HALIK SA HANGIN (BXB 2020)
ThePageWriter · 59 chapters · 90,481 words
HSH-Part 1
HALIK SA HANGIN PART 1: SIMULA
Madilim na kalangitan at tila ba nagbabadyang umulan ang aking nasilayan nang magising ako mula sa aking pagkakahimbing. Bakat pa sa aking balikat ang tali ng duyan na aking hinigaan at nararamdaman ko ang sakit ng aking kalamnan dahil sa gutom.
Hawak ang aking sariling tiyan ay minabuti kong maglakad ng palihim papasok sa aming bahay dahil talagang gutom na gutom na ako.
Pagyapak pa lamang ng aking paa sa aming munting bahay ay nasilayan ko na agad si Itay na nakasubsob sa ibabaw ng lamesa habang nasa gilid niya ang bote ng gin na halatang kakaubos lang.
Sa mga ganitong pagkakataon ay hindi ko alam kung maaawa ba ako sa sarili ko o matutuwa dahil galing sa paglalabada ko ang pinang-iinom ni Itay at kung minalas-malas na hindi ko ibigay sa kanya ang perang kinita ko ay katakot-takot na pambubugbog ang matatamo ko mula sa kanya.
Iniwan ko si Itay na nakasubsob sa mesa at dumiretso ako sa aming maliit na kusina at nakita kong may kanin pang tira ngunit walang ulam kaya naman naghanap ako ng mantika at asin at nagmadali akong kumain dahil baka magising na si Itay.
Nang matapos akong kumain ay nagmadali na rin akong magtungo sa aming likod bahay para maligo. Nag-igib na rin ako at dumiretso na ako sa bahay nina Jepoy para kunin ang ititinda kong penoy at balot.
“Oh, napa’no na naman ’yang pasa mo braso? Siguro ay binugbog ka na naman ng magaling mong ama!” Puna sa akin ni Ate Beth, ang nanay ni Jepoy.
“Hayaan niyo na po. Nadapa lang po ako kanina habang naglalabada.” Wika ko at saka ako ngumiti ng malaki.
“Nako kang bata ka! Kung ako sa’yo ay iiwanan ko na ’yang ama mo na puro pasakit lang naman ang dinulot sa buhay mo. Kung bakit naman kasi kayo iniwan ni Linda eh.” Ang tinutukoy niya ay ang Nanay Linda ko na sumama sa ibang lalaki dahil hindi na niya raw mahal si Itay. Simula rin no’n ay nagbago na si Tatay at laging ako ang napagdidiskitahan niya.
“Si Jepoy po pala bakit parang wala pa?” Tanong ko para maiba ang aming usapan. Ayoko na kasing pag-usapan pa si Nanay at Tatay. Okay pa naman ako. Nakakayanan ko pa.
“Nako, nasa galaan na naman siguro ’yong kinakapatid mo. Imbes na atupagin ’yong pagkuha niya ng scholarship para sa susunod na buwan ay inuuna ang kalayawan sa buhay.” Salaysalay ni Ate Beth kaya natawa na lang ako.
“Hayaan niyo na po ’yon si Jepoy. Pasabi na lang po na dumaan na po ako rito.” Wika ko at sinabihan naman niya akong mag-ingat sa aking paglalako.
“Penoy balot!!” Sigaw ko kahit medyo paos pa ang aking boses.
Halos matumal ang benta ngayong gabi pero ayoko namang umuwi ng zero kaya naman nang dumaan ako sa aming Barangay ay pumasok ako roon at binentahan ko ang aming Chairman ar gayo’n din ang ilang mga tanod na naka-duty do’n na halos ubusin ang aking paninda.
“Boy, ilang taon ka na?” Tanong sa akin ni Chairman Robert.
“Disi otso ho, Cap.” Sagot ko.
“Nag-aaral ka pa ba?” Tanong pa niya pabalik.
“Hindi na po. Tatlong taon na po akong graduate ng high school.” Sagot ko.
“Gusto mo bang makapag-aral ng kolehiyo? Tsaka, teka, bakit may pasa ka sa kanan braso mo?” Magkasunod niyang tanong at hinawakan niya ang aking braso kaya napaiktad ako sa sakit.
“Bago mo sagutin ang una kong katanungan ay mas mabuti sigurong sagutin mo kung bakit ka nagkaroon ng ganitong pasa sa braso. Binubugbog ka ba sa inyo?”
“Hindi po ako binubugbog sa’min, Cap. Nadapa lang po ako kanina habang naglalabada.” Natatawa kong sagot ngunit mukang hindi siya kumbinsido sa aking sagot.
“Sa susunod ay mag-ingat ka, ha? Tsaka, patungkol sa pagtatanong ko kung gusto mo bang mag-aral ng kolehiyo. Napadaan kasi rito ang isang ahensya ng Gobyerno at naghahanap ng magiging mga scholar. Nais ko sanang kumuha ka rin ng exam para naman hindi ka apiapihan pagdating ng araw. Mahirap ang tumanda ng walang pinag-aralan, hijo.” Aniya kaya naman napatango ako at napangiti ng malaki.
“Cap, nako, baka po hindi ako makapasa sa exam at wala po akong ipambabayad sa pagkuha ng exam.” Paliwanag ko kaya naman napatawa siya.
“Walang bayad ’yong exam, hijo. Ang kailangan mo lang ihanda ay ang mga requirements at ganoon din ang iyong sarili.” Aniya kaya naman ibayong gulo ang pumasok sa aking isipan.
“Sige po, Cap. Mag-e-exam po ako. Libre naman po pala.” Sagot ko at inabutan niya ako ng isang form kung saan sinagutan ko ng mabilis at inabutan niya ako ng isang brown na envelope na may nakalagay na list of requirements.
“Pinakyaw na namin ang tinda mo. Ngayon, gusto kong ipangako mo sa’min na ipapasa mo ’yung exam, ha?” Ani Cap na sinang-ayunan ko naman.
“Sige, mag-ingat ka, Zide!” Aniya at napasalamat naman ako.
Habang naglalakad ay malaki ang ngiti sa labi ko habang inaala kung ano nga ba talagang pangarap ko sa buhay.
Kinabukasan ay maaga akong nagsaing at naglinis ng bahay. Nagprito na rin ako ng ulam at ipinagtimpla ko si Itay ng kape dahil naka masakit pa ang kaniyang ulo dahil sa pag-iinom.
“Itay, kape po.” Nakangiti kong bungad kay Itay at kinuha naman niya iyon at nang tikman niya ay nagulat ako sa reaksyon niya.
“Pwe! Walang kwenta!” Aniya at ibinuhos niya sa akin ang bagong timplang kape kaya naman halos mamilipit ako sa hapdi ng aking natapunang dibdib.
Tumutulo ang aking luha habang pilit kong ikinakalma ang aking sarili pero talagang nawawalan na ako ng gana kay Itay. Tatlong taon na rin akong nagtitiis sa kanya mula sa ganitong klase ng pagtrato sa akin.
Matapos kong hubarin ang aking nabanliang damit ay napatingin ako sa kanya ay ganoon din siya sa akin. Hindi ko man lang siya nabakasan ng awa kaya naman natawa ako.
“Tay, ba’t ang tigas tigas niyo pagdating sa’kin?” Naluluha kong tanong.
“Anong kadramahan ’yang Ziderick?!” Aniya kaya natawa ako na ikinainis niya.
“Sige, tay, saktan niyo ako nang habang buhay kayong mag-isa rito!” Singhal ko dahil nakaamba na ang kaniyang kamay para suntukin ako na siya naman niyang ginawa.
Malaking tao si Itay at halos wala ang tindig kong 5’8 sa tindig niyang mahigit anim na talampakan.
“Tang ina mo ka! Sumasagot ka na! Tandaan mo, galing ka lang sa tamod namin ng Nanay mo! Hindi ka mabubuo kung wala kami!” Sigaw niya at pinagsusuntok niya ako sa muka at ang tangi ko lang nagawa ay ang pag-ilag at mabilis ko siyang itinulak.
“Eh wala ka naman pala talagang kwetang ama eh!” Sigaw ko nang maitulak ko siya.
“Tang ina mo ka!” Singhal niya pa at nang makalapit siya sa akin ay sinakal niya ako at iniangat sa aming pintuan.
Halos hindi na ako makahinga at pilit akong nagkukumawala sa kaniyang pagkakasakal pero ayaw niya akong tigilan. Nais niya na ata akong patayin kaya hindi na ako pumalag.
“Ninong, bitawan niyo ho si Ziderick!” Sigaw ni Jepoy at ganoon na lamang ang pagbagsak ko sa sahig namin at nilapitan niya ako kasama si Ate Beth.
“Ronald, gago ka!” Sigaw ni Ate Beth habang pinapainom ako ng tubig ni Jepoy. Halos maluha-luha ako nang mga sandaling iyon kaya nabuo na ang loob kong husayan sa pagkuha ng exam para malaalis na ako sa puder ni Tatay.
“Kung napatay mo ang anak mo, kami mismo ang magpapakulong sa’yo! Hindi kita nakilalang ganyan noon, Ronald! Tatlong taon ng wala si Linda pero ikaw ganyan ka pa rin. Si. Ziderick na lang ang mayroon ka, sinasaktan mo po ’yong bata! Anong klase kang ama?!” Maluha-luhang sermon ni Ate Beth at si Itay naman ay walang pakialam.
“Isang araw, iiwan ka ng anak mo at kapag nagugutom ka na at nalulunod sa lungkot, hahalik ka na lang sa hangin at walang makakarinig sa’yo, Ronald! Pagsisisihan mo ang mga aksyon mo ngayon pagdating ng panahon!” Ani Ate Beth at tila ayaw tumigil ng aking mga luha sa pag-agos habang iniisip ko kung paano ko siya unti-unting aabandunahin.
Itutuloy…
Note: Tapusin ko ’to. Mabilis na mabilis
HSH-Part 2
H
ALIK SA HANGIN
Part 2: DESISYON
“ZIDERICK, nakapasa ka! Congrats!” Iyon ang bungad sa akin ni Jepoy nang pumunta ako sa kanila para kuhanin ang paninda kong balot at penoy. Matapos ko iyong marinig ay halos manlambot ang aking tuhod dahil makakalaya na ako sa kamay ni Tatay ngunit sa kaparehong kadahilanan ay ayokong abandunahin si Tatay dahil kami na lamang dalawa ang natitirang magkapamilya simula noong iwan kami ni Nanay.
“Oh, bakit parang hindi ka masaya? Buti ka nga nakapasa eh. Ako nasa waiting list.” Wika niya at tinapik pa niya ako sa aking balikat.
“Masaya ako syempre! Pero kada iniisip kong iiwanan ko si Itay ay sumasakit ang dibdib ko.” Pagpapatotoo ko ng aking saloobin sa kanya na agad niyang naunawaan.
“Abnormal ka rin minsan, Zide. Matapos kang bugbugin ni Ninong noong nakaraan at halos mapatay ka na, heto ka pa rin, mukang tanga!” Asik niya at humikab siya bago nagsalitang muli. “Hindi deserve ni Ninong ang pagmamahal mo. Balita ko kaya iniwan ni Ninang Linda si Ninong kasi sugarol daw.” Aniya na wala namang katotohanan.
“Mag-iinom lang si Tatay pero hindi ’yon nagsusugal!” Pagtatanggol ko pa kay itay dahil iyon naman ang totoo.
“Eh ’di mag-iinom na kung mag-iinom. Ang sa’kin lang, dapat hindi ka niya sinasaktan. Anak ka niya eh.” Anas pa niya.
“Nauunawaan naman kita pero gaya nga ng sabi ko, si Itay na lang ang natitira kong pamilya simula nang iwan kami ni Nanay. Kaya mahirap din sa’kin talaga lahat. Hindi naman ganoon si Tatay dati kaya umaasa akong magiging ganoon pa rin siya–mabuting ama.” Wika ko na ikinatawa niya.
“Anong nakakatawa?” Tanong ko.
“Umaasa ka pa talaga na magbabago si Ninong?” Tumawa siya. “Malabo pa sa pagputi ng itlog ko ’yon!” Aniya at nakitawa ako sa kanya.
“Pero seryoso ako, gusto kong magdesisyon ka ng ayos. Huwag mong sayangin ’yong scholarship!” Napaisip din ako sa sinabi pero si Itay pa rin ang unang pumapasok sa isip ko. Kahit naman puro pambubugbog ang ginagawa niya sa akin ay hindi naman nawala ang pagmamahal ko sa kanya. Gasino na lang ’yong pasa na natatamo ko.
“Sige. Salamat, Jepoy!” Sabi ko at hinila niya ako bigla sa tapat ng kanilang tindahan at naglabas siya ng isang malaking softdrinks at dalawang tinapay na ensaymada.
“Congrats uli, Zide! ’Yan lang kaya ko eh. Alam mo namang sa Biyernes pa ang sahod ko sa construction. Tsaka, gusto sana kitang ilibe ng milktea, iyong uso kaso mas kailangan namin ng pera eh. Hayaan mo, sa susunod ay ililibre na talaga kita!” Aniya at nakataas pa ang kaniyang kanang kamay na animo ay nanunumpa sa akin. Ang sipag din kasi nitong si Jepoy at isinakripisyo niya ang pag-aaral niya noon para makatulong sa kapatid niyang masyadong hikain.
“Salamat uli, Jepoy! Sana ay hindi ka na nag-abala. Tsaka ano ka ba? Hindi uso sa’kin ’yong milktea tsaka, ano ba ’yon?” Sagot ko sa kanya na naging dahilan ng pagtawa niya.
“Uso ’yon! Iyon ’yong matamis na tsaa na malamig na nakalagay sa cup na iba’t-iba ang size!” Pagkukwento niya kaya naman nagkaroon na ako ng ideya ngunit hindi ko ma-imagine ang lasa ng tsaa na matamis.
“Sana makatikim tayo no’n someday.” Masayang tinuran ko.
“Nakatikim na ako. Ikaw na lang ang hindi pa kaya promise ko talaga na ililibre kita no’n sa Plaza kapag nagkapera na ako.” Diterminado talaga siyang ilibre ako kaya naman napangiti ako ng malaki habang nilalagok ang huling patak ng softdrinks na inilibre niya sa akin.
Mag-aala-una na nang umaga nang makauwi ako sa bahay at hawak ang aking kinitang isang daang piso ay malaki ang aking naging ngiti dahil kanina ay naka-300 pesos din ako sa paglalabada kay na Aling Perly tsaka masaya kasi may libreng meryenda pa. Napapangiti tuloy ako nang malaki dahil kahit papaano ay may naitatabi na akong pera na magagamit ko kung saka-sakaling tumuloy ako.
“Ziderick, anong oras na?!” Bungad sa akin ni Itay kaya naman nawala ang ngiti sa aking labi at napalitan iyon ng pangamba.
“Medyo matumal ho kasi ang benta kaya inumaga na ho, ’tay.” Pagpapaliwanag ko at ganoon na lamang ang gulat ko nang sikmuraan niya ako ng isa. Halos mamilipit ako sa sakit nang kaniyang ginawa at nabitawan ko ang isang daang buo na kinita ko sa pagbebenta kanina. Agad niya iyong kinuha kaya naman napangiwi ako habang iniaangat ang aking ulo.
“Tay, pera ko ho ’yan.” Mahina ang bulong kong iyon ngunit sapat lamang iyon para marinig ako ni Itay na naging dahilan para tingnan niya ako ng masama.
“Anong pakialam ko? Dito ka nakatira sa puder ko kaya ang pera mo ay pera ko rin!” Sigaw niya pa at akmang sasapakin niya pa ako nang umatras ako.
Sa halos araw-araw na ginawa ng Diyos at halos ilang beses na akong kinuhanan ni Itay ng pera at kung gaano iyon kadalas ay ganoon din ang pananakit niya sa akin ng pisikal at emosyonal.
“Pasok na ho ako sa loob.” Pagpapaalam ko at hindi ko na hinintay ang sagot niya dahil ayoko ng makarinig pa ng masasakit na salita at ayoko na ring masaktan pa ng pisikal.
“Ito lang ang kinita mo? Isang daan?” Hawak niya ako sa braso noong sabihin niya iyon at hindi ko alam kung anong dapat kong maging reaksyon dahil pinangungunahan ako ng kaba.
“Tay nasasaktan ho ako.” Mahina kong sagot. Hindi niya pa rin binibitiwan ang aking kanang braso kaya nakakaramdam na ako ng sakit. Hindi naman kasi ako mataba para hindi makaramdam ng sakit ng paghawak niya.
“Ang sabi ko ito lang? Nasaan na ’yong iba?” Tanong niya at kinapkapan niya ako at nang wala siyang nakuha ay lihim akong napangiti sa isip ko.
“Wala hong labada kanina, Tay kaya iyan lang ho ang kinita ko ngayong araw.” Wika ko at bigla niya akong sinapak ng isa. Masakit ang sapak na iyon na ginawa niya sa aking kaliwang pisngi kaya halos tumilapon ako sa lupa. Kailan ba titigil si Itay sa pananakit niya sa’kin? Medyo namamanhid na rin kasi ang katawan ko sa pagod.
“Itay, sorry ho.” Medyo nanghihina kong sagot at sinabunutan niya pa ako bilang tugon at iwinasiwas niya ako sa lupa kaya halos makain ko na ang iyon.
“Sorry-sorry kang hayop ka! Manang-mana ka sa Nanay mo! Wala kayong silbi!” Aniya at tinadyakan ako ng isa sa tiyan ng dalawang sunod kaya halos manlambot ako lalo na ang mapaubo ako ng dugo.
“Tay, tama na po!” Pagmamakaawa ko sa kaniya ngunit ayaw niya akong tigilan.
“Tang ina mo!” Aniya at muli niya akong sinabunutan at sinuntok ng isa sa tiyan kaya naman ibayong sakit ang naramdaman ko at halos mandilim na ang aking paningin.
KINAUMAGAHAN ay nagising ako sa tapik ng kung sino. Masakit ang buo kong katawan at lalong-lalo na ang aking braso at tiyan na napuruhan.
“Diyos ko kang bata ka! Okay ka lang ba?” Tanong ni Aling Perly na parating nagpapalaba sa akin. May dala siyang plastic bag at nakababa iyon sa tabi ko. Napangiti na lang ako sa tanong ni Aling Perly at napatakip siya ng kaniyang bibig nang makita ang dugong pumapatak mula sa aking labi.
“Gawa ba ’yan ng tatay mo?” Tanong niya habang inaalalayan akong umupo.
“Hindi po. Napagtrip-an lang po ako ng mga tambay kagabi.” Pagsisinungaling ko. Mukang hindi siya kumbinsido sa aking sagot at awang-awa siya sa kalagayan ko.
“Huwag ka na sa aking magsinungaling dahil iyang mga pasa mo oh, hindi na normal. Bakit hindi mo pa kasi iwan ang tatay mo at nang guminhawa na ang buhay mo? Sa umaga, labandero ka at sa gabi naman tindero pa ng balot. Swerte ang tatay mo sa tutuusin eh. Ang hindi ko lang maunawaan ay kung bakit mo natitiis na saktan ka lang ng tatay mo. Gusto mo bang magsumbong sa mga pulis?” Hindi ako agad nakasagot dahil sa sinabi niya lalo na’t may binanggit siyang pulis.
“Nako, ’wag na po. Mahal na mahal ko ho ang Itay ko kaya sana pagpasensyahan niyo na lang po.” Wika ko at napakamot siya ng ulo.
“Hindi rin talaga matigas ang puso mong bata ka. Simula bata ka ganyan ka na. Manang-mana ka sa Nanay mo.” Kwento niya sa akin habang pinupunasan ang aking putok na labi at pisngi.
“Talaga po?!” Masigla kong tanong dahil ilang taon na rin akong walang balita kay Nanay.
“Oo. Pero bago ’yon ay itaas mo ang iyon kamay at tingnan mo iyang kanang mong braso. Bali!” Aniya at sinunod ko naman ang kaniyang sinabi. Itinaas ko ang aking kamay at kumuha siya ng isang puting damit sa loob ng plastic bag na dala niya at isinuot niya iyon sa akin. Halos mamilipit ako sa sakit nang mga sandaling iyon pero kailangan kong isipin ang sarili ko.
“ARAY PO! Ang sakit!” Bulalas ko habang hinihilot ni Apo Efren ang aking kanang braso.
“Ganyan talaga, hijo. Masakit talaga iyan lalo na’t namamaga.” Aniya kaya naman ibayong kaba ang aking naramdaman para sa sarili ko dahil hindi na ako maaring makapaglaba at sayang ang kikitain ko. Maliit lang ang kita pagbebenta ng balot kaya’t nakikita ko na na magugutom ako.
“Jepoy, hindi na yata magbabago si Itay.” Wika ko habang nakaupo kami sa tapat ng tindahan nila. Awang-awa sila sa akin lalo na ang bestfriend kong si Jepoy na halos maiyak nang ikwento ko lahat nang nangyari sa akin pag-uwi ko nang umaga.
“Napakagago naman ni Ninong kung gano’n. Tsaka teka, ano bang desisyon mo? Tutuloy ka pa ba? Kasi kung ako ang tatanungin, tutuloy ko ’yan!” Aniya na animo ay galit na galit sa ginawa ni Tatay sa akin. Nagpahid muna ako ng luha gamit ang aking palad at muli akong ngumiti.
“Kailangan ko ng dalawang libo para makaluwas ako ng Maynila, ’Poy. Anim na raang piso lang ang mayroon ako tapos nagkabali pa ako.” Halos pabulong ko lahat iyong sinabi dahil ayokong mag-alala siya sa’kin dahil pinakain na nga niya ako ng tanghalian ay aabalahin ko pa siya sa problemang pinansyal ko.
“Magkano? Dalawang libo? Huwag kang mag-alala.” Aniya at hindi ko alam ang sinasabi niya.
“Anong gusto mong iparating, Jepoy? Kung tulong pinansyal ay ’wag na dahil kakalabas lang ni Katkat sa hospital nitong nakaraan. Pambili mo na lamang ng gamot ’yong perang ipapahiram mo sa’kin.” Wika ko dahil ayoko sa lahat ay maging pabigat.
“Pero paano ka naman? Hindi naman tayo naging mag-bestfriend para lang sa wala. Sabay tayong lumaki at halos sabay tayo sa lahat ng bagay kaya parang kapatid na rin kita kaya ano na lang sa’king kung tulungan kita? Tsaka para sa future mo naman iyon. Ayokong bumulong ka sa hangin pagdating ng araw ng “sana ipinagtuloy ko ’yung pag-aaral ko” at hindi ko kayang tumanda tayo ng hindi nakatapos ng kolehiyo. Ganoon na ang buhay ng mga magulang natih tapos gagaya pa tayo. At huli, ’yung pangarap mo ay pangarap ko rin!“ Wika niya bago umakbay sa akin ay halos maluha ako sa kaniyang sinabi.
Bihira sa mundo ang totoong kaibigan at nahanap ko iyon sa katauhan ni Jepoy at nang mapagtanto kong tama siya ay nagsalita ako.
“Buo na desisyon ko. Itutuloy ko na. Ayokong humalik sa hangin ng walang nararating sa buhay.” Wika ko at lumapad ang ngiti kaya ganoon din ang aking ginawa.
Itutuloy…..
HSH PART 3
HALIK SA HANGIN PART 3: PAALAM MUNA SA NGAYON
ARAW ng Biyernes. Nakahanda na ang aking isang malaking bag na ipinahabilin ko muna kay na Jepoy para hindi makita ni Itay. Mahirap na at baka makahadlang pa siya sa pag-alis ko.
"Umutang ka nga muna sa tindahan ng ulam. Nabuburyo na ako sa itlog at tuyo!" Iyon ang singhal sa akin ni Itay nang makita niya akong nag-aayos ng bandahe sa aking kanang braso na hindi ko pa rin maigalaw ng ayos.
"Bingi ka ba?" Hindi ako kumibo dahil wala naman siyang ibabayad. Naalala ko tuloy noong umabot sa isang libo ang utang namin sa tindahan dahil sa pag-iinom niya. Taka rin naman ako sa itay ko, inom ng inom wala namang trabaho.
"Kayo na ho ang umutang." Mahinahon kong sagot ngunit isang sapok ang natanggap ko mula sa kaniya at nagsisigaw ako.
"Mga kapit-bahay! Tulong! Tulong!" Paghihisterikal ko ngunit walang nakakarinig sa akin kaya naman nagpanting ang kaniyang ulo at nakadampot siya ng bato at ipinukol niya iyon sa aking ulo na naging sanhi ng pangingisay ko hanggang sa nagsidatingan ang mga tao at pulis para hulihin si Itay.
"Zide okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Jepoy at niyakap ko siya bigla dahil akala ko ay katapusan ko na. Nakaidlip na pala ako habang nakikinood sa kanila.
"Huwag na kaya akong tumuloy bukas?" Bigla ko na lamang nasabi iyon dahil sa naging panaginip ko.
"Loko! Huwag kang mag-joke!" Natatawa na medyo naiinis niyang sagot.
"Eh kasi.." hindi ko naituloy ang sasabihin ko.
"Tatay mo na naman kasi?" Aniya at tumango ako.
"Maging selfish ka minsan, Zide. Hindi naman habang buhay bata tayo at ganoon din si Ninong. Siguro kapag wala ka na rito ay tsaka niya mapagtantong malaking kawalan ka. Gising na sa kahibangan! Ako na babasag ng muka mo kapag hindi ka tumuloy. Nakataya na rin ang pangarap ko sa'yo dahil suportado kita." Aniya at doon ako muling nasampal ng katotohanan. Salamat at may Jepoy akong kaibigan kaya nagpapasalamat ako sa Diyos.
"Nga pala, dalian mo. Sumunod ka sa'kin!" Nagmamadali siyang tumakbo at sumunod naman ako sa kanya. Hindi ko namalayang narating na namin ang simbahan dahil sa pagtakbo. Hindi naman kasi kalayuan ang bahay nina Jepoy dito pero hinahapo ako ng bahagya dahil sa pagtakbo.
"Anong ginagawa natin dito? Ang alam ko wala pang misa." Wika ko at hindi siya sumagot ng ayos, bagkus ay hinila niya ako papalapit sa isang bagong tayong shop.
"Milk tea Planet." Aniya habang binabasa ang nakasulat sa labas ng shop na iyon.
"Eh ano?" Pagbalik ko pero hindi siya nagsalita.
"Promise ko sa'yo 'to, 'di ba?" Aniya at naalala ko 'yung sinabi niya noong nakaraan tungkol sa milk tea.
"Papasok pa ba tayo sa loob?" Tanong ko sa kanya dahil naka-shorts lamang ako na pambahay at ganoon din siya. Butas pa ang ang damit kong pang-itaas eh.
"Sige, ako na lang ang o-order tapos hintayin mo ako rito sa labas, ha?" Bilin niya at um-oo naman. Buti iilan lang ang customer na nasa loob at karamihan sa kanila ay mga estudyante na may hawak na gadgets at dumidila sa harap noon na parang mga ewan. Mayroon pang nag-pose sa labas at pinatabi ako kaya iyon ang aking ginawa. Ito na pala ang uso ngayon sa mga kabataan. Pakiramdam ko tuloy ay ang tanda-tanda ko na. Naiwan na ako ng panahon at halos napabayaan ko na ang sarili ko.
"Wintermelon daw 'yong flavor." Aniya at napakunot naman ang noo ko.
"Wintermelon? Ano 'yon?" Tanong ko at sabay kaming natawa sa sinabi niya.
"Basta ayon daw 'yung bestseller kaya binili ko na."
Maigi kong pinagmasdan ang hitsura ni Jepoy na mas matangkad lang sa akin ng konti. Mas maputi nga lamang ako sa kanya dahil hindi naman ako nag-construction ng matagal.
"Pakiramdam ko iiwan mo'ko ng matagal pero huwag kang mag-alala. Sa susunod na sem daw ay susunod ako sa'yo." Wika niya kaya naman napangiti ako nalungkot sa parehas na pagkakataon.
"Nako, mabilis lang ang panahon. Tsaka kapag sumunod ka, ako naman ang bahala sa'yo ro'n." Sagot ko at sabay kaming naupo sa gilid ng tulay na riles ang ilalim.
"Basta kumustahan tayo, ha? Medyo matagal-tagal ka ring mawawala kaya gusto ko sanang ingatan mo ng maigi ang sarili mo. Inom ka agad ng gamot kapag nilalagnat. Kumain ka ng tama at huwag mong kakalimutang magdasal dahil libre lang 'yon." Paalala niya at sumang-ayon ako ro'n sa sinabi niya. Sobrang swerte talaga ako sa bestfriend kong 'to.
"Medyo nadrama ang usapan pero masaya ako, Jepoy." Wika ko.
"Masaya rin naman ako para sa'yo dahil kapatid na rin ang turing ko sa'yo." Aniya sabay akbay sa akin at iniabot niya ang perang hindi ko inaasahan.
"Two-five 'yan para may konting panggastos ka ro'n sa Maynila." Wika niya at tinanggap ko iyon at akmang ibabalik ko na ang extra na limang daan nang magsalita siya.
"Huwag mo ng tangkaing ibalik sa'kin dahil kailangan mo 'yan." Aniya at ngumiti ako bago magsalita.
"Babayaran kita kapag nagkapera na ako para patas."
"Sige. Kahit kalahati na lang bayaran mo okay na sa'kin." Aniya at um-oo na rin ako.
Marami pa kaming napagkwentuhan dalawa at kasama ro’n ang aming mga pangarap sa buhay.
KINAGABIHAN ay lasing si Itay nang dumating ako sa bahay kaya naman minabuti kong ayusing muli ang aking ilang requirements na kailangang dalhin bukas at nasa ganoong momento ako ng pag-aasikaso sa mga gamit ko nang magsilata siya.
"Saan ka pupunta?" Aniya at tumahimik ako saglit dahil tinitingnan ko kung gising ba siya o hindi at salamat naman at tulog siya.
"Jepoy, kunin mo'to." Bulong ko kay Jepoy sa bintana at kinuha naman niya ang maliit na bag na'yon habang ako naman ay nakatitig lang kay Itay na maiiwan ko. Kahit ano palang sama niya sa'kin ay nauunawaan ko siya. Hindi ko siya magawang mapagtaniman ng sama ng loob dahil mahal na mahal ko siya kahit pa katakot-takot na pananakit ang tinamo ko sa kanya.
"Tay, aalis na ho ako." Bulong ko sa hangin at sinubukan kong halikan siya sa kaniyang buhok at dahan-dahan kong linisan ang aming munting tahanan at ganoon din si Itay.
"Sakay na, dali." Ani Jepoy at nang makasakay ako sa likuran ng bike niya ay napangiti ako malawak.
UMAGA nang imulat ko ang aking mga mata. Katabi ko pa si Jepoy na nakayakap sa akin kaya tinapik ko siya nagising naman siya. Naligo, nag-ayos ng sarili at naki-almusal pa ako sa kanila.
"Zide, ingat ka, anak, ha?" Wika ni Ate Beth sa akin habang papalabas kami ni Jepoy sa kanilang tahanan.
"Opo. Mag-iingat din po kayo!" Masigla kong sagot at nagmadali kaming sumakay ni Jepoy sa tricycle at mabilis naman kaming nakarating sa terminal ng Bus na pa-Maynila.
"Zide, 'wag mong papabayaan ang sarili mo ro'n, ha? Balitaan mo ako, ha? Mi-miss kita!" Aniya sabay yakap sa'kin ng mahigpit kaya naman naiyak ako.
"Hoy, huwag ka nang umiyak! Parang ewan si Zide. Magkikita pa naman tayo eh. Susunod ako ro'n, 'di ba?" Aniya na akala mo ay hindi naiiyak pero naiiyak naman siya.
"Oo na. Mami-miss rin kitang pangit ka!" Pang-aasar niya sa akin at ginulo ko na lamang ang kaniyang buhok bago ako sumakay sa padulong bahagi ng bus dala ang aking isang malaking bagpack at isa pang lumang travelling bag na naglalaman ng ilang dokumento at konting pera ko.
Kumaway pa ako sa umiiyak na si Jepoy nang umarangkada ang bus at hindi ko alam kung dapat ba akong maging masaya pero sa pakiwari ko naman ay dapat dahil makakalaya na ako sa tanikalang dala ni Itay.
"Paalam muna sa ngayon. Hanggang sa huli." Iyon ang bulong ko sa hangin bago ko ipinikit ang aking mga mata.
Itutuloy…
HSH PART 4
HALIK SA HANGIN PART 4:
MAYNILA
DALA ang mabigat na bagahe ay iniikot ko ang aking paningin sa paligid. Matataas nga talaga ang mga gusali rito sa Maynila at maraming sasakyan. Marami rin akong nakitang mga kabataang kaedaran ko lamang ngunit hindi ko sila gaanong maunawaan dahil sa baroque nilang pananalita. Ang ibig kong sabihin ay tag-lish walang laman.
“Saan ka na niyan, pogi?” Nagulat ako nang sabihin iyon ng isang bakla na kaedaran ko lang din at halos hapit na hapit ang suot niyang short-shorts at ganoon din ang matingkad niyang makeup kaya napatanong ako bigla. “May hinihintay lang akong susundo sa’kin.” Ngumiti ako bago nagsalitang muli na ikinalaki ng ngiti niya. Lumabas tuloy ang medyo madilaw niyang ngipin. “Nga pala, fiesta na ba rito? Bakit ganiyan ang iyong suot?” Nagtataka kong tanong.
“Ay, pogi, hindi! Ito ang uso rito. Siguro ay taga-probinsya ka kaya ganyan ka magsalita. D’yan ka na nga! Pogi sana, probinsyano lang!” Aniya sabay irap sa akin na ikinagulat ko naman. Tila may nasabi yata akong hindi maganda kaya napahinga na lamang ako ng malalim bago dumating ang puting van na may plakang AZX ***.
“Good afternoon, hijo!” Bati sa akin ng isang lalaking nakabihis na tila ba isang guro o ano pa man. “Good afternoon din po!” Bati ko at inilagay nila ang gamit ko sa likod ng van at nagulat ako dahil may tatlo ring nakasakay sa loob.
“Kumpleto na kayong mga taga-Quezon Province.” Wika ng lalaking kumausap sa akin kanina.
“I-o-orient ko na kayo rito para hindi na kayo manibago mamaya pagdating niyo ro’n sa hall. Okay ba ’yon sa inyo?” Dagdag pa niya at um-oo naman kami bilang pagsang-ayon.
“Bago ang lahat, ako si Bert Tamayo or mas kilala bilang Professor Tamayo. Oo, guro ako at ako ang na-assign na sumundo sa inyo. Ikinagagalak ko kayong makilala!” Aniya at hindi na ako nagulat nang malamang isa nga siyang guro.
“Mamaya niyo na kilalanin ang isa’t-isa, ha? Ngayon ay bibigyan ko kayo ng tips para kahit hindi niyo na masyadong pakinggan ’yong mag-o-orient sa inyo mamaya. Una ay lagi niyong dadalin ang inyong mga form at ganoon din ang inyong mga dokumentong ni-require sa inyo. Pangalawa ay sasabihin nila sa inyong kailangang i-maintain niyo ang mga grado niyo at totoo naman iyon at huli sa lahat ay makipag-usap kayo sa mga kapwa niyo iskolar para hindi kayo nag-iisa. Idagdag ko na rin, contact-in niyo ako sa numerong nasa likod ng mga provided i.d kapag kailangan niyo ang tulong ko. Huwag lang finacially, ha?” Aniya at natawa pa siya sa huli niyang sinabi pero sumang-ayon naman kami.
“Danny Marquez.” Tawag niya at tumugon naman ang isang lalaking nakasuot ng salamin na nasa gawing kanan ko.
“Roniel Fernan?” Sunod na sabi niya. “Yes po?” Sagot nito at nakita kong medyo mataba siya ng kaunti.
“Arkin Mulac?” At tumingin ako sa lalaking nasa pinakalikod namin at itinaas niya ang kaniyang kamay at sa huli ay ako.
“Ziderick Tamayo?” Aniya at lahat kami ay tumahimik matapos iyon.
“Iyon lang at congrats dahil nakapasa kayo sa exam!” Aniya muli na namang tumahimik dahil hindi naman namin kilala ang isa’t-isa. Basta ang alam ko lamang ay lahat kami ay hindi magaganda ang buhay kaya napilitang sumabak dito sa Maynila para gumanda ang buhay.
“Bro, congrats!” Wika ng katapat kong si Danny.
“Sa’yo rin, congrats!” Sagot ko at muling yumuko dahil nahihiya ako.
“Taga Pagbilao ako, ikaw?” Tanong niya pa.
“Tayabas.” Wika ko pabalik at ngumiti siya.
“Ang ganda ro’n sa inyo, bro! Sana ay makapunta rin ako ro’n minsan!” Masigla niyang panimula na ikinabahala ko. Hindi ko pa rin kasi alam kung kailan ako muling babalik sa amin.
“Nako! Maganda rin naman sa inyo, ah? Gusto ko ring makapunta ro’n.” Nakangiti kong tugon.
“Nako! Boring do’n sa’min tsaka nauumay na ako ro’n.” Wika niya at nagtawanan kaming dalawa. Mukang nakatagpo ako ng bagong kaibigan sa katauhan ni Danny. Marami pa kaming napagkwentuhang dalawa at panay tawa ako paraan niya ng pagkukwento dahil sa puntong Quezon niya na halatang-halata. Dahil sa aming kwentuhan ay hindi na namin namamalayang nasa tapat na kami ng isang malaking paaralan at ganoon na lamang ang kaba ko nang makita ko ang ganda nito mula pa lamang sa labas.
“Ang ganda pala talaga rito!” Wika ng namamanghang si Danny at umakbay pa siya sa akin.
“Sobra.” Iyon lamang ang nasabi ko habang kinukuha namin ang aming mga kagamitan sa loob ng sasakyan.
“Guys, iga-guide kayo ng guard sa Lecture Hall. Hanggang dito na lang ako. Mag-ingat kayo!” Aniya at kinagat ang huling palatak ng burger na nilantakan din namin kanina.
“Thank you po, Sir!” Sabay-sabay naming sagot at doon namin sinundan ang guard papunta sa hall ng school.
Habang naglalakad ay talaga namang manghang-mangha kami dahil sa ganda ng campus na ito at ganoon din ang kulay ng mga nagtatasang building. Ibang-iba sa mga paaralan doon sa amin sa Probinsya.
**
NASA kalagitnaan kami ng orientation at halos paulit-ulit lang naman ang sinasabi ng mga speaker na mag-aral kami ng ayos dahil minsan lang daw ang ganitong opportunity sa buhay at masuwerte naman ako dahil isa ako sa masusweteng tao na ’yon.
“And that’s all, thank you!” Iyon na ang closing remark at grupo-grupo kaming humanay. May taga-Laguna, Batangas at Quezon Province at sa tantya ko ay nasa limampo kami ritong mga scholar. Sinabi rin sa’min kanina sa amin na hindi lahat kami ay dito ay magkaparehas ng kurso at ganoon din sa dorm na tutuluyan namin.
“Bro, tayo na lang ang magsama sa room!” Masayang wika sa akin ni Danny habang naglalakad kaming apat patungo sa dorm ng school. “Sige ba!” Wika ko naman.
“Apat sa isang kwarto kaya kayo na ang bahalang mag-ayos ng grupo niyo.” Sabi sa amin ng facilitator.
“Eh ’di tayo na agad apat ang magsama. Tutal mga taga Quezon naman tayo.” Ani Danny at sumang-ayon naman kaming lahat.
“Pansin niyo parang wala pa tayong twenty na naglakad kanina?” Tanong uli ni Danny sa aming lahat at ako na ang sumagot.
“Sabi kasi kanina no’ng speaker, sa ibang campus daw ’yong iba.” Wika ko at mukang nakuha naman niya ang gusto kong sabihin kaya naman nagmadali kaming umakyat sa ikalawang palapag dahil okupado na ang unang palapag o building.
“Room 11.” Sabay-sabay namin sabi at nang makapasok kami sa loob ay pareparehas kaming namangha dahil sa espasyo at kulay malamlam na asul at puti ng kwarto. Mayroon ding lamesa at isang banyo. Ang hindi ko lang makita ay ang lutuan.
“Dito na ako sa taas.” Wika ni Danny sa akin dahil double deck ang kama namin.
“Sige, dito naman ako baba.” Iyon ang aking isinagot at nakita kong nakatingin sa akin si Roniel at nginitian ko na lang siya habang nag-aayos ako ng aking gamit. Buti na lamang talaga at may foam na masarap higaan.
“Arkin, Roniel, Ziderick, tara sa labas?” Ang paanyaya ni Danny kaya napailing ako sa isip ko. Hindi kasi ganoong kalakihan ang dala kong pera.
“Pwede ba?” Tanong ni Arkin na nagpalit na ng damit. “Pwede naman daw sabi kanina sa orientation.” Tugon naman ni Roniel na nakatitig sa akin.
“Good kaya tara na!” Si Danny iyon pero umiling ako dahil wala naman akong malaking pera talaga at wala pang lamang ang aming ATM dahil sa Lunes pa raw ito malalamanan. Bakit ba naman kasi walang libreng pahapunan ang campus?
“Ah. Kayo na lang, guys. Busog pa kasi ako.” Palusot ko kahit hindi naman talaga ako nabusog sa pakain kanina sa orientation.
“Kj mo, Ziderick!” Apura ni Danny pero talagang wala akong perang panluho. Bukas na siguro ako kakain sa labas.
“Nako, hindi naman. Talanag busog pa lang ako.” Tugon ko at mukang kumbinsido na sila kaya naman nang makalabas sila ay inilabas ko ang baon kong nilabon na kamote sa bus na hindi ko naubos at iyon ang nilantakan ko. Habang kumakain ako ay naalala ko si Itay. Hindi ko kasi alam kung nakakain na ba siya o hindi pa at ganoon din si Jepoy na miss ko na rin agad. Matapos kong makain ang huling kamote ay nagtungo ako sa banyo at naghilamos ako at napagpasyahan kong maglibot sandali kaya naman natagpuan ko na lamang ang aking sarili na naglalakad papunta sa gymnasium at laking gulat ko nang may maabutan akong nag-aaway.
“Tang ina mo ka! Wala kang silbi kahit kailan! Bakla!” Wika ng isang lalaki na akmang susuntukin ang walang kalaban-laban na lalaki na noo’y nakahiga na sa sahig kaya naman nagmadali akong sumigaw at lumapit sa kanila.
“Bro, tama na ’yan.” Mahinahon kong pigil sa lalaking tila ba mangangain ng buhay bagamat maayos naman ang kaniyang hitsura.
“Sino ka para pigilan ako? Kayo talagang mga tanga, mga pabigat kayo at mga walang silbi!” Aniya at akmang sisipain niya ang lalaking putok ang nguso nang itulak ko siya ng buong lakas kaya sandali siyang natisod sa bato at iyon ang timing para tumakbo.
“Takbo!” Iyon ay sinabi ko habang hila-hila ang lalaking nakahandusay kanina.
“Tang ina niyo!” Sigaw naman ng lalaki kaya mas binilisan namin ang takbo hanggang sa makarating kami sa isang building at doon kami nagtago.
“Tang ina!” Narinig naming sigaw ng naturang lalaki at hindi ko alam kung ano bang pumasok sa isip ko at tinakpan ko ang bibig ng kasama ko dahil sa hikbi niya. Iyak kasi siya ng iyak at naaalala ko ang sarili ko sa kaniya.
“Tahan na.” Mahina kong bulong at sumiksik naman siya sa akin at niyakap niya ako. Ilang minuto kaming nasa ganoong posisyon hanggang sa pagpasyahan kong lumabas na dahil hindi ko na maramdaman ang presensya ng naturang lalaki.
“Okay ka lang ba? May masakit ba sa’yo?” Wika ko sa kanya at ganoon naman ang gulat ko nang makitang may pasa ang pisngi niya at putik din ang kaniyang labi. “Okay lang ako.” Wika niya kaya hinila ko siya papunta sa dorm namin pero pumalag siya.
“Saan tayo pupunta?” Tanong niya.
“Sa Men’s Dorm. Doon natin gamutin ang sugat mo.” Wika ko pero hindi siya sumang-ayon.
“Okay na ako. Salamat sa’yo. Pasensya na sa abala.” Aniya at nang tumalikod siya ay hinawakan ko ang kamay niya gamit ang kaliwa kong braso.
“Punasan mo ’yung sugat mo.” Wika ko sa kanya sabay abot ng panyo kong dala. Agad niya iyong kinuha at tsaka siya nagsalita.
“Salamat sa concern mo, ha? Sana sa susunod ay ’wag ka na ulit mangingialam dahil baka mapahamak ka lang. Kaya ko na ang sarili ko. Paalam!” Aniya kaya nagulat ako sa sagot niya dahil sinigawan niya ako kaya naman imbes na sumagot ay pinanood ko na lamang ang kaniyang unti-unting pagkaalis at napakamot na lamang ako sa ulo habang binabaybay ang daan pabalik sa aming dormitory. “Ganito pala sa Maynila..” bulong ko sa hangin.
Itutuloy.
HSH PART 5
HALIK SA HANGIN PART 5: ADIK
ARAW ng Linggo. Nagising ako ng hating-gabi dahil sa isang masamang panaginip kaya naman napaupo ako saglit at nagulat ako nang makita kong busy si Arkin na katapat ko sa higaan sa paglalaro ng kaniyang ari kaya naman nang tumayo ako para uminom ng tubig ay nagulat siya pero wala naman sa akin ’yon dahil gawain na iyon ng isang lalaki.
“Ay, sorry, bro. Taglibog lang.” Aniya at sandali siyang napatigil sa kaniyang ginagawa pero ngumiti lang ako bago magsalita.
“Okay lang. Normal lang ’yan.” Sagot ko pero tila tinakasan na siya ng libog kaya napagpasyahan naming lumabas para magkwentuhan na lang. Nakaupo kami sa sahig habang nakatanaw sa buwan at natutuwa ako sa mga kwento niya.
“Bro, gano’n talaga ko, ha? Sana sa susunod na makita mo akong nagsasalsal, magpanggap ka na lang na hindi mo na kita. Alam mo na tayong mga lalaki, nawawala sa momentum ng kalibugan kapag may nakakakita sa’tin, lalo na kapag naglulusi.” Aniya at kapwa kami natawang dalawa.
“Sige ba. Tsaka okay lang talaga sa’kin. Huwag ka lang magdadala ng babae sa dorm at doon mo kakastain. Bawal ’yon.” Paliwanag ko.
“Syempre naman! Ayoko pang maging tatay. Magtatapos muna ako.” Iyon ang sagot niya kaya’t maigi pa akong nakinig sa mga kwento niya kung kaya’t napag-alaman kong labing walong taon lang din siya at nakatira siya sa Lucban, Quezon. Kung tatanungin niyo naman ako tungkol sa kaniyang hitsura aya magandang lalaki rin naman itong si Arkin. Matangos ang ilong. Maganda ang hibla ng buhok at moreno. Halos magkasing-tangkad lang kaming dalawa kaya sa aking palagay ay angkop ang terminolohiyan gwapo sa kaniya.
“Ikaw naman, bro, magwkento ka naman. Puro ako ang taya eh.” Aniya at tumingin sa akin kaya hindi na ako nag-atubiling magkwento.
“Ako, mahirap lang kami.” Simula ko.
“Given na ’yon, Zide. ’Yong mas malalim.” Singit niya.
“Excited, bro?” Natawa ako habang sinasabi ko ’yon at ganoon din siya.
“Sorry na. Ikaw kasi ’yong pinakatahimik sa’min kaya interesado ako sa buhay mo.” Tumango ako sa sinabi niya at tumingin ako sa langit na puno ng bituin na tinatanglawan pa ng maliwanag na buwan.
“Ako, tatlong taon akong natengga sa bahay namin at hindi nakapag-college agad dahil iniwan kami ni Nanay dahil nagsasawa na raw siya sa Tatay ko. Ayon, kami ng Tatay ko ang naiwan na walang ginawa kundi mag-inom araw-araw habang ako, naglalabada ako tapos sa gabi, nagtitinda ako ng balot. Minsa suma-sideline rin ako sa construction. Wala eh, kailangang mabuhay.” Iyon ang kwento ko na hindi ko na masyadong idinetalye. Ayoko kasing banggitin na sinasaktan ako ng Tatay ko. Ayokong sirain ang imahe niya sa iba dahil tatay ko pa rin siya.
“Saklap naman pala ng buhay mo, Zide. Kumpara sa’kin, mas swerte pa pala ako sa’yo. Biruin mo, ako mas pinili kong tumambay lang sa bahay kasi tinatamad akong mag-aral tapos ikaw, ito, nagkukumahog. Mas napagtatanto ko tuloy ang value ng buhay.” Aniya at tinapik ko siya sa likod.
“Okay lang ’yon. Tsaka buti nga natauhan ka na ngayon kundi tatanda kang walang natapos.” Wika ko at nag-thumbs up naman siya.
“Kaya galingan natin, Zide.” Mungkahi niya at um-oo naman ako.
KINABUKASAN. Araw ng Linggo. Sabay-sabay kaming nagsimbang apat at kumain din kami sa labas. Namili na rin kami ng ilang gamit na kailangan namin. Buti na lang talaga at wala kaming uniform kaya’t makakatipid din kami.
“Zide, sa tingin mo makaka-survive tayo sa Engineering?” Tanong bigla ni Danny sa akin.
“Oo naman! Bakit mo naman naitanong?” Sagot ko sa kanya.
“Paranoid kasi ’yang si Danny. Sabi niyan sa’kin kagabi, kapag hindi raw niya kinaya ay uuwi na lang siya sa kanila.” Singit ni Roniel na noo’y may hawak na pagkain.
“Eh, talaga ba, Danny?” Si Arkin naman ang sumingit.
“Ah, hindi ah.” Nag-aalangang sagot ni Danny.
“Weh?” Sabay-sabay naming sagot kaya wala siyang choice kundi mapatawa.
“Kabado kasi ako. Si Arkin kasi Education tapos si Roniel Accountancy tapos tayong dalawa, Engineering. Kinakabahan talaga ako.” Aniya at ako naman ang nagsalita.
“Ano ka ba, Danny? Normal lang na kabahan ka pero ’di ba, swerte tayo kasi magkasama tayong dalawa? Pwede tayong magtulungan sa klase kumpara kay Arkin at Roniel.” Wika ko at sumang-ayon naman silang lahat.
“Sabi ko nga, swerte!” Aniya.
“Basta pangako natin sa mga sarili natin na kakayanin natin. Hindi tayo nakapasa sa scholarship at sa school na’to kundi natin kaya.” Wika ni Arkin na noo’y malaki ang ngiti.
Gabi na nang makauwi kami at bukas na ang inaabangan naming simula ng buhay kolehiyo naming apat. Oo, kinakabahan na rina ko pero hindi iyon sapat para mapataob ako. Tsaka pangarap ko ito at pangarap din ’to ni Jepoy kaya’t gagalingan ko.
“Labas lang ako saglit.” Paalam ko sa kanila at hindi ko na hinintay na makasagot sila dahil dumiretso na ako sa oval ng aming school at naupo ako sa damuhan. Nasa ganoon posisyon ako nang may tumamang bola sa ulo ko kaya’t napasapo ako sa tinamaan kong ulo. Gabi na ah? Bakit may naglalaro pa rin ng bola?
“Bakit d’yan ka kasi nakaupo?” Iyon ang boses na narinig ko sa aking likuran at nang tingnan ko siya ay halos mapalunok ako ng malaki dahil siya ’yong lalaking nambugbog at nanghahabol noong nakaraan malapit sa gymnasium.
“Pasensya na.” Iyon lang ang nasabi ko kahit ako ’yon nasaktan sa ginawa niya.
“Pamilyar ka sa’kin. Hindi ko lang maalala kung saan kita nakita pero ano bang ginagawa mo rito? Adik ka ba? Hmm, tama! Sumisinde ka siguro? At dito pa talaga sa oval?” Hindi ako nakaimik sa mga sinabi niya at magsasalita pa lang ako nang lumapit na siya sa akin at kinapkapan niya ako.
“Nasaan na ’yong droga? Tang ina! Nasaan?” Aniya na ikinainis ko. Halos hubaran na kasi niya ako.
“Ano ba! Hindi ako adik, kung iyon ang inaakala mo. Baka naman ikaw ’tong adik? Tamang hinala ka eh!” Bulalas ko at hinawakan na ako sa braso.
“Hindi ako adik. Tsaka malay ko ba kung nagsasabi ka ng totoo?” Aniya at pilit niya akong kinakapkapan hanggang sa mapahiga ako sa damuhan at natumba siya sa ibabaw ko. Ilang segundo kaming nasa ganoong posisyon at amo’y na amoy ko ang kaniyang mabangong hininga.
“Bitaw!” Singhal ko pero ngumiti lang siya.
“Shhh.” Suway niya at hindi pa rin niya inaalis ang kaniyang sarili sa ibabaw ko. Masyado siyang matangkad para makawala ako kaya naman nag-ingay ako.
“Ano bang problema mo? Bitaw sabi, pre!” Wika ko pero ngumisi lang siya at inilapit pa niya ang muka niya sa aking muka kaya napapikit ako habang ipinapaling ang muka ko sa kaliwa.
“Tang ina!” At tuluyan siyang tumawa. Bwiset na bwiset ako kaya nang makabwelo ako ay sinipa ko siya sakto sa pagkalalaki niya at siya naman ang napahiga at halos mamilipit siya sa sakit.
“Boy, matino ako. Hindi ako adik, gaya ng sinasabi mo!” Inis na inis kong sagot at ganoon na lamang ang pagmamdali kong tumakbo nang magsalita siya.
“Yari ka sa’kin!” Aniya kaya mas binilisan ko pa ang takbo ko hanggang sa makalayo na ako ng tuluyan sa pwesto niya.
Itutuloy..
HSH PART 6
HALIK SA HANGIN PART 6: I’M WATCHING YOU!
UNANG araw ng aming klase at kita ko sa muka ni Danny na kinakabahan siya kaya inakbayan ko siya para kumalma kahit papaano.
“Kalma lang, Danny. Unang araw natin kaya dapat masaya ka.” Wika ko dahil parang natatae na siya na ewan habang nakahawak sa messenger bag niya na halos malukot na sa sobrang higpit ng hawak niya rito.
“Tingnan mo kasi, ang daming tao.” Sagot niya kaya naman tiningnan ko siya ng nakakaasar na tingin.
“Ang daldal mo sa dorm tapos kabado ka dahil lang sa maraming tao? Ano kaya ’yon?” Bulalas ko.
“Iba naman kasi kayo. Mas komportable akong kasama at kausap kayo.” Wika niya pero hindi pa rin ako kumbinsido dahil noong araw na sinundo kami ng van kung saan kami nagkakilala ay wala naman siyang ipinakitang kaba kaya’t nakakapanibago. Idadag pa natin ang personalidad niyang masiyahin at madaldal.
“Basta kasama mo naman ako kaya ’wag kang kabahan. Wala ka namang ginagawang masama kaya kalma lang, ha?” Sagot ko at sumang-ayon naman siya at dumiretso na kami sa una naming klase.
Tahimik kaming naglalakad habang nakatingin sa aming schedule at nang makita namin ang aming classroom ay napahinto ako at napabulong sa hangin. “Kaya ko ’to!” Iyon ang sabi ko at naupo kami sa likurang bahagi ng klase. Hindi pa kami ganoong karami sa klase pero makalipas lamang ang ilang minuto ay halos mapuno na ang aming ito at ang kaninang nilalamig ko na pakiram ay nabalot na rin ng kaba at init dahil sa pagbukas-sara ng pinto sa unahan.
“Guys, mukang wala ’yong professor natin. Twenty minutes na tayo rito.” Wika ng isang lalaki sa unahan na nasuot ng headphone sa ulo niya.
“Intay pa tayo ng konti. Ganito raw talaga sa unang araw ng klase.” Sagot naman ng isa pang lalaking katabi niya.
Naghintay lang kami ng ilang minuto bago dumating ang aming prof sa College Algebra. Nagpaalala lang siya sa amin ng ilang bagay at nagbigay din siya ng grading system at nagkaroon din kami ng maikling pagpapakilala ng sarili at nalaman kong hindi lang pala kami engineering student lahat kaya naman ipinangako ko sa sarili ko na mag-aaral ako ng mabuti.
“Nagutom ako.” Ani Danny na noo’y nagkukutingting ng cellphone niya.
“Gutom agad?” Tanong ko naman pabalik dahil halos isang oras lang naman kaming nakaupo eh nagutom na siya. Iba rin ang tiyan ng isang ’to.
“Eh nagutom ako sa pag-upo eh. Hindi na ba ako pwedeng magutom?” Wika niya.
“Sige, magsi-cr lang ako saglit tapos sasamahan kita sa canteen.” Sagot ko at mabilis akong nagpaalam sa kanya at agad kong tinumbok ang cr na malapit.
“Tang ina naman kasi, Sky, wala sabi akong pera. Next week na lang ako magbabayad ng utang ko.” Iyon ang narinig ko bago ako pumasok sa loob ng cr na masyadong maganda para sa isang paaralan. Kung kanina ay namangha ako sa aming classroom namay aircon, ngayon naman ay namangha ako laki ng cr na may pitong pinto sa loob, urinal at mahabang labababo na may mahabang salamin.
“Utang ka kasi ng utang tapos hindi ka naman pala magbabayad.” Iyon ang sagot ng lalaking pamilyar na pamilyar sa akin. At tama nga ako na siya ’yon, ’yung lalaki sa oval. Mabilis akong kumilos at umiwas ng tingin sa kanya lalo na nang lumabas ang isang lalaking kausap niya siguro. Pumasok ako sa unang cubicle at napapikit ako habang umiihi at hiniling ko na sana ay wala na siya pagbukas ko ng pinto pero mali ako. Nakasandal siya sa tapat ng pintuan kung nasaan ako at nang lalakad na ako palabas ay hinarangan niya ako gamit ang isang kamay niya.
“Saan ka pupunta? May atraso ka pa sa’kin!” Aniya at nagmaang-maangan ako.
“Wala akong natatandaang may atraso ako sa’yo dahil ngayon lang kita nakita kaya kung tapos ka na ay pwede bang padaanin mo na ako?” Pinilit kong itago ang kaba sa aking dibdib at hindi ko nagawang tingnan siya ng ayos dahil baka masapak niya ako ng isa.
“Kung ganoon ay bakit iwas na iwas kang tumingin sa’kin? Pangit ba’ko?” Aniya kaya wala akong choice kundi tingnan siya sa muka at nakita ko ang malawak niyang ngiti na agad niyang binawi. Matangkad nga talaga siya dahil halos ga-leeg lang niya ako. Ayos din ang hitsura niya at gwapo siya kung susumahin. Maayos din ang kaniyang kasuotan na alam kong mamahalin kumpara sa suot kong maong pants at puting t-shirt na tig-iisang daan sa bangketa. Tiyak ay maraming babae ang nagkakandarapa sa kanya.
“Huy! Ang sabi ko mag-sorry ka.” Wika niya kaya nagbalik ako sa normal na pag-iisip ko.
“Bakit nga ako magso-sorry sa’yo?” Sagot ko pabalik.
“Kasi sinipa mo’ko kagabi at tinulungan mong makatakas ’yong nagnakaw ng pera ko noong nakaraan.” Aniya kaya’t gulat na gulat ako dahil tanda niya pala iyon. Tanda niya pala ang ginawa ko. At teka, tinulungang makatakas? Tama ba ang narinig ko?
“Ha?” Iyon lang ang nasabi ko.
“Ayoko ng ulitin ang mga sinabi ko na. Mag-sorry ka na.” Kalmado niyang utos.
“Paano kung ayaw ko?” Tugon ko kaya natawa siya ng wala sa oras.
“Babasagin ko ’yang muka mo.” Aniya kaya’t napalunok ako habang tinatantya ang chance ko na makatakas. Wala. Wala akong chance na makatakas dahil napakalaki niyang tao.
“Kung ano man ang nagawa ko sa’yo, sorry.” Sagot ko.
“Sorry lang eh sinipa mo’ko sa bayag?” Asik niya kaya napayuko ako.
“Sorry.” Pag-uulit ko at hinawakan niya ako sa baba at itiningala ako patingin sa kanya at mayamaya lang ay isinandal niya ako sa pader.
“Ayoko sa lahat eh ’yung dinidemonyo ako.” Nagbago ang tono ng boses niya na naging sanhi ng kaba ko.
“Hindi naman kita ginagago, bro.” Sagot ko at pinipilit kong kumawala sa kanyang pagkakahawak sa damit ko.
“Ito muna sa ngayon ang parusa mo.” Aniya at walang pasabing pinunit niya ang suot kong damit kaya’t lumabas ang kalahati ng dibdib ko at hindi pa siya nakuntento at mas nilakihan niya pa ang punit hanggang sa halos buong pang itaas na bahagi ng katawan sa harapan ko na ang kita.
“Tama na!” Naitulak ko na lang siya bigla at halos nanlambot ako at napaupo na lang sa sahig dahil sa ginawa niya.
“Alam mo na siguro kung saan ka lulugar? Kaya kung ako sa’yo, ’wag na ’wag kang mangingialam uli, ha?” Aniya at binuhusan niya ako ng tubig at nang marinig niyang may papasok ay bigla siyang nagpanggap na tumutulong.
“Shit, bro! Bakit hindi ka nagdadahan-dahan? Nadulas ka tuloy!” Aniya at saktong pasok ng dalawang lalaki at tiningnan nila ako na parang awang-awa kaya naman nagmadali akong magtatakbo palabas. Para akong basang sisiw at awang-awa ako sa sarili ko lalo na nang makita ko ang bulto ng mga estudyanteng nakatingin sa akin. May ilang natatawa at may ilang nakatingin lang sa pagtakbo ko.
HINDI ko na nabalikan si Danny dahil dumiretso na ako sa dorm para mag-ayos ng sarili. Kanina habang tinitingan ko ang sarili ko sa salamin ay ibayong panliliit ang naramdaman ko para sa sarili ko dahil wala man lang akong nagawa para depensahan at ipagtanggol ang sarili ko. Akala ko ay ang pisikal na papanakit ni tatay sa akin ang pinakamasakit na mararanasan ko pero iba pala ’yong sikohikal na sakit at panliliit.
“Bro, ayos ka lang?” Iyon ang tanong sa akin nang isang lalaki nang makababa ako ng aming dormitory. Siya ’yong lalaking tinulungan kong makatakas noong nakaraan. Napatingin ako sa kanya at hindi ako agad nakaimik dahil naalala ko ang sinabi kanina ng lalaking dumemonyo sa’kin. Ninakawan daw siya nitong kaharap kong lalaki.
“Ako ’yong lalaking tinulungan mong makatakas kay Sky.” Aniya.
“Oo, ikaw pala. Natatandaan ko na.” Wika ko. “Anong kailangan mo sa’kin?” Dagdag ko pa.
“Nakita kita kaninang punit ang damit at basang-basa kaya sinundan kita rito sa dorm niyo.” Aniya at inabutan niya ako ng isang puting damit.
“Para saan ’to?” Tanong ko.
“Sa’yo na ’yan. Pambawi ko sa’yo sa pagliligtas mo sa’kin no’ng nakaraan. Kung hindi mo’ko tinulungan ay baka basag na ang muka ko ngayon.” Pagkukwento niya.
“Wala ’yon. Kahit naman siguro sino ay gagawin ’yong ginawa ko.” Sagot niya.
“Pero nagtatakad ako dahil sabi niya sa’kin kanina ay ninakawan mo raw siya? Totoo ba ’yon?” Pag-uusisa ko.
“Iyon lang ang akala niya dahil naniwala siya sa mga tropa niya na ako ang kumuha ng pera niya sa locker kahit hindi naman. Nagsasabi ako ng totoo dahil nakita ko mismo na ninakawan siya ng pera at ako ang napagbintangan niya noong magsumbong ako sa kanya.” Pagpapaliwanag niya kaya naman napakamot na lang ako sa ulo habang kausap siya.
“Loko pala talaga ang isang ’yon. Sarado ang isip.” Wika ko pero umiling siya.
“Pero crush ko pa rin si Sky kahit na gano’n.” Kinikilig niyang kwento. At Sky pala ang pangalan ng isang ’yon.
“Crush? Eh parehas kayong lalaki, ’di ba?” Wika ko.
“Masama na bang magka-crush sa lalaki? Tsaka 21st century na!” Aniya kaya ngumiti na lang ako. Gwapo naman kasi talaga iyong Sky gaya ng ang sabi ko kanina.
“Oh, pa’no, una na’ko? Nga pala, Jerico.” Aniya at inabot niya ang kamay niya sa akin.
“Ziderick.” Sagot ko at nagtatakbo na siya dahil may klase pa raw siya.
NAGLALAKAD ako para sa susunod naming klase at sakto namang nakita ko si Danny na nakasimangot.
“Kanina pa’ko naghihintay. Saan ka ba nagpunta at inabot ka na ng isang oras sa pag-cr?” Bulalas niya.
“Sinama lang ang tiyan ko kaya natagalan ako. Pasensya ka na.” Palusot ko at muka namang naniwala siya.
“Okay na ba tiyan mo?” Tugon niya.
“Okay okay na. Saan na tayo?”
“Physical Education na. Doon sa P.E room. Tara na at male-late na tayo!” Aniya kaya mabilis naming tinumbok ang P.E room at sa hindi inaasahang pagkakataon ay nadapa ako dahil sa isang paang nakaharang. Tawanan ang narinig ko nang bumangon ako at nang lingunin ko ang may-ari ng paang tumalapid sa akin ay nagulat ako at nagpagpag ng ayos. Ang Sky na ’yon na naman.
“Okay ka lang, Zide?” Tanong ni Danny at um-oo naman ako at iniwan namin si Sky na nakangisi.
“I’m watching you!” Anito na nakangisi sa akin kaya’t ibayong kaba na naman ang lumukob sa dibdib ko nang mga sandaling ’yon. Bakit ba kasi ako?
Kung ganito rito sa paaralang ito ay pagsusumikapan ko pang maging matatag dahil ayokong matalo at sumuko agad ng hindi lumalaban man lang.
Itutuloy!
HSH PART 7
HALIK SA HANGIN PART 7:
CRUSH
HINDI ko alam kung anong nais niyang ipahiwatig sa sinabi niyang “I’m watching you”, dahil hindi naman ganoon kalaki ang atrasong nagawa ko sa kanya. Hindi lang siguro kami nagkaunawaan kaya plano kong humingi ng maayos na sorry kay Sky para hindi na niya ako pag-trip-an pa. Ayoko rin kasi ng may taong galit sa akin. Hindi maganda sa pakiramdam iyon. Iyon kasi ang turo sa akin ni Inay noong bata pa lamang ako.
“Malalim yata ang iniisip mo, Zide?” Arkin nang maabutan niya ako sa labas ng aming kwarto. Iniisip ko kasi kung paano ko ia-approach si Sky. Mamaya kasi ay bigla iyong mag-amok na naman at hindi lang damit ko ang punitin niya kundi pati muka ko na.
“Wala. Nagpapahangin lang ako rito sa labas. Mainit kasi sa loob.” Wika ko kahit hindi naman talaga mainit sa loob. Gusto ko lang talagang mag-isip.
“Hmm. Sige, pasok na muna ako sa loob.” Aniya at iniwan niya ako na nakaupo sa labas.
Nasa ganoong pag-iisip ako nang maalala ko si Jepoy. Kumusta na kaya ang kaibigan kong ’yon? Kumusta na kaya sila sa Probinsya? Ang daming tanong sa isip ko patungkol sa kanila at namalayan ko na lamang na hawak ko na ang aking dibdib dahil miss na miss ko na sila. Halos isang Linggo mahigit pa lamang akong nawawalay sa kanila ay tila sasabog na ang dibdib ko dahil sa pangungulila. Homesick. Ito na ata ’yun. Mali. Hindi dapat ako nagkakaganito dahil tiyak na magagalit sa akin si Jepoy kapag nalaman niyang lalampa-lampa ako at umiiyak kaya naman pinunasan ko ang gilid ng aking mga mata at inayos ko ang aking sarili at tumayo ako para makitawag kay Danny.
***
“Jepoy, si Zide ’to. Kumusta na kayo r’yan?” Bungad ko nang sagutin ng kabilang linya.
“Zide! Ikaw ba si Zide? “ Tanong ng kabilang linya na boses excited gaya ko. Na-imagine ko tuloy hitsura niya habang sinasabi ’yon.
“Ako nga ito si Ziderick. Nakitawag ako kasi nami-miss ko na riyan.” Wika ko.
“Huwag mo kaming isipin dito. Okay lang kami. Ikaw, kumusta ka? Nakakakain ka ba ng tama? Kumusta pag-aaral? Okay ka lang ba? “ Sunud-sunod ang naging tanong niya at alam kong dala iyon ng sobrang pagka-miss niya sa akin at ganoon din naman ako sa kanya.
“Okay naman lahat dito. May mga kasama ako sa bahay na taga Probinsya rin. Sana sa susunod na semestre ay dito ka na rin para masaya tayo parehas.” Wika ko.
“Nako, balak ko na ngang mag-ipon para makapag-exam ako r’yan sa school na pinapasukan mo dahil naiingit ako sa’yo. Gusto ko ring mag-aral.” Aniya at rinig ko sa boses niya ang kagustuhan niyang makapag-aral pero hindi siya pinalad kaya sana ay makapasa na siya susunod.
“Support lang ako sa’yo. Basta naghihintay lang ako. Paano, d’yan ka na, Poy. Mapuputol na itong tawag. Mag-ingat ka lagi, ha?” Iyon ang bilin ko at um-oo naman siya.
“Magkikita rin uli tayo. Dadalawin kita d’yan isang araw.” Aniya kaya napangiti na lang ako at na-cut na ang linya namin.
ARAW ng Miyerkules at nakaabang ako sa gilid ng Computer building at hinintay kong makalabas si Sky dahil gusto kong humingi ng tawad sa kanya. Hawak ang isang bote ng energy drink na lagi niyang iniinom ay hinila ko siya bigla nang makita ko siyang mag-isa. Pilit niyang inaalis ang kamay ko braso niya at medyo malayo na kami sa harapan ng building nang magsalita ako.
“Sky, sorry sa nagawa ko noong nakaraan. Maniwala ka na hindi ko intensyon na saktan ka. Nagkamali ako. Pasensya ka na, bro.” Wika ko at inabot ko sa kanya ang hawak kong enery drink na kinuha naman niya. Walang ekspresyon ang kaniyang muka kaya naman nabato-balani ako sa kaba dahil hindi ko alam kung ang ang tumatakbo sa isip niya.
“Okay na ba tayo, Sky?” Tanong ko sa kanya at hindi siya umimik kaya mas naalarma ako.
“Sige, salamat dito.” Aniya at wala pa ring ekspresyon sa kaniyang muka kaya mas nakakabala.
“Sky, wuy? May problema ba?” Habol ko sa kanya at dahil mas malaki siya sa akin ay tila ba isa akong batang humahabol sa kaniya.
“Bakit na ang kulit mo?” Bulalas niya at humarap sa akin.
“Kasi parang hindi ka okay eh.” Tugon ko.
“Wala ka na ro’n kaya iwan mo na ako bago ako maasiwa sa’yo at hindi lang ’yang damit mo ang sirain ko kundi pati na rin ’yang muka mo!” Aniya kaya natigilan ako at napalunok bago ako nagsalita.
“Basta kung may problema ka ay makikinig ako. Sige, ingat!” Wika ko at nagmadali akong tumakbo papunta sa susunod kong klase na medyo may kalayuan pa.
NANG makarating ako sa aming klase ay saktong labas ni Danny at nakangiti pa siya sa akin na parang tanga.
“Anong mayroon sa ngiti mo?” Tanong ko.
“Wala tayong klase. In-attendance na kita kaya tara na sa dorm. Wala na tayong klase.” Aniya kaya napa-apir ako sa kanya.
“Husay mo, Danny!” Wika ko at umakbay siya sa akin at sa ’di kalayuan ay nakita kong naglalakad mag-isa si Sky kaya naman nakokonsensya ang utak ko na hindi siya puntahan.
“Ako pa ba?” Pagyayabang niya.
“Nga pala, Dan, una ka na. May aasikasuhin lang ako saglit.” Entrada ko bigla at bumitaw ako mula sa pagkakaakbay niya.
“Sige, natatae na rin pati ako.” Aniya at nagtatakbo na siya palayo sa akin.
Hindi na’ko nag-aksaya ng oras at pinuntahan ko na si Sky na sobrang bagal maglakad. Buti na lamang talaga at hindi masyadong mainit.
“Sky!” Tawag ko sa kanya at hindi niya akong nilingon.
“Sky!” Tawag ko uli sa kanya at napahinto siya kaya nagkaroon ako ng pagkakataong lapitan siya. Habol hininga ako nang maabutan ko siya at natawa siya sa hitsura ko.
“Alam mo, muka kang tanga.” Aniya at pinipigilan ang sarili niyang matawa at hindi na niya iyon napigilan dahil napatakip siya ng kaniyang bibig dahil sa akin.
“Tawa eh.” Sabi ko at habol-hinga pa rin ako dahil sa pagtakbo ko.
“Tingnan mo kasi ’yang sarili mo. Para kang batang naglaro sa playground. Pawis na pawis ka.” Panunuya niya sa akin pero hindi ko iyon pinansin.
“Pero okay ka lang ba talaga?” Tanong ko at umayos ang ekspresyon niya.
“Hindi masyado.” Sagot niya.
“Paanong hindi masyado?” Pahabol kong tanong.
“Ikaw, makulit ka rin eh.” Aniya at hinila niya ako palapit sa bleachers at naupo kami ro’n.
“Curious na curious ka sa’kin, ’no?” Tumango ako sa tanong niya. “Crush mo siguro ko, ’no? Hayaan mo, okay lang sa’kin. Sa gwapo ko ba namang ’to.” Aniya kaya natawa ako.
“Hindi siguro. Parehas tayong lalaki kaya imposible ’yang sinasabi mo.” Wika ko.
“Kahit hinabol mo pa ako rito para lang alamin kung okay lang ako? Huwag mo’kong lokohin.” Nakangisi pa siya habang sinasabi niya iyon kaya naalibadbaran.
“Crush mo itlog mo. Malabo talaga ’yang mga sinasabi mo. Siguro ay nakakain ka ng panis na almusal kanina kaya ganyan na lang ang takbo ng pag-iisip mo.” Saad ko at napatawa pa ako.
“Hoy, bansot! Maraming patay na patay sa’kin tapos tatawanan mo lang ako. Punitin ko ’yang damit mo at itali kita sa bakal d’yan eh.” Pagababanta niya.
“Ito naman, hindi na mabiro. Pogi ka naman talaga, may sira lang sa isip.” Biro ko at sabay kaming natawa. Akala ko pa ay maiinis siya pero hindi.
“Salamat nga pala sa energy drink, bansot. Ano ngang pangalan mo?” Aniya.
“Zedrick.” Sagot ko sa tanong niya.
“Sige, Ziderick, okay lang na magka-crush ka sa’kin. Hindi ka naman pangit kaya hindi ako maiinis.” Aniya kaya napanganga habang tinatanaw ko siyang naglalakad paalis sa pwesto ko. Nagpa-flying kiss pa siya kaya napakamot ako sa ulo. Mali atang sinundan ko siya rito.
“Bwiset!”
Itutuloy..
HSH PART 8
HALIK SA HANGIN PART 8: PARUSA
NAKABUSANGOT ang muka ko habang naglalakad sa hallway. Naka-duty ako ngayon sa men's comfort room kaya naman suot ko ang face mask at dala ko ang isang maliit na timba na may lamang brush at panlinis. Part ito ng scholarship namin at ewan ko ba kung bakit sa c.r ako nakatoka gayong sa Library lang naman talaga ang duty ko at sa faculty. Hindi naman sa nag-iinarte ako o ano pa man, nahihiya lang talaga ako dahil sa banyo ako napahiya noong araw ng eskwela.
"Ano ba 'yan, puro sulat ang pader tapos puro lupa sa sahig!" Mahina kong bulong at naglagay ako sa labas ng "out of order" para wala munang pumasok at nagsimula ako sa lababo. Tinapon ko ang mga balat ng tissue at ilang balat ng kendi. Matapos ang lababo ay sinimulan ko na rin sa cubicle na hindi naman gaanong maklat. Tinuyo ko rin ang sahig at halos nangangalahati pa lang ako nang marinig ko ang pamilyar na boses.
"Pa, ayoko nga ho d'yan sa bahay. Huwag niyo ho akong pakialaman!" Asik nito sa kabilang linya at saktong bukas ko nang pinto ng ika-apat na cubicle nang makita ko siyang nananalamin at kitang-kita ko ang bakas ng sapatos niya sa sahig kaya naman inis na inis na ako.
"Hindi ka siguro marunong magbasa. 'no?" Singhal ko sa kanya at doon pa lang siya natauhan sa ginawa niyang pambibwiset.
"Minsan." Sabi niya at napa-peace sign siya kaya binato ko siya ng tabo at nasalo niya iyon ng walang kahirap-hirap.
"Labas na!" Singhal ko pero hindi niya iyon ginawa bagkus ay naupo siya sa lababo at hindi ko na siya pinansin dahil bwiset na bwiset ako sa kanya.
"Scholar ka pala." Umpisa niya pero hindi ko siya pinansin dahil nag-focus ako sa pag-aalis ng mga dumi dahil sa sapatos niya.
"Siguro, matalino ka." Wika pa niya pero hindi ko pa rin siya pinansin dahil mas focus ko talaga ang paglilinis.
"Kung wala ka ng sasabihin ay pwede ka ng lumabas dahil kanina pa'kong badtrip sa'yo, boy!" Wika ko at hindi siya natinag at tinanggal pa niya ang suot niyang sapatos at medyas na siyang hudyat ng paglapit niya sa akin na kaniya namang ginawa.
"Noong nag-training kami sa ROTC ay ako lagi ang nakatoka sa paglilinis ng banyo kaya gamay na gamay ko ang paglilinis. Ganito dapat ang pagkuskos." Aniya at siya mismo ang nagkuskos ng inidorong nililinis ko ng walang kaarte-arte. Hindi halata sa kaniyang kaya niyang gawin iyon dahil kutis mayaman siya at walang bahid ng kahirapan sa muka.
"Ako na!" At sinubukan kong agawin sa kaniya ang brush pero hindi ko iyon nagawa dahil masyado siyang mabilis kumilos kumpara sa akin.
"Magpasalamat ka na lang sa'kin dahil tinutulungan kita. Huwag ka ng mag-inarte, ha? Crush mo naman pati ako." Walang preno niyang saad pero hindi ko alam kung saan niya iyon nakukuha dahil hindi ko naman sinabing gusto ko siya dahil hindi pa ako nagkakagusto sa lalaki kahit kailan.
"Crush mo muka mo." Bulong ko at nag-mop ma lang ako ng sahig at ewan ko ba kung bakit napakabilis naming maglinis.
"Done! Magpasalamat ka na sa crush mo dahil tinulungan ka niya." Aniya kaya napakamot ako sa ulo.
"Hindi kita gusto. Hindi ako napatol sa lalaki kaya lubayan mo na ako. Wala na akong atraso sa'yo." Sagot ko dahil hindi ko alam kung saan niya nakukuha ang ganoong mga salitain niya.
"Basta crush mo'ko." Aniya at tinuyo niya ang kaniyang mga paa bago niya isuot ang kaniyang mukang mamahaling sapatos.
"Na-a-attract ka na naman sa crush mo, 'no? Dalian mo na d'yan dahil gutom na'ko." Aniya at ewan ko ba kung bakit nagmadali na rin ako dahil sa sinabi niya.
"Saan mo gustong kumain?" Tanong niya nang mailagay ko sa stock room ang mga gamit sa paglilinis.
"Samahan na lang kita. Busog pa ako eh." Wika ko pero hindi iyon ang gustong ipahiwatig ng tiyan ko na kumukulo.
***
"KAIN pa!" Iyon ang sabi niya sa'kin habang nakaupo kami sa harap ng paresan. Sarap na sarap kami parehas sa pagkain at tila nalimutan ko ang pagod ko sa maghapon.
"Huwag mo'kong intindihin. Kumain ka ng sa'yo!" Pagsusungit ko na tinawanan lang niya. "Kuya isang fried rice pa po."
"Para ka namang babae. Nakakaapat na kanin na ang crush mo tapos ikaw ay pangalawa pa lang? Ang bagal." Pang-aasar niya na hindi ko pinansin dahil ninanamnam ko pa ang kinakain ko.
"Nganga." Aniya at inagaw sa'kin ang hawak kong kutsara kaya naman nahiya ako lalo na nang tumingin sa'min ang ilang mga kumakain sa paligid kaya naman inagaw ko pabalik ang kutsara at binilisan ko ang pagkain.
"Ano ka ba, Sky, nakakahiya 'yung ginawa mo kanina." Wika ko habang naglalakad kami pabalik sa campus.
"Crush na lang itawag mo sa'kin, huwag ng Sky." Mungkahi niya at hindi niya pinansin ang sinabi ko.
"Bakit ba crush ka ng crush eh hindi nga kita crush? Ang kulit mo eh!" Pagrereklamo ko.
"Eh 'di hindi na kung hindi basta kung hindi mo ako crush ay crush ang itawag mo sa'kin." Seryoso niyang sagot na hindi ko alam kung saan patungo. Pasaway talaga.
"Kulit mo rin talaga, eh." Wika ko at bigla niyang itinapon ang laman ng iced tea na iniinom niya at dinakot niya 'yong yelo at nagulat ako sa ginawa niya. Inilagay niya iyon sa brief ko at nagtatakbo na parang timang habang ako ay napatalon dahil sa lamig na dulot ng maliliit na yelong nilagay niya sa maselang bahagi ng katawan ko.
"Bwiset ka, Sky!" Sigaw ko at tumigil siya ng pagtawa niya.
"Parusa mo 'yan dahil ayaw mo'kong tawaging crush." Aniya at napabuntong hininga ako habang tinatanaw siyang umalis na tila ba nanalong bata dahil nagtatatalon pa siya na parang ewan.
"Hindi ko na alam ang gagawin ko sa'yo, Sky." Bulong ko sa hangin. Haha
Itutuloy…
HSH PART 9
HALIK SA HANGIN PART 9:
KASAL
SKY
Nakaupo ako sa mahabang upuan sa aking bahay habang napapangiti dahil sa pangti-trip ko kay Zide. Sino ba namang mag-aakalang madali siyang maisahan? Tiyak na inis na inis na iyon sa akin dahil sa ginawa kong pang-aasar sa kanya. Siguro ay dapat ko pa siyang asarin dahil natutuwa ako sa kanya at sa reaksyon niyang walang halong pagkapeke bilang tao. Bihira iyon.
"Sky, nakahanda na ang suit na susuotin mo bukas papunta sa reception ng kasal ng Daddy mo. Anong oras ka pupunta para masundo kita." Iyon ang entrad ni Mister Nelson, ang executive secretary ni Daddy.
"Sinong nagsabing pupunta 'ko sa wedding reception na 'yan?" Sagot ko.
"Utos 'yon ng Daddy mo; hindi pwedeng hindi ka pumunta." Sagot naman niya.
"Then sabihin mo sa kanya na hindi ako pupunta at huwag na niya akong idamay sa kalokohan niyang kasal na 'yan." Tugon ko.
"Bakit ganyan ka na umasta, Sky? Matagal ng pumanaw ang Mommy mo at nasa mid 40s pa lang ang Daddy mo. Hindi mo siya masisising maghanap ng bagong asawa."
"Ang nangyari kay Mommy, hindi ko siya mapapatawad kahit kailan!" Bulalas ko.
"Huwag kang magsalita ng ganyan, Sky. Walang kinalaman ang Daddy mo sa pagkamatay ng Mommy mo at napatunayan 'yon ng forensic Doctor na sumuri sa labi ng Mommy mo. At kapag narinig ka ng Daddy mo na ganyan ka sumagot ay malalagot ka." Wika naman ni Nelson na hindi naman pumasok sa isip ko dahil wala akong pakialam sa kanila.
"Tsaka, Sky sana ay huwag ka ng magalit sa Daddy mo.." hindi ko na siya pinatapos ng sasabihin.
"Oh siya, tama na at marami pa'kong iniisip. Makakaalis na kayo, Mister Nelson!" Bulalas ko at napabuntong hininga na lamang ako ng wala sa oras.
"Sige, susunduin na lang kita bukas." Pabahol pa niya at hindi na ako sumagot at hinintay ko na lamang siyang makaalis.
GANITO ang buhay ko sa loob ng limang taon. Limang taon ng wala si Mommy at dahil iyon sa kapabayaan ni Daddy. Kung hindi sana siya umalis noong gabing nag-aagaw buhay si Mommy ay buhay pa sana ngayon ang Mommy ko. Malayo na ang loob ko sa Daddy ko at lahat ng tungkol sa kaniya ay ikinasusuklam ko bukod sa yaman na mayroon siya.
Five years na pala akong nag-iisa sa bahay na ito ni Mommy na ipinundar niya noong siya ay koleiyala pa lamang. Dito na ako lumaki dahil madalas silang mag-away ni Daddy dahil sa politika. Isang General ang aking Daddy tatlong taon din akong nag-traing para sumundo sa yapak niya at hindi ko alam kung gusto ko pa ba iyong gawin.
Nasa ganoong pag-iisip ako nang tumunog ang aking cellphone at rumehistro ro'n ang pangalan ni Anne, ang girlfriend ko.
"
Hello, baby? “ Aniya sa kabilang linya.
"Hi, baby!" Sagot ko naman.
"
Next week ay dadalawin kita r’yan. Okay lang ba? Miss na miss na kita.“ Aniya kaya’t napangiti ako ng malaki.
"Sige, baby, okay lang sa'kin." Sagot ko.
"Nga pala, pupunta ka ba sa kasal ng Daddy mo bukas?"
Bigla niyang naitanong.
"Sa tingin mo, dapat ba akong pumunta o hindi?" Tanong ko.
"
You should go! Bakit hindi? Kailangan mong ipaalam sa kanya na Mommy mo pa rin ang una at hindi niya pwedeng gawin kahit anong gustuhin niya.“
"Ayoko talaga silang makita." Napailing ako.
"Alam mo ba noong buhay pa si Mommy, they were already together. No doubt. Sa taas ng posisyon ng Daddy ko, sinong hindi gugustuhing maging ikabit at ikasal sa kanya? Siguro ay alam mo na ang gusto kong sabihin?" Pagkukwento ko.
"Baka naman nag-o-overthinking ka lang?"
Aniya at hindi na ako nakasagot.
KINABUKASAN ay sinundo ako ni Mister Nelson nang hapon at hindi ko alam kung bakit ako sumama. Hindi na ako um-attend ng formal ceremony dahil ayoko namang makipag-plastikan sa marami tao kaya naman sa bahay nalang ni Daddy ako dumiresto at sabay-sabay kaming kumaing tatlo. Ako, si Daddy at ang bago niyang asawa.
"Sky, bakit hindi ka yata nagsasalita?" Biglang tanong ni Daddy.
"Hindi ba sabi niyo na bawal magsalita habang kumakain?" Kalmado kong sagot dahil iyon naman talaga ang turo niya sa akin noong bata pa ako.
"Magsalita ka. Pwede kang magsalita ngayong gabi." Utos niya.
"Yes, Boss! Wala ho akong dapat sabihin." Wika ko at naupo na ako na siya namang hudyat ng pagtawa ng bago niyang asawa.
Ilang segundong katahimikan bago nagsalita si Daddy.
"Punasan mo ang labi mo. May konting kanin dahil sa pagtawa mo." Iyon ang wika ni Daddy at tumahimik na lang ako at hindi na nagsalita pa.
"Kain ka pa, Sky." Iyon ang singit ng bagong asawa ni Daddy kaya naalibadbaran ako.
"Papuntahin mo na rito bukas ang anak mo na nasa Probinsya." Utos bigla ni Daddy kaya napatingin ako sa kanilang dalawa.
"May anak din ako na kasing-edad mo. Mas matangkad ka lang siguro pero parehas kayong gwapo. Sana ay magkasundo kayong dalawa." Wika ng step mom ko na hindi ko ikinatuwa. Sino na mang gago ang anak niya? Sarap basagin ng muka.
"Sige, kapag dumating siya sa bahay bukas ay aalis ako." Wika ko na walang ekspresyon.
"Oh 'di umalis ka. Ngayon na!" Wika ni Daddy at tumayo ako pero pinigilan ako ng asawa niya.
"Sky!" tawag niya at tumigil naman ako. "Actually, hindi ko pa nakakausap ang anak ko. Pasensya na at mukang ayaw niya rin namang pumunta rito sa'kin." Aniya.
"Dumating man siya o hindi ay aalis ako." Wika ko at iniwan ko silang dalawa ro'n na mabigat ang loob.
ZIDERICK
SABAY-SABAY kaming kumakain nina Danny, Arkin at Roniel. Marami kaming napagkwentuhang apat at halos puro kami tawa lalo na nang sabihin ni Roniel na muntik na raw siyang maligaw dahil sa TBA na ang kala niya ay kung saan.
"Kung tutuusin ay masakit sa ulo 'yong Basic Accounting namin kaya kailangan kong mag-aral ng ayos." Wika pa ni Roniel at halata namang pursigido siya na matutunan ng maayos 'yong Major niya na Accouting.
"Wala namang madaling subject lalo na kung laging absent 'yong prof." Ani Danny na puro reklamo sa mga pala-absent na prof ang birada.
"First week pa lang naman kasi kaya kalma lang." Si Arkin naman ang nagsalita.
"Iyon din ang sabi ng mga irregular students sa'tin, ah? Tanda mo ba?" Sagot ko kay Danny na um-oo naman at nasa ganoong senaryo kami ng kwentuhan nang biglang mag-ring ang cellphone ni Danny at sinagot niya iyon agad.
"Hello?" Sagot ni Danny.
"Zide, Jepoy daw." Aniya at inaabot sa akin ang kaniyang cellphone at itinapat ko iyon sa aking tenga.
"Bakit napatawag ka, 'Poy?" Tanong ko agad.
"Tumawag kasi kanina si Ninang Linda kay Mama at hinahanap ka."
Aniya kaya’t nanlaki ang mga mata ko.
"Si Inay?" Pag-uulit ko dahil baka nabibingi lang ako.
"
Oo, tumawag siya kanina tapos ’wag kang magugulat, ha? “ Aniya.
"Ano 'yon, Poy?" Tanong ko dahil kinakabahan na talaga ako.
"Kasal na ang Nanay mo tapos hinahanap ka. Kukunin ka na raw niya. Sinabi namin na nag-aaral ka sa Manila pero hindi namin sinabi kung saang school ka nag-aaral."
Saad niya at halos manlambot ako sa kinatatayuan ko.
"Paanong kasal na si Nanay?" Wika ko at naalala kong hindi nga pala sila kasal ni Tatay.
"
Okay ka lang ba, Zide?“ Tanong niya at nagpanggap akong okay.
"Okay lang ako. Si Itay ang iniisip ko. Sana ay 'wag mong sabihin sa kaniya ang alam niyo, ha?" Wika ko at sumang-ayon naman siya.
"
Zide, ingat ka riyan, ha? Ingatan mo ang sarili mo. Safe sa’kin lahat.“ Aniya at doon pumatak ang mga luha sa mga mata ko at halos hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Itay na kasal na si Nanay.
Itutuloy..
HSH PART 10
HALIK SA HANGIN PART 10: CELLPHONE
ZIDERICK
ILANG araw akong ginugulo ng nasa isip ko at hindi ko alam kung bakit biglang gusto kong umuwi pero hindi iyon pwede. Hindi ako pwedeng umuwi dahil baka hindi na ako makauwi gaya ng sabi sa akin ni Jepoy noong nakaraan na nag-usap kami.
“Danny, may mabibili na ba akong magandang phone sa dalawang libo?” Bigla kong naitanong dahil gusto kong ma-contact si Jepoy at nais kong malaman ang kaganapan sa amin. Malay ko ba kung anong nasa isip ng Itay ko ngayon lalo na’t alam kong may alam na siya tungkol kay Inay.
“Nako, wala. Baka China phone lang ang mabili mo sa dalawang libo. Apat na libo siguro makakabili ka na no’n.” Wika niya kaya naman napakamot ako sa ulo. Hindi ko pwedeng ubusin ang laman ng debit card ko dahil sa susunod na buwan pa darating ang allowance namin. Wala naman akong ibang pagkukunan ng pera lalo na ngayon na bumili kami ng P.E uniform at NSTP shirt na may kamahalan.
“Ganoon ba? Next time na lang siguro ako bibili ng cellphone.” Nakangiti kong tugon.
“Nako ka, Zide. Pwede ka namang mangutang sa’min para makabili ka na ng cellphone mo.” Aniya pero hindi ko gusto ang ideyang ’yon dahil hindi ko alam kung saan ako kukuha ng ipapambayad sa kanila.
“Mag-iipon na lang siguro ako. Mahal mag-engineering kaya uunahin ko muna ’yong mga kailangan. Makakabili rin naman ako ng cellphone. Konting ipon lang siguro.” Wika ko at napabuntong hininga na lang si Danny.
“Sabi mo ’yan, ha? Pero kapag nagbago pa ang isip mo ay pwede mo pa rin kaming lapitan.” Pahabol pa niya at nagmadali na kaming pumunta sa aming respective groups. CWTS ang pinili naming mga Engineering at Architecture students dahil iyon ang inirekomenda ng aming College Dean dahil kami raw ’yong maraming ginagawa kahit weekends. Hindi ko pa naman iyon ramdam ngayon pero siguro ay magiging busy din kami sa mga susunod pang mga Linggo.
“Good day, class!” Bungad sa amin ng isang kalbong guro na may hawak na index card.
“Good morning, Sir!” Sabay-sabay naming sagot at lahat kami ay naupo sa sahig ng gymnasium na kinaroroonan namin. Halo-halo kami rito at halos namamawis na ang aking muka sa init pero pinilit ko pa ring makinig.
“Everyone, I’ll give you the handouts next week pati na rin ang magiging classroom niyo. Each section will be composed of 40 students and will be facilitated by Instructors. Ngayon, makinig kayo.” Aniya at halos marindi kami nang sumigaw siya sa mic.
“Nakakabingi naman ang boses ni Sir.” Sabi ni Danny kaya lihim na lang akong natawa sa sinabi niya.
“Bago ko kayo i-dismiss, ako ang NSTP head ng campus na ito. Ako si Doctor Wilfredo Magaslang Patungko Jr and I’ll expect everyone to do their respective tasks.” Aniya at marami pa siyang sinabi pero nauwi lahat sa pagpapapulot niya ng mga kalat sa paligid. At dahil ayaw na naming magtagal ay naki-cooperate na kami. Marami rin kasi akong labahin at balak kong bumili ng bagong mga brief dahil nakakahiyang magsabit ng butas-butas na underwear sa labas ng aming silid sa dorm. Nakakababa.
Pawisan kaming lahat nang matapos kaming mamulot ng basura sa paligid kaya nang i-dismiss kami ay halos mapasigaw kaming lahat sa saya.
“Okay ka lang?” Tanong ko kay Danny na mukang namumutla na.
“Natatae na kasi ako. D’yan ka na, Zide!” Ani Danny kaya natawa na lang ako habang pinapanood ko siya na tumatakbo palayo. Lagi na lang natatae si Danny.
ILANG MINUTO akong naglakad patungo sa Men’s Dorm at nang makaakyat ako ay parang may nakita akong tumatakbo palayo pero hindi ko na lang iyon pinansin at pumasok na ako sa aming kwarto at nakita ko si Danny na nakaupo sa kama ko at hawak ang isang paper bag.
“For Zide.” Binasa ni Danny ang nakasulat do’n at nagkataon namang pangalan ko iyon kaya nag-atubili akong lumapit sa kanya at hindi ako nagkamali dahil pangalan ko ang nakalagay do’n sa sticky note.
“Cellphone!” Bulalas ni Danny nang buksan namin ang paper bag.
“Boy, may nagbigay sa’yo ng cellphone! Secret admirer!” Manghang-manghang bulalas ni Danny kaya napatakip ako ng tenga.
“Sino naman kayang nagbigay nito?” Tanong ko dahil perpekto ang timing.
“Magpasalamat ka nalang, Zide. Hindi ba kailangan mo ng cellphone? Kanina lang ay nagtatanong ka tungkol sa cellphone tapos ngayon ay heto na! May cellphone ka na!” Aniya na mas excited pa sa akin.
Nang buksan namin ang box ay bumungad sa amin ang latest na Android phone at napa-wow na lang kami ni Danny.
“Ayan ’yong gusto kong biling phone! Nasa sixty-thousand ’yan!” Aniya at ipinakita sa akin ang cellphone niya na may larawan at modelo ng cellphone na hawak ko ngayon.
“Sino kaya talagang nagbigay nito, ’no?” Wika ko at mabilis kong binuksan ang cellphone at ilang sandali lang din ay nagulat ako nang may rumehistrong numero ro’n at may mensahe siya sa akin. May sim na rin pala. Ayos!
Sana gamitin mo ng ayos ’yang cellphone :)
“Salamat sa’yo!” Reply ko at sobrang laki ng ngiti ko dahil sobrang kailangan ko ito.
SKY
“Salamat sa’yo! Smiley.” Binasa ko ng malakas ang reply ni Ziderick sa akin. Napangiti ako ng malaki dahil sa ginawa kong iyon. Pasalamat siya dahil narinig ko sila kaninang nag-uusap ng kaibigan niya kaninang umaga tungkol sa cellphone kaya’t nagkaroon ako ng pagkakataong bigyan siya ng simpleng regalo. Anong matinong cellphone ba naman kasi ang mabibili ng dalawang libo?
Habang nakikinig ako sa kanila kanina ay muntikan pa niya akong mahuli pero dahil mahusay ako ay hindi ko iyon hahayaang mangyari. Mula sa 'di kalayuan ay narinig kong may sumigaw mula sa room nila.
“Sobrang salamat sa’yo!” Alam kong galing iyon kay Zide kaya napangiti ako.
“May tulog! Sigaw ng sigaw!” Sigaw ng kung sino kaya’t natawa ako bigla. Sino ba naman kasing matino ang sisigaw ng ganoon kalakas sa gitna nang katanghalian?
Dala ng aking pagkabagot ay tinext ko uli siya bigla.
“Samahan mo’kong kumain.” Binasa ko pa ang tinipa kong mensahe pero hindi ko iyon agad sinend dahil nakita ko bigla si Ziderick na nakatanaw sa kung saan at naglalakad pa siya papalayo sa dormitory. Sinundan ko siya out of curiosity.
“Sige, Jepoy, ingat ka lagi d’yan. Balitaan mo na lang ako.” Wika niya at wala naman akong pakialam kung sino pa iyong Jepoy na iyon dahil ang goal ko ay may makasama sa pagkain. Hindi pa kasi ako kumakain ng tanghalian at nag-aayos ako ilang gamit ko. Pinaalis na kasi ako ni Daddy sa bahay ni Mommy. Tigas talaga.
“Ziderick!” Tawag ko sa kanya at hinanap niya kung saan nanggagaling ang boses na ’yon.
“Ziderick!” Sigaw ko uli at nagtago ako sa likod ng basurahan. Lilinga-linga lang siya kung nasaan ako kaya nang magkatyempo ako ay ginulat ko siya.
“Ziderick!” Sigaw ko sa tenga niya kaya napahawak siya sa kaliwa niyang tenga habang tatawa-tawa ako at halos napahawak ako sa tiyan ko dahil sa kakatawa.
“Ba’t ka sumigaw, Sky?” Tanong niya at nakakunot pa ang noo niya habang nagtatanong kaya’t ganoon din ang ginawa ko. Kinunot ko rin ang noo ko.
“Crush.” Pagtatama ko.
“Nako, Sky, ’yan ka na naman sa crush-crush na ’yan!” Naiinis niyang banat na ewan ko ba kung bakit tila musika sa pandinig ko kapag naiinis siya sa akin ng sobra.
“Crush nga sabi ang kulit.” Sabi ko na ikinainis niya pang uli.
“Hindi nga kita crush, Sky!” Pagmamaktol niya kaya’t pinansin ko na lang ang hawak niyang cellphone.
“Nice phone ah.” Wika ko at inilayo niya sa paningin ko ang naturang cellphone.
“Oo nga eh.” Nag-aalangan niyang sagot. Marahil ay ayaw niyang ipaalam sa akin iyon. Kung alam lang niya na sa akin iyon galing eh.
“Sana ay ingatan mo ’yan kasi mukang bago. Muka ring latest na model.” Pinuri ko pa ang cellphone niya at inakbayan ko siya.
“Oo naman! Iingatan ko ’to at ’wag mo’kong akbayan dahil naaalibadbaran ako. Ang init!” Aniya at inalis ang braso ko sa balikat niya.
“Arte mo naman. ’Yung ibang babae nga d’yan, gustong-gustong maakbayan ko tapos ikaw, tinataboy mo lang ako.” Wika ko.
“Eh hindi naman ako babae. Anong bilang no’n?” Sagot niya kaya’t lihim akong natawa.
“Ang sarap mong asarin.” Bulong ko sa hangin na alam kong hindi niya narinig dahil hindi naman siya nagsalita pa.
Itutuloy…
HSH PART 11
HALIK SA HANGIN PART 11: NANAY
ZIDERICK
"KUMAIN ka pa, Zide. Kaya ang payat mo eh." Puna sa akin ni Sky na hindi ako tinigilan hangga't hindi ako naisasama sa pagkain. Ito na ang pangalawang beses na nakasama ko siyang kumain. Una ay doon sa paresan at ngayon ay dito naman sa isang simpleng kainan o Carideria na ni-request ko sa kanya. Masarap naman kasi sa ganito at mura pa.
"Kumakain naman ako kaya kumain ka na rin d'yan. Huwag mo'kong intindihin." Sagot ko at pinagmasdan ko siyang kumain. Masyado siyang mabilis kumain pero tahimik ang kaniyang galaw. Pati na rin ang kaniyang pagnguya ay walang katunog-tunog. Kamangha-mangha para sa isang lalaki.
"Huwag mo lang akong tingnan. Hindi ka matatapos." Puna niya.
"Hindi naman kita tinitingnan. In-assume mo lang 'yon." Sagot ko pa.
"Eh 'di wow!" Aniya at binilisan ko na lang din ang pagkain ko. Ang sarap pa naman ng ulam ko, sinigang na baboy.
Nakadalawang order ako ng kanin at isang order ng ulam kaya naman busog na busog na ako. Um-order na rin ako ng softdrinks at sarap na sarap ako dahil sa lamig nito.
"Softdrinks? Masama 'yan sa katawan." Puna niya pero hindi ko siya pinansin at nakakakalahati na ako nang bigla niyang agawin 'yon at tinungga.
"Huy, bumili ka ng sa'yo!" Puna ko pero inilapag na niya sa harapan ko ang bote at ngumiti siya na parang walang ginawang masama.
"Sorry, naubos ko na." Aniya at nag-abot ng bayad sa tindera. Akmang maglalabas na ako ng pera nang pigilan niya ako.
"Libre ko na." Aniya habang tinutulak ang kamay ko. Wala na rin akong nagawa kundi umayon sa isang 'to. Parang noong nakaraan lang ay inis na inis siya sa akin at sinira niya pa ang damit ko. Hindi ko alam kung anong nakain niya at sinasamahan niya ako ngayon.
"Sky, anong trip mo?" Tanong ko habang naglalakad kami.
"Anong ibig mong sabihin?" Kunut-noo niyang tanong.
"Sa'kin. Anong trip mo sa'kin. 'Di ba noong nitong nakaraan lang ay pinunit mo 'yung damit ko sa c.r tapos tinalapid mo ako noong papunta ako sa P.E room? Anong mayroon sa'yo ngayon?" Sagot ko at tiningala ko siya ng bahagya para makita ang kaniyang reaksyon. Wala.
"Hayaan mo na 'yon. Trip ko lang." Aniya.
"Iyon lang 'yon? Halos kabahan na ako lagi kada papasok dahil sa'yo tapos trip mo lang? Lakas mo!" Bulalas ko at bigla niyang inalog ang balikat ko.
"Ang daming sinasabi." Aniya at nilapit niya ang muka niya sa muka ko kaya naman napailing ako at akmang gagalaw na ako ng bigla siyang tumawa kaya naman siniko ko siya sa tiyan at tinuhod ko siya sa hita. Saglit niyang ininda 'yon bago tumawa.
"Pwede na rin." Aniya at inakbayan ako na parang walang nangyari. Pakiramdam ko tuloy, ang hina ko.
"Nga pala, saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya.
"Sa nilipatan kong bahay. Tutulungan mo'kong mag-ayos ng gamit." Aniya at wala pa naman akong gagawin kaya sumama na rin ako sa kanya.
Hindi kalayuan ang bahay niya sa campus kaya naman mabilis namin iyong narating. Mula sa labas ay matatanaw mo agad ang mga halaman at may duyan na bakal sa loob na nagbigay ganda sa simpleng halamanan.
"Sinong kasama mo rito?" Tanong ko sa kanya.
"Ako lang. Tara na sa loob. Hindi ko pa naayos ang mga gamit ko." Sagot niya at doon niya binuksan ang simpleng gate at sumunod naman ako sa kanya.
"Maganda rito." Wika ko dahil gusto ko iyong mga halaman sa paligid.
"Ako rin." Aniya at binuksan naman niya iyong pintuan at agad siyang pumasok.
"Sigurado kang mag-isa ka lang dito? Malaki masyado 'to para sa isang tao." Puna ko sa kanya.
"Mag-ayos na tayo ng gamit." Aniya at hindi niya sinagot ang tanong ko. Pasaway.
Habang naglilinis kami ay nalaman kong dalawa ang kwarto rito at hindi ko alam kung anong trip ng isang 'to. Bahala na nga. Hindi na ako magtatanong dahil baka hindi rin naman niya sagutin. In-adjust namin ang sofa, ilang upuan at hinang din namin ang flatscreen na t.v sa mini salas niya at nagpunas din kami ng konti ng ilang upuan. Halos isa't-kalahating oras na kaming naglilinis at kwarto na lang niya ang magulo.
Iyon na nga ang aming isinunod at nagmadali akong tiklulupin ang ilan niyang mga damit at hinanger ko ang mga maong pants niya at ganoon din ang kaniyang mga polo. Mabilis akong natapos kaya pinagpagan ko ang higaan niya at nagwalis din ako. Pagkatapos kong gawin iyon ay lumabas na ako ng kwarto niya at nakita kong papasok siya ng pinto at may dalang softdrinks at yelo. Mayroon ding tinapay kaya nagmadali akong maghugas ng kamay at kumuha ng baso para uminom.
"Pagod na pagod. Pasensya na." Aniya kaya natawa ako.
"Ang daming sinasabi pero thank you kasi narinig kitang humingi ng pasensya." Sabi ko at inagawa ko ang hawak niyang 1.5 na softdrinks.
"Ang sarap!" Bulalas ko nang makainom ako habang siya naman ay nakatawa lang habang nakatingin sa akin.
"Inom din!" Wika ko.
"Crush." Pagtatama niya pero umiling lang ako at umupo sa sofa.
"Crush mo muka mo eh ang pangit pangit mo!" Pang-aasar ko kaya naman kumuha siya ng dinurog na yelo at mukang gagawin na naman niya iyong ginawa niya sa'kin noong nakaraan kaya tumayo ako.
"Ako, pangit?" Itinuro niya pa ang sarili niya habang lumalapit sa akin kaya umikot ako sa sofa at doon niya ako hinabol. Para kaming batang naghahabulang dalawa at malas-malas pa at natalapid ako kaya naman nahuli niya ako at nilagyan sa leeg ng yelo na bumaba sa dibdib ko at tiyan kaya sobrang lamig.
"Weak." Aniya at pinisil ang ilong ko habang ako nama'y nakahiga at nakaupo siya sa tiyan ko.
"Lolo mo!" Natatawa kong sagot pero mas lalo siyang nanggigil sa'kin at kiniliti niya ang leeg ko kaya para akong bumaleng inasinan. Tawa kami ng tawa at nakuha ko ang tamang tiyempo para siya naman ang kilitiin ko pero hindi iyon effective. Wala siyang kiliti kaya naman muli siyang bumalik sa akin at kiniliti niya ako ng maigi sa leeg at natunaw na lang 'yung yelo sa tiyan ko na sunod niyang kiniliti.
"Tama na!" Natatawang kong tugon na tinawanan niya lang.
"Tama na!" Napalakas na ang tawa ko pero hindi siya nagpatinag kaya naman kinagat ko siya sa braso kaya naman napasigaw din siya sa sakit.
"Aray!!!" Aniya kaya ako naman ang tumawa ng malakas kahit nanlalambot na ako sa kakakiliti niya sa'kin.
"Yari ka sa'kin!" Banta niya at nahuli niya ang paa ko at hinila niya ako papalapit sa kanya.
"Kinagat mo'ko." Bulalas niya na parang bata kaya imbes na matakota ay pinagtawanan ko siya.
Nasa ganoong posisyon kami nang biglang may narinig kaming tumawag sa labas.
"Sky?" Babae iyon kaya umupo ako ng ayos sa sofa at siya naman ay lumabas. Palihim akong sumilip sa labas at hindi ko alam kung bakit nanghina ang aking tuhod sa aking nakita. Si Nanay. Anong ginagawa niya rito? Bakit na kausap si Sky? Ibang-iba na talaga si Nanay. Maganda ang kaniyang kasuotan at hindi may nagpapayong pa sa kaniyang lalaki.
Ibayong inis ang lumukob sa'kin nang makita ko siya. Hindi ko alam kung anong nais niya kay Sky pero wala na akong pakialam do'n dahil iniwan niya kami ni Tatay na parang mga kuting lang. Hirap na hirap kami noon at halos umiyak na si Tatay ng dugo noong umalis siya tapos ito siya ngayon, maganda ang kalagayan. Iba talaga 'yong swerte ng mga taong nang-iiwan. Masyadong hindi patas.
Ilang minuto akong nakatanaw sa kanila ni Sky at nang bumalik siya at inayos ko na ang sarili ko dahil gusto ko na lang umuwi at magpahinga.
"Oh, saan ka pupunta?" Tanong niya sa akin.
"Aalis na'ko. Gusto ko ng magpahinga." Tugon ko pero tila nagmamakaawa ang kaniyang muka.
"Dito ka na lang muna. Hindi pa nga natin ubos 'yong meryenda eh." Sagot niya kaya naman umupo ako saglit.
"Maglalaba pa kasi ako." Palusot ko.
"Hmm. Sige, hatid na kita." Aniya at hindi na ako tumanggi.
Hawak ang isang malaking payong ay tahimik kaming naglalakad na dalawa. Nasa isip ko pa rin si Nanay at 'yung hitsura niya kanina.
"Zide, okay ka lang ba?" Tanong ni Sky.
"Kanina ka pang walang imik. Pwede kang magkwento sa'kin." Aniya pero umiling lang ako.
"Ikaw, anong magiging reaksyon mo kapag bigla mong nakita 'yong taong umabanduna sa'yo ng ilang taon?" Bigla ko na lang nasabi.
"Siguro ay matutuwa ako lalo na kung si Mommy 'yon." Aniya dahil hindi iyon ang nais kong marinig.
"Bakit naman? Kahit na malaki ang kasalan niya sa'yo?" Tanong ko.
"Syempre naman! Mommy ko 'yon eh. Isa lang naman ang nanay natin sa mundo kaya no excuse na hindi ko siya mapatawad." Aniya kaya napatango na lang ako.
"Eh ikaw, bakit mo naitanong?" Tanong niya pabalik.
"Feel ko lang magdrama." Sagot ko.
"Kaya naman pala eh. Matanong nga kita, may Nanay ka pa ba?" Balik niya sa'kin.
"Mayroon pa kaso ilang taon siyang nawala. Iniwan niya kami ni Tatay." Sagot ko.
"Kaya ka pala nawala sa mood bigla. Kalma lang lagi, ha? Hanapin mo r'yan sa puso mo 'yung kapatawan kasi gaya ng sabi ko, isa lang ang nanay natin sa mundo. Tsaka baka may rason siya kung bakit sa umalis." Wika niya at medyo natauhan ako sa sinabi niya.
"Dito na lang, Sky. Salamat!" Sabi ko sa kanya nang marating namin ang gate ng campus.
"Crush." Pagtatama niya kaya natawa ako.
"Oh siya, crush na kung crush." Sabi ko kaya tumawa siya at pinanood niya akong maglakad papasok ng campus.
"Zide!" Sigaw niya nang medyo malayo na ako.
"Salamat!" Aniya at nag-flying kiss pa siya na parang tanga kaya napangiti na lang ako at nilabas ko ang dila ko at nang mawala siya paningin ko at bigla na namang pumasok sa isip ko si Nanay.
“Kumusta kaya siya?” Bulong ko sa hangin.
Itutuloy…
HSH PART 12
HALIK SA HANGIN PART 12: AKO ANG BAHALA SA’YO
ZIDERICK
ARAW na ng Lunes pero hindi pa rin mawala sa isip ko si Nanay at kung bakit nagtungo siya sa tirahan ni Sky.
"Baka naman nagtatanong lang." Sabi ko sa harapan ng salamin.
"Pero pwedeng hindi rin." Dagdag ko at bigla akong sinapok ng mahina ni Danny at Arkin.
"Aray!" Reklamo ko kahit hindi naman talaga masakit.
"Para kang siraulo, Zide. Kinakausap mo ang sarili mo sa salamin kahit nandito ka. Okay ka lang ba?" Sagot naman ni Arkin. Imbes na sagutin siya ay tinawanan ko lang siya at nagkamot ng ulo at tiningan ko ang cellphone ko. Mag-aalas otso pa lang ng umaga at nine pa ang klase namin ni Danny kaya napailing ako.
"Zide, okay ka lang?" Tanong ni Danny at hindi ko siya pinansin at iniwan ko sila na nakanganga dahil humiga na lang ako sa kama ko.
"Zide!" Bulalas pa ni Arkin at Danny kaya naman sabay kaming natawa ni Roniel na kanina lang ay busy sa pagbabasa.
"Kayo ata ang siraulo." Wika ni Roniel at ako naman ang tumawa.
"Magsama kayo ni Zide! Lakas niyong dalawa!" Sabay pa silang dalawa at lalo kaming natawa ni Roniel. Sabay na sabay kasi silang dawala. Parang mga tanga lang pero nakakaaliw silang dalawa.
Makalipas lang ang ilang minuto ay nag-ayos na kami ng gamit ni Danny dahil kami ang may maagang first subject habang 'yong dalawa ay hapon pa ang klase. Nakakainggit lang.
"Zide, tingnan mo 'yon." Ani Danny habang naglalakad kami sa hallway ng dormitory. Mayroon kasing nagkukumpulan sa baba kaya naman nagmadali kaming lumakad at nakita namin na patay na ibon lang pala.
"Malas daw 'yon." Sabat bigla ni Danny nang makalampas kami sa mga nagkukumpulang dormers.
"Paanong malas?" Tanong ko dahil hindi naman ako naniniwala sa pamahiin na 'yan kahit na taga Probinsya ako. Mas may sense pa rin sa akin 'yong logic.
"'Di ba sa tapat ng dorm natin 'yon nakita?" Tanong niya sa akin at tumango naman ako. "Kung ganoon ay mayroong babagsak na isa sa mga nagdo-dorm." Aniya kaya napahawak ako sa tiyan ko at tawa ako ng tawa.
"Seryoso ka d'yan?" Natatawa kong tanong pero mukang naasar siya sa sagot ko.
"Seryoso nga kasi ako pero ikaw na ang bahala kung maniniwala ka o hindi. Wala namang mawawala." Sagot niya.
"Walang mawawala? Katinuan ko siguro ang mawawala kapag naniwala ako." Sagot ko sabay tawa kaya binilisan niya ang paglalakad kaya't ganoon din ang aking ginawa.
"Dan, wuy!" Tawag ko sa kanya at mas binilisan niya pa ang paglalakad.
"Dan, hintay. Hinahapo na'ko." Biro ko habang nakahawak sa dibdib ko na animo'y naghahabol ng hininga. Effective ang drama ko dahil huminto siya at iniabot sa akin ang tubig na dala niya. Agad ko naman iyong kinuha at ininom.
"Okay ka na?" Tanong niya at tumango na lang ako bilang sagot.
"Pinag-alala mo'ko, loko!" Aniya at inakbayan pa ako at gaya no'n ay naging okay na kaming uli.
KINATANGHALIAN ay hindi na ako sumabay kay Danny kumain dahil nagtitipid ako. Imbes na sa canteen ako pumunta at dumiretso na lang ako sa dormitory at sakto namang nakita ko si Sky na papalapit sa akin.
"Anong oras ang next class mo?" Tanong niya sa'kin bigla.
"Two-thirty pa." Sagot ko.
"Good! Sabay na tayong kumain. Libre ko." Aniya.
"Nako, busog pa'ko tsaka nakakahiya na sa'yo. Laging ikaw ang nanlilibre." Nahihiya kong sagot.
"Arte mo. Basta sabay na tayong kumain tapos samahan mo'kong mamalengke. Wala pang laman 'yong ref ko." Aniya kaya hindi na ako nakatanggi.
"Basta sa susunod, bumawi ka, ha?" Aniya at tumago naman ako pabalik sabay sabing "pagdating ng allowance ko, ililibre rin kita."
Hindi na siya tumutol at hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin pero nagpagtianod na lang ako sa nais niyang puntahan at dinala niya ako sa isang topsilugan. Naalala ko na naman bigla si Itay. Favorite no'n ang long-si-log o 'yung kumbinasyon ng longganisa. sinangag at itlog. Nakaka-miss lang bigla.
"Zide, sabi ko anong sa'yo?" Singit bigla ni Sky na kanina pa pala ako tinatanong. Kundangan ba naman kasing maalala ko bigla si Itay. Sana ay kumakain na siya sa mga sandaling 'to.
"Kagaya na lang din noong sa'yo." Sabi ko at naupo kami sa isang sulok. Kapwa kami pawisang dalawa kaya naman inilabas ko ang extra bimpo ko sa bag at iniabot ko iyon sa kanya na ipinagtaka niya.
"Anong gagawin ko rito?" Tanong niya habang hawak ang bimpo na iniabot ko sa kanya.
"Kainin mo. Masarap 'yan!" Sarkastiko kong sagot kaya napailing siya.
"Ano nga?" Balik niya.
"Punasan mo 'yang leeg mo, puro pawis!" Singhal ko pero hindi niya ako sinunod.
"Akin na nga 'yan, Sky." Inagaw ko na sa kanya ng tuluyan 'yong bimpo at sinimulan kong punasan ang kaniyang noo na ikinagulat niya. Sunod kong pinunasan ay ang kaniyang leeg at nang matapos ako ay hindi pa rin niya tinatanggal ang kaniyang pagkakatitig kaya't medyo nailang ako sa kilos niya.
"Ayan, okay na. Slow nito." Sabat ko para mamatay 'yong awkwardness.
"Akala ko kasi kung ano na." Aniya sabay kamot sa ulo.
Ilang minuto kaming naghintay sa aming order at nang makarating na ang order namin ay sarap na sarap kami sa pagkain at sa katunayan ay nakadalawang order ako ng fried rice. Halos mapuno ang tiyan ko sa kabusugan kaya naman nagpahinga kaming dalawa saglit at nagkwenrtuhan ng kung anu-anong bagay.
"Second year ka palang pero muka ka ng graduating." Puna ko sa kanya dahil siguro sa features niya.
"Akala mo lang 'yon. Ikaw nga first year college na pero 'yung height at katawan mo, pang second year high school pa. Pinuna ko ba 'yon?" Asar niya sa akin kaya naman hindi na ako nakabwelta ng pang-asar sa kanya pabalik.
Kung tutuusin ay okay naman ang ugali ni Sky. Siguro ay pangit lang 'yong mga nangyayaring pagtatagpo sa'min lalo na noong una. Muka kasi siyang mangangain ng buhay. Hindi ko in-expect na magiging ka-close ko ang isang 'to dahil talagang mainit ang dugo ko sa kanya. Pero sabi nga nila ay nagbabago ang lahat. Ganoon siguro ang nangyari sa amin ni Sky.
"Wuy, nakatitig ka sa muka ko kanina pa. May dumi ba? O baka naman nagagwapuhan ka na sa'kin ng sobra? Okay lang 'yon. Tanggap kita. Aminin mo na lang na crush mo ako. Hindi ako magagalit." Aniya kaya halos maibuga ko ang tubig na iniinom ko sa kanya dahil sa sobrang hangin niya.
"Okay ka lang?" Chineck ko ang temperatura ng katawan niya. "Okay ka pa naman kanina. Sana okay ka lang, Sky. Sana hindi ka nasobrahan sa kanin kanina at naapektuhan ng sobra ang utak ko. Hangin mo, Boy!" Sabi ko at ipinagpatuloy na namin ang paglalakad.
"Pero crush mo naman talaga ako." Pahabol pa niya.
"Kung saan ka masaya." Sagot ko ar hindi na ako nakipagtalo pa.
"Sigurado ka bang gusto mong mamalengke sa Public Market? Ang init kaya." Sabi ko bigla sa kanya dahil halos alas doso pa lamang ng tanghali.
"Hmm. Mura raw do'n tsaka gusto ko ring ma-experience mamili sa public market." Aniya kaya naman agad kaming pumara ng jeep at para siyang tangang lilinga-linga.
"Safe ba'to? Bakit ang ingay masyado ng makina?" Bulong niya sa'kin kaya siniko ko siya.
"Oo naman." Mahina kong sagot at kinalabit niya ako sa hita at sabay naming tiningnan ang katabi niyang babae na pilit sumasandal sa kanya. Halos makain na rin niya 'yung buhok nito kaya umubo ako ng malakas.
"Ate, okay ka lang?" Nakangiti kong tanong at umayos siya ng upo at pabebeng tumingin sa'min ni Sky.
"Serry. Serry mga keye." Aniya at pilit kong itinatago ang pagkaasiwa ko sa kanya habang si Sky naman ay natatawang bumulong sa'kin.
"Okay lang ba talaga siya?" Iyon ang sinabi niya sa akin at buti na lang talaga at nasa babaan na kami kaya mabilis ko siyang hinila pababa. Iba na kasi ang tingin sa'min ng iba pang mga pasahero. Masyadong malalagkit ang tingin nila sa'min.
Mabilis kaming lumakad ni Sky at ramdam ko ang init na tumatama sa aking balat kaya tumigil kami sa lilom at nagpaalam siya na bibili lang siya ng payong.
"Diyan ka lang. Mabilis lang ako." Aniya at tumango naman ako bago ko kunin ang cellphone ko sa bag ko at tiningnan ko kung may text messages at wala naman kahit isa. Nasa ganoong estado ako ng pagkukutingting ng aking cellphone nang biglang may lumapit sa akin na lalaki at dikit na dikit siya sa akin.
"Akin na cellphone mo!" Aniya at nararadaman ko ang pagtama ng matulis na bagay sa gilid ko. Gusto ko sanang sumigaw pero hindi ko magawa at ang tanging inisip ko lang ay kaligtasan ko. Ibibigay ko na sana ang cellphone ko pero naisip ko 'yung value nito. Ni hindi ko pa nga alam kung sinong nagbigay nito tapos ibibigay ko lang sa kanya.
"Akin na!" Aniya at inilag ko ang kamay ko mula sa pagkuha niya kaya naman napauo ako at nakipag-agawan siya sa akin.
"Kuya, akin na 'yan!" Sabi ko nang maagaw niya ang cellphone ko at nabitawan naman niya ang kutsilyong hawak niya kanina. Mabilis ang naging sunod kong aksyon at nakipagbuno ako sa kanya at nagulat na lang ako nang may humila sa akin patayo habang 'yong lalaking may hawak ng cellphone ko ay nakasalampak sa lupa at nakatuon sa likod niya si Sky. Paano niya nagawa 'yon?
"Nagkamali ka ng kinana." Sabi ni Sky sa lalaki at doon na namin naagaw ang atensyon ng kanina'y mga ignoranteng mga tao. Kung siguro ako ang nasa katayuan nila ay hindi ako mag-aatubiling tumulong. Iba rin talaga ang mga tao. Mas inuuna pa nila ang pagbi-video kasya ang gumawa ng aksyon.
"Okay ka lang?" Tanong sa akin ni Sky at inabot niya sa'kin ang cellphone na inagaw sa'kin kanina noong lalaki.
"O-okay lang." Sagot ko sa kanya at hindi ko alam kung bakit bigla ko na lang siyang niyakap ng mahigpit at napapikit pa ako.
"Salamat!" Bulong ko sa kanya at mabilis kong kinalas ang pagkakayakap ko sa kanya dahil bigla akong tinubuan ako bigla ng hiya pero iba ang ginawa niya. Hinila niya ako pabalik at muli niyang inayos ang mga kamay ko at siya naman ang yumakap sa'kin.
"Ako ang bahala sa'yo." Aniya at nilakihan ko ang ngiti ko.
Itutuloy..
HSH PART 13
HALIK SA HANGIN PART 13: KAIBIGAN
ZIDERICK
"ZIDE, ako na r'yan." Ani Sky.
"Ako na. Magaan lang naman 'to." Sagot ko at pinagpatuloy ko ang pagbubuhat ng kahon na may lamang mga groceries niya. Hindi na kami tumuloy sa pamamalengke sa Wet/ Public Market dahil sa nangyari kaya naman sa isang Super Market na lang kami namili.
"Sigurado ka d'yan, ha?" Aniya at pinasan naman niya ang dalawa pang kahon ng walang kahirap-hirap. Iba talaga ang advantage ng malalaking tao.
"Okay na. Nasa loob na lahat ng pinamili natin." Wika ni Sky kaya naman parehas kaming naupo sa sofa at binuksan ko ang bentilador at itinapat ko iyon sa aming dalawa. Hinubad ko na rin ang damit ko at medyo inaantok ako kaya naman ipinikit ko ang aking mga mata habang nakaupo ako. Mayamaya ay nagulat ako nang tapikin niya ako at pinahiga niya ako sa hita niya at hindi na ako nahiya dahil ganoon din si Jepoy sa akin sa Probinsya kapag tumatambay kami sa kanila.
"Sorry sa abala." Aniya at inayos ko ang sarili ko sa paghiga sa hita niya at naamoy ko ang kaniyang amoy na lalaking-lalaki. Nakakadala iyon kaya naman iminulat ko ang aking mga mata at nakita kong nakapikit siya at maigi kong pinagmasdan ang kaniyang hitsura. Naalala ko tuloy kung paano niya ako kinainisan at binully nitong nakaraang Linggo at heto kami ngayon, para na kaming magkapatid. Posible pala 'yon, 'no? 'Yung maging close kayo ng taong hindi mo pa naman lubusang nakikilala.
"Sky, salamat!" Mahinang bulong ko sa hangin at ipinikit kong muli ang aking mga mata at dala na rin ng antok at mabilis akong nakatulog.
Mainit ang aking pakiramdam nang magising ako at nakita kong tulog pa rin si Sky kaya naman nagtangka akong umupo pero hinawakan niya ako bigla sa muka at nilamutak niya pa ito.
"Sky!" Sigaw ko habang tatawa-tawa lang siya.
"Ang cute mong matulog. Sobrang tahimik." kwento niya at ipinakita pa niya sa akin ang larawan kung saan pisil pisil niya ang aking ilong at mayroon ding naka-peace sign siya sa muka ko at mayroon ding kasama ko siya sa larawan.
"Cute?" Natatawa kong tanong at sinuntok ko siya ng pabiro sa braso at bigla kong naalala na may klase ako ng two-thirty.
"Anong oras na?" Tanong ko sa kanya bigla.
"Three-thirty." Aniya at napakamok na lang ako sa ulo at dahil nakahiga pa ako sa hita niya at bigla ko siyang kinagat doon kaya napasigaw siya sa sakit.
"Arayyyyy!" Aniya at napaupo na ako ng wala sa oras.
"Bakit hindi mo ako ginising?" Tanong ko sa kanya at piningot ko pa siya sa tenga. Buti na lang at hindi siya gumanti.
"Ang sarap sarap ng tulog mo kaya hindi na kita inabalang gisingin." Sabi niya kaya wala na rin akong nagawa kundi ang ipikit ang mata ko at huminga ng malalim. Isang absent lang naman, wala naman sigurong epekto 'yon sa scholarship ko.
"Zide, itlog ka ba?" Tanong bigla ni Sky.
"Bakit mo naman naitanong?" Sagot ko.
"Bugok ka kasi." Aniya at tumaw siya na parang ewan at nakahawak pa siya ng tiyan niya habang ako naman nakasimangot at nag-iisip.
"Eh ikaw, itlog ka ba?" Tanong ko pabalik.
"Sarap mo kasing basagin." Sagot ko at sinamaan ko pa siya ng tingin.
"Gumaganti. Ito last na. Itlog ka ba?" Tanong niya.
"Bakit na naman?" Iritable kong sagot.
"Ang sarap mo kasing kainin." Aniya at naasiwa ako sa sinabi niya habang siya at parang tanga na tatawa-tawa sa sarili niyang joke.
"Happy ka na niyan? Oh ito piso, hanap ka ng kausap mo!" Sagot ko at ipinatse ko sa noo niya ang piso at habang papabalik ako sa upo ko at pinisil niya ang utong ko kaya naman nakiliti ako. Sobrang lakas kasi talaga ng kiliti ko sa dibdib.
"H'wag!" Sigaw ko dahil akmang pipisilin na naman niya ang kaliwa kong utong. Papalapit siya ng papalapit sa akin kaya napaatras ako at dahil sa pag-iwas ko sa kamay niya ay nalaglag ako sa sahig at bakas sa muka niya ang pag-aalala dahil nakahawak ako sa likuran ko. Dahil doon at iniabot niya ang kamay niya sa akin na siya namang hinawakan ko at hinila ko siya pabagsak sa sahig at pumuwesto ako sa likod niya at inipit ko ang leeg niya na parang nagre-restling kami. Tawa ako ng tawa sa ginawa ko pero naawa ako nang magsalita siya.
"Ah! Ang sakit." Aniya kaya niluwagan ko ang pagkakasakal ng binti ko sa leeg niya na siya namang nagbigay ng chance sa kanya para tumihaya at hilahin ako papalapit sa kanya at nabaligtad ang posisyon. Siya na ngayon ang nasa ibaba at hawak niya ang dalawa kong kamay na hindi ko maigalaw at gano'n din ang katawan ko na tinutuunan niya ng siko..
"Laban pa?" Natatawa niyang tanong.
"Suko na." Sagot ko kaya naman agad niyang niluwagan ang hawak sa akin at nang maakatayo ako at hinala ko siya sa paa na naging sanhi ng pagbagsak niya. Tawa ako ng tawa habang siya naman ay nakahawak sa bumagsak niyang puwetan. Akmang hahawakan na niya ako ng bigla akong makatakbo papasok sa kwarto niya at agad ko iyong kinandado.
"Zide! Loko ka!" Sabi niya habang kumakatok. Ilang katok pa ang ginawa niya habang tatawa-tawa akong humiga sa malambot niyang kama. Mas malambot pa 'to sa higaan ko sa dormitory eh. Nasa ganoong momentum ako ng pag-iisip ng biglang pumihit ang doorknob at sunod din no'n ang pagbukas ng pinto at kitang-kita ko ang malaking ngisi ni Sky sa muka kaya isiniksik ko ang sarili ko sa gilid ng kama at dumampot ako ng unan at pinaghahampas ko iyon sa kanya pero dahil mas malaki siya at sinalag niya lang iyon at malakas ang tawanan namin ng dumampot din siya ng unan at nakipaghampasan siya sa akin. Hampas sa ulo, sa muka at sa ibang parte ng katawan ang aming ginawa laban sa isa't-isa hanggang sa mabitawan ko ang hawak kong unan na siya namang nagbigay ng oportunidad sa kanya para hampasin ako ng walang awa. Hindi pa siya nakuntento at tinulak pa niya ako sa kama at pumatong siya sa akin na parang wrestler at bumibilang pa siya ng 1-2-3 pero hindi ako nag-gi-give-in. Pero dahil mas matangkad siya sa akin at mas malakas ay para akong batang dinag-anan ng sumo wrestler.
Tawa ako ng tawa hanggang sa bigla niya akong iharap sa kanya. Maigi niya akong tiningnan na parang tanga at sabay kaming humagalpak ng tawa lalo na nang malaglag siya sa kama nang wala sa oras.
"Talo ka. Nalaglag ka sa ring!" Singhal ko at lalong lumakas ang tawanan naming dalawa.
"Dahil diyan, ipagluluto kita ng meryenda!" Aniya at iika-ika pa siyang maglakad.
"Lapit sa dito." Utos ko sa kanya.
"Para saan?" Tanong niya pero lumapit naman siya sa akin at pinaupo ko siya nang patalikod sa akin.
"Anong gagawin mo?" Nag-aalangan niyang tanong.
"Kalma mo 'yang itlog mo r'yan, Sky!" Suway ko sa kanya at sinumulan ko ng ilapat ang kamay ko sa likod niya at minasahe ko iyon ng bahagya at napatahimik siya ng wala sa oras.
Ilang malalalim na hagod ang ginawa ko sa likod niya at kinarate ko rin siya ng mahina sa likod at pinatayo ko na siya.
"May taong ako sa'yo, Sky." Tanong ko at tumaas naman ang kilay niya.
"Ano 'yon?" Aniya.
"Ilang taon ka na?" Tanong ko sa kanya.
"Nineteen." Sagot niya.
"May kapatid ka ba?" Tanong ko sa kanya.
"Wala. Solo lang ako. Eh ikaw?" Tanong niya pabalik.
"Solo lang din ako." Sagot ko.
"Parehas pala tayo. Kaya siguro biglang gumaan ang pakiramdam ko sa'yo." Aniya na masarap sa pandinig dahil ganoon din naman ako sa kanya.
"Nga pala, sorry no'ng gabing nasipa kita sa itlog, ha? Ikaw kasi, pinagkamalan mo akong adik." Sagot ko.
"Ako rin. Mas malala ang ginawa ko sa'yo. Pasensya na rin. Bored lang ako no'n." Sagot niya at nag-apir kaming dalawa.
"Basta okay na tayo, ha?" Patanong kong sagot.
"Oo naman, loko. Diyan ka na nga at magluluto na ako ng meryenda. Daming drama nito!" Aniya kaya binato ko siya ng unang habang naglalakad siya. Hindi ko siya tinamaan at bilang ganti at dinampot niya ang unang iyon at dumila pa siya sa akin na parang bata at tinamaan niya ako sa muka nang ibato niya sa akin ang unan na 'yon.
"Bwiset!" Singhal ko at tatawa-tawa siyang umalis sa harapan ko.
"Sino nga ba namang mag-aakalang magiging kaibigan ko si Sky? Iyong isip bata, mainitin ang ulo at may saltik sa ulong tao na'yon?" Bulong ko sa hangin.
"May sinasabi ka?" Sigaw niya mula sa labas ng kwarto.
"Sabi ko ang baho mo!" Sigaw ko at bigla na naman siyang pumasok sa kwarto at nagpatuloy ang kulitan namin hanggang sa may mag-amoy sunog na niluluto.
"Patay!" Aniya at sabay kaming tumawang dalawa na para bang ang tagal tagal na naming magkaibigan.
Itutuloy..
HSH PART 14
HALIK SA HANGIN PART 14: PLANO
SKY
“ANO ng gagawin mo ngayon?” Tanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa salamin. Hawak ko ang larawan ng isang lalaking nagngangalang Ziderick tayo na hindi ko akalaing anak ng Lindang ’yon. Aware kaya siya na kilala ko na ang anak niya? Ang daming bagay ang tumatakbo sa aking isipan at isa na ro’n ay kung paano ko ilalayo ang sarili ko kay Ziderick gayong halos isang buwan na rin kaming magkaibigan na dalawa.
Mapaglaro nga talaga ang tadhana. Siguro ay hindi kami pwedeng maging magkaibigan ni Ziderick kaya buo na ang loob kong gumawa ng hakbang para pahirapan siya. Nasa ganoong pag-iisip ako nang biglang tumunog ang cellphone ko at nakarehistro ro’n ang pangalan ni Ziderick. Ilang ring ang narinig ko pero wala talaga akong planong sagutin iyon dahil masyado ng masikip ang mundo para sa’ming dalawa. Hindi ko siya gustong maging step brother dahil solong anak lang ako!
“Putang ina!” Sigaw ko at bigla kong narinig na may tumatawag sa akin mula sa labas ng bahay. Bakit ba kasi sira ang doorbell ng letseng bahay na’to?
Paglabas na paglabas ko ng bahay ay nakita ko si Ziderick na may hawal na plastik na may lamang kung ano at ang laki pa ng ngiti na ikinainit ng ulo ko pero itinago ko iyon at ngumiti ako ng pilit at lumapit ako sa kinaroroonan niya.
“Hindi mo ba ako papapasukin?” Tanong niya.
“Para saan? May lakad ako.” Singhal ko at gumuhit ang disappointment sa muka niya. Ano ba kasing ginagawa niya rito eh wala naman kaming usapan ngayon lalo na at Linggo.
“Ganoon ba? Sige, una na’ko.” Aniya at medyo nakonsensya ako sa naging reaksyon niya pero sa kabilang banda ay dapat na rin akong masanay.
ZIDERICK
“Guys, kain tayo!” Nakangiti kong paanyaya kay na Arkin, Danny at Roniel. Hawak ko ang dalawang plastic bag na may lamang lumpia at kwekwek na sakto para sa aming apat. Kami sana ang kakain ni Sky nito pero mukang may lakad ang mokong. Sayang, nag-withdraw pa naman ako ng pera para bilin ’yong mga pagkain pero okay na rin dahil nandito naman sina Danny.
“Uy, favorite ko ’to!” Bulalas ni Roniel at kumuha siya ng dalawang sulyaw at inilagay niya ang suka at sauce.
“Anong mayroon?” Tanong naman ni Danny.
“Oo nga. Anong mayro’n?” Sapaw naman ni Arkin.
“Wala. Gusto ko lang. Next week na kaya ang prelim kaya dapat galingan nating apat.” Sagot ko at sinimulan naming kumain.
“Sabagay. Salamat dito, ha?” Sagot ni Arkin.
“Pero kinakabahan na’ko, guys. Baka bumagsak ako. Ang taas ng maintaining grades sa Major namin.” Entrada naman ni Roniel na lagi na lang kabado sa mga exams niya pero pagdating ng mga papel niya ay halos iilan lang ang mali.
“Nako, ikalma mo ’yang bayag mo Roniel. Kulang lang ’yan sa salsal. Magsalsal ka lang bago ka matulog para maraming pumasok sa isip mo kapah nagre-review ka sa umaga.” Bastos na sabat ni Arkin.
“Huwag mo’kong igaya sa’yo, loko! Amoy tamod na’tong kwarto natin dahil sa kakasalsal mo!” Sagot naman ni Roniel kaya’t puro kami tawanan.
“Sa damit ko naman ipinuputok, Boy! Pero pwede ring sa’yo. Gusto mo ba?” Mapang-asar na sagot ni Arkin kaya naman mahinang sapok ang nakuha niya mula kay Roniel at sa’kin.
“Future educator ka kaya pakinggan mo ’yang mga sinasabi mo. Lokong ’to!” Singit ni Danny at halos balutin kami ng tawanan hanggang apat dahil sa mga kalokohan naming pinagkwentuhan.
KINABUKASAN. Unang araw ng aming preliminary exam at masasabi ko namang papasa ako dahil nag-review naman ako magdamag at ganoon din si Danny na halos nauna pa sa’kin matapos magsagot at magpasa ng papel sa unahan.
“Ang laki ng ngiti natin ngayon, ah!” Puna ko kay Danny na nakaupo sa tabi ko habang umiinom ng milk tea na nagpaalala sa’kin ng kaibigan kong si Jepoy.
“Feeling ko kasi papasa ako.” Aniya at ininom ko naman ang baon kong tubig. Nasa rooftop kasi kami ngayon ng Architecture building at dito namin naisip tumambay dalawa. Gusto rin kasing iguhit ni Danny ang gymasium na kitang-kita mula rito sa itaas.
“Papasa tayo. Tiwala lang!” Sabi ko sabay ngiti. Ilabas ko rin ang dala kong tinapay at nilantakan ko iyon agad dahil hindi ako nakapag-lunch kanina dahil next week pa ang dating ng allowance namin.
“Gusto mo?” Alok ko kay Danny na parang ewan na pinapanood akong kumain ng dalawang pirasong tinapay na may asukal sa ibabaw. Binili ko pa’to kanina sa labas ng school dahil mukang masarap.
“Ubusin mo na ’yan. Hindi ka kumain kanina.” Aniya na siya namang ginawa ko.
“Nagtataka ako sa’yo, Zide. Wala bang nagpapadala sa’yo man lang at sobrang tipid mo? Balita ko rin natanggap ka ng paper works kapalit ng maliit na halaga mula sa mga tamad nating mga kaklase. Totoo ba ’yon?” Bigla niyang naisingit kaya kailangan kong sumagot ng ayos dahil wala naman talaga akong ibang pagkukunan ng pera.
“Sa unang tanong mo, walang nagpapadala sa’kin kaya kailangan kong magtipid. Sunod naman ay tungkol sa pagtanggap ko ng paper works, totoo rin ’yon. Wala eh, mahirap lang talaga ako, Dan kaya kailangan kong dumiskarte. Magkano lang ba ’yong allowance natin monthly? Limang libo? Hindi ’yon kasya lalo na’t magastos ang engineering. Iyong ilang pangsukat, sketchpad at mga gamit pa nating iba, sobrang mamahal pa. Pero huwag mo’kong isipin, Dan, nag-apply na rin ako noong nakaraan sa isang fast food chain. Medyo maluwag pa naman ang schedule nating ngayong sem kaya laban lang.” Tuluy-tuloy kong sagot kaya tinapik niya ang likod ko.
“Proud ako sa’yo, Zide. Sana kapag nakatapos na tayo ay gumanda na ang buhay mo.” Aniya pa.
“Ikaw din, loko. Lahat tayo nina Roniel at Arkin. Magpapayaman tayo!” Nakangiti kong sagot bago ko kagatin ang huling pirasa ng tinapay na hawak ko.
SKY
“Baby, ano na namang iniisip mo? Last week ka pang ganyan. Ang tamlay-tamlay mo na sa’kin. Hindi mo na ba ako mahal?” Sunud-sunod na tanong ni Anne sa aking habang nakahiga siya tiyan ko. Ito ang ayaw ko rito kay Anne eh, hindi masakyan ang mood ko.
“Hindi naman. May iniisip lang ako.” Sagot ko kaya naman kumunot ang noo niya.
“Eh ano bang iniisip mo?” Tanong niya sa’kin pabalik.
“Required bang sabihin ko pati ’yong iniisip ko?” Anas ko na ikinainis niya kaya naman ibinato niya ang hawak niyang remote na nabasag dahil sa lakas ng pagbato niya.
“Natural, girlfriend mo ako!” Aniya sabay kuha sa kaniyang gamit at wala akong planong pigilan siya pero nadadala ako ng kunsensya ko kaya agad ko siyang pinigilang umalis sa pamamagitan ng isang yakap.
“Sabi ko na nga ba at hindi mo’ko matitiis eh.” Aniya sabay halik sa labi ko na ginantihan ko rin ng isang mabilis na halik.
“Huwag ka na uli magwo-walkout, ha?” Sabi ko.
“Sorry na. Worried lang ako. Ano ba kasing iniisp mo?” Aniya.
“School lang, baby. Kakatapos lang ng exam namin kanina. Na-stress lang siguro ako kakaaral.” Palusot ko na ikinabakas ng pag-aalala sa muka niya. “Kawawa naman pala ang baby ko. Sorry sa kakulitan ko. Nakadagdag pa tuloy ako sa stress mo.” Aniya at niyakap niya ako ng mahigpit.
“SKY?” Iyon ang tawag na gumising sa akin mula sa labas ng aking bahay. Si Ziderick iyon at ang laki ng ngiti niya sa muka lalo na nang pagbuksan ko siya ng pinto.
“Kakagising mo lang?” Tanong niya.
“Siguro.” Sagot ko.
“Nga pala, anong balaka mo bukas ng gabi?” Tanong niya kaya napasip ako kung anong gagawin ko bukas ng Gabi. Friday night.
“Wala. Kakain at tutulog.” Sagot ko.
“Inom tayo?” Pag-aaya niya.
“Eh ’di ba Freshmen night bukas ng gabi? Huwag mong sabihing hindi ka pupunta?” Sagot ko at ngumisi siya na nangangahulagang tama ang sinabi ko.
“Gago, pumunta ka. Minsan lang ’yong sa college life mo.” Mungkahi ko.
“Taon taon namang may gano’n. Pwede pa’kong um-attend sa mga susunod na taon.” Palusot niya.
“Pero hindi ka na freshman no’n. Walang sense.” Sagot ko.
“Hindi kasi ako mahilig sa mga gano’n eh. Tsaka wala akong ka-partner.” Aniya habang kumakamot sa kilay. Ugali na niya ’yon kapag may sasabihing hindi sigurado.
“Um-attend ka na. Hindi naman kailangang may ka-partner do’n eh.” Pangungulit ko.
“Eh kasi..” Hindi ko na siya pinatapos sa kaniyang sasabihin dahil nagsalita na ako agad.
“Pupunta tayo.”
“Tayo?” Masaya niyang tanong at tumango ako bilang pagsang-ayon. “Naks!” Aniya sabay siko sa’king gilid. “Love na love mo talaga ’ko, ’no?” Aniya kaya naasiwa ako at natawa.
“Love mo muka mo! Pangit pangit mo!” Pang-aasar ko.
“Parang hindi ako kumbinsidong pangit ako.” Aniya kaya piningot ko siya ng isa.
“Para saan ’yon? Ang sakit no’n!” Bulalas niya at hinawakan ko siya sa noo para hindi niya maabot ang tenga ko na gusto niyang bawian. Para tuloy siyang batang nagkukumawag.
“Pandak!” Pang-aasar ko sa kanya.
“5’8 ako, hindi na ’yon pandak!” Sigaw niya.
“6’3 ako. Pandak!” Pang-aasar ko pa kaya namula ang muka ng loko. Ayaw na ayaw kasi niyang inaasar siyang pandak.
“Paki ko sa height mo? Pangit mo!” Sagot niya na nangangahulugan na pikon na siya.
“Pikon.” Sagot ko.
“Parang hindi naman.” Aniya sabay upo sa sofa na paborito niyang spot dito sa bahay.
“Okay.” Sagot ko at dumiretso ako sa banyo at naghilamos at mouthwash. Matapos kong gawin iyon ay napatingin ako sa salamin at napangiti dahil nabuo ko na ’yong plano ko sa isip ko. Kukunin ko ’yong tiwala ni Ziderick tapos kapag nagawa ko na ’yon ay palihim ko siyang sisirain. Iyon ang plano ko at hindi ko alam kung saan ako dadalin nito. Ihahalik ko na lang sa hangin lahat ng gusto kong mangyari.
“Sorry, Zide.” Bulong ko hangin.
Itutuloy…
HSH PART 15
Enjoy reading!
HALIK SA HANGIN PART 15: FRESHMEN NIGHT
ZIDERICK
ARAW ng Biyernes at tapos na ang lahat ng aming exams kaya naman maigi kong tiningnan ang aking sarili sa harap ng salamin. Long sleeve na pakat na pakat sa aking katawan ang aking suot at nilagyan ko rin ng pomada ang aking buhok na bahagya kong ginulo para magmukang sabay sa uso. Ilang tingin sa salamin pa ang aking ginawa at nang ma-satisfy na ako sa hitsura ko ay naupo ako sa aking kama na siya namang hudyat para i-text ko si Sky pero hindi ko iyon ginawa dahil maigi kong tiningnan si Danny na nagsusuot ng contact lense sa harap ng salamin habang si Arkin at Roniel naman ay busy sa pagsusuot ng kanikanilang mga damit.
“Ano sa tingin mo, Zide. Itong puti o itong itong itim?” Tanong ni Arkin sa akin.
“Kahit alin naman d’yan ay bagay sa’yo pero mas bagay sa’yo ’yung puti.” Sagot ko na siya namang ginawa.
“Thanks, Zide!” Aniya sabay spray ng body spray sa kaniyang katawan.
“No problem!” Sagot ko.
Ilang minuto pa silang tatlong nag-ayos bago kami lumabas apat sa aming kwarto. Lahat kami ay nakangiti ng malaki at masasabi kong ready na kami para sa party.
“Guys, baka humiwalay ako sa inyo mamaya. May plano kasi kami ng mga ka-blockmates ko.” Pagpapauna ni Roniel na naunawaan naman naming tatlo dahil napag-usapan na rin naman namin iyon kagabi pa.
“Ako rin, guys.” Singit ni Arkin na sing-ayunan naman namin. Mukang si Danny ang kasama ko mamaya pero mali pala ako.
“Zide, ako rin.” Bulong ni Danny.
“Lakad na tayo, guys! Sana ay mag-enjoy tayong lahat. Gabi natin ’to!” Singhal ko at sabay-sabay kaming sumigaw.
“Tara!” Iyon ang aming mga sigaw at nang marating namin ang main gym ay isa-isa na kaming naghiwalay. Si Arkin ay kasama ng mga education major, si Roniel naman ay sa mga ka-block niya at si Danny ay may kaut-utang dila na babae mula sa ibang department kaya naupo na lang ako sa isang gilid at tinatanaw ko ang mga nagsisidatingang tao. Mag-aalas siyete pa lang kasi kaya naman pumunta ako sa gilid kung saan may mga pagkain at tumikim ako ng ilan dahil libre naman iyon ng iba’t-ibang organization.
“Kuya, saang college ka? Bakit ang cute niyo po?” Sabi ng isang babaeng nakakulay itim na dress at itim na lipstick. Cool niyang tingnan pero nahiya ako sa huli niyang sinabi. Ako raw cute? Parang hindi naman.
“Engineering. Cute ka rin naman.” Sabi ko at kita ko ang pagngiti niya na napaka-genuine para sa isang babae.
“Thank you!” Aniya at tumango lang ako bilang sagot.
“Nga pala, Aera!” Aniya sabay abot ng kamay niya sa akin at akmang iaabot ko na ang kamay ko nang bigla akong hilahin ni Sky palayo kay Aera. Hindi ko tuloy naipakilala ng ayos ang sarili ko.
“Teka nga, boy!” Singhal ko kay Sky na noo’y nakakunot ang noo kahit siya itong epal sa pakikipagkilala ko.
“Ako ka-date mo ngayong gabi kaya bawal kang lumandi sa iba. Okay ba ’yon?” Aniya at napakamot ako sa kilay dahil sa sinabi niya.
“Ka-date mo muka mo! Tsaka huwag mo nga akong gawing babae. Lokong ’to!” Bulalas ko at muli na naman niya akong hinila kaya’t nagpatianod na lang ako sa kung saan niya ako gustong dalin.
“Brix, picture-an mo kami ng kasama ko.” Aniya sa isang lalaking nakaupo. Nakausot ito ng green na polo-shirt at bahagya itong tumingin sa akin bago niya kinuha kay Sky ang instax camera na binili niya kaninang tanghali sa SM.
“1-2-3!” Pagbibilang ni Brix kaya naman ginandahan ko ang aking pagngiti lalo na nang nag-flash ang camerang hawak niya.
“Patingin!” Sabi ni Sky na hindi man lang nagpasalamat kay Brix kaya ako na lang ang gumawa no’n.
“Brix, salamat!” Nakangiti kong tugon at nginitian niya ako ng tipid.
“Wala ’yon!” Aniya at lumapit na ako kay Sky na hawak ang picture naming dalawa.
“Gwapo ko, ’no?” Pagyayabang niya. Totoo naman iyon pero kailangan ba niya talagang sabihin iyon?
“Parang hindi naman.” Sagot ko.
“Basag trip ka rin eh! Sa’yo na nga ’yan para may remembrance ka naman nitong pogi kong muka.” Aniya kaya kinaltukan ko siya ng isa.
“Pogi eh mukang aso!” Sabi ko kaya natawa rin si Brix na nakaupo na.
“Tawa kayo d’yan eh pogi naman talaga ako.” Pagpupumilit niya.
“Sana pati ugali.” Bulong ko sabay agaw ng camera sa kanya.
“May sinasabi ka ba?” Tanong niya.
“Ayusin mo ang pose. Dami mong sinasabi!” Asik ko na siya naman niyang sinunod. Nag-pose siya ng seryoso kaya naman agad ko siyang kinunan at agad kong ipinagpag iyong printed na picture at nakita ko kung gaano siya kagwapo.
“Pogi ko, ’no?” Aniya at tumango naman ako.
“Pogi ka naman talaga.” Sagot ko at inakbayan niya ako ng isa bago inabot sa akin ang picture na kuha ko sa kanya.
“Sa’yo na ’yan. Lagay mo sa wallet mo.” Aniya.
“Pero wala akong wallet na dala.” Sagot ko.
“Damang excuse! Basta sa’yo na ’yan at pumose ka na at ikaw naman ang kukunan ko.” Aniya at inagaw niya sa akin ang camera at ngumiti ako ng ayos na siya naman niyang sinamantala para kunan ako ng larawan.
“Akin na’to.” Aniya matapos kong tingnan ang sarili ko sa larawan. Okay naman iyon at naku-cute-an ako sa sarili ko.
“Oh, ’wag assuming, ha? Akin na’to kasi para may remembrance ako ng pangit mong muka.” Pagpapaliwanag niya.
“Wala naman akong sinasabi ah?” Nakangiti kong sagot kaya hinila niya ako papalapit sa kanya at may katangahan siyang ibinulong sa akin.
“Ang pangit ni Brix, ’no?” Aniya at sabay kaming tumingin kay Brix na may kausap na babae.
“Parang ikaw ’yong pangit,” tumatawa kong sagot na ikinainis niya.
“Gusto mo bang isayaw ka ni Brix?” Tanong niya.
“Hindi ako babae, loko!” Asik ko.
“Pero gwapong-gwapo ka?” Sabi niya.
“Gwapo naman talaga si Brix ah?” Sagot ko at nilaksan ko pa iyon para marinig ako ni Brix na napatingin sa amin ni Sky.
“Hindi ka gwapo. Tantanan mo ’yang ngiti mo, Brix!” Naasar niyang bulyaw kay Brix kaya siniko ko siya sa tiyan.
“Bakit ang ingay mo?” Tanong ko at nasa ganoong estado kami ng pag-uusap noong biglang sumigaw ang mc sa unahan.
“What’s up, freshies!!!!” Iyon ang sigaw niya na hudyat para magsipuntahan lahat sa gitna at tumutog din ng nakakaindak. Sinabayan pa iyon ng makukulay na ilaw na kumukutikutitap sa aming mga mata.
“Party people!” Sigaw ng marami at tumugtog ng sobrang nakakadalang tugtog kaya’t nagkaroon ng talunan, bungguan at slum-an ng katawan. Ganito pala ang party sa college kaya’t hindi ako nagsisisi na pumunta ako rito. Talon din ako ng talon at mayroong mga nagso-showdown sa gitna na pinapalibutan ng tao at nakita ko ro’n si Aera kaya’t natawa ako. Hindi ako makasingit at nawala rin sa paningin ko si Sky dahil sa gitgitan ng tao. Buti talaga at nailagay ko sa bag ni Sky ang gamit ko.
“Brix.” Singhal ni Brix na nakikipagtalunan sa akin kaya sabay kaming natawa nang magpalit ang tugtog.
“Ziderick!” Sabi ko at nakipagkamay siya sa akin pero hindi niya iyon agad binitawan at wala lang iyon sa akin.
“Anong mayroon sa inyo ni Sky?” Tanong niya habang naglalakad kami papunta isang sulok.
“Kaibigan ko si Sky. Bakit mo pala naitanong?” Sagot ko na ikinalaki ng ngiti niya.
“Ah, wala naman. Mabuti kung gano’n. Pwede kitang isayaw mamaya. Kaso hindi rito. Nakakhiya eh.” Aniya at natawa ako sa sinabi niya.
“Bakit mo naman ako isasayaw?” Natatawa kong tanong.
“Ang cute mo kasi.” Aniya sabay pisil sa pisngi ko na dahilan para mapalunok ako mapahawak sa kilay ko.
“Salamat, Brix!” Iyon lang ang nasabi ko at akmang babalik na ako sa mga nagsasayawaw nang pigilan niya ako.
“Pwede ko bang kunin ang cellphone number mo para mamaya ay matawagan kita kapag gusto na kitang isayaw.” Aniya kaya medyo nailang at nahiya ako ng konti dahil gwapo si Brix at hindi ko inaasahan na gusto niya akong isayaw kahit parehas kaming lalaki. Weird.
“Naka’y Sky ang cellphone ko pero ito ang number ko.” Tinipa ko sa cellphone niya ang number ko. “Pwede mo naman akong isayaw na ngayon.” Suhestiyon ko pero umiling siya.
“Mamaya na para mas feel natin ’yong music.” Aniya at bigla niya akong hinalikan sa pisngi ng sobrang bilis. Hindi na ako naka-react agad kaya naman mabilis ko siyang tiningnan at lumakad siya palayo sa akin.
“Umihi lang ako saglit nagpahalik ka na agad, Zide? Landi natin ah? Dapat ako lang ang crush mo!” Reklamo niya sabay pingot sa tenga ko.
“Hindi ko naman alam na hahalikan niya ako eh.” Reklamo ko habang nakahawak sa tenga kong nasaktan.
“Layuan mo ’yon si Brix, ha? Huwag kang ignorante d’yan at sasapakin kita ng isa!” Banta niya kaya’t natawa ako. Ignorante ko nga masyado.
“Sorry na. Tao lang.” Sagot ko.
“Malandi ka kamo. Nagpahalik ka kay Brix!” Naiinis niyang sagot kaya tinawanan ko siya at pinayuko ko rin siya at mabilis ko siyang dinilaan mo sa pisngi sabay takbo.
“Zide! Yari ka sa’kin!” Sigaw niya habang ako naman ay natatawang nakipagsiksikan sa mga taong nagsasayawan.
“Bahala kang maghabol d’yan, Sky!” Natatawa kong sabi habang nakawak sa tiyan ko. Tawa ako ng tawa dahil sa reaksyon ni Sky kanina. Nanlaki kasi ang mata niya at natuliro na parang bata.
“Huli ka!” Singhal niya nang makita niya akong nagmamasid mula sa likod ng mga upuan. Bwiset!
“Ah, eh… Sky?” Tanong ko at napatayo ako habang unti-unti kong iginigiya ang aking sarili paharap sa kanya at nang magawa ko iyon ay hinawakan niya ako sa dalawang kamay ko at mas nagulat ako sa sunod niya ginawa. Dinilaan niya ako sa pisngi na ikinatawa ng mga naroroon sa malapit sa aming dalawa.
“Bwiset ka, Sky. Nakakahiya!” Bulong ko sa kanya habang hinihila ko siya.
“Mahihiya ka pa, eh gwapo naman ako. Mas gwapo sa Brix na’yon!” Aniya at hindi ko narinig ang huli niyang sinabi basta ang alam ko ay puro kayabangan iyon. Ang dami ko pa sanang gustong sabihin sa kaniya dahil sa ginawa niya pero idinaan ko na lang sa tawa dahil ako naman ang nauna.
“Zide, enjoy lang ngayong gabi!” Bulong na halik ko sa hangin.
Itutuloy…
HSH PART 16
HALIK SA HANGIN PART 16: SAYAW
ZIDERICK
NAGPATULOY ang pagsasaya ng bawat mga estudyante. May mga higher year na nambabasa at mayroon ding mga lower year na nakikisali sa kanila. Sobrang saya ng unang event na'to na nadaluhan ko bilang isang first year college student kaya't mawiwili na siguro akong sumama sa mga susunod pang event dito sa campus.
"Zide, okay ka lang?" Tanong ni Sky sa akin na may hawak na cupcake.
"Penge ako niyan!" Hindi ko sinagot ang kaniyang katanungan dahil inagaw ko na ang cupcake na hawak niya at isinubo ko iyon ang kalahati. Buti na lang talaga at hindi siya umangal.
"Easy lang." Natatawa niyang puna pero hindi ko ako nagpaawat dahil gutom na ako kakatakbo at kakasayaw.
Alas onse na ng gabi nang makaramdam ako ng pagod kaya naman nagpahinga ako sa isang gilid kung saan nandoon si Sky na halatang pagod na rin. Sabay naming tiningnan ang mga estudyanteng gaya namin na sumasabay sa indayog ng upbeat music na pinapatugtog ng DJ.
"Gusto mo na bang umalis?" Tanong ni Sky sa akin.
"Hindi pa naman. Baka kasi magtampo sa akin si Brix. Naka-oo na kasi ako sa kanya kanina na pwede niya akong isayaw." Paliwanag ko pero ngumisi lang siya at tumayo.
"Huwag kang lalapit uli sa Brix na'yon, ha? Ni hindi mo nga 'yon kilala tapos pumayag ka agad na isayaw niya? Napaka-easy mo rin naman talaga, Zide." May halong inis sa boses niya habang sinasabi niya iyon kaya't napasapo na lang ako sa noo bago magsalita.
"Um-oo ako kasi gusto kong maranasang maisayaw kahit na ng kapwa ko lalaki. Hindi ko pa kasi nararanasang maisayaw ng kahit na sino. Hindi rin kasi ako naka-attend ng JS Prom namin noong high school ako dahil sayang ang pera." Sabi ko at naalala ko kung bakit hindi ako naka-attend noon. Lumuwas kasi si Nanay noon sa kung saan at hindi na siya bumalik pa.
"Sumama ka sa'kin." Utos niya sabay hawak sa aking kanang braso kaya't nagpatianod na lang ako at sumunod sa kanya. Malayo ang aming nilakad at namalayan ko na lang na nasa oval na kami.
"Bakit tayo nandito? Magsa-soccer ba tayo?" Habol-hingang sabi ko.
"Hindi. Sasayaw tayo." Aniya sabay hila sa akin at inilapag niya sa lupa ang kaniyang cellphone at hindi ako agad naka-react.
"Bakit naman dito pa? Pwede naman doon na lang sa gymnasium." Sabi ko pero hindi niya iyon inintindi dahil hinila niya ako papalapit sa kanya at mabilis niyang pinatugtog ang kanta sa kanyang cellphone.
"Sundan mo lang ang gagawin ko." Aniya at tumango ako.
Agad niyang hinawakan ang aking bewan at tumingala ako sa kanya ng bahagya.
When you try your best but you don’t succeed
Unang linya pa lamang iyon ng kanta ay tila ba nadadala na ako ng totoo lalo na nang i-guide ako ni Sky sa tamang pag-indak ng paa.
When you get what you want but not what you need
When you feel so tired but you can’t sleep
Stuck in reverse
"Huwag kang pasaway, pandak." Aniya dahil muntikan na akong matalapid dahil nilakihan ko ang aking hakbang. Hindi na lang ako umimik at sinunod ko ang ritmong nais niya.
When the tears come streaming down your face
’Cause you lose something you can’t replace
When you love someone but it goes to waste
What could it be worse?
Dahil sa mga linyang iyon ay tila ba lahat ng pangarap ko ay nagkakaroon ng kulay at masasabi kong bigla kong na-miss si Tatay, Jepoy at ang aming probinsya. Nasa ganoong estado ako ng pag-iisip nang biglang punasan ni Sky ang mga luhang pumapatak sa aking mga mata. Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak pero ang sarap lang sa pakiramdam na nandito ako sa Manila para pangarap kong makapagtapos at maging okay kami uli ni Tatay kahit nalaman kong kasal na si Nanay sa bago niyang asawa.
Ang hirap pa lang maging anak ng dalawang hiwalay na tao. Parang ikaw 'yong mas durog kaysa sa kanila. Bakit ang dali sa taong mang-iwan? Bakit ang daling sabihin na okay ka lang kahit ang totoo niyan ay durog na durog ka na sa loob loob mo?
"Sshhh. Tahan na." Aniya sabay yakap sa akin kaya pakiramdam ko ay safe na safe ko. Pumapatak pa rin ang luha sa aking mga mata at unti-unti kong naaalala lahat ng hirap ko sa probinsya lalo na noong umalis si Nanay.
"Nay, saan po kayo pupunta?" Tanong ko kay Nanay habang nakaupo sa duyan.
"Dadalawin ko lang ang Lola mo sa Maynila." Aniya.
"Ingat ho kayo, Nay." Iyon ang sabi ko bago ko kay Nanay at niyakap ko pa siya.
Tinanaw ko siya sa kaniyang paglakad at iyon na pala ang huling beses na mayayakap ko si Nanay. Sana ay hinigpitan ko pa at mas pinaramdam ko sa kaniyang kailangan ko siya para hindi na siya umalis.
"Tay, mano po." Iyon ang sabi ko kay Itay nang umuwi siya galing trabaho. Pugto ang kaniyang mata at hindi ko alam kung bakit. Basta ang alam ko lang ay iyak siya ng iyak.
"Tay, okay lang po ba kayo?" Tanong ko sa kanya at niyakap niya lang ako at iyon na yata ang huling yakap niya sa akin na may pagmamahal dahil matapos ang tagpong iyon ay naging mainitin na nag ulo ni Tatay at hindi na rin niya ako hinayaang makapagkolehiyo dahil natanggal siya sa trabaho. Alila ang naging ending ng karera ko at iyon na yata ang pinakamasakit na katotohanan ng buhay ko bilang isang probinsyano.
"Tahan na, Zide." Pag-aalo ni Sky sa akin kaya mas hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya. Natapos na lang ang pinapatugtog niyang kanta ay umiiyak pa rin ako kaya naman napaupo na lang ako habang nakahayakap sa aking dalawang tuhod.
"Zide, makikinig ako." Sabi ni Sky na noo'y umupo sa aking tabi at tinatapik niya ang aking likod.
"Namiss ko lang bigla si Nanay at Tatay." Sabi ko at hindi na siya nagtanong pa.
Hinayaan niya lang akong tumahan sa pag-iyak at nang matapos akong umiyak ay pinunasan niya ang aking muka at ngumiti siya ng malaki.
"Huwag ka na uling iiyak, ha? Isinayaw kita para maging masaya at hindi para maging malungkot." Aniya.
"Masaya naman ako, Sky." Sagot ko.
"May masaya bang umiiyak?" Tanong niya.
"Mayroon. Ako! Masaya ako kasi kahit na hindi ako mayaman at kahit puro hirap ang naranasan ko ro'n sa probinsya lalo na noong umalis si Nanay ay nandito pa rin ako at patuloy na lumalaban. Huwag mo sanang isipin na umiiyak ako dahil malungkot ako. Umiiyak ako dahil masaya ako." Sabi ko at bigla niya akong iniharap sa kanya at halos dapuan ako ng kung anong bago sa aking sistema nang biglang lumapat ang kaniyang labi sa aking labi. Hindi ako agad nakagalaw ng ilang segundo at halos manlaki ang mata kong nakatingin sa kanya pero dahil mas malakas siya sa akin ay kinabig niya ang aking batok at mas idiniin niya ang kaniyang labi sa aking labi at ang isinara niya pa ang mata kong nakamulat.
Ramdam na ramdam ko ang labi niya sa aking labi at lasang-lasa ko kung gaano katamis ang kaniyang laway na hindi ko alam kung saan papunta. Basta ang alam ko lang ay nanlalambot ako at hindi ko alam kung bakit hindi ako makagalaw. Ito na yata 'yung halik na hindi ko na kailangang ipagpasahangin dahil nararamdaman ko na ito ngayon. Totoong-totoo.
"Iyan ang parusa mo dahil pinag-alala mo ako." Aniya sabay tayo kaya't natulala ako saglit sa kanya. Normal ba itong maramdaman ng isang lalaki? Bakit parang gusto ko ang ginawa niyang paghalik?
"Letse ka, Sky! Sabi mo sayaw lang pero hinalikan mo ako!" Singhal ko at naghabulan kami sa Oval na parang mga bata.
Itutuloy…
Song used: Fix You by Coldplay
HSH PART 17
Note: Sana may mag-comment para sipagin akong mag-update.
Enjoy reading!
HALIK SA HANGIN PART 17: LARO
ZIDERICK
ISANG Linggo na ang nakakaraan matapos ang aming Freshmen night at talaga namang topic namin iyon sa dormitory at lingid sa kaalaman nila na isa ako sa pinakamasayang tao noong gabing ’yon dahil kay Sky. Isinayaw niya ako at iba pala sa pakiramdam iyon.
“Zide, may allowance na tayo. Withdraw muna ako.” Paalam sa akin ni Danny na noo’y may tinatanaw na babae sa ibaba ng aming dormitory. Gusto ko sanang sumabay sa kanya pero ayoko namang maging epal sa kanila noong babaeng tinatanaw niya.
“Sige, ingat kayo ng girlfriend mo!” Pang-aasar ko na ikinapula ng muka niya.
“Kaibigan ko lang ’yon, loko!” Aniya pero hindi ako kumbinsido.
“Sa’kin ka pa talaga naglihim eh halos gabi-gabi kayong magkausap sa cellphone tapos wallpaper mo pa.” Nakangiti ako habang sinasabi ko iyon na naging dahilan para mapakamot siya sa kaniyang ulo.
“Hmm. Sige na nga. Mauna na kami.” Aniya at hindi nga ako nagkamali sa hinala ko.
“Ingat!” Sabi ko at nakita ko kung gaano siya kabilis tumakbo papunta sa nobya niya na nakangiti habang nakatingin sa cellphone niya.
Masyadong mahaba ang araw kaya naman naisipan kong lumabas ng dorm at agad kong tinawagan si Sky pero hindi niya iyon sinasagot. Siguro ay mahimbing na naman ang tulog ng lokong ’yon. Sabagay, Sabado naman ngayon kaya wala rin siyang gagawin. Dahil alam kong tulog si Sky ay minabuti kong puntahan siya at bubuksan ko palang ang gate ng bahay niya ay may napansin akonh nakaparadang kotse sa labas kaya naman naintriga ako lihim akong dumungaw sa bintana pagpasok ko at nakita ko si Nanay kaya’t halos mapalunok ako ng laway habang pinapakinggan ang kanilang usapan.
“Pasensya ka na, Sky. Sa’yo ko na ibibilin ang anak ko. Hindi ba’t kaibigan mo siya?” Ani Nanay na nangangahulugang alam niya kung nasaan ako pero hindi man lang niya ako nagawang kumustahin ng personal.
“Hindi ko kaibigan ang anak mo at wala akong balak makipagkaibigan sa kanya.” Diretsahang sagot ni Sky kaya’t nanghina ang aking tuhod dahil sa aking narinig. Akala ko kaibigan ang turing niya sa akin pero hindi pala.
“Pero ang sabi ni Mister Nelson ay close raw kayo ng anak ko?” Pagkukumpirma ni Nanay.
“Ganoon ho ba? Trip ko lang ’yon. Hindi ako nakikipagkaibigan sa anak ng mang-aagaw na tulad niyo. Tsaka huwag niyo na huli akong kakausapin at pupuntahan dito dahil na nanahimik ako rito. Gusto niyo, isama niyo na rin ’yong anak niyong talunan.” Halos madurog ang puso ko dahil sa narinig kong iyon kaya naman hindi na ako nagtagal pa ro’n at pumunta ako sa pinakamalapit na tindahan at bumili ako ng maiinom at dirediretso ko iyong nilaklak at nagulat ako nang may tumabi sa akin.
“Brix?” Gulat kong sabi.
“Ako nga. Bakit nag-iisa ka rito?” Sagot niya.
“Nandito ka na. Hindi na ako nag-iisa.” Sabi ko at sabay kaming natawa dahil sa banat ko.
“Huwag kang ganyan, Ziderick.” Aniya at naupo siya sa tabi ko.
“Totoo naman.” Pang-aasar ko sa kanya.
“Nga pala, may kasalanan ka pa sa’kin.” Entrada niya bigla para maiba ang topic namin.
“Ano namang kasalanan ko sa’yo?” Kunut-noo kong tanong sa kanya.
“Kasi bigla ka na lang nawala no’ng party. Hindi na kita naisayaw.” Aniya at lumabi siya na parang bata kaya napangiti ako sa hitsura niya. Hindi iyon nakakainis dahil nagmuka siyang cute na batang hindi napagbigyan ng nanay niya sa kaniyang gusto.
“Sorry na.” Pagsusumamo ko at lumabas ang pantay at maputi niyang ngipin bago siya magsalita.
“Apology accepted! Nga pala, pwede mo ba’kong samahang magsimba bukas?” Masigla niyang sagot at inisip ko kung may lakad ba ako bukas. Linggo. Wala naman.
“Sige ba!” Sabi ko at iyan na naman siya sa ngiti niya.
“Talaga?” Masayang-masaya niyang pagkukumpirma na tinanguan ko bilang pagsang-ayon.
“Zide, I need to go. May practice pa kasi kami ng mga teammates ko para sa laro namin mamayang gabi. Pwede kang manood.” Aniya at halos mamula siya nang um-oo ako.
“Sunduin kita mamaya, Zide. Text rin kita.” Aniya.
“Sige na at may practice pa kayo.” Sabi ko sa kanya at natawa na lang ako pagkatapos ko siyang paluin sa kaniyang pwetan habang naglalakad siya papunta sa kaniyang bisikleta.
Nag-flying kiss pa siya na parang bata at nginitian ko siya pabalik.
Bakit ba ang dali kong magtiwala? Siguro ay masyado lang akong baguhan sa mundong ito kaya hindi ko pa alam kung ano ang tamang galawan ng taong nag-iisip. Nag-iisip naman ako pero pakiramdam ko ay hindi pa rin ’yon sapat kaya’t hindi ko nakita ang intensyon sa akin ni Sky na hindi ko pa rin alam kung bakit siya ang kinakausap ni Nanay imbes na ako.
“Zide, kaya mo ’yan. Piliin mo pa ring maging mabuti kahit inaargabyado ka na ng mundo.” Sabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa langit.
Nasa ganoong estado ako ng pakikipag-usap sa aking sarili nang biglang tumunog ang aking cellphone at agad kong nakita ang pangalan do’n ni Sky. Ang taong dahilan kung bakit ako nababalisa. Iniisip ko kasi kung gaano kabigat ang bageha niya para gawin niya akong katuwaan.
Ilang ulit nag-ring ang aking cellphone at matapos ang dalawang missed calls ay sinagot ko na iyon sa wakas.
“Zide, nagluto ako ng meryenda kaya punta ka agad dito.” Aniya kaya agad akong nag-isip ng isasagot. Ayoko rin kasi siya munang makausap.
“Busog pa ako, Sky.” Sagot ko.
“Hindi ko naman tinatanong kung busog ka o hindi. Basta nagluto ako pumunta ka na rito.” Aniya at hindi niya inintindi ang mga sinabi ko sa kanya lalo pa’t agad niyang ibinaba ang tawag kaya’t napakamot ako sa ulo at pumikit ako saglit.
MABILIS ang aking ginawang paglakad-takbo kaya naman narating ko agad ang labas ng bahay ni Sky. Hindi rin kasi kalayuan dito ang tindahang tinambayan ko kanina.
“Hinahapo ka ata? Tsaka bakit ang bilis mo yata? Tumakbo ka ba?” Sunus-sunod niyang tanong sabay abot sa akin ng isang baso ng tubig at kinuha ko iyon kaagad at ininom.
“May kaklase kasi akong dinaanan kanina sa kabilang kanto kaya tinakbo ko na ’yong daan papunta rito. Tsaka sabi mo nagluto ka, ’di ba? Ayoko namang lumamig ’yon dahil sa akin. Teka nga, ano bang niluto mo?” Sagot ko at hindi ko pinahatalang may alam ako ukol sa paglalaro niya sa akin at sa tiwala ko.
“Canton.” Aniya at mabilis niyang kinuha ang dalawang bowl na may lamang pancit canton at tig isang itlog. Akala ko naman kung ano kaya naman natawa ako sa lokong ito. Effort din naman siya eh. Sana hindi siya ganito kabait para madali ko siyang kainisan pero hindi eh.
“Mukang masarap!” Sabi ko nang ilapag niya sa maliit na center table ang hawak niya.
“Masarap talaga ’to! Ako ang nagluto eh!” Pagyayabang niya at nagsimula siyang kumain sa tabi ko.
“Sky, wala ka bang gustong sabihin sa’kin?” Tanong ko sa kanya na ikinakunot niya ng noo.
“Wala naman. Bakit mo naitanong?” Sabi niya at hindi mo kababakasan ang kaniyang muka ng kahit konting pagsisisi at pagkakonsensya. Bakit pa nga ba ako umaasa.
“Kala ko kasi sasabihin mo sa’kin na ang galing mong magluto.” Nakangiti kong sagot sabay kagat sa itlog na nilabon.
“Given na ’yon. Masarap ako tapos masarap din siyempre akong magluto. Basic!” Aniya at sinakayan ko na lang siya sa mga kwento niya sa buhay. Para kasing totoo. Hindi ko lang mapatunayan pa sa ngayon. Napaisip din tuloy ako lalo kung bakit ganito si Sky ngayon. Ganoon ba kabigat ang bagaheng dinadala niya at pati ang paglalaro sa tao ay ginawa na niya?
“Zide, natulala ka d’yan? Siguro poging pogi ka na naman sa’kin.” Pagyayabang niya.
“Hindi ah. Iniisip ko lang ’yong assignment namin.” Pagsisinungaling ko.
“Bakit, mahirap ba? Tulungan na kita.” Aniya.
“Hindi na siguro. Kaya ko na ’yon. Nga pala, Sky, pwede bang huwag mo na muna akong lalapitan simula bukas?” Sabi ko at napaharap siya sa akin at natigilan.
“Anong ibig mong sabihin? May nagawa ba akong mali?” Aniya at natigilan kami parehas sa pagkain.
“Wala naman. Gusto ko lang munang mapag-isa. Okay lang ba ’yon sa’yo?” Kalmado kong sagot. Gusto ko kasing marinig mismo sa kanya ’yong mga ginawa niya sa’kin.
“Zide naman. Sabi ko naman sa’yo, ’di ba na ako ang bahala sa’yo dahil magkaibigan tayo? Tiwala lang.” Aniya at napakakalma kong tumawa at humarap sa kaniya.
“Sky, pasensya ka na pero wala akong tiwala sa’yo. Hindi rin kaibigan ang turing ko sa’yo. Hmm, kinilala lang talaga kita.” Pagsisinungaling ko na halos ikalaki ng kaniyang mga mata.
“Joke lang ’yon, ’di ba? Zide, sabihin mo.” Natatawa niyang sagot at tinapik niya ang balikat ko.
“Hindi, Sky. Totoo ang sinasabi ko. Ayaw kitang maging kaibigan. Mapanakit ka. Palikod ka kung sumaksak. Sinira mo ang tiwala ko. Masarap bang paglaruan ang tiwala ko? Sana kung may galit ka sa Nanay ko ay hindi mo na lang ako idinamay. Nananahimik ako sa buhay ko tapos darating ka para paglaruan ako. Joke lang ba ako sa’yo? Kinuwento ko naman lahat sa’yo, ’di ba? Sinabi ko rin sa’yo kung gaano kahirap ang naging buhay ko sa probinsya noong umalis ang Nanay ko. Sana bago mo inisip na sirain ang tiwala ko, inisip mo rin sana kung gaano akp naging totoo sa’yo, Sky.” Naluluha ngunit kalmado kong pagsasalaysay sa kaniya dahil iyon naman talaga ang totoo.
“Zide, magpapaliwanag ako.” Aniya sabay hawak sa braso ko pero tinabig ko iyon.
“No need na, Sky. Narinig ko naman na lahat kaya huwag ka ng umastang akala mo may pakialam ka sa’kin. Napaka-plastik mong tao, Sky. Sobrang plastik mo. Akala ko nakatagpo na ako ng kapatid sa katauhan mo pero hindi pala. Ang sakit kaya rito sa dibdib na mapaglaruan.” Sabi ko na ikinatameme niya. Akala siguro niya ay wala akong alam. Ignoranteng probinsyano lang ako pero hindi naman siguro ako bawal magalit, ’no?
“Salamat sa pagkain, Sky. Masarap. Kasing sarap ng feeling ng paglalaro mo sa nararamdaman ko. At wait, huwag ka ng lalapit sa talunang tulad ko. Okay ba ’yon?” Singhal ko bago ko nilisan ang kaniyang bahay.
“Zide, hindi kita pinaglaruan. Maniwala ka.” Aniya na biro ang dating sa akin kaya’t natawa na lang ako at hindi ko na siya tiningnan pa pabalik. Baka kasi maging okay kami kapag nag-sorry na naman siya.
Tama. Laro lang ang pagkatao ko kay Sky at ayokong makipaglaro.
Itutuloy
HSH PART 18
T his part is dedicated to Alkie02.
Enjoy reading!
HALIK SA HANGIN PART 18: GANTI
ZIDERICK
KANINA pa ako nakayakap sa aking unan at wala akong ganang magsalita. Hindi ko alam kung bakit ko nararanasan ang mga bagay na'to gayong hindi naman ako masamang tao. Totoo naman ako sa sarili ko at wala akong inaargabyadong iba. Kaya ang laki ng pagtataka ko kung bakit ako pa.
"Zide, okay ka lang?" Tanong ni Arkin sa akin at pinilit kong bigyan siya ng isang malaking ngiti bago ako sumagot.
"Napagod lang sa paglilinis kanina." Pagsisinungaling ko na kinagat naman niya.
"Nako! Nakaka-stress talaga ang NSTP. Parang gusto ko tuloy i-drop pero maiiwan naman ako kapag ginawa ko 'yon." Pagsasalaysay niya.
"Literacy Training Service naman ang NSTP mo ah? Bakit ka naman mai-stress? Related din 'yon sa degree mo na education kaya dapat ay maging masaya ka." Wika ko.
"Ayon na nga eh. Medyo nakaka-stress magturo sa mga bata kada Sabado. Ang daming makukulit at pasaway. Minsan nga ay napapaisip ako kung bagay ba sa akin ang kursong education eh." Aniya.
"Ang dami mong alam, Arkin. Inggit ka lang talaga kay Danny na may jowa na." Singit ni Roniel kaya napapikit si Arkin bago magsalita.
"Dedma muna ako sa jowa jowa na 'yan. Basta ibinahagi ko lang 'yung experience ko." Sagot niya at nakuha ko naman ang punto niya.
"Sumabay ka lang, Arkin. Trial na rin 'yan para sa'yo. Sana lagi mong isipin na masaya magturo at isipin mo rin na kayo ang future educator ng bansa kaya galingan mo pa." Sabi ko para ganahan pa rin siya sa buhay.
"Noted, Zide! Mas gagalingan ko pa. Bata lang 'yon, future teacher ako!" Masigla niyang bulalas.
"Ganyan nga, Arkin. Hindi iyong puro ka pagsasalsal sa madaling araw. Uga ng uga 'tong kama dahil sa pagsasalsal mo. Lokong 'to! Doon ka sa banyo magpalabas sa susunod, ha? Puputulin ko 'yang alaga mong bulate sa susunod." Pang-aalaska ni Roniel at halos lamunin na kami ng lupa ni Danny dahil sa kakatawa. Ganoon na rin ang ginawa ni Roniel at nakitawa pa siya sa kalokohan niya. Nauunawaan naman namin siya dahil parte iyon ng buhay.
"Yes, Mister Accountant! Hindi na ho mauulit!" Masiglang sagot ni Arkin kay Roniel ikinatuwa namin pareho ni Roniel.
"Ganyan dapat, Future Educator! 'Di ba nga future Engineer?" Nakakabuhay-dugong sagot naman ni Roniel na tila ba tiwalang lahat kami ay magiging matagumpay pagdating ng araw.
MAHABANG kwentuhan pa ang aming ginawa bago tumunog ang aking cellphone. Si Brix ang tumatawag kaya naman agad ko itong sinagot.
"Nasa labas lang ako ng gate. Hintayin kita rito." Aniya kaya't mabilis akong naghilamos, nagpalit ng damit at nag-spray ng konting pabango. Nakakahiya kasi kay Brix kung amoy pawis ako.
Mabilis ang aking naging kilos at wala pang limang minuto ay narating ko na ang gate ng campus kung saan nakita ko si Brix na nakapanlaro ng basketball at malaki ang kaniyang ngiti nang makita niya akong naglalakad.
"Tara na?" Aniya at in-start na niya ang kaniyang dalang motor at isinuot pa niya sa akin ang dala niyang extra helmet.
"Salamat, Brix! Arat na!" Masigla kong tugon sa kaniya na siya naman niyang ikinatuwa.
"Kumapit ka ng ayos sa akin, ha?" Aniya habang nakatingin sa akin at sumang-ayon naman ako at agad kong ginawa ang nais niya.Humawak ako sa bewang niya gamit ang dalawa kong kamay at nang maramdaman niyang medyo maluwag ang pagkakakapit ko sa kanya at siya na mismo ang nag-ayos ng pagkakahawak ko sa kanya kung kaya naman ramdam na ramdam ko ang tiyan niya at naamoy ko rin ang bango niyang akma sa personalidad niya.
"Zide, kapit lang." Paalala pa niya at nagsimula na siyang magmaneho. Maingat magmaneho si Brix at minsan ay inaasar niya ako sa pamamagitan ng biglang pagpreno na nagiging dahilan para mas kumapit pa ako ng mas malalim sa kanya. Sa totoo lang ay wala naman sa aking epekto ang ginagawa niya. Natutuwa lang ako dahil may pakialam siya sa akin.
"Zide, nandito na tayo." Aniya at tumigil kami sa tapat ng isang basketball court na walang cover. Kakaunti lang ang tao na nakikita ko at sinabayan ko lang siya sa paglalakad.
"Zide, panoorin mo ako mamaya kung gaano ako kagaling magpa-shoot!" Aniya sa akin sabay kindat.
"Sure! Galingan mo, Brix." Sabi ko kaya naman mas nabuhay siya lalo na nang mapalapit kami sa team niya.
Hindi na niya ako nagawang ipakilala sa mga ka-team niya dahil agad silang nag-usap-usap kaya naman naupo na lang ako isang gilid at maigi ko silang pinanood na magplano. Nasa ganoong paglinga-linga ako sa paligid nang biglang dumating si Sky at nagtama agad ang aming mga mata at tila ba nais niya akong lapitan pero hindi ko hinayaang gawin iyon dahil mabilis kong iniwas ang aking tingin sa mga mata niya.
"Sky, nand'yan ka na pala! Tara rito!" Tawag ng ka-team niya na bahagyang tumingin sa akin na tila ba may mga alam. O baka naman paranoid lang ako. Siguro nga dahil mabilis nilang iniwas ang tingin sa akin.
Ilang minutong paghihintay ang aming ginawa bago makumpleto ang line-up ng kalaban. Tingin ko pa lamang sa kalaban ay tila magkakaroon ng magandang laban sa pagitan nila kaya't kahit malayo ang aking iniisip ay iwinaksi ko pa rin sa aking isipan na nandito ako para kay Brix at hindi paran kay Sky na malamlam ang mga matang numanakaw-nakaw ng tingin sa akin.
"Zide!" Tawag sa akin ni Brix at bigla siyang lumapit sa akin at niyakap niya ako ng mabilis kaya halos mag-init ang aking pisngi dahil sa ginawa niya.
"Para saan naman 'yon?" Tanong ko sa kanya at nakita ko kung gaano kasama ang tingin ni Sky sa'min kaya't pinunasan ko ang butil-butil na pawis sa kaniyang muka gamit ang dala kong panyo.
"Gagalingan ko lalo para sa'yo!" Aniya sabay kindat sa akin. Natawa na lang ako sa reaskyon ni Sky na tila ba asar na asar sa ginawa ko. Anong karapatan niyang tingnan kami ng masama lalo't wala naman kaming ginagawang masama?
Nagsimula na ang laban at simula pa lamang ay tila mainit na ang laban dahil kapwa mahuhusay ang nasa loob ng court.
Kada puntos ni Brix ay napapapalakpak ako at talaga namang naghihiyawan ang mga nanonod lalo na kapag kumikindat siya akin. Na tila ba sinasabing mahusay siya.
Ilang shoot at rebound ang naganap at pati ako ay pawisan na rin dahil sa panonood. Humantong pa sa all twenty-eight ang score ng bawat-isa at nakita kong nai-rebound ni Sky ang bola at tila ba kinalabaw niya ang mga kalaban na hindi nangabot sa kaniya dahil na rin sa bilis at tangkad niya. Hindi ko alam kung bakit ako namamangha sa kaniya pero mahusay talaga ang ginawa niyang pagdakdak sa ring ng bola. Pasahan, rebound at kalabawan ang naging laban pero talagang iba si Sky gumalaw. Kapag nakuha na niya ang bola ay hindi na niya hinahayaang maagaw pa iyon ng iba at tila ba ayaw niyang paglaruan pa iyon ng iba kaibahan sa ginawa niya sa akin. Pinamuka niya sa aking hindi lahat ng mabuti sa'yo ay maganda ang instensyon sa'yo.
Natapos ang laban na sa score na 56-40 at agad lumapit sa akin si Brix at pinunasan ko agad ang pawis niya at pinainom ko rin siya ng binili kong energy drink at tuwang-tuwa siya sa ginawa ko.
"Galing ko, 'no?" Pagyayabang niya na sinag-ayunan ko naman.
"Ikaw nag the best para sa'kin. Dami mong three-points na ipinasok kanina." Pagpuri ko sa kanya pero may umubo bigla. Si Sky.
"Okay ka lang, Sky?" Tanong ni Brix at imbes na sagutin ay tumingin lang ito sa amin ng masama at tila ba walang narinig at nagdire-diretso siya palayo sa amin.
"Problema no'n?" Tanong ng kasamahan niya at napabagsak na lang ng balikat si Brix.
"Brix, anong mayroon sa'kin? Bakit mo'ko kinakaibigan?" Tanong ko bigla sa kanya dahil baka mamaya ay gaya rin siya ni Sky na masama ang intensyon sa akin.
"Hindi kita kinakaibigan.. gusto kitang gawing kasintahan." Bulong niya sa akin at parang ang dali lang sa kanyang sabihin iyon ng walang pag-aalinlangan.
"Pero lalaki tayo parehas at hindi mo pa ako kilala. Hindi pa rin kita kilala." Sagot ko at lumabi na naman siya na parang bata.
"Eh 'di kilalanin natin ang isa't-isa. Mahirap ba 'yon? Tsaka hindi na bago ang same-sex relationship sa panahon ngayon. Basta gusto kita. Iyon na 'yon." Diretsahan niyang sagot kaya napakibit-balikat na lang ako at ipinagpatuloy ko ang pagpupunas ng pawis niya.
"Brix, seryoso ka?" Tanong ko sa kanya nang makarating kami sa pinagparadahan niya ng kaniyang motorsiklo.
"Oo naman. Nagsabi na ako kay Sky noong una palang." Aniya at medyo naasiwa ako sa sinabi niya pero hindi ko iyon pinahatala.
"Sige, Brix, kilalalinin natin ang isa't-isa. Basta ayokong masira ako sa pagtitiwala sa'yo dahil may nakapagsabi sa akin minsan na ingatan ko raw ang sarili ko mula sa pagkawala dahil mahirap hanapin ang sarili lalo na kung ikaw mismo ang dahilan ng iyong pagkawala." Makahulugan kong pahabol at itinaas niya ang aking kamay na para bang nanunumpa.
"I will. Iingatan kita. Kikilalanin at aalagaan pa." Aniya kaya naman ngumiti ako at siniko ko siya sa tiyan niya habang nagpapalit siya ng kaniyang damit.
Matapos ang ilang kwentuhan ay napagpasyahan na akong ihatid ni Brix sa campus dahil gumagabi na rin. Mabilis lang ang aming byahe kaya't nang makababa ako mula sa kaniyang motorsiklo at hinawakan ko ang muka niya at nagulat ako noong halikan niya ako sa noo.
"Salamat sa panonood. Ang lakas ng sigaw mo sa'kin kanina. Ramdan ko 'yung support mo." Aniya kaya naman hinayaan ko lang siyang yakapin ako. Reward niya iyon dahil nanalo sila kahit si Sky talaga ang malaking puntos na nagawa kanina.
"Wala 'yon. Paano, Brix, see you tomorrow?
"I'll text you again or maybe...call. Oo, tatawagan kita. Bye, Zide!" Aniya at bumitaw siya mula pagkakayakap sa'kin at muli na naman akong binalot ng lungkot lalo na nang makalayo siya at mawala sa aking paningin.
"Anong mayroon sa inyo ni Brix? Kayo na ba? Please tell me, Zide. Anong score sa inyo ni Brix?" Sunud-sunod na tanong ni Sky na totoo namang ikinagulat ko dahil hindi ko napansin na nasa paligid lang pala siya.
Hindi ako nakasagot agad sa mga tanong niya lalo na't nakayakap siya sa akin ngayon ng mahigpit at hinayaan ko lang siyang gawin iyon.
"Zide, I am sorry. I am going to be real this time. Hindi kita pinaglaruan dahil totoo lahat ng pinakita ko sa'yo. Alam mo 'yan, Zide." Aniya habang nakahawak sa aking kamay.
"Hindi ko alam kung maniniwala ako sa'yo, Sky. Basta ang alam ko galit ako sa'yo. Galit ako hindi dahil pinaglaruan mo ako, kundi nagagalit ako dahil sobrang sinira mo ang tiwala ko. Matanong nga kita, anong kasalanan ko sa'yo para ganituhin mo ako? Naging masama ba akong taong sa'yo? Lagi akong sumasakay sa trip mo, lagi kitang pinapatawa kapag hindi ka hindi ka masaya, hinahayaan kitang basagin ang trip ko higit sa lahat, hinayaan kitang makilala ako bilang ako. Naging masama ba ako, Sky!? Deserve ko ba'to? Part pa rin ba ng plano 'yang lungkot sa mga mata mo? Sky, 'wag mo ng bilugin ang ulo ko!" Mahaba ang sinabi kong 'yon kaya wala akong nagawa kundi ang mapayuko at hinintay ko siyang magsalita.
"Zide, maniwala ka, I was real. Totoo ako sa'yo." Aniya na ikinainis ko.
"Sky, alam kong kilala mo ang Nanay ko at aware ako ro'n pero hindi ako nagtanong dahil nirerespeto kita at nirerespeto ko rin ang sarili ko. Ngayon, Sky, sabihin mo sa'kin kung bakit galit na galit ka sa Nanay ko at pati ako ay dinadamay mo pa? Naging masama ba ako sa'yo?" Sagot ko at iniharap niya ako sa kanya at bigla siyang nagsalita.
"Kapag hinayaan mo'kong halikan ka, hahayaan kong gawin mo sa'kin lahat ng gusto mo. Sasabihin ko rin kung anong gusto mong marinig, pero kung hindi, hindi na ako lalapit sa'yo kahit kailan." Aniya na hindi ko alam kung saan niya iyon nahugot dahil masyado siyang mababaw mag-isip.
"Sky, alam mo? Ang gago mo! Sobrang gago mo!" Umiiyak kong singhal at sinuntok ko siya sa balikat. Kung pwede ko lang basagin ang muka niya ay nagawa ko na.
"Gago naman talaga ako, pero mainwala ka, Zide, I never want to hurt you. Mabilis lang ang lahat." Sabi niya at hindi pa rin ako kumbinsido lalo na nang hilahin niya ako para mahalikan. Hindi ko na alam ang gagawin ko pero kailangan kong tatagan ang loob ko at hinayaan kaya naman hinayaan ko lang siyang halikan ako at nagulat siya sa reaksyon ko. Nakatingin lang ako sa kaniya.
"Okay ka na? Pwede ka ng umalis." Asik ko pero matigas talaga siya.
"Dahil ba'to kay Brix? Baka naman hinintay mo lang akong lumayo sa'yo para masolo ka ni Brix at hindi ko iyon gagawin. Hindi ako lalayo sa'yo. Kukunin ko uli ang loob mo. Okay lang sa'kin na gumanti ka pero huwag sa paraang masasaktan ako." Makasarili niyang tugon.
"Hindi ko ugaling gumanti, Sky lalo na't mababang uri lang naman ako ng tao na isang kahig-isang tukha. Kaya kung iniisip mo na may panahon ako para gumanti ay mali ka dahil wala iyon sa bokabularyo ko.
"Zide naman.." pagmamakaawa niya at hindi ko alam kung bakit ako natigilan. Basta ang alam ko lang ay hindi ako okay ngayon.
“Tigil na, Sky.” Bulong ko sa hangin.
“Paano ko ’yon gagawin gayong kapatid kita at alam kong aware ka ro’n.” Aniya at halos manlumo ako sa narinig ko. Ang galing naman ng tadhana, ito ang pahabol sa akin na ganti.
Itutuloy..
HSH PART 19
Enjoy reading!
HALIK SA HANGIN PART 19: PUSTAHAN
SKY
MAHIRAP sa akin na sabihing magkapatid kami lalo na't nagsisimula ng maging ayos lahat sa akin. Totoong nais ko siyang pahirapan at paglaruan noong nalaman kong kapatid ko siya pero hindi ko iyon nagawa dahil mabuting tao si Ziderick. Marami siyang bagang na ipina-realize sa akin at isa na ro'n ang kahalagahan ng pagiging masaya.
Noong una ay ilag ako sa katotohanan pero hindi ko ito matakasan. Masaya akong laging nand'yan si Zide at gusto ko siyang laging nakakasama at nakikita. Sa totoo lang ay ayaw ko siyang maging kapatid dahil hindi ko matanggap na 'yong taong nakakaadikan ko ng kasama at makita ay kapamilya ko.
Gusto ko si Ziderick at sa hindi ko malamang dahilan ay may kakayahan siyang pasayahin ko kahit presensya lang niya. Alam kong mali ito pero wala akong magawa. Akala ko noong una ay dahil gusto ko lang na lagi siyang makakulitan at makaasaran pero hindi eh.
Kada ngingiti siya ay parang may kung ano sa puso ko ang nagagalak at kada malulungkot siya ay nais ng parte ng katauhan ko na hatian siya sa lungkot niya.
Hindi maganda ang buhay ni Ziderick sa Probinsya. Kumpara kasi sa akin ay halos siya ang nagbabanat ng buto para may makain siya sa araw-araw na kaibahan sa akin ni kakainin at isusubo ko na lang ay nag-iinarte pa ako.
"Zide, I like you!" Sabi ko sa kanya habang nakayakap.
"Gusto mo ako? Huwag kang magbiro ng ganyan. Masyado ng mahaba ang gabing 'to. Masyado mo ng sinira ang tiwala ko kaya paano ko paniniwalaang kapatid kita at gusto mo ako? Sky, joke ba ako sa'yo?" Aniya kaya napalunok ako. Gustung-gusto ko siyang pakalmahin pero deserve niya naman sigurong malaman ang totoo.
"I really like you kaya sinasabi ko ang lahat ng 'to. Noong una ay hindi ko matanggap kaya galit na galit ako sa'yo pero maniwala ka, gusto kita. Kung ayaw mong maniwala ay pwede ka namang pumasok sa puso at isip ko para malaman mo na gusto kita." Sabi ko at bahagya niya akong itinulak.
"Sinasabi mong gusto mo ako kahit na alam mong kapatid kita? Anong gusto mong patunayan?" Naiiyak niyang sagot. Kung pwede ko lang basahin ang nasa isip niya ay ginawa ko na para mapakalma ko siya.
"Masama bang magustuhan ka?" Tanong ko sa kanya.
"Oo! Masama dahil magkapatid tayo! Hindi natin pwedeng magustuhan ang isa't-isa. Hinding-hindi!" Aniya sabay talikod sa akin kaya wala akong nagawa para pigilan siya kundi ang mga salitang "Zide, gusto kita. Hindi ba pwedeng sagutin mo na lang na gusto mo rin ako? Ramdam ko na gusto mo rin ako, Zide. Please, sabihin mo sa akin na gusto mo rin ako."
"Oo, gusto rin kita, Sky pero wala rin namang patutunguhan lahat ng nararamdaman ko sa'yo dahil magkapatid tayo." Sagot niya na ikinagulat ko.
"Talaga, gusto mo rin ako?" Pagkukumpirma ko sabay hila sa kanya palapit sa akin at buong puso ko siyang niyakap.
"Hindi naman kita totoong kapatid, Zide. Magkaiba pa rin tayo ng magulang." Sabi ko kaya naman muli niya akong itinulak.
"Tanga ka ba, Sky? Magkapatid pa rin tayo at bitawan mo ang braso ko." Aniya na ikinalumo ko.
"Pero hinayaan mong halikan kita kanina. Ano 'yon?" Tanong ko.
"Wala. At umalis ka na, Sky. Pagod na ako!" Bulalas niya.
"Pagod din naman ako, Zide. Akala mo ba ay madali lang din sa'kin lahat? Zide naman.." May halos frustration na sa boses ko dahil hindi niya makuha ang punto ko.
"Bakit parang kasalanan ko pa ngayon, Sky? Hindi ba ikaw itong naglaro sa nararamdaman ko? Bakit parang ipinamumuka mo pa sa akin na kasalanan ko?" Aniya.
"Hindi naman sa gano'n. Ang gusto ko lang naman ay bigyan mo ng chance ang nararamdaman natin sa isa't-isa. Mahirap ba 'yon?" Sagot ko.
"Hindi ako sang-ayon d'yan. Hindi pa ako nahihibang para pakinggan 'tong nasa dibdib ko." Sagot niya at mukang hindi nga kami posible.
"Zide.." mahinang tawag ko sa kanya habang ang kaniya pero hindi niya na ako nilingon at unti-unti siyang nawala sa paningin ko.
ZIDERICK
LINGGO na pala at halos hindi pa rin pumapasok sa isip ko lahat ng mga nangyari kahapon at lalo na sa komprotasyon namin kagabi ni Sky. May kung ano sa aking dibdib at alam kong pagsisisi iyon pero alam kong tama lang ang ginawa ko.
Hindi kami pwede. Hinding-hindi kaya dapat simulan ko na siyang alisin sa sistema ko. Masyado na kaming nasasaktan sa mga nangyayari. Bakit kasi sa dinami-rami ng magiging biktima ng tadhana ay kami pa. “Zide, ganyan nga. Tapangan mo pa. Nandito ka para mag-aral at hindi para magpatalo sa pagsubok ng buhay.” Sabi ko sa sarili ko habang nakapat ang aking ulo sa shower. Tumawag na kasi si Brix na susunduin niya ako ng alas nuebe ng umaga.
“Zide, sinong kausap mo d’yan sa loob? Bilisan mo na. Mag-iisang oras ka na d’yan sa loob. Taeng-tae na ako!” Ani Arkin kaya’t mabilis akong nagsuot ng brief at binalot ko ang sarili ko ng tuwalya bago ako lumabas ng banyo.
Tawang-tawa ako sa hitsura ni Arkin at sana pala ay mas tinagalan ko pa ang paliligo para mas mabaliw siya sa kakahawak ng tiyan niya dulot ng pagpipigil.
Hawak ang aking cellphone ay nakita kong alas otso pa lang naman ng umaga kaya naman naisipan kong umidilip muna.
“So, manliligaw ka pala ni Zide? Hindi ka sa’min nakukwento niyang lokong iyan.” Iyon ang narinig ko bago ko imulat ang aking mga mata. Si Roniel ang nagsabi no’n at nakita kong nakahiga sa tabi ko si Brix at nakadantay pa pala ako sa kanya.
“Brix, bakit nandito ka?” Tanong ko at ipinakita niya sa akin ang oras sa cellphone niy. Ala una na pala ng hapon. Shit!
“Sorry, Brix. Hindi ko namalayan ang oras.” Sabi ko.
“Okay lang ’yon. Sarap nga ng tulog mo eh. Nakita ko rin tuloy ’yong kulay ng brief mo na puti.” Natatawa niyang tugon at nagtawanan ang mga loko sa paligid.
“Zide, wala ka bang sasabihin sa amin?” Ani Danny na nakaupo sa mesa na kainan namin. Umiinom siya ng softdrinks at tila naghihintay ng sagot.
“Hindi mo ba narinig ang sabi nitong si Brix? Manliligaw daw, ’di ba?” Pang-aasar ni Roniel sabay tingin sa amin.
“Loko ka, Brix! Bakit sinabi mong manliligaw kita? Ang usapan kagabi ay kikilalalin natin ang isa’t-isa, ’di ba?” Bulong ko sa kanya kaya’t natawa lang siya bago magsalita.
“Ganoon na rin ’yon, Zide. Ikinahihiya mo ba ako? Pogi naman ako, ah?” Malakas niyang sagot at nagulat kami nang hagisan kami ni Arkin ng unan. Tawanan tuloy.
“Hindi naman sa gano’n, Brix. Hinay-hinay lang sana.” Sagot ko.
“Hmm. Sige. Pero alam kong gutom ka na kaya kumain ka muna. Bumili ako ng pagkain. Medyo malamig na nga lang kasi ang sarap ng tulog mo.” Aniya at umupo ako para maayos ko ang sarili ko. Nagsuot muna ako ng shorts at sando at humarap akong muli kay Brix na busy sa pagkukutingting ng kaniyang cellphone.
“Zide, labas lang muna ako saglit, ha? May tumatawag kasi.” Aniya kaya naman hinayaan ko lang siyang lumabas.
“Zide, wala akong tiwala riyan kay Brix.” Sabi ni Arkin na tumabi sa akin.
“Ako rin, Zide.” Sabi ni Roniel na noo’y nakahawak ang cellphone niya.
“Bakit naman?” Tanong ko at pati si Danny ay lumapit na rin sa amin.
“Kasi narinig ko noong nasa Freshmen night na pinagtatalunan ka no’ng matangkad na lagi mong kasama at niyang si Brix.” Sabi ni Danny na ikinagulat ko.
“Ano pang sabi?” Tanong ko.
“Basta iyon lang ang narinig ko eh.” Ani Danny sabay kamot sa kaniyang ulo.
“Iyon lang naman pala, eh. Mabait si Brix, guys. Tiwala lang tayo ro’n sa tao.” Sagot ko.
“Ikaw ang bahala, Zide. Basta sinabi na namin sa’yo, ha? Mag-ingat ka pa rin d’yan ka Brix.” Ani Roniel at sumang-ayon naman silang lahat.
“Sige.” Iyon lang ang nasabi ko bago pumasok muli si Brix na nakangiti.
Kumain ako ng dala ni Brix na pagkain at nang matapos ay nagbihis ako ng ayos na damit at hindi ko maiwasang isipin ang sinabi sa akin nina Roniel, Arkin at Danny.
“Zide, okay ka lang?” Tanong niya sa akin kaya naman ngumiti ako.
“Okay lang ako.” Alanganing sagot ko.
“Zide, I need to tell you something.” Simula niya nang makarating kami sa kinaroroonan ng motor niya.
“Ano ’yon, Brix?” Sagot ko.
“Pinagpustahan ka lang namin ni Sky pero hindi ko alam kung tama pa ngayon dahil sobrang bait mong tao. At kanina lang tumawag siya na itigil na namin ang pustahan.” Aniya kaya nasapak ko siya ng isa.
“Joke ba talaga ako sa inyo ni Sky?” Bulalas ko.
“Zide, sorry. Gusto naman talaga kita.” Aniya pero hindi ako kumbinsido.
“Pero hanga rin talaga ako sa inyong dalawa ni Sky. Dalang-dala ako sa galing niyong dalawang um-acting. Sobra!” Sabi ko at hinintay ko siyang magsalita.
“Bakit mo kasi niligtas si Jerico no’n mula kay Sky? Ikaw tuloy ang napag-initan niya.” Sagot niya na parang kasalanan ko.
“Iligatas ko siya o hindi ay hindi ko deserve na ganituhin. Magsama kayo ng kaibigan mong may sapak!” Singhal ko at iniwan ko siya sa kinaroroonan niya.
Akala ko okay si Brix pero hindi rin pala. Pero okay na rin ’tong maaga kong nalaman lahat kaysa tumagal pa lahat at lalo lang ako masaktan. Siguro this time ay ako naman ang dapat maglaro kaya naman agad kong tinawagan ang numero ni Sky at agad din naman siyang sumagot.
“Sky, tang ina mo!” Iyon ang sabi ko.
“Sino ka? Bakit mo minumura ang boyfriend ko?” Aniya at tila ba lalo akong nakaramdam ng awa sa sarili ko.
“Well played, Sky at Brix.” Bulong ko.
“Joke lang ’yon. Kaibigan ako ni Sky. Mukang magkasama kayo. Pasensya na.” Iyon ang sabi ko pero ang totoo no’n ay naiiyak na ako.
“Hmm. Sure. Friend ka pala ni Sky. I’ll tell him na lang na tumawag ka.” Aniya.
“Huwag na siguro.” Sagot ko at narinig kong may nagsalita sa kabilang linya.
“Sino ’yan, Baby?” Iyon ang sabi ni Sky na pamilyar na pamilyar sa akin ang timbre ng boses.
“Tang ina mo talaga, Sky. Gago ka!” Pahalik na bulong ko sa hangin.
Itutuloy..
HSH PART 20
HALIK SA HANGIN PART 20: BIRTHDAY
ZIDERICK
DALAWANG Linggo na agad ang lumipas simula noong nalaman ko lahat ng kagaguhang ginawa sa akin ni Sky at ganoon din si Brix. Ilang beses akong binalak kausapin ni Sky pero hindi ko siya hinahayaang makalapit sa akin at kada makakasalubong ko siya ay lumilihis ako at nag-iiba ng direksyon na tinutumbok. Binabad ko rin ang sarili ko sa pag-aaral dahil iyon lang ang pinakamabisang gamot sa lahat.
“Poy, sana makapasa ka sa exam mo para makasama na kita rito. Miss na kita.” Sabi ko kay Jepoy nang sandaling makapag-usap kami. Hindi ko sinasabi kay Jepoy ang mga masasamang karanasan ko rito dahil ayoko namang mag-alala siya sa akin ng wala sa oras at lagi ko lang sinasabi sa kanya na okay lang ako kahit hindi naman.
“ Oo naman. Binabasa ko ’yung mga pinasa mo sa’kin na reviewer kaya garantisadong papasa ako.“ Sabi niya kaya natuwa ako.
“Good. Basta galingan mo, ’Poy, ha?” Sabi ko bago kami nagpaalam sa isa’t-isa.
“Sinong kausap mo?” Entrada ni Sky na hindi ko sinagot at nagmadali akong lumakad papalayo sa kanya pero sunud pa rin siya ng sunod.
“Zide, sorry na. Two weeks mo na akong hindi pinapansin. Galit ka pa rin ba?” Nagsusumamo niyang entrada.
“Parang may nagsasalita sa likod kong demonyo. Hala, may multong sumusunod sa’kin!” Sabi ko sabay takip sa aking bibig. Luminga-linga pa ako sa paligid at nagpanggap akong hindi ko siya nakikita at binunggo ko pa siya pero hindi naman siya nagreklamo, bagkus ay hinawakan niya lang ako sa balikat at hinila papalapit sa kanya.
“Zide naman.” Naiiyak niyang sagot sa akin at tinulak ko siya palayo dahil baka may makakita sa amin. Nakakahiya.
“Zide, galit ka pa ba sa akin?” Tanong niya.
“Oo. Sobra.” Sagot ko na walang emosyon.
“Okay lang sa’kin. Deserve ko naman ’yon.” Aniya at nagtama ang aming mga mata.
“Sky, mauuna na ako.” Sabi ko at muli na naman niyang hinawakan ang aking balikat.
“Zide, hihintayin kita sa bahay mamaya. May sasabihin lang ako. Kapag hindi ka pumunta ay hindi na rin ako magpapakita pa kahit kailan sa’yo.” Aniya at halos matulala ako dahil sa mga sinabi niya.
“Hihintayin kita, Zide.” Aniya bago siya lumakad papalayo sa akin.
Dalawang Linggo na ang nakakalipas pero bakit ganoon pa rin ang epekto niya sa akin? Bakit masakit pa rin sa dibdib ko ang lahat. At lalong higit sa lahat ay bakit parang may kung ano sa sistema ko ang nagsasabing yakapin ko siya at patawarin na lang. Pero hindi kasi ganoon kadali ang lahat. Hindi ako ganoon karupok.
Natapos ang last subject namin at okupado pa rin ang isip ko dahil sa sinabi ni Sky kanina sa akin. Oo, iniisip ko pa rin kung ano ba iyong sasabihin niya sa akin at napagdesisyunan kong huwag na lang pumunta dahil baka maloko na naman ako.
SKY
NAKATINGIN ako sa salamin at maigi kong sinipilyo ang aking ngipin. Nakakahiya kasi kay Ziderick. Baka mamaya ay isipin niyang hindi ako nagsisipilyo at lalo siyang ma-turn off sa akin.
Matapos kong ayusin ang sarili ko ay inilapag ko sa center table ng aking mini salas ang binili kong cake kanina bago ako umuwi. Inilabas ko rin ang spaghetti na pinaluto ko kanina kay Mister Nelson at naamoy ko kung gaano ito kabango.
Isang oras ang nakakalipas at pasado alas osto na agad ng gabi. Naghintay lang ako ng naghintay kay Ziderick at lumipas na naman ang isang oras, at isa pang oras hanggang sa mag-alas onse na nang gabi. Mukang hindi na pupunta si Ziderick. Malaki nga talaga ang galit sa akin ni Ziderick kaya’t siguro hindi na siya nakapunta. Hindi bale na lang. Sanay na rin naman akong mag-isa.
“Happy bithday to me! Happy birthday to me! Happy birthday to me! Happy birthday, happy birthday! Happy birthday, Sky pogi!” Umiiyak kong pagkanta sabay ihip sa kandila.
Walang bago sa birthday ko. Binilhan lang ako ni Papa ng bagong kotse sa pamamagitan ni Mister Nelson at iyon na iyong pagbati niya sa akin na sana ay siya na lang mismo ang bumati sa akin para maramdaman ko naman na may tatay ako na may pakialam sa akin.
May ilang bumati sa akin sa school at may ilang nagyayang uminom pero tumanggi ako para kay Ziderick. Gusto ko siyang masolo sa espesyal na araw na’to pero naman iyon nangyari.
Hawak ang pang-apat bote ng beer habang nakatitig sa kawalan ay tila nagkaroon ng buhay ang kisame at nagsalita ito.
“Oh, bakit ka umiiyak? Hindi ba ginusto mo ’yan? Kung naging totoo ka lang sana sa sarili mo ay hindi ka nag-iisa ngayon. Pasaway ka kasi eh.”
“Oo na! Kasalanan ko na! Happy ka na?” Iyon ang sigaw ko bago ko nilaklak ang beer na hawak ko.
Ito na ata ang karma ko dahil sa paglalaro ko kay Ziderick.
ZIDERICK
KINABUKASAN. Wala pa ring nagbago bukod sa wala ng sumusunod sa akin na Sky at sa totoo lang ay naninibago ako. Nakasanayan ko na rin kasing nand’yan si Sky sa paligid. Hindi man siya makalapit sa akin ay nand’yan naman siya para magmasid.
“Ziderick!” May tumawag sa pangalan ko habang naglalakad kami ni Danny sa hallway ng aming college. Nilingon ko kung saan nanggaling boses na ’yon at doon ko nakita si Jerico, ang lalaking niligtas ko mula kay Sky. Malawak ang kaniyang ngiti nang magtama ang aming mga mata at may hawak siyang box at sa palagay ko ay pagkain iyon.
“Danny, una ka na sa dorm. May kakausapin lang ako.” Sabi ko kay Danny at um-oo naman siya at naglakad na palayo sa akin na siya namang hudyat ng paglapit sa akin ni Jerico.
“Oh, bakit? Anong mayroon?” Tanong ko sa nang makalapit siya sa akin.
“Hihingi sana ako ng favor sa’yo.” Nahihiya niyang sagot.
“Ano namang pabor iyon?” Sagot ko sabay abot niya sa akin ng box na hawak niya.
“Cup cakes ’yan na binake ko para kay Sky. Hindi ko kasi siya nabati kahapon at hindi ko siya nabigyan ng regalo kaya sana ay maiabot mo ’yan sa kanya lalo’t close na kayo.” Aniya na ikinagulat at ipinagtaka ko.
“Anong ibig mong sabihin na hindi mo nabati si Sky?” Tanong ko dahil naguguluhan ako sa mga sinabi niya.
“Nako ka, Ziderick! Birthday kaya ni Sky kahapon!” Aniya at lihim akong napalunok.
“Ay, oo nga pala. Sige ibibigay ko na ito sa kanya.” Sabi ko na ikinalawak ng ngiti niya.
“Thank you, Ziderick! See you around!” Aniya sabay alis sa aking harapan.
Naiwan akong nakatulala dahil sa nalaman ko. Birthday pala ni Sky kahapon at hindi ko man lang siya binati. Bakit ba kasi ako nagpapalamon sa galit ko?
Dahil sa dami ng aking iniisip ay nagmadali akong maglakad papalabas ng campus at mabilis akong dinala ng aking paa sa bahay ni Sky at naabutan kong may kotse sa labas na nakaparada. Hindi ko na iyon binigyan pa ng pansin pa at agad kong binuksan ang gate ng kaniyang bahay at kumatok ako pero walang nagbubukas kaya naman nang pihitin ko ang seradura ay nagulat ako sa nakita ko. Nakabulagta si Sky sa sahig na puro bote ng beer ang katabi. Mayroon ding upos na sigarilyo at masyadong makalat ang salas niya.
“Sky?” Tawag ko sa kanya nang mailapag ko ang dala ko. Hindi siya sumasagot at tila wala siyang narinig mula sa akin kaya naman nagpasya akong hawakan siya at tila nag-aapoy siya sa lagnat.
“Sky, gising!” Sabi ko sa kanya at itinabi ko ang mga bote ng beer na nasa paligid niya bago ko siya akayin.
Pikit pa rin ang kaniyang mga mata kaya tinapik ko siya ng malakas at doon siya napamulat ng mata at nagsalita.
“Sabi ko na nga ba darating ka, Zide eh.” Uutal-utal niyang sagot at naawa ako sa kanya.
“Sky, oo. Nandito na ako kaya please tayo ka saglit at doon ka sa kwarto mahiga.” Sabi ko at nakinig naman siya sa akin at nakapikit man siya ay umakbay siya sa akin at mabilis naming narating ang kwarto niya at ihiniga ko siya ro’n at naghanap ako ng bimpo at naglabas ako ng pitsel at naisipan kong punasan ang kaniyang muka na kababakasan ng lungkot.
Sana pala ay pumunta ako kagabi para nadamayan ko siya.
“Sky, nakakainis ka naman eh. Sana sinabi mong birthday mo kahapon para kahit inis na inis ako sa’yo ay nakapunta ako!” Sabi ko sa muka niya bago ko siya punasan sa muka pababa sa leeg.
Tinanggal ko na rin ang kaniyang t-shirt na suot at pinunasan ko rin siya sa kaniyang katawan at nang matapos ako ay sinunod ko namang tanggalin ang kaniyang suot na shorts kaya kita ko ang kaniyang suot na brief na may maumbukan pero hindi ko iyon pinagnasahan dahil mas focus ko ngayon ay ang lagay niya. Sobrang init niya kasi.
Matapos ko siyang punasan ay sinootan ko siya ng sando at pinaltan ko rin ang kaniyang shorts at brief para guminhawa ang kaniyang pakiramdam.
“Sky, pasayaw ka kumain ka na!” Naluluha kong sabi nang matapos akong magluto ng sopas.
Sinunod naman niya ako ay bahagya siyang umupo at humarap sa akin. Sinamantala ko ang pagkakataong iyon para subuan siya at halos maiyak ako dahil pakiramdam ko ay napakasama kong tao.
“Sky, okay na ba ang pakiramdam mo?” Sabi ko matapos ko siyang mapakain at mapainom ng gamot. Imbes na sumagot ay hinila niya ako papalapit sa kanya at umiyak siya sa dibdib ko na parang bata. Ngayon ko lang siya nakitang ganito kamiserable at hindi ko matanggap na ako ang dahilan no’n.
“Sky, tahan na.” Sabi ko sa kanya halos hinahaplos ko ang kaniyang likod at buhok.
“Galit ka pa ba sa akin?” Tanong niya sa akin kaya’t nag-vibrate ang boses niya sa dibdib ko.
“Oo pero mas galit ako sa sarili ko.” Sabi ko.
“Zide, sorry na. Sana okay na tayo.” Aniya at sinabunutan ko siya para magtanda na siya.
“Pasaway ka!” Naiiyak kong sagot at inangat niya ang muka niya sa akin kaya’t magkapantay na kami ngayon.
“Sorry.” Aniya at mabilis ko siyang hinalikan sa noo.
“Ang baho mo, Sky. Amoy alak ka pa rin.” Sabi ko sabay tawa at ganoon din siya.
“Ikaw kasi. Hindi ka pumunta kagabi.” Nakanguso niyang sagot kaya pinitik ko siya sa noo.
“Nakakainis ka pa rin! Hindi mo sana nilasing ang sarili mo. Ang baho baho ng suka mo sa salas! Tapos tingnan mo ’yang sarili mo!” Asik ko.
“Sorry na. Okay lang palang hindi ka pumunta kahapon dahil inaalagaan mo ako. Pakiramdam ko ay birthday ko pa rin ngayon.” Sagot niya kaya pinisil ko ang matangos niyang ilong at mahigpit na mahigpit ko siyang niyakap.
“Happy birthday, Sky pogi.” Sabi ko at mas diniinan ko pa ang yakap ko sa kanya.
Itutuloy…
HSH PART 21
HALIK SA HANGIN PART 21: IYAK KA LANG
ZIDERICK
ISANG malalim na ngiti ang binitawan ko habang pinagmamasdan ko si Sky na kumakain ng almusal. Oo, dito na ako natulog at binantayan ko siya bilang pambawi na rin.
"Kumain ka na rin." Aniya at kinuha ko ang hawak niyang tinapay at kumagat ako ng malaki.
"Halika nga rito." Aniya at tumaba ako sa kanya.
"Salamat sa pag-aalaga sa'kin." Simula niya.
"Wala naman akong choice kundi alagaan ka. Kung mayroon, eh 'di sana ay wala ako rito." Pang-aasar ko sa kanya na hindi niya pinatulan.
"Pero thankful pa rin ako sa'yo, Zide." Sabi pa niya bago niya ubusin ang lugaw na niluto ko pa para sa kanya.
"Huwag ng maraming sinasabi. Magpahinga ka pa para makabawi ka ng lakas. Wala naman kaming klase ngayon dahil may seminar mamaya ang mga prof ng college natin." Pagsasalaysay ko.
"Mabuti naman. Makakasama pa kita ng matagal." Kumento niya.
Nang matapos kaming mag-almusal ay inayos ko na lahat ng ginamit namin at dumiretso na rin ako sa banyo para magsipilyo. Nauna ng matapos si Sky na magsipilyo at kasalukuyan siyang nakahiga sa kama habang yakap ang isang unan nang pumasok ako sa kwarto. Agad akong tumabi sa kanya at niyakap niya ako at nagkatitigan kami bago niya ako halikan sa labi. Lasang lasa ko ang lasa ng labi niya at amoy ko rin ang hininga niyang amoy toothpaste.
Dampi dampi lang ang halik na ginawa niya sa akin at nagulat ako noong ipuwesto niya ako sa kaniyang ibabaw kaya mas lalong umiting ang pagtitig niya sa akin kaya't nahiya ako dahil hindi ako sanay na tinititigan sa muka ng matagal.
"Huwag ka ng mahiya. Tinititigan ko 'yong taong nagpapasaya sa'kin." Mabulaklak niyang pananalita na nagpabalis ng pagtibok ng puso ko. Bakit kasi ganito siya bigla? Iba rin talaga ang epekto ni Sky sa pagkatao ko. Hindi naman kasi kami ganito ni Jepoy.
"Huwag mo na kasi akong tingnan. Natutunaw ako." Puna ko naman sa kanya.
"Kiss muna." Aniya at umupo ako sa ibabaw ng tiyan niya at nakipagtitigan ako sa kanya bago siya pumikit dahil hinihintay niya ang aking labi na lumapat sa labi niya na noo'y tila nang-aakit.
Papalapit ng papalapit ang muka ko sa kanya at hindi ko alam kung paano niya nabaligtad ang aming posisyon sa isang iglap. Ako na ngayon ang nasa ilalim at siya naman ay nasa ibaba ko at unti-unti niyang inilapat ang labi niya sa labi ko.
Noong una ay padampi-dampi lamang ang kaniyang halik pero noong maglaon ay tila ba dinadala niya ako sa isang masayang panaginip na ayaw kong takasan. Hindi ako marunong humalik pero dahil sa paraan niya ng paghalik sa akin ay tila ba may sariling pag-iisip ang aking labi na lumalaban sa kaniyang mga halik.
Banayad at may kasabikan ang bawat naming mga halik sa isa't-isa at kung bakit namin ito ginagaw ay hindi ko rin masabi kung bakit. Siguro ay hindi ko na dapat iniisip ang mga bagay na 'yon dahil gusto ko pang mas malunod sa halik ni Sky.
"Zide, mahal kita." Aniya nang maghiwalay ang aming mga labi. Hindi na niya ako hinayaang makapagsalita at muli ay pinapak niya ang aking labi at nakiliti ako nang sandaling mapadako ang kaniyang labi sa aking leeg na tila isang sensitibong halaman.
"Sky.." mahina kong bulong bago ko hilahin ang kaniyang damit at tinuhod ko ang tiyan niya dahil hindi pa ako handa sa gusto niyang mangyari. Bago lang sa akin lahat at ayokong magmadali.
"Ouch! Sakit no'n!" Reklamo niya habang nakahawak sa tiyan niyang nasaktan.
"Masyado ka ng malibog, loko! Ikalma mo muna 'yang titi mo!" Natatawa kong sagot at nagulat ako noong dag-anan niya ako.
"Binitin mo ako." Bulong niya sa akin at wala naman akong magawa kundi ang tawanan na lang siya at yakapin ng mahigpit.
"Hindi laro ang sex, Sky kaya dahan-dahanin muna natin ang lahat. Hayaan mo muna akong yakapin at halik-halikan ka at sana ay sapat na 'yon sa'yo dahil hanggang doon lang talaga ang kaya ko." Sagot ko at tumango na lang siya sabay yakap sa akin. Ilang kulitan at harutan pa ang ginawa namin ni Sky bago kami nakatulog uli.
Mabigat na bagay ang gumising sa akin at nang iunat ko ang aking kamay ay nakita ko ang hita ni Sky na nakadantay sa aking tiyan. Kung bakit ba naman kasi sobrang tangkad nitong si Sky eh. Dahil tulog pa si Sky ay pinilit kong maibaling sa hita niya sa unan na napagtagumpayan ko namang gawin.
Mabilis na kilos ang aking ginawa papunta sa banyo dahil ihing-ihi na ako na siya ko namang ginawa. Naghilamos at nag-mouth wash na rin ako dahil kagagaling ko lang sa pagkakahimbing.
Nang matapos ako sa aking sarili ay tumingin ako ng pwedeng lutuin sa ref at naisipan kong magluto ng sinigang na baboy. Nasa kalagitnaan ako ng paggagayat ng mga hilaw na sangkap ng sinigang nang biglang may kumatok sa pinto na mabilis kong pinuntahan at pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto ay halos tumakas ang ang aking katinuan dahil nasa harap ko ngayon ang taong umabanduna sa akin ng mahigit tatlong taon.
"Zide, anak." Iyon ang bungad niya at nilapitan niya ako pero hindi ko siya hinayaang gawin iyon dahil nilayo ko ang sarili ko sa kanya at humahakbang ako pabalik.
"Zide, anak, hindi mo ba ako kakausapin? Miss na miss na kita, anak." Aniya na halos ikaasiwa ko.
"Anak? Nay, anak? Ang pagkakatanda ko ay wala na akong Nanay tatlong taon na ang nakakalipas." Sarkastiko kong sagot bagamat pinipigilan ko lamang ang sarili kong yakapin siya dahil pinangungunahan ako ng inis.
"Anak, patawarin mo ako. Alam mo naman ang buhay natin sa probinsya. Maliit ang sahod ng tatay mo at paulit-ulit na lang ang buhay ko ro'n. Walang pag-unlad. Kaya hindi mo ako masisisi kung umalis ako. At higit sa lahat ay gusto kong mabigyan ka ng magandang buhay." Paliwanag niya.
"Magandang buhay ho, Nay? Hindi niyo alam kung gaano ako naghirap noong umalis ako. Habang nagpapakasarap kayo rito sa Maynila at halos dugo na ang pawis ko sa araw-araw para lang mabuhay kami ni Tatay. Tapos ngayon ho, gusto niyong tanggapin at patawarin ko kayo? Ano ho bang alam niyo sa pagiging nanay? Hindi ho ba tinakasan niyo nga iyon noong araw na umalis ka?" Naiiyak kong sagot dahil bigla na lamang nag-flash sa aking isipan lahat ng hirap na dinanas ko lalo na noong mga unang Linggong umalis siya.
"Nay, pasensya na ho pero ayaw kitang makausap at kung pwede ho akong pumili uli ng magulang ay hindi ko gugustuhing maging anak mo dahil takot ka sa responsibilidad!" Sagot ko at doon na pumatak ang aking mga luhang kanina ko pa pinipigilang pumatak.
"Linda, umalis ka na rito." Entradang bulalas ni Sky sa Nanay ko.
"Pasensya na kayo." Aniya sabay takip sa kaniyang bibig at doon na siya mabilis na sumibat palayo pero may pahabol pa siya sa akin.
"Anak, babawi ako sa'yo." Aniya at pumiyoko pa siya na nangangahulugang umiiyak siya.
Matapos niyang makalabas ay nagtangka akong habulin siya pero pinigilan ako ni Sky at niyakap niya ako para pakalmahin mula sa pag-iyak.
"Hindi ko alam ang sasabihin ko sa'yo para kumalma ka kaya sana okay na sa'yo itong simpleng yakap ko dahil ito lang ang kaya kong gawin para maramdaman mong hindi ka nag-iisa." Wika niya at mas lalo kong idiniin ang pagkakayakap ko sa kanya. Sa ganitong pagkakataon ko napatunayan ang halaga ko kay Sky.
"Iyak ka lang, Zide. Best way 'yan para gumaan ang pakiramdam mo pero sana ay pwede kong kunin ang kalungkutang 'yan para hindi ka na umiyak dahil nasasaktan akong nakikita kang ganito." Aniya at ramdam ko ang sinseridad sa boses niya habang sinasabi niya iyon.
Ang hirap palang kalabanin ng lungkot buhat ng maraming problema pero mas mahirap itong harapin ng mag-isa kung wala ang yakap ng taong nagpapasaya sa atin.
"Zide, salamat!" Halik ko sa hangin na puso niya lang ang maaaring makinig at makaramdam.
Itutuloy…
HSH PART 22 (END OF SEASON 1)
I’d like to leave it here, sana mabasa ko ’yung mga comments niyo para sa season 1. Sorry sa mga pananakit ko sa inyo, ha? Next season, mas papakiligin at papaiyakin ko pa kayo lalo. Haha.
Enjoy reading!
-TPW
HALIK SA HANGIN PART 22: RASON
ZIDERICK
BUONG araw yata akong umiiyak dahil sa komprontasyon namin ni Nanay. Hindi ko naman talaga balak na sagutin siya ng pabalang, hindi ko lang napigil ang puso ko na maglabas ng sama ng loob dahil ilang taon niya akong iniwan tapos ngayon ay parang ang dali-dali lang sa kanyang sabihin na gusto niyang gumanda ang buhay namin.
Nakakapagtaka nga lamang talaga itong mundo natin dahil masyadong maraming makakasariling tao at isa na ro’n ang aking Nanay.
Malungkot man ako ay nagpapasalamat pa rin ako dahil nand'yan si Sky para pagaanin ang loob ko kahit na alam kong hiram lamang ang oras na mayroon kami dahil alam kong may girlfriend siya. Anne. Iyong ang pangalan ng kaniyang nobya. Nalaman ko iyon noong sandaling magising ako dahil may nag-text sa kaniya ng "I love you, baby!".
Masakit iyon para sa akin dahil sinasabi niyang gusto niya ako kahit mayroon siyang karelasyon. Oo, makasarili rin siguro ako dahil hinahayaan ko ang sarili kong mahulog pa ng mahulog sa kaniya gayong alam ko namang hindi siya ganoong katotoo sa akin. Nagawa niya ngang ilihim sa akin na may nobya siya eh, ano pa kaya iyong ibang mga bagay.
Hindi na ako naghahangad pa ng ibang bagay mula kay Sky dahil sapat na iyong mga sandaling pinapasaya niya ako at pinapahalagahan. Bagay na hindi nagawa ng aking mga magulang dahil sarili lamang nila ang kanilang iniisip.
"Anong iniisip mo, Zide?" Tanong sa akin ni Sky habang nakayakap siya mula sa aking likuran. Kasalukuyan kasi kaming nanonood ng isang series sa Netflix na Kingdom at Season 2 na kami.
"Wala. Nakakaawa lang talaga 'yung mga taong biktima ng pagiging makasarili." Makahulugan kong sagot.
"Hayaan mo. Kaya nga nagpapakababa 'yung Crown Prince para mailigtas nila 'yung mga tao." Sagot niya at hindi humirit pa ako ng isa pa.
"Ikaw, Sky, naging makasarili ka na rin ba sa buhay mo?" Tanong ko kung kaya naman ay i-p-in-ause niya muna ang pinapanood namin.
"Hmm. I don't know kung ano 'yong tinutumbok mo sa tanong mong 'yan pero ito lang ang masasabi ko. Lahat ng tao may reason kung bakit sila nagiging makasarili minsan. Mayroong dahil sa hate, personal issue at love. At kung gagawa man uli ako ng aksyon ng pagiging makasarili, pipiliin ko 'yung pagmamahal dahil kahit korni ay hindi ako magsisisi sa huli at iyon ang ginagawa ko ngayon. Sinosolo kita kahit alam kong hindi buo ang tiwala mo sa akin." Sagot niya kaya hindi na ako nakapagsalita pa dahil tila mali yata ang aking entrada.
"Sky, salamat!" Sabi ko sa kanya bago ko siya hinalikan sa labi. Mabilis lang iyon pero may emosyon iyong nakalapat. Patunay na puso ko ang nagsasalita para sa akin.
Mabilis na lumipas ang mga araw na magkasama kami ni Sky at puro masasayang bagay ang ginagawa naming dalawa at tila ba nakaduyan kami sa isang magandang panaginip na biglang nagwakas nang isang hapon dahil habang nagkakatuwaan kami ni Sky sa paghahampasan ng unan ay biglang pumasok si Nanay kasama ang Heneral na ama ni Sky na si Heneral De Vera.
Ibayong panlalamig ang naramdaman ko kaya't hindi ako agad nakakilos at ganoon din si Sky.
"Hindi niyo ba ako babatiin?" Tanong nito at walang buhay na sumagot si Sky.
"Anong ginagawa niyo rito, pa?" Iyon ang sagot niya kaya't siniko ko siya ng mahina.
"Bastos ka pa ring sumagot, Sky. Manang-mana ka sa angkan ng Mommy mo." Aniya.
"Ah, eh, magandang hapon ho. Pasensya na ho kayo." Sabi ko na ikinangiti niya at ganoon din si Nanay.
"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Sky, Ziderick. Gusto ko na sa bahay na kayong dalawa tumira para magkakasama na tayo. Ganoon din sa'yo, Ziderick. Alam kong miss mo na ang iyong ina kaya makakabuti kung sundin niyo na lamang ako." Baritonong wika niya na hindi ko alam kung anong isasagot dahil nilulukiban ako ng kaba dahil sa pamamaraan niya ng pananalita.
"Pwede ba, pa. Huwag niyo ngang tinatakot si Ziderick." Singit ni Sky at muli ko siyang siniko.
"Hindi iyon pananakot, Sky. Utos iyon na sana ay sundin niyo. Bakit ba naman kasi nagtitiis kayo sa maliit na bahay na ito? Mainit at hindi maganda." Aniya kaya naman napaisip ako dahil para sa isang binatang gaya ko na galing sa probinsya ay napakaganda na nitong bahay na ito ni Sky.
"Okay na ako rito, pa kaya huwag niyo ng ipilit ang gusto niyo. Huwag niyo na ring pilitin pa si Ziderick." Bulalas ni Sky na hindi naman pinansin ng kaniyang ama.
"Ikaw, Ziderick. Sabi ng iyong ina ay miss na miss ka na raw niya at halos gabi-gabi niyang sinasabi iyon. Kung may sama ka ng loob sa iyong ina ay ako na ang humihingi sa iyo ng paumanhin. Sana ay umuwi na kayo ni Sky sa bahay dahil muka namang close na close na kayo kahit hindi namin kayo ipinakilala sa isa't-isa. Isa pa ay hindi mo na rin kailangang mag-part time job dahil bibigyan kita ng allowance na malaki. Isipin mong mabuti, Ziderick. Anak na rin ang turing ko sa iyo kaya sana ay mapagbigyan mo ako at ganoon ka rin, Sky." Aniya kaya't napalunok ako ng malaki dahil sa offer niya. Pagkakataon ko ng magkaroon ng magandang buhay. Hindi ko na kailangang umuwi ng alas dose ng gabi mula sa bago kong trabaho. Pero iniisip ko si Sky. Alam kong malaki ang galit niya sa tatay niya.
"Sige, pa. Sasama na kami ni Zide." Sabi ni Sky na ikinagulat ko dahil hindi iyon ang iniisip kong sasabihin niya.
"Buti naman at nagbago ang isip mo, Sky. Akala ko ay magmamatigas ka pa rin hanggang dulo kaya masaya ako sa desisyon mo." Wika pa niya sa amin at nakita kong malaki ang ngiti ni Nanay habang tiim bagang naman si Sky na nakatingin sa kawalan.
KINABUKASAN ay nag-aabang na ako sa labas ng aming campus kung saan kasama ko si Roniel, Danny at Arkin na kapwa malulungkot dahil sa sinabi kong pamamaalam sa kanila kagabi. Halos tatlong buwan na rin kasi kaming magkakasama sa dorm at tila magkakapatid na rin kami kung tutuusin. Pero talagang kailangang umusad ng bawat-isa para mabuhay at kung ano mang rason ni Sky sa pagpayag na tumira kami sa bahay nila ay isa pa ring palaisipan sa akin na nais kong malaman.
"Zide, talagang iiwan mo na kami." Malungkot na wika ni Danny habang nakahawak sa aking balikat.
"Magkikita-kita pa rin naman tayo dahil lilipat lang naman ako ng bahay kasama ng Nanay ko kaya huwag ka ng malungkot, Danny. Tsaka magkaklase pa rin naman tayo." Sabi ko pa.
"Zide, basta kapag kailangan mo kami ay nandito pa rin kami para sa'yo. Magkakapatid tayo rito." Naluluhang sabi ni Arkin na hindi ko inaasahang magiging emosyonal sa pag-alis ko.
"Aish! Oo naman. Magkakapatid tayo." Nalulungkot kong sagot na hindi ko na napigilan.
"Zide, basta dadalawin mo pa rin kami rito, ha? Huwag kang talkshit!" Bulalas naman ni Roniel at isa-isa ko silang niyakap at ang ending ay nagyakapan kami bilang isang grupo.
"Huwag na kayong malungkot, ha? Sabi nga nila ay kapag may umaalis ay may papalit at sana sa susunod na semestre ay makasundo niyo siya. Nandito pa rin ako. Mag-ingat kayo lagi, ha?" Sabi ko at doon na pumarada ang kotse ni Sky at inilagay ko ang mga gamit ko sa loob.
Matapos iyon ay kumaway pa ako sa kanila at nakita ko kung gaano kalungkot ang kanilang mga mukha sa aking pag-alis. Ayoko rin naman sanang umalis pero kailangan.
"Sky.." Tawag ko sa kaniya habang nagmamaneho siya. Magkatabi kasi kami at kanina pa siya hindi umiimik. Para tuloy akong hangin dito sa driver's seat.
"Hmm?" Sagot niya.
"Bakit ka pumayag na bumalik sa inyo? Sigurado ka na ba?" Tanong ko.
"Oo. Ayaw ko rin noong una dahil ayoko silang makasama sa iisang bahay pero gusto ko kasing protektahan ka. Ayoko ng maranasan mo pa ang hirap ng buhay. Gusto kong gumanda na ang buhay mo. Hindi sapat ang pera ko para magawa iyon kaya pumayag na rin ako. Ayaw na ayaw kitang nakikitang nahihirapan, Zide dahil parang dinudurog ang puso ko kahit ngayong iniisip ko pa lang na mahihirapan ka. Sana ay maunawaan mo ang desisyon ko at iyon lang ang rason." Sagot na kaya napatakip ako sa aking bibig at nagsimulang pumatak ang luha mula sa aking mga mata dahil hindi ko iyon inaasahang marinig mula sa kanya.
Itutuloy..
HSH SEASON 2: PART 23
HALIK SA HANGIN SEASON 2 PART 23: PAG-IWAS
ZIDERICK
ILANG Linggo na nakakalipas simula noong lumipat kami ni Sky dito sa bahay niya at masasabi kong napakalaking pagbabago ang naganap sa buhay ko bilang isang normal na tao na nagmula at nasanay sa hirap ng buhay. Paggising ko sa umaga ay may nakahain ng almusal. May taga hatid sa campus, may malaking allowance na galing mismo sa ama ni Sky. Mayroon ding airconditioned na kwarto, heater sa banyo at higit sa lahat ay kasama ko si Sky araw-araw. Sobrang sarap ng buhay ko rito sa kanila at talaga namang kahit sino ay nanaising mapunta sa ganitong estado. Minsan ay napapaisip ako na hindi naman pala puro hirap lang ang mayroon ang buhay ko.
Mula sa aking kwarto na mas malaki ng dalawang beses sa aming kwarto sa dormitory ay maigi kong tinanaw si Sky kasama ang kaniyang girlfriend na si Anne na naliligo sa swimming pool ng mansion na ito.
Maganda si Anne at maganda rin ang antas ng kaniyang buhay at walang-wala ako sa kanya lalo na’t nobya siya ni Sky. Minsan ay naiinis ako sa sarili ko dahil hinahayaan kong may kahati ako sa puso ni Sky pero mas maigi na rin siguro ito kaysa maraming makaalam na gusto namin ang isa’t-isa. Ano na lamang ang sasabihin ni Tito Arman na ama ni Sky kapag nalaman niya lahat ng ginagawa namin ni Sky.
“Zide! Hey!” Tawag ni Anne sa akin nang sandaling makita niya akong nakadungaw sa binatana ng aking silid. Maagi kong binuksan ang sliding window kung saan ako nakapangko at sumagot ako.
“Hey!” Iyon ang sagot ko sabay ngiti.
“Tara rito! Ang sarap ng tubig!” Malakas niyang sigaw para marinig ko siya ng ayos. Napaisip tuloy ako kung anong lasa ng tubig sa pool. Masarap daw eh.
“Okay na ako rito! Enjoy kayo riyan!” Sigaw ko pabalik at nagtama ang mga mata namin ni Sky na noo’y hindi ko mabasa ang iniisip. Kasunod din noon ang pagsasara ko ng bintana at nahiga ako sa aking malambot na higaan. Iniisip ko pa lang na naghahalikan silang dalawa ay ibayong sakit na ang nararamdaman ko. Para akong tino-torture ng sarili kong isip.
“Ginusto mo ’yan, ’di ba?” Sabi ko sa sarili ko bago ko yakapin ang unan sa aking tabi.
Marangya na nga ang buhay ko ngayon pero hindi ko masabing masaya ako dahil kay Sky. Pakiwari ko ay parusa ang bawat araw na lumilipas kasama siya dahil may tao kaming nasasaktan. Pakiramdam ko tuloy ay napakasama at napakamakasarili kong tao dahil sa pakikipagmabutihan ko kay Sky. Siguro at dapat ko ng itigil itong kahibangan kong ito. Dapat kong ibalik ang dating kakalmahan ng puso ko para hindi ko na ito maramdaman. Ang hirap kasi ng ganitong pakiramdam.
Kinabukasan ay maaga akong nagising at nakasabay ko pa sa almusal si Nanay na noo’y hindi ko pa rin kinakausap o ni iniimikan man lang.
“Good morning, Anak!” Aniya sa akin at nilagyan niya ng bacon ang aking plato.
“Good morning din po, Nanay!” Nakangiti kong sagot na ikinagulat niya at ilang segundo niya akong tiningnan kaya naman nagsalita na ako.
“Kumain na rin po kayo dahil baka lumamig ’yang niluto niyo.” Sabi ko at maluha-luha siyang kumuha ng pagkain sa mesa. Tama na siguro ang pagpapahirap ko sa Nanay ko. Ayoko na siyang bigyan ng bigat sa dibdib dahil kahit saang anggulo tingnan ay Nanay ko siya at walang makakapagbago no’n.
Naging maganda ang simula ng aking umaga at hindi na ako sumabay kay Sky dahil ito na ang simula ng pag-iwas ko sa kanya. Ayoko na kasing makasakit pa ng damdamin ng iba.
“Zide!” Bati sa akin ni Danny noong sandaling makababa ako mula sa kotse na naghatid sa akin. Sinabihan ko kasi siyang hintayin ako dahil may ibibigay ako sa kanya.
“Danny, tapos ka na sa portfolio mo?” Tanong ko sa kanya sabay abot ng dala kong sandwhich.
“Isang template pa ang kulang ko? Ikaw ba?” Sagot niya.
“Tapos na.” Sagot ko sabay akbay sa kanya.
“Sana all!” Aniya at nagsimula na kaming maglakad.
Masyadong mahaba ang araw na ito at maghapon kong hindi nakikita si Sky dahil in-off ko ang cellphone ko at nagsuot din ako ng hoodie para hindi niya ako makilala mula sa malayo. Hinihintay ko na lang ngayon na dumating ang susundo sa akin kaya binuksan ko na ang cellphone ko kung saan may rumehistrong 20 text messages na hindi ko binasa.
Ilang minuto pa akong nakatayo sa labas ng gate bago dumating ang sundo ko at nagmadali akong sumakay dahil biglang tumawag sa akin si Sky.
“Kuya, daan po tayo sa McDO.” Sabi ko sa driver na sumundo sa akin.
“Sige po, Sir!” Masigla niyang sagot at buti na lamang talaga at nakapagtabi ako ng pera kanina kaya nang tumigil kami sa drive thru ay bumili ako ng dalawang large fries at cokes float. Isa ang sa akin at isa naman kaya Kuyang driver.
“Nako, Sir. Salamat po rito!” Masigla pa rin niyang sagot kaya naman natuwa ako sa kanya habang kinakain ko ang binili namin.
“Kuya, wala po iyon.” Sabi ko bago ko i-airplane mode ang cellphone ko.
Halos trenta mahigit trenta minutos ang naging byahe namin ni Kuya at halos makaramdamn na ako ng antok dahil sa pagkain ko sa byahe. Sakto rin na pagbaba ko ng sasakyan ay siya namang parada ng sasakyan ni Sky na hudyat upang bilisan ko ang aking paglalakad na siyang ginawa ko. Agad akong nagmano kay Nanay na ikagulat na naman niya at nagtakbo-lakad akong umakyat sa aking kwarto at nagmadali akong ikandado ang pinto.
Sinalapak ko ang sarili ko sa kama matapos kong hubarin ang aking kasuotan kanina. Naka-boxer shorts na lamang ako ngayon at nakadapa akong tumingin sa ibaba ng aking kama at sinalpak ko rin ang earphones sa tenga ko at pinplay ko ang kantang Tuyo Ng Damdamin na inawit ng Apo Hiking Society. Naging paborito ko ito lately dahil kumakalma ang puso’t isip ko sa melody.
Ilang kanta pa ang aking pinatugtog bago ako makaramdam ng antok na hindi ko na pinigilan dahil napagod ang katawan ko maghapon lalo na’t medyo maraming ginawa sa P.E namin kanina.
MAINIT na yakap ang gumising sa akin at nang imulat ko ang aking mga mata ay nakita ko si Sky na nakatingin sa akin kaya naman tinaggal ko ang kamay niya mula sa pagkakayakap sa akin.
“Zide, ano bang problema mo? Two days mo na ako halos hindi man lang kinakausap. Hindi mo sinasagot ang mga messages at tawag ko. Maghapon ding patay ang cellphone mo. Iniiwasan mo ba ako?” Aniya at ramdam na ramdam ko ang frustration sa boses niya dahil sa actions ko.
“Walang problema, Sky. Gusto ko lang mapag-isa. Bawal ko na bang gawin ’yon? Sa pagkakatanda ko ay wala naman akong obligasyon na sagutin ang kahit ano pang mensahe o tawag mula sa’yo kaya anong inaamok mo riyan?” Sagot ko at nagtangka siyang lumipat sa akin pero umatras ako.
“Zide naman. Kausapin mo naman ako.” Aniya at tiningnan ko muna siya bago ako magsalita.
“Kinakausap mo na ako. Nag-uusap na tayo.” Sagot ko.
“Galit ka ba sa’kin? Tell me. Anong nagawa ko this time?” Tanong niya at hindi ko alam kung manhid ba talaga siya o talagang selfish lang siya.
“Hindi ako galit sa’yo, Sky. Galit ako sa sarili ko dahil hinahayaan kong mangyari lahat. Hinayaan kong maging makasarili ako. Sky, ayoko ng maging makasarili at ayoko ng makasakit ng ibang tao dahil lang gusto kita.” Sabi ko at natawa pa siya.
“Akala ko ba okay lang sa’yo lahat? Bakit ganito ka na ngayon? Zide, naman.” Sagot niya.
“Sky, tigilan na natin ’tong sa’tin. Hindi healthy.” Sabi ko.
“Anong ititigil? Hindi naman tayo, ’di ba?” Aniya kaya nakaramdam ako ng inis. Hindi ko na talaga siya maunawaan ngayon.
“Okay. Ano nga lang ba ako sa buhay mo? Kabit? Past time? Laro? Ikaw na ang bahala kung saang kategorya mo ako ilalagay dahil wala na rin naman akong pakialam sa iisipin mo sa nararamdaman mo dahil sobrang gulo mo. Makasarili ka.” Singha ko.
“Zide, hihiwalayan ko na si Anne para maging okay lang tayo. Mahal kita, Zide!” Aniya sabay lapit sa akin.
“Hindi na kailangan, Sky. Huwag mo na uling guguluhin ang mundo ko. Layuan mo na rin ako at umiwas ka kung maaari. Sinasabi mo lang siguro na mahal mo ako dahil nagi-guilty ka na nasasaktan ako ngayon at umiiyak.” Nakangiti kong sagot pero tumutulo na ang luha sa aking mga mata.
“Zide naman.” Aniya at mas hinigpitan niya ang yakap niya sa akin.
“Hindi ko na alam ang sasabihin ko pero totoong mahal kita.” Aniya at ramdam ko ang pagpatak ng luha niya sa balikat ko.
“Kung mahal mo ako, Sky, iwasan mo na ako simula ngayon.” Singhal ko sabay tingin sa kanya.
Masakit ito para sa akin pero tiyak na mas masakit ito kapag ipinagpatuloy pa namin itong kahibangan naming ito na wala namang patutunguhan. Minsan ay hindi sapat na basta mahal niyo lang ang isa’t-isa dahil mas maganda kung wala kayong naaargabyadong tao at iyon ang aking paniniwala.
Itutuloy..
HSH SEASON 2: PART 24
HALIK SA HANGIN PART 24: KARUPUKAN
SPG ALERT!
ZIDEDRICK
MASAKIT ang naging pag-uusap namin ni Sky noong nakaraang Linggo at heto kami ngayon. Sabay kaming pumapasok sa campus, sabay nag-aalmusal at sabay umuuwi pero ni "ha" o ni "ho" ay hindi man lang namin masabi sa isa't-isa. Para kaming hangin sa pagitan sa mata ng bawat-isa.
Ilang gabi ko siyang iniisip at iniiyakan dahil kahit anong pigil ko sa nararamdaman ko ay gusto ko talaga siya at naaalarma ako na baka sa isang iglap ay maglahong lahat ang harang na nilagay ko sa aming pagitan.
"Zide!" Iyon ang tawag sa akin ni Danny habang sabay naming tinatapos ang requirements namin sa isang minor subject. Kanina pa pala ako nakatulala at hindi ko namamalayang nasasayang ang oras.
"Okay ka lang ba? Kung hindi ka okay ay ako na lang ang tatapos nito. Dalawang parts na lang naman ay tapos na tayo." Mungkahi niya na may bakas ng pag-aalala sa kaniyang boses.
"Nako, may naalala lang ako," palusot ko.
"One week ka ng lutang. Kanina nga ay nakatulog ka pa sa klase. Buti na lamang at hindi ka napansin ng ating prof. Nako ka, Zide. Pwede ka namang magkwento sa akin. Huwag mong sarilinin ang problema. Makikinig naman ako eh." Aniya pero umiling na lang ako dahil kahit sabihin ko sa kaniya itong dinadala ko ay hindi rin naman niya ako mauunawaan.
"Okay lang talaga ako, Danny. Naninibago lang siguro ako." Sagot ko at itinuon ko na lang ang atensyon ko sa paper works na tinatapos namin.
"Zide, ikaw ang bahala. Basta nandito lang ako. Kaya kong makinig kapag kailangan mo ng masasabihan. Paminsa-minsan ay maganda rin 'yong may nalalabasan ka ng problema." Wika niya at mabuti niyang i-check ang gawa niya.
Matapos ang aming ginagawa ay nagsalansan lang ako ng ilang libro sa library bilang parte ng duty ko bilang scholar at matapos iyon ay bagsak ang balikat kong naglakad papunta sa parking lot ng aming campus at nakita ko ro'n si Sky na nakasandal sa pinto ng kaniyang kotse at matigas ang tingin niya sa akin na tila ba may nagawa akong kasalanan.
Ayokong makipagtitigan sa kaniya dahil natutunaw lang ako at ayokong madala sa mga tingin niyang iyon. Matapos kong iwasan ang kaniyang mga titig ay minabuti kong pumunta sa passenger seat pero pumasok din siya at tumabi sa akin.
"Zide.." Bungad niya na halos kabakasan ng kalungkutan. Alam kong mahirap din sa kaniya ito pero wala kaming choice kundi kalimutan ang nararamdaman namin para sa isa't-isa.
"Sky, tara na." Sabi ko pero yumuko lang siya sa balikat ko habang ako naman ay nakatagilid lang na tumingin sa posisyon niya.
"Zide naman. Ayoko na ng ganito tayo. Sobrang lungkot. Sobrang sakit sa dibdib. Magkasama nga tayo lagi pero parang hangin lang ako sa'yo. Huwaw naman sanang ganito, Zide. Kausapin mo naman ako." Aniya at naramdaman ko ang pagtulo ng luha niya sa kamay ko. Iyak siya ng iyak at hindi ko na napigilan ang sarili kong haplusin ang kaniyang likod at punasan ang kaniyang luha.
Simple lang naman ang gusto kong mangyari at hindi ko inaasahang darating ako sa puntong makikita ko na naman siyang umiiyak ng dahil sa akin. Pakiramdam ko tuloy na ang sama-sama kong tao.
"Sky, alam mo naman kung bakit ako umiiwas sa'yo, 'di ba?" Tanong ko sa kanya nang sandaling iangat niya ang kaniyang mukha. Kitang-kita ko ang pag-agos ng luha sa kaniyang dalawang mata at ibayong kirot sa dibdib ko ang dulot no'n. Kung kaya ko lang sanang pawiin ang lungkot niyang iyon ay nagawa ko na.
"H-hindi. Hindi kita maunawaan, Zide. Hindi ba pwedeng ipaglaban mo naman ako?" Diretsahan niyang sagot.
"Sky, kung kaya lang kitang ipaglaban ay nagawa ko na pero hindi talaga tayo pwede. Ano na lang sasabihin ni Tito kapag nalaman niyang nagkakamabutihan tayong dalawa?" Sagot ko.
"'Yan ang problema sa'yo, Zide. Hindi mo ako kayang ipaglaban. Lagi na lang nagma-matter sa'yo ang sasabihin ng ibang tao. Ano bang ambag nila sa buhay natin?" Bulalas niya na may diin. Ramdam na ramdam ko ang emosyon niya na nag-uumapaw at huminga muna ako ng malalim bago ko siya sagutin.
"Sky, wala akong kakayahan. Sino ba naman ako? Gustuhin ko mang ipaglaban ka ay hindi ko magawa. Isa pa ay may nobya ka. Ayokong magmahal ng taong hindi alam ang salitang 'contentment'. Kapag nagmahal ka, wala dapat kahati!" Sagot ko bago ko tanggalin ang kamay niya sa balikat ko.
"Makinig ka, Zide. Hindi ko mahal si Anne at kung iniisip mong wala kang laban ay mali ka ro'n dahil mahal kita. Mahal na mahal na hindi ko alam kung bakit. Hindi ka naman babae. Pero ganoon naman talaga, 'di ba? Kahit sino ay pwedeng tamaan nito!" Tinuro niya pa ang dibdib niya. "Zide, please. Mahal kita." Aniya bago niya ilapat sa akin ang kaniyang labi at nalasahan ko pa ang alat ng luhang dumaloy sa labi niya. Hindi ako nakakibo at hindi ko alam kung bakit ako nasa ganitong posisyon.
Hindi ko tinugon ang halik niya pero noong tumagal ay gumagalaw na rin ang labi ko at lumalaban na rin sa sinseridad ng kaniyang labi. Alam kong mali ito pero hindi ko kayang pigilan.
Palalim ng palalim ang aming halikan. Labi sa labi. Laway sa laway at ginagalugad niya pa ang loob ng aking bibig. Lasang-lasa ko ang tamis ng kaniyang laway at saka ko na lamang naisip na bumibigay na naman ako. Hindi ko rin napanindigan ang sinabi kong iiwas ako sa abot ng makakaya ko.
"Sky.." sabi ko nang humiwalay ang labi ko sa kanya. "Mali 'to. Mali." Umiiling kong sambit.
"Mali bang sundin mo kahit minsan 'yang dibdib mo? Tumugon ka sa halik ko, Zide. Tumugon ka." Makahulugan niyang sagot bago niya ako muling halikan at naging sanhi iyon upang ako ay mapasandal sa bintana ng kotse dahil sa tindi ng pagkagigil namin sa isa't-isa. Nakahawak ang isa kong kamay sa kanyang balikat at isa naman ay sa batok niya habang nagpapalitan kami ng halik at namalayan ko na lamang na nahubad na niya ang aking t-shirt na suot at may pagnanasa sa kaniyang mata nang tingnan niya ako.
Una niyang hinalik-halikan ang aking labi pababa sa leeg at halos magdelihiryo ako sa sarap lalo na noong sipsipin niya ang aking dalawang utong ng salitan. Bago sa akin lahat ng pakiramdam na ito lalo't sa tanang buhay ko ay hindi pa ako nagkakaroon ng karanasan sa sex sa babae man o sa lalaki.
"Ahhh.." ungol ko pa at bigla siyang tumigil para hubarin ang kaniyang damit. Tumingin siyang muli sa akin at mukang alam ko na ang kaniyang nais ipahiwatig. Nais niyang gawin ko sa kaniya ang ginawa niya sa akin kaya't isinandal ko siya sa bintana at hinalikan ko siya sa leeg pababa sa kaniyang utong na halos ikabaliw niya dahil sa tindi ng pagsupsop ko rito. Hindi rin nakaligtas sa akin ang kaniyang mga abs na putok na putok at nagulat ako nang ibaba niya ang kaniyang pantalon kasama ang kaniyang underwear.
Bahagya akong luminga sa paligid bago ako kumilos at napagtanto kong tinted nga pala ang kotse ni Sky kaya safe kami kaya naman bumalik ang tingin ko sa kanya.
Kitang-kita ng dalawa kong mata ang kaniyang pagkalalaki na tayong-tayo na parang handang manuklaw ano man oras. Mahaba iyon at may katabaan kumpara sa aking alaga. Ilang sandali ko pang pinagmasdan ang kaniyang pagkalalaki bago niya kunin ang aking kamay at sa unang pagkakataon ay nakahawak ako ng ari ng ibang lalaki bukod sa ari ko.
Mainit ang kaniyang mahabang ari na sa tantiya ko ay nasa pitong pulgada iyon kaya napalunok ako habang itinataas baba ko ang kamay ko sa kaniyang pagkalalaki. Impit na ungot ang kaniyang ginagawa at kita ko sa muka niya ang matinding pagnanasa lalo na nang magsalita siya.
"Subo mo, Zide." Utos niya at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Pero dala na rin ng libog at inilapit ko ang muka ko sa kaniyang pagkalalaki at kita ko ang paunang katas na lumalabas sa malas rosas na ulo ng kaniyang ari na agad kong dinilaan na ikinabaliw niya. Manamis-namis ang lasa noon at naging mapusok ang aking bibig at namalayan ko na lamang na inuumang ko na sa bibig ko ang kahabaan niya.
"Ahhhh. Shit!" Impit niyang ungol na sinasabayan niya ng pag-igtad habang subo ko ang kaniyang ari na hindi ko maisagad sa aking bibig dahil sa kabahaan. Hindi ko alam kung tama ang ginagawa ko sa kanya basta iniiwas ko lang na mabundol ang katawan ng alaga niya sa mga ngipin ko na ikinabaliw niya. Kinakadyot-kadyot na rin niya ang aking bibig at halos mabulunan ako pero ipinagpatuloy ko lang ang aking ginagawa hanggang sa manginig ang kaniyang bewang at nalasahan ko na lang ang katas niya na lumalandas pa sa aking bibig. Manamis-namis iyon at dahil sa dami ay nalunok ko ang iba at ang iba naman ay iniluwa ko sa tissue.
"Zide, ang sarap." Aniya at doon ko napagtanto ang ginawa namin. Nilamon kami ng makamundong gawain at mula sa pwestong ito at inilabas ko ang ari ko na sinasakal ng kaniyang kamay na ilang minuto lang din ay nilabasan na.
"Sky.." Nahihiya kong sambit nang punasan ko ang pagkalalaki naming dalawa at imbes na sagutin niya ako ay isang halik ang ginawad niya sa akin.
"Sky, mahal kita." Sabi pa niya matapos niya akong halikan na hindi inalintana na kanina lang ay napuno ang bibig ko ng katas niya.
"Mahal din kita, Sky!" Sabi ko bago ko tugunin ang halik niya.
Hindi ko alam kung saan kami dadalin nito pero sana ay hindi magalit ang mundo sa akin dahil lang sa naging makasarili at marupok na tao ako.
Itutuloy…
HSH SEASON 2: PART 25
HALIK SA HANGIN PART 25: MASTER
ZIDERICK
Simula noong may mangyari sa amin ni Sky sa kaniyang kotse ay napakalaki na ng pinagbago ng aming samahan. Kung noon ay parang hindi kami magkakilala, nasobrahan naman siya ngayon sa sweet at tila babae ang turing niya sa akin. Selos na selos din siya kapag nakikita niya akong may kausap na ka-block na lalaki. Minsan naman ay nasa kalagitnaan ako ng klase tapos bigla siyang magse-send ng picture niya at may
“I love you!” pa sa dulo. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti na napansin ng ilan lalo na si Danny.
"Zide, ano talagang mayroon at sobrang laki ng ngiti mo nitong mga nagdaang araw? Hindi ba't nitong mga nakaraang araw lang ay okupado ka ng kung ano. Share naman d'yan!" Aniya sabay akbay sa akin.
"Wala! Masaya lang ako kasi maganda ang kinalabasan ng output natin kanina. Biruin mo 'yon, highest pa tayo!" Bulalas ko na mukang kinagat naman niya.
"Oo nga eh. Congrats sa ating dalawa." Aniya at nakasalubong namin si Arkin at Roniel na papasok pa lang sa kani-kanilang mga klase.
"Zide!" Sabay pa nilang bati sa akin sabay akbay sa akin.
"Kumusta kayo? Hindi ako makaladaan sa dorm kasi medyo maraming requirements na kailangang tapusin eh." Kamot-ulo kong sagot.
"Nako, alam namin 'yon, Zide. Parang 'di mo naman kilala itong si Danny na ubod ng daldal." Wika ni Roniel kaya naman nagtawanan kami. Bagay na na-miss ko dahil kailan na lang kasi ako nakadaan sa dorm namin.
"Zide, parehas kami ng klase ni Arkin. Una na kami. Kitakits na lang uli!" Ani pa ni Roniel at sumaludo na lang sa akin si Arkin dahil five minutes na lang daw ay late na sila. Ang lapit lapit ng dorm, nale-late pa rin sila. Mga pasaway!
"Oh, Danny, paano ba 'yan, nand'yan na ang girlfriend mo." Mahinang bulong ko bago ko siya itinulak papunta sa nobya niyang si Chacha.
"Zide, ingat!" Aniya sabay takbo papunta sa nobya niyang paparating.
Tinitigan ko pa silang mabuti bago ako naglakad mag-isa kung saan dumiretso ako sa oval para manood ng practice game nina Sky at sakto naman na papatapos na sila kaya't pinanood ko lang sila mula sa bleacher na kinauupuan ko na mag-cool down.
"Zide!" Sigaw niya matapos ng ginagawa nila ng team niya. Pawis na pawis siya kaya naman nilabas ko ang bimpong sadya kong dinala para sa kanya. Sabi niya kasi sa akin kagabi na may practice ang soccer team na kinabibilangan niya.
"Ang baho mo!" Pang-aasar ko sa kanya kahit hindi naman talaga siya mabaho. Siya na ata ang lalaking kilala ko na kahit pawis na pawis ay mabango pa rin.
"Parang hindi naman. Ikaw yata 'yon!" Aniya sabay talikod. Hinubad pa niya ang kaniyang suot na t-shirt kaya naman kitang-kita ko ang malapad niyang likod na agad kong pinunasan ng bimpo. Matapos kong gawin iyon ay luminga-linga siya paligid at mabilis niya akong hinalikan.
"Loko ka! Baka may makakita sa'tin." May diin ang puna kong iyon sa kanya pero nagkibit-balikat lang siya at nang-asar pa bago umupo sa tabi ko.
"Hindi 'yan. Tsaka wala naman akong pakialam sa kanila. Ikaw 'yong mahal ko, hindi sila." Wika niya sabay akbay sa akin na agad kong tinanggal dahil hindi pa siya nagsusuot ng damit.
"Magsuot ka nga ng damit muna." Utos ko.
"Ayoko. Hindi ba mas gusto mo ngang hubad ako? 'Di ba? 'Di ba?" Nakangisi niyang pang-aasar na sinasabayan niya ng paglapit ng muka niya sa muka ko na hindi niya alam kung ano ang epekto sa akin.
Halos mamula ang aking muka dahil sa sinabi niya kaya naman napayuko na lang ako at iniabot ko sa kanya ang damit niya.
"Ang dami mong alam na loko ka. Magdamit ka na dahil nagugutom na ako." Singhal ko na siya namang sinunod.
"SIGURADO ka bang ayaw mo sa mamahaling restaurant tayo kumain?" Tanong niya sa akin habang binabaybay namin ang kahabaan ng kalsada kung saan maraming nagtitindang street food.
"Mas gusto ko rito." Sagot ko bago tumusok ng fish ball na isinawsaw ko sa maanghang na sauce.
"Alam mo, may bestfriend ako ro'n sa Probinsya. Favorite naming kumain ng ganitong mga pagkain." Pagkukwento ko sa pagitan ng pagkain ko.
"Sige, tuloy." Aniya na lumalantak ng kwekwek.
"Tapos minsan nakalimutan naming magbayad." Natatawa kong pagsasalaysay na ikinatawa niya. Natawa rin 'yong tinderong binibilan namin at medyo alanganin ang tawa niya.
"Nako, Sir, sana ay hindi niyo gawin sa akin 'yon. Malulugi ako." Singit ni Manong na nagpatunay sa iniisip ko. Natawa na lang tuloy kami ni Sky na noo'y nakakunot ang noo.
"Kalma lang," bulong ko kay Sky dahil mukang mananapak na siya eh.
"Kuya, kwento lang 'yon, babayaran ka naman namin." Sabi ko kaya napayuko na lang siya nang bayaran ko ang binili namin ni Sky.
"Huwag na uli tayong kakain do'n. Umiinit ang ulo ko sa tinderong 'yon." Ani Sky na tinawanan ko lang. Ang cute kasi niyang mainis.
"Oo na. Kalma ka lang d'yan." Sabi ko sa kanya bago kami sumakay sa sasakyan.
Saktong pagsarado namin ng pinto ay agad ko siyang binigyan ng halik sa pisngi dahil na-cute-an ako sa kanya. Nagulat siya sa ginawa ko kaya't mula sa naiinis na muka ay lumaki ang ngiti niya bago nagsalita.
"Dapat pala ay lagi akong mainis para i-kiss mo uli ako. Isa pa!" Aniya at sinunod ko naman sila. Akmang hahalikan ko na siya sa pisngi ng humarap siya kaya't sa labi ko siya nahalikan. Tatawa-tawa lang siya kaya hinampas ko siya sa balikat.
"Loko ka talaga!" Bulalas ko.
"Boyfriend mo naman ako ah? Bawal ba kitang i-kiss kapag gusto ko?" Tanong niya.
"Boyfriend? Nanligaw ka ba? Wala akong natatandaang nanligaw ka." Diretsahan kong sagot dahil iyon naman talaga ang totoo. Hindi porke't nag-sex na kami ay kami na agad. Hindi ako ganoon.
"Para ka namang babae eh." Sagot niya sabay kamot sa ulo niya.
"Ayaw mo ba? Okay lang naman sa'kin. Sa iba na lang ako magpapaligaw." Pang-aasar ko.
"Sabi ko nga po. Manliligaw ako kasi baka makasapak ako ng manliligaw mong iba." Aniya kaya naman hinawakan ko siya sa kamay at kinagat ko siya sa balikat na ikinasigaw niya.
"Aray!!!" Iyon ang sigaw niya na tinawanan ko lang.
"Para saan 'yon?" Tanong niya.
"Gusto ko lang. Huwag ka na ngang maraming tanong. Masyado kang maraming sinasabi para sa isang manliligaw." Puno ko sabay hawak sa kilay ko habang siya nama'y hindi makapaniwalang nakatingin lang sa akin.
"Bakit ka nakatingin sa'kin. Start mo na ang engine bago kita basted-in dito mismo sa kotse mo." Banta ko sa kanya kaya naman halos hindi siya magkanda-ugaga sa pag-start ng kotse.
"Seatbelt niyo po, Master!" Nakangiti niyang pang-aasar sabay lapit sa akin at inayos niya ang seat belt ko at kinuha ko ang pagkakataong iyon para kagatin muli siya ng isa.
"Ang sakit no'n, Master." Nakalabi niyang reklamo kaya naman dahil sa tuwa ko sa hitsura niya ay hinalikan ko siya ng isa sa labi ng mabilis na ikinatuwa niya.
"I love you, Master!" Masigla niyang entrada at ito ang unang araw na may manliligaw sa akin.
"Sana ay maging ayos ang lahat." Bulong ko sa hangin na ako lang ang makakarinig.
"Anong sabi mo?" Puna niya.
"Sabi ko, ang pogi mo." Sabi ko na nagpalaki pa lalo sa ngiti niya. Tama 'yan.
Itutuloy…
HSH SEASON 2: PART 26
HALIK SA HANGIN PART 26: OFFICIALLY ON
ZIDERICK
BAGO sa akin ang salitang 'ligawan' kaya naman kada may bagong pakulo si Sky ay tila sasabog na ang puso ko sa saya lalo na noong nakaraang araw na nanood kami ng sine. Magkahawak kamay kami noon at tila sa aming lamang umiikot ang mundo. Tama ang sabi nila na kapag in-love ka, sa kanya lang lahat umiikot ang mundo mo at ganoon ang nangyayari sa akin. Tila sa bawat araw na dumaraan ay mas nahuhulog ako. Mas nahuhulog ako sa mga pagpa-cute, pagpapa-sweet at paglalambing niya sa akin.
Sapat na siguro ang ilang araw para sagutin siya. Ika nga nila, relasyon ang pinapatagal at hindi ang panliligaw. Mas makikilala ko pa rin naman siya kapag kami na. Oo nga't may nagawa siyang kasalanan sa akin noon pero hindi naman siguro masamang bigyan ko pa siya ng isa pang pagkakataon na patunayan ang sarili niya sa akin.
"Zide, may ibabalita ako sa'yo.
“ Bungad ni Jepoy sa akin nang sagutin ko ang tawag niya. “Huwag kang magugulat, ha?” Habol pa niya gamit ang kaniyang mababang tono ng boses kaya’t kinabahan ako agad.
"Ano 'yon, Poy?" Tanong ko at hindi ko pinahalata sa boses ko ang kaba dahil baka naman nasa isip ko lang 'yon.
"Nakapasa ako sa exam para sa scholarship!"
Sigaw niya kaya’t natameme ako habang dinig na dinig ko ang pagpiyok ng boses niya dahil sa magkahalong galak at ligaya.
"Sobrang saya ko para sa'yo, Poy." Naluluha na rin ako dahil magkakasama na naman kaming dalawa.
"Zide, makakasama na kita uli. Matutupad ko na ang pangarap ko! Mapapaganda ko na ang buhay namin."
Singhal pa niya.
"Poy, basta proud ako sa'yo. Congrats!" Iyon lamang ang mga salitang nasabi ko dahil hindi ko alam ang dapat kong sabihin dahil sa sobrang saya ko para sa kaniya. Parang nitong nakaraan lamang ay pinag-uusapan lang namin ang plano namin kapag nakapasa siya at heto na nga at nakapasa na siya.
"Zide, salamat sa mga reviewer na pinsa mo sa'kin. Kung hindi dahil do'n ay baka bagsak na naman ako."
Pasasalamat niya bagama’t siya naman talaga at ang kaniyang tiyaga ang pinakasusi sa likod ng pagpasa niya.
"Huwag mo na akong pasalamatan, Poy. Ikaw ang may gawa niyan. Effort mo 'yan." Sabi ko sa kanya bago naputol ang tawag.
Napahinga ako ng malalim matapos ang usapan namin ni Jepoy at pansamantala akong napatingala sa langit at pumikit ako para pasalamatan ang Diyos para sa paggabay niya kay Jepoy para makapasa siya. Matapos iyon ay naramdaman kong may tumabi sa akin sobrang pamilyar sa akin ng amoy niya kaya naman nang humarap ako sa kanya ay tinawanan ko lang siya.
"Anong pinanalangin mo?" Tanong niya.
"Secret," sagot ko.
"Daya naman eh." Aniya bago ko siya pingutin sa tenga.
"Para saan 'yon? Ang sakit eh." Reklamo niya na nakalabi pa.
"Doon tayo sa likod ng Architecture building mag-usap. May sasabihin akong importante." Sabi ko gamit ang seryoso kong tono bagamat pinipigilan ko ang sarili kong ngumiti.
"Bakit naman doon pa?" Tanong niya.
"Basta sumunod ka na lang." Sabi ko at nagmadali naman kaming lumakad papunta sa likod ng Architecture building.
Habol-hinga akong humawak sa dibdib ko dahil sa pagtakbo habang siya naman ay kalmado lang.
"Bakit tayo nandito? Sabihin mo na kasi 'yong sasabihin mo. Kinakabahan ako sa'yo, Zide eh." Aniya kaya tinawanan ko siya kaya natawa na lang din siya.
"Pero bakit nga tayo nandito, Zide? Huwag mong sabihing ano.." Mapang-asar niyang tanong.
"Anong ano?" Balik ko.
"Walang makakakita sa atin dito. Hmm, baka lang naman gusto mong gawin natin uli 'yong ginawa natin sa kotse ko noong nakaraan." Aniya kaya sinuntok ko siya ng isa sa tiyan dahil sa bibig niya.
"Ang dami mong alam! Sasabihin ko lang sanang huwag ka ng manligaw kasi sinasagot na kita kaso parang ayaw mo yata kaya aalis na lang ako." Sabi ko at akmang tatalikod na ako nang yakapin niya ako sa likod at hinarap niya ako agad sa kanya at hinalikan niya ako ng mabilis.
"Talaga?" Sobrang laki ng ngiti niya nang itanong niya iyon kaya naman tumingin ako sa mata niya at tumango naman ako.
"Sabihin mo sa'kin, hindi 'to joke, Zide." Utos niya na parang hindi pa rin makapaniwala.
"Oo nga. Tayo na." Sabi ko na siyang hudyat para buhatin niya ako at niyakap niya ako na parang bata.
"Zide, sobrang pinasaya mo ako. Bago sa'kin lahat ng 'to pero isa lang ang alam ko; mahal na mahal kita. Gagawin ko ang lahat magtagal lang tayo. Magiging mabuting boyfriend ako sa'yo, pangako iyan, Zide." Aniya na halos maluha-luha na habang nagsasalita. Siguro ay dahil iyon sa labis na saya.
"Ako rin, Sky. Ayokong mangako ng kahit ano sa'yo, Sky. Simpleng tao lang ako. Mahal lang talaga kita at iyon lang ang kaya kong ipanlaban para sa'yo." Sagot ko at binigyan namin ang isa't-isa ng isang mainit na halik.
Opisyal na kaming magnobyo ni Sky at sobrang sarap sa pakiramdam no'n. Minsan ay hindi ko alam kung anong ginawa kong mabuti para gantimpalaan ako ng isang Sky sa buhay ko na mahal na mahal ako. Sa katunayan niyan ay wala na sila ni Anne kaya naman talagang sinagot ko na rin siya. Wala na akong kahati sa kaniya at masarap iyon sa pakiramdam.
Sino ba naman kasing nagmamahal ang gusto ng may kahati sa taong mahal niya?
Wala.
Mabilis na lumipas ang mga araw at halos mag-iisang buwan na rin kami ni Sky na magkarelasyon at sa bawat araw ay lalo niyang pinapatunayan kung gaano niya ako kamahal. Sa gabi ay tabi kaming matulog at sabay din kaming maligo. Minsan at naglalaro kami ng apoy ngunit hindi pa naman umaabot sa puntong pinapasok niya ako dahil hindi ko pa iyon kaya. Sapat na sa akin ang halik halik at yakap yakap lang at alam kong ganoon din siya.
Hindi pa rin talaga ako makapaniwala sa lahat dahil para pa rin akong nananaginip dahil sino ba naman ako? Ako lang naman si Ziderick na ang goal ay makapagtapos at makapagtrabaho ng marangal at hindi ko talaga inaasahan ang pagdating niya sa buhay ko.
"Zide, next week ay isang linggo akong mawawala dahil isa ako sa mga napiling mag-volunteer na mag-visit sa isang orphanage sa Laguna. Mami-miss kita kaya't nagpaalam na ako sa'yo. Sana ay behave ka rito kapag wala ako, ha?" Sabi niya at tumango naman ako.
"Okay lang, Sky. Kailangan mo 'yon. Tsaka bakit naman ako gagawa ng kalokohan eh mahal kita?" Sabi ko.
"May tiwala ako sa'yo, Zide at mahal na mahal din kita." Sabi naman niya at hindi ko pa rin talaga alam kung bakit sobrang saya ko. Sana ay magpatuloy itong saya namin kahit nagmamahalan lang kami sa lihim.
"May tiwala rin ako sa'yo, Sky." Sagot ko pa bago ko siya yakapin.
Itutuloy…
HSH SEASON 2: PART 27
HALIK SA HANGIN PART 27: INGAT
ZIDERICK
DUMATING ang araw ng pag-alis ni Sky para sa charity works ng organization nila at narito ako sa tabi niya ngayon. Hawak ko ang kaniyang kamay at kakatapos ko lang ayusin ang iba pa niyang gamit na dapat dalhin.
"Babalik naman ako," pauna niya. "Papasalubunga kita ng marami tsaka halik na rin." Pahabol niya.
"Wala naman akong sinasabing hindi ka na babalik, loko! Natural! Mami-miss kita dahil boyfriend kita!" Singhal ko at bigla na lamang niya akong niyakap at hinalikan ng mabilis sa labi.
"Oh siya, ingatan mo ang sarili mo ro'n, ha? Chat, text or tawagan mo ako kapag free time mo. Gagagawan ko ng paraan." Nakangiti kong bilin sa kanya.
"Yes, Master!" Pagsaludo niya. "Ikaw din, ha? Bawal lumandi." Sabi niya kaya naman pinisil ko ng isa ang ilong niya.
"Oo naman. Malabong gawin ko iyon sa'yo." Sabi ko at hinatid ko na siya patungo sa labas ng aming bahay. Sobrang aga pa pero kailangan ng umalis ni Sky dahil alas siyete raw ng umaga ang calltime nila.
Tanging kaway lang ang nagawa ko nang makasakay siya sa kotse niya na maghahatid sa kanya papunta sa campus. Naka-bus daw kasi sila at ewan ko ba kung bakit tila ba ayaw ko siyang umalis. Siguro ay takot lang akong mawala siya sa mga mata ko dahil halos araw-araw na kaming magkasama. Oo, tama. Baka nga ganoon lang 'tong pakiramdam ko.
ISANG buong maghapon na ang nakakalipas at hindi man lang ako nakaka-receive ng kahit anong message mula kay Sky kaya naman kinabahan na ako.
Dahil sa likot ng isip ko ay bigla ko na lamang idinial ang kaniyang numero at out of coverage iyon. Napabuntong hininga na lang ako sa ilang beses kong pagtatangkang pagtawag sa kanya. Sana naman ay okay si Sky.
Kinagabihan ay wala pa ring mensahe mula kay Sky kaya naman minabuti ko na lamang mahiga sa aking kama at saktong paghiga ko sa kama ay siya ring pag-send sa akin ni Sky ng isang mensahe kung saan magkasugpong ang labi nila ni Anne.
Hindi naman niya sinabi sa aking nandoon pala si Anne kaya naman halos madurog ang puso ko dahil sa panlulumo. Natagpuan ko na lamang ang aking sariling nakaupo sa ibaba ng aking kama habang ang aking kamay ay nakayakap sa aking dalwang tuhod na puro patak na ng luha.
"Sky naman eh." Bulong ko sa hangin at pinilit kong labanan ang bigat ng dibdib ko pero hindi ko ito mapigilan dahil talagang masakit ito. Akala ko ay okay na kami ni Sky dahil maganda naman ang paalam niya at hindi rin kami nag-aaway.
Ganito ba talaga kapag nagmamahal ka? Sinasaktan ka ng walang pakundangan.
Magdamag akong umiyak dahil sa larawan na ipinadala mismo ni Sky. Ang husay din naman talaga niyang maglaro ng nararamdaman. Para akong tino-torture sa sakit dahil sino ba namang hindi? Charity event daw pero parang hindi naman.
Ang ganda ng paalam niya sa akin tapos unang araw pa lang ay nagloko na siya. Maghapon akong naghintay ng mensahe sa kanya pero hindi niya man lang ako napadalan. Hindi na talaga siya nagbago. Lagi pa rin niyang sinasaktan ang puso ko.
Kinabukasan ay natagpuan ko ang aking sarili na nakahiga sa sahig at tiningnan ko agad ang aking cellphone kung may mensahe kay Sky. Sa kabutihang palad ay may "good morning" din naman siyang text kaya't nag-reply din ako kahit inis na inis na ako sa kanya.
"Good morning din! Enjoy ka riyan. Huwag mong papabayaan ang sarili mo." Sabi ko sa text at in-off ko na ang cellphone ko dahil ayoko siyang makausap. Nakakasawa rin palang maloko ng taong hindi mo naman ginagawan ng masama.
Nakakapagtaka rin minsan ang pag-ibig na'to. Minsan iniisip ko na lang na bumalik sa aming probinsya at doon na lamang mag-aral pero nandito na ako eh. Suportado ako ni Nanay sa lahat ng ginagawa ko. Siguro ay kailangan ko na lang tanggapin ang lahat. Hindi ko talaga kayang solohin si Sky. Siguro matapos ang finals namin ay magpapahinga muna ako sa aming probinsya. Medyo mainit na rin kasi rito sa Maynila. Sobrang dami ng nangyaring hindi kanaisnais.
"Zide, anak, kumusta ang pag-aaral mo? Ang balita ko ay ilang Linggo na lang ay matatapos na ang inyong unang semestre" Wika ni Nanay nang bumaba ako para mag-almusa. "Saan mo gustong magbakasyon? Gusto mo bang mag-Thailand o 'di kaya ay sa Maldives. Maganda ro'n at tiyak na masisiyahan ka ro'n." Pagsasalaysay pa ni Nanay pero okupado ang isip ko pero pilit ko pa ring ipinakitang interesado ako.
"Nay, uuwi na lang ho siguro ako sa Probinsya. Sayang din ho kasi ang pera sa pagbabakasyon sa ibang bansa." Wika ko kahit na nitong nakaraan ay pinagawan na niya ako ng passport para raw sa future travels namin.
"Sige, anak. Kung iyan ang gusto mo." Nakangiti niyang sagot kaya naman nang matapos akong kumain ay niyakap ko lang siya ng mahigpit dahil hindi ko maibahagi sa kanya ang bigat ng dinadala ko.
Bakit kaya gano'n, 'no? Sobrang hirap sabihing hindi ka okay sa magulang mo at sa kabilang banda ay mahirap ding magpanggap na okay ka.
"Ana, Zide... may problema ka ba?" Tanong niya habang hinihimas ang likod ko.
"Wala naman po, Nay. Na-miss ko lang po itong gawin." Sagot ko sabay ngiti.
"Basta kung may problema ka ay nandito lang ako para makinig sa iyo." Pahabol pa niya na tinugon ko ng pagtango.
LUMIPAS ang mga araw at ibayong bigat ang nararamdaman ko kahit nagkakausap kami ni Sky sa cellphone. Hindi ko naman kasi siya nakikita physically at nahihirapan akong tanggapin na siya mismo ang nag-send ng larawan nila ni Anne na naghahalikan at tila ba wala siyang alam sa lahat ng kagaguhan niyang iyon.
"Zide, miss na miss na kita. Two days na lang at nand'yan na ako." Sabi niya at pinipigilan ko lang ang sarili kong hindi maiyak.
"Miss na miss na rin kita, Sky. Mag-ingat ka riyan lagi." Sagot ko.
"Mahal na mahal kita." Aniya na hindi ko alam kung totoo pa ba o hindi na. Hirap din palang maniwala at kumbinsihin ang sarili natin na mahal tayo ng taong ilang beses na tayong ginawan ng hindi maganda.
"Mahal na mahal din kita, Sky!" Singhal ko at narinig kong may tumatawag na sa kaniya sa kabilang linya kaya naman nagpaalam na ako sa kanya at saktong baba ko ng tawag ay siyang pagbuhos naman ng luha ko.
Gabi-gabi pa rin akong umiiyak at niloloko ko ang sarili ko na okay kami at wala akong alam pero talagang mahirap ang hindi maiyak na lang dahil wala kang magawa. Lalo ako na malayo sa kanya.
At dumating na ang araw ng pag-uwi ni Sky kaya naman nang matapos ang huli naming klase para sa araw na ito---Biyernes ay dumiretso ako sa gymnasium dahil doon daw sila idi-dismiss. Hawak ang aking cellphone ay nakita ko ang pagbaba ng ilang mga seniors, sophomores at juniors ng aming organization at nakita ko rin ang paglakad ni Sky pababa at nakabuntot sa kanya si Anne na noo'y agad akong nakita. Kumaway pa siya sa akin at hindi ko alam kung ano ang ire-react ko. Parang akong nakalunok ng tinik ng wala sa oras dahil sa presensya niya. Totoo nga talaga ata ang iniisip ko. Niloloko ako ni Sky at harap-harapan pa.
"Zide!" Tawag pa ni Anne at nakangiting kumaway din ako sa kanya.
"Kumusta ang project execution ng org, Sky? Okay naman ba?" Tanong ko sa Sky nang makalapit sila sa akin. Sana pala ay hindi ko na lamang siya pinayagang umalis dahil pakiramdam ko ay binitag ko ang sarili ko sa kawalan na ako lang din naman ang masasaktan sa huli.
"Ah, okay naman. Medyo napagod lang." Ilag niyang sagot.
"Tama 'yon, Zide. Marami kasing makukulit na bata pero sulit naman dahil magkasama kami ni Sky," ani Anne at nakita ko kung paanong ang kamay niya ay nakahawak sa kamay ni Sky.
"Mabuti naman kung ganoon. Masay akong nag-enjoy kayo sa project ng org natin," sabi ko kasabay ng isang makabuluhang ngiti. Natalo na naman yata ako sa pagkakataong ito.
"Zide, nga pala, may pupuntahan pa kami ni Sky. Pwede bang ikaw na lang ang magdala ng gamit niya sa bahay niyo?" Tanong pa ni Anne at saan naman kaya sila magtutungo pa? Hindi pa ba sapat ang buong limang araw na magkasama silang dalawa?
"Sige ba. Oh siya, Sky," tumingin ako sa mga mata niya at nangungusap iyon. "Akin na 'yang travel bag mo at enjoy kayong dalawa." Sabi ko bago ko kuhanin ang hawak niyang maleta.
"Anne, Sky, ingat kayo." Habol ko pa.
"Ikaw din, Zide." Ani Anne at nauna na akong umalis sa harap nila.
Ang galing kong magsabing mag-ingat sila kahit itong puso ko ay hindi ko naingatan ng ayos. Bakit ba kasi ang dali kong madala at mauto? Ito ba 'yong pagmamahal ni Sky? Nakakatorete.
"Sky, ginago mo na naman ako," nakangiting halik ko sa hangin.
Itutuloy…
HSH SEASON 2: PART 28
NOTE: A YOKO NA PONG MAKAKABASA SA SUSUNOD NG “UPDATE KA NA PO”, “NEXT” etc., lalo na sa story na’to. Hindi pa ba sapat ang update na ibinibigay ko sa inyo weekly? Kakatampo naman minsan.
HALIK SA HANGIN PART 28: PAHINGA
ZIDERICK
MAG-AALAS diyes na nang gabi pero hindi pa rin siya dumarating. Siguro ay enjoy na enjoy niya ang oras nilang dalawa ni Anne. Sabagay, wala lang naman ako para kay Sky. Buong Linggo kong inisip kung saan ako nagkulang sa kanya pero hindi ko talaga mahanap kung saang bahagi ako nagkulang.
Mahirap pala kapag sobrang mahal mo 'yung tao. Sobrang hirap lalo na't ibinibigay mo naman ang makakaya mo para manatili lang na ayos ang relasyon niyo pero sakit pa rin ang nakukuha mo sa huli.
"Sir, sigurado ho ba kayong okay na po kayo ritong mag-isa sa pool?" Tanong sa akin ng kasambahay na nagdala sa akin ng tuwalyang pantuyo.
"Okay lang," sabi ko bago ako nagbigay ng isang matamis na ngiti. "Iwan mo na lamang diyan 'yang towel at kung maari ay magpahinga ka na rin dahil hating gabi na rin." Pahabol ko na siyang ikinatuwa niya.
"Sir, salamat po! Maunana po ako dahil maaga pa po kaming maglalaba bukas," wika niya at tumango naman ako bago ko muling inilubog ang aking sarili sa malamig na tuwig ng swimming pool na kinaroroonan ko.
Kanina pa ako nagbababad dito at hawak ang isang isang beer ay minabuti kong laklakin iyon at napangiwi ako dahil sa lasa.
Pagod ang isip ko at bugbog ang puso ko kaya mainam ang malamig na tubig at malamig na beer para bigyan ng pahinga ang aking sarili.
"Poy, next week ay uuwi ako d'yan. Sunduin mo ako sa Bayan, ha?" Sabi ko nang maisipan kong tawagan si Jepoy.
"Sige ba! Susunduin kita ro'n!" Masigla niyang sagot at pilit kong pinapakalma ang sarili ko pero hindi ko na napigilang maiyak at napatakip ako ng bibig dahil nahihiya rin naman ako sa bestfriend ko.
"Zide, okay ka lang ba?" Tanong niya at hindi ako nakasagot dahil malayang umaagos ang luha mula sa aking mga mata. "Zide, pinag-aalala mo ako. Sana ay nand'yan ako para mayakap o maalo man lang kita. Hindi ako sanay na umiiyak ka." Nag-aalala niyang pagwiwika.
"Okay lang ako, Poy. Medyo pagod pagod lang sa school," ang pagsisinungaling ko.
"Zide naman. Pahinga ka lang kapag pagod ka na. Huwag mong masyadong pinapagod ang sarili mo, ha?" Payo niya.
"Poy, miss na miss na kita," wika ko.
"Miss na miss na rin naman kita, Zide. Maglilimang buwan ka ng wala rito. Yayakapin talaga kita pagdating mo rito." Wika niya kaya naman napaiyak ako lalo habang nakangiti.
"Sige na, Poy. Ingat ka parati riyan. Kayo nina Tita Beth." Sabi ko.
"Lalo ka na, Zide." Iyon ang huli niyang bilin bago ko muling inilubog ang sarili ko sa tubig. Ilang pagpapabalik-balik na lubog angat ang ginawa ko para aliwin ko ang sarili ko hanggang sa may tumabi sa akin. Si Sky. Walang umiimik sa amin kaya ako na ang nag-initiate.
"Kumain ka na ba?" Tanong ko.
"Kanina. Ikaw ba?" Kaswal niyang sagot.
"Kumain na. Sabay kami nina Tito at Nanay." Sagot ko.
"Ahh." Iyon ang sabi niya at binalot kaming dalawa ng katahimikan. Walang gusto magsalita kaya bumalik ako sa lamesa kung nasaan ang malalamig na beer. Nagbukas ako ng dalawa at inabot ko sa kanya ang isa.
"Kanina ka pa ba umiinom?" Tanong niya.
"Pantatlong bote ko pa lang naman," sagot ko at kinalahating inom ko ang beer na hawak ko.
"Tama na 'yan," aniya at tinangka niyang agawin ang beer na hawak ko na napagtagumpayan naman niya.
"Ano ba, Sky. Akin na 'yan!" Inis kong singhal ko pero inilayo niya lang iyon sa akin pero pilit ko iyong inaagaw.
"Ano bang problema mo, Sky? Akin na 'yan!" Gigil kong tanong pero hindi pa rin siya natinag at inilayo niya sa akin ang beer na kinukuha ko sa kanya.
"Lasing ka na, Zide." Puna niya kaya tinawanan ko siya.
"Ako, lasing? Alam ko ngang pinaglalaruan mo ako. Lasing ba 'yon? Baka naman ikaw ang lasing sa paglalaro sa feelings ko?" Tanong ko sa kanya na hindia agad niya nasagot.
"Zide, let me explain," simula niya.
"Sige, Sky!" Simula ko ring sagot. "Makikinig akong muli sa kasinungalingan mo. Buong Linggo mo'kong pinagmukang tanga na charity works ang gagawin niyo pero landian lang pala at pananakit sa damdamin ko ang dinayo mo ro'n sa Laguna. Masaya ka ba? Masaya ka ng umiiyak na naman ako dahil sa'yo? Masaya ka na na ba, Sky? Saan ako nagkulang sa'yo? Ginagawa ko naman lahat para maintindihan ka eh. Minahal lang naman kita pero bakit lagi mo na lang akong sinasaktan? Tang ina naman, Sky! Bakit sobrang gago mo!?" Umiiyak na batikos ko sa kanya.
"Zide, hindi ko sinasadya. Hindi ko nais na maglihim sa'yo. Pagdating namin sa Laguna ay nandoon din si Anne. Pinadala siya ni Papa para magkaayo daw kami. Hindi ko naman gusto iyon, Zide. Maniwala ka sa'kin," nagsusumamo niyang paliwanag habang hawak ako sa balikat. Inalis ko agad ang dalawa niyang kamay at kinuha ko ang cellphone ko kung saan na-save ko ang larawan nila ni Anne na magkasugpong ang labi.
"Hindi sinasadya, Sky? Hindi pa rin ba'to sinasadya?" Simula ko at nanlaki ang mata niya nang ipakita ko ang larawan nila ni Anne.
"Hindi ka makasagot kasi totoo? Ang tigas din naman ng muka mong mag-send ng picture niyong naghahalikan gamit ang sarili mong account eh. Ang sakit, Sky. Okay na sa'kin na lokohin mo ako ng hindi ko alam eh, hindi masakit. Pero iyong ikaw mismo ang nagpapaalam sa akin ni niloloko mo na ako, sobrang sakit naman no'n, Sky. Parang pinapaalala mo lang kung gaano ako kababang tao eh. Sorry na kung ganito lang ako, ha? Hindi ako galing sa mayamang pamilya gaya mo at lalong hindi ako babae pero nasasaktan din naman ako, Sky! Sobrang sakit!" Umiiyak ko pang sabi sa kanya.
"Zide, maniwala ka sa'kin, hindi ko alam na nag-send ako ng picture na ganyan sa'yo. Matagal na iyang picture na 'yan." Sabi niya.
"Huwag mo na ngang bilugin ang ulo ko, Sky." Sabi ko.
"Sorry sa lahat ng nagawa ko, Zide pero hindi kita niloloko. Nagsasabi ako ng tao." Pagsusumamo niya kaya't lalo akong naluha.
"Mapagbiro ka palang talaga, Sky." Tumawa pa ako. "Ang hirap mo namang mahalin." Dagdag ko.
"Oo na, Zide. Ako na 'tong gago pero hindi talaga kita niloloko this time. Ang totoo niyan ay nag-usap kami ni Anne ng ayos kanina at sinabi ko sa kanyang ayoko na talaga. Pumayag na siya sa hiwalayan namin at pasensya ka na kung hindi ko agad sinabi agad sa'yo. Piniprotektahan lang kita," singhal niya bago niya ako niyakap.
"Kung ano pa mang dahilan mo, Sky, pagod na ako. Hindi na kita maunawaan. Sobrang pagod na pagod na akong mahalin ka. Kanina habang lumalakad kayo palayo sa akin ni Anne ay napatunayan ko lang na hindi ako para sa'yo at hindi ka para sa mundo ko. Simpleng tao lang ako na mahal na mahal ka pero may limitasyon din naman ako. Siguro, ipahinga muna natin ang sarili natin." Emosyonal kong wika.
"Zide ayoko. Ayusin natin 'to." Aniya. "Sana pala ay hindi na lang ako tumuloy sa Laguna para hindi ka nagkakaganyan. Baka okay tayo ngayon."
"Sana kahit malayo ka tinupad mo 'yong mga pangako mo para hindi tayo ganito. Huwag mo rin sanang sisihin ang sarili mo. Ako ang may mali dahil hindi ako sapat para sa'yo. Pasensya ka na kung ganito lang ako kababang tao. Hindi pwedeng ipagmalaki." Singhal ko bago niya ako yakapin ng mahigpit.
"Zide, huwag kang mag-isip ng ganiyan. Minahal kita dahil mahal kita at hindi dahil sa kahit ano pang mga dahilan. Zide, please.. patawarin mo na ako," aniya na akmang hahalikan pa ako sa labi pero umiwas ako dahil alam kong dahil sa isang halik lang niya ay madadala na naman ako at papatawarin ko siya. Ayokong mangyari iyon. Gusto kong makita niya ang halaga ko. Sawang-sawa na akong ipagsawalang bahala.
"Ayoko sanang mag-isip ng ganito pero ipinaparamdam mo kasi. Lagi mong sinasabing mahal na mahal mo ako pero ginaganito ko ako---iniisang tabi. Iniitsapwera." Hinaing ko.
"Hindi totoo 'yan, Zide. Mahal na mahal kita at ikaw ang priority ko," wika niya habang nakaharap sa akin. Bahagya kong inilapit ang sarili ko sa kanya at niyakap ko na rin siya.
"Priority, Sky? Sana hindi ka nagbibiro riyan sa sinabi mo. Lumalalim na rin ang gabi at nilalamig na ako rito, Sky. Magpahinga na muna tayo, lalo ka na. Tsaka mo na uli sabihing mahal mo ako kapag ramdam ko na." Wika ko bago ko siya iniwan sa pool. Ayoko sanang sabihin lahat ng iyon pero deserve ko rin naman sigurong mag-demand mula sa kanya dahil nobyo niya ako at hindi ako sino lang.
Itutuloy..
HSH SEASON 2: PART 29
HALIK SA HANGIN PART 29: TAHANAN
ZIDERICK
SABI nila ay para walang maramdamang sakit ang puso ay dapay daw nating gawing busy ang ating isipan. Bagay na ginawa ko sa buong Linggo. Inokupa ko ng iba’t-ibang bagay ang aking isip katulad ng pagguhit at pag-aaral para aming finals na kakatapos lang kaya naman naisipan ko ng ayusin ang dadalin kong gamit sa para sa pag-alis ko bukas.
Okay lahat ng exams ko at kasama pa rin ako sa scholarship na ayaw kong mawala dahil iyon ang una kong puhunan sa pag-aaral ko rito sa Manila. Oo nga’t sobrang laki ng allowance ko monthly ay hindi naman iyon basehan para ipagsawalang bahala ko na lang ang scholarship na mayroon ako. Ayokong maging palalo.
“Zide, anak, ingatan mo sana ang sarili mo pagdating mo ro’n sa Probinsya, ha? Ikamusta mo na lamang ako sa Tita Beth mo at sa kinakapatid mong si Jepoy,” aniya sabay yakap akin ng mabilis.
“Nay, sige po. Mauuna na po ako. Kayo na ho ang bahalang magsabi kay Tito na nakaalis na ako.” Sabi ko bago ko nakitang pababa si Sky sa hagdan. Halatang kakagising niya lang pero mas namayani sa kanya ang tapang para makipagtitigan sa akin at hindi ko mabasa ang nasa isip niya dahil wala naman akong talentong magbasa ng iniisip ng ibang tao.
Ako na ang unang bumitaw sa pakikipagtitigan dahil nagsalita na si Nanay.
“Sige na, Anak, balitaan mo ako kapag nandoon ka na.” Aniya at muli akong sumulyap kay Sky na noo’y nakatingin sa akin ng taimtim at para bang sinasabi niyang huwag akong umalis at dito lang ako. Matapo ang ilang segundong titigan namin ay ako na ang umiwas dahil gusto ko munang huminga mula sa ka-toxic-an ng relasyon na mayroon kami.
“Sir, nandito na po tayo sa terminal,” ang gising sa akin ni kuya Arnel na naghatid sa akin sa terminal ng bus papuntang Probinsya ng Quezon. Nakatulog na pala ako sa sobrang aga ng gising ko kanina.
“Kuya, Arnel, salamat!” Sabi ko sa kanya bago ako sumakay sa bus na halos mapupuno na rin dahil tapos na ang semestre. Marami akong pamilyar na mukang nakita. Nakalimutan ko na rin tuloy magpaalam kay Danny, Arkin at Roniel ng ayos. Babawi na lamang siguro ako sa kanila sa susunod na semestre.
“Pakiingatan po ng mga gamit ninyo at five minutes na lamang ay aalis na tayo!” Anunsyo ng konduktor.
“Sana all iniingatan!” Singhal naman ng lalaking kakaupo lamang sa tabi ko kung kaya’t lahat kami ay napatingin sa kanya pero hindi naman niya ininda iyon dahil mas inunawa niya ang pagkakalikot sa bag niya na siya ring hudyat ng pag-andar ng bus patungo sa aming kanya-kanyang mga destinasyon na nais puntahan.
Malamig ang hangin at temperatura sa loob ng bus pero mas nababagabag ako sa pagtingin tingin ng katabi ko sa cellphone niya at pagpupunas ng luha nito.
“Bro, okay ka lang?” Tanong ko sa kanya dahil hindi ko na napigilang hindi siya usisain. Kanina pa kasi siya umiiyak.
“Hmm. Okay lang ako. Masakit lang talaga ang dibdib ko.” Aniya kaya’t inabutan ko siya ng tubig na dala ko.
“Hindi ko alam kung anong maitutulong ko sa’yo, basta alam ko hindi ka okay.” Wika ko bago ko siya himasin sa likod.
“Okay lang talaga ako,” papiyok-piyok na sagot niya na hindi ko pinaniwalaan.
“Sana pwede nating lokohin ang sarili natin na okay lang talaga tayo, ’no? Alam mo, madaling sabihing okay ka pero mahirap lang patunayan kasi sa loob-loob mo ay gusto mong sumabog at umiyak para mawala lahat ng sakit.” Sabi ko dahil iyon ang nararamdaman ko.
“Ewan ko ba. Nagmahal lang naman ako tapos ganito na ako ngayon. Kapag mag-isa ako, pumapasok pa rin sa isip ko lahat ng sakit. ’Yung panloloko nila sa akin, ’yung panggagamit..” pumiyak siya at tuluyan na siyang umiyak kaya naman hinaplos ko pa ang kaniyang likod.
“Nasa parehong pahina pala tayo, bro.” Sabi ko sa kanya dahil iyon naman talaga ang totoo. Mas magaling nga lang akong magdala.
“Anong ibig mong sabihin? Niloko ka rin ba at ipinagpalit sa mas malapit?” Tanong niya at umiling ako.
“Niloko? Hmm.. hindi ko masabing gano’n pero pinaglalaruan niya ang puso ko ng paulit-ulit.” Sagot ko dahil iyon ang nakikita ko.
“Ganyan na ganyan kami ng ex-boyfriend ko.” Aniya na hindi ko inakala dahil wala sa pigura niya ang papatol sa lakalaki.
“Noong una napapatawad ko pa eh, hinahayaan ko lang pero noong nahuli ko na sila ng bago niya, doon na pumasok sa akin lahat na ang tanga tanga ko na pala. Alam mo ’yon? Pinaghahawakan ko pa rin ’yung mga pangako ko sa kanya na siya lang ang mamahalin ko kahit bumitaw na siya. Sobrang nanghihinayang ako sa’min eh. four years kami. High school pa lang kami na tapos..” pumiyok na naman siya at ramdam na ramdam ko ’yong sakit sa bawat pagkukuwento niya.
“Sana napapawi rin ng panyo ang sakit ng dibdib, ’no?” Wika niya. “Pero hindi ganoon ang buhay eh.” Dagdag pa niya. “Ipaparamdam ng mundo sa’yo ang panandaliang sa’yo na sa huli ay makamandag na sakit na napakahirap takasan. Pero alam mo ang nakakatawa? Hindi ako nanghihinayang na nagmahal ako.” Sabi niya at iyon naman ang isa sa similaridad namin. Hindi rin ako nanghihinayang na minahal ko si Sky.
Napakarami pa naming mga bagay na napagkwentuhan at marami akong napulot na aral sa kanya hanggang sa kapwa kami mapagod. Siya sa pag-iyak at pagkukwento habang ako naman ay sa pagpapakamla sa kanya at sa pakikinig na rin. Nag-e-exist pala talaga ’yong mga sugat na ganoon, ’no?
“Bro, gising na. Nandito na tayo sa grand terminal.” Iyon ang gumising sa akin at nang imulat ko ang mga mata ko ay nandoon pa rin siya; ang lalaking broken na hindi ko naitanong ang pangalan.
“Salamat!” Sabi ko bago ko hinintay na makakaba ang mga pasaherong nasa unahan namin. Bitbit ang aking travelling bag na naglalaman ng aking mga gamit ay minabuti kong umusad na pababa at ganoon din siya.
MABUTI kong pinagmasdan ang paligid at na-realized kong medyo matatagal pa kapag nagpasundo ako kay Jepoy. Madodoblehan pa siya sa pamasahe kaya naman sumakay na ako sa van na patungong Tayabas City, Quezon at sumunod naman sa akin ang katabi ko sa bus kanina.
“Sa Tayabas ka rin ba?” Tanong ko kaya natawa kami parehas.
“Mukang extended ang kwentuhan ah!” Nakangiti niyang entrada. “Nga pala, I’m Rap.” Aniya sabay lahad ng kamay niya sa akin.
“Ziderick. ‘Zide’ for short.” Sagot ko naman.
“Sasakay ba kayong dalawa o magkekwentuhan na lang? Aalis na ’tong van.” Puna sa amin ng tsuper kaya sabay kaming napakamot sa ulo habang sumasakay sa loob ng masikip na van. Sobrang okupado na kasi pero hindi na namin iyon inisip dahil ganito talaga rito.
Matapos ang ilang minutong byahe ay natagpuan ko ang sarili ko sa tapat ng isang pamilihan kung saan katabi ko pa rin si Rap na kumakain ng siopao habang ako naman ay kumakain ng siomai. Ayoko kasi talaga ng siopao kaya siomai ang napagdiskitahan kong kainin.
“Zide!” Tawag sa akin ni Jepoy na nagtatakbo papalapit sa akin. Halos maiyak ako nang makalapit siya sa akin lalo na nang yakapin namin ang isa’t-isa na parang magkapatid.
“Sobrang na-miss kita, Zide.” Panimula ni Jepoy na nakayakap pa rin sa akin.
“Sobrang na-miss din kita, Poy.” Sabi ko at humarap kami sa isa’t-isa sabay yakap uli.
“Ehem! Ehem!” Singit ni Rap na tinawanan lang namin ni Jepoy.
“Rap, una na kami nitong bestfriend kong si Jepoy. Mag-ingat ka, ha?” Sabi ko at nakipagkamay sa kaniya saglit si Jepoy bago niya kunin ang dala kong travelling bag kaya naman isang bag na lang ang dala ko ngayon, ang bag pack ko.
“Ingat din kayo!” Aniya bago kami tuluyang naglakad patungo sa terminal ng tricycle.
“Jepoy, sobrang saya kong kasama na kita ngayon.” Sabi ko bago kami sumakay sa tricycle.
“Ako rin naman. Suot ko pa nga ’tong regalo mo sa’king damit no’ng birthday ko.” Makwela niyang pagkukwento at ipinagmayabang niya pa ang suot niyang damit kung saan hindi ko na naman makita ang mga singkit niyang mga mata dahil nakangiti siya.
PAGKABABA namin ng tricycle ay maraming mga mata ang tumingin sa akin at ganoon na lamang ang pagyakap sa akin ni Tita Beth nang makarating kami sa kanila. Dito kasi kami ipinababa ni Jepoy dahil naghanda raw ang Nanay niya ng pananghalian para sa amin.
“Nako kang bata ka! Napakagwapo mo ng lalo! Limang buwan ka lang sa Maynila ay halos napakalaki na ng nagbago sa anyo mo. Napakakinis at napakapula rin ng pisngi mo. Ay yanong gwapo mo talaga, Ziderick! Kamukang-kamuka ka na ng iyong Tatay noong kabataan namin.” Aniya kaya’t medyo lumutang ng ilang segundo ang aking pag-iisip dahil nabanggit ang tatay ko.
“Kayo rin po, Ate Beth, medyo namuti rin po kayo. Siguro ay babad na naman po kayo sa kojic,” singhal ko na dahilan para matawa siya dahil iyon naman ang totoo.
“Nay, sa loob na po tayo mag-usap dahil pagod ho si Ziderick. Tsaka nakakahiya na ho sa mga kapit-bahay na nakatingin sa atin.” Ang pagsingit ni Jepoy at tama nga siya dahil ang daming mga matang nakatingin sa amin lalo na sa akin.
Agad kaming pumasok sa loob at nakita ko si Katkat na nakaupo sa gilid sa tapat ng tapat at busy siyang nanonood sa network na bali-balitang ipapasara na raw.
“Katkat, si Kuya Jepoy mo nandito na uli.” Sabi ni Ate Beth at mabilis itong lumapit sa akin para yumakap at bumalik na rin agad siya sa panonood. Ganoon talaga si Katktan, mabait na bata at mahilig manood ng t.v.
“Poy, Ate Beth para po sa inyo.” Sabi ko sabay abot sa kanilang dalawa ng box na naglalaman ng cellphone na binili ko last week mula sa naiwang pera ko na galing sa scholarship.
“Zide, ano ’to?” Tanong ni Jepoy habang si Ate Beth naman ay excited na binuksan ang modelo ng cellphone na bukang bibig niya noong nandito ako. Hindi naman iyon kamahalan dahil nabili ko lamang iyon sa halagang walong libo.
“Cellphone. Advance regalo ko sa inyo.” Sabi ko at halos maiyak si Ate Beth sa nakita niya at ganoon din si Jepoy.
“Hindi ko tatanggihan dahil ang tagal ko ng gustong magkaganitong cellphone. Salamat sa’yo ng sobra, Zide! Babawi ako sa’yo.” Wika niya sabay yakap akin na sinundan ni Ate Beth.
“Zide, ’nak, salamat dito. Sana ay hindi ka na nag-abala. Sobrang mahal nito kaya iingatan ko ’to.” Maiyak-iyak na sabi ni Ate Beth.
“Nako, para po talaga sa inyo ’yan. Pambawi ko na rin po sa mga tulong niyo sa akin.” Sabi ko at doon na kami nagsimulang kumain at sa puntong ito ng buhay ko, masasabi kong nakauwi na nga talaga ako sa aking nakagisnang tahanan.
Itutuloy…
HSH SEASON 2: PART 30
HALIK SA HANGIN PART 30: SALAMAT
ZIDERICK
KANINA ko pa tinitingnan si Jepoy na nakatingin sa kaniyang cellphone. Halos dalawang oras na niya iyong tinitingnan kaya natawa ako sa kanya bago ko siyang pinuna.
"Baka naman matunaw na 'yan sa kakatitig mo." Puna ko sa kanya.
"Eh kasi, ngayon lang ako nagkaroon ng ganito kamahal na cellphone. Tapos nag-aalala ako dahil baka masira ko lang." Aniya kaya binatukan ko siya ng isa.
"Loko ka. Binigay ko sa'yo 'yan dahil gusto kong may magamit ka kapag nasa Manila ka na. Mahirap mabuhay do'n ng walang cellphone. Maiiwan ka sa lecture at deadline ng submission kasi may online classes kami minsan kapag may na-miss ang prof namin na klase." Pagsasalaysay ko.
"Ganoon ba? Kaya mo naman pala ako binigyan nito eh. Salamat talaga sa'yo, Zide!" Aniya at ginulo niya ang buhok ko.
"Nga pala, Zide, anong oras tayo pupunta sa inyo? Kung ayaw mo pa at hindi ka pa handa ay pwede ka namang manatili pa rito sa bahay." Pagbabago niya ng topic na talaga namang nagbigay sa akin ng kakaibang kaba dahil si Itay iyon. Iniwan ko siya ng walang paalam at malamang sa malamang ay galit na galit iyon sa akin.
"Hindi ko pa alam pero gusto ko siyang makita. Miss ko rin naman iyon si Itay kahit pangit ang trato niya sa'kin," wika ko.
"Basta kung saan ka ay doon ako." Sagot naman ni Jepoy kaya napayakap na lang ako sa kanya.
Dala na rin ng aking pagka-miss sa aming lugar ay niyaya ko si Jepoy na pumunta sa Simbahan kung saan niya ako inilibre ng milk tea noon.
"Zide, medyo inaantok pa ako pero tara na." Wika ni Jepoy na alam ko namang hindi makakatanggi sa akin dahil malakas ako sa kanya.
"Ate Beth, si Jepoy po ayaw ako samahan sa Simbahan." Pang-aasar ko kay Jepoy.
"Aba, Jepoy, anak, minsan lang umuwi rito 'yang kinakapatid mo, samahan mo na!" Singhal ni Ate Beth mula sa kanilang tindahan kaya't natawa ako.
"Oh, samahan mo raw ako!" Sabi ko bago ko siya asarin gamit ang paglabas ko ng dila na ikinatawa na lang niya.
"Hindi ka pa rin nagbabago, Zide. Maloko ka pa rin." Kumento ni Jepoy.
"Na-miss lang kita, loko. Harito ka nga." Sagot ko naman at lumapit siya sa aking muli. Bale nakatayo siya habang nakaupo ako sa sofa nila at niyakap ko siya sa katawan na parang bata.
"Sobra sobra kitang na-miss, 'Poy kahit na ang pangit mo." Pang-aasar ko sa kanya at sabay kaming tumawa papalabas ng bahay.
Lakad lang kaming dalawa na pumunta sa simbahan kaya naman halos tumagaktak ang pawis namin dahil sa pagod. Ayos naman kasi ang langit. Maulap at hindi mainit sa balat ang sinag ng araw.
"Zide, bakit pala tayo nandito?" Tanong niya nang makarating kami sa Milk Tea Planet na malapit sa simbahan. Dito rin sa mismong lugar na ito ako inilibre ni Jepoy kaya time ko na para bumawi lalo na'y may pera na ako.
"Naisipan ko na baka gusto mo ng milk tea kaya heto, nandito tayo." Sabi ko at hinila ko siya papasok sa loob at agad kaming um-order ng paborito niyang flavor at large size pa ang binili namin.
"Zide, ang sarap talaga nito!" Kumento niya habang nakatingin kami sa ibaba ng tulay na kinaroroonan namin.
"Oo naman!" Sabi ko na lang dahil bigla kong naisip si Sky.
Ano na kayang ginagawa ng lokong 'yon? Mali! Dapat hindi ko na muna siya iniisip dahil nandito ako para magsaya at humanap ng sariwang hangin at hindi para ukulong ang sarili ko mula kay Sky.
"Anong gustong pagkain ni Katkat, 'Poy?" Tanong ko.
"Pizza. Pero teka, bakit mo pala naitanong?" Tanong niya sa akin.
"Bibili tayo. Wala kasi akong pasalubong sa kanya. Sa iyo lang at kay Tita Beth at kay Itay." Sagot ko.
"Nako ka, Zide! Baka wala ka ng pera niyan. May darating pang semestre." Panenermon niya.
"Okay lang, Poy. Huwag mo akong intindihin. Basta ang focus ko ngayon ay kayo kaya bumili na tayo ng pizza na gusto ni Katkat." Sabi ko at wala siyang nagawa kundi ang magpatianod na lamang sa nais ko.
"Okay na siguro 'to, Zide." Sabi ni Jepoy nang makuha namin ang order namin na box ng ham and cheese flavor na pizza. Bibili pa kasi sana ako ng doughnut pero pinigilan niya ako at tama naman siya dahil baka hinakain na naman si katkat dahil sa tamis ng doughnut.
Mabilis na lumipas ang oras at nang makauwi kami ay nilantakan agad namin ang dala naming pizza na favorite ni Katkat. Nagtira rin ako ng isang extra box para sa Itay ko. Mahilig din kasi iyon sa Pizza.
"Ate Beth, una na po kami ni Jepoy." Sabi ko nang mapagpasyahan ko ng dalawin si Itay.
"Mag-ingat ka, Ziderick! Balitaan niyo agad ako, ha?" Bilin niya pabalik at tinumbok na namin ang daan patungo sa aming bahay. Gaya kanina ay marami pa ring mga mata ang nakatingin sa akin at inuusisa niya ng maigi ang aking muka.
"Iyan na ba iyong anak ni Ronalda at Linda? Napakagwapong bata, hane?" Kumento nh isang matanda.
"Oo, balita ko at sa Maynila iyan nag-aaral." Wika ng kausap nitong matanda.
"Ganoon ba? Bongga naman pala!" Sagot pa ng una kaya binilisan na lamang namin ni Jepoy ang paglalakad at nakita kong maigi ang aming tahanan kung saan ako lumaki at hinubog ng panahon. Five months na rin pala ang nakakalipas magbuhat noong umalis ako.
"Hindi pa ba tayo papasok sa loob?" Entrada ni Jepoy sa akin dahil halos limang minuto na kaming nakatayo sa ilalim ng manggang tambayan ko dati kapag pagod na pagod na ako. Nakakatuwa lamang din at nakalaya na ako.
"Konti pa, Poy. Huwag kang excited diyan." Kumento ko.
Matapos ang ilang minutong pagmamasid ay sabay kaming lumakad ni Jepoy papalapit sa aming bahay. Sarado ang munti nitong pinto kung saan nalasulat ang aking pangalan kaya naman mabuti kong pinihit ang seradura nito na hindi naman naka-lock kaya't pumasok na kami.
Pagpasok na pagpasok namin ay nakita ko si Itay na hawak ang aking larawan at umiiyak siya pero bigla na lamang siyang nagpanggap na okay nang bigla niya akong makita.
"Zide, labas muna ako," pagpapaalam ni Jepoy at naiwan kami ni Itay sa loob na magkaharap.
"Itay, mano po." Bati ko sa kaniya na kinuha naman niya agad at walang sabi-sabi ay niyakap niya akong muli matapos ng tatlong taon.
"Anak, patawarin mo ang Itay mo kung naging matigas ako sa'yo. Hindi ko dapat iyon ginawa dahil nag-iisa kitang anak." Aniya at tila ba gumuhit ang luha sa aking mga mata na kanina ko pa pinipigilang pumatak. Sino ba namang makakapagsabing ang pinakamatigas na taong kilala ko ay muling umiiyak at iyon ay dahil sa akin.
"T-tay, okay lang po. Wala naman ho akong galit sa inyo. Pasensya na rin ho kayo kung umalis po ako ng walang paalam." Sabi ko at hindi pa rin niya inaalis ang pagkakayakap niya sa akin.
"Linggo-linggo kang ikukwento sa akin ni Jepoy at gustuhin ko mang kausapin ka ay hindi ko magawa dahil malaki ang kasalanan ko sa'yo. Nak... proud na proud ako sa'yo." Wika niya kaya't lalo akong napahagulhol sa pag-iyak.
"Tay, ang tagal ko pong pinangarap na mayakap kayong muli at heto na po tayo." Sabi ko sa kanya at para akong batang nangulila sa kalinga ng isang ama.
"Tay, kasal na po si Inay.." pag-iiba ko ng usapin.
"Alam ko iyon, Anak. Kasalanan ko rin naman ang lahat dahil hindi ko kayo nabigyan ng magandang buhay ng Nanay mo. Isa pa ay nagloko rin ako at nalulong sa sugaw kaya't tuluyan niya akong iniwan. Pasensa ka na talaga, Anak. Pakiramdam ko karapat-dapat na tawaging ama dahil sa mga naging aksyon ko lalo na sa'yo." Aniya pa.
"Tay, kalimutan na ho natin lahat ng iyon dahil nakalipas na'yon. Mas maganda ho sigurong magsimula tayong muli sa umpisa at kalimutan nating nanaginip tayo ng masama." Sabi ko at tuluyang naiyak ang lalaking minsan kong inidolo sa tanang buhay ko.
"Anak, salamat!" Iyon ang huling binaggit sa akin ni Itay na talaga namang nagpalambot pa lalo ng aking puso.
Akala ko masasaktan akong muli sa pagpunta ko rito. Nagkamali ako dahil isang masarap na pagtanggap at pasasalamat ng bumuluga sa akin.
Basta iniisip ko pa ring ang laki ng blessings ng araw na'to para magpasalamat sa Nasa itaas.
Itutuloy…
HSH SEASON 2: PART 31
HALIK SA HANGIN PART 31: EFFORT
ZIDERICK
MATAPOS naming mag-usap ni Itay ay inilabas ko lahat ng damit na ibinili ko sa kanya roon sa Maynila. May ilang branded at mayroon ding hindi pero sapat na iyon para mapasaya ko si Tatay lalo na sa pagkaing dala ko. Malaki ang pasasalamat sa akin ni Itay at ganoon din naman ako kagalak lalo na kay Jepoy na lihim pa lang gumagawa ng paraan para magkaayos kami ni Itay.
“Jepoy, salamat!” Iyon lang ang nasabi ko matapos naming magkausap ni Itay.
“Loko, okay lang ’yon. Huwag kang magpasalamat sa’kin dahil alam mo ba noong unang Linggo na nawala ka ay masama na sa kakahanap iyang si Ninong at hindi niya kami tinigilan ni Mama hangga’t hindi namin sinasabi kung nasaan ka. Noong una ay nanghinayang siya sa pag-alis mo pero natuwa siya noong sinabi naming nag-aaral ka na sa Maynila. Unang beses naming nakitang ganoon si Ninong at simula noon ay hindi na siya nag-iinom at inayos na niyang muli ang kaniyang sarili. Nagtatrabaho na ring muli si Ninong sa Bayan bilang jeepney driver. Nakakapanibago, ’di ba?” Pagkukwento ni Jepoy na ngayon ko lamang narinig. Siguro ay inilihim ito sa akin ni Jepoy para sa magandang simula ng susunod na taon.
“Poy, salamat uli!” Sabi ko kay Jepoy at akmang yayakapin ko siya nang biglang may pamilyar na sasakyan ang pumarada sa tapat ng aming bahay. Kitang-kita ko kung paanong bumaba mula roon si Sky na mainit ang tingin kay Jepoy kaya naman inayos ko ang aking sarili para kumalma na rin dahil hindi ko ito inaasahan.
“Sky, bakit ka nandito?” Tanong ko sa kanya pero imbes na sagutin ako ay tumingin lang siya at si Jepoy ang napagdiskitahan niyang ipunto.
“Sino ka?” Tanong niya kay Jepoy na noo’y kalmado lang, kumpara sa akin na halos panawan na ng ulirat. Bakit ba naman kasi nandito siya?
“Ikaw ang sino ka ba?” Tanong sa kanya pabalik ni Jepoy.
“Boyfriend ako ni Zide. Ikaw ba? Sino ka ba sa buhay niya?” Ang bulalas na pasabog ni Sky kaya naman tinakpan ko ang kamay niya at sinenyasan ko naman si Jepoy na kumalma.
“Boyfriend ka ng bestfriend ko? Wala akong natatandaang ipinakilala ka niya sa akin kasi wala naman siyang nababanggit tungkol sa iyo.” Sabi ng nagtatakang si Jepoy.
“Ganoon ba? I’m Sky. It’s nice meeting you..” hindi niya alam ang pangalan ni Jepoy.
“Jepoy.” Ani Jepoy sabay abot ng kamay niya at tumingin pa siya sa akin at nakita ko ang kalamlaman ng kaniyang mga mata.
“Sige, Zide, Sky,” simula niya. “Mauna na ako. May tatapusin pa ako sa bahay.” Biglang pamamaalam ni Jepoy at hindi ko na siya nagawang pigilan dahil kay Sky na nakatingin sa aking mga mata.
“Sky, bakit ka nandito?” Tanong ko agad sa kanya.
“Sinundan kita kasi para akong sinasakal kanina habang pinapanood kitang umalis sa bahay. Pasensya ka na sa lahat ng kapalpakan ko.” Sabi ko at akmang yayakapin niya ako ng bigla kong naalala si Itay na nakaidlip lang sa sofa namin.
“Tay, si Sky po.. kaibigan ko ro’n sa Maynila.” Pagsisinungaling ko nang pumasok kami sa loob ng bahay.
“Magandang araw po!” Masigla at nakangiting pagbati ni Sky kay Itay.
“Magandang araw din sa’yo. Mukang malayo pa ang binyahe mo. Gusto mo ba ng maiinom o makakain?” Magilas na sagot naman ni Tatay na halatang gustong-gusto si Sky lalo na’t pangarap niyang magkaroon ng anak six feet tall.
“Hmm. Magpapaalam po sana ako kung pwede ho ako ritong magbakasyon.” Diretsahan niyang sagot.
“Oo naman! Kaibigan ka ng anak ko kaya’t gawin mo ang nais mo rito. Welcome na welcome ka rito. Nga pala, Zide, hijo, maiwan ko muna kayo riyan dahil may kukunin ako sa kumpare ko sa kabilang Barangay. Baka gabihin na ako kaya mag-ingat kayo rito, ha?” Wika ni Tatay at nakita ko kung gaano kalaki ang ngiti ni Sky lalo na nang umalis na si Itay.
“Maliit lang itong bahay namin, Sky. Baka hindi ka maging komportable rito.” Pagpapauna ko kay Sky na noo’y umiinom ng malamig na tubig.
“Okay nga rito sa inyo eh. Tsaka kasama naman kita kaya okay talaga sa akin lahat.” Aniya at hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko dahil sariwa pa rin sa akin lahat kung paano niya ako sinaktan.
“Galit na galit ka pa rin ba sa akin, Zide? I’m really sorry sa lahat ng maling naramdaman ko.” Aniya at iniharap niya ako sa kanya.
“Sorry, mahal na mahal lang kita,” wika niya.
“Mahal din naman kita, Sky. Hindi naman mawawala iyon. Ang gusto ko lang naman talaga ay maging ayos tayo. Maging tapat ka sa akin at gawin mo rin akong priority mo. Ang dali lang naman no’n, ’di ba?” Singhal ko sa kanya.
“Alam ko naman iyon kaya kinausap ko si Papa noong nakaraang Linggo na ayaw ko kay Anne at sinabihan ko rin siyang huwag na kaming pag-ayusin dahil naaasiwa ako. Noong una ay nagalit siya dahil magkasosyo pala sila sa isang food business pero napagtanto niya rin nasa modernong panahon na tayo kung saan malaya na nating nasusunod kung sino talaga ang gusto ng puso natin.” Wika at hindi ko alam kung ano ang ire-react ko pero isa lang ang alam ko, mahal na mahal ko talaga si Sky.
“Kung wala ka ng sasabihin ay ilagay mo na rito ang gamit mo.” Utos ko sa kany at inilapag naman niya ang bag niya sa kama kong alaga sa linis ni Itay kaya naman maayos ang dating nito, hindi nga lang kasing sopistikado gaya ng mga higaan namin sa mansyon.
“Ito na ba ang kwarto mo?” Tanong niya at tumango ako.
“Sa sofa ka tutulog mamaya, ha? Ayokong makatabi ka sa paghiga.” Sabi ko sa kanya kaya’t lumabi siya na hindi ko naman pinansin.
“Last thing na dapat mong malaman ay hindi mo dapat sabihin kat Itay na nobyo mo ako dahil magugulat iyon.” Singhal ko pa sa kanya na ipinagpauna ko na naman sa kaniya kanina pa.
“Noted, Master!” Aniya.
SUMAPIT ang malalim na gabi at hindi ko alam kung bakit hindi ako makatulog. Nakokonsensya kasi ako sa pagpapahiga ko kay Sky sa sofa. Hindi pa naman iyon sanay sa hirap.
“Kainis!” Sabi ko sa sarili ko bago ako tumayo. Nasasaktan kasi ako kapag naiisip ko ang pwesto ni Sky sa sofa na nakabaluktot habang ako ay prenteng nakahiga sa kompotableng higaan.
“Anong ginagawa mo?” Bungad na tanong ko nang makita ko siyang parang bata na nagkakamot ng katawan at ako na mismo ang nagtayo sa kanya para papuntahin siya sa kwarto ko.
“Dito ka matutulog dahil naaawa ako sa pwesto mo kanina at hindi dahil okay na tayo, ha?” Sabi ko sa kanya at nakita ko kung paano siya tahimik na humiga bago yumakap sa akin.
“Zide, sorry.” Aniya na tumagos sa dibdib ko. Bakit ba kasi sinundan niya ako rito? Nag-aalaboruto na naman tuloy ang isip ko sa kakaisip sa kanya at sa effort niyang magtungo rito.
“Mag-uusap tayo bukas, ha?” Sabi ko sa kanya bago ko siya bigyan ng mabilis na halik sa kaliwa niyang pisngi.
“Premyo mo ’yan dahil sa effort mong sundan ako rito.” Sabi ko matapos ko siyang halikan.
“Pwedeng isa pa? Ang layo kasi ng binyahe ko. Medyo sumasakit ang kamay ko.” Aniya na ginawa ko naman agad at ito na naman ako, nagpapakalunod na naman sa pag-ibig ko sa kanya.
Eh ano naman kung nag-effort ’yong tao?
Maraming bagay ang nasa isip ko ngayon pero hindi nawala ro’n ang saya ko dahil muli na naman kaming nagkasama dahil sa effort niya, sa effort ng taong mahal ko.
Itutuloy..
HSH SEASON 2: PART 32
HALIK SA HANGIN PART 32: BEST-FRIEND
SPG ALERT
ZIDERICK
MALAMIG ang pagtama ng hangin na nagmumula sa electricpan at nakita kong nakayakap sa akin si Sky na alam ko namang nagtutulug-tulugan lang kaya kinurot ko siya ng mahina sa pisngi kaya magkaharap na kami ngayon at magkatitigan.
"Dapat galit ako sa'yo, eh. Pero bakit nakita lang kita rito parang nawala lahat ng galit ko sa'yo?" Pasimula ko sa kanya.
"Hindi ko rin alam." Aniya kaya niyakap ko siya para malaman niyang miss na miss ko na siya. Halos dalawang linggo rin kasi kaming hindi nag-uusap dahil umiiwas ako kada may pagkakataon siyang lapitan ako.
"Ano bang pinakain mo sa'kin para mabaliw ako sa'yo ng ganito?" Tanong ko pa sa kanya at binuhat niya ako papatong sa kaniyang ibabaw.
"Ganoon ka rin naman sa'kin. Sobrang nagsisisi na ako sa ginawa ko sa'yo. Patawarin mo na ako, please." Sagot niya at tila nangungusap din ang kaniyang mga mata habang sinasabi niya iyon kaya naman hindi ko na napigilan ang sarili ko na halikan siya na agad naman niyang tinugunan.
"Sigurado ka ba, Zide? Kapag hindi ka tumigil sa kakahalik ay baka kung saan tayo umabot." Aniya pero wala na akong pakialam ro'n dahil nais ko rin naman ito.
"Pakialam ko?" Sabi ko bago ko siya muling hinalikan at namalayan ko na lamang na hubo't-hubad na kaming dalawa.
Hindi na ito ang unang beses na nakita ko ang kahabaan niya pero sobrang namamangha pa rin ako sa laki no'n.
Tuloy pa rin kami sa paghahalikan at pinipigilan kong umungol ng malakas dahil baka biglang dumating si Itay.
"Ahhh." Ungol ko nang sinabusad niya ng maigi ang aking dibdib at nag-iwan pa siya roon ng marka. Sunod kong ginawa ang ginawa niya sa akin. Itinulak ko siya pahiga sa aking kama at umupo ako sa tiyan niya. Sinumulan ko siyang halikan ng malalim na tinutugunan naman niya. Sinunod ko ang mahinang pagsipsip sa kaniyang leeg pababa sa dalawa niyang utong.
"Ang sarap, Zide. Ahh." Iyon ang sabi ni Zide na halos tumirik ang mata sa ginagawa ko. Tumatama na rin ang alaga niya sa puwitan ko.
Sal-itan ang ginawa kong pagsuso sa kaniyang utong at nang magsawa ako ro'n ay sinunod ko ang paghalik at pagdila sa abs niyang putok na putok. Pababa ng pababa ang ginawa kong pagsamba sa kanya hanggang sa umabot ako sa buhok sa tiyan niya pababa sa alaga niyang handa ng manuklaw ano mang segundo.
Mainit iyon sa kamay at kakaiba pa rin talaga sa pakiram na tumitibok-tibok pa iyon.
Mula sa paghawak at nagkatinginan kaming dalawa na tila ba sinasabi niyang isubo ko na. Hindi ko naman siya binigo dahil hinalikan ko siya ng mabilis at nang isubo ang ari niya ay nalasahan ko ang paunang katas nito na manamis-namis at talagang hanggang kalahati pa lang ang kaya kong isubo dahil masyadong malaki ang alaga niya.
Halos maduwal na ako sa pagsubo sa kaniya habang siya naman ay halos mabaliw na sa sarap dahil hindi ko talaga hinahayaang sumayad ang ngipin ko sa ari niya.
Ilang pagsuso pa sa alaga niya ang ginawa ko hanggang sa bigla niya akong ihiga sa kama at kuha ko ang nais niyang gawin.
"Magtiwala ka sa'kin." Bulong niya sa tenga ko at ibayong kaba ang lumukob sa aking dibdib pero parang may sariling isip ang katawan ko dahil nagpaubaya ako sa kanya.
Mula sa paghiga ay nahiya ako nang ibuka niya ang dalawa kong hita at dinilaan niya pa ang kaniyang hinliliit na daliri na siyang inumang niya sa aking butas na naging sanhi ng pag-iktad ko dahil mahapdi iyon sa pakiramdam. Nang maglaon ay naging dalawang daliri at medyo nakikiliti na ako sa sarap. Muli siyang tumingin sa akin at kitang-kita ko sa mga mata niya ang pagnanasa kaya naman nang sabihin niyang isubo ko siya ay ginawa ko naman.
Mabilis lang iyon at muli niya akong pinahiga sa kama at dinuraan niya ang butas ko.
Mayamaya ay naramdaman ko na ang kaniyang malaking alaga na nakatutok sa aking butas at sunod kong naramdaman ay ang sakit lalo na nang pumasok ang ulo nito sa akin at halos mapahawak ako sa kobre kama at iniinda ko ang dahan dahan niyang pagpasok.
Punung-puno ako at halos puro sakit lang ang nararamdaman ko dahil sa laki ng alaga niya na nakapasok sa akin.
Hindi muna siya gumalaw at hinayaan niyang masanay ang aking butas sa kanya at nang masanay na ako ay halos mapatakip ako ng bibig sa sakit lalo na nang gumalaw na siya.
"Zide, gusto mo bang tumigil ako?" Tanong niya pero umiling ako dahil ayoko siyang mabitin. Hindi iyon masarap sa pakiramdam.
Nagpatuloy siya sa paggalaw at matapos ang ilang minutong sakit ay halos maulol ang aking katawan sa sarap lalo na kapag may tinatamaan siyang kung ano sa aking loob.
"Zide, ahh." Iyon ang sabi niya nang umibabaw ako sa kanya at halos mapasabunot ako sa kanya nang kumadyot siya na parang hinete. Rinig na rinig ko ang paglabas masok ng ari niya sa butas ko at rinig na rinig ko rin ang salpukan ng aming mga balat.
Nagbago kaming muli ng posisyon at pinatuwad niya ako na parang aso at mayroon ding punto na binuhat niya ako at sa ganoong posisyon ko naramdaman ang katas niya na umaagos mula sa butas ko. Mainit-init iyon at kapwa kami habol hinga nang mahiga kami.
Hindi pa roon natapos ang aming pagtatalik dahil noong madaling araw ay kinasta niya akong muli at halos malumpo ako sa tindi ng pagbayo niya.
KINABUKASAN ay masakit ang aking katawan at narinig ko kung paano magtawanan si Itay at si Sky sa labas at nang makapaglinis ako ng sarili ay wala na si Itay.
"Napagod ka ba kagabi?" Tanong niya sa akin at ang laki laki ng ngiti niya.
"Umalis na ba si Tatay?" Tanong ko pabalik at hindi ko sinagot ang kaniyang tanong dahil mahapdi pa rin ang aking butas at halos hindi ako makalakad ng ayos at para akong nasakang sa laki ng pumasok sa akin kagabi.
"Hindi ka na niya hinintay na magising kasi ang sarap pa ng tulog mo. Nga pala, naghanda ako ng almusal natin," aniya at nakita ko nga iyon kanina sa mesa. May hotdog, itlog at sinangag doon.
"Baby ko, sagot naman diyan." Aniya at sinara ko ang pinto dahil pumapasok ang gabok dahil sa lakas ng hangin.
"Anong balak mo sa'kin? Hindi ka pa ba napagod sa pagse-sex natin kagabi?" Bulong niya sa tenga ko at yumakap pa siya mula sa aking likod kaya naman siniko ko siya ng isa.
"Ibili mo ako ng energy drink dahil masakit pa ang butas ko sa tindi ng pagbayo mo kagabi. Ang sabi ko ay dahan dahanin mo pero lulumpuhin mo ako sa pagbirada mo!" Sabi ko sa kanya at natawa naman siya.
"Buntis ka na ba agad?" Bulong niya at hinalikan niya ako sa pisngi na parang nanalo sa loto.
"Bili mo na ako!" Utos ko sa kanya at pinanood ko siyang lumabas ng aming bahay at kitang-kita ko kung paano siya landiin ng aming malalanding kapit-bahay lalo na iyong tindera.
"Isha lang ba?" Tanong ng tindera nang makalapit ako.
"Ang bagal mo namang bumili! Ito ang bayad!" Sabi ko sabay abot ng singkwenta pesos at napangiti naman si Sky lalo na nang iwan ko siya ro'n.
"Uy, galit ka ba?" Tanong niya nang makapasok kami sa loob ng bahay.
"Nilalandi ka na no'ng tindera, tuwang-tuwa ka naman! Magsama kayo no'n!" Sabi ko at binuhat niya ako na parang babae.
"Ibaba mo nga ako!" Inis na sabi ko at imbes na ibaba ay hinalikan niya pa ako sa labi.
"Loko ka!" Sabi ko.
"Hindi ko naman papatulan iyong tindera na 'yon dahil sa'yo lang ako. Huwag ka ng magselos, ha?" Aniya at tumango naman ako.
NATAPOS na naman ang buong maghapon at tila nasa alapaap pa rin ako pero nag-aalala ako dahil kay Jepoy. Pinapapunta ko kasi rito sa bahay pero ang sabi lang niya ay busy siya at ayaw niyang makaaabala. Iba na tuloy ang naiiisip ko. Baka ayaw na niya akong maging kaibigan dahil ganito ako. Basta! Ang daming pumasok sa isip ko kaya naman kinabukasan ay pinuntahan ko siya sa kanila at naupo kaming dalawa sa medyo malayo sa kanila.
"Bakit nandito ka? Baka magalit 'yong boyfriend mo," aniya at umiwas siya ng tingin.
"Tulog pa 'yon kaya kita pinuntahan. Sorry kung hindi ko agad nasabi lahat sa'yo, Poy. Pasensya ka na." Sabi ko.
"Okay lang. Bestfriend mo lang naman ako. Buhay mo pa rin 'yan." Panimula niya. "Nga pala, siya ba 'yong dahilan kung bakit ka umiiyak noong nakaraan habang kausap kita sa telepono?" Pahabol naman niyang tanong.
"Hmm. Pasensya ka na. Nagkaroon lang kami ng hindi pagkakaunawaan ni Sky." Sagot ko naman.
"Sige, ikaw ang bahala, Zide. Basta nandito lang ako kapag kailangan mo ako, ha? Bestfriend mo pa rin ako kahit anong mangyari," wika niya at inakbayan ko siya.
"Salaman, Poy. Hindi ka ba galit sa'kin kasi may boyfriend ako at hindi ko pa sinabi sa'yo?" Tanong ko.
"Bakit naman ako magagalit sa'yo? Privacy mo 'yon tsaka ano naman kung may boyfriend ka? Hindi naman ako tututol diyan dahil ang kasiyahan mo ay kasiyahan ko rin. Bestfriend nga, 'di ba?" Sagot niya at halos lumapad ang ngiti ko dahil sa sinabi ni Jepoy.
"Buti na lang best-friend kita," sabi ko at ngumiti kami sa isa't-isa.
Itutuloy…
HSH SEASON 2: PART 33
I’’m gonna read all your comments. Enjoy reading!
HALIK SA HANGIN PART 33: ZY
JEPOY
"Bilisan mo riyan, Poy. Pagtapos mong kunin 'yong receipt ay kain tayong ice cream," wika ni Ziderick na noo'y nakaupo sa mahabang upuan sa tapat ng BAO o Business Affairs Office kung saan ako nagbayad para sa aking P.E uniform at NSTP shirt. Wala naman daw kaming ibang uniform bukod do'n kaya naman ito na lang ang pinakagastos ko.
"Tapos na." Sabi ko bago ko siya lapitan.
"Mukang crush ka no'ng SA, iba makatingin sa'yo eh," puna ni Ziderick na sa isip ko ay siya na lamang iyong babaeng iyon para alam kong gusto niya rin ako.
"Tara na nga, Zide. Gutom na rin ako eh," sabi ko para maiba na ang aming usapan.
"Sungit naman po!" Pang-aasar pa niya bago namin tinumbok ang cafeteria ng school kung saan kami bibili ng ice cream.
"Poy, libre na kita, hintayin mo ako rito," pagpapaalam niya na hindi ko naman tinutulan.
Maigi kong pinagmasdan ang paligid at masasabi kong iba nga talaga rito sa Maynila. Maingay sa labas at hindi presko ang hangin pero ayos na rin naman dahil may magagagandang gusali na talaga namang nakakaakit sa mata para sa akin.
Mula sa pagtingin sa mga tao ay nakita ko ang paglakad ni Ziderick papalapit sa akin at biglang pumasok sa isip ko ang katorpehan ko. Noon ko pa balak sanang sabihin na gusto ko siya pero natatakot akong mawalan ng kaibigan. Mas gugustuhin ko na lamang na ilihim ang nararamdaman ko sa kanya kaysa ipilit ko 'to. Ayokong magaya sa mga napapanood namin sa T.V ni Zide na matapos magtapat no'ng isa ay nasisira na ang pagkakaibigan nila. Wala rin naman talaga akong option noong una pero noong nalaman kong may boyfriend na siya at step brother pa niya iyon ay para akong sinabuyan ng malamig na tubig sa muka at marami akong napagtanto lalo na ang katorpehan na walang patutunguhan.
"Poy! Huy!" Okay ka lang?" Tanong ni Zide. "Kanina pa'ko nagsasalita rito. Ano bang iniisip mo?" Tanong pa niya sa akin at umiling lang ako dahil hindi ko naman pwedeng sabihin na siya ang inisip ko. Hindi pa ako nahihibang.
"Zide, pakilala mo naman ako sa kasama mo!" Iyon ang singit ng isang lalaking umakbay kay Zide na malagkit ang tingin sa akin.
"Nako, masungit 'yang bestfriend ko, Jerico." Singhal naman ni Zide na hindi naman totoo.
"Talaga ba?" Tanong nito sa akin at umiling naman ako dahil hindi naman talaga ako masungit o baka naman nasabi lang iyon ni Ziderick dahil gusto niya lang akong protektahan. Pero baka isip ko lang 'yon.
"I'm Jerico." Sabi niya at inabot niya sa akin ang kamay niya na kinuha ko naman.
"Jepoy," sagot ko at hindi niya agad binitawan ang aking kamay. Bagay na hinadlangan ni Ziderick.
"Woops! Magkakilala na kayo ng bestfriend ko." Sabi pa ni Zide kaya naalarma ako at ako na ang bumitaw sa pagkakahawak niya.
"Sige, Zide. Una na ako. Salamat, Jepoy. See you around!" May arteng pamamaalam nito at itinaas ko na lamang ang aking kilay bilang pamamaalam at pagsang-ayon sa kanyang sinabi.
"Bakit naman sinabi mong masungit ako ro'n sa tao?" Tanong ko sa kanya bigla.
"Hindi ba halata na gusto ka niya?" Naiinis niyang tugon sa patanong na paraan.
"Wala namang kaso sa akin 'yon, Zide. Ayoko lang na masama ang first impression sa akin ng tao sa paligid ko lalo na't bago pa lamang ako rito." Sagot ko naman.
"Hindi mo ako nauunawan, Poy. Sinabi ko 'yon dahil hindi ako sang-ayon na gusto ka ni Jerico. Okay lang sa iba 'wag lang sa taong iyon." Wika pa niya at hindi ko naman talaga siya maunawaan.
"Pero hindi naman natin mapipigilan ang taong magustuhan tayo.. parang
ikaw. Gusto kita.“ Sabi ko at hindi ko nilaksan ang huli kong sinabi dahil gusto kong manatiling tagasuporta at kaibigan lang niya dahil masaya naman na siya sa iba.
"Eh 'di wow!" Sagot niya sabay tawa.
ZIDERICK
MASYADONG mabilis ang panahon at halos isang Linggo na rin buhat noong makauwi kami nina Jepoy at Sky dito sa Maynila. Sobrang sarap sa pakiramdam na okay na ang lahat at masasabi kong tila isang panaginip ang pagtungo ko sa amin dahil nagkaayos kami ni Itay at ganoon din kami ni Sky na nakasama ko pa sa araw ng Pasko at Bagong Taon. Hindi nawala ang madalas naming pagtatalik at simula noong ibigay ko sa kanya ang aking sarili ay naging malambing at sweet siya sa akin. Sinasabi niya rin lahat ng iniisip niya at kung anong nararamdaman niya kaya't kampante ako sa relasyon na mayroon kami.
"Zide, okay na ako rito. Baka nagte-text na iyong nobyo mo," wika ni Jepoy noong makarating kami sa dorm na dati kong tahanan. Inirekomenda ko talaga siya roon para tipid na siya bayad. Puro mga taga-Quezon pa ang mga kasama niya.
"Sige, Poy. Text ka lang kapag may kailangan ka, ha? Una na ako." Wika ko at sinulyapan ko pa siya bago siya umakyat sa ikalawang palapag ng dorm.
Matapos kong magpaalam sa kaniya ay dumiretso na ako sa Parking area at nakita ko ro'n ang sasakyan ni Sky at agad akong nagtatakbo pasakay sa tabi niya at niyakap ko siya bago ko siya halikan. N
"Miss na miss mo ako agad eh." Kumento niya.
"Syempre naman!" Sabi ko bago ko ayusin ang seatbelt ko.
Masarap ang aming pag-uusap bago ako makaramdam ng antok at nagulat na lamang ako nang yugyugin niya ang balikat ko.
"Nasa bahay na tayo, wuy!" Aniya kaya't nagkusot ako ng aking mga mata at luminga-linga ako sa paligid at umastang parang walang namamagitan sa amin ni Sky.
Wala si Nanay at Tito Arman na hindi na bago busy sila sa negosyo at lalo na si Tito Arman na mataas ang katungkulan sa bansa kaya naman nagmadali na akong umakayat sa aking palapag at nasulyapan ko pa si Sky na noo'y malagkit ang tingin sa akin kaya naman mabilis akong umiwas sa tingin niya at pumasok na ako sa aking kwarto at pagpasok na pagpasok ko pa lamang ay bumulagta sa akin ang isang maliit na aso na pinakita ko sa kanya noong nakaraan habang nagyo-youtube kami.
Sobrang cute ng asong ito at sunud pa siya ng sunod sa akin kaya naman halos maluha ako lalo na noong buhatin ko ito at dinilaan pa nito ang kamay ko.
"Ang cute mo!" Sabi ko sa kanya at nasa ganoong posisyon ako nang pumasok si Sky at tumabi siya sa aking pag-upo sa kama.
"Nagustuhan mo ba?" Tanong niya at tumango ako. "Ang hirap maghanap ng Pug na aso ngayon alam mo ba?" Dagdag pa niya kaya naman niyakapan ko siya patagilid gamit ang kaliwa kong kamay dahil hawak ko ang aso.
"Salamat dito, Sky." Sabi ko sa kanya.
"Nga pala, happy 2nd monthsarry!" Bati niya sa akin na muntik ko ng makalimutan.
"Happy monthsary din!" Sabi ko sabay labas ng couple ring na binili ko sa SM noong nakaraan. Isinuot ko agad iyon sa kanya at binigyan ko siya ng isang matamis na halik.
"Wala akong masasabi na kahit ano pa, Sky, mahal na mahal kita," sabi ko sa kanya at ngumiti naman siya.
"Ganoon din ako. Huwag ka nang umiyak dahil nalulungkot ang baby Zy (read as tagalog say) natin." Aniya sabay punas ng luhang lumalandas sa aking pisngi.
"Zy ang pangalan nito?" Tanong ko sa kanya habang buhat-buhat ang Pug na regalo niya sa akin.
"Oo. 'yung Z, galing sa pangalan mo habang 'yong Y naman ay galing sa akin kaya Zy." Sabi niya at inilapag ko si Zy sa sahig at siya naghinaw ako ng kamay at nagpalit din ako ng damit at pagkatapos kong gawin iyon ay nakita kong hubot-hubad na siya sa kama ko at kitang-kita ng dalawa kong mata kung paano niya laruin ang pitong pulgada niyang ari.
"Zide, maghubad ka na at sabayan mo'kong magpalabas." Aniya at iyon naman ang ginawa ko.
"Kiss mo ako," utos ko sa kaniya na ginawa naman niya at namalayan ko na lamang na kinakabayo na niya ako. Sabi ko ay halik lang pero kinantot ako. Iba rin ang lakas ng tuhod ni Sky dahil halos lahat ng sulok ng aking kwarto ay napwestuhan na namin at walang hugutan ang kaniyang pag-arangkada at pagbaon sa akin ng kaniyang ari. Nakadawalang putok na siya pero hindi pa rin siya pagod kaya naman sumabay na lang ako sa tawag ng aming mga laman hanggang sa pagsa-shower ay hindi namin pinalampas dahil doon niya ako inasawa na parang wala ng bukas.
"Nakakahiya kay Zy, nakita niyang nagse-sex ang magulang niya," biro ko noong makalabas kami mula banyo ng aking kwarto.
"Oo nga ano? Isa pa yata." Aniya at walang kapaguran niya akong kinalabaw kaya't parehas kaming lupaypay sa kama ng hubod at hubad.
“Zy, sorry!” Sabay naming bulong sa hangin ni Sky na nakatingin pa sa aking mga mata.
Itutuloy…
HSH SEASON 2: PART 34
HALIK SA HANGIN PART 34: BIGAT SA DIBDIB
ZIDERICK
PATULOY lamang kami sa pagsuong sa buhay at ganoon din si Jepoy na nakapag-adjust na sa buhay Maynila sa tulong na rin ni Danny, Arkin at Roniel. Samantala, palalim ng palalim ang pagmamahalan namin ni Sky sa isa’t-isa at sabay naming kinukulit si Zy, ang pug na regalo niya sa akin noong Monthsary namin.
Tunay na masaya ang bawat araw na dumaraan sa buhay ko ngunit tunay nga talagang mapaglaro ang buhay dahil isang hapon ay nakita ko si Anne na nag-aantay sa labas ng aming campus at hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin dahil matagal-tagal na rin noong huli kaming magkita.
“Zide!” Masaya niyang tawag sa akin at nakita ko sa kaniyang mukha ang pekeng tawang iyon.
“Bakit?” May hinahon kong tanong sa kanya.
“Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Zide, layuan mo na si Sky.” Pagsusumamo niya sa akin.
“Anong ibig mong sabihin?” Mapagpanggap kong pagtatanong dahil hindi ko alam ang dahilan niya kung bakit niya iyon nasabi.
“Zide, I knew everything. Alam kong ikaw ang dahilan kung bakit ako hiniwalayan ni Sky.” Diretsahan niyang sagot.
“Hindi kita maunawaan, Anne.” Sabi ko sa kanya.
“Iyon picture.” Simula niya. “Ako ang nag-send no’n sa’yo. Sinadya kong pag-awayin kayo pero malupit pa rin talaga kayong dalawa. Nagkaayos pa rin kayo.” Aniya at nagbalik sa aking alaala kung paano niya kami napag-away dahil sa larawang iyon na magkasugpong ang labi nila.
“Ayoko ng gulo, Anne.” Sabi ko sa kanya kahit ang totoo ay nag-iinit na ang aking ulo.
“Ayoko rin ng gulo, Zide dahil ka-cheap-an iyon pero kung hindi ka pa rin lalayo kay Sky ay ako mismo ang magsasabi kay Tito Arman ng bagay na mayroon sa inyo. Tiyak ay magagalit iyon at tiyak na siya ang gagawa ng hakbang para paghiwalayin kayong dalawa.” Pasabog niya na ikinasindak ko dahil totoo naman iyon. Tiyak na magagalit si Tito Arman sa si Nanay kapag nalaman nila ang namamagitan sa aming dalawa.
“Ikaw ang bahala, Anne. Konsensya mo na iyan. Gawin mo ang gusto mong gawin.” Sabi ko at nag-igting ang kaniyang panga.
“Hindi ka rin talaga tao kausap, eh, ’no? Akala mo ba hindi ko alam na lihim kayong naglalandian ni Sky habang kami pa? Grabe ka, Zide. I thought mabait ka kasi you really looked like one pero I was wrong with my impression dahil napakapeke mo pa lang tao. May karelasyon na tao nilalandi mo!” Aniya na alam ko namang hindi totoo pero masakit iyong isipin lalo na’t inilayo ko naman talaga ang sarili ko noon kay Sky pero siya ang lapit ng lapit sa akin.
“Kung iyan ang gusto mong isipin ay wala naman akong magagawa. Si Sky ang unang lumapit sa akin noon kahit itinataboy ko na siya.” Singhal ko pero pinanatili ko ang kakalmahan ng aking isip at kilos.
“Wow ha! Bilib din talaga ako sa fighting spirit mo, Zide. Alam mo ba, sabi sa akin ni Sky noon na napaka-cheap daw ng anak ng asawa ng step mom niya kasi anak mahirap.” Mapang-asar niyang tinuran na talaga namang gumuhit sa aking dibdib kaya sandali akong natahimik.
“Sinong matinong boyfriend ang magsasabi no’n? Kaya Zide, tigilan mo na ang pag-iilusyon at layuan mo na si Sky dahil hindi ka naman niya mahal. Pinagpustahan ka nga lang ni Brix at Sky kaya please, tinutulungan lang kita. Hindi ka mahal ni Sky. Pinaglalaruan ka lang niya hanggang ngayon.” Natatawa niyang sagot at lumunok muna ako ng malaki bago ako nagsalita.
“Problema na siguro namin ni Sky ’yon kung totoo man ang sinasabi mo. Sa tingin mo ba ay mare-reverse psychology mo ako? Nagkakamali ka, Anne. Basta ang alam ko, nagloko ka at nagpakana sa iba kaya ka iniwan ni Sky. Biruin mo pinagpasahan ka ni Brix at Sky?” Sabi ko at sinampal niya ako ng isa sa pisngi kaya’t napahawak na lang ako sa mukha ko.
“Hindi pa tayo tapos, Zide!” Sigaw niya at doon ako napahawak sa aking sentido na kumikirot dahil sa mga bagay na sinabi niya. Gusto ko sanang hindi maapektuhan pero hindi naman ako manhid para hindi makaramdam ng pighati.
“Zide, are you okay?” Bungad na tanong sa akin ni Brix na kaklase ko sa isang minor subject na back subject niya.
“Okay lang ako, Brix,” sabi ko at natawa siya.
“Hindi ka pa rin nagbabago, Zide. Napaka-genuine mo pa ring tao. Ayaw na ayaw mong makakasagasa ka ng iba. Iyon ang bagay na nagustuhan ko sa’yo. Nga pala, hindi pa ako nakakapag-sorry sa iyo ng maayos.” Aniya at tumingi siya ng sinsero sa aking mga mata.
“Wala iyon. Nakalimutan ko na rin naman iyong pustahan na ginawa niyo ni Sky. Ako lang ’to.” Sabi ko.
“Salamat kung gano’n.” Sabi niya.
“Matagal na kitang pinatawad at salamat sa iyo dahil naging mas matatag kami ni Sky.” Sabi ko sa kanya.
“So, totoo pa lang kayo nga ni Sky. Patay na patay sa’yo ang lokong ’yon. Bukang bibig ka lalo na kapag magkasama kami.” Aniya na ikinagulat ko. Proud na proud pala siya sa akin habang ako, ni minsan ay hindi ko siya nagawang ikwento at ipagmalaki man lang sa iba.
“Brix, sige na. May lakad ka pa yata. Mauna na ako.” Sabi ko at kumamot naman siya sa ulo.
“Actually ay wala naman akong lakad ngayon, nadaanan lang kita rito kaya naisipan ko na ring kausapin ka. Pero ikaw at itong mukang busy kaya sige na rin, mag-ingat ka, ha?” Sabi niya na may pahabol na pisil sa aking pisngi.
“Nga pala, may hindi pa ako sinasabi sa’yo,” pahabol pa niya..
“Gusto talaga kita kaya sinabi ko agad sa’yo ’yong tungkol sa pustahan namin ni Sky.” Wika niya na ikinagulat ko. Hindi ako agad nakaimik kaya naman siya na ang pumutay ng nakakabinging katahimikan sa pagitan namin.
“Cheer up, Zide. Sinabi ko lang ’yon kasi masaya ako para sa inyo ni Sky. Basta sabihin mo sa akin kapag may ginawang kalokohan ang lokong ’yon, ako mismo ang sasapak do’n.” Natatawa niyang sagot at binigyan namin ang isa’t-isa ng yakap.
“Salamat, Brix!” Sabi ko.
“Sa’yo rin, Zide.” Aniya at doon na kami naghiwalay ng daan lalo na nang tumwag na ang driver ko.
SKY
“Ano na namang problem mo, Anne? Hindi ba’t nag-usap na tayo?” Sabi ko agad kay Anne nang makaupo ako sa mesang ip-in-a-reserve niya rito sa coffee shop na paborito naming puntahan noon.
“Compose yourself, Sky. I mean no harm. Gusto ko lang ipakita ’to sa’yo.” Aniya at ipinakita niya sa akin ang short clip kung saan nagyayakapan si Brix at Ziderick na talaga namang nagpaigting ng panga ko.
“Iniiputan ka sa ulo ng kaibigan at nobyo mo. Nakakaawa ka naman, Sky. Hanggang diyan ka na lang ba?” Sabi niya at normal na mainis ako dahil si Ziderick ang envolve rito.
Paano sa akin nagawa ni Ziderick at Brix iyon? Hindi pa ba ako sapat? Maraming tanong ang naglalaro sa aking isipan at hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin at maging reaksyon.
“Ganyan ba ang ipinalit mo sa akin?” Tanong niya. “Ang cheap mo, Sky.” Sabi pa niya.
“Kapalit-palit ka naman kasi, Anne. At pwede bang huwag mo ng panghimasukan ang buhay ko dahil hindi ako natutuwa sa’yo. Baka nakakalimutan mong ikaw ang nagloko at hindi ako.” Sabi ko sa kanya bago ako tumayo kung saan ibinato niya ang tasa ng kape na iniinuman niya kanina.
PAGDATING na pagdating ko sa bahay ay pinuntahan ko agad si Ziderick sa kwarto niya at saktong nakatulala siya sa anak naming si Zy at hindi man lang niya napansin ang pagdating ko.
“Zide!” Tawag ko sa kanya at doon niya pa lang ako napansin. Sobrang lalim siguro ng iniisip niya. Siguro ay si Brix iyon o ’yong bestfriend niyang lagi niyang kasama.
“Bakit mo naman ako niloko, Zide?” Naluluha kong tinuran sa kanya na kaniyang ikinagulat.
“Anong sinasabi mo riyan, Sky?” Pagmamaang-maaangan niya.
“May ibidensya ako, Zide.” Sabi ko at umiling siya. “Kailan mo pa ako niloloko?” Tanong ko sa kanya.
“Maniwala ka sa’kin, Sky.. hindi kita niloloko.” Sabi niya pero hindi pa rin ako kumbinsido.
“Ito, paano mo’to maipapaliwanag?” Tanong ko sa kanya habang i-p-in-i-play ko ang 15 second clip na ipina-air drop ko kay Anne kanina.
“Yakap lang ’yan, Sky. Wala kaming ginagawang masama ni Brix!” Iritable niyang sagot kaya mas nainis ako. Anong yakap lang? Ako lang dapat ang niyayakap niyang lalaki dahil boyfriend niya ako.
“Siguro sa’yo ay yakap lang iyon pero sa’kin ay hindi lang basta yakap ’yon. Paano mo nagawang makipagyakapan sa iba ng hindi ko alam? Hindi ba ako enough?” Tanong ko sa kanya.
“Tigilan mo nga ’yang drama mo, Sky at bitawan mo ang kamay ko dahil nasasaktan ako!” Sagot niya at agad kong binitawan ang kamay niyang nasasaktan ko na pala.
“Hindi ako nagda-drama, Zide, sinasabi ko lang na nasasaktan ako kasi sa ibang tao ko pa ’to nalaman.” Sabi ko bago ako mapaupo sa gilid ng kama niya.
“Sky, hindi kita niloloko, ha?” Sabi niya pero tila ayaw makinig ng isip ko kaya naman mabilis akong lumabas sa kwarto niya dala ang bigat sa dibdib ko.
Itutuloy..
HSH SEASON 2: PART 35
Nathan Hartono as Jepoy
HALIK SA HANGIN PART 35: HIGIT SA LAHAT
ZIDERICK
HINDI ako halos nakatulog dahil sa pag-iisip kay Sky at kung bakit ayaw niyang makinig sa akin kaya naman sinubukan ko siyang katukin kaninang madaling araw pero hindi siya nagbubukas ng pinto kahit na anong gawin kong katok. Sinubukan ko rin siyang tawagan pero hindi niya sinasagot. Naghintay din ako sa kanya sa sasakyan para makasabay ko siya pero parang hindi naman niya ako nakikita. Halos manlumo na ako sa kakasalita sa tabi niya pero hindi man lang niya ako kinibo o kinausap man lang. Para akong invisible mga mata niya.
Akala ko ay mauunawaan niya ako dahil malawak ang pasensya niya pero mali pala ako dahil lang sa 15 second clip na iyon ay pakiramdam na niya agad ay niloko ko siya. Sana ay pinakinggan man lang niya ako.
"Hindi ba't sabi mo nagtampo ka na rin sa kanya ng ilang beses?" Tanong ni Jepoy na may hawak na isang balot ng marshmallow.
"Oo, pero iba itong sa amin ngayon. Hindi siya nagtiwala sa akin!" May diin ang sabi kong iyon sa kanya kaya naman ngumuya muna siya ng marami bago muling nagsalita. Natakam tuloy ako kaya't napakuha na rin ako ng isa.
"Parang wala namang pagkakaiba, Zide. Base sa kwento mo sa'kin ay mukang hindi ka rin nagtiwala sa kanya noon at pinapangunahan ka ng akala. Hindi maganda 'yon lalo na kung nasa relasyon ka. Pumasok kayo sa relasyon para mag-grow at hindi para magduda kayo sa isa't-isa. Ang lalim na ng pinagsamahan niyo, nagayon pa ba kayo magsasawalang kibo? Tsaka Zide, nasaktan siguro ang pride ni Sky kaya ganoon na lamang ang reaksyon niya sa iyo. Ikaw kaya ang gasgasan ang pride mo, sinong hindi matutuwa?" Aniya at halos mapalunok ako ng malaki dahil sa sinabi niyang iyon dahil tama naman siya. Maraming nagawa si Sky noon na pagkakamali na hindi ko man lang tinanong at hindi rin ako nagtiwala sa kaniya. Ngayon, ako itong binabalikan at hindi 'yon masarap sa pakiramdam.
Ngayon ay alam ko na kung gaano ko rin siya nasaktan noon.
"Mag-usap kayong dalawa, Zide. Hindi maaayos 'yan ng hindi kayo nag-uusap." Sabi pa niya kaya naman wala akong nagawa kundi ang ngumiti ng mapait.
SKY
LAST subject na namin at hindi ko alam kung paano ako naka-survive sa klase ko maghapon. Lutang na lutang ang isip ko at buti na lamang at hindi na pumasok si Brix ng hapon matapos kong paduguin ang ilong niya kanina sa Parking.
"Sky!" May tumatawag sa akin at nang hanapin ko kung saan iyon nagmumula ay nakita ko si Jepoy, ang kaibigan ni Ziderick na noong una ay pinagselosan ko pa pero noong makilala ko siya ay hindi na ako nagambala pa sa kaniya.
"Usap tayo?" Patanong niyang singhal bago ko siya lapitan.
"Sige!" Sabi ko at inabutan niya ako ng isang assorted na ice cream.
"Pampakalma." Sabi niya kahit hindi pa man ako nagtatanong.
Sa rooftop kaming dalawa dumiretso para mag-usap kaya naman napapikit ako saglit noong umihip ang hangin.
"Favorite spot ko rito simula noong day one ko rito. Share ko lang," sabi niya at naupo na siya sa sirang upuan patabi sa akin.
"Maganda naman talaga rito. Dito rin ako tumatambay kapag lutang ako noong first year ako." Sabi ko at tumango naman siya.
"Gaano mo kamahal si Zide, Sky?" Diretsahan niyang tanong sa akin.
"Sobrang mahal na mahal!" Sagot ko at mukang may alam siya sa nangyari sa amin ni Zide.
"Hmm. Talaga ba? Alam mo bang umiiyak si Ziderick kagabi pa? Hindi ako nakatulog kasi kausap ko siya kagabi. Medyo puyat din ako pero okay lang 'yon. Nga pala, hindi pa rin kumakain si Zide. Sabi niya ay hindi siya kakain hangga't hindi kayo nagkakaayos. Hahayaan mo ba siyang magutom dahil sa pride mo?" Kumento naman niya na talagang na-absorb ko dahil hindi pa raw kumakain si Zide.
"Bro, siguro ay labas ka na sa problema naming ito ni Zide kaya pasensya na sa abala." Sabi ko dahil nahihiya na rin ako sa kanya.
"Hmm. Hindi ako sigurado kung labas na ako sa issue niyo kasi ako rin naman ang tinatakbuha ni Zide. Sabi pa nga niya noong nag-usap kami na kapag daw ikaw napapatawad niya kahit sobrang lalim ng nagawa mo sa kanya tapos ikaw daw, niyakap lang dahil nagpasalamat at nag-sorry 'yong Brix ay hindi mo na agad kinikibo si Zide. Kawawang Zide, napagpustahan na nga ay napagbintangan pa na lumalandi sa iba." Aniya at halos masapol ako sa lahat ng mga sinabi niya. Hindi tuloy ako nakaimik agad.
"Sige na, Sky. Mukang gaya ng ulap sa kalingatan ay lutang ka pa rin sa kasalanang hindi naman ginawa ni Zide." Sabi niya gamit ang kaniyang baritonong pananalita kaya napatingin ako sa kanya. "Last na, pakibabaan ng pride, bro. Hindi bagay sa'tin mga lalaki 'yong matataas ang pride," aniya sabay tapik sa aking balikat at naiwan ako sa kinauupuan ko na parang nabato-balani sa lahat ng mga sinabi niya.
ZIDERICK
LUMIPAS ang maghapon pero hindi man lang kami nagkakausap ni Zide at hindi talaga maganda iyon lalo na sa isang relasyon na gaya ng sa amin.
"Zide, isip! Hindi pwedeng wala kang gawin!" Sabi ko sa sarili ko sa sarili ko sa harapan ng salamin.
Nasa ganoong posisyon ako nang biglang tumawag sa akin si Jepoy.
“Zide, nag-usap na kayo? “ Tanong niya bigla-bigla.
"Hindi pa." Sagot ko.
"Sige. Balitaan mo ako kapag nagkausap na kayo
,“ sabi niya at hindi na niya ako hinayaang makasagot pa sa sinabi niya.
Hawak ang aming baby na si Zy ay kinausap ko siya na parang si Sky.
"Zy, bakit ganyan ka? Bakit parang wala kang tiwala sa akin. Bakit pinapasakit mo ng ganito ang dibdib ko?" Simula ko.
"Hindi ka nakikinig sa'kin. Parang mas naniniwala ka pa sa ibang tao. Gusto ko sanang sabihin sa'yo kahapon na nababalisa ako dahil kay Anne pero lalo mong dinagdagan itong bigat ng dibdib ko dahil sa kawalan mo ng tiwala. Bakit ba ganyan ka?" Sabi ko pa at tuluyan na akong napakaiyak habang nakayuko sa gilid na kama kaya naman tinahulan ako ni Zy at animo ay nararamdaman niya itong bigat ng dibdib ko.
"Zide, baby, sorry." Narinig ko ang boses ni Sky at siguro ay guni-guni ko lamang iyon dahil maghapon at magdamag ko siyang iniisip.
"Zide, baby ko!" Tawag muli sa akin ni Zide at sa pagkakataong ito ay nakayakap na siya sa akin at pinunasan niya ang luha sa aking mga mata.
"Sorry, Zide." Aniya kaya naman humagulhol ako sa dibdib niya at kinagat ko rin siya dahil tindi ng inis ko sa kanya.
"Sige lang, Zide. Kagatin mo lang ako para gumaan ang pakiramdam mo. Sorry sa kawalan ko ng tiwala. Pakiramdam ko tuloy ay napakawalang-kwenta kong boyfriend sa'yo," wika niya na halos maiyak na rin.
"Sky, sana sa susunod makinig tayo sa isa't-isa bago tayo gumawa ng aksyon, ha? Ang dami na nating napagdaanan kaya sana lagi nating uunawain ang isa't-isa. Ayoko na ng ganito. Ayoko na ng away dahil masakit iyon sa dibdib." Umiiyak kong pagsambit.
"Pangako iyan, Zide. Hindi na ako pangungunahan ng selos at kung ano pa man dahil higit sa lahat ay mas mahalaga ka sa kanila." Sabi pa niya bago niya ako gawaran ng isang matamis na halik.
“Ako rin. Mas uunawain pa kita.” Sabi ko. Ang dami ko pa sanang gustong sabihin pero sapat na siguro iyong maging okay kami dahil masarap iyon sa pakiramdam.
"Kain tayo?" Sabi niya at inilabas niya ang dala niyang pagkain at para kaming batang excited kumain lalo na ako dahil maghapon akong gutom dahil hindi ako makakain dahil sa kakaisip sa kaniya.
Nasa ganoong estado kami ng pagkain noong biglang kumatok si Nanay at dirediretsong pumasok sa kwarto ko at napangiti siya nang makita niya kami ni Sky na kumakain.
"Nakakaabala ata ako sa inyo, mga anak. Sige at kumain lang kayo riyan." Aniya at napunok ako ng malaking kanin dahil kinabahan ako sa biglang pagpasok ni Nanay.
"Kumain ka lang ng kumain. Huwag muna nating intindihin ang mundo dahil moment natin itong dalawa." Aniya at muli akong bumalik sa maayos na pagkain.
Itutuloy…
HSH SEASON 2: PART 36
HALIK SA HANGIN PART 36: TAWAG
JEPOY
“Buti naman at okay na kayo ni Sky,” sagot ko sa kwento ni Ziderick.
“Salamat sa’yo, ’Poy. Kung hindi dahil sa mga sinabi mo kay Sky baka galit pa rin sa akin ang lokong ’yon.” Sagot naman niya.
“Wala ’yon, loko! Para saan pa at naging magkaibigan tayo kung hindi kita kayang suportahan sa gusto mo?” Sagot ko na ikinatawa naman niya na ikinatuwa ko rin. Ang sarap kasing makita ng ngiti niya.
“Kaya ’d best ka eh!” Sabi pa niya sabay akbay sa’kin at ewan ko kung bakit ko ginawa ’yong pag-aayos sa kanilang dalawa. Siguro ay natural na sa akin na gawin ang lahat para kay Ziderick.
“Ikaw din naman. Pero nag-aalala pa rin ako sa’yo. Sa inyo ni Sky.” Panimula ko pa dahil naiisip ko kung malaman ng mga magulang nila na may namamagitan sa kanila.
“Bakit naman?” Nagtatakang tanong niya.
“Kasi.. paano kung mabuko kayo ni Tita Linda at ng asawa niya? Hindi ba’t malalagot kayo?” Wika ko.
“Naisip na rin namin ni Sky ’yan pero wala pa rin talaga kaming plano. Ang gusto lang namin ngayon ay ilihim muna ang lahat at maging masaya ng magkasama.” Sagot niya.
“Pero alam mo, Zide, mahirap ’yang pinasok mong relasyon. Pero sa kabilang banda ay hindi kita pipigilan dahil gusto mo ’yan.” Sabi ko pa na totoo naman. Kung ako na lang kasi sana ay hindi siya nahihirapan ngayon sa sitwasyo nila. Maging ako kasi ay nag-aalala.
“Ewan ko rin ba rito sa puso ko. Sa dami ng magugustuhan ay iyon pang anak ng asawa ni Nanay,” natatawa niyang kumento sabay kamoy sa kaniyang kilay. Bagay na lagi niyang ginagawa noon pa man.
“Kamot ka na naman sa kilay. Kinakabahan ka ba na baka mabuko kayo?” Kumento ko.
“Medyo,” alanganin niyang sagot at nasa ganoong posisyon kami nang bigla akong tawagin ng isa sa mga ka-block ko.
“Jepoy, pinapatawag ka sa Admin.” Sabi nito sa akin.
“Bakit daw?” Tanong ko pa rito.
“Hindi ko alam eh. Basta pumunta ka na lang,” sagot pa niya at naiwan kami ni Zide na nakatanga.
“Tawag ka raw sa Admin Office. Pumunta ka na agad.” Mungkahi naman ni Ziderick na tinanguan ko.
“Sige, Zide. Una na muna ako,” sabi ko sabay tapik sa balikat niya.
PAGDATING na pagdating ko sa Admin Office ay kumatok muna ako sa unang pintuan at nagulat ako noong makita ko si Ninang Linda, ang Nanay ni Ziderick. Maganda ang kaniyang kasuotan at hindi ko inaasahang makikita ko siya rito.
“Ninang!” Bati ko sa kanya sabay yuko. Magmamano sana ako pero alam kong ayaw niya noon.
“Ang laki mo na talaga, Jepoy. Natutuwa akong makita ka.” Sabi pa niya at nakita ko ang campus director namin na nakaupo sa tapat ni Ninang kaya naman nagbigay galang din ako.
“Maupo ka, Jepoy.” Utos sa akin ni Ninang na siya namang ginawa ko.
“Bakit niyo po ako pinatawag dito?” Nagtatakang tanong ko.
“May concern lang si Mrs. De Vera,” sabi ng aming Campus Director na si Mr. Patiola.
“Ano po iyon?” Tanong ko.
“Bago ko simulan ang lahat ay binabati kita dahil nakapasa ka sa scholarship program na funded ng aking asawa at ako mismo ang pumili sa iyo dahil kilala kita at kaibigan ka ng aking anak na si Ziderick.” Simula pa ni Ninang na ikinagulat ko dahil ganito na pala kalayo ang narating niya. Mula sa simpleng babae ay naging makapera at makapangyarihan na siyang tao.
“Salamat po, Ninang.” Iyon lang ang nasabi ko at nakita kung paano sumenyas si Ninang kay Mr. Patiola na agad lumabas ng silid kaya naman naiwan na lamang kami ni Ninang.
“Ninang ano pong dahilan kung bakit—” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil nagsalita na agad siya.
“Si Sky at Ziderick..” aniya sabay labas ng larawan ni Ziderick at Sky na magkahalikan sa likod ng Architecture building na ikinagulat ko.
“Ninang, anong–” muli ay hindi ko na naman natapos ang aking sasabihin dahil kay Ninang agad nagsalita.
“Alam kong may namamagitan sa dalawa kong Anak kaya gusto kong humingi ng tulong sa’yo.” Aniya.
“Ano pong t-tulong,” ang nauutal kong sagot dahil sa kaba.
“Paghiwalayin mo silang dalawa.” Diretsahan niyang sagot na naging dahilan para mapalunok ako ng malaki.
“Paano ko po iyong gagawin? Kaibigan ko po si Zide. Parang hindi ko ho iyon kayang gawin,” singhal ko sa mababang tono dahil kahit naman gustong-gusto ko si Ziderick ay hindi ko iyon kayang gawin. Ayokong saktan si Ziderick.
“Malaki ang utang sa akin ng Nanay Beth mo.” Nakangiti niyang entrada na animo’y nagbabanta. “Six-Hundred Thousand Pesos.” At lalo akong kinabahan sa sinabi niya at sandali akong natahimik.
“Idagdag na natin ang full scholarship mo. Madali ka lamang ipatanggal kung saka-sakali.” Habol pa niya kaya naman namalayan ko na lamang na nakahawak na ako sa bulsa ko ng mahigpit.
“Paghihiwalayin mo ba si Sky at Ziderick o hindi? Ikaw ang mamili, Jepoy. Ginagawa ko ito dahil mahalaga kayo sa akin ni Beth. Kapag nagawa mo ito ay wala ng utang ang Nanay mo sa akin at patuloy kang magiging scholar hanggang sa maka-graduate ka. Mahal ko si Ziderick at Sky kaya gusto kong matapos ang kahibangan nila. Ayokong mapahamak ang mga anak ko dahil sa kapusukan nila.” Sabi pa niya at nagpahid siya ng luha.
“Payag na po ako, Ninang. Paghihiwalayin ko po sila.” Sabi ko sabay harap sa kanya na ikinatuwa niya.
“Mabuti naman at nagbago ang isip mo, Jepoy. Aasahan ko ang positive outcome ng actions mo. Ayokong masira sa anak ko dahil bago pa lamang uli kami nagkakaayos kaya sana ay ilihim mo itong lahat. Sige na, Jepoy. Ikamusta mo na lang ako sa Nanay Beth mo,” aniya at halos manlambot ako noong makalabas ako ng silid na yaon dahil tatraydorin ko ang taong gusto ko. Kanina lamang ay napag-uusapan lamang namin ito pero ito na nga at ako pa ang pinakakinasangkapan ng kapalaran.
“Zide, sorry.” Halik ko sa hangin sabay isip ng paraan kung paano ko sila mapaghihiwalay na dalawa.
ZIDERICK
“Anak, kumusta ang pag-aaral mo? Balita ko ay dean’s lister ka sa inyong College.” Bungad sa akin ni Nanay habang sabay-sabay kaming kumakain nina Sky at Tito Arman. Minsan lamang kasi umuwi si Tito at Nanay kaya masaya rin ako ngayon.
“Okay naman po. Medyo marami lang pong paper works at nakakalugaw ang ibang subjects pero kayang-kaya pa naman po,” sagot ko.
“Ikaw, Sky, kumusta ang pag-aaral mo?” Tanong naman ni Nanay kay Sky na noo’y tahimik lamang na kumakain at hindi pa sana siya sasagot kundi ko pa siya sinipa sa paa niya.
“Okay naman po, Tita.” Sagot niya kaya napangiti si Nanay at Tito Arman.
“Mabuti kung ganoon. Paghusayan niyo ang pag-aaral niyo dahil noong panahon ko ay kokonti lamang ang may tyansang makapag-aral ng kolehiyo,” kumento naman ni Tito Arman sa amin.
“Opo, Tito.” Mahinahon kong sagot habang si Sky naman ay hindi umiimik.
“Sky, bakit hindi ka nagsasalita? Pwede kang magsalita ngayon,” puna at utos ng Daddy niya.
“Hmm. Masarap ’tong chicken buffalo.” Puna niya sa kinakain niya kaya lihim na napangiti si Nanay.
“Nako, ako mismo ang nagluto niyan para sa inyo.” Masayang wika ni Nanay at naging ayos ang flow ng aming kwentuhan at napagtanto ko kung gaano kakwela si Tito Arman na laging binabara si Sky kapag magkukwento o magsasalita.
KINABUKASAN ay muling umalis si Tito Arman at kasama pa niya si Nanay kaya naman sulit na sulit namin ang paglalamibingan ni Sky at ginawa namin lahat para maipadama kung gaano namin kamahal ang isa’t-isa. Nariyang sabay kaming kumain sa kwarto at nagtalik din kami at nakipaglaro din kami kay Zy na giliw na giliw sa amin.
“Sky, may nag-text ata sa’yo.” Sabi ko at nakita ko dahil nakita kong bumukas ang cellphone niya na agad naman niyang tiningnan kung sino.
“Sino ’yon?” Tanong ko sa kanya.
“Wala. Smart lang,” natatawa niyang sagot kaya sumang-ayon na lang ako at natulog ako sa balikat niya pero nang gabi ay magising ako ay narinig ko siyang may kausap sa phone niya.
“Anne, tantanan mo ako sa biro mo. Lagi tayong gumagamit ng proteksyon kada magse-sex tayo kaya imposibleng mabuntis kita. Huwag kang magbiro ng kung anu-ano riyan!” Singhal ni Sky na ikinagulat ko. Hindi ko tuloy namamalayang tumutulo na ang luha ko.
“Sige, pupuntahan kita.” Sabi pa niya at nagpanggap pa rin akong tulog at nang makalabas siya ay pilit ko siyang sinundan sa paraan na alam ko.
“Sundan niyo lang si Sky, kuya.” Iyon ang utos ko sa bagong driver namin. Sinabihan ko rin siya tungkol sa aming distansya at nagulat ako nang tumigil siya sa tapat ng isang fast food chain na kinakain namin lagi. Naghihintay sa kanya si Anne na parang ewan kaya naman isinuot ko ang aking hoodie jacket at naupo ako malapit sa kanila.
“Sky, sabi ko na nga ba at pupunta ka eh,” ani Anne.
“Totoo bang buntis ka?” Diretsahang tanong ni Sky.
“Oo at ikaw ang ama.” Sabi nito na talaga namang tumusok sa dibdib ko na parang palaso. Mahal ko si Sky pero hindi ko kayang ilaban kapag sa kanya talaga iyong bata.
“Hindi ako naniniwala, Anne. Mahal ko si Zide.” Matigas niyang sagot.
“Sa Orphange sa Laguna. Hindi mo na natatandaan?” Sagot ni Anne.
“Walang nangyari sa atin do’n. Huwag mong bilugin ang ulo ko. Paano ka mabubuntis ng halik?” Sagot naman ni Sky.
“Basta sa iyo ’to, Sky. Alam mo ’yan sa sarili mo. Puro ka Ziderick. Ano bang mayroon ang baklang ’yon na wala ako?” Iritableng sagot ni Anne na ikinakulo ng dugo ko.
“Contentment. Marunong makuntento si Ziderick. Bagay na hindi mo kayang gawin.” Sagot ni Sky kaya nasampal siya ng isa ni Anne pero hindi siya pumalag.
“Sky, hindi ako buntis.” Natatawang tinuran ni Anne sa una kaya naman nagngalit ang panga ko at ganoon din si Sky.
“Alam ko, Anne kaya tigilan mo na ako. Hindi na kita gusto at wala na akong nararamdaman sa’yo.” Madiin na sabi ni Sky kaya lihim akong napangiti.
“Sasabihin ko kay Tito Arman ang lahat.” Ani Anne.
“Go! If that’s what you want. Gawin mo ang gusto mo pero hindi mo kami mapaghihiwalay ni Zide.” Matigas pa rin na sabi ni SKy na nagdulot sa akin ng kakaibang kaba.
Hindi na nakasagot agad si Anne at nakita ko kung paano nag-igting ang panga niya.
“Si Brix. Hindi ba nilalandi niya si Brix hindi ka pa ba––” hindi na natapos nito ang sasabihin niya dahil agad na umentrada si Sky.
“Hindi na ako uli maniniwala sa’yo, Anne. Dahil sa short clip na’yon ay nagkaaway kami ni Zide. Maling nakipagkita at nakipag-usap pa ako sa’yo ngayon,” ani Sky at akmang sasampalin na naman siya ni Anne pero pinigilan siya ni Sky gamit ang kaniyang kanang kamay.
“Enough na, Anne.” Sabi ni Sky at hindi ko alam kung bakit ako kinabahan kahit alam ko namang kaya akong ipaglaban ni Sky.
Itutuloy…
HSH SEASON 2: PART 37
HALIK SA HANGIN PART 37: VOICE MESSAGE
ZIDERICK
“SA tingin mo, Jepoy, healthy pa ba ’tong relasyon namin ni Sky?” Tanong ko Jepoy isang hapon sa itaas ng rooftop ng aming building.
“Bakit mo naman naitanong?” Sagot naman niya.
“Wala lang. Napapaisip lang ako kung bakit parang ayaw ng mundo na maging kami ni Sky,” sagot ko.
“Dahil lang do’n?” Tanong pa niya.
“Actually, nagdadalawang-isip ako kung hihiwalayan ko si Sky. Mahal ko siya pero hindi ko siya kayang ipaglaban. Hindi ko alam kung hanggang saaan kami at hindi ko alam ang mangyayari kapag nalaman ni Tito ang lahat.” Seryoso kong sagot.
“Kaya hihiwalayan mo siya kapag hindi naging ayos ang lahat? Ganoon ba, Zide?” Muling tanong ni Jepoy.
“Hindi sa ganoon, Poy. Ang sa’kin lang ay wala akong kakayahang labanan ang si Tito Arman. Marami siyang kayang gawin para paglayuin at paghiwalayin kami ni Sky kaya napapaisip lang ako.” Sagot ko at tumabi siya sa akin.
“Mali ’yan, Zide. Dapat hindi ka ganyan mag-isip, Zide. Hindi mo dapat iniisip na hiwalayan ang tao lalo na kapag mahal mo,” payo pa ni Jepoy na totoo naman.
“Hindi ko alam, Jepoy. Kabado lang siguro ako kaya naisip kong hiwalayan na si Sky. Maling-mali. pero kung iyon na lang ang natitirang option ay hihiwalayan ko si Sky.” Sabi ko pa at napatingin na lang ako sa langit habang inaalala ko kung saan kami nagsimula ni Sky.
SKY
MALAKING buntong hininga ang aking pinakawalan matapos kaming i-dismiss ng nakakabwiset naming Prof sa isang major subject at nasa ganoong posisyon ako nang biglang may may message request akong nakita sa aking message at voice messagge (recording) iyon kaya naman isinuot ko ang aking earphones at narinig ko ang boses ni Ziderick na nagsalita.
“SA tingin mo, Jepoy, healthy pa ba ’tong relasyon namin ni Sky?” Iyon ang boses ni Ziderick kaya nagpatuloy ako sa pakikinig.
“Bakit mo naman naitanong?” Sagot naman ng kausap niyang si Jepoy.
“ Wala lang. Napapaisip lang ako kung bakit parang ayaw ng mundo na maging kami ni Sky, “ sagot ni Zide.
“Dahil lang do’n?” Sagot ni Jepoy.
“ Actually, nagdadalawang-isip ako kung hihiwalayan ko si Sky. Mahal ko siya pero hindi ko siya kayang ipaglaban. Hindi ko alam kung hanggang saaan kami at hindi ko alam ang mangyayari kapag nalaman ni Tito ang lahat. “ Sagot pa ni Jepoy na nagpabigat sa dibdib ko dahil kayang-kaya ko siyang ipaglaban kahit pa sa mga magulang namin habang siya ay nag-iisip na hiwalayan lamang ako. Napakasakit naman sa dibdib no’n.
Nagpatuloy ako sa pakikinig sa usapan nilang dalawa.
“ Kaya hihiwalayan mo siya kapag hindi naging ayos ang lahat? Ganoon ba, Zide?“ Muling tanong ni Jepoy.
“ Hindi sa ganoon, Poy. Ang sa’kin lang ay wala akong kakayahang labanan ang si Tito Arman. Marami siyang kayang gawin para paglayuin at paghiwalayin kami ni Sky kaya napapaisip lang ako.“ Sagot pa ni Zide.
“Mali ’yan, Zide. Dapat hindi ka ganyan mag-isip, Zide. Hindi mo dapat iniisip na hiwalayan ang tao lalo na kapag mahal mo,” payo pa ni Jepoy na masasabi kong totoo dahil kung mahal ako ni Ziderick ay hindi niya iyon iisipin.
“Hindi ko alam, Jepoy. Kabado lang siguro ako kaya naisip kong hiwalayan na si Sky. Maling-mali. pero kung iyon na lang ang natitirang option ay hihiwalayan ko si Sky.” Sabi pa ni Ziderick na nagpalungkot sa akin ng sobra. Baka isang araw pala ay magising na lang ako na hihiwalayan na pala ako ni Zide.
Ibayong kirot sa dibdib ang lumukob sa akin at hindi ko akalaing sasabihin iyon ni Zide dahil ramdam ko namang mahal na mahal niya ako eh. Kung alam lang niya kung gaano kasakit marinig ang mga bagay na iyon. Sobrang sakit lang isipin.
“Shot tayo, Brix!” Tawag ko kay Brix nang makarating ako sa Parking lot.
“Busy ako pero tara!” Sagot naman niya kaya tinext ko si Zide na magpasundo na lang siya sa driver namin dahil may aasikasuhin ako.
PASADO alas sais trenta noong makarating kami ni Brix sa isang dico bar sa Quezon City at niyaya rin namin ang iba naming ka-blockmates na dumating naman dahil minsan lang kami magsaya na magkakasama.
Mabigat ang dibdib ko sa bawat laklak ko ng beer at pinanood ki kung paano magsaya ang mga kaklase namin kaya naman kahit papaano ay naibsan ang bigat sa dibdib ko.
“What’s the real deal, bro? Bigla ka na lang nagyayang uminom out of nowhere,” puna ni Brix.
“Nothing, bro. Gusto ko lang uminom. Friday naman ngayon.” Sabi ko.
“Eh baka magalit sa’yo niyan si Zide. Nagpaalam ka ba?” Sagot niya pa.
“Huwag na muna nating pag-usapan si Zide, Brix.” Sabi ko at um-oo naman siya at sabay kaming nag-shot dalawa.
“Zide, hindi ka ba kinakabahan kapag nalaman ni tito Arman na kayo ni Zide?” Tanong bigla ni Brix.
“Bakit naman ako kakabahan, ha? Mahal na mahal ko si Zide. Mali ba ’yon? Mali bang magmahal?” Tanong ko.
“Lakas nga ng tama sa’yo ni Zide. Siguro kung hindi kayo ay baka niligawan ko na ’yon,” aniya at natahimik ako lalo na noong makita ko kung gaano kakasaya ang mga kasamahan ko sa pag-iinom. Bakit ba ako nagkakaganito?
“Ikaw, Brix, anong gagawin mo kung ikaw si Zide? Kaya mo ba akong ipaglaban?” Tanong ko.
“Hindi.” Sagot niya. “Kapatid ka pa niya.” Sagot niya.
“Pero hindi ko siya kadugo!” May diin kong tugon.
“Kahit na. Malaking kahihiyan sa part ni Tito Arman ’yon.” Sagot pa niya kaya naman agad akong lumaklak muli at gusto ko munang magpakalunod sa alak ngayon. Kahit ngayon lang.
“Hindi excuse ’yong mga ganoong bagay, Brix. Kapag mahal mo, walang reason para hindi mo ipaglaban. Kalokohan ’yong isipin mo na hindi mo kayang ipaglaban ang relasyon niyo lalo na’t pinasok mo ’yon.” Sabi ko.
“Hindi naman kasi lahat gaya mo, Sky. Iba ang prinsipyo mo sa buhay.” Sabi pa niya kaya hindi ko na napigilang mapakamot na lang sa ulo ko.
ZIDERICK
PASADO alas diyes na ng gabi noong makarating si Sky sa bahay at amoy alak siya kaya naman nang makapasok siya sa kwarto niya ay sinundan ko siya at iniharap sa akin pero umiwas siya ng tingin.
“Bakit ka nag-inom? Kumain ka na ba?” Iyon ang sunud-sunod kong tanong sa kanya at tumango naman siya.
“Medyo nagkasiyahan lang kami ng mga ka-blockmates ko. Pasensya na.” Sabi niya at kitang-kita ko ang pamumula ng dalawa niyang pisngi.
“Okay lang. Minsan lang naman. Sige na at maglinis ka na ng katawan. Dito ako tutulog ngayon.” Nakangiti kong sagot sa kanya at imbes na sumagot ay dumiretso na siya ng shower at nang matapos siya ay nakita ko kung paano siya nagsuot ng bathrobe at tumabi sa akin pero hindi siya humarap sa akin.
“Sky, may problema ba?” Tanong ko.
“Pagod lang siguro,” sagot niya kaya niyakap ko siya pero tinanggal niya iyon.
“Mainit, Zide.” Sabi niya kaya naman naalarma na ako.
“May problema ba, Sky?” Tanong ko at biglas siyang humarap.
“Problema? Wala ah. ’Di ba?” Aniya at hindi ko alam kung anong tinutumbok niya kaya napaupo ako saglit.
“Wala pero parang pakiramdam ko ay mayroon. May nasabi o nagawa ba akong mali?” Tanong ko.
“Wala nga sabi! Magpahinga ka na. Magpapahinga na rin ako. Pagod ako.” Mapait niyang sagot kaya napa-okay na lang ako.
Sana nababasa ko ang isip niya para hindi ako nanghuhula ngayon.
“Sige, magpapahinga na ako, Sky. Mukang pagod ka nga talaga. Pasensya na sa abala.” Sabi ko sabay yakap sa unan at doon ako umiyak na parang bata dahil ngayon lang uli ito.
Itutuloy…
HSH SEASON 2: PART 38
HALIK SA HANGIN PART 38: PAHINGA
ZIDERICK
UMAGA na at nagising ako dahil sa pagtama ng sinag ng araw sa aking mukha. Inikot ko ang aking paningin at nasa kwarto pa rin ako ni Sky. Mahimbing pa rin siyang natutulog at kitang-kita ko na mahimbing pa rin ang kaniyang pagkakatulog. Medyo mahapdi ang aking mga mata dahil sa pag-iyak magdamag kaya naman hindi na ako nag-abalang kumilos para sa NSTP class ko, bagkus ay minabuti ko na lamang na yakapin si Sky at hindi ko alam kung bakit tila may sariling utak ang aking mga mata at may pumatak na namang luha mula roon.
"Sky, sana maging okay na uli tayo." Sabi ko sa harapan niya at sumiksik ako sa dibdib niya.
"Pagod na'ko, Zide." Sabi niya bigla kaya napatingin ako sa mga mata niya.
"Anong ibig mong sabihin, Sky. Hindi kita maunawaan. Okay naman tayo ah?" Sagot ko.
"Hihiwalayan ko ba ako kapag nalaman ng mundo na tayo, Zide?" Tanong niya kaya napailing ako.
"Hindi!" Madiin kong sagot pero umiling siya.
"Parang hindi naman, Zide. Hindi ganoon ang nakikita ko. Parang kahit anong oras kaya mo'kong iwanan," malungkot niyang tugon.
"Sky naman. Huwag kang magsalita ng ganyan." Sabi ko at bigla niyang ipinilay ang isang pag-uusap na tandang-tanda ko pa.
"SA tingin mo, Jepoy, healthy pa ba 'tong relasyon namin ni Sky?" Tanong ko Jepoy isang hapon sa itaas ng rooftop ng aming building.
"Bakit mo naman naitanong?" Sagot naman niya.
"Wala lang. Napapaisip lang ako kung bakit parang ayaw ng mundo na maging kami ni Sky," sagot ko.
"Dahil lang do'n?" Tanong pa niya.
"Actually, nagdadalawang-isip ako kung hihiwalayan ko si Sky. Mahal ko siya pero hindi ko siya kayang ipaglaban. Hindi ko alam kung hanggang saaan kami at hindi ko alam ang mangyayari kapag nalaman ni Tito ang lahat." Seryoso kong sagot.
"Kaya hihiwalayan mo siya kapag hindi naging ayos ang lahat? Ganoon ba, Zide?" Muling tanong ni Jepoy.
"Hindi sa ganoon, Poy. Ang sa'kin lang ay wala akong kakayahang labanan ang si Tito Arman. Marami siyang kayang gawin para paglayuin at paghiwalayin kami ni Sky kaya napapaisip lang ako." Sagot ko at tumabi siya sa akin.
"Mali 'yan, Zide. Dapat hindi ka ganyan mag-isip, Zide. Hindi mo dapat iniisip na hiwalayan ang tao lalo na kapag mahal mo," payo pa ni Jepoy na totoo naman.
"Hindi ko alam, Jepoy. Kabado lang siguro ako kaya naisip kong hiwalayan na si Sky. Maling-mali. pero kung iyon na lang ang natitirang option ay hihiwalayan ko si Sky." Sabi ko pa at napatingin na lang ako sa langit habang inaalala ko kung saan kami nagsimula ni Sky.
"Dahil lang d'yan ginaganito mo ako, Sky?" Tanong ko sa kanya at umupo kami parehas.
"Ewan ko, Zide. Kung hihiwalayan mo ako ay gawin mo na. Huwag mo ng patagalin para hindi ka na nahihirapan sa'kin. Ang dali sa'yong sabihin na hihiwalayan mo ako kahit alam mong mahal na mahal kita, Zide. Bakit ganyan ka?" Aniya kaya nasapak ko siya ng isa.
"Nasabi ko lang 'yon, Sky dahil hindi ako kasing tapang mo. Hindi naman porke't mahal kita aY matapang na ako laging harapin ang mundo. Sky, I am sorry kung narinig mong nanghihina ako pero sana hindi ka nagkakaganyan. Sana pinapalakas mo pa ang dibdib ko dahil nahihirapan din ako." Sabi ko sa kanya at napahawak ako sa dibdib ko dahil sa napakaraming dahilan. Una ay ang usapan namin ni Jepoy na na-send sa kanya at pangalawa ay ang bigat sa dibdib ko dahil nagbitiw siya ng masasakit na salita.
"Hindi ko alam ang sasabihin ko, Zide. Basta ang alam ko, nasasaktan ako dahil sa mga narinig ko. Sana kinausap mo na lang ako ukol sa nararamdaman mong 'yan dahil boyfriend mo ako. Hindi naman ako kung sino lang, Zide." May frustration sa boses niya nang sabihin niya iyon at na-guilty din ako dahil tama siya. Medyo selfish ako sa parteng iyon.
"Sorry na, Sky." Sabi ko sabay yakap sa kanya. "Nasabi ko lang iyon pero hindi ibig sabihin ay gagawin ko na iyon. Mahal kita, Sky." Dagdag ko at hindi ko naramdamang yumakap man lang siya sa akin.
"Napakahina mo, Zide." Aniya. "Kayang-kaya kitang ipaglaban kahit kanino pero ikaw... bakit ka ganyan mag-isip? Ni minsan ay hindi kita naisip hiwalayan dahil mahal na mahal kita at hanggang maaari ay gusto kong maramdaman mong kailangan kita, mahal kita. Sana ganoon ka rin, Zide. Huwag mo sanang masamain ang sinsabi kong 'to pero kung iiwan mo ako ngayon ay gawin mo na para hindi na tumagal pa'tong pagmamahal ko sa'yo. Halos gawin na nating mundo ang isa't-isa pero hindi pa pala buo ang dibdib mo. Hindi mo pa rin pala ako kayang ipaglaban." Aniya at kita ko sa mata niya ang lungkot.
"Sky naman. Hindi kita hihiwalayan kahit anong mangyari. Pasensya ka na kung naging mahina ako. Sana patawarin mo ako. Huwag ka ng magtampo." Pagsusumamo ko at nilapit ko pa ang sarili ko sa kanya.
"Pahinga muna tayo, Zide. Pakalmahin muna natin ang lahat." Sabi niya kaya naman naiyak na naman ako.
"Ayoko! Please, ayusin natin 'to. Ayokong nagkakaganito tayo." Muli kong pagsusumamo pero talagang matigas siya.
"Bakit ka ganyan, Sky? Kapag ikaw ang nagkakamali, napapatawad kita agad pero kapag ako na, parang ang hirap-hirap sa'yong patawarin ako. Hindi naman kita niloko ah?" Sabi ko kaya natigilan siya at tila napaisip.
"Hindi naman ito tungkol sa pagkakamali, Zide. Tiwala at relasyon natin ang pinag-uusapan natin dito. Huwag mo sanang i-invalidate na nasasaktan mo rin naman ako. Sobrang sakit kasi, Zide. Naisip mo ba kung anong mararamdaman ko habang sinasabi mo 'yun kay Jepoy? Paano kung ako naman ang narinig mo? Siguro ay mas higit pa rito ang gagawin mo.." aniya sabay gulo ng buhok niya at niyakap ko siya ng mahigpit.
"Sky, I am sorry. Pinagsisisihan ko lahat ng nasabi kong mali sa'yo." Sabi ko pa pero determinado siya sa pahingang hinihingi niya.
"Zide, pahinga muna tayo. Hindi na pala healthy itong relasyon natin eh. Pasensya na." Sabi niya sabay tayo.
"Sky naman eh. Ayoko." Sabi ko pa habang umiiyak.
"Sige na muna, Zide. Magpahinga muna tayo. Ayokong maging toxic sa'yo. Mag-usap na lang tayo kapag kalmado na ang lahat." Sabi niya pa kaya naman hindi ako nakakibo at naiwan akong nakatanaw sa kaniya papalabas ng kaniyang silid.
KINAGABIHAN ay nagyaya akong mag-inom kay na Roniel, Danny, Arkin at Jepoy nsa isang Bar dito sa Manila na hindi tumanggi sa pagyayaya ko dahil sabi ko sa kanila ay sagot ko.
"Shuta ka, Zide. Sobrang miss na miss ka na namin sa bahay." Sabi ni Arkin sa akin habang hawak ang beer niya.
"Miss ko rin naman kayong lahat." Sabi ko sa kanila at itinaas ko ang basong hawak ko at nag-cheers kami ng sabay-sabay.
"Nga pala, Zide, anong nausip mo't nagyaya kang mag-inom?" Tanong ni Danny na kinulit din ako kung bakit hindi ako pumasok kaninang umaga.
"Gusto ko lang kayong makasama." Sabi ko sabay salin uli sa baso ko ng alak.
"Hmm. Sabagay. Minsan lamang ito kaya sulitin na natin, hindi ba, guys?" Kumento pa uli ni Danny at sumang-ayon naman lahat sa kanya.
"Kumusta pala kayo ng girlfriend mo?" Tanong ko pa kay Danny pero hindi siya sumagot.
"Break na sila ng cheater niyang ex. Hindi pa ba naikuwkento nitong lokong 'to sa'yo?" Simula ni Roniel na natatawa pa habang ako naman ay umiling bilang sagot.
"Nahuli niyang may ka-sex sa isang motel tapos ang sabi pa sa kanya ay kumakain lang daw ng fried chicken sa loob kasama ang kaibigan." Natatawang dagdag ni Arkin kaya natawa na lang din kaming lahat.
"Dedma na muna sa mga manloloko. Focus muna ako sa pag-aaral ngayon. Marami pang pepe riyan sa paligid tsaka hindi naman kasarapan 'yong ex kong 'yon, nakuha pang manloko." At lalo kaming nagtawanan sa sinabi ni Danny. Parang okay na naman siya base sa actions niya.
"Maiba tayo, kumusta ka naman?" Si Arkin muli ang nagsalita.
"Okay naman ako. Medyo naka-adjust na bagong buhay. Masaya naman. Sana ay ganoon din kayo." Sabi ko at nagkwentuhan pa kami ng masasayang bagay.
"Alam mo ba, itong si Jepoy ay napakagaling sa Math, biruin mo ay laging highest sa block nila." Pagpuri ni Danny kay Jepoy na hindi ko naman ipinagtataka dahil Math ang paborito niyang subject.
"Hindi na bago 'yon. Halimaw talaga 'yan sa Math!" Natatawa kong singhal dahil medyo umiingay na sa paligid dahil sa upbeat musics na pinatutugtog ng dj.
"Ikaw din naman, Zide! Pa-humble ka pang loko ka eh top student ka ng College natin. Susko ka!" Entrada pa ni Danny na ikinahiya ko.
"Puro acads naman ang usapin eh. Nagpunta tayo rito para mag-party kaya mainam pa ay sumaway tayo!" Sigaw ko at sumang-ayon naman siya pero biglang bumulong sa akin si Jepoy nang makatayo kami mula sa aming kinauupuan.
"Okay ka lang ba? Baka malasing ka ng husto," puna niya at totoo namang medyo tinatamaan na ako pero dedma na lang sa akin dahil gusto kong magpakasabog at magpakalasing ngayon ng husto dahil mabigat ang dibdib ko.
"Okay lang ako, Poy. Huwag mo akong intindihin." Sabi ko sa kanya at nakipagsiksikan ako sa mga tao habang may dalang bote ng alak.
Sayaw dito, sayaw do'n at medyo nahihilo na ako pero dedma lang ako.
"Alone?" Tanong ng isang lalaking medyo matangkad at may hawak din siyang alak. Maayos naman ang kaniyang hitsura kaya nagsalita na rin ako.
"Nope. May kasama ako. Medyo nagsasaya lang sila." Sabi ko sabay inom ng hawak kong beer hanggang sa maubos ang laman.
"Jeron," aniya sabay abot ng kamay sa akin.
"Ziderick," sagot ko at nakipagkamay siya sa akin.
"Sa'yo na'to," abot niya sa akin ng hawak niyang beer at natawa ako habang kinukuha ko iyon.
"Salamat!" Nauutal kong sabi at hinila niya ako papunta sa kumpol ng mga nagsasayaw at medyo nararamdaman ko ang paghawak niya sa bewang ko at hindi ko iyon pinansin dahil naka-focus ako sa pagsasayaw. Nagulat lang talaga ako noong dakmain niya ang dibdib ko at akmang hahalikan niya ako noong nakita kong sinuntok siya ni Jepoy sa muka at hinila naman ako nina Arkin, Danny at Roniel.
Medyo nagkagulo na kaya naman medyo nahimasmasan ako ng konti pero tila sobrang bigat ng ulo ko at parang binibiak sa sakit.
"Huwag si Ziderick! Tang ina mo!" Sabi pa ni Jepoy at sinipa niya ng isa si Jeron.
Hanggang doon na lamang ang naaalala ko dahil bumigat na ang aking talukap. Basta ang natatandaan ko ay may bumuhat sa akin.
Itutuloy…
HSH SEASON 2: PART 39
Note: Three more parts ang we’re ready for season 3! Pasensya na sa late update. Nag-aasikaso lang ng requirements para sa school.
Enjoy reading!!!
HALIK SA HANGIN PART 39: AKTO
JEPOY
MASAKIT ang pagtama ng ilaw sa aking mga mata lalo na noong makapagbayad kami ng aming bill nina Arkin, Roniel at Danny na hindi pa naman ganoon kalasing kumpara kay Ziderick na bumagsak na sa semento noong makalabas kami ng naturang bar. May ilang tumitingin sa amin pero hindi naman namin iyon pinansin dahil ang priority namin ngayon ay si Ziderick na lasing na lasing.
"Putang inang bakla 'yon, si Ziderick pa talaga ang hinipuan." Galit na kumento ni Arkin.
"Sana ay nakisapak din ako sa hayop na 'yon. Bwiset!" Sigaw na gatong ni Danny.
"Ako na ang papara ng taxi, Jepoy. Tawagan mo na 'yong kapatid ni Zide. Sabihin mo ay sunduin si Zide," utos naman ni Roniel at tumango ako. Tumingin muna ako kay Ziderick at muntik na akong bumalik sa loob para basagin ang muka ng hayop na lokong 'yon kundi lang ako naaawa sa kalagayan ni Ziderick ngayon.
Ako na lang sana ang nabastos at hindi si Ziderick. Ewan ko ba kung bakit ko naisip 'yon. Basta okay lang na masaktan ako kaysa si Ziderick. Mahal ko 'yong lokong 'to eh.
Ang daming tumatakbo sa isip ko habang nakatingin ako kay Ziderick pero dahil baka makahalata sila ay umupo ako sa tabi ni Ziderick na nakasandal kay Arkin ar Danny at itinipa ko ang pangalan ni Sky at agad ko siyang tinawagan.
"Sky, sunduin mo rito si Zide," at bungad ko sa kanya at sinabi kong kung nasaan kami.
"Diyan lang kayo." Sagot niya at alalang-alala sa nobyo niya na ikinaselos ko. Alam kong hindi sila okay ni Ziderick dahil nagkwento siya sa akin kagabi at alam ko rin na kagagagawan ko iyon. Kung may choice lang talaga ako ay hindi ko na sana sila pinag-away pa.
Minsan, ang hirap ding maging mahirap lalo na kapag naiipit ka sa sitwasyong gaya ng kinasasadlakan ko. Mahirap dahil wala kang magawa kundi makisabay na lang sa anod dahil kung hindi ay sisirain ka nito.
"Oh ayan na pala 'yung kapatid," puna ni Danny at tumingin ito sa nakapadang kotseng itim sa tapat namin.
"Anong nangyari kay Zide? Bakit lupaypay na lupaypay ata?" Nag-aalalang tanong ni Sky nang bumaba siya mula sa kaniyang kotse.
"Masyadong nalasing at medyo may nambastos sa kaniya pero naagapan naman agad ni Jepoy," kumento ni Arkin.
"Sa susunod ay huwag niyo ng isasama si Zide sa ganitong lakad niyo, ha? Teka, sino ang lalaking nambastos kay Ziderick?" Tanong ni Sky at galit galit ito nang ipakita ni Danny ang picture ng naturang lalaking bumastos kay Ziderick.
Agad niyang isinakaya si Ziderick sa loob ng kaniyang kotse at pareparehas kaming nakatanga lang habang pinagmamasdan siyang pumasok sa loob ng bar at kitang-kita namin kung paano niya kausapin ang manager ng bar.
"Kung ayaw niyong ipasara ko itong Bar niyo ay iharap niyo sa akin ang lalaking 'yan," utos niya sabay pakita ng larawan ng lalaking bumastos kay Ziderick kanina. Tensyonado ang naturang Manager at ganoon din kaming apat.
"Pero.." hindi na ito natapos magsalita dahil nang makita kong naglalakad papalapit ang lalaki ay itunuro ko ito sa kanya at isang malakas na sapak ang ginawad ni Sky sa lalaki at doon na lalo nagkagulo.
Nakasalampak pa rin sa lupa ang naturang lalaki at kitang-kita namin kung paano siya awatin ng mga bouncer pero hindi siya maawat dahil galit na galit siya. Bugbog sarado ang lalaki at dinuro-duro pa niya ito bago magsalita.
"Sa susunod ay piliin mo ang taong babastusin mo! Tang ina mo ka!" Sigaw pa niya at sa huli ay tinadyakan pa niya ito ng isa pa.
"Mr. De Vera, pasensya na sa nangyari.." pagpapaumanhin ng manager na para bang ang laking tao ni Sky.
"Makakarating ito sa aking ama. Siguraduhin niyong aayusin niyo na ang inyong pamamalakad sa susunod. Pati ang aming pamilya ay nababastos!" Sabi ni Sky na nagmadaling magtungo sa kaniyang sasakyan at hindi man lang siya nagpaalam sa amin nang paharurutin niya ang kaniyang sasakyan.
ZIDERICK
MASAKIT ang aking ulo nang magising ako at kitang-kita ko ang pagtitig sa akin ni Sky na agad yumakap sa akin ng mahigpit ng makita niyang nagmulat ako ng aking mga mata.
"Okay ka lang ba?" Tanong niya sa akin na parang alalang-alala sa akin.
"O-okay lang naman ako." Nag-aalangan kong sagot dahil alam ko ay galit siya sa akin.
"Wala bang masakit sa'yo? May gusto ka bang kainin? Sabihin mo lang." Sabi niya na parang aligaga dahil sunud-sunod ang sabi niya.
"W-wala naman. Galit ka pa ba sa akin?" Nahihiya at nauutal kong tanong sa kanya dahil kasalanan ko naman talaga lahat kung bakit kami nagkakaganito.
"Mas galit ako sa sarili ko dahil nagpadala na naman ako sa emosyon ko kaya nagkakaganito tayong dalawa. Hindi ka sana nabastos kagabi kung hindi kita pinasakitan. Sorry, Zide!" Umiiyak niyang sabi sa akin at ewan ko ba kung bakit napaiyak na rin ako. Bakit ba sobrang swerte ko kay Sky?
"Sky, sorry din sa lahat ng mga narinig mo. Hindi ko sinasadyang maging mahina," sabi ko at yumakap siya sa akin ng mahigpit bago nagsalita.
"Please, Zide, ayoko na uling mag-iinom ka sa bar ng hindi ako kasama dahil kapag may nangayaring masama uli sa'yo ay baka makapatay ako." Matigas niyang singhal kaya naman napasubsob ako sa dibdib niya at umiyak ako na parang bata.
"Tahan na. Kasalanan ko 'to," sabi pa niya at lalo lamang akong nainis sa sarili ko dahil lagi ko na lamang siyang pinagpapasakitan at pinag-aalala.
"Mahal na mahal kita, Zide. Kahit naman naiinis ako sa'yo ay wala akong magawa para hindi ka hanapin parati ng puso ko. Alam mo 'yon, sobrang lakas ng tama mo sa'kin na kahit sa panaginip ay nandodoon ka. Sa lahat ng aspeto ng buhay ko ay nandook ka. Lalo na pangarap ko. Lahat gagawin ko para sa'yo, Zide. Mahal na mahal kitang pasaway ka!" Sabi niya at matapos din ang tagpong iyon ay narinig ko lahat ng nangyari mula sa pagsundo niya sa akin at sa pagbugbog niya sa nanggago sa akin kagabi.
"Kung alam mo lang kung gaano mo ako pinag-alala. Sobrang bigat ng dibdib ko." Sabi pa niya kaya naman ginulo ko ang kaniyang buhok.
"Okay lang naman ako, Sky. Nandito na ako sa tabi mo," sabi ko sabay inom ng malamig na tubig.
BALIK sa normal ang aming relasyon at kitang-kita at damang-dama ko kung gaano ako kamahal ni Sky lalo na nooong matapos kaming maligo. Hubo't-hubad kaming dalawa at mainit ang aming pagpapalitan ng halik hanggang sa buhatin niya ako sa kama. Niromansa niya ako mula sa tenga, leeg labi at dibdib na ikinabaliw ko.
"Mahal na mahal kita, Zide!" Sabi niya sabay supsop sa akin dibdib kung saan siya nag-iwan ng marka na tila nagsasabing kanya lamang ako at wala ng iba pang nagmamay-ari sa akin.
Nang matapos niya akong romansahin ay naramdaman ko ang pagpahid niya ng lubricant sa akin butas at nilaro-laro niya iyon bago niya ipinasok ang kaniyang kahabaan sa akin. Isang mahabang hinga ang ginawa ko nang umayuda siya at sabay kaming naglakbay sa sarap ng alapaap at saktong binibirada niya ako nang biglang puamasok si Nanay at kitang-kita niya kung paanong ang mga anak niyang itinuturing ay magkapatong kaya para kaming nabuhusan ng malamig na tubig dahil huling-huli kami sa akto.
Itutuloy…
HSH SEASON 2: PART 40
HALIK SA HANGIN PART 40: PAGTAKAS
ZIDERICK
MATINDING kilabot ang lumukob sa akin at tila nabuhusan ako ng malamig na tubig at hindi ako agad nakagalaw.
"A-anong ginagawa niyo, Zide at Sky?" Panimula ni Nanay at sandali itong tumalikod na timing para magkalas kami ni Sky mula sa pagkakapatong. Nagbihis na rin kami at nakatalikod pa rin siya.
"Magkapatid kayo! Hindi niyo dapat ginawa ang mga gano'ng bagay!" Bulyaw pa ng naiiyak na si Nanay kaya napayuko ako.
"Hindi kami magkapatid! Nagmamahalan kami ni Ziderick." Sagot ni Sky na noo'y kalmado lamang na parang hindi kami nahuli ni Nanay.
"Kahit na, Sky. Hindi man kayo magkadugo ay kasal kami ng iyong Daddy. Ano na lamang iisipin ng iyong ama kapag nalaman niya na kinakalantari mo ang anak ko? Wala akong pakialam sa kasarian niyo, hindi ko lang maatim na makita kayong dalawa ganyan." Sagot naman ni Nanay na naiiyak na.
"Basta mahal namin ni Ziderick ang isa't-isa at wala kaming pakialam sa sasabihin ni Daddy dahil buhay namin 'to." Sagot namang muli ni Sky.
"Huwag kang magbiro ng ganyan, Sky. Anak na rin ang turing ko sa'yo kaya huwag kang ganyan magsalita. Mabuti pa ay tapusin niyo na rito ang bagay na mayroon sa inyo ni Ziderick. Hindi ako magsasalita iyong ama at proprotektahan ko kayong dalawa basta itigil niyo lang ang inyong kahibangan," bwelta pa niya (nanay).
"Wala kaming tatapusin. Hindi mo rin kami kailangang protektahan dahil hindi kahibangan ang pagmamahal. Bakit ka ganyan magsalita, ha? Parang diring-diri ka sa amin kung magsalita ka eh. Pwede ba ay lumabas ka sa aking silid dahil hindi ka welcome rito!" Bulyaw ni Sky at kinapitan ko siya sa likod para pigilan pero hindi siya nagpapigil.
"Nay, hindi ho ako makikipaghiwalay kay Sky. Nagmamahalan po kami!" Ako na ang bumuwelta kaya naman nasampal ako ng isa ni Nanay kaya napatingin ako sa kanya ng may awa dahil hindi ko inaasahan na ganito kabaliko ang kaniyang pag-iisip.
"Kung gano'n ay makakarating lahat Arman lahat. Hindi rin naman kayo masupil na dalawa ay mas mabuti pang ang inyong ama na lamang ang sumipil sa inyo!" Bulyaw niya sa amin at nagmadali siyang lumabas ng kwarto at niyakap ako ni Sky dahil namumutla na ako.
"Tahan na, Zide." Pag-aalo niya sa akin.
"Ano ng gagawin natin, Sky?" Tanong ko dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kapag gumawa na ng aksyon si Tito laban sa amin. Paniguradong galit na galit iyon.
"Tatakas tayo. Aalis tayo rito," bulong niya sa akin sabay halik sa akin.
"Pero paano?" Tanong ko.
"Magtiwala ka lang, Zide." Sabi niya at mabilis na mabilis kaming kumuha ng tig isang bag na naglalaman ng aming damit at mula sa likod ng bahay ay kitang-kita namin ang paparating na sasakyang kaniyang ama kaya naman sumakay kami sa kaniyang motorsiklong nakagarehe sa likod at doon kami dumaan.
Ibayong kaba ang lumukob sa akin ng makalabas kami ng mansyon at naka-off ang aming mga cellphone bilang utos na rin ni Sky.
Mahaba ang aming naging pagmo-motor hanggang sa makita namin si Brix na nakaupo sa waiting shed.
"Brix!" Tawag ni Sky at kitang-kita ko kung gaano nagmamadali si Brix na lumapit sa amin at kinuha niya ang motor ni Sky at pumara siya ng taxi para sa amin.
"Brix, salamat! Kahit anong mangyari ay huwag na huwag kang magsasalita, ha?" Sabi pa ni Sky.
"Oo. Pangako 'yan!" Sigaw naman ni Brix at hindi ko alam ang plano nila basta tinanong ko na lamang si Sky noong nasa loob na kami ng taxi.
"Saan tayo pupunta, Sky?" Tanong ko.
"Pampanga." Iyon ang sabi niya sa driver at napatango na lang din ako.
"May resthouse sina Brix sa Pampanga at doon muna tayo sa ngayon," sabi ni Sky at nagtitiwala naman ako sa kanya.
"Hindi ko alam kung saan tayo dadalhin ng puso natin, Sky pero masaya akong tumakas kasama ka." Sabi ko at siniil niya ng halik ang aking labi.
Mahaba-haba ang aming naging byahe at medyo masakit na ang aking tiyan dahl hindi pa kami kumakain at matapos ang tatlong oras ay narating namin ang San Fernando, Pampanga at si Sky ang nakipag-usap sa taxi driver para sa payment bago kami naglakad papasok sa SM para kumain dahil gutom na gutom na ako.
"Zide, mahal na mahal kita," sabi niya bigla sa akin habang naghihintay kami ng order namin. Napili naming kumain sa isang kilalang fastfood chain at talaga namang para kaming nakatakas sa totoong mundo.
"Mahal na mahal din kita, Sky." Mahina kong tugon dahil ang daming high school students ang nakatingin sa amin at tila mga kilig na kilig sa aming dalawa ni Sky na mamula-mula rin ang pisngi gaya ko dahil sa paglalakad kanina.
"May ipon ka ba, Sky?" Tanong ko sa kanya bigla habang kumakain kami.
"Marami." Aniya sabay pakita ng isang passbook sa akin na ikinalaki ng aking mga mata noong makita ko ang laman no'n.
"70 million pesos?" Singhal ko sa kanya pero natawa lang siya at umiling.
"Higher. May pinama rin sa'kin si Mommy na property at pera kaya kapag nagkaroon tayo ng tiyempo ay aalis tayo ng bansa para magpakasal at tumakas sa mundo." Masaya niyang kwento kaya pinisil ko ang kaniyang pisngi.
Nang matapos kaming kumain ay agad kaming nagtungo sa sinasabing resthouse nina Brix na talaga namang maganda rin.
Pagpindot pa lang namin ng door bell ay nagbukas agad ang gate at sinalubong kami ng caretaker.
"Magandang hapon po!" Sambit ni Sky at tila ba kilala nila ang isa't-isa base na rin sa pag-uusap nila.
"Nako! Magandang hapon din, Sir. Naitawag na po ni Sir Brix kanina na magtutungo po kayo rito. Tara na sa loob dahil mukang pagod na pagod kayo." Sabi pa niya at namangha ako sa kasimplehan ng resthouse nila Brix. May isang maliit na swimming pool na malapit sa hardin, may simpleng garahe at buhay na buhay din ang kulay ng bahay na puros pastle ang shade. May maliit na bilyaran sa labas ng garahe at noong makapasok kami sa loob ay hindi na ako nanibago sa mga nakita ko. May malaking t.v sa salas at may magandang mga chandelier na nakakabighani.
"Dito kami madalas nina Brix noong high school kami." Bulong sa akin ni Sky.
"Doon na lamang kami sa taas, Kuya Efren." Sabi pa ni Sky at nang marating namin ang second floor ay nakita ko ang larawan ni Brix na nakapatse sa pader at cute na cute ako sa kanya.
"Ang cute ni Brix," puna ko at ngumuso pa si Sky.
"Pero mas cute ako," bulong ni Sky at hindi naman na ako nakipagtalo pa dahil gwapo naman talaga siya at hindi cute.
"Sige, Kuya Efren, magpapahinga na muna kami ni Zide." Sabi pa ni Sky.
"Sige, Sky. Nasa baba lamang ako. Huwag kayong mahihiyang tawagin ako kapag may kailangan kayo. Nga pala, hindi ba kayo nagugutom? May pagkain sa baba." Pahabol ni Kuya Efren.
"Kagagaling lang po namin sa SM at doon kami kumain. Mamaya na lamang ho siguro sa meyrenda," sabi ni Sky at mabilis naming inayos ang aming sarili sa loob ng kwarto.
Isang malalim na buntong hininga ang ginawa ko at tumabi naman sa akin si Sky at parehas kami ng iniisip dahil mabilis niyang in-lock ang pinto at hinubaran niya ako ng damit.
"Nabitin ako kanina kaya ituloy natin dito," may pang-aakit niyang tinuran.
"Pero nakakahiya kay Kuya Efren sa baba. Baka marinig niya tayo," nag-aalangan kong tugon nang halikan niya ako leeg.
"Hindi 'yan." Sabi niya sabay kagat sa utong ko kaya napaigtad ako saglit at para akong batang buhat-buhat niya pahiga sa kama.
"Bubuntisin kita ngayon, Zide," mapang-asar niyang bulong.
"Loko! Hindi naman ako babae." Sabi ko kaya napangiti siya at ramdam na ramdam ko ang pagsuso niya sa aking dibdib at nag-iwan pa siyang muli ng marka roon. Tanda na kanya lamang ako.
Nakaibabaw pa rin siya sa akin kaya naman kitang-kita at ramdam na ramdam ko ang pagtama ng kahabaan niya sa aking tiyan kaya naman may panggigigil na hinawakan ko iyon at inihiga ko siya at mabilis kong isinubo iyon at pinilit kong isagad iyon sa aking lalamunan at halos maduwal ako lalo na noong igalaw niya ang kanyang katawan pabaon sa aking lalamuna. Matapos ko siyang isubo ay pumuwesto ako sa kaniyang ibabaw at binsa ko ang aking butas ng laway bago ako tumingin sa kanya.
Hinalikan niya pa ako at napanganga ako noong upuan ko unti-unti ang mataba at mahaba niyang alaga. Ilang beses na kaming nagtalik pero ramdam ko pa rin 'yong sakit kada papasukin niya ako kaya naman hindi muna ako gumalaw at sinanay ko muna ang aking butas at ilang sandali lang ay nagtaas-baba ako sa kaniyang alaga na ikinaulol niya.
"Ang sarap, Zide! Ahh!" Iyon ang sambit niya at ramdam na ramdam ko ang pagtama ng aking alaga sa aking tiyan dahil sa pag-indayog. Sandali akong nagpahinga at hinalikan niya naman ako at para siyang hiniteng kumakadyot sa akin na sagad na sagad. Halos panawan ako ng lakas dahil sa matinding pagnanasa at sarap na dulot ng pagbayo niya mula sa ilalim na sinasabayan niya ng paghawak sa aking leeg at hinahalik-halikan niya pa ako.
Mayamaya pa ay naramdaman ko ang panginginig ng kaniyang katawan at sunod noon ang pagtagas ng katas niya sa aking butas. Tigas na tigas pa rin siya kaya naman kumilos pa akong muli at walang hugutan siyang umikot at kinantot asawa niya ako ng todo. Nariyang isinandal niya ako sa pader, inihiga sa sahig at parang asong kinasta mula sa likuran. Puro impit na ungol ang namumutawi sa amin at ramdam ko ang pagpilandit ng tamod ko mula sa aking ari na hindi ko naman sinasalsal o hinahawakan.
Buhat buhat pa niya ako at nagsalita siya ng "mahal na mahal kita, Zide!" At sinagot ko naman iyon ng "mahal na mahal din kita, Sky!" Sabi ko at napasigaw ako ng impit ng kantutin niya ako ng sobra-sobra at parang walang kapaguran. Marami pa kaming ginawang posisyon at itinaas niya ang aking kanang paa habang nasa gilid ko siya. Baon baon ang pitong pulgada niyang alaga.
"Lalabasan na ako," sabi niya at pinatuwad niya ako na parang aso at rinig na rinig ang salpukan ng aming mga balat na nagdulot ng kakaibang sensasyon sa akin.
Ilang kadyot pa ang ginawa niya bago siya labasan at nagmadali kaming dumiretso sa banyo sa loob ng kwarto at doon ay muli niya akong kinantot na parang wala ng bukas.
Matapos ang aming pagniniig ay parehas kaming topless na nahiga sa kama at pinahiga niya ako sa bilugan niyang braso habang hawak-hawak ko ang alaga niya na ewan ko ba kung bakit ang sarap hawakan.
"Baka magalit 'yan," puna niya kaya naman tumingin ako sa kanya.
"Sa'yo lang ako, 'di ba?" Tanong ko.
"Oo naman! Sa'kin ka lang!" Sabi niya kaya naman hinalikan ko siya at nahiga ako sa ibabaw niya na parang bata.
Titig na titig ako sa mga mata niya at ganoon din siya sa akin at amoy na amoy ko ang mabangon niyang hininga na ang sarap amuyin.
"Sky, alam mo, sobrang takot na takot pa rin ako ngayon. Tatay at Nanay na natin ang kalaban natin. Hindi ko alam kung hanggang saan tayo dadalhin ng tadhana pero gusto kong mangako ka na hindi mo ako ipagpapalit kahit na ano pa mang mangyari." Sabi ko at humalik siya sa akin ng mabilis bago siya nagtaas ng kanang kamay.
"Pangako iyan. Hinding-hindi kita ipagpapalit at alam kong ganoon ka rin sa'kin. Nakaka-adik ka, Zide, alam mo ba 'yon? Kada makikita kita ay gusto kitang halikan, yakapin at lagi kang hanap ng sistema ko. Hindi ko alam kung ano ang ipinakain mo sa akin, basta ang alam ko lamang ay mahal na mahal kita at walang bagay sa mundo ang makakapaghiwalay sa iyo mula sa akin," sabi niya pa kaya naman napahalik na lamang ako sa kanya dahil pakiramdam ko ay nasa tamang tao ako.
"Huwag nating iiwan ang isa't-isa, ha?" Sabay pa naming sambit sa isa't-isa na hindi namin balak ihalik sa hangin.
Itutuloy…
HSH SEASON 2: PART 41
Close to season 3 na tayo, guys! One more to go and we’re there!
HALIK SA HANGIN PART 41: OPTIONS
ZIDERICK
MABILIS na lumipas ang araw at tatlong araw na pala kami ni Sky na nandito sa Pampanga. Maayos naman ang lahat at hindi naaalis ang pagniniig sa aming dalawa at isang hapon ay dumating ang isang masamang balita mula kay Brix na galit na galit daw ang ama ni Sky dahil sa nalaman kaya't doble ingat kami lalo na Sky sa aming mga aksyon.
"Basta ingatan niyo ang mga sarili niyo. Gawin niyo ang mga bagay na magpapasaya sa inyo." Sabi pa ni Brix bago siya lumabas ng bahay na parang tensyonado.
"Salamat, pre!" Sabi naman ni Sky sa una at mabuti namin siyang pinagmasdan na lumisan ng bahay at sakto namang pagpasok ni Tito Arman at para kaming mga alagang hayop na pinadampot niya sa kaniyang mga kasamahan kaya naman napaiyak na lang ako habang nakaupo kami ni Sky sa likod ng sasakyan ni Tito Arman.
"Sky, you disappoint me," sabi ni Tito Arman kay Sky na nakayuko lang na tila nag-iisip.
"Kailan ka ba naging proud sa'kin?" Tanong na sagot naman ni Sky kaya naman siniko ko siya pero umiling siya.
"Manang-mana ka sa Mommy mo, Sky. Matigas ang ulo at ayaw magpasupil. Kung alam ko lang na lalaki kang ganyan ay matagal na kitang ipinadala sa ibang bansa para doon ka mag-aral." May diin sa boses ni Tito Arman habang sinasabi niya iyon.
"Buti ng kay Mommy ako nagmana at hindi sa'yo na hindi marunong manindigan. Sana ikaw na lang ang namatay at hindi si Mommy!" Sigaw ni Sky kaya naman napatigil sandali si Tito Arman bumaba ito sa sasakyan niya at hinila pababa si Sky at sinapak niya ito ng isa. Walang kalaban-laban si Sky dahil pumalibot din ang mga tauhan ni Tito Arma.
"Itayo niyo ang gagong 'yan!" Utos pa ni Tito at hindi lumaban si Sky kaya naman putok ang labi niya noong suntukin siya sa labi ni Tito.
"Tito, tama na po!" Awat ko pero hindi ako makalapit sa kanila dahil pinigilan ako ng mga tauhan niya.
"Huwag kang makisali rito, Zide. Alam kong biktima ka lang nitong lalaking ito." Suway sa akin ni Tito kaya naman napakapit ako sa singsing na hawak ko at sa mga pangako namin ni Sky sa isa't-isa.
"Hindi po. Mahal po namin ang isa't-isa!" Singhal ko kaya naman natawa si Tito.
"Huwag niyo akong biruin ng ganyan. Zide, pumasok ka sa sasakyan kung ayaw mong madamay." Ma-awtoridad na utos niya sa akin at inalalayan ako ng mga tauhan niya kaya't hindi ko na nagawang ipaglamban man lang si Sky.
PUTOK ang kilay at nguso ni Sky nang tumabi siya sa akin. May pasa rin ang kaniyang mukha kaya naman umiyak ako habang pinupunasan ko ang kaniyang mukha ng panyong nasa bulsa ko.
"Zide, huwag kang mag-alala sa mokong na 'yan. Sinample-an ko lang para magtanda." Suway nito sa akin habang pinupunasan ko ang walang malay na si Sky.
"Bakit ganito ho kayo kay Sky? Parang hindi kayo tatay," puna ko at umiling lang siya.
"Hindi mo ako nauunawaan, Zide." Aniya. "Masyado pa kayong bata para relasyon-relasyon na kalokohan na 'yan." Sabi pa niya.
Hindi na ako sumagot kay Tito Arman at yumuko na lang ako at yumakap kay Sky.
PAGDATING namin sa bahay ay hindi na ako umimik at noong lapitan ako ni Nanay ay hindi ko siya pinansin dahil kasalanan niya itong lahat.
"Zide, ginagawa ko lang ang role ko bilang nanay mo kaya huwag ka sanang magagalit sa akin," sabi pa niya sa akin.
"Tigilan mo na ang pagpapanggap mo, Nay. Napakamakasarili mo!" Sabi ko sa kanya at dumiretso ako sa kwarto ko at sinundan niya pala ako kaya naman natigilan ako sa hagdan at humarap ako sa kanya.
"Gusto ko hong mapag-isa." Sabi ko pa at humakbang siya katapat ko at pilit niya akong hinahawakan sa kamay kaya naman umiiwas ako hanggang sa namali ang tapak ko at bumagsak ako pababa at parang tumigil ang mundo ko noong makita ko ang dugo sa ulo ko at dinig na dinig ko ang pagtawag sa akin ni Nanay.
"Zide!" Tawag sa akin ni Nanay at tumabi siya sa akin pero para akong walang naririnig at iyon na ang huli kong natatandaan bago ako nawalan ng malay-tao.
SKY
"HUWAG mo akong kakalabanin, Sky. Anak lang kita. Papunta ka palang ay pabalik na ako," puna sa akin ni Daddy na nakahawak pa sa aking kwelyo.
"Kapag may nangyaring masama kay Ziderick ay hindi kita mapapatawad, kayo ng asawa mo!" Singhal ko dahil magdamag ng nakahiga si Ziderick at wala pa rin itong malay sa loob ng kaniyang silid.
"Iyan ang bunga ng inyong kapusukan, Sky." Singhal pa niya at tinalikuran ko siya at pumasok ako sa pribadong kwarto ni Zide rito sa loob ng hospital.
Kitang-kita ng dalawa kong mata ang pasa sa kaniyang pisngi at ang benda sa kaniyang pumutok na noo kaya naman ibang sakit sa dibdib ang aking naramdaman. Hindi nga kaya dahil ito sa akin? Kung hindi kami tumakas ay baka hindi nagkagito si Zide.
"Zide, gising na." Umiiyak kong singhal at bumukas pa ang pinto kung saan nakita ko si Tita Linda, ang nanay ni Zide at tiningnan ko siya ng masama.
"Sky, pasensya ka na---" hindi ko na siya pinatapos sa kaniyang sasabihin dahil nagsalita na ako agad.
"Masaya ka na ba sa nangyari kay Ziderick? Bakit napakamakasarili mo? Kasiyahan ng anak mo ay pinipigilan mo pa!" Singhal ko sa kanya at napahawak ako sa aking buhok.
"Ginagawa ko lang ang dapat, Sky kaya huwag kang magalit sa akin." Sagot niya kaya naman natawa ako sa biro niya.
"Dapat? Ano bang alam mo sa salitang dapat? Tsaka sino ka para pigilan kami ni Ziderick?" Frustrated ako dahil hindi ko kayang nahihirapan si Ziderick. Sana ay ako na lamang ang nalaglag sa mataas naming hagdan at hindi siya.
"Huwag kang magsalita ng ganyan sa Mommy mo!" Entrada ni Daddy kaya natawa ako lalo.
"Mommy? Isa lang ang nanay ko at hindi iyon mababago." Sabi ko pa kaya naman nag-igting ang panga ni Daddy ay inambahan niya ako ng sapak pero pinigilan siya ni Linda.
"Bastos ang bunganga mo, Sky. Hindi kita pinalaking ganyan!" Sabi pa niya.
"Hindi mo naman talaga ako pinalaki. Si Mommy lang!" May diin kong sagot at bigla akong hinawakan ni Ziderick sa aking kamay kaya naman halos maluha-luha ako noong tingnan ko siya.
"Tama na, Sky." Mahina niyang sambit sa'kin at lumapit din si Linda sa amin pero hindi siya kinibo ni Ziderick.
"Anak, pasensya ka na." Sabi pa niya at hindi siya pinansin ni Ziderick at naka-focus lang ito sa akin.
"Okay ka na ba?" Sabi niya habang nakahawak sa aking pisngi na may pasa. Tumango ako at napaluha siya.
"Sky, sorry," mahina niyang bulong sa akin kaya naman niyakap ko siya sa kamay at hinalikan ko pa iyon na ikinainis ni Daddy.
"Pagkatapos niyong mag-usap ay kakausapin kitang muli, Sky." Sabi ni Daddy bago sila lumabas dalawa ni Linda kaya naman agad kong niyakap ng mas mahigpit si Zide at hinalikan ko pa siya sa labi.
"Parang ayaw ng mundo magsama tayo, 'no?" Wika niya sa mahinang tono.
"Huwag natin silang intindihin, Zide. Pinanghahawakan ko ang pangako natin sa isa't-isa." Singhal ko. "Walang iwanan." Sabi ko pa.
"Swerte ko sa'yo, Sky." Natatawa niyang singhal.
"Mas swerte ako dahil kahit ilang beses akong naging masama sa'yo noon ay nandito ka at hindi mo ako iniiwan. Nakakatawa, 'no? Minahal mo ang isang loko-lokong lalaking gaya ko," singhal ko rin dahil iyon naman talaga ang totoo. Pinagpustahan pa namin siya noon ni Brix at sinaktan ko siya ng napakaraming beses.
"Sky, mahal na mahal kita!" Naiiyak niyang sabi.
"Mahal din kita, Zide.. sobra!" Sabi ko bago pumasok ang Doctor at sinuri niya ang kalagayan ni Ziderick at pinalabas naman ako ni Daddy at nag-usap kami sa rooftop ng Hospital.
"Kung gusto mong hindi na mapahamak si Ziderick ay sa ibang bansa ka na mag-aaral. Nakahanda na lahat ng papel mo." Sabi niya kaya naman napalunok ako ng malaki.
"Bakit, anong plano niyo kay Ziderick?" Nag-aalangan kong tanong.
"May option ka, Sky. Una ay si Ziderick ay mag-aaral sa ibang bansa at mananatili ka rito o ikaw ang aalis at si Ziderick ang mananatili rito." Sabi pa niya.
"Paano kung hindi ako pumili?" Tanong ko.
"Ipapapatay ko si Ziderick at ang kaniyang ama sa probinsya. Gusto mo ba 'yon?" Aniya kaya't napahawak ako sa noo ko dahil alam kong kaya iyong gawin ni Daddy dahil noong bata ako ay nasaksihan ko kung paano niya barilin ang lalaking nanakit sa akin noon.
"Nasa iyo ang desisyon, Sky. Hindi ako hindi nagbibiro." Sabi niya at naiwan akong nakayuko habang inaalala ang pangako namin ni Ziderick sa isa't-isa.
"Sa'yo lang ako, 'di ba?" Tanong niya sa akin habang nakatitig sa aking mga mata.
"Oo naman! Sa'kin ka lang!" Sabi ko kaya naman hinalikan niya ako habang nahiga siya sa ibabaw ko na parang bata.
Titig na titig siya sa mga mata ko at ganoon din ako sa kanya. Nagawa ko pa siyang halikan sa pisngi ng mabilis.
"Sky, alam mo, sobrang takot na takot pa rin ako ngayon. Tatay at Nanay na natin ang kalaban natin. Hindi ko alam kung hanggang saan tayo dadalhin ng tadhana pero gusto kong mangako ka na hindi mo ako ipagpapalit kahit na ano pa mang mangyari." Sabi pa niya at humalik ako sa sa kanya ng mabilis bago ako nagtaas ng kamay na parang nanunumpa.
"Pangako iyan. Hinding-hindi kita ipagpapalit at alam kong ganoon ka rin sa'kin. Nakaka-adik ka, Zide, alam mo ba 'yon? Kada makikita kita ay gusto kitang halikan, yakapin at lagi kang hanap ng sistema ko. Hindi ko alam kung ano ang ipinakain mo sa akin, basta ang alam ko lamang ay mahal na mahal kita at walang bagay sa mundo ang makakapaghiwalay sa iyo mula sa akin," sabi ko habang nakatitig ng taimtim sa kaniyang mga mata dahil alam kong siya ang pinakamasayang mundo na nakilala ko.
"Huwag nating iiwan ang isa't-isa, ha?" Sabay pa naming sambit sa isa't-isa na hindi namin balak ihalik sa hangin.
"Sorry, Zide!" Umiiyak na bulong ko sa hangin.
Itutuloy…
HSH SEASON 2: PART 42
Nandito na tayo! Sobrang saya kong nakarating ka rito. Ngiti lang, ha? I’ll read your comments below.
HALIK SA HANGIN PART 42
ZIDERICK
MARAMING nakapagsabing mas maganda ang buhay dito Manila pero sa aking palagay ay mas maganda pa rin sa Probinsya. Hindi man kami mayaman ay payapa ang aming mga isipan.
“Zide, okay ka na ba?” Tanong sa akin ni Sky noong bumalik siya.
“Pwede na raw akong lumabas bukas ng umaga,” sabi ko at napangiti naman siya at ngumiti rin ako.
“Ano palang sabi sa’yo ni Tito?” Tanong ko at umiling lang siya bago nagsalita.
“Binalaan lang niya ako tungkol sa pananagot ko sa Nanay mo. Pasensya ka na kung nabastos ko ang Nanay mo, ha?” Pagpapaumanhin niya sa akin kaya naman umiling din ako ng marahan.
“Nauunawaan kita. Ako rin naman, nasagot ko siya dala ng emosyon. Minsan ay hindi naman masamang mangatwiran kung nasa tama ka.” Sabi ko pa at niyakap niya ako na parang ayaw na niya akong bitawan kaya naman hinaplos-haplos ko ang kaniyang likod dahil para siyang bata na umiiyak.
“Hindi naman ako mamatay, Sky. Tahan na,” pag-aalo ko sa kaniya.
“Pero paano kung namalmaan ka? Hindi ko mapapatawad ang sarili kung saka-sakali.” Sabi pa niya at pinunasan ko ang nangingilid niyang luha gamit ang aking kanang kamay.
“Pero okay na naman ako kaya salamat pa rin sa Diyos dahil nandito na ako, kayakap mo ngayon.” Bulalas ko gamit ang aking malumanay na boses.
“Basta, Zide, kahit anong mangyari ay mahal na mahal kita!” Singit pa niya at hinalikan niya pa ako sa labi ng mabilis at natawa pa ako noong ipwesto niya ang kamay ko sa dibdib niya.
“Mahal din naman kita, Sky. Mahal na mahal,” sabi ko at ngumiti siya.
“Alam ko.” Aniya. “Basta pakiramdaman mo lang ang kabog ng didib ko. Ikaw lang ang nagpatino sa akin, nagmahal ng sobra at nagtyaga ng ganito,” sabi pa niya at ewan ko ba kung napaka-extra sweet niya ngayon.
Pinakiramdam ko ang kalabog ng dibdib niya at nakita kong umiiyak siya at hindi ko alam kung bakit parang iba ang nararamdaman ko sa iyak niyang iyon. Kabado ako pero hindi ko iyon pinahalata sa kaniya.
“Sorry sa lahat ng mga kalokohan ko, Zide. Ikaw ang paborito kong kasalanan sa lahat. Kung mauulit ang buhay ko ay ikaw at ikaw ang pipiliin ko. Tandaan mo iyan.” Sabi pa niya kaya naman hinahawakan ko pa ng mahigpit ang kamay niya.
“Wala kang dapat ihingi ng sorry dahil marami ka ring itinuro sa’kin. Nakilala ko ang sarili ko dahil sa’yo at hindi ako nagsisising ibinigay ko lahat sa’yo dahil mahal kita,” sabi ko pa. “Walang oras na hindi kita minahal, Sky. Kapag kasama kita, ako ang pinakamasayang tao sa mundo,” pahabol ko.
“Salamat, Zide. Sana ordinaryong tao na lang din ang mga magulang ko, ’no? Hindi sana tayo nahihirapan ng ganito.” May diin niyang tinuran.
“Excuse na lang ’yan, Sky dahil tinadhana talagang maging tayo at proud akong sabihin sa mundong mahal na mahal kita.” Sabi ko kaya ngumiti siya ng malaki at buong magdamag kaming magkasama. Sinubuan niya pa ako noong kumakain ako at hanggang sa pagtulog ay hindi niya ako iniwan.
KINABUKASAN ay sinundo ako ni Nanay at ni Tito at hinanap ko si Sky pero walang Sky na dumating. Siguro ay napuyat siya sa kakabantay sa akin kaya naman hindi ko na siya hinanap pa. Pagdating na pagdating namin sa bahay dumiretso ako sa kwarto niya at nang buksan ko iyon ay wala siya ro’n. Siguro ay pumasok siya kaya mabilis kong itinipa ang kaniyang pangalan sa aking cellphone at tinawagan ko siya pero hindi niya sinasagot. Out of coverage pa!
Sunod kong tinawagan si Brix na may kasalanan pa sa amin ni Sky dahil ipinagkanulo niya kami ni Sky.
“Brix, kasama mo ba si Sky?” Bungad na tanong ko sa kanya.
“Hindi. Hindi ba niya sinabing ngayon ang alis niya papuntang Korea?” Sabi niya at halos mapaluhod ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko iyon mula kay Brix.
“Korea? Bakit naman siya aalis? Okay naman kami ah?” Singhal ko kaya kumirot ang aking ulo at napahawak ako sa sahig dahil nanlalambot ako sa narinig ko.
“Hindi ko alam, Zide.” Sabi niya kaya naman nagmadali akong pumunta sa garahe para puntahan si Sky sa airport at pagsakay na pagsakay ko pa lamang sa kaniyang kotse ay in-start ko iyon at pinaharurot. Salamat kay Sky dahil tinuruan niya akong mag-drive. Habang pinapaharurot ko ang sasakyan ni Sky at umiiyak ako ng malakas kaya naman medyo nanlabo ang paningin ko dahil sa pagpatak ng aking mga luha na nagmumula sa aking mga mata.
Dahil sa panlalabo ng aking mga mata ay hindi ko namalayang may kakasalubong na pala akong kotse at sa tindi ng bilis ng pagda-drive ko ay napasalpok ang sinasakyan ko sa isang malaking puno at kitang-kita ko kung paano mag-flash sa aking aking isipan ang mga kaganapan sa amin ni Sky habang unti-unting umiikot ang kotseng sinaskyan ko dahil sa impact ng aking pagbangga.
“Pamilyar ka sa’kin. Hindi ko lang maalala kung saan kita nakita pero ano bang ginagawa mo rito? Adik ka ba? Hmm, tama! Sumisinde ka siguro? At dito pa talaga sa oval?” Hindi ako nakaimik sa mga sinabi niya at magsasalita pa lang ako nang lumapit na siya sa akin at kinapkapan niya ako.
“Nasaan na ’yong droga? Tang ina! Nasaan?” Aniya na ikinainis ko. Halos hubaran na kasi niya ako.
“Ano ba! Hindi ako adik, kung iyon ang inaakala mo. Baka naman ikaw ’tong adik? Tamang hinala ka eh!” Bulalas ko at hinawakan na ako sa braso.
“Hindi ako adik. Tsaka malay ko ba kung nagsasabi ka ng totoo?” Aniya at pilit niya akong kinakapkapan hanggang sa mapahiga ako sa damuhan at natumba siya sa ibabaw ko. Ilang segundo kaming nasa ganoong posisyon at amo’y na amoy ko ang kaniyang mabangong hininga.
“Bitaw!” Singhal ko pero ngumiti lang siya.
“Shhh.” Suway niya at hindi pa rin niya inaalis ang kaniyang sarili sa ibabaw ko. Masyado siyang matangkad para makawala ako kaya naman nag-ingay ako .
“Ano bang problema mo? Bitaw sabi, pre!” Wika ko pero ngumisi lang siya at inilapit pa niya ang muka niya sa aking muka kaya napapikit ako habang ipinapaling ang muka ko sa kaliwa.
“Tang ina!” At tuluyan siyang tumawa. Bwiset na bwiset ako kaya nang makabwelo ako ay sinipa ko siya sakto sa pagkalalaki niya at siya naman ang napahiga at halos mamilipit siya sa sakit.
“Boy, matino ako. Hindi ako adik, gaya ng sinasabi mo!” Inis na inis kong sagot at ganoon na lamang ang pagmamdali kong tumakbo nang magsalita siya.
“Yari ka sa’kin!” Aniya kaya mas binilisan ko pa ang takbo ko hanggang sa makalayo na ako ng tuluyan sa pwesto niya.
(FROM PART 5)
“Saan ka pupunta? May atraso ka pa sa’kin!” Aniya at nagmaang-maangan ako.
“Wala akong natatandaang may atraso ako sa’yo dahil ngayon lang kita nakita kaya kung tapos ka na ay pwede bang padaanin mo na ako?” Pinilit kong itago ang kaba sa aking dibdib at hindi ko nagawang tingnan siya ng ayos dahil baka masapak niya ako ng isa.
“Kung ganoon ay bakit iwas na iwas kang tumingin sa’kin? Pangit ba’ko?” Aniya kaya wala akong choice kundi tingnan siya sa muka at nakita ko ang malawak niyang ngiti na agad niyang binawi. Matangkad nga talaga siya dahil halos ga-leeg lang niya ako. Ayos din ang hitsura niya at gwapo siya kung susumahin. Maayos din ang kaniyang kasuotan na alam kong mamahalin kumpara sa suot kong maong pants at puting t-shirt na tig-iisang daan sa bangketa. Tiyak ay maraming babae ang nagkakandarapa sa kanya.
“Huy! Ang sabi ko mag-sorry ka.” Wika niya kaya nagbalik ako sa pag-iisip ko.
“Bakit nga ako magso-sorry sa’yo?” Sagot ko pabalik.
“Kasi sinipa mo’ko kagabi at tinulungan mong makatakas ’yong nagnakaw ng pera ko noong nakaraan.” Aniya kaya’t gulat na gulat ako dahil tanda niya pala iyon. Tanda niya pala ang ginawa ko. At teka, tinulungang makatakas? Tama ba ang narinig ko?
“Ha?” Iyon lang ang nasabi ko.
“Ayoko ng ulitin ang mga sinabi ko na. Mag-sorry ka na.” Kalmado niyang utos.
“Paano kung ayaw ko?” Tugon ko kaya natawa siya ng wala sa oras.
“Babasagin ko ’yang muka mo.” Aniya kaya’t napalunok ako habang tinatantya ang chance ko na makatakas. Wala. Wala akong chance na makatakas dahil napakalaki niyang tao.
“Kung ano man ang nagawa ko sa’yo, sorry.” Sagot ko.
“Sorry lang eh sinipa mo’ko sa bayag?” Asik niya kaya napayuko ako.
“Sorry.” Pag-uulit ko at hinawakan niya ako sa baba at itiningala ako patingin sa kanya at mayamaya lang ay isinandal niya ako sa pader.
“Ayoko sa lahat eh ’yung dinidemonyo ako.” Nagbago ang tono ng boses niya na naging sanhi ng kaba ko.
“Hindi naman kita ginagago, bro.” Sagot ko at pinipilit kong kumawala sa kanyang pagkakahawak sa damit ko.
“Ito muna sa ngayon ang parusa mo.” Aniya at walang pasabing pinunit niya ang suot kong damit kaya’t lumabas ang kalahati ng dibdib ko at hindi pa siya nakuntento at mas nilakihan niya pa ang punit hanggang sa halos buong katawan harapan ko na ang kita.
“Tama na!” Naitulak ko na lang siya bigla at halos nanlambot ako at napaupo na lang sa sahig dahil sa ginawa niya.
“Alam mo na siguro kung saan ka lulugar? Kaya kung ako sa’yo, ’wag na ’wag kang mangingialam uli, ha?” Aniya at binuhusan niya ako ng tubig at nang marinig niyang mas papasok ay bigla siyang nagpanggap na tumutulong.
(From part 6)
“Sky!” Tawag ko sa kanya at hindi niya akong nilingon.
“Sky!” Tawag ko uli sa kanya at napahinto siya kaya nagkaroon ako ng pagkakataong lapitan siya. Habol hininga ako nang maabutan ko siya at natawa siya sa hitsura ko.
“Alam mo, muka kang tanga.” Aniya at pinipigilan ang sarili niyang matawa at hindi na niya iyon napigilan dahil napatakip siya ng kaniyang bibig dahil sa akin.
“Tawa eh.” Sabi ko at habol-hinga pa rin ako dahil sa pagtakbo ko.
“Tingnan mo kasi ’yang sarili mo. Para kang batang naglaro sa playground. Pawis na pawis ka.” Panunuya niya sa akin pero hindi ko iyon pinansin.
“Pero okay ka lang ba talaga?” Tanong ko at umayos ang ekspresyon niya.
“Hindi masyado.” Sagot niya.
“Paanong hindi masyado?” Pahabol kong tanong.
“Ikaw, makulit ka rin eh.” Aniya at hinila niya ako palapit sa bleachers at naupo kami ro’n.
“Curious na curious ka sa’kin, ’no?” Tumango ako sa tanong niya. “Crush mo siguro ko, ’no? Hayaan mo, okay lang sa’kin. Sa gwapo ko ba namang ’to.” Aniya kaya natawa ako.
“Hindi siguro. Parehas tayong lalaki kaya imposible ’yang sinasabi mo.” Wika ko.
“Kahit hinabol mo pa ako rito para lang alamin kung okay lang ako? Huwag mo’kong lokohin.” Nakangisi pa siya habang sinasabi niya iyon kaya naalibadbaran.
“Crush mo itlog mo. Malabo talaga ’yang mga sinasabi mo. Siguro ay nakakain ka ng panis na almusal kanina kaya ganyan na lang ang takbo ng pag-iisip mo.” Saad ko at napatawa pa ako.
“Hoy, bansot! Maraming patay na patay sa’kin tapos tatawanan mo lang ako. Punitin ko ’yang damit mo at itali kita sa bakal d’yan eh.” Pagababanta niya.
“Ito naman, hindi na mabiro. Pogi ka naman talaga, may sira lang sa isip.” Biro ko at sabay kaming natawa. Akala ko pa ay maiinis siya pero hindi.
“Salamat nga pala sa energy drink, bansot. Ano ngang pangalan mo?” Aniya.
“Zedrick.” Sagot ko sa tanong niya.
“Sige, Ziderick, okay lang na magka-crush ka sa’kin. Hindi ka naman pangit kaya hindi ako maiinis.” Aniya kaya napanganga habang tinatanaw ko siyang naglalakad paalis sa pwesto ko. Nagpa-flying kiss pa siya kaya napakamot ako sa ulo. Mali atang sinundan ko siya rito.
“Bwiset!”
(From part 7)
“KAIN pa!” Iyon ang sabi niya sa’kin habang nakaupo kami sa harap ng paresan. Sarap na sarap kami parehas sa pagkain at tila nalimutan ko ang pagod ko sa maghapon.
“Huwag mo’kong intindihin. Kumain ka ng sa’yo!” Pagsusungit ko na tinawanan lang niya. “Kuya isang fried rice pa po.”
“Para ka namang babae. Nakakaapat na kanin na ang crush mo tapos ikaw ay pangalawa pa lang? Ang bagal.” Pang-aasar niya na hindi ko pinansin dahil ninanamnam ko pa ang kinakain ko.
“Nganga.” Aniya at inagaw sa’kin ang hawak kong kutsara kaya naman nahiya ako lalo na nang tumingin sa’min ang ilang mga kumakain sa paligid kaya naman inagaw ko pabalik ang kutsara at binilisan ko ang pagkain.
“Ano ka ba, Sky, nakakahiya ’yung ginawa mo kanina.” Wika ko habang naglalakad kami pabalik sa campus.
“Crush na lang itawag mo sa’kin, huwag ng Sky.” Mungkahi niya at hindi niya pinansin ang sinabi ko.
“Bakit ba crush ka ng crush eh hindi nga kita crush? Ang kulit mo eh!” Pagrereklamo ko.
“Eh ’di hindi na kung hindi basta kung hindi mo ako crush ay crush ang itawag mo sa’kin.” Seryoso niyang sagot na hindi ko alam kung saan patungo. Pasaway talaga.
“Kulit mo rin talaga, eh.” Wika ko at bigla niyang itinapon ang laman ng iced tea na iniinom niya at dinakot niya ’yong yelo at nagulat ako sa ginawa niya. Inilagay niya iyon sa brief ko at nagtatakbo na parang timang habang ako ay napatalon dahil sa lamig na dulot ng maliliit na yelong nilagay niya sa maselang bahagi ng katawan ko.
“Bwiset ka, Sky!” Sigaw ko at tumigil siya ng pagtawa niya.
“Parusa mo ’yan dahil ayaw mo’kong tawagin crush.” Aniya at napabuntong hininga ako habang tinatanaw siyang umalis.
“Hindi ko na alam ang gagawin ko sa’yo, Sky.” Bulong ko sa hangin.
(From part 8)
“Kuya, akin na ’yan!” Sabi ko nang maagaw niya ang cellphone ko at nabitawan naman niya ang kutsilyong hawak niya kanina. Mabilis ang naging sunod kong aksyon at nakipagbuno ako sa kanya at nagulat na lang ako nang may humila sa akin patayo habang ’yong lalaking may hawak ng cellphone ko ay nakasalampak sa lupa at nakatuon sa likod niya si Sky. Paano niya nagawa ’yon?
“Nagkamali ka ng kinana.” Sabi ni Sky sa lalaki at doon na namin naagaw ang atensyon ng kanina’y mga ignoranteng mga tao. Kung siguro ako ang nasa katayuan nila ay hindi ako mag-aatubiling tumulong. Iba rin talaga ang mga tao. Mas inuuna pa nila ang pagbi-video kasya ang gumawa ng aksyon.
“Okay ka lang?” Tanong sa akin ni Sky at inabot niya sa’kin ang cellphone na inagaw sa’kin kanina noong lalaki.
“O-okay lang.” Sagot ko sa kanya at hindi ko alam kung bakit bigla ko na lang siyang niyakap ng mahigpit at napapikit pa ako.
“Salamat!” Bulong ko sa kanya at mabilis kong kinalas ang pagkakayakap ko sa kanya dahil bigla akong tinubuan ako bigla ng hiya pero iba ang ginawa niya. Hinila niya ako pabalik at muli niyang inayos ang mga kamay ko at siya naman ang yumakap sa’kin.
“Ako ang bahala sa’yo.” Aniya at nilakihan ko ang ngiti ko.
(From part 12)
“Zide, itlog ka ba?” Tanong bigla ni Sky.
“Bakit mo naman naitanong?” Sagot ko.
“Bugok ka kasi.” Aniya at tumaw siya na parang ewan at nakahawak pa siya ng tiyan niya habang ako naman nakasimangot at nag-iisip.
“Eh ikaw, itlog ka ba?” Tanong ko pabalik.
“Sarap mo kasing basagin.” Sagot ko at sinamaan ko pa siya ng tingin.
“Gumaganti. Ito last na. Itlog ka ba?” Tanong niya.
“Bakit na naman?” Iritable kong sagot.
“Ang sarap mo kasing kainin.” Aniya at naasiwa ako sa sinabi niya habang siya at parang tanga na tatawa-tawa sa sarili niyang joke.
“Happy ka na niyan? Oh ito piso, hanap ka ng kausap mo!” Sagot ko at ipinatse ko sa noo niya ang piso at habang papabalik ako sa upo ko at pinisil niya ang utong ko kaya naman nakiliti ako. Sobrang lakas kasi talaga ng kiliti ko sa dibdi
(From part 13)
Halos nagbalik sa akin lahat ng alaalang iyon at nag-play din sa utak ko ’yung freshmen night kung saan niya ako ako isinayaw. Nandoon din ang alaalala noong birthday niya na mag-isa lang siya.
“Sky, tahan na.” Sabi ko sa kanya halos hinahaplos ko ang kaniyang likod at buhok.
“Galit ka pa ba sa akin?” Tanong niya sa akin kaya’t nag-vibrate ang boses niya sa dibdib ko.
“Oo pero mas galit ako sa sarili ko.” Sabi ko.
“Zide, sorry na. Sana okay na tayo.” Aniya at sinabunutan ko siya para magtanda na siya.
“Pasaway ka!” Naiiyak kong sagot at inangat niya ang muka niya sa akin kaya’t magkapantay na kami ngayon.
“Sorry.” Aniya at mabilis ko siyang hinalikan sa noo.
“Ang baho mo, Sky. Amoy alak ka pa rin.” Sabi ko sabay tawa at ganoon din siya.
“Ikaw kasi. Hindi ka pumunta kagabi.” Nakanguso niyang sagot kaya pinitik ko siya sa noo.
“Nakakainis ka pa rin! Hindi mo sana nilasing ang sarili mo. Ang baho baho ng suka mo sa salas! Tapos tingnan mo ’yang sarili mo!” Asik ko.
“Sorry na. Okay lang palang hindi ka pumunta kahapon dahil inaalagaan mo ako. Pakiramdam ko ay birthday ko pa rin ngayon.” Sagot niya kaya pinisil ko ang matangos niyang ilong at mahigpit na mahigpit ko siyang niyakap.
“Happy birthday, Sky pogi.” Sabi ko at mas diniinan ko pa ang yakap ko sa kanya.
(From part 20)
Nag-play din sa isip ko ang napakaraming kaganapan sa isip ko. Mula sa regalo niyang si Zy sa akin, sa pagtatampuhan namin dahil sa voice record, sa pagsunod niya sa akin sa probinsya, sumpaan namin, pagtakas namin kay Tito Arman hanggang sa kulitan namin sa Pampanga at ang huli naming pag-uusap ni Sky kagabi. Sana pala ay hindi na lamang ako natulog dahil baka magkasama pa rin kami ngayon.
“Zide!” Iyon ang huli kong narinig bago ako napapikit at napangiti ng malaki dahil bago ako mawala sa mundo ay nakilala ko si Sky na nagbigay ng kakaibang kulay sa buhay ko.
END OF SEASON 2…
ITUTULOY…
HSH SEASON 3: PART 43
HALIK SA HANGIN PART 43: HUWAG KANG GAGO
JEPOY
“READY na ba ’yong bulaklak?” Tanong ko kay Arkin at tumango naman siya.
“Paano pala ’yung kandila?” Tanong naman ni Arkin kay Danny na noo’y may bago na namang girlfriend. Nakailang palit na ba ang isang ’to bago kami mag-fourth year college? Hindi ko na rin mabilang eh.
“Dala ko.” Sabi ko at pumasok kami papasok sa sementeryo.
“Kinakabahan ako,” sabi ni Jerico na pilit dumidikit sa akin.
“Bakit ka naman kakabahan? Maganda ka ba?” Pambabara ni Danny at sabay-sabay kaming natawa saglit lalo na noong sumiksik sa akin si Jerico na parang linta kung sumiksik. Ewan ko ba kung paano namin siya naging kaibigan.
“Kasi takot ako sa sementeryo! Tsaka huwag kang pasmado ang bibig diyan! Maganda ako, epal!” Sabi niya at nagpatuloy kami sa paglalakad at huminto kami sa isang puntod. Pare-parehas kaming naupo at nagdasal ng taimtim. Ilang taon na rin pala. Dawalang taon na rin pala ang nakakalipas.
“Roniel, sana ay okay ka lang kung nasaan ka man ngayon,” panimula ni Danny.
“Roniel, graduating na kami,” sabi naman ni Arkin at mahina naman ang bulong ko na sana ay masaya na siya kung nasaan man siya. Ganoon din si Jerico na nakasiksik sa gilid ko.
“Jerico,” bakit dikit ka ng dikit kay Jepoy? Hindi ka naman maganda ah?“ Pamumula ni Danny kay Jerico.
“Hindi lang ako maganda, I am confidently beautiful with a heart!” Bulalas naman ni Jerico bilang pagdepensa sa kaniyang sarili.
“Pia Wurtzbach?” Sabay-sabay naming banggit at nagsindi kami ng kandila at itinirik namin iyon sa nitso ni Roniel.
“Pero sa tingin niyo, kung hindi tumalon si Roniel sa 4th floor ng Accountancy building ay buhay pa siya ngayon?” Tanong ni Arkin at umiling napailing na lang kami. Sino ba naman kasing makakapagsabing magpapakamatay si Roniel dahil bumagsak siya sa asignatura nilang Intermeidate Accouting 2? Masaya pa kasi siya noon dahil mataas ang grades niya sa ibang mga subjects niya.
“Hindi ko rin alam. Basta ang alam ko lang ay takot si Roniel sa tatay niya.” Kumento ko.
“Pressure naman kasi ’yong tatay niya,” wika naman ni Arkin.
Nakaugalian na naming dalawin si Roniel kada end semester at kung may espesyal na okasyon para kahit wala na siya ay para pa rin namin siyang kasama. At ngayong graduating na ang ilan sa amin ay medyo hindi na kami nakakadalaw sa kanya.
ISANG oras kaming nagkwentuhan sa harap ng puntod ni Roniel bago namin napagdesisyunang umalis na. Habang naglalakad kami ay napatingin kaming lahat sa papasok na kotseng itim kung saan bumaba si Ziderick kasama ang manager niya.
“Zide!” Tawag ko sa kanya at tinapunan niya lang ako ng tingin.
“Zide, kumusta ka?” Tanong naman ni Arkin nang makalapit kami sa kanila.
“Ito, medyo busy pa rin. Busy lagi sa set. Nag-text lang sa’kin si Danny na death anniversary daw ni Roniel kaya agad kaming bumiyahe rito sa Quezon ng manager ko,” malumay niyang sagot kaya naman ikinalma ko na lang ang sarili kong hindi siya kausapin. Malamang ay galit pa rin siya sa akin dahil sa nagawa ko sa kanila ni Sky.
“Iba talaga kapag artista.” Sabi pa ni Danny at nagtawanan silang tatlo bago siya nagtapon ng tingin sa amin ni Jerico.
“Jerico, kumusta ka?” Tanong niya rito.
“Ito, naghahanda na para sa board exam,” sagot naman ni Jerico.
“Good luck!” Sagot naman uli ni Ziderick na ibang-iba na ang postura ngayon. Artistang-artista na siya ngayon.
“Salamat!” Iyon ang sagot ni Jerico.
“Nga pala, Danny, Arkin, ingat kayo ha? Text or chat-chat na lang,” pahabol pa niya na tinanguan naman ng dalawa.
“Mr. Kim, tara na!” Malumay nitong utos sa kaniyang manager kaya naman tiningnan na lang namin silang naglakad papalayo.
“Grabe si Zide ngayon, ’no? Sobrang gwapo! Sobrang bango at nakaka-intimidate.” Kumento ni Jerico.
“Oo nga eh. Idol na idol namin ni Danny ’yon eh.” Sabi naman ni Arkin na umakbay pa sa akin. Kung alam lang nila ang ginawa ko kay Sky at Zide… baka kamuhian na rin nila ako.
Tanda ko pa noon kung paano ko siya ipinagkanulo sa Nanay niya dahil lang sa five hundred thousand pesos at sa scholarship ko. Napakamakasarili ko lalo na noong tanungin ako ng Nanay ni Zide na si Ninang Beth kung alam ko raw ba kung nasaan si Ziderick at Sky.
3 YEARS AGO…
“JEPOY, alam kong alam mo kung nasaan si Ziderick at Sky. Please, sabihin mo na kung nasaan sila? Marami pa akong pangarap para kay Ziderick at ayokong magkasira kami dahil lang kay Sky.” Naluluhang bungad sa akin ni Ninang Beth isang hapon pagkatapos ng aming practice sa P.E.
“Ah, eh.. hindi ko po alam.” Sabi ko kahit kakatawag lang ni Ziderick na nasa Pampanga sila, sa resthouse nina Brix, tropa ni Sky.
“One million pesos, Jepoy. Ipapadala ko iyon sa Nanay mo. Alam kong nasa hospital ang kapatid mong si Katkat ngayon dahil sa kumplikasyon sa baga. Sabihin mo lang kung nasaan sila ngayon ay makukuha mo agad ang pera para sa kapatid mo,” sabi pa niya kaya naman napalunok ako ng malaki dahil totoong kailangan namin ng pera ngayon. Isinara na rin kasi ni Nanay ang tindahan namin dahil sa nangyari kay Katkat.
“Pampanga. Sa resthouse po nina Brix.” Nag-aalangan kong sagot kaya naman ngumiti siya ng malaki at sinapo pa niya ang aking ulo dahil sa sinabi ko.
“Jepoy! Wuy! Tara na!” Singhal nila sa akin na nakapagpabalik sa akin sa tamang pag-iisip.
“Sorry, may iniisip lang.” Sabi ko sabay kamot sa aking ulo.
“Ako na naman siguro ang iniisip mo, ’no?” Panunuya ni Jerico na naging dahilan para asarin kami ni Arkin at Danny.
“Utot mo!” Sagot ko naman at pinitik ko pa siya sa noo.
“Moyop ka! Ang sakit no’n!” Sabi pa niya kaya naman natawa lang kaming lahat habang binabaybay ang daan patungo sa terminal ng jeep.
ZIDERICK
“Sir Zide, tumatawag ho si Mister Generson. Sasagutin ko ho ba?” Tanong ng aking PA na si Cris. Napaisip tuloy ako saglit at ngumiti bago ko inagaw ang cellphone sa kaniya. Pasaway din talaga iyong Generson na iyon. Walang ginawa kundi mangulit.
“Generson, bakit?” Tanong ko kahit alam ko na na yayayain niya lang naman akong maka-date.
“Zide! Buti naman at sumagot ka na. Secretary mo lang lagi ang nakakausap ko eh,” panimula niya.
“Busy ako, Generson kaya sabihin mo na ang gusto mong sabihin,” singhal ko.
“Easy lang. Yayain lang sana kitang maka-date bukas. Pwede ka ba?” Tanong niya kaya naman sandali akong napaisip. Gwapo si Generson, artista at anak ng mayamang businessman pero hindi ko siya tipo.
“Sige. Sunduin mo na lang ako bukas after ng set.” Sabi ko sa kanya at halos marinig ko ang pagsigaw niya ng malakas sa kabilang linya dahil sa saya.
“You made my day, Zide!” Sabi niya at ngumiti na lang ako dahil gusto kong bigyan ng sarili ko ng break para maglaro dahil masyado na akong babad sa taping at sa kabi-kabilang project na sinasabayan pa ng schedule ko sa campus. Nag-aaral pa rin kasi ako dahil hindi naman habang buhay ay artista ako.
Naalala ko tuloy kung paano ako naging artista. Nasa mall ako no’n para bumili nang sapatos nang may mabunggo akong director at nagwapuhan siya sa akin dahil unique raw ang aking features at inalok niya akong maging modelo ng isang sikat na brand hanggang sa magkaroon na rin ako ng offer sa t.v commercial na ginrab ko naman dahil gusto ko ring ibaling ang atensiyon ko sa mga bagay na magpapaalis sa akin ng sakit.
KINABUKASAN ay maagang natapos ang amin taping para sa isang t.v commercial at nagtilian pa kaming lahat noong pumarada sa ’di kalayuan ang isang magandang kotse kung saan lumabas doon si Generson na malaki ang ngiti habang may hawak na kumpol ng rosas.
Nagtiliin ang ilang staff na tagahanga niya at ewan ko ba kung bakit ako nahiya bigla sa hitsura ko gayong okay naman ako. Masyado lang sigurong malakas ang dating niya.
“Para sa’yo,” bungad niya sa akin kaya naman napalunok ako ng maliit bago ko iyon kunin. Tilian na naman. Masama ang tingin sa akin ni Manager Kim habang ang PA ko naman na si Cris ay parang kamatis na sa pamumula.
“Sana all!” Sigaw pa ng iba at nagpaalam na ako sa kanila.
“Mag-ingat ka, ha? I-text ako kapag naka-iskor na ha?” Bulong ni Mister Kim kaya naman inirapan ko siya bago ko sila kinawayang lahat.
“Mukang pagod na pagod ka ah?” Tanong niya noong makaupo ako sa driver’s seat. Pinagbuksan niya pa ako ng pinto kaya naman natawa na lang ako dahil parang napakanatural sa kanya ang pagiging gentleman.
“Hindi naman. Medyo mainit lang ang ulo ni Direc Charles kanina kaya nakailang take kami.” Sabi ko pa.
“Ganoon talaga iyon si Direk Charles lalo na kapag kulang sa budget,” natatawa niyang sagot kaya natawa na rin ako. Siguro ay nakatrabaho na niya si Direk kaya niya iyon nasabi.
“Nga pala, saan tayo?” Tanong ko sa kanya.
“Sa restaurant tayo ng pinsan ko,” aniya at tumango na lang ako bago ko siya tingnan ng malalim. Ewan ko ba kung bakit bigla ko na namang naalala si Sky habang tinitingan ko siya. Miss na miss ko lang siguro ang lokong ’yon na wala man lang paramdam tatlong taon mahigit.
Pagbaba namin sa isang mamahaling restaurant ay natameme ako sa ambiance dahil nasa floating restaurant kami na patok na patok ngayon. Kung gayon pala ay pag-aari ito ng kaniyang pinsan.
“Nakapunta ka na ba rito?” Tanong niya at umiling naman ako dahil ito pa lamang ang unang beses na nakapunta ako rito.
“Boy!” Tawag sa kaniya ng isang matangkad ding lalaki at nag-akbayan pa silang dalawa bago ito tumingin sa akin.
“Hi! Fan mo ako.” Sabi niya sabay abot ng kamay sa akin na tinabig ni Generson.
“Wop! Wop! Date ko iyan.” Sabi niya kaya naman natawa na lang ang pobre.
“Zide, he’s my cousin, si Prince.” Panimula ni Generson. “Prince, kilala mo na siguro siya. Ang sikat na sikat na artista ngayon sa bansa, si Ziderick Tamayo.” Dagdag pa ni Generson at nagtanguan na lamang kami.
“Huwag kayong mag-alala, wala reporter sa paligid. Enjoy your night together!” Masaya nitong pamamaalam kaya naman inalalayan ako ni Generson papunta sa aming pwesto.
“Pagpasensyahan mo na ’yong pinsan kong ’yon. Masyadong sabog,” aniya sabay tingin sa akin.
Walang patay na minuto habang kasama ko si Generson dahil ang dami niyang baong jokes na talaga namang bentang-benta sa akin. Puro seafood pa ang aming kinain kaya naman busog na busog kami pareho.
“Zide!” Tawag niya noong lumingon ako sa ’di kalayaun at pagtingin na pagtingin ko sa kanya ay hinalikan niya ako sa pisngi at natawa pa siya.
“Ooops, sorry!” Mapang-asar niyang tinuran kaya tumayo ako at ako na mismo ang humalik sa labi niya na mas ikinagulat niya. Wala akong naradaman kaya wala na sigurong dahilan para magkita pa kami after nito.
“Zide..” nauutal niyang bulalas at hanggang sa byahe ay kinukulit niya ako dahil sa ginawa kong paghalik sa kaniya na talaga namang wala lang sa akin.
“Generson, salamat sa gabing ’to. Huwag ka ng magte-text or tatawag uli ha?” Sabi ko sa kanya na ikinagulat niya.
“Bakit? Tsaka.. hinalikan mo ako, ’di ba?” Tanong niya.
“21st century na. Halik lang iyon, Generson. Kahit sino ay pwede iyong gawin.” Sabi ko bago ako bumaba sa kotse niya at halata sa kaniya ang frustration.
“Zide..” tawag pa niya bago ko isara ang pinto ng kotse niya pero pinigilan niya ako.
“Sige.. kung ayaw mo na akong mag-text or tumawag sa’yo, at least dalhin mo sana itong boquete na ginawa ko mismo para sa’yo,” aniya kaya naman nakonsensiya akong pinanood ang kotse niyang umaandar papalayo sa akin habang hawak ko ang kumpol ng rosas. Hindi ’yon ang inaasahan kong reaksyon sa kanya dahil kung iba ’yon ay baka nasapak na ako, pero siya ay hindi eh.
Genuine siyang tao.
“Shit ka, Ziderick! Huwag kang gago!” Sabi ko sa sarili ko bago ako pumasok sa loob ng building papaakyat sa aking unit.
Itutuloy…
HSH SEASON 3: PART 44
HALIK SA HANGIN PART 44: ROLE
ZIDERICK
ARAW ng Linggo. Rest day. Buong araw lang akong humilata sa kama ko habang iniisip ko si Generson at 'yong reaksyon niya kagabi.
"Ziderick!" Sigaw ko sa sarili ko kaya naman napatahol na lamang si Zy, ang aso namin ni Sky habang mabagal itong lumalakad papunta sa akin.
"Zy, dapat na ba akong maghanap ng partner uli?" Tanong ko kay Zy na nahiga lang sa paanan ko.
"Bahala na," iyon na lang ang nasabi ko at hinubad ko lahat ng aking kasuotan at sakto naman papasok na ako sa loob ng banyo para mag-shower noong biglang tumunog ang door bell ng aking unit at magkakasunod pa iyon kaya naman sinilip ko kung sino ang nasa labas at kitang-kita kong si Jepoy ang nasa labas kaya naman binalot ko ang aking katawan ng tuwalya bago ko buksan ang pinto.
"Zide.." tawag niya sa akin noong makapasok kami sa loob.
"Problema mo?" Malamig kong sagot sa kanya at inalis ko ang kaniyang mga brasong nakayakap sa akin.
"Wala. Miss na miss lang kita." Maiyak-iyak niyang singhal pero parang wala naman akong naramdaman sa sinabi niya.
"Hindi kita nami-miss," pagsisinungaling ko kahit miss na miss ko naman talaga siya. Hindi lang siguro ako makapaniwala hanggang ngayon na magagawa niya 'yon sa'kin na kaibigan niya simula pagkabata. Marahil ay wala sa tagal ng pagkakaibigan nasusukat ang kakayahan ng isang taong gumawa ng kasalanan laban sa iyo.
"Zide.." pumiyok pa siya. "Sorry," dagdag pa niya na hindi ko alam kung kaya ko ng tanggapin ngayon dahil traydor siya.
"Alam kong walang kapatawaran ang ginawa ko sa'yo pero sana ay buksan mo pa rin ang puso mo. Nagawa ko lang naman iyon dahil nag-aagaw buhay si Katkat. Wala akong choice--."Hindi ko na siya pinatapos magsalita.
"Kailan pa tayo nawalan ng choice, Jepoy?" Tanong ko sa kaniya dahil iyon naman talaga ang totoo. Palagi tayong may pamimilian.
Hindi siya nakaimik dahil alam niyang may punto ako.
"Kaibigan mo ako, Jepoy. Pwede kang manghiram ng pera sa'kin o kahit hingin mo pa pero mas pinili mong traydorin ako dahil lang sa pera!" Mahinahon ngunit may bigat at diin kong sabi.
"Sorry, Zide. Naipit lang ako sa sitwasyon," sabi pa niya.
"Naipit? Ano 'yong voice message na pinadala mo kay Sky?" Nanlaki ang mata niyang singkit. "Alam kong ikaw ang nagpadala no'n sa kanya pero hindi ko na lang iyon pinansin dahil baka may rason kang malalim. Pero, Jepoy naman, alam mong mahal na mahal ko si Sky at mahal din kita bilang kaibigan ko pero sinira mo ang tiwala ko. Sa lahat ng taong pinagkakatiwalaan ko, ikaw ang pinakahindi ko inaasahang mananakit sa akin ng ganito. Napaka-selfish mo, Jepoy!" Singhal ko kaya naman napayuko na lamang siya.
"Selfish ka, Jepoy! Sobrang selfish mo!" Bwelta ko pa.
"Zide, wala ka sa sitwasyon ko para sabihan ako ng ganyan. Alam mo ang buhay natin sa Probinsya. Alam mo ang sakit ni Katkat pero parang hindi mo ako nauunawaan. Tatlong taon na akong nagmamakaawa sa'yo pero ni isang beses hindi mo man lang ako tinatong kung okay lang ba ako, kung bakit ko iyon nagawa at ano bang nararamdaman ko?" Hindi rin ako nakasagot sa bwelta niya.
"May pera ka na kasi, Zide. Ang dali sa'yong magbitiw ng masasakit na salita laban sa'kin kahit hindi ikaw 'yong nasa sitwasyon. Selfish na kung selfish. Iyon din naman ang nais mong itanim sa utak mo. Hindi ko na rin naman mababago ang tingin mo sa'kin kaya siguro ay sabihin ko na rin lahat ng gusto kong sabihin para klaro na rin sa'yo lahat." Huminga siya ng malalim matapos niya iyong bigkasin ng maemosyon sa harap ko.
"Walang kapatid na gustong nahihirapan ang kapatid. Mahirap lang kami, Zide. Kung may pera lang sana kami gaya niyo, baka hindi ko na ipinagkanulo ang pagkakaibigan natin. Zide, sorry kung mahirap lang kami ni Nanay, ha? Sorry kung hindi na kita maabot. Sorry din kung hindi na kita makilala pa. Dati sobrang simple mo lang na tao. Dati sabay lang tayong nangangarap ng makapag-aral dito sa Manila, makatapos at maka-graduate para maiahon ang pamilya natin sa hirap pero parang ako na lang 'yong nangangarap mag-isa. Nakalimutan mo na'ko, Zide. Nakalimutan mo na kasama mo ako sa hirap at ginhawa ng buhay mo. Nakakatawa, 'no?" Umiiyak na siya kaya naman pinigilan ko ang sarili kong hindi maluha.
"Hindi na kita pipilitin pang patawarin ako matapos ito. Sino na lamang ba ako sa buhay? Kaibigan mo lang naman ako na sana kaibigan mo pa rin ngayon.." pumiyok siya at napahagulhol na siya at napatingin ako sa mga mata niya na kinukusot-kusot pa niya na parang bata.
"Zide, hindi na kita kilala. Salamat at naging kaibigan kita kahit pakiramdam ko ay iniwan mo na ako sa ere." Aniya sabay tayo kaya naman huminga ako ng malalim.
"Hindi mo ako masisisi, Poy.." at pumiyok na rin ako dahil sa luhang pumapatak mula sa aking mga mata.
"Kasi mahal mo si Sky at kaibigan mo lang ako?" Natatawa niyang tanong.
"Oo! Mahal na mahal!" Sigaw ko kaya naman tumayo siya.
"Sige na, Zide. Salamat sa abala. Iisipin ko na lang na hindi kita naging kaibigan ng halos dalawang dekadang mahigit. Last na pangungulit na talaga 'to, Zide. Pasensya ka na kung napakapabigat ko na sa'yo. Hayaan mo, alam ko namang magiging masaya ka na kapag hindi na kita kinukulit pa. Salamat sa pagkakaibigan. Hanggang dito na lang ako," sabi niya sabay tayo at hindi ko alam kung bakit hinawakan ko pa ang kamay niya noong tumalikod siya na agad naman niyang binawi at nagmadali siyang lumabas kaya naman napahawak ako sa ulo ko habang umiiyak.
MAGDAMAG akong nag-isip ng malalim dahil sa mga sinabi ni Jepoy at talagang tinotoo niya lahat ng mga sinabi niya dahil kinabukasan ay wala ng bumubuntot-buntot sa akin na Jepoy at ewan ko ba kung bakit napakabigat sa dibdib ko iyon. Galit lang naman ako sa kaniya kasi... hindi ko na maisip pa ang dahilan.
"Mister Tamayo, are you with us? Kung ayaw mong makinig at lumabas ka na lang klase ko. Hindi porke't artista ka ay maari ka ng humikab-hikab habang nagdi-discuss ako." Bulyaw ng prof naming kalbo sa akin kaya naman napaayos ako ng upo.
"Sir, napuyat ho kasi siguro si Mister Tamayo sa shooting nila kagabi. Pagpasensyahan niyo na po," ang pagdadahilan ni Danny na kaklase ko pa rin hanggang ngayon. Buti na lang talaga at nakahabol ako noong summer class dahil isang buwan din akong nagpagaling hospital matapos akong maaksidente.
"Manahimik ka. Kayo talagang mga engineering students, kala niyo sa inyo lang umiikot ang mundo. 'Di hamak namang mas mahuhusay sa inyo ang mga estudyante ng Architecture!" Sabi pa niya kaya umalma ang ilan sa amin ng palihim.
"Sir, parang bagay din po kayong maging artista." Entrada ng isa ko pang ka-block na babae.
"Talaga?" Masayang sagot ni ng aming Prof.
"Yes, Sir! Mas pogi pa nga kayo kay Ziderick eh. Kulang lang kayo sa buhok," wika pa niya na halos bulong na lang 'yong huli niyang sinabi na lihim naming ikinatawa.
"Very good!" Iyon lang ang sinabi at nagtuloy-tuloy ang aming boring na klase.
KINAGABIHAN ay naka-receive ako ng tawag mula kay Mr. Kim na may bago raw offer na project na saktong-sakto para sa akin.
"Zide, sobrang perfect mo para sa role kaya hindi ka na pinag-audition pa para sa role. Ang kailangan na lang ay ang bago mong kapareha," wika pa ni Mr. Kim sa kabilang linya kaya naman natuwa ako pero kwestyunable pa rin sa kabilang banda.
"Ano bang role kasi ang gaganapan ko, Mister Kim tsaka kapera?" Tanong ko.
"Bale gay themed movie siya," sagot pa niya na ikinagulat ko.
"Gay themed?" Tanong ko pa para makasigurado sa aking narinig.
"Oo. Gay themed at maganang tanggapin natin iyon role para mag-boom ang career mo dahil iyon ang gusto ng masa ngayon. Patok na patok ang temang gano'n dahil pati mga babae ay hayok na hayok sa bl series lalo na kung kasing gwapo mo 'yong lead," paliwanag ni Mr. Kim at napaisip din ako dahil totoo naman iyon.
"Kung ganoon ay go ako riyan," sagot ko at talagang napaisip ako sa nasabing role.
"Basta matapos ang klase mo bukas ay idi-discuss ng direktor sa'yo 'yong role at para mapaghandaan na rin natin ang mga gagawin mo as preparation para sa role. Ngayon, magpahinga ka na muna at huwag mong kaisipin si Generson dahil nasa listahan ko na siya ng posible mong makatambal." Wika niya at bigla na lang niyang binaba ang telepono. Bwiset!
Napaisip din talaga ako sa nasabing role pero mas iniisip ko si Jepoy na alam kong mas malaki ang role sa buhay ko higit sa sinuman.
"Ako kaya, anong role ko sa buhay niya? Kaya niya kayang hindi na niya ako maging kaibigan? Nakakapraning!" Sigaw ko sa harap ng salamin bago ako nag-dive sa aking kama.
"Jepoy!" Sigaw at halik ko sa hangin.
Itutuloy…
HSH SEASON 3: PART 45
HALIK SA HANGIN PART 45: PASALUBONG
ZIDERICK
BAGONG role. Mahirap na mga subjects ng Civil Engineering Students. Requirements at higit sa lahat ay si Jepoy at ang kaniyang mga sinabi ang naging dahilan kung bakit tamad na tamad akong bumangon pero kailangan eh. Dapat magpatuloy sa buhay.
"Zide, kalma lang, ha? Ilang taon ka ng nag-iisa kaya ano pa ba naman 'yong sakyan mo na lang uli ngayon," payo ko sa sarili ko sa harapan ng salamin.
"Magiging okay din ang lahat, 'di ba nga, Zy?" Nakangiting wika ko kay Zy na noo'y kumakain ng pagkain niya.
Isang malaking ngiting pilit ang ginawa ko sa mga tagahanga na naghihintay sa akin sa labas ng gate ng aming College. May ilang nagbigay ng letters, chocolates, bulaklak at iba pa. May nagpa-picture kaya naman mas malaking ngiti ang pinakawalan ko para matakapan ang lungkot na dinadala ko. Kung makakapagsalita lang ng kusa ang ating dibdib ay baka nabingi na ako sa reklamo nito.
"Zide, okay ka lang ba talaga?" Tanong ni Danny habang tinutulungan niya akong buhatin ang mga regalong gamit, bulaklak at pagkain ng aking mga tagahanga.
"Oo naman!" Bulalas ko.
"Sige lang, Zide, lokohin mo ang sarili mo na okay ka kahit hindi naman talaga." Singhal ng isang bahagi ng isip ko.
"Hmm. Parang hindi. Kumain ka ba? Tawagan ko si Jepoy para dalan ka ng noodles na niluto namin kanina. Gusto mo?" Alok niya.
"Nako! Huwag na, Danny. Okay lang talaga ako," singhal ko sabay kamot sa aking kilay.
"Basta kapag may gusto kang sabihin ay nandito lang ako, ha? Pwede kang magkwento sa'kin. Parang kapatid na rin ang turing ko sa'yo, alam mo 'yan." Sabi pa niya kaya naman napasandal ako saglit sa pinto ng aking kotse at napatakip ako ng ulo at naramdaman ko na lang na gusto kong umiyak at sumabog at magsalita ng masasamang words.
"Bakit pinapaiyak mo si Ziderick!" Singhal ng isa kay Danny at tinapik ako nito sa balikat para sabihing tumayo dahil baka mag-cause ako ng komosyon dito sa campus.
"Nagpa-practice lang kami ng acting," sabi ni Danny. "May bago kasi siyang gagampanang role."
"Talaga?" Sabi ng babaeng nakaharap sa kanya. Tumingin pa ito sa akin at nang tumayo ako ay napatili ito na nakakarindi.
"Oo," malumanay kong sagot at lumapit pa ako sa kanya at parang natameme siya sa ginawa kong paglapit sa kanya.
"Good luck, idol!" Sigaw niya sabay takbo papalayo sa akin.
"BALE Philippine adaptation ng Mr and Mr Zhang ang napili ng producer at ikaw ang perfect sa role na 'yon, Mister Ziderick Tamayo!" Tili ni Directong Jang, ang director na magha-handle sa movie na gagawin namin.
Medyo natanggal ang pandinig ko sandali dahil sa tili niya. Biruin niyo ay puro puting buhok na ang nasa ulo niya tapos may salamin pa siya at malaki ang katawan tapos titili lang na parang isang barbie na tigte-trenta pesos, iyong naiikot ang leeg.
"Okay, balik tayo sa topic," aniya. "I want you to be the lead role. So, is it a yes or a yes?" Tanong pa niya at napatingin ako kay Manager Kim at sa assistant kong si Cris. Kapwa sila naka-thumbs up kaya naman napangiwi ako ng saglit bago ako ngumiti ng malaki.
"Payag na ako," sabig ko at napa-yes ang mga nasa paligid kabilang na ang ilang producer na kasama namin ngayon.
"We'll send you the contract para sa project na 'to at excited na akong makatrabaho ka!" Ani Direktong Jang at niyakap ako nito kung saan naamoy ko ang katinko sa leeg niya. Amoy Lola Remedios din siya kaya napangiwi ako.
"I am looking forward din po," sabi ko.
"Nako! Napaka-desente naman pala nitong alaga mo, Kim. Ino-opo ako eh halos magka-edad lang kami," sabi pa niya at parehas kaming nagkatinginan ni Cris at natahimik kaming lahat pero bigla siyang tumawa, si Director Jang.
"Biro lang! Masyadong kayong mga seryoso. Nga pala, nakalimutan kong sabihin sa inyo na may natanggap na kaming makakapareha mo sa movie. Sobrang bagay na bagay kayo. Sobrang pogi niyong dalawa kaya alam kong bebenta kayo sa masa!" Singhal nito kaya napaisip ako sandali kung sino siya.
"Hmm, Direk, sino po?" Iyon lang ang lumabas sa aking bibig.
"You'll meet him soon. Don't be excited, Ziderick," sagot niya kaya naman tumango na lamang ako.
"Sige, Direk." Iyon ang sabi ko at bago kami natapos mag-meeting ay may kumatok sa pinto na talaga namang ikinagulat naming lahat lalo na noong bumukas ang pintuan.
"Direk!" Tawag nito na talaga namang nagpatindig ng buhok sa aking katawan.
"Oh, nand'yan na pala 'yong makakapareha mo sa movie, Ziderick," sabi naman ni Direk at tila tumigil ang mundo ko noong sandaling makita ko ang kaniyang anyo. Mas gumwapo siya.
"Sky?" Halik ko sa hangin.
"Upo ka, Sky." Sabi ni Direk at nagtama ang aming mga mata at hindi ko alam kung paano ako mag-re-react sa bigla niyang pagsulpot. Mag-aapat na taon na, ngayon ko lang uli siya nakita. Ni minsan ay hindi man lang niya ako nagawang tawagan, kumustahin o padalahan man lang ng sulat. Tila ba para siyang bulang naglaho ngunit ngayon ay nabasag lahat ng negatibong bagay na iniisip ko buhat sa pag-alis niya. Naalala ko tuloy noong magising ako hospital. Siya agad ang una kong hinanap pero wala siya. Ni anino niya ay hindi ko man lang nahagilap.
"Direk, pasensya na at sobrang late ako. Traffic kasi papunta rito sa studio niyo," aniya at hindi ko tinatanggal ang tingin ko sa kanya.
Buong pag-uusap ay wala ako sa sarili ko. Bagama't muka akong nakikinig ay hindi maalis sa isip ko ang pagkabigla.
"Sky, balita ko ay schoolmate kayo dati ni Zide. Totoo ba iyon?" Tanong ni Mr. Kim.
"Ah, opo." Ayon lang ang sinagot niya.
"Hindi lang kami basta magka-schoolmate. Kilalang-kilala namin ang isa't-isa." Sabi na may diin.
"Mabuti kung ganoon. Madali na sa inyo ang magiging trabaho niyo." Sabi naman ni Direk Jang.
Marami pa kaming napag-usapan at halos umiikot sa amin ang usapan at isang buwan mula ngayon ang magiging simula ng shooting namin. Marami pa kasing inaayos na sa casting at sa locations ng shoot.
"Hmm, paano ba 'yan, let's call it a day!" Sabi ni Direk at lahat kami ay tumayo.
"Direk, Mr. Kim, Zide, mauna na ako. Susunduin ko pa kasi 'yong girl friend ko," sabi bigla ni Sky kaya halos mamilipit ang dibdib ko sa sakit dahil ako lang pala ang umaasang babalik siya at magiging okay ang lahat sa'min. Hanggang ngayon, talunan pa rin pala ako. Hindi ko inakalang sa halos apat na tao naming hindi pagkikita ay ito ang bubulaga sa akin.
Wala naman akong natatandaang nag-break kami kaya hindi ko maunawaan kung bakit parang ang dali niyang nakahanap ng kapalit ko. Unfair talaga ng mundo. Nagtaya ka lang naman ng pagmamahal pero sakit ang ginawang pabuya sa'yo. Nakakatawa.
"Zide, tara na rin!" Singhal ni Manager Kim at tinanaw ko ang pag-alis ng taong hanggang ngayon ay may kakayahan pa rin pasayahin at durugin ang puso ko sa magkaparehong senaryo. Hanggang kailan ako magiging talunan sa laban na'to? Hanggang kailan ko iisiping nag-iisa ako?
"Tara!" Pinilit kong ngumiti pero pagsakay ko sa sa passenger seat ng kotse ay bumuhos ang luhang kanina ko pa pinipigilan.
"Sakit naman ng pasalubong mo, Sky," umiiyak na halik ko sa hangin.
Itutuloy….
HSH SEASON 3: PART 46
HALIK SA HANGIN PART 46: DINNER
ZIDE
KUMAWAY ang nakaraan at nadala ako bigla. Sino ba naman kasing nagsabing mahalin ko siya hanggang ngayon? Pero anong magagawa ko? Ayoko namang kalabanin ang puso ko.
"So, meaning to say, wala kayong formal break-up ni Sky tapos after three years bigla siyang susulpot na may bagong girlfriend at parang walang nangyari? Eh gago naman pala ang hayop na 'yon!" Singhal ni Cris na pinagkwentuhan ko ng lahat ng dinadala ko. Pakiramdam ko kasi ay sasabog na ako kapag hindi ko ito nilabas.
"Ganoon na nga. Napakagago niya, sobra!" Singhal ko at hinihinimod ni Zy ang kamay ko.
"Bawian mo na lang sa set. Masyadong masama ang Sky na 'yon. Anong karapatang niyang paglaruan ka? Hindi porke't gwapo, mayaman at masarap siya ay may karapatan na siyang manakit! Nanggigigil ako!" Sabi pa ni Cris kaya kumuha pa ako ng isang basong ice cream pampakalma.
"Pahirapan. Good idea." Sabi ko at nasa ganoong posisyon kami noong biglang sumagi sa isip ko ang ideya kung paano ako babawi. Siguro ay dapat ko siyang bawian kaya naman may naisip akong plao.
"Basta kahit saan ka, Zide, doon ako. Boss kita eh!" Natatawa niyang usal.
"Loko ka! Dinedemonyo mo ang isip ko," natatawa kong sagot.
"Ganoon ba? Push na!" Sabi niya at nagtawanan kami habang nagkukwento siya ng sex life niya at ng nobyo niyang jutay (maliit).
"Minsan nga nagpe-pretend na lang ako na umuungol kahit pakiramdam ko pini-finger lang niya ako sa five inches dick niya," pagkukwento niya.
"Yay! Wala naman sa size 'yon, 'di ba?" Tanong ko.
"Size matters!" Aniya sabay irap sa akin. "Kung hindi ko lang mahal 'yon si Floyd, matagal ko ng hiniwalayan ang lokong 'yon!" Sabi niya at sandaling napawi ang lungkot ko pero bumalik muli sa akin ang sakit noong umalis na si Cris dahil nagyayaya na raw ng sex ang nobyo niya.
KINABUKASAN ay nag-text si Nanay na sa umuwi raw ako bukas at sa mansyon ako mag-dinner dahil sa pagdating ni Sky. Hindi ko pa alam kung pupunta ako dahil ayoko munang makita ang muka niya dahil naaasiwa ako.
"Mister Tamayo, congratulations sa upcoming project mo," sabi ng prof namin sa isang major subject. In-annouce kasi kanina ni Direk sa national television ang upcoming movie namin ni Sky at talagang nag-trending iyon sa tweeter dahil anonymous ang larawan na ginamit kay Sky, kumpara sa akin.
"Thank you po, Sir!" Sabi ko at dumaan sa harapan ko si Jepoy at hindi ko siya pinansin dahil napagtanto kong hindi logical ang pinagsasabi niya noong nag-usap kami. Kailan pa nawalan ng option ang tao? Tsaka magkaibigan kami at hindi ko lubos maisip at matanggap na ang numero unong pinagkakatiwalaan ko ang trumaydor sa akin ng grabe.
Naging mahaba ang araw at talagang hindi na kami nag-usap o nagkibuan man lang ni Jepoy at napansin iyon ni Danny dahil magkakaklase kaming tatlo sa lahat ng subjects.
"Zide, anong mayroon sa inyo ni Jepoy? Hindi kayo nag-uusap. Hindi kayo nagkikibuan. Ilag na ilag kayo sa isa't-isa at ang talim mo ring tumitig sa kanya. Wala ka bang ikukwento?" Wika niya kaya no choice ako kundi ihagis sa kanya ang hawak kong yakult at kinuwento ko ang ginawa ni Jepoy sa akin.
"Medyo naiinis ako kay Jepoy pero hindi ko siya masisisi dahil kahit naman siguro ako ay kakagat sa isang milyon lalo na't nasa hospital ang kapatid ko. Sorry, Zide, nangyari na 'yon eh. Magkaibigan kayo, 'di ba?" Kumento pa niya.
"Maraming options, Danny. Tsaka nasasabi mo lang 'yan dahil hindi naman ikaw 'yong tinraydor. Hindi ikaw 'yong ipinagkanulo! Tsaka hindi excuse ang salitang magkaibigan para hindi ako magalit sa kanya." Sabi ko pa at ininom ko ng isang lag-ukan ang isa pang yakult na nasa kamay ko.
"Easy lang, Zide. Sinabi ko lang 'yong opinyon ko. Tsaka, talaga namang nangyari na ang lahat ng iyon. Hindi na natin mababago 'yon." Sabi pa niya.
"Iyon na nga eh. Nangyari na nasa hindi na lang kasi kada iniisip kong nagawa ni Jepoy 'yon ay nawawalan ako ng gana sa kaniya. Nauumay na rin pati akong makipagtalo at makipag-usap sa kaniya. Hindi ako takot mawalan ng kaibigan, lalo na't hindi totoo, Danny." Malaman kong singhal bago ko hinimas ang aking dalawang makapal na kilay.
"Hands up na ako, Zide." Sabi niya at tumingin lang kami sa mga estudyanteng dumaraan.
"Sana mapatawad mo pa rin si Jepoy. Hays!" Sabi niya bago siya nagbigay ng isang malaking buntong-hininga.
"Bahala na," sabi ko.
KINAGABIHAN ay napagdesisyunan kong tumuloy sa mansyon at dinala ko si Zy kasama ko para hindi ako ma-bored sa pakikipag-plastic-an kay Nanay at Tito Arman.
"Zy, nandito na tayo. Behave ka lang, ha?" Sabi ko nang makapasok kami sa loob.
Kailan nga ba ako huling pumunta rito. Ahhh. Tama! Noong birthday ni Nanay last month.
"Zide, nand'yan ka na pala!" Sabi ni Nanay pero mas pinili kong kausapin si Zy kaysa sa kaniya. Minsan kasi mas masarap pang makipag-usap sa mga alagang hayop natin kaysa sa mga kamag-anak nating ugali at asal hayop.
"Zide, naghihintay na ang Tito Arman mo sa hapagkainan. Ikaw na lang ang kulang," pahabol pa ni Nanay kaya naman inihabilin ko muna si Zy sa isa sa mga kasambahay at kilig na kilig pa itong kinukuha si Zy.
"Sir, aalagaan ko po itong mabuti na parang kayo," pahabol pa niya habang naglalakad ako palayo.
Matapos kong mag-sanitize ng kamay ay dumiretso na ako sa Dining area kung saan nakaupo at nagtatawanan si Sky, Nanay at Tito Arman. Tatlong panira ng buhay.
Hindi na sana ako tutuloy pero nakita na ako ni Tito Arman kaya naman nagmano ako sa kanya at kumuha ako vegatable salad.
"Zide, kumusta ka?" Tanong ni Sky at tumingin ako ng walang emosyon. Tutal ay artista ako, bakit hindi ko iyon gamitin ngayon?
"Okay lang." Sagot ko sabay subo sa kinakain ko.
"Zide, kain ka pa. Medyo namamayat ka na," puna ni Nanay at nilagyan niya ng hipon ang plato ko.
"Ikaw ang namamayat, Nay. Siguro ay busy ka sa business mo," nakangiti kong tugon at nagtinginan silang dalawa ni Tito Arman.
"Nako, kumain na muna tayo." Sabi ni Nanay kaya iyon ang ginawa namin. Mabagal ang ginawa kong pagkain kumpara kay Sky na animo ay mauubusan ng pagkain.
"Ayaw mo ba ng pagkain?" Tanong ni Sky.
"Sa muka mo!" Sabi ko na ako lang ang makakarinig. Ngumiti ako bago nagsalita.
"Diet kasi ako pero hayaan mo, masarap naman 'yong pagkain. Tsaka, nga pala, bakit hindi mo kasama rito 'yong girlfriend mo? Mas mabuti sigurong dalin mo siya rito para makilala naman namin." Sabi ko sabay hampas ng mahina sa kaniyang braso.
"Oo nga naman, Sky. Ipasyal mo rito ang nobya mo misan," sabi naman ni Tito Arman na ginatungan ang sinabi ko. Siguro ay masayang-masaya ang dalawang ito dahil may nobya na ang anak nila at nagawa na nilang miserable ang buhay ko. Napaglayo na nila kami at sa palagay ko ay ako naman ang dapat bumuwelta.
"Ah, eh.. busy pa 'yon eh. Next time siguro." Nag-aalangan niyang singhal.
"Ikaw, Zide, wala ka bang ipapakilala?" Balik niyang tanong.
"Malapit na." Nilaparan ko ang ngiti ko habang sinasabi ko iyon at nakita ko kung gaano kalaki ang ngiti ni Nanay at Tito Arman na tumingin pa sa isa't-isa habang si Sky naman ay napangiwi sa narinig. Bakit? Naapektuhan ba siya?
"Sino?" Tanong niya pa na parang may gusto siyan marining pa mula sa akin.
"Secret muna sa ngayon basta artista rin siya." Kinikilig kong sagot at matapos ang aming "awkward dinner" ay agad kong pinuntahan si Zy na sa kasamaang palad ay kalong ni Sky.
"Inalagaan mo pa rin pa si Zy, ang anak natin," kumento niya.
"Anak ko lang." Nakangiti kong tugon.
"Zide, sorry." Iyon ang sagot niya kaya tinawanan ko siya.
"Okay lang, ano ka ba? Okay na ako. Okay na okay na ako. Pwede ka na ulit umalis kahit kailan mo gusto." Kalmado kong sagot.
"Zide.." aniya habang lumalapit sa akin kaya napaatras ako at inilayo ko ang sarili ko sa kanya. Ayoko na ulit maging utu uto ng ng huwad niyang pagmamahal na 'yan.
"Sky, akin na si Zy. Uuwi na kami," sabi ko pa at napabuntong hininga siya.
"Ayaw mo na ba sa'kin?" Tanong niya at hindi ako nagdalawang isip na sagutin siya.
"Ayaw ko naman talaga sa'yo kasi may iba na akong gusto," nakangiti kong tugon at hinawakan niya ang kamay ko pero agad ko iyong binawi.
"Mahal pa rin kita, Zide," sabi niya kaya naman napahawak ako sa tiyan ko at nagtawa ako na parang wala ng bukas.
"Grabe, Sky. Ang galing mong maga-joke!" Sabi ko at halos maluha-luha na ako sa kakatawa.
"Sky, akin na si Zy, aalis na kami," sabi ko at inabot naman niya sa akin si Zy kaya naman mabilis akong dumiretso sa sasakyan ko at huminga ako ng malalim. Pinagsisisihan ko na tuloy na pumunta ako rito.
"Zide!" Sabi pa ni Sky noong sandaling buksan niya ang pinto.
"Mahal pa rin kita at sa pagkakataong ito ay hindi ko na hahayaang mawala ka pa uli," aniya sabay kabig sa akin at hinalikan niya ako sa labi ng mabilis dahil tinulak ko siya.
"Hindi pa ako nahihibang para maniwala sa'yo. Sige na, Sky. Ayokong lalapit o kakausapin mo pa ako kung ganyang bagay lang din naman ang lalabas sa bibig mo. Sawa na ako sa joke. Sawang-sawa na!" Sabi ko sabay tulak sa kanya papalabas sa kotse.
"Bwiset!" Naiiyak na usal ko noong magsimula akong magmaneho.
Ganito ba kasarap humalik ang hangin?
Itutuloy..
HSH SEASON 3: PART 47
HALIK SA HANGIN PART 47: HALIK SA HANGIN
ZIDERICK
ISANG buong Linggo akong ginugulo ng aking isipan at paulit-ulit kong naririnig sa isip ko ang sinabi ni Sky sa akin.
"
Mahal pa rin kita at sa pagkakataong ito ay hindi ko na hahayaang mawala ka pa uli.“
Iyon ang eksaktong sinabi niya sa akin kaya naman napasandal na lang ako sa pader ng aming building bago ako naglakad papasok sa aking sasakyan. Pag-start na pag-start ko ng engine ay nag-pop up ang text message mula sa numero ni Sky. At kung paano niya nakuha ang number ko ay dahil kay Direktor Jang.
"I miss you." Ang pagbabasa ko ng mensahe niya at natawa na lang ako dahil hanggang ngayon pala ay joke pa rin ang dating ko sa kanya. Hindi na ako 'yung Zide na basta-basta maniniwala sa kanya.
Bwiset na bwiset ako kay Sky dahil sa pangungulit niya sa akin simula noong makuha niya ang numero ko dahil kada oras ay may-chat siya sa akin. Kala mo talaga ay madadala ako sa gano'n. Lolo niya lokohin niya.
"Are you okay?" Tanong ni Generson habang nakaupo kami sa sea wall. Ito ang isa sa plano ko na ngayon pa lang ay umuusig na agad sa konsensya ko.
"Oo naman!" Sabi ko sabay hawak sa kamay niya. Buti na lamang talaga at naka-hoodie kaming dalawa at face mask kaya't mahirap ma-identify kung sino kami. Mahirap na, baka ma-issue kami sa Nation Television.
"Mabuti naman," sagot niya.
"Ang ganda ng langit, 'no? Bughaw na bughaw at payapang-payapa. Tamang-tama para sa kakalmahan ng alon," pagsasalaysay niya bigla kaya namangha ako sa talinhaga niya. Hindi ko alam na may ganitong side pala siya.
"Oo nga eh. Ang ganda." Sabi ko at nagkatinginan kami bigla.
"Nga pala, Zide. Maiba tayo," aniya. "Bakit pala bigla kang nagyaya rito. Okay lang bang malaman ko 'yung reason?" Tanong niya at doon na ako napalunok ng malaki.
"Let's meet halfway, Generson." Sabi ko.
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong niya.
"Kilalanin natin ang isa't-isa. Let's date, formally." Sabi ko at naubo siya bigla at napahawak siya sa balikat ko bago tumayo.
"Talaga? Kurutin mo nga ako sa abs, baka nananaginip lang ako," sabi niya at pinisil ko siya sa kamay niya at nagsisigaw niya na parang bata at sobrang saya niya sa aking palagay.
"WOOOOOOOHHH!" Iyon ang sinisigaw niya at napapatingin na ang ibang tao sa kanya dahil sa ingay niya.
"Ano ba 'yan, ang ingay naman. Parang bano!" Reklamo ng isang babaeng nag-e-emote sa 'di kalayuan.
"Miss, sorry. Masaya lang!" Sigaw na sagot ni Generson at tingnan ko siya at hinawakan ko siya sa kamay para maupo na.
"Zide, salamat! Pinasaya mo ako, sobra." Sabi niya at napakamot na lang ako sa kilay nang halikan niya ako sa noo.
"Hindi ka ba nahihiya sa mga nakakakita sa'tin? Baka anong sabihin nila," wika ko matapos niya akong halikan pa ng isa sa noo.
"Eh ano naman? Isipin na nila ang dapat nilang isipin dahil wala naman silang ambag sa buhay natin. Bakit pati ako mahihiya eh mahal kita?" Diretsahan niyang sagot na para bang sinasabi niyang proud na proud siya sa akin. Iyon ang bagay na hindi napakita ni Sky sa akin dahil tago ang relasyon namin. Kumbaga sa movie at "hiram na sandali" lang mayroon kami noon.
Bakit ko nga ba iniisip na naman ang lokong 'yon?
Noong matapos ang aming panonood sa alon at dapit-hapon ay sandali naming tinanggal ang aming aming mask ay hinalikan ko siya sa labi bago kami pumasok sa kotse niya. Para siyang natameme sa ginawa ko. Bagama't mabilis lang iyon ay iba pa rin ang epekto no'n sa kanya kaya tinapik ko siya.
"Gen? Wuy! Okay ka lang?" Sabi ko at bigla niya akong hinalikan ng isa sa pisngi kaya natawa ako dahil para siyang batang aliw na aliw sa kaniyang nararamdaman.
"Hindi ka magsisisi sa'kin, Zide." Sabi niya habang inaayos ang kaniyang seatbelt niya. Nakakatuwa siya dahil pinagbuksan niya pa ako ng pinto at pinagkabit niya rin ako ng seatbelt. Pakiwari ko tuloy ay isa akong dilag bagama't hindi naman.
Imbes na sumagot ay tiningnan ko lang siya ng makahulugan bago ako ngumiti.
Masaya ang naging mini date ni Generson kaya naman pagbaba ko ng kaniyang sasakyan ay hinalikan ko pa siya ng isa sa pisngi dahil deserve niya iyon.
"Zide, salamat sa oras! Sa susunod uli." Aniya.
"Sa'yo rin. Ingat ka, ha? Text mo ako kapag nakauwi ka na." Pahabol kong sagot at pinanood ko siyang umalis lulan ng kaniyang kotse.
Pagtalikod na pagtalikod ko ay biglang may humila sa akin at kitang-kita ko ang galit sa mga mata ni Sky kaya naman binawi ko ang kamay ko at nagsimula akong maglakad.
"Zide, sino 'yon? Boyfriend mo ba 'yon?" Tanong niya at hindi ko siya nilingon. Ayokong makipag-usap sa kaniya. Pero likas sa sa taong 'yon ang katigasan ng bungo.
"Zide!" Tawag pa niya.
"May ubo ba ang utak mo o tanga ka lang?" Sabi ko pagharap ko sa kanya. "Wala ka ng pakialam sa buhay ko. Matagal ka ng burado sa isip ko," sabi ko pa kahit mabigat iyon sa dibdib.
"Tell me, boyfriend mo ba 'yon?" Tanong niya at napangiwi ako sa tanong niyang iyon.
"Uulitin ko, Sky. WALA. KANG. PAKIALAM. SA. BUHAY. KO!" Singhal ko sa kanya.
"Sagutin mo na lang 'yong tanong ko," sabi niya ng may diin. Siya pa talaga ang may ganang magalit sa'kin? Tigas naman ng muka niya.
"Tigas din naman talaga ng muka mong tanungin ako ng ganyan eh. Lakas mong mang-good time, Sky. Awit na awit ako sa'yo! Pagkatapos mo'kong iwan, babalik ka ng may girlfriend? Ang lakas mo! Araw-araw hinihintay kita kasi baka dumating ka na. Pero alam mo, sana hindi ka na lang uli bumalik dahil ginugulo mo na naman ang buhay ko. Tsaka, hindi mo ako katulad. Hindi ko ugaling mangako ng hindi ko tinutupad!" Nanggagalaiti at naiiyak sa galit kong bwelta sa kaniya kaya naman natigilan siya bigla at napatitig na lang siya sa akin habang unti-unti lumuluwag ang pagkakahawak niya sa aking kamay.
"Natameme ka kasi gago ka! Puro ka pangako! Puro ka matatamis na salita eh wala ka naman palang bayag! Mas mabuti pang hindi kita nakilala eh. Nagsisisi na akong naghintay pa ako sa'yo. Ikaw ang pinakagago sa lahat ng gagong nakilala ko. Tsaka saan ka humuhugot ng lakas ng loob para magtanong sa akin kung boyfriend ko ba 'yong kasama ko kanina? Lakas talaga ng tama ko. Wala kang karapatan dahil noong sandaling sinabi mong may girlfriend ka, tinapos ko na ang lahat sa'tin. Hindi na ako para humawak pa sa relasyong ako na lang pala ang may alam." At tuluyan ng pumatak ang mga luha ko dahil sa halu-halong emosyon na dinadala ko.
Akmang magso-sorry siya pero pinigilan ko siya.
"Kung magso-sorry ka ay huwag na. Nasaktan mo na ako at napaikot. Masaya ka na bang naging miserable ang buhay ko dahil sa'yo? Minahal lang naman kita ah? Masama ba 'yon? Masama ba!?" Sigaw ko at akmang hahawakan niya akong muli kaya umatras ako at pinunasan ko ang mga luhang lumalandas sa aming mga mata pababa sa aking baba.
"Sasagutin ko ang tanong mo kung boyfriend ko ba si Generson," panimula ko.
"Oo. Boyfriend ko si Generson at masaya ako sa kanya kaya ngayong alam mo na, layuan mo na ako. Patahimikin mo na ang mundo ko. Bitawan mo na iyong role bilang kapareha ko sa movie at sa buhay ko. Hindi ka masarap mahalin. Puro sakit lang ang pinaparamdam mo sa'kin. Simula noon hanggang ngayon, umiiyak pa rin ako dahil sa'yo." Sabi ko at niyakap niya ako ng isa.
"Hindi ako naniniwala. Alam kong mahal mo pa rin ako kaya gagawin ko ang lahat para bumalik ka sa'kin. Hindi mo alam kung gaano kita kagustong yakapin, halik-halikan at angkinin noong nakita kita. Zide, mahal na mahal na mahal pa rin kita at gusto kong malaman mong kaya ko iyong patunayan." Aniya at nagkumawala ako sa pagkakayakap niya.
"Hindi na, Sky. Okay na sa akin ang humalik sa hangin kaysa patuloy na saktan ang sarili ko dahil sa pagmamahal ko sa'yo," sabi ko at iniwan ko siyang nakatayo roon sa parking are.
Hanggang ngayon, ikaw pa rin, Sky pero hindi na mahalaga iyon dahil ang lahat ng iyon ay katangahan at pawang halik sa hangin.
Itutuloy..
HSH SEASON 3: PART 48
Phiravich Attachitsataporn as Sky
HALIK SA HANGIN PART 48: BOSS
ZIDERICK
HINDI ako masyadong nakatulog kagabi dahil sa kakaisip sa tagpong naganap sa amin ni Sky. Sobrang ginugulo na naman niya kasi ang sistema ko at alam kong hindi iyon maganda. Ilang beses ko ng sinabi sa sarili kong huwag ibaba ang aking pader para sa kanya pero ito pa rin ako, apektado pa rin ako sa kanya. Sobrang laki pa rin ng role niya sa buhay ko.
Siya lang ang nag-iisang taong nakakapanakit sa akin ng ganito at nakapagpasaya sa kabilang banda. Oo, aaminin kong galit ako kay Sky dahil sa kabila ng paghihintay ko sa kanya ng mahigit tatlong taon ay susulpot na lamang siya na may nobya na. Hindi iyon patas para sa akin. Pero gayo’n pa man ay masaya ako, at ang puso ko kada nand’yan siya sa paligid.
Pwede pala ’yon, ’no? Galit na galit ka ro’n sa tao dahil sa pananakit niya sa’yo pero masaya ka kapag nasa paligid siya dahil marupok ka. Hindi mo maitago ang totoong sinisigaw ng puso mo. Ang korni pero walang nagbago sa damdamin ko para kay Sky. Nagi-guilty din ako sa paggamit ko kay Generson at balak kong sabihin iyon sa kaniya sa tamang oras.
“Zide, okay ka lang ba?” Tanong ni Manager Kim sa akin habang pinipirmahan ko ang kontrata para sa movie at ilang legal documents na inayos niya para sa akin.
“Okay lang ako.” Sagot ko naman.
“Mabuti pa ay ipahinga mo ang katawan mo bago magsimula ang shooting. May two weeks pa naman mahigit bago magsimula ang shoot para sa movie niyo ni Sky.” Mungkahi niya at tumango naman naman ako.
“Hindi lang ako nakatulog kagabi pero okay talaga ako. Excited lang siguro ako sa movie,” pagsisinungaling ko at bago kami lumabas ng agency ay dumugo ang aking ilong at nakaramdam ako ng pagkahilo at parang halos wala akong marinig na boses. Basta ang alam ko lang ay natumba ako sa sahig.
“Ano, doc? Okay lang ba siya? May sakit ba siya? Ano? Sabihin niyo sa akin, Doc?!” Iyon ang narinig ko bago ko imulat ang aking mga mata at nakita ko si Sky na nakikipag-usap sa lalaking sa palagay ko ay Doctor.
“Overfatigue lang ang nangyari. Paggising ni Mister Tamayo ay pwede na siyang iuwi,” sabi nito at saktong napatingin sila sa akin.
“Oh, gising na pala siya,” sabi ng Doctor at agad na yumakap sa akin si Sky at nag-iyak na parang bata na ikinagulat ko. Lumabas na rin saglit ang Doctor kaya kami ang naiwang dalawa ni Sky.
“Okay ka na ba?” Sumisinghot na tanong niya matapos niyang iangat ang ulo niya na kanina ay nakaunan sa dibdib ko.
“Okay lang ako. Anong ginagawa mo rito?” Tanong ko sa kanya at sakto namang bumukas ang pinto at pumasok si Cris at Manager Kim.
“Kumusta ang pakiramdam mo, Zide? Nako ka! Pinag-alala mo kaming lahat. Buti na lang at nasalo ka ni Sky kaya hindi ka nabagok o ano pa man. Siya pa ang nagbuhat sa’yo hanggang sa sasakyan niya dahil alalang-ala siya sa’yo,” salasay ni Mr. Kim at tumango naman si Cris.
“True, Zide. Si Pappy Sky ang nagdala sa’yo rito,” ang paggatong naman ni Cris kaya napatingin ako kay Sky at nakaramdam ng inis sa sarili ko dahil kinikilig ako sa ginawa niya kahit hindi naman dapat.
“Salamat sa inyo lalo na sa’yo, Sky.” Nakangiti kong tugon sa kanila.
“Ang sabi ng doctor ay stress at overfatigue raw ang reason kaya dumugo ang ilong mo at kaya ka nawalan ng malay. Inaalagaan mo ba talaga ang sarili mo, Zide? Hindi ka ganyan dati bago ako umalis,” sabi niya at nagkatinginan kami ni Cris na may alam at ganoon din si Mr. Kim.
“Zide, bawal ka ng magpuyat muna. Nako ka!” Puna ni Cris na sa tingin ko ay pamatay sunog.
“Sabi ni Doc ay pwede ka na raw iuwi kaya sa tingin ko ay dapat kang ihatid at samahan ni Sky sa condo unit mo para may kasama ka. May appointment pa si Mr. Kim at may laban pa ako ng Miss Gay sa amin kaya, Sky-Pappy, alagaan mo muna si Zide. Okay lang ba sa’yo?” Wika pa ni Cris at hindi naman tumutol si Mr. Kim.
“Tama si Cris. Mauna na kami. Sky, ikaw na muna ang bahala kay Ziderick.” Sabi pa ni Mr. Kim at pakiramdam ko ay isinugo nila ako sa impyerno.
“Okay lang po sa’kin,” pagsang-ayon naman ni Sky na alam na alam niyang pabor sa kaniya.
“Kung ganoon ay ikaw na ang bahala sa alaga namin,” sagot ni Mr. Kim at si Cris naman ay namumulang kumindat sa akin na parang timang.
GANOON na nga ang nangyari. May mga reporters sa labas ng hospital kaya naman medyo ilag kami ni Sky lalo na’t nakasakay ako sa kaniyang likuran.
“Itaklob mo’to sa ulo mo.” Sabi niya at inabot niya sa akin ang kaniyang jacket na siya ko namang ginawa.
Nagpatuloy kami sa paglalakad at nang makalampas kami sa mga makukulit na reporter ay mabilis kaming sumibat papunta sa aking unit at wala kaming imikan sa biyahe dahil wala rin namang gustong magsalita matapos ng nangyari sa amin ni Sky kagabi.
“Sky, salamat sa pag-aasikaso sa akin. Makakauwi ka na,” sabi ko bago ko isara ang pinto ng aking unit na pinigilan niya sa papamamagitan ng pagpasok sa loob. Siya na rin mismo ang nagsara ng pinto para sa akin.
“Alam kong galit ka sa akin pero hayaan mo akong alagaan ka kahit ngayon lang. Isantabi mo muna ang galit mo sa’kin.” Sabi niya kaya wala akong nagawa kundi tumalikod sa kanya at dumiretso ako sa kama ko.
Ilang minuto pa lang ang nakakalipas nang makaamoy ako ng masarap na pagkain kaya naman tumayo ako saglit at kitang-kita ng dalawa kong mga mata ang malapad na likod ni Sky habang nakasuot ng apron at nagluluto siya ng kung ano sa kusina ko.
“Higa ka lang ro’n, nagluluto ako ng canton at pritong manok,” sabi niya kaya naman may senaryong nagbalik sa isipan ko tatlong taon na ang nakakaraan kung saan nagluto rin siya ng canton at itlog na nilabon. Tanda ko pa ’yon, pinaglaruan niya rin ako no’n eh.
“Hinahapo ka ata? Tsaka bakit ang bilis mo yata? Tumakbo ka ba?” Sunus-sunod niyang tanong sabay abot sa akin ng isang baso ng tubig at kinuha ko iyon kaagad at ininom.
“May kaklase kasi akong dinaanan kanina sa kabilang kanto kaya tinakbo ko na ’yong daan papunta rito. Tsaka sabi mo nagluto ka, ’di ba? Ayoko namang lumamig ’yon dahil sa akin. Teka nga, ano bang niluto mo?” Sagot ko at hindi ko pinahatalang may alam ako ukol sa paglalaro niya sa akin at sa tiwala ko.
“Canton.” Aniya at mabilis niyang kinuha ang dalawang bowl na may lamang pancit canton at tig isang itlog. Akala ko naman kung ano kaya naman natawa ako sa lokong ito. Effort din naman siya eh. Sana hindi siya ganito kabait para madali ko siyang kainisan pero hindi eh.
“Mukang masarap!” Sabi ko nang ilapag niya sa maliit na center table ang hawak niya.
“Masarap talaga ’to! Ako ang nagluto eh!” Pagyayabang niya at nagsimula siyang kumain sa tabi ko.
“Sky, wala ka bang gustong sabihin sa’kin?” Tanong ko sa kanya na ikinakunot niya ng noo.
“Wala naman. Bakit mo naitanong?” Sabi niya at hindi mo kababakasan ang kaniyang muka ng kahit konting pagsisisi at pagkakonsensya. Bakit pa nga ba ako umaasa.
“Kala ko kasi sasabihin mo sa’kin na ang galing mong magluto.” Nakangiti kong sagot sabay kagat sa itlog na nilabon.
“Given na ’yon. Masarap ako tapos masarap din siyempre akong magluto. Basic!” Aniya at sinakayan ko na lang siya sa mga kwento niya sa buhay. Para kasing totoo. Hindi ko lang mapatunayan pa sa ngayon. Napaisip din tuloy ako lalo kung bakit ganito si Sky ngayon. Ganoon ba kabigat ang bagaheng dinadala niya at pati ang paglalaro sa tao ay ginawa na niya?
(From Part 17)
“Zide, tara kain tayo,” aniya at namalayan ko na lamang na nangingilid na ang luha sa aking dalawang mata at umiling ako bago uminom ng tubig.
“Bakit mo ako pinagpalit, Sky? Nasaan ’yong pangakong mong hindi mo ako ipagpapalit?” Tanong ko habang kumakain kami.
“Hindi kita pinagpalit, Zide,” diretsahang niyang sagot.
“Pero may girlfriend ka na.” Sabi ko.
“Wala akong girlfriend.” Sagot niya.
“Sinungaling ka.” Sagot ko dahil iyon naman talaga ang totoo.
“Pakinggan mo muna ako, Zide. Alam mo kung gaano kalakas ang impluwensya ni Papa lalo na ngayon. Pinoprotektahan lang kita kaya nagpanggap akong may girlfriend. Sorry kung ngayon ko lang sinabi sa’yo kaya kumain ka na,” sabi niya at napalunok ako ng malaki bago ako nagsalita.
“Parang ang hirap maniwala sa’yo, Sky. Sawang-sawa na akong masaktan kaya pwede ba, tigilan mo na’ko. Payain na natin ang isa’t-isa ng tuluyan!” Singhal ko pero hindi siya nakinig.
“Hello, Patricia.” Sabi niya sa cellphone niya.
“Kausapin mo si Zide at sabihin mo sa kanya na hindi kita girlfriend,” sabi pa niya at in-loud speaker niya ang kaniyang cellphone.
“Sige, Sky.” Sabi ng babae sa kabilang linya.
“ Idol, Zide, pasensya na. Nag-aaway ba kayo ni Sky? Nako! Huwag! “ Sabi niya sa kabilang linya.
“Bakit naman hindi?” Sagot ko.
“Kaibigan ako. Nagmakaawa ’yan sa akin na magpanggap akong girlfriend niya para raw ma-protektahan ka niya. Ako naman si tanga, pumayag. Ikaw ba naman ang makakita ng gwapong umiiyak sa harapan mo, hindi ka ba papayag?” Sabi niya at napalunok ako.
“Sige na, Patricia.” Sabi naman ni Sky.
“Ayaw mo bang ikwento ko ’yong pagluhod mo sa’kin pag-uwi mo rito sa Pinas kasi sabi mo miss na miss mo na si Zide,” iyon ang huli kong narinig at para akong batong hindi nakagalaw.
“Zide, hindi ako nagbibiro. Wala akong girlfriend,” sabi niya na may diin.
“O-okay!” Sabi ko bago ako uminom ng tubig.
“Okay lang? Hindi mo man lang ba ako yayakapin o hahalikan man lang?” Tanong niya na may emosyon.
“Hindi. Galit ako sa’yo.” Sabi ko at napakamot siya sa ulo niya.
“Para ka pa ring babae magalit pero handa akong suyuin ka,” sabi niya pa bago siya tumayo.
“Magdamit ka bago mo hugasan ang mga ginamit mo sa pagluluto at itong mga pinagkainan natin.” Utos ko sa kanya habang hawak-hawak niya si Zy, ang anak namin.
“Yes, boss!” Sabi niya at humalik pa ako ng isa sa hangin bago ako ngumiti na parang tanga.
Itutuloy…
HSH SEASON 3: PART 49
HALIK SA HANGIN PART 49: UTOS
ZIDERICK
"BITAWAN mo nga si Zy!" Puna ko kay Sky na nakikipagkulitan kay Zy na aliw na aliw naman sa tatay niya.
"Hmm. Sige, ikaw na lang kulitin ko," aniya sabay lapit sa kinauupuan kong sofa.
"Tigilan mo ako, Sky." Sabi ko.
"Magpahinga ka lang muna, Zide. Bubuntisin, este aanakan, este ipagluluto kita uli mamaya kapag nagutom ka," aniya na halos matawa-tawa pa.
"Okay na'ko. Makakalis ka na," sabi ko pa.
"Galit ka pa rin ba sa'kin?" Tanong niya at umiling ako.
"Hindi na pero naiirita ako sa muka mo kaya umalis ka na ngayon din!" Naiiritang wika ko bago siya unti-unting lumapit sa akin.
"Zide, sorry." Iyon ang una niyang sinabi bago siya naupo sa tabi ko.
"Sorry kasi hindi kita naalagaan noong naaksidente ka. Sorry kung hindi man lang kita nabalitaan. Sorry kung kailangan mong mag-isa. Sorry kung parati na lang kitang nasasaktan. Minsan, napapaisip na rin ako kung para ba ako sa'yo pero kapag napapahawak ako sa dibdib ko, ikaw talaga 'yong mahal ko. Ikaw at ikaw lang!" Aniya at yumuko siya.
"Noong nasa Korea ako, sobrang daming struggles. Sobrang nanibago ako pero para sa'tin nagpakatatag ako. Inisip ko na ikaw 'yong finish line ng lahat ng paghihirap ko kaya sana, mapatawad mo na ako." Sabi pa niya at ewan ko ba kung bakit may sariling pag-iisip ang katawan ko at agad ko siyang niyakap at pinakinggan ko ang mabilis na tibok ng puso niya.
"Tahan na, Sky. Hindi na ako galit," sabi ko at tumingin siya sa akin.
"Sobrang miss na miss na miss kita, Zide. Wala kang ideya kung gaano ko kagustong halikan at yakap-yakapin ka habang tumatakas tayo sa mundo," sabi niya.
"Ganoon din ako, Sky. Noong nalaman kong umalis ka, pinilit kong habulin ka pero naaksidente naman ako. Si Jepoy, pinagkanulo niya tayo. Namatayan ako ng kaibigan, si Roniel tapos noong nagktrabaho ako bilang artista, binili ko agad ang unit na'to. Gabi-gabi ako umiiyak, Sky. Iniisip ko kung babalik ka pa ba o mahal mo pa ako kasi ako, mahal na mahal na mahal na mahal pa rin kita. Kaya, Sky, please.. huwag na nating saktan ang isa't-isa. Sobrang dami ko ng pinagdaanan para lang mabuhay." Sabi ko at pinunasan niya ang luhang lumalandas sa aking pisngi.
Marahil ay iisipin ng marami na napakarupok kong tao pero pasasaan pa ba kung papasakitan ko pa si Sky? Parehas naming mahal ang isa't-isa at masyado na kaming nasaktan at naghirap para lang makasama namin ang isa't-isa ngayon. Ayoko ng dumating sa puntong magsisi ako kasi hindi ko siya pinatawad. Ayokong may pagsisihan ako na hindi ko ginawa ang best ko para sa kanya.
"Zide, sobrang pinapasaya mo ako ngayon. Mahal na mahal lang talaga kita." Aniya at nagsimula kaming halikan ang isa't-isa na animo'y mag-asawa. Ramdam na ramdam ko ang emosyon sa bawat paglapat ng aming mga labi sa isa't-isa. Hindi ko napigilan maiyak dahil miss na miss ko siya.
"Zide, tahan na." Sabi niya pero hindi ko mapigilang hindi umiyak dahil sa sobrang saya.
"Gago ka, Sky!" Sabi ko at niyakap niya na lang ako kaya pinaghahampas ko ang kaniyang dibdib para malaman niyang mahal na mahal ko rin siya.
"Sorry na talaga, Zide," sabi niya at umibabaw ako paharap sa kaniya na nakaupo ako nanggigil kami sa isa't-isa kaya naman mas naging mapusok ang tagpo sa aming pagitan at namalayan ko na lamang na parehas na kaming walang saplot na dalawa at nakaluhod na rin ako sa kaniyang harapan at sinasamba ko ang naghuhumindik niyang alaga.
"Subo mo na, please. Na-miss ka niyan." Sabi niya at iyon na nga ang aking ginawa. Mula sa paglalaro sa ulo nito ay unti-unti ko itong sinubo at halos maduwal ako noong sumayad iyon sa lalamunan ko.
Pitong pulgadang taguro ang hawak ko at talaga namang naghuhumindik iyon at masarap isubo.
"Ang sarap, Zide!" Singhal niya at napatingala siya sa ginawa kong pagkagat sa titi niyang basang-basa na ng laway ko. Mayamaya lang din ay tumirik ang kaniyang mata, nanginig ang kaniyang binti at nalasan ko ang manamis-namis niya katas sa bibig ko na nilunok ko.
"Bakit mo nilunok?" Tanong niya.
"Gusto ko eh," iyon lang ang naging sagot ko bago niya ako buhatin papasok sa aking kwarto at agad niyang nilaro ang aking butas gamit ang kaniyang daliri na may laway niya.
Halos mapasinghap ako sa sensasyon na dulot ng kaniyang paglalaro sa aking butas at talaga naman pinaparamdam niya sa akin na miss na miss niya ako.
"Zide, mahal kita!" Sabi niya.
"Mahal na mahal din kita, Sky!" Sabi ko at inabot niya ang lotion sa gilid ng kama ko at nilagyan niya ang aking butas at ganoon din ang kaniyang ari.
Isang mahabang ungol ang pinakawalan niya noong maipasok niya ang buo ng kaniyang kahabaan sa akin habang ako naman ay napahawak sa kaniyang likod at nakalmot ko pa iyon dahil sa sakit ng butas ko. Tatlong taon mahigit na walang pumapasok sa aking butas at ngayon ay parang bumalik lahat ng sakit noong una niya akong pasukin. Para akong pinupunit sa dalawa kaya naman nakaramadam siya.
"Okay ka lang ba? Pwede tayong huminto kung hindi mo kaya," aniya pero umiling ako.
"Kaya ko. Kalma ka lang," sabi ko at ilang segundo siyang hindi gumalaw. Sinanay niya muna ang butas ko sa titi niya at ganoon na lamang ang ingay naming dalawa noong magsimula na siyang umulos. Ang kaning hapdi ay napaltan ng sensasyon at sarap lalo na't hinahalikan niya ako habang binabayo.
Ramdam na ramdam ko ang pag-iingat at pagmamahal sa bawat ulos niya kaya naman napapasigaw ako lalo na kapag sinasagad niya ng todo ang kaniyang alaga sa akin.
"Ahhh!" Sabi ko at ganoon din siya. Kapwa kami pawisan kahit na may aircon. Ilang posisyon ang aming nasubukan. May patihaya. May patalikod. May patagilid at ang huli ay ang pagbuhat niya sa akin habang malayang naglalabas-masok ang kaniyang alaga sa butas ko.
Ilang ulos pa ang kaniyang pinakawalan bago ko naramdaman ang mainit na likido sa aking loob at akala ko ay huhugutin niya na ang kaniyang alaga pero hindi pa pala.
"Tatlong taon, Zide. Tatlong taon akong tigang," sabi niya at nilapag niya ako sa kama at nagsimula uli siyang umulos at rinig na rinig ko ang salpukan ng aming mga balat at ganoon din ang pagpasok ng alaga niya sa butas kong may katas niya.
Halos buong magdamag kaming nagpakasasa sa katawan ng isa't-isa at talaga namang pinaramdam niya kung gaano niya ako kamahal. Sabay din kaming naligo at doon ay muli niya akong pinasok habang nakatuwad ako sa harap ng salamin.
KINABUKASAN ay mahapdi ang aking butas pero hindi ko na iyon ininda dahil kita-kita ko ang pinakagwapong lalaking nakilala ko sa tanang buhay ko na si Sky. Mahimbing ang kaniyang tulog at bahagya pang nakabukas ang kaniyang bibig kaya naman hinalikan ko siya.
"Sky, huwag mo na akong iiwan, ha?" Sabi ko bago ako nagsuot ng underwear at mahabang t-shirt.
Nasa ganoong posisyon ako nang biglang tumunog ang doorbell at sinilip ko kung sino ang nasa labas at kitang-kita ko na si Nanay iyon kaya naman nag-short ako mabilis at sinarhan ko ang pinto kung nasaan si Sky bago ko buksan ang pintuan sa unahan ng aking unit.
"Good morning, Anak!" Bati niya pero ako bumati pabalik.
"Bakit ka nandito? May kailangan ka ba?" Tanong ko.
"Galit ka pa rin ba sa'kin hanggang ngayon, Anak?" Tanong niya pero hindi ako sumagot.
"Hindi na ako papasok sa loob. Naparito lang ako para sabihin sa'yo na, hindi sang-ayon ang Tito Arman sa role niyo ni Sky. Gusto niya na isa sa inyo ang mag-quit sa naturang role dahil hindi raw magandang tingnan na magkapatid kayong gaganap sa ganoong klase ng movie," aniya.
"At kung hindi mag-quit ang isa sa'min? Anong gagawin niyo? Sisirain niyo na naman ba ang buhay namin?" Tanong ko.
"Hindi naman sa gano'n, Anak. Ang sa amin lang ay magkapatid kayo ni Sky kaya hindi magandang tingnan na magkatambal kayo sa movie," aniya pa.
"Ilang beses ko ho bang sasabihin sa inyo na hindi kami magkapatid at tama na siguro 'yong pakikialam niyo sa buhay namin kasi malalaki na kami. Lisensyado na si Sky at graduating na ako. Pwede ba, huwag niyo na kaming guluhin!" Napasigaw na ako kaya nasampal niya ako ng isa.
"Wala kang utang na loob, Zide!" Sabi niya. "Pagkatapos kitang bigyan ng magandang buhay ay ganito ang isusukli mo sa akin?" Sabi niya pa kaya naman natawa ako.
"Magandang buhay? Utang na loob? Hindi ba iniwan mo nga kami ni Tatay tapos utang na loob? Hindi siguro, Nay! Kung pwede lang pumili ako ng magiging Nanay ko uli ay hinding-hindi kita pipiliin pang muli. Masyado kang makasarili. Kasiyahan mo lang ang gusto mo lagi. Paano naman ako? Nag-iisa mo akong anak pero ang turing mo sa akin ay mas masahol pa sa asong ligaw. Kung wala na ho kayong sasabihin ay makakaalis ka na," sabi ko at halos manginig ang laman ko sa pagsasalita noon.
"Sige na, Nay. Umalis ka na!" Pagtataboy ko sa kaniya at agad kong sinara ang pinto at napasandal ako sa likod no'n at napaiyak na lang ako bigla.
"Sumobra ba ako?" Tanong ko sa sarili ko dahil iniisip ko kung susundin ko ba ang utos nila o mas susundin ko ang gusto ko? Hindi ko na alam. Muli na naman nila kaming kinokontrol. Nakakasawa. Nakakainis. Nakakawalang gana.
"Zide, okay ka lang?" Tanong ni Sky at doon ko siya niyakap at sinabi ko sa kaniya ang lahat.
"Tahan na. Wala tayong susundin sa utos nila," sabi niya pa at humalik na lamang akong muli sa kaniya bago sa hangin.
Itutuloy…
HSH SEASON 3: PART 50
HALIK SA HANGIN PART 50: TITO ARMAN
ZIDERICK
NAGPATULOY ang lihim na relasyon namin ni Sky at talagang babae ang turing niya sa akin. Nariyang lumalabas kami ng naka-disguise para hindi kami makilala ng mga tao. Hinahatid niya rin ako sa campus at masayang-masaya ako dahil halos isang Linggo na kaming ganoon ni Sky.
"Sky, talaga bang pupunta tayo sa bahay?" Tanong ko kay Sky kasi nag-text sa amin si Nanay na pinapapunta kami sa bahay ni Tito Arman.
"Kailangan," sabi niya kaya wala kaming nagawa kundi mag-ayos ng sarili at nag-sex pa kami ng mabilis paglabas namin ng banyo.
"Kinakabahan ako," sabi ko paglabas namin ng pinto.
"Huwag kang kabahan. Nandito lang ako," aniya at kinalma ko ang aking sarili ko.
Pagsakay na pagsakay namin ng kotse ko ay nakita ko si Generson mula sa 'di kalayuan at may kahalikan siyang lalaki. Nakakatuwa. Wala pala akong dahilan para ma-guilty.
"Iyon 'yong manliligaw mo 'di ba?" Tanong niya at tumango ako.
"Don't feel guilty. Hindi lang ikaw ang nililigawan niyan." Aniya sabay pakita sa akin ng video scandal kung saan kitang-kita si Generson na kumukubabaw sa isang personalidad na kilala ko rin sa mukha.
"Oh siya, tara na." Sabi niya.
"Nga pala. Saan mo nakuha ang video na'to?" Tanong ko sa kanya.
"Pinamanmanan ko 'yang kumag na 'yan noong nakita ko kayo rito sa parking lot noong nakaraan," aniya kaya pinisil ko siya ng isa sa pisngi bago ko siya halikan ng mabilis.
Mabilis lang ang naging biyahe namin papunta sa mansyon at pagbukas na pagbukas ng gate ay lumukob ang kaba sa akin lalo na noong makababa kami.
"Kabado ka pa rin?" Tanong niya at tumango naman ako at mabilis niyang hinawakan ang kamay ko at naglakad kaming dalawa na ganoon hanggang sa makapasok kami sa loob.
"Sky, anong kalokohan na naman 'to?" Tanong ni Tito Arman nang makita niya kami ni Sky na magkahawak ng kamay.
"Pa ma--," iyon lang ang nasabi ni Sky dahil bigla siyang sinapak ni Tito Arman.
"Hindi kita pinalaking suwail, Sky. Napakatigas ng ulo mo! Sinabi ko na sa'yong huwag mong patulan si Zide dahil magkapatid kayo. Pinadala pa kita sa ibang bansa para paglayuin kayo pero pagbalik mo, ganyan ka pa rin? Sinusuway niyo pa rin ako!" Sigaw niya at napayuko na lang ako.
"Ano bang alam niyo sa'kin, Pa? Kailan niyo ba ako sinuportahan sa gusto ko? Kailan niyo itinanong kung anong gusto ko? At bakit galit na galit ka sa relasyo namin ni Zide?" Tanong niya sa Daddy niya kaya naman nasapak siyang muli nito at putok ang labi niya dahil doon.
"Huwag mo akong sasagut-sagutin ng pabalang, Sky. Wala ka pa ring napapatunayan sa buhay! Wala kang mararating kung wala ako!" Ani Tito at napatawa si Sky kaya napatingin ako sa kanya.
"Huwag kang magbiro ng ganyan, pa. Kaya kong mabuhay ng wala ang tulong mo." Sabi ni Sky kaya napadiin ang hawak ko sa kamay niya.
"Ikaw ata ang nagbibiro, Sky. Anak lang kita kaya ako pa rin ang masusunod." Sabi pa ni Tito Arman.
"Pa, pwede ba, stop acting as if you know me. Hindi mo ako kilala at hindi rin kita kilala. Mas mahalaga pa sa'yo ang reputasyon mo kaysa sa kasiyahan ng anak mo. Anong klase kang ama?" Singhal ni Sky.
"Oo at hindi ikaw na anak ko lang ang sisira ng pinaghirapan ko. Marami na akong pinagdaanan para marating ang kinalalagyan ko ngayon." Sabi ni Tito at akmang sasampalin na naman niya si Sky nang pigilan siya ni Nanay.
"Tama na 'yan, Arman." Sabi ni Nanay.
"Huwag kang makialam dito, Linda. Dinidisiplina ko lang ang anak ko," ani Tito Arman.
"Ano na namang gagawin mo this time, pa? Ipapadala mo uli ako sa ibang bansa? Papahirapan? Ano?" Biglang sunod-sunod na tanong ni Sky sa Papa niya.
"Pwede kong gawin 'yon para matigil ka lang sa kahibangan mo. Dungis ka sa pangalan ng De Vera! Bakla!" Sigaw ni Tito.
"Baka naman ikaw 'yon, Pa? Hindi ka naman Santo para sabihan ako ng ganyan. Sana ay hindi na lang kita naging Tatay." Sabi ni Sky.
"Sky, tama na 'yan!" Sigaw naman ni Nanay.
"Huwag kang makialam dito dahil parehas kayo ni Papa. Makasarili kayo." Sabi ni Sky kaya naman pinagsusuntok siya ni Tito na pinigilan ko naman.
"Kung sasaktan niyo si Sky at saktan niyo na rin ako. Hindi ko pa kayo napapatawad sa ginawa niyo sa'min three years ago. Huwag niyong hintayin na kami naman ang bumawi sa inyo sa ginawa niyo sa amin. Akala niyo ba ay hindi ko alam na sinadya niyong sirain ang break ng sasakyan ni Sky noon na ginamit ko? Tito Arman, please lang... tigilan niyo na kami ni Sky. Hayaan niyo na kaming maging masaya!" Sabi ko at narinig ko ang malakas na sampal ni Nanay kay Tito.
"Paano mo nagawa sa anak ko 'yon?!" Sabi ni Nanay kay Tito.
"Magpapaliwanag ako, Linda. Huminahon ka." Sabi niya sa una at natawa ako.
"Kayo naman pala ang tunay na bakla rito, Tito Arman eh. Ang taas ng respeto ko sa inyo pero dahil sa lahat ng pinaggagawa niyo sa'kin at kay Sky, parang nawala lahat ng 'yon." Sabi ko akmang sasampalin niya ako noong magsalita si Nanay.
"Subukan mong saktan ang anak ko, Arman!" Sabi ni Nanay at doon ko naramdaman na may pakialam din pala siya sa akin.
"Bwiset!" Sigaw ni Tito at iniwan niya kami roong tatlo ni Sky at Nanay.
"Okay ka lang ba, Sky?" Tanong ko at niyakap niya ako bigla.
"Ikaw, okay ka lang ba?" Tanong niya naman sa akin at sabay kaming napatingin kay Nanay.
"Nak, pasensya ka na." Iyon lang ang nasabi niya sa akin bago niya ako yakapin.
"Hindi ako pabor sa relasyon niyo pero hindi nangangahulugan 'yon na kaya ko na kayong saktang dalawa. Mga anak ko kayo kahit anong mangyari. Kakausapin ko ang Daddy niyo (Arman) para maging okay ang lahat." Sabi niya kaya napayakap na lang ako sa kanya ng mahigpit.
"Ma, sorry sa lahat ng nasabi ko sa'yo." Sabi ko at sinapo niya ang ulo ko bago siya nagsalita.
"Kasiyahan ng anak ko, pipigilan ko pa ba? Hindi ko rin naman kayo mapigilan eh," sabi pa niya at naiyak na lang ako ng wala sa oras.
Noong ding mga sandaling 'yon ay napatunayan ko na na walang nanay ang nakakatiis sa kaniyang anak. Marahil natitiis natin sila pero sila, hindi.
NOONG matapos ang tagpong iyon sa amin ay agad kaming sumibat papaalis ni Sky at nilinis ko ang kaniyang sugat.
"Proud ako sa'yo, Sky," sabi ko sa kanya habang pinupunasan ko ang kaniyang mukha.
"Proud din ako sa'yo, sabi niya kaya naman ginawaran namin ang isa't-isa ng isang masarap na yakap.
Ngayon ko napatunayan na mahal nga akong talaga ni Sky hanggang ngayon at ganoon din ako sa kanya. Alam mo 'yung yakap na parang ayaw ka niyang mawala sa kanya? Ganoon ang pinaparamdam niya sa akin kasabay ng pakiramdam ng security na para bang kapag nandiyan siya at walang mangyayaring masama sa'yo.
"Hmm. Zide, may tanong ako," aniya habang magkayakap kami.
"Ano 'yon?" Sagot ko.
"Anong bahay ang gusto mo kung saka-sakali kapag mag-asawa na tayo?" Tanong niya bigla.
"Bakit mo naman naitanong 'yan?" May pagtataka kong tanong.
"Sagutin mo na lang ang tanong ko." Aniya at tumingin ako sa kaniyang mukha.
"Gusto ko 'yong may swimming pool tapos garden. Hmm. Gusto ko rin 'yong second floor tapos may malaking painting mo sa salas. Tapos gusto ko rin na simple lang ang kulay," sabi ko sa kaniya at napangiti naman siya. "Ikaw? Anong bahay ang gusto mo?" Tanong ko.
"Ako, 'yung bahay na gusto mo rin. Basta kasama kita, okay na ako ro'n." Aniya kaya naman napayakap ako sa kaniya ng mahigpit bago ko siya kagat-kagatin sa dibdib.
"Sini-seduce mo naman naman ako, Zide," natatawa niyang kumento habang kagat kagat ko ang utong niya.
"Pakialam mo ba? Lalagyan kitang hickey!" Sabi ko at sinupsop ko ang kanang utong niya na kinaulol niya.
"Zide, ang sarap!" Aniya ay sinapo ko ang umbok niya na tigas na tigas na.
"Magpahinga na tayo." Sabi ko noong magmarka ang hickey sa dibdib niya at kita ko sa reaksyon niya ang pagkabitin.
"Bitin naman eh. Pinatigas mo lang, hindi mo naman ginatasan!" Reklamo niya kaya naman siniko ko siya sa tiyan.
"Ang dami mong alam. Masakit pa ang butas ko kakakantot mo kagabi tsaka kanina. Bukas na lang bago ako pumasok." Sabi ko at tumakbo ako papasok sa kwarto pero hindi siya sumunod kaya naman naghubo't-hubad ako sa ilalim ng kumot at noong tumabi siya sa akin ay gulat na gulat siya na hubo't-hubad ako.
"Akala ko ba---." Hindi ko na siya pinatapos ng nais niyang sabihin dahil tinakpan ko ang kaniyang bibig ng kamay ko at sumampa ako sa dibdib niya at unti-unti kong binaba ang kaniyang boxer shorts at nilagyan ko ng pampadulas ang butas ko at ganoon din ang kaniyang kahabaan at isang mahabang ungol ang pinakawalan niya noong maipasok niya ang kahabaan niya sa butas ko.
Hindi namin alam ang bukas na naghihintay sa amin kaya habang nasa kasalukuyan pa kami ay sinasamantala na namin ang masasaya naming oras dahil baka bukas ay sampalin na naman kami ng problema. Sa ganitong paraan naming gustong tumakas sa katotohanan.
Itutuloy…
HSH SEASON 3: PART 51
HALIK SA HANGIN PART 51: PARTNER
ZIDERICK
ISANG hapon matapos ang aming last class ay nagpaalam agad sa akin si Danny dahil may lakad daw sila ng nobya niya kaya naman napakamot na lang ako sa ulo habang naglalakad ng naka-hoodie sa hallway ng aming department. Nasa ganoong estado ako ng aking paglalakad noong makita ko si Jerico na may hawak na box at iniabot niya iyon kay Jepoy.
"Ako mismo ang nag-bake niyan. Sana magustuhan mo," sabi ni Jepoy at kinuha iyon ni Jepoy at sabay silang naglakad papunta sa direksyon ng men's dorm.
Hindi ko alam na nagkakamabutihan na nga pala talaga sila ni Jerico at natutuwa akong tingnan silang dalawa. Bagay na bagay. Isang seryoso at tahimik na lalaki tapos isang outgoing na tao.
Tatawagin ko pa sana sila pero hindi ko na iyon ginawa dahil ayokong manira ng momentum kaya naman agad akong naglakad sa parking area ng campus at pinatakbo ko agad ang sasakyan ko papunta sa sinabi ni Generson na lokasyon. May sasabihin daw kasi siya sa akin kaya naman tinumbok ang daan patungo roon.
Pagbaba ko ay nagsuot ako agad ng facemask at ibinaba ko rin ang hoodie ng aking jacket at tinumbok ko ang unit rooftop ng naturang building. Medyo may kataasan ang building kaya naman noong marating ko ang tuktok o ang rooftop ay nakita ko ang isang simpleng swimming pool at may ilang mga tao ang nandoon at wala silang pakialam sa'kin.
Sa 'di kalayuan ay nakita ko si Generson at agad akong umipo sa tapat niya.
"Zide..." ingon ang bungad niya.
"Ano pala 'yong gusto mong sabihin?" Tanong niya.
"Masama ba kapag sinabi ko sa'yo ngayon na may partner na ako?" Tanong niya at nagpanggap akong nagulat ako pero hindi ko rin naman tinagalan.
"Okay lang. Basta kung saan ka masaya ay doon na rin ako," wika ko at hinawakan niya ang kamay ko.
"Sorry uli, Zide.. pero minahal talaga kita. Hindi iyon biro," aniya at tinapik ko ang kamay niya.
"Gaya ng sabi ko, Gen... okay lang. Basta ba mahal mo 'yan eh. Hindi kita pipigilan o hahadlangan sa gusto mo. So... friends?" Tanong ko sa kanya at kinuha niya ang aking kamay na nakalahad sa kaniya.
"Friends!" Aniya at parehas kaming natawa.
"Balot na balot eh," sabi niya.
"Artista tayo kaya kailangang itago natin ang sarili natin sa madla. Alam mo naman siguro 'yon," sabi niya at nakita kong may lalaking papalapit sa amin at kung hindi ko nagkakamali ay si Jerico iyon.
"Babe!" Tawag niya kay Jerico na agad lumapit sa amin.
"Babe!" Singhal niya at umupo ito sa tapat ko.
"Zide, siya 'yong sinasabi ko sa'yong partner ko," sabi niya at nagulat kami parehas doon kaya naman binaba ko ang aking hood at face mask na ikinagulat niya.
"Zide?" Aniya at tila ba namutla siya noong makita ang mukha ko.
"Kailan pa kayo?" Tanong ko sa kanila.
"Teka, Babe, kilala mo si Zide?" Tanong ni Generson.
"Oo." Sabi ko. "Hindi," iyon naman ang sagot niya.
"I mean, oo. Sino bang hindi makakakilala kay Zide?" Sabi pa ni Jerico na halatang tensionado at intimidated sa hitsura ko.
"Sabagay," sabi naman ni Generson.
"Guys, mauna na ako," pagpapaalam ko sa kanila.
"Wait, Zide, meryenda muna tayo!" Tawag ni Generson at sumagot naman ako.
"May lakad pa kasi ako, Gen. Next time.." sabi ko at nagmadali akong sumakay sa elevator at akmang magsasara na ang elevator noong biglang pumasok si Jerico.
"Zide.." sabi niya noong nagsara ang elevator kaya naman matapos niya iyong sabihin ay sinampal ko siya ng isa sa pisngi.
"Magpapaliwanag ako, Zide," sabi niya.
"Nilalandi mo ang bestfriend ko tapos may partner ka na palang artista. Anong tingin mo kay Jepoy, joke?" Tanong ko sa kanya.
"Kasi.." hindi ko na siya pinatapos ng sasabihin.
"Kasi gusto mong mamangka sa dalawang ilog ng sabay, Jerico! Maayos ang turing namin sa'yo lalo na si Jepoy tapos malalaman ko na jowa mo si Generson?" Sabi ko at dinuro ko ang kaniyang noo.
"Sorry, Zide." Aniya.
"Huwag ka sa'kin mag-sorry, Jerico. Kay Jepoy ka mag-sorry. Kanina lang nag-abot ka pa ng box ng cupcakes kay Jepoy tapos malalaman ko na pinapatalon mo kami lahat sa patag. Loko ka pala eh!" Napasigaw na ako dahil sa inis at nagmakaawa pa siya sa akin.
"Please... huwag mong sasabihin kay Jepoy." Aniya kaya natawa ako.
"Sana bago mo sabihin 'yan, naging matino ka munang tao. Lakas mo ring manggago eh!" Singhal ko.
"Pero mahal ko talaga si Jepoy!" Aniya.
"Tapos mahal mo rin si Generson?" Singhal na tanong ko kaya naman hindi siya nakaimik.
"Isa-isa lang, boy. Kaya hindi tayo nirerespeto ng nakararami kasi wala tayong respeto sa sarili natin, alam mo ba 'yon? Nakakahiya ka!" Sabi ko.
"Hihiwalayan ko na si Generson," sabi niya.
"Naging kami lang naman kasi pinagbantaan niya akong ikakalat niya yong video scandal namin kung saan lasing na lasing ako at hindi ko alam ang may mangyayari sa amin," paliwanag niya pero hindi ko alam kung maniniwala ako.
"Sige na, Jerico. Balikan mo na si Generson sa taas." Sabi ko at pagbukas na pagbukas ng elevator ay nagmadali akong dumiretso sa sasakyan ko at tinumbok ko ang kahabaan ng kalsa at ilang minuto ako na-stranded sa traffic bago ko narating ang dormitory.
Pagpasok ko sa gate ay hinarang pa ako ng guard dahil gabi na pero noong pinakita ko ang aking i.d ay nagpa-picture pa siya sa akin at hinatid niya pa ako sa men's dorm kung saan nagtatawanan sina Arkin, Danny at Jepoy.
"Tanga, si Jerico talaga 'yong kumain no'ng may amag na siopao." Wika ni Arkin na malakas ang tawa.
"Loko!" Sabi naman ni Jepoy at napatingin sila lahat sa akin at nagtatakbo sila papalapit sa akin.
"Ziderick!" Anila at niyakap nila ako maliban kay Jepoy na tumutok lang sa kaniyang cellphone at manggang kinakain.
"Kumusta rito?" Tanong ko sa kanila.
"Okay naman. Miss ka namin dito." Sagot ni Arkin.
"Kaya nga, Zide. Sleepover ka na dali!" Sabi naman ni Danny.
"Jepoy, parito ka dali!" Sabi naman ni Arkin kaya naman tumayo si Jepoy.
"Magbati na nga kayo ni Zide! Ang korni niyong dalawa eh!" Sabi ni Arkin at itinulak niya pa ako kay Jepoy kaya napasubsob ako sa likod ni Jepoy at nagtawanan silang dalawa. Nakitawa na rin ako at ganoon din si Jepoy. Mayamaya ay pinisil ko ang matangos niyang ilong at inagaw ko ang kinakain niyang mangga.
"Akin 'yan!" Sabi niya at pinisil ko pa ng isa ang ilong niya.
"Pakialam ko?" Sabi ko sa kanya.
"Zide, attitude ka?" Tanong ni Danny.
"Danny, epal ka ng taon. Nagbabati na 'yong dalawang mag-bestfriend eh. Susko ka! Liit liit naman ng titi mo!" Pang-asar ni Arkin kaya naman nahampas siya ng una ni Danny.
"Tama na nga 'yan," puna ko sa kanila at kumagat uli ako ng mangga na sinawsaw ko sa asin.
"Dito ako matutulog, guys." Sabi ko.
"Pero apat lang ang higaan dito," sabi ni Jepoy.
"Eh 'di tabi kayo ni Zide. Utak ubo ka rin Jepoy minsan eh," puna ni Arkin kaya natawa ako bago ko siya suntukin ng isa sa tiyan.
Hindi siya naka-react agad lalo na't napayuko siya samantala, tawa naman ng tawa si Arkin at Danny na walang ginawa kundi mang-asar.
"Ang sakit no'n, Zide!" Puna niya at akmang susuntukin niya rin ako nang yakapin ko siya.
"Witwiws!" Sabi ni Arkin.
"Ang sweet, shuta!" Sabi naman ni Danny.
"Tumahimik nga kayo!" Puna ni Jepoy na yumakap na rin sa akin.
"Sorry, Poy. Miss na miss na kita," sabi ko at naramdaman kong mas humigpit ang yakap niya sa akin.
"Zide, sorry din," sabi niya at ako naman ang yumakap ng mahigpit sa kaniya.
"Okay, cut!" Sigaw ni Danny kaya napigil ang luhang bumabaybay sa pisngi ko.
"Tang ina ka, Danny! Panira ka ng moment!" Sabi ni Arkin na nakiyakap na lang sa amin na sinundan ni Danny kaya halos magtaob kaming apat sa sahig at tawanan kami.
"Na-miss ko tuloy si Roniel!" Sabi ni Danny.
"Kasi wala ng nakakakita sa'yong magsalsal sa gabi?" Patutsada ni Danny.
"Loko ka!" Sabi ni Arkin at doon kami nagtawanang lahat. Hindi pa lang ako makakuha ng tiyempo para sabihin kay Jepoy ang nalalaman ko tungkol kay Jerico dahil baka isipin niyang sinisiraan ko si Jerico sa kanya.
PAGLALIM ng gabi ay saglit kaming naiwan ni Sky dahil si Arkin at Danny ang pinakuha ko ng pina-deliver naming pagkain sa gate ng campus.
"Kumusta kayo ni Jerico?" Tanong ko bigla sa kanya habang magkaharap kami sa kama.
"Okay naman. Linggo-linggo akong kinukulit at dinadalan ng pagkain." Sabi niya.
"Hmm. Gusto mo ba siya?" Tanong ko at napalunok siya ng malaki at kitang-kita ko iyon.
"Hindi. May iba akong gusto," sabi niya sabay tingin sa akin.
"Buti naman kung ganoon. May boyfriend na si Jerico. Artista. Generson ang pangalan," sabi ko na ikinagulat niya.
"Paano?" Tanong niya.
"Akala ko ba ay hindi mo gusto?" Tanong ko.
"Kasi araw-araw niyang sinasabing mahal niya ako tapos gaya ng sabi ko, Linggo-linggo niya akong binibigyan ng pagkain tapos malalaman kong may boyfriend na pala siya?" Aniya.
"Naniniwala ka ba sa'kin?" Tanong ko bigla.
"Oo naman! Kaibigan kita eh!" Aniya at lumapit ako sa kanya bago ko siya tapikin sa balikat.
"Layuan mo si Jerico, ha? Ayokong may naglalaro sa feelings mo," sabi ko.
"Ikaw lang naman 'yon," sabi niya kaya nagulat ako.
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko.
"Wala. Ikaw lang naman 'yong gusto ko noon pa," bigla niyang singhal kaya natameme ako paharap sa kanya.
"Huwag kang magbiro ng ganyan, Poy. Paniwalain ako." Sabi niya.
"Hindi ko kayang magsinungaling tungkol sa nararamdaman ko pero hindi mo naman kailangang suklian ang feelings ko kasi alam kong may nagmamay-ari na sa'yo. Too late, duwag akong sabihin sa'yo noon na mahal kita," aniya bigla at natigil lang ang usapan namin noong narinig namin ang yapak ni Arkin at Danny.
Bakit ganito ang halik ng hangin?
Iyon na lamang ang naitanong ko dahil imbes na siya ang masurpresa sa sinabi ko ay mukang ako pa itong nasurpresa sa sinabi niya.
Ayoko na ng halik sa hangin na samahan kaya isasaksak ko sa isip ko na kaibigan pa rin si Jepoy at hindi ko dapat isipin na may nararamdaman siya sa akin.
Itutuloy..
HSH SEASON 3: PART 52
HALIK SA HANGIN PART 52: HILING
ZIDERICK
SABADO ng umaga at nagising ako sa pagtama ng araw sa aking mukha. Medyo masakit din ang aking ulo dahil nag-inom kami kagabi pagkatapos naming kumain. Bagsak na bagsak pa rin si Arkin, Danny at Jepoy na nakayakap pa sa akin. Mayamaya pa ay narinig kong may kumakatok sa pintuan at tatayo na sana ako pero nauna sa akin si Arkin na nagpupungas-pungas pa habang naglalakad.
"Sino 'yan?" Tanong niya bago niya buksan ang pinto at boses pa lang ay kilala ko na kung sino iyon. Si Sky.
"Sky?" Tanong ni Arkin na gulat na gulat. Hindi ko tuloy alam ang gagawin ko kaya nagtulog-tulugan na lang ako.
"Lasing na lasing kami kagabi. Pasensya na. Minsan lang kami magkatuwaan," pagpapaliwanag ni Arkin.
"Naiintindihan ko." Sabi ni Sky at mayamaya ay hinawakan niya ako sa kamay.
"Zide, tara na! Uuwi na tayo! Lasenggo ka talaga!" Sabi niya kaya nagpanggap akong nagkukusot ng mata.
"Ba't ang ingay mo?" Tanong ko sa kanya.
"Ba't hindi mo'ko tinext kagabi para nasundo kita. Nakayakap ka pa kay Jepoy! Tara na nga!" Parang bata niyang utos kaya tumayo ako agad at dumiretso ako sa banyo para maghilamos at magmumog.
"Ano, masakit ang ulo mo?" Sabi ni Sky habang naghihilamos ako sa banyo.
"Pakialam mo?" Pang-aasar ko.
"Pakialam ko?" Sabi niya at iniharap niya ako sa kanya.
"Alalang-alala kami ni Zy sa'yo tapos iyan lang sasabihin mo. Hindi kami nakatulog ng ayos kakaisip kung nasaan ka. Hmm!" Aniya kaya naman pinisil ko ang pisngi niya.
"Kalma! Huwag ka ngang magpa-cute riyan. Nakakahiya sa kanila." Sabi ko pa.
"Wala naman akong pakialam sa sasabihin ng iba kaya bilisan mo na at naghihintay na si Zy sa kotse." Sabi niya kaya natawa ako bago ko siya halikan sa ilong ng isa.
Nagpaalam ako ng ayos sa kanila bago kami lumabas ni Sky ng kwarto at talagang binilisan namin ang paglalakad dahil nagluto raw siya ng almusal sa condo unit ko.
"Sige na, mauna ka na. Sa kotse ko ako sasakay," sabi ko sa kanya at umangkla pa ako sa bintana ng sasakyan niya at hinalikan ko siya ng isa sa labi.
"Safe driving, ha?" Sabi niya at nagmadali na akong sumakay sa sasakyan ko.
Matapos ang halos twenty minutes na byahe ay nagmadali akong pumasok sa aking unit kung saan nakaupo na si Sky at kalong niya si Zy.
"Fried rice tapos itlog, bacon at longganisa. Kain na tayo!" Sabi niya kaya naman pinaghinaw ko siya ng kamay dahil hawak niya si Zy kanina.
Natural kay Sky ang pagiging sweet pero iba ang level ng sweetness niya ngayon. Nakakataba ng puso. Sino ba namang hindi nangarap na ipagluto ng lalaking kasing gwapo ni Sky? Literal na dadalin ka niya sa langit gamit ang charisma niya.
"Tama na ang titig sa muka ko. Kumain ka muna at tinitigasan ako sa'yo." Sabi niya kaya nasamid ako.
"Bastos!" Sabi ko.
"Bastos daw eh. Ikaw pa nga ang nangangalabit sa'kin sa gabi kapag tulog ako," pang-aasar niya kaya napalabi na lang ako.
"Maligo ka na!" Sabi niya ng akmang yayakap ako sa kanya mula sa likod. Kakatapos lang kasi naming kumain.
"Damot! Para yakap lang eh!" Sabi ko at nagmartsa ako papasok sa loob ng banyo.
KASALUKUYAN akong nakahiga katabi si Sky at nakayakap ako sa kanya noong biglang pumasok si Tito Arman hawak ang kaniyang baril at itinutok niya iyon kay Sky at akmang tatawagin ko pa lamang ang pangalan niya nang bigla niya iyong kalabitin at dalawang magkasunod na putok ang tumama kay Sky na nagsisumula ng tagasan ng dugo kaya napasigaw ako.
"Sky!" Sigaw ko at nagulat ako noong tapikin ako ni Sky sa balikat bago ko siya yakapin.
"Okay ka lang ba? Mukang masama ang pakiramdam mo. Huwag ka ng matakot, nandito lang ako," sabi niya bago niya punasan ang luhang pumapatak mula sa aking mga mata.
"Dito ka lang, Sky." Sabi ko at pinainom naman niya ako ng tubig pampakalma.
KINABUKASAN ay naging busy ako sa paggawa ng aking mga paper works at pagkumpleto ng ilang templates sa portfolio ko dahil malapit na ang midterm exam namin. Hindi ako ginugulo ni Sky dahil busy siya sa pagkakabisa ng script dahil malapit na ang simula ng aming shoot.
Tanghali na noong matapos ako sa ginagawa ko at nagpa-deliver na lang siya ng pagkain dahil wala kaming time magluto. Matapos naming kumain ay nagpaalam siya na may aasikasuhin lang siya ng manager niya kaya naman naisipan kong mamili ng ilang pagkain sa Super Market at akmang sasakay pa lang ako ng aking sasakyan noong biglang may nagtakip ng ilong ko at sa hindi ko mawaring dahilan ay nahilo ako bigla at nawalan ako ng malay-tao.
Pagmulat ko ng aking mata ay natagpuan ko ang aking sarili na nakatali sa isang higaan at sobrang higpit ng pagkakatali sa dalawa kong kamay at paa. Medyo masakit pa ang aking ulo pero klarong-klaro na na-kidnapped ako.
"Tulong!" Sigaw ko pero walang nakarinig sa akin dahil walang sumagot. Mayamaya pa ay napagod ako kakasigaw at narinig ko ang usapan sa labas ng kinaroroonang kong gusali.
"Anong gagawin natin kay Ziderick? Artista 'yan, pre! Mali ang nadakip nating tao!" Sabi ng isa.
"Nandiyan na 'yan kaya wala ng atrasan." Sabi ng isa at kita kong bumukas ang pinto at lumapit sila sa akin.
"Sino kayo? Bakit ako nandito? Anong kailangan niyo sa'kin?" Sunod-sunod na tanong ko sa kanila.
"Hindi na mahalag kung nasaan ka. Basta hihintayin namin si boss," sabi ng isang lalaking matangakad na may hithit na sigirilyo.
"Ngayon, tumahimik ka lang. Iyon lang ang nais namin," sabi naman ng isa kaya sumigaw ako.
"Pakawalan niyo ako!" Sigaw ko kaya naman nagpanting ang tenga nila.
"Sabi ng tumahimik ka eh!" Sigaw ng isa at binigwasan niya ako ng isa sa tiyan kaya napayuko ako ng bahagya.
"Sample pa lang 'yan," sabi ng isang sumuntok sa akin. Maigi kong tinandaan ang kaniyang mukha at height. Sa palagay ko ay nasa 5'9 siya gaya ko at may kaitiman ang kaniyang balat at may hikaw siyang malaki sa kanang tenga.
"Anong tinitingin-tingin mo riyan?" Sabi ng isang lalaki na binugahan ako ng usok sa muka kaya napaubo ako sa dalawang dahilan. Una ay dahil sa amoy ng usak at pangalawa ay dahil sa amoy ng hininga niyang hindi kaaya-aya.
"Pakawalan niyo ako rito. Magkanong kailangan niyo? Ibibigay ko!" Sabi ko sa kanila.
"Hmm. Ten million!" Sabi ng isa.
"Mali, 20 million!" Sabi naman ng lalaking bumuga ng usok sa muka ko.
"Ibibigay ko 'yong gusto niyo basta pakawalan niyo lang ako rito." Sabi ko pero tumawa lang sila.
"Hindi pa kami nahihibang para gawin 'yon. Malalagot kami kay Boss 'pag nagkataon," sabi ng lalaking ka-height ko.
Mayamaya pa ay narinig kong may sasakyang pumarada sa 'di kalayuan at gulantang na gulantang ako noong makita ko si Tito Arman na papasok sa kinaroroonan ko.
"Tito Arman?" Sabi ko at gulat na gulat ang dalawa noong tawagin ko ang pangalan ni Tito.
Ilang hakbang ang kaniyang ginawa bago lumapit sa kinaroroonan namin.
"Boss---," hindi na nila natapos ang kanilang nais sabihin dahil binigyan sila ng 'tig isang sapak ni Tito Arman.
"Mga bobo ba kayo? Ang utos ko ay ito ang dakipin niyo at hindi ang isang 'yan!" At pinakita niya ang larawan ni Sky kaya naalarma ako.
"Boss, pasensya na. Mailap kasi ang isang 'yan." Paliwanag ng isa at akmang magsasalita pa siya nang sampalin siya muli ni Tito Arman.
"Kalagan niyo 'yan!" Utos niya sa dalawa at nanghina ako noong makalagan nila ako.
"Tito, anong plano niyo kay Sky? Bakit niyo 'to ginagawa?" Tanong ko sa kaniya.
"Tuturuan ko lang ng leksyon ang anak ko. Huwag kang mag-alala, hindi kita idadamay sa galit ko bilang pangako ko sa iyong ina," sabi niya kaya naman napaluhod na lang ako at nag-iyak sa harapan niya.
"Tito, please... tigilan niyo na kami ni Sky. Wala naman ho kaming ginagawang masama," pagsusumamo ko.
"Marami akong pangarap para kay Sky. Gusto kong sundan niya ang yapak ko. Hinayaan ko na siyang mag-engineer pero hindi ko hahayaang masira ang buhay niyo dahil lang sa letseng pagmamahalan niyo na 'yan!" Aniya.
"Tito, hindi ba't sumosobra na ata kayo? Ano ho bang gusto niyong gawin ko para lang tigilan niyo na kami ni Sky?"
"Hiwalayan mo si Sky. Iyon lang ang hiling ko," aniya kaya napalunok ako bago ko siya tingnan ng mata sa mata.
"Kung iyan ang gusto niyo ay gagawin ko, Tito Arman. Basta tigilan niyo lang si Sky at huwag na huwag niyo siyang sasaktan dahil anak niyo siya!" Sabi ko at napangiti naman siya ng malaki.
"Kung iyan ang gusto mo, Zide. Makakaasa ka basta gawin mo lang ang parte mo," sabi niya kaya naman napatango na lang ako at napahagulhol ako ng malakas noong makalabas ako sa naturang abandunadong resthouse.
"Sky, sorry!" Iyon lang ang nasabi ko at lantang gulay akong bumiyahe pabalik sa aking condo unit kung saan nakita kong nakahubad si Sky na nag-aayos ng kaniyang pinamili.
"Uy, nandiyan ka na pala!" Sabi niya kaya ngumiti ako ng malaki para hindi niya halatang may dinadala ako.
"Kanina ka pa?" Tanong ko.
"Kararating-rating ko lang. Medyo pinagkaguluhan kasi ako sa mall kanina habang namimili kaya natagalan ako. Ikaw ba, saan ka galing?" Aniya.
"Nagpunta lang ako sa isa sa mga kaklase ko. Birthday," pagsisinungaling ko.
"Hmm. Mukang napagod ka. Pahinga ka na muna ako na rito," sabi niya at napahawak na lang ako sa likod ko bago ako nagsalita.
"Sige, shower lang muna ako," paalam ko sa kaniya at nagmadali akong pumasok sa shower at doon ko inilabas lahat ng bigat sa dibdib ko.
Pesteng buhay 'to! Kailangan na naman naming magkalayo ni Sky at para mangyari 'yon ay dapat ko siyang hiwalayan.
Sa lahat ng hiling na narinig ko, ang gusto ni Arman ang pinakakinaiinisan ko.
"Putang ina!" Halik ko sa hangin.
Itutuloy….
HSH SEASON 3: PART 53
HALIK SA HANGIN PART 53: AYOKO NA
ZIDERICK
HINDI ako pinatulog ng isip ko dahil tumatakbo sa isip ko kung hihiwalayan ko ba si Sky o hindi. Kapag kasi nagpatuloy pa ang relasyon namin ay baka mas mapahamak lang siya lalo. Napahamak na ako kahapon at halos ma-trauma ako dahil doon pero hindi ko iyon maikwento kay Sky dahil ayokong mag-alala siya sa akin kaya naman pagkatapos na pagkatapos naming mag-umagahan ay tumayo ako.
“Huwag mo na akong ihatid, Sky,” malamig kong tugon sa kanya.
“Bakit? May problema ba, Zide?” Tanong niya at umiling ako. “Pagdating mo kahapon ay ganyan ka na. Tell me, may problema ka ba?” Tanong niya pa at hinawakan niya ang kamay ko.
“Hmm. Wala naman.” Sabi ko at ginamit ko ang natutunan ko sa pag-aartista ko para ngumit ng todo.
“Wala ba talaga, Zide?” Aniya.
“Naisip ko lang na pagod na akong magpanggap na mahal kita, Sky,” pagsisinungaling ko.
“Anong sinabi mo?” Tanong niya.
“Pagod na’kong magpanggap na mahal kita, Sky.” Sabi ko at bumuntong hininga ako.
“Tell me, nagbibiro ka lang. Hahaha! Effective!” Aniya pero hindi ako tumawa.
“Hindi na talaga kita mahal, Sky. Noong dumating ka, kala ko mahal pa kita pero habang tumatagal na magkasama tayo, nasasakal na’ko. Ayoko ng lokohin ang sarili ko, Sky. Ayoko na. Tapusin na natin ’to!” Sabi ko at hindi siya makapaniwala dahil yumakap pa siya sa akin ng mahigpit.
“Zide, alam kong nagbibiro ka lang.. tama ako, ’di ba?” Aniya at yumakap siya sa tuhod ko kaya napapikit ako saglit.
“Tumayo ka d’yan, Sky. Huwag mo ng pahirapan ang sarili mo,” sabi ko.
“Zide, ang layo na ng narating natin… ngayon mo pa ako iiwan sa ere?” Sabi niya kaya natahimik ako.
“Pinaglaban kita kay Papa, ginawa ko ang gusto mo. Binalikan kita kasi pangako natin sa isa’t-isa na hindi na tayo maghihiwalay tapos ngayon sinasabi mong ayaw mo na…” pumiyok siya. “Zide, mahal na mahal kita, alam mo ’yan!” At pumatak ang luha na nagmumula sa kaniyang mga mata.
“Noong umalis ako, umasa akong may babalikan akong Ziderick na mahal na mahal ko. Nadatnan nga kita, nagka-ayos tayo pero parang iniwan mo ako sa ere bigla, Zide. Nandoon na tayo eh. Pinaglalaban na natin ang isa’t-isa eh. Sa sex ba? Mas gagalingan ko pa! Sa ugali ko ba? Tell me? Anong dapat kong gawin para lang hindi ka mawala sa’kin, Zide?” Madamdaming pagsasalaysay niya habang umiiyak.
“Wala, Sky..” muntikan na akong pumiyok.
“Luluhod ako sa harap mo, Zide…” at lumuhod nga siya. “Huwag mo naman akong iwan, Zide. Mahal na mahal kita!” Umiiyak na sigaw niya habang nakaluhod at nakayakap sa paa ko.
“Sky, tumayo ka d’yan. Huwag mo ng pahirapan ang sarili mo.” Sabi ko at ngayon pa lamang ay pinagsisisihan ko na ang ginawa ko dahil mas dobleng sakit ang nararamdaman ko ngayon. Ang hirap makitang umiiyak ni Sky at nagmamakaawa ngayon sa akin at ako pa ang dahilan no’n pero mas masakit kapag wala akong ginawa para protektahan siya.
“Zide naman!” Sigaw niya.
“Sky! Huwag mo na akong pahirapan! Tumayo ka na d’yan. Sinabing hindi na kita mahal eh!” Sigaw ko.
“Zide, mahal na mahal kita! Plese… stay with me,” aniya at malapit na akong bumigay lalo na noong lumapit si Zy sa kaniya.
“Sky, last na’to. Ayoko na!” Sabi ko at kitang-kita ko kung paano siya tumingin ng nagmamakaawa, nagsusumo at para bang sinasab niyang huwag kong gawin ’to.
“TANG ina ka, Zide!” Sabi ni Arkin habang umiiyak ako sa harapan nilang tatlo nina Danny at Jepoy.
“Anong gagawin ko? ’Yun lang ang kaya kong gawin para kay Sky!” Singhal ko at tinapik nila ang balikat ko. Nandito kami ngayon sa rooftop ng Architecture building at kinuwento ko sa lahat mula sa pagkaka-kidnap sa akin kahapon, sa hiling ni Tito Arman, hanggang sa hiwalayan namin kaninang umaga.
“Arkin, huwag mo ngang murahin si Zide. Tangang ’to! Kita mo ng nahihirapan ’yong tao eh. Ikaw kaya malagay sa sitwasyon niya? Anong pipiliin mo?” Ani Danny.
“Baka magpakamatay na lang siguro ako,” sagot ni Arkin.
“Ssshhh!” Puna ni Jepoy na nag-iisip.
“Sobrang manipulative pa rin pala ng step father mo, ’no? Biruin mo, sarili niyang anak, ipapadakip niya para lang bigyan ng leksyon? Ang gulo niyang tatay!” Kumento ni Danny.
“Iyan ang hirap sa mga nasa katungkulan sa gobyerno eh! Takot na takot masira ang reputasyon nila marurumi naman na talaga,” sabi naman ni Arkin.
“Sang-ayon ako sa sinabi niyong dalawa. Naisip ko rin na baka panahon na para bumawi ako sa’yo, Zide.” Sabi ni Jepoy at humarap ito sa akin.
“Anong ibig mong sabihin?” Tanong ni Arkin.
“Let’s play some game against them,” pag-i-english nito.
“Anong game?” Tanong ni Danny.
“Ignoring game,” sagot ni Jepoy.
“Ano ’yon?” Tanong naman ni Arkin.
“Sabi nila para makalimot ka sa sakit huwag mo na lang daw pansinin. Ignore the pain at ngumiti ka lang. Hindi ba nga madalas nating nababasa sa internet ang katagang “fake it until you make it”… siguro ay ganoon din ang dapat mong gawin Zide. Mahirap kalabanin ang magulang mo. Maimpluwensya, mapera at makapangyarihan. Ikaw, pera at popularidad lang ang mayroon ka. Wala kang laban,“ makahulugang kumento ni Jepoy kaya naman inisang lagok ko ang iniinom kong tubig at napaisip akong tama siya.
“Zide, tama si Jepoy. Siguro, iyon ang pinakamagandang gawin mo ngayon. Focus ka muna sa study at sa career mo bilang artista. Huwag mong hayaang sirain ka ng emosyon mo. Nandito lang kami,” sabi ni Danny.
“Korni ’to pero tama sila, Zide. Putang kasi niyang tito Arman mo eh.” Sabi ni Arkin.
Marami pa silang payong ibinigay sa akin at halos matorete ako sa sakit ng dibdib ko.
Iniisip ko kung nasaan na kaya si Sky ngayon. Kumusta ba siya. Anong nararamdaman niya. Anong ginagawa niya. Nakakabaliw isipin.
ISANG matapos ang hiwalayan namin ni Sky ay inihanda ko ang sarili ko para unang araw ng aming taping. Ready na ang lahat busy ako sa pagbabasa ng script ko habang inaayusan ako ni Cris. Medyo pinatanda ang hitsura ko ng konti dahil mature ang unang scenario.
“Ready na raw po sabi ni Direk!” Sabi ng isa sa mga assistant ni Director Jang kaya naman mabilis kaming lumabas sa kinaroroonan namin at nakita ko pa si Sky at nagkatitigan kami ng mata sa mata.
“Okay lights! Camera! Action!” Sigaw ni Direk na halos malagot ang litid sa pagsigaw ng bawat salita na lumabas sa kaniyang bibig.
Naka-focus sa akin ang camera at maigi kong tiningnan ang kabuuan ng aming unit ni Zhang Nan at inisip ko lang na nagloko ito 3 days ago kaya naman nag-emote ako at nasa ganoong posisyon ako nang dumating si Zhang Nan (Sky). Nagtanggal ng coat si Zhang Nan (karakter ni Sky) at pagod na pagod itong naupo sa sofa at pinanood ko lang sila bago ako tumayo at tumingin sa relos na nakasabit sa pader ng aming unit.
“Pagod ako maghapon sa trabaho,” walang ganang singhal ni Sky.
“Naligo ka?” Sabi ko at tumitig naman ako sa kanya.
“Nagpunta kami sa spa ng mga katrabaho ko… nagpa-massage kami,” aniya habang nakapikit kaya naman nilabas ko ang cellphone pinlay ko ang usapan namin ng isa sa mga katrabaho niya thru call.
Nakailang scenario pa kami kaya naman napapalakpak si Direk Jang sa amin noong matapos kami.
“Perfect kayo, Sky at Ziderick!” Pagpuri nito sa akin.
“May pinagdadaanan ba kayo?” Tanong niya sa amin at sabay kaming umiling.
“Grabe ’yong emotion niyo sa bawat tagpo! Sobrang nakakaantig!” Sabi pa ni Direk Jang kaya napangiti na lang ako dahil nag-play sa utak ko ’yong senaryo namin kanina kung saan naka-harap ako sa transparent na salamin habang nag-se-sex kami at nabasag ang basong naka-display. Sobra kasi ’yong emosyo niya ro’n.
“Zide, tara na, wuy! Kanina ka pa tulala d’yan!” Sabi ni Manager Kim kaya napayuko na lang ako at nagyaya pa si Manager Kim na kumain kami sa labas nina Cris pero hindi ako sumama.
“Bernadeth sa’yo, Zide. Kanina ka pa lutang. May problema ba?” Tanong ni Cris noong makalabas kami ng dressing room.
“Wala. Okay lang ako. Pagod lang siguro sa school. Graduating eh,” pagpapalusot ko.
“Kipay mo, square! Basta mag-ingat ka, ha? Boss pa rin kita kaya dapat mag-ingat ka. Wala akong ipapalamon sa jowa kong jutay,” sabi pa niya kaya natawa ako.
“Loko ka!” Natatawa kong sagot. “Mister Kim, Cris, mag-ingat kayo!” Sabi ko at saktong ako na lang ang nasa parking area nang makita ko si Sky na papunta sa sasakyan niya. Para itong lantang gulay na naglalakad kaya naman nagpasya akong sundan ang sasakyan niya.
Tuloy lang ako sa pagsunod sa kaniya at ilang minuto lang ay nakita ko siyang tumigil sa dati niyang tinirahan noong dito pa siya nag-aaral. Nag-park siya sa labas at kitang-kita ko na iyon ang bahay kung saan kami madalas tumatambay dalawa.
Nag-park ako sa ’di kalayuan at mayamaya ay lihim akong sumilip sa bintana at kitang-kita kong nakayakap siya sa picture frame kung saana nakalagay ang una na naming larawan na magkasama. Iyon ay noong gabi ng freshmen night namin.
“Zide, ang daya mo eh,” sabi niya.
“Akala ko ba ayaw mo na ng iwanan? Bakit bigla ka na lang nawalang ng pakialam sa’kin? Wala na ba talaga, Zide?” Aniya habang umiiyak kaya naman napatakip ako ng bibig ko habang umiiyak.
Ilang minuto siyang umiyak ng umiyak habang kausap ang larawan naming dalawa at nakita kong nakailang bote na pala siya ng alak at halos isang oras na rin pala akong nanonood sa kaniya kaya hindi ko na napigilang hindi siya puntahan lalo na noong mapahiga siya sa sahig.
“Zide?” Tanong niya noong lumapit ako sa kanya.
“M-malabong ikaw si Zide, ’yung mahal na mahal ko..” aniya na humihikbi pa.
“Ako nga ’to, si Ziderick!” Sabi ko.
“Si Ziderick ka? Eh ’di hindi mo rin ako mahal? Magkapangalan pa kayo ng baby ko. Mahal na mahal ko ’yon eh,” nauutal niyang wika habang umiiyak kaya naman mas naiyak ako na nakikita ko siyang ganito.
“Alam mo, mahal na mahal ko ’yon si Ziderick..hik..” nasinok siya. “Kaso, hindi na niya raw ako mahal!” Aniya at napahawak na lang ako sa kanya at inalalayan ko siya papunta sa kwarto niya at nilinisan ko siya ng katawan dahil amoy na amoy ko ang alak sa kawatan niya. Mula sa damit, underwear at shorts at pinalitan ko at matapos ko iyong gawin at hinalikan ko siya ng malalim sa labi at pinanood ko siyang natutulog. Napapaisip din tuloy ako kung tama bang saktan ko ng ganito si Sky gayong mahal na mahal ko siya at mahal na mahal niya rin ako.
“Sky, sorry. Ayokong makita kang nagkakaganito kaya ingatan mo ang sarili mo,” sabi ko bago ko lisanin ang kwarto niya. Nilinis ko na rin ang salas at lababo para bukas ay hindi na siya mag-abala pang maglinis. Malamang sa malamang ay may-hangover siya bukas kaya nagluto na rin ako ng lugaw na pwede niyang iinit bukas.
Minsan ang hirap ng ganito at hindi sapat ang salitang ayoko na para matumbasan ang hirap na dinaranas namin ni Sky ngayon.
Ako na piniling bumitaw para protektahan siya at siya naman na pinipilit kayanin ang pagbitaw ko sa kaniya.
Muli pa akong napatingin sa bahay ni Sky at sinara ko rin ng ayos ang gate bago ako lumabas.
“Sky, ang tanga ko na naman!” Sabi ko at sinabunutan ko sa sarili ko dahil imbes na siya ang hinahalikan ko at nagtityaga akong humalik muli sa hangin.
Itutuloy…
HSH SEASON 3: PART 54
Note: Paki-ready ng tissue niyo. Char!
(Papa Sky)
HALIK SA HANGIN PART 54: BIYAHE
ZIDERICK
PATULOY ang buhay namin ni Sky. Ako bilang civil engineering student habang si Sky na never ko ng nakitang ngumiti bago at after ng shooting namin simula noong binitawan ko siya. Marahil ay hindi ko siya masisisi dahil kasalanan ko rin naman lahat.
Palagi ko pa rin siyang sinusundan kaya kapag nasa set kami ay lagi ko siyang pinagdadala ng extra towel para sa pawis niya at extra packed lunch or kung ano mang pagkain na dala ko. Ayoko pa rin kasi siyang makitang nagpapabaya sa sarili kaya ginagawa ko ang makakaya ko pero isang gabi after ng shooting namin galing Baguio ay muli ko siyang sinundan at nakita niya akong papasok ng bahay niya kaya hinila niya ako papalapit sa kanya.
"Zide.." aniya.
"Sky, aalis na ako," sabi ko naman.
"Huwag muna. Dito ka muna." Pagsusumamo niya kaya hindi na ako pumalag. Niyakap niya ako ng mahigpit at parang bata siyang umiiyak habang nakayakap sa akin.
"Zide, bakit mo'ko ginaganito?" Pumiyok siya habang sinasabi ang mga katagang iyon.
"Hindi ko rin alam," sabi ko.
"Kung naaawa ka sa'kin, huwag mo na lang akong bigyan ng false hope na babalik ka pa, Zide. Alam mong mahal na mahal kita pero sana.. huwag mo naman akong ganituhin." Aniya sabay tingin sa mga mata ko.
"After ng shooting sinusundan mo ako para i-check kung okay lang ba ako. Pinapalitan mo ako ng damit. Inaalagaan mo ako. Pinagluluto ng pagkain bago ka umalis sa umaga. Zide... hindi kita maintindihan." Aniya.
"Wala na akong dapat sabihin, Sky. Ginagawa ko lang 'yon dahil magkapatid tayo," sagot ko.
"Bullshit!" Sigaw niya. "Naghalikan tayo. Nag-sex at lahat-lahat tapos sasabihin mo sa'kin na dahil magkapatid tayo?" Aniya at sinandal niya ako sa pader at pinunit niya ang damit ko at nagsimula siyang halikan ako ng marahas at hindi ko naman nagawang pumalag dahil gusto rin ito ng katawan ko. Ilang buwan ko na ba siyang nakikitang miserable? Halos isa't-kalahating buwan na rin pala.
"Sabihin mong ayaw mo, titigil ako, Zide." Aniya sandali pero hindi ako tumutol. Bagkus ay umiyak na lang ako at napaluhod sa kinatatayuan ko.
"Sky, pagod na pagod na ako," sabi ko.
"Pagod na pagod na rin ako, Zide," aniya at lumebel siya sa akin at nagsisigaw siya.
"Zide, mahal na mahal kita. Alam mo 'yan." Aniya at muli siyang umiyak at tumabi siya sa akin at hinilig niya ang ulo niya sa balikat ko.
"Sige, Zide, after ng last shoot natin next week, hindi mo na ako uli makikita," sabi niya bago niya ihagis sa akin ang isang shirt na isinuot ko agad bago ako lumabas. Hindi na ako sumagot sa sinabi niya pero para bang kinakabahan ako sa sinabi niyang iyon dahil para bang ay nais siyang ipahiwatig. O baka naman ako lang ang nag-iisip no'n? Siguro.
Buong Linggo ang lumipas at ginigol ko ang oras ko sa pag-aaral at pinipilit kong magpakatatag parati sa harap ng maraming tao lalo na kapag may guestings ako. Pinapakita ko na masaya ako, malakas at walang problema pero sa loob-loob ko ay durog na durog na ako.
Minsan, naisip ko na ring wakasan na lang ang buhay ko pero ang hirap no'ng gawin. Marami pa akong pangarap sa buhay.
"Zide, ready ka na?" Tanong sa akin ni Cris habang inaayos niya ang aking make-up. Ito na kasi ang last shooting namin at talaga namang matinding preperasyon ang ginawa ko dahil emosyonal ang bawat scene na isu-shoot namin. Hindi kasi happy ending ang story ng mga karakater na pinoportray namain. Nakakatawa lang na halos nakaka-relate ako kaya naman ibubuhos ko ang lahat.
"Ready na!" Sabi ko at ganoon na nga ang ginawa ko. Binigay ko lahat ng best ko sa scenario kung saan namamaalam kami ni Sky sa isa't-isa. Halos mapaluha rin si Direk, Cris at Mister Jang doon sa isang gilid.
"Binuhos ko lahat ng pangarap ko sa'yo... binili ko 'tong unit para magkasama pa rin tayo pagtanda at umaasa ako na hindi mo na lang nagawang lokohin ako pero nagawa mo.." umiiyak na sabi ni Sky at napaluhod na lamang ako kaniyang harapan habang dini-deliver ko ang linya ko.
"Perfect!" Sigaw ni Direk Jang at nagpalakpakan ang lahat ng crew at staff na nandoon.
After ng set ay nagkaroon kami ng simpleng salu-salo sa bahay ni Direk at masaya ang lahat dahil matapos ang halos isa't-kalahating buwan ng shooting ay wrap up na lahat. Nagkaroon na rin kami ng maraming guestings ni Sky at ng iba pang mga casts at talaga namang maingay ang pangalan namin lalo na ni Sky na binansagan nilang "Hottest Rookie Actor".
"Guys, I am so proud to work with you. Sana ay pumatok ang movie natin," sabi pa ni Direk.
"Nako, Direk. Halimaw ng dalawa nating lead. Grabe maglapat ng emosyon sa karakter nila." Sabi ni Jonny. Isa sa mga supporting actor namin.
"Oo nga, Direk!" Singit naman ni Cris at ganoon din ang sinabi ng ilan.
"Cheers para sa success ng ating film!" Singhal ni Direk kaya naman tinaas namin ang aming mga baso at ininom namin ang sparkling wine na hinanda niya para sa amin.
"Sky..." tawag ko sa kanya noong makita ko siyang nakaupo sa gilid ng swimming pool at mag-isa lang siya roon. Hindi siya umiimik kaya naman kinalabit ko siya.
"Sky.. wuy!" Sabi ko pa sa kanya.
"Aalis na'ko, Zide." Sabi niya.
"Sasabay na ako," sabi ko sa kanya.
"Hahanapin ka ni Direk at ni Mr. Kim. Pasabi na lang na uuna na ako." Sabi niya kaya hindi ko na siya pinigilan. Pinanood ko lang siyang naglakad papunta sa cr at paglabas niya ay dumiretso siya sa sasakyan niya at nang mabilis niyang pinatakbo ang kotse niya.
Agad kong sinabi kay na Direk na umalis na si Sky dahil may lakad pa ito at ganoon din ako. Agad akong nagpaalam sa kanila dahil may masama ang kutob ko sa pag-alis ni Sky.
"Sige, Zide. Ingat sa byahe." Sabi ni Direk bago ako lumabas papunta sa sasakyan kong nakapara sa labas ng gate nila.
Agad akong nagmaneho ng mabilis at dumiretso ako sa bahay ni Sky. Trenta minutos ang byahe ko kaya halos tumagaktak ang pawis ko sa katawan kahit na hindi naman sira ang aircon ng sasakyan ko.
"Kalma, Zide!" Sabi ko noong makapasok ako sa subdivision malapit sa campus.
Pagparada ko ng kotse ko ay agad akong nagtatakbo papasok sa kanyang bahay at nakita ko ro'n ang kotse niya. Hindi na ako nag-doorbell dahil wala na akong panahon. Agad kong binuksan ang gate at pagpasok na pagpasok ko sa bahay niya ay nagulantang ako sa nakita ko. Nakahandusay si Sky at puro dugo ang sahig at nakita ko ang blade na ginamit niya sa paglaslas ng kaniyang kaliwang braso. Hindi ako agad naka-react dahil sa nakita kong nagkalat ng dugo. Sobrang hirap kumilos. Nakakagimbal. Ito pala 'yong sinabi niyang after ng last shoot namin ay hindi ko na siya makikita. Tang ina!
Sana pala hindi ko na lang siya hinayaang umalis.
"Sky!" Sabi ko at agad kong binalutan ng panyo ang kaniyang kaliwang kamay at humingi ako ng tulong at halos mawalan ako ng lakas noong maisakay sa ambulansya si Sky.
"Sky naman, laban ka lang, ha?" Pagsusumamo at iyak lang ako ng iyak sa byahe habang nakatingin sa walang malay niyang katawan.
Ito na yata ang pinakamasakit na byahe ng buhay ko. Sana ako na lang ang nasa posisyon niya kasi ang sakit makita siya ganito. Kapag may nangyaring masama kay Sky, hindi ko na alam ang gagawin ko. Gusto kong siya lang ang kasama ko sa byahe ng buhay ko.
Itutuloy…
HSH SEASON 3: PART 55
HALIK SA HANGIN PART 55: TURNING POINT
ZIDERICK
“Zide, tahan na.” Sabi ni Jepoy sa akin habang naghihintay kami sa labas ng emergency room kung.
“Kasalanan ko’to eh. Napakahina ko!” Sabi ko.
“Ssshh. Zide, walang may kasalanan sa nangyari kundi ’yong Tatay ni Sky.” Sabi naman ni Arkin.
“Sky, ano ba talagang nangyari? Bakit hiniwalayan mo si Sky? Ano bang sinabi ng Tito Arman mo para mapapayaga ka niyang hiwalayan si Sky?” Tanong ni Danny.
“Sa totoo niyan, hindi lang kami basta nag-usap. Na-kidnap ako no’n.” Umiiyak kong usal na kinagulat nila.
“Zide, bakit ngayon mo lang sinasabi ang bagay na ’yan?” Nanggagalaiting singhal ni Jepoy.
“Si Sky dapat ang maki-kidnap pero ako ang nakuha at si Tito Arman pa mismo ang nagpapadakip kay Sky at para tigilan na niya si Sky, kami… ay humiling siya sa akin na layuan ko si Sky na sana ay hindi ko na lang ginawa,” pagsusumamo ko.
“Tahan na, Zide. Magiging ayos din ang lahat,” sabi naman ni Arkin at nasa ganoong posisyon kami noong dumating si Tito Arman kasama si Nanay at pagkakitang-pagkakita ko sa kanya ay agad akong tumayo at sinuntok ko siya ng isa sa mukha.
“Masaya ka na?” Tanong ko pero imbes na sumagot at tumahimik lang siya.
“Kapag may nangyaring masama kay Sky, hindi kita mapapatawad!” Sigaw ko at tinulak ko siya at hindi pa rin siya pumapalag. Siguro ay napagtanto niyang napakagago niya.
“Zide, hindi ito ang gusto kong mangyari,” sabi niya habang maiyak-iyak si Nanay na nakatingin sa akin.
“Bakit napaka-selfish mo, Tito? Bakit ganyan ka? Patayin mo na lang din kaya ako para masaya ka na,” sabi ko at halos manliit ang mundo ko at lambot na lambot ako dahil kanina pang walang malay si Sky sa loob at hindi kami hinahayaan ng doctor na makapasok sa loob.
“Anak, tama na. Kasalanan namin ito..” Sabi ni Nanay umiiyak na rin gaya ko.
“Nay! Alam niyo namang mahal na mahal ko si Sky pero bakit hinahayaan niyong masaktan ako ng ganito? Nay!” Sigaw ko at napaupo na lang ako sa sahig at doon ako humagulhol.
“Zide, sorry, anak,” sabi ni Nanay.
“May magagawa ba ang sorry niyo kapag may hindi na gumising si Sky?” Sabi ko bago ako yakapin ni Jepoy.
“Ninang, tama na ho.” Sabi ni Jepoy at napaupo na lang si Nanay at Tito Arman na wala pa ring imik hanggang ngayon.
“Okay na po ang patient.” Bungad ng Nurse sa amin kaya halos mapahawak ako sa dibdib ko at walang tigil ang pagpatak ng luha na nagmumula sa aking mga mata dahil sa matinding saya.
“May tsine-tsek lang po si Doc,” sabi pa ni Nurse at mayamaya lang ay lumabas ang doctor sa emergency room.
“Doc, ano pong lagay ng anak ko?” Bungad ni Tito Arman na nakasuot pa ng kaniyang uniporme.
“Stable na ang anak mo. Kailangan lang niyang mag-stay rito sa hospital para magpalakas.” Anito at mayamaya ay kitang-kita ng dalawa kong mata ang pag-trasfer kay Sky sa isang private room.
“Doc, salamat sa pagligtas anak ko,” sabi pa ni Tito.
“Trabaho ko ’yon, General,” panimula ng doctor. “Magaling din ang ginawang first aid sa kanya kaya naiwasan ang mas marami pang blood loss,” sabi niya at sinundan na namin si Sky sa kaniyang kwarto at kitang-kita ko ang putla niyang kulay at ang kaniyang nakasarang mga mata.
“Zide, ligtas na si Sky.. tahan na,” sabi ni Jepoy habang pinagmamasdan namin si Sky.
“Zide… anak, patawarin mo ako sa nagawa ko..” bigla na lamang sinabi ni Tito Arman at sa unang pagkakataon ay nakita ko siyang umiyak.
“Gusto ko lang namang bigyan ng magandang buhay si Sky dahil pangako ko iyon sa yumao niyang ina,” aniya at hinahaplos-haplos ni Nanay ang likod niya.
“Ito po ba ’yong magandang buhay na gusto niyo?” Sabi ko at umiling siya.
“Hindi ko na kayo guguluhin ni Sky.” Iyon ang sabi ni kaya nagkatinginan kaming apat nina Jepoy, Danny at Arkin.
HALOS dumugin ang labas ng hospital ng mga reporter at nagtungo rin ang manager ko na si Manager Kim kasama si Cris at agad nila akong niyakap noong makapunta sila sa akin.
“Okay ka lang ba?” Tanong ni Cris at maigi nilang pinagmasdan si Sky na namamhinga.
“Okay lang ako,” sabi ko at medyo paos na ako kakaiyak. Kanina pa kasi umuwi si Jepoy, Arkin at Danny at ganoon din si Nanay at Tito Arman.
“Laki ng eye bags mo tapos pugtong-pugto ang mga mata mo. Susko ka, Zide. Mahal na mahal mo nga talaga itong si Papa Sky,” ani Cris.
“Siya lang ang taong minahal ko ng ganito. Siya lang.” Sabi ko at nasa ganoong posisyon ako noong biglang magsalita si Sky.
“Talaga?” Mahina niyang sagot kaya naman napatulala ako at napaiyak na lang ako habang si Cris ay napatili.
“Papa Sky!” Sigaw nito at tinapik niya ang balikat ni Sky.
“Oo! Gago ka! Pinag-alala mo ako!” Sabi ko at sumubsob ako sa dibdib niya.
“Tahan na, Zide.” Sabi niya habang hinahapos ang aking buhok.
“Tanga ka pala eh! Anong pakiramdam mo? May gusto ka bang kainin? May iba pa bang masakit sa’yo? Tell me! Mababaliw na ako!” Sabi ko at tila ba kinilig si Cris at Manager Kim sa tagpong kanilang nasilayan.
“Zide, Sky…. labas muna kami ni Cris, ha?” Sabi ni Manager Kim at hindi na nila hinintay ang sagot namin.
“O-okay na ako. Tahan na,” sabi niya.
“Pinag-alala mo ako!” Umiiyak kong singhal sa kaniya at narinig ko ang mahina niyang halinghing bago ko siyang tingnan sa mata. Umupo ako sa tabi niya at pinunasan niya ng kanan niyang kamay luhang lumalandas sa aking mga mata.
“Sorry kung pinag-alala kita, Zide. Pasensya ka na. Hindi ko na uulitin,” sabi niya kaya naman hinalikan ko siya sa labi at sakto namang pasok ni Direktor Jang at ng ilan kaya napapalakpak silang lahat.
Ilang araw matapos ang naturang insidente ay ako ang nagsilbing nurse ni Sky. Madalas siyang dinadalaw nina Jepoy, Arkin, Danny at ng iba pa naming mga katrabaho at nagulat sila kung gaano kayaman si Sky at ano ang estado ng buhay na mayroon kami.
“Zide, ang sakit ng likod ko..” aniya kaya naman nataranta ako at inasikaso ko siya agad.
“Saan banda?” Sabi ko sa kanya at pinadapa ko siya at nilawit ko ang kamay niyang may benda sa gilid ng kama.
“Ahhh. D’yan nga. Ahh,” aniya habang minamasahe ko ang lower back niya. Siguro ay ngalay iyon sa paghiga at ilang minuto matapos ko siyang hilutin ay tumihaya siya at nilabas niya ang kaniyang tigas na tigas na ari kaya naman kinurot ko siya ng isa.
“Hindi ka pa malakas!” Puna ko sa kanya.
“Miss ka na niyan eh,” aniya at lumabi pa siya na parang bata.
“Mamaya na!” Sabi ko pero tinitigan niya ako ng nakakaloko kaya naman wala na rin akong nagawa kundi isubo ang kahabaan niya at mabilis lang naman siyang nilabasan sa bibig ko at inuluwa ko iyon sa lababo ng kwarto niya.
“Mahal na mahal kitang loko ka!” Sabi ko at natawa siya.
“Bakit may loko pa? Hindi ba pwedeng mahal mo lang ako?” Sagot niya.
“Basta! Loko ka!” Sabi ko at nahiga ako padapa sa ibabaw niya at kitang-kita ko ang muka niya at sinaulo ko ang bawat detalye no’n.
“Zide, hindi na tayo guguluhin ni Papa,” aniya.
“Iyon ang pinaka-turning point ng relasyon natin. Sorry kung naging mahina ako. Sinaktan pa kita kahit alam ko namang mahal na mahal kita!” Sabi ko sabay pisil ng ilong niya.
“Siguro ay destined iyong mangyari.” Sabi niya. “ Kasi kung hindi ay hindi makikita ng mundo kung gaano natin kamahal ang isa’t-isa.“ Sabi niya at ginawaran ko siya ng isang napakasarap na halik.
Itutuloy…
HSH SEASON 3: PART 56
HALIK SA HANGIN PART 56: PILOT WEEK
ZIDERICK
MALAKI ang ngiti sa labi namin ni Sky pagkalabas namin ng sinehan at paglabas na paglabas namin ay inabutan kami ng bulaklak dalawa ni Sky ng aming mga manager at nagsigawan ang mga tao nang umakyat kami sa stage. Pilot week kasi ng aming movie at talaga namang hindi mahulugang karayom ang ibaba ng stage na kinaroroonan namin at ganoon din ang mga nanonood sa sinehan kanina.
"Good afternoon sa inyong lahat!" Sabi ni Sky at talaga namang nagsigawan ang lahat dahil sa kagwapuhan niya. Nakahawak pa siya sa kamay ko ngayon na itinaas niya.
"Papa Sky!" Sigaw ng karamihan.
"Papa Zide akin ka na lang!" Sabi naman isang bortang ahit ang kilay sa 'di kalayuan.
"Hindi na pwede si Zide." Sabi ni Sky sa mikropono kaya naman nagtilian ang mga kababaihan at ganoon din ang sangkabaklaan lalo na noong hinila ako ni Sky papalapit sa kanya.
"Salamat sa panood ng aming movie. Sa mga manonood pa lang, sana ay ma-enjoy niyo. Pinaghirapan namin iyon ng boyfriend ko," sabi niya sabay tingin sa akin at hinalikan niya ako sa ilong. Never in my wildess dream na makikita ko na nakatayo kami rito at pinapakita kung gaano namain kamahal ang isa't-isa. Sobrang sarap sa pakiramdam na ipagmalaki ka sa harap ng maraming tao.
"Good day sa inyong lahat! Ako si Zhang Nan sa movie na'min at sana ay huwag kayong magsawang suportahan kami sa mga susunod pa naming project," sabi ko at ngumiti ako ng pagkalaki-laki at muling naghiyawan ang tao.
"Okay, guys. Kalma lang kayo!" Sabi ng host na umaakyat sa stage.
"So, Ziderick Tamayo at Sky De Vera, anong masasabi niyo na unang araw pa lamang ay dinagsa na ang sinehan sa buong bansa ng inyong mga taga suporta at talaga palang napakagwapo niyong dalawa! Bagay na bagay kayo! Sana all!" Aniya kaya nagkatinginan kami ni Sky at ako ang unang sumagot.
"Salamat sa papuri, Sir! Gusto kong sagutin ang tanong mo sa simpleng sagot. Siguro ay dinumog ang bawat sinehan sa bansa dahil tunay na napapanahon na para kilalanin ang ganitong klase ng relasyon at penikula na bago sa panlasa ng madla. At nais ko ring sabihin sa inyong lahat na bago namin marating ang kinalalagyan namin ay katakot-takot na problema ang pinagdaanan namin ni Sky. Nagkahiwalay kami ng mahigit tatlong taon dahil nagtungo si Sky ng Korea at naiwan akong mag-isa rito sa bansa. At kung tatanungin niyo ako kung naghanap ba ako ng iba ay hindi ko iyon ginawa. Bakit? Dahil sapat na 'yong mahal na mahal ko siya kahit hindi ko alam kung babalikan niya pa rin ako. At heto nga kami sa inyong harapan ngayon, kami ang patunay na ang ganitong uri ng relasyon ay nag-e-exist. Marahil ay marami sa atin ang nakakaramdam ng kabiguan kaya't naghahanap tayo ng kapareha at nagtatapos tayo sa katauhang hindi naman talaga tayo. Ang ibig kong sabihin ay naglalaro tayo. Pinaglalaruan at binababoy natin ang ating mga sarili at iyon ang isang bagay na hindi maganda. Sana ay matuto nating mahalin ang sarili natin bago tayo maghanap at magbigay ng pagmamahal mula sa iba." Sabi ko at halos mabingi kami sa tilian at sigawan ng madlang naroroon.
PAGDATING na pagdating namin sa bahay ay ibinalita ni Direktor Jang na pumatok ang aming movie at pumalo sa 100 million ang kinita namin sa loob ng isang araw kaya naman samo't saring review at papuri ang natanggap namain mula sa aming mga tagahanga at masayang-masaya kami ni Sky dahil doob.
"Sabi ko sa'yo papatok tayo sa mata ng madla eh," sabi ni Sky kasi kagabi ay anxious ako sa magiging impact namin sa mga tao.
"Oo nga eh," sabi ko at akmang hahalikan ko siya nang biglang may kumatok.
"Sir, pinapatawag mo kayo ini Sir at Ma'am.. kakain na raw po," kinikilig na wika ng kasamabahay na nag-aalaga kay Zy at tumango naman ako.
"Sige. Susunod na kami," sabi ko at kinikilig na lumakad siya papalayo.
Pag-upo namin sa dining table ay maraming naka-serve na pagkain at malawak ang ngiti ni Nanay at Tito Arman bagama't medyo naninibago kami ni Sky dahil hindi kami ganito itrato ni Tito lalo na't magkahawak ang kamay namin.
"Sky, hindi naman aalis si Zide," puna ni Nanay.
"Bitawan mo muna ang pagkain niyang si Sky at kumain na kayo, Zide," utos naman ni Tito na siya naming ginawa.
Napuno ng tawanan ang hapag noong magkwentuhan kami at para bang at home na at home na ako rito sa wakas.
"Sky, Zide, proud na proud ako sa inyo.." sabi ni Nanay.
"Nay, graduating na ako," sabi ko.
"Talaga?" Sabi naman ng epal na si Sky kaya kinutusan ko siya ng isa.
"Oo nga! Ilang beses ko na kayang sinabi sa'yo!" Singhal ko.
"Sakit no'n!" Sabi naman niya at tumingin sa akin si Tito Arman.
"Hmm, Zide.." tumingin ako sa kanya nang sabihin niya iyon. "Anong gusto mong regalo? Bagong kotse? Lupa? Bahay? Tell me," sabi ni Tito kaya nagulat ako.
"Okay na po ako sa simpleng salu-salo," sabi ko kaya tumango naman siya.
Natapos ang pilot week ng aming movie at talagang pinipilahan pa rin ang bawat sinehan at tapos na rin ang requirements ko sa school dahil sa tulong ni Sky at buti na lamang talaga at dalawa summer class ang dinaluhan ko kaya nakahabol ako sa mga naiwan kong subject noong naaksidente ako.
"Ready ka na?" Tanong niya sa akin habang nilalagay niya ang ilang pagkain na pasalubong niya kay Tatay. Medyo kabado siya kasi pinapauwi kami ni Tatay noong makita niya kami balita.
"Ikaw ba? Ready ka na?" Tanong ko.
"Oo naman! Tsaka ano ba 'yang nasa labi mo?" Tanong niya kaya naman tumingin ako sa salamin ko para manalamin pero wala naman akong nakitang kakaiba sa labi ko. Nasa ganoong estado ako ng pananalamin sa cellphone ko nang bigla niya akong hilahin papalapit sa kanya at hinalikan niya ako sa labi.
"Loko ka! Nakatingin sa'tin 'yong guard!" Sabi ko.
"Eh anong pakialam ko?" Sabi niya kaya pinisil ko na lang ang sasakyan niya bago kami sumakay sa kotse niya.
Dinaanan na rin namin si Jepoy na sasabay daw pauwi kaya naman tawa kami ng tawang tatlo habang nagkukwento si Jepoy ng istorya ng buhay namin noong bata pa kami.
"Nako, nahuli nga kitang nagsasalsal sa c.r tapos imbes na tumigil ka ay pinagsalsal mo rin ako," sabi ko kaya lalong natawa si Jepoy.
"Bata pa tayo no'n! Loko ka, Zide!" Aniya.
"Sadya naman ah!" Sabi ko at nakita ko si Sky na nakalabi.
"Pero iba ka rin dati. Umakyat ka sa bakod kasi tinatamad kang pumasok no'ng grade six tayo kaya pagdating natin sa bahay ay napalo tayo parehas," sabi pa ni Jepoy kaya napatingin ako kay Sky na natatawa.
"Nako, cutting boy ka pala dati eh!" Panunuya niya.
"Hindi talaga!" Sabi ko at para mawala ang pang-aasar nila sa akin ay nagpatugtog ako at pinlay ko ang isang musikang sa tingin ko ay nalagpasan na namin.
HALIK SA HANGIN BY EBE DANCEL
Ang ikli nang panahon na binigay sa amin
Pagibibig na para lang isang halik sa hangin
…
Ang ikli nang panahon na binigay sa amin
Pagibibig na para lang isang halik sa hangin
Sandali lang nabuhay ang pusong ito
At ngayon nagdurugo
Dahil nga ngayon, wala na ako doon
Sa piling niyang mayroong pagasa pa ba
Sana lang ay magkaroon, isa pang pagkakataon
Ibalik pa ang kahapon noong kasama ko siya
Noong ako ay masaya,
Noong ako ay masaya.
Noong ako ay masaya,
Noong ako ay masaya.
…
Sabik na sabik na akong makasama siya
Gusto kong humalik sa labi at mga pisngi niya
Pwede bang ibalik pa yung pagibig naming dalawa
O wala na talaga?
Dahil nga ngayon, wala na ako doon
Sa piling niyang mayroong pagasa pa ba
Sana lang ay…
Itutuloy…
HSH SEASON 3: PART 57
Note: Kyot niyo. Add niyo naman ako sa fb. Theo Sanchez
HALIK SA HANGIN PART 57: LANGIT
LANGIT
Sinong makakapagsabing ang langit ay malungkot? Sinong makakapagsabing ito’y nakasimangot? Sinong makakapagsabing ito’y napupuot? Ang langit sa puso ba ay iyong ipagdadamot?
Kulang ang isang salita, Nais kong maramdaman mo ito sa gawa Na para bang ako’y nagmamakaawa Na manatili ka na lang upang ang langit ay matuwa
Maraming balikong daan patungo sa’yo Minsan na rin akong nahulog sa sakit at pagkabigo Ng buhay na para bang sinasabing hindi parin tayo Ang para sa isa’t-isa ngunit maling-mali ako
Langit ng pagmamahal, Gawin mo akong iyong kawal Na magmamahal sa’yo kaharap ang may kapal Ng walang halong kasinungalihan at puro lang pagmamahal
Iyon ang tinipa ko sa cellphone ko at is-i-nave ko iyon sa akin notes para mamaya ay ise-send ko iyon kay Sky.
“Kanina ka pa tipa ng tipa riyan, mahal kong baby! Halikan mo naman ako sa pisngi,” sabi niya kaya napatingin ako kay Jepoy na mahimbing na natutulog sa likod bago ko siya halikan.
“Demanding ha!” Puna ko pero ilang beses ko siyang hinalikan sa pisngi.
Halos tatlong oras ang naging byahe namin at ngayon ay nakatingin ako sa tapat ng bahay namin ngayon malaki na ang pinag-iba mula sa dati naming bahay. Second floor na ito ngayon at moderno ang design dahil noong magkapera na ako ng akin ay pinaayos ko agad ang bahay namin at binilan ko rin ng pwesto sa Bayan (Palengke) si Tatay para sa bigasan na business niya at binigyan ko rin siya ng puhunan sa pagpo-poultry na mina-manage ng kamag-anak ni Papa.
“Kinakabahan ka ba?” Tanong ko.
“Medyo. Kasi dati, kaklase ang pakilala ko ngayon, ngayon ay nobya na,” sabi niya at mabilis ko siyang hinalikan sa pisngi bago ko gisingin si Jepoy na tulugin.
“Poy, nandito na tayo sa’tin,” sabi ko at doon siya nagkusot ng mata at agad niyang binuksan ang pinto ng passenger seat at sumunod naman kami ni Sky na agad umagaw ng pansin lalo na noong lumabas ako.
“Poy, pa-regards na lang ako kay Ate Beth,” sabi ko at kumaway siya sa akin palayo bitbit ang travelling bag niya.
“Sige, ikaw din.” Sabi niya at nagmadali siyang tumakbo habang kami ni Sky ay napalunok ng malaki lalo na noong bumukas ang gate ng bahay namin.
“Tay!” Sabi ko at nagmano ako sa kanya at ginawa rin iyon ni Sky.
“Mano po, Tay!” Kinakabahan niyang tugon.
“Tatay? Kailan pa kita naging anak at tsaka bakit nakahawak ka sa kamay ng anak ko?” Pagsusungit ni Tatay at nasa ganoong posisyon kami noong dumatin si Ate Beth na kasama si Jepoy.
“Nako, Lando, huwag mong takutin ang mga bata,” sabi nito kaya napakamot sa ulo si Tatay.
“Ma, anong ibig sabihin niyang ngiting ’yan?” Tanong ni Jepoy kay Ate Beth. May something kasi sa ngitian nila ni Tatay.
“Nako, mamaya na akong magkukwento. Malamang ay gutom na gutom kayo dahil sa byahe kaya tara na sa loob. Kanina pa naghihintay si Katkat sa inyo,” sabi ni Ate Beth at pagpasok namin ay bumungad sa amin si Katkat na busy sa panonood sa telebisyon ng Sofia the firt.
“Kuya!” Anito at yumakap pa siya sa kuya niya.
“Kuya, dito na tayo nakatira kasi niligawan ni Tito si Mama noong umalis ka,” ani Katkat at akmang tatakpan pa ni Ninang Beth ang bibig ni Kat nang biglang magsalita si Tatay.
“Single naman ako at single rin ang Ate Beth mo kaya wala namang masama, ’di ba, Zide?” Tanong ni Tatay at nagkatinginan na lang kami ni Jepoy.
“Oo naman po!” Sabi pa kami ni Jepoy.
“Pero pa, si Sky..” sabi ko.
“Matagal ko ng alam na may relasyon kayo. Halos apat na taon noong una mo siyang dinala rito, alam kong may relasyon kita. Naging demonyong tatay lang ako noon sa’yo pero masaya ako para sa’yo. Kaya ikaw, Sky… huwag mo na uling papaiyakin itong anak ko.” Sabi ni Tatay kaya natawa na lang kaming lahat lalo na noong yumakap si Sky kay Tatay.
“Tay, opo!” Sabi pa niya at proud na proud siya.
“Mabuti naman kung gano’n.” Sabi pa ni Tatay at sabay-sabay kaming nanghalian.
“Tay, kumusta ho pala ang business natin?” Tanong ko.
“Iyon, lumalago naman. Nakabili pa tayo ng isang pwesto roon sa palengke at talagang maganda ang bentahan ng manok ngayon. Sagana rin sa itlog kaya anak, salamat sa iyo.” Sabi pa ni Tatay kaya natawa ako.
“Nako, Tay! Para saan pa ang pag-aartista ko kung hindi ko papaginhawahin ang buhay niyo?” Tanong ko.
“Nga naman. Napakaswerte mo talaga sa anak.” Sabi naman ni Ate Beth.
“Ma naman! Parang sinasabi mo namang malas ka sa anak eh,” nagtatampong bigkas ni Jepoy.
“Syempre ay proud na proud din ako sa’yo! Loko ka talagang bata ka!” Sabi pa ni Ate Beth kaya naman masarap ang aming naging pananghalian.
“Anak,” tawag ni Tatay at niyakap niya ako.
“Ga-graduate na raw kayo ni Jepoy,” sabi niya pa habang nakadungaw ako sa terrace namin sa second floor. Namimili kasi si Jepoy at Sky kaya ako, si Tatay, Ate Betha at Katkat ang natira rito sa bahay.
“Opo, Tay,” sabi ko.
“Proud na proud ako sa’yo. Pagpasensyahan mo na sana kung naging demonyong ama ako noon, ha? Talagang dinamdam ko lang ang pagkawala ng Nanay Linda mo.” Aniya.
“Tay, matagal ko na ho kayong pinatawad. Tsaka kung hindi ho dahil sa sitwasyon kong iyon dati ay baka wala ako sa estadong ito ngayon. Wala akong pinagsisishan at kung pipili po ako uli ng Tatay ay ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin ko,” sabi ko kaya naman sabay kaming napatingin sa langit.
“Sabi ko sa’yo noon, pangarap kong maging isang inhinyero at sa tingin ko ay ikaw ang tumutupad ng pangarap ko. Dangan nga lang na hindi mo namana ang height ko,” biro pa niya.
“Namana ko naman ang kapogihan niyo, Tay. Tsaka, hindi na masamang si Ate Beth ang nitipuhan niyo. Crush na crush ka raw kaya niya dati, noong kabataan niyo,” sabi ko pa.
“Nako, ikaw din, Zide. Wala akong tutol sa relasyon niyo basta masama ka ay doon ako. Ayokong magpaka-kontrabida sa buhay mo. Sawa na ako,” sabi niya pa at para lang kaming magkatropa na nagkekwentuhan.
HAPON na noong magising ako at kitang-kita ko kung paano dumungaw sa bintana si Jepoy kaya lumapit ako sa kanya.
“Bakit nagsisibak ng kahoy si Sky?” Tanong ko kay Jepoy.
“Utos ni Ninong,” sabi niya kaya napakamot na lang ako sa ulo at lumabas ako papunta sa likod bahay namin.
“Sky!” Tawag ko sa kanya.
“Kaya ko pa?” Tanong ko noong humarap siya sa akin.
“Kaya pa!” Aniya at tumabi bigla si Tatay sa akin.
“Noong sinusuyo ko dati ang Nanay mo ay pinagsibak ako ng kahoy at pinag-igib ako ng tubig ng Lolo mo kaya sa tingin ko ay dapat dumaan din siya ro’n,” pagsasalaysay ni Tatay.
“Pero, tay, hindi naman po ako babae eh,” sabi ko.
“Pero mas matangkad sa’yo iyang si Sky at ganoon ang persepsyon ko. Pero kahit na mas matangkad iyang si Sky sa’yo ay huwag na huwag kang magpapa-under sa lokong ’yan,” sabi pa ni Tatay.
“Yes po, Tay!” Sabi ko bago ako tumayo.
“Tama na ’yan, Sky!” Sabi ko dahil ang daming nakatingin sa kaniyang mga kababaihan at naiinis akong pinagpepiestahan nila ang nobyo ko.
“Kaya ko pa!” Aniya at muli na namang sumingit si Tatay.
“Hayaan mo siya. Papakasalan ka raw niya kaya mas papahirapan ko pa ’yan,” sabi pa ni Tatay kaya nanlaki ang bibig ko.
“Ano po?” Tanong ko uli.
“Oo, Ziderick Tamayo! Papakasalan kita dahil mahal na mahal kita! Alam ’yan ng langit!” Aniya kaya napasapo na lang ako sa noo ko at dinamay niya pa ang langit.
Hindi ko alam ang tumatakbo sa isip ni Sky pero ang alam ko lang, mahal na mahal namin ang isa’t-isa.
Itutuloy…
HSH SEASON 3: FINALE
HALIK SA HANGIN PART 58: FINALE
ZIDERICK
“EARTHQUAKE engineering, engineering hydrology, urban engineering, geotechnical Engineering…susko! Inulan ako ng dos sa mga subjects na’yon,” pagkukwento ni Danny habang magkakatabi kaming tatlo nina Jepoy at malaya kaming nakatingin sa ibang mga college na tumatanggap ng kanilang diploma sa unahan ng stage.
“Awit, Danny!” Sabi ko.
“Anyway, Zide, Jepoy, Cum laude kayo. Halimaw kayong dalawa,” sabi ni Danny.
“Tangik, laude ka rin naman ah?” Sabi ni Jepoy.
“Ay, oo nga. Sabi nga ni Sir Malolos, mahahabol pa sana sa Magna ’to kung hindi lang ako inulan ng dos nitong mga nagdaang sem,” sabi pa ni Danny.
“Okay na ’yong cum laude. Tingnan mo nga ’yong iba nating ka-batch, masaya ng nakaraos sa pag-aaral. Hindi biro ang engineering. Tanda ko pa noong naghahabol tayo ng deadline tapos halos dumugo na ’yong ilong ko lalo na noong summer kasi wala akong tulog. Nakailang draft na’ko pero mali pa rin. Pero gano’n pa man, okay na tayo. Lisensya naman ang isunod nating i-achieve!” Sabi ko at kitang-kita namin si Arkin na kumukuha ng diploma sa unahan.
Nakakatuwa lang din lalo na’t nagtagumpay kaming apat. Lahat kami ay may laude at karangalan Lalo na si Jepoy na best in ojt. Mahusay naman kasi talaga siya sa field work namin.
“Sabagay. Nakaka-proud na rin na naka-graduate tayo,” sabi ni Danny.
“Ikaw, Jepoy, masaya ka ba?” Tanong ko.
“Syempre naman! Tingnan mo si Ninong at si Nanay do’n oh,” at tinuro niya ang kinaroroonan ni Nanay at Ate Beth. “Proud na proud sila sa’tin. Hindi ba’t ’yon ang goal natin kaya hindi lang ako masaya ngayon, sobrang proud din ako sa sarili ko,” aniya kaya inakbayan ko siya at ganoon din si Danny. Matapos ng college of education ay biglang tumugtog ang aming school hym kaya naman lahat kami ay tumayo at nagtaas ng aming mga kanang braso at halos maiyak kami noong matapos dahil ito na ang huling sandali namin dito sa campus.
“Anak!” Tawag ni Tatay at nang lumapit ako sa kanya at bigla na lang niya akong binuhata at niyakap.
“Tay, nakakahiya. Ang daming nakakakita,” sabi ko.
“Ano naman? Anak kita at proud na proud ako sa’yo!” Sabi ni Tatay kaya napahagulhol ako ng iyak lalo na noong ibinaba niya ako.
“Tay, para sa inyo ’to lahat,” sabi ko.
“Alam ko, Zide. Sobrang proud na proud ako sa’yo,” sabi ni Tatay at nasa ganoong posisyon ako noong may umagaw ng atensyon naming lahat.
“Ehem, mic test. Ziderick Tamayo!” Iyon ang umagaw ng atensyon namin at nagmumula iyon sa stage.
“Oh my! Si Sky De Verra!” Sigaw ng ilang kababaihan sa paligid kaya naman halos mamula ang pisngi ko.
“Zide, mahal na mahal kita. Congrats dahil naka-graduate ka na. Sorry sa mga kalokohan ko. Sana sagutin mo’tong isang tanong ko..” aniya sabay nagtatakbo papalapit sa akin at bigla na lang siyang lumuhod kaya naman agad pansin kami sa lahat.
“Sky, tumayo ka nga riyan. Nakakahiya kay Tatay,” sabi ko.
“Anak, support ako!” Pagbibiro ni Tatay.
“May basbas na’to ni Tatay noon pa mang pumunta tayo sa inyo sa Probinsya. Tapos wala na ring tutol si Papa at Tita Linda.” Nakangiti niyang tinuran.
“Alam mong hindi ako perpektong tao, Zide. Marami akong imperfections na ipinakita ko sa’yo noon pa. Pinaiyak kita, pinatawa pero sa pagkakataong ’to, sana samahan mo ako habang buhay,” pumiyok siya dahil sa pag-iyak. “Mahal na mahal lang talaga kita, Zide! I’m lost noong pumunta ako sa Korea kasi iniwan ko ang nag-iisang nagpabago ng buhay ko. Noong mga oras na’yon, nawala ka sa’kin naisip ko na lang na magpakamatay pero nandito ako, inilaban kita… inilaban natin ang isa’t-isa. Napatunayan ko na naman ’yon sa’yo, ’di ba? Kaya Zide… pwede mo ba akong samahan pa sa araw-araw na laban ng buhay ko?” Tumigil siya saglit at may kinuha siya sa likod niya.
“Will you marry me, Ziderick Tamayo?” Tanong niya at halos manlumo ako at ganoon din ang maingay na paligid dahil sa sinabi niya.
“Seryoso?” Hindi makapaniwala kong tanong.
“Kailan ba ako hindi nagseryoso sa’yo?” Sabi niya kaya naman isa na namang masigabong iritan ang narinig namin sa paligid.
“Hindi mo na ako kailangang tanungin kasi kahit kailan ikaw at ikaw ang pipiliin ko.. Yes, I will marry you!” Sigaw ko kaya naman halos hindi siya magkandaugaga sa pagsuot sa akin ng singsing.
“Zide, mahal na mahal kita!” Aniya at tumayo siya.
“Mahal na mahal din kita, Sky!” Sabi ko at bigla niya akong kinabig papalapit sa kanya at hinalikan niya ako at rinig na rinig ko ang ingay sa paligid.
“Sky, Zide… graduation natin ’to, agaw eksena kayo eh!” Pagmamaktol ni Danny na nakahawak sa kamay ng gf niya.
“Sorry na!” Sabi namin ng sabay.
DOON natapos ang kaganapan sa school na trending na trending sa social media at sa mga pahayagan.
“Sky, Zide.. uuwi na kami ng Ate Beth mo, maiwan na namin kayo ni Jepoy dito,” sabi ni Tatay na tatlong araw ng nasa condo unit ko kasama si Jepoy, Katkat, at Ate Beth.
“Tay, Tita Beth, mag-ingat po kayo sa byahe. Pagpasensyahan niyo na po ’tong perang ipapabaon ko sa inyo,” sabi ko sabay labas ng fifty thousand pesos na winithdraw ko pa kagabi kasi nagyaya ng umuwi si Katkat.
“Nako, sa’yo na’yan, Zide—.” Hindi ko na pinatapos ng pagsasalita si Tatay dahil nilagay ko na ’yong pera sa kamay niya.
“Sky, ihatid na natin sina Tatay,” sabi ko kay Sky na agad sumagot.
“Tara na po, Tay, Tita at Kat. Jepoy, sasama ka ba sa paghahatid?” Tanong ni Sky at tumango naman si Jepoy.
Siksikan kami sa loob ng kotse niya at tiningnan ko ang kinaroroonan namin at hindi ito papunta sa terminal ng van papunta sa probinsya kaya naman napatanong ako.
“Sky, saan tayo pupunta?” Tanong ko.
“Basta.” Sagot niya na nakangisi pa.
“Sky! Saan mo kami dadalhin!?” Tanong ko pero hindi siya sumagot. Bagkus at huminto siya sa isang magandang bahay at lahat kami ay bumaba.
“Bakit tayo nandito?” Tanong ko.
“Pasok na po tayo sa loob,” aniya at hindi niya ako pinasin.
“Kuya Jepoy, sobrang ganda naman dito!” Sabi ni Katkat noong makapasok kami sa loob.
Bumungad sa amin ang isang magandang garder at may swimming pool pa.
“Oo nga, Kat,” sagot ni Jepoy.
“Sky, kay ninong bahay ’to?” Tanong ko.
“Sa’tin,” aniya at nanlumo ako at napaiyak lalo na noong makita ko ang malaking portrait niya sa salas ng bahay.
“Paano?” Tanong ko noong pagmasdan ko ang paligid. Ito ’yung dream house na sinabi ko sa kanya.
“Tanda mo noong tinanong kita about sa gusto mong bahay?” Tanong niya kaya tumango ako.
“Bumili agad ako ng bahay na may second floor tapos ni-renovate ko. Kapag nagpapalaam ako sa’yo na may aasikasuhin ako, dito ako dumideretso. Si Brix ang nag-paint niyang larawan ko. Sa salas sa taas, nandoon ’yong sa’yo. ’Yung swimming pool, ako mismo ang nag-design.” Aniya at hindi ko na siya pinatapos dahil mabilis ko siyang hinalikan dahil isa sa mga pangarap ko ang tinupad niya.
“Nak, hindi pa kayo kasal niyan ha?” Biro ni Tatay at napaiyak ako noong maalala ko ang tanong niya noong ukol sa gusto kong bahay.
“Hmm. Zide, may tanong ako,” aniya habang magkayakap kami.
“Ano ’yon?” Sagot ko.
“Anong bahay ang gusto mo kung saka-sakali kapag mag-asawa na tayo?” Tanong niya bigla.
“Bakit mo naman naitanong ’yan?” May pagtataka kong tanong.
“Sagutin mo na lang ang tanong ko.” Aniya at tumingin ako sa kaniyang mukha.
“Gusto ko ’yong may swimming pool tapos garden. Hmm. Gusto ko rin ’yong second floor tapos may malaking painting mo sa salas. Tapos gusto ko rin na simple lang ang kulay,” sabi ko sa kaniya at napangiti naman siya. “Ikaw? Anong bahay ang gusto mo?” Tanong ko.
“Ako, ’yung bahay na gusto mo rin. Basta kasama kita, okay na ako ro’n.” Aniya kaya naman napayakap ako sa kaniya ng mahigpit bago ko siya kagat-kagatin sa dibdib.
“I love you, Sky!” Sabi ko.
“Mahal na mahal din kita, Ziderick!” Aniya at nagulat ako noong bigla pumasok si Direk Jang kasama si Cris, Manager Kim. Nandoon din si Danny, Arkin, Jerico at Generson na malaki ang ngiting tumingin sa amin.
“Congrats sa inyo, love birds!” Sigaw ni Direk at parang baliw na nagsasayaw sila noong magpatugtog si Sky ng upbeat music.
Kung nagtataka kayo kung bakit nandito si Jerico ay dahil nagkausap na kami ng maayos at nalaman ko rin na okay na sila ni Jepoy.
“Para sa dalawang taong nagmamahalan!” Sigaw ni Danny habang tinataas ang baso niya na may alak. Kasalukuyan kasi kaming nasa gilid ng pool at nagpatuloy ang kasiyaha namin.
“Cheers!” Sigaw naming lahat at nagulat ako noong may yumakap mula sa likuran ko. Si Sky.
KINALAUNAN ay lumipat na kami ni Sky sa bahay na ginawa niya para sa’min. Kasama rin naming lumipat si Jepoy at Danny na katulong ko sa pagre-review dito sa bahay. Bukod pa ro’n ang pagre-review namin sa review center na talaga namang nakakaubos ng energy lalo na kapag galing ako sa set.
“Guys, kaya natin ’to!” Sabi ni Danny na ikinakalma ang sarili dahil matapos ang araw ng exam namin ay ngayon ang pinaka-release ng PRC ng mga nakapasa sa exam for civil engineer.
“Capistrano, Jepoy L.” Pagbabasa ni Danny sa pangalan ni Jepoy kaya naman halos mapalundag sa saya si Jepoy habang nakatingin sa akin.
“Congrats, Poy!” Sabi ko at niyakap ko siya.
“Marquez, Danny T.” Pasigaw na pagbabasa ni Danny sa sarili niyang pangalan.
“Congrats, Danny!” Sabi naman si kanya ni Jepoy at halos tensionado kaming tatlo noong mag-scroll na si Danny para hanapin ang pangalan ko.
“Zide, hindi ko makita,” malungkot na sabi ni Danny na tumayo pa at tumingin kay Jepoy. Halos kakaibang lungkot ang lumukob sa akin dahil ako itong determinadong pumasa pero ako pala ang babagsak.
“Zide, huwag ka ng umiyak,” ani Jepoy at sakto namang dating ni Sky.
“Bakit naiyak si Zide eh nakita ko ang pangalan niya na nakapasa?” Sabi ni Sky kaya naman napa-scroll ako bigla sa computer at nakita ko ang pangalan kong Tamayo, Ziderick S.
“It’s a prank!” Sabay na sabi ni Danny at Jepoy kaya nakutusan ko sila.
Matapos ang sandaling iyon ay halos maiyak si Tatay at Ate Beth sa probinsya noong nalaman nilang pasado kami ni Jepoy. Ganoon din si Danny na umuwi sa kanila noong malamang pasa siya. Walang bumagsak sa aming apat nina Jepoy, Danny at Arkin. Nakakatuwa namang isipin na nagbunga ang hirap namin.
“Zide, mahal na mahal kita,” sabi ni Sky habang hinuhubad ang aking saplot.
“Mahal na mahal din kita, Sky!” Sagot ko at agad akong nagpaubaya sa kaniya.
Agad niyang itinapat sa aking butas ang alaga niya na may kadulasan niya at halos mapangiwi ako ng muka dahil sa sakit ng una niyang pag-ulos na noong naglaon ay napalitan na ng sarap.
Mayamaya ay natigilan kami dahil kay Zy na tumatahol na sa baba ng kama.
Nakakatawa lang isipin na ang dating Ziderick na nangarap lang noong maging isang college student at lisensyado na ngayon at maayos ang karera sa buhay. At kung tatanungin niyo ako kung nais ko bang ibahin ang landas ng buhay na tinahak ko ngayon ay hindi dahil sa kabila ng lahat ng suliranin, pagkabigo at lungkot na narasana ko ay may isang masayang halik na naghintay sa akin. Si Sky.
Araw-araw niyang pinapatunayan na mahal na mahal niya ako. May ilang tampuhan at awayan pero mas nananai ’yong pagmamahal namin sa isa’t-isa.
Kaya ikaw, ang bawat halik mo sa hangin, o panaghoy ay matutumbasan ng ligaya sa huli kapag umaksyon ka. Huwag kang mainip. Mabibigo pero dapat bumangon ka pa rin.
Muli, ako si Ziderick Tamayo at ito ang kwento ng aking HALIK SA HANGIN.
WAKAS…
SONGS USED:
HALIK SA HANGIN BY EBE DANCEL
FIX YOU BY COLDPLAY
CASTS:
ZIDERICK TAMAYO SKY DE VERRA JEPOY CAPISTRANO
DANNY (THE KENGKOY) RONIEL (NAMATAY DURING HIS SECOND YEAR, ACCOUNTANCY PA!) ARKIN (THE MIDNIGHT SALSALERO)
JERICO (POKPOK, CHAR!) GENERSON ATE BETH TATAY ARMAN TATAY LANDO NANAY LINDA
KATKAT
ZY (THE DOG)
DIRECTOR JANG CRIS MANAGER KIM
EXIT
“JEPOY, mali ’yong measurement no’ng bakal na dineliver ng supplier!” Sigaw ni Jerico na noo’y nakakunot pa ang noo habang nakatingin kay Jepoy na hindi alam ang gagawin.
“Sorry, sir. Ipapabalik ko agad,” sagot ni Jepoy.
“Mabuti kung gano’n. Sa susunod ay huwag kang tatanga-tanga ha?” Singhal naman ni Jerico kaya naibato ni Jepoy ang kaniyang hawak na blue print at nagwala.
“Sumosobra ka na ah? Kung ayaw mo akong katrabaho, magre-resign na ako!” Sabi ni Jepoy at imbis na magalit ay natawa na lang si Jerico bago lumabas si Danny, Jepoy at Arkin.
“Happy birthday, Jepoy! Ikalma mo ’yang itlog mo!” Sabi ni Danny kaya naman sabay-sabay silang nagtawanan.
WAKAS!
PROMOTION
ANNOUNCEMENT/ PROMOTION
Hi, guys! It’s been awhile! Promote ko lang rito ’yong bago kong story na FINDING AUGUST. May 22 parts na siya including the panimula. I know, I hurt you, maraming beses na sa mga sinusulat ko pero sana suportahan niyo pa rin ang iba kong mga gawa.
August and Marco ’yong names ng mga lead na magpapasakit din ng ulo niyo. Kapag wala pa sa reading list niyo, add niyo na!
Aasahan ko ang suporta niyo. Pabalato niyo na sa akin.
Mahal ko kayong lahat! Nawa’y ligtas kayo at nasa mabuting kalalagayan.
Pagpapala!
-THEPAGEWRITER

