Hacienda del Salvador
iamtheskywalker · 37 chapters · 103,375 words
Recordatorio
Palala
Ang istoryang ito ay gawa lamang ng aking malikot na isipan. Ang mga karakter, personalidad (dead or alive), lugar, at mga pangyayari ay hindi totoo.
Ang istoryang ito ay bxb o m2m, istoryang tungkol sa dalawang lalaking nag-iibigan.
The right to this story is all reserved to the author. Any part of this story is prohibited to be republish.
©️iamtheskywalker
Maraming Salamat po.
Isang binatang pinangarap na umahon sa kahirapan, binatang ginawa ang lahat ng makakaya, pero isang pagsubok ang dumating. Bigo syang makapasa bilang isang agriculturist. Sa hindi ina-asahang pagkakataon, ito pa pala ang mag dadala sa kaniya sa lugar kung saan hindi lamang sarili niya ang kaniyang makikita kundi pati ang mga taong babago sa kaniyang buhay.
Mapapadpad sa isang hacienda, haciendang susubok sa kaniyang tatag ng isip at puso. Samahan siya sa kaniyang paglalakbay, tuklasin ang kaniyang sarili sa, Hacienda del Salvador.
Apat na lalakeng hangad ang kaniyang pag-ibig. Sino ang pipiliin? Kanino titibok ang kaniyang puso? Abangan…
UNO: Si Gabriel
Ako si Gabriel, bente uno anyos, may taas na 5’5, may katamtamang kapayatan ang katawan, maputi at makinis, may itsura din naman, well- sabi ng mga tao, naniniwala nalang ako sa sinasabi nila tungkol sa akin. Kung makikita mo ako, iyan ang mga masasabi mo.
Isa pa sa higit na pinupuna ng mga tao sa akin ay ang aking mga mata, sabi nila ang aking mga mata ay sumasalamin ng katapangan, walang inuurungan, ngunit sa kabila nito ay mapapansin mo rin na parang may isang anghel na nakakulong rito sapagkat napakabait ng mga ito, basta- ang hirap ipaliwanag, in-short matapang pero mabait, yun na yun.
Kung ano ang makikita mo sa aking mga mata ay yun rin ang aking personalidad, matapang, minsan nga sobra pa eh, pero mabait din naman ako, minsan haha. Mabait ako sa mga taong mabait rin sa akin. Naniniwala kasi ako na ang kabutihan ay hindi para sa lahat, kundi para lamang sa mga taong deserving nito.
Nang ma-satisfy na ako sa aking pag-aayos ng sarili at konting ayos na lamang ng aking buhok ay umalis na ako sa harap ng salamin. Lumabas na ako ng inuupahan kong apartment at siniguradong naka-lock ito.
Pagkalabas ko ay bumungd sa akin ang mga kapitbahay ko, halo-halong amoy ang aking nalanghap, usok na sigarilyo, kape, at alikabok galing sa nagwawalis ng kanilang mg bakuran. Makikita rin dito ay mga batang naglalaro, wala na kasing pasok at summer na ng mga bata.
Medyo magulo lang itong lugar namin, medyo maingay rin pero sanay naman na ako eh. Lumakad na ako papuntang kanto, medyo malayo pa naman iyon kapag nilalakad lang, mga limang minutong lakaran din.
Ako ay papunta na sa aking trabaho bilang tagaluto slash tindera slash barista ng isang food cart. Ito ang bumubuhay sa akin simula nung naging 18 ako at pwede nang magtrabaho.
“Ang ganda naman ng bungad ng umaga ko; si Gabriel”
“Hi Gabriel!”
“Oh, Gabriel! Ang aga aga eh nag susungit na naman yang mukha mo”
“Oo nga, hindi bagay sa magandang mukha mo yung sungit, pero minsan bagay rin naman hahaha”
Bati ng mga tambay sa akin dito sa aming lugar, medyo masikip dito, magkalapit lang kasi ang mga bahay, at magkakilala lahat ng tao. “Tse! Tigilan nyo nga ako. Hindi ako nag susungit, sadyang ganito lang talaga mukha ko, nakakapagod kayang ngumiti no, lalo pa’t kayo ang kaharap ko” sabi ko saka ako napangisi.
“Ouch naman.” sabi pa ni Kuya Robert sabay hawak sa dibdib at umaaktong nasaktan talaga, isa siya sa mga tambay rin na sa labas ng bahay nila nag kakape, ginawa na ata nalang hobby ang pagbati sa akin tuwing umaga. Ayos naman sila, mukhang tambay talaga pero maaasahan naman yang mga iyan.
“Ingat ka Gabriel!” sabi ni Kuya Kadong, yung nagsabing hindi bagay sa akin ang mag sungit. Tinanguan ko lang sila at pinagpatuloy na ang aking paglalakad. Habang naglalakad ako ay napansin ko ang mga nagkukumpulang mga nanay sa isang tabi, malamang may tsismis na naman. Naku talaga tong mga kapit-bahay ko ano.
“Pst pst. Ano na naman yang pinag-tsitsismisan ninyo? Ginawa nyo talagang agahan iyang mga tsismis nyo no” sabi ko at lumapit sa mga ito para makinig sa bago at mainit-init pang balita.
“Hay nako Gabriel, alam mo na ba, si Aling Chona, yung sa kabilang kalye?” sabi ni te Jona, dakilang marites sa aming lugar. “Oh bakit? Anong nangyari?” panguusisa ko pa. “Yung anak nya, naku! Buntis!” sabi naman ni Lisa with matching emotions at actions pa.
“Talaga? Eh ang bata pa nun ah, ilang taon pa nga yun, 18?” “16 kamo” sabi naman ni Aleng Gina, isang dakilang tsismosa rin, may tuwalya pa sa harapan, halatang wala pang suot na bra at lumabas talaga para lang makipag tsismisan. “Ganun ba, kawawa naman yung nanay.” “Naku, sinabi mo pa Gabriel.” Yun lang at nagpaalam na ako. “Sige dito na po ako.”
Lakad na naman ang ginawa ko nang may busina akong naririnig sa likod ko, hindi ako lumingon syempre, ilang sandali pa ay nasa tabi ko na ang motorsiklo na pinaggalingan ng busina, “Gabriel, tara hatid na kita sa kanto, papunta na din naman ako dun.” Si Pako pala. “Okay” saka ako sumakay sa motorsiklo niyang DT, yung parang pang trail. Napakaingay nga lang nito at masakit sa tenga, pero hindi na ako nagreklamo pa at nakikisakay lang naman ako.
“Salamat ah,” sabi ko kay Pako saka ako bumaba, “Nako wala yun” sabi niya ng nakangiti. Hindi naman halata na may gusto sa akin ito ano. Matagal nang nagpapa-pansin sa’kin tong si Pako, minsan nga sinusumbong pa ito nung mga tambay doon na may crush nga daw ito sa akin.
Hindi ko nalang pinapansin, wala kasi akong oras para sa mga ganiyan. Pansin ko rin naman na sumusingkit ang kaniyang mata at pumupula ang kaniyang pisngi sa tuwing nagkikita kami, may pagka-mahiyain lang talaga itong si Pako.
Amoy ko na agad ang usok ng mga sasakyan nang makarating ako sa gilid ng kalsada sa may kanto namin. Pumara na ako ng jeep nang may nakita ako. Nakipagsiksikan ako sa mga taong napaloob nito.
Agad naman akong nakarating sa pinag-tatrabahuan kong Food Truck, naka pwesto ito sa isang parke dito sa aming siyudad. Medyo marami ng tao ang bumibisita dito, mayroon ding mga nag jojogging at nag zuzumba.
Pagkapasok ko sa loob ng food truck ay agad akong naglagay ng apron at hairnet. Naabutan ko naman doon si Jenny, dalawa kaming na shift ngayon.
Pinapahigpit ko sa kaniya ang aking apron sabay bati dito ng kamusta, nang ramdam ko na ang tamang higpit nito ay pinatigil ko na siya.
Magkaibigan na kami nito, pero konti lang silang mga kaibigan ko dahil hindi ako mahilig makipagkaibigan tsaka wala rin masyadong nakikipag-kaibigan sa akin dahil nga sa RBF ko o Resting Bitch Face.
Mahalaga sa akin ang trabahong ito kaya ay pinag-bubutihan ko talaga. Kapag nasa trabaho na ako, nag-iiba ako ng personality, yung jolly at approachable, malayo sa tunay kong ugali, para ganahan naman yung mga costumer namin.
“Welcome to Tasty Truck Sir! What is your order po?” “Hi, uhm can I order you?” sabi nito with matching smile. Gaya ng sabi ko, wala akong time sa ganito, at isa pa, I get this a lot, people saying na ang ganda ko o ang pogi ko.
“Sorry sir, you can’t afford me po” biro ko sa customer, “Bakit, magkano ka ba haha” ganti nito. “Sir mag-oder nalang po kaya kayo ano.” “Haha, yung americano, large size, and the breakfast sandwhich.” “I will give your order at your table right away when it’s done sir.” Magiliw kong sabi dito.
“Ganda mo talaga beshy, pati customer gusto ka ng orderin hahahaha” pagbibiro naman ni Jenny. “Kung jinowa mo lahat ng mga ganyang costumer, panigurado isang-libo na sila.”
Ngiti lang ang ganti ko dito habang ginagawa ang order nung costumer. Aking in-on na ang coffee machine at nang nagsimula na itong maglabas ng kape ay madadala ka sa matapang na amoy nito at sinamahan pa ng malamig na hangin sa umaga. Humahalo na rin ang amoy ng ham at itlog na aking iniluluto sa kalan, rinig na rinig ang pag sizzle ng mga ito.
Nang matapos itong maluto ay iniisa-isa ko ng pinagpapatong ang mga ingredients ng breakfast sandwich .
Ganito na talaga ako, hindi ako masyadong palasalita, itinatago nalang ang mga sasabihin ko sa sarili ko nalang, sanay na ang mga tao sa akin. Habang nagluluto ako ay may dumating na isang customer at inasikaso naman ito ni Jenny.
Pagkatapos kong naibigay ang order nung costumer sa mesa ay humirit pa ito ng FB account ko daw pero hindi ko naman ibinigay tsaka hindi ko rin naman masyadong ginagamit iyon eh.
Dumagsa na nga ang mga customer at naging busy na kami parehas. Kadalasang mga customer namin ay mga bumibisita ng park at mga empleyado ng mga kumpanya malapit dito.
Nang mag aalas singko na ay dumating na ang ka switch namin ni Jenny, sina Andrew at Cherry, “Naku kahit pagod bakit ang fresh mo pa rin Gabriel?” tanong ni Cherry, “Echos mo Cherry” “Totoo kaya Gabriel” “Naku dumagdag ka pa talaga Andrew.” Nagtawanan lang kami. Ilang sandali pa ay naghiwalay na kami ng landas, magkaiba kasi kami ng dinadaanan ni Jenny.
Tahimik lamang akong naglalakad patungong exit ng parke doon kasi ako sasakay pauwi sa amin.
Kailangan ko ng umuwi at magrereview pa ako. Kaka-graduate ko lang sa kursong Agri-Business Management sa isang pampublikong unibersidad dito sa amin. Kasalukuyan akong nagrereview para sa nalalapit na board exam sa susunod na buwan.
Grumaduate ako bilang Cum Laude, naitaguyod ko ang aking pag-aaral dahil wala naman akong binabayaran sa eskwelahan sadyang ang pangaraw-araw ko lang talaga ang aking pinoproblema.
Kung naitatanong ninyo kung bakit hindi ko na ikukwento ang magulang ko, yun ay sa dahilang wala na akong mga magulang. Palipat-lipat ako sa mga kamag-anak namin pero nung nag dise-otso na ako ay nagpasya na akong bumukod, magtrabaho, at pag-aralin ang sarili ko. Ngayong graduate na ako ay pagtatrabaho at pagrereview nalang ang pinagkaka-abalahan ko.
Nakarating na nga ako sa Exit slash Entrance ng parke at bumili ng ulam sa may karinderya. Kilala ko ang tindera dito, si ate Tess, mabait siya, at laging may pasobra ang mga binibiling ulam sa kaniya kaya dito talaga ako madalas bumili ng ulam dahil masarap din dito. Pagkatapos kong makabili ay sumakay na ako ng jeep.
Habang nasa jeep ay napapaisip ako. Kaya ako nga Agri-Business ay dahil pangarap ko talagang magkaroon ng Farm Resort o kaya ay Hacienda, sa probinsya, malayo sa magulo at masikip na siyudad. Ngunit kailangan ko munang makapasa sa Licensure Examination for Agriculturist. Sana nga lang at makapasa ako dito, para mapatunayan ko na hindi ako ganda lang, eme.
Nakarating na nga ako sa may kantonamin at bumaba na ako ng jeep. Sa may tindahan ng kanto ay nakita ko si Pako, nakaupo sa motorsiklo niya, at nang makita niya ako ay tumayo sya at kunwaring may binibili sa tindahan, napangiti nalang ako sa inakto niya.
Lalakad na sana ako ng tawagin niya ako. “Gabriel, sakay ka na sa’kin, pauwi na rin ako.” “Sayo talaga ako sasakay ah, hindi sa motorsiklo mo, tsaka hindi naman masiyadong halata na hinintay mo talaga ako ano.” Napakamot nalang siya ng batok sa tinuran ko, nahiya pa ang ulol.
Sumakay na nga kami sa motorsiklo niya. Ito si Pako, gwapo naman ito, moreno tsaka mabait, tambay oo, pero may trabaho naman ito, sa construction kaya malaki ang katawan nito. 24 taon na ata siya. Kaso nga lang ay torpe, pinagtatawanan na nga siya ng mga kapit-bahay namin eh kasi alam na ng lahat na may gusto siya sa akin pero hindi niya pa rin inaamin sa akin ng harapan.
Pero sa tingin ko ay alam niya rin na wala siyang pag-asa sa akin, hindi naman sa wala ano, pero sadyang ayaw ko lang talagang magkajowa pa kasi parang hindi pa ko handa at wala akong panahon para dito. Kaya naman itong si Pako ay sumusimpleng hokage moves nalang, natatawa na nga ako minsan eh.
Nang malapit na nga kami sa bahay ko ay napuno ng kanchaw si Pako, parang mga kitikiti itong mga kapit-bahay namin. Parang niihi na sa kilig.
“Uy! Si Pako, dumidiskarte na kay Gabriel oh” Natatawang saad ni Mang Robert. Huminto na ang motorsiklong sinasakyan namin sa harap ng bahay ko, agad naman akong nagpasalamat sa kaniya. Ngiti lang naman ang naging ganti niya at pumasok na ako sa loob ng aking bahay.
Matapos kong nakapaghanda ng aking hapunan ay kumain na ako at pagkatapos ay naligo na rin. Nang matapos na ako sa aking mga ritwal ay inilabas ko na ang aking mga libro ng sa gayon ay maumpisahan ko na ang aking pag-rereview.
Same old routine, paikot-ikot lang ang buhay ko, boring at walang kakulay-kulay. Wala rin akong social life kasi nga wala akong masyadong kaibigan tsaka ayaw ko na ring gumala pa kasi gastos lang yan at wala naman akong maraming pera ano.
Kahit ganito lang ang buhay ko ayos lang naman ako. Masaya? Hindi ko alam eh. Basta ang alam ko lang, kailangan kong pumasa sa board exam at doon ko sisimulang babaguhin ang buhay ko.
Pag makapasa ako, magtatrabaho ako sa malaking agriculture company o kaya sa government agency. Tapos noon, mag-iipon ako ng maraming pera saka ako mag tatayo ng sarili kong business. Tapos yayaman ako at magkakaroon ng magandang buhay.
Iyan ang mga lumalabas sa aking isip habang ako ay nagrereview kaya naman mag sumigla at sinipag pa akong magbasa.
DOS: Choque a Primera Vista
Crash at First Sight
Gabriel
Alas otso nang ako ay umalis ng aking bahay, ganoon pa rin, palaging sinasalubong ng mga kapit-bahay ko. Nang makarating ako sa aming kanto ay agad akong sinalubong ng mausok na kalsada, sumakay ako ng jeep patungog eskwelahan, may aayusin kasi akong mga papers para sa paga-apply ko sa board exam.
Nang huminto ang aking sinasakyang jeep sa harapan ng aming paaralan ay bumaba na ako. Tumingala ako at binasa ang pangalan ng paaralan. Unibersidad ng Pilipinas, ang aking naging tahanan sa loob ng apat na taon ko sa kolehiyo. Dito ko natutunan ang lahat ng hirap ng pag-aaral, puyat, gutom, pagod, lahat lahat na. Pero hindi ko maitatanggi na ito rin ang humulma ng aking pagkatao at kung paano ako gumalaw sa mundong ito. Sinubok ako nito at pinatatag.
Papasok na sana ako sa loob ng gate habang ina-alala ang aking mga naging karanasan sa paaralang ito ng may bumangga sa akin mula sa likod dahilan ng aking pagkakahulog sa kalsada. “Ouch, tang*na naman!” pagkasabi ko habang dinadamdam ang sakit ng aking katawan na lumagapak sa sementong kalsada. Masakit talaga lalo na yung kamay ko na ginamit kong pangtukod para saluin ang aking bigat.
“Hala sorry!” sabi nung lalaking nakabangga sa akin sabay alalay sa akin na makatayo. “Sorry, sorry talaga.” Tumayo naman ako at pinagpag ang aking nadumihang damit.
Tumingala ako at dito ko nasilayan ang mukha ng taong nakabangga sa akin. Napatigil ako at matagal na pinagmasdan ang napaka-gwapo nyang mukha, lumakas ang tibok ng dibdib ko at parang umiinit ang aking pisngi. Para siyang isang modelo, napaka-tapang ng mukha, yung masungit na may pagka-badboy yung datingan, ang ganda ng mga kulay tsokolate nyang mata, bagay na bagay sa kaniyang golden tanned skin, matangkad din siya at malaki ang katawan.
Nang rumihestro sa akin na parang nag-iiba ang kaniyang emosyon at napalitan ito ng pagtataka marahil sa aking pagtitig ng matagal sa kaniya ay inayos ko na ang aking sarili. Umubo pa ako para maibsan ang medyo akward na atmosperang nakapalibot sa amin. “Sorry.” paghingi ng tawad ulit nung lalake. Dito ay naalala ko na naman ang ginawa niyang pagbangga sa akin. Agad na tumapang ang itsura ng mukha ko. “Sa susunod kasi, tumingin ka naman sa dinadaanan mo.” May inis akong lumayas sa harap ng lalaki at dumiretso na ng pasok sa gate.
Nasira na tuloy ang pagmumuni ko, hays magdadrama pa naman sana ako. Nang makapasok na ako sa loob ay sinalubong ako ng malamig na hangin, mapuno kasi dito banda kaya malamig ang hangin at may silong. Dito ako madalas na tumatambay, minsan sa bench minsan naman sa damuhan sa ilalim ng puno. Madalas akong mag-isa kasi nga hindi ako mahilig makipag-kaibigan, may sumusubok naman na makipag-kaibigan sa akin pero ’di na rin nila pinipilit kapag nararamdaman nila na ayaw ko talaga. Binabati na lang nila ako sa tuwing magkikita kami, halos lahat ng mga kaklase ko ganoon, binabati ko na lang rin sila pabalik.
Apat na taon kaming nagsasama ng mga kaklase ko pero sa loob ng apat na taong iyon ay hindi ko talaga sinubukang makipag-kaibigan, ewan ko ba, ’di ko rin alam kung bakit ako ganito, ’di ko na lang rin pinipilit ang sarili ko, at nakikipag-usap lang ako sa kanila kapag kailangan. Sa apat na taong rin iyon ay hindi lamang ang nakikipagkaibigan ang sumubok sa akin kundi pati na rin ang pakikipag-ibigan, kesyo ang ganda ko raw, ang sarap titigan ng mata ko, ang kinis ko, tahimik lang daw ako, matapang, pero lahat sila basted. Para sa akin kasi ay pag-aaral ang pinunta ko dito sa UP at hindi ang makipag date. Yun ang naging buhay ko dito sa loob, oo masasabi ng iba na boring ng buhay ko, walang kulay, eh sa ganoon na talaga ako eh, wala na silang magagawa doon.
Lumakad na nga ako at dumiretso na sa administration building. Pagkapasok ko ay inalam nung guard ang kukunin ko saka niya ako binigyan ng number at pinapasok sa loob para pumila na. Weekdays ngayon kaya naman ay maraming mga estuduyante dito na kumukuha rin ng mga papers nila.
I was just sitting here when someone sit beside me. I didn’t look at him nor bothered by his presence, not until he speaks “Let’s have lunch together” “Ayoko nga. Hindi naman kita kilala no.” Reply ko sa kanya. Sino ba to at ba’t nag-aaya ng lunch. “Wait, Javier” bigla niyang sabi, “Are you talking to me?” baling sa akin nung lalake. Shocks ’di pala ang kausap niya huhu, pa’no to nakakahiya. Humarap ako sa kaniya para sana ay humingi ng tawad, pero parehas na nagulantang ang kaluluwa namin ng rumehistro kung sino ang kaharap namin. Yung gwapong lalake na bumangga sa akin kanina! “Hmp!” inirapan ko siya at ibinaling sa harap ang tingin ko. “I’ll call you later Javier.” Dinig kong sabi sa kausap niya sa phone.
“Hey, I’m sorry pala kanina.” Sabi niya sa akin. Tumingin naman ako sa kaniya at ramdam ko naman na sincere siya sa paghingi ng tawad kaya naman I lowered my guard and accepted his apology. “Fine, apology accepted.” He smiled. Ang cute nung smile niya shocks, ang manly kasi ng features nya tsaka ang perfect nung teeth niya. Ano ba to, why am I adoring him?
“I’m Alejandro by the way.” he offered his hand to me which I hesitantly accepted but did anyways. “Gabriel.” Yun lang at tumayo na ako para pumunta sa harap dahil nakita kong ako na pala ang susunod. Sinabi ko sa registrar kung ano ang kailangan ko at ilang sandali pa ay binigay na ito sa akin and I did my payment. After ay umalis na ako. Napatingin ako doon sa lalake, kay Alejandro sa pwesto namin kanina, at napatingin din siya sa akin, kumaway siya at ngumiti sa akin, agad naman akong pinamulahan ng mukha at tanging tango nalang ang aking nasagot at umalis na.
“How could God create such a fine human being?” sabi ko sa sarili ko.
It was 10 a.m nang makarating ako sa Tasty Truck para mag start ng shift ko. Hindi pa gaano karami ang aming mga customer pero meron naman ring iilan. Dito sa tasty truck ay nagooffer kami ng foods depende sa time, merong kaming different menu for breakfast, lunch, and dinner. Also meron ding yung pang all-time such as coffee, cakes, and other snacks. Actually malaki ang pwesto namin dito, meron kaming a total of 15 table sets. Malaki din ang aming truck mismo, kasya lahat ng aming mga supplies, equipments, and storages. If ako ang customer ay pipiliin ko rin talagang kumain dito, ang ganda kasi ng ambiance ng place, cozy at very calming, may malalaking puno pero balanse rin ang lilim at ang sinag na araw, at night naman ay meron kaming mga lights na usually makikita sa mga food parks.
A cozy music was played in the background, dumiretso ako sa loob ng truck at nagpalit ng aking apron at hairnet, nag batian rin kami ni Jenny, at usual din, tumatalak na naman ang gaga. I was doing a coffee order when someone caught my attention, A sriking tall man, walking like a model, dressed in a brown polo shirt paired with white pants and same color shoes. Umupo sya sa isang table namin and called someone on his phone. I was dazzled pero agad kong ibinalik ang atensyon sa aking ginagawang kape. ’Di ko inakala at napansin pala ako ni Jenny. “Crush mo te?” makahulugan niyang tanong sa akin. “Tumigil ka nga.” Tinawanan lang naman ako ng babaita.
Bumaba ako sa truck para ihatid ang coffee order ng isang customer. Pagkalapag ko naman ng order sa kaniya ay tinawag ako nung gwapong lalake. “Yes sir” sabi ko sa kaniya with all smiles nung makarating ako sa table niya. Ang gwapo nya talaga sa malapitan, ang kinis at ang puti niya, napaka-aliwalas ng aura niya. “Can I get an iced tea please.” gosh ang cute nung smile nya. Tumango naman ako at tumalikod na para mag prepare na ng kaniyang iced tea. Pagka-akyat ko ay napansin pala ni Jenny yun kaya ayun parang kinikilig pa, napangiti na rin ako. Ilang sandali pa ay bitbit ko na sa tray ang iced tea niya with straw and lemon. “Uh, thank you…” parang sinisipat niya ang name plate ko at nang mabasa niya ito“…what’s your name..? Gabriel“ “Welcome po sir” agad ko namang sagot at tumalikod na para di niya makita ang namumula kong mga pisngi.
It was near eleven nang dumagsa ang mga customers namin. Busy kaming dalawa ni Jenny sa pag make ng order habang ako naman ay kumukuha ng order at naghahatid nito at tinutulungan ko rin si Jenny sa paggawa nito. Habang nasa isang table ako at kasalukuyang kumukuha ng order ay napansin kong may kasama yung pogi kanina, at parang familiar ang suot nito ngunit hindi ko lang makita ang mukha kasi naka talikod ito sa akin. Matapos kong makuha ang order ng customer ay sinenyasan naman ako nung pogi na pumunta sa kanila. Habang papalapit ako ay rinig ko ang sabi ng kasama niya. “Bro I saw a cute guy kanina, name’s Gabriel, medyo masungit lang siya pero cute pa din” bakit parang pakiramdam ko ay ako ang tinutukoy nito, at aha! Familiar nga yung lalake, Si Alejandro!
“Oh, hi Gabriel!” pagbati sa akin ni Alejandro. “You know him kuya?” tanong nung isang pogi. “Siya yung tinutukoy ko sayo Javier.” Ah Javier pala ang pangalan niya, at kung ’di ako nagkakamali ay siya yung kausap niya kanina sa telepono. They share the same eye contact na parang nag-uusap sila. “Hello po mga sir! Are you ready to order na po ba?” all smile kong sabi sa kanila na parang bago kong personality kabaliktaran ng ipinakita ko kay Alejandro kanina. “ I will have chicken sandwich, ceasar salad with garlic ranch and lemonade. What’s your’s kuya?“ sabi ni Javier. “I will have a slice of pepperoni pizza, carbonara, and caramel macchiato please.” Inilista ko naman ang mga order nila at tumalikod na sa kanila. Rinig ko namang sinabi ni Javier sa kuya nya na siyang dahilan ng pagkapula ng mukha ko. “Cute indeed.” Ahh cute ko daw haha, parang kinilig naman ako pero agad ko naman itong binawi para di ako halata.
Pagka-akyat ko sa truck ay bumungad sa akin ang usok na amoy masasarap na mga pagkain. Binigay ko kay Jenny ang listahan ng mga inorder nung customer bago sila Alejandro at sinimulan ko nang gawin ang order nila Javier, sinimulan ko ito sa pag-iinit ng pizza sa oven at pagpiprito ng chicken fillet, habang inaantay na matapos iyon ay nilagay ko na ang sauce ng carbonara sa pasta at hinalo ito, naglagay na rin ako ng salad dressing at garlic ranch sa naka prepared nang fresh veggies sa ref for the ceasar salad. Kumuha na rin ako ng lemonade galing sa ref at isinalin ito sa baso, pagkatapos ay binalikan ko ang pinipritong manok at nang makita okay na ito ay inihanda ko na ang chicken sandwich. Kinuha ko na rin ang ang nakasalang na pizza sa oven, nilagay ko itong lahat sa dalawang tray na nakapatong sa lamesa saka ito inayos ang plating presentation saka nilagyan ng mga garnish. Coffee ang huli kong ginawa. Nang maayos ko na ang mga order nila ay binitbit ko muna ang order ni Javier, at isinunod ko ang kay Alejandro.
“Thank you Gabriel” sabay na sabi nalang dalawa sa akin ng mailapag ko na ang mga order nila sa kanilang mga table. “Anything else sir?” “No this is all, thank you.” tinanguan ko naman si Alejandro tsaka ako umalis para hayaan silang makakain at para magbigay ng mga order sa iba pa naming costumer.
Ngayong wala na akong schooling ay day-shift ako, pero noong nag-aaral pa ako ay night-shift talaga ako palagi, ang pinaka-busy naming time talaga is lunch pero dahil na prepare naman na namin ang mga foods at most of our foods here talaga ay ready to cook at ready to serve kaya hindi gaano katagal naghihintay ang mga customer namin for their food, pero since dalawa lang kaming nakatoka ay hindi pa rin kami kasing bilis ng ibang fast food restaurant kasi nga dalawa lang kami.
Makalipas ang ilang balik ko sa pagkuha at pagbibigay na order ay medyo humuhupa na ang mga costumer at nag bibigay nalang ako ng mga bills. Napunta na nga ako dito sa table ng magkapatid at hiningi nila sa akin ang kanilang bill, agad naman nila akong binayaran at syempre ay binilang ko muna ito pero pansin kong sobra ito ng isang libo, “Ah sir, sobra po ata ng isang libo itong binigay nyo po” “No, that’s your tip.” sabi ni Javier na inagreehan naman ni Alejandro. “Ah sure po ba kayo, parang ang laki naman po ata nito.” dagdag ko pa. Ilang salita pa ay napapayag na nga nila akong tanggapin ang regalo nila na siyang pinasalamatan ko naman ng marami. Umalis na nga sila at parang may aasikasuhin pa ata.
“Ang gwapo na nga, ang generous pa.” Ang nasabi ko nalang habang nilalagay sa bulsa yung tip. Laking tulong na rin ito ano.
TRES: Solo un Amigo
Just Friends
Gabriel
Maaga akong nagising, ngayong araw na nga mangyayari ang bagay na pinaghandaan ko ng ilang buwan, ang araw ng LEA. Licensure Examination for Agriculturist ang exam na pinangarap kong ipasa sobrang tagal na. simula first year college pa. Ang LEA ay anim na araw na pagsusulit, bawat araw ay magka-iba ang mga subject.
Kasalukuyan akong nag-aayos ng higaan ko ng mapahinto ako sa aking ginagawa dahil sa isang kaisipan, paano kung hindi ako makapasa? Natigilan ako at napa-upo sa kama ko. Hindi naman siguro, labis-labis na nga ang pagre-review ko tsaka isa pa, cum laude ko, nararapat lamang na makapasa ako. Sana nga ay umayon sa akin ang tadhana at ibigay sa akin ang bagay na matagal ko nang pinangarap.
I get a hold of my self and started preparing. Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa kusina para magsaing. Maliit lang ang bahay ko pero kumpleto naman. Mayroon akong kwarto at dito nakalagay ay isang kama, cabinet, at electric fan. May konting space pa para madaanan. Meron din akong sala na may mga upuan at may lumang tv, mayroon ding maliit na coffee table. Sa kusina naman ay ang lababo, lutuan, at isang 2 chaired-table. Mayroon din akong CR dito sa loob.
Habang inaantay ko ang aking sinaing ay nagluto ako ng itlog at tuyo. Amoy na amoy sa buong kusina ang masarap at maalat na amoy ng tuyo. Nagpa-init na din ako ng tubig para makapag-kape. Nang matapos akong nakapagluto ng ulam at pakulo ng tubig ay naligo na ako. Alas 7 pa ng umaga kaya ay medyo may kalamigan pa ang tubig pero ay tiniis ko nalang. Medyo sanay na rin naman ako sa malamig na tubig pangligo kasi naman minsan meron akong alas 6 sa umaga na klase noon.
Matapos akong maligo ay ibinalot ko na ang aking balakang ang puting tuwalya. Pumasok ako ng aking kwarto na medyo nanginginig pa sa lamig. Agad kong tinanggal ang tuwalya at ginamit ito para punasan ang aking katawan. Nag lotion na rin ako at nagbihis, Fit check; I’m wearing red brief for good luck daw, white polo shirt and beige pants.
Naupo na ako sa upuan matapos kong maihanda ang aking pagkain, nakapagtimpla na rin ako ng aking 3in1 coffee. Masaya kong ninamnam ang aking pagkain lalo na ang tuyo na isasawsaw sa suka. Masarap ang tuyo lalo na’t sinamahan ko pa ng kape. Minsan lang naman ako nagka-kape, minsan ay gatas, minsan rin ay tubig tubig lang ganon. Matapos ang isang nakakabusog na breakfast ay tumayo na ako sa aking kinauupuan at inilagay sa lababo ang aking mga pinagkainan para ito ay akin ng mahugasan. Nagsipilyo na rin ako pagkatapos.
Nakita ko ang aking sarili na nasa salamin at naglalagay ng face lotion, ito lang kasi ang ginagamit ko sa mukha ko sapagkat napaka sensitive nito at tinutubuan ako ng tigyawat sa tuwing naglalagay ako ng iba pang produkto sa mukha ko. Nag-ayos na rin ako ng aking buhok. Oo nga’t mahirap lang ako pero hindi ko rin naman pinapabayaan ang looks ko. May pagka-maarte rin kasi ako sa katawan eh. Tsaka ito ang puhunan ko sa mundo ano, ganda, eme hahaha. Matapos akong ma-satisfy sa looks ko ay kinuha ko na ang aking bag at lumabas na ng bahay.
Pagkalabas ko ng bahay ay ini-lock ko na muna ang pinto. “Ang aliwalas ng mukha natin ngayon ah.” At ayan na nga sila, inumpisahan na ni kuya Robert. “Oo nga Gabriel, parang maganda gising natin ngayon ah.” Sinundan kaagad ni Kuya Kadong. “Naku inlab na naman itong si pareng Pako niyan.” At napuno nga ng tawanan at kanchaw si Pako. Napatawa na lang rin ako. “Naku tigilan nyo na nga yang si Gabriel. Ngayon ang unang araw ng exam niyan.” singit na sabi ni Ate Jona habang nagwawalis, si Ate Jona pala ay asawa ni Kuya Robert.
“Ganoon ba Gabriel?” “Opo. Kuya Kadong.” “Ay kung ganoon ay galingan mo ano” sabi ni kuya Robert na aking tinanguan at nginitian. They all wished me a Goodluck, and before I go, “Ah Gabriel hatid na kita.” pag-aalok ni Pako na syang kinanchawan naman ng mga tao dito. Bigla namang namula si Pako at tila nahiya pero tumayo na rin pinaandar na ang kaniyang motorsiklo. Sumakay naman ako at hiniritan pa nila na yumakap daw ako, kumapit lang ako pero di naman ako yumakap talaga.
“Salamat Pako.” sabi ko sa kanya habang bumaba sa napakataas niyang motor. “Walang anuman basta ikaw Gabriel.” napangiti ako sa kaniyang tinuran at ganon rin naman siya, kinilig pa ang g*go haha.
Ganoon pa rin, sumakay pa rin ako ng jeep patungong PRC testing center dito sa amin, bale dalawang jeep ang sasakyan ko ngayon kasi medyo malayo ito mula sa amin. Nakapag-paalam na rin ako sa boss namin tungkol dito, at suportado niya naman ako. Pero mamaya ay night shift ako at sa susunod na limang araw.
Baon ko ang mga Goodluck ng mga kakilala ko, baon ko rin ang kumpyansa ko sa aking sarili na kakayanin ko ito. Siksikan kami sa jeep, lunes ngayon kaya siguradong traffic, tama ang desisyon ko na agahan ang pagpunta.
Pagdating ko dito sa PRC test centers ay marami na ring mga exam takers and I see some familiar faces. They come to me to say hi and I just said hi to them too. Nararamdaman ko na ang kaba at parang nangangatog ang aking tuhod, hindi ko na alam dahil halo halo na ang nararamdaman ko.
I am now checking my belonging such as my three pencil, yes I brought with me three pencil talaga para ma secure. Someone came to us to say na maari na kaming pumasok sa aming respective rooms. There I saw the proctor, gosh, ang pogi ahhh. Sumisigaw ang kabaklaan sa kaloob-looban ko dahil sa sobrang pogi niya.
Umupo na nga ako sa seat ko na sa gitnang-gitna talaga. Bakit dito pa ako na pwesto mahihirapan tuloy akong makakopya nito. I was looking at our proctor as the other busy themselves arranging their seat and entering the room. Gaya ko ay parang ’di rin nila matanggal sa kanilang paningin ang aming proctor.
I mean he is so dashing, his fair skin matched with his pearly white teeth. Styled hair, looks very cute with his glasses. He’s wearing a black casual suit alongside with his blue jeans, standing with his towering height of 6 foot.
Once everyone settled themselves he introduces his name. “Good Morning everyone, I am you proctor for today and the next following days, basically your whole exam journey, I am gonna be with you guys. By the way I am Nathaniel Vero Salvador.”
“Sir single ka po ba?” hirit ng isa kong kasabayan na pinagmulan naman ng tiliin ng mga babae at mas lalo pang tumili ng malaman na single nga ito ayon sa kaniya. Napangiti na rin si Sir Nathaniel, at shocks ang cute niya. Parang mahihimatay na ata ang mga kasama ko dito.
Nagbigay lang siya ng mga instruction sa amin at pagkatapos ay sinimulan namin ang exam. Meron kaming isa at kalahating oras para masagutan ang 100 items na exam. Kinakabahan man pero sinagutan ko pa rin ito pagkatapos kong makapag-pray.
I was on my 25th item nang maramdaman ko ang pananakit ng aking batok kaya naman mula sa pagkakayuko ay inayos ko ang aking ulo at dito ko napansin na nakatingin pala sa akin si Sir Nathaniel. Kaloka beh, ’di ako prepared, nagulat ako at mukhang sa tingin ko ay ganoon din siya, kaya nang makita niya akong inangat ang aking ulo ay umiwas sya. Hindi ko na lang muna siya pinansin at tinuon ang aking atensyon sa pagsagot ng mga napakahirap na mga tanong.
Habang sumasagot ng mga tanong ay ramdam ko pa rin ang titig sa akin ng proctor, alam ko na mang maganda ako sir, ’wag ka naman po pahalata, pagtawa ko na lang sa sarili kong joke. Tumingin ako sa kaniya at nakita kong parang takang-taka siya marahil nakita niya ang pagtawa ko. Ang cute niyang tignan sa nakasalubong niyang kilay. Muli ay ibinalik ko ang atensyon sa aking sinasagutan hanggang sa natapos na nga ang isa’t kalahating oras.
Nakahinga na ako na maluwag nang matapos na akong sumagot. Nag stretching muna ako kasi ang sakit ng batok ko kakayuko. Parang classroom lang ang datingan ng matapos kami, nagsi-ingayan ang mga tao, merong nagsasabi ng Goodluck and all, merong mga nag-gugropo para kumain sa labas, at syempre may kumakausap sa proctor at todo pa cute. At bilang dakilang walang pakialam sa mga nangyayari ay umalis na ako kaagad.
Pagkalabas ko nga ay may mga bumabati sa akin na mga kakilala ko sa UP at nagpapadala ng kanilang mga good luck. “Gabriel!” Napalingon ako sa likod ng may narining akong tumawag ng pangalan ko. Si Angelo pala, kaklase ko sa UP. “Goodluck pala sa exam.” sabi niya na sinagutan ko lang ng pagngiti. “Magla-lunch ka na ba? Gusto mo ba sabay na tayo? Tamang-tama pa lunch na oh, libre kita.” Tuloy-tuloy niyang pagsasalita.
“Angelo, relax, ako lang to oh, ba’t ka kinakabahan hahahaha” natawa na lang rin siya sa tinuran ko. Paano ba naman kasi ang bilis niyang magsalita at tuloy-tuloy pa. “Sige na nga.” sabi ko na lang na labis niyang ikinatuwa. “Akala ko ire-reject mo ’ko eh.” “Balak ko sana, kaso nageffort ka na eh.” Nasabi ko na lang. If it was before hindi talaga ako papayag kaso nga since nag effort naman siya at gutom rin talaga ako ay G nalang ang ate niyo.
May Jollibee sa harap ng pinag-examan namin kaya doon nalang namin naisipang kumain. Nag-order na nga ako ng paborito kong chicken joy at cokefloat, yun lang kasi kaya ng budget ko, nag-offer pa ako ng bayad ko kaso ay tinanggihan naman ni Angelo. Sabi niya ay umupo na lang daw ako at siya nalang mag-dadala ng mga pagkain namin. Umupo na nga rin lang ako at naghintay.
Medyo matagal nga si Angelo kaya naman naisipan kong tignan siya at SHOCKS! Andami niyang dala, ’di naman ako inform na may handaan pala mare. Ganon ba talaga sya ka gutom? “Gutom na gutom ka ba?” “Para sa ating dalawa to” nakangiting sabi niya. “Parang andami naman yata nito? gulat kong tanong sa kaniya. “Kumain ka na.” pagpapacute nito.
Sinimulan ko na nga ang aking pag-kain. Tahimik lang kaming kumakain at meron ding syang mga tanong na sinasagot ko rin naman. “Kain ka pa Gabriel.” “Balak mo ba akong patabain ha Gelo?” tanong ko sa kaniya. Sa halip na sagutin ang tanong ko ay ngumiti lang siya, malapad na ngiti, parang kinikilig na ewan.
“Anyare sayo?” “Wala, kinikilig lang ako, tinawag mo kasi ako sa nickname ko eh.” sabi niya. “Yan kasi ang naririnig kong tawag nila sa iyo eh.” sabi ko nalang. Ang cute din naman nito ni Angelo, napaka-cute ng smile nya, very charming, yung parang malulusaw ka sa mga ngiti niya, ganon.
Matapos kaming kumain ay sobrang busog ko talaga yung parang di ko na masarado yung butones ko. Meron pa ngang natira eh na siyang pinabalot nalang namin. We we’re just chitchatting about our life at nang medyo okay na yung tiyan ko ay inaya ko na siyang umalis. We we’re outside the door when I talked to him.
“Angelo thank you so much sa treat ah.” sabi ko sa kaniya sabay tap sa kaniyang shoulder. A sign of thanking him and to send message non-verbally, about how I felt. And I think he got the message, I see hurt and disappointment in his eyes. Hindi rin naman kasi ako manhid para hindi mapansin na kaya nya to ginawa kasi may gusto siya sa akin. O baka naman assuming lang ako haha. “I already know that Gabriel, na you’re not into relationship pa pero thank you pa rin sa pagsama sa akin. You made my day. “ He hugged me.
We bid our goodbye and set apart. I did not make it a big deal na and just go on with my life. Now I got to worry about my exam. May shift pa’ko beh!
CUATRO: Coraje y Durabilidad
Tapang at Tibay
Gabriel
Second to the last day of exam. I am busy with answering my test papers when sir Nathaniel told us we only got 30 minutes left. I have 20 items left to answer and that’s not enough time. I give my all in answering until the time’s up. We all started to pass our papers respectively according to our sit plan.
All throughout the exam palagi kong nahuhuli si Sir Nathaniel na tumitingin sa akin. Bakit ba, may problem ba siya sa akin? May dumi ba sa mukha ko? Nako-concious na tuloy ako. Nung time ko na para magpasa ng papel ay tumayo na ako sa upuan ko at kinuha ang aking bag pagkatapos ay pumunta sa proctor’s table para ipasa ang papel ko. Tinanggap naman agad ito ni Sir. Sa malapitan, mas lalong cute tignan si sir, ang kinis pa ng mukha at ang bango, amoy lalaki na mabango, musky.
He smiled at me as he arranged my paper. After non ay umalis na ako. Mamaya pa naman ang shift ko kaya naisipan ko munang umupo sa bench dito sa maliit na park sa may PRC test center. I took my time to process what I’ve done and to rest my self also. Last day na bukas ng exam at sa isang buwan ay lalabas na ang results. As I busy myself sa pagmumuni ay may nakita akong papalapit sa puwesto ko. Isang taong hindi ko inaasahan. Habang papalapit siya sa akin ang nakangiti lang siya.
“Gabriel right?” “Uh yes po sir.” pagsang-ayon ko kay Sir Nathaniel. “Bakit po?” dagdag ko pa. “Can I sit?” “Yeah sure.” I moved aside to give space for him. “I just wanted to say hi. You just caught my attention while I was about to go somewhere.” sabi niya pa na ikinahiya ko naman. “Here, a drink.” Pag-aalok niya sa kanyang C2. “Ah-” “’Wag ka ng tumanggi.” sabi niya agad, na sense niya siguro nahihiya ako. “I just seemed to notice that you’re really bothered. Is something bothering you?” Feeling close din tong si sir ah. “Ah napansin niyo po pala.” sabi ko sabay lingon sa kaniya and he smile. “It’s okay if you won’t tell me, I won’t make pilit na” sabi niya pa.
“Hays naisip ko lang po kasi sir na paano kung hindi po ako makapasa.” pag-aamin ko sa kaniya ng tunay kong nararamdaman. Alam ko na mang hindi kami magkakilala, pero I think I just need to get this out of my system. “Ahh I get what you feel. Hindi ko man masabi sayo na makakapasa ka, tiwala lang, kasi ikaw lang naman makakaalam kung makakapasa ka ba. Pero let me say na, everything happen for a reason. At Kung hindi ka man makapasa ibig-sabihin lang non hindi yan ang nakalaan para sa’yo at may iba pa na para sayo talaga.” mahabang litanya ni Sir na talaga na mang tumatak sa akin.
Nakuwi na nga ako ngayon sa bahay ko at naghahanda na par pumasok sa trabaho. 1-9 ang shift ko. As I am getting ready ay naisip ko nga ang sinabi ni Sir. Siguro kailangan ko lang talagang maniwala sa sarili ko at sa diyos na may nakalaan na para sa akin. Pagkatapos ng ilang sandali na iyon ay nagpaalamanan naman na kami ni Sir at may gagawin pa raw siya. Hindi ko na magawang kiligin kasi talaga namang binabagabag talaga ako ng isipan ko.
It’s 1 p.m and my shift started. “Beshy kamusta naman exam mo kanina?” tanong ni Jenny. “Ayos lang naman, binabagabag lang ako ng konti.” sagot ko naman sa kaniya habang langhap naming dalawa ang amoy ng patty na ginagawa ko para sa isang order ng burger. “Tiwala lang beshy.”
May lumapit na isang magandang babae sa aming truck at umorder ito. “Hello pwedeng maka-order ng burger and fries, tsaka coke na rin.” Sabi niya pa habang kumukurap ang kaniyang mga pilik-mata at todo ngiti pa. “Yes ma’am, hatid ko nalang po sa table nyo.” “Uhm to go ’yan.” “ah okay po ma’am, hatid ko nalang po sa table nyo ma’am.” sabi ko. “Hindi, okay lang ako, titignan nalang kita habang nagluluto.” sabi niya habang ginagawa pa rin ang mga ginagawa niya.
“Nagpapacute beshy” natatawang bulong sa akin ni Jenny. Hindi ko nalang ipinakita na natatawa ako at nasa harap ko lang ang customer. Si Jenny naman ay kumuha na ng patty sa ref at ibinigay sa akin. Agad ko naman itong isinalang sa kalan. Kumuha na lang rin siya ng tinapay. Kumuha na rin ako ng fries at agad ko naman itong inilublob sa kumukulong mantika. Wala na masiyadong customer ngayon kaya ay pinag tutulungan namin itong isang order.
“Gabriel ba name mo?” Nakita kong binasa niya ang nameplate ko. Ngumiti na lang ako sa kaniya bilang tugon. “you’re so cute.” sabi niya pa. “Hindi naman po.” sabi ko na lang. Just like what I said, I always got this from customer. Lalaki, babae at iba pa. Ganoon na ba talaga ako ka good looking, eme haha. Tuloy pa siya sa pakikipag-usap sa akin habang nagluluto ako. Tinatanguan ko lang siya at nginingitian hanggang sa natapos na nga ako sa pagluluto ng order niya at binabalot naman ito ni Jenny. Matapos niyang nakapagbayad ay umalis na siya.
“In fairness talaga sayo beshy ah, iba talaga ang beauty mo eh no. Lahat napahuhumaling mo.” sabi ni Jenny. “Sa totoo nga lang kung hindi ko alam ang sexuality mo ay tuluyan na talaga akong nahulog sayo.” “Tse, tumigil ka nga.” yun lang ang naisagot ko sa kanya.
Sa di kalayuan ay may nakita akong mga bata. Apat na batang lalaki. Akala ko nung una ay nag-uusap lang sila pero napansin ko kalaunan na pinagtutulungan pala nung tatlo yung isa “Teka lang Jenny ah.” sabi ko habang papunta ako sa kinaroroonan ng mga bata na may kalapitan lang. “Huy s’an ka pupunta?” narinig kong tanong ni Jenny pero hindi ko na siya sinagot dahil tumakbo na ako dahil nakita ko na susuntukin na nung isa yung kawawang bata. “Hoy!”
“Bakit niyo siya inaaway ha?” tanong ko sa kanila ng makalapit na ako.“ “Bakit bawal ba?” matapang na sagot nung batang manunutok na parang leader ata nila. Aba bastos tung batang to ah. “Hoy ikaw na bata ka ha, ang sama ng ugali mo, kasing sama ng pagmumukha mo.” sabi ko na parang napikon ata yung bata. “Sumbong kita sa mama ko.” sabi nung bata. “Bakit, may nanay ka ba?” sabi ko pa na siyang dahilan ng pag-iyak nito. “Umalis ka nga.” sabi ko pa at nagsitakbuhan na yung bata pati ang mga kasama nito.
Nilapitan ko naman yung batang inaaway nila. “Ba’t ka ba nila inaaway?” sabi ko habang umupo habang nakatukod sa aking tuhod. “Sinasabihan po nila ako ng bakla.” sabi nung bata na malapit nang umiyak. “Salamat po sa pagtatanggol kuya.” Bigla akong natigilan sa sinabi niya. Ganoon din kasi ako dati noong bata pa ako. Lumandas sa pisngi nang bata ang kaniyang luha. Pinahiran ko naman ito at inalo siya.
“Ah bakla bakla bakla.”
“Hahaha bakla”
Pinagtutulungan akong awayin ng tatlong bata na taga dito sa amin noon. Papaiyak na sana ako pero naalala ko ang sinabi ng aking ng aking itay na sa tuwing inaapi ako ay dapat daw akong lumaban.
“Bakla pala ah.” tinulak ko ang batang pasimuno sa pag-aaway sa akin dahilan ng pagkatumba niya. Napalakas ata dahil bumagsak siya. Lumapit naman sa akin ang dalawang kasama niya at pinagtulungan ako
pero siyempre ay hindi ako pumayag, sinipa ko sa tiyan ang batang nasa aking kanan at tinulak ko naman ang batang nasa kaliwa. Nakabangon ang lider nila at aktong susuntukin ako pero ay umiwas ako at dinampot ang buhok niya para panggigilan ito. Habang sabunot ang kaniyang buhok ay tinulak ko siya papunta sa kasama niyang papalapit na sa akin.
Pareha silang lahat na natumba. “Ano, mang-aaway pa kayo.” sabi ko sa kanila sabay amba ng suntok pero agad na silang bumangon at nagsitakbuhan. “Wala naman pala kayong binatbat sa bakla eh.”
“Kuya! Kuya!” narinig kong sabi ng batang nasa harapan ko.“Natulala na po kayo riyan.” dagdag niya pa. “Ah pasensya na. Naalala ko lang kasi noong bata pa ako ay inaaway rin ako. Pero pumapatol ako sa kanila.” sabi ko. “Kaya ikaw ha, ’wag mong hahayaan na aapihin ka nila, lumaban ka. Naiintindihan mo ba iyon?” “Pero hindi naman po ako marunong.” “Tapangan mo lang ang loob mo okay, at matuto kang manuntok .” sabi ko na medyo natatawa dahil sa huli kong sinabi.
Napangiti naman siya sa tinuran ko at timango ito. “Ano nga pa lang pangalan mo?” Tanong ko sa kaniya. “Rain po” “Ako naman si Gabriel.” inabot ko naman ang kaniyang buhok at ginusot ito. “Huwag kang magpapa-api kahit kanino Rain ha.” “Opo kuya Gabriel.” Napangiti na lang ako sa kaniya.
“Rain!” Rinig naming tawag ng isang babae. “Mommy!” tugon naman ni Rain. Bigla akong niyakap ni Rain at nagpasalamat siya bago siya nagpaalam at tumakbo patungo sa mommy niya. Hinatid ko na lang siya ng tingin habang ngumingiti. Bumalik na nga ako sa Food Truck at pansin na may mga customer na. Pagka-akyat ko ay tinulungan ko na siya at kinuha ko na ang order ng mga customer habang siya naman ay may isinasalang sa kalan.
Nagsunod-sunod na nga ang dating ng mga customer pero hindi naman ganoon ka rami pero naging busy na rin kami. Sumapit ang alas singko at out na ni Jenny. Ang kaniyang kapalit naman ay si Andrew, dalawa kami ngayon pero mamayang 9 ay out ko na at si Cherry naman ang paplit sa akin. 24 hours ang bukas nitong Tasty Truck ganoon din ang ilan pang mga kainan dito sa parke. Hindi rin naman mahirap ang sakayan dito sa lugar namin dahil marami ring mga establishment na 24 hours kaya marami pang mga tao.
Nalala ko pa nga noon kapag 5 p.m hanggang 2 a.m ang shift ko noong nag-aaral pa ako ay mula 12 hanggang 2 ng madaling araw ay halos mga lasing na ang mga customer namin na nanggaling sa mga kalapit na mga night club at bar. At tama kayo, marami ring sumusubok sa akin lalo na at mga lasing pa, pero buti na lang at si Andrew ang lagi kong kasama noon kaya secure ako. Si Andrew kasi ay para ko na ring kuya, sa tagal ba naming nagsasama dito, ay nakagaanan ko na rin siya ng loob. Dalawang taon lang ang tanda niya sa akin at ayaw niyang tawagin ko siyang kuya kasi nakakatanda raw.
“’Musta exam Gabriel?” “Ayos lang naman Andrew.” Marami kaming napag-usapan, komportable na kasi akong makipag-usap sa kaniya kaya medyo masalita ako pagdating sa kaniya pero sa iba naman ay hindi masyado, lalo na kay Jenny, ang ingay kasi non eh haha, ’di ko masabayan ang energy niya.
Na busy na kami ni Andrew nang mga alas 7 kasi nga ay dinner na ng mga tao. Alam na alam ko na ang galawan sa tuwing mga ganitong panahon kaya ay madali na lang sa akin at si Andrew naman ang kasama ko. Ako ang nakatoka sa pagluluto habang si Andrew naman ang bahala sa pagkuha ng order, paghatid ng mga pagkain sa table, at ang paglilinis nito. Puno ng usok mula sa kalan ang buong truck, ma aroma naman kaya ay ayos lang. Sizzle ng mga piniritong pagkain kasama ng ingay ng mga customer at ng nagpi-play na kanta ang naririnig ko.
It was 8:45 noong ’di na masiyadong maraming customer. “Pa order ako ng isang Gabriel please.” napatingin ako sa taong pinagmulan non. Napangiti naman ito ng magtama ang paningin namin. “Napadaan ka Pako.” pagbati ko dito. “Oo galling kasi ako sa isang talyer at pinaayos ko ang motor ko. Pa order naman ako diyan ng.. ano ba best seller niyo rito?” “Ah yung special chicken sandwich with egg.” “Sige yun, tsaka isang mojos, pakibalot na lang rin.” sabi nito. Nginitian ko naman siya at inihanda ang kaniyang order. Nagulat ako ng nakita ko si Pako, hindi kasi siya nagpupunta dito, iilang pagkakataon pa nga lang siyang nakain dito. Umupo naman si Pako sa dining area habang naghihintay ng order niya.
Muli ay napuno na naman ang ilong ko ng masarap na amoy ng pagkain. Nakaramdam tuloy ako ng gutom, sa bahay nalang siguro ako kakain pagkauwi ko. Natapos akong magluto ng mga alas 9. Bumaba ako mula sa truck at ibinigay kay Pako ang order niya. “Salamat. Alas 9 ang out mo Gabriel diba. Sabay ka na sa’kin.” pag-aaya nito ng may ngiti sa labi, namumula pa ang kaniyang mga pisngi. Napangiti na rin ako, ang cute lang kasi sa laking tao ba naman ni Pako ay talagang mahiyain ito pagdating sa akin. “Sige.” sabi ko na lang at bumalik na sa truck para kunin ang aking mga gamit.
“Andrew, una na ako.” “Sige Gabriel. Mag ingat ka ah.” sabi niya at niyakap ako. Yumakap rin ako pabalik sa kaniya. Nakagawian na naming ang pagyakap sa tuwing uuwi na kami. Pumunta na nga kami ni Pako kung saan niya ipinark ang motor niya. Pinabitit na nga niya sa akin ang take-out niyang pagkain kasi naman ay walang compartment itong DT niya. Matapos ang tatlumpong minutong biyahe ay nakarating na nga kami sa amin at ibinaba niya ako sa harap ng bahay ko. Pagkababa ko ay agad akong nagpasalamat at ibinigay sa kaniya ang kaniyang pagkain.
“Sa’yo yan.” Sabi nito. “huh?” naguguluhan kong tanong sa kaniya. “Sabi ko sa’yo yan. inorder ko talaga yan para sa’yo.” Ngumiti naman ito habang sinasabi ito sa akin. “Talaga ba?” Ramdam ko ang pag-iinit ng aking mga pisngi at pagkabog ng aking dibdib. Parang tama nga sila. Dinidiskartehan na nga ako ni Pako. “Nako salamat dito Pako ah.” “Wala yon, kumain ka na ah.” tinanguan ko nalang siya at inihatid ng tingin habang pa deretso naman siya patungo sa bahay nila. Habang ako naman ay pumasok sa bahay ko ng may matamis na ngiti sa aking mga labi.
CINCO: Alma Desafortunada
Unfortunate Soul
Gabriel
“Hooh, huling araw na ng exam. Sana’y matupad ko ang pangarap kong makapasa.” sabi ko sa sarili ko at inihanda ang aking sarili sa pagpasok sa aming silid. Unang nakita ko nang ako’y pumasok ay ang gwapong mukha ni Sir Nathaniel. Nginitian ko siya na siya namang ibinalik sa akin at dumeretso na ako sa aking upuan.
“This is your last day. I wish you all to pass, and to those who failed, know that everything happens for a reason.” Bati sa amin ni sir at ibinigay niya na nga ang aming huling test-paper. As he hand me my test-paper he gently pat my hand rested on the armrest as he smiled at me. I can do this. Fighting. I mentally noted to my self.
Sinimulan ko na nga ang pagsasagot. May ilan akong hindi alam na talaga namang nagpahirap sa akin. Sa bawat pagtaas ko naman ng aking ulo para i-excercise ito dahili nangangalay na ang aking leeg, nakikita ko si sir na nakitingin na namn sa akin. Hindi ko na lang siya binigyan ng pansin pa at sumagot na ulit. Hanggang sa natapos na nga ang nakalaan na oras para sumagot. Tamang-tama at katatapos ko lang. Ipinasa ko na ito. “Ah, Gabriel, pwede ba kitang makausap?” tanong ni sir. Ano naman kaya ang pag-uusapan namin. “I’ll wait for you in the bench na lang po.” yun lang ang sinabi ko at umalis na para magtungo roon sa bench na inupuan ko kahapon.
“Hi!” bati sa akin ni sir ng maka-upo siya sa aking tabi. “Hello po.” “Kumusta ang pakiramdam mo na tapos na ang exam?” tanong niya. “Hindi ko po alam sir eh, I guess I’ll wait for a month to know the result and to know what I would feel.” “Know that you’re feelings are valid, and every professional has been in your position too. You’ll only know what’ in the end of the tunnel once you get there.” Ngumiti nalang ako sa kaniya pagkasabi nya non. “You know what, I got this feeling na hindi ito ang huli nating pagkikita.” sabi niya na ikinagulat ko. Tinawanan ko nalang ito. “Baka nga sir.” pagsang-ayon ko nalang.
“You’re so cute.” sabi ni sir na ikinapula naman ng mukha ko. Tinawanan ko nalang para mawala ang pagkahiya ko. Napangiti nalang rin si sir sa naging reaksyon ko. “Sige, I should go, may trabaho pa po kasi ako eh.” pagpapaalam ko. Nginitian ko si sir at nagpaalamanan na nga kami.
Nagtatrabaho ako ngayon kasama ko si Jenny, day shift kami. This is the day that I’m waiting for. Month after the exam ay lalabas na nga ang results. Hindi magkamayaw ang kaluluwa ko dahil sa kaba, excitement, halo-halo ng pakiramdam. Parang sinilihan ang pwet ko dahil ’di na ko mapirmi. Nag announce sila na mga bandang alas kwatro ng hapon ay ipopost na nila ito doon sa testing center at alas dose naman online, hindi ko din alam kung bahit hindi pa nila isinabay eh. Dahil sa hindi na ako mapirme napagdesisyunan ko na lang na after ng shift ko ay pupunta ako sa testing center para makita ko na ang result.
“Papasa ka beshy, alam ko.” pang-aalo sa akin ni Jennyy. “Kaya pumirme ka dyan.” Sinikap ko naman na gawing maayos ang pagtatrabaho ko at nakakahiya para sa mga customer ano. Ganoon pa rin ang gawain dito sa kusina, nagluluto at kalat na kalat ang amoy ng mga pagkain.
Mabilis na lumipas ang oras at dumating na ang alas singko ng hapon. Mabilis akong nag-paalam kay Jenny at sumakay na ng jeep. Kabadong-kabado ako habang sakay ng jeep. Para na akong natatae, pinagpapawisan ako ng malamig at parang nanginginig ang mga tuhod ko. Traffic malala ang daan dahil nga rush hour na at uwian na ng mga estudyante at mga empleyado. Nasa kalagitnaan kami ng biyahe ng biglang huminto ang aming sinakyan, tumirik ang jeep. Una ay naguluhan pa ang mga tao kasama na ako. “Pasensya na kayo at mukhang nasiraan tayo.” sabi nung drayber. Naku naman oh ngayon pa talaga kuya. Kaniya-kaniya naman ng reklamo at hinaing ang mga pasahero, ang iba naman ay bumaba na para humanap nalang ng ibang masasakyan. Bumaba nalang rin ako at naghanap ng masasakyan.
May nakita akong bus at pinara ko nga ito. Pagka-akyat ko ng bus ay nagulat ako dahil sa punuan ito, mayroon nang mga nakatayo makauwi lamang sa kanikanilang mga bahay. Tiniis ko na lang basta ay makarating lang ako sa pupuntahan ko. Nakipagsiksikan na nga ako at inilagay na lamang ang aking kamay sa hawakan upang makakapit. Maga-alas sais na ngunit narito pa rin kami sa daan dahil sa sobrang traffic talaga, nakakangalay nang tumayo.
Matapos ang labin-limang minuto ay nakarating na nga ako. “Manong para po.” inabot ko ang aking bayad saka ako bumaba.
Nakatayo ako ngayon sa harap ng testing center, kinakabahan, baon ko ang aking paniniwala at hiling na sana ay makapasa ako. Huminga ako ng malalim upang maibsan ang kaba na aking nararamdaman. Madilim na ang paligid ngunit may mga ilaw naman. Wala ng mga taong naririto upang tumingin ng mga result, marahil ay tapos na nila itong tinignan kanina at ang iba naman ay naghintay nalang mamaya para makita ito online.
Nasa main building ipinost ang ang papel na laman ang result. Mayroong ilang hakbang ng hagdan para maka-akyat ka rito. Bawat hakbang na aking ginawa ay bumibigat ang aking dibdib, hindi ko alam kung bakit ganito na lamang ang kaba ko. Isang hakbang nalang at mas lalo pa akong kinabahan. Nang kaharap ko na ang papel ay nagdasal muna ako sa Diyos na sana ay kayanin ko kung ano mang resulta ang malalaman ko.
ALCANTARA, Gabriel C. Dahil A ang aking apelyido ay sa unang pahina ako naghanap. Paulit-ulit kong binabanggit sa utak ang apelyido ko habang naghahanap. Sa bawat pagbabasa ko ng mga pangalan pababa ay naaanxious na ako, naguguluhan ang utak ko. Hindi na ako makahinga at pinagpapawisan ako. Dinig na dinig ko ang bawat tibok ng aking puso.
Pumatak na nga ang luhang kanina ko pa pinipigilang lumabas. Napadapa ako sa sahig. Hindi ako nakapasa. “Bakit? May kulang ba ako? Bakit hindi ako nakapasa?” paulit-ulit kong tanong. Nanginginig ang aking buong kalamnan at bumibigat ang aking katawan. Sinubukan kong tumayo at muling hinanap ang aking pangalan. Baka kasi hindi ko lang nakita, nakaligtaan ko lang. “Please please please.” sambit ko habang nanginginig ang kamay na ginamit ko upang ilandas sa papel upang mahanap ang aking pangalan.
Tuluyan ngang gumuho ang aking mundo nang napagtanto kong hindi talaga ako pumasa. Napasadlak ako sa sahig. Ginawa ko naman ang lahat ng makakaya ko ah, bakit hindi pa rin ba sapat iyon. Malakas at mabilis ang agos ng aking mga luha. Tumayo ako habang nanginging ang aking mga tuhod at lumalandas ang luha sa aking mga mata. Tinalikuran ko na ang papel at ang harap ng building. Unang tapak ko pa lang sa hagdan ay bumuhos ang malakas na ulan. Parang nakikismpatya ang langit sa aking pagkabigo.
Tuloy tuloy ang agos ng luha sa aking mukha at ngayon ay nahahaluan na rin ng tubig ulan. Mabilis na nabasa ang buo kong katawan dahil sa lakas ng ulan. Malakas ang ulan, maingay, mabilis ang agos, ’di makamayaw sa pagpatak, kagaya ng puso kong malakas ang tibok, maingay na humahangos, mabilis na agos ng luha, at di magkamayaw sa pagkadismaya sa hindi ko pagpasa.
Pangarap ko ito eh, hinihiling ko ito eh. Bakit naman hindi pa ibinigay. Cum laude pa namn sana ako pero hindi ako nakapasa. Bumaba na nga ako ng hagdan ng may mabibigat na hakbang. Hinayaan kong dalhin ako ng aking mga paa sa kung saan mang lugar na hindi ko na mararamdaman ang sakit.
Kaluanan ay natagpuan ko ang aking sarili na nakaupo sa upuan na nakapalibot sa isang malaking fountain. Nasa isa akong parke na malapit sa building ng testing center. Iniyakap ko ang aking mga kamay sa aking katawan dahil sa lamig na dulot ng ulan. Pinipilit kong aluin ang sarili ko ngunit hindi ko magawa, dahil ang laman lang ng aking puso’t isipan ay ang aking kabiguan.
Humarap ako sa fountain. The Crying Ladies. Iyong ang pangalan ng fountain. Nasa loob kasi nito ay limang rebulto ng mga babaeng humahangos at umiiyak. Ang tubig ay umaagos na parang luha sa kanilang mga mata. Sila daw ay mga babaeng sawi. Hindi lamang ang luha ang dahilan kung bakit ito ang itinawag rito, kundi ang mga mababasa mong emosyon sa kanilang mga mukha. Habang tinitignan mo sila ay damang-dama mo talaga ang kanilang hinagpis. Bawat isa sa kanila ay may kwento kung bakit sila tumatangi. Sabi ng mga tao ay sa tuwing humuhulog ka ng barya at humihiling ay tutuparin nila ang iyong hiling sapagkat sumumpa sila na wala ng sinuman ang umiiyak dahil sa kabiguan.
Nakakatawa lang kasi heto ako ngayon, nakaharap sa kanila, at gaya nila, ako ay tumatangis, humihiyaw ang puso kong puno ng sakit. Mabilis na umaagos ang aking luha at humahalo ito sa tubig ng fountain. Ilang sandal pa ay tumila na ang ulan, tumila na rin ang aking mga luha sa pagpatak, pero ramdam ko pa rin ang bigat ng aking katawan dulot ng aking pagkasawi. Napagpasyahan kong umuwi na lang sa aking bahay.
Pagod, mabigat na katawan, at namumulang mata ang aking dala nang makarating ako sa amin. Nasa labas ang mga tao na parang nag-uusap at namomroblema. Sinalubong ako ni Ate Jona at ng ilan ko pang kakilala. “Gabriel.” Malungkot na pagtawag niya sa aking pangalan at may iniabot na sobre. “Ano to te?” sabi ko sabay bukas ng sobre. Binasa ko ito at sumasalamin sa aking mukha ang nararamdaman ng aking puso habang binabasa ang nakasulat. “Demolition?!” tanong ko. Malungkot na tumango si ate Jona.
Kita sa mukha ng lahat ang kalungkutan na dala ng liham na ito. Sa ilang taon kasi naming paninirahan dito ay nakabuo kami ng pamilya, alam na naming may nagmamay-ari ng lupang ito at kalaunan ay aalis rin kami rito pero hindi naman namin inaasahan na ngayon iyon mangyayari. Dala ang mabigat na pakiramdam ay pumasok ako sa loob ng aking bahay.
Pumasok ako sa aking kwarto at inilabas mula sa ilalim ng kama ang isang duffel bag. Inilabas ko ang aking mga damit mula sa aparador at inilagay ito sa bag. Iniayos ko rin ang lahat ng importante kong mga kagamitan tulad ng aking mga papeles at inilagay ito sa isang envelope. Alas diyes na ng gabi kaya naman ay nasa loob na ng kanilang mga bahay ang mga tao. Dala ang aking bag ay lumabas ako ng bahay.
Sa pagbukas ko ng aking pintuan ay nagulat ako sa bumungad sa akin. Tinignan niya ako ako at lumandas ang kaniyang paningin sa bag na nakasabit sa aking balikat. “Saan ka pupunta Gabriel?” “Aalis ako Pako, hahanapin ko muna ang sarili ko, tutal wala na rin naman akong babalikan rito eh.” sabi ko sa kaniya. “Bago ka umalis, gusto ko sanang sabihin na salamat at nagkakilala tayo, nakilala kita, naging masaya ako dahil na rin sayo.” sabi niya. Hindi ko naman inaasahan na mag sesenti pala siya kaya wala akong masabi. “Gusto kita Gabriel.” Sabi niya ng buong puso, ramdam mo ang pagmamahal sa puso niya. Parang naluluha ko. Biniro ko na lang siya para umurong ang luha ko.
“Alam ko Pako.” sabi ko na ikinagulat niya. “Alam mo?” “Oo, pansin ko, halata ka kaya.” sabi ko pa na ikinahiya niya at napakamot sa kaniyang batok. “Masaya ako na nakilala kita Pako, at gusto kong sabihin sa iyo na naapreciate kita at lahat ng mga ginagawa mo para sa akin. Pero hindi pa kasi ako handa para umibig ngayon eh.” mataas na litanya ko rito.
“Naiintindihan kita Gabriel. Basta ang mahalaga sa akin ay Kahit papaano naging magkaibigan tayo.” Yinakap ko siya at gumanti rin siya. Ikinulong niya ako sa kaniyang mga bisig. Ramdam ko ang mga muscle nya sa katawan ,parang humihigpit na yata ang kaniyang pagyakap.
“Ah ah, P-pako, hindi na ako makahinga.” sabi ko. Nag-sorry naman siya at tumawa na lang kami. “..So..hanggang sa muli nating pagkikita.? “Hanggang sa muli, Gabriel.” Yun lang at naghiwalay na kami ng landas. Kung bubuksan ko lang talaga ang aking puso ay malamang naging kami na nitong si Pako. Mabuti siyang tao kaya’t hindi naman siya mahirap mahalin.
Ako ngayo’y aalis na sa lugar na itinuring kong tahanan mula noong ako ay 18 taong gulang pa lamang. Makalipas nga ang tatlong taon ay lilisanin ko ito ng may dalang bigat sa aking puso. Humarap ako dito at lumandas ang isang patak sa aking mga mata, na sinundan pa, at sinundan pa. Pinahiran ko ito at sinikap na tumahan na muna. Aalis ako at hindi ko alam kung saan ako patungo, pero kailangan ko lang tibayan ang aking sarili at manalig na dalhin ako ng buhay kung saan ako magiging tunay na masaya.
Ngunit bago ako lumisan ay mayroon muna akong dadaanan, at sa kaniya’y mamamaalam.
SEIS: Adiós y Hola
Goodbye and Hello
Gabriel
Natagpuan ko ang aking sarili sa parke kung saan ako ay nagtatrabaho, sa ’di kalayuan ay may nakikita akong isang truck na may tao sa loob nagluluto, sa harap naman nito ay mga lamesa at upuan na pinupuno ng mga taong masarap na kumakain. Tasty Truck, ang aking naging tahanan at hanap-buhay sa loob ng tatlong taon. Ito ang bumuhay at nagpa-aral sa akin. Nang dahil dito ay nakapagtapos ako ng pag-aaral.
18 taong gulang ako noon, kasalukuyang first year student, nakatira ako sa aking tiyahin, tiniis ko ang pagmamaltrato na siya sa akin dahil siya ang nagpapa-aral sa akin. Ginawa ko lahat ng mga utos niya kahit minsan ay hindi ko na kaya.
Araw-araw niyang pinapa-alala sa akin na siya ang bumubuhay sa akin kaya dapat lang na ayusin ko ang pakikitungo sa kaniya at hindi ako dapat magreklamo sa lahat ng pinapagawa niya. Mayroon siyang karinderya at isa akong serbidor doon, naghuhugas rin ako ng plato at naglilinis ng lugar. Minsan madaling araw na ay nagtatrabaho pa rin ako at pagkatapos noon, nung siya’y matutulog na, ako naman ay nag-aaral. Pero may isang pangyayari na nagtulak sa akin na tuluyan ng umalis at iwan siya.
Nasa tamang edad naman na ako para magtrabaho kaya naisip kong umalis na at maghanap nalang ng ibang trabaho para may pantustos ako sa aking pag-aaral. Dito ko natagpuan ang Tasty Truck. Tinanggap ako ng amo namin kahit na ako ay working student. Kasabay nito ay nakatagpo ako ng pamilya sa anyo ng aking mga katrabaho, lalo na roon si Andrew.
Dalawang taon ang gap ng edad namin, hindi ganoon kalayo kaya naging close kami. Hindi man siya nagpapatawag ng kuya sa akin dahil nakakatanda daw pero isa lang ang alam ko, siya ang naging kuya ko sa loob ng taong magkasama kami, ginabayan niya ko, minahal na parang tunay na kapatid. Siya lang ang lalaking ka-close ko kasi siya lang ang lalaking hindi nagkagusto sa akin, kapag alam ko kasing may gusto sa akin ang isang lalaki ay hindi ko nilalapit ang sarili ko dahil bata pa ako, at hindi pa handing umibig.
Naglakad ako at nakarating malapit sa Tasty Truck. Tanaw ko mula sa aking posisyon si Andrew na nakikipag daldalan kay Cherry. Konti lang ang costumer dahil alas diyes na, mamaya pa darating ang mga customer pagsapit ng alas dose. Bitbit ang aking bag na mas inilapit ko sa aking balikat, humakbang ako papunta sa kaibigan ko. Malapit na ako sa kanila ng mapansin niya ako. Ngumiti siya ng makita ako pero alam kong pansin niya ang lungkot sa mukha ko, makikita sa kaniyang mukha ang pagtataka.
“Gabriel!” sabi nito. Pagsambit palang niya ng aking pangalan ay parang may kumurot ng aking puso, naluluha na naman ako. Lumakad ako at kalaunan ay itinakbo ang pagitan naming dalawa. Umakyat ako at pumasok sa loob ng truck. Dito niya ako sinalubong ng yakap. Ang luhang aking pinipigilan ay tuluyan na ngang lumayas sa aking mga mata. Inaalo niya ako gamit ang kaniyang kamay sa aking likod. Basang-basa na ang kaniyang balikat dahil sa mga luha ko. Pilit ko itong pinipigilan pero letche lang at ayaw nitong tumigil eh. Hindi ako nagpapakita na umiiyak ako dahil nakilala nila akong matapang. Pero kasi kay Andrew nalalabas ko ang aking pagiging mahina, siya lang ang taong aking kinikilala bilang kuya na talaga.
Inangat ko ang aking paningin dahil mas matangkad siya sa akin. “Hindi ako nakapasa Andrew. Hindi ko natupad ang pangarap ko.” Humahagul-gol na litanya ko. Niyakap niya ako sa kaniyang bisig at umiyak ulit. Hindi siya nagsalita at hinayaan lang ako, ramdam ko ang presensya nya at sa bawat haplos niya sa aking likod ay para siyang nagsasabing “Umiyak ka lang, nandito lang ako para sa’yo.”
Ilang sandali pa ay tumahan na ako. Binigyan naman ako ng tubig ni Cherry na pinasalamatan ko naman. Ininom ko naman ito agad dahil nauhaw ako kakayiak. “Can I talk to you?” tanong ko kay Andrew. Tumango naman siya saka kinuha ang aking bag na hindi ko namalayang nahulog at nasa sahig na at inilagay ito sa upuan. Inaya niya ako sa likod ng truck upang makausap habang si Cherry naman ay may inaasikaso na kadadating lang na costumer.
“Dumaan ako dito para magpaalam sa iyo.” Panimula ko. “Huh? Anong ibig mong sabihin.” “Pinapalayas na kami sa tinitirhan namin, may sulat na para sa demolition.” “Hala, sa’n ka pupunta ngayon niyan? Sa akin ka nalang tumira.” pag-aalok nito. “Hindi na, gusto ko ring umalis, gusto kong makalimutan ang sakit, gusto kong hanapin ang sarili ko. Buong buhay ko ay inilaan ko sa pangarap kong maging agriculturist.” “Saan ka naman pupunta.” “Ewan ko, sa malayo siguro. Kung saan ako dadalhin ng mga paa ko.” Tumango siya.
Alam kong tutol siya sa desisyon ko pero alam niya rin na hindi na ako magpapapigil. “Kung saan ka man mapadpad sana ay mahanap mo ang hinahanap mo Gabriel. Mag-ingat ka palagi. Alagaan mo ang sarili mo. Nandito lang ako palagi para sa iyo.” Niyakap niya ako ng mahigpit. Yakap ng isang kapatid, isang kuya na laging nakaalalay at nakagabay sa iyo.
“Balikan mo ako ah.” sabi nito. Wala mang kasiguruhan kung kailan pero ay tumango ako. “Iiwan ko sa iyo yung mga gamit ko, mga importanteng papeles, alam kong safe ito sa iyo.” “Sige, para na rin masiguro kong babalik ka at magpapakitang muli sa akin.” Natawa naman ako sa itinuran nito. “Ikaw na lang bahala kay boss ah.” Sabi ko na itinango lang niya.
Sabay kaming umakyat sa taas. “Basa itong damit mo ah.” “Nagdrama kasi ako sa ulan kanina eh.” natatawang sagot ko. “Magpalit ka ng damit ah.” “Opo kuya.” “Huwag ka nga.” sabi nito. Inabot ko sa kaniya ang envelope na may lamang mga dokumento. Kinuha naman niya ang aking bag at inilagay ito sa aking balikat. Nakatingin lang sa akin si Cherry. Inipoen ko ang aking mga kamay at lumapit naman siya para yakapin ako. Gaya ni Andrew ay inaalo niya lang ko. “Una nako sa inyo ah.” Tumango naman si Cherry. Yumakap naman uli si Andrew sa akin. “Bye.”
Umalis na ako sa truck, tinalikuran ko na ang lugar kung saan binuo ko ang aking mga pangarap kasama ang mga taong naging kasama ko sa aking laban. Lilisan man ako ng wasak ngayon, alam ko na sa aking pagbabalik ay buo na akong muli.
Natagpuan ko ang aking sarili na lulan ng isang jeep. Habang bumabiyahe ay may isang ale na bumaba ng jeep sa isang terminal ng bus. Bumaba na lang rin ako matapos kong maiabot ang aking pamasahe. Pumasok ako sa terminal at may isa na nga lang na bus ang naroroon. Nakita ko na sumakay ang ale doon. “Kuya saan po papunta ito.” Tanong ko sa konduktor. “San Joaquin boss.” Tumango naman ako saka ako sumakay. Hindi ko alam kung saan ang San Joaquin pero dahil wala naman akong ibang pupuntahan pa, bahala nalang.
Nakaupo na ako sa loob ng bus habang nasa may paanan ko ang aking bag. Katabi ko ang ale na nakasabay ko kanina. Nakalagay rin sa kaniyang paanan ang kaniyang mga gamit. Isinandal ko ang aking ulo sa bintana ng bus. Nadadaanan namin ang mga nagtataasang mga gusali at kasalo naman namin sa daan ang mga sasakyan na kapawa namin ay may mga lugar na pupuntahan.
Mabigat ang aking puso ngayon, ramdam ko talaga ang paggunaw na aking mga pangarap noong hindi ko nakita ang aking papel sa listahan. Akala ko talaga ay iyon na ang para sa akin eh. Konti nalang at matutupad ko na sana ang mga pinapangarap ko.
Naiiyak na naman ako habang naaalala ko iyon. Hindi ko na nga napigilan pa ang aking sarili at lumandas na sa aking mukha ang unang luha. Pinahid ko ito ngunit lumabas naman sa kabilang mata ang isa pang patak ng luha. Papahirin ko na sana ito ng aking kamay ngunit nag-unahan na ang aking mga luha kaya’t hinayaan ko nalang.
Umiyak lang ako ng umiyak habang iniisip ang aking mga naging karanasan para umabot sa puntong ito ng aking buhay. Humahagolgol na ako ng tahimik, umuuga na ang aking mga balikat. Mas masakit pala ang umiyak ng walang tunog, walang nakakaalam sa mga pinagdadaanan mo sa buhay.
Nagulat naman ako ng may nakita akong panyo sa aking harapan na hawak ng isang kamay. Tinignan ko ang may-ari nito at si ale pala. “Gamitin mo na iho.” “Salamat po.” sabi ko nalang habang inabot ang panyo mula sa kaniyang kamay at ipinahid ito sa aking mga mata.
“Kung ano mang pinagdadaanan mo ngayon, magtiwala ka lang na may rason ang mga ito, at gagawin ka nitong mas matapang at matibay.” Napatingin ako sa ale, tumingin rin siya sa akin at ngumiti, sinuklian ko naman ito. Isinandal ko nalang muli ang aking ulo sa bintana ng bus. Nararamdaman ko ang bigat ng aking puso at katawan, kasabay nito ay ang pagbigat rin ng talukap ng aking mga mata. Huling tanda kong nakita ng aking mga mata ay isang tulay. Yun lang at dumilim na ang aking paningin at tuluyan na akong nahila ng tulog.
“.ho..Iho…iho” Ramdam ko ang pagyugyug ng aking mga balikat. Napamulat ako ng aking mga mata at tinignan ang aking balikat saka ko nakita ang isang kamay na pilit akong inuuga. Sinundan ko ang kamay at nakita ko ang drayber sa aking harapan. Napabangon naman ako. “Iho, San Joaquin na. Ito na ang huling lugar na pupuntahan ko at dederetso na akong terminal.” sabi nito. Tumingin ako sa aking tabi at ’di ko na nakita pa ang ale kanina, inilibot ko ang aking tingin at nakita kong ako na nga lang ang natitira dito sa bus.
“Salamat po kuya.” Bumaba na ako sa bus at lumarga na nga ito nang ako’y makababa na. Nasa gilid ako ng kalsada nakatayo ngayon. Bitbit ko ang aking bag sa aking balikat at walang direksyon ang buhay. Ni hindi ko alam ang lugar na pinuntahan ko ngayon. Iniyakap ko ang aking kamay sa aking katawan ng sumagi sa akin ang hangin. Nilalamig na kasi ako at ramdam kong umiinit ang aking katawan pero ipinagsawalang bahala ko na lang ito.
Sa ’di kalayuan ay may nakita akong isang arko at may nakasulat rito, nasa taas ito ng isang gate na nakakonekta sa pader na nasa aking harapan ngunit nasa kabilang kalsada. Tumawid ako at lumakad papunta roon sa arko. Madilim na, sobra, at hindi ko pa talaga alam kung anong oras na dahil hindi naman ako nagdala ng aking telepono.
“HACIENDA DEL SALVADOR” Pagbasa ko sa nakaukit na salita doon sa arko, nakatingala ako rito. Sa gilid ng gate ay may nakita naman akong bench. Dumeretso ako doon at umupo. Inilagay ko ang aking duffel bag sa gilid nang ako ay makaupo. “Nasaan na ba ako?” tanong ko sa aking sarili. “Panginoon, tulungan niyo po ako, kayo na po sana ang bahala sa akin.” Panalangin ko habang nakatanaw sa langit. Umihip ang malamig na hangin at tila mas lalo akong giniginaw. Basa pa rin aking damit pero medyo tuyo na ito ng konti. Ramdam ko pa rin ang init ng aking katawan. Nilagnat pa yata ako. Ang malas ko talaga ngayong araw. Hays.
Nakaupo lang ako roon at ilang sandali pa ay ramdam ko na ang pagod ng aking katawan dahil sa biyahe, mugto rin ang aking mga mata at ramdam ko na muli ang pagbigat ng mga ito. Kumuha ako ng jacket sa loob ng aking bag, hinubad ko ang aking basang damit at nagbihis ako. Inayos ko na lang rin ang aking duffel bag at inilagay ito sa sa dulo, humiga ako at ginawa kong unan ang aking bag. Iniyakap ko na muli ang aking mga kamay sa aking sarili habang ramdam ang lamig ng gabi.
Someone’s P.O.V
“Pagod na ako Ador.” sabi ko sa aking asawa. “Malapit naman na tayo Beth.” sabi naman nito sa akin. Lulan kami ngayon ng isang truck na gamit namin pang-angkat ng mga copras. “Bakit kasi ngayon mo pa naisipang daanan itong mga kahoy eh.” “Nasa daan nalang naman tayo ay kinuha ko na para hindi na ako umalis mamaya kapag maliwang na.” sabi ng aking asawa habang nag mamaneho ito.
Nang makababa kasi ako ng bus dito sa San Joaquin ay nagpasundo ako sa asawa ko ngunit sa halip na umuwi na kami ay may dinaanan pa ito. Nakita ko na nga ang pader na hacienda na nagsasabing malapit na kami. Ilang sandali pa ay tanaw na namin ang matayog na arko ng hacienda. Nang makarating kami sa gate ay parang may napansin ako.
Tumigil ang aking asawa sa pagmaneho at bababa na sana para buksan ang gate pero pinatigil ko siya. “Teka Ador” sabi ko sabay hawak sa kaniyang balikat. Natigil naman siya at takang tumingin sa akin. “May tao sa gilid.” “Ha?” sabi nito sabay tingin sa gilid ng gate. “May tao nga.”
Sabay naming binuksan ang pinto ng truck saka kami bumaba para tignan ito. Nakahiga ito sa upuan habang yakap nito ang sarili at nanginginig sa lamig. “Anong ginagawa nito dito.” sabi ng aking asawa nang makalapit kami sa lalake.“Teka parang kilala ko ito ah.” sabi ko at inalala kung saan ko nga ba ito nakita.
“Siya iyong batang umiiyak na nakasabay ko sa bus kanina.” sabi ko. Lumapit ako sa kaniya at akin sanang gigisingin. Humawak ako sa kamay nito ngunit bago ko pa siya mayugyog ay inalis ko agad ang aking kamay nang maramdamang mainit ito. “Nilalagnat siya Ador.” imporma ko sa king asawa, hinawakan niya naman ito para makumpirma. “Anong gagawin natin dito?” “Dalhin na lang natin sa bahay at kawawa naman.” sabi ko. Binuhat na nga niya ang binata habang binuksan ko naman ang pintuan ng truck upang maisakay namin siya. Bumalik naman ako sa upuan at kinuha ang kaniyang mga gamit at inilagay ito sa may paanan katabi ng aking mga gamit.
Binuhay na nga ni Ador ang makina ng sasakyan saka niya ito pinaandar. Pagkapasok namin sa hacienda ay bumaba ulit ang aking asawa para sarhan ito. Mayroon namang guard dito na dapat magbukas ng gate ngunit alas kwatro na nga ng madaling araw kaya hindi na namin ito ginising pa. Yumakap naman ulit ang bata sa kaniyang katawan at ramdam kong nilalamig ito. “Kawawa naman itong batang to.” sabi ko sa aking asawa na ikinalingon naman niya.
Papunta na kami sa aming bahay ngunit kailangan muna namin daanan ang mga pananim na pinya sa kanan at mais naman sa kaliwa. Matapos ang ilang sandali ay nakarating na nga kami sa aming munting kubo at ipinasok rito ang binata. “Nakasabay ko siya kanina sa bus, grabe ang kaniyang iyak, siguro malaki ang problema nito.”
SIETE: Nueva Familia
Bagong Pamilya
Gabriel
Iminulat ko ang aking mga mata at pinakiramdaman ang paligid. Ramdam ng aking likod ang hinihigaan kong manipis na kutson habang may nakatakip na kumot sa ibabang kalahati ng aking katawan. Bubong na pawid ang aking nakita sa taas at parang ako’y nasa isang bahay na kubo. Nagulat ako dahil hindi na gaya ng kahapon ang aking suot marahil ay may nagbihis sa akin.
“Asan ako?” tanong ko sa aking sarili habang ako’y bumabangon mula sa aking kinahihigaan. Ako’y tila nasa isang sala dahil may upuan akong nakikita at maliit na lamesa, sa di naman kalayuan sa aking pwesto ay may nakita akong lutuan at mesang kainan. Sa kabilang banda naman sa akin ay isang pintuan na sa hula ko ay isang kwarto. Hinanap ko ang pintuan palabas habang gumugulo sa aking isipan ko paano akong nakarating dito eh sa naaalala ko ay humiga ako sa isang mahabang upuan malapit sa gate habang iniinda ang lamig ng gabi.
Nakita ko na ang pintuan palabas at pumunta ako rito. Habang papunta roon ay may nakita akong salamin at dito pinagmasdan ang aking repleksyon. Nakasuot ako ng sando at pajama, at may nakabalot na bimpo sa aking ulo at may mga dahon sa loob. Ginamot ba ako ng alburalyo? Ipinagsawalang bahala ko na lang ito as I make my way to the door.
Paglabas ko ng pintuan ay tila ako nasa isang bayan. May mga puno ng mangga at halos magkadikit ang mga bahay kubo pero malaking version nga lang na mga kubo na gawa sa kawayan. Maraming tao sa labas at halos ay may suot na salakot na parang mga farmers. May mga bata rin akong nakikita na masasayang naglalaro.
“Oh gising ka na pala iho.” sabi ng isang lalake na medyo may katandaan na, nakasuot rin siya ng salakot gaya ng iba at may hawak siyang tasa ng kape. “Beth! Gising na siya.” tawag niya sa isang babae na nasa kabilang bahay at tila may pinag-uusapan, nakita ko itong nagpaalam sa kausap at pumunta sa lalaki. “Iho gising ka na pala.” sabi nong Beth. Teka parang kilala ko ito ah. “Ikaw po ba yung ale na nakasabay ko sa bus?” tanong ko rito na siyang ikinangiti at tango nito. “Oo ako nga.” sabi nito.
“Halika magkape ka muna.” aya nito. Bumaba naman ako sa tatlong baitang ng hagdan nila at sinamahan sila sa lamesa sa labas. Pinagmasdan ko ang paligid nang ako’y nakaupo na. Masaya ang paligid, malinis, puno ng berdeng halaman,at napakapresko, malayong-malayo sa ingay at polusyon ng siyudad. “Ito oh.” sabi ni aleng Beth at inilapag ang isang tasa na kape. “Salamat po.” Sumipisp naman ako at ramdam ang hagod ng kape sa aking lalamunan, matapang ang kape at halatang organiko.
“Ako nga pala si Beth at ito naman ang asawa kong si Ador.” pagpapakilala nito. “Ako naman po si Gabriel. Gabriel Alcantara.” “Nakita ka namin sa labas ng hacienda at parang nilalamig, sa katunayan nga nilalagnat ka. Magaling ka na ba?” sabi ni aleng Beth. “Opo, maayos na po ako.” sabi ko dahil hindi ko na ramdam ang init ng aking katawan hindi katulad kagabi.
“Paano ka nga pala napunta rito sa San Joaquin iho, at ika’y halatang taga siyudad.” sabi ni Manong Ador. Huminga muna ako nilasap ang preskong hangin bago ko siya sinagot. “Galing po akong Maynila. Sumakay po ako ng bus na hindi ko alam saan ao pupunta, nakatabi ko pa nga po si Aleng Beth noon at inabutan niya ako ng panyo dahil umiiyak ako, nakatulog po ako sa bus at ginising nalang ako ng drayber at sabing dito na raw po ang huli niyang pupuntahan.” mahabang litanya ko rito.
“Hindi ko po alam saan ako pupunta kaya nang makita kong may mahabang upuan ay dito ako namalagi pansamantala at kalaunan ay nakatulog po ako.” “Kung hindi mo sana mamasamain, maari ko bang malaman kung bakit ka umiiyak?” tanong ni aleng Beth.
Uminom ako ng kape at inalala ang mga nangyari, sa aking pag-alala nito ay muling nabuhay ang kirot sa aking puso. “Inilaan ko po ang buhay ko para matupad ang aking pangarap, maging agriculturist, pero hindi po ako nakapasa eh, tsaka idedemolish pa ang bahay na tinitirhan ko.” Parang nalungkot naman ang mag-asawa ng marinig nila ang sinabi ko.
“Wala ka bang pamilya doon sa Maynila iho?” tanong ni Mang Ador. Umiling naman ako.
Natahimik naman ang dalawa at tumingin sa isa’t-isa na parang nag-uusap gamit lamang ang kanilang mga mata. Hinayaan ko naman sila habang ako’y sumisipsip ng kape at inirerehistro ang ganda ng paligid. “Ah Gabriel,” tumingin ako sa kanila. “Dumito ka nalang muna sa amin, kami lang naman mag-asawa ang naririto at wala rin kaming anak. Kung gusto mo lang naman.” sabi ni aleng Beth na ikinatuwa ng aking puso. “Talaga po?” “Oo.” sagot naman ni Mang Ador habang ngumingiti. Parang naiiyak naman ako sa pagtanggap nila sa akin, pinahiran ko ang tumakas na luha sa aking mata habang lumapit ako sa kanila at kapwa sila niyakap.
“Simula ngayon, tawagin mo na kaming Nanay Beth at Tatay Ador.” sabi ni Nay Beth. “Sa wakas may anak na rin ako. Ang guwapo pa, nagmana sa tatay.” Turan naman ni tatay Ador na hindi sinangayunan ni Nanay Beth pero amin nalang itong ikinatawa. “Nasaan po pala ako?” tanong ko sa kanila habang ako’y bumabalik sa aking pwesto. “Nandito ka sa Hacienda del Salvador.” Panimula ni Tatay Ador. “Pagmamay-ari ito ng mga Salvador, ni Lucio Salvador, ang pinakamayaman sa buong San Joaquin.” dugtong ni Nanay Beth.
“Dito sa ating pwesto ngayon ay ang mag bahay ng mga manggagawa sa Hacienda, lahat ng mga naririto ay nagtatrabaho dito sa hacienda. Maraming mga pananim rito. Malapit sa gate ay mga pinya at mais, dito sa atin naman ay mga puno ng mangga, sa kabilang banda ay puno ng niyog, sa likod naman ang mga tubo, malapit rin dito sa atin ay mga hayop, mga baka, manok, at baboy. Mayroon ding palayan. Sa gitna ng malawak na hacienda ay ang mansyon ng mga Salvador, malapit rin dito ang kuwadra ng mga kabayo dahil mahilig mangabayo ang mga anak ni Lucio.” sabi ni Tatay Ador.
“Sa malayong banda naman ay may malawak na Falls at minsan dito kami naliligo sa tuwing walang trabaho. Sa lawak ng haciendang ito ay halos kalahati na ito ng buong San Joaquin.” turan naman ni Nanay Beth.
Mamaya ay sasamahan ka namin ni Nanay Beth mo para ipakilala kay Don Lucio para makapagtrabaho ka na rin. “Sige po.”
Ipinagpatuloy nalang namin ang ang pagkakape habang nakikipagkwentuhan ako sa kanila tungkol sa buhay nila rito sa Hacienda. Napag-alaman ko naman na sampung taon na silang nagtatrabaho rito at sila ay nakatira na talaga rito sa bayan ng San Joaquin.
Habang masaya kaming nag kukwentuhan ay may babaeng dumating sa tarangkahan namin. “Mare!” tawag nito. “Oi mare! Pasok.” sabi ni nanay Beth. Pumasok naman yung babae at may kasama itong babae, dalaga, parang kaedad ko lang yata. Mataas ng buhok, kayumanggi ang kulay ng balat at petite ang pangangatawan, mabait ang kaniyang mukha ganoon din naman ang kaniyang ina, ang pagkakaiaba nga lang ay ang katawan nila.
“Ano na naman Milagros?” masayang bati naman ni Tatay Ador sa babae. “Napadaan lang ako at manghihiram na rin sana ako ng lagare, may aayusin lang ako sa aming kusina.” sabi nito habang ito’y papasok. Nauna namang pumasok ang anak nito at dumiretso kay Nanay Beth at Tatay Ador para magmano.“ “Kawaan ka anak.” sabi naman nila.
“Oh may bisita ata kayo.” sabi ni aleng Milagros sabay tingin sa akin. “Aba’y ang pogi naman nito, ang puti, kutis mayaman.” dagdag pa nito. Napatingin naman silang lahat sa akin gayundin ang babae na may guhit ng pagtataka ang maliit niyang mukha. “A-ako po si Gabriel.” sabi ko naman sa kanila na may konting hiya. Inilahad ko ang aking kamay at agad naman ako nitong kinamayan. “Ako naman si Milagros at ito naman ang anak kong si Jelay. May isa pa akong anak, si Jelly, bakla siya ng taon. Ang lambot naman nitong kamay mo iho. Naku alam mo walang pang nobyo itong anak ko, gusto mo sayo na.” “Ma!” sagot naman ng anak niyang si Jelay na parang nahihiya sa itinuran nito.
Natawa nalang kami sa kulit ng mag-ina. Ikinwento naman ni nanay Beth ung pano ako napunta sa kanila pero iniwan niya na lang ang parte na hindi ako nakapasa sa exam. Sinabi na rin ni tatay Ador ang balak niyang pagpapatrabaho sa akin. Nagkwentuhan naman muna sila nanay at aleng Milagros habang si tatay naman ay kumuha ng lagare at agad naman itong nakabalik.
Masaya namang lumapit sa akin si Jelay at inilahad ang kaniyang kamay. “Ako pala si Jelay.” “Ako naman si Gabriel.” masaya naming pakilala sa isa’isa. “Taga Maynila ka pala. Anong itsura ng Maynila? Gusto ko talagang pumunta roon eh kaso ayaw akong payagan ni nanay. Ayaw niya kasi na wala akong kasama doon dahil ayaw niya ring iwanan namin ang aming bahay dito dahil nandito ang ala-ala ng yumao kong ama.” mahabang litanya nito, mag nanay nga talaga sila, natatawa kong turan sa aking sarili. “Ang dami mo namang sinabi.” Turan ko dito na aming ikinatawa. “Pasenysa ka na, ganito lang talaga ako, tsaka bago ka kasi rito eh. Pwede ba kitang maging kaibigan?” sabi nito.
“Oo naman.” sagot ko sa alok nito. “Tsaka ang sagot sa tanong mo, oo taga Maynila ako, matataas ang mga gusali, maraming mga sasakyan, mausok, marami ring mga tao, makalat at magulo, pero masaya rin naman dahil marami kang makikitang mga pasyalan.” Tila kumikinang naman ang mga mata nito sa aking itinuran. “Sana balang araw makapunta ako roon.”
“Nagtatrabaho ka rin ba rito?” tanong ko sa kaniya. “Oo. Sa mansion ako nagsisilbi kasama si mama.” “Ahh.” “Anak, halika na, uwi na tayo.” “Sige ma. Dito na kami Gabriel, kitakits nalang mamaya.” pagpapaalam nito na sinuklian ko naman ng ngiti.
“Maghanda ka na Gabriel at pagkatapos ng almusal ay pupunta na tayo ng mansiyon.” “Sige po tay.” sabi ko naman saka ako umakyat at inihanda ang damit na aking susuutin. “Anak, Gabriel, may cabinet doon sa loob ng kwarto namin, doon mo nalang ilagay ang mga damit mo.” sabi naman ni nanay Beth tsaka ito dumiretso sa kusina para magluto. “Pasensya ka na at isa lang kasi ang kwarto dito, pero hayaan mo ay gagawan ka naman namin.” dagdag pa nito. “May maitutulong ba ako diyan sayo nay?” tanong ko rito habang sinilip ko ang kaniyang ginagawa sa kusina. “Naku, ako na dito.” “Nay sa’n nga pala ang liguan?” tanong ko rito. “Doon sa labas iho, may poso doon.”
Lumabas ako ng bahay at nakita kong sa likod ay may poso rito. Pumunta naman ako rito, may semento naman roon at parang ito ng ang liguan nila dahil may palanggana rito at may sabon at shampoo rin. “Diyan ka na maligo anak, at walang gripo doon sa loob ng cr, ayos lang naman sa’yo ano?” “Opo.” sagot ko na lang rito. May paga-alangan pa ako pero ipinagsawalang bahala ko na lang. Hinubad ko na ang aking pang itaas at itinira ang aking pajama. Sinubukan ko namang hilain ang lever pero wala namang lumalabas na tubig. “Paano ba to?”
May narinig naman akong tawa galing sa likod, tinignan ko ito at si tatay pala. “Wala naman palang ganiyan sa Maynila ano. Ganito ang paggamit niyan iho.” Lumapit siya sa poso at inangat baba niya ang lever pero bago iyon ay nilagyan muna niya ng isang tabong tubig ang poso. Dito ay namangha ako nang may lumabas ngang tubig sa bunganga nito bawat angat ng lever. Agad naman akong lumapit kay itay at sinubukang gawin ang kaniyang ginagawa. May kabigatan ng konti kapag inaangat mo na ang lever, siguro dahil may laman itong tubig. “Maiinom po ba ’to ’tay?” “Oo naman, safe ’yan.” Tsaka umalis si itay at hinayaan na ako sa aking pagligo.
Nang matapos na ako sa pagligo ay hinubad ko ang aking pajama hanggang sa salawal nalang ang natitira sa akin saka ko ibinalot na tuwalya ang aking bewang tsaka hinubad ang suot kong salawal. Umakyat na rin ako pagkatapos. Sa aking pag-akyat ay amoy ko na ang nilulutong tuyo ni nanay, “ang bango naman niyan nay.” “Magbihis kana at tayo’y kakain na.” masayang turan sa akin ni nanay Beth na agad ko namang sinunod.
Pumasok ako sa loob ng kanilang kwarto at dito ako ay nagbihis. Nagsuot lamang ako ng t-shirt na kulay puti na pansin kong manipis pala ang tela tsaka puting pants. Inayos ko ang aking buhok tsaka ako nag lotion. Lumabas na ako at dumiretso na sa kusina. Naabutan ko naman sila nanay at tatay rito. “Halika na, Gabriel”
Nanalangin muna si nanay tsaka kami kumain. Mayroon kaming sinangag, pritong itlog, tuyo, hiniwang kamatis, suka, at tubig. “Kumain ka ng marami iho at nang makabawi ka ng lakas.” sabi ni tatay na nginitian ko naman. Masaya ako habang kami’y kumakain, si tatay Ador kasi ay panay kwento ng mga nakakatawa. “Ang swerte ko naman at dito ako sa kanila napunta. Salamat Lord ah, hindi mo talaga ako pinabayaan.” sabi ko sa aking sarili.
Matapos kaming kumain ay busog na busog na ako. Tinulungan ko naman si nanay na magayos ng aming pinagkainan at siya na ang naghugas ng pinggan. Umupo muna ako sa sala saka hinintay si nanay, matapos siyang makapaghugas ay nagbihis sya at ako naman ay nagsipilyo.
“Hali na kayo at naghihintay na sila.” “Halika na Gabriel” pag-aya sa akin ni tatay, agad ko naman siyang sinundan palabas. Sa aming harapan ay may nakita akong isang truck. At maraming mga tao na malapit rito . Nakapang farmer sila ng suot, yung salakot tsaka longsleeve na damit pang proteksyon sa init.
Sumunod naman siyang pumunta sa truck, sinundan ko siya at gayundin si nanay Beth. Malapit lang naman ito kaya agad kaming nakarating rito. “Sino ’yan pare.” tanong ng isang lalaki na nakatingin sa akin, napukaw nito ang atensyon ng iba pa niyang mga kasama. “Mga pare, mare.” Tawag pansin ni tatay sa kanila. “Ito si Gabriel. Bagong sampa rito. Wala na siyang pamilya at mapupuntahan kaya dito nalang siya sa amin. Siya ay anak namin ni Beth.” sabi nito.
Parang may kumurot sa aking puso na sabihin iyon ni tatay Ador, parang anak niya na ako talaga, na labis ko naman ikinatuwa dahil hindi ko ito naranasan pa noon. “Ano, mana ba sa akin?” tanong ni tatay tsaka sya lumapit at umakbay sa akin. “Palabiro ka talaga pare.” sabi nung lalakeng nagtanong kanina tsaka nagtawanan naman ang mga tao. Pati kami ni nanay ay nakitawa na rin.
“Magandang araw sa iyo Gabriel, ako nga pala si Sonya at iyan naman ang asawa kong si Martin, maligayang pagdating dito sa Hacienda del Salvador, masaya kaming makilala ka.” sabi ng isang babae. Nginitian ko naman siya. “Maraming salamat po.” sabi ko. Sunod-sunod naman akong binati ng mga tao saka sila nagpakilala, tuwang tuwa naman ako na makilala sila. Napakakwela nila lalo na yung mga kaedad ko lang, para ko na rin silang kaibigan matagal na, parang welcome na welcome ako at hindi na iba para sa kanila. Galak na galak ang aking puso ngayon sa bago kong pamilya.
OCHO: Hacienda del Salvador
Gabriel
“O sya, tama na yan, ginawa nyo namang artista si Gabriel.” Pag-awat naman ni tatay sa kanila. “Eh ang ganda naman kasi ni Gabriel Mang Ador eh.” sabi naman ni Andong. “Lalake ka ba talaga Gabriel, baka naman tomboy ka? Mas mukha ka pang babae kesa sa nanay ko eh.” sabi din ni Tonyo kaibigan naman ni Andong, kinutusan naman siya ng nanay niyang si Aleng Sol na siyang ikinatawa ng lahat. Mabuti naman at hindi issue sa kanila ang kasarian ko. Halata naman kasi talaga na malambot ako eh.
“Sumakay na nga kayo. Halika na Gabriel” sabi ni tatay. Agad naman silang nagsakayan, isa itong dump truck at kasya naman silang lahat dito. Hindi pa raw ito ang lahat ng tao rito dahil ang iba ay may motor at bisikleta tsaka ang iba rin ay pinipiling maglakad. Sumakay naman kami sa may passenger area ni nanay tsaka si tatay ay sa drayber seat, siya ang magmamaneho.
Habang umaandar kami ay tanaw ko na ang paligid ng Hacienda, napaka-presko at mahangin, nakangiti lamang ako habang pinagmamasdan ito, pagkatapos kasi ng area ng mangga ay iba’t-ibang uri naman ng prutas ang makikita mo. Matapos ito ay pumunta naman kami sa may tubuhan at may bumaba na. Malawak rin ang tubuhan. Pagkatapos ay inihatid naman namin ang iba sa may bakahan at manokan. ’Di kalayuan naman mula sa manokan ay ay ang baboyan, sapat na distansya mula sa mga manok dahil bawal kasi silang magsama.
Konti na lang ang natitira sa truck at halos ay mga babae at konti nalang ang lalake. “Alam mo Gabriel, lahat kami ay may nakatokang mga gawain, si nanay Beth mo kasama si Milagros tsaka si Jelay as sa loob ng mansion, marami pa ang nasa loob ng mansion pero mga stay-in ang iba. Ako naman ay doon sa prutasan, pero kapag maghaharvest na, lahat ay nagtutulungan na dahil sa lawak nitong Hacienda ay aabutin ng siyam-siyam kung sa nakatokang gawain ka lang.” pagkukwento ni tatay.
“Eh ako po, saan po kaya ako?” tanong ko naman. “Si Don Lucio ang nagtotoka ng mga gawain, kung saan ka niya ilalagay ay doon ka.” sabi naman ni inay. “Mabait po ba ang amo natin nay?” “Oo naman, siya na yata ang pinakamabait na tao sa buong San Joaquin, hindi siya tulad ng ibang mayayaman.” sabi ni nanay. “Mabait siya pero kapag trabaho naman ay seryoso siya at gusto niya maayos.” dagdag pa ni tatay. “Malapit na tayo.”
Sa ’di kalayuan ay makikita mo ang isang napakaganda at malaking mansion. Ngayon palang yata ako nakakita ng ganitong bahay. Tatlong palapag na gusali na tila pang espanya ang datingan. Vintage touch ang architecture ng mansion at kulay puti ito. Sa labas ay may magagandang pagkakahilera ng mga tanim na bulaklak.
Sa tuwing tinitignan mo ito ay para kang bumabalik sa panahon kung saan sinasakop ng kastila ang Pilipinas. Nang makalapit na kami rito ay huminto na ang sasakyan. “Nandito na tayo.” sabi ni tatay saka kami bumaba.
“Ang ganda naman ng mansion.” sabi ko na ’di mapigilan ang paghanga sa kagandahan ng nasa aking harapan. “Ganyan ang magagawa anak kapag maraming pera.” sabi naman ni nanay. Lumakad na nga kami papuntang harapan ng mansion. May bigla namang kumapyot sa aking braso at nakita kong si Jelay pala. “Naku sana Gabriel sa loob ka matoka para magkasama tayo.” sabi niya. “Naku ayoko.” “Ha, bakit naman?” “Ayaw ko sayo ang ingay mo kasi.” sabi ko na ikinatawa lang nila. “Biro lang.” sabi ko pa.
“Binibiro mo na ako ah.” sabi ni Jelay habang nakabusangot ang mukha. Nang makarating kami sa harap ng mansyon ay may hagdan pa ito mga limang baitang ata, may makikita namang mga lalake sa labas at nag-ayos ng mga bulaklak. Nakumustahan naman silang lahat at nahuhuli ko ring tumitingin sila sa akin.
Nang makarating kami sa taas ay mas lalo akong humanga sa ganda na interior ng mansion. Malawak ang bukas ng mansion at parang wala naman ata itong harang kaya napakahangin sa loob. Bubungad sa iyo ang malawak na sala, mayroong mga sofa na mukhang sobrang lambot at mamahalin, mayroon ring mga taong naglilinis rito. Mayroong mga malalaking banga at mayroon ding mga mamahaling halaman. Sa taas naman ay may isang malaking chandelier na gawa sa ratan at talaga namang napakaganda nito.
Nagpaalam naman sila aleng Milagros at Jelay at dumiretso na sila sa isang sulok, “Sunod na ako sa kanila, ikaw na ang bahala sa kaniya Ador ah.” nagpaalam na rin si inay. “Kung kailangan mo ako Gabriel ay nasa kusina lamang ako.” dagdag nito saka pumunta sa pinuntahan nila Jelay. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa mawala ito sa isang sulok.
“Diego pare.” tawag ni itay sa lalakeng may hawak na tablet at nakaformal attire, lumapit naman kami ni itay rito. “Ah si Gabriel pala anak ko.” Parang naloka naman ito sa itinuran ni itay. “Kailan ka pa nagkaanak Ador?” natatawang tanong nito. “Gabriel si Diego alalay ni Don Lucio.” “Anong alalay? Chaka mo, assistant!” sabi nito na ikinatawa rin ni itay.
“Hello sister.” sabi naman ni Diego. “Hello po.” “Asan nga pala si Don Lucio? Balak ko kasing ipasok itong si Gabriel.” “Nandoon.” turo naman ni Diego at nagsimulang lumakad, sinundan naman namin siya. Tinignan ko siya at kumikembot itong naglalakad, may pitik ang bewang at feel na feel nito ang hangin na parang ang haba ng buhok niya. Natatawa nalang kami ni itay.
Habang naglalakad ay inilibot ko ang aking paningin sa loob ng mansion, puno ito ng painting na sobra namang ganda. Antigong-antigo ang design ng bahay pero ang ilang mga kagamitan naman ay moderno. Sa gilid ay may makikita kang isang grand piano na kulay itim. How I wish na marunong akong tumugtug nito, wala kasi akong alam Kahit na isang instrumento eh, siguro dahil ang pangit na boses ko hahaha.
Ilang lakaran pa ay may nakita na kaming isang matikas na lalake na nakasuot ng longsleeve at pantalon, leather shoes tsaka pinaresan pa ng cowboy hat na nakasabit lamang sa batok nito. Para siyang mga nasa kaniyang 50’s. May kausap itong isang trabahante na kalaunan ay umalis na rin. Pumwesto naman si Diego sa tabi nito.
“Magandang araw po Don Lucio.” Bati ni tatay sa kaniya. At dito ay napatingin ang don, aside sa tanda nito ay mapapansin mo talaga ang gandang lalake nito noong kabataan, matikas, gwapo, tsaka matangkad. “O Ador. Naparito ka?” baling nito kay tatay Ador. “Ah si Gabriel ho, anak ko.” pagpapakilala nito sa akin. “Magandang umaga po Don Lucio.” sabi ko rito saka ito bumaling sa akin.
“Magandang araw rin sa iyo iho. Kailan ka pa nagkaroon ng anak Ador, tsaka sigurado ka ba eh ang layo naman.” natatawang sabi ni Don Lucio na parang natatawa. Napakamot nalang si itay ng kaniyang batok saka nito ikinuwento kung paano ako napunta dito sa hacienda. “Balak ko sana siyang ipasok po rito para makapagtrabaho.” sabi naman ni tatay.
“Aba’y ganoon ba? Marunong ka bang mag-alaga ng kabayo iho?” baling nito sa akin. “Ah eh hindi po eh, pero pag-aaralan ko naman po.” sabi ko rito. Ngumiti naman ito sa akin, “Welcome sa Hacienda del Salvador iho” turan nito saka inilahad ang kaniyang kamay na agad ko namang tinanggap. “Maraming salamat po.” Sabi ko habang malawak ang ngiti. “O siya, dito na ako ah.” pagpapa-alam nito sa amin, sinundan naman ito ni Diego na patungo yata sila sa kusina.
“Halika Gabriel at ihahatid kita sa kwadra.” sabi ni itay saka ko siya sinundan patungo sa likod na bahagi, malaki rin ang bukas nito at tila wala ring harang. Sa likod na bahagi ng mansion ay may malalaking puno ng acacia. Napakahangin rin dito. Sa gilid naman ay may makikitang parang dirty kitchen ata.
Ilang lakaran pa ay may nakita na akong isang parang bahay. Yung kwadrang may bubong. Sa gilid nito ay may mga dayami na pinapakain sa mga kabayo. Mayroon ding isang lalaki rito na tila pinapaliguan ang isang kabayo. “Pareng Jun!” tawag ni tatay sa kaniya saka tumingin ito sa amin.
“Pareng Ador, musta?” sabi nito nang makalapit kami sa kaniya. “Ayos naman, ito pala si Gabriel, sa amin siya ni Beth nakatira ngayon at pinapasok ko dito sa hacienda. Dito daw sya sabi ni Don Lucio.” Magandang umaga po Mang Jun.“ sabi ko naman. “Magandang umaga rin Gabriel, tamang-tama at ako na lang mag-isa rito dahil umalis na si Justin eh, umuwi na sa kanila.” “Sige anak at magtatrabaho pa ako” sabi ni tatay na akin nalang tinanguan. “Ikaw na ang bahala dito kay Gabriel pare ah.” sabi ni tatay kay Mang Jun na ikinatango rin nito saka siya umalis na.
“Marunong ka bang mag-alaga ng kabayo Gabriel?” tanong ni Mang Jun sa akin. Malaking tao si mang Jun, kalbo siya at may kamukha syang artista, Benjie Paras ata pangalan non. Parang nakakatakot siya pero pag nagsalita na ay mabait naman tsaka madali lang makagaanan ng loob. “Naku, hindi nga po eh. Waiter po kasi ako doon sa Maynila tsaka ngayon pa lang po ako mag-aalaga ng mga kabayo.” “’Wag kang mga-alala at tuturuan naman kita.”
“Bale ang ginagawa ko rito ay pinaliliguan sila isang beses sa isang linggo, mainit kasi dito sa Pilipinas, naiinitan rin sila, tsaka sinasakyan rin sila ng mga amo natin at ng mga bisita nito kapag naglilibot sila sa hacienda kaya importanteng malinis sila, pwede mo rin silang sakyan kung marunong ka lang. Ilalabas sila dito isa-isa saka mo sila paliliguan, lunes ang schedule nila. “
“Pagkatapos naman ng ligo ay lilinisan mo ang kwarto nila isa-isa habang ang may-ari ng kwarto ay nasa labas pa. Pagkatapos namang maligo ay saka sila papakainin ng mga dayami. Tatlong beses sa isang araw sila kumakain. Minsan rin ay tayo rin ang nagbibigay ng mga vitamins rito at gamot kapag may sakit ang mga ito.”
“Sampung kabayo ang aalagaan natin, bawat isa sa kanila ay may mga pangalan. Apat ang babae, tatlong matanda isang bata, Anim naman ang lalake. Ito naman ay si Tara.” turo niya sa kulay brown na kabayo na nasa labas at kasalukuyan niyang pinaliliguan. “Mababait naman silang lahat kailangan mo lang amuhin, para magawa mo iyon haplusin mo lang sila habang tawag ang kanilang pangalan, iparamdam mo sa kanila na hindi ka takot sa kanila at gusto mo sila.” sabi nito. “Naiintindihan mo ba ang pinagsasabi ko Gabriel?” tanong nito.
Ngumiti naman ako sa kaniya. “Opo, sa katunayan nga po niyan ay excited na ako, bata pa lang po kasi ako ay gusto ko nang magkaroon ng kabayo eh.” “Mabuti naman kung ganoon.” sagot nito.
Lumapit kami kay Tara at tinuruan ako kung paano pinapaliguan ang mga kabayo. “Ito ang shampoo nila, ilalagay mo lang sa katawan nila saka mo kukuskusin, ganon rin dito sa buhok nila talaga, kapareho lang din ni pagsha-shampoo mo sa buhok ay ganoon lang rin sa kanila. Pagkatapos ay banlawan mo saka iboblower ang buhok nila, para maayos.” Tumango lang ako.
“Halika at pumasok tayo sa kwadra.” Sinundan ko naman siya papasok. Pagpasok ko dito ay may mga kabayo na nasa kanilang mga kulungan. Hindi naman gaano kadilim kasi may mga ilaw naman tsaka may malaking awang na desenyo ang pader sa itaas. Mahangin rin dahil mataas ang bubong.
“Bawat kwarto ay may pangalan ng kabayo. Sa bawat side ay tig-lima. Dito muna tayo sa kaliwa. Mga lalake halos rito. Una si Maximus.” Isang makisig na kabayo, jet black ang katawan nito. “Si Maximus ang kabayo ng panganay ni Don Lucio. Itong pangalawa naman ay si Magnum, ang kabayo ni Don Lucio.” Turo niya sa kabayong jet black din ang kulay pero hindi ganoon katas ang buhok nito hindi tulad ni Maximus. “Ang pangatlo ay si Magnus, ang kabayo ng ikalawang anak ni Don Lucio, Si Nathaniel.” Si Magnus ay kasing kulay ng kape at mayroon itong mas brown pa na buhok.
Umabante pa kami at nakarating sa ika-apat na kabayo. Darkbrown naman ito at may mataas na buhok na kasing kulay niya lang rin. “Ito si Machete ang kabayo ni Juancho. Itong panglima dito ay si Macho.” Ang panglimang kabayo ay kulay itim pero hindi kasing itim ni Maximus at Magnum. Mayroon itong coffee hair. Bumalik naman kami sa unang kabayo sa kanan naman.
Pagkakita ko palang ng kabayong ito ay ay parang na inlove na ako sa kaniya, magaan ang aking loob rito. “Mag-ingat ka lang dito sa kaniya. Siya si Malik.” “Bakit naman po mag-iingat?” Tanong ko rito. “May pagka agresibo siya, walang sumasakay sa kaniya kasi hindi siya nakikikinig kapag pinapatigil siya at ang huling sumakay sa kaniya na hindi niya amo ay hinulog niya.” “Bakit naman po siya ganun? Sino po ba ang amo niya?” tanong ko pa.
“Si Ma’am Elena Salvador. Ang namayapang asawa ni Don Lucio. Dinamdam ni Malik ang pagkawala ni Ma’am Elena kaya ayaw nyang nagpapagamit sa iba.” Parang naawa naman ako sa kwento ni Mang Jun tungkol kay Malik kaya hinawakan ko ito. “Huwa-” papatagilin pa sana ako ni Mang Jun pero huli na. Sa pagpatong ko ng aking kamay sa puting kabayo na may blonde long hair ay pumikit ang mata nito at tila dinadama ang aking haplos.
“Paano mo nagagawa ’yon?” Tanong sa akin ni Mang Jun. “Ang alin po?” tanong ko sa kaniya habang hinahaplos ang ulo ni Malik. “Ang pagpapaamo sa kaniya? Kung ako kasi ay nagagalit siya.” Ipinagsawalang kibot ko nalang ang sinabi niya at tumingin kay Malik habang hinahaplos siya, napangiti naman ako dahil napakabait nga siya sa akin. “Hays, nakatagpo na siya ng bago niyang amo, at sa iyo nya iyon nakita Gabriel.” Ikinatuwa naman ng aking puso ang sinabi ni Mang Jun.
Umabante na kami at pansin kong walang kabayo rito. “Si Tara ang nakapwesto dito, siya ang kabayo na malapit sa akin. Mahal kong Tara” sabi ni Mang Jun saka kami umabante pa ulit. “Ito naman si Tala.” turo niya sa kabayong katulad ng kulay ni Tara pero maliit ang buhok nito ’di gaya ni Tara. “At ang sunod naman ay si Tasha” darkbrown rin ang kaniyang kulay tulad ni Machete ang pinagkaiba lang nila ay mas malaki si Machete. “Ang pangluhi, pinaka-bata, at pinaka-maliit, si Taliya. Anak siya ni Machete at Tasha kaya magkaparehas silang tatlo ng kulay.”
“Ngayon ay kilala mo na sila, paliguan na natin sila isa-isa.” nakangiting panyaya naman ni Mang Jun.
NUEVE: Nathaniel Vero
Gabriel
Tapos na naming napaliguan ang limang lalakeng kabayo tsaka si Tara. Sa bawat kabayong pinapaliguan ko ay nililinis ko rin ang kanilang kuwadra bago ko sila ibabalik. At ngayon papaliguan ko na si Malik habang si Mang Jun naman ay kay Tala.
Manipis lamang ang damit na suot ko ngayon at may konting pisik na ako. Hila-hila ko si Malik gamit ang tali na naka palibot sa kaniyang leeg. Magiliw na kabayo si Malik, may kalikutan, siguro dahil sa ngayon lang siya naging kumportable sa isang tao. Ang ganda nang kulay niya talaga parang yung mga dyosa na nagiging kabayo sa telebisyon, lalaki nga lang sya.
Itinali ko na siya saka ko binuksan ang gripo at itinuro sa may ulo niya ang hose at dito’y lumabas ang tubig. Habang naliligo siya ay naisipan ata niyang wisikin ako. “Malik!” natatawa kong pagtawag sa kaniya. “Basang basa na ako tuloy.” sabi ko at parang tinawanan lang ako ni Malik. Ipinagpatuloy ko nalang ang pagliligo sa kaniya habang natatawa dahil parang tuwang-tuwa siya na maka ligo.
“Gabriel, may kukunin lang ako sandali ah.” “Sige po” Yun lang at umalis na siya. Pumunta naman ako kay Tala at hinimas-himas ang ulo niya para lang makipag-close, magiliw naman itong niramdam ang aking haplos. I didn’t know na may gantong touch pala ako sa mga kabayo. Bumalik na ako kay Malik at pinagpatuloy ang pagsasabon sa kaniya.
“Hi.” Narinig kong bati sa aking likod kaya naman agad akong tumingin dito at ’di ako makapaniwala sa aking nakita.
Nathaniel Vero Salvador
Palabas ako ng bahay at papunta na ako ngayon sa kwadra para kunin ang kabayo kong si Magnus, maganda kasi ang panahon ngayon kaya naisipan kong mangabayo at maglibot sa hacienda. Habang tanaw ko ang kwadra sa ’di kalayuan ay nakasalubong ko naman si Mang Jun. “Mang Jun” tawag ko rito. “Boss Nathan.” “Napaliguan na po ba si Magnus?” tanong ko rito. Sumagot naman ito kaagad pero hindi ko na narinig dahil naagaw ang aking atensyon ng isang lalaki kasama si Malik, pinapaliguan niya ito.
“Sino yung lalakeng yun Mang Jun?” Sinundan niya naman ang aking paningin at pumihit siya patalikod. “Ah si Gabriel, anak-anakan ni Ador at Beth. Bago lang.” sabi nito. “Sige po.” Sabi ko rito habang ako ay papunta na sa kaniya. Sa malapitan ay kitang-kita ko ang kaniyang napaka-kinis at maputing katawan na kitang-kita mula sa basa niyang damit. Nakatalikod siya sa akin kaya napagpasiyahan kong batiin siya ng makarating ako sa kinaroroonan niya. “Hi.”
Lumingon naman siya at tila salamin ang aking tinitignan dahil parehong balot ang aming mukha ng pagkagulat.
“Gabriel?”
“Sir Nathaniel?”
Sabay naming sabi na parang ’di makapaniwala na dito pa talaga kami sa hacienda magkikitang dalawa.
Gabriel
Lumapit sa akin si Sir Nathaniel, gulat na ngumiti kami sa isa’t-isa sa aming reunion. “Pa-paano ka napunta rito?” tanong nito. “Mahabang istorya sir eh, ’di po kasi ako nakapasa sa exam.” Medyo may kalungkutang sabi ko. “Dito ka na nagtatrabaho?” Tumango naman ako.
“Gusto sana kitang yakapin kaso ay basa ka eh.” sabi nito na ikinapula ng aking mukha, hala, basa nga pala ako, tinignan ko ang aking katawan at dito ko napagalaman nakitang-kita pala ang aking katawan nang dahil sa basa kong damit. Namula naman ang aking pinsgi at ramdam ko ang init dito. Natawa nalang din si Sir sa akin. “Pasensya na po Sir Nathaniel ah, malikot po kasi si Malik eh.” sabi ko rito habang tinitignan si Malik.
“Mabuti at napaamo mo si Malik, alam mo bang walang kahit sino sa amin ang nakapapaamo sa kaniya.” “Oo nga po eh, sabi din ni Mang Jun. Mabait naman siya sa akin.” sagot ko rito. “Teka, diba Salvador ang apelyido mo, so ibig sabihin-” “Oo, anak ako ng may-ari ng Haciendang to.” putol nito sa sinasabi ko na ikinagulat ko naman. “What a small world.” sabi ko rito na ikinatango lang niya.
“Gusto mo tulungan na kita?” pag-aalok nito na agad ko namang tinanggihan. “’Wag na po sir Nathaniel.” sabi ko rito. Natawa naman ito. “Nathan nalang, ’wag nang Nathaniel, ang haba kasi.” “Sige po sir Nathan.” ’Wag na ring Sir.“ “Naku, eh amo ko po kayo kaya dapat lang na sir.” sabi ko naman na ikina hands-up niya na lang.
Nagulat naman ako sa sunod niyang ginawa. “A-ano pong ginagawa niyo?” tanong ko rito habang ako’y napapa-atras. Shet, ang hot niya. Ang nasabi ko na lang sa aking sarili nang makitang maghubad si Sir Nathan at kita ko ang kaniyang mala-adonis na katawan. Wala siyang masiyadong abs pero hindi rin naman malaki ang kaniyang tiyan, defined din ang kaniyang pecs, maputi siya at makinis. Malaki rin ang kaniyang mga braso.
“Tutulungan kita.” sabi nito ng tuluyang mahubad ang kaniyang pang itaas at itinira na lang ang kaniyang short at tsinelas nito. Wala naman na akong magawa kaya hinayaan ko na lang siya. Lumapit siya kay Tala at siya ang nag sabon rito habang ako naman ay tinuloy ang pagsasabon kay Malik. Matapos kong masabunan ang kaniyang buong katawan ay dumiretso naman ako sa mataas na blonde mane nito saka naman ito nilagyan ng shampoo.
“Tama nga ako at magkikita pa tayong muli” sabi ni Sir Nathan at naalala ko nga ang sinabi niya noon. Nag kwentuhan pa kami at sinabi ko sa kanya kung paano ako napunta dito. “Malay mo may dahilan pala na napunta ka rito diba.” sabi nito. “Malay mo ako yun.” “May sinasabi po kayo sir?” Tanong ko sa kaniya nung may narinig akong parang bulong. “Ha? Wala.” Nakangiting sagot naman nito sa akin.
“Kung Haciendero ka dito, pano ka naman po napunta sa Maynila para mag proctor?” tanong ko rito. “Isa rin akong license agriculturist at naimbitahan ako para mag proctor.” napatango naman ako sa sinabi nito.
Binanlawan ko na si Malik at ramdam kong may wisik sa akin ngunit pagtingin ko kay Malik ay behave naman ito kaya sa malamang hindi siya iyon, at dito na nga ako nakarinig ng tawa, si Sir Nathan pala. Lumingon naman ako sa kinaoroonan niya at sakto pagtingin ko sa kaniya ay pinihit niya sa akin ang hose na naging dahilan ng pagkabasa ko pa lalo. “Sir Nathan!” pagsaway ko rito. Tinawaan lang ako ng huli.
“Ah hinanahamon mo ako ah.” sabi ko rito saka pinihit ko sa kaniya ang hose. “Oi oi oi” iiwas pa sana ito pero natuluyan ko nang Mabasa ang katawan nito. Basang-basa na siya ngayon dahil hindi ko talaga siya tinigilan. Nabasa ang naka brush up na buhok nito kaya ito bumagsak, nakita ko naman na sinuklay niya ito gamit ang kaniyang kamay.
Nakakahumaling tignan ang bawat galaw ng kaniyang mga muscle habang ginagawa niya iyon. Nakatingin lang ako sa kaniya at ganon rin siya sa akin.
Parang nagzo-zoom in rin sa akin ang bawat patak ng tubig sa kaniyang dibdib patungo sa kaniyang tiyan.
“Humanda ka sa’kin Gabriel.” sabi nito at ipinihit sa akin ng hose nito pero bago pa niya ako mabasa ay tumakbo na ako. Hinabol niya naman ako habang bitbit pa rin ang hose, nababasa na niya ako at tawa lang naman ako ng tawa. Natatawa na rin siya at ang sarap sa tenga ng panglalaki niyang boses, naapektuhan ako sa di malamang dahilan.
Tuluyan na nga niya akong nabasa kaya naman mas binilisan ko pa ang aking takbo hanggang sa makarating ako sa likod ng kuwadra at dito niya ako naabutan. Hindi ko namalayan na wala na pala siyang dalang hose.
Hinawakan niya ako sa likod, ako naman ay malapit nang ma out of balance mabuti na lamang at nasalo ako ng pader ng kwadra sa aking likuran. Nakasandal ako sa pader habang siya naman ay nasa aking harapan, halos magkadikit na ang aming katawan, ang kaniyang kamay ay nakalihis sa aking bewang. Inilapit niya ang kaniyang ulo hanggang sa magkadikit ang aming mga noo.
Kita ko ang mga nangungusap niyang mga mata, natatabunan lang ng konti ang aking paningin dahil sa nabasa kong bangs. Nakangiti lang siya, napakatamis, tila nangungusap ang kaniyang mga mata habang tumitingin sa akin. Bumibilis naman ang tibok ng aking puso at tila umiinit ang aking pisngi. Ilang sandalj pa ay tumikhim ako, “S-sir.” “Ehem” pagfi-fake cough naman nito saka siya umalis sa pagkakadikit sa akin.
Inalis ko naman ang pagkakasandal ng aking likod sa pader. “Balik na po tayo.” “Ah sige. Mauna ka na.” Hindi na ako lumingon pa at bumalik na ako sa pagbabanlaw kay Malik. Ilang sandali pa ay dumating na si Sir Nathan at pansin ko na tila may bukol na sa kaniyang ibaba. Hindi naman ako tanga para hindi mapansin iyon at hindi malaman na ako ang dahilan non. “Tinamaan ang g*go.” sabi ko nalang sa sarili ko saka ako palihim na natawa.
Nahihirapan din siyang maglakad, siguro ay ayaw niyang ipahalata sa akin ang bukol sa shorts niya. Hindi ko nalang siya pinansin pa at itinuon kay Malik ang aking buong atensyon. Matapos ang ilang sandali ay tapos ko nang paliguan si Malik at napansin iyon ni Sir Nathan. Wala na ang akward na atmospera na namamangitan sa amin.
“Marunong ka na bang mangabayo Gabriel?” tumingin naman ako sa kaniya. “Hindi pa po eh.” “Hayaan mo sa susunod ay tuturuan kita.” sabi nito na ikinatango ko naman bago ako pumunta sa kwadra dala ang isang balde ng tubig para linisin ang kwadra ni Malik. Habang siya naman ay tinatapos ang pagbabanlaw kay Tala.
Mabili ko lang na natapos ang paglilinis at pagbalik ko nga ay katatapos lang ni Sir Nathan ang pagliligo kay Tala saka naman dumating si Mang Jun. “O ba’t basang-basa kayong dalawa?” Nagkatinginan naman kami ni Sir Nathan saka kami parehong natawa. “Tapos na po itong si Tala Mang Jun” sabi ni Sir Nathan. Kinuha ko naman si Malik at ibinalik na sa kaniyang pwesto sako ko kinuha si Tasha at siya naman ang lilinisan ko.
“Ay ako na po riyan Boss Nathan.” sabi ni mang Jun saka kinuha ang tali ni Tala. “Magbibihis muna ako Gabriel ah, tsaka ikaw rin magbihis ka na.” sabi ni Sir Nathan saka nito tinahak ang daan patungong bahay nila. “Magkakilala pala kayo ijo?” tanong ni Mang Jun sa akin. “Hindi naman po masiyado, pero nagkita na po kami noon pa sa Maynila.”
Ipinagpatuloy ko na ang pagliligo kay Tasha. Mabilis lang kaming natapos at oras na ng pagpapakain sa kanila. Tinuruan naman ako ni Mang Jun kung gaano karami lang ang ipapakain sa kanila. Mabilis lang din namin itong tinapos at dinismiss na ako ni Mang Jun magbihis raw muna ako baka ako’y magkasakit.
Dumiretso naman ako sa mansion para tanungin si nanay Beth kung nasaan si itay para ako’y magpapahatid sa bahay upang makakuha ng damit pangbihis. Tahimik lang akong lumalakad nang may narinig akong kaluskos mula sa ’di kalayuan. Nagtaka naman ako at na curious kaya sinundan ko ito. Nakita ko naman na gumagalaw ang halaman sa gilid ng mansiyon.
Nang may kalapitan na ako ay mas naririnig ko pa ang kaluskos at hindi lang iyon, umuungol pa, parang tinig ito ng isang babae, palakas ito ng palakas. Akala ko ay kung ano na ang nagyayari baka sugatan ang babae at kung napano na kaya mas lumapit pa ako sa gilid ng bahay.
Habang papalapit ay may naririnig na rin akong ungol ng lalaki. Dito ay may hinala na ako kung ano ang nasa likod ng mga tunog na iyon.
Tila naubusan ng dugo ang aking ulo ng tuluyan ko nang natunton ang pinagmulan ng tunog. “AHHHH” sigaw ko nang may nakita akong babae at lalaki na naglalampungan. Napansin naman ako ng babae at ito naman ang sumunod na sumigaw. “AHHHH” tili ng bababe kasabay naman nito ang pagmura ng lalake. “Shit shit.” Mabilis silang nag hiwalay at nag-ayos ng kanilang damit. Kita ko pa talaga ang malaking suso nung babae tsaka ng maputing pwet nung lalake sako ko naisipang tumalikod at mabilis na naglakad palayo sa kinaroroonan nila.
“Jusko naman, bakit sa labas pa, eh mayroon naman yatang mas tago pa ano.” sabi ko sa sarili ko habang mas binilisan pa ang paglalakad. Kinabahan ako at mabilis ang tibok ng aking puso dahil unang pagkakataon kasi ito nang may makita akong gawaing ganoon. Ang tirik pa naman ng araw ’di ba pwedeng mamaya na nila gawin iyon. Ramdam ko ang init ng aking pisngi na kumalat sa aking tenga, alam kong pulang pula na ako ngayon.
Mabilis akong nakarating sa mansion at pupunta na sana ako sa kusina para hanapin si nanay at ipagtanong kung saan ko matatagpuan si tatay ngunit nakita ko si tatay na parang nasa labas ng mansyon sa may hagdan. Mabilis akong pumunta rito at inihiling sa kaniya na ihatid ako. Napansin niya naman basa ako kaya hindi na niya ako tinanong pa at dumiretso na lamang kami sa truck.
DIEZ: Javier Liam
Gabriel
Tamang-tama at tanghalian na ng makarating kami ni tatay Ador sa bahay kaya naisipan naming mananghalian na lamang dito. Ako naman ay nagbihis muna ng damit.
“Tay? matanong ko lang po, sino-sino po ba ang mga tagapagmana ni Don Lucio?” tanong ko sa kaniya ng hindi ko na mapigilan ang aking kyuryusidad, “Ahh ang ibig mo bang sabihin ay iyong mga anak niya?” Tumango naman ako.
“Mayroon siyang apat na anak na lalake. Bawat isa sa kanila ay nirerespeto dito sa hacienda, ’di lang dahil sa mga amo namin sila, ngunit lahat sila ay mababait at magagalang sa aming mga empleyado nila.” kwento ni itay habang ako naman ay sumusubo ng pagkain. “Ang panganay ay si Boss Alejandro, mabait naman siya at siya ang aming pangalawang amo kasi sa kaniya pinapapagkatiwala ang hacienda sa tuwing wala si Don Lucio. Ang pangalawa naman ay si Boss Nathaniel, hindi siya masiyadong nangingialam sa kuya niya tungkol sa negosyo pero isa siyang agriculturist kaya siya ang aming kinokunsulta pag tungkol sa mga pananim.”
Sumubo muna si tatay at uminom ng pagkain saka niya pinagpatuloy ang kaniyang pagkukwento. “Ang pangatlo naman ay si Boss Juancho. Sa lahat siya ang pinakapaborito namin dahil siya lang ang mabilis malapitan at talagang naiintindihan niya kami. Kaso nga lang ay naglayas ito.” Bigla namang nalungkot si itay nung ikinuwento niya ang tungkol kay Jauncho. “Bakit naman po siya naglayas ’tay?” “Nagka-away ata sila ng kaniyang ama, mga nasa isang taon na siguro ang nakalipas.”
“Ang bunso naman nila ay si Sir Javier. Makulit na bata, palaging gala ng gala, laging nakaporma at mahilig sa chiks.” natatawang paglalarawan naman ni tatay sa bunso ng mga Salvador. “Makikilala mo pa naman sila anak kapag makakasama mo na sila ng matagal. Sino na ba sa kanila ang nakita mo na?” “Ah si Sir Nathan po, nagkakilala na po kami noon sa Maynila, siya po kasi yung naging proctor po namin sa exam.” “Ay ganoon ba, mabuti naman, mabait naman yang si Boss Nathan makakasundo mo iyan.” Sabi pa ni itay saka namin ipinagpatuloy ang aming pagkain.
Nang matapos kaming managhalian ay nagpasiya kaming bumalik na sa mansiyon.
Nakarating na nga kami sa mansion at sa harap ako dumaan. Dideretso na sana ako sa likod ngunit ay napansin ko ang lalaking nakita ko kaninang may kalampungan na naka-upo at tumatambay sa sala. Nagulat ako at nagmadaling umalis upang ’di niya ako mapansin. “Hey you!” pagtawag nito ng pansin. Ako ba tinatawag nito? Hindi ko ito pinansin at ipinagpatuloy ang aking paglalakad. “Hey stop!”
Baka ako nga. Naririnig ko ang yapak nito na papalapit na sa akin, mas lalo akong kinabahan. Mas bibilisan ko pa sana ang aking paglalakad ngunit naramdaman ko ang paglapat ng kamay nito sa aking nanginginig na balikat. Pinilit ako nitong ipinaharap sa kaniya, magmamatigas pa sana ako pero mas malakas siya sa akin kaya madali niya lang akong napaharap sa kaniya.
“Do I know you?” takang tanong nito. Hindi ba niya ako nakilala na ako ang nakapansin sa kanila kanina. “P-po?” tanong ko rito. “You look familiar.” sabi nito. “A-ako po yung nakahuli sa inyo kanina?” “Yeah I know that silly.” he smirks. Hindi ko pa ma appreciate ang kapogian nito sa ngayon kasi kinakabahan pa ako baka mapagalitan ako nito. “I was about to confront you about what happened earlier but I am more intrigued as to where do I know you from.”
Teka oo nga, parang familiar siya. Tinitigan ko ng mabuti ang kaniyang mukha. He’s fair-skinned, looks expensive, his brown eyes full of excitement and fun, he looks like a jerk, like a party-goer personality. He’s handsome, very. And then it hits me, the glimpse memory of him, looking summery under the sun, the one who ordered ice tea!
“Yah.. you’re the waiter right?” “yes po.” sagot ko. “It’s Gabriel right?” tumango ako. “I am Javier Liam Salvador. What are you doin’ here?” “Nagtatrabaho na po ako dito sir.” sabi ko. “Oh is that so?” tanong nito na ikinatango ko naman.
Siya pala iyong bunsong anak ni Don Lucio. “Sige po sir, m-may trabaho pa po ako.” sabi ko naman saka tatalikod na sana pero pinigilan niya naman ako. “Since you interrupted me kanina, will you join me to share a memorable lunch with me, in the bed? You look like a girl naman so I wouldn’t mind.” May kompyansa sa sarili namang sabi nito na ikinapintig naman ng aking tenga dahil sa inis. “Bastos!” galit na sabi ko sa kaniya saka tumalikod at mabilis na naglakad palayo sa kaniya.
“Kung makapag-aya naman siya ng sex akala niya ang gwapo gwapo niya, well gwapo naman siya, pero hindi ako ganong tipo ng tao ano. Anong akala niya sa akin, easy to get? Sa ganda kong to? No way, manigas ka diyan.” sabi ko sa sarili ko habang ramdam pa rin ang inis sa amo kong may matabil na bunganga. Mabilis na padyak ang aking ginagawa habang ako ay papunta na sa kwadra.
“Hey I was joking.” Hindi ko namalayang nakasunod pala ito. “Joke mo mukha mo.” sabi ko na may galit pa rin at hindi ko siya nililingon. “Look, I’m sorry okay. I didn’t mean to offend you.” sabi nito ng makaharap ito sa akin at napatigil ako sa paglalakad. Tinignan ko naman siya from head to toe, na parang kinikilatis kung sincere ba siya. Parang natakot naman siya sa tingin ko at kita ito sa kaniyang mga mata.
Nakasuot siya ng puting short at puting see-thru na polo, pinaresan niya pa ito ng sandals tsaka sunglasses. Hmm, maayos nga siyang pumorma, tsaka gwapo rin siya, kaso nga lang ay mukhang mahilig sa sex.
“Okay.” sabi ko nalang tsaka ako dumaan sa gilid niya at sinimulan ng maglakad papuntang kwadra. Napatigil na naman ako bigla ng muli ay nasa harapan ko na naman siya. Naku tung lalakeng to ah, kuhang kuha niya yung inis ko. “Ano na naman?” tanong ko rito. Parang natatawa naman ito na ewan.
“Will you join me for lunch?” tanong nito saka ko ito siningkitan ng mata. “in the kitchen.” nakangiting dagdag naman nito. “Thanks for the offer but I just had my lunch.” sabi ko rito saka ako dumaan na naman sa gilid niya. “C’mon, you owe me one, may kasalanan ka kaya sa’kin.” sabi nito habang lumalakad ito kapantay ko. “Ha, kasalanan ko pa talagang nahuli ko kayo, ba’t sa labas niyo pa ginawa eh sa laki ba naman ng bahay niyo. Tsaka busog na nga ako, bakit mo ako papakainin pa ulit.”
“You’re so hard to please.” “Talaga.” taas noo kong sagot sa kaniya. Nagmaldita na nga ako eh tinawanan pa ako ng loko. “You’re so funny, and cute.” sabi nito. “Heh.” irap ko sa pambobola niya. “and mean.” dagdag niya pa. At sa wakas, nakarating na rin ako sa kwadra, kasama tong lalaking to.
“What are you gonna do here anyways?” “Ano pa po ba, edi magpapakain po ng mga kabayo.” sabi ko. “Oh, can I help?” tanong nito. Ba’t ang kulit nito, ilang taon na ba to? “Ilang taon ka na ba?” tanong ko rito. “I’m 22.” sabi nito. Ahh okay. Hindi ko na lang siya pinansin pa at pinuntahan ko nalang si Mang Jun na nasa duyan sa ilalim ng puno ng acacia.
Sumunod naman si Sir Javier na parang walang magawa sa buhay niya at ako pa ang naisipang bwisitin. “Mang Jun.” tawag ko rito. “Oh Gabriel.” “Papakainin ko na po iyong mga kabayo.” “O sige tara.” sabi naman nito saka ito bumagon mula sa pagkakahiga at tinanggal ang salakot na nakatabon sa mukha niya. Sa kaniyang pagtingin sa akin ay nagulat naman siya sa kasama ko. “Kayo po pala Sir Javier.” Pagbati naman ng matanda sa kasama ko. “Magandang tanghali po sa inyo mang Jun.” bati nito na sinuklian naman ni Mang Jun.
“Ako na po ang tutulong kay Gabriel na magpapakain po ng kabayo.” biglang sabi nito na ikinagulat naman ni Mang Jun. “Naku ’wag na po sir ako na po.” “No I insist.” sabi nito sabay lingon sa akin “Bahala ka.” sabi ko nalang saka bumalik sa kwadra para kumuha ng mga dayami na nasa gilid lang nito. Kumuha rin siya kagaya ko saka kami pumasok sa loob.
Hindi ganoon karami ang ibinibigay namin sa mga kabayo dahil tatlong beses naman sila kumakain. Dala ang sapat na pagkain para sa isang kabayo ay una ko itong ibinigay kay Maximus. Habang siya ay kumakain hinahaplos ko naman ang kaniyang ulo. Si Javier naman ay mas piniling unahing bigyan si Macho, ang kaniyang kabayo.
“Macho, baby kooo.” sabi niya habang hinahaplos ang ulo ni ni Macho at niyayakap ito. Tuwang-tuwa naman si Macho at magiliw itong kumain. Hinayaan ko nalang muna siya at bumalik ako sa labas para kumuha pa ng dayami. Sa muli ko namang pagpasok ay siya namang paglabas ni Sir Javier. Nginitian niya lang ako, nagulat naman ako, sa huli ay nginitian ko nalang rin siya. Naiibsan naman ang inis ko sa kaniya kaya kinalimutan ko na lang yung kanina.
Sa pangatlo kong balik ay si Malik na ang aking pinapakain, matapos ko siyang binigyan ng pagkain ay hinihipo ko ang kaniyang noo at kinakausap ito. Bigla ko namang naramdaman ang presensya ni Sir Javier na kakapasok lamang. “Woah, You’re close with Malik?” “Yes po.” Sagot ko naman. “What a surprise.” Hindi ko na lang siya pinansin pa at binalik ang aking atensyon kay Malik habang siya naman ay hinihimas sa noo si Tara habang ito ay kumakain.
Matapos naming mapakain ang lahat ng kabayo ay nilagyan rin namin isa-isa ng tubig ang lagayan ng tubig ng mga kabayo. “Do you know how to ride a kabayo na ba?” baling nito sa akin habang papunta kami sa kinaroroonan ni Mang Jun para makapagpahinga. “Hindi pa.” sagot ko naman.
Nakarating kami sa puno ng acacia at dito napagpasiyahan na umupo sa lupang balot ng tuyong dahon ng puno. Nagulat naman ako nung umupo sa aking tabi si Sir Javier ng walang ka-artearte. “You know what, I can teach you.” sabi nito na may himig ng excitement ang boses. “You know what my kuya Juancho taught me how to ride a horse, I miss him.” sabi nito, nilingon ko naman siya sa aking tabi at naaninag ko ang kalungkutan sa kaniyang mata.
“I hope he comes back soon. Okay naman na si papa sa kaniya eh, napatawad na siya.” dagdag pa nito. “Bakit hindi mo icontact?” tanong ko naman. “Only if I can, I will. Kaso nga lang I have no way of contacting him eh.” Malungkot na saad naman nito. Hinaplos ko naman ang balikat niya para sabihing nandito ako para sa kaniya, ramdam ko kasi ang sakit sa tinig niya eh.
“Ang drama ko na.” natatawang saad nito saka lumingon sa akin. “Let’s talk about you naman.” sabi nito. “Bakit mo naman gustong malaman ang tungkol sa akin?” tanong ko sa kaniya sabay bawi ng aking kamay mula sa kaniyang balikat.
“Well, napunta ako dito sa Hacienda kasi dito ako dinala ng tadhana. I was so broken that night kasi I failed to pass the exam for agriculturist, it was my dream but sadly things didn’t go as planned, so here I am, kausap mo na.” pagkukwento ko sa kaniya na siya namang magiliw pinakinggan nito.
“grrr” tunog bigla ng kaniyang tiyan na siyang tinawanan naman naming dalawa. “Guess I need to have my lunch. Join me.” sabi niya habang tumatayo siya at pinapagpag ang kaniyang shorts. “Busog pa nga ako diba. Pero sige, sabay nalang tayong pumunta sa loob at pupunta na lang rin ako kay nanay Beth.” napangiti naman siya sa sinabi ko at sinimulan na nga namin ang aming paglalakad.
We were just casually talking about nothing in particular while we walk towards their house. Nang makarating kami sa loob ay nakasalubong naman namin si Sir Diego. “Oh Diego.” sabi ni sir Javier dito. “Sir Javier, I have a good news for you!” parang excited naman na sabi ni Sir Diego rito. “Spill.”
“Tumawag ang kuya Juancho mo kanina at sabi ay babalik na raw sya sa hacienda!” halos magtitiling pagbabalita naman ni sir Diego na konti nalang ay magtatalon na siya sa tuwa. “OH MY GOD!” parang ’di makapaniwalang sabi naman ni Sir Javier at sa sobrang tuwa nito ay napayakap ito sa akin ng mahigpit. ’Di ko naman iyon inexpect at nagulat ako rito kaya naman wala akong nagawa at nabato nalang ako sa aking kinatatayuan. Napatingin naman sa amin si Sir Diego at gumuhit sa mukha nito ang labis na pagtataka.
Matapos akong yakapin nito ay si Sir Diego naman ang niyakap nito ng sandali saka ito walang paalam na dumiretso sa kusina, sa sobrang galak ay nakalimutan niya ata. Napansin kong nagulat rin si Sir Diego sa pagyakap sa kaniya ni Sir Javier. Nang mawala sa aming paningin si Sir Javier ay nagkatinginan naman kami ni Sir Diego kapwa bakas sa aming mukha ang pagtataka. Napansin ko naman sa kaniyang mata ang katanungan kung bakit iyon ginawa ng amo namin. Pati ako ay walang alam kay nagkibit balikat nalang ako. Sinagot niya naman ako ng kibit ng balikat rin. Pagkatapos noon ay naghiwalay na rin kami ng landas ni Sir Diego.
ONCE: El Regreso
Ang Pagbabalik
Gabriel
Natapos na nga ang aking unang araw sa trabaho. So far so good. Nag-eenjoy naman ako sa ginagawa ko. Masaya rin ako na naririto sa hacienda dahil malapit ako sa nature. Hindi ko man nagampanan ang pagiging agriculturist ay pwede ko pa naman itong maranasan rito.
Hindi ko akalian na may lugar pala na gaya nito na maaari kong maranasan na maging malapit sa nature. Ang makalanghap mg sariwang hangin sa probinsya at manirahan ng mapayapa ay matagal ng hinihiling ng aking puso, malayo sa usok ng siyudad at polusyon.
Isa pa sa hindi ko inaasahan ay ang makatagpo ng pamilya, na kahit hindi ka nila ganoon kakilala ay handa silang tanggapin ka. Siguro ito yung rason kung bakit ako napunta rito, ang makaranas na magkaroon ng pamilya.
Nang mag-umaga na ay binungad kami ng isang anunsyo, darating na raw ang ikatlong anak ni Don Lucio na si Juancho at magkakaroon ng handaan para sa kaniyang pagdating. Madali kaming nag-agahan at pagkatapos ay pumunta na kaming lahat sa mansiyon. Nakarating kami rito ng mga alas sais ng umaga.
Pagdating namin ay deretso trabaho na kaagad ang mga tao. Sa loob ng mansiyon ay abala ang lahat sa paglilinis at pagsasaayos. Sa kusina naman ay busy rin ang mga tao sa pagluluto kabilang na roon sila nanay at Jelay. Sa labas naman, sa may dirty kitchen ay may naroroon ring nagluluto. Sa wari ko ay may lechon dahil may nakikita akong dalawang baboy na kinakatay. Kumakalat ang usok sa paligid mula sa mga sinisilabang kahoy na gagamitin sa pagluluto.
Ang mga tao ay busy sa kani-kanilang mga trabaho, mayroong mga naghahalo ng mga pagkain sa malalaking kaldero, mayroong mga naghihiwa ng mga prutas, gulay, at karne, merong nagkakatay ng mga baboy at habang ginagawa nila iyon ay kita sa kanilang mga mata ang saya nila sa kanilang mga ginagawa. Ang laki ng handaan dito, sabagay marami rin naman ang kakain. Mabuti naman kung ganoon dahil malalaman mo talaga na mabait at mapagbigay na amo si Don Lucio.
Sa tingin ko ay wala naman akong maitutulong sa kanila kaya ay pumunta na lang ako sa kwadra para magpakain ng mga kabayo. Tatapusin ko muna ang aking trabaho bago ako tutulong sa kanila mamaya. Pagkarating ko ng kwadra ay natagpuan ko nga si Mang Jun na nagpapakain na ng mga kabayo. Lumapit naman ako sa kinaroroonan niya at kumuha na rin ako ng tamang dami ng dayami para ipakain sa mga kabayo.
Una kong pinakain ay si Machete dahil ang naunang tatlong kabayo ay tapos ng makakain. Ganoon pa rin ang aking routine sa pagpapakain, hinahaplos sila at kinakausap kahit alam ko namang hindi naman sila sasagot sa akin, aba’y magtatatakbo siguro ako kung sakaling magsasalita sila.
“Magandang umaga sa iyo Gabriel.” rinig kong bati ng isang malalim na boses ng lalaki sa akin. Nagulat naman ako dahil ako lang naman ang tao dito sa loob at hindi ko pa naman napansin na nakapasok na si Mang Jun dito. Tinignan ko naman si Machete at dahan-dahang tinaggal ang aking pagkakahaplos sa kaniya. Inangat niya rin ang kaniyang ulo tsaka akong nginitian.
“Teka, hindi naman siguro ikaw ang nagsasalita diba?” tanong ko rito na nagsisimula ng mamuo ang takot sa aking dibdib. Jusko naman, nagsasalita ba talaga ’tong kabayong to?“ “Ako to si Machete.” tunog muli ng kaparehong boses kanina. Hindi ko naman makumpirma kung talagang si Machete iyon dahil bumalik naman na siya sa pagkakayuko at hindi ko nakitang bumuka ang kaniyang bibig.
Hindi ko na talaga malaman ang aking nararamdaman at mas lalong lumalaki ang takot sa aking puso, kinakabahan na ako at malapit na talaga akong maiyak. Dahan dahan akong umatras mula sa kwadra habang nakabantay kay Machete.
“Baaah!” Biglang panggulat ng taong lumabas mula sa kwadra ni Macho na akin namang ikinatili. “AHHHHH” tili ko habang nakapikit at nabato na sa aking kinatatayuan. Sunod ko namang rinig ay ang paghalagapak ng tawa mula sa taong iyon. Tinignan ko ito at napagalaman kong sI Javier pala. Tinakot pa’ko ng siraulo.
Tawa lang siya ng tawa, habang ako naman ay napapalitan ang takot ng inis. Hinampas ko naman siya sa dibdib na ikinatigil niya ng pagtawa. “Nakakainis ka!” sabi ko habang hinahampas siya. “I’m sorry- hahaha- stop, stop na- hahaha” Tinigil ko naman ang paghampas sa kaniya saka masungit na tumingin sa kaniya.
Dinamdam ko naman ang aking dibdib na hindi matigil sa malakas nitong pagtibok. Natakot talaga ako don, akala ko talaga ay may sa maligno na ang mga kabayo rito. “Kanina pa ako naririto, kukunin ko sana si Macho kasi naisipan kong mangabayo. Palabas na sana ako nung makita kita kaya naisipan ko nalang magtago rito at takutin ka.” malaking ngiting paliwanag niya naman sa kin.
Medyo naiinis pa rin ako sa kaniya. “You wanna come with me?” tanong nito sa akin. “No na, may trabaho pa’ko tsaka tutulong nalang ako sa mga tao sa paghahanda.” “Okay.” sabi naman nito saka hinila gamit ang tali na nakakabit kay Macho saka niya ito inilabas. Lumabas na rin ako para kumuha ng mga dayami pa.
Kita ko naman si Javier na sumakay sa kabayo na para bang ito ang pinakamadaling gawain sa mundo. Sumakay siya dito na para bang isang prinsipe mula sa malayong kaharian at handa ng hanapin ang kaniyang mapapangasawa. Suot nito ay puting polo at itim na pantalon, kasama dito ang kaniyang nakakalaglag pantying smile. Nagpaalam naman siya sa akin saka niya walang kahirap-hirap na pinatakbo ang kabayo.
Nang mawala na siya sa aking paningin ay bumalik na ako sa aking trabaho matapos ko namang mapakain ay nagbigay lang ako ulit ng tubig saka ako nagpunta pabalik sa mansion.
“Jelay!” tawag ko rito nang makita kong may dala itong mga tela habang patungo salabas. “Uy Gabriel, ikaw pala.” “May maitutulong ba ako?” tanong ko sa kaniya. “Mag-aayos ako ng mga lamesa sa labas, pwede mo akong tulungan.” “Sige, tulungan nakitang mabuhat diyaan.” Kinuha ko naman ang dala nitong mga tela saka kami sabay na pumunta sa labas upang ayusin ang mga mesa.
Pagkarating naman namin sa labas ay nakalatag na ang mga mesa at una naming pinuntahan ay ang long table kung saan ilalagay ang mga pagkain mamaya. Habang naga-ayos kami ay walang tigil naman ang bunganga ni Jelay kakaputak. Marami siyang tanong, kapag nagkukwento naman siya ay matapos ang isang topic ay deretso namna siya sa isa, hanggang sa malayo na nga ang aming napuntahan sa daldal niya.
Mabilis kaming natapos ni Jelay sa aming ginawa at nasa panghuling mesa na nga kami. “Anong oras daw ba dadating ang bisita?” tanong ko kay Jelay. “Mga lunch daw.” sagot naman nito. “Alam mo ba-” magsasalita pa sana ito pero agad ko naman itong itinigil. Inaya ko na siyang bumalik sa loob para tumulong sa kung anong pwede.
Nang halos luto na nga ang mga pagkain ng mga alas onse ay tumulong na ako sa paglalabas ng mga ito sa mesang nakahanda sa labas. Maraming mga pagkain, talaga namang kasiya para sa buong hacienda. Kumukulo na tuloy ang tiyan ko sa amoy pa lamang ng mga pagkaing bitbit ko. Nakapwesto na rin sa gitna ng mesa ang star ng handaan, ang dalawang lechong babaoy.
Mayroon ding pansit, palabok, spaghetti, fried chicken, kaldereta, menudo, nilagang baboy, kanin syempre, paella, inihaw na tilapia at bangus, bistek tagalog, at adobong baboy. . Mayroon ding mga desserts tulad ng biko, mango float, mango tango, sansrival, mga kakanin, at inuming tuald ng juice at sodas.
Parang may birthday sa laki ng handaan ito. Siguro ay mahal talaga nila itong si Juancho tsaka mayaman lang rin talaga sila.
Pagsapit nga ng lunch time ay sinabihan na kaming pumunta sa harap ng mansiyon dahil paparating na nga raw ito. Naririto ako nakatayo ngayon sa taas ng hagdan kasama sina nanay at tatay, gayundin sina Jelay at ang nanay nito. Kasama din namin ang iba pa tsaka ang iba naman ay sa baba ng hagdan at sa may malapit sa mesa.
Sa ’di kalayuan ay may nakikita na nga kaming sasakyan na paparating. Si Don Lucio naman kasama si Sir Diego, Sir Nathan, Sir Javier, at isa pang lalaki na hindi ko pa kilala pero matikas ito at guwapo, siguro ay ito na si Sir Alejandro, ang panganay na Salvador. Tatanungin ko na sana si itay pero mas itinuon ko nalang ang aking atensyon sa kotse na sangayon nga ay nakarating na sa harapan ay dito huminto.
Ramdam sa buong paligid ang excitement, dahil doon ay parang naeexcite na rin akong makita ang amo namin. Bumukas ang pinto ng kotse at ramdam kong nasa rurok na nga ang excitement ng bawat isa. Lulan ng kotse ay matangkad na lalaki, moreno, nakasuot ito ng oversized shirt na natatabunan ang half sleeve nito, nakasuot rin ito ng sumbrerong puti kaya hindi ko makita ang mukha nito dahil natatabunan.
Pagkababa naman ng lalaki ay agad naman itong sinalubong ng yakap ni Javier “Kuya!” rinig kong tawag niya dito. Maririnig mo naman sa boses nito ang labi na kasiyahan na talaga namang nakakahawa. Hindi ko pa rin maaninag ang mukha nito hanggang sa isa-isa na nga niyang niyakap ang mga tao roon at ang panghuli nga niyang yinakap ang kaniyang ama.
Nakakaantig naman ang eksena sa aming harapn dahil parang naluluha naman ang lalaki o umiiyak dahil kita namin na yumuyugyug ang balkat nito. Niyakap siya ng mahigpit ni Don Lucio at dito ay parang umangat ang sleeve ng t-shirt nito. Dito ay Nakita ko ang pamilyar na tattoo ng tigre at agila na bumabalot sa half sleeve nito. Dito tumibo ng mabilis ang aking puso dahil kilala ko kung sino ang may-ari noon, ’di ako pwedeng magkamali.
Matapo ang kanilang yakapan ay tinanggal ng lalaki ang kaniyang sombrero at dito ko nakumpirma ang pagkakakilanlan ng lalaki. Tumitibok ng mabilis ang aking puso at para akong naiiyak sa tuwa.
“Pako!” sigaw ko rito. Hinanap naman nitoang pinanggalingan ng boses. Mabilis kong tinakbo ang distansya naming dalawa. Nakangiti siya na parang nagtataka, at ganoon rin ang nakalarawan sa mukha ng mga tao ng makita akong tumatakbo papunta kay Pako.
Si Pako, yung kaibigan ko sa Maynila, nandito siya. Nang makalapit kami ay niyakap ko siya ng mahigpit at dahil sa tangkad niya ay tinalon ko pa ng kaunti para lang makayakap sa kaniya. Lulan ako ng kaniyang bisig, para akong naiiyak na ewan, tuwang-tuwa ako ng makita siyang muli. Matapos ang ilang sandali ng aming pagyayakapan ay naramdamn kong ibinaba niya ako at nakapatong na ang aking mga paa sa lupa.
“Pako.”
“Gabriel.”
Nakangiti naming tawag sa isa’t-isa. Ramdam na ramdam ko naman ang saya na kita sa kaniyang mga mata na alam kong sumasalamin sa nararamdaman ng aking puso ngayon. Ramdam ko naman s aaking likod ang mga mata ng mga to na nakatutok sa akin ngayon marahil ay labis ang ang pagtataka ng malaman nilang kakilala ko ang kanilang amo.
“Magkakilala pala kayo nitong si Gabriel anak?” at tinanong na nga ni Don Lucio ang tanong ng karamihan. “Yes dad. Magkapit-bahay po kami sa Maynila.” sabi ni Pako na alam kong rinig naman ng mga taong malapit sa kinatatayuan namin na siya namang ibinulong ng mga ito sa kanilang mga katabi hanggang sa kumalat na nga ito na parang wildfire sa bilis.
“Akalain mo yun, nagkakilala rin kami ni Gabriel sa Maynila ng mag proctor ako sa kanilang exam, ’di man lang kita nakita Juncho.” biglang singit naman ni Sir Nathaniel. Tinignan ko siya at nakangiti ito sa akin, nahuli ko rin itong palihim na kumindat pero alam kong nahuli rin ito ng mga kasama ko.
“Ako rin.” biglang sabat ni Javier. “Actually kami ni Kuya Alejandro, nakakain na kami sa pinagtatrabahuan ni Gabriel.” sabni nito na ikinagulat naman ni Pako. Tumingin ito sa akin na nagtataka. Tumango naman ako sa kaniya.
Dito ko naman naramdaman ang malakas na intensidad ng titig ng isang lalaki. Tinignan ko siya at dito ko siya namukhaan, siya yung taong bumangga sa akin sa UP, at siya rin yung kasama ni Javier na kumain sa Tasty Truck. Iba ang kaniyang aura, seryoso ito, malayo sa nakita kong Alejandro noon.
“What a small world.” sabi naming lahat ng sabay-sabay na ikinagulat naman naming lahat saka kami natawa dahil nagkasabay-sabay pa talaga kami.
DOCE: Juancho Amos
Gabriel
“Tayo’y magsikain na.” paanyaya naman ni Don Lucio. Nahati naman ang mga tao, ang iba ay dumiretso na sa lamesa at ang iba naman ay lumapit kay Pako. Sa raming gustong makausap si Pako ay natulak na ako at napalayo. May naramdaman naman akong humawak sa aking braso at hinila ako, pagtingin ko naman ay si Jelay pala.
“Naku Gabriel, hindi mo naman sinabi sa akin na magkakilala pala kayo ni Sir Juancho.” Sabi nito. “Eh hindi ko naman alam na siya pala yung tinutukoy niyo eh.” sabi ko naman. “Sabagay. Naku, kalimutan mo na iyong sinabi ko sa iyo tungkol sa kaniya kanina ah.” sabi nito. “Ayoko nga, sasabihin ko sa kaniya na sabi mo na ang hot na hot ng abs niya.” “Nakuuu Gabriel, waggg. Nakakahiya.” pagmamakaawa nito. “Bala ka diyan.” sabi ko nalang saka ako dumiretso sa table para sana kumuha ng pagkain.
Nang makarating ako sa table ay kumuha muna ako ng plato sa gilid saka naman tumabi sa akin si Jelay at kumuha na rin ng plato. Dumiretso kami agad sa lechon at kumuha ng malutong na balat. Nang matapos akong makakuha ng mga gusto kong pagkain which is kanin, lechon, fried chicken, at adobo.
Naghanap kami ni Jelay ng bakanteng upuan at nakakita naman kami sa may dulo na part at dito kami ay dumiretso na. Mayroong anim na upuan sa bawat mesa, wala pang nakaupo rito dahil ang unang mesang napuno ay iyong mga nasa malapit sa long table.
“Ganito ba talaga ka bongga rito kapag may handaan?” “Ay naku, oo naman, kapag may birthday nga eh mas bongga pa.” sagot naman ni Jelay saka sumubo ng lechon. Sumubo na lang rin ako at tahimik kaming kumain, o ako lang pala kasi kahit na kumakain ang daldal pa rin ni Jelay.
Nasa kalagitnaan ako ng pagsubo ng may tumabi sa akin, medyo nagulat naman ako sa presensya niya. “Oy Pako.” May dala siyang platong puno rin ng pagkain. “Gutom na gutom ka ano.” sabi ko rito sabay tingin sa kaniyang plato, tinignan niya ito saka siya nagkamot ng kaniyang batok, isang sign na nahihiya siya.
“Oo, nagutom ako sa biyahe eh. Eh ikaw, ba’t ang liit naman ata niyang laman ng plato mo, diet ka ba?” sabi niya sabay tingin rin sa aking plato. “Oo, nagpapasexy kasi ako.” pagbibiro ko naman sa kaniya. “Joke! hahahaha” “Di mo naman na kailangang magpasexy pa eh.” “May sinasabi ka?” tanong ko rito ng marinig kong may binubulong ito. Umiling naman siya at tinuloy na ang pagkain, ganoon rin ako.
Nilingon ko si Jelay sa aking tabi at natawa naman ako sa mukha nito, sobrang pula na kasi, nahihiya, akala niya siguro sasabihin ko talaga kay Pako iyong sinabi niya kanina. “Hoy!” pagkuha ko sa pansin niya. Tumingin naman ito sa akin na parang nagmamakaawa. “Hindi ko sasabihin sa kaniya.” bulong ko sa kaniya, natawa naman ako sa reaksyon niya dahil parang nabunutan siya ng tinik.
“Pako, si Jelay pala” pagpapakilala ko naman sa kaniya. “Oo, kilala ko siya, nanay mo si aleng Milagros diba?” tanong ni Pako dito na ikinatango lang naman ni Jelay at parang kinikilig pa talaga. Ilang sandali pa ay natapos na kaming kumain. “Pwede mo ba akong samahan?” tanong ni Pako. “Saan naman?” tanong ko. “Diyan lang, gusto lang kitang masolo.” sabi nito na ikinapula naman ng pisngi niya. “Wow, dahil andito ka na sa teritoryo mo hindi ka na nahihiya ah.” sabi ko naman na pareho naming tinawanan.
“Jelay, kung hanapin ako, paki-sabi na magkasama kami ni Sir Juancho ah.” tumango naman si Jelay saka kami tumayo ni Pako at papunta sa ’di ko alam kung saan. “Kamusta ka naman? Hindi ko akalain na dito pa pala tayo magkikitang muli.” sabi nito. “Okay naman ako dito, I felt welcome here. Hindi ko nga rin alam eh at dito pa ako napunta.” sabi ko naman. “Paano ka nga pala napunta rito?” tanong nito at sinagot ko naman siya kung paano ako napunta rito sa kanila.
“Ganoon ba, mabuti naman at safe kang nakarating dito.” “oo nga eh.” sagot ko. Lakad lang kami ng lakad ni Pako at medyo nakakalayo na kami sa mga tao. “Ikaw pala si Juancho, haciendero ka naman pala eh, libre naman diyan.” pagbibiro ko rito. “Naku, sagutin mo lang ako sayo na ang buong mana ko.” “May sinasabi ka ba?” tanong ko rito ng parang may binubulong na naman na hindi ko naman marinig. Naging bubuyog na ba“tong si Pako? Kanina pa kasi bulong ng bulong eh.
“Wala, sabi ko sure, kahit anong gusto mo.” “Hahaha, biro lang.” “Bakit mo naman napagpasiyahang umuwi dito? Kung hindi ka umuwi siguro hindi pa kita makikilala.” tanong ko rito. “Eh ididemolish na tayo diba?” sagot niya naman. “Ay oo nga pala.” pagsang-ayon ko naman rito. “Tsaka wala ka na rin don eh.” dagdag pa nito. “Suus. By the way, kamusta nga pala sila doon?” tanong ko pa.
“Ayun nandoon pa rin sila, pero naghahanap na sila ng malilipatan.” sagot nito. “Teka nasaan pala yung motor mo?” takang tanong ko naman rito. “Binenta ko na,. hindi ko naman yun madadala dito, tsaka hindi ko na rin yun kailangan rito, may kabayo naman eh.” “Sabagay.” “Tumawag lang ako kay papa na uuwi na ako, ayun pinasundo na niya ako doon sa Maynila.” pagkukwento pa nito.
“Ano nga palang trabaho mo rito?” tanong pa nito. “Nag-aalaga ako ng mga kabayo.” sabi ko rito. “Talaga?” tanong naman nito na akin namang tinanguan. “So marunong ka na bang mangabayo?” “Hindi pa nga eh.” “Tuturuan kita.” “Alam mo pangtatlo ka ng nagsabi niyan, una si sir Nathan, sunod si sir Javier, tapos ikaw, pero ito hindi pa rin naman ako marunong.” pagsusumbong ko sa kaniya.
“No, tuturuan kita, gusto mo ngayon na?” excited na tanong naman nito. “Bukas nalang siguro, kailangan mo ng magpahinga muna at alam kong pagod ka sa biyahe.” “Okay, sige bukas.” “Deal.”
Bumalik na nga kami sa mansiyon at pinagpapahinga ko na si Pako, nagpaalam naman siyang umakyat na. “Sige po sir Juancho, pahinga ka na po.” sabi ko naman sa kaniya na ikinatawa niya lang naman. “Hindi ako sanay sa sir hahaha.” sabi nito. “Eh amo na kita ngayon kaya dapat masanay ka na,” “Let’s just keep the Pako okay.” sabi nito na tinanguan ko naman saka ito nagpaalam muli habang ako naman ay bumalik sa kwadra at pinakain na ng pananghalian ang mga kabayo.
Pagkatapos noon ay tumulong ako sa pagliligpit ng mga mesa at upuan doon sa labas. Nang kinagabihan ay pinakain kong muli ang mga kabayo tsaka naman kami umuwi nila nanay at tatay. Pagkauwi ng bahay ay nagpakwento naman sila sa akin kung paano ko daw ba nakilala si Sir Juancho.
Juancho Amos Salvador
Nagising ako sa katok mula sa aking pinto. “Kuya, gising na!” Tinignan ko naman ang orasan sa aking bedside table at nakita kong alas siyete na pala ng gabi. Napasarap ata tulog ko. “Gising na” sabi ko naman kay Javier na nasa labas. Alam kong siya yun, siya lang naman kasi ang tumatawag sa akin ng kuya eh.
Pinagbuksan ko naman siya ng pinto saka ito pumasok sa aking kwarto habang ako naman ay bumalik sa aking kama at umupo rito. “Ano bang kailangan mo?” tanong ko rito. “Inuman daw tayo sabi ni Kuya Nathan.“sabi nito. “Saan ba?” “Edi sa usual.” sabi nito saka tinungo ang aking pinto. “Sige, sunod ako.” sabi ko naman at tuluyan na nga itong lumabas sabay sarado ng pinto.
Nag-inat naman muna ako saka ako tumayo at tinungo ang aking banyo dito sa loob ng aking kwarto saka inayos ang aking sarili. Naghilamos naman ako saka ako nagtoothbrush. Tinignan ko ang sarili ko sa malaling salamin at na satisfy naman na ako.
Pagkatapos noon ay dumiretso ako sa aking walk-in closet at nagbihis. “Grabe, na miss ko ito.” sabi ko naman sa aking sarili habang pinagmamasdan ang lahat ng aking mga gamit rito, mula ulo hanggang paa.
Naririto sa loob ang aking mga sapatos, bag, damit pang-itaas at pangbaba, ang aking mga relos, mga alahas, sunglasses, mga pabango. Lahat ito ay namiss ko. Nakasanayan ko na rin kasi ang buhay ng hindi mayaman eh kaya naman hindi ko ito nararanasan habang ako ay nasa Manila at nagtatrabaho bilang Construction Worker. Hindi ko rin naman iyon pinagsisihan dahil dito ko naexperience talaga ang totoong buhay, at siyempre, dito ko rin nakilala si Gabriel.
Napangiti naman ako ng sumagi sa aking isipan si Gabriel. Hindi ko talaga akalian na dito ko pala siya makikita. Tama nga ang desisyon kong umuwi at nakita ko pa siya. Hindi ko na talaga palilipasin pa ang panahon, dito ko itutuloy ang aking nararamdaman kay Gabriel.
Hindi ko na papakawalan pa ang kaniyang matamis na ngiti, ang kaniyang mala-anghel na mata na nagpapakita ng kaniyang katapangan, ang balingkinitan niyang maputi at makinis na katawan na siyang saktong-sakto naman sa aking mga bisig.
Matapos akong makapagbihis ay umalis na ako sa closet. Suot ko ay grey na sweat pants at isang hapit na t-shirt na nagpapakita ng kahubugan ng aking katawan na pinaghirapan ko sa construction site. Kumita na ako, may libre pa akong gym.
Lumabas ako ng aking kwarto at bumaba na ng hagdan. Lahat kaming magkakapatid ay nandirito sa second floor ang mga kwarto. Makapareho rin kami ng mga kwarto, may cr, king-sized bed, tsaka walk-in closet, ang tanging pinagkaiba lang siguro ay ang mga kulay ng interior nito.
Nang makarating ako sa baba ay maraming bumabati sa akin, binati ko naman sila pabalik habang ako’y papunta sa patio/garden sa gilid ng bahay. Sa gilid ng aming bahay ay mayroong garden na puro puti at pink na halaman lang ang laman. Si mommy ang nagdesign nito. Mayroon din kaming mga table and chairs dito tsaka mga big umbrellas na puros kulay puti kaya napaka maaliwalas itong tignan. Sa gabi naman ay maliwanag rin dahil maraming ilaw na nakapalibot.
Papalapit pa lang ako at pansin ko na ang mga kapatid ko na nagkakasiyahan. “Brother.” pagtawag pansin sa’kin ni Kuya Nat. Umupo naman ako sa bakanteng upuan katabi ni Javier, nakapalibot kami sa lamesang gawa sa glass na puno naman ng inumin at pulutan, ako, si Javier, si Kuya Nat, tapos ay si Kuya Andro. Pagkaupo ko palang ay inabutan na ako kaagad ni Kuya Andro ng isang bote ng stallion.
“We are so glad that you’re finally back, brother.” sabi ni Kuya Nathan. “Cheers for that.” sabi namn ni Kuya Andro sabay taas ng kaniyang bote, tinaas ko rin ang aking bote gayun din ang iba tsaka kami nag cheers at kaniya-ksniyang uminom. Ramdam ko naman ang malamig at mapaklang hagod ng beer sa aking lalamunan. “Ah.”
“Kamusta ka naman Juancho?” tanong sa’kin ni Kuya Andro. Si kuya Andro ay isang responsableng kuya, siya ang in-charge sa aming lahat. Mabait siya at maaasahan. Ramdam namin ang pagmamahal niya sa amin. Rasonable rin siya at seryoso sa buhay. Yung naglayas ako, hindi niya ako pinigilan kasi alam niyang kailangan ko yun. May pagka strikto rin siya. Kaming dalawa lang ang moreno sa aming magkakapatid.
“I am fine naman kuya. I am striving, and truthfully I’m grown. Maraming nagbago sa akin since I get out here and live my own life. I learned how and what life truly is. If here I am the typical rich boy who got nothing to do. Like Javier.” “Hey!” pagsingit naman nito na tinawanan lang namin. “There I was Pako, a construction worker, living in the slums of Manila, renting a room, paying for everything from my salary, and experience living life independently.” Mahaba kong paglalahad sa kanila.
“I can see how much you’ve grown Juancho, I am very proud of you.” sabi ni kuya na siyang ikinatuwa naman ng aking puso at pinasalamatan ko rin siya. “We’ve been to Manila, met the same person, how come we didn’t see you there?” tanong naman ni Kuya Nathan.
Si Kuya Nathan ay iyong tipo ng kapatid na matalino, pinapairal ang utak bago ang puso, passion niya talaga ang agriculture kaya iyon ang napili niyang maging trabaho. Maalaga din naman siya sa amin, hindi lang ganoon ka strikto ’di tulad ni Kuya Andro.
“Yah, tell us about Gabriel kuya.” dagdag pa ni Javier. Out of all, Javier and I are the closest, 2 years lang ang gap namin at magkasunod kami. Well we all have 2 years gap next to each other. We grew so close to each other, yung ugali ni Javier ngayon ay ang kaparehong ugali ko noon nung hindi pa ako umalis. Happy go lucky.
“Gabriel and I live in the same neighborhood. We’re not that close kasi nahihiya ako sa kniya noon at natatakot na rin.” sabi ko habang natatawa. “Yah, with those fiery eyes, and poker face, para siyang nangangain ng buhay.” komento naman ni Javier. Tinawanan namin siya dahil talagang ganoon naman talaga ang paglalarawan mo kay Gabriel mula sa iyong first impression sa kaniya.
“But slowly I got to know him, behind those scary looks are an angel, a vulnerable one. He experienced life at a young age that’s why he’s like that. He’s determined, hardworking, persevering, goal-oriented, intillegent, and independent. And when he smiles, he’s so charming and you wouldn’t notice that you are smiling as well.” paglalarawan ko sa kanila kay Gabriel.
“You’re smiling.” komento naman ni Kuya Andro. O diba iniisip ko pa lang siya napapangiti na ako. “I was shy to him, palagi nga akong binibiro ng mga kapitbahay namin dahil ang torpe ko raw. Pero when the demolition comes, and he said that he’s going somewhere, I mustered all the kapal ng mukha in the world, and then I confessed to him.” pag-aamin ko sa aking mga kapatid na alam kong ikinagulat naman nila. Ang pagkaka-alam kasi nila ay straight ako.
“Staight ako mga g*go.” sabi ko sa kanila na natatawa dahil basang basa ko ang mga nasa utak nila. “Language, Jauncho Theodore.” seryosong saway naman sa akin ng aming panganay na pinaghinigi ko naman agad ng tawad. “I’m only like this to Gabriel. Now that I am given a chance to meet him again which I never expected, I won’t lose this chance and finally make way to his heart.” sabi ko.
“Well Goodluck with that bro, I’m always here to support you, no matter what.” sabi naman sa akin ni Javier while he tapped my back. “He’s cute though.” dagdag pa nito na may malaking ngiti. No comment naman ang dalawa sa sinabi ko at parang seryoso sa mga iniisip nila.
“Cheers for Kuya Juancho.” napangiti naman ako sa ginawa ni Javier at nag cheers kaming apat habang ini-enjoy ang company nila. “I missed you guys.” sabi ko sa kanila tsaka namin itinuloy ang inuman at sayahan.
TRECE: Equitación
Horseback Riding
Gabriel
Another work day. Maganda ang panahon ngayon at hindi masiyadong mainit, well hindi naman talaga mainit dito sa hacienda kasi maraming puno. Mahangin ngayon at parang masarap libutin itong hacienda, parang bet ko yun. As usual ay nandito ako sa kwadra at nagtatrabaho. Patapos na ako at magpapahinga na.
“Gabriel.” tawag sa akin ng pamilyar na boses. Lumingon ako sa likod ko at dito ko nga nakita si Pako. “Hey.” “Hi.” nakangiting bati niya sa akin pabalik. Ang guwapo niya sa suot niyang sando na pinatungan ng cream na polo at brown above the knee short. Nakasilip naman ang kaniyang half sleeve tattoo sa suot niya polo. Pansin ko lang nag-iba na ang pananamit niya, hindi na katulad nung dati na pangtambay.
Hindi ko akalain na haciendero pala ang lokong to. Who wouldv’e thought. “Naparito ka?” “Diba sabi ko sayo tuturuan kitang mangabayo?” “Tutoruan mo na ako?” tanong ko sa kaniya na parang naeexcite. “Oo.” natatawang sagot niya. Para akong batang binigyan ng lollipop sa tuwa. “Finally.” sabi ko.
“Kilala mo naman na siguro ang mga kabayo rito diba, sinong gusto mong sakyan?“Naisipan ko itong biruin. “Ikaw.’ sabi ko sa kaniya sa pabulong na boses habang nang-aakit ang mga matang nakatingin sa kaniya. “Mukha ba akong kabayo sayo?” takang tanong nito na naging resulta ng paghalakhak ko.
“Eto naman.” sabi ko na lang matapos kong matawa sa kaniya, hindi niya kasi talaga nagets yung ginawa ko kanina eh. “Si Malik.‘’ ’“Si Malik?!” gulat na tanong nito. “Maiglas si Malik, baka ihulog ka lang niya.” basa ko naman sa mukha niya ang pag-aalala. Hindi niya alam na close kami ni Malik.
Hindi ko nalang ito sinabi sa kaniya, instead ay pumasok ako sa kwadra, habang siya ay nanatili lang roon sa kinatatayuan namin.
Kinuha ko sa kaniyang kwarto si Malik at inilabas sa kwadra habang hawak ko ang tali nito. Hawak ng aking libreng kamay ang ulo ni Malik at hinihimas ito, dinala ko siya sa kinatatayuan ni Pako at gulat na gulat ito. “Gusto ka niya?” “Mahal niya ako, diba Malik?” sa hindi ko inaasahan ay sumagot naman si Malik ng tunog ng kabayo kaya ako napangiti at proud na tumingin kay Pako.
“Mukhang close nga kayo ah.” sabi ni Pako saka siya pumunta sa kwadra para kunin ang kabayo niya. “Tuturuan akong mangabayo ni Pako ngayon, at ikaw ang sasakyan ko, okay lang ba sa iyo yun, ha?” pagkakausap ko sa kabayo, tumango naman ito na parang naiintindihan ang sinasabi ko.
Ilang sandali pa ay dumating naman si Pako habang hawak ang tali ni Machete.
“Mang Jun. Nasaan po ang mga gamit ng mga kabayo?” tanong ni Pako sa paparating na si Mang Jun. “Boss Juancho kayo po pala, mangangabayo ka?” tanong nito. “Tuturuan ko po si Gabriel.” “Ah ganoon ba, sige kukunin ko lang.” sabi nito saka umalis at pumunta sa isang kubo dito kung saan naroroon ang mga supply namin para sa mga kabayo.
“Una-una mong dapat malaman bago sumakay ng kabayo ay dapat magkakonekta kayo nito. Well sa nakikita ko magkasundo naman kayo nito.” panimula ni Pako tsaka niya hinawakan at hinaplos sa leeg si Malik. “Madali lang naman silang sakyan.” dagdag pa nito. Dumating si Mang Jun kasama ang mga gamit ng mga kabayo, pagkarating niya sa amin ay binaba niya mula sa pagkakabuhat ang mga ito.
Kumuha naman ng isa si Pako saka niya ito inilagay sa likod ni Malik. “Matagal din ’tong hindi nakakatakbo si Malik, mabuti nalang at nandito si Gabriel.” komento naman ni Mang Jun habang ang isang gamit ay inilagay niya sa likod naman ni Machete. Itong mga gamit ay yung nilalagay sa likod ng mga kabayo para masakyan sila, yung parang upuan, kasi kung wala yun, ayon kay Pako ay masakit sa pwet yung spinal cord ng kabayo. Tsaka nakakonekta dito ay yung tinatapakan na hugis tatsulok para makaakyat ka sa kabayo.
Matapos niyang naisecure ang tali nito ay ipinakita niya naman sa akin kung paano sumakay rito, pero kay Machete, kasi hindi naman nagpapasakay si Malik. “Una mong gagawin ay ilalagay mo ang paa mo rito sa apakan, tapos ay itulak mo ang bigat mo sabay angat ng isa mong paa at ilagay ito sa kabilang side ng kabayo.” sabi niya habang ginagawa nya ito, at tuluyan na nga siyang nakaakyat rito. “Ikaw naman.” sabi nito saka ito bumaba para alalayan ako.
“Medyo kinakabahan ako.” pag-amin ko naman sa kaniya. “Ayos lang iyan, ganiyan talaga pag first time.” namula naman ako sa sinabi niya at parang may iba ata kong naisip dun ah, “Andito naman ako.” saka kami nagkatitigan. Huminga naman ako ng malalim at nagpaubaya kay Pako. Sinunod ko ang ginawa niya. Itinapak ko ang aking kanang paa sa apakan at mabilis na inangat ang aking katawan at iniangat ang aking paa papunta sa kabila, habang ginagawa ko iyon ay nakalagay lang ang kamay ni Pako sa aking likod at nakaalalay.
Napangiti naman ako ng matagumpay akong nakasakay rito, present pa rin yung kaba pero may tiwala naman ako kay Malik, tsaka kay Pako. “Nice nice” komento niya naman saka ko siya tinignan na sumakay kay Machete na maning-mani naman nito. “Sunod ay hawakan mo itong magkabilaang tali.” Ginawa niya ito at ginaya ko naman siya. “Mang Jun, pakialalay naman ako kay Gabriel.” Lumapit naman kay Malik si Mang Jun. “Hilain mo ng mabilisin at may konting pwersa.” Hinila ko ang tali gaya ng sabi niya at dito ko naramdaman ang paggalaw ni Malik at ang pag ‘ney’ nito na talaga namang naghatid sa akin ng kaba.
Ganoon rin naman ang nangyari kay Machete kaya nabawasan ang kaba ko ng konti. “Paulit-ulit mo lang gawin yun at maglalakad na si Malik.” Ginawa niya ito at lumakad naman si Machete. “Malik, maing mabait ka okay.” Ginaya ko ang ginawa noi Pako at dito ako nakaramdam ng tuwa ng lumakad nga si Malik. Napangiti ako at kita iyon ni Pako. “Kapag liliko ka naman ay, hilain mo lang ang tali papunta sa kabilang side ng paglilikuan mo.” ginawa niya na naman at ginaya ko ulit, natuwa naman ako ng mabilis na sumunod si Malik sa pagpapaliko ko nito sa kaliwa.
Pinalibot lang namin ang kabayo, palibot kami sa kwadra. Nakadalawang ikot kami, tuwang-tuwa naman ako habang nakasakay sa kabayo. “Ngayon naman ay patatakbuhin na natin.” Nabuhay naman bigla ang takot at kaba sa aking dibdib, halata naman ito ni Pako. “Wag kang mag-alala, gusto ka ni Malik.”
“Kapag tatakbo na, humawak ka ng mabuti, higpitan mo parah indi ka mahulog okay?’ tinanguan ko naman siya, “Gayahin mo lang ako.” itinuon ko naman sa kaniya ang aking buong atensyon. Hinila niya ng malakas ang tali kasabay ng pag-angat niya ng katawan at pagtulak niya gamit ang kaniyang paa ang tinatapakan niyang tatsulok tsaka naman mabilis na tumakbo si Machete palibot at siya naman ay bumalik na sa pagkakaupo. Tinignan ko lang siya hanggang sa malapit na siya sa akin at hinila niya ulit ang tali ng may kalakasan saka dahan-dahang huminto si Machete.
Kaya ko ba today? Tanong ko sa sarili ko saka ako pumikit at nagdasal ng mabilisan. Inalis ko ang kaba sa aking dibdib at pinalitan ito ng determinasyon, determinado akong matuto kaya naman ay G! Itinuon ko ang aking buong atensyon sa kabayo at inilagay sa aking utak ang ginawa ni Pako kanina.
Hinila ko ang tali tsaka mabilis na sinipa ang tinatapakan ko at umupo ulit. Dito ay mabilis na gumalaw si Malik at tumakbo ito. Iniliko ko siya at balik na ulit sa pagpapatakbo. Napalitan ng saya ang aking puso ng finally ay napatakbo ko rin ito. Takbo lang kami ng takbo habang ang preskong hangin ay humahampas sa aking mukha at nililipad ang aking buhok. Ang sarap sa feeling.
Ilang sandali pa ay rinig ko na ang takbo ng kabayo papalapit sa amin hanggang sa nagkapantay na nga ang aming takbo ni Pako. Naka isang ikot kami sa kwadra. Nauna sa akin si Pako at papunta siya sa ibang direksyon. “Sunod ka.” rinig kong sabi nito. Sumunod ako sa kaniya at iniba ang direksyon ng takbo ni Malik. Papunta kami ngayon sa may likod ng kwadra, patungo sa bandang norte ng hacienda. Nasa gitna kami ng kapunuan ngayon habang patuloy kaming tumatakbo hanggang sa kapantay ko na ulit ng pacing si Pako.
Sa patuloy naming pagtatakbo ay nakikita ko na ang daan palabas, wala ng mga puno masiyado at kita na sa ’di kalayuan ang mga pananim na tubo. Mas lumakas naman ang hangin na dumadampi sa aking mukha. Nang makarating kami sa tubuhan ay huminto kami, hindi na tuyong dahon ang tinatapakan ng kabayo kundi lupa na talaga na medyo mabuhangin.
Nilingon ko siya sa aking tabi at nakatingin lang siya sa malawak na tubuhan sa aming harapan. Hindi pa gaano kataas ang mga tubo kaya kita namin kung gaano ito kalawak.
“Alam mo ba, may kasalanan kami ni Kuya Nathan kay Dad dati.” sabi nito saka natawa sa naisip niya. “Ano?” curious na tanong ko rito. “Galing kami ni Kuya Nathan sa inuman sa labas ng hacienda, naka 2-seat open-window jeep kaming dalawa, ako yung nagmamaneho, lasing na lasing kami nun at mainit na ang aming mukha kaya naisipan namin ni kuya na lumibot sa buong hacienda para magpahangin bago kami umuwi sa bahay, alas kwatro na ata ng madaling araw nun.” pagkukwento nito na natatawa, ang cute niya tumawa.
“Tapos?” tanong ko pa. “Nung madaan kami sa gitnang hati ng tubuhan ay nararamdaman ko na ang antok, nahikab ako non at si Kuya Nat naman ay nakatulog na, tinignan ko siya, pagbalik ko ng tingin sa daan ay may nakita akong daga na tumawid papunta sa right side ng tubuhan, eh sa takot ko sa daga ay mabilis kong iniliko ang jeep at yun napunta kami sa gitna nang tubuhan. Hahahahaha” natawa naman ako sa kwento nito dahil naiimagine ko ang nangyari dito. Nagtawanan lang naman kami ni Pako.
“Sa kalasingan ko naman ay yun nakatulog rin ako, hindi rin naman nagising si kuya. Kinabukasan ay nakita kami ng mga empleyado at sinumbong kami kay dad, siya gumising sa amin ng mura at sermon. Galit rin samin si Kuya Alejandro, si Javier naman ay grabe ang tawa sa amin.” Natatawa pa rin siya habang nagkukwednto at sinasariwa ang masayang ala-ala.
“Anong oras na Pako?” tano ko sa kaniya, tinignan niya naman ang kaniyang relo. “quarter to 12” “Balik na tayo Pako, lunch na at papakainin ko pa ang mga kabayo.” “Okay, balik na lang tayo pagkatapos mong magpakain.” tumango naman ako saka kami bumalik sa kwadra at pinakain namin ang mga kabayo, tumulong na rin siya.
Matapos kaming magpakain ng mga kabayo ay bumalik ulit kami sa pagpapatakbo nito. Kasalukuyan kaming nakasakay sa kabayo na palakad lang, naririto kaming mula sa tubuhan pero ngayon ay nasa gitna na kami, sa daan na mismo sa gitna ng tubuhan.
“May naisip ako.” lumingon ako kay Pako ng sabihin niya iyon. “Hm?” “Taguan tayo.” suhistiyon nito namay malawak na ngiti. “Sinong maghahanap?” tanong ko naman na game na game. “Ako na lang.” sabi niya. “Madali mo lang naman akong mahahanap eh kabisado mo to.” “Edi magtago ka ng mabuti.” reply nito. Napaisip naman ako at kalaunan ay umagree rin naman. “Magbibilang ako ng 2 minutes saka kita hahanapin.” “2 minutes? Hmm. Okay.” sabi ko at sinimulan ko ng pinatakbo si Malik habang dinig ko namang sinimulan niya na rin ang pagbibilang. “Pumikit ka.” sigaw ko naman sa kaniya at nilingon siya para masiguradong pumikit nga siya.
Ipinokus ko na ang atensyon ko sa daan at mabilis na minaobra ang kabayo. “Magtatago tayo Malik okay, dalhin mo ako sa ’di niya ako mahahanap.” sabi ko kay Malik. Tumakbo lang kami ng tumakbo at 30 seconds na nga lang ang nalalabi, parang nakalayo na rin naman ako dahil mapuno na dito banda sa akin at wala na akong nakikitang mga tubo.
Nilalakad na nga lang namin ni Malik at humahanap na lang ako ng matataguan. Sa kalayuan ay parang may naririnig akong malakas na agos ng tubig. Oo ng pala at may maliit na falls dito sa hacienda kwento ni Tatay Ador ngunit hindi ko nga lang alam kung saan, sabi kasi ni tatay ay medyo tago ito.
Pinagtuloy ko lang ang pagpapalakad kay Malik habang hinahanap ko ang kinaroroonan ng falls sa pamamagitan ng pakikinig sa tunog ng agos ng tubig. Sa ’di kalayuan, sa madahong parte na parang gubat na talaga at makapal ang mga baging ay parang may napansin akong buntot ng hayop. Pinuntahan ko ito at ng malapit na ako dito ay kabayo pala. “Si Maximus!” pagkilala ko sa jet black na kulay ng kabayo, kaya pala wala siya kanina nung nagpapakain ako ng tanghalian sa mga kabayo, tsaka wala rin si Mang Jun kaya hindi ko na natanong.
Nakarating na nga ako sa kinaroroonan ni Maximus at dito ay mas malakas ang tunog ng agos ng tubig, ngunit hindi ko pa rin makita kasi napakakapal ng mga dahon dito at ng mga baging.
Bumaba ako kay Malik saka ko ito hinawakan sa tali. Naglakad kami papunta kay Maximus. “Maximus.” pagtawag ko dito ng makalapit kami sa kaniya at hinawakan ko ito. Mas malaki si Maximus at mas maskulado rin ito kesa kay Malik. Napansin kong nakatali si Maximus. “Sinong kasama mo rito ha?” tanong ko rito. Mula sa pagkakaharap sa akin ay itinuro niya ang kaniyang ulo sa right direction, para bang sinasabi niya sa akin kung saan ko maikita ang kasama niya. Nagtataka naman ako dahil ang itinuturo niya ay iyong may makakapal na mga dahon na imposible namang mapasukan ko.
“Diyan?” turo ko rito. Tumango naman ito. “May lugar ba sa loob niyan?” Mas pinroblema ko na lang kung paano ko mahahanap ang falls o ang kasama ni Maximus kesa alamin kung paano ako naiintindihan nung kabayo at parang sumasagot talaga siya sa mga tanong ko.
Sinubukan kong sinilip ang likod nito sa pamamagitan ng pagbubutas rito at nagulat ako sa nakita ko. May tubig na umaagos na parang batis! “Paano ako makakapasok?” tanong ko sa aking sarili at dito ko nakita ang isang ibon na pumasok dito at dumaan sa isang hiwa. Pinuntahan ko ito at ang parteng ito pala ay nahahawi na parang kurtina.
Itinali ko muna si Malik saka ako pumasok. Napanganga ako sa nakikita ko sa aking harapan. Tama nga si Maximus, dito nga iyong falls. Napakaganda. Nakaawang ang aking bunganga ngayon na parang di makapaniwala sa kagandahan na aking nakikita. Para akong nasa isang paraiso.
Sa aking harapan ay isang batis, sinundan ng aking mata ng pabaliktad ang agos nito at dito ay may parang isang pool kung saan napupunta ang tubig na galing sa itaas. Malawak ito at pwedeng maliguan.
Lumapit ako ng kaunti at mas lumakas ang tunog nito, tunog nag pagbagsak ng tubig mula sa mataas na bangin. Lumalakas rin ang dampi ng hangin sa aking mukha na ngayon ay may kasama ng mist. Bato-bato ang palibot nito, naglalakihang basang mga bato. Kay sarap namang maligo rito. sabi ko sa aking sarili. Parang kweba ang itsura dito dahil napapalibutan ito ng matataas na puno, nagkakapalng mga dahoon, at mga baging habang na taas naman kung saan ang pool of water ay parang isang napakalaking awang.
Malapit na talaga ako sa tubig nang mapansin ko ang isang taong lumalangoy. Papunta siya sa direksyon ng falls. Nang makarating sa malaking bato ay umahon ito. Dahan-dahan dahan itong umakyat sa malaking bato habang inaapakan ang iba pang mga bato na ginawa niyang hagdan.
Kitang-kita ko naman ang pag-agos at paglisan ng tubig sa matipunong likod nung lalaki. Talaga namang napakamaskulado nito, buff na buff ang kaniyang katawan. Napakagandang tignan ng kaniyang morenong balat na tinatamaan ng sinag ng araw at nagmumukha itong golden tan.
Naka maiksing boxer short lang ang lalaki nung tuluyan na siyang nakaahon sa tubig, malaki at bilog na bilog ang hugis ng pwet nito na parang pwet ni Captain America.
“Teka, isa lang ang kilala kong may ganiyang complexion at bodybuilt na ganiyan ah. Tsaka si Maximus yung kabayong kasama niya, So ibig sabihin-” hindi ko na nga natuloy ang sinasabi ko ng nakumpirma ko na ang pagkakakilanlan nung lalaking nasa kabilang side nung slowmo itong humarap sa akin at bakas sa gwapong mukha nito ang pagtataka.
“S-sir Alejandro?”
CATORCE: Alejandro Czar
Gabriel
Akoy parang nakatingin sa mga mata ni Medusa habang tinitignan ko siya dahil hindi ako makagalaw sa aking kintatayuan at para bang na-estatwa. Tuluyan siyang humarap sa akin at dito ko napagmasdan ang ankin niyang kakisigan. Isa siyang adonis sa aking paningin. Ang kaniyang nangingintab na balat sa ilalim ng sinag ng araw, ang matipuno niyang dibdib, ang mainit-init pang anim na pandesal na nakalatag sa kaniyang tiyan, at oh my gosh, ang kaniyang V line. Lahat lahat sa kaniya ay sumisigaw ng kagwapuhan.
Higit sa lahat ang nagpapaguwapo sa kaniya sa akin ay ang kaniyang seryosong mukha na para bang kinakalkula niya sa kaniyang isipan ang lahat ng kaniyang gagawin at sasabihin. Nakita ko siyang nagdive sa tubig at tumalsik ang tubig matapos siyang lamunin nito. Pati ang kaniyang paglangoy ay kalkulado at nagpapakita ng kakisigan dahil napakalinis nito.
Parang papunta siya sa pwesto ko. Medyo kinakabahan ako dahil hindi ko alam ang sasabihin ko pag tatanungin niya akong bakit ako nandito. Aalis nalang kaya ako? Baka naman isipin niyang may kasalanan ako. HIndi, dito lang ako at kakausapin ko siya, kung kakausapin niya ako.
Mabilis na nakarating sa aking pwesto si Sir Alejandro at umahon ito. Napaka-hot ng kaniyang pag-ahon at at parang sa kaniya lang nagfofocus ang aking paningin na para bang camera na sinusundan ang bawat paglandas ng tubig pababa sa kaniyang makisig na katawan. Tuluyan na nga siyang umahon at kasalukuyang nakatayo sa aking harapan. Mas kita ko mula rito kung gaano kakisig ang kaniyang pangangatawan na para bang tambay ito ng gym.
“Gabriel.” “S-sir?” Pagsagot ko sa kaniya, napaka-seryoso ng mukha nito na parang bang ipinagbabawal ang pagkakausap sa kaniya dahil nakamamatay. “Paanong nakapunta ka rito?” “Sir kasi pumapasyal lang po ako ng nakita ko si Maximus kaya napatigil ako at inalam kung sino ang kasama niya rito at gusto ko rin pong malaman kung saan iyong sinasabi nilang falls.” pagpapaliwanag ko rito. “Naglakad ka lang ba?” follow-up question naman nito. “Hindi po sir, nangabayo po ako, actually dala ko po si Malik.”
“Oh really, si Malik? Marunong ka na bang mangabayo?” Tumango ako saka sinagot siya. “Tinuruan po ako ni Pa- ni Sir Juancho po.” Kita ko naman na parang satisfied na ito sa aking sinagot at saka ito tumalikod saka tinignan ang napakagandang tanawin sa aming harapan. Nagpakawala naman ako ng buntong hininga matapos niya akong ma-interrogate. Gaya niya ay nakatingin lang rin ako sa aming harapan, kita ko rin ang defined at napakasexy nitong likod.
“Nagpupunta ako dito sa tuwing gusto kong mag relax. Ang sarap kasing damhin ng tubig tsaka may kalamigan ito kaya narerelax ang aking katawan.” biglang turan nito habang nakatalikod pa rin sa akin. “Tsaka tahimik rin dahil wala masiyadong nagpupunta rito tuwing weekdays.” Hindi ko naman alam ang sasabihin ko kaya tumahimik na lang ako kahit alam kong hindi naman ako nito makikita.
Lumingon ito sa akin at ngumiti. Nagulat naman ako sa ngiti niya dahil napakatamis nito at parang wala ng bakas ng pagkaseryoso. “Gusto mo bang maligo?” pag-aaya nito. “Ah wala po kasi akong dalang damit sir.” pag-aalangan ko naman, guto ko naman talaga kaso nga lang wala akong dalang damit tsaka hindi naman kami ganoon ka close ano. “Okay lang iyan, wala rin naman akong dala eh.” sabi nito na parang nag-eenganyo pa. “Halika na.” sabi niya at iniabot sa akin ang kaniyang kamay. Tinitigan ko lang ito habang napapisip kung maliligo ba ako. Inabot ko ang aking kamay at ipinatong sa kaniya. Ganito ako kabilis magtiwala sa isang tao.
Napangiti naman siya at sabay kaming dalawa na tumalon. “Ah.” napasigaw ako dahil sa may kalamigan nga ang tubig. Tumalon kaming magkahawak, lumubog kaming magkahawak, at umahon kaming magkahawak. Kasabay ng aming pagahon ay ang pag-ayos ko sa aking buhok dahil natatabunan nito ang aking mata. Kapawa malawak ang aming mga ngiti ng makita namin ang isat-isa.
Nakatitig lang ako sa kaniya at ganoon rin siya sa akin. Para bang isinasaulo namin ang itsura ng bawat isa. Napansin kong lumandas pababa sa aking katawan ang kaniyang tingin at dito ko naisip na manipis pala ang aking suot na puting damit kaya naman ay kita ang aking katawan. Ibinalik niya sa aking mukha ang kaniyang paningin saka ngumiti.
“Marunong ka namang lumangoy diba?” “Sir Alejandro, isa po akong sirena.” sabi ko sa kaniya na naging dahilan ng paglawak ng ngiti nito at natatawa. Ako naman ay lumangoy papunta sa direksyon ng falls na parang sirena at inangat ang aking pwetan sa ako lumangoy ng banayad. Kapag ako ay naliligo sa mga ganito ay hindi ko talaga napipigilan ang pagbuka ng aking mata sa tubig. Kitang-kita ko ang ilalim ng tubig dahil napakalinaw nito. Puro bato lang ang nasa ilalim at pansin ko ring maypagka-malalim rin talaga ito. Kung makikita sa kalayuan ay maypagka berde ang kulay ng tubig at dahil ito sa mga moss na naka-balot sa mga bato dito sa ilalim.
Umahon akong muli doon sa parteng inahonan niya kanina at ang mga bato dito ay nakahilera na parang hagdan talaga. Ramdam ko ang pagkapit ng damit sa aking katawan kasabay ng pag-agos ng tubig mula rito. Ginamit ko rin ang aking kamay para ayusin ang aking buhok habang akoy naglalakad paitaas. Linigon ko naman sa aking likod si Sir Alejandro at nandoon pa rin siya sa pwesto namin kanina. Ramdam ko mula rito ang paglandas ng kaniyang tingin sa aking likuran at ang kaniyang mata ay parang nag hahalf-lid. Ibinalik ko ang aking tingin sa aking harapan at dito ay napangiti. Hindi naman ako tanga para hindi mapansin ang inakto ng aking amo.
Pagharap kong muli rito ay wala na siya roon at kasalukuyang nilalangoy ang tubig papunta sa kinaroroonan ko. Nakatingin lamang ako sa mnapakagandang agos ng falls at namamangha rito. Naramdaman ko naman ang presensysa ni Sir Alejandro sa aking likuran. Hindi kami masiyadong palasalita pero hindi naman kami akward. Komportable kami sa presensya ng bawat isa, na para bang matagal na kaming magkakilala.
“Naglalaro kami rito ng mga kapatid ko, yung baging na sinasabitan saka tatalon.” Napatingin ako sa kaniya at nakita ko siyang pumunta sa isang gilid at may kinuha dito. Sa kaniyang kamay ay isang kahoy na nakatali, ang tali naman nakatali sa isang puno na hindi ganoon ka taas.
“Gusto mo bang subukan?” tanong nito. “Ikaw muna.” sabi ko na sinang-ayunan naman nito. Inihawak niya ang kaniyang dalawang kamay sa sanga tsaka naman siya umatras. Patakbo siya pa-abante saka nung wala na siya maapakan ay inilundag niya ang kaniyang katawan saka nag swing ito papunta diretso sa tubig. Naexcite naman ako dito. Mabilis naman siyang lumangoy pabalik sa pwesto ko. Kinuha niyang muli ang swing. “Ikaw naman.” game ko namang kinuha ang swing mula sa kaniyang kamay. Naka pwesto siya sa aking likuran at siya na mismo ang naglagay ng aking mga kamay sa dapat na pagpwestuhan nito sa sanga.
Sa lamig ng hangin at basa ng aking katawan, ramdam ko naman mula sa aking likod ang init na hatid ng kaniyang katawan, dumadampi ang kaniyang katawan sa aking likuran na parang normal lang. Mabilis ko itong inialis sa aking isipan saka ko itinuon ang aking atensyon sa aking gagawin. “Kumapit ka ng mabuti, gayahin mo lang ang ginawa ko kanina.” sabi nito na malapit sa aking tenga. Nakikiliti naman ako sa init ng kaniyang hininga ng dumadampi ito sa aking tenga at leeg. “Ready?” tumango naman ako saka siya umalis sa aking likuran para bigyang daan ang pag-atras ko. Tumakbo ako ng mabilisan paharap saka ako ng swing.
Mabilis ang tibok ng aking puso dahil sa adrenalin rush na dumadaloy sa aking bawat ugat. Ramdam ko rin ang malamig na dampi ng hangin na may kasamang mist ng tubig na galing sa falls sa aking katawan.
Nang akoy nasa kalagitnaan na ay binitawan ko na rin ito at bumagsak ako sa tubig. Umahon din ako kalaunan. Inayos ko ang aking buhok saka ako tumingin kay Sir Alejandro, nag thumbs up siya sa akin, nag thumbs up rin ako pabalik saka ako ngumiti. Lumangoy naman ako papunta sa kaniya habang kinukuha niya naman ulit ang swing. “Gusto mo bang sabay tayo?” tanong nito sa akin ng maka-ahon ako. “Baka hindi po kayanin.” pag-aalangan ko pa. “Hindi, matibay to, kaya dalawang tao, marami na rin gumagawa kaya nito.” At bilang isang adventurous na tao ay G nalang ako.
“Okay.” sabi ko na lang. Ako ang nasa harapan at siya sa likod ko. Nakahawak na ang aking kamay sa sanga saka siya sumunod. Magkadikit ang aming kamay, mula rito ay inilandas ko ang aking paningin sa pababa sa kaniyang braso hanggang sa dinala ako nito sa kaniyang gwapong mukha. Nagkatitigan kami habang nakangiti siya na para bang sinasabi niyang magtiwala lang ako sa kaniya. Which I did.
We repeated what we did kanina and we swing together. Dahil sa takot ko na baka hindi kayanin ng kahoy ay napasigaw ako. Pagkarating namin sa gitna at magpapahulog na ay sabay kaming nagpahulog. Ramdam ko naman ang mabilis na pagyakap niya sa aking bewang saka kami nagkahiwalay ng nasa ilalim na kami.
Mabilis naman akong umahon. “Ang saya, isa pa.” sabi nito sa akin ng maka-ahon na rin ito. Malawak ang kaniyang mga ngiti na mas lalong nagpapapogi sa kaniya. Tumango ako sa kaniya saka kami sabay na lumangoy.
“This time ako naman sa harap.” sabi niya. “Eh pano yan hindi ko na maabot ang tali kasi mas matangkad ka sa akin at buff pa ang katawan mo.” “Edi sumakay ka lang sa likod ko.” Ginawa ko ito, ikinapit ko ang aking mga kamay sa kaniyang balikat sa sinuportahan ang aking bigat para makasakay sa kaniya. Nagawa ko naman ito at nararamdaman ko na nga ang kaniyang body heat ngayong magkalapit na talaga ang aming katawan.
“Ayos ka lang?” tanong nito sa akin sabay lingon, magkalapit lang ang aming mukha, malapit talaga, as in. Hindi ko naman mapigilan ang kilig kaya namula at nag-init ang aking mga pisngi. Tinanguan ko lang naman siya saka niya ibinalik ang kaniyang tingin. Kumabit na siya sa kahoy saka kami umatras ng konti at tumakbo. Nakakapit lang ako ng mahigpit sa kaniyang habang sa siswing. Tumawa lang kami ng tumawa nung hindi pa kami nakarating sa gitna ay nahulog na kami. “Dumulas kamay ko. Hahahaha.” natatawang paliwanag naman nito.
Umahon kaming muli pero ngayon sa kabila na. Nakaramdam na kasi ako ng lamig eh. “Nilalamig nako sir, mabilis lang po kasi akong lamigin eh.” sabi ko sa kaniya. “Gusto mo nang umuwi?” tanong nito. “Oo.” sagot ko.
“Gabriel? Kuya?” rinig naming boses ng isang lalaki mula sa daanan na parang kurtina na dahon. Kapwa kami napalingon rito at nakita naming nakatayo rito si Pako.
“Juancho.” pagtawag naman ni Sir Alejandro dito. Lumapit ito sa amin. “Naligo pala kayo?” tanong nito na siya namang nginitian ko. At dito ko nga naalala na naglalaro pala kaming dalawa. May katagalan rin iyon ah. “Nandito ka lang pala Gabriel, napunta pa ako sa bahay niyo akala ko doon ka nagtago, mabuti nalang at napansin ko ang mga kabayo sa labas.” sabi nito saka naman ako nakaramdam ng guilt. “Sorry Pako ah.” nasabi ko na lang. “Okay lang yun, masaya ako na hindi ka naligaw, nag-alala ako kala ko kasi nawala kana.” sabi pa niya na nagpagaan naman ng aking loob.
“Kanina ka pa dito Kuya?” “Oo, mga 11, naisipan ko kasing maligo at magrelax eh. Tara ligo tayo.” pag-aaya naman ni Sir Alejandro. Iniyakap ko na lang ang aking kamay sa aking katawan dahil mas lumakas pa talaga ang hangin na nagdulot ng pag-nginig ng aking katawan.
“Gusto mo gamitin mo yung polo ko?” pag-aalok naman ni Sir Alejandro. “Naku, wag na po sir nakakahiya, uuwi na lang po ako, nilalamig na kasi talaga ako eh.” “Ito nalang.” biglang sabi naman ni Pako saka nito hinubad ang kaniyang polo at lumapit siya sa akin saka niya ipinatong ang kaniyang polo. Sa bilis ng pangyayari ay hindi na ako nakatanggi pa at pinasalamatan ko nalang siya.
Ang natira naman sa kaniya ay ang suot niyang panloob na sando. Lumitaw naman ang kakisigan ni Pako. Hindi siya buff pero ma muscle ito. Napakalaki ng braso niya. Pansin na pansin ko naman ang kaniyang half-sleeve tattoo na mas lalong nagbibigay ng karisma sa kaniya.
“Uuwi ka na Gabriel?” tanong niya sa akin na akin lang tinanguan. “Hatid na kita.” sabi nito sa akin. “Kuya, hatid ko lang si Gabriel tsaka balik ako rito, gusto ko ring magbabad.” baling nito sa kapatid niya. “Okay lang naman ako na umuwi mag-isa Pako.” sabi ko dito. “Ihahatid na kita.” sagot naman nito na naging dahilan ng mabilis na pagtibok ng aking puso. Napangiti na lang ako at sinusubukang itago ang pamumula ng aking mga pisngi.
“Sir, una na po ako. Salamat po.” pagpapaalam ko sa aking isa pang amo. Tumango lang ito saka ngumiti. Lumakad na lang ako habang isinusuot ko sa aking braso ang polo ni Pako. Dumaan lang kami sa dinaanan ko kanina saka kapwa namin itinanggal sa pagkakatali ng aming mga kabayo. Sumakay kami rito saka namin ito pinatakbo.
Nagkwekwentuhan lang kami ni Pako ng mga nangyari sa amin kanina. Ako habang naliligo at siya naman sa paghahanap sa akin. Hanggang sa nakarating na nga ako sa bahay namin.
This chapter is dedicated to @kiamfil123. Thanks for the support. Happy Reading!
QUINCE: La Vida en la Hacienda
Ang Buhay sa Hacienda
Gabriel
Isa na namang panibagong araw sa hacienda. “Anak, Gabriel. Ador! hali na kayo’t kakain na.” rinig naming sabi ni nanay sa loob. Sabay na kaming tumayo ni itay mula sa pagkakaupo at nagtatabas kasi kami ng damo eh. Sabay rin kaming pumunta sa poso at naghugas ng kamay saka kami dumiretso sa taas.
“Ang sarap naman nito mahal.” pa-sweet naman na sabi ni tatay kay nanay na may malawak na ngiti habang humahalik dito. “Hm, bolero.” ang naisagot na lang ni nanay at nagpapakipot. Natawa nalang ako sa kanila. Ganito talaga sila palagi, parang ’di nauubusan ng lambing sa isa’t-isa.
Umupo na kami saka kami nagdasal. “Ang sasarap naman po nito ’nay.” sabi ko matapos kaming magdasal. “Diba anak, ayaw pa kasi maniwala nitong nanay mo eh.” komento naman ni tatay. “O sya, kumain na tayo baka lumamig pa ang pagkain.” nasabi na lang ni nanay saka kami masayang kumain.
“At talaga namang nag-subuan pa sa harap ko.” ang sabi ko sa kanila na ikinatawa lang ng mga ito. “Humanap ka na kasi ng iyo.” sabi ni nanay na ikinatawa ko naman. “May girlfriend ka na ba anak, o naging?” tanong ni tatay. “Naku tay, wala po.” pagtawa ko naman. “Eh boyfriend?” “Nay, wala din po.” sagot ko. “Eh sa gandang lalaki mong iyan, wala?” natawa na lang ako sa itinuran nito na agad namang dinagdagan pa ni tatay. “Oo nga anak.”
Bumalik na lang kami sa aming pagkain. Ang ulam namin ngayon ay piniritong manok saka pansit na napakaraming gulay na talaga namang gustong-gusto ko. Napakahilig ko sa gulay, kaya siguro ganito kakinis ang balat ko dahil doon. Masaya lang kaming kumakain at pagkatapos ay nag-ayos na kami para magtrabaho.
“Frenny!” sigaw agad ng kaibigan kong madaldal. “Umaga pa beshy, ’wag kang masiyadong maingay.” natatawang ko suway sa kaniya na ikinatawa lang niya. Palagi kong sinusuway ang pagiging maingay niya pero hindi naman talaga ako na iimbyerna sa kaniya kasi okay naman siya, maingay lang talaga pero tanggap ko naman iyon.
Agad na kaming dimeretso doon sa pwesto kung saan naghihintay ang mga katrabaho namin sa may truck. “Hi Gabriel.” bati naman nilang lahat sa akin, na nginitian ko naman saka ako bumati rin pabalik. “Ang ganda mo naman ngayon Gabriel.” komento kaagad ni Andong. “Ano ka ba pare, araw-araw kayang maganda si Gabriel.” dugtong pa ni Tonyo. “Naku talaga kayong dalawa.” ang nasabi ko na lang.
“Eh ako, hindi niyo ba ako sasabihang maganda?” tanong naman ni Jelay habang sinasabit sa likod ng kaniyang taenga ang buhok nito. “Hindi masiyado.” “Malabong mangyari.” sabi nung dalawa na kinainis naman ni Jelay at ikinatawa naman namin. “Tse, akala niyo naman mga gwapo kayo.” pagalit nitong sabi sa dalawang kolokoy. “Gwapo kaya kami, diba pare?” sagot naman ni Tonyo saka tinanguan naman ni Andong saka kapwa sila nag pogi sign saka nag lip bite.
“Mukha kayong pwet na tinubuan ng mukha.” komento ko na ikinagulat naman nila at malakas na tinawanan naman ni Jelay. “Hahahahaha, galling na kay Gabiel yun ah.” sabi ni Jelay. “Grabe ka naman samin Gabriel.” si Andong. “Matapos ka naming puriin.” sabi ni Tonyo sabay hawak sa kaniyang dibdib na aktong nasasaktan. Tinawanan ko nalang sila saka ako nagsorry. “Sor’na hahaha.”
“Gabriel, dito ka samin sa likod sumakay para makapag-kwentuhan naman tayo.” si Tonyo. “Oo nga Gabriel.” dagdag naman ni Andong. “Naku sayang kaputian niyang Si Gabriel ano kung maiinitan lang.” pagsaway pa sa kanila ni Jelay. Tumingin naman sa akin sila Tonyo. “Okay lang, nakalongsleeve naman ako eh.” sabi ko nalang na ikinangiti naman nila. “Pahiram nalang ako niyang salakot niyo.” dagdag ko pa saka sila sabay na nag-abot sa akin ng kanilang mga salakot.
Mukhang nag-aagawan pa sila kung kaninong salakot ang gagamitin ko ah. Kinuha ko na lang ang kay Andong para matapos na, binelatan naman ni Andong si Tonyo. “Akin nalang iyang sa iyo Tonyo.” sabi ni Jelay. “Hindi mo na kailangan ito no.” sabi bigla ni Tonyo saka niya ibinalik sa pagkakapatong sa kaniyang ulo ang kaniyang salakot. “Nakakainis ka talaga arrggh.” ang nasabi na lang ni Jelay at turn naman ni Tonyo para bumelat sa kaniya saka sila nag apir ni Andong saka nagtawanan.
Nagsimula ng umakyat ang mga tao ng makarating na sila nanay at tatay sa amin. “’Tay ’Nay, dito na lang po ako sa likod sasakay.” sabi ko sa kanila. “Sigurado ka ba anak?” ’Opo ’tay.“ “Hindi ka ba maiinitan diyan?” “Okay lang po ako nay, may salakot naman po ako.” sagot ko sa kanila na tinanguan lang nila saka kami sabay na umakyat sa truck.
Umupo ako sa bandang likod habang ang aking likod ay nakasandal lang sa railings ng dump truck. Katabi ko lang si Jelay tsaka kaharap naming dalawa sina Andong at Tonyo. Masaya naman palang sumakay dito dahil masarap ang hampas ng hangin sa aking mukha at mas kita rin dito ang palibot ng hacienda.
“Ilang taon ka na Gabriel?” panimulang tanong ni Andong. “21.” sagot ko rito. “Nakapag-aral ka ba?” tanong ni Tonyo. “Oo, graduate ako ng Agriculture, sa UP.” sagot ko naman na kinahangaan nila. “Kayo ba ’san kayo nag-aral?” tanong ko naman sa kanila. “Highschool lang kami eh.” sabi nila na ramdam at kita ko naman na nakatago sa masaya nalang ngiti ang kalungkutang iyon. “Sa hirap ng buhay ngayon, hindi na lang namin piniling mag-aral pa.” sabi ni Tonyo na ikinalungkot ko naman. Wala na rin naman akong magagawa eh kaya hindi na lang ako nagtanong pa tungkol sa pag-aaral nila dahil alam ko masakit iyon sa part nila.
“Ilang taon na pala kayo?” tanong ko sa kanila. “20 ako.” si Jelay. “22 ako.” si Andong. “Ako naman 23.” si Tonyo. “Hindi naman pala malayo ang mga edad natin eh.” sabi ko sa kanila na ikinatango lang nila. Nagtanong lang sila sa mga basic information about sa akin na akin namang sinagot tulad ng saan ako nakatira dati, paano ako napunta dito, mga ganoon.
Malapit na kami sa manokan at bakahan at dito ang baba nila Andong at Tonyo. “Gabriel sama ka sa’min mamaya ta mag-iinuman kami.” Pag-aya ni Tonyo. “Tutal ay wala namang trabaho bukas at linggo.” dagdag pa ni Tonyo. “Sama ka na, dahil sama rin naman ako tuwing may inuman.” dagdag pa ni Jelay.
“Okay.” sabi ko na lang na napilit na nila ako at nakarinig naman ako ng mga ‘yey’ mula sa kanila. Huminto na ang truck saka nagsibabaan na ang mga tao. “Dito na kami Gabriel.” ang nasabi na lang ng dalawa saka sila kapwa na bumaba. Binalik ko na rin kay Andong ang kaniyang salakot. “Bye.” ang tanging nasagot nalang naming dalawa ni Jelay.
Matapos naming naihatid ang mga kasama namin ay dumiretso na kami sa mansion. Sabay kaming dalawa ni Jelay at nagdadaldalan lang. Paakyat na kaming dalawa sa hagdan ng makasalubong namin si Sir Nathaniel na kasalukuyang pababa naman ng hagdan. “Good morning po sir.” bati naming dalawa ng kapantay na namin ito ng hagdan.
“Good morning din sa inyo.” sabi nito saka ngumiti. As usual ay looking good si sir, naka suot ito ng magarbong damit at naka sapatos na parang may pupuntahan. “Kuya Nat.” sigaw naman ni Javier mula sa itaas ng hagdan. Bumaba naman ito kagad. “Oh hey Gabriel.” pansin nito sa akin. “Magandang umaga po sir Javier.” bati naming dalawa ni Jelay dito saka naman ito bumati pabalik.
“Gabriel, we’re going out, wanna come?” nagulat naman ako sa sinabi ni sir Javier at hindi pa ako nakakasagot ay dinagdagan pa ito ni Sir Nathan. “Oo nga Gabriel. Sama ka.” “Naku sir, nakakahiya, tsaka may trabaho po ako, tsaka bonding niyo po yang magkapatid.” pagtatanggi ko naman rito. Hindi nalang ako nito pinilit at nagpaalam na saka sila sumakay sa kanilang Toyota Zenix na alam kong napakamahal. Isa lang ito sa mga kotse nila na naririto sa hacienda at mayroon pang iba’t-ibang mamahaling sasakyan.
Matapos noon ay kapwa na kami umakyat ni Jelay. Nang makarating sa loob ay naghiwalay na kami. Siya patungo sa kusina at ako naman patungo sa kwadra. “Kita nalang tayo mamaya frenny, puntahan kita.” “Kahit ’wag na, eme.” sabi ko na lang sa kaniya saka ako dumiretso na.
Naabutan ko naman si Mang Jun na nag-aayos ng mga bagong dating na mga dayami. Kumuha naman ako kaagad ng dayami saka ako nag pakain ng agahan sa mga kabayo. “Magandang umaga mga nag-gagandahang at nag-gugwapohang mga kabayo sa balat ng hacienda del Salvador!” masiglang bati ko naman sa mga ito pagkabukas ko ng pinto.
Pinakain ko na sila saka ko sila binigyan ng mga tubig. Masigla naman silang kumain. Lumabas na ako ng kwadra matapos kong gawin ang aking mga trabaho at dito ko naabutan sila Don Lucio kasama si Sir Alejandro. Kausap nila si Mang Jun. “Magandang umaga po Don Lucio. Magandang umaga po Sir Alejandro.” bati ko sa kanila ng makarating ako sa pwesto nila.
“Magandang araw rin sa iyo Gabriel.” Bati ng Don at tumango naman sa akin si Sir Alejandro saka ito matamis na ngumiti. Si Don Lucio ay nakasuot na naman ng cowboy hat na pinaresan ng checkered na long sleeve at maluwag na pants habang si Sir Alejandro naman ay looking good sa kaniyang plain white longsleeve na open ang unang dalawang butones kung saan nakasilip ang kaniyang matitipunong dibdib, at naka pantalon din ito. Gaya ng ama ay may suot din itong cowboy hat.
“Kamusta ka naman Gabriel? Okay lang ba ang trabaho?” nakangiting tanong naman ni Don Lucio. “Maayos naman pi ako Don Lucio, nag-eenjoy po ako sa pag-aalaga ng mga kabayo, tsaka, marunong na po akong mangabayo.” nakangiting kwento ko naman rito. “Mabuti naman kung ganoon ijo.” “Alam mo ba dad, si Malik ang sinasakyan niya.” Pagkukwento naman ni Sir Alejandro na ikinagulat naman ng ama niya.
“Talaga ijo? Nasasakyan mo si Malik?” Baling nito sa akin. Tumango naman ako at ngumiti rito. “Alam mo bang naging maiglas na ito mula ng namatay ang asawa ko. Mabuti naman at napapasunod mo siya.” nasasayahang paglalahad naman nito. “Oo nga po eh.” nasabi ko na lang.
“Jun manganagbayo kami, lilibot ako sa hacienda at mangangamusta.” baling ng Don kay Mang Jun. Mukhang alam naman nito ang ibig sabihin ng amo saka ito tumalikod papuntang kubo sa lagayan ng mga gamit pangangabayo. Sumunod naman ako rito para ito’y tulungan.
Bitbit namin isa-isa ang mga upuan. Apparently ang tawag pala rito ay saddle. May kabigatan ang saddle dahil may kahoy at may foam, tsaka full hard leather ito. Inilapag muna namin ito sa mesa na malapit sa kwadra tapos ay kinuha na namin ang mga kabayo.
Hawak ko sa aking kamay ang tali na nakakonekta kay Maximus habang hawak naman ni Mang Jun si Magnum. Hawak ko rin sa isa kong kamay ang noo ni Magnus saka ito hinihimas. Sa laking kabayo ng mga ito malamang ay nakakatakot sila lapitan, mabuti nalang at mababait sila.
Ikinabit na namin ang mga gamit sa kabayo. “Tulungan na kita Gabriel.” sabi ni Sir Alejandro saka ito lumapit sa akin at tinulungan akong ikabit ang girth na pinapalibot sa katawan ng kabayo para maisecure ang saddle. “Thank you Gabriel.” pasasalamat naman ni Sir sa akin ng nakangiti matapos naming maihanda si Maximus. Nakangiti lang rin ako na medyo nahihiya habang nakatingin sa kaniya patingala dahil di hamak na mas matangkad ito sa akin.
Napakaputi ng kaniyang ngipin at napakapula na kaniyang labi. Ang sarap sa tenga ng bawat tunog na nilalabas na kaniyang bunganga sa pagbigkas ng aking pangalan. Lumayo na ako sa kaniya tsaka siya sumakay sa kaniyang kabayo. Nakasakay na kapwa ang mag-ama saka sila umalis na dalawa matapos silang makapagpaalam.
Napakagwapong tignan ni Sir Alejandro na nangangabayo, para siyang nasa mga latinong telenobela at nagpapatakbo ng kabayo sa telebisyon. Guwapong tignan ang tan nitong balat na tinatamaan ng sikat ng araw. Bagay rin sa kaniya ang kaniyang day-old na stubble na lalong nagpapamanly sa dating nito.
“Uy, baka matunaw.” rinig kong sabi ni Mang Jun na natatawa habang mahina akong sinisiko. Tinawanan ko na lang ito.“Huwag mo nga akong pansinin Mang Jun.”
“Gabriel.” rinig ko namang tawag sa akin ng isang lalaki. “Sir Juancho.” sabi ko rito. “Pako ngaaa.” parang bata naman nitong sabi sa akin na ikinatawa ko na lang dahil sa ka-cutan nito. “Pako.” tawag ko namang muli rito. “Naka-alis na ba sila papa?” tanong nito, “Oo,bago lang.” “Mang Jun pwede pong pakuha nong gamit ni Machete at susunod po ako kila papa.” tumango lang ang katiwala saka ito bumalik sa kubo.
“Teka, kukunin ko lang si Machete.” sabi ko naman rito. “Ako na.” “Ako na, hayaan mo akong pag-silbihan ka, mahal na prinsipe Pako.” mahinahong sabi ko rito saka ako nagbow. Pagkagaling ko sa pagyuko ay nakangiti lang ito at natatawa, tumalikod naman ako pero bago iyon ay kinindatan ko muna siya saka natatawang pumunta sa kwadra. Mabilis ko namang nakuha si Machete saka namin ikinabit ang saddle nito.
“Salamat Gabriel.” sabi nito saka yumakap sa akin. Nagulat naman ako sa kaniyang ginawa saka ako pinamulahan ng mukha. Mabilis niya ring binawi ang kaniyang yakap na parang nahihiya dahil nakakamot iyo sa kaniyang batok. Umakyat na ito sa kaniyang kabayo saka tumingin sa akin. “Gusto mo bang sumama?” tanong nito. “Hindi na.” sabi ko rito. “Diyan ka lang, at babalik ako, mahal na prinsesa.” paalam nito saka pinatakbo ang kaniyang kabayo habang ako naman ito, namumula ang pisngi at ’di maitago ang kilig.
“Mahal na Prinsesa.” panggagaya naman ni Mang Jun sa tinuran ni Pako na parang nang-aalaska pa. “Mang Junnn.” nasabi ko na lang sa kaniya at itinawa ang kilig na nadarama. Ilang sandali pa ay,
“Frenny!” dinig kong sigaw mula sa may kalayuan na naging dahilan ng panglingon ko rito. Nandito na nga ito para pestehin na naman ako, eme. Sa malayo pa lang ay nakangiti na ito. Ito ang gusto ko kay Jelay eh, palaging nakangiti, nakakahawa. Ako naman ay laging poker face na paiba-iba naman depende sa mga kaharap ko.
“Uy Jelay.” bati ni Mang Jun ng makarating ang kaibigan ko malapit sa amin. “Mang Jun!” sabi naman nito. “Regards mo ako sa nanay mo ah.” pabirong sabi naman ni Mang Jun. “Nako Mang Jun, sinasabi ko sayo, ’di ka type nun.” si Jelay na ikinasimangot naman ng matanda.
“Tara frenny.” baling ni Jelay sa akin. “Ha, saan tayo?” naguguluhang tanong ko naman. “Diyan lang, gala.” “Okay.” ang sagot ko na lang rito saka kami gumora sa kung saan man ako balak na dalhin ng babaeng to.
DEICESÉIS: Verdadero Amigo
Kaibigang Tunay
Gabriel
“Daan muna tayo ng mansion at magpapaalam tayo kila nanay.” sabi ko kay Jelay. “Tara.” sagot nito saka kami dumiretso dito. Kapwa kami nagbabatuhan ng mga asaran namin sa isa’t-isa at tumatawa hanggang sa makarating kami sa mansiyon.
Pagkatapak namin sa mansion ay dito namin natagpuan si Dyosa na naglilinis. Isa sa mga kasambahay ng mansion. “At ano sa tingin ang ginagawa ninyo at hindi kayo nagtarabaho aber?” tanong nito sa amin habang kasing taas ng mount everest ang kilay nito. Halos magkakaedad lang rin kami nito. May pagka maldita rin talaga tong isang to.
“Tapos na, tsaka gagala kami.” malditang sabi rin ni Jelay rito. “Anong karapatan niyo para gumala-gala ha, may-ari ba kayo ng hacienda?” dagdag pa nito. “Alam mo kesa magmaldita ka diyan ay sumama ka nalang kaya sa amin.” alok ko naman rito dahil hindi naman ako naaapektuhan sa mga pagmamaldita nito. “Ayoko ngang sumama sa inyo.” pagmamatigas nito. “Edi ’wag.” sagot ni Jelay saka ako nito hinila at iniwan na namin si Dyosa.
Kumaway na lang ako rito at ngumiti saka naman ako nito tinarayan at tinaasan ng kilay na akin lang namang idinaan sa tawa. Hindi naman kasi umuubra sa akin ang katarayan niya, tsaka alam kong mas mataray ako sa kaniya kaya hindi ko na lang siya papatulan hanggang sa hindi naman gaanong kasama ang ginagawa niya sa akin.
“Akala mo kung sino maganda, dyosa nga pangalan maligno naman ang ugali.” naiinis na sabi naman ni Jelay na ikinatawa ko lang at natawa na din siya hanggang sa nagtawanan na lang kaming dalawa.
“Nay, alis kami ni Jelay.” paalam ko kay nanay ng makarating kami sa kusina kung saan sila nagtatrabaho, “Saan kayo anak?” tanong nito sa akin. “Ipapasyal ko lang siya dito Nay Beth.” singit naman ni Jelay sa usapan namin. “Tapos na ba kayo sa inyung mga trabaho?” Pagsingit rin ng nanay ni Jelay. “Opo.” kapawa namin na sagot. Tumango lang naman ito bago kami binugaw na parang makukulit na mga langaw.
“Saan ba kasi tayo?” tanong ko rito ng kami ay pababa na ng hagdan. “Diyan sa mga prutasan lang. O kaya ay pumitas tayo ng mangga.” masiglang sabi nito. “Pwede ba?” tanong ko rito. “Oo naman no.” “Let’s go.” nasabi ko na lang at nagpatianod na sa kaniya.
Hindi naman gaano kalayo itong mga puno ng prutas sa amin. “Ang layo nung mangga Jelay eh malapit lang sa bahay natin yun eh.” “Oo nga no, maglalakad lang pala tayo, dito na lang tayo.” sabi naman nito ng makarating kami dito sa area ng fruit crops.
Sa kinaroroonan namin ay may iba’t-ibang mga puno ng prutas na magkahalo ang pagtatanim o ang tinatawag na intercropping. May mga bayabas, langka, atis, marang, at macopa. “Frenny kuha tayo nitong bayabas oh, ayun.” turo niya sa isang malaking bayabas na ’di niya abot. Tumingkayad naman ako ng kaunti saka ko ito kinuha.
“Jelay, Gabriel. May sungkit doon baka gusto niyo.” si Kuya Aljon na isa sa mga nagbabantay dito. “Pahingi kami kuya Aljon ah.” sabi ko rito sabay turo sa bayabas sa aking kamay. “O sige, kumuha lang kayo riyan.”
Marami pa kaming mga kasama rito na kakilala rin namin lahat. Busy din sila sa kanikanilang mga gawain. Habang kami’y kumukuha ng mga bayabas at macopa ay may nariring kaming tunog ng takbo ng mga kabayo na papalapit sa amin.
Ilang sandali pa ay nakarating na nga malapit sa amin ang mga kabayo at lulan nito ang mga amo namin dito sa hacienda. “Magandang umaga sa inyo.” bati ni Don Lucio ng makababa ito sa sinasakyang kabayo. “Magandang umaga din ho Don Lucio.” bati rin ng mga empleyado.
“Kamusta kayo rito?” Dito na nga nagkumpulan ang mga trabahador ng prutasan habang kami naman ni Jelay ay kapwa nanatili lang sa aming pwesto malapit sa kanila pero nasa likod lamang kami ng kumpol ng mga tao.
“Ayos lang naman po kaming mga nangangalaga dito.” Panimula ni Kuya Aljon. “Kaso ng lang ho ay parang may problema po tayo sa mga langka.” imporma naman ng isang may edad na na babae, si Aleng Bebeng. Tinanguan naman ito ng ilan pang mga empleyado. Bakas sa kanilang mga mukha ang concern para sa mga tanim.
“Tignan po natin.” sabi naman ni Kuya Aljon saka niya pinasunod sa kaniya ang Don pati na rin ang anak nitong panganay. Pumunta sila sa malapit na puno ng langka para ito ay tignan. Sumunod naman ako rito upang makita rin kung ano ang problema. Pipigilan pa sana ako ni Jelay pero sumunod na lang ito sa akin ng hindi na ako magpapapigil.
Nakikinig lang ako sa mga ito habang sila’y nag-uusap na nakapalibot sa isang puno ng langka. “Ang mga dahon po ay nagkukulay brown, at ang dulo ng mga ito ay nagro-rolyo paitaas.” panimula nito habang kinuha ang isang dahon at ipinakita ito sa amo. “Ang mga sanga din po ay nag sisimula na ring magkulay brown.”
“Sa ibang mga sanga din po Don Lucio ay may nakabalot na mga puti na may pagka pink na parang cotton.” paglalarawan pa ni Mang Rowel, isa sa mga nagtatrabaho rin dito. Inangat ko din ang aking mga paningin at dito ko nga nakita na ang ibang mga sanga may may pink powdery coating. “Pasensya na ngunit wala ngayon ang aking anak na si Nathaniel para malaman natin ang mga nangyayari dito.” wari naman ni Don Lucio na puno ng pangamba sa nangyayari sa kaniyang mga pananim.
“ Pink disease .“ I made my self heard. Dito ay lumingon sa akin ang mga empleyado pati na sina Don Lucio at Sir Alejandro na kanina pa tahimik. Bakas sa kanilang mukha ang pagtataka kung bakit ko alam ang mga ito.
“Ang pink disease po ay widespread talaga sa mga tropical at subtropical areas, gaya dito sa Pilipinas.” Panimula ko saka ako pumunta sa harapan at tinignan ang infected na sanga. “Ang pink disease ay itong mga white na may pagkapink na nakabalot sa mga sanga. Pink color represents profuse conidial production of fungus. Ibig sabihin ang mga pink na ito ay napakaraming produksyon ng mga fungus. Nagpapakita din ito ng sintomas ng die back , o yung mga pagkukulay brown ng mga dahon at sanga kasama na rin ang pagrorolyo nito paitaas.” pagiimporma ko sa kanila na kanila namang pinakinggan.
“Ang mga dahon po na ito ay maglalagas at maaring maapektuhan ang mga kalapit pang dahon. Ang mga sanga naman ay magsisilagasan ang mga dahon pati na rin ang mga bunga. Mas malalang epekto nito ay Fruit Rot o ang pagkabulok ng mga bunga na magreresulta ng konting produksyon ng prutas na maaring mag-uwi sa pagkalugi.” Matapos kong magsalita ay tahimik lamang sila at parang inaabsorb pa ang aking mga sinasabi.
“May alam ka rin pala dito ijo?” unang nagsalita si Don Lucio. “Graduate po ako ng kursong Agriculture.” sabi ko naman rito sabay ngiti. “Anong solusyon nito Gabriel?” tanong pa ni aleng Bebeng. “Atin pong ipu-prune o tatanggalin ang mga infected branches para ’di na kumalat pa ang mga fungus. Sa dieback naman ay ganoon rin po, puputulin ang mga nagkukulay brown na mga sanga at mga dahon. Ang mga naputolan ng sanga ay kailangan pong isprayan ng copper oxychloride. Tatanggalin rin po natin ang mga nagkukulay itim na mga bunga.”
“Ganoon ba ijo? Sige at magpapabili ako kay Diego ng mga kinakailangang kemikal.” sabi nito na akin lang tinanguan saka siya bumaling sa mga tao. “Narinig niyo naman ang sinabi ni Gabriel, yun ay simulan na natin sa lalong madaling panahon.” Nakangiting nagpasalamat naman sila sa akin saka nagsi-alisan na sa pulong. “Salamat ijo.” hinawakan niya ako sa balikat at tinatapik ito, saka siya umalis at kinausap sina Mang Rowel at Aleng Bebeng.
“You did good Gabriel, didn’t know that you were an agriculturist.” paglapit naman sa akin ni Sir Alejandro na may proud na emosyon na bakas sa kaniyang mukha. “Agri-business management po sir ang tinapos ko sa UP.” sabi ko naman rito. “Bakit ’di ka kaya mag apply as Business Manager dito sa Hacienda.” pag-aalok nito sa akin. “Eh hindi naman po ako nakapasa sa exam sir, tsaka hindi na po muna siguro sa ngayon, nag-eenjoy pa naman po ako sa trabaho ko, tsaka pag-aaralan ko na lang muna paano ang mga galawan dito sa Hacienda.” magalang na pagdecline ko sa offer nito na mukha naman nitong naintindihan ang pinanggalingan ko.
“I understand, the Hacienda is open for you, and I’ll wait for you este it will wait for you.” sabi nito sa akin na siyang akin namang ikinatuwa saka ako nagpasalamat. “Let’s go Alejandro.” pagtawag ni Don Lucio sa kaniyang panganay saka ito sumakay sa kaniyang kabayo. “Una na kami Gabriel, and thank you.” sabi nito saka dumiretso sa kaniyang kabayo. Sinundan ko na lang sila ng tingin hanggang sa ’di ko na sila makita pa.
“Ang pogi niya no?” biglang sulpot naman ni Jelay sa tabi ko sabay kagat sa hawak niyang bayabas. “Pahingi beh.”
“Wooh, andito na si Gabriel.” biglang sabi ni Tonyo sa aking tabi ng makarating kami sa inuman. Sinundo niya ako sa bahay kanina matapos ang hapunan. Pinagpaalam niya rin ako sa mga magulang ko para mag-inom.
“Woooh. Gabriel shot na!” medyo hyped up na sabi ni Andong at sinalinan ako sa baso ng inumin. Nasa kalahating bote na ang inumin at parang may tama na rin ang mga tao. Naririto kami ngayon sa isang malaking kubo na tinatambayan ng lahat ng tao dito sa amin. Nagsisilbi rin itong lagayan ng mga gamit at supply para sa pagsasaka.
Mga nasa may walong katao ngayon ang naririto, Sina Jelay na kakarating lang at may dalang plato na may laman na pulutan. Sina Andong, Tonyo, at apat na lalaki na hindi ko pa kilala pero nakikita ko naman rito. “Upo ka na Gabriel.” pag-aaya ni Jelay habang tinatapik ang tabi niya. Sa lapag lang kami nakaupo at nakapalibot kami sa isang mesa na may lamang inumin at pulutan.
“Ano ba ’to?” tanong ko sa kanila sabay taas at tingin sa binigay nilang puting inumin sa akin. “Lambanog iyan.” “Lambanog? Puro ba ito? Sinong may gawa nito? Binili niyo lang ba?” Maraming tanong ko sa kanila dahil alam ko naman ang content at distillation process ng lambanong at saan ito galing. Kailangan ko lang malaman kung safe ba ito. “Safe iyan Gabriel, matagal na kaming umiinom ng ganiyan. Binili namin yan sa nagbebenta ng lambanog doon sa sentro ng San Joaquin.” paninigurado naman nila. May tiwala naman ako sa kanila kaya ininom ko nalang ito.
Agad akong napapikit ng ito ay aking ininom habang ramdam ko sa aking lalamunan ang tapang nito. “Hoo.” sabi ko matapos kong inumin ang isang baso. Agad naman nila itong sinalinanan muli mula sa tatlong litrong lalagyan ng mineral water na ginamit pang packaging ng lambanog.
“Gabriel, nga pala, sila Janjan, Ton-ton, Gaston, at Felipe. Mga kasamahan rin natin dito, hindi nga lang sila sumasabay sa atin dahil nilalakad lang nila ang baboyan. Doon sila nakatoka.” “Hello Gabriel” isa-isang bati naman nila sa akin. “Hello din sa inyo, masaya akong makilala kayo.” sabi ko naman rito.
“Anong dala mo kanina Jelay?” baling ko naman sa aking katabi matapos nitong inumin ang toka niyang lambanog. “Ah sisig na bangus. Pangpulutan, luto ni nanay.” kumuha naman ako rito para tikman. “Ang sarap.”
“Kamusta ka naman dito sa Hacienda Gabriel?” tanong sa akin ni Gaston. “Ayos naman ako, masaya ako sa pag-aalaga ng mga kabayo. Kayo? Napapansin ko kayo kaso nga lang hindi ko kayo masiyadong nakikita.” “Oo nga eh, hindi na kami nakakasabay sa inyo dahil maaga pa lang ay doon na kami para maglinis upang hindi bumaho ang baboyan.” sagot naman ni Gaston sa akin.
“Sa wakas ay nakadaupang palad ka narin namin.” singit naman ni Janjan. “Ang hirap kasing hindi mapansin ang ganda mo eh. Tsaka pansinin ka talaga.” si Felipe. “Sus, bolero.” sabi ko naman rito. “Hindi ah.” depensa nito.
“Matagal na naming gusto makipagkilala sa’yo kaso ay nahihiya lamang kami dahil nakasimangot ka lang palagi tsaka mukha kang masungit. Kilala ka naman pala nitong si Tonyo at Andong eh.” turan rin ni Tonton. “Ngayon magkakilala na tayo, huwag na kayong mahiya ah.” sabi ko naman. “Oo tsaka mabait ka naman pala tsaka marunong rin ngumite.” “Hahahaha ganito lang talaga ang mukha ko, maypagka matapang.”
“Ikaw na Gabriel.” sabi sa akin ni Andong sabay lapag malapit sa akin ng basong may inumin. Agad ko naman itong ininom saka ako kumain ng pulutan para medyo mawala ang lasa ng alak.
May kinuha namang gitara mula sa tabi si Gaston saka niya ito pinatugtog. “Jam jam jam.” pagchicheer naman ng mga kasama namin para kami daw ay magjamming. “Kumakanta ka ba Gabriel?” tanong ni Gaston sa akin. “Naku hindi, ang pangit ng boses ko.” sabi ko sa kaniya na natatawa.
Ipinagpatuloy niya ang pagpapatugtug ng gitara hanggang sa maging pamilyar sa akin ng kaniyang inapatugtog.
Halina’t sumayaw sa ilalim ng araw
Maghawak-hawak ng kamay
Isigaw nang sabay-sabay
“ Kapayapaan! “ sabay sabay na pagkanta naman ng aming mga kasama. Maganda ang tinig ni Gaston, maypagka raspy ito at bagay sa mga reggae na mga kanta. Enjoy lang kami habang sila ay sabay-sabay na kumanta.
Lupang uhaw sa pag-ibig
(Lupang uhaw sa pag-ibig)
Naghihintay sa halik ng langit
(Naghihintay sa halik ng langit)
Lupang uhaw sa pag-ibig
(Lupang uhaw sa pag-ibig)
Naghihintay sa halik ng langit
(Naghihintay sa halik ng langit)
Napasabay na rin ako sa kanila dahil naienjoy ko na rin. Tuloy pa rin naman ang ikot ng inumin habang kumakanta. Nakailang kanta pa si Gaston at tuloy lang rin kami sa pagsabay sa kaniya. Bawat tunog na lumalabas mula sa gitara ay nagbibigay ng kapayapaan sa aming isipan at mga puso. Kasabay din nito ang pag-ihip ng malamig na hanging probinsiya. Parang sumasabay rin na nakikipag jamming sa amin ang mga kuliglig at iba pang mga insekto.
Napuno lang kami ng tawanan habang sila ay nagkukwento ng mga ginagawa nila dito sa hacienda. Humalakhak rin ako sa kwento ni Andong na galing daw sila ng inuman ni Tonyo at hinabol umano sila ng aswang hanggang sa nakarating sila sa may tubuhan at dito nila nalaman na ang tinatawag nalang aswang ay baka lang pala na nakatakas. Grabe ang tawa ko sa kanila siguro dahil sa tama ng alak sa akin.
Nararamdaman ko na ang init ng aking katawan, ang aking mga pisngi ay namumula at umiinit na, namamanhid na rin ito. Ngunit ay alam ko pa rin naman ang aking ginagawa. Gayon din naman ang aking mga kainuman. Mas nauna nga lang silang nalasing kesa sa amin ni Jelay dahil nung makarating kami ay nakakalahati na nila ang gallon ng lambanog.
“Jelay anak!” dinig namin ang boses ni Aleng Milagros hanggang sa nakalapit na nga ito sa amin. “Nay Milagrosh.” bati sa kaniya ng mga kasama namin na sobra na ang kalasingan. “Oi, lasing na kayo.” natatawang bati niya naman sa mga ito. “Jelay anak, uwi ka na.” baling naman nito sa kaniyang anak. “Shat ka muna Nay Milagroshh.” sabi ni Andong saka niya inabutan si Aleng Milagros ng isang baso ng lambanog na game na game naman nitong tinanggap at ininom. “Wooh.”
Tumayo si Jelay saka ito pumunta sa kaniyang nanay. “Ikaw Gabriel?” tanong naman nito sa akin saka naman ako tumayo. “Sabay na rin po ako.” sabi ko naman saka ako nagpa-alam sa kanila. “Aleng Milagros, Kahit po lasing, ang dal-dal pa rin po ni Jelay.” sabi ko rito saka naman ito tumawa. “Kahit kailan Gabriel, hindi talaga ito tumigil sa kadaldalan, pag anak ko pa lang dito eh nagkukwento na ito.” pagbibiro naman ni Aleng Milagros. “Hahahaha.” tawang-tawa naman ako habang si Jelay ay mukhang api na naman. “Nay! nagmana lang po ako sa inyo.” sabi nito na ikinatawa ko na rin.
Sa ’di kalayuan ay may nakita kaming lalaki na paparating sa amin habang kami naman ay naglalakad. “Tay?” tawag ko rito ng ma identify ko ang pangangatawan nito. “Oh Gabriel, susunduin na sana kita. Oh mare.” sabi naman ni tatay sa amin. Ayun nga at sabay na kaming nauwi sa aming kaniya-kaniyang mga bahay.
DEICESIETE: Los Jefes y Gabriel
Ang mga Amo at si Gabriel
Gabriel
Linggo ng umaga sa Hacienda del Salvador.
Sa mansion ay masaya at kumpletong nag-aalmusal ang mga Salvador sa kanilang garden. Nakaupo sa kabisera ng lamesa ang kanilang ama. Sa kanan nito ay si Alejandro, katabi nito ay si Nathaniel. Sa kanan ng padre de pamilya ay nakaupo si Juancho at sa tabi nito ay ang bunso na si Javier.
7 ng umaga, hindi pa gaanong mataas ang sikat ng araw. Masarap na kumakain ng almusal at preskong-presko ang lugar. Sa ’di kalayuan naman ay may tatlong kasambahay na nakaabang sa bawat galaw ng mga amo nila at nagaabang ng mga utos mula rito.
Masayang nagkukwentuhan ang pamilya sa gitna ng mga kain nito. “Kamusta ang lakad niyo kahapon Nathaniel?” tanong ni Don Lucio tapos ay sumubo ito ng isang piraso ng tapa. Si Nathaniel naman ay nilunok muna ang kinakain at nagpunas ng kaniyang mga labi bago sagutin ang ama. “Okay naman dad, since hindi na magrerenew ng contract ang Coco Ph, we closed the deal with Mr. Danilo La Torre as our new partner for our coconuts. Sa kaniya na direstso ang production natin, and actually mas malaki ang offer nila.” “That’s good to hear.” sabi naman ng panganay nila.
“Ako dad, after I came with kuya, we did shopping.” pagsingit naman ni Javier at binibida nito ang kaniyang pagiging laki sa luho. “Ano pa ba ang ibang alam mong gawin ha?” pagbibiro naman ni Juancho sa bunso nito na ikinatawa lang naman ng Dad nila. Bumalik muli sila sa pagkain hanggang sa may naisipang i-open si Don Lucio sa mga anak.
“Ah nga pala mga anak. Naglibot kami ng Kuya Alejandro niyo kahapon and also with Juancho pero umalis na siya ng makarating kami sa fruit crops areas natin. We found a problem, nagsumbong ang mga magsasaka natin tungkol sa problem sa mga langka.” panimula ng tatay nila. “What happened dad?” tanong ni Nathaniel. “Apparently may mga pumapalibot na mga white with pink powdery sa mga sanga. Sabi ko pa nga sa kanila na wala ka noong araw na iyon kaya baka hindi namin malaman kung ano ang problema.” dagdag ni Don Lucio.
“Good thing ay nandoon si Gabriel.” si Don Lucio. “Gabriel?” pagsingit naman ni Juancho. “Yes, he founds out na the problem is pink disease, with symptoms of die back, that eventually causes fruit rot.” kwento naman ni Alejandro. “Good thing Gabriel is there, he knows that stuff, I’ve always believed na he is really great with agriculture. What he saud was true. The pink are signs of profuse conidial production of fungus.“sabi naman ni Nathaniel. “Those are the exact words he said.” Sagot ng dad nila.
Makikita naman sa muka ng apat ang kanilang pagiging proud kay Gabriel. “I just knew na he took pala Agri-business Management. I offered him a job pa nga dito sa hacienda kaso lang he respectfully declined.” turan ni Alejandro. “He’s really great, beautiful, at the same time kind, and intelligent.” singit naman ni Javier na pinupuri si Gabriel. Matapos ay bumalik sa kanilang pag-kain ang pamilya.
“Guys why don’t we go swimming sa falls?” out of the blue na sabi ni Gabriel sa kalagitnaan ng kanilang pagkain. Nagliwanag naman ang mukha ng apat sa naisip nilang gawin. “sama natin si Gabriel.” dagdag pa ni Nathaniel. Ang maliwanag na emosyon sa kanilang mukha ay mas nagliwanag pa sa ideyang isasama nila sa falls si Gabriel. “Tanungin muna natin siya, baka naman may ginagawa yung tao.” si Alejandro. Tumango naman ang tatlo sa tinuran ng kanilang Kuya.
“Ako na mag tatanong. Pupunta na lang ako sa kanila.” pagpresinta naman ni Juancho sa mga kapatid.
Sa kabilang dulo ng hacienda, kung saan may maraming bahay at nakatira ang mga empleyado ay may Gabriel na hanggang ngayon ay tulog pa rin sa sala ng kanilang bahay.
Juancho Amos
Bumaba ako ng aking kabayong si Machete ng makarating ako sa harap ng bahay nila Gabriel. Nakita ko naman sa kanilang bakuran si Mang Ador. “Mang Ador!” tawag ko naman rito. “Boss Juancho, kayo po pala.” sabi nito saka ako pinagbuksan ng kanilang tarangkahan. “Naparito po kayo?” tanong nito sa akin. “Susunduin ko po sana si Gabriel at maliligo po kami sa falls.“sabi ko rito ng makapasok na ako.
Pumunta naman ito sa kanilang bahay at sumunod naman ako sa kaniya. Umakyat ako sa kanilang hagdan at nakita ko nga si Aleng Beth sa kanilang kusina na kasalukuyang naghuhugas ng plato. “Magandang umaga po Aleng Beth.” “Uy Boss Juancho kayo po pala, naparito po kayo?” tanong nito sa akin ng makita ako. “Nandito daw siya para sa anak natin.” singit naman ni Mang Ador.
“Naku tulog pa po eh.” sabi nito saka tinuro ang kanilang sala. Lumingon naman ako rito at dito ko nga nakita ang pigura ng lalaki na nakahiga sa may lapag at nakabalot ng kumot ang buong katawan. Sa gilid nito ay may nakatutok na electricfan. “Lasing po ’yan kagabi kaya hanggang ngayon ay tulog pa rin.” imporma naman sa akin ni Mang Ador habang kami’y lumalapit sa kanilang sala.
Napangunot naman ang aking noo nung marinig ang tinuran ng ama ni Gabriel. “Lasing? Sino naman po ang kasama nitong uminom?” tanong ko sa kanila na may bakas naman ng pag-aalala ang aking boses. “Sina Jelay po, saka sina Andong at Tonyo, at yung mga kaibigan pa nila sa baboyan.” Bigla namang may lumitaw na emosyon sa aking puso sa tinuran ni Mang Ador. Parang may namumuong selos sa aking sistema at hindi iyon basta-basta lang na nawawala. Mabigat sa pakiramdam. Bakit niya naman kasama ang mga iyon.
“Pwede ko po ba siyang gisingin?” paghingi ko naman ng permiso sa ama nito. “Oo naman, nang makakain na rin ang batang iyan at alas nueve na wala pang agahan.” sabi naman nito sabay tayo mula sa pagkakaupo nito sa kawayang single seat sofa nila. “Ikaw na po ang bahala sa kaniya boss Juancho at may aasikasuhin lang po ako sa labas.” tumango naman ako sa sinabi nito “sige po.” saka ito umalis na.
Mula sa aking pagkakaupo naman ay lumuhod ako sa tabi ni Gabriel. “Gabriel.” mahinang paggising ko rito na sinundan ng pagyuygog sa kaniyang balikat. Umungol lang ito at ’di natinag. Sinubukan kong alisin ang pagkakataklob ng kumot sa ulo nito ngunit agad naman nitong ibinalik. “Gabriel Gabriel.” paulit-ulit na bigkas ko sa pangalan nito habang inuuga pa rin ang kaniyang katawan.
Ilang sandali pa ay inangat na nito ang kumot na nakatakip sa ulo nito saka ako nito tinignan. Bakas sa mukha nito ang pagiging antok pa at ang pananakit ng ulo nito. Nakakunot ang noo nito at hindi pa masiyadong bukas ang mga mata nitong nakatingin lang sa akin. Malapit ng magkasalubong ang kilay nito at magulo rin ang buhok. “Pako? Bakit?” tanong nito sa akin na parang lumalabas na naman ang pagkamasungit nito.
Kahit ganito pa ang itsura nito ay hindi pa rin maipapagkait sa kaniya ang kaniyang kagwapuhang taglauy Ang cute nito tignan sa salubong na kilay at magulong buhok. “Aayain ka sana namin ng mga kapatid ko na magpalamig sa falls eh.” sabi ko rito sa nahihiyang boses dahil baka masungitan ako nito. May hangover pa naman ito.
Sa laki kong tao sa kaniya lang talaga ako natatakot at nakakaramdam ng hiya. “Ayoko. Masakit ang ulo ko. Gusto ko pang matulog.” sabi naman nito sa monotonous at may garalgal na boses. “Sabi ng tatay mo ay hindi ka pa daw kumakain, kumain ka muna Gabriel, gusto mo ba ipaghanda kita?” Sabi ko rito ng may pag-aalala sa boses. “Huwag muna ngayon Pako, ang gusto ko lang gawin ay matulog.” sagot naman nito.
Naiintindihan ko naman ito dahil ako ay nakakaranas rin ng hangover kaya hindi ko na lang pinilit “Sige uwi na lang ako Gabriel.” pagsukong sabi ko rito. “Bye Pako.” sabi nito sa magaang boses na himig ang antok saka ito bumalik sa pagkatalukbong ng kumot saka bumalik sa pagtulog. Ako naman ay tumayo na at tinungo ang pinto.
“Gumising ba Boss Pako?” tanong sa akin ng mag-asawa nang abutan ko sila palabas. “Di po eh. Gusto niya pa daw pong matulog.” tumango lang naman sila. “Eh saan po ba kayo pupunta?” tanong ni Aleng Beth na sinagot naman ng kaniyang asawa dahil nasabi ko naman rito kanina kung saan kami pupunta. “Marami na din naman pong naliligo doon ngayon boss dahil linggo.” sabi naman sa akin ni Aleng Beth. “Sige po dito na po ako.” nakangiting pagpapalam ko naman sa kanila saka ko tinungo ang kanilang tarangkahan at sumakay na sa aking kabayo pauwi sa bahay.
Pagpasok ko ng bahay ay naabutan ko naman ang aking mga kapatid sa sala na nagaabang ng aking balita tungkol kay Gabriel. “Ano daw? Sasama ba?” tanong kaagad ni Kuya Nathan. “Hindi eh. Gusto daw niyang matulog lang. Lasing eh, sabi nila Mang Ador ay uminom daw ito kagabi.”
“Ha uminom? Sinong kasama?” tanong agad ni Kuya Andro na napatayo mula sa kaniyang kinauupuan. Nagulat naman kami sa naging reaksyon nito at mukhang ganoon rin siya dahil napa balik ito sa kaniyang pagkakaupo. “Sina Andong at Tonyo, kasama sina Jelay at yung mga tumatao sa baboyan.” sabi ko sa kanila. Dito ay nakita kong nag-iba ang kanilang mga emosyon mula sa pag-aalala ay mababanaad mo ang konting galit sa kanilang mga mata.
Hindi ko nalang inisip pa ang kanilang mga reaksyon at dumiretso na lang ko sa hagdan patungong second floor para pumunta sa aking kwarto. Nagsialisan na rin ang aking mga kapatid sa sala at pumunta sa kaniya-kaniyang nilang pupuntahan. May pagka tahimik ngayon ang hacienda dahil walang trabaho ngayon pwera nalang sa ibang mga kasambahay namin na lunes naman ang day-off.
Nahiga na lang ako sa aking kama saka ako nagsurf lang sa internet. Naisip ko nga ring i-contact na lang si Gabriel pero naalala kong wala naman pala itong cellphone.
Gabriel
Lunes ngayon at balik trabaho na naman ako. Naririto ako ngayon sa kwadra kasama si Mang Jun. Naalala ko kahapon na mga bandang tanghalian na ako nagising dahil sa hangover ko. Masakit talaga ang ulo ko, ganoon ang epekto sa akin ng lambanog. Nadinig ko naman kila nanay na bumisita pala si Pako kahapon. Naalala ko nga na sandali ko itong nakausap ngunit hindi ko lang maalala kung ano ang pinag-usapan namin dahil natutulog pa talaga ang kaluluwa ko noon.
Katatapos lang naming mapaliguan ni Mang Jun ang mga kabayo at papakainin na namin ang mga ito. Kumuha lang ako ng dayami saka ako pumasok sa loob. May naririnig naman akong nag-uusap doon sa labas habang ako ay nagpapakain kay Maximus. Agad akong lumabas upang matignan kong sino ito, maypagka-chismosa rin kasi ang lola niyo.
Sa labas nga ay nakikita kong nauusap sina Mang Jun at Pako at Sir Nathaniel. “Mga sir.” lapit ko naman sa kanila. “Gabriel. Good Morning.” masayang bati naman nila sa akin. “Kamusta ang hangover mo?” tanong sa akin ni Sir Nathan. “Bakit niyo po alam?” tanong ko naman rito. “Sinabi sa akin ni Juancho.”
“Ayos naman na po ako.” pag-ngiti ko rito. “Ah Sir Juancho, ano nga po pala ang pinunta niyo kahapon?” tanong ko rito. Bakas naman ang pagtataka sa gwapo nitong mukha. “Ha? Hindi mo ba maalala?” tanong naman nito pabalik sa akin. Umiling naman ako rito. “Aayain ka sana namin na maligo sa falls. Kaso nga lang ay sabi mo gusto mo pang matulog.” “Ah lasing po kasi ako non eh, pasenya na.” sabi ko rito.
“Alam namin.” sabay na salita naman ng dalawa na mahihimigan mong may galit ang boses. Selos ba ang nakikita ko sa kanilang mata? Tanong ko sa aking sarili na parang nag-iba yata ang ihip ng hangin. Pero bakit naman sila magseselos? Ipinagsawalang bahala ko nalang ito baka namamalikmata lang ako.
“Magpapakin muna po ako ng mga alaga ko.” sabi ko naman sa kanila saka ko sila tinalikuran at kumuha ng mga dayami. Nakita ko naman sila na nasa tabi ko na. “Tulungan ka na namin.” sabi ni Pako. “Kahi naman siguro sabihin kong huwag ay hindi naman kayo makikinig sa akin eh.” sabi ko sa kanila ng nakangiti at hinayaan nalang na tulungan ako.
Pinakain na nga namin ang mga kabayo. Ako kay Magnum, si Sir Nathan kay Magnus, at si Pako kay Machete. Kinakausap at hinihimas rin nila ang mga kabayo gaya ng ginagawa ko. Mula dito ay rinig naman namin ang ingay ng may naguusap na naman sa labas. Nakikichismis na naman ako kaya una akong lumabas at dito ko nga nakita ang dalawa ko pang amo, ang panganay at ang bunsong Salvador.
“Sir Alejandro, Sir Javier, naparito po kayo?” bati ko naman sa dalawa. Mula sa pakikipag-usap kay Mang Jun ay bumaling at lumapit naman sila sa akin. “Kamusta na ang pakiramdam mo?” tanong ni Sir Alejandro. “Ano po ba ang kwento sa inyu ni Sir Juancho, eh nagka hangover lang naman po ako at hindi po ako nagkasakit.” natatawang turan ko naman rito.
Bigla namang lumapit sa akin si Sir Javier at nagulat ako sa ginawa nito. “Are you alright na ba Gabriel?” tanong nito habang mahigpit na nakayakap sa akin. Hindi naman ako malagalaw sa pagkabigla. Nakasandal lang ang aking ulo sa kaniyang dibdib at amoy na amoy ko ang kaniyang mabangong amoy. Napaka-expensive.
Naramdaman ko namang kumawala ang pagkakayakap nito at nalamang may humuhila pala dito. “Humuhokage moves ka pa diyan ah.” pagbibiro naman ni Pako habang hawak sa kwelyo ang kapatid. Nakangisi lang naman ito at ngiting tagumpay mula sa nakaw na yakap sa akin. Natawa nalang rin ang mga kuya nito sa kaniyang ginawa.
“Let’s go swimming at the falls?” tanong bigla naman ni Sir Javier na parang may bumbilya sa kaniyang ulo. “Yah.” pag-agree naman nila.“May trabaho pa ako.” turan ko saka ako tumalikod sa kanila at pumunta ulit sa may mga dayami sabay kuha ng tamang rami ng pagkain ng mga kabayo.
Naramdaman ko na lang muli sa aking tabi ang mga magkakapatid na kumukuha na rin ng pagkain ng mga kabayo. Ipinagsawalang bahala ko na lang ang mga ito at dumiretso ako kay Malik saka ko ito pinakain. Sa kabilang banda na kami nagpakain ng mga kabayo dahil si Macho na lang naman ang ’di pa nakakain sa kabila ngunit nandoon naman na si Mang Jun at kasalukuyang nagpapapakain sa kabayo ng bunsong Salvador.
Kita ko naman ang gulat sa mukha ni Mang Jun ng makitang kasunod kong pumasok ang apat na mga amo namin. Gaya ng palagi kong ginagawa ay kinakausap ko si Malik habang hinihimas ang ulo nito at masigla itong kumakain.
Matapos kaming magpakain ay lumabas kami. “Ano tara?” tanong bigla ni Pako na may malawak na ngiti sa kaniyang mga labi. “Tayong lahat?” tanong ko naman rito. Isa-isa ko nga silang nakitang may matatamis na mga ngiti at tumatango sa akin na parang nageengganyo pa. “Ayaw ko.” sabi ko naman rito na ikinawala naman ng mga ngiti nila at napalitan ng pagtataka. Tumawa lang ako sa mga reaksyon nila, para naman kasi silang mga bata na inagawan ng candy. “Joke lang hahaha. Tara!”
DEICEOCHO: Pako y su Amor
Si Pako at ang kaniyang Pag-ibig
Gabriel
Tunog ng kabayo sa aking tenga. Sinag ng araw sa aking balat. Alikabok sa aking ilong. Tanawing pumupukaw sa aking damdamin. Haciendang kaygandang pagmasdan.
Magaan. Sobrang gaan. Para akong isang balahibong dinadala ng hangin sa kung saan nito gusto. Literally speaking, I am now lightweight, kasi bitbit ang bigat ng aking katawan ay ang kabayong aking sinasakyan. Puro ‘ney’ at ‘tugudog’ lang ng kabayo ang aking naririnig habang kami ngayon ay lumalakbay papunta sa talon.
Kasabay ko ang apat na Salvador. Tahimik lang ako habang sila ay nagdadaldalan at nagtatawanan. Sa ’di kalayuan ay tanaw ko na ang kagubatan na kung saan nakatago ang paraisong bibihag ng iyong puso.
“We’re heeree.” excited na sabi ni Sir Javier. Nandito na nga kami. Bumaba ako sa aking kabayo at ganoon rin ang apat. Rinig na rinig ko na ang bawat patak, ang bawat agos ng tubig, na nagpapaigting ng aking excitement. Naunang pumasok rito si Sir Alejandro na sinundan ng kaniyang mga kapatid in their birth order and I was last to enter.
Paghawi ko ng mga dahon na parang kurtina at tanaw ko na ang talon ay hindi pa rin maalis sa aking mukha ang pagkamangha rito. Talaga naman biniyayaan ng kagandahan ang talon na ito. Napangiti lamang ako habang nararamdaman kong muli ang mist ng tubig sa na dumadaplis sa aking buong mukha.
Nang makarating kami sa gilid kung saan ay may parang pavement, inilagay namin doon ang aming mga dala. Oo, dala. Pinilit ko sila na magdala kami ng pagkain dahil nakakagutom kaya no. Nagdala kami ng mga tinapay, palaman, kanin, ulam na itlog na sunnyside-up at hardboiled, longganisa, at fried chicken. May dala rin kaming tubig at juice. Para na tuloy kaming magbabarkada na walang budget para mag outing kaya kung ano na lang ang makita sa bahay ay yun ang dala.
Inilatag ko muna ang sapin na aking dala bago ko pinalagay sa kanila ang aming mga dalang tupperwares. “Let’s swim!” parang batang sabi naman ni Sir Javier. Minsan talaga naiisip ko na mas matanda ako sa kaniya dahil ganiyan siya. Well, he grew up spoiled, tsaka bunso siya, kaya siguro ganoon. “Tara guys.” pag-aaya din ni Pako saka ito tumalon sa tubig kasama si Sir Javier, kapwa sila naka topless at board short lang ang suot.
“Tara Gabriel.” aya sa akin ni Sir Nathaniel saka ito naghubad na rin ng kaniyang polo. “Sige po.” nasabi ko na lang rito bago ito sumunod sa tubig. Hanggang sa apat na silang nasa tubig. Hinubad ko ang aking longsleeve at pajama, dahil prepared ako ngayon, hindi na ako magpapabasa pa ng damit dahil mabilis akong lamigin. Tumalikod naman ako habang ginagawa ko ito hanggang sa sandong puti na fit sa aking pangangatawan tsaka cycling shorts na parang boxer shorts lang ang length ang natira sa akin saka ako humarap.
Sa aking pagharap ay dito ko nakita ang apat na inilihis ang kanilang paningin mula sa akin at parang tumitingin na lang kung saan maliban sa akin. Huli sa akto, mga loko. Iniayos ko muna ang aking mga damit saka ako patakbong tumalon sa tubig na nagcreate ng malaking splash at natalsikan ang lahat.
“Ahhh lamig.” sabi ko ng umahon ako mula sa tubog saka ko iniayos ang aking bangs na bumagsak sa aking mga mata. Nakatingin lang sila sa akin na para akong specimen sa ilalim ng microscope. “What?” tanong ko sa kanila na naka taas slight ang aking mga kilay. Minsan talaga nakakalimutan kong mga amo ko itong kasama ko eh kaya lumalabas ang aking pagkamasungit talaga. Baka masitante naman ako nito.
Kaniya kaniya na kaming lumangoy at ibinusy ang aming sarili sa paglasap ng tubig sa aming mga katawan. “Ang sarap ng tubig, nakakarelax.” sabi ni Sir Nathan saka ito lumusong sa tubig. Naisipan ko namang mag float kaya parang humiga ako sa tubig saka ko kinontrol ang aking bigat para hindi naman ako lumubog, float nga. Nakapikit lang ang aking mga mata habang pinapanatili kong nakalutang ang aking katawan at sinubukang i-relax ang aking isipan.
Simula nung dumating ako dito sa Hacienda ay parang ang gaan ng buhay ko. Walang problema, walang issue, may pamilya ako, may kaibigan, may trabaho, at may time para sa sarili. Masaya ko at sana ganito na lang palagi.
Nasa kalgitnaan ako ng aking pagmumuni-muni ng may naramdaman akong bumagsak sa aking tabi na dahilan ng pagtalsik sa akin ng tubig at ang pagdisturbo nito sa tubig na naka palibot sa akin kaya ako ay nawala sa aking balance at kumawala sa aking pagkaka-float. Nabigla ako at wala akong nagawa kundi ang umahon na lang. “Hahahaha.” rinig kong tawa ng taong malapit sakin na malamang may kagagawan nung nangyari.
“Happy?“tanong ko kay Javier ng matigil na ito sa pagtawa. “Sorry na.” sabi nito na aktong lalapit sa akin at iisa pa yata ng yakap. “Hoy hoy, nakakarami ka na ah.” rinig naming sabi ni Pako sa may ’di kalayuan kaya napatigil sa kaniyang kinatatayuan si Javier at hindi na itinuloy pa ang pagyakap sa akin. Tinawanan lang siya ng mga kuya niya dahil nakabusangot na ito ngayon. Ilang sandali pa ay umahon sa aking tabi si Pako na kakarating lang, lumangoy ito.
“Ako naman ngayon.” sabi nito saka lumapit sa akin at ikinulong ako sa mga bisig nito. Dahil mas matangkad siya sa akin ay hanggang dibdib lang ako, dinig ko mula dito ang tibok ng kaniyang puso. Nagulat akong muli kaya naestatwa lang ako. Naisip ko pa na gumanti sa pagyakap kaya itinaas ko na rin ang aking braso pero bago pa man magawa iyon ay wala na ang aking kayakap. “Ako din.” sabi ng isa pang lalaki na pumalit kay Pako sa pagkakayakap sa akin.
Si Sir Nathan. “Payakap din Gabriel, nilalamig kasi ako eh.” sabi nito saka kinuha ang aking mga kamay at ipinalibot ito sa kaniyang katawan para mayakap ko rin siya. Bigla naman akong kinilig sa ginawa niya at mabilis na pinamulahan ng mukha na akin namang itinago sa mga dibdib niya. “Itigil niyo na nga yan. Para kayong mga bata.” sabi naman ng isang malaking boses na narecognize ko na galing kay Sir Alejandro.
Nang marinig iyon ay umalis sa pagkakayakap si Sir Nathaniel na malaki ang ngiting nakaplastar sa kaniyang labi. “Sus, inggit ka lang eh.” sabi naman ni Sir Javier dito. Pinandilatan naman siya ng mata ng kuya niya na ikinatawa lang nito. Tinignan ko lang si Sir Alejandro at hindi ko mabasa ang emosyon na nakalatag sa mukha niya.
“Hokage moves kayo ah.” sabi ko dun sa tatlo na kapwa lang nakangisi na abot hanggang tenga. “Swing tayo.” sabi ni Javier na sinangayunan naman ng lahat. Nagsi-puntahan na nga ang lahat doon at ganon na din ako. Ako ang panghuling nasa tubig dahil naka ahon na ang lahat. Sinubukan ko naman mag pakuha sa kanila pero ’di nila alam na may plano ako.
Hindi ako umakyat doon sa may hagdan at doon ako sa malapit sa kinatatayuan nila. Itinaas ko ang aking kamay para magpatulong na hilain ako. Nakita ako ni Sir Alejandro kaya naman kinuha niya ang aking kamay para sana hilain ako pero hindi niya napaghandaan ang sunod kong ginawa. Imbis na magpa-angat sa kaniya ay siya ang aking hinila sa tubig at sabay kaming dalawa na lumubog.
Nagulat siya sa ginawa ko kaya wala siyang nagawa. Tawa lang ako ng tawa ng ako ay maka ahon na. Tinignan ko siya at parang natatawa na rin. Malawak ang kaniyang mga ngiti, abot sa kaniyang mga mata. Nagkatinginan lang kami at kapwa masaya hanggang sa naisipan ko ng umakyat.
One common denominator of them, bukod sa gwapo silang lahat, maganda din ang kanilang pangangatawan. Alagang-alaga nila ito. Si Sir Alejandro ay yung bulk type, defined na defined ang mga muscle niya sa katawan. Bumagay ito sa kaniyang pagka-moreno at mas lalong nagpagwapo sa kaniya with his serious face. Si Sir Nathan naman ay maputi, malaki ang kaniyang pecs at wala siyang abs, pero kahit ganoon hindi naman malaki ang tiyan niya at fit naman siya. Siya yung tipo na palangiti at yun ang nagpapapogi sa kaniya lalo.
Si Pako ay ’di rin papahuli kung katawan lang naman ang paguusapan. He has a lean body type, pero malaki ang biceps and triceps niya, mas lalong nagpa-hot sa kaniya ang kaniyang half-sleeve tattoo na palagi kong tintignan dahil namamangha ako rito. Lastly si Sir Javier, siya ang pinakamatangkad sa magkakapatid pero hindi naman ganoon ka nagkakalayo ang height nila. He is fit din pero hindi na siya nakikipag kompetensya sa palakihan ng katawan sa mga kuya niya, gwapo na siya sa kaniyang fresh and young look. Lumalaban din siya sa kaputian ko, pero hindi naman gaya ko na kulang nalang ay magshade ka dahil nakakasilaw.
Una ng nagswing si Sir Javier. Tuwang-tuwa ito. Nang bumagsak na ito sa tubig ay kinuha agad ni Pako ang swing tsaka siya naman ang sumunod. “Kuya ah!” sigaw naman ni Sir Javier nang nilulunod siya ni Pako habang si Pako naman ay tuwang-tuwa sa ginagawa sa kapatid niya. Hindi naman nagpatalo si Javier, nang may nakitang pagkakataon ay siya naman ang pumunta sa likod ng kuya niya saka ito sinunggaban at nilunod mula sa likod.
Tumatawa lang ang matatandang Salvador habang nakatingin sa kanila. Natatawa na rin ako dahil wala talagang nagpapatalo sa kanila. Napansin ko na pumunta sa aking likuran ang magkuyang Alejandro at Nathaniel pero hindi ko na lang pinansin dahil nakatuon ang atensyon ko sa magkapatid na nasa tubig.
Hanggang sa naramdan ko na lang ang aking katawan na nakaangat na sa ere at wala na ang aking mga paa sa inaapakan kong bato. Tumawa lang ang dalawa habang binubuhat ako ng pahiga habang hawak nila ang aking kamay at paa. “Ahh ibaba nyo ko.” nagpumiglas ako upang ibaba nila ako pero hindi matinag ang dalawa. “1…2…3…” pagbibilang nila habang ako ay dinuduyan at napasigaw na lang ako ng bitawan nila ako at parang sako kung itapon nila sa tubig.
Agad akong lumubog at binalot ng tubig. Sa lakas ng pagtapon nila sa akin ay napunta talaga ako sa malalim na parte. Umahon ako kaagad ng mawalan na ng hangin ang aking baga. Sa aking pag-ahon ay agad kong inayos ang aking buhok tsaka masamang tumingin sa mag-kuyang nasa taas na humahalakhak lang.
Sinabuyan ko naman sila ng tubig saka sila umiwas at napatigil sa pagtawa. “Sorry na, come here.” nakangiting sabi sa akin ni Sir Nathan tsaka niya inabot sa akin ang kamay niya. Sa kaniyang pagkakayuko naman para kunin ako ay pumunta sa kaniyang likod si Sir Alejandro tsaka siya sinipa at nahulog sa tubig. Tawang-tawa naman ang panganay na Salvador sa kaniyang kalokohan. Natawa na lang rin ako tsaka ako lumangoy papunta sa pwesto kung saan namin inilagay ang aming mga gamit.
Nang makarating malapit doon ay inihawak ko lang ang aking mga kamay sa bato saka ko inangat ang aking sarili para maka-ahon. Agad akong sinalakay ng lamig ng makatuntung ako sa pangpang. Napapalibutan ang lupa ng malalagong damo kaya mas lalong gumaganda ito dahil napakaberde ng lugar at napakalamig sa mata.
Umupo lang ako sa may mga gamit namin saka ko pinagmasdan ang magkapatid na nagkakatuwaan. Nagsiswing sila at kaniya-kaniyang pakulo habang nahuhulog sa tubig. Si Sir Nathan naman ay nagpakitang gilas sa kaniyang talent sa pagba-back flip. Tumayo siya sa may edge tsaka sya nag back flip. Humanga naman kami sa pinamalas niya kaya pumalakpak kaming lahat. Hindi ko alam na may ganiyan pala siyang talento.
Bumalik ulit sila sa kaniya-kaniya nilang ginagawa, lumalangoy, nagfu-float, nagswing, at sinusubukang lunurin ang mga kapatid. Nakangiti lamang ako habang pinagmamasdan sila. Ang sarap sigurong magkaroon ng kapatid ano? tanong ko sa sarili ko, hindi ko kasi alam ang pakiramdam dahil mag-isa lang naman ako na anak.
“Nilalamig ka na ba?” tumabi sa akin si Sir Alejandro saka ko ito lingunin. May sapat na distansya sa aming dalawa habang nasa harap lang ang aming tingin. “Hindi naman po.” sagot ko rito.
“How old are you Gabriel?” biglang tanong nito habang inilagay sa kaniyang likod ang mga kamay para gawing sandalan. Hindi naman nakaligtas sa aking paningin ang bawat flex ng kaniyang mga muscle. “Ba’t niyo naman po natanong?” Ngumiti lang siya at nagkibit balikat. “Wala lang, na-realize ko lang na wala pala akong masiyadong alam tungkol sa iyo.”
“So gusto niyo po akong makilala?” “Ah, may isang bagay na ako na alam tungkol sa iyo.” tumingin siya sa akin. “Imbes na sagutin mo ang tanong, nagtatanong ka pabalik.” dagdag nito na ikinatawa ko lang. “21 po.” sagot ko sa nauna niyang tanong. “Kayo po?” tanong ko rin dito saka siya nilingon. Lumingon din siya pabalik at nagkatitigan kami. “What do you think?” balik nitong tanong sa akin. “Kayo din naman pala eh, imbis na sagutin ang tanong ay tinatanong niyo pabalik.” sabi ko rito na ikinatawa lang niya.
“Pero sige, hulaan ko po.” sabi ko rito saka ko inilagay sa aking baba ang aking kamay, tumingin sa itaas at pumikit. “Hmmm. 28?” lingon ko rito. “Dati ka bang manghuhula?” tanong nito saka malapad na ngumiti. Ang tamis ng ngiti niya. Napakagandang tignan ang maputi at pantay niyang ngipin. “Tama ako?” excited na tanong ko rito, tumango naman ito sabay balik ang tingin sa harap. Napangiti nalang ako.
“Matanda ka na pala Sir Alejandro.” komento ko dito. “Kung maka matanda ka naman, 7 years lang naman gap natin ah.” “Eh papasa ka na pong tito ko eh.” biro ko naman rito. Humawak siya sa kaniyang dibdib at umaktong nasasaktan. “Ouch naman.” sabi nito na may papikit pang nalalaman.
Natawa lang ako at sa hindi inaasahang pagkakataon ay umungol ang tiyan ko. Bigla naman akong nagulat dahil hindi ko ito inaasahan. Tumingin lang sa akin si Sir Alejandro tsaka natawa sa reaksyon ng aking mukha, “Nakakahiya.” sabi ko sa utak ko. Sana lamunin na lang ako ng tubig ngayon. Sa tabi ng amo ko pa talaga. Arrgghh.
“Guys c’mon. Let’s eat, gutom na si Gabriel.” tawag ni Sir sa mga kapatid niya saka siya tumayo at pumunta sa lagayan namin ng pagkain. Pumunta na rin ako doon para ihanda ang aming mga pagkain saka sinusubukang iwaglit sa aking isipan ang kahihiyan.
Binuksan ko ang Tupperware na may lamang ulam saka binuksan rin ni sir ang lagayan namin ng kanin. May dala din kaming paper plates kaya naman ay inilabas ko ito sa balot tsaka inilatag doon. Matapos kong mailatag ang lahat ay saktong naka-ahon na ang lahat.
Nanalangin muna kami bago kami kumain. Binigyan ko na sila isa-isa ng paper plate. Kumuha na rin ako ng akin saka ako kumuha ng kanin. Nagulat naman ako ng may naglapag sa aking plato ng mga ulam. Una ay manok, dalawang piraso, isang sunnyside-up egg tsaka longganisa. “Ang dami nito Pako.” sabi ko rito. “Gutom ka diba, tsaka I think kailangan mo ng madagdagan ang timbang.” sabi nito na nakangiti lang.
Ngumiti na lang rin ako at nararamdaman ko na naman ang aking tiyan na may laman, pero ngayon hindi na bulate, kundi mga paro-paro na gustong kumawala. Itinago ko na lang ang aking kilig sa pamamagitan ng pagsubo ng pagkain sabay tingin sa talon.
Naupo lang kami palibot at masayang kumain. Marami kaming dalang serving ng food dahil malakas kumain ang mga kasama ko dahil nagpapalaki sila ng katawan. High-calorie diet daw sila. Tahimik lang akong kumakain, “gutom nga talaga ako.” sabi ko sa aking sarili ng malapit ng maubos ang pagkain sa aking plato. “Eat more Gabriel.” sabi ni Sir Javier. “Busog na po ako.” sagot ko naman rito.
May nakita na lang akong basong may laman ng orange juice sa aking harapan. Tinignan ko naman ang may ari ng kamay ng nag-abot sa akin nun at si Sir Nathan pala. “Thank you po.” sabi ko na man rito sabay ngiti. Ininom ko agad ang juice ng makaramdam ako ng pagkauhaw ng makita ko ito. Napakarefreshing nito sa aking lalamunan.
Nauna akong matapos sa kanilang kumain. Busog na busog ako at hinintay ko lang silang matapos saka ko niligpit ang pinagkainan namin. Ibinalot ko sa supot ang paperplate tsaka ang mga basong gamit na.
Matapos magpababa ng pagkain ay bumalik na ulit sila sa pagligo. Ganoon din ako dahil hindi nila ako tinigilan, ayaw ko na sana pang lumusong pero napababa pa rin nila ako dahil tinatakot akong bubuhatin ni Pako.
Ganoon pa rin ang ginagawa namin. Lumalangoy at nagbabad lang sa tubig. Lumapit sa akin si Pako. “Swing tayo.” “Okay.” sagot ko rito saka kami sabay na lumangoy at umahon. “Sabay tayo, ikaw sa harap ako sa likod mo.” sabi nito. Pumayag nalang ako. Ikinapyot ko ang aking mga kamay sa sanga saka sumunod naman ang kamay ni Pako.
Nagkakadikit ang aming mga kamay at nakakaramdam ako ng kuryente galing sa mga kamay niya. “Ready?” Tumango lang ako. Habang nagsiswing kami ay bukod sa lamig, ramdam ko rin ang init na nagmumula sa kaniyang katawan na nakadikit sa akin. Ramdam ko mula sa aking likod ang bawat muscle niya sa katawan. Parang nagi-slowmo ang aming swing at ang naririnig ko lamang ay ang tibok ng aking puso habang ramdam ko ang tibok ng puso sa kaniyang dibdib sa aking likod.
Namalayan ko nalang na nakayakap na siya sa akin at nakabalot sa aming katawan ang lamig ng tubig. Magkayakap lang rin kaming umahon. Nakangiti lang siya at ganoon rin ako. Napaharap na ako sa kaniya at nagkatitigan lang kami. Parang siya lang ang nakikita ko, naka pokus lang sa kaniya ang paningin ko. Basa ko sa kaniyang mga mata ang saya at tuwa.
“Ehem, we’re still here.” napabuwag naman kami ni Pako mula sa aming pagkakayakap ng marinig namin ang boses ni Sir Javier. Napatawa na lang ako na parang nahihiya habang siya naman ay napakamot sa kaniyang batok.
Matapos ang aming pagpapalamig ay napag pasiyahan na naming umuwi na. Nasa labas na ang iba at tanging kami na lang ang natira ni Pako dahil bit-bit namin ang aming mga gamit. “Gabriel.” Aktong lalakad na sana ako palabas ng tawagin ang pangalan ko ni Pako. Napalingon naman ako sa kaniya mula sa aking likuran. “Hmm?”
“May sasabihin lang sana ako.” lumapit siya sa akin. “Ano yun?” “Naalala mo ba ang sinabi ko noon bago ka umalis?” tanong nito. Dito ay bumalik ang alaala ng aming huling tagpo. Sa labas ng bahay ko kung saan ako ay paalis na. Naalala ko rin ang bawat katagang lumabas sa kaniyang bibig at dibdib noong gabing iyon.
“Nandito pa rin yung sa puso ko, hindi man kalian nawala.” pagpapatuloy niya habang ako ay nakatingin lang sa kaniya at nakikinig sa kung ano man ang sasabihin niya. “When I met you back here, I realized how much I missed you and how I wish I didn’t let you go that night pero I know you needed it. Na realize ko kung gaano ako ka swerte na nakita kitang muli at sinabi ko sa sarili ko na hindi ko na sasayangin pa ang pagkakataong ito, na narito ka sa akin.” mahabang litanya niya.
Wala akong imik at nakatingin lang ako sa mga nangungusap niyang mga mata. Alam kong mahiyain pagdating sa akin si Pako kaya hinayaan ko lang siya sa moment niya dahil alam kong malalim na balon ang pinaghugutan niya ng lakas ng loob masabi lang sa akin ang mga ito. Tumango lang ako at inuudyok siya na sabihin sa akin ang nilalaman ng puso niya.
“Gusto kita, matagal na, alam mo yan. Pero sa pagsasama natin rito sa hacienda at mas nakilala pa kita ay mas lalo mo akong nabihag. Paulit-ulit akong binibihag ng mga mata mo. Mahal na ata kita Gabriel. Sana hayaan mo akong patunayan ko ang pagmamahal ko sa iyo. Gabriel sana ay payagan mo akong umakyat ng ligaw sa iyo.” madamdaming sabi ni Pako saka siya malalim na huminga at pumikit. Nag-aantay ng aking reaksyon.
Malakas ang tibok ng aking puso. Eratiko ito. Natagpuan ko nalang ang aking sarili na nakayap kay Pako. Mahigpit na yakap. Naramdaman ko naman ang pagyakap niya rin sa akin. Kumawala ako matapos ang ilang sandali.
“I rejected many guys before, cause I’m not ready yet. The moment they confessed to me I instantly knew that I will be going to reject them. I’m surprised, surprised that I didn’t think of it.” sabi ko sa kaniya na kaniya namang ikinangiti. “Naapreciate ko ang katapangan mo Pako para sabihin sa akin ang nararamdaman mo. Siguro panahon na para buksan ko ang aking puso sa mga posibilidad gaya ng pag-ibig.” nakatingin lang ako sa kaniya habang sinasabi iyon at ramdam ko naman na nag-aantay siya ng sagot mula sa akin.
“Yes. Pinapayagan na kitang paamuhin ang leon sa aking puso. Pinapayagan na kitang manligaw.” sabi ko rito. “Talaga ba?” ecxited na tanong nito. Klaro sa mga mata niya ang kasiyahan at nagniningning ito. Tumango lang ako saka niya masayang nilundag ang pagitan naming dalawa saka ako niyakap. “Ang saya ko, akala ko irereject mo ako.” sabi nito habang nakayakap sa akin.
Nang kumawala kami sa yakapan ay tumalon talon siya sa tuwa. “Kung makatalon naman to akala mo sinasagot na, hoy, nagliligaw ka palang.” ngiti ko rito.
DEICENUEVE: Visitante
Bisita
Gabriel
Linggo ng umaga at maaga kaming nagising. Habang kami ay nagkakape at kumakain ng pandesal sa labas ng aming bahay ay may dumaan na tricycle, nakakapagtaka lang dahil wala namang tricycle dito pwera nalang kung galing sa labas. Ahh baka may bagong dating. Sabi ko sa sarili ko saka ko inabala ang pag-inom ng kape.
“Ngayon pala ang dating ni Jelly.” Turan ni nanay sa aking tabi. Napatingin naman ako sa kaniya. “Sino nay?” “Si Jelly, kapatid ni Jelay.” Imporma nito sa akin. Nagkibit balikat nalang ako. Ah oo nga pala, bigla kong naalala, sabi noon ni Aleng Milagros ay may isa pa siyang anak.
“Ah anak, ngayon pala ako bibili ng mga materyales para sa kwarto mo tutal ay linggo ngayon.” Turan ni tatay. “Talaga po, samahan ko na po kayo.” Sabi ko dito. “Huwag na, kami na lang ng nanay mo at pumarito ka nalang.” Sabi nito. Tumango lang ako.
Itinuloy lang namin ang aming pagkakape. Nitong mga nakaraang araw ay tinotoo nga ni Pako iyong sinabi niya. Ang pangliligaw sa akin. Hindi ko naman sinasabing hindi ako kinikilig dahil talaga namang para akong linta na binubudburan ng asin at sobra pa sa mga kiti-kiti kung kiligin pero patago. Hindi ko pinapakita.
Lagi siyang pumupunta sa kwadra at tinutulungan akong magpaligo ng mga kabayo. Magpakain, magpainom, at mag lakad-lakad. Nangangabayo rin kaming dalawa at pumapasyal sa hacienda sa tuwing wala na akong trabaho.
Masaya kami at inienjoy lang ang aming bonding. Hindi ko pa iniisip ang future kung saan alam ko na tatanungin niya ako sa sagot ko sa panliligaw niya. Sa ngayon ay hahayaan ko munang makilala ko siya ng tuluyan at hahayaan ko ang puso ko na magpasiya.
Naalala ko bigla may kukunin pala ako kay Jelay. Mamaya ko na lang siguro kukunin pag makaalis na sila nanay.
Matapos silang nagkape ay nagpaalam na nga sila na aalis na at dadaan pa raw sila ng palengke. Pagkaalis nila ay iniligpit ko lang ang mga pinagkapehan namin at inilagay ito sa loob. Naisipan ko na ring magsaing para lag-uwi nila nanay ay ulam nalang ang lulutuin. Matapos akong magsaing ay naisipan kong pumunta kila Jelay peri bago yun ay hininaan ko muna ang apoy baka masunog iyong niluluto kong kanin.
Lumabas ako ng tarangkahan namin saka ko binagtas ang daan papunta kila Jelay. Alas sais palang ng umaga kaya malamig ang hangin. Medyo basa ang mga damo dahil sa natural nitong resulta sa condensation na tinatawag namang dew ang moisture nito. Bilang malapit kami sa mangga ay nakikita ko na rin na hitik na ito sa bulaklak at nalalapit na ang pamumunga nito.
Masarap talaga ang simoy ng hangin dito sa hacienda, napaka-sariwa. Konting lakad pa ang ginawa ko at tanaw ko na ang bahay nila Jelay. Ang tricycle kanina ay umandar na at paalis na ito. Magkakalapit lang ang mga bahay dito at nakalinya, iisa lang ang mga daanan namin.
Binabati naman ako ng mga kapitbahay namin na nasa kanikanilang mga bahay, binabati ko rin sila with matching smile pa. Natutuwa ako sa kanila dahil kahit halos isang buwan palang akong naririto ay parang magkakilala na kaming lahat ng higit pa sa taon. Na miss ko tuloy ang mga kapitbahay ko roon sa Manila, kamusta na kaya sila?
Nasa harap na ako ng bahay nila Jelay, sa may gate ako naka pwesto. May lalaki sa bahay nila, mukhang yun ata yung kakarating lang. Mukhang busy sila, siguro mamaya ko nalang kukunin. Napagdesisyunan ko ng umalis at bumalik sa bahay.
“Psst.” Rinig ko mula sa bahay nila. Napalingon naman ako rito. “Anong kailangan nila?” Tanong nung lalaki. Tinignan ko siya, hindi siya lalaki, sabi ko sa sarili ko. “Si Jelay po?” Tanong ko rito. Hindi naman nakaligtas sa akin ang bahagyang pagtaas ng kilay nito. “Jelay, may bisita ka.” Rinig kong tawag nito sa kapatid.
Dito ko nakita si Jelay na lumabas ng bahay nila. “Gabriel. Halika pasok ka.” Sabi nito saka ako pumasok sa tarangkahan nila. “Naparito ka?” tanong nito. “Yung hihiramin ko sana.” “Ah wait kukunin ko lang, pasok ka muna.” sabi nito saka kami pumasok sa bahay nila. Dito ko napansin ang nanay nila na nakaupo sa kanilang mesa at nagkakape. Si Jelay naman ay dumiretso sa kwarto nito.
“Gabriel, ijo ikaw pala.” bati ni Aleng Milagros. “Magandang umaga po.” bati ko rito. “Magkape ka muna ijo, ano pala ang kailangan mo?” tanong nito. “Sige po, nakapagkape na po ako, may hihiramin lang po ako kay Jelay. Kinukuha niya na po.” Bigla namang lumabas ang lalaki kanina mula sa cr nila at tinignan ko ito. “Gabriel anak ko pala si Jelly. Jelly si Gabriel.” pagpapakilala sa amin ni Aleng Milagros. “Hello po.” bati ko rito saka ko ito kinawayan. Ngumiti naman ito ng maikli saka ito umalis at pumunta na sa kanilang sala.
Mukhang napansin naman ni Aleng Milagros ang ginawa ng anak niya kaya tumingin ito sa akin. “Hayaan mo na ijo at baka pagod lang iyon sa biyahe. Galing kasi itong Manila kaya ngayon mo lang siya nakikita.” Ngumiti lang naman ako rito at naiintindihan ko ito. Tinignan ko nalang si Jelly. Kulay blonde ang kulot mitong buhok, kulay tsokolate naman ang kulay nito, at nakalipstick rin.
“Heto na.” biglang sulpot naman ni Jelay sa aking tabi at dala iyong mga librong hihiramin ko sa kaniya. “Salamat dito ah, sige dito na ako.” sabi ko rito. “Samahan na kita.” “Aleng Milagros dito na po ako.” pagpapaalam ko naman rito. Magpapalaam pa sana ako sa kuya ni Jelay kaso pagtingin ko dito ay nakatingin rin ito sa akin nang nakataas ang kilay. Hindi ko nalang ginawang magpaalam at hindi ko na lang rin inisip ang ginawa niya.
“Maganda iyang libro, alam mo ba si ano diyan-” bago pa man maikwento ni Jelay ang buong istorya ng libro sa akin ay pinatigil ko na siya sa pagsasalita “Dito na ako, bye.” sabi ko na lang rito na natatawa at mabilis na lumabas sa kanila.
Tinahak ko na ang lugar papunta sa amin bitbit ang tatlong libro sa aking kamay. Hiniram ko ang mga ito ng may mapagka-abalahan naman ako tuwing wala akong trabaho. Maganda daw itong libro sabi ni Jelay. Lalo na raw itong That Promdi Girl by Owwsic, nakakatawa at nakakaiyak. Ito na lang siguro ang uunahin ko.
Kasalukuyan akong papunta sa aming bahay nang may nakita akong pulang jeep na huminto sa amin. “Sino naman to?” tanong ko sa aking sarili habang nakatayo lang sa pwesto ko. Bumaba mula sa passenger seat si Sir Nathan at mukhang sinisilip ang loob ng bahay namin. Bumaba rin mula sa likod si Pako. Nang ma off na ang sasakyan ay bumaba naman mula sa driver seat si Sir Javier. Anong ginagawa ng mga mokong na to dito?
Lumakad na akong muli papunta sa kanila. As usual sa malayo palang ay kita mo na ang kagwapuhan ng tatlo, Kahit nakapambahay lang silang lahat. “Anong ginagawa niyo rito?” tanong ko ng makalapit na ako sa kanila. Nang makita nila ako ay agad naman silang ngumiti ng pagkalapad-lapad.
“Hi Gabriel.”
“Hi.”
“Bonjour!”
Sabay sabay na sabi nila. ’Di naman maalis ang ngiti sa kanilang mga labi. Lalo na si Pako na kulang nalang eh tahiin ang bunganga niya pabalik sa natural nitong laki. Pumasok nalang ako sa gate saka ko ito binuksan ng malapad upang makapasok sila. Bago ko naman ito sinarado ay nakita ko na sa kalayuan ang sasakyan nila tatay kaya hindi ko nalang inilock pa ang tarangkahan namin.
Nakita ko naman ang tatlo na umupo na sa may mesa namin sa labas. “Saglit lang po mga sir ah.” sabi ko sa mga ito tsaka ako umakyat sa bahay namin at inilagay sa lamesa sa sala ang dala kong mga libro. Pumunta rin ako sa kusina para tignan ang aking sinaing na tamang-tama at luto na. Pinatay ko na ang kalan saka ako lumabas.
“Ano bang pinunta niyo rito.. po?” sabi ko sa mga ito at muntik pang malimutan ang po. “We’re here to see you.” sagot ni Javier. “Bakit naman?” tanong kong muli rito. “Cause we missed you.” sago nito. “Miss? Eh nagkita nga tayo kahapon eh, tsaka araw-araw kaya tayong nagsasama, sa’n yung miss don.” sabi ko naman rito. “Basta miss ka namin.” sabi nalang nito ng mainip na ito sa kakatanong ko.
Ilang sandali pa ay kapwa kami napatingin sa labas ng marinig namin ang sasakyang palapit rito sa amin Lulan ng sasakyan ay sina nanay at tatay at ang mga pinamili nila. Bilang bukas naman na nag gate ay dumiretso na lang sila nanay at nagulat nga sila sa mga bisita namin. “Mga boss kayo po pala.” bati ni tatay sa kanila. “Magandang umaga po Mang Ador at Aleng Beth.” bati naman nila pabalik sa mga magulang ko.
Nakita ko naman si nanay na may dalang dalawang supot kaya naman mabilis akong lumapit dito at kinuha na ang mga pinamili nito.“Nakapagsaing na pala ako nay.” sabi ko naman dito. Mabilis kong pinasok sa loob at inilagay sa mesa namin sa kusina ang mga supot na may lamang mga pagkaing pinamalengke ni Nanay Beth. Agad rin akong lumabas. “Bakit po pala napunta kayo rito?” rinig kong tanong ni tatay sa kanila. “Binibisita po kasi namin ang maganda niyong anak.” sagot naman ni Pako na ikinapula naman ng pisngi ko na hindi ko naman masiyadong pinaahalata.
Matapos ang ilang sandali ay lumabas si tatay saka niya diniskarga ang mga materyales sa loob ng truck. “Tulungan na kita tay.” sabi ko rito at aktong maglalakad na sana palabas. “Huwag na anak.” sagot naman nito. “Tulungan napo namin kayo, c’mon boys.” Nagulat nalang ako ng tumayo ang tatlo saka pumunta kay tatay. Tinulungan nila si tatay na ialabas iyong mga gamit.
Wala naman akong magawa kaya pumasok nalang ako sa loob para tulungan si nanay. “Anak sabihan mo sila na dito nalang mag-agahan.” “Okay po.” Lumabas naman ako ulit. Nakita ko sila na nagtutulong na buhatin ang lumbers. Lumapit ako sa kanila. “Dito na lang raw po kayo mag-agahan sabi ni nanay.” “Naku nakakahiya naman.” sagot ni Pako. “ Sinigang na Bangus ang ulam.“ “Sige.” pagngiti nito. Papayag naman pala.
Pumasok muli ako sa loob. “Nay magsasaing nalang po ako ulit.” sabi ko riot at tinanguan naman ako. Malakas kumain yung mga yon kaya raramihan ko nalang ang isasaing ko. Matapos akong makapagsaing ay tinulungan ko na si nanaysa pagluluto. Nang hinihintay nalang naming kumulo ang sabaw ay umalis muna ako at pumunta sa labas.
Naguusap lamang kami nung tatlo, Tapos na kasi sila sa ginagawa nila. “Wala na naman bang fun doon sa mansiyon at ako na naman ang kinukulit niyo ah?” sabi ko dun sa tatlo na mukha namang napapacute.
“Para saan nga po pala iyang mga materyales Mang Ador?” tanong ni Sir Nathan sa tatay ko. “Ah gagawan ko na po kasi ng kwarto si Gabriel at isang buwan ng nagtitiis na matulog sa sala.” sagot naman ni tatay. “Tay sabi ko naman po diba na okay lang naman po ako.” pagsingit ko naman sa usapan nila. “Hayaan mo na anak at gusto kong komportable ka.” sabi naman nito na akin namang ikinangiti saka ako nagpasalamat.
Matapos ang ilang sandali ay natahimik na lang kami at kapwa okupado ang aming mga isipan ng kaniya-kaniya naming mga thoughts. Tahimik lamang kami, hangin lang na humahampas ang aking naririnig at takbo ng kabayo. Teka.. Takbo ng kabayo?
Rinig ko ang takbo ng kabayo na palapit sa amin kaya napatingin ako sa aming labas. Dito ay Nakita ko nga ang itim at makisig na kabayo na lulan ang makisig at gwapong lalaki. “Sir Alejandro?” Tulad ng kabayo ay makisig din ang lalaking nakasakay rito. Parang madali lang nitong minamaniobra ang kabayo sa swabe ng galaw nito.
Nagmumukha tuloy siyang prince charming o hari na naglalakbay. Suot niya ay t-shirt lamang at pants pero ang gwapo niya pa rin. Sinusundan naman ng mata ko ang bawat galaw ng mga muscle nito. Carve to perfection ang katawan nito. “Magandang umaga po Mang Ador.” bati niya sa tatay ko saka ito bumaba sa kaniyang kabayo. “Magandang umaga ho Boss Alejandro.” pagbati naman ni tatay sa amo namin.
Nang makababa ay itinali na niya si Maximus sa poste ng tarangkahan namin. Papasok na sana siya ngunit nakita kong naka-lock pala ito. Akmang tatayo pa sana si tatay pero pinigilan ko na ito. “Ako na po tay.” Mabilis kong nilakad ang tarangkahan namin at nakakahiyang paghintayin ang amo namin.
“Magandang umaga po Sir Alejandro.” bati ko rito saka ko inopen ang lock ng aming tarangkahan na hangang bewang lang ang taas. “Magandang umaga Gabriel.” nakangiting bati naman nito sa akin. Nakatingin lang kami sa mata na isa’t-isa habang binabati niya ako. Ako na lang rin ang unang naglihis ng king mga mata at hindi ko kinakaya ang intensidad ng mga titig niya.
Nang mabuksan ang tarangkahan at tuluyan na siyang pumasok ay napadaan siya sa harapan ko. Amoy na amoy ko naman ito. Amoy mabangong lalaki, pinaghalong natural niyang amoy at ng amoy ng sandalwood. Amoy expensive.
Lumapit lang ako sa kanila sa mesa. “Naparito po kayo sir?” tanong ko rito. “Binibisita ka..” “Ha?” tanong ko. “Ha?” tanong rin ng tatlo at ni tatay. Kapwa kami nagulantang sa sagot ni Sir Alejandro kaya napatingin kami sa kaniya. Tumingin na rin siya sa akin at tila na realize na niya ang sinagot niya, “..yo, kayo, binibisita ko kayo.” sabi naman nito. “Ahh.” nasabi ko nalang. “Ahh.” rinig kong sabay na sabi nung tatlo kasama na rin ang tatay ko. Akala ko kung ano na.
“Gabriel.“rinig kong tawag naman ni nanay sa akin kaya naman mabilis akong pumasok sa loob. “Maghanda ka na ng mga plato anak at ilabas mo roon dahil doon nalang tayo kakain at hindi tayo kasya dito sa loob.” “Sige po nay.” sabi ko naman rito saka ako kumuha ng mga plato at kutsara.
Nang makalabas naman ako ay agad kong inilapag ang mga plato sa mesa. “Kakain na ba?” tanong ni Sir Nathan na akin lang tinanguan. Agad akong umalis at bumalik sa loob. Nakita ko naman si Juancho na sumabay sa akin. “Tutulungan na kita.” sabi nito sa akin nang tinanong ko kung saan siya saka ito kumindat na akin naman ikinakilig. Dahil sa kilig ay nahampas ko na lang siya sa braso niya. “Ouch haha.” sabi niya naman na akin ring tinawanan at nagtawanan na lang kaming dalawa.
Sabay kaming pumasok at dumiretso sa kusina. Matapos naming makuha ang mga pagkain ay agad kaming lumabas. Lulan ng aking kamay ay ang malaking mangkok na may lamang kanin at bitbit naman ni Pako ay ang mangkok na may lamang sinigang na bangus. Agad namin itong inilapag sa lamesa. Sumunod naman sa amin si nanay na may dalang pitsel na may lamang juice at may dala rin siyang mga baso.
“Kumain na tayo.” sabi ni tatay. Naupo na nga kaming lahat. Nanalangin muna ako bago kami kumain. “Let’s eat.” excited na sabi naman ni Sir Javier. Napangit na lang kami at sabay na pinagsaluhan ang biyaya ng may kapal.
VEINTI: Espíritu Comunitario
Bayanihan
Gabriel
Bayanihan. Isang salita, maraming napapasaya. Ang bayanihan ay isa sa mga kultura at ugali nating mga pinoy mula pa noon hanggang sa magpangayon. Yung ikaw ang may problema pero marami ang tutulong sayo para mapagaan ang dinadala mo. Bitbit nating mga Pilipino ang ugaling ito na talaga namang kinakaproud nating lahat.
“Hay sa wakas, tapos na akong mag-ayos ng mga gamit. Makaligo ng nga.” sabi ko sa aking sarili. Agad akong kumuha ng tuwalya sa aking kwarto saka ako papasok na sana ng banyo para maligo.
“Tulong! Tulong! May sunog! Sunog!” rinig kong kong sigaw sa ’di kalayuan mula sa akin. Nagitla naman ako kaya agad akong lumabas ng aking bahay upang tignan ang pinanggalingan ng sigaw. Mas nabigla naman ako sa aking nadatnan sa labas, nagsilabasan ang mga tao sa kani-kailang mga bahay at nagkakagulo ang lahat. Dumaan sa amin ang humahangos na babae na sumisigaw ng sunog.
Sa ’di kalayuan ay isang malaking bahay na gawa sa kahoy ang nagaapoy. Dahil dikit-dikit ang mga bahay dito sa amin ay mabilis na kumalat ang apoy. Nagpapanic na ang lahat at ganun din ako. Kalilipat ko lang kasi dito tapos ako lang mag-isa.
Ilang sandali pa ay rinig na sa ’di kalayuan ang sirena ng bombero na papalapit na sa aming lugar. Hindi pa umaabot sa bahay ko ang apoy dahil nasa kabila pa lang ito. Naisipan ko ng mag-alsabalutan ng mga gamit. Mabilis na nakarating ang firetruck sa amin, sa harap ng bahay ko ito huminto at mula dito kanilang pinupuksa ang apoy.
“Ang bahay ko, bilisan niyo. Wala na akong mauuwian.” iyak ng isang matanda. Imbis na asikasuhin ko ang mga gamit ko ay lumapit ako sa kaniya at inalo siya. “Manalig lang po tayo.” sabi ko naman rito. Napakabilis na kumalat ang apoy. Kita ko naman ang mga tao ay may kaniya-kaniyang dalang mga balde at nagsilinyahan. Pinagpapasa-pasahan nila ang mga balde na may lamang tubig upang makaabot doon sa may dulong bahay na nag-aapoy. Saka sila tumulong sa pagpatay ng apoy sa paraang alam nila.
Kumuha na rin ako ng balde sa loob ng banyo ko at nakilinya sa kanila. Nakatabi ko ang isang lalake na may katandaan na, nakilala ko siya kanina, si Kuya Robert. May lamang tubig na ang balde ko kaya naman agad ko itong pinasa sa kaniya, gayundin ang kabilang katabi ko, matanda rin na may pangalang Kuya Kadong, sila ang mga kapit-bahay ko, ipinasa niya rin ang baldeng hawak niya na agad ko naman ipinasa agad kay Kuya Robert.
18 na taong gulang pa lang ako noon at medyo patpatin pa. Malakas ang pagkakapasa sa akin ng balde dahil nagmamadali kami kaya naman ay nabasa na ako, pero hindi ko na ito ininda dahil wala lang naman ito kumpara sa maitutulong ko sa nasunugan. Mabigat, mabilis, nakakapagod pero nakakataba ng puso na makita ang mga taong nagtutulungan. Sino pa nga ba ang magtutulongan kundi tayo rin lang naman.
Nasa mga kalahating oras namin iyon ginagawa at sa wakas ay tuluyan na ngang napuksa ang apoy. Nagpalakpakan ang lahat ng tao, napapalakpak na rin ako dahil sa galak na mabilis napuksa ang apoy at konting bahay lang ang nasalanta.
Hindi lang doon natatapos ang bayanihan spirit ng mga tao dahil noong umaga ay nagipon kami ng mga konting bigas, de lata at iba pang pagkain para doon sa kapit bahay naming nasunugan. Ilang beses ko ng nasaksihan ang pagiging matulungin nating mga pinoy kaya naman handa akong tumulong sa kung sino man ang nangangailangan sa abot ng makakaya ko at sa paraang alam ko.
Nalala ko noong panahong bagong lipat pa lang ako, ang bayanihan ng mga Pilipino. Naalala ko iyon dahil sa nangyayari sa harap ko ngayon, nagtutulong-tulong sina tatay at ang apat na Salvador sa pagsasaayos ng magiging kwarto ko. Tutulong pa sana ako pero hindi na nila ako pinayagan pa, kaya na daw nila iyon.
Matapos makapagpababa ng pagkain ay sinimulan na ni tatay Ador na baklasin ang isang side ng ding-ding ng sala namin dahil doon iko-connect ang magiging kwarto ko. Agad namang tinulungan sya noong apat, tumanggi pa sana kami dahil nakakahiya naman sa kanila na sila pa ang pagtutulungin namin eh mga amo namin sila. Sabi naman nila ay ayos lang daw at gusto nilang may pagka-abalahan sila.
Akmang tutulong na rin sana ako sa kanila pero hindi naman ako pinayagan. Mas kinagulat ko pa nga si Sir Alejandro na talaga namang tumulong, siya kaya ang ikalawang pinaka-amo namin pero hindi siya nag-atubiling tumulong sa tatay ko. Nang mabaklas nila ang dingding ay agad silang gumawa ng poste. May kataasan ang bahay namin, kasi nga may hagdan kami kaya naman may kataasan din ang poste. Madali naman nila itong nagawa at marami sila. Nakagawa na rin sila ng kawayang magiging sahig ng kwarto.
Kasalukuyan sila ngayong naglalagay ng dingding na plywood. Nakatingin lang ako sa kanila at ako ang kumukuha ng mag kailangan nila. Kumukuha ako ng mga pinapakuha ni tatay na mga tools sa toolbox niya.
Nakita kong ubos na ang tubig sa pitsel sa lamesa namin kaya kinuha ko ito para lagyan ng tubig. Pumasok ako sa loob dala ang pitsel at nilagyan ko ito ng tubig na malamig. Agad ko rin naman itong inilabas at ibinalik sa mesa.
“Tubig po.” sabi ko sa kanila. Agad naman silang nagsipuntahan sa may lamesa saka sila nag-lagay ng tubig sa mga baso. “Ahh ang sarap.” nasabi ni Pako habang gumuguhit sa lalamunan nito ang lamig ng tubig. “Ang pawis nyo na.” sabi ko na lang sa kanila ng pansin kong basa na ang kanilang mga damit ng pawis.
Ikinagulat ko naman ang sunod nilang ginawa. As in shock na shock ang mga hormones ko. Hinubad ni Pako ang damit niya at agad na lumitaw ang kaniyang magandang katawan. May pa hubad effect pa ito na tila ba nagpapapogi sa camera na parang nasa commercial. Sunod namang naghubad si Sir Nathan na ikinalitaw naman ng kaniyang napakagandang katawan at pumuputok na biceps.
Nakita naman sila ng bunso niya kaya naman agad rin itong naghubad, at ang loko, nakatingin pa talaga sa akin. Nagpakita mula sa pagkakatago ang lean niyang katawan, para siyang nang-aakit sa ginawa niya, nag lip-bite pa talaga. Last na uminom ng tubig si Sir Alejandro at ang tira ng kaniyang ininom ay ibinuhos niya sa kaniyang ulo at lumandas ang tubig pababa sa kaniyang leeg. Agad siyang naghubad ng damit habang nakatingin sa kawalan na parang wala lang ang kaniyang ginagawa.
Lumitaw ang kaniyang malaking katawan na nangingintab sa pawis, mas lalo pa itong lumaki sa aking paningin. Tila nagtawanan pa sila at kaniya-kaniyang posing na para bang nananalamin at nagpopose para sa isang pictorial. Natawa na lang ako sa mga pinag-gagagawa nila. Hindi pa nga tumigil at sumayaw pa talaga. Todo giling ang mga ito habang nakitingin lang sa akin na para bang customer ako sa isang gay club at sila ang mga adonis na sumasayaw roon.
“Tumigil nga kayo.” sabi ko sabay hampas sa braso ni Pako para matigil na ito at para maka hawak na rin sa kaniya, eme! Natawa na lang sila at nagsitigil na nga. Agad silang bumalik sa ginagawa nalang pagtulong kay tatay. Nagpupukpok, nagaalsa, at kung ano-ano pa.
“Anak.” rinig kong tawag ni nanay mula sa loob. “Ano po iyon nay?” tanong ko rito ng makapasok na ako sa kusina. “Tulungan mo naman akong linisin yong isda at magpiprito ako.” sabi ni nanay. “Sige po.” ang naging sagot ko lang sa kaniya at ginawa na ang paglilinis ng isda. “Ako na lang po ang magpipirito nito Nay.” sabi ko kay nanay ng nakita kong busy ito sa pagpipiga ang gata. “Sige anak, salamat.” tanging sagot nito.
Matapos ang ilang sandali ay naluto na rin ito agad. Mabilis na nagluto naman si nanay ng gata at inilagay niya roon ang mga piniritong isda. Kumakalat na ang amoy ng masarap na gata ng simula na itong kumulo. “Anak malapit na itong maluto, magdala ka na ng mga plato doon sa labas at kakain na tayo ng tanghalian.”
Agad ko namang sinunod ang utos ni nanay. Nang muling pagbalik ko sa kusina ay luto ng nga ito at inihahain niya nalang sa isang mangkok. Nagdala na rin ako ng kanin sa labas at sumunod lang si nanay na dala ang ulam.
“Kakain na tayo.” sabi ko sa kanila. Agad din silang natigil sa kanilang ginagawa at dumiretso sa may poso namin para makapag hugas ng kamay. Agad naman silang bumalik at nagsimula na rin kaming kumain.
“Ang sarap naman po nito,” komento ni Sir Alejandro. “Oo nga po.” dagdag naman ni Sir Nathan. “Naku kumain lang po kayo ng marami.” sabi naman ni nanay sa kanila saka sila bumalik sa pagsubo. “Your mom cooks so good Gabriel, why are you so thin.” biglang sabi ni Sir Javier. Ito talagang lalaking to wala ng ibang ginawa kundi asarin ako. Sasagot na sana ako kaso naunahan ako ni tatay. “Naku Boss Javier, malakas pong kumain yang si Gabriel.” natatawang sabi niya.
“Tumaba na kaya ako nito.” sabi ko sabay pakita ng braso ko sa kaniya. “Why don’t you join us to our gym?” pag-aaya pa nito. “Hmm maybe sa susunod na, magpapataba muna ako. Para hindi mo na rin ako asarin.” Natawa naman siya sa tinuran ko saka bumalik sa pag-kain nito.
Magana kaming kumain. Nang matapos kami ay konting pahinga lang ay bumalik na silang muli sa pagaayos. “Hey Pako at Javier. Need daw ni Mang Ador ng isang dos por dos, kuha kayo don.” rinig kong utos ni Sir Alejandro sa mga kapatid niya. Agad na tumalima ang dalawa at kumuha na nga ito ng isang piraso ng kahoy. Nakatingin lamang ako sa kanila.
Nagawa pa ngang magkulitan ng dalawa. Dumaan sila sa harap ko saka sila nagsasayaw ng sexy dance habang hawak nila sa magkabilang dulo ang kahoy. Natawa lang ako sa ginawa nila. Todo giling sila at nagawa pa ngang itaas ang kahoy saka sila gumiling nang gumiling. Nakatingin lang rin sila sa akin habang nagsasayaw. Alam kong natatawa na rin sila sa mga pinaggagawa nila. Ilang sandali pa ay lumapit sa kanila si Sir Alejandro hindi upang makisayaw kundi para batukan ang dalawa. Dito na ako napatawa ng sobra.
Agad naman nilang dinala ang kahoy kay tatay. “Nanay Beth.” rinig kong may nagsalita kaya naman lumingon ako sa labas ng gate namin at dito ko nakita ang friend kong si Jelay at ang kuya niya. Lumabas naman si Nanay mula sa aming bahay at nakita ko namang nasiyahan siya sa mga bisita niya, “Jelly, pasok ka.” nagagalak na alok naman ni nanay. Pumasok na nga sila sa aming gate at hindi naman ito naka lock.
“OMG mga boss?!” high-pitched na sigaw naman ni Jelly. Kita sa kaniyang mata ang shock at excitement sa nakikita niya. “Ang hot. Jelay paypayan mo ako dali.” sabi nito sa kapatid, pinaypayan din naman siya ni Jelay. Natawa naman ako sa reaksyon niya at ganoon na rin naman ang mga amo namin.
“Bakit naman po kayo nekehebed.” sabi ni Jelly sabay hawi ng kaniyang imaginary long hair. Napatawa na lang si nanay sa kaniya at ganoon na rin naman ako. Mabilis siyang lumapit kay nanay at nagmano at beso dito.“Namiss kita Nay Beth.” sabi nito. “Ganoon din ako Jelly.” pagyakap naman ni nanay sa kaniya.
“Ah ipapakilala ko pala sayo, anak ko. Si Gabriel.” “Hello Gabriel.” bati niya sa akin saka siya lumapit para makipagbeso sa akin pero nung ako nalang nakakita sa kaniya ay mabilis nagbago ang emosyon nito, mula sa nakangiti ay nagtaray ito. Nang matapos kaming magbeso ay ngumiti siyang muli saka mabilis na pumuntang muli kay Nanay Beth. “Kamusta naman po kayo Nay Beth.”
Nagtataka man sa inasal niya ay binalewala ko nalang. Pero ngayon, alam ko ng hindi na dahil sa pagod yun. Agad namang lumapit sa akin si Jelay. “Anong ginagawa niyo Gabriel?” “Ah kwarto ko ginagawa nila tatay.” sagot ko. “Ang popogi at yayaman naman ng labor niyo.” natatawang turan nito. “Tutulong daw sila, ’di na mapigilan eh kaya hinayaan nalang namin.”
Mga bandang alas 4 ng hapon ay natapos na nga sila sa paggawa ng kwarto ko. “Mga sir. Salamat po ah.” sabi ko sa kanila. “Naku wala yun Gabriel. Masaya kaming nakatulong.” wika ni Sir Alejandro. Tumango naman ako sa kaniya. “Ah Gabriel paki punasan naman yung likod ko please.” lumapit sa akin si Pako sabay abot sa akin nung t-shirt na hinubad niya kanina na natuyan na ng pawis saka sya tumalikod.
Agad ko namang pinunasan ang likod niya. Mabilis ko lang itong nagawa. “Tapos na kamahalan.” sabi ko rito na tinawanan lang niya. “Salamat mahal na prinsesa.” sabi nito. Nakalimutan kong andito pa pala sila Jelly kaya nung napalingon ako sa kaniya ay nakita kong nanlilisik ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Anong problema na naman nito? Napatanong nalang ako sa sarili ko dahil sa pagtataka kung bakit siya umaastang ganoon.
Biglang tumayo si Jelly saka padabog itong naglakad patungo sa gate. “Jelay tara na.” sabi nito saka dire-diretso lang na pumunta sa gate. Nagitla naman si Jelay sa pagkakaupo nito. “Anong problema nun?” tanong ko kay Jelay sa tabi ko. “Ewan ko nga rin eh.” “Jelay!” rinig naming sabi ni Jelly sa may labas na ng gate namin kaya kumaripas na ng takbo papunta sa kuya niya at sabay na silang umuwi.
Nagtataka man ay isinawalang-bahala na lang namin ang ginawa ni Jelly. Ilang sandali pa ay nagpaalam na ang magkakapatid. Inihatid ko naman silang apat sa may gate. “Maraming salamat po sa tulong niyo mga sir.” sabi ko rito. “Walang anuman yun, katulad ng sabi ni kuya masaya kaming nakatulong sayo.” turan ni Pako.
“I want to hug you right now.” bulong ni Pako sa akin. “Hep hep no no, ang pawis mo.” sabi ko rito. “Yun yung gusto kong bayad mo eh.” sabi naman nito. “Akin kiss.” pagsingit naman ni Sir Javier sa usapan namin sabay turo sa pisngi nito. “No.” sabi ko rito saka naman ito nagpout na parang batang hindi pinayagan ng nanay sa paglalaro.
Sumakay na silang tatlo sa jeep nila at si Sir Alejandro naman ay sumakay sa kabayo nito. Kapwa silang lahat naka topless lang dahil basa ng pawis naman yung mga t-shirt nila. Kumaway nalang sila sa akin ng pinaandar na nila ang sasakyan. Nakatingin lang naman ako sa kanila at kumakaway rin. Bago pa man makalayo ay sumilip si Sir Javier mula sa driver seat at tumingon sa akin. “Kiss moko sa birthday ko Gabriel.” turan nito saka mabilis na pinatakbo ang jeep. Natawa na lang ako sa tinuran nito.
Naiwan naman kaming dalawa ni Sir Alejandro at kapwa nakatingin sa papalayong pigura ng sasakyan. “Pano, dito na rin ako Gabriel.” paglingon nito sa akin. Nakatingala lang ako sa kaniya at nakayuko naman siya sa akin. “Maraming salamat po uli sir ah.” sabi ko rito sabay ngiti. “You owe me one.” sabi lang nito sabay kindat at hinila na niya ang tali ni Maximus at agad naman itong tumakbo. Habang ako naman ay naiwang nakangiti lang at medyo kinikilig sa kindat niya, medyo lang naman. Medyo nga ba?
VEINTIUNO: Aquí viene el inicio de la guerra
Here comes the war starter
Gabriel
Noon, bata pa lamang ako natutunan ko, nang maging matapang, maging palaban, at hindi nagpapaapekot sa sinasabi ng mga tao tungkol sa’kin. Bukod doon ay natuto rin ako na tumulong sa mga taong inaapi, hindi sa pagiging superhero o kung ano man, ayaw ko lang talagang makakita ng mga taong inaapi at walang kalaban-laban.
Dahil sa kasarian ko, mas nagpapahirap sa akin ang mga taong hindi alam ang kasarian ko o yung alam nila pero pinipili nilang hindi lawakin ang kanilang pag-unawa sa mga taong kagaya ko. Madalas akong nakakarinig ng pagkukutya sa murang edad pa lamang. Alam ko sa sarili ko na hindi ako papayag na gaganunin lang nila ako dahil wala naman silang karapatan para gawin yun, kaya sinabi ko sa sarili ko na magiging matapang ako at hindi ko hahayaan na may mang-api sa akin o may taong maapi dahil lang sa mga taong natural na masama ang ugali.
“Gabriel” rinig kong tawag sa akin ng taong paparating. “Pako” tawag ko sa kaniya sabay ngiti. “Kumusta yung kwarto mo, nagustuhan mo ba?” tanong nito sa akin. “Syempre naman, pinaghirapan yun kaya nagustuhan ko.” sagot ko rito na kaniya namang ikinangiti. “Mabuti naman.”
“Naparito ka pala?” tanong ko naman dito sabay balik sa ginagawa kong pag-aayos ng mga bagong dating na mga dayami. “Wala lang, gusto lang kitang makita.” sabi nito na agad ko namang ikinapula. Kahit simple lang yung mga sinasabi niya kinikilig pa rin talaga ako. “Che, namiss mo lang yung ganda ko eh” “Ang hangin pala dito sa kwadra no?” tanong nito. “Kapal mo. Ako pa talaga mahangin ah” sabi ko dito sabay hampas sa braso nito. “Hahaha aray naman, palagi mo nalang ako hinahampas” sabi ni Pako sabay himas sa braso niyang hinampas ko saka nagpapa-cute. “Ahhh kawawa naman ang baby nayan” kunwaring pag-aalo ko naman dito sabay himas kunwari sa braso niya na kinalaki naman ng mga ngiti niya at natawa na lang kami pareho.
Bigla naman akong napalingon sa may puno ng acacia ng may marinig akong kaluskos mula rito. Sinundan ni Pako ang tingin ko, pero parang wala namang tao roon. “Anong tinitignan mo?” pagtataka nito. “May narinig kasi akong kaluskos banda roon eh” turo ko sa puno. “Baka ibon lang o daga” Ipinagsawalang bahala ko na lang ito at bumalik sa ginagawa ko, tinulungan naman ako ni Pako.
“Ah Pako, kalian pala ang kaarawan ni Sir Javier?” tanong ko rito nang maalala ko ang sinabi ni Javier sa akin kahapon nung paalis na sila.
“Sa makalawa na. Wag mo sya ikikiss ah” sabi nito na tinutukoy yung sinabi ni Sir Javier. “Baliw” nasabi ko nalang rito. “Magseselos talaga ako” “Bakit, tayo ba?” tanong ko rito na agad naman niyang sinagot “Ouch naman” natawa na lang ako.
Makalipas ang ilang sandali nang matapos kami ay umuwi na siya. May aasikasuhin pa raw siya sabi niya. Papunta na sana ako sa duyan sa may puno ng acacia nang may tumawag sa pangalan ko. “Gabriel, pinapatawag ka ng nanay mo” sabi ni Kuya Waldo, isa ring katiwala dito sa hacienda. “Sige po, pupunta na’ko.” sagot ko naman rito saka ito umalis.
Agad ko namang binagtas ang daan papunta sa mansion. Naglalakad lang ako at masayang niraramdam ang malamig at preskong hangin. Sa hangin pa lang talaga masasayahan ka na dito. Nang makarating ako sa mansion ay agad naman akong dumiretso sa kusina. Dahil upang makapunta sa kusina ay dadaan ka pa sa sala, makikita mo talaga ang malinis at malawak na sala na may mga katulong na naglilinis o di kaya nag-aayos, ewan ko ba diyan sa kanila at ’di na natapos ang paglilinis.
“Ayan na ang feeling maganda” rinig kong sabi ng isang babae. Napalingon naman ako sa may hagdan na nasa sala at dito ko nakita si Dyosa kasama si Jelly. Ako ba pinapatamaan ng mga to? Tanong ko sa sarili ko, hindi naman siguro ako no, hindi naman kasi ako feeling maganda, dahil maganda naman talaga ako, eme. Pinili ko nalang na hindi sila pansinin at didiretso na sana sa kusina. “Ay, feeling maganda na nga, snobber pa. Artista yarn?” rinig kong sabi ni Jelly kaya naman napatigil ako sa paghakbang at napatingin sa kanila.
Napatingin lang ako sa kanila na nagtataka at walang sinasabi. “Isang description pa pala, feeling close sa mga amo” sabi ni Jelly at napatingin siya kay Dyosa kunwari siya ang sinasabihan pero nagpaparinig lang naman. “O wala kang masabi, kasi syempre, totoo” paratang ni Dyosa sa akin. “Feeling mo maganda ka na kasi kaya mong mag feeling close sa mga amo natin? Hoy gumising ka, hindi ka maganda, maputi ka lang” turan pa ni Jelay.
Ano bang pinanggagalingan ng mga to? Tanong ko sa sarili ko. Mukhang malaki ang galit sa akin ng mga to ah. “Kahit pa laiitin nyo ako o anoman, wala kayong mapapala sa akin, dahil wala naman akong pakialam sa inyo” mahabang litanya ng utak ko pero pinili ko nalang manahimik dahil ’di ko sila kailangang patulan. “May pa hampas hampas at himas ka pa kay Sir Juancho. Aww kawawa naman ang baby na yan” panggagaya niya pa sa’kin. “Ah ikaw pala yung sa Acacia kanina.” sabi ko naman rito. “Oo ako nga, at nakita kong nilalandi mo si Sir Juancho” sagot pa nito. “Akala ko kung anong maligno na eh, akala ko may kapre” dagdag ko pa na ikinagalit niya naman.
“Sinasabi mo bang mukha akong maligno?” galit na tanong nito. “Galing na sayo yan ha, ’di sa akin.” sabi ko pa rito na parang natatawa pero itinago ko nalang dahil mas nagagalit pa siya lalo. Anong akala niya sa akin, madali niyang maaapi? “Akala mo maganda ka eh maputi ka lang naman” dagdag pa na panlalait ni Jelly. “Hmm” ang tanging nasabi ko na lang sa kaniya.
“Hoy ikaw, akala mo kung sino ka ah, bakit, dahil kilala mo si Sir Juancho kaya ganiyan ka?” pagsingit pa ni Dyosa. “Magkakilala kami ni Sir Juancho, sa Maynila palang ay magkaibigan na kami okay? Kayo lang naman nagiisip ng masama siyan eh” paliwang ko pa sa kanila kahit alam ko na mang hindi ko nakailangan pa pero sa ikakatahimik nila, ginawa ko na.
Nakatingin lang ako sa kanila na nanlulumo na sa galit at hinihintay kong may sasabihin pa sila. Nang puro inis na lang ang nakikita ko sa nanlilisik nilang mga mata ay napagpasiyahan ko nang umalis. Sa galit nila ay kulang nalang may lumabas na usok sa kanilang tenga at ilong ay magmumukha na silang mga toro. Iniwanan ko na sila at hindi na nilingon pa. Aksaya sa oras.
Hindi naman ako galit o naiinis sa kanila, ang tanging nararamdaman ko na lang ay pagtataka. Saan ba sila nanggagaling at bakit parang hate na hate nila ako to the 10th power. Nilaitlait pa ako ng mga loka, sa kanila pa nanggaling ah, feeling maganda daw ako haha, salamat sila wala akong pakialam sa kanila at ayaw ko ng gulo kaya hindi ko na sila pinapatulan pa.
Dumiretso na lang ako sa kusina para puntahan si nanay. For sure kanina pa yun nag-aantay sa akin. Pagpasok ko ng kusina ay agad namang sumalubong sa akin ang amoy ng nilulutong sinangag na amoy bawang at ang mga tagalutong nag tsitsismisan. Matanong nga kung ano ang latest.
“Nay” pagtawag ko rito. Agad naman akong lumapit sa kaniya. “Pinapatawag niyo raw po ako?Bakit po?” tanong ko rito. “Ah kase anak, kaarawan ni Boss Javier sa susunod na araw, at bukas kami mamamalengke, lima kaming naka-assign” panimula nito na tinanguan ko lang. “Eh hindi ako makakasama kasi masakit ang mga paa ko at parang hindi ko yata kayang maglakad ng malayo.” “Ganoon po ba Nay, gusto niyo po bang hilutin ko kayo mamaya?” tanong ko rito na tinawanan lang niya. “Hindi anak, gusto ko sana na ikaw na lang ang sumama sa kanila kapalit ko?” sabi ni nanay. “Okay lang po nay, sige po” pagsang-ayon ko naman rito.
“Naku salamat anak” sabi nito sa akin. “Milagros, si Gabriel na lang sasama sa inyo ha at masakit ang paa ko sa mahabang lakaran” baling naman ni nanay kay Aleng Milagros na kasalukuyang nakikitsismis sa isa pang kasama dito sa kusina. Tumango naman ito saka bumalik ang atensyon sa kausap niya. “Mainit-init pa siguro ang tsismis ah kaya ’di makausap” pagtawa ko pa sa naiisip ko. “Tsaka anak, pwedeng pahilot na rin?” nakangiting tanong naman ni nanay na parang batang humihingi ng kendi. “Naku nay oo naman po.” sagot ko na man rito saka ito nagagalak na nagpasalamat.
“Anak, gising na, bumangon ka na diyan at maaga kayong mamamalengke.” rinig kong sabi ni nanay sa labas ng kwarto ko habang kinakatok nito ang pintuan. Napamulat na lang ako at pinipilit ang sarili na magising. Tumingin naman ako sa orasan na nakasabit sa dingding ko at nakita kong nakaturo sa alas singko ang maliit nitong kamay.
Paglabas ko ng aking pintuan ay siyang dinig ko naman sa pagtialok ng manok ng kapitbahay. “Magkape ka muna anak at magpandesal nang may laman iyang sikmura mo bago ka umalis” rinig kong sabi ni nanay sa kusina na agad ko namang pinuntahan. Medyo tulog pa ang diwa kong naupo sa upuan saka inabot sa akin ni nanay ang isang tasa ng kape. Agad namang inatake ang aking ilong ng matapang na amoy ng kape. Ginigising nito ang natutulog kong diwa sa bawat hagod ng mainit na kape sa aking lalamunan nang ininom ko na ito. Kumain na rin ako ng pandesal at pinares ito sa kape.
Kasama ko naman sina tatay at nanay sa lamesa. “Matapos ka diyan ay ihahatid ka ng tatay mo doon sa mansiyon” tumango lang naman ako sa tinuran ni nanay saka humigop ng kape. Nang maubos ang kape at ramdam ko na ang kabusugan ng aking tiyan ay madali naman akong nagbihis at nag-ayos ng sarili sa loob ng aking kwarto. Mamaya nalang siguro ako maliligo pagkabalik ko dito at napakalamig pa ngayon, tutal ay naligo naman ako kagabi.
Nakasakay na ako ngayon sa truck na minamaneho ni tatay at mabilis lang kaming nakarating sa mansiyon. Malamig ang simoy ng hangin at pasikat pa lang ang haring araw. Sa ’di kalayuan ay tanaw ko na ang matayog na mansiyon. Nang makarating kami ay agad akong bumaba at nagpasalamat kay tatay na sinagot niya naman ng “mag-ingat ka roon anak” saka nito iniliko ang sasakyan saka bumalik sa aming bahay.
“Gabriel, mabuti at nandito ka na, ikaw na lang ang hinihintay namin at lalarga na” turan naman sa akin ni Aleng Milagros. Teka, bakit nandito to, eh kasabay namin itong pumupunta sa mansiyon. Nagtataka man ay hindi ko na lang isasangkot pa ang sarili ko sa business ng iba. Nandito kami ngayon sa hagdan nakapwesto, sa harap ng mansiyon at hinihintay ang sasakyan na kasalukuyang pinapainit pa sa pamamagitan ng pagsstart nito.
“Gabriel?” rinig kong pagtawag sa pangalan ko ng pamilyar na boses na nagmumula sa mansiyon. “Magandang umaga po Sir Nathan” bati ko rito na narinig naman ng mga kasama ko kaya kaniya-kaniyang bati na rin sila. “Magandang umaga din po sa inyo, saan po ang punta niyo?” tanong nito sabay tanggal sa nakasabit na earphone sa kabilang tenga nito.
Napansin ko lang, naka fit na muscle shirt lang si Sir tsaka short at sapatos, siguro nagwo-workout ito dahil pansin ko rin sa namumuong pawis sa kaniyang noo at sa pwesto sa ilalim ng kaniyang ilong at taas ng labi. “Mamamalengke po ser” sagot naman ni Aleng Tere, kasama ni nanay na kusina. “Sasama ka Gabriel?” baling naman nito sa akin. “Opo, si nanay po dapat kaso ako na lang ang pinasama niya at masakit daw ang mga paa niya” paghahayag ko naman rito.
“Can I come?” tanong niya naman sa mga kasama ko na parang excited. “Talaga ho sir? Sa palengke lang naman ho kami” tanong pa ni Aleng Tere na bakas sa boses ang pagtataka sa amo niyang gustong sumama sa pamamalengke. “Oo naman po, pwede po ba Aleng Tere?” tanong nito sa matanda. “Aba’y oo naman ho ser” pagsang-ayon naman ni Aleng Tere na mukhang nasisiyahan pa sa pagsama ng amo.
“Hali na kayo at mukhang handa na ang sasakyan” sabi ni Aleng Milagros saka kami bumaba ng hagdan at pumunta sa nakaparadang Pick-up truck. “Sa loob ka na po Boss Nathaniel. Gabriel iho, dito na lang tayo sa likod dahil lima lang ang kasya sa loob” litanya ni Aleng Milagros at akmang aakyat na sa likod. “Ah sa loob na lang po kayo Aleng Milagros at baka mapano pa po kayo diyan sa loob, ako nalang po riyan” sabi naman ni Sir Nathan na siyang ikinatigil naman ni Aleng Milagros sa pag-akyat. “Talaga po sir?” tanong niya ta tumango lang naman ang amo. “Kabait na bata nga naman, o siya, mag ingat kayo riyan sa likod, kapit ng mabuti” dagdag pa nito sabay pasok sa loob ng sasakyan.
Nakapasok na ang lahat sa loob. Isang drayber,isang nasa passenger seat, at tatlo naman sa likod ng driver. Habang kami naman ni Sir Nathan ay kasalukuyan ng umakyat at naghanap na ng mapepwestuhan. Nakaupo na kaming dalawa ngayon sa may likod mismo ng truck, magkatabi at kapwa nakakapit sa railings.
“First time kong pumunta sa palengke” biglang paglalahad naman ni Sir Nathan sa tabi ko. HIndi naman na ako nagulat sa rebelasyon niya dahil given naman na siguro yun kasi mayaman naman sila at mayroon pang ma kasambahay para mamalangke para sa kanila. Nang masigurong ayos na kami ay sinenyasan lang ni Sir Nathan ang driver namin sa pamamagitan ng paghampas sa railing ng sasakyan, Ilang sandali pa ay nabuhay na ang makina ng sasakyan at kalaunan ay lumarga na ito. Excietd naman si Sir Nathan sa tabi ko at hindi mapigilan ang ngiti “Palengke here we go!”
Nathaniel Vero Salvador
“I only want to do this because of you Gabriel, so that I can be with you and spend time with you” I said to my self as I look at Gabriel on my side busying himself watching the scenery that passes by. He probably felt me staring at him that’s why he look at me. I just smile at him and thought to myself, this palengke day with him is going to be fun.
VEINTIDÓS: Fecha de Mercado
Palengke Date
Nathaniel Vero
We we’re sitting at the back of the pick-up truck, the cold morning breeze slapping harshly on our faces with the speed of the truck against the direction of the wind, rustling our hair making it disheveled. I don’t know how I look, but I know the air doesn’t worry Gabriel a bit, with the air messing up with his hair, making him look like someone who just woke up, woke up beautifully. I can’t seem to stop staring at the beau beauty beside me, until he felt my gaze.
“It’s so cold, gusto mo ba ng hug?” I sheepishly asked him. “Sira” pagtawa nito. “Nilalamig ako Gabriel, bilang amo mo naman ako, pwede bang pa request ng hug?” pangungulit ko pa dito. “Hala sya, ang trabaho ko po ay ang mga kabayo, kabayo ka ba?” humarap siya sa akin saka tumawa. “May kabayo bang ganito ka guwapo?” tanong ko naman dito sabay taas baba ng kilay ko saka malawak ang mga ngiti. “Ikaw” sabi nito saka malakas na tumatawa habang nakatingin sa mga punong dinadaanan namin.
“Talaga lang ha” sabi ko saka ako lumapit sa kaniya at sinusundit ang gilid niya para kilitiin. “Sir hahaha stop na po haha” hindi niya naman mapigilang mapabungisngis sa ginawa ko. Tinigilan ko na ang pagkiliti sa kaniya na hindi rin mapigil ang puso ko sa pagtibok. Bumalik si Gabriel sa malayong tingin niya na tila malalim ang iniisip.
Kung alam mo lang sana ang nasa isip ko ngayon Gabriel, tiyak aakalain mong para kang nanalamin dahil puros mukha mo lang ang laman ng isip ko. Tinignan ko si Gabriel at hindi ko mapigilan na sariwain ang alaalang meron ako sa kaniya noong una ko siyang makita.
I was his proctor for the licensure examination for agriculturists. There I noticed him, a guy who seems so distant to the world. No emotions at all, just poker face. Then and there he got me to keep on staring at him once our eyes met. I can’t seem to look away from his eyes displaying bravery and strength of a warrior, but deep down, it reflect innocence from the eyes of an angel. That’s the first thing that came to my mind when I saw his eyes, a warrior angel. The unbalanced amount of bravery and innocence, with the bravery being superior but the innocence being still noticeable.
He’s undeniably good looking. Fair and smooth skin, soft looking hair, smells good, and his eyes, his eyes that seems to make you addicted staring at it that you wouldn’t notice its making you as cold and hard as a rock just like the effect of Medusa’s curse.When he answered his test, I just stared at him, all the time, there’s this one time he caught me staring at him, I looked away right away, but when I looked at him again, he seems laughing. I thought that he might find me a creep so I stopped staring at him.
It’s the second to the last day of the exam when I get to finally talk to him. He was sitting on a bench, I was about to go somewhere when he caught my attention. I come to sit with him and offered him a drink to ease the tension written on his face. He said that he was bothered, “Hays naisip ko lang po sir na paano po kung hindi ako makapasa” the exact word he said. I just answered him with the famous quote “Everything happens for a reason.” “Kung hindi ka man makapasa ibig-sabihin lang non hindi yan ang nakalaan para sayo at may iba pa na para sayo talaga” I said to him and he just smiled at me while reflecting what I said.
It’s the last day of their exam and the last day of seeing him, I felt sad but also, I had this feeling inside of me that that wouldn’t be the last time we would see each other. I told that to him and he just laughed at me saying “Baka nga sir.” After that I bid my farewell to him.
I was about to go at the office to do something when I can’t get Gabriel out of my mind. I just need to know where he lives, “it wouldn’t make me look like a stalker naman diba, at least I know where to look for him and I know he would come home safe” I reasoned out for my self. And so, I followed him.
When I get to know where he lives, I was surprised, he’s not just the one I saw there. Although I said to Juancho that I didn’t see him when I was in Manila by the time he comes back home, I lied, cause actually I did. I saw him and guilt comes knocking at my door. Before he would see me, I turned my head and mentally bid my goodbye to him coz I know I am not courageous enough to face him, yet.
“Ang lalim naman ng iniisip mo” I lost my train of thoughts when I heard him speak. I smiled, “iniisip kita” sabi ko. “Ano bang nakain mo ngayon Sir Nathan, bakit ganiyan ka, ang flirty mo” sabi nito. “Flirty ba’ko?” tanong ko naman rito. “Kanina kapa kaya nagpapakilig” nakapout na turan naman nito. “So kinikilig ka pala?” I noticed the embarrassment washed over his face when he accidently confessed to me. I can’t keep smiling knowing na kinikilig siya. “Sira, gutom lang po iyan sir.”
“I think we’re here” I said to him as the busy streets of San Joaquin came to reveal it self. Ang busy ng mga tao tsaka maraming stalls sa mga gilid na nagbibenta ng random goods. I never been to the market before, but of course I know where it is because when going to Carmen, the next town, you will pass by the San Joaquin Market.
Tumigil ang sasakyan at nagpark ito sa ’di kalayuan. Wala namang parking lot dito kaya sa free space lang huminto ang truck. We decided to stand up already even though the machine isn’t even turned off yet. Tumayo na kami at bababa na sana ng biglang nag move ang pick-up kaya malapit kaming ma out of balance. I instantly grabbed Gabriel as he accidentally grab a hold of me and comes close to me as the result of the truck’s sudden movement. “Ay p*ke!” nasabi nito. Nakakapit lang siya sa akin at nanatili kami sa ganoong posisyon. Nakahawak ang isa niyang kamay sa dibdib ko at ang isa sa braso ko, ako namang ay nakahawak lang sa likod niya para ma stable siya.
Magkalapit ang katawan namin, para na kaming nagkakayakapan. Ramdam ng aking katawan ang mga hawak niya at pinapabilis nito ang tibok ng aking puso. Ramdam ko ang init ng kaniyang hininga sa aking leeg habang amoy ko naman ang kaniyang mabangog buhok. It’s so shiny up-close.The car turned off and we automatically get out of each others hold as if we touched a hot cup as the akward atmosphere seemed to grow around us and also, coming to consider that we are on a public place.
Bumaba ako una tsaka ko siya inalalayan sa pagbaba, inilahad ko ang aking kamay na agad niya namang tinanggap saka dahan-dahan na bumaba. I just noticed na despite sa poker face ni Gabriel na madalas niyang pinapakita ay mabilis siyang pamulahan ng mukha, dahil ba sa maputi siya, o dahil sa ibang emosyon tulad ng hiya, o kaya naman.. kilig?
“Hali na kayo mga iho” rinig naming sabi ni Aleng Tere kaya naman we walked with them, I’m side by side with Gabriel. Naglalakad lang kami sa gitna ng sidewalk kasi ang bawat gilid ng daan ay may mga stall para sa iba’t-ibang tinda habang ang apat na kusinerang kasama namin ay kaniya-kaniya na ng usap tungkol sa bibilhin nila. Tahimik lang si Gabriel sa tabi ko at gayundin naman ako. Habang naglalakad kami at nakatingin lang sa harap at minsan sa gilid , tumitingin ng mga paninda, hindi maiwasang hindi kami mgakadikit dahil sa rami ng tao na kasalo namin sa daan. I can feel my hands accidentally brushing with his. I loved the way the back of my palm brushing against the smooth back of his, it’s making me feel something inside.
With our height difference, with him lining with my neck, from my perspective, I can always see his hair and his long lashes, I would only see his face when he’s in front of me or if he would look up to me. Guessed it somehow made me on the advantage side because he wouldn’t see me always looking and smiling at him.
“So this is how palengke looks like” sabi ko. “Opo sir, marami pong tao, masikip, pero ayos lang dahil nakakagalaw pa naman tayo” sabi naman nito sabay sandalling sulyap sa akin showing me his cute curios face. “Sigurado akong fresh ang karamihan ng mga paninda dito dahil masagana ang San Joaquin” imporma sa akin ni Gabriel sabay pindot sa nadaanan naming mangga. “There are a lot of farms here” I informed him which he just replied with a nod.
We just walked and stop from stalls to stalls as our maids purchases goods such as veggies and other foods. “Gabriel ijo, maaari bang ikaw na muna ang mamili ng mga prutas at ang iba sa amin ay karne at isda naman ang bibilhin?” baling sa kaniya ni Aleng Milagros. “Sige po” ang nasabi nalang ni Gabriel sabay tanggap ng ibinigay na basket ni Aleng Milagros. “Ito ijo ang listahan at ito naman ang pera” tinanggap naman ito ni Gabriel. “Ah Aleng Milagros, saan po ang prutasan?” parang nahihiyang tanong naman ni Gabriel. “Ay haha, nakalimutan ko, hindi ka naman pala taga dito ano. Dumiretso ka lang diyaan tapos ay kumanan ka, tapos diretso ulit tapos kaliwa naman” “okay gets po” sagot naman ni Gabriel.
Liningo naman ako ni Gabriel saka ko nabasa ang tanong sa mukha niya. “I’ll come with you” I said to him. “Arat” he said and then we started walking. “Gabriel what’s arat?” I ask him then he started laughing a little. “ilang taon ka na po ba Sir Nathan?” instead of answering he asked me my age like it has something to do with my question, maybe it is a word popularized by their generation. “26” kibit balikat kong sagot. “Arat po ay binaliktad na ‘tara’” sagot nito sa nauna kong tanong.
“How old are you Gabriel?” tanong ko naman sa kaniya. “21 po” sagot niya. “Pauso nyo yang mga gen Z eh, binabaliktad ang mga salita” I told him. Tumango lang naman siya saka kami lumiko sa kanan gaya ng instruction ni Aleng Milagros. Mula sa ibat’ibang benta kanina ay dito, halos gulay lang lahat ng benta. Lumakad lang kami ng lumakad habang magkatabi pa rin pero may distansya na. Binibusy namin ang aming mga mata sa mga makukulay na mga gulay at mga taong kapwa namin ay namamalengke rin.
God knows how much control I muster to refrain my self from putting my arm around Gabriel’s shoulder. The scene is just so ideal for couple, cold morning breeze, walking side by side with each other, with the one’s arm wrapped around the other one’s shoulder pulling them close together securing the body heat to warm them up. How I wish.
Lumiko kami sa kaliwa matapos ang ilang minutong lakaran at bumungad nga sa amin ang mga makukulay na prutas na nasa iba’t-ibang mga bangketa. Iniharap niya ang listahan ng bibilhin saka niya ito binasa. “Mangga, ube, orange, apple, durian oohh I love durian(I smiled), singkamas, mais, ubas, pinya, avocado, at saging na saba” mahabang pagbasa niya. “Ayun mangga” turo ko naman sa mangga sa malapit lang sa amin. Lumapit naman kami dito saka kami bumili.
“Dalawang kilo po dito sa mangga” Gabriel said. “250” sabi naman nung tindera sabay balot ng mga mangga at inabot ito kay Gabriel. Inabot rin ni Gabriel ang bayad dito saka kami nagpasalamat. Nakita ko namang inilagay niya ito sa ratan na basket. “Ako na mag bibitbit” sabi ko saka ko kinuha sa mga kamay niya ang basket at habang ginagawa ko yun ay sandaling nagkadikit ang aming mga kamay. Bitbit ko na ang basket saka kami pumunta sa kasunod na stall na may tindang avocadoes.
“What is the scientific name of avocadoes?” I ask him. “Persea americana” he confidentially answered while putting avocadoes to the weighing scale. “Family?” I ask him again which he answers again, almost immediately “Laurel family. Lauraceae.” “Well done” I complemented him.
Matapos ang pamimili ng avocado ay pumunta kaagad kami sa karatig na bangketa para bumili ng mais. Hanggang sa nag sunod sunod na ang aming pamimili at nadadagdagan ang laman at bigat ng basket na dala ko. “Well, this could be my workout” I thought to my self. I was actually doing my morning jog when I met Gabriel at the front of our house and I decided to join them. We we’re just walking, casualy takling, laughing about some sh*t, and of course, intentionally-not-intentionally flirting with him which I found as my new hobby now.
“Ano pang kulang?” tanong ko sa kaniya ng mapansin kong malapit nang mapuno ang basket namin. “Pin–Hoy!” tinignan ko naman ang tinitignan niya at dito ko nalaman ang dahilan ng pagsigaw niya. Lumapit kami roon sa bangketa kung saan may isang lalaki na hinaharass ang isang matanda. Mabilis na lumapit si Gabriel sa lalaki at dito ko nakita kung gaano ang isang napaka-charming na pusa na katulad niya ay nagiging isang mabangis na leon.
“Anong ginagawa mo ha?” lapit niya sa lalaki. “Ayaw akong bigyan ng matandang to ng pera eh” sabi naman nito habang nakahawak ito sa braso ng matanda, mahigpit at kita sa mukha nung lola ang sakit na dinaranas sa kamay nung lalaki. “Aray!” sigaw nung matanda. “Bitawan mo nga siya” turan ni Gabriel dito at ramdam ko na ang namumuong galit sa kaniya. Mugto ang mga mata ng lalaliki at sumisinghot ng kaniyang ilong. Agressive din siya. Hinayaan ko lang si Gabriel sa ginagawa niya dahil mas nakikilala ko siya, nandito lamang ako para depensahan siya sa kung ano mag ang gagawin nung lalake.
“Bigyan mo muna ako ng pera!” galit na saad nung lalaki at nakita kong mas humigpit pa ang pagkakahawak sa matanda base na rin sa sakit na nakaplastar sa mukha nung lola. “Sabing bitawan mo eh!” nanggagalaiting sabi ni Gabriel sabay hablot ng pinya sa malapit sabay hampas sa mukha nung lalaki. “Woah, oh sh*t basag!” ang naging reaksyon ko na lang na parang natatawa nung makita ko ang dugo sa ilong nung lalaki. Nabuwag naman ito sa pagkakahawak sa matanda dahil sa lakas ng pag hampas ni Gabriel.
Nang makabangon ang lalaki ay aambahan niya sana si Gabriel at ako naman ay naka ready na sa gagawin niya pero bago pa niya magawa ay itinapon na ng malakas ni Gabriel ang pinya na dahilan nang pagkatumba nung lalake. Mas malaki pa naman ang katawan nung g*go pero napatumba lang ni Gabriel. Mabilis namang tumayo ang lalaki sabay takot na nagmamadaling tumakbo nung makitang hahablot pa sana si Gabriel ng isa pang pinya para sana ibato.
Nang makaalis ang lalaki ay mabilis namang pumunta si Gabriel sa nanginginig sa takot na matanda. “Ayos lang po ba kayo lola?” tanong niya rito sabay hawak sa kamay nung matanda for comfort. Tumango naman ang babae, “Salamat ijo ha, salamat talaga” pasalamat nung matanda sabay yakap kay Gabriel. “Kilala niyo po ba yun?” tanong ni Gabriel matapos silang nagyakapan. Tumango naman ang matanda “Oo, apo ko siya, nag-aadik eh, pupunta lang dito para kunin ang pera ko, wala pa kasi akong benta kaya wala akong maibigay, ayun uminit ang ulo” pagsasaad niya.
I fished my phone out of my pocket and typed a text to my dad. I asked him to call our connection with the police at Carmen. Carmen is highly urbanized place, there are rehabilitation center there. “Ano po bang pangalan niyo?” tanong ko naman sa babae. “Ako si Carmelita, Carmelita Stefano.” “Ako naman po si Vero Salvador at ito naman po si Gab. May kinontact na po akong mga opisyal para tulungan kayo sa apo niyo. Pupunta po sila dito sa inyo, makipagcoordinate nalang po kayo sa kanila” mahabang litanya ko naman rito. “Naku salamat ijo” sabi nung babae habang naiiyak na lumapit sa kin para yumakap. Niyakap ko rin ito at inaalo. Nagkatinginan naman kami ni Gabriel at ngumiti siya, pasasalamat ang nakasulat sa mukha niya sa ginawa ko. Mula sa pagiging leon ay bumalik sa pagiging mabait na pusa ang awra niya.
Dahil may tindang pinya ang matanda ay sa kaniya na kami bumili para naman may benta na siya. Ililibre pa niya sana kami pero tumanggi si Gabriel. Hindi na kami tumanggi pa nang inilibre kami ni Lola Carmelita ng isang pinya, pasasalamat daw niya sa aming tulong. Tinanggap nalang namin ito saka kami bumalik na sa dinaanan namin. “Do you need help?” tinignan niya ang dala ko saka siya nag nagtanong. “Kaya ko to” sabi ko sabay flex ng braso ng libre kong kamay. Tumawa lang naman siya saka kami patuloy na lumakad.
“Didn’t know you can be an aggressive lion. You were pretty impressive” I proudly complimented him. “I ought to my self kasi that no one will be bullied or harassed in my watch. Lola pa talaga, kawawa naman” sabi naman nito which make me appreciate him more. There is surely something to him than his looks. Then and there I made a promise to my self to protect this very good soul. Mabilis kaming nakapunta sa pick-up truck at doon na namin hinintay ang iba saka kami umuwi na sa mansiyon.
Lying in my bed, feeling the comfort that it gives me. My comforter on top of me giving me warmth from the coldness of the aircon. My body is in comfortable state yet my mind seems to contrast. My mind is circling and circling but not just like any other circle, my thoughts have ending, an edge, a destination, and it all leads me to Gabriel. His eyes, his lips, his face, the way his cheeks blush, his smile, and his fiery attitude, his bravery, his willingness to help people, and his soft spot for the people who can’t stand for themselves . Everything in him is admirable. His passion, his intellectual capacity, his famous poker face. My heart keeps erratically beating for him, eerily screaming his name.
Something in me tells that I need to get this out of my system. Only telling this to the perpetrator of my angst and disheveled mind will ease this turmoil of thoughts in my mind. Bahala na. Gabriel needs to know this. To know what he’s making me feel. What he’s doing to me.
I looked at the clock displaying 5 pm on my bedside table. Gabriel is still at the kwadra. I need to get to him. I get out of my room. I get out of our house. I get out of my comfort zone, willing to risk anything just to tell Gabriel how I felt. Sa ’di kalayuan ay nakikita ko na si Gabriel na lumabas sa kwadra at kumuha ng pagkain ng mga kabayo. Anxiety shivers my whole body. It electrifies me.
Then with enough distance, I reached out to him. Ready to expose my self. “Gabriel”
VEINTITRÉS: La Fiesta de Cumpleaños
The Birthday Party
Gabriel
Maaga kaming nagising. Mga alas 5 ng umaga, dahil maghahanda pa ang lahat dahil sa kaarawan ng bunso ng mga Salvador. ’Di ko alam kung matatawa ako o maiinis dahil kahapon, pagkarating namin ng mansiyon galing palengke, pinuntahan niya ako sa kwadra, napakakulit. Sabi niya ay bukas na ang birthday niya at gusto niya na ang regalo ko sa kaniya ay kiss. Hindi ko rin alam kung ibibigay ko, dahil never been kissed pa naman ako, never been touched, like a virgin. Bahala na. Hindi niya talaga ako tinigilan.
Babangon na sana ako sa higaan ko ng napansin ko ang bulaklak na nakalapag sa mesa ko rito sa kwarto. Kakapitas lang nito kahapon at nanghihina na ito ngayon. Dala naman ng bulaklak na ito ang alaala ng nangyari kahapon.
Sa kwadra, kung saan malapit nang sakupin ng dilim ang liwanag, naghahati ito at ang liwanag ng buwan ay nagbabadya ng ipakita ang kaniyang ganda. Kulay kahel ang kalangitan na sinamahan ng konting kulay rosas, napaka-romantic kung tutuusin. Nakatayo ako sa malapit sa kwadra kung saan naninirahan ang mga alaga kong kabayo. Nakatayo naman sa harap ko ay ang lalaking tumawag sa aking pangalan. Ang kaparehong lalaki na kasama ko kanina sa palengke.
“Sir? Bakit po?” takang tanong ko sa kaniya nang ilang sandali na siyang nakatayo roon na para bang may internal battle syang pinagsasaluhan nila ng kaniyang sarili. “Gabriel” pagtawag niya sa pangalan ko na halos hindi ko marinig dahil sa hina nito. “Sir Nathaniel” pagtawag ko naman sa pangalan niya. Bakit naman parang kinakabahan to na para bang natatae na ang mukha nito.
“IlikedyounoithinkialreadyloveyouI-IdontknowwhatIactually–” “Sir, relax po, masiyado po kayong mabilis, hindi ko po kayo naiintindihan sir eh” pagputol ko naman sa rap nito. “Huminga po kayo ng malalim” sabi ko dito sabay motion sa kaniya na mag inhale exhale gamit ang pagtaas at pagbaba ng dalawang palad ko na, sinunod niya rin naman. “Hooh…Haah…Gabriel” tawag nito sa pangalan ko na sinagot ko din naman ng pagbigkas ko ng pangalan niya “Sir Nathan.”
Humakbang siya papalapit sa akin habang nakatingin lang sa mga mata ko. Tinititigan ko lang rin siya at inaabangan ang susunod niyang gagawin, o sasabihin. “Gabriel, you are an amazing person, everything about you is admirable, you’re courageous. You’re brave. You are a very helpful person. You are beautiful beyond words. Words in the dictionary isn’t enough to describe how beautiful you are” mahabang litanya na tinigil ko naman nang kinabahan ako sa maaring patutunguan nito. “Teka Sir, mapopropose ka o ba?” tanong ko dito at nang marinig niya ito, ang kinakabahan at seryoso niyang awra ay napalitan ng smile at konting pagtawa. “Silly. I was about to confess my feelings to you. Hahaha” “Confess. Ikaw magcoconfess?” tanong ko rito na tinanguan niya. Nakahinga naman ako ng malalim. “Akala ko po kasi magpopropose ka na eh. Okay po, take two take two” sabi ko rito na tinawanan lang niya. “Gusto mo bang diretso na ako propose” sabi niya naman sabay akmang luluhod na sana na agad ko namang pinigilan. “Ay Sir no, okay na po ako sa confess hehe, tuloy nyo na po” nasabi ko lang rito, matapos ay nagseryoso na ulit siya.
“ I wouldn’t make this long. Gabriel, I like you. No scratch that, I think I already love you.“ sabi nito na ikinashock naman ng braincells ko. “You made me feel things that I never felt before. You do things to me that you only can do. You make my heart beat erratically in the way you blush and the way you smile. How I wish that I am the solely reason behind your smiles. I need to get this out of my system. I need to tell you this. You make me like you. You make me love you. Please let me express my feelings to you. Please let me show how I sincerely, deeply, genuinely love you hooh” mahabang litanya nito.
Nakatitig lang siya sa mga mata ko habang binibigkas ang mga katagang galing sa kaniyang damdamin. Sa bawat bigkas niya ng salita ay ramdam ko ang sinseridad sa kaniyang boses. Paano ko bang nagawang magustuhan ng lalaking ito. Mabilis na tumitibok ang aking puso at kasabay nito ang pag-init ng aking mga psingi. Hindi ko alam ang sasabihin ko.
“Sir I appreciate you. You’re feelings are valid. But I need to tell you something. Nanliligaw na po sa akin si Pako” pag-amin ko rito. “Si Juancho?” tanong nito na akin lang tinanguan. Nang hindi siya nagsalita ay nakatingin lang ako sa aking mga paa na nakatapak sa lupang natatabunan ng mga dayami habang hinihintay ang magiging reaksyon niya. “Naunahan pa ako ng loko” ang nasabi nito na ikinaresulta ng pagtingin ko sa kaniya. Nakangisi lang ito. “Gabriel, I’m okay with that, if it’s okay with you too” turan nito sa akin.
Hindi ko naman alam ang sasabihin ko. Hindi pa naman ako naligawan noon, hindi ko alam kung pwede iyon. “Pwede po ba yun? Dalawa ang nanliligaw sa iyo?” tanong ko. “Oo naman, may the best man win, as long as good naman ang intention sa iyo, and as long as wala ka pang napipili. Hayaan mo akong ligawan ka Gabriel. Hayaan mong ipanalo ko ang iyong puso nang ito ay maging akin.” madamdaming sabi niya naman. “Hays, ang ganda ko naman” sabi ko sa aking sarili saka ako natawa sa sarili kong joke. “Okay” pagkibit balikat ko na ikinatuwa niya naman. “Salamat salamat” sabi nito saka akmang yayakap na sana saakin nang piningilan ko ito. “Basta ipangako niyo po sa akin Sir Nathan, na anumang resulta nito ay hindi nito mababago ang samahan niyo bilang magkapatid, na kahit anong mangyari, pipiliin niyo pa rin maging magkapatid kesa sa magkalaban” seryosong turan ko rito habang tinititigan siya sa mata nang sa gayon ay maiparamdam ko sa kaniya ang aking kaseryosohan. Tumango lang siya at agad akong sinunggaban ng yakap.
“Ang saya ko Gabriel. Kung alam mo lang, kaya kong talunin ang buwan sa galak ko” madamdaming sabi nito habang ramdam ko ang init na kaniyang yakap at ang nakakakiliting hininga nito na tumatama sa aking batok. “I have a flower for you” nakangiting sabi nito sabay abot sa akin ng isang puting rosas na alam ko namang pinitas lang niya dahil may tanim na puting rosas sa gilid na kanilang bahay na madadaanan lang naman papunta dito.
Inabot ko naman ito ng nakangiti ng matamis saka inilapit sa aking ilong ang mga talulot nito. Napangiti ako sa amoy nito saka ito inilapit sa aking dibdib sabay tingin kay Nathaniel ng may ngiti sa aking mga mata. “White rose that represents the purity of my intention to you” sabi niya. “Che, pinitas mo lang ito doon no, lagot ka talaga sa hardinero niyo” pagbulgar ko naman dito sabay tawa. Natawa na lang rin siya sabay hilig sa kaniyang ulo sa gilid at akward na ngumiti saka niya ako sinabayan sa pag-tawa.
Napangiti na lamang ako nang bumalik sa akin ang alaalang iyon. “Gabriel, bangon na at mag-aalmusal na tayo. Rinig kong sabi ni nanay sa labas ng aking kwarto sabay katok ng aking pintuan. “Andiyan na po nay” agad ko namang sagot dito saka niya itinigil ang pag-katok. Matapos ang pag-aasikaso namin sa bahay ay mabilis kaming pumunta sa mansiyon.
Pagdating namin sa mansiyon ay busy na lahat ng mga tao. Sa garden gaganapin ang birthday party kaya naman maraming tao ang naroroon at nag-aasikaso. Maraming nakakalat na mga tao, mga mesa, mga upuan, mga tela, at kung ano-ano pang mga palamuti. Ang nabalitaan ko ay beige and white ang theme nung party at mayroon din daw mga bisita si Sir Javier na darating.
“Hoy” panggugulat naman sa akin ni Jelay sa pamamagitan ng pagpulupot nito sa aking braso. “Alam mo narinig ko, may darating daw na mga bisita si Sir Javier, mga friends niya sa Manila, at mga kaklase niya sa America. For sure may mga pogi, sa tingin mo ba Gabriel may magkakagusto sa akin? Magkakajowa na ba ako today? Sana afam, gusto ko yung daks ahh hahaha” daldal na naman ni Jelay. “Magkakajowa ka kung tatahimik ka” pang-aasar ko naman rito saka ako lumakad papuntang kwadra. Sinundan naman ako nito. “Lagi ka nalang imbyerna sa kadaldalan ko, pero ’di nga, sa tingin mo, kaya ba ako walang jowa at walang nagkakagusto sa akin kasi maingay at madaldal ako? Dapat na ba akong magbago at manahimik para magustuhan ako ng tao?” tanong nito. Tumigil naman ako sa paglalakad saka ako humarap sa kaniya.
Bigla naman siyang natahimik at bakas sa mga mata nito ang lungkot. “Jelay, tandan mo, hindi mo kailangan magbago para magustuhan ka ng iba. May mga taong nagmamahal sayo kahit madaldal ka, yung pamilya mo, pamilya ko, ako. Mahal ka namin bilang ikaw. Kung may babaguhin ka man sa sarili mo, yun ay dahil gusto mo at para sa iyo, para sa ikabubuti mo” saad ko sa kaniya. Napangiti naman siya sa sinabi ko na siyang dahilan ng pagngiti ko rin. “Talaga, mahal mo ako kahit maingay ako?” kumikislap ang matang tanong nito sa akin. “Oo na hahaha” sabi ko nalang. “Tsaka may nagkakagusto naman sayo ah” sabi ko saka ipinagpatuloy ang paglalakad. “Ha? Sino?.. Hoy Gabriel, sino?” paghabol nito sa akin nang binibilisan ko ang paglalakad. “Edi si Kadong!” sabi ko rito saka ako natawa. Away bati kasi iyang dalawang iyan, pero alam ko na konting push lang sa dalawang iyan ay baka magkatuluyan pa. “Yung pangit nayun? ’Wag nalang” pagmamayabang naman nito. “Sus choosy ka pa” sabi ko naman rito sabay tawa, umirap lang naman ang lola.
“Hay andito na naman yung feeling maganda, feeling mahaba ang buhok, porket close ang mg amo ay pagalagala na lang” rinig kong sabi ng pamilyar na boses sa may hagdan. Kapwa kami napatingin ni Jelay dito at nakita namin si Dyosa at si Jelly. “Bakit inaaway mo si Jelly kuya, at kumampi ka pa sa pangit na yan” sabi ni Jelay sabay turo kay Dyosa na agad naman umalma “Hoy, pangit ka diyan.” “Deserve niyang awayin dahil ang feelingera niya” turan naman ni Jelly. “Saan na naman ba galing iyan ah?” tanong ko rito. “Tse feeling maganda!” sabi nilang dalawa saka sila tumalikod at umirap sa amin.
“Anyare ba sa dalawang iyon at ang init lagi ng dugo sa akin?” baling ko naman kay Jelay. “Hayaan mo nalang, lumuwang siguro ang turnilyo ng utak noong nagpunta sa Maynila” saad ni Jelay sabay pagtawa nito sa kapatid. “Ano palang ginagawa niya sa Maynila?” tanong ko rito sabay patuloy sa paglalakad papunta sa likod ng mansiyon. “Ah kasi mag-aabroad na yan at may inaasikasong papeles doon sa Maynila” “Ahh ganoon ba” ang nasabi ko nalang. “Sasama ka ba sa’kin sa kwadra?” tanong ko rito ng mapansing hanggang ngayon ay magkasama pa rin kami. Natigil naman siya sa paglalakad, “Hindi” sagot niya. “Lampas ka na gurl” natatawang saad ko na ikinapanic niya naman, “Hala haha sige bye hahaha” tumatawa naman siya sabay tumakbo papuntang kusina.
Ako naman ay ipinagpatuloy na muli ang paglalakad papuntang kwadra ng mag-isa. Konting lakad pa ay kita ko na ng malapitan ang kwadra. Malapit na ako sa gate nito ng may nararamdaman akong kakaiba, na parang may sumusunod sa akin. Sa takot ko naman baka ay multo ito ay mabilis akong naglakad only to stop at my track nung may humawak sa braso ko, malaming ang kamay niya, parang bangkay, nanginginig na sa takot ang buo kong kalamnan ay pinilit ko pa rin ang sarili kong lingunin ito. Dahan dahan akong lumingon at “Waah” “Ahhhhhhhh” “Hahahaha Matatakutin ka talaga Gabriel kahit kalian” Hinampas ko ang braso nito dahil sa inis ko, “Palagi mo nalang akong ginugulat Sir Javier! Nakakainis na!” sabi ko rito. “Hey, hey stop haha, stop na haha, I’m sorry na” turan nito. “Galit na ako sa’yo” sabi ko naman rito sabay talikod sa kaniya at tinahak ang daan papuntang kwadra. “Huwag ka na magalit, sorry na Gabriel ko, kawawa naman ang baby na yan. Patawarin mo na ako, birthday ko naman eh, please” sabi nito habang nakasunod lang ito sa akin.
“Ginamit mo pa talaga ang birthday card ah. Fine” pagsuko ko rito habang nahinto at nakaharap kami sa isa’t-isa. Ngumiti lang naman ito,“Happy Birthday Sir Javier” pagbati ko dito sabay umangat ako saka ko siya hinalikan sa pisngi. Ang kaniyang ngiti ay mas lumapad pa nung hinalikan ko siya. Dahil sa maputi siya ay kita ko ang mabilis na pagkalat ng pula sa kaniyang pisngi. “Gusto ko yung birthday gift mo sa akin ay kiss sa labi” sabi naman nito na hindi na nakuntento. “Kiss mo na ako sa lips, dali na” pamimilit nito. Tinalikuran ko na ito at pumunta na sa kwadra. “Ewan ko sa’yo.”
Taghalian na ng matapos akong magpakain sa mga kabayo nang maisipan kong pumunta sa manisyon para makatulong naman ako roon. Pagkarating ko sa mansiyon ay busy ang lahat, usok galing sa mga niluluto sa labas, mga taong papunta dito at papunta doon, mga naglilinis, nagdedecorate, at nagluluto. Dumiretso kaagad ako sa kusina para doon ay tumulong. Pagkarating ko roon ay napaka busy rin ng mga tao. Nakita ako ni nanay at inaya niya muna akong mananghalian kasabay nila Aleng Milagros at Aleng Tere. Magana naman akong kumain ng masarap na chicken adobo at mainit na kanin, at may dessert pang chismis, hahaha.
Nang matapos kaming kumain ay tumulong ako kay nanay sa kaniyang pagluluto, nagpiprito kami ng lumpiang shanghai at lumpiang toge. Halo-halo na ang amoy rito sa loob, talaga namang nakakabusog, amoy palang. May chef dito sa hacienda at ang niluluto niya ay mga sosyal na mga pagkain, steak ata yun tsaka prawn salvatore kung tama ang pagkakarinig ko. “Mamayang hapon ay ilabas na natin itong mga cooler” rinig kong utos ni Aleng Tere sa mga tao sa kusina na nakatanggap naman ng oo mula rito ang matandang nag-utos. “Hula ko ang laman niyan ay softdrinks at beers” pagkausap ko naman sa sarili ko. “Nay ano pong laman ng mga cooler?” tanong ko kay nanay para malaman kung tama ba ang hula ko. “Mga beer at softdrinks anak” turan ni nanay na siyang ikinangiti ko dahil sa tama ako ng hula. Ibinalik ko nang muli ang atensyon ko sa pagluluto ng lumpia.
Ilang sandali pa ay may nakita kaming pumasok sa kusina at yun ay ang magkapatid pala na Jelly at Jelay. Pagkakita palang ni Jelly sa akin ay tumaas agad ang kilay nito at biglang nagtaray, hindi ko nalang ito pinansin pa at baka mainis ako at masama ko siyang iprito dito sa mga lumpia tutal mukha naman siyang toge. Sa buong durasyon ng pananatili ko sa kusina ay ramdam ko ang pagtataray at pagtitig sa akin ni Jelly. Kapag napapatingin naman ako sa kaniya ay nanlilisik ang mga mata nito at sinisipat ako, napakasama niya kung makatitig. “Ano ba talagang problema nito sa akin.”
Alas singko ng matapos kami sa kusina at sabay sabay naming lahat inilagay sa may venue ang mga pagkain. Nakalagay ito sa stainless na lagayan na gaya sa mga buffet. Pagkarating namin sa garden ay literal na nahulog ang panga ko sa sahig dahil sa ganda ng set-up. May pa arc sa entrance, may pa lights, disco ball sa gitna na hindi pa on malamang, may pa backdraft na may nakalagay na Javier Liam @22 na nakasulat sa silver letterings. Puno naman ng beige at white na palamuti ang buong garden, mula sa mga tela, sa mga bulaklak, at beige na anahaw designs and dried grass, napakaganda ng paligid, lalo na siguro mamaya kung nakasindi na ang mga ilaw.
“Halikana anak at marami pa tayong ilalagay na mga pagkain pagkatapos ay uuwi tayo” pagtawag sa akin ni nanay saka naman ako sumunod rito na bumalik sa kusina. Nakaisang balik pa kami hanggang sa natapos namin nadala ang mga pagkain. Ang mga coolers naman ay ang mga lalakis ng maskulado na lang daw ang magbibitbit nito sa labas. Nang matapos kami ay sabay-sabay na kaming umuwing lahat pabalik sa aming mga bahay para magbihis at maghanda ng sarili. “Anong kulay ng damit mo?” tanong sa akin ni Jelay. “Ahh all white ako” sagot ko rito. “Ako naman ay beige top and white bottom” sabi nito na tinanguan ko lang naman.
Suot ang white pants and sheer o slightly see through polo at nakaayos ang hair ay pumunta na kami sa garden, ni Jelay. Sa harap palang ng mansion ay kita na ang liwanag na nagmumula sa garden. Maraming sasakyan ang nakaparada sa open space sa harap ng mansiyon, marahil ay mga bisita ng pamilya. Umakyat kami ni Jelay saa hagdan ng mansiyon at dumiretso sa garden kung saaan ginaganap ang party.
Kapwa kami napahinto ni Jelay sa may arko at nakatingin lamang sa ganda ng lugar. Mas gumanda pa ito ng dahil sa napakaraming ilaw at ng malaking silver disco ball sa gitna. Masaya at elegante rin ang pinapatugtog na musiko sa may booth na may sound system at may DJ pa, naks ang gara talaga.
Marami na ring mga tao dito, pinaghalong mga trabahador ng hacienda at mga bisita. Ang lahat lahat sa mga bisita ay sumisigaw ng ka engrandehan at kasosyalan. Lahat ay magaganda at guwapo sa mga suot nila. Nakakahanga ang pagdadala nila ng sarili. Talagang mga bisita nga sila ni Sir Javier at kapwa sila galing sa mayayamang pamilya.
“Happy birthday to you, happy birthday to you, happy birthday happy birthday, happy birthday to you! Happy Birthday Javier!” pagkanta ng lahat. Magiliw namang nakikanta sa Sir Javier sa birthday song niya na malaki ang mga ngiti sa labi na umaabot sa kaniyang mata. Ako naman ang naatasang magdala ng isang birthday cake mula sa lamesa at dala sa kaniya sa harapan. Maraming cake sa lamesa at itong puting 2-tier cake na may gold na kandila ang ibinigay sa akin para I blow ni Sir.
Habang kumakanta ay hawak ko lang ang cake gamit ang aking dalawang kamay habang palipat ang tingin sa kaniya at sa dinadaanan ko. Buong pag-iingat kong hinahawakan ang cake para hindi ito malaglag at sayang naman. Nakapalibot ang mga taong kumakanta kay Sir Gabriel. Dumaan ako sa gilid niya para hindi ko naman nahaharangan ang pigura ni Sir Javier mula sa nagvivideo sa harapan.
Mabilis ang mga pangyayari, hindi ako nakapaghanda. Nang malapit na ako kay sir ay may naramdaman akong paa na nakaharang sa dinadaanan ko dahilan ng aking pagtumba. Parang naka slowmo naman ang lahat habang ako ay nalalaglag. Rinig ko ang sigawan ng lahat ng tao. Napapasigaw na rin ako. Nakita ko ring lumapit sa akin si Sir Javier para sana saluin ako. Nasalo nga niya ako, pati rin naman ang cake. Ayun ramdam ko ang pagkakadikit ng aming katawan at ng cake. “Naku naman” I mentally faced-palm.
VEINTICUATRO: Cumpleañero
Birthday Boy
Gabriel
Ang tanging hiling ko lang ngayon ay sana bumukas ang tinatapakan kong lupa at lamunin na ako nito kasama ng kahihiyan na nananalaytay sa buo kong katawan. Amoy na amoy ko ang sugar sa buo kong katawan. Kumalat ang mga icing nito sa mukha ko at sa mukha ni.. Sir Javier! Hawak niya pa rin ako at nakatingin lang ako sa kaniya. Rinig na rinig ko naman ang shock ng mga tao sa nangyari.
“Oops” rinig kong sabi ng isang tao sa likod ko na kilala ko naman ang boses. Lintik, nakakahiya talaga. “Sir I’m sorry po” paghingi ko ng patawad kay Sir Javier habang tinutulungan ang sarili ko na makatayo. Napatingin naman ako sa mga tao at hawak nila ang kanilang mga cellphone at nakavideo ito. Naku ano nalang iisipin nila? Nakakahiya talaga. “It’s okay, it’s okay. Gabriel, it’s okay” sabi ni sir saka niya pinunanasan ang icing na nakatabon sa mata ko.
“Gabriel, okay ka lang?” tanong ni Pako pagkalapit niya na may pag-aalala sa kaniyang gwapong mukha. Tumango lang naman ako sa kaniya dahil hindi ko na alam ang sasabihin ko, hiyang-hiya talaga ako at natatakot ako dahil mukhang na sira ko pa yung party. Sayang din yung cake, 2 tier pa naman iyon. “I’m gonna help Gabriel get dressed kuya. Just take care of them for me” sabi naman ni Sir Javier saka niya hinawakan ang kamay ko. “Guys, I’m sorry for what happened. Let’s just eat and enjoy the party” pagkuha niya naman sa atensyon ng lahat saka naman tumugtog ang music saka bumalik sa pagkain na ang lahat.
Hawak ako ni Sir Javier sa kamay at nakasunod lang ako sa kaniya kung saan niya ako dadalhin. Nakayuko lang akong naglalakakad at nagpapahila kay Sir Javier. Sa aming paglalakad ay hindi ko maiwasang maalala ang mga nangyari kanina bago ang cake disaster.
Sabay kaming papasok ni Jelay sa garden, mula sa entrance ay dumiretso kami sa isang table kung saan naka upo sila nanay at tatay, ganoon rin si Aleng Milagros. Maingay, masigla, at nagkakasiyahan ang lahat. Hinihintay na nga lang namin ang birthday boy para magsisimula na ang party. Speaking of birthday boy, biglang tumahimik ang lahat ng dumating sila. Nakadikit lang ang aming mga mata sa mga taong kakarating lang at sinusundan ang kanilang bawat gallaw. Nakakapang-agaw ng hininga ang kanilang kagwapohan na tila ba perpektong nililok ang kanilang mga mukha ng mga artist nung sinaunang panahon.
Unang pumasok si Sir Alejandro at napaka-gwapo nito sa kaniyang suot na brown tuxedo na pinaresan ng black inner shirt. Nakaayos ito ng buhok at nagiging kamukha niya si superman o si Henry Cavill. Sumunod rito ay si si Sir Nathaniel na lumilitaw ang kagwapohan sa suot niyang all-black suit, nakasuot rin ito ng salamin kaya naman mas nagiging good boy ang look nito. Pangatlong pumasok ay si Pako. Hindi rin naman papahuli ang kagwapohan nito na imposibleng hindi mapansin. Suot niya ay beige suit at white inner shirt at black pants. Ang huli ay ang hindi papatalong star of the night. Suot ang white suit, black shirt at pants. Malaki ang ngiti nito na pumasok at binabati naman siya ng mga tao.
Matapos kausapin ang mga bisita ay pumunta naman siya sa gitna. “Thank you all for coming and celebrating with me tonight. I’m so thankful for joining me as I celebrate my 24th birthday. We’ve all come a long way. I’m just so happy to see your beautiful and handsome faces tonight. Let’s party, have a good night. And enjoy” nagpalakpakan naman ang lahat kasama na rin kami. “Napakagwapo ni Sir Javier ano, kamukha niya talaga yung crush kong thai actor na si Luke Voyage” rinig ko naman si Jelay sa tabi ko. “Hala oo nga, kamukha nga niya si Luke lalo na sa tuwing ngumingiti siya at nawawala ang kaniyang mata sa singkit nito” pagsakay ko naman sa kaniya.
“Gabriel” pagtawag sa akin ni Sir Diego ng makalapit siya sa akin. “Pwede ba akong padala ng isang cake doon sa harap para I-blow ni Sir” sabi niya na sinagutan ko lang ng “Sige po” saka ako tumayo at dumiretso sa lamesa kung saan may apat na cake, kinuha ko yung kulay white na 2-tier cake at ito lang yata ang kaya kung dalhin. Kasabay ng aking paglalakad ay lumapit din ang mga bisita ni Sir Javier at pumalibot sa kaniya sa harapan para makikanta ng birthday song. Nakita ko rin malapit sa may gilid ng backdraft sina Dyosa at Jelay na nakatingin lang rin sa akin saka nagbulungan sa isa’t-isa sabay tingin sa akin ng nakakaloka. Ngumiti din sila at nagmumukha silang mga evil queens sa Disney na may balak na patayin ang mga prinsesa.
Hindi ko na lang sila pinansin pa at nagpatuloy nalang sa aking paglalakad. Nagkatitigan kami ni Sir Javier at nakangiti lang siya sa akin. “I see you checking me out huh” sabi ko naman sa sarili ko nang mapansin kong tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa. Nagsimula namang kumanta ang mga tao saka ako dahan-dahang dumiretso sa pwesto ni Sir Javier at boom! Cake catastrophe.
“Sir I’m sorry po talaga ah, nasira pa tuloy ang birthday nyo” paghingi ko ng paumanhin rito. Nakarating na kami sa loob ng mansiyon at kasalukuyang nakatayo sa baba ng hagdan paakyat sa second floor. Tumigil naman siya sa paglalakad at hinarap ako, binitawan niya ang aking kamay at inilagay ang magkabila niyang kamay sa aking balikat saka ako tinignan sa aking mga mata.
“Gabriel, I said it’s okay. It’s not your fault, it was an accident. Tsaka you didn’t ruin the party, it’s not even ruined” sabi niya saka binigyan ako ng reassuring smile. Ngumiti nalang rin ako sa kaniya. “Salamat po.” “C’mon, let’s get you cleaned” sabi niya sa akin saka kinuha ulit ang aking kamay saka ako hinila papuntang itaas ng stair. Nahihiya man ay hindi na lang ako pumalag pa dahil malayo talaga ang bahay namin mula rito saka hindi na rin mapipigilan si Sir Javier.
Nang makarating kami sa itaas ay napahanga naman ako sa ganda nito. Pinaghalong vintage at modern ang atake ng lugar dito sa itaas. Ngayon pa lang ako nakapunta rito. Kasing-ganda ito ng ibaba. Mayroon rin ditong sariling sala. May TV, sofa, at table na parang sariling bahay ito ng mga Salvador na sila lang ang nakakagamit, kumbaga, mas private dito. Ang sala kasi sa baba ay para sa mga bisitang pupunta dito sa hacienda.
Hindi naman nakaligtas sa aking paningin ang isang family portrait na nakasabit sa itaas na pader na parang accent wall. Napahinto ako at napatitig rito. Naririto ang buo nilang pamilya ganoon na din ang kanilang ina. Napakaganda nito, napaka-mamahalin ang mukha, suot, at ang mga alahas nito. Ethereal ang ganda ng kanilang ina kaya hindi nakakapagtaka kung bakit ang guguwapo nilang magkakapatid. Nakikita ko sa itsura nito ay parang si Dawn Zulueta. Sa litratong ito ay mas bata pa ang magkakapatid na Salvador, sa tantiya ko ay mga nasa 17 taong gulang dito si Sir Javier.
Napahinto rin si Sir Javier nang napahinto ako at tulad ko ay nakatitig na rin siya sa litrato nilang magpapamilya na sobrang saya. “I miss my Mom. Mommy Elena is the best mom in the world” biglang turan ni Sir Javier sa magaang tono na mabobosesan mo naman ang pagkamiss nito sa kaniyang ina. “I was 18 when she died and left me, after that I don’t feel like before. I was lucky I have my brothers that’s why I didn’t fall into depression back then” rinig kong pagkukwento nito. Naka tingin lang ako sa kaniya at basa ko naman ang lungkot sa kaniyang mga mata sa pagsariwa ng mga alaala. Agad niya namang binalewala ang lungkot gamit ang isang ngiti. “Let’s go this way” turan niya saka niya ako hinila papunta sa isang kwarto. Apat na sulok ang palapag, apat rin ang kwarto para sa apat na magkakapatid.
Napakatahimik dito at ang tanging naririnig lamang ay ang tugtog na nagmumula sa labas. Lumapit kami sa isang silid at binuksan niya ang isang malaking pintuan. “Welcome to my room” saad niya saka siya naunang pumasok sa kaniyang silid. “Woah” ang nasabi ko nalang sa aking isipan ng makita ko ang kwarto niya. “Ang laki” ang nasabi ko lang. Parang kasing laki na ata ito ng apat na bahay kubo namin ah, nakabukas pa talaga ang walk-in closet nito. Kulay navy blue at white ang tema ng silid na sakto naman talaga sa vibes ng aking bunsong amo. Inobserbahan ko lang ang kwarto niya habang siya naman ay pumasok sa kaniyang walk-in closet.
Malaki ang kama niya, king-sized, may aircon, may maliit na chandelier, carpeted ang floor sa kaniyang kama at wooden naman ang style ng sahig niya. May naka display rin siyang isang malaking portrait sa itaas ng pader kung saan nakadikit ang kaniyang head board. Napaka-gwapo niya sa litrato, naka topless lang siya at black and white ang kulay ng portrait na para bang isa siyang endorser ng brief. “Here, go take a shower” bitbit niya ang isang towel at mga damit na inilapag niya sa kaniyang kama habang ang tuwalya naman ay inabot sa akin. “All of the essentials are there, I’ll just take a shower at my brother’s room” ang nasabi nalang nito saka tinuro ang cr niya saka ito lumabas.
Pagpasok ko palang sa cr ng kwarto ay unang bumungad sa akin ang kaniyang vanity mirror at dito ko nga Nakita ang aking itsura na punong-puno ng cake. May cake sa damit ko, sa mukha, at sa buhok. Kinuha naman ng aking daliri ang icing na nakalagay sa aking mata saka ito tinikman. “Yum.” Pumasok naman ako sa shower area na pinapalibutan ng glass saka may bath thub pa. Grabe talaga ang mayayaman ano, marami ding mga products dito sa may loob na alam kong mamahalin. Binilisan ko nalang ang aking pagligo dahil napakalagkit na sa pakiramdam ang cake sa katawan.
Matapos akong maligo ay ibinalot ko na ang aking katawan ng tuwalya. Magkaamoy na kami ngayon ni Sir Javier, sana lang hindi siya magalit ano. Mabilis akong lumabas para kunin ang damit na inilapag ni Sir sa kama niya. Meron ditong isang white shirt na may mamahaling tatak, sa pagkakaalam ko Gucci ito, naku, makakayanan ko bang mahiram ito, mukhang napakamahal naman ata nito tsaka wala akong pambayad. Mayroon din akong nakitang isang brief na naka pack pa tsaka isang beige trouser pants na may tatak rin.
Medyo nagulat naman ako nang mag-open ang pinto at iniluwa nito si Sir Javier. Preskong presko itong tignan sa suot niya na button down polo at jeans. “You’re not done yet?” bungad na tanong nito. “Katatapos ko lang po sir eh saka, meron ka ba diyang ibang damit?” tanong ko rito na may pag-aalangan sa boses. “Why, you don’t like what I gave you?” tanong naman nito na agad ko namang inilingan. “Naku hindi po sir, mukhang mamahalin po kasi eh, baka may pambahay ka diyaan sir, yun na lang po ang susuutin ko” sabi ko naman rito na tinawan lang niya, sa pagtawa niya naman ay lumabas ang kaniyang napakatamis na ngiti at nawala ang mga mata nito. “Gabriel, it’s okay, you can wear that, and my pambahay also have brands kaya iyan nalang” sabi nito. “Ay okay po haha, ibabalik ko na lang po” ang nasabi ko nalang. “No no, it’s yours na” ang nasabi nito na tinuldukan na kaya hindi nalang ako nagsalita pa. “You can change there o, sa closet, just close the door, or unless, you want to do something else, tayo lang naman dito” turan nito na may malawak na ngiti at nagtataas-baba pa ang kilay. “Ewan ko sayo.” “I like your smell, smells like me” “ ano po?“ Tanong ko sa kaniya ng narinig ko siyang bumubulong habang papunta na ako sa closet. “Huh?” Ang nasabi niya lang saka siya umiling at ngumiti.
Nakaupo na ako ngayon sa mesa namin nila nanay at kasalukuyan akong kumakain, samantalang sila ay umiinom na ng beer dahil tapos na silang kumain. Si Sir Javier naman ay kasama ang mga bisita nya at masayang nag-uusap. Kumain lang ako ng kumain dahil talaga namang gutom na gutom na ako talaga. Sarap na sarap ako sa lechon, sa crispy nitong balat, mainit na kanin, tsaka malamig na coke, ahhh, best combo meal, ingat ingat nga lang. Marami pang ibang putahe sa plato ko at masaya kong tinitikman lahat. Habang kumakain ako at umiinom sila at nakikijam sa tugtog, si Jelay naman ay ’di pa rin talaga matigil ang kadaldalan. Sinasabi niya ang lahat ng nakikita niyang mag pogi at tinatanong ako kung bagay ba sila, kapag sinabi ko namang oo ay chumichika naman siya about sa magiging future nila, kung ilang anak at kung ano-ano pa.
Sa gitna ng pagkukwento niya about sa gwapong americano na kaibigan ni Sir Javier ay siyang dating naman ni Kadong at napahinto siya sa kadaldalan. “Hi Gabriel, hi Jelay” bati niya. “Uy Kadong” pagtango ko naman rito at “tse” lang ang natanggap niya sa nagmamaganda kong kaibigan. “Itong si Jelay talaga, nagsusungit na naman, sayang yung ganda mo ngayong gabi” pagpuri pa ni Kadong. Bigla namang nag iba ang mood ni Jelay nakarinig lang ng maganda. “Talaga, maganda ako?” tanong ni Jelay sabay lagay ng buhok sa likod ng tenga nito. “Ngayon lang uy” natatawang banat nito na ikinataray na naman ni Jelay hanggang sa nagdaldalan at nag-away nga sila habang ako naman ay kumakain lang at nakikinig sabay natatawa sa kanilang dalawa. “Hoy, hindi pa nga kayo pero kung mag-away kayo ay para na kayong mag-asawa” natatawang turan ko rito saka naman sila kapaa na napasabi ng “Iw” “Siya, asawa? Yuck!” na tinawanan ko lang. Hinayaan ko nalang silang dalawa sa sarili nilang mundo.
Matapos akong kumain ay inilibot ko ang aking paningin sa party. Nagkakasiyahan ang lahat, may iba pa ngang nagsasayawan at nagtatawanan. Nahagip naman ng aking paningin sa ’di kalayuan si Pako. Tumama ang paningin namin sa isa’t-isa at nagkatitigan sa mga mata. Nakatingin din pala siya sa akin, ngumiti naman siya ng pagkatamis-tamis. Tumayo naman ako sa pagkakaupo saka ko siya nakitang nagpaalam sa kausap niyang isang empleyado. Tumingin lang siya sa akin saka ngumiti at umabante ng dahan dahan papunta sa akin. Nakangiti lang rin ako sa kaniya habang malakas na umiihip ang hangin at dinadala nito ang buhok ko. Lumakad ako ng konti saka lumiko papuntang table kung saan may mga dessert. Nang makarating ako sa may cakes ay tumabi sa akin si Pako, may dalang plato saka ito iniabot sa akin. “Ang ganda niyo naman po, bisita po ba kayo?” tanong nito. “Oo, ikaw rin ang gwapo mo, bisita ka din?” pagsakay ko lang sa trip niya sabay kuha ng isang donut at inilagay ito sa plato ko. Kapwa naman kami natawa sa pinagsasabi namin.
“Nakapag dessert ka na ba?” tanong ko sa kaniya, “oo, kanina pa” sagot lang nito saka naglagay ng cupcake sa plato ko. “Ikaw na ba ang icing sa ibabaw ng lollipop ko?” tanong nito na siya namang ikinatanggap niya ng hampas mula sa akin. “Bastos!” pagsaway ko rito na kaniya lang namang tinawanan. “Hahaha, anong bastos dun, ikaw talaga kung ano ano ang iniisip” pagdedeny pa nito. Huli na kita boi. “May we call on, the brothers of our birthday boy to give message to Javier Salvador” rinig naming sabi nung emcee. “Brother daw, lapit ka na dun” paguudyok ko pa rito. “Balikan kita” ang nasabi lang nito saka pumunta sa harap.
Nakita ko namang isa-isa silang lumapit dito. Ilang sandali pa ay may tumabi ulit sa akin. This time, hindi ko gusto ang presensya niya.“Hindi ka talaga nadala ano” panimula nito. “Huwag ka ngang magdidikit sa mga amo natin, para kang linta, dikit ng dikit “ turan nita sa mapangahas na boses. Hindi ko nalang siya pinansin pa at sasakit lang ng ulo ko sa kaniya. Bumalik nalang ako sa mesa namin dala ang mga dessert saka ako nakinig sa mga mensahe nila para kay Sir Javier. “Bro, happy birthday sa’yo. Mahal na mahal kita alam mo iyan, lahat ng baho mo alam ko at ganoon ka rin. Mag enjoy ka lang sa birthday mo. Gusto ko lang malaman mo na masaya ako na naging kapatid kita at ‘ikaw ang pinaka-favorite kong kapatid’ “ ibinulong pa ni Pako ang huling mga sinabi niya pero nakatutok naman sa mic ang bibig niya kaya rinig namin ang tinuran niya na naging sanhi ng pagtawanan ng lahat.
Sunod namang nagbigay ng mensahe si Sir Alejandro. Napaka seryoso ng awra nito, though ngumingiti naman siya, seryoso pa rin talaga ang vibes niya. “Happy Birthday Javier. 22 ka na, hindi ka na baby” panimula nito na tinawanan naman ng lahat. “Lagi mo lang tatandaan na mahal kita at kung ano man ang kailangan mo, nandito lang ako palagi para sa’yo” sunod na sabi nito na ramdam namin ang sinseridad. Nagyakapan naman ang dalawa matapos ang mensahe saka kami nakinig sa susunod. “Hindi ka na raw baby bro. Magtanda ka na ah hahaha. Ahh happy birthday sa iyo. Mahal na mahal kita, nandito lang rin ako palagi para sa iyo. Nandito lang kami para sa abunjing bunjing na yan” nagbaby talk naman sa huli si Sir Nathaniel na tinawan lang rin ng lahat.
Matapos ang pagbibigay ng mensahe ng magkapatid at ng tatay nila para kay Sir Javier ay bumalik na ang tugtog at nagsi-sayawan na ang iilan. Tinapos ko naman ang dessert ko.
Nagpapababa lang ako ng kinain ko ng ilang sandali pa ay may naglapag ng isang bote ng beer sa harap ko. Tumingala ako at nakita ko si Sir Nathaniel, dress shirt nalang ang suot nito at wala na ang suit. “Sir Nathan” bati ko rito. Ngumiti lang ito saka umupo sa katabi kong upuan. Ako nalang kasi mag-isa rito sa table ko eh. “Nathan na lang, I am you suitor now” sabi nito. “Naku, baka sabihin pa ng iba na ang feeling kaibigan ako kapag hindi ako nag sir” sabi ko naman rito. “Hayaan mo sila, saka kaya ko namang ipagsigawan eh na mahal kita at nililigawan kita” pagrarason pa niya. “Yun nga po sir eh, pwede ho bang ’wag na muna nating ipaalam sa mga tao?” tanong ko rito. Ayaw ko kasing may isiping masama ang iba eh. Tumango naman ito saka ngumiti, “Okay, iibahin ko na lang ang tanong, take 2. Ehem ehem. Pwede bang pag tayo lang dalawa or kasama ang mga kapatid ko ay Nathan na lang itawag mo sa akin minamahal kong Gabriel?” tanong nito na ikinatawa ko naman ang pag-adress niya sa akin.
Hindi ko naman itatanggi na kinikilig rin naman ako sa kanila. Tao lang rin naman ako at may nararamdaman rin. Sa gwapo ba naman ng mga ’to tapos ang hilig pang bumanat, ay nako. Ilang sandali pa ay sumunod naman si Pako na umupo sa kabilang tabi ko nang dumating ito sa table namin na may dalang bote ng beer. Nagkuwentuhan lang kaming tatlo habang umiinom ng beer. Nakikisabay lang rin kami sa bawat beat ng musiko sa likod.
Nakadalawang bote na ako ng beer at nararamdaman ko na ang epekto nito pero hindi naman ako nalasing dahil mataas naman ang dosage ko. Nararamdaman ko lang na umiinit ang mga pisngi ko at ang katawan ko kaya nagpaalam ako sa dalawang kong kasama sa table na ako ay magpapahangin na muna.
Naisipan ko namang lumabas ng garden, dahil nasisikipan ako rito sa rami ng nakakalat na tao. Dinala naman ako ng mga paa ko sa harap ng mansiyon. Mahangin dito kaya naisipan ko nalang manatili muna dito. Uupo na sana ako sa hagdan nang may napansin ako. Lalaking nakaupo sa ibabang parte ng hagdan, nakatalikod ito sa akin pero kilala ko na ito, damit pa lang. “Bakit nag-iisa ito rito?” tanong ko sa sarili ko saka ako humakbang papalapit dito. Malapit na ako rito ng mapansin ko ang kamay nitong umangat at pinahid sa kaniyag mata. “Umiiyak ba siya?” tanong ng aking isipan.
“Sir Javier?”
VEINTICINCO: Compromiso con el Centro Comercial
Mall Engagement
Gabreil
“Sir Javier” lumingon siya saka ako lumapit at tumabi ng upo sa kaniya. Pinakiramdaman ko lang siya at nanahimik lang ako. Hahayaan ko na siya ang magsabi ng kung ano man ang nararamdaman niya. Kapwa kami tahimik lang, sa umpisa, eme. Komportable ang katahimikan na pumapalibot sa amin pati ang tahimik at malamig na gabi. May maririnig nga lang na musika sa background dahil malapit lang naman ito. Ilang sandaling katahimikan pa ay nakarinig ako ng buntong hininga mula sa kaniya, mukhang malalim ang pinanghuhugutan.
“Am I really a kid? Like a baby you need to guard 24/7?” sabi niya sa akin sa tonong pinaghalong frustration at pagkalungkot. “I know they said it as a joke, but I know they just don’t want to hurt me with their words by making it a joke. I just think that they really meant what hey said deep inside. Am I a baby Gabriel?” tumingin ito sa akin. “Well, para sa akin naman hindi. Makulit ka lang talaga minsan at energetic pa, laging nakangiti, mga bagay na hindi minamasama ang pagiging bata. Pero iba ang nakikita ng mga kuya mo sa’yo. Bunso ka nila, kaya sa tingin nila ay napakalaki ng responsibilidad nila sa iyo dahil ganoon ka nila kamahal” mahabang pagpapaliwanag ko naman rito.
“Even my dad, he treated me like a baby. He don’t even give me any works dito sa hacienda, it’s just making me feel like I am useless, someone who’s not trustworthy enough to do what responsible people does” madamdaming saad nito tungkol sa ama. “Prove yourself to him” ang tanging alam kong advice rito. “What do you mean?” lumingon ito sa akin ng nagtataka. “Kung hindi mo gusto ang tingin ng mga tao sa iyo, ibahin mo. Patunayan mong nagkamali sila. Na hindi ka baby, at mapagkakatiwalaan ka naman ng mga responsibilidad” sabi ko rito. “And how do I do that?” tanong pa nito. “First, stop thinking like a baby, just like now, instead of asking me what to do, how about find the answers yourself. Minsan ang mga tanong natin ay tayo lang rin ang makakasagot” madamdaming sabi ko rito.
Tumango lang ito saka malayo ang tanaw na tumititig sa itaas. Tila naghahanap ng kasagutan sa likod ng mga tala at ulap. Kapwa kami muli natahimik. Nakatingin na rin ako sa itaas at pinagmasdan ang madilim na kalangitan at sumasabog na liwanag na dala ng mga bato na kumikinang. Kahit ako rin ay may mga tanong sa sarili ko na alam kong ako lang rin ang makakasagot. Hindi ko pa nga lang nakikita iyon at nasa gitna pa ako ng paghahanap ng mga kasagutan.
“Gabriel. I’m sad. Bigay mo na sa akin ang birthday kiss ko para hindi na ako malungkot” sabi nito saka ito nag pout. “Akala ko ba hindi ka na baby?” tanong ko naman rito saka siya tinawanan. “Sige na isa lang naman eh” pangungulit pa nito. “Virgin pa ang mga labi ko. Gusto kong ibigay ang aking first kiss sa taong mahal ko. Hopeless romantic man kung sabihin at napaka Maria Clara ko pero iyon ang simbolo ng first kiss sa akin eh. Dapat espesyal” pag-amin ko naman rito.
“Okay I understand. I won’t make pilit na” ang nasabi lang nito. Natawa naman ako sa aking isipan. Nilingon ko siya, nang makita niya ako ay lumingon na rin siya. Inihawak ko ang aking dalawang kamay sa magkabila niyang pisngi habang nakatingin lang sa gwapo niyang mukha. Singkit ang mga mata nito, mapula ang mga pisngi dahil sa alak, tsaka nakaawang ang napaka gandang labi nito. Ibinalik ko ang tingin sa kaniyang mga mata, nakatitig na rin siya sa sa akin. Dahan dahan kong inilapit ang aking mukha sa kaniya. Nang malapit na ang aming mga ilong ay ipinikit niya ang kaniyang mga mata at dahan dahan na ring lumapit sa akin. Nang tuluyan na siyang makapikit at hinihintay na lang ang gagawin ko ay hinalikan ko siya… sa kaniyang pisngi. Hinalikan ko rin sa kabila. Napamulat naman siya ng kaniyang mga mata saka tumingin sa akin. Hinalikan ko naman ang kaniyang noo, ilong, baba, at balik muli sa pisngi, na para bang humahalik ng mga baby, halik na may kasamang amoy.
Napangiti na lang siya at malimit na natawa. Ang akala niya siguro ay hahalikan ko siya sa mga labi. Binawi ko na ang aking kamay saka kapwa kami nagtawanan. “Yun ah, marami na iyon, baka manghingi ka pa” sabi ko naman rito. “Okay na po” pagsusumamo naman nito.
“So.. you’re a virgin?” tanong nito. “Oo, NBSB ako” sabi ko pa. Parang hindi naman ito makapaniwala. “With that face? You haven’t have any boyfriend?” tanong nito. “Oo. Hindi pa kasi ako handa eh” ang nasabi ko nalang rito. “Pero do you have manliligaw naman?” tanong pa nito. “Oo, nirereject ko na lang silang lahat, ayaw ko pa kasi talaga at hindi ako handa. Pero..” sabi ko naman sa kaniya. “Pero what?” paguudyok niya sa akin. “Ngayon meron na” pag-amin ko rito na nakayuko at parang nahihiya. “Really? Who?” tanong nito na hindi ko maintindihan ang tono, excited ba o ano. “Mangako ka muna na hindi mo sasabihin sa iba” turan ko rito. “Okay” pagsang-ayon niya with matching tango pa.
“Si Sir Juancho at si Sir Nathan” sabi ko rito na ikinagulantang niya naman, “Whaaat?” tinignan niya lang ako para kumpirmahin kung tama ba ang pagkakarinig niya. Tumango naman ako sa kaniya. Napa “oh” na lang ito at napatingn sa kawalan. Hindi ko naman mabasa ang emosyon sa mukha niya, parang may pinagdadaanan siyang kung ano sa isip niya dahilan ng pagka tahimik niya. Hinayaan ko nalang siya mag-isip at baka inaabsorb pa niya ang bagong impormasyong nalaman niya.
“Gabriel?” rinig kong tawag sa akin ng nanay ko sa medyo kalayuan. “Nay! Narito po ako” pagtawag ko naman rito. Lumapit naman sila sa akin kasama si tatay. “Uuwi na tayo anak. Uy ikaw pala iyan Sir Javier, happy birthday ho” pagbati naman ni tatay sa katabi ko. Kapwa kami napatayo ni sir Javier saka siya nagpasalamat. “Tayo na anak, Sir mauna na po kami, maligayang kaarawan ho” sabi naman ni nanay saka sila naunang maglakad ni tatay. “Sunod po ako ’nay” pahabol na sabi ko rito. “Bye sir, mauna na po ako, hiling ko na sana ay mahanap mo na ang kasagutan sa mga tanong mo” sabi ko rito saka ako umisang hakbang.
“Ah, Gabriel, pwedeng isang birthday wish na lang? Pwede mo ba akong Samahan sa Carmen, bukas?” tanong nito. “Aba’y namumuro ka naman yata ng birthday wish mo sir” natatawang sabi ko rito saka siya natawa rin. “Sige na, please?” pagmamakaawa pa ng loko na parang nagpapaawa sa nanay niya na bilhan siya ng tsokolate. Dahil may dinaramdam ito, at bilang kaibigan na rin, tmango na lang ako bilang tanda ng pag sang-ayon ko sa kaniya. “Thank you” sabi nito. Lumapit naman ito saka siya yumakap, ng mahigpit. Napayakap na lang rin ako rito saka ako nagpaalam na sa kaniya.
Linggo ngayon kaya wala kaming trabaho. Ngayon iyong napag-usapan namin ni Javier. Sumama daw ako sa kaniya sa Carmen. “May lakad ka ba ngayon anak?” rinig kong tanong ni nanay nang makita akong palabas ng aking kwarto habang nakasabit ang tuwalya sa aking braso. “Opo nay, inaya po ako ni Sir Javier, samahan ko daw siya sa Carmen” ang sagot ko naman rito sabay upo sa hapagkainan dahil kakain na kami. “Ganoon ba, o sya kumain na tayo” sabi ni nanay saka kami nagdasal tapos ay kumain.
Nakaharap na ako ngayon sa salamin at kasalukuyang tinitignan ang aking repleksyon. Tinatanaw ko kung okay na ba ang itsura ko. Nakasuot ng kulay puting over-sized shirt at blue maong shorts ang lalaking nakikita ko ngayon sa salamin. Litaw na litaw ang kaputian ng aking balat sa suot ko kaya naman naglagay ako kanina ng sunscreen. Bigla namang sumagi sa isip ko ang sinabi sa akin noon ni Jelly. “Hindi ka naman maganda, maputi ka lang” sabi nito.
Nakarinig ako ng ugong ng sasakyan sa labas at bumusina ito kalaunan ng mapatay na ang makina. Isang sipat ulit sa salamin ang aking ginawa at nang makitang ayos na ako ay agad na akong lumabas ng bahay. Nagpaalam naman ako kila nanay at tatay na kasalukuyang nasa labas. “Mag ingat ka anak” sabi ni tatay na tinanguan ko naman. Matapos magmano sa kanila ay dumiretso na ako sa gate kung saan nakita ko ang isang baby blue sport car. “Wow, Ferrari?! Ang ganda naman nito” ang nasabi ko sa aking sarili sa sobrang hanga ko sa ganda at sa mahal ng sasakyan.
Lumabas dito si Sir Javier na mas nakakahang naman ang kagwapuhan. Nakasuot ito ng blue polo shirt at white pants na pinaresan naman ng black belt, black chunky shoes, at naka shades pa. Napakagwapo niya sa kaniyang suot. Ngayon ay convinced na talaga ako na kamukha niya si Luke Voyage. Ibinaba niya ang kaniyang shade saka ko nakita ang kaniyang simgkit na mata na tinitignan ako saka siya napangiti. “God, you’re so beautiful” naging turan nito. Medyo nahiya naman ako sa sinabi niya kaya ako nag blush. Binubulgar talaga ako nitong cheeks ko kapag kinikilig ako tapos ayaw ko pang magpahalata. “Ang gwapo niyo rin po” sagot ko naman rito saka niya ipinakita ang kaniyang million dollar smile.
Kumaway muna siya kila nanay at tatay bilang pamamaalam na sinagot naman ng mga ito. Pumunta siya sa may passenger side saka niya binuksan ang pinto para sa akin saka siya ngumiti. Mas namula naman ang mga pisngi ko dahil dito kaya naman agad na akong pumasok sa loob pagkatapos kong makapagpa-salamat. Mabilis siyang lumibot papuntang driver side saka siya pumasok sa loob ng sasakyan.
Naka-pwesto na ito ngayon sa loob at kasalukyang pinapaandar ang makina. Inilibot ko ang aking paningin habang nagmamaneho na siya. 2 sitter lang ang car na ito kaya kasya lang sa aming dalawa. Napakakomportable ng upuan nito, leather sit. Hindi gaano kalaki ang espasyo sa loob pero kasya naman kami at komportable pa. “Ang ganda po nitong sasakyan niyo” pagpuri ko naman dito na nginitian niya lang. “My dad gave this to me as a graduation gift. This will forever me my baby” sabi nito na proud na ibinahagi ang tungkol sa kaniyang sasakyan.
Napangiti naman ako at naalala ko naman nung gumraduate ako. Masaya naman ako noon kaso nga lang napaisip lang ako na sana mayroon akomg kasamang pamilya, pero kasi wala eh. Mag-isa lang akong umakyat sa stage. Naalala ko pa paguwi ko nun, sobrang saya ko dahil sinorpresa pala ako ng mga kapitbahay ko, pati na rin si Pako. Namiss ko tuloy sila.
Palabas na kami ng hacienda at dinadaanan namin ang field of corns and bed of pineapples sa magkabilang side ng daan. Nang makarating sa malaking gate ay bumukas ito sa tulong ng mga guard, bumusina naman si Javier bilang pasasalamat at nakita ko namang tumango ang mga guard saka kami dumaan. Sinalubong kami ng hindi masiyadong busy na daan kaya madali lang kaming nakaapak dito at kasalukayan binabagtas ang daan papuntang kabilang bayan.
“Saan po pala kayo nag-aral sir?” tanong ko naman rito nang maalala ko ang mga kaibigan nitong mga amerikano noong birthday niya. Stevens Institute of Technology. Located in Hoken, New Jersey“ sabi naman nito. “Whoa” ang nasabi ko nalang sa isipan ko. “How about you?” tanong naman nito sabay lingon sa akin ng mabilis tsaka balik muli sa daan ang tingin. “UP Diliman po” sagot ko naman rito. “Whoa, you must be very intelligent then. I heard student there are very intelligent” papuri naman nito na ikinangiti ko lang.
Tumingin lang ako sa bintana at dito ay nakikita ko ang aming dinadaanan na puro mga puno, mga damo, at puro mga berdeng halaman. Ito talaga ang nagpaparelax sa akin. Mabilis ang pag-usad namin dahil mabilis ang pagpapa-andar ng sasakyan ni Sir Javier. “Malapit na tayo” ang nasabi nito saka kami nagkatinginan at nagkangitian ng mabilisan. Truth be told, tanaw ko na nga ang napaka busy na lugar ng Carmen. Marami na kaming kasalo sa daan na mga sasakyan. Marami na ring mga tindahan at malalaking mga gusali. May nadadaanan kaming mga mall, coffee shop, gasoline stations at marami pang iba. May ganitong klaseng syudad din pala dito sa probinsya. Napakalayo nito ng itsura sa katabing lugar which is ang San Joaquin.
Napatanong tuloy ako sa aking sarili kung saan ba kami pupunta nitong amo ko. Ilang sandali pa ay nakita kong papasok ito sa mall tsaka kami dumiretso sa parking space. Malaki ang mall nila rito. May tatlo itong palapag. Napakaganda rin ng landscape nila dahil napapalibutan ito ng mga halaman at mayroon ding mga palm trees. Napakaganda rin ng architectural design ng mall, very futuristic dahil mostly glass ito at ang billboards nila, instead of tarpaulin, it’s LED! Nang makahinto na kami at settled na sa parking space ay pinatay na niya ang makina saka kami lumabas.
Javier Liam
Gabriel is so cute today. He really looks good in white clothes. I think white is his favorite color. His beauty looks ethereal, he looks so elegant whenever he looks simple. I wanted to open the car for him but he already did it so I just locked my car and side-by-side walk with him into the mall. “What would you like to do first?” I ask him as we enter the entrance of the mall and the cool aircon and the usual mall smell welcomed us. “Akala ko ba sasamahan lang kita, kya nag expect ako na may sadya ka rito” he told me as he looked up to me. Gabriel is not that small, though I am just way taller that’s why he would really look up to me to see my face.
I just smiled at his naïve reaction about our hang-out today. He really is dazzled. “Gabriel, don’t you get it. I am asking you to have a date with me when I ask you to come with me” sabi ko naman rito saka ko pinigilan ang matawa dahil sa ka-cutan ng reaksyon nito. “Ganoon ba?” he asked while he’s about to laugh also. “So where do you wanna go first?” I ask him as we walk. “Ikaw na lang bahala” said Gabriel. I missed the smell of coffee and when I saw Starbuck not so far away from where we’re we, I invited Gabriel. “How about coffee?” his eyes lit up with my question and I instantly knew, he’s a coffee lover. One thing in common: we love coffee.
We stopped by in front of the starbucks and I was about to enter when he grabbed a hold of my arm, stopping me. “Huh?” I looked at him, confused. “Eh kasi, mahal diyan, tsaka wala naman akong dala na pera” he said. I just smiled at him and said, “Don’t worry, I got you” I said as I nudged him to go first which he reluctantly did. We walked side-by-side again and then I put my left arm at the curve in his lower back as we walked, I notice no reaction from him with my action that’s why I get kilig, and can’t stop smiling.
We head to the bar and then we order. “Yung pinakamura lang akin” he faced me. “No, order what you want, take this as a treat from me, okay?” I told him encouraging him to feel no worries at all. “I invited you to a date with me, you’re presence is more than enough, so let me do my part” I told him sincerely which he just smiled then face the barista, ready to order. “Can I have, Café Vanilla Frapuccino” Gabriel said to the guy barista, which I noticed not writing what Gabriel ordered on the paper he holds in his hand, only staring at Gabriel. “Uh hello?” he waved his hand to get the barista’s attention which he caught and immediately lose from some sort of a trance. I know what he just did. He’s got this very wide smile plastered on his face while listening to Gabriel repeating his order while I, feel the crease in my head forming by how my eyebrow keep in touch with each other. Yah I got it, he just lost in trance while looking at Gabriel, well it’s understandable but I don’t like it. I don’t like seeing other people stare at him like that.
“Anong pangalan po Sir?” The barista asked ready to put Gabriel’s name on the cup. “Ga-” I immediately cut off Gabriel while he’s about to tell the guy his name, “Garrite” I finished his sentenced then he look at me questioningly. I looked at him and then I just meaningfully smile. “I’ll have Iced White Chocolate Mocha” baling ko sa lalaki without even lifting any muscle in my face to muster a smile for him. With a poker face, I said, “Gabriel” when he asked me a name to put in the cup. “To go” pahabol ko pa.
We then head to a free table nearby after I made the payment. It didn’t took them long to have our order ready, he then called our names. Gabriel and I head to the bar to get our order.“Enjoy your drink sir. Have a good day ahead!” the barista said, with all smiles, but he only refers to Gabreil and spare me a glance. I hated it. Gabriel then smiled at him. I don’t know but I felt something inside. I had this urge in me to make Gabriel stay away from him and hide him from this boy. I don’t know why I feel this, my heart is heavy, and I don’t know what to do with it. It’s the same feeling I felt when he announced to me about my brothers courtship to him. Gabriel nudged me when he looked at me alarmingly. Then off we go, after I had my coffee.
With the cup on or hand we just walked around the mall. “Grabe ka naman makatitig doon sa barista, para mo namang papatayin” sabi ni Gabriel as he took a sip on his coffee. I didn’t notice I was staring that hard. I just sip my coffee and as the cold taste of white chocolate plus the mocha f*cked my tastebuds down to my throat, I instantly cooled off. I just drink my coffee until I am satisfied with it handling my emotions. We passed by the department store and my eyes instantly lit up like almost immediately. I then excitedly grab Gabriel’s hand then we enter the store.
I find lots of nice clothing, we did a lot of fittings. I also buy Gabriel a shirt, white shirts, which he refuse at first but I won’t accept his refusal thus I chose a shirts for him, also pants. I buy my self a shoes and a sandal. I bought also a matching white tee with Gabriel which is so cute. His is mickey mouse imprinted on the chest part while mine was donald duck in the same position. Shopping really is my stress reliever, it make me so happy. What made me more happy is buying things for Gabriel, and his presence. Marami pa kaming binili hanggang sa pigilan na ako ni Gabriel.
Exiting the department store with lots of paper bags on our hands from different brands we roam again the place. We passed by a lot of food stalls which is so appetizing. We also passed by a gadget center which have tv’s in displays and it’s playing a trailer of a movie and Gabriel stopped by to watch. I watch it with him and actually enjoyed the moment. We even laugh because a seller come to us thinking that we are going to buy but we just declined and get out of their place.
We went to the ground floor to go to the restroom. There’s a huge supermarket there with a lot of people roaming around and doing grocery. We were about to go up stair when we finished from the rest room but there was a small booth there and a saleslady come to us and offered us a free sample as we passed by, I was about to decline it cause it’s not my thing but Gabriel took it and encourage me to get some too. I get one and taste it, it tasted good though. We just look at each other and smile as we ate the free muffin. We also see the girls at the booth giggling at us. “Ang cute niyo naman pong mag jowa!” said the girl who hand us the sample. Gabriel took it by surprise and slightly choked on his food. I laughed at his reaction. After recovering, his cheeks instantly got red. He was about to tell the ladies the truth but I stopped him. “Thank you” I said to the lady and then put my arm around Gabriel’s shoulder then smiled adoringly at him. The reaction of Gabriel and the ladies are priceless. I just smiled at the ladies and bid them goodbye. Nang makalayo kami ay siniko naman ako ni Gabriel dahil sa ginawa ko. I just laugh heartily. I’m happy with what I did, didn’t even feel bad about it.
We then continue to roam around, receiving samples, smiles, and compliment around from people. I still have my arm wrapped around him as we walk. We head to a restaurant and we had our lunch together. We were so busog as we stepped out of the restaurant. We then passed by an ice cream parlor and Gabriel looks so longingly with it so I told him to wait for me which he reluctantly did. I bought a cookies and cream in cone for us then went back to him. He said thank you as he gets the ice cream and continues on telling me that what I did is already too much gasto for him. I just told him again to not worry about it.
Ilang sandaling paglalakad pa, we passed by a gaming center which I excitedly grabbed Gabriel’s hand and then we entered, welcomed by the teenagers dancing to the classic Lady Gaga’s Just dance on the just dance game. “This is going to be fun” I said to my self as the excitement I felt reflected on Gabriel’s angelic eyes.
VEINTISÉIS: Confesión y Puesta de Sol
Confession and Sunset
Javier Liam
We we’re now in the gaming center and currently playing basketball. We’ve had so much fun shooting balls. Nagpataasan kami ng score, but of course I scored more than half of his score. We also did some claw machine which we caught a brown bear stuffed toy. Moreover, we played shooting games, driving games ,and video games. We’re having the best time of our life. We laughed and had so much fun.
We are currently shooting balls on the basketball games when we heard a child crying. “Naririnig mo yun?” Gabriel faced me and stopped at what he’s doing. The cry is getting louder at our position then we searched for it. There we saw a baby boy. He looks like a 4 year old kid. He’s sobbing and we can see his tears mixing with his mucus. I then see Gabriel’s pity eyes when he transfer his look from the child to me. He instantly went for the child and dropped to his knees so that he levels with the kid. I followed suit and heard him consoling the poor kid.
“Shush baby, are you okay? What happened to you?” Gabriel said as he rub the boy’s small back. Then magically, the baby started to calm down and stared at Gabriel while rubbing his nose. He fish his handkerchief from his pocket and wiped the boy’s tears and mucus. “What happened?” I asked him. “I am lost” the boy said while he snuffle. “Kawawa naman to. Asaan kaya ang nanay nito?” Gabriel said while looking out for a possible relative of the boy. “Who are you with?” I asked him again. “M-my m-mommy” he answered and about to cry by remembering his mom. “Shush, baby, don’t cry now okay, we’ll help you find your mommy okay” the boy nods while looking at Gabriel then the boy hugged him, finding comfort from the feeling of despair revolving the poor boy. “I have here a teddy bear, I’m gonna give this to you if you promise you won’t cry anymore” Gabriel said then gives the boy the stuffed bear toy which the kid excitedly and happily accepts. He wiped the tear om his cute little eyes then smiled.
Gabriel stand up then held the boy’s hand trying to look around in case we meet a scurrying mom around the place. “Why don’t we just go to the guards, and surrender the kid?” I suggested trying to ease Gabriel’s creasing eyebrows. “No!” he looked at me almost immediately with a refusal evidently written in his face. “We are going to hand the boy to his mom, and his mom only. Paano natin malalaman kung talagang maihahatid ba talaga siya sa mama niya” Gabriel said then he looked at the kid with a pity eyes. Gabriel had this face of a worried mom or sibling. Someone who looks so responsible. Someone who I am not. The boy just smiles at us and then we instantly melts. I found my eyebrow creasing when the boy looks like someone when he smiles, but I got my head aching when I’m searching in the depth of my brain for the boy’s look alike. I just dismissed the thoughts and helped Gabriel roamed the gaming center.
He just held hands dearly with the kid while we were finding every corner of the arcade just to find the baby’s mom. Nalibot na namin ang buong lugar ngunit wala pa rin talaga kaming nakikita. “Sir Javier, pwede po bang pa-favor” Gabriel turned to me. “Yah what is it?” I asked him. “Pwede po bang pumunta kayo sa costumer service para magpa-page sa nanay ng bata habang ako naman po ay sasamahan tong bata para maglibot at baka kasi makita namin” Gabriel pleased. I nod at him and hugged him goodbye before I scurried my way to the costumer service that we passed by earlier.
Gabriel
Nagkahiwalay kami ng direksyon ni Sir Javier, siya papuntang kaliwa at ako naman pakanan. Sigurado namang malapit lang dito yung nanay nito. Sa liit ba naman ng bata ay maliit lang din ang hakbang nito. Baka naglalakad sila malapit sa arcade at ’di lang napansin nung nanay na nahiwalay na pala ang bata dahil na-attract sa mga games. Itinaga ko naman sa isip ko na hindi ko ibibigay ang bata sa kahit na sino man unless mapatunayan kong nanay niya ito. Tinignan ko ang bata na nakahawak lang sa aking kamay at focus ang kaniyang mata sa kaniyang dinadaanan at hawak nito ang ibinigay kong bear. Ang cute-cute nitong tignan. Hula ko nasa mga 3-4 taong gulang ito. Nang mapansin sigurong nakatingin ako ay napatingin rin ito sa akin. Ngumiti naman ito saka lumabas ang kaniyang dimple at bunny teeth. “Napaka-cute naman ng batang ito” sabi ko naman sa sarili ko. “What will you name the teddy bear?” Tanong lo sa kaniya. “Uhmm, he’s name would be, amm, ah! Melon!” Excited na turan nito. Napakacute talaga. “Why melon? Tanong ko pa. “Be-because I like cocomelon” tingin nito sa akin. Ahh yung nasa online na sikat sa mga bata.
Teka ano nga bang pangalan nito. Kanina pa kami magkasama nito hindi ko man lang alam ang pangalan niya. Yumuko naman ako saka siya humarap sa akin nang maramdamang huminto ako sa paglalakad. “Baby, what is your name?” tanong ko rito. “Zandro!” napatingin naman ako mula sa baby patungo sa babaeng kumakaripas na tumatakbo papunta sa direksyon namin. Puno ng pag-aalala ang mukha nito at parang naluluha na ng makita niya ang batang kasama ko. “M-mommy!” Naramdaman ko naman na kumakawala ang bata sa aking hawak at nang tuluyang matanggal ang pagkakakapit sa akin ay mabilis itong tumakbo papunta sa tumatakbong babae. Nagkita naman sila sa gitna at mabilis na lumuhod ang babae at yumakap sa bata. “Ito na siguro ang nanay niya. Salamat naman” sabi ko sa sarili ko. Hindi na kailangan pa ng pruweba.
Humahangos ang ina nito. Ilang sandali pay ay naghiwalay na sila sa pagkakayakap. Hindi naman ako ganoon kalayo kaya naririnig ko ang pinag-uusapan nila. “Zandro! huhu I lost you baby, I’m so sorry” iyak nung babae. “Don’t cry mommy. I’m here. I’m sorry too” sabi naman ni Zandro habang inilagay nito sa magkabilang pisngi ng nanay niya ang kaniyang maliliit na mga kamay. Nagyakapan muli ang dalawa at dito na napatingin sa akin ang babae. Ngumiti ito sa akin nang makita akong nakangiti rin sa kanila.
Tumayo ang babae saka hinawakan sa kamay ang bata saka sila lumapit sa akin. “Hello, ako si Christine, mommy ni Zandro. Salamat ah” sabi nito sa akin. Pinagmasdan ko ang babae. Maputi ito, maganda, itim ang buhok, at parehas na may biloy sa mga pisngi kagaya ng kaniyang anak. Mag mommy nga sila dahil hawig din sila, parejahang may maliliit at magandang mukha. Ngumiti ako at tinanggap ang inilahad niyang kamay. “Ako naman si Gabriel. Wala yun, masaya akong nakatulong” sabi ko naman rito.
“Napadaan kami diyan kanina sa arcade, nagpupumilit siya na pumasok kami pero sabi ko naman na babalik lang kami at may bibilhin lang ako sa pharmacy ’di kalayuan rito. Ayun, nung bumibili ako ng gamot at magbabayd na sana sa counter, napansin ko nalang na wala na siya sa tabi ko” pagkukuwento ni Christine. “Naku ganoon pala. Hindi naman sa nakikialam ako ano, concerned lang, sana hindi na ito maulit pa. Delikado na kasi ang panahon ngayon, baka kung sino pa ang makakuha dito kay Zandro. Napaka-cute pa naman nito” sabi ko dun sa nanay at hinawakan ko naman ang pisngi ng bata para kurutin saka naman ito humagikik sa pagtawa.
“Naiintindihan ko. Hindi na ito mauulit pa. Tsaka muntik na talaga ako mamatay kanina kakaisip saan na itong batang ito. Siya nalang kasi ang meron ako at hindi ko kakayanin na may mangyaring masama sa kaniya” sabi ni Christine sabay hawak sa ulo ng bata. “Salamat at sa iyo siya napunta” dagdag pa nito. “Paano ba kita mapapasalamatan? Treat kita, kain tayo” pag-aalok ng babae habang malawak ang mga ngiti nito. “Naku salamat na lang. Busog pa kasi ako. Saka pupuntahan ko pa din iyong kasama ko na pumunta sa customer service para ipa-page iyong mommy ng bata” sabi ko na ikinagulat naman nito. “Naku! Ginawa niya talaga iyon. Pakisabi naman ako sa kaniya na salamat ah. Salamat talaga sa inyo” sabi ni Christine na himig sa boses ang kaniyang sinserong pasasalamat. Tumango lang ako sa kaniya saka ngumiti.
Lumuhod ako sa harap ng bata saka ginulo ang buhok nito. “Zandro. Don’t go away from mommy next time okay. Listen to mommy always. Bye bye” sabi ko rito na nginitian lang niya. Itinaas ko naman ang aking palad malapit sa kaniya na kaniya namang ginaya saka kami nag-apir. Tumayo ako saka ako tumuran ng “Bye” sa mama ng bata. “Say bye to kuya Gabriel, Zandro” paguudyok niya naman sa bata. Itinaas ng bata ang libre niyang kamay saka ito ikinaway sabay sabing “Bye bye kuya Gabriel” sa cute na matinis na boses na siya namang ikinalawak ng ngiti ko. Humakbang naman ako paatras at kumaway rin sa kanilang dalawa saka ako tumalikod na at lumakad na dala ang saya sa aking puso dulot ng pagtulong sa mag-ina na magkitang muli.
“Paging paging. A 3-4 year old boy, wearing white shirt and jeans found at the arcade. Finding the mommy” rinig kong anunsyo mula sa speaker ng mall. Napangiti nalang ako saka ko tinahak ang daan papuntang customer service para puntahan ang napagutosan kong si Sir Javier.
Kasalukuyan naming binabagtas ni Sir Javier ang daan pauwi sa hacienda. Naabutan na rin kami ng dapit hapon dahil nag movie pa kami. Pinanood namin iyong nakita naming movie trailer na nakadisplay sa isang tv shop sa loob ng mall. Maganda kasi kaya naengganyo kaming manood, syempre libre niya.
Napansin ko naman na parang hindi siya mapakali. Kanina pa siya nagnanakaw ng tingin sa akin at sa tuwing tumitingin naman ako sa kaniya ay umiiwas siya. Pansin ko rin ang mga namumuong pawis sa kaniyang noo, malamig naman dito sa loob ah. Para siyang natatae at hindi mapirme sa upuan niya. “Sir Javier” pagkuha ko ng atensyon niya “Okay lang po ba kayo?” tanong ko rito. Parang iniisip niya pa kung sasabihin niya ng totoo sa pinapakita niyang ekspresyon. “Bahala na” sabi niya saka kami tumigil. Nagtataka man ay hinayaan ko na lang siya.
Lumiko siya saka kami bumalik sa dinaanan namin, pero ilang sandali pa ay lumiko siyang muli saka ko nakita sa labas na ang daang tinatahak namin ay pataas dahil nakikita ko na rin ang langit na nagkukulay kahel na. Huminto ang sasakyan saka lumabas si Sir Javier. Hindi niya naman siguro ako papatayin dito diba? tanong ko sa sarili ko. Pinagbuksan ako ni Sir Javier ng pintuan saka niya ako inilalayan palabas.
Nawala naman bigla sa isip ko ang pagtataka kung bakit niya ako napiling dalhin dito nang makita ko na sa aking harapan ang dahilan. Napakaganda ng tanawin dito sa itaas. Nakakahanga ang pagsasabog ng kulay kahel, rosas, at pula sa kalangitan. Papalubog na ang araw at nagtatago na ito sa likod ng makukulay na mga ulap. Padilim na rin ang paligid. Madidinig ang mga tunog ng kuliglig sa burol na kinatatayuan namin ngayon. Masayang lumilipad naman sa himpapawid ang mga ibon na silhouette nalang ang makikita. Napabaling naman kay Sir Javier ang atensyon ko ng tinawag niya ang aking pangalan. Nakatingin rin siya sa akin, ng seryoso at may malalim na naiisip.
“Gabriel, naguguluhan ako. Hindi ko maintindihan ang sarili ko, ang nararamdaman ko ngayon. Kanina sa starbucks, nung tinititigan at ngumingiti sa iyo yung lalaki kanina ay parang naiinis ako, ayaw ko ang ginagawa niya. Habang nagsha-shopping tayo at gumagala kahit saan, sobrang saya ko naman. Ang gaan sa pakiramdam na kasama ka, para akong nasa mga ulap at namamahinga. Naeenjoy ko ang bawat oras na kasama ka, at katabi ko. May kuryente akong nararamdaman kapag hawak ko ang kamay mo, kapag naka-akbay ako sa iyo” mahabang litanya nito habang nakatingin lang sa aking mga mata. Para bang hinahalukay niya ang aking kaluluwa sa intensidad ng pagtingin niya. Seryoso siya, alam kong seryoso siya, dahil full tagalog ang ginamit niyang lenggwahe. Iba sa pandinig pag sinasabi niya ang kaniyang nararamdaman in filipino dahil mas ramdam ko ang emosyon na galing sa kaniyang puso. Hindi ko naman alam ang sasabihin ko kaya pinili ko nalang maging tahimik.
“I don’t know what to name my emotions and my actions. I’ve been with girls at the U.S but I never felt this way before, ever. Sa iyo lang. You made me feel jealous, you made me feel happy, and– you show me answers to a lot of questions roaming my mind like a serial killer finding it’s next victim. I-I think I like you Gabriel… Let me understand my feelings towards you. Let me express my feelings for you. I promise to know you more. I promise to understand you. Just let me seek answer to these new question forming inside me. Let me court you” dagdag nito na ikinagulat ko naman.
“You like me?” tanong ko rito na kaniya namang ikinatango. Una si Pako, sunod si Sir Nathan, tapos ngayon si Sir Javier. Baka naman sa susunod nito tatay na nila. Naku. “Pero nililigawan na po ako ng mga kuya mo” sabi ko naman rito. “I don’t care. I’m gonna prove my self to you. I’m not a baby anymore. I promise to make you happy. Just let me have this chance please” mabilis na turan nito.
Napagpasiyahanko naman na gaya ng iba, hindi ko na isasarado ang puso ko sa lahat ng posibilidad. Hahayaan ko na tuklasin ang aking sarili sa pamamagitan ng pag-ibig na alay ng magkakapatid na Salvador. Kaya naman tumango ako. Nakita ko naman na mabilis na gumuhit sa kaniyang mga labi ang mga ngiti na mabilis ding gumapang naman papunta sa kaniyang mga mata. Patakbo niya namang isinarado ang distansya sa pagitan naming dalawa saka ko naramdaman ang mainit na pagdikit ng aming mga katawan. Yumakap na rin ako sa kaniya ng maramdaman ko ang kaniyang nararamdaman sa mahigpit niyang mga yakap. “I promise to make you feel special and loved” sabi nito sa akin habang nakatitig sa bintana papunta sa aking kaluluwa ng magkahiwalay kami mula sa pagkakayakap.
Kapwa naman kami natahimik at napatingin na lang sa papalubog na araw. Napakaromantic ng lugar, parang yung sa mga movie o sa telebisyon kung saan nagdedate ang mga jowa o kaya nagpipcnic habang dinadama ang malamig na hangin at minamasdan ang paglamon ng kadiliman sa liwanag ng araw. Rinig ko ang malalim na paghinga ni Sir Javier kasabay ng malakas na pagdaan ng hanging gabi. Nilalamig na ako at papadilim na talaga. Napansin naman iyon ni Sir Javier kaya naman napagpasiyahan na naming umuwi at ipagpahinga na ang aming puso at isip. Ang haba nga naman talaga ng buhok ko mga dai. Natatawang turan ko sa aking isipan. Mamaya ko na siguro poproblemahin itong magkakapatid. Hahayaaan ko nalang na ibigay sa amin ng tadhana kung sino talaga ang para sa amin. Hays.
VEINTISIETE: Preparación de la Celebración
Preparation of Celebration
Gabriel
Isang mapagpalang araw, masaya ang gising ko ngayon at talagang magaan lang ang aking loob. Lumabas ako ng aking kwarto at dumiretso na sa banyo upang maligo saka naman ako lumabas ng bahay pagkatapos kong magbihis. “Mukhang maganda ang gising mo ngayon anak ah” bati ni tatay, “magandang umaga tay, syempre naman po dahil isang araw na naman ang ipinagkaloob sa atin ni God kaya dapat lang na masaya tayo” sabi ko naman sabay lapit sa kaniya para yumakap.
“Nay” tawag ko naman kay nanay ng makita ko sya sa aming gate na may dala-dala tsaka ako lumapit. “Akin na po” sabay kuha ko ng dala niya. “Naku, salamat anak. Galing iyan kina Lydia, saging” saad niya naman. Tumango lang ako saka ko inilagay sa taas ng mesa sa labas ang saging. “Ang ganda mo ngayon anak ah” papuri ni nanay saka ako tinignan, “Naku nay, matagal naman na akong maganda ah hahahahahaha” biro ko naman sa kaniya saka kami nag si tawanan. “O sya, tara na’t mag sikain na tayo, ako ang nagluto ng ulam ngayon kaya siguradong masarap” tawag naman sa min ni tatay. “Talaga bang masarap yan?” biro ni nanay na siya namang sinagot agad ni tatay, “Syempre, mas masarap pa sa luto mo” tumakbo naman siya agad dahil hinabol siya ni nanay. Natawa nalang ako sa ginawa nila.
Humawi naman sa aking katawan ang malamig na umagang hangin. Masarap din sa balat ang hindi gaanong mainit na sinag na araw at sa tuwing tinatamaan nito ang balat ko ay para na akong salamin sa kinang. Bakit parang mas pumuti pa ako, tanong ko naman sa sarili ko. Siguro ay dahil hiyang talaga ako dito sa hacienda dahil sa sariwa ang hangin at walang polusyon.
Nagpasya na akong pumasok sa loob at dumiretso sa kusina. Masaya kaming kumakain ng almusal ng may sinabi si itay “Malapit na pala ang piyesta ng San Joaquin no” “Ay oo nga, alam mo anak masaya iyon, tsaka masaya rin kami na masusubukan mo iyon ngayon at kasama ka namin” sagot naman ni inay. “Kailan po ba nay?” “ Sa makalawa anak, bale dalawang araw iyon at maraming mga aktibidad“ sagot niya naman sa tanong ko. “Ah ganoon po ba” ngiti ko naman saka bumalik na sa aming pag kain.
Nang makarating kami sa Mansyon ay agad na kaming pumasok, nauna na si inay samantalang ako naman ay inienjoy muna ang paglalakad at sinasariwa ko muna ang paligid. Nang mapagpasyahan ko ng pumasok ay umakyat na ako sa konting hagdan nang may nakasabay akong mama na tila humahangos at naghahabol ng hininga. “Iho, nandiyan ba si Don Lucio Salvador?” tanong nito sa akin, “Ay hindi ko po alam eh, pero titignan ko po kung nariyan siya” sabi ko naman rito. “Ah iho, maaari bang makisuyo sa iyo at pakibigay ito kay Don Lucio, nagmamadali na kasi ako at kailangan na ako sa bayan” ang sabi naman nito sabay abot sa akin ng isang puting sobre. “Sige po, ano po palang pangalan nila para masabi ko po kay Don?” tanong ko rito. “Ako nga pala si Manuel, ang kapitan ng San Joaquin” tinanguan ko naman ito at nginitian na ganoon rin naman sya saka ito umalis at pumunta sa kaniyang naghihintay na sasakyan.
Pumasok naman ako sa loob at agad na hinanap si Don Lucio at natagpuan ko sa loob si Kuya Diego kaya sa kaniya ko na lang ibinigay ang sobre. “Kanino galing to?” “Ah kay Manuel daw po, Kapitan Manuel” “Ah ganoon ba, sige” sagot lang niya na akin lang tinanguan tsaka naman ako naglakad patungong kwadra.
Halos mag iisang buwan na din pala ako dito sa Hacienda at sa loob ng isang buwan ay nakasanayan ko na ang buhay probinsya. Masaya ako dito at magaan ang aking loob. Napakasariwa lang ng paligid at masiyahin at masisipag ang mga tao kaya napakadaling makihalubilo sa kanila. Nae-enjoy ko rin ang aking trabaho at kakaibang saya ang ibinibigay sa akin ng pag-aalaga ng mga kabayo. Isa siguro ito sa mga rason kung bakit ako napadpad dito sa hacienda, ang ma enjoy ko ang simpleng buhay at malayo sa siyudad. Nang makarating ako sa kwadra ay agad ko ng sinimulan ang aking trabaho.
“Magandang araw Gabriel, lalo tayong gumaganda ah” bati naman sa akin ni Mang Ador na kasalukuyan ay hawak si Magnum. “Naku kayo talaga Mang Jun, bolero kahit minsan” natatawang sagot ko rito saka kami tumawa. Pumasok na ako sa loob ng kwadra saka ko kinamusta ang mga alaga ko. Agad akong dumiretso kay Malik. “Malik!” tawag ko dito saka ko hinaplos-haplos ang kaniyang ulo na kaniya naman kinagiliwan sabay ng kaniyang pag ney. Parang excited ito “Maliligo tayo ngayon Malik okay” sabi ko rito na tinanguan naman nito na para naiintindihan ang sinasabi ko. Tumawa naman ako saka ko siya hinila palabas na para siya ay paliguan.
Nasa ikalimang kabayo na ako na si Macho nang may pumunta sa kwadra na isang kasambahay, si Tes. “Gabriel” tawag nito sa akin “Oh Tes? Ano yun?” “Pinapatawag ka ni Don Lucio” sabi nito sa akin. “Ay ganoon ba, sige susunod ako” sabi ko naman rito saka siya tumango at umalis na. “Mang Jun, punta muna ako sa mansion pinatawag daw ako eh” paalam ko kay Mang Jun na kinatango niya lang. Agad naman akong pumasok sa kwadra at kinuha si Malik upang masakyan ko papunta sa mansion. “Tara Malik.”
Nangabayo ako at mabilis naman akong nakarating sa mansyon at pagpasok ko ay hinanap ng aking mga mata si Don Lucio. “Don Lucio, pinapatawag niyo raw po ako?” tanong ko rito nang makita ko ito sa sala. “Ah Gabriel. Puwede ba kitang mautusan sandali?” tanong nito. “Oo naman po, ano po ba iyon?” “Natanggap ko na kasi ang liham ni Kapitan Manuel at ibibigay ko na sana ang aking donasyon para sa piyesta ngunit wala akong mautusan dahil naroon ang ilan sa mga trabahador ng hacienda at tumutulong sa mga tao roon para sa paghahanda sa piyesta ganoon na din ang mga anak ko. Maari mo bang pakidala ito roon?” utos nito.
“Oo naman po, akin na po” sabay abot ko sa isang sobre na makapal ang loob. “Sa sentro mo iyan dadalhin, kay Kapitan Manuel” “Masusunod po” sabi ko rito saka naman ako umalis. Napagpasiyahan ko naman na mangabayo nalang papunta roon. Hindi pa ako nakapupunta sa Sentro pero nakadaan na ako rito kaya naman pamilyar ako kung saan ako pupunta. Excited naman ako dahil first time ko palang makapunta doon. May nakita akong isang straw hat sa may puno malapit sa likod bahay kaya kinuha ko ito para aking maisuot.
Hindi gaanong mainit ngayon kaya ayos lang sa akin na mangabayo. Nakasuot ako ng puting maluwag na pants at puting fitted na shirt na nagpapakita na hulma ng aking katawan. Nang maisaayos ko na ang aking sarili ay sumakay na ako kay Malik at sinimulan ang aming paglalakbay patungong Sentro. Hindi ito gaanong malayo at hindi rin malapit pero kaya lang naman at inienjoy ko nalang ang bawat hampas ng hangin at indayog ng katawan habang pinapatakbo si Malik.
Third Person’s P.O.V
Makukulay na bandiritas, nakangiting mga tao, at mga batang naglalaro ang makikita sa sentro ng San Joaquin. Ang sentro ay parang isang bayan kung saan may parke at malawak ang lugar. Ramdam ang kasiyahan ng mga tao dahil sa mga ngiti nila. May kalakihan ang bayan ng San Joaquin kaya’t marami ang nakikisaya, naghahanda palang ang mga tao ay ramdam na ang kaligayahan.
Sa tuwing gaganapin ang taunang piyesta ay talaga namang hindi magkamaliw sa tuwa ang mga tao, mayroong mga palaro, mga larong pinoy tulad ng palo sebo at agawan ng biik. Mayroon ding mga sports tulad ng basketball, volleyball, at badminton. May mga iba’t-ibang kompetisyon rin tulad ng paggawa ng kubo, parada ng kalabaw, singing and dance competition.
Sa kasalukuyan ay busy ang mga tao, mayroong gumagawa ng kani-kanilang mga kubo, may nagsasabit ng mg dekorasyon tulad ng bandiritas at mga flags, mayroon ding mga naglilinis ng paligid, lahat ay nakatuon ang atensyon sa kanilang mga ginagawa. Ilang sandali pa ay may narinig silang mga padyak ng kabayo na paparating at dahil dito ay napatingin sila sa pinanggalingan ng tunog.
Lahat sila ay namangha sa kanilang nakita, isang binatang lalaki na nakasuot ng puting damit ngunit ang mukha nito ay natatabunan ng salakot. Isang binatang may katamtamang payat na katawan at maputing balat. Tumigil ang puting kabayo sa kanilang harap saka naman tinanggal ng binata ang kaniyang salakot dahilan ng pagkamangha ng mga taong bayan.
Humahampas ang hangin sa maganda at makinis nitong mukha, hinahangin rin ang buhok nitong abot sa kaniyang mga mata. Matamis ang ngiti ng binata at dahil sa may sinag pa ng araw ay parang lumiliwanag ito sa sobrang kaputian. Namangha lamang ang mga tao at tila na bato balani sa taglay nitong ganda na para bang isang dyosa.
“Parang anghel na bumaba sa lupa”
“Kanu, ito na ba ang sundo ko at kukunin na ako ni Lord?”
“Kung ganiyan ba naman ang sundo ko ay siya, sasama na talaga ako”
“Ang gwapo niya”
“Ang ganda niya”
“Gabriel” sabay na sabi ng apat na nagwa-gwapohang lalaki na tulad ng iba ay napatigil rin sa kanilang ginagawa at tila hindi maalis sa binata ang kanilang tingin. Manghang-mangha sila sa taglay nitong kagandahan at kagwapuhan.
Gabriel
“Gabriel” rinig kong may tumawag sa akin kaya nilingon ko ito at dito ko nakita ang magkapatid na Salvador. Bumaba naman ako kay Malik at hinila ito gamit ang tali nito saka iginiya papunta sa kubong kinaroroonan ng aking mga amo.
Ramdam ko ang titig ng mga tao sa akin at nakabantay sa aking bawat galaw. Para akong specimen sa ilalim ng microscope. Hindi ko nalang masiyadong pinansin saka ako naglakad patungo sa kubo.
“Mga Sir, magandang tanghali po” bati ko naman sa kanila. Narito ngayon ang apat suot ang kanilang mga sando at pantalon, silang lahat ay pawis na dahil sa kakapanday ng kubo, may entry din kasi ang hacienda sa kubo competition.
“Bakit naparito ka?” tanong ni Pako na siyang unang lumapit sa akin. “Are you here to see me?” malokong tanong naman ni Sir Javier. “Hindi no” basag ko naman sa kaniya na kaniya lang ikinasimangot. “May pinapahatid kasi sa akin si Don Lucio, ibigay ko daw kay Kap Manuel” sabay pakita ko sa sobreng bitbit ko.
“Ganoon ba, halika at samahan na kita sa tanggapan” aya naman ni Sir Nathaniel. “Hindi, ako nang sasama sayo Gabriel” wika naman ni Pako. “I’ll do it” pag presinta rin ni si Sir Javier ngunit ay bumoses naman si Sir Alejandro “Ako na, dito nalang kayo at tamang-tama may sadya rin ako kay Kap” sabi nito at biglang tumahimik naman sila at wala ng sinabi. Lumabas si Sir Alejandro ng kubo at papunta ito sa akin. Sasamahan ba niya talaga ako? Tanong ko sa sarili ko na tila di makapaniwala at hindi pa ako makagalaw dahil sa pagkabigla.
“Anong pang hinihintay mo, tayo na” biglang wika ni Sir Alejandro noong mapansing hindi ako sumunod sa kaniya. Nagulat naman ako roon “T-tayo na?” napatanong ako. “Oo, tayo na, kaya halika na” Napa hays naman ako sa sarili ko ng maisip ang ibig-sabihin ni sir sa tayo na. Hindi na ako nagpatumpik pa at sumunod na ako kay Sir.
Sa paglalakad namin ay kita at ramdam ko pa rin ang titig sa akin ng mga tao na para bang ngayon lang nila ako nakita, sabagay ngayon lang naman ako nakapunta dito. May kung ano sa mga titig nila na para bang isa akong anghel na bumaba sa lupa. Nakangiti sila sa akin kaya naman ay ngumiti rin ako sa kanila at may iba pang kumakaway sa akin kaya naman kinawayan ko rin. Nahiya naman ako dahil nagfi-feeling artista na ako dito.
Tila nabagalan ata si Sir Alejandro sa lakad ko kaya agad niyang hinawakan ang kamay ko at hinila na siya naman ikinagulat ko at ikinamula ng aking pisngi. Ramdam ko ang init sa haplos ni Sir na siyang kasing init rin ng aking mga pisngi at nagpabilis ng tibok ng aking puso. Parang wala lang naman iyon kay Sir Alejandro kaya ipinagsawalang bahala ko na rin kalaunan at nagpatianod nalang ako hanggang sa nakarating na kami sa barangay hall.
Sabay kaming lumabas ni Sir Alejandro sa tanggapan matapos naming magawa ang sadya namin. Pabalik na sana kami diretso sa may kubo nang may humarang sa akin na isang batang lalaki kaya kapwa kami na pahinto ng aking amo.
“Kuya kuya, ang ganda nyo naman po” sabi ng bata na sa tansya ko ay nasa lima o anim na taong gulang na ito. Napangiti naman ako sa tinuran nito kaya pinasalamatan ko ito. Kita ko rin na nakatingin lamang si Sir Alejandro sa bata. “Pwede ba kita maging jowa?” agad na dagdag nito na kinalag-lag naman ng panga ko “H-ha?” ang nasabi ko rito. Nakatingin rin sa kaniya si Sir Alejandro na parang nagulat rin sa sinabi ng bata.
“Pwede ko ba kayo maging jowa? Ang ganda nyo po kasi tsaka ang pogi din” sabi nito na nakatingin lang sa akin at nakangiti na para bang alam niya talaga ang sinasabi niya. “Hala, naku ah eh” ang nasabi ko lang.
“Hey bata” tawag atensyon ng aking amo sa bata “Siya si Gabriel, matanda na sya at bata ka pa, tsaka hindi mo rin siya pwedeng maging jowa dahil jowa ko na siya, mag jowa kami” sabi sa kaniya ni Sir Alejandro na mas lalo namang nagpalaglag ng panga ko. Kasing laki na siguro ng bowl ang mata ko ngayon sa gulat sa rebelasyon ni Sir. Kami? mag-jowa? tanong ko sa sarili ko. “Naiintindihan mo ba?” tanong nito “Oo po” tanging nasagot lang ng bata na medyo nalungkot.
“Halika na Gabriel” tanging nasabi lang ni Sir Alejandro saka ako hinila, naawa naman ako sa bata kaya bago umalis ay nginitian at kinawayan ko ito na nagpabalik naman ng mga ngiti nito. “Pag laki ko aagawin kita sa kaniya okay!” rinig kong sigaw ng bata na ikinatawa ko naman. Nakita ko na lang na tumakbo na ang bata sa kung saang lupalop man siya galing. Naku mga bata talag ngayon haha.
“Sinabi ko lang iyon para tantanan ka niya” biglang wika ni Sir Alejandro sa gitna ng aming paglalakad tungkol sa sinabi niyang magkasintahan kami “Uhm alam ko po” sabi ko naman rito. Mabagal lang kaming naglalakad at inirerehistro ko sa aking utak ang larawan ng lugar. Busy ang mga tao sa kaniya-kaniyang mga gawain. Talagang kita ko sa kanila ang kasiyahan sa kanilang mga ginagawa na tila ’di nila alintana ang pagod.
Mayroong mga nakakakilala kay Sir Alejandro at kinakawayan niya naman ito na para bang kumakandidato para pagka mayor. Siguro kung tatakbo ito ay for sure kuha na niya ang boto ng mga tao, mayaman na nga mabait pa. Natawa naman ako sa naisip ko at ’di ko napansin nakatingin na rin pala si Sir sa akin baka akalian niyang nababaliw na ako dito kaya hindi ko nalang siya pinansin pa.
Kalmado lang akong naglalakad at patingin-tingin sa paligid nang bigla akong may naramdaman na tumalon sa aking paa kaya naman ay tinignan ko ito ngunit nagulat naman ako ng makita ko ito. Umakyat ang kaba at takot sa akin ng makita ko ang isang palaka na nasa aking paa “Ahhhh f*ck! Yuck yuck ahhhh” nagsisigaw na ako at pilit na winawala ang palaka sa aking paa. Naiiyak na ako sa takot at sa aking pag-iwas ay hindi ko namalayan ay na misstep ko ang paa ko at nadulas ako.
Nanginig ako sa takot sa palaka at hindi ko na inalala ang bagsak ko at pumikit nalang. Hinintay ko ang pagbagsak ko sa lupa ngunit hindi ko naramdaman ang matigas na lupa sa aking likod, instead ay mga malalakas at bato batong bisig ang aking nararamdaman. Sa pag mulat ko ng aking mata ay mga matang nag-aalala ang sumalubong sa akin. Dama ko ang hininga ng aking gwapong amo at amoy presko ito.
Dumoble ang aking kaba at tibok ng puso, mas lalo naman akong namula. “Okay ka lang?” tanong nito sa akin “Ahm okay na po” sagot ko naman. Nang mapansin ang akward naming posisyon ay tumikhim siya at itinayo na ako.
Nang nakatapak na sa lupa ang aking mga paa ay bigla naman akong natumba ulit na maagap rin naman akong sinalo ni Sir Alejandro. “Ah shit” ang nasabi ko na lamang sa masakit kong kanang paa, mukhang na sprain pa yata, malas naman oh.
“Bakit?” bakas ang pag-aalala sa mukha ni sir “mukhang na sprain po yung paa ko sir” ang sakit sh*t. Itinayo niya akong muli saka sya lumuhod at kinuha ang aking kanang paa at tinignan ito, dahan-dahan at puno ng pag-iingat niya itong hihilutin sana “Ouch ouch” daing ko naman dahil sa mas sumakit pa yata. “Sorry sorry!” parang napaso naman si sir kaya mabilis niyang binawi ang kaniyang kamay mula sa pagkakahawak sa aking paa.
Umangat ang kaniyang tingin saakin na may maamong mukha. Mabilis siyang tumayo at namalayan ko nalang na pinahid ng kaniyang kamay ang tumakas na luha mula sa aking mata. “I’m sorry” malalim ang kaniya boses at nakatitig lamang siya sa akin. Hindi ko batid pero gumaan ang aking loob kaya naman ay tumango lang ako. “Kaya mo bang maglakad?” tanong niya sa akin, hindi ko alam kung kaya ko pero tumango na lang ako.
Isang hakbang palang ang ginawa ko ay sumakit muli ang aking paa. “You know what” rinig kong sabi ni Sir Alejandro bago ko naramdaman ang pag-angat ng aking katawan sa ere. Paramg luluwa na sa laki ang mata ko dahil sa gulat sa ginawa niya. Binuhat ako ni Sir Alejandro!!! Bridal Style! Nagwawala ang kalooban ko ngayon sa pinaghalong kaba, hiya, at kilig na nadarama. “Humawak ka” sabi niya sa akin saka siya lumakad na papunta sa kubo.
Inangkla ko nalang ang aking kamay at inilagay sa kaniyang batok para kumapit roon. Pinagtitinginan na kami ng mga tao na siya namang ikinahiya ko kaya ay inilihis ko ang aking paningin mula sa kanila at itinago ang akong mukha sa leeg ni Sir Alejandro ngunit maling move. Talaga naman o oh. Amoy na amoy ko ang pabango at panglalaking amoy ni Sir Alejandro, ang bango niya pa rin kahit may konting pawis.
Ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso ni sir. Kinakabahan din kaya sya? Tanong ko naman sa sarili ko. Tinignan ko siya sa kaniyang mata at ganoon rin siya, nang tumama ang aming mga titig ay agad din kaming nag-iwas. Ramdam ko naman ang pag-init ng aking pisngi dahil dito.
Ilang sandal pa ay narating na namin ang kubo. “Gabriel!” rinig kong tawag nila sa akin. Agad namang nagsilapitan sa amin ang tatlo ko pang amo.“Are you okay?” Nathaniel “What happened kuya?” tanong ni Javier. Dama sa mga boses nila ang pag-aalala para sa akin. “A frog jumped on him and he freaked out. He misstep and got sprained” maikling pagpapaliwanag naman ni Sir Alejandro.
“Iuuwi ka na namin” rinig ko namang sabi ni Pako. “No ako na, you guys stay here” pagpresinta naman ni Sir Alejandro “Naku Sir-” aangal pa sana ako pero nagsalita na Sir Nathaniel, “Sige na Gabriel, pumayag ka na nang sa ganoon ay matignan na iyang paa mo.”
“Take the car kuya” wika naman ni Javier. “Hala sir, paano po si Malik?” sabi ko naman rito. Sabay naman kaming napatingin sa kabayo na nakatingin lang rin sa amin.
“Okay, we’ll ride Malik nalang” suhestiyon naman ni Sir Alejandro. “Sigurado po kayo Sir?” tumango lang siya saka niya ako pinasakay rito. Mabilis naman akong nakasakay sa tulong ni Pako na naka-alalay sa akin saka ako pumwesto na. Tinanggal ni Pako ang pagkakatali ni Malik sa poste at ibinigay sa kuya niya ang tali. Kinuha ito ni Sir Alejandro saka siya umakyat kay Malik. Naku kawawa naman ang Malik ko, malaking tao pa naman itong si Sir, pero kaya lang siguro ni Malik, malaking kabayo rin kasi ito.
“Mag-iingat kayo kuya ah” wika ni Sir Nathaniel. “Pagaling ka Gabriel” sabi naman ni Pako saka siya lumapit sa amin at hinawakan ang kamay ko “Ayos lang ako, ano ka ba, huwag na po kayong mag-alala okay” paglulubag loob ko naman sa mga ito. “We’ll follow after we’re done here” wika naman ni Javier.
Umayos sa pagkakapwesto si Sir Alejandro sa aking likod. Ramdam ko ang init ng kaniyang katawan at ang tigas na kaniyang dibdib. Hindi ko mawari ang aking nadarama at tila bumibilis ang tibok ng aking puso. “Ready?” Nilingon ko siya sa aking likod saka tumango. Tumingin naman siya sa akin at ngumiti. Mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko kaya itinuon ko nalang sa harap ang aking tingin at ilang sandali pa ay lumarga na nga kami. Sabay ng pag indayog ng aming katawan ang ang indayog rin ng aking puso.
Author’s Note: Hello guys! Kamusta ang lahat? Dahil summer na ay nagbabalik na muli ang inyong otor!
VEINTIOCHO: Que Gane el Mejor
May the best man win
Gabriel
I was once showered with love by people because of my looks. Every places I go to, people are fazed with my beauty. I have a lot of suitor back then at UP and I never answered or even entertained one of them. It made me question my self if they only liked me because of my looks, all of them, they were just blinded by the shine of owning me, possessing me.
I made my self boring, I rarely talk and socialize, and I made my self look intimidating just to get rid of the people restricting me with their presence. I lack in terms of love that I received especially from m parents, but I did not let my self to look for love in all the wrong places. The love I am yearning, I provide it myself. I resort to loving myself so that I wouldn’t feel alone and unwanted.
Sa aking pamamalagi dito sa Hacienda ang nagpamulat sa akin na mayroon naman pala talagang tao ang tunay na nagmamahal, sila nanay at tatay, ang mga bago kong kaibigan, at ang tatlo kong manliligaw, shocks may suitor na si bakla. Natutuhan ko na hindi panatilihing sarado ang aking puso kaya naman ay tinanggap ko ang kanilang pag-ibig at hayaan na tumibok muli ang aking puso.
Gaya na lamang ng tibok ng aking puso ngayon. Kasabay ng indayog at padyak ng kabayo ay ang tibok ng laman ng aking dibdib. Hindi ko nalang pinansin pa ang makisig na katawan na nakadikit sa aking likod at sa halip ay itinuon nalang sa harap ang aking atensyon kahit mahirap na hindi iyon mapansin.
Nililipad ng hangin ang aking buhok at ganoon na rin ang mga pag-aalala sa aking isip. Mahangin, magaan, at masarap sa mata ang aking nakikita ngayon. A vast field of greeneries and hints of vibrant wild flowers. Ang lamig sa mata ng natural na kulay ng mundo. Ang sarap sa pakiramdam ng ganito at mapapangiti ka nalang talaga sa sobrang ganda ng paligid.
“Enjoying the view?” rinig kong tanong ng isang mababang tinig sa aking tenga. Ramdam ko ang init ng kaniyang hininga. “Oo ang ganda kasi talaga, walang wala dito ang Maynila” pag-sang ayon ko sa kaniya. “Mas masaya dahil kasama kita” “Ha? May sinasabi po kayo sir?” tanong ko sa kaniya nang hindi ko nakuha ang bulong niya. Tumingin ako sa kaniya at nakita ko siyang napangisi at umiling. May sinabi talaga siya kanina eh, siguro nahihiya lang.
“Namimiss mo ba ang Manila?” tanong nito sa akin. “Ah medyo, nakakamiss rin ang mga nakasama ko doon, pero ayos lang naman ako at masaya dito kaya hindi ko gaanong namimiss ang polusyon doon” tawa ko. Natawa din siya kaya na palingon ako sa kaniya. Ang ganda ng ngiti niya. Ang puti at tila be perpekto ang kaniyang mga ngiti, at kumikinang ang kaniyang mga mata. Nakakahawa kaya’y napangiti na rin ako. Napakakisig nito at lalong nagpapapogi sa kaniya ang kaniya golden tanned skin.
Single kaya to si Sir Alejandro? Sa gandang lalaki nito parang biro naman kung wala itong kasintahan. “Single po ba kayo sir?” napatampal nalang ako sa aking bibig sa gulat nang naisaboses ko pa talaga ang aking katanungan. “Hala sorry po” paghini ko nang tawad. Nakakahiya ka Gabriel.
“Hahahaha” lalaking lalaki ang tawa niya, ang baba ng timbre ng boses. Ang sarap lang pakinggan. “It’s okay don’t worry, It’s a harmless question naman eh” dagdag pa niya. “Uhm yes, single ako ngayon” imporma niya. Talaga ba? Sa gwapo niyang to, single? “Gusto mo tayo nalang?” “Ano yun sir?” tanong ko sa kaniya nang hindi ko ulit narinig ang bulong niya. Kanina pa to ah, bulong ng bulong, papansin ka sir?
“Sabi ko, ikaw, ikaw ba single ka rin?” pagkaklaro naman nito. “Ah oo po sir, sa katunayan nga po niyan eh, no boyfriend since birth po ako” sagot ko sa tanong niya. “Talaga ba, with that face of yours?” balik na tanong nito. I was taken aback with what he said, so nagagandahan siya sa akin? tanong ko sa sarili ko. Ay wait may sinabi ba siyang ganun?
“Bakit po?” tanong ko. “I mean, you’re beautiful, heck you’re even more beautiful than the girls I dated before” casual na sabi ni Sir. Namula naman ako sa compliment niya. Hindi kasi ako sanay na sa kaniya manggaling iyon eh. “Naku sir, marunong din po pala kayong mambola?” tawa ko dito. Napangiti lang siya. “That’s not a joke though.” “Okay sige, sabi niyo eh” pagsawalang bahala ko nalang sa sinabi niya. May konting kilig oo, bakit ba hahaha.
“Pero may nangliligaw po sa’kin ngayon” casual na sabi ko. Biglang huminto ang kabayo kaya nagulat ako at napakapit ng mahigpit sa ulo ni Malik baka kasi mahulog ako “Ha?” tanong niya. “Hmm?” “May suitor ka?” tanong nito. Naku sasabihin ko ba. Ano kayang mararamdaman niya kung sasabihin kong ang mga kapatid niya ang mga manliligaw ko. “O-oo po” sagot ko rito nang nakaharap sa kaniya. “Who?” bigla namang sumeryoso iyong aura niya, yung parang amo na talaga, pero bukod doon ay may napansin rin akong emosyon sa mga mata niya na hindi ko mapangalanan.
Nakahinto lang kami ngayon sa gitna ng damuhan habang hinihintay niya ang aking sagot.
Napag-desisyunan ko nang sabihin nalang. Wala naman sigurong mawawala, tsaka nangliligaw pa lang naman, wala pa naman akong sinasagot sa kanila. “Your brothers” sagot ko. “Three of them?” tanong niya na tila may gulat. Tanging tango lang ang aking naging sagot sa kaniya. Napaisip sya at tila malalim iyon kaya hindi muna ako umimik at hinayaan lang syang i-digest ang sinabi ko.
“Let’s go” ilang sandali pa ay nag-aya na syang lumarga na saka niya hinila ang tali ni Malik sanhi ng pagtakbo nito. Walang nagsasalita sa aming dalawa at kapwa kami tahimik lang sa aming biyahe. Itinuon ko nalang sa harapan ang aking paningin at hinayaan ang aking isip na lumawak nang lumawak.
Ilang sandali pa ay tanaw ko na ang malapad na pader ng hacienda. Matayog ang salitang Hacienda del Salvador sa taas ng may kalaparang gate. Nang marating namin ang gate ay kusa na itong bumukas. Patuloy lang ang takbo namin at sinalubong kami ng malawak na taniman ng pinya at mais. Mas bumilis pa ang aming takbo at sa ilang sandali pa lamang ay narating na namin ang bungad ng mansyon.
Agad na bumaba si Sir Alejandro. Ang akala ko nga ay mauuna na siya at hindi na ako hihintayin dahil sa wala talaga siyang imik at walang kaemo-emosyon ang kaniyang mga mata. Inabot niya ang aking mga kamay at inalalayan niya akong makababa. Kagaya kanina ay binuhat niya pa rin ako na akin namang ikinagulat dahil baka kung anong isipin pa ng mga tao dito sa hacienda.
May trabahante naman nq lumapit sa amin saka ibinigay ni Sir Alejandro ang tali ni Malik saka namin tinahak ang papunta sa loob ng mansyon. Kasalukuyang may mga kasambahay na namamalagi sa loob ng sala at laking gulat ng mga ito nang makita kami sa pintuan. Pansin ang gulat sa kanilang mga mata na tila ba hindi inaasahan na bitbit na tila asawa ng kanilang amo ang isang trabahante ng hacienda. Girl parang luluwa na mga mata niyo. Hmm inggit pikit.
Walang imik ang aking amo at dumiretso lang siya sa may sala saka ako dahan dahang inupo sa may kalakihang sofa. “Pakitawag nga si Diego at si aling Beth. Pakitawag na rin si Kuya Sed para magamot ang paa ni Gabriel, na sprain kasi” dali dali namang sumang-ayon sa kaniya ang tatlong kasambahay at naghiwa-hiwalay ng direksyon para sundin ang utos ng amo.
Nakaupo lang din si Sir Alejandro sa tabi ko at seryosong tinignan ang namumula kong paa. Medyo nalang ang sakit na ramdam ko pero pag ginalaw ko ang aking paa ay sobrang sakit nito. Agad kong pansin ang humahangos na itsura ng aking ina at dali-dali itong pumunta sa aming kinaroroonan. “Anong nangyari anak?” bakas sa mukha nito ang labis na pag-aalala na nagpasikip naman ng aking dibdib.
Nang makarating si nanay sa pwesto ko ay agad naman tumayo so Sir Alejandro. “Na sprain po siya” sabi naman nito na mas lalong nagpatindi ng pagalala sa mukha ng aking tinuturing na ina. Sunod na dumating si Kuya Diego saka si Manong Sed, yung therapist dito. “Anong nangyari?” bungad na tanong nito. Hindi na umimik pa si Sir at umalis na lang ito. Bakas sa kaniyang mukha na malalim ang kaniyang iniisip. Sinundan ko lang ito ng tingin hanggang sa mawala ito nang umakyat ito ng hagdan patungo sa mga kwarto nila.
“Anong nangyari anak?” alalang tanong ng aking ina na nagpabalik sa atensyon ko sa kanila. Agad na lumuhod si Manong Sed sa harap ko at inabala ang sarili sa aking namamagang paa. “Ayos lang po ako.”
Alejandro
I was pretty occupied. I’m digesting what Gabriel said earlier. “My brothers? Courting him? They’re not even gay” I asked my self. “Well, you don’t have to be gay to like someone, even the same sex, you just need to be in love” I answered my own question. Nang maka akyat ako sa second floor ng mansyon ay dumiretso agad ako sa aking kwarto. Binuksan ko ang pinto, closed it using my feet and immediately drop my body to my bed.
I never saw hints of my brothers being in love with the same sex. They’re pretty straight actually. I guess now hindi na. Hmmm Gabriel. Sino ba naman kasi ang hindi mahuhulog ang loob doon. Ang gaan niyang kasama, malalim kung mag-isip at makabuluhan ang mga binibitiwang salita. Matalino din siya both intellectually at emotionally. Sa likod ng strong personality niya ay alam kong may nakatagong isang bata na naghahanap rin ng aruga. Ramdam ko iyon sa kaniya eh. Parang may kulang.
Bukod pa doon ay hindi mo talaga maipagkakaila ang ganda niya. Yung poging lalaki na sa sobrang pogi ay pati mga straight kaya niyang baluktutin. Maputi siya, makinis ang balat, at maganda ang mga ngiti at kinang na kaniyang mga mata. Ethereal, iyan ang isang salita na makakapag describe sa angking kagandahan niya. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit na in love ang mga kapatid ko sa kaniya. Total package na si Gabriel.
Napaisip naman ako sa tuwing magkasama kami. Napabalik sa aking alaala yung kanina, noong nakasakay kami sa kabayo sa gitna ng damuhan, mahangin, at presko, parang nasa isang romantikong palabas lang. At sa tuwing nakikita ko ang mga ngiti niya nahahawa ako at hindi ko mapigilang mapangiti na rin. Malakas ang tibok ng puso ko sa tuwing nakikita ko siya. Ang cliché man sabihin para sa edad kong 28 ay talagang parang buo na ang araw ko makita lang siya. “Corny mo ulol!” wika ko naman sa sarili ko nang natagpuan ko ang aking sariling malawak na ngumingiti habang iniisip siya. Natawa nalang din ako sa sarili ko.
“Magaling na kaya siya?” napatanong ako sa sarili ko nang maalala ang nangyari kanina. Natakot siya sa palaka kaya napatalon siya at nawalan ng balance. Mabuti na lang bago siya bumagsak ay nasalo ko pa siya, kaso nga lang nagka-sprain. Iniwan ko na siya kanina sa may sala kasi puno talaga ang isip ko ng rebelesyon niya tungkol sa panliligaw ng mga kapatid ko at talagang naka tuon lang ako dito.
Akma sana akong bababa para ma tignan siya kaso naisip ko na baka wala na siya roon. Napagpasiyahan ko nalang na magpahinga na lalo pa’t pagod rin ako sa pinapagawa ni papa kanina. Inatasan niya kasi kaming magpanday doon sa kubo na isasaling hacienda sa kubo competition. Magpapahinga na sana ako nang maalalang may mga dapat pa pala akong asikasuhin.
Bumangon na ako sa aking kama at agad na dumiretso sa aking cr dito sa loob. Naghubad ako at sumulong na sa ilalim ng shower which immediately relaxed my body. Therapeutic talaga host shower.
Matapos akong magbihis ay pumwesto na ako sa aking working table para tapusin ang mga paper works ko. Lahat kami ay may kaniya-kaniyang trabaho dito sa hacienda, pwera nalang kay Javier kasi kararating niya lang galing ibang bansa at katatapos niya lang mag-aral at hinahayaan muna namin siyang mag-enjoy.
Ako ang administrative head ng hacienda, basically next to my father. I assess and supervise all the works in the hacienda, from the planting up until the delivery and exports. Everyone basically reports to me. On the other hand, Nathaniel is the supply head, he oversees specifically the crops and the animals here. The planting, sustaining, and harvesting.
Juancho is in-charge naman with the delivery and shipment. He make sure of the quality and quantity of products to be supply to the local market here in San Joaquin and our partners in the province. We are the biggest supplier of agricultural commodities here in the province and we also ship our native crops abroad. Juancho is in charge of that.
Don Lucio is in charge of our human resources and investors, but he is planning to pass that to Javier once he is ready so that he’ll be part of the business. Our father is getting older and since we were a teenagers, he already taught us the basics and the essentials of running the hacienda so that he can pass on the farm to us, but also with the help of our degree I can say we are pretty successful in what we’re doing and we are leading the hacienda to a great path.
I graduated at Brent International School with the degree in Business Administration major in Entrepreneurship. Nathaniel graduated at the University of the Philippines with degree in Agribusiness Management. I actually went UP to get some papers that Nat asked me to get when I bumped into Gabriel, back then he was so masungit pa pero noon pa man ay napansin ko na ang angking ganda nito. Juancho graduated with a degree in Agricultural and Biosystems Engineering in Ateneo and Javier just finished his Agriculture Biotechnology course at the University of California LA, Berkely.
As you see, agriculture and business related ang mga pinag-aralan naming magkakapatid. Hindi naman kami pinakialaman ng papa namin sa mga kursong kukunin namin pero naging malaking factor ang hacienda sa pagpili namin ng course dahil napalapit na ito sa amin saka nakikita namin ang sarili namin dito sa farm.
Pina busy ko na ang aking sarili sa aking trabaho at hindi ko na namalayan pa ang oras.
Rinig ko ang katok sa pinto kaya napabalikwas ako sa kama. Nakatulog pala ako, gawa siguro ng pagod. Ilang katok pa ay ’di na nakatiis ang taong iyon at pumasok na sa loob dahil wala talaga akong gana pagbuksan siya kung sino man siya dahil sadyang komportable lang ako sa aking pagkakahiga.
“Kuya, we’re hanging outside, wanna join?” Javier barged into my room. I just stare at him with my serious face without saying anything “Come on, chill bruh” he said which I just rolled my eyes to. “Sige sige na sunod ako” I dismissed him at bumangon na. Pumunta naman ako sa banyo para mag-ayos at pag labas ko wala na ang bunso kong kapatid.
Third Person’s P.O.V
Ang magkakapatid na Nathaniel, Juancho, at Javier ay kasalukuyang tumatambay sa kanilang malawak na garden sa gilid ng mansyon at naguusap. Kapwa may hawak na bote ng beer. Makikita naman sa mesa sa harap nila ang ilang mga bote ng beer at pulutan nilang steak. Maririnig naman sa background ang chill na tugtugin na kumukumpleto sa vibes. Sumasabay sa lamig ng gabing hangin.
Tawanan lang sila nang mapansin nila ang paparating na bulto ng kuya nila sa may bungad ng garden. Agad na dumiretso si Alejandro sa bakanteng upuan na katabi ni Juancho. “Kuya” tawag pansin ni Juancho sabay abot dito ng bagong bukas na bote ng beer na agad namang inabot ni Alejandro saka nagpasalamat. Agad niya itong nilagok.
“What is this for?” tukoy ni Alejandro sa ginagawa nila ngayon. “Nah just to bond” sagot naman ni Javier. “Matagal na kaya simula noong huli natin itong ginawa, ngayon lang tayo ulit naging kumpleto ano” wika naman ni Nathaniel na sinang-ayunan naman nila.
Ngayon nga lamang sila nagkasama-samang apat dahil ngayon lang umuwi si Juancho matapos itong maglayas ng higit isang taon habang si Javier naman ay umuuwi lang ng Pinas kapag break nito sa eskwela. 2 years ang agwat ng magkakapatid mula sa isa’t-isa kaya natural na close ang apat. 28 ang panganay at kaka 22 lang ng bunso.
The vibe’s chill at puro kwentuhan lang ang ganap ng apat. “You know what guys, I have this classmate at Berkeley” panimula ni Javier na nakuha ang atensyon ng mga kuya niya. Nakatingin naman ang tatlo sa kaniya at hinihintay ang kwento nito “what?” tanong ni Juancho “Chismoso niyo talaga” natatawang saad naman ni Javier saka ipinagpatuloy ang kwento nito. “He’s name is George and he is basically a desendent of King Solomon, freaking King Solomon men!”
“We went to his house sometime and we saw a King Solomon portrait in his house and a replica of crown displayed there, we ask him what’s that for, and he just casually spit he’s related to King Solomon” giliw na kwento ni Javier which his brother’s are baffled. “Talaga ba?” tanong naman ni Alejandro “Yeah, and they are freakin’ rich too” sagot ni Javier. Manghang-mangha naman ang mga kapatid nito sa kwento niya.
“May classmate ako nung college, sa Ateneo, kwento niya sa akin, tumawid daw siya ng kalsada tas nabangga siya ng isang motor, alam niyo ginawa niya, tumayo lang siya agad at umalis, nahiya daw kasi siya hahahaha” kwelang kwento naman ni Juancho na siyang ikinalagpak na tawa naman ng mga kapatid niya. “Whaaattt hahahaha” Javier. “Introverted pa naman yun” natatawang sabi naman ni Juanccho na siyang mas ikinatawa naman ni Javier. Tawang tawa ito na sumasakit na ang tiyan.
Matapos nilang nagtawanan ay kumalma muna sila at nagkukwentuhan nalang sa mga buhay kolehiyo nila. Masaya lang silang nagku-kwentuhan hanggang sa napunta ang usapan nila sa isang partikular na tao.
“Guys let’s talk about Gabriel” panimula ni Pako. “Uhm yeah” - Nathan “What about him?” -Alejandro.
“Nililigawan ko na siya” pag-amin ni Pako sa mga kapatid. “Ulol alam namin, ako nga din eh, nanliligaw na sa kaniya” bulgar ni Nathaniel na siyang ikinagulat naman ni Juancho “Ha?” Ngumisi lang naman si Nathaniel. “Ah guys, me too” pagpresinta naman ni Javier sa kaniyang sarili na ikinagulat naman ng dalawa niyang kuya na kapwa walang kamalay-malay. Lumaki ang mga mata nila sa rebelasyong nalaman.
“Ikaw din?” sabay na turan ng dalawa na bakas ang gulat sa mga mukha. Malawak na ngumisi naman si Javier bilang sagot. “So tatlo na pala tayo ngayon” sabi ni Nathaniel na sinang-ayunan lang ng dalawa. “Sa lahat ba naman ng mga tao kayo pa talaga ang magiging karibal ko?” Natatawang tanong naman ni Juancho na hindi maka-paniwala sa mga kapatid at unti-unting tinatanggap na ang kaagaw niya sa taong minamahal niya ay mga kapatid niya lang rin pala.
Tahimik lang ang kuya nila at nakatingin lang sa kanila. Ngayon niya lang nalaman na wala palang kamalay malay ang tatlo na alam niya ang pangliligaw nila sa taga-alaga ng hayop. “Bakit parang hindi ka nagulat kuya Andro?” baling naman ni Juancho sa nakatatandang kapatid.
“Alam ko na kasi” bulgar niya na sabay-sabay namang napa “Ha” ang tatlo. Natawa naman si Alejandro sa reaksyon ng mga nakababatang kapatid niya. “Inamin ni Gabriel kanina sa akin” sabi nito sabay lagok ng iniinom nitong beer. “Iisang tao lang pala tipo niyo ah” dagdag pa nito. Ngumiti lang ito sa mga kapatid niya.
“Baka naman kuya ikaw din ah” si Javier naman ang nagtanong ngayon. Seryoso lang na nakatingin sa kanila si Alejandro habang ang tatlo ay hinihintay ang magiging sagot nito. “Hindi-” sagot ni Alejandro na ikinatuwa naman saglit ng tatlo at napabitaw sila ng buntong hininga pero laking gulat naman nila nang marinig ang sunod na sinabi nito “-pa.”
“Anong ibig mong sabihin?” tanong ni Juancho na nakakunot ang noo. “I like Gabriel too, noon pa, I find him very interesting because of his authenticity, I like him for that” turan nito. “I plan to confess my love to him and ask him out” he added. Napatingin lang sa kaniya ang mga kapatid niya at lahat sila ay alam na seryoso ang kuya nila sa sinabi nito.
“So, may the best man win?” nakangiting turan ni Javier. Tumango naman silang lahat at sang-ayon sa sinabi nito. Tanggap nila ang challenge sa pagkuha sa puso ni Gabriel at kapwa nila alam na daan patungo roon ay hindi magiging madali. Kapwa desidido at determinado ang apat sa gagawin nila.
Lahat sila ay deserving sa puso ni Gabriel. Lahat sila ay may maibubuga. Guwapo, matipuno, maganda ang pangangatawan, mature, at may sense. Lahat pasok sa banga. Kaniya-kaniyang strategy nalang siguro ang gagawin nilang magkakapatid makuha lamang ang inaasam na matamis na oo ng kanilang nililigawan.
Lahat ay may pantay na tyansa sa puso ni Gabriel. Na kay Gabriel na lang talaga ang huling salita kung sino ba sa apat ang talagang karapat-dapat.
Let the game begin.
VEINTINUEVE: Flor del Amor
Flower of Love
Gabriel
Matapos akong magamot ay pinauwi na muna ako nila nanay at pinagpahinga. Bandang hapon nang makarating ako sa bahay, ako lang mag-isa noon kasi may tinatrabaho pa sila nanay at tatay. Tumambay lang naman ako sa sala at nagpapahangin roon habang iniisip ang mga nangyari nitong mga nakaraang araw. Iniisip ko kung paano nahantong sa panliligaw ang pagkakaibigan namin ng mga amo ko. Dahil hanggang sa ngayon hindi pa rin ako masiyadong makapaniwala, sa itsura ba naman ng mga iyon.
Nang maggabi na ay nabalitaan ng mga kaibigan ko ang nangyari sa akin kaya naman ay dinalaw nila ako rito sa aming bahay. Ang o-oa nga eh, na sprain lang naman ako malayo naman ’to sa bituka kung maka-asta naman sila para na akong mamamatay.
Kasalukuyan kami ngayong narito sa labas ng aming bahay tumatambay. Kasama ko sina Jelay, Andong, at Tonyo. “Ano ba kasing nangyari sa iyo at na lumpo ka?” tanong naman bigla ni Andong. “Grabe ka naman sa lumpo pwede bang na pilay lang?” dagdag naman ni Tonyo na siyang ikinalala pa. “Ano ba kayo, sprain kasi, na sprain siya, ang OA niyo naman” pagsaway pa sa kanila ni Jelay na siyang ikinatawa ko naman. Kahit kalian talaga tong tatlong to eh.
“May dumapo kasing palaka sa paa ko eh, natakot ako kaya ayun, nagtatatalon ako para matanggal iyong palaka” pagsumbong ko sa kanila. “Sus, palaka lang naman pala, natatakot ka doon?” turan ni Tonyo. “Eh kami nga, kinakain namin iyon eh, ang sarap kaya” dagdag pa ni Andong saka sila nag-apir ni Tonyo. “Eh bakit ba, eh sa takot ako doon eh” sagot ko naman sa kanila, “sabagay wala naman palang ganoon sa manila” pagiintindi naman nito sa akin.
“Ano, iinom nalang natin ’yan tara?” pagtawa naman ni Andong. “Kayo talaga, basta inuman ang bibilis niyo, kita niyo namang may dinaramdam ang tao” saway ni Jelay sa dalawa, “oo nga naman Gabriel, inom nalang natin iyan haha” dagdag niya pa na siyang ikinatawa namin, “isa ka pa” suway ko naman.
“Naku baka huwag na muna, inatasan kasi akong tumulong sa pagdidisenyo ng kubo para sa kompetisyon eh” pagdadahilan ko naman “Eh ganoon ba, sige tulungan ka nalang namin, total wala naman kami masyadong ginagawa sa hacienda eh” pag-aalok pa ni Tonyo. Sumang-ayon naman sila, “Oo nga Gabriel” ganoon din si Andong. “Tsaka ipa-pasyal ka din namin sa Sentro, may mga kaibigan rin kami roon, pakilala ka namin” sabi ni Jelay na siyang ikinagalak naman ng dalawa.
Natuwa naman ako sa alok nila kaya agad akong tumango at pumayag “sige, salamat ah” sabi ko naman. “Oo naman ikaw pa ba?” wika ni Jelay. “Oh siya, dito na kami Gabriel, maaga pa tayo bukas” Biglang paalam naman ni Jelay napatayo naman sila at ganoon rin ako. Maayos naman na ang paa ko at nailalakad ko na rin ito. “Sige, salamat sa pagbisita, ingat kayo ha” sabi ko naman sa kanila.
“Syempre naman, ikaw pa ba?” si Andong. “Ayaw mo talagang uminom?” biglang sabat naman ni Tonyo kaya naman nakatikim siya ng batok kay Jelay. Sa tangkad ba naman ni Tonyo ay naabot pa siya ni Jelay, “ikaw talaga, sige Gabriel dito na kami” paalam ni Jelay saka niya pinaghihila ang dalawa kasi gusto talagang uminom. Natawa naman ako sa kanila saka ko sila hinatid ng tingin. Nang maka-alis na sila ay saka naman ako umakyat sa aming bahay saka dumiretso sa aking kwarto saka nagpahinga dahil maaga pa ako bukas.
◇
Kinabukasan, maaga kaming pumunta sa sentro, hinatid kaming apat ni tatay doon matapos niya maihatid lahat ng trabahador doon sa hacienda. Ang kubo competition ng San Joaquin ay matagal nang ginanagawa ng mga tao at nialalahukan ng Hacienda del Salvador. Ito raw ay sumisimbolo sa tatag at tibay ng mga tao at ng kanilang tahanan na kahit anong problema man na dumating sa kanila ay naniniwala silang malalampasan nila ito sa pamamagitan ng bayanihan at pakikipag-kapwa tao.
Huling araw na ito ng paghahanda para sa pista dahil bukas na magaganap ang unang araw nito. Kailangang matapos na namin ang aming kubo ngayon. Pagkarating namin sa sentro ay namangha nalang ako sa ganda nito. Kumpleto na ang bandiritas, mga flags at iba pang mga disenyo. May nakaset-up na rin na maliit na stage para sa gaganaping singing and dancing contest. May pa 1 day league ng volleyball at basketball din kaya naman nakaka excite talaga.
Tuwang-tuwa ako na mararanasan ko ito ngayon kasi doon sa amin eh hindi naman ako masiyadong nakikihalubilo gawa nang nag-aaral ako at nag tatrabaho, pagkauwi ko nga noon sa bahay ay pinadalhan lang ako ng pagkain ng mga kapitbahay ko, yung ilan nga sa kanila ay pinapakain pa ako sa mismong bahay nila, ako naman si gutom, wala ng hiya-hiya G na agad.
“Ganda na ng sentro, bongga ngayon ang pista ah!” sabi ni Jelay pagka-baba namin ng truck. “Dito na kami tay, salamat po ah” pagpapasalamat ko naman rito saka ito bumalik na sa hacienda. “Saang banda ang kubo ng hacienda?” tanong ni Tonyo. “Doon” turo ko naman sa isang kubo roon na may kakaibang disenyo.
Ang kubong tinutukoy ko ay yung kubo na may ordinaryong kubo pero meron itong parang gate pa na kailangan mo pang pumasok para makita ang kubo. Tapos na itong gawin at napanday ng maayos, kay ang gagawin na lang namin ay ang mag disenyo rito.
May apat pa kaming kalaban sa kompetisyon at napapagitnaan iyong kubo namin. Pagkarating namin sa kubo ay may mga halaman na sa loob na amin nalang ididisplay. “Ano guys, start tayo?” masiglang tanong ko naman sa kanila. Agad na kaming kumilos para mabilis kaming matapos.
“Alam mo Gabriel, si Andong tatanga-tanga lang iyan pero magaling iyan gumuhit” biglang wika ni Tonyo na agad namang kinabusangot ni Andong. “Kung maka tanga naman to, ulol parehas lang tayo no,” atake nito sa kaibigan, “pero oo Gabriel, kaya kong gumuhit” pag-imporma naman nito.
Matapos niya itong masabi ay may pumasok naman ideya sa aking isip, “pano kaya kung guhitan natin itong kubo, gawin natig mural” suhesyiton ko “ anong mural?“ takang tanong naman nila nang makuha ko ang atensyon nila, “ang mural ay painting din ang kaibahan lang ay hindi ito sa canvass kundi sa malalaking bagay tulad ng pader, at ngayon gagawin natin sa kubo” masiglang wika ko na ikinatango lang nila at nakita kong nagustuhan nila ito.
“Ano namang ipipinta natin?” tanong ni Andong na initeresado na rin. “Uhm ano nga ba” napaisip naman ako nang biglang nag-suggest si Jelay, “edi yung hacienda.” “Oo nga no, pwede yun” sabi ko.
“Tonyo pakitingin naman kung mayroon bang mga pintra diyan sa loob ng kubo?” tanong ko rito na agad niya namang sinunod, ilang sandali pa ay tumango siya at may nakita siyang mga pintura sa loob saka niya ito dinala sa labas. “Mukhang mahihirapan ata tayo nito Gabriel, kawayan ang kubo eh, mahirap maka-buo ng magandang larawan kung ganiyang ang pagpipintahan.”
“Tapalan kaya natin ng ply-wood, may nakita naman akong ply-wood doon sa likod at iba pang mga gamit.” Agad namin itong tinignan at kasya ang kahoy na aming nakita. Agad naming sinimulang ang aming plano, lagare doon, pukpok dito hanggang sa maayos naming naikabit ang ply-wood at natatabunan na nito ang harap ng kubo. Ang kubo ay may pintuan sa harap at dalawang bintana sa magkabilang gilid nito.
Nang matapos kami ay agad na kaming nagsimula sa pagpipintura, kaming tatlo nina Jelay at Tonyo kasi si Andong ay busy sa paggawa ng sketch. Hinayaan lang namin siya para naman makapag focus ito. Ang una naming ginawa ay ang first or base coat na kulay puti. Nakakapagod pero masaya naman. Madali namin itong nagawa kasi tulong-tulong kami.
Nang matapos ang pagpintura ng puti ay pinatuyo muna namin ito saka kami nagpahinga muna saglit. Bakas naman sa aming mga kamay ang puting pintura, mayroon nga din sa buhok ni Jelay, paano ang kulit kasing mag pintura, ganoon din si Tonyo. Bukod sa bakas ng pintura ay bakas din sa aming mga mukha ang saya, para lamang kaming naglalaro o kaya ay bumalik sa eskwela kung saan gumagawa kami ng school project.
Masaya kaming nagtatawanang tatlo habang nag aarange kami ng mga halaman habang si Andong naman ay seryoso sa kaniyang pagpipinta ng may narinig kaming ugong ng kotse sa labas. Dito ay nakita ko ang pamilyar na kotse ng hacienda. Lulan nito ang dalawang Salvador na matikas na lumabas sa kotse.
Lumabas sa passenger side si Javier, gwapong gwapo ito sa suot niyang simpleng white polo shirt, beige short at black sandal, youthful and fresh ang vibes nito. Mula naman sa driver seat ay lumabas ang nakakakuha ng hiningang kapogian ng panganay na Salvador. Si sir Alejandro ay nakasuot ng puting longsleeve na naka-angat ang dalawang manggas sa kaniyang siko habang nakabukas naman ang unang tatlong butones nito at nakasilip ang kaniyang matipunong dibdid, naka short lang din ito saka shades na itim.
Ramdam kung numipis ang hangin sa paligid at tila hinihigop ito ng dalawang nag-gugwapohang Salvador. Napansin ko naman si Jelay na nakatingin lang sa dalawa at para bang lechon ang nasa harap nito at kulang nalang lantakan niya ito.
“Gabriel” tawag sa akin ni Sir Alejandro sa mababa nitong boses sabay tanggal sa kaniyang shade. “Sir Alejandro, Sir Javier” tawag ko naman sa kanila bilang pagbati, ngumiti lang ang dalawa saka nila pinasok ang aking puso, ay este ang gate ng kubo pala hihi.
“Parang nag-iba ata yung kubo” pansin ni Javier dito saka naka tingin kay Andong na kasalukuyan ay nasa taas ng hagdan at nagpipinta na parang sky ata dahil blue ito. “Ah naisipan kasi namin para ma elevate ang look ng kubo ay pintahan namin ito, saka may talent pala si Andong dito kaya naging possible ang aming naging plano” mahabang litanya ko sa kanila na kanila lang naman tinanguan.
“Magaling ang idea na iyan, baka iyan pa ang magpapanalo sa atin” puri naman ni Alejandro, “May ganiyang talent ka pala Andong” dagdag niya pa habang nakatingin sa pintor, “Oho Don Alejandro” baling nito sa amo saka bumalik na ulit sa pagpipinta.
“I heard you were here daw kaya I wanted to go, and kuya suddenly wants to go also” wika naman ni Javier. “Oh wait, I brought you guys some snacks” masiglang wika nito sabay balik sa kotse at may kinuha ito. Napatingin naman ako kay Sir Alejandro nang napansin ko itong nakatingin lang sa akin. Bigla naman akong naconscious. “Ah, bakit po sir?” Takang tanong ko rito. Parang natulala na kasi siya at halatang-halata na siya na ako ang tinititigan, di man lang umiwas.
“Ang ganda mo” wika nito na para bang ang dali dali lang sa kaniya para sabihin iyon, bigla naman akong nakaramdam ng kung ano sa dibdib ko nang sabihin niya iyon. Nagulat ako sa sinabi niya at kitang-kita ito sa mukha ko, at ganoon din siya, para siyang in trance saka biglang nawala ang epekto kaya parang nagising siya. Na-realize niya yata ang sinabi niya, kaya nagulat siya, “ehem, sorry” sabi niya bigla na parang nahihiya at hindi maka tingin sa akin.
“Nawala po kayo sa character sir” natatawang wika ko naman sa kaniya kaya naman natawa rin siya. Lagi kasi itong cool lang si sir, yung gentleman na nonchalant, parang kalkulado niya ang kaniyang ginagawa at kinikintrol ang kaniyang sinasabi, at ngayon parang nawala siya sa character niya. Pero inaamin ko, na touch din naman ako sa sinabi niya. Naku sir ah, ang ganda ko ba talaga?
“What’s going on here, what are you guys laughing at?” clueless na tanong naman ni Sir Javier nang makarating siya sa kinaroroonan namin dala ang isang paper bag. “Nothing” wika ni Sir Alejandro gamit ang mababang boses at tila bumalik na sa kaniyang character ulit. In-game na naman po siya.
“Give them the meryenda na, guys may dala kami, meryenda muna kayo rito oh” pagtatawag ni Sir Alejandro na siya namang sinunod ng mga kasama ko. Inilapag ni Javier ang paper bag saka nilabas ang laman nito. May dala silang isang 1.5 litter na coke saka loaf ng bread at palaman. Simple lang pero makikita mo sa mga kasama ko ang tuwa, ganoon na rin ako kaya agad kaming nagpasalamat sa mga amo namin. Agad na namin itong nilantakan at masaya kaming nagsalo salo.
◇
“Mga baklaaaa” nagulat ako sa biglang sigaw ni Jelay. Nakita ko naman ang mga sinigawan niya, grupo ito ng magkakaibigan, baka kaibigan niya. Agad na nagsitilian rin ang mga kaibigan niya nang malamang si Jelay ito. Agad na tumakbo si Jelay sa kanilang kinaroroonan at nag group hug sila.
Kasalukuyan kaming nasa Sentro at naisipan naming gumala muna dahil tapos na kami sa trabaho namin sa kubo maliban na lang sa painting. Magkasama kami ngayon nina Sir Javier at Jelay. Naiwan naman sina Andong at Tonyo, kasama din nila si Sir Alejando na may talent din pala sa pagpinta kaya tumulong na rin siya. Ang gwapo na nga ang artistic pa. Ikaw na talaga sir!
Naiwan kami ngayong magkasama ni Sir Javier, nakita naman naming nag-uusap sina Jelay at ng mga kasama niya at napansin kong nakatingin sila sa amin. Basa ko sa kanilang mga ekspresyon ang pagtatanong kung sino kami at bakit kami ang kasama ni Jelay. Sumenyas naman sa amin si Jelay na lumapit daw. Kaya naman lumapit kami, ito siguro yung sinasabi niya kanina na ipapakilala niya ako sa mga kaibigan niya.
Habang papalapit kami ay manghang-mangha naman silang nakatingin sa amin at tila ang iba ay kinikilig pa kay Sir Javier at parang nakadikit na ang kanilang tingin dito. “Gabriel mga kaibigan ko, mga bakla, si Gabriel, kaibigan ko sa Hacienda, dayo galing Maynila” pagpapakilala ni Jelay sa amin. “Hello po” sabi ko sa kanila sabay kaway. Ngumiti naman sila at parang natulala lang sa mukha ko.
Binubuo sila ng halo halong kasarian, may bakla, babaeng bakla, may transexual, at mayroon ding straight. Napaka-diverse ng grupo nila at talagang makulay, bale apat sila. “Ito naman ang amo namin, si Sir Javier, bunso nila Sir Alejandro, galing siyang ibang bansa kaya hindi niyo siya nakikita dito” pagpapakilala rin ni Jelay sa amo namin.
“Ang ganda mo naman gurl, ang kinis pa” pansin naman sa akin nung isang trans sister. Medyo nahiya naman ako kaya ngumiti lang ako, “mas maganda po kayo” sabi ko naman rito na siyang ikinatuwa naman nito, “ay I love you na agad” sabi pa nito na siya namang ikinatawa naming lahat. “Ang pogi niyo naman Sir Javier” puri din nung bakla kay sir Javier at aktong nagpapa-cute naman ito. “Thank you po” sabi rin ni Sir Javier.
“Ang galang naman nitong mga kasama mo Jelay buti hindi nahawa sayo” wika rin nung babae na tinitira naman si Jelay ngayon, “hoy, magalang ako no, tang*na mo po” wika naman nito sa magalang at mahinhing boses na siya namang pinagmulan ng malakas na tawa naming lahat.
“Ah, siya nga pala may pa volleyball si Kap, kulang kami ng isa, gusto mo Jelay” sabi nung trans na Andrea pala ang pangalan. “Heh, alam mo namang hindi ako marunong niyan tsaka takot ako sa bola no” sagot naman ni Jelay. “Ano ba iyan, Kahit kailan talaga wala kang ambag sa amin” wika pa nito, “Hoyyy meron kaya, kagandahan” sagot pa ni Jelay na talaga namang hindi magpapatalo.
Nagsitawanan lang ang lahat sa debate nung dalawa, nang tumigil na ang lahat ay bumoses naman iyong lalaki na nasa may likuran, “Si Gabriel kaya?” tanong nito habang na sa akin ang tingin. Kanina ko pa siya napapansin, nakatingin siya sa akin at parang nagpapapogi. Okay naman ang itsura niya pero pass. Mas pogi yung mga manliligaw ko haha.
Napatingin naman sila sa akin at tumingkad ang kanilang mga mata na para bang ako na ang solusyon sa lahat ng mga problema nila. “Gabriel naglalaro ka ba ng volleyball?” baling sa akin ni Jeneva, yung bakla. “Ahh oo, dati” sagot ko naman. Naglaro kasi ako noon, nung highschool, matagal-tagal na rin kasi hindi ko na ito ipinagpatuloy nung nag kolehiyo na dahil pokus ako sa academics.
“Yun!” cheer nila. “Gusto mo bang sumali? Kulang kasi kami ng isang player” si Dalia, yung babae naman ang nagtanong. Napaisip naman ako, kaya ko ba, kinakabahan na tuloy ako, pero naisip ko na nandito na rin naman ako, might as well join nalang. Maagap silang nag antay sa magiging sagot ko, nakatingin lamang sila sa akin na tila ba nagmamakaawa na sa akin na pumayag ako.
“Sige” sagot ko saka naman sila nagsipalakpakan. Napuno ng kagalakan ang tindahan na tinatambayan namin dahil sa nakumpleto na nga ang team. “Bukas ang laro Gabriel, sa hapon, tsaka yung jersey natin, bukas ko na lang ibibigay sa iyo okay” wika ni Andrea. Tumango lang ako sa kaniya bilang pagsang-ayon.
“Gabriel, let’s go” biglang bulong sa akin ni Sir Javier, napatingin naman ako sa kaniya at tila ba nag-iba ang mood nito. Baka na left-out. Dahil sa masunurin akong empleyado ay pinili kong sundin nalang siya, baka maghasik pa ito ng lagim dito. Hindi na ako nagtanong pa kung bakit gusto niya ng umalis. “Ah sige guys, una na po kami” paalam ko naman bigla sa kanila. Pumayag naman sila kaagad saka kami umalis na, si Jelay naman ay mananatili pa roon sa kanila at babalik nalang siya maya-maya.
Kasalukuyan naming tinatahak ang daan pabalik sa kubo ng tahimik lang. “Anong nangyari sa iyo bakit nakabusangot ka naman diyan?” tanong ko sa katabi ko nang napansing wala itong imik at wala sa mood. “I hate the way that guy looks at you?” pag-amin nito saka tumigil sa paglalakad at hinarap ako.
Napaisip naman ako sa sinabi niya at dito pumasok sa isip ko yung lalaking kaibigan ni Jelay, pansin ko nga rin ang kakaibang tingin nung lalaki, Aron ata yung pangalan non. “Aron?” tanong ko kay Javier. “Yeah, he looks like he’s into you” pag amin pa nito. Natawa naman ako sa reaksyon nito, ang cute niya palang mag selos, “nagseselos ka ba doon?’ tanong ko na natatawa. Hindi ko naman inaasahan ang naging sagot niya, in fairness ha, ang honest din nitong si Sir Javier talaga. “Oo” sagot nito.
“Marunong ka palang mag-selos, eh yung nalaman mo ngang nangliligaw na sa akin ang mga kuya mo eh nangligaw ka pa rin” sabi ko naman sa kaniya na natatawa. “Oo nga no” sabi niya naman na nagpa-dagdag pa ng tawa ko hanggang sa natawa na rin siya.
Nang matigil kami sa pag tawa ay nakatingin lang sa akin si Sir Javier hanggang sa napansin kong lumampas sa akin ang kaniyang tingin at nasa likod ko na ito. Agad niyang pinuntahan ang kaniyang nakita na aking naman ipinagtaka. Sinundan ko siya ng tingin at wala naman akong nakitang tao sa likod ko. Nakita ko siyang yumuko at may kinuha sa ground, nakatingin lang ako sa kaniya na labis ang pagtataka dahil hindi ko makita ang kaniyang kinuha dahil nakatalikod siya sa akin.
Hindi ko naman mapigilang ang ngiti sa aking mga labi nang humarap sa akin si Sir Javier at may dala itong bulaklak sa kaniyang kamay, at daisy ito! Isa ito sa mga paborito kong bulaklak. Nakatingin lang rin siya sa akin at nakangiti habang naglalakad papunta sa akin. Habang naglalakad naman siya ay tila ba bigla nalang nag blur ang background at tanging siya lang ang nakikita ko.
Dahan dahan siyang naglakad papunta sa akin, pero kabaliktaran naman ang tibok ng puso kong, parang atatakihin na yata ako sa sobrang bilis ng pintig nito. Nakatingin sa akin si Javier na para bang nakikipag-usap ang kaniyang mga mata, parang naghahayag ng pag-ibig. Ngumiti siya sa akin labas ang kaniyang pantay tat mapuputing ngipim na lalo namang nagpa-gwapo sa kaniya.
Nakangiti lang rin ako sa kaniya habang pinagmamasdan siya, at kung may salamin lang ako ngayon, makikita ko talaga ang pula ng aking mga pisngi, alam ko yun, ramdam ko kasi ang pag init ng mga ito. Hindi ko namalayan ay nakarating na pala siya sa harap ko. Hinaplos niya ang aking mukha saka niya inilagay sa likod ng aking tenga ang aking bangs na hanggang sa taas ng mata, at dito niya inilagay sa aking tenga ang bulaklak na kaniyang pinitas.
“Ang ganda mo Gabriel” wika nito sa malamyang boses na may hagod ng pagmamahal. Kinilig naman ako sa mga pinaggagawa niya. Mas lalong lumala naman ang pag-init ng aking mga pisngi. Pero siyempre dahil dalagang pilipina ako, pakipot pa rin ako. “Dami mong alam” pagtawa ko. “Halika na nga” dagdag ko pa sa kaniya saka naunang maglakad, nahihiya kasi ako sa sobrang kilig. “Uy kinilig” sabi niya na mas lalo namang nagpatawa sa akin saka ko mas binilisan pa ang paglalakad.
TREINTA: Celebrando la Fiesta de San Joaquín
Celebrating the Feast of San Joaquin
Gabriel
Ngayon ang araw ng piyesta ng San Joaquin. Maaga kaming nagising, 5:30 palang ay tapos na kaming mag-almusal at kasalukuyang naghahanda na papuntang hacienda. May handaan kasi sa Hacienda kaya maaga ang mga tao para tumulong sa pagluluto at paghahanda. Malaki ang araw na ito para sa amin at para sa taong bayan, ang araw na ito ay ang kinahihintay ng lahat. Ramdam ko ang sigla ng bawat isa at makikitang ganadong ganado ang lahat ngayon.
Kasalukuyan akong nasa aking kwarto at nakaharap sa salamin, tinititigan ang aking mukha at pinapasigla ang aking sarili. Naging routine ko na rin kasi ito, ang i-motivate ang aking sarili para maganda ang takbo ng aking araw. Dapat positive lang. Balot na balot ang aking katawan ngayon, nakasuot kasi ako ng maluwang na pants tsaka long sleeve, malamig pa kasi ngayon tapos mamaya ay iinit. Lumabas na ako agad nang marinig ko ang pagtawag sa akin ni tatay Ador.
“Sir Nathan?” Bumungad sa akin ang maaliwalas at gwapong mukha ni Sir Nathan paglabas ko ng aming bahay. Kasalukuyan siyang nagkakape kasama ang aking tatay. “Magandang umaga Gabriel” nakangiting bati niya sa akin. Napakatamis ng kaniyang mga ngiti at umaabot ito sa kaniyang nagniningning na mga mata kaya naman ay napangiti rin ako.
“Magandang umaga po Sir Nathan. Naparito po kayo?” “Gusto sana kitang sunduin, papuntang hacienda, tsaka dala ko si Malik at Magnus” Napatingin naman ako sa labas ng aming tarangkahan at nakita ko nga rito ang kulay puti at kulay kapeng kabayo. Napangiti ako sa kaniya saka naman siya tumayo. “Tayo na?” tanong niya, “sige po” ang tanging nasagot ko saka ako lumabas matapos makapag-paalam sa aking mga magulang.
“Malik, Magnus” bati ko sa dalawang kabayo saka hinaplos ang kanilang mga ulo. Agad na akong sumakay kay Malik at gayun din si Sir Nathan sa kaniyang kabayo saka namin ito pinatakbo. Malamig na hangin ang dumadampo sa aking mukha. Hindi pa ganoon kaliwanag pero nang dahil sa papalabas na araw ay lumiliwanag ang daan.
Napakagandang pag masdan ang kulay kahel na kalangitan, nakakasilaw, nakakabuhay. Nang mapadaan kami sa tubuhan ay huminto kami saglit para lang pagmasdan ang bukang liwayway. Para itong nagtatago sa mga ulap at sa mga tubo mula sa aming kinatatayuan. Napaka-romantic lang ng ambiance. Nakakagaan ng loob at nakakawala ng mga problema.
“Kilala mo ba kung sino si San Joaquin?” rinig kong tanong ni Sir Nathan sa aking tabi. “Po?” “Si San Joaquin ay ang pinaniniwalaang kauna-unahang nakatira dito sa bayan. May katandaan na siya, siya ay mabait, matulungin, at puno ng pananampalataya. Agrikultura ang pangunahin niyang pangkabuhayan. Nanatili siyang ganoon hanggang sa dumami ang tao at naging isang maliit na bayan ito na noon ay walang pangalan. Masaya ang mga tao at payapa ang kanilang pamumuhay, hanggang sa isang delubyo ang dumating” pagkukuwento ni Sir Nathan. Tahimik lang ako at nakikinig habang nakatingin sa kaniyang gwapong mukha.
“Sunod sunod ang kalamidad sa bayan, malakas na lindol at bagyo. Lahat ng bahay at barong-barong ay nawasak at nilipad ng hangin. Lahat ng mga pananim ay nawasak at hindi na namunga pa. Matibay ang kubo ni Joaquin at malaki ito kaya dito niya pinatuloy ang mga taong bayan, binigyan niya rin ito ng mga pagkain dahil may natitira pa itong imbak ng ani. Napaka-matulungin nito sa kaniyang kapwa. Tumagal ng isang linggo ang bagyo at sa huling gabi nito ay nakita nilang lumabas ng bahay ang matandang si Joaquin, sa harap ng taniman niya ay lumuhod ito habang malakas at walang tingil na umuulan at kumikidlat, ang sabi ay nagdasal daw ito para sa kaligtasan ng mga tao. Dumating ang bukas ng maaliwalas na ang kalangitan, parang walang bakas ng delubyo. Pero sa pagkawala ng delubyo ay pagkawala rin ni Joaquin, hindi na nila nakita ang matanda, maraming haka-haka at walang solidong katapusan ang kaniyang istorya kung saan na nga ba siya nagpunta. Kaya ang bayang ito ay tinawag na San Joaquin, pinangalan mula sa taong napakabait at matulungin.”
Nang matapos siyang magkuwento ay lumiwanag na ang paligid, lumabas na mula sa pagtatago sa ulap ang araw. Kitang-kita na ang ganda ng paligid. Napatango naman ako sa kwento ni Sir Nathan at bakas sa aking mukha ang labis na paghanga kay Joaquin. “Talaga namang may mga tao pa rin po talaga ano na napaka-matulungin” wika ko na ikinatango niya naman.
“Nasaan kaya siya?” tanong ko naman na walang inaasahang sagot. “Hindi ko din alam eh, gusto mo ba siyang makita?” tanong niya, “ay nako sir huwag na po” sagot ko naman na natatakot. “Hahahaha sabi mo hanga ka sa kaniya, bakit natatakot ka ngayon hahaha” pagtawa niya, “eh matagal na yun eh baka makakita pa ako ng kalansay o kaya ay kaluluwa dito jusko naman” sagot ko na mas lalong nagpatawa sa kaniya. Ginawa naman ako nitong katuwaan.
“May isa akong narinig na haka-haka kung nasaan siya” panimula niya sa seryosong tono. Nabuhay naman ang kaba sa aking puso dahil sa kaniya. “Sabi nila, kaya daw masagana at pinagpapala ang hacienda del Salvador, ay dahil daw ito kay Joaquin, dito daw kasi siya namalagi at dito na rin namatay.” Napaka-seryoso ni Sir Nathan. Bigla namang tumaas ang balahibo sa aking kamay dahil sa kilabot. Mukhang tama nga naman kasi ang haka-haka, ang ibig kong sabihin ay mataas ang posibilidad na ganoon nga ang nangyari dahil kita ko din naman ang biyaya ng langit at lupa dito sa hacienda.
“Sa katunayan nga ay… naroon siya!” Panggugulat ni Sir Nathan saka turo sa aking likod. “Ahhhhhhhhh” nagulat at natakot naman ako sa kaniya kaya mabilis kong pinatakbo si Malik patungo sa direksyon ng mansiyon, naiiyak na ako at tumutulo na ang malamig na pawis sa aking noo. Sing bilis naman ng takbo ng kabayo ang pintig ng puso ko. Habang ang amo ko naman ay naiwan doon at rinig na rinig ko ang kaniyang halakhak. Nakakainis.
Ilang sandali pa ay nahabol na niya ako at sabay na kaming tumatakbo. “Joke lang hahaha, ang ganda mo pa rin kahit natatakot ka” pambobola nito. “Ewan ko sa’yo.”
◇
“Nak paki-balatan mo nga iyang itlog ng pugo” rinig kong utos ni nanay na agad ko namang ginawa. Kasalukuyan kaming nasa kusina ngayon at abala ang lahat sa pagluluto. Sa labas naman ay meron ding nagluluto tulad ng lechon at kung ano pa habang doon naman sa garden ay may nag-aayos dahil doon ang venue.
Nakatuon lang ako sa aking pagbabalat ng itlog nang “Magandang umaga po Boss Juancho” rinig kong bati ng mga kasamahan ko kaya naman agad akong napatingin sa may bungad ng kusina at dito ko nakita ang isang makisig na binata. Nagulat ako hindi dahil narito siya kundi dahil sa suot niya. Jusko lord parang bigla atang naging mainit dito sa kusina.
Naka-topless si Pako at tanging pants ng kulay beige lang ang tanging suot nito. Magulo ang kaniyang buhok na tila kagigising lang. Namumutok naman ang kaniyang mga muscle, parang bagay sa umagahan ang kaniyang anim na pandesal. Nakangiti itong lumapit at tumabi sa akin. “Alam kong nandito ka kaya ako pumunta rito” wika niya sa akin bago ko pa man iyon tanungin sa kaniya.
Ang glowing ng aura niya at tila ba mas gumanda ang complexion niya at kulay honey ito, hindi kasing puti ni Sir Javier at hindi kasing golden tan ni Sir Alejandro. Parang hiyang ata si Pako dito sa hacienda. Maliwalas din ang kaniyang mukha at magaan ang mood malayo sa dating Pako na nakilala ko sa Maynila.
“Magandang umaga po Sir Juancho” may kalakasang bati ko naman rito para marinig ng mga kasambahay na hindi ako nang-aabuso ng kaibigan dahil amo ko pa rin siya. Ang totoo niyan, narito kasi si Jelly sa loob at ramdam na ramdam ko ang init ng kaniyang mata na nakatutok sa ulo ko.
Ipinagtaka naman ito ni Pako at tumaas ang kaniyang kilay saka sumilay ang ngiti sa kaniyang labi. “Magandang umaga din Gabriel” maypagka-kalakasan niya ring bati na ikinagulat ko naman at ng lahat na narito sa kusina dahil napatigil sila sa kanilang ginagawa. Napansin naman ito ni Pako kaya siya natawa habang ako naman ay nakayuko lang dahil sa hiya.
Nang hindi na sila nakatingin sa amin at bumalik na sa kaniya-kaniyang trabaho ay kinurot ko sa tagiliran si Pako “Ah ah aray” daing niya habang natatawa. Mainit ang boses ni Pako, sing init ng dampi ng kaniyang katawan sa aking kamay.
“Ganito ka pala kapag nasa lungga mo ah” sabi ko sa kaniya sabay balik sa pagbabalat ng itlog. “Ha?” tanong niya. “Dati sa Manila pahiya-hiya ka pa sa akin ngayon inaasar mo na ako” eksplinasyon ko naman sa kaniya. “Eh dati yun, tsaka nanliligaw na ako sayo ngayon kaya confident na ako” wika niya sabay abot ng isang itlog saka niya ito dinala sa bunganga at kinain.
“Huwag ka ngang maingay diyan” wika ko naman sa kaniya dahil baka marinig siya ng mga kasama namin dito. Sinabi ko kasi sa kanila na ayaw ko ng atensyon kaya hanggat maaari ay hindi sana malaman ng mga tao ang panliligaw nila sa akin at pasalamat naman akong naiintindihan nila iyon. “Para saan ba iyan” tanong ni Pako sa akin sabay turo gamit ang kaniyang mata sa pagbabalat ko ng itlog. “Balatan ko raw, utos ni nanay, pang pansit at pang chop-suey ata” sagot ko naman.
“Balatan mo rin itlog ko” bulong niya sa aking tenga habang humahampas sa aking balat ang kaniyang mainit at mabangong hininga. Agad naman nag-init at namula ang aking mukha sa sinabi niya. Hindi ko na napigilan at hinampas ko siya sa braso dahil natatawa siya sa naging reaksyon ko. Lalo naman siyang natawa, “bantot mo” sabi ko naman saka kami humagalpak sa pagtawa. Ang bantot Pako.
Hindi namin namalayan ay nakatingin na rin pala sa amin ang ibang tao dito, ang ilan ay natatawa na rin, at ang ilan ay nagtataka, habang ang isang mata naman ay ramdam ko ang puno ng inis. Hindi na namin sila pinansin pa. “Tulungan na kita” wika ni Pako saka siya kumuha ng isang itlog at binalatan ito.
“Hmp” rinig kong sabi ni Jelly saka hinagis ang kaniyang towel sa lamesa. Kita ang labis na inis sa kaniyang mukha dahil dumaan ito sa aming harapan saka ito lumabas ng kusina. Nagtaka naman kami sa ginawa niya pero napili nalang namin ipiagsawalang bahala ito.
Sa paglabas ni Jelly ay siyang pasok naman ni Jelay. “Anyari don?” tanong niya sa akin sabay turo sa pinto. Kumibit balikat lang ako sa kaniya dahil hindi ko rin alam. Wala ng tanong pa si Jelay saka siya naman pumwesto sa harap namin at nagbalot ng lumpia. Iisang lamesa lang kami at maraming nakapatong sa malaking lamesa. Wala na kaming ginawa ni Pako kundi ang magbalat ng itlog niya, ay este itlog ng pugo.
Ang unang araw ng piyesta ay mga 1 day league lang ang ganap, yung basketball at volleyball. Ngayon din pala yung judging ng mga kubo. Since kasama ako sa volleyball game mamayang alas nueve, alas otso pa lang ay nandito na ako. Kasama ko palang pumunta dito sa sentro si Jelay.
“Balot na balot ka naman ata ngayon bestie” wika niya sabay tingin sa damit ko. “Paki mo” sabi ko lang dito saka tumawa, umirap naman siya akin saka tumawa na rin. Eh ito ang gusto kong damit eh bakit ba.
Kasalukuyan kaming nasa court ngayon at dito ay nakita ko ang magiging mga kalaro ko. Nag-eensayo na sila habang yung kabilang team ay naroroon rin. Ang larong ito pala ay pwedeng salihan ng kahit na anong gender dahil hindi naman ganoon karami ang naglalaro nito kaya hinayaan nalang na mag mix.
Nag-uumpisa na rin na dumami ang mga manonood. “Gabriel” tawag sa akin ni Jeneva na malaki ang ngiti. Silang apat na mga kaibigan ni Jelay ay naka uniform na, jersey at short. “Gabriel narito ang uniform mo” wika niya sabay abot sa akin ng isang plastic na agad ko namang pinsalamatan.
“Ah, sino pala yung isa pa nating kasama?” tanong ko rito, anim kasi ang manlalaro ng volleyball at pansin kong lima palang kaming naririto. “Ako” magsasalita na sana si Jebeva kaso ay may sumingit at laking gulat ko namang makita na ang makakalaro pala namin ay si Jelly! “Ahh” lamang ang aking nasabi, naglalaro din pala siya, okay nice.
Sa ’di ko alam na rason eh nakatirik na naman ang kaniyang mata sa akin na tila ba ako ang dahilan ng kamalasan sa buong buhay niya. Parang galit na galit naman ata to, gustong manakit, ano bang problema nito. “Marunong ka palang maglaro Gabriel?” tanong niya sa akin na akin lang tinanguan. “Siguraduhin mo ha, baka matalo pa kami ng dahil sayo” wika nito saka umirap sa akin at bigla nalang umalis at tumungo sa mga ka team naming nageensayo.
Tila na shock naman kaming tatlo sa inasal niya. Shock ako pero sa isip ko ay talaga namang natatawa ako sa kaniya, ano bang problema noon. “Pasenya kana sa kuya ko Gabriel ah” rinig kong paghingi ng tawad ni Jelay. “Okay lang ano ka ba” wika ko naman rito. “Ano bang problema non?” pagtataka ni Jeneva na kapwa namin hindi masagot. Nagpaalam na siya sa amin saka siya bumalik sa pag-eensayo.
Malapit nang magsimula ang laro nang nagsidatingan na ang mga tao pati ang committee. Ako naman ay simula kanina nag-eensayo lang at kinokondisyon ang sarili para naman hindi mabigla ang katawan ko sa matinding bakbakan. Matagal-tagal pa naman nung huli akong nag volleyball kaya naman sinigurado ko talaga na maayos akong makakapaglaro.
Naisipan ko na ring magbihis na ng aking uniform dahil ilang minuto nalang ay magsisimula na ang laro. Pinakiusapan ko naman si Jelay na samahan ako sa kung saan pwedeng magbihis. Tamang-tama ay may malapit na CR dito sa court kaya doon na ako nagbihis.
Sinuot ko na ang kulay rosas na sando jersey na kasyang-kasya lang sa katawam ko tsaka ko naman sinunod ang aking short, maypagka-maikli ito na konti nalang ay magiging pekpek na pero hindi naman kita ang pwet ko kaya okay lang. Black tsaka pink ang kulay ng aking suot kaya naman ay mas pinalilitaw nito ang aking kaputian.
Pagkalabas ko ay agad na akong pumunta sa courtside kasi simula na ng pagtawag ng mga players at nauna na nga ang kabilang team. Dinig naman sa lugar ang lakas ng mga tili at sigaw ng mga audience, talagang ramdam na ramdam ang kasiyahan at excitement. “Shocks Gabriel” wika ni Andrea nang makarating ako sa pwesto nila. Bakas sa mukha niya ang sobrang gulat. Para namang nakakita ng multo ang isang ’to. At ’di lang siya ah kundi pati buong team mate namin.
Napahaplos ako sa mukha ko baka may kung ano na. Wala namang meron sa mukha ko ah wika ko sa aking sarili. “Ang puti mo” wika ni Andrea. “Ang kinis mo Gabriel, ano skincare mo, ma try ko nga” dagdag pa ni Jeneva. “Ang ganda mo naman Gabriel, bagay sayo ang jersey” wika pa ni Dalia. Napangiti naman ako at nahiya sa mga papuri nila. “Salamat” ang tanging nasabi ko lang. “Nako, maputi lang naman iyan” rinig ko na bulong ng isa na hindi ko nalang pinansin pa. Tse bitter.
“Gabriel” napatingin naman ako sa likod ko nang may narinig akong tumawag ng pangalan ko doon. “Mga sir” wika ko nang may gulat sa aking mukha. Hindi ko inaasahang pupunta sila. Nakangiti lamang silang lahat sa akin. Agad naman akong lumapit sa kanila.
Habang papalapit sa kanila ay hindi talaga maiwasang hindi mapansin ang taglay nalang kakisigan. Kapwa malalaki ang katawan at may maipagyayabang na face card. Siguro nung nagpaulan si Lord ng kagwapuhan, gising ang magkakapatid na ito. Talagang litaw na litaw silang apat.
“Goodluck Gabriel” naunang bati ni Javier nang makarating ako sa pwesto nila saka ito yumakap sa akin. Amoy ko naman ang napaka-preskong amoy nito. “Thank you” I replied. “Chancing ka bro” wika naman ni Pako saka niya hinila si Javier sa pagkakayakap sa akin. Natawa naman itong nagpahila.
“Hindi ko alam na naglalaro ka pala nito Gabriel, hindi naman kasi kita nakitang naglalaro noon sa UP eh, pero anyways, alam kong kaya mo yan, naka suporta kami para sa iyo” wika ni Pako saka siya naman ang yumakap. Pansin niya pala yun, ang hindi ko paglalaro ng bolleyball sa UP. Na-touch naman ako sa encouragement nito at talagang na lift ang aking spirit. Nakangiti itong kumalas sa pagyakap at ganoon rin ako.
Sumunod naman si Sir Nathaniel. “Goodluck Gabriel galingan mo ha” wika nito saka ako niyakap, Sa bulk ng katawan nito parang hindi niya ata naalala na may kapayatan itong kayakap niya. Inilapit niya naman ang kaniyang bibig sa aking tenga saka bumulong sa akin. “Nakatingin si San Joaquin sa iyo” wika nito saka tumatawang kumalas sa yakap. “Sir Nathan!!” wika ko saka ko siya hinampas sa braso, inaasar na naman kasi ako eh. Natawa naman ito.
Sunod namang lumapit sa akin si Sir Alejandro. “Goodluck Gabriel, naka suporta kami sa iyo” wika niya sa malamig na boses saka lumapit sa akin para guluhin ang aking buhok. Tumakas naman ang tawa sa bibig nito na halatang pinipigil niya ata. Napangiti nalang ako sa kaniya habang titig na titig sa kaniya. Etong si Sir Alejandro ay medyo halata na eh, may napapansin akong kakaiba sa kaniya talaga.
Lahat naman kami ay napatingin sa court nang marinig namin ang announcer na binabanggit ang pangalan ko. “Jersey number 18, Gabriel Alcantara” agad na akong pumunta sa court matapos kong makapag-pasalamat sa mga amo ko. Nag-jog ako papuntang court at rinig ko ang mga goodluck mula sa mga amo ko. Napangiti nalang ako sa kanila, parang mas excited pa ata sila kesa sa akin eh.
Naghihiyawan ang mga tao at nagulat nalang ako nang pagkarating ko sa loob ng court ay bigla silang natahimik at pansing tutok na tutok sa akin. Tila bakas ang gulat sa mga mukha nila parang nakakita sila ng multo. Oo na gets ko na, maputi ako at makinis, bakit ba big deal iyon para sa kanila, pagtataka ko.
“Tol ang ganda niya” wika ng isang lalaki sabay hila sa damit ng kaniyang kasama, “oo nga tol” responde naman nito.
“Bes sino yan, bakit parang mas maganda pa kesa sa atin” wika rin ng isang babae, “oo nga bes, kahit ilang pampaputi ata ang lalaklakin natin hindi natin siya mapapantayan” pag-sang ayon ng kasama niya ring babae.
“Go Gabriel!” rinig kong cheer ng mga baritonong boses na alam na alam ko kung kanina nanggaling, at mula nga noon ay naghiyawan na rin ang mga tao at tila bumalik na ang sigla sa kanila.
“Let the game begin!” wika ng announcer saka dumagundong ang malakas na hiyawan sa buong lugar. Full support ang mga taong bayan ng San Joaquin, pakiramdam ko tuloy naglalaro ako sa UAAP dahil sa daming taong nanunuod.
Ako ang naatasang manguna sa pag serve. Ang aking posisyon pala ay setter, kaya naman nasa akin nakasalalay ang aming laro. Ako ang mag-oorchestra nito. Malaking responsibilidad ang nakakabit sa aking posisiyon pero ganon pa man, pinapangako kong gagawin ang lahat ng aking makakaya.
Lumabas na ako ng line ng court para sa paghahanda sa pag serve. Kinakabahan ako at malakas ang tibok ng aking puso ngayon. Nakakabingi rin ang hiyawan ng mga tao. Pinapabounce ko muna ang bola para mabigyan ako ng time na ihanda ang aking sarili. Tumingin ako sa harap at dito ko nakita ang lahat ng matang nakatutok sa akin at naka-abang sa aking bawat galaw, ang aking team at pati na rin ang kabila.
Pinalakas ko ang aking loob at sinabing makakaya ko ito, maipasok ko lang ang okay na. Gusto kong patunayan ang aking sarili na hindi lamang ako may itsura lang, kundi may kakayahan din akong maipapamalas.
Ngumiti ako sa kanila saka ko ihinagis sa ere ang bola, kasunod nito ay ang aking pagtalon, jump serve ang aking gagawin. Nang nasa ere na ako ay agad kong hinampas nang malakas ang bola haggang sa nilipad ito ng hangin papuntang kabilang side ng court. Parang slow-mo ang paglipad ng bola at ganoon na rin ang mga ulong nakasunod rito.
Agad na dumagundong ang hiyaw at sigaw ng mga tao pati na rin ng aking mga team mates ng namataan namin ang bola na nasa sahig na ng court at hindi ito nagawang saluhin ng libero, yung libero lang kasi ang sumubok na saluhin iyon kasi pansin kong parang nakatulala lang sa akin ang kaniyang mga team mates at dito na ito nabuwag nang mag service ace ako.
Tila tumatalon naman sa galak ang aking puso ngayon at halata iyon sa aking malawak na ngiti. Ang plano ko lang kasi ay ang maipasok ito sa kabilang court at hindi ko naman inakalang magsi-service ace ako.
Nagtipok ang aming team sa gitna saka nila ako binati at nag cheer para sa team. Nakakagalak naman talaga kapag nakaka service ace ka ano. Ilang sandali pa ay bumalik na akong muli sa aking pwesto para sa susunod kong serve. Alisto na ang aming kalaban at pansin kong nakatuon na talaga sila sa akin. Jump serve na naman ang aking atake at ganoon nalang ang aking galak ng sa ikalawang pagkakataon ay nag service ace na naman ako!
Nagsitalunan na naman ang mga tao sa pag score ko. Napatingin naman ako sa kinatatayuan ng aking apat na amo at kita ko ang galak sa kanilang mga mata. Parang silang mga supportive na daddy sa kanilang anak. Malalawak ang kanilang mga ngiti na nagpahawa naman sa akin dahilan ng aking malawak rin ngiti.
O diba, hindi chamba lang yung kanina, wika ko sa aking sarili kasi narinig ko kanina si Jelly na bumulong noong nag huddle kami na chamba lang daw iyong service ace ko, o anong chamba ngayon hmp. Nagpatuloy lang ang aking service ace hanggang sa naka-apat na kami ng paunang score. “Nagsisimula palang ang laban pero tambak na ng service ace ang blue team mula kay Gabriel ng pink team!” wika nung commentator na hindi magkamayaw sa kaniyang nararamdaman.
Sa ika limang pagkakataon ay nasalo na ng libero ng kabilang team ang aking serve kaya naman ay agad na akong pumwesto sa may net. Nang matiwasay na naibalik sa aming side ang bola ay agad itong nasalo ng aming libero na si Dalia, pinasa niya agad ito sa akin at agad ko ring ipinasa ang bola sa aming ace spiker na si Aron. Malaking tao siya, matangkad, at talaga namang mabigat ang kamay kaya naman pag-spike niya ay rinig naming muli ang cheer ng mga tao nang ma earn namin ang aming pang-limang puntos dahil sa bigo itong nasalo ng aming kalaban.
Nagalak naman kami saka kami pumunta sa gitna ulit para mag huddle at cheer sa aming mga sarili hanggang sa nagtuloy tuloy nga ang aming panalo sa unang set sa score na 25-14. “Unang set pa lamang at ramdam na ramdam na ang uhaw sa pakapanalo ng pink team! Makaka resbak pa kaya ang blue team o tuluyan ng masasagasaan ng kabilang kuponan ang truck ng pagkapanalo ng blue team?” Wika ng commentator sa gitna ng hiyawan ng mga tao nakami ang maidaklarang panalo sa first set.
Nasa amin kasi ang momentum kaya mabilis naming napaulanan ng bola ang kabilang team. Nagkaroon muna ng maliit na break matapos ang first set. Tuwang tuwa naman ang mga team mates ko at binati nila ako dahil sa pagbagsak ko ng mga service ace sa kalaban.
“Ang galing mo pala Gabriel! Halimaw ka sa serving!” masiglang wika sa akin ni Aron saka siya nakipag-apir sa akin. Pinuri lang ako ng team ko sabay abot sa akin ng tubig ni Dalia na agad ko namang ininom ng konti lang. Agad namang napawi nito ang aking uhaw. Ahh.
Habang masaya kami ay hindi ko pa rin maiwasan ang mainit na tingin sa akin. Tinignan ko ang may-ari ng mga matang iyon at talaga namang nanlilisik ito.
Lumapit sa akin si Jelly saka bumulong sa akin, “napaka-pabida mo” bakas ang inggit at puot sa kaniyang boses na ramdam ko sa bawat pag-bigkas niya ng salita.
TREINTA y UNO: El Coraje de Gabriel
Ang katapangan ni Gabriel
Gabriel
Ang inaakala naming tuloy-tuloy na pagka-panalo ay hindi pala namin makakamit. Kasalukuyan kaming nasa second set at limang puntos na lang ang kailangan ng kabilang team para manalo sa set na ito. Anong problema? Eh kasi ’tong si Jelly parang nababaliw na ata at hindi mapakali, hindi ko na nga malaman kung sa amin ba siya kampi o sa kalaban dahil balak niya pa yatang matalo kami.
Tulad na lamang ngayon, naka-puntos na naman ang kalaban, rinig ang hiyawan ng kabilang kampo habang klaro naman sa mukha ng mga kakampi ko ang pagka-dismaya. Ang salarin, syempre si Jelly, kanina niya pa nilalaro ang bola, parang may sarili siyang misyon. Na touch niya ang bola pero na out ito dahil malakas ang palo tsaka parang sinadya. Ang sketchy niya.
May katangkaran si Jelly kaya siya ay middle blocker, nung una okay naman siya, nakaka-puntos naman, pero nitong second set. Hindi na namin alam ang position niya. Minsan nagiging libero siya at inaagawan niya ng bola ang libero naming si Dalia. Minsan naman siya ang nag si-set ng bola kahit sa akin ito ibinigay ng libero. Pilit niya akong inaagawan ng posisyon dahil sa lahat, ako ang parang binubuwag niya kaya tuloy hindi namin maayos ang game. At habang ginagawa niya iyon ay nakataas ang kanyang kilay sa akin na para bang nanunuya.
Pilit akong iniinis. Pero ako naman, pilit ko na siyang binabasa, ang mga galawan niya, kaya naman poker face lang ako sa kaniya at nginingitian ko naman ang iba kong team mates para kahit ano’y gumaan pa rin ang pakiramdam nila. Kung iniinis niya man ako, hindi niya makukiha sa akin ang realsyong gusto niya. Sinubok na ako ng panahon girl, marami na akong pinag-daanan, matapang na ako ngayon.
Nagpatuloy ang game na ganoon lang ang nangyayari, pilit niya akong inaagawan ng bola na isiset at kung kani-kanino niya iyon binibigay na para bang hindi niya kilala ang mga members at mga posisyon nila. Hanggang sa naka-apat na puntos na ang kalaban at isa nalang mananalo na sila sa set na ito. Nakakainis man pero pilit ko pa ring kinakalma ang sarili ko at itinuon ang atensyon sa laro para magawa ko nang maayos.
“Gabriel set!” wika ni Dalia, habang papunta sa akin ang bola ay namataan ko naman si Aron, tila nakikipag-usap gamit ang mata na sa kanya ko ibigay, tumango ako ng konti saka ako nag focus sa pagkuha ng bola, at nang sasaluhin ko na ito ay biglang “mine!” sabi ni Jelly saka niya kinuha ang bola at isinet ito hanggang sa napadpad ang bola malapit sa akin na tila ba ako ang gusto niya mag spike. Dahil sa pagkabigla sa kanyang ginawa ay hindi ko ito inasahan at bilang gusto kong manalo ng kahit isang puntos man lang, sinubukan ko itong abutin kaso nga lang ay na-out ito dahil sa anggulo ng aking pagka palo. Ah sh*t!
“Second set goes to the blue team! 25-10!” rinig naming wika ng announcer saka sunod na dumagundong ang malakas na hiyawan ng kabilang team at ng kanilang mga taga suporta. Bakas ang lungkot sa mukha ng aking mga ka grupo at kita mo rin ang galit sa mukha ng aming team captain na si Dalia. Napatingin ako kay Jelly at nakita ko siyang nakatingin lang sa akin, nakataas ang kilay at naka ngisi, para bang pinagtatawanan niya ako sa kanyang isip. Hindi ako manhid, at alam ko ang galawan niya. Ako ang inaatake niya para wala akong puntos at mag mukha akong kawawa.
Dahil sa inis ay napansin kong akmang susugurin na ni Dalia si Jelly ngunit napansin din ito ni Aron kaya napigilan niya, agad rin akong nakatakbo sa kanilang posisyon. “Ano ka ba Jelly!” wika na may poot ni Dalia. Kita ang galit sa kaniyang mga mata at si Jelly naman ay tila walang pake. “Capt. ako na” wika ko kay Dalia saka siya pilit na pinapa-kalma, tinanguan ko naman si Aron at hinila niya na si Dalia papunta kung saan nakapwesto ang iba pa.
Mula sa nakangiting ekspresyon ko kanina ay bigla na lang walang makikitang ekspresyon sa aking mukha saka ako tumingin sa kaniya. “Jelly mag-usap nga tayo, doon sa malayo” wika ko rito. Tinaasan niya lang ako ng kilay. “Sino ka para utos-utusan ako? Tsaka bakit hindi na lang dito?” wika niya sa malditang tono. “Sa tingin mo kung pagsasabihan kita, gusto mong mapahiya sa lahat ng taong nandito?” tanong ko sa kaniya sa matapang na tono.
Tila hindi niya ito inaasahan kaya saglit na dumaan ang takot sa kaniyang mata at natameme siya. “That’s what I thought, follow me” wika ko saka ko siya tinalikuran at lumakad palayo sa maraming tao. Hindi man ako nakatingin sa kaniya pero alam kong nakasunod siya.
“Anong problema mo Jelly?” wika ko sa kaniya sa magaang tono, kalmado muna tayo. “Ang pabida mo talaga no, tapos ngayon pakalma-kalma ka diyan, feeling team captain ka naman” pagtataray niya. Tinaasan ko siya ng kilay, gusto mo talagang ginagalit ako ah. Tinitigan ko siya sa mata, sa pinaka nakaka intimidate na paraang alam ko.
Bakas ang pagtataka sa kaniyang mga mata na kalaunan ay napalitan rin ng takot nang magsalita na ako. “Alam ko ang ginagawa mo. Insecure ka at inggitera. Nagagawa namin ng maayos ang laro nang hindi ka namin kinakailangan. Despite being new in the team I still make good work coordination with them, and that is something you are scared of. Sa lahat ng ugali ba naman ng mga pilipino, crab mentality pa talaga ang napunta sa iyo. I don’t even have to point out your face just to shame you because your behavior already speaks about how horrible you are. At kahit anong pamamahiya ang gawin mo sa akin, it will all backfire to you.”
“Sa team ka pa naman namin pero parang gusto mo atang matalo tayo. If you are drowning with envy, don’t bring us down with you. Huwag ka nang bumaba pa dahil babang-baba ka na. You will forever be an envious, insecure bitch. Pangit ka na nga, pangit ka pang maglaro. Girl, hindi mo kinaganda ang mang baba ng tao dahil lang sa insecure ka” wika ko sa kaniya na sinisigurado ko talagang dumiin sa kokote niya ang bawat salitang binitawan ko.
Kita sa kaniyang mga mata ang pagdaan ng sakit. Lumapit pa ako sa kaniya at kaunti siyang napa atras. “Sa oras na gawin mo pa ulit ang ginawa mo kanina, siguraduhin ko sayong ikaw naman ang lalaruin ko. And don’t ever think I’m joking, cause we both know, hindi ako nakikipag laro sa iyo. Umayos ka.” Wika ko sa kaniya saka ako tumalikod at umalis na.
Bumalik sa alaala ko ang ginawa niya kaninang umaga sa kusina. Napahinto ako sa aking paglalakad at tumingin sa kaniya. Kita ko sa kaniyang mukha ang pinaghalong pagkatalo, takot, at inis. And as someone who likes to rub salt in a wound, “And one more thing,” I smiled, “nangliligaw sa akin si Pako” I watched as frustration, surprise, and despair crossed his eyes. His breath is uneven and feels like smokes are coming out of his nose. I just smirked and turned my back on him. Hm. Serves you right.
◇
Magsisimula na ang third set at pantay na ang puntos ng dalawang kuponan. Alam kong nasa kabila na ang momentum at kailangan namin talagang bumawi. Ako naman ay nasa serving point na naman at ang mangunguna sa pag serve. I smirked when I thought of something. A good strategy.
Everyone is looking at me, I smiled lovely and luscious at them especially to the other team. I threw the ball mid-air and jumped to serve. All I know is when I dropped on the ground, all I heard was a loud cheering. “Service ace mula kay number 18, Gabriel!” wika ng commentator.
Napatingin ako sa mga team mates ko at ganun na din sa apat kong amo na malalaki ang ngiti. I smirked at them and then played like my life depends on it. That is basically the preview of the whole third set. Nakuha naming muli ang momentum at naging maayos na muli ang laro dahil hindi na nanggugulo pa si Jelly. Ginawa na niya nang maayos ang kaniyang parte at nakaka-puntos kami mula sa kaniyang powerful blocks. Yun naman pala eh, kaya niya naman pala yun.
We won the third set and now we’re in the crucial part of the game for us, the fourth set. Dahil nga sa one day league lang ito ay first to three points ang laro. “24-23, pink team, maipapanalo na kaya nang pink team ito oh talaga namang hindi sila papayagan ng bumabawing kuponanan?” rinig kong wika ng commentator na lalo namang nagpapa kaba sa lahat.
Napaka-intense na ng laban at isang punto na nga lang ay mapapasa-amin na ang kampyonato. Talagang bumabawi ang blue team habang kami naman ay itotodo na ang laro dahil isang puntos nalang naman ay panalo na. “Gabriel, set mo kay Andrea, spiker din siya, siya na last resort natin dahil for sure nakaabang na sila kay Aron para gawin ang winning attack” instruction ni Dalia sa akin, “copy kap” ang tanging sagot ko.
Ramdam na ramdam na sa bawat isa ang kaba at ang pagiging competitive. “Andrea dito ka sa right side at pinaka likod pumwesto habang ikaw naman Aron lumapit ka kay Gabriel, para hindi talaga nila mabasa ang magiging laro natin” wika sa kanila ni Dalia. “Eh paano yan Dal eh malayo ako, kaya ba iyan ni Gabriel?” tanong nito kaya napatingin silang lahat sa akin. Tinatagan ko ang aking loob. May pagka-malabo nga ang gusto niya pero sisigaruduhin kong makakaya namin ito.
Pero makakaya ko nga ba ito? Paano pag hindi? Paano kung ito ang ikatalo namin? Umusbong ang kaba sa aking dibdib. Hindi sadyang napunta ang aking tingin sa apat na lalaking nasa gilid at nakatingin din sa akin. “Laban” “kaya mo yan!” “Go Gabriel” I read their mouth. It was evident in their face how much believe they have for me. And that is enough to win my self back.
Umusbong ang pag-asa sa puso ko. Ngayon pa ba ako madududa sa kakayanan ko? E itong apat na ito nga eh bilib sa akin, sarili ko pa kaya? Tumingin ako sa ka team ko, tinitigan ko sa mata ang team captain namin. Tumango ako sa kanila at ngumiti saka namin narinig ang pito ng referee. “Pink team! ARIBA!”
“Goodluck Gabriel, go for gold!” narinig kong cheer ng mga baritonong boses kaya napatingin ako sa kanilang pwesto at napatawa nalang ako nang makita ko ang apat na sumasayaw pa nga at nagsisi-talunan. Kumaway ako sa kanila at kumindat.
Isang pito pa ang aming narinig saka naman nag serve na ang kabilang team. Agad itong sinalo ni Dalia saka ipinasa sa akin, agad ko naman itong isinet papaunta kay Aron saka niya ito malakas na ipinasa sa kalaban at nasalo ito. Kailangan naming ma build ang trust ng kalaban para ang talaga namang aabangan talaga nila ay si Aron.
Naging mahabang rally ang nangyari at tila tumataas na ang tensyon at antisipasyon ng mga audience sa kung sino nga ba ang mananalo. Binibigyan namin sila ng magandang laro at excited na nagsisi-sigawan ang mga tao ng dahil na rin sa kaba. Ilang ulit namin pinapa-attack si Aron pero hindi namin pinapa-panalo pa talaga para sa gagawin naming surprise attack.
Nagtagpo ang mga mata naming tatlo nila Dalia at Andrea at iyon na nga ang hudyat sa aming plano. Kinakabahan man kung maabot ko o hindi pero may tiwala ako sa sarili kong maaayos ko ito. Nang naipasa na nila ang bola kay Dalia mula sa kalaban ay napansin ko na na bumubuo na naman ang kalaban ng defense para kay Aron para ma counterfeit nila ang attack nito pero ang hindi nila alam ay may pasabog kaming dala. Tinignan ko si Andrea at tila malayo nga siya. “Gabriel” ipinasa na sa akin ni Dalia ang bola at kita ko ang antispasyon ng kalaban ang gagawin kong pagpasa kay Aron, pero biglang lumaki ang mga mata ng mga tao nang nakita nilang lumipad ang bola papuntang labas at inakala na nilang matatalo na kami.
“Uy, mukhang nailabas nga ng setter- WHAT?!” rinig kong sabi ng announcer na tila gulat na gulat sa nangyari. Nang aktong lalabas na ang bola ay bigla nalang tumalon si Andrea at malakas na hinampas ang bola na hindi inaasahan ng kabilang team at boom. “The winner is the pink team!” sigaw ng announcer na tila hindi na namin marinig pa dahil sa sobrang lakas ng hiyawan ng mga tao.
Malakas ang tibok ng puso ko at tumatalon ito sa galak. Panalo kami, wika ko sa aking sarili. Agad kaming pumunta sa isa’t-isa at tumalon ng tumalon sa tuwa.
“Congrats Gabriel!” nakangising wika sa akin nung apat nung papunta ako sa kanila. Malawak ang kanilang mga ngiti at talaga namang kumikinang ang kanilang mga mata na nagpapatuwa naman sa aking puso. “Tayo na para makapag-tanghalian na sa mansiyon” wika ni Sir Alejandro saka kami tumungo sa kotse nila saka sumakay.
“Ang galing mo Gabriel, kahit ang layo nung Andrea, ay naabot mo” wika ni Juancho. “Oo nga, ang galing nung strategy niyo, wala talagang mag-aakala” dagdag pa ni Sir Nathan. “You shouldv’e seen their faces, they were like” wika ni Sir Javier at lahat kami ay napatawa nang nag immitate siya in exagerated way ang mukha ng mga kalaban namin kanina. “Good job, Gabriel” sa gitna ng tawanan ay rinig kong wika ni Sir Alejandro na kasalukuyang nagmamaneho.
Napangiti nalang ako sa kanilang apat hanggang sa naging ganoon lang ang daloy ng aming byahe, puro sila congrats at kwento tungkol sa nasaksihan nila. Habang ako naman ay puno ng galak ang aking puso. Now I’m able to share my win with people who love me and appreciate me, hindi tulad noon. Hays.
◇◇
Matapos ang malakas na kainan sa Hacienda ay narito na kami ngayon ulit sa sentro. Bawing-bawi talaga ang pagod ko sa volleyball sa pagkain ko. Sarap ng lechon eh no haha. Kasabay kong kumain ang apat at ganoon na rin si Jelay. Si Jelly naman ay kasabay na kumain yung beshy niyang maganda na si Dyosa. Hindi nga siya makatingin sa akin kanina eh. Inaamin kong nagi-guilty ako sa mga sinabi ko kanina sa kaniya pero naisip ko ring okay na rin siguro iyon para magtanda siya.
Kasalukuyan akong nasa audience part ngayon at manonood ng basketball. Alas tres na ng hapon at mabuti na lang walang init ngayon. Halos puno na ang court ngayon, sa rami ba naman ng nanonood. Tulad ng sabi ko nga, volleyball ang unang game habang basketball naman ang kasunod.
Malakas na hiyawan ang mariring sa lugar nang nagsilabasan na ang mga players dahil tinatawag na sila isa-isa. “Jersey number 0, Juancho Salvador” rinig naming tawag ng announcer saka naman nagsi-tilian ang mga babae at binabae, sa lakas ba naman ng tilian ay hinintay muna ng announcer na tumahimik sila bago tinawag ang susunod ng player. Ang funny lang. Talaga namang hatak sa mga chiks eh no.
Umikot ang tingin ni Pako sa buong lugar at tila ba may hinahanap dahil nakakunot ang kaniyang noo. Nang dumapo sa akin ang kaniyang mga mata ay nawala na ang kunot sa kaniyang noo at napalitan ng ngiti sa kaniyang mga mata at labi. Kumaway siya sa akin at kumindat na siya namang nagpa skip ng beat ng aking puso. Namula ako at alam kong klarong klaro niya iyon. Nang kumindat siya ay bigla namang nagsitilian ang mga tao sa aking likuran, kinilig, akala siguro para sa kanila, okay sige pagbigyan na natin.
Tinawag na ang mga players sa gitna para sa pagsisimula ng laro habang ang mga team captain naman ay naka-pwesto na sa unahan para mag-agawan ng bola. Si Pako ang kapitan ng team nila. Nakatutok lamang ang aking mata roon nang may inabot sa akin, “Gabriel oh” abot sa akin ng bote ng tubig at napatingin ako sa may ari ng kamay. Si Sir Alejandro. “Ay hala, salamat po sir.” Kasama niyang dumating ay si Sir Nathan at Sir Javier na may kaniya kaniyang inuming dala rin, ngumiti sila sa akin saka pumwesto na. Napapagitnaan ako ni Sir Alejandro at Sir Nathan.
Napunta ang mata ko sa tubig na inabot niya at napatingin ako sa boteng hawak niya. Soft drinks ito, gusto ko pa naman iyon, hindi kasi ako nakainom kanina sa Hacienda eh. Hindi ko naman namalayan na napatingin pala sa akin si Sir Alejandro at nakita niyang napatingin ako sa hawak niya.
“Here,” abot niya sa akin ng hawak niya na akin naman ikinagulat, napatingin ako sa kaniya, “alam kong gusto mo iyan, hindi ka naka inom kanina” wika niya na mas ikinagulat ko, bakit alam niya, na hindi ako naka inom kanina?. Napatingin ako ulit sa kaniya na may pagtatakang nakalatag sa aking mukha. “I want you to be healthy so I gave you water, guess hindi naman siguro makakasama ang isang bote ng soda” sagot niya. Wait, akala niya ba ang tanong ko is kung bakit water ang una niyang ibinigay kahit alam niya naman palang soda ang gusto ko? Hindi iyon ang tanong ko pero, magandang sagot din naman iyon kaya bahala na hihi.
Napatingin ako sa kaniya, nang nakatingala, dahil sobrang taas ng agwat ng height naming dalawa, “Thank you” wika ko sa kaniya na malawak ang ngiti. Napangiti narin naman siya saka ko ibinalik ang aking mata sa naglalaro. “Cute” rinig kong may sinabi siya pero hindi ko na nakuha pa dahil sumabay ang sigaw ng mga tao nang naka-shoot si Pako. Tatanungin ko sana kung ano ang sinabi niya pero baka hindi pala sa akin at ang assuming ko lang kaya pinalagpas ko nalang at itinuon ang buong atensyon sa laro.
◇
Leading na ang team nila Pako at 4th quarter na. Magaling pala talaga siya sa paglalaro ng basketball at simula kanina ay hindi na talaga sila naabutan pa ng kabilang team, napaka-shooter ng lalaking to.
Mula pa kanina ay tawang-tawa na ako. Kapag kasi nasa kaniya na ang bola at isho-shoot na ito ay hinahanap niya pa talaga ako para sabihing “Para sa iyo ‘to” wala namang tunog pero basang-basa ko ang mga labi niya. Minsan naman ay kumikindat pa siya tapos ang mas nakakatawa pa talaga ay itong mga nasa likod namin parang mamamatay na sa kilig at kulang nalang ay manginig at magtiwasay sa sahig dahil sa kilig.
“Labyu” pagbasa ko sa sinabi niya sabay kindat sa akin at shoot. Lumakas na naman ang mga hiyawan ng mga tao dahil sa pag-score niya habang yung mga babae at friend nilang beki ay tumitili na naman sa kilig at ako naman ay hindi na talaga mapigilan ang tawa “hahahahaha” malakas na pagtawa ko. Napatingin naman sa akin yung tatlong kasama ko, at mas lalo akong natawa sa pagmumukha nila, basang-basa ko kasi sa kanilang mga mukha ang katanungan kung bakit ako natatawa.
“Huy” wika ni Sir Nathan. “Sorry po hahahaha” wika ko at sinusubukan na hindi na talaga matawa. Kinalma ko ang aking sarili hanggang sa hindi na ako natawa. Napangiti nalang sa akin yung tatlo at parang nahahawa na rin sa akin kahit hindi naman alam ang pinagtatawanan ko.
“Girl kanina pa yang si number 0 ah, baka mahal na ako niyan.” - girl 1.
“Naku girl ako, ako ang gusto niyan, hindi mo ba pansin, sa akin talaga siya tumitingin kapag nagsho-shoot siya” - girl 2.
“Mga bakla tabi, ako ang gusto niyan, kanina pa nga ako nabuntis dito ng mga kindat ni poging shooter” - gay.
“Bakla ambisyosa ka, wala kang matres” - girl 1.
“Ay wala ba?” - gay.
Bilang mga walang magawa sa buhay at malapit lang sa kanila ay rinig na rinig namin ang mga pinagsasabi nila kaya kami nagka-tinginang apat at tahimik na natawa. Alam naman kasi namin kung sino ang talagang pinaparinggan ni Pako.
“Kuya Juancho is so pabida talaga tsk” sabi bigla ni Javier nang magsigawan na naman ang mga tao dahil naka puntos ito. “Sinabi mo pa” dagdag naman ni Nathaniel. “Tignan niyo kakaway pa yan” entry din ni Sir Alejandro na siyang ilang sandali ginawa nga naman ni Pako kaya nagtatawanan silang tatlo. Habang ako naman ay natatawa rin pero nagawa pa ring tumango sa kaniya dahil ako ang kinawayan niya.
◇
“30 seconds remaining” rinig naming wika ng announcer kaya lahat ng tao ay mas gigil na gigil na at mas focus ngayon sa paglalaro. Nagawang makahabol ng kabilang team at parang sinasamantala ang kapaguran ni Pako dahil kanina pa siya shot ng shot. 3 points nalang ang agwat ng mga kupunan at nangunguna nga rito sila Pako. Pansin ko na nilalaro na lang ito ng team mate ni Pako at hindi na papahabulin pa ang kalaban, na expect na iyon ng lahat ng biglang, naagaw ang bola! Agad itong itinakbo ng player. Mukhang makakahabol pa ata ang kabila ah.
“Mukhang hindi basta basta ibibigay ni number 20 ang kampiyonato, lumalaban lumalaban” 20 seconds on the clock. Hindi iyon inaasahan nila Pako kaya naman to the rescue siya at agad niyang hinabol ang may dala ng bola na ipinasa naman nito nang malapit na si Pako sa kaniya.
Nag-agawan sila ng bola at palipat-lipat kami ng tingin sa kanila, parang hindi na mapirmi ang tao at nagsisimula ng tumaas ang tensyon. Kulang nalang ay lumipad kami rito para kitang-kita namin ang nangyayari. Kumakabog ang aking dibdib. 10 seconds.
“Kuya Pako hit it!” tensyonadong wika ni Javier na hindi na mapirmi. “Agawin mo na bro” gatong pa ni Nathan. Focus na focus kami sa laro na hindi ko namalayang may dumikit sa akin na hindi ko na napansin dahil sa sobrang focus ko sa game at kinakabahan para kay Pako. Pumwesto na nga yung may hawak ng bola sa may 3 point line. 3 seconds remaining.
I sho-shoot na talaga ng kalaban at napakawalan na niya ang bola at malapit na sana itong ma shoot nang bigla nalang tumalon si Pako ng pagka-taas taas at hinampas pabaliktad ang bola at boom. “Ahhhh” “hooo” sigaw ng mga tao pati ako ay napapasigaw na rin nang tumunog ang buzzer at hindi na i shoot ang bola dahil napigilan ito ni Pako.
“Yeah” sigaw ng tatlong kasama ko na kulang na lang ay magsi talunan na dahil sa tuwa. Bigla ko namang naramdamang umangat ang aking kamay kaya napatingin ako rito. Hawak ni Sir Alejandro ang kamay ko! Itinaas niya ang kaniyang kamay kaya naman ay naitaas rin ang akin dahil nga magkahawak kami. Siya pala yung naramdaman ko kanina. Bigla namang namula ang mukha ko at mabilis na tumibok ang puso ko. Hooh sir.
Ilang sandali pa ay napatingin nga siya sa akin nang mapansing nakatingin ako sa kaniya. Dito siya ngumiti nang may pagkalapad-lapad. At talaga namang hindi nahiya at hindi na binitawan ang kamay ko kahit nakababa na ang mga ito. Mas humigpit pa jusko! Hindi ko alam ang mararamdaman ko o ano. Bakit mo to ginagawa Sir Alejandro? Halata ka na sir. Halata ba o assuming lang ako?
Mabilis na nagsi-alisan ang mga tao at agad na lumapit sa aming pwesto si Pako. Malaki ang ngiti nito at talaga namang kumikinang, kumikinang sa pawis. Nakatingin lang ito sa aking mga mata habang papalapit sa amin. “Congrats bro” wika ni Sir Nathan na sinundan ni Sir Alejandro, “grats Pako” saka sila nag fist bump dahilan para mawala sa pagkakahawak ang aming kamay.
“Congrats Kuya, you’re a shooting machine, men” wika niya saka siya nakipagkamay kay Pako. “Thank you thank you” tanging nasabi ni Pako. “Congrats Pako!” this time ako naman ang bumati sa kaniya. Naka-angat lang ang tingin ko sa kaniya para matitigan siya sa mata dahil sa tangkad nito.
“Guys hayaan muna natin tong dalawa, ipahiram muna natin si Gabriel” wika ni Nathan na siya namang ikinatawa namin. “Magpunas ka, amoy pawis” wika rin ni Sir Alejandro saka tinapunan ng bimpo si Pako sa mukha saka sila umalis. “You proud of me?” wika ni Pako sa akin ng maihatid na namin ng tingin ang mga kapatid niya. “Syempre naman! Naging flying man ka pa nga nang wala sa oras eh hahaha” wika ko naman sa kaniya.
Napansin ko naman inilagay niya ang bimpo sa kaniyang balikat kaya naman kinuha ko ito. Tumingkayad ako ng kaunti tsaka pinunas ang bimpo sa kaniyang noo pababa sa mukha. Hinayaan niya lang ako at napapikit ito. Pansin ko naman ang bahagyang pagkapula ng kaniyang pisngi at nang maabot na ang pagpupunas ko sa leeg niya ay hindi niya na napigilan ang tawa na lumabas sa kaniyang bibig.
“Bakit? Hahaha” tanong ko na natatawa na rin. “Kinikilig ako potek hahahaha” sagot niya kaya naman napatawa kaming dalawa. Ewan ko, pero lahat ng ginagawa nilang magkakapatid sa akin ay nakakatawa talaga. “Ang sarap naman nito, may taga punas after game.” “Ginawa mo pa talaga akong taga punas mo ha” sagot ko sa sinabi niya.
“Cute, na pogi, na mabait, na masipag, na magandang tagapunas” wika niya na may malawak na ngiti at nakatingin sa aking mata. This time ako naman ang kinilig. “Basketball player ka nga, mambobola, tse” wika ko na natatawa para maitago ang kilig. Pilit ko mang iniiwas ang tingin sa kaniya ay nag kahulihan kami ng tingin at nang magtagpo ito ay tumawa nalang kami na parang mga baliw. Kinilig ba naman sa isa’t-isa? Hahahaha.
TREINTA y DOS: Latidos del Corazon
Tibok ng mga Puso
Gabriel
“Handa na ba ang ating mga kalahok? Handa na bang mahuli ang pinaka-aasam na premyo? Biik na gagawing cochinillo?” Sigawan ang mariring sa lugar kung saan mangyayari ang agawang biik. Isa ito sa mga tradisyunal na laro na ginagawa tuwing may piyesta. Alam naman na siguro nating lahat kung ano ang ginagawa rito ano.
Ang lugar na pinag-dausan nito ay madamo na nabasa ng tubig at meron ding harang na nakapalibot na pormang kahon nang sa gayon ay doon lang talaga makakapunta ang biik at mga manghuhuli nito. Sa paligid naman ng harang ay naroroon ang mga manonood na kahit hindi naman manlalaro ay excited parin para sa magaganap.
Excited at malawak ang ngiti ng mga manlalaro, kumikinang din ang kanilang mga katawan dahil sa langis na ipinahid dito para mas maging challenging ang panghuhuli ng biik. Dalawa nga sa mga ito ang kilala ko. Yes, you get it right, dalawang Salvador. I guess they’re here for the fun. Malawak ang ngiti ng dalawa.
Nagsabi nga sa akin si Sir Nathaniel na sasali siya, para lang daw sa fun. Ang hindi ko naman inaakala ay ang pagsali rin ni Sir Javier. Natawa pa ng ako nung sinabi niya pero kalaunan ay nalaman ko ring seryoso talaga siya. “Don’t laugh at me, c’mon I’m serious” sabi niya pa.
Kaya ngayon, litaw na litaw ang dalawa, sa lahat ng manlalaro, kitang kita mo na talaga sila. Kayumanggi at itim ang makikita mo sa mga manlalaro, kulay ng mga taong babad sa init ng araw, at buong araw na nagtatrabaho para may pangkain sa pamilya, dahil dito, litaw na litaw ang kaputian nina Sir Nathan at Sir Javier na nagtatrabaho rin naman, sa lilong nga lang.
Kaya hindi rin natin masisi iyong mga taong may kulay or people with colors, dahil aside sa kulay na talaga ito ng kanilang mga ninuno, meron ding kontribusyon ang kanilang pamumuhay at trabaho. Sila yung mga taong nagbabanat ng buto at maghapong nakatayo sa ilalim ng init ng araw para lamang masiguradong may pagkain sa kanilang lamesa para sa buong pamilya. Kaya naman walang karapatan ang kahit na sino para kutyain ang mga taong may kulay. Dahil kulay ito ng kanilang lahi at kulay ng kanilang buhay.
These days, colorism is very rampant and evident, and I am one of those people who are strongly against this. We shouldn’t be seen solely about our colors, rather, we should be seen that color is part of our identities. Our colors are part of who we are, whether we are as white as snow or as black as carabao. Let’s accept everybody’s colors.
Hindi rin nag papahuli sa pagpapalakihan ng katawan ang dalawa, batak na batak ang mga muscles. Si Sir Nathan ay bulk type, malaki talaga ang kaniyang katawan kumpara kay Sir Javier na lean ang muscle na nagpapanatili ng kaniyang youthful look. Enjoyment and eagerness are both displayd on their faces, ready to experience one of a lifetime joy and challenge.
Kasunod ng anunsyo ng pagsisimula ng laro ay ang paglagay ng biik sa loob ng ring. Ang mga manlalaro naman ay nakapwesto sa isang banda habang ang biik ay masayang tumatakbo sa loob. “1…2…3, Go!” hudyat ng announcer saka naman malakas na nagsigawan ang mga tao at kaniya-kaniyang cheer sa kanilang pambato.
“Go Sir Javier! Go Sir Nathan!” cheer naman nitong kasama ko na kanina pa ang ingay at halata ang pagkakasabik, sa ingay nga nito kanina pa malapit ko ng ihagis sa loob at palaruin na rin. “Jelay, what if papasukin kita diyan at ipahuli sa iyo ang biik?” wika ko, “Ay wag naman besy, ito talagang si Gabriel, joker ka” wika niya at medyo tumahimik na. Natawa naman ako rito saka ko itinuon ang atensyon sa naglalaro.
Nag-uunahan ang mga tao sa paghuli ng biik. “Hala, nahuli ni Sir Nathan, ay hala” wika ni Jelay nang mahuli at mayakap ni Sir Nathan ang biik na talaga namang napaka-competitive dahil nung malapit na iyong biik sa kaniya ay nag-dive talaga siya para makuha ito kaso nga lang sa dulas ay nakawala rin ang biik. He looked defeated. Napatingin siya sa amin saglit saka naman ako nag thumbs up sa kaniya para i cheer siya. Agad nanumbalik ang ngiti sa labi niya saka siya tumayo at sinubukang muli ang panghuhuli.
Sa kabilang banda naman si Sir Javier ay hindi mahuli-huli ang maiglas na biik. Mabilis siyang tumakbo at yun ang edge niya sa iba at siya ang palaging malapit sa biik kaso nga lang yung biik napakaiglas at kapag magda-dive na siya, agad nakakawala ang baboy. Natatawa naman ako sa kaniya, kanina pa kasi siya ganoon, namumula na nga ang balat niya. Sa tuwing mapupunta siya dito sa pwesto ko ay tatawanan ko siya para asarin na siya namang kinapikon niya dahil magkasalubong ang kaniyang kilay na mas lalong nagpapatawa sa akin.
Takbo, habol, huli, at dive ang ginawa ng mga tao, ilang minuto na nila itong ginagawa. “Matibay din yung biik ah, hindi nagpapahuli, alam siya sigurong lelechonin siya hahaha” rinig kong wika ng lalaking katabi ko rito sa panonood. “Jelay tulungan mo na nga sila” pag-uudyok ko kay Jelay habang natatawa, sumagot naman siya ng “ikaw talaga Gabriel, dinodogshow mo ako.” Lalo naman ako natawa sa nakabusangot niyang mukha. Love language ko kasi talaga ang mang-asar eh.
Habol lang sila nang habol, minsan nga malapit na nila makuha yung baboy kaso nadudulas lang eh. Yung mga taong nanonood naman ay hati ang ginagawa, minsan nagchi-cheer at minsan naman tumatawa. Rinig ang himig ng kasiyahan sa buong paligid at ramdam ang ispirito ng kapyestahan. Nakangiti at masaya lang ang lahat.
Yung dalawa kong amo, ayun, napagdesisyunan na mag tulong nalang sila sa paghuhuli. “Ayan ayan na” masiglang wika ni Jelay nang mahuli na ni Sir Nathan kasi nagdive siya, mabilis naman naglaho ang saya sa dibdib ko nang makatakas ang baboy, pero agad rin namang bumalik ang saya nung hindi pa nakakalayo ang biik nang mahuli naman ito ni Sir Javier. Grabe yung daing ng biik at oink lang ito ng oink. Inakap ni Sir Javier ang biik habang nakahiga na sa damuhan at malawak ang ngiti. Nahuli na nga ang biik, siguro napagod na ito.
Malakas na hiyawan at palakpakan naman ang maririnig mula sa mga tao dahil sa pagkapanalo ni Sir Javier. Malakas din ang sigawan naming dalawa ni Jelay. “Whoooo.” “Ang nanalo ay si… Javier Salvador!” wika ng announcer. Nagpalakpakan muli ang mga tao habang si Sir Javier naman ay tumayo na, malawak ang ngiti nito at pulang pula na ang katawan.
Nagsi-alisan na rin ang mga manlalaro sa loob ng ring matapos ang ilang sandali. Gayundin ang mga taong manonood. Ang hindi ko lang inaasahan ay ang sumunod na ginawa ni Sir Javier. “Tay, tay” pagtawag niya sa may katandaan na lalaki na kalahok rin. Napatigil naman sa paglabas si tatay at napalingon sa tumawag sa kaniya. “Sa iyo na po ito” wika ni Sir Javier saka nakangiting ibinigay sa lolo ang biik na agad din naman nitong tinaggap dahil baka makatakas pa ito at mahirap pa naman hulihin.
Bakas ang pagtataka sa mukha ng lolo habang malawak lang na nakangiti ang binata. “Sigurado ka hijo?” tanong nung lolo. “Oo naman po, sa iyo na iyan.” “Aba’y maraming salamat hijo! Nakakatuwa ka naman! Mayroon na akong palalakihin dahil sa iyo, maraming salamat dito!” Maluha-luha ang lolo sa natanggap niyang regalo habang ako naman ay punong-puno ng kasiyahan ang puso.
Mababaw pa naman ang luha ko sa mga ganitong senaryo. Nakakatuwa lang isipin na ang mapaglarong si Sir Javier ay may malaking puso para tumulong. Yung lolo kasi na iyon ay malakas pa naman kaya siya nakapag-laro kaso nga lang talo ang kaniyang bilis ng mga mas batang kalahok. Mabuti naman sa kaniya ibinigay at talaga namang nakakataba ng puso kahit nanonood lang naman ako.
Umalis na masaya ang lolo habang si Sir Javier naman ay nanatiling nakatingin lang sa papaalis na pigura ng lolo. Lumapit sa kaniya si Sir Nathan saka tinapik sa balikat si Sir Javier. Proud was written all over his face, proud for having a brother like Javier. Lumapit kaming dalawa ni Jelay sa kinaroroonan ng dalawa.
“Galing ko no? nahuli ko yung biik” pagmamayabang ni Sir Javier sa akin. Tumango naman ako sa kaniya nang malawak ang ngiti, ngiti para sa ginawa niyang pagmamalasakit sa kapwa. “Ang galing galing.”
◇
Matapos ang hulihan ng biik ay marami pang nangyaring pinoy games ngunit hindi ko na ito napanuod pa dahil pinili ko na lang na magpahinga nalang muna. Medyo pagod pa rin kasi ako sa volleyball namin kahapon eh. Umuwi ako kasama sina Sir Nathan at Sir Javier habang si Jelay naman ay nagpaiwan at napiling makisaya sa mga tao roon. Babalik nalang siguro ako mamayang gabi dahil may singing at dancing contest, talagang masaya iyon.
Si Sir Nathan ang nagda-drive habang nasa likod naman kaming dalawa ni Javier. Pagod siyang nakaupo at nakabuyang-yang ang paa at pagod na pagod ang itsura. Malapit kami sa isa’t-isa at napansin ko na ang isang maliit na nunal sa kaniyang left collar bone. Cute.
“Sir Javier” tawag pansin ko sa kaniya. “Hm?” “Thank you” sabi ko. “For what?” “Uhm, kasi you gave your prize sa lolo kanina, I really appreciate your kindness and generosity.” His eyes soften with what I said. I really felt thankful, kasi I felt that the lolo really needs the pig, and from Sir Javier’s simple act of kindness, it will have macro effect to him and it might potentially change his life. May we never forget to show kindness to everyone.
Ngumiti lang si Sir Javier, baka speechlees. “Pumopogi na naman ako sa paningin mo no?” he joked, and we both laugh. “Sasagutin mo na ba ako?” dagdag pa niya sabay malakas na tumawa. His face wrinkled with his smile, lumiit ang kaniyang mata. “Luh asa ka.” Tumawa lang kami hanggang sa hindi namin namalayan ay nasa gate na pala kami ng hacienda.
◇
Gabi na nang makabalik kami rito sa sentro. Maguumpisa na ang singing contest. Maraming mga tao ang nanonood at puro hiyawan ang lahat. May stage sa harap at nasa itaas nito ang isang host na magsisimula ng pagtatanghal. “Handa na ba ang lahat?!” Dumagundong ang hiyawan sa lugar sa pagsisimula ng host. “Happy fiesta San Joaquin!” Mas lalong lumakas ang hiyawan ng mga tao.
Ramdam ang espirito ng kasiyahan sa lahat ng tao. Ito na ang huling araw kaya naman maligalig ang lahat. Sisiguraduhing ang gabi na ito ay hindi makakalimutan. “Bago po tayo magsimula ay ipapakilala muna natin ang ating board of judges. Una na rito ang ating butihing kapitan na talaga namang dedikado sa pagseserbisyo sa San Joaquin. Around of applause for Kap. Manuel Alegria!” Tumayo si Kap Manuel saka humarap sa mga tao at kumaway. Humiyaw naman ang mga tao at nagpapalakpakan ang mga ito.
Ang balita ko ay mahal na mahal talaga ng mga taga San Joaquin si Kap Manuel, matulungin daw ito at hindi ka mahihiyang lapitan siya kapag may problema. Matagal na raw siyang kapitan dito at walang kumakalaban dahil sa buti ng kaniyang puso at kalidad ng kaniyang serbisyo sa mamamayan. Kaya naman mahal na mahal siya rito.
Tinawag ng host ang ilan pang mga judges at mga personalidad dito sa San Joauquin at nariyan rin ang kapitan ng katabing bayan. “Last but not the least, inroducing the chairman of the board, a BS in Entrepreneurship graduate, the administrative head of hacienda del Salvador, a certified hunk haciendero, Alejandro Czar Salvador!” Kaya pala pamilyar ang likod ng isang judge na nasa gitna ng mga judges, si Sir Alejandro pala!
Nagpalakpakan at nagtilian ang mga tao nang tumayo si Sir Alejandro at lumingon sa mga audience. Malawak ang kaniyang ngiting nakakaway sa mga tao. Napakalinis at gwapo niyang tignan sa suot niyang black tuxedo. Sa di sinasadyang pagkakataon ay nagkatitigan kami, nahuli ng aming mata ang bawat isa. Para bang nag slowmo ang lahat, wala akong ibang nakita kundi siya lang, yung parang sa mga movie. Ganoon na ganoon ang aming eksena. Ngumiti siya sa akin ng pagkatamis tamis sing tamis ng cherry na kakulay na ng aking pisngi ngayon.
Mabuti nalang talaga at madilim sa pwesto namin at hindi niya mahalata ang pamumula ng aking mukha. Nakatingin lang siya sa akin at ganoon rin ako sa kaniya. Parang ang bagal ng takbo ng oras at tila wala akong pwedeng gawin kundi ang tumitig lang sa kaniyang mga mata. Nakakalunod, malalim ang kaniyang mga titig.
“Gabriel.” Nabasag ang aming moment nang may kumalabit sa akin, napatingin ako sa taong nakahawak sa aking braso. “Pako.” Tila nakikipaglaban sa kapogian si Pako, matangos na ilong, honey colored skin, and sweet smile, every thing about him is close to perfection. Nabasag lang muli ang pagtitig ko sa kaniya nang nagpalakpakan na ang mga tao dahil sa unang contestant na umakyat na sa stage. Hindi ko namalayang nakaupo na palang muli si Sir Alejandro at ang tanging nakikita ko nalang ay ang kaniyang malapad na likod.
“Nasaan sila Sir Javier at Sir Nathan?” tanong ko kay Pako, magkatabi kami ngayong nakatayo at nanonood sa unang sumalang. Biglang sumimangot ang kaniyang mukha sa narinig, “ako ang nandito tapos sila ang hinahanap mo tsk.” He looks cute with his pouty lips, nagtatampo ang loko. “Luh, nagtatampo yarn?” pagtawa ko sa kaniya na lalo niya namang kinainis, “ang hilig mo talagang mang-asar ano” pagyayamot niya. “Talaga” sabi ko naman na ikinailing niya.
“Tampo naman yang baby na yan” wika ko sa kaniya sa boses na parang umaamo sa mga baby, nakayukot kasi ang mukha ng pansinin ko ito. Hindi ko naman napalampas ang pagsibol ng ngiti sa kaniyang labi hanggang sa hindi na niya ito napigilan at ngumiti na talaga na para bang kilig na kilig. Kapwa kaming tumawa dahil sa ginawa niya. Masyado na atang napalakas ang aming pagtawa nang nakita naming inis na inis na ang itsura ng aleng katabi namin kaya naman tumigil na kami.
Masigabong palakpakan ang namayani sa buong lugar matapos ang pagkanta ng number 1, sumabay kami sa palakpakan dahil talaga namang magaling ito. Sumunod naman ang isang lalaking contestant na parang ka edad ko lang ata. Ramdam kong dumarami na ang manonood dahil bigla nalang sumikip ang paligid. Magkadikit na ang aming mga braso ni Pako, binibigyan ng init ang nilalamig kong katawan.
Nakukuryente ako sa tuwing humahaplos ang likod ng kaniyang kamay sa akin. Nagdudulot ito ng kakaibang pakiramdam, idagdag mo pa ang ambiance ng lugar, may kadiliman, konti lang ilaw at malamig ang simoy ng hangin. Napaangat ang aking tingin sa kaniya at hindi ko namalayang nakatingin rin pala siya sa akin. Tila isang bagyo ang namumuo sa loob ng aking dibdib nang magtama ang aming mga mata. Ngumiti siya sa akin at naramdaman ko na lang na ang aking kamay ay nakakulong na sa kaniyang malaki at mainit na kamay.
Di ko maintindihan ang nilalaman ng puso
Tuwing magkahawak ang ating kamay
Pinapanalangin lagi tayong magkasama
Hinihiling bawat oras kapiling ka
Juancho
Hindi ko na napigilan pa at hinawakan ko na ang kaniyang kamay. Tila sumasabay naman sa aking nadarama ang kanta ng lalaking nasa stage. Tila ba ang kantang ito ay sinulat ng aking puso para lamang sa nagpapatibok ng aking puso. Masaya ako at siya ang napili ng aking puso. Pinili ng aking puso si Gabriel.
Sa lahat ng aking ginagawa
Ikaw lamang ang nasa isip ko, sinta
Sana’y ’di na tayo magkahiwalay
Kahit kailan pa man
Teka, kaninong kanta ba ito, bakit parang swak na swak talaga sa aking pag-ibig kay Gabriel. Tila sumisigaw ang aking puso sa tuwa, sa tuwa na makasama siya ngayon at mahawakan ang kaniyang kamay. Sa lahat ba naman ng aking ginagawa, siya lang ang nasa isip ko, hindi mabura-bura.
Tinitigan ko si Gabriel, at tila naramdaman niya iyon kaya napatingin siya sa akin. Muling umagos ang aking dugo papunta sa aking puso at mabilis itong tumibok. Sa tuwing nakikita ko si Gabriel ay hindi ko talaga maiwasang mapatingin sa kaniyang mga mata, at sa tuwing nakikita ko ito para bang may sumpa itong dala dahil hindi ko na kayang ilihis ang aking paningin. Nakakabighani ang ganda ng kaniyang mga mata.
Ang pinaghalong katapangan at pagiging inosente na tila ba may anghel na nakakulong roon ang siyang unang nagpahumaling sa akin kay Gabriel. Ang kaniyang mga mata ang nagdala sa akin kung nasaan ako ngayon, kung ano ang ginagawa ko sa kaniya, ang ibigin siya. Ngumiti siya sa akin at kulang nalang ay tumakbo ako at magtata-talon dahil sa hindi mapigilang kilg na nadarama. Ano bang ginagawa mo sa akin Gabriel? Hulog na hulog na ako.
Ikaw lamang ang aking minamahal
Ikaw lamang ang tangi kong inaasam
Makapiling ka habang-buhay, ikaw lamang, sinta
Wala na ’kong hihingin pa, wala na
Ooh, ooh-ooh-ooh
“I love you Gabriel.” Hindi ko na napigilan pa at tumakas na sa aking bibig ang nararamdaman ng aking puso. Tila hindi iyon inaasahan ni Gabriel pero mabilis rin siyang nakabawi sa gulat. His eyes soften and it made my heart skipped a beat. As simple as that, he already made my knees weak. He brightly smiled at me. At that moment, I promised to myself, that no matter how much it takes, I will risk myself and gamble my love just for this angel to be mine.
Gabriel
Matapos ang singing contest ay sumunod naman ang dancing contest. Nang matapos ang dancing contest ay nag proceed na sa awarding. Hindi ko naman inasahan na magkakaroon pala ng awarding ng lahat ng ginanap na palaro. Unang tinawag ang kuponan nila Pako para sa pagkapanalo nito sa basketball. Si Pako ang itinanghal na MVP. Biniyayaan siya ng medal at tropeyo naman para sa kanilang kuponan. Malawak ang kaniyang ngiti na humarap sa kamera para kunan ito ng litrato.
“Ngayon naman ay ang ating winner sa volleyball” anunsyo ng host kaya naman umakyat na rito ang aking mga ka team. Huli akong umakyat rito at isa isa kaming kinamayan. Binigyan kami ng tropeyo ni Kapitan at ngayon ay hinhawakan ng aming team captain. “The Volleybal MVP is… Gabriel Alcantara” wika ng host na talaga namang aking ikinagulat. Hindi ko inasahang ako pala ang magiging MVP! Nagpalakpakan ang aking mga team mates at isa isa nila akong kinamayan at nag congratulate.
Nakita ko naman umakyat ng stage si Sir Alejandro na may dalang medal. Nakangiti lang siyang nakatingin habang naglalakad papunta sa akin. Nang makalapit na siya ay agad niyang pinasuot sa akin ang medal saka ko namalayang nakakulong na pala ako sa init ng kaniyang bisig. Niyakap niya ako! Isa rin iyon sa mga hindi ko inaasahang gagawin niya. Mabilis akong nakabawi at tinanggap nalang ang kaniyang yakap at sinuklian ito ng ngiti. “Congrats Gabriel, I am so proud of you.” Sinabi niya iyon saka kami humarap dahil tinawag na ng camera man para sa litrato. Naramdaman ko ang kaniyang kamay sa aking likod. He moves it up and down and every moves’ electrifying me. Sir naman!
Mabilis kaming bumaba ng stage dahil ang next na namang aawardan at inanunsyo na ang mga nanalo sa singing at dancing contest. Nanalo iyong isang babaeng biretera at sa pagsasayaw naman ay grupo ng mga bata. Akalain mo iyon, nanalo pa talaga kami sa kubo competition! At dahil narito naman si Andong, siya ang pina-akyat namin sa stage total ay siya namang ang nagpinta noon.
Matapos ang awarding ay inanunsyo na na magkakaroon ng disco na siya namang ikinagalak ng mga tao. Ang disco ay ang party ng mga taga probinsya. Lumakas ang tugtog at umiindak na ang mga tao. Maraming nagsasayawan at tila ba kumakawala ang kanilang mga spirit animal at nag-uudyok sa kanilang sumabay sa indak ng musika. Malawak ang ngiti ng bawat isa at enjoy na enjoy sa kanilang pagsasayaw.
Nasa gilid lang ako at nanonood sa mga taong nagsasayawan, wala akong balak makisayaw sa kanila dahil sa wala akong talent riyan. Mas pangit pa sa pangit ako kung magsayaw, ipapahiya ko lang talaga ng sarili ko riyan.
Namataan ko rin sa bandang gilid na nagsasayaw sina Jelay at iyong mga ka team ko sa volleyball, talaga namang all-out sila sa pagsasayaw habang si Jelay naman ay parang ngayon lang pinalabas ng nanay niya kaya naman sinusulit talaga ang pagpa-party at hataw na hataw ito. Nakangiti lang akong nanonood sa kanila. Inaaya pa nga nila akong noonng namataang nanonood ako sa kanila pero inilingan ko lang sila dahil ayaw ko talaga.
“Gabriel?” napatingin ako sa aking tabi nang marinig ko ang aking pangalan. “Sir?” Sumalubong sa akin ang seryosong mukha ni Sir Alejandro. Mas gwapo talaga siya sa malapitan lalo na sa porma niya ngayon, lakas maka artista. Ngunit tila ba may bumabagabag sa kaniya dahil sa hindi niya magawang makangiti. Yung parang mukha ng kabigan mong di makapagintay na kwentuhan ka sa chismis na hindi niya naman dapat i-share, mas seryoso nga lang at parang kinakabahan.
“Can I have a talk with you?” tanong niya. “Oo naman po, ano po ba iyon?” wika ko sa seryosong tono. Tumingin sia sa paligid at ganoon rin ako. Ah maingay dito at maraming tao, nakuha ko kaagad ang gusto niyang ipabatid. Lumakad na si sir saka naman ako sumunod sa kaniya. Nagtungo siya sa isang parte ng sentro kung saan walang tao.
Nakatingin lang ako sa langit na pinaliliwanag ng maliit na mga kumikinang. Malamig rin ang hangin at medyo tahimik rito. Sa katunayan ay parang nasa isa kaming cliff, meron kasing harang dito para na rin sa seguridad ng mga tao. Mayroong isang poste ng ilaw sa gilid kaya naman kitang kita ko pa rin ang gwapong mukha ng aking katabi ngayon. Ano kayang sasabihin nito?
Tatanungin ko na sana ito kung ano ang sasabihin niya pero nagsimula na ito, “I have this someone I like.” Nagulat naman ako sa sinabi niya pero hindi ko lang pinahalata. Nice. Wika ko sa aking sarili pero kabaliktaran naman nito ang aking nadarama. May mahal na siya?
“Actually, I think love na nga eh” dagdag niya saka siya maliit na tumawa. Nakatingala lang ako sa kaniya at hinihintay ang susunod niyang sasabihin. “Gusto ko ang kislap ng kaniyang mga mata sa tuwing nakatingin siya sa akin, hindi man kami naguusap sa mga pagkakataong iyon pero parang kulang ang isang dictionary para masabi ng aking mga mata ang nilalaman ng puso ko. Pinapatibok niya ang puso ko gamit lang ang kaniyang mga ngiti. Matalino siya at matalinhaga kung magsalita. Mas bata siya sa akin pero parang matanda na siya kung makapag-salita.” Napapangiti si Sir Alejandro, tila nagpi-play sa kaniyang isipan ang bawat sinasabi niya sa akin tungkol sa taong ito. “Sa tuwing kasama ko siya, mabilis ang tibok ng aking puso, I can’t help it.”
Inlove na inlove ang body language ni Sir, tinamaan na nga siya. Nakakahawa ang ngiti niya, parang kaya niyang ibigay ang buwan at mga bituin sa kaniyang minamahal kung pwede lang. Kitang kita ko ang wrinkles sa gilid ng kaniyang labi at mga mata sa sobrang pag ngiti sa tuwing nagkukwento siya sa mga nagugustuhan niyang bagay sa taong minamahal niya.
Kakakilala lang daw nila, nakakatuwa nga rin daw dahil sa hindi sinasadyang pagkakataon silang nagkita. Maaliwalas ang mukha at matapang ang itsura raw nito. Malambot ang buhok na bumabagsak at tinatago ang mga magagandang mata nito. Ngayon lang raw siya nakakita ng mga matang katulad ng mata ng kaniyang iniibig. Puno ng katapangan at kabutihan ang mga mata nito na hindi niya raw kayang hindi makita ang mga ito sa araw-araw. Nakangiti lang siya habang sinasabi ang mga ito sa akin. Nakakatuwa rin dahil parang nagba-blush pa nga siya. Kilig na kilig ang loko.
Bakit naman sa akin niya ito sinasabi at hindi sa minamahal niya? Nakapagtataka lang pero teka… bakit parang kilala ko ang taong sinasabi niya?
Mula sa pagkatingin sa malawak na langit sa aming harapan ay bigla nalang siyang tumingin sa akin. “Gabriel.” Sa paraan ng kaniyang pagbigkas sa aking pangalan ay parang kakaiba, may bigat ang mga ito. Nakatingin lang siya sa akin sa paraang tinitignan ng isang tao ang kaniyang iniibig. Pamilyar ako sa mga matang ito dahil ilang beses ko na itong nakakaharap. Dito na biglang sumilay ang kaba sa aking dibdib.
Biglang bumibilis ang tibok ng aking puso nang mapagtanto ko ang ginagawa niya ngayon. Sa ilalim ng maliwanag na buwan at nagkikinagang mga bituwin, hinawakan niya ang aking mga kamay. Mabilis na uminit ang aking kaninang malamig na mga kamay dulot ng haplos niya. Tinitigan niya ako ng malalim sa mga mata, tila may namumuong luha sa mga iyon. Dinala niya ang aking kaliwang kamay sa kaniyang dibdib at naramdaman ko na lang bigla ang mabilis na tibok ng kaniyang puso.
“Mahal kita Gabriel.”
TREINTA y TRES: Dulce Beso como Dulce Premio
Sweet kiss as a Sweet Prize
Gabriel
From not passing the board exam to peacefully living here in hacienda del Salvador to having it’s 4 heirs as my suitor. Oh, how fast time goes by. It’s so amusing how life moves silently and unexpectedly. 4 suitors? Who would expect that? Masyado na ba talaga akong maganda?
Natawa ako sa sarili kong biro. Heto ako ngayon, nakatingin na naman sa harap ng salamin gaya ng palagi kong ginagawa tuwing umaga, actually bago lumabas ng kwarto, ginagawa bago lumabas ng kwarto. Tanghali na kasi ako ngayon nagising dahil linggo naman ngayon at araw pahinga ng mga manggagawa ng hacienda.
So ayun na nga, nakaharap ako sa salamin at pilit isinasaisip kung bakit ako nagkaroon ng apat na gwapong manliligaw. Is it my fair skin? Is it my charming smile? Is it my soulful eyes? O baka naman lahat? “Hahaha grabe ka na talaga Gabriel, pati ba naman sarili mo niloloko mo.” Natawa nalang ako at sinermonan ang sarili na tila isang baliw.
Alas otso na ng umaga, at para nga sa amin dito eh tanghali na iyon. Hindi na din ako ginising nila tatay kasi alam nilang pagod ako kagabi. Katatapos lang ng idinaos na piyesta kaya naman pagod ang lahat. Dahil nga wala namang trabaho at wala rin akong pupuntahan ngayon, hindi na ako nag-abalang magbihis pa.
Lumabas ako ng aking kwarto ng naka sando at short lamang. Hays, ang presko. Malamig na hangin ang bumungad sa akin pagkalabas ko ng aming bahay. Mabango at maaliwalas ang simoy ng hangin. Ang mga kapit-bahay naman namin ay abala sa kanilang ginagawa, may nagwawalis, nagtatanggal ng mga damo, at may pumipitas ng kaniya-kaniyang mga pananim.
Sa labas ng aming bahay kung saan nakapwesto ang aming lamesa ay naroon ang aking mga magulang. “Oh gising ka na pala Gabriel” wika ni tatay Ador. Ngumiti ako sa kanila, saka ako lumapit para yumakap. “Nakapagpahinga ka ba ng maayos anak?” Tanong ni nanay matapos ko siyang yakapin at umupo na.
“Uminom ka ng gatas anak, fresh yan galing sa dede ng baka. Mainit-init pa ito dahil ininit ko para matanggal ang bacteria at para painitin na rin ang iyong sikmura” wika naman ni tatay sabay salin sa akin ng gatas. Lumaki naman ang aking mata dahil first time ko lang makatikim nito. “Uhmm ang presko nga ’tay, ang sarap!” Puri ko. Ang sarap kasi talaga.
“Mabuti naman at nagustuhan mo. Si tatay mo mismo ang gumatas sa baka para lang ipatikim sa iyo.” Imporma naman ni nanay. Agad naman akong nagpasalamat sa kanila at humigop muli sa gatas. “Nakapag-pahinga ka ba ng mayos anak?” Tanong muli ni nanay sabay hagod ng aking ulo at inaayos ang aking magulong buhok.
“Opo ’nay, medyo marami rin kasi ang ganap kahapon kaya pagkarating ko rito, bagsak agad ang katawan ko.” Sagot ko naman. Inalala ko ang nangyari kahapon. Matapos kasi nung pag-amin eme ni Sir Alejandro ay wala lang akong nasagot sa kaniya dahil na rin sa gulat. Bigla nalang nangibabaw ang pagod sa aking katawan kaya naman niyaya ko na silang umuwi.
Si sir Alejandro lang sana ang maghahatid sa akin kaso ay sumama na rin yung tatlo, kaya ayun sabay sabay na kaming nagsi-uwian. Pagkarating ko rito sa bahay ay naligo ako saglit, nagbihis, at diretso tulog. Sa dami ba naman ng mga kaganapan.
Si Jelay lang ata ang hindi alam ang salitang pagod, grabe yung sayaw niya kahapon. Hula ko nga eh uminom pa yun kasama ng mga kaibigan niya. Malamang sa malamang, tulog pa iyon hanggang ngayon. Humihilik pa ata yun sa higaan niya at mamaya pa magigising.
Yun ang akala ko. “Gabriellll!” Mas mataas pa sa sikat ng araw ang energy ni Jelay. Parang aabot na nga sa mansiyon ang lakas ng sigaw niya. Natawa nalang sina nanay at tatay sa kaniya habang ako naman ay napahilamos sa aking mukha. Andito na naman ang babaeng walang salitang pagod sa kaniyang bokabularyo. Guguluhin na naman ako nito.
“Ano na namang masamang hangin ang nagdala sa iyo rito?” Tanong ko sa kaniya pagkalapit niya sa amin. Nagmano muna siya kina nanay at tatay, tapos ay nagsalin ng gatas sa walang gamit na tasa. “Ang aga-aga kasi binubungangaan ako ni nanay. Anong oras na raw ako umuwi kagabi at ang lasing ko pa daw. Ayun dito nalang ako magkakape kesa namang sermon ni nanay ang magiging almusal ko sa bahay diba.” Mahabang litanya niya.
Nanay niya pala ang masamang hangin na nagdala sa kaniya rito. Humigop siya sa kaniyang gatas. “Ayos lang naman po diba ’tay Ador, dito ako makikape?” Ngayon niya pa talaga naisipang mag paalam eh kung makahigop siya sa gatas niya eh parang madadala na kami. “Siyempre naman, ikaw pa ba Jelay” natatawang sagot ni tatay.
“Kaya mahal ko po kayo ni nanay Beth eh” dagdag naman ni Jelay kaya kami natawa sa kaniya. Humigop na rin ako ng gatas at hindi na inintindi pa ang bruhang nandito. Hays. Ang sarap talaga ng umaga dito sa Hacienda. Nakakawala ng pagod at stress. Idagdag mo pa rito ang preskong gatas galing sa dede ng baka. Pft hahaha.
Napatingin naman sa akin na puno ng pagtataka si Jelay. “Tinatawa-tawa mo jan?” Magkasalubong ang kilay nito habang nakadikit sa labi ang tasa. “Hm” hindi ko siya pinansin at inirapan lang.
“Wala ka namang lakad ngayon Gabriel ano?” Tanong nito. “Wala naman, bakit?” “What if maligo tayo sa batis?” Napaisip naman ako. Oo nga no, wala namang akong gagawin. “Mukhang masarap ngang magtampisaw doon ngayon” wika ko pa sa kaniya. Tila naging bituwin naman ang mga mata ni Jelay sa excitement.
“Tara, sabihan natin sina Andong at Tonyo!” Excited ito at agad agad akong hinila. Hindi man lang ako nakapag-bihis. Madali niya akong hinila hanggang sa nakalabas na nga kami ng aming bakuran. Mataas na ang sikat ng araw pero hindi naman ganoon kainit.
Agad naman kaming sinalubong ng aming mga kapit-bahay. Tumatama ang sinag ng araw sa aking balat. Lalo pa ngayon na nakasando at short lang ako. “Nakakasilaw ka naman Gabriel” si Jelay ang unang pumuna ng aking kaputian.
“Akala ko white lady, ikaw lang pala yan Gabriel” natatawang wika naman ng kapit-bahay namin. “Jelay, baka mamantsahan mo iyang si Gabriel. Hindi pa naman dapat ihalo ang puti at de kolor” wika pa ng isa saka ito natawa na sinagot lang ni Jelay ng “tse!”
“Ang pogi mo talaga Gabriel kahit kailan eh” wika naman ng babae naming kapit-bahay na napatigil pa talaga sa kaniyang pagwawalis. May lumapit rin sa aking batang babae. “Galing po ba kayo sa abroad? Forenger po ba kayo kuya Gabriel?” Natawa naman ako sa inosenteng tanong nito. Forenger? Hahaha.
“Ikaw talaga, hindi ako forenger, maputi lang talaga ako” wika ko naman rito. “Gusto ko din pong pumuti, para maging maganda katulad niyo” sabi pa nito. Hala ang bata pa nito pero concern na ito sa kaniyang looks.
Lumuhod naman ako para pumantay sa kaniya. “Alam mo, hindi naman kailangang maputi ka para maging maganda. Kahit ano pa ang kulay ng balat mo, kahit sino ka man, pwede kang gumanda. Maganda ka.” Wika ko naman sa kaniya sabay lagay ng nakausling buhok sa likod ng kaniyang tenga. Ngumiti naman ito ng malapad sa akin kaya napangiti na rin ako.
“Pero gusto ko pa rin pong pumuti” wika naman nito na ikinatawa ko. “Gusto niya talagang pumuti Gabriel” natatawa na rin si Jelay. “Ganito, para pumuti ka, huwag kang magbabad sa araw, matulog ka ng tanghali, at sumunod ka palagi sa nanay mo okay. Ayos ba iyon?” wika ko naman rito.
“Nakakaitim kasi ang sinag ng araw lalo na kapag mainit” dagdag ko pa sa kaniya na siyang namang ipinag-alala niya. Lumaki ang kaniyang mata at tila natakot. “Sige po kuya, salamat po.” Ang tanging nasabi lang nito saka ito mabilis na tumakbo papunta sa kanilang bahay na tila takot ng maarawan. Natawa nalan kami sa ginawa niya.
Pinagpatloy na nga namin ang aming paglalakad. Bati doon bati dito ang aking ganap. Bakit tila ngayon lang ako nakita ng mga tao dito eh araw-araw naman kaming nagkikita. Ginawa niyo naman po akong artista. Hanggang sa nakarating na nga kami sa bahay nila Andong at swerte namang andoon si Tonyo. Para hindi na kami pumunta sa bahay nila at isang sabihan nalang.
Pumasok na nga kami agad sa gate ng bahay nila nang wala ng paalam, tutal ay nasa labas lang naman sila at kitang-kita kaming pumasok. “Ah! Nakakasilaw ka naman Gabriel.” Sabi pa ni Tonyo saka ito nagtakip ng kaniyang mata. “Ang OA mo talaga kahit kailan” wika ko naman rito saka ito mahinang sinapak. “Aw!”
“Ano na namang ginagawa mo rito Jelay? Sisirain mo na naman ba ang araw ko. Paawat ka naman!” Biglang litanya naman ni Andong na ikinatawa lang namin, na ikinainis rin ni Jelay. “Tse! Simula bata palang tayo sira na ang buhay ko dahil sayo, hinayupak ka!” Ganti rin ni Jelay na ikinatawa namin ni Tonyo.
Hanggang sa nagsiraan na nga sila ng buhay at patuloy na silang nag-asaran. Hinayaan lang din namin iyong dalawa. Ganiyan na talaga sila, wala na kaming magagwa pa, walang gamot ang makakapagpahinto sa kanilang dalawa. Tawa lang kami ng tawa sa batuhan nila ng asar.
“Gabriel, sabihan mo nga ’tong kaibigan mo. Huwag dikit ng dikit sa iyo dahil klarong-klaro ang pagiging panget niya.” Baling sa akin ni Andong. “Hoi!” Dito na rin natawa si Jelay. Napatawa naman kaming apat sa reaksyon niya, wala na rin siyang ibinato pa at tinanggap nalang ang kaniyang pagkatalo.
“Ano bang sadyo niyo?” Tanong ni Tonyo. “Ah, naisipan kasi ni Jelay na maligo daw tayo sa batis ngayon” sagot ko naman. Ang liwanng ng mata ni Jelay kanina ay ganoon rin ang liwanag sa mata nila. Agad silang tumayo at hindi na nagdalawang isip pa. “Sana kanina niyo pa sinabi. Tara na, maghanda na kayo” wika naman ni Andong. Natawa nalang ako sa inasal niya.
“Dalhin niyo ang pwede niyong dalhin” habilin naman ni Jelay saka kami kapwa umalis at naghanda na rin.
◇
“Whoo” sigaw ni Andong nang pagkarating pa lang namin ay tumalon na agad ito sa malamig na tubig. Walang katao-tao ang batis. Tahimik at payapa. Naghanap na nga kami ng pwesto at doon kami sa palagi naming pinuwestuhan. Yung gilid ng falls.
Agad naming binaba ang aming mga dalang basket na may lamang mga pagkain at inumin. Naglatag muna kami ng kumot pagkatapos ay inilabas na namin ang mga pagkain. Madaling-madali si Jelay kanina, hindi man lang ako nakapagbihis, yes po, sando at short pa rin ang suot ko. Pero ayos na rin iyon, pwede na tong panligo.
Dahil nga nagmamadali si Jelay ay hindi rin ako nakakain pa ng umagahan kaya naman hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa, lumamon na ako at hinayaan yung tatlo na maligo. Sa hangin pa lang na dumadapo sa katawan ko, alam kong malamig na malamig ang tubig at tamang-tama sa mainit na sikat ng araw.
While eating my breakfast I take in the magnificent view. This place always does magic to my heart. Whenever I’m here, I am so calm and collected. The balance of greeneries and crystal-clear water is such a breathtaking site to take in.
Ibang saya rin ang dala ng tubig na nanggagaling sa talon. Ang presko talaga ng biyaya ng kalikasan. I’m just enjoying the view while eating. Habang yung tatlo naman ay parang mga batang naglalaro, ang sasaya nila.
Ilang sandali matapos akong kumain ay naiinggit na ako sa kanila kaya namang napagdesisyunan ko ng sumali sa pagligo. Sa ’di kalayuan ay may naririnig akong mga padyak ng mga kabayo, maraming kabayo. Baka namamaligno na kami rito o kaya naman ay namimiss ko lang ang mga alaga ko.
Hindi ko na lang ito binigyan pa ng pansin dahil tumigil din naman kalaunan. Tumayo na ako at hinuhubad ko na ang aking sando. Short lang ang iiwan ko dahlil wala naman akong dalang pamalit baka lamigin ako mamaya pagkauwi.
Nasa ganoon akong akto nang may napansin ako sa entrance ng batis. Tuluyan ko ng nahubad ang aking pang-itaas at dito ko napansin ang apat na taong magiging kasalo namin sa batis na ito.
4 mesmerizing and hot hunks stand before my eyes. Their face card never really declines. Ang apat na Salvador.
Nang makita nila ako ay agad na lumandas ang ngiti sa kanilang mga labi. Hinubad nila ang kaniya-kaniyang mga damit at itinira nalang ang kanilang pang-ibaba. The sunshine’s glistening their muscular body.
Steam rosing from their bodies from how hot it is. Parang hinihigop ata nilang apat ang hangin at mahirap ng huminga. Discipline and hardworks really pays off and their body is the perfect definition of it.
The diversity in their skin color truly made them unique and stand-out. Mula sa kaputian ni Sir Javier at Sir Nathan hanggang sa honey skin-tone ni Juancho at mala olive skin ni Sir Alejandro. They are captivating on their own way.
Bilib din ako sa magkakapatid na ito eh, walang prototype, lahat sila ay may maibubuga on their own way. Iba’t ibang hugis at ganda ng mukha.
Ang swerte naman ng nililigiwan nila. Hmm I wonder who it is. I blushed when I think who.
Nakatingin silang apat sa akin at kapwa nakangiti hanggang sa naisip nila na tama na siguro ang exposure nila kaya naman lumakad na sila papunta sa aking kinaroroonan.
“I didn’t know we’d see you here” paunang bati sa akin ni Sir Javier saka niya ako mahigpit na niyakap na para bang kay tagal naming hindi nagkita. Humalik din ito sa aking pisngi pagkatapos ay mabilis na hinila ni Sir Nathan.
“Hey Gabriel, I see you showin’ some skin ah” pansin rin sa akin ni Sir Nathan saka ito yumakap at gaya ni Javier ay humalik rin ito sa aking pisngi. Iba talaga magpakilig ang mga Salvador, parang nasa lahi na talaga nila ang pagiging matamis ah.
“Hi my bebelabs” palabirong wika naman ni Pako kaya naman nasapak ko ito ng mahina na kaniya lang ikinatawa. “Bebelabs ka diyan” wika ko. Dumiretso naman siya sa pagyakap sa akin ng mahigpit at humalik sa aking pisngi.
Pulang-pula na ata ako ngayon ah, ang nipis pa naman din ng aking balat sa pisngi kaya for sure bakas na bakas na dito ang kilig na aking nararamdaman. Parang kumakawala na ata ang puso ko sa lakas ng tibok nito. Hindi ko na ata kakayanin pa pero meron pang isa eh.
“Hola Gabriel eres tan hermoso como siempre.” Hi Gabriel, you are so beautiful as always. Natagpuan ko na lang ang aking sarili na nakakulong sa init ng yakap ni Sir Alejandro. Naramdaman ko rin ang tamis ng kaniyang halik sa aking noo. Tama na po, kilig na kilig na po ako opo. Hindi na talaga pinagpahinga ang puso ko.
“Para ka ng kamatis Gabriel” natatawang biro ni Pako na sinundan rin ni Javier, “you’re about to burst” wika niya at sinundan ito ng tawa. “Tawang tawa?” ang tanging naging banat ko lang sa kanila.
“We did not expect to see you guys here.” Wika ni Sir Nathan. “Dadaanan ka nga sana namin sa bahay niyo kaso pinigilan kami ni Kuya Andro baka pagod ka daw.” Dagdag pa ni Pako. “At least you are here now.” Nakangiting wika ni Javier. Which they all agree by nodding.
“Buti naisipan niyo ring maligo dito Gabriel” si Sir Alejandro habang nagiinat at pasimpleng nagfiflex ng kaniyang muscle. “Oo nga po sir eh. Inaya lang din ako nina Jelay” magalang kong sagot rito. “You know you can drop the formalities already Gabriel. Ayoko naman na yung nililigawan ko eh sir ang tawag sa akin.” Natatawang saad nito saka ako nito hinarap.
“Ay sige po sir- ay Alejandro” wika ko na ikinatawa lang niya. “Kumain na ba kayo?” Tanong ni Alejandro sa mga kasama ko noong lumapit sila para bumati sa mga amo namin. “Ay oho sir, may dala pa nga po kami riyan.” Si Andong ang sumagot.
“Guys who brought a phone with you?” Baling nito sa mga kapatid niya. “Me” it was Javier who raised his hand like a diligent kid being called in a recitation. Cute. “Call home Javier. Tell them to bring food and drinks, alcohol.” Utos ni Alejandro sa kapatid na agad naman nitong sinunod.
“Also add milk for Gabriel.” Wika nito saka bumaling sa akin as smirk was evident on his face. “Sir umiinom din po ako. You treat me like a baby!” Reklamo ko rito. Marunong ka rin mang-asar ah. He smirked and about to laugh. But man I was shock with what came out his mouth next, “You’re my baby” he added and wink at me.
Dahil sa gulat ay hindi na ako nakareact pa dahil na rin nag-dive na ito sa malamig na tubig. Naiwan ako riyon na nakatayo lang at pulang-pula na sa kaba, hiya, at kilig. A-ako, baby? Baby niya? Ah! Talaga naman nitong lalaking to.
Hindi pa nga ako nakarecover mula roon ay mabilis nalang akong napasigaw nang pumulupot sa aking katawan ang malaking braso ni Pako. Yumakap ito mula sa aking likod. Napasigaw nalang ako nang maramdaman ko ang aking sarili na nakalutang na sa ere at mabilis na bumulusok ang aming katawan sa malamig na tubig nang tumalon si Pako. “Ahhhh!” I was able to scream my hearts out before my voice were muffled by the water. The cold water engulfed and swallowed my body, whole.
Pagka-ahon ko mula sa tubig ay puro tawanan naman ang bumungad sa akin. Nasa likod ko lang rin si Pako at naririnig ko ang tawa niya. Humarap ako sa kaniya at munting sinapak ang balikat niya. Hinuli niya lang naman ang kamay ko at natawa. “Ang lamig!” sigaw ko pa.
“Here I come!” rinig kong sigaw ni Javier hanggang sa tumalon ito at sumaboy nga sa akin ang tubig dulot ng kaniyang pagtalon. “Whoo! Refreshing” wika niya na malawak ang ngiti nang umahon. Agad itong lumangoy ng lumangoy. Habang ako naman ay nasa pwesto ko parin at pinapalutang ang sarili. Hawak pa rin ni Pako ang aking kamay at kapwa kami palutang-lutang.
Sunod naman sumalang sa tubig si Sir Nathan at nag-dive ito. “May lahi ba kayong isda?” biro ko kay Pako. Lahat kasi sila eh marunong lumangoy. “Si Dad ay olympic swimmer back in his days, so hindi pwede na kahit sino sa anak niya eh hindi marunong lumangoy. Kaya ayun, swimmer kaming lahat, hindi nga lang kami nagco-compete.” Imporma niya.
“Ah kaya pala” ang tanging naisagot ko lang. “Let’s swim.” Aya niya sa akin bago niya binitawan ang aking kamay at lumangoy. Lumangoy na rin ako at inenjoy ang aking sarili sa malamig at preskong tubig. Dive, jump, swim, and float ang aking ginawa. Truly such a relaxing moment. Ramdam na ramdam ko ang paglabas ng stress sa aking katawan at pinapalitain ng relief. I just smiled moments by moments.
◇
“Since swimmer po kayong apat mga sir, what if pabilisan po kayo ng langoy?” Excited na hamon ni Jelay doon sa apat. Parang game din naman yung apat at napatango pa ito. “Ano namang prize?” Tanong ni sir Nathan.
Napaisip naman dito si Jelay. “Uhm ako” wika nito na ikinatawa ng lahat at nangingibabaw nga ang tawa ni Andong at Tonyo. “Wow ah, tawang tawa?” Banas na saad naman sa kanila ni Jelay. Seeing her mad face was enough for them to stop. I internally laugh, wala naman pala kayong laban sa bestie ko eh.
“Syempre joke lang po yun mga sir, baka magpatalo pa kayo kapag ako talaga ang prize.” Biro ni Jelay na ikinatawa lang nung apat. Ang sasarap sa tenga ng tawanan nila, yung tawanan ng mga lalaking may pera, ganoon hahaha.
“So ano nga?” Tanong ni Pako. “Uhm, si Gabriel! Matamis na halik ni Gabriel!” Baling nito sa akin. Pinandilatan ko ito ng mata matapos kong makabawi sa gulat. Napasubo pa nga. Mukhang hindi ko na rin mababawi kasi hindi pa nga ako pumayag eh yung apat, ayun, naka pwesto na sa starting line. Hindi naman halatang atat no?
“Talagang pumwesto na kayo ano, hindi niyo man lang ako pinagsalita” baling ko dun sa apat. Natawa lang sila, “c’mon, don’t ruin the vibe. Ready na nga kami oh, so you better ready your sweet kiss Gabriel.” Malapad ang ngiti ni Javier at ganoon rin ang kaniyang mga kapatid na kapwa sang-ayon sa sinabi niya.
“Akala ko ba swimmer lang kayo pero hindi kayo nagco-compete?” Tanong ko sa kanila nang maalala ang sinabi sa akin ni Pako kanina. It was him who answered, “hindi kami nagco-compete sa swimming olympics, pero we surely compete for your heart.” Wika nito saka kumindat sa akin. At rumason pa nga, may kasama pang pakilig. Naku ka talaga Pako!
Pumwesto na nga sila at hinanda na ang sarili. Parang pang olympics na ang postura nung apat at parang di na talaga paawat. Gustong gusto talagang manalo. Seryosong seryoso sila. Natawa na ako sa mga mukha nila, akala mo naman talaga kung ano na ang premyo eh halik lang naman. Oo galing sa akin, so what, sa cheeks lang naman eh.
“Ready, on your marks,” their poise was like of that a swimming olympian. Surely they take after their father’s legacy. Sa porma nila para na talaga silang nga pro swimmers. Their muscle’s flexed and was showcase how fascinating it is. With encridible strength and determination, off they go. “GO!”
Mabilis silang nag dive sa tubig at nagpakitang gilas sa paglangoy ng mabilis. They swam like their life depended on it. Habang yung tatlo naman ay excited at chinicheer pa ang kaniya-kaniyang pambato nila. Hindi man ako kasali sa laro pero yung kaba ko daig pa yung sumali. Wala naman akong bet sa kanila na manalo kasi pantay naman silang lahat para sa akin. Pantay sa lahat ng bagay kaya naman hindi ko alam kung sino sa kanila ang mananalo. Ng halik, o ng puso ko?
I watch as they swam gracefully and flawlessly. Pati ba naman sa paglangoy eh ang galing nila, ano pa bang hindi nila kayang gawin? Nangunguna si Sir Alejandro at sinusundan ito ni Pako. Habang yung dalawa naman ay magkapantay lang. “Go Sir Alejandro!” Cheer ni Jelay. “Go boss Pako!” Cheer naman nung dalawang lalaki.
Matapos makarating sa pwesto kung saan kami ni Jelay bilang 1st lap ay madali silang lumangoy pabalik sa starting point as the finish point. Grabe ang galing at ang linis ng kanilang paglangoy. Dahil sa linis at linaw ng tubig ay klarong klaro ang gumagalaw nilang muscle.
Papalapit na silang apat at ako naman ay malakas ang tibok ng dibdib. Sa bawat segundong lumilipas ay pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko. Hanggang sa ito nalang ang aking naririnig at hindi na ang cheer nila. Kitang kita ko ang pantay na pwesto nina Alejandro at Pako. Malapit na silang dalawa sa finish point! Yung dalawa naman ay nakabuntot lang, malapit na rin!
Napapikit na ako at hindi ko na kinaya pa ang kabang nadarama. Ilang sandali pa ay sumabog ang malakas na hiyawan at palakpakan nang may nanalo na. May nanalo na!
“Whooo!” Sigaw ni Jelay na sinasabayan ng masigabong palakpakan. “Ang galing, ang bilis!” Dagdag pa na papuri ni Jelay sa nanalo. Bakas ang saya sa boses nito.
Bilang kabado sa resulta ay hindi ko magawang buksan ang aking mata para tignan kung sino ang nanalo.
Hanggang sa makalipas ang ilang sandali ay nakaramdam na ako ng presensya ng tao sa aking harapan. Tumahimik na rin ang mga cheer ng mga naririto.
“Open your eyes and give me a kiss.” Wika ng mababang boses. Pamilyar ang init ng kaniyang presensya at init ng kaniyang hiningang dumadapo sa akin. Hindi ko na kailangan pang buksan ang aking mata dahil kilalang kilala ko na ang boses nito, lalo pa ang epekto sa aking puso ng kaniyang mga salita. Bawat bigkas ng salita ay may hagod at pagmamahal.
I felt his warm hands wrapping both of my cheeks. His warmth radiating and warming up my insides and causing my cheeks to heat up. I readied my self and took a deep breath as I opened my eyes. I took in the image of the winner and whom I am offering a kiss to. Yes it was him!
“Pako!” “Yes!” Wika niya na malapad na malapad ang ngiti. “Kiss na dali” natatawang saad nito. Natatawa na rin ako sa excitement sa mga mata niya. “Kiss kiss” cheer naman nung dalawang taga suporta niya.
“Sa cheeks lang ah” wika ko naman sa kaniya. “Of course. I respect you. Alam ko naman na inirereserba mo ang unang halik sa iyong labi sa taong una mong paglalaanan ng pag-ibig. Hindi pa man ako ito sa ngayon, kaya sa cheeks muna ang premyo ko” nakangiting wika niya at tinuro ang kaniyang kanang pisngi.
I was touched with what he said. It made my eyes and heart warm. I tiptoed to level my lips to his cheeks. I heard the cheer and squeal from the background, also the complains of his jealous brothers. I smiled widely and look Pako in the eye. Serving and reflecting the same intensity his eyes radiates.
Malawak ang ngiti niya at hindi na makapag-antay. I ended his misery of waiting and proceeded to quicly kissing his right cheek. He smiled at me. What I did next was what he didn’t expect at all by the look of his face. I kissed his other cheek and tiptoed even more to reach his forehead and plant a kiss there.
His smile grow even wider and he look fondly at me. If it’s possible, his eyes could be of that heart eyes emoji right now. The pink stain on his cheeks looks so cute on him. Hahahaha. Natawa naman siya at tila nahiya kaya niyakap niya ako para maitago ang kaniyang namumulang mukha. He is so adorable. Such a big baby. Kinilig ba naman hahaha.
“Hala ba’t may payakap? Halik lang ang premyo ah” parang batang reklamo naman ni Javier. Nakatingin lang ito sa amin at bilang nakaharap ako sa kanila ay kitang kita ko ang pagaalma sa mukha nito. Tinawanan lang siya ng mga kapatid niya ganoon na rin ako.
Humiwalay naman si Pako sa kaniyang pagkakayakap at malalim na tumingin sa akin. “I promise I will work really really hard to win your heart the next time. I will make my self worthy of your first kiss Gabriel.”
TREINTA y CUATRO: Inversor
Investor
Gabriel
Normal na araw sa hacienda. Ganyan ko mailalarawan ang araw ngayon. Busy ang mga tao sa kani-kaniyang mga gawain. Ako naman ay ganoon rin, balik sa dating gawi.
Inilabas ko isa isa ang lahat ng mga kabayo. Naisipan naming sa labas sila pakainin para naman maarawan rin sila.
Kay gandang pagmasdan ang sampung kabayo na nasa labas at kumakain ngayon. Iba-ibang mga kulay ng balat at buhok ang makikita, iba’t-ibang laki rin ng katawan. “Neigh-h-h-h” rinig kong tunog ni Maximus, ang itim na kabayo ni Sir Al- ay Alejandro.
Lumapit ako sa kaniya at tumunog siya ulit, tinturo ang kaniyang kainan. Nakita ko namang wala na itong laman at tila ba gutom pa siya kaya humihingi pa siya. Nakita naman ito ni Mang Jun at natawa ito. Siya na rin ang kumuha ng dayami at ilang sandali pa inilagay na niya sa pagkainan ni Maximus.
Tumunog muli ang kabayo na tila ba nagpapasalamat ito. Kapwa may ngiti naman kami sa labi ni Mang Jun at tila natatawa. Sa aking tuwa kay Maximus ay hinaplos haplos ko ang kaniyang ulo pagkatapos ay umalis na at bumalik sa pagbabantay sa kanila.
Matapos silang kumain ng mga dayami ay hinayaan muna namin silang maglakad-lakad ng walang tali tutal ay may bakod naman itong lugar nila. Kumakain din sila ng mga damo na para bang nagdi-dessert.
Dahil wala naman akong magawa ay nagpaalam muna ako kay Mang Jun at naisipan kong pumunta ng mansiyon para magliwaliw kay nanay o kaya kay Jelay. Pagdating na pagdating ko sa mansiyon ay maraming tao ang nasa may receiving area. Nakita ko roon ang mga kasambahay na tila busy sa pag-asikaso ng mga bisita. May mga tila bodyguards din akong nakikita sa may labas at pinto ng mansiyon.
Sino ba ang bisita nila at parang ang higpit naman ata? Naroon na rin sina Don Lucio at si Sir Diego. Mukhang busy ata sila ngayon at hindi ito ang oras para manggulo kila nanay. Kaya naman ay naisipan kong umalis na at bumalik na lang sa kwadra.
“Gabriel.” Pahakbang na sana ako pabalik sa direksyon ng kwadra nang marinig ang tawag sa akin, boses iyon ni Don Lucio. Pagkalingon ko sa kanila ay halos lahat nasa akin na ang mata. Nako-conscious tuloy ako. Pero dahil amo ko nga ang tumawag sa akin ay wala akong choice kundi lumapit sa kanila.
Ramdam ko ang mga mata sa akin habang lumalapit ako kaya naman ay yumuyuko lang ako. Nang nasa harap na ako nila ay doon ko lang nakita ang Don at ang bisita niya. Parang mga nasa 60 na ata ang edad nito pero maporma pa rin ito at matikas ang dating. Halatang mayaman dahil sa postura nito at ang kalidad ng kaniyang suot.
Pansin ko sa mukha niya, bukod sa bakas dito ang kakisigan ay parang kastila ang mga features nito. Light tanned-skin, contoured high-bridge nose, brown eyes and brown hair. Parang magkasing-hulma ang aming ilong. Hala, baka spanish talaga ako? Natawa nalang ako sa aking sariling biro. Nagbaba-sakali lang naman, hayaan niyo na akong mag ambisyon.
“Gabriel, paki handa naman ng mga kabayo dahil mangangabayo kami nitong kaibigan ko.” Naagaw ni Don Lucio ang aking atensyon nang magsalita siya. Mabilis naman akong tumango sa kaniya. Nag-usap na ang dalawa kaya naman cue ko na iyon na umalis na. Mabilis akong bumalik sa kwadra at sinunod ang utos ng amo.
Sinabihan ko agad si Mang Jun sa utos ni Don Lucio na agad rin naming inasikaso. Nilagyan namin ng saddle, lubid at iba pang mga kagamitang sinusuot sa kabayo para sa komportable itong sakyan. “Mang Jun, lalagyan ko rin ba si Malik?” Tanong ko.
“Huwag na siguro Gabriel, alam mo namang hindi nagpapasakay yan kung hindi ikaw eh” sagot nito. Oo nga naman, itinabi ko na lang ang mga essentails ni Malik dahil hindi nga ito nagpapasakay ng iba. Kahit ang mga Salvador nga eh hindi nakakasakay rito, pero na pi-pet naman nila. Kapag pipilitin mo naman siyang sakyan au ihuhulog ka nito, baka manipa pa nga eh.
Ilang sandali pa ay narinig na nga namin ang tawanan at mga hakbang papunta sa aming kinaroroonan. May mga bodyguards na sumama at mga kasambahay na pinapayungan ang kastilang kaibigan ni Din Lucio at ganoon na rin siya. Masayang nag-uusap ang dalawa at sa likod nila ay naroon rin ang apat na Salvador. Malalaki ang katawan ng mga body guard noong matanda at hindi naman nagpapahuli ang mga Salvador.
Poker face lang ang apat at tila mga hindi approacheble ang mga ito na para bang modelong naglalakad sa fashion show, ngunit noong namataan nila ako ay halos mas mabilis pa sa instant noodles ang pagbabago ng kanilang ekspresyon. Malawak ang mga ngiti, matingkad ang mga mata, at magaan ang aura. Tse, ang pa-plastik niyo.
Pagkalapit nilang lahat sa kwadra ay agad na inalalayan ni Mang Jun sina Don Lucio. At imbes na asikasuhin noong apat ang mga kabayo nila ay ako pa tuloy ang una nilang pinuntahan. “Hi Gabriel” isa isa nilang bati sa akin. “Ano na naman?” Pagtataray ko sa kanilang lahat na kanilang ikinatawa lang.
“Nagsusungit ka na naman” komento ni Pako sa akin na siyang ikinairap ko lang sa kaniya. “May regla ka ba?” Baling sa akin ni Nathan. Lalo naman akong nagsungit dahil sa tinuran niya.
“Ano ba kayo, hayaan niyo nga si Gabriel” seryosong pagtatanggol naman ni Alejandro sa akin na ikinatahimik nung dalawa, “baka naman gutom lang, gutom ka ba Gabriel?” dagdag niya pang asar sa akin na ikinatawa nilang apat. Nainis naman ako sa tinuran nila pero sa loob loob ko pinipigilan ko lang talaga ang matawa.
“Kuyas don’t be like that to Gabriel, kawawa naman. Halika Gabriel ’di natin sila bati” turan na Javier at akmang yayakapin sana ako para aluin pero mabilis siyang pinigil ng mga kuya niya. “Chancing ka rin eh no. Bulok na yang style mo boy” si Pako na nakahawak sa likod ng kwelyo ni Javier para pigilan ito. Natawa nalang ako sa mga asaran nilang apat.
“Mga anak?” Bakas ang pagkalito sa mukha ni Don Lucio nang makita ang mga anak niyang sa akin lumapit imbes sa kabayo. Mukha ba akong kabayo? Natawa naman ang apat dahil nabisto pa ng kanilang ama ang kalandian nila. Mabilis silang nagsilapitan sa mga alaga nila at sumakay dito.
Si Tara ang sinakyan noong bisita at ako ang umalalay sa kaniya dahil si Mang Jun naman ang kay Don Lucio.
Ang anim na lalaking kabayo at si Tara lang ang pwedeng sakyan dahil yung tatlong iba pang babae ay mga bata pa. Kaya naman kay Tara sumakay ang bisita. Habang inaasikaso ko ang bisita ay narinig ko itong nagtanong. “What’s your name hijo?” Mahihimigan ang spanish accent sa boses niya kahit ingles ang salita nito.
Siguro ako naman ang tinanong nito at hindi naman ako assuming ano, kaya namang sumagot ako, “Ako po si Gabriel” sagot ko rito. “Oh, you are named after an angel, archangel Gabriel” pagtawa nito. Tumango ako sa kaniya at napangiti. Hazel brown pala ang kulay ng mga mata niya at may mumunting freckles rin na nakakalat sa kaniyang pisngi.
“My name is Leonardo Guillermo” wika nito sa kaniyang pangalan na may thick spanish accent talaga. Nakakamangha, nakausap na ako ng isang español talaga. “Nice to meet you sir” wika ko rito matapos kong naisaayos ang pagkakasakay niya. “Same to you Gabriel.”
“Are you ready Leo?” Rinig kong tanong ni Don Lucio sa kaibigan. “Sí Lucio, sí.” Nakasakay na silang lahat sa kabayo. Dito nga napansin ni Sir Leonardo ang walang sakay na si Malik. “Why is no one riding that horse?” “Ah that one is Malik, he is a very picky horse” sagot sa kaniya ni Alejandro. “Only Gabriel can ride him” singit din ni Nathan. He looks proud.
Nasurpresa naman si Sir Leonardo at kaluanan ay napatango ito. “Is that so?” tanong nito na amin namang ikinatango. “Why don’t you join us Gabriel?” ako naman ngayon ang nagulat sa pag imbita nito. “Oo nga Gabriel” sang-ayon naman ni Pako at tila masaya pa na pinapasama ako.
“Sumama ka na Gabriel” wika naman ni Don Lucio kaya naman hindi na ako makatanggi. Mabilis kong kinuha ang mga gamit ni Malik para komportable ko itong masakyan. Walang reklamo si Malik noong sinakyan ko siya at tila masaya pa nga dahil makakagala na naman ito.
Lumarga na nga kami at sinimulan ang paglilibot sa buong hacienda. Nangunguna sa amin sina Don Lucio, Sir Leonardo, at Alejandro. Tila seryoso ang kanilang usapan at naririnig namin ang ekplenasyon nila sa bisita na para bang mga tour guide. Kami naman ay narito sa likod nila at yung tatlo ay tila mga bata na naglalaro kaya naman pinapatahimik ko sila na agad naman nilang sinunod. Parang mga bata kasi!
“Ano nga palang sadya niya rito?” Tanong ko nang hindi ko na mapigilan ang curiosity ko. “He’s here for business” si Nathan. “What business?” I immediately asked. “Him and dad are planning to venture on distillery business here.” Si Javier naman. “Woah” ang tanging naging reaksyon ko.
Sa totoo lang, noong nag-aaral pa ako ng agribusiness ay distillery na ang pangarap kong business na maipatayo at farm resort. “Since may vineyard naman dito sa hacienda at iba pang fruit trees ay pwedeng pwede ito” si Pako naman ngayon. “Oo nga, ang galing nga noon” I agreed to them.
“Matagal na nilang plano iyan, kaso ngayon lang nakapunta si Tio Leo, he is dad’s childhood friend back in Spain “ imporma ni Nathan. “Spain?” pag-ulit ko naman. “Ah hindi mo pa pala alam, half spanish si Dad, hence the surname Salvador, kaya naman half spanish kami” si Javier naman ang sumagot. Kaya pala, ang sharp ng mga features nila, kasi naman ay may lahi pala silang kastila. Matagal ko ng napansin iyon pero ngayon ko lang nakumpirma.
“Sa Espanya lumaki si Dad at matagal na silang magkaibigan ni Tio Leo. Dito niya na meet si Mama Elena kaya ayun, hindi na siya bumalik pa sa Spain. Nagkaniya-kaniya na silang dalawa at paminsan minsan nalang nagkikita kung makakapunta kami ng Spain” pagkukwento naman ni Pako
Napatango lang ako sa kanila. Habang nagsisimula na ulit ang aming paglalakbay. Nasa may prutasan na kami ngayon at nakikita ko na ang mga kakilala kong mga dito nagtatrabaho. Diversified ang hacienda sa prutasan na ito. Mga iba’t-ibang prutas ang makikitang nakatanim rito.
“Gabriel is actually a graduate of Agribusiness Managament, and he’s cum laude” rinig kong nabanggit ni Alejandro at dito naman napatigil si Sir Leo. “Really?” gulat na tanong nito at bumaling sa akin, “is that true Gabriel?” “Ah, yes sir” wika ko na ikinangiti nito. “It’s just that I haven’t passed the agriculturist exam” dagdag ko pa. Mahihimigan pa rin ang lungkot sa boses ko sa tuwing napag-uusapan ang topikong iyon.
Ginawa ko pa ring ngumiti sa harap nila at nag-isip ng positibo para hindi naman masira ang mood. Tumango lang si Sir Leo at ngumiti pa rin. Walang judgement at dissapointment na makikita sa kaniyang mata. Ang proudness na nakita ko sa kaniya noong malamang cum laude ako ay ganoon pa rin kahit nalaman niyang hindi ako pumasa. Dahil doon ay lumakas ang aking loob at hindi na inalintana ang masakit na nakaraan.
Nagpatuloy na nga ang aming paglilibot sa hacienda. Narating nga namin ang kabuuan ng hacienda pati na rin ang lugar kung saan planong itayo ang plantasyon. Ito ay ang bakanteng pwesto sa tabi ng vineyard na saktong sakto talaga ang pwesto. Hanggang sa nakabalik na kami sa mansiyon.
◇
“Anak, maghahapunan na halika na” rinig kong tawag sa akin ni nanay mula sa kusina. Nasa sala ako ngayon at naghihintay lang talaga na maluto ang aming hapunan. Tumayo na ako at tumungo sa hapag-kainan. “Wow nilaga!” I exclaimed when I saw our viand. “Tamang-tama sa malamig na panahon” rinig kong wika rin ni tatay pagkaupo niya.
Tamang tamang pangpawala ng pagod ang ulam namin ngayon. Gumuguhit ang init ng sabaw sa aking lalamunan at pinapaalis ang ginaw na dulot ng malamig na panahon. Masaya kaming nagsalo-salo hanggang sa kapwa kaming lahat nabusog. Naghugas lang ako ng mga kinainan namin saka ko naligo sa labas.
“Ang lamig!” Sabi ko dahil sa ang ginaw talaga. Ang ginaw rin ng tubig sa poso at talagang nasa labas pa talaga ng bahay. “Magbihis ka ng mabilis anak at nilalamig ka na” pag-aalala naman ni nanay nang madaanan ko sila ni tatay sa sala habang patungo ako sa aking kwarto. Tumango lang ako sa kaniya.
Mabilis akong nagbihis at naghanap talaga ako ng damit na panlaban sa lamig. Nagsuot muna ako ng pants saka ako naghanap ng jacket. When I finally saw one, I immediately wore it. Hihiga na sana ako at patungo na sa aking kama nang makita ko ang isang bagay na nahulog sa sahig.
For sure galing ito doon sa jacket. “Hmm baka nakaipit sa jacket to.” Pinulot ko ito at dito na ako nakaramdan ng kung ano dahil sa larawan. Agad akong natahimik at natigilan. Namalayan ko na lang na nakaupo na ako sa sahig at may isang luhang tumakas sa aking mata.
It was a picture of a happy family. Once a happy family. Smiling picture of handsome dad, beautiful mom, and a charming teenager. It was like a perfect picture of a complete family. Walang bahid ng lungkot at saya lang.
It was our family portrait. Pinahid ko ang isa pang bumagsak na luha at sinundan pa ng isa hanggang sa naguunahan na sila na gaya ng mga alaalang nagsibagsakan na rin kahit anong pigil ko.
Dinala ko sa kama ang larawan at dito ako nahiga habang yakap-yakap ang larawan namin tatlo. Inaalala ang masasayang panahong kasama ko ang aking ama at ina. I was once in a loving family. Complete family that all I could wish for. I was well provided and well fed with values and love by my parents.
Ang Gabriel noon ay puno ng saya ang mga mata, yung parang matang hindi nalulungkot at nag-iisa. Palaging bago ang damit, nabibigay ang mga luho, at nakatira sa komportableng bahay.
Nakakakain ng masasarap na mga pagkain, may air-con ang kwarto, nakahiga sa malambot na kutson, at nakakapasok sa magarang paaralan.
But life struck hard when I was 15. They both died and left me. I was so young back then and dependent to them that my life twirled 360. I was left alone with misery and grief. I was lost and cannot navigate life. It’s like the universe is taking all back the luxry and comfort I have and saying that I need to experience life.
That forced me to be under my tita’s wing that after 3 years I also left all because of one unfateful and traumatic night that I don’t want to ever grace my mind again. I refuse to recall that memory that I’m always trying to keep in its grave.
Remembering all of the experiences I have I’d say life really is not in favor of me. That God gave me a beautiful face that a lot of people admired and envied, but behind those charming smile and angelic eyes, a scared teenager who thinks the world turned its back on him. They only see the beauty that my outside shows, but never even had a glimpse of how ugly lies behind that charismatic face.
I was alone every time and forced to be strong and independent. I only had myself to stand by me and be there for me. And that’s where I draw my strength that keeps me surviving. A boy with an ugly past experience. Well, I got to thank God for giving me a pretty face, at least it can hide my not so good-looking story. It still serves its purpose.
I cried myself to sleep, cradling the family picture and reminiscing the memories I don’t want to suffer again to. With one last look, I see my mom looking exactly like someone I know. With that thought in mind, the darkness of the night engulfed me, and had a restless sleep.
TREINTA y CINCO: Mil Vices
A Thousand Times
Gabriel
Lumipas ang maraming araw at mga buwan sa hacienda. Ganoon pa rin naman ang buhay dito, masaya at puro trabaho lang. Yung apat na Salvador, ganoon din, seryoso at determinadong manligaw. Ewan ko nga sa apat na iyon eh, sobrang gugwapo, sa akin pa talaga nag aaksaya ng panahon. Hays.
Marami na tuloy mga bulaklak at kung ano-ano pang mga regalo ang nakatambak sa bahay namin at sa kwarto ko. Grateful naman ako sa kanila, kasi napapasaya nila ako at naaapreciate nila kung sino at ano talaga ako. Minsan nga lang sakit sa ulo ang mga yon, masyado kasing pursigido kung manligaw at minsan naman nakakasakit ng ulo ko lalo na kung maka arte eh parang mga bata.
Minsan kasi ay nag inuman yung apat na Salvador sa mga empleyado ng Hacienda. Sabado yun at walang pasok kinaumagahan kaya okay lang na mag-inom hanggang sa makaya nila. Gabi na rin akong makakauwi sa bahay noong araw na iyon kasi tinulungan pa namin si nanay sa tinatapos niyang trabaho habang si tatay naman ay naghihintay lang sa labas ng mansyon.
“Ah Gabriel, nakita mo ba ang mga anak ko?” narinig kong nagsalita sa may pintuan ng kusina kung nasaan kami. “Magandang gabi po Don Lucio. Sa pagkakaalam ko po eh nakipag-inuman ata kila Mang Ador at iba pa” ang aking sagot na kaniya namang ikinagulat. “Hindi po nagpaalam sa inyo?” “Hindi eh, pero hindi naman nila kailangan pang magpaalam, malalaki naman na ang mga iyon. Kaya na nila ang mga sarili nila, may kailangan lang talaga ako sa kanila kaya ko hinahanap” sagot nito.
Si Don Lucio ay seryosong tao, malalim din ang kaniyang boses, at mapaghahalataan mo talaga ang kakisigan niya kahit na matanda na. Isa siyang kagalang-galang at karespe-respetong tao dahil sa bukod na mabait siya, mapag-bigay pa at matulungin pa sa kapwa.
Sa katunayan nga eh hininikayat siyang tumakbo para sa pagka-gobernador ng probinsya, kaso ay tinatanggihan niya. Ang sabi niya pa “hindi porket kaya mong tumulong at kaya mong manalo eh tatakbo ka, kaya mo namang tumulong sa ibang paraan, at baka mas makapahamak kapa kung tatakbo ka lang ng basta basta” doon talaga ako mas lalong humanga sa kaniya. Sana ganiyan din ang iniisip ng ibang tumatakbo nang gumaan man lang ang bansa.
“Ah Gabriel, pwede bang maka-utos sa iyo?” kalaunan ay sabi nito. “Oo naman po” sabi ko saka ako nagpunas ng aking kamay sa kitchen towel. “Ano po iyon?” “Pwede bang pauwiin mo na yung apat, total nakikinig naman iyon sa iyo eh” sagot nito sabay ngisi. Agad naman akong namula sa makahulugang ngiti nito, “Alam na kaya niya ang tungkol sa panliligaw ng apat niyang binata sa akin” tanong ko naman sa aking sarili bago ako tumango sa utos niya.
“Sabay na tayo anak, tapos naman na ako dito, para makauwi na rin tayo agad” sabi naman ni nanay saka kami lumabas na at hinanap si tatay. “Tay, alam niyo ba saan sila nag-inom?” tanong ko. “Sa pagkakaalam ko eh doon sa malaking kubo” sagot nito.
Umakyat na kaming tatlo sa truck saka pinaandar ni tatay ang makina. “Himala tay, hindi ka ata sumama sa kanila?” natatawa kong tanong dito. Ngumuso naman siya at tinuro si nanay gamit ang kaniyang labi. Natawa nalang ako sa kanila, kahit kailan talaga eh under si tatay ni nanay.
Sandali lang ang aming naging byahe at nakarating kami agad sa may kubo. Malakas na tawanan ang mariririnig mo sa kubo at talaga namang nagkakasiyahan ang lahat. Ako lang ang bumaba ng truck at hindi ko na pinababa sila nanay at tatay dahil alam kong pagod ang mga iyon. Tsaka madali lang naman ako, may susunduin lang akong mga matitigas ang ulo.
Bago ako tuluyang makapasok sa malaking kubo ay namataan pa ng aking mata ang sasakyang Jimny nung apat. Natanaw ko na rin silang apat sa loob kaya naman ay tuluyan na akong pumasok. Mapupula ang mga pisngi at mapupungay ang mga mata, walang mga suot pang itaas at nakasabit lang ang kanilang t-shirt sa balikat. Ganiyan ang apat na Salvador ang aking nadatnan. Lahat ay bungisngis kung makatawa. Nakita ko rin doon ang mga kaibigan kong sina Kadong.
“Gabriel” banggit ni Pako sa pangalan ko nang mapansin akong palapit. Bigla ring natahamik ang tatlo pa nang makita ko at gayundin ang mga iba pa nilang kasama. May gulat sa kanilang mga mata at may konting takot na rin, suot ko ba naman ang aking poker face. Walang ka emo-emosyon akong tumingon sa kanila. Natatawa na nga ako sa isip ko dahil sa mga itsura nila eh, parang mga batang nahuhuling kumain ng kendi sa gitna ng gabi.
I maintained my facade and walk to them, alanganin naman silang tumayo at sasalubungin sana ako. “Magandang gabi Gabriel” nag-aalangang bati ni Pako at ng mga kapatid niya habang napapakamot sa batok at ulo nila.
Hindi naman nakatakas sa aking paningin ang tila kumikintab nilang katawan dahil sa pawis, putok na putok ang kanilang dibdib, tiyan, at mga braso. Agad kong inilihis ang aking mga mata doon nang makaramdam ako ng higpit sa aking lalamunan.
“Uwi” ang tanging nasabi ko lang sa apat habang tinititigan sila sa mata. Kasing-lamig ng gabi ang aking boses na kumalat sa kanila at tila nanlamig na rin. Agad akong tumalikod at naglakad dahil hindi ko na talaga kaya at natatawa na ako sa walang kulay nilang mga mukha.
“Gabriel sorry na” si Alejandro habang nakahawak sa likod ng aking siko kaya napaharap ako. “We’re sorry Gabriel” si Javier na parang bata at mapungay ang matang nakatingin sa akin. Si Nathaniel at Pako ay kapwa ’di makatingin. “Bakit kayo nagso-sorry?” tanong ko sa kanila sa monotone na boses habang nakataas ang kilay. Tila gulat naman ang apat at biglang napatingin sa akin. “Ano bang ginawa niyo at bakit nagso-sorry kayo?” dagdag ko pa.
Napakamot ng ulo si Nathan saka sumagot “nag-inom kami na hindi nagpapa-alam sa iyo?” tila hindi rin sigurado niyang sagot. “Bakit, kailangan niyo bang mag-paalam kung may gagawin kayo?” tanong ko ulit. Mas lalong nanlamig ang itsura nila at hindi na makasagot. Kaya naman ay nag break character na ako at natawa na. Mabilis na umangat ang kanilang mga ulo sa akin at nahihiwagaan.
“What’s happening?” rinig kong tanong ni Javier kaya naman ay napatigil ako sa kakatawa. “Napaka-seryoso niyo naman guys, I was just joking hahaha.” Sabi ko sa kanila kaya naman ay mabilis ang pagbabago ng kanilang mga mukha na para bang nabunutan ng tinik. “Umuwi na kayo at hinanahanap kayo ng tatay niyo. Bye” ang tanging nasabi ko lang at hindi na hinintay pa ang kanilang sagot at umalis na ako papunta sa truck.
Ewan ko sa kanila at simula noong araw na iyon kapag may gagawin sila lagi na nilang sinasabi sa akin kahit hindi naman kailangan. Sa papa nga nila hindi sila nagpapaalam eh bakit sa akin ginagawa nila? Ganoon na ba sila katakot sa akin? Nililigawan lang naman nila ako at hindi naman nila ako jowa para gawin nila iyon. Wala na rin naman akong nagawa dahil mapilit naman sila. Pumapayag naman ako sa mga pinapaalam nila kasi may karapatan pa rin naman sila na gawin kung anong mga gusto nila.
Natanggap ko ang aking sweldo kahapon at naisipan kong mamasyal at bumili ng mga gamit ko. Ubos na kasi ang aking lotion eh at ibang gamit sa katawan, tsaka naisipan ko ring bumili ng mga damit, para sa akin at para na rin kina nanay at tatay. Hindi ko pa nagagamit ang sweldo ko mula noong magtrabaho ako sa hacienda kaya naman confident akong makakabili ng gamit para kina nanay.
Linggo ngayon at walang trabaho, mabilis akong naligo at nagbihis na ikinagulat naman nila tatay. “Saan ka pupunta anak, at bihis na bihis ka ata?” tanong naman nito. “Diyan lang po tay, bibili sana ako ng lotion ko” ang tanging nasabi ko lang.
“Ganoon ba Gabriel, magpahatid ka nalang sa tatay mo doon sa bayan, sa may sakayan” rinig kong sabi ni nanay. “Mabuti pa nga, ihahatid na kita. Magbibihis lang ako sandali” ang sabi ni tatay saka umalis sa aking kwarto.
One last look at the mirror, at lumabas na ako ng aking kwarto at planong hintayin si tatay sa labas ng bahay kung saan tumatambay si nanay. Lumabas na si tatay at nakabihis na ito, gagayak na sana kami nang napahinto kami nang dahil sa pamilyar na sasakyan ng mga Salvador. Ano na naman kayang sadyo ng mga to?
Sabay sabay na lumabas ang apat sa kanilang Jimny at malalawak ang mga ngiting nakatingin sa akin. I wouldn’t ask kung bakit nakaporma silang apat eh lagi naman kasing nakaporma ’tong mga to. Javier with his simple yet stylish shirt and jeans, Pako with his white sando and black pants complimenting his skin tone and looking strikingly hot, Nathaniel with a floral polo and white baggy pants, at ang hindi magpapahuling polo shirt at trouser ni Alejandro who exudes a bossy vibes.
Parang aalis sila pero sa katunayan ay normal na nilang mga suot iyan, kasi kadalasan ang suot nila minsan ay pangbaba lang at always topless. Dire-diretso silang pumasok sa bakuran namin. “Pormadong-pormado Gabriel ah?” tanong ni Nathaniel. “Where are you going huh?” segunda naman ni Javier.
I looked at myself, wearing my signature white loose pants and black shirt, alam kong malamig sa mall pero bahala na, hindi lang siguro ako mag tatagal. Kung titignan nga ang mga kasuotan namin eh mas malalaman pang gagala sila kesa sa akin eh. “Diyan lang sa bayan, o kaya sa mall, may bibilhin lang” sagot ko sa tanong niya.
“Hatid ka na namin?” biglang wika ni Pako. “Or we’ll join you” wika ni Alejandro saka tumaas taas ang kilay. Napangiwi naman ako sa suhestyon niya. Pag itong mga ’to pa naman ang kasama ko, nakakahiya minsan. Sobrang mapilit kasi na ilibre ako kahit ayaw ko naman, syempre mga amo ko pa rin naman sila kaya nahihiya at may respeto pa rin ako no.
“Mas mabuti pa nga anak, para masamahan ka na rin nila” biglang suhestyon naman ni Nanay, naku naman tatanggi na sana ako eh. Dahil sa sinabi ni nanay ay mas lumawak ang ngiti noong apat, alam kasi nilang tatanggihan ko sila pero hindi ko naman masuway si nanay. “Hays, sige na nga.”
“Teka, magbibihis lang kami, okay lang ba Gabriel?” tanong ni Javier. “Magbibihis? Eh okay na nga yang suot niyo eh, ang gu-gwapo niyo nga eh” mabilis ko namang nasampal ang aking bibig sa gulat sa aking nasabi. “Ano yun Gabriel?” tanong ni Pako namalawak ang ngiti sa akin. “Did he say we’re gwapo?” pang-iinis naman ni Javier na ikinatawa ng mga kuya niya.
“Boys, ’wag na tayong magbihis, gwapo na daw tayo eh” sabi ni Alejandro sa mga nakababatang kapatid niya. Mas lalo naman akong namula dahil sa kahihiyan. Sinabi ko ba talaga yun? Pero totoo naman eh, gwapo naman talaga sila, sadyang mag-mamayabang lang iyang apat na iyan dahil nagmula sa akin ang compliment.
“Ewan ko sa inyo, tara na nga” sabi ko sa kanila saka mabilis na humalik kina nanay at tatay bilang pagpapa-alam saka mabilis na dumiretso sa likod na sasakyan ng Jimny. Agad naman silang sumunod at pumwesto. Tumabi sa magkabila kong gilid sina Pako at Javier habang si Nathan ang nagmamaneho at sa passenger seat naman si Alejandro.
Ramdam ko naman bigla ang sikip sa loob. Ikaw ba naman eh, katabi mo dalawang naglalakihan ang mga braso at katawan. Tsaka yung dalawa, kung makadikit parang mga linta. Nakita naman ni Nathaniel mula sa salamin ang kalagayan ko at bigla itong natawa, ganoon din si Alejandro.
“Nathan, go back to the house first, let’s use the Van, parang ’di na makahinga si Gabriel oh” sabi nito saka natawa. Doon na nga kami dumiretso at mabilis na silang lumabas, si Nathan ang kumuha ng van sa garahe at inutusan si Javier na kunin ang susi at ang wallet nito. Inaya nila akong pumasok muna kasi lahat sila ay mabilis na umakyat sa kwarto nila kasi baka may kukunin.
Mabilis lang naman silang nakabalik dala ang mga gamit nila, si Pako ang huling nakababa dahil nagbihis pa pala ito. Pinatungan niya ng denim jacket ang kaniyang sando at nag-suot ito ng sunglasses na lalong nagpa-dagdag sa kagwapuhan nito.
Nang mailabas na ni Nathan ang Van ay mabilis kaming pumasok dito. Si Nathan pa rin ang nagmamaneho habang si Alejandro ay nasa passenger seat. Ako naman ay nasa first seat habang sina Javier at Pako ay magkatabi sa likod ko. Hindi ko na pinatabi sa akin kasi ang gugulo at laging nakadikit.
Sa wakas, matapos ang mahabang biyahe ay narating din namin ang kaisa-isang mall sa buong bayan. Mabilis kaming bumaba ng sasakyan nang makapag-park na si Nathan. Pagbaba nito ay napansin ko pa ang tila paghilot nito sa kaniyang mga braso, napagod ata sa pagda-drive. Agad naman akong lumapit sa kaniya at hinilot ito na kaniya namang ikainagulat.
Ako na ang nag presintang humilot dito. Nakatingin lang siya sa akin nang matagal at tila nagulat pero hinayaan rin naman ako. Habang naglalakad kami papuntang entrance ng mall ay nakahilot lang ang aking mga kamay sa braso niya. “O-okay na Gabriel, s-salamat” ngiti nito. Sus, nahiya pa. Sumalubong sa amin ang mabango at malamig na hangin ng mall pagkapasok namin.
I remembered before, nung nasa Manila pa ako, hindi ako masyadong nakapupunta ng mga mall. Bukod sa wala akong panahon dahil aral at trabaho lang ako, wala rin akong pera, kung igagasto ko sa mga luho ko eh ipangbabayad ko nalang ng pang-araw araw ko. Mabuti nga eh wala akong binabayad sa univeristy kaya kahit papano, nakakaya kong pag-aralin ang sarili ko.
“Where do you want to go first?” tanong ni Alejandro na nasa aking kaliwa, “Baka gusto mong kumain muna, Gabriel?” Tanong naman ni Pako na nasa kanan ko. “Pwede naman” sagot ko, siguro sa fastfood lang ako kakain, para abot pa rin ang pera ko. “Saan mo gusto?” tanong ni Nathan. “Sa Jollibee, pang fast food lang pera ko eh” sagot ko naman.
“No. Let’s eat a decent meal” pag-aalma naman ni Javier. Yung decent meal sa kaniya, pang mayaman. “Hindi kaya ng budget ko yang decent meal mo na yan Javier” sagot ko rito. “You don’t have to pay, Kuya Andro will” kumpyansang sagot nito na bigla ko namang ikinahiya. “Naku, nakakahiya kaya” sabay lingon ko kay Alejandro na parang wala lang ang suhestyon ni Javier.
“Naku, ’wag kang mahiya diyan kay Kuya, eh sya naman lagi nagbabayad ng pagkain namin eh, tsaka sya rin ang pinaka mayaman samin” natatawang wika ni Pako. Sumang-ayon rin sa kaniya ang iba pa niyang mga kapatid. “So, where do you want to eat? Or what food do you have in mind?” humarap sa akin si Alejandro. “Kahit ano lang, wala akong masiyadong alam sa ganiyan eh, kahit ano naman mabubusog ako eh” sagot ko rito.
“Kuya, I’m craving Japanese foods” wika ni Javier kaya naman ay dumiretso kami sa isang kilalang japanese restaurant sa mall. Japanese talaga ang vibe, pati yung mga crew eh nakapang japanese na suot rin. Hindi gaano karami ang kumakain, siguro mahal dito. Tahimik din ang paligid at relaxing ang ambiance. Naamoy ko nga ang Japan kahit hindi pa naman ako nakakapunta roon hahaha.
Nag order na nga kami at puro pa talaga hindi pamilyar sa akin ang mga pagkain. Madami-dami din ang inorder nila, sabagay sa katawan pa lang ng mga to malalakas na talaga sila kumain.
Busog na busog ako pag labas ng restaurant, paano ba naman kasi, yung apat kahit alam nilang konti lang akong kumain eh pinapakain talaga ako. Ang payat payat ko daw, eh sino ba namang hindi papayat tignan kapag sila ang kasama ano.
“Ano bang bibilhin mo Gabriel?” tanong ni Alejandro sa baritono nitong boses. “Ah lotion sana” ang sabi ko naman, “yun lang ba?” “tsaka mga damit na rin sana, bibigay ko kina nanay at tatay” dagdag ko. “ I think the watson’s over there“ turo naman ni Javier kaya doon kami dumiretso.
Pagkarating namin roon ay agad na akong naghanap ng aking lotion at naglibot narin para makabili ng kung anu-ano pang kailangan sa katawan. Yung apat naman ay parang buntot ko lang dahil sunod lang nang sunod sa akin.
Nakakatawa nga noong pagpasok namin eh, hinarang silang apat ng mga sales lady at inofferan ng kung anu-anong bagay na wala sila ka alam-alam. “Bes ang popogi” I heard one of the sales ladies sqeak at parang papatayin na sa hampas ang katabi nitong kilig na kilig rin sa mga kasama ko. Natawa lang ako sa mga reaksyon nila saka pinag patuloy ang paglilibot ko.
“Iyan lang bibilhin mo?” tanong ni Pako sabay tingin sa hawak kong lotion at lip balm. “Oo” maikli kong sagot. “Kumuha ka pa ng kailangan mo, ako na magbababayad” sabi nito sabay kuha sa aking dala at sya na nagbitbit. “Nakaka-” hindi niya na ako pinagpatuloy pa at may kinuha itong isang product at pinakita sa akin. “Kailangan mo to?” Natawa naman akong sa produktong pinakita niya kaya napatingin siya sa akin na parang may mali sa kinuha niya.
“Gaga, pH care iyan, wala naman akong puday no” natatawa kong saad sabay kuha sa pH care at binalik iyon sa lagayan. Narinig ko ring tumakas ang tila nakakahawa niyang tawa, pambihira, pati ba naman tawa niya gwapo rin.
Simula lang pala iyon ng magulong pamimili sa watsons. Yung apat eh kung ano ano ang mga dinadampot na para raw sa akin. Meron naman akong mga napipili at meron ding rejected na hindi ko naman talaga kailangan o hindi para sa akin. Ewan ko kung sinasadya talaga nila iyon, bigyan ba naman ako ng napkin. Hays ang gugulo!
Hanggang sa makalabas nga kami ng watsons na may dalawang malalaking bags. Si Nathan at Pako ang nagdala noon para sa akin. We decided to leave it at the baggage counter then off we go to some clothing store. Kung saan saan nila ako pinapapasok. Bawat store eh isang tao ang nanlilibre.
Pinapasukat nila sa akin ang mga napipili nila, para na nga akong nag fashion show sa loob ng fitting room sa dami ng pinapasukat nila sa akin, kapag nagustushan ko o nagustuhan nila para sa akin ay agad itong ilalagay sa cart.
Parang wala na nga akong karapatang tumanggi eh. Pinipilit talaga nila na sila na ang magbabayad. Pag aayaw nga ako sasabihin nilang “You let kuya Pako nga to pay for your stuff, why won’t you let me?” o kaya’y “Pag umayaw ka, hahalikan talaga kita dito” tsaka “I’m courting you Gabriel, this is what the suitor does, show his love by providing” ako nalang talaga ang sumuko sa kanila.
We are about to go home when we decided to stop by at an ice cream shop. Natawa ako sa itsura nung apat. Mukha kasi silang mga bodyguards, dahil sa tangkad nila at may dala-dala pang napakaraming mga shopping bags na naglalaman ng mga pinamili namin. Bakas rin ang pagod sa mga istura nila. Kaya ko nga naisipang mag ice-cream para mabawas-bawasan man lang ang pagod nila. Natawa nga rin ako dahil naisip kong, para ko na tuloy silang mga sugar daddies hahaha.
Akmang iaabot na sana ni Alejandro ang card niya sa cashier pero inunahan ko itong mag-abot ng pera ko, “Shh, this time, ako naman magbabayad” mabilis kong sabi sa kaniya. “Hays. Nakakapagod. But I had fun” biglang wika ni Javier nang makaupo kami sa loob ng ice cream parlor. “You had fun spending money?” tanong ko naman dito sabay dila sa ice cream ko.
“Yes, if it’s for you then why not? I wouldn’t mind doing this a thousand times” malumanay na sabi nito sabay malawak na ngumiti at kumindat sa akin. Agad naman akong pinamulahan ng mukha, bumilis rin ang tibok ng puso ko na hindi ko na mabilang kung ilang beses na itong ganito sa buong araw. Inaamin ko, kinilig ako ron, sino ba namang hindi diba. “Boom kilig hahahaha” sabi nito sa conyong paraan.
Happy New Year everyone!
TREINTA y SEIS: El Gerente
The Manager
Gabriel
Matapos kaming kumain ng ice cream ay nag-aya na akong umuwi. Agad kaming nakarating sa may parking area at inoccupy lang naman ng mga pinamili namin ang isang portion ng upuan ng van. Grabe ang dami nito, tsaka kahit ni isang gamit dito wala man lang akong nilabas na pera kahit piso.
Naguiguilty man ay isinawalang bahala ko nalang ito, hindi ko naman ito hiningi eh, kusa nilang ibinigay. Habang nasa daan kami ay tahimik ang lahat, seryosong nagmamaneho si Alejandro, at kaming apat naman ay bakas ang pagod sa mukha kaya hindi na nagawang mag-usap pa.
Sa hindi kalayuan ay may naririnig kaming tugtog, mailaw rin sa bandang iyon ng lugar. Sinundan iyon ng aking tingin hanggang sa kalauanan ay napansin ko ang umiikot ng ferris wheel. Perya ba yon?
“Anong tinitignan mo?” tanong ni Juancho sa malumanay na tinig. “Tignan mo doon oh, parang may perya” sabi ko sa kaniya. “Oo nga no?” sabi nito. “Gusto mo bang pumunta roon?” tanong nito sabay harap sa akin. Mabilis na kumintab ang aking mga matang tumingin sa kaniya, pero kalaunan ay nawala rin ang tingkad sa mga ito.
Nakakahiya na sa kanila, baka pagod na ang mga ’to tapos mag-aaya pa akong mag perya. Sasagot na sana ako ng hindi kay Juancho pero naunahan na ako nito. “Kuya, may perya doon oh, punta tayo. Gustong pumunta ni Gabriel” pagpapa-alam nito sa kuya Alejandro nito.
“Naku wag-” “okay” hindi ko na naman natapos ang sasabihin ko dahil sa pagsang-ayon ni Alejandro. Palagi nalang talaga akong kinacut-off ng mga lalaking to. Hindi na rin ako tumanggi pa nang iliko na ni Alejandro ang sasakyan papunta sa perya. Wala rin naman akong magagawa kapag nakapag-desisyon na ang mga to eh.
Nabuhay muli ang excitement sa puso ko nang papalapit na kami sa perya. Excited ako dahil ngayon pa lang ako makakapunta ulit ng perya. Huling bisita ko noong bata pa ako at magkasama pa kami ng mga magulang ko. Noong nasa puder na kasi ako ng tiyahin ko ay hindi ko na nagawang pang makapag-perya. Kaya ganoon nalang ang tuwa ko nang makakapunta na ulit ako rito.
Habang nakatingin sa labas ng bintana ay nararamdaman ko ang mabibigat na tingin sa akin kaya naman ay lumingon ako at dito ko nakitang nakatitig na pala sa akin ang tatlo, “Bakit?” tanong ko sa kanila, “You look like a kid” natatawang wika ni Javier. “Excited ka ba?” tanong naman ni Nathan. Mabilis pa sa takbo ng puso ko ang pag tango ko sa kaniya na para ngang bata. Natawa nalang sila sa akin.
“Ahhhhhhh ahhhhhh” “Hahahahaha” Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba at saya. Nakasakay kaming dalawa ni Juancho ngayon sa isang rides, ferris wheel, pero yung mabilis ang ikot. Nagpapalitan kami ng sigaw at tawa ni Juancho dulot ng mabilis na pag-ikot. Nakakatakot na nakakabaliw sa saya.
Medyo thrilling ang nakakakilabot sa tuwing mabilis na bumababa ang aming sinasakyan, yung para bang nahuhulog ka. Mapapakapit ka nalang talaga, at sa di namamalayan nga ay nakadikit na kami ni Juancho. Nagkatitigan kami dahil naramdaman namin ang isa’t-isa hanggang sa nagsitawanan lamang kami dahil muli na namang bababa ang sinasakyan namin na parang hawla.
“Wooohhhh” “I’m enjoying this!” ako naman at si Javier ang sumakay sa isa na namang rides. Nakaupo lang kami sa isang silya na nakasabit sa itaas tsaka kami iniikot sa ere. Kitang-kita ko ang kabuuhan ng lugar at nakamamangha lang, napakaraming tao at mga food stall. Kita ko rin ang mga ilaw sa di kalauyan.
Humahampas ang malamig na hangin sa aking mukha at sabay akong napatingin sa aking katabi na hinahangin rin ang buhok at mas lalong nagliliwanag ang mukha. Malawak ang kaniyang ngiti na kitang-kita ang pantay at mapuputi niyang ngipin. Itinaas niya ang kaniyang kamay at inabot sa akin, ilang sandaling pagtitig dito ay inabot ko ang aking kamay sa kaniya hanggang sa maramdaman ko ang init na naggagaling sa kaniyang kamay dahil magkahawak kaming iniikot ng makina sa aming munting momento.
“Papaano mo nagawang ngumiti lang dyan ha?” rinig kong tanong ni Nathan kaya napatingin ako sa kaniya, sa mga oras na iyon ay mabilis na umangat ang sinasakyan namin hanggang sa mabilis itong nahulog “Ahhhhhh” malakas niyang sigaw na nagpatawa naman sa akin. “Ang laking baby naman nito” sabi ko sa kaniya.
Nakasakay naman kaming dalawa ngayon sa parang isang tower at paikot rito ang mga nakaupo hanggang sa dahan-dahan kaming itinataas at mabilis na ibinababa. At yung kasama ko ay matatakutin pala habang ako naman ay inienjoy ang kiliting ibinibigay nito sa akin sa tuwing mabilis na bumababa ang upuan. Para bang naiihi ka tapos hindi matutuloy.
Apat lang ang rides dito sa perya kasi medyo maliit lang ang lugar, at ang sinasakyan namin ay iyong pang batang rides habang ang kasama ko naman ay ang pinaka-matanda sa magkakapatid. Ito ang pinili niya kasi raw mas naienjoy ng mga kapatid niya iyong extreme na rides, pero alam kong baby damulag rin ang isang to. Takot sa mga rides kahit ang laki laki ng katawan.
Parang isang train ang sinasakyan namin at sinusunod nito ang riles bilang path nito. Halos mga bata ang kasama namin rito at ang iba naman ay may kasamang mga magulang. Bali tigda-dalawang tao sa isang seat. Habang umaandar kami ay maririnig mo ang munting sigaw at tawa ng mga bata.
May isang batang lalaki na nasa harapan namin, edad lima o anim at, hindi sya sumisigaw o kung ano man dahil sa akin lang nakatutok. Napansin ko ang pagtitig niya kaya ngumiti ako sa kaniya, gwapong bata ito at napaka-cute. Malaki ang ngiti nung bata nang ngumiti ako sa kaniya. Kumindat pa talaga ito kahit hindi naman masyadong marunong kaya natawa nalang ako sa failed wink nito.
Ang tila nanginginig at patagong kinakabahan na katabi ko naman ay nakatutok na rin doon sa bata. Tila nakuha ng bata ang atensyon nito dahil hindi na ito naka focus sa ride. Seryoso syang nakatingin sa bata habang ang batang lalaki naman ay nakatingin lamang sa akin na tila ba nabibighani.
Napansin ng batang lalaki si Alejandro at nang nagkatinginan sila ay tinanguan nung bata si Alejandro na para bang magkumpare lang na ikinadikit naman ng kilay ni Alejandro. Natawa nalang ako nang makita iyon at isinawalang bahala na silang dalawa habang nagi-enjoy na lamang sa pambatang rides.
Nang matapos ang rides ay bumaba na kami. Iyong bata ay nakatingin pa rin sa akin habang inaakay ng nanay niya. Nang mapansing nakatingin ako sa kaniya ay itinataas-baba nito ang kaniyang kilay na para bang nagpapapogi. Natawa nalang ako sa ka-cutan nito.
“Cute” wika ko sa mahinang tinig na narinig pala ng aking katabi. “Tsk, anong cute dyan?” rinig kong tila tampo nito. Nagsusungit at nakapout pa talaga ito habang naglalakad kami kung nasaan ang mga kapatid nito. “Hahaha cute” sabi ko naman pero this time, sa isip ko na lang.
Bukod sa mga rides ay naglaro rin kaming lima nang kung ano-ano. Itong mga kasama ko naman ay parang mga bata, napaka competetive, gusto lahat ng laro ay mapanalunan. Si Javier, nanalo ng isang stuffed banana sa dart games, limang balloon kasi ang magkasunod-sunod niyang naiputok.
Si Pako, sampung soldier toy ang napadapa sa gun shooting game na nagpanalo naman sa kaniya ng isang toy panda. Si Nathan naman ay nanalo ng isang basket of fruits dahil naka-set ng bagong highest point sa basketball game. Si Alejandro naman ay nanalo rin sa ring game, yung isho-shoot yung mga rings sa mga bote.
Lahat sila ay ibinigay sa akin ang mga pinalanunan na akin namang lubos na ipinagsalamat. Habang naglalakad kami para maghanap ng iba pang laro ay napansin ko sa di kalayuan ang dalawang claw machine. Normal lang naman ito pero ang nagpatakbo sa akin papunta rito ay ang mga prizes nitong minions stuffed toys!
Mabilis pa kay the flash akong nakarating roon. Tila nagnining-ning ang aking mga mata sa prizes. “Guys pahinging coins” humarap ako at inilahad ang aking kamay sa kanila. Limang piso kasi an ihuhulog sa coin slot para makapaglaro. Inabutan ako ni Pako ng limang limang piso. “Salamat!”
Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at nagsimula na akong maglaro. Paboritong paborito ko kasi ang mga minions dahil napaka-cute pa nila. Naaalala ko rin sa kanila ang apat na mga lalaking ito dahil palaging nakabuntot sa akin kagaya ng mga minions kay Gru.
Habang seryosong naglalaro ay may narinig akong boses ng bata na nag-aayang mag laro sa nanay nito doon sa katabing claw machine. Napatingin ako sandali sa kanila pero mabilis rinig ibinalik ang atensyon sa pagkuha ng minions.
“Guys, alam niyo ba yung batang iyan, kung makatitig kay Gabriel, parang aagawan pa yata tayo” rinig kong wika ni Alejandro sa mga kapatid nito. “Talaga?” si Pako. “Oo, nakasama namin kanina sa rides ng train train” sagot ni Alejandro. “Parang inis na inis ka kuya ah?” natatawang si Nathan. “Grabe kasi magpacute iyan kay Gabriel, tapos nung nakita ako, tinanguan lang ako, ano ako, pare niya?” inis na wika ni Alejandro sa mahinang boses baka kasi marinig nung nanay.
Malakas na tumawa ang tatlo sa frustration ng kuya nila. Yung tawang parang mamamatay na sila dahil di na makahinga. Kulang na nga lang ay lumuhod sila sa damo sa sobrang tawa nila. Natawa rin ako sa narinig pero focus pa rin sa akong misyon.
“Ay!” napasigaw ako ng di sinasadya nang sa huling limang piso ko ay hindi ko pa talaga nakuha iyong laruan. Malapit na sana talaga iyon sa butas kaso biglang lumuwag iyong claw. “Guys, may lima pa kayo?” Napatingin ako sa kanila na sa mga oras na iyon ay umayos na mula sa tawanan.
Mabilis silang kumapa sa kanilang mga bulsa pero lahat sila ay negative, wala na silang coins. Napatingin na lamang ako sa claw machine dahil mukhang hindi ko na makukuha ang minions na nasa loob noon. Malungkot man pero pinilit ko pa ring maging masaya. Okay lang, edi sa susunod na lang, sabi ko sa aking sarili.
Just when we are about to head out when we heard the kid scream “Yes! Yes! I got it!” naglulundag ito sa tuwa dahil nakakuha ito ng isang minions. Napangiti rin akong nakatingin sa kaniya. Pareho pala kami ng hilig sa laruan. Nakakatuwa naman.
Nakatitig lamang kami sa kaniya nang bumulong ito sa nanay nito, hindi namin marinig ang ibinulong niya pero tumango ang nanay ng bata. Laking gulat ko nalang ng bigla itong lumapit sa akin at inilahad ang minions na nakuha nito. Namilog ang aking mga mata sa gulat. “For you” maikling wika nito saka malawak na ngumiti.
Lumuhod ako para pumantay ako sa bata. “Really?” tanong ko rito. “Yes” sagot nito saka ibinigay nito ang laruan. Bago ko ito tanggapin ay tumingin muna ako sa nanay nito na tinanguan naman ako kaya tinanggap ko na rin ang laruan. “Thank you baby boy, what is your name?” tanong ko rito sabay haplos sa ulo nito.
“I’m Joaquin” magiliw na pagpapakilala nito. “My name is Gabriel. Thank you for this ah, you know this is my favorite” sabi ko rito na ikinagulat niya rin. “Really? That’s my favorite too!” sabi nito “and you’re welcome” dagdag pa nito. Nagpa-salamat akong muli sa bata bago sila nagpaalam na ng kanilang ina. Bago tuluyang maka alis ay lumingon muli ng bata saka kumaway at kumindat, natatawa man, ay sinuklian ko rin ito ng kaway at kindat.
Pagkaharap ko sa apat ay tila nakanganga lamang sila sa gulat sa ginawa noong bata. Natawa naman ako sa mga reaksyon nila. “You know we can buy you hundreds of that right?” tanong ni Javier habang nakatingin sa laruang yakap ko sa aking braso na para bang gusto nito itong tanggalin roon. “Eh? Wala nga kayong lima eh” wika ko sa kanila saka lumakad na paalis roon habang may ngiting tagumpay dahil sa akong laruan. Habang yung apat naman ay di mailarawan ang mga mukha.
○●○
Isang hapon ay naisipan naming mangabayo ni Nathan sa loob ng hacienda. Inaaya niya ako at dahil wala naman akong masyadong ginagawa ay pumayag naman ako. “Punta tayo sa distillery Gabriel, malapit nang matapos ang paggagawa noon” si Nathan habang nakasakay na kami sa kabayo. “Talaga? Sige tara” sagot ko naman rito.
Mabilis ang pagpapatakbo namin sa mga kabayo, kaya malakas na hangin ang dumadampi sa aming balat. Kulay ginto ang kulay langit dahil sa araw na malapit nang lumubog. Sobrang saya talaga ang aking nararamdaman sa tuwing nangangabayo ako, adrenalin rush kumbaga. Dito ko lang kasi maramdaman ang hindi natatakot, mahulog man ako at alam kong masakit, ayos lang kasi masaya ako at ginusto ko naman.
Hindi nagatagal ay nakarating na kami sa planta, buong-buo na ito sa labas at tanging ang nasa lob nalang ang mga inaayos kagaya ng storage facilities at mga makina na gagamitin sa operasyon. Bumaba kami sa aming mga kabayo, naunang bumaba si Nathan tsaka naman niya ako tinulungan sa pagbaba. “Salamat” ang aking tanging nasabi habang kapwa kami nakangiti.
Pagpasok namin sa loob ay busy ang mga tao. Sobrang laki nito sa loob, hindi lang gaanong pansin sa labar pero napalakawak ng espasyo. Malapit na rin pala itong matapos sa loob. Nakalagay na ang mga malalaking barrel kung saan nilalagay ang mga fermented juice. Sa ’di kalayuan ay naaninag ko si Alejandro na may kinakausap. Nang makita ang pagpasok namin ng kapatid niya ay agad itong nagpaalam sa kausap.
Malawak ang ngiti ngunit batid ang pagtataka sa mukha niya. Marahil ay nagtataka kung bakit kami nandoon. “Gabriel, Nathan, napadalaw kayo rito?” Sabi ni Alejandro pagkarating niya sa aming kinaroroonan. Nag fist bump silang dalawa ni Nathan, matapos ay lumapit at nag beso ito sa akin.
Naramdaman ko ang init at tila kuryenteng dumaloy nang magkadikit ang aming mga pisngi. Mabilis na pumasok sa aking ilong ang tila nakakaakit na pinaghalong pabango at natural na amoy ni Alejandro na nagpapikit sa akin. Kitang-kita ko ang pagdaloy ng munting butil ng pawis sa likod ng kaniyang tenga, at tila pati iyon ay parang mabango rin.
Napansin ko lang sa magkakapatid, kung ano ang mga istura nila at yung vibes nila ay ganoon rin ang kanilang mga amoy. Talaga namang consistent at pasok sa personality.
“Ah inaya ko si Gabriel kuya na pumasyal dito, kako baka gusto niyang makita ang planta” sagot ni Nathan. “Talaga?” baling nito sa akin. “Ah oo” sagot ko habang napapakamot sa likod ng aking ulo dahil sa hiyang nananalaytay sa aking katauhan ngayon baka kasi makaistorbo ako sa mga nagtatrabaho, “matagal ko na kasing gustong makakita ng distillery eh” dagdag ko pa.
“Is that so? Would you like a tour?” Tanong nito sa akin. “Kuya ako nalang ang magto-tour kay Gabriel” presinta naman ni Nathan. “As if I’d let you two alone” sagot naman ni Alejandro at tila nang-iinis na tinignan si Nathan. “Kuya naman panira eh, alam namang pumuporma ako dito oh” sabi naman ni Nathan na napapakamot na rin sa ulo dahil sa pambibisto ng kuya niya. Natawa nalang ako sa kakulitan nitong dalawa. “Let’s go” malamig na sabi ni Alejandro saka ito tumalikod sa amin na agad naming sinundan.
Inililibot ko ang aking paninging sa kabuuhan ng planta habang naglalakad, maraming mga kagamitan at makina. Maraming ding mga pinto na magdadalo sa iba’t-ibang mga kwarto para sa iba’t-ibang nga proseso.
Una naming pinutahan ay ang isang bodega “this is the food stock storage. this is where the fruits will be stored” pangunguna ni Alejandro habang binubuksan ang pinto saka kami pumasok. “Ang mga prutas naman na gagamitin for wine ay syempre yung grapes, oranges, pineapple, cane at iba pang prutas dito sa hacienda” si Nathan naman.
Sunod kaming pumunta sa isang machine. “This is the hammer mill, this is where the fruits will basically be milled to separate the juices and the fruit material, we have three of these.” “After that, the juices will be sent to this tank for further cleaning and sanitation, at para na rin ma strain to ensure na juice lang talaga at wala ng solid materials” si Nathan naman habang tinitignan namin ang isang malaking tanke.
“Dito naman sa mga barrel na ito ilalagay ang mga juice na nahaluan na ng yeast at napakuluan na mula sa isa pang tangke, dito na mangyayari ang fermentation for days or even months” nakita ko ang mga naglalakihang mga barrels na napakarami. Nakakahanga dahil mas malaki pa sa akin ang mga ito.
Sunod naming pinuntahan ang bottle area. “Sa ngayon wala pang stocks ng mga bote kasi piangpipilian pa ang mga desenyo mula sa iba’t-ibang mga suppliers.” “That area right there is the packaing area, where the bottle would be labelled and packed well in accordance to the aesthetic we are trying to achieve” si Nathan naman nung itinuro ang isang area.
Literal na nilibot talaga namin ang buong planta at lahat ay napuntahan. Mula sa locker ng mga empleyado kung saan sila nagsusuot ng PPE, sa storage ng mga pang maintenamce ng mga makina, pati na rin ang opisina ng administrative officers. Talaga namang nakaka-agnas.
“So, what do you think Gabriel?” tanong ni Alejandro sa akin habang nasa loob kaming tatlo sa opisina ng planta at nagpapahinga. Nakaupo ako sa isang sofa sa loob ng opisina habang pinapaypayan ang sarili.
“Here” abot sa akin ni Nathan ng kaniyang panyo, mabilis kasi talaga akong pawisin eh, nahalata niya siguro, o kaya naman ay sobrang kita na naliligo na ako sa aking sariling pawis. Inabot ko mula sa kaniyang malaki at maugat na kamay ang panyo. “T-thank you” ang tanging nasabi ko lang at mabilis na pinunasan ang aking sarili.
Matapos ko namang magpunas ay naramdaman ko na tila mas lumamig pa sa loob at talaga namang nakakapresko. Mas itinaas pala ni Alejandro ang power ng aircon dahil nakita ko siya kino-control ito gamit ang remote sa kaniyang maugat na mga kamay.
Sumagot ako sa tanong ni Alejandro kanina “Actually, the whole operation and the plant is well structured and well thought of” panimula ko. Nakuha ko ang atensyon nila at nakatingin lang sa akin, handang makinig sa kung ano man ang sasabihin ko.
“Sourcing primary ingredients from the hacienda is truly commendable because it is sustainable, significantly cheap leading to less costing, and securing supplies and fast delivery which leads me to think that this wine distillery business is very profitable, and is like hitting 2 birds in one stone, having increased of wealth due to the profitability of this wine business and securing product demand for the fruits supply in the hacienda.” Sabi ko sa kanila, they nod at me encouraging me to go on.
“Moreover, the structure and the flow operation are exceptionally well because it is the mix up modern and traditional approach which I think will be beneficial given that the quality of wine will be good and is safe because of the modern tanks, and also using barrels as a fermentation storage is also good because it will surely have a distinct taste and will not drift away from the traditional wines in the market” sabi ko, “But that is only the good part” dagdag ko pa.
“Go on” si Alejandro na pinagpapatuloy ako. “Given the secured quality of the wines produce, however, we still need to focus and enhance our marketing, such as the packaging and label, it should be coordinated to how we project our consumer’s reaction would be, and also we should target the right market which will make the wine more known since it’s new in the market, to also ensure its penetration.”
Matapos kung sinabi ang mga iyon ay bakas sa kanilang mga mukha ang paghanga sa akin. Doon ko na realize ang aking mga sinasabi at tila nahiya dahil baka tunog nagmamrunong ako. But the hesitation and embarrassment in me evaporated when they clapped. “Wow, just wow!” Paghanga ni Nathan.
“I didn’t know that you have that perspective, and for the little amount of time I toured you here, you already processed that business inclined thought” tila hangang-hangang wika naman ni Alejandro. “Well, Kuya, what do you expect from an agri-business management graduate of UP, and a cum laude at that too?” sagot naman ni Nathan sa kuya nito.
“Ah actually, wine distillery kasi ang naging thesis ko, tsaka nag best in thesis din ako dahil doon” pagpapaalam ko naman sa kanila. “Wow, talaga?” ’di makapaniwalang reaksyon ni Nathan. Tumango ako at dumagdag. “Pangarap ko rin kasi talaga ang magkaroon ng ganitong business eh” sabi ko rin sa kanila.
Isa iyong pangarap noong nag-aaral pa lang ako at hanggang ngayon ay buhay pa rin. Masarap kasing mangarap, nabubuhay ang puso ko dahil sa mga pangarap ko sa buhay. Alam ko rin na wala namang specific timeline ang buhay eh, ika nga nila, buhay ay ’di karera. Basta’t magsumikap ka lang, darating at darating ka sa sa pinapangarap mong destinasyon.
Tayo rin naman kasi ang gumagawa ng sarili nating landas, tayo rin ang nagdadala ng ating mga sarili, kaya naman kahit anong pagsubok pa ang haharapin mo sa buhay, basta’t may pangarap ka, may mapupuntahan ka at may lugar na para sayo.
Inilabas ni Alejandro ang kaniyang telepono at tila may tinawagan, ilang sandali pa ay sumagot ito. Malawak na ngiti ang ibinibigay sa akin ni Alejandro habang nakaitingin, “Tito, I think I found the right manager for the wine distillery” wika nito, dahil doon at dahil sa tingin niya sa akin ay tila alam ko na ang pinaplano niya.
Mabilis ang tibok ng puso ko, mainit rin ang mga tenga, at namumula ang mga pisngi ko sa maaring sabihin ni Alejandro. Hindi ako makapaghintay at libo-libong kuryente ang dumadaloy sa buong katawan ko. “Quién?” narinig kong boses sa kabilang linya na may spanish accent. Mas lumawak pa ang ngiti ni Alejandro sa akin at ganoon din si Nathan.
I just know that during that moment, my eyes are shining and sparkling with hope and anticipation. “It’s Gabriel!”

