HACK HIS HEART
mrsWolf02 · 4 chapters · 2,240 words
WARNING
Warning
THIS IS A WORD OF FICTION.
NAMES,CHARACTERS, PLACES AND EVENTS ARE FICTITIOUS UNLESS OTHERWISE STATED.
ANY RESEMBLANCE TO REAL PERSON LIVING OR DEAD OR ACTUAL EVENT IS PURELY COINCIDENTAL.
ALL RIGHT RESERVED.
NO PARTS OF THIS STORY MAY BE REPRODUCED, DISTRIBUTED OR TRANSMITTED IN ANY FORM OR ANY MEANS, WITHOUT THE PRIOR PERMISSION OF THE AUTHOR.
PLAGIARISM IS A CRIME! SO BACK OFF🖕
©BLACKWOLF 2018 @HeneralsLibraryOfficial FOLLOW MY FB PAGE GUYS😊
BLURB
“Mission completed, Z,” nakangising saad niya. After putting that damn precious thing in her zip pocket, she pressed the tactical earpiece speaker that is placed on her ear canal approximately 7mm from her eardrum.
Damn, this mission was too easy for her, hindi man lang siya pinawisan nang pasukin ang Penthouse—
Natigilan siya nang bumukas ang pinto at iluwa n’un ang hubad na lalaki. And when she said hubad, it really does. A naked man with a Greek God’s, body.
“Who the hell are you?” malakas nitong sigaw. Umawang ang mga labi niya nang magtagpo ang kanilang mga mata. Tila saglit siyang tinangay sa kung saan. Mabuti na lang at bumalik pa siya sa katinuan. Muntik na niyang makalimutan na nasa misyon pa siya at may tendency pa yatang mapurnada iyon.
“Shit!” mura niya nang matauhan at patakbong tinungo ang glass window na siyang dinaanan niya papasok sa Penthouse nito na nasa tuktok, 30th floor to be exact of Montreal Corp.
“Who are— Fuck!” Huling salitang narinig niyang sinambit nito bago siya lumusot sa glass window na binutas niya kanina at parang superhero sa mga sci-fi movie na tumalon doon.
Nakaharap siya sa pinanggalingan kaya’t tanaw na tanaw niya ang lalaking gulat na gulat sa ginawa niyang pagtalon, ngunit wala roon ang mga mata niya kundi nasa pagitan iyon ng mga hita nito. Marahil iniisip nitong isa iyong suicide mission. Napangisi na lang siya rito nang muling nagtama ang mga mata nila bago niya pindutin ang cable harness na mabilis namang bumaon sa kabilang building na tinamaan nito. Nag-flying kiss pa siya sa lalaking hindi inaalis ang titig sa ka’nya.
Malco Montreal, a genius tech-guy, who always on the top, and the word “lose” was never existed in his vocabulary. A cold ruthless man who invented the GODS EYE, a destroying eye like thing that can hack all kinds of camera system all over the world.
Everything is under his control, money is pouring in his bank accounts. Until one unknown hacker tried and successfully accessed his precious eye.
It really get pissed the hell out of him. He is so ready to wring that hackers neck, but fate turns the table and play against him. Fuck his unnecessary massive erection everytime her grey eyes met his.
How can he make her pay for stealing and accessing his precious invention, if that hacker also hacked and have successfully accessed his guarded heart.
CHAPTER 1
“Fuck baby, ahh… give it to me!” malakas na atungal ng babaeng kaniig ni Malco sa loob ng cr. Hindi nga niya alam kung bakit dito niya ito dinala sa penthouse niya sa tuktok ng gusali ng Montreal Corp. na siyang pag-aari niya.
Nakilala lang niya ang babae sa Cafe Buenafe nang magkita-kita na naman silang magkakaibigan. As usual nag-uwi na naman siya ng babae katulad ng palagi naman niyang ginagawa.
“Ahh… come for me, Malco, baby!” maharot na saad nito. Agad naman niyang binuksan ang drawer sa ilalim ng sink na inuupuan ng babae habang binabayo niya ito. He was looking for his condom box. Yes, he always use protection. Ayaw nga niya sa relasyon, makadisgrasya pa kaya?
“Yes, baby, come inside me please!” malakas na ungol nito.
Ngunit itinigil niya ang ginagawa nang makapa niyang wala na palang laman ang box. Napamura na lang siya sa inis. Nawalan siya ng libido dahil sa pagkadismaya. Agad niyang pinalis ang babae sa harap niya na halatang nagulat ito sa kaniyang ginawa.
“What is happening to you, baby? Hindi pa tayo tapos, e!” reklamo nito na parang batang inagawan ng lollipop.
“I’m done,” nakangising saad niya bago ito talikuran at walang saplot man lang na lumabas ng banyo.
Paglabas niya ay bumulaga sa kanya ang isang balingkinitang bulto malapit sa glass case kung saan naroon ang iniingatan niyang inbinsyon.
Napamura siya sa isip nang mapansing wala roon ang laman.
“Who the hell are you?” malakas niyang sigaw sa tao na tila ilang segundo ring nakatitig lang sa ka’nya. Nagulat marahil sa tumambad na hubad niyang katawan. At base sa tingin niya ay babae ang kaharap.
“Shit!” dinig niya ang malamyos nitong boses nang sambitin iyon, at doon niya nakumpirma na tama nga ang hinala niya. Babae nga ito, at paano ito nakapasok sa penthouse niya.
The whole building is fully secured. At wala pang nagtagumpay sa pasukin ito.
Mabilis na kumilos ang babae na tila bumalik na sa reyalidad matapos makakita ng hubad na katawan.
“Who are— Fuck!” malutong na mura ni Malco, matapos lumusot ang babae sa salamin na hindi niya nakita man lang na butas na pala. Wala itong pakundangang tumalon doon. And to his surprise with his fucking feeling, tila natakot pa siya para sa estrangherang nanloob sa building niya kaya napatakbo siya.
Akala niya ay nag-suicide na ito na nagpakaba sa kanya nang husto. Napagtanto lang niyang mali siya nang makita niyang naka-harness na ang babae at nag-flying kiss pa sa kanya ang animal. At animal din ito sa ganda. Fuck! Para itong anghel na bumaba sa lupa. Tila nahipnotismo siya sa titig at matamis nitong ngiti sa kanya. Bigla na lang siyang nakaramdam ng natakot. At bakit ba siya kakabahan? He shouldn’t be, dahil ninakaw nito ang pinakamahalagang bagay na mayroon siya.
Sa sobrang bwesit at pagmamadali niyang magbihis para sundan ito napagdiskitahan pa niya at napagsalitaan ng masasakit ang babaeng kaniig niya kanina dahil sa sobrang kulit nito.
“You’re seeing me again, right, Malco?” paulit-ulit nitong tanong sa ka’nya bago niya ito palayasin kanina.
At sinagot naman niya ito ng tapat. “Sorry woman, but I do not use what I already used!” Masakit siyang magsalita but it was him. Alangang magpanggap pa siyang mabait, eh sa hindi naman talaga siya mabait. Oh kung may bait man siyang itinatago ay piling-piling tao lang ang nakakaranas niyon. And they are his friends and their wife’s of course.
Mangiyak-ngiyak pa nga ang babae nang sabihin niya iyon. Muntik pa siyang masampal nito pero hindi niya hinayang lumapat man lang sa mukha niya ang palad nito. No woman has the right to slap his face, kahit ang ina niya ay ni hindi dumapo ang palad sa kaniya.
Umuusok ang ilong ni Malco habang palakad-lakad sa harap ng may bente yatang katao sa loob ng opisina ng Montreal Corp. Pinatawag niya ang lahat ng naka-assigned sa security system nh buong building. Galit na galit siyang sinabon ang mga tauhan dahil sa kapabayaan ng mga ito. Napasok sila ng walang kamalay-malay, and worst penthouse pa niya ang pinuntirya nito at matagumpay nitong nanakaw ang mahalagang inbisyon niya.
“Fuck you all!” umalingaw-ngaw sa buong silid ang boses ni Malco. “Ang dami-dami ninyo rito tapos nalusutan kayo ng isang tao lang? And worst, babae pa!”
Wala ni isang sumagot, wala ni isang may kakayahang sawatain ang isang Malco Montreal, lalo na kapag ganitong halos pumutok na ang ugat nito sa galit.
“Give me a copy of all CCTV footages here in this whole building. Check it one by one!” mariing sigaw niya.
Agad namang nagtulasan ang mga nasa harapan niya at kumilos. Naiwan siyang mag-isa sa opisina. Paroo’t parito sa paglakad. He can’t lost that thing na pinaghirapan niya sa mahabang panahon. Ginugol niya ang lahat ng oras niya sa bagay na iyon pagkatapos ay nanakawin lang ng kung sino. Nang-gi-gigil talaga siya sa galit kapag pumapasok sa isip niya na napasok ang silid niya ng isang magnanakaw, correction magandang magnanakaw.
That fucking little buglar na nakuha pang kumaway at mag-flying kiss sa kaniya, habang nakatitig sa hubad na pagkalalaki niya. Hindi niya maiwasang hindi mainis kapag naaalala niya ang ngisi nitong iyon habang nakasabit sa harnes at lumipad sa kabilang gusali.
Nakita niya ang buong mukha nito at ang makintab nitong itim na buhok. Alam niyang kapag nakita niya ito ulit ay makikilala niya ito kaagad. Those kind of face are remarkable. Mahirap kalimutan, at kapag nakita niya ito ulit ay humanda ito dahil parurusahan niya ito dahil sa kalapastanganan nito. Sa ginawa nitong pagpasok sa penthouse niya, sa pagnanakaw nito sa inbinsyon niya, at ginagawa nitong pagpapasakit sa puson niya.
Parurusahan niya ito at sisiguraduhin niyang iiyak ang babae habang nakatali sa poste ng kama niya. Magmamakaawa ito sa parusa niya at mata lang nito ang walang laway.
“Just wait, you little thief!”
Nasa ganoong pag-iisip siya nang tumunog ang cellphone niya sa bulsa. Agad niya itong kinuha at sinagot.
“What?” masungit na bungad niya. It was fucking late night at tumatawag pa ang walanghiyang kaibigan niya.
“Ang ganda ng sagot mo, Malco! Pwede bang mag-hello ka muna,” saad ng tumawag. None other than Karloz Pavloz aka Kirito.
“Wala akong panahong mag-hello, Alas. What do you want?”
“I will just remind you about my wedding day, fucker. Don’t be late, see you.”
Hindi na niya nagawang makasagot dahil binaba na nito ang linya. Muntik na nga talaga niyang makalimutan ang araw mh kasal nito dahil sa magnanakaw na iyon. Hindi pwedeng hindi siya pumunta dahil tiyak magagalit si Maita na magiging asawa na siraulong kaibigan niya.
Teka, anong date nga ba ng kasal nito?
CHAPTER 2
“Earth back to Red!” Cathy just snapped its finger in her face. “Kanina ka pa tulala alam mo ’yon. Nakakahalata na ako, huh! Magmula nang matapos ang latest mission mo palagi kang wala sa sarili, ghurl! Anong meron, huh? Care to tell?”
“Wala!” Pag-iwas niya. Hindi niya pwedeng ikwento sa isang ito ang nakita niya dahil siguradong magiging tampulan siya ng tukso sa buong Agency. May sa Marites pa naman ang isang ito at alam niyang hindi siya makakaligtas kahit pa kaibigan niya ang hitad.
“Wala raw, echusera! Hindi ako naniniwala sa’yo hoy… alam kong may something na nangyari sa misyon mo. Kilala kita babaita ka!”
She tsked before leaving the room. Kakatapos lang ng meeting nila na pinangunahan ni Chaos. May bagong binigay na order ang Citadel at luckily hindi sa kaniya napunta iyon. Makakahinga siya ng maluwag dahil wala siyang schedule. Makaka-attend siya sa kasal ng kapatid. Ilang araw na lang iyon at hindi niya alam kung bakit ba siya kinakabahan na daig pa niya ang siya ang ikakasal. May cold feet, ganern?
Lumabas siya ng headquarters nila na nakabase sa Greece. May ilang araw pa siya bago bumalik sa bansa kung saan tagumpay niyang nagawa ang trabaho niya. Ang latest mission na nabanggit ni Cathy kanina. At tama ang sinabi nito, iyon ang dahilan ng pagiging wala niya sa sarili lately. Paano ba naman kasi, hanggang ngayon hindi pa rin mawaglit sa balintanaw niya ang letseng lalaki na iyon. Ang lumalambitin nitong pagkalalaki na halos umabot na sa kalahati ng binti nito ang haba na nagpatulala sa kaniya na muntik pang ikapurnada ng trabaho niya.
“
Skata
!”
Mabilis niyang tinungo ang Bugatti niya at sumakay roon. Kakasakay pa lang niya nang tumunog ang cellphone niya na nakakonekta sa sasakyan. Her eyes glisten in excitement kaya naman mabilis niyang sinagot iyon. It was her brother. Nasa kabilang panig ito ng mundo kasama ang babaeng minamahal nito na kasalukuyang nagdadalang-tao. A few months from now she will be an Aunt. Excited na siyang maging Auntie ng isang cute na bata. She bet it’s cute, of course, wala naman sa lahi nila ang pangit.
“Hello, your Highness! What can I do for you?” she asked and can’t help but to giggle when he heard her brother’s cursed.
“Drop it Henred! It’s not funny,” anito mula sa kabilang linya. Sa lakas ng boses nito ay halos mabasag ang eardrum niya.
“Ugh! Just kidding, bro!” Hanggang ngayon, ayaw na ayaw pa rin nito ang tinatawag ito ng ganoon. Lalo na kapag wala naman ito sa bansa nila. “Anyways where is my Lady,” dugtong niya.
“Maita is fine, Henred. And can you please don’t call her my Lady! She is mine okay…”
“My God, Karloz! I know she’s yours, don’t tell you are jealous of me, idiot!” Mas matanda ito sa kaniya ng limang taon pero kung mag-usap sila nito minsan ay daig pa nila nito ang magkaedad.
“Mind if I tell you na mas matanda ako sayo, huh! How dare you to call me an idiot!?” giit nito.
“Yah right! You’re older pero kung umasta ka minsan para kang bata. Mind if I tell you too that you are a fucking Prince and you should act like one,” asik niya.
“Ewan ko sayo! The day after tomorrow is my wedding. Ipinaaalala ko lang Henred!” Her brother shouted before dropping the call. At talagang hindi nito hinintay na sumagot siya. Pinatayan siya ng tawag ng walanghiya.
Kinalikot niya nang bahagya ang tenga niya dahil nangati iyon sa sigaw nito. Ang ikinaiinis pa niya ay hindi man lang siya nakaganti. Nakasimangot siyang itinigil ang sasakyan sa gilid ng street nang mamataan niya ang paborito niyang bakeshop. Madalas siyang bumili sa ibang branch nito dahil masarap ang cake na mayroon ang mga ito. Nawala ang busangot niyang pagmumukha at napalitan iyon ng masayahing dalaga na hindi mo kababakasan ng kahit anong panganib. Para itong isang babasaging kristal na kailangang itago at ingatan, taliwas sa totoong kakayahan nito.

