro hinahayaan narin siyang lumabas,” pahayag ko na mas ikinasira lang ng kanyang ekspresyon nang marinig ang edad nito.
“Ikaw kuya wala ka pang girlfriend. Daig ka pa noong bata pa sayo may boyfriend na. Masyado ka kasing seryoso sa work ayan tuloy…” I teased him and giggled softly. Hindi na ito makasagot at mukhang lumilipad na naman ang utak sa mga importanteng bagay kaya hindi ko na inaasar dahil umiigting lang lalo ang panga niya pag nababanggit ko ang ‘bata’. Sensitive na ata siya roon dahil sa edad niya.
Hindi ko na iniopen-up iyong sinabi sa akin ni Irah na conflict ng pamilya namin sa Buenaventura dahil baka maungkat lamang iyong sa amin ni South at magalit lamang siya sa akin. At isa pa, hindi naman close si Kuya sa mga babaeng Buenaventura kaya useless rin kung banggitin ko dahil mga importanteng bagay lang naman ang pinapriority niya.
Si Kuya Toshi ang naghatid sa akin pauwi. Nag-usap pa sila ni Daddy sa sala at hindi na ako gaanong nakisali dahil may tatapusin pa akong designs ko sa susunod na gagawin kong fashion show sa America. Iyong nalikom kong pera sa una kong fashion show ay itinabi ko para sa pag-uwi ko ng Pilipinas. Sapat na ang perang iyon para magsimula ako pero ayoko ring palampasin ang iba pang oportunidad kaya habang naghahanda ako, sinusulit ko rin ang pumapasok na mga opportunities.
“Irah!” Kinawayan ko agad ang babaeng kakapasok lamang sa isang exclusive na Bar rito sa Canada. Mabilis ko siyang napansin dahil narin sa mga lalakeng inaagaw niya ang atensyon at nagkakagulo na.
Mabilis na napunta ang tingin niya sa counter. Sandali niya akong tiningnan pero nalipat rin sa aking pinsan. Binalot ng pagiging misteryosa niya ang kanyang mga mata habang naglalakad patungo sa amin na akala mo ay rumarampa sa runway.
“Ba’t mo ako inimbitahan?” tanong niya nang umupo siya sa aking tabi. Napapagitnaan na nila akong dalawa ng aking pinsan na sinisipat siya minsan ng tingin pero iaalis rin naman agad.
“Kasi uuwi na ako ng Pilipinas pagkatapos noong fashionshow ko sa America. Dederitso na ako sa Pilipinas,” paliwanag ko sa kanya.
Palaging nalilipat ang kanyang tingin sa aking pinsan kaya binalingan ko rin ito.
“Ah, Heluisse, si Irah pala. Isa sa mga kaibigan ko roon sa Pilipinas.” Heluisse glanced at her and just nodded, ni hindi man lang ito nagawang ngumiti.
“Irah, pinsan ko,” pagpapakilala ko rin na ikinatango niya, ang misteryosang mga mata ay mas lumalalim at dumidilim. Napanguso nalang ako at itinuon ang tingin sa harap dahil parang pumagitna ako sa mga babaeng hindi ko matansya ang mga ugali. Nasobrahan ba talaga ako sa bait?
“So, umiinom kana? Who taught you?” Nilingon niya sandali ang aking pinsan pero ibinalik rin sa akin. “May nagb-brainwash ba ng utak mo rito?”
“Nilabhan ko. Masyado kasing inosente at ignorante.” sagot naman ni Heluisse at nagawa pang hawiin ang buhok papunta sa likod.
Umangat ang kilay ni Irah. Ako naman itong pabalik balik ang tingin sa dalawa. Kinuha lang ang kanyang atensyon noong inilapag na inumin noong bartender at kumindat pa kay Irah.
“So, kumusta ang pagmomodelo mo rito? Kailan ka uuwi ng Pilipinas?” tanong ko sa kanya.
“Someone tricked my management to kick me out. Walang tumatanggap sa akin na kompanya at ayoko namang umuwi muna kaya mapapasubo ata ako roon sa isang kompanya,” paliwanag niya na ikinagulat ko.
“Pwede kitang kunin na modelo ko Irah kung gusto mo…”
Umismid siya sa akin, “Kompanya ang gusto ko at nagsisimula ka palang. Ayokong maghintay ng ilang taon.”
Sabagay. Pag-uwi ko sa Pilipinas ay hindi nga naman magiging madali ang pagpapatayo ko ng sarili kong clothing line. Kailangan ko pang magpatayo ng kompanya at maghanap ng mga modelo ko roon. Baka isang taon rin ang dumaan sa prosesong iyon…
“Pwede kitang irecommend sa mga kakilala kong sikat na modelo, kung gusto mo rin…” suhestyon ko.
“No need Nana. Mahirap rin namang ayawan kung malaking kompanya na ang mismong humihila sa’yo kaya kukunin ko na ang oportunidad na iyon.” pahayag niya na ikinatigil ko sa pagsasuggest ng pwede niyang pasukan rito. Nakakapagtaka naman at may umaayaw sa kanya. Sa tindig niya pa nga lang parang iyong kompanya na ang may kawalan kung palalampasin nila ang modelong katulad niya. That’s a bit weird…
37th Hooked
Welcome back, Nana
It was a hot afternoon when my feet touched the familiar ground of the airport. Nakakasilaw ang sinag ng araw at para akong winiwelcome sa aking pagbabalik dahil sa pagkakatama nito sa aking balat. Napangiti ako nang napagtanto kong nasa Pilipinas na talaga ako. Anim na taon rin akong nawala at hindi na ako magtataka kung ganito nalang ang aking paninibago sa nakalakihan kong bansa.
Tapos na iyong fashionshow ko sa America at katulad noong nangyari sa France, naging matagumpay rin naman ang show. Kasabayan pa iyon ng aking birthday sa pagiging 22 ko ngayong taon at iyon na ata ang napakagandang regalo na natanggap ko, ang pagiging successful noon. Masyado akong naoverwelmed sa mga papuring natanggap at mga connections na nakuha ko roon. May panibagong modelo ulit akong nakilala at gusto niyang suotin iyong designs ko para daw marami ring makadiskubre. Ang pangalan kong Cana ay masyado nang gumagawa ng ingay sa iba’t ibang bansa at ang aking plano ay dito naman sa Pilipinas…
“Ang init,” medyo napapikit si Chain nang maramdaman niya rin kung gaano kagalit ang araw sa pagdating naming dalawa. Tumingala pa siya at tinabunan ang sinag ng araw gamit ang kanyang palad, iyong isang kamay ay hila hila ang aming bagahe.
“Bakit ka ba kasi sumama?” tanong ko sa kanya.
“Tagarito rin ako, Cana.” Inilipat niya ang pagkakapayong niya sa sarili niyang mga mata gamit ang kanyang palad at inilagay sa aking ibabaw para hindi ako gaanong silawan ng init.
“And Tito Jimin agreed…” Ngumisi siya sa akin. Sa ilang buwan na kakabuntot sa akin ay nakuha niya rin ang loob ni Daddy at hindi na masyadong nababahala pag sinabi kong si Chain ang kasama ko. Ang sabi nila ni Mommy, aasikasuhin raw muna nila ang mga naiwang trabaho roon at susunod rin daw agad sa akin rito. I told them I’m going to be fine dahil sanay naman ako sa paglipad sa iba’t ibang bansa pero ayaw nilang magpaawat. Hindi ko alam kung ba’t nababahala sila masyado…
“Eh kasi feeling close ka,” natatawa kong sabi sa kanya nang makalabas na kami sa mismong airport. Ang iba’t ibang kulay ng taxi agad ang bumungad roon.
Sandali ko siyang pinanood sa pagtulong roon sa driver noong taxi na pumarada sa aming harapan at paglagay ng mga gamit sa likod, ang kanyang mga mata ay nililingon ako minsan.
“Madaling kunin ang tiwala ng isang tao kung mabuti naman ang hangad mo,” makahulugan niyang sabi at pinagbuksan ako ng pinto noong taxi.
“Dad sees you as my personal bodyguard, Chain…” ngumisi ako sa kanya at hinintay siyang makapasok narin sa loob.
Humarap siya sa akin, ang kamay ay nasa sinasandalan ko nang upuan at doon nakaakbay, hindi na naman mabura bura ang ngisi.
“Really? I think he likes me as his son in law…”
Humagalpak agad ako ng tawa. “Believe me! Daddy is thinking the opposite…”
Mabilis siyang bumusangot at hinawakan ang aking baba para galaw galawin iyon. Ngumuso naman ako, halos tinitingala na siya.
“Then I’ll win his trust…” he said deeply as he leaned closer enough and crouched a bit just to reached for my lips.
Awtomatiko naman akong napapikit, dinama ang kanyang labi at hinalikan ito pabalik. His tongue flicked inside my mouth as my mouth welcomed him. Ang aking kamay ay napahawak na sa kanyang batok para iyon ang maging suporta ko at para mas madiin ang halikan.
Chain is nice… Iyon talaga ang masasabi ko sa ilang buwan ko siyang nakasama at panay lang ang pagsama sa aking mga lakad at hindi nagrereklamo. He’s patient at never ko siyang narinig magreklamo o bigyan ng label ang namamagitan sa aming dalawa. We kissed… in a friendly way…
Kaso mabilis rin kaming natigil sa paghahalikan nang pumreno iyong taxi driver. Ang kamay ni Chain ay mabilis ang pagkakahawak sa akin para hindi ako matilapon sa harap. Kumurap ako at natigilan narin sa nangyari.
“P-Pasensya na po… M-May tumawid lang b-bigla…” anang taxi driver at hindi na makatingin ng deritso sa amin roon sa itaas ng salamin.
Nagkatinginan kami ni Chain at nag-usap sa aming mga mata saka rin kami sabay na natawa.
“Nasa Pilipinas na pala tayo. Bigdeal na ang mga ganito…” bulong niya sa akin na ikinatango ko at natampal narin ang noo dahil sa kahihiyan.
Naging tahimik kami ni Chain sa likod. Ang kanyang kamay ay nasa aking hita at dinadaanan iyon ng nakakakiliting haplos. Minsan ay natatawa ko nalang iyong hinuhuli pero mamaya ay ibabalik niya rin naman at sabay nalang kaming tatawa.
“Alam ba ng pamilya mo na uuwi ka?” tanong niya sa akin noong mapansin kong medyo malapit na kami sa Subdivision kung saan nakatira ang iba ko pang mga pinsan.
“Hindi but I’m sure Daddy informed them. Parang busy narin kasi ang iba,” sabi ko na ikinatango niya.
“How ’bout you? Saan ka dederitso pagkatapos akong ihatid?”
“Sa bahay narin ng Tito ko. Pero ikaw bahala… if you want me to stay then I’ll stay…”
Ngumuso ako. Pwede sana pero ayokong makipagdebatehan sa mga pinsan ko. Magugulat ang mga iyon pag mag-uuwi ako ng lalake sa bahay.
Wala akong ediya kung ano na ang mga natapos at mga hitsura ng aking pinsan sa nagdaan na taon. I know they’re grown-ups too pero sigurado ring hindi lang ako ang hinubog ng panahon at sila rin. Hindi na ako magtataka kung may mga girlfriend na ang aking pinsan. Nakakapagtaka at si Kuya Toshi itong masyadong subsob sa trabaho at wala na atang panahon sa babae. What happened to him? Siguro pumunta rin iyon doon para palambutin ang pinsan kong si Heluisse at iyon nalang ang pakasalan o pwede ring trabaho talaga ang kanyang pinunta. Hindi naman kasi makwento ang mga lalake kong pinsan pagdating sa buhay pag-ibig nila.
Tinulungan akong ilabas ni Chain ang iilan kong bagahe. Ang gwardya ng aming bahay na mismong caretaker narin ang nagbukas noong malaki naming gate. Ilang minuto pa itong napatitig sa akin at hindi ata ako makilala kaya nginitian ko nalang.
“May tao po sa loob?” tanong ko nang makapasok kami ng tuluyan ni Chain.
Umiling ang gwardya saka tiningala ang katangkaran ni Chain sa aking gilid. Kung hindi ako nakapumps ay baka hanggang balikat lang ako ng lalakeng ito. His massive body will make you drool… lalo na ang heartshaped niyang mukha, ang pointed na ilong, mga matang nangingislap at mamula-mulang labi ay mababaliw ka talaga. Hindi na ako magtataka kung pagkakaguluhan siya sa mga babae rito sa Pilipinas dahil may binatbat rin naman talaga si Chain.
Ako mismo ang nagbukas noong pinto. Sumunod naman si Chain sa akin at siya mismo ang nagsara. Kinapa kapa ko ang switch sa ilaw kung hindi lang talaga umandar itong kapilyuhan ni Chain. Hinila niya ang aking beywang at hinalikan ako bigla sa aking labi..
“Nabitin ako kanina…” bulong niya na ikinahulog ko narin sa kanyang halik at humalik na pabalik. Isinandal niya ako sa pinto, ang aking kamay ay nasa kanyang batok na habang ang isa ay nasa kanyang balikat. I teased him and bit his lowerlip. Doon mas lumalim ang kanyang halik at halos ibaon na ang sarili sa akin. Itinukod niya ang isang kamay sa aking itaas para hindi ako madaganan ng tuluyan pero aksidente ring nasagi ang switch kaya bumukas ng tuluyan ang ilaw kasabay noon ang pagsabog ng kung ano.
“Welcome back, Nanaㄧ”
My eyes widened when I heard their familiar voice. Kahit si Chain ay natigil rin sa paghalik sa akin at kapwa na kami napalingon sa harapan. Natatakpan ng imahe ni Chain ang aking kabuuan kaya itinagilid ko pa ang aking ulo para masilip lang silang lahat.
Naroon ang aking mga pinsan, pinalilibutan ng balloons ang paligid, may hawak na confettis at pinaghandaan talaga ang aking pagdating dahil sa nakikita kong desinyo sa paligid na nakita na sa pagbukas noong ilaw. Nagkalat ang mga balloons!
“Welcome back! Welcome back!” Iyong kambal ang hindi matigil sa pagpapasob noong confettis na hawak nila at mukhang walang napapansin. Kung hindi lang sila sinapak ni Hiro ay hindi sila matitigil.
“Hey!” sigaw ko sa kanila at napangiti ng malapad. They looked all shock lalo na nang tuluyan akong umalis sa pagkakatago ni Chain sa akin. Suot ang aking pulang dress at nakabun na buhok, hindi ko alam kung ba’t gulat na gulat sila sa aking imahe. Ang mga mata pa ni White ay nalaglag sa aking balikat kaya doon ko lang iyon nilingon at napansin ang pagkakababa noong strap ng aking dress.
Ken dropped his balloons, laglag na ang panga at nanlalaki ang mga mata. Na kahit ang iilan kong pinsan ay parang nakakita ng multo dahil sa nasaksihan. Lahat ay nagugulat at halos matigilan sa kinatatayuan. Na parang huminto ang oras kaya ni isang galaw ay hindi nila magawa.
“Is that our Nana?” wala sa sariling tanong ni Ken sa mga pinsan kong hindi rin matanggal tanggal ang tingin sa akin.
“She looks like our Nana…” si Red naman.
“I miss you all! Ako ito!” sigaw ko at tumakbo na sa kanilang grupo. Si Ken ang unang humila sa akin at dinumog agad ako ng yakap. Doon lang rin nakisali ang kambal at naging maingay ulit dahil sa pagbabatian maliban sa iba kong pinsan na hindi parin mahitsura ang mga seryosong mukha, titig na titig kay Chain at madilim na ang mga ekspresyon.
“He’s my friend, Chain!” pagpapakilala ko bago pa mang-init lalo ang kanilang mga mata pero ang inaasahan ko ay kabaliktaran ata.
“Friend?” Naningkit ang mga mata ni White sa akin. Imbes purihin ko ang pinagbago niya, ang mga imahe nila ay hindi ko magawa dahil masyado nang nalilihis ang kanilang mga atensyon.
“Edi totoo iyong nakalap natin na halos mapanot na raw si Tito Jimin kakabantay sa kanya…” si Ken na nagawang humalakhak at hindi matigil ang kakatingin sa akin.
“At iyong sinasabing extra friendly na daw… Now I get it.” si Hiro naman.
“Ni hindi ko halos makilala…” naiiling pa si Kuya Grey nang tingnan ang kabuuan ko.
Tumawa lamang ako at nasuklay paatras ang aking buhok, ang kanilang mga mata ay natangay naman roon na kahit si Ken ay suminghap pa.
“Nasaan na ang baduy na si Nana?! Ilabas mo!” Niyugyog ako ni Blue at nanlalaki pa ang mga mata. Hinila siya ni White at doon lang natigil.
Ilang minuto rin ata nila iyong iprinoseso iyong imahe ko at paminsan minsan pa akong lingunin. May makahanda palang maliit na party sa likuran at maraming nag-aabang sa akin na makita ako lalo na sila Tita. Hindi ko muna pinaalis si Chain at pinakilala sa mga pinsan ko. Si Ken lang ata ang nakipagshake hands sa kanya at iyong kambal while the rest were giving him a death glares.
Hindi ako umalis sa tabi ni Chain at hinihila ito kung saan man ako magpunta. Maya maya ay dadating na raw ang parents nila kaya habang naghihintay ay inaaliw muna namin ang mga sarili sa pag-inom noong wines.
“Dapat sinabi mo nalang na boyfriend,” bulong ni Chain sa akin nang mapansin niyang hindi parin siya milulubayan ng tingin ng aking mga pinsan sa dako.
“Edi mas pag-iinitan ka nila,” sabi ko. Nakaupo ito sa makapal na railings noong balkonahe namin rito sa harap ng swimming pool sa likod at ang iba kong pinsan ay nasa paligid lang, hawak ang kanilang mga baso at nakaw tingin sa amin rito.
“We kissed… Iisipin talaga nilang tayo…” pasimple niyang napasadahan ng haplos ang kanyang buhok at medyo nag-aalala na sa mga matang tila nagbabanta sa kanya ng kung ano.
I chuckled. “I am not minor anymore. I am turning 23 at pwede ko ng gawin ang mga bagay na gusto ko. Everything is fine, ’kay?” I touched his cheek to stop him from worrying. Tumango naman siya at ngumisi, akmang ilalapit ang mukha kung hindi lang talaga may kung anong humagalpak sa may dako ng aking mga pinsan.
“Ayokong mapanot kakaisip,” narinig kong sabi ni Ken kaya binalingan ko ang kanilang dako, ang mukha ni White at Hiro ay nagiging salamin na at hindi na mahitsura.
Chain heaved a sigh. “Nasanay akong manghalik sa’yo… mukhang kailangan ko munang kontrolin.”
Hinatid ko nalang muna palabas si Chain dahil ayaw niya munang mahati ang aking atensyon. Na kahit iyong akmang paghalik ni Chain sa aking pisngi para magpaalam ay tumikhim pa si White sa aking likuran kaya hindi ito natuloy at tanging pagpapaalam nalang ang naibigay sa akin.
“I missed you, White!” Niyakap ko agad siya ng mahigpit nang tuluyan nang makaalis si Chain. Ang kanyang kamay ay pumulupot sa aking beywang at naisandal sa aking ulo ang kanyang baba.
“You changed… halos hindi kita makilala,” bulong niya sa malalim niyang boses.
Sumimangot ako at tiningala siya. Medyo mahinahon na ang kanyang ekspresyon ngayon hindi kumpara kanina.
“This is still me!”
“Ang layo layo mo na sa nakasanayan ko. We even saw you making out with your ‘friend’ seriously Cana Aleyna…” Fustration is all over his face now. I chuckled.
“You look like Dad… Ganyan rin reaksyon niya.”
“Sinong hindi magugulantang sa pinaggagawa mo?” tanong niya nang humiwalay na kami sa isa’t isa at nagsimulang maglakad pabalik sa likod.
“I am just being extra friendly, White…”
Sa kanyang hindi mabura burang fustration sa mukha, hinilamos niya iyon at nagbabakasakaling maalis iyon pero sa kanyang naririnig ay hirap niya ring ikalma ang ekspresyon ng mukha.
“Fine, fine… Bawal kanang bakuran dahil malaki kana kaya nga hindi na kami makapalag. Pero tangina naman, ang sakit sa ulo ng pinaggagawa mo…” he breathe heavily.
“Relax!” I giggled softly as I stroked my hair backwards. Natangay sandali ang mga mata ni White roon pero kalaunan ay nahilot rin ang sintido.
“You act like your father… his girl version, fuck.” malutong niyang mura at halos ibulong nalang sa kanyang sarili na hindi naman nakaligtas sa pandinig ko.
Nang mapansin ng iba kong pinsan na wala na si Chain noong bumalik ulit kami ni White sa likod, doon lang nila ako pinaliguan ng samo’t saring tanong. Halos mahilo pa ako nang inikot ikot ako ni Red dahil lang gusto niyang makasiguradong hindi ako nasasapian o kung ano pa man.
Noong dumating rin sila Tito at Tita, katulad ng reaksyon ng aking mga pinsan ay doble pa ang reaksyon nila Tita sa akin. Nagtatalon sa tuwa si Tita Chan at Tita Snow sa aking kabuuan at kahit si Tita Sky ay hindi mabura bura ang ngisi.
“Abbegail must be very proud…” si Tita Celina
Tuwang tuwa sila sa aking achievements at humihingi rin ng tawad na hindi sila nakadalo sa bawat fashion show ng aking mga designs. Hindi naman iyon bigdeal sa akin, iyong makita ko lang ang galak sa kanilang mga mukha, na sobra silang naging proud sa mga naging achievements ko ay kontento na ako.
“Pang world class nga ang talento mo, Nana…” sambit ni Tita Snow sa akin nang pinakita ko sa kanila iyong brochure kung nasaan ang iilang designs ko at ang mga modelong rumampa na nito.
Nasa kwarto ko sila Tita at pinagkakaguluhan iyong mga dala kong magazines at brochure kung saan nakalahad ang mga achievements ko.
“Ang ganda ganda nito, Nana!” si Tita Chan naman nang tingnan iyong magazine kung saan nafeatures ang mga designs ko roon sa France.
“Thank you po,” napangiti ako ng matamis at binalingan narin sila Tita Ellie at Tita Julie na manghang mangha roon sa tinitingnang albums.
“Nagpapadala naman ng mga pictures si Abbegail pero hindi kami makapaniwalang ganito na pala kalaki ang achievements mo!” si Tita Julie
“At sa imahe mo ngayon, para ka naring isa sa mga rumarampa sa Victoria’s secret dahil sa tindig mo. You look so fresh and hot! Ang layo layo mo na roon sa batang nakasanayan namin years ago…” si Tita Ellie naman
“No wonder Jimin is getting older at nagrereklamong nagkakaputing buhok na raw siya sa’yo.” si Tita Sky naman na nakatayo at iyong bago kong designs ang tiningnan.
I chuckled and stroked my hair backwards. Nang maalala kong may mga pasalubong pala ako sa kanila ay binuksan ko rin ang aking bagahe at inilabas iyong mga nakabalot sa plastic na ako mismo ang nagdesign.
“Ito po pala ang pasalubong ko sa inyo. Sana magustuhan niyo po…” Isa isa ko iyong ibinigay sa kanila na ngayon ay namamangha na ang mga mukha at excited na ilabas iyon sa plastic.
“Wow… I don’t know what to say Nana…” si Tita Celina nang iniangat niya ang isang nude color na dress at may platings ang ibaba.
“Kayo po ang naging inspirasyon ko sa mga yan at ibinagay ko po sa features niyo iyong mga kulay ’tsaka iyong design…”
Hindi ko na maisa isa ang mga inililigo nilang papuri sa akin. Nagtitilian pa si Tita Chan at Tita Snow nang isinukat nila iyon at nakita ang resulta sa malaking salamin ng aking kwarto. Pakiramdam daw nila ay bumalik sila sa 20’s. Natatawa nalang ako dahil sa inaasal nilang lahat lalo na si Tita Ellie na umikot ikot pa para lang sumabay iyong dress niya.
“So, plano mong magtayo ng sarili mong clothing line rito sa Pilipinas? Your own company?” tanong ni Tita Sky nang mabanggit ko ang aking binabalak kaya rin ako umuwi.
“Yes po. Iyon po ang balak ko ngayon…”
“So when are you planning to build your own company?” si Tita Celina
“As soon as possible po. Maghahanap rin ako ng mga models for my designs.”
“Pwede parin ba ako diyan? Namimiss ko na ang pagmomodelo…” malungkot naman na saad ni Tita Ellie
“Of course po Tita!”
Tumawa siya at umiling, “Magagalit lang ang Tito V mo pag sumali sali ako sa ganyan, Nana.”
Sumimangot ako at napaupo narin sa aking kama. Pumunta naman sa likod si Tita Snow, sinusuklay ang kahabaan ng aking buhok.
“Madali lang naman atang maghanap ng mga modelos since sikat na ang pangalan mo, Nana. Ikaw na ang hahabulin…” banayad na sabi niya sa akin.
“Snow is right. Lalo na’t wala masyadong clothing line na kompanya rito ay nasa iyo ang swerte. Modelo lang ang marami rito…” si Tita Sky naman
“Isa rin po sa dahilan kung bakit ako umuwi dahil sa isang invitation rito sa Pilipinas na parang charity ata sa mga street children. Balak ko rin po sanang tumulong at magdonate sa isinusulong noong fashion show na gaganapin…”
Nagkatinginan sila at pumaskil sa mga mukha ang pagkamangha. Si Tito Snow ang yumakap sa akin at ipinahinga pa sa aking balikat ang kanyang baba.
“Pakiramdam ko ako rin ang Mommy mo… Nagbago lang ata ang imahe mo, medyo naging mature lang pero ikaw parin iyong Nana na mabait.” malumanay na sabi sa akin ni Tita Snow.
“Pinasikat rin siguro si Nana dahil alam ng Diyos na mabait siyang bata at marami siyang matutulungan.” si Tita Julie naman.
Hindi ko na alintana ang jetlag dahil sa mga sumalubong sa akin. Ilang taon ko rin silang hindi nakita at nakakamangha na marami na ngang nagbago pero sa positibong paraan naman. Medyo naninibago pa nga sila Tito sa aking imahe at nafufustrate rin maliban kina Tita na gustong gusto ang bagong ako. Parte raw iyon ng aking pagiging ganap na dalaga at hindi lang matanggap ng mga lalake na hindi lang silang mga lalakeng Delafuente ang habulin ng babae kundi pati narin ang mga babae sa angkan namin.
38th Hooked
Fashion show
“Why are you buying some clothes? Ayaw mong suotin ang design mo sa fashion show na iyon?” tanong sa akin ni Chain na nakabuntot na naman sa akin rito sa Mall.
My cousins were so busy kaya noong sinundo ako ni Chain sa bahay imbes pumalag ay nailing nalang at pinayagan rin ako. Masaya na ako sa nagiging takbo ng buhay ko dahil hindi na sila gaanong mahigpit at hinahayaan na akong gawin ang gusto ko. White is trying to calm himself everytime he sees Chain tagging along with me…
“Fashion show lang naman ang pupuntahan ko, Chain.” Ibinigay ko sa kanya iyong hanger na dinampot ko at pinasadahan muli ng tingin ang mga nakahang. “It’s not my fashion show so gusto ko munang maging simple lang…”
“Did you purposely hide your real identity as Cana para hindi ka masyadong pagkaguluhan rito? You’re fucking famous…” may pagmamalaki sa kanyang boses noong sinambit iyon.
Humarap ako sa kanya at awtomatiko niya namang inilagay sa aking harapan iyong napili kong damit. Kinilatis niya iyong mabuti saka rin iyon inalis at doon lang ako tinitigan.
“I am not planning to hide my identity forever… Pero kung isa kang pangkaraniwang modelo rito, at hindi ka masyadong updated sa mga kaganapan sa ibang bansa, talagang hindi mo ako makikilala. Lalo na’t iyong sikat na magazine sa Canada ay wala ata rito… Doon lang naman nabulgar ang pagkatao ko.”
Limitado lang ang exposure ko sa mga fashion show. Wala akong masyadong mukha at mga designs ko lamang ang pinaprioritize ko at ang pangalang Cana. Ayokong humakot ng maraming atensyon at pagkaguluhan na parang isang artista rito. Iba pa naman ang ugali ng mga tao rito… Ayokong siraan ang kapwa ko Pilipino pero masasabi ko talagang may pagka crab mentality ang iba. They will drag you down just because you’re on top. Hindi ko alam at bakit maraming ganoon…
“That’s better… Ako lang ang fanboy mo.” ngumisi siya at binigyan pa ako ng mabilis na halik. My mind suddenly flew somewhere… Fanboy… I used to have that one person when I was 17. Ano na kayang balita sa kanya? Is he doing fine? I hope so…
Pagkatapos noong pagsh-shopping namin ni Chain ay nagtungo rin kami sa five star restaurant dahil narin sa isang bagay.
“Oh my gosh! You really exists!”
Pagkapasok ko palang sa isang exclusive na Restaurant kasama si Chain ay halos magtatalon na iyong pinakasikat na fashion designer rito. Siya iyong mangunguna sa gaganaping fashion show at isinusulong iyong campaign niyang charity para sa mga street children. She’s older than me at nasa 24 na ata.
Marahan akong natawa at hindi na alam kung paano ito pakakalmahin. Chain pulled the chair for me. Umupo narin siya sa tabi ko at siya na iyong nag-entertain noong waiter na lumapit para sa aming pagkain.
“Ako lang ’to…” sabi ko pero mas lalong naging hysterical ang kanyang ekspresyon. Ang aking mga kamay ay nahawakan niya na at halos mawindang na.
“Anong ikaw lang? You’re the international fashion designer Cana! I am such a fan! Iyong fashion show mo sa America ay sobrang ganda! I’ve seen the designs!”
Bumaling pa sa akin iyong waiter nang marinig si Danica. Tumikhim lang si Chain kaya nag-iwas agad ito ng tingin sa akin at itinuon ang tingin sa pagsusulat noong order ni Chain.
“Talaga? Nandoon ka?” nagulat narin ako. Naalala ko, maraming pumuntang sikat na modelo roon sa America at hindi ko na masyadong naentertain ang iba dahil sa hinahabol ko ring flight sa Pilipinas. I need to pack my things and such kaya medyo nagmamadali ako noong araw na iyon.
Tumango tango siya, “Yes! Bumyahe ako just to see your world class designs!”
“Two dishes,” saad ni Chain pagkatapos ay itinuon agad sa akin ang tingin. Nagkatinginan kaming dalawa at nakapaskil agad sa mukha nito ang ngising nagmamayabang. Na kung sisingit lang ito sa aming pag-uusap ay ipagmamalaki niya talaga ng husto ang aking mga achievements.
“I’m sorry if hindi kita naentertain noong araw na iyon. Nagmamadali kasi ako…”
Umiling iling agad siya, ang buhok na maalon ay sumabay narin.
“No, it’s okay! Ako nga dapat ang magpasalamat sa’yo dahil pinaunlakan mo iyong imbitasyon sa gaganapin kong fashion show!”
“Gusto ko rin sanang magdonate at nagustuhan ko iyong campaign mo kaya hindi ko narin pinalampas…”
“Aw, Cana… Hindi ko talaga alam kung ba’t masyado akong maswerte at napansin ako ng isang anghel na sobrang down to earth! You really deserved all those achievements!”
I smiled sheepishly, tinubuan na ng kahihiyan sa papuring kulang nalang ay lunurin ako.
“I agree…” Chain said cockily, ang kamay ay nakaakbay sa aking inuupuan. Danica giggled while watching us glancing at each other. Natawa narin ako.
Halos saan lumipad ang pag-uusap naming dalawa ni Danica. Ang gusto niya sana ay ipakilala ako sa mismong fashion show niya pero tinanggihan iyon dahil masyado pang maaga para iexpose ko ang aking sarili. Gusto kong sa mismong fashion show ko nalang dahil ayoko namang kunin ang spotlight ng magandang araw ni Danica.
“Araw mo iyon kaya panonoorin kitang kumislap.” saad ko na ikinahaplos niya sa kanyang dibdib. Ni hindi niya nagalaw ang kanyang pagkain dahil ibinubuhos talaga sa akin ang buong atensyon at ayaw palampasin ang bawat kilos ko.
“Nahiya tuloy ako dahil alam kong nanonood ang International na fashion designer sa aking fashion show!”
Hanggang ngayon, hindi parin ako sanay sa special treatment na nakukuha sa mga taong umuusbong rin ang pangalan sa industriyang kinabibilangan ko. Parang kalahati lang naman sana ng mundo ang aking gustong abutin pero buong mundo ang natanggap ko. Ang kasikatan ay hindi ko parin naipapasok sa aking utak dahil tuwing gabi, pag tinitingnan ko ang aking sarili sa salamin, ako parin naman iyong Nana na mahiyain.
Pagkauwi namin ni Chain, sakto ring tumawag si Mommy at nakikipag videocall kaya mabilis ko iyong sinagot.
“Mommy!” Kumaway agad ako at inangat iyong cellphone para makita rin si Chain na nagmamaneho sa aking tabi.
“Tita,” nakangiting tawag ni Chain.
“I miss you both!” saad ni Mommy roon na ikinanguso ko.
“I miss you too, Mommy! Asan si Daddy?” tanong ko.
Ang front cam nito ay nalipat rin sa likod saka bumalandra sa aking screen ang kinarorooonan ni Daddy. May mga nakatambak na papeles sa gilid at kunot na kunot ang noo habang chinicheck ang iilan.
“Tinambakan ng Lolo Rico mo ng trabaho dahil gusto ka nang sundan ng ama mo diyan. Your Lolo Rico is on your side, Nana…” sabi pa ni Mommy na ikinahagikhik ko.
Nag-angat agad ng tingin si Daddy nang marinig ang pagsambit ni Mommy sa aking pangalan.
“Is that our daughter?” tanong niya, ang mga mata ay nasa camera na.
“Yes… And she’s with Chain.”
Daddy’s brows immediately furrowed. “Si Chain ba talaga?”
Gumalaw ang camera at natuon sa pumps ni Mommy na naglalakad na. Nagkatinginan pa kami ni Chain at sabay na natawa dahil masyado na talaga itong paranoid.
Iniharap muli ni Mommy sa front cam hanggang sa silang dalawa na ni Mommy ang nakita ko sa screen.
“Say hi to your paranoid Daddy lolo, Nana!” pang-aasar ni Mommy na ikinatawa ko.
“Hi Daddy lolo,” I waved my hand.
He frowned and licked his lowerlip as he brushed his hair backwards using his finger.
“Kayong dalawa tigilan niyo ako diyan sa pang-aasar niyo,” pagbabanta ni Daddy sa malalim na boses na sabay naming ikinahagalpak ng tawa ni Mommy.
“Chain, are you guarding my princess well?” tanong ni Daddy sa seryosong boses.
Sumandal naman ako sa braso ni Chain at mas inangat ang cellphone para makita kaming dalawa. Lumilingon lingon paminsan minsan si Chain sa camera para makita ang mukha ni Daddy na hindi na naman makalma ang pagkunot ng noo.
“Yes Sir, I’m not going to take my eyes off her…”
“Mabuti naman… Mukhang matatagalan pa kami sa pag-uwi dahil itong Lolo mo ay gustong bumawi sa naibigay kong sakit sa ulo sa kanya noong kabataan ko.” nailing iling pa si Daddy pagkatapos suklayin ng buhok paatras at hindi ko na mabilang kung pang-ilang beses niya na iyong nagawa ngayong araw.
He’s wearing his corporate atttire at sobrang manly. He doesn’t look old yet kahit na palagi siyang nafufustrate. Iyon lang talaga ang pang-asar namin na tumatanda na siya at maaga nang mapapanot dahil bubusangot agad ito.
“Daddy you’re so gwapo! Kaya ka mahal na mahal ni Mommy!” pag-iiba ko agad ng topic.
Tumango tango naman si Mommy at naging inosente agad ang tingin.
“You’re so gwapo, love…” Mommy said seductively. Awtomatikong kumurba ang labi ni Daddy at may kung ano nang makahulugang tingin kay Mommy. Bigla nalang gumalaw iyong camera na parang bumalibag ata at ang paghalakhak ni Mommy kasabay noong pagkawala ng connection.
“Ay, nawala sila…”
“Nagquality time na ang dalawa.” sagot ni Chain sa akin na ikinanguso ko. Iyon talaga ang gusto ko para kay Mommy at Daddy, na h’wag na akong problemahin dahil kaya ko naman ang aking sarili. Si Daddy kasi gustong ituon sa akin ang buong atensyon na kahit si Mommy ay nafufustrate narin pag masyado na naman itong paranoid. Maybe sinadya rin ni Lolo Rico iyon dahil noong huli naming pag-uusap bago ako umuwi, magsaya raw ako at unahin ang aking sarili. Siya na daw ang bahala sa parents ko. Kaya siguro hanggang ngayon ay hindi magawang umuwi ng dalawa.
Inilagay ko sa dashboard ng kotse ni Chain ang aking cellphone at umayos ng upo.
“Missed them?” tanong niya na ikinatango ko.
“Kahit ilang beses na akong bumabyahe at minsan ay wala naman sila, iba parin talaga iyong nasa tabi ko lang sila at nakakabonding ko araw araw.”
Chain smiled at me. “That’s what I like about you. You value your family more than everything…”
Iyon rin naman kasi ang pinakamahalagang bagay sa akin na meron ako ngayon. Aanhin ko ang aking mga achievements, ang kasikatan, ang mga blessings kung hindi ko iyon maibabahagi sa kanila at wala ang kanilang suporta. Nakaya ko rin sigurong harapin iyong issue sa akin noon dahil may pamilya akong umalalay sa akin at pinrotektahan ako sa mundong naging masama ang tingin sa akin.
Pagdating namin ni Chain sa bahay ay naroon agad si White at Ken. Ang mga mata ay napunta agad kay Chain na hindi narin alam kung sino ang uunahing tingnan dahil sa mga pares ng matang hindi maalis alis sa kanya.
“You’re here! Akala ko…”
“Busy? Nah,” sagot ni White pero ang suot ay parang kakagaling sa isang meeting o ano. Si Ken itong may hawak pang plato at bundok bundok ang pagkain na akala mo ay ginutom ng isang buwan.
“Who says we’re busy?” tanong ni Ken kasabay rin ng cellphone niyang nagring. Napatingin siya sandali roon at agaran iyong itinago sa bulsa.
“Kakadate niyo lang tapos dito na naman kayo? Di pa uuwi?” tanong ni White at tinatapunan pa ng tingin si Chain.
“Aalis narin ako. Hinatid ko lang talaga sa loob ng bahay,” saad ni Chain at nahipo ang batok.
“Magpaalam kana, Nana.”
Ngumuso ako sa naging pahayag ni White at binalingan si Chain na iyon rin ang gusto.
“Bye!” hinalikan ko ito sa pisngi na ikinangiti niya. Binalingan niya pa sandali si White na parang nabubulunan.
“Ako kumakain tapos ikaw itong mabubulunan,” si Ken
Ngumisi lang si Chain, sumenyas sa mga pinsan kong lalabas na kaya tumango lang rin ang aking mga pinsan. Pinanood ko ang likod nitong lumalabas hanggang sa naramdaman ko nalang ang kamay ni White na ngayon ay nakaakbay na sa akin.
“I don’t mind if he’s your boyfriend,” sabi niya sa kalmadong boses at mukha niyang napalitan narin ng panibago. Kanina lang ang suplado niya…
“He’s not,” nakanguso kong sabi at binalingan sandali si Ken na tuluyan na atang nabulunan dahil sa pagsapak sa kanyang dibdib.
“Water, man!” sigaw niya kay White pero hindi niya ito pinansin at nasa akin ang buong atensyon.
“Nasobrahan ka naman ata sa pagiging friendly?”
“I am not yet ready, White…”
“You’re turning 23. Sa ganyang edad, dapat seryoso na iyan sa pag-ibig.”
“Kaya nga hindi pa ako pumapasok dahil natatakot ako na baka mapaasa ko lang si Chain…”
Naging makahulugan agad ang kanyang mga matang may pinupunto na naman. Na may gusto siyang banggitin na pangalan pero ayaw niya lang iyong sabihin. Sa gilid ng aking mga mata ay nakikita ko si Ken na halos atakihin na ata sa puso kakaubo.
“That’s scary… Are you still hooked with that…”
Hindi natuloy ni White dahil sa matabang kong pagngisi.
“Hindi naman ata pagmamahal ang tawag sa ganoong pakiramdam, White. Bata pa ako noon at masyadong ignorante.” sabi ko.
“Baka nga,” hindi sigurado niyang sagot.
Nang balingan namin si Ken ay nakahiga na ito sa sofa at mukhang nakakahinga na ng maluwag sa sariling sikap. Halata namang lumiban lamang ang dalawang ito sa trabaho para lang nandito sila sa bahay.
Naging busy ako sa bahay kakagawa ng designs ko para sa magiging fashion show ko rito. Medyo matagal pa naman pero ngayon palang ay inihahanda ko na ang mga bagong designs na inspired sa Filipino cultured at ibinagay ko sa mga mahinhing mga babae na medyo balot pero may class tingnan. Depende kasi sa taste ng bansa ang mga gawa ko. Katulad noong sa America na mga liberated naman ang mga tao roon kaya medyo nakikita ang balat ng likod o kaya sa may parteng dibdib iyong iilan kong gawa. Gusto ko kasing hulihin ang panglasa ng mga tao base narin sa tinitirhan nilang bansa. Kaya rin siguro nagiging kilala ang aking mga designs dahil mabusisi ko iyong ginagawa at pinaglalaanan talaga ng oras ang bawat damit.
Binibisita nalang ako ni Chain sa bahay, minsan ay nagdadala ng pagkain at iiwan lamang sa labas ng aking kwarto saka rin uuwi at itetext ako na hindi niya muna ako didisturbuhin basta ay kumain lang ako at h’wag magpagutom. May iilan namang pagkain sa labas ng kwarto ko na bigla nalang nagagawa saka ko maiisip na nasa bahay si Ken at ninakaw iyon.
“Akin ang mga pagkaing iyon, Ken.” sabi ko nang madatnan ko siya sa baba na kumakain at mukhang kakagaling lang sa isang importanteng lakad.
“Baka mapanis, concern lang.” ngumisi siya at sumubo ng malaki.
Sumimangot ako at nagtungo sa sofa para ayusin iyong sketch ng aking mga designs. Tumabi naman siya sa akin at naroon narin ang tingin.
“Ang gaganda niyan ah?”
“Talaga?” napangiti ako roon.
Tumango siya at sinubuan ako. Kapwa na kami ngumunguya habang pinagmamasdan ang aking mga desinyo.
“Iyan na ba iyong mga designs mo sa magiging fashion show mo rito?”
Tumango ako, “pinaghahandaan ko na habang maaga total wala rin naman akong ginagawa.”
“Eh iyong fashion show na dadaluhan mo next week, diba mga modelo ang imbitado roon? Isasama mo ba iyong si Kadena?”
“Kadena?” nagtataka kong tanong. “Si Chain?”
“Oo, iyon. Kadena na ang pangalan noon dahil nasa Pilipinas na siya. ’Tsaka iyon rin ang tawag ng kambal sa kanya kaya nakigaya narin ako total may sense naman…” ngumisi siya sa akin at sinubuan ulit ako. Sila lang ata ang natutuwa sa joke nila.
“Hindi siya sasama e,” sagot ko pagkatapos lunukin iyong kinakain. Inimbitahan rin naman siya ni Danica pero may aasikasuhin daw siya kaya ihahatid niya lang ako at susunduin rin pagkatapos. Nangako iyong itetreat nalang ako ng dinner.
“Sabagay, fashion show naman iyan at mga modelo ang dadalo.” sabi niya na hindi ko gaanong napunto. Kadalasan sa inimbitahan ni Danica ay mga modelo lang rin. Iyon ang pagkakaalam ko. Hindi ko alam kung ba’t masyado nilang binibigdeal ang mga lakad ko.
Pagdating nga ng araw na iyon ay sinundo rin ako ni Chain. Medyo nagpapasalamat narin ang aking mga pinsan sa kanya dahil busy rin talaga ang mga ito at hindi ako pwedeng ihatid. Gusto ko nga sanang kumuha ng lisence sa pagmamaneho pero ayaw nilang lahat.
“Woah,” Chain whistled at he stared at me from head to foot. He’s just wearing a denim polo, both sleeves were rolled till his arms and pants paired with shoes. Ang buhok niyang magulo ay medyo tumatakas ang iilan para pagtakpan ang kanyang noo at ang iilan naman ay nakasuklay paatras.
Natingnan ko narin ang aking sarili. Sinuot ko iyong binili ko sa Forever 21 noong nakaraang araw. It’s a backless black dress with platings. Nipis ang strap nito at V-line ang bandang cleavage. Inilugay ko ang buhok kong nakasuklay sa kabila at tanging kwintas na may tatlong magkakadikit na maliit na puso ang pendant noon. Ang aking silver na pumps ay nagmatch sa dala kong maliit na purse.
“Okay lang?” tanong ko sa kanya nang pagbuksan niya ako ng pinto. Pumasok ako roon habang siya naman ay naroon parin at nakayuko para silipin ako sa loob habang hinihila ko ang seatbelt.
“Gusto ko na tuloy sumama sa fashion show mo. I’m afraid someone might drool at you while I’m not around…” hinalikan niya ako sa aking pisngi at ngumisi na ng matamis. “You look amazing, Cana…”
Napangiti ako roon ng matamis. Isinara niya rin iyon at umikot na. Habang nasa byahe ay panay ang kanyang paglingon sa akin at hindi matigil ang pagngisi. Minsan ay natatawa nalang ako na ikakatawa niya rin at maiiling.
Pagdating ko sa mismong venue ay marami nang nagkalat na mga kaedaran ko lamang at sa mga katawan palang ay halatang mga modelo nga iyon rito sa Pilipinas na mukhang may iilan na dumayo lamang para masaksihan ang fashion show ni Danica.
Sanay na akong maglakad mag-isa at humalo sa mga hindi ko kilala katulad narin ng nakagawian ko sa iba’t ibang bansa na pinupuntahan ko. Hindi na ako gaanong nahihiya at nadadala ng maayos ang sarili.
Nakita ko agad ang imahe ni Danica na nakachampagne dress at nayakap sa kanyang katawan. Ang kanyang pagiging tan skin ay mas lalong naenhance dahil sa kanyang suot lalo na’t nakaponytail ang buhok nito.
“You look great, Ca-Nana!” salubong niya sa akin. Medyo natawa ako sa biglaang pagkakabago niya sa aking pangalan dahil kumuha agad ng atensyon ang kanyang boses. May mga modelo nang nagtataka at nasa akin ang tingin.
“Kung alam lang siguro ng lahat dito na ikaw si Cana ay marami talaga akong kaagaw sa atensyon mo,” bulong niya pa habang iginigiya ako papunta sa kung saan.
“Ako tuloy ang natitingnan dahil pinapansin mo ako,” bulong ko sa kanya pabalik nang mapansin kong mas marami na ang napatingin sa akin.
Umupo kami sa harapan at nasa tabi niya naman ako. Nahihiya pa nga ako dahil hinintay niya pa ang aking presensya bago simulan iyong fashion show.
“Pasensya na at hindi masyadong enggrande ang aking fashion show hindi katulad sa’yong bongga,” sabi niya sa akin nang sumabog ang isang tugtog at tanging spotlight lamang ang nagbigay ng liwanag sa harap.
“It’s okay Danica. Ang importante ay pagkatapos nito, marami kang matutulungan na mga bata. Kasi iyong fashion show ko rin ay balak kong tulungan iyong mga batang nasa orphanage.”
She smiled at me proudly. Natuon rin naman ang aming mga tingin sa harapan nang nagsilabasan ang mga modelo suot ang magagandang designs ni Danica. Namangha ako at napalakpak kasama ng iba pa.
May mga nagustuhan akong damit na ibinigay nalang ng libre ni Danica sa akin. Gusto ko sanang tumanggi at bayaran iyon pero ang sabi niya ay kahit design ko nalang raw kaya sumang-ayon rin ako.
“Mukhang may importanteng bisita rin ata akong dumating,” saad ni Danica na nasa ibang dako na ang atensyon. Sinundan ko iyon at nakita ang isang lalake kasama ang isang modelo. Nakatalikod na iyong lalake at tanging ang katangkaran at matikas nitong pangangatawan ang aking nakita. Hindi ko alam kung ba’t may parte sa akin ang biglaang kinabahan at hinihintay ang pag-upo nito para makita ang mismong mukha.
“That’s Architect Buenaventura, Cana. Sikat iyan sa mga modelo rito lalo na’t sobrang gwapo….” bulong sa akin ni Danica na nagpahinto ng aking mundo. B-Buenaventura?
39th Hooked
Dirty
Hindi ko na masyadong mapagtuunan ng pansin ang mga rumarampang modelo dahil sa imahe ng lalakeng pamilyar na pamilyar sa akin at nakaupo sa di kalayuan kasama ang isang babaeng may ibinubulong sa kanya at tumatawa ng marahan.
“Iyang kasama niyang modelo ay si Frances Ardentes. Siya na ata ang bagong dinidate ng maharot na Architect na iyan… Kahit kanino nalang kasi nalilink kaya hindi ko rin matukoy kung single ba o hindi…” pagpapaliwanag ni Danica sa akin nang mapansin niya ring hindi ko na magawang tanggalin ang aking tingin sa kinaroroonan nila.
Napalunok ako ng laway at nag-iwas ng tingin. Kahit dim ang ilaw, malinaw sa akin na siya iyon… malakas ang kutob ko na siya talaga iyon.
“Magkaedad lang ata kayo niyan, Cana. Mabuti narin iyong may Chain ka kaysa sa mga ganyang lalake eh halatang mapanakit.” dagdag pa ni Danica na pumalakpak rin naman nang pumalakpak ang iilan saka napunta ng mabilis ang tingin sa harap, kahit siya ay nahahati narin ang atensyon.
Pumalakpak rin ako at naramdaman ang nanlalamig kong mga kamay. Kahit ang aking tuhod ay halata rin ang panginginig. What’s happening to my system? Ngayon lang ako kinabahan ng husto sa buong buhay ko kaysa roon sa mga first time kong fashion show…
“Pero kahit alam mong gago, iyong ang sarap paring mahulog sa kanya dahil alam mong marahas pagdating sa alam mo na…” humagikhik sa aking tabi si Danica na ikinabara ng kung ano sa aking lalamunan at ikinaapoy ng aking pisngi kasabay ng utak kong may binubuo ng mga imaheng nakakapanindig balahibo. Marahas sa ano Danica?
Gusto ko mang sabihin sa kanya na kilala ko iyan pero nagdadalawang isip rin ako dahil masking ako ay hindi sigurado kung kilala ko ba talaga ito. Akala ko pa naman noon si North ang sobrang friendly sa mga babae. Pero sa narinig ko kay Danica, sa mga modelong nalilink sa kanya at paiba iba pa, napagtanto kong masyado pala talaga akong ignorante noon at nagpahulog sa mga salita niya.
“Kung single lang talaga ako haharutin ko rin iyan eh…” bulong muli ni Danica na akala mo ay hindi niya fashion show iyong nangyayari dahil hindi na magawang hindi pansinin ang lalakeng nasa mga rumarampang modelo na ang tingin.
May kung anong binulong sa kanya iyong babae at napunta sa dako namin ni Danica ang tingin. Nang mapansin kong pati siya ay bumaling narin rito ay mabilis kong itinuon ang tingin sa mga rumarampa at nagpanggap na pumapalakpak.
“Nakatingin na rito,” bulong ni Danica na nasundan agad ng hagikhik, “Ang gwapo gwapo Cana…”
I swallowed hard as I tried myself not to glanced at them. Sinikap ko nalang ngumiti sa ibinulong sa akin ni Danica at ipinatili ang tingin sa mga modelong papatapos na ang pagrampa. Noong inanunsyo na ang pangalan ni Danica ay doon lang siya nahinto sa kakabulong sa akin ng kung ano ano at nagtungo sa stage. Pinasalamatan niya ang mga dumalo pero hindi na binanggit ang aking presensya katulad noong sinabi ko sa kanya.
May iilang designs niya ang pinaauction at may iilan rin namang ipinwesto sa harapan para mahawakan noong nagkakainteres sa damit iyong tela at matingnan ang designs nito ng malapitan. Nagsitayuan na ang lahat at kanya kanyang lapit sa mga nakadisplay na mga damit na suot noong maniquin na may stand ang ibaba ng katawan.
“Maiwan muna kita ha… Mang-eentertain muna ako ng bisita at kliyente,” sabi sa akin ni Danica na ikinatango ko. Sinundan ko ito sandali ng tingin habang pumupunta na roon sa grupo ng mga importante niya ring bisita saka ko ibinalik sa damit na nasa aking harapan. Mabusisi ko iyong tiningnan at namangha sa mga maliliit na detayle noong designs niya.
“She’s kinda familiar to me,” sabi noong iilang grupo ng modelo ata sa aking gilid at may tinitingnan rin ang damit.
“That girl wearing a simple black dress?” tanong noong isa.
“Yeah,”
Medyo kinabahan ako roon. Imposible namang makilala nila ako bilang si Cana. Wala pa akong mga interviews rito sa Pilipinas at mga guesting. Ito palang ang kaunaunahan kong pinaunlakan. Ni iyong permiso noong isang station sa telebisyon ay hindi ko pinayagan na ilabas ang aking mukha. Tanging Cana’s designs lamang ang nabalita noon at mga damit ko. Pero pagkatapos ng aking fashion show siguro ay may pauunlakan na akong interviews sa mga telebisyon.
“Yeah, she’s familiar… Iyong nagviral noon na nalilink sa sikat na singer. Can’t remember his name pero di’ba ay nalaos narin iyon?” tanong noong babae na ikinatigil ko sandali. Nalaos si Aries?
“Nalaos raw dahil sa kasuhan noon. Eh pati iyong management kinasuhan rin kaya halos mamulubi na at natanggalan pa ng lisensya. Ganoon ata kamakapangyarihan ang nagsampa ng kaso para lang mamatay iyong issue.”
Nagsilabasan ang butil ng malalamig na pawis sa aking noo nang marinig ang aking nakaraan. Hindi naman ako naaapektuhan simula noong nasa ibang bansa na ako at natotopic namin ni Heluisse ang nangyari. Pero iyong marinig ko ang balita tungkol kay Aries, ang lalakeng iniidolo ko noon at nagpawala ng takot ko sa mga lalake ay nakakagimbal. Isang multo ng kahapon ang nagbabalik at hindi ko alam kung ano ang mararamdaman.
“Akala ko nga nagtatago na iyan sa kahihiyan… Eh kasalanan niya rin naman dahil sumama siya.” iyong isa naman.
“Tapos ngayon kay Danica naman dumidikit. Mahilig pala talaga sa mga sikat…” saka sila nagtawanan.
Nilingon ko sila at kinabisado ang mga mukha. Humalakhak sila at ang mga mata ay nangingilatis na sa akin. I just smiled saka rin nag-iwas ng tingin at lumipat sa kabilang damit. Lumipat rin naman sila roon sa damit na tinitingnan ko kanina at iyon ang tingingnan.
“Balak ko sanang mag-apply na modelo rin ni Danica pero iyong nalaman kong may fashion show raw iyong International na designer noong Cana ay nagkainteres agad ako. Nakita ko iyong mga gawa niya sa balita at sobrang ganda!”
“Isa rin iyon sa ipinunta ko rito dahil nagbabakasakali akong naimbitahan iyong nasa likod ng Cana’s designs kaso mukhang nakaprivate talaga ang katauhan noong fashion designer…”
“Balak ko ring mag-apply eh kaya hindi ko talaga palalampasin iyong malaki niyang fashion show rito dahil marami atang dadalo na mga sikat na modelo at mamimili siya. I want to see her too kahit na kamahalan iyong ticket…”
“Pang world class kasi ang mga designs niya kaya I’m sure malaking event talaga iyon lalo na’t nakapagfashion na raw ito sa iba’t ibang bansa at iilang sikat na modelo narin ang sumusuot ng kanyang mga damit lalo na iyong Italyanang modelo! Doon talaga ako nagkainteres sa gawa noong Cana…”
“Masyado rin atang private ang buhay niya kaya ni isang picture man lang ay wala akong mahanap sa internet at puro magagandang designs niya lang,”
Hindi ko magawang mapangiti habang naririnig ang kanilang papuri sa isa ko pang katauhan. Kahit papaano ay nawala ang kabang nakadagan sa aking sistema dahil sa napag-usapan nilang issue ko. Ang kumuha lang talaga ng aking atensyon ay iyong sinabi nilang nalaos si Aries at kahit iyong management na naghahandle sa kanya ay kinasuhan rin at natanggalan ng lisensya.
“Wait, why is Frances alone? Di’ba ay kasama niya si Architect?”
“Maybe he ditched Frances at naghahanap ng panibagong modelo na iuuwi ngayon,” naghagikhikan pa sila habang ako naman itong kahit paggalaw ay hindi ko na magawa.
“Hindi ba ay iyong Faye na modelo rin ang dinidate ni Architect noong nakaraang buwan?”
“H’wag kanang magtaka. Kahit ako nga ay papayag na sa one night stand.”
My throat ran dry as I heard their gossips about him. Ibig sabihin ay fuck boy na siya? Ang lalakeng alam kong hindi namamansin ng babae noon at masyadong suplado ay inuubos na halos lahat ng modelo sa Pilipinas at paiba iba pa…
Iyon na ang huli kong narinig sa nasa aking gilid na mga babae dahil mukhang natahimik na sila kakatsismis. Hindi ko alam kung ba’t nagsisimula nang manginig ang aking tuhod at napakahirap maglakad paalis. Sinikap kong igalaw ang aking katawan at mabilis na umatras kaso sa pagharap ko ay hindi ko inaasahan na may tao na pala roon.
“What the,” her high pitch voice echoed the place. Ang aking mga mata ay nanlalake sa babaeng nabangga ko at natapon iyong hawak niyang champagne sa kanyang suot na dress.
“S-Sorry!” Akma ko sana itong lalapitan at tutulungan nang marahas niyang tinabig ang aking kamay, ang mga mata ay nanlilisik na sa akin.
“Look what you did to my expensive dress, Miss…” she said, greeting her teeth.
“H-Hindi ko sinasadyaㄧ
“Do you think you can pay this? Teka nga? You don’t look familiar to me… Modelo ka ba?”
Namula ang aking pisngi at hindi magawang ialis ang mga tingin sa kanyang dress. Nang dahil sa nangyari ay nakakakuha na kami ng atensyon lalo na roon sa grupo ng mga modelo rin kanina na pinag-uusapan ako at ngayon ay naghahagikhikan na.
“Nana! What happened?” ang boses agad ni Danica ang aking narinig. Mabilis itong nakarating sa aking tabi dahil kahit ako ay hindi na alam kung paano pakakalmahin iyong babae.
“You know her, Miss Danica?” tanong noong Frances na may paggalang na pero sa t’wing lumilipat sa akin ang mga mata ay makikita roon ang galit.
“Yes…” nilingon pa ako ni Danica at may pinupunto ang tingin. Ngumiti ako sa kanya at palihim na umiling, mapapalampas ko naman ang mga ganito.
Sinenyasan ni Danica iyong waiter kaya dali dali rin itong nagtungo sa aming gawi at binigyan iyon ng tissue. Halata ang galit na yumayakap sa kanyang mukha at sa mga kilay niyang halos magkalinya na.
“Is she your model, Miss Danica?” tanong pa nito, sinisipat ako ng tingin.
Umiling agad si Danica, “No…”
“Sabagay, she looks so simple,” sabi niya nang pasadahan ako ng tingin at ngumisi pa ng matabang, ang galit sa mga mata ay hindi pa humuhupa. I smiled at her too.
“Di kasi ako masyadong mahilig mag-ayos… At gusto ko lang magmukhang simple.” sagot ko sa kanya sa kalmadong boses nang hindi ko na nakayanan ang kanyang pinagsasabi.
May sasabihin pa sana ito kung hindi lang may kumuha ng kanyang tingin, pati narin ang iilang babae sa aking dako.
“What happened?” Ang malamig na boses sa aking likuran ang nagpatindig ng aking balahibo roon. Na kahit hindi ko ito lingunin ay nakita ko na agad ang kanyang mukha sa aking isipan.
“Sinabuyan ako ng inumin nitong babaeng ito,” sumbong niya sa maliit na boses at ngumunguso na.
I laughed softly. “Ikaw ang may hawak Miss, hindi ako. Aksidente kitang nabangga kaya nasaboy mo sa iyong sarili ang hawak mong inumin,” pagtatama ko sa marahan na tono ng pananalita.
“Iyon naman pala Frances,” si Danica naman.
Inch by inch, I saw his image beside me. Lumunok ako ng laway at sinikap na hindi ito lingunin kahit na gustong gusto na iyong gawin ng aking leeg hanggang tuluyan rin itong nakarating sa aming harapan. Ang aking mga mata ay mabilis na napunta sa kanya at nahulog ang isipan sa bawat detalye ng kanyang kabuuan.
His messy dark brown hair was match to the color of his mesmerising deep chocolate brown eyes now. His face was strong and defined na kahit ang kanyang itim at makapal na kilay ay hindi rin nagpapahuli which sloped downwards in a serious expression. His slim yet muscular body looks rough the way his jaw clenched as his eyes settled on me. Idagdag pa ang suot niya ngayon na naka all black at ang kamay ay nasa mga bulsa na naman. Tumangkad siya lalo at mukhang hanggang balikat niya nalang ata ako. God, s-siya na ba ito? Sa gym ba siya nakatira at masyado na siyang… hot?
“I-I’m sorry,” sambit kong muli nang sinikap kong alisin ang tingin kay South. Para akong hihimatayin sa aking kinatatayuan nang hindi lang ang aking mga mata ang nanunuri sa kanya kundi pati rin siya. Para iyong nanghuhubad nang dahan dahan at nagtagal pa sa aking dibdib lalo na’t V-line ang suot kong dress ngayon.
“Anong magagawa ng sorry mo? Malalabhan ba niyan ang damit ko?” mataray niyang sabi.
“Nagsosorry ako dahil mali ko.” ngumiti ako ng tipid.
“I have some extra dress, Frances. I’ll lend you one,” si Danica na ikinangiti ko na.
“Thank you,” bulong ko na ikinatango niya sa akin.
“Really Miss Danica?” lumiwanag na ang mukha nito. Hindi ko na iyon masyadong pinagtuunan ng pansin dahil naaasiwa na ako sa pares ng mga matang hindi parin nililisan ang kakatingin sa akin.
Nang hindi ko makayanan ang paninitig niya sa ay binalingan ko na si Danica lalo na’t ramdam ko rin ang butil na pawis sa aking noo na nagsisilabasan. Parang naging impyerno ang lugar at ganoon nalang ang pamamawis ko na kung hindi ako aalis rito ay maliligo talaga ako sa sarili kong pawis.
“I need to go na, Danica. Let’s just text each other. Congrats pala…” sabi ko sa kanya.
“What’s the rush Nana?” tanong niya sa akin.
“Magdidinner pa kami ni Chain… And he promised to me…”
“Ay excited ka naman masyadong makita iyong hot na boylit mo!” medyo napalakas niyang sabi na umabot ata sa iilang tenga ng mga taong nasa malapit lang namin.
“Sige! Basta, iyon ha…” sinenyasan niya nalang ako gamit ang mga kilay niyang sabay na nagsisitaasan na ikinatango ko at marahan nang tumawa. Binalingan ko iyong babae na nagpupunas parin sa kanyang dress at napansin ang pag-igting ng panga ni South sa gilid ng aking mga mata.
“I’m sorry again, Miss…”
Umirap lamang ito sa akin kaya tumalikod rin ako pagkatapos naming magbeso ni Danica.
Sa bawat paghakbang ko ay parang mababali ata ang aking tuhod dahil sa panginginig parin noon. Mariin pa akong napapikit sandali at pilit sinisipa palabas ang imahe ng lalakeng hinubog hindi lang ng panahon kundi pati narin ata ni Satanas dahil masyado na itong perpekto at daig pa ang mainit na araw sa pagiging hot.
Marami na akong nakasalamuhang mga lalake roon sa ibang bansa. Meron pa nga iyong mga topless pero hindi ko alam kung ba’t iyong imahe ni South na kahit nakadamit pa naman ay pagpapawisan kana. What happened to him?! Anong salamangka ang iginawad sa kanya at ganoon na siya?!
Nagbeep ang aking cellphone at saktong tawag iyon ni Chain. Agaran ko iyong sinagot at mas binilisan ang paghakbang.
“Hey, I’m on my way…” sabi nito nang sagutin ko ang kanyang tawag sa kabilang linya.
“I’ll wait you, palabas narin ako…”
“Alright,”
Namatay ang tawag. Ang plano kong isilid iyon sa aking purse ay hindi ko na nagawa nang may humawak sa aking siko at pinigilan ako sa paghakbang patungo sa parking lot.
“Nana,” I heard his cold yet deep voice as the cold wind blew in me. Sa aking paglingon ay sumabay ang paghangin ng aking buhok dahil nasa may labas na kami ng tuluyan.
Hindi ko alam kung anong isasagot sa kanya. Ni ang pagbigkas ng letra ay bigla kong nakalimutan na akala mo ay isang batang sanggol na hindi na marunong magsalita.
“I’m in a hurry…” sabi ko sa malambing na boses at nagpapasalamat na hindi ako nautal.
Lumunok siya ng laway, ang adam apple ay nasundan ko pa ng tingin sa paggalaw nito kasabay ng mga mata niyang lumalalim na ang pagkakatitig sa akin. Hindi parin nagbabago ang misteryoso niyang mga mata pero mas lalo lang atang nahulma ng maayos ang bawat parte ng kanyang mukha at katawan.
“Let’s talk for awhile,” sabi niya.
Sinuklay ko ang aking buhok na hinanging muli kaya sumasabog para hindi tumakip at maging sagabal sa aking mukha. I’ve seen how his lips parted a bit as his eyes followed my movements.
“Ano iyon?” tanong ko na ikinabalik ng kanyang mga mata sa akin. Umawang ang kanyang labi para sana magsalita pero may pumaibabaw na boses sa aming likuran.
“Cana,” ang boses ni Chain iyon. Bago ko pa man ito malingon ay nasa aking tabi na siya at nakaakbay na.
Kitang kita ko ang pagbagsak ng mga mata ni South sa kamay nito at ang mga mata niyang mas madilim na ata sa langit na kahit isang kislap man lang ay wala akong maaninag. Ang ganoong tingin na halos anim na taon ko ring hinahanap hanap…
“Uh, what’s this?” tanong ni Chain sa akin, ang boses ay may pambabakod na.
Umiling agad ako at ngumiti ng matamis sa kanya.
“Nothing,” saka ko binalingan si South na hindi ko na mabasa ang blangkong ekspresyon. “Sige…” Sinikap kong ngumiti sa kanya ng tipid. Awtomatiko naman akong iginiya ni Chain patalikod at tinangay na sa kanyang paglalakad.
“Just because I’m not around doesn’t mean you’re free to flirt…” sabi ni Chain na inilapit pa ang mukha sa akin para lang ibulong iyon.
“I am not flirting,” marahan akong tumawa pero sa kanyang papilyuhan ay isiniksik niya lang ako sa kanyang gilid. Humawak ako sa likod ng kanyang damit para narin doon kumuha ng suporta.
“As what I promised, let’s have a dinner and my treat,” Chain gave me a peck on my lips as I pouted. Noong lumingon ako, ang imahe ng likod ni South ang tangi kong nakita at marahas ang pagkakasuklay sa buhok. Hindi ko alam kung ba’t bigla akong nakaramdam ng takot sa kanyang kinikilos. O masyado lang talaga akong mag-iisip ng kung ano ano dahil nagkita na ulit kami.
“Who’s that guy?” tanong ni Chain sa akin, nagmamaneho na.
Umiling lamang ako, hindi makasagot ng maayos dahil ang aking mga mata ay natatangay sa mga ilaw sa labas ng bintana habang ang aking utak ay namamasyal sa kung saan at mukhang nakarating na sa malayong lugar. Masyado kong inaalala iyong sinabi niyang gusto niyang makipag-usap sa akin. May dapat pa ba kaming pag-usapan? Dahil ba iyon sa nangyari noon? Dahil hindi kami nakapag-usap noong umalis ako at gusto niya lang humingi ng tawad? But I’m already fine…
“Hey,”
Nilingon ko si Chain na magkasalubong na ang kilay.
“You okay?”
Kumurap ako at napatango. Ngumiti ako pero ang saya ay hindi na umabot sa aking labi.
“Medyo nawala lang sa mood…”
Agarang yumakap ang pag-alala sa kanyang mukha.
“Are you okay? Do you want me to drive you home?”
Ang suhestyon nito ang nagpakalma sa akin. Wala sa sarili akong tumango at iyon narin ata ang gusto ng aking buong sistema. Parang gusto ko nalang mahiga sa aking kwarto at isipin iyong kabuuan ng lalakeng singlayo na ng pangalan niya ang naging imahe niya noon. Ang nakasanayan kong tindig ay tuluyan ng naglaho at napalitan na ng marahas na pangangatawan. He’s so manly that I almost want to faint infront of him…
“Okay lang?” tanong ko kay Chain na ngumiti at tumango rin agad.
“Sure,”
“Thanks Chain,”
“I think you really need to rest. Masyado ka bang nagpagod roon sa fashion show na dinaluhan mo at parang namumutla ka?”
Ngumuso ako. Pagsasalubong pa nga lang ng aming mga mata ang nangyari tapos ganito na ako kung manghina… Hindi ko tuloy maiwasang isipin iyong sinabi ni Danica na hindi lang ang imahe ni South ang marahas kundi pati narin sa ibang paraan. Halos gusto ko ng pukpukin ang aking ulo dahil parang nag-iisip na ito ng kung ano ano. Ba’t bigla kong naiisip ang mga katawan naming magkadikit?! Stop it, Nana… Why are you thinking dirty stuff?!
40th Hooked
Bidding
“Masyado ka bang subsob sa trabaho mo at ipinagmamalaki ng mga mata mo iyang eyebugs?”
Ang kararating lang ng aking pinsan na si Heluisse rito sa Pilipinas ay pinuna agad ang aking mga mata. Dalawang linggo lang naman ang lumipas simula noong fashion show at ewan ko ba, masyado akong napupuyat sa kakaisip ng kung ano ano kaysa sa mga designs ko.
“Naghahanda lang ako sa nalalapit kong fashion show,” nag-iwas ako ng tingin sa kanya at inabala iyong iilang designs kong handa ng irampa. Nasa sala kami ng bahay kung nasaan nakadisplay ang mga manniquin na standee para magsilbing katawan noong damit ko.
Inayos ko iyong lace ng isang damit habang si Heluisse naman ay naroon na sa isang damit at hinahaplos ang tela.
“Nagkita kayo?” tanong niya, ang mga mata ay wala sa akin nang nilingon ko ito.
“Nino?”
“Stop playing innocent. Alam mo kung sino ang tinutukoy ko. Alangan namang si Aries?” Now her brow raised at me as I tried to avoid her eyes.
Ibinalik ko ang tingin sa damit na nasa aking harapan at pinilit na ikalma ang sarili. Ang imahe niya noong gabi ay lumabas na naman sa aking isipan na nagpapapuyat sa akin nitong mga nagdaang araw. Hindi naman sa pinagpapantasyahan ko siya, pero iyong imahe niya masyadong marahas… Iyong tipo ng lalake na alam mong pag binangga mo ay literal ka talagang masasaktan o mababasag dahil sa katigasan nito. He looks so manly and hot… Those dark chocolate eyes were telling me that he’s way far from that guy I know before.
Natulala ako ng ilang sigundo. Kung hindi lang kinatok ni Heluisse ang aking ulo ay hindi ako babalik sa aking sarili.
“Sa dami ng mga lalakeng nakikilala at nakakasalamuha mo sa Canada, ngayon lang kita nakitang parang nabaliw.”
Napatitig ako ng ilang sigundo sa kanyang mga mata pero lumipat rin sa kanyang pisngi. Her freckles were quite showing lalo na’t nakabun ang kanyang buhok sa suot niyang haltered top at shorts short.
Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi at nasuklay ang buhok ko paatras. Para akong hihimatayin sa imahe ng lalakeng pumapasok sa aking isipan na kahit hindi naman ngumingiti o nang-aakit ay ikaw na mismo ang maaakit.
“Normal lang naman siguro ang ganito eh marami ngang nagkakagusto sa kanya…”
“O baka naman hindi talaga nawala?”
Iyon ang nagpatigil sa akin sa pag-aayos noong damit. I glanced at her and smiled weakly.
“I am too young when I met him, Lewiss… Posible bang pagmamahal na ang ganoon?”
“Ewan ko sa’yo, gaga.” she rolled her eyes at me at lumayo ng kaonti. Naroon na siya sa pinakadulong display na mannequin.
I sighed heavily. Bakit ba masyado ko itong iniisip eh tapos narin naman iyong tinatawag kong friendship na namagitan sa amin noon. Our secrets has been exposed so there’s no need to hooked again with each other. Hindi na namin mapapakinabangan ang isa’t isa dahil kapwa lang naman kami naggamitan.
Ginugol ko ang mga araw na natitira sa aking papalapit na fashion show. Wala rin naman kasi akong katulong na pwedeng umalalay sa akin dahil gusto kong bawat detalye noong damit ay katumbas ng aking paghihirap. Siguro pag nakapagpatayo na ako ng sarili kong kompanya ay doon rin ako maghahire ng iilan pang alalay na gusto ring matuto sa kursong fashion designer. Ibabahagi ko ang aking kaalaman para marami rin akong mabiyayaan sa natanggap kong mga biyaya.
Naging handa na ang stage na kahit ang runway ay naghihintay nalang ng mga modelong rarampa sa aking mga gawa. Napangiti ako at nakontento sa aking nakita nang makarating ako roon.
“Aayusan kana po namin Miss Cana,” tawag noong isa sa mga magiging tagaayos ko. Binalingan ko sandali iyong stage na chinicheck ang pausok saka rin ako tumingin sa kanya at tumango.
Iyong mga naging modelo ko sa Canada ay iyon rin ang rarampa noon kaya tuwang tuwa ako nang bumyahe pa sila para sa aking fashion show. Gusto ko sanang mga tagarito nalang pero total ito ang kauna-unahan kong fashion show rito at ilalantad ko rin ang aking katauhan ay gusto kong magpaimpress at bigyan sila ng nakakamanghang fashion show. Gusto kong ipakita sa kanila iyong mga fashion show ko sa ibang bansa at kung paano talaga iyon nangyayari.
“I’m glad you all came…” Nginitian ko ang mga matatangkad na babaeng nasa aking harapan na at naghahanda para sa gaganaping event mamaya.
Nakaroba pa ako at kakatapos lang noong make-up artist sa aking mukha. Ngayon naman ay iyong hairstylist na ang nasa aking likuran at inaayos ang aking buhok.
“You know we can’t say no to your clothes! They’re elegant!” sabi noong may blond na buhok. Mga nasa mga sampo sila at irarampa mamaya iyong nagawa kong mahigit tatlumpong designs ng damit.
Noong naayos rin ang aking pag-aayos ay isinuot ko iyong gawa ko mismo noong nasa Canada pa ako. Inihanda ko talaga iyon para sa araw na ito.
“Gosh,” laglag panga iyong mga nag-ayos sa akin nang tuluyan akong makalabas sa fitting room. Kahit iyong make-up artist na hawak ang aking pumps na kulay silver at kumikinang pa ay halos mabitiwan niya na sa pagkakagulantang sa aking imahe.
“Okay lang ba?” tanong ko at ngumiti sa kanila. I wanted to brushed my hair right now but they’re a bit wilder kaya ayoko ring masira ang paghihirap noong hairstylist kaya isinabit ko nalang ang ilang hibla sa gilid ng aking tenga.
“Anong okay Miss Cana?! Sobrang ganda mo po!” tili na noong hairstylist na halos yakapin rin ako kanina nang malaman nilang ako si Cana, ang nasa likod noong mga Cana’s designs.
“Hindi na ako magtataka kung ba’t sumikat ka talaga sa ibang bansa, Ma’am… Ang ganda ganda ng design niyo na kahit siguro ang mga walang hitsura, pag dinamitan mo ay gaganda.” halos tulalang saad noong isa pa.
Natawa ako at medyo namula ang mukha dahil sa kanilang papuri. Binalingan ko ang malaking salamin at nakita ang aking sarili na hindi ko narin halos makilala. Wearing my close fitting black dress, halos ilantad nito ang hubog ng aking katawan dahil kapit na kapit ito sa akin. It’s top was low, shoulders were exposed that even the skin of my breast were quite showing. May coat namang nakayakap sa aking balikat na nakapatong lamang roon dahil sa sleeves nitong hindi ko sinusuot at lumebel rin sa aking dress na hanggang hita lang rin. Ang tube part nito ay may kung anong maliliit na bato na pag tatamaan ng ilaw ay mas lalong kikinang. The luxurius silk of the dress were quite intimidating that will make you stand out from the rest.
I always want to look intimidating sa tuwing may mga ganitong fashion show. Malayong malayo ito sa pagiging mahinhin ko na akala mo ay kung sinong palaban na babae at walang kinatatakutan.
“Damn, you look wild…” Chain gasped for an air as he saw me. He look so stunned with his dark fit denim polo, paired with pants and expensive shoes.
“Di ka pa ba nasanay?” tumawa ako nang marahan sa kanyang naging ekspresyon. Kakarating lang nito sa aking assigned room at ngayon ay hindi na halos maalis ang tingin sa akin.
“You dressed like you’re fleeing a wild devil inside you…”
“Compliment ba iyan o insulto?” ngumuso ako pero parang hindi niya na napagtuunan ang aking sagot dahil naging busy na ang buo niyang atensyon sa pangingilatis sa akin at maiiling kalaunan, tila hirap na hirap.
Nagsimula rin ang event. Maraming dumalo na pamilyar na mukha sa akin. Pati iyong mga nakita ko sa fashion show ni Danica ay hindi rin nakaligtas sa aking mga mata. Lahat ay nagsisiupuan sa assigned seats. Umupo ako sa mismong harapan na hindi gaanong napapansin ang aking imahe dahil sa ilaw na nagdim na para sa sisimulang pagrampa.
Ang alam ko ay inimbitahan ko rin ang aking mga pinsan pero dahil sa ilaw na hindi gaanong klaro ay hindi ko rin alam kung naroon na ba sila sa assigned seats.
Ang pagsabog noong trance music ang kasabay noong mga headlights na naglalabas ng kulay pulang ilaw ang pumaibabaw sa buong runway. It’s color changed from red to white as the fogs conquired the platform. Kumalat na iyong usok hanggang bumukas ang harap, isa isang lumantad ang anino noong mga modelo na ikinasisinghap ng iilan dahil sa musikang tila pinapasabik rin ang mga manonood at nanghihipnotismo na ang tunog.
May iilan pa akong naririnig na nagmumura sa aking likuran nang tuluyang nahawi ang fogs at ibinulgar ang mga modelo kong napakaintimidating sa suot nilang mga damit. Lahat ay napapalakpak na nang rumampa iyong isa at halos tumalbog talbog ang suot dahil sa lakad nitong sobrang linis. Sa bawat lakad nito ay sumasabog ang mga headlights na akala mo ay sinasabayan ang bawat paghakbang ng kanyang paa dahil sa puting spotlight.
Noong nasa may dulo na ito ay may isa ring lumabas sa entrance at nakaposing na para sa gagawing lakad, ang mga kamay ay nasa may beywang at seryosong seryoso ang mga mukha, hinihintay ang pag-ikot noong nauna. Sa pagbabalik nito roon ay awtomatiko namang naglakad iyong susunod na ikinapalakpak ulit ng mga manonood.
“Naninindig ang balahibo ko,” narinig kong sabi noong sa aking likuran.
“She’s really a world-class fashion designer. Dalawa palang ang nakikita ko pero sumasabog na ang puso ko!” hindi rin iyon nakaligtas sa aking pandinig.
Nagpatuloy ang pagrampa. Hindi ko na mabura ang aking ngiti dahil sa nakukuhang palakpakan at mga singhap na sabay sabay rin sa bawat modelong lumalabas. Nakikita rin ang pagrampa nila roon sa malaking screen para mas makita ng malapitan ang kabuuan noong dress at ang mukha noong modelo.
May mga media rin kasing naririto at nag-aabang sa malaking event ko at alam kong live ito sa isang channel. Ipinagmamalaki nito ang aking designs dahil namayagpag raw ako sa ibang bansa lalo na’t inaabangan rin ng nakakaramihan ang aking paglabas.
Ang naging highlights noong fashion show ay ang pagsabog ng sabay sabay noong mga stage fireworks sa pagrampa ng sampong modelo para sa huling mga damit.
Nagsitayuan ang lahat at napuno ng nakakabinging palakpak ang venue kasabay ng ilaw na medyo lumiwanag na sa kabuuan at nakikita ang mga manonood na manghang mangha ang mga mukha. I stood with them and clapped my hands. Ang mga modelo sa harapan ay ngumingiti na sa akin ng matamis na ikinangiti ko narin.
“Woah! That was a mind blowing fashion show!” anang mc na paakyat na sa stage. Nagsihiyawan ang mga modelo at halatang sumasang-ayon sa sinasabi nito.
“Are you all excited to meet the fashion designer behind these world class designs?!” malakas na sabi nito sa mikropono para mas maging maingay ang manonood.
Iginala ko ang tingin at natagpuan ang aking mga pinsan roon sa assigned seat nila, nakatayo at nakisali rin sa palakpakan. Sumenyas pa si Ken at nagthumbs-up na kahit si White ay naroon rin at nakangisi sa akin, bakas sa mukha ang pagkamangha.
“I’m excited to see her…” narinig ko sa aking likuran.
“I am really curious dahil ang sabi nila ay bata pa raw ito at nasa mga 22 ang edad.”
Ang pag-uusap sa akin ay nagpatuloy habang iyong mc naman ay may kung ano anong ipinapaliwanag sa harap kung saan nagsisilabasan sa screen ang mga nauna kong designs at iyong runway na nagawa ko na sa ibang bansa. Ipinalabas rin doon ang mga tanyag at sikat na modelong nagsusuot sa aking mga gawang damit.
“So, this is it! The most awaited revelation of the designer itself! Let’s welcome her, Miss Cana Aleyna Delafuente!”
Naturo sa akin ang spotlight. Naglakad ako paakyat habang ang mc naman ang sumalubong sa akin para alalayan ako sa pag-akyat. The crowd looked so shock as I walked wearing my sweetest smile. Na kahit iyong kinabisado kong mukha ng mga modelong uminsulto sa akin roon sa fashion show ni Danica ay naririto rin.
Halos lahat ay laglag panga habang ang iilan ay pinaliguan ako ng nakakabinging palakpakan. Naririnig ko sa pa sa aking tenga ang paghiyaw ni Ken at noong kambal. Kahit hindi sila kumpleto, alam kong proud na proud rin sa akin ang iba pa. Sa kanilang likuran ay sina Tita naman, hindi narin nabubura ang malalaking ngiti.
“Oh my gosh, siya si Cana?” I heard someone from the crowd.
Ibinigay sa akin noong mc ang mikropono at iniwan ako sa gitna. Ang mga modelo naman ay nasa aking gilid at pumapalakpak rin sa akin.
“I am so flattered at dumalo kayong lahat sa kauna-unahan kong fashion show rito,” Iginala ko ang tingin at kinabisado ang bawat mukha ng dumalo dahil baka ay may pamilyar akong matagpuan.
“Isa narin sa dahilan kung ba’t binuo ko itong fashion show para makatulong sa mga bata sa bahay ampunan…” gumala muli ang aking mga mata at natagpuan ang babaeng pamilyar sa akin. Laglag panga parin ito at hindi makapaniwala. Na baka sakaling namamalikmata lamang ito at hindi nakikita ng malinaw ang aking presensya.
“And I am searching for some models here dahil balak ko naring magtayo ng sarili kong clothing line.” Ngumiti ako sa kanya na ikinaputla niya. Ano ngang pangalan ulit ng babae ni South? That’s her…
Iniwas ko ang tingin sa kanya at itinuon sa camera na nakatutok sa akin. Nagbanggit ako ng iilang plano ko habang nandito ako at ipinaliwanag narin ang pupuntahan noong malilikom kong pera sa magiging auction. Pagkatapos noon ay umakyat naman si Chain sa stage, dala ang boquet na rosas, nagtungo siya sa akin at inilahad iyon. Nagsitilian ang iilan na ikinatawa naming parehas habang ang mga lalake kong pinsan ay sinikap nalang na kumalma at sumuporta sa akin.
Pagkatapos noong aking speech ay hindi ko na mabilang ang mga reporters na lumapit sa akin para maintirview ako ng masinsinan. I was bombarded with so many questions at ang iilang mga personal ay hindi ko na sinasagot pa. Nakakasilaw rin ang walang tigil na flash noong mga camerang nakatutok sa akin at ang mga mikroponong itinatapat sa akin ng malapitan para kunin ang aking pahayag.
Iyong iilan roon ay sinagot ko dahil tungkol lang rin naman sa mga designs ko iyong tinatanong nila at kung kailan ako magsisimula ng aking kompanya. Marahan akong sumasagot at hindi nawawala ang matamis na ngiti sa aking labi.
“Sino bang naging inspirasyon mo sa mga designs mo, Miss Cana?” tanong pa noong isang reporters.
“Pamilya ko po,”
“Eh iyong lalakeng umakyat kanina sa stage boyfriend mo ba iyon? Iyon ba ang nagpapatibok ngayon ng iyong dibdib? Single kayo Miss Cana?”
Iginala ko ang tingin at naghanap ng pwedeng saklolohan. Laking tuwa ko nang makita ko ang imahe ni White at mukhang isasalba na ako.
“Excuse us,” hinila ako ni White paalis roon at dinala sa iba ko pang mga pinsan.
“Salamat White,” sabi ko at nakahinga ng maluwag. Nakita ko pa ang mga mata ng iilang modelong mukhang gustong lumapit sa akin pero nahihiya lamang.
“Ano ba iyang suot mo?” puna niya na nagkakasalubong ang kilay sa tuwing napapadpad ang tingin sa aking dibdib.
“Huh? Maganda naman ah? At isa ito sa mga indemand na designs ko roon sa Canada.”
May gusto sana itong sabihin pero naitikom niya rin ang bibig at kunot na kunot na ang noo na kahit ang kilay ay hindi narin kumakalma.
Pagkarating ko sa dako nila Tita ay pinaliguan rin nila ako ng papuri. Manghang mangha sila sa pagrampa noong mga modelo at nasasayangan dahil hindi nakadalo ang parents kong nasa ibang bansa parin.
Kagabi palang, pinuri na ako ni Mommy at Daddy dahil alam nilang magiging maganda raw iyong fashion show ko. Humingi pa ito ng patawad dahil hindi agad makakauwi pero okay lang naman dahil nandiyan naman sila Tita at mga pinsan ko para sumuporta sa akin. Noong first fashion show ko naman ay sila ang kasama ko kaya sapat na iyon.
Tumabi narin ako sa iba ko pang mga pinsan nang simulan na iyong magiging auction. Chain is beside me, sa aking kaliwa naman ay si Heluisse at katabi nito si Danica na kanina parin ako pinupuri. May itinuturo pa siyang damit at balak iyong panalunin sa magiging auction mamaya.
“So let’s start the bidding from this dress! Anyone!”
“Twenty thousand,” may nagtaas noong bidding na ikinalingon ko at nakita ang isang babaeng modelo ata. Ngumiti ako sa kanya na ikinangiti niya pabalik pero halata ang pamumula ng mukha.
“Twenty thousand, going one… two… three…”
“Fiftly Thousand,” may nagtaas rin noong bid na ikinalingon ng lahat sa babaeng nakapulang blusa at itim na skirt. Nakaauot ito ng salamin at sa pagkakaestima ko ay nasa mga 25 na ata ang edad. Modelo ba siya?
“Fifty Thousand? Going one, two… three…”
Wala nang nagtaas ng bidding kaya iyong babae ang nakakuha.
Sumunod naman ang iilan pang mga damit na katulad noong naunang bidding ay nagsimula ito sa 20, pero iyong nakablusa ng pula ay palaging hinihigitan at sa huli ay sa kanya napupunta ang dress.
“Fan na fan ata ng mg designs mo, Nana.” saad ni Danica
“She’s hot…” si Ken naman na ikinangiwi ko nalang.
Nagpatuloy ulit ang bidding. Iyong gustong damit ni Danica ang sumunod kaya nagbid agad siya ng malaki.
“Fifty Thousand,” pagtataas niya ng bidding
“One hundred Thousand,” pahabol agad noong nakablusa ng pula kaya halos may mapasinghap na dahil pinapakyaw niya na ata lahat ng aking designs. Kanina pa siya nagbibid at lagpas isang Milyon na ata ang presyong nabibitiwan niya.
“Who is she?” narinig kong tanong ng iilan.
“She doesn’t look like a model to me,” iyong iba pa.
“Baka ay tagahanga at gustong mangoleksyon ng mga damit ni Miss Cana,”
Iyon rin ang naisip ko. Natapos ang bidding na ni isang damit ay walang napunta sa iilang buyers dahil pinakyaw noong babaeng nakaglasses.
Ako na mismo ang nakipagnegotiate sa kanya. Nagpaalam nalang muna ako sa aking mga pinsan dahil pati ito ay may gagawin rin. Nakita ko pa iyong Frances na nahihiyang nag-iwas sa akin ng tingin nang magkatinginan kaming muli pati iyong mga modelong pinagtawanan ako. Ngumingiti nalang ako ng matamis at nasisiyahan sa nangyayari.
Pumayag naman si Chain na maiwan nalang ito dahil naroon rin naman si Heluisse at Danica. Ang sabi ko ay dumeritso nalang sila sa 3DBar dahil doon gaganapin ang selebrasyon ko.
Pumunta kami sa isang five star Restaurant noong nakaglasses na babae. Tahimik lamang ito at magsasalita lamang kung kakausapin mo.
“Thank you for buying my designs,” panimula ko habang pumapasok kami sa loob.
Bumaling siya sa akin at ngumiti ng tipid, “H’wag po kayong magpasalamat sa akin, Ma’am… Napag-utusan lamang po ako ng boss ko,”
Napakurap ako roon, “Boss mo?”
Tumango siya, “Sekretarya po ako at naatasang bilhin lahat iyong designs niyo Ma’am. Iyong perang naibid ko ay hindi sa akin.”
Sa pagkakaestima ko, mahigit limang milyon ang naibid nito sa 20 na designs kong mga damit. Iyong sampo kasi ay hindi ko na isinali dahil may nagmamay-ari narin noon.
Sino naman ang nasa likod nito at ganoon nalang kung magwaldas ng pera para sa aking mga designs?
Ang aking tanong ay agaran rin namang sumagot nang makita ang lalakeng nakaupo roon sa isang exclusive na table for two, nakahilig sa mesa at tila naiinip ang mukhang seryosong seryoso. Natigil ako sa paghakbang at hindi alam kung aabante ba o tatalikod na. Ba’t ka nagkakainteres sa mga designs ko South? Ba’t ka gumagastos ng ganito kalaking pera para lang sa mga desinyo ko eh hindi mo naman mapapakinabangan ang mga iyon? Ano na naman ba ito?
41st Hooked
Drunk
“Ma’am,” tawag muli sa akin noong sekretarya ni South sanhi para matigil ako sa kakaisip ng kung ano ano.
Iyon ang nagtulak kay South para lingunin ako nang marinig ang boses ng babae. Napalunok ako ng laway at ikinalma ang sarili. Tumayo siya at nailabas ang mga kamay na nasa bulsa. Ang mukhang nababagot ay tuluyang napalitan ng kung ano.
Naglakad akong muli habang iniinda ang paninitig ni South sa akin. Ang kanyang mga mata ay mabilis na nalaglag sa aking dibdib at walang ano anoy umigting iyon. Ang misteryosong mga mata ay dumidilim na akala mo nagbabadya ng kung anong kidlat.
“Maiwan ko na po kayo,” sabi noong sekretarya nang maihatid rin ako sa harapan ni South.
Tumango lang ito, ni hindi na bumaling sa babae at pinaghila ako ng upuan. Imbes dumeritso ang mga mata sa akin ay napadpad iyong muli sa aking dibdib. His jaw clenched for the second time as he tried to eyed me.
“Have a seat,” he said as his voice ran dry.
Pilit ang aking ngiti at umupo roon. Hinawi ko ang aking buhok para mapunta iyon sa aking likuran at mas lalong naexpose ang aking collarbone lalo na ang kalahati ng aking dibdib.
South, with his dark expression, sat infront of me looking so manly in his black polo, two bottons were opened and exposing a bit of his chest as his sleeves were rolled till his arms. Nakita ko pa ang silver niyang kwintas na simple lang. Wala iyong pendant pero mahahalatang mamahalin.
“Ba’t mo nagawang bilhin ang mga designs ko?” panimula ko agad.
Sandaling bumaba muli ang kanyang tingin sa aking harapan saka dahan dahang iniakyat sa aking mga mata. Natuon naman ang aking atensyon sa ayos ng kanyang buhok na nakakadagdag sa pagiging intimidating niya. Ang kalahati nito ay nakasuklay paatras habang ang kalahati naman ay tumakas ang iilang kumpol at tumakip sa kalahati ng kanyang noo. His thick brows look serious with his angular cheekbone and sculpted jaw. Siya ata iyong may mukha na pag nakasalubong mo sa daan ay matatangay ang iyong tingin at mapapaliguan mo ng papuri sa iyong isipan dahil masyado iyong perpekto. He got his dark awra with intimidating look that would scare you to stare at him for a long time.
“Binibenta mo naman,” sagot nito sa malalim na boses na ikinatigil ko sa pag-iisip ng kung ano ano.
“Pero lalake ka, at puro pambabae ang mga designs ko…”
Ang kanyang mga mata ay nalaglag muli sa aking dibdib. Naasiwa ako roon at tiningnan narin iyon na konting galaw ko lang o talon ay makikita na ang aking nipples. Noong nasa Canada ako, mas grabe pa nga iyong naisusuot ko na kulang nalang ay pangalanan nang “bra” dahil mukha talaga iyong brassiere sa tuwing may backyard party akong pinupuntahan.
Hindi siya nagsalita at parang may iniisip na ibang bagay kaya tumikhim ako para lang bumalik ang kanyang mga mata sa akin.
“Ibibigay mo ba iyon sa dinidate mong modelo? Si Frances?”
Naging interesado nalang ito bigla. Sumandal siya sa kanyang upuan at malalim na ang paninitig ng mga matang akala mo ay inaantok.
“You know her?” may galak sa boses na iyon.
Umiling ako, “sinabi lang sa akin ni Danica. Hindi na ako magtataka kung gumastos ka ng ilang milyon mabili lamang ang aking designs at maibigay lang sa babae mo,” ang balak kong ngiting matamis ay nauwi sa tabang. Ni hindi ko alam kung saan ko pinaghuhugot ang mga salitang iyon.
Nakita ko ang paglabas ng kanyang dila at marahang nilalaro ang pang-ibaba nitong labi. Ang mga mata ay parang nasisiyahan sa ibang bagay sa kabila ng pagiging madilim nito.
Nang hindi na ito magsalita pa ay kinuha ko iyong baso sa gilid at ininom. Napansin ko kung paano dahan dahang bumaba ang kanyang mga mata sa aking leeg at parang binabantayan ang paglunok ko. He licked his lower lip as he breathe heavily. Noong ibinaba ko na ang baso ay nadatnan ko pa ang labi niyang nakaawang ng kaonti.
“Kumusta na pala?” Ngumiti ako sa kanya. “Halos anim na taon rin tayong hindi nagkita.” I chuckled softly and stroke my hair backwards. Natangay rin ang kanyang tingin at sinundan ang aking galaw. Nagkasalubong pa ang kanyang kilay at mukhang may ikinakabahala.
Medyo sumabog ang aking buhok at nadisaarange na. I smiled at him even more to emphasize how happy I am right now.
“Naging masaya ka ba sa anim na taon?” tanong ko.
“Ikaw naging masaya ka?” tanong niya pabalik, malalim na naman ang paninitig habang ang kamay ay nasa mesa at marahang gumagalaw na akala mo ay may keyboard roon.
“Oo naman!” Humalakhak ako, “hindi naman purket ginago mo ako noon ay maiiwan akong miserable habangbuhay di’ba?” Ang aking ngiti ay mas tumamis pa na kahit ang aking boses ay naging malambing lalo.
Umawang ang kanyang labi para sana may sabihin kaya agaran ko itong inunahan.
“Pero hindi naman ako nagtatanim ng galit. Patas lang naman kasi naggamitan tayong dalawa noon at parte lang iyon ng pagiging inosente ko at pagiging gago mo,”
I saw how his eyes darkened. Ang mukha ay fila nagugulat sa sinasabi ko at nagagawa ko pang ngumiti. Hindi ko mabasa kung anong nasa isipan nito lalo na’t hindi na ito nagsasalita pero alam kong marami na siyang nasasabi sa akin sa isipan niya.
Gumala sandali ang aking mga mata at ibinagsak sa pagkain. Tinusok ko lang iyong side dish at iyon ang isinubo. Kahit siya, hindi man lang nagagalaw ang pagkain. Parang ayaw niyang alisin ang mga mata sa akin dahil baka namamalikmata lamang siya at maaari akong bumalik sa babaeng nakilala niya noon.
“Edi ibig sabihin, break na kayo ni Arih?” tanong ko.
Nang mapansin kong handa na siyang sumagot ay inunahan ko agad ito.
“Sabagay may dinidate kana nga…” I chuckled.
“You’re dating someone, too.”
“22 na ako. Normal na iyon…”
His jaw tightened and stroke some strand of his hair. Tumakas lamang iyon ulit at nalaglag sa kanyang noo na mas ikinatitig ko sa kanyang mukha. His messy hair look tamed unlike years ago…
“So, friends?” Inilahad ko sa kanya ang aking kamay nang wala na akong matinong maisip pa dahil sinasalakay na naman ng kung anong kademonyohan ang aking utak tungkol sa kanyang marahas na imahe.
Imbes tanggapin ang aking kamay ay tinitigan niya lang iyon. Tiningnan ko rin iyon at unti unti naring napapawi ang malaki kong ngiti. Ibinaba ko nalang iyon at ngumuso.
“Suplado,” bulong ko.
Tumunog ang aking cellphone kaya nalipat sandali ang aking tingin roon. Kahit si South ay napatingin narin sa cellphone ko.
Nakita ko sa screen ang tawag ni Chain. Tiningnan ko sandali si South pero sinagot rin iyon.
“Hmm?”
“Cana! Where are you? Do you want me to fetch you?”
“H’wag na, Chain… Magtataxi nalang ako. I’ll be there in a minute,”
“Alright, take care!”
“Okay,” ngumiti ako ng matamis saka iyon ibinaba. Binalingan ko si South na hindi na mawari ang ekspresyon. He looks annoyed..
“Uhm, may pag-uusapan pa ba tayo?”
“I found out you’re planning to build your own company. I’m an Architect so maybe… if you want… I can design your building.” aniya.
Iyon ang kumuha ng aking atensyon. May parte sa akin ang natutuwa sa kanyang sinabi pero may parte ring hindi sang-ayon.
“H’wag na. Marami naman kaming kakilalang Architect,” sabi ko
“You know me,” pahabol niya agad.
I chuckled and stroke my hair backwards again. Sandaling sumunod ang kanyang mga mata roon pero lumipat rin ulit sa aking mga mata.
“Kung kilala kita, maloloko mo kaya ako noon?”
“Look Nana,” he shifted on his seat and leaned closer, ang mga mata ay parang nagagalit na naman. “Oo niloko kita. Fine, I admit I’m at fault but my actions wereㄧ
“H’wag na South. Alam ko naman eh… Kasalanan ko. Masyado akong ignorante at inosente. Pero okay lang,” I smiled at him.
“Okay lang pero panay ang pang-aatake mo?” mariin niyang sabi.
“Tumagos lang siguro sa’yo kasi alam mong iyon ang totoo.” I said softly and smiled again.
His jaw clenched and lean on his seat again. Umawang ang kanyang labi at binasa iyong pang-ibaba. Hinila niya ang kanyang sleeves na nakarolyo para mas umangat pa ito at naexpose ang mga ugat niya roon. Tumingin ako roon at kinilatis kung gaano katigas ang braso niya. Gwapo na siya noon at may tindig pero naging grabe lang ngayon.
“So you’re not mad at me?” tanong niya na ikinailing ko.
“Then what’s wrong if I design your own building?”
“Dahil hindi ako sigurado kung mapagkakatiwalaan pa ba kita ulit,”
I saw how his adam apple moved as he swallowed hard.
“Then try me,” nanghahamon ang boses na iyon at desperado na.
Nagsukatan kami sandali ng tingin. Tumakbo naman sa aking isipan ang mga rason kung ba’t hindi ko siya pwedeng papasukin ulit sa aking mundo. Parang isang kahoy na na mabilis matupok, na pag siya ang nagbukas ay mabilis iyong mababali at makakapasok agad dahil sa nagawa niyang pananalanta noon. Pakiramdam ko, ano mang oras ay handa akong bumigay sa gusto niya. Ang kagustuhan kong ilayo siya sa akin ay tila hinahangin sa akin palayo at hindi ako pinapayagang gumawa ng desisyon na labag sa aking loob at ako lamang itong may gusto.
Tumayo ako na ikinaangat ng kanyang tingin sa akin.
“Aalis na ako. May naghihintay pa kasi sa akin,” ngumiti nalang ako ng pilit at tumalikod na agad. Hindi ko na hinintay ang kanyang sasabihin at binilisan ang paghakbang.
Wala akong maisip na rason kung bakit gusto niyang siya mismo ang magdesign ng aking kompanya. Alam kong kailangan niya ng kliyente at sa plano ko, malaking oportunidad iyon sa kanyang propesyon bilang isang Architect. Pero sa pagiging indemand niya, ba’t kailangan pang siya mismo itong mag-offer sa akin? Ang gagong iyon…
Iyon ang naging laman ng aking utak hanggang sa makarating ako sa mismong 3DBar. Pagkapasok ko ay mas lalong umingay at nagsihiyawan pa ang iilan.
“Cana!” Chain pulled me on my waist. Natatawa akong nadikit sa kanya at iginala ang tingin sa paligid. Nandito ba ang mga pinsan ko? I know they’re busy at sinikap lang talaga na pumunta roon sa fashion show ko.
“Congrats!” Chain gave me a peck on my lips.
“Thanks!”
Nakasalubong ko ang mata ng aking pinsan na si Heluisse at inikutan lang ako. Naiiling na ito dahil masyado na naman akong nagpapatangay sa pagiging extra friendly ko.
Mas naging malakas ang isang trance music na nagpahiyaw sa iilan.
“Cana in the house!” sigaw noong DJ at mas naging intense ang pagdadagdag ng beat sa tugtog na sinasabayan na ng pagtalon ng iilan.
Humalakhak ako at itinaas narin ang aking dalawang kamay para sabayan ang ritmo noong kanta. Gusto kong magsaya at kalimutan ang presensya ng lalakeng iyon. Parang may nahihila siya sa akin at bumabalik iyong sakit na dulot ng aking nakaraan. Why am I even hurt seeing him buying stuff with his new girl, anyway? Baka magkatotoo pa iyong sinasabi ni Heluisse na ako ang magdedesign noong wedding gown ng bride niya.
“Are you planning to get drunk?” Ngumiwi sa akin si Chain nang nilagok ko iyong isang maliit na baso noong Black label. Kapwa nasa harap na kami ng counter at umiinom.
“You scared I might do something wild to you?” I smiled playfully at him that made him stiffened. Humalakhak ako sa mukha niyang hindi mahitsura at nagsalin muli ng inumin.
“Stop joking around. Your cousins are scary…” sabi niya sa namamaos na boses.
Ngumisi lamang ako at nilagok iyong muli. Mariin akong napapikit at napatingala dahil nanuot agad iyon sa aking lalamunan pababa. Para iyong nag-iiwan ng nag-aalab na pakiramdam sa aking loob sa tuwing nadadaanan iyon ng inuming yumayakap na sa aking kabuuan.
“Waste it on me! Waste it on me!” pagsabay ko noong kantang pumapaibabaw na at may nadagdag na nakakadalang tono ni Steve Aoki. That’s a nice song! Iyan iyong madalas ipatunog sa Bar na pinupuntahan namin ni Heluisse roon sa Canada. Those seven boys were goodlooking and very popular.
“So you’re really planning to get wasted tonight,” Chain chuckled beside me.
Hindi ko pinansin ang kanyang sinabi at lumagok muli. Noong nakailang baso na ako ay doon ako nagdesisyong tumayo na halos ikawala pa ng aking balanse. Chain hurriedly hold my waist just to maintain my balance. Nadikit ako sa kanyang dibdib at natawa.
“Damn…” he cursed.
Tumawa lamang ako at nasuklay ang aking buhok paatras. Noong nakaya ko nang ibalanse ang aking sarili ay hinila ko siya mismo sa dancefloor at nakisabay narin sa iilan roon. May napapansin akong iilang lalake na malagkit ang tingin sa akin at nginingitian ko lang.
Chain pulled me on my waist as he pushed me closer to him. My boobs got squeezed on his hard chest as I felt his hand on my butt. Kapwa kami natawa at nakisabay narin sa mga tao roon na hindi na makalma. Sa aking kakatalon at kakasayaw ay medyo pawisan narin ang aking noo nang sinuklay kong muli ang aking buhok. Aksidenteng napunta ang aking tingin sa may couch at nakita ang mga naroroon. Nakita ko si Danica na kakarating palang kasama ang isang babae.
“Danica is here!” sabi ko kay Chain at hinila siya paalis sa kumpol ng mga tao. Binalingan ko si Heluisse sa may counter pero wala itong balak lumapit sa balak kong puntahan kaya ipinagpatuloy ko ang panghihila kay Chain.
“Cana!” buong galak na tawag niya sa akin nang magkasalubong na ang aming mga mata.
“Buti at nakapunta ka!” sabi ko
“Of course! I’m your fangirl!” sabi nito na kapwa namin ikinahalakhak. Ang aking mga mata ay nalipat sa babaeng kalmado ngayon kumpara noong una naming pagkikita.
“Oo nga pala, naalala mo si Frances?” tanong ni Danica nang binalingan niya narin ang babaeng naka tube top at highwaist pants paired with pumps. Maganda ang hubog ng katawan nito at pwede talagang pangrampa sa runway.
“Oo naman! Hindi ko makakalimutan ang babaeng sinabuyan ko raw ng inumin,” humalakhak ako at naramdaman ang mga mata kong nawawala.
Kitang kita ko ang pagyuko noong Frances at tila nahiya sa aking sinabi.
“It was just an accident at iyong top mo na sinasabi mong mamahalin ay afford ko naman. May mga pambahay kaya akong ganoon,” dagdag ko pa na ikinagulat ng mukha ni Danica. Iyong Frances ay namula na ang pisngi at wala na atang ulong maipapakita sa akin.
“She’s really blunt when she’s drunk.” sabi ni Chain na saksi na sa aking ugali pag nalalasing ako.
“G-Ganon ba,” hilaw na ngiti ang nagawa ni Danica at mukhang naiipit sa amin dahil sa inaasal ko. “May ganoon pala siyang side?” namamangha nitong sabi.
“She’s worst when she’s drunk. Masakit siyang magsalita kahit na malambing naman ang boses.” si Chain
“Enjoy okay? And please, watch your way kasi sayang ang top mo baka matapunan na naman at mukhang kinalkal mo pa sa divisoria.” pahabol ko pa kay Frances bago hinila ni Chain ang aking beywang paalis roon. Ngumuso ako at binalingan siya.
“Hey… I am still talking…” I gripped his polo as I glanced at them. That Frances is his girl…
“Calm down, wild child…” Chain chuckled and pushed me in his chest. “Pasalamat ka lang talaga roon sa Canada at walang nakakaintindi ng tagalog sa’yo sa t’wing nalalasing ka kundi mapapaaway ka talaga,”
Hindi ko na masyadong mapagtuunan ng pansin ang kanyang sinasabi dahil sa paningin kong umaalon at siya nalang itong ginigiya ako sa counter kung nasaan ang aking pinsan. Umupo ako sa tabi nito at sinabayan narin ito sa pag-inom.
“Nakailang baso kana ba?” tanong sa akin ni Heluisse na mariin ang tingin sa akin.
“I want to drink 22 shots since I’m already 22 years old,”
“Wow. You sound so nonsense,” may galak sa boses na iyon na akala mo ay pinupuri ako pero hindi naman saka rin siya napaismid.
“Napakatiwakal mo talaga pag nalalasing.”
I felt Chain on my back when I pushed myself backwards. Tiningala ko ito at napahalakhak nalang dahil sa umiiling niyang ulo.
“You’re such a wild girl,” pinitik niya ang aking noo na ikinasimangot ko.
“Innocent are plain and boring. Mauuto lang ang ganoon ng mga gago…” sabi ko na kahit si Heluisse ay sinabayan pa ang linyang iyon at kabisadong kabisado na ang bawat salita.
“Ang dakilang motto ng babaeng naloko ng isang gago,” dagdag niya agad.
“Pag nalalasing ka iyan rin talaga ang bukambibig mo,” tumawa si Chain.
“Ikaw rin ang pinapatamaan niyan,” sabi pa ni Heluisse.
“Ganoon na ba talaga ako kagago?”
“Marami akong listahan. Gusto mo isa-isahin ko?” pagbabanta ng aking pinsan na ikinahalakhak agad ni Chain.
“Saan tayo magsisimula Lewiss?” ang boses nito ay agarang naging nakakaakit.
“Nakakalungkot at wala akong oras sa’yo.” saka rin ibinaling nito ang tingin sa harap at nilagok ang inumin. Chain just smirked.
Noong makaramdam ako ng hilo sa aking posisyon ay bumaba akong muli. Mabilis naman akong inalalayan ni Chain patungo sa malapit na Cr. Pero bago palang kami tuluyang makarating roon ay humagalpak na ang aking likod sa malamig na pader at ang paglalapat ng labi naming dalawa sa isa’t isa. I gripped his hair as his tongue flicked inside my mouth. Mas lumalalim ang halikang iyon dala narin ng aking kalasingan ay hindi ko na makontrol ang aking sarili.
Natatangay pa ang aking utak sa halik nang bigla itong maputol at sa umaalon na paningin ay hindi ko na alam ang nangyari. Nakita ko ang pagkakalayo ni Chain sa akin at nakaupo na sahig. Bago ko pa man makita ang hitsura ng lalakeng nasa aking harapan ay kinaladkad na ako nito paalis.
“H-Hey!” Masyadong mahigpit ang kanyang pagkakahawak sa aking pulso na iyong tinangka ko iyong kunin at magpumiglas ay hinila niya lang ako at walang ano ano’y kinarga.
Sa aking mga matang nagiging malabo at sa ulo kong gumulong na ata dahil sa pagkakahilo ay naramdaman ko nalang ang pagkakabaliktad ng aking sikmura at naduwal na sa kanyang polo.
“Fuck,” malutong niyang mura at bakas ang galit sa boses. I was so drunk that I can’t even see the clearer view of his face. Ang tanging naging malinaw lamang sa akin ay iyong panga niyang umigting at ang pamilyar niyang pabango.
Iniisip kong baka isa ito sa mga pinsan ko at nahuli akong nakikipaghalikan kay Chain pero sa pabango palang, alam ko na agad kung sino ito.
“Ibaba mo ako! Mahihilo lang ako lalo!” Nagpumiglas ako pero mukhang wala itong balak sundin ang gusto ko. Mas lalo lang humigpit ang kanyang mga kamay sa aking hita at mas bumilis ang paglalakad. Nakarinig ako ng tunog ng alarm noong kotse hanggang sa naramdaman ko ang pagbagsak sa isang upuan.
Nang binuksan ko ang aking mga mata ay nasa loob na ako ng kotse at ang marahas na pagkakasara ng pinto sa driver’s seat. Bumaling ako sa lalakeng nasa polo ang tingin at ang galit na mukha nito. His jaw tightened as he start to unbutton his black polo. Ang inaantok kong mga mata ay parang nabuhayan at pinagmasdan ito. I’ve seen how his muscles flexed because of his vivid movements. His biceps looks hard as he threw his polo somewhere. Ang tanging suot na pang-itaas ay iyong silver niyang kwintas.
Sinundan ko pa ang paglipad ng kanyang damit sa likuran saka ko siya muling binalingan na ngayon ay nasa akin na.
Bumaba ang kanyang mga matang umaapoy sa galit at napunta sa aking dibdib. Nang bumaba ang tingin ko roon ay doon ko napansin na masyado na pala itong nakababa at ilang pulgada nalang ay malalantad na talaga ang kabuuan kong dibdib.
“Fuck that dress,” iritado niyang hinila iyon paakyat na kahit ang ibaba noon ay hinila niya rin para lang matakpan ang aking hita.
Dahan dahang nahulog ang aking mga mata sa pagpikit dahil sa kalasingan. Halos wala nang maalala maliban sa huling narinig kong mararahas niyang pagmumura.
“Damn this wild woman,” he growled with so much fustration.
42nd Hooked
Headache
Parang mabibiak ang aking ulo pagkagising ko. Pag nalalasing ako, kinabukasan ay pinagsisisihan ko rin talaga ang pag-inom ng marami at macarried-away sa pagsasaya dahil sa ulo kong mababasag ata.
Napabangon ako sa pagkakahiga sa kama at nahipo ang aking ulo. Ni isa, wala na naman akong maalala sa nangyari at aasa na naman ako sa kwento ni Heluisse at Chain kung ano na namang pinaggagawa ko.
Doon rin pumasok sa aking isipan ang bedsheet na hindi pamilyar sa akin. Kahit ang suot ay hindi ko na makalkal sa aking isipan kung kailan ako nagkaroon ng malaking puting polo na kahit noong itinaas ko ang aking mga kamay ay lumagpas iyong sleeve at hindi ko maaninag ang mga daliring natatakpan sa loob. Ang pamilyar na amoy ng loob ay naaamoy ko rin sa suot na damit.
Where am I?!
Tumayo ako at ngumiwi sa ulo kong mabibiak na ata. Sandali kong iginala ang tingin at mukhang sa isang malaking condo ako. The place looks so manly because of the colors. Tanging puti itim at grey lamang ang kulay na nakikita ko. The carpet is made with gray with prints at sobrang lambot sa paa nang umapak ang aking paa roon.
Humangin sa bukas na malaking veranda at sumayaw sa ere ang nipis na kurtinang kulay puti. Nagtungo ako roon at sumilip sa nakaawang na sliding door na kumukonekta sa labas.
Bukod sa magandang view, nakita ko ang likod ng imahe ng lalakeng nakahilig sa railings, walang saplot sa pang-itaas at may hawak na tasa ng kape. His bed hair looks wild as the wind blew on it. Ang kanyang malapad na likod ay nakikitaan ng magandang hubog na sandaling pumalagi ang aking mga mata roon sa halip na magtanong agad kung bakit ako nandito.
Lumingon ito at nakita ako sa may pinto na nakahawak at sumisilip. His serious face intimidates me all of a sudden. Ang kanyang mga mata ay hinagod agad ako ng tingin mula ulo hanggang paa saka lang ibinalik sa akin nang makontento na siya.
“Morning,” he said in his bedroom voice.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman at hindi ko alam kung anong isasagot. I look so stunned seeing him infront of me. Hindi ako makapaniwalang dadating sa aking buhay na magigising ako at siya agad ang bubungad sa akin. Na magigising ako sa isang lugar na isang lalake ang bumubungad imbes na si Daddy na nakakunot ng noo at tatanggalin ang pagiging hangover ko o si Mommy na makikipagkwentuhan pa sa akin. This is my first time…
Doon lang rin rumehistro sa aking utak ang pangyayari. He’s topless and I’m wearing his polo. Ibig sabihin…
Nanlalaki ang aking mga mata at napakiramdaman agad ang aking sarili. I am not sore down there… Ang tangi lamang masakit ay ang aking ulo na akala mo pinupukpok ng martilyo.
“M-May nangyari ba kagabi?” tanong ko at pinamulahan ng mukha. I just want to know!
Humarap siya at humilig muli sa railings. Ang hawak na mug ay hindi binibitiwan at binabalandra sa akin ang tiyan niyang nagpalunok sa akin ng laway. I can’t even maintain my eye contact with him. Palagi iyong nahuhulog sa kanyang katawan at masusundan ng aking paglunok muli. Those were hard like a rock… na pag mababangga ka roon ay ikaw talaga ang masasaktan.
“Can’t remember,” ang boses na iyon ay nanunuya na. Nakagat ko ang pang-ibabang labi at mas namula sa kanyang sagot. I am not sore so nothing happened. Imposible rin eh wala naman akong maalala…
“Ikaw ang n-nagbihis sa akin?” tanong ko.
He nodded that made my cheeks burned in so much heat. Ganoon na ba talaga ako ka wasted kagabi?! Ano na naman bang pinaggagawa ko?
“Asan ang damit ko? Uuwi na ako,” gumala agad ang aking mga mata sa kabuuan. Wala akong mahanap na bakas ng aking mga gamit at tanging sarili lamang ang aking matagpuan, ang natitira ay sa kanya na lahat.
Nang makita ko ang aking cellphone sa bedside ay mabilis ko iyong nilapitan para kunin. Naging dismayado rin naman agad nang makitang patay na ito.
Pumasok si South sa loob. Ngumuso ako at halos makaramdam ng kaba sa dibdib dahil nasa iisang lugar kami. Ang aking buhok ay magulo pa at hindi ko alam kung ano nang hitsura ko sa oras na ito.
“Ang damit ko, South,” ulit ko.
Nagtungo siya sa kama at umupo roon. Ang mga kamay ay nakatukod na sa likuran at hindi na tuwid ang pagkakaupo. Half of my legs were exposed at masyadong nipis ang tela na sa bawat galaw ko ay parang aangat na iyon.
“About my offer,” paninimula niya at mukhang gusto ng isang mahabang negosasyon. Ayaw niya talagang bitiwan ang topic na ito?
“Hindi nagbago ang isip ko at hindi magbabago ang isip ko. Parang isang biro ata kung nakipagnegosasyon ako sa’yo.”
Para itong may iniisip at nananantya ang tingin sa akin. Ang mga mata ay masyado na namang misteryoso at wala akong maisip kung ano na naman ang tumatakbo sa kanyang utak. Sumandal ako sa may pader at humalukipkip roon. Umangat ng kaonti ang suot kong damit at nalantad lalo ang aking hita na pag itinaas ko ang aking mga kamay ay makikitaan na talaga ako. Hinihintay ko ang sasabihin niyang muli at nag-aabang sa bawat galaw ng kanyang labi.
Sandali niyang tiningnan ang hubog ng aking katawan saka rin ibinalik sa aking mata mata.
“I am proffessional when it comes to work, Nana. I’m not gonna ruined you or something. Wala akong plano at gusto ko lang tumulong,” saad niya.
Sinuklay ko ang aking buhok papunta sa gilid na at itinagilid ang ulo, ang aking leeg ay mas bumalandra na ikinatitig niya roon. His brows look annoyed while his forehead looks stressed.
“Help? Kung nakokonsensya ka sa nangyari noon hindi mo na kailangang mamroblema dahil napatawad narin naman kita…”
“This is not about the issue. Noon iyon. Iba ngayon.” mataman niyang sabi.
“Kung noon ay kailangan natin ang isa’t isa, iba narin ngayon South… Wala na tayong rason para dumikit pa sa isa’t isa,” I blurted that made his jaw tightened. Ang adams apple ay nakita ko pang gumalaw at mukhang nababalot na naman ng kung anong misteryoso ang buong mukha.
“So you want a reason,” may pagbabanta na roon at parang nanghahamon. Na nasagad ko na ang pagiging kalmado nito at hindi siya titigil hangga’t hindi nakukuha ang gusto.
Hindi agad ako nakapagsalita. Ang gusto ko lang naman ay h’wag na kaming lumapit pa sa isa’t isa dahil parang masyado nang delikado. I already fix myself. Ako ang bumuo sa sinira niya at ayokong sirain niya lang ulit ako dahil baka sa oras na ito ay tuluyan niya na akong madudurog.
Tumayo siya na ikinakurap ko. Nang dahan dahan itong naglakad patungo sa akin ay parang naging isang tambol agad ang aking puso at walang tigil na hinahampas ng kung ano. South stop infront of me. Ang nakayakap sa aking pabango dahil sa damit niyang suot ko ay naamoy kong muli sa aking harapan.
Itinukod niya sa aking kabila ang kanyang braso at umabante pa na halos ikinaatras ko pero hindi na magawa dahil pader na ang nasa likuran.
“Then I’ll give you some reasons to hook on me again,” he said deeply as I felt his breath on the skin of my neck.
Parang nagsitayuan ang aking balahibo hindi lang dahil sa sinabi niya kundi narin sa epekto ng kabuuan niya sa aking sistema. My knees were trembling hard. Hindi katulad ng mga karanasan ko sa harap ng mga lalake na sila itong nanginginig sa aking presensya bilang Cana, si South itong may kakayahang ilabas ang pagiging Nana ko at nakakaramdam ako ng takot sa kanya.
“What reasons?” Tiningala ko siya sa aking mga matang namumungay. Imbes magalit dahil sa kanyang inaasal, naging kabaliktaran na iyon.
“You, sleeping in my bed and wearing my clothes…”
Imbes matakot ay nakagat ko ang labi at natawa. His shoulder loosened because of that.
“What? That’s too shallow…” nasuklay kong muli ang aking buhok at itinagilid ang ulo, hindi mabura bura ang aking matamis na ngiti.
“Shallow but it will cause some troubles. Napalabas sa telebisyon ang pagiging malapit niyo noong isang lalakeng napulot mo sa ibang bansa at marami nang nakakakilala sa’yo. If they found out you’re hooking up with another guy… the people around you might change their mind. Masisira ang reputasyon mo,” sabi niya sa kalmadong boses na tuluyang ikinawala ng aking ngisi.
Ang bangungot ng kahapon ay ibinabalik niya at hindi ko iyon nagugustuhan. He crouched more to leveled hisself on my neck.
“You’re just starting to open your own company. Magsisimula ka pa lang pero may aahon agad na scandal. That’s a big trouble…” bulong niya roon at nagawang haplusin ang kahabaan ng aking leeg gamit ang tungki ng kanyang ilong.
Hindi ko alam kung ano na ang mararamdaman kung idinadaan niya rin sa ganito. Dapat ay magalit pero pero nangingibabaw ang isang sensasyon sa akin at hindi ko halos mapanatili ang sarili kong katinuan na gusto na atang humiwalay sa akin.
“Architect ka, at damay ka rin sa issue…” walang sense kong sabi dahil masyado nang nahuhulog ang aking pag-iisip sa ibang bagay. I need to stop myself! Dahil sa oras na ako ang gumawa ng isang kilos, alam kong pagsisisihan ko lang iyon. Wala na sa plano ko ang madikit sa kanyang muli.
“They all know I’m dating different girls… Hindi na iyon bago sa kanila. Mapapabilang ka lang sa nalilink sa akin.” sabi niya at ang tungki ng ilong ay nasa aking panga na, parang may sinusundan iyong daan at hindi siya maawat sa paggawa noon.
I swallowed. Ano ba ang pakulo niya?
“Hindi ka ba natatakot sa galit ng pamilya ko?”
“I don’t mind fighting for something I want to have…” makahulugan niyang sabi, ang mga mata ay may pinupunto na.
My shoulder loosened. Tumigil siya at napatingin sa akin. Iniisip ko rin ang reputasyon ko sa ibang bansa at ang mga taong mataas na ang tingin sa akin. Iba ang Pilipinas gumawa ng issue na kahit maliit lang naman iyon na bagay ay palalakihin nila at gusto naring isali sa problema ng bansa sa halip na problemahin ang mas importanteng mga bagay. Iyon ang napansin ko simula noong nagkaissue ako. That’s so shallow! Pumasok lang naman ako noon pero wala naman silang nakita na kung ano at doon na lumaki. At isa pa, ayoko naring bigyan ng sakit sa ulo ang mga nakapaligid sa akin kaya kung pwede namang ako ang aayos ay aayusin ko.
“Fine,” sagot ko na ikinaangat ng kanyang kilay. “Ikaw ang magdesenyo ng kompanyang itatayo ko. Iisipin ko nalang na wala kanang kliyente kaya nadedesperado kanang magkaroon ng isa.” marahan kong sabi.
Nakagat niya ang pang-ibabang labi at mukhang nakontento naman sa aking sagot.
“At hanggang doon lang,” pahabol ko pa na ikinatango tango niya.
“I’m professional,”
Iyon naman pala. Ba’t kailangan pang palakihin kung may solusyon naman pala. He’s really mysterious. Gusto kong isipin na malulugi siya kung hindi agad siya magkakaroon ng proyekto ngayong taon at baon na baon siya sa utang pero iyong pagiging Buenaventura na ay sapat nang rason para pagdudahan ito.
“Damit ko,” Inilahad ko sa kanya ang aking kamay.
“About that thing…”
Napasimangot na talaga ako. “Anong ginawa mo?”
“Masyadong manipis kaya napunit sa may parteng dibdib,”
My eyes widened. Napunit sa may dibdib?!
“Ano ngayon ang isusuot ko?” Mas lalo na talaga akong sumimangot. I want to throw some tantrums at him for ruining my design but it’s not that bigdeal for me to get mad. Ni hindi ko maalala sa aking buhay kung kailan ako nagalit. Hindi ata angkop sa akin ang ganoong emosyon.
Inangat ko ang aking kamay at napagmasdan ang sleeves niyang masyadong mahaba sa akin.
“Pag umuwi ako ng ganito, iisipin ng mga pinsan ko na may ginawa akong kalokohan at mas lalo lang silang maistress. Pero pag di naman agad ako umuwi, mas maistress lang sila. Uuwi nalang ako…”
Ramdam ko lang ang paninitig ni South sa akin. Para siyang naaaliw na ewan.
“How can you be so wild and adorable at the same time? What a pain in the ass…”
Hindi ko na iyon sinagot pa at ngumuso nalang. Wala akong galit kay South. Iyon naman palagi ang tumatatak sa aking isipan. Pero pwede rin naman atang manatili rin kaming friends? O kahit kanegosasyon ko nalang sa trabaho at hanggang doon lang.
Nakatakas rin ako sa kanyang harap. Binitbit ko nalang ang aking pumps at handa ng umuwi sa ganoong ayos.
“You can’t leave like that,” matigas niyang sabi at mukhang may ikinakagalit nang hilain niya ang aking pulso pabalik. Ang aking paghakbang palabas ay naantala na.
“Pwede,” binawi ko ang aking kamay at handa nang lumabas nang hilain niya na talaga ang aking beywang.
“Hey!” Nilingon ko siya at sinubukang humiwalay kaso naangat na talaga ako at dala dala niya patungong muli sa kama. Doon niya lang ako ibinagsak at masyado na namang nababahala ang mukha.
Sinuklay ko ang aking buhok paatras at sumimangot habang tinitingala itong naghihilot ng sintido.
“Can’t believe this,”
Itinukod ko ang dalawang kamay sa aking likuran at ginaya iyong paborito niyang ginagawa. Nang dumilat ang kanyang mga mata at nakita ang aking posisyon ay mas nadagdagan lang ang linya sa kanyang noo. Hinila niya ang suot ko para lang matakpan ang hita ko.
“Kailangan ko ng umuwi, South.” saad ko, hindi pinapansin ang inaalala niya sa imahe ko.
“Parating na ang sekretarya ko at pinabilhan na kita ng damit.” mariin ang kanyang tingin at naiinis na.
“Calm down, Architect…” Itinagilid ko ang aking ulo at sinuklay ang buhok paatras. I chuckled softly as his breathe deeply. His jaw tightened as he gasped for an air. Sige, kung gusto mong madikit sa akin ulit, then so be it.
Nagpadeliver siya ng pagkain at ako lang itong kumakain. Wala siyang gana at ayaw na atang lumapit sa akin. Kahit noong matapos ako, siya na itong nakaupo sa kanyang kama habang ako naman ay sumusuyod na sa kabuuan. Pinapasadahan ko ng tingin ang iilan niyang gamit at mga frames na naroroon. Tanging pamilya lamang ang nakadisplay. Hindi niya rin ba pinagawan ng frame ang mga babae niya? Pwede niya na iyong koleksyon sa sobrang dami…
May nagdoorbell kaya ako na mismo ang bumukas dahil mukhang nagdadasal na si South sa kanyang imahe, nakapangalumbaba roon at nasa ulo ang mga kamay.
Pagkabukas ko,ang inaasahan kong bisita niyang sekretarya ay hindi bumalandra sa akin. Wearing a floral dress, her smile immediately fade. Medyo umawang ang kanyang labi dahil sa gulat at naikuyom lalo ang mga kamay na nakahawak sa isang pizza?
“C-Cana?”
Napangiti ako ng tipid at nilingon si South. “May bisita ka, babae mo…” sabi ko.
Frances face turned into a white paper at parang may ikinakabahala na. Binuksan ko ng malaki ang pinto at nginitian siya.
“Pasok ka,”
Bago pa man ito makahakbang ay tumayo na si South. Kitang kita ko ang pagkagulat nang makita niya ang imahe nitong walang saplot na pang-itaas.
Ilang sigundo ata itong nagulantang at nakalimutan ng gumalaw. Ngumuso ako at nilingon si South na wala man lang kareareaksyon. Parang gusto ko bigla mang-inis… Ayokong mag-explain at hayaan nalang itong isipin ang gusto niyang isipin. Di ko rin alam ba’t natutuwa pa ako.
Kung hindi dumating iyong sekretarya niya ay hindi matutuon ang ibang atensyon namin. May dala itong paperbag at hindi nagulat sa aking presensya pero nagulat sa presenya ni Frances.
“Sir, ito na po iyong pinapabili niyong damit.” sambit nito na ikinadagdag lang ng gulat sa mukha ni Frances. Nagakakasalubong na ang kanyang kilay at gusto na atang magtaray pero hindi lang magawa dahil sa aking imahe.
Ibinigay iyon sa akin noong babae na ikinangiti ko ng matamis. “Thank you,”
Tumango lang ito at ngumiti ng tipid. Binalingan kong muli si South na nasa may pwet ko na ang tingin. Umaangat ang aking suot dahil sa mga galaw ko. He looks so annoyed.
“Sige, aalis na ako. Sa cr nalang ako magbibihis dahil may bisita ka,” saad ko at dinala ang aking pumps.
“Dito na,” matigas ang boses na iyon na ikinailing ko lang at naglakad na palabas. “And I’ll drive you,”
“Bye!” Iwinagayway ko ang hawak na pumps at naglakad rin dala iyong paperbag at maliit na purse. Ilang hakbang lang rin naman ang layo noong cr…
Pagkapasok ko sa malaki nilang cr ay napabuntong nalang ako ng hininga. Humarap ako sa salamin at natingnan ang aking sarili. May parte sa akin ang natutuwa dahil malapit na ulit ako sa kanya pero may parte rin ang nagluluksa dahil alam kong delubyo lamang ang hatid niya. Simula noong 17 ako, tumatak sa aking isipan na tuso ang kanilang angkan at hindi dapat pagkatiwalaan. They act selfishly and they have their own laws. Na dapat iyong gusto nila ang masusunod. Na nasa kanila ang batas at pagpapasya na hindi mo pwedeng labagin dahil ipagpipilitan lamang nila iyon lalo.
Ang sabi ni White sa akin, si North ang nagsabi sa kanya iyong tungkol kay Arih at South. Kapatid niya nga iyon pero hindi ko alam kung concern ba siya sa akin at nagawang ipahamak ang kapatid niya o may sarili rin siyang rason at iyon lamang ang mahalaga. Ngayon na nasa mundo na ulit ako nila, nakakaramdam na naman ako ng takot at pakiramdam ko, hindi lamang ako ang nagbago kundi pati narin si South. He’s blackmailing me just to get what he wants. Parang nasa dugo talaga nila ang pagiging ganoon at handa silang manggipit masunod lang ang gusto nila, makuha lang ito.
Nagbihis ako at halos madismaya sa taste ni South sa damit. Ngayon lang ulit ako nakasuot ng balot na balot… Akala ko pa naman gusto ng mga lalake iyong sexy.
Pagkauwi ko, nagulat ako sa presensya ng aking mga pinsan na mukhang may prayer meeting sa sala at kapwa na kahawak pa sa mga ulo nila.
“May problema ba dito?” tanong ko na ikinakuha ng kanilang mga atensyon. Ni ang aking pagpasok ay hindi na nila napansin.
White, in his worried face, stood up and immediately went to me.
“Nawala ka raw bigla sa party at hindi ka pa umuwi.” mariin niya akong tiningnan. Itinagilid ko pa ang aking ulo para makita sa likuran niya ang iilan kong pinsan na problemado rin.
“Alalang alala kami,” si Blue naman.
“Chill,” banayad kong sabi at natawa rin. “Kumain na kayo?” tanong ko na ikinaguhit lalo ng panibagong ekspresyon sa kanilang mga mukha. Bakit ba ang bilis nilang mafustrate? Concern lang naman ako…
Napahiga na talaga si Ken, hipo hipo ang noo. “Ayokong mamatay sa konsumisyon. Ayoko na atang magkaanak…”
Ngumuso ako at dahan dahang inilipat ang tingin kay White na nakapameywang na, umiigting rin ang panga at parang problemadong problemado.
Sa araw na iyon, pakiramdam ko ay aatakihin na silang lahat sa puso. Hindi ko alam kung magsusumbong ba sila kay Daddy sa hindi ko pag-uwi at ni isa ay walang alam kung saan ako nagtungo at kung sino ang kasama ko. Kinumbinsi ko pa sila na h’wag nalang dahil nakauwi naman ako ng walang galos and I’m safe!
“Your cousin were so mad at me! Akala ko nga ay masusuntok na ako isa isa noong hinanap ka nila sa akin…” sumbong sa akin ni Chain nang magkita kaming dalawa sa isang cafe. Ang pasa ay halata parin sa gilid ng kanyang labi at hindi niya rin daw maalala iyong sumuntok sa kanya dahil sa bilis ng pangyayari.
“Pinigilan pa ako ng pinsan mo na sundan ka kaya akala ko iyong isa sa mga pinsan mo ang tumangay sa’yo,” naiiling niyang sabi.
“H’wag mo na iyong alalahanin.” tumawa lang ako ng marahan.
“What a headache,” sabi niya pa sa akin at ang tingin ay nagiging katulad na ng aking mga pinsan.
43rd Hooked
Babae
Simula noong kumalat ang aking imahe sa Pilipinas ay nagkaroon na ako ng mga guesting. May script naman silang binibigay at pwede akong magtanggal ng tanong na hindi ko gusto. Si Chain ang palagi kong kasama sa mga ganoon kong interviews.
“Handa na po ba kayo, Miss Cana?” tanong noong staff sa akin na ikinatango ko. It was just a simple interview para imbitahan narin ang modelo sa gaganapin kong interview mamaya sa isang malaking Mall malapit lamang rito.
Suot ang isang cream na tube top, sweatpants, checkered na coat at nakapatong lamang sa aking balikat naglakad ako patungo roon sa maliit na stage suot ang 3inches na pumps. Naghahanda narin ang iilang camera man para sa magiging take at may ibang staff rin na nagsasabi ng mga bawal sa audience. Ang alam ko, live ito kaya binigyan rin ako ng script dahil baka magulat ako sa iilang tanong.
Pamilyar sa akin ang nag-iinterview dahil ito ang nakikita ko noon sa telebisyon pag inienterview ang mga sikat na personalidad sa industriya ng showbiz.
“You ready, Miss Cana?” tanong nito na ikinatango ko at ngumiti ng matamis.
May isang staff naman ang sumenyas at nagbilang ng tatlo pababa bago iyon i-air. Tuwid ang aking pagkakaupo at nasa kandungan ang mga kamay. Ang aking buhok ay nakahigh ponytail para bumagay sa simple ngunit elegante kong suot.
Iyong interviewer na may pangalang Chrissy ang naunang ipalabas sa camera. Naging highlights naman sa malaking screen nila iyong mga fashion show ko sa iba’t ibang bansa at mga designs kong sinusuot ng iilang sikat na modelo roon. Lumabas pa roon ang aking family background at kung saan ako nag-aaral hanggang sa nalipat ako sa ibang bansa para kunin iyong kurso ko.
Hindi naman nababanggit iyong tungkol sa issue ko noon kay Aries dahil ayoko rin namang ungkatin iyon.
“Let’s all welcome, Miss Cana Aleyna Delafuente!”
Natapat sa akin ang camera at pumalakpak naman ang iilang manonood. Marahan akong natawa kagat kagat ang labi dahil sa mga lalakeng naghihiyawan pa.
“You look so gorgeous, Miss Cana.”
“Thank you po,” marahan akong yumuko at hindi na mabura bura ang matamis na ngiti.
“Hanggang ngayon ba, nagsisink in na sa utak mo ang kasikatan mo sa buong mundo?” Pauna nitong tanong at may hawak pang maliit na papel. Doon niya tinitingnan ang kanyang itatanong sa akin.
Marahan akong umiling, “to be honest po, hindi ko talaga ineexpect na mararating ko ang ganitong yugto ng buhay ko. Noon po kasi, sobrang napakamahiyain ko at lumaki ring napapaligiran ng mga lalake kong pinsan kaya nahihirapan rin akong makipagkaibigan. Ang pangarap ko lang po talaga noon ay maging proud sa akin ang parents ko kaya hindi ko talaga ineexpect ang ganito karaming atensyon…” Iginala ko ang tingin sa mga manonood na humiyaw rin.
“Look at your fans screaming…” namamanghang sabi nito nang tingnan rin ang mga fans kong dumalo at may hawak na tarpaulin kung nasaan ang aking mukha.
“I love you, all…” Nagtapon ako ng flying kiss sa kanila na mas ikinawala nilang lahat at hindi na mapakalma ang sarili. I laughed softly as I ran my fingers backwards.
“Sa edad na 22 ay napakarami mo nang achievements. Ano pa bang mga plano mo bukod sa pagpapatayo ng sarili mong clothing line, Miss Cana?”
“Sa ngayon ay gusto ko munang ituon ang buong atensyon ko sa passion ko. Gusto kong maging daan ang aking mga designs para makatulong po ako sa mga batang kailangan ng tulong.” marahan kong paliwanag na ikinatango tango ni Miss Chrissy.
“How about showbiz, Miss Cana? Lahat ay halos gusto kang makita araw araw sa telebisyon dahil sa napakaamo at maganda mong mukha. Wala ka bang balak mag-artista?”
Umiling agad ako, “hindi po iyon sumasagi sa aking isipan lalo na’t hindi ko rin po hilig…”
Tumango siya at tiningnan muli iyong hawak na papel. Napangiti ito ng matamis nang mag-angat sa aking muli ng tingin.
“Alam kong marami ring gustong malaman kung single ka ba o taken na. Ang tanong Miss Cana, may nagpapatibok ba ng puso mo ngayon?”
Nakakabinging hiyawan ang sumunod lalo na’t naclose-up narin ako sa screen. Walang pinapalampas ang camera man at gustong iere lahat ng galaw ko at magiging reaksyon ko.
“May espesyal po na lalake ngayon sa buhay ko…” sagot ko na ikinasigaw nilang ng mga fans ko na kahit ang iilang manonood ay ganoon narin ang reaksyon. Nakita ko pa si Chain roon sa mga staff na nanonood rin at matamis pa ang ngisi.
“So there’s someone special. Ibig sabihin ay single ka pa pero taken na?” tanong nito na ikinatawa ko.
“I want to take it slow po muna since ayoko po muna ng distraction for now…”
Tumango tango ito at napalingon pa sa kinaroroonan ni Chain. Nakagat ko ang aking labi at natawa lalo na’t ang mga fans ko rin ay itinuturo ang kinaroroonan ni Chain. Kapansin pansin talaga ito kahit saan ilagay idagdag pa iyang nakakaakit niyang ngiti.
Limang minuto lang ang itinagal ng interview at pinasalamatan rin ako sa pagpapaunlak ng kanilang imbitasyon. Binigyan pa ako ng isang boquet ng bulaklak na ikinangiti ko ng husto.
“Miss Cana, imbitahan mo na ang mga modelo para sa magiging interview niyo…”
Itinutok sa akin muli ang camera kaya ibinigay ko ang buo kong atensyon roon at ngumiti ng matamis.
“Iniimbitahan ko po lahat ng mga modelo at mga aspiring fashion designers na interesado sa aking clothing line para sa gaganapin kong interview mamaya sa nasabing address po sa screen ng inyong tv. Magkita po tayong lahat roon, thank you!”
Pumalakpak ang iilan. Nakipagkamayan sa akin si Ma’am Chrissy habang umeere pa iyong palabas. Noong matapos rin ay nagpapicture ang iilan sa akin.
“Someone special huh…” Hindi mabura bura ang ngisi ni Chain habang nagmamaneho patungo roon sa Mall na pagdadausan ko ng interview.
“Hindi kaya ikaw ’yon, feeling!” pang-aasar ko na ikinasimangot niya.
“Then who?”
Umiling ako, “wala. Gusto ko lang talagang sabihin na meron…”
He frowned even more while I can’t stop laughing.
“Kaya nga aangkinin ko nalang total ako palagi ang kasama mo…”
Ngumiti kami sa isa’t isa at kalaunan ay kapwa rin natawa. Siya rin kasi iyong tipo ng lalakeng ang sarap kaibiganin dahil masyadong maalaga. I already warned him from the start na ayoko muna sa relasyon dahil hindi pa ako handa at gusto ko munang magdahan dahan sa mga bagay bagay. I don’t mind if I end up his girlfriend. Mabait naman siya, maalaga at goos catch. Ang ikinakabahala ko lang ay hanggang kailan ako magiging handa sa ganoong bagay.
May espesyal na tao sa aking puso at hindi ko lang talaga mapangalanan. Na kahit wala pa namang nakaupo sa trono ay nakalaan na iyon sa isang tao at walang pwedeng umagaw noon dahil may naboto na sila.
Pagdating namin sa venue, halos mamangha ako sa mga nagkalat na modelo. Ang iilan, nang makita ako ay nanlalaki agad ang mga mata at kanya kanyang labas ng kanilang mga cellphone at itinutok sa akin habang maglalakad ako papunta roon sa gitna at may mesa.
I was guarded by two bouncers. Si Chain naman ay umalis rin at susunduin lang ako pagkatapos ng aking interview rito. May pinagkakaabahalan rin naman siyang mga bagay bagay kagaya ko at hindi naman pwedeng bumuntot siya sa akin palagi.
Napuno ata iyong mga upuan ng mga modelong dala ang kanilang mga resume at bakas sa mukha ang pagiging sabik. May iilan namang pumunta lamang para makita ako.
“Ang ganda niyo po Miss Cana…” bungad agad noong naunang modelo nang inilapag niya ang kanyang resume sa aking harapan.
“Salamat,” nginitian ko siya at binuklat iyong resume niya. Pinasadahan ko iyon ng tingin at chineck ang kanyang naging background sa pagmomodelo.
“Pwede bang pakitaan mo ako ng lakad mo?”
Tumango naman agad ito at nagtungo sa dulo. Agarang nagbago ang awra nito at naging seryoso agad ang mukha. Awra kasi talaga ang importante sa akin at kung paano niya dalhin ang kanyang sarili sa pagrampa. Base narin sa mga napupuntahan kong fashion show, mas maaakit ang isang buyer kung maganda rin ang pagkakarepresenta ng iyong produkto pati narin iyong kwalidad. Gusto kong hanapin ang mga katangiang iyon sa magiging modelo ko sa hinaharap.
May mga on the spot akong nahire at may iba namang sinabihan ko nalang na tatawagan ito pag nakapagdesisyon na. Ang balak ko lang ay mga 30 na models at depende na sa mga fashion designers dahil kailangan ko rin talaga ng mga magiging alalay. I am planning to train them in my company hanggang sa kaya narin nilang magsarili sa hinaharap.
Sa kalagitnaan ng pag-iinterview ko ay may kumuha ng aking pansin lalo na’t ang iilang modelo ay nasa kanya narin ang tingin. Kunot-noong sinundan ng aking mga mata ang lalakeng kadarating lamang na nakaputing polo at may suot na itim na sunglasses.
“Ba’t nandito si South?”
“Ang hot ni Architect,”
“Mag-aaply rin ba si Frances kaya sinamahan niya?”
“Pero sa ig update ni Frances ay may ahas raw na umaaligid at nagbabalat kayo bilang isang tuta. Ibig sabihin ay may iba na ulit itong babae?”
Para akong mahihilo sa narinig kong usap-usapan ng iilang modelo na hindi maalis alis ang tingin kay South. Tumayo siya sa gilid at sumandal sa may pader habang nakahalukipkip, ang harap ay nasa aking dako.
“Can you show me your walk?” marahan kong sabi sa modelong nasa aking harapan pagkatapos maputol ang atensyon ko sa kanya.
Tumango naman ito at pumwesto sa harapan para rumampa. Pinilit kong ipanatili ang aking tingin roon pero mas napagtutuunan ko naman ng pansin ang imahe ni South sa gilid ng aking mga mata. Bakit ba siya nandito? Sa susunod na linggo pa naman iyong magiging negosasyon namin sa pupuntahang site ah?
“Just wait for our call, okay?” nginitian ko ng matamis ang modelo na ngumiti rin naman sa akin pabalik.
Nilingon ko si South na hindi na gumagalaw sa kanyang pwesto at pinagpapantasyahan halos lahat ng mga modelo na wala na sa akin ang atensyon. Ganoon talaga siya kaimpluwensya at kaya niyang kunin lahat ng atensyon sa pamamagitan lamang ng kanyang imahe.
Ang sumunod na modelo ay pamilyar sa akin. Nakayuko pa ito at pinamumulahan ng mukha nang inilapag niya ang resume sa aking harapan.
“M-Miss Cana… A-Alam ko pong pamilyar ako sa inyo dahil isa ako roon sa ininsulto kayo sa fashion show ni Danica… G-Gusto ko sanang humingi ng tawad sa inasal ko noong araw na iyon…” sabi nito sa maliit na boses at hindi na makatingin sa aking mga mata.
“It’s okay,” ngumiti ako ng matamis at pinasadahan ng tingin iyong inilapag niyang resume. Chineck ko ang background nito at nakontento naman sa kanyang mga naging karanasan sa pagmomodelo.
Pinanood ko siyang rumampa at awtomatiko rin itong nahire dahil sa galing niyang maglakad. Sa sobra niyang tuwa ay napatalon siya at kulang nalang ay yakapin ako. Marahan akong natawa at hinawakan rin ang kanyang likuran.
“Ang bait niyo, Miss! I’ll do my best don’t worry! Pasensya na talaga!”
“Sa susunod lang, h’wag kang nang-iinsulto baka hindi mo alam mas may ikakabuga pa pala sa’yo…”
Namula ang pisngi nito at binalot ang kahihiyan ang mukha. Ang alam ko, naririto rin iyong dalawa pa na kaibigan niya rin ata. Gusto kong makita kung paano sila magpaimpress sa babaeng ininsulto nila.
Nagkaroon ako ng five minutes break. Iyong bouncer ang nagdala sa akin ng sandwich at bottled water. Itinabi ko iyong sandwich at binuksan iyong tubig para uminom. Tumingala ako ng bahagya, sa gilid ng aking mga mata ay nakikita ko na naman ang malalalim na paninitig sa akin ni South. Iyan lang ba ang ipinunta niya rito? Ang titigan ako?
Ipinacut ko nalang iyong interview dahil napagod narin ako sa sobrang rami. Bukas ulit babalik ang ilan.
Nakaupo pa ako at kinakausap iyong staff na kung pwede ay bigyan ako ng copy roon sa mga nahire nang lumapit sa aming dako si South. May iilan pang modelo ang hindi umaalis at parang may gustong masaksihan, ang mga mata ay nakasunod sa kanyang galaw.
“Done?” tanong niya.
“Sige po Miss Cana, ako na po ang bahala sa mga resume noong natanggap at aasikasuhin ko narin po iyong iba pa. Maiwan ko na po kayo,”
“Salamat,” nginitian ko ito at sinundan ng tingin ang pag-alis niya saka ko binalingan si South.
“Di’ba sa susunod na linggo pa iyon?” tanong ko.
“I want to tackle it early. Advance lang,” sabi niya.
“Pero pagod pa ako dahil kakagaling ko lang sa interview at dumeritso lang ako rito,”
“Then lets have some dinner so that you can rest after,” suhestyon niya na hindi ko alam kung matutuwa ba ako o ano.
Sa huli ay natagpuan ko nalang ang aking sarili sa front seat ng kanyang kotse at patungo na sa isang Restaurant. Gusto niya lang pag-usapan ng advance iyong magiging design ng building kaya siya nagyayaya ng dinner. Masyado pala talaga siyang professional…
Itinext ko nalang si Chain na h’wag na akong sunduin dahil may mahalaga pa akong meeting. Agad rin naman itong nagreply.
Chain: Please go home early. I don’t want another headache from your cousins.
Nakagat ko ang pang-ibabang labi at hindi napigilang mapangiti ng matamis sa kanyang sinabi. Naiimagine ko ang kanyang noo na nakakunot at nababahala sa aking mga pinsan na bantay sarado narin ito.
Nagtipa ako ng mensahe.
Ako: Okay :“)))
Ang hindi mabura bura kong ngiti ay naantala rin nang tumikhim itong si South. Binalingan ko siya na seryoso na naman ang mukha.
“You’re texting him?” tanong niya
“Iyong nakahalikan ko at sinuntok mo?”
He licked his lowerlip as his hand gripped on the stirring wheel, medyo naasiwa sa sinabi kong ‘nakahalikan’.
“It’s just an accident. Bumangga lang ang kamao ko at saktong tumama sa mukha niya,” palusot niya na ikinangiwi ko. Aksidente lang?
“Ba’t mo siya sinuntok?”
“Ba’t mo siya hinahalikan?” matigas niyang tanong at sinisikap nalang na pakalmahin ang sarili at h’wag sumabog.
“What’s wrong with that? Nasa akin naman ang pagpapasya kung sino ang hahalikan ko…”
“Is he your boyfriend?” he growled, almost losing your cool.
“Hindi,”
“Iyon naman pala,” mariin niyang sabi na akala mo ay may malaki akong kasalanan rito.
“May mali ba roon?” tanong ko
“Mali iyon sa paningin ko,” puno ng awtoridad niyang sabi na ikinakunot ng aking noo. May parte sa akin ang nasisiyahan sa hindi ko malamang kadahilanan pero may parte ring salungat sa isang kampo. Para silang nagdedebatehan sa loob dahil hindi magkasundo sa mga gusto nila.
“What’s wrong if i kiss someone? It’s just a friendly kiss…”
His eyes darkened as he glanced at me. Ang kanyang mga mata ay halata ang panghuhusga at hindi makapaniwala sa aking naging sagot. Na iyon na ata ang napakawalang kwenta niyang narinig.
“Friendly kiss… So you’re just being friendly.” pag-uulit niya sa aking sinabi pero may diin na ang bawat salita.
Tumango ako, “Have you forgotten, you’re the one who taught me.”
His jaw tightened. Mariin na ang tingin sa kalsada at mukhang hindi nagustuhan ang narinig sa akin. Iyon ang nagpatikom sa kanya kaya hindi narin ako sumagot at itinuon ang tingin sa labas ng bintana ng kotse. The street lights look fascinating. Parang isang alaala ang nagbalik sa aking nakaraan at nakikita ko sa aking isipan ang ganitong pangyayari. Sa kalangitang madilim ay siya ang kasama ko sa paglabas para makipagkita sa taong naging dahilan kung ba’t ako dumikit kay South.
Kung hindi ba nangyari iyong eskandalo, hanggang saan kaya kami dinala ng tadhana ni South? Masaya parin kaya ako? Oo ginago niya ako, niloko. Pero matatawag mo bang pagkakamali ang isang pangyayaring nagpasaya sa’yo ng husto? Itinadhana ba talagang makilala ko ito para imulat ako at bigyan ng leksyon sa buhay o may iba pang rason ang pagtatagpo naming dalawa?
Naging masaya naman ako at hindi ko alam kung dapat ba akong manghinayang dahil naudlot iyon o matuwa dahil maaga rin akong natuto.
Simula noong nagkita kami ni South ay hindi namin gaanong napag-uusapan ang nangyari noon. Ako rin naman kasi itong nililiko agad ang usapan dahil hindi narin naman iyon importante. Iyon ang iginigiit ko. Pero may parte rin sa akin na h’wag nalang iyong ungkatin pa dahil natatakot akong marinig ang magiging pahayag niya. Natatakot akong masaktan sa isang katotohanang pilit kong iniiwasan.
Pagdating namin roon sa Restaurant ay pinaghila niya pa ako ng upuan. Dumating naman ang waiter at kinuha ang aming mga order. Habang naghihintay sa pagkain ay itinuon ko ang aking atensyon sa baso ng tubig na nasa aking harapan at medyo naaasiwa sa kanyang malalim na paninitig. Sinuklay ko ang aking buhok paatras na ikinasabay ng kanyang tingin at ibinaba rin sa aking leeg. Wala nang tumatakip na iilang hibla ng aking buhok kaya bumalandra rin ang aking malalalim na collarbone lalo na’t nakaponytail lamang ang aking buhok.
“Akala ko ba pag-uusapan natin iyong tungkol sa magiging design ng aking building?” tanong ko sa kanya.
“Tell me your preferences about it,”
“Gusto ko munang magsimula sa maliit na kompanya at gusto kong ito ang maging main. Bale nasa mga sampong floors nalang muna dahil maliit lang naman siya na kompanya. Iyong gusto kong design ay inspired sa isang kompanya roon sa sikat na fashion designer sa ibang bansa pero gusto kong ibahin rin at iyon lang ang pagbasehan mo para may ediya ka…”
Tumango tango siya, “Just bring the photos tomorrow.”
Bukas? Magkikita ulit kami bukas?
“Pwede ko namang isend nalang sa messenger,”
“I don’t have any social medias since I’m a busy person,” pahayag niya na ikinanguso ko. Ibig sabihin ay magkikita ulit kami bukas…
“Sige, bukas nalang.”
Tumango siya at medyo lumiwanag ang mukha. Sandaling natuon ang aking atensyon sa paglalapag noong waiter sa aming pagkain. Ako lang itong namamangha sa mga nakikitang dishes maliban kay South na hindi matanggal tangal ang mga mata sa aking leeg. Ang dami niya naman atang tinitingnan sa aking katawan…
“I’ll show you the blueprints on Wednesday,” saad niya nang umalis na iyong waiter.
Natigil ako sa paggalaw noong pagkain at nagtataka na siyang tiningnan. Sa susunod na araw iyon ah? Hindi ba pwedeng bukas?
“Hindi pwedeng bukas?” tanong ko sa kanya na ikinailing niya.
“I am still working on it,”
Huh? Eh diba ilang araw narin ang lumipas simula noong sinabi niyang siya ang magdedesign noon? Pero sabagay, wala naman akong alam diyan.
“Edi magkikita pala tayo araw-araw…” makahulugan ko nang sabi.
“Yeah, since I’m your Architect and you’re my client. We need to discuss it everyday…”
“Pati weekends?”
“Pwede rin,” agaran niyang sagot. Napakaprofessional talaga ah…
“Hindi na iyon pwede,” pagtutol ko at nakipagsukatan sa kanyang mga mata.
“Gusto kitang araw-arawin eh,”
Napalunok ako ng laway at ramdam ang pisngi kong nang-iinit. Iyong proyekto parin ba ang tinutukoy niya dito o ibang bagay na?
Itinuon ko nalang ang aking atensyon sa pagkain. Hiniwa ko iyong steak at sumubo ng kaonti. Sinisikap kong igala ang aking tingin sa ibang bagay habang nag-iisip ng pwede pang itopic na related lang rin sa aming proyekto.
Kinuha ko ang table napkin at pinunasan ang aking labi.
“So, how much will my project cost?” tanong ko na sanhi para maging mabagal ang kanyang pagnguya. Alam ko namang milyon milyon ang magagastos ko at handa naman ako. Iyong Site ay si Lolo Rico pa mismo ang bumili noon noong nag 18th birthday ako dahil malaki ang tiwala niyang makakapagpatayo ako ng sarili kong clothing line. Malawak ang lupaing iyon at hindi rin nalalayo sa mga Malls. Madali lang iyong matunton at napapalibutan ng iba pang malalaking kompanya rito.
Pinanood ko siyang uminom ng tubig at ilapag iyon sa gilid. Sumandal siya sa kanyang upuan at inangat pa ang nakarolyong sleeves ng suot niya para mas lumantad ang maugat niyang braso.
“I’ll tell you the price after the project,”
“After? Eh paano na iyong gagastusin sa pagpapatayo?”
“Sagot ko na muna,”
Seryoso ba siya? Una, iyong designs ko ay binili niya. Pangawala, ito naman. Masyado naman ata siyang nagwawaldas ng pera…
“I can pay you. May pera akong nakalaan para sa proyektong ito,” giit ko pa.
“May pera rin ako,” umangat pa ang kanyang kilay habang ang akin ay nagkakasalubong na.
“Masyado ka naman atang nagwawaldas ng malaking pera eh pwede namang bayaran agad kita.” takang taka kong sabi.
Nagkibit lamang siya ng balikat at hindi nakaligtas sa akin ang kaonting ngisi na tumakas sa kanyang labi. Kahit hindi ko pa naririnig ang sabihin niya ay bigla nalang kumalabog ang aking dibdib. Masyado ata iyong naeexcite na ewan.
“Akala ko ba hindi kana magtataka kung gumastos ako ng ilang milyon para lang sa babae ko?” tanong niya sa malalim at malamig na boses.
Nanayo ang aking balahibo sa batok at hindi ko alam kung ba’t masyado akong naaapektuhan noon. I even stiffened on my seat. Sinabi ko nga iyon sa kanya noong nalaman kong siya ang nasa likod noong bidding pero si Frances ang tinutukoy kong babae niya. Pero si Frances rin ba ang tinutuloy niya o iba na?
44th Hooked
Selos
“Lolo Rico!” Mabilis kong iwinagayway ang aking kamay nang makita ko siya roon sa screen.
“How are you, apo? Iyong site… Napuntahan mo na ba?” tanong niya sa akin. Base sa kanyang background, mukhang nasa kanyang opisina siya. Maybe Lola is out? Mag-isa lang kasi ito sa screen.
“Pupunta po ako later sa site, Lolo…” Sinuklay suklay ko ang basang buhok. Kakatapos ko lang maligo nang tumawag ito at nakikipagvideo call. Minsan, pag tumatawag iyan ay gusto niya lang asarin si Daddy.
“Hmm, so you already have your Architect? I can send some professionals if you want, Nana.”
Ngumuso ako roon, “h’wag na po lolo. I already have one po…”
“Magaling ba iyan? Baka nagtitipid ka lang kaya kung sino sino nalang ang pinagkukuha mo diyan. Just tell me.”
Kung sasabihin kong si South, alam kong magbabackground research agad si Lolo. Hindi nababanggit sa kanila ni Daddy iyong nangyari sa akin noon dahil baka may gawin rin ito at mas lumala lang iyong alitan ng aming pamilya. Si Daddy nalang ang umasikaso noon at sinabing kaya ako nangibang bansa dahil mas maganda kung doon ako mag-aral sa kurso kong fashion designer.
“It’s just a small company lolo. Gusto ko pong magsimula sa maliit kaya siguro okay na iyong 10 floors?” Hindi sigurado kong sabi na ikinangiwi nito.
“Ten floors? Isn’t that too small Nana?”
“I research about it po at mukhang okay naman sa akin iyong building. At pag-uusapan rin po namin iyon ng Architect ko.”
“Bakit ba diyan ka nagtayo? Dito nalang sana. We can build a tall building. Hindi mo naman kailangang mag-umpisa sa maliit dahil marami tayong connections…”
I heaved a sigh, “lolo… Ikaw lang po. I am just starting lolo. Please…” Ikinurap kurap ko ang aking mga mata at ngumuso. Mabilis namang nakumbinsi ang ekspresyon nito kaya napangiti rin ako.
“Fine, I’ll just support you. What’s the name of your Architect?” seryoso niyang tanong na ikinasayaw agad ng aking mga mata dahil hindi na iyon makatingin sa kanya ng deritso. I don’t want my Daddy to worry dahil alam kong mababanggit niya talaga iyon!
“Kasama niyo po si Lola?” pag-iiba ko agad ng topic. His crimson face intimidates me. Halatang nangingilatis na at parang may binubuong sariling plano sa utak niya.
“She’s buying some groceries…”
“Hon!”
“Oh, there she is.” Mabilis ring lumihis ang tingin ni Lolo at mukhang may tinitingnan na sa harapan. The way he stares at her is fascinating. Sa ganyang edad nila, parang mas lumalaki lamang ang pagmamahal ni Lolo sa kanya.
Ilang sandali lang ay nakita ko narin si Lola na pinatakan ng halik si Lolo sa pisngi. Kapwa sila tumingin sa camera kaya humagikhik ako.
“Nana!”
“Hi po, Lola! I miss you!” Sumimangot ako na ikinasimangot rin nito.
“I miss you, too hija… How are you? Balita ko madalas na daw kayong magkasama ni Chain ah?” Tumaas ng sabay sabay ang kanyang mga kilay at nang-aasar na ang tingin.
Tumawa ako habang si Lolo naman ay nag-aangat lang ng kilay.
“Kayo na ba? Tell me para may pangbalita ako sa Daddy mo,” ngumisi pa ito sa akin. “I’ll make him jealous. Dapat ako muna ang unang makaalam.”
Sinapak ni Lola ng marahan ang kanyang balikat, “stop teasing my baby. Stress na nga iyon dadagdag ka pa.”
“When I was on his age, ganoon rin naman ako kastress sa kanila ah?”
“You’re not!”
Lolo just smirked. Umirap naman si Lola at ibinalik ulit sa akin ang tingin.
“Napanood ko iyong interview mo at naging topic namin ni Abbegail. I told her baka nagkakamabutihan na kayo ni Chain pero siya rin ay hindi naman sigurado lalo na’t wala kang pinangalanan. Who’s that guy, apo?”
Umawang na ang aking bibig para sana sumagot kaso naitikom ko rin dahil maski ako ay hindi ko naman alam kung sino iyon.
“You girls are really nosy. Nana, I’ll end this now.”
Tumango ako at tumawa dahil sa hitsura ni Lola na halatang gusto pang makipag-usap sa akin.
“Kailangan ko pang malaman kung sino iyon, Rico!”
“Quit it. Hayaan mo iyang apo mo total malaki na siya. Kayong mga babae lahat nalang talaga…”
Doon namatay ang call. Ang alam ko, noong mga bata pa si Daddy at si Tito Suga, hindi raw sila spoiled kay Lolo. Minsan ay namumulubi pa daw sila sa kanilang allowance dahil kailangan nilang ibudget iyon hanggang isang buwan. Kahit naman marami silang pera, ginigipit raw sila minsan ni Lolo at tinuturuan magtipid lalo na’t si Daddy raw itong napakagastador noon dahil marami raw babae. Iyon ang kwento sa akin ni Lolo. Si White nga hindi naman inispoil ni Tito Suga, doon niya ata namana ang pagpapalaki niya sa pinsan ko dahil ganoon rin siya pinalaki ni Lolo. Na dapat ay pagsikapan ang isang bagay kung gusto mo talaga ito.
Nag-ayos narin ako para sa pupuntahan kong interview. Hindi rin naman kasi natapos kahapon. At isa pa, magkikita rin ata kami ni South dahil ibibigay ko sa kanyang iyong pictures na gusto kong maging design ng magiging building ko.
Masyado bang maliit na kompanya ang ten floors? Ar ’tsaka clothing line lang rin naman… Pero akala ko nga medyo sapat na iyon eh… Si Lolo talaga.
Kakababa ko palang sa hagdanan ay bumungad na sa akin ang pinsan kong si White, magkasalubong ang kilay at mukhang may ikinakabahala. Sa kanyang imahe, halatang may lakad ito at mukhang pumunta lang dito.
“White?” I called him.
Awtomatiko itong napalingon sa akin. “Lolo Rico called me. Pinapatanong kung sino iyang nakuha mong Architect sa magiging desinyo ng building mo.” deritso niyang sabi na ikinakurap ko. Sinasabi ko na nga ba at curious siya…
“Just tell him na professional naman ang nakuha ko, White.” Nagtungo ako sa sofa at inayos ang laces noong pumps ko para mailock ko sa gilid.
“Sino ba kasi?” Nagdududa niyang sabi nang nagtungo siya sa akin at yumuko para ayusin iyon.
Tumuwid ako sa pagkakayuko at ngumuso. I almost forgot hindi nila gusto lahat si South. I’m sure pag nalaman nila, they’ll gone crazy. Masesermonan ako simula kay Kuya Grey at sa lahat ng natitira kong mga pinsan. Nasira na ang kanilang tiwala at sigurado akong mas sasabog lamang sila.
“Pero he agreed na susuportahan niya nalang ako. Gusto niya kasing magpadala rito ng Architect galing roon at gusto ko namang magsimula sa sarili ko. Please White, convince him nalang to let me…”
Ngumiwi siya at tumayo rin nang maaiguradong okay na ang aking pumps.
“Pag ikaw ang kausap niya, susuporta na agad iyon at hahayaan ka. Pero pag sa akin, gusto niyang ibigay ko lahat ng impormasyon para makapag-imbestiga siya. Ba’t hindi mo nalang tanggapin iyong alok ni Lolo para naman hindi kana mas mahirapan pa?”
Napalunok ako roon. Ang akala ko, pag pumayag ako sa gusto ni South ay wala na akong problema. Pero sa nangyayari ngayon, mas lalo ata akong nagigipit. Kung hindi ko rin naman gagawing Architect ko iyong lalakeng iyon, siya rin ang manggigipit sa akin. Gosh… this is really a pain in the ass…
“Kasi nga gusto kong tumayo sa sarili ko, di’ba? Si Lolo kasi gusto niya agad magsimula ako sa malaking kompanya. Pero ito palang ang first time ko kaya gusto kong magsimula sa umpisa talaga at iyong gamay ko lang. A big company for my clothing line is too much, White!” nafufustrate kong paliwanag. Hindi ko nalang binanggit ang tungkol kay South dahil baka siya rin mismo ang humadlang.
He bit his lowerlip and nodded, halatang ayaw nang pahabain ito. “Sige, sasabihin ko nalang na okay naman ang lahat at nmomonitor ka naman dito.”
Napangiti ako at tumayo. Niyakap ko siya at humagikhik. “Thank you…”
“The people around you are spoiling you too much…”
I don’t know if this is a good idea. Para na naman akong naglilihim sa kanila. Pero proyekto naman ang dahilan kaya kami nagkikita ni South at wala nang iba. After this project, balik na ulit sa normal. He’s professional so maybe I don’t really need to worry…
Nagsimula rin iyong interview. Si White na mismo ang naghatid sa akin roon saka rin umalis agad. Bakit ba kasi ayaw nilang magdrive nalang ako? Gusto nila palagi akong may chaperone o kung pwede ay may kasama akong CCTV para mamonitor lang nila ang bawat kilos ko. Siguro, kung nasa edad ako na 17 ay isa talaga sa mga pinsan ko ang kasama ko. Pero ngayon na 22 ako ay pahatid hatid nalang. Pero pag di agad ako nakakauwi ay namomroblema na silang lahat. Ang lala nila sa akin paano nalang kaya sa mga babae nila?
Katulad noong unang interview, lumitaw na naman si South. Naroon lang siya at nakamatyag sa aking kilos. Sa ginagawa niya, pinagpepyestahan na siya ng mga modelo at kalat na na may pinopormahan ito. Anong nangyari sa kanila ni Frances?
“Ang hot ni Architect…” pasulyap sulyap pa iyong inienterview ko kay South at ibinulong iyon sa kanyang sarili ang pamumuhi sa imahe nito. He’s wearing a plain white polo at nakarolyo ulit ang sleeves sa magkabilang braso pero hindi ko alam kung ba’t masyadong makarisma pag siya na ang nagsuot. He took his wayfarer off and hung it on the collar of his polo. Ang mga matang malatsokolate ang kulay ay agarang napunta sa akin. Ngumuso ako at nag-iwas ng tingin.
“Can you give ma a walk?” sabi ko sa modelong ayaw na atang magpadisturbo sa paninitig kay South. May kung anong umusbong sa aking loob at tumahimik nalang. Hinintay kong bumaling ito sa akin.
“Okay na po Miss Cana?” tanong niya at ngumiti pa.
“Yes, you can go now…” I smiled at her a bit.
“Po? Ayaw niyo pong makita ang lakad ko?”
Umiling ako, “I think you’re a busy person. Balik ka nalang ulit bukas dahil busy rin ako…” marahan kong sabi na ikinakurap niya.
“Next,” sabi ko kaya awtomatiko siyang iginiya noong staff paalis sa aking harapan. I’m getting rude, wow.
Binalingan ko sandali ang kinatatayuan ni South at nakita narin ang mga tatlong modelo na nasa kanyang harapan at mukhang may sinasabi na habang humahagikhik pa. Nagkasalubong ang aking kilay at pinulot ang mikroponong nasa aking gilid. Ayoko ring ako itong parang nanglilimos ng atensyon sa kanila at hindi nila maituon ang tingin sa akin dahil may mas pinagkakaabalahan silang ibang bagay.
“If you can’t give your full attention in this interview then you can leave. Ayokong magsayang ng oras…” I smiled at them pero masyado na iyong matabang saka ko ibinaba ang mikropono. Sa gilid ng aking mga mata ay ramdam ko na parang nagdidiwang ang ekspresyon nito at tila ay ikinakatuwa. Ba’t kaya siya nag Architect kung gusto niya naman pala ng maraming atensyon eh dapat artista nalang…
Hindi ko na magawang ngumiti sa interview at iniisa isa lahat sila ng mabilisan. Sa nangyayari, parang gusto ko nalang magpahinga at pahintuin na ito. Nahilot ko nalang ang aking noo dahil sa dugo kong parang umaakyat na.
Sa gitna ng aking interview, medyo nagulat ako sa imahe ng babaeng bumalandra sa aking harapan. Siya rin ata iyong naging rason para mas magtsismisan ang iilan na nakakita sa kanya.
“Kaya naman pala palaging nandito si Architect kasi isa rin si Frances sa mag-aapply…”
“Napakasupportive niya naman. Akala ko talaga nagkakalabuan na ang dalawa…”
“Mukhang si Frances ata ang tumatagal na nalilink sa kanya…”
Frances, in her blue clingy dress, smiled at me. Ang hawak niyang folder ang kumuha ng aking atensyon. Her bun hair exposed her collarbone while some of the strands of her hair were falling.
“Here,” inilapag niya iyon sa aking harapan. Sa kanyang kabilang braso ay nakasabit ang kumikinang niyang mamahaling bag.
Binuksan ko iyon. Imbes isang resume ang bumungad sa akin ay isa iyong sulat kamay niya ata.
Nagkasalubong ang aking kilay nang basahin ko iyon.
Stay away from him or else I’ll ruined your reputation.
Kahit cryptic message iyon ay alam ko kung ano ang tinutukoy niya. Nagseselos ba ito dahil nadatnan niya ako sa condo ni South?
Nag-angat akong muli ng tingin sa kanya na ngayon ay ngumiti na ng matamis pero halatang makahulugan na.
“This is just a warning. Baka sa susunod na bumalik ako, ipagkakalat ko rito mismo ang baho mo para malaman nila ang pagbabalat kayo mo.” sabi niya at ngumiti pa ng matamis.
Ngumiti lang rin ako. “Okay lang, edi mag-insultuhan tayo.” sagot ko dala narin ng dugo kong kanina pa umaakyat.
Iyon ang nagpabura ng kanyang matamis na ngiti. Sa tinagal tagal ko sa ibang bansa ay natuto akong ilugar ang mga ugaling wala sa lugar.
“Akala ko mabait ka, may ugali pala…” mahina niyang sabi.
“Sa ugali mo, ang hirap rin kasing maging mabait…” banayad kong sagot.
Iyon ang mas nagpawala ng liwanag sa kanyang mukha. Ngayon ay nahahalata ko na sa kanyang mga mata ang galit pero pinapanatili niya lang maging kalmado dahil alam kong iniingatan niya rin ang kanyang imahe.
“Layuan mo siya. Ako ang nauna at h’wag kang mang-aagaw.” may diin niyang sabi bago tumalikod at naglakad ng maayos.
Sumimangot ako at binalingan muli ang imahe ng lalakeng nasa kanyang kinatatayuan parin at wala atang balak sundan iyong babae niya. Nakakapagtaka tuloy kung ba’t tsinitsismis na si Frances ang habol nito eh hindi niya naman sinundan.
Noong matapos ang interview ay hindi narin mahitsura ang aking mukha. Hindi ko maiwasang sumimangot roon sa pinagsasabi ni Frances.
“Bad mood?” tanong ni South sa akin nang makalapit na ito ng tuluyan sa inuupuan ko. Ang kanyang pabango ay agarang nanuot sa aking ilong.
Kinuha ko iyong folder kung nasaan ang mga pictures saka ibinigay sa kanya.
“Di’ba iyan lang naman ang rason ng pagkikita natin ngayon?” tanong ko.
Tiningnan niya iyon at walang balak kunin sa akin.
“Para naman makaalis kana dahil kung ano ano na ang tsismis na naririnig ko at pati ang babae mo ay nagseselos na.” sabi ko at hindi na magawang ngumiti pa. Sobrang tabang na ng pagkakasabi ko at kulang nalang ay magkasalubong ang aking kilay.
“Halata ngang nagseselos…” makahulugan niyang sabi at nagawa pang ngumisi. At natutuwa pa talaga siya?
“Oo, napakaselosa,” pagalit kong sabi at mas napasimangot.
“Halata nga, pinagseselosan nga ata lahat ng babaeng tumitingin sa akin,” sabi niya at nakagat ang pang-ibabang labi.
Sumandal ako sa aking upuan at inilapag iyong folder saka ako humalukipkip sa aking silya. Siya naman itong itinukod ang mga kamay sa lamesa kaya medyo ang lapit niya na sa akin.
“Kunin mo na at umalis kana.”
“Let’s have some lunchㄧ
“Ayoko,” agaran kong pagtutol na ikinaangat ng kanyang kilay.
“Let’s have some lunch so we can discuss about the designs of your building… Ayaw mo?” may pang-uuyam niyang sabi.
Ang nakasimangot kong mukha ay hindi ko na matanggal tanggal. Nag-iwas nalang ako ng tingin. Nakakainis…
“Sige, mga isang oras lang,” tumayo ako at kinuha ang aking bag.
“Ang balak ko nga lang sana ay kalahating oras lang,”
“Edi kalahati,” padabog kong sabi na ikinahalakhak niya. What’s funny? Noon rin, sa tuwing sinusubukan kong magalit ay ganyan rin palagi ang kanyang reaksyon. Na mas matutuwa pa ito.
“Bakit ka ba pumupunta rito eh pwede namang magschedule tayo ng meeting nating dalawa?” nayayamot kong sabi at naunang maglakad lalo na’t hindi ko na makalma ang mga kilay na nagkakasalubong. Wala naman sana akong period pero bigla nalang nang-init ang aking ulo at nakakafustrate pa. Ang sarap bigla magsisisigaw.
Nauna ako sa parking lot at nilingon itong nasa aking likuran. Ang mga matang nakatingin sa aking beywang ay agaran rin namang umakyat at ipinatunog iyong alarm ng kanyang kotse.
Nauna ulit akong pumunta roon at binuksan ang front seat. Mabilis ko pang hinila ang seatbelt at humalukipkip rin nang makapasok na ito.
“Gusto lang kitang panoorin kaya ako pumupunta,” paliwanag niya sa naging pahayag ko kanina.
“Sana, kung pumupunta ka ay hindi ka nangunguha ng atensyon. Pero kinukuha mo lahat. Di makapagconcentrate iyong mga modelo at nasasayang ang oras ko,” nag-iwas ako ng tingin at itinuon sa labas ng bintana.
Natahimik siya ng ilang sigundo kaya nilingon ko ito. Nadatnan ko siyang nakaharap sa akin, malalim ang paninitig habang ang isang siko ay nakatukod sa kanyang upuan, ang kamao ay nakadikit sa gilid ng ulo, kagat kagat ang pang-ibabang labi at mukhang may ikinakatuwa. Ngumuso ako at sumimangot. Bakit ba ganyan siya?
“Balak ko pa sanang pumunta bukas…” saad niya.
“H’wag na,” agaran kong sabi at medyo tinigasan ang boses.
Tumango tango siya at nakita ko pa ang dulo ng dila niyang pinaglalaruan na ang kanyang pang-ibabang labi. Huminga ako ng malalim at nag-iwas muli ng tingin. May papunta punta pa sa interview ko ayan tuloy pinagkakaguluhan. Tapos nadadamay pa ang pag-iinterview ko… Nakakainis rin talaga itong si South. Halatang gusto lang magpasikat roon sa mga babae.
Hindi ko na isinatinig ang aking pinag-iisip at nanatili nalang tahimik. Sinisikap kong ibalik sa dati ang aking mga kilay pero para na iyong malabong mangyari.
Pagkarating namin sa isang Restaurant ay hindi ko man lang naigalaw ang aking pagkain. Nakailang baso na ako ng tubig at kahit anong inom ko ata ay hindi ko makuha iyong bumabara sa aking lalamunan.
“This is a good news for me,” saad niya bigla.
“Ang alin?” tanong ko naman.
“You… being so fustrated.”
Ako?
“Anong good news roon?”
Sumandal siya sa kanyang upuan at malalim na naman ang paninitig sa akin.
“I thought it’s just me…”
Hindi ko masyadong nakuha iyong sinasabi niya. Hindi ko naman gets kaya nag-iwas nalang ako ng tingin at sumandal narin sa aking upuan. Humalukipkip ako roon at malayo na ang tingin kasabay ng utak kong malayo narin ang nararating.
“Iyong babae ko… masyadong selosa,” pagpaparinig nito na ikinabalik ng aking tingin sa kanya. Halata pa sa mukha ang pagmamalaki at mukhang nagmamayabang. Hindi naman ako nagtatanong diyan sa babae niya.
Hindi ako sumagot. The smirk on his lips is the evident that he’s really having fun. Tuwang tuwa pala siya pag nagseselos si Frances. Kaya ba dinala niya ako sa condo niya para pagselosin rin ito? Ginagamit na naman ba ako ng lalakeng ito?
“Akala ko ba pag-uusapan natin iyang desinyo ko? Bakit iyang babae mo ang bukambibig mo?” Nasuklay ko ang aking buhok paatras at hindi na magawang bigyan ng galak ang aking pagsasalita. Masyado na iyong matabang at kulang nalang ay padabog ko ng sabihin.
Nakagat niya ang pang-ibabang labi at nabasa ang pang-ibabang labi. Humilig siya sa mesa at itinagilid ang kanyang ulo para makita lalo ang ekspresyon kong iniiwas ko sa kanya.
“They’re both important to me,”
Ang desinyo ko at ang babae niya?
May kung anong lubid ang humigpit sa aking tiyan at hindi ko na gusto ang naririnig ko sa kanya. Nakapaprofessional nga naman…
Tumayo ako at kinuha ang aking bag. Iyon ang nagpawala ng liwanag sa kanyang mukha at mabilis ring tumayo.
“Uuwi na ako. Doon mo nalang ipakita iyong blueprints sa site na pupuntahan natin sa susunod na linggo,” sabi ko sa kanya pero halatang wala roon ang buo niyang atensyon.
“Let’s eat first and I’ll drive you home,” seryoso niyang sabi at humarang na sa aking dadaanan. Naamoy ko pa ang kanyang pabango na sandaling nagpakalma sa akin.
“H’wag na,” banayad kong sabi at akmang pupunta sa ibang direksyon para makadaan pero humarang rin siya.
Kunot noo ko itong tiningala. “Padaanin mo ako, South.”
“I’m done with her,” mataman niyang sabi na ikinatigil ko sa kanyang harapan.
“Hindi naman ako nagtatanong diyan sa babae mo,”
“She’s not my girl,” ngayon ay naging strikto na ang mukha nito at hindi nagugustuhan ang pagpapangalan ko roon kay Frances.
“Edi ano? Fuck buddy?” I snapped.
Ang kilay niyang makapal ay nagkasalubong narin. Bumuntong siya ng hininga at nameywang sa aking harapan gamit ang dalawang kamay. His eyes darkened as he ran his finger through his hair. Ibinalik niya ulit sa kanyang gilid ang isang kamay at doon na tumitig sa akin ng malalim.
“I didn’t fuck anyone since the day you left…”
Namula ang aking mga pisngi at may parte sa akin ang ayaw maniwala.
“Bakit ka nag-eexplain?” may eyes shrinked as I look at him.
“Because it looks like you see me as a fuckboy.”
Nag-iwas ako ng tingin at ngumuso. Halata naman talaga… Sa tindig palang…
“Kalat rin naman na maraming nalilink sa’yo at puro modelo pa.” saad ko at hindi na alam kung ba’t masyado rin itong bigdeal sa akin. Na pag hindi ko ilalabas ang bigat sa aking dibdib ay sasabog talaga ako.
“Hindi purket tigang ako ng ilang taon, kahit sino sino nalang diyan ang ikakama ko.”
Hindi ko na nakayan ang narinig at mas namula na. Bakit ba kailangan ko pa iyang malaman? Wala naman akong pakialam diyan ah?
Noong wala na akong masabi ay lumiko ako at doon na sana dadaan sa gilid kaso mabilis rin siyang humarang kaya nabangga na talaga ako sa kanyang dibdib. I heard him cursed as he hold my arms to maintain my balance.
Sumimangot ako at tiningala ito. Sinamaan ko siya ng tingin kasabay ng nakaguso kong labi pero mukhang hindi naman siya natatakot dahil bumuntong lamang ito ng hininga.
“Get rid of that boy and I’ll fix this issue,” seryoso niyang sabi na ikinakurap ko na.
Who’s boy?
“Huh?”
“Hindi naman pwedeng ako lang itong namamatay sa kakaselos pero pag ikaw ang nagselos ay bibigay rin agad ako. Get rid of that boy, Nana.”
45th Hooked
Marka
Hindi ako nagseselos at wala naman akong pakialam diyan sa sexlife o kung ano mang relasyon na namamagitan sa kanila ng Frances Ardentes na iyon. At bakit niya naman idedeny eh iyong babae na nga itong nagsasabi na layuan ko ito. Ibig sabihin lang noon ay may namamagitan talaga sa kanila. Bakit naman ako maniniwala kay South eh simula pa noon ay sinungaling naman talaga iyan.
“H’wag mo ngang dinideny ang sa inyo noong Frances eh pumupunta pa nga sa condo mo,” sabi ko at hindi pinagtuunan iyong pinagsasabi niyang namamatay siya sa kakaselos.
Halata ang yumakap na fustration sa kanyang mukha. Kanina ko pa nahuhuli ang panga niyang umiigting at tila nahihirapan na.
Binaba niya ang kanyang mga kamay na nakahawak sa aking balikat at nahilot ang sintido sa aking harapan, ang isang kamay ay nasa beywang naman.
“Kung gusto mong makasiguro, ba’t di ka tumira sa condo ko?”
“Ba’t naman ako titira doon? Eh may tirahan naman ako,”
Mas lalo lang nagkasalubong ang kanyang kilay.
“Uuwi na talaga ako,” humalukipkip ako sa kanyang harapan at mas isinimangot ang aking mukha. Nagloosen ang kanyang balikat nang makita ang aking ekspresyon.
“I’ll drive you,” kalmado niyang sabi sa akin.
Hindi na ako nakipagtalo pa at tumango nalang. Halata rin naman kasing iiinsist niya ang bagay na ito.
Pagkapasok namin sa kotse niyang nakapark sa parking lot ay kapwa pa kami natigilan. Nakatitig lamang siya sa stirring wheel habang ako itong nasa labas ng bintana ang tingin kahit na puro naman kotse ang mga nakikita ko.
I heard him heaved a sigh. Sa sobrang lalim noon ay napalingon na ako sa kanya. Nadatnan ko pa itong nasuklay ang buhok habang kagat kagat ang pang-ibabang labi.
“Gusto mong pag-usapan?” panimula niya.
“Ang alin?”
“Noon,” nilingon niya ako na ikinalunok ko ng laway.
Umiling agad ako. “h’wag na. Sapat na iyong mga alam ko,” ngumiti ako ng tipid sa kanya.
“Bakit ba ayaw mong pag-usapan?” tanong niya sa kalmadong boses.
“Dahil ayoko lang. Tapos na ’yon…”
He swallowed and sighed again. Ang misteryosong mga mata ay namumungay na at hindi naikalma ang sarili sa pagkagat kagat ng kanyang labi.
“Naglihim lang ako pero hindi kita ginago,” pag-amin niya sa mukha niyang binalot agad ng dilim dahil sa pagiging seryoso.
“And about Arih…”
Parang may tumusok na karayom sa aking puso nang binanggit niya ang pangalang iyon. Mabilis agad akong umiling.
“H’wag na. Hindi naman ako interesadoㄧ
“She’s not my girlfriend,” putol niya na ikinaawang ng aking mga labi at hindi na nakapagsalita. H-Hindi sila?
“Pero sabi ni North…”
Nagkibit lang siya ng balikat at biglang nagbago ang ekspresyon nang mabanggit ko ang kapatid niya.
“Sapat na ang sinabi ko. Oo, nagkagusto ako sa kanya pero iba parin iyong minahal mo. Hindi mo pwedeng ikumpara ang dalawa dahil malayo ang agwat nila.”
I stiffened from my seat. Nawiwindang ako sa naririnig at hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon sa pag-amin niya. Gusto niya si Arih at hindi niya mahal. Dapat ba akong matuwa?
Hindi ko rin talaga alam kung ba’t natatakot akong balikan ang nakaraan. I am still hooked with the memories that I can’t even get rid of the pain I felt…
“I’m sorry,” he sighed heavily.
“Tapos na ’yon…”
“Ikaw lang naman ang gusto iyong matapos.”
Nagsukatan kami ng tingin sa isa’t isa. namungay ang aking mga mata at hindi alam kung bakit bigla nalang akong binalot ng lungkot. Gusto ko mang tapusin, igiit ko man sa sarili ko na tapos na iyon, may parte parin sa akin ang parang nakasabit sa bitag ng kahapon.
Nagloosen ang kanyang balikat at lumapit sa akin ng bahagya para hilain iyong seatbelt. Idinikit ko ang aking sarili sa upuan para hindi gaanong dumikit sa kanya.
“N-Namiss kita…” pag-amin ko sa maliit na boses na ikinatigil niya at nilingon ako. Nakagat ko ang pang-ibabang labi at yumuko, nahihiya sa biglaan kong pag-amin.
Hinawakan niya ang aking baba at itinulak iyon para makasalubong muli ang kanyang mga mata. Humataw ng mabilis ang aking puso nang magkatitigan kami at masyado nang malapit.
Dahan dahan, sa galaw niyang naninimbang ay lumapit siya sa akin na ikinatubo ng kaba sa aking loob. I felt the tip of his nose on my cheek as he slowly rub it. Ang kanyang hininga ay tumatama na roon na nagpapikit sa akin. My lips parted a bit when I felt his lips on the side of my lips. Sa mabagal na galaw ay unti unti iyong lumipat sa aking labi at marahang hinalikan iyon. It was a kiss of so much longing the way his lips stroke mine.
After I left the city, I never experience a slow and passionate kiss kiss anymore. Lahat iyon ay puro mararahas at agad kong inaatake. But a kiss like this… I suddenly remembered how my first kiss feels like.
Umawang ang aking bibig at hinayaan siyang gawin ang gusto niya. Ang isa niyang kamay ay nakatukod na sa aking gilid para hindi ako madaganan habang ang isa naman ay nasa aking pisngi na at humahaplos roon. He’s giving me a chaste kiss, without tongue involve, he kissed me with so much care…
Napahawak ako sa kanyang batok at humalik pabalik. My tummy feels weird when our lips moved in a familiar rhythm. Ang aking pag-iisip ay biglang naging blangko at tanging malinaw nalang ay ang halikang iyon. Parang may nagkakagulo na sa aking tiyan at kahit ang aking balahibo ay naninindig dahil sa iginagawad niyang pakiramdam sa akin. The feelings I felt were so foreign to me. Ngayon ko lang iyon naramdaman simula noong natuto na akong humalik.
He stop midway. Medyo nakukulangan pa ako noong umalis iyon roon at nalipat sa aking gilid para halikan iyong muli. Lumayo siya sa akin kaya dumilat ako at tinubuan na ng hiya. Para akong babaeng nanakawan ng unang halik sa inaasal ko at hindi ko maiwasang pamulahan. May kung ano sa kanyang halik na nagpawala ng aking iniisip at alalahanin.
Pinakiramdaman ko siya at tiningnan lang sa gilid ng aking mga mata habang binubuhay ang makina ng kotse. I feel so uneasy… Gusto ko biglang tumakbo palabas at magtatalon.
“So, we’re going to see each other next week?” He manuevered his car as he glanced outside. Ako naman ay nagkasalubong ang kilay.
“Next week? Akala ko ba ipapakita mo sa akin ang blueprints bukas?” tanong ko na ikinalingon niya sa akin pagkatapos makawala sa parking lot.
“Ang sabi mo, sa susunod na linggo nalang…” Umangat ang kanyang isang kilay sa akin. Doon ko naalala iyong pinagsasabi ko kanina kaya mabilis rin akong nag-iwas ng tingin. Ito na ba ang epekto ng halik na iyon? Mababaw lang naman sana pero parang pinang-iinitan na ako ng pisngi. I’ve done worst than that! Kailan pa ako tinubuan ng ganitong hiya?
“I-Iyon na nga,” nauutal kong sabi at itinuon ang tingin sa labas ng bintana. Mga malalaking building na ang aming nalalagpasan.
Hindi na siya nagsalita kaya pasimple ko siyang nilingon at nadatnan itong dinadaanan ng kanyang pang-itaas na ngipin ang pang-ibabang labi at paulit ulit na kinakagat sa mabagal na paraan. Parang dinadaan niya lang iyon ng haplos at malalim ang tingin sa kalsada. Noong nahuli niya akong nakatingin sa kanya ay mabilis rin akong nag-iwas ng tingin at kinabahan ng husto.
Pagkauwi ko, hindi na mabura bura ang ngiti sa aking labi. Pagkapasok ko sa aking kwarto ay bumagsak nalang ako sa kama at nahawakan ang labi habang nakatitig sa ceiling. Sa sobrang tamis ng halik na iyon, hanggang ngayon ay nalalasahan ko parin. I want to label that as a friendly kiss but I want to assume more… Na iba ang kahulugan noon at hindi lang basta basta simpleng halik.
“Anong ngiti iyan? Ba’t parang nakakatakot…” puna ni Ken nang madatnan niya ako rito sa sala at nakaupo sa sofa. Ang dalawa kong paa ay nakaapak roon habang nag e-sketch ako ng aking bagong mga designs. Bigla akong ginanahan…
“Huh?” Binalingan ko itong deri-deritso na ang lakad papuntang kusina.
“Iyang ngiti mo hindi ko gusto,” malakas niyang sabi para marinig ko siya roon.
“Hindi rin kita gusto!” pabiro kong sabi at natawa.
“Malamang, si White ang paborito mo!”
Narinig ko pa ang tunog ng kubyertos na padabog niya atang inilalagay sa isang plato.
Tumawa nalang ako at pinagtuunan ng pansin ang turso noong damit na ginuguhit ko. Sa aking hindi mapangalanan na saya, bigla akong nainspired gumawa ng wedding dress…
Ilang minuto lang ay tumabi na sa akin si Ken dala ang plato at bundok bundok na ang pagkain. Napakapatay gutom talaga nito.
“Ba’t ang saya saya mo ata? Dahil ba iyan doon kay Kadena?” tanong niya saka nasundan ng malaking subo noong pagkain.
“Masama bang maging masaya?” Sinimangutan ko siya.
“Oo masama. Nitong mga nakaraang araw masyado kang masaya at kami itong sobrang nakokonsumisyon. Tapos ngayon mahuhuli kitang pangiti ngiti… iba na iyan.”
Tumawa ako at nailing. “Paranoid!” Pinukpok ko sa kanyang ulo iyong hawak ko na lapis na ikinapikit ng isa niyang mata pero ngumisi lang rin.
“Di’ba tapos na ang fashion show mo?” tanong niya nang tingnan ang aking gawa.
Tumango ako, “for future purposes lang. Habang tinatayo ang aking kompanya, gusto kong mag-imbak ng maraming designs para pag natapos iyon ay marami rin akong natapos na damit.”
“Buti naman at may pakinabang na iyang paghinga mo sa mundo.” ngumisi pa siya sa akin at sumubo.
Nailing lang ako. Bakit ba ako ang paborito niyang asarin? Sabagay, tatlo lang naman kaming babae at iyong dalawa pa ay matataray kaya hindi niya nagagawang asarin dahil doble ang ibinabalik sa kanya.
Kinabukasan, sa pagsisimula noong interview ay hindi ko na muling nakita ang presensya ni South roon. Napapalingon ako bawat sigundo sa madalas niyang tayuan pero bigo rin akong mahanap ang kanyang imahe. Sabagay, ako rin naman ang may sabi na sa susunod na linggo nalang…
“Di’ba madalas si Architect rito?” narinig kong tanong noong isa sa katabi niyang modelo noong matapos na ang interview.
“Mukhang hindi pumunta dahil hindi narin pumunta si Frances,” sagot naman noong isa.
Gusto ko sanang makisali at sabihin na ako ang nagbawal pero para saan pa ba iyon… Isinawalang bahala ko nalang ang mga iyon at niligpit na ang gamit. May isang radio guesting pa ako mamaya kaya dapat iyon ang pagtuunan ko ng pansin.
Palabas na ako at naghahanap ng masasakyan na taxi nang may humintong pamilyar na kotse sa akin. Bumukas ang bintana at nakita ko ang imahe ni South sa loob. Umabante siya sa may front seat at binuksan iyong pinto.
“Hop in,”
Kunot noo akong napatitig sandali roon. Luminga linga ako at wala ring mahanap na taxi kaya wala akong nagawa kundi pumasok nalang.
Hinila ko ang seatbelt at ikinabit iyon sa gilid. Sinimulan niya namang paandarin ang kanyang kotse at nililingon ako paminsan minsan.
“May lakad ka?” tanong niya sa akin.
Tumango naman ako, “may guesting ako sa isang sikat na station…”
Tumango siya at mukhang alam na kung saan ako ihahatid dahil sa kanyang pagliko. Sumandal ako sa upuan at sinikap ikalma ang sarili lalo na’t pumapasok sa aking isipan iyong halikan namin sa loob ng kanyang kotse. Nakagat ko ang pang-ibabang labi at itinuon ang tingin sa labas ng bintana nang maramdaman kong pinapamulahan na ako ng pisngi. Bakit ba masyadong bigdeal Nana? That wasn’t your first time! Pero ewan ko ba, parang ang hirap kalimutan noong pakiramdam.
“Akala ko ba hindi kana pupunta at sa susunod na linggo na?” tanong ko at ipinatili ang tingin sa labas. Natatakot ako na baka makita niya sa aking mukha ang ebidensya na nasa aking mga pisngi parin.
“I don’t want you to miss me,” sabi niya sa baritonong boses na ikinakagat ko sa aking pang-ibabang labi at sinisikap na hindi sumabog. Parang ang hirap huminga bigla kahit hindi naman masyadong mahigpit iyong seatbelt na nakayakap sa akin.
“Hindi naman purket sinabi kong namiss kita ay mamimiss ulit kita…” marahan kong sagot.
“Namiss rin kita kaya pumunta ako.”
Huminga ako ng malalim at sinikap na magpigil ng nararamdaman kong sasabog na ata sa aking loob. Kalma…
“E-Eh ba’t hindi ka pumasok?” nilingon ko siya at umaktong kalmado.
“Masyadong selosa iyong babae ko. Ayaw akong pinagkakaguluhan ng ibang babae,” sagot niya sa akin na ikinanguso ko. Ang sabi niya, hindi si Frances ang babae niya… Kung ganoon…
“Papansin ka kasi,” hirit ko na ikinaangat ng isa niyang kilay at nilingon narin ako sandali.
“Sa kanya ako nagpapapansin kaso imbes ako ang pansinin, iyong mga babaeng pinagseselosan niya ang pinagtutuunan ng pansin.”
Kahit wala siyang banggitin na pangalan ay para ng pinulupot ang aking tiyan na kahit nakaupo naman ako, pakiramdam ko ay bigla akong nahulog sa isang malalim na bangin. Sinikap kong ngumuso para hindi tumakas ang ngiti sa aking labi.
“Papansin,” pabulong kong sabi at bumaba ang tingin sa suot niyang navy blue na polo. Ang ugat ay lumalabas pa sa kanyang braso dahil sa nakarolyong sleeves. Hindi na ito nagsalita pa pero mapapansin mo ang saya sa kanyang ekspresyon at tila naaaliw sa nangyayari habang pinaglalaruan ng dulo ng kanyang dila ang pang-ibaba nitong labi at kakagatin rin ito pagkatapos. Ang hirap hindi pansinin iyong mga mannerism niyang tila nang-aakit.
“I’ll wait you here,” sabi niya sa akin nang ihinto niya ang kotse sa isang parking lot.
Tumango ako at hinawi ang seatbelt sa aking katawan. Nagawa niya pang hilain ang suot kong clingy na dress na hanggang hita lamang at tube top ang itaas.
“Ang laking problema,” sabi niya saka lumipat ang kamay sa aking dibdib at iyon ang hinila paakyat. I almost faint when he accidentally touched the skin of my breast. Dahan dahan siyang nag-angat ng tingin sa akin at mukhang binabantayan ang aking ekspresyon kaya pasimple akong nag-iwas ng tingin at lumunok ng laway.
“Anong oras ba magsisimula ang interview mo?”
“M-Mga 3…”
Inangat niya ang isang kamay kung saan nakasuot ang rolex niyang relo at tiningnan iyon.
“There’s still 10 minutes left…” makahulugan niyang sabi saka muling binalingan ang aking dibdib at doon lang iniakyat ang mga mata patungo sa mga mata kong hindi ko na mapanatili sa iisang lugar.
“Dapat five minutes palang nandoon na ako bago magsimula…”
“Then you still have five minutes,” he said huskily.
Tumango ako at nilingon siya. His lips were parted a bit as he ran his fingers through his hair while staring at my neck. Umangat muli ang kanyang kamay at itinaas iyong tube ko.
“Isang hawi lang nito malalantad talaga ang dibdib mo,” nagbabanta niyang sabi na ikinalunok kong muli lalo na’t nararamdaman ko ang kamay niya roon.
“H-Hindi ah…”
His brow raised. “You sure?”
Tumango ako at tiningnan ang kamay niyang naroon parin.
“Then what do you call this one?” Hinila niya iyon pababa na ikinagulat ko dahil kahit iyong cup noong aking bra ay sumama na. I was about to say something when he leaned closer and crushed his lips into mine.
I gasped when I felt his hand cupped my boob. “Mas matatakpan pa ng kamay ko iyang dibdib mo kaysa diyan sa suot mo,” bulong niya sa aking labi at inatake na ako ng nakakapugto ng hininga niyang halik.
My eyes shut harshly when his hand molded it. Ang plano kong humalik pabalik ay hindi ko na magawa dahil nakaawang na iyon at sinasamantala niya ang pagkakataon para makapasok ng tuluyan ang kanyang mapangahas na dila.
Itinukod niya sa bintana sa aking gilid ang isa niyang kamay habang ang isang tuhod ay nakatukod narin sa gilid ng aking hita. Para na siyang nakaluhod sa aking harapan habang amg magkakadikit kong mga hita ay nasa kanyang gitna. Ako na ang tumingala para hindi siya mahirapang yumuko dahil sa walang tigil niyang paghalik sa akin.
“You’re giving so much headache these past few days to me….” matigas niyang sabi at pinisil pisil ang naninigas kong nipples. My back arched a bit as I moaned softly. His kisses travel to my jaw down to my neck and settled on my breast. I felt his hot breath on my skin as he nibbled it, leaving a mark. Hindi iyon nagtapos roon at gumala pa ang kanyang labi sa aking balikat hanggang sa hinawakan niya ang aking braso at doon ako muling nilagyan ng marka. A soft moan escaped my mouth everytime he’s sucking every part of my skin.
Akala ko ay titigil na siya roon pero nang mas lumuhod ito sa aking harapan at hinawi paakyat ang dulo ng aking dress ay nanlalaki na ang aking mga mata.
Naramdaman ko ang kanyang ngipin na marahang kumakagat roon at sisipsipin kalaunan. Masyado iyong nakakakiliti at nakakainit ng katawan. Noong umalis siya sa bahaging iyon ay doon ko nakita ang pulang markang iniwan niya sa aking hita na meron rin sa aking dibdib at braso . Tiningnan niya pa ang suot na relo at nakontento.
“Five minutes is up,” kalmado niyang sabi sa namumula niyang labi saka ako binalingan. “Hindi na ako mag-aalala na masyado kang nakikitaan ng balat dahil alam kong itatago mo iyan ng maayos kung hindi ay malalantad sa camera iyang mga marka mo,”
Nanlalaki na ang aking mga mata nang makita ko ang maraming pulang pantal sa bawat bahagi ng aking katawan kung saan niya napiling markahan.
“Paano ako lalabas ng ganito?” nababahala kong sabi sa kanya. Kahit iangat ko man ang aking dress sa may dibdib at hilain iyong sa may hita ko ay hindi parin matatakpan ang nasa braso ko.
May kinuha siyang coat sa likod sa backseat at inilahad iyon sa akin.
“You have no choice…”
Nanlalaki ang aking mga mata. Hindi ako makapaniwalang pumasok ang ganito sa kanyang isipan dahil lamang naiirita siya sa maiksi kong suot.
Kinuha ko iyon at nagmamadali ng lumabas. Hanggang balakang ko iyong coat niya at medyo bumagay naman sa aking suot na kulay cream na dress. Iyon nga lang ay masyado na akong balot na balot. Wala rin akong choice kung hindi ay mahahagip talaga ng camera iyong mga pula kong pantal at pagpyestahan nalang ako bigla sa social media.
Habang iniinterview ako ay sinisigurado ko talagang ibaba iyong sa may parteng hita ko at hilain pataas iyomg tube ko. Hanggang ngayon ay hindi parin mawala wala ang pakiramdam noong ginawa sa akin ni South at para akong tatakasan ng bait ano mang oras. Masyado nga talaga siyang marahas…
“Salamat at pinaunlakan mo ang imbitasyon namin, Miss Cana…” Kinamayan ako noong lalake na DJ noong mismong estasyon at isa rin sa nag-interview sa akin kanina.
“Walang anuman,” ngumiti ako ng matamis.
Isa isa silang nagpapicture sa akin habang hawak ko iyong ibinigay nilang isang bouquet ng bulaklak. Habang paalis na ako ay napansin ko pa iyong pagsisikuhan ng dalawang lalake. Hindi ko nalang iyon pinagtuunan ng pansin at nagmadali ng maglakad papunta sa parking lot. Masyado akong excited pumunta roon dahil alam kong naghihintay siya sa akin.
Nangangalahati na ako roon nang mau tumawag sa aking likuran. Huminto ako saglit at nilingon ang lalakeng naghalf jog para maabutan ako.
“Yes?” tanong ko.
Nahipo niya ang kanyang batok at hindi makatingin ng deritso sa aking mga mata.
“Ah, ako iyong manager ng estasyon. Baka bukas, gusto mo ulit magguesting para mas maikalat natin ang clothing line mo…”
Maganda iyong balita sa akin at napatango na agad. Kaso, noong napansin kong ngumisi siya at tumitig sa aking dibdib ay parang hindi na ata maganda ang susunod niyang sasabihin.
“Pero syempre, sa isang kondisyon. Kung may oras ka ngayon… pwede tayong lumabas. At sinisigurado ko sayo, kalat na kalat na bukas ang pagpopromote mo ng iyong clothing line dito sa Pilipinas..” makahulugan niyang sabi at ngumingiti na ng kakaiba.
Aware ako na may mga ganitong tao talaga dahil noong nasa Canada ako ay may mga offer rin na katulad ng ganitong istilo. Kaya rin hindi ko nagawang pumasok sa malalaking kompanya roon dahil iba ang gustong kapalit. Puro nalang ako guesting sa mga tanyag na fashion show at hindi na pumasok sa mabibigat na kompanyang may malalaki ng pangalan sa industriya.
Bago pa man ako makapagsalita ay may imahe na akong naramdaman sa aking gilid. Hindi ko alam kung aksidente lang ba iyong pagkakahila ni South sa coat na nakapatong sa aking balikat o sinadya niya talaga iyong hilain sanhi para malaglag iyon at malantad sa harapan noong lalake ang mga pantal na kanina ko pa sinisikap itago.
Pinulot iyon ni South at ipinatong muli sa akin. “Itago mo ang mga marka ko baka makita,” sabi niya sa akin at hinila pa ang tube ko.
Yumakap ang pagkagulat sa mukha noong lalake na sa pagkakaestima ko ay nasa mga 25 na ata ang edad. Iginapang ni South ang kanyang kamay sa aking beywang at isiniksik ako sa kanyang gilid.
“M-May relasyon kayo? Eh diba iyong lalakeng nagngangalang Chain ang madalas mong kasama?” tanong nito at mukhang may ibang pinupunto na.
Alam kong nalilink sa akin si Chain lalo na’t hindi ko rin iyon nililinaw. Sa aking kasikatan, bawat detalye ng aking buhay ay gusto ata nilang ipagkalat sa buong mundo.
“Pwede mo itong ipagkalat dahil malaking scoop ito sa inyo.” sabi pa ni South na agaran ring ikinadilim ng kanyang mga matang hindi mo na makitaan ng kung ano. “Pero pwede ko ring ipagkalat lahat ng narinig ko kanina tungkol doon sa offer mo at hindi malabong maipasara iyang estasyon niyo dahil sa pagiging manyakis mo. H’wag ang babae ko.” deklara niya sa matigas at puno ng awtoridad niyang malalim na boses na ikinaatras agad noong lalake.
Namutla siya at nabura iyong pagiging interesado sa aming dalawa. Halata ang takot roon dahil sa binitiwang salita ni South saka niya ako tuluyang hinila paalis sa harapan nito na kahit ako ay gulat na gulat narin sa nangyari. Nagawa niyang bantaan ang Manager noong sikat na estasyon! Wala ba talaga siyang kinakatakutan?!
46th Hooked
Araw-araw
Naging busy rin naman ako sa iba pang sumunod na araw dahil sa mga guesting ko at mga interviews. Hindi ko naman magawang tanggihan lalo na’t nagsisimula narin akong itayo ang sarili kong building para maging aware rin ang lahat roon. Iyong nangyari sa isang estasyon ay naging tikom ang bibig dahil narin sa pagbabanta ni South roon sa Manager.
Nakakapaso ang pagtama ng init sa aking balat nang makalabas ako sa kotse. Ang malawak na lupaing ibinigay sa akin ni Lolo Rico ang bumalandra sa aking harapan pagkalabas ko. May maliit na rest house sa hindi kalayuan at gawa sa narra tree. Para iyong modernong bahay kubo dahil sa ganda nito.
“Doon tayo,” hinawakan ni South ang aking siko para kunin ang aking atensyon. Tumango ako at naglakad patungo roon.
Binisita naming dalawa ang site ng pagtatayuan noong building para maestima niya rin ang gagawin niyang desinyo at kung gaano lang ito kalaki. Malawak naman ang lupain at sapat lang iyon sa naisip kong building.
Pumasok kami sa veranda noon. Ang sahig nito ay gawa sa makintab na kahoy na kahit iyong railings ay ganoon rin. Wala iyong pinto sa loob at halatang ginawa lang talaga para may masilongan sa mainit na panahon lalo na’t masyadong malawak ang lupaing hindi pa natatayuan ng kung ano.
Nagtungo si South roon sa malaking mesa at doon inilapag ang kanyang blueprints. Lumapit ako sa kanya at sinilip narin iyon. Ipinaliwanag niya naman ang interior design. Ang kanyang pinagbasehan narin ay iyong ibinigay kong pictures at sobrang namangha ako sa sketches niya. Kahit hindi pa naman iyon nakukulayan ay naiimagine ko na agad iyong kabuuan ng loob.
“Are you fine with the design of your lobby?” Ipinakita niya sa akin iyong isa niyang sketch na agad kong ikinatango. Masyado naman atang maganda!
“Sobra!” namamangha kong sabi at hindi na maalis ang tingin roon.
He smirked cockily. Kinuha ko pa iyong iba niyang sketches na mas ikinalaki ng aking mga mata dahil sobrang linis ng kanyang pagkakadesinyo ng bawat detalye noong floor.
Ipinaliwanag niya rin sa akin iyong concrete materials na magagamit na ikinakontento ko naman. Hindi ko siya magawang pagdudahan sa kanyang kapasidad bilang Architect dahil maski ako ay namamangha na. Kaya pala napaka indemand niya dahil halatang malinis at mabusisi ang kanyang designs.
“I’ll send some men on the site tomorrow to start the construction,” saad niya na ikinatango ko.
Palagi na kaming magkasama ni South at araw araw ata ay naroon na kami sa resthouse noong site dahil gusto ko ring makita iyong pagbuo nila ng building. Pwede naman sanang bisitahin ko nalang tuwing weekends pero ang sabi rin ni South ay mas maganda kung matutukan ko rin ng pansin kaya pumayag narin ako.
Sa sumunod na araw ay maaga ulit kami sa site. Nagkalat na roon sa paligid ang mga matetyales ng itatayong gusali at ang mga tauhan ni South. They’re wearing some yellow long sleeve uniforms together with their yellow safety helmets. Tiningnan ko iyong malaking kulay dilaw na bulldozers, dump trucks, cranes at ano ano pang nakikita sa isang construction site na nagdadala ng mga heavy equipments na hindi na kaya noong mga tauhan.
“Good morning Ma’am!” bati noong iilang tauhan na may malalapad na ngiti sa akin at kumapay pa.
“Good morning!” Nginitian ko sila isa isa at marahang lumapit roon.
“Okay lang ba kayo? Hindi ba iyan mabibigat?” Pinagtuturo ko iyong mga malalaking equipments sa gilid.
“Mabigat po Ma’am pero may mga vehicles naman,” saad noong isa na ikinatango ko.
“Ang ganda niyo naman po Ma’am. At mukhang hindi kayo maarte…”
“Bakit naman ako magiging maarte? H’wag kayong mahiya sa akin okay?”
Nag-apiran sila at tuwang tuwang nagsitanguan. Isa isa pa silang lumapit sa akin at nakipagkamayan na ikinahalakhak ko dahil may iilan na iniwan pa ang kanilang ginagawa at nagpupunas ng mga kamay sa kanilang suot saka rin maglalahad ng tingin sa akin.
“Ang lambot ng kamay niyo Ma’am! Cesar po!” Ngiting ngiti sa akin iyong sumunod na lalake.
“Salamat, Cesar!” Nahawakan ko ang pang-ibabang labi at natawa lalo na’t itinulak na siya noong isa paalis sa aking harapan.
“Ma’am, Johnny po! Single at walang sabit! Kaya ko po kayong buhayin at magsisikap ako!ㄧ
“Ma’am h’wag kang paloko diyan! May tatlo na iyang nabuntis kaya nagcoconstruction nalang para tustusan ang mga babae niya!” hirit naman noong isa na ikinahalakhak ko.
“H’wag mo ngang dinadamay si Ma’am sa pagiging manyakis mo, Johnny!” Itinulak niya iyong nagngangalang Johnny at agad ring kinuha ang aking kamay para yugyugin iyon sa kanyang pagpapakilala.
“Ma’am, ako si Bravo. Ang ganda ganda niyo ho at napakabango…”
“Ma’am! H’wag kang papaloko riyan eh parehas rin iyan ni Johnny na gago!” sigaw pa noong isa na ikinahalakhak naming lahat.
Nagkakagulo na sila sa aking harapan at nakakalimutan na ang trabaho. Doon lamang sila natigil noong malipat ang tingin kay South na kakalabas lamang sa resthouse, ang mga mata ay narito agad at mukhang kakatapos lang sa pakikipag-usap noong isa pang Engineer.
“Ang samang makatingin ni Boss rito,” narinig kong bulong noong isa sa kanila.
“Ma’am, boyfriend niyo po ba si Boss?” tanong ng isa sa akin na agad kong ikinailing.
“Hindi. Kliyente niya lang ako,” ngumiti ako ng matamis sa kanila at nagawa pang magtinginan sa isa’t isa.
“Uy si Boss, naglalakad na patungo rito,” iyong isa ay nauuna nang nagtungo sa iniwan niyang trabaho at ang iba ay nagsibalik narin.
“Hindi pa oras ng pahinga ah?” Ang baritonong boses ni South sa aking likuran ang nagpabilis ng kanilang mga kilos at isa isang nahawi sa aking harapan. Nang nilingon ko ito ay nakapameywang na siya at seryosong seryoso ang mukha. Tiningala ko ito na ikinayuko niya rin sa akin, ang kilay ay agarang umangat.
“Why are you here?” tanong niya sa akin.
“Nakikipag-usap ako sa kanila,” sagot ko.
“They’re working,” sagot niya sa boses na malalim saka binasa ang pang-ibabang labi. “You’re going to disturb them if you stay here,” matigas na ang boses na iyon.
Ngumuso ako at binalingan ang iilan na hindi na makatingin ng deritso sa amin rito at itinuon nalang ang buong atensyon sa ginagawa.
“I want to watch them,” sabi ko na ipinagsalubong ng kanyang kilay.
“Pwede mo silang panoorin roon sa veranda. At isa pa, masyadong delikado kung nandito ka. And you’re not even wearing any safety helmets.” pagalit na ang pagkakabitaw niya noong bawat salita na ikinanguso ko.
Binalingan ko ang iilan na napalingon sa akin at kinawayan sila.
“Sige, mamayang lunch time nalang tayo magkwentuhan!”
Nagsingisihan ang iilan at tuwang tuwa pero nang mapadpad ang mga mata sa aking likod ay namutla rin at nagsiiwasan ng tingin. Noong tiningala kong muli sa likuran ko si South ay nadatnan ko itong kadilim ang mukha at nagbabanta na ang tingin sa kanyang mga tauhan.
“Pumasok ka sa Resthouse,” utos niya sa akin na ikinahalakhak ko.
“Ang sungit mo naman Architect,” tinapik ko ang kanyang balikat at umiling iling. “Sige ka, magkakawhite hair ka niyan…” I said softly and giggled afterwards.
South breathe heavily as I walked towards the Resthouse. Noong nilingon ko siya ay mariin na ang kanyang tingin sa akin at nagawa pang hilutin ang sintido. Humagikhik akong muli at pumasok nalang sa Resthouse.
Maingay ang site dahil sa mga tunog noong gamit nilang equipments. Minsan, pag lumalapit ako roon ay sinisigurado ko ng nakasuot ako ng safety helmets at nakikipag-usap sa iilan. Palagi akong nagtatanong tungkol roon sa kanilang ginagamit at kung para saan iyon pero palagi ring nauudlot ang pakikipag-usap ko dahil sa pagsulpot ni South.
“Just stay in the Resthouse for pete’s sake, Cana Aleyna.” For the nth time, his voice thundered at my back. Halata ang takot na yumakap roon sa kinakausap kong tauhan niya at mabilisang lumayo sa aming dalawa.
“Nakikipag-usap lang naman ako. Nababagot ako roon sa loob ng Resthouse at nacucurious ako sa mga ginagawa nila,” katwiran ko sa kanya na hindi man lang ikinakalma ng kanyang nagkakasalubong na kilay.
“Then ask me. Alam ko lahat ng nangyayari rito,” saad niya.
“Ang init na naman ng ulo mo, Architect…” malambing kong sabi at hinawakan ang kanyang balikat. “Bahala ka… tatanda kana talaga ng maaga,” ngumisi ako ng matamis dahil sa pang-aasar ko sa kanya.
Umiling siya at isang mahabang buntong na hininga ang napakawalan. Naglakad agad ako paalis sa kanyang harapan para hindi niya masermonan at natatawang lumayo. Kaedad lang naman sana kami pero ang seryo-seryoso.
Noong lunch na ay napuno ng tawanan iyong veranda ng Resthouse kung saan kumakain ang iilang tauhan. May malaki roong mesa at doon inilapag ang mga pagkain na pinaghalo halo nila sa nakalagay na dahon noong saging. Lahat sila at nagkakamay lang at nagkakatuwaan dahil sa naging topic nila.
“Lagot ka talaga kay Boss, Johnny!” Halakhak noong si Bravo at mukhang si Johnny ang pulutan ng kanilang kwento.
Lumabas ako na mas ikinalakas ng kanilang kantyawan sa kaibigan.
“Ma’am si Johnny crush ka ho! Pwede raw bang manligaw!” pabirong tumawa iyong nagtuturo kay Johnny at pumapaibabaw ang malutong na halakhak sa iilan.
“H-Hoy hindi ko iyon sinabi!” nahihiyang awat naman ni Johnny at pinaghahawi ang mga kamay ng kasama niyang tinuturo siya.
“Lagot ka talaga! Malilibing ka talaga ng buhay ni Boss gamit iyong Bulldozer!”
“Ikaw talaga ang masesemento, Johnny!”
“Baka mabawasan sahod mo paano nalang iyong mga babae mo!”
Malulutong na ang kanilang mga tawa na kahit ako ay nahahawa narin. Lumapit pa ako lalo para makapwesto sa mismong harapan noong malaking lamesa kaso isa isa rin naman silang umatras na akala mo ay may nakakahawa akong sakit. Nakamot ni Johnny ang kanyang batok at nahihiya ring lumayo sa akin.
Itinaas ko ang sleeve ng suot ko, “pwedeng makisalo?” tanong ko sa kanila na ikinalaki ng kanilang mga mata.
“S-Sigurado po kayo Ma’am Cana?” tanong noong medyo matanda na sa kanila at nasa 30 na ata ang edad.
Tumango ako, “Oo naman. Kinakain niyo nga kaya pwede rin sa akin,”
“Hindi ba magagalit si Boss?” bulong noong isa.
“Hindi ko nga alam eh. Baka mamaya tayo na naman ang masermonan…” sagot pa noong isa na hindi nakaligtas sa aking pandinig.
Ilang sandali lamang ay lumabas narin si South galing sa loob at dala na iyong susi ng kanyang kotse. Mukhang tapos na ito sa inaasikaso niya kaya nandito narin.
“Sabay na tayo sa kanila, South.” pang-iimbita ko sa kanya para makisalo narin pero sa kanyang ekspresyon ay mukhang wala itong balak sa gusto kong mangyari.
“Let’s just eat somewhere… May malapit na Restaurant dito,”
“Pero malayo iyon… May pagkain na dito oh,” Itinuro ko pa ang mga nakahelerang pagkain na mukhang masasarap pa. “Marunong akong magkamay at kumakain ako ng ganito.”
Imbes pakinggan ako ay hinila niya nalang ako paalis roon sa harapan ng kanyang mga tauhan at dinala na ako sa kinaroroonan ng kanyang kotse. Siya mismo ang nagbukas noong front seat kaya wala rin akong nagawa kundi sumunod nalang.
“Napapansin ko hindi ka masyadong friendly sa mga tauhan mo. Ang strikto mo naman…” panimula ko sa kanya.
Hindi siya sumagot at humigpit lang ang pagkakahawak roon sa manibela. Halatang malalim ang iniisip habang nakatingin ng mariin sa kalsada at mukhang may pinoproblema na naman.
Hindi siya sumagot kaya ngumuso nalang ako at nag-iwas ng tingin. Lately, napakainit ng ulo niya at nadadamay pa ako.
“Nakakaselos,” sambit niya na hindi nakaligtas sa aking pandinig.
“Nagseselos ka? Sa mga tauhan mo?” tanong ko.
Dahan dahan siyang tumango at kagat na ang pang-ibabang labi.
“You’re just too friendly…” his jaw tightened as he ran his fingers through his hair. “Fuck it,” pabulong niyang mura na nakaabot parin sa akin..
“Ikaw nga… Friendly ka rin naman sa mga modelo ah?”
“Kaya mo rin ako pinapaselos dahil lang sa napupulot mong balita tungkol sa akin?” pambibintang niya at nanliit ang mga mata nang binalingan ako.
“Pinapaselos ba kita? Kinakausap ko lang naman sila dahil sila ang naghihirap noong Building ko,” paliwanag ko na ikinadilim lang ng kanyang ekspresyon.
“I am the Architect. Ako parin ang naghihirap ng building mo,” matigas niya ng sabi at nagawa pang kalasin ang isang ibotones noong polo niya nang pumakawala siya ng malalim na hininga.
“Okay po, Daddy…” pang-aasar ko dahil sa noo niyang may linya na naman. Humalakhak ako nang mapansin ko ang nagbabanta niyang tingin at naaasar na naman sa akin.
Sa nagdaang araw na pananatili ko roon sa Site ay doon narin ako gumagawa ng designs ko sa aking mga damit para lang may mapagkaabalahan. Minsan kasi ay umiinit lang ang ulo ni South pag gumagala ako roon sa Site at nakikipag-usap sa mga tauhan niya kaya nanatili nalang muna ako sa loob para matigil na iyang pakikipagkompetensya niya sa mainit na araw.
Nakaupo lamang ako sa silya at nakaangat ang mga binti roon, dikit na dikit sa akin habang nakayuko sa may mesa. Gamit ang lapis, maigi kong iginuhit ang bawat detalye ng naisip kong design.
Naramdaman ko ang presensya ni South sa aking likuran lalo na’t itinukod niya sa aking gilid iyong isang kamay habang ang isa naman ay dinampot iyong iilan kong designs na natapos ko na.
“Nipis rin ba ang mga tela nito?” tanong niya nang mag-angat ako ng tingin. Nagkakasalubong pa ang kanyang kilay.
Tumango ako, “mas comportable iyong ganoong tela at mas magaan. Mga pang summer rin naman iyan kaya ganyan…”
“Yeah, it looks accessible…” makahulugan niyang sabi na ikinakunot ng aking noo. Iba na ata iyang iniisip niya sa mga designs ko.
Umalis siya sa aking likuran at umupo sa lamesa. Nasa aking gilid lang siya at pinagmamasdan ang gawa ko. Nakayuko ito at nakatukod ang mga siko sa magkabilang hita habang nakasalikop ang mga darili sa isa’t isa.
“Iyong mga binili mong damit ko, ibinigay mo kay Frances?” tanong ko nang maalala iyon. Ang sabi niya naman ay hindi sila. Ewan ko ba kung maniniwala ako. But it doesn’t matter anyway…
“It’s in my wardrobe,”
N-Nakahalo sa mga damit niya?
“Huh? Bakit naroon?”
“For future purposes,”
“Gagamitin mo sa future?” Pagbibiro ko at natawa ng bahagya.
He just shrugged and pushed hisself backwards. Ang mga kamay ay nakatukod na sa likod at nakaslant na ang katawan. Ang hilig niya talaga sa kanyang posisyon… Parang naghihintay siyang may kumandong sa kanya o ano.
Nagring ang aking cellphone kaya kapwa napunta ang tingin namin roon. Bumalandra agad ang pangalan ni Chain at ang picture naming dalawa na kapwa nakalabas ang dila habang hawak ang isang plastic na pulang cup at medyo basa dahil sa isang rave party. Dahan dahan kong nilingon si South na naging madilim agad ang mga mata. Para siyang nakatitig sa isang sinag ng araw at hindi niya matagalan iyon.
Kinuha ko iyon at sinagot. Nalipat naman ang tingin ni South sa akin. Ngumiti ako ng pilit at tumayo kaso hindi palang ako nakakahakbang paalis ay nahuli na ako ng binti ni South at mabilis na ikinulong sa kanyang gitna. His legs tightened as he wrapped it around my hips.
“Hello, Cana? Nasa site ka ba? Can I come over?” tanong nito.
Lumunok ako at masyadong nababahala sa aking posisyon. Na pag umahon sa pagkakatukod si South at umayos ng upo ay makakalebel ko lalo ang kanyang mukha.
“H-Huh… Oo, p-pero h’wag kanang pumunta kasi mabilis lang rin naman ako dito…”
“You sure?”
I felt his legs tightened even more. Mas natulak ako sa kanyang gitna na kulang nalang ay ikalupasay ko. Kung hindi lang masyadong mahigpit ang pagkakaipit ko ay baka sumalampak na ako ngayon sa sahig.
“Y-Yes, Chain…”
South’s brow raised as his face darkened. Sa sobrang seryoso niya, hindi ko na matukoy kung galit ba ito at naghahamon na ng kung ano ang mga mata.
“How about tonight? Are you free? Dinner?” alok niya.
“Mamayang gabi?”
Umahon si South at tumuwid sa pagkakaupo. Kinabahan agad ako nang ilang pulagada nalang ang agwat naming dalawa. Nakapangalumbaba ito ng kaonti para mas makalebel ako. Nagbabanta na ang kanyang tingin at depende iyon sa isasagot ko.
“Uh… susubukan ko lang pag ano… n-natapos iyong designs ko…”
“Okay. Take care, Cana…”
“Sige Chain…”
Nairita ang kanyang mukha nang banggitin ko ang pangalan na kahit pinatay ko na iyong tawag ay hindi parin ito kumakalma.
“P-Palabasin mo nga ako…” Itinulak ko ang kanyang dibdib at nagbabakasakaling makawala sa pagkakakulong sa kanyang mga binti kaso parang imposible iyon.
Nilingon ko ang labas at nag-aalala na baka may pumasok na mga tauhan niya at makita kaming ganito pero mukhang busy silang lahat sa ginagawa. Ewan ko ba kung ba’t pagdating kay South ay nagiging dalagang Pilipina ako at nagiging mahinhin ng husto. Minsan ay bumabalik pa itong pagiging ignorante ko pag siya na ang kaharap.
“How close are you with each other?” tanong niya sa akin sa matigas na boses.
“Uh, siya ang palagi kong kasama sa mga lakad ko?”
Halatang may gusto pa siyang itanong sa akin pero mukhang ayaw niya nang isaboses at nasuklay nalang ang buhok. Itinulak ko siya ulit para kumawala kaso sa t’wing ginagawa ko iyon ay mas hinihigpitan niya nalang ako. Christ…
Nang hindi ko magawang makawala gamit ang aking kamay ay sinubukan kong umatras pero itinutulak niya lang ulit ako gamit ang kanyang paa sanhi para madiin akong muli. I swallowed when I felt something between him. Sinubukan ko ulit umatras, hindi alam kung gusto ko lang bang makawala o gustong bumangga roon… He pushed me again. My lips parted a bit as I felt the hard thing between him again… meeting me. His eyes were covered with something else as I tried to look at him in my sleepy eyes.
The feeling is very addicting everytime I tried to pulled myself away and he’ll pushed me closer. Na sa bawat pagbabanggaan noon ay parang nawawala ang aking katinuan. This rhythm is familiar to me. Ito iyong pinangalanan kong dance step ni Manang na atras abante at paulit ulit.
Sa aking kapilyahan ay sinubukan kong umatras muli. Umigting ang kanyang panga at itinulak ako at mas idiniin papalapit sa kanya kasabay ng pagsalubong niya sa aking labi.
“Fuck,” he breathe deeply as his hand gripped my ass, molding and pushing it to him.
Umawang ang aking labi at hindi nakayanan ang sensasyong nabubuhay dahil sa kanyang ginagawa na kahit ako ay sinabayan narin ang kanyang kamay. I am pushing myself back and forth as my hand gripped on his hair.
Narinig ko siyang magmura at pilit pinahinto ang aking beywang sa aking ginagawa. His tongue flicked inside my mouth as he played with my tongue causing me to whimper.
“Fuck,” he cursed as he hold my waist. Inangat niya ako hanggang sa bumagsak ako sa kanyang kandungan na nagpaawang lalo ng aking bibig. I am sitting on his crotch as I move just to feel it getting harder.
“Damn, stop doing that,” he groaned like he’s deeply hurt as his eyes shut harshly. I smirked at him and moved again, sliding myself slowly that made him pushed his head backwards as a low growl escaped his mouth.
Hindi ako matigil sa paggalaw at tuluyan ng tinakasan ng bait dahil sa aking ginagawa. I am just wearing a cotton short kaya mas lalo kong nararamdaman ang kanya na lumalaki lamang. To his fustration, his hand made its way in and stroke it that made me stop from moving.
Tinitigan niyang mabuti ang aking ekspresyon habang may ginagawang kababalaghan sa aking gitna. Marahan ang paghagod ng kanyang daliri sa aking gitna at hindi pa tuluyang pumapasok sa loob noong suot kong panty pero ganoon nalang ang halinghing ko dahil masyado na akong natatangay ng makamundong pagnanasa. My wetness is the evident of it.
Naipatong ko ang aking noo sa kanyang balikat para itago ang sarili kong ekspresyon na masyado nang nadadala sa nangyayari. Huminto siya sa paghagod at hinawi ang nipis na balakid roon at walang ano ano’y hinaplos iyon na nagpakawala sa akin ng mahabang halinghing. Halos nayakap ko na siya at idiin ang aking kamay sa suot niya. I can feel his rough fingers on my wet folds while he’s drawing some circles around my cl*t. I am already crying mess as my hips move just to feel his fingers.
“I am the only one who can make you feel this way, Nana…” he whispered to me and kissed my earlobe as the tip of his tongue teased me.
Napadaing ako nang bumilis ang kanyang panghahagod kahit hindi naman pumapasok nang tuluyan at gumagawa lamang ng nakakabaliw na ritmo. Gusto kong mahiya dahil alam kong masyado na akong nagiging handa sa kanya at gusto ko ng dumaing ng malakas pero kinagat ko nalang ang kanyang leeg at roon inilabas ang aking panggigigil.
He groaned as he felt my teeth and pinched my clit while stroking my folds at the same time. Doon ako humalinghing at tumatama narin ang aking hininga sa kanyang balat, ang aking noo ay naliligo na ng pawis na mariin kong ikinapikit.
Mas naging agresibo ang kanyang panghahagod na ikinaawang lalo ng aking bibig saka niya ako ibinaon sa kanyang gitna na ikinatulak lamang ng aking sarili na sumabog sa isang sensasyon. Hingal na hingal ako at halos manghina sa nangyari. I just came hard… Gosh Nana!
“Kung ito lang ang paraan para mapanatili kita rito sa loob at mapaamo kita, papagurin kita araw-araw para wala kanang panahon pa sa iba.” bulong niya sa akin na ikinalunok ko ng laway.
47th Hooked
Beg
My cheeks burned in heat remembering what happened on that day. I can still feel the feeling throbbing between me. Minsan, mariin nalang akong napapapikit at sinisikap na kalmahin ang sistemang palaging nagwawala.
Hindi ko alam kung kaya ko pa bang makaharap ang lalakeng iyon. I gave in easily! At sa mismong Resthouse pa! Nana naman…
“Good morning, Ma’am!” sigaw noong iilang tauhan na nagsisimula nang magtrabaho sa site pagkarating ko.
“Good morning,” ngumiti ako sa kanila at napunta sandali ang tingin sa Resthouse.
“Nandoon na po si Boss, Ma’am… Maaga po siya.” sagot noong si Cesar.
“G-Ganon ba…”
Tumango sila. Medyo mainit na ang pagsisimula ng umaga at nararamdaman ko na iyon sa aking balat. Suot ang isang fit na cream na dress at isang leather jacket, naglakad ako roon suot ang aking pumps. Isinabit ko ang nakalugay na iilang maliliit na hibla sa aking gilid lalo na’t iyon ang tumatakas sa nakabun kong buhok. Kumakalabog ng husto ang aking dibdib habang papalapit ako roon.
Pagtungtong ko sa mismong veranda ay nakita ko agad ang likod ni South sa loob. Nakahilig sa mesa at mukhang may seryosong tinitingnan roon habang nakayuko. Sandali akong tumigil at pinagmasdan ito mula ulo hanggang paa. Sa tindig niya, parang ang bigat bigat niyang tao dahil narin sa hubog ng kanyang katawan na mukhang inaalagaan niya ng mabuti sa gym. Naka all black na naman ito at nakarolyo ang polo sa bawat kamay.
Biglang gumalaw ang ulo nito at nilingon ako sa aking kinatatayuan kaya iyon ang nagtulak sa akin para gumalaw muli.
“Good morning,” pagbati ko sa isang kalmadong boses sa gitna ng sistema kong nag-uumapaw sa emosyon.
His thin lips curved a bit as he smiled to me. Agaran akong nag-iwas ng tingin at nagtungo roon sa mesang kinalalagyan ng iba niyang gamit. Iyon lang rin naman ang mesa rito wala ng iba kaya hindi rin ako pwedeng mag-inarte at umiwas iwas na mapalapit sa kanya. That’s normal, Nana… Doon nga sa ibang bansa ay kahit sino nalang ang nakakamake-out mo. May nakikita ka pang iilan sa gilid na ganoon rin ang ginagawa. What’s the bigdeal?
Inilapag ko ang dala kong bag at tiningnan ang blueprints na tinitingnan niya.
“How’s your sleep?” tanong niya sa akin at nagawa pang hawiin iyong blueprints para maitabi niya iyon sa gilid.
Nag-angat ako ng tingin at sinikap na tingnan siya sa mga mata. Nakaexpose ang kanyang noo dahil sa ayos ng kanyang buhok kahit na sa gilid ay may tumakas na kumpol ng hibla pero mas nakadagdag lamang iyon sa gwapo niyang mukha.
“Mabuti naman,” ngumiti ako na ikinatango tango niya.
Ngayon ko lang napansin, parang kulang ito sa tulog at palagi pang maaga rito.
“Natulog ka ba?” tanong ko.
Humarap siya ng buo at sumandal roon sa gilid ng mesa. Ipinatong niya ang isa niyang paa sa isa at namulsa sa aking harapan.
“Medyo,” saad niya at binasa ang pang-ibabang labi.
“Masyado ka namang nagpapasubsob sa trabaho eh hindi ko naman minamadali ang proyektong ito. Alam ko namang matagal talagang buohin ang isang building…”
He just stared at me intently. Parang hindi ang aking sinasabi ang pinagtutuunan niya ng pansin kundi ang ibang bagay.
Naasiwa ako roon at hindi alam kung saan ipapanatili ang aking mga mata. Ang presensya niya ay hindi ko natatagalan lalo na ang paninitig niya. Parang kahit anong confident ko, pagdating sa kanya ay nalulusaw talaga ako.
Tumagilid ang kanyang ulo at tiningnan ang aking kabuuan. Dahan dahang humagod ang kanyang mga mata sa akin na nagpalunok sa akin ng laway.
“Labas muna ako…” akma na sana akong tatalikod kung hindi niya lang ako hinilang muli. Sa sobrang lakas noon ay bumagsak ako sa kanyang katawan na kahit ang kanyang matigas na dibdib ay naramdaman ko dahil sa pagtama ko roon.
“I thought we agreed about this…” he whispered in his deep voice that made me swallowed.
“H-Huh?” Lumingon ako sa aking likuran pero ang kanyang braso lang ang aking nakita lalo na’t mas matangkad ito sa akin.
Ang kanyang kamay ay dahan dahang pumulupot sa aking beywang at isinandal ang kanyang baba sa aking balikat para makita ko ang kanyang mukha. Tumindig ang balahibo sa aking batok nang makita ko ang nakadepina niyang panga at ang matangos niyang ilong. His side profile is just too perfect…
“Kung hindi ka mananatili sa loob, papagurin kita.” pagbabanta niya na ikinakurap ko.
Sandali akong natahimik at nalaglag ang tingin sa maugat niyang kamay na nakapulupot na sa aking maliit na beywang. Kinalas ko iyon na ipinagsalubong ng makapal niyang kilay. Nang tuluyan akong makawala ay doon ako humarap sa kanya na ngayon ay naninimbang na ang tingin sa akin.
“Alam ko namang normal lang iyong nangyari…” sambit ko na ikinaangat ng isa niyang kilay.
“Lalake ka at mabilis maturn on lalo na’t ako ang kasama mo ritoㄧ
“Tingin mo ba mabilis akong maturn-on sa mga babae?” saad niya sa matigas na boses na ikinatango ko.
His jaw tightened as he brushed his hair backwards. Natangay iyong kumpol ng hiblang namamahinga sa kanyang noo pero agaran ring nalaglag. His lips parted a bit as his eyes darkened.
“I wouldn’t get like that if it wasn’t you.”
Marahan akong natawa, “imposible… Ako nga, doon sa ibang bansa… kahit sino sino lang naman ang nakaganoon ko at normal lang talaga ang ganoon kahit na wala kayong relasyonㄧ
His harsh breathe made me stop from talking. His jaw tightened again as he unbotton the second row of his polo. Ngayon ay dalawa na ang nakabukas roon dahil pag hindi niya iyon gagawin ay hindi siya makakahinga ng maayos. Nagiging kamao narin ang kanyang mga kamay noong itinukod niya iyon sa sinasandalan niyang mesa at hindi na makitaan ng liwanag ang mga mata.
“Hindi ko naman nilalagyan ng label ang ganoon dahil kahit hindi naman kayo, pwede namang maghalikan kung gusto niyo rin di’ba?”
Iyon ang mas nagparahas ng kanyang ekspresyon na akala mo ay sasabog na sa galit.
“Ikaw ang nagturo sa akin noon South… Mas natuto lang ako.” Ngumiti ako ng matamis at tinapik ang kanyang balikat. “Labas lang ako,”
Tumalikod ako at iniwan itong hindi na mahitsura ang mukha. Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi at sinikap humakbang ng maayos sa kabila ng panlalambot ng aking tuhod. Kung magtatagal ata ako ng ilan pang sigundo sa kanyang harapan ay mapapaluhod niya na talaga ako sa kanya.
Kinuha ko iyong nakasabit na safety helmet at tuluyang lumabas sa Resthouse. May iilang mga trabahante ang napatingin sa aking dako at tinitigan ako sa aking paglalakad.
“Manonood lang ako…” sambit ko nang gumuhit ang pagkabahala sa kanilang mga mukha lalo na’t nandito na naman sa ako sa Site.
“Ma’am, doon nalang po kayo sa loob ng Resthouse…” magalang na sabi ni Cesar sa akin at pawisan na dahil sa pinaggawa.
“Oo nga Ma’am… Mainit pa naman baka mamantal iyang kutis niyo.” si Bravo naman.
Umiling ako at ngumiti, “okay lang. Hindi naman masyadong mainit…”
Nagkatinginan sila at tila nag-uusap na sa mga mata. Nagsikuhan pa iyong dalawa at mukhang gustong ipagpilitang dapat sa loob lang ako at wala dito sa Site.
“Nako Ma’am, narinig niyo ba iyong balita na pag masyadong nagbababad sa init ay nagkakacancer sa balat? Sayang po iyang balat niyo sige ka!” si Johnny naman na nahimas pa ang batok. Nagsitanguan agad silang lahat at sang-ayon sa sinabi nito.
Medyo natawa ako, “edi may cancer narin kayo dahil kayo itong mas nagbababad sa init?”
Tatango na sana sila pero nang mapagtanto rin ang aking sinabi ay isa isa nang sinamaan ng tingin ni Johnny na hindi makatingin ng deritso.
“Bibilib na sana ako sa’yo kaso ang bobo rin ng palusot mo,” inis na sabi ni Bravo.
“Eh sumang-ayon ka rin naman, bobo ka rin.” si Johnny naman.
Tumawa ako na ikinailing nila. Mukhang nakay South ata ang mga loyalty nito at nasulsulan nang manatili nalang ako sa loob. Bahala nga siya…
Doon lamang natigil ang aming pag-uusap nang may dumating na kotse. Imposibleng si Chain iyon dahil hindi naman ako pumayag na pumunta siya ngayon.
Ang iilang trabahante ay naroon narin ang tingin. Kaya noong bumukas ang driver’s seat at una naming nakita ang paa nitong umapak sa lupa ay kumunot na ang aking noo dahil babae iyon.
“Uy babae,” masiglang pahayag ni Johnny na ikinalingon narin ng iilan pang trabahante.
Tuluyan iyong lumabas at isinara ang driver’s seat. Frances, in her A-line dress, smirked arrogantly. Nagsimula siyang maglakad at nagawa pang hawiin ang buhok paatras kaya mas naging klaro ang cleavage niya dahil sa v style noong may parteng dibdib.
Napatitig halos ang iilan sa kanya lalo na’t bulgar na bulgar rin ang kanyang pananamit kumpara sa suot kong medyo balot na balot lalo na’t may suot akong leather jacket.
“Babae rin ni Boss?” biglaang tanong ni Bobby, isa sa mga trabahante rito na nakakausap ko rin.
“Siguro…” wala sa sariling sagot ni Bravo.
“Maganda lang naman ang katawan pero kung ako si Boss, kay Ma’am Cana na ako eh mas maganda naman diyan si Ma’am…” si Cesar.
Nag-iwas ako ng tingin kay Frances na hindi man lang nagawang lumingon rito at deri-deritso ang lakad patungo roon sa Resthouse.
“Ang suplada naman noon. Akala niya naman purket tumititig tayo nakakaakit na siya.” pagalit na sabi ni Johnny.
“Pag iyan napadpad dito sa Site ipapakaladkad ko talaga iyan sa Bulldozer.” si Bravo naman.
Binalingan ko sila ng tingin at natawa ng kaonti imbes na awatin sila sa mga pinagsasabi kay Frances. Kahit ako, may parte sa akin ang sumasang-ayon sa ediya nila.
“Wala naman kaming relasyon ni Architect kaya hindi niyo dapat ako kinukumpara sa babae niya,” paliwanag ko.
“Talaga Ma’am? Eh ba’t si Boss…” hindi agad madugtungan ni Bravo ang sasabihin dahil rin sa mga mata ng kanyang kasama na binabantaan ito ng kung ano.
“Pero kahit sabihin mong wala kayong relasyon Ma’am, kung kami ang papipiliin kung sino ang mas bagay sa Boss namin, nasa inyo lahat ng boto namin.” si Johnny.
“Oo nga Ma’am… hindi na ako magtataka kung ba’t may mga babaeng nadedesperada diyan sa boss namin dahil gwapo naman at matikas ang pangangatawan. Pero ang importante sa amin ay kung sino ang gusto noong boss namin at iyon ring bagay sa kanya.” si Cesar naman.
“Oo nga!” sang-ayon pa ng iba at nag-apiran pa sila habang humahalakhak.
Nailing ako at humalakhak narin. Tiningnan ko ang Resthouse at mukhang nasa loob na nga ang dalawa. Hindi na ako magtataka kung may ginagawa narin sila roon. Siguro pinapunta niya dahil ayaw kong manatili sa loob.
Saktong nagring ang aking cellphone kaya medyo lumayo muna ako sa kanila para sagutin ang tumatawag na si Chain.
“Sup angel… It’s almost lunch. H’wag kang masyadong magpagod diyan…” ang malamig at malalim na boses ni Chain ang pumaibabaw sa aking tenga.
“Medyo malayo ang kainan rito Chain. Siguro sasabay nalang ako sa mga trabahante mamaya.”
“Gusto mo hatdan kita? Aalis rin ako pagkatapos kung ayaw mong magpadisturbo,”
Kinuha noon ang buo kong atensyon. Nitong mga nagdaang araw ay itinutulak ko siya palayo sa akin at hindi ko rin alam kung ba’t ginagawa ko iyon dahil lang sa pambabanta ni South sa akin. Bumabalik na naman ako sa dati at napapasunod agad sa mga gusto niya. Kung ipinakita ko ulit sa kanya na kaya niya naman akong hawakan at mauto ulit, katulad ng sinabi ni Mommy ay maloloko talaga ako ulit pag hinayaan ko ito.
“Sige, hihintayin kita…”
“Really?”
Tumango ako at medyo natawa dahil sa boses niyang naging masigla agad.
“Oo naman!”
“Alright, I’m on my way…”
“Okay…” nakagat ko ang pang-ibabang labi at napatingin sa Resthouse. Edi magsaya ka diyan sa loob.
Nagtungo ulit ako sa Site. Nasa aking gilid na si Johnny at pinapayungan ako. Concern rin kasi ang mga trabahante sa akin dahil sa ipinapakita kong pakikitungo sa kanila. Mabait naman ang isang tao kung mabait ka rin sa kanila. Pero may mga tao rin talagang kahit mabait ka ay salungat parin ng ipinapakita mo ang pagtrato nila sa’yo.
“Ma’am, malapit na maglunch. Gusto mo pasukin namin si Boss sa loob at nakawin namin palabas?” si Cesar na tumigil pa talaga sa paghahakot noong mabibigat na materyales para lang sabihin iyon sa akin.
“Pag sinabi naming gutom kana alam kong lalabas agad iyon si Boss,” si Johnny naman.
Bago pa ako makasagot ay sakto ring may dumating na pamilyar na kotse. Napalingon kaming lahat roon at tiningnan ang paglabas ni Chain sa driver’s seat.
Binalingan ko silang muli at nakita ang mga ekspresyon nilang namamangha kahit na lalake rin naman sila.
“Sampal na sampal na nga sa akin na pangit talaga ako at ganito lang pag nakakatabi ko si Boss tapos may dadagdag pa…” wala sa sariling sambit ni Bravo at mukhang nagulat na sa presensya ni Chain.
“Kapatid ba iyan ni Boss? Mukhang maganda rin ang lahi…” si Cesar,
“Ah hindi…” sagot ko sa kanila. Pero bago ko pa man madugtungan iyon ay nakarating na si Chain sa aking gilid at awtomatikong hinila ang aking beywang para madikit ako sa kanya.
“Hey…” Marahan siyang yumuko at pinatakan ako ng mabilis na halik sa aking labi. Noong humiwalay siya ay nakita ko ang pagkakagulantang ng lahat.
Mabilis namang napalayo si Johnny na nasa aking gilid lang kanina hawak iyong payong at mukhang natatakot sa presensya ni Chain.
“Lumayo layo kana Johnny… lamang na lamang oh. Kahit pwet ata niyan hindi ka mananalo,” pang-aasar ni Bravo sa kanya na ikinahalakhak noong nakarinig.
“So, let’s go? May nadaanan akong malapit na Restaurant sa Site. I’ll treat you…” sabi niya sa akin at binalingan ang iilang trabahante na gulat na gulat parin.
“Kakain muna kami, ha? Kung hinanap ako noong Architect niyo, pakisabi kasama ko si Chain.” sabi ko na ikinatango rin naman nila.
“Sige Ma’am… ipapaalam agad namin kay Boss,” si Bobby.
Hinila ni Chain ang aking beywang at iginiya na ako sa paglalakad. Ngumisi pa siya sa akin nang tingalain ko siya.
Pagkapasok ko sa kanyang kotse ay hinubad ko iyong leather jacket at tanging dress nalang ang naiwan na yumayakap ng husto sa aking katawan.
“I’m sad these past few days… I kinda miss being by your side,” Ipinakita niya pa ang malungkot niyang mukha sa akin habang pinapaandar ang kanyang kotse.
“Busy ka rin naman ah?” sabi ko at hinila iyong seatbelt sa aking gilid.
“Yeah… I am. Pero alam mo namang pag ikaw ay napaglalaanan talaga kita ng oras,” sabi niya habang iniikot ang manibela ng kotse.
Napangiti ako roon ng matamis pero may parte sa akin ang hindi man lang nakakaramdam ng tuwa katulad noong mga binibitiwang salita ni South na nagpapatindig pa ng balahibo sa aking batok. Ano bang meron sa lalakeng iyon?
Naging tahimik ako sa front seat ni Chain habang nararamdaman ko ang bawat paglingon niya sa akin. Nasa labas lang ng bintana ang aking tingin at iyong aking utak ay naiwan ko ata sa Resthouse. Ano na kayang ginagawa ng dalawang iyon sa loob? Itong si South hindi rin talaga namimili ng lugar. Bahala nga siya. Total ako rin naman ang may sabi na normal lang naman iyong nangyari sa amin at hindi ko naman iyon binibigdeal. Akala niya naman maniniwala ako roon sa sinasabi niyang sa akin lamang siya ganoon.
“You okay?” tanong niya sa akin na ikinatango ko lang pero hindi naman ito magawang lingunin.
Hindi na ito nagsalita pa at hinayaan lang akong maging tahimik sa gilid niya. Nakarating rin kami sa Restaurant kung saan madalas rin naming kainan ni South. Gusto kong ituon ang buong atensyon ko sa kanya pero hindi ko naman maalis sa isipan ko ang imahe nilang dalawa ni Frances. Parang pinupulupot ng kung anong lubid ang aking tiyan sa aking pinag-iisip. Ang gagong iyon…
“May problema ba?” tanong muli sa akin ni Chain habang pinagmamasdan akong walang ganang ginagalaw ang pagkain.
“Don’t you like the food? Teka, mag-oorder ako ng iba pa,” akma niya ng tatawagin ang waiter kaya mabilis ko itong pinigilan.
“H’wag na, Chain… Okay lang… Medyo ano lang siguro, pagod.” Ngumiti ako ng tipid sa kanya na ikinakurap niya at mukhang naninimbang na sa akin ang tingin.
“Pwede namang hindi mo bantayan iyong Site, Cana. Naroon naman ang Architect at mga tauhan niya kaya hindi ko maintindihan at gusto mong naroon ka.”
Nag-iwas ako ng tingin at itinuon sa pagkain. Tama nga naman… Bakit ba nagpapadala ako sa desisyon ni South kung pwede naman akong magdesisyon para sa sarili ko?
Bago pa man ako makasagot at mag-angat muli ng tingin kay Chain ay may humila na sa akin patayo. Sa aking pagkakagulat, mabilis kong tiningnan ang lalakeng madilim na ang ekspresyon.
“S-South,” sambit ko. Hindi na ito nagsalita pa ng kung ano at hinila na ako paalis roon. Nilingon ko si Chain na nagulat rin pero mabilis rin ang kilos patayo at hinabol kami.
“Hey dude!” Hinila ako ni Chain pero lumingon lang si South at hinila rin ako ng mas malakas saka niya sinalubong ng suntok si Chain na nagpasigaw sa akin.
“Fuck,” natilapon si Chain at deri-deritso ang pagkakatumba sa sahig. Ang gilid ng labi nito ay dumugo na.
Akma ko itong lalapitan pero hinila na akong muli ni South palabas roon. Masyadong mahigpit ang pagkakahawak niya sa aking pulso at walang balak na bitiwan ako. Kahit hindi ito magsalita, ramdam ko ang galit sa buo niyang sistema na kahit ako ay nakakaramdam na ng takot.
Binuksan niya ang front seat at sinenyasan nalang akong pumasok, lumunok ako ng laway at pumasok sa loob. Halos mapatalon pa ako nang marahas niya iyong isinara at umikot rin papuntang drivera seat. Napasandal ako sa upuan at binalot ng pag-aalala ang mukha para kay Chain. Pero noong makita ko ang pagpasok ni South sa driver’s seat ay agarang napalitan ng takot ang aking mukha.
Marahas niyang naisara ang pinto at nahilamos agad ang mukha. Tumataas baba ang kanyang balikat at mariin ang tingin sa harapan. Na pag kinalabit ko ito ay sasabog talaga ito ng husto.
“Ano bang problema moㄧ
“Papatayin mo ba talaga ako sa selos?!” Pumaibabaw ang kanyang sigaw sa loob kasabay ng pag-igting ng kanyang panga nang nilingon niya ako.
Naiwang nakabukas sa ere ang aking bibig dahil sa biglaan niyang pagputol sa akin. Isinara ko iyon at nag-iwas ng tingin sa kanya.
“Tangina,” nahampas niya iyong manibela na ikinapikit ko ng mariin dahil sa gulat. Noong dumilat akong muli ay nakaparte na ang kanyang mamula mulang labi dahil sa pagbasa niya noon at medyo buhaghag na ng buhok dahil sa walang ulit niyang pagsuklay.
“Noon iyong astista at mga pinsan mo ang kaagaw ko sa’yo. Ngayon naman, nagdagdag ka pa ng isa.” matigas niyang sabi at binalot na ng matinding galit ang buong mukha.
“Bakit? May babae ka rin naman ah? Hindi mo ako pwedeng pagbawalan dahil wala rin namang tayo!” sigaw ko narin at sinisikap iyong bitiwan ng pagalit pero nanginginig lamang ang aking labi.
“Ikaw lang naman ang ayaw lagyan ng label ang nangyayari sa ating dalawa! Dahil kung ako lang ang masusunod, matagal na kitang naging asawa!”
My lips parted as I gasped. Natulala ako sa kanya at nakita ang dahan dahang pagkalma ng mukha niyang masyadong marahas kanina.
“I’ll beg for my second chance if needed just to win you back again, Nana…”
48th Hooked
Label
Natahimik ako sa aking mga narinig mula sa kanya. Ang aking mga mata ay nagsisimula ng manlabo dahil sa luhang nagbabadyang tumulo.
“Pakiramdam ko makakapatay ako sa t’wing may lumalapit sa’yong iba.” dagdag niya sa kalmadong mukha ngunit matigas na boses.
Tumulo ang aking luha na agaran kong pinahiran. Gusto ko rin naman… Gustong gusto ko ang mapalapit kay South. Kahit anong layo ko sa kanya, may parte sa akin ang humihila pabalik sa aking daanan dahil alam kong naroon siya at naghihintay lang. Pero parang isang pader ng kahapon ang palaging humahadlang sa akin at natatakot ako na baka maulit lang naman ang lahat. Na baka ang taliwas na naman sa inaakala ko iyang ipinaparamdam niya. I am still hooked with the past… na kahit anong pilit kong makalimot nalang ay naroon parin ang sakit na nagbibigay sa akin ng takot para papasukin siyang muli sa aking mundo.
“Handa akong lumuhod sa harapan ng angkan mo mabawi ko lang ulit ang tiwalang nasira ko,” mataman niyang sabi na ikinatulo ng panibagong luha sa aking mga mata.
Bago ko pa man iyon mapunasan ay nauna nang lumapat ang kanyang kamay sa aking pisngi at marahan iyong hinaplos.
“Fuck it, I am willing to surrender everything just to have you again in my life, Nana…” namungay ang kanyang mga mata at puno na ng sinseredad ang boses.
Napapikit ako at nakagat ang pang-ibabang labi dahil sa luhang bumuhos at sunod sunod na. My shoulders starts to rock slowly as I cried. Masyado na akong natatakot dahil sa nangyari noon. Isang pagkakamali ko lang, isang tiwala lang iyon pero nagdulot na ako ng matinding problema. Hindi ko alam kung kaya ko pa bang magtiwala sa pangalawang beses sa taong bumasag noon.
Gusto kong magsalita pero nanatiling tikom ang aking bibig at walang masabi sa mga inaamin niya sa akin.
“I am so inlove with you since the day my eyes laid on you, Nana… Nakaya kong maghintay ng anim na taon kaya hihintayin ko rin ang desisyon mo. But please, stop seeing another man…” Naramdaman ko ang noo niya sa aking noo at ang marahang paghaplos ng kanyang ilong sa aking ilong hanggang sa marahang humagod ang kanyang labi sa akin. My lips parted as I felt his soft kisses. Bumaba ang haplos niya sa aking pisngi hanggang sa nagtungo iyon sa aking baba at hinawakan ito para igiya ako sa kanyang paghalik sa akin.
“Damn woman, you’re going to kill me…”
Ang kanyang halik ay mas lumalim pa at dinadala na ako sa ibang dimensyon. Puno ng pag-iingat ang halik na iyon at masyadong marahan ang bawat paghagod sa aking labi, tila ninanamnam ang bawat sigundo ng mga labi naming nagkakasundo sa isang ritmo. Na kulang ang kanyang pinagsasabi at kailangan niya rin iyong idaan sa isang matamis na halik para maintindihan ko ng lubusan.
Dumilat ako at namungay ang mga mata nang kapwa kami tumigil. Ang pagiging marahas niya kanina ay tuluyan nang nabura at napalitan ng panibago. Kalmadong kalmado na ito at maingat na ang bawat galaw na akala mo ay natatakot na baka mabasag niya ako bigla.
“Pwede naman tayong ganito… p-pero ayoko munang makipagrelasyon, South…” pahayag ko na ikinapikit niya ng mariin. “K-Kasi pag nalaman rin ng mga pinsan ko na nagkikita pala tayo…”
Nabasa niya ang pang-ibabang labi at tumango tango na.
“I know… If this is what you want then I have no choice but to follow you,” pagsuko niya na ikinalusaw ng aking puso.
“Pero sana naman malinaw na sa’yo ngayon kung sino talaga ang babae ko. Ayoko ng may pinapangalan kang iba dahil ikaw lang naman ang babae ko.” pahayag niya na ikinapula ng aking pisngi. Biglang bumalik ang alaala ng kahapon kung saan sinabi niya ring ako ang babae niya. Sa mura kong edad, hindi ko naman iyon maiintindihan lalo na’t lumaki akong ignorante sa lahat ng bagay.
“Eh kasi naman parang babae mo rin iyong si Frances…” ngumuso ako.
“She’s not,” akma niyang papatakan ng halik ang aking labi kaya mabilis akong umilag.
“Pero pumunta siya sa Resthouse at kayong dalawa lang sa loob. Malay ko ba kung anong ginawa niyo doon…”
Lumayo siya sa akin ng kaonti. Hinuli niya ang aking kamay at pinaglaruan ang daliri noon habang malalim na ang paninitig sa akin.
“May magandang alaala tayong dalawa doon kaya bakit ko hahaluan ng ibang babae?” Umangat ang kanyang kilay na ikinanguso ko at namula na dahil sa alaalang iyon. Nalaglag ang aking tingin sa mga daliri kong hinahaplos ng kanya.
“Baka lang naman eh mabilis kang…”
“Tsss,”
Nakagat ko ang pang-ibabang labi at nag-angat sa suplado niyang mukha. Nailing pa ito at nabasa na ang pang-ibabang labi.
“Sinabi ko nang saiyo lang ako ganoon.” nafufustrate niyang paliwanag na ikinakagay ko ng pang-ibabang labi. Nailing pa siya at nasuklay ang buhok.
Ilang sigundo ang dumaan at naging tahimik kami sandali. Kapwa tinititigan lang namin ang kamay naming hindi niya tinatatantanan at palagi iyong pinaglalaruan.
“So, we can’t label this yet?” tanong niya at makahulugan na akong tiningnan na ikinatango ko agad.
Suminghap siya at nahawakan ang kanyang noo. Napasandal pa siya sa kanyang inuupuan na akala mo sobrang problemado.
“Hindi pa kita mapagbabawalan?” tanong niya na ikinailing ko rin.
Nanliit ang kanyang mga mata at hindi na mahitsura ang mukha. Ngumuso nalang ako at pasimpleng nag-iwas ng tingin dahil mukhang hindi ito sang-ayon sa desisyon ko.
“So I’m not allowed to get jealous…”
Umiling rin ako at napanguso na. Nahawakan ko ang aking pang-ibabang labi at pinisil pisil na iyon dahil sa mga bawal na kanyang binabanggit.
He swallowed hard as I stared at his adam apple. Mariin siyang pumikit at tumingala pa para lamang magbitaw ng malalim at mabagal na hininga.
“Pero hindi ako pwedeng dumikit sa iba dahil selosa ka at ikaw lang itong pwede dahil hindi pa kita pwedeng bakuran. Ganoon ba?” paglilinaw niya na ikinatango ko rin.
His eyes shrinked, looking so shocked
“Pero kung ayaw mo, pwede rin namang hayaan mo nalang kami ni Chain dahil masayaㄧ
“Gusto ko,” agad niyang putol sa akin na ikinaawang ng aking labi sa ere.
Nasuklay niya ang kanyang buhok at mas naging problemado na ata. Ayaw ko rin naman kasing bumigay agad… Gusto ko nalang munang makasiguro kung hindi na naman ba ako naliligaw ng landas sa mga desisyon ko. Ayoko munang ibigay ang buo kong tiwala.
Tumunog ang aking cellphone na kanina pa nasa aking kandungan. Babawiin ko na sana ang aking kamay sa kanya kaso ipinagsalikop niya agad iyon at mas humigpit ang pagkakahawak sa akin habang ang mga mata ay nasa cellphone ko narin ang tingin. Ngumuso ako at iyong isang kamay ko nalang ang ginamit ko para damputin iyon.
Text iyon galing kay Chain na sinundan rin ng text ni Heluisse.
Nilingon kong muli si South na naninimbang lang ang tingin kaya ibinalik ko ang tingin sa aking cellphone at naunang buksan ang mensahe ng aking pinsan.
Heluisse: Magkasama na naman kayo?
Sunod kong binuksan ay iyong kay Chain na ikina ‘tsss’ pa ni South.
Chain: Are you okay?
Nagtipa ako ng mensahe gamit ang isang kamay. Halata kasing ayaw ring bitiwan ni South iyong isa at nagsusuplado na naman.
Ako: Yep. Sorry kung nasuntok ka Chain :’(((
Nagreply narin ako kay Heluisse dahil mukhang nabanggit na naman ni Chain sa kanya ang nangyari.
Ako: Oo
Binalingan ko ulit si South na nasa harap na ang tingin at nagiging misteryoso na naman ang madidilim na mga mata.
“Balik na tayo sa Site…”
Kumalas ang kanyang kamay at tumango lang saka binuhay ang kanyang kotse. Naging tahimik na ito habang nagmamaneho habang ako naman itong hindi maalis alis ang tingin sa kanya. Mukha kasing galit na naman…
“Malapit na kasi talaga kami ni Chain sa isa’t isa,” paliwanag ko kahit na hindi naman ito nagtatanong.
“Oo nga, pati ang labi niyo malapit rin sa isa’t isa,” puno ng tabang niyang sabi na ikinanguso ko.
“Friendly kiss lang kaya ’yon… wala naman iyong ibig sabihin sa akin.” paliwanag ko.
“Naghalikan pa kayo sa Site, tsss.”
“Ganoon talaga si Chain pag nagkikita kami.”
“Wait until I’m the one who’s encharge… I’ll surely pin you down.” pagbabannta niya na ikinalunok ko ng laway.
Tumahimik ako at hindi agad nakasagot. Nang napansin niyang wala na akong balak sumagot pa ay hinuli niya ang aking kamay at ipinagsalikop iyong muli, ang isang kamay nalang ang nagmamaneho. Namamahinga na ang aming magkasalikop na kamay sa aking hita at hindi ko maiwasang pamulahan ng mukha. Ganito ang epekto niya sa akin na kahit maliliit lang naman na bagay ay pinapalaki na ng sistema ko.
“Kailan ba ang balik ang mga magulang mo?” tanong niya, ang mga mata ay nasa daan lamang.
“Hindi ko pa alam…”
“Or we can pay them a visit,” suhestyon nito na ikinalaki ng aking mga mata.
“Bakit?!”
“Iyon lang naman ang problema mo kaya ayaw mong lagyan ng label ang relasyon natin di’ba? Pupuntahan ko sila at kakausapin ko. Hihingiin kita.”
Hindi ko alam kung nagbibiro lang ba siya pero base sa mukha niyang seryoso ay mukhang hindi ito nagsisinungaling.
“Hindi sila papayag… galit si Daddy sa’yo. At pag nalaman ni Lolo ang tungkol sa bagay na ito ay magagalit rin iyon…” sumimangot na talaga ako. Masyadong komplikado ang sitwasyon naming dalawa at hindi pa ako handa sa panibagong sakit sa ulo na maibibigay ko sa kanila. Kung pwede ay magdahan dahan muna kami.
“Itanan nalang kaya kita?” narinig kong sabi nito sa kanyang sarili. Babawiin ko na sana ang aking kamay para lang pumalag sa kanyang plano kaso masyado iyong mahigpit.
“Hindi pwede!” tutol ko.
“Sa pagiging wild mo, minsan hindi ko na alam kung paano ka paaamuhin sa akin.” Ngumiwi siya at bakas sa mukha na nahihirapan ito sa isang bagay.
“Iniisip ko palang ang naging buhay mo sa ibang bansa, para na akong mababaliw.” Nailing pa siya.
“Ikaw nga, iniisa isa mo raw ang mga modelo rito. Kahit sino sino ang nalilink sa’yo…” Nag-iwas ako ng tingin lalo na’t hindi ko na maiwasang isimangot ang aking mukha. Nalulunod na ako sa sarili kong nararamdaman para sa kanya na matagal ko nang inaalagaan sa aking loob. Hindi ko man aminin, hindi ako makakapagainungaling sa aking sarili na simula pa noon ay may nararamdaman na talaga ako para sa kanya.
“That’s not true,” kalmado niyang paliwanag.
“Totoo! Marami ka raw babae,” Napaiwas ako ng tingin at hindi na makalma ang kilay kong nagkakasalubong.
“The first time I kissed you, I was totally hooked that I can’t even be with someone in the future if it wasn’t you…”
That made me shut up. Lahat ata ng pagdududa ko ay tuluyang nabura dahil lang sa kanyang sinabi. Hindi ko alam kung totoo ba pero sa pagkakasabi niya, halatang hindi ito gawa gawa lamang dahil mararamdaman mo talaga.
Hindi na ako nakipagtalo pa at naging tahimik nalang. Pagdating namin sa Site ay nagsilingunan agad ang trabahante niya sa amin. Noong una ay kinakabahan pa sila pero noong hinapit ako ni South sa beywang para igiya sa paglalakad ay napalitan agad ang pagdidiwang ng kanilang mga mukha. Napanguso ako at walang ediya kung ba’t sila nagkakaganyan.
Pagpasok namin sa Resthouse, nasa veranda palang ako ay nagulat na ako sa nayuping pader lalo na’t gawa lang naman iyon sa light materials. Kulang nalang ay mabutas iyon at parang malakas talaga ang pagkakatama ng kung anong matigas na bagay.
“Anong nangyari rito?” tanong ko sa kanya na hindi na iyon pinagtuunan ng pansin at hinila ang aking beywang papasok. Wala narin rito si Frances at mukhang umalis na.
Noong makarating kami sa may mesa ay inangat niya ang aking beywang at ipinaupo ako roon. Humawak ako sa magkabilang gilid noon at tiningnan ang bawat kilos niya.
“Stay there. I’ll just finish my work,” sabi niya saka inilapag muli sa aking gilid iyong mga pinagkakaabalahan niya rito. Napangiti ako habang pinapanood siyang nagiging seryoso na roon. Masyado siyang dedicated sa kanyang trabaho at gusto niyang maging perpekto ata ang bawat trabaho niya.
Inangat ko ang aking mga binti at niyakap iyon habang nakaupo parin sa mesa. Ipinatong ko naman sa aking tuhod ang aking baba habang hindi inaalis ang tingin kay South na kinakagat na ang pang-ibabang labi habang hawak ang isang lapis at may kung anong ginuguhit roon sa nakalapag na mga papel.
Sandali siyang bumaling sa akin at inangatan ako ng isang kilay.
“You look tamed,”
“Magagalit ka lang naman pag lumabas ako…”
Ngumisi siya at yumuko para patakan lang ako ng mabilis na halik sa aking labi. Mabilis lamang iyon at nakakabitin.
“How I wish you’re always like that… tamable.”
Ngumuso ako at itinago ang kalahati ng mukha sa aking tuhod. Nang makontento siya sa kakatitig sa akin ay ibinalik niya rin naman ang tingin sa kanyang ginagawa.
Habang natatangay ako sa aking emosyon sa t’wing kasama ko si South, doon ko lang naalalang hindi lang si Daddy ang galit sa kanya kundi pati ang mga pinsan ko lalo na noong late akong makauwi sa bahay at nadatnan ko si White na nakahalukipkip roon kasama si Ken.
“Hey…” ngumiti ako sa kanilang dalawa at inilapag ang aking gamit sa sofa.
“May problema ba?” tanong ko nang hindi na mahitsura ang mukha ni White maliban kay Ken na kumakain lang ng apple.
“Palagi kana atang ginagabi?” panimula ni White at naninimbang na naman ang tingin.
“Masyado kang nagbababad sa trabaho mo, Nana.” si Ken naman na kalmado lamang.
Ngumuso ako at nagtungo kay White. Niyakap ko ang kanyang beywang at tiningala ang katangkaran nito.
“Sorry…”
“Grabe talaga. Nag-aalala rin ako pero si White lang ang niyakap,” madramang kinagatan ni Ken ang hawak na apple.
“Kung kayo na noong Chain at nagdadate kayo ng patago para hindi ka namin mapagalitan, hindi naman kami hahadlang. Total masaya ka naman… Pero h’wag lang masyadong pasobra Nana. Anong oras na oh?” Tiningnan niya pa ang suot niyang relo at masyadong nababahala.
“Nasa Site kasi ako…” paliwanag ko saka humiwalay sa kanya at umupo sa tabi ni Ken.
“Ako sa’yo, magpakasal kana nang hindi na kami nakokonsumisyon sa’yo.” naiiling na sabi ni Ken.
“Total malapit kanang mag 23. Nakapagtapos kana at pag naipatayo iyang clothing line mo ay wala kanang problema. Para si Chain na itong makonsumisyon kakahintay sa’yo sa bahay niyo…” dagdag niya pa na kahit si White ay umupo narin sa aking gilid. Napapagitnaan na ako ng dalawa.
Hindi nagsalita si White at naninimbang lang ang tingin sa akin, hinihintay ang magiging sagot ko sa naging pahayag ni Ken.
“Magkaibigan lang naman kami ni Chain,” pag-amin ko na ipinagsalubong ng kilay nila.
“Pero mukhang okay naman kayo noon ah? Bagay kayo.” si Ken.
“May mahal akong iba…” sabi ko sa mahinang boses na ikinakuha ng buong atensyon ni White.
“Sino?” nanlalaki na ang mga mata ni Ken at nagawa pang tingnan ang aking pinsan.
“Si South ba?” kalmadong tanong sa akin ni White na ikinalingon ko sa kanya ng mabilis.
“Si South?!” sigaw naman ni Ken. “Iyong gagong Buenaventura parin?!”
Nakagat ko ang pang-ibabang labi at napayuko.
“P-Pero wala naman kaming relasyon! H-Hindi ko naman nilagyan ng label kasi alam kong magagalit rin si Daddy…”
Nahilamos na ni Ken ang mukha maliban kay White na kalmado lamang. Hindi ko nga alam ba’t parang ang kalmado niya tapos si Ken itong nagbibigdeal.
“Paano kung gaguhin ka noon ulit, Nana? Pag nalaman ito ni Tito mapapagalitan kana naman noon…” pangaral sa akin ni Ken na ikinabuntong ko ng hininga.
“Kaya nga hindi ko na nilagyan ng label…” sagot ko na mas ikinagrabe lang ata ng kanyang reaksyon at nagugulat sa aking sagot.
“White! Kakalma ka lang ba? Pag nalaman ito ni Tito Jimin malaki na namang gulo ang mangyayari,” hindi makalmang sabi ni Ken.
Imbes pantayan ang pagwawala ni Ken ay nagkibit lang ng balikat si White at nagawa pang humilig sa sofa. Nakakapanibago at ganyan ang reaksyon niya sa inamin ko.
. “Malaki na si Nana at mukhang kaya niya namang magdesisyon para sa sarili niya. Let her decide for her own self. Sumuporta nalang tayo.”
Unti-unting kumalma ang ang mukha ni Ken at naninimbang na ang ibinibigay na titig sa aking pinsan. Kahit ako ay nagulat rin dahil akala ko talaga siya ang unang sisiklab pag nalaman niya ang bagay na ito.
“Are you kidding, man?”
Umiling si White, “Don’t act like you haven’t experience falling inlove. Karapatan ni Nana na mamili ng sarili niyang mamahalin. Let’s just support her…”
Humilig si Ken sa sofa at nasuklay narin ang buhok. Nang nilingon ko ito ay naninimbang narin sa akin ang tingin, kahit si White ay ganoon rin. Nang hindi ko iyon makayanan ay kapwa ko sila inakbayan at pinaghahalikan ang mga pisngi nila.
“Stop worrying about me please! Kaya ko naman eh… Iba na iyong noon at ngayon. 22 na ako at nakaya ko ng tumayo sa sarili kong paa. I already know how to handle things myself… So please…” Namungay ang aking mga mata sa kanila nang kapwa ko sila pinaglilingon.
Ken sighed deeply, “sige… Pero pag nasaktan ka…”
Umiling agad ako, “hindi na. Baka ako pa nga ang manakit,” pabiro kong sabi at humalakhak na ikinaangat agad ng kilay ni White.
“Just tell us if you need help,” si White.
Tumango tango ako at matamis na ang ngiti sa kanila. Pinagkatiwalaan na nila akong muli at ayokong masira ito ngayon sa pangalawang beses.
The day went well. Hindi ko alam kung ano rin ang magiging reaksyon ng iba ko pang mga pinsan pag nalaman nila ang pagkikita namin ni South. Even Dad, I’m sure he’ll get mad at baka iyon pa ang maging rason sa agaran niyang pag-uwi.
Pumangalumbaba ako sa inuupuan ko kakatitig sa huling design na gagawin ko ngayong araw. Maingay na naman sa labas ng Resthouse at nanggagaling ang tunog ng iilang materyales sa site. Ang nakabun kong buhok ay medyo sinusuway na ako dahil kanina ko pa iyon tinutusok ng hawak kong lapis kakaisip ng pwedeng panibagong design noon. Hindi ako nakontento sa naisip kong desinyo at nakailang bura na ako.
Bigla kong naramdaman ang labi ni South sa aking leeg. Awtomatiko kong naitagilid ang aking ulo at nilingon ang kalahati ng mukha nitong humahalik halik na sa kahabaan ng aking balikat at dinaanan ng nakakaliting maliliit na halik ang aking malalim na collarbone.
“You seemed fustrated,” nahulog ang kanyang tingin sa aking designs saka itinukod sa magkabila ko ang maugat niyang mga braso.
“Eh kasi wala akong maisip…” Inangat ko iyong bond paper at inilebel sa aking mukha para matingnan niya rin iyon ng maayos.
Naramdaman ko nalang sa aking ulo ang pagpatong niya sa kanyang baba at mainam nang tinitingnan iyong designs ko. Tumingala ako at ang matangos na ilong agad nito ang aking nakita bukod sa seryoso niyang mukha.
“Hmm… How about a long bottom of your top? That kind of dress that will move if the wind blows at you…”
Bigla kong nakita ang sarili ko suot iyon at hinahangin ang suot habang nakatayo sa isang dalampasigan.
“Oo nga no?” Inilapag ko ang bond paper at agaran iyong ginuhitan ng aking naisip. South watched my move closely.
Naging kontento ako sa kinalabasan noong aking design. Napangiti pa ako nang ipinakita ko iyon sa kanya.
“Maganda!” Nilingon ko siya. Umalis na siya sa aking likod at sumandal sa gilid noong mesa habang ang isang kamay ay nasa isang bulsa.
Napatango siya at nakagat na ang pang-ibabang labi. “Sell it to me,” kinuha niya iyong papel at tinitigan ng mabuti.
“Huh? Aanhin mo na naman? Hindi mo naman iyan mapapakinabangan…”
“Just sell it to me,” seryoso niyang sabi habang tinititigan iyon.
“Ibibigay mo lang ata sa babae mo…” pabulong kong sabi at inilagay ang aking baba sa palad ko.
He just shrugged and smirked at me. Ngumuso ako at nag-iwas nalang ng tingin. Ako itong may gustong wala munang label pero ako rin naman itong todo kung magselos.
49th Hooked
Date
Kakagising ko lang noon nang makatanggap ako ng tawag mula kay Mommy. Mabilis ko iyong sinagot at hindi na nag-ayos pa dahil sa excitement na makita ang dalawa.
“Good morning, My!” Kumaway agad ako sa camera. Base sa background nito ay mukhang nasa byahe sila lalo na’t pinapakita ni Mommy ang labas ng bintana at wala na gaanong building dahil puro magagandang kakahuyan nalang.
“Late kana ata nagising? Wala ka bang schedule ngayon?” tanong ni Mommy nang ilipat niya ang front cam sa kanyang mukha. Nakaponytail ang kanyang buhok at nakalaces na dress. Plus she’s not wearing any make-ups! My gorgeous Mommy…
Umiling ako, “It’s Sunday, My… Balak ko ngang magsimba ngayon.”
“That’s good!” Medyo tumagilid si Mommy at itinaas ang hawak na cellphone saka ko nakita si Daddy na palingon lingon sa camera at nagmamaneho. He’s wearing a plain blue shirt, nakasuot ng wayfarer at nakasuklay paatras ang buhok. Where are they going?
“Say hi to our daughter, love…” Sumandal pa si Mommy sa braso ni Daddy lalo na’t isang kamay lang naman ang ginagamit nito sa pagmamaneho.
“Hey sweetheart, wala kang lakad?” tanong niya agad.
Umiling ako, “magsisimba lang po.”
Tumango tango siya at nakita ko pa ang paggapang ng kanyang kamay sa beywang ni Mommy saka iyon ipinahinga sa tiyan nito.
“Magdidate kami ng Daddy mo ngayon sa isang magandang beach rito since it’s our day off… Mukhang hahabol rin si Mommy at ang Lolo Rico mo kasama ang lola mo. We’re going to relax, baby…” ngumisi si Mommy sa akin at halata ang excitement na bumalot sa kanyang mukha.
“It’s a family date, baby…” si Daddy naman na agarang ikinanguso ni Mommy.
“Date rin natin, Jimin.” Nilingon niya pa ito kahit niya naman makikita ang kabuuan dahil sa pwesto niya.
“It’s not, Ab…” painosenteng sabi ni Daddy na ikinahagikhik ko lalo na’t hindi na mahitsura ang mukha ni Mommy.
“Okay lang,” kumalma rin naman agad ang mukha niya at mukhang may naisip na. “Marami namang topless at foreigner roon. I can choose one as my dateㄧ
“Date natin, binibiro ka lang.” sabi agad ni Daddy sa seryosong mukha na ikinahalakhak ko.
Mom rolled her eyes and chuckled after.
“Anyway, kumusta kayo ni Chain?” tanong ni Mommy at naninimbang na ang mga mata. Kahit si Daddy ay napalingon narin at binabantayan ang magiging reaksyon.
“We’re doing great as a friend naman po,” sagot ko sa kanila na ikinaloosened ng balikat ni Daddy. Mom just smirked.
“You know I’m a supportive mother, sweetie… Kung saan ka, doon ako. Kung masaya ka, mas masaya ako. I’m your Mom. Priority ko ang kasiyahan mo.” makahulugan niyang sabi na ikinangiti ko.
“Thanks, My… I love you.”
“I love you, too! Mas mahal pa kita kaysa diyan sa Daddy mo.” and she rolled her eyes again.
“She came from me, Ab. I don’t mind…” Dad licked his lowerlip and smiled cockily. Binalingan niya ang camera lalo na’t ngumunguso narin si Mommy.
“Date someone you love. Be with someone you love, baby… Kahit iyon nalang. Susuporta ako kung sino man iyan. Basta, pag nasaktan ka ulit, hindi ako magdadalawang-isip manakit.” Dad said seriously.
Tumango tango ako at nalusaw na ang puso sa kanilang dalawa. Naging seryoso narin si Mommy at nangungusap na ang mga mata sa akin. Na natatakot siyang humantong sa gaanong sitwasyon si Daddy dahil alam naming pareho na hindi namin mapipigilan pag sumiklab ako.
“I love you, Dad…”
“Love you too, princess…” he smiled brightly at me, losing his sight.
Namatay rin naman ang tawag lalo na’t tumawag lang sila para ipaalam na naglalaan rin sila ng oras roon para sa kanilang mga sarili at hindi subsob sa trabaho.
Bumangon ako sa aking kama at kinuha ang aking bathrobe para maligo narin since it’s already 9. Kakalapag ko palang ng aking cellphone sa bedside ay tumunog na iyon.
Dinampot ko iyong muli at nakita ang tawag ni South. I bit my lowerlip as I tried to hide my smile. Kinalma ko muna ang naghuhuramintado kong sistema saka ko rin iyon sinagot.
“Yes?” I said in my softest voice.
“Morning,” he said lazily as his deep voice conquired my ear.
Humilig ako sa aking bedside table at hindi na mabura bura ang ngiti sa aking labi.
“Tumawag ka lang ba para bumati?”
“Pwede rin. Pero gusto rin kitang yayain since we don’t have work… Do you have any plans today?”
Napisil ko ang aking labi at naimagine agad na makakasama ko siya ngayong araw.
“Magsisimba ako. Yun lang ang plano ko ngayon eh wala rin naman akong mga schedules tuwing Sunday.”
“Hmm, so you’re vacant when it’s Sunday?”
Tumango ako at masyadong nahuhulog sa malamig at malalim niyang boses. I can imagine him right now topless with a mrssy hair while holding a cup of mug… Ang imahe niyang nadatnan ko sa kanyang balkonahe ay palagi nalang nagbabalik sa akin at minsan ay napapasinghap nalang ako.
“Wala,” sagot ko.
“You can sched it as our date. I’ll date you today.”
Kumurap ako at nahawakan ang aking puso dahil sa pagbilis ng kalabog noon. Mariin akong napapikit at napalunok ng laway dahil masyado na akong nalulunod ng sarili kong nararamdaman. It’s just a date, Nana!
“You’ll date me?” hindi makapaniwala kong tanong.
“Yeah… Since I’m vacant.”
“Wala kang ibang schedules… Like dating a model? Wala?”
“I’m not into models. I’m into you.”
Halos ibaon ko na ang aking nga ngipin sa pang-ibabang labi dahil sa pagkakasabi niya noon. Kahit ano atang pambabakod ko sa aking sarili na h’wag masyadong mahulog sa lalakeng ito ay hindi ko rin magagawa ng husto dahil ang rami ring rason para mas lalo mo itong gustuhin.
“I’ll fetch you so tell me if you’re done.”
Tumango tango na ako at wala ng maisip na pagtutol pa. Noong mamatay ang tawag ay isang mabigat at mahabang buntong hininga ang aking napakawalan at nahipo ang sarili kong dibdib na sobra rin kung makapagwala sa loob. Nailing ako at napangiti ng matamis saka ko ibinalik sa bedside table ko ang aking cellphone.
Habang naliligo ay hindi ko maiwasang isipin ang kinalalabasan nito. Alam ko naman na magagalit si Daddy pero sa kanyang sinabi kanina ay parang senyales rin iyon na hindi magtatagal ang kanyang galit kung iyon naman ang ikasasaya ko. Kahit si White ay ganoon rin ang naging payo sa akin. That’s weird… Para kasing nagbago bigla ang ihip ng hangin at mukhang hinahayaan na talaga nila ako ng tuluyan. I kinda missed their possessive side…
Tanging puting A-line dress ang aking suot at nakahigh ponytail ang aking buhok suot ang isang pumps na kulay silver. Tiningnan ko ang aking sarili sa salamin at naglagay lamang ng light make-up sa aking mukha. Handa na akong umalis kaso bumalik rin ako sa aking daan at nagspray ng nadampot kong paboritong perfume at halos iligo na iyon sa buo kong katawan dahil sa walang ulit kong pagpindot noon.
Pagkalabas ko, nakita ko si South sa itim niyang kotse, nakasandal roon suot ang itim na fit na leather jacket at may puting panloob, pants at itim na sapatos habang ang buhok ay nakasuklay paatras at seryosong seryoso ang mukha.
Nagkatinginan kami at saktong tumapat ang sinag ng araw sa mga mata niya. I’ve seen how his dark chocolate eyes turned into an almond. Naging malalim ang paninitig ng mga mata niyang halos kakulay na noong sunset na tumatama sa kanya.
His lips parted a bit as his eyes settled on me. Ang mga kamay na nasa kanyang bulsa ay nailabas niya at gumalaw ang adams apple dahil sa paglunok nito.
Humakbang ako at nagtungo sa kanya. Awtomatiko niya namang binuksan ang front seat pero hindi maalis alis ang tingin sa akin.
“Masyado ka atang nag-ayos?” bulong niya nang akma na akong papasok.
Nilingon ko siya at huminto sandali sa gitna. Nasa gilid ko lamang siya at iyong pinto lang ang namamagitan sa aming dalawa. Isinandal niya ang isa niyang kamay sa bubong ng kanyang kotse at para na akong kinukulong.
“Huh? Eh ang simple ko nga lang ngayon…” Pinasadahan ko pa ng tingin ang aking kabuuan. This is just a simple white dress.
“You look like a bride to me right now…” he whispered in his deep voice.
Natawa ako ng marahan, “Seryoso?”
Tumango siya at nabasa ang pang-ibabang labi, ang tingin ay mas lalo lang lumalalim.
“Sa simbahan pa naman tayo pupunta. Baka pagdating natin doon mapakasalan agad kita.”
Naramdaman ko ang pamumula ng aking pisngi at agarang nag-iwas ng tingin. Ramdam ko ang panginginig ng aking tuhod at ilang sigundo lang ata ay bibigay na talaga ako.
“Get in,” sabi niya.
Iyon ang nagtulak sa aking pumasok. Pagkaupo ko ay sinuri niya lang ako sa loob saka rin iyon isinara. Pumakawala ako ng mahabang buntong hininga at nahawakan ang puso na sana ay kumalma agad ito dahil baka marinig lamang ni South.
He was silent while driving. Nararamdaman ko lang ang palingon lingon niya sa akin habang pinaglalaruan ng kanyang pang-itaas na ngipin ang pang-ibabang labi. Paulit ulit niya iyong kinakagat sa marahang galaw at hindi mapanatili ang tingin sa kalsada.
Ngumuso ako at binalingan siya. Awtomatiko namang nagkasalubong ang aming tingin nang lumingon siyang muli.
“Bakit?” tanong ko.
“You look great…” pamumuri niya na ikinapula ng aking pisngi. Noon kasi, ang mga natatanggap ko lang sa kanya ay salungat ng iniisip ng isang babae na sasabihin sa kanya noong lalake.
Naging tahimik kami hanggang sa makarating sa simbahan. Pagkalabas ko, lumebel siya sa akin at dahan dahang hinila ang aking beywang papalapit lalo sa kanya. Parang tumalon palabas ang aking puso sa galaw niya kahit mukha namang normal lang iyon sa kanya ay hindi ko na maawat ang sarili kong sistema sa pagwawala.
Pumasok kaming dalawa. May iilan pang napalingon sa amin, sa kanya… lalo na’t kadalasan rito ay mga kaedad ko lang na mga babae. Ngumuso ako at sinulyapan siya kung ba’t ganoon nalang sila makatitig sa kanya. Alright… he’s a good looking man.
Umupo kami sa dulo at kapwa itinuon ang atensyon sa nagaganap na misa sa harapan. Iyong mga babaeng nasa aming harapan ay panay lingon na at humahagikhik agad sa isa’t isa pag nagkakatinginan sila. Ngumuso ako sinikap nalang iyong dedmahin. Nasa simbahan pa naman sana…
Nakabukas ng kaonti ang kanyang mga hita at nakatukod roon ang mga kamay niyang nagkasalikop sa isa’t isa. Nahulog ang aking tingin roon na ikinalingon niya sa akin.
“Pati ba naman ito pagseselosan mo?” tanong niya sa akin na ikinabura ng pagdidiwang sa mga mukha noong babae na panay lingon sa kanya.
“H-Hindi ah…” nag-iwas ako ng tingin sa kanya kaso nalaglag rin ang aking tingin sa kamay kong hinuli niya at dahan dahan iyong ipinagsalikop sa isa’t isa. Nakagat ko ang pang-ibabang labi at ibinalik ang tingin sa misa. Iyong mga babae naman ay nagsiirapan na sa amin, sa akin.
Habang nasa loob kami ng simbahan, ang raming panalangin ang tumakbo sa aking isipan. Pinapanalangin ko na sana iyong malalapit sa akin ay mabuhay ng masaya at maging masigla sa mga susunod pang taon sa buhay nila. Nilingon ko si South at natagpuan ang mukha nitong seryoso rin ang tingin sa harapan. Naroon ang buo niyang atensyon pero nang mapansing nakatingin ako ay lumingon rin siya sa akin. Sa oras na iyon, napagtanto kong masyado na akong nahulog sa lalakeng ito. Na handa kong ipagpalit ang mga meron ako ngayon sa samo’t saring emosyon na ibinibigay niya sa akin tuwing magkasama kami.
“Ipagkalat niyo ang kapayapaan mga anak ng Diyos. Sabihin niyo iyon sa katabi niyo at h’wag magtanim ng galit sa puso niyo.” sabi noong Father na nagmimisa.
Umingay ang paligid dahil sa palitan ng “peace” sa kanilang mga katabi. Nilingon ko si South na lumingon rin sa akin. Inangat ko ang aking kamay at nagpeace sign sa kanya.
“Peace!” Ngumiti ako ng matamis. Ilang sigundo rin akong ganoon at hinihintay ang magiging sagot niya pero tumitig lamang siya ng malalim. Sa maingay na paligid, dahan dahan siyang lumapit at hinalikan ako ng marahan. My eyes widened as I felt his soft lips on mine, slowly stroking it.
Noong lumayo siya, ngumiti siya sa akin na ngayon ko lang ata nakita.
“I’m always at peace when I’m with you…”
Naramdaman ko ang pagtindig ng aking balahibo sa aking batok. Nagiging labahin na naman na pinaikot ikot ang aking emosyon sa loob at nagkakahalo halo na. My stomach feels weird as my feet start to tremble. Itinuon niyang muli ang tingin sa harapan maliban sa akin na gulat na gulat parin. Ang kanyang kamay ay naglalaro na sa aking palad at dinadaanan iyon ng haplos ng kanyang mga daliri.
Itinuon kong muli ang aking tingin sa harapan at napabuntong ng isang malalim na hininga. If this is too much to ask, can I bargain all the things I have now just to have this kind of happiness? Wala naman akong pakialam sa tinatamasa kong atensyon ngayon, oo natutuwa ako sa mga nakukuha kong atensyon sa iba… pero iba parin talaga kung galing iyon sa taong gustong gusto mong makasama.
Pagkatapos ng misa ay umalis rin naman kami kasama ng iba pa. Nanatili ang aking tingin sa labas ng bintana lalo na’t hindi ko parin maalis alis sa aking sistema ang kakaibang pakiramdam na kanina ko pa iniinda. Ang sabi niya, ididate niya ako pero sa katulad niyang napakamisteryoso ay wala rin akong ediya kung saan kami pupunta.
“Saan tayo pupunta?” tanong ko nang hindi ko na makaya ang pag-iisip ng lugar kung saan niya ako dadalhin.
“My place,” sagot niya na ikinakurap ko.
“Sa condo mo?” pag-uulit ko na ikinaangat ng kanyang isang kilay sa akin.
“If you’re scared I might do something to you then I suggest you bring some of your cousins to guard you.”
Nasira agad ang aking ekspresyon. “Hindi na ako bata,” saka ako ngumiwi.
Pinasadahan niya ako ng tingin at tumango tango. “Yeah, you’re way far from that kid I used to know…”
“Anong kid? Minor lang ako noon!”
“Hindi pa ba bata ang minor?”
Sumimangot ako at itinuon nalang ang tingin sa harapan. Pagdating namin sa kanilang condo ay pinuna ko agad ang bawat detalye ng loob. Noong nandito kasi ako ay hindi ko masyadong napagtuunan ng pansin. Pinagmasdan ko siya sandali na hinuhubad ang kanyang itim na leather jacket at iniwan iyong panloob niyang puting cotton shirt.
“Feel free to do anything you want,” sabi niya saka ito naglakad patungong countertop. Lumiwanag naman ang aking mukha sa narinig. Anything… ibig sabihin, pwede kong pakialaman ang lahat ng gamit niya?
Hinubad ko ang aking pumps at isinuot iyong indoor slipper niyang kulay itim na mas malaki pa sa akin. Nagsimula akong maglakad lakad at naging komportable lalo dahil narin sa binitiwan niyang salita. Na kahit magwala ako rito o magkalat ay okay lang sa kanya.
Ngayon ko lang napagtanto na masyado pala talaga iyong malaki para lang sa isang tao. Pero sabagay, he’s an indemand Architect. Hindi na nakapagtataka at namumuhay siya ng marangya.
Nang mapagod ko kakatingin at kakasuri sa kanyang mga gamit ay sinilip ko siya sa countertop. Ang kanyang likod agad ang bumalandra sa akin na kahit hindi mo naman makikita ang kanyang mukha ay rerehistro talaga sa iyong utak na gwapo ito. Base narin sa kanyang katangkaran, sa hubog ng katawan, sa ayos ng buhok at kanyang pananamit.
Ilang sigundo akong nakatanga roon at pinagmamasdan ang kanyang galaw. His muscles flexed as he flip the pot. Ang isa nitong kamay ay nasa kanyang beywang na inangat niya sandali para lamang pasadahan ng haplos ang kanyang buhok saka rin ibinalik roon. My eyes slowly went to his toned legs and settled on his sexy butt. Tumagilid pa ang aking ulo para lang mas masuri siya ng mabuti kasabay ng paglingon niya sa akin at awtomatikong inangatan ako ng kilay dahil sa pinaggagawa ko.
Napalunok ako ng laway at mabilis na tumuwid sa pagtayo. Hinila ko pa ang aking katinuang nilalayasan ako dahil rin sa panghuhusga ng kanyang mga mata.
“S-Sinilip lang kita kasi wala akong magawa…” rason ko at nag-iwas ng tingin.
“Seems like you’re more perverted than me…” makahulugan niyang sabi na ikinapula ng aking pisngi.
“I am not thinking dirty stuff! S-Sadyang napuna ko lang talaga…” halos maputol ang aking hininga sa pagpapaliwanag. Eh doon nga sa ibang bansa sobra pa ang nakakaya kong tingnan! Some of my guy friends were even topless while we’re doing something fun. Tapos itong si South nakadamit pa nga pero ang hirap ng huminga minsan.
Umangat lamang ang kanyang kilay at naninimbang na naman ang misteryosong mga mata. Sumimangot ako.
“Ikaw nga diyan…” hindi ko na iyon madugtungan at nahiya sa pumasok sa aking isipan. Ayokong mag-open up ng mga ganoon baka ano pang maisipan niyang isagot sa akin.
“Ako? Ano?”
“Wala,” umiling iling ako.
“Gusto mong aminin ko sa’yo na nakadamit ka palang sa harapan ko, hinihubaran na kita sa isipan ko. Ganoon ba?” Pinasadahan niya pa ako ng tingin at may kung ano nang malisyosong paninitig sa akin.
“Inamin mo rin,” natatawa kong sabi na ikinakibit niya lang ng balikat at ngumisi rin.
“I’m almost done. You can sit there,” sinenyasan niya akong magtungo roon sa mesa ng countertop niya kung saan may four seated na upuan.
“Manyakis ka, Architect…” pang-aasar ko sa kanya habang umuupo roon.
Nabasa niya lang ang pang-babang labi at nailing, may nakakaakit nang ngisi na hindi niya maitago ng husto.
Pumangalumbaba ako at humilig sa parisukat na itim na mesang gawa ata sa marmol dahil narin sa desinyong nakikita ko roon. Ilang sandali lamang ay nakarating siya sa aking likuran at inilapag sa aking harapan iyong luto niya. Nalaglag ang aking tingin sa fried rice na may mga masasarap na sangkap. May green peas, pinagpipirasong ham, mga nakaslice na squid balls at mga gulay na nakachop rin na mas ikinadagdag ng kulay ng puting kanin. Amoy palang noon ay nanubig na agad ang aking bibig.
Pinanood ko siyang maglapag ng mga plato, at kung ano ano pa sa aking harapan. May isa pa siyang dish na inilapag na sa pagkakaalam ko ay isang pasta. It looks like a Parmesan pasta with garlics on it.
“Marunong kanang magluto?” medyo naiinggit kong tanong. Ako kasi, simula bata pa ay may tagaluto na para sa akin. Noong nasa ibang bansa naman ako ay naging tutok ako sa pag-aaral at walang oras sa mga ganito lalo na ngayon. Ako ata iyong tipo ng babae na pag iniwan mo sa kusina ay magkakalat lamang ako hindi kagaya sa kanya na mas may alam pa ata sa mga gawaing bahay kahit lalake naman ito.
“I can cook now without the help of a cookbook. Ito ang pinagkakaabalahan ko pag nandito ako.” sabi niya habang sinasalinan ako ng pineapple juice.
Hindi ko na iyon mapagdudahan pa dahil narin sa masarap niyang luto. Panay ang pagsubo ko ng sunod sunod maliban sa kanyang ngumunguya ng dahan dahan at nasa akin ang tingin, ang mga labi ay ngumigiti na naman.
“Buti ka pa marunong…” pahabol kong sabi at sumubo muli.
Binasa niya ang nangingintab niyang pulang pang-ibabang labi at may pinupunto na ang tingin sa akin.
“I want to learn since I don’t want my wife to starve in death. Ayokong tumikim siya sa luto ng iba eh pwede namang iyong akin ang tikman niya.”
50th Hooked
WARNING: SPG
Sa akin lang dapat
Nanatili rin naman kaming dalawa sa malapad niyang sofa rito sa sala pagkatapos kumain. Hawak ang isang cup ng ice cream, iyon ang kinakain ko habang nanonood kami ng palabas. Ang aking mga hita ay nakapatong sa isa niyang hita habang ang kanyang braso ay nasa aking likuran at nakaakbay roon.
“Ang gwapo naman noong bida… ang hot,” pamumuri ko sa isang hollywood actor na bida roon sa In Time. Mabilis na dumilim ang kanyang mga mata kasabay ng pagtalim noon sa akin. Dinilaan ko ang hawak na kutsara na ikinatingin niya roon sandali bago ako humagikhik sa kanyang naging reaksyon.
“Pag napanot ka, siguro ganyan ka rin ka hot…” pang-aasar ko.
Umiling lamang siya at ibinalik ang tingin sa malaking tv. Nakaramdam ako ng lungkot nang hindi na nito nabigyan ng oras ang kanyang ina at namatay sa mismong harapan niya dahil sa estado rin ng kanilang buhay. Oras ang nagiging basehan kung ano ang magiging estado mo sa lipunan. Nahahati ang kanilang populasyon sa mga mayayaman at mahihirap. Iyong mayayaman ay kayang mabuhay ng matagal base narin sa suot nilang oras sa kanilang sarili.
“Iyan na ata iyong patunay sa katagang ‘time is gold’” komento ko pa at sumubo muli ng ice cream.
“Ano bang pagkakaintindi sa katagang iyan?” tanong niya sa akin. Sandaling nahulog ang aking tingin sa daliri niyang humahaplos sa aking paa at dinadaanan iyon ng nakakakiliting galaw.
“Hmm,” inilagay ko ang kutsara sa pang-ibabang labi habang ang aking mga mata ay nasa ibabaw na ang tingin at doon naghahanap ng maisasagot.
“Siguro… iyong h’wag mong aksayahin ang oras mo sa mga bagay na wala namang kinalaman sa’yo. Na limitado lang ang oras mo sa mundo kaya gamitin mo iyon ng maayos.” sagot ko at ibinagsak ang tingin sa mga mata niyang malalim ang paninitig sa akin.
“Eh ikaw?” tanong ko.
Binasa niya sandali ang pang-ibabang labi at ibinalik ang tingin roon sa palabas.
“Time is gold when you’re with that special person. Doon mo lang mapapahalagahan ang bawat sigundo ng oras mo dahil hindi mo naman mahuhulaan ang mangyayari bukas. Baka paggising mo… wala na pala siya sa tabi mo.” naging malungkot ang boses na iyon at parang may pinanghuhugutan sa salitang binibitawan niya.
Misteryoso talaga ang tingin ko sa mga Buenaventura at hindi na ako magtataka kung ba’t may mga salita silang binibitiwan na mapapaisip ka ng husto. Iyong kahit kilalanin mo man sila buong buhay mo ay hindi mo parin sila makakabisado dahil ipapakita lang nila ang mga gusto nilang makita mo sa kanila.
“Masakit nga ang ganoon,” sagot ko at itinuon narin ang tingin sa palabas.
“I’ve been in hell these past 6 years…” pabulong niyang sabi na hindi nakaligtas sa aking tenga.
He sighed heavily as his eyes darkened with something foreign to me. Para iyong binalot ng madalim na lungkot at ni isang liwanag ay wala kang mahanap.
“It’s hard to breathe everyday knowing you lost someone you cherish the most…” Umawang ng kaonti ang kanyang mga labi at suminghap ng hangin. Nilingon niya ako, ang kalungkutan sa mga mata ay yumakap narin sa buong mukha niya at mas lalo lamang nagiging misteryoso.
“If you plan on leaving me this time, I assure you… you’ll learn it again in a hard way and you’ll never get away.” May pagbabantang pagkakabitaw niya na ikinalunok ko lalo na’t naririnig ko ang katagang “tuso ang angkan nila” na mas nagbibigay lang ng takot sa akin.
I was startled for a second. Kinuha niya ang pagkakataong iyon para lumapit sa akin lalo at halikan ako sa aking labi. Humalo na sa kinakain kong matamis ang matamis niyang halik na ikinalaglag ng talukap ng aking mga mata para pumikit ako.
The kiss lasted for a minute. Hinihingal akong humiwalay at nahihiyang nakipagtitigan sa mga mata niyang namumungay. Kagat kagat niya na ang pang-ibabang labi habang nakatingin parin sa aking labi na nakaawang ng kaonti.
Akma niyang ilalapit muli sa akin ang kanyang labi nang may biglang nagdoorbell kaya kapwa kami natigilan. Nasira ang ekspresyon ng kanyang mukha at matalim na ang tingin roon sa may pinto niya. Na kung sino man iyon ay malalagot talaga.
“Ako na ang magbubukas,” ibinaba ko ang aking mga hita sa kanya at tumayo ng tuwid. Pumakawala siya ng malalim na hininga at humilig roon sa likod ng sofa. Naitukod niya pa ang kamao niya sa gilid ng kanyang ulo at tila galit na.
Mabilis akong nagtungo roon at binuksan iyon. Bumungad muli sa akin ang mukha ng babaeng pangalawang beses na akong nadatnan rito. Ang matamis niyang ngiti ay dahan dahang naglaho at nalaglag ang tingin sa lace noong puting damit ko. Nang tiningnan ko iyon ay nakasabit nalang pala iyon sa braso ko. Ngumiti ako at agaran iyong inayos.
“Pasensya na. Si South kasi masyadong malikot ang kamay,” malambing kong sabi at mas ngumiti na ikinatalim ng kanyang tingin sa akin.
“Ba’t kana naman ba nandito?” tanong niya at nagawa pang silipin ang loob. Nilingon ko si South sa may sofa na walang balak tumayo at mukhang naiinip pa roon.
Nang ibinalik ko ang tingin ko sa kanya ay may pagkadisgusto na ang mga matang nakatingin sa suot kong indoor slipper. Galit na galit na ang mukha niya sa kabila ng pagiging kalmado nito sa aking harapan dala dala ang isang pagkain na hindi ko na pinuna pa.
“Idineritso kasi ako ni South rito dahil nagsimba kami kanina,” paliwanag ko na nagpalala lang ng ekspresyon niya. Nalaglag pa ang aking tingin sa cleavage niyang litaw na litaw dahil sa pulang dress niyang laces lang rin ang kumakapit sa may balikat. Hinawi niya ang nakalugay na buhok paatras at hindi na maibalik sa dati ang nagkakasalubong na kilay.
“Tell him I’m here.” utos niya sa matigas na boses lalo na’t nakaharang rin ako ng buo sa pintong hindi ko binuksan ng malaki.
Nilingon ko si South, “Nandito si Frances…” sabi ko sa kalmadong boses.
“Tell her to leave and close the door. Bumalik kana dito,” sabi lang ni South at hindi na nagawang lumingon pa.
“Alis kana daw,” sabi ko agad nang nilingon ko itong muli.
Ang galit ay umabot na ata sa tuktok ng kanyang ulo lalo na’t kumukuyom narin ang kanyang mga kamay.
“Hindi ka talaga nadadala sa pagbabanta ko… pwes humanda ka,” saka ito tumalikod at kulang nalang ay ipadyak ang mga paa. Nagkibit nalang ako ng balikat at isinara iyon. Ano namang gagawin niya? Mas malala pa nga iyong nangyari noon. At isa pa, ang sabi sa akin ni South ay hindi naman sila kaya hindi ko rin mapunto iyang ikinakagalit niya.
Madalas nang nagiging clingy sa akin si South. Lalo na sa Site na kahit ang kanyang mga tauhan ay tumitikhim nalang at nagkakatinginan na habang ngumingisi. Nakokontento ako sa nangyayari sa amin araw araw. Gusto ko, pag-uwi rin nila Mommy at Daddy ay aaminin ko na sa kanilang nagkikita ulit kami ni South at nakapagpasya na ako. I want him. Gusto kong nasa tabi ko siya habang buhay. Na pag okay na ang mga pamilya namin ay lalagyan ko na ito ng label at handa ako kung humantong man ito sa kasalan o ano. I know he loves me… at ganoon narin ako sa kanya.
“Saya saya natin ah?” Umupo si Heluisse sa aking tabi nang madatnan niya ako rito sa sala ng aming bahay at gumuguhit ng panibagong designs.
Umupo siya sa aking tabi at sinilip ang aking gawa.
“Wedding gown? Halos 3 months ka palang na nandito pero parang naghahanda kanang matali…”
Ngumuso ako at hindi maiwasang itago ang ngiti sa aking labi. Humalakhak pa ako nang matagpuan ko ang disgusto niyang mukha at hindi makapaniwala sa aking naging reaksyon.
“Ang rupok mo.”
“Eh naiinspire akong gumawa ng wedding gown eh! Ano ba…” natatawa kong pagpapaliwanag sa halip na kalmado ko lang dapat iyong sasabihin.
Umikot agad ang kanyang mga mata, “nasaan na iyong sinasabi mong 17 ka lang noon at hindi pagmamahal iyong nararamdaman mo? Akala ko ikaw itong uto-uto noon pero pati rin naman pala ikaw ay inuuto mo rin ang sarili mo.”
Humagikhik ako at wala ng masabi sa kanya. Ayoko nang magbitaw ng salita dahil baka gamitin niya lang ulit sa akin. Itinuon ko ulit ang tingin sa design kong hindi ko pa natatapos iyong turso.
“Buti at nandito ka sa bahay.”
“Sabi ni South may importante siyang inaasikaso ngayon kaya nanatili nalang ako rito…”
“Eh kumusta naman iyong lintang ambisyosa?” pagalit niyang tanong na ikinalingon ko sa kanya.
“Si Frances?” hindi sigurado kong pagbibitaw ng pangalan. Siya lang rin naman kasi iyong madalas kong ikwento kay Heluisse. Alam niyang pumupunta ito sa condo ni South kaya naiinis rin siya at palaging tumatalon sa mga haka haka niya. Na baka hindi ko alam ay may nangyayari daw na hindi ko alam. Baka maloko daw ako ulit. O baka ginagago lang daw ako. Pero sa huli ay nakay South rin naman ang kanyang boto.
“Ano bang mukha niyan at malakas ang loob lumandi?” tanong niya nang buksan ang kanyang cellphone at may pinagkakaabalahan na roon.
“Maganda naman. Modelo… at… uhm,”
“Maganda, modelo, malandi, mang-aagaw, marupok, masyadong ambisyosa, makakatay ko siya.” sunod sunod niyang sabi na puro “m” ang simula na ikinatawa ko.
“Anong pangalan niyan? Titingnan ko sa ig nang may mapag-usapan tayong maganda. Lalaitin ko.” Itinulak niya ang iilang hibla ng buhok niyang nalaglag sa kanyang harapan para mapunta sa likuran at masyado na namang obvious ang freckles nito sa mukha. Sa tuwing galit siya, pumupula ang kanyang mga pisngi na mas nagbibigay ng pansin roon sa frekles niya kaya iyon talaga ang matititigan mo.
“Frances Ardentes,”
Natahimik na siya sa aking gilid kaya hinayaan ko nalang rin ito dahil masyado na akong nadadala sa pagguguhit noong bottom ng top nito.
“Nasan nga ulit si South?” tanong niya sa akin at may pagdududa na naman ang boses.
“May importanteng inaasikaso,” wala sa sarili kong sagot.
“Anong klaseng inaasikaso ba iyan?”
“Hindi ko alam,”
“O baka naman nakaschedule rin sa iba.”
Masyado na akong nababahala sa boses niyang may halong galit kaya nilingon ko na talaga ito. Ang mga paa kong nakapatong sa sofa ay ibinaba ko at umayos ng upo.
“I trust him. Kahit hindi ko nilalagyan ng label ang namamagitan sa amin ngayon, alam ko na hindi siya magloloko.” nakakasigurado kong sabi na ikinaangat ng kanyang kilay.
“Eh ano ’to?” Iniharap niya sa akin ang screen ng kanyang cellphone at nakita ko ang wall ni Frances sa ig noon. Natuon ang buo kong tingin sa 10 minutes ago na post nito na ikinatigil ko ng ilang sigundo. Hindi ako pwedeng magkamali na condo iyon ni South lalo na’t kabisado ko ang bawat detalye noon at ang likod ng lalakeng topless, magulo ang buhok at mukhang nagbibihis pa. Hawak ni Frances ang cellphone at nakangiti ito ng matamis habang kalahati lamang ng kanyang katawan ang nakikita at mukhang nakahubad rin dahil sa buhok niyang buhaghag. May caption pa roon na “My rough Architect Buenaventura.”
Nanginig ang aking labi at parang nahulog ako sa malalim na bangin dahil sa nakita. Unti-unti ng nanlalabo ang aking mga mata na sinikap ko lang hindi iyon malaglag.
“P-Pero sabi niya m-may inaasikaso siyaㄧ”
“Ito na nga. Inaasikaso niya ang babae niya,” matabang na sabi ni Heluisse sa akin at nagbabanta na ang tingin. “Kung iiyak ka sa harapan ko ngayon, ako mismo ang magsusumbong sa mga pinsan mo. Akala ko ba nagbago kana, Cana?! Eh ba’t mukhang nagpapauto kana naman?!”
Mariin akong napapikit at naramdaman ang malalaking luhang tumakas roon.
“I thought you already learn?” mas naging malala na ang tono ng kanyang pananalita na kung hindi niya lang siguro ako pinsan ay napukpok niya na ako sa ulo ko.
“Natuto na nga,” sagot ko sa matabang na boses. “A-At isa pa, wala namang label.” kalmado kong paliwanag sa kabila ng panghahapdi ng aking puso. Gusto kong magalit ng husto pero sinikap kong kumalma. Tigang pala ha…
Itinapon ko ang aking gawang desinyo at padabog nang tumayo.
“Magbibihis lang ako,”
“Susugurin mo?” tanong niya at nakahalukipkip na.
Ngumiti lamang ako ng matabang at umiling, “Magcecelebrate lang…” banayad kong sabi.
Ipinatong niya ang kanyang hita sa isa pa at umaangat na ang kilay. “Then I’ll wait you here.”
Sa pangalawang beses ng buhay ko, naranasan ko na naman iyong pakiramdam na parang nagago ka dahil masyado na naman akong nagpapakaignorante sa isang tao na hanggang salita lang naman. Ayokong umiyak dahil lamang doon. Alam kong mababaw ang aking luha pero ayaw ko iyong aksayahin. If he wants her then fine. Mabait naman ako. Ba’t ko naman siya ipagdadamot? Magsama sila.
Maingay ang loob nang pumasok kami sa loob ng aking pinsan. Ang pamilyar na loob ng 3DBar ay naging malinaw sa aking mga mata at nagwawala na agad iyong kanta.
“I thought you’re busy?” tanong sa akin ni Chain na nilingon sandali ang pinsan kong walang reaksyon sa aking gilid.
“Kailangan kong maglaan ng oras sa pagsasaya lalo na’t nagcecelebrate ako ngayon!” Humalakhak ako at nasuklay paatras ang aking buhok. Kitang kita ko ang pagkaasiwa ni Chain sa suot kong kulang nalang ata ay ipagmalaki ko sa lahat ang magandang hubog ng aking katawan. It’s a tube dress, exposing my cleavage and my legs. Sa sobrang iksi, kulang nalang ay maghubad ako.
“Counter lang ako. Sige, magwala ka…” sabi ni Heluisse sa akin at sumenyas pa. Pinanood ko ang pag-alis niya na kahit si Chain ay sinundan rin ito ng tingin.
Noong ibinalik niya sa akin ang kanyang tingin ay naging seryoso na.
“Ginago ka?” may pagbabanta sa kanyang boses na ikinatawa ko.
“Gago naman talaga iyon ah?” Hinila ko ang kanyang kamay at kinaladkad ito papuntang counter. “Matagal ko ng hindi nararanasan iyong paglalasing na kulang nalang ay gumapang ako pauwi. I kinda missed it…” natatawa kong sabi nang umupo ako sa counter, si Chain ay nakapameywang na sa aking gilid at seryosong seryoso ang mukha.
“Black label please. Isang bote,” sabi ko sa bartender na nagulat pa lalo na’t sobrang hard noong hinihingi ko.
Nailing si Heluisse. “Sige, magpanggap kang masaya at kunwari naniniwala kami.” puno ng sarkastiko niyang sabi na ikinatawa ko.
“I am really happy! Lalake lang naman iyon.” Imbes magtunog masaya ay naging matabang ang aking boses.
Inilapag noong bartender sa aking harapan ang isang maliit na baso at iyong Black label. Sinalinan ko agad iyon at pinuno ko saka ko nilagok. Napangiwi ako at mariing napapikit dahil sa pagdaan nito sa aking lalamunan at sobrang hapdi pa noon sa pakiramdam. Binalewala ko iyong lemon sa gilid at nagsalin ulit.
“Ano bang ginawa niya?” tanong ni Chain na kanina pa hindi magawang ngumisi sa suot niyang denim polo at masyadong gwapo sa buhok na buhaghag ng kaonti.
“Wala naman kaming relasyon noon e, and he’s just my Architect.” Inangat kong muli ang baso at lumagok sa pangatlong beses. Nagsimulang umikot ang aking paningin pero binalewala ko iyon. Low tolerance ako pero sa oras na ito, gusto kong magpanggap na kaya ko naman. Mas gumapang pauwi ng bahay kaysa gumapang pabalik sa kanya.
“Tara, Chain! Let’s dance!” Hinila ko siya at kamuntik pa akong masubsob sa sahig pagkababa ko dahil sa umiikot kong paningin pero mabuti nalang ay mabilisan niya akong nasalo.
“Nice catch!” Halakhak ko at nasuklay ang aking buhok paatras saka siya muling hinila.
Nakipagsiksikan kami sa mga kumpol ng taong natatangay na ata ang mga kaluluwa noong kantang sobrang nakakaindak. I started yo dance seductively as my arms wrapped around his neck. Suminghap si Chain at nasuklay ang buhok, may galit na ang mukha.
“What did he do, Cana?” tanong niya.
Umiling lang ako sa nanlalabo kong mga mata at tumawa. “Gago ’yon…”
Sinipa ko ang mga pinag-iisip ko sa kanya at sumabay sa iilang sumasayaw rin. Nasusuklay ko paatras ang aking buhok at natatawa sa tuwing mahuhuli ang tingin sa akin ni Chain. Hinila niya ang aking beywang at akmang igigiya ako paalis roon nang may humila rin sa akin ng malakas. Sa sobrang lakas noon ay nabangga ako sa matigas niyang dibdib at hindi man lang ito natinag.
Mabilis ang pag-atras ni Chain at itinaas agad ang mga kamay nang makita ang imahe ng lalakeng nasa aking likuran. Bakas sa mukha nito ang pagsuko na at ayaw makisali.
Hindi ko na narinig ang gustong sabihin ni Chain dahil kinaladkad na agad ako noon paalis. Hilong hilo pa ako sa dami ng aking nainom at idagdag pa ang dress kong bumababa narin at masyado nang inilalantad ang kalahati ng aking dibdib.
“A-Ano ba! Ang kj!” sigaw ko at gustong bawiin ang aking kamay pero hinila niya lamang ako ng malakas at walang ano ano’y inangat ako sa ere dahil sa kanyang pagkarga sa akin. Hindi nakaligtas sa umaalon kong paningin ang sobrang galit na yumakap sa kanyang mukha. Na nasagad ko na ang pagtitimpi niya at sasabog siya ano mang oras.
Katulad noong unang beses na sinundo niya rin ako paalis roon, natagpuan ulit namin ang isa’t isa sa loob ng kanyang kotse. South, in his raging anger, faced me. Nang makita pa ang aking suot ay mas nakakadagdag lamang iyon sa kanyang galit at makakapanakit na ata dahil sa.sunod sunod na murang nasambit niya.
Halos tumaas baba ang kanyang balikat at mariin pang napapikit. I saw how his strong jaw tightened as his lips parted a bit to breathe.
“Naging busy lang ako ng isang araw tapos matatagpuan na kita roon sa Bar na iyon at nagpapawild kasama iyong tarantadong iyon?!” he growled at me as he massage the bridge of his nose.
“Oh? Busy ka rin naman sa babae mo ah?”
Dumilat siya at nanliliit na ang mga mata sa akin.
“What?”
“Ba’t hindi mo aminin? Gago ka…” Ngumisi ako pero may tabang na iyon kasabay ng pagkalaglag ng malalaki kong luha.
“I’m fucking busy Nana! Sinabi ko sa’yong may aasikasuhin akoㄧ
“Oo nga! Busy kang ikinakama iyong b-babae mo!” Pumiyok ako at wala ng tigil na umagos ang luha sa aking mga mata. His face darkened as he watched me wiped my tears away.
“K-Kung akala mo magpapauto ulit ako sa’yo, pwes hindi na! Natuto na ako sa panggagago mo noon, South! H’wag mo naman sana akong pagmukhaing bata parin na madali mo lang bolahin…” Nagloosen ang aking balikat at hindi na ito halos matingnan dahil sa mga mata kong nanlalabo.
Hindi nagbabago ang kanyang ekspresyon at galit na galit parin. Sobrang lalim na ang paninitig sa akin at nagbabanta na ng kung anong gyera. Bago ko pa man mabuksan ang pinto palabas ay mabilis niya ng binuhay ang kanyang kotse at ipinaharurot iyon.
“Ano ba! Ihinto mo! Lalabas ako!” Pinaghahampas ko ang bintana ng kanyang kotse at gusto iyong buksan kahit na nakalock na iyon sa loob.
Mas bumilis ang kanyang pagmamaneho at kulang nalang ay ifull speed iyon. Walang gaanong kotse sa kalsada dahil gabi narin pero kung meron man ay mag-oover take lang siya dahil sa kanyang pagmamadali.
“Ihinto mo!”
His eyes darkened even more as his jaw tightened. Malakas na ang pagkakakagat niya sa kanyang labi at walang balak sundin ang gusto ko.
Huminto iyon sa lugar na hindi pamilyar sa akin. Mabilis ang kanyang paglabas. Lumabas rin ako at iginala ang tingin pero hindi ko na nagawa dahil sa panghihila niya. Wala kami sa kanyang condo unit o kung saan pa man. Hindi pamilyar sa akin ang lugar.
Pagkapasok namin sa loob, hindi palang ako nakakabawi sa pagkakagulat ay mabilis nang tumakip sa akin ang kanyang kabuuan at idinikit sa akin ang kanyang labi. Napasandal ako sa pinto noon at mabilisang nanginig ang tuhod dahil sa halik niyang sobrang lalim na. He was nipping my lowerlip as his hand caressed my body. Gusto kong magpumiglas at itulak siya palayo pero nang naramdaman ko ang mga kamay niyang namimisil na sa dalawa kong dibdib ay napaawang nalang ang aking bibig at nakalimutan ang pagtutol.
Sa aking nararamdamang pang-iinit ay tila namatay ang aking isipan at nakalimutan ang ikinakagalit ko kanina. Napatingala ako nang bumaba ang kanyang halik at halos daanan ng kanyang dila ang bawat bahagi ng aking lumalantad na dibdib. Ang isa niyang kamay ay inangat ang aking hita kaya awtomatiko kong naipulupot iyon sa kanyang beywang.
Nagsimula siyang maglakad habang hinahalikan ako ng mapusok at halos nakakapugto ng hininga. Mainit ang bawat pag-atake ng kanyang mga labi sa akin hanggang sa naramdaman ko nalang ang pag-upo niya sa isang malambot na kama.
Nakaupo na ako sa kanyang gitna na nagpasinghap sa akin dahil sa matigas na bagay na tumama roon sa aking kaselanan. Sinuklay ko paatras ang aking buhok at kumawala ng halinghing nang gumalaw ako roon. Dinadaanan ko ng haplos iyong nanayo niyang pagkalalake sa loob noon at mas nilaliman ang halik habang ang aking kamay ay nasa kanyang suot na polo na. Nanginginig ang aking mga kamay nang binuksan ko iyon isa isa.
Hinawakan niya naman ang magkabilang dibdib noong dress ko at marahas na hinila sanhi para mapunit iyon sa gitna mismo ng aking cleavage. My eyes widened and stop midway from doing such things. Kinuha niya ang pagkakagulantang ko para ihulog ako pabagsak sa kama at pumaibabaw agad sa akin. Hinila niya ng malakas iyon hanggang sa matagumpay niya iyong nadala sa may paanan ko at itinapon iyon paalis.
Bago pa man ako makapalag ay umatake muli ang kanyang labi sa akin. Iniipit niya sa kanyang gitna habang ang isa kong hita ay itinulak niya palayo para mas bumukaka iyon. Sa bilis ng kanyang kilos, nagawa ko nalang ay humalinghing nang naramdaman ko ang kanyang kamay sa aking gitna at hinagod agad iyon sa isang ritmong nakakabaliw.
My back arched when I felt his hand on my folds, stroking it, drawing some circles around my clit, as his kisses travel down to my neck until he reached my peak. My mouth formed O when I felt his hot mouth covered it as his tongue flicked on my hard nipple.
My heavy breathe worsened as i felt his hand moved roughly, stroking it without going inside directly. Ang isa niyang kamay ay namimisil sa isa ko pang dibdib na halos ikabangon ko na dahil masyado nang malala ang pagkakadala niya sa akin sa langit. My mind went blank as my eyes shut harshly as I tried to stop myself from moaning loudly.
Pero mukhang ayaw niyang magpigil ako ng boses kaya mas bumaba pa ang kanyang halik hanggang sa isinampay niya ang dalawa kong hita sa magkabila niyang balikat at hinawakan ang aking balakang para ipirmi iyon. Nakarinig ako ng pagkapunit ng isang tela roon pero bago ko pa man matingnan kung ano na ang nangyayari ay napahalinghing na ako dahil sa ginagawa niya. I felt his hot breathe between me as his tongue delved deeper. My toes curled as I clutched the betsheet. Ang aking ulo ay hindi ko na alam kung paano pakakalmahin na kahit anong tulak ko sa kanya paalis roon ay mas lumalala lamang ang kanyang ginagawa. He stroked my folds as he sucked my cl*it causing me to moan loudly. Panay na ang pagtawag ko sa kanyang pangalan na kahit ang aking boses ay hindi ko na makilala.
Hindi niya ako tinantanan roon kahit na nakahawak na ako sa kanyang buhok hanggang sa may kung anong sumabog sa akin palabas na tuluyang nagpahina sa buong katawan ko. Hinihingal pa ako noong nakita ko siyang lumuhod sa aking harapan at walang ano ano’y inalis lahat ng kanyang saplot. My sleepy eyes settled on the thing between him. My throat ran dry when I saw how big it got. Nanlalaki na ang aking mga mata at gusto na atang umatras.
Gumapang siya muli paakyat sa akin at hinalikan ako. Ang dim na ilaw ay nakikipagkompetensya narin sa mga mata niyang ganoon na ang kulay. It was covered with lust and so much desire.
“Open your legs widely…” bulong niya sa akin sa malalim at nakakalasing na boses na awtomatiko kong sinunod.
Ang balak kong humalik pabalik at pantayan ang dila niyang sumasalakay sa loob ay hindi ko magawa nang maramdaman ko ang kanya sa akin. He was rubbing it between me without directly going inside. Dumilat ako at yumuko para makita iyon. Namamangha ako dahil sa bawat pagdaan ng oras ay mas lumalaki lamang ata iyon.
“C-Can I touch it?” Akma kong ibababa ang aking kamay para ako sana ang maggiya noon nang imigting ang kanyang panga at mabilisang hinuli iyon.
“Damn, you’re driving me wild…”
That triggered him to pushed hisself inside. Ang pagnanasang naramdaman ko ay mabilis na namatay na kahit ang kalasingan ko ata ay nilayasan ako dahil sakit at kirot na bumalot sa buo kong katawan. Naramdaman ko ang mainit na likidong umagos sa aking mga mata pero hindi na ako nagreklamo pa at ipinilupot lamang ang aking mga kamay sa kanyang batok.
“Ano pang ibibintang mong ginawa ko sa babae ko para naman alam ko ang gagawin ko sa’yo?” bulong niya sa aking tenga at dinaanan iyon ng nakakakiliting halik na kahit ang dulo ng kanyang dila ay nararamdaman kong humahaplos.
Nakalimutan ko na ang ibinintang ko sa kanya tungkol roon sa tinutukoy niya nang maramdaman ko ang kanyang kamay roon at mukhang winawala ang sakit. He started to move slowly. Bawat diin ay halos umiyak ako at nakagat nalang ang kanyang balikat. Na pag huhugutin niya ay bubuhos lalo ang luha sa aking mga mata at ititulak niya ulit. Mabagal iyon at naniniguradong hindi ako masasaktan. Pero noong marinig niya ang aking ungol ay doon niya hinawakan ang aking balakang at gumalaw ng mabilis.
“Baka gusto mo ring ibintang sa akin na binuntis ko iyong babae ko dahil gagawin ko talaga ngayon mismo.” pagbabanta niya sa matigas na boses na mas ikinabilis ng kanyang galaw.
I can’t describe the feeling. Halos makalimot ako sa mundo dahil sa pinaggagawa niya. I can even feel his balls slapping on my ass as he thrusts faster and deeper. Noong hindi siya makontento ay inangat niya ang isa kong binti at isinampay sa kanya saka ulit gumalaw ng marahas na nagpasigaw sa akin ng husto.
Parang mababali na ang aking likod dahil sa kakaliyad ko na kahit ang aking balakang ay sinasalubong narin iyon. I am already crying mess. Nang hindi ko makaya ang nangyayari at wala akong makapitan ay hinila ko ang kanyang batok at nayakap iyon ng mahigpit. Kulang nalang ay ibaon ko ang aking kuko sa kanyang likuran na kahit ang aking bibig ay hindi ko na maisara.
He pushed deeper and harder as he pinched my nipple and kisses my neck. One more pushed and I’m done. Para akong naging lantang gulay nang humiwalay ako sa kanya habang siya itong nagpapatuloy pa. Sa inaantok kong mga mata ay nakita ko ang kanyang imahe na naliligo ang sariling pawis, pulang pula ang dibdib at lumalabas na ang ugat sa leeg habang bumabayo parin. Bumagal ang kanyang paggalaw hanggang sa narinig ko ang kanyang pag-ungol at bumagsak rin sa aking dibdib. Hinahabol ko pa ang aking hininga dahil para akong tumakbo ng ilang kilometrong layo nang marinig ko siyang magbitaw ng isang babala.
“I am allowing you to be wild but only in my bed, Nana. Sa akin lang dapat.” he said with finalty.
51st Hooked
Bait-baitan
Pagkagising ko, para akong dinaganan ng isang bulldozer dahil sa sobrang sakit ng buo kong katawan. My eyes shut harshly when I felt the searing pain between me. I am still throbbing down there at pakiramdam ko ay nahati ang buo kong katawan. Idagdag pa ang pamimintig ng ulo ko kaya rin ako nagising. Iyong nangyari ata kagabi ang nag-alis ng kalasingan ko.
Idinilat kong muli ang aking mga mata at nilingon sa gilid ang lalakeng sobrang himbing ng tulog dahil sa pagod. Parang ang amo niya ngayon kumpara kagabi na kulang nalang ay kakainin narin ako ng buhay. Pakiramdam ko kagabi ay kaya niya akong durugin kung gugustuhin niya lang dahil sa payat kong pangangatawan.
Madaling araw pa at kailangan kong umuwi! Ni hindi ko nga alam kung saan ako dinala nitong si South. Wala akong ediya lalo na’t sobrang lasing ko noong oras na iyon.
Dahan dahan kong inangat ang mabigat niyang braso na nakayakap sa aking beywang saka ako bumaba ng kama. Kamuntik pa akong masubsob nang hindi ko naibalanse ng maayos ang mga tuhod kong bumibigay narin. Ngumiwi ako sa sakit at tiningnan ang imahe ni South na hindi naman nagigising. Tumayo akong muli at iginala ang tingin sa dim na paligid. Nakita ko pa ang nagkalat kong damit at pinulot iyon. Nasira agad ang aking ekspresyon nang mapagtantong punit iyon at ganoon rin ang undies ko. Bakit ba ang hilig niyang punitin ang mga damit ko?
Noong makita ko ang isang walk-in closet ay nagtungo ako roon. Nilingon ko sandali si South na gumalaw at tumagilid saka niyakap iyong unan pero hindi naman gumigising kaya kinuha ko ang tsansang iyon para tuluyang makapasok.
Kinalabit ko sa gilid ang ilaw saka iyon isinarang muli para hindi tumakas ang sinag noon. Nakita ko agad ang aking imahe sa malaking salamin rito, walang saplot ni isa at naiwan ang bakas ng pagiging marahas niya kagabi. Laglag panga akong tiningnan ang sarili kong napuno ng marka na hindi ko mabilang at para akong naligo noon. Medyo namumula ang bawat gilid ng aking balakang dahil sa mariing pagkakahawak niya. Pinilig ko nalang ang aking ulo at nagconcentrate sa tunay na pakay.
Nagsimula akong gumala. Nakaayos ng mabuti ang mga sapatos niya kaya doon ako nagtungo sa isang sliding door kung saan may nakahanger na mga damit. Halo halo iyon at mukhang hindi lang mga damit niya ang naroon kundi pati narin iyong mga damit na pambabae at napakapamilyar pa sa akin. Ito iyong mga binili niya sa auction! Ibig sabihin ay nandito?
Pinaghahawi ko iyon isa isa at ganoon nalang ang pagtatataka ko lalo na ang paninindig ng balahibo sa aking katawan nang may makita pa akong mga pamilyar na damit. Naging mabilis ang paghawi ko sa iilan at nakumpirmang halos nandito nga lahat ang mga designs ko roon sa iba’t ibang bansa. P-Pero paano niya ito nabili eh hindi naman ito available sa Pilipinas? Mabibili mo ito sa mismong fashion show ko lalo na’t doon ko rin ginagawa ang pagbebenta. A-Ano ’to South? H’wag mong sabihing naroon ka ng mga panahong iyon?
Hindi ko alam kung ba’t nanunubig ang aking mga mata kakatingin sa mga damit na sa pagkakaalam ko ay may pinakamahal na na presyo at ito palagi ang nasosold-out. Sa pagkakaalam ko, puro mga modelo ang bumibili noon! At isa pa… napakaimposible naman ata na sa bawat fashion show ko ay naroon siya? Pero napakaimposible ring nabili niya ito rito sa Pilipinas.
Kahit anong pagtagpi-tagpi ko noong sitwasyon ay palagi akong nahuhulog sa isang konklusyon. Sinusundan niya ako palagi sa bawat fashion show ko sa iba’t ibang bansa at binibili iyong mga design kong may pinakamahal na presyo.
Ilang sigundo akong natanga roon. Nanlalabo pa ang aking paningin kakaisip ng pwedeng dahilan para umalis na sa lugar na ito. Kagabi, wala akong maalalang paliwanag niya tungkol kay Frances. Basta basta niya nalang akong ikinama sa bahay na ito dahil lang pinagbibintangan ko siyang ikinama niya ang babae niya. Pag naiisip ko iyong litrato nilang dalawa ni Frances, nabubura agad ang kagustuhan kong manatili nalang sa kanyang tabi.
Namili nalang ako ng damit roon at kumuha ng isa. Namomroblema pa ako sa aking pang-ibaba kaya sinubukan kong gumala pa at binuksan iyong mga drawers na ikinagulat ko rin. May mga panty siya! Gosh… Bakit ba siya may mga ganito? Ano bang pumasok sa utak ng lalakeng iyan at parang may ibinabahay na siya rito?
Kumuha ako ng isa roon saka lumabas. Kung may nangyari man sa kanila ni Frances, at may nangyari rin sa amin, siguro iisipin ko nalang na normal talaga ang ganito at mas mabuti naring may malalang experience ako. Sa mga naging kaibigan ko nga roon sa ibang bansa, hindi bigdeal sa kanila kung virgin ka. Ang bigdeal ay iyong wala kang karanasan. Mas tutuksuhin ka pa dahil lang birhin ka pa at iyon ang magiging basehan na walang nagkakagusto sa’yo dahil walang pumapatol.
Pinagsisipa ko ang pinag-iisip ko at tuluyang lumabas. Ramdam ko ang ginaw na yumakap sa akin habang nililisan ang malaking bahay. Hindi iyon ang bahay nila. Parang bago iyong gawa dahil wala pa gaanong gamit at mukhang iyong kwarto lang ang naging priority noon. Hindi ko na inabalang sumuyod pa at deri-deritso lang ang labas.
Pagkabagsak ko sa aking kwarto, halos matampal ko ang aking noo at hindi alam kung makakatulog ba sa dami ng nangyayari. Bakit ba ayaw mong pinapakinggan ang paliwanag niya Nana? Let him explain his side… Tama bang umalis ako roon? But staying there means I’m allowing him to dominate me just like last night! Wala rin naman akong kasiguraduhan sa kanilang dalawa ni Frances. At ayokong ako itong magmukhang kawawa, naghahabol. Mommy taught me na dapat ay h’wag maghabol sa mga lalake. May iba daw talaga na ang gusto lang ay maikama ka. Iyon lang naman ang maibibigay nilang tropeyo sa sarili nila. Hanapin ko raw iyong lalakeng pagkatapos kang makuha ay hahabulin kana. Kaya tumatak rin sa utak ko na pag may kumuha sa akin, iiwanan ko. Hindi ako maghahabol. May mga lalake raw kasing wala ng pakialam pagkatapos kang makuha.
Tanghali na noong magising ako sa ingay ng aking cellphone. Sobrang tagal ko rin kasing nakatulog ulit dahil sa pinag-iisip ko.
Kinusot ko ang aking mga mata at sinuklay paatras ang buhaghag kong buhok nang umupo ako sa aking kama para tingnan iyong sunod sunod na pasok noong mga text. Ang kumuha ng aking atensyon ay ang unang text ni Heluisse. Iyon ang binuksan ko.
Heluisse: Akala ko ba wala pang label? Hindi mo sinabi sa aking nililihim niyo lang pala iyang relasyon niyo at nagbabahay-bahayan na pala kayo.
Huh? Saan niya naman nakuha ang bagay na iyon?
Heluisse: Kalat sa social media.
Sunod niyang text na ikinalaki ng aking mga mata. Anong nangyayari?
Mabilis kong binuksan ang aking instagram at nagbabakasakaling doon makakuha ng impormasyon lalo na’t wala akong facebook.
Pagkabukas ko, bumungad agad sa akin ang isang article ng sikat na brand sa ibang bansa tungkol sa akin na lubusan kong ikinawindang.
Cana Delafuente, the international fashion designer, is the rumored girlfriend of the Architect named South Buenaventura.
Iyon ang sabi noong article at sa ibaba naman ay mga litrato namin ni South na masayang nagsasama. Kahit noong nasa condo niya ako ay may picture rin.
Nahipo ko ang aking noo at gulat na gulat sa mga nagkalat na article na lahat ay tungkol sa akin, sa tinatago kunong relasyon namin ni South.
Iyong isang article naman ang binasa ko at halos mawindang sa mga nabasa roon. Pinaliwanag noon na nagpaplano kaming dalawa sa aming future at may bahay nang nakatayo. Kahit iyong pagdesign ni South sa aking kompanya ay nasama rin doon at sinasabing sinusuportahan raw ako noon sa pagkamit ko sa aking pangarap eh ang totoo ay ginipit lang naman ako ni South kaya siya ang naging Architect ko.
Nagbasa ako ng mga komento roon at hati ang opinyon ng mga tao.
Sila pala? Pero akala ko ba iyong karelasyon niya ay iyong palaging kasama niyang lalake? At isa pa, nalilink rin kay Architect iyong modelong si Frances, di’ba?
Bagay silang dalawa! Parehas na designer!
Ang gwapo ni Architect! Sayang at taken na pala talaga.
Supportive naman ni Architect. Ang swerte ni Miss Cana.
Ba’t pa nila nililihim? Pero sabagay ganoon talaga pag sikat kayo, tinatago.
Ang sweet naman ni Architect! Supportive!
Akala ko may relasyon sila noong Chain. Ano ba yan, two timer.
Natampal ko na talaga ang aking noo sa mga komentong nagkalat. Sinong nagpakalat nito? Eh wala ngang label ang namamagitan sa amin ni South tapos sasabihin nilang may tago kaming relasyon?! P-Paano nalang kung nakaabot ito kay Daddy!
Nataranta ako ng ilang sigundo kung hindi lang talaga tumawag si Heluisse. Agad ko iyong sinagot.
“Napaanood mo na iyong interview ng boyfriend mo?” tanong sa akin ni Heluisse.
“Hindi pa kami!” giit ko agad at nahipo na ang noo. Masakit pa nga ang katawan ko, madadagdagan pa ang sakit sa ulo ko.
“Then watch it. Viral sa youtube. Kahit si Chain ay hinahabol na ng mga media at hinihingi ang panig. What a trouble maker…” Nakikita ko sa aking isipan ang pag-iling iling niya.
Noong namatay ang tawag ay mabilis kong binuksan ang aking youtube at nangunguna nga ang kanyang pahayag roon. Binuksan ko iyon na ikinatakbo ng oras kasabay noong paghabol ng mga media kay South na kakalabas lang ata noong Site.
“Totoo po bang may lihim kayong relasyon? Ano pong masasabi niyong tino two-time kayo ni Miss Cana? Hook-up ang po ba ang namamagitan sa inyong dalawa?”
Iritadong nilingon ni South ang mga media na umatras pa pero mas inilapit lang sa kanya iyong mic.
“Why would I even hook-up with my girlfriend?”
Pagkatapos niyang bitiwan ang salitang iyon ay deri-deritso na ang pagpasok niya sa kanyang sasakyan. Ang camera naman ay nalipat sa Site kung nasaan nakatangang nanonood ang mga tauhan niya. Nakita ko pa si Johnny na dumila at kumalay, ngiting ngiti sa camera habang si Bravo naman nang mapagtantong lumalapit na sa kanila ang mga reporter ay nag-aayos agad ng buhok.
“Anong masasabi niyo sa kumakalat na balita na may lihim na relasyon si Architect at si Miss Cana?”
Ang malalaking mga mata ni Johnny ay ipinungay niya pa na akala mo ay nang-aakit.
“Hindi naman po lihim sa amin ang relasyon ng dalawa dahil kalat iyon dito sa Site. Alam po talaga naming may relasyon silang dalawa.”
“Eh paano iyong modelong si Frances Ardentes?” dagdag pa ng reporter na ikinaasim ng mukha nila Bravo. Ang iilang tauhan ay naman ay panay lang ngisi sa likod at kumakaway sa camera.
“Ah, iyong patay na patay sa Boss namin? Ang alam po namin, si Miss Cana ang karelasyon niya. Bawas sahod pa nga pag masyado kaming malapit roon sa girlfriend ni Boss kaya hindi naman magawang kausapin minsan si Miss Cana…”
Nagsigawan ang iilan sa likuran at nagawa pang pumalakpak. Nagkakagulo na sila at may pasigaw sigaw pa na artista narin daw sila. Hindi ko alam kung paano ipapasok sa utak ko ang mga pinagsasabi nila eh kinlaro ko naman sana sa kanila na wala kaming relasyon noong Architect nila.
Noong natapos ang video ay sumunod naman ang isang video kung saan si Chain ang hinahabol ng mga media. Hindi ko alam kung ba’t bigla akong kinabahan sa magiging pahayag ni Chain. Ilang sigundo kong tinitigan ang umiikot na play video hanggang sa nagsimula na ngang tumakbo ang oras at nakita ko ang mukha ni Chain.
“Anong namamagitan sa inyo ni Miss Cana? Anong masasabi mo roon sa kumakalat na lihim na relasyon ng dalawa? Tino-two time ka ba ni Miss Cana? May lihim na relasyon rin ba kayo?”
Chain just laughed while fixing his hair. Hawak nito ang susi ng kanyang kotse na iniikot ikot niya at mukhang kakalabas lang rin ng bahay.
“Cana and I are just good friends. Wala kaming relasyon at ang alam ko, sila talaga noong Architect. I am just a best friend.” deklara niya at ngumisi pa.
Medyo napanatag ako sa naging sagot niya pero may parte sa akin ang nalulungkot para kay Chain. Malinaw naman sa akin ang intensyon niya simula palang pero para sa kapakanan ko, nagawa niyang magsinungaling sa media. Wala rin naman talaga kaming relasyon pero alam kong may nararamdaman siya para sa akin at higit pa iyon sa pagkakaibigan. I’m sorry Chain…
Wala akong alam kung sino ang nagpapakalat ng mga litrato na gumagawa ng malaking issue sa akin ngayon. Sigurado akong umabot na ito kina Mommy at Daddy at hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon nila dito.
Binasa ko ang sunod na text ni Heluisse na ikinasang-ayon ko.
Heluisse: Halatang iyong ambisyosang linta ang nagpakalat. May guesting siya mamaya sa isang tv show at mukhang kukunin ang kanyang panig. Hindi na ako magtataka kung nagdrama iyon.
Wala na akong maisip na iba pang taong gagawa nito sa akin kundi si Frances lang lalo na’t noong nasa condo ako ni South ay binantaan niya rin ako. Oo binantaan ako ni South noon na ipapakalat niya ang namamagitan sa amin kahit wala naman para gumawa ng eskandalo pag hindi ako pumayag na maging Architect ko ito pero noon iyon. Magkasundo na kaming dalawa.
Binitiwan ko rin ang aking cellphone para panoorin iyong live na kung saan ay kukunan ng pahayag si Frances tungkol ss issue. Ang rami ring tumatawag sa akin sa iba’t ibang tv show at gustong kunin ang aking pahayag na kahit sa labas ng bahay ay may media raw na umaaligid. Pilit nilang kinukunan ng pahayag ang mga pinsan ko pero ilag ang mga iyon at ayaw makisali.
“Bait baitan lang po talaga iyang si Cana… M-May tinatago po talaga siyang baho at nagpapanggap lang…” Umiiyak na sabi ni Frances sa interview sa kanya sa isang sikat na tv show ang bumungad sa akin pagkabukas ko ng telebisyon. Binigyan pa siya ng tissue noong baklang nag-iinterview sa kanya at halata ang lungkot sa mga mata.
“Pero Miss Ardentes, ayun sa pahayag ni Architect Buenaventura ay girlfriend niya si Miss Cana.”
Umiling-iling agad si Frances sa namumula nitong ilong habang panay ang punas sa luhang tumatakas sa kanyang mga mata.
“Hindi po iyon totoo… Noong Fashion show nga po ni Miss Danica ay ako ang kadate ni Architect. At nakakapasok pa nga po ako sa condo ni South. Ako po talaga ang nauna sa kanya pero siguro nagwapuhan si Miss Cana kay South noong una nilang pagkikita sa Fashion Show ni Miss Danica kaya naging desperada narin po siyang agawin s-saakin…” pumiyok siya at napayuko dahil sa paghagulhol.
Imbes magalit, nakaramdam ako ng awa sa kanya. Nakakaawa siya dahil halatang nanglilimos lang ata ito ng atensyon kay South. Anong nagwapuhan? We already know each other since I was 17. At isa pa, siya ang first kiss ko!
“Doon nga po sa isang Bar, masyadong close iyang si Miss Cana at iyong Chain kaya imposibleng wala silang relasyon eh naghahalikan pa nga sila.” pahabol niya pa.
“Nagsalita na iyong si Chain at sinasabi nitong malapit lang talaga sila sa isa’t isa. Para na raw silang magbestfriend… at liberated iyon kaya siguro ganoon siya.” paliwanag noong nag-iinterview sa kanya na ikinailing niya at bumuhos lamang ang mga luha.
“H-Hindi po ako naniniwala.”
“Anong masasabi mo kay Miss Cana, Frances? Total live tayo.”
Itinutok sa kanya ang buong camera. Pakiramdam ko ay nagkatitigan kaming dalawa na kahit patuloy itong umiiyak ay desidido itong tumingin ng deritso.
“Miss Cana… ako po ang nauna kay South kaya sana lumayo kana sa amin dahil nakakasira ka po ng relasyon. Nagkakamabutihan po kaming dalawa pero dahil sa’yo, nasisira kami.” Pumiyok siyang muli at humagulhol.
Noon, tinakbuhan ko rin ang issue na ito. Ni hindi ko man lang naipagtanggol ang aking sarili at hinayaang sirain ako ng lahat. Ngayon, nangyayari na naman iyon na kahit anong ingat kong h’wag ng gumawa ng gulo ay iyong gulo talaga ang kusang lumalapit sa akin.
Pinatay ko ang aking cellphone para walang matanggap na tawag o mensahe sa aking mga pinsan ko kahit kanino man dahil alam kong hindi rin sila papayag pag pinaunlakan ko ang mga interview sa akin tungkol sa issue na ito. Nagbihis agad ako para humabol roon sa isang show kung nasaan mismo si Frances. I want to face this. Ba’t naman ako magtatago eh wala naman akong tinatagong baho o ginagawang masama. I am not even guilty. Hindi na ako masyadong nasasaktan sa mga ganito dahil noon palang ay nadurog na ako. Kung balak man akong durugin ni Frances sa pamamagitan nito, pwes mali siya ng inaakala.
Gusto kong ipaglaban ang sarili ko na hindi ko nagawa noon. Ayoko nang umabot sa puntong umuwi ang aking mga magulang at sila na naman ang mag-ayos ng kalat na ako mismo ang may gawa. Busy rin ang aking mga pinsan at may mga sariling problema kaya ayoko nang dumagdag pa. I don’t want to be a burden.
Nagpamaneho ako sa sarili naming driver. Pagkababa ko, ang mga flash agad ng camera ang sumalubong sa akin at halos hindi ko na maisa isa ang pabalik balik nilang tanong kung may relasyon ba talaga kami ni South. Ngumiti lamang ako ng tipid sa nakakasalubong kong camera at umiiwas agad para tumuloy roon sa mismong tv show. May dalawang gwardya namang nakabantay sa akin para hindi ako masyadong pagkaguluhan.
Sa hallway, ang imahe agad ni Frances ang bumungad sa akin. Namumula parin ang mga mata nito sa kakaiyak at noong nakita ako ay mabilis ring napalitan iyon ng galit. Marami pang mga media ang nakatutok sa amin kaya siguro ganyan nalang siya kaamo.
Nanginig ang kanyang tuhod at parang mapapasalampak pa kaya inalalayan lamang siya noong bodyguard na kasama niya at mas humagulhol. Ipinagpatuloy ko ang aking paglalakad hanggang sa tuluyan akong makarating sa kanyang harapan.
“Miss Cana… nagmamakaawa ako sa’yo… iba nalang ang ahasin mo.” pangungumbinsi nito sa akin. “Umiiwas ako sa gulo dahil malaki ang respeto ko sa inyo lalo na’t isa kang sikat na designer pero hindi naman ako makakapayag na agawin mo siya dahil ako naman ang nauna.” pagalit niyang sabi sa kabila ng luhaan niyang mga mata.
Mas lumapit sa amin ang mga media at may iilan pang inilapit ang hawak nilang mga recorder at mikropono para lang makuha ang buong pahayag namin.
“Kailanman, hindi ko naging ugali ang mang-agaw.” paliwanag ko sa kalmadong boses na ikinatalim ng tingin niya sa akin. Na kung wala lang siguro ang mga media na ito ay masasabunutan niya ako dahil hindi siya magpipigil sa pagsiklab.
“Ginagawa mo na. Hindi mo ba alam ang relasyon namin ni South?”
Umiling ako, “hindi eh… Kahit nga si South hindi alam. Ikaw lang ata itong nakakaalam na may relasyon kayo.” ngumiti ako sa kanya.
Nalaglag ang kanyang panga at mariin na ang tingin sa akin. Ang mga luhang tumutulo ay tumigil na dahil sa panibagong ekspresyon na yumakap sa mukha nito.
“Nagpipigil akong h’wag kang patulan dahil alam kong mas mataas ang narating mo pero iyang klaseng ugali na meron ka… nagbabait-baitan at inaagaw sa akin si South… paano nasikmura ng mga tagahanga mo ang pasikatin ang isang babaeng nagbabalat kayo?”
Sinuklay ko ang aking buhok at medyo natawa sa kanyang pinagsasabi.
“Sumikat ako dahil may talento ako. Designer ako hindi katulad mong artistahin at magaling gumawa ng kwento.” banayad kong sabi na ikinaputla niya pero bakas parin sa mukha ang pagnanasang panindigan ang kanyang pinagsasabi.
Sa matinding galit, naramdaman ko nalang ang palad niyang tumama sa aking pisngi na ikinasinghap ng iilan. Mas tumunog ang flash ng mga camera at mas pinagkaguluhan kami. Mariin akong pumikit dahil sa panghahapdi noon at sa ulo kong tumagilid pero sinikap kong kumalma.
“Mang-aagaw ka,” hirit niya sa may diin at matigas na boses.
Sinuklay ko ang aking buhok paatras dahil sa pagtakip noon sa aking mukha at muli siyang binalingan na may ngisi na sa aking labi.
“Matatawag mo bang mang-aagaw ang inagawan? Sige, sabihin na nating mang-aagaw ako, pero maagaw ba ang isang tao kung para naman talaga sayo? O baka naman ikaw itong naaagawan dahil inaangkin mo ang taong hindi naman talaga para sa’yo.” diin ko na ikinapula lalo ng kanyang mga mata at mas kumuyom pa ang mga kamay.
“Masakit talaga ang mga salita lalo na kung totoo. Iyon nalang ang isasampal ko sa’yo total pinalaki akong h’wag manakit ng kapwa ko tao.” Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. “Pero hindi ka naman mukhang tao sa paningin ko kaya…” Walang ano-anoy umangat rin ang aking kamay at sinampal ito ng ubod lakas. Tumagilid ang kanyang ulo at kulang nalang ay matumba na agarang inalalayan noong bodyguard na nasa likuran.
“Hindi ako bait-baitan, marunong lang talaga akong lumugar sa sungay na meron ako. Salamat at pinalabas mo.” Ngumiti ako ng matamis sa huling banat ko bago ko siya nilagpasan sa nanlalaki niyang mga mata at taas noong naglakad papunta sa aking interview. Too bad for her I am not that Nana anymore… I already learned things.
52nd Hooked
Interview
Noong bata pa ako, hindi ko lubusang maintindihan ang mga pinsan kong babae bakit ayaw nilang magkaroon ako ng kaibigan. Ni palaisipan sa akin ang kanilang mga ugali kung bakit tinatarayan nila ang mga taong gusto lang namang mapalapit sa akin. Ngayon, sa nangyari sa akin,napagtanto ko ang tunay na dahilan kung bat ako nilalayo ng mga pinsan ko sa mga tao, kung bakit mas magandang wala kang kaibigan. Kahit gaano ka pala kabait, may mga taong sisiraan ka parin at pakikitunguhan ka ng masama kahit na wala ka namang ginagawa. Hindi na ako magtataka kung ba’t ang katulad kong inosente noon ay pilit binabakuran ng mga pinsan ko at masyadong mahigpit dahil kabisado nila ang mundo kumpara sa akin na walang nakikitang masama at puro lang kabutihan.
Naaalala ko iyong mga gabing umiiyak ako sa aking kwarto dahil sa paglisan namin sa Pilipinas at hindi ko pa magawang mag-adjust doon sa pinapasukan ko. Palagi akong tinatahan ni Mommy at pinapayuhan.
“Alam mo Nana, noong nasa edad mo ako ay napakalala ng ugali ko. Hindi ako magdadalawang-isip manampal ng taong tatarayan ako. Palagi akong naka bitch mode on dahil alam ko, lahat ng tao ay kaya akong durugin kung ipinakita ko sa kanila ang kahinaan ko. I only have myself that time… Wala si Daddy, si Mommy… at tanging si Autumn lang ang kasangga ko maliban lang sa sarili ko. Idagdag pa ang depression ko na umaatake minsan. Pero nagpaapi ba ako? No.” Hinawi niya ang aking buhok para punasan ang aking luha.
“P-Pero My, h-hindi naman ako katulad mo na malakas… D-Di ko po kayang magtaray k-kasi ang sabi ni Daddy, masama iyon.”
Umiling-iling si Mommy, “Walang masama kung ang hangad mo lang naman ay ipagtanggol ang sarili mo. Paano nalang kung dadating ang araw na tatayo ka sa sarili mong mga paa at mag-isang lalaban? Magpapatalo ka ganoon ba?”
Humingos ako at umiling. Kinusot ko pa ang aking mga mata para lang mahinto ang aking mga luha sa pagpatak.
“Inaamin ko maldita ako noon Nana, pero wala akong pinagsisihan sa ugali kong ganoon dahil alam kong nasa lugar naman at lumalabas lang pag may mga taong pakiramdam ko ay gusto akong hilain pababa. At gusto ko, kahit konti man lang, matuto kang ipaglaban ang sarili mo lalo na kung alam mong wala ka namang kasalanan.”
Iyon ang tumatak sa aking utak noong mga panahong hinang hina ako at pakiramdam ko ay durog na durog ako sa mga nangyari sa akin. Naisip ko iyong sinabi ni Mommy na nakaya niyang tumayo sa kabila ng lahat kahit na walang umaalalay sa kanya na mga magulang. Maswerte pa nga ako dahil nasa tabi ko sila at hindi nila ako iniwan. Kaya ngayon, ayokong biguin ang aking sarili lalo na’t ipinangako kong iyon na ang huling magpapaapi ako.
“Miss Cana, gusto niyo pong lagyan ko kayo ng retouch?” nag-aalalang tanong noong staff nang makita ang pamumula ng isa kong pisngi.
Umiling ako, “H’wag na salamat. Handa na ako sa interview.”
“Gusto niyo po bang makita ang script bago natin ito iere lalo na’t live po para mapag-isipan niyo ang isasagot niyo at maalis namin iyong mga tanong na hindi niyo kayang sagutin,”
Umiling akong muli sa isang staff na may nakalagay pang maliit na mikropono sa kanyang bibig.
“Handa akong sagutin lahat at nandito rin ako para tuldukan ang issue,” paliwanag ko sa mahinahon na boses na ikinakumbinsi rin naman nila.
Tahimik lang ako sa aking upuan at hinihintay nalang ang hudyat na magsisimula na ang interview. Aligaga ang lahat ng staff na kahit ang mga camera man ay naghahanda narin. Kumakain pa iyong interviewer sa aking harapan ng isang sandwich total hindi pa nagsisimula. Inalok niya ako noon pero umiling lang ako. Ni nakalimutan ko na ang gutom sa mga nangyayari at gusto ko nalang ay matapos ang sakit sa ulo na ito.
Isa sa mga manonood ay ang mga supporters ko na winawagayway ang banner at pumunta rito nang malaman nilang dumating ako at pinaunlakan ang interview. Kanina pa sila sumisigaw para iparating sa akin na hindi sila natatablan noong issue at susuportahan nila ako ano mang mangyari.
“Miss Cana ready na po kayo?” tanong noong staff na ikinatango ko.
Umayos naman ng upo iyong interviewer at ngumiti rin nang sa kanya itinutok ang camera para sa pagbubukas noong tv show.
“And we’re going live in 5,4, 3, 2, 1!” Sumenyas iyong isang staff saka iyon nagsimulang umere.
“At heto na naman tayo, nagbabalik para sa isang mainit init na issueng kumakalat tungkol sa sikat na fashion designer na si Cana Delafuente na di umano ay lihim na may relasyon sa isang indemand na gwapong Architect na si South Buenaventura! Para kunin ang buong panig, kasama ko ngayon ang nag-iisang si Miss Cana!”
Awtomatikong tumapat sa akin ang isang camera na kahit ang aking kabuuan ay lumabas roon sa malaking screen sa harapan. Ngumiti lamang ako ng tipid habang naghihiyawan naman iyong mga supporters ko sa likuran at pinapaliguan ako ng palakpak.
“Miss Cana, kanina ay ininterview namin iyong isa sa mga modelong nalilink kay South Buenaventura at sinasabing inagaw mo raw si South Buenaventura. Gaano ba katotoo ang mga kumakalat na balita?” seryosong tanong nito sa akin na ikinatahimik narin ng mga audience.
“Ang totoo po niyan, simula po bata pa ako ay kilala ko na po si South. Matalik na magkaibigan po ang aming mga pamilya at iyon po ang dahilan kaya malapit ang aming angkan sa kanila.”
Napasinghap ang iilan at naging interesado sa aking sinasabi.
“Naging close po kami ni South noong tumuntong ako sa edad na dise-syete. Siya na po ang naging kaibigan ko at napagsasabihan ko ng sekreto at minsan ay pumupunta pa ako sa bahay nila noon lalo na’t magkaklase kami. Malaya rin pong nakakapunta si South sa aming bahay at kahit ang mga pinsan kong mga lalake ay malapit po sa kanya.”
“Ibig mong sabihin, ikaw talaga itong naunang makilala si South at nagsisinungaling lamang si Frances?” tanong sa akin noong interviewer.
“Hindi ko po alam kung anong rason niya kung ba’t kailangan niyang gumawa gawa ng kwento pero ang gusto ko lang ay linisin ang pangalan ko. Ang sabi po ni South sa akin, wala silang relasyon kaya hindi niya pwedeng sabihin na inaagaw ko ito sa kanya dahil wala naman akong dapat agawin sa kanya.”
Nagbago ang timpla ng reaksyon nito at may pinupunto na ang ngiti. May mga lumabas na pictures sa malaking screen at lumabas roon ang mga litrato namin ni South na magkasama. May iilan roon na sobrang sweet namin sa isa’t at ang iilan ay noong bata pa kami. Naghiyawan ang mga manonood at hindi na maawat sa pagwawala na kahit ang aking pisngi ay parang sinilaban na dahil sa sobrang init.
“Hindi naman sa nagiging bias ako ha lalo na’t hindi ko rin alam ang panig ni South tungkol sa pahayag ni Frances, pero sa mga litratong iyan…” Binalingan niya iyong screen at ngumisi sa akin. “Bagay kayo!” sabi nito sa tono ng pambabae at lumalabas na ang kabaklaan.
“Oo bagay na bagay!” sigaw naman ng mga supporters ko at mas umingay lamang ang manonood lalo na’t itinutok sa buo kong mukha ang camera at nakita akong nag-iiwas ng tingin sa mga pisngi kong pulang pula na.
May sinenyas iyong staff sa interviewer na agad naman nitong napunto at mas yumakap ang kilig sa mukha.
“Ba’t pa natin patatagalin ito? Total nakuha na natin ang panig ni Miss Cana kaya ngayon ay ang panig naman ng lalakeng nasa likod ng kumakalat na issue at walang iba kundi si Architect South Buenaventura!”
Kulang nalang ay sumabog ang studio dahil sa ingay ng lahat at nagtitilian na. Ramdam ko naman ang puso kong nagwawala nang mapagtantong nandito ang lalakeng iniwan ko kagabi pagkatapos noong nangyari sa aming dalawa.
Natuon ang camera roon sa entrance hanggang sa lumabas nga roon si South, nakasuot ng itim na fit na leather jacket at may itim na tshirt na panloob, ang kwintas ay agaw pansin dahil sa pagkinang noon at idagdag pa ang buhok niyang nakaatras ang kalahati habang iyong kalahati naman ay tinatakpan ang kanyang noo. He looks so serious while walking towards me. Seryoso ang paninitig sa akin sa kabila ng hiyawang nagaganap. Gosh… calm down, heart.
Lumunok ako ng laway at nag-iwas ng tingin nang makaupo siya ng tuluyan sa aking tabi. Iyong interviewer naman ay ginawa ng pamaypay ang hawak na maliit na folder at nakikisabay rin ang reaskyon sa mga manonood.
“Whoo! Ang init! Nagliyab ata bigla ang studio!” Maarteng sabi noong interviewer na ikinanguso ko. Ayan na naman… Pinagkakaguluhan na naman siya.
“Ang gwapo gwapo mo Architect!” may sumigaw pa na audience.
“Architect! Ako nalang!” Pabirong sigaw naman noong isang audience na mas ikinaingay lalo ng mga babae at kulang nalang ay masira itong studio dahil sa kanilang mga reaksyon.
I heard him chuckled. “Well, I’m sorry Miss but I am already taken.”
Mas naging triple ang ingay dahil sa naging pahayag ni South. Sinipat ko pa ito ng tingin at cool na cool sa kanyang posisyon. Nakadekwatro ito habang pinaglalaruan ang pang-ibabang labi at kalmadong kalmado.
“So Architect, pwede niyo bang ipaliwanag lahat ng mga litratong ito?” Itinuro noong interviewer ang malaking screen at kusang naglabasan roon ang imahe niyang kuha sa iba’t ibang bansa kung saan nagaganap ang aking fashion show.
Nanuyo ang aking lalamunan at nanginginig na ang aking tuhod sa magiging pahayag niya. Hindi pa kami nagkakausap sa bagay na ito at wala rin akong alam kung bakit siya nandiyan.
“Yeah that’s me… Isa ako sa mga bumibili ng designs niya at palagi siyang sinusundan sa mga fashion show niya.” paliwanag niya na ikinahiyaw naman agad ng mga manonood.
“Noong oras bang iyan ay kayo na?”
Sinipat ko ng tingin si South at gustong umapila na hindi pa naman kami hanggang ngayon kaso inunahan agad ako ng kanyang boses.
“I started courting her since she was 17. Ipinagpatuloy ko lang ng palihim lalo na’t ayoko ring maging sagabal sa pagkamit niya ng pangarap niya noong nasa ibang bansa na siya.” saka niya ako nilingon at may pagmamalaki na ang mukha.
Parang tambol na pinagsasapak ang aking puso at nakikipagsabayan rin sa ingay noong tilian ng mga manonood. Kahit ano atang sabihin ni South ay kikiligin sila at magtitilian.
“Ibig sabihin, ngayon ay may relasyon na kayong dalawa?” tanong noong interviewer kasabay ng paglabas ng mga litrato sa malaking screen. Naroon iyong Site kung saan makikita siyang nakasuot ng puting helmet at seryosong nakapameywang habang nasa tabi niya naman ako at nakangiti ng malapad sa kanya suot ang puting dress, ang mga kamay ay nasa aking likuran at parang nang-aasar ang aking ngiti. Maraming litrato na galing roon sa Site pero ang lubusang kumuha ng atensyon ko ay ang isang pamilyar na malaking bahay.
“Yeah…” South glanced at me, “Inilihim lang namin dahil ayaw naming pagpyestahan sa social media at gusto sanang iprivate nalang ito.”
Nanliit ang aking mga mata sa kanya. Gusto kong umapila at sabihing wala namang label ang pagiging malapit namin at kaya ko inililihim ang pagkikita namin dahil mainit ang dugo ng aking mga pinsan pati narin si Daddy sa kanya pero natutop na ang aking bibig dahil sa kanyang ibinulong.
“I am doing this to clean your mess. Kung hindi natin sasabihing wala tayong relasyon, lalabas na ikaw ang masama lalo na’t inaangkin rin ni Frances na may relasyon kami. H’wag mong dagdagan ang kasalanan mo sa pang-iiwan sa akin at tumahimik ka.”
Napalunok ako ng laway roon at kinabahan sa pagbabanta niya. Magaling talagang mang-ipit ang isang ito. Ang inaalala ko lang naman, pag nakarating ito kay Daddy ay magagalit iyon dahil naglilihim ako!
“Ibig sabihin, wala talaga kayong relasyon ni Frances?” tanong naman noong interviewer nang matyempuhan niyang medyo kumalma ang mga manonood sa pagwawala.
Umiling si South at nabasa ang pang-ibabang labi. “Hindi ako magpapatayo ng bahay at gagastos ng malaki kung magloloko lang pala ako.”
And the audience went wild again. Iyong interviewer ay marahas pang binitiwan ang folder na humagalpak sa sahig kung nasaan ang questioner at umaktong lumuluhod sa akin sa pamamagitan ng pagyuko kasabay noong mga kamay niyang ginagaya ang galaw ng kanyang ulo.
“Ikaw na Miss Cana! Ikaw na ang may mahabang buhok! Ganda mo te!”
Hindi ko na napigilang matawa sa kanyang naging reaksyon. Lalo lamang umingay ang mga manonood nang ipinasok ni South ang kanyang kamay sa gilid ng aking braso at ipinadausdos ang kanyang kamay patungo sa aking mga palad. Tila namatay ang iniingatan kong pader na nakaharang sa aking sarili para hindi bumigay sa kanya. Nalulunod na naman ako sa sarili kong nararamdaman at kayang sundin lahat ng gusto niyang mangyari ngayon.
“Tatanungin ka namin Miss Cana, mahal mo ba si South Buenaventura?”
“Kailangan pa bang itanong iyan?!” sigaw ng isa sa mga supporters ko at hindi na naman sila magkamayaw sa pagwawala.
Mariin akong napapikit at hindi na mabura bura ang gumuguhit na ngiti sa aking labi. Dumilat ako kasabay ng aking pagtango at humalakhak.
“Yes…” sagot ko at nilingon si South na nakangisi narin sa akin, kagat kagat ang pang-ibabang labi. He crouched a bit just to give me a peck on my cheek.
“Ay jusko! Hindi ko na ito kinakaya!” Nagdabog na talaga iyong interviewer at nakita ko pa sa screen ang pagkapunit noong banner na pinaghihila ng aking mga supporters dahil sa kilig. Natawa ako sa kabila ng ingay sa studio na kahit ang mga staff ay naglulundagan narin dahil sa nangyayari.
“Ano ba kayong dalawa?! Kinikilig ako! Bagay na bagay kayo!” Sapo-sapo na noong interviewer ang kanyang dibdib at pinipilit na kumalma.
Hindi ko nalang muna poproblemahin ang magiging reaksyon ng pamilya ko kung mapanood man nila ito. Handa akong saluin ang galit nila. Gusto kong hayaan ang sarili kong magdesisyon at hindi inaalala ang sasabihin ng iba lalo na’t dito rin naman ako masaya. Kahit alam kong suportado nila ako kung saan ako sasaya, may parte parin sa akin ang natatakot dahil alam kong may galit sila kay South. I want to fight with him. Gusto ko itong ipaglaban at sagarin ang lakas na meron ako para lang sa pagmamahal na ito.
“Gusto ko lang ipaalam na trending tayo at may hashtag na SouNaRelationshipRevealed! Ang raming kinikilig sa inyo!” Pumalakpak pa ito at hindi mabura bura ang matamis na ngiti sa labi.
Pagkatapos noong interview ay maraming mga tagahanga ko agad ang dumumog sa amin ni South at nagpapapicture sa aming dalawa. Palaging nasa akin lang ang kanyang tingin at seryosong seryoso ang mukha, ang isang kamay ay nakapulupot sa aking beywang at ang isa ay nakabulsa. May iilan na todo pa picture sa bawat kilos namin. Samo’t saring papuri na ang aking natatanggap tungkol sa amin at handa akong suportahan sa lahat ng bagay.
Doon lamang ako nakahinga ng maluwag nang makapasok na kami sa mismong kotse ni South. Yumayakap na ang dilim sa kabuuan ng lugar hudyat na gabi na. Pero bago pa ako makapagsalita ay hinigit niya na ako papalapit at binigyan ng malalim na halik. I equalled his kisses with the same intensity. Para nang nahihigop ang sarili kong katinuan at nawawalan na naman ako ng ulirat dahil sa binibigay niyang pakiramdam.
Tumaas baba ang aking balikat nang humiwalay siya sa akin at may ngisi na ang kanyang labi.
“So you really love me huh?” Sinuklay niya ang kanyang buhok paatras na awtomatiko rin namang bumalik sa dati noong posisyon at nalaglag muli. Ito ang unang beses na makita ko ang mukha niyang binabalot ng saya.
Ngumuso ako at pinamulahan ng mukha. “Hindi pa ba sapat iyong pag-amin ko kanina? Live iyon…”
“Dapat galit ako. You left…” Kalmado niyang sabi at lumalapit muli sa akin, halos ibulong nalang iyon sa aking labi. Ang kanyang kamay ay nasa aking hita na at roon nakahawak. Balot na balot ako ngayon dahil rin sa pantal na pinaglalagay niya kaya tanging fit jeans, croptop na long sleeve at nakahigh ponytail kong buhok.
Ngumuso ako at hindi makalma dahil sa ginagawa niyang paghaplos ng kanyang ilong sa akin. Ang dulo noon ay hinahaplos niya sa aking pisngi.
“Dapat nga ay magalit rin ako sa’yo kasi kahit ano ano iyong pinagsasabi mo sa live. Wala pa naman tayong relasyon ah?”
“Wala parin?” Umangat ang kanyang kilay kaya nag-iwas ako ng tingin.
“I mean… ngayon ko lang naman nilagyan ng label na tayo na…” nahihiya kong sagot dahil sa mga pisngi kong nang-iinit lalo.
At isa pa, tinuldukan niya narin naman iyong pinagsasabi ni Frances. At sa mga nalaman ko na pinaggagawa niya, lusaw na lusaw na ako kaya hindi ko narin mapigilan ang sarili kong lagyan ito ng label.
“You don’t know how happy I am right now…” Dinaanan niya ng nakakakiliting halik ang gilid ng aking tenga habang binubulong iyon. Nang hindi siya nakontento sa aming posisyon ay iniatras niya ang kanyang upuan at inangat ako sa ere saka ako inilaglag sa kanyang kandungan. Medyo napatili ako dahil sa gulat at agad nakayap ang balikat nito.
“Ba’t ka naman kasi umalis agad?” tanong niya, ang mga kamay ay nakawahak na sa aking beywang.
Umayos ako ng upo sa kanyang harapan at hinarap siya habang ang aking mga kamay ay nasa batok niya parin, nakapulupot iyon roon.
“Hindi ko naman iyon binibigdeal lalo na’t nakita ko rin sa IG ni Frances iyong litrato niyo. Nagbibihis ka tapos nakahubad siyaㄧ
Isang marahas na buntong hininga ang napakawalan niya at nahipo ang noo. Lumunok ako ng laway at kinakabahan na dahil sa galit niya. I am still sore! H’wag mo nang ginagalit Nana lalo na’t alam mo kung saan lamang iyon hahantong!
“Fuck it. Ang tigas rin talaga ng ulo mo…” mariin siyang napapikit at mukhang problemado na naman.
“You didn’t wait till morning. Naroon lahat ng sagot sa pagiging selosa mo, Delafuente.”
Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at hindi na masalubong ang malalim niyang paninitig. Si Mommy kasi… Pero tama lang naman iyon! At isa pa, mukhang alam na lahat ng pinsan ko na nagkikita kami at may relasyon na dahil sa interview kanina. Siguro nagalit ang mga iyon dahil naglihim ako.
“Hindi naman edit ang litratong iyon.” sabi ko sa maliit na boses.
“And nothing happened. May CCTV footage ang condo ko. If you want to check it thenㄧ
“Baka binura mo na.” putol ko agad na ikinaawang ng bibig niya at nasundan agad ng pagpikit niya ng mariin.
“Damn it,”
Sumimangot ako at nag-iwas ng tingin. Ayoko mang ibigdeal ang picture na iyon pero hindi parin ako mapanatag.
“Purket hindi ko muna nilagyan ng label…” pagpaparinig ko pa.
“Napakaselosa mo pero ikaw pa itong nang-iwan pagkatapos kitang angkinin.”
My cheeks blushed hard when I remembered it. Yumuko ako para itago ang mukha kong namumula pero itinulak niya lang ang aking baba para salubungin muli ang aking mga mata.
“How are you? Masakit parin ba?” Marahan niyang hinaplos ang gilid ng aking beywang at malalim na ang tingin sa akin.
The vivid memories last night are still fresh to me. Hanggang ngayon ay ramdam ko parin siya sa aking gitna na kahit ang paghaplos niya sa akin ay may epekto parin sa akin.
“Am I too rough?” tanong niya at bumagsak ang tingin sa aking dibdib. Ang kanyang haplos naman ay dahan dahang gumapang patungo sa aking hita.
Hindi agad ako makasagot at hindi alam kung paano pakakalmahin ang puso kong nagwawala na naman. The feeling I felt last night were coming back. Parang gusto kong maramdaman ulit ang kakaibang pakiramdam na iyon ngayong oras na ito.
Tumagilid ang kanyang ulo at tila natutuwa ang mga mata sa aking reaksyon.
“Look at this puppy… You look so tamed unlike these past few days…”
Sumimangot ako at handa ng umapila sa tinatawag niya sa aking tuta pero bago pa man ako makapagsalita ay tuluyan nang tumakip ang labi niya sa akin. Natangay agad ang talukap ng aking mga mata pababa at ninamnam ang marahan niyang matamis na halik na ipinaparamdam sa akin. Hindi katulad kagabi, ito iyong halik na puno ng pag-iingat.
I tilted my head to give him a better access for a deeper kiss. Suminghap ako para kumuha ng hangin at nakipagsabayan sa ritmo ng kanyang mga labi. I am so inlove with this man…
Huminto siya at inilapat ang noo sa akin. He sighed heavily.
“Gusto mong lumabas ng bansa?” tanong niya sa akin. Namumungay na ang aking mga mata at medyo nakukulangan pa sa halik. I want more, South…
“Huh?” I asked confuse between my sleepy eyes.
“I mean, just for a week. Let’s visit your parents.”
Iyon ang nagbura ng pagkabitin ko sa halikang iyon. Lagot talaga ako nito. Nakikita ko na ang fustrated na mukha ngayon ni Daddy.
“Pero paano iyong Site?” tanong ko at mas inilapit pa ang mukha sa kanya na sa bawat pagsasalita ko ay lumalapat ang aking labi sa kanyang labi.
“Nandoon naman ang mga tauhan. They already know what to do,” pinatakan niya ako ng halik sa gilid ng aking labi.
Imbes isipin ang kahahantungan ng desisyong iyon ay tumango nalang ako at inilapit muli ang aking labi sa kanya. I kissed him passionately. Awtomatiko naman siyang tumugon at napakatamis na ng hagod ng kanyang labi habang ang kamay ay gumapang na papunta sa aking pang-upo at namimisil roon.
“Gusto mong umuwi ngayon sa bahay natin?” tanong niya sa gitna ng aming halikan na ikinahinto ko kaya gumapang ang kanyang halik sa aking panga.
“H’wag muna… I am still sore at sigurado akong nagwawala ang mga pinsan ko ngayon.”
His eyes were covered with something dim as he stop midway from kissing me just to look at me unbelievably with a smirked on his face.
“Sore?” he chuckled. “Matutulog lang naman…”
Sumimangot na talaga ako at sinapak siya. Naisara niya ang isa niyang mga mata at ngumiwi pero tumatawa naman. Ang saya saya pa!
“I’ll handle your cousins. Hindi ka nila pagagalitan. Umuwi nalang tayo sa bahay natin…” Muling humaplos ang kanyang mga kamay sa aking beywang at tila may pinaparating na na ikinanguso ko.
“H’wag nga muna. Sa bahay muna ako uuwi ngayon dahil magwawala ang mga iyon pag hindi na naman ako natagpuan roon.”
He sighed. “Okay. I’ll fetch you early tomorrow and we’ll visit the house. Ipagpapaalam narin kita sa mga pinsan mo para makalabas agad tayo ng ibang bansa.”
“Seryoso?”
Tumango tango siya at hinaplos ang aking baba. Seryosong seryoso na ang tingin niya sa akin at wala na naman akong mabasa sa misteryoso niyang mga mata.
“May patutunayan lang ako sa mga magulang mo.”
53rd Hooked
Tuso
South’s statement gone viral. Kalat na kalat iyong interview namin sa social media at pinagpipyestahan nila. May mga trending pa na AGuyLikeArchitechBuenaventura pa at hindi ko na halos maisa isa ang mga babaeng kinikilig sa kanya. Isa narin sa nagviral iyong sagutan namin ni Frances. Kalat na kalat iyon at marami ang nagulat sa inasta ko. Wala naman talaga akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao dahil alam ko namang may sasabihin talaga sila gaano ka man kabait.
Hindi na ako magtataka kung susugurin na naman ako ng mga pinsan ko rito at sesermonan ako pagkatapos ng mga nangyari. Kaya noong pababa na ako sa enggrandeng hagdan, inaasahan ko na talaga ang kanilang mga imahe pero ganoon nalang ang pagkagulat ko nang makita ko sa sala ang lima kong mga pinsang lalake, nakasalikop ang mga kamay at kaharap ang isang lalakeng seryosong seryoso rin. Oh, God…
Si Ken ang napalingon sa akin na nagbabanta agad ang tingin kaya napaatras na ako at tatalikod nalang sana para bumalik sa aking kwarto kung hindi lang rin ako natigilan dahil sa boses ni White.
“Cana Aleyna,”
Mariin akong napapikit at ramdam ang kalabog ng aking dibdib. Alam ko namang sinabi niyang kakausapin niya ang mga pinsan ko but I am not expecting this early in the morning!
Huminga muna ako ng malalim at humarap muli. Para akong mabubuwal sa pagkakababa sa hagdan lalo na’t ramdam ko ang mga mata nilang binabantayan ang bawat kilos ko. Kitang kita ko ang naninimbang na tingin ni South sa akin.
“Akala ko, si Zera itong magbibigay ng matinding sakit sa ulo sa akin. Hindi ako makapaniwalang itong si Nana pala…” narinig kong sabi ni Hiro na ikinanguso ko.
Sinenyasan ako ni White na umupo sa kanilang gitna kaya doon ako pumwesto. South was watching me closely. Lahat ata ng galaw ko ay kinakabisado niya. Hindi pa nawawala iyong tingin niyang napakalalim.
“Mangingibang bansa kayo?” Panimula ni Blue, ang mukha ay seryosong seryoso at halos isalamin na ang mukha ng kanyang ama.
Nasipat ko ng tingin si South na wala atang balak umimik. Ngumuso ako nang napagtantong ako ata ang gusto niyang pasagutin sa mga pinsan ko.
Tumango ako, “i-iyon ang balak ni South… Pero babalik rin naman agad kami. Uhm… Bibisitahin lang namin sila Mommy at Daddy.” paliwanag ko katulad narin ng sinabi sa akin ni South.
Sandali silang natahimik at tila tinitimbang pa ang aking sagot. Hindi ko alam kung ba’t naging ganyan sila kakalmado. Nilingon ko pa si South pero wala naman akong mabasa diyan sa mukha niya. Anong pinagsasabi niya sa mga pinsan ko at parang umamo?
“Akala ko talaga walang label… Pakiramdam ko napagtaksilan ako ng sarili kong kadugo!” Nahipo pa ni Ken ang kanyang puso at tila nagdadrama ng kung ano.
Nakagat ko ang aking labi. “Wala pa naman talaga iyonㄧ” Naputol ko agad ang aking pinagsasabi dahil sa mga mata nilang matalim na ang tingin sa akin. Sumimangot ako at binalingan si South na nag-aangat agad ng kilay. Bakit parang sa akin pa may galit ang mga pinsan ko eh kahit ako ay gulat rin naman sa mga kumakalat na balita kahapon at walang alam!
“Bakit ayaw mong lagyan ng label? Sa sitwasyon mo ngayon, hindi na kami makakapayag na ganon ganon nalang Nana.” si Ken na hindi pa mahitsura ang mukha. Nagtataka kong sinipat ng tingin si South na nagawa pang humalukipkip sa kinauupuan at tumango tango. Ano bang pinag-usapan nila at ganito ang kanilang mga reaksyon sa akin?
“Wala naman talaga kaming relasyon noong una,” paliwanag ko na ikinalala lang ata ng mga eskpresyon nila.
“Stop lying Cana Aleyna. Hindi kami magagalit kung iyan ang ikinakabahala mo.” si White
“Eh wala naman talaga!” sumimangot ako at gusto ng magdabog. Nahimas agad ni Ken ang aking likod para lang pakalmahin ako.
“H’wag niyong ginagalit baka mapano…” si Red.
“Kahapon pa iyan. Pinaliwanag ko na pero matigas eh,” sabi ni South at nagawa pang humalukipkip sa kanyang kinauupuan.
“Pero nasa instagram niya!” giit ko pa.
Umiling si Hiro, “selosa.” sambit niya sa akin.
“Ganyan iyan dahil siguro sa sitwasyon niya. H’wag na nating pagalitan.” si White.
Huh? Ano bang sitwasyon ko ngayon maliban roon sa ipinagkakalat na issue noong Frances na iyon at sa pag-amin ko kay South? Ang inaasahan ko ngang reaksyon nila ay magagalit silang lahat dahil naglihim ako. Pero ba’t parang… may kakaiba?
Naunang tumayo si White, “let’s leave them. Total alam narin naman natin ang totoo. Itong si Nana…” naiiling akong tiningnan ni White na akala mo ay ako pa itong may kasalanan sa lahat. Anong ginawa ko?
Tumayo narin si Hiro. Sumunod naman ang kambal na naiiling rin. Si Ken itong mukhang may pinoproblema na ewan.
“Di ko talaga tanggap. Para akong hindi kasali sa pamilyang ito…” naiiling rin siyang tumayo at nasuklay ang buhok.
“Ikaw nang bahala diyan,” tugon ni White kay South na tumango rin.
Isa isa silang nagpaalam sa akin at naiwan akong walang alam sa nangyayari. Noon, halos ibigdeal nila iyong issue ko kay Aries. At ngayon na naulit ulit at kay South pa, hindi ko alam kung ba’t ganoon nalang sila kakalmado. Okay na ba sila? What happened?
“Anong pinagsasabi mo sa kanila?” tanong ko nang tumayo siya at lumipat sa aking tabi. His manly scent suddenly excites me.
“Just like how I tamed you.. “ Ngumisi siya ng makahulugan saka kinarga ang dalawa kong hita para ipatong sa isa niyang hita. Sa sobrang lapit ko sa kanya ay parang lumilipat narin ang kanyang bango sa akin.
Dahan dahan niya ring iginapang sa aking palad ang kanyang mga daliri. Iyon na ang kanyang pinaglaruan habang nakaharap sa akin ng buo, ang isang kamay naman ay nasa aking likod at sinusuklay ang aking buhaghag na buhok.
“Ano?”
Mas lalo lamang siyang ngumisi at nagkibit pa ng balikat.Sa halip na sagutin ang aking tanong ay pinatakan nalang ako ng halik sa aking labi.
“Hindi naman sana kita pinagod pero ba’t ngayon ka lang nagising?” tanong niya sa akin na ikinapula ng aking pisngi.
“Hindi lang ako nakatulog agad dahil sa mga nangyayari.” Nahulog ang aking mga mata sa kamay niyang iniiwan na ang aking palad at nahulog na sa aking hita. He was caressing my thigh softly at ramdam na ramdam ko ang kanyang kamay lalo na’t napakapinis ng suot kong pajama.
“Kung pumayag ka lang sana na sa bahay natin matulog edi tayong dalawa ngayon ang puyat.” kalmado niyang sabi na ikinangiwi ko. Noong 17 ako, malinaw pa sa aking alaala ang mga binibitiwan niyang salita. Ngayon na nasa tamang pag-iisip na ako, napagtanto kong lahat pala iyon ay may iba pang ibig sabihin. He’s just too sly!
Lalo siyang lumapit hanggang sa nakarating siya sa gilid ng aking tenga. “I’ll make love to you till morning… I’ll make your knees tremble until you can’t walk properly. Tingnan natin kung makakaalis ka pa sa tabi ko.” Mariin akong napapikit nang maramdaman ko ang dulo ng kanyang dila sa gilid ng aking tenga at nanunukso na ang galaw.
“Kaya nga hindi ako doon natulog dahil alam kong pupuyatin mo ako…” wala sa sarili kong sagot. Kaya noong humarap siya sa aking muli ay namumungay na ang aking mga mata na kahit kakagising ko lang naman ay gusto ko ulit humiga sa kama.
Nahulog muli ang aking tingin sa kamay niyang nakarating na sa ibang bahagi ng aking hita. My breathe started to hitch as I tried to swallowed. Bakit ba ganyan siya? Dahil ba ito sa pag-alis ko?
Itinukod niya ang kanyang siko sa gilid saka idinikit ang kamao sa kanyang noo. Namumungay narin ang mga mata nito at parang hinihipnotismo ako.
Binasa niya ang pang-ibabang labi at bumagsak sandali ang tingin sa aking dibdib saka rin iyon dahan dahang iniakyat sa aking leeg, ang kamay ay nanghahaplos na sa aking gitna.
“Marunong kana talagang sumagot.” Umangat ang kanyang kilay.
Nakagat ko ang pang-ibabang labi at hindi natago ang ngiting nagmamayabang.
“And your shallow secret… Hinalikan mo ako noong 17 years old palang ako!” Itinuro ko ang kanyang mukha na kagat kagat na ang pang-ibabang labi at ngumingiti habang ako itong natatawa.
“How dare you, Architect…” I said softly.
“You don’t know how adorable you were back then. Kung alam ko lang na malalayo ka sa akin, itinanan nalang talaga kita.”
I chuckled softly as he crouched a bit just to reach for my lips. Lumapat ang kamay ko sa kanyang panga at nahulog ang mga mata sa pagsara. It was a chaste kiss at first. His lips were stroking mine as and part my lips a bit to welcomed him. Naramdaman ko ang kamay niya sa aking baba hanggang sa gumapang iyon sa aking pisngi at marahan iyong hinahaplos, patungo sa aking tenga.
Dumilat ako at mas itinagilid ang aking ulo para bigyan siyang laya roon. Marahan akong natawa sa gitna ng aming paghahalikan na ikinadilat niya at tumawa narin. His kisses travel on the side of my lips down to my neck. Maliliit ang mga halik na iniiwan noon na hindi ko narin mapigilang humagikhik na kahit siya ay nasa akin lang ang mga mata at ngumingiti rin habang tinatamnan ng paulit ulit ang aking collarbone ng mga maliliit at nakakakiliti niyang halik.
Noong matapos siya roon ay pumulupot ang dalawa niyang kamay sa aking beywang at isinandal ang baba sa aking balikat. He squeezed me a bit as he buried his face to my neck. Naroon lamang siya sa ganoong posisyon, tahimik at payapang nakayakap sa akin.
Nilingon ko ito at nakita ang mukha niyang binabalot ng tuwa. Hindi ko alam kung natutulog na ba ito o hindi lang talaga nagsasalita.
Noon, akala ko sapat na lahat ng dumadarating sa aking buhay para maging masaya ako. Kontento naman ako sa buhay na meron ako at sa mga nangyayari pero iyong pagpasok muli ni South sa aking buhay ay may mas ikakakulay pa pala iyon. Siguro, hindi ko talaga siya sinipa palabas ng aking mundo. Naroon lamang siya, naghihintay na ako mismo ang magtanggal ng harang na ibinakod ko sa kanya. God, I wouldn’t ask for more. Kahit itong kasiyahan nalang na nararamdaman ko ang manatili sa akin habangbuhay ay kontentong kontento na ako.
Dumeritso rin naman kami roon sa sinasabi niyang bahay namin. Wearing a simple backless white dress, umapak ako papasok suot ang aking nakasanayang pumps. Ang kamay ni South ay nakapulupot sa aking beywang at kanina pa panay lingon sa aking likuran. He looks really bothered.
“Wow…” I gasped when I saw the place. Ang labas noon ay magara. Isang malaking garahe na may isang kotse pa, ang veranda na malapad at desinyo nitong mukhang pinag-isipan talaga ng husto dahil sa maliliit na detalye noon. It was a 3-storey house. Pagkapasok namin, sumalubong agad ang malaking sala at hindi nakaligtas sa aking paningin ang kumikinang na chandelier sa itaas. The grand staircase looks enchanting with it’s black carpet. Even the living room was carpeted with something comfy. Masasabi mo talagang isang magaling na Architect ang nagdesign ng kabuuan ng bahay dahil narin sa mga nakakamanghang desinyo.
“Isn’t this too big?” Wala sa sarili kong tanong sa kanya pagkatapos kong tumingala at napagtantong malaki nga masyado ang bahay na ito.
“Akala ko nga ay masyado pa itong maliit.” aniya sa baritonong boses na ikinalaglag ng aking panga.
“Are you planning to build a palace?” Natatawa kong sabi.
“Kahit gaano man ito kalaki at kaenggrande, hindi mo ito matatawag na palasyo hangga’t hindi ka nakatira rito.”
Ngumuso ako at nag-iwas ng tingin sa kanya para itago ang namumulang pisngi. Ang galing niya talagang magpasikip ng dibdib.
Sumuyod ako sa kabuuang lugar. He was just following me patiently. His hands were on his pockets when I glanced at him and caught him looking at back. His brows furrowed as he breathe deeply, licking his lowerlip after.
Ang pangalawang palapag ay mga kwarto. Hindi ako makapaniwalang may apat na kwarto roon, isang guestroom, dalawang bakante at ang masters bedroom.
“Dalawang anak ang gusto mo?” tanong ko sa kanya pagkatapos kong silipin ang loob. Wala pa iyong masyadong desinyo at mga gamit. It was empty but the room is quite big!
“Depende rin sa’yo,” lumebel siya sa akin at siya mismo ang nagsara noong kwarto. Sumenyas siyang tingnan iyong Master’s bedroom. The memories suddenly flashed like it happened yesterday. Ganoon parin kafresh iyon sa aking utak na hindi ko makalimutan ang bawat detalye ng gabing iyon.
Iginiya niya ako roon. Ang kanyang kamay ay nasa aking likod na at tila gustong takpan ang nakabalandra kong likod.
“Hindi ka nagbra?” Bigla niyang tanong nang makarating kami sa may pinto. Ang kanyang isang kamay ay humawak sa doorknob para buksan iyon habang ang mga mata ay nasa akin.
“May pads naman,” namumula kong paliwanag lalo na’t nalaglag rin ang mga mata niya sa aking dibdib kalaunan.
“Tss,”
Bumukas ng tuluyan ang pinto kaya inabala ko agad ang aking tingin roon. Ito ang pinakamalaking kwarto kumpara sa tatlo at may mga desinyo na at gamit. Nauna akong pumasok at iniwan siya roon.
“Bakit ganito kalaki?” tanong ko at napunta ang tingin sa sliding door na kumukonekta sa labas. May mahaba iyong curtains na tumatakip sa sinag ng araw. He had such elegant taste when he decorated this room. Mula sa mga kagamitan, sa mga pader na parang may abstract painting roon sa pader ng headboard ng kama, ang magandang ceiling na binalanse ang pagiging elegante noong kulay puting ilaw at itim na kulay noong mismong ceiling. The bed was carpeted with something gray and complements the thick black blanket of the bed with a white bedsheet on it.
“To avoid breaking some things when we get inside.”
Napalingon ako sa kanya at natagpuan ang imahe niya sa tabi ng pinto, nakasandal sa pader at nakahalukipkip roon.
“Ba’t mo naman iyon naisip?” Naguguluhan kong tanong. What kind of scenario is he thinking?
Nagkibit siya ng balikat at sumilay ang nanunuyang ngisi sa kanyang labi. Doon palang ay nasira na ang aking ekspresyon. Iyon lang ang kanyang rason!
Naglakad siya patungo sa kama at hinawi iyong makapal na kumot. Nanlalaki agad ang aking mga mata nang makita ko ang pulang marka sa puting bedsheet. B-Ba’t naroon parin iyon?!
“South!” Hinila ko sa kanya ang kumot at mabilis na ibinalik sa kama. He even chuckled while his other hand was on the side of his waist.
“Hindi mo pinalabhan?” Namumula kong tanong sa kanya na dahan dahan niyang ikinailing, nakapameywang.
“Pero bakit?” tanong ko sa maliit na boses.
“I need a proof.”
“H-Huh?”
“Baka kung ano na namang pumasok sa utak mo at itanggi mo ako.”
Nalaglag ang aking panga roon. Akala ko ako lang itong nahihirapang basahin siya pero sa mga pinaggagawa niya ay ganoon rin pala siya sa akin. Binabasa niya ako at siya itong masyadong paranoid kaya kung ano ano ang naiisip na kalokohan.
“Do you want to go there?” Nilingon niya ang walk-in closet na ikinailing ko.
“Tapos na ako diyan noong gabing umalis ako. Ang rami kong damit…” sabi ko pa.
“Ang ninipis ’no?” Nanunuyang sagot niya na ikinasimangot ko.
“Ganyan ang tela para komportable at magaan sa pakiramdam.” paliwanag ko sa kanya.
Tumango tango lang siya at nagtungo na sa akin papalapit. Hinila niya ang aking beywang saka ako tuluyang nadikit sa kanyang dibdib. Ang kanyang kamay ay namahinga sa aking pang-upo habang ang isa ay dahan dahan nang gumagapang patungo sa aking likod.
“Did you purposely wear this for a better access?” bulong niya sa malalim at malamig na boses.
Napahawak ako sa kanyang balikat at umiling, ang aking mga mata ay nakatingin sa adams apple nito.
He titled his head and lowered down his eyes. Noong nag-angat na ako ay nahuli ang mga mata niyang nakatingin na sa aking dibdib.
“May schedule ako mamaya.” singit ko agad na ikinaangat ng kanyang kilay. Ang kanyang kamay ay nanghahaplos na sa aking likuran sa nakakadalang paraan.
“Where?”
“Imemeet ko iyong mga modelong nakapasa pati narin iyong mga aspiring na fashion designers.”
Nabasa niya ang pang-ibabang labi at tila may ibang naiisip na schedule ko.
“Kaya h-h’wag muna ngayon…” pabulong kong sabi at hindi na maipanatili ang mga mata kong sumasayaw sa iba’t ibang direksyon.
I heard him chuckled, “I am not planning anything, baby…”
Namumungay na ang aking mga mata nang salubungin ko ang kanya. His ruthless eyes were deep and covered with something else.
“Baka lang…” nahihiya kong sagot sa namumula kong mga pisngi. Lumalabas pa tuloy na ako itong masyadong nag-iisip sa ganoong bagay. But this is his fault! It looks like he’s sending some signals to me! Hindi niya rin ako masisisi kung ba’t ganoon nalang ang pumapasok sa utak ko.
Hinawakan niya ang aking baba at itinagilid ang ulo para masalubong ang aking labi. My eyes shut close as I felt the passionate stroke of his lips. Masyado iyong banayad at may pag-iingat. Ang kanyang halik ay parang may pinapasok na mga alitaptap sa aking tiyan kaya ganoon nalang kung makiliti ako. Ito iyong pakiramdam na parang dinadala ka niya sa ibang dimensyon sa pamamagitan lamang ng nakakadalang hagod ng kanyang labi dahil sa oras na ito, kahit ang aking utak ay lumipad na at napunta sa isang lugar kung saan kami lamang dalawa kasama ang mga alitaptap na naglilipana sa paligid. Nakalimutan ko ang kabuuan ng kwarto at ang tanging naiisip ay ang labi ni South na halos tangayin na ang aking sarili sa mundo niya.
He sighed deeply and placed his forehead with mine. Sa namumungay kong mga mata ay sinikap ko siyang tingnan.
“Gorgeous,” wala sa sarili niyang bulong na hindi nakaligtas sa aking tenga. Marahan akong natawa roon at masyadong nahuhulog na saka rin siya natawa at pinatakan akong muli ng maliit na halik sa aking labi.
Ang pangatlong palapag ng bahay ay may cellar at gym. Ang sabi niya pa, pag tulog na ang aming mga anak ay doon kami tatambay para walang disturbo. Masyado na siyang advance at prepared!
“Where did you get this idea?” tanong ko nang hawakan ko ang pamilyar na wine rito sa loob ng cellar. Moderno ang desinyo ng loob at parang inspired sa ibang bansa ang kabuuan noon. Ang ilaw ay nagiging dim pa at pinapatingkad ang kulay ng paligid.
Sumandal siya sa counter habang nakapamulsa at gumala rin ang tingin sa paligid.
“Iyon ring inspirasyon ko sa bahay na ’to,” paliwanag niya.
Ibinalik ko sandali ang kinuhang wine at pinasadahan ng tingin ang ilang nakadisplay na mga mamahaling inumin at ang iba pa ata ay galing sa ibang bansa.
“Sino?” tanong ko at may hinaplos na isang inumin.
“Iyong babae ko,”
Mabilis ko siyang nilingon, “ako?”
He bit his lowerlip as he tried not to smile widely.
“Iyong isa pa,”
Sumimangot agad ako. Alam kong biro lang naman iyon pero hindi ko parin maiwasang magselos. Nag-iwas ako ng tingin at gustong maggulong ng mga mata kaso hindi ko naman alam papaano.
“Edi siya ang ibahay mo. Pwede ko namang bawiin ang statement ko at sasabihin kong naghiwalay rin tayo.” Malungkot kong sabi.
I heard him chuckled. Mas lalo akong sumimangot.
“Bago mo pa nababawi ang statement mo, sigurado akong lumulobo na ang tiyan mo.” may kasiguraduhan niyang sabi na ikinalaki ng aking mga mata.
“22 pa ako, South.” I said unbelievably.
“And I am already 23. We’re not minors anymore,” sigurado niyang sagot na ikinaliit ng mga mata ko sa kanya.
“Ganyan kana ba talaga kaatat magkapamilya?”
Ipinatong niya na ang kanyang mga braso sa counter at tuluyan nang nakahilig roon sa likod.
“Sa pagiging wild mo? Oo, desperado na akong matali sa’yo.” sagot niya na ikinapula muli ng aking mga pisngi.
Kung nagbunga man iyong nangyari sa amin, handa naman ako. Handa ako dahil alam kong si South ang kasama kong bubuo ng pamilya. Noong nasa Canada ako, naiisip ko na hindi pa ako handa sa pagmamahal. Pero nitong mga nagdaang araw na kasama ko siya, kahit anong oras ata ay handa na akong makaharap siya sa altar.
“Oo nga pala, s-sinampal ko si Frances. Nadala lang naman ako sa emosyon ko kasi sinampal niya rin ako.” Napabuntong ako ng hininga sa aking inamin sa kanya. Medyo nakokonsensya ako sa aking ginawa. Pero may parte rin sa akin ang gumaan ang pakiramdam dahil alam kong kaya ko nang ipagtanggol ang aking sarili.
“Nasaktan ba ang kamay mo? If you’re not hurt then I’m fine with it. Walang kaso sa akin kung sinampal mo siya.”
Okay? He doesn’t care at her. Ang tanging pakialam niya lang ay kung nasaktan ba ang kamay ko. Mas inaalala niya pa iyon kaysa sa sinampal ko. But she slapped me too. Kwits lang ata kami.
“Tinuruan kasi ako ng mga magulang ko na dapat ibalik ang pakikitungo sa iyo ng mga tao. Mom told me, dapat matuto raw akong ipagtanggol ang sarili ko. Ayoko naman sanang manakit kaso nauna siya sa akin.” Ngumuso ako at nag-iwas ng tingin.
“That girl has gone crazy.” Nailing siya at nasuklay paatras ang buhok.
“Pinaasa mo siguro ’no? Ikaw raw iyong kadate niya sa fashion show ni Danica. At alam niya rin ang condo unit mo. Dinadalhan ka pa nga ng mga pagkain…” naging matabang na ang aking boses kahit na ang gusto ko lang naman ay ipaliwanag iyon ng maayos.
“Oo pumupunta siya sa condo ko pero hanggang doon lang iyon dahil pinapaalis ko rin naman agad.”
“Eh ba’t kayo magkasama noong fashion show ni Danica?”
“I need some connections to get in since it’s a private event.”
Sa sagot niya, parang nagkaediya agad ako kung ba’t siya nakakapunta sa mga fashion show ko eh pili naman sana ang mga naiimbitahan at hindi basta basta nakakapasok ang kahit sino lang.
“At hanggang doon lang naman ang lahat ng iyon.”
Nilingon ko siya at natagpuan ang mga mata niyang namumungay. Minsan talaga, pag magkasama kami ay sobrang kalmado niya. Eh ang alam ko, hindi marunong magdahan dahan iyang mga lahi nila.
“Ibig sabihin… ginamit mo lang sila para makapasok ka?” hindi makapaniwala kong tanong na ikinakagat niya sa kanyang labi at tumango na. Kaya naman pala nag-aassume!
“Ang sama…” wala sa sarili kong sambit at hindi makapaniwalang ginawa niya talaga iyon.
Naglakad siya patungo sa akin hanggang sa naramdaman ko nalang siya sa aking likuran. Yumapos sa akin ang kanyang mga kamay at pinatakan ng halik ang aking balikat saka niya ipinatong ang baba roon.
“You don’t know how evil I can get just to have you. Tuso ako pagdating sa’yo.”
54th Hooked
WARNING: SPG
Useless
Hindi mapanatili ng mga modelo ang tingin sa akin at palaging napapalingon sa direksyon ni South na nasa gilid lamang, naghihintay sa akin habang nakahalukipkip.
“Akala ko talaga sila ni Frances…”
“Ako rin eh. Kaya pala palagi siyang nandoon sa interview dahil kay Miss Cana.”
“Napanood ko rin iyong mga viral nilang videos. Nililihim lang pala talaga…”
“Oo eh, may bahay na nga at si Architect pa ang nagdedesign noong kompanya ni Miss Cana.”
“Ako ang nahihiya kay Frances. Ipinagmalaki niya lang ang kalandian niya. Siya pa itong may paiyak iyak pero siya pala ang nakikisawsaw.”
Isa iyon sa mga bulung-bulungan ng mga modelong nasa isang venue. Lumapit ako ng tuluyan sa kanilang dako na ikinaiwas ng tingin nilang lahat kay South at agarang napunta sa akin.
Pinasalamatan ko lamang silang lahat at ipinaliwanag ang magiging papel nila sa aking kompanya. Tinulungan ako noong mga staff na ipamigay ang hand-outs ng magiging rules at naroon narin ang mga upcoming kong fashion show saka nabuo kong mga desinyo na gagawin ko sa susunod na buwan para may ediya lamang iyong mga newly-hired fashion designer.
Bago kami tuluyang umalis ni South at pumunta sa ibang bansa ay gusto ko munang asikasuhin ang maiiwan kong mga trabaho lalo na’t hindi ko rin alam ang tumatakbo sa isip ng lalakeng iyon. Kinakabahan rin kasi ako sa maaaring mangyari sa pagkikitang muli nila ni Daddy. Will they accept him again?
“Ano ’yan?” Napatitig ako sa dala ni Ken kinaumagahan.
Inangat niya iyon, “mga prutas. Baka puro ka matatamis at inispoil ka naman ng asawa mo,” saad niya at nagtungo na sa countertop.
Sinundan ko agad iyon. Naaamoy ko ang kanyang pabango sa dinaanan niya. Sa suot niya rin, halatang dumaan lang ito dito para ihatid iyan.
Hindi niya naman ugaling nagdadala ng pagkain rito sa bahay ah? Siya pa nga itong umuubos minsan sa mga stock kong pagkain pag pumupunta siya rito. Nagtataka kong snilip ang basket na inilapag niya sa lamesa. Klase klase ang nasulyapan kong prutas roon. May sakit ba ako?
Tinapik niya ng pangalawang beses ang stool kaya doon ako naupo. Sinimulan niya namang ilabas ang iilang prutas at ipinasok sa ref ang iba.
“Hindi pa kami kasal,” sagot ko sa naging pahayag niya kanina.
Hindi niya iyon pinakinggan at kumuha ng dalawang apple. Iyong isa ang sinimulan niyang balatan pagkatapos niyang irolyo ang sleeves ng kanyang polo. Tumagilid ang aking ulo para matingnan ng mabuti ang kanyang ginagawa. The veins on his hands were showing as I stared on it.
“Bakit iniiwan kang mag-isa ni South rito? Dapat, doon ka nalang nakatira sa bahay niya,” medyo inis ang kanyang boses at nagawa pa akong sulyapan habang nagbabalat.
Pumangalumbaba ako sa countertop. “Desisyon ko rin naman na dito muna ako tumira. Baka pag nalaman ni Daddy na doon na ako nakatira magagalit iyon.” paliwanag ko.
“Kahit na.” Binigyan niya ako ng isa.
Tinanggap ko iyon at tiningnan muli ang ginagawa niyang pagkuha noong mga buto ng ilang naslice niya na.
“Pupunta rin naman siya rito mamaya para tulungan akong mag-empake.”
Tumango-tango siya habang pinaglalagay ang mga nahiwang apple sa isang bowl at iniusog iyon sa aking tabi.
“Mas mabuti narin iyong plano ni South na ilayo ka muna rito para matigil ka naman sa kakatrabaho. You need to rest, Nana.” Pinaningkitan niya na ako ng mga mata.
Nalaglag ang tingin ko sa isang panibagong apple na hawak niya saka ko rin ibinalik sa kanya. Umawang ang aking bibig para sana may sabihin pero natutop iyon at ikinimkim ko nalang sa aking sarili lalo na’t nagsisimula na siyang magbalat noong apple.
“The company can wait. Pwede naman kaming umalalay. Magpahinga ka muna at kami nalang ang bahala ng mga alalahanin mo rito.”
Naging mabagal ang pagnguya ko sa kinakain na apple. Lately, napapansin ko ang weird ng mga pinsan ko pagkatapos silang kausapin ni South. Ang inaasahan kong galit o sermon sa kanila dahil sa paglilihim ko ay hindi ko nakuha. Kahit itong si Ken ay nakakapanibago. He’s bringing fruits for me! Doon palang nakakapangduda na talaga kung anong mga pinagsasabi ni South sa kanila at ganoon nalang sila kaamo.
“Kaya ako sa’yo, doon muna kayo mamalagi at h’wag na munang umuwi rito.” Pagpapatuloy niya sa kakadaldal at iyon lamang ang naabutan kong malinaw dahil sa pagkatangay ko sa aking pinag-iisip.
Isa pa iyan. I am expecting a worst scenario! Na pag nalaman nilang nagkikita na kami ulit ay tututol sila dahil alam ko ang galit na nararamdaman nila kay South. I have no idea what happened years ago between them pero malinaw sa akin ang galit ng mga pinsan ko sa kanya. Kahit si Irah, noong nagkausap kami sa Canada ay sinabi niya ring nakagawa ako ng isang pader mula sa angkan namin at hindi na sila hinahayaang mapalapit sa mga lalake kong pinsan. Kung ganoon, maayos na ba silang mga lalake kaya halos ibugaw na ako ng mga pinsan ko kay South at kulang nalang ay kusa akong ibigay?
“Boto kana sa kanya para sa’kin?”
Natigil si Ken sa kakahiwa noong apple at binalingan ako rito sa kanyang gilid.
“Mahal mo diba?”
Tumango ako ng marahan at nasuklay ang buhaghag kong buhok para mapunta lahat sa likuran. Ken’s eyes followed my movements and settled on my eyes right away.
“Sapat na iyong dahilan para sumuporta ako,” seryoso niyang sabi na aking ikinakurap.
My cousins were not the serious and mysterious type. Nailulugar nila iyon ng maayos at lumalabas lamang kung kailangan hindi katulad sa mga Buenaventura na ganoon talaga ang imahe. Palatawa sila at palaging nagkakatuwaan. Yes, they’re intimidating pero kalmado lamang sila sa mga bagay bagay. Kaya pag nagiging seryoso na sila, doon talaga ako kinakabahan dahil alam kong iba rin sila magalit.
“Mahal ka rin naman ng lalakeng iyon,” kibit balikat niya pa. “At sa mga pinaggagawa niya, saludo ako.” Ngumisi siya sa akin at nagawa pang inatin ang aking pisngi.
Napangiti narin ako kay Ken. Ibinalik niya ang atensyon sa paghihiwa ng apple kaya kinuha ko ang pagkakataong iyon para tumayo at magtungo sa kanyang likuran. Niyakap ko ang kanyang beywang at isinandal sa kanyang malapad na likod ang aking ulo.
Tila nagulat ito lalo na’t natigilan siya at nilingon pa ako.
“Akala ko kay White ka lang masyadong clingy,” he chuckled.
Tumingala ako sa namumungay kong mga mata.
“Thank you, Ken. Pati iyong mga panahon na nagkakagulo sila… Salamat kasi palagi kayong nandiyan para sa’kin kahit ang tigas tigas na minsan ng ulo ko…”
“You don’t have to thank us, Nana. Trabaho namin iyon dahil kami ang mga lalake. Kung hindi rin kita pinsan, tingin mo may pakialam ako diyan sa mga problema mo?” Humalakhak siya na ikinasimangot ko pero agaran rin akong natawa. He didn’t change.
“Basta, iwasan ang pagiging selosa. Alam kong nasa lahi natin iyan pero Nana ilugar mo dahil makakasama iyan sa sitwasyon mo.”
I always heard that from my cousins. Hindi ako napapagalitan o nasesermonan dahil sa sitwasyon ko. Iyon parin ba iyong pinakalat na issue ni Frances? Pero naagapan ko naman iyon. Hindi niya naman ako nasiraan dahil bumaliktad ang sitwasyon at siya itong lumabas na naninira. Kahit nga si White ay ayaw akong pinapagamit ng cellphone at h’wag daw muna akong magsocial media. Iyan iyong bukambibig niya kagabi noong tumawag siya.
Bago pa man ako makareact sa pinagsasabi niya ay may narinig na kaming isang tikhim. Kapwa kami napalingon ni Ken sa kakapasok lang na si South at madilim na agad ang ekspresyon sa kabila ng pagiging kalmado.
Mabilis na lumayo sa akin si Ken. “Dinalhan ko lang ng prutas.” paliwanag niya saka ngumisi pa sa akin.
Kumurap ako at pinanood siyang lumalabas na sa counter tangay tangay ang isang hiwa ng apple.
“Pahingi ako kahit isa,” sabi niya na ikinatango ko.
“Alis na ako,” tinapik niya ang balikat ni South na tumango lang saka humalakhak ang aking pinsan.
“Seloso, selosa…” Iyon ang kanyang kinalanta at nilalagyan niya ng sarili niyang tono habang palabas ng bahay.
Umupo akong muli sa stool at pinanood ang imahe ni South na naglalakad na patungo sa aking direksyon. Nakaitim na tshirt ito at mukhang bagong ligo pa. He looks so fresh early in the morning with his messy hair. Ang iilang hibla noon ay nalalaglag sa kanyang noo na sinusuklay niya nalang paatras. Pumangalumbaba ako roon at hindi na matigil ang aking mga mata sa kakasuyod sa bawat parte ng kanyang katawan. He’s really hot…
“Morning,” he leaned closer and gave me a peck on my lips. Ang nakasanayan kong pabango sa kanya ay nanuot agad sa aking ilong.
“Good morning!” I smiled merilly.
“Breakfast?” Nahulog ang kanyang tingin sa mga apple na pinaghihiwa ni Ken. Nagkasalubong pa ang kanyang kilay at itinulak iyon palayo imbes na kukuha akong muli. Nabitin ang aking kamay sa ere saka ako ngumuso.
“Hiniwa niya iyan sa akin.” Binawi ko ang aking kamay at ibinalik sa aking pisngi.
“I’ll just cook a healthy food for you,” sabi niya at umikot na rito patungo sa loob.
“But those were healthy!”
“Hindi ka mabubusog,”
“Selos ka lang talaga!” I teased him. “Bahala ka, mauuna ka talagang tumanda sa atin. Mamamatay ka ng maaga at mabibigyan ako ng tsansang maghanap ng iba.” Natawa ako sa sarili kong pinagsasabi lalo na’t lumukot narin ng husto ang kanyang mukha.
Nagtungo siya sa harapan ng ref at dinungaw ang loob noon. May pinaglalabas siyang maluluto habang umaalingawngaw naman ang aking tawa.
Hindi siya umimik pero halatang natatamaan siya sa aking sinasabi dahil narin sa mga kilay niyang hindi niya na naman makalma.
“Di’ba at uso iyong matandang lalake at madaling mamatay? Magpakasal ka raw sa mga ganoon para mapunta sa’yo ang yaman. Gusto mo ihanda ko na ang mga maintainance mo?” Pang-aasar ko at mas humagalpak pa ng tawa. Umiikot na ang inuupuan kong stool dahil sa pagiging malikot ko.
Doon lang ako natigil nang pinaikot niya ang aking stool paharap sa kanya at ikinulong ako sa magkabila niyang bisig na nasa bawat gilid ko na.
His thick brow raised as he eyed me. Sa aking kapilyahan ay ngumisi ako at ipinulupot ang aking kamay sa kanyang leeg saka siya hinalikan sa kanyang labi ng mabilis.
“Ang hot mo naman Architect…” sabi ko sa malambing na boses na ikinabuntong niya ng hininga.
“Ganoon ka ba talaga kaclingy sa mga pinsan mo?” Tangi niyang sabi sa dami ng aking pinagdadaldal. That bothered him huh.
Tumango ako habang ang aking kamay ay marahan ng sumusuklay sa kanyang buhok sa likuran. We were so close and I’m really tempt! Sa t’wing ganito kami kalapit, bigla nalang sumasagi iyong nangyari sa amin sanhi para pamulahan ako ng pisngi.
Nag-iwas siya ng tingin at nakagat ang pang-ibabang labi. Ang aking mga mata ay nanatili roon at tiningnan iyon ng mabuti. His lips parted a bit just to heaved a sigh saka muling paglalaruan ng dulo ng kanyang dila ang mamula mulang pang-ilalim na labi.
“Selos ka?” Napangisi akong muli.
Tumango siya at nasuklay sandali ang buhok saka muling itinukod ang kamay sa aking gilid.
“But they’re my cousins…”
“Simula bata ka, close kana sa kanila.” paliwanag niya.
“Ang sarap na tuloy palitan ng apelyido mo at gawin kang Buenaventura.” He leaned closer enough until I felt the tip of his nose slowly caressing my cheek.
I pushed him even more towards me until I felt his lips with mine. Napangiti ako at hinalikan siya. Pwede bang ganito nalang araw-araw?
“Namiss kita,” bulong ko sa kanyang labi na ikinakurba noon. Tuluyang nawala ang bumalot na dilim sa kanyang mukha at napalitan ng panibago.
Hinawakan niya ang gilid ng aking baba at iginiya iyon sa kanyang halik. Ang kabisado kong lasa at galaw noon ay nanuot sa aking sistema at binibigyan na naman ako ng mga alitaptap sa aking tiyan.
Pagkatapos rin naman naming kumain ay sabay kaming nagtungo sa aking kwarto. Nagkalat na sa aking kama ang mga gamit na dadalhin ko at naroon narin ang malaking bagahe na nakabukas.
Nagkasalubong ang kilay ni South nang inangat niya ang sobrang nipis na dress ko at seethrough pa. Nasuot ko na iyan noong nagbeach kaming dalawa ni Heluisse.
“Did you wear this?” May pagbabanta na sa tono ng kanyang boses at galit na galit na ang mga mata sa kakatingin roon.
Tumango ako at hinalungkat ang iba pang mga gamit na dadalhin ko sa aking walk-in closet. Pagbalik ko ay nasa sahig na iyon at mukhang itinapon niya.
“South! Mahal iyan!”
“How much? I’ll pay you.” sabi niya at namulot ng panibagong tutupiin kaso nagkasalubong muli ang kanyang kilay dahil iyong tube na dress at may maiksing hem ang nadampot niya.
Binagsak ko sa kama ang mga damit na nakuha ko sa loob saka iyon mabilis na hinila sa kanya. Kung magpapatuloy siya sa pagiging ganyan, ni isang damit ata ay wala akong madadala.
“Hanggang singit na ’yon ah?” Reklamo niya at hindi na naman maikalma ang mga kilay.
“These are fine. It’s called fashion. Sa ibang bansa, normal lang ang mga ganitoㄧ
“At bilang boyfriend mo, hindi iyan normal sa paningin ko.” Putol niya agad na ikinaawang sa ere ng aking bibig. Tinikom ko iyon at ngumuso. Kahit noon pa naman, ganyan na siya.
“Pero mga ganoon ang mga damit ko. Konti lang iyong mga taste mong balot na balot.”
Gumala muli ang kanyang tingin at hindi nawawala ang panghuhusga sa mga mata sa t’wing may nakikita siyang mga damit na hindi niya gusto. Ang arte naman!
“Ako na nga lang ang magtutupi,” pinulot ko iyong ibang mga damit na nagkalat sa sahig dahil sa paghagis niya saka ako umupo sa kanyang harapan.
“H’wag kanang makialam. Sinira mo pa naman iyong iba kong mga designs,” sinimangutan ko siya sa aking likod na nakaindian squat habang ang isang kamay ay nakatukod sa kanyang hita at nakalagay ang kamao sa pisngi. He looks bored and grumpy at the same time.
“Bibilhan kita,”
“Ayoko na sa’yo. Sinisira mo ang mga gamit ko.” Umirap ako at kinuha ang iilang mga damit para matupi iyon.
“What kind of dress is this?” Naramdaman ko ang hintuturo niya sa aking likuran at tinitrace na iyong mga laces na paekis ekis roon kaya nabubulgar ang balat noon.
Nilingon ko siya at nakita ang mukha niyang nakabusangot.
“Pantulog ko lang ang dress na ito.”
“Parang ginutay gutay muna saka ibinenta.” Matigas niyang sabi na ikinahalakhak ko ng marahan dahil sa kanyang mukha.
“Ang rami mong problema! Ako naman ang magsusuot, Architect.” I smiled playfully at him that made he frowned even more.
Ibinalik ko ang tingin sa harap at tinupi iyong isang dress.
“Isang hawi ko lang nito…” Ang kanyang isang daliri ay hindi tumigil sa kakagawa ng linya at sinusundan ang bawat laces noon.
Hindi ko na siya pinakinggan pa at ipinagpatuloy ang pagtutupi. May iilang damit siyang hinihila sa aking gilid kaya mabilis ko iyong kukunin at sisimangutan siya sa aking likod. Bubusangot lang siya at hindi na ulit makikialam.
“Hanggang ilang araw ba tayo roon? Di’ba isang linggo lang naman?” tanong ko lalo na’t ang dami ko nang napapasok na mga damit sa aking bagahe. Pero masusuot ko naman iyong lahat.
Umusog siya papalapit sa akin hanggang sa naramdaman ko ang kanyang mga bisig na pumulupot sa aking beywang at hinila ako sa kanyang gitna, ang kanyang baba ay nasa aking balikat na.
“It depends,”
“Depende? Paano iyong kompanya ko? Hindi naman pwedeng hindi ko iyon matutukan.”
“My men can handle the building.”
“Pero sabi mo di’ba na mas mabuting nandoon ako para matutukan.”
“Sinabi ko iyon para matutukan kita. Dapat nandoon ka palagi dahil nandoon rin ako. Yun iyon.” Ngumisi siya sa akin.
Akala ko pa naman talaga dapat ay nandoon ako para matutukan ko! This man!
“Tama bang pinipikot mo ang kliyente mo, Architect?” Nakasimangot kong sabi sa kanya.
He squeezed me even more and buried his face on my neck as he chuckled. Nailing nalang ako at nasuklay paatras ang buhok ko na napupunta na sa aking dibdib.
Ipinagpatuloy ko ang pagtutupi. Iyong mga undies ko ay mabilis ko pang pinagsisiksik sa aking bagahe para hindi niya lang matingnan.
“Ang nipis,” narinig kong sabi niya na ikinainit ng aking pisngi. Akala ko hindi siya nanonood!
“Ang nosy mo.”
“Tss,”
“Plano ko pa naman sanang magdesigns ng mga undies. Kaso nasa Pilipinas na ako at wala namang rarampa ng mga ganoon. Sa pagkakaalam ko pa naman, iyong kompanya nila Lolo Rico ay may ganito ring clothing line.”
“You can design some undergarments if you like…”
Nilingon ko siya kasabay ng pagliwanag ng aking mukha.
“Talaga?”
Tumango siya ng tipid, “and I’ll buy them all.”
Ang naramdaman kong excitement ay nahulog rin sa sahig dahil sa kanyang sinabi. Isa ata ito sa masugid kong kliyente at handang magwaldas ng pera para sa mga designs ko.
“Susuotin mo?” Panunukso ko.
“For your future purposes,” hinalikan niya ang aking balikat na ikinabuntong ko ng hininga.
“Balak ko pa naman sanang rumampa na ganoon ang suot…” pagpaparinig ko na ikinatalim agad ng kanyang mga mata sa akin. Humalakhak ako.
“Baka nga si Irah ganoon eh! Nagkita kami sa ibang bansa at sobrang ganda niya. I’m sure rumarampa iyon sa mga underwears lalo na’t ang ganda ng hubog ng katawan niya.”
Mariin siyang napapikit at napabuntong ng mahabang hininga.
“Just stay on your line as a fashion designer.” puno ng awtoridad niyang sabi.
“Ayaw mo lang talagang magmodel ako dahil alam mong pagpepyestahan ako ng mga lalake.” Panunukso ko na ikinasira ulit ng kanyang ekspresyon. Tumawa ako at halos mahiga na sa kanyang balikat dahil sa pagbangon niya para lang samaan ako ng tingin.
“Pero alam mo, sigurado akong sasakit talaga ang ulo ng boyfriend ni Irah. Pero sabagay, mukhang iyong boyfriend niya ay tagadoon naman at liberated ata kaya siguro suportado rin siya sa pagmomodelo nito.”
“That girl is just too wild. Kahit noong bata pa iyan kaya hinahayaan ko. Si North itong sumasakit ang ulo kakabantay sa kanya at sinasali pa si Franca,”
Sa kanilang magkapatid, siya nga itong parang kalmado lang at hahayaan kang gawin ang gusto mo. Kung gusto mong tumalon sa bangin ay susuportahan ka niya total gusto mo naman hindi kagaya ni North na kulang nalang ay bakuran ka. South doesn’t really care unless it concerns him.
“Sa inyong magpipinsan, si Franca lang ata ang kalmado at hindi marunong magalit.”
Ipinagkibit niya agad iyon ng balikat. “I don’t think so,”
Gusto ko sanang ipaglaban ang sagot ko pero mas kakilala niya naman si Franca kay hindi narin ako pumalag.
Bumangon akong muli para ipagpatuloy ang pagtutupi ko. Para pa naman akong palaka sa pagkakaupo rito sa kama habang ang mga hita ni South ay nasa bawat gilid ko na. Masyado na naman ata siyang bored kaya ang napili niya na namang paglaruan ay iyong laces sa likuran ko.
“How do I remove this?”
“Hilain mo lang iyong dulo,” wala sa sarili kong sagot at inilagay ang natupi kong damit sa bagahe.
Ilang sandali lamang ay naramdaman ko na ang unti-unting pagbaba ng aking damit at halos ilantad na ang aking mga balikat. Nanlalaki ang aking mga mata at akmang yayakapin ang dibdib ko lalo na’t wala akong suot na bra kaso mabilis niya rin akong itinumba.
“If you keep on wearing accessible clothes then we’ll have a problem…” Yumuko siya hanggang sa naramdaman ko na ang dulo ng dila niyang nanunukso ang bawat galaw sa gilid ng aking tenga. “It turns me on,”
My breath hitched when I felt his hand on my boob. Tuluyan nang nabura ang pinag-iisip ko at kinain ng excitement ang buong sistema sa bawat galaw ni South.
His kisses traveled on my jaw until he reached my lips, claiming it fully.
“Hmm,” My eyes shut close as I moaned while he’s kissing me. Ang kanyang kamay ay may ginagawa ng bilog sa aking naninigas na nipples at pinipisil pisil niya pa iyon minsan.
Nakatukod sa aking gitna ang kanyang tuhod habang ang isang kamay ay nasa headboard ng aking kama at doon nakatukod para hindi niya ako tuluyang madaganan. He purposely pushed his leg between me that made my lips part a bit. Kinuha niya ang pagkakataong iyon para ipasok ang kanyang dila at igala sa loob.
“Fuck,” he cursed as his hand travel on my tummy. Sa bawat pagdaan ng kanyang haplos sa aking katawan ay halos maliyo ako sa kakaibang pakiramdam na hinahatid noon sa aking sistema. Ibinaba niya ng tuluyan ang aking damit hanggang sa madala niya iyon sa aking mga hita. Gosh.
Bumibigat na ang aking paghinga nang bumaba ang kanyang halik sa aking leeg at mukhang may iba nang pakay ang kanyang dila. Napatingala ako at naitukod ang aking mga braso sa likod para hindi tuluyang mahiga. I want to watch him do it.
Kahit sa namumungay na mga mata ay sinikap kong tingnan ang ginagawa niya. He eyed me as he flicked his tongue on my nipple. My lips parted as I tried not to push my head back.
His tongue started to played with it as his other hand molded my boob. Inipit ko ang aking mga hita at napasinghap lalo na’t naroon parin ang nakatukod niyang tuhod.
Ang plano kong magtupi ay tuluyan ko ng nakalimutan at gustong may marating na iba sa oras na ’to. Gusto ko ulit maramdaman iyong unang gabi namin. I want to feel him.
His tongue traveled on my stomach. Ang kanyang kamay naman ay napunta na sa aking gitna na ikinasinghap ko.
“Wet,” sabi niya at tuluyang dinaanan ng haplos ang aking gitna. I pushed my head backwards as my lips parted while I shut my eyes close. He started to stroke my folds while I’m still wearing my undies. Halos mawala ako sa aking sarili nang tuluyang pumasok sa loob ng aking suot na panty ang isa niyang kamay.
I tried to look at him in my sleepy eyes. His eyes were already dim as his lips parted a bit. He was stroking my folds in a familiar rhythm. Dalawang kamay na ang humahagod roon pababa at pataas, pabalik balik na ikot at hahagurin ulit pababa.
My toes curled as my hands clutched my bedsheet. Nakabukaka na ako ng husto na akala mo ay manganganak na ano mang oras dahil sa aking posisyon.
“This won’t do,” Isang hawi niya lang pababa sa aking panty ay nakarinig na ako ng pagkapunit. Gosh, South!
“Sinira moㄧ” Isang halinghing ang naisunod ko nang tuluyan siyang bumaba roon at hinagod agad ng dulo ng kanyang dila ang aking gitna. I wanted to close my legs just to stop him but he didn’t let me. Hawak hawak niya na ang isa kong hita at ipinirmi iyon habang ang isang kamay ay nanghahagod parin sa aking gitna. His tongue played on my cl-t as his two fingers stroke my folds in a fast way. Hindi ko narin makilala ang aking boses dahil sa ungol na aking pinapakawalan. Nasa rurok na ako at halos mawala sa sariling ulirat nang naramdaman ko ang dulo ng kanyang dila na pumapasok na sa aking lagusan. It was too much to bare and I can’t control my own voice anymore for crying mess.
Just when I am almost at my peak, he stop midway. Parang may namatay na kung ano sa akin at dismayang dismaya sa pagkaudlot. Ibinangon ko ang aking ulo at tiningnan siyang naghuhubad na ng damit. In his naked glory, I saw his proud thing as he climbed towards me and starts kissing me.
Ang aking kamay ay napahawak sa kanyang dibdib hanggang sa iginapang ko iyon patungo roon.
“Fuck,” he groaned when he felt my hand on his shaft.
Bumaba ang aking tingin roon lalo na’t napatingala na siya at mariing napapikit, ang mga labi ay nakaawang. Inihagod ko pababa ang aking kamay sa kyuryusidad kaso natakot rin ako nang lumaki iyon ng husto. Parang mas nagalit iyon sa aking ginawa lalo na’t naging marahas narin ang paghinga ni South.
“D-Does it hurt?” Kinakabahan kong tanong.
“Fuck it,” Hinawakan niya ang aking magkabilang hita, ang isa ay hinawakan niya para umangat habang ang isa ay isinampay niya sa kanyang balikat saka niya itinulak ang kanyang sarili papasok sa akin.
Tuluyan akong bumagsak sa kama at hindi na magawang itukod ang aking mga siko dahil sa aking panglalambot. Sagad at mabilis na ang kanyang paggalaw na kahit ang aking kama ay umuuga na. I tried to mimic his movements by meeting his phase pero naliliyo na ako sa umuusbong na sensasyon sa aking loob at ang tanging nagagawa nalang ay humalinghing ng malakas.
Ang pag-iingay ko ang pumaibabaw sa aking kwarto. Lalo na noong matapos kami at kinarga niya rin ako patungong banyo at doon niya na naman ako sinimulang paungulin. Minsan ay kapwa pa kami natatawa sa aming paghahalikan. Na sa bawat pag-iisa ng aming mga katawan ay nahihigitan niya ang sensasyong gusto kong makamit.
Sumandal ako sa likod ni South habang nakasandal naman siya sa loob ng bathtub. Niyayapos niya ang aking mga buhok habang ako naman itong naaaliw sa bula na nakalublob sa amin.
“Dito ka ba matutulog?” Nag-angat ako ng tingin sa kanya.
“Gusto mo?”
Ngumuso ako at marahang tumango. I want to be with him everyday. Gusto ko bawat sigundo ay kasama ko na siya. It’s scary because I am getting clingy.
“Kaso, baka masyado kanang magsawa kung palagi tayong magkasama at magmukha akong clingy girlfriend kaya h’wag nalang…” I sighed.
Hinalikan niya ang aking balikat at niyakap ako sa aking likuran. I can still throbbing down there lalo na’t hindi ko rin matandaan kung nakailan kami pero hindi naman ako nagrereklamo. Parte ito ng aming relasyon at gusto kong ibigay sa kanya lahat ng meron ako.
“May mga lalake pa namang nasasakal na pag masyadong clingy ang girlfriend nila.” dagdag ko pa sa nag-aalala kong boses.
“I don’t mind if you’re too clingy. Gusto ko ring ganoon ka sa akin. Gusto kong palagi kang nakadepende sa akin. Lahat ng desisyon mo, gusto kong kasama ako. I want it so bad until you feel useless without me. Gusto kong ganoon ang magiging pakiramdam mo pag wala ako dahil ganoon rin ang nararamdaman ko pag wala ka sa tabi ko. I feel so useless…”
55th Hooked
Legal
Mainit ang araw na sumalubong sa amin pagkababa namin ng eroplano. South’s arm tightened on my waist as he pushed me lightly while pulling some of our things with his other hand. Iginala ko ang tingin at hindi nakaligtas ang iilang media na panay ang kuha sa amin ng litrato sa di kalayuan.
“Dito na naman ata tayo pagpepyestahan,” pabulong kong sabi kay South nang mamataan ko ang isa pang media sa bandang gilid.
Nilingon ko si South na nakasuot rin ng wayfarer katulad kong nakasunglasses para maging sangga sa mainit na pagsalubong ng araw sa aming dalawa. He look so good on his fit black leather jacket, sleeves werr rolled till his arm and a cotton white tshirt inside on it paired with dark pants.
“Mas gugustuhin kong pagpyestahan kang kasama ako kaysa iyong pagpyestahan ka pero iba ang kasama mo.” May tinutumbok niyang sabi na ikinakurap ko. Si Chain ba iyong tinutukoy niya?
Inayos niya ang suot kong cap at hinila ang tube noong puting dress. I am wearing a black leather jacket too paired with black boots.
“H’wag mo ngang hilain. Hindi naman iyan malalaglag,” saway ko sa kanya.
“Nakikitaan ka ng balat.” Hinila niya iyong muli at kulang nalang ay iakyat sa may bandang collarbone ko. Marahan akong natawa at hinayaan nalang ito dahil iyon talaga ang madalas niyang pinoproblema sa suot ko. Hinahayaan niya akong suotin ang gusto ko pero ganyan naman kung makapagreklamo. I really don’t get it.
Iginiya ako ni South sa paglalakad habang panay ang pagtama ng iilang camera sa amin. May iba akong nginingitian na pag lumalapit sa akin ay mas bibilis lang ang paglalakad ni South at hihilain ang aking beywang palapit sa kanya. Sa takot rin nila sa kanyang imahe ay hindi na ito tumutuloy pa sa paglapit sa akin.
Kahit hindi ko man sabihin ang pagdating ko, ang pagbisita namin ni South sa kanila, iyong mga paparazzi na agad rito ang magpapakalat noon. May iilan pa naman rito na hahabulin ka talaga para makunan lamang ng pahayag.
Ako ang kinakabahan sa pagkikita nilang dalawa. Naaalala ko iyong matinding galit ni Daddy noon sa kanila ni Aries at hindi ko alam kung anong magiging reaksyon niya ngayon. I know Mom is in between. Pwede siyang sumuporta sa akin pero pag hindi payag si Daddy ay doon narin siya. She doesn’t want to meddle with my Dad’s decision when he’s angry. Iyon ang kahinaan ng aking ina na alam ko.
“Ang alam ni Daddy, nagkakamabutihan kami ni Chain… Kahit sina Antie Andrea at lola ay si Chain ang kilala.” paliwanag ko sa kanya nang makasakay kami sa isang cab para ihatid kami sa malapit na hotel.
“You don’t have to tell me about it.” matabang niyang sagot.
“Sinasabi ko lang baka magulat ka sa magiging reaksyon nila sa’yo at sa mga sasabihin nila tungkol sa amin ni Chain,”
Nabasa niya ang pang-ibabang labi at pinasadahan ang kanyang buhok. Hinubad niya ang suot na wayfarer saka iyon isinabit sa puting panloob na tshirt.
“Kalat iyong tungkol sa atin. May ediya na siguro sila.” sagot niya at kinuha iyong suot kong sunglasses. Isinabit niya ang iilang hibla ng aking buhok sa gilid ng aking tenga pagkatapos isabit ang sunglasses sa gitna ng dibdib noong A-line dress ko.
“Paano kung hindi pumayag si Daddy sa atin? Anong gagawin mo?” Kinakabahan kong tanong sa kanya.
Bumagsak ang kanyang mga mata sa kandungan ko kung saan ko pinaglalaruan ang aking mga daliri. Pinagbahagi niya iyon gamit ang isa niyang kamay at dinaanan ng haplos ang bawat daliri ko gamit ng kanya. Nahulog narin ang aking tingin roon at pinanood ang bawat galaw niya.
“Gagawin ko na iyong matagal ko nang plano sa’yo.”
“Ang alin?” Umakyat ang aking tingin at sandaling napatitig sa kanyang adams apple.
“Itanan ka,”
I eyed him unbelievably. Kalmado niya iyong binitiwan na akala mo ganoon lamang iyon kadali.
“That won’t work,” natatawa kong sabi.
His lazy eyes stared at my chest for a minute. Parang doon siya naghahanap ng panibagong plano kung sakali mang hindi iyon gumana.
Nagkibit nalang siya ng balikat. Wala akong makitang kaba sa kanyang mukha at parang handa sa anong mangyayari kahit wala siyang dalang armas. Sapat na iyong sarili niya at ang pinaninindigan niya para harapin ang pamilya ko.
Ang alam ko ay birthday ni Lola, ina ni Mommy, mamaya kaya minabuti ko ring ngayon kami pumunta para makadalo. Naiimbitahan roon sina Lolo Rico kasama rin si Lola at nagbabakasakali akong nandoon rin si Kuya Toshi kung hindi na naman iyon masyadong nagpapakasubsob sa kanyang pagtatrabaho.
Kumpara kay Daddy, iba rin ang pamamaraan ni Lolo Rico sa pangingilatis sa isang tao. I want to introduce South as my boyfriend pero may parte talaga sa akin ang kinakabahan. Parang ako itong makikipagkita sa pamilya niya at ako itong mas kinakabahan kaysa sa kanya na kalmado lang.
Hinawi ko ang mahahabang kurtina sa tinuluyan naming presidential suite rito sa isang hotel. Bumungad agad ang malalaking building sa labas at tanaw na tanaw ang maliliit na tumatakbong kotse sa malapad na kalsada sa ibaba. They look so small as my eyes fall from the ground para lang makita ang pinakaibaba.
Nilingon ko si South na busy sa paglalagay ng mga gamit namin sa gilid. Noong matapos siya ay kinuha niya ang telepono habang may tinitingnan ng menu. Lumapit narin ako at nakiusyuso. Itinuro ko lang iyong pamilyar na dish kaya iyon ang binasa niya para sabihin sa kabilang linya.
“Maganda ang pool area nila rito tuwing gabi. Kita ang kabuuan.” sabi ko sa kanya habang pinapanood siyang hubarin ang suot niyang leather jacket.
“Tambayan mo?” Umangat ang kanyang kilay at may naiisip na atang iba lalo na’t iba narin ang yumayakap na ekspresyon sa kanyang mukha.
Tumango ako, “madalas kami ni Heluisse sa hotel na ito kasi maganda ang pool nila. Pero hindi naman kami nagchecheck-in,”
“Okay, we can go there tonight after your Lola’s birthday.”
Habang naghihintay noong makakain ay tumunog ang aking tawag. Sa pangalan palang ni Mommy sa screen ng aking cellphone, nagkaediya agad ako na alam na nilang narito kami ni South.
Sinipat ko ng tingin si South sa aking gilid kaya kahit siya ay napatingin narin sa screen ng aking cellphone. Kapwa kami nakaupo sa sofa habang ang kanyang kamay ay nakaakbay sa akin at sinusuklay ang aking buhok. Ang aking mga hita naman ay nakadagan sa isa niyang hita.
Siya ang pumindot noong answer button hanggang sa awtomatikong lumabas sa screen ang mukha ni Mommy. Ilang sandali lamang ay nagkatinginan na kaming dalawa.
“Nana!” Mom waved at me with excitement.
“Hey, My…” Napangiti ako at sandaling nilingon si South na nasa hita ko ang tingin. He was drawing some circles on it.
“Ibinalita sa tv na nandito kana raw ulit! And you’re with your boyfriend!” Humalakhak si Mommy at mukhang tuwang tuwa sa balitang natanggap.
“Nasa tabi ko siya, My. Si Daddy ba…” Hindi ko madugtungan ang aking sasabihin lalo na’t natigilan rin si Mommy at mukhang may ediya sa idudugtong ko.
“You know your Daddy, Nana. Kung saan ka masaya, doon siya, kaming dalawa.”
“Pero alam ko, galit siya kay South.” Lumiit ang aking boses at nilingon si South na kalmadong kalmado parin.
“See you both later on your Lola’s house party. Mag-enjoy nalang muna kayong dalawa diyan. Stop worrying about us, okay? We’re not the villains here, Nana. Chill, baby.” Mom chuckled again.
Iyon ang nagpakalma sa akin habang iniisip ang kahahantungan ng pagkikita nila. Maybe I am just overthinking. Itong si South rin naman kasi gusto agad mameet sila Mommy at Daddy. Pwede namang pag bumalik nalang sila sa Pilipinas. Idagdag pa itong mga pinsan ko na suportado rin ang desisyon ni South at gusto akong palabasin ng bansa.
Namatay rin naman agad ang tawag noong sinabi niyang naroon na raw si Daddy. Saktong may nagdoorbell kaya si South na ang tumayo para pagbuksan iyong boy na may tulak tulak na cart kung nasaan ang aming mga pagkain.
Kumain kami sa tabi noong nakabukas na curtains at tanaw na tanaw ang labas. Kahit saan rin napadpad ang aming pag-uusap lalo na’t mukhang nasa mood ito. He’s happy, I guess?
Hinila niyang muli ang tube ng suot kong dress habang nasa elevator kami. Dala niya iyong gymbag at nagdesisyong maggym muna. Gusto ko siyang panoorin kaya sumama narin ako kahit na iritang irita na naman siya sa suot ko at kanina pa iyon pinoproblema. Should I change my clothes from now on?
“Bakit alam mong may gym rito?” tanong ko sa kanya pagkalabas namin ng elevator. Sinuklay ko pa ang nakaponytail kong buhok at tiningnan ang nadaanan naming malaking salamin.
“Alam ko lang,” makahulugan niyang sabi.
Lumipad agad ang aking pag-iisip sa ibang dimensyon. Hindi kaya noong mga panahong sinusundan niya ako rito at pumupunta sa mga fashion show ko ay dito siya nagchecheck-in?
Pagkapasok namin, iyong blonde na babae agad ang sumalubong sa amin at may malapad nang ngiti kay South. Napakurap ako sa halterback na suot niya at ang malulusog nitong dibdib na pasimple niya pang hinaplos habang kagat kagat ang pang-ibabang labi.
“You’re here again! Long time no see!” Pagbati nito at kulang nalang ay lumapit kay South para yakapin ito sa sobrang excitement. Awtomatikong nagkasalubong ang aking kilay at nilingon si South na napalingon narin sa akin ng dahan dahan.
“Madalas ka rito?” tanong ko sa kanya na ikinatango niya ng marahan. Iyong babae ay palipat lipat na ang tingin at hindi kami nagegets. Ang sarap talagang magtagalog rito. Ipinagmamalaki ko talaga na Pinoy ako.
“So, who’s this? One of your flings?” Tumawa ito ng malisyosa. “Are you still dating some of the models here?”
“She’s my girlfriend,” tipid na sagot ni South at iginiya ang aking beywang paalis sa harapan noong babae na unti-unting nawala ang kulay ng mukha.
“Girlfriend ako. Gets mo? Hindi. Shoo.” Putol putol kong sabi na mas nagpasalubong ng kilay nito.
Nailing si South at lumandas ang kakaibang ngiti sa kanyang labi.
“Lumalabas ang ganyan mong ugali pag nagseselos ka,”
Hindi ko pinagtuunan ng pansin iyong pinagsasabi niya lalo na’t naasiwa na ako sa paninitig noong babae sa kanya. She’s looking at his butt while we’re walking!
Inilapag ni South ang gymbag sa malapit na sofa at doon narin ako pinaupo. May iilang lalake rito na busy rin sa pagbubuhat ng mga malalaking gym equipments, may iilang ring napapalingon sa aming dako pero ang aking mga mata ay hindi maalis alis roon sa babaeng madalas rin ata dito.
“Close ata kayo,” sabi ko habang naroon ang mga mata sa babaeng nakahalukipkip na at nag-aangat pa ng kilay.
“Not really,”
Hinila ni South sa kanyang likuran ang tela ng suot niyang cotton shirt hanggang sa tuluyan niya iyong mahubad paalis. Bumalandra sa akin ang matigas niyang tiyan at nakahulmang abs roon. Nalaglag pa ang aking tingin roon saka rin ako napanguso nang matagpuan ang mga mata noong babae na titig na titig sa kanyang likuran habang nagt-treadmill.
“Why are you pouting?” Nag-angat siya ng kilay at sinundan ang aking tingin. Kumaway agad sa kanya iyong babae na ikinabuntong niya ng hininga saka ibinalik ang tingin sa akin.
“Close kayo,” pag-uulit ko sa ibinibintang ko sa kanya kanina.
Umiling lang siya at nagtungo roon sa malapit na equipments. Humiga siya sa parang upuan noon at sinimulang iangat iyong barbell na nagpapalabas ng kanyang mga ugat sa braso. Sa tindig ni South at sa kanyang mukha, hindi na ako magtataka kung ba’t naaakit iyong babae sa kanya kahit may ibang lalake pa naman dito na mas maskulado at batak na batak ang abs sa katawan. South’s body proportion is not as muscular as the others. Sapat lamang ang mga muscles niya at hindi gaanong batak na batak ang abs sa tiyan pero masasabi mong meron talaga dahil sa gumuguhit na linya. He got his ruthless eyes and wicked stares that would melt you. Maybe his mysterious and intimidating image got her kaya naattract agad ito.
Humalukipkip ako sa aking upuan saka ipinatong ang isang hita sa isa pa. Panay ang paglingon niya sa akin at napapatitig sa mukha kong nakasimangot saka siya matatawa. Iyong babae kasi hindi matigil tigil sa kakalingon sa pinaggagawa ni South.
Ilang oras akong ganoon at hindi alam kung paano ibabalik sa dati ang aking mukha. Pawis na pawis na si South nang magtungo siya sa aking dako. Itinukod niya ang isa niyang kamay sa aking gilid habang ang isang kamay ay nangangalkal roon sa gymbag na nasa aking tabi. Tumutulo na ang kanyang pawis sa ulo hanggang sa nahuhulog iyon sa aking braso dahil sa sobrang lapit niya.
“What’s with the face, baby?” Tinimbang niya muna ang aking hindi nagbabagong reakdyon saka siya tumingala at tinungga iyong bottled water na nakuha niya sa loob noong gymbag. Kinuha ko naman ang tuwalya at iyon ang isinabit sa kanyang balikat habang ang dulo noon ay ipinunas ko sa kanyang tiyan. Umangat ang isa niyang kilay at nahulog ang tingin sa ginagawa ko.
“Anong pangalan niya?” tanong ko at itinagilid ang ulo para silipin ang imahe noong babae lalo na’t natatakpan ako sa kabuuan niya. South was still crouching as he glanced at the girl. Hindi niya iyon masyadong tiningnan ng matagal at ibinalik rin sa akin.
“Don’t know,” sagot niya.
“Pero kilala ka niya.” Bumaba ang aking tingin sa basa niyang tiyan kasabay ng pagkakasalubong ng aking kilay.
“Kasali ako sa listahan rito kaya siguro alam niya,”
Binitiwan ko ang dulo ng tuwalya at ibinaon muli ang likod sa aking inuupuan. Humalukipkip akong muli na ikinahalakhak niya lang at mas yumuko pa para makalebel ako. Dalawang kamay na ang nakatukod sa bawat gilid ko at kulong na kulong na ako.
“She’s nothing compared to this jealous girl infront of me.” Mas lalo siyang lumapit sa akin hanggang sa humaplos ang kanyang labi sa aking labi at nanunukso na ang iginagawad na mababaw na halik sa akin. Iyon ang nagpaloosen ng aking balikat at unto-unting nagpakalma ng aking mukha.
“Mas malaki pa naman iyong dibdib niya kaysa sakin,” nahulog ang aking tingin sa dibdib kong katamtaman lamang ang laki na ikinahalakhak ni South.
Pinatakan niya akong muli ng halik, “We can work on that. My hands can work on that,” bulong niya sa aking labi saka muling hinagod ng halik ang aking pang-ibabang labi.
That made me calm down. Noong masigurado niyang hindi na ako nakasimangot ay doon rin siya tumayo ng tuwid at sinimulang punasan ang mukha niya noong tuwalya. Bawat sigundo ay tinitingnan niya ata ako habang nagbibihis sa aking harapan. Hindi ko alam kung nang-aakit ba ito o ano.
Mga bandang 6PM na noong pumunta kami sa bahay nila Lola. Maingay agad ang bakuran ng bahay at mukhang nagkakasiyahan na ang mga imbitadong bisita sa loob. I am just wearing a black A-line dress with a V-neck and thin laces. Ganoon rin ang likod nito na si South pa mismo ang nag-ayos ng laces kanina. Mabuti nalang at hindi na siya gaanong nagrereklamo sa aking suot pero makikita mo talaga sa mukha ang pagtutol.
“Cana!” Boses iyon ni Antie Andrea.
Iginala ko agad ang tingin at nakita ang imahe nitong nagmamadali nang makarating sa aking harapan.
“Tita,” I smiled widely at her.
“Oh my Gosh! Siya na ba iyong si South?!” Laglag panga si Tita nang malipat ang tingin niya sa lalakeng kasama ko at nakapulupot ang kamay sa aking beywang.
“Good evening Madame,” marahang yumuko si South na ikinalaki lalo ng mga mata ni Antie.
“Ang gwapo naman ng boyfriend mo, Cana! Wait, I’ll call your Lola.” Saka niya binalingan si South, “Make yourself comfortable, hijo.”
Tumango si South at tipid na ngiti ang ibinigay. Ang iilang mga kaedad ni Antie ay nagsisilingunan narin dito sa amin at naninibago sa lalakeng kasama ko. South just ran his fingers through his hair as he raised his brow at me.
“Baka pati kaedad ng Antie mo pagseselosan mo ha,” paaalala niya na ikinanguso ko.
“Hindi kaya,” nag-iwas ako ng tingin sa kanya at iginala ang tingin. Mukhang wala pa rito sina Mommy at Daddy.
Ilang sandali lamang ay pumaibabaw narin ang boses ni Lola kasama si Lolo Greg na ngiting ngiti rin.
“Apo!”
“Lola!” Humagikhik ako at sinalubong ang mainit at mahigpit nitong yakap sa akin.
“I missed you! Naiinis ako roon sa babaeng sinampal ka! How’s my favorite apo? Masakit ba iyon? Sana linagari mo ang leeg nang matauhan!” Nanggigil niyang sabi sa mga matang namumungay at hinahaplos ang aking pisngi.
“I am okay Lola. Besides, nasampal ko rin iyon at halos mawalan pa ng balanse. Daddy will surely get mad at me,” humalakhak ako na ikinatawa rin ni Lola.
“You really remind me of your Mom. Palaban rin iyon!” nailing siya saka rin lumipat ang tingin sa lalakeng nasa gilid ko. Kumurap siya ng ilang beses at hindi makontento sa paninitig na nagawa niya pa itong lapitan ng husto.
“Is this your boyfriend, Cana?” Namamanghang tanong ni Lola na ikinatango ko at kagat kagat ang pang-ibaba kong labi.
“Wow, he looks so…” Hindi na nadugtungan ni Lola ang sasabihin at makahulugan nalang akong tiningnan kasabay ng umaangat angat niyang kilay.
“Happy birthday, Madame.” May inilahad na kahon si South. Tinanggap iyon ni Lola at malapad na ang ngiti sa akin.
“Thank you, hijo.” saka ako muling sinipat ng makahulugang tingin ni Lola na ikinatawa ko nalang.
Ang iilan ata sa mga bisita ni Lola ay ang mga kaibigan at kumare niya rito. May mga kasama itong mga kaedad ko namalagkit rin ang tingin kay South pero sinisikap ko nalang na dedmahin. Ayokong sumimangot sa mismong birthday ni Lola.
Si South itong pinagkakaguluhan ng ilang mga bisita pati narin ng mga kamag-anak ni Mommy. Naririnig ko pa iyong iba na nagtatanong kung modelo ba o artista. Minsan ay ngingiti nalang si South saka ako sisipatin ng tingin at hahaplusin ang aking beywang. Sa kabilang banda, masaya rin ako dahil ganoon ang pagwelcome sa kanya. At hindi naman ako nagseselos sa malalagkit na tingin ng iilang kaedad ni Mommy at Lola…
Ilang sandali lang ay dumating rin sina Mommy at Daddy kasama sina Lola at Lolo Rico. Isang kakaibang ngisi agad ang naibigay sa akin ni Mommy nang makita kaming magkasama ni South. Na kahit noong nasa isang malaking mesa na kami para kumain ay panay ang pagbabato ni Mommy sa akin ng kakaibang tingin. Nanunukso iyon na kung wala siguro si Daddy sa kanyang tabi ay sinundot sundot na ako sa aking tagiliran. Alam ko namang kahit noon, si South talaga ang gusto niya para sa akin at mukhang hanggang ngayon ata ay nakay South parin ang boto niya dahil sa kanyang inaasta. She’s not mad, I guess.
“Lola, Lolo, uhm, Mommy, D-Daddy, si South… My…” Hindi ko agad madugtungan ang aking sasabihin dahil sa mga mata nilang naninimbang sa akin. Lolo Rico even raised his brow showing how intimidating he can get tonight.
“I am Nana’s boyfriend.” si South na mismo ang dumugtong sa boses kong naaantala.
“Boyfriend? O isa na naman sa mga ka extra friendly ng apo ko?” sabi ni Lolo Rico sa baritono niyang boses.
Umiling si South, “she’s done being friendly since I’m around. I am his boyfriend, Sir.” may paggalang na sagot ni South na ikinanguso ko lalo na’t nasa akin ang tingin ni Daddy.
Tumango tango si Lolo at nasulyapan si Daddy.
“Handa kanang magkaapo at tawaging lolo?” Nanunuya ang kanyang boses na ikinahalakhak rin naman agad ng iba maliban sa ama kong ngumisi lang at nailing.
“Not yet, Pa. But I’m looking forward for my grand children soon.” Saka binalingan ni Daddy si South.
“Kailan niyo ba balak magpakasal?” tanong ni Daddy sanhi para magkatinginan kami ni Mommy. South bit his lowerlip as he leaned on his seat.
“Next year will do. Pag 23 na siya.” sagot ni South.
“Daddy, you’re not mad?” tanong ko na ikinailing agad ni Daddy.
“That’s your happiness, sweetie. Alam mo namang spoiled ka pagdating sa akin.” Nawala ang mga mata ni Daddy dahil sa kanyang pagngiti sa akin.
“An Architect with a good family background is a good catch, Nana. Pero okay rin naman iyong walang kayamanang maipagmamalaki basta ay tapat lang sa’yo.” si Lolo Rico na halatang nagbackgound check na nga kay South. “Hindi ba tutol ang angkan mo sa apo ko?” Tanong niya kay South na kahit hindi pa naman ito nakakasagot ay nagbabanta na agad ang tono ng pananalita.
“No, Sir. My Mother including my Dad likes her alot.” sagot ni South sa kalmadong boses.
Doon lang napanatag si Lolo habang si Lola naman ay natawa na.
“Baka matulad roon sa mga magulang ni Snow, Rico?” Pang-aasar ni Lola Katelyn sa kanya na ikinahalakhak narin nila Daddy dahil sa paglukot ng mukha ni Lolo.
“Mababait naman ang mga magulang niyan, Pa.” pagtatanggol pa ni Daddy.
“Just making sure.” saka binantaan ni Lolo si South sa mga mata nito.
“Mukhang wala naman dapat tayong ipag-alala sa dalawang ito dahil halatang nagmamahalan.” si Lola, Mommy ni Mommy.
“Nakita ko rin iyong mga articles tungkol sa’yo. You’re a playboy?” Hindi siguradong tanong ni Lolo. “Ilang babae na ang pinaiyak mo?”
“That’s not important, Sir. Maraming mga babaeng umiiyak dahil nirereject ko pero mas mahalaga parin iyong babaeng iniyakan ko.” Nilingon ako ni South at hinuli ang kamay ko na namamahinga sa aking kandungan. Nagsimula kaming tuksuhin nila Mommy, dalawa kong Lola at Antie Andrea dahil narin sa bulgar kong mga pisngi at ang matamis na ngiting nakapaskil sa aming labi ni South.
“He’s good,” komplimento ni Lolo Rico.
“Good-looking guy at bagay sa apo ko.” si Lola naman, mommy ni Daddy. “Napanood ko iyong viral na video noong babaeng sinampal si Cana ha. Nasa Pilipinas parin ba iyon? Rico, she slapped our grand daughter.” Matinis na ang boses ni Lola Katelyn at mukhang nanggigigil rin katulad ni Lola.
“Di’ba modelo iyon, Nana?” Pagtataas ng kilay ni Mommy at matabang narin ang boses.
Tumango ako.
“Ang kapal ng mukha ng babaeng iyon. Ituro mo nga sa akin iyon pag nakauwi kami sa Pilipinas.”
“She’s younger than you, love. Calm down,” si Daddy.
“Away nila iyon. H’wag na tayong makisali total nasampal rin naman ng apo natin,” si lolo Rico.
“I agree with that,” si Lolo Greg.
“Ipapakalat ko ang pangalan ng babaeng iyon sa mga koneksyon namin sa Pilipinas para hindi matanggap sa mga malalaking kompanya. Kahit iyon nalang ang leksyon na matanggap ng malanding iyon,” si Lola Katelyn, Mommy ni Daddy.
Tumango tango naman si Mommy habang kami ni South ay nagkatinginan nalang.
“Lola, h’wag na po. Hindi na iyon kailanganㄧ
“Kailangan iyon, apo. Hindi niya alam kung sino ang sinasampal niya. Rico, do something.” Lumabas na talaga ang wrinkles ni Lola at naghahanap ng kakampi.
“Okay hon. Calm down,” pinatakan siya ng halik ni Lolo na ikinangisi rin nito sa akin.
“Don’t worry about it, apo. Ang lolo mo na ang gaganti sa’yo.”
Humalakhak si Mommy na kahit si Daddy ay ganoon narin dahil sa pag-iling ni Lolo Rico.
“She acts like a 20 year old brat to me.” saway ni Lolo na ikinatawa narin namin ni South.
“Ganoon talaga ang mga babae. Spoiled,” si Lolo Greg.
Akala ko, tensyon ang mangyayari sa paghaharap ni Daddy at South. Pero sa nangyari kanina, nabura lahat ng bigat na dinadala ko at nakahinga rin ng maluwag. Wala ng balakid sa aming dalawa ni South at sobrang sarap noon sa pakiramdam dahil alam kong malaya na kaming dalawa. Siguro, kinumbinsi rin ni Mommy si Daddy at nakikita niyang masaya naman ako kay South kaya pumayag rin ito. Pero kung ano man ang naging dahilan ni Daddy ay lubusan ko iyong ikinakatuwa.
“Thank you, Daddy! I am so happy! Akala ko talaga pagagalitan mo ako!” I hugged him tightly after the party. Nasa may bakuran parin ang iilan at ang ibang bisita ay nagsisialisan na.
“Hindi ko narin kaya iyang pagiging extra friendly mo sa iba kaya mas mabuting mabigyan ka ng leksyon at may magpaamo sa’yo.” halakhak ni Daddy nang humiwalay ako. Nilingon ko sandali ang dako ni South na seryosong nakikipag-usap kay Lolo saka ko muling binalingan si Daddy na namumungay ang mga mata.
“I’m sorry if I keep it to you, Dad. Si South po ang Architect ng kompanya ko at nagkikita po kami roon sa Pilipinas,” paliwanag ko at nag-iwas ng tingin sa kanya dahil sa aking inamin. Alam kong hindi ko iyon nabanggit sa kanya lalo na’t pati si Lolo Rico ay nang-uusisa rin noon sa Architect ko.
“Don’t feel sorry about it. Kahit ano rin namang iwas mo diyan, alam kong magkakalapit parin kayo sa isa’t isa.”
Nag-angat ako ng tingin kay Daddy na nakay South narin ang tingin.
“Kung ako rin ang papipiliin ng para sa’yo, nakay South ang boto ko.” Ngumiti ng makahulugan sa akin si Daddy. “Bilib ako sa batang iyan.”
Kumunot ang aking noo at hindi alam kung ano ang tinutukoy ni Daddy. I wanted to know behind the story about it pero mukhang walang balak magkwento si Daddy at ibinigay lang sa amin ang approval na hinihiling ko para sa amin ni South.
“You’re not mad at him anymore?”
Umiling siya, “Bakit nga ulit kayo pumunta rito?”
“Kasi gusto niya raw kayong bisitahin at kunin ang approval niyo ni Mommy. A-Akala ko nga magagalit at hindi ibibigay sa amin iyon dahil sa nangyari noon.”
“I won’t give my approval if it wasn’t South, sweetie. Magagalit rin talaga ako sa’yo kung ibang lalake ang ipinakilala mo.”
Katulad ng reaksyon ko sa mga inaasta ko sa aking pinsan ay naging ganoon narin kay Daddy. What happened? Bakit gustong gusto na ng lahat si South na pag tinanggihan ko ito ay doon nila ako mapapagalitan? It’s like they’re hooked with him, too. Na dapat ay sa kanya ako mapunta at hindi sa iba. Iyon ang nakikita sa ko sa mga nangyayari.
Nakisali narin si Mommy sa aming pag-uusap at nayakap pa ako ng mahigpit. Hinaplos haplos niya ang aking pisngi nang tuluyan siyang humiwalay sa akin.
“I am so happy because my baby found his happines…” Madramang sabi ni Mommy at nangingislap pa ang mga mata.
“Thank you, Mommy. And I’m sorry if I keep this to you,”
Umiling-iling agad ito. “It’s okay, Nana. We understand. You look so happy with him at iyon lang naman ang mahalaga sa amin ng Daddy mo,” nilingon niya si Daddy sa aking likuran saka ako muling nginitian. “Maswerte ka at nakatagpo ka ng lalakeng kagaya ni South.”
“Halos lahat ng nakapaligid sa akin ay ganyan rin ang sinasabi, My.”
“Aww, sa susunod na taon pakakasalanan kana niya. Bubuo kana rin ng sarili mong pamilya at mabibigyan mo kami ng mga apo. Matanda na talaga ang Daddy mo.” Hirit ni Mommy na kapwa namin ikinatawa lalo na’t mabilis na bumusangot si Dad.
“Ikaw rin, My.”
“Iyang Daddy mo lang. Bata pa ako. Magkaedad lang tayo.” Pagbibiro nito na mas lalo naming ikinatawa.
Nilingon ko sandali si South na ngumingiti na kay Lolo Rico habang tinatapik nito ang kanyang balikat. Saktong lumingon siya sa akin hanggang sa magkatinginan kaming dalawa at kapwa lumapad ang mga ngiti.
“Date. Later,” he mouthed those twocwords as I blushed hard. He promised he’ll date me on the pool area and that excites me all of a sudden. At last South, we’re already legal.
Untold Part
Untold part of South Buenaventura
I’ve never been so fustrated in my entire life since the day I met this innocent girl. She used to be so shy years ago unlike now… Asiwang asiwa ako sa kanyang suot at sa lalakeng nakikipag-usap pa sa kanya? Damn it woman. You’re such a pain in the ass.
Nana, in her vulnerable dress, chuckled while talking to that bastard whoever that guy is miles away from me. Sa bawat pagsunod ko sa kanya at nakikita kung gaano na ito nagbago ay mariin nalang akong napapapikit at nahihilot ang aking sintido. Kahit wala naman akong sakit sa ulo, parang tinubuan na ata ako ng tumor dahil sa pag-aalala sa kanya. Ang balot na balot na bata noon ay lumaki na ng husto at kulang nalang ay ipagmalaki ang bawat balat niya sa nakakaramihan.
Magpasalamat iyang lalakeng dumidikit sa kanya at hindi ako pwedeng makalapit kay Nana dahil sa sitwasyon ko. Damn it.
“Wow, Cana looks elegant in personal. I’ve seen her designs on a magazine and she really is a good designer.” pamumuri ng modelong kasama ko sa dinaluhan niyang fashion show. Exclusive ang kanilang mga events at nakakapasok lamang ang mga panauhing nasa listahan. Ganito na ako kadesperado na gumamit pa ako ng modelo para lang makapasok.
The vivid memories of her as a young girl is still fresh to me. Madalas ko siyang mapansin tuwing gatherings ng pamilya namin sa syudad. Malapit ang mga pamilya namin kaya nagiging pamilyar rin sa akin ang mga anak nila.
Taon-taon ay pumupunta kami sa syudad at doon nagcecelebrate tuwing may mga espesyal na okasyon. Kung papipiliin rin kasi ako, mas gusto kong manirahan sa bukid dahil presko ang hangin at hindi gaanong maingay.
“Anong gusto mong ibigay na regalo sa babaeng anak ni Abbegail, Aly?” narinig kong tanong ni Papa nang bumaba sila sa enggrandeng hagdan at mukhang may mga lakad. Dumating kami rito noong nakaraang araw lang dahil narin sembreak.
“Balita ko maganda raw iyon, Ma?” singit ng kakambal ko na kakalabas lang sa kusina.
“You’re into her?” si Papa.
“Nah, maganda naman talaga ang mga lahi ng mga Delafuente.” paliwanag nito.
“Kung magloloko lang kayo sa babae at hindi pa gaanong seryoso sa pagmamahal, h’wag kayong mambiktima ng mga Delafuente. Hindi basta basta ang angkan nila.” Paalala ng ama namin na ikinatawa lang ni North habang ako ay tahimik na bumaling sa ina kong tila nag-aalala.
Hindi basta basta ang angkan nila. Wala namang kaso iyon sa akin dahil wala rin naman akong pakialam sa mga babaeng nabibilang sa angkan ng mga Delafuente.
That was I thought until my eyes settled on the girl whose laughing shyly after blowing her candle. 10th birthday nito at nasa gilid pa noon ang lalakeng inakbayan agad siya at may ibinulong na kung ano sanhi para mas humalakhak lamang siya na ikinawala ng mga mata niyang imposible na atang makakita ng nasa paligid nito. So she’s the birthday girl named Nana. Ang panganay na babae ng mga Delafuente at may maamong mukha na namana nito sa ina niya at ang mga mata ay mukhang sinasalamin ang mga mata ng kanyang ama.
“Happy birthday,” North greeted her when we went on their table just to hand the gifts.
Napakurap kurap ito at binalot ng hiya ang buong mukha. Sumiksik agad siya sa braso ng kanyang pinsan na may supladong mukha at anak ata noong kapatid ng ama niya.
“Thanks,” iyong lalake ang tumanggap ng regalo lalo na’t ayaw na atang humarap noong babae sa amin. Nakikita ko lang itong sumisilip na pag matatagpuan ang aming mga mata sa kanya ay mabilis ring magtatago.
“Ganyan talaga iyan. Takot sa lalake,” isa sa mga lalakeng pinsan nila na nasa table rin ang nagsalita.
Takot sa lalake?
Kaya tuwing naiimbitahan kami sa mga ganoong okasyon, siya ang madalas kong napapansin. She easily laughs at small things as her eyes shrink. Ang kanyang boses ay masyadong malambing at kahit ang kanyang paggalaw ay parang ang gaan gaan na akala mo ay lulutang na ito sa ere.
“H-Hi, salamat sa p-pagpunta.” nauutal nitong sabi at yumuyuko pa para itago ang mukha at ayaw makipag eye contact.
Ngumiti ang aking kakambal at pasimple pa akong binalingan. “She’s adorable,” he gently whispered.
Wala akong naging imik at tiningnan lang ang imahe niyang tumakbo agad kasabay ng paggalaw ng suot niyang dress para magtungo roon sa grupo ng mga lalake niyang pinsan. Mabilis siyang yumakap roon sa likod ng isa na agaran siyang nilingon.
“I thanked them for coming in my birthday!” Proud niyang sabi na umabot pa ang boses rito sa aming mesa. It’s her 15th birthday.
“That’s good,” saka kami binalingan noong pinsan niya at sumeryoso naman ang mukha.
“Kung maiinlove ako sa mga babae nila, parang kailangan ko munang sumalo ng pitong suntok mula sa mga pinsan niya bago ako tuluyang makapasa.” Pagbibiro ng aking kakambal na humalakhak rin naman agad.
“Ganyan pa naman ang mga tipo mo,” sabi ko na ikinangisi niya.
“Ganoon siya eh,”
Nahahawig nga ang ugali ni Arih kay Nana. But Nana is more softer and innocent than Arih. Mahiyain si Arih pero kaya niya namang makisama sa mga nakapaligid sa kanya at iniaayon ang ugali sa kausap niya.
“Hi, South!” Iwinagayway ni Arih ang kanyang kamay nang madatnan ako rito sa madalas naming tambayan kasama ng iba pa.
Tumango ako at hindi nakaligtas ang pisngi niyang namumula. Her face is quite expressive. Kahit hindi man siya umaming may gusto siya sa isang tao ay ibubuko siya ng pisngi niya. She always blushed hard everytime we’re making an eye contact at agaran ring mag-iiwas ng tingin.
I am 2years older than her. Iyong kaedad ko ay ang kapatid niyang lalake.
“Nagpapapansin ka diyan eh hindi na naman pinapansin,” pabirong sabi ni North sa kanya at humalakhak agad na isinasimangot ng husto ni Arih.
Nakaupo lang ako sa damuhan at nakaharap sa malinaw na tubig ng sapa rito, ang aking pag-iisip ay lumilipad na naman at naglalakbay sa syudad. Ilang taon na ba iyon ngayon? 16? Takot parin kaya iyon sa lalake? Fuck. Why am I so hooked with her? Ang hirap niyang hindi isipin.
“H’wag ka ngang nakikialam,” tuminis agad ang boses ni Arih at pulang pula na ang buong mukha.
Tamad ko silang nilingon sa aking gilid at natagpuan pa ang kapatid kong tawang tawa sa pagwa-walk-out ni Arih. That’s his strategy huh.
Magsasummer na naman kaya sinusulat namin ang araw lalo na’t ang alam ko, sa susunod na summer na luluwas na kami sa syudad para doon mag-aral. Kung may hindi man ako makakalimutan roon, iyon ay ang nawawalang mga mata ng mahiyaing babae na nabibilang sa angkan ng mga Delafuente. How is she, anyway?
Minsan ay mag-isa akong pumupunta sa sapa at nagpapahangin roon. Nakapikit ang aking mga mata at ninanamnam ang ingay ng kalikasan kung hindi lang ako nakarinig ng tuyong dahon na tila naapakan.
Nilingon ko ang aking likuran at nakita ang imahe ng babaeng hawak ang ilalim na labi at nagulat dahil sa aking paglingon.
“Why are you here?” tanong ko.
Hindi agad siya nakapagsalita at namula ang pisngi. Ang kanyang mga mata ay mabilis na gumala sa paligid at doon naghahanap ng maisasagot.
Ibinalik ko ang tingin sa harap. Tinapik ko ang espasyo sa aking tabi saka ko muling inilagay ang isa kong kamay sa likod na ginawa kong pangtukod sa aking katawan at hindi ako gaanong mapahiga sa aking pagkakaupo.
Ilang sandali lamang ay nakarating na nga ito sa aking tabi at umupo roon. Niyakap niya ang kanyang mga hita at isinandal ang baba sa tuhod.
“Madalas ka palang nandito t’wing ganitong oras?” tanong niya sa akin.
“Yeah,” tipid kong sagot at nakita ang pagpula ng kanyang pisngi sa gilid ng aking mga mata kasabay ng matamis niyang ngiti na pilit niyang itinatago sa kanyang tuhod. Suddenly, I remembered that girl from the city. Yeah, they both look cute.
“Hindi ka ba natatakot gabihin rito?” tanong niyang muli sa akin.
Umiling lamang ako, “sa ating dalawa, dapat ikaw ang mas matakot.”
“Pero wala namang mga mababangis rito kaya hindi ako takot.”
Nilingon ko siya at nakita ang mga mata niyang kumikinang at parang sinasalamin ang malinaw na tubig. Hindi na ako magtataka kung ba’t nagugustuhan siya ng aking kakambal.
“I am more dangerous than you think, Arih.”
She blushed hard.
Isa lamang iyon sa mga pag-uusap namin sa lugar na iyon. Buong summer ay pinupuntahan niya ako roon kaya siguro mas naging malapit kami sa isa’t isa. Well, I kinda like her… she reminds me of someone I missed that’s why I like it when she’s around. Parang kasama ko narin ang babaeng iyon.
Minsan, pag kasama ko si Arih ay nadadala narin ako. Naiisip ko na mas madaling kunin ang babaeng ito at hindi ako mahihirapan sa kanya dahil wala naman itong pitong pinsang lalake para bakuran siya. Tanging si Latch lamang at madadaan naman agad iyon sa usapan.
That was my decision. Kung lumala man ang aking nararamdaman ay bahala na ang galit ng aking kakambal. He’ll understand it right away since Arih likes me.
“Ginagabi tayo ah?” salubong ng aking kambal nang makapasok ako sa bahay. Nanghihinala ang mga mata nito at kakaiba na ang ngisi.
Hindi ako sumagot at nagtungo sa kusina. Naramdaman ko naman ang kanyang presensya na sumusunod sa akin.
“Parang nagtatago ka ata? Di kita mahanap rito sa bahay.” Pabiro niyang sabi nang humilig siya sa counter at pinanood akong buksan ang ref.
“Nasa tabi tabi lang naman,” paliwanag ko saka tinungga iyong bottled water.
Humalakhak siya at nabasa ang kumikinang na namumulang pang-ibabang labi.
“Ipagpatuloy mo,”
Noong summer ulit ay nagtungo rin kami sa syudad. Alam kong naghihinala ang aking kapatid sa amin ni Arih. Alam ko ring may ediya siya sa mga lakad ko. Gusto ko sanang ipaliwanag na palagi akong pumupunta roon at tambayan ko lamang kaso pumupunta rin si Arih kaso kilala ko ang kakambal ko, hindi niya iyon paniniwalaan.
Ayoko masyado sa mga komplikadong sitwasyon kaya pwede namang si Arih nalang. Itinatak ko iyan sa aking utak total nagkakagusto narin naman ako sa babaeng iyon pero sa t’wing nakikita ko ang kanyang mukha, naririnig ang malambing at malumanay niyang boses, namamataan ang magaan niyang galaw ay nabubura lahat ng nililista ko sa aking isipan at nahuhulog sa kanyang bitag. Damn…
“White oh!” Her voice filled my ear as she ran towards her cousin. Kakatapos lang naming magbasketball at nagpapahinga muna ng ilang minuto sa Clubhouse. Pumapaibabaw naman ang halakhak noong si Ken dahil sa pang-aasar nito sa pinsan niyang babae.
Palagi na kaming nasasama sa mga tipon tipon ng mga lalakeng Delafuente. Mga adventurous rin kasi ito at maiingay palagi sa t’wing nagkakasama silang lahat.
“Anong ginawa?” tanong ni White na agarang kinuha ang buo niyang atensyon.
“Mamamatay daw na lonely ang mga fangirl,” sumimangot ito at nagawa pang sundan ng tingin si Ken na mas bumilis ang pagtakbo sa court.
“Mamaya iyan sa’kin. Siya ang una kong papatayin.” pagbabanta ni White nang sundan niya rin iyon ng matalim niyang tingin.
Humagikhik rin naman ito at dumikit muli sa iba niyang mga babaeng pinsan. Sa kanilang mga babae, siya itong palaging nadidikit sa mga lalake niyang pinsan at mas gusto atang sila ang kanyang mga kasama kaysa roon sa mga babae. She’s silent when she’s with the girls pero pag iyong White na ay madalas ko itong nakikitang tumatawa.
Palaging nagkakasalubong ang aking kilay sa t’wing malapit siya sa kanyang mga pinsan. She’s afraid with boys? Tangina naman eh mga lalake rin naman ang pinsan mo ah? That’s unfair.
Tumunog ang aking cellphone at nakatanggap ng text galing kay Arih. Gabi na at kakauwi ko lang sa bahay. Nadatnan ko naman ang kambal kong natuon agad ang tingin sa aking cellphone.
Arih: I miss you
Hindi ako nagreply at ipinasok nalang sa aking bulsa. North just smirk at me. Di ko nga alam kung malakas ba ang radar ng lalakeng iyan o nakakabasa ng isipan.
Sa lahat ng babae, napapansin ko na siya itong walang arte sa katawan. Imbes magsuot ito ng maiiksing damit dahil nasa beach naman kami ay mas naiiba siya sa lahat. Kahit mainit ay balot na balot siya at ni isang kolorete ata sa mukha ay walang inilagay. Matutuwa na sana ako kung hindi lang may pangalan ng lalake sa likod noon.
“Totoo kaya ito? O baka naman fake? Pero bakit niya naman ako bibigyan ng calling card? Hindi kaya ay naaalala na ako ni Aries?”
Aries?
“Tatawagan ba kita? Hindi ka kaya busy? Sasagutin mo kaya? Pero anong sasabihin ko?”
Kanina niya pa kinakausap ang kanyang sarili habang may suot na earphone at nakaupo sa malaking bato rito sa dagat. Humiwalay ito sa iba kaya pasimple kong sinundan.
Hinubad ko ang isa kong suot na sapin sa paa at ginawa iyong upuan sa buhangin. Umupo ako roon at tiningnan ang likod niyang abala sa kanyang hawak na cellphone. Naririnig ko sa kanyang mga pinsan na fangirl ito at may hinahangaang singer. Paano naman siya magkakaroon ng number bigla ng isang lalakeng sikat? Nakakapangduda.
Ilang minuto rin silang nag-usap. Pumikit ako at itinukod ang mga kamay sa aking likuran. Damn, she got this soft voice that voice melt you… Kaso nga lang, ba’t ang rami naman atang involve na lalake sa babaeng ito? You’re scared with boys huh?
“May sekreto na kami ni Aries…” Tumawa siya ng marahan kasabay ng pagkatapos ng kanilang tawag. Secret huh?
Tumayo ako nang matapos itong makipag-usap. Tumayo narin siya at mukhang nakontento sa kanilang usapan. Dalang dala siya sa kanyang emosyon kaya halos mawalan pa siya ng balanse.
“Careful,” Hinawakan ko ng mahigpit ang kanyang braso para panatilihin ang kanyang balanse. Her soft skin were as smooth as a pillow. Sa unang pagkakataon, ngayon ko mas natitigan ng malinaw ang kanyang maamong mukha. She was so angelic at parang walang alam na mga bagay bagay sa mundo dahil masyado itong inosente tingnan.
Binitiwan ko rin naman ito nang mapansing kaya niya nang ibalanse ang kanyang sarili. Pinulot ko iyong calling card na nalaglag niya at mukhang pagmamay-ari noong Aries. Fan mo lang tapos bibigyan mo ng numero mo? Sa dami ng babae, bakit itong inosente pa?
Maybe he’s attracted. Nana is somehow attractive lalo na pag ngumingiti o tumatawa ito dahil sa mga mata niyang naglalaho. Damn…
“Salamat pala sa tulong,” mahina niyang sabi at gumagala pa ang mga mata.
“Di mo man lang ba naisip kung papayagan ka ng pinsan mong makipagkita sa lalakeng iyan?” tanong ko sa matigas na boses. Namomroblema ako kung paano mapapalapit sa’yo tapos iyong lalakeng iyon ay ganoon mo lang kadali kitain? Bullshit.
Humampas ang hangin sa aming dalawa. Sumabog ang kanyang buhok at parang singgaaan ng hangin ang paglutaw ng ilang hibla sa ere. I swallowed as my lips part a bit while looking at her, unable to look at me in the eyes.
I don’t want to meddle with her. Bibigyan niya lang ako ng sakit sa ulo at wala rin naman akong mapapala dahil nahihibang ata siya roon sa lalakeng nakakausap niyang idolo. Fuck. Who’s that bastard?
Ginamit ko ang sekreto niya para asarin ito at mapalapit narin sa kanya. Idagdag pa iyong sinasabi niyang makakalabas lamang siya tuwing gabi kung makakausap ng ama niya iyong sasamahan niya. If that Aries has a good intention, then why can’t he asks for her father’s permission? Bakla.
Ayoko. Get in your senses South. Pag masyado ka ring napalapit sa babaeng iyan, maling galaw mo lang ay buong angkan na nila ang makakalaban mo. Oh, fuck!
Maingay ang lahat sa bahay nila Trey. Kakatapos lamang ng basketball namin at dito na nagdesisyong kumain. Nakita ko ang pagpasok ni Franca at tinangay pa si Nana sa loob ng kusina kaya sumunod narin ako.
“Try this, Nana. Masarap rin ’to.” Nilagyan ni Franca ng pagkain ang hawak nitong plato. Ang payat payat pa nitong babaeng ito na pag dadaganan ko ata ay magkakapiraso agad.
Kumuha narin ako ng shrimp at inilagay iyon sa kanyang plato. Hindi ba ito kumakain?
Tiningala niya ako at ngumunguso na. How can I even avoid this adorable girl? Can someone pull me away?
“Di ako kumakain ng shrimp. Allergic ako.” Sumimangot siya.
Allergic pala? Tss. Sa dami rin naman ng mapupulot ko iyong shrimp pa.
“Alam ko. Kaya nga inilagay ko sa plato mo.” Palusot ko nalang at umalis rin. Nailing ako at nasuklay ang aking buhok. Kung dumidiskarte palpak pa.
Buo na ang pasya ko na h’wag siyang tulungan na makipagkita roon. Bahala siya diyan. It should be equal, Nana. Di kita nakakasama tapos papaboran mo iyong isa dahil lang idolo mo? How about me? I already like you since you were 10.
“You’re wet. Go away White!” Pumaibabaw sa aking tainga ang malambot na tawa ng babaeng nakikipagkulitan na naman sa kanyang pinsan roon sa veranda ng pool area.
Nasasanay naman ako sa pagiging clingy ng mga pinsan niya kay Nana. Nasasanay ako na doon lamang siya tumatawa pag iyong mga lalake niyang pinsan ang kakulitan niya. Pero iyong madatnan ko sila paglabas ko ng kusina at akma pa siyang bubuhatin ni White ay sumabog na ako. Nabitiwan ko pa iyong mga dala kong inumin na mabilis ring gumawa ng ingay ang pagkabasag noon sa sahig.
I can’t imagine her laughing with someone I’m not. Masyado iyong masakit sa mata at masakit sa puso.
Iyon ang nagtulak sa aking tulungan nalang siya, hindi para ihatid sa idolo niya kundi para mas mapalapit sa kanya. I want to own her. Gusto ko siyang bakuran. Gusto kong ako lang iyong nakakagawa sa kanya ng mga bagay na hindi pwedeng gawin ng ibang lalake sa kanya. Taob talaga iyang pagpafangirl mo pag ako na ang humila sa’yo. I’ll pull you away from that bastard. I’ll guard you.
“Nana is still young for dates, South. 17 palang ang anak ko.” Nag-aalalang sabi ng ama nito nang pumunta ako sa kanilang bahay para ipagpaalam ito sa pakikipagkita niya sa lalakeng iyon. Kakatapos lang noong dinner at nagpasya itong kausapin rin ako ng masinsinan. Nababahala siguro siya sa pinagsasagot ng kanyang anak na kahit ako ay naiiling nalang.
“I know, Tito. Hindi naman ako nagmamadali. I won’t do anything if that’s your concern. I just want to be with her. Iyon lang naman sana.” Paliwanag ko na ikinahinahon ng noo nitong kanina pa nakakunot. That girl is causing so much trouble. Akala mo madali lang hawakan dahil nga inosente at ignorante sa mga bagay bagay pero napakakomplikado rin pala.
“Hindi kita pagbabawalang gustuhin ang anak ko, South. Malapit ang pamilya natin kaya medyo panatag rin ako. Your father is a good man at alam kong ganoon rin ang kanyang naging produkto. Iyong pumunta ka rito at hingin ang permiso namin, doon palang natutuwa na ako.”
Masarap iyon sa pandinig dahil parang nabibigyan ako ng permiso na ligawan ang kanyang anak. I’ll use this as a weapon. Paninindigan ko ang mga bagay na hindi kayang panindigan ng lalakeng iyon kay Nana. Kukunin ko ang tiwala ng kanyang pamilya para ako ang mas papaboran.
She’s fun to be with. Makulit, palatawa at hindi marunong magalit. Lahat ng bagay na kahit masama sa paningin ng iba ay nahahanapan niya ng kabutihan. Iyon ang kanyang pananaw sa buhay at madali ring napapalapit sa mga taong nakapaligid sa kanya.
Kumakain ako sa countertop nang madatnan ako ng aking ina roon. Sa tingin niya palang ay halatang may gusto na itong itanong.
Tumabi siya sa akin kaya binigyan ko siya noong kinakain ko. Ngumiti naman siya at pabalik balik ang tingin sa akin.
I sighed, “What is it, Ma?”
“Wala naman,” natawa siya. “Pero matanong ko lang, dinidate mo iyong anak ni Abbegail? Nagkakamabutihan na raw kayo?” Naging interesado agad ang buo niyang mukha.
Hindi muna ako umimik lalo na’t halatang may gusto pa itong sunod na sasabihin.
“Naikwento sa akin ni Abbey… At hindi ko binanggit sa Daddy mo.” Tumagilid ang kanyang ulo at sinilip ang aking ekspresyon. “Gusto mo si Nana, South?”
Gusto? Gusto ko si Arianne pero ni minsan ay hindi naman ako noon binigyan ng sakit sa ulo. Ang gaan niyang kasama kahit na alam ko namang si Nana ang nakikita ko sa kanya kaya nagugustuhan ko rin ito. Kung iyon rin ang tawag sa nararamdaman ko kay Nana, bakit masyadong komplikado? Ang bilis kong mainis pag napapalapit siya sa iba. I can’t even take my eyes off her. This is more than that. Parang sukdulan na ata dahil nagiging sakim na ako at gusto ko siyang markahang akin.
“Kung si Nana ang gusto mong mapangasawa ay papayag ako. Ang bait ng batang iyon!” dagdag niya pa. “Pero sana naman South, h’wag mong gaguhin ha. Alam ko pa naman iyang angkan niyong mga Buenaventura, napakatuso. Ang rami raming babae.” Nanggigigil niyang sabi na akala mo ay hindi rin siya isang Buenaventura.
“Ganoon ba si Daddy noon?” tanong ko.
Tumango siya, “Maraming naging babae pero noong naging kami na ay loyal naman.” Ngumisi pa siya at pinamulahan ng mukha.
Kung sa pamilya lang ang pagbabasehan, boto ang mga pamilya namin na kami ang magkatuluyan.
I want us to slow down. My actions were clear. I want to pursue her. Kahit hindi niya mapunto minsan, gusto ko paring subukan. Akala ko wala ng problema noong tuluyan ko na siyang nahila sa pagiging fangirl niya pero sa pagdikit ko kay Arih noon, alam kong maniningil rin ang aking kakambal.
Noong dumating ang mga Lealde ay nagkausap rin kami ng masinsinan ni Arih. Naging cold ako kay Nana at gusto nalang sana itong layuan dahil sa mga nalaman ko kay Arih.
“Alam ni North noong una palang, South… At sa pagbabanta ng kakambal mo sa akin, na magbabayad rin tayo ay kinakabahan ako. K-Kung kailan napagtanto ko ang nararamdaman ko para sa kanya pero mas lumala lang ata siya.” Pinunasan niya ang luhang nag-aambang tumulo sa kanyang mga mata.
Alam kong salungat kami sa lahat ng bagay ng kakambal ko. Kung ako ay kayang isawalang bahala ang galit sa isang tao, siya naman ang salungat. May prinsipyo siya na lahat ng utang ay dapat bayaran. Gaano man iyon kaliit ay maniningil parin siya ng mahal at sisiguraduhin niyang magbabayad ka ng malaki kaya hindi na ako nagtaka noong sumugod ang mga pinsan ni Nana sa aming bahay at galit na galit sa akin.
Tuluyan ring natuldukan ang palihim naming pagkikita. I didn’t use her damn it! Kung pwede ko lang ipaliwanag na simula pa naman noon ay gusto ko na iyang pinsan nila ay baka abutin ako ng umaga sa pagpapaliwanag. But I can’t just spit the truth when my brother is trying to get even with me. He wants me to pay. Kung itatanggi ko ang ibinibintang niyang kami ni Arih ay mas maglalabas lamang siya ng mga alas at mas lalaki ang issue baka tuluyan pa akong mapatay ng mga pinsan ni Nana. If I need to tell some white lies then so be it. Wala akong pakialam kung ako itong magmukhang gago sa paningin nila.
Tinanggap ko lahat lahat. Kahit iyong suntok na parang mabubunutan na ata ako ng ngipin dahil sa sobrang lakas ay hindi ako nagreklamo. Idagdag pa iyong dumadagdag na scandal noong putanginang Aries na iyon. Nagsisi tuloy ako kung ba’t hindi ko na binasag ang mukha ng gagong iyon.
Pumasok ako sa loob ng bahay pagkatapos nilang umalis lahat. Ang sakit pa ng aking panga habang dinadampian ko iyon ng ice cubes. This is such a big mess.
Ilang sandali lang ay dumating rin ang aking kakambal, namumula ang mga mata at umiigting ang panga. Nang magkatinginan kami ay ngumisi pa ito.
“Masakit?” Humalakhak siya at nasuklay ang buhok pero kalaunan ay sinipa rin iyong vase sa gilid. Nabasag iyon at halos sabunutan na ang sarili niyang ulo, binabalot ng galit ang mukha sa kabila ng pagngisi.
“You know I like her! Pero iyong palihim mo siyang dinidiskartehan, tangina South sana niyaya mo muna akong makipagsuntukan!” sigaw niya sa akin.
Umupo ako sa stool noong countertop at humilig sa likod noon.
“Naaalala ko lang siya kay Nana kayaㄧ
Humalakhak siya kaya natigil ako sa pagpapaliwanag.
“That’s bullshit. Babae ko ang lalandiin mo dahil lang naaalala mo ang babae mo sa kanya?” Mas malutong siyang natawa at nailing pa.
“Hindi kami ni Arih. Kung ano man iyong nangyari sa aming dalawa, wala iyong label.”
“But you dare to kissed her,” doon binalot ng dilim ang kanyang mga mata.
Itinikom ko ang aking bibig at natahimik. Ayoko ng halungkatin at pagtagpi-tagpiin lahat ng nangyayari dahil alam kong hindi ko mababago ang pag-iisip ng aking kakambal.
“Then pay for your actions. Binigyan mo ako ng sakit sa ulo kaya bibigyan rin kita. Kung hindi ko man makuha ang babae ko, sisiguraduhin kong ganoon ka rin sa babae mo. Deal with my consequence.” Ngumisi siya sa akin saka siya tumalikod at nagawa pang suntukin ang pader.
Galit silang lahat sa akin at nawalan na ng tiwala. Ang plano ng aking kakambal ay nakuha niya nga.
Alam kong mainit na sa akin ang mga dugo ng mga Delafuente pero nilakasan ko parin ang aking loob at nagtungo sa bahay nila.
“S-South,” Nabalot ng takot ang mukha ni Tita Abbegail nang makita ang aking imahe sa labas ng kanilang gate.
“Umalis kana dito! Galit na galit ang aking asawa at hindi makakabuti kung nagpakita ka ngayon,” Natataranta siyang lumilingon sa kanyang likod.
“I just want to explain my side at gusto ko ring humingi ng paumanhin sa nangyari, Tita.”
Umiling siya, ang galit sa mga mata ay naroon rin pero nangingibabaw ang takot na baka maabutan ako ng ama ni Nana.
“Not today, South. Palamigin mo muna ang sitwasyon. Mainit ang ulo ng aking asawa at galit na galit sa nangyayari kaya h’wag ka munang magpakita ngayon.” mariin nitong sabi at may pagmamakaawa na ang boses.
Hindi ako umalis roon at disididong magpaliwanag. Nanlalaki ang mga mata ni Tita hanggang sa lumitaw rin ang imahe ni Tito na binalot ng galit ang kabuuang hitsura.
Lumunok ako ng laway nang napansin ko ang pag-amba niyang makalapit agad sa akin. Tangina, ang sakit na naman nito sa panga.
“Jimin!” Mabilis siyang niyakap ni Tita at pigilan sa maaari nitong magawa sa akin.
“Ano pang pinupunta mo rito? Ipinagkatiwala ko sa’yo ang nag-iisa kong anak, South! Tapos malalaman kong gagaguhin mo lang?!” Nag-amba siyang lumapit ulit sa akin lalo na’t lumalabas narin ang ugat sa kanyang leeg pero mas humigpit lang ang yakap ng kanyang asawa sa kanya kaya hindi rin agad nito magawang sumugod. Ito ang unang beses na nakita ko siyang sumisiklab sa galit kaysa sa nakasanayan kong kalmado niyang imahe. I pushed his limits. Affirmative.
“Wala pong pagpapanggap lahat sa ipinakita ko sa anak niyo, Tito. Malinaw ang intensyon ko at wala akong balak na gaguhin siya.” banayad kong sabi sa kabila ng tensyon.
Umiling siya at ngumisi, “pinagmukha mo kaming tanga. Ikaw pa mismo ang naghahatid sa kanya sa bastardong iyon! Layuan mo ang anak ko, South dahil sa oras na nilapitan mo ulit siya, mapapatay na talaga kita.”
Untold Part
Untold Part of South Buenaventura
Sa kasagsagan ng kaso, ramdam na ramdam ko ang galit ng mga Delafuente dahil sa panggigipit nila sa Management noong tarantadong Aries Sebastian. Ang kasikatan nito ay bigla nalang bumagsak sa pinakaibaba dahil narin sa mabigat na kasong isinampa ni Tito Jimin sa kampo nito. They’re powerful. Hindi na ako magtataka kung bukas na bukas ay laos na ang lalakeng iyan. Kung makapyansa man, ipinasara narin iyong kompanya na naghahandle sa kanya dahil sa bankruptcy.
“Jimin filed a case to you,” sabi ng ama ko na aking ikinalunok. What case?
“He filed a Stay Away Order. You cannot come near her again nor contact her daughter, South. Gusto niyang makasiguradong lalayo ka talaga sa anak niya.” dagdag niya pa nang tumabi ito sa akin.
Mariin akong napapikit at napayuko nalang. Nasuklay ko ang aking mga buhok at parang nahulog na ang aking sarili sa malalim na bangin. What now, Buenaventura?
“Di’ba sinabi ko na, kung may gagaguhin kayong babae, h’wag ang kasali sa angkan nila.”
I know that, Dad. Iyong tuso kong kambal ay tinuruan ako ng leksyon dahil lang sa pagiging sakim diyan sa babae niya at gustong magbayad ako ng malaki.
“Hindi mo siya pwedeng lapitan at kailangan mong dumistansya sa kanya.” Paglilinaw nito para mas maintindihan ko.
Sa bawat binibitiwan na salita ng aking ama ay sumisikip lamang ang aking dibdib. Nahilot ko ang aking ulo at pinipigilan ang nagbabadyang mga luha.
“We can consult your Tito Tres about the case if you want. If you really love her then fight for it. We’re here to back you up,” naramdaman ko ang kamay ng aking ama sa aking batok at hinawakan na iyon.
Umiling lamang ako, “ayoko nang idamay ang pamilya natin dito, Pa. Kung lalabanan natin iyong kaso sa pamamagitan ni Tito Tres ay baka mas lalo lang magalit si Tito Jimin at lumaban ulit pabalik.”
My father sighed, “kung mahal mo naman pala iyong babae, bakit mo hinahatid roon sa artistang iyon? Ikaw ang sinisisi ni Jimin dahil sinira mo ang tiwalang ibinigay niya sa’yo. Nana got bashed and received multiple threats from the fans. Pero mukhang nabaliktad naman iyong kaso at mukhang iyong artista na ang kailangang magbayad ng malaki.”
How can I even say no to that girl? Sunod-sunuran nga iyang mga pinsan niya sa kanya sa akin pa kaya na mahal ko na? Kung alam ko lang na mangyayari ang lahat ng ito ay ako na mismo ang hahadlang diyan sa kasiyahan niyang makita ang idolo niya. Parte iyon ng pagiging fangirl niya at gusto kong sumuporta kahit labag sa loob ko. Nakikita kong masaya siya sa t’wing nagkukwento siya sa akin tungkol sa pagkikita nilang dalawa. Kahit masakit sa dibdib, kahit ang hirap huminga ay nagpigil ako.
“Ako na mismo ang hihingi ng tawad kay Tito Jimin.” garalgal kong sabi at sinisikap na h’wag mabasag ang boses sa harap ng aking ama.
Hindi na ito sumagot pa at tinapik nalang ang aking balikat.
Dahil sa pangayayaring iyon ay ilag narin ang mga pinsan niya sa akin. Nagkakasalubong kami sa eskwelahan pero magtatanguan lang. Nagpapasalamat rin ako na nakagraduate na iyong si Grey dahil sobrang init ng ulo noon at pakiramdam ko sa t’wing nagkikita kami ay babangasan nalang ako bigla.
“So, later?” Ang boses noong modelong kasama ko sa fashion show ang nagpabalik sa akin sa reyalidad at natigil sa pag-iisip sa nakaraan.
Tiningnan ko ang kamay niyang dumapo na sa aking hita at gumagapang na ibang direksyon. Hinuli ko iyon na ikinakurap niya at nawala ang pagdidiwang sa mukha.
“I can’t,”
“I thought we have an agreement?” Dismayado niyang sabi nang tumayo na ako pagkatapos akong makontento sa kakatitig kay Nana sa malayo.
Kinuha ko ang aking bulsa at naglahad sa kanya ng iilang papel.
“Here, I don’t have time for your lust. Thanks again,”
Umalis rin ako na ikinalaglag ng panga noong babae. Isa lamang iyon sa inuuto ko at ginagamit ko para makapasok sa mga fashion show. Ginagawa nila akong date sa loob at nag-eexpect na may mangyayari pagkatapos noon. Kahit ilang taon narin akong walang ikinakama ay nawawalan rin naman ako ng gana sa ibang mga babaeng kahit sino sino lang. Isang babae lang ata ang pinagnanasaan ko.
Isa sa rason kaya hindi ko rin magawang lapitan si Nana kahit na hindi ko na nakakaya iyong pagiging malapit niya sa mga lalake dahil narin sa kasong inihain ni Tito Jimin sa akin. I need to distance myself from his daughter damn it. Siya lang rin ang may karapatang mag-urong noon kaya wala rin akong magawa. I don’t want to ask for help. I want to settle this on my own.
Pagkatapos ko siyang sundan sa mga lakad niya rito ng palihim ay dumederitso rin naman ako sa gym para magtanggal ng stress. Iyon nalang ang nagpapakalma sa akin sa kabila ng nangyayari.
“Hey…” Ang malambing na boses ng babaeng may blond na buhok ang sumalubong sa akin.
“Do you need some gym instructor?” Kagat kagat nito ang pang-ibabang labi at dahan dahang bumaba ang tingin sa aking katawan.
Umiling lamang ako at hinagis ang gymbag sa malapit na upuan saka ako nagtungo roon sa barbell. Hindi ko alam kung expired na ba iyong Stay Away Order na isinampa ni Tito Jimin sa akin. Pero sa kabilang banda, pag nalaman niyang sinusundan ko ang kanyang anak rito ay sisiklab parin iyon sa galit.
Pabalik balik lamang ako sa Canada para lamang silipin ang kanyang pinaggagawa. She really changed. Malayong malayo na siya sa babaeng nauuto ko pa noon sa mga pasimpleng palusot ko na halatang may iba namang kahulugan. I am expecting her to grow into a fine woman but I am not expecting the worst! Para siyang isang kuting na lumaking leyon.
Isa na akong matagumpay na Architect pero iyong tunay na pangarap ay hindi ko parin naaabot sa kabila ng mga malalaking projects na dumadating sa aking buhay. Aanhin ko itong kayamanan ko kung wala akong babaeng pagkakagastusan? That girl is even happy without me… Paano niya iyon ginagawa?
Tiningnan ko ang mainit na panahon sa labas ng inuupuan kong cafe habang naghihintay sa importante kong bisita. Nandito na naman ako sa Canada at nagwawaldas na naman ng pera para sa gaganapin sa kauna-unahang fashion show ni Nana. I’m so proud. Iyong babae ko ay masyado nang mataas para abutin lalo na’t bawal ko ring lapitan kaya ito nalang ang rason na naiisip ko.
Ang seryosong mukha ng kanyang ama ang bumungad sa akin nang tuluyan itong makarating. Ni hindi ko na mabasa ang mga mata nitong matalim ang tingin sa akin sa kabila ng pagiging kalmado.
“Titoㄧ
“Hindi ba malinaw iyong kaso na inihain ko sa’yo South? Gusto mo ba talagang makulong?” Matigas nitong sabi at naroon parin ang galit sa kabila ng lumipas na panahon.
Nahulog ang aking tingin sa mesa at napabuntong ng hininga.
“Hindi ako nagpapakita o lumalapit sa anak niyo, Tito. Malinaw sa akin iyong isinampa mong Order at nirerespeto ko iyon.”
Sumandal siya sa upuan at nilugawan ang pagkakatali ng kanyang necktie.
“Kung ganoon, para saan ito?” seryoso niyang tanong.
“Gusto ko sanang humingi ulit ng pagkakataon. Bigyan niyo po ako ng pangalawang pagkakataon para mapatunayan ang sarili ko sa inyo at sa anak niyo.”
Nagkasalubong ang kanyang kilay at mukhang hindi kumbinsido sa aking sinasabi.
“Balita ko, Architect kana. You’re already successful. Just find another woman so you can settle in your life, South. H’wag na ang anak ko.” matigas niyang sabi.
How can I even find someone if I’m still hooked with your daughter? Magpakalayo layo man ako, tumakbo man ako, magtago man, sa huli ay mahuhulog parin ako sa kanya. Para akong isang isdang natamaan noong matulis na bagay na kahit anong takas ko ay mahihila parin ako pabalik sa kanya. I really got hooked so bad…
“My Nana is already happy. She’s doing great. And she’s very extra friendly. Kahit sino na nga lang ang dinidate noon,” sabi nito sa nanunuksong tinig.
My jaw tightened. I am already aware about her behavior. Pero iyong marinig sa mismong ama niya ay nakakapanghina ng tuhod.
“Pero mukhang nagkakamabutihan na sila noong Chain kaya panatag narin ako.” Ngumisi pa siya sa akin pero halatang hilaw nalang iyon at iniinggit ako.
How can I even pin him down? Alam ko namang hindi basta basta mababali ang paninindigan ng mga Delafuente. Pero paano ko ba makukuha ulit ang tiwala nila kung ganito sila katigas?
Tumayo ako, halos makuyom ang mga kamao na ikinaangat rin ng kanyang tingin sa akin at nanantya na. In my entire life, I never thought about this. I swallowed as I slowly bend and get on my knees infront of him. Nagulat ito sa aking pagluhod na kahit ang iilang kumakain rito ay napatingin narin sa aking dako. Damn, I don’t care! I just want his approval. I’ll beg for my chance if needed.
“Huling pagkakataon Tito, pagkatapos nito, ako na mismo ang lalayo sa anak niyo at hindi niyo na kailangan iyong kaso.” matigas kong sabi sa umiigting kong panga at nanghahapding mga mata.
“Get up,” Hinila niya ang aking braso pero hindi ako nagpahila.
“Last chance… I… I really love her.” Napayuko ako at mariing napapikit dahil sa luhang nagbabadya nang lumabas. Fuck! What did you do to me, woman? Wait until I am allowed to come near to you, I’ll surely claim you.
“Tumayo kana,” Iyong dalawang braso ko na talaga ang kanyang inangat kaya kusa narin akong tumayo. His shoulder loosened as he sat on his chair again. Mariin pa itong napapikit at nahipo ang kanyang noo.
Ilang sigundong katahimikan ang pumagitna sa aming dalawa. Panay ang buntong hininga nito at parang may mabigat ring dinadala at pang-ilang beses ng nasuklay paatras ang buhok.
“Hindi mo ako masisisi kung ba’t ko ginagawa ang mga ito para sa kapakanan ng anak ko, South. She’s very precious to me. Hinding hindi ako makakapayag na may manakit sa kanya. But seeing you… getting on your knees just to beg for another chance…” He sighed heavily. “I never done that to my wife’s father.” namamangha niyang sabi at tuluyang nabura ang galit sa mga mata.
“Sa altar ako nangako na hinding hindi ko sasaktan ang anak niya.” Nagkasalubong sandali ang kanyang kilay saka rin ngumisi sa akin, ang ngiting namana ni Nana sa kanya. “Masyado ka naman atang advance at nauuna kanang magpropose sa akin?”
Napangisi ako dahil roon. Konti nalang…
He sighed again, “sige. Iuurong ko iyong isinampa ko sa’yong layuan ang anak ko. Pwede mo na ulit siyang lapitan pero sa isang kondisyon,”
Iyon palang ay gusto ko ng magdiwang.
“What is it, Tito?”
“Bring my daughter the next time we meet. Kung nadala mo siya sa akin, hahayaan ko na kayong dalawa.”
That’s his condition. Kailangan ko lang iharap si Nana sa kanya. Kaya noong umuwi rin naman ito sa Pilipinas pagkatapos ng mga successful niyang fashion show ay hindi na ako nag-aksaya ng oras. Gusto ko agad itong lapitan at kausapin.
“Damn her! Look what she did to my dress!” Nakabusangot na reklamo ni Frances sa aking harapan pagkatapos umalis ni Nana.
Natangay ang aking mga mata sa kanyang likod at hindi na ito gaanong napagtuunan ng pansin.
“South, are you even listening?” Hinaplos niya ang aking braso. Natabig ko ang kanyang kamay na ikinagulat niya.
“I need to go,” sabi ko at hindi na hinintay ang sagot niya.
“South!” tawag nito sa akin pero mas lumaki ang aking mga hakbang para lang maabutan agad si Nana. I am already allowed to come near to her. Wala ng bawal.
Kung noon ay mabilis ko siyang natatangay at napapasunod sa aking gusto, ngayon ay hindi ko na alam kung paano ito paaamuhin muli sa akin. Dumating pa iyong nagngangalang Chain at inakbayan siya sa mismong harapan ko. Isa na ata sa pangarap ko ay ang masuntok ang pagmumukha ng gagong ito.
“Sige,” pagpapaalam niya sa akin at binigyan pa ako ng matamis na ngiti saka siya iginiya paalis noong Chain. Halos pigilan ko ang aking sarili sa pagsugod at kinontrol ang bumabalot na galit sa aking sistema nang halikan pa siya noon sa pisngi. Ang hilig manghalik ah? Sige sa susunod, itong kamao ko naman ang mahahalikan mong gago ka.
Hindi ako nakapunta sa kanyang fashion show dahil sa higpit ng bantay kaya inutusan ko nalang ang aking sekretarya para bilhin ang kanyang mga damit. I’ll get her attention in any ways I know just to have a minute with her, no to have her full attention.
Kaya noong magkaharap kami ng masinsinan ay ganoon nalang ang pagkakasalubong ng aking kilay dahil sa suot niyang kita ang dibdib. What did you do to my precious Nana, woman?
“Hindi naman purket ginago mo ako noon ay maiiwan akong miserable habang buhay di’ba?” sagot nito sa malambing niyang boses at nagawa pang tumawa ng marahan pagkatapos sagutin ang tanong ko kung naging masaya ba ito. Naging sunud-sunuran ang aking mga mata sa pagsuklay niya paatras sa kanyang buhok at kusa rin iyong malalaglag sa kanyang balikat. Fuck… She’s such a tease… Damn it!
Ginago ko siya. Iyon ang pagkakaintindi niya sa nangyari noon. Kasalanan ko rin dahil hindi ko agad nilinaw sa kanya noon. Pero ano rin namang magagawa ko eh inilayo agad siya sa akin at may Stay Away Order pa. Wala rin naman akong balak linisin ang aking pangalan ngayon. I just want to start new with her. Kukunin ko ang kanyang tiwala katulad ng ginawa ko sa kanyang ama.
Sa t’wing may plano na ako ay palagi nalang talaga iyong nababali. How can she acts so gentle when she’s hiding something wild inside her? Ganoon parin naman siya, malambing magsalita at mahinahon. That was I thought until I caught her kissing someone on a bar. Halos umakyat na ang aking dugo sa ulo at siya pa akong tulugan. Kung matanda lang siguro ako at may sakit sa puso ay matagal nastroke dahil sa inaasta niya.
“About my offer,” pag-oopen up ko agad sa topic namin na tinanggihan niya na noong una. I am still assuming that I can change her mind.
“Hindi nagbago ang isip ko at hindi magbabago ang isip ko. Parang isang malaking biro ata kung nakipagnegosasyon ako sa’yo.” sabi niya saka sumandar sa pader ng aking kwarto at humalukipkip roon. Nalaglag ang aking tingin sa pag-angat ng nipis na puting polo na suot niya. Bagay sa kanya ang mga damit ko. Pero mas bagay ata sa kanya ang maging asawa ko.
Kinain ako ng aking pag-iisip at kalahati pa noon ay ang bumabalot na pagnanasa ko sa kanya. Paano ako mag-iisip ng tama kung nang-aakit ang kanyang hitsura?
“Kung noon ay kailangan natin ang isa’t isa, iba narin ngayon South. Wala na tayong rason para dumikit pa sa isa’t isa.” dagdag niya pa.
So you want a reason? Fine, woman. I’m tired being gentle. Kaya rin siguro ganoon ang kondisyon ng kanyang ama dahil sa ugali ng kanyang anak ngayon. Ang hirap na nitong kumbinsihin at sariling gusto na ang sinusunod. She’s just too stubborn!
Nagising ako dahil sa isang doorbell. It was Sunday. I groaned as I stroke my messy hair in the morning. Bumalikwas rin naman ako dahil sa sunod sunod na doorbell.
“Good Morning!” Ang nakangiting modelo na kasama ko roon sa fashion show ang bumungad sa aking harapan.
Nakamot ko ang walang saplot kong tiyan na ikinababa ng kanyang mga mata roon. She even gulped staring at my topless figure.
“Go home,” iyon na ang aking sinabi saka ako tumalikod para makapagbihis. Hindi ko alam na pumasok na pala ito. Noong nilingon ko siya ay itinataas niya na ulit ang strap ng kanyang dress at may hawak pang cellphone.
“Sige! Dinalhan lang naman kita ng pagkain.”
“Mukha ba akong pulubi?” sagot ko na ikinatawa niya lang at iwinagayway rin ang kanyang kamay.
Iginala ko ang tingin sa lugar na alam kong kinaroroonan ng isa sa mga pinsan ng babaeng iyon. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon nila pero kailangan ko ring panindigan itong mga plano ko.
“White,” bigkas ko sa pangalan ng imahe ng lalakeng nasa aking harapan na.
Humalukipkip ito at malalim agad ang tingin sa akin.
“Akala ko nasa impyerno kana?” sarkastiko nitong sabi na ikinakibit ko ng balikat.
“Pinalaya ako. Nalalamangan ko na raw kasi ang sungay noong demonyo.” sarkastiko ko ring sagot na ikinaangat ng kilay niya.
“Anong kailangan mo?” Mas naging seryoso ang mukha nito. Sa kanilang magpipinsan, siya ang mas pinakamalapit kay Nana. Gusto kong isa-isahin ang kanyang mga pinsan at ipaalam ang paglapit kong muli sa kanilang pinsan. Iyon na ang plano ko pagkatapos kong gipitin ang babaeng iyon na kung hindi ako tatanggapin bilang Architect niya ay gagawa ako ng eskandalo tungkol sa aming dalawa. Alam kong ayaw noong makarating sa mga pinsan at magulang niya na nagkikita na kaming muli dahil malalagot siya. Kung alam mo lang ang pinaggagawa ko para mapaamo ka, Nana.
“We’re seeing each other again,”
Nagkasalubong ang kanyang kilay at matalim na ang tingin sa akin.
“Di’ba at may Order ka na layuan si Nana?”
“Iniurong na ni Tito Jimin. He’s giving me a second chance to prove myself again. I already talk to him.”
“Gagaguhin mo ulit?” May pagbabanta na sa kanyang boses.
“She loves me and the feeling is mutual,” Ibinulsa ko ang aking mga kamay, “hindi niya lang masabi sabi sa inyo at nililihim niya lang dahil ayaw niyang magalit ulit kayo sa kanya.” paggawa ko ng kwento kahit ang totoo ay pinapaamo ko pa naman ang babaeng iyon.
Alam kong itatanggi talaga ni Nana ang tungkol sa aming dalawa kaya iyon nalang ang palalabasin ko.
“You want some pictures?” alok ko pa nang matigilan ito. Kinuha ko ang aking cellphone at ipinakita sa kanya iyong mahimbing itong natutulog sa aking kwarto dahil sa kalasingan.
His eyes settled on the screen of my phone. Ang kanyang mga mata ay unti unti rin namang nakumbinsi.
“She even agreed when I told her I’ll design her own company.”
Iyon narin ang mga kasinungalingang sinabi ko sa iba niya pang mga pinsan. Kalmado lang naman ang mga ito at nakumbinsi rin sa aking pinagsasabi. Ayaw narin ata nilang palakihin dahil sa mga ebidensyang meron ako at gusto nalang suportahan ang kanilang pinsan. Kung nagkabukingan man sa kasinungalingan ko, sisisguraduhin kong nakatali na iyang pinsan nila sa akin.
Mahirap gipitin si Nana dahil narin sa koneksyon ng kanilang angkan. Kahit na gamitin ko man ang aming koneksyon rito at pagbawalan ang ibang Architect para sa akin ito mismo tumakbo ay useless parin dahil alam kong may mga koneksyon rin sila sa ibang bansa. Besides, ayokong damayin ang mga angkan namin dito baka lumaki lamang iyong tensyon na nagaganap sa pagitan ng bawat kampo. Gusto kong gipitin ito sa sarili kong pamamaraan.
May pinagkakaabalahan ako sa Site habang iyong babaeng iyon ay nasa labas na naman at nakikipag-usap roon sa aking mga tauhan. I even told them she’s my property and they need to distance their selves pero itong babaeng ito ay mahilig talaga akong asarin at siya pa mismo ang lumalapit.
“South,” ang pamilyar na boses ni Frances ang kumuha ng aking atensyon.
Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Ang una kong napansin ay ang lantad niyang dibdib na nakagawian niyang suotin pero wala namang epekto sa akin.
“What is it again, Frances?”
She chuckled, “di mo na ako dinidate…” Lumapit siya sa mesa kung nasaan ako at umupo roon. Bumalandra sa akin ang kanyang hita na ikinaangat lamang ng aking kilay.
“Why would I even date you?”
Medyo nagulat ito pero napalitan rin ng isang ngisi.
“Dahil may ikakapalit kana sa akin? Dahil lang mas sikat iyong babae mo ngayon? So what, South! I can be better than her when it comes to bed!” she exclaimed at me.
“Iyan ba ang ipagmamalaki mo sa akin? Ang pagiging magaling mo sa kama?”
Tumango siya.
“Hindi magaling sa kama ang kailangan ko kundi isang asawa. Leave.” Pinagtuunan ko ulit ng pansin ang nakalatag na blue prints. Sa gilid ng aking mga mata ay nakikita ko pa ang pagkadismaya niya.
“Iba ako magalit, South. Hindi mo ako kilala. At wala akong hindi nakukuha na lalake.” mariin niyang sabi.
“Pwes ngayon meron na,” kalmado kong sabi habang ang mga mata ay nasa blue prints lang.
Napabuga siya ng hininga sa ere at nailing pa.
“Sige, tingnan natin kung hanggang saan iyang babae mo.” pagbabanta niya at ngumisi pa sa akin.
Dahan dahan akong nag-angat ng tingin sa kanya na ikinaguhit ng takot sa kanyang mukha nang magkatitigan kaming dalawa.
“If you’re planning to do something stupid on her then I suggest you need to prepare yourself for your own funeral.”
Iyon ang nagpalunok sa kanya ng laway at nagawa pang maibaba ang isang hita na nakapatong sa isa pa. She was taken aback as my eyes darkened on her.
Ang tanging nagpasabog sa akin ng araw na iyon ay ang sumbong ng mga tauhan ko na sumama ito sa isang lalake. Ang nakasanayan kong pagiging kalmado ay tuluyan na atang nakalimutan ng aking sistema dahil sa pinaggagawa niya. I even punched the wall because of fustration!
Si Frances na ata ang naging karma ko sa mga modelong nalilink sa akin dahil sa panggagamit ko sa kanila para sa sarili kong kapakanan. I just can’t make her stop. Siya pa itong pinagseselosan ni Nana na imbes ikatuwa ko ay sumasakit lamang ang aking ulo dahil nagiging leyon na naman ito na akala mo ay nakawala sa kanyang hawla.
Our first night feel so special. I even slept peacefully. Iyong mga gabing nangungulila ako sa kanya at tanging malamig na tubig ang katuwang para pakalmahin ang aking sarili ay naging sulit rin. I thought it’s already settled. Idineritso ko pa ito sa pinatayo kong bahay na malapit ko naring matapos at iyon pa ang dahilan kung ba’t ako naging busy nitong nagdaang araw pero magigising nalang ako bigla na wala na ito sa aking tabi!
Nahilamos ko ng husto ang aking mukha at kulang nalang ay sumabog ako. Damn it!
Padabog kong kinuha ang aking cellphone at tinawagan iyong kilala kong sikat na baklang nasa showbiz.
“Yes Fafa South? Isa na ba ako sa listahan ng babae mo at tumawag ka talaga sa umaga?” Pabiro pa itong natawa.
“I want you to leak some pictures. Wala akong pakialam sa mga lalabas na Article basta ipagkalat mo lang lahat.” Matigas kong sabi at gusto ng manigurado.
“Aba! Sige game ako diyan! Ano ba iyan? Scandal mo? Nako naman!” nagawa pa nitong tumili.
“Just do it.” mariin kong sabi at nahilot na ang aking sintido. Why did she left? Ano bang tumatakbo sa utak ng babaeng iyon at hindi ko mabasa?
“Oo na galit agad! Ipopost ko sa account ko at gagawan ko narin ng sarili kong article! Wala pang isang minuto ay kalat na iyan, Fafi!”
“Thanks,” tipid kong sabi at binabaan rin iyon ng tawag.
I am desperate. She really needs to learn in a hard way. Kung hindi niya kayang aminin sa pamilya niya ang tunay naming relasyon pwes ako na mismo ang gagawa ng paraan para mapaamin siya.
Iyong gusto ko ay nangyari nga. Kalat na kalat iyon at panay na ang sunod ng mga media sa akin para kunan ako ng panig. Naging tago ang nasa likod ng kumakalat na litrato lalo na’t sinabi ring galing lamang iyon sa isang unknown source. Kaya noong nalaman kong pinaunlakan nito ang isang interview ay sumunod narin ako.
“Nandito si South Buenaventura!” sigaw ng iilang reporter kaya mabilis rin silang nagtakbuhan para palibutan ako. Nagpatuloy ako sa paglalakad habang nakasunod naman ang iilan sa akin at itinututok sa akin iyong mga hawak nilang mikropono at recorder.
“Anong masasabi mo sa sinasabi ng modelong si Frances Ardentes na siya raw ang nauna sa’yo?”
“Totoo bang kabit si Miss Cana?”
“May lihim rin ba kayong relasyon ni Frances?”
“Sino po ba talaga sa dalawang babae ang gusto niyo?”
“Tinatago niyo rin ba ang relasyon niyo ni Frances?”
May binalingan akong isang reporter na ikinatahimik rin naman agad nila sa kabila ng mga camerang panay ang tama noong flash sa aking mukha.
“Hindi ko siya tinatago. At hindi rin Frances ang pangalan niya.” Iyon lamang ang aking sinabi saka nagtungo roon sa mismong studio na kinaroroonan ni Nana.
I didn’t regret leaking those pictures. Kung hindi rin naman dahil doon ay hindi ko siya mapapaamin. She was jealous that’s why she left! At ang dahilan lamang ay iyong ig story noong Frances. Matagal na iyon at noong tiningnan ko sa CCTV ng aking condo ay iyon iyong oras na tumalikod ako para magbihis dahil kakagising ko lang. She took a picture while the straps of her dress were taken off. Hindi na siguro ako magpapakababa para pumatol sa babaeng hindi ko naman gusto.
Kinaumagahan ay hindi na ako nagtaka noong nadatnan ko ang mga pinsan niya sa kanilang bahay.
“Ano ba talagang nangyayari? Bakit ang kalma kalma niyo?” Hindi na mapanatag si Ken habang panay lingon sa mga pinsan niyang kalmado lamang. Sa kanilang lima, siya lang itong nakalimutan kong kausapin.
“May relasyon sila at inililihim lang nila dahil natatakot si Nana na baka ay magalit tayo.” paliwanag ni Red katulad ng sinabi ko sa iba niya pang mga pinsan.
“Nanood ka ba ng interview ng dalawa?” lumukot naman ang eksresyon ni Blue.
“Alam niyong lahat?! Hiro?! White?!” Nanlalaki na ang mga mata ni Ken na ikinailing nalang ng iba.
“Mga gago kayo! Kasali pa ba ako sa pamilyang ito?” dagdag niya pa at umaktong nasasaktan ng husto.
“Sino ba iyong Frances? Babae mo?” tanong sa akin ni White at hindi na pinagtuunan ng pansin iyang pinsan niyang gulat na gulat.
Umiling ako, “nalilink lang sa akin at pinagseselosan ni Nana.”
“Eh itinanggi niya pa ngang wala namang label ang namamagitan sa inyo!” si Ken na hindi parin makapaniwala.
“Dahil nga takot siyang mapagalitan natin.” naiiritang sagot ni Hiro.
“Naglihim na naman ang babaeng iyon,” nailing nalang si Blue.
“Nakita ko iyong pagsampal niya sa nagngangalang Frances. I never seen her act like that. Kung si Zera ay makulumbinsi pa ako, pero si Nana…” hindi na madugtungan ni Red ang kanyang pinupunto.
“Maybe because of her raging hormones. Baka nagbunga na iyong mga gabing…” hindi ko na maituloy ang gustong sabihin dahil sa mga mata nilang nananantya na.
“Buntis si Nana?” Gulat na namang tanong ni Ken.
Marahan akong tumango, “baka… Base narin sa inaasta niya kaya siguro wagas kung makapagselos.”
Sandali silang natahimik at wala na atang balak makipagtalo sa akin. So this is how to tame them huh? Kailangan lang palang paniwalaing buntis iyang pinsan nila para matigil sila sa kakaduda sa aming dalawa.
“Halata namang nagmamahalan ang dalawa kaya ba’t pa natin hahadlangan.” si White.
“Nagbunga pa nga,” si Hiro naman saka bumaling sa akin. “Congrats, man.”
“Thanks,” tipid akong ngumiti.
This is future purposes, anyway. Kung hindi man siya buntis edi bubuntisin. But for now, I need to lie just to tame them. Gagawin ko rin namang makatotohanan ang lahat ng ito kaya okay lang na sabihin ko nalang ng advance.
Kung hindi komplikado, hindi iyon pag-ibig. Ngayon ko lang naintindihan ang katagang iyon.
Isinabit ko sa bawat gilid niya ang buhok na tumatakas sa nakabun nitong buhok. She’s wearing a black two piece bikini with her playful smile. Tanaw na tanaw ang city light sa kabuuan dahil sa kinalalagyan ng pool ng hotel kung saan kami nakacheck-in. I am covering her small frame while her both arms were locked around my neck.
“Anong pinag-usapan niyo ni Lolo Rico?” tanong niya sa malambing na boses.
“Gusto niya na daw magkaapo sa tuhod,” ngumisi ako at inihaplos ang aking ilong sa kanya habang idiniin ko lalo ang aking sarili sa kanya. The water feels warm but her skin warms me more.
“Seryoso?” her eyes shrink as she chuckles softly. Nasa gilid lamang kami ng pool at doon siya nakasandal.
Isang habilin lang naman ang sinabi ng kanyang Lolo sa akin.
“Kung ayaw mong ako mismo ang makabangga mo, h’wag mong lokohin ang apo ko. Produkto ko lang si Jimin pero mas masahol ako magalit, hijo. Ibabaon talaga kita ng buhay kahit hindi ka pa naman patay.” kalmadong sabi ng kanyang Lolo na tumatak sa aking utak. Siguro kung wala na akong gana sa buhay ay alam ko na ang gagawin ko.
“He said he likes me for you,” sabi ko nalang para maputol iyang pagtatanong niya.
Ngumuso siya at ilang sandaling namalagi ang tingin sa akin.
“Parang ang rami mong hindi sinasabi sa akin ah?”
I chuckled. I just want to leave them untold.
“Nosy,” I stroke her lips using mine gently. Namumungay na ang kanyang mga mata noong humiwalay ako habang ang kamay nito ay humahaplos sa aking batok.
“Buti nalang talaga at pumayag si Daddy. Akala ko magagalit siya,”
“Sino bang makakatanggi sa isang South Buenaventura?” pagmamayabang ko na ikinahalakhak niya.
“Ang kapal!”
Marahan narin akong natawa. Being with this girl really calms me. Her laugh was contagious that even her smile can tame me.
“Pero nakakatuwa lang na tayo parin pala hanggang dulo ’no?”
Hindi agad ako nakasagot at napatitig sa kanya ng malalim. Hinaplos ko ang kanyang pisngi habang kinakabisado ang mukha ng babaeng gusto kong makasama habang buhay. At last, I’m going to wake up in the morning with her by my side. She’s the only thing better than morning coffee…
“Masaya ka ba?” tanong niya sa akin, ang mga mata ay nangingislap na at nakikipagsabayan sa mga citylights.
“This is more than happiness.” I whispered.
“Talaga Architect?” she giggled softly. Napapikit ako at hindi na mabura bura ang ngiti sa aking labi. Binasa ko iyon saka muling idinilat ang mga mata.
“Did you know why I chose this course?”
“Dahil malaki ang sweldo?”
Humalakhak ako at nailing. Lumalabas na naman ang pagiging inosente niya sa bagay bagay.
“Edi ano?”
“To design our future,” pinatakan ko siya ng halik. “Even if we separate ways, your future will still fall on my hands. Sa’kin parin ang bagsak mo.”
Naisandal niya ang kanyang ulo sa aking balikat.
“Pero designer rin naman ako ah?” sabi niya sa maliit na boses.
“Then can you do me a favor?” Hinuli ko ang kanyang mga mata hanggang sa mag-angat siya ng tingin sa akin.
“Ano?”
“Can you design for my baby’s wedding dress?”
She blushed hard as we both chuckled. My other arm wrapped around her small waist as she pulled me closer enough to deepened our kiss. Damn… I’m so hooked and addicted!
E P I L O G U E
Hooked
You are at the end of the story. Thankyouu for making all the way here. Isang buwan at kalahati niyo rin itong pinaglaanan ng mga oras niyo kaya sana ganon rin ang gawin niyo sa susunod kong work. See you on the next story, TRICKED! Kindly comment down about your thoughts on this story. Iloveyouu all!
Handang handa
Daddy’s approval gave us the freedom to do anything without hiding it from our family. Madalas na ang pagsasama namin ni South at hindi natatakot na baka isa sa pamilya namin ang makakita at tumutol sa aming dalawa. Nagpapasalamat ako na tanggap na nila ng buo si South, kung ano man ang kanilang napag-usapan ay masaya ako sa naging resulta dahil nakumbinsi niya ang lahat na tunay ang pinapakita niya sa akin at wala ng panggagago.
Nagising ako sa isang haplos ng kung anong kamay sa aking pisngi. Dahan dahan kong naimulat ang aking mga mata hanggang sa nakita ko ang mukha ni South sa umaga. His bedroom hair looks messy as he smiled a bit at me.
“Morning, gorgeous.” Yumuko siya at hinagkan ang aking noo. Napapikit ako sandali para namnamin ang pagdampi ng kanyang labi roon at napangiti ng matamis sa kanya nang magkasalubong muli ang aming mga mata.
Nitong mga nagdaang araw ay mas naging aliwalas ang mukha niya. South is serious and cold at the same time but he’s just calm. His eyes were still mysterious pero palagi ko na siyang nakikitang tumawa o ngumisi sa mga maliliit na bagay pag natatawa ako. We get along well.
Nilingon ko ng orasan sa bedside table.
“Good morning, uh… Natulog ka ba?” tanong ko sa kanya nang balingan ko siyang muli. His eyes were deep and dark early in the morning. Namumungay rin iyon sa kabila ng pagiging misteryoso.
Tumagilid siya lalo at itinukod ang siko sa headboard habang ang kamao ay nasa gilid na ng kanyang ulo. Ang kanyang kamay ay nasa aking pisngi parin, namamahinga roon na minsan ay hinahaplos niya.
Umiling siya, “just making sure you won’t leave my bed after what happened…” Hinaplos niya ang aking braso at ngumisi.
Namula ang aking pisngi nang maalala ang nangyari kagabi. Gusto ko man iyong isawalang bahala nalang, pero nakapaskil rin sa kanya ang nanunuyang ngisi na may kapusukang nangyari kagabi.
Umakyat ang kanyang tingin sa aking buhok na buhaghag saka iyon marang sinuklay. Ang nakatagilid niyang imahe at nakaharap sa akin ng buo habang walang suot na pang-itaas ay nakakaakit.
Ilang araw narin kami rito sa Canada. We’re both having fun while visiting some of their tourists spot. Medyo nasasanay narin akong palagi kaming magkasama at halos dumepende na ata ako sa kanya.
Isiniksik ko ang aking sarili sa kanyang gilid. Gumapang naman ang kanyang kamay sa aking beywang saka ako mas hinila. Tumingala ako hanggang sa sobrang lapit na ng aming mga mukha.
“Nakakatamad nang bumangon sa kama pag katabi kita,” pag-amin niya na aking ikinahalakhak.
“H’wag na tayong bumangon?” masuyo at marahan kong hinaplos ang kanyang panga.
He crouched even more just to level hisself to me. Ipinatong niya ang kanyang noo sa aking noo at pinatakan ako ng maliit na halik sa aking ilong.
“What do you suggest then?” aniya
“Uhm,” gumala sandali ang aking mga mata at nahulog sa kanyang dibdib habang humigpit naman ang pagkakayapos ng kanyang braso sa akin.
“Ikaw ba, anong gusto mo?” Nag-angat akong muli nang wala akong maisip. Ito na ang pangatlong beses na tinamad kaming bumangon at nagdesisyon lang na tumayo pag hapon na.
“Wala rin akong maisip maliban sa…” his voice was trailing as he eyed me with a smirk on his lips. Ngumuso ako. That would be nice but isn’t it too early?
Sandali akong natangay ng makamundo kong pinag-iisip hanggang sa marahan siyang hinalakhak at niyakap ako.
“Let’s just date. Let’s go fishing somewhere…”
Huh? Fishing? Ba’t naman iyon pumasok sa isipan niya?
“Fishing?” Nilingon ko siya pero tanging panga lang nito ang aking nakita.
“Yeah. Iyon pa ata ang hindi natin nagagawa. That’s fun.”
“Pwede bang iyong nahuli nating isda ay pakawalan rin natin sa dagat?” sabi ko na ikinahalakhak niya sa balat ng aking balikat.
“Okay, if that’s what you want. But lemme sleep first…”
Ngumuso ako at humiwalay sa kanya para lang makita ang mga mata niyang nakapikit na nga. But I still want to talk to him.
“Hindi na ako inaantok,” sabi ko kaya hinila niya akong muli para isiksik sa kanyang dibdib. Humilata siya hanggang sa napunta na ako sa kanyang ibabaw.
“Matutulog ka talaga?” tanong ko.
Hindi siya sumagot kaya gumapang pa ako para makalevel ang kanyang mukha. Nahulog sa kanyang mukha ang ilang hibla ng aking buhok dahil sa pagbangon ko ng kaonti.
“Architect?” pabulong kong tawag na ikinabasa niya ng kanyang pang-ibabang labi at napangisi na.
“Your voice early in the morning sounds really good…” Dahan dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata hanggang sa magkatitigan kaming muli. His eyes suddenly bewitched me as I stared at him for a long time. Nakikita ko na ang aking sarili sa hinaharap kasama ang lalakeng ito. I can picture a one big happy family while he’s laughing with our kids.
Hinawakan niya ang aking pisngi hanggang sa ako na mismo ang bumaba para mahagkan ang kanyang labi. Sa bawat paggalaw ng aming mga labi ay naiisip ko ang mga dahilan kung nawala siya sa akin. Ngayon lang ako naging kaganito kasakim sa isang tao na ayaw ko ng pakawalan pa. Ayokong isa siya sa mga lalakeng dadaan sa aking buhay para bigyan lamang ako ng leksyon. I want him to stay forever with me. I want this relationship to last forever. Gustong gusto kong maging asawa niya. Gustong gusto…
Bumaliktad siya hanggang nahulog ako sa ibaba at siya naman ang pumaibabaw sa akin. We both chuckled while trying not to break the kiss. Ganoon lang araw araw ang ginagawa namin sa umaga.
Bago magtungo sa aming destinasyon ngayon araw ay dumaan muna kami sa kompanya ni Lolo Rico. He likes South for me. Ang sabi niya pa nga, pag humadlang daw ang pamilya niya sa akin ay magsumbong agad ako. Iyon ang palagi niyang sinasabi sa akin dahil ayaw niyang alipustahin ako ng kung sino sino lang. Ipinaliwanag na nila Daddy sa kanya na mabait naman ang mga magulang ni South pero minsan hindi nakukumbinsi si Lolo.
“Lolo,” Hinalikan ko ang kanyang pisngi at inilapag sa kanyang mesa ang dala kong box of pizza.
“At saan na naman kayo maglalakwatsya?” tanong niya sa amin nang balingan niya rin si South rito sa loob ng kanyang opisina.
“Mangingisda kami, lolo,” natawa ako ng kaonti sa aking sinabi.
“And you looked so excited huh?”
Tumango ako, hindi maalis alis ang tingin sa kanyang kabuuan. He’s wearing a corporate attire while the wrinkles on his face were already visible. Matanda na talaga ito pero makisig paring tingnan.
“She’s always hyper,” si South.
“I’m happy when you’re spoiling her.” sabi ni Lolo na aking ikinanguso.
I am not spoiled!
“Ang hirap ring tanggihan,” kibit-balikat pa ni South.
Silang dalawa itong nag-usap sandali. Lola is not around. Ang alam ko, kasama niya na naman si Mommy at gumagala ang dalawa kasi girl’s bonding daw nila. I’m sure nasa salon sila with my other Lola too and Antie Andrea. Si Daddy na naman ang driver nila at bodyguard narin ni Mommy since my Daddy doesn’t want her to go out without him.
Nagpaalam rin naman kami kay Lolo after. Nakababa na kami sa lobby nang makasalubong rin namin ang lalakeng isa sa mga gusto kong bisitahin rito.
“Kuya!” My face lightened when I saw Kuya Toshi’s familiar figure. Nag-amba akong lumapit para sana yakapin ito kaso mas humigpit ang pagkakayapos ng braso ni South sa akin kaya hindi agad ako nakawala.
Nilingon ko siya at sinenyasan pero umangat lamang ang kanyang kilay, nagpapatay-malisya sa balak ko.
“What?”
“Yayakapin ko si Kuya Toshi,” sabi ko na ikinakunot ng noo niya.
“Ano ’yon?”
Si Kuya nalang ang mismong lumapit sa amin at naiiling pa. Ngumuso ako at sumuko sa planong humiwalay. Ang mga mata naman ni Kuya ay nalaglag sa braso ni South pero umakyat rin muli.
“Buti at napadaan kayo,”
“How are you kuya?” tanong ko para agawin ang mga mata niyang madalas mapunta kay South. Hindi ko alam kung okay na ba silang dalawa pero kalmadong tao lang naman si Kuya Toshi at hindi nagtatanim ng galit.
“Stress,” pag-amin niya base narin sa mga mata niyang naging ebidensya ng kanyang sinabi.
“Someone’s giving me a hard time,” he sighed and licked his red lowerlip.
“Huh? May babae kana naman dito?” natatawa kong sabi. “Eh ’di ba buntis iyong girlfriend mo sa Pilipinas?” tanong ko sa kanya lalo na’t isa iyon sa nakalap kong balita noong dumating ako. Kaya nga masyado na itong subsob sa trabaho dahil magkakapamilya narin. He’s doing this for their future, I guess…
Kuya Toshi is the serious type when it comes to relationship. Hindi ko lang talaga alam noon kung ano ang nagiging rason ng break-up niya sa iba niyang mga girlfriend pero nakakahanap rin naman siya ng panibago. But I’m glad he’s planning to settle in his life now after so many break-ups lalo na’t buntis na iyong babae at magkakaanak na sila. Akala ko kasi single talaga eh wala rin naman siyang kinukwento sa akin. Kung hindi ko lang narinig ang pag-uusap ni Ken at White tungkol roon sa kanyang babae na tinatago niya at recent girlfriend niya raw ngayon hindi ako magkakaroon ng ediya.
Sa aking binanggit ay iyon ang nagpalaglag ng kanyang mga mata sa aking tiyan. He even raised his brow.
“Ikaw rin naman ah? Ilang buwan na ba iyang tiyan mo?” tanong sa akin ni Kuya Toshi na ikinakunot ng aking noo. Napatingin ako kay South na kagat kagat na ang pang-ibabang labi at nilalaro iyon.
“Huh?” nagtataka kong tanong.
“You’re pregnant, right?”
“Buntis ba ako?” Napayuko na ako at tiningnan ang aking flat na tiyan. Last week nga lang ako dinalaw ng period ko eh. At wala pa iyon sa plano namin ni South.
“I’m still working on it. Baka rin ayaw niya pa.” si South na mismo ang sumagot na ikinaangat lalo ng kilay ni Kuya Toshi.
“So you tricked my cousins?” he sounds surprised pero kalmado lamang iyong binanggit dahil medyo lumakas ang kanyang boses.
“Sabi ko lang naman ay baka magbunga. Kung iyon ang inisip nila ay wala na akong magagawa.”
Kuya Toshi smirked. “Nasa dugo niyo pala talaga. Pamilyar sa akin ang ganyang strategy.”
Huh?
South just smirked and stroke his hair backwards. Takang taka naman ako sa pag-uusap ng dalawa. Close na ba sila masyado at sila lang ang nagkakaintindihan?
Isang babae ang kumuha ng aking atensyon habang nasa lobby kami. Si South at Kuya Toshi na ang nag-uusap kaya ako lang ang nakapansin sa kanya. Ba’t siya nandito?
“Irah!” tawag ko na ikinalingon rin nito sa akin. Her black sunglasses were intimidating. Parang itinatago niya ang madilim at misteryoso niyang mga mata sa pamamagitan rin ng itim. Ang tube na suot sa panloob ay masyadong maiksi at nakikita na naman ang kanyang pusod na pinaresan niya ng sweatpants sa pang-ibaba.
Nahinto narin ang dalawa sa pakikipag-usap at tiningnan ang babaeng naglalakad na patungo sa aming dako.
“Dito ka nagtatrabaho?” masigla kong tanong na ikinatango niya nang huminto siya sa aming harapan. She look so tall…
“You’re late,” matigas namang sabi ni Kuya Toshi sa kanya na ikinaangat lamang ng kilay ni Irah, nababahiran na ng dilim ang buong mukha.
“Pinuyat ako ng boyfriend ko.” tipid niyang sagot na ipinagsalubong ng kilay ni Kuya Toshi at may panibago ng yumayakap na expresyon sa mukha.
“Then be professional at least,” puno ng awtoridad na sabi ni Kuya Toshi na kahit ako ay ginapangan ng kaba para kay Irah. Ganito siya kaseryoso sa kanyang trabaho n kahit naging kaibigan naman namin ang mga Buenaventura ay naisasantabi niya iyon.
Imbes makaramdam ng takot katulad ko, marahan lang na natawa si Irah at nasuklay pa paatras ang buhok.
“Coming from you?” she said with full of mockery.
“Aalis na kami,” si South na ang mismong sumingit dahil hindi narin mahitsura ang mukha ni Kuya Toshi. Hindi na ito makalingon sa aming dalawa at kinuha na ata ni Irah ang buo nitong atensyon.
Tinanguan lang siya ni Irah saka ako iginiya ni South paalis sa harapan ng dalawa. Okay? That’s intense…
Noong nakasakay na kami sa kotse ay iyon ang naging topic ko kay South. Baka kasi may ediya ito lalo na’t nagkakaintindihan rin silang dalawa ni Kuya Toshi.
“Bakit iniisip ni Kuya na buntis ako? Iyon ang sinasabi mo sa mga pinsan ko?” mesyo gulat kong sabi.
“Doon ka rin naman patungo ah?” sagot niya.
“Pero hindi pa ako buntis.”
“Sa ngayon,”
Fine, I give up! Ang galing niyang lumusot! Kaya pala ang weird ni Ken! Kahit kailan talaga di ko mahulaan ang tumatakbo diyan sa utak niya.
Pinalakasan ko iyong stereo ng kanyang sasakyan at sinabayan ang kanta habang inaayos ang strap ng suot kong long dress na akma sa pupuntahan namin. Tanging slippers na nga lang ang aking isinuot para mas comfortable sa paa.
Kalmado lamang ang karagatan sa hapong iyon at katamtaman lang rin ang sikat ng araw. Napakapresko ng hangin na sumalubong sa amin nang tuluyan kaming makalabas.
Sa aking pagkamangha ay deri-deritso na akong tumakbo patungong dalampasigan at nagawa pang hubarin ang aking tsinelas para mas maramdaman ang napakapino at puting buhangin na naroroon. I spread my arms as I ran towards the waves. Noong malaki na ang sasalubong sa akin ay natatawa akong tumakbo pabalik sa aking daan.
Nameywang si South at hawak hawak na ang aking tsinelas habang may matamis na ngisi sa kanyang labi. Para itong naeengganyo sa kakapanood sa akin.
Tumakbo akong muli para salubungin ang hampas ng alon pero sa t’wing mararamdaman ko ang lamig sa aking paa ay kakaripas ulit ako ng takbo pabalik. Nabasa pa ang dulo ng aking dress dahil naabutan iyon ng alon.
Iyong huli kong pagbabalak na makipaglaro sa alon ay hindi na ako nakaalis at napatili nalang nang mahigpit akong niyakap ni South sa aking likod at ipinatili ako sa aking kinatatayuan. I shut my eyes harshly as I felt the cold water on my knees. Tumawa si South sa aking balikat na ikinahalakhak ko narin.
“Nabasa na tuloy ako!” Nilingon ko siya at naabutan itong naiwan ang matamis na ngisi sa kanyang malutong na tawa.
May panibagong malaking alon ang sumalubong sa amin at hinampas kaming muli. We both chuckled when the water splashed on our faces.
“Basa na ako!” Humarap ako sa kanya at itinago ang aking mukha sa kanyang dibdib.
“What do you want me to do then since you’re already wet…” tanong niya at humalakhak rin dahil sa pagsimangot ko.
“H’wag mo ngang dinudumihan ang utak ko…” Hinampas ko ang kanyang dibdib.
“So you’re thinking naughty stuff?” Walang ano-ano’y kinarga niya ako na nagpasigaw sa akin. Mabilis kong iniyapos sa aking mga braso sa kanyang leeg at iginalaw-galaw ang aking mga paa. Umabante naman siya para salubunging muli ang alon.
Ang dagat ay napuno ng tawanan naming dalawa. Pagkatapos naming maligo ay nagrent rin kami ng bangka para pumunta sa medyo malayong parte ng karagatan.
Panay na naman ang paghampas ng malamig na hangin sa aming dalawa ni South habang nasa gitna na kami noon. Suot ang isang life jacket, sinuklay ko paatras ang sumabog kong buhok at saka rin ibinalik ang pagkakahawak sa fishing rod.
“Wala naman ata e,” tiningala ko ang lalakeng nasa aking likuran. I am putting all my weight on his chest while he’s helping me to hold the rod.
“Meron ’yan,” Inadjust niya iyong hawakan at pinatili ang kamay niya roon. Ramdam na ramdam ko sa aking likod ang matigas niyang tiyan at walang suot na pang-itaas. Sa gilid ko naman ay iyong maliit na timba kung nasaan ang mga pang-akit niya sa isda para kagatin iyong pain. What if they’re not hungry?
Nilingon ko ang yate na hindi nalalayo sa amin. Naroon ang ilang lifeguards kung sakaling may mangyari man sa aming dalawa at for safety purposes narin daw sabi ni South.
“Baka nagbakasyon rin ang mga isda,” pagbibiro ko at humalakhak agad.
“Sa dami ng isda sa dagat, imposibleng wala tayong maakit kahit isa man lang.” saad niya at medyo natawa rin sa aking sinabi.
“Pero malay mo katulad ni Nemo ay busy rin sila sa paghahanap ng sarili nilang pamilya. Si Dory lang naman ang walang kamuwang muwang sa ibaba.” Sinilip ko pa ang lalim ng dagat kahit na alam kong imposible iyong maaabot ng aking mga mata.
Binitiwan ko ang pagkakahawak sa handle noong fishing rod saka ibinangon ang aking sarili. Nakasunod agad ang mga mata ni South sa akin sa bawat galaw ko.
“Careful,” hinawakan niya ang aking beywang habang gumagapang ako papunta roon sa gilid. Hawak niya ang dulo ng aking dress habang yumuyuko ako at inabot ang dagat.
Malamig ang tubig nang ilublob ko ang aking kamay roon. Ilang sandali lamang ay may nagsiahon na maliliit na isda roon.
“Tingnan mo!” Namamangha kong itinuro ang tubig at nilingon ang kanyang kinauupuan. Nakabukaka siya roon habang hawak hawak parin iyong fishing rod.
“Ang raming baby fish!”
He bit his lowerlip while watching me.
“Siguro pag nahulog ako sa pinakailalim makakakita ako ng mas malalaki pang isda.”
“Maybe,” kibit niya ng balikat at masyadong seryoso sa pangingisda. Kahit ako ay hindi nga sigurado kung may mahuhuli ba siya. We don’t have any fishing nets at umaasa lamang siya roon sa maliit na bitag niya. Napagtanto ko tuloy na sobrang hirap pala ng buhay ng mga mangingisda. Kami nga ay hirap sa isa sila pa kaya na doon inaasa ang hanapbuhay nila sa pang-araw araw.
Tinitigan ko siya ng ilang sigundo at napangisi na sa pumapasok sa aking utak. Nang mapansin niya iyon ay inangatan na ako ng kilay.
“What is it?” tanong niya.
“Bagay kang mangingisda, Architect…” I teased him using my soft voice.
Nailing siya at ngumisi, “get back in here. H’wag mo akong inaakit.”
Imbes pakinggan siya, humilig ako sa gilid ng bangka at ipinatong ang aking baba sa aking palad bilang suporta.
“Total mahilig ka namang sumisid,” sabi ko at natawa ng malutong dahil sa aking pinagsasabi. He’s giving me dirty thoughts when I’m with him!
He bit his lowerlip as my eyes settled on his hair. Pinaglalaruan iyon ng hangin at sumasayaw sa ere. Siguro kaya hindi gaanong mainit ngayon dahil inagawan niya na ng trono ang araw.
Naibalik niya ang tingin sa gumalaw na hawak niyang fishing rod. Kahit ako ay napunta narin sa tali ang buong atensyon.
“Oh shit!” mabilis niyang hinila sa ibang direksyon iyong fishing rod at mukhang nakahuli na nga.
Iyon ang nagpatayo sa akin at natatarantang lumapit sa kanya. I wanted to help and pull the rod too but looks like he can do it in his own strenght.
Mabilis na ang pagpapaikot niya roon sa handle para tuluyang umangat ang tali. Kumalabog narin ng husto ang aking dibdib at nacucurious sa laki ng isdang nahuli niya. What if it’s a shark? That’s impossible, Nana!
“Malapit na…” bulong niya at inangat ang fishing rod saka mas binilisan ang pagpapaikot noong handle. I was so excited that I didn’t even bother to blink. Nag-iisip na ako ng pwedeng gawin sa isda. Pero may parte rin sa akin ang naaawa at gusto itong ibalik sa dagat kaysa akuin at alagaan.
Tuluyang umangat iyon hanggang sa nakita ko ang kanyang nahuli.
“Anong klaseng isda ’yan?!” Nagtataka kong tanong nang hindi ko iyon mapangalan dala narin ng puso kong humahataw sa pagkakamangha.
Kinuha iyon ni South. Doon lamang rumehistro sa aking utak kung ano ang bagay na iyon nang makahulugan na ang tingin niya sa akin.
Sa kanyang pagkakaupo, dahan dahan siyang lumuhod sa aking harapan. Umihip ang malamig na hangin na ikinatindig ng aking mga balahibo kasabay ng paggalaw ng aking suot na dress na kahit ang aking mga buhok ay ganoon narin. Para silang nagwawala hindi lamang dahil sa hanging pinaglalaruan kundi dahil sa ginagawa ni South.
D-Did he planned everything? I-Ibig sabihin umaakto lang siyang nangingisda?!
“I got so hooked on you that I want you to be with me forever. Yes, there are plenty of fish in the sea, but baby, you got my bait and there’s no way in hell I will set you free…” Binuksan niya ang box na kahit basa ang pagkakalublob sa dagat ay hindi naman naapektuhan ang loob.
In his teary eyes, he smiled at me with so much love as I covered my mouth. Tuluyang nanghapdi ang aking mga mata at sa nanglalabong paningin, sa imahe niyang nakatingala sa akin, sa gitna ng dagat, sa loob ng bangka, sumabog ang samo’t saring emosyon sa pagbigkas niya noon.
“Cana Aleyna Delafuente, Will you be with me for the rest of your life? Will you…” He bit his lowerlip and looked at me sincerely. “Will you marry me?”
Nagpaligsahang tumulo ang aking mga luha habang sunod sunod na ang tango na aking nabitawan. My shoulders starts to rock slowly as I stared at the diamond of the ring and eyed him again.
“Y-Yes… Gustong gusto kong m-maging asawa mo, South… Gustong gusto…” paulit ulit kong sabi at ibinigay ang aking kamay.
He held my hand with so much gentle as he slowly insert the ring on my ring finger. Kapwa kami tumawa sa kabila ng aking pag-iyak at sa mga mata niyang nanlalabo dahil sa tuwa.
“Damn,” he breathe deeply.
Ngayon ko lang nakitaan ng kislap ang kanyang mga mata. In the light of the sun, South’s eyelashes are sparkling because of the tears that he’s holding back.
I am not expecting he will propose to me in the middle of the sea! Ang buong akala ko ay gusto niya lang mangisda. Gosh, Buenaventura… you’re really unpredictable.
Pagkatapos niya iyong ipasok sa aking daliri ay niyakap niya agad ang aking mga binti at ibinaon roon ang kanyang mukha. Naramdaman ko ang pagkabasa ng aking balat at ang mahabang hiningang pinakawalan niya. Lumuhod narin ako para makapantay siya at niyakap ito sa kanyang balikat. I buried my face on his shoulder as I cried with tears of joy. Abot langit na ang nararamdaman kong ligaya at walang mapaglumparahan ng sayang nararamdaman.
Maybe, there are bait in life that were destined to hook you. Na kahit makawala ka man, kahit makalayo ka man, sa oras na hinila na ng tadhana ang lubid na nag-uugnay sa inyong dalawa ay magtatagpo parin kayo. Kung ito man ang kabarayan sa pagkagat ko sa paing iyon, handa akong magpahuli at makulong sa kanya buong buhay. Handang handa…

