Hate The Game (COMPLETED)
beeyotch · 51 chapters · 129,568 words
About The Story
(Game Series # 9) Adriadna Deanne Manjarrez, NBSB, promised herself na kapag pumasok na siya sa law school ay magkakaroon na siya ng boyfriend. Sabi ng parents niya, kusang lalapit ang lalaki sa kanya basta mag-aral lang siya nang mabuti. Kalokohan. Naka-graduate na siya at lahat pero wala namang lalaking luma-lapit. So, she made a promise na pagpasok niya ng law school ay maghahanap agad siya ng boyfriend.
She wanted someone na gwapo dahil naniniwala siya na kung masasaktan na lang din siya, sa gwapo na. And after a while, she finally decided to chase after Rhys Arevalo-gwapo, mukhang mabango, at top 1 sa batch nila. She wanted him to be her first boyfriend… kaso hindi siya mapansin nito. Sino ba naman siya? Ni hindi nga siya kasama sa top 10 ng batch nila. At ang balita ay type nito ’yung matatalino.
Ginawa niya na lahat, pero walang umeepekto… until she decided to befriend his best friend Samuel Hayes Fortalejo.
Chapter 00
Chapter 00
“Atty. Manjarrez,” pagtawag sa akin. Tumingin ako sa secretary ko kahit sa totoo lang ay antuk na antok pa rin ako dahil sa dami ng binasa ko kagabi. Ewan ko ba… minsan gusto ko na magpa-seminar sa mga tao. Like… please don’t get married unless you’re a hundred percent certain! Mahal magpa-annul! Saka mahirap! Pwede naman maglive-in muna! Papa-kasal tapos ’di naman pala compatible magsama sa bahay forever! Sakit niyo sa ulo!
“Ma-dedelay lang daw po ’yung next appointment niyo,” sabi niya.
I nodded. “Okay,” I said, stretching my arms. I yawned. I was about to ask her to get me a coffee, but figured out that I needed to stand up and to walk around and to stretch a little. Feeling ko talaga anytime ay makaka-tulog na lang ako.
“Pa-call na lang ako kapag nandyan na. Punta lang ako d’yan sa coffee shop,” I told her. Alam niya naman kung saan ako pupunta.
I grabbed my purse and walked outside of the office. I had a small private practice with five of my friends from law school. Nung una, dalawa lang kami. Walang gustong sumama sa amin kasi gets naman namin na hindi advisable magtayo ng firm lalo na kung wala ka pa namang napapatunayan. But we already tried the law firm life… and it was draining as hell! Feel ko tumanda ako ng ten years sa isang taon ko roon! Granted na marami akong natutunan talaga, I just didn’t think that it was worth all the headache and the fact that I got hospitalized three times that year dahil sa sobrang pagod.
I had to make a change or else feel ko iyon ang papatay sa akin.
So, I built my practice with my friend. During the first two months, wala kaming client. As in. Notaryo lang ata ang nagawa namin. And then we had one client… At dahil nag-iisa lang siya, siya ang focus naming dalawa. I guess natuwa siya sa resulta. It’s true that word of mouth is the best advertisement. She told her friends about us.
And the rest was history.
We’re not some big shot firm, but we’re good with our practice. We control our time—and I believed that that’s the best part of it.
Dumiretso ako sa coffee shop. It was busy that morning. Pumila ako. I usually just order my iced latte… but since mahaba iyong pila, I decided to shake things up a little. Naka-tingin lang ako sa menu habang nagdedecide kung ano ang oorderin ko.
After I ordered, sakto na mayroong umalis kaya naman pumwesto ako roon habang naghihintay sa order ko. Most people in the coffee shop were professionals working in the vicinity. They all looked stressed… very familiar dahil feel ko ganyan din ang itsura ko dati.
Oh, times have changed! Stress-free na ako!
“Yes, I need to do this… Samuel can’t do this to me…”
I hated how the mere mention of that name was enough to catch my attention. It was just a common freaking name! Ilang milyon sa mundo ang may pangalan na Samuel! ’Di naman siya special! Bakit ba bigla na lang akong kinabahan kahit nabanggit lang naman ang pangalan nung epal na ’yon?
“I’ll be fine, I promise…” sabi ulit nung babae sa may likuran ko.
Usually, hobby ko talaga makinig sa usapan ng mga tao sa paligid ko. Wala namang nasasaktan sa ginagawa ko! Saka para lang akong nakikinig sa teleserye sa radio! Favorite ko iyong mga nag-aaway na magjowa! Minsan gusto ko na nga lang sumabat at sabihin na ’iwan mo na ’yan! ‘Di mo deserve!’ kaso ang weird naman.
But for some reason, ayokong makinig ngayon. Wala lang. Pagod na nga ako, tapos maririnig ko pa pangalan nung epal na ’yon? ’Di naman ako bobo.
“I’m just trying to gather myself,” sabi niya ulit. “I’m actually already late for my appointment,” she continued. Medyo napa-kunot ang noo ko. “I just need to know my options. I know Samuel already talked to a family lawyer. He wants annulment.”
Halos mapa-talon ako sa kinauupuan ko nang marinig ko iyong pagtawag sa pangalan ko nung barista. Hindi pa naman ako nagkakape ngayong araw pero kinakabahan na ako. Mabilis akong tumayo at lumapit doon. I gave him my receipt and grabbed my coffee.
Maraming Samuel sa mundo. ’Di naman ’yun ’yung Samuel ko—Samuel ko?! Wow, ha!
Lumabas na ako sa coffee shop para bumalik sa office ko. I was trying to salvage my morning by enjoying my iced coffee nang mapa-hinto ako nang mapansin ko na may naka-tingin sa akin na babae. She looked really beautiful. I mean, I know a lot of beautiful women, but this one needed to be specifically mentioned.
“Hi,” she said.
“Hi,” I replied, a little confused.
“I’m Shanelle Nuevas,” she said. She looked so familiar… I must’ve seen her somewhere.
“Okay…” sabi ko. “I’m Deanne Manjarrez,” I introduced myself.
“I know,” she said. “I’m actually here for an appointment with you.”
“Oh…” I smiled out of politeness.
Her phone vibrated. Sinabi niya sa akin na sasagutin niya lang daw iyon. I nodded and quietly enjoyed my coffee. ’Di ko kasi alam kung bastos ba kung iiwan ko na lang siya tapos magkita na lang kami sa office? ’Di naman kasi ako nagcoconsultation sa gitna ng kalsada.
Nandoon lang ako sa isang gilid at umiinom ng kape ko. I really didn’t know if I should wait for her or what kaya naman bumalik na lang ako sa coffee shop at bumili ng cookie doon. I bought two so that I could offer one for her—feel ko ’di naman niya tatanggapin, but just in case!
I got two oatmeal cookies and then got another iced coffee. I usually consume three a day. Panghapon na siguro iyong isa pa.
Paglabas ko ay hinanap ko kung nasaan iyong prospect client ko… but my eyes widened when I saw a very familiar figure standing right before her.
Parang… parang gusto ko na lang lumubog sa lupa nang ma-realize ko na tama ako.
Suddenly, I was on fight or flight mode. I debated internally kung magtatago na lang ba ako at aalis. I really didn’t want to deal with him!
We dated back in law school.
He failed the BAR.
He blamed it on me.
Ako ba iyong nag-exam?! Nasa akin ba ’yung sign pen?! Bakit kasalanan ko?!
Pero bago pa man ako makapagdecide kung ano ang gagawin ko, napa-tingin siya sa gawi ko. His eyes widened a little upon realizing na hindi siya naghahallucinate at ako talaga iyong nakikita niya. He didn’t expect to see me here—and neither did I!
“She’s… your lawyer?” tanong niya habang naka-tingin sa akin.
“Yes,” sagot ni Shanelle.
Umawang ang labi niya. “Sha—” Samu said, but stopped. Napa-suklay siya sa buhok niya na parang mas lumambot pa sa paglipas ng panahon. I remembered back then when I would play with his hair kapag—
Oh, god.
Stop fucking thinking about him like that! Kasal na nga, oh! Wala akong balak maging kabit!
“No,” he continued, shaking his head.
“What do you mean no?” Shanelle asked like she was taunting him.
“You know—” sabi niya at napa-hinto. Tapos ay muli siyang napa-tingin sa gawi ko. His jaw clenched. “Unbelievable,” he uttered under his breath before he walked away.
Hindi ako maka-galaw.
Naka-tayo lang ako roon habang hawak ko iyong kape ko at cookies nung lumapit sa akin si Shanelle.
“Sorry you had to witness that,” she said. “That was my husband,” she continued. “He wants to file for an annulment and I want you to be my lawyer.”
My lips parted. Was she… asking me to be the counsel in my ex-boyfriend’s annulment proceeding? Tumingin ako sa paligid ko. Where were the freaking cameras?! Because this has got to be some kind of a prank!
** This story is 8 chapters ahead on Patreon (patreon.com/beeyotch). Subscription starts at 100php per month for all stories.
If you’re having any problems with your payment, you can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance.
Chapter 01
Chapter 01
“Sige, enjoy ka lang d’yan,” sabi ko kay Kitty habang nasa second floor kami. Wala pa iyong prof namin, although feeling ko talaga ay hindi siya dadating ngayon. Ewan ko… meron talaga akong sixth sense sa mga ganitong bagay. Sinabi ko naman na kina Iñigo na sure ako na walang dadating na prof, pero ayaw nilang maniwala. E ’di ’wag. E ’di sabay-sabay kaming maghintay hanggang 9:30PM dito.
Habang naglalakad si Kitty sa may harap ng classroom ng forever crush niyang si Jax, naka-tayo lang ako sa isang gilid. Buong araw akong nag-aral. Nakaka-inis nga kasi no choice ako at napunta ako sa section na ’yon! Hindi naman ako ganoong katalino! Feel ko talaga kasalanan ’to ng nanay ko na masyadong generous sa pagbibigay ng mga kakanin sa prof ko nung college, e. Ayan tuloy, napunta si gaga sa section ng mga laude.
“Okay na?” tanong ko kay Kitty nung nasa harapan ko na siya ulit.
She nodded, grinning. “Yeah, I’m okay!”
Natawa ako sa kanya. Kanina lang ay ang gloomy ng babaeng ’to for some reason tapos ngayon ay para siyang powerbank na fully charged na ulit.
“Saya talaga ng may crush,” I said.
“Hanap ka na rin ng crush mo,” she replied. “But ’wag si Jax.”
“Di ko naman type, sis. Don’t worry,” sagot ko sa kanya.
“Good,” she replied. Mukhang seryoso naman kasi ang isang ’to na mangangalmot ata kapag may ibang nagka-crush sa crush niya. I mean, gets ko naman. Gwapo naman talaga iyong si Jax, pero since alam ko na patay na patay sa kanya ’tong kaibigan ko, syempre automatic off limits na ’yan. Girl code!
“Nasaan na ba ang mga gwapo sa school na ’to?” tanong ko habang naglalakad kami papunta sa hagdan. Nasa third floor kasi iyong mga first years na gaya namin. Nasa second floor iyong mga second year kagaya ni Jax. Nasa first floor naman iyong mga third years at nasa kabilang building iyong mga fourth years aka mga untouchables dahil hindi na sila pwedeng ma-evict sa college na ito.
“Marami namang gwapo,” Kitty said.
“Nasaan?”
“Iñigo?”
I faked a gag. “Yuck.”
She laughed. “Grabe! He’s cute naman!”
“Acute kamo,” I said.
“Maven?”
“Intimidating,” I replied. It’s true, though! Super intimidating ng tao na ’yon! As in never ko nakausap. Feeling ko friendly naman ako na tao pero hindi siya kaya ng powers ko.
“Really?” parang ’di makapaniwala na sabi ni Kitty. “I think he’s nice naman. Sinubukan mo na bang kausapin?”
“Hindi.”
“Tapos intimidating agad?” sabi niya.
“Bakit ko naman kakausapin? Ano itatanong ko, sige nga?”
She shrugged. “Ask him about school stuff.”
“Baka abutan ako ng syllabus bigla.”
Natawa siya. “Na-imagine ko bigla!”
“Right?! Feel ko talaga aabutan lang ako ng syllabus nun o kaya book.”
“Try mo magpa-help kay Iñigo? I think kilala niya si Maven?” she suggested.
Pagbalik namin sa room, akala mo mayroong dumaan na anghel dahil sobrang tahimik doon. Nagbabasa ang mga tao ng libro o codal. Wala kang ingay na maririnig bukod sa pagflip ng pages ng libro. Mayroon ding mga nagbabasa ng cases. Sobrang hanga ako sa iba dahil binabasa nila iyong full texts—digest girl through and through kasi talaga ako. ’Di ko keri iyong full text ng mga kaso.
Naupo na kami sa pwesto namin. Iñigo was napping—na feeling ko okay naman kasi nakaka-sagot naman siya kapag may recit kami. Badtrip nga nung una si Kitty sa kanya kasi madalas magkasunod silang natatawag. E ’di laging pale in comparison si Kitty kay Iñigo. Pero mabuti na lang friends na sila ngayon.
I tried to study din dahil pakiramdam ko ay may peer pressure pero naaral ko na kasi ’to kagabi at kaninang buong araw. Nakakapagod basahin ulit kasi feel ko paulit-ulit na. Lumabas na lang ako dahil nakaka-tuliro iyong katahimikan sa loob ng classroom.
“Good morning,” pagbati ko nung makita ko si Iñigo na lumabas din. He was stretching and yawning.
“Wala talaga si Sir?” he asked.
“Kanina ko pa kaya sinasabi,” I said. “Borromeo,” I called.
“Manjarrez,” he replied.
“Friends kayo ni de Marco?”
Tumingin siya sa akin at kumunot ang noo. “Ano na naman ’yan?” tanong niya agad kahit wala pa nga akong sinabi!
“Grabe, nagtatanong lang!”
“Di ako naniniwala sa mga ‘tanong’ mo,” sabi niya na may airquotes pa.
Umirap ako. “Deh, ano nga? Friends kayo?” I asked kasi minsan nga nakikita ko nag-uusap sila.
“Bakit muna?”
“Ako kaya unang nagtanong?”
“First come, first serve ba ’to?”
“Bilis na. Daming ebas,” sabi ko.
“Di kami friends; magkakilala lang,” sagot niya. “Bakit mo tinatanong? Papa-lakad ka?” he asked, his left brow arched a little like he was challenging me kung sasabihin ko na oo.
“May girlfriend ba ’yun?”
“Di ko alam.”
“Tsk.”
“Balak mo bang maging future first lady?”
“Yuck—hindi, ah. Wala akong balak pumasok sa politics,” sabi ko sa kanya kasi as in never in my dreams! Feel ko kasi ako iyong klase ng tao na madaling madala sa tukso. Kaya kahit na no to corruption ako, feel ko kapag napalibutan ako ng mga ganong tao ay eventually, magiging ganoon na rin ako. So prevention is better than cure talaga.
“May ibang gwapo ka pa bang ipapakilala?” I asked.
Nilahad niya iyong kamay niya. “Iñigo Borromeo nga pala.”
Napa-kurap ako dahil ’di ko agad na-gets. “Gago,” sabi ko nung ma-realize ko na siya pala iyong gwapo na tinutukoy niya.
“Grabe, ’di naman ako panget!” sabi niya.
“Wala akong sinabi na ganyan,” sagot ko. “Crush mo kaya si Kitty.”
“Di, ah.”
“Swear on your BAR?” I asked him, my brow arched.
Napa-talikod siya at napa-hawak doon sa iron grills. Bakit kaya kailangan pa ng iron grills dito? May nagtangka na kayang tumalon?
“Crush lang naman,” pag-amin niya.
“Kilala mo naman crush nun, ’di ba?” I asked because it’s not like binubuking ko si Kitty! Alam nga ata ng buong college of law na crush niya si Jax, e.
“Malamang,” sagot niya.
“Yung crush mo may crush na iba? Sakit naman niyan, erp,” sabi ko habang tinatapik iyong balikat niya.
“Crush lang naman.”
“Okay lang ’yan,” sabi ko habang tinatapik pa iyong balikat… pero mukhang tunay nga na mabilis ang karma dahil nakita ko si Sir na naglalakad papunta sa classroom namin. Oh, shit!
May quiz.
Tapos recit.
Sa thirty minutes na natitira sa klase namin ay nagawa ni Sir na magquiz kami at magrecit. Lahat kami ay natawag! Nagmamadali ata siya dahil kapag hindi ka naka-sagot in five seconds ay sasabihan ka lang niya ng ‘thank you, Manjarrez’ kagaya nung sinabi niya sa akin kanina nung pinagrecite niya ako ruling sa isang case and for the life of me, hindi ko maaalala iyong ruling dahil ni facts ay hindi ko rin maalala!
Karma ko talaga ’to. ’Di ko na ulit tutuksuhin si Iñigo.
“Si Kitty?” I asked nang matapos ako sa pagmumukmok dahil feel ko bagsak na ako sa quiz at pangit pa iyong recit ko.
“Umalis na,” sabi niya. “Di mo ba narinig na nagsabi kanina?”
Umiling ako. Sabay kaming lumabas ni Iñigo sa classroom. Almost 10PM na rin pala kaya wala na halos tao sa school. Kaming College of Law na lang ang nandito kapag ganitong oras.
“First sem pa lang pero pagod na ako,” reklamo ko.
“Itulog mo na lang ’yan,” sabi niya.
“Di ba working ka?” I asked and he nodded. “Paano mo napapagsabay?”
He shrugged. “Wala naman akong choice.”
“Paano schedule mo?” I asked kasi kanina nung natawag siya, case din naman iyong natanong sa kanya pero nasagot ni Iñigo iyong ruling nung Supreme Court—naisingit pa nga niya iyong isang related case na pinagbasehan nung ruling.
“Trabaho umaga tapos aral sa gabi.”
“Mag-aaral ka pa mamaya?”
He nodded. “Syempre kakain muna ako tapos magpapahinga pero mag-aaral ako bago matulog,” he replied.
“Grabe… Nanonood lang ako ng Netflix after class,” I said… and then wondered kung kaya ko rin bang iadjust iyong schedule ko para gayahin iyong kay Iñigo. Kasi kung siya nga na working nagagawa, ako pa kaya na scholar ng magulang ko?
“May buong araw ka naman kasi bukas para mag-aral,” he replied. “Wag mong icompare ’yung sched ko sa sched mo. Magka-iba naman tayo ng ginagawa.”
“Ikaw nga naka-sagot kanina kahit working tapos ako na hindi naman working parang tanga kanina. Ang bobo ko talaga—” sabi ko tapos ay napa-hinto ako dahil mayroong tatlong gwapong lalaki ang nasa harap ko ngayon.
Tangina, Deanne? Kanina lang stressed ka sa kabobohan mo sa school, tapos ngayon naman lalaki na agad iniisip mo?! Iba rin talaga priorities mo sa buhay!
“Pupunta ako bukas,” biglang sabi ni Iñigo kahit wala namang nagsasalita doon sa tatlong gwapo sa harapan namin.
Tumango iyong nasa gitna. He looked serious… medyo ka-vibes niya iyong forever crush ni Kitty. Tumingin ako roon sa dalawa—iyong isa mukhang playboy dahil sa paraan ng pagngiti niya. Iyong pangalawa ay mukhang may past bilang sakristan dahil ewan… may vibes siya na ganoon.
Ang gwapo nung nasa gitna.
Shet. Same pa ata kami ng type ni Kitty!
“Also, Gracey’s birthday,” biglang sabi nung lalaki.
Tumango si Iñigo. “Alam ko.”
Tumango lang din iyong lalaki. Tumingin siya sa akin. Gusto kong sikuhin si Iñigo para sabihin na ipakilala niya naman ako pero mukhang nasa ibang planeta iyong utak ng lalaki na ’to dahil wala siyang sinasabi?! Weird ba kung ako na mag-introduce sa sarili ko?
“Deanne,” I said. Feel ko medyo nanginginig pa iyong boses ko. Wala naman kasing ganito ka-gwapo sa Mindoro! Kaloka!
“Lui,” biglang sabi nung moreno na mukhang playboy.
“Samuel,” sabi nung ex-sacristan. Bakit ganoon? Parang naiimagine ko siya na naglalakad sa simbahan at may dalang bible?
Tumingin ako sa crush ko. Grabe? Pa-yummy? Pangalan lang, e! Damot!
“Rhys,” sabi niya finally!
‘Small talk, D!’ sabi ko sa sarili ko. Ngayon mo ilabas ang daldal mo! Gamitin mo lahat ng natutunan mo sa paghohost sa mga talkshow nung nasa college ka!
Pero bago pa man ako makapagsalita ay nagpaalam na sila.
“Tomorrow, 11PM,” sabi nung Lui tapos tumingin siya sa akin at ngumiti. “Nice to meet you, Deanne,” dugtong niya bago sila naglakad tatlo paalis.
At pagkaalis na pagkaalis pa lang nila, mabilis kong hinampas si Iñigo sa braso niya dahil napaka-walang kwenta niyang kaibigan!
“Aray naman!” sabi niya nung finally ay nagising na siya.
“Di mo man lang ako pinakilala!” sabi ko.
“Nagpakilala naman sila,” he said.
“Ka-batch natin ’yung Rhys?” I asked.
“Hindi,” he said. Pinanlakihan ko siya ng mata. Para sa isang tao na ang daming details na sinasabi kapag nagrerecite, napaka-walang kwenta niyang kausap ngayon. “Third year na ’yon.”
“Iyong dalawa rin?”
“Second year,” sabi niya.
Grabe… Nasa second year ata ang tunay na pag-ibig. Doon din iyong batch ni Jax. Nandoon din si Yago na ex-crush ko. Bakit ba hindi ako doon napunta na batch?
Hanggang sa maka-labas kami ng school ay tinanong ko lang si Iñigo tungkol sa tatlong lalaki pero napaka-damot sa details! Akala mo naman ’di kami friends!
Sinabayan ako ni Iñigo na maglakad papunta sa condo ko. Nagrerent kasi ako dahil tiga probinsya ako at wala kaming bahay dito. Saka doon ata siya sumasakay ng jeep sa malapit sa condo ko. In fairness naman dito kay Borromeo ay mabait naman din talaga. Minsan lang walang kwenta.
Pagdating ko sa condo, naglinis lang ako ng katawan. I forced myself not to open the TV dahil sabi ko talaga ay magbabagong buhay na ako. Binuksan ko na iyong laptop para tignan kung ano iyong coverage… pero ang traydor kong kamay ay biglang napunta sa Facebook.
‘Rhys Arevalo,’ I typed on the search bar and instead of reviewing as planned, I stalked him on all his social media accounts.
** This story is 8 chapters ahead on Patreon (patreon.com/beeyotch). Subscription starts at 100php per month for all stories.
If you’re having any problems with your payment, you can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance.
Chapter 02
Chapter 02
Maaga akong dumating sa school. Hindi talaga ako mahilig mag-aral dito sa library dahil feeling ko ay mas mape-pressure lang ako dahil sa tindi ng pag-aaral ng mga tao rito. Medyo naranasan ko na iyong lumindol habang nasa library ako. Nung college ako, nangyari din iyon tapos ang una naming reaksyon ay lumabas ng building. Samantalang dito sa bago kong school ay natigilan lang sandali ang mga tao tapos ay balik sila sa pag-aaral na parang walang nangyari. Sobrang… wow. Ang intense?
Habang naghahanap ako ng mauupuan ko ay nakita ko si Kitty na katabi si Jax. Good for her! Ako na iyong nahihirapan kapag palakad-lakad siya sa second floor para sumulyap sa crush niya. Kulang na lang ay magdala siya roon ng table at upuan tapos doon na rin siya magklase.
Naka-kita ako ng free na upuan doon sa may medyo bandang dulo. Inilagay ko roon iyong gamit ko tapos lumabas muna ako para bumili ng kape. Bawal talagang magdala ng food dito pero parang wala namang may pakielam? Dami kayang kumakain dito.
Bumili ako ng kape doon sa may cafeteria. Pwede na rin pag pangmabilisan na kape. Pinalagay ko iyong kape doon sa may hydroflask ko para hanggang mamaya na sana. Pagbalik ko sa may library, medyo napa-hinto ako nang makita ko na mayroong naka-pwesto doon sa tabi ng mga gamit ko.
“Grabe naman ata ako magmanifest…” sabi ko sa sarili ko habang naka-tingin ako kay Rhys Arevalo na naka-upo roon at isa-isang inaayos ang mga gamit niya. Inilabas niya iyong libro niya sa civil procedure at naglabas ng pen capsule.
Shet. ’Di ko alam kung ano ang gagawin ko. ’Di naman niya alam na ako iyong naka-pwesto doon sa kabila? Saka bakit ba ako kinakabahan? ’Di naman niya alam na nagstalk ako kagabi?! ’Di naman niya alam na alam ko na ang pangalan niya ay Rhys Arevalo ang ang meaning ay inspired by God , na third year law student siya, na legal management ang pre-law niya, na may kakambal siya na med student, na vice president siya ng frat nila, na mahilig siyang magtravel. ’Di naman niya alam na alam ko ’yan!
“Kaya mo ’yan, girl,” bulong ko sa sarili ko matapos huminga nang malalim at naglakad papunta sa pwesto ko. Bakit ba? Ako kaya nauna doon? Bakit ako mahihiya?
Nang hatakin ko iyong upuan ay napa-tingin siya sa akin. Medyo kumunot iyong noo niya—he’s probably trying to remember kung saan niya ako nakita. Grabe? Kagabi lang ’yon? Para sa top 1 ng batch nila, ang hina ng memory niya, if ever!
“Deanne,” I said matapos kong ipunin iyong kapal ng mukha ko.
“I know,” he replied.
Tangina ka, Deanne… Dalawang salita lang sinabi sa ’yo, kinilig ka na agad?!
“Ah… okay,” sabi ko na kunwari ay cool girl ako kahit sa totoo lang ay bakit ba ako nandito?! Sure ako na hindi ako makakapag-aral dahil paano ako mag-aaral kung katabi ko ang crush ko? Mas mukhang pagpapanggap lang na nag-aaral ang mangyayari ngayon.
Ibinalik niya na iyong atensyon niya sa pag-aaral. Sobrang pasimple ako na sumisilip sa ginagawa niya. He was wearing his white headphones para siguro walang ingay siya na marinig. He was only using his pencil to write his notes at minsan ay mag-underline o magbilog sa binabasa niya.
Nagtry din naman ako na magreview dahil may class naman talaga ako sa crim mamaya! Gusto kong lumandi sa happy crush ko, pero may balak din naman akong grumaduate!
I was in the middle of reading the cases nang biglang mapa-tingin ako dahil nakita ko sa peripheral vision ko na tinanggal ni Rhys iyong headphones niya. Kanina pa kasi siya nag-aaral at nandoon lang talaga iyong focus niya kaya naman nung ginawa niya iyon ay napa-tingin ako.
‘Siya na naman?!’ I said inside my head nang makita ko na kaya tinanggal ni Rhys iyong headphones niya at para kausapin si Charisse Faith Viste—oo, alam ko ang complete name niya dahil one sided mortal enemy ni Kitty ’yan. Kaagaw na nga ni Kitty kay Jax, pati ba naman sa crush ko? Ano ’to, lahat na lang?
“What’s your class today?” tanong ni Rhys sa kanya.
“Transpo.”
Tumango si Rhys tapos ay may sinabi pero mabilis na nagpaalam iyong si Cha dahil mag-aaral pa raw siya… pero nakaka-badtrip dahil hanggang sa paglalakad ni Cha palayo ay naka-tingin sa kanya si Rhys.
Gusto ko lang naman mag-aral pero bakit nasira ang umaga ko? Hirap naman magka-crush, leche.
Nung umalis si Rhys para maglunch ay kinuha ko iyong mga gamit ko at saka pumunta sa coffee shop sa labas at doon na ako nag-aral. Ngayon ko lang na-realize na hindi ko kayang mag-aral sa tabi ng crush ko dahil iyon ang magiging dahilan ng pagbagsak ko. Medyo humanga ako kay Kitty na kinakaya magpanggap na nag-aaral sa tabi ni Jax.
Nung malapit ng magsimula ang class namin sa crim ay naglakad na ako pabalik sa school. Naka-sabay ko si Iñigo na kaka-baba lang ng jeep.
“Natapos mo coverage?” he asked.
“Syempre hindi,” sagot ko. “Bwisit kasi ’yang si Rhys.”
Kumunot ang noo niya. “Si Rhys?”
“Oo. Alam mo ba tabi kami kanina?”
Napa-tingin siya sa akin. “Real life ba o imagination mo ang pinag-uusapan natin?”
Sumimangot ako. “Gago?” sabi ko tapos tinawanan ako.
“Bakit kayo tabi kanina?”
“Nauna kasi ako doon sa library tapos bumili lang ako ng kape. Pagbalik ko, nandoon na siya sa tabi ng mga gamit ko.”
Tumango si Iñigo. “Okay… Bakit siya bwisit bigla?” tanong niya tapos nagkwento ako sa kanya sa nangyari kanina. Ewan ko kung bakit naiinis ako? Wala namang ginagawa iyong Cha sa akin. Saka ’di ko naman jowa si Rhys? Pero bakit ba? Main character ako ng buhay ko!
“Cha?” sabi ni Iñigo.
“Yung mukhang Chinese,” I said. “Yung sinasabi lagi ni Kitty.”
Tumango si Iñigo. “Ah…” sabi niya tapos hindi ko na naituloy iyong kwento ko dahil nakarating na kami sa classroom. Jusko. Sana naman ay maka-sagot ako ngayon for a change!
Pagdating ni Atty. Mercado ay nagsimula na agad ang recit. Rinig na rinig ko ang kabog ng dibdib ko habang nagsshuffle ng classcard si Sir para sa bagong round ng recitation.
“Bakit ang saya mo?” tanong ko kay Kitty dahil ngiting-ngiti si gaga pagdating sa classroom.
She shrugged. “Wala. I just feel happy.”
“Seriously? Where’s the Kitty I know na stressed tuwing may lumalabas na bagong list of cases?” I asked her pero tinawanan lang ako na para bang nagjoke ako.
Nagsimula na iyong recit. Dasal ako ng dasal na sana ay ’wag na akong matawag sa kaso dahil nahihirapan akong magrecite sa ganoon. Mas gusto kong magrecite sa concepts dahil mas madali siyang iexplain para sa akin. Kapag kaso kasi ay hindi naman ako pwedeng mag-imbento ng facts.
“Manjarrez,” pagtawag ni Sir.
Lord, kayo na po ang bahala.
“Ivler v San Pedro?” tanong niya sa lahat naman ng cases na binasa ko, doon pa talaga ako natawag sa pinaka-hindi ko naintindihan.
Huminga ako nang malalim bago ako nagsimulang magrecite ng case. Alam ko naman iyong case dahil medyo sikat ’to. Medyo nagstruggle ako sa pagdiscuss nung decision ng court dahil feel ko ay masyado siyang kumplikado para sa first year na kagaya ko. Litung-lito ang pagkatao ko habang nagdidiscuss ako ng concept ng reckless imprudence resulting to homicide at kung ano ang connection niya sa double jeopardy.
Lecheng buhay ’to.
“Thanks,” I mouthed when I saw Iñigo giving me a thumbs-up sign. Okay naman… pero ewan… feel ko kung iba ang natawag sa akin mas makaka-sagot ako.
Pag-upo ko ay huminga na lang ako ng malalim. No use naman kung magmumukmok pa ako. Nailagay na ni Sir iyong grade ko sa classcard ko.
“Nice one,” sabi ko kay Kitty nang magrecite siya tapos ang ganda ng discussion niya doon sa case. Kinabahan pa naman ako para sa kanya kasi biglang tumalon si Sir. Usually kasi sunud-sunod siya magtanong. “Kabisado mo lahat ng case? How to be you?” I asked, but she just shrugged.
Nang matapos iyon ay as usual, kami na naman ni Iñigo iyong sabay na naglakad palabas ng school. Si Kitty ay parang si road runner na nawawala bigla kapag dismissal na namin dahil usually ay sabay kami ng dismissal ng crush niya.
“Maganda ba siya?” I asked Iñigo nung pagbaba namin ay makita namin si Cha na wala namang ginagawa. Naka-tayo lang naman siya sa may harap ng bulletin board at binabasa kung anuman ang naka-lagay doon.
Iñigo shrugged. “Sinungaling,” I said.
Tumawa siya. “Ayokong magsinungaling kapag sinabi ko na panget para gumaan ang loob mo.”
Umirap ako kasi totoo naman na maganda si Cha saka matalino pa… no wonder crush siya ni Rhys. Pero mukha namang ’di siya type ni Cha dahil parang wala naman iyong pakielam kanina nung kausap niya.
“Paano ba maging habulin ng lalaki?” I asked him dahil lalaki naman siya, so feel ko ay valid naman ang opinyon niya.
“What?” he asked na naka-kunot ang noo.
“Wala lang… curious lang…” sabi ko. Buong college life ko kasi ay wala akong jowa. Minsan iniisip ko na dahil lang ’yan focused ako sa pag-aaral, pero mas madalas ay naiisip ko na isa ako sa mga babae na hindi ligawin. Awkward din ako lumandi. Tanging kapal ng mukha lang ang mayroon ako.
“Gutom lang ’yan,” sabi niya sa akin.
“Ano’ng type nung Rhys?” I asked.
“Bakit ako tinatanong mo?”
“Best friend… or ex mo iyong kambal niya,” sabi ko. Napa-tingin siya sa akin. “Oo, inistalk ko siya. Inaamin ko.”
“Grabe… malala ka na.”
Umirap ako. “Naka-public naman profile nila! For public consumption,” sabi ko. “So, ano nga type niya?”
“Di ko alam,” sabi ni Iñigo. “Di ko naman close ’yon. ’Di ko alam mga ganon.”
“Yung sa kagabi?” I asked.
“Wala ’yun,” he said. I knew it was something related to frat, but I didn’t ask dahil mukhang ayaw niya namang pag-usapan. Okay lang naman. ’Di naman ako nagtatanong pa kapag ramdam ko na ayaw pag-usapan.
“Di ko lang sigurado kung ganoon pa rin, pero alam ko mahilig ’yan sa matalino,” sabi bigla ni Iñigo.
Sumimangot ako. “E ’di wala na agad ako!”
Tumawa siya. “Malay mo naman changed person na siya.”
“Gago, para ka na ring nag-agree na bobo ako!” sabi ko sa kanya tapos ay tinawanan niya lang ako hanggang sa makarating na kami sa harap ng condo ko tapos ay pumasok na ako roon at siya naman ay sumakay na sa jeep pauwi.
That night, nag-aral ako nang mabuti. Ewan. Dahil ba kay Rhys? ’Di ko sure. Pero ang mahalaga, inspired akong mag-aral. Nakaka-hiya naman sa magulang ko na nagbabayad ng pagkamahal-mahal na tuition sa school na ’to tapos ay puro ako bagsak!
Iyong mga sumunod na recit ay okay naman… merong mga pangit pa rin, pero merong magaganda. Nag-aral ako nang mabuti para sa midterms exam. Ni hindi ako nagnetflix at talagang nag-aral lang ako. Nagsimba pa nga ako kay St. Jude para lang sa mataas na grade! Medyo weird lang dahil nakita ko na nandoon din si Samuel. Bobo rin ba siya na nagdadasal para sa grade?
“Lord, please…” sabi ko habang nandoon ako sa gilid ng chapel at naka-upo. Ngayon kasi ilalabas iyong grades para sa midterm standing. It’s a third of my grade. Kailangan ko ng at least 75 para hindi ako maghingalo na maghabol sa finals period.
Huminga ako nang malalim. Binuksan ko iyong school email. Nakita ko na may email na roon galing sa school. Napaawang ang labi ko nung makita ko iyong grades ko.
Mommy calling…
Napa-tingin ako sa likod ko. Talagang dito pa ako tinawagan ni Mommy kung saan hindi ako pwedeng magsinungaling! Tumayo ako at naglakad sa medyo malayo.
“Hi,” sabi ko nung sagutin ko iyong tawag.
“Kamusta iyong grades?” she asked kasi nung isang gabi ay bigla akong nag-emote at tumawag ako sa kanya at umiyak at sinabi na nahihirapan na ako sa school na ito at gusto ko ng umuwi sa Mindoro at magbeach na lang.
“Okay naman po…” I said because… I really didn’t have the heart to tell her na iyong unica hija niya ay naghihikahos sa law school. Nung sinabi ko sa kanya na nahihirapan ako, ramdam ko na mas nahirapan siya para sa akin. Since that night, I’d decided to only share the good things with them. Kaya ko naman ’to… Nag-aadjust pa lang siguro ako. First sem pa lang naman.
“Sabi sa ’yo, e, magtiwala ka lang sa sarili mo,” sabi niya na napa-ngiti ako at hindi ko alam, pero medyo naluha ako dahil sa tiwala na meron siya sa akin kahit ako mismo sa sarili ko ay walang tiwala sa akin.
Nang matapos iyong tawag ay dumiretso ako sa chapel. Lumapit ako roon sa may kumpisalan.
Nagsign of the cross ako. “Lord, forgive me for I have sinned,” panimula ko tapos ay nagkumpisal ako sa pagsisinungaling ko kay Mama. Nagkumpisal na rin ako pagta-trashtalk ko kay Cha at Iñigo dahil feel ko ay kina-karma ako dahil doon. Nang matapos ako magkumpisal ay hinihintay ko na ang sasabihin ni Father sa akin kung ano ang kailangan kong dasalin. But almost a minute passed at wala akong narinig. Sinubukan kong sumilip sa mga butas doon para makita kung naka-tulog ba si Father sa loob or what… nang manlaki ang mga mata ko nung magtama ang mga mata namin ni Samuel.
** This story is 8 chapters ahead on Patreon (patreon.com/beeyotch). Subscription starts at 100php per month for all stories.
If you’re having any problems with your payment, you can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance.
Chapter 03
Chapter 03
“Hi,” sabi niya habang naka-tingin pa rin kami sa isa’t-isa. Sure na sure ako na nanlalaki iyong mga mata ko dahil sa pagka-bigla. Bakit siya nandito?! Parttime priest din ba siya bukod sa pagiging law student niya? Pwede ba ’yon? My god! Ang dami ko ng problema, dumagdag pa ’to!
Ni hindi ako naka-galaw sa kinaluluhuran ko nung lumabas siya sa confession box. He was wearing a light brown chino pants, white polo shirt na naka-tuck in, at saka iyong boat shoes ata ang tawag. Mukha talaga siyang ex-sacristan sa pagkaka-suklay ng buhok niya. Mabuti na lang wala siyang kwintas na crucifix dahil iyon ang kukumpleto sa attire niya talaga.
Para akong si Sadako na dahan-dahan lumingon sa kanya dahil nasa tagiliran ko na siya.
“I—”
“Pari ka ba?” I asked because I needed to know! Kung pari siya, hindi ba may oath siya or something na bawal niyang ipagkalat iyong mga sinabi ko? Kasi feel ko inilabas ko kanina lahat ng kasamaan na ginawa ko rito sa law school—lalo na iyong pangta-trashtalk ko kay Cha at kay Iñigo!
“No,” he replied.
“Bakit ka nandoon?”
“May pinagtataguan ako,” sabi niya.
“Bakit hindi ka na lang sa CR nagtago?!”
Napa-tawa siya. Mas kumunot lang ang noo ko. Shet. So, hindi siya pari. Hindi naman siguro siya epal na tao para ipagkalat iyong mga narinig niya?
“Ano… iyong narinig mo?” I asked.
“Everything,” he replied.
“Everything?” I asked, a little scared.
He nodded in a way na parang gusto niya akong bwisitin. “Don’t worry—your secret is safe with me,” sabi niya na may ngiti. My god. Narinig niya kung paano ko inistalk si Rhys. Kung paano ako nambash kay Cha kanina nung nag-usap sila sa library. Kung paano ko inaway si Iñigo dahil sabi niya maganda si Cha. Gusto ko na lang mamatay sa kahihiyan.
Ipinikit ko ang mga mata ko at huminga ako nang malalim. Dahan-dahan akong tumayo. Medyo sumakit iyong tuhod ko dahil sa pagkaka-luhod. And then I looked at him.
“Samuel,” pagsabi ko sa pangalan niya.
“Yes?” he replied na parang nang-aasar.
“So… narinig mo talaga lahat,” I said, wanting to confirm one more time dahil baka naman partially deaf siya at may chance na hindi niya narinig talaga masyado? Kasi paano ako maglalakad sa hallway ng SCA kung alam ko na may isang tao na narinig lahat ng innermost thoughts and feelings ko? Sige nga? Paano?
Hindi siya sumagot pero naka-tingin lang siya sa akin.
Tapos biglang nag three o’clock prayer.
Pota ang awkward. Naka-tingin lang kami sa isa’t-isa habang mayroong dasal na naririnig mula sa audio system ng buong school. Habang may dasal, nag-iisip na ako kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Like magpapa-lusot ba ako? Sasabihin ko ba na ‘it’s a prank!’ Kaso paano? Halata masyado! ’Di naman bobo ’tong nasa harapan ko.
“Chismoso ka ba?” I asked nung matapos na iyong dasal.
“Why?” he asked.
“Since narinig mo na—”
“About how you stalked Rhys?”
I groaned. “Bakit ka kasi nandito?! Dapat nagsabi ka na nung narinig mo pa lang na sinabi ko na ‘Lord, forgive me for I have sinned!’” sabi ko sa kanya. “Di mo man lang ba na-realize na hindi ka naman si Father kaya bakit ako mangungumpisal sa ’yo?”
Para akong bata na nagttantrums habang naka-tingin lang siya sa akin. Bigla ay feeling ko entertainment niya ako ngayon dahil parang natatawa siya sa akin.
“Hindi ako maka-singit sa pagsasalita mo,” he said.
“Ano?”
“I was about to interrupt you—”
“Bakit hindi mo ginawa?”
Tumingin siya sa akin. He pursed his lips. “Maybe you’re right,” he said. “Baka chismoso nga ako.”
Napaawang ang labi ko. “Iba-blackmail mo ba ako?”
Natawa siya. “What? Bakit ko naman gagawin ’yon?”
“Dahil… sa mga narinig mo?”
Pumasok ulit siya sa may confession box at kinuha niya pala iyong gamit niya. Mayroon siyang dalang isang libro ng Property at saka isang codal. Ito lang dala niya sa pagpasok?
“Na ano? Na may crush ka kay Rhys?” he asked.
“Uh… yes?”
“Do you want me to blackmail you?” tanong niya sa akin. Hindi ko gets kung bakit sabay kaming naglalakad palabas ng chapel?!
“Syempre hindi!”
“Sure?”
“Bakit ko naman—”
Pero agad akong napa-hinto dahil nakita ko si Rhys na papalapit sa amin. Jusko. Uniform ba ito ng group nila?! Si Rhys naman ay naka-suot ng dark jeans at black na polo shirt at may hawak-hawak siya na reading glass. God, ang pogi naman!
“Rhys,” pagsabi ni Samuel sa pangalan niya.
Medyo kumunot iyong noo ni Rhys. “Why?” he asked.
“Nothing,” Samuel said, shrugging. Kumunot ang noo ni Rhys dahil sa ka-weirduhan ni Samuel. Ako naman ay parang gusto ko na lang himatayin dahil sa sobrang kaba. Hindi naman niya siguro sasabihin, noh? Kasi sobrang epal niya naman! Saka bawas points sa langit ’yan! ’Di naman niya dapat narinig iyong confession ko!
Tumingin si Rhys sa gawi ko tapos bahagyang tumango—was that his way of acknowledging my presence? Kasi leche simpleng tango lang kinilig na ako?!
Nung umalis na si Rhys ay doon lang ako naka-hinga nang maluwag.
“See? I told you your secret’s safe with me,” sabi niya Samuel sa akin bago siya ngumiti at nagwave ng kamay habang naglalakad palayo.
Lecheng ’yan! Akala ko pa naman good boy siya dahil sa sacristan vibes niya!
Badtrip ako hanggang sa maka-rating ako sa classroom. Dahil kakatapos lang naman ng midterms period ay parang wala pang masyadong aattend na mga tao. Si Kitty ay mukhang masaya na dahil may lovelife na si gaga.
“Naka-dalawang buwan na ako rito sa school, wala pa rin akong lovelife,” sabi ko kay Iñigo habang dakilang tambay kami sa labas ng room.
“Totoo,” sagot niya.
“Gago, nakita kita may nilalandi ka sa med,” sabi ko sa kanya tapos tinawanan niya ako. “Wala ka ba talagang mairereto d’yan, Iñigo? Kasi kung wala, ano’ng kwenta mo bilang kaibigan ko?”
Tinatawanan lang ako nito na akala niya ay nagjojoke ako! Ito talaga mahirap kapag funny kang tao, e. Akala nila joke lang lahat kahit seryoso ako. Kapag tina-try kong magseryoso, tinatawanan lang ako.
“Akala ko si Rhys?” sabi niya.
Umirap ako. “Masama ba maghanap ng iba pa? ’Di ko naman jowa ’yun para magpaka-loyal ako,” sabi ko sa kanya dahil si Kitty lang naman ang kakilala ko na hindi pa girlfriend pero ’yung loyalty e pang asawa na na nagcelebrate ng silver anniversary.
“Bilis mo naman sumuko,” sabi niya.
“Maigsi lang ang buhay,” I replied.
“Ano ba’ng gusto mo?”
“Hahanap mo ako?”
He shrugged. “Kapag meron.”
“Daming gwapo sa frat mo, e.”
“Wag ka na ’dun,” sabi niya.
“Bakit naman?” I asked but instead of answering, he just shrugged. “Iñigo,” I called. Tumingin lang siya sa akin. “Yung ano…” sabi ko. “Ano’ng ugali nung Samuel?” I asked.
Kumunot ang noo niya. “Samuel?”
“Yung ka-frat mo,” I replied.
“Tapos ka na kay Rhys, ngayon si Samuel naman? Ano? Next si Lui? Ako ba after ni Lui?” tanong niya.
Tinignan ko siya. “Ako ’wag mo akong hinahamon sa ganyan. Kapag ikaw pinatulan ko,” sabi ko sa kanya tapos tinawanan niya lang ako. Lecheng ’to!
“Ano’ng meron kay Samu?” he asked. So, Samu pala ang nickname nung hudas na ’yon.
“Wala lang. Curious lang,” I said although sure naman ako na hindi naniniwala sa akin si Iñigo dahil kailan ba ako nagtanong na walang dahilan?
“Okay naman siya,” sagot niya.
“Mabait ba ’yon?”
“Oo?”
“Ano’ng oo? ’Di ka sure?”
“Ang labo naman kasi ng tanong mo,” he replied. “Ang subjective naman ng pagiging mabait. Mabait in general? Siguro… Pero—” sabi niya tapos napa-hinto. “Bakit mo muna kasi tinatanong para alam ko kung ano ang isasagot ko?”
Tumingin ako sa kanya. Sasabihin ko ba na tinrashtalk ko siya sa isip ko kaya nagkumpisal ako? Feel ko naman wala lang sa kanya ’yan after ng lahat ng chismis na nakuha niya sa buong batch namin. Ewan ko ba sa mga ’yon, masyadong insecure kay Iñigo. Ako lang ata proud sa kanya kasi working student pero ang ganda ng grades. Hanep sa time management.
“Wala,” I said, waving my hand.
At dahil tama nga ako, walang dumating na professor. Lumabas kami ni Iñigo. Lately ay hindi namin kasabay talaga si Kitty dahil busy lumovelife si bakla. Okay lang naman din kasi minsan ay naaambunan ako kapag tinuturuan siya ni Jax. Ang talino nun, e! Mabait pa mag-explain.
Pagbaba namin ni Iñigo, naka-salubong namin iyong tatlong gwapo… Grabe… Package deal ba talaga sila? Bakit lagi sila magkakasama?
“Hi, Deanne,” sabi nung si Lui.
Agad kong tinignan nang masama si Samuel. Shet siya! Sure ako sinabi niya kasi bakit naman magha-hi sa akin ’tong si Lui?!
“Uwi na kayo?” Lui asked. Tumango si Iñigo. “Sabay kayo?”
“Hindi—” sabi ko.
“Yup,” sabi ni Iñigo tapos ay nagpaalam sa kanila tapos ay hinawakan iyong braso ko at hinila ako palayo. Ni hindi ko gets kung ano iyong nangyari dahil bakit bigla na lang kaming umalis? Hindi pa ako tapos tignan ng masama si Samuel!
“Wag ka na ’dun,” sabi ni Iñigo. “Hanap kita ng lovelife sa med,” he continued. Hindi na ako nagsalita kasi parang seryoso talaga siya na ayaw niya akong mapa-lapit sa mga ’yon… pero ’di ba ‘friends’ sila dapat kasi members sila ng iisang frat? Ang gulo naman nila kung frenemies talaga sila? Ano pa ’yang brotherhood kineme nila kung frenemies pala sila?
Nagbye ako kay Iñigo nung maka-uwi ako sa condo. Pagdating ko sa unit ko ay naglinis ako ng katawan at saka nagsuot na ako ng pajama. Tama naman si Iñigo na hindi ko kailangang gayahin iyong schedule niya dahil magkaiba kami ng ginagawa. Kaya naman nagdecide ako na manood ng Netflix na lang ngayong gabi.
I chose to watch Legally Blonde para naman maalala ko kung bakit ako napadpag sa sinumpang lugar na ’to. Kaya lang habang nanonood ako ay bigla akong nagutom. Wala na pala akong pagkain kaya naman kinuha ko iyong wallet ko at nagsuot ng jacket. Ang maganda lang talaga sa pagtira sa condo malapit sa school ay iyong maraming kainan na bukas kahit madaling araw pa.
Marami pang tao sa labas at saka ang liwanag pa kaya feel ko naman safe ako. Naglakad lang ako along the way habang nag-iisip kung ano ang kakainin ko.
Paikut-ikot lang ako at naghahanap ng makakainan nung mapa-hinto ako dahil nakita ko si Samuel na tumu-tusok ng fishball sa kawali.
Taena naman! Kung saan-saan ko nakikita ’tong taong ’to!
Hindi ko alam kung tatalikod ba ako o lalapit kasi balak ko rin bumili sana ng fishball at kwek-kwek, pero ayoko siyang kausapin. Badtrip pa rin ako dahil sa pagsabi niya kay Lui sa sikreto ko. I mean, hindi naman ’yon secret pero wala pa rin siyang karapatan na ipagkalat.
Naka-tayo lang ako roon habang pinapa-nood siya na maglagay ng fishball sa may plastic cup. Nung matapos siya ay naglagay siya ng mixture nung sweet and spicy na sauce at saka sweet and spicy na suka. Akala ko ay aalis na siya pero doon ata siya kakain. Nasaan na ba iyong mga friends niya at bakit dito ’to pakalat-kalat?
Habang papa-subo siya ng fishball ay bigla siyang napa-tingin sa gawi ko. Napa-hinto siya at napa-kunot ang noo.
“Sinu-sundan mo ba ako?” he asked.
“Wow, kapal ng mukha?”
“Nice outfit,” sabi niya tapos bigla akong na-conscious dahil naka-Hello Kitty pajamas pa nga pala ako. Bakit ba? Matutulog na ako, e!
I frowned at him at saka lumapit na ako roon tapos nanghingi ng cup kay Manong. Tutal nandito na rin naman ako, e ’di bibili na ako ng fishball.
“Bakit mo sinabi kay Lui?” I asked habang tumu-tusok.
“Sinabi iyong ano?” he asked.
“Iyong sa confession.”
“Wala akong sinabi,” he replied.
“Sinungaling.”
Hindi siya sumagot napa-tingin ako sa kanya. Medyo na caught-off guard ako dahil sa tingin niya sa akin. I cleared my throat.
“Whatever,” sabi niya tapos ay nagbayad kay Manong at saka umalis. Pota, ang attitude?!
** This story is chapters ahead on Patreon (patreon.com/beeyotch). Subscription starts at 100php per month for all stories.
If you’re having any problems with your payment, you can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance.
Chapter 04
Chapter 04
Hindi ko alam kung bakit bothered ako na nagwalkout ’yung Samuel na ’yon. ’Di naman kami friends. ’Di ko rin naman siya crush—I mean, gwapo siya… but hindi ko type iyong may ‘banal’ vibes. Kasi alam mo ’yon? Kapag nagkaboyfriend na ako finally, marami akong masamang balak. Medyo mahirap lang siguro kapag gagawan mo ng masamang bagay iyong tao na banal iyong vibes.
Medyo late akong nakarating sa school dahil na-late ako ng gising. Pagdating ko sa library ay puno na. Grabe naman! 10AM pa lang naman! ’Di naman ganito dati. Dahil ba finals season na kaya ganito? Lumabas na lang ako roon at naghanap ng ibang pwedeng pwestuhan sa school. Mainit na kasi kaya tinatamad na akong lumabas pa at maglakad. I was wearing a white long-sleeved na polo na naka-fold sa braso ko.
I was just walking around hanggang sa mapa-hinto ako roon sa mga benches sa labas ng chapel. Inilagay ko roon iyong mga libro ko kasi baka maagawan na naman ako. Pumunta ako sa cafeteria tapos ay bumili muna ako ng pagkain doon saka nagbreakfast. Pagbalik ko sa may chapel, napa-hinto ako nung makita ko na may naka-upo sa other end nung bench.
I took a deep breath.
Nung maglakad ako papunta roon ay hindi napansin ni Samuel na nandoon ako. He was probably too immersed in whatever he was reading… at dahil natural na chismosa ako ay nakita ko na cases iyong mga binabasa niya. In fairness sa kanya, naka-full text siya. I could never dahil tamad akong magbasa ng full text.
Dahil mukhang hindi niya naman ako papansinin ay nagdecide ako na mag-aral na lang din. Ayoko lang ioverthink na naman iyong ginawa niyang pagwo-walkout. Madaming ganap sa buhay ko at ayoko na iyong idagdag pa.
I was currently deciding kung gagamit ba ako ng memaid o kung maglilibro ba ako nung mapa-tingin ako sa gilid ko. Naka-tingin din siya sa akin.
“Nauna ako rito,” defensive na sabi ko kasi baka isipin niya e sinusundan ko siya! Next time talaga lalagyan ko na ng gamit iyong buong bench! Oo, malandi ako, pero ’di ko talaga kaya na katabi ko iyong crush ko. ’Di ako makapagconcentrate sa pag-aaral! Aba e hindi naman pwede na pangalan nila isagot ko sa recit dahil talagang tuluyan na akong makikickout.
“Okay,” he replied tapos ay bumalik na siya sa pagbabasa niya. I rolled my eyes. Ano ba’ng problema nito? “Saw that,” he said.
“Saw what?”
“You rolling your eyes.”
“Galit ka ba?” I asked. “Kasi bigla kang nagwalkout nung isang gabi,” I said because I just really didn’t want to overthink it… Saka ano ba kasi iyong kasalanan ko if ever? Siya nga ’tong nakinig sa confession ko, e!
“Sinabihan mo akong sinungaling.”
Kumunot ang noo ko. “What?”
“I already told you—hindi ko sinabi kay Rhys,” he said. “I don’t appreciate being called a liar.”
My lips parted. “So… galit ka nga?”
“No.”
“Ano? Nag-iinarte ka lang?” tanong ko tapos ay tumingin siya sa akin tapos ay seryoso iyong mukha niya. I pressed my lips together. Ang seryoso naman ng isang ’to! “Okay, okay,” sabi ko. “I’m sorry sa sinabi ko. I was just… worried na baka sabihin mo kay Rhys.”
“But I already told you that your secret’s safe with me.”
I shrugged. “Kahit na.”
“I won’t tell him,” he replied. “Besides, I don’t think we would’ve even cared.”
“Kasi hindi niya ako type?” tanong ko tapos medyo na-conscious ako kasi tinignan niya ako from waist to my face. Agad tuloy akong napa-isip kung ano ba ang itsura ko! Nag-ayos naman ako bago pumunta sa school! Feel ko kasi talaga ay dito ko makikilala ang tunay na pag-ibig kaya kailangan ay maayos ang itsura ko palagi. Hirap pa naman na mukha akong pulubi na naliligaw dito sa SCA.
“Hindi ko alam kung ano ang type niya.”
“Weh.”
“At least not physically.”
“Baka chinita type niya.”
“Because of Cha?” he asked, now looking like he was enjoying our conversation. Tignan mo ’to—kanina lang ay parang badtrip sa akin tapos ngayon ay nag-e-enjoy na siya to the point na hindi niya na binabasa iyong cases niya. Sige, magchismisan na lang kami dito at ’wag na magreview for class.
Umirap ako. “Maganda naman talaga ’yon,” sagot ko. Kahit nga si Kitty nagseselos doon, e! Feel ko nga crush na rin ni Iñigo ’yun. Siya na talaga ang pinagpala sa lahat.
“I don’t think Rhys likes her because of her face,” sabi ni Samuel.
“Kasi matalino?”
He shrugged. “Because she’s hard to reach,” he replied.
“Hard to reach?”
He nodded. “Guys like the chase,” sabi niya. “Crush si Cha ng halos lahat sa frat,” he casually mentioned. Pota. Ito ang literal na sana all! May choices pa si Charisse Faith Viste! Must be nice to be her.
I just nodded kasi ano ba ang sasabihin ko sa ganon? Sana all? Instead, ibinalik ko na lang iyong atensyon ko sa pagrereview. Naglagay din ako ng earphones para makapagfocus ako. Hindi naman mag-aadjust iyong recit ko dahil sa mga hanash na nangyayari sa buhay ko.
Habang tahimik akong nagbabasa at nagssoundtrip, biglang nanlaki iyong mga mata ko nung nasa harapan ko si Rhys bigla. I knew he was there because… I didn’t know… He smelled familiar—he smelled expensive for some reason. Naka-tingin siya kay Samuel at mukhang nag-uusap sila.
Napa-tingin sa akin si Rhys. I removed one of my earphones and nodded at him to acknowledge his presence.
“Deanne,” pagtawag sa akin ni Samuel.
“Why?” I asked habang naka-tingin pa rin ako kay Rhys. Bakit… ang gwapo ng taong ’to? Bakit ba nakakadagdag talaga sa ka-gwapuhan ng tao kapag masungit sila? Bakit ba hindi ako pinanganak na masungit at mysterious? Bakit tuwing may bago akong kakilala ay ang unang instinct ko ay ikwento sa kanila ang lifestory ko?
“Can he sit with us?” Samuel asked.
“Uh… yes?” sabi ko kasi hindi naman ako ang may-ari nitong bench.
“Iyong gamit mo,” sabi ni Samuel tapos napa-tingin ako kasi nandoon pala nga iyong bag ko tapos iyong Crimlaw book ko.
“Ay, sorry,” sabi ko tapos ay kinuha ko iyong bag ko tapos ay inilagay ko sa may sahig sa tabi ko. Rhys sat in between us. Gago, ang bango talaga!
Lord, kung sinuman ang inilaan mo para maging tunay na pag-ibig ko, sana po ay mabango siya.
Gusto ko talagang magfocus sa pagrereview kaya lang ay dahil inborn na chismosa talaga ako, naririnig ko pa rin iyong pinag-uusapan nila. Aba, fault naman nila! Bakit sila nag-uusap e alam naman nila na nasa tabi nila ako?
Tapos ay natigil lang sila nung nag 12 o’clock prayer na. Si Rhys ay tumigil lang habang si Samuel iyong nagsign of the cross. Pupusta talaga ako na sacristan ’to nung bata pa siya!
“Deanne,” sabi ni Samuel nung nag-ayos ako ng gamit dahil lunch time na at kailangan ko ng kumain. At saka kahit na nag-eenjoy ako na nandito ako, kailangan ko pa rin na magreview dahil ayokong ma-bokya sa recit mamaya. Finals period na—ever recit counts!
“Yup?” sagot ko habang shinu-shoot sa bag ko iyong notebook ko.
“We have a party this Saturday,” sabi ni Samuel.
Napa-tingin ako kay Rhys. “Invited ako?” I asked kasi… huh?
Rhys nodded. “You should come.”
Hindi ako naka-galaw. Dahan-dahan lang ako na tumango… kaya naman naunahan nila ako na umalis at ako ay naiwan lang na naka-tulala habang naka-upo pa rin sa may bench.
Huh?!
Bakit ako pupunta ng party? Una, wala akong kakilala doon. Pangalawa, hindi ko alam kung ano ang isusuot ko. Pero ang pinaka-importante, maraming gwapo roon.
Ang hirap namang magdesisyon!
“Iñigo,” pagtawag ko kay Borromeo na gumagawa ng digests. “Ano’ng ganap mo sa Saturday?” I asked. Hindi ko masabi sa kanya iyong tungkol sa party kasi alam ko naman na kung sasabihin ko sa kanya, pipilitin ako nito na hindi pumunta. E hindi pa nga ako nakakapagdecide kung pupunta ba ako o ano.
“Matulog?” he replied na parang hindi pa siya sure. “Bakit?” he asked. I just shrugged. At dahil busy siya sa pagda-digest niya ay hindi na niya ako napansin pa.
The week quickly ended. Hindi na ako masyadong nag-aaral pa sa school dahil pansin ko lang ay simula nung nakilala ko sina Rhys ay nakikita ko na sila lagi sa school. At hindi talaga ako makapagfocus kapag nandyan sila! Mas lamang iyong kalandiaan ko kaysa sa will na maka-pasa sa school.
When Saturday came, I was still undecided. I asked Kitty kung busy ba siya pero sabi niya oo. May pupuntahan ata sila ni Jax. Ayoko namang maging epal na friend kaya hindi ko na siya ininvite.
“C’est la vie!” sabi ko bago ako tumayo sa kama at naghanap ng pwede kong suotin. Sobrang wala rin kasing kwenta mag-invite nung dalawa na ’yon—ni hindi man lang sinabi sa akin kung saan. Kung hindi pa ako magaling na stalker ay hindi ko malalaman na sa isang rooftop bar sa Makati iyong party.
I wore a black shorts and black fitted top na off shoulders. Nagdala lang ako ng sling bag kung nasaan iyong phone at wallet ko.
Pagdating ko sa may venue, medyo napa-hinto ako dahil… leche ang daming magagandang babae?! Mga member ba ’to ng sorority? May isa pa akong nakita na sobrang plunging nung suot sa likod at kita na wala siyang suot na bra.
I debated kung itutuloy ko pa ba ito. I felt so… out of place.
“Deanne.”
Napa-tingin ako sa gilid ko nung makita ko si Samuel na naka-tayo roon. He was wearing a black collared polo, black jeans, and white converse sneakers. Mayroon din siyang hawak na beer.
Napa-kunot ang noo ko. “U-uy…” sabi ko dahil medyo nabigla ako na nandito siya. Hindi ko sure kung tama ba iyong nakikita ko dahil medyo madilim din, but his face looked slightly red.
“Didn’t think you’d come,” sabi niya.
“Bakit mo pa ako ininvite kung sa tingin mo hindi ako pupunta?”
He shrugged. “Bastos naman kung hindi—katabi ka namin nung nag-uusap kami tungkol dito.”
“Hindi naman ako ganoon ka-assumera na iisipin ko na iiinvite niyo ako dahil lang narinig ko iyong sa party,” sabi ko sa kanya. Saka kasi narinig ko rin nung pinag-uusapan nila na pupunta rito iyong mga frat and soro mula sa ibang school din… which seemed true because there were a lot of unfamiliar faces.
Pero, gago, ang dami ngang gwapo!
“Bakit ka pala nandito sa labas?” I asked dahil mukhang nasa taas iyong party. Although may nagbabantay, alam ko na first year law students sila dahil nakita ko ’yung mga mukha na ’yan nung orientation. Bakit kaya wala si Iñigo dito? Wala talaga akong naririnig tungkol sa frat mula sa tao na ’yon. Minsan napapa-isip ako kung member ba talaga ’yon o kung anuman, e.
“Getting some air,” he said.
“Di ba sa rooftop iyong party?” I asked dahil kung may hangin man, nandoon ’yon.
He nodded. “Let’s go,” he said, instead tapos ay pumasok kami. Iyong mga pumapasok kanina ay may pinapakita pa na invitation pero mukhang big time si Samuel dahil diretso lang kaming pumasok… grabe, ganito ba ang feeling ng VIP?
Sumakay kami sa elevator. Maliit lang iyong elevator kaya naman nung may pumasok pa na apat na tao ay biglang napa-dikit ako rito kay Samuel.
“Sorry,” I said when my face was literally just an inch away from his freaking chest! He smelled like cologne and beer. Nung tumango siya ay napa-taas ako ng tingin at doon ko naconfirm na namumula nga iyong mukha niya dahil pati iyong leeg niya ay namumula rin. Ganito pala siyang klaseng lasing, no? Namumula iyong mukha.
I’d been counting the seconds inside my head—ten seconds—bago huminto iyong elevator ay bumukas iyong pintuan.
“Hala, sorry,” sabi ko sa kanya nung dumikit sa itim na polo shirt niya iyong foundation sa mukha ko. I tried to wipe it away. Uhm… naggygym ba siya?!
Napa-tingin ako sa kanya at naka-tingin lang siya sa akin na naka-kunot ang noo. Doon ko lang na-realize na naka-lapat pa pala sa dibdib niya iyong palad ko. Tangina naman?!
“Uhm… wala akong wipes, sorry,” sabi ko dahil hindi ko alam ang gagawin ko?! Bakit ba sa more than a week na pagkakakilala namin ay parang ang dami ko ng bloopers sa harapan niya.
“It’s fine,” sabi niya tapos ay siya na iyong nagtry na alisin iyong foundation mark sa mukha niya. Sumara na naman iyong pintuan nung elevator dahil hindi pa kami lumalabas mula roon. Nawala bigla iyong malakas na music nung sumara iyong pinto.
“May CR ba rito?” I asked.
“Of course,” sagot niya.
“Ano’ng floor?”
“This floor and the third floor,” he replied and I clicked on the number three button. Paghinto namin doon ay lumabas ako. Kumunot ang noo niya habang naka-tingin sa akin.
“Ayusin muna natin ’yan,” sabi ko kasi medyo weird talaga tignan. Kitang-kita kasi black iyong suot niya. Mukhang nandito pa naman iyong congregation ng fraternities sa buong Maynila kaya nakaka-hiya.
Tahimik lang sa third floor at mukhang kami lang ang tao. Sumilip ako sa may girl’s bathroom. Naka-hinga ako nang maluwag nung makita ko na mayroong blower doon.
“Walang tao,” sabi ko sa kanya habang naka-tayo ako sa may pintuan papasok sa CR. He looked hesitant. “Bilis na,” sabi ko. He still looked hesitant. Napa-irap ako nung sumilip pa siya sa loob na para bang ipaprank ko siya at may tao talaga sa loob ng CR.
“Uhm… paano ba ’to,” sabi ko kasi matangkad si Samuel. “Yuko ka tapos hugasan natin ’yang damit mo,” dugtong ko. “May blower naman so mapapa-tuyo natin.”
“I told you, it’s fine—”
“Bilis na kasi.”
Umirap siya. Ang attitude ng sacristan na ’to! “Fine,” sabi niya tapos tinanong niya ako kung paano ba ang gagawin niya. Pina-yuko ko siya tapos ay tinapat ko iyong part ng damit niya sa may faucet.
“Wag ka kasing gumalaw,” sabi ko nung siya na mismo iyong nabasa.
“Sandali nga,” sabi niya.
“Matatapos na.”
“Nahihirapan ako,” sabi niya tapos bigla siyang tumayo and in one swift motion, while pulling his shirt from his back collar, hinubad niya iyong damit niya at iniabot sa akin. “Here,” he continued.
My lips parted and my eyes widened. “O-okay,” sabi ko habang tinanggap iyong polo shirt niya. Hindi ko alam kung ano na iyong mga sumunod na nangyari dahil masyado akong aware na may kasama akong lalaki na half-naked sa CR?!
“For the record, hindi kita pinilit na labhan iyong damit ko,” he said while he was sitting on the sink and drinking his beer again.
“Alam ko,” sabi ko habang sina-sabon ko iyong part ng shirt niya na may foundation marks. Nung natapos ako ay itatapat ko na sana iyon sa may blower nung tumayo si Samuel at saka pinatong sa sink iyong bote ng beer niya at kinuha mula sa akin iyong damit niya. Siya na iyong nagtapat nun sa may blower.
’Gago, ‘yung mata mo?!’ sabi ko sa sarili ko nung naka-tingin lang ako sa hubad niyang likod habang pinapa-tuyo niya iyong damit niya. Para akong gago habang sinusubukan kong bilangin iyong mga nunal sa likuran niya.
“Eight,” biglang sabi niya.
“Ha?”
“You’re counting the moles on my back, right?” he said. Napa-tingin ako sa reflection niya sa salamin at nakita ko na naka-tingin pala siya roon. So, kanina niya pa ako nakikita na naka-tingin sa katawan niya?! Kailangan ko na ata ng beer din!
** This story is chapters ahead on Patreon (patreon.com/beeyotch). Subscription starts at 100php per month for all stories.
If you’re having any problems with your payment, you can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance.
Chapter 05
Chapter 05
I scoffed kahit mukhang pilit. “Wow,” I said, crossing my arms. “Alam mo, wala sa mukha mo na feelingero ka.”
He arched his right brow. “So, you weren’t staring at my back and counting my moles?”
“Hindi pwede na chine-check ko lang kung may scoliosis ka?”
“Really, then?”
“Akala mo naman sobrang ganda ng likod mo,” sabi ko at saka umirap pero narinig ko na lang siya na natawa sa akin. Nanatili ako roon na naka-tayo at naka-cross arms habang pinapa-tuyo niya sa blower iyong shirt niya. Ang tagal, ha! Akala mo naman nilabhan ko lahat e iyong parte lang naman na may foundation!
“Matagal pa ba ’yan?” I asked.
“Malapit na pong matapos,” he sarcastically said.
There was silence between us. Sobrang tahimik dito kumpara kanina sa may rooftop na rinig na rinig mo iyong tugtog pati na iyong boses ng mga tao.
“So…” I said to break the silence. “Anong party ’to?”
“Random,” he replied.
“Random party?”
He nodded. “Each frat throws at least one party per semester,” sabi niya sa akin.
“Tapos required umattend lahat?”
“Not required, but expected.”
“Ano’ng pinagkaiba nun?”
“It’s not mandatory per se, but… it’s good to attend because you’ll never know when you’ll need something from someone?” sabi niya na parang hindi siya sure kung paano ipapaliwanag sa akin.
“So, for connections?”
“Exactly.”
Tumango ako. “Ano ba’ng benefit sa mga ganyan?”
“Why?”
“Wala lang,” I replied.
“Walang nagrerecruit sa ’yo?”
“Wala,” I said. Sino ba naman ang magrerecruit sa akin? ’Di naman ako sobrang talino, hindi rin ako sobrang yaman. Kumbaga, sobrang normal ko lang na tao sa school. Ang pinaka-edge ko lang ay ang kapal ng mukha ko… na I think ay wala namang ambag sa mga ganitong bagay.
“Ah,” sagot niya. “It’s done,” dugtong niya. Nag-iwas ako ng tingin nung isuot niya muli iyong black poloshirt niya. Napa-tingin ako nung makita ko na inaayos niya na iyong sa collar part.
“Lukot pa rin,” I pointed out doon sa part na nilabhan ko.
“It’s fine,” he replied.
“Sure ka, ha?”
He nodded. “Half the people here are drunk already—I doubt if anyone would notice,” sagot niya sa akin. “Do you drink?”
“May San Mig apple ba?”
Natawa siya. “Meron.”
“Isa nun,” sabi ko sa kanya. “May bayad ba?” I asked kasi first time ko lang naman pumunta sa ganito! Sa Mindoro ako nagcollege. Nakaka-punta naman ako sa Maynila kaso hindi iyong dito talaga naka-tira. Saka nakaka-basa ako sa Internet tungkol sa mga party dito, pero syempre iba pa rin kapag iyong party na mismo. Ayoko lang magkalat kasi nakaka-hiya.
“No, free drinks,” sabi niya.
“Wow,” sabi ko kasi ang daming tao tapos free drinks? Dami namang pera ng frat niya!
Bumalik kami sa elevator. Tahimik lang ako na naka-tayo sa tabi niya. Nung nasa Mindoro pa ako, akala ko normal height lang ako… pero ang tatangkad ng mga tao rito sa Maynila! Jusko, sa classroom pa lang namin, e. Parang may kasamang dalawang bata si Iñigo kapag naglalakad kaming tatlo nila Kitty. Kahit dito kay Samuel, hanggang balikat niya lang ako.
“May kilala ka ba rito?” he asked.
“Hindi ko alam,” sagot ko.
Tumango lang siya tapos ay bumukas na iyong pinto sa elevator. Sumalubong sa amin iyong malakas na tugtog. Madilim dito sa rooftop pero mayroong parang mga neon lights. Marami ding upuan at mga beanbags. Mukhang magkaka-group na iyong mga tao.
“What?” I asked nung mapansin ko na naka-tingin sa akin si Samuel.
“If you don’t know anyone here, I can accompany you.”
“Wala ka bang gagawin?” I asked kasi syempre party nila ’to… although sobra kong naappreciate na sinabi niya ’yon. Kasi leche, looking around? Medyo napa-isip ako kung bakit ako nandito?!
“Hindi naman ako first year,” he replied na napa-kunot ang noo ko. “But if you see someone you know, feel free to talk to them,” dugtong niya tapos ay naglakad na siya at ako naman ay naka-sunod lang sa kanya.
Pumasok kami sa loob tapos huminto kami sa parang counter.
“San mig light, right?” he asked, looking at me.
“Apple,” I replied tapos ay inulit niya iyong order ko doon sa may lalaki sa bar. Kumuha iyong lalaki ng isang bote tapos ay iniabot sa akin iyon. Binigay sa akin ni Samuel iyon tapos ay inabutan ako ng tissue. “Thank you,” sabi ko.
Iinom na sana ako, pero sinabi niya sa akin na sandali lang tapos ay kumuha ulit siya ng tissue at pinunasan niya iyong lid nung bote. “You can drink now.”
My lips parted at what he did. “Uh… thank you,” I said and he just smiled and shrugged tapos ay uminom na rin siya ng beer niya.
Medyo dumadami na iyong mga tao sa counter kaya naman lumipat kami ni Samuel ng mauupuan. Naglalakad lang siya at naka-sunod lang ako sa kanya. I was just looking around, trying to make sense of what I was seeing. So… this was how the other half of the law school population lives. Interesting.
“Wow, may jacuzzi pala rito,” I said nung doon kami napunta.
“Wala naman sigurong maliligo,” he said tapos ay naupo siya roon sa may steps. Naupo na rin ako doon sa tabi niya. Naka-tingin kami sa langit. In fairness ay maraming stars ngayong gabi—at may stars pala sa Maynila! Akala ko ay dahil sa sobrang kapal ng polusyon ay never akong makaka-kita ng stars dito.
“Mamaya pa makakarating si Rhys,” bigla niyang sabi.
“Ah…” sabi ko kasi ano ako? Jowa? Pwedeng magdemang na malaman kung nasaan si Rhys?
“Paano mo pala nalaman na dito ’yung party? Nalimutan kong sabihin sa ’yo.”
“Ako pa ba?” sabi ko sa kanya. He looked amused. Tumungga nga ako roon sa beer ko. “So, kapag may party sa ibang frat pumupunta ka rin?”
“Depende.”
“Depende saan?”
“Kung busy ako.”
“Akala ko medyo required?”
He nodded. “Yes, but acads is always the priority,” he replied. Wow naman. “Minsan kasi iyong schedule ng party nila sumasabay sa exams natin. Syempre uunahin ko ’yon.”
“Talaga? Nag-aaral kayo?”
Napa-tingin siya sa akin. “Mukha ba kaming patapon?”
I shrugged. “Wala akong sinabi na ganyan.”
Natawa siya. “May grade requirement kami.”
“Weh?”
He nodded. “Yeah—there’s an image to maintain.”
Leche, may ganoon pa palang hanash?! Akala ko ang requirement lang sa frat nila ay maging gwapo at maangas? Required din pala na maganda ang grade? Kaya siguro si Iñigo kahit na mukhang bangag at antok e laging maganda ang recit.
“May parusa ba kapag pangit grades mo?”
“Hmm… wala naman.”
“Walang paddle?” I asked tapos natawa siya. Akala ko ay sasagot siya or what pero hindi niya na pinansin pa iyong tanong ko. Leche naman if bagsak ka na nga tapos may paddle pa?! Dobleng sakit?!
“Samuel,” pagtawag ko sa kanya. Tumingin siya sa akin habang papalapit pa lang sa bibig niya iyong bote ng beer. “May itatanong ako.”
“Okay?” he replied, his forehead slightly creased.
“Dati ka bang sacristan?”
Tuluyan ng kumunot ang noo niya. “What?”
“Curious lang ako.”
His lips parted a little. “You’re so random.”
“Bilis na kasi! Dati kang sacristan, no?”
“Yes… paano mo nalaman?”
I shrugged. “May vibes ka lang na ganoon.”
“Vibes?”
I nodded. “Yes. Vibes. May… banal vibes ka,” sabi ko habang tinuturo iyong buong pagkatao niya.
“Do tell,” he replied.
“Hindi ko rin ma-point out, e,” sagot ko. “Basta may ganoon ka lang na vibes. Anyway, natanong ko lang naman.”
Grabe, naaalala ko pa noon na kahit labag sa loob ko magsimba, sumasama pa rin ako kasi crush ko iyong isa sa mga sacristan. Tapos doon ako pipila kapag communion na kung nasaan man siya naka-assign. Tsk. Bata pa lang talaga malandi na ako.
“Ikaw? Dati ka bang member ng choir sa simbahan?” he asked.
Natawa ako. “Ako? Member ng choir? Baka magwalkout iyong mga magsisimba kapag narinig nila akong kumanta,” sabi ko habang natatawa kasi naiimagine ko na ako iyong kumakanta roon. In fairness naman nakaka-enjoy kantahin iyong mga kanta sa simbahan.
“Samu,” biglang pagtawag ng isang lalaki. Napa-tingin doon si Samu. Hindi siya nagsalita. “Si Zach,” he said.
Bahagyang kumunot iyong noo ni Samuel. “Maven?” Umiling iyong lalaki. “Wala pa si Rhys?” he asked at muling umiling iyong lalaki. Tumayo si Samuel at saka ipinatong sa tabi ko iyong bote ng beer niya. Tumingin siya sa akin. “May aayusin lang ako,” he said.
Tumango ako. Naglakad na siya tapos ay bigla siyang huminto tapos ay tumingin sa akin.
“I don’t know if you know this already, but don’t accept drinks from strangers,” sabi niya tapos ay tumalikod uli siya at naglakad palayo.
Naupo lang ako roon at tahimik na iniinom iyong beer ko. May tatlong lalaki na lumapit sa akin at nagpakilala. Cute naman sila, pero ewan… hindi ako kumportable na makipag-usap sa kanila kasi hindi ko naman sila kilala. So, I just smiled as they tried to talk to me.
“Deanne.”
Napa-tingin ako sa pinanggalingan ng boses at naka-hinga ako nang maluwag nung makita ko si Lui kahit hindi naman kami close. Mabilis pa sa alas-cuatro na tumayo ako mula sa may steps at saka lumapit sa kanya. Ngumiti lang siya roon sa mga lalaki na mabilis umalis. Grabe? Ganoon lang?
“Si Samuel?” I asked.
“Grabe,” he said. “Ako iyong nandito pero iba ang hinahanap?”
Napaawang iyong labi ko. What… the hell? Nilalandi niya ba ako?! Itong gwapong moreno na may dimples na ’to?! I probably looked like an idiot blinking in front of him nang tawanan niya ako.
“He’s doing something,” he said after a few seconds. Hindi pa rin ako makapagsalita dahil medyo shocked pa rin ako kung totoo ngang nilalandi niya ako kasi… wow? Ganda ka? Ikaw si Cha?
“Ah…” I said dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ko rin naman alam kung bakit hinanap ko bigla si Samuel sa kanya. Siguro kasi hindi ko rin naman alam kung ano ang sasabihin ko sa taong ’to.
“First year ka, right?”
I nodded. “Ikaw?” I asked kahit alam ko naman na second year siya kagaya ni Samuel.
“Sophomore,” he replied. “Do you mind?” he asked nung ipakita niya sa akin iyong stick ng sigarilyo.
“Okay lang,” sabi ko sa kanya kahit sa totoo lang ay hindi naman ako naninigarilyo. Hindi naman siguro ako makaka-develop ng cancer dahil sa isang beses na maka-langhap ako ng secondhand smoke.
Naka-sandal iyong kaliwang braso niya sa may veranda habang naninigarilyo siya.
“How’s the party?” he asked.
“Okay naman.”
“Not bored?”
“Hindi naman. Kasama ko si Samuel kanina bago siya tawagin nung isang lalaki,” sabi ko nung mapa-tigil ako dahil nakita ko si Samuel na naglalakad pabalik sa amin. His face was slightly contorted like he was pissed. Napa-tingin din si Lui doon.
“Zach?” he asked.
“Who else?” Samuel replied. “Bakit ba ako nag-aayos nito?”
Natawa bigla si Lui. “Ano ba’ng aasahan mo kay Maven,” he replied and then humithit ng sigarilyo. Napa-tingin sa akin si Lui. “Classmate mo si de Marco?” he asked me. I nodded. “Don’t tell him I said that.”
Napa-tango ako. “I promise,” sabi ko kasi shet? Bakit ko naman sasabihin kay Maven ’yon? Ni hindi ko nga maka-usap iyon dahil nakaka-intimidate siya talaga kahit tignan mo lang.
“Nandito na raw si Rhys,” Samuel said. Napa-tingin siya sa akin. Tinignan ko lang din siya. Biglang nag-excuse si Lui dahil pupuntahan niya iyong Jan—kung sino man iyon.
“Baka may gagawin pa kayo,” sabi ko dahil mukhang may ginawa iyong Zach. Tumingin ako sa relo ko. “Madaling araw na pala,” I said. Ang bilis ng oras? Kanina lang 10PM pa lang! “Uwi na ako.”
“Paano ka uuwi?” Samuel asked.
“Grab,” I replied.
“Book mo na. Samahan kita sa baba,” he said.
“Hala, okay lang,” sabi ko kasi may guard naman sa baba kanina. Pero hindi sumagot pa si Samuel kaya nagbook na lang ako ng Grab. “10 minutes away,” I said.
“Okay. Baba na tayo,” sabi niya tapos ay sumunod ako sa kanya pababa. Tumingin ako sa paligid habang naglalakad kami pabalik sa elevator. Mataas pa rin iyong energy ng mga tao kahit ala-una na. Ako lang ata iyong inaantok na. Sobrang tita levels ko na ba?
Pagbaba namin ay naka-tayo lang kami ni Samuel doon sa labas ng building. Malamig na kasi madaling araw na tapos naka-off shoulders pa ako. I hugged myself.
“Mga anong oras natatapos kapag ganyan na party?” I asked instead to distract myself from the cold.
“Depende,” he replied. “Since we’re hosting, hanggang may tao, nandito iyong first years,” he said.
“So… first years talaga ang in charged?”
He nodded. “Tradition,” he replied. “There’s your ride,” sabi niya sabay tingin doon sa gray Vios na paparating. Lumapit siya roon at kinatok iyong bintana sa tapat ng driver’s seat. “Yeah, this is your ride,” sabi niya after ibaba iyong bintana doon.
Naglakad ako sa tapat nung pintuan sa backseat. “Uhm… thank you sa pagsama sa akin.”
He nodded. “No problem,” he replied. “Text me when you get home.”
“Wala akong number mo?”
“I’ll put my number in your phone,” he said tapos confused na iniabot ko sa kanya iyong cellphone ko at inilagay niya doon iyong number niya tapos ay pinindot niya iyong call. Nagring iyong phone niya. “Here,” sabi niya nung ibalik niya sa akin iyong cellphone ko.
“Uh… text kita kapag naka-uwi na ako.”
He nodded. “Hope you enjoyed,” sabi niya tapos ay sumakay na ako sa loob at isinara niya iyong pintuan nung sasakyan. Okay… did he just indirectly ask for my number?!
** This story is chapters ahead on Patreon (patreon.com/beeyotch). Subscription starts at 100php per month for all stories.
If you’re having any problems with your payment, you can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance.
Chapter 06
Chapter 06
“Kitty,” pagtawag ko sa kanya. Tumingin siya sa akin after niya huminto sa pagsusulat nung digest na sinend sa kanya ni Jax. Minsan, ang sarap sabunutan ng babae na ’to dahil sa haba ng buhok, e. Gusto ko na rin tuloy ng jowa na magsesend sa akin ng digest na kokopyahin ko na lang. “Kung hiningi iyong number mo sa ’yo ng lalaki, ano ibig sabihin nun?”
“Hmm… depends. Groupmates ba kayo sa project?”
“Hindi naman.”
“In what context ba hiningi?”
“Nag-uusap lang kami buong gabi tapos bago ako umuwi hiningi niya iyong number ko.”
Ibinaba niya iyong ballpen niya na duda ko ay kinulimbat niya kay Jax kasi hindi naman ganito ang ballpen niya talaga. “Adriadna Deanne…” pagtawag niya sa buong pangalan ko. Nung first time nga na tinawag ako as Adriadna sa attendance, tawang-tawa ako sa confusion sa buong room kung sino daw ba iyon. “You have a lovelife?!”
“Luh! Lovelife ka d’yan!” sabi ko sa kanya.
“Oh, come on! Sino? Do I know him? Oh, my god! May something ba sa inyo ni Iñigo?”
Nanlaki iyong mga mata ko. “Gago, ano’ng Iñigo?” kinilabutan na sinabi ko dahil never in my wildest dreams, noh!
“E ’di sino?”
“Wala.”
“Please? Share naman?”
“Si—” sabi ko pero biglang dumating si Iñigo kaya hindi ko itinuloy iyong sasabihin ko kasi parang naba-bad mood si Iñigo kapag nababanggit iyong frat.
“Sino—” sabi ni Kitty.
“Si Jax ba ’yon?” sabi ko sabay turo sa labas ng pintuan kaya naman mabilis na tumingin doon si Kitty tapos nung hindi niya nakita ay hindi pa nakuntento at tumayo pa at lumabas para hanapin doon. Crisis averted.
“Okay ka lang?” I asked nung maupo si Iñigo.
“Sana walang pasok,” sabi niya. “Inaantok pa ako.”
“Nagawa mo na ’yung digest?” I asked him instead tapos ay nag-usap na kami tungkol sa acads habang inuuto ko si Iñigo na ipahiram sa akin iyong mga nagawa niya na para kokopyahin ko na lang.
“Tatandaan ko iyong araw na ’to, Borromeo,” sabi ko sa kanya.
“Kung hindi lang Consti ’to, ipapahiram ko sa ’yo. Send ko na lang ’yung full text?” he offered but he knew I didn’t need that.
“Tatandaan ko ’to,” ulit ko tapos tinawanan niya lang ako. Gets ko naman, though, kasi unang sabi pa lang sa amin ni Sir na alam niya galawan ng law students kaya kapag nakita niya na nagkopyahan kami, babawasan niya iyong grades nung dalawang nagkopyahan.
After nun ay bumalik na rin si Kitty at kaya pala siya bumalik ay papasok na rin iyong prof namin. Nagrecitation lang kami. Natawag ako, pakshet! Pinagrecite ako ng case about sa tribunal decision sa West Philippine Sea na admittedly ay digest lang talaga ang binasa ko dahil nung nagcheck ako ay 400 pages ata iyong decision. Niloloko ko lang ang sarili ko kung babasahin ko ’yon.
“Ingat!” sabi ko kay Iñigo nung makarating kami sa condo ko. Pagdating ko sa unit ay naglinis lang ako ng katawan tapos ay naghanda na ako para sa pagsusulat ng digest. Sobrang pangit nung recit ko kaya alam ko na kailangan kong bawiin iyon sa digest—na kahit iyon man lang ay panghatak ko sa grades ko.
“Kailan pa ako matatapos dito?” I asked myself nung tignan ko iyong syllabus at ma-realize na nasa unahan pa lang ako. Tapos may chismis pa na magpapa-digest din daw sa Persons. Jusko paano na ako nito?!
‘Samuel.’
Medyo nanlaki iyong mga mata ko nung maka-kita ako ng typing bubble doon sa maigsi naming thread. Ang una at huling pagtetext ko sa kanya ay iyong sinabi ko na nasa condo na ako at sinabihan niya ako ng have a good sleep.
‘Deanne,’ he replied.
Putangina naman.
Akala ko ba si Rhys ang crush ko?!
‘May digest ka ba sa Consti?’
‘Sinong prof?’
‘Sandrino.’
‘Meron. Kailangan mo?’
‘Oo sana. Feeling generous ka ba?’
‘Lol pwede naman. Dalhin ko bukas sa school.’
‘San ka ba naka-tira? Nasa mood ako magdigest ngayon.’
Nagtype siya tapos biglang nawala iyong typing. Grabe naman. Iniisip niya ba na ipagkakalat ko iyong address niya? Hindi naman ako ganong klaseng tao!
‘West Tower,’ he replied after a minute.
‘Luh? Dito lang ako sa East.’
Kaya ko pala siya nakita sa may fishballan? Tiga-rito lang pala siya?
‘Or if busy ka kahit bukas na lang,’ I replied again kasi syempre may ginagawa pa rin iyong tao. Kung makapagdemand naman ako… jowa ka, girl?
‘No, it’s fine. Study break na lang. Dalhin ko. Kita na lang tayo sa lobby sa East.’
Pota. Gago. Delikado. Masyadong mabait.
Dahil naaalala ko pa rin iyong pagtukso niya sa akin nung naka-suot ako na Hello Kitty, sinigurado ko na maayos iyong itsura ko ngayon. Naka-suot ako ng black na biker shorts at oversized na white shirt na hindi pa naman mukhang one step away sa pagiging basahan.
“Gago ka, Deanne,” sabi ko nung makita ko siya mula sa malayo na naglalakad. He was wearing a dark grey string shorts, white shirt, at saka black sliders. May hawak-hawak din siya na kulay red na naka-leather bind na digest.
Lord… Lord, ano ba naman ’tong sacristan mo?
“Di ko lang alam kung pareho pa rin ’yung cases,” sabi niya nung maka-lapit siya sa akin at saka iabot niya iyong digests. Naka-lagay pa sa harap nun iyong pangalan niya na Samuel Hayes Fortalejo, 1S. Matalino nga… 1S.
“Thank you dito,” sabi ko sa kanya.
“No problem,” he replied, shrugging.
“Study break mo talaga?” He nodded. “Ano’ng inaaral mo?”
“Nego.”
“Mahirap daw ’yan.”
“Nakaka-lito,” he replied. “Wala naman na halos guma-gamit ng check. ’Di ko nga rin alam bakit pinag-aaralan pa. Hindi rin naman BAR subject.”
I nodded. Hindi ko alam. Ano pa ba ang dapat kong sabihin? Bakit parang bini-bigo ako ng kadaldalan ko ngayon?
“Bibili kang fishball?” I asked.
Kumunot nang bahagya iyong noo niya. “Wala akong dalang pera,” he replied. “Dadalhin ko lang dapat sa ’yo ’yan.”
“Libre ko,” I said. “As thanks for this,” I continued sabay pakita sa kanya iyong digest niya.
“Wag na,” he said.
“I insist,” sabi ko na akala mo naman isang libo magagastos ko sa fishball.
“Okay,” he finally said. “Libre na lang kita next time para fair.”
Lord… bakit naman napaka-rupok ko na tao? Na-fall na agad ako? Ganoon lang kabilis ’yon?!
Pumunta kami ni Samuel sa may fishballan. Sobrang pogi points nung naghi siya kay Kuya dahil mukhang suki ata ng fishball ang tao na ’to.
“Oh,” sabi niya sabay abot sa akin ng cup. “Okay ka lang?” he asked, his forehead slightly creased.
“Okay lang,” mabilis kong sabi dahil medyo natulala yata ako sa kanya. Mabilis naman akong naka-recover at kumuha rin ako ng fishball. Gusto ko sanang ibigay kay Kuya para siya na ang maglagay. Mamaya pang 12pesos mailagay ko tapos pang 10pesos lang ibayad ko! Sacristan pa naman katabi ko!
After naming maka-kuha ng fishball ay nagbayad na ako at umalis na kami dahil biglang dumami iyong tao. Hindi ako maka-kain dahil dala-dala ko iyong digest niya. Ayoko rin namang kumain dahil bigla akong na-conscious. Tanginang crush ’yan! Bakit ako nacoconscious?! Hindi ako ’to!
“May tips ka ba sa Consti?” I asked dahil walang nagsasalita dahil mukhang enjoy na enjoy ’tong isa sa fishball.
“Sandrino? Basta complete attendance,” he replied. “Saka sobrang haba nung finals nung time namin. Bilisan mo na lang magsagot.”
“Mahirap din ba?”
“Hindi naman masyado.”
“Wow—sana all.”
Natawa siya. “Hindi naman talaga mahirap—more on time pressure kasi sobrang haba. Yes nga lang sagot ko dun sa huling essay kasi hindi na umabot sa oras,” sabi niya. “Wag kang kabahan—basta aralin mo lang ’yung nasa syllabus.”
“Ang dami kaya.”
“Mas dadami ’yan sa second year.”
I frowned. “Thanks.”
Tumawa siya. “Makaka-adjust ka rin. First sem pa lang naman.”
“Finals period na kaya.”
“Mas mabait magbigay ng recit grades ang prof kapag finals,” he said. “And if you’re confident, try to volunteer for recits—mas mataas iyong grades na binibigay.”
“Paano kung nagvolunteer tapos walang masagot?”
“Hindi naman siguro to the point na walang masasagot?”
“Hindi mo sure,” sabi ko sa kanya tapos kinwento ko iyong time na pinagrecite ako sa Crim ng case na wala akong idea kung ano iyon at dahil makapal ang mukha ko, ako ang nagdesisyon kung anong case ang irerecite ko. Aba, mabuti na iyon kaysa wala akong sabihin at maupo na lang ulit. Pagkakita ko sa class card ko, binigyan ako ni Sir ng 73. Pwede na rin kaysa na 60 kapag absent.
“Seriously? Ginawa mo ’yun kay Mercado?”
I nodded. “Naka-73 naman ako!” sabi ko na proud kasi ewan, mababa lang siguro talaga ang standards ko as a student compared sa mga kaklase ko na hihimatayin ata kapag hindi line of 8 ang grades.
“Ano’ng itsura ni Sir?”
“Mukhang badtrip—pero lagi namang mukhang badtrip ’yon.”
Tumango siya. “Na-try niyo na ba magpa-party? Mabait naman si Sir,” sabi niya sa akin tapos napansin ko na nasa harap na pala kami ulit nung condo. Huminto kami.
“Thanks ulit dito,” I said.
“Thanks din dito,” he replied, pertaining to the fishball.
“Good night. Happy aral,” sabi ko.
“Good night,” he replied. “Happy digest,” sabi niya bago kumaway at naglakad pabalik sa condo niya na literal na katabi lang ng condo ko.
Hindi ko alam kung may hiwaga bang hatid iyong digest ni Samuel pero nagdigest ako hanggang 2AM. Ang dami kong nasulat! Who you ngayon ’yang si Iñigo at Kitty! Matanong nga kung nasaan na sila tutal competitive ako ngayon.
Nagising ako ng 7AM. Mabilis akong naligo dahil target ko na makarating sa library ng 8AM dahil may sa maligno talaga iyong mga law student at bigla na lang lumilitaw sa library.
Pagdating ko roon ay marami ng tao pero hindi pa totally puno. Nagiwan ako ng mga gamit ko roon sa may lamesa tapos ay lumabas ako para bumili ng kape. Pagbalik ko ay bitbit ko iyong hydroflask ko nung makita ko na nandoon ulit si Rhys sa bakanteng spot.
“Hi,” bati ko sa kanya.
“Hi,” he replied, nodding at me.
Tahimik akong naupo sa tabi niya at nagstart na mag-aral ng Persons. Ni hindi ko nga napansin si Rhys dahil sobrang tahimik lang din niya mag-aral. Walang pansinan sa aming dalawa. Medyo na-intriga na rin kasi ako sa binabasa ko. Dito kasi sa persons kadalasan away ng magpamilya, e. Para ka lang nagbabasa ng chismis lalo na kapag tungkol sa pamilya na nag-aagawan ng lupa.
Nung lunchtime na ay tumayo na ako after nung Angelus. Paglabas ko ay naka-salubong ko si Samuel na kaka-labas lang ng CR.
“Hi,” I said.
“Hello,” he replied.
“Thank you sa digest mo.”
Tumango siya sa akin. His phone vibrated. Saglit na tumingin siya doon. “Got to go,” mabilis na sabi niya tapos ay bumaba na siya sa hagdan. Okay… what?
** This story is chapters ahead on Patreon (patreon.com/beeyotch). Subscription starts at 100php per month for all stories.
If you’re having any problems with your payment, you can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance.
Chapter 07
Chapter 07
“Ayos ka lang?” Kitty asked.
“Ha? Oo naman, bakit?” pabalik na tanong ko sa kanya. Nandoon kaming tatlo nila Iñigo sa may benches malapit sa Dean’s office. Mayroon kasi dung malaking table. Kahit tatlo lang kami ay sinakop na namin lahat kasi nagsusulat kami ng digests.
She shrugged. “Nothing. Natulala ka lang kanina.”
I just nodded at her and proceeded to writing my digests again. Hindi ko dinala iyong digest na pinahiram ni Samuel sa akin kasi baka tanungin pa ako ni Iñigo. Ayoko lang mag-explain kasi tinatamad ako. So, kumo-kopya na lang ako sa internet ng digest—iyon bang digest na nga tapos dinigest ko pa. Wala na atang kwenta iyong facts na naka-lagay dito.
We continued to write in peace. Si Iñigo ay naka-headset habang nagsusulat. Si Kitty naman ay may dalang trail mix snacks at nakiki-kain kami ni Iñigo. Habang ako naman ay nanonood ng Modern Family sa Netflix habang nagsusulat ng digest. Nasa kalagitnaan ako ng pagsusulat nung mapa-tingin ako sa harap ko dahil nandoon bigla si Lui.
“Hi,” he said, smiling.
Kumunot ang noo ko. “Hi?” sagot ko sa kanya pero bigla siyang tumingin kay Iñigo na walang nagawa kung hindi ang bumuntung-hininga. ’Di ko talaga gets kung bakit sumali siya sa frat kung obvious na obvious naman na hindi niya trip iyon? Ang confusing.
Unknowingly ay sinundan ng tingin ko si Iñigo na kasama si Lui na naglalakad palayo. Naka-salubong nila si Yago at Jax na kinausap ni Lui. Ito namang si Jax ay dumiretso sa pwesto namin at tinabihan iyong jowa niya. Gusto ko sanang mainggit pero agad na nawala sa isipan ko iyon nung magtama iyong mga mata namin ni Samuel.
“What?” I mouthed when I caught him staring at me. Imbes na sumagot ay umiling lang siya. Ipinasok niya sa mga bulsa niya iyong kamay niya tapos ay sumunod na siya kay Lui at Iñigo na naglalakad palayo.
Ano kayang problema nun? Bigla na lang naging weird!
“Jax,” pagtawag ko sa kanya. Tumingin lang siya sa akin. “Pahiram ng digest,” sabi ko. Pinanlakihan ako ng mga mata ni Kitty.
Jax’s lips parted. “Uh… okay,” sabi niya.
I pressed my lips together kasi natatawa talaga ako sa itsura nilang dalawa dahil magka-tabi sila. “Joke lang! Baka sakalin ako niyang girlfriend mo,” sabi ko sa kanya kasi matagal ng sinabi ni Kitty na pwede kong hiramin lahat sa kanya ’wag lang si Jax at ang digests ni Jax. Madali naman akong kausap, aba!
Nagfocus na lang ako sa pagsusulat ng digest habang naglalandian iyong dalawa. Nung bandang alas tres na ng hapon, biglang nag-announce na walang pasok dahil mayroong mass, pero required iyong attendance. Pumunta ako sa cafeteria para kumain. Pagdating ko roon sa chapel, puno na ng tao kaya tinamad na akong tumuloy. Kaka-simba ko lang din naman nung linggo. Feel ko okay pa naman ’yon.
Naglakad lakad muna ako sa grounds ng school. Gusto ko sanang maupo doon sa pwesto kanina kaya lang may mga guards na nag-iikot. Umakyat ako sa second floor. Naglalakad lang ako at naghahanap ng pwedeng mapwestuhan nung mapa-tigil ako dahil nakita ko si Rhys na naka-upo sa isang gilid ’dun. Tatalikod na sana ako at maghahanap ng ibang pwesto nung mapa-tingin siya sa akin.
“Hi,” I said, smiling, dahil hindi naman ako bastos na bata.
“Hi,” he replied, slightly nodding at me.
“Di ka magsisimba?” I asked just to keep the conversation going dahil obviously, hindi naman ma-chika ang tao sa harapan ko.
Umiling siya. “Not religious.”
“Pero… nasa Catholic school ka?”
“Sectarian,” he replied. Kumunot ang noo ko. “SCA is a sectarian school, not a Catholic school.”
“Ano’ng pinagkaiba nun?” I asked tapos ay pinaliwanag niya sa akin na hindi requirement ang pagiging Catholic sa school na ’to.
“You’re first year, right?”
“1S.”
“1S din ako dati.”
“Share mo lang?” I asked in jest but he looked at me seriously na bigla akong nagpanic internally. “Joke lang!” sabi ko. “Joke lang, promise!” dugtong ko na naka-amen pa iyong mga kamay ko. “Nagjojoke lang talaga ako, Rhys, hindi kita binabara.”
He was looking at me so seriously na talagang kinabahan ako. Shet! Ano ba kasi ang pumasok sa isipan ko para isipin na pwede akong magjoke sa tao na ’to? Buti sana kung si Samuel—
Samuel ka d’yan?! ’Di ka nga pinapansin nun for some reason!
“I’m just messing with you,” sabi niya na may tawa sa mukha. Shet. Marunong palang tumawa ’yung tao na ’to? Akala ko serious lang siya forever! Na gets ko naman dahil top one siya sa batch niya.
“Seryoso ’yan, ha? Mamaya galit ka sa ’kin.”
“It’s fine. I can take a joke,” sabi niya.
Naka-hinga ako nang maluwag. Nanlalambot iyong tuhod ko. “Pwede bang makiupo?” I asked kasi iyong sa inuupuan na steps niya lang iyong pwedeng upuan dito.
“Yeah, sure,” sabi niya tapos ay hinatak palapit sa kanya iyong libro na naka-patong.
I sat beside him. Tahimik lang siyang nagbabasa ng libro. He was reading civpro. Napa-titig lang ako sa kanya kasi… wala lang. Ang amazing. Isipin mo ’yun? Hindi lang siya third year—top one pa? Samantalang ako na first year pa lang laging kabado-bente na baka ma-kickout ako by the end of the year! As in isa iyan sa mga problema ko sa buhay!
“Do you have anything to say?” he asked. Nanlaki iyong mga mata ko. Requirement ba sa frat nila iyong peripheral vision?! Ganito rin si Samuel, e! Kita lahat ng pag-irap ko.
“Wala,” sabi ko. “Na-amaze lang ako kasi third year ka na.”
“Why?”
“Ang hirap kaya. First year pa lang ako, hirap na hirap na ako.”
“It will only get harder,” he said.
“Wow, thanks,” I replied, frowning.
“But you’ll get smarter,” dugtong niya.
“Nah… ’Di ko nga alam kung nandito pa rin ako next year,” I said, honestly. ’Di ko alam kung saan ako humu-hugot ng kapal ng mukha para magvent sa tao na ’to. Ewan ko. Siguro dahil hindi naman kami friends? Saka hindi naman kami nag-uusap? So he wouldn’t really care kung anuman ang sabihin ko. He’s basically a stranger.
“Everyone has a hard time in law school,” sabi niya. “Haven’t met anyone who has a great time here.”
“Kahit ikaw?”
He nodded. “Why do you think I’m here studying instead of going to the mass?”
“Malay ko ba kung Anti-Christ ka?” His lips parted a little. I pursed my lips. “Joke lang,” I clarified. Mag-eexplain pa sana ako sa brand ng humor ko nung mapa-tingin ako sa pinanggalingan ng footsteps at nakita ko na nandoon si Lui at Samuel na may dala-dalang iced coffee.
“What are you two doing?” Lui asked in a teasing tone.
Agad akong napa-tingin kay Samuel dahil siya na ang bagong crush ko! Aba, kung crush ko pa rin si Rhys ay sigurado ako na hindi ako mauupo dito dahil sa sobrang kaba ko. Shet. Kung ano iyong kina-bilis ng pagkaka-crush ko sa kanya ay ganoon din ang bilis ng pagkaka-limot ko sa kanya.
I immediately stood up. “Nakita ko lang si Rhys na nag-aaral dito,” I said.
Lumapit si Lui kay Rhys at inabutan ito ng iced coffee. Naupo siya sa tabi ni Rhys. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa ko at naka-tayo ako sa harap ni Samuel.
“Hindi ka nagsimba?” I asked dahil bilang ex-sacristan, hindi ba dapat nasa simbahan siya ngayon?
Umiling siya. Naghintay ako sa sasabihin niya, pero mukhang wala naman siyang balak na magsalita pa.
“May pupuntahan pa pala ako,” I said because I suddenly felt uncomfortable to be here kung hindi naman ako kakausapin ni Samuel.
Napa-tingin ako kay Rhys nung tumayo siya. “What? May pupuntahan din ako,” he said as he grabbed his things. Naglakad na siya at sumunod ako kasi doon lang naman iyong daan pababa!
“Saan ka pupunta?” I asked him, feeling more comfortable to talk to him. He wasn’t that intimidating naman pala—nakaka-intimidate lang iyong fact na top one siya.
“Uuwi na,” he replied.
“Akala ko bawal lumabas hanggang hindi pa tapos iyong mass?”
“Yes.”
“So… paano ka lalabas?”
“You know how for every general rule, there’s an exception?” he asked and I was so confused until we ended up in the parking lot. Naka-tayo kami sa labas ng isang black Hyundai Santa Fe.
“Papa-labasin sasakyan mo?” I asked.
He nodded and then pointed at the sticker na naka-dikit sa may harap—ΑΦΣ. Iba rin pala talaga kapag member ng frat.
Rhys unlocked the door of his car tapos ay inilagay niya iyong gamit niya sa backseat. Tumingin siya sa akin after. “You wanna get out, too?”
“Isasabay mo ako palabas?” I asked and he shrugged. “Sige, pasabay, if pwede? Baba na lang ako d’yan sa labas,” sabi ko kasi after nung misa may awarding keme pa. Gusto ko ng umuwi talaga kasi nandoon iyong digest ni Samuel. Mas mabilis akong magdigest kapag iyon ang ginagamit ko.
I asked Rhys kung saan ako sasakay. Pina-sakay niya ako doon sa may passenger seat. I wore the seatbelt kahit na literal na sa labas lang naman ako pupunta.
“D’yan na lang,” sabi ko after palabasin nga kami ng gate. Grabe! Samantalang iyong ibang normal na estudyante ay required na magstay sa loob ng school hanggang matapos lahat ng hanash ng admin.
“I can just drop you off,” he said.
“Ha?”
“Sa East ka lang, ’di ba?”
“Paano mo nalaman?”
“Samu mentioned.”
Napaawang ang labi ko. What the fuck? Pinag-uusapan nila akong dalawa? As in for reals?!
Hindi ako nakapagsalita hanggang sa huminto na si Rhys sa harap ng building ko kasi literal na malapit lang ako sa school. Bumaba na lang ako kahit super gusto kong itanong sa kanya kung bakit nila ako napag-usapan ni Samuel—kung ano iyong context? Kung sinisiraan ba ako ni Samuel? I needed to know!
“Thank you,” iyon lang ang nasabi ko kasi hindi pa naman ganoon kakapal ang mukha ko.
Shet. Paano ako matutulog nito?! Leche naman ’yan, Rhys!
‘Samuel,’ I texted nung hindi ako maka-tulog. Napa-upo ako nung makita ko na nagread iyong message ko. It was two in the morning! Bakit gising pa ’tong sacristan na ’to?
‘What?’ he replied.
‘Baka imagination ko lang but galit ka ba sa akin?’ I asked. ‘Para kasing okay naman tayo before tapos biglang sungit mo na bigla.’
‘We literally talked only thrice.’
Napaawang iyong labi ko. Tangina nito. Naghahanap ba ’to ng gulo?
‘K.’
Immature na kung immature, pero ako na nga ’tong nagmagandang loob na magtanong sa kanya kung anong problema niya tapos bibigyan ako ng attitude?! Sakit sa ulo, ha! Bakit hindi na lang ako bumalik kay Rhys tutal mukhang mali ako at mas mabait ata iyon?
‘Why?’ he texted kahit na literal na K lang ang reply ko. ‘You don’t need me anyway. Close na ata kayo ni Rhys.’
Kumunot ang noo ko sa text niya. Feelingera lang ba ako or may hint ng pagtatampururot iyong message ng tao na ’to? Lecheng ’yan. Nawala na iyong antok ko tuloy.
‘Luh? Nag-usap lang, close na agad?’ I typed, but decided to delete it. Shet. Ano ba ang irereply ko sa tao na ’to? Medyo risky! Kasi parang siya iyong tipo na kapag mali ang sabihin ko, baka iblock ako nito!
I sat there and stared at my phone. Ano ba ang sasabihin ko? Na close na kami ni Rhys pero baka isipin niya na hindi ko na siya kailangan? O sabihin ko na hindi pa kami close ni Rhys at kailangan ko siya para doon?
‘Hindi pa nga e. Patulong naman,’ I sent, instead.
It was read.
I saw him typing. And then erasing. And then typing. And then erasing. What the fuck was he doing?
‘Yeah sure,’ he replied after five minutes.
‘Totoo?’
But I didn’t get a reply… although he read my message. What the heck was your deal, Samuel? Crush mo na rin ba ako?
** This story is 8 chapters ahead on Patreon (patreon.com/beeyotch). Subscription starts at 100php per month for all stories.
If you’re having any problems with your payment, you can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance.
Chapter 08
Chapter 08
I seriously didn’t know if the universe was helping me or playing a trick on me dahil paglabas na paglabas ko pa lang ng building ay agad kong naka-salubong si Samuel. Humihikab pa siya nung mapa-hinto siya dahil nakita niya ako. He was wearing his usual white polo shirt, navy blue pants, and white converse shoes. May naka-sabit din sa balikat niya na parang computer bag ata ’yon.
Ano ba ’yan? Umagang-umaga pa lang, ang cute niya na agad!
“Good morning!” I greeted with a huge smile kahit feeling ko ay hindi dapat dahil iniwan niya ako sa seenzone kagabi. Alas-cuatro na nga ako naka-tulog sa kaka-isip kung may crush ba siya sa akin! Ano ba namang utak ’to! Napaka-assumera!
“Good morning,” he greeted back in a different energy.
“Maaga kang pumupunta sa school?” he asked.
Umiling siya. “May gagawin lang ako ’dun.”
I nodded. “Saan ka nag-aaral madalas?”
Napa-tingin siya sa akin. “May kailangan ka ba?” he asked.
Napa-kunot ang noo ko. “Ha?”
“Ang dami mong tinatanong.”
“Bawal ba?” I asked.
“No, but—” sabi niya tapos napa-hinto siya sa pagsasalita nung biglang nagvibrate iyong cellphone niya. Nakita ko iyong pangalan ni Rhys doon. Napa-tingin siya sa akin na naka-tingin sa phone niya. Tapos ay napa-tingin ako sa kanya na naka-tingin sa akin. “Do you… want to come?” he asked.
Kumunot ang noo ko. “Saan?”
“Rhys,” he said.
“Hi—” pero napa-tigil ako. Kaka-sabi ko pa nga lang pala sa kanya kagabi na magpapa-tulong ako kay Rhys. Ginagawa niya naman, in fairness, iyong sinabi ko sa kanya. Sketchy naman kung hindi ako sasama. “Saan?”
“Sa bahay nila,” he replied.
“Malayo ba?” Umiling siya. “Ah… okay.”
Naka-sunod lang ako kay Samuel habang naglalakad siya. May tumawag sa kanya at mayroon siyang kausap sa phone. Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero mukhang pupunta kami sa condo niya. Tama nga ako dahil bigla kaming sumakay sa elevator papunta sa parking. Naka-sunod lang ako sa kanya hanggang sa mapa-hinto kami sa harap ng isang blue na Ford Raptor. Mayroon pa rin siyang kausap, pero inunlock niya iyong pinto.
“Dito ba?” I asked in a low tone dahil may kausap siya. He nodded at me. Pumasok na ako sa loob. Pagpasok ko sa loob ay nandoon pa rin si Samuel sa labas at mayroong kausap. I looked around his car. As expected, sobrang linis ng sasakyan niya… At syempre, mawawala ba iyong rosary na naka-sabit doon sa may rearview mirror niya?
Leche. Bakit kinilig ako sa rosaryo? Tsk.
“Gracey,” bigla niyang sabi. Kumunot ang noo ko. “Kapatid ni Rhys.”
“Ah… ’Yung kambal niya?”
Samuel nodded as he started his car. Bakit… kinikilig ako? Hindi ko naman first time maka-sakay sa sasakyan? Pero first time ko sumakay sa sasakyan ng crush ko! Kailangan kong tandaan lahat ng details ng mangyayari ngayon. For sure iisipin ko ’to for the days to come.
“I think she’s friends with Iñigo. Sabihin mo kay Iñigo ipakilala ka.”
“Bakit naman?”
Napa-tingin siya sa akin na bahagyang naka-kunot ang noo. “Because Rhys won’t date anyone na hindi kasundo ng kapatid niya.”
“What? Seryoso?” I asked, hindi dahil interesado ako kay Rhys, kung hindi medyo na-weirduhan lang ako. Like kahit sobrang gusto niya iyong tao, kapag hindi kasundo ng kapatid niya, out na agad?
Samuel nodded. “But Gracey’s really nice,” he said. “Kung hindi mo siya makaka-sundo, ikaw na ang may problema.”
Napa-kunot ang noo ko sa sinabi niya. “Crush mo?”
“What?” he asked.
“Crush mo ’yung kapatid ni Rhys?”
Hindi ko alam kung saan nanggagaling iyong kapal ng mukha ko na itanong ’to sa kanya, pero medyo nagpanic lang ako nung sinabi niya iyon tungkol ’dun sa Gracey. Bakit kasi parang masyadong puring-puri!
“Hindi nga.”
“Bakit? Kasi kapatid ni Rhys? Sinabihan ka ba na off-limits kapatid niya?”
“Saan mo ba nakukuha ’yang sinasabi mo?”
“So, crush mo nga pero off-limits?”
“I already said na hindi, ’di ba?” he said habang naka-focus pa rin sa daan iyong atensyon niya. In fairness sa kanya hindi siya nadidistract sa dami ng sinasabi ko. Dati kasi sinabihan ako na ’wag ako masyadong maingay kapag nagda-drive siya kasi baka mabangga daw kami. E ’di shut up na lang ako.
Kinuha ko iyong cellphone ko para hanapin iyong sinasabi niyang Gracey. Nakita ko na ’to dati nung nagstalk ako sa profile ni Rhys, pero hindi ko na masyadong tanda. Grabe! Akala mo sobrang tagal na nung naging crush ko si Rhys, e!
“What?” he asked nung bigla akong napa- tsk. Bakit ba napapa-libutan ako ng mga babae na ganito ang itsura? Ganito rin vibes ni Cha, e!
“Maganda nga pala,” sabi ko kasi mamaya sabihan kong pangit tapos ma-turn off si Samuel sa akin dahil masyado akong laitera. E maganda naman talaga. Bakit ba ako nagulat pa e gwapo si Rhys? Weird naman kung gwapo si Rhys tapos pangit kakambal niya. Isipin ko pa bigla na isa sa kanila napalit sa ospital.
“Were you just stalking Gracey?”
“Public profile naman,” sabi ko. Mutual friends kasi namin si Iñigo kaya may mga nakita akong pictures. Hirap naman ihate nung babae kasi mukhang mabait. Buti sana kung mukhang maldita. “Gets ko na kung bakit mo crush—”
“For the third time, hindi ko nga crush.”
“Bakit? Maganda naman.”
“Kapag maganda ba dapat crush ko agad?”
I shrugged. “Kapag gwapo, nagiging crush ko agad,” sabi ko sa kanya. Totoo naman! Nung unang linggo ko rito sa SCA, jusko na-stress talaga ako sa dami ng gwapo! Pero karamihan may girlfriend na, so automatic backoff sa mga ganoon.
“Really?” he said after he quickly glanced at my direction.
I nodded. “Bakit? Masama bang umappreciate ng gawa ni Lord?” sabi ko sa kanya. “Pero crush lang as in happy crush.”
He gently nodded his head. “So… Rhys? Happy crush?”
I bit my lower lip. Lecheng sacristan ’to. Ano ba trip niya? Hindi ko ma-gets! Kung pwede lang diretsahin na siya na sabihin na kung crush niya ba ako, e crush ko na rin siya, kung pwede ba diretso MU na kami? Gusto ko na ng mutual landian! Kaka-pagod ng one sided landian, ah! Kaka-pagod mag-imagine gabi-gabi!
I shrugged. “Secret,” I said. “Sabihin mo muna kung hindi mo talaga crush si Gracey?”
“For the fourth time, no.”
“Bakit?”
“Not my type.”
“So… ano ang type mo?”
“That was not the agreement,” sabi niya bigla. “I already answered your question. So, Rhys? Happy crush?”
Tumingin muna ako sa kanya. Hmm… sabihin ko na lang siguro na happy crush ko si Rhys. Baka kapag sabihin ko na serious crush ko si Rhys ay talagang ilakad ako nito. Mukha pa namang si Samuel iyong tipo ng tao na masunurin. Try niya kaya maging pasaway minsan?
“Happy crush,” I replied.
Nanlaki iyong mga mata ko nung nakita ko na medyo napa-ngiti siya. Sobrang bilis lang nun, pero sigurado ako na nakita ko! Naging seryoso ulit iyong mukha niya tapos ay sinuklay niya iyong buhok niya gamit iyong mga daliri niya.
Lord… ito na ba?
Ready na po ako gumawa ng girlfriend duties.
“So, ano ang type mo?” I asked bago pa mawala siya sa mood at biglang sungitan lang ako ulit.
“Nothing in particular.”
“Impossible.”
“Why?” he asked. “I just don’t have any particular type. Kapag gusto ko, gusto ko,” he continued.
“Like… ayaw mo sa maganda? Matalino? Kagaya ni Rhys?”
Akala ko ay mababadmood siya dahil sa pagbanggit ko kay Rhys, pero mukhang hindi naman. Umiling lang siya. “I just think having a ‘type’ is useless. Because when you like someone, you like someone. Like Rhys, for example. He likes smart girls. Lahat ng babae sa college of law, matalino. But that doesn’t mean na type niya lahat ng nandoon.”
“Kasi si Cha lang ang gusto niya?”
Napa-tingin siya sa akin. “Sorry,” he said, but he didn’t look sorry at all because there was a small grin on his face. Tsk. Sacristan pero masama ugali.
I made face. “Wala namang gusto si Cha sa kanya, so fair lang.”
“True,” sabi niya.
Mayamaya pa ay pumasok kami sa isang subdivision… In fairness naman dito kay Rhys—rich kid of Manila nga talaga. Huminto kami sa harap ng isang bahay. Samuel parked on the side and then unbuckled his seatbelt.
“Gusto mong sumama sa loob?” he asked.
I shook my head. “Dito na lang ako,” sabi ko na medyo kumunot ang noo niya, pero hindi na siya nagtanong pa. I just watched as he disappeared from my vision at tahimik akong naghintay sa pagbalik niya.
It took Samuel 15 minutes bago siya naka-balik.
“Sorry, natagalan,” he said.
“Okay lang,” I replied and showed him the RPC codal that I was reading while waiting. Lagi akong may dala na codal—either RPC or NCC dahil sinabi sa akin ni Iñigo na when all else fails, kumapit sa codal.
“Balik na ko sa condo,” he said. “Do you want me to drop you off sa school?”
“Sa condo ka mag-aaral?” I asked.
He nodded. “Can’t study in school.”
“Sa coffee shop mo na lang ako ibaba,” sabi ko. “Di pa ako nagbbreakfast. Tinatamad akong magluto,” dugtong ko. Kaya lang naman ako sa library magrereview sana ay para makita siya dahil hindi niya ako pinatulog kagabi. Pero ngayon na hindi naman pala siya pupunta sa library, e ’di sa coffee shop na ako mag-aaral.
“Saang coffee shop?” he asked.
“Yung walang masyadong tao sana.”
“Medyo malayo sa school, okay lang?”
“Grabe. ’Yung walking distance naman sana. Ayoko magcommute.”
Natawa siya. “Anong oras ba class mo?”
“6:30.”
“7:30 ako. Balik tayo ng 6?”
Tumingin ako sa kanya. “Wait… sa coffee shop ka na rin mag-aaral?” I asked. He nodded. “Akala ko sa condo?” But instead of answering, Samuel just shrugged. Konti na lang talaga macoconvince ko na ang sarili ko na may crush sa akin ’to.
Humito kami sa isang coffee shop na medyo malayo sa school. Wala ngang masyadong tao roon.
“May rice ba dito?” I asked. “Rice ang breakfast ko.”
“Meron,” sabi niya. “Rice din ang breakfast ko.”
Sabay kaming pumila sa counter. We both ordered tapsilog pero si Samuel ay may extra rice. I ordered water dahil mamaya na ako magkakape, pero si Samuel ay umorder ng black coffee.
“Pangit ba ’yung digest ko?” he suddenly asked.
“Ha? Hindi, ah. Bakit?”
He shrugged. “Di mo ginagamit.”
“Ha? Ginagamit ko,” sabi ko sa kanya pero tumango lang siya habang sumisimsim ng tubig. “Anong aaralin mo ngayon?”
“Sales,” he said. “You?”
“Walang katapusan na Crim. Totoo ba na maraming ibabagsak si Atty. Mercado?”
“Not to scare you, but yes.”
I frowned. “Ano ba ’yan. E nasa laylayan ako sa class.”
“Can I ask kung ano ang midterm standing mo?”
“47,” I said. I was embarrassed with my grades, but for some reason, hindi ako nahiya na sabihin sa kanya kung ano ang grade ko.
He nodded. “I know someone who got 35 sa midterm standing, pero pumasa pa rin,” sabi niya. “You know Amurao notes?”
I nodded. “Oo.”
“Binabasa mo?”
“Hindi. Naka-focus ako sa book ni Reyes.”
“After mo magbasa ng Reyes, basahin mo ’yung Amurao notes. Doon naka-pattern iyong discussion ni Sir,” sabi niya sa akin. “You have to study hard in law school, yes, but also, you have to study smart. Not all profs are created equally—minsan, kailangan mo maging creative.”
“Oh, my god, totoo!” sabi ko sa kanya tapos nagreklamo ako sa kung gaano kapangit iyong lineup namin na feeling ko ay nung ginagawa ’to ng SCA, iniisip na nila kung paano ieeradicate iyong buong 1S! Lecheng lineup ’yan!
Bago pa man ako matapos sa rant ko ay dumating na iyong pagkain namin. Mukhang excited na bata si Samuel habang pinupunasan niya ng tissue iyong utensils niya. I was just watching his every movement kasi… wala lang. Ang cute niya lang talaga.
“What?” he asked while he was still wiping his utensils with tissue. Nalimutan ko na grabe nga pala nag peripheral vision ng isang ’to!
Umiling ako habang naka-ngiti. “Wala,” sabi ko. “Enjoy eating dahil marami pa tayong aaralin mamaya,” dugtong ko bago sabay kaming kumain ng breakfast.
** This story is 8 chapters ahead on Patreon (patreon.com/beeyotch). Subscription starts at 100php per month for all stories.
If you’re having any problems with your payment, you can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance.
Chapter 09
Chapter
09
By 4PM, wala na talaga akong maintindihan sa binabasa ko, as in! Alam mo ’yung feeling na nag-information overload na? Hindi na talaga kasya? Wala ng nagpa-process at dumadaan na lang iyong mga salita sa paningin mo?
I grunted at saka ipinatong iyong mukha ko sa libro.
“Ayos ka lang?” he asked.
“Sakit na ng ulo ko,” I replied.
“Wag ka muna magbasa.”
“Nasa half pa lang ako ng case,” I said. Inuna ko kasi basahin iyong concept kasi sabi ni Iñigo sa akin dati, mas madali kong maiintindihan iyong case kapag alam ko na iyong concept. Nung first week kasi ay masyado akong na-overwhelm sa dami nung cases kaya doon ako nagfocus. Very wrong move dahil hindi ko rin naman gets iyong mga provisions na nadidiscuss doon sa kaso.
“Pero tapos ka na sa book?”
I nodded. “Yup. Pwede ba pagising after 15 minutes?” I asked him, pero hindi na ako naghintay pa sa isasagot niya dahil talagang antuk na antok na ako at gusto ko ng matulog.
It felt like I just closed my eyes nung marinig ko iyong boses ni Samuel na tinatawag ako. I opened my eyes and saw him looking at me. Ano ba ’yan… ganito ba ang itsura kung boyfriend ko siya? Na siya iyong unang makikita ko pagbukas ng mata ko?
Sige, landi pa! Ni hindi ka pa nga tapos sa binabasa mo!
I yawned as I stretched my arms. “Thank you,” sabi ko habang iniisip kung oorder ba ulit ako ng kape kasi so far, nakaka-dalawa na ako. Baka naman hindi na ako maka-tulog nito mamaya!
“Masakit pa rin ulo mo?” he asked.
“Hindi na masyado,” I replied and then groaned in frustration nung makita ko iyong syllabus. Meron pa kasing limang kaso roon. Hina-highlight ko kasi iyong mga tapos na akong basahin para makita ko iyong progress. It inspires me kasi minsan, feeling ko ay walang katapusan ang ginagawa ko sa sobrang dami.
“Alam mo na ’yung concepts, ’di ba?” he asked.
I nodded. “Yup, bakit?” tanong ko kasi natanong niya na sa akin ’to kanina bago ako umidlip.
“Ano’ng kaso babasahin mo?”
“People v Lagata,” I replied.
Kumunot iyong noo niya. He got went to his laptop at may itinype doon. After a few seconds, tumingin siya sa akin. “Iyong case sa pulis at gabi,” sabi niya.
“Ha?”
“Di mo ba ginagawa ’yon?” he asked. “Sa bawat case, dapat alam mo kung tungkol saan para mas madali iyong recall,” sabi niya. “Nung first year ako, pini-print ko iyong syllabus na may double space tapos doon ko sa space sinu-sulat iyong summary nung facts at saka clue kung ano iyong concept na na-tackle doon.”
My forehead was slightly creased and my lips was slightly parted as he told me that. I mean, I knew about that, but hindi ko ginagawa…
“Yung sa case ng Lagata, na-discuss ’dun ’yung sa mga naka-takas na inmate. Hindi naman masyadong nagtatanong si Mercado sa facts basta masabi mo ’yung basic at ma-explain mo ’yung concept,” he said. “In this case, sinasabi lang na ’yung ginawa bang pagbaril nung pulis doon sa mga naka-takas na inmate, justifying circumstance ba ’yon? Kasi ’di ba under the guise of authority, may karapatan iyong mga pulis na gumamit ng force para gawin iyong trabaho nila? But in this case, the Supreme Court decided that human life is more valuable. They said that unless there is a proof that using such force, and in this case, firing a gun, is necessary, there would only be an incomplete justifying circumstance to be applied.”
Naka-tingin lang ako sa kanya.
Shucks… ganito ba iyong tinuturuan ka ng upperclass jowa mo sa subjects mo?!
“Deanne,” pagtawag niya sa pangalan ko nung hindi ako nagsasalita. “Naintindihan mo ba?” he asked.
I looked at him, still in daze about the fact that I was living my main character dreams. I nodded. “Uhm… yup,” sagot ko sa kanya habang rinig na rinig ko pa rin iyong tibok ng puso ko. “Wala ka bang aaralin?” I asked.
“Kanina pa ako tapos.”
Napaawang iyong labi ko. Gusto ko sanang tanungin na kung kanina pa pala siya tapos, bakit nandito pa siya? But I decided against it. At this very moment, I just wanted to enjoy this… I wanted to enjoy the fact that Samuel Hayes Fortalejo was helping me study.
“Ano’ng next case?” he asked and then I told him the title, he looked it up, at saka kinwento niya sa akin iyong kaso. Sigurado ako kung matatawag ako para irecite iyong mga kaso na tinuro sa akin ni Samuel, mataas ang grade ko.
First time ko lang yata sa buong buhay ko mag-enjoy sa pag-aaral. Bandang 5:45PM ay nag-ayos na kami para nasa school na kami ng 6PM. Sumakay ulit ako doon sa Ford ni Samuel.
“Question,” I said as he was starting the car. “Hindi ka ba nalalakihan sa sasakyan mo?” I asked dahil medyo nahihirapan kaya akong umakyat kasi mataas siya, in fairness!
“Hindi naman,” he replied as he began to drive. Jusko. Ang gwapo talaga ng lalaki kapag nagmamaneho! Tapos nakita ko na naman iyang rosaryo na ’yan! Kinilig na naman ako.
“Ayaw mo ng sedan?” I asked.
“I like bigger cars,” he replied. “Nung college pa ako, sedan iyong sasakyan ko. Naabutan ako ng bagyo. Nabaha iyong sasakyan. Hassle,” kwento niya sa akin. Bahagya siyang lumingon sa gawi ko. “Why? Ayaw mo sa sasakyan ko?”
Medyo nanlaki iyong mga mata ko. “Ha? Wala naman akong sinasabi,” sabi ko sa kanya saka as if naman magmamatter ang opinyon ko! Sasakyan niya ’to, e. Nakiki-sakay lang naman ako.
Nung huminto kami dahil sa traffic lights, nakita ko iyong marahan na pagdrum ng mga daliri niya sa steering wheel. Ang ganda-ganda pati ng daliri ng taong ’to—parang kandila. Sarap sigurong ka-holding hands.
“Another question,” I said.
“Yeah, sure,” he replied, his eyes on the road.
“Since dati kang sacristan—”
“Why are you so fixated on that?” he asked.
“Wala lang,” sabi ko sa kanya. Alangan namang aminin ko na nung elementary ako ay marami akong crush na sacristan sa lugar namin?
“Really…” sabi niya habang tumingin sa akin na parang nang-aasar.
Umirap ako. “Wala nga,” sabi ko sa kanya. “Pumasok ka rin ba sa seminaryo?”
Natawa siya. “What? May vibes din ako na seminarista?”
I nodded. “Meron talaga, promise!” sabi ko sa kanya.
Alam mo kasi ’yon? Sobrang… clean looking. Iyon talaga iyong pinaka-magandang description sa kanya—parang ang linis-linis niyang tao. Pati lagi siyang clean-cut sa buhok—never ko pa ata nakita ’tong medyo mahaba ang buhok. Nagpapa-gupit siguro ’to every two weeks!
“Paano mo nasabi?” I asked.
“Hindi naman na-eexplain ang vibes.”
“Try,” he replied na para bang hina-hamon ako.
Sumandal ako sa upuan at saka humalukipkip. Nakita ko na tumingin siya sa akin doon sa rearview mirror. Tinaasan ko siya ng kilay. He chuckled a little. Leche. Crush pa lang ba ’to, ha, Adriadna Deanne?!
“May… banal vibes ka,” sabi ko. “Pero hindi naman to the point na mukha kang may halo sa tuktok ng ulo mo,” dugtong ko kahit hindi na ako sure sa mga pinagsasabi ko talaga. Gusto ko lang naman malaman kung galing siya sa seminaryo!
“Hmm…” he simply said.
“So… galing ka ba sa seminaryo?” I asked. “Pero kung confidential information, ’wag mo ng sagutin,” dugtong ko kasi baka naman makulitan siya sa akin. Syempre kahit mukhang mahaba naman ang pasensya niya, lahat ng tao ay may hangganan.
“Went to the seminary and then law school,” bigla niyang sabi habang nagda-drive na siya. Tumingin siya sa akin muli gamit iyong rearview mirror.
“Hindi mo tinuloy?”
“Obviously,” he replied. “Nasa law school ako, e.”
Sinamaan ko siya ng tingin kasi may pagka-pilosopo rin talaga ’tong tao na ’to kapag gusto niya. Tinawanan niya lang ako.
“Ano’ng ginagawa sa seminaryo?” tanong ko sa kanya. “Nagdadasal kayo 24/7?” I asked, really curious kung ano ba ang ganap doon dahil once in my life, medyo pinangarap kong maging madre for some reason.
Natawa siya. “Hindi naman,” sabi niya sa akin. “Nag-aaral din kami ’don. Parang school din, pero mas strict,” dugtong niya tapos medyo nagkwento siya sa mga ginagawa nila doon kagaya ng super early wake up call nila sa madaling araw para magdasal. Nabitin nga ako sa kwento dahil nasa school na kami bigla, e.
After niya magpark ay inunbuckle ko na iyong seatbelt ko. Ang gwapo niya magpark! Alam mo iyong parang kabisado niya na? Si Daddy kasi kapag magpapark e pinapa-labas pa ako ng sasakyan para mag-ala traffic enforcer kahit may camera naman iyong likod ng sasakyan.
“Wait,” sabi niya nung bubuksan ko iyong sasakyan.
Napa-tingin ako sa kanya. “Bakit?” tanong ko pero hindi siya nagsalita kaya naman tinignan ko na lang kung saan siya naka-tingin. Nakita ko na naka-tingin siya kay Lui na papa-labas ng sasakyan niya. May hawak pa siya na box ng sigarilyo.
“Nagtatago ka kay Lui?”
“No,” mabilis niyang sagot.
“Weh?”
Tumingin siya sa akin. “Pwede na tayong lumabas,” sabi niya. Medyo kinilig naman ako sa tayo. Haaay, happy crush.
Lumabas na ako sa sasakyan ni Samuel. May kinuha siya sa may backseat. Dala-dala niya lang iyong libro niya sa Sales tapos nakita ko na mayroong naka-ipit doon na mga yellow paper.
“Yan notes mo?” I asked kasi kanina doon siya nagsusulat. Hindi ko lang maabala na itanong kasi mukhang naka-focus siya masyado sa pag-aaral.
He nodded. “Yes.”
“Hindi ba magulo?”
“Hindi naman,” he replied. “Mas madali kasi sa ’kin na magnote sa yellow paper. I compile them kapag tapos na sa coverage tapos ’yon inaaral ko kapag exam na,” he explained.
“Hindi naman nakaka-lito?”
Umiling siya. “By subject naman. Saka mas maganda para sa ’kin kasi kahit kapag nagrerecit, nasusulat ko lang sa kahit saang papel iyong mga sinasagot ng classmates ko na hindi ko nabasa,” sabi niya. “You should really listen to your blockmate’s recit—marami kang matututunan.”
“E busy ako magpanic sa kapag tatawagin na ako.”
Natawa siya. “Kakabahan ka lang naman ata kapag hindi ka nag-aral?”
“Wow… ang yabang naman!”
Tumawa ulit siya. “Kidding,” he said. “But I learned that to be able to recite properly, you just have to take a deep breath and remind yourself that you reviewed and you got this. Kasi kapag alam mo naman iyong sagot, masasagot mo naman—ang kaibahan lang kapag kinakabahan ka, you’ll stutter. Pero kapag hindi mo talaga alam kasi hindi ka naman nagbasa, wala ka talagang masasagot. So, just breathe and relax.”
“Does that work?”
“For me? Yes,” sabi niya. “I think there’s no other way around law school but to study, study, and study some more.”
I groaned. “What have I gotten myself into?”
He chuckled again and it sounded like music to my ears. “I’m a few months late, but welcome to hell, Adriadna Deanne,” sabi niya, pero bakit feeling ko sinabihan niya ako ng welcome to heaven?
Kinilig ako, but I tried my hardest to frown.
“Wow, salamat,” sabi ko sa kanya.
“It’ll get better.”
“Sana nandito pa ako ng second year.”
“Just do your readings.”
“I always do,” I said. “Mahilig lang ako magreklamo, pero nag-aaral naman ako. Pinanganak ako para magreklamo, sorry na.”
Tinawanan niya ako. “Good luck sa class,” he said nung malapit na kami papasok sa building.
“Thank you,” sabi ko sa kanya. “Good luck din sa class mo—sales, right?”
He nodded. “Matawag ka sana sa alam mo.”
“Amen, almost father Samuel. Amen,” sabi ko pero tumawa na lang siya ng naiiling bago kami maghiwalay ng landas.
** This story is chapters ahead on Patreon (patreon.com/beeyotch). Subscription starts at 100php per month for all stories.
If you’re having any problems with your payment, you can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance.
Chapter 10
Chapter 10
“Di kayo sabay ni Jax ngayon?” I asked Kitty dahil hindi siya nagmamadali lumabas ng classroom after ng class namin.
“Grabe naman,” she replied. “Hindi naman ako always nagmamadali.”
“Oo kaya,” sabi ko.
“Really?”
I nodded. “Okay lang ’yan. Tanggap na namin na ganyan ka talaga,” sabi ko tapos tumango si Iñigo in support. Kitty just frowned dahil alam niya na hindi naman siya mananalo sa aming dalawa ni Iñigo kapag pinagtulungan namin siya. “Wings tayo?” I asked kasi kakatapos lang ng recit namin and to be honest, ang hirap nung mga tanong! Sobrang confusing lang kasi nung topic ni Sir—alam mo ’yung naintindihan mo naman ’yung topic pero nung nagtanong si Sir, suddenly, parang puro Latin na iyong sinasabi niya?
“Yes, please,” Kitty said.
Naglakad kaming tatlo sa labas ng school. Marami naman kasing kainan dito. Nung unang paglipat ko sa Manila, nag-ikot kami nila Mommy and Daddy dito kasi sabi nila dapat alam ko kung saan ako kakain. Hirap talagang maging only daughter—masyadong nasa akin lahat ng atensyon.
“Kanina pa tayo naglalakad,” sabi ni Iñigo. “Magdecide na kayo kung saan tayo kakain.”
“Gutom ka na ba?” I asked.
“Medyo.”
Inabutan ko siya ng biscuit. “Yan muna kainin mo,” I told him and he frowned, pero inaccept niya pa rin naman iyong inabot ko na skyflakes. Minsan kasi nagugutom ako tapos tinatamad akong tumayo kaya may dala akong skyflakes pampalipas gutom.
“Deanne, gutom na rin ako. Let’s just eat there,” sabi ni Kitty sabay turo sa isang unli wings place. I shrugged tapos ay doon kami dumiretso. We immediately ordered dahil gutom na pala iyong dalawang reklamador na kasama ko. Inilabas ni Kitty iyong sanitizer niya at nilagyan iyong mga palad namin ni Iñigo bago kami nagsuot nung plastic gloves.
“May class daw ba sa Consti sa ibang section?” Kitty asked.
Iñigo nodded. “Recit.”
“Promise? Walang quiz?”
“Wala naman akong narinig,” Iñigo replied.
Habang kumakain kami ay nagreklamo lang kaming dalawa ni Kitty sa mga katangahan namin sa classroom habang si Iñigo ay masayang kumakain ng chicken wings.
“Alis na ako,” sabi bigla ni Iñigo after niyang basahin ang kung anuman sa cellphone niya. Tumingin lang kami sa kanya ni Kitty at saka tumango. Kapag ganito kasi, gets na namin na frat related iyon… And speaking of frat, ano kaya ang ganap kay Samuel Hayes Fortalejo? Three days ko na siyang hindi nakikita. Ganoon siguro kapag kasama mo buong araw, tapos biglang may three days na pagitan.
“Arellano,” pagtawag ko kay Kitty na kinikilig sa kung anuman ang nabasa niya sa cellphone niya. Medyo mahirap pa rin sa akin isipin kung paano si Jax magpa-kilig… although debatable naman na kahit paghinga lang ni Jax ay kikiligin na ’tong babae sa harapan ko.
“Why?” she replied.
“Tutal nagawa mo successfully na maging boyfriend ang crush mo, pwede ko bang tanungin kung paano?” I asked kasi nung first day namin, naalala ko pa na hina-habol nito si Jax, literal, sa hallway! Tapos biglang one day, sabi ni gaga ay may boyfriend na raw siya! Akala ko nga si Iñigo kasi crush ’to ni Iñigo, e. Tapos supladito naman si Jax.
“Sino muna crush mo?” she asked, looking at me.
“Wag mong sasabihin kay Iñigo,” I replied and her eyes widened. “Gaga, hindi si Iñigo!” sabi ko kasi bakit ba laging nagdududa ’to na may sikretong relasyon kami nung taong ’yon?
“Fine, fine, but who’s the lucky guy?”
“Samuel,” I said.
“Tiga-school?”
“Yup.”
“Ano’ng year?”
“Second.”
“Section?”
“1S.”
Her eyes widened a little. “Classmate ni Jax?” she asked and I nodded. “Oh… can I tell Jax?”
Normally, I’d say no, but sure naman ako na walang pakielam sa akin si Jax, so I just shrugged.
“So, paano mo naging boyfriend ang crush mo?”
“Hmm… I think I wore him down,” sabi ni Kitty tapos kinwento niya sa akin kung paano na nasa college pa lang siya ay crush niya na si Jax. Medyo weird na marinig ’to sa POV niya kasi for sure kung sa POV ng ibang tao, medyo creepy din ’tong babaeng ’to! Buti na lang cute siya.
“I don’t think pwedeng mag-apply ’yan kay Samuel,” sabi ko kasi hindi naman ako iniignore nung tao na ’yon. Kinakausap naman ako. Tinutulungan pa nga ako sa school.
“Hmm… Pagselosin mo.”
“That’s on the assumption na may gusto siya sa akin,” I said.
She shrugged. “We’ll never know, right? Ako kaya ilang beses ko ginamit iyong pangalan ni Iñigo to annoy Jax.”
“What? Seriously?”
She nodded. “Yeah… for some reason, Jax didn’t believe that he’s the only one I like and he believes that I’m capable of liking anybody else,” she replied while slightly shaking her head.
“Di ba niya alam na obsessed ka sa kanya?”
“Grabe naman sa obsessed,” she said, frowning.
“Hindi ba?” I asked, my brow arched.
“Maybe a little… but I think it’s more of an inspiration—na I want him to be proud of me so I study hard and make sure that in whatever I do, I do my best and that I always try to be a better person,” sabi niya.
Lord, gusto ko rin ng ganito?!
“Anyway… how can we make this Samuel like you…” sabi niya. “Wait, pakita muna picture! Baka nakita ko na sa school ’yan.”
Kinuha ko iyong cellphone ko tapos pinuntahan ko iyong facebook account niya. Pinakita ko iyong isa sa mga tagged pictures niya kay Kitty kasi wala namang kwenta iyong profile pic ni Samuel—logo pa ng school nung huling BAROPS.
“Oh! I know him! Nakikita ko nga siya sa school,” she said. “In fairness, he’s cute!”
“Oh, walang agawan.”
“As if,” she replied. “So… paano ba siya?” she asked and nagkwento ako tungkol kay Samuel. Sinabi ko na mabait, responsible, medyo may topak lang minsan na hindi namamansin. Kitty just nodded. She looked like she’s planning something evil dahil sa paraan ng pagdrum ng mga daliri niya.
“Follow Rhys and Lui on IG and then ’wag mo ifollow si Samuel,” Kitty said.
“Para magselos?”
She nodded. “Trust me—it always works!”
“Paano kung hindi?”
“Then we’ll think of a new plan,” she said.
“Hmm…” sabi ko kasi hindi ako masyadong sure. Kasi based sa mga alam ko so far, mukhang si Samuel iyong tipo ng tao na loyal sa friendship niya at sa frat nila. E paano kung tuluyang maniwala iyong tao na ’yon na crush ko nga si Rhys?
“Then every time magpopost iyong friends niya, ilike mo iyong pictures. And sa facebook din pala! Always ka magreact,” sabi ni Kitty. She looked so excited sa masamang balak namin.
“Kapag ito nagbackfire, ha,” sabi ko sa kanya.
“Trust the process,” sagot niya lang sa akin hanggang sa umalis na kami sa may chicken wings place. Nagpa-sundo lang si Kitty sa driver niya sa harap nung resto and they she dropped me off sa harap ng condo.
Pagbalik ko sa condo, naglinis muna ako ng katawan and then debated kung gagawin ko ba iyong kalokohan na sinabi sa akin ni Katherine Tyrese. I mean… wala namang mawawala? Saka mabait naman sa akin si Lui and si Rhys, so ifa-follow ko naman talaga sila?
Naka-private iyong Instagram accounts nilang dalawa. After kong magfollower request ay lumabas muna ako para bumili ng pagkain—hoping din na maka-salubong ko si Samuel, pero wala naman akong naka-salubong na lalaking mukhang banal sa labas. Pagbalik ko sa condo, habang inaayos ko iyong binili ko na lugaw at tokwa’t baboy, nakita ko na na-approve na ni Lui iyong request ko. Iistalk ko pa lang sana siya nung makita ko na mayroon siyang IGS… at mukhang isinama niya ako sa private list kasi color green iyon.
Being a natural chismosa, I quickly clicked the story.
“Nerds,” sabi ni Lui sa may IGS. Mukhang nasa bar sila. Maingay sa background. Nakita ko na may mga nag-iinuman. Tinutok niya iyong camera sa mukha ni Rhys na mabilis iniharang iyong kamay niya sa camer. “Say hi,” sabi niya naman kay Samuel na mukhang nasa bar pero nag-aaral dahil may iPad sa harapan niya. “KJ,” dugtong ni Lui dahil naka-tingin lang si Samuel sa camera. After nun ay ibinalik ni Lui iyong shot sa mukha niya at ngumiti habang kitang-kita iyong dimples sa magkabilang pisngi niya. May pang-asar talaga ’tong tao na ’to.
Kaya pala hindi ko naka-salubong! Nasa bar pala!
Hindi ko alam kung itetext ko ba si Samuel kasi ano naman ang sasabihin ko? Kahit ako maccreepyhan sa sarili ko kung itetext ko siya ng ‘lakas naman. Umiinom ng school night.’
Sabi nga ni Kitty—falling in love is warfare. I needed patience. I needed composure. Kaya naman nagnetflix na lang ako.
The next day, bandang 2PM na ako pupunta sa school kasi magkikita pa kami ni Kitty para magdiscuss nung mga bagay na naguguluhan kaming dalawa. Ayaw niya ata magtanong kay Jax kasi busy din ata iyon dahil mas mabigat naman talaga ang load ng second year.
“Good morning?” bati ko sa kanya kahit 2PM na dahil mukhang kakagising niya lang. Hanggang anong oras kaya sila sa bar?
“Morning,” he replied.
“2PM na,” I pointed out.
“I know…” sabi niya tapos ay nagyawn.
“Ano’ng oras ka natulog?” I asked na kunwari ay hindi ko alam na nasa bar siya kagabi kasama iyong mga fratmates niya.
“3?” he replied.
“Grabe. Masakit ulo mo?” I asked kasi kapag ganyan din ako matulog, for sure masakit ang ulo ko kinabukasan. Kaya kung kaya talaga ay pinipilit ko na tulog na ako by 1AM.
“Medyo.”
“Inom kang maraming tubig,” I said kasi naniniwala ako na tubig ang gamot sa hangover at puyat.
“Thanks,” he said with a small smile.
Tahimik na sabay kaming naglalakad papunta sa school. Samuel would sometimes wince kapag mayroong sasakyan na naghonk. I chuckled to myself—may hangover si gago. ’Di mo halata na umiinom, e! Don’t judge a book by its cover nga talaga.
Nung papasok pa lang kami sa school ay nadaanan namin si Lui na nandoon sa may designated yosi place ng school. Bawal kasi manigarilyo sa loob kaya sa labas nagyoyosi iyong mga tao. Karamihan ng nandoon ay mga law students na stressed na stressed na sa buhay nila. Doon din may pinaka-maraming pogi pero hindi ako maka-lapit doon dahil mahal ko ang baga ko.
“Hey, Deanne,” sabi ni Lui nung maka-lapit siya sa amin. “Thanks for following me in IG,” he continued. Napa-tingin si Samuel sa akin na medyo naka-kunot ang noo.
“Uh… thanks din sa pagfollowback,” sagot ko although mukhang private naman talaga iyong account ni Lui dahil walang picture ni isa iyong nandoon.
“Finollow mo rin si Rhys?” he asked.
What the heck was he doing? Sinasadya niya ’to! Bakit kaya hindi sila maging friends ni Kitty dahil ganito rin ang trip nung isang ’yun, e.
“Uh… oo, paano mo nalaman?”
Lui shrugged. “Nagpop-up lang sa notif niya,” Lui replied, although hindi pa naman ako inaaccept ni Rhys sa IG niya. Okay lang naman. Feel ko naman kagaya ’yun ng IG ni Lui na walang laman. Ano kaya itsura ng IG ni Samuel? May picture kaya siya roon nung high school pa siya? May picture kaya siya nung sacristan pa siya? Shet—mapapa-deep stalk na naman ako nito mamaya!
“Niko!” bigla niyang pagtawag dun sa isang lalaki na naglalakad na mukhang tiga-Brent. Malapit na talaga akong maniwala na lahat ng pogi ay pogi din ang kaibigan kasi grabe? Gwapo rin iyong tinawag ni Lui?! “Gotta go,” sabi ni Lui bago naglakad papunta roon sa lalaki na tinawag niya.
Parang naka-program na naglalakad kami ni Samuel. Walang nagsasalita sa amin. Did he want to ask me kung bakit hindi ko siya finollow? Curious ba siya? Or wala lang siyang pakielam? Ang dami kong tanong!
Pero naka-pasok na kami sa school at lahat ay wala siyang sinabi sa akin. Shet—mukhang magbabackfire pa ang plano namin ni kuting!
“Ifa-follow din kita!” bigla kong sabi dahil nagpanic ako. He looked at me. Bahagyang naka-kunot ang noo niya, pero hindi pa rin siya nagsalita. “Naubusan ako ng data kagabi.”
“Really,” he said while his lips were pressed in a thin line.
I nodded kahit sobrang bobo lang ng dahilan ko. May wifi ako sa condo?! Pero malay ba niya!
“Ano’ng username mo?” I asked, iniiba ang usapan, “ holysamuel ganoon ba?“ I asked.
“It’s fine—ayaw mo akong ifollow sa IG,” he said in a much lighter tone. Mukhang nagbago na ang ihip ng hangin bigla.
“Grabe naman—hindi naman ako anak ng may-ari ng Globe? Nauubusan din ako ng data?”
“Sino ba naman ako para ifollow mo?” he asked in a teasing tone.
“Luh siya…” sabi ko. “Ifa-follow na nga.”
“Why? Walang picture si Rhys sa profile ko,” he replied. Gusto kong umirap at sabihin na wala naman akong pakielam sa picture ni Rhys at mas interesado ako kung may throwback picture ba iyong pagiging sacristan niya sa Instagram niya.
“Ano’ng picture ba nasa profile mo?” I asked. “Controversial ba ’yan?”
“Basta walang picture ni Rhys,” he replied.
“Sayang naman,” I said in jest. Pero bago pa siya makapag-inarte ay tinype ko na iyong pangalan niya sa IG at agad na lumabas sa suggested iyong account niya. “Ito na, okay? Ifa-follow ka na.”
“Salamat na rin,” he said.
I rolled my eyes. “Ang arte, grabe.”
He just laughed at me. Hindi ko alam kung saan kami pupunta dahil naka-pasok na naman kami sa school. For some reason ay napunta kami roon sa may bench sa labas ng chapel kung saan ako unang nagkalat sa harapan niya.
“Ay, taray, marunong kang magpiano?” I asked kasi may isang post doon na video. Hindi ako sure kung siya ba kasi naka-focus lang doon sa mga daliri niya.
“Medyo,” he replied.
“Grabe, pa-humble.”
“It’s been long since I played.”
“Hindi naman nalilimutan ’yung ganon, ’di ba? Muscle memory?”
He shrugged. “Maybe…”
Grabe… parang may nadagdag ulit sa list ng mga pangarap ko. Ano kaya ang feeling na mapa-nood siyang tumugtog ng piano? Ang ganda siguro tignan nun kasi ang ganda rin ng mga daliri niya!
“Ano’ng mga alam mong tugtugin?” I asked him.
“Church songs, usually,” he replied and I teased him sa pagiging banal niya. Inirapan niya lang ako. “It’s easy to play kapag may music sheet,” he added.
“Ako nga ni hindi marunong maggitara.”
“Maigsi kasi daliri mo,” sabi niya habang napa-tingin sa daliri ko.
“Grabe! Foul!” sabi ko sa kanya pero tinwanan niya lang ako. “So, marunong ka rin maggitara?” I asked and he nodded. “Lahat na lang alam mo, e, no?”
“Hindi ako marunong… kumanta,” sabi niya.
“Hindi rin ako,” sagot ko. “Ang hirap naman maging talentless,” dugtong ko. Iyon kaya pinaka-ayaw kong sagutan sa mga form—iyon bang kung ano ang talent mo. Ang nilalagay ko lang ay talent ko magbasa. Bahala na sila d’yan!
“You’re blessed in another aspect,” he said.
“Saan naman?”
He shrugged. “You’re… easy to be with,” he said. “You have the talent of making people feel at ease when you’re around,” he added while looking at the people passing right in front of us habang ako ay naka-tingin lang sa side profile niya. “And I think that’s better than knowing how to play the piano,” he continued and I swear magtatampo talaga ako kay Lord kung hindi siya ang tunay kong pag-ibig!
** This story is 9 chapters ahead on Patreon (patreon.com/beeyotch). Subscription starts at 100php per month for all stories.
If you’re having any problems with your payment or if you wanna pay via GCASH, you can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance.
Chapter 11
Chapter 11
“Deanne!”
Agad na kumunot ang noo ko nung malakas ang boses na tawagin ako ni Kitty. “Ano?” sagot ko sa kanya dahil sa totoo lang, masakit ang ulo ko sa dami nung inaral ko. Sabi nga, kung hindi ka natural na matalino, daanin mo sa sipag. E paano kung tamad din ako?
“Nothing,” she said, smiling as she took her seat. “Anong balita sa inyo ni Samuel?” she asked. Mabuti na lang at nasa kabilang column si Iñigo kaya hindi niya maririnig kung anuman ang pag-uusapan namin ni kuting.
“Hindi ko nga sure!” sabi ko sa kanya nung isara ko iyong codal ng RPC na binabasa ko. “Sabi niya kasi last time nung nagkita kami, ‘I’m easy to be with’ daw. Hindi ba parang friendzone ’yun?”
“Hindi naman siguro,” she replied. “Besides, I believe in… perseverance,” she continued and then told me kung gaano siya inignore ni Jax nung nasa college pa sila. Medyo hindi na ako sure kung tinutulungan lang ba ako ni Kitty o gusto niya lang magreminisce sa love story nilang dalawa. Either way, kinain ko na lang iyong dala niyang cookies habang nakikinig sa kwento niya.
After ng class namin, nagpaalam na si Kitty dahil sabay sila ni Jax.
“Masakit ba?” tanong ko kay Iñigo na nag-aayos ng gamit niya.
“Ang alin?”
“Na makita ang pangarap mo na may ibang pinapangarap?”
His lips parted. Tapos ay napa-kurap siya. “Tangina…” he uttered under his breath. “May lagnat ka ba?” tanong niya sa akin tapos ay hinawakan iyong noo ko.
Tinapik ko paalis iyong kamay niya. “Magmove on ka na kasi kay Kitty. Kita mong nasa happily ever after na ang ating kaibigan habang nasa once upon a time pa lang tayong dalawa.”
Umirap si Borromeo. “Crush lang kasi ’yon. Ewan ko sa ’yo bakit iniisip mo na in love ako ’dun kay Kitty,” sabi niya habang sabay kaming naglalakad palabas ng classroom.
“Weh?”
“Oo nga.”
Sasagot pa sana ako kay Iñigo nung matigilan ako dahil nakita ko si Samuel na pababa ng hagdan. Mag-isa lang siyang naglalakad at medyo seryoso iyong itsura. Grabe, kahit malayo pa lang ramdam na ramdam ko na agad na crush ko siya? Hustisya naman! Fair ba ’yon?!
“Deanne,” pagtawag ni Iñigo sa pangalan ko.
“Hmm?” I replied, still looking at Samuel’s way kahit na naka-baba na siya sa hagdan.
“Nothing,” sabi niya nung tumingin na ako sa kanya at wala naman siyang sinabi.
“Sure ka?” I asked.
He nodded. “Ano nga pala…” sabi niya nung pababa na rin kami. Normal ba na feeling ko naaamoy ko iyong si Samuel?! Jusko, delikado na talaga ako! “May ipapakilala ako sa ’yo sa med kung interesado ka pa rin magpa-reto.”
Napa-tingin ako sa kanya at napaawang iyong labi ko. I tried to say something pero parang biglang hindi ko alam ang sasabihin ko.
“Uh…” I said habang bumababa kami sa hagdan. “Sure?” dugtong ko kasi ako naman nagsabi sa kanya. Seryoso naman iyong sinabi ko sa kanya before kasi gusto ko naman talaga magka-jowa! Pero pre-Samuel ’yon! Iyon ang nag-iisang target ko ngayon. Gusto ko sanang sabihin kay Iñigo na no need na kaso baka magtaka siya.
“Sure ka ba?”
I nodded. “Yup,” I said, forcing a smile on my face. “Ano’ng name?” I asked him as he proceeded to tell me about this med student na ipapakilala niya sa akin this weekend daw.
Pag-uwi ko sa bahay, agad kong tinawagan si Kitty para sa emergency meeting.
“What?!” she said. “Bakit ka pumayag?”
“Di ko alam!” sagot ko. “Alam mo naman na weird si Iñigo sa frat niya.”
“I know! So weird na kasama siya doon,” sagot ni Kitty. “Anyway, it’s okay naman na makipagdate ka since single ka naman technically.”
“Ouch.”
She laughed. “No harm naman! What I meant lang was, you’re free to explore but we both know naman na you like Samuel lang.”
“I know pero ayoko lang sayangin iyong oras nung pupuntahan ko sa weekend.”
“Gusto mo ba sumama kami ni Jax para hindi weird for you?”
“Talaga?”
“Yup.”
“Pero sasama rin daw si Iñigo and Gracey,” sabi ko kasi sabi ni Iñigo sa akin syempre hindi naman daw niya ako iiwan kasama iyong lalaki na hindi ko kilala.
“Girlfriend ni Iñigo?”
“No, ex niya.”
“Ooh! Do tell!” sabi niya tapos imbes na problema ko iyong pag-usapan naming dalawa ay biglang napunta kami sa love life ni Iñigo nung high school pa siya. Kapag talaga magka-usap kami nito, napaka-layo ng nararating ng topic namin.
Kinabukasan, dumating ako sa school 30 minutes before magstart iyong klase dahil balak kong magtanong tungkol sa mga cases na medyo nalito ako sa concepts. Pagpasok ko sa classroom, takang-taka ako dahil walang tao. Usually kasi kapag ganito marami ng tao sa loob dahil intense iyong block ko. And then I opened my phone and saw na wala palang pasok ngayon.
So, naglalakad ako sa hallway na naka-kunot iyong noo at binabasa iyong group chat namin na ghosttown. Dapat talaga bago ako pumunta sa school gawin kong hobby na icheck iyon kahit usually walang laman, e!
“Sorr—” I said nung may naka-bangga ako. “Lui,” sabi ko nung makita ko na siya pala iyon. Usually, ayoko talaga ng amoy ng sigarilyo pero may pabango kasi si Lui kaya parang… ang sexy nung pinaghalong amoy ng sigarilyo at kung anuman ang pabango niya.
“Hi, Deanne,” he replied while showing me his dimpled smile. Ito talaga iyong tao na masasabi ko na he’s attractive and he knows it. Sobrang landi without even trying! Sana all! Ako kapag nagta-try lumandi mukha lang akong constipated, e.
“Hi,” sabi ko.
“Wala raw kayong pasok ngayon,” he said. Napa-kunot ang noo ko. “Heard from your classmate,” he continued. Si Iñigo? Si Maven? Hindi ko sure kung sino pero hindi na ako nagtanong pa.
“Yup,” sabi ko. “Ngayon ko lang nakita sa gc.”
I stood there awkwardly dahil hindi ko alam ang sasabihin ko kay Lui. May vibes kasi siya na friendly but at the same time… be wary? Hindi ko gets. Mas feel ko iyong sacristan vibes ni Samuel. Nasaan na kaya iyon?
“Palabas na ’yun,” sabi ni Lui. Hindi ko na-gets kung ano iyong sinasabi niya nung biglang mapa-tingin ako doon sa may dulo ng hall. Lumabas nga roon si Samuel sa may pintuan. Napa-tingin din siya sa akin. His eyes widened a bit but he quickly regained composure.
Shet. Kung may crush ka sa akin, pwede bang sabihin mo na?! Like can we skip to the good part?!
“Hi,” sabi ko nung lumapit siya sa amin.
“Invite her,” sabi bigla ni Lui. Tumingin sa kanya si Samuel. “We have outreach programs. If you wanna come? It’s fun.”
“Outreach?”
Lui nodded. “For this year, it’s cancer patients, right?” Tumango si Samuel. “Anyway, una na ako,” sabi ni Lui tapos umakyat na sa hagdan. Hanep talaga iyong trip nung isang ’yun! Magsasalita tapos mang-iiwan!
“Saturday ’yun,” sabi ni Samuel. “Gusto mo bang pumunta?”
I chewed on my lower lip. “Gusto ko sana…” sabi ko. “Kaso may pupuntahan ako.”
He nodded. “Okay,” sabi niya.
“May blind date ako,” biglang sabi ko. Hindi ko alam kung bakit sinabi ko ’to dahil hindi naman niya tinatanong. Lecheng bibig ’to! Walang preno!
His lips parted a little. Na-shock siguro sa kapal ng mukha ko.
“Ah. Okay. Bye!” mabilis na sabi ko tapos ay bumaba na ako sa hagdan. Lecheng ’yan! Kung anu-ano na nangyari sa buhay ko dahil lang hindi ako nagcheck ng group chat!
Kaysa kung anu-ano ang maisip ko, nagdigest na lang ako buong gabi. Nanood ako ng Modern Family para sumaya-saya naman ako kahit papaano. Nung study break ko, nakita ko na nag IG story si Samuel. Picture lang ’yun nung parang garden sa gitna nung building namin. Alam ko iyong picture na ’yon kasi araw-araw kong nadadaanan iyon. May caption din iyong picture niya na study break.
“Ano? Dadagdagan mo na naman iyong kahihiyan mo sa buhay? ’Di pa ba sapat iyong kanina?” sabi ko sa sarili ko habang nagdedecide ako kung hidden message ba ni Samuel iyon para pumunta ako doon sa garden?
Leche! Hirap naman maging nbsb na assumera! Hindi ako makapagdecide kung sino ang mananalo!
After five minutes, naka-hanap na ako ng compromise. Sinuot ko iyong jacket ko at saka nagdala ako ng wallet. Tutal mapapa-daan naman talaga ako roon, magpapanggap na lang ako na lalabas talaga ako para bumili ng midnight snacks ko. Bakit? Bawal magutom? Siya ba may-ari ng daan?
“Shet,” sabi ko nung makita ko si Samuel na naka-upo doon sa isang wooden bench pagbukas nung elevator. Huminga ako nang malalim. Ano’ng sasabihin ko sa kanya kapag dumaan ako doon?! Hindi ko rin talaga pinag-isipan ’to, e!
“Bibili ka ng fishball,” I reminded myself. “Nagsusulat ka ng digest kaya nagutom ka. Syempre ano ang gagawin kapag nagutom? Maghahanap ng pagkain. Hindi naman sketchy ’yan, Adriadna,” sabi ko sa sarili ko bago huminga muli nang malalim at saka lumabas na sa elevator.
Kunwari ay wala akong alam habang naglalakad ako nung mapa-tingin si Samuel sa akin.
“Uy,” sabi ko habang naka-ngiti. “Naka-tambay ka rito?”
He stood up and put his hands in his pocket. Naka-suot siya ng black na drawstring shorts at puting t-shirt. Bakit kahit gabi parang ang fresh niya pa rin? Ganito ba talaga kapag ex-sacristan na laging clean cut ang buhok?
“Midnight snack?” he asked like he read my mind.
I nodded. “Ikaw?”
“Nag-iisip ako ng kakainin.”
“Fishball?”
“Wala si manong.”
“Talaga? Sayang naman!” I said. “Ano pa pwedeng kainan dito? Iyong hindi fastfood,” dugtong ko kasi feel ko magkaka-sakit ako kapag laging fastfood ang kinakain ko.
“Maarte ka ba sa pagkain?” he asked.
“Ako? Hindi, ah. Kakainin ko lahat,” sabi ko sa kanya tapos agad siyang napa-tingin sa akin na para bang may sinabi akong mali. Medyo kumunot ang noo ko nung ma-realize ko kung bakit siya napa-tingin. Umawang ang labi ko. “Oh, my god. Sacristan na madumi ang isip!”
His lips parted. “What? Wala naman akong sinabi!”
I shook my head as I pressed my lips to hold my laughter. “Oh, my god, Samuel. Minus points ka sa langit niyan. Tsk. Madumi ang utak mo.”
“Wala naman akong sinabi!” he argued.
“Tsk.”
His lips parted. “Tumingin lang ako!”
“Bakit ka tumingin? Kasi ’di ba may naisip ka na hindi dapat? Tsk.”
“Hindi pwede na tumingin lang ako kasi nagandahan ako sa ’yo?”
And… it was my turn to be shocked.
Napaawang iyong labi ko sa sinabi niya. Alam ko naman na sinabi niya lang iyon para mapa-tahimik ako at mapa-tigil sa panunukso ko sa kanya, pero kahit na! Foul! Hindi ba niya alam na madali akong mahulog sa mga ganyan?!
I cleared my throat. “Sus,” I said as I tried to compose myself. “Palusot dot com. Okay lang ’yan, Samuel. It means you’re a normal boy.”
His lips parted again at hanggang naglalakad kami sa kalye ay todo explain pa rin siya na wala siyang iniisip na bastos kaya siya napa-tingin sa akin. Hindi ko napansin na kanina pa pala kami palakad-lakad sa kalye.
“Gutom na ako,” sabi ko for real.
“Lugaw?” he asked.
“May tokwa’t baboy?” He nodded. “Yes, please,” sabi ko tapos ay sumunod ako sa kanya hanggang sa makarating kami sa isang lugawan. In fairness ay medyo malayo na kami sa condo. Medyo maraming tao na kumakain kahit pasado alas-dose na ng gabi. Umorder kami ng tig-isang lugaw, tokwa’t baboy, at saka lumpiang toge.
“Ang dami mong alam na kainan dito,” sabi ko sa kanya.
He nodded. “Malalaman mo rin ’yan kapag naglakad-lakad ka dito,” he said.
“Ano’ng top one?”
“Top one?”
“Na pinaka-masarap na kainan—” Napa-hinto ako. “Again, hindi bastos ang sinabi ko.”
“Hindi rin naman bastos ang iniisip ko,” mabilis na sagot niya sa akin.
“Sure ba ’yan?”
“Bakit ko naman iisipin ’yon?”
I shrugged. “Aba, malay ko. Ikaw nagsimula.”
“Ano’ng ako? Ikaw kaya.”
“Nananahimik akong sumasagot sa tanong mo tapos iniisip mo bastos ibig sabihin ko,” sabi ko sa kanya tapos napa-hilamos na siya sa mukha niya dahil nafu-frustrate na ata siya sa akin. I bit my lower lip to stop myself from laughing kasi nakaka-tawa iyong itsura niya.
“Thank you po,” sabay naming sabi nung dalhin nung matandang babae iyong order namin. Siguro out of habit na ni Samuel dahil pinunasan niya ng tissue iyong kutsara at tinidor na naka-babad sa mainit ng tubig bago iabot sa akin iyon. Nagpasalamat ako sa kanya. Nilagyan ko ng kalamansi iyong lugaw ko at saka paminta. Susubo na sana ako nung mapa-sign of the cross din ako nung nagsign of the cross siya.
“Bless us—” sabi ko nung hindi siya nagsalita dahil nagsign of the cross lang siya. Napa-tingin siya sa akin at napa-kunot ang noo. Napa-kunot din ang noo ko. “Oh Lord…” sabi ko at saka tinuluy-tuloy na iyong dasal ko kasi weird naman kung hihinto ako bigla! “Amen,” sabi ko nung tapos na.
I looked at Samuel and he was biting his lower lip like he was trying to stop himself from laughing or smiling.
“What?” I asked.
He shook his head. “Nothing,” sagot niya. “Kain—” he said and then stopped. “And now, I can’t say that word anymore without thinking about what you said.”
I rolled my eyes. “Kasalanan ko pa ngayon?” sagot ko sa kanya at nagtalo lang kami tungkol sa kung bastos ba talaga iyong salita na iyon.
Nang matapos kaming kumain ay naglakad kami pero mas mabagal this time para matunawan kami.
“Ano’ng gagawin niyo sa outreach?” I asked out of curiosity kasi wala lang. Ang cute lang isipin na silang frat member nasa outreach. Para kasing out of place sila sa ganoong bagay.
“Wala naman masyado,” he replied.
“Kasi first year ang gagawa?” I asked kasi ganito rin iyong sagot niya sa akin dati sa party nila, e.
He nodded. “Yes and we hired hosts for the party. Nandoon lang kami kasi required iyong attendance.”
“Ganoon din kapag sa BAR?” I asked.
“Yeah.”
“Cool naman. Kapag sorority ba ganyan din?”
“Why?” he asked.
I shrugged. “Wala lang. Curious lang.”
“If you want the materials, I can just send them to you,” sabi niya sa akin.
Napa-tingin ako sa kanya. “Grabe. Hindi kasi ako sorority material, no?” sabi ko sa kanya. Tanggap ko naman. I mean, hindi rin naman kasi ako masyadong interesado ngayon. Kasi ang mga sumasali doon ay mga taong pangarap maging mga presidente o pangulo. Ang tanging pangarap ko lang naman ay maka-graduate. Ni hindi ko pa nga sure kung anong klaseng lawyer ang magiging ako dahil gusto ko munang grumaduate. Kumbaga, one dream at a time para hindi nakaka-pressure.
“What? That’s not it,” mabilis na sagot niya.
“Alam ko naman,” I said because it’s no big deal. Hindi rin naman ako interesadong sumali talaga. Saka paano ako magiging interesado kung si Iñigo nga mismo tinataguan frat niya, e.
“Why do you think that?” he asked.
“Kasi alam ko iyong itsura nung mga nasa sorority. Lahat sila maganda and sexy. Hindi ako ganon.”
I wasn’t bringing myself down—I just knew who I was. Hindi ako sobrang ganda pero hindi naman ako pangit. Hindi ako sexy pero normal BMI naman ako! Dinadaan ko na lang sa personality lahat kasi ganoon talaga. Hindi patas ang buhay.
“Sino ba’ng nagsabi sa ’yo na pangit ka?” he suddenly asked.
“Ha?” tanong ko na napa-tingin sa kanya.
“Kanina mo pa sinasabi na pangit ka.”
“Grabe ka! Kapag hindi maganda, pangit na agad? Hindi pwede na nasa average muna ako? Grabe ka, Samuel!” sabi ko sa kanya at napaawang iyong labi niya sa sinabi ko.
“Wow…” he said as he blinked his eyes in confusion. “Here I was, prepared to tell you that you’re beautiful but for some reason… it’s my fault?” sabi niya na confused. “You’d make a good lawyer with all that mental gymnastics,” sabi niya na mukhang bilib na bilib sa akin habang ako ay na-stuck sa sinabi niya na sasabihin niya na maganda ako.
Fuck.
“So… maganda ako?” sabi ko sa kanya kasi kailangan ko lang ng clarification. Instead of answering, nagpatuloy siya sa paglalakad habang nasa loob na naman ng bulsa niya iyong mga kamay niya.
“Hindi ka pangit,” he replied nung medyo malayo na siya sa akin.
“Hindi naman ’yan ’yung sinabi mo!” sagot ko nung nagjog ako para magka-sabay ulit kami maglakad.
“Talaga? Wala akong maalala,” sabi niya at hanggang maka-balik kami sa condo ay todo deny lang siya na sinabi niya iyon. Leche! Paano ako matutulog nito?! Puyat na naman ako!
** This story is chapters ahead on Patreon (patreon.com/beeyotch). Subscription starts at 100php per month for all stories.
If you’re having any problems with your payment or if you wanna pay via GCASH, you can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance.
Chapter 12
Chapter 12
“Thank you,” sabi ko kina Iñigo at Gracey nung huminto sila sa harap nung condo. Sobrang… weird. Nagpasalamat pa ako ulit bago ako pumasok sa loob. Kaka-tapos lang nung dinner slash date. Okay naman. Ganoon pala feeling nun?
“Uy,” sabi ko nung maka-salubong ko bigla si Samuel. “Tapos na outreach niyo?” I asked nung maalala ko na ngayon iyon kasi inaya rin ako ni Lui before.
He nodded. “How was your—” sabi niya tapos natigilan na parang inaalala kung ano ang sasabihin na susunod.
“Date?” pagtapos ko sa sasabihin niya. He nodded. “Uh… okay naman,” I said. I looked at him. Naka-tingin siya sa akin. “Kamusta ’yung outreach niyo?” I asked.
He shrugged. “Okay naman.”
Naka-tingin lang kami sa isa’t-isa. I arched my brow. “Curious ka ba sa naging date ko?” tanong ko sa kanya kasi naka-tingin lang talaga siya sa akin!
He shrugged. “Not really… pero kung gusto mong ikwento.”
I bit the inside of my lip to stop myself from smiling. Siguro mga 60% na akong convinced na may crush siya sa akin!
“Okay,” I said. “Pero nagdinner ka na ba?”
“Hindi pa,” he replied. “Hindi ka pa ba kumakain?”
“Hindi masyado,” sagot ko sa kanya. “Nakaka-tense pala makipagdate! Hindi ako nakakain nang masyado kanina,” dugtong ko tapos sinimulan ko na iyong kwento na kung paano una kong nakita iyong lalaki na nirereto sa akin ni Iñigo.
“Med student?”
I nodded. “Kaibigan ni Gracey,” I replied. “Kakilala mo si Gracey, ’di ba?” He nodded. To be honest, I was really curious kay Gracey dahil ex siya ni Iñigo at kakambal ni Rhys. Suffice to say—she did not disappoint. In fairness naman sa type ni Iñigo—si Kitty, si Gracey. Medyo may nakikita akong similiarity… at least physically. Sa ugali, medyo weird kasi mabait si Gracey samantalang si Kitty may topak.
“Why did you say that the date was bad?” he asked.
“Hindi naman sa bad…” sabi ko. “Medyo awkward lang kasi hindi ko naman kakilala talaga iyong lalaki. Saka parang wala kaming common interests masyado,” dagdag ko. We really did try to find something in common, pero wala talaga! Buti na lang si Gracey ang nagsasalba ng conversation palagi. Nasubok ang pagiging Ms. Friendship ko kanina!
“I mean, he’s in med, I assume?”
I nodded. “Third year,” I said. “Gusto mo makita itsura?”
“Friends na kayo sa facebook?”
“Hindi, ah,” sabi ko sa kanya. Gustung-gusto ko na siyang tanungin kung ano ba trip niya—if nagseselos ba siya or what kasi kung oo, aba, pwede naman na gawan ng paraan! Madali naman akong kausap! Kaso biglang dumating iyong order namin na tapsilog, so natahimik ako bigla.
“Amen,” I said with my hands clasped together after ko magdasal nung before meal prayer. “Ano?” tanong ko nung makita ko na naka-tingin sa akin si Samuel.
He just shook his head. “Wala,” sabi niya tapos ay kumuha ng tissue at inabot sa akin kahit within reach ko naman iyong tissue. Nagthank you na lang ako tapos ay pinunasan ko iyong utensils bago nagsimulang kumain.
“Ginutom ka ba ni Iñigo?” he asked nung parang huminga lang ako e naubos ko agad iyong fried rice! Dami pang ulam na natira.
“Kumain nga kami,” sagot ko sa kanya. “Hindi lang ako nakakain nang maayos kasi syempre pa-demure ako kanina,” sabi ko. “Wait lang, order lang ako ng extra-rice. Gusto mo pa?” tanong ko, pero umiling siya kasi ni hindi pa nakakalahati iyong nasa plato niya.
Tumayo ako tapos ay lumapit doon sa counter. Umorder ako ng isa pang garlic rice saka nagbayad. Pagbalik ko ay inilagay ko agad iyong kanin sa plato ko.
“As I was saying, sa sobrang pagpapaka-demure ko, hindi ko na-feel masyado iyong kinain ko,” sabi ko sa kanya. “In fairness naman, iyong ka-date ko iyong nagbayad. Pero ready naman akong magbayad, pero sinabihan niya ako ng ’I insist,” sabi ko tapos medyo kinilig ako. “And that was the moment when the feminist in me died.”
Samuel didn’t say anything, but he resumed eating. Ako naman ay kumain na rin. After naming kumain ay naglakad na ulit kami. Mabagal lang kasi busog na busog ako. Nasobrahan ata ako sa kain!
“Wait lang,” I said. “Pwede upo muna tayo?”
“Okay ka lang?”
I nodded. “Medyo napadami ata iyong pagkain ko,” sabi ko sa kanya. “Pwede upo muna tayo dito? Mukhang safe naman,” dugtong ko kasi parang nasa park kami. Meron palang ganito rito? Ang dami ko pa pala talagang hindi napupuntahan! Palibasa, school at fishball-an lang ang alam kong puntahan, e.
Naupo kami ni Samuel doon sa may bench.
“Hindi ko alam kung bakit kumain ako nang marami kahit alam ko naman na nahihilo ako kapag ganoon,” sabi ko habang naka-upo kami at naka-sandal ako doon at naka-pikit ang mga mata.
“Gusto mo ba ng gamot?”
“No, okay lang. Palipasin ko lang ’to,” sabi ko sa kanya. Nung ibukas ko ang mga mata ko, nakita ko na may mga bituin pala sa langit. “May stars pala dito sa Maynila… Akala ko sa sobrang pollution, wala akong makikitang stars dito…” I said in awe kahit na mabibilang ko naman sa daliri iyong nakikita kong bituin. “Sa amin kasi, madaming bituin palagi, e. Sarap kayang magstargazing doon lalo na sa malapit sa beach.”
Shet. Miss na miss ko na iyong Mindoro. Kung pwede lang umuwi na doon kaso ang hassle naman kung for the weekend lang. Hihintayin ko na lang magkaroon ng long weekend para maka-uwi ako.
“Why?” he asked when I sighed.
“Wala lang. Namimiss ko na sa amin.”
“Hindi ka pa ba nakaka-uwi?”
“Hindi pa. Malayo kasi, e. Sayang lang din.”
“Hindi ka umuwi nung after midterms?” he asked. “Walang pumapasok na prof usually.”
“Oo nga, e. Wala kayang nagsabi sa akin!” reklamo ko kasi medyo na-realize ko na walang papasok sa amin ay Thursday na. Nanghinayang ako umuwi ng Friday kasi for sure recit agad sa Monday.
“Usually, a week before the finals, wala ng pasok,” sabi niya bigla. Napa-tingin ako sa kanya. “What? At least sinasabi ko sa ’yo ngayon.”
Napa-upo ako nang maayos. Tumingin ako sa kanya. Suot-suot niya pa iyong polo ng frat nila—nakita ko kasi doon sa may bandang kaliwa iyong logo ng frat nila.
“Sure ka sa walang pasok?” I asked.
He nodded. “Integration week,” sabi niya.
“Ano ’yun?”
“Parang Intrams,” sagot niya. “Hindi mo ba tinignan iyong school calendar?” he asked and I shook my head. Napaawang iyong labi niya. “Pero alam mo kung kailan ang finals?”
“Next month, ’di ba?”
“Yeah… pero alam mo iyong exact date?”
“Hindi,” sagot ko. “Iaannounce naman sa class ’yon.”
“Paano ka nagrereview?”
“Nagbabasa, duh?”
“Hindi mo inaayos kung kailan mo kailangang magreview sa finals?” he asked.
“Grabe, may judgment ba?”
Kumunot iyong noo niya. “No—just curious,” sabi niya. “Ice cream?” bigla niyang tanong. Napa-tingin ako doon sa lalaki na naglalakad. I immediately nodded tapos ay lumapit kami roon sa nagbebenta ng ice cream.
“Hmm…” sabi ko habang naka-tingin doon sa flavors. May strawberry, chocolate, at mango. Gusto ko ng cone… pero hindi kakasya lahat ng flavor na gusto ko. “Manong, sa cup na lang tapos pabili din ng cone,” sabi ko. “Lahat ng flavor. Thank you po,” dugtong ko tapos ay pinanood ko habang ginagawa niya iyong order ko. “Ano’ng sa ’yo?” I asked nung nabigay na sa akin iyong order ko.
“Chocolate lang,” sabi niya tapos ay binigyan siya ni Manong ng order niya sa cup. Ang plain naman ng order nito!
“Oh, bayad ko,” sabi ko sa kanya kasi siya iyong nagbayad kanina kay Manong nung order namin. Hindi na ako sumabat kasi baka wala ring panukli si Manong sa amin.
“Libre ko na,” he replied habang naka-upo ulit kami sa may bench.
“Kung alam kong ikaw magbabayad, e ’di sana normal na order lang ginawa ko,” sabi ko kasi ten pesos lang iyong kanya pero sa akin maraming kaartehan kaya bente iyong bayad.
“It’s fine—hindi naman ako maghihirap dahil sa order mo.”
“Ay, wow, rich kid,” tukso ko sa kanya.
“No,” he replied.
“Weh?”
“My family’s not rich—just comfortable,” sabi niya.
“Linya ng mga rich kid,” sabi ko kasi ganyan din ang sabi ni Kitty sa akin tapos malaman-laman ko, anak pala ng may ari nung logistics company na lagi kong pinagpapadalhan! Kung alam ko lang, nanghingi na sana ako ng discount code!
“How do you define rich?” he asked.
I shrugged. “Hmm… siguro iyong mga tao na hindi tumi-tingin sa price tag kasi anuman ang naka-lagay doon, sure siya na afford niya naman?”
“If that’s the definition, then hindi ako rich kid. Tumitingin kaya ako sa price tag.”
Tumingin ako sa kanya. Kung titignan lang sa mukha, mukha naman talagang rich kid si Samuel… pero kumakain siya ng fishball at kumakain sa carinderia kasama ko… so, medyo confusing siya.
I shrugged, instead. Baka hindi nga siya rich kid at isa lang siyang normal na tao kagaya ko.
“About finals schedule…” sabi ko sa kanya. “Paano ba gagawin doon?” tanong ko.
“Saan ka ba pinaka-nahihirapan?”
“Sa lahat.”
“Hindi pwedeng sa lahat,” he replied.
I took a spoonful of my ice cream. “Try me.”
Tumingin siya sa akin. “Ano’ng mas mahirap? Statcon or crim?”
“Crim, duh!”
“See? Hindi ka pinaka-nahihirapan sa lahat.”
Umirap ako. “Grabe, okay po, Father Samuel.”
“Father Samuel,” he said, scoffing.
“Bakit? Muntik ka naman na talagang maging father, ’di ba?”
He shrugged. “Not really.”
“Not really? Ano ’yon, trip-trip mo lang?”
“Hindi naman,” sabi niya.
“May naging girlfriend ka ba habang nasa seminaryo ka?” tanong ko sa kanya pero hindi siya sumagot. Nanlaki ang mga mata ko. Umayos ako ng upo at humarap sa kanya. “Grabe! Akala ko dapat loyal ka kay Lord!” panunukso ko sa kanya pero hindi niya ako pinapansin at kinakain niya lang iyong ice cream niya.
“Sino?” I asked. “Clue naman d’yan…” dugtong ko. “Iyon bang nanghihingi ng barya kapag may mass?”
“Nanghihingi?” sabi niya sa akin. “Ginawa mo namang pulubi.”
“Ikaw nagsabi niya! Literal naman iyong meaning ko,” sagot ko sa kanya. “So, nagka-jowa ka nga ng coin girl? Or member ng choir? O iyong nagbabasa sa misa?”
“Ubusin mo na ice cream mo.”
I gasped. “So… all of the above?”
“No,” he said. “Eat your ice cream,” sabi niya tapos ay tinawanan ko lang siya. Mukhang hindi naman siya naiinis sa akin dahil alam ko iyong itsura niya kapag naiinis siya. So far, he was still tolerating me… which felt nice. Minsan kasi nasabihan na ako ng sobrang daldal ko, e.
“Bakit ka lumabas?” I asked. “Pwede ko bang tanungin? If not, pa-void na lang po.”
He shrugged. “I don’t know. Just one day, I realized… it’s not for me.”
“Ganoon lang?”
He nodded. “Yeah.”
“Grabe, ang bilis mo naman magdecide.”
He shrugged again. “Life’s short—bakit ko gagawin iyong bagay na hindi ko naman talaga gusto?” sabi niya habang naka-tingin sa akin. Unti-unti kong naramdaman iyong pagbilis ng tibok ng puso ko. Pakshet na mga mata ’yan! Bakit naka-tingin sa akin?! Natutunaw na iyong ice cream ko!
I cleared my throat just to do something. Umayos ulit ako ng upo tapos ay pinaglaruan na iyong ice cream ko.
“Sana all,” sabi ko na lang.
“Why?”
“Hindi kasi ako ganyan,” sabi ko. “I’d like to think that I am, but reality is, marami pa rin akong kino-consider,” sabi ko sa kanya. Kasi kung totoong c’est la vie akong nilalang, e ’di pinrangka ko na ’tong si Samuel at tinanong siya kung type niya ba ako kasi ako type ko siya! Pero ngayon? Parang medyo marami akong kailangang iconsider.
I grew to like him as my friend already. Paano kung hindi niya ako type? I should tread carefully. Sayang naman iyong ‘friendship’ kineme namin. Saka ko na siguro siya tatanungin kapag marami na akong friends pa.
He shrugged again. “Well, iba-iba tayo. Don’t force yourself to do something you’re not comfortable with.”
Tumingin ako sa kanya at ngumiti. “Thanks,” I said. “I really appreciate that.”
“No problem,” sagot niya at ngumiti pabalik at sabay naming inubos iyong ice cream bago kami naglakad pabalik sa condo.
** This story is already at Chapter 21 on Patreon (patreon.com/beeyotch). Subscription starts at 100php per month for all stories.
If you’re having any problems with your payment or if you want to pay via GCASH, you can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance.
Chapter 13
Chapter 13
True to what Samuel said, wala ngang pasok na one week before finals! I mean, may mga prof na nagsabi agad na walang pasok, pero merong iba na one hour before class pa lang nagsasabi na wala. Either way, naniwala na ako na walang pasok at hindi na ako nag-effort pa na magprepare para sa class.
Buong Monday ay nasa loob lang ako ng condo at naghahabol ng backlogs ko. Gusto ko muna kasi tapusin iyon bago ako magreview. Nung Tuesday naman ay napagod ata iyong utak ko nung Monday kaya late na ako nagising. At dahil late na ako nagising ay parang feeling ko, wala ng nangyari masyado sa araw ko. Kaya naman nung Wednesday ay gumising ako nang maaga, naligo agad, at inilagay sa bag ko lahat ng kailangan ko for review. Sa coffee shop ako mag-aaral para at least konsensyahin naman ako sa mahal ng kape ko at ma-force ako magreview.
Naglakad ako sa medyo malayo na coffee shop kasi feel ko maraming tao agad doon sa mga malapit sa school. Tama nga ako kasi mga tatlo na iyong nadadaanan ko na puno agad—to think na 7:09AM pa lang! Iba talaga level ng grind ng law students kapag exam season, e. Kaya minsan talaga feel ko naliligaw lang ako rito.
Finally, sa fifth coffee shop na napuntahan ko ay wala pang masyadong tao. Agad na hinanap ko kung saan iyong pinaka-comfortable na lugar. Gusto ko iyong walang malapit na socket para kapag na-lowbatt iyong gadgets ko ay iyon na ’yon. Naka-dedicate talaga ang araw ngayon sa pagrereview. Ano ba naman iyong ma-stress ako ng dalawang linggo para pumasa sa sem na ito?
At habang nagsscan ang mga mata ko sa pinaka-magandang pwesto, agad na nakita ko si Samuel na nandoon sa pinaka-dulong pwesto doon sa mahabang parang couch. He looked so serious—may bookstand sa harapan niya at mukhang Sales ang binabasa niya. Iyon ba ang pinaka-nahihirapan siya kasi parang lagi niyang binabasa ’yon?
I waited for him to notice me, but it seemed like sobrang focused siya sa pag-aaral dahil nasa libro lang talaga iyong atensyon niya. May mug sa gilid ng libro niya. Kinuha niya iyon at sumimsim sa kape niya tapos ay inabot iyong tissue at pinunasan iyong gilid ng labi niya. Tapos ay maingat niyang ibinalik iyong tissue doon at nagpatuloy sa pag-aaral.
At bakit ba para akong tanga na nanonood sa kanya? Mag-aaral ako today!
Umorder ako ng kape ko—pina-triple shot espresso ko para matapang dahil kailangan ko maka-kalahati sa crim ngayon.
Dahil ayoko naman abalahin si Samuel at wala naman akong balak lumandi ngayon, doon ako naupo sa kabilang dulo. Hindi niya naman ako napansin dahil busy pa rin siya. Inayos ko iyong gamit ko tapos kinuha ko lang iyong kape ko nung ready na. Mayamaya ay dumami na iyong mga tao at may mga naupo na rin sa vacant seats sa pagitan namin. Dala ko naman iyong earphones ko kaya nakapag-aral ako nang tahimik.
“Kanina ka pa dito?” tanong ni Samuel nung tanggalin ko iyong earphones ko. Napansin ko kasi kanina na may pair ng legs na huminto sa harapan ko tapos pagtingin ko ay siya pala iyon. He was saying something na hindi ko maintindihan dahil sa lakas nung tugtog.
I nodded. “Mga 7:30 siguro,” I answered tapos tumingin sa phone ko. “Luh… 12 na pala,” I continued. Kaya pala gutom na ako. Kape pa lang ang iniinom ko. Ni hindi ako nakapagbreakfast dahil sa sobrang pressure.
“Naglunch ka na?”
Umiling ako. “Ikaw?”
Umiling din siya. “Sabay na tayo?” he asked. I nodded dahil gutom na rin ako. Wala talaga ako sa mood lumandi ngayon dahil mas worried ako sa dami ng kailangan ko pa palang tapusin. Hayop na ’yan! Akala mo hindi ako nag-aral buong sem sa level nung kailangan kong aralin, e!
NagCR muna si Samuel habang inaayos ko muna iyong gamit ko. Iiwan ko na lang dito iyong mga libro. Wala naman siguro mag-iinteres d’yan. Ayoko rin kasi isama dahil for sure may ibang kukuha ng pwesto ko.
“Bibili ulit ako mamaya,” sabi ko kay Samuel dahil baka isipin niya hoarder ako ng pwesto.
Natawa siya. “Wala naman akong sinabi.”
“Wala lang—gusto ko lang i-defend agad ang sarili ko,” sabi ko sa kanya habang naglalakad kami palabas ng coffee shop… and finally, hindi na malamig! Jusko! Lamig na lamig ako kanina! Sino ba kasing gago bumili ng iced Americano kahit malamig!
“Mahirap ba finals?” I asked. “Iba ba sa midterms or same lang?”
“Mas mahaba coverage,” sagot niya.
“Magfofocus ba ako sa finals coverage lang?”
“Aralin mo pa rin ’yung midterms—minsan marami lumalabas doon.”
I groaned. “Hindi na kasya sa utak ko.”
Napa-tawa siya. “Ano ba inaaral mo?”
“Walang katapusan na crim,” I replied. “Nahihirapan na ako sa stages of crime pa lang.”
“Kabisado mo ba?”
“Medyo.”
“Hindi pwede na medyo,” he said. “Dapat kabisado mo ’yun. Lalabas ’yon sa exam, sigurado,” he continued. “Since crim 1 pa lang naman, check mo na ’yung elements ng common crimes like homicide, murder, theft, and robbery. Kapag kumpleto iyong elements, consummated agad. Kapag nagawa lahat pero hindi nagresult sa crime, frustrated. Kapag kulang, attempted.”
I nodded. “I know… pero nakaka-lito pa rin.”
“Saang part?”
“Sa lahat.”
“Hindi pwede sa lahat.”
I frowned. “Ano na lang inaaral mo?” I asked.
“Sales,” he replied. “Saan ka ba nalilito?” tanong niya sa akin.
Sa fastfood kami pumunta dahil iyon ang pinaka-malapit. Habang nasa pila kami ay sinabi ko kay Samuel iyong concepts na medyo naguguluhan ako. In fairness sa kanya ay sinagot niya iyong mga tanong ko. No wonder, 1S nga siya dati… Talino! Ngayon, alam ko na ang feeling ni Kitty kapag tinuturuan siya ni Jax.
“Grabe, tanda mo pa lahat?” tanong ko habang naglalakad kami at naghahanap ng vacant na pwesto. Tig-isang tray kami. I ordered fun shots meal lang habang si Samuel ay naka-two piece chicken. Mukhang gutom na gutom, e. Sabagay, nakaka-gutom naman talaga mag-aral for some reason.
He shrugged. “I have to—connected lahat,” he said. “Minsan kahit sales subject mo, biglang magtatanong about first year subjects.”
My lips parted. “What? Seryoso?”
Samuel nodded. “Kaya mas maganda kapag alam mo pa rin mga pinag-aralan mo.”
I groaned. “Goldfish pa naman ako!”
“Basahin mo na lang codal kapag wala kang ginagawa mo—alam mo naman na ’yan; kailangan mo lang iremind sarili mo,” he said and then began to eat.
We took our time eating. Baka same kami na medyo ayaw pang bumalik sa coffee shop kasi once na bumalik kami doon, it meant na seryosong aralan na naman. And to be honest, medyo masakit pa iyong mga mata ko dahil three days straight na akong nagbabasa.
“You know the stages in arson?” he asked.
I nodded. “Basta may masunog na part ng bahay, consummated arson na?”
He nodded. “Kapag rags lang iyong sinunog pero hindi nasunog iyong part ng bahay, frustrated. Kapag attempted, pouring of the gasoline with the intent to burn. Kapag walang intent to burn, walang crime because the acts were only in the indeterminate stage.”
Naka-tingin lang ako habang nagpapaliwanag siya. I was in… awe. Na talaga? Itong cute at matalino na lalaki na ’to, pumayag na kasama niya ako kumain ng lunch? As in? Truly?
“Do you understand?” he asked. “Kasi kung magulo, I’ll explain it again.”
Slowly, I shook my head as I continued to stare at him in awe. “No… na-gets ko,” sabi ko habang naka-tingin sa kanya.
Nung una kong makita si Samuel, alam ko na cute at gwapo siya. Halata naman sa mukha niya. Pero alam ko rin na maraming cute at gwapo sa college. Pero ngayon? Parang siya na lang ang cute at gwapo sa paningin ko kasi alam mo ’yon? Ang bait niya tapos tinuturuan niya ako…
Pota.
Delikado ako—sure na!
Ganito pala feeling ni Kitty! Hindi naman girlfriend pero may undying and unwavering loyalty! Jusko!
“Deanne,” pagtawag niya sa akin.
I immediately forced myself to look ‘normal’ kasi shet, napa-tagal ata ang pagde-daydream ko! “H-ha?”
“Okay ka lang?”
“Yup…” I said with a smile smile. “Medyo masakit lang ulo ko sa kaka-review,” dugtong ko.
He nodded. “Kung masakit na ulo mo, matulog ka na muna. Wala kang maiintindihan kapag ganon.”
I just smiled because I didn’t want to tell him that I lied and I was just staring at him… wondering if he liked me, too… and if he did, ano kaya ang pakiramdam nun?
How does it feel to be… liked by him?
After naming kumain ay bumalik din kami sa coffee shop. Nandoon ulit kami sa magkabilang gilid. Umorder ulit ako ng kape pero decaf na dahil ramdam ko pa rin iyong triple shot kanina. Naka-sabay ko si Samuel na umorder ng tea… which was surprising but he told me na mas mataas ang caffeine level ng tea.
Nung gabi, nagsandwich na lang ako from the coffee shop dahil ayokong lumabas saka nasa mood na kasi ako sa pag-aaral. Bandang 10PM, sabay kaming lumabas dahil magsasara na iyong coffee shop.
I yawned and stretched as we were walking.
“Grabe, ang productive,” sabi ko.
“Natapos ka sa inaaral mo?”
“Nope, pero natapos ko iyong goal ko.”
“May goal ka na?”
Umirap ako. “Nahiya naman ako sa calendar mo, so gumawa din ako ng calendar ko,” sabi ko sa kanya at saka kinwento ko kung ano ang ginawa ko nung Monday, Tuesday, at saka ngayon. Pagdating namin sa harap ng building, hindi pa ako pumasok kasi… ewan. Gusto ko pa magstay dito kasama siya.
“Walang ganap frat niyo?”
Umiling siya. “Acads first.”
“Wow naman.”
Natawa siya. “Tahimik talaga kapag exams.”
“May party ba kayo after finals?”
“Why? You want to come?” he asked.
I shrugged. “Di ko sure,” sabi ko sa kanya. “Baka umuwi na ako agad after nung last exam ko.”
“Mindoro, right?”
I nodded. “Puerto Galera—naka-punta ka na ’don?”
He shook his head. “Maganda ba?”
“Grabe, oo naman!” sabi ko sa kanya. “Maganda din iyong beach namin, ah. Try mo minsan,” dugtong ko bilang feel na feel kong maging ambassadress ng lugar namin.
“Ikaw tour guide ko?”
Medyo natigilan ako.
Heto na naman siya.
Nilalandi niya ba ako? Yes or no?!
My throat felt dry, but I didn’t want to make things… weird. So, I shrugged. “Sige ba,” sabi ko sa kanya. “Sabihan mo lang ako kung pupunta ka ’doon.”
Tumango siya. “Okay,” he said with a smile. “Good night, Deanne,” dugtong niya bago tumalikod at naglakad papunta sa condo niya.
Lord… ano ba ito?! Nakaka-confuse na!
**
This story is already at Chapter 21 on Patreon (patreon.com/beeyotch). Subscription starts at 100php per month for all stories.
If you’re having any problems with your payment or if you want to pay via GCASH, you can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance.
Chapter 14
Chapter 14
Huminga ako nang malalim. Last na ’to. After nitong huli naming exam, makaka-uwi na ako. Uwing-uwi na ako, sa totoo lang! Kahit pagod pa ako sa pagrereview, didiretso na talaga ako sa LRT para maka-uwi na ako.
“Uwi ka na talaga?” Iñigo asked nung maka-salubong ko siya sa labas ng room.
I nodded. “Yup. Gusto ko ng takasan ang impyerno na ’to,” sabi ko sa kanya at tinawanan niya lang ako. “Ikaw? May gala ka?”
He shrugged. “Di ko pa alam,” sabi niya tapos napa-kunot ang noo namin nung biglang mabangga kami ni Kitty dahil nagmamadali na umalis. Pupuntahan na naman nun jowa niya, for sure.
“Tulog mo na lang ’yan,” sabi ko dahil halata sa kanya na kulang siya sa tulog. I mean, lahat naman kami kulang sa tulog dahil sa dami ng inaral namin ngayong finals season, pero si Iñigo kasi iyong tipo na mukhang sleep deprived kahit simula pa lang ng semester.
“Saan ka nga uuwi?” he asked.
“Mindoro,” sagot ko sa kanya. “Some friend you are—hindi mo alam kung taga-saan ako.”
Tumawa siya. “Bakit? Alam mo ba kung taga-saan ako?”
“Oo—tiga d’yan ka lang, e.”
“Saan iyong d’yan?”
I shrugged. “Manila?”
“Wow, ang general.”
Umirap ako tapos ay bigla kong nakita si Samuel na naglalakad. May thirty minutes interval kasi bago iyong start ng exam niya. Nauuna iyong exam ng first year and third years tapos ay iyong sa second years and fourth years. Naka-tingin siya sa codal habang naglalakad. Seryosong-seryoso iyong itsura niya. Medyo naka-kunot pa iyong noo niya. Ang cute talaga nito!
“Deanne,” pagtawag sa akin ni Iñigo.
“Hmm?” sagot ko nung tumingin na ako sa kanya.
Hindi agad nagsalita si Iñigo. Instead, he shrugged. Alam ko naman na tungkol kay Samuel iyong itatanong niya sa akin. But for some reason, he chose not to verbalize whatever question he had for me.
“Bye! See you next sem—hopefully!” sabi ko nung nasa harap na kami ng condo ko kasi minsan sabay pa rin kami umuwi kapag wala siyang pinupuntahan.
“See you next sem, for sure,” sagot niya.
“Di mo sure,” balik na sagot ko.
“Libre mo na lang akong iced coffee kapag nagkita tayo next sem.”
“Deal,” sabi ko kasi kebs lang naman. Tinuturuan ako ni Iñigo kapag hindi ko gets mga topic, so no big deal naman na ilibre ko siya ng kape. “Ingat pauwi! Itulog mo na ’yan!” dugtong ko bago ako kumaway sa kanya at naglakad papasok sa building.
Dahil excited na akong umuwi, naka-ready na iyong mga gamit ko. Nagdouble check lang ako if natanggal ko na sa saksak iyong mga appliance ko at saka dinala ko iyong mga natira kong pagkain sa ref kasi sayang naman. After that, dumiretso na ako sa LRT para maka-uwi na ako.
Sinundo ako nila Daddy sa port pagdating ko. Sobrang pagod ko siguro kaya hindi ko na naalala talaga kung paano ako naka-balik sa kwarto ko. Basta paggising ko, parang recharged na ulit ako kasi nasa kwarto ko na ako. Grabe! It felt like it’s been forever! Kaloka na ’yan!
“Good morning,” bati ko kay Mommy nung makita ko siya na naghahain ng breakfast. Agad na kumulo iyong tiyan ko nung makita ko na fried rice, hotdog, and bacon iyong nandoon. Mayroon ding freshly brewed black coffee. Grabe! Na-miss ko talaga ’to!
“Si daddy?” I asked, but mommy just shrugged. Hindi na ako nagtanong after pa. Kumain kami ng breakfast. Nagpa-kwento si mommy tungkol sa mga nangyari sa akin sa school na akala mo e hindi ko siya kausap palagi. Nung first few weeks ng klase kaya, required na tumawag ako sa kanya after class! Palibasa nag-iisang anak ako kaya obsessed siya sa akin, e.
“Ano’ng gusto mong lunch?” tanong niya sa akin kahit kakatapos lang namin kumain ng breakfast.
I shrugged. “Kahit ano—ay, ’yung may sabaw pala!” sabi ko kasi madalas talaga fastfood ako doon. After nun ay bumalik ako sa kwarto ko dahil seryoso talaga ako sa pagtulog.
Siguro ay first three days ng bakasyon ay tulog lang ako. After nun ay nagpakita ako sa mga college friends ko from Divine. Sinabi nila na ’di na raw ako ma-reach dahil law student na ako—ang ’di nila alam, patapon pa rin ako. Nag-inuman lang kami ng san mig at nagchismisan, as usual.
‘Hi.’
Agad na napa-upo ako sa kama nung mabasa ko iyong pangalan ni Samuel sa cellphone ko. Akala ko ay lasing lang ako nung mabasa ko ’yun.
‘Hello,’ reply ko after kong huminga ng mga five times.
‘Resort recommendation?’
‘Pupunta ka nga dito?’
‘Yes. Daan muna ako before bumalik sa school.’
Nanlaki ang mga mata ko. Akala ko talaga ay joke lang na pupunta siya. To be honest, medyo umasa ako nung umpisa. As in buong week ako naghintay na magparamdam siya, pero wala. So, inisip ko na baka spur of the moment kalandian niya lang iyong sinabi niya. Saka ayoko rin naman na isipin iyon buong sembreak kaya mas nagfocus ako sa pagpapahinga at pakikipagbonding sa mga friends ko rito.
Tapos… ako pala iyong huli niyang pupuntahan before bumalik sa school?! I mean, iyong Puerto Galera?!
‘Saan ka ba galing?’ I asked.
‘Abra,’ he replied.
‘Paano ka dadaan sa amin?’ I asked, medyo confused dahil based sa existing knowledge ko sa geography, medyo nasa magkabilang dulo kami ng Pilipinas.
’ 🤷🏻,’ he replied.
At this point, I was biting my lower lip. Gago… bakit siya pupunta sa Puerto? For sure naman may beach malapit sa kanila! Pupuntahan niya ba ako? Gustung-gusto ko itanong kaya lang ayoko itanong sa text dahil baka ma-seenzone ako bigla. At least kapag sa personal, pwede ko sabihin na joke lang! bigla.
That entire night, nag-usap lang kami sa kung saan siya pwedeng pumunta na resort. Marami akong sinuggest doon sa mga white beach resort, but when he asked kung malapit ba iyon sa amin, sinabi ko na medyo malayo. He asked kung ano iyong mga malapit sa akin na resort, so nagbigay ako ng list.
’Sure ka? Hindi white beach ‘yon.’
‘It’s fine.’
‘Okay… Pupunta ka nga?’
‘Yeah. In three days,’ he replied. ‘Free ka ba?’
Shet.
Okay. Hinga nang malalim, Deanne. Kalma ka lang, girl.
‘Hindi ko sure. Check ko muna,’ send ko sa kanya para isipin niya na may ginagawa naman ako sa buhay ko, noh!
‘Okay :-)’ he replied.
Hindi na ako nagreply kasi hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko after… medyo kinilig din kasi ako kasi pota? Abra ’yon! Naggoogle pa ako at na-realize ko na sobrang layo niya talaga sa akin! Gago, ang ganda-ganda ko naman, if ever!
Dahil hindi ako maka-tulog sa sobrang kilig ay lumabas ako. Nakita ko si Daddy sa may sala. Halos hindi ko nga siya napansin dahil naka-patay iyong ilaw. Nakita ko na may hawak siya na baso na sigurado ako ay alak. Tumalikod na lang ako at naglakad pabalik sa kwarto ko kasi ayoko siyang maabala.
I forced myself to sleep and when I couldn’t, nanood na lang ako ng Netflix hanggang sa sukuan ako ng mga mata ko.
The next morning, sabay-sabay kaming nagbreakfast for a change. Sinabi ni mommy na may pupuntahan kami sa isang araw na birthday. I asked kung hanggang anong oras.
“Bakit? May lakad ka ba?” she asked.
I shrugged. “Hmm… wala naman,” sabi ko. “Malapit na kasi pasukan—gusto kong mag-advanced reading,” I told her and she immediately lightened up. My mom worked as a flight attendant when she was younger—six months lang siyang nakapagtrabaho bago siya nabuntis sa akin. Hindi ko lang sure kung bakit hindi na siya bumalik after kasi ayaw niya rin naman na pag-usapan iyon, so hindi na rin ako nagtanong.
The day Samuel’s supposed to come here, pagka-gising na pagka-gising ko pa lang ay tinignan ko agad iyong cellphone ko. Walang text galing sa kanya—mukhang tanga talaga ako sa part na nag-eexpect. Girlfriend ka, girl?! May pa-good morning message?! But napadpad ako sa IG at nakita ko na may private IGS na naman si Lui. I immediately clicked on that at nakita ko na nasa parang bahay sila at nag-iinuman or something. Nakita ko sa video iyong ibang mga ka-schoolmate namin. Nandoon din si Iñigo, for a change.
‘Why are you not drinking?’ tanong ni Lui habang naka-tapat kay Samuel iyong camera.
‘I told you—aalis ako bukas.’
‘Where again?’
‘Galera,’ he simply replied.
‘Because?’ Lui asked like he was baiting Samuel but instead of answering, Samuel just shook his head and ignored Lui.
I bit my lower lip again. Lecheng ’yan! Dahil hindi rin naman ako makapagconcentrate sa pagpapanggap na mag-advance review, naghanap na lang ako ng isusuot ko in case na imessage ako ni Samuel. Hindi niya pa kasi ako ulit tinanong if free ako today. I’d decided na if tanungin niya ulit ako, sabihin ko na lang na na-cancel iyong plano ko kaya free na ako. Feel ko naman obvious ako, pero kebs na. Gusto ko na lang talaga siya makita in person! Isang buwan na rin nung last ko siya makita!
Around 5PM, hindi na ako naka-tiis.
‘Natuloy ka ba?’ I texted.
I drummed my finger against my thigh while waiting for him to see my text. And after a few seconds, nakita ko na nabasa niya na iyon at may tatlong tuldok na akong nakikita na ibig sabihin ay nagta-type na siya ng irereply niya sa akin.
‘Yeah. Naka-tulog ako pagdating. Kanina pa akong 2 nandito.’
‘Nagdrive ka ba?’
‘Hindi. Katamad.’
‘Nagcommute ka? Buti di ka naligaw?’
‘Binigyan ako ng direction nung resort.’
‘Di ka na lang nagtanong sa akin.’
‘Busy ka e.’
I bit my lower lip again. Ganito ba makipaglandian?! Ganito ba kiligin?! Torn ako between bakit ngayon ko lang ’to naeexperience at magpasalamat kay Lord kasi kay Samuel ko naeexperience iyong kalandian na ’to.
‘Arte haha nagdinner ka na?’
‘Nope. Kakagising ko lang.’
‘Kain ka na.’
‘Natuloy lakad mo?’
‘Hindi e. Nagcancel friends ko.’
‘Nagdinner ka na?’
‘Hindi pa,’ reply ko. ‘Gusto mo ng kasama magdinner?’
Bigla akong nahiga sa kama at saka kinuha iyong unan at tinakip sa mukha ko at saka ako tumili dahil sa kapal ng mukha ko at sa sobrang kaba.
‘I was about to ask you but then I realized that it’s weird if I ask you to come here and even weirder if I ask you to invite me to your house lol’
Pota ka talaga, Samuel Hayes Fortalejo.
’Lapit lang naman ‘yang resort mo sa min. Puntahan na lang kita.’
‘Di magagalit parents mo?’
‘Di yan.’
‘Sigurado ka?’
‘Affirmative,’ sagot ko.
‘Okay. Baka kung ano isipin nila.’
‘Bakit? Nakikipagdinner naman talaga ako sa friends ko.’
Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko habang naghihintay ako sa sagot niya. Para akong aatakihin sa puso habang nakatingin sa tatlong tuldok habang nagta-type siya ng reply niya sa akin.
‘Okay,’ he replied kahit parang isang buong minuto ata siya nagtype. Mamamatay na naman ako sa curiosity nito kung ano ba iyong dapat isesend niya sa akin!
‘Oks. Nandyan na ako in 20 mins siguro,’ sabi ko bago ibinaba iyong phone ko at mabilis na nag-ayos dahil excited na rin ako talaga na makita siya.
I wore a white romper and white sandals. Nagpabango ako nang kaunti tapos naka-lugay lang iyong buhok ko. Dahil feelingera ako, hindi ko alam kung anong oras ako makaka-uwi, so dinala ko iyong sasakyan. Kung friends ko lang ang pupuntahan ko, magta-tricycle lang ako.
Pagdating ko sa resort, paghinto ko pa lang ay nakita ko na si Samuel na naka-upo lang doon sa isang gilid. He was not doing anything—just sitting there but he looked so cute… I chuckled to myself, though, dahil mukha siyang turista dahil naka-suot siya ng medyo bulaklakin na polo.
Huminga ako nang malalim bago bumaba ng sasakyan. Ni hindi ko na siya kailangang tawagin dahil napa-tingin siya agad sa gawi ko na para bang naramdaman niya na papalapit na ako.
“Naks naman sa polo,” bati ko nung maka-lapit ako sa kanya. Napa-kamot siya sa batok niya na parang na-conscious. “Sorry,” sabi ko. “Di na kita tutuksuhin, promise,” dugtong ko na naka-taas iyong kanang kamay. “Saan mo gustong magdinner?” I asked.
“Where do you recommend?”
“Kahit ano ba?”
He nodded. “Pero wala ba iyong kita iyong beach?” he asked kaya naman nirecommend ko iyong alam kong resto na kita mo iyong beach habang nagdidinner ka.
“Nakapag-enroll ka na?” he asked while we were waiting for the food. Umorder kami ng dalawang ulam and dalawang kanin—share na lang daw kami, wow.
I nodded. “Yup. Ikaw?”
He nodded, too. “Kailan ka babalik sa Manila?”
“Saturday,” sabi ko sa kanya. “Ikaw?”
“Saturday din,” he replied. “Sabay na tayo, gusto mo?” tanong niya habang naka-tingin sa akin. Shet na ’yan… bakit parang ang dali-dali lang sa kanya magtanong ng mga ganitong bagay samantalang ako e parang mauubusan na ng oxygen?!
I gulped like five times. “Uhm… okay,” sabi ko.
“Okay,” he replied, smiling and nodding.
Dumating na iyong food at kumain na kami. Mukhang gutom iyong kasama ko dahil tahimik lang siya habang kumakain at mukhang seryoso sa pagkain.
“Do you have a curfew?” he asked.
“Wala naman,” sagot ko kasi sanay na magulang ko na minsan madaling araw ako umuuwi kapag nagkikita kami ng college friends ko.
“But you’re driving…” sabi niya bigla.
“Why?”
He shrugged. “I’d ask you if you want to drink, but you’re driving home, so ’wag na.”
Ay, shet, sayang nga, oh! Pero it’s either that o magpapa-sundo ako sa parents ko, so ’wag na, noh!
“Di naman kailangan ng alak para mag-enjoy,” I said.
Napa-tingin siya sa akin at ngumiti. “You’re right,” sabi niya. “So… wanna walk along the shore, instead?” he asked and sino ba naman ako para tumanggi?
**
This story is already at Chapter 22 on Patreon (patreon.com/beeyotch). Subscription starts at 100php per month for all stories.
If you’re having any problems with your payment or if you want to pay via GCASH, you can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance.
Chapter 15
Chapter 15
Tahimik lang kaming dalawa habang naglalakad. Kanina ko pa gustong magsalita, pero hindi ko kasi alam iyong sasabihin ko. Gusto kong itanong kung ano ang trip niya at napunta siya rito—’wag niya lang masabi na trip niya lang kasi literal na ang layo ng Abra mula dito, ha! Ang lakas naman ng trip niya, if ever.
“Samuel—”
“Deanne—”
Sabay kaming natigilan sa katangahan namin. Napa-tingin kami sa isa’t-isa. Natawa siya nang bahagya.
“You go first,” sabi niya.
Umiling ako. “No, ikaw muna.”
“Ladies first.”
“I insist,” sagot ko sa kanya.
Natawa ulit siya. “Okay, then,” sabi niya habang patuloy pa rin kaming naglalakad. Mararating kaya namin iyong dulo ng resort na ’to? Kasi kanina pa kami naglalakad pero ngayon pa lang kami magsisimulang mag-usap. Ano’ng oras kaya ako makaka-uwi—or better yet, uuwi pa kaya ako?
Lecheng imagination ’yan! Kung saan-saan na napupunta e naglalakad lang naman kami!
“Nakapag-enroll ka na?” he asked.
Kumunot ang noo ko. “Natanong mo na ata sa akin ’yan?”
“Really?”
I nodded. “Yup.”
Tumango-tango lang siya, pero hindi na ulit nagsalita. Nasa loob lang ng mga bulsa iyong mga kamay niya. Ang cute-cute niya tignan sa suot niyang bulaklakin na polo. Gusto ko ng remembrance! Pero ang weird naman if aayain ko siya magpicture!
“Nag-enroll ka na?” tanong ko sa kanya kasi nase-stress ako bigla sa katahimikan.
He nodded. “Yup,” he said.
Tangina, ano na?! Ano ba ang ganap tonight?! Gustung-gusto ko na siya tanungin kaya lang ay kinakabahan talaga ako. Bigla tuloy akong nagsisi na nagdala ako ng sasakyan. Beer would be nice at this point.
“Deanne—”
Agad akong tumingin sa kanya. Bigla kasing nabasag iyong katahimikan nung tawagin niya iyong pangalan ko. So, I quickly looked at him… both my eyes were on him. Napa-kunot din ang ulo ko. Kinakabahan ba siya? His eyes looked uneasy. Ano ba ang nangyayari?! Pwede ba na magsalita na siya kasi ang hirap maging feelingera!
“Samuel,” pagtawag ko sa pangalan niya nung sampung segundo na ang lumipas at hindi pa rin nadudugtungan iyong pagtawag niya sa pangalan ko.
Huminga siya nang malalim. “Okay,” he said.
“Okay what?”
“Can we sit?” he asked.
I shrugged. “Sure,” sabi ko.
We checked first kung may bubog ba or what iyong uupan namin, and after we made sure na malinis naman, we sat down on the sand. Naka-tingin kami sa buwan. In fairness, full moon pala ngayon. Naka-tingin lang ako doon habang nag-aagaw sa pandinig ko iyong hampas ng alon at saka iyong tunog mula sa live band doon sa may isang resto bar.
“Okay ka lang ba?” I asked because he not only looked uneasy—he also felt uneasy.
“Medyo.”
“Medyo?” I repeated. “May sakit ka ba?” tanong ko kasi baka meron nga. Mukhang mas plausible naman iyon kaysa sa mga bagay na naiimagine kong mangyayari ngayon.
“Wala naman,” he replied.
“So… bakit hindi ka okay?”
Hindi agad siya sumagot. Balak ata ng tao na ’to na patayin ako sa kaba dahil sa paghihintay kung ano ang gusto niyang sabihin or gawin sa akin. To be honest, kung tama man ang iniisip ko, then there’s no need to worry! ’Di naman ako pakipot na tao! Like him, I believe that life is short, so kung gusto mo at wala ka namang natatapakan na tao, go!
Ayoko naman na pilitin siya na sabihin na iyong gusto niyang sabihin. Instead, nakinig na lang ako sa tinutugtog nung banda. Naki-sabay pa nga ako nung kinakanta na iyong Araw-araw.
Fuck.
Tangina namang lyrics ’yan?!
“Samuel,” pagtawag ko sa kanya. Tumingin siya sa akin. Huminga ako nang malalim na malalim na baka magtaka na siya na baka may hika ako.
Hindi agad ako nakapagsalita.
Shet. Ang hirap naman nito?! Bakit parang iyong mga kabataan ay nadadalian lang sa paglandi habang ako ’tong mas matanda sa kanya ay parang masusuka na ngayon?! Tapos ang kapal pa ng mukha ko na mainis kay Samuel dahil ang tagal niyang magsalita! Leche, ang hirap pala nito?!
Huminga ako nang malalim ulit.
“Okay,” I said.
“What?” he asked, his forehead creased.
“May sasabihin ako.”
“Okay.”
“But…” I said and then paused for a second. “I just… wanted this out in the open, okay? If hindi, e ’di okay.”
He didn’t say a word, but he just stayed there and stared at me. Muli akong huminga nang malalim. Okay, Deanne. Kaya mo ’yan. Never pa akong umamin buong buhay ko dahil sabi sa akin ni Mama bata pa lang ako na unahin ko ang pag-aaral at paggraduate. Feel ko naman ay pwede na ngayon! Naka-graduate naman na ako ng college—at saka mas masaya maglawschool kapag may jowa na upperclass kasi may libreng tutor at digests.
“Samuel Hayes Fortalejo,” pagtawag ko sa pangalan niya.
“Wait,” sabi niya.
Kumunot ang noo ko. “Bakit?” sabi ko kasi grabe ang hirap mag-ipon ng lakas ng loob, ha! Kailangan ko na ’tong masabi ngayong gabi kasi hindi ko na alam kung kailan ulit ako makaka-hanap ng kapal ng mukha!
“Ako muna.”
“Ako muna,” sabi ko kasi baka matapos na iyong kanta. Baka matapos din iyong kapal ng mukha ko.
“Ako muna—”
“I like you,” I said, cutting him off and catching him off-guard, apparently. Napaawang iyong labi niya. Muli akong huminga nang malalim. I balled my hands into a fist na para bang doon ako humuhugot ng lakas ng loob at kapal ng mukha na sabihin ang mga sasabihin ko.
“I like you,” I repeated because… I didn’t know what else I should say. Should I dictate the reasons why? Importante pa ba ’yon? Hindi ba enough na… gusto ko siya? Na gusto ko siyang kasama? That I really like spending time with him that I every time I go out of the building, I always wish that I’d bump into him?
That sometimes, I miss him enough that he invades my dreams?
“I—” I said and then stopped. “Gosh. Hindi ako magaling mag-explain,” dugtong ko. “Basta… gusto kita.” Saglit na ipinikit ko ang mga mata ko at huminga nang malalim. “Pero kung hindi mo ako gusto, okay lang naman. We can still be friends.”
Tumingin ako sa kanya. Ramdam na ramdam ko iyong kabog ng dibdib ko habang naghihintay ng sasabihin niya, pero naka-tingin lang siya sa akin at bahagya pa ring naka-awang ang labi at bahagyang naka-kunot ang mga noo.
Napa-kunot din ang noo ko. I snapped my fingers at him.
“Hello?” sabi ko.
Napa-kurap siya. “Oh, wow,” was all he said.
Huminga ako nang malalim. “For your information, kaya lang naman ako nagka-gusto sa ’yo dahil lagi mo akong sinasamahan. If ever, nagcontribute ka rin sa feelings ko. Kung gusto mo ng legal basis—kumbaga, ikaw ang proximate cause ng pangyayaring ito.”
Tumingin ako sa kanya at mas lalong lumalim ang pagkaka-kunot ng noo ko nung makita ko na nagbago na iyong expression sa mukha niya mula sa pagiging confused sa pagiging amused. Lecheng ’to! Pinagtatawanan niya ba ako?
Nagtry akong tumayo because I would not sit here and be laughed at, ano! Pero bago pa man ako maka-tayo ay napa-hinto na ako nung hawakan niya iyong wrist ko.
“Sandali lang naman,” he said.
“Ang hirap nung sinabi ko tapos tatawanan mo lang ako?” singhal ko sa kanya. Bigla namang naging Ikaw Lang iyong tugtog. Tangina, ano ba ang trip ng banda na ’to?!
“Hindi kita tinatawanan.”
“E ano ’yang expression sa mukha mo?”
“Ano ba meron sa mukha ko?” he asked.
“Natatawa ka.”
“Hindi ako natatawa.”
“E ano ’yang ngiti sa mukha mo?”
“Masaya ako.”
“Masaya ka na napapa-hiya ako?”
He shook his head like he was some little boy. “Definitely not,” he replied. “But you already said your piece—pwede bang ako naman?”
Tumingin ako sa kanya habang malalim pa rin ang kunot ng noo ko. Umirap ako. “Fine,” I said.
He nodded. “First, thank you,” he said.
“For?”
“Because when we tell this story in the future, I can claim that you confessed first,” sabi niya at unti-unting napaawang iyong labi ko sa confusion sa sinabi niya. Hindi naman ako uminom ng beer pero feeling ko ay lightheaded na ako sa mga nangyayari. Hindi ko na alam kung ano ang totoo sa hindi at this point.
“Ha?” I asked, really confused. Feeling ko ay bumalik ako sa pagkabata and I’d need him to spell out everything for me to understand them. Ayoko naman magpaka-feelingera ngayong gabi!
“Do you think I just really enjoy riding on a ferry para pumunta dito?” he asked.
“Aba malay ko.”
“No, I do not. I get seasick,” he said.
“Okay?”
“So, what do you think?”
I groaned. “Hindi gumagana iyong utak ko ngayon. Please lang sabihin mo nang maliwanag kung ano ang tinutukoy mo. ’Wag ka ng magpa-hula at hindi tayo matatapos.”
He laughed a little at my rant. “Okay,” he said.
“So? Ano ang point mo ba kasi?”
“That I like you, too?” sabi niya.
“Bakit patanong? ’Di ka sure?”
Natawa na naman siya. “No, sigurado ako.”
“Sure nga?”
He nodded. “Affirmative,” he said.
Hindi na ako nakapagsalita pa. Naka-tingin lang ako sa kanya ngayon, pero at this very moment, ramdam na ramdam ko iyong pagbilis ng tibok ng puso ko. Rinig na rinig ko iyong pagkanta ng Paraluman.
Oh, fuck.
“So… gusto mo ako?” I asked.
“Yes.”
“And… gusto din kita?”
“Yes.”
“Ano’ng… ibig sabihin nito?”
Naka-tingin lang siya sa akin. Hindi na siya kabado kagaya ng kanina. Bakit ako na lang iyong kinakabahan?! Not fair!
He shrugged. “It depends,” he said. “Do you want me to court you… o gusto mo na tayo na?”
Napaawang iyong labi ko. “Wow, nakaka-bilib naman ang pagiging mabilis mo.”
Natawa siya. “What? I am just asking.”
“Ano ba ang pinagkaiba?”
He shrugged. “Nothing much, really. Either way—I’d still treat you well.”
Natigilan ako sa sinabi niya.
Lord… kung ganito naman pala, worth it iyong paghihintay ko ng matagal?!
“Kung gusto mong ligawan muna kita, ayos lang naman din sa akin,” sabi niya. Naka-tingin siya sa akin, pero hindi ako nagsasalita pa kasi hindi ko naman alam ang sasabihin ko?! First time ko ’to! Paano ba magpakipot?! Pero ayoko rin naman! Life is short!
“Kapag ba girlfriend mo na ako, bibigyan mo ako ng flowers?”
“Yes,” he said.
“Kailan? Kapag birthday ko lang?”
Natawa siya. “Kailan mo ba gusto?”
“Birthday at saka Valentine’s,” sabi ko. “At saka pala gusto ko rin ng malaking stuffed toy galing Blue Magic,” dugtong ko. “Saka isang box ng Ferrero.”
“Weirdly specific, but okay,” he replied.
“Ano pa ba?” I asked.
“Gusto mo bang ilista dahil baka may malimutan ka?”
Umirap ako. “Baka isipin mo demanding ako.” “Not at all,” he said. “I’d rather you tell me what you want ka Pahulain mo ako kung ano ang gusto mo.”
“Bakit? May nagpa-hula na ba sa ’yo?” I asked, my brow arched.
“Topic for another time,” he replied.
Umirap ako. “Daming ex?”
Natawa siya. “Ikaw ba?”
“Ikaw kapag nagbreak tayo.”
Napaawang iyong labi niya. “Wait—never ka pang nagka-boyfriend?”
I nodded. “Yes, kaya ayus-ayusin mo mga desisyon mo sa buhay,” sabi ko sa kanya at napa-kurap siya. “Don’t worry—wala namang point of comparison dahil ikaw ang una sa lahat,” dugtong ko tapos ay nag-iwas ako ng tingin dahil ewan ko at bigla akong nahiya sa kanya after ng lahat ng pinagsasabi ko.
“Magsalita ka naman,” sabi ko kasi medyo tahimik siya at kinakabahan na ako.
“Ligawan muna kita,” he said.
“Ha? Akala ko tayo na?”
“First time mo pala—simulan natin sa pinaka-umpisa.”
“Sure ka? Kasi wala naman ako balak magpa-kipot dahil gusto naman pala natin ang isa’t-isa,” I said and there was an amused expression on his face.
“Then… let me do it for me?” sabi niya. “Ligawan kita kahit one week.”
“Ano mangyayari sa one week na ’yan?”
He shrugged. “Ibibili kita nung stuffed toy mo,” sabi niya. “Saka iyong Ferrero. Gusto mo rin ba ng Toblerone?”
“Hindi. Baka bigyan mo pa ako ng diabetes.”
“Okay—walang Toblerone. But what else?”
So, we sat there and brainstormed sa kung ano ang gagawin namin sa one week na liligawan niya ako. So far, we agreed na bibigyan niya ako ng flowers, blue magic na stuffed toy, Ferrero na chocolate, at napilit ko siyang magsuot ng couple shirt.
“2AM na pala,” he said.
“Pinapauwi mo na ako?”
He nodded. “Delikado kapag nagstay ka pa.”
Tumingin ako sa kanya. “So… after one week, tayo na?”
“That’s the plan,” he said while he stood up and reached for my hand to help me stand up.
“Ano’ng difference kapag tayo na?”
“Ganon pa rin,” sabi niya. “Hindi naman ako mas mabait kapag nanliligaw.”
“So, ilan na nga ang niligawan mo?”
Tumawa siya. “I told you—this is a topic for a different night.”
“Fine, pero sasabihin mo nga sa akin?”
“If you’re so interested, then yes.”
“Okay,” I said, but I wouldn’t ask. Baka makita ko pa kung gaano kaganda mga ex niya at maging insecure pa ako. Ayoko naman na maging ganon.
Naglakad kami pabalik sa sasakyan ko. Buhay na buhay pa rin iyong live band. Siguro forever ko na maalala iyong mga kanta ngayong gabi at kapag narinig ko sila, babalik at babalik ako sa gabing ’to at mapapa-ngiti na lang ako sa kilig dahil sa kalandian naming dalawa.
“Drive safely,” sabi niya pagpasok ko sa sasakyan.
“Breakfast tayo bukas?” I asked as I wore my seatbelt.
He nodded. “May gagawin ka ba bukas?”
I nodded. There was a small frown on his face kaya natawa ako. “Joke lang—wala akong gagawin bukas. Pupunta agad ako dito pagka-gising ko,” I said although I highly doubted kung makaka-tulog pa ako ngayong gabi. Baka i-replay ko lang lahat ng nangyari! Baka nga ireenact ko pa!
“See you tomorrow, then?”
I nodded. “See you bukas,” I said and forced myself to drive dahil sa totoo lang, parang gusto ko na lang magstay dito at hintayin namin iyong sunrise—but maybe for next time. Hindi naman kami nagmamadali.
**
This story is already at Chapter 23 on Patreon (patreon.com/beeyotch). Subscription starts at 100php per month for all stories.
If you’re having any problems with your payment or if you want to pay via GCASH, you can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance.
Chapter 16
Chapter 16
“May sakit ka ba?” tanong ni Mommy sa akin.
“Ha? Wala naman po,” sagot ko.
“Okay…” she said, naka-tingin sa akin na medyo naka-kunot ang noo. Kumuha pa ako ng isang serving ng kanin dahil magtataka na talaga si Mommy kapag kaunti lang iyong kinain ko dahil usually talaga ay kain kargador ako.
After naming magbreakfast, bumalik na ako sa kwarto at naligo at nagpa-ganda para mas lalong magka-gusto sa akin si Samuel. Nagsuot ako ng cut-off shorts, white shirt na naka-tuck-in, at saka white na sandals. Gusto ko sanang magdress kaya lang ay mahangin at baka makita niya pa ang panty ko—masyado pang maaga para doon. Nagwisik din ako ng pabango. Pagbaba ko ay nakita ko si Mommy na naka-upo sa couch.
“May lakad kayo nila Don?” she asked.
“Yup,” I said, nodding, dahil nasabihan ko na sila Don na may pupuntahan ako. Alam na nila ’yan dahil ginagawa rin naman nila akong dahilan kapag may kababalaghan silang ginagawa.
Dinala ko iyong sasakyan at nagdrive papunta sa resort. Pagbaba ko roon ay nakita ko si Samuel na naka-upo doon sa may couch sa malapit sa reception. Nakita ko na patingin-tingin sa kanya iyong bantay. I mean, gets ko naman—walang ganyan ka-gwapo dito sa lugar namin. Pagbigyan na.
“Good morning,” bati ko at agad na napa-tingin siya sa akin. “Hinihintay mo ako?”
He nodded. “Sabay tayong magbe-breakfast, ’di ba?”
I nodded. “Sus, ayaw mo lang akong paakyatin sa kwarto mo, e,” sabi ko sa kanya kasi nung papunta ako rito, tinanong ko siya kung pupuntahan ko na lang ba siya sa kwarto niya dahil baka hindi pa siya gising kasi 8AM pa lang? Pero sabi niya ay sa baba na lang daw kami magkita.
Tinawanan niya ako. “Nililigawan pa lang kita, ’di ba?”
“Wow, so kapag tayo na, pwede na akong umakyat sa kwarto?”
He laughed again. “We’ll get there eventually,” sabi niya at iyong malandi kong imagination ay kung saan-saan na napunta. Lord, gabayan mo po ako dahil jusko… Ang aking masasamang balak kay Samuel…
Dahil marami namang resto sa harap ng beach ay naglakad kami para maghanap ng kakainan. We settled sa isang resto na nagseserve ng ever favorite namin na silog meals. Umorder ako ng tocilog kahit busog pa ako at si Samuel naman ay tapsilog, extra-rice, at brewed coffee.
“Saan tayo magpeperya?” he asked while we were waiting for our order.
I shrugged. “Walang fiesta ngayon, e.”
“So, hindi muna?”
“Mall na lang—nood tayong movie and share ng popcorn,” sabi ko sa kanya.
He nodded. “Paano kapag hindi natin gusto ’yung movie?” he asked and I shrugged. To be honest, I highly doubted if manonood pa ako ng movie. I just wanted to experience everything I didn’t experience when I was younger dahil laging sinasabi sa akin na kailangan magfocus ako sa acads. I wondered if naisip ba ng magulang ko na hindi naman ako katalinuhan at baka hindi ako masaya sa pressure na nakukuha ko.
Dumating na iyong breakfast namin at saka sabay kaming kumain. Pinanood ko lang siya habang pinupunasan niya ng tissue iyong utensils tapos ay iniabot sa akin.
“Thank you,” I said.
“You’re welcome,” he replied with a smile.
Ganito ba maging girlfriend niya? Grabe, parang baby naman ako?! I mean, yes, please, thank you very much?!
Kumain na kami ng breakfast namin. Dahan-dahan lang akong kumain dahil busog pa ako sa kinain ko sa bahay. After nun ay naglakad kami papunta sa sasakyan.
“Gusto mong magdrive?” I asked.
“Ayaw mo bang magdrive?” he asked.
I shrugged. “Okay lang naman,” sabi ko kasi medyo malapit lang naman iyong mall.
“Ikaw na lang,” sabi niya. “Sasakyan mo ’yan, e. Pero kung ayaw mong magdrive, okay lang naman na ako na.”
Dahil hindi naman ako pagod, ako na lang iyong nagdrive. Saka tiwala naman ako sa kanya kasi nung sumakay ako sa Raptor niya, hindi naman siya balasubas magdrive. Saka baka ayaw niyang magdrive kasi ang layo nga pala nung dinrive niya mula Abra papuntang Manila.
Pagdating namin sa mall, kaka-bukas lang. Hindi ko alam kung bakit dahil sabay lang naman kaming naglalakad pero… kinikilig ako?! Normal ba ’to?!
“Okay lang sa ’yo?” he asked while we were standing and reading the movie titles. To be honest, hindi ko rin masyadong type iyong movie, pero iyan lang ang choice.
I nodded. “Yup. Pwede na.”
“Okay, pila lang ako,” sabi niya tapos ay pumila na siya para bumili ng tickets at ako na nagmamaganda ay naka-tayo lang doon at naghihintay na bumalik siya. Worth it talaga lahat ng inggit na naramdaman ko nung high school at college! Na lahat ata sila ay lumalandi habang ako e focused na focused sa libro.
Pagbalik niya ay may ticket na siya.
“Magkano share ko?” I asked kasi hindi naman ganoon kakapal ang mukha ko para magpalibre lang sa kanya.
Umiling siya. “This day’s on me. Next time na lang,” he said.
“Okay,” I replied, smiling because… this really felt nice. Para bang worth the wait talaga?
He asked me kung gusto ko bang hawakan iyong ticket ko, pero umiling ako. Siya na lang ang maghawak ng ticket naming dalawa. Pumunta rin kami sa bilihan ng popcorn.
“Share na lang tayo doon sa pinaka-malaki,” I said.
“Okay,” he replied. “What flavor?”
“Cheese,” I said. “Pero kung iba ang gusto mo, okay lang.”
“No, okay lang ako sa cheese,” sabi niya.
“Sure ka? Baka oo ka lang nang oo sa sinasabi ko.”
Natawa siya at napa-iling. “No,” sabi niya. “I’ll tell you kapag ayaw ko.”
“Sure?”
He nodded. “Do you want soft drinks? Kasi ayoko—okay na ako sa tubig,” sabi niya. “See? Sasabihin ko kapag ayoko.”
Napa-kurap ako. “Wow… okay,” sabi ko at natawa siya ulit.
After ibigay sa amin iyong order namin, naglakad kami papasok sa sinehan. Hawak ko iyong tickets dahil hawak ni Samuel iyong malaking tub ng popcorn at saka iyong bottled water namin. Ganda ko lang talaga sa part na ito.
Halos kami lang iyong tao sa loob ng sinehan dahil first showing pa lang at saka hindi masyadong sikat iyong movie na pinili namin.
“Ayaw mo ba?” he asked nung mapansin niya na hindi ko ginagalaw iyong popcorn. Medyo wrong move pala ito! Dapat ginagawa ko ’to kapag jowa na talaga ako na tipong wala ng hiya! Medyo dugyot pa naman kumain ng popcorn dahil may cheese sa daliri mo tapos minsan sumasabit pa sa ngipin mo iyong popcorn.
“Mamaya na,” sabi ko. Naka-tingin lang siya sa akin. “Wala akong dalang toothbrush,” I said. “Baka manilaw ngipin mo sa popcorn.”
Nakita ko natawa siya. “Yan iniisip mo?”
I nodded. “Dapat pala Lays na lang binili natin.”
“Sayang naman popcorn,” he said. “Hindi ko ’to kayang kainin.”
“Baka makita mo akong may tinga-tinga pa.”
Natawa siya talaga. “Fine,” he said. “After the movie, diretso tayong Watsons, bili tayo ng toothbrush and toothpaste, then brush our teeth sa CR. Okay na?”
“Hmm… fine,” sabi ko.
“Good,” he replied. “Now, please eat your popcorn and enjoy the movie.”
So, we sat there and watched the movie. Sobrang kinikilig ako kahit sa simple lang na pagtama ng mga kamay namin kapag sabay kaming kumukuha ng popcorn. Jusko, sobra na ito! Wala pa kaming ginagawa talaga, pero grabe na ang kilig ko! Paano kapag hinalikan niya ako? Baka himatayin ako sa sobrang kilig!
“Watsons?” he asked after matapos iyong movie. Ano ba namang buhay ’to! Same naman ata kami ng naubos na popcorn pero wala namang tinga sa ngipin niya?! Inabutan pa ako kanina ng wipes para punasan iyong daliri ko na puro cheese. Pero ang cute lang kasi may maliit siya na wipe pouch sa bulsa niya. Always ready ang isang ’to.
I nodded dahil medyo ramdam ko na delikado ang ngipin ko. Pagdating namin sa Watsons, si Samuel iyong namili ng toothbrush namin at saka bumili siya ng dalawang toothpaste at siya rin iyong nagbayad. Naghiwalay kami sandali para magtoothbrush tapos ay nagkita rin after.
“What’s next?” he asked.
“Gutom ka na ba?”
“Busog pa ako,” he said. “Ikaw?”
“Same,” sabi ko.
“Blue Magic,” he replied. “O gusto mo iyong chocolate muna kasi baka mahirapan tayo dalhin iyong stuffed toy mo?”
“Bakit? Malaki ba iyong bibilhin mo?”
He nodded. “Kung ano iyong pinaka-malaki,” sagot niya. Napaawang iyong labi ko. Natawa siya. “You really want that stuffed toy?” he asked.
I just shrugged, but truth was, I really, really wanted it. Hindi naman dahil sa mahilig lang ako sa stuffed toy—but it just symbolizes the things I missed out on when I was younger… but now, he’s here, making sure that the things in my list would be ticked off one at a time.
I really lucked out, huh?
Dumiretso muna kami sa department store. Nandoon nga iyong gusto kong Ferrero.
“Okay na ’to,” sabi ko habang hawak iyong 24 pcs na Ferrero.
“Ayaw mo nito?” he asked habang hawak iyong 48 pcs.
Umiling ako. “No, okay na ’to.”
“Okay,” he replied as he put the 48 pcs back on the shelf. Pumunta na kami sa counter at binayaran niya iyon. Gago, one week ba talaga naming gagawin ’to? Baka mamatay na ako sa dulo nun?!
“What?” he asked when he caught me smiling habang naglalakad kami palabas ng department store. Hawak-hawak ko iyong paperbag na may laman na chocolate.
Umiling ako. “Wala,” sagot ko.
“Kinikilig ka, noh?”
Umirap ako. “Bawal?”
Natawa siya. “No,” he said. “In fact, it’s highly encouraged.”
Lord… kaya ko pa ba ito?!
Pagdating namin sa Blue Magic, para akong napa-throwback talaga sa high school days ko. Maliit lang naman iyong store kaya sabay kaming nagtingin ni Samuel.
“This?” tanong niya habang naka-turo sa malaking teddy bear.
“Ito na lang,” sabi ko habang hawak iyong normal sized na teddy bear na kulay light blue.
“Ayaw mo nung pinaka-malaki?” he asked.
“Mas gusto ko ’to,” sabi ko. “Kapag iyan, paano pa ako matutulog? Sakop iyong buong kama ko.”
“Itatabi mo sa pagtulog?” he asked.
I nodded. “Yup,” sabi ko. “Ikaw pagbibitbitin ko niyan,” dugtong ko. “Dadalhin ko sa condo, e.”
Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya dahil for five seconds ay parang naka-tingin lang siya sa akin. But after that, tumango na siya.
“Thank you,” ngiting-ngiti na sabi ko nung lumabas kami sa may Blue Magic at may dala akong paper bag. Sobrang weird ba pero masaya ako kasi parang natupad iyong high school dream ko? Kasi ganito dati, e. Sukatan ng pagiging maganda iyong pagdadala ng Blue Magic na paper bag tuwing February 14.
“You’re welcome,” naka-ngiti din na sabi niya sa akin. “Flowers?”
“No, okay na ’to,” I said kasi feeling ko malaki na iyong nagastos niya ngayon.
“Sigurado ka?”
I nodded. “Saka na lang,” sabi ko.
He nodded. “Okay,” sabi niya. “Saan na tayo?”
“Gusto mo bang maligo sa beach?” I asked.
He shrugged. “Yeah, sure.”
“Okay, balik na tayo sa resort,” sabi ko.
“May dala kang pangswimming?” he asked.
“May ‘emergency stash’ ako sa sasakyan,” sabi ko. Bilang tiga lugar ako na maraming beach, meron ako laging dala na pangligo. Ayoko naman na umuwi na basa o kaya natuyuan ng damit dahil magkaka-sakit ako.
Pagbalik namin sa resort, naghintay lang ako sa lobby after ko magpalit ng white one piece bikini. Ayaw niya akong papuntahin sa kwarto niya. Akala mo naman may gagawin akong hindi niya magugustuhan!
Pagbalik niya ay parang natuyuan ako ng lalamunan dahil naka-black na board shorts lang siya. Meron siyang abs pero hindi sobrang defined pero shet ang gandang tignan?! Bakit ganito?!
“What?” he asked nung maka-lapit siya sa akin.
Umiling ako dahil hindi ako makapagsalita. Parang nagsisisi ako bigla na nililigawan niya pa lang ako? Kapag ba boyfriend ko na siya, pwede na akong humawak d’yan?! Where’s the freaking line?!
Tumayo ako. May tapis ako na sarong sa may bewang ko dahil ayoko lang maglakad na naka-bikini dahil medyo pagtitinginan ako ng mga tao dito. Sa Boracay ko pa lang na-try na walang pakielam ang mga tao kahit gaano pa ka-kita ang pwet mo kapag naglalakad ka.
Pagdating namin doon sa part na walang tao halos, tinanggal ko iyong sarong sa bewang ko kasi gagamitin din sana namin para doon kami mauupo.
“What? Ang sexy ko?” sabi ko kasi napa-tingin siya sa akin.
Akala ko ay sasagot agad siya kasi usually kahit ano naman ang sinasabi ko ay mabilis siyang sumagot, pero ngayon ay parang natuyuan din siya ng lalamunan habang tinitignan ako. Bigla tuloy akong na-conscious!
“Tara na nga,” sabi ko kasi hindi pa rin siya nagsasalita! Dumiretso na ako sa tubig hanggang nasa bewang ko na iyon. Hindi naman ako ganoon ka-sexy para matulala siya nang ganoon! Medyo nasa lean side lang ako dahil nagmana ako sa nanay ko na sexy. Hindi rin malaki iyong boobs ko, pero hindi rin naman ako flatchested. Iyong pwet ko ay normal at cute size lang din. Walang special! Normal na katawan lang kaya medyo na-conscious ako sa pagtingin niya.
“Samuel!” pagtawag ko sa kanya dahil nandoon pa rin siya. “Tara na!”
Finally ay lumusong na rin siya sa tubig. Dati ay gusto ko lang naman ng jowa na maayos kausap kasi feel ko mapipikon talaga ako kapag wala siyang kwenta kausap—’di ko naman hiniling na sobrang gwapo pero grabe naman iyong napunta sa akin?! Hindi lang maayos kausap, sobrang sarap din tignan?!
“Ano?” tanong ko dahil naka-tingin siya sa akin.
Umiling siya. “Gusto ko ng matapos iyong one week,” he said.
“B-bakit?” tanong ko na parang gago na biglang kinabahan.
“I want to kiss you right now.”
Nanlaki iyong mga mata ko. Para akong nabulunan kahit wala naman akong kinakain. Para akong hinihika kahit wala naman akong hika.
“P-pwede naman,” sabi ko habang rinig na rinig ko iyong tibok ng puso ko.
“Really?” he asked.
I looked around—wala namang tao rito. Saka papa-lubog na rin iyong araw. Mas mahaba na kasi iyong gabi ngayon. Wala namang makaka-kita sa amin basta iyon lang ang gagawin namin. Wala naman akong balak gumawa ng milagro sa public place, noh!
I nodded. “Uhm… yes, basta kiss lang?”
He chuckled. “Yes, promise,” he said as he took a step closer at feeling ko ay talagang malalagutan na ako ng hininga?! “Hindi ba ’to bawal dahil nililigawan pa lang kita?” he asked while he was standing just a few inches away from me.
I nervously shrugged. “Ako naman iyong nililigawan mo—I get to decide what’s okay and what’s not,” sabi ko habang pilit na nilalakasan ang loob dahil… jusko, gustung-gusto ko na rin mahalikan niya? Pwede ba paki-kuha na iyong first kiss ko?!
“Okay,” he said as he took another step that erased the distance between us.
“First kiss ko ’to—baka mag-expect ka,” sabi ko tapos ay para akong malalagutan ng hininga nang hawakan ng mga kamay niya iyong mukha ko. Kung pwede lang tumalon iyong puso palabas ng dibdib ko ay sure ako na tatalon ito palabas!
“Just close your eyes,” he said. “I’ll take the lead,” he continued and I did as he ask and then I felt his lips on mine.
**
This story is already at Chapter 24 on Patreon (patreon.com/beeyotch). Subscription starts at 100php per month for all stories.
If you’re having any problems with your payment or if you want to pay via GCASH, you can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance.
Chapter 17
Chapter 17
Oh, my god.
Kinurot ko iyong sarili ko para sigurado ako na hindi ako nananaginip—na lahat nung nangyaring kalandian kanina sa beach ay totoong naganap!
“Deanne…” sabi ni Kitty nung finally ay sagutin niya na ang tawag ko.
“Buti sumagot ka!”
“Wow, sorry naman, kaka-gising ko lang.”
“Kasama mo si Jax, noh?”
“No,” she replied. “Contrary to popular opinion, we’re not always literally together. May ginagawa rin ako mag-isa,” she continued. “But what’s up?”
Napa-upo ako sa kama. “Nandito si Samuel sa amin.”
Kumunot iyong noo niya. “What do you mean nandyan sa inyo? Nasa province ka pa ba?”
I nodded. “Yup! Pumunta siya rito nung isang araw and magkasama kami buong araw kahapon,” I said and then shrieked kasi lecheng ’yan, kilig na kilig talaga ako! Ganito pala kiligin?! ’Di ko akalain na literal na gugulong ako sa kama sa sobrang kilig! Hirap na hirap akong magpoker face kanina nung pag-uwi ko kasi ngiting-ngiti talaga ako sa lahat ng nangyari. Mabuti na lang at gabi na at madilim na kaya hindi ako nakita nila Mommy. Nung tinignan ko kasi iyong itsura ko sa salamin ay medyo namamaga iyong lips ko—well deserved naman!
Her eyes widened a little. “What? Seriously? He went there for you?” she asked and I nodded. “Oh, my god! Ano’ng nangyari? Share!” sabi niya tapos ay napa-upo na rin siya sa kama niya.
So, I began to tell her about what happened nung unang dating ni Samuel hanggang sa mag-usap kami sa beach about sa aminan namin and sa ‘date’ namin sa mall.
“Tapos…” I said, and then took a deep breath. “Hinalikan niya ako.”
Kitty’s eyes widened tapos sabay kaming napa-tili dahil sa sobrang kilig. “Oh, my god! Oh, my god! How was it?!”
“Sobrang—” sabi ko tapos napa-hinto ako kasi hindi ko mahanap iyong tamang salita. “Basta!” dugtong ko. “Ganon pala feeling nun!”
Kasi nung hinahalikan niya ako kahapon, para akong lumulutang sa alapaap. Tapos hindi ko alam, pero ramdam ko iyong bawat paghawak niya sa bewang ko at paggalaw ng labi niya. First kiss ko pa lang iyong nangyari kahapon, pero feeling ko master na ako. Kahit ata sa panaginip ko ay hinahalikan pa rin niya ako. Shet na ’yan.
Iba talaga at mapapa-sabi ka na lang talaga ng Let Samuel Lead.
Nagchismisan lang kami ni Kitty hanggang sa katukin na ako para sa breakfast.
“Good morning,” I greeted my parents with a huge smile on my face.
Naka-kunot iyong noo ni Mommy. “Ang saya mo yata ngayon,” she said.
I shrugged. “Wala lang. Woke up with a good mood,” simpleng sagot ko at saka inenjoy ko iyong luto niya na breakfast. Nag-usap din kami tungkol sa dinner namin mamaya dahil aalis na ako bukas pabalik sa Manila. Wala naman akong masyadong kailangang dalhin dahil nandon naman mga gamit ko sa condo. Excited lang ako na bumalik na kasi mas magiging magkasama na kami ni Samuel dahil magkalapit lang naman iyong condo namin.
“Gusto mo ba na ihatid ka namin?” Daddy asked.
Umiling ako. “Nope,” sabi ko. “Kahit sa pier na lang.”
After breakfast ay bumalik na ako sa kwarto at nag-ayos ng bag ko. Aalis ulit kasi ako after lunch and ayoko na ’tong isipin bukas kasi for sure late na naman ako makaka-uwi mamaya. Sakto naman na may pinuntahan iyong parents ko kaya walang tanong sa akin nung umalis ako.
“Hi,” sabi ko nung makarating ako sa resort ni Samuel. Nagtext na rin ako kay Don na pagtakpan ako in case na hanapin ako. Ayoko lang magsabi sa parents ko about dito dahil for sure sasabihan ako nun na magfocus sa pag-aaral. Tanda-tanda ko na, e—bawal sabayan ng paglandi?
“Hi,” sagot niya sa akin habang naka-ngiti. “Lunch?”
Umiling ako. “Hindi pa. Akala ko sabay tayo?”
He nodded. “Hinihintay din kita,” sabi niya.
Lecheng ’yan—ganitong usap lang namin pero kilig na kilig na ako?! Malala na talaga ’to! Delikado!
Naglakad lang kami habang naghahanap ng makakainan. Normally ayokong naglalakad kapag ganitong oras kasi mainit plus nasa tabing dagat pa kami kaya medyo malagkit sa feeling. Pero kapag kalandian, susuungin ang lahat talaga, noh?
“Ano’ng oras aalis bukas?” I asked. “I mean, if sabay pa rin tayo.”
“Of course,” he replied. “12noon iyong check out, pero kung gusto mong mas maaga, ayos lang naman.”
“Okay na ako sa 12,” sagot ko sa kanya.
“Marami ka bang dala?” he asked.
Umiling ako. “Isang backpack lang. Nasa condo naman lahat ng gamit ko,” I said.
“Naka-bili ka na ng libro for second sem?”
“Hindi pa—tulungan mo ba ako?” I asked kasi ito nakikita ko kina Kitty and Jax noon, e. Sabi ko sa sarili ko nun, gagawin ko rin iyon kapag nagka-jowa ako. Ito na ’yon!
He nodded. “Let’s go to the bookstore tomorrow?” he asked and I nodded kasi aarte pa ba ako? “Pero bili ka ng books kapag may prof ka na. Sayang kapag hindi iyon ’yung recommended.”
“E ano gagamitin ko? Balak ko sana mag-advance,” sabi ko sa kanya kasi balak ko naman talaga iyon. Nung tinignan ko iyong subject list namin, medyo na-overwhelm agad ako. Sa oblicon pa lang ay parang kinakabahan na talaga ako.
“Gamitin mo muna ’yung sa ’kin.”
Napa-tingin ako sa kanya. “Weh? Talaga?”
He nodded. “Although may highlight na ’yun at notes,” sabi niya.
“Okay lang,” sabi ko sa kanya. “Baka naman may reviewer ka rin d’yan.”
Natawa siya. “Send ko sa ’yo ’yung link ng dropbox.”
“Weh? Seryoso?” I asked kasi niloloko ko lang naman siya. He nodded. “Hindi ka ba papagalitan?” tanong ko pa kasi narinig ko kay Iñigo na ’yung mga ganito na resources, dapat sa frat lang nila kasi sila rin gumagawa, e. Pero kahit ganoon ang sinabi niya, binigyan niya rin naman kami—although hindi interesado si Kitty.
“Ng frat?” he asked and I nodded. “No, iba ’yung ibibigay ko sa ’yo.”
“Gumagawa ka ng sarili mong reviewer?” I asked in awe.
Tumango siya. “Nung first year lang,” sabi niya. “Hindi na ngayon—marami na akong ginagawa,” dugtong niya.
Pagdating namin sa resto ay umorder kami ng pagkain. After ng lunch ay naglakad-lakad kami hanggang maka-hanap kami ng pwedeng upuan sa may lilim ng puno ng niyog.
Dahil girl scout ako ay may dala akong sarong na inupuan namin. Magkatabi lang kami, pero feeling ko okay na ’yon. Malakas din iyong hangin tapos ang sarap lang tignan nung bawat hampas ng alon sa dalampasigan.
“Mamimiss ko ’to,” I said.
“Magkasama na tayo, miss mo na agad ako?”
I looked at him and frowned. “I mean ’yung dagat,” sabi ko sa kanya. “Feelingero, amp.”
He blushed a little but he was quick on his feet. “Okay, sabi mo, e,” sabi niya sa akin.
“Bakit naman kita mamimiss?” I asked. “Magpapa-miss ka ba?” I asked again, my brow arched this time.
He shrugged. “Malay mo?”
“Magkatabi lang condo natin.”
“Hindi mo naman alam room number ko.”
“Ibigay mo sa akin.”
Natawa siya. “Pupuntahan mo ba ako?”
“Pag-iisipan ko,” sabi ko sa kanya. “As nililigawan slash future girlfriend, hindi ba isa sa mga rights ko ang malaman kung ano ang room number mo?” I asked.
Kita ko na natatawa siya sa akin. “Sige,” sagot niya. “Sabihin ko sa ’yo kapag girlfriend na kita.”
“Fine,” I replied. “Sabihin ko rin sa ’yo ’yung sa ’kin kapag boyfriend na kita.”
We were just doing a staring competition nang biglang mapa-ngiti siya.
“What?” I asked.
Umiling siya. “Cute mo.”
Agad na naramdaman ko iyong pag-iinit ng pisngi ko. I sucked my cheeks in para pigilan iyong pagngiti, pero feel ko ay worthless naman dahil kita ko na naman iyong amused look sa mukha niya.
“Ewan ko sa ’yo,” sabi ko.
“Kilig ka?”
“Hindi, ah,” sabi ko. “Tumayo ka nga ’dun. Pipicture-an kita.”
“Doon?” he asked habang naka-tingin sa may malapit sa beach. I nodded. “Bakit doon? Ang init.”
“Sige, mamaya na lang,” sabi ko kasi reasonable naman iyong sinabi niya.
“Bakit?”
I shrugged. “Soft launch mo sa IG,” sabi ko.
Kumunot ang noo niya. “Soft launch?”
I nodded. “Yup. Una, malayong shot. Tapos likod mo, then kamay, then sideview, then finally, selfie nating dalawa.”
His forehead creased. “Wow—you have a plan.”
Tumango ako. “Told you—you’re about to be the first boyfriend. Marami akong plano.”
He cocked his head to the side. “Tell me about these ‘plans,’” he said, using air quotes with the last word.
I stuck my tongue out. “Saka na kapag boyfriend na,” sabi ko sa kanya.
“Don’t I have the right to know since I’m about to be ‘soft launched’?” he asked, using air quotes again.
Gago, bakit ang cute-cute niya talaga?! Saka gusto ko na siyang tanungin kung bakit puro bulaklakin na polo ang dala niya. Baka ’yan din iregalo ko sa birthday niya kung sakali.
“Fine,” sabi ko. “Sabihin ko sa ’yo iyong iba.”
Natawa siya. “So, marami nga?”
I nodded. “Marami.”
“Should I be scared?” he asked.
I shrugged. “Depends.”
“Depends on what?”
“Basta.”
“Come on—tell me.”
Umiling ako. “Saka na,” sabi ko sa kanya pero mukhang curious talaga siya dahil bumaba na iyong sikat ng araw, pero kinukulit pa rin niya ako kung ano iyong mga ‘balak’ ko sa kanya.
“You know, you’re just making my imagination work hard,” sabi niya.
Natawa ako. “Bawas points ka sa langit niyan!”
He groaned. “Ano muna kasi? Sinabi mo lang ’yung holding hands and kiss.”
“Oh? Kasama naman talaga sa listahan ko ’yon?”
“Fine,” he said. “I demand to know about that list next week.”
I shrugged. “Fine.”
“Fine,” sagot niya.
And then nagstaring competition na naman kami. Gago, normal ba ’to na parang gusto ko na lang siyang halikan every second of the day?! Nakaka-adik ba talaga ito?! Normal pa ba ako?!
I groaned saka nag-iwas ng tingin. “Wag mo akong tignan nang ganon.”
Natawa siya. “Ano?”
“Para namang hindi mo pa ako kilala—marupok ako, Samuel.”
Lumakas iyong tawa niya. “Wala naman akong ginagawa, Deanne.”
“Iyong tingin mo pa lang, may ginagawa na!”
“Should I just close my eyes?”
I groaned again. “Ewan ko!”
“Hindi kita pwedeng halikan ngayon—may araw pa.”
“Ano tayo? Nightshift?”
Lumakas na naman iyong tawa niya. Glad to be of service dahil kanina pa siya tawang-tawa sa akin, apparently. “No,” he said. “I mean, maaga pa—marami pang tao sa paligid. You know how provinces are—baka ma-chismis ka pa.”
“So… ito ba ang way mo para ayain ako sa kwarto mo?”
Marahan niya na pinitik iyong noo ko. “No,” sabi niya. “Wag ka muna ma-excite sa kwarto ko. Kapag naka-pasok ka na don, baka hindi ka na maka-labas,” he said like a threat pero bakit na-excite lang yata ako?
“Fine,” sabi ko. “Pero hindi pala kita masasamahan sa dinner. May pupuntahan kami ng parents ko.”
He nodded. “Okay, no problem.”
“Hindi naman sa ayaw kitang ipakilala.”
“Not thinking that at all.”
“Okay.”
“Take your time,” sabi niya.
I nodded. “Okay. Thank you.”
He gently tousled my hair. “Paano bukas? Pupuntahan mo ako rito?”
Umiling ako. “No. Sa pier na lang tayo magkita?”
Tumango siya. “Okay,” sagot niya. “So, bukas na ng tanghali tayo magkikita ulit?”
“Apparently.”
“Tinted sasakyan mo, ’di ba?”
Kumunot iyong noo ko. “Yes…” sabi ko na may pagdududa.
Tumayo siya at saka pinagpag iyong shorts niya tapos ay lumingon siya sa akin at nilahad niya iyong kamay niya. “Tara na.”
“Saan?” I asked as I accepted his hand, anyway.
“Your car,” he said. “Let’s make out since bukas pa pala ulit kita makikita.”
**
This story is already at Chapter 25 on Patreon (patreon.com/beeyotch). Subscription starts at 100php per month for all stories.
If you’re having any problems with your payment or if you want to pay via GCASH, you can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance.
Chapter 18
Chapter 18
“Wag mo akong tawanan,” sabi ko sa kanya habang may naka-dampi na ice cubes na naka-balot sa bimpo sa labi ko.
“Hindi naman ganoon ka-maga.”
Kinuha ko iyong phone ko at binuksan iyong camera. “Ano’ng hindi!” sabi ko habang naka-kunot iyong noo. Paano ako uuwi nito?! May dinner pa kami mamaya! “Kasalanan mo ’to,” sabi ko sa kanya na naka-simangot.
Natawa siya. “Kasalanan ko ?”
I nodded. “Oo, kasalanan mo.”
“Ikaw ayaw tumigil, e.”
I frowned at him. “Dapat may pagkukusa ka.”
Natawa ulit siya. “E paano kung ayaw ko ring tumigil?” he asked and my lips parted at what I thought he was implying. Pero bago pa man ako makapagsalita ay muli niyang marahan na pinitik iyong noo ko. “Imagination mo,” he said.
Umirap na lang ako sa kanya. “Tignan mo nga—maayos na ba?” I asked tapos ay tinanggal ko iyong cold compress at pinakita sa kanya iyong labi ko na namaga dahil sa kahahalik niya. Grabe ’tong ex-sacristan na ’to! Kung humalik akala mo doon naka-salalay ang pag-akyat niya sa langit!
He cupped my face with his hand and stared at me na akala mo e microscopic iyong pinapa-hanap ko sa kanya. Kumunot iyong noo ko dahil sa ginagawa niya dahil para bang nag-iinspect siya sa mukha ko.
“Hmm…” he said as he was ‘inspecting’ my face. “Looks good.”
“Sure ka? Kapag hindi, bigla kong masasabi sa magulang ko na kinagat ako ng putakte.”
“Or kinagat ka ni Samuel?”
My eyes widened at what he said. Tignan mo ’to, napaka-landi! Tapos gustung-gusto ko naman! Bagay na bagay talaga kami, e!
I slapped his hand away from my face and he was laughing at me dahil alam niya na naapektuhan ako sa sinabi niya. Tsk. Maghintay lang siya d’yan dahil lintik lang ang walang ganti.
“Tara na,” sabi ko nung magvibrate iyong cellphone ko at makita ko na nagtext na si Mommy at sinabi na nasa resto na raw sila.
Lumabas kami mula sa backseat nung mirage. Pumunta na ako sa driver’s seat at saka tinignan ulit iyong itsura ko sa salamin kasi nakaka-hiya naman kung pupunta ako ’dun na kaka-iba ang itsura ko! ’Di naman pinanganak kahapon ang magulang ko para hindi nila malaman ang pinaggagawa ko!
“I promise you look fine,” he said.
“Alam mo, kung ganito nang ganito, bawal na dapat tayo magkiss three hours bago magstart ang class.”
“So, you think we’ll be making out four hours before the class starts?”
I shrugged. “Aba, malay ko. Pero ang alam ko lang, hindi ako papasok sa school na ganito ang itsura ko!” sabi ko sa kanya dahil mukha akong nasalanta ng bagyo dahil sa gulo ng buhok ko. Kiss lang ’yon, ah! Hilig kasi nito hatakin iyong buhok ko tapos hahalikan iyong gilid ng leeg ko. Feeling ko talaga nagcrash course ako sa kissing nitong dalawang araw, e. Ni hindi man lang ako dumaan sa pa-cutie na kiss at diniretso ako ng ex-sacristan na ’to sa torrid at french kiss!
Nagsimula na akong magdrive. Huminto ako sa may tapat ng resort. Doon kasi ako nagpark kanina sa medyo liblib na lugar. Siguro kung may ibang makaka-kita sa amin doon, iisipin na may kababalaghan na nagaganap sa sasakyan.
“So… see you tomorrow?” he asked as he unbuckled his seatbelt.
I nodded. “Sa pier.”
“Maghihintay ako.”
Umirap ako. “Arte,” sabi ko pero tinawanan niya lang ako. Akala ko ay baba na siya, pero naka-tingin lang siya sa akin. Naka-tingin lang ako sa kanya. Tapos ay unti-unti na namang bumilis iyong puso ko nung lumapit iyong mukha niya sa akin. He cupped my face with both of his hands and placed a light kiss on my lips.
“See you tomorrow,” he said again bago bumaba sa sasakyan. Hanep na ’yan—aalis na lang, may pa-ganon pa! Hindi tuloy agad ako naka-alis!
Dahil heavily tinted naman nga ang sasakyan ay doon ako nagpalit ng damit nung makarating na ako sa resto. Mabilis lang naman dahil dress naman iyong sinuot ko, so hindi naman ako totally naghubad sa sasakyan. Pagpasok ko ay nakita ko agad sila Mommy. Lumapit ako roon, pero hindi nila ako napansin dahil busy sila sa kung anuman ang pinag-uusapan nila.
“Bayaan na—nandyan na,” narinig ko na sabi ni Daddy.
“She’s basically still a kid,” sagot ni Mommy.
“Ano’ng meron?” I asked nung maka-upo na ako.
“Si Rhea, naaalala mo?”
“Sino?” I asked kasi marami akong kakilala na Rhea dahil nga de facto kapitan ako ng barangay namin. “Iyong kapatid ni Bea?”
Mommy nodded. “Ayun, buntis.”
Nanlaki iyong mga mata ko. “Oh…” iyon lang ang nasabi ko dahil ano ba ang dapat kong sabihin? As far as I was concerned, hindi ko naman buhay iyon. At saka 19 na ata iyon kasi umattend ako sa debut nun last year.
“Ni hindi pa graduate ng college ’yun. Sino ngayon ang mag-aalaga sa anak niya? Malamang ang nanay niya pa rin,” Mommy said while shaking her head in immense disapproval. “Wag kang gagaya doon,” sabi niya bigla sa akin.
I laughed. “Grabe naman,” sabi ko na lang.
Instead na ‘going away’ dinner ko ito ay naging pangaral ni Mommy tungkol sa ’wag na ’wag daw akong gagaya kay Rhea. Tumango na lang ako habang kumakain. ’Di ko alam kasi kung ano ba ang dapat kong sabihin doon. Ayokong mangielam sa buhay ng ibang tao dahil marami na akong sariling problema, noh.
Pag-uwi ko sa bahay ay naligo na agad ako dahil feel ko ang dumi-dumi ko na dahil maghapon akong nasa labas. After nun ay namili ako kung anong picture ni Samuel ang una kong ipopost sa IG… Pero medyo nagdalawang isip ako kasi for sure kilala ’yun ni Iñigo. Iblock ko kaya muna siya?
‘Naka-uwi na ko,’ text ko sa kanya kahit ’di naman siya nagtatanong. I waited for his reply, but 20 minutes passed and wala akong nareceive. Baka tulog na dahil 10PM na rin naman.
‘Ayos na gamit mo bukas?’
‘Yup. Ano’ng gawa mo?’
‘Watching a movie.’
‘Ano?’
‘Devil’s Advocate.’
‘Grabe hanggang sa movie ganyan talaga trip mo?’
’What haha tungkol sa law/supernatural ‘to.’
‘Oooh sounds exciting panoorin ko rin minsan.’
‘Gusto mong panoorin ngayon?’
‘Nagstart ka na, e.’
‘Okay lang. Ulitin ko ulit sa umpisa.’
So, nanood kami ng movie doon sa discord server na ginawa niya para sa aming dalawa. Sabi niya doon na lang din daw niya ilalagay iyong mga materials na pwede kong gamitin ngayong semester. Grabe… masyado na ata akong sinwerte?
‘You fell asleep at 23:09 mins. Tuloy na lang natin next time. Good night, D,’ basa ko sa text niya pagka-gising ko kinabukasan. Grabe! Natulugan ko sa FaceTime si Samuel! Kahiya naman! Baka naka-nganga pa ako roon at tuloy laway!
Nagreply muna ako sa kanya ng good morning— wow, ang landi!—tapos ay bumaba na ako para magbreakfast. Thankfully ay naka-move on na ang nanay ko sa topic ng buntis dahil mas abala na siya sa pag-iisip kung ano ang mga pwede niyang ipadala sa akin.
“Ihatid ka na lang namin kaya,” she offered.
“Wag na,” sabi ko. “Hassle pa,” dugtong ko kasi ayaw naman nila pumunta sa Manila ng hindi naka-sasakyan. “Punta na lang kayo next, next week kapag naka-adjust na ulit ako tapos gala tayo? ’Di ba gusto niyo sa Intramuros?” I asked and that seemed to have stopped her from considering na ihatid ako. I mean, ayoko dahil sabay kami ni Samuel pero hassle naman din kasi talaga if ihahatid pa nila ako. Nung dati, oo kasi marami akong dala at kailangan ko talaga ng moral support nun.
As planned, isang backpack lang ang dala ko nung ihatid ako sa pier ng parents ko. Nagbilin agad sila na magtext ako kapag nasa condo na ako. I hugged them both.
“Mag-aral nang mabuti,” Mommy said.
I nodded. “Yes po,” I replied bago kumaway at maglakad paalis.
Hinanap ko muna si Samuel para sabay sana kaming bumili ng ticket. Nung hindi ko siya agad mahanap ay nagtext ako sa kanya. Naka-titig ako sa phone ko nung biglang mapa-talon ako nung may kumalabit sa akin.
“Grabe, nanggugulat!” sabi ko sa kanya.
“Kinalabit lang kita.”
Umirap ako. “Kanina ka pa dito?”
He shook his head. “Mga 20 minutes pa lang,” he said. He was wearing a brown cargo shorts, white shirt (naubusan na siguro ng bulaklakin na polo), tapos ay may black na baseball cap siyang suot. Ano kaya itsura niya kapag naka-baliktad iyon? Magmumukha kaya siyang bad boy?
Sabay kaming bumili ng ticket para magkatabi kami. While waiting ay pinagpatuloy namin iyong panonood nung movie. Magka-share kami sa earphones niya. Pagpasok namin ay iyon pa rin ang pinapanood namin hanggang makarating kami sa Batangas.
Kumain kami nang mabilis sa fastfood tapos ay sumakay ng bus papunta sa Cubao. Medyo gusto ko na rin maka-uwi at mahiga sa kama. Kakapagod talagang bumyahe. Imagine pa iyong byahe ni Samuel mula Abra tapos hindi pa nakuntento at pumunta pa sa amin? Ganda ko lang talaga sa part na ’yon!
I yawned habang naka-upo kami sa bus.
“Tulog ka muna,” he said, tapping his shoulder.
“Di ka mabobore? Walang dadaldal sa ’yo.”
Natawa siya sandali. “Mamaya na lang ulit pagka-gising mo,” he said. I was still feeling sleepy, so pumayag na ako sa alok niya. Sinandal ko iyong ulo ko sa may balikat niya. Hindi ko rin alam kung anong klaseng kapal ba ng mukha ang meron ako dahil hindi pa ako roon nakuntento—pinalibot ko pa iyong mga braso ko sa katawan niya para mas comfortable ako. And I wasn’t sure if dahil ba nahihirapan siya sa pwesto namin or what, but he wrapped his arm around my shoulders and pulled me close.
Grabe na talaga ito.
“Nandito na tayo,” narinig kong sabi niya kaya idinilat ko na iyong mga mata ko. Grabe… naka-yakap pa rin ako sa kanya?! Feel na feel?!
“Hala, sorry, tinulugan lang kita.”
“It’s fine,” he said and then stretched his arms nung kumalas ako sa pagkakayakap. Nangawit ata si Samuel.
“May malapit na mall dito,” sabi niya paglabas namin sa bus. “Or maggrab na tayo pabalik sa condo tapos doon na lang tayo magdinner?”
“Condo na,” sagot ko kasi uwing-uwi na ako.
Nagbook si Samuel ng sasakyan para sa amin. Pagdating namin sa condo, doon kami dumiretso sa harap nung building ko.
“See you in 30?” sabi niya.
I nodded. “Text kita kapag pababa na ako,” sabi ko sa kanya tapos tinanguan niya ako at pumasok na ako sa loob. Pagdating ko sa kwarto ko ay ang una kong ginawa ay naglinis ng katawan—kebs na kung mapasma ako! Lagkit na lagkit ako sa byahe! Kahiya na nag-ala tarsier ako kay Samuel! After that, inilabas ko na iyong mga laman ng bag ko. Ginawa ko na kasi na rule iyon dahil ilang beses na nangyari sa akin na nalilimutan ko na may pagkain pala sa bag ko tapos kapag nakikita ko ay it’s been a week already at panis na siya.
“Saan tayo?” I asked nung magkita na kami. Naka-suot siya ng black cotton shorts, white shirt ulit, at black sliders. Ganoon din halos iyong suot ko. Baka ito na ang couple attire!
“Ministop, okay lang?”
“Duh!” sabi ko kasi favorite ko rin iyong chicken nila na akala mo naka-steroids sa laki. Minsan, mapapa-isip ka na lang din talaga, pero kebs dahil masarap naman.
Pumunta kami ni Samuel sa Ministop tapos ay bumili ng chicken with rice at bottled water. Dahil walang space doon, naglakad kami pabalik sa condo.
“May pwede bang kainan dito?” I asked dahil parang wala akong maalala. Pwede naman sa may pagitan ng building namin, pero wala namang table doon at puro benches lang.
“Wala yata,” he replied.
“Uh, okay,” sabi ko. “Good night na lang?” sabi ko kasi malamang sa kwarto na ako kakain dahil doon ay may table ako.
Tumingin siya sa akin. “I swear I didn’t plan this,” sabi niya.
“Plan what?”
“Saan tayo kakain?” he asked.
I shrugged. “Ako, sa kwarto ko.”
“Babalik ka na?” he asked, sounding a little sad.
Medyo natawa ako. “Parang bata,” sagot ko. “Buong araw na tayo magkasama.”
“Fine…” sabi niya.
I arched my brow. “Bakit? Papapuntahin mo na ako sa kwarto mo?” tanong ko sa kanya. “May apat na araw ka pa sa panliligaw, uy.”
He looked at me. “If I offer… hindi ka papayag?”
I eyed him. “Sinasamantala mo ba ang kahinaan ko?”
Natawa na naman siya. Feel ko talaga minsan ay personal clown ako ng tao na ’to. He shrugged. “Maybe?”
I looked at my watch. Maaga pa nga. “Hmm… kakain lang ng dinner,” I said.
He nodded. “Ano ba sa tingin mo ang gagawin natin?” tanong niya habang naglalakad na kami papunta sa building niya.
“Aba, malay ko sa ’yo. Alam mo namang naka-sunod lang ako. Ikaw na mismo ang nagsabi— just follow my lead, “ sabi ko sa kanya at kitang-kita ko na pati leeg at tenga niya ay namula.
Pagdating namin sa harap ng unit niya ay hindi agad niya binuksan iyong pinto. Naka-tayo lang siya sa harap nun at naka-tingin sa akin.
“We’re about to go inside my room,” sabi niya.
“Alam ko?”
“Wala tayong gagawin na iba.”
“Debatable,” I said that made him look at me seriously kaya naman tinawanan ko siya. I mean, hindi naman ako iyong klase ng tao na ang tingin sa virginity ay ‘regalo’ sa jowa ko. E kung ganyan lang din, nasaan na ang regalo niya sa akin?! Aba, dapat fair lang!
“Deanne,” he said.
“Samuel,” panggagaya ko, but he looked serious. “Fine,” sabi ko. “Promise, dinner lang talaga.”
“Okay,” sagot niya.
Pagbukas niya ng pinto sa unit niya, ang una kong napansin ay kung gaano kalinis iyon? Kaloka! Hindi ko pala siya pwede talagang papuntahin sa akin dahil compared dito, nagmukhang gubat iyong unit ko!
“Bakit ang laki nung unit mo?” I asked kasi iyong sa akin ay parang isang straight lang.
He shrugged. “One-bedroom yata ’to,” sagot niya. Inilagay niya sa dining table iyong paperbag na may pagkain.
“Pwede ba akong maupo?” I asked dahil hindi ko naman kwarto ito. He nodded. Naupo ako roon sa may upuan sa dining table. Nagmasid lang ako sa paligid. May isang corner kung nasaan iyong study table niya. Sa taas nun ay may floating shelves kung saan naka-lagay iyong mga libro niya. May isang drawer din doon na feeling ko ay mga notes niya ang naka-lagay.
Ang organized! Sana all!
Naglabas ng plato si Samuel at inilagay doon sa dining table niya na for two people lang yata dahil maliit lang naman. Naglabas din siya ng utensils.
“What?” he asked nung hindi pa ako nagstart kumain. Medyo nasanay na ata ako na pinupunasan niya ng tissue iyong kutsara ko kaya nag-expect ako.
I shook my head. “Wala,” sabi ko. Mukhang kapag nasa labas lang iyong ganoon na gawain ni Samuel dahil hindi niya naman ginawa ngayon.
Kumain lang kami nung naka-steroids na manok tapos ay naupo kami sa couch niya at nanood ng netflix. Ewan ko kung naiinis or nacclingyhan na siya sa akin, pero baka hindi naman… Naka-yakap lang kasi ako sa kanya buong panonood namin.
“Samahan mo ako bukas tumingin ng libro, ha?” sabi ko nung nasa labas na kami ng building ko dahil 11PM na kaya hinatid niya ako.
He nodded. “Text me kapag aalis na tayo.”
I nodded, too. “Okay.”
“Good night,” he said.
“Good night,” I replied, wanting to tiptoe and kiss him, but for some reason, nahiya ako kaya hindi ko magawa… but it seemed like he knew what was going on inside this crazy head of mine because he leaned in, planted a quick kiss on my lips, and whispered another good night against my lips.
**
This story is already at Chapter 25 on Patreon (patreon.com/beeyotch). Subscription starts at 100php per month for all stories.
If you’re having any problems with your payment or if you want to pay via GCASH, you can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance.
Chapter 19
Chapter 19
‘Finally,’ sabi ko sa sarili ko nung tumuntong ng 9:30 iyong oras. First week of class ngayon para sa second semester. As expected, walang pumapasok na professor… pero nandito pa rin ako dahil saan naman ako pupunta, if ever? Kanina ko pa rin gustong umalis, pero wala sa mga kaklase ko ang gumagalaw. Sana talaga malipat na ako ng section kung nandito pa rin ako next year. Nakaka-stress ’tong section S!
“Nagmamadali ka?” Iñigo asked.
“May gagawin ako, e,” sagot ko. “San ka after nito?” tanong ko. Ngayon ko lang napansin na hindi ko na pala masyadong nakaka-usap si Iñigo dahil lagi akong excited umuwi after ng class. Feel ko naman ay dahil bago pa iyong kalandian ko kaya excited ako palagi. Saka hindi ko pa rin kasi naku-kwento sa kanya iyong kay Samuel! Ewan ko ba! Kasi ganito rin kila Mama, e. Mas feel ko na sarilinin na lang kaysa magcause pa ng gulo or something. Matanda naman na ako saka nag-aaral naman ako sa abot ng aking makakaya.
He shrugged. “Uwi,” sabi niya.
I nodded. “Okay.”
“Sabay na tayo pauwi?” he asked.
Tumingin ako sa kanya. Sabay kasi kami ni Samuel. Actually, kanina pa ata siya naghihintay sa akin kasi nagtext siya around 9PM na tapos na iyong class nila dahil umattend ata prof nila and nag-introduction lang sila.
“Actually…” sabi ko sa kanya. “May kasama ako, e,” dugtong ko. “Si Samuel.”
Hindi kumunot ang noo niya. Wala ring sign of shock. Grabe! Hindi ba surprising ang revelation ko?!
“Kayo na?” he asked.
“Bukas,” sagot ko kasi last day of ligawan namin ngayon. “I know hindi ka ‘pabor’ sa kalandian ko sa frat niyo, pero okay naman si Samuel, ’di ba?” tanong ko sa kanya kasi syempre friend ko pa rin naman siya. Masaya nga ako na nagccare siya sa akin, e. But at the same time, I needed him to respect my decision kasi buhay ko pa rin naman ’to. I always get to decide kung ano ang magpapasaya o mananakit sa akin. The people around me can give their opinion, but at the end of the day, I needed them to know that I can decide on my own.
He nodded. “Basta ’wag ka na lang sumama kapag may frat events,” he said.
“Naka-attend na kaya ako ng party niyo,” sagot ko sa kanya. “Wala ka ’dun. Isa ka talagang pasaway na member.”
Natawa siya. “Aling party?” he asked. “Ay, ’yung last sem? ’Yung sa rooftop?”
I nodded. “Yup. Paano mo nalaman?”
He shrugged. “Narinig ko pinag-uusapan nila Lui.”
Nanlaki ang mga mata ko. “Ano’ng sabi nila? Share naman d’yan!” pangungulit ko sa kanya dahil interesado ako na malaman kung ano ang pinagchichismisan nila tungkol sa akin, pero sobrang damot ni Iñigo at wala siyang sinabi sa akin. “Grabe, parang hindi friend!”
Tumawa siya ulit. “Wala naman kasi—nabanggit lang ni Lui na nandon ka nga.”
“Sus, maniwala sa ’yo.”
“Fine,” he said. “Hinahanap kasi si Samu kay Lui, so sinabi ni Lui na nasa baba daw si Samu at may hinihintay,” he continued. My eyes widened a little. Ako ’yun! Ako iyong hinihintay ni Samuel!
But I needed to pretend like I was cool. “Oh…” iyon lang ang sinabi ko, pero parang kilala talaga ako ni Iñigo dahil tinaasan niya lang ako ng kilay. Umirap ako. “Fine. Ako iyong hinihintay niya. Happy?”
“Boyfriend mo,” sabi ni Iñigo kaya napa-tingin ako sa direksyon na tinuro niya. Nandun nga si Samuel sa isang gilid, naka-upo at may binabasa na codal.
“Bukas pa nga,” sabi ko. “Nililigawan niya pa ako tonight.”
“Pero sasagutin mo?”
I nodded. “Bakit naman hindi?” I asked because Samuel’s been nothing but nice to me—although oo, minsan ay may topak siya. I mean, ako rin naman ay may topak, so fair lang. Saka sana totoo iyong sinasabi niya na ganoon pa rin ang trato niya sa akin kapag kami na. Alam ko na clingy ako, pero ayoko lang naman na tine-take for granted. Kasi kapag na-feel ko na parang ayaw mo na sa akin at parang napipilitan ka na lang, ako na iyong kusa na lalayo. Hirap kaya sa feeling na parang pinagsisiksikan mo lang sarili mo.
Tumango rin si Iñigo. “Sige na. Magdate na kayo.”
I smiled at him. “Thanks. Ikaw din maghanap ng makaka-date mo,” sabi ko sa kanya.
“Sus.”
“Wag si Kitty,” sabi ko at sinamaan niya ako ng tingin. Natawa ako. “Try mo ’yung kaibigan ni Jax—feel ko bagay kayo,” dugtong ko kasi medyo feel ko na bagay sila. Si Iñigo na caring at iyong si Cha na mukhang walang pake. Opposites do attract kaya!
Nagpaalam ako ng isang beses pa kay Iñigo bago ako mabilis na naglakad papunta kay Samuel. Mukhang sobrang focused siya sa binabasa niya kaya hindi niya napansin na nasa harapan niya na ako.
“Samuel,” pagtawag ko nung mga 10 seconds na akong naka-tayo, pero nandoon pa rin sa codal iyong atensyon niya. Napa-tingin siya sa agad sa akin. “Masyadong focused?” I asked, my eyebrow arched.
Tumayo siya. Kinilig ako sa fact na mas matangkad siya talaga sa akin. “Hinintay niyong matapos?” he asked, instead.
I nodded. “Yup. Ayaw patinag ng mga tao, e. E ’di nagstay na rin ako kasi nga what if bigla talagang dumating ang prof namin?” sabi ko sa kanya habang sabay kaming naglalakad palabas ng school. “Saan tayo kakain?” I asked dahil iyan talaga ang madalas na unang tanong kapag magkasama kaming dalawa. Feel ko dadating kami sa point na magkasamang tumaba.
“Ano ba’ng gusto mo?” he asked.
“Ikaw,” I replied.
“Kahit ano ako,” sabi niya na hindi na-gets iyong sinabi ko. Umirap ako. Kumunot iyong noo niya at parang saka lang niya na-process iyong sinabi ko. “Ah…” he said, grinning. “Ako iyong gusto mo?” he asked, looking smug.
Umirap akong muli. “Wala—tapos na iyong moment.”
Humalakhak siya. “Sorry—hindi pa gumagana iyong utak ko kanina,” sabi niya. “Banat ka na ulit.”
“Wala na. Next time na ulit,” sabi ko pero napaawang iyong labi ko nung maramdaman ko iyong braso niya sa mga balikat ko. Napa-tingin ako sa kanya at sakto naman na naka-tingin din siya sa akin.
“What?” he asked.
I shook my head. “Wala…” sabi ko at saka tahimik na inenjoy iyong paglalakad namin habang naka-akbay siya sa akin. Naka-sukbit sa balikat ko iyong shoulder bag ko habang nasa likuran niya naman iyong itim niyang backpack.
Habang naglalakad kami ay nakapagdecide kami na tapsilog ang kakainin namin. Nilagpasan namin iyong kinainan namin noon para magtry ng iba. Pagdating namin doon ay umorder agad kami.
“Mas gusto ko ’yung dati,” I said after the first spoonful.
Samuel nodded. “Agreed,” he replied. “Sa susunod ba doon na ulit tayo?”
Umiling ako. “Try natin lahat tapos kung saan pinaka-gusto natin, doon na lang tayo lagi kapag gusto natin ng tapsi.”
After naming kumain ay naglakad kami pabalik ng condo. Mabuti na lang at malamig ngayon kasi mas masarap maglakad.
“Last day na pala ng panliligaw ko,” bigla niyang sabi habang naglalakad kami. Kanina ko pa gustong abutin iyong kamay niya para holding hands kami, but for some reason, bigla akong nahiya. Nakaka-panibago talaga.
“Bukas ay boyfriend na kita,” sabi ko sa kanya.
“At girlfriend na kita,” he quickly replied that made me blush kasi alam mo ’yon? After ng lahat ng pagpapantasya ko sa kanya, kami na bukas?! Saka ang tagal kong hinintay ’to! Hindi ko pa siya kilala pero hinihintay ko na ’to.
“So, malalaman mo na ang condo unit ko.”
“Sasabihin mo ba?”
I shrugged. “Pwede naman kung tatanungin mo.”
Napa-ngiti siya na parang amused na amused siya sa akin. “Gusto mo ba akong papasukin sa unit mo?”
I shrugged. “Welcome kang pumasok kahit saan,” I casually said tapos ay napa-tingin siya sa akin at nanlaki ang mga mata niya. Malakas akong tumawa kasi alam ko kung nasaan iyong isip niya. “Grabe, ang dumi ng utak!”
“Wow,” he said. “Ako pa ang madumi ang utak? Ano ba ang ibig sabihin mo sa sinabi mo?” he asked, challenging me.
“Welcome kang pumasok sa condo unit ko, duh?”
“No,” he said, shaking his head. “You specifically said ‘Welcome kang pumasok kahit saan,’ “he said, reciting what I said verbatim na akala mo ay nasa recit kami. “Ano iyong ibig sabihin ng kahit saan?”
“I mean sa pinto papasok sa condo. Sa pinto papasok sa CR sa condo ko,” sabi ko sa kanya.
“No, that’s not what you meant,” he replied.
“Sige nga, ano ba ang ibig sabihin ko?” I challenged him.
Umiling siya. “Not gonna say,” he said.
“Oh, e ’di wala.”
“Deanne,” he said, groaning, tapos ay tinawanan ko lang siya.
Pagbalik namin sa condo, hindi ako maka-alis dahil naka-tingin siya sa akin. Tumitig ako pabalik sa kanya. “Ano? May sasabihin ka ba?” I asked.
Tumingin siya sa relo niya. “Matagal pa pala,” sabi niya.
“Ang alin?”
“Magbukas,” he replied.
“Why?”
“Para girlfriend na kita.”
I pursed my lips together. Lecheng ’to! ’Di ba pwede magdahan-dahan siya kahit kaunti kasi medyo nasa-shock pa rin ako minsan sa mga lumalabas sa bibig niya, e.
“Hindi ka pa ba inaantok?”
“Uminom ako ng kape bago magclass,” he said.
“Daya! Saan ka bumili?” I asked kasi magkasama kaming nag-aral kanina bago bumalik sa school para pumasok.
“Sa cafeteria lang. Nagpasama si Zach,” he said. “Inaantok ka na ba?”
I arched my brow. “Why? Aayain mo ako sa condo mo?” He nodded like an obedient boy. Natawa ako. “Anong oras na, e…” sabi ko. “Tapos ihahatid mo pa ako mamaya kapag uuwi na ako.”
“What if… doon ka matulog?” he asked. My eyes widened a little because of what he just said. “I promise we’ll just sleep,” he said. “Kahit pilitin mo ako, wala akong gagawin.”
Napaawang naman ang labi ko ngayon sa sinabi niya. “Wow, ang kapal!”
“I just know,” he said. “Ikaw na ang nagsabi na marupok ka.”
“Oo, sinabi ko ’yon, pero sino ba sa atin ngayon ang nag-aaya magsleepover, ha?” I asked him, my brow dangerously arched.
He shrugged. “So?”
“So?”
“Do you want to…?” he asked.
I looked at him. Gusto ko naman. I mean, gusto ko talaga. Nung nanood kami ng Netflix at naka-yakap ako sa kanya, sobrang tempted na ako matulog nun kasi parang ang comfortable ng posisyon, pero pinigilan ko kasi kaka-pasok ko pa lang sa condo niya tapos ay matutulog na agad ako?
“Gusto ko naman pero,” I said and then paused. He stared at me, waiting sa kasunod ng sasabihin ko. “Matutulog lang talaga, ha?”
He nodded. “Won’t do anything you won’t like, I promise.”
“D’yan tayo nadadale, e.”
Natawa siya. “I promise kahit pilitin mo, walang mangyayari.”
Umirap ako. “Totoo ba ’yan?”
He nodded. “Yes. I know consent,” sinabi niya. “Bare minimum.”
Tumingin ako sa kanya. “Fine…” I said. “Pero hindi naman sa naghihintay ako ng kasal, okay?” sabi ko. “Sorry—masyado ata akong honest. Not a topic for tonight.”
Umiling siya. “Not at all. Please tell me. I’d rather you tell me things than get mad at me later on kasi hindi mo pala gusto iyong ginagawa ko.”
“Okay,” I said. “I mean… I mean pwede naman kaya lang alam mo ’yon? Hindi muna sa ngayon,” dugtong ko. Hindi ko lang alam kung naintindihan niya ba iyong sinabi ko kasi medyo magulo ata ako.
“I understand,” he said amidst my chaotic explanation. “We should have a safe word.”
Kumunot ang noo ko. “Safe word?”
Tumango siya. “So when you say that word, whatever is happening, I promise I would stop myself.”
“Weh?”
He nodded. “Kaya ko namang huminto,” sabi niya.
“Parang hindi ganyan ang naalala ko,” sabi ko sa kanya tapos natawa ako nung irapan ako ng ex-sacristan na ’to.
“So?” sabi niya. “Kung ayaw mo ngayon, okay lang naman. We can do it next week, next month, next year—”
“Wow, futuristic.”
He shrugged. “Who knows, right?” sabi niya sa akin. “Point is, ikaw ang masusunod. Won’t ever force you to do something you don’t like.”
“Fine…” I said, bilang marupok akong nilalang. “Kuha lang ako ng gamit,” dugtong ko at mabilis na pumasok sa condo bago pa ako tuluyang bumigay at siya naman ang dalhin ko sa unit ko. Pagdating ko roon ay ibinaba ko lang iyong school bag ko. Kumuha ako ng malaking tote bag at saka naglagay doon ng pantulog, jacket para sa kapag babalik na ako sa condo bukas, toiletries, charger ng cellphone ko, at saka wallet. Pagbaba ko ay nandoon pa rin siya pero may binabasa sa phone.
“Okay na?” he asked nung mapa-tingin siya sa akin.
I nodded. “Iyong Hello Kitty na pajama iyong dala ko para hindi ka ma-turn on,” sabi ko tapos ang lakas ng tawa niya dahil doon. Ako talaga personal clown ng taong ’to, e!
Pagdating namin sa condo niya, as usual ay nasilaw na naman ako sa kalinisan. Ibinaba niya iyong backpack niya sa may upuan sa dining.
“Ikaw na mauna sa CR,” he said.
“Okay,” I replied tapos ay inilabas ko iyong pantulog ko na Hello Kitty at saka iyong toiletries ko. “Shet,” sabi ko tapos napa-tingin siya sa akin. “Nalimutan kong magdala ng towel.”
“You can use my towel,” sabi niya. “May mga malinis doon sa taas. Kapag hindi mo nakita, sabihin mo sa akin.”
I nodded tapos ay dumiretso ako sa CR niya. Ang ganda ng CR niya kumpara sa CR sa unit ko! Mas magaganda ba ang kwarto sa building niya? Ang unfair, ha! Kasi iyong CR niya ay may glass enclosure at saka may rain shower. Naka-lagay din sa maayos na paraan iyong mga products niya. Ang linis talaga nitong si Samuel, e. Baka ma-shock talaga siya sa unit ko.
Kumuha ako ng towel mula sa rack. Inamoy ko iyon (ang creepy ko ata sa part na ’to) pero kinilig lang ako kasi naamoy ko iyong aftershave niya. Ang bango! Dito pa lang sa part na ’to ay ang swerte ko na!
Naligo ako tapos ay sinuot ko na iyong pantulog ko. Nagdebate pa ako kung lalabas ba ako na naka-palibot sa ulo ko iyong towel kasi medyo hindi maganda tignan, pero kebs na dahil ang goal lang naman ngayon ay matulog. Ma-turn off na siya kung mate-turn off siya.
“Tapos na ko,” sabi ko paglabas dahil naabutan ko siya na pinapalitan iyong bedsheet. Napa-tingin siya sa akin. He bit his lower lip na parang pinipigilan ang pagtawa. “Uuwi na lang ako kung tatawanan mo iyong pajama ko.”
Umiling siya habang nagpipigil pa rin ng tawa. “Hindi ako tumatawa,” sabi niya.
Umirap ako. “May blower—” sabi ko at natigilan kasi bakit naman siya magkaka-blower? “Wala kang electric fan dito?” tanong ko na lang kasi magpapa-tuyo ako ng buhok.
“Wala, e,” sagot niya kasi naka-bukas lang ata aircon nito lagi.
“Okay…” I said, pouting a little dahil ayoko pa naman matulog na basa ang buhok.
“Kailangan mo ba?” he asked. “Gusto mong kunin ko sa condo mo? Or samahan kita bumalik tapos kunin mo?”
“No, okay lang,” sabi ko. “Ligo ka na.”
“Tapusin ko lang ’to,” sabi niya tapos ay nilagyan ng bagong pillow case iyong mga unan. In fairness naman sa kanya… pwede na pakasalan. “Tapos na,” he announced like he was proud. “Pwede ka na rito. Ligo lang ako,” he said tapos ay pumunta na siya sa CR.
Ako ay naka-tingin sa kama. Plain dark gray iyong sheets niya at mayroong apat na unan doon. Mayroon din siyang comforter dahil nga palaging malamig sa kwarto niya. Okay. D’yan ako matutulog. Matutulog ako d’yan katabi si Samuel. Paggising ko bukas, mukha niya ang unang makikita ko.
Oh, my god.
This was really freaking happening!
Bakit ngayon lang ako biglang nagpanic?!
Hindi ko alam kung gaano ako katagal nagpanic dahil paglabas ni Samuel ay nandoon pa rin ako at naka-tulala sa kama niya. Napa-tingin lang ako sa kanya nang tawagin niya ang pangalan ko at nakita ko na naka-suot siya ng black boxers, white shirt, at nagpapa-tuyo ng buhok gamit ang maliit na towel. Amuy na amoy ko rin iyong aftershave niya.
“Are you okay?” he asked while still drying his hair.
“I think… I think I am having a panic attack,” I said.
“What? Why?” he asked nung agad na lumapit siya sa akin. “Dahil ba dito ka matutulog? Gusto mo bang ihatid na kita sa condo mo?” tanong niya. Hindi ako nakapagsalita. “Deanne? What do you want?” he asked again. “Tell me what you want and we’ll do it, okay? Please don’t panic—I won’t do anything to you, I promise.”
Tumingin ako sa kanya.
’Si Samuel lang ‘yan,’ I told myself. ‘You can calm down, Deanne. Hindi ka niya sasaktan, okay?’
Huminga nang malalim.
“Deanne—”
“Let’s just sleep, okay?” I said.
“Sigurado ka?”
I nodded. “Yes,” sabi ko.
So, that night, Samuel calmed me down by having us watch Modern Family. Nung inantok na ako ay lumipat na kami sa kama. It was awkward at first… but it was as if my arms instinctively looked for his body. I slept with my arms wrapped around him, but I woke up sleeping on my side habang naka-yakap siya sa likuran ko. That… was a freaking good sleep.
**
This story is already at Chapter 26 on Patreon (patreon.com/beeyotch). Subscription starts at 100php per month for all stories.
If you’re having any problems with your payment or if you want to pay via GCASH, you can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance.
Chapter 20
Chapter 20
Today was February 14th. About three times a week, doon ako natutulog sa condo ni Samuel, pero mas madalas akong matulog sa condo ko. Nandito pa rin naman kasi lahat ng gamit ko saka naisip ko na sayang naman iyong binabayad ng magulang ko rito, noh! Hindi naman biro iyong renta buwan-buwan! Saka minsan may mga ganap si Samuel sa frat niya and hindi ko feel na ako lang mag-isa sa condo niya. Minsan kasi ay madaling araw na siya umuuwi kapag ganoon.
“Ano’ng plano niyo ni Jax?” tanong ko kay Kitty habang naghihintay kami sa prof namin na mukhang hindi dadating. Mukhang may date ang prof namin, e. Chika sa school e engaged na daw at ikakasal.
“Hmm…” she said and then just smiled at me.
Umirap ako. “Fine, hindi ko rin sasabihin plano namin ni Samuel.” Iñigo groaned. “Para sa isang tao na maraming nilalandi, napaka-bitter mo,” sabi ko sa kanya.
Kitty nodded in agreement. “I know, right? For all we know, marami kang ka-date ngayon.”
“Wala akong pangdate,” he replied.
“Doesn’t have to be expensive,” Kitty said, shrugging. “Girls don’t need expensive things, you know? For me, attention lang okay na.”
I nodded. “True that, sister,” sabi ko tapos nag-apir kaming dalawa.
“Paano obsessed kayong dalawa sa mga boyfriend niyo,” sabi ni Iñigo.
“Inggit ka lang,” Kitty said, sticking her tongue out.
“Pitikin ko pa ’yang Jax mo, e,” sabi ni Iñigo kaya sinamaan siya ng tingin ni Kitty. Pinigilan kong matawa kasi laging sinasabihan ni Iñigo si Jax na isang ihip lang daw ng hangin at matutumba na. I mean, hindi mascular built si Jax, pero hindi naman siya mukhang patpat! Lakas lang mang-asar nitong si Iñigo palibhasa may crush kay Kitty dati, e.
As expected ay hindi nga dumating iyong prof namin—mukhang naawa naman siya dahil hindi niya kami hinayaan na maghintay hanggang 9:30PM at nagtext siya bago magsimula iyong class namin ng 6:30PM. Nag-ayos na kami ng gamit. Paglabas pa lang namin ay napa-hinto kaming tatlo nung makita namin si Jax na mayroong hawak na bouquet. Napa-tingin ako kay Kitty na mukhang anime iyong reaksyon dahil nanlaki iyong mga mata niya at nakaawang iyong labi—gulat pa siya niyan, ha? Kahit ilang beses ko siyang narinig na pinaringgan si Jax na gusto niya ng flowers!
“Di na ako magtataka kung bigla na lang magpakasal ’yang dalawa na ’yan kahit ’di pa tayo tapos sa law school,” sabi ko kay Iñigo nung bigla na lang kaming iniwan ni Kitty. Sanay na kami. Nagkakaroon ng sariling mundo ’yan kapag nandyan si Jax, e.
Iñigo shrugged. “Wala pa nga silang one year.”
“Napaka-bitter mo,” sabi ko sa kanya.
“What? Wala naman akong sinasabi.”
“Maghanap ka na nga ng jowa.”
He scoffed. “Jowa.”
“Akala mo ’di kita nakikita na nilalapitan mo si Cha, ah?”
Napa-tingin siya agad sa akin. Aha! Tama nga ako! Akala ko noon ay wala lang pero nung mga thrice ko na sila nakita dito sa school, doon na ako nagsimulang magduda na may something nga. Based kasi sa observation ko ay bukod sa amin ni Kitty, wala namang friends ’yang si Iñigo sa school. Hindi ko naman maconsider na friends niya iyong sa frat. So the fact na nilalapitan niya si Cha? Something’s fishy talaga!
“Yiee—may love life ka na, Borromeo?”
“Wala nga. Kulet.”
Tumawa ako. “Bakit? ’Di mo kaya si Cha, noh?”
“Bakit? Sino ka ba?” sabi ko sa kanya at sinamaan niya ako ng tingin at tinawanan ko lang siya. “So, ano nga ang meron sa inyo? Share naman d’yan! Malay mo may tips pala ako!” pangungulit ko sa kanya pero naka-baba na kami ng building at lahat ay wala man lang akong nakuhang chismis mula sa kanya. Either walang ganap o napaka-secretive lang talaga ng nilalang na ’to! Damot!
Dahil maaga kaming nagdimiss ay bumalik na ako sa condo. Nagtext ako kay Samuel na nasa condo na ako. Balak kasi namin ay magkikita kami after class, kaya lang ay changed of plans dahil nagka-free cut ako instead.
I tried to wait for his reply pero bigla akong naka-tulog dahil inaantok na ako. Nagising lang ako nung maramdaman ko iyong pagvvibrate ng cellphone ko. Inabot ko iyon at sinagot.
“Hello…” sabi ko habang naka-pikit pa rin ang mga mata ko.
“Naka-tulog ka, noh?” rinig kong sabi ni Samuel.
“Yes… Sorry,” sabi ko. “Tapos na class mo?”
“Yeah…” sabi niya.
“Okay ka lang ba?” I asked kasi medyo problemado iyong boses niya.
“Pangit lang ’yung recit, but I’m fine.”
“Gusto mo pa ba na magdinner?” I asked habang naka-upo na ako sa kama ngayon.
“Yeah. It’s Valentine’s.”
“Pwede namang bukas na lang or sa weekend,” I told him.
“No, it’s your first Valentine’s with a boyfriend,” sabi niya. Kinilig ako kasi naisip niya pa iyon, pero ayoko naman na pilitin siya na lumabas kahit obvious naman na wala siya sa mood. Gets ko naman iyong ganyan kasi minsan ganyan din ako kapag bokya sa recit.
“Weekend na lang,” I said. “Nakaka-tamad din lumabas ngayon. Ang dami kayang tao,” I continued kasi kanina pa lang na naglalakad kami ni Iñigo ang dami na naming naka-salubong, e. Lahat pa ng street vendors may tinda na mga bears at flowers! Valentine’s na Valentine’s, e.
“Sigurado ka?” he asked.
“Affirmative,” sabi ko sa kanya. “Baba na ako. Netflix na lang tayo.”
Nagsuot lang ako ng jacket dahil February na at malamig. Itinali ko rin iyong buhok ko tapos ay bumaba na ako. Sakto na pagdating ko sa harap ng building niya ay nakita ko si Samuel. Lumapit agad ako sa kanya tapos ay niyakap siya.
“Bawi na lang next time,” sabi ko.
He hugged me back. “Sa ’kin ka matutulog ngayon, ’di ba?” he asked.
I nodded. “May food ba sa room mo or bili muna tayo?”
“Wala,” he replied. “Pa-deliver na lang tayo?”
“Okay,” sabi ko tapos ay sabay kaming naglakad papasok habang magkahawak iyong mga kamay namin. Pagdating namin sa condo niya ay ibinaba niya iyong bag niya sa may dining chair. Nagsabi siya na maliligo raw muna siya habang ako ay namili na kung saan kami kakain. I tried to order pero lahat ay nagnotify na more than an hour pa iyong delivery. Mukhang gutom na ang jowa ko kaya naman bumalik muna ako sa condo ko at nanguha ng pagkain doon. Pagbalik ko ay akmang tatawagan na ata niya ako dahil akala niya ay nawawala ako.
“Microwavable lasagna and pizza?” sabi ko sabay pakita nung laman ng tote bag.
“Nagpa-deliver ka?”
I shook my head. “Puro late pa madedeliver, e. Galing sa condo ko ’to.”
“Okay,” he said. “Palitan ko na lang,” sabi niya kahit hindi ko naman na hihingin sa kanya ’to. Kapag nandito naman ako sa condo niya ay kahit ano pwede kong kainin kapag nagutom ako. Ako kaya nakaka-ubos ng trail mix niya. Wala naman siyang choice!
Si Samuel iyong nag-ayos ng pagkain habang bumalik ako sa pamimili ng papanoorin namin. Natapos na namin iyong lahat ng season ng Modern Family (na favorite na rin ni Samuel at trip niya na rin panoorin kapag badtrip siya sa school or sa frat niya).
“Movie ba tayo or sitcom?” I asked habang naka-tayo siya sa may harap ng microwave. Ang gwapo talaga ng jowa ko, e! Simpleng white shirt at boxers lang, busog ka na!
“Either way,” he said. “Smirnoff?” he asked.
“Yes, please,” sagot ko sa kanya.
“Seriously?” sabi niya nung maupo na siya sa tabi ko. May carpet naman doon sa tabi ng kama niya tapos may maliit na table kaming nilalagay kapag doon kami kumakain. Sabi naman ni Samuel regular na vina-vacuum ’yun, so malinis naman daw.
“What? Sabi mo ako mamili,” sabi ko sa kanya kasi 10 Things I Hate About You iyong pinapanood namin.
“Fine,” sabi niya. “Susunod nating papanoorin The Da Vinci Code. “
“Kung gising ka pa nun,” tukso ko sa kanya kasi kapag ganito na school day, mabilis siya maka-tulog kasi maaga siya gumigising para mag-aral.
We were sitting on the carpeted floor and the movie was already playing. Walang gumagalaw ng pagkain. Tumingin sa aki si Samuel.
“Hindi ka ba gutom?” he asked.
“Nope,” I replied. “Akala ko gutom ka?” tanong ko sa kanya kasi kaya nga nag-effort ako na kunin iyong pagkain sa condo ko kasi ayoko na maghintay ng isang oras pa kasi gutom na siya, e.
“D,” he said.
“What?” I asked habang naka-tingin sa kanya. Napanood ko naman na ’yang movie. Gusto ko lang ipanood kay Samuel lahat ng chick flicks.
“I’ll date you this weekend, but I wanna give you my gift already,” sabi niya tapos ay biglang mayroong kinuha na box mula sa bulsa niya. My eyes widened a little nung buksan niya iyon at mayroon doong kwintas na may emerald stone.
“Hala… Emerald dahil May ang birth month ko?” I asked.
He nodded. “Do you want to try it on?” tanong niya sa akin at mabilis akong tumango. Napa-ngiti siya sa reaksyon ko. Kinuha niya iyong kwintas tapos ay lumapit sa akin. Amoy na amoy ko iyong pabango niya nung kinabit niya iyong kwintas. His face was less than an inch from mine.
“Saan ka pupunta?” he asked.
“Sa CR. Titignan ko sa salamin,” sabi ko.
“Kuhanan na lang kita ng picture,” sabi niya.
“Fine,” I replied. Kinuhanan nga niya ako ng picture. I smiled at his phone. Ibinigay niya sa akin iyong phone niya after. I was wearing my gray hoodie habang medyo magulo iyong pagkaka-tali ng buhok ko. Kita rin sa background iyong maliit na tale kung nasaan iyong pizza, lasagna, at smirnoff namin.
Everything looked like they’re in their right place.
“Thank you,” sabi ko sa kanya habang naka-hawak sa pendant ng kwintas ko. “I really appreciate this.”
He smiled at me. “You’re welcome.”
“Nasa condo ko pa ’yung gift ko sa ’yo,” sabi ko sa kanya kasi binilhan ko siya ng ukulele. Nasabi niya kasi sa akin na gusto niya raw nun.
“Bigay mo na lang sa weekend,” he replied.
Umiling ako. “No. Kunin natin sa condo ko,” sabi ko sa kanya tapos ay hinatak ko siya patayo tapos ay pumunta kami sa condo ko.
“D’yan ka lang,” sabi ko nung nasa harap na kami ng pinto.
Natawa siya. “Gaano ba kadumi iyong condo mo?”
Inirapan ko siya. “Malinis, noh! Ibang level lang talaga ’yung sa ’yo,” sabi ko sa kanya. Mabilis akong pumasok para i-check kung maayos nga ba lahat. So far, maayos naman. Walang mga naka-kalat na plato sa sink. Walang mga nagharang na maduming damit. In fairness, nahahawa na ata ako sa kalinisan ng jowa ko!
“Pwede ka ng pumasok,” sabi ko sa kanya.
I watched his reaction nung pumasok siya sa loob. Unlike his condo na spacious, nasa studio ako kaya naman isang straight lang iyong unit ko.
“Pikit ka muna,” I told him.
“Fine,” sabi niya.
Kinuha ko iyong gift niya na nasa ilalim ng kama ko. Pinagpag ko muna ulit iyon para masigurado na malinis. Lumapit ako sa kanya. “Pwede mo na buksan,” I said.
He pursed his lips nung makita niya iyong gift. “Wow… Hindi ko mahulaan kung ano,” sabi niya kasi literal na binalot ko lang ng gift wrapper! Kasalanan ko ba kung ukulele shape pa rin?!
Umirap ako. “Arte?”
Natawa siya tapos ay kinuha iyong gift mula sa kamay ko. “Hmm… ano kaya ’to?” pang-asar na sabi niya habang binubuksan iyong regalo ko. “Wow, ukulele.”
Umirap ulit ako sa kanya. “Grabe! Pinag-ipunan ko ’yan.”
“What? I’m very grateful,” sabi niya. “Thank you, D. I love this.”
“Talaga?” pabebe na sagot ko.
He nodded. “Naalala mo pa ’yung sinabi ko?”
“Syempre naman,” sabi ko sa kanya. “Try mo nga.”
Dahil wala akong sofa kagaya nung sa condo niya ay naupo kami sa may kama ko. He tried strumming the instrument first—mukhang kinakapa pa niya iyong strings. Ako naman ay kinilig na agad kahit wala pa naman talaga siyang ginagawa.
“What do you want?” he asked nung mukhang okay na siya.
I shrugged. “Kahit ano.”
He began strumming the ukulele. Medyo nanlaki iyong mga mata ko nung na-recognize ko kung ano iyong tinutugtog niya.
“Wise men say only fools rush in, but I can’t help falling in love with you. Shall I stay? Would it be a sin if I can’t help falling in love with you?”
Ramdam ko iyong pagbilis ng tibok ng puso ko habang nakikinig ako sa kanya. Lord… ano ba itong nangyayari ngayon?! Magsasabi na ba siya ng tatlong salita?! Ito na ba ’yon?!
“Take my hand. Take my whole life, too—for I can’t help falling in love with you.”
Rinig na rinig ko lang iyong tibok ng puso ko hanggang sa matapos niyang tugtugin iyong buong kanta.
“Alam mo iyong title?” he asked when he finished strumming.
I nodded. “Can’t help falling in love?”
Tumango rin siya. “Yes,” he replied. “Can’t help falling in love with you.”
Pakiramdam ko ay biglang nagmalfunction iyong buong sistema ko dahil dinagdagan niya iyong title ng kanta. Iyong assumerang side ng pagkatao ko ay gusto na agad iclaim na nagsabi na siya ng three words, pero iyong isang part ay gusto ng confirmation.
So, I sat there, with my eyes wide open.
“Deanne,” he said as he reached for my hand and intertwined our fingers. “Okay ka lang ba?” tanong niya dahil hindi na ata ako humihinga.
Tumango ako. Literal na wala akong masabi!
“Did you understand what I said?” he asked.
Umiling ako. “Nope…”
Napa-ngiti siya. “Really?”
Tumango ako. “Lagging iyong utak ko tonight.”
“Okay,” he said while still holding my hand and caressing my hand with his thumb. “I…” sabi niya habang naka-tingin sa akin. Pakiramdam ko ay nasa recit ako ngayon na sobrang kinakabahan. “Love…” dugtong niya.
Nagbibilang ako sa utak ko.
Ang tagal!
Nasaan na iyong third word?!
“I love?” sabi ko nung hindi na ako makapaghintay. “I love my gift? I love the world? I love life?!” Tumawa siya. “Wag mo akong tawanan!” I said, frowning.
“I love you,” bigla niyang sabi kaya naman natameme na naman ako. “I love you,” he repeated again. “I really, really do love you.”
Oh, my god.
“I love you, D. You make everything better,” he said, looking into my eyes and smiling at me.
“I love—”
“You don’t have to say it back,” he said. “Just say it when you’re ready.”
“I love you,” mabilis kong sabi. His lips parted. I just caught him off guard. Hindi niya ba ramdam na mahal ko rin siya? Was I not that obvious? Akala ko ay halatang-halata na ako dahil mukha na akong koala at tarsier na naka-kapit sa kanya.
“Really?” hindi maka-paniwala niyang tanong.
Umirap ako. “Bakit naman ako magsisinungaling?”
“I don’t know… pressured?”
Umiling ako. “No,” mabilis kong sabi. “I love you, Samuel Hayes Fortalejo. I love you. I promise.”
He bit his lower lip but it was painfully obvious that he was trying to fight a huge smile from appearing on his face. Ganito talaga itsura niya kapag kinikilig.
“Ano? Kilig ka?” I asked.
He nodded. “Yeah. Thank you.”
Natawa ako. “You’re welcome, I guess?” sagot ko sa kanya tapos nagulat ako nung bigla niya akong halikan sa labi.
“I love you,” he said again after that kiss.
“I love you,” I replied as I wrapped my arms around his neck and pulled him closer until I felt his lips on mine again. Samuel kissed me slower this time—na para bang gusto niyang maalala lahat ng nangyayari. We were kissing for what felt like hours pero nung mapa-tingin ako sa orasan ay twenty minutes pa lang pala.
“Do you want to go back—” he asked, panting because of how long we were kissing.
I shook my head. “No. Dito lang tayo,” sabi ko tapos ay muli siyang hinatak at hinalikan.
We kissed again. I love it when he kisses me because he was so good that I sometimes forget where we were. His right hand was on the side of my waist, his thumb caressing my skin habang iyong kaliwang kamay niya naman ay nasa may bandang gitna na ng likuran ko.
Hindi ko na kaya. Ilang buwan na naming ginagawa ’to at tuwing tumitigil kami ay pareho kaming frustrated sa isa’t-isa.
So, I pushed him on the bed and sat on top of his waist pero ramdam na ramdam ko siya sa may likuran ko.
“Deanne—” he said, but he wasn’t able to finish his sentence when I began to remove my hoodie. “What—”
“Sshh,” I said nung iyong t-shirt ko naman iyong tanggalin ko. I saw him gulping as he stared at my bra-cladded boobs. I bit my lower lip dahil titig na titig siya doon. I leaned in and planted a kiss on his lips. “Do you want to do the honor?” I whispered against his lips and I felt him nodding. Naramdaman ko iyong kamay niya. Ang bilis niya natanggal iyong bra ko! Grabe naman ang isang ’to!
Kung kanina ay nakaka-frustrate iyong kabagalan naming dalawa, ngayon naman ay parang ang bilis ng pangyayari. When Samuel unclasped my bra, he stared at them like it was the first time that he was seeing them kahit hindi naman. Dahil nga marupok akong tao, after namin mag-one month ay nakita niya na ang boobs ko. Fair lang naman dahil nahawakan ko na rin siya.
“Are we really doing this?” he asked while he was hovering above me.
I nodded. “Yup.”
“Really?”
“Finally, huh?”
He chuckled. “Don’t get me wrong—I definitely enjoyed the past months—but yes, finally.”
Natawa ako sa kanya dahil iyon din ang nararamdaman ko. Samuel never forced me to do things I didn’t like. Kung may ginawa man kami, ako iyong nauna doon. He really did let me decide on the pace.
“Do you have a—”
He nodded. “Yes.”
“Masarap pa rin ba kapag may condom?” I asked kasi sabi narinig ko lang na sabi ni Iñigo na iba raw kapag wala. Ewan ko ba kung bakit kami napadpad sa usapan na ’yon! Nagtatanong kasi si Kitty about sa sex. Ayaw nga siya sagutin nung una ni Iñigo, pero napilit. Ako naman na chismosa, nakinig kasi feel ko magagamit ko sa future! Ito na nga iyong future!
“Don’t worry about me—I just want you to enjoy, okay?” sabi niya habang naka-tingin sa akin.
“Gusto ko. Mag-enjoy ka rin.”
“I’ll enjoy, I promise,” sabi niya tapos ay muli na naman akong hinalikan.
Samuel kissed me again—he wasn’t slow before, but he wasn’t as fast, either. It felt like he was just taking his time. He kissed me on the lips pababa sa dibdib ko hanggang mapunta sa boobs ko iyong labi niya. I didn’t know if I was so turned on, but my nipples felt so… sensitive.
“Dito ka muna,” I said nung bumaba sa tiyan ko iyong labi niya.
I felt him laughing again. “Babalik ako mamaya,” he said.
“Okay…” malungkot na sabi ko pero agad na napa-dilat iyong mga mata ko nung maramdaman ko na tatanggalin niya na iyong shorts ko. I immediately clasped my legs together. “I’m shy.”
Natawa siya. “Hinto na ba natin?”
Umirap ako. “Ako na magbububad ng shorts ko. Dito ka na ulit.”
“Please let me do my thing para hindi masakit sa ’yo mamaya,” he said… at naniwala naman ako kasi sa size niya pa lang nung hinawakan ko siya before, medyo mapapadasal ako talaga na ’wag naman masyadong masakit sana!
“Okay,” sabi ko tapos ay kinuha ko iyong unan at saka tinakip sa mukha ko kasi nahihiya na ako ngayon pa lang kapag naiisip ko iyong gagawin niya.
“Wow, prepared,” he said nang matanggal niya na iyong shorts at panty ko.
“Tumigil ka kung ayaw mong masipa kita,” sabi ko sa kanya, pero hindi na siya sumagot pa. Instead, I bit my lower lip when I felt him grabbing my right leg and placing it on his shoulder.
“Oh, my god…” I moaned against the pillow when I felt him licking me. Shet na ’yan! Bakit ganito?! Ang saya naman?!
Hindi ko na alam kung ano pa ang pinaggagawa sa akin ni Samuel—ang alam ko lang ay nag-enjoy ako sa lahat ng ginawa niya. I was panting so hard nang matapos ako. Nang tanggalin ko iyong unan sa mukha ko ay buti na lang pala! I saw that he already got his shirt and shorts removed and he was already wearing his condom.
“Daya! ’Di ko nakita na nagstrip off!” I said while I was still trying to catch my breath.
“Next time,” he said as he rolled the condom around his impressive length. Lord… papasok sa akin ’yan any second now. Bahala na po kayo.
Samuel hovered over me again.
“So… missionary for the first time dahil ex-sacristan at seminarista ka?” I asked.
He rested his head on the crook of my neck. “Wag mo akong patawanin ngayon,” sabi niya.
Umirap ako. “Fine.”
“Thank you,” he said and my lips parted when I felt the tip of his length. Shet. Ito na. Ito na talaga ’yon! “Sabihin mo sa ’kin kapag masakit, okay?”
“Okay…” I replied, really feeling scared but at the same time, really wanting to do this with him. “Wait,” I said before he began to enter. Shet. Iyon pa lang pero medyo masakit na?! Huminto siya at tumingin sa akin. “I love you,” I told him one more time as I held on to him before I said goodbye to the social construct that was female virginity.
**
This story is already at Chapter 27 on Patreon (patreon.com/beeyotch). Subscription starts at 100php per month for all stories.
If you’re having any problems with your payment or if you want to pay via GCASH, you can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance.
Chapter 21
Chapter 21
“So, ayun nga,” sabi ko in between pagtoothbrush ko at pagku-kwento sa kanya dahil dito ako dumiretso sa condo ni Samuel after ng class ko. Mas maaga kasi iyong dismissal niya kaysa sa akin. Ngayon na third year na siya and second year na ako, mas maaga na iyong simula ng mga class niya. Mas mahihirap na rin iyong subjects niya. Kapag naka-kunot na ang noo niya, ibig sabihin ay CivPro na iyong inaaral niya. Required kasi na memorized niya iyong provisions kaya thrice a week na stressed ang isang ’to.
“Huy,” sabi ko dahil parang natapos na ako sa pagkukwento sa kanya sa magandang recit ko sa property. “Okay ka lang?” I asked nung maupo ako sa tabi niya.
Napa-tingin siya sa akin. “Ha?”
“Busy?”
Isinara niya iyong laptop niya. “No,” sabi niya habang pinapalibot sa bewang ko iyong mga braso niya. “Si Dean prof mo sa property, ’di ba?” he asked. So, nakikinig naman pala siya.
I nodded and then animatedly repeated my story. Tuwang-tuwa ako kasi first time ko magkaroon nung ganoon kaganda na recit! Sakto lang kasi na kaka-basa ko lang nung tinanong sa akin ni Dean kaya naman nung nagtanong siya sa akin ay na-recite ko iyong exact definition. Mukhang impressed siya and akala niya ata todo aral ako kaya almost 30 minutes iyong recit ko. Sa awa naman ng Diyos ay may naisagot ako.
“Galing ko, ’di ba?” mayabang na sabi ko sa third year student na boyfriend ko.
He nodded. “Ano’ng prize ang gusto mo?”
“Hmm…” I said, acting like I was thinking. “Wala akong maisip ngayon.”
“Okay. Sabihin mo na lang sa akin kapag may naisip ka na,” he said. “Dinner na tayo?”
“Hindi ka pa kumakain?” I asked kasi 7:30PM pa iyong end ng class niya and almost 10PM na ngayon. Sinabi ko naman sa kanya na okay lang na mauna na siya kumain. Hindi naman kailangan na sabay kami palagi.
“Hihintay kita,” he replied, but I knew that he wasn’t being completely honest.
“Okay,” I said, instead, dahil ayoko na magtanong ulit sa kanya tungkol sa frat na ’yan. Lumabas na lang kaming dalawa at saka naghanap ng kakainan. We ended up eating at our favorite tapsi place. After nun, bumalik na kami sa condo niya.
“What?” he asked when we were both brushing our teeth at napa-tagal ata iyong pagtitig ko sa kanya.
Umiling ako. “Wala… Gwapo mo kako,” sabi ko at saka inirapan niya lang ako, pero for all I knew, kinikilig lang ’yan! Sus, ako pa ba!
After naming magtoothbrush, akala ko ay mag-aaral pa siya kasi usually ay natutulog lang naman ako. Hindi kasi talaga ako nakakapag-aral after class dahil feeling ko ay masyado ng nagamit ang braincells ko for today. Si Samuel naman ay pinaka-masipag mag-aral kapag madaling-araw dahil tahimik daw. Pero ngayon, tinabihan niya agad ako sa kama.
“Di ka na magrereview?” I asked habang naka-yakap siya mula sa likuran ko.
Naramdaman kong umiling siya. “Bukas na,” he replied.
“Kamusta ’yung sa frat niyo?” I chose to ask kahit na alam ko na hindi niya gusto na pinag-uusapan iyon. Kaso pwede ba iyong hindi talaga namin pag-uusapan kahit na alam ko na iyon iyong dahilan kaya medyo weird siya lately?
“Okay naman,” he said.
“Ano’ng pinagkaiba ngayon na vice ka na?” I asked.
“More responsibilities,” he said.
“Halata nga,” mahinang sabi ko kasi may mga araw na dito ako didiretso tapos wala siya. Makaka-tulog na lang ako, wala pa siya. Pero paggising ko, nasa tabi ko na siya.
Hindi siya sumagot pero ramdam ko iyong paghagod ng palad niya sa braso ko. Humigpit din iyong yakap niya sa akin at saka naramdaman ko iyong paghalik niya sa likuran ng ulo ko. I wanted to ask him kung ano ba ang nakukuha niya d’yan sa frat na ’yan, but I also didn’t want to…
Instead, I just settled myself with the thought that whatever may happen, nandito lang naman ako para sa kanya…
Pagdating sa school, nakita ko si Iñigo sa labas ng classroom namin. Tumayo ako sa tabi niya.
“Di pa rin nagsasalita?”
“Hindi pa rin,” sagot ni Iñigo habang sabay kaming naka-tingin kay Kitty na tahimik lang na naka-upo at sinusubukan na magbasa. Nung unang mga linggo ng first sem sa second year, hindi siya pumapasok talaga kaya si Jax iyong nag-aayos nung mga digests niya and ibang mga requirements niya… Dumating nga sa point na nagsuntukan pala si Jax at Iñigo sa hallway. Nagulat ako kasi galing kami ni Samuel nun sa cafeteria tapos pagbalik namin, suspended na sila. Sobrang wild!
“Di pa rin sila okay ni Jax?” I asked.
Umiling si Iñigo. “Hindi pa rin ata. Nagbreak na ba sila?” he asked.
I shrugged. “Hindi ko alam,” sagot ko kasi kahit ako hindi rin kinakausap ni Kitty. Ayoko naman na mangielam kasi alam ko na nahihirapan din siya… Isipin mo nawala iyong dalawang magulang mo ng isang iglap? Hindi ko maimagine kung gaano kahirap ’yon… Kaya naiintindihan ko rin kung bakit siya nagkakaganyan… Sana hindi mapagod si Jax… Kasi syempre kahit mahal mo, tao ka lang din naman na marunong mapagod.
Nung pumasok kami sa classroom ay tahimik akong naupo sa tabi ni Kitty. Tahimik lang siya buong klase at tatayo lang kapag natawag. Nakaka-sagot naman siya kahit papaano, pero alam ko na hindi ganito iyong normal na performance niya sa klase. No one’s judging her—alam namin lahat ang nangyayari sa buhay niya. I just wished that the school administration would cut her some slack dahil mahigpit sila sa retention.
After ng class, I asked Kitty kung gusto niya ba na magdinner kaming tatlo nila Iñigo, pero nagdecline siya. Wala na kaming nagawa ni Iñigo kung hindi ang panoorin siyang maglakad pauwi.
Pagdating ko sa condo, nagpalit na ako ng damit. Naghanap na rin ako ng kakainin. I was busy deciding kung enough na ba ang cup noodles at sandwich nung biglang makita ko na tumatawag sa FaceTime si Samuel.
“Wala kang class?” I asked.
“Wala,” he replied. “San ka?”
“Condo,” I said.
“Wala ka naman dito?”
Umirap ako. “Condo ko, duh?”
“Punta ka dito…” maarte na sabi niya. Kapag kaming dalawa lang, ganito ang tono ng tao na ’to. Kapag sa frat nila, ang seryoso niya—lalo na nung naging VP siya, mas naging seryoso si Samuel.
“Hindi ka ba aalis?” I asked.
“Hindi,” sabi niya.
“Sure ’yan?” I asked.
“Hindi nga,” sagot niya. “Bakit?”
I shrugged. “Weird kasi na nandyan ako tapos wala iyong may-ari nung condo,” sabi ko sa kanya kasi ilang beses na nangyari ’yun na sabi niya papauwi na siya tapos biglang may kailangan siyang gawin na kung anu-ano tungkol sa frat. Ayoko naman talaga mangielam doon, pero syempre magwowonder din ako kung para saan ba ako naghihintay?
“Condo mo rin ’to,” malambing na sabi niya sa paraan na alam niya kung paano ako kumbinsihin.
Umirap ako. “Fine… Pupunta na po ako,” sabi ko tapos ay inilagay ko na lang sa tote bag ko iyong cup noodles at saka iyong isang balot ng gardenia at palaman ko na peanut butter.
Pagdating ko sa condo niya, unang katok pa lang ay binuksan niya na agad iyong pinto.
Naka-angat iyong kilay ko. “Grabe, inaabangan ako?” Natawa siya sabay yakap sa akin. “Grabe, miss na miss?” tanong ko kahit mukhang tanga kami na naglalakad papasok sa condo niya ng magka-yakap.
“Wala kayong civpro for a change?”
“May emergency ata prof ko,” he said.
“So, masaya ka ngayon?”
He nodded. “Very,” sabi niya sabay yakap sa akin nang mahigpit tapos ay hinalikan iyong balikat ko. “Gutom ka na ba o pwede na mamaya na tayo kumain?” he asked in a way na alam na alam ko na kung saan kami papunta.
“Gutom…” I said. “Pero makakapaghintay naman ’yon,” sabi ko tapos ay binitawan ko na iyong hawak ko na tote bag at saka pinalibot iyong mga kamay ko sa leeg niya.
Samuel seemed to be very happy na wala siyang CivPro ngayon because he was more attentive than usual. He made me come five times bago niya ako tigilan. ’Di na talaga ako makakapag-aral niyan?! Not that may balak ako, pero just in case?!
I borrowed his white shirt and boxers kasi parang ang lagkit na nung suot ko. Nung maka-kuha na ulit ako ng lakas ay niluto ko na iyong cup noodles ko. I asked him kung gusto niya ba ng sandwich and he nodded kaya naman ginawan ko rin siya.
“Dito ka lang,” he said nung maupo ako tapos ay tatayo na sana ako kasi nakita ko na frat related iyong inaayos niya sa may excel file.
“Baka bawal ko ’yan makita,” I replied.
“Schedule lang naman ’to,” sabi niya.
“Okay…” sagot ko na lang tapos ay tahimik ako na kumain ng late night dinner ko habang busy siya sa mga nilalagay niya sa file niya. Patingin-tingin lang ako roon tapos ay nakita ko na para pala sa BAROPS ng fraternity nila iyong ginagawa niya na schedule. Ang dami kong nakita na familiar na pangalan… May mga kakilala ko from school… May mga familiar din dahil mga sikat na politicians.
“Pwedeng magtanong?” I asked.
“Yes,” he replied.
“Bakit nandyan pangalan ni Congressman Ramirez?” tanong ko. “Member niyo rin siya?” Samuel nodded. I just nodded, as well. Masama kasi iyong reputation nung congressman na ’yon. Member pala nila… Makes you wonder kung ano ba talaga ang nasa frat nila… No wonder tinataguan sila ni Iñigo… ’Di ko lang gets itong jowa ko kung bakit loyal siya rito…
“What?” he asked.
“Wala.”
“Sure?”
I nodded. “Yup,” sabi ko. “Bakit pala ikaw gumagawa niyan? ’Di ba VP ka na? Dapat boss ka na,” pasimpleng sabi ko sa kanya.
“Hindi ako ’yung gumawa nito. Nagddouble check lang ako. Main project ’to kada taon kaya dapat maayos lahat,” sabi niya sa akin. “Maraming pupunta na alumni sa BAROPS kaya wala dapat mali.”
Tumango na lang ako. Wala kasi akong balak sumali sa mga sorority. Kung mga materials lang din naman, bibigyan naman ako ni Samuel—kahit si Iñigo sure ako na bibigyan ako kapag nanghingi ako, e. Saka hindi ko kasi trip iyong ugali ng mga ‘members’ nila. Nung first year ako, ang alam ko ay member nila sila Abby—isa pa iyong controversial na tao, e! Gusto ko lang ng peaceful life, noh.
The months kept on rolling and I thought na once na matapos na iyong BAR month, magiging less busy na si Samuel. But apparently, I thought wrong. Kasi after ng BAR month, marami pa silang ibang project. At dahil VP si Samuel, kailangan na present siya palagi sa mga meeting nila at kung anu-ano pa.
I wanted to be busy, too, kaya naman sumali ako sa debate society kahit na hindi naman ako magaling sa ganoon. Pero sabi nga nila, kailangan mo iimprove iyong mga bagay na mahina ka. Kasi if hindi, e ’di weakness mo na lang ’yon forever.
“Hi,” sabi ko kay Jax kasi tabi kami sa meeting. Sa tabi na lang kasi niya iyong vacant na upuan. Break na sila ni Kitty. Nagbreak sila almost a month after ng midterms namin. Second semester na ngayon. Mukhang okay na siya. Ewan. Malay ko ba sa kung ano ang nasa isip niya.
Hindi siya sumagot, pero tumango lang siya sa akin. The meeting began. Dahil baguhan pa lang ako sa team ay binigyan ako ng partner na magtuturo sa akin ng mga dos and don’ts ng debate. Nakikinig ako nang sobra kasi champion ang debate team namin sa Conflicts! For sure kapag sineryoso ko ’to ay marami akong matututunan.
“If you have any question, just message me,” pormal na sabi ni Jax sa akin nung matapos iyong ‘meeting’ naming dalawa. Kami kasi iyong partners. Ang stance namin ay against sa topic na Should Philippines Continue Its Withdrawal From The United Nations? Nag-usap kami ni Jax na gagawa muna kami ng both pros and cons para alam namin kung ano ang possible na points ng kabilang team para pwede naming irefute. Akala ko ay magfofocus kami sa cons since against iyong stance namin. Sabi niya mas maganda daw na holistic iyong view sa debate para mas madaling makipag-argue.
In fairness—matalino nga talaga siya.
Natapos na kami sa meeting namin, pero never siya nagtanong about kay Kitty. He was very formal. Naka-focus lang sa tasks at hand. Nung matapos ay diretso lang na umuwi. Ako naman ay umuwi na lang din at dumiretso sa condo ni Samuel, pero nung makita ko na wala siya roon ay umuwi na lang din ako sa condo ko.
Paggising ko, agad na text niya ang nakita ko. He was asking me if I wanted to have breakfast with him. I immediately said yes because I really missed him. I felt like I hadn’t seen him in ages—ganoon siya ka-busy.
“Sumali ako sa debate team,” biglang sabi ko sa kanya. Nasa tapsilog place kami. Ngayon na lang ulit kami napunta rito.
“Wow. Congrats, D.”
“Thank you,” I replied with a smile. “Magkaka-practice debate kami. Kinakabahan ako, but at the same time, excited kasi for sure marami akong matututunan. At saka magandang skill na magaling makipagdebate in case na gusto ko maglitigation.”
Gusto ko pa sana na magkwento pero nakita ko na busy siya sa binabasa niya na text kaya tumigil na ako. Kumain na lang ako nang tahimik.
“Pwede bang manood sa practice debate niyo?” he asked nung matapos siya sa binabasa niya.
I shrugged. “Tanungin ko muna,” sabi ko.
“Okay. Kung pwede, manonood ako.”
I just smiled, but ayoko na umasa na manonood siya knowing kung gaano siya ka-busy talaga. “Okay,” simpleng sagot ko.
Napa-tingin siya sa akin. “Manonood talaga ako,” he said na para bang naramdaman niya iyong pag-iiba ng tono ko. Ngumiti lang ako sa kanya. Ayoko naman mamilit. Ayoko ng namimilit. Kung manonood siya, e ’di manood siya. Kung hindi… e ’di hindi siguro talaga.
**
This story is already at Chapter 28 on Patreon (patreon.com/beeyotch). Subscription starts at 100php per month for all stories.
If you’re having any problems with your payment or if you want to pay via GCASH, you can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance.
Chapter 22
Chapter 22
Pakiramdam ko ay nasa twilight zone ako minsan dahil sa klase, magkatabi kami ni Kitty. Tapos kapag after class naman, si Jax ang kasama ko. Pero kahit na ganoon, hindi ako makapagbanggit ng pangalan nila sa isa’t-isa dahil… walang reaction. As in wala silang reaction kapag naririnig nila ang pangalan ng isa’t-isa and for some reason, mas weird iyon sa pakiramdam.
Nasa isang classroom kami sa third floor ng building ng college of law. It’s already 10PM. Ganito ang karaniwan na simula ng meeting ng debate society. Nung unang beses akong umattend ng meeting, inabot kami ng 11:30PM. Nagtanong ako kung possible ba na umabot ng madaling araw, sabi sa akin ay latest na raw iyong 12MN kasi if sumobra doon, kakatukin na kami ng guard.
“Ready?” Jax asked. Dalawa lang kaming bagong member ng debate society kasi medyo maarte sila sa pagtanggap ng members. If I remembered it correctly, seven ata kami na nagpasa ng application form. After ng audition at kung anu-ano pang pinagawa sa amin, dalawa na lang kami na natira.
I shook my head. “No, but I’ll do my best.”
“Just follow the script,” he said.
“Yup.”
Nung unang sumali ako rito ay wala naman akong idea masyado. I mean, alam ko na debate society, pero hindi pa rin ako nakaka-nood ng kahit anong laban nila. All I knew was their reputation—na champion sila sa Conflicts, iyong labanan ng mga law schools na parang intrams ng high school and college. But nung sumali ako, may mga format kineme pa pala ito. Ang gagamitin namin ngayong gabi ay iyong format ng formal debate. May mga opening statement pa at kung anu-ano. Si Jax na raw ang bahala roon, pero sa susunod, pwede na ako na ang in charge doon.
The practice debate started. Kabang-kaba ako! Siguro kung sumali ako rito ng first year ako, malamang ay hindi ako naka-pasa. I’d like to think na mayroon namang improvement na naganap dahil hindi naman ako sobrang nagstutter. Huminga lang ako nang malalim at medyo dahan-dahan na nagsalita. Sinunod ko rin iyong sinabi ni Jax na magstick ako sa script ko. Kapag kasi nagrerebutt kami, tinutulungan niya naman ako roon.
“So…?” tanong ko sa kanya nung magdismiss na kami ng meeting at sabay kami na naglalakad palabas ng building.
“So?” balik tanong niya sa akin.
“Kung ire-rate mo from 0 to 10 ang performance ko tonight, ano ang verdict?” I asked him. Nung jowa pa siya ni Kitty, nakakasama ko naman si Jax. Based on observation, as long as hindi annoying iyong tanong mo or kung iyong kinakausap mo lang siya para lang kausapin siya, sasagot naman siya nang matino.
“Honest thought?” he asked.
I nodded. “Yup. Big girl na ako.”
“5,” he said. “But that only means that there’s a huge room for improvement.”
Since it felt like he was in the mood of giving, nagtanong na lang din ako ng ibang ‘tips’ dahil apparently, ang meeting na ito ay mangyayari weekly—wala lang two weeks before midterms and finals dahil iyon pa rin ang top priority. Kung talagang gagalingan ko, may chance pa na lumaban ako inter-school!
“Deanne.”
Napa-tingin agad ako sa pinanggalingan nung boses na iyon dahil alam ko na kung sino. Nakita ko si Samuel na naka-tayo ng medyo may kalayuan sa amin. He looked at me like he was apologetic. Oo nga pala, nagsabi nga pala siya na manonood siya nung practice.
“Una na ako,” sabi ko kay Jax. “Ingat pauwi,” I added bago ako naglakad papunta kay Samuel. “Bakit nandito ka pa?” I asked him kasi nung tingin ko kanina sa orasan ay 11:50PM na.
“May practice debate kayo, ’di ba?”
I nodded. “Tapos na.”
“D—”
“Okay lang,” I said. “Wala namang nangyari masyado. Although nanalo ako, pero I won’t claim the credits dahil si Jax naman iyong nagbuhat nung debate kanina,” I continued. “Nagdinner ka na?”
Umiling siya. “May biglang ginawa. Papunta na sana ako.”
I shrugged. “Okay lang. Hindi naman official debate or something,” sabi ko sa kanya para hindi na siya ma-guilty dahil hindi naman talaga niya kasalanan. Saka hindi naman ako disappointed or something. I couldn’t be disappointed when in the first place, alam ko naman na malabo na maka-punta talaga siya.
“I’m sorry,” maamo niyang sabi.
I anchored my arm with his. “Wala namang dapat ipagsorry,” I told him. “Tapsi?” I asked.
He nodded. “I’ll buy you ice cream.”
“Isang liter?”
“Kahit isang gallon pa.”
I grinned. “Sabi mo ’yan, ha!”
Pumunta kami sa may tapsilogan at saka kumain ng very late dinner—pero pwede rin siguro na very early breakfast? After nun, naglambing si Samuel na sa condo niya ulit ako matulog kahit doon naman ako natulog kagabi. Pagod na rin kasi ako, so pumayag na ako. Natulog lang naman ako roon. Mas maaga akong nagising sa kanya kaya pumunta na ako pabalik sa condo ko para magsimulang mag-aral.
When BAR month came, mas lalong hindi ko nakita si Samuel dahil busy siya sa school. Pero dahil mayroon akong subjects na required ako para magserve sa BAROPS, nandoon ako sa hotel tuwing 7-8PM ng Saturdays. Aba, sayang din iyong extra-grades, noh! Sana lang hindi sila budol at talagang i-add nila iyon sa final grades ko kasi magpapa-recompute talaga ako kapag hindi!
Habang nasa pila ako papasok sa elevator dahil mayroon akong kailangan na i-deliver na materials sa kwarto ng isang barista, napa-tingin ako sa harapan ko kasi biglang pumasok din sa elevator si Samuel. May kasama siya na mukhang member din ng frat nila, but hindi ko kilala.
“Bakit nandito ka?” he asked, confused.
“Required sa Nego,” sabi ko sa kanya.
“Kay Aquino?” he asked.
“Yup.”
Bumukas na iyong pinto ng elevator. “Bye,” sabi ko sa kanya. Tumango rin ako sa kasama niya kasi bastos naman if hindi ko papansinin. “May delivery pa ako,” dugtong ko bago ako lumabas sa elevator.
Nagsimula na akong maglakad nung mapa-tigil ako kasi biglang nasa tabi ko na rin si Samuel. He was walking beside me. Nawala iyong kasama niya kanina. Kawawa naman iyong lalaki kasi medyo marami siyang dala.
“Dito ba floor niyo?” I asked kasi based sa huling sagap ko na balita, isang buong floor ang nirerentahan ng frat nila. Yaman nila, in fairness!
Umiling siya. “Di mo sinabi na nandito ka?” tanong niya na parang nagtatampo. “Nandito ka rin last week?”
I nodded again. “Four weeks akong nandito,” sabi ko. “Saka busy ka kaya,” dugtong ko pa kasi bago officially magstart iyong BAR month, kinausap ako ni Samuel at nagsabi na siya nang maaga na magiging busy daw talaga siya ngayon, pero babawi raw siya after ng BAR. Ayoko naman magpaka-clingy dahil naging clear naman siya.
“I know but—”
His phone vibrated.
“Sige na,” sabi ko sa kanya. “Dadalhin ko lang naman ’to. Saka patapos na rin shift ko.”
Tumingin siya sa akin. Kitang-kita ko iyong guilt sa mukha niya. Alam ko naman na ayaw niya rin na ganito kami. Alam ko naman na miss niya na rin iyong last year na kami. Pero ano ang gagawin? Marami na siyang ginagawa sa frat. I made sure na magiging busy din ako kasi ayoko naman na lagi lang akong naghihintay sa kanya. Ayoko naman na sa kanya lang iikot iyong buhay ko.
“Sige ka, baka pagalitan ka,” pananakot ko sa kanya.
“Subukan nila,” he said.
I laughed. “Yabang!”
A small smile appeared on his face. “I miss you,” he softly said.
“I miss you, too,” sagot ko sa kanya. Tapos ay biglang nanlaki ang mga mata ko dahil kinintalan niya ako ng halik. “Samuel!” sabi ko kasi mamaya may maka-kita sa amin! Nandito kaya iyong buong school! Nakaka-loka ’tong tao na ’to!
“Thank you for that,” sabi niya na unapologetic.
“Langya ka!”
Tumawa lang siya. “Mga 10AM ako makaka-uwi. Early dinner sa Sunday?” parang nagmamakaawa na tanong niya sa akin.
Tumango ako. “Okay. Text mo na lang ako,” sabi ko kasi baka biglang may gawin na naman siya tapos hindi matuloy. Nagiging flexi-sched na kaya ako simula nung maging VP siya.
Dinala ko lang iyong materials sa room nung barista. Bumalik ako dun sa parang HQ. Nagsign out lang ako tapos ay dumiretso na ako pauwi. Nagnetflix lang ako hanggang sa maka-tulog ako. Kinabukasan, naglinis lang ako ng condo nung umaga. Nung hapon, nagsimula na akong mag-aral. Nung nakaramdam ako ng gutom, nagcheck ako ng phone para maghanap ng oorderin kasi medyo tinatamad akong lumabas… tapos bigla kong naalala na may early dinner nga pala kami na plano ni Samuel.
‘Condo ka na ba?’ I asked.
‘Wala pa.’
‘Oh… Kain na ako?’
‘Gutom ka na ba?’
‘Yup :( Kain na lang ulit ako pagdating mo.’
‘Anong food gusto mo?’
‘Di ko pa sure magchcheck pa lang ako.’
‘Tapsi?’
‘Tinatamad ako lumabas. Order lang ako.’
‘I’ll order for you. I’ll text you kapag nasa baba na.’
‘Wag na hahaha’
‘Please? I feel guilty.’
‘Sus gets ko naman yang VP chenes mo. Wag mo na ako orderan. Text mo na lang ako kapag naka-balik ka na. Baka gutom na ulit ako nun or if hindi samahan pa rin kita.’
Samuel replied again, but I didn’t reply anymore kasi ayoko naman na makonsensya siya. And hindi naman ako nangongonsensya. Nagtanong lang naman ako kasi baka biglang nandito na pala siya, e ’di sabay na kaming kumain. Or if wala pa siya, e ’di mauuna na ako dahil nagugutom na kaya ako.
Umorder na lang ako sa fastfood siya iyon iyong pinaka-madali na orderin. Dahil gutom na ako ay hindi rin ako nakapagfocus sa pag-aaral. Kaya naman bumaba na agad ako kahit paparating pa lang iyong delivery according sa tracker. Sakto rin na pagbaba ko ay may nagtext sa akin na nandoon na raw siya.
“Sure po ba na sa ’kin ’yan?” I asked nung may lalaki na nag-abot sa akin ng paperbag na hindi naman doon sa inorder ko.
Tumango iyong lalaki tapos ay binanggit iyong full name ko at iyong address nitong condo. I thanked him na lang. Feel ko si Samuel ang nagpadala nito.
‘Kulet,’ text ko sa kanya.
‘Ayokong nagugutom ka,’ he replied that made me roll my eyes dahil parang naiimagine ko na agad iyong itsura niya nung sinabi niya ’yon.
’May inorder na ko na food, e. Kainin na lang natin ‘to pagdating mo. May eta na ba u?’
Nagsabi lang siya na papatapos na siya, but knowing him lately, sure ako na hindi sure iyon. Inilagay ko na lang sa ref iyong pagkain na pina-deliver niya for me tapos ang kinain ko ay iyong order ko na pagkain.
“Grabe,” natatawang sabi ko nung pagbukas ko ng pinto dahil bungad na bungad agad iyong yakap niya sa akin. Sobrang higpit nung yakap niya na parang medyo mahirap huminga, kaloka!
“Kapagod,” bulong niya habang naka-yakap siya sa akin.
Posible pala ’yun, noh? Na kahit sa yakap lang, mararamdaman mo kung anuman iyong nararamdaman nung kayakap mo? Kasi ramdam ko iyong pagod ni Samuel. Sino ba naman kasi ang hindi mapapagod? Sabi niya simula nung nagsecond year si Maven ay naging masyadong mabusisi na sa frat compared daw nung first year sila na halos pangalan lang ang ambag—according kay Lui na mahilig itrashtalk si Maven in private.
“Kawawa naman,” I said as I caressed his back.
“Dito ako matutulog,” he announced.
“Wala kang damit dito,” I replied.
“I’ll sleep naked.”
Natawa ako. “Di tayo kasya sa kama ko,” sabi ko sa kanya dahil nung una at nag-iisang beses na natulog siya rito, sobrang dikit kami. Single bed lang naman kasi kama ko! Pangsingle na tao!
“Matulog ka sa taas ko.”
Natawa ulit ako. “Baliw.”
Ininit ko iyong pagkain habang naka-upo lang si Samuel sa kama ko. Ayaw pa nga niya kanina kasi madumi daw siya. I told him na papalitan ko naman na iyong bed sheet para lang maupo siya roon. Mukha kasing pagod na talaga siya.
“Sa ’yo na ’yan lahat,” I said.
“Ayaw mo?” he asked.
“Busog pa ako,” sabi ko sa kanya kasi binigay ko sa kanya lahat nung tapsi. Busog pa rin naman kasi talaga ako saka mukhang pagod at gutom ’tong taong ’to.
He nodded. It felt like he still had something to say, but he seemed too tired to even argue about it. Ayoko na rin naman mag-usisa, so hindi na rin ako nagtanong pa.
Samuel quickly finished the food.
“Di ka ba kumain sa pinanggalingan mo?” I asked.
“Hindi ako makakain ’dun,” sabi niya.
I just nodded because it felt like it was an uncharted territory. In all fairness sa akin, para sa isang tao na mahilig sa chismis, hindi na ako masyadong natetempt magtanong kay Samuel tungkol sa frat niya. Totoo pala iyong operant conditioning, noh? Na-condition ko na ata iyong pagkatao ko na maging off limits sa topic na iyon.
He yawned again.
“Inaantok ka na?” I asked kasi kakatapos niya lang kumain.
He nodded. “Tulog muna ako,” sabi niya tapos ay parang tanga na gumapang papunta sa kama ko, pero bago pa man siya maka-higa ay tumingin siya sa akin. “Still in my outside clothes—papalitan ko mamaya ’yung bedsheet mo,” he continued almost incoherently at mabilis din siyang naka-tulog.
I stared at his sleeping face. Sobrang pagod na siya. Nakakaawa naman ’to. To think na right before ng BAR month na ’to, kakatapos lang ng midterms namin. Wala pa siyang pahinga.
Hinintay ko na magising siya para sa dinner namin, pero mukhang bukas pa siya gigising kaya kumain na lang ako mag-isa. Hindi rin ako maka-higa sa kama kasi occupied niya na. Hindi pa rin naman ako inaantok, so nagbasa na lang ako ng cases habang nagpapa-antok.
“D,” narinig ko na pagtawag niya sa akin. Napa-tingin ako sa kanya. “Anong oras na?” he asked.
I looked at my phone. “1AM,” I replied.
“Fuck,” he uttered under his breath. Napa-upo siya tapos ay sinuklay iyong medyo magulo niyang buhok gamit ang mga daliri niya. “Naka-limutan kong mag-alarm. Nagdinner ka na?” he asked.
I nodded. “Gigisingin sana kita, pero mukhang pagod ka. Gutom ka na ba?” tanong ko sa kanya kasi nilagay ko naman iyong pagkain sa ref kasi naisip ko na baka gutom siya kapag nagising siya.
Imbes na sumagot, tumingin siya sa akin. Napa-kunot iyong noo ko dahil sa pagiging seryoso niya. I forced a laugh dahil parang biglang ang seryoso nung atmosphere. Hindi ako sanay. Naaawkwardan ako bigla.
“Ano?” natatawa kong tanong sa kanya dahil seryoso pa rin siya hanggang ngayon.
“I know I probably sound repetitive already, but I’m really sorry,” he said. “I feel like I’ve done nothing lately but to disappoint you.”
I shrugged. “Alam ko naman na busy ka.”
“Not an excuse,” he said.
“I know,” sabi ko tapos ibinalik ko iyong atensyon ko sa binabasa ko.
“D…” pagtawag niya na naman sa akin.
“Bakit?” I replied habang nagpapanggap na nagbabasa, pero wala rin naman akong naiintindihan sa binabasa ko ngayon.
“Galit ka ba?”
“Hindi.”
“Are you sure—”
“Hindi ako galit,” ulit ko sa kanya. “Hindi ako galit. Hindi ako nagtatampo. Hindi ako nag-eexpect, to be honest. Alam ko na priority mo ’yang frat.”
“It’s not that priority ko sila—”
“It’s okay,” I told him. “You don’t have to lie to make me feel better. Alam ko naman na marami kang responsibility d’yan kaya nga hindi ako nagdedemand, ’di ba? Alam ko naman kung saan ako lulugar.”
Biglang parang lalong sumikip iyong condo ko. Bakit ba kasi siya nagtatanong pa ng ganito? Hindi naman ako nagrereklamo sa kanya. Tuwing busy siya, hindi naman ako nagta-tantrums para puntahan ako. Alam ko naman na marami siyang ginagawa sa frat niya. Kaya nga imbes na isipin ko ’yon, gumawa rin ako ng pagkakaabalahan ko.
“Hindi naman ako demanding, ’di ba?”
Hindi siya nagsalita.
Tumingin ako sa kanya at ngumiti.
“Alam mo naman na ikaw unang boyfriend ko… Hindi ko rin alam kung ano ginagawa ko pero alam ko na ayokong maging demanding kasi pangit tignan…”
“You can demand,” he said.
“Talaga?” I asked. “Ngayon na feeling ko seryoso iyong pag-uusap natin, kapag tumawag ’yang frat mo, magsstay ka ba rito o aalis agad?” tanong ko sa kanya. I stared at him. A few seconds passed. Wala akong narinig sa kanya. “See? Kaya ayokong magdemand.”
Pilit akong tumayo kasi ayoko na ituloy ’yung pag-uusap na ’to kasi parang wala namang sense.
“After the BAR—”
“After the BAR, for sure mayroon na namang ibang kailangang gawin d’yan sa frat mo,” I said, cutting him off. “I won’t be demanding, I promise, just… don’t make promises you can’t keep, Samuel.”
Tumingin siya sa akin.
Huminga ako nang malalim.
“I love you, you know that… pero marunong din akong mapagod,” dugtong ko bago tumayo at lumabas dahil pakiramdam ko, kailangan ko ng hangin.
**
This story is already at Chapter 29 on Patreon (patreon.com/beeyotch). Subscription starts at 100php per month for all stories.
If you’re having any problems with your payment or if you want to pay via GCASH, you can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance.
Chapter 23
Chapter 23
“What… are you doing here?” gulat na tanong ko sa kanya nung lumabas nga ako at nandito nga siya.
Instead of answering, he just shrugged. “Merry Christmas?” sabi niya sa akin. It was 11:55PM. Nagtext siya sa akin kaninag 11:45PM. Mayroon akong ginagawa kaya hindi ko agad na nabasa iyong text niya. Nung mabasa ko iyon ay hindi agad ako naniwala at inisip ko na niloloko lang ako nito kasi bakit naman siya mapapadpad dito sa Calapan? E as far as I was concerned, nasa Abra siya dahil nandoon iyong pamilya niya? December 24 pa kaya ngayon! Sobrang traffic, for sure!
“Wait…” sabi ko. “Di ko gets—bakit ka nandito?”
“I want to spend Christmas with my girlfriend?” sabi niya sa akin. Nakaawang lang iyong labi ko at hindi pa rin ako nakakapagsalita. Humakbang siya palapit sa akin. Madilim na madilim pa iyong paligid bukod sa ilaw galing sa poste. Kaming lang din ang nasa kalsada sa oras na ’to.
“So… galing ka pa sa Abra?” He nodded. “And dumiretso ka rito?” He nodded again. “Kasi… gusto mo akong makita?”
Imbes na sumagot ay inilagay niya iyong mga kamay niya sa magkabilang bewang ko. Naka-tingin siya sa mga mata ko. Nararamdaman ko iyong unti-unting pagbilis ng tibok ng puso ko.
“Will willingly drive the whole day just to see you,” malambing na sabi niya sa akin. He was caressing the side of my waist with his thumbs. Hindi ko alam pero sobrang nakaka-kalma sa akin kapag ginagawa niya iyon—na para bang sinasabi niya sa akin na nandito lang siya lagi. “D…” pagtawag niya. “I know the last few months have been… bad.”
“Hindi naman nga ako nagrereklamo—”
“I know,” sabi niya. “Still. You’re my girlfriend. I have responsibilities with my frat, but I also have a commitment with you.”
Tumingin lang ako sa kanya, pero hindi ako nagsalita. ’Di ko kasi alam pa rin kung ano iyong sasabihin. Ayoko magdemand. Ayoko rin manumbat. Ang ayoko lang naman talaga ay iyong gagawa siya ng plano o pangako na siya rin iyong hindi sumusunod—iyon ang ayaw ko… kasi kapag ganoon, parang pinaghihintay at pinapaasa niya talaga ako sa wala.
“I’ll be better,” he said.
“The best ka na, e… Paano ’yan?” sabi ko sa kanya at unti-unting napa-ngiti siya na para bang kinikilig. Umirap ako. Ang dali talaga pakiligin ng isang ’to.
“D…” malambing na sabi niya ulit.
“Basta wala ng promise na hindi natutupad,” sabi ko sa kanya.
He nodded. “Prom—” Natigilan siya dahil inangatan ko siya ng kilay. “I’m sorry.”
Niyakap ko na lang siya. Na-miss ko talaga siya. After kasi nung pag-uusap namin, okay naman kami… pero alam mo ’yon? Ramdam mo na may hindi tama? Ewan ko ba kung naka-tulong o hindi na hindi ko rin naman siya masyadong nakikita din buong November. Tapos nung December, awkward din nung nagkikita kami. Tapos biglang holiday break na.
Mga ilang segundo lang kaming magkayakap nun tapos ay tinanong ako ni Samuel kung gusto ko ba na pumunta sa beach o kung gusto ko na matulog—of course mas gusto kong sumama sa kanya. He asked me na baka hanapin ako, but alam ko naman na ang sasabihin sa parents ko.
We ended up in the beach as planned. Mukhang last minute trip lang ’to dahil walang masyadong dala si Samuel bukod ang sarili niya. Hindi kami masyadong nag-usap nung simula at naka-tingin lang kami sa buwan.
And then I felt him holding my hand.
I looked at him and smiled.
“I love you,” he said.
I smiled and leaned in and kissed him. “I love you,” I replied.
And maybe that’s the reason why it’s so easy to just… get over it—kasi mahal mo, e. Ano pa ba ang dapat na dahilan? Hindi pa naman ako ganoon kapagod.
I spent the first hours of Christmas with Samuel. Nung mag-umaga na, kinailangan ko ng bumalik sa bahay dahil syempre, hahanapin ako bilang nag-iisang anak lang naman ako. Samuel stayed in the same resort he stayed in. Nung gabi na at tulog na ang mga magulang ko, umalis ako—nagsabi na ako sa mga kunsintidor kong kaibigan na sila na ang bahala sa akin.
I spent the last hours of Christmas in his arms.
We didn’t spend the New Year’s Eve together, pero magkausap naman kaming dalawa. Excited na akong bumalik sa Manila para makasama siya. Kaya naman pagbalik ko pa lang ay iniwan ko lang ang gamit ko sa condo ko at dumiretso na ako sa condo niya.
“Wow, I like this kind of greeting,” sabi niya nung agad ko siyang sinugod ng yakap nung buksan niya iyong pinto. Para akong tarsier na naka-pulupot sa kanya. Ramdam na ramdam ko iyong tawa niya.
“Dito lang ako,” sabi ko habang naka-pulupot pa rin sa kanya.
“Pwede naman,” sabi niya habang niyayakap na rin ako para hindi ako mahulog. Ang bango-bango talaga ng lalaki na ’to! Parang ang linis niya palagi sa amoy niya!
“Dito ako matutulog,” sabi ko sa kanya.
“The question must be—may matutulog ba ngayon?”
Natawa ako. “Wala!” sabi ko. “Walang matutulog!”
“Pwede naman na simulan ngayon,” he said as he began walking towards the bed.
“Wait, galing pa ako ng byahe! Mabaho pa ako!”
“Okay—ligo na lang tayo,” he replied as he changed directions at ngayon ay papunta naman na siya sa CR. Tawa lang ako nang tawa hanggang sa makarating kami sa CR niya. “Your phone?” he asked.
“Nasa bag—” I said and then napa-tili ako dahil bigla kong naramdaman iyong tubig galing sa shower niya. “Samuel!” nagulat na sabi ko dahil malamig pa iyong tubig.
“Pahintay lang po sa hot water,” sabi niya dahil alam niya na ayoko talagang naliligo sa malamig.
Umirap ako tapos ay dahan-dahang bumaba na mula sa pagkaka-pulupot ko sa kanya. I looked at him—beads of water were dripping from his hair down to his face. Fuck. Ang gwapo talaga ng isang ’to.
“Hi,” I said, smiling.
“Hi,” he replied, smiling back.
I tiptoed and kissed him. “I love you,” I whispered against his lips. I always tell him that I love him kasi… wala lang. Gusto ko lang na alam niya. Gusto ko lang na lagi niyang naririnig na mahal ko siya.
“I love you,” he replied, planting a kiss on my lips.
The next few months were nice. Samuel and I tried to spend as much time together, but kahit magkasama kaming dalawa, mas madalas na nag-aaral lang kami talaga. Unfortunately for him, ang hirap nung lineup na naibigay sa kanila. Kung nung first semester ang pahirap sa kanya ay iyong Civil Procefure, ngayong semester ay Tax 2 iyong lagi niyang problema. Hindi kasi sumusunod sa syllabus iyong prof niya kaya naman kailangan niyang aralin lahat every meeting. Saka naging prof niya rin daw ’yun nung first year and nambabagsak daw talaga kaya kailangan niyang magseryoso lalo.
“Gusto mo magmeryenda muna?” I asked dahil kanina ko pa siya nakikita na naguguluhan sa binabasa niya.
“Wala akong maintindihan,” he said.
I stood up at lumapit sa kanya. Niyakap ko siya at hinalikan iyong pisngi niya. “Ikaw nagsabi sa akin before—’wag mag-aral kapag frustrated,” I said. “Kain muna tayo?”
Lumabas kami at kumain ng lugaw. Nilibre ko rin siya ng ice cream. Pagbalik namin sa condo niya, nagtry ulit siya na mag-aral. After an hour, he decided na wala na talaga siyang maintindihan.
“What?” I asked kasi nakita ko na naka-tingin siya sa akin.
“Nothing,” he said, shaking his head. “Ganda mo.”
I rolled my eyes pero kinilig ako. “Ewan ko sa ’yo,” sabi ko. “Di ka na ba mag-aaral?” I asked.
“Bukas na. Wala talaga akong maintindihan,” sabi niya sa akin. “Hintayin kitang matapos.”
I closed my book. “Tulog na tayo,” sabi ko.
“Tapos ka na bang mag-aral?”
“Bukas na rin ako,” sagot ko sa kanya.
Magkatabi kaming nahiga sa kama niya. We were laying on our side habang naka-tingin sa isa’t-isa. Siguro bias lang talaga ako, pero si Samuel na yata ang pinaka-gwapong lalaki na nakita ko in person. I especially love his eyes. He has such kind eyes. Siguro kaya ko na tumingin lang doon kahit buong araw.
“Fourth year ka na sa susunod. Tapos BAR na,” sabi ko.
“Kinda scary,” he replied.
“True… but I trust you. Ikaw ang BAR bet ko.”
Napa-ngisi siya. “Really?”
I nodded. “Gusto mo may pa-tarp pa ako sa last Sunday mo?”
Natawa siya. “Samahan mo na rin ng drums.”
“Ibabarops pa ba kita?” I asked. “Di ko keri budget ng frat mo,” sabi ko kasi alam ko na thousands talaga ang budget nila per person. Wala naman akong ganon na budget.
“Dun ka kaya matutulog sa hotel room ko,” sabi niya. “Yun ang BAROPS mo.”
“Di ka ba pupuntahan ng family mo?”
“Pupunta,” sabi niya. “Mom’s asking to meet you.” Nanlaki medyo iyong mga mata ko. Natawa siya. “Do you want to meet her?”
“Uh… mabait ba siya?”
“I think?”
“Anong I think ?”
“I think she loves me enough to love who I love?” sabi ni Samuel at umirap ako na tinawanan niya. “Don’t worry—hindi ko hahayaan na apihin ka ng pamilya ko kagaya sa mga pinapanood mo na palabas.”
“Hoy, nag-eenjoy ka rin sa mga palabas na ’yon!”
Tumawa lang siya! Deny-deny pa! Minsan nahuhuli ko na mas malala pa reaksyon niya kapag nanonood kami ng teleserye, e!
“If you don’t want to yet, it’s fine,” sabi niya. “Just thought you should know that mom’s asking about you.”
“Ano’ng pinagkakalat mo tungkol sa akin?”
“Sabi ko lang maganda ka.”
“Saka mabait?”
“May topak lang minsan.”
“Excuse me?!”
Tumawa siya. “See?”
“Wala akong topak!” sabi ko sa kanya pero instead na sagutin ako, hinatak niya ako palapit hanggang halos magdikit na iyong mga ilong namin.
“D,” pagtawag niya.
“O-oh?” kinakabahan na sagot ko for some reason.
“I love you,” he whispered.
My heart began to beat loudly inside my chest. Mas lalong lumakas nung hawiin niya iyong mga buhok mula sa mukha ko. Halos mabingi ako sa lakas nung lumapit siya at dampian ng halik iyong labi ko.
“I love you,” I replied as I kissed him back.
May 6. My birthday. Unfortunately for me, mayroon kaming pasok ngayon. Samuel and I made plans. Pareho kami na hanggang 9:30PM iyong pasok, pero sabi niya sa akin na may nakita siyang restaurant na bukas hanggang 2AM kaya doon kami pupunta. I said na kahit bukas na lang since sure ako na pagod kami pareho, but he said he wanted to celebrate my birthday on the day itself, so sino ba naman ako para tumanggi?
“Good morning, birthday girl,” sabi niya nung sagutin ko iyong tawag niya. Dito ako natulog sa condo ko kasi may meeting siya na pinuntahan kagabi sa frat niya. May kailangan lang daw siyang ifinalize para walang istorbo sa amin mamaya.
“Good morning, lover,” I replied.
“Breakfast?”
“Meron ba d’yan?”
“Pancake, bacon, and egg?”
“On the way na po,” sabi ko at narinig ko na tumawa siya. Basta pagkain talaga, para akong bata na madaling makikidnap!
Pagdating ko sa condo niya, sa labas pa lang ng pinto ay naaamoy ko na iyong bacon. Pagbukas ko ng pinto ay agad akong napa-ngiti dahil may suot na birthday hat si Samuel.
“Happy birthday, D,” sabi niya. “Tanda mo na.”
Umirap ako. “Nagsalita iyong gurang.”
Tumawa siya at hinalikan ako sa labi. Pagpasok ko ay sobrang na-touch ako dahil nag-effort pa siya na magsabit ng DIY banderitas niya tapos mayroong Happy birthday, Deanne sa may dingding niya. Mahal na mahal talaga ako nito para mapagdikit ko siya ng ganyan sa puting dingding niya.
“Grabe naman ’yan. A for effort!” sabi ko
“Ikaw pa ba?” sabi niya tapos ay inilagay niya iyong plato na may pancakes, bacon, and egg sa harapan ko. “Birthday breakfast for the birthday girl.”
“Asan cake ko?” I jokingly asked dahil alam ko naman na mamaya pang gabi kami talaga magcecelebrate, pero napaawang iyong labi ko nung may ilabas siya sa ref na maliit na cake—halos cupcake nga lang iyon sa liit. May maliit din na kandila sa gitna.
“Wag mo na akong i-wish dahil sa ’yo naman na ako.”
Umirap ako. “Napaka-yabang naman talaga.”
Humalakhak siya. “Make a wish, D.”
I clasped my hands and closed my eyes. I wished na sana ay maging maayos lahat… Iyong ganito lang… Na okay ang parents ko, na okay kami, na okay siya, na okay ako… Sana maging okay din ang mga kaibigan ko lalo na si Kitty…
When I opened my eyes, I saw him watching me.
“Your wish will come true,” he said.
“Nagkatotoo na.”
“Sabi naman sa ’yo ’wag na ako ang hilingin mo.”
“Napaka-yabang.”
Tumawa lang siya tapos ay nagbreakfast na kaming dalawa. And because it’s my birthday daw, nagshower kami ng sabay… Medyo naguluhan ako kasi parang mas nag-enjoy naman siya. Minsan talaga budol ’tong jowa ko, e.
After the breakfast sex, nag-ayos lang kami at dumiretso na kami sa school. Nakakapag-ayos na ako sa condo ni Samuel kasi nung unang anniv namin, niregaluhan niya ako ng blower. Akala ko naman normal na blower lang tapos nung pagkakita ko, Dyson pala. Na-stress ako sa presyo, e. Lagi ko tuloy ginagamit para sulit!
Umattend kami ng class namin dahil ulirang estudyante kami. After class, akala ko ay magkikita kami sa labas, pero nagulat ako nung nasa labas siya ng classroom ko. Nakita ko sila na nagtanguan lang ni Iñigo. Nagmamadali pa ngang umalis si Iñigo na parang pinagtataguan niya si Samuel.
“Problema nun?” I asked Samuel.
He shrugged. “Ready for our dinner?” he asked instead tapos ay naglakad na kami papunta sa sasakyan niya. Dahil formal dinner iyong pupuntahan namin, naka-suot ako ng red dress. Masyado atang halata na birthday ko dahil kahit prof namin ay binati ako. Wala na kasi akong time magpalit kasi anong oras na din dismissal!
Pagdating namin sa resto, may reservation si Samuel. We were ushered to a table. Napa-ngiti ako agad sa kanya dahil nakita ko na may flowers doon sa ibabaw ng lamesa na naghihintay sa akin.
“Iba rin naman talaga—prepared,” sabi ko sa kanya.
“Sabi ko sa ’yo malakas ka sa ’kin, e,” sabi niya at saka kinuha iyong flowers at inabot sa akin. “Flowers for my girlfriend,” he said as he handed the bouquet of pink flowers to me.
“Thank you sa mga pasabog, sir,” sabi ko tapos inamoy ko iyong flowers at in fairness, mabango naman siya. Nilagyan siguro ng pabango.
Naka-order na kami nung nagpa-reserve kaya naman ilang minuto lang kami naghintay bago iserve iyong unang pagkain. It was a fancy restaurant. Maliit iyong portions, pero okay lang din. Ayoko naman na mabusog masyado kasi fit na fit kaya iyong suot ko na red dress! Mukhang trip na trip nga ni Samuel kasi kanina na nagddrive siya, haplos nang haplos sa legs ko iyong kamay niya e.
Habang kumakain ay nag-usap lang kami sa mga random na bagay. One of the things I love about him ay kahit ano ang sabihin ko, nasasabayan niya. Kung trip ko makipag-usap about school, game siya. Kung gusto ko tungkol sa recent events, game din siya. Kung tungkol sa mga pinapanood ko na teleserye? Game din siya! Kahit ano ang trip ko ay trip din niya. Naka-jackpot talaga ako sa kanya.
While we were waiting for the dessert to be served, his phone vibrated. Tinignan niya iyon at sa ekspresyon pa lang sa mukha niya, alam ko na na frat-related iyon… at mukhang seryoso.
“May tatawagan lang ako,” sabi niya. Normally maghihintay pa siya na tumango ako, pero mukhang seryoso talaga iyong nangyari dahil hindi pa ako nakaka-sagot ay tumayo na siya. He walked a few meters from me. From where I was sitting, nakita ko na naka-kunot ang noo niya. He looked mad. Hindi ko pa siya naririnig na sumigaw… Ngayon ko lang siya na nakitang sumigaw sa kung sino man ang kausap niya.
“Deanne—”
“Ano ’yun?”
“May pupuntahan ako,” he said. “Babawi na lang ako sa dessert.”
“Ano ’yung pupuntahan mo?”
“May kailangan lang akong ayusin.”
“Ano ’yun?”
“Deanne—”
“Ipatakeout mo na lang—”
“Mukha bang may pakielam ako sa dessert?” sabi ko sa kanya. “Ano iyong pupuntahan mo?”
Hindi ako nagtatanong sa frat na ’yan. Pero sa reaksyon niya, hindi ko mapigilan na kabahan sa kung anuman ang pupuntahan niya.
“Deanne—”
“Ano ’yung pupuntahan mo, Samuel?”
He looked at me. He didn’t immediately say anything. But I didn’t back down. I just stared at him. I stared at him until he realized that I wouldn’t just sit there and do nothing kahit na kinakabahan na ako sa kung saan siya pupunta.
“There’s… an accident,” he said.
“Accident?” I asked. “Sa frat niyo?”
I waited for seconds that felt like minutes.
“May initiation—”
My eyes widened. My heart quickened its pace. He didn’t even have to continue what he was saying for me to know what he was about to say next.
“No,” I said.
“Deanne—”
Umiling ako. “No,” I repeated. “Hindi ka pupunta ’dun.”
“Deanne—”
“Are you fucking kidding me, Samuel? Pupunta ka ’dun? Alam mo naman na madadamay ka kapag pumunta ka ’dun,” naiinis na sabi ko sa kanya dahil bakit ba lagi na lang niya kailangang maglinis ng kalat ng frat na ’yan?!
Hindi siya nagsalita.
“Nakalimutan mo na ba ang pinag-aralan mo? Kapag pumunta ka roon, magiging co-principal ka ng kung anuman ang ginawa nila—” sabi ko at natigilan ako nung naisip ko pa lang kung anuman ang possibleng nangyari doon. Huminga ako nang malalim. Tumingin ako sa kanya at umiling. “No. Hindi ka pupunta ’dun.”
His phone vibrated again.
Tumingin siya doon.
Tumingin siya sa akin.
Hindi ko alam kung bakit… kasi okay naman kami… okay naman kami nitong mga nakaraang buwan… pero sa nangyayari ngayon, parang bumalik lahat…
Mali pala ako.
Hindi pala ako okay sa dati.
Nagtitiis lang ako.
Tapos heto na naman.
“You know what? I’ll make this easier for you para hindi ka na nalilito—kapag umalis ka rito at nagpunta roon, maghiwalay na tayo,” I said, looking straight into his eyes so that he’d know that I wasn’t kidding.
But then a text came… and whatever was in the text was probably enough because he left me there to eat my fucking birthday cake alone.
**
This story is already at Chapter 29 on Patreon (patreon.com/beeyotch). Subscription starts at 100php per month for all stories.
If you’re having any problems with your payment or if you want to pay via GCASH, you can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance.
Chapter 24
Chapter 24
It was 1:04 in the morning.
There was a knock on the door.
Napa-tigil ako sa pagbabasa ko ng libro at napa-tingin sa may pintuan. Naghintay ako sa susunod na katok, pero imbes na iyon ang dumating ay naka-receive ako ng text. Ni hindi ko hinawakan iyong cellphone ko. Naka-tingin lang ako roon sa notification sa may bandang itaas.
‘Gising ka pa?’
Naka-tingin lang ako roon.
‘If you’re still awake, can we talk? Nandito ako sa labas ng unit mo.’
Naka-titig pa rin ako sa cellphone ko. Huminga ako nang malalim at saka ibinaba iyong hawak ko na highlighter. Limang araw na ang lumipas nung umalis siya nung birthday dinner ko. Mag-isa akong umuwi sa condo. I tried to block out all thoughts of him, pero paano ako makaka-iwas kung kahit saan ako tumingin, nandoon siya? Kalat na kalat sa buong school—heck, sa buong Pilipinas—iyong nangyari sa initiation nila.
Tumayo ako at saka lumapit sa pintuan. Nang buksan ko iyon ay nandoon siya. Mukhang wala siyang plano na umalis doon. Balak niya bang hintaying mag-umaga kung hindi ako tumayo at binuksan iyong pinto?
“D…” sambit niya nung makita niya ako.
“Ano?” simpleng tanong ko sa kanya.
“Can we talk?” he asked.
“Tungkol saan?” tanong ko. Hindi agad siya naka-sagot. “Kung tungkol sa atin, I think naging malinaw naman ako nung huli tayong nag-usap,” sabi ko sa kanya.
“Seryoso ka ba ’dun?” tanong niya na para bang gusto niyang pagaanin iyong usapan namin.
“Mukha ba akong nasa mood para magjoke?” diretsong sabi ko sa kanya. “Kaka-uwi mo lang ba?” tanong ko dahil base sa huling narinig ko, naka-detain din siya dahil isa siya sa mga tinuro na kasama sa initiation rites.
He nodded.
“Umuwi ka muna sa condo mo. Matulog ka. You look like shit,” I told him without missing a beat. Of course I still did love him—hindi naman iyon ganoon kabilis mawawala. Para akong mababaliw sa pag-aalala sa kanya nung mabasa ko sa mga balita sa newsfeed ko iyong nangyari nung initiation nila. Pero pinigilan ko iyong sarili ko na mag-alala ng sobra. Kasi ayoko na. Nakakapagod siya. Hindi naman siya nakikinig sa akin. Kahit nung sinabi ko sa kanya na makikipaghiwalay ako kapag umalis siya, ano ang ginawa niya? Umalis pa rin siya.
Saan ko ilulugar iyong sarili ko?
Ayoko nung sinisiksik ko iyong sarili ko—nakaka-baba ng tingin sa sarili.
“Mag-usap muna tayo,” sabi niya.
“Wala naman tayong pag-uusapan,” sagot ko.
“Deanne—”
“Look, Samuel, I gave you a choice and you chose to leave. Ano pa ba ang dapat pag-usapan natin ngayon?”
At this point, I was thankful that he was standing a few meters away from me. Kasi kung hindi, natatakot ako na baka marinig niya iyong tibok ng puso ko dahil sa lakas nun. Ayoko na marinig niya kung paano ako kinakabahan dahil lang nandito siya. Kasi alam ko na kapag nalaman niya kung gaano ako naaapektuhan sa presensya niya, mas lalong hindi siya aalis.
Mahal ko naman talaga…
Kaso pagod na ako.
Hindi ba ang logical na gawin ay ang magpahinga?
“Someone died,” he said.
“Believe me, I know,” sagot ko sa kanya dahil kalat na kalat iyong balita sa nangyari sa kanila.
“I would’ve come here sooner—”
“But you were detained and questioned?” pagputol ko sa sasabihin niya. “Kasi pumunta ka roon? Kahit sinabi ko na ’wag ka ng pumunta kasi alam nating pareho kung ano ang mangyayari?”
“Deanne—”
“Tigilan mo nga ’yang pagtawag sa pangalan ko. You know what? I love you—I still fucking do. But I can’t do this anymore, Samuel. I seriously fucking can’t.”
Naka-titig kami sa isa’t-isa. Walang nagsasalita. Walang gumagalaw. Siguro pareho kaming natatakot sa susunod na mangyayari. Kung pwede lang siguro na ganito na lang… pero hindi ba parang mas mahirap? Mas mahirap na isipin iyong mga posibilidad… na ano nga ba ang mangyayari sa susunod?
“That was one time, Deanne. Ginawa ko naman ’yung sinabi ko sa ’yo dati, ’di ba? Hindi na ako busy. Umalis lang naman ako ng birthday mo dahil seryoso iyong nangyari.”
Hindi ako nagsalita.
“They told me someone died. What did you want me to do? To stay there with you habang nagkaka-gulo doon?”
Tumingin ako sa kanya.
“Deanne…” parang nagmamakaawa na pagtawag niya sa pangalan ko. Halos mapaatras ako nung humakbang siya palapit sa akin. Rinig na rinig ko iyong tibok ng puso ko na mas lalo lang yatang bumilis nung abutin niya iyong kamay ko at hawakan iyon. “Deanne, please… Don’t break-up with me…”
Naka-tingin pa rin ako.
I bit my lower lip.
I felt him caressing my palms with his thumbs.
“Fine,” I said. Bahagyang nanlaki ang mga mata niya sa gulat dahil sa pagpayag ko. “Fine as in mag-usap tayo. Bukas. Matulog ka muna,” mabilis na dugtong ko.
He nodded. “Okay…”
Dahan-dahan kong kinuha iyong mga kamay ko mula sa pagkakahawak niya. Kitang-kita ko iyong pagkadismaya sa mukha niya dahil sa ginawa ko, pero hindi ko na iyon pinansin. Ayokong masyadong pagtuunan ng pansin iyong nararamdaman niya kasi paano naman ako? Lagi na lang siya?
“Ano’ng oras bukas?”
“Wala ka bang pupuntahan?”
Hindi agad siya naka-sagot. Nakita ko na nakita niya sa reaksyon ko na alam ko kung bakit hindi agad siya naka-sagot. “We’ll talk first,” he said.
I nodded, not wanting to argue further. “Okay. 10AM. Sa CD.”
Tumango rin siya. “Okay.”
Wala ng nagsalita. Naka-tingin lang kaming muli sa isa’t-isa. Nag-iwas na ako, pero ramdam ko pa rin iyong titig niya sa mukha ko.
“Hindi ko nabigay iyong regalo mo,” mahinang sabi niya. Hindi ako sumagot kasi ano ba ang pwede kong isagot? Na oo nga? Iniwan mo kasi ako? He sighed at the lack of response on my part. “I’ll see you tomorrow,” he added. I just nodded and watched as he walked out of my condo.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal na naka-titig doon bago ako naka-ipon ng lakas ng loob para umalis sa pwesto ko. I tried to get back to studying, but I couldn’t anymore. I tried to sleep, but it alluded me. Instead, I tried to call Iñigo.
“Bakit?” sagot niya.
“Busy ka?”
“Digest lang. Bakit? Manghihingi ka na naman?”
Bahagya akong natawa. “Hindi kasi madamot ka,” sabi ko at narinig ko iyong halakhak niya. “May itatanong pala ako.”
“Ano?” sagot niya.
“Di ba dati…” sabi ko at napa-hinto. “Ayaw mo talaga sa amin ni Samuel?”
“Grabe naman sa ayaw. Wala naman akong balak magpaka-kontrabida sa inyong dalawa,” sagot niya kaya bahagyang natawa na naman ako. Joketime talaga ’tong lecheng ’to. Hirap kausap nang seryoso.
“I mean, ’di mo siya bet for me?”
“Bakit? Break na ba kayo?”
Hindi ako sumagot. Hindi naman kasi nagtatanong si Iñigo tungkol sa amin ni Samuel. Kapag nagkwento ako, nandyan siya. Kapag hindi, hindi rin siya nagtatanong. Pero sabi niya sa akin, kung may problema, one call away lang daw siya… Kagaya ngayon.
“Oo? Pero parang hindi pa? Ewan.”
Hindi siya nagsalita. I knew he was just waiting for me to continue. Ilang beses kong sinubukan na magsimula, pero palaging hindi natutuloy. Tuwing sinusubukan ko na ikwento, pakiramdam ko ay nagta-traydor ako kay Samuel. Kasi ’di ba relasyon namin ’yun? Kwento naming dalawa ’yun? So, kung may dapat mang mag-usap, kaming dalawa muna bago iyong iba.
“Anyway…” sabi ko na lang.
“Parang tanga. Wala ka pa ngang sinasabi.”
Tumawa na lang ako. “Pa-send ng digest!”
“Bayad—kinse kada kaso.”
“Napaka-buraot mo talaga, Borromeo.”
“Buraot o business minded?”
“Buraot,” sabi ko sa kanya at kinulit ko lang siya hanggang pumayag siya na limang piso kada digest. Ibang klaseng nilalang talaga! ’Di nagpapalamang!
I woke up at around 8AM. I made myself coffee. I forced myself to continue studying. Nung hindi ako makapag-aral dahil sa pag-iisip sa mangyayari mamaya ay nagsulat na lang ako ng digest.
At around 9:30AM ay naka-ayos na ako at naglalakad na ako papunta sa may coffee shop. Pagdating ko roon ay agad kong nakita si Samuel na naka-upo. He was staring at his coffee like he was in deep thought. Kanina pa kaya siya rito? Natulog ba siya gaya nung sinabi ko?
Huminga ako nang malalim bago lumapit sa kanya.
He looked like a deer caught in headlight nung makita niya ako.
“Hi,” I said as I pulled the chair in front of him. “Kanina ka pa?”
Umiling siya. “Hindi naman,” sagot niya kahit kita ko na halos paubos na iyong kape sa harapan niya. “Nagbreakfast ka na?”
“Hindi pa.”
“Order ka muna.”
“Okay. Ikaw?”
“Okay na ko sa coffee.” Tumango ako. “Oorder ka na?” he asked nung hindi ako tumayo para pumunta sa counter.
Naka-tingin lang ako sa kanya. “Ano ba ang pag-uusapan natin?” tanong ko sa kanya.
Tumingin siya pabalik. Huminga nang malalim. Binitawan niya iyong pagkaka-hawak sa mug niya. Pinagsalop niya iyong mga kamay niya.
“Ayokong makipagbreak,” agad niyang sabi nung maka-ipon siya ng lakas ng loob. Diretsong naka-tingin siya sa mga mata ko. “I don’t want to break-up.”
“Ayoko rin naman… pero ayoko na rin nung ganito.”
“Anong ganito?”
“Ito.”
He was staring at me.
Did he want me to elaborate? Iyong lahat ng ayoko? Because I got quite a list.
“Ano’ng nangyari sa frat mo?” tanong ko sa kanya. Hindi siya nagsalita. “Huling basa ko naka-detain pa sila Zach, ah.”
“You know I can’t talk about that.”
“Precisely—it’s a huge part of your life and you can’t talk to me about it—me, your supposed girlfriend.”
He frustratingly ran his fingers through his hair. The frustration was very evident on his face. Mula noon hanggang ngayon, ito lang naman iyong problema namin—iyang frat niya na sa hindi ko malaman na dahilan, bakit masyado siyang loyal. Siguro kasalanan ko rin kasi hindi naman ako nagtatanong dati. Kaya ang nangyari, hindi ko maintindihan. Pero kung nagtanong ba ako, sasagutin niya ba? Kasi pakiramdam ko hindi rin naman.
“Fine. What do you want to know?” diretsong tanong niya.
Tumitig ako. “Hindi ka involved sa kaso?”
“Hindi. On the way na sa hospital na iyong neo nung dumating ako.”
“Pero naka-kulong sila Zach?”
“Yes. Pati sila Lui.”
“Bakit nandoon si Lui?” I asked. I saw his jaw clenching. He didn’t want to answer any of my questions. I was just waiting for him to deflect because I knew that that’s what he’d do.
“Because…” sabi niya at huminto. Huminga siya nang malalim. “Because when the neo—”
“Jake,” I said. “Iyon ang pangalan niya.”
“Alam ko,” he replied. Inabot niya iyong baso ng tubig at uminom. Pina-nood ko iyong bawat galaw niya. Sa panahon na magkasama kami, pakiramdam ko naman ay kilala ko na siya… Kita ko sa galaw niya na nakokonsensya siya sa nangyari. Pero mababalik ba nun iyong buhay na nawala?
“Nung hindi nila magising si Jake, tinawagan nila si Lui.”
“Bakit si Lui?”
“Because he’s a nurse. Because he came from a family of doctors,” diretsong sabi niya na parang pinipilit niya na sabihin sa akin lahat kahit ayaw niya. “Nung pumunta siya roon, hindi niya alam na iyon ang dadatnan niya. Sinabi lang nila na kailangan niyang pumunta. He was the one who forced them to bring Jake to the hospital.”
Tumingin siya sa akin. Muling huminga nang malalim.
“Si Lui iyong tumawag sa akin nung birthday mo. You know Lui—he’s not one to panic. Pero rinig na rinig ko iyong kaba sa boses niya nung tumawag siya. I had to go,” sabi niya at saka inabot iyong kamay ko at hinawakan. “Please understand…”
Tanginang pag-ibig ’yan…
“If it were anything else, I wouldn’t have left…”
Hindi ako makapagsalita kasi kahit ako na-disappoint sa sarili ko. Na ganoon lang iyon? Na isang paliwanag lang, okay na ulit? Naiintindihan ko na ulit? Na babalik na ba ulit ako?
Ganoon lang?
Nasaan na iyong pagod ko?
Naglaho ba kasabay ng pride ko?
“What about next year?” tanong ko sa kanya. “Sabi mo balak mo na tumakbo bilang president ng frat niyo. What, then?”
Natigilan siya.
“I’m not telling you not to run. I’m not asking you not to run. Ang akin lang kasi, kung walang magbabago, dito rin tayo babagsak ulit. Hindi ka ba napapagod?”
Naghintay ako.
Dahan-dahan siyang tumango at tumingin sa akin.
“Do you want me to leave the frat?” he asked.
“I won’t make your decisions for you, Samuel. Kasi ayoko na sisihin mo ako sa future. Kung may gagawin ka, dapat desisyon mo sa sarili mo.”
“Then, how can I make a decision, Deanne? It’s either that or you’ll leave me? Anong klaseng choices ’yan?”
“Hindi ko alam—pero tignan mo naman sa point of view ko. Lagi na lang akong pangalawa d’yan sa frat mo. ’Di mo ba naisip na napapagod din ako maghintay? Porke ba hindi ako nagrereklamo dati, sa tingin mo ayos lang sa akin? ’Di mo ba napansin dati na nahihirapan din ako? Porke oo lang ako nang oo, sa tingin mo okay lang lahat sa ’kin ’yon?”
“Bakit hindi ka nagsabi dati?”
“Kasi kahit nga magsabi ako, wala namang nababago? Hindi mo ba gets? Kahit nga ngayon, kahit ang linaw-linaw na, parang ayaw mong intindihin.”
Inabot niya iyong baso muli.
“Ang akin lang, hindi naman pwede na lahat ng gusto mo, makuha mo. Alam ko na loyal ka d’yan sa frat mo—fine… but don’t beg me to stay kahit alam mo naman na ayoko. Ang unfair mo naman sa part na ’yan.”
Bigla siyang tumahimik na para bang seryoso siyang nag-iisip. Tahimik din akong naghintay. A lot of people passed by. It felt like we were frozen in time.
“Okay,” he said.
“Okay what?” I asked, looking at him.
“Okay I won’t run. Do you want me to leave the frat, too?”
Napaawang ang labi ko. “Samuel—”
Umiling siya. “You said that I should make my decisions—I am making my decision. I choose you. I want you.”
Hindi ako nakapagsalita.
He was choosing me.
He was staying with me.
Yet why did it feel wrong?
**
This story is already at Chapter 30 on Patreon (patreon.com/beeyotch). Subscription starts at 100php per month for all stories.
If you’re having any problems with your payment or if you want to pay via GCASH, you can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance.
Chapter 25
Chapter 25
“What?” tanong ni Samuel nung mahuli niya ako na naka-tingin sa kanya. It had been two weeks since the talk. Sabi niya sa akin ay nagsabi na siya sa frat niya na hindi na siya tatakbo sa pagka-presidente. Sabi niya sa akin ay okay lang naman daw, pero hindi naman ako bobo para malaman na siya iyong hindi okay. Mas lalo tuloy akong nagguilty dahil parang ang lagay, naggive-up siya ng bagay na gustung-gusto niya dahil sa akin. Ang bigat sa feeling.
Umiling ako. “Nothing,” sabi ko sa kanya at tipid akong ngumiti.
Bumalik kami sa pagrereview. Halos isang oras din na seryoso lang kaming nagrereview nung biglang lumapit sa amin si Lui. He smiled at me and said hi .
“Can I steal your boyfriend for a while?” biglang tanong niya sa akin.
Kumunot ang noo. “Bakit ka nagpapaalam?” tanong ko kasi sa panahon na kilala ko si Lui, never naman siya nagsabi ng ganito.
He shrugged. “Frat stuff,” sabi niya sa akin.
“So?” naguguluhan na tanong ko pa rin kasi as far as I was concerned, hindi ko sinabi kay Samuel na umalis siya sa frat. Hindi rin naman siya umalis—nagsabi lang siya tungkol sa presidency. Sabi naman sa akin ni Samuel na dahil normal na member na lang siya (plus the fact na fourth year na siya next sem) ay halos wala na raw talaga siyang gagawin. Basically, ‘untouchable’ iyong mga fourth year dahil sa dami ng load nila sa school kaya hindi talaga sila inuutusan sa frat—plus seniority stuff na big deal doon.
Instead na sagutin ako, ngumiti na lang si Lui sa akin. I frowned at him, but he just laughed at me. For someone na natulog sa presinto ng isang gabi, parang wala lang nangyari sa kanya.
“Ano ba’ng sasabihin mo?” Samuel asked. Tumingin sa akin si Lui na parang sinasabi niya na ayaw niyang sabihin sa harap ko. Patayo na sana ako para bigyan sila ng privacy nung biglang magsalita si Samuel. “It’s fine—you can tell it in front of her.”
“Are you for real?” Lui said. Tumingin siya sa akin. “No offense,” dugtong niya.
“None taken,” I replied because I really didn’t mind.
“I’d say it in front of you, but I think it’s better if you know nothing. Messy, messy,” sabi sa akin ni Lui.
“Gets ko naman,” sabi ko tapos ay tumayo ako. Tumingin ako kay Samuel kasi baka isipin niya na naman ay makikipagbreak ako. Simula nung muntik na kaming maghiwalay, sobrang naging paranoid na siya. Hindi ko lang kausapin ng isang hapon, kita ko na nase-stress na siya. Naguilty ako kasi hindi naman siya ganito dati…
“Bili lang akong coffee,” sabi ko sa kanya. “Iced coffee sa ’yo?” I asked and he hesitantly nodded. I smiled at him before leaving.
Pagbaba ko mula sa library, naka-salubong ko si Zach na tumatawa habang may kausap na member din nila sa frat. Akala mo walang nangyari, e. For some reason, umiwas ako. Ewan… alam mo ’yung tao na bad vibes? Siya iyon. Alam ko na masama magjudge sa isang tao na hindi mo naman kilala, but from what I’ve heard sa mga kwentuhan nila Lui, gago daw talaga ’yan si Zach. ’Di ko nga alam kung bakit naka-labas ’yan, e. Sabi-sabi, may kapit daw kaya naka-labas agad…
Ay, ewan. Gulo ng frat na ’yan. Sakit sa ulo kahit hindi naman ako member.
It took me 30 minutes bago ako bumalik sa library. Pagdating ko ay nakita ko na wala na roon si Lui. Inilapag ko iyong coffee ni Samuel sa harap niya.
“Thank you,” sabi niya sa akin.
“You’re welcome,” I replied. “What?” I asked nung naka-tingin pa rin siya sa akin.
“You wanna know what Lui told me?”
I shook my head. “Nope. You’re entitled to your privacy,” I told him. I didn’t expect him to tell me everything—that’d be weird. Besides, hindi ko rin naman sinasabi sa kanya lahat, noh. Kaloka. May sari-sarili naman kaming buhay.
“He said that the lawyer will contact me,” sabi niya.
“What?”
Mahina lang iyong boses niya na para bang ayaw niyang may maka-rinig. Naka-tingin lang siya sa akin. Kumunot ang noo ko. He looked stressed.
“To get the story straight,” he said.
“What story?”
“Tungkol sa nangyari nun.”
“Pero wala ka naman dun?”
“I know, but they want me to corroborate their story.”
“Their story?” I asked. I knew I shouldn’t ask… but for some reason, nakaka-curious iyong nangyayari. Malaking kaso kasi ’to lalo na nung naisama sa balita na kasama sa frat si Maven. Thankfully for him, wala rin siya nung gabi na nangyari ’yon.
“About Lance.”
Kumunot ang noo ko. I wasn’t friends with Lance, but I saw him enough that I was familiar with him. Ka-batch ko siya. Kaka-sali niya lang sa frat.
Magsasalita pa sana si Samuel kaya lang ay napa-tingin siya sa may pintuan ng library. Napa-tingin din ako. Nakita ko na pumasok doon sila Zach at iba pang members. It’s so weird… how these people be acting like no one died. Magaling lang ba talaga silang magcompartmentalize or wala lang talaga silang pakielam? So freaking weird and scary.
“I’ll tell you later,” sabi ni Samuel.
“Okay…” simple kong sabi sa kanya.
He smiled at me like he was trying to tell me that he wouldn’t hide anything from me. Nakaka-guilty naman ’to. I reached for his hand and squeezed it. He smiled at me. I smiled back.
After namin sa library ay dumiretso na kami sa kanya-kanya naming klase. Naupo ako sa tabi ni Iñigo—kami na kasi iyong tabi kasi mas feel ni Kitty maging lone wolf. Nirerespeto namin kasi choice naman niya ’yon, but I made sure to message her to tell her na kung kailangan niya ng kausap o kahit makikinig lang, one message away lang ako lagi sa kanya. She didn’t reply, but nagheart react naman siya sa message ko.
Nung dumating si Iñigo, tumingin ako sa kanya.
“Ano?” naka-kunot ang noo na tanong niya.
“Wala…” sagot ko.
“Kay Samu ba?” he suddenly asked.
Kumunot ang noo ko. “Ano’ng meron kay Samuel?” I asked. Naka-tingin ako sa kanya at naghihintay ng sagot, pero biglang naging parang defensive siya at ayaw magsalita. I frowned at him. “Akala ko friends?”
Kinuha niya lang iyong libro sa bag niya. “Tanungin mo na lang jowa mo.”
I frowned harder. “Fine…” sabi ko, pero nahirapan na ako magconcentrate sa inaaral ko. Hindi naman kasi naggaganitong hanash si Iñigo. Napa-isip tuloy ako kung ano ang meron kay Samuel… Tsk. Sana magfreecut kami kahit malabo dahil literal na kaunting kembot na lang ay end na ng second sem.
Thankfully, tinamaan ako ng kaba nung makita ko iyong prof ko kaya naman nawala sa isip ko saglit si Samuel. Nagfocus ako sa pagrereview habang nagrerecite iyong mga kaklase ko dahil malakas ang feels ko na matatawag ako—tama nga ako. Natawa ako. Lakas talaga ng intuition ko sa mga ganito!
Tinignan ko agad iyong phone ko dahil baka nagtext si Samuel. Mas mauuna kasi iyong dismissal niya sa akin.
‘D, kausapin lang daw ako sa frat. Una ka na sa condo, okay lang?’
‘Yup. Hintayin kita,’ I replied.
‘Thank you,’ reply niya sa akin na parang naka-abang siya sa text ko. ’Pero ‘di ko alam kung magtatagal, e. Kapag wala pa ako ng 11, tulog ka na.’
‘Noted. Text ka kapag pauwi ka na.’
‘I will.’
Nagsend lang ako ng heart tapos ay naglakad na ako pauwi. Hinanap ko si Iñigo, pero si gago ay mukhang nag-eemote. Ewan ko d’yan. Minsan talaga kapag weird si Iñigo, medyo 90% sure na si Cha iyong dahilan. Hindi naman siya nagkkwento tungkol doon, pero nadulas siya one time na may ‘something’ na nangyayari.
Dumiretso na ako sa condo ni Samuel. May mga gamit naman ako rito kaya naligo na ako habang naghihintay sa kanya. Umorder din ako ng pagkain. Nanonood ako ng Netflix habang kumakain nung biglang bumukas iyong pinto. Napa-tingin ako doon at nakita ko siya na pumasok. He looked… tired.
“Hey,” pagtawag ko sa kanya. Akala ko talaga ay late na siya makaka-uwi. Actually, ’di na ako nag-expect na magkikita kami. Akala ko matutulog na lang ako. But he’s here.
“Hey,” he replied with a tired smile.
“Natapos agad?” He nodded as he sat down beside me. “Gusto mo?” I asked, offering him the noodles I was eating. Umiling siya. Tumingin ako sa kanya. “Badtrip sa meeting?” tanong ko sa kanya.
Nung muntik na kaming magbreak, isa sa mga pinag-usapan namin na kapag may gusto akong malaman sa frat niya, magtanong lang ako sa kanya. Kaya kahit ang unang instinct ko ay manahimik dahil it’s none of my business, kapag ganito iyong itsura niya, syempre mapapatanong din talaga ako.
Tumango siya ulit. “Kinausap nga ako tungkol sa statement ko.”
“Di ba nagbigay ka na?” I asked kasi sinabi niya sa akin iyon dati na kinuhanan na siya ng statement dati.
He nodded again. “Pero wala akong masyadong nasabi nun kasi hindi ko naman alam iyong nangyari.”
“Ano daw kailangan nila?”
Problemado siyang napa-suklay ng buhok gamit iyong mga daliri niya. “Wag daw akong magsalita tungkol sa mga alumni na pumunta nung initiation,” sabi niya sa akin.
Kumunot ang noo ko. “Wait… pero sila iyong may kasalanan, ’di ba?” tanong ko kasi isa sa mga pinagtataka ko kung bakit naka-kulong si Lance. As far as I was concerned, wala namang pwedeng gawin iyon nun initiation kasi baguhan pa lang sa frat ’yon. ’Di naman pwedeng mag-angas ’yun don kasi nga bago pa lang.
Tumango si Samuel.
My lips parted.
“So, si Lance…”
Tumango siya ulit. “They said they already talked to him.”
“About what?”
“I don’t know… They won’t tell me anything anymore,” sabi sa akin ni Samuel. Bigla niyang isinandal iyong ulo niya sa balikat ko. “Ang sakit ng ulo ko.”
Hindi ako nakapagsalita. I gently patted his head. Hindi ko rin kasi alam ang sasabihin ko. Ang lala… Akala ko brotherhood. Akala ko one for all, all for one sila? Nasaan iyong brotherhood na ’yan ngayon na may isa sa kanila iyong nasa presinto? Parang gago talaga ’tong samahan nila.
After a while, naupo nang maayos si Samuel.
“I should—” sabi niya tapos ay huminto. “I should tell the truth… right?”
“I mean… yes,” sabi ko. “Because will you lie under oath for them?”
Tumingin siya sa akin.
For a split second, I thought that I saw hesitation in his eyes.
“Of course not,” sabi niya.
Simple lang akong tumango… but seriously? He was considering lying for them? Pero paano si Lance? Kawawa naman iyong tao na sasalo ng problema na ibang tao ang gumawa. Pambihirang frat ’yan.
“Kapag pinatawag na ako para sa statement ko, magsasabi ako ng totoo,” sabi niya sa akin. Tumango lang ako kasi ano ba ang sasabihin ko pa? “I won’t lie.”
Hinawakan niya iyong kamay ko.
“I’m sorry kung dinadamay kita sa ganito.”
Hinigpitan iyong hawak sa kanya.
“Nandito lang ako kapag kailangan mo ng kausap,” I told him… because at this point, I felt like he needed me to be the voice of reason. Hindi ko maalis sa isip ko na for a second there, he actually considered doing what they asked of him. Gusto kong kalimutan, pero hindi ko mawaglit sa isip ko.
“What?” he asked nung mapansin niya na naka-titig lang ako sa kanya.
Umiling ako. “Nothing.”
“I promise I won’t lie,” he told me.
“I know…” I said. He smiled… but it looked and felt different. “Why?” I asked.
“Nothing,” he said, shaking his head and smiling. “Gusto mong lumabas? Nagugutom ako,” he added, instead. Tumango lang ako. Hinatak niya ako para maka-tayo.
Nung maka-tayo ako, I tilted my head up to look at him. “Everything will be fine,” I said because his worry was palpable.
He nodded. “I hope so…” he said, but at that moment, it felt like he didn’t believe a word he said.
“You seriously don’t need to come,” sabi niya nung huminto iyong sasakyan niya.
“I know… but I want to,” sagot ko habang naka-tingin sa kanya. Hinawakan ko iyong pisngi niya. Tumingin ako sa mga mata niya. “Nandito lang ako, okay?” paalala ko sa kanya. Imbes na sumagot ay hinawakan niya iyong kamay ko nang mahigpit, na para bang doon siya kumukuha ng lakas.
Alam ko naman na mahirap iyong mangyayari ngayon. Magbibigay siya ng panibagong statement. Sinabihan na siya ng fraternity niya sa kung ano ang dapat niyang maging statement… pero sabi sa akin ni Samuel, hindi raw siya magsisinungaling under oath.
To be honest? Hindi ko alam kung ano ang gagawin niya. Alam ko na matindi iyong pressure galing sa fraternity niya… Nung makita ko pa lang dati iyong listahan ng mga alumni nila, alam ko na kung bakit ganoon sila kayabang… Ibang klase rin kasi iyong mga tao sa likod nila. Alam ko naman na mabait si Samuel… pero hindi na rin ako magugulat kung susunod siya sa kanila. Madidisappoint ako, pero hindi ko rin siya masisisi…
Papa-labas na sana si Samuel sa sasakyan nung bigla siyang huminto. Tumingin ako sa pinanggalingan ng mga mata niya. Kumunot ang noo ko nung may makita akong tatlong lalaki na naglalakad papasok sa building. They looked familiar, pero ’di ko maalala kung san ko sila nakita.
“Another idea—dito ka na lang sa sasakyan?”
Tumango ako. Gusto ko siyang tanungin kung sino iyong mga lalaki na ’yon dahil obviously, sila iyong dahilan kung bakit ngayon ay sa loob na lang ako ng sasakyan ni Samuel.
Hindi siya nagsalita. Naka-tingin lang siya sa akin. After a few seconds, he cupped my face, leaned in, and planted a kiss on my lips. It was supposed to be quick, pero parang ayaw niyang bumitaw. Hindi ko na sigurado kung dahil ba ’yon na-miss niya lang na ganito kami o baka ayaw niya lang pumasok sa loob? Pwede rin naman na both. Ramdam na ramdam ko iyong hesitation niya sa pagpasok.
“Hindi ko alam kung gaano katagal,” sabi niya habang hawak-hawak pa rin iyong pisngi ko.
“I’ll wait.”
“Okay,” he said as he breathed out. I held his hand. Hinawakan niya iyon at dinikit sa pisngi niya. I wanted to tell him that everything would be fine, but I didn’t know that… All I knew was that he’s a good person and if he did what they were asking, he’d regret it—probably not now… but definitely sometime soon. Because he’s a good person. Hindi siya kagaya nila. It would eat him up inside.
Pina-nood ko si Samuel habang naglalakad siya papasok. Nang maka-pasok na siya, kinuha ko iyong phone ko. I tried searching different names, different positions in the government to try to figure out kung sino ba iyong mga lalaki na nakita namin kanina. And after a couple of tries, I finally saw them—they’re some of the top criminal lawyers in the Philippines… Sila siguro iyong sinasabi ni Samuel sa akin noon na kumausap sa kanya para sa statement niya—para coherent daw.
Isinandal ko iyong ulo ko sa headrest at ipinikit ang mga mata ko. He’s doing the right thing… everything will be fine… right?
“Hey,” sabi ko pagbalik niya. Nagbasa lang ako habang naghihintay sa kanya. Ayokong mag-imagine ng mga worst case scenario dahil parang mas nakaka-stress pa iyon kaysa sa final exams namin.
“Hey,” sabi niya pabalik. May maliit na ngiti sa mukha niya. Sumandal siya sa may upuan. Ipinikit niya iyong mga mata niya at hinilot iyong sentido niya.
“Okay ka lang?”
“Yeah,” sabi niya habang tuma-tango. Naka-pikit pa rin ang mga mata niya na parang maraming laman iyong isip niya.
“Do you want to talk about it?” I asked, giving him a choice dahil ayoko na pilitin siya. I knew that this was private and sensitive—kaya nga kahit si Lui na madaldal ay ayaw sabihin sa harapan ko.
“I want to,” sabi niya. Ibinukas niya iyong mga mata niya at tumingin sa akin. “But not tonight,” dugtong niya. “Is that okay?”
Tumango ako. Inabot ko iyong kamay niya at mahigpit na hinawakan iyon. “As long as you know na nandito lang ako,” sabi ko. Hinawakan niya nang mahigpit iyong kamay ko. Iyon lang naman ang gusto ko—na hindi parang lagi akong walang alam. He didn’t even need to tell me the specific kung bawal. I just didn’t want to be kept in the dark anymore. Kasi ’di ba team dapat kami? Hindi naman siya mag-isa. Nandito naman ako. Kasi kung hindi, ano pa iyong sense?
That night, he didn’t ask me if I wanted to sleep in his condo. Gusto ko na umuwi na ako sa condo ko, but upon looking at him? I didn’t want to leave him alone. I was… worried. So, even though I was basically uninvited, I stayed. Niyakap ko lang siya buong gabi. And hoped that that was enough to calm whatever storm was brewing inside his head.
I patiently waited for the day na magkkwento si Samuel sa akin, but that day never came. The day after niya magbigay ng statement, he tried to act normal, pero girlfriend niya ako, kilala ko siya, alam ko na mayroong kakaiba. But I also knew better than to push him, so I just went with the flow.
But a whole sem ended.
He wouldn’t talk about his frat. Hindi ko alam if mas okay ba? Because we’re spending more time together. Hindi ba iyon naman iyong gusto ko? But something really felt off… Nag-aalala na ako sa kanya.
“Lui,” I said nang magkita kami. Nagmessage ako sa kanya sa IG.
“Yeah?” he replied with that familiar grin on his face. Hindi ko na rin sila masyadong nakikita ni Samuel na magkasama. Nung tinanong ko before kay Samuel ’yon, sinabi niya na lang na hindi kasi sila classmates ngayong fourth year—that was one more thing I badly wanted to ask Samuel kasi naalis siya sa star section. Maayos din iyong section na napuntahan niya—star section din naman pero iyong pinanggalingan niyang section iyong section ng mga BAR bets.
“Okay lang ba si Samuel?”
Natawa siya. “What do you mean? Ikaw ang girlfriend?”
Umirap ako. “I know, but… you know what I mean,” sabi ko habang naka-tingin lang sa kanya. “Okay lang ba siya? Hindi ko na siya naririnig na nagkkwento tungkol sa frat.”
He shrugged. “I mean, we’re graduating. Usually, there’s really nothing left to do for us,” he replied.
“Lui,” I said, because I could feel that he was hiding something kahit ngitian niya pa ako at ipakita iyong dimples niya.
“Look, Deanne, I know you mean well, but Samuel’s fine,” he said. “Kahit ako, I don’t attend much. I have a lot on my plate. Review year sucks,” he continued.
“Totoo?”
Tumango siya. “Besides, the past few months have been draining. Maybe he’s just taking a break. Like me.”
Nagbuntung-hininga ako. Maybe Lui’s right. Maybe ayos lang naman talaga ang lahat at ako lang ang naghahanap ng mali. Because the past few months have been… quiet. Paranoid lang siguro.
“Okay,” sabi ko at ngumiti. “Thanks, Lui.”
“No problem,” sabi niya at saka nagpaalam na aalis na siya.
Nagpunta ako sa library para mag-aral. I proceeded to reviewing for my CivPro class. Sumasakit na iyong ulo ko dahil kailangan kong magmemorize ng twenty provisions kasi iyon ang trip ng professor ko. Love ko si Sir, pero minsan feel ko gusto niya akong patayin sa mga pinapa-gawa niya.
Nung nagstretch ako, napa-tingin ako sa gilid. Nakita ko iyong mga members ng frat nila Samuel. They looked… normal. Na para bang hindi nangyari iyong mga naka-lipas na buwan. Bilib talaga ako sa kanila. Ganoon ba sila kagaling magcompartmentalize o wala lang talaga silang pakielam dahil mayroon silang ibang member na nasa kulungan ngayon? Pending pa rin kasi iyong case. I just try not to read much about it kasi stressful na iyong third year at ayoko na dagdagan pa. Basta alam ko na safe si Samuel, ayos na ako roon.
Pagdating sa classroom, natawag ako sa predicted.
“Mamamatay na ako,” sabi ko kay Iñigo. Lagi kasi kaming natatawag lahat dahil konti na lang naman kami kumpara nung nasa first and second year kami. Mas kokonti pa kami next year dahil mas mataas na iyong required na QPI para makarating sa fourth year.
“Wait lang; may Torts pa,” sabi ni Iñigo.
I groaned. “Iyan pang si Sir, jusko,” reklamo ko.
Tumawa siya. “Wag kang pa-stress—two units lang naman ’yon.”
“Tss. Palibasa nandun crush mo.”
He scoffed. “Crush? ’Di ko crush ’yon.”
“Weh? Crush mo ’yun, e.”
“Wala akong crush na judgmental,” sabi niya na parang malalim iyong pinaghuhugutan.
I tapped his shoulder. “Aww. Gusto mong panyo? Iiyak ka na ata, e.”
He swatted my hand away. “Matawag ka sana sa case.”
“Uy, gago!” sabi ko tapos nagknock on wood. “Di ko natapos ’yung cases!” dugtong ko. Walangya ’to! Dun agad dumiretso! Ang dami kasing assigned cases sa Torts and to be completely freaking honest, nakaka-lito sila tandaan dahil halos pare-pareho lang naman iyong nangyayari. Hirap idifferentiate.
Mayamaya ay dumating na iyong crush ni Iñigo. Maganda talaga si Cha, no doubt, kaya nga chismis sa akin nila Lui noon na crush talaga ng buong frat ’yan—maliban kay Samuel na todo deny na hindi niya type si Cha kasi daw madaldal ang type niya—aka ako, ayaw pang sabihin.
“Wow, LQ kahit hindi naman lovers,” sabi ko kay Iñigo.
“Sana magka-surprise quiz,” sagot niya.
“Gago ka, ah,” sabi ko sa kanya.
“Tahimik na.”
Nagsimula na iyong class. Hindi naman ako natawag, thank God, dahil ang hihirap ng mga tanong ngayon! After class, nagpaalam na ako kay Iñigo dahil kami na ni Samuel iyong sabay na naglalakad pauwi. Nung pagbaba ko sa building, malayo pa ako ay nakita ko na may kausap si Samuel. I stood there for a while. Hindi ko rin alam kung bakit. It wasn’t as if naririnig ko iyong usapan nila. I just wanted to observe. The talk didn’t seem hostile. Naka-tayo lang sila roon at nag-uusap. Mukhang mas nakikinig si Samuel sa kung anuman ang sinasabi nung lalaki sa harapan niya. After a while, natapos din iyong usapan nila. I watched as Samuel sat down and stared on the ground like he was in deep thoughts.
Ganito ba iyong ‘okay?’
I should ask him.
I needed to ask him.
“Kanina ka pa?” I asked nung lapitan ko siya. “Late nagdismiss si Sir.”
“Ganon talaga ’yon,” sabi niya na biglang ngumiti. “Dinner muna tayo?”
Tumango ako. “Okay,” sabi ko sa kanya.
Nung maka-labas kami ng school ay hinawakan niya iyong kamay ko habang naglalakad kami. Tahimik lang kami. Wala namang kakaiba dito. Nakaka-pagod kasi talaga itong sem na ’to kaya minsan ay hindi kami nagsasalita. Basta magkasama kami, okay na ’yon. Sabay din kami nag-aaral minsan, pero hindi ako maka-sabay sa kanya kasi ibang klase iyong load ng subjects ni Samuel. Medyo kinabahan talaga ako kapag turn ko na next year.
Pagdating namin sa tapsilogan, dahil kilala na kami rito, sinabi lang namin na usual tapos naupo na kami habang naghihintay ng order.
“Samuel,” I called. Tumingin siya sa akin. He looked so… kind. Alam mo iyong parang hindi siya gagawa ng masama? Iyon talaga iyong itsura niya. I hated seeing him sad. Parang may kasalanan talaga ako na ginawa kapag ganon.
“Wag ka magalit.”
Kumunot ang noo niya. “Bakit ako magagalit?”
“Kasi… kinausap ko si Lui,” I said. Hindi siya nagsalita. Naka-tingin lang siya sa akin. “Nag-aalala lang kasi ako,” I added. “I know the past few months have been hard. I just wanted to be sure that you’re fine.”
“Sinabi ko naman sa ’yo na ayos lang ako.”
“Alam ko.”
“Hindi ka naniwala sa akin?”
“Gusto ko lang ng assurance.”
“Mula kay Lui?” he asked like he couldn’t believe na kay Lui, of all people, pa ako hihingi ng assurance. I would’ve asked Rhys, pero busy na iyong tao sa pagrereview niya sa BAR.
Tumango ako. “Pero sinabi niya na okay lang naman lahat. Na busy lang talaga dahil fourth year,” sabi niya. “Gusto ko lang sabihin sa ’yo para transparent.”
Dumating na iyong order namin. Nagthank you ako kay Ate. Hindi nagthank you si Samuel gaya ng usual na ginagawa niya. Tumingin siya sa akin.
“I told you—ask me kung may gusto kang malaman.”
“Gusto ko lang naman malaman kung okay ka.”
“Okay lang ako.”
“Okay din sa frat?” I asked. He took a beat. He sighed. Iyong malalim. Kinuha niya iyong tumbler mula sa bag niya at uminom ng tubig mula roon.
“Inactive ako sa frat,” sabi niya.
“Right. Kasi fourth year ka na?”
“Not exactly,” he replied.
“Dahil ba ’to sa statement?”
“Yes.”
“Tinanggal ka nila?”
“Not exactly.”
“What do you mean?”
“I don’t know,” he said. “They just said that they don’t need anything from me and I can’t also get anything from them.”
“Hindi ba tanggal ka na rin kapag ganoon?”
Umiling siya. “To get out, you’d have to leave the way you got in. And we’re not exactly doing any of that right now,” tahimik na sabi niya. Oo nga pala—naglabas ng memo iyong school na halted muna lahat ng activities ng fraternities tungkol sa initiation dahil naging malaking issue talaga iyon.
“I’m sorry,” I said, sincerely, dahil alam ko na importante kay Samuel iyong frat. He even wanted to run as the president. Tapos ngayon… ito?
Shit.
Nakokonsensya ako.
“Not your fault,” sabi niya.
“I feel responsible…” sabi ko. Kasi sinabihan siya na sumunod sa ‘script,’ but I told him to be honest… And then, this. Fuck. Kasalanan ko ’to.
“It was still my choice,” he said. “You didn’t make me do anything.”
“I told you to tell the truth.”
“Exactly,” he replied. “Since when did telling the truth become a mistake?” sabi niya habang inaabot iyong kamay ko. “I’ll be fine.”
Nagbuntung-hininga ako. “How about the BAROPS?” tanong ko. There’s a reason kung bakit halos 100% lagi iyong passing rate ng BAR takers nila. Lahat na ata ng pwedeng ibigay ay binibigay nila. Hotel accommodation, your BAR kits, your meals, your reviewers, your lectures, your last minute tips na minsan ay 90% accurate? Lahat ibibigay nila sa ’yo.
And now… wala na.
Just like that.
Na parang hindi tatlong taon na nagsilbi si Samuel sa kanila kasi ’di ba iyon daw ’yon? Serve well, so that when your time comes, they’ll also serve you well.
Pero biglang wala na.
Gago talaga ’yang brotherhood kuno nila.
“I’ll be fine.”
Hinigpitan ko iyong hawak sa kamay niya. I intertwined our fingers together. Naka-tingin siya sa mga kamay namin habang ginagawa ko iyon.
“I’ll be your one-man BAROPS team,” I told him. “Whatever you need—I got you,” I continued. “You don’t need them to pass the BAR. I got you, Samuel. We’re a team, you and me,” sabi ko habang naka-tingin sa mga mata niya.
**
This story is already at Chapter 31 on Patreon (patreon.com/beeyotch). Subscription starts at 100php per month for all stories.
If you’re having any problems with your payment or if you want to pay via GCASH, you can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance.
Chapter 26
Chapter 26
“Atty. Manjarrez,” pagtawag sa akin. I stretched my arms as I yawned. Tumingin ako sa secretary ko kahit sa totoo lang ay antuk na antok pa rin ako dahil sa dami ng binasa ko kagabi. Ewan ko ba… minsan gusto ko na magpa-seminar sa mga tao. Like… please don’t get married unless you’re a hundred percent certain. Mahal magpa-annul. Saka mahirap. Nakaka-stress. Nakaka-ubos ng hiya minsan. Halos iparada na sa korte lahat ng issue niyong mag-asawa.
Pwede naman maglive-in muna… Tapos kung ayos, e ’di magpakasal na. Hindi iyong papa-kasal tapos ’di naman pala compatible magsama sa bahay forever—biglang ayaw pala sa ganyan, hindi pala ganoon kahaba ang pasensya sa ganito. Ending, laging nagbabangayan.
Sakit sa ulo kahit ’yan ang pinili kong trabaho.
Ewan ko ba kung bakit ako napunta rito. Siguro kasi attracted ako sa kaguluhan. Gusto ko na maraming iniisip para walang time magmuni-muni tungkol sa mga bagay-bagay.
“Ma-dedelay lang daw po ’yung next appointment niyo,” sabi niya.
I nodded. “Okay,” I said, stretching my arms. I yawned again na nahawa na siya sa akin. I was about to ask her to get me a coffee, but figured out that I needed to stand up and to walk around and to stretch a little. Feeling ko talaga anytime ay makaka-tulog na lang ako.
“Pa-call na lang ako kapag nandyan na. Punta lang ako d’yan sa coffee shop,” I told her. Alam niya naman kung saan ako pupunta.
I grabbed my purse and walked outside of the office. I had a small private practice with five of my friends from law school… super unlikely, to be honest. Never kami naging classmates sa buong law school. Naging close lang kami nung review center. I chose a different review center—iba sa usually kinukuha ng mga ka-batch ko. Most of them opted to go to review centers known for producing the topnotchers.
Me? I just wanted to elsewhere.
Iyong wala akong kakilala.
Iyong walang magtatanong sa akin kung nasaan si ganyan.
I just wanted some freaking peace dahil hindi ko alam kung paano ako magrereview na may mga ganoong bagay na gugulo sa isip ko.
Nung una, dalawa lang kami. Walang gustong sumama sa amin kasi gets naman namin na hindi advisable magtayo ng firm lalo na kung wala ka pa namang napapatunayan. But we already tried the law firm life… and it was draining as hell. Feel ko tumanda ako ng ten years sa isang taon ko roon. Granted na marami akong natutunan talaga, I just didn’t think that it was worth all the headache and the fact that I got hospitalized three times that year dahil sa sobrang pagod.
I had to make a change or else feel ko iyon ang papatay sa akin.
So, I built my practice with my friend. During the first two months, wala kaming client. As in. Notaryo lang ata ang nagawa namin. And then we had one client… At dahil nag-iisa lang siya, siya ang focus naming dalawa. I guess natuwa siya sa resulta. It’s true that word of mouth is the best advertisement. She told her friends about us.
And the rest was history.
We’re not some big shot firm, but we’re good with our practice. We control our time—and I believed that that’s the best part of it.
Dumiretso ako sa coffee shop. It was busy that morning. Pumila ako. I usually just order my iced latte… but since mahaba iyong pila, I decided to shake things up a little. Naka-tingin lang ako sa menu habang nagdedecide kung ano ang oorderin ko.
After I ordered, sakto na mayroong umalis kaya naman pumwesto ako roon habang naghihintay sa order ko. Most people in the coffee shop were professionals working in the vicinity. They all looked stressed… very familiar dahil feel ko ganyan din ang itsura ko dati.
Oh, times have changed! Stress-free na ako!
“Yes, I need to do this… Samuel can’t do this to me…”
I hated how the mere mention of that name was enough to catch my attention. It was just a common freaking name. Ilang milyon sa mundo ang may pangalan na Samuel. ’Di naman siya special. Bakit ba bigla na lang akong kinabahan kahit nabanggit lang naman ang pangalan nung epal na ’yon?
“I’ll be fine, I promise…” sabi ulit nung babae sa may likuran ko.
Usually, hobby ko talaga makinig sa usapan ng mga tao sa paligid ko. Wala namang nasasaktan sa ginagawa ko. Saka para lang akong nakikinig sa teleserye sa radio. Favorite ko iyong mga nag-aaway na magjowa. Minsan gusto ko na nga lang sumabat at sabihin na ’iwan mo na ’yan! ‘Di mo deserve!’ kaso ang weird naman.
But for some reason, ayokong makinig ngayon. Wala lang. Pagod na nga ako, tapos maririnig ko pa pangalan nung epal na ’yon? ’Di naman ako bobo.
“I’m just trying to gather myself,” sabi niya ulit. “I’m actually already late for my appointment,” she continued. Medyo napa-kunot ang noo ko. “I just need to know my options. I know Samuel already talked to a family lawyer. He wants annulment.”
Halos mapa-talon ako sa kinauupuan ko nang marinig ko iyong pagtawag sa pangalan ko nung barista. Hindi pa naman ako nagkakape ngayong araw pero kinakabahan na ako. Mabilis akong tumayo at lumapit doon. I gave him my receipt and grabbed my coffee.
Maraming Samuel sa mundo. ’Di naman ’yun ’yung Samuel ko—Samuel ko?!
Wow, ha!
After everything he said, ang tanga-tanga ko na lang talaga kung aangkinin ko pa siya. Baka maglagay na lang ako ng poster: looking for: nawawalang dignidad.
Lumabas na ako sa coffee shop para bumalik sa office ko. I was trying to salvage my morning by enjoying my iced coffee nang mapa-hinto ako nang mapansin ko na may naka-tingin sa akin na babae. She looked really beautiful. I mean, I know a lot of beautiful women, but this one needed to be specifically mentioned.
“Hi,” she said.
“Hi,” I replied, a little confused.
“I’m Shanelle Nuevas,” she said. She looked so familiar… I must’ve seen her somewhere. I stared at her, but I immediately stopped myself dahil baka bigla akong maging creepy. I straightened myself up and acted like the professional that I am.
“Okay…” sabi ko. “I’m Deanne Manjarrez,” I introduced myself.
“I know,” she said. “I’m actually here for an appointment with you.”
“Oh…” I smiled out of politeness. I wasn’t briefed kung ano ang pag-uusapan naming dalawa. I was just told by my assistant na may appointment ako ngayon. But I mainly practice family law, so malamang sa malamang ay tungkol doon. I wouldn’t dream of holding some other case na hindi ko naman forte. Ayokong maka-sira ng buhay ng tao.
Her phone vibrated. Sinabi niya sa akin na sasagutin niya lang daw iyon. I nodded and quietly enjoyed my coffee. ’Di ko kasi alam kung bastos ba kung iiwan ko na lang siya tapos magkita na lang kami sa office? ’Di naman kasi ako nagcoconsultation sa gitna ng kalsada.
Nandoon lang ako sa isang gilid at umiinom ng kape ko. I really didn’t know if I should wait for her or what kaya naman bumalik na lang ako sa coffee shop at bumili ng cookie doon. I bought two so that I could offer one for her—feel ko ’di naman niya tatanggapin, but just in case.
I got two oatmeal cookies and then got another iced coffee. I usually consume three a day. Panghapon na siguro iyong isa pa.
Paglabas ko ay hinanap ko kung nasaan iyong prospect client ko nang mapa-hinto ako. My eyes widened when I saw a very familiar figure standing right before her.
Fuck.
Parang… parang gusto ko na lang lumubog sa lupa nang ma-realize ko na tama ako.
Suddenly, I was on fight or flight mode. I debated internally kung magtatago na lang ba ako at aalis. I really didn’t want to deal with him.
We dated back in law school.
He failed the BAR.
He blamed it on me.
Ako ba iyong nag-exam? Nasa akin ba ’yung sign pen? Bakit kasalanan ko? Ginawa ko naman lahat para suportahan siya.
Pero bago pa man ako makapagdecide kung ano ang gagawin ko, napa-tingin siya sa gawi ko. His eyes widened a little upon realizing na hindi siya naghahallucinate at ako talaga iyong nakikita niya. Good. Mahiya siya sa akin. Ang kapal-kapal ng mukha niya. Gusto kong hubarin iyong sapatos ko at ihagis sa mukha niya.
Matagal ko nang iniisip kung ano ang magiging reaksyon ko kapag nakita ko siya—matutuwa ba ako? Maeexcite? Manghihinayang? I was awfully curious…
But now that he’s here? It was like waves of memories came crashing back. Naalala ko lahat ng nangyari na parang kahapon lang sila.
How I almost failed a class trying to be there for him.
How I had to put a smile on my face trying to cheer him up.
How I wanted to still be there to tell him that failing the BAR wasn’t the end of the world—that he could take it again.
Na hindi naman kabawasan sa pagkatao ang pagreretake ng exam.
Pero ano ang napala ko?
Tangina, Deanne… Mukha kang tanga dati. ’Wag mo nang uulitin ’yan. Pag-ibig na ’yan… Saksak ko ’yan sa baga mo, e. Magtrabaho ka lang nang mabuti.
“She’s… your lawyer?” tanong ni Samuel habang naka-tingin sa akin. Hindi ko mabasa kung ano ang nasa isip niya. Hindi ko rin alam kung gusto ko bang basahin kasi baka masaktan lang ako kagaya nung dati nang sabihin niya sa akin lahat ng nasa isip niya.
Ang tagal niya palang tinago ’yon.
“Yes,” sagot ni Shanelle.
Umawang ang labi niya. “Sha—” Samu said, but stopped. Napa-suklay siya sa buhok niya na parang mas lumambot pa sa paglipas ng panahon. I remembered back then when I would play with his hair kapag—
Oh, god.
Stop fucking thinking about him like that. Kasal na nga, oh. Wala akong balak maging kabit. At this point, my license’s all that I have. Wala akong balak makipaghiwalay sa lisensya ko.
“No,” he continued, shaking his head.
“What do you mean no?” Shanelle asked like she was taunting him.
“You know—” sabi niya at napa-hinto. Tapos ay muli siyang napa-tingin sa gawi ko. His jaw clenched. “Unbelievable. This is unbelievable, Shanelle,” he uttered under his breath before he walked away.
Hindi ako maka-galaw.
Naka-tayo lang ako roon habang hawak ko iyong kape ko at cookies nung lumapit sa akin si Shanelle.
“Sorry you had to witness that,” she said. “That was my husband,” she continued. I felt my heart skip a beat. Pakiramdam ko, kahit hindi dapat, ay namatay ako sa isang segundo na iyon. “He wants to file for an annulment and I want you to be my lawyer.”
My lips parted. Was she… asking me to be the counsel in my ex-boyfriend’s annulment proceeding? Tumingin ako sa paligid ko. Where were the freaking cameras? Because this has got to be some kind of a prank!
“Atty. Manjarrez,” she called nang hindi ako makapagsalita.
“Y-yes,” I said when I barely gathered myself.
“Can we discuss this in your office?”
I stared at the woman before me once again.
I heard Samuel got married. I clearly remembered the day because I got so drunk na muntik na akong malunod sa dagat na dati naming nilalanguyang dalawa. Mabuti na lang at nandun si Don para hatakin ako pabalik sa dalampasigan.
But I was so drunk that day.
I forced myself to believe that I was just drunk—na hindi totoo na kasal siya. Na imagination ko lang lahat ng nangyari. Na hindi pa rin kasal si Samuel. Na nagta-trabaho lang siya.
Maybe dating, but not married… because marriage felt so… final.
Na wala na talaga kaming pag-asang dalawa.
“Okay,” wala sa sarili na sabi ko.
I felt like I was on autopilot mode habang naglalakad kaming dalawa pabalik sa office hanggang maka-pasok kami sa mismong opisina ko. I was staring at her yet again… and I hated my mind for envisioning her in a wedding dress.
That that should’ve been me.
No.
Ayoko.
Tama na ’yung dati.
“So… do you have any question for me?” tanong niya sa akin.
I drew a deep breath. ‘Be professional,’ I reminded myself. This was work. I needed to learn how to separate work from my personal… feelings , for lack of a better term.
“What can I do for you?” tanong ko sa kanya gaya ng tanong ko sa ibang mga nagiging kliyente ko.
“As I have said earlier, my husband wants to file for an annulment and I want you to be my lawyer.”
I bit my tongue as I drew another deep breath. “Okay.”
“Okay? You’re accepting my case?”
“I need to hear the facts first to know if I’ll accept the case.”
Tumingin siya sa akin. “What do you want to know?” she asked.
“Everything,” I replied.
“Everything?” she repeated.
Tumango ako. “Start from the beginning,” I said. “How did you two meet?” I asked, telling myself that I was just doing my job, that I was just being professional, that I was not asking this to satisfy my own fucking curiosity.
**
This story is already at Chapter 32 on Patreon (patreon.com/beeyotch). Subscription starts at 100php per month for all stories.
If you’re having any problems with your payment or if you want to pay via GCASH, you can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance.
Chapter 27
Chapter 27
“From the beginning,” sabi niya habang naka-tingin sa akin. She was looking at me—siya. Siya na asawa ni Samuel. God, I needed a another cup of coffee. Iyong matapang. Iyong kaya akong gisingin sa bangungot na ’to.
“Yes,” tipid kong sagot. Humugot ako nang malalim na hininga. “From the beginning,” ulit ko.
Pinagsalop ko iyong mga kamay ko habang diretso akong naka-tingin sa kanya. Kailangan kong maging propesyonal. Trabaho ’to. Trabaho ko—pero agad akong natigilan nang makita kong naka-hawak siya sa singsing sa kamay niya. I hated how I suddenly felt my eyes stinging. I had to avert my gaze. Mabilis kong binuksan iyong drawer at kumuha ng yellow pad doon. Kumuha rin ako ng ballpen. Huminga nang malalim bago muling tumingin sa kanya.
‘Umayos ka. Please,’ pakiusap ko sa sarili ko.
I didn’t know why she was here… of all the lawyers here in Manila, bakit dito siya napunta? Alam niya ba na ex ako ng asawa niya? What was her plan? O baka hindi niya alam at talagang trip lang ako ng tadhana?
Kailangan ko ng isa pang kape.
“Okay,” sabi niya.
I knew I should be looking at her while she was talking because that was the professional thing to do, but right now, being professional was the last thing on my mind. At this moment, I just wanted to… survive. I just wanted to get this over with. I just wanted her out of my office para maka-hinga na ako ulit.
“We first met way back in law school,” pagsisimula niya.
My breathing hitched. I hated that I had such a reaction sa simula pa lang ng kwento niya. I hated how affected I was kahit alam ko na taon na ang naka-lipas. Sinungaling talaga ’yang nagsabi na time heals all wounds. Kasi kung totoo nga, bakit ganito ako? Bakit makita ko lang siya, mabilis na agad na bumalik lahat ng nangyari noon?
Parang hindi nakaraan.
Parang nagpause lang.
Tapos nung nakita ko siya, biglang nagresume.
“Classmates?” I asked.
“No,” she replied. “We were from different schools,” she added. “I’m from Brent—he’s from SCA.” Ramdam na ramdam ko iyong tingin niya. “Saan ka graduate?”
“SCA,” I replied habang naka-tingin pa rin sa papel ko. “And then?” I asked na naka-tingin sa kanya bago pa siya magkaroon ng pagkakataon na tanungin ako kung kakilala ko ba si Samuel. Hindi ko alam kung ano ang pwede kong gawin—kung magdedeny ba ako o kung sasabihin ko sa kanya iyong totoo.
O kung tatanungin ko siya kung bakit siya nandito sa harapan ko.
“Nothing happened,” she replied. “I wasn’t interested back then.”
‘Kasi nandoon pa ako,’ a small voice inside my head said.
God, I should really decline this case. Ngayon pa lang ay nakikita ko na na hindi ko kayang ihiwalay iyong trabaho sa hindi. I would always compare myself to her, our relationship to theirs. Maghahanap lang ako ng bato na ipupukpok sa ulo ko.
“Kailan naging kayo?” I asked dahil hindi ko yata kaya na marinig lahat ng kwento niya.
“I’m getting there,” she replied. “We met again nung BAR results.”
Napa-higpit iyong hawak ko sa ballpen ko.
“I’m actually also a lawyer,” she said habang ramdam ko iyong tingin niya. Alam niya. Sigurado ako na alam niya. Bakit siya nandito? Gusto niya lang bang makita iyong reaksyon ko? “But I failed my first take.”
“It’s not that big of a deal,” tahimik na sabi ko. “You’re a lawyer now. It doesn’t matter kung ilang beses ka nag-exam. Iisa lang naman ang destinasyon natin.”
It almost felt like a script.
It almost felt rehearsed.
The words just rolled out of my tongue.
Because years ago, that was what I kept telling Samuel… pero para siyang bingi sa mga salita ko.
“That’s nice of you,” she said.
Tumingin ako sa kanya. Hinigpitan ko iyong pagkaka-hawak ko sa ballpen ko at pinigilan iyong sarili na diretsahin na siya. Hindi ko siya kilala. Hindi ko alam kung ano ang trip niya.
“Ms. Nuevas,” I said. “Since we’re both lawyers, can we skip to the part ng annulment?” I asked.
“So, you’re accepting the case?”
“Not yet,” I said.
“Then, I can’t talk about the case.”
“Then, why are you here?” diretsang tanong ko habang naka-tingin sa mga mata niya.
And I fucking hated how when I look at her, all I could think about was that I was looking at Samuel’s present… and that I was nothing but a part of his past.
“Because I want you as my lawyer.”
“Why me?”
“You’re practicing family law, right?”
“I am.”
“Then, why are you asking me why I chose you?”
Huminga ako nang malalim.
“Shanelle,” I said. “Can I call you Shanelle?”
“You can,” she replied as she was staring at me. Ano ang nagustuhan ni Samuel sa babae na ’to? Because looking at her, she was the exact opposite of what Samuel told me he liked. Kasi ang naaalala ko, sinabi niya na gusto niya iyong babaeng magulo, iyong babaeng maingay, iyong babae na gugulo sa tahimik niyang buhay.
O baka nagbago na siya.
Baka ayaw niya na sa ganoon.
Dahil sa akin.
“Wag na tayong maglokohan,” sabi ko sa kanya.
“I don’t want an annulment,” sagot niya.
“I think naliligaw ka, Miss,” kalmadong sabi ko sa kanya.
Seriously, what’s her deal? Kasi kung ayaw niya ng annulment, bakit siya nandito sa harapan ko? Hindi ba niya naisip na baka may feelings pa ako sa asawa niya at baka gawin ko lahat ng makakaya ko para maghiwalay sila?
Ano ba’ng problema niya?!
“No, I know why I’m here,” she repeated. “I want you. As my lawyer. In my annulment case,” she added. “Even better kung hindi na makakarating doon.”
Saglit kong ipinikit ang mga mata ko at huminga nang malalim. Kung alam ko na lang na ito ang mangyayari ngayong araw, sana hindi na lang ako pumasok. Sana nahiga na lang ako sa kama buong araw.
“Why me?”
“Aren’t you a competent lawyer?” she asked in a tone that made me want to throw her out of my office.
“I am,” I replied.
“Then take my case.”
Tumitig ako sa kanya. What’s her game? Why me? Ano ang meron sa akin para pumunta pa siya rito? She’s hiding something… Impossible na ako lang ang kilala niyang family lawyer.
Halos mapa-hinga ako nang maluwag nang maka-rinig ako ng katok sa pintuan. Agad akong tumayo at binuksan iyon kaya naman nagulat si Tel.
“Atty—” I stared at her. She knew me enough to know that I needed her to make some excuse para makaalis ako rito. “Tumawag po si Mr. Cinco. May kailangan daw po from you. Emergency.”
“Thank you,” I told her as I closed the door. Tumingin ako kay Shanelle na naka-tingin lang sa akin. Her legs were crossed as she looked at me. “I have to go,” I said. At this point, I didn’t even care na alam niya na gumagawa lang ako ng excuse.
I hated confrontations.
I hated personal feelings.
I hated how I couldn’t just be fucking professional.
“Please leave,” I told her.
Tumayo siya. She was taller than me. She was… beautiful. I hated that I hated everything about her. Hindi ako ’to. Ayokong maging ganito.
“I’ll be back,” she replied habang may kinukuha siya sa bag niya. Inilapag niya iyon sa lamesa ko. “I need you as my lawyer, Atty. Manjarrez,” she added before she left my office… and that was the time when I realized that I was holding my breath around her.
“One more—” sabi ko nang mapa-hinto ako nang makita ko si Iñigo sa may bar. He looked equally surprised to see me. “Bakit ka nandito?”
Inilagay niya sa bar counter iyong briefcase niya. “Bakit ka rin nandito?” he asked back.
Umirap ako. “Nauna akong magtanong.”
Bahagya siyang tumawa. After law school, hindi kami masyado ng nakapag-usap ni Iñigo. Life just happens. Mayroon siyang career at ganoon din ako. But sometimes, we’d bump into each other. Minsan ay makikita ko siya sa korte; minsan sa conference. The world is small for the two of us—but apparently big enough para sa aming dalawa ni Samuel.
God, I needed another drink.
“Dito gustong makipagmeeting nung isa kong client,” he simply said. I didn’t ask further because we shouldn’t talk about our clients. But god, did I badly want to talk to him about what happened!
“Hypothetically,” I began.
He laughed. “Kapag ganyang nagsisimula sa hypothetically, kailangan ko ng inumin, e,” he said as he ordered himself a glass of jack and coke. “Hypothetically, ano?”
“Hypothetically,” I said as I played with the stirrer in my drink. “Pumunta sa office ko iyong asawa ng ex ko.”
Kitang-kita ko iyong pagka-bigla sa mukha niya. He was there. He knew what happened. We just didn’t talk about it then. Ayoko kasing pag-usapan. Hindi ako makaka-graduate nun kung pinag-usapan namin. For quite a while, I pretended that nothing happened because at that time, that was the only way to go on.
I already lost the love of my life.
I didn’t want to lose my dream, too.
“Sabi niya, gusto niya raw akong maging lawyer. Parang gago, ’di ba?” sabi ko na pagak na natawa. “I mean, hypothetically, parang gago.”
“Ano’ng gagawin mo?” tanong niya. “Hypothetically?”
Tumingin ako sa kanya. “Ikaw? Kunwari hindi kayo nagkatuluyan ni Cha—”
“Asa naman,” sagot niya.
Umirap ako. “Hypothetically nga.”
Tumawa siya. “Kahit sa hypothetically world, kami ending nun.” Sumimangot ako. Tumawa siya. “Sige na nga. Hypothetically ako iyong nasa posisyon mo—I mean, sa hypothetical situation?” he asked and I nodded. “Mahal ko pa ba?”
I shrugged.
He shrugged. “Assuming mahal ko pa, medyo mahirap kasi dragging mga annulment case,” sabi niya. “Wala bang ibang lawyer? Hassle naman niyan.”
“Ewan ko. Ang dami ngang abogado. Bakit napadpad sa opisina ko?”
“Bakit nga kaya?”
“Hindi ko alam.”
“Tinanong mo ba?”
“Tinanong.”
“Anong sabi?”
“Basta gusto niya raw ako.”
Sabay kaming natahimik at napa-inom.
“Tatanggapin ko ba?” I asked after the silence that felt like forever.
“Up to you,” sagot niya sa akin. “Siguro… siguro tanungin mo muna kung bakit kailangang ikaw.”
“I know.”
“Pero anuman ang mangyari, lisensya mo, okay?” he said as he tapped my shoulder. I just nodded as I stared at my drink. I knew that. I read too many fucking disbarment cases to even dare do something that would jeopardize my license.
“I should talk to him,” I said.
“Usap lang.”
“Hindi ako ganon. May asawa ’yung tao.”
Tumango siya. “Tama ’yan,” he said.
“Pero ayoko siyang kausapin.”
“Para kang tanga.”
“Wow, thank you.”
Tumawa siya. “Decline mo na lang ’yung kaso, Manjarrez,” sabi niya. “Marami namang abogado d’yan. ’Wag mo ng isama sarili mo,” he added. “Saka na lang kung mafinalize ’yung annulment.”
Napa-tingin ako sa kanya.
“Four years tayong magkaklase,” natawang sabi niya. “Kilala kita. Kung gusto mo pa rin talaga, maghintay ka kapag okay na. Payong kaibigan lang, Deanne.”
Isinandal ko iyong ulo ko sa counter.
“Samahan mo ko kapag kinausap ko.”
“Bakit? Kailangan mo ba ng physical restraint?”
“Oo kasi baka masuntok ko.”
Natawa siya. “Kasi ’di mo nagawa dati?”
I groaned as he laughed. Mayamaya pa ay nagpaalam na si Iñigo na aalis na siya dahil may kailangan pa siyang gawin. Nang mag-angat ako ng tingin ay napansin ko na may papel sa gilid ko. Napaawang iyong labi ko nang makita ko na isinulat niya roon iyong number ni Samuel.
**
This story is already at Chapter 33 on Patreon (patreon.com/beeyotch). Subscription starts at 100php per month for all stories.
If you’re having any problems with your payment or if you want to pay via GCASH, you can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance.
Chapter 28
Chapter 28
I’d like to think that I made a couple of hard decisions in my life so far. Una nung umalis ako sa amin against Mama’s wishes—against her telling me ’wag ko siyang iwan. I still remembered clearly nung umuwi ako sa amin na umiiyak. She immediately figured out that it was because of some guy—hindi niya alam kung sino, pero alam niya na meron. I thought she was going to, at least, comfort me. Pero ano ang una kong narinig? ’Wag ko raw unahin ang lalaki.
Wow.
Didn’t think I’d hear it from my own mother.
Pangalawa nung magresign ako sa law firm. I had been wanting to leave the firm life. Kaya lang naman ako napunta roon nung una ay dahil gusto ko ng experience. Hindi ako makaalis for some reason. Siguro ay dahil alam ko na hindi naman ako ganoon kagaling? Kaya pag-umalis ako, may assurance ba na may iba pang tatanggap sa akin? So, I stayed. I stayed and suffered in silence. Ayoko na kasi pag-usapan iyong mga bagay na ayoko, na hindi nagpapasaya sa akin. I reached the point in my life that I’d rather keep everything to myself kaysa ikwento ko pa sa iba. I didn’t want to discuss in detail the things I should and shouldn’t have done. Wala naman na kasing mababago.
But then Kitty’s case came.
I rushed to her side. Kung hindi man siya makahanap ng lawyer, I would’ve accepted her case. It wasn’t my forte, but I would’ve done my best for her. For some reason, nakarating ’yon sa isa sa mga managing partners. I was told to stay away from the case. E hindi naman ako iyong abogado ni Kitty kasi tinanggap ni Jax iyong case. Still, as a precaution, ’wag ko raw isama iyong sarili ko.
It was like a… trigger.
I left even though leaving scared me.
I’d been miserable for a long while. I didn’t want any more of that. Mabuti na lang at nakahanap ako ng mga kasama para magtayo ng sarili naming firm. Maliit man, at least kontrolado ko lahat. Medyo stressful dahil kami ang bahala sa lahat, but I’d take it over the firm life.
Pero ngayon, naka-titig ako sa papel na binigay ni Iñigo. Kanina ko pa iniisip kung ano ang gagawin ko… Kung tatawagan ko ba o hindi. Kung itatapon ko ba o itatago.
I ordered another glass.
Downed it.
And sent a text.
Hindi ako sigurado kung pupunta siya. I didn’t even introduce myself nang magtext ako sa kanya. But I was still using my old number. Hindi ko alam kung bakit nasa akin pa rin iyon. Siguro… siguro deep in my subconscious, iniisip ko na baka bigla siyang tumawag? O magtext?
Para talaga akong tanga.
Tahimik akong naka-upo sa may coffee shop habang naka-titig sa kape sa harapan ko. Pupunta ba siya? Kung pumunta man siya, ano ang pag-uusapan namin? Magsisigawan ba kami? Sisigawan niya ba ako? Maiiyak ba siya sa galit at frustration?
Babalik ba kami sa dati?
This was a bad idea.
Tatayo na sana ako para umalis nang mapa-hinto ako nang makita ko si Samuel. Naka-tingin siya sa akin. Hindi ko alam kung paano babasahin iyong ekspresyon sa mukha niya.
Naka-tingin lang kami sa isa’t-isa.
Walang nagsasalita.
We both didn’t want to be here… kaya bakit nga ba kami nandito?
“What does your wife want?”
I was looking at his face as I asked my question. Iyon lang naman ang gusto kong malaman. Na bakit kailangang ako? Bakit kailangang kasama ako? Because I worked so hard to be where I was. I worked so hard to be okay—or, at least, well enough to be able to pretend that I was okay.
Tapos nandito na naman siya.
Parang bumabalik lang ako sa dati.
“Can I sit first?” he asked.
Hindi ako nagsalita. Hindi ako gumalaw. Pinanood ko lang siya hanggang maka-upo siya sa harapan ko. I hated how my heart physically constricted in pain at the mere sight of him in front of me. I hated how my eyes were looking for the changes on his face. I hated how easily he could lure me back into thinking about before.
Pero tapos na ’yon.
Iba na ngayon.
May asawa na siya.
“I’m sorry,” he said.
“For what?” I asked… sounding so fucking sarcastic even when I didn’t mean to. Because for months before, I imagined him apologizing to me… Kasi isang sorry niya lang dati, sigurado ako na babalik ako sa kanya. Kasi alam ko naman kung bakit ganoon iyong naging reaksyon niya. Alam ko naman na mahirap iyong pinagdaanan niya. Binigay niya lahat sa frat niya tapos biglang ganoon lang? Na pumasa silang lahat tapos siya lang iyong hindi? Of course he’d be mad. Pero bakit sa akin?
Pero sige na, ako na lang. Tutal ako lang ’yung nasa tabi niya nung panahon na ’yon. Kanino pa ba niya sasabhin? Sino pa ba ang makikinig? Tinanggap ko lang lahat nung sinabi niya kasi alam ko na kailangan niya ilabas ’yung frustration na nararamdaman niya. Tahimik lang ako na nakinig sa lahat ng sinabi niya.
Pero isang sorry lang.
Isang sorry lang.
Mapapatawad ko naman.
Iintindihin.
Hindi niya nabigay.
Hanggang hindi ko na maintindihan.
Tapos… kasal na raw siya.
Ano pang choice ko pagkatapos nun?
“Everything,” he said.
Tipid akong ngumiti. “Nice,” I said. “Tutal marami ka ring kasalanan sa ’kin, noh? Isang sorry na lang para sa lahat.”
“Deanne—”
“Atty. Manjarrez, please,” I told him.
I didn’t want him calling my name.
I didn’t want this to be a personal meeting.
I wanted us to establish boundaries.
Tipid siyang tumango. “Atty. Manjarrez,” pag-ulit niya sa sinabi ko.
“I won’t be accepting your wife’s case,” sabi ko sa kanya. “Please tell her to stop dragging me into your mess. I think you’ll agree with me when I say you already caused me so much pain, Atty. Fortalejo,” dagdag ko na pagak na natawa. “I should’ve sued you for moral damages, noh? Mayaman na siguro ako ngayon.”
Hindi siya nakapagsalita kasi alam niya naman na tama ako.
“Kakausapin ko siya,” sabi niya.
Napa-tingin ako sa kamay niya. Walang singsing doon. Nakita niya na naka-tingin ako roon. Bigla niyang hinawakan iyong parte na iyon ng kamay niya.
“We’re legally separated,” bigla niyang sinabi. “I want an annulment to formally end things.”
Parang may bara sa lalamunan ko.
Hindi ako maka-tingin sa kanya.
“Okay,” simpleng sabi ko. Kasi ano ba ang dapat sabihin ko roon? Congrats? Na hiwalay na kayo ng asawa mo? Na natupad iyong hiling ko noong gabi na nalasing ako na sana hindi ka sumaya sa buhay mo?
“I’m sorry she had to include you in this,” he said.
Tumingin ako sa kanya. “Bakit ang dali na sa ’yo magsorry sa ginawa ng ibang tao, pero sa ginawa mo noon, hindi ka makapagsorry?” diretso kong tanong.
Ang dami ko pala talagang inipon na sama ng loob sa kanya.
Parang diretsong lumalabas ngayon.
“But congrats, anyway. Against all odds, lawyer ka na,” I said as I stood up. Kinuha ko iyong bag ko. Papaalis na sana ako pero saglit akong napahinto nang muli ko siyang marinig na humingi ng tawad sa akin. Ikinuyom ko iyong kamay ko.
Bakit ang hirap sa kanyang sabihin iyong salita na ’yan noon?
I tried to act normal.
I tried to go back to normal.
I was drafting pleadings and affidavits, reading researches, making appearances in courts… basically doing everything to distract me from the fact that after years of not seeing each other, biglang nasa harap ko na naman siya na parang kahapon lang nangyari lahat.
“Atty,” sabi sa akin ni Tel.
“Bakit?” tanong ko habang naka-titig sa screen ng computer ko habang nag-eedit ng iaattach ko na judicial affidavit sa isa sa mga petition na isusubmit ko next month. Masyadong matrabaho ’yung annulment. Ang daming kailangang ipasa. I was drowning in paper works.
“Nasa labas si Miss Nuevas.”
Agad na kumunot ang noo ko at napa-hilot sa sentino. “Sabihin mo busy ako.”
“Okay, Atty,” sabi ni Tel.
Hindi ko alam pero para akong tanga na tumayo pa at inilock iyong pintuan ng opisina ko. I knew Shanelle wouldn’t just barge in here… but I couldn’t take any chance. I didn’t want to talk to her. I didn’t want to see her. I didn’t want any participation in their mess. She told me to name my price—surely, money’s not the problem. She could get any lawyer she wanted.
Sigurado ako na may personal na dahilan kung bakit kailangan ako.
But I didn’t want to sit in the front row as their relationship is being dissected in court. I didn’t want to listen to every detail, every explanation. Just thinking about it was making my head hurt and making me want to just hide from the world.
“Nandito ka pa?” I asked nang maabutan ko si Therese na naka-upo sa couch sa may receiving area. It was already 11PM. Normally, around 9PM, naka-uwi na ako. For some reason, ayokong lumabas ng opisina.
“Usap tayo,” sabi niya.
Agad na kumunot ang noo ko. Maybe there’s a reason why ayokong lumabas sa opisina.
“Tungkol saan?” tanong ko.
“Ayoko sanang sabihin as much as possible kasi akala ko kaya pang gawan ng paraan,” sabi niya. “I did the math—we can still pay for the lease for the next six months.”
“Okay?” sabi ko. “May monthly retainer naman? Saka maraming kaso si Jill—”
“Yeah… that’s the thing, lilipat na si Jill.”
Napaawang iyong labi ko. “What?”
“May offer ’yung G&Z sa kanya. Sabi niya, she’ll buy her contract.”
“What the fuck? Paano ’yung non-compete?”
“Babayaran daw ’yung damage,” sabi ni Therese. “And I think it’s safe to say na sasama sa kanya ’yung mga clients niya,” she added. Tumingin sa akin si Therese. “We need money, Deanne.”
Para akong nanlamig nang mapagtanto ko kung ano iyong ibig niyang sabihin.
Hinawakan niya iyong dalawang kamay ko. Tumingin siya sa akin. “We love this little firm, right? We built this from scratch. Alam ko na ayaw mo… and if you say no, I will respect it,” she said. “We’ll still do our best. We’ll just… see what happens in six months.”
Nagpaalam na siya.
Naiwan ako sa opisina.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nandoon habang naka-titig sa kawalan… And then I looked around the office. We built this from scratch. We worked hard for this. Ayoko na mauwi sa wala lahat ng pinaghirapan namin.
Huminga ako nang malalim hanggang sa kunin ko iyong card ni Shanelle mula sa bag ko at tawagan siya.
“This is Atty. Manjarrez,” sabi ko nang sagutin niya iyong tawag. She answered on the first ring. Na para bang alam niya na tatawag ako. “Come to the office and let’s discuss your case tomorrow.”
**
This story is already at Chapter 34 on Patreon (patreon.com/beeyotch). Subscription starts at 100php per month for all stories.
If you’re having any problems with your payment or if you want to pay via GCASH, you can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance.
Chapter 29
Chapter 29
“Galit ka?” tanong ni Jill sa akin nang mag-abot kami sa opisina.
“No,” sagot ko. “Disappointed, yes, pero hindi ako galit.”
“I can’t pass up the opportunity.”
“I know.”
“We’re still friends?”
Nagkibit-balikat ako. G&Z was one of the best firms in the country—it’s usually only by invite. I remember back in law school, nung fourth year kami, nagkaroon ng career fair sa school. Fourth year students were required to attend. Isa iyong G&Z sa mga nagsalita roon. Habang nanonood ako, ang nasa isip ko lang ay impossible ako na maka-pasok doon kasi valedictorian at salututorian lang ng top universities ang iniimbitahan nila na magtrabaho sa kanila. Or if hindi, iyong mga nagtop sa BAR.
I was not G&Z material—not that interesado din ako. I knew that with that kind of prestige also meant selling your soul to the devil… not literally, of course. Pero sa ganyan kalalaking firm nandoon iyong mga malalaking kliyente. I worked in a mid firm. Doon pa lang makikita mo na iyong kalakaran. Alam ko sa sarili ko na hindi ko kaya iyong ganyan kalaki na firm.
But not everyone’s like me.
Not everyone’s contented na sa ganito na may trabaho.
Marami akong kilala na kagaya ni Jill—na mayroong clear career path na gustong tahakin. I had always known that one day, she’d leave us for better opportunities. Hindi ko lang akalain na ngayon na. Kung ako ang masusunod, sana sa ibang panahon na—iyong mas stable na kami. Pero hindi ko naman pwedeng harangan iyong opportunities na dumadating sa kanya. I had nothing else to do but to congratulate her and wish her the best.
Umalis na si Jill dahil may kailangan pa siyang puntahan na hearing. Next month pa naman siya aalis. Kailangan niya pang tapusin lahat ng pending niya rito at kailangan nang maayos na transition.
Apat na lang kami—afford pa kaya namin kumuha ng isa pang abogado?
“Morning,” sabi ni Therese sa akin.
“Morning,” I replied as I sipped my coffee. “Called Ms. Nuevas.”
Napa-tingin sa akin. “Really?” she asked like she knew about Shanelle’s offer na bayaran ako kahit magkano.
Tumango ako. “She’ll come by today para pag-usapan namin iyong sa kaso nila.”
Tipid siyang tumango. “Sorry.”
“Di mo naman kasalanan,” sabi ko.
“If kailangan mo ng tulong, okay?”
I nodded and smiled a little. “For the firm.”
“For the firm,” she replied with a small smile, too. “Well… do you need any help? Mamaya pa naman ’yung appointment ko.”
Umiling ako. “No, kaya ko na ’to. Routine lang naman.”
Tumango si Therese. Pumasok na ako sa opisina ko kasama iyong kape ko. I’ve been doing this for quite some time… I wouldn’t say na eksperto ako sa annulment, but I’d had my fair share of annulment cases. Konti pa nga lang iyong finalized na dahil mabagal talaga ang usad dito sa Pilipinas. How I wish na maaprubahan na talaga iyong divorce. People shouldn’t be forced to stay in an unhappy and abusive marriage—marriage is not a life sentence. Besides, if it’s not for you, then don’t get divorce. But don’t stop people from getting one tutal ’di naman maaapektuhan ang buhay mo.
I busied myself with editing judicial affidavits nang maka-rinig ako ng katok sa pintuan. Nang bumukas iyon ay nakita ko si Shanelle. She was wearing a black pantsuit. She looked very professional.
“Good morning,” I greeted.
“Good morning,” bati niya pabalik. “Can I?” tanong niya habang naka-turo sa may upuan sa kabilang panig ng table ko.
Tumango ako. “Shall we begin?”
“You’re accepting my case?”
Tumango akong muli. “But first, we need to discuss my professional fee,” sabi ko dahil ito naman talaga ang pinaka-dahilan kung bakit ako pumayag. Kasi kung ako lang? Hindi naman ako ganoon ka-tanga at kabaliw para pumayag na maging abogado ng asawa ng ex ko.
“My usual acceptance fee is 30 thousand,” sabi ko. “What do you say about 100?”
She shrugged. “You’re the lawyer.”
Bahagyang kumunot ang noo ko. “Okay. 20 thousand per court appearance—notwithstanding if the hearing will be rescheduled with or without our negligence.”
“Okay.”
“One thousand per hour research fee.”
Tumingin siya sa akin. “Just put everything into writing, Atty. Manjarrez,” she said. “I already told you last night—name your price. Seryoso ako roon.”
Huminga ako nang malalim. “Very well,” sabi ko. “Are you familiar with annulment proceeding?”
“I did my research,” sagot niya. “Not my forte, though.”
Tumango ako. “With the new rules, we need to prepare all documents to be attached,” sabi niya. “I assume from our previous conversation that your husband’s the one filing?”
Tumango siya. “I just need this dismissed.”
“Well, what’s the ground?”
She shrugged. “No idea.”
Naka-tingin ako sa mukha niya. Wala akong mabasa na kahit anong emosyon. She looked… calm. But the kind of calm na maiisip mo na maraming nagtatago sa likod ng kalmado niyang itsura. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin maintindihan kung ano ang nagustuhan sa kanya ni Samuel… But I should stop trying to understand. Not my clowns; not my circus.
“Since your husband’s the one filing for the petition for annulment or nullity of marriage, they’ll prepare the complaint together with the judicial affidavit of your husband, their expert witness, and a corroborative witness. Do you really have no idea kung ano iyong grounds nila? Because we need to prepare our defense as early as possible.”
Hindi siya nagsalita.
Para sa isang tao na gustong ma-dismiss ang kaso, she was not very forward with any of the details.
Huminga ako nang malalim. Trabaho ’to. I needed to give her the same patience and professionalism that I extend my other clients. This was nothing but another annulment case that I’ll be handling.
“Okay…” I replied to her silence. “The usual ground is psychological incapacity. Do you think that’s the reason? Nagfile na ba siya? Because if he did, then we’ll be receiving a copy of the complaint.”
Imbes na sumagot sa tanong ko ay sinabi niyang, “Have you talked to him?”
My lips parted when she caught me off guard with the sudden change in the tone of her voice. She sounded almost… frightened.
“Yes,” I replied, honestly. “I just asked him if he was aware that his wife’s trying to get me as her lawyer.”
“And what did he say?”
“Nothing,” sabi ko. Bahagyang napakunot ang noo ko. She looked relieved. “Did you cheat? Did you have an affair? Because you surely do know na hindi grounds for annulment ’yon.”
“I would never,” she said.
I looked at her. This wasn’t my first annulment case. No is almost the automatic answer kapag tinanong mo ang isang may asawang tao kung nangaliwa ba sila. Hindi nila maamin. But this wasn’t how it should work. Abogado ako—I needed to know all the facts otherwise, I’d be freaking blindsided once the cross-examining begins. Baka kung saan mapunta iyong tanong ng prosecutor kung hindi ko alam na may mga ganito palang nangyayari.
“Are you sure?” I asked again just because I have to.
“Yes,” she replied but for some reason, I couldn’t bring myself to believe her. Something’s amiss… Idagdag mo pa iyong sinabi ni Samuel na legally separated na sila.
“Okay… Since you have no idea about the possible grounds, then I will just have to wait to be furnished with the copy of the complaint,” sabi ko sa kanya.
Tumango siya.
“Since you don’t want the annulment, wala naman tayong magiging problema sa collusion hearing kapag nagsend na ng summon iyong office of the prosecutor,” I told her.
Tumango siyang muli but for a split second, it felt like the veil had been lifted… para bang nakita ko na ngayon pa lang, nahihirapan na rin siya. She really didn’t want this annulment…
What the fuck happened to their marriage?
I was never one to drink after work dahil mas gusto kong umuwi at matulog. Back in law school, panonood ng sitcoms ang pampawala ko ng stress. I couldn’t do that anymore. I’d just rather sleep. Tapos gising kinabukasan. Balik sa trabaho. Tapos ganoon ulit.
But… I really need a drink right now.
Or maybe a bottle at this point.
“Sorry, late,” I heard Kitty’s voice nang maupo siya sa tabi ko.
“It’s fine—nauna na ako,” I said as I finished my already almost empty glass of whisky. Kitty got herself a bottled water.
“Game na,” she said. Nagtext kasi ako sa kanya na kung free siya, magkita kami. We lost touch after graduation. Hindi rin kami sa same na review center pumunta. Ni hindi ko nga ata siya nakita nung oath taking. Nag-uusap pa rin naman kami nung nasa law school pa pero sobrang dalang dahil naghiwalay sila ni Jax. She isolated herself. Na-miss ko siya noon, but hindi ko rin naman mapilit na kausapin siya. I just told her na nandoon lang ako kapag kailangan niya ako—I told her that a lot of times because losing both your parents at once? Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman niya.
I heard from her again when she called me from the precinct. Then things got busy. Then she went to Alaska. Then when she came back, we’d meet once a month to catch up. We didn’t need to meet all the time—but I knew that if I need her, she’ll be there.
“Hindi ko alam kung saan magsisimula.”
Isinandal ko ulit iyong ulo ko sa may counter, never mind na madumi. Sumakit iyong ulo ko sa lahat ng narinig ko buong araw. I felt like I would physically be sick.
“Alam mo na kung bakit ikaw?”
“No. Feel ko hindi ko malalaman. Gusto ko na lang gawin iyong trabaho ko.”
She patted my back. “Kailan ka free? Spa-weekend?”
“Next year pa ata ako magiging free,” I said. Tumingin ako sa kanya. “Kapag nagsara ’yung firm, tanggapin mo ako sa ’yo.”
Tumawa siya. “Walang sweldo ’don.”
I groaned. “Kailangan ko ng pera.”
“Try mo sa BGY?”
I actually thought about that, too, but I felt like… hindi ko kaya ’don? Puro topnotchers ’yung nandon. Besides, nandoon na si Yago na forte ’yung forte ko. Hindi pa nila kailangan ng dalawang family lawyer.
“Laban ko muna ’yung sa ’min,” I said.
“Good,” sabi niya. “Besides, it’s just work.”
I nodded. “You’re right,” sagot ko, remembering how I once told Kitty to talk to Iñigo before kasi nga… trabaho lang naman. I mean, oo nabwisit din talaga ako kay Iñigo at one point kasi alam mo ’yon? Kaming tatlo ’yung magkakasama sa law school tapos biglang ganon? Na-bwisit talaga ako. But then I remembered that it’s work… And that it’s Iñigo… He may be a lot of things but he’s not an asshole. Surely, there’s a reason why he did those things.
Kagaya nung ngayon.
May dahilan talaga kung bakit kailangan kasama ako.
“Do you know na nung lumabas ’yung BAR result ni Samuel, nandoon din si Shanelle?” I asked as I downed my second glass. Natawa ako. “Hindi ko alam kung… matatawa ba ako o kung ano… In that moment, ’di ko alam na nasa paligid ko lang pala ’yung papakasalan ng boyfriend ko? Ayos din, noh?”
Kitty looked at me with pity.
I smiled at her. “I’m happy for you,” I said as I felt my chest tightening and my eyes stinging. “I wish I have that, too…” sabi ko habang mabilis na pinunasan iyong luha na kumawala sa mga mata ko.
“Deanne…”
Umiling ako habang pinupunasan iyong luha ko. “Sorry. Bakit biglang may pag-iyak?” sabi ko habang umaabot ng tissue at pinupunasan iyong mukha ko. “Masaya ako para sa inyo ni Jax. Deserve niyo ’yan.”
“Deserve mo rin sumaya,” she said.
“I know,” I replied with a smile, but didn’t tell her that at this point in my life? I was already convinced that I would never find somebody else again… because Samuel really did a number on me that I never really let anybody else get near.
Because what he did hurt.
So much.
And I didn’t want to go through that again—not with him, not with anyone else.
**
This story is already at Chapter on Patreon 35 (patreon.com/beeyotch). Subscription starts at 100php per month for all stories.
If you’re having any problems with your payment or if you want to pay via GCASH, you can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance.
Chapter 30
Chapter 30
Naging busy ako nung mga sumunod na araw. I had to attend some hearings and submit some documents. Nakaka-pagod iyong trabaho ko at minsan, nalulunod na talaga ako sa dami ng papel na kailangan kong basahin, isulat, at ipasa, but… I love my job. For some reason, I really enjoy what I was doing. Ewan ko kung superhero complex ba iyong tawag sa ganito, but so far, sa lahat ng naka-usap ko, they’re trapped in a bad marriage. I felt like aside from it literally being my job, that I was doing something right.
That at the very least, I was helping someone get to their happy ending.
“You can always email me kapag may kailangan,” Jill said.
“Okay.”
“Di ka nga galit sa akin?”
“Hindi nga,” sabi ko habang inaayos iyong mga iendorse niya na kaso. Hindi na kasi siya tumanggap kasi kapag tinanggap niya, bibitbitin niya papunta sa G&Z. At least naawa naman pala siya sa amin kaya dito na lang iyong ibang case.
“Okay,” she replied. “Sabi mo, e.” I got a paperbag from under my table. Inabot ko sa kanya. “Ano ’to?” she asked.
“Farewell gift.”
“Para namang hindi na tayo magkikita,” she said.
I shrugged. “Malay mo naman?”
“Galit ka nga—”
“Hindi nga,” sabi ko. “But I sincerely hope na mag-enjoy ka sa G&Z,” I told her because kung ako lang? It’s a resounding no. Ayoko sa ganoon kalaking kumpanya. Too much pressure. Pakiramdam ko ay doon na iikot ang buhay ko.
“I will,” she replied. “I’ll endorse this firm whenever possible.”
“Kung nandito pa ’yung firm.”
Umirap siya. “Nega masyado.”
“Sino may kasalanan?”
We ate lunch together, kaming lima sa firm. Hindi pa naman last day ni Jill, but we’re all busy at hindi na rin namin alam kung kailan kami magkikita ulit na magkakasama.
Nung hapon, nagpahinga lang ako dahil fortunately, walang naka-schedule na kailangan kong puntahan. I’d just catch up with my paperworks. Ayoko kasi talaga ng natatabunan. I mean, regular occurrence naman na na natatabunan ako, but at least, I was trying to… slow that down. Kahit mukhang impossible because family law’s like 75% paper works.
Around 4PM, natapos na ako sa ginagawa kong draft. I looked at my calendar. Nakita ko iyong pangalan ni Shanelle doon. Dapat ngayon ay may draft na ako sa annulment nila. Seriously… paano ko gagawin iyong trabaho ko kung parang may tinatago siya sa akin? Hindi naman ako mind reader—I actually needed her to help me. Hindi naman ako iyong kasama sa kasal nila para malaman ko kung ano ang nangyayari doon.
“Punta lang ako sa client,” sabi ko sa paralegal namin. “Baka hindi na rin ako bumalik.”
Dumiretso ako sa sasakyan at saka inilagay sa waze iyong address ng workplace ni Shanelle. I researched. It’s a part of my work… or maybe that’s just something that I needed to tell myself because it felt wrong na magtanong ako tungkol sa kanya. I didn’t want to be curious about her, yet here I was.
She’s Shanelle Nuevas. Graduate ng Brent. Valedictorian ng batch nila. Two-times nagtake ng BAR—not that it mattered. In the end, she’s still a lawyer just like the resto of us. Like me, she worked in a firm but resigned and built a firm with her friends.
We’re more alike than I thought.
I didn’t know if I like the idea.
Huminga ako nang malalim bago lumabas ng sasakyan. Her firm was in a ten storey building… mas maganda sa building ng firm ko. I groaned. Why was I comparing? I hated that I was comparing. Kailangan kong itigil ’to.
Dumiretso ako sa floor kung nasaan iyong firm nila. Nagpakilala ako sa receptionist. She told me to wait. Tahimik akong naupo habang naghihintay. I got my phone and just scrolled through my social media accounts to pass time. Ayoko na magbasa ng kahit ano na related sa work ngayon dahil pakiramdam ko ay magkakaroon na ako ng headache.
A few minutes later, bahagyang bumukas iyong pinto. Sabi nung receptionist ay iyon daw ’yung office ni Shanelle. Tumayo ako dahil baka patapos na iyong meeting niya. Ako na iyong pumunta rito para sabihin sa kanya na hindi ko magagawa iyong trabaho ko kung hindi niya ako bibigyan ng kahit na ano.
“Then drop it,” narinig kong sabi ng boses ni Shanelle. She sounded angry. It caught my attention. Was she talking to a client? I shouldn’t listen, then.
“Shanelle, please.”
Napaawang ang labi ko nang marinig ko iyong boses. My heart began to race inside my chest. He’s here. Fuck. Bakit nandito rin siya? Bakit ngayon kung kailan nandito rin ako? Fuck my timing!
I forced myself to breathe. Mabilis kong kinuha iyong bag ko at saka inilagay doon iyong gamit ko. I’d just wait outside kapag wala na si Samuel. Ayoko na mag-abot kami. Na naman. Ayoko siyang maka-usap. It’s unprofessional for me to talk to him ngayon na kliyente ko na iyong asawa niya. It didn’t matter if they’re already legally separated—they’re still married in the eyes of law.
Pero bumukas iyong pinto at mabilis na naglakad si Shanelle. Dire-diretso siyang naglakad. Ni hindi ko nga alam kung nakita niya ba ako dahil diretso lang ang tingin niya hanggang lumabas siya sa may fire exit.
Ganoon ba niya kaayaw makausap si Samuel? Na tipong hindi niya kayang hintayin iyong pagbukas ng elevator at mas gugustuhin niya pang bumaba mula sa fire exit?
“Dea—” Ramdam ko iyong paggapang ng kaba nang marinig ko iyong boses niya. “Atty. Manjarrez.”
Tumingin ako sa kanya. Lumabas din siya mula sa opisina ni Shanelle. Fuck. Dapat talaga doon na lang ako sa opisina ko. Dapat si Shanelle ang pinilit ko na pumunta sa akin.
Puro kapahamakan ang dinadalhan sa akin ng mga desisyon ko sa buhay.
“Atty. Fortalejo,” balik na pagbati ko sa kanya. I forced myself to even my breathing. Hindi ako dapat kabahan sa kanya. He’s already a part of my past—bakit ko ba siya hinahayaan na magkaroon ng epekto sa akin ngayon?
Pinanood ko nang suklayin niya iyong buhok niya gamit ang daliri niya. Even from a distance, it was like I could feel his frustration. Kaya ba siya nandito dahil nalaman niya na tinanggap ko iyong kaso? Alam na ba niya? Sinabi ba ni Shanelle sa kanya? Iyon ba ang pinag-awayan nila?
“I heard you accepted the case,” he said while he was looking at me.
Suddenly, I was aware of the people around us. Nandito iyong mga katrabaho ni Shanelle. Nandito iyong ibang kliyente nila. Umayos ako ng upo. He’s still Shanelle’s husband. I needed to keep my distance. For everyone’s sake… for my own sake.
“It’s just work,” I replied. Humigpit iyong hawak ko sa bag ko. Muli akong huminga nang malalim. “Mauna na ako. I still need to talk with your wife.”
I needed to use that word.
Over and over again.
Because he’s married.
And that’s reason enough para dumistansya ako.
Tumalikod ako sa kanya at naglakad papunta sa elevator. I needed to go home. And maybe have some drink. Tangina, by the end of this debacle, baka alcoholic na ako.
Tahimik akong naka-tayo sa harap ng elevator at hinihintay iyon na bumukas. Hindi na ako babalik ulit sa building na ’to. Shanelle already paid my acceptance fee. We have a legally binding contract. Kung ayaw niyang gawin iyong parte niya, then that’s on her. But I’d do my part. She couldn’t blame me kung mukhang gago iyong sagot namin sa ifa-file nila Samuel dahil ano bang malay ko sa kasal nila? Mag-iimbento na ba ako ng facts? Ganoon ba ang gusto niyang mangyari?
God, she’s confusing.
Nang bumukas iyong elevator ay agad akong humakbang papasok. I quickly pushed the close button… but for some reason, Samuel thought na magandang ideya na iharang iyong kamay niya para pigilan iyong pagsara ng pinto.
“What are you doing?” seryosong tanong ko sa kanya.
Yes, it’s been years.
Yes, I should’ve already moved on by now.
Yes, he’s married.
Yes, I wouldn’t do anything.
But would it kill him to help me by keeping his distance? Kasi sa aming dalawa, sino ba iyong nang-iwan? Sino ba iyong nanisi? Sino ba iyong nagpakasal sa iba?
“You said you wouldn’t accept the case,” sagot niya sa akin nang tuluyan nang magsara iyong pinto.
Huminga ako nang malalim habang naka-tingin sa mabagal na pagbaba ng numero ng palapag. “I told you, trabaho lang,” sabi ko sa kanya. Inilipat ko iyong tingin sa mukha niya. “Don’t think for one second that I enjoy doing this because I do not.”
Because I thought that I should be rejoicing at the failure of his marriage. I should be delighted at the idea of him having a broken marriage with someone else. I should be ecstatic that I was right—that if not me, he wouldn’t be happy with anyone else.
Kasi ganoon ako sa kanya kaya dapat ganoon din siya sa akin.
Pero hindi ganoon iyong nararamdaman ko.
All I could think of was that… he married someone else.
For whatever reason he had, it was still enough for him to marry someone else—kahit sinabi niya sa akin noon na ako iyong gusto niyang pakasalan.
All his words, his promises suddenly meant nothing when he married someone else.
“Why?” he asked, but his question felt loaded.
Tumingin ako sa kanya. “Because I need the money, Atty. Fortalejo. I need your wife’s money to keep my firm afloat,” I said as I stared at him. “Now, if you have a problem, go talk to your wife. ’Wag mo akong idamay dahil nagta-trabaho ako nang maayos.”
Rinig na rinig ko iyong malakas ng tibok ng puso ko.
“If it’s about the money—”
“Wow,” I said, cutting him off. “Pagkatapos ng lahat ng sinabi mo sa akin noon, gusto mo pang dagdagan ng pang-iinsulto ngayon?”
“Deanne, that’s not—”
“I told you to call me Atty. Manjarrez!” pagtataas ng boses ko sa kanya dahil ayoko na naririnig iyong pangalan ko galing sa bibig niya. Because whenever he did, no matter how much I didn’t want to, it was bringing back all the fucking memories I was trying so hard to bury at the back of my head.
Napaawang iyong labi niya sa pagtaas ng boses ko. Bumukas na iyong pinto. Mabilis akong naglakad palabas. Gusto kong takbuhin iyong parking.
“Can you please stop following me!” sigaw ko nang makita ko na sinusundan niya ako.
“Then stop running,” sabi niya habang naka-sunod pa rin sa akin.
“I have nothing to tell you, Atty. Fortalejo—” sabi ko at mabilis akong napa-tigil nang maramdaman ko iyong kamay niya sa balikat ko. Mabilis akong humarap sa kanya, pero bago pa man ako makapagsalita ay mabilis siyang humingi ng tawad sa paghawak niya sa akin.
“I just needed you to stop running,” sabi niya.
Tumingin ako sa kanya. “Fine,” I said. “I’m not running anymore,” I continued.
Naka-tingin kami sa isa’t-isa. Hindi ko alam kung bakit siya nandito, kung ano iyong gusto niyang sabihin na kinailangan niya pa akong sundan.
“I don’t want you involved in this… Atty. Manjarrez.”
“I told you—”
“I know that it’s just work for you,” he said, staring into my eyes. “But it’s not work for me. I don’t want you in the front seat as they talk about every aspect of my life.”
Pagak akong natawa. “Wow… ang taas naman masyado ng tingin mo sa sarili mo. Ano ba sa tingin mo ang gagawin ko? Magta-trabaho ako. Hindi ako magrereminisce tungkol sa nakaraan nating dalawa.”
“I know but—”
“Alam mo naman pala kaya bakit mo pa ako pinapakailamanan?” mabilis na tanong ko sa kanya. “I know you’re married. I know you’ve kissed someone else. I know you fucked someone else. I’m not living in some fucking fairytale—you already ruined that for me years ago… Atty. Fortalejo.”
Saglit na ipinikit niya iyong mga mata niya at inihilamos iyong mga kamay sa kanyang mukha. Tapos ay tumingin siya sa akin.
“How can I believe that it’s just work for you kung ganyan kang magsalita?” diretso niyang sabi habang naka-tingin sa akin. “You know how long and draining this process is, Deanne—”
“I told you to stop calling me Deanne!”
“Sinasabi ko lang iyong pangalan mo, nagagalit ka na. And you expect me to believe that this is ‘just work’ for you?” he asked in a taunting tone.
“Ano ba ang gusto mong gawin ko?!”
“Drop this case.”
“Ayoko nga!”
“Para kang bata—”
“Tangina ka—”
“God, Deanne, please!” sabi niya habang mabilis na tumalikod. Kitang-kita ko iyong pagbukas at pagsara ng mga kamao niya. Bakit ba ayaw niya akong maging abogado?! What difference did that fucking make kung may ibang kukuha sa kaso ng asawa niya?!
“Ano? Kasalanan ko na naman? Kasalanan ko noon na bumagsak ka tapos ano? Kasalanan ko na naman ngayon na nasira ko ’yang kasal mo? Ano? Kasalanan ko lahat?!” sigaw ko sa kanya habang tumutulo iyong luha ko dahil sa halu-halong nararamdaman ko. Gusto ko siyang suntukin. Gusto ko siyang sipain. Gusto ko siyang saktan. Pero hindi ako maka-lapit kasi hindi ko alam kung tatraydurin ba ako ng katawan ko.
“That’s… that’s not what I meant.”
“Then what did you mean?” I asked as I tried to breathe. “Because I can clearly remember all the words you told me before—how this wouldn’t have happened kung hindi ko lang sinabi sa ’yo na sabihin mo ’yung totoo.”
I saw the guilt on his face because I was right—deep inside him, he was blaming me… Kahit ginawa ko naman lahat para punan lahat nung nawala sa kanya nung iwan siya nung mga nangako na kasama niya dapat hanggang sa huli.
Pero sa huli, ako rin iyong naiwan.
Nakaka-pagod siya.
Hanggang ngayon, nakaka-pagod siya.
“You blamed me then… and you’re still blaming me now,” diretso kong sabi sa kanya habang pinupunasan ko iyong luha sa mga mata ko. “For fuck’s sake… leave me alone.”
**
This story is already at Chapter 36 on Patreon (patreon.com/beeyotch). Subscription starts at 100php per month for all stories.
If you’re having any problems with your payment or if you want to pay via GCASH, you can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance.
Chapter 31
Chapter 31
“I had enough of this cat and mouse game you’re playing unilaterally, Shanelle,” diretsong sabi ko sa kanya nang dumating siya sa opisina ko. I sent her an email demanding her presence here. I didn’t have the nerve to ask Samuel tungkol sa kaso—kung na-file na ba ’yon, kung sino ang abogado niya, kung ano na ba iyong status. But I didn’t want to come unprepared. Ngayon pa lang ay gusto ko nang simulan. Pero kung hindi siya tutulong, ano bang choice ang meron ako? I’d rather work triple time para sa ibang kaso kaysa dito na para akong tanga na hindi alam ang gagawin.
“Can I?” she asked as she showered me a box of cigarette. So, she smokes… Who would’ve thought?
Umiling ako. “My office is a non-smoking area,” I told her. Ayokong pumunta sa korte na amoy usok ng sigarilyo iyong mga dokumento ko.
“Too bad,” sabi niya na bahagyang natawa. “I can really use a stick right now.”
“Bakit? Stressed ka?”
“Very.”
“Well, imagine my stress, Shanelle. You hired my service yet hindi ko alam kung ano ang gusto mong mangyari. Gusto mo bang magmukha tayong tangang dalawa dahil hindi ko alam kung ano ang nilalaban natin?”
“I thought I’d been clear.”
“You want the annulment dismissed,” sagot ko sa kanya.
“Yes.”
“But you two are legally separated.”
Bahagya siyang natawa. “I keep on forgetting that Samuel told you about that…” sabi niya habang naka-tingin sa mga mata ko. “My assistant said that you went to my office the other day?”
Umayos ako ng upo. “Yes.”
Bakit ba ako nagulat? Halos parang mga bata kaming naghahabulan doon. Parang tanga. Bakit kasi ako hinahabol. Kung kailan ako tumatakbo, at saka ako hinabol. Kahit na taon naman na nanatili lang ako sa kinatatayuan ko.
“Naka-usap mo si Samuel?” she asked. I remained silent and instead, just stared at her. “Oh, come on. Tell me. Ikaw na rin ang may sabi na legally separated na kami.”
“Care to tell me why?”
She shrugged as she crossed her legs. “Just one day, he came to me and said that he wanted out.”
“Really?” I asked because that didn’t sound like Samuel. Kasi kahit nung kami iyong naghiwalay, he’s been very fucking clear why—painfully fucking honest, even. I just couldn’t believe that he’d just want out without giving so much as an explanation.
But maybe I should stop comparing notes—iba iyong relasyon namin noon sa kasal nila.
“Yes, why? Is that unbelievable?”
“No, not really,” I told her. “But you’re still hiding things from me.”
Bahagyang natawa siya. “I really need to smoke, Atty. If you’re going to ask such questions, I need to finish maybe a pack.”
Napailing na lang ako habang tumatayo. Sinundan niya ako hanggang makarating kami sa dulo ng hallway. Mayroon doong fire exit. Binuksan ko iyong pinto at doon kami naka-tayong dalawa. She was taller than me. She was built like a model. I’d admit that she’s a very attractive person… minus all the lying and being secretive.
“Can I?” tanong niya habang hawak iyong isang pack ng sigarilyo niya.
Tumango ako. “Kaya mong ubusin ’yan?”
She shrugged as she lit up a stick. “I’m trying to cut back… but Samuel’s making it impossible,” she said as she smiled and then began smoking. “Ask me,” she continued. “I’ll try my hardest to be as honest as possible.”
“Why do you have to try your hardest? Truth is the easiest version to tell. You don’t have to remember and memorize your lies.”
Natawa siya. “Oh, how very naive,” sabi niya sa akin habang nasa pagitan ng mga daliri niya iyong stick. Naka-patong sa railings iyong dalawang kamay niya. Lumingon siya habang naka-tingin sa akin.
“Fine,” I said. “In your opinion, why is Samuel filing an annulment?”
“I’ll be completely honest with you, Deanne,” sabi niya. “Can I call you that or do you prefer I call you Atty. Manjarrez?”
“I prefer Atty. Manjarrez.”
She shrugged. “My marriage with Samuel is not conventional.”
“What do you mean?” I asked.
“We married each other because…” she said and then once again shrugged. “Because it doesn’t sound so bad. We like each other enough. We tolerate each other enough. We work long hours. It’s not like we’ll be around each other all day long.”
Kumunot ang noo ko. “What kind of marriage is that?”
“Not everyone marries for love, Atty. Manjarrez. I thought of all people, alam mo dapat ’yan. You work with annulment cases. Surely, you know that people marry for all kinds of reason.”
“Yes. But Samuel?”
Natawa siya. “You’ve talked to him again, right?” she asked. I didn’t nod. I was just there… staring at her. “He’s different now, Atty. Manjarrez. Surely, you did notice that?”
“I have no idea,” I said. “I don’t think about him.”
“You can be honest with me,” sabi niya. “I won’t get mad. I understand that this… whatever this is… it’s complicated. I’ve been there.”
“I am honest. I don’t think about him.”
“Well, do you want me to give you a rundown?” she asked. I didn’t know if she was taunting me. I didn’t know her game.
“No.”
“Well, just stop me if you want,” she said. “So, he took the BAR again. Failed to get into top 10, but I’d say that top 19 isn’t that bad considering that a lot of changes happened when we took the BAR. He doesn’t know, still, what he wants to practice, so he’s trying out different fields. I remember him telling me that he’s interested in insurance cases, so there’s that.”
“Have you met his family?”
I diverted my gaze.
“Oh. My bad. I thought with what he told me about you and your relationship, he’d at least introduce his family to you,” she said. “Well, they’re wonderful… Although a little too traditional, in my opinion. People from that generation, right? Ganoon din si Papa. I wonder kung nasabi niya na ba sa pamilya niya na gusto niyang magfile ng annulment. I can clearly imagine his mom having him prayed over,” she said with a small chuckle.
“How did you two meet?”
“I told you, a party.”
“Back in law school?”
She nodded. “It’s Niko’s birthday party… if I remember it correctly,” she said. “Niko’s my friend’s husband… or boyfriend. I’m sorry. I don’t know with those two anymore if they’re married or not.”
“You didn’t date then?”
“Of course not,” sabi niya. “I remember asking him about something and then he mentioned your name.”
“My name?”
“Yes. He must’ve thought that I was interested, so he felt the need to tell me na may girlfriend siya.”
Natahimik ako.
“Anyway, I wasn’t interested then,” she said. “Nagkita lang ulit kami nung review,” she continued. “We both went to the same review center.”
“You said may boyfriend ka non?”
Napa-ngiti siya na napa-tawa. “Oh, right… Vito,” she said with a laugh on her face. “Back then, he sometimes made me forget na may boyfriend pala ako. He’s always busy with work or with his friends. I’d argue that at that point, I was closer with Samuel since siya iyong lagi kong kasama sa review center. But Vito did try, in his defense. He’s just… not invested. But I understood.”
Napa-tingin ako sa kanya. Listening to her story, why did it feel like she was good with bare minimum? With her relationship with Vito then? And with her relationship with Samuel now? It was almost like she would take what she could have? That she would not even ask for more? Kahit na ngayon na ganito na iyong kasal nila, she’s still grasping for straws? Just to keep it as was. Even though it’s already wrecked.
“Why not marry Vito?”
“Are you kidding me? He publicly got himself imprisoned for someone else. No one would take me seriously if I stay with that man.”
“Then, why is it different with Samuel?” I asked. “Why stay with him kahit na ayaw niya na sa ’yo?” diretso kong tanong sa kanya.
She chuckled. “Asking the right questions now, are we?” she asked as she lit another stick of cigarette.
“Our marriage was working,” she said as she looked at me. “You may think whatever you want to think, but it was a good relationship, Atty. Manjarrez.”
“Then why is he filing for annulment now if it’s so good as you say it is?”
She became silent. I respected her silence. Naka-sandal iyong likod ko sa pader habang naka-tingin sa likuran niya. Shanelle has a long black hair. She was always wearing something formal. Mukha siyang laging pupunta sa korte. She’s… a very attractive person. I refuse to believe that nothing happened between them.
“May nangyari ba sa inyo?” I asked.
Lumingon siya. “You want to know if I fucked your ex?” she asked back. “Do you need details for the case?” she asked sarcastically.
Tumingin ako sa kanya. “I fucked him first, so, no, I don’t need you to describe how he is,” I replied. “I just want to know if you two haven’t consummated your marriage because we can use that.”
There was… a hint of amusement on her face.
“I can see why,” she said.
Kumunot ang noo ko. “What?”
Umiling siya. “Nothing.”
“For fuck’s sake,” I said, exasperated. “Kung hindi mo sasabihin sa akin ang dahilan kung bakit may annulment, ano ba ang inaasahan mo na gagawin ko? Because I care about my professional reputation, Shanelle. I won’t go to court with nothing to show for.”
“Fine,” she said.
“Fine what?”
“Samuel said…” she continued like she was forcing herself to continue. “Samuel said that he’s doing this for me.”
“He’s filling annulment for you?”
Tumango siya. Kita ko iyong panginginig ng mga daliri niya habang ibinabalik niya sa pagitan ng mga labi niya iyong sigarilyo at iyong pagbuga niya ng usok.
“He said… that I’ll be happier with someone else.”
Kumunot ang noo ko. “You know… that that’s not a ground for annulment, right?”
“Pretty sure he’ll be using fraud as a ground.”
Mas lumalim ang kunot sa noo ko. “Fraud?”
“That I know that I’m not attracted to him—that I’ll never be attracted to him—yet I proceeded with the marriage.”
There was confusion on my face. Hindi ko alam kung paano ko iintindihin ang sinabi niya… Na pakiramdam ko ay naiintindihan ko… pero paano kung mali?
“Are you saying—”
“I need you to dismiss this case,” she said, cutting me off. “I don’t want this going to court. I don’t want my parents being summoned. I don’t want my exes being deposed. Make this disappear,” she added before she left me there, wondering what the fuck did just happen.
**
This story is already at Chapter 37 on Patreon (patreon.com/beeyotch). Subscription starts at 100php per month for all stories.
If you’re having any problems with your payment or if you want to pay via GCASH, you can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance.
Chapter 32
Chapter 32
Hindi ako maka-tulog.
Kanina pa paulit-ulit sa isip ko iyong sinabi ni Shanelle. Did she mean that… she’s gay? Iyon ba ang ibig sabihin niya? I kept on repeating our conversation inside my head pero doon talaga ako paulit-ulit na bumabagsak. That she’s gay… Because that’s what she meant, right? Nung sinabi niya na hindi siya attracted kay Samuel at hinding-hindi siya maaattract? Or maybe she’s asexual?
This case was driving me insane. I needed another drink. I should really start charging Shanelle sa mga iniinom ko. Gagawin talaga akong alcoholic ng kaso na ’to. Parang hindi ko na kayang matulog ng walang tulong ng alak sa sistema ko.
Naka-tingin lang ako sa kisame hanggang mag-alarm iyong cellphone ko. Mabilis akong naghanda para sa pagpasok ko sa opisina. I needed to work to distract myself. This was just a case—this wasn’t my life. I shouldn’t put all my energy into this case.
Pagdating ko sa opisina ay ako pa ang nagbukas nun—ganoon ako kaaga. I made myself a strong cup of coffee—iyong enough para magpalpitate na ako. Pagpasok ko sa mismong opisina ko, hinubad ko iyong heels ko at nagpalit ng tsinelas. I figured I’d just be finishing doing my pleadings today. Iyon ang gagawin ko. Aasikasuhin ko iyong ibang mga kaso ko.
“What?” I answered nung kumatok si Therese sa pintuan ko.
“What time ka pupunta?” she asked.
“Pupunta saan?” naka-kunot noo na tanong ko.
“Event?”
There was a cloud of confusion hanging over my head for a split second… bago ko naalala na ngayon nga pala iyon. Shit. I completely forgot! Sa dami ng nangyari sa buhay ko at sa kaka-isip ko sa sinabi ni Shanelle sa akin kahapon, nakalimutan ko na iyon!
“Nalimutan mo?”
Tumango ako. “Pwede ba na ’wag na ako pumunta?”
“No,” sabi niya. “You know—”
“Fine, pupunta na,” I said, cutting her off, dahil alam ko naman kung saan papunta iyong sasabihin niya. She’d lecture me again about how although we’re but a small firm, we still needed to ‘mingle’ with other lawyers. Ganon naman talaga—one lawyer can’t handle it all. And we needed to make connections para in case na hindi nila kayang hawakan, sa amin nila ipapasa. That’s how it usually works.
Dahil alam ko na magagalit sa akin si Therese kapag hindi ako pumunta, umuwi na ako sa condo. I took a quick shower. Paglabas ko ay saka pa lang akong namili ng isusuot ko. It’s usually a black-tie event. I got my black floor length gown na off shoulders. Tinatamad akong magsuot ng heels kaya flats na lang ang isusuot ko. Wala namang makaka-kita. Nung decided na ako sa isusuot ko, I was about to look for the blower nang matigilan ako.
“Dapat na kitang itapon,” sabi ko habang naka-tingin ako sa may Dyson na blower. Ilang beses ko ng sinubukan na itapon iyon, pero lagi akong natitigilan. Una, mahal. Pangalawa, bakit ko naman itatapon? Naisip ko na lang na pagkatapos ng lahat ng ginawa at sinabi sa akin ni Samuel, deserve ko ’tong gintong blower na ’to. Ito na iyong moral damage niya sa akin—kulang pa nga ’to kaya tinago ko lahat ng regalo niya sa akin noon.
Sinubukan ko na gamitin iyong blower, but for some reason, nauwi ako sa paggamit ng electric fan para patuyuin iyong buhok ko. Instead, tinali ko na lang iyong buhok ko nang mahigpit and put some gel para mukha naman akong malinis tignan. Naglagay lang din ako ng red lipstick at ng konting pabango.
The event was in some fancy hotel. As expected, puno na iyong parking. Doon ako nagpark sa malapit na resto. Bumili na lang ako ng pagkain doon para ’di naman nakaka-hiya. Kapag kasi sa hotel pa ako nagpark, aabutin ako ng siyam-siyam dahil sa haba ng pila sa valet kahit sa normal na parking. Been there, done that.
Tahimik akong naglalakad. Papunta pa lang ako sa event ay excited na akong umuwi… pero baka hindi rin. Kasi baka kung ano na naman ang maisip ko kapag nasa condo ako at naka-tingin sa kawalan. Baka bumalik na lang ako sa office at magtrabaho. At least doon, magkaka-silbi ako kaysa mag-overthink na naman ako to the point na wala na akong magawang iba.
“Tagal mo!” reklamo ni Therese nung makita niya ako.
“Pasalamat ka nga pumunta pa ako,” sabi ko sa kanya.
Bago pa man ako makapagreklamo ay umikot na kami ni Therese. Hinanap ko sa paligid iyong dalawa pa naming kasama. Nandito kaya si Jill? Sa G&Z na siya, e… Hindi niya na kailangan mag-effort sa mga ganito.
“CR lang ako,” sabi ko after what felt like an hour na pakikipagchismisan namin sa mga tao dito. Dumiretso na ako palabas ng ballroom bago pa ako sundan ni Therese. I didn’t want to lie so sa pinaka-malayong CR na lang ako pupunta. Naglakad ako papunta sa elevator. Tahimik sana akong tatayo sa harap nun para maghintay ng pagbukas nang mapa-tingin ako sa gilid.
He looked just as surprised to see me.
“Dea—” he said and then stopped himself. “Atty. Manjarrez,” he continued, correcting himself.
I nodded to acknowledge him. Ayokong maging bastos. Ayokong kalimutan iyong manners ko. Ayoko siyang sigawan. Ayokong ibunton iyong frustration ko sa kanya. Ayoko na gawin sa kanya iyong ginawa niya sa akin dati kasi alam ko kung gaano kasakit iyon.
Kumunot ang noo ko nang tumayo siya at pumunta sa tabi ko.
“Ano’ng ginagawa mo?” tanong ko sa kanya.
“My lawyer’s already preparing to submit our documents.”
Tumango ako. “I’ll wait to be furnished with my copy,” pormal na sagot ko sa kanya. I could do this… I could talk to him as long as he kept it professional.
“Did… did Shanelle tell you anything?”
Mabilis na tumingin ako sa kanya. “You know I can’t talk about my client with you,” seryosong sabi ko sa kanya.
“I know. I’m sorry.”
“Alam mo naman pala—then stop asking,” sabi ko at naka-hinga ako nang maluwag nung bumukas iyong elevator. Mabilis akong humakbang papasok. Agad na kumunot ang noo ko nang pumasok din si Samuel at tumayo sa tabi ko. “What are you doing?” naka-kunot noo na tanong ko nang bigla niyang pindutin iyong close button ng elevator.
“Deanne, I don’t want to drag you into this.”
Saglit kong ipinikit ang mga mata ko at humugot ng malalim na hininga. “Samuel,” pagtawag ko sa pangalan niya so that he’d know how ridiculous he sounded when he calls me by my name like we’re fucking friends! “I am your wife’s lawyer. I’m sure you know that I shouldn’t be talking to you about your annulment proceeding. This is so unprofessional!”
“I know—”
“Alam mo naman pala, so bakit mo ginagawa? Sa taon ba na hindi kita nakita, nawala ba iyong utak mo along the way?” naiinis na tanong ko sa kanya dahil maliit lang iyong mundong ginagalawan namin. And surely it would be interesting to some people to know na hawak ko iyong annulment case ng ex ko. How would it look like kapag nakita na ganito na nag-uusap kami? Mamaya pagbintangan pa kami na may collusion!
Although it would be favorable to Shanelle… if the prosecutor’s office will suspect collusion…
Tsk. No. Ang pangit tignan. Kung anu-ano na ang pumapasok sa isip ko.
I hated that I could see the expression on his face on the door. Nang bumukas iyong elevator ay mabilis akong lumabas. Hindi ko dapat siya kausapin. I hated this, I hated everything about this, but the moment I accepted Shanelle as my client, she’s already got my loyalty. I will be by her side hanggang matapos ’tong… kalokohan na ’to.
I love my job—and I will be professional in every step of the way.
Pumunta ako sa CR. Kung pwede lang na umalis na ako, aalis ako, pero alam ko na simangot ni Therese ang una kong makikita bukas kapag nalaman niya na umalis ako. Pagbalik ko, nakita ko si Samuel sa may bandang pool. He was all alone. Naka-tingin sa kawalan. Parang malalim ang iniisip.
‘Go back and socialize,’ sabi ng matinong parte ng isip ko. ‘Bobo ka talaga,’ muling sabi niya nang makita niya na dinadala na ako ng mga paa ko papalapit sa kanya.
“Don’t,” I said nang makita ko na tumingin siya sa akin. I kept my distance. Nandoon ako sa kabilang dulo at naka-hawak sa railings. “I’m just here… at nagka-taon na nandito ka rin,” I added. “Plus it’s an event for lawyers. So, it’s not unusual na magkita tayo.”
Tumango siya. The wind blew in my direction. Halos mahigit ko iyong paghinga ko nang maamoy ko iyong pamilyar na pabango. Bakit iyon pa rin ang gamit niya? Bakit hindi siya nagpalit?
“My client wants this case dismissed,” I told him as professionally as I could.
“No,” he replied.
“Then, why marry her in the first place?” I asked. When Shanelle told me that it was a marriage for convenience, I believed it… At least, for her. Sa nakikita ko kasi, masaya na siya sa ganon. Maybe hindi masaya—more like she’s… fine with it. Pero si Samuel? I never pictured him as someone who would marry just because it’s convenient. O baka ganoon na rin siya. I should really stop comparing the Samuel I knew back then to the Samuel I am looking at now. Magkaibang tao sila. Kagaya ng iba na rin ako sa nakilala niya dati.
“It sounded like a good idea at that time,” sagot niya.
“And it’s not anymore?”
“It never was a good idea,” he replied.
“Then why did you do it?”
“You won’t like my answer.”
“Why?”
“Because then I’ll have to talk about you.”
Napaawang iyong labi ko. Humigpit iyong hawak ko sa railing nang maramdaman ko iyong pagtingin niya sa akin. I knew I should be reminding him not to look at me, but I couldn’t find my voice at the moment.
“Are you blaming me for the failure of your marriage, Samuel?” tanong ko habang naka-tingin sa kanya.
Umiling siya. “No,” he replied. Ibabalik ko na sana ang tingin ko sa buwan nang mapatigil ako. “But sometimes, I couldn’t help but think that if you were my wife, I wouldn’t have to go through any of this.”
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.
Gusto kong magalit.
Gusto kong matawa.
He really had the fucking audacity to tell me that gayong siya iyong nakipaghiwalay sa akin!
“Don’t, okay? Just don’t,” sabi ko nang maiayos ko ang sarili ko. If he couldn’t be professional, then I’d be professional for the both of us. “May asawa ka. Tandaan mo ’yan.”
“I’m sorry.”
“Don’t be sorry—be professional,” I told him.
He nodded. We stayed quiet for a while—tanging tunog lang ng mga sasakyan na may mahinang hampas ng alon ang naririnig naming dalawa. I need to leave—I should leave.
“Sinabi niya na ba sa ’yo?” he asked to break the rather uncomfortable silence. “Because I don’t want to talk about it unless it came from her first.”
Bahagya akong tumingin sa gawi niya. “I’m… not sure,” sagot ko sa kanya. “I think I understood what she said, but I couldn’t be too sure,” I continued. “But she said she wants this case dismissed,” I added because Samuel was already aware of that.
“She won’t even listen to me.”
“Because she wants to stay married,” I said, ignoring that little pain I felt because… I shouldn’t. I couldn’t. No .
“Because she needs to stay married,” Samuel replied. “I’m doing this for her, too.”
Hindi ko alam kung bakit natawa ako. Naramdaman ko iyong pagbaling niya ng tingin sa akin. Kumunot ang noo niya.
“May nakakatawa ba?” tanong niya.
“Yes. This. Me, your ex, being your wife’s lawyer in your annulment proceeding. Nakaka-tawa. Parang joke ng tadhana.”
Pero hindi siya tumawa. Nanatili lang na seryoso iyong mukha niya habang naka-tingin sa akin—for a second, I was reminded of the past—nung mga panahon na magulo na kami, nung mga panahon na parang gagawin ko lahat para lang makita iyong ngiti niya dahil parang nalilimutan ko na kung ano ang itsura nun.
Ang layo ko na, pero ang bilis kong mahatak pabalik.
“I have a case, Deanne. I will get my annulment,” he said.
“I’ll do my best to have it dismissed, then,” I replied, staring right back at him.
“I don’t think your best can help you.”
“You don’t know me or how I work,” diretsong sagot ko.
“How you work does not have a bearing here, Atty. Manjarrez,” sabi niya sa ibang tono. “Shanelle knows I have a case that’s why she hired you.”
“Iniinsulto mo ba ako?” tanong ko sa kanya.
“No,” he quickly replied. “I know you’re good at your job,” dugtong niya na naging dahilan ng paglalim ng kunot ng noo ko. “But me and my lawyer did a great job compiling our documents. Tell Shanelle that I will have Vito and Clary summoned if need be,” he said like that meant something. “I will get my annulment, Atty. Manjarrez—consider yourself informed.”
**
This story is already at Chapter 38 on Patreon (patreon.com/beeyotch). Subscription starts at 100php per month for all stories.
If you’re having any problems with your payment or if you want to pay via GCASH, you can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance.
Chapter 33
Chapter 33
“Thank you, Atty. Manjarrez,” sabi sa akin ng isang kliyente ko. Kakatapos lang ng collusion hearing namin para sa annulment case niya. I thanked her, too, for being a cooperative client. Mas naappreciate ko siya ngayon dahil pinapahirapan ako ni Shanelle sa kaso niya. Right after that, dumiretso na ako sa coffee shop kung saan kami magkikita. Ayoko na pumunta sa office ni Shanelle dahil baka magkita na naman kami ni Samuel. I should really be avoiding him at all cost—at least until this was over and done with. Trabaho ko na nga lang ang meron ako, ilalagay ko pa ba sa alanganin?
“Why here?” tanong ni Shanelle nang dumating siya. She was wearing a old rose pantsuit at may dala siyang kulay itim na bag—pretty sure it was Hermes dahil may ganyan din si Kitty.
“Ayokong pumunta sa office mo.”
“Because?” she asked with her forehead creased.
“Baka magkasalubong na naman kami ng asawa mo,” I replied. She nodded as if she understood my reasoning. “I’ll be charging every meeting to your account.”
She slightly rolled her eyes. “Sure, fine, whatever,” she said. “What is this meeting about?” tanong niya. “I have an appointment in an hour.”
Tumango ako at pinagsalop iyong mga kamay ko. “I attended an event last night,” I said.
“The one in Sofitel?”
I nodded. “Nandun ka rin?”
She scoffed. “No. Why would I?”
I shrugged. Marami ngang pamilyar na mukha doon. I was actually surprised na nakita ko roon si Samuel dahil marami akong nakita na member ng frat nila. Okay na ba siya sa frat nila? Because as far as I was concerned, hindi naman siya tinanggal talaga—he was just… deprived of the benefits.
“Anyway,” I said, “Nakita ko si Samuel doon.”
“Really…” she replied like it was intriguing na nandoon si Samuel kaysa sa pagsasabi ko sa kanya na kausap ko si Samuel.
“He told me na hindi pa sila nagsusubmit, pero malapit na silang magsubmit,” sabi ko sa kanya. Tumango lang siya. But I was trying to observe every little thing—nakita ko kung paano niya abutin iyong baso ng tubig sa harapan niya. But she didn’t drink. It was almost like she just needed to hold on to something.
She must be scared—ayaw niya lang ipakita.
“And what did you tell him?” she asked while looking at me. “Did you say that you’ll have it dismissed?”
Tumango ako. “But then he said that he’ll have Vito and Clary summoned if need be.”
Nakita ko iyong paghigpit ng hawak niya sa baso. I saw how she struggled for breath for a quick second. She lost control. But she’s Shanelle—she quickly gathered herself.
“No, he won’t,” she said.
“I think he will,” I told her. “He told me himself—he’ll get his annulment.”
“Of course he’ll tell you that—because I’m pretty sure you’ll be the first person he’ll go to if this annulment is granted.”
Napaawang iyong labi ko sa mga salitang sinabi niya. She was so… casual about it. Like she didn’t care kung sa akin man nga pumunta si Samuel—at this point, I believed that Shanelle wouldn’t even mind if I fuck Samuel so long as she’d remain married to him legally.
This was fucking bonkers.
I had to grab my glass of water. Ako yata iyong kailangang uminom ng tubig dahil parang mauubusan ako ng lakas sa babae sa harapan ko.
“Shanelle, I’ll be—” I said and then paused. “Are you straight? Gay? Lesbian? Bisexual? Asexual? Non-binary? You have to tell me because I can’t do my job kung pati iyan ay huhulaan ko.”
She stared at me. “What did Samuel tell you?”
“Nothing,” I said. “He told me he won’t discuss it unless it came from your first.”
She scoffed and smirked and shook her head. “Same old Samuel,” she said. “Do you know that that’s one of the reason why I married him? Because he’s… polite, I guess? And he generally just minds his own business,” she continued. “That’s why I don’t buy his bullshit na ipapatawag niya si Vito at Clary.”
“And if he’s not bluffing? What, then?” I asked her because she needed to know that it’s a possibility—a huge fucking possibility. Because I was there. I heard it. I knew that Samuel wasn’t calling bluff—he’d really do it. I felt it when he said that he’ll get his annulment.
Hindi nagsalita si Shanelle.
“Fine,” I said. “Answer my first question, then. Because if you are, then we both know that he’ll get his annulment. You do know that concealment of homosexuality is considered as fraud. You know that he’ll get his annulment if it’s proven that you lied to him,” I continued while staring at her. “Did you conceal anything, Shanelle? And if you did, may ebidensya ba si Samuel?”
Hindi pa rin siya nagsalita.
“What is the goal here, Ms. Nuevas?” I asked her. “Is it to stay married? Or do you just not want your family dragged? I need to know.”
I counted the seconds.
It took her a minute.
“I don’t want anyone on my business,” she said. “I don’t owe anyone explanation.”
Tipid akong tumango. “Okay,” I replied. “Okay. At least now, I know what my goal is.”
“My father is terminally ill, Atty. Manjarrez. I don’t want to be the one to kill him by disappointing him once again.”
Napaawang iyong labi ko. “Shanelle—”
“I don’t need a fucking pep talk, Atty. Manjarrez. I’m a grown woman. I know what I want. I know what I don’t want. And what I want is for people to mind their own fucking business. My sexuality is not some topic that I want discussed in court,” sabi niya at saka hinawakan iyong bag niya. “Talk to Samuel. Make it happen. Stop wasting my money and do something.”
What… the fuck did just happen?
Hindi ko alam kung bakit ako dinala ng mga paa ko sa BGY. All I knew was that I found myself inside Iñigo’s office.
“What?” he asked habang nasa papel ang mga mata niya at may binabasa.
“Dapat nakinig ako sa ’yo,” sabi ko habang isinandal iyong ulo ko sa lamesa niya. “Naghanap lang ako ng ipupukpok na bato sa ulo ko nung tinanggap ko iyong kaso—”
“Wag,” he said.
Kumunot ang noo ko. “What?”
“Iyong kay Samuel ba?”
Tumango ako. “Yeah… bakit?”
“We can’t talk about that.”
Lalong kumunot ang noo ko. “Why?” I asked but he remained silent. Nanlaki ang mga mata ko. “Ikaw ba iyong abogado ni Samuel?” I asked in horror dahil ano naman ang laban ko kay Iñigo? I mean, sure, he mostly focuses on criminal law, but I was pretty sure he could easily catch up with family law.
“What? Hindi, ah!” sabi niya.
“Bakit ’di natin pwedeng pag-usapan?”
Ibinaba ni Iñigo iyong ballpen na hawak niya. “Basta,” he replied.
“Oh, my god. Dito ba sa firm niyo iyong abogado?!” I asked in panic.
“Bakit ka ba nandito?” he asked.
“Well, I just wanted to talk to my friend! ’Di ko naman akalain na papunta pala ako sa kampo ng kalaban!” sabi ko habang kinukuha iyong bag ko.
“Ang OA. ’Di naman tayo magkalaban,” sabi niya habang sumasandal sa swivel chair niya. “Ano ba’ng maipaglilingkod ko sa ’yo? Pwede naman tayo mag-usap basta hindi specific.”
He still wasn’t saying anything, but I was already convinced na si Yago iyong abogado ni Samuel. It made sense. Yago’s one of the known lawyers in the field. Kung hindi bobo si Shanelle, dapat kay Yago siya dumiretso… unless of course nauna ng kunin ni Samuel iyong service ni Yago. Maybe they’re friends now—ewan ko. Maraming nagbago sa mga panahon na hindi ko siya nakita.
“How can I be sure na hindi mo sasabihin kay Yago iyong sasabihin ko?”
Natawa siya. “Kasi hindi ako ganon?”
“Kaya ba sinasabi mo sa akin dati na ’wag kong kunin iyong kaso ni Shanelle? Kasi alam mo na si Yago iyong abogado? Na firm niyo iyong may hawak?”
“No,” sagot niya. “I told you that as a friend—mahirap humawak ng kaso na personally invested ka. Been there, done that. Will not recommend.”
“I’m not personally—” I said and the stopped when he raised a brow at me. “Fine. Maybe I am.”
“Good. The first step to recovery is acceptance.”
Umirap ako. “Recovery mo mukha mo.”
Tumawa siya. “Wag mo akong tanungin sa kaso at wala rin akong alam. Criminal lawyer ako, Atty. Manjarrez. Ayoko sa family law. Sapat na sa akin iyong family issues ko nung bata ako. Ayoko na pati sa katandaan ko e iyan pa rin pinoproblema ko.”
Inirapan ko ulit siya tapos ay naupo ulit ako. “Hypothetically,” I said.
“Fine. Hypothetical lahat from here on forward.”
“Agreed,” I said. “So, the other party’s ground is solid. And my client said that she just wants people to stay out of her business. So, I took that to mean as wala siyang pakielam kung ma-grant man iyong annulment so long as walang makakaalam sa totoong ground.”
“Okay,” he replied.
“So… I think… I know I can make that happen… but we both know that it’s legally wrong.”
I looked at Iñigo. He’s been here—he’s experienced what it’s like to do what’s legally right but morally wrong. I just wanted his input bago ko ipasok sa kung anuman ang sarili ko.
“Ano ba’ng gusto mong marinig sa akin?”
“If you were the lawyer, what will you do?”
“Kaninong abogado ako?”
“Kay Sha—” I said and then halted and then rolled my eyes because we’re being silly. “You know what I mean.”
Humalakhak siya. “I mean… kung tinanong mo ako dati, definitely I’ll tell you to do what’s legally right no matter the cost. But you know, years of experience will tell you that the law’s not always right. Tao lang din naman ang gumawa ng batas—take the Family Code for example. I find it absolutely absurd na mas madaling iprove iyong kaso ng adultery kaysa concubinage. Doon pa lang makikita mo na na hindi patas ang batas.”
I sighed. Tama naman siya. They say that the law is an equalizer… but if you look close enough, it’s just a big lie. The law will favor anyone who knows it enough to know its weakness. Kasi nga sa batas, sa bawat general rule, lagi’t-laging mayroong exception. Kailangan mo lang ng abogado na alam lahat ng exception. At karamihan sa mga lawyer na alam ang exception, hindi mo afford.
“So… I should do it?” I asked. “I mean… hypothetically.”
He shrugged. “I mean, it’s not like you’ll be taking anyone’s life or sending anyone to jail.”
Sobrang lalim ng buntung-hininga ko.
“The law isn’t always right,” he said as if to comfort me. “Sometimes… sometimes, for good reasons, I think… I think it’s okay to circumvent it.”
Tumango ako. “I know… Thank you.”
Tipid siyang ngumiti. “Hypothetical lahat, ha.”
Bahagya akong natawa. “I know. Thanks for another hypothetical conversation.”
“Anytime,” he replied.
Nagpaalam na ako kay Iñigo dahil alam ko naman na marami pa siyang gagawin at saka may gagawin pa rin naman ako. Kailangan kong baguhin iyong game plan ko para sa kaso ni Shanelle. She told me to do whatever it takes—maybe I’d do just that.
Paglabas ko, agad akong napa-hinto.
“Atty. Gomez de Liaño,” I said nang makita ko si Yago na naglalakad at may hawak na tasa na may kape. “Do you have a minute? I’d like to discuss something with you.”
**
This story is already at Chapter 39 on Patreon (patreon.com/beeyotch). Subscription starts at 100php per month for all stories.
If you’re having any problems with your payment or if you want to pay via GCASH, you can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance.
Chapter 34
Chapter 34
Bahagyang naka-kunot iyong noo niya na para bang nagulat siya sa pagtawag ko sa kanya. Magkakilala kaming dalawa, pero hindi kami close. Sure, we’d say hi, hello kapag nagkakasalubong kami, but it probably threw him off a little nang kausapin ko siya bigla. Kahit man ako ay nagulat at naguluhan sa sarili ko.
“I mean… yes, sure,” sabi niya. “Is this work-related or hindi naman?” tanong niya sa akin habang hawak niya pa rin iyong mug niya. Kitang-kita ko iyong usok na nanggagaling doon.
“Work,” sagot ko pagkatapos kong huminga nang malalim. It felt good. I felt like I needed that.
Bahagya siyang tumango. “I see,” he replied. “I have a meeting in 20 minutes. Are you available to meet tomorrow?”
Tumango ako. “Yes.”
“Okay. What time?”
“Lunch?”
“Lunch,” he repeated what I said. “Is this about…” Huminto siya at tinignan akong mabuti. “Is this about a case?”
Tumango ako. “I think you know what we’re talking about.”
Bahagya ulit siyang tumango. “I see,” muling sabi niya. “Probably lunch outside isn’t the best idea.”
“Agreed,” sabi ko. “So, saan tayo magkikita?”
“Dito na lang, if it’s alright with you?”
Tumango ako. “I’ll see you tomorrow,” sabi ko bago bahagyang ngumiti sa kanya at tumalikod. It was only when I was certain that I was already out of his eyeline that I felt my knees buckling. Agad akong napa-hawak sa may pader malapit sa elevator. “What the fuck was I thinking?” bulong ko sa sarili ko habang pilit na humihinga nang maayos.
Shit.
I just arranged to meet with Samuel’s lawyer—I was pretty sure at this point na siya nga iyong abogado ni Samuel. Iñigo wouldn’t lie to me. After nung nanyari sa kanila ni Kitty, I knew that he promised to himself na hindi na siya gagawa ng ‘ganon.’ He never actually defined what ‘ganon’ was but for some reason, we all understood what he meant. I knew that when he said those things, he really was looking out for me.
Okay.
Kaya ko ’to.
Dumiretso ako pabalik sa opisina. I finished my other works first. I kept on reminding myself that I shouldn’t let myself get too sucked in the drama. This was just work—yes, this was their life, but for me, it’s just my work. Pagkatapos nito ay babalik din ako sa dati kong buhay. I really needed to draw the line and respect the line.
“Hi, sorry for calling you so late,” sabi ko nung sumagot si Shanelle sa tawag ko. It was already 11PM. Nandito pa rin ako sa opisina. Kaka-tapos ko lang sa ibang mga deliverables ko kaya naman ngayon ko pa lang inaayos iyong sa kanya.
“It’s fine,” sagot niya. “Why?”
“You said that you just want people out of your business, right?”
“Yes.”
“You don’t mind kung ma-grant iyong annulment?”
Hindi siya naka-sagot agad.
“You’re doing it,” she said, instead.
“I am.”
“Did they agree?”
“Hindi pa, but I already set a meeting with Samuel’s lawyer.”
“Oh, so you’ve met with Yago.”
“So, alam mo na siya iyong lawyer all along?”
“No. Just a hunch.”
Napa-sandal ako sa swivel chair ko dahil sa sagot niya. Napa-hilot ako sa sentido ko. Kailangan ko na sigurong kausapin iyong doctor ko at magpa-prescribe ng anti-anxiety medicine dahil dito kay Shanelle. Mahal man ang bayad niya sa akin, pakiramdam ko ay deserve ko bawat sentimo dahil sa sakit ng ulo na binibigay niya sa akin.
“Pero tama ba ako?”
“Yes,” sagot ko. “Question—bakit hindi ka pumunta kay Yago?” tanong ko sa kanya. Kasi kung ako ang nasa posisyon niya? I would definitely consider Yago first before considering myself. I mean… wasn’t that the smart thing to do? And Shanelle’s all kinds of things but stupid’s not one of them.
“Why not?” she asked.
“Because… he’s a better lawyer than me?”
“By whose standards?” she asked.
“Ewan.”
“You’re good at your job. You’re clearly dedicated. And I feel like you feel like you have something to prove—so that’s definitely on my advantage.”
Napa-hilot ako sa sentido ko. “Thanks, I guess?”
“No problem,” sagot niya. “Do I need to be at the meeting?”
“Yes? Kasi kaso mo ’to?”
“But it’s collusion—I want to have a plausible deniability.”
Natawa akong bahagya. “Wow.”
“Don’t take it personally, Atty. Manjarrez. I need to protect myself first and foremost.”
“Well, it’s hard not to take that personally when I’m here risking my license and you want plausible deniability.”
“What can I say? Every job has its risks,” she said. I could imagine her shrugging and sarcastically smiling at me. Or maybe if we’re outside, she’d say that with a stick of cigarette in between her teeth. “Plus I’m the client—I come first.”
Huminga ako nang malalim. “Fine.”
“Great. You already know what I want. I trust that you’ll get the better end of the deal, Atty. Manjarrez,” sabi niya bago ako babaan ng tawag. Pambihira. Akala mo hindi seryosong kaso iyong pinag-uusapan naming dalawa, e. May better end of the deal ba sa kaso ng annulment? Kasi based on experience, it’s just worse or worst. Because at the end of the day, you are or were stuck in a bad marriage. There’s nothing good about that.
I began to form my outline. Hindi pa naman sigurado lahat, pero ayoko lang na wala akong masabi bukas kapag nag-usap kami ni Yago. Besides… I appreciated what Shanelle said. Bakit nga ba hindi ako? Bakit ba ang baba ng tiwala ko sa sarili ko? Nagta-trabaho naman ako nang maayos. Ginagawa ko lahat. Kaya bakit nga ba hindi ako?
At around 1AM, napagod na ako sa ginagawa ko. I stood up and decided to call it a day. Dumaan muna ako sa bukas pa na kainan tapos ay nagtake out ako.
“Thank you,” sabi ko sa nag-abot sa akin nung paper bag na mayroong laman na tapsilog. It’s been years since I last ate this. Ewan ko. Hindi ko makain dati. Para kasing nababadtrip agad ako kahit makita ko lang ’yan sa menu. Pero ngayon? Parang hindi na.
Wow, growth ba ’to?
After kong magpark ng sasakyan, umikot na ako para pumasok sa building ng condo ko. Napa-kunot iyong noo ko nang parang may makita akong pamilyar na mukha mula sa malayo. Ilang beses kong ipinikit at idinilat ang mga mata ko—kinusut-kusot ko pa iyon dahil pakiramdam ko ay masyadong babad na ang mga mata ko kaka-tingin sa monitor ng computer ko kaya kung anu-ano na ang nakikita ko.
But when that figure started to walk towards me?
“Ano’ng… ginagawa mo rito?” I had to ask after kong tignan iyong relo ko at makita ko na quarter to two na.
He just shrugged as a response. “Ngayon ka lang naka-uwi?” he asked.
Naka-kunot ang noo ko. “Inaabangan mo ba ako?”
Bahagya siyang natawa. “Pangit ng term—parang may masamang balak ako.”
“Well, it’s 2AM. Malamang may masama ka ngang sadya kasi bakit ka nandito ng ganitong oras?” diretsong tanong ko sa kanya kasi hindi ko gets kung paanong nangyari na ilang taon na ni anino niya, hindi ko nakita tapos biglang ngayon, kahit saan ako tumingin ay nandoon ata siya. Either malakas ang trip ng tadhana o malakas ang amats ni Samuel.
“Hindi ako maka-tulog.”
“Okay? Nandito ba iyong gatas at nandito ka dumiretso?” I asked. Hindi ko alam kung bakit sobrang pilosopo ko sa kanya. Basta ang unang pumapasok sa isip ko tuwing may sasabihin siya ay barahin siya. Simula pa lang, tigilan niya na.
Umayos siya ng tayo. Inilagay niya iyong dalawang kamay niya sa magkabilang bulsa niya. He looked like he came from work tapos ay dumiretso siya rito dahil sa suot niya.
“Naka-usap mo si Yago?” he asked.
I rolled my eyes. “Yes. And this could’ve been a text kung iyan lang ang pinunta mo rito.”
“Wala akong number mo.”
Bahagya akong natigilan. That… sounded familiar. Bahagyang kumunot ang noo ko para alalahanin, pero mabilis ko ring pinutol iyon. What we had—it’s a thing of the past. Iyon na ’yon. Tama na. There’s no need to rehash what happened because it already happened.
“There’s a reason why you don’t have my number,” I replied.
“Ngayon ka pa lang magdidinner?” he asked instead nang mapa-tingin siya sa hawak kong paper bag.
Humugot ako ng malalim na hininga tapos ay tinignan siya ng diretso sa mga mata niya. “Samuel, we’re both adults. Kilala natin ang isa’t-isa. Just tell me what you want. No need to beat around the bush.”
“Why did you set a meeting with my lawyer?” he asked.
“For my client,” I replied.
“She finally told you?”
“Yes,” I said. “That’s all I’ll say to you,” I continued because I didn’t want to discuss Shanelle’s sexuality with him. Tama naman si Shanelle—it’s not some topic na pwedeng pag-usapan ng ibang tao. It’s her. It’s her life. It’s hers to discuss.
He nodded. “I know,” he replied. “I just went here to talk to you because if I’m right… I don’t want you risking anything,” he added.
“Malaki na ako. Kaya ko ang sarili ko,” sagot ko sa kanya. “Iyon lang ba ang pinunta mo rito? Kasi magkikita naman kami ng abogado mo bukas—I mean mamayang lunch. You should’ve waited for a few more hours kaysa para kang tangang naghintay dito,” diretsong sabi ko sa kanya kasi ayoko na nandito siya at naghihintay sa akin.
He’s married.
That’s reason enough para lumayo siya sa akin. Besides, siya iyong kasal at hindi ako… kaya nakaka-irita na ako pa iyong kailangang magpaalala sa kanya sa tigilan niya ako.
“I know you’re mad at me—”
“Oh, my god, Samuel. Don’t go here and make this about us,” I said, cutting him off. “I am your wife’s lawyer baka nalilimutan mo. Please don’t go here and reminisce about the past kasi tangina napipikon na ako sa ’yo.”
I loved him.
I loved him so much that at one point, I loved him more than I love myself…
Pero ngayon? I just hate him.
I hate him so much.
I kept on thinking about how I hate him.
And on some days, that’s all I think about.
Hating him.
Mostly him.
But I got better with time. Kontrolado ko na iyong sarili ko. Kaya kahit nandito siya, kahit bumalik siya, kahit tawagin niya iyong pangalan ko, kahit magmakaawa siya, kahit umiyak siya, kahit lumuhod siya?
Hindi na.
Ayoko na.
“Deanne—” he said habang namumula iyong paligid ng mga mata niya. “I’m sorry…”
I had to avert my gaze.
I hated how this apology sounded so different from his past apology. Like this time, he meant it. Like this time, he finally realized the pain he caused me when he left me.
Mabilis kong pinahid iyong luha ko bago pa siya kumawala mula sa mga mata ko.
“Sorry… Sorry… Wala ng silbi ’yang sorry mo ngayon…”
We were standing there like idiots. Bakit ba kami umiiyak? Ano ba iyong iniiyakan namin? Iyong nakaraan? Iyong dapat na meron kami ngayon? Kasi bakit nga ba kami umabot sa ganito? Kasi tuwing iniisip ko…
Ang gulo. Ang sakit. Nakaka-galit.
Pero mas lamang ’yung nakaka-hinayang.
“Alam ko,” mahinang sabi niya. “I don’t know what more I can do.”
“You can’t do anything more. Kumbaga sa batas—you’re fucking estopped. Naglapse na. Prescribed na. May laches na.”
Ihinilamos ko iyong mga kamay ko sa mukha ko. I fucking hated that he’s making me cry at this hour of the day.
“Let’s… let’s just try to be professional… Kaya mo ba ’yon?” seryosong tanong ko sa kanya. “Kasi matagal pa ’to… Alam mo naman ’yan… ’Wag mo naman akong pahirapan sa mga ganito…”
Tangina bakit ba naiiyak na naman ako? Bakit ba naiiyak ako dahil sa walang kwentang dahilan? Bakit ako umiiyak dahil sa lalaki na may asawa?
“Ayokong mahirapan ka.”
“Bakit ka nandito?”
“Nahihirapan ka ba kapag nasa harapan mo ako?”
Para na siguro akong baliw na tumatawa habang umiiyak. Halos mapunit na iyong hawak kong paper bag dahil sa higpit ng hawak ko roon.
“Hindi ba halata? Mukhang bang umiiyak lang ako for fun?” sarkastikong tanong ko sa kanya. “Nahihirapan ako kasi it’s been fucking years yet your simple presence is enough to bring tears to my eyes! Akalain mo ’yon—ganoon katindi iyong dating mo sa akin!”
Bahagyang bumuka iyong bibig niya na parang may sasabihin siya sa akin pero pinili niya na ’wag tumuloy.
“What?” I asked, taunting him to say whatever he wanted to say.
“Nothing,” he said.
“No. Bakit hindi mo sabihin? After everything, ngayon ka pa ba mahihiya sa akin?”
He stared at me. “Wala…” sabi niya habang diretso lang sa mga mata ko iyong tingin niya. “Kasi kung umakto ka, akala mo ikaw lang ’yung nasaktan dati.”
Napaawang iyong labi ko. “What?”
“We were in a relationship, Deanne. Tayong dalawa. Ikaw lang ba nasaktan?”
“Wow…” sabi ko nang tuluyan ko ng bitawan iyong hawak ko at pumalakpak ako sa kanya. “Seryoso ka ba d’yan?”
Tumingin lang siya sa akin. “I’m sorry you got hurt but you’ve got to stop acting like I reveled in your pain—”
I felt my body shaking as I tried so hard to control the tears but they just kept on falling and falling until I couldn’t see anything anymore.
“Please leave…” mahinang sabi ko sa kanya. “Please… Iwan mo na ko…”
“Dea—”
“Please,” I pleaded. “Please…” I asked once again because I didn’t want to go back to the time when I felt like nothing but broken pieces of who I used to be.
**
This story is already at Chapter 40 on beeyotch.ph. Subscription starts at 100php per month for all stories.
As of the moment, we only accept GCASH payment but soon, you can also pay via credit and debit cards :) Thank you!
Chapter 35
Chapter 35
Agad akong napa-hinto sa pagsasara ng pintuan ng sasakyan ko nang magtagpo iyong mga mata namin ni Samuel. His eyes probably mirrored mine—or mine was probably worse… because I was not able to get a wink of sleep after what happened earlier. Pero nandito na agad ako. Because I am professional. Because I didn’t want my professional life to suffer because of my personal life.
I was very protective of my work… because at this point, I felt like this was all I have.
Huminga ako nang malalim nang isara ko iyong pintuan. There was no choice but to pass by him dahil nandoon iyong daan papunta sa firm. When I passed by him, I heard nothing from him. Hanggang sa makapasok ako sa loob ng elevator ay hindi ko siya nakita. Hanggang sa makarating ako sa floor ng BGY ay wala akong narinig mula sa kanya.
“Hi,” pagbati ko nang makita ko si Yago.
“Hi,” he replied. “Can we wait for a while? My client’s on the way.”
Tipid akong tumango. Dito din siya papunta. Of course, dito din siya papunta. Pero hindi siya sumabay sa akin. Was he finally giving me what I wanted? Because I felt like I already lost count sa kung ilang beses kong sinabi sa kanya na tigilan niya na ako. Kasi may asawa siya. Hindi ko alam kung bakit parang ang hirap sa kanyang intindihin iyon.
“Do you want anything? Coffee? Water?” Yago asked.
Umiling ako. “No, I’m good.”
Tumango siya na may kasamang tipid na ngiti. He must probably think how this whole… set-up was insane. Kahit ako rin naman. Yet here I was gobsmacked right in the middle of it all.
At nang marinig ko iyong katok sa pinto, automatic na bumilis iyong tibok ng puso ko. I should’ve said yes to the water. I needed to calm down. This was work. I should treat it as nothing but work. I’d been in this position before. Alam ko ang gagawin—or probably not… This was the first time that I’d be in this… situation.
“Mr. Fortalejo,” sabi ni Yago.
Huminga ako nang malalim. Tumayo ako at tumingin. Nandoon si Samuel. Some streak of his hair was wet na para bang galing siya sa CR at naghilamos.
“Mr. Fortalejo,” I said as I extended my hand to signify that we’re here professionally.
Naka-tingin lang siya sa mga mata ko tapos ay tinanggap niya ang kamay ko. I almost flinched when our hands touched, but he just squeezed it like he would any other meeting.
I guess I finally got what I asked for.
“Atty. Manjarrez,” he said as a professional courtesy. We were looking at each other’s eyes when I heard Yago telling us how we should probably begin with the meeting.
Naunang umalis si Samuel. Nanatili akong nakatalikod sa kanilang dalawa. Muli akong pumikit habang humuhugot ng malalim na hininga. Okay. Kaya ko ’to. This was but another day in my life as a lawyer.
“Shall we begin?” Yago asked. I nodded. “Can I ask where your client is?”
I shrugged. “Work, probably,” sagot ko sa kanya. “She didn’t want to be here. Plausible deniability.”
“Ah…” Yago said with a small smile on his face. “Smart.”
“But she told me about what she wanted to get from this.”
“And that is?”
“For people to mind their own business,” I said. “Her words, not mine.”
“I see,” sabi ni Yago. “As for my client,” dugtong niya tapos ay tumingin kay Samuel na tahimik na naka-upo sa tabi niya. “He wants annulment,” he said. “What’s your client’s stand about the annulment being granted?”
“She doesn’t mind,” sagot ko. “The goal is not to summon her family and Clary.”
Muling tumango si Yago. “We can make that work.”
Tumingin ako sa kanya. “Would you have done it?”
“Done what?” tanong ni Yago habang iyong mga mata niya ay may binabasa sa papel na hawak niya.
“Summon her family?”
Tumingin siya sa akin. “What do you think?” Yago asked.
Tumingin ako kay Samuel. Gagawin niya kaya talaga iyon? Ilalaglag niya ba talaga si Shanelle sa pamilya niya, sa lahat ng tao para lang makuha iyong gusto niya? Because if he would… then he wasn’t the same man I fell in love with years ago. I couldn’t imagine him doing something so horrible to the woman he married. Kasi kahit na sabihin na hindi sila nagpakasal dahil mahal nila ang isa’t-isa, still, he must’ve respected her at the very least. And to do that to someone you respected? That would be an all-time low for him.
“I think you would have done it,” sabi ko sa kanya.
Bahagya siyang natawa habang umiiling. “You think the worst, Atty. Manjarrez.”
“Can you blame me?”
Yago shrugged. “I’m not that cruel,” he cryptically said. “Now, on to business,” dugtong niya. “I’d just like to confirm again na ayos lang kay Shanelle na ma-grant iyong annulment?”
“Yes.”
“The only condition is that we don’t summon her family?”
“And Vito and Clary,” I added.
“I see,” sabi ni Yago. Tumingin siya kay Samuel. “Ikaw, may request ka ba?”
Umiling si Samuel. “I just want this to be over as quickly and as peacefully as possible.”
Nagkatinginan kami ni Yago. We were both probably thinking the same thing—peacefully? Sa annulment? Sure… kapag siguro baliktad na iyong mundo.
“So, what’s the game plan?” tanong ko para na rin makapaghanda na ako sa mga kailangan kong gawin. “Ground?”
“Psychological incapacity.”
Napa-tingin ako kay Samuel. Inaasahan ko na ’to dahil ito naman talaga ang karaniwan na ginagamit na ground ng mga mayayaman na gustong maghiwalay dito sa Pilipinas. This was hard to prove, but what choice do people have? Getting out of a marriage felt like you’re breaking out of a prison cell at this point.
“That’s hard to prove,” I said while my eyes were still on him. “This is going to ruin your reputation.”
Tumango si Yago. “My client is well-aware. Whatever it takes, right?”
“Right,” mababang sagot ni Samuel. Tumingin siya sa akin. “If you need anything, you can course it through my lawyer,” dugtong niya tapos ay tumayo. He gave me a small nod bago siya lumabas ng opisina ni Yago.
“So, back to business,” sabi sa akin ni Yago. “Since the ground we’ll be using is Art 36, you’ll have to file.”
I couldn’t even bring myself to nod.
“I’m sure you’re aware of the new ruling, but I’d like to be certain so let’s still get psych eval,” sabi niya sa akin.
Hindi pa rin ako makapagsalita.
“Atty. Manjarrez,” muling pagtawag niya sa akin.
“Y-yes.”
“Ayos ka lang ba?”
“Is he really okay with this?” I asked. Shanelle has something she wanted to protect… ganoon din si Samuel. Back in law school, he was particular with his image and reputation—kaya nga siya sumali d’yan sa fraternity na ’yan—because of all the strings and shiny things attached to it. Kaya na lang din ganoon ang reaksyon niya nang biglang kunin lahat ng pinaghirapan niya.
But now… he’d really watch it all burn.
Because it’s what happens in proceedings like this.
They’d dig into your life—all the skeletons in your closet would see the light of the day.
“Yes,” sabi ni Yago. “Are you okay with it?”
“What do you mean?”
“I know we’re professional and all, but we’re still human beings first,” sabi ni Yago. “All I’m saying is that I understand that this is… complicated to say the least.”
Hindi ako nakapagsalita agad.
Huminga ako nang malalim.
“Psychological incapacity,” sabi ko para ibalik ang usapan sa kaso. I didn’t want to take ‘feelings’ with him. I’d rather deal with this alone… preferably with a bottle of alcohol.
“Yes,” sabi niya.
“What specifically?” I asked before we went back to discussing business.
Hindi ko napansin na kanina pa pala ako nakatingin sa kawalan nang mapukaw iyong atensyon ko nung may kumatok sa pintuan. Nakita ko si Shanelle na nakatayo roon.
“How was the meeting?” tanong niya.
Napaayos ako sa upo ko. Halos wala akong natapos sa sinusulat ko na pleading dahil kanina pa lumilipad iyong isip ko pabalik sa meeting namin ni Yago. Pinagusapan namin iyong posibleng mangyari—all possible endings were bad for Samuel.
“Okay naman,” sagot ko sa kanya habang pinapatay iyong monitor. “Psychological incapacity iyong ground.”
“Good,” sagot niya. “Ano doon?”
“Hindi ko pa alam. Will still discuss this with Yago because we need to lay a solid groundwork for this,” sabi ko sa kanya. Kilala naming dalawa si Samuel—he’s far from being psychologically incapacitated to perform his duties in marriage. I knew because I once considered marrying him. We’d have to dig deep and be able to support this claim.
“They assured me na hindi nila isusummon ang pamilya mo, si Clary at si Vito—at least not because of that . “
Tumango siya. She didn’t even need to verbalize it but I saw the relief on her face. I guess she really didn’t want them dragged to the court.
“Thank you,” she said.
“No problem,” sabi ko sa kanya. “Part of the job.”
Tumingin siya sa akin. “Deanne.”
Bahagyang napa-kunot ang noo ko dahil sa tono ng boses niya. “When this is all over, you should consider getting back together with him.”
Napaawang ang labi ko sandali bago ako natawa. Hindi ko alam kung dahil ba sa stress o sa pagod pero halos maluha ako sa sobrang tawa. Pinunasan ko iyong paligid ng mga mata ko.
“Thanks,” I said habang pinupunasan ko iyong gilid ng mga mata ko. “I needed that laugh.”
“I’m being serious,” sabi niya sa akin.
“Me, too,” sagot ko. “I needed to hear a joke. That was a good one.”
Umirap na lang siya sa akin. “Whatever you say,” she said. “Keep me in the loop.”
“Of course—this is your marriage, Shanelle,” I said because it was ridiculous of her to ask me to keep her in the loop. Of course she’d be in the loop dahil hindi naman ’to normal na procedure na pwedeng tumuloy ex-parte kahit ’di kami umattend dalawa.
She just shrugged. At this point, it felt like she’d already made up in her mind that the marriage was really over and what we’re doing is just merely formality to end things legally.
“This is officially the weirdest case I’ve ever handled,” bulong ko sa sarili ko habang umaalis si Shanelle. Pambihira.
The next few days, I spent almost all my day in the office para tapusin iyong iba kong kaso. I wanted to focus on Shanelle’s case—the quicker we could finish this, the better.
“Sorry kung ikaw ang palaging pumupunta dito,” Yago said.
“No, it’s fine,” I replied kasi kung may magtanong man, hindi naman weird na pumupunta ako rito sa BGY kasi tambay naman ako dito talaga minsan dahil nandito si Iñigo at minsan nandito rin si Kitty.
“Natapos mo na ’yung draft?” Yago asked.
I nodded. “Here’s your copy,” I replied because we agreed that shouldn’t leave digital footprint—mahirap na. Once na magfile kami, magsisimula na iyong sa collusion hearing sa prosec. We needed to be careful.
“Thanks. Will read and get back to you,” sabi ni Yago.
“I think this is unfair,” sabi ko.
Napatingin siya sa akin at napakunot ang noo. “What?”
“This,” I replied. “This will be a part of public record.”
“Samuel’s well aware,” sagot niya sa akin.
“Is he, really?” I asked. I followed what he told me—whatever I needed, I coursed through Yago. Mas mabuti na ’to dahil tuwing mag-uusap kami, palagi kaming nauuwi sa sigawan at iyakan. It’s just… insane how after all this years, the emotions were still high between us.
“He’s a lawyer—of course he knows what will happen,” sabi ni Yago. “And as his lawyer, I also reminded him.”
“His family will hear about this.”
“Yes,” sagot ni Yago.
“I feel like I don’t know him anymore,” sabi ko habang naka-tingin sa kanya. “First, iyong kina Vito. And now this?”
Kumunot ang noo ni Yago. “You didn’t really think that he’ll summon Vito… right?”
Bahagyang napakunot ang noo ko. “I thought—”
“Well, you thought wrong, Manjarrez,” sabi ni Yago sa akin. “All I can say is that his only instruction was to put all the blame on him and wrap this up as quickly and as quietly as possible.”
Hindi ako nakapagsalita.
“I’ll give this a read and I’ll see you in the collusion hearing.” He stood up and grabbed the envelope. “Don’t hold back in the hearing, Atty. Manjarrez. Drag him through the mud—use the materials we gave you,” he continued before he left me in Iñigo’s office.
**
This story is already at Chapter 41 on beeyotch.ph. Subscription starts at 100php per month for all stories.
As of the moment, we only accept GCASH payment but soon, you can also pay via credit and debit cards :) Thank you!
Chapter 36
Chapter 36
The petition has been filed and the documents were compiled. Shanelle and I had been rehearsing the ‘story’ para sa collusion hearing mamaya kasama iyong prosecutor. I had read the documents over and over again. I had a huge migraine nang tinatapos kong isulat iyong petition. But Samuel agreed to this—he wanted this, Yago said so. I was just executing everything. This was the job.
“You and Yago should give scriptwriting a try,” sabi ni Shanelle. “This is… way too believable. If I didn’t know about this, I’d believe that all these were true.”
I remained silent. Sigurado ako na malalaman ng mga magulang ni Samuel. Ano kaya ang mararamdaman nila kapag narinig nila lahat ng sasabihin ko tungkol sa anak nila? I haven’t gotten the chance to meet them before… and I hated that this was the circumstance under which I’d meet them… pero mas ayaw ko na masaktan sila dahil sa mga sasabihin ko. Samuel told me before what a religious family he has. He told me stories about how his mother tried her best to raise them as good Catholics. How she’s arguably the kindest person he knew.
God, how it would break her heart to hear the stories about the kind son she thought she has.
Kung pwede lang sanang sabihin sa kanila na hindi totoo lahat ng maririnig nila… but we couldn’t risk that. The prosecutors are good. They’d know if something’s up. At sa dami ng kaso sa Pilipinas, at the first sign of collusion, they’d recommend dismissal. Ayoko ng dagdagan pa ang kasalanan ko kung susuhulan namin sila. That way, I’d really be risking it all for this case.
“Not surprising, though,” sabi niya.
“What?”
She shrugged. “Ganito naman talaga, ’di ba? Because if the government won’t make it easy for the people, then the people would just have to make do,” she said like it was a matter of fact. Tama naman siya. You can’t force people to stay in an unhappy relationship. Kahit pa pahirapan sa annulment, kung gusto nila, gagawan ng paraan. Walang impossible sa taong desperado.
Katulad namin.
Sabay kaming bumaba ni Shanelle. Pagdating namin sa loob, nakita namin na nandoon na iyong Assistant Prosecutor. This was new. Usually ay naghihintay kami dahil madalas ay naiipit sila sa hearing.
“You’re good?” I asked Shanelle.
She nodded. “Same, same,” she simply replied. She knew she needed to stick to the same script dahil iyon lang naman ang paulit-ulit na itatanong sa kanya. Bumisita sa opisina niya nung isang araw iyong DSWD na assigned sa case niya. Iyon iyong gumawa ng collusion report na pinasa sa fiscal. Shanelle told me she just answered the questions as expected. Dahil nga ganito ang trabaho namin ni Yago, alam na namin kung ano ang usual na itatanong—una ay tungkol sa mga bata pero wala namang anak sina Shanelle, pangalawa ay iyong sa relasyon na nila—kung kailan nagsimula, kailan nagkaproblema. Shanelle said that she stuck with the script given… so there should be no problem.
Sana.
I wanted this to be over as soon as possible.
“Good morning,” bati sa amin nung Assitant Prosec.
“Good morning,” sagot namin ni Shanelle.
May inilabas siya na folder. Iyon iyong report sa naging interview kay Shanelle nung isang araw. “Walang anak?”
“No kids,” sagot ni Shanelle.
“Both lawyers?”
“Yes,” sagot ni Shanelle. “I practice mainly criminal law,” sabi niya. “Samuel is currently working on insurance cases.”
“Paano kayo nagkakilala? Same school?”
Umiling si Shanelle. “No, I graduated from Brent. He graduated from SCA,” sabi ni Shanelle. “We met in a common friend’s party. He was in a relationship then.”
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Paano kung magtanong siya kung sino?
“E ikaw?”
Shanelle shook her head. “No. At that time, busy ako sa acads,” sagot niya. “We met again nung BAR review na. Single na siya, pero ako naman iyong may boyfriend.”
“Laging wrong timing,” comment nung assistant prosec.
“You can say that.”
“Kailan naging kayo?”
“Two months after I broke up with my other ex,” sabi ni Shanelle. “Baka kilala mo siya. He made quite a spectacle when he got himself imprisoned for the death of Arthur Villamontes.”
Shanelle was doing very well. Consistent lahat ng sagot niya. Kung sabagay, madali lang namang magkwento kung base sa katotohanan. Hindi mo kailangang irehearse o tandaan—you just have to state based on memory.
Hindi ko alam kung dahil ba abogado rin si Shanelle o kung natuwa lang iyong prosec sa chismis ni Shanelle tungkol kay Vito, pero mukhang maayos naman iyong nangyayari. Kailangan lang ni Shanelle na tapusin ’to tapos ay sa pre-trial at sa trial na ang susunod naming problema.
“Mukha namang okay,” sabi nung Assistant Prosecutor. “Kailan nagsimula iyong problema.”
Huminga ako nang malalim. Ngayon na magsisimula lahat ng kwento na ginawa namin ni Yago.
“When we got together, I remember always jesting na amoy alak siya kapag aattend ng review,” Shanelle began. “He’d just always just shrug it off. I didn’t think any of it anymore because it seemed like naiintindihan niya naman iyong lectures namin. He even passed the BAR when we took it.”
“So he likes drinking,” kumento nung assistant prosecutor.
“More like a high functioning alcoholic,” sabi ni Shanelle.
I drew a deep breath. When I asked Yago about this, he just shrugged and said that we should stick with a story that’s believable. Walang maniniwala na may mental disorder si Samuel, but Yago said that it’s more believable to paint a picture of Samuel’s habitual alcoholism—that it existed before the marriage occurred to the point that Samuel couldn’t perform his marital obligation. He even provided photos from different bars and casino na may hawak si Samuel na baso ng alak. There was even a hospital record of Samuel having his face almost broken—pero sabi naman ni Yago, hindi daw kasalanan ni Samuel ’yon, but Samuel was so drunk na hindi siya nakalaban kaya ganoon iyong naging itsura nung mukha niya. I asked if he pressed charges, but Yago said that Samuel just shrugged it off after the guy offered to pay for the hospital bills.
The story was so… close to reality that it’s easy to believe that it’s real. Because sometimes, that’s how you win cases. You fabricate lies and mix them with the truth—enough for the lies to be convincing. That way, no one would suspect that you’re painting an all too different picture.
Nagpatuloy pa iyong pagtatanong nung assistant prosecutor. There was also a story about how Samuel only stayed for three days sa bahay nila. It was substantiated by proof of his lease agreement sa apartment kung saan siya nakatira ngayon coupled with hotel at flight bookings. If you’d look at it from an outsider’s perspective, magtataka ka talaga kung magasawa ba sila dahil parang hindi nagtagpo iyong schedule nila na nasa iisang lugar sila.
There was also a portion wherein Shanelle said that she was in the hospital for a minor surgery but Samuel was nowhere to be found. The surgery did happen, but Shanelle told me that she purposely did not tell Samuel because she’d rather have Clary by her side.
Also stories about his ‘psychosis’ backed with testimony from psychologists—from top psychologists, even.
Truly, lahat possible kapag may pera ka.
The stories were true… but not really.
I stayed silent until it was time to leave.
“Do you think his parents will be at the trial?” Shanelle asked.
“Sa tingin ko,” sagot ko. “Why?”
She shrugged. “Just that… it’ll hit a sore spot,” sabi ni Shanelle. “Samuel’s older brother died because of a drunk driver. It might bring back bad memories.”
Napaawang ang labi ko. Pakiramdam ko ang dami kong alam kay Samuel, pero ang dami ko ring hindi alam. Sa tagal namin dati, bakit hindi ko alam iyong mga ganitong bagay? Why didn’t I know about this? Or was I so self-involved that I didn’t bother to ask just because I was happy most of the time?
Nang makaalis si Shanelle, hindi ko alam kung bakit nanatili lang ako sa sasakyan ko. Alam ko na dapat bumalik na ako sa opisina, pero hindi ko magawang magsimulang magdrive. Nandoon lang ako at hawak ang manibela.
We could’ve gone with a different reason.
Why this, specifically?
Why use something that will hurt his family?
Hindi ko maintindihan. Kasi ang alam ko, mahal ni Samuel iyong pamilya niya lalo na iyong nanay niya. I was starting to think that I really didn’t know him at all…
I kept on driving. Hindi ko alam kung bakit ako napunta rito sa labas ng apartment ni Samuel. Gusto ko na lang matawa dahil nagalit ako sa kanya nung pinuntahan niya ako, pero heto ako ngayon, iyon din ang ginagawa.
It’s like we never really learn.
I didn’t even know why I was here because it was the middle of the day. He’s probably at work. I should probably head to mine. And I began to drive… but I paused.
I kept on typing and erasing and typing.
Hanggang sa tumigil na ako.
Now’s not the right time for this
“Final answer ’yan?” Iñigo said when I shook my head to decline the drink that he gave me.
“Yeah. Pass muna,” sagot ko. Ewan. Tuwing nakakakita ako ng alak, naaalala ko iyong sinabi ni Shanelle tungkol sa kapatid ni Samuel.
The stories must be true… kasi sabi ni Yago, it’s almost a hundred percent true. Almost. So it meant that most of it were true…
Did he really drink that much nung wala kami? Kahit na ayaw niya dahil sa history ng kapatid niya? Why was I feeling bad for him? It was his choice to make. It wasn’t as if ako iyong pumilit sa kanya uminom… And it wasn’t as if ako iyong nakipaghiwalay sa kanya.
Tsk.
Ayan na naman.
Natatanga na naman.
Iñigo was telling a story about one of his meetings nang biglang dumating na rin si Kitty. They were so energetic habang nakasandal lang ako roon. Pinipilit ko naman na makinig sa kanilang dalawa, pero wala talaga ako sa mood.
After a while, I excused myself.
I tried to call him. I told myself na isang ring lang, ibababa ko na iyong tawag. But why did he have to answer in the first ring? Like he was waiting for my call?
Humigpit ang hawak ko nang sagutin niya iyong tawag. Walang nagsasalita sa aming dalawa. Alam niya ba na ako iyong nasa kabilang linya?
“I’m sorry about your brother,” I said after the few minutes that felt like a lifetime. “I didn’t know.”
“Hindi ko nasabi.”
“Yeah… Why?”
“I don’t know. We only talked about the good things.”
Napasuklay ako sa buhok ko. He was right—looking back, we only talked about the good things. I was so stressed with school that I almost always complain to him. Hindi siguro siya maka-bwelo sa akin dahil lagi akong nagrereklamo.
Hindi kami sanay sa seryosong usapan.
Siguro kaya ang dali din naming naghiwalay nung nagkaroon kami ng totoong problema.
Hindi kami nasanay sa pag-uusap—iyong totoong pag-uusap.
We were in love… but we were both foolish to think that love will always be enough.
“Right. I’m sorry about that.”
“Not your fault,” he replied. “If I wanted to, I could’ve told you.”
I wanted to ask ‘so why didn’t you?’ but after everything that happened today, iyong sumbatan siya ang huli kong gustong gawin. I really didn’t know what I wanted to do, but what I knew that I wanted was to listen to his voice.
“I’m sorry about your brother,” sabi ko pero hindi siya sumagot. “We should’ve used a different reason.”
“No,” sagot niya. “It’s… closer to the truth,” he added. “And it would make a lot of sense.”
“Totoo ba na alcoholic ka?” I asked but once again, my question was met with silence. Humigpit iyong hawak ko sa railing. “I drink a lot, too. Maybe that’s something we have in common,” I continued. It’s as if I could see him giving me a small smile. “I know I should stop, but work is so stressful, alam mo ’yon?” patuloy na pagkukwento ko sa kanya. “Na ito naman iyong pinangarap ko nung nasa law school pa tayo, but now that it’s here, parang bigla ko na lang gustong bumalik sa law school.”
“Times were simpler.”
“Exactly,” I said with a small smile. “Only I didn’t know back then that I was living the simpler life.”
Muling namagitan ang katahimik sa pagitan namin.
“Samuel,” pagtawag ko sa pangalan niya.
“Hmm?” he replied like in the old times.
“Pupunta ba iyong parents mo?”
“Yes.”
“May chance ba na hindi?”
“I don’t think so.”
Huminga ako nang malalim. “This will be messy,” I said.
“I know,” he replied. “But no way around this but through this, right?”
I smiled to myself because I remember him telling me that before tuwing magrereklamo ako sa dami ng binabasa ko sa school. “Right…” I said. “We just need to get through this.”
There was silence once again, but when he spoke again, his voice was lower this time.
“I like this,” he said. “I like talking to you without someone shouting or crying,” he continued.
Bahagya akong natawa. “Yeah… I don’t like shouting either. Too old for that,” sabi ko at saka ngumiti at humugot ng malalim na hininga nang marinig ko iyong pagtawag sa akin nila Iñigo dahil turn ko na raw kumanta. “I have to go.”
“Thank you for calling,” he said.
“I’ll see you when I see you,” I replied before I ended the call and went back inside.
**
This story is already at Chapter 42 patreon.com/beeyotch. Subscription starts at 100php per month for all stories. You can also join the patreon facebook group. You can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance :) Thank you!
Chapter 37
Chapter 37
“I heard nagsubmit na ng report of non-collusion?” Shanelle asked.
I nodded without looking at her. I was in the middle of finishing an affidavit nang sabihin sa akin na nandito raw si Shanelle. Pinapasok ko naman siya, but I was really busy. Mayroon akong ibang trabaho bukod sa petition niya.
“Was about to tell you,” I replied.
“What now?” she asked as she took the liberty of sitting herself down.
“Wait for the notice of hearing,” sabi ko sa kanya. “May nahanda na ako na list ng witness natin. I just need you to confirm the list para masimulan na ’yung sa judicial affidavits,” I added.
“Okay.”
“Still the same list, right? Basta wala si Clary and your family?”
“Yup.”
“Noted.”
Nagpatuloy ako sa ginagawa ko. Usually ay aalis na si Shanelle once na makuha niya na iyong gusto niya. At first, I found it rude, but later on, I realized na ganito lang talaga siyang klaseng tao. She’s a no-nonsense kind of person. It’s not rude per se—ayaw niya lang siguro talaga na nasasayang ang oras niya. And for some reason, the marriage with Samuel was starting to make a lot of sense.
It was convenient for the both of them, hence, they got married. Ganoon lang ka-simple. There’s no world-defying logic behind that. Ako lang ang nahihirapan because I kept on looking for a deeper explanation when it’s simply just that—a marriage that was convenient.
Nang lumipas ang isang minuto at hindi pa rin siya tumatayo, ibinaling ko na ang tingin ko sa kanya.
“Do you need anything else?” I asked.
“Family law’s not really my forte, so I have no idea how this really works… but is there a way for Samuel’s family to be spared from this?”
I drew a deep breath. “Kahit hindi sila isama sa witness list nina Yago, I don’t think this can be hidden from them,” I told her.
Tipid siyang tumango. “I thought so. I just had to ask,” sabi niya bago siya tumayo. She really did care about his family para itanong pa ito tungkol sa akin. Did they like her for him? Ako kaya—
Tsk.
Useless and dangerous questions once again.
“I’ll get going,” sabi niya. “Just contact me if you need anything.”
Tipid din akong tumango bago siya pinanood na lumabas mula sa opisina ko. Nang marinig ko iyong pagsara ng pinto ay agad akong napasandal at napatingin sa kisame.
I just… I just really wanted this to be over. But I was kidding myself dahil alam ko na at most, aabutin ’to ng taon. That’s just how it works. Mabagal talaga ang proseso ng annulment sa bansa na ’to. Mauubos hindi lang ang pera mo kundi pati ang pasensya mo.
I stayed in the office hanggang sa ako na lang ang matira. This had been my life lately… Ang weird lang kasi sinabi ko sa sarili ko na hindi ako magtatrabaho sa malalaking firm dahil sigurado ako na roon iikot ang buhay ko, pero parang ganon din naman ang nangyari sa akin.
I needed to find a hobby or something.
Burnout ang aabutin ko kung magpapatuloy pa ’to.
I knew that I should probably get home to rest, but my subconscious brought me to my usual bar. I just needed one drink. Hindi naman ako nagda-drive ng lasing. Even at my lowest, I know my limit. I just needed a drink para makatulog ako agad mamaya. My mind was already tired from all the working and the thinking.
I sat on my usual spot by the bar. Hindi sikat ’tong bar na pinupuntahan ko lagi. Ayoko kasi ng maingay. Most of the time, I really just want to be left alone.
Pero bago pa man ako makaupo ay napatigil ako nang may mapansin ako na pamilyar na likod.
“Deanne, usual?” sabi sa akin ng bartender. First name basis na kami dahil madalas ako rito.
“Yes,” sabi ko pero agad na napaawang ang labi ko nang makita ko si Samuel na lumingon sa akin. I blinked a couple of times. It’s been… quite a while since I last saw him. But the last time we talked, it was a good talk… compared to the other talks we had as of the recent.
“Deanne—” sabi niya pero napahinto siya. “Atty. Manjarrez,” he corrected himself.
Umayos ako ng tayo. “No, Deanne’s fine,” I told him.
I hated how this felt nice.
And familiar.
And I knew I should turn my heels back, but for some reason, I stayed where I was standing—like this was where I was meant to be.
His face was painted with confusion sa sinabi ko. Pati ako ay nalilito na rin sa sarili ko. Litung-lito na siguro siya sa akin. I’d tell him to leave me alone, yet here I was, telling him that it’s okay to call me by my first name like he did before.
God, the familiarity was awful.
But comforting.
This was pulling me in different directions.
“Deanne,” he said and I hated how I noticed the small smile on his face when he said my name. Hindi ko na lang pinakita na napansin ko iyon.
I took my usual seat by the bar. May isang upuan sa pagitan namin. Nakatingin ako sa may inumin ko na inilapag sa harapan ko.
“Hindi ako umiinom,” biglang sabi niya.
Napatingin ako sa kanya. “What?”
“Iced tea,” he said as he raised his glass. “I try not to drink anymore. Hindi ko nga alam kung bakit ako nandito. Probably to trick my system into thinking that I’m still drinking even if I’m not.”
Hindi ako nakapagsalita.
“Tapusin ko lang ’to. Aalis na ako.”
“Hindi kita pinapaalis,” I told him.
“I know, but it looks bad. You’re my wife’s lawyer.”
That fucking stung.
When it came from his mouth, the word wife stung kahit totoo naman.
“Well, this bar’s a public place. Nagkataon lang na nandito ka at nandito rin ako,” sabi ko sa kanya kahit hindi ko na rin alam kung ano ang mga lumalabas sa bibig ko.
Nakatingin siya sa akin na para bang naguguluhan siya sa nangyayari. I held the glass with both my hands. Huminga ako nang malalim.
“I’m sorry,” I said. “Of course you can leave if you want to.”
Imbes na sumagot ay nanatili lang siyang nakatingin sa akin.
“What?” I asked nang hindi pa rin siya nagsalita. “I don’t like getting mad. I don’t have the same energy like when I was younger.”
Nung nasa law school pa kami, kahit pagod from class and recit, nagagawa pa naming maglakad sa kung saan-saan para maghanap ng kakainan. I remember us listing down all the places kung saan kami nakakain ng tapsilog. Naghahanap kami kung saan ba iyong pinakamasarap na tapsi.
Those really were the days—too bad at that time, I didn’t know that those days would be the peak of my happiness because it truly had been disappointing since then.
“Okay,” he said.
“Okay,” I replied.
We sat with a chair and the silence between us. Napapaligiran kami ng mahinang tugtog ng jazz music mula sa speaker. It was relaxing yet unnerving. Truly that with him, I was feeling both ends of the spectrum. It was either I was extremely happy or extremely sad. It was probably both our fault that we never tried to find the middle ground. Hindi naman kasi pwede na laging nasa pinakataas o sa pinakababa. We’d both get burned like what happened to us.
“I heard you’re in insurance?” I asked because the silence was killing me.
“For now,” sabi niya.
“Hindi ba masaya dun?”
“Okay lang,” he said. “Family law,” he continued.
Saglit akong natawa. “Right? I always thought I’d end up in criminal law yet here I am.”
“Life’s weird,” he said.
“Agreed.”
Nagtagpo iyong mga tingin namin sa salamin sa harap namin. I knew I should break the stare, but my eyes wouldn’t let me. Kahit siya naman ay hindi rin nagbabaling ng tingin.
“Yung parents—” I said and then stopped myself bago ko pa matapos ang tanong ko. I shouldn’t ask him about the case. That would be against the rule.
“What about my parents?”
Umiling ako. “Wala,” sagot ko sabay inom sa baso ko. Ramdam ko na nakatingin siya sa akin. Hindi ko masabi na tigilan niya. Hindi ko alam kung gusto ko ba na nakatingin siya sa akin o tinakasan lang talaga ako ng mga salita.
“Deanne.”
God, why did have to say my name that way? Like he’s longed to say it for the longest time?
“What?” I asked with my eyes still on the glass. I couldn’t hear him say my name that way and look at him, too. Even I know that that would be too much.
“You never met my mom but you do know that she knows about you, right?”
Napatungo ako. “Yeah… We never met.”
“I think you’ll meet her soon,” he said.
Napatingin ako sa kanya. “Isa siya sa witness niyo?” I asked. Hindi ko napigilan na tanungin kahit alam ko na hindi dapat ako nagtatanong sa kanya tungkol sa mga ganitong bagay. There are lines that I should not cross… but this case had been different right off the bat. Minsan ay nalilito na rin ako kung ano ang dapat sa hindi.
“No,” sabi niya at mabilis na umiling. “Pero gusto niyang umattend.”
“Papayag ka?” napaawang ang labi na tanong ko dahil alam niya kung ano ang mga sasabihin sa hearing tapos papayag siya na nandoon ang pamilya niya?
“If I’ll have it my way, of course I didn’t want her to go,” sabi niya. “But I guess this is for the best. Para maniwala na siya na wala na talaga.”
Muli akong napatungo. “She’s still hoping for the marriage to work?”
“I did tell you that she’s a devout Catholic.”
Mapait akong ngumiti. “Right… And you’re supposed to be her little Catholic boy.”
Bahagya rin siyang natawa. “I believe that I am her greatest disappointment,” sabi niya habang naiiling. I wanted to ask him about his brother, but chose not to. This wasn’t the time. And I didn’t think I have the right.
Muli siyang tumingin sa akin. “I’ve never known her to be hostile, but what do I know? I haven’t seen her in a long time.”
“Why does this sound like a warning?”
“She might blame you for the annulment.”
“But… she does know that prior to this, wala tayong communication… right?” sabi ko sa kanya because I’d hate for people to think that I caused this annulment. Because even when I heard that he’s getting married, I did nothing but get drunk and ask the universe what sin did I commit in my past life para pahirapan nila ako nang ganito.
“Yes.”
“So, bakit ako pa rin ang sinisisi niya?”
“Gusto mo ba talagang sagutin ko ’yan?” diretsong sagot niya na naging dahilan ng pagawang ng labi ko.
Agad akong napaayos ng upo. “No,” I said. “Please don’t answer that.”
Because I knew the answer.
Probably.
That he never really got over me the same way that I never really got over him.
It’s still him.
It’s probably going to be always him.
I just… I just got used to his absence, but I will always be reminded of how his presence felt like.
Tumayo ako dahil ubos ko na rin iyong inumin ko. Nagiwan ako ng bayad sa may counter. Tumingin ako kay Samuel at tipid na ngumiti.
“See you at the pre-trial,” I said.
“See you,” he replied with a small nod. “I can’t wait for this to end.”
“Same here.”
“Try not to take what my family will say personally.”
Natawa ako. “I will try.”
“I apologize in advance.”
“Apology accepted in advance,” I said.
He gave me a small and almost sad smile. “See you at the pre-trial,” he said like he needed me to go because for some reason, this simple conversation almost felt too painful.
**
This story is already at Chapter 43 patreon.com/beeyotch. Subscription starts at 100php per month for all stories. You can also join the patreon facebook group. You can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance :) Thank you!
Chapter 38
Chapter 38
We already submitted the pretrial brief. We just needed to attend the pretrial conference now. I didn’t know why I was trying to psyche myself. Hindi naman ’to ang unang pre-trial ko. I’d done this before. I’d just to this again. But… who was I kidding? Iba ’to sa mga kaso na nahawakan ko. Hindi naman involved iyong ex-boyfriend ko sa mga kasong nahawakan ko dati. Of course, this case’s going to be different! Niloloko ko lang ang sarili ko for thinking otherwise.
Sinilip ko muna ulit iyong sarili ko sa salamin bago ako lumabas ng sasakyan. Diretso akong naglakad sa venue pero bago pa man ako makarating doon, agad akong napahinto dahil nakita ko agad si Samuel… kasama iyong nanay niya.
Shit.
Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. He already warned me, sure, pero iba pa rin na nandito na nakikita ko sila! Alam ko iyong itsura ng nanay niya kahit hindi kami nagmeet before. I used to ask Samuel tungkol sa nanay niya because I wanted to make a good impression kapag nagkita kami.
That ship has long, long sailed.
Muli akong huminga nang malalim. Wala akong choice dahil kailangan kong dumaan doon para makarating ako sa pupuntahan ko.
“Good morning.”
Halos mapatalon ako nang marinig ko iyong boses ni Shanelle mula sa likuran ko. She looked so… fresh habang ako ay para nang mamamatay sa kaba!
“Shit,” she said nang mapatingin siya sa gawi nila Samuel.
“Kailangan na nating pumunta,” sabi ko sa kanya dahil ayokong nale-late kapag ganito. I didn’t want to make a bad impression na tardy ako kapag may court appointments.
“I know,” sabi niya. Tumingin siya sa akin. “Fair warning—”
“I know. She hates me.”
Kumunot ang noo niya. “Okay… So, you’ve talked to Samuel, I presume.”
Bahagya akong umirap. I still found it so freaking weird tuwing magpapahaging siya sa akin na kausapin ko si Samuel after ma-finalize ng annulment. Yeah. Because this would take a year at the very least (warp speed na ’yan.) Ang dami pang pwedeng mangyari sa isang taon.
Hindi na ako umaasa kasi feel ko si Samuel na talaga ’yung love of my life pero malay ko naman! Baka may iba pa! Kung hindi, e ’di work is life na lang talaga ako.
“Partly my fault, you know,” she said as I was, once again, psyching myself up para magpatuloy sa paglalakad. “I told her that you’re one of the reasons why my marriage was failing.”
Napatingin ako sa kanya at nanlaki ang mga mata. “What?!”
She shrugged like it was so casual na sinabi niya sa nanay ni Samuel na ako ang dahilan kung bakit nandito kaming lahat ngayon para umattend ng pre-trial ng annulment proceeding nila!
“It’s not like I can tell her that I have a girlfriend,” she said in a low tone.
“Pero bakit kailangan ako?” I asked, frustrated, kasi kahit naiintindihan ko naman siya, still, bakit ako?!
Halos mapatalon ako sa kinatatayuan ko nang biglang tawagin ng Mama ni Samuel ang pangalan ni Shanelle. Shanelle stopped walking. Rinig na rinig ko na iyong tibok ng puso ko. Parang anumang oras ay tatalon na siya palabas ng dibdib ko.
“Ma,” Shanelle said.
For fuck’s sake.
Why was I feeling this way?
Of course ’yan ang itatawag niya! She’s still her daughter-in-law. And she would probably always be her daughter-in-law because in the eyes of God, habang buhay na silang kasal na dalawa.
Tumingin siya sa akin—at sa tingin niyang iyon, ramdam na ramdam ko na na ako nga talaga ang sinisisi niya.
“Shanelle, anak, does this really have to come this far?” sabi niya habang nakatingin kay Shanelle.
“Ma—” sabi ni Samuel, pero natigilan siya nang tignan siya ng nanay niya. Isang tingin lang ay agad siyang natigilan. I saw Yago looking at me. He shook his head like he was telling me that he’s sorry for the situation that I was in.
“Samuel has made mistakes, but as his wife, you should give him a chance… Ganyan kapag magasawa na,” sabi niya.
I pressed my lips together. I even bit my tongue back dahil baka kung ano ang masabi ko at mas lalo lang akong mapasama sa mga mata niya. I had heard that line—iba-iba pa nga ang bersyon. But they all meant the same thing—that once you’re married, you should stay in the marriage. You should give unlimited forgiveness. Like it was some prison that you’re not allowed to escape from.
“Mrs. Fortalejo,” pagtawag ni Yago. “We should go. Pretrial will start.”
Binigyan niya muna ako ng matalim na tingin bago nagsimulang maglakad paalis. Kinailangan pa siyang hawakan ni Samuel at marahang hilahin para lang maglakad na sila.
“Oh, my god,” sabi ko nang makaalis sila.
“Yeah… I’m sorry,” sabi ni Yago sa akin.
Napapikit ako at napahugot ng malalim na hininga. “Aattend ba siya sa lahat?”
Yago shrugged. “Kapag sumigaw, malay mo ma-cite in contempt ni Judge?” he replied humorously.
I frowned at Yago dahil kahit ganito ang nangyayari, nagagawa pa ring magjoke. Wala ako sa mood tumawa kasi stress lang ang dumadaloy sa katawan ko ngayon.
“Bad joke,” sabi niya.
“Sorry. Wala lang ako sa mood,” I replied.
“Yeah… who would be, right?”
I gave him a small smile bago kami naglakad. Nauna akong pumasok sa loob. Doon ako naupo sa tabi ni Shanelle. A little later, dumating na rin iyong psychologist namin.
“I’m nervous,” sabi ni Shanelle.
Tumingin ako sa kanya. I’d always seen her as someone who’s confident—she’s always looked sure about herself. But now, she looked… shaken. For some reason.
“Don’t be,” sabi ko sa kanya. “You’ll just have to be honest—it’s mostly the truth, anyway.”
Truth be told, nung unang i-propose sa akin ni Yago iyong ground na psychological incapacity, my immediate response was no dahil alam ko kung gaano kahirap patunayan ’yan sa korte. The government values family and it will do everything to preserve family—nasa Constitution ’yan. A small whiff of collusion at madidismiss agad ang petition namin.
But… the guy’s got some convincing powers.
He told me that annulment is a tedious process, and yes, it is… And unless master manipulator at degree holder sa pagsisinungaling iyong dalawa, we’d have a hard time to make our case dahil mahahalata na nagsisinungaling sila. In my experience sa mga kaso na nahawakan ko, karamihan na nagiging problema ay inconsistent sa mga detalye. I mean, it makes sense… kasi kung totoong nangyari naman, bakit nagiiba-iba iyong detalye?
It’s tricky… but I believed in his plan.
“Hinga lang,” sabi ko kay Shanelle nung marinig ko iyong pagbukas ng pinto dahil alam ko na nandito na iyong Judge. Inabot ko iyong ballpen ko at saka hinawakan iyon. It’s the pretrial. Magiging puro tanong lang dito. Naipasa na namin lahat. Shanelle just needed to be consistent with her answers.
“Is the petitioner present?” tanong ni Judge.
“Yes, Your Honor,” I replied, standing up. “The petitioner is here,” I continued as I pointed my hand at Shanelle.
“Is the respondent here?”
Tumayo si Yago. “Yes, Your Honor, my client is here today.”
Muli akong huminga nang malalim.
I fucking hate this game.
“State your name,” panimula ko pagkatapos niyang mag-oath.
We just needed to restate everything and to mark the documents ngayon para diretso na kapag nasa trial na kami.
Nakita ko na huminga si Shanelle nang malalim. “Shanelle Nuevas,” she replied.
I continued with the line of questioning, mostly just confirming everything that was already stated in the affidavits and the brief that we submitted to the Court. This is a really tedious process dahil paulit-ulit na itatanong sa ’yo na para bang sinusubukan na hulihin ka dahil baka nagsisinungaling ka lang.
Yago’s really right… Instead of embellishing some completely different lie, it’s better to stick to a story that’s a lot closer to reality.
“And your husband is?” tanong ko.
“Samuel Hayes Fortalejo,” she replied and I knew that that was the answer, but that still made me a bit uneasy on my feet.
Huminga ako nang malalim. “When did you last see Mr. Fortalejo?” I asked.
“Two months after the legal separation,” she replied.
Bawal na talaga magusap o magkita once na filed na iyong petition dahil gagawin agad na ground for collusion na kesyo nagusap kayo at nagplano para sa petition. The smallest detail can get the case dismissed. We talked to the people who saw Samuel go to Shanelle’s office. It was surprisingly easy… It was like they were already aware na si Shanelle at Clary. Maybe Shanelle was not that good with hiding it—o baka ayaw lang talagang makita ng pamilya niya kahit halata naman para sa iba?
You really can choose not to see things if you don’t want to.
“What happened? Why did it end up with legal separation?” I asked, beginning the hard part of the process.
Nakita ko na huminga nang malalim si Shanelle. Nakita kung paano siya tumingin sa nanay ni Samuel. She really didn’t want to do this… Pero ang layo na ng narating namin. Ang dami na naming kasinungalingan na nagawa. Ang dami na naming batas na nabali.
Ganito ba iyong pakiramdam nung iba?
Na… may nagawa naman na ako na mali… kaya ano pa ba na dagdagan ko pa ng kaunti? Wala namang magbabago.
God… what a fucked up way of putting things into perspective?
“Samuel had lots of baggage—I knew it even before we got married,” she stated. The incapacity should have existed before the marriage, otherwise, hindi pwedeng maging ground.
“Please specify,” I asked.
Muli siyang huminga nang malalim. “He basically got ousted from his fraternity. During his last year in law school and during his review years, he was involved in a criminal investigation involving the death of one of his frat mates. His brother died. He failed the BAR after. In the middle of everything, he started to seek solace in drinking.”
Pilit akong huminga nang malalim. I knew these happened before… way before… pero parang kahapon lang. Naaalala ko pa lahat nung nangyari. Kung kailan nagsimula lahat.
He should’ve listened to me.
He shouldn’t have gone there.
Kung hindi siya pumunta sa initiation na ’yon, hindi siya madadamay… But if he didn’t, hindi rin siya iyong Samuel na nakilala ko. Kasi tumawag si Lui sa kanya. His friend called and asked for help… kung hindi siya pumunta, alam ko na pagsisisihan niya ’yon.
God.
Things really couldn’t just be easy.
“Can you describe his drinking habits?”
Nakita kong napatingin si Shanelle kay Samuel. Napatingin din ako roon. Nakatingin lang si Samuel sa lamesa. I knew that everything we’re hearing now were true… almost all of them… And it’s… heartbreaking to say the least to know that he went through all of this.
“When we first became friends, we’d sometimes drink together. But then I noticed that he drinks quite a lot. I pointed that out because I was worried for him. He said he just needed to drink to be able to sleep. I didn’t think any of it anymore.”
“Did you see him drink after you asked?”
Umiling si Shanelle. “No.”
“Did he invite you to drink again since you said that you two drink?”
Muli siyang umiling. “No,” she replied. “And if he did, I’d ask the same thing again. I have an alcoholic uncle. I know what happens. I didn’t want him to go through the same path.”
“What path?”
“The dark path.”
“Can you please elaborate?”
“With my uncle or with Samuel?”
“With Samuel.”
Muli siyang huminga nang malalim. “He started being missing for days in time. Hanggang sa hindi na siya umuuwi. There was a time that I had to go to the hospital because his jaw got broken when he instigated a fight in a bar. And… there was a time when I had an operation. I texted him to accompany me, but he never replied. I was alone in the hospital with my husband nowhere to be found.”
“When you two got married, did you know that he was struggling with alcoholism?”
Mabilis na umiling si Shanelle. “No,” she firmly replied. “He told me that he was just having a hard time then, but that he’s already fine. There was no indication that he had that problem when we got married. Had I known, I would not have married him,” dugtong niya. I saw guilt cross her eyes nang mapatingin siya sa gawi ng nanay ni Samuel.
I fucking felt awful.
She didn’t even need to be here!
“It’s… it’s hard to be married to someone who couldn’t even be bothered to be physically there… or even when he’s there, he’s really somewhere else…”
The line of questioning continued. I just… went on with it. I just needed to finish this. Kailangan ko lang tapusin iyong nasimulan namin. But the next questions were harder to ask… Kasi kailangan naming patunayan na hindi niya na talaga nagagampanan iyong pagiging asawa niya. Na nakakaapekto na talaga ’yung pagiging alcoholic niya. That’s it beyond alcoholism but already a mental incapacity. That… he’s incapacitated.
Ang hirap.
Kasi kahit alam namin na hindi totoo, hindi naman iyon alam ng pamilya niya… And he loves his family… but he was willing to go through this para lang matapos na.
“Thirty minutes recess,” sabi ni judge nang matapos ako sa mga tanong ko. Mabilis na narinig ko iyong pagsara ng pinto. Wala na iyong nanay ni Samuel sa pwesto niya. Nakita ko na papalabas na rin si Samuel doon.
My feet brought me outside because I knew that he’d needed someone to be with him, pero nang paglabas ko, agad akong napahinto sa inabutan ko.
“Your brother would be ashamed of you, Samuel,” sabi ng nanay niya bago mabilis na tumalikod at naglakad papalayo, leaving Samuel standing in the middle of the hallway, with no one standing by his side.
**
This story is already at Chapter 44 patreon.com/beeyotch. Subscription starts at 100php per month for all stories. You can also join the patreon facebook group. You can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance :) Thank you!
Chapter 39
Chapter 39
“Si Samuel?” tanong ko kay Yago nang magkita kami sa bahay ni Kitty para sa dinner.
“Di mo nakakausap?” he asked.
Umiling ako. “Ayos lang ba siya?”
“I mean, as far as annulment proceeding goes, I think he’s relatively fine,” sabi niya. Nakatingin pa rin ako sa kanya, naghihintay ng iba pang pwede niyang sabihin. “He’s fine, Deanne. Don’t worry—that guy’s been through worse.”
“Doesn’t mean he’s already used to it,” mabilis na sagot ko.
“Didn’t meant it that way.”
“I know. I’m sorry,” I replied. “Iyon… iyong sa nanay niya?” I asked because I knew that that was the straw that broke the camel’s back. Samuel’s close to his mom but when we last talked, he said that it’s been long since he last talked to her. Tapos ganoon pa lahat nung narinig ng nanay niya tungkol sa kanya nung pretrial.
And his brother—I was sure it brought back bad memories.
“I’m sorry, I can’t say anything dahil hindi ko rin alam,” Yago replied. “But if you want to talk to him, I can arrange something.”
Tipid akong ngumiti. It’s not that I can’t talk to him… it’s just that I couldn’t find the courage to talk to him. I felt… somehow responsible for everything. Minsan, iniisip ko na kung hindi ba kami naghiwalay, aabot ba sa ganito? Kung sana nagtiis pa ako nang kaunti, kung naghintay pa ako na maging mas okay siya, sa ganito rin ba kami hahantong?
Na kulang ba iyong pagmamahal ko nun sa kanya? Na dapat ba mas minahal ko siya? Na dapat mas inintindi?
Ang dami kasing what ifs.
Ang daming posibilidad.
Ang bigat sa pakiramdam.
Nung matapos iyong dinner, lumabas muna ako para magpahangin. Ayoko rin umuwi muna kasi for sure katahimikan lang ang sasalubong sa akin. Although ayokong pagusapan iyong nangyari sa pretrial, still, being around my friends brought me a sense of comfort.
“Hey… Okay ka lang?” Kitty asked.
“Yeah, I’m fine,” I replied nung makita ko na sinundan niya pala ako.
“Here if you wanna talk.”
I smiled. “I know. I’m just not in the mood for talking.”
She nodded. “All right. I’ll just stand beside you in silence if that’s fine.”
“Di mo ba mamimiss si Jax?” I asked in jest because I used to tease her back then na may unhealthy obsession siya kay Jax. I remembered when I first ask about Jax, nakabakod agad si gaga.
Pero imbes na umirap sa joke ko, tumingin lang siya sa akin na parang gusto niya na lang akong yakapin at sabihin na magiging maayos din ang lahat.
Alam ko naman ’yon.
Kaso… alam ko rin na matagal pa ’yon.
Kaya sa ngayon, tatanggapin ko na pagod lang ako.
“I’ve been there,” sabi niya sa akin. “I used to think na never na kami ni Jax. I used to think na dapat ko na lang tanggapin na ganoon na iyong buhay ko. But… I am happy now, Deanne. I am happy because people fought for me to be where I am now. Si Jax, my friends, you… and even Iñigo…”
I gave her a small smile. “Happy you’re happy,” I honestly said.
“I know. And you will be, too.”
“Soon.”
“Yes, soon, but it will happen.” I just shrugged. “The future seems bleak now, but I believe that you’ll find happiness and peace soon.”
Binigyan ko lang ng ngiti si Kitty. Before, she was never… religious, I think. I mean, she’s got her beliefs and whatnots, pero never ko ata narinig ’to magsalita tungkol sa Diyos. But I guess prison really does change everyone. After she got out, naging religious siya bigla. Jax and Kitty go to mass every Sunday and I think malapit na ring magbible study ’tong babaeng ’to. I mean, good for her as long as she won’t impose her religion on me. As long as she’s at peace.
After the dinner, umuwi na ako sa condo. Silence, once again. I was just staring at the ceiling, wondering about what would happen a year from now, a decade from now…
God.
Nakakapagod na agad ngayon pa lang.
Hindi ako makatulog. I grabbed my laptop and decided to just work. I initially wanted to drink, but I believe na tapos na ako sa paginom. Just… after everything that went down during the pretrial, parang never na ako iinom nang hindi iyon naaalala.
After working for a bit, I decided to scroll through social media to kill some time. I didn’t know what to feel nang makita ko iyong pictures na pinost ng mga kaibigan ko. A lot of them have families of their own. Iyong iba, kasal na.
I wanted all of that—I wanted marriage, kids, and the whole package. I guess kailangan nang itigil… Kasi wala na akong papakasalan. Feeling ko rin masyado na akong matanda para magkaanak. Ayoko rin naman magampon na ako lang kasi busy ako sa trabaho—unfair para sa bata kung mapapabayaan siya.
Leche talaga ’yang mga realization kapag 2AM.
Hanggang sa papasikat na ang araw ay hindi pa rin ako nakakatulog. I decided to go on a run dahil mamaya pa namang 8AM iyong start ng trabaho ko.
I went out and just ran. I just wanted to clear my mind. Pero agad akong natigilan nung magkasalubong kami ni Samuel. Mukhang nagulat din siya nang makita ako.
“H-hi,” I said because it had been a while since we last saw each other. Wala naman kasing dahilan para magkita kami. Saka ganoon talaga sa annulment o sa kahit na ano pang kaso sa Pilipinas—mabagal ang usad parang pagong. Minsan nga, mas nauuna pang mamatay iyong mga involved sa kaso kaysa magkaroon ng hatol.
“Hi,” he replied.
“Layo ng narating mo,” I said because as far as I could remember, hindi naman siya dito nakatira.
“Dito ako nagjjogging,” he replied. “Ngayon lang kita nakita.”
“Hindi ako mahilig mag-exercise,” I told him.
“Right… Kahit sa pagakyat lang sa hagdan napapagod ka na.”
Umirap ako. “Kaya nga may elevator at escalator, ’di ba?”
Samuel smiled and it was really nice to see him smile. I really missed the old him—naalala ko pa nung una ko siyang makita. Nahulaan ko agad na dati siyang sacristan kasi ganoon talaga iyong dating niya. Ganoon pa rin naman ngayon… Mukha pa rin siyang mabait at hindi gagawa ng kasalanan, only now, he looked tired, as well.
“Wala bang jogging route sa inyo?” I asked kasi ang layo nito sa lugar niya. But instead of answering, all I got from him was a shrug. Hindi na ako nagsalita pa. Kaya ba dito siya kasi ineexpect niya na makakasalubong niya ako? But he should know na hindi ako nagjjogging.
Or maybe he left it to fate.
Na baka magkita kami.
Kaso hindi nangyari dati.
Pero nagkita na kami ngayon.
“Magccoffee ako ’dun sa may coffee shop malapit sa condo ko pagkatapos nito,” I said with a small smile bago ako nagpatuloy sa pagtakbo ko dahil ayoko na magusap kami sa gitna ng daan.
I tried to run, instead, it was my mind that kept on running back to him. Huminga ako nang malalim nang makita ko agad siya na nakaupo sa loob nung coffee shop. I ordered my coffee. And then sat at one of the vacant chairs on the common table.
“Kamusta?” I asked.
“Good.”
“Good,” I replied.
Tumingin siya sa akin. “I apologize again.”
“Not your fault,” sabi ko sa kanya. “May sariling isip ’yung Mama mo.”
Although it was frustrating na masisi sa pagtatapos ng kasal nila, I didn’t want to pile on Samuel’s problem. I knew that more than the annulment proceeding, mas nahihirapan siya sa sitwasyon sa pamilya niya.
“Can’t you just tell your family na hindi naman totoo lahat?”
“But it’s true,” he said. “Most, at least.”
Napatingin ako sa kanya. “I know, but… It was a hard time. People cope differently,” I told him. Dinaan niya sa alak. Ako rin naman… Pero ang pinagkaiba siguro namin ay nung panahon na gusto ko nang malunod, may mga kaibigan ako na humila sa akin pabalik sa pampang.
Pero siya?
He was left alone.
The frat he served fervently left him… just like that.
So, yes, I do understand.
Kulang lang siguro dati.
Ewan ko.
Hindi ko na rin maintindihan ngayon.
“Thank you, but it’s better this way. I need to show her the worst para hindi niya na ipagpilitan pa.”
“She’s still hoping for reconciliation?”
“Yes,” he said. “Devout Catholic. Marriage is forever.”
“I’ll never understand that.”
He gave me a small smile. “I do,” sabi niya. “Pero iba-iba lang talaga ‘yung threshold ng tao. My parents’ marriage wasn’t perfect, but Mom chose to stay over and over again because that’s what God wants. I choose differently.”
Tumingin ako sa kanya. “Bakit mo pinakasalan?”
Hindi agad siya nakapagsalita. I knew the answer to the question. Ilang beses ko na ’tong narinig kay Shanelle. I already accepted it. Pero gusto ko lang na marinig mula sa kanya.
“It was convenient,” he said.
“Bullshit,” I replied. “Being single—that’s convenient.”
“I can’t give you a better answer, D. I wish I could give you an answer that will satisfy you… but that’s all I got. When we broke up, I was at my lowest. I didn’t know what to do. I didn’t know my purpose. And Shanelle was there. It was just that. No more, no less.”
Tinawag iyong pangalan ko nung barista.
Hindi ako makagalaw.
“But marriage, Samuel? So… so fucking permanent,” huling sabi ko sa kanya bago ako tumayo para kunin ang kape ko at diretsong lumabas na rin.
Mayroon ng schedule para sa trial. I tried to call Shanelle, but she wasn’t responding. Baka busy kaya naman nung nagkataon na walang client, I decided na puntahan na lang siya. Dinala ko iyong mga affidavits at iba pang documents an sinubmit namin para mabasa lang namin ulit dahil consistency ang labanan sa ganito. We also needed to meet with our corroborative witness na si Rhys—he’s a friend to both of them and he agreed nung sinabi namin iyong plan.
Pagdating ko sa opisina nila Shanelle, wala iyong tao sa reception kaya naman dumiretso na ako sa opisina niya. I knocked once, but it seemed like the door wasn’t fully closed kaya naman bumukas iyon nang kaunti.
“Ma… there’s no need for this,” narinig kong sabi ni Shanelle.
“Please, anak, just extend more patience… We know Samuel… He’s just in a dark place right now, but as his wife, you must stand beside him.”
“Ma—”
“In sickness and in health, for richer or for poorer,” I heard her say. “Remember your vow, anak. Marriage is forever.”
Hindi ko narinig pa iyong boses ni Shanelle. Ni hindi ko kailangang makita pa kung ano iyong reaksyon niya dahil alam ko na kung ano iyon. I knew that she loves Samuel’s mom like her own. Ilang beses niyang sinabi sa akin na kung pwede ba na wala rin doon iyong nanay ni Samuel dahil ayaw niya na madamay pa.
“Ano na ang humihingi ng dispensa sa ginawa ng anak ko sa ’yo… But please give him another chance… My son’s a good person… You know that that’s why you married him… You just have to find forgiveness in your heart…”
There was a long stretch of silence.
Hindi ko alam kung bakit ako biglang kinabahan.
Shanelle’s a strong person… but even the strongest of us have our weakness… At alam ko na magulang iyong kahinaan niya kagaya nung sa tatay niya. She decided to hide who she really is for the sake of her sick father.
Kaya naman bago pa siya makapagsalita ay binuksan ko iyong pinto. Rinig na rinig ko iyong kabog ng dibdib ko nang makita ko na nakatingin sa akin iyong nanay ni Samuel.
“I’m sorry to intrude,” I said, begging my voice not to break. “I received the schedule for the trial.”
Pilit akong tumindig sa harapan nila kahit gusto nang sumuko ng mga tuhod ko.
“Good afternoon po,” pagbati ko sa kanya. Because after everything, she’s still his mom.
Instead, what I received was her staring down at me, shaking her head in disappointment. “I hope you can sleep well at night knowing that you destroyed a marriage.”
“Ma—”
Pero hindi natuloy ang sasabihin niya dahil nakatingin lang sa akin ang nanay ni Samuel. Ni hindi ako makagalaw. I imagined us meeting. I imagined her telling me that she likes me for her son dahil iyon ang sinabi sa akin ni Samuel dati. But the exact opposite was happening. She was looking at me with spite instead of welcoming me with her arms wide open.
“I’m sure there are other men out there, Deanne,” she said, saying my name like she’s been saying it a lot before. Siguro dahil dati na nila akong pinaguusapan ni Samuel. O dahil ilang beses niya na ako pinagdasal ngayon dahil sa tingin niya, ako si Magdalena na inakit ang anak niya. “You will never be at peace knowing na nangagaw ka ng lalaki.”
I felt my chest tightening.
I felt my eyes burning.
But I stood there and stood my ground.
“Wala po akong inagaw at wala po akong sinirang kasal, Ma’am. Malinis po ang konsensya ko. At sabi din po sa bible, ‘He that is without sin among you, let him first cast a stone at her,’ “ dagdag ko. “Mawalang galang na rin po kasi kailangan na naming magusap ng kliyente ko,” dugtong ko bago pa ako tuluyang maiyak sa sama ng loob sa harapan niya.
**
This story is already at Chapter 45 patreon.com/beeyotch. Subscription starts at 100php per month for all stories. You can also join the patreon facebook group. You can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance :) Thank you!
Chapter 40
Chapter 40
“What?” tanong ko kay Shanelle nang ilang segundo na ay nakatingin pa rin siya sa akin. I knew I should’ve stayed outside at hinintay ko na lang sila na matapos mag-usap. I knew that that was the logical and rational thing to do. I was here for work; I was here as a professional. But I also knew that it was just prolonging what was meant to happen—I would meet Samuel’s mother eventually. She would hate me in front of my face eventually. I just made the easier decision. At least dito, si Shanelle lang ang makakakita ng reaksyon ko.
It’s fucked up—we’re not even friends pero parang siya iyong nakakaalam ng lahat ng mga bagay na kung pwede lang, isasarili ko na lang.
“Nothing,” sagot niya habang bahagyang umiling.
I forced a nod, too. We both knew that it was not nothing, but neither of us wanted to discuss it—at least not right now.
“Why are you here again?” she asked.
“Right,” sabi ko nang maalala ko iyong dahilan kung bakit nandito ako. I wanted to tell her that usually, kliyente ang pumupunta sa abogado para magtanong ng progress ng kaso. But I digress—iba nga pala itong sitwasyon namin ni Shanelle. We’re in some fucked up situation na akala ko noon ay sa telenobela ko lang mapapanood. Sino ba namang gago ang papayag na maging abogado ng asawa ng ex mo sa annulment case? Ako na yata iyong pinaka-gagang lawyer.
“May trial date na,” dugtong ko.
Tumango siya. “Is everything prepared?”
“Kailangan nating ipasa iyong affidavit five days before the trial,” sabi ko sa kanya. “Basahin mo ulit bago ko ipasa.”
“Do I really have to?” she asked.
Bahagyang kumunot ang noo ko. “Of course, you have to,” I told her because we’ve gone this far para magkamali pa kami. We already began dragging Samuel’s reputation through the mud—worse, permanently destroy his relationship with his family. And if I knew anything about Samuel, mahalaga sa kanya iyong pamilya niya. That’s why it fucking haunts me na gamitin iyong grounds na iyon knowing that it would reopen wounds that have probably never healed yet.
Hindi agad nakapagsalita si Shanelle.
“What are you thinking?” tanong ko sa kanya. She looked at me, but a minute passed and I heard nothing. “For fuck’s sake,” medyo naiinis na sabi ko sa kanya, “I know you’re paying me, Shanelle, but help me here. Abogado mo ako—hindi ako magician. Hindi ko mabibigay sa ’yo ’yung gusto mo kung lagi kang nagwiwithhold mula sa akin.”
“I’m sorry,” she said. Ngayon ko lang yata narinig ang mga salita na ’yan mula sa kanya.
“Nag-iba na ba ang isip mo?” I asked.
Kung magbago man ang isip niya, hindi ito iyong unang beses na nakita kong nangyari ’yan. The annulment proceeding is a long and tedious process—tumatagal ng taon. And a lot can happen in a year. Pwedeng maubusan ng pera, maubusan ng pasensya, o magkabalikan.
“No,” sabi niya na bahagyang umiling.
“Then what?”
“Samuel’s mom… And my dad…” sabi niya at huminga nang malalim. “I just wish I could give no fucks.”
Hindi ako nagsalita. Sabi nila, kung wala kang magandang sasabihin, ’wag ka na lang magsalita. Wala akong magandang sasabihin.
“Too late now para magsisi,” I told her. “I’ll send you the draft bago ko ipasa. I’ll also discuss with Yago iyong tungkol sa psych evaluation para klaro lahat,” dugtong ko. “And next time, magreply ka sa email ko,” I added dahil ayoko nang bumalik pa dito sa opisina niya dahil kung sinu-sino ang nakakasalubong ko.
Pagbalik ko sa opisina, sinabihan ko agad iyong secretary ko na unless urgent, ’wag muna magpapasok sa mismong opisina ko. I just really needed to focus my undivided attention to my work. I refuse na maapektuhan iyong ibang trabaho ko sa issue nilang dalawa ni Samuel.
Thankfully, the day ended without any unwanted visitor. Buong araw lang akong gumawa ng paper works ko at saka nagdouble check. Alam ko trabaho na dapat ’to ng paralegal, but I just couldn’t risk having any idle time. Ayoko lang isipin pa iyong sinabi sa akin ng nanay ni Samuel. Naiintindihan ko naman siya… Nakakainis lang na hindi ko maipagtanggol nang sapat iyong sarili ko dahil may mga bagay na hindi ko pwedeng sabihin.
“May usapan ba tayo ngayon?” I asked nang makita ko si Iñigo na naghihintay sa akin.
Umiling siya. “Wala naman. Dinner?”
“Okay… Weird,” I told him kahit ang weird na nandito siya bigla. “Kanina ka pa rito?”
Tumango siya. “Sabi ko sa ’kin bawal ka raw istorbohin, e.”
“True. Istorbo ka kasi.”
“Grabe! Naalala na nga kita!”
It’s so weird and random na nandito si Iñigo, pero wala na akong brain capacity para isipin pa iyon. Pumunta kami ni Iñigo sa karinderya malapit sa office. ’Di naman talaga ako mahilig sa pares dati, pero dahil paborito ata ni Iñigo ’yon kaya natutunan ko na rin kainin. Okay lang kasi ’di na rin ako kumakain ng tapsilog. Alam mo ’yon? Nakakainis kasi iyong mga paborito mong bagay hindi mo na magawa o kaya iyong paborito mong pagkain hindi mo na makain kasi may maaalala ka na. Na leche kahit nga simpleng kanta, parang biglang may throwback.
“Ano ba kasi?” I asked nang mapansin ko na nakatingin sa akin si Iñigo.
“Wala,” he said. I made face because obviously, I wasn’t buying it. “Wala nga,” he continued. “Ano lang…” he said like he was uncomfortable. “Alam ko ’yung pakiramdam na naiipit sa kaso kahit hindi mo gusto. Wala akong makausap nun—mahirap saka nakakabaliw. Kaya gusto ko lang na alam mo na kung kailangan mo ng kausap, one call away lang ako.”
I arched my brow. “Paano kapag hinahanap ka rin ni Cha?” I asked to lighten the mood kasi hindi ako sanay na ganito kami kaseryoso.
Umirap siya. “Syempre magpapaalam muna ako ’don.”
“Under ka talaga.”
Natawa siya. “Never naman ako nag-deny.”
I acted like I was gagging but truth was, I wanted what they have. They were together through thick and thin. They struggled against all odds.
They… made it.
And whenever I look at them, napapaisip ako kung bakit kaming dalawa, hindi nagawa iyong mga nagawa nila.
Kulang ba iyong pagmamahal namin?
San kami nagkamali?
Pero tangina lang kasi wala namang do-over.
Tapos na.
Nakalipas na.
Ang pait talaga ng lasa ng regrets at what ifs.
“Thanks,” I told him.
“No problem.”
“Ang hirap maging alipin ng salapi,” I said. “Kung hindi ko lang kailangan ng pera, ’di ko tatanggapin ’tong kaso. Pakiramdam ko nabawasan iyong lifespan ko dito.”
“Okay na ba?” he asked.
I shrugged. “Okay naman.”
“May schedule na ng trial, noh?” he asked and I looked at him with my forehead creased. “Walang sinabi si Yago,” he said like he was in defense mode. “Nakita ko lang ’dun sa synchronized calendar.”
I nodded. “Okay…”
It was still weird for me na kausap ko iyong abogado nung kabilang kampo. It’s cheating. It’s illegal. I’d be suspended kapag may ibang nakaalam—worse, matanggalan pa ako ng lisensya.
Why the fuck was I doing this again?
“Matatapos din ’yan,” sabi ni Iñigo. “Basta lagi mo lang isipin na trabaho lang. Try mo kalimutan tuwing lalabas ka ng court room.”
“Ganon ba ginawa mo dati?”
Tumango siya. “Di ko lang natuloy,” sabi niya. “Mahirap din kasi talaga kapag personally invested ka kaya lang nandyan na, e. Tapusin mo na lang.”
“Isang taon pa ’to.”
“At least.”
I frowned at him. “Thanks for the reminder.”
Tumawa siya. “You’re welcome.”
Mukha ata talaga akong namatayan dahil binilhan pa ako ni Iñigo ng ice cream after naming kumain ng pares. I mean, mabait naman talaga sa akin si Iñigo pero ang weird lang ngayon. I was almost tempted to ask him kung bakit niya ’to ginagawa—if may nakiusap ba sa kanya na puntahan ako at pakainin.
But still…
Not my business.
My pending cases are my business—that’s it.
“Okay lang naman siya, right?” I asked. Iñigo nodded without even asking kung sino iyong tinatanong ko. I didn’t know for sure dahil hindi naman namin pinaguusapan, but as far as I was concerned, naging medyo close si Iñigo at Samuel dahil pareho silang persona non grata nung frat nila. Nakakatawa lang na ewan dahil si Iñigo na ayaw doon mula sa simula at si Samuel na ginawa lahat para sa kanila. Pero ano iyong ending? Pareho silang ginago.
Marami akong katangahan na ginawa sa buhay ko, pero iyong hindi ko pagpasok sa sorority ata iyong isa sa mga pinakamagandang desisyon sa buhay ko.
Shanelle had been more cooperative kahit na kita ko sa mukha niya na conflicted siya. I chose to ignore that. I just wanted to focus on the job at hand.
I was still coordinating with Yago tungkol sa kaso, but I also focused on my other pending cases. After all, I did what I did for the money. I needed more cases for more money. Alam ko na sinabi ng prof ko sa Legal Ethics na law should not be a business of making money and I know that morally, he’s right, pero kung walang pera, wala kaming pambayad sa bills. I was just being practical.
When the day of the trial finally came, dumating ako roon nang saktong oras lang. I didn’t want to have any free time to talk to anyone else other than my client. Nakausap ko naman na si Shanelle. We’re good—at least, I was good.
I did the paper works; I did the heavy lifting already.
Now, I just have to act the part.
Tahimik akong nakaupo at nakatingin lang sa lamesa. It’s just weird na sa kaso na ’to, I didn’t need to memorize anything. Sa ibang kaso kasi, minsan ay nagpapractice pa ako sa sasabihin. Ewan ko. Edge ko na siguro na never akong naging sobrang confident sa skills ko bilang abogado so I tend to overcompensate. Kulang na lang gawan ko ng script iyong mga sasabihin ko—athough minsan ginagawa ko nga.
Pero sa kaso na ’to?
It’s like I was there.
Alam ko iyong bawat detalye—iyong bawat lugar, bawat petsa.
It’s like a fucking curse.
I wasn’t the one who married him yet I was privy to their marriage.
Ito talaga iyong sinasabi ni Iñigo na iba kapag may personal attachment ka sa kaso kahit labag sa loob mo.
Napatingin ako sa katabi ko. Tahimik lang siya. I didn’t say a word to Shanelle. I was her lawyer—hindi niya ako therapist. May issues siya, pero may sarili din akong issues.
I tried to get back to thinking about nothing nang muling bumukas ang pinto at makita ko si Samuel. He mirrored the expression Shanelle had. Napatingin siya sa gawi ko. I didn’t avert my gaze for a few seconds bago ko ibalik sa lamesa iyong tingin ko.
I seriously couldn’t wait for this dumpster fire of a case to be over.
When I heard my client uttering a curse, automatic na napatingin ako sa kung saan siya nakatingin. I saw Samuel’s mother. Of course she’s here. Iniisip niya yata na kaya niyang baguhin iyong isip nung dalawa. I mean, looking at Shanelle, hindi na ako magugulat pa. She looked so fucking conflicted basta magulang ang usapan.
Huminga ako nang malalim.
Wala akong kasalanan sa paghihiwalay nilang dalawa kaya hindi dapat ako ma-guilty.
“Deanne,” pagtawag sa akin ni Shanelle.
Bahagyang kumunot ang noo ko dahil pangalan ko ang sinabi niya. “What?” I asked. I said nothing after. I was just staring at her, waiting for her to say what she wanted to say. “The judge will arrive in a few minutes. Kung may clarification ka tungkol sa kaso, sabihin mo na ngayon,” I said, making it clear na tungkol sa kaso lang ang ieentertain ko na tanong.
Hindi siya nagsalita.
Bahala siya d’yan.
Hindi ako tumingin sa gawi nila Yago. Tumingin lang ako sa likuran ko nang magtext sa akin iyong psychiatrist na nandon na siya pati iyong pagdating ni Rhys bilang corroborative witness. Hindi ko alam kung paano napapayag ni Samuel si Rhys para maging witness namin. I didn’t even ask him about that and when I first talked to Rhys, I went straight to business. Ngayon ko naappreciate lalo iyong pagiging seryoso niya dahil iyong tungkol sa kaso lang talaga ang usapan namin.
Nang dumating iyong judge, huminga ako nang malalim at muling pinaalala sa sarili ko na tulad ng lahat ng bagay, matatapos din ’to. Iyong pag-iyak ko kay Samuel noon akala ko hindi matatapos pero nandito ako ngayon, okay naman…
Matatapos din ’tong kaso na ’to.
Tapos… balik na ako sa normal kong buhay.
Boring pero at least hindi magulo.
Pwede na rin.
“Counsel, present your evidence.”
Tumayo ako at aksidenteng napatingin ako sa gawi ng nanay ni Samuel. I saw her clutching her rosary. She looked at me with dismay in her eyes. Ibinaling ko iyong tingin ko sa iba.
“Your Honor,” I said as I began presenting the documentary evidence for the case. It was just a rehash of the things already mentioned. Paulit-ulit lang. Labanan ng consistency sa storya. Nadidismiss lang naman iyong petition kapag magulo iyong kwento. Ewan ko ba sa ibang tao na kapag nasa mismong trial na, biglang nagdadagdag-bawas ng kwento. Tapos kapag na-dismiss, kasalanan nung abogado kahit sila iyong biglang gumawa ng sarili nilang diskarte. Akala ata madadaan sa paawa iyong judge e labanan ng technicality ’tong annulment.
I was in the middle of introducing a new evidence nang mapatingin ako sa gawi ng nanay ni Samuel. I wanted to ignore her and to just do my fucking job, pero agad na napakunot ang noo ko nang makita ko na nakahawak siya sa dibdib niya. She looked like she was trying to breathe deeply. My lips parted. Hindi ko alam ang gagawin ko. Do I call her? Do I call Samuel’s attention? Was she having a heart attack? I had no fucking idea what was happening and I was probably staring at her for far too long nang mapansin na rin ako ng judge.
“Ma’am, do you need anything?” biglang sabi ng judge.
Lahat sila ay napatingin sa nanay ni Samuel. She shook her head and motioned that she was fine, but her hand was still clutched close to her chest. The judge gave us a thirty minute break. Lahat sila ay lumabas at kaming dalawa ni Yago ang naiwan doon.
“You okay?” he asked.
“No, not really,” I replied. “Can’t wait for this to be over.” He gave me a sympathetic smile. “Hindi ba pwede na wala na rito ’yung nanay ni Samuel?” I asked because she was obviously having a hard time listening to everything and tho she didn’t like me, it was not like I was enjoying being the one telling the story.
“Believe me, we tried.”
Napahinga na lang ako nang malalim.
Kung ako lang ang masusunod, hindi na ako lalabas hanggang sa mag-resume. But at one point, I needed to go outside. Napaawang ang noo ko nang si Samuel lang ang makita ko roon at wala iyong nanay niya.
“Okay ka lang ba?” I asked like any other person would.
“No, not really,” he replied.
Bahagyang tumango ako. “Okay…” I said as I readied myself to walk past him. I wanted to talk, maybe, but this wasn’t the place for that. Here, I was his wife’s lawyer. It didn’t feel right to stand here so close and talk to him.
“This is so fucked up,” he said as I took a step.
“I know,” I replied.
We were the only person in the hallway.
I wanted someone else to be here.
I didn’t like having the opportunity to talk like this.
“I don’t enjoy doing this.”
Tumingin siya sa akin.
“But I’ll still do my job, Samuel.”
“Alam ko,” sagot niya.
“You wanted this annulment, right?”
Hindi siya sumagot.
The seconds felt like they were being stretched to a lifetime.
“Yes,” he said.
“Great.”
“But my mom.”
“I know, but it is what it is, I suppose,” I said, looking into his eyes. “Should’ve really known that marriage for convenience is only convenient until it’s not.”
**
This story is already at Chapter 45 patreon.com/beeyotch. Subscription starts at 100php per month for all stories. You can also join the patreon facebook group. You can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance :) Thank you!
Chapter 41
Chapter 41
Kung may award sa best in compartmentalization, pakiramdam ko ay dapat ako ang manalo roon.
Nag-reschedule iyong judge dahil hindi bumuti iyong pakiramdam ng nanay ni Samuel. I was a bit surprised because usually, sasabihin lang na ’wag na umattend since hindi naman required iyong presence niya and besides, hindi naman kasama sa list of witness iyong nanay ni Samuel. But what do I know? All judges are built differently. I didn’t dare question the change of schedule dahil hindi pa naman ako nasisiraan ng ulo.
I had other cases and I accepted a new one. Pakiramdam ko kasi ay ayos na ako sa annulment nila Shanelle. Against my will, I felt like I knew that case like the back of my hand. It’s torture trying to prepare for that, so instead, I chose to accept another case.
Dito naman ako magaling, e—sa distraction. I mean, I wouldn’t have survived kung hindi. He was my first love, my first kiss, my first everything. To say that I was devastated when we ended would be the biggest lie in history. It hurt like hell. And it hurt even more because it didn’t happen in a snap of my fingers. It happened slowly, gradually, painfully hanggang kusa na lang akong bumitiw.
Kasi para saan pa?
Ramdam mo na wala na.
“Ingat,” sabi ko sa mga kasama ko dahil as usual, ako na naman iyong naiwan dito sa office. I mean, I didn’t mind, really. At least at the moment, okay lang sa akin na ako iyong nagbubuhat ng karamihan sa kaso dito. I needed the distraction, anyway. But I already made plans with myself na once mapasa na for resolution iyong sa annulment, I’d be taking a vacation. I just needed to unwind and to recalibrate.
Around 8PM, I decided that it’s time to go home. Tinatamad akong magluto kaya naman bibili na lang ako ng food para diretso kain na mamaya pagdating ko sa condo. As I was looking for my car key inside my bag, napatingin ako sa phone ko nang magvibrate iyon.
‘Hi, Deanne. Are you free?’
Agad na kumunot ang noo ko.
I didn’t save his number, but at the same time, for some reason, I didn’t delete our previous messages kaya naman alam ko kung sino ’yon. Ewan. Feel ko naman kahit i-delete ko pa ’yan, malalaman at malalaman ko pa rin kung sino iyong nag-text.
‘Depends,’ I replied.
‘On what?’
‘What do you need?’
‘Just want to talk about something.’
‘Kailangan na ba ngayon?’
‘Yes.’
‘About what?’
Hindi agad siya nagreply pero nakita ko naman na nabasa niya iyong message ko.
‘If it’s about the case, you can talk to your actual lawyer.’
He read it again.
No reply.
Napabuntung-hininga ako.
‘Fine. But let’s talk here in my office,’ sabi ko sa kanya dahil ayoko lang na may makakita sa amin kapag sa labas kami maguusap. Mas lalo namang ayoko siyang papuntahin sa condo ko.
Instead of going out to buy food, nag-order na lang ako. Sakto na pagbaba ko para kuhanin iyong pagkain ay iyong pagdating ni Samuel. He looked stressed. I mean, understandable. Sino ba ang hindi mase-stress sa mga pinaggagawa niya sa buhay niya? Stressed din naman ako pero at least sa work lang. Iba kaya iyong stress na dala kapag personal na issue.
“Don’t worry, binili rin kita ng pagkain,” sabi ko sa kanya.
“Thanks,” he replied.
Hindi na ako nagsalita after nun kasi parang wala siyang gana makipag-usap.
“No, thanks,” sabi ko sa kanya nang tanungin niya ako kung gusto ko ba na buhatin niya iyong dala ko na paper bag. Tahimik lang ulit kami pagkatapos nun. Tahimik lang kami hanggang sa makarating kami sa opisina. Inilagay ko iyong paper bag sa may lamesa. Dito na lang kami sa common area kaysa doon sa opisina ko mismo. I didn’t want to be in an even more enclosed space with him.
“I ordered for you,” sabi ko habang nilalabas iyong pagkain.
“Thank you.”
Ang tahimik na naman.
Ano ba ’yan.
Gusto ko sana na hintayin siya na sabihin kung anuman ang sasabihin niya, but his silence (and his somber looks) was making me want to break this silence and ask him kung ano ba ang pinunta niya rito. Because we managed not to talk for months… and then this?
“Ano ang paguusapan natin?” I asked. Nakita ko na napatingin siya sa pagkain dahil binubuksan ko iyong lalagyan habang nagsasalita ako. I just wanted to do something else while talking to him dahil para akong magkaka-sensory overload kapag sa kanya lang ako nakatingin.
“Sorry. Hindi mo kasi gusto iyong ibang pagkain sa menu,” I said dahil nakatingin siya roon sa may tapsilog.
He gently shook his head and gave me a small smile. “No, it’s fine,” he replied.
“Okay…”
We were engulfed by silence once again.
Tumingin akong muli sa kanya.
“Kamusta iyong Mama mo?” I asked dahil pakiramdam ko ay may kinalaman sa Mama niya iyong paguusapan namin. Samuel had been steadfast and stubborn about the annulment. He really wanted it—maybe not for himself only but for Shanelle, as well… But his entire demeanor changed nang dumating na iyong Mama niya. I had always known that he’s a bit of a Mama’s boy. He’s her little sacristan. He told me stories from before na lagi silang nagsisimba. Iyon ata ang dahilan kung bakit napadpad siya sa seminaryo. Sa buong pamilya nila, silang dalawa iyong ‘religious’ kumbaga. I understood how hard this must be for his mom.
“Doing fine,” he replied. “Thanks for asking.”
I gave him a small smile. “That’s good to hear,” sagot ko sa kanya. “Do you want to eat first?” I asked kasi nakatingin na naman siya sa akin na parang gusto niya nang simulan, pero hindi siya makahanap ng bwelo.
Umiling siya.
“Okay,” I said. “Shoot.”
Huminga siya nang malalim. “My mom’s doing fine,” he reiterated. “But… she’s also stubborn. She’ll keep on attending,” he said and stopped.
“And you’re afraid that one day, she’d have a heart attack for real?” pagtapos ko sa sasabihin niya. We’ve been together for years. We may have been apart, but the years we spent together were still there. I still knew him. He may have changed, but a part of him will always be familiar to him.
Tumango siya. “Yes.”
“Okay… So, what do you want to do?” I asked.
“I don’t know.”
“Okay,” sabi ko sa kanya. “Why are we talking, then?”
Nakatingin ako sa kanya. I knew him and although I couldn’t know for sure kung ano ang gusto niyang mangyari, I had a clue. I just didn’t want to say the words out loud for him.
“I just…” he trailed.
“You just what?” I asked. I looked at him. “Do you still want to proceed with the annulment, Samuel?” I continued, unable to continue this fill in the blanks game with him.
“Yes,” sagot niya.
“But?” I asked because if there was no but, wala naman kami dito ngayon. And he wasn’t the first person who had a change of heart in the middle of the annulment proceeding. It’s a very emotional proceeding. It’s exhausting. Sometimes, you’d just want to stop halfway dahil masyadong nahuhukay muli lahat ng masakit na pinagdaanan niyo. Minsan naman, naaalala mo iyong mga magandang pinagsamahan niyo.
Minsan, nagkakabalikan.
Madalas, hindi.
But still, there’s no telling because human emotion is fickle.
“It’s so complicated,” he said.
“Did you think that it’d be easy?” I asked.
“No,” sabi niya. “I can do it alone. Not when my family’s involved.”
“I understand,” sabi ko sa kanya. “What do you want to do now?”
Muli siyang napabuntong-hininga. Napasuklay siya sa buhok niya gamit ang mga daliri. Ibinalik ang tingin sa akin.
“Gusto ko lang matapos na lahat.”
“A year, if we’re lucky,” I told him. “Usually, it takes two years—more kung magkakaproblema o magpapalit-palit ng judge. You know the drill,” I answered although I knew that he was talking about something else.
“That’s not what I mean,” he said.
“I know,” I replied. “I just don’t want to say what you wanna say. You have a mouth—use it.”
Nakatingin lang siya sa akin.
“You know what you want,” sabi ko sa kanya. “Why is it so hard for you to say it yourself?”
“It’s not that easy.”
“Nothing ever is,” I told him. “High risk, high reward, remember?” I continued because that’s what he used to tell me back in law school kapag minsan ay maririnig ko na magkakaroon ng quiz pero hindi ako handa. He’d tell me to just risk it because otherwise, I’d get a zero since it’s zero based. Kaya kahit takot na takot akong magquiz dahil baka isipin ng prof na bobo ako, pumapasok pa rin ako. And oftentimes, Samuel’s right. It was worth the risk.
Somehow, he always knew what’s right for me.
But that was before—ibang-iba na ngayon.
“It’s different now.”
I shrugged. “Change is the only constant thing in the world,” sabi ko sa kanya. “Sabihin mo na kasi. You know what you want. Hindi ko alam kung bakit hindi mo masabi sa akin,” I continued. “You told me worse things before, remember?”
There was a look of guilt on his face. I was talking about something else, pero alam ko na iba iyong naalala niya. He probably remembered those last days of our relationship. There were shoutings involved, but I’d have that over the silence that loomed over us for a long while. Mas gusto ko na naguusap kami kahit pasigaw kaysa iyong walang nagsasalita sa aming dalawa.
“I’m sorry,” he said, looking straight into my eyes, enough for me to know that he meant it. Alam ko naman. The words that have been said were said in the heat of the moment. Pero kahit na ganoon, I knew that he meant every single one of them.
“I know,” I replied.
“If I can only take them back.”
“Why would you?” I asked him. “You meant every word. You really do blame me for your failing the BAR, right?” dugtong ko habang diretso na nakatingin sa kanya.
Hindi siya nakasagot.
I leaned my back against the couch and leaned my head back. “Come on. Abogado ka na. Certainly, it’s easier to talk about this now as compared to before.”
Umiling siya. “No,” sabi niya. “I lost my composure then.”
“Maybe. But you meant every word you said.”
“Deanne—”
“What?” I asked, giving out a short laugh that made me feel like a clown. How could I laugh about this now when it broke me before? It made me question kung kasalanan ko ba talaga na bumagsak siya kahit ginawa ko naman lahat para suportahan siya?
“Come on, just say it,” I urged him. “You can’t make me say it for you. It’s unfair.”
Natahimik siya.
“You wanna know what I think, Samuel? I know you’re a good person and deep inside you, you wanted to tell the police the truth about what happened that night. But also, like any other person, you have self-preservation. Mas madali naman kasi na sundin na lang iyong gustong mangyari ng frat mo. It’s easier that way, right? But you’re a good person. And you know that it’ll haunt you for life if someone is in jail because of a lie you chose to corroborate. Still, you can’t make a decision. You don’t want to make the hard choice. So, you made me choose. And when everything failed, I was there. You have someone to blame.”
“Deanne—”
Mabilis akong umiling. “It’s what happened,” sabi ko sa kanya. “You made me choose and made me the person to blame. And know what? You’re doing it again. You want to proceed with the annulment but you don’t want to risk your mother’s health. And once again, you can’t make a choice. Kaya ka nandito, ’di ba? Kasi ako na naman iyong gusto mong magdesisyon para sa ’yo.”
Hindi siya nakapagsalita.
Guilt was written all over his face.
I knew I was right because I knew him—I knew what was happening then but I chose to ignore it all because I loved him.
It was like… watching a movie you’ve already watched. You know how it would end. Still, you kept your eyes open. You held on to the tiny sliver of hope that maybe there’s an alternate ending to this pero naglolokohan lang kayo.
“I just want to ask… why was it easier for you to blame me than to take accountability for the decisions that you made?”
Napaiwas siya ng tingin. Rinig na rinig ko iyong bawat paghinga namin dahil sa katahimikan na bumabalot sa pagitan naming dalawa.
“You blamed me for failing the BAR when I did everything para suportahan ka. I skipped classes for you. You knew how badly I was struggling with my review classes, but I did that for you. Kaya hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit ako iyong sinisisi mo na bumagsak ka? Kasi alam nating dalawa na wala akong kasalanan.”
I didn’t know if he really failed the BAR because he was too distracted to review… Or if his fraternity had something to do with that… Pero kahit na ano pa sa dalawa na iyon, bakit ako iyong nasisi? Bakit kasalanan ko?
“I know,” he said. “It was my fault. You did nothing wrong. You were nothing but supportive and patient,” he continued. “I’m so sorry, Deanne. You deserved better.”
I gave him a small smile. “A bit too late for your realization, but still, thank you. I know I deserve better.”
I know it.
Kaya kahit alam ko sa sarili ko na gusto ko siya, hindi ko makita na magkakabalikan kami. At least not now. At least not in the near future. Because as he said—I deserve better.
And this Samuel right here? He’s the worst version of himself and I was not about to let myself be dragged down by him yet again.
“I’ll understand if you don’t want to proceed with the annulment, but for the love of god, make the decision yourself,” I said before I began to awkwardly eat my food. It was a tough conversation… but I glad we had it.
**
This story is already at epilogue (part 2) patreon.com/beeyotch. Subscription starts at 100php per month for all stories. You can also join the patreon facebook group. You can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance :) Thank you!
Chapter 42
Chapter 42
I hadn’t heard anything from Samuel—not that I wanted to. Busy ako sa ibang kaso ko. Busy ako sa buhay ko. I mean, it’s nothing new. I have a whole life without him. Took me quite a while to reach this point kasi aminado naman ako na nung kami pa sa law school, I made him a part of my life.
Kasi ganon naman talaga kapag first love, ’di ba? Akala mo kayo na talaga. Gusto mo kayo na talaga.
Tapos biglang papasok si reality.
Na sa relasyon, hindi pwede ’yung puro feelings.
Kasi kami ni Samuel? Wala naman akong duda na minahal talaga namin iyong isa’t-isa. Pero hindi naman sapat na mahal lang namin iyong isa’t-isa. Ang daming naging problema. Problema na hindi sinabi. Problema na pilit tinago.
Hanggang sa isang araw, biglang alam mo na.
Na ayaw mo na pala.
“What?” I asked nang kumatok si Tel sa pinto ko at buksan ’yon.
“May gusto po kayong makausap… pero wala kasi sa calendar niyo.”
Kumunot ang noo ko. “Sino daw?”
“Mrs. Fortalejo daw po.”
“Si Shanelle?” I asked, a bit confused dahil hindi naman niya ginagamit iyong apelido ni Samuel. Besides, that one would barge in my office kahit wala siyang appointment.
“Hindi po… Matanda na, e.”
I felt my heart dropping from my chest.
Shit.
Bakit siya nandito?
Gusto kong sabihin na lang kay Tal na paalisin iyong nanay ni Samuel, pero hindi ko magawa. She just suffered from a heart attack. I didn’t want to do anything that will cause her stress.
“Okay,” I said. “Tell her… tell her meron pa akong kausap but that I will see her in a minute.”
I grabbed my phone and quickly dialed Samuel’s number. He answered in the first ring na para bang inaabangan niya ang tawag ko.
“Dea—” he said and then stopped himself. “Atty. Manjarrez.”
“Nandito iyong nanay mo,” mabilis na sabi ko sa kanya.
“What?”
“She’s here and she wants to talk to me,” I told him. “Can you go here and get her?” I asked him.
I knew Samuel’s mom from his stories from before. I knew she’s a devout Catholic. I knew of her stance and of her beliefs. Kung dati pa siguro kami nagkita, kaya kong pigilin iyong sarili ko. But it’s different now. It’s my work now. Nakita ko kung paano naghihirap iyong mga tao na nakulong sa kasal nila. Na para bang preso iyon na hindi sila makalaya.
Marriage is not some life sentence.
And I knew na ganon ang tingin doon ng nanay ni Samuel. Kasi ganon ang sinabi niya kay Shanelle. Na kasal na silang dalawa kaya dapat magpasensya si Shanelle kay Samuel.
I wouldn’t be able to stop myself if she tells me all of that nonsense.
“Okay,” Samuel replied. “Just please—”
“I will try my best,” I told him kahit hindi pa niya tapos ang sasabihin niya. I blame this on us being together for a long time. Na kahit hindi pa tapos ang sinasabi niya, para bang alam ko na kung ano iyon. It was a blessing then… but it much certainly felt like a curse now.
“Okay,” he said in resignation.
When I ended the call, agad akong humugot ng malalim na hininga. I needed to be extra patient today. I mean, alam ko naman kung saan nanggagaling iyong nanay ni Samuel. She’s religious, I understand that. But I feel like you being religious isn’t a license to force your beliefs on someone else. Kasi ’di ba sila nga nagagalit kapag kinu-kwestyon iyong paniniwala nila? So, why not extend the same courtesy to others? Respect them kung gusto nila magpa-annul. Seriously, the world would be a much better place if we’ll all stop imposing our beliefs on other people.
“Papasukin mo na,” I said to Tal nang muli siyang kumatok sa pinto.
Nang pumasok iyong nanay ni Samuel, I saw the disapproval on her face. What? Did she feel disrespected na hindi ko siya nilabas at pinapunta lang dito sa opisina ko? I just felt that it would be better kung dito kaming dalawa. We have privacy here. She can say whatever she wants to say. I promise I will try my best to remain calm and civil hanggang sa makarating si Samuel.
“Good morning,” agad niyang sabi nang makapasok siya.
I stood up as a sign of respect. “Good morning din po,” I replied. “Have a seat po.”
I did not want to be on the offense hanggang wala naman siyang sinasabi na hindi ko kayang pagpasensyahan. Maximum tolerance ako lalo na sa mga clients ko. Syempre, professionalism pa rin kahit natatangahan ako minsan sa ginagawa nila.
But really, who was I to judge? Dumaan din naman ako sa phase na hindi ko rin gets bakit ko ginagawa. Ang tanging sagot ko lang ay ‘mahal ko, e.’
“I don’t want to waste any more of your time, hija,” she said. “Let my son go.”
Kumunot ang noo ko. “Matagal na po kaming break,” I replied.
“But now, you’re here again. And my son wants an annulment.”
I pressed my lips together as I drew a deep breath.
“It had been years since we last talked, Mrs. Fortalejo,” I politely said. “I am just here because Shanelle wanted to retain my service. That’s all. Nothing is going on between me and your son.”
Nakatingin lang siya sa akin, but it was enough. Halata sa tingin niya na hindi siya naniniwala sa akin. Why was she here, then? Kung buo na pala ang desisyon niya na ako ang nanira sa kasal ng anak niya?
“Why would you accept this case?” she asked.
“Because I need the money,” I simply replied because it’s the truth. Kung hindi kailangan ng pera ng firm, I would not dare touch this case within a ten feet pole. Akala ba niya nakaka-enjoy na marinig iyong married-life ng ex mo? Did she think I relish on thinking that after all the promises he made before to me, iba pa rin ang dinala niya sa altar? I was not a masochist.
“That’s it? That’s all you need?”
“Yes.”
Napaawang ang labi ko nang buksan niya iyong bag niya at naglabas doon ng checkbook. This… this couldn’t be seriously happening!
“How much?” she asked. “How much for you to leave my son alone?”
Hindi ako makapagsalita.
Did she seriously just barge her way into my office? And thought that she could buy me with her money? What the fuck was this? Some teledrama?! Ano ang susunod niyang sasabihin? Sampung milyon at layuan mo ang anak ko?!
“You said that that’s the only reason you accepted this case,” she said. Hawak niya na iyong ballpen niya. Na para bang isang pirma niya lang, mawawala lahat ng ’to sa isang iglap.
I calmed myself down.
Maximum tolerance.
“I’m sorry, Mrs. Fortalejo. I am not for sale. I am just doing my job. Kung may problema po kayo, si Shanelle po ang kausapin niyo dahil siya ang lumapit sa akin—”
“They were doing just fine until you appeared again,” she said calmly but I felt the venom in her voice.
“Apparently not because they’re getting an annulment,” I simply replied. “Ma’am, please—”
“You left my son when he was at his lowest. How dare you to just come back like nothing happened? Now that he’s finally okay, you’re here to ruin everything again?”
Napaawang ang labi ko sa sinabi niya.
I left him when he was at his lowest? I was there to pick him up when he was at his lowest! He was the one who pushed me away and blamed me for all the wrong things that happened in his life!
Ang dami kong gustong itanong sa kanya, pero biglang bumukas iyong pinto at dumating si Samuel.
“Ma—”
“Why are you ruining your life again because of this woman!”
Samuel looked at me. I saw how apologetic he was to me, but I couldn’t care less about that. I cared more kung bakit ganoon ang tingin ng nanay niya sa akin. We haven’t even met before nung kami pa!
“I told you it’s not because of her. Can we please leave Deanne out of this?” seryosong sabi ni Samuel sa nanay niya.
Mariing umiling iyong nanay niya. “No,” she said. “You’re just doing all of this dahil nandito na naman ’yang babaeng ’yan.”
I pressed my lips into a thin line.
Why was I being blamed like I was the reason why the marriage failed? When it the first place, it shouldn’t have even happened?
“Nagawa mo pang magsinungaling sa korte!” sabi ng nanay niya. “Hindi ako naniniwala na nagawa mo lahat ng ’yon. I cannot believe this, Samuel! Why do you insist on sabotaging your life for her?!”
“Can we talk about this at home?” Samuel asked.
“Why? Because you want to protect her feelings?”
Samuel briefly closed his eyes and drew a deep breath. “Can we please just leave?” he asked. “You are disrupting her work.”
“No, Samuel. We’re going to talk about this here. You are already married. Work things out with your wife. That’s what you should do.”
Hindi nagsalita si Samuel.
Tumingin siya sa akin. “I’m very sorry,” he told me.
“Why are you apologizing to her, Samuel?” his mom asked. “She’s the one causing—”
“I already said no, Ma!” he shouted after being calm for as long as he could. “Deanne had nothing to do with this. We haven’t talked in years, Ma. In years. Shanelle’s the one who dragged her into this, so if you want someone to blame, go to Shanelle.”
Mariiing umiling siya. “Because you pushed her into a corner.”
“No,” Samuel said while shaking his head. “And I’m not discussing this with you anymore. Let’s go.”
“Samuel—”
“I said I am not discussing this with you anymore!” pagsigaw niya. “Ma, I am not a child. You cannot control my life. This is my life; this is my marriage—I get to decide what happens.”
“No,” Mrs. Fortalejo said. Tumingin siya sa akin. “See what you are doing? You are destroying families.”
“Deanne has nothing to do with this. Why won’t you listen? Matagal na kaming hiwalay ni Shanelle, Ma. This is just a mere formality—”
“There is no annulment in the bible—”
“Maybe, but there is divorce,” Samuel replied. “And since there is no divorce in the Philippines, annulment should do.”
“Do not twist the bible in your favor, Samuel.”
“No,” Samuel said, shaking his head. “I am done with your hypocrisy, Ma. The Lord wants people to be happy. He would not want people to be trapped in a miserable marriage. He would—”
Mrs. Fortalejo clutched her hand against her chest. I saw the panic in Samuel’s face.
“Can we please leave?” mahinang sabi niya sa nanay niya.
Umiling siya. “You do not leave a marriage just because you are unhappy, Samuel.”
“Then should I just be miserable for the rest of my life?”
The question was met with silence.
“Ma, please… Umuwi na kayo sa Abra…”
Mrs. Fortalejo looked like she was struggling to breathe.
“It’s my fault, Ma…”
Agad akong napatingin sa pinto nang marinig ko iyong boses ni Shanelle. Fuck. I forgot that we have an appointment today.
“Please don’t blame Samuel,” she said.
“No, hija. It’s not your fault—”
“I’m gay, Ma. I have a girlfriend. I’m so sorry.”
**
This story is already at Epilogue (Part 3) patreon.com/beeyotch. Subscription starts at 100php per month for all stories. You can also join the patreon facebook group. You can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance :) Thank you!
Chapter 43
Chapter 43
Mrs. Fortalejo left us.
She just… left.
Like she did not want to deal with what she just heard.
Naiwan kaming tatlo dito sa opisina ko. I had always thought that my office was spacious. Granted that it was not big, but it was big enough for me not to suffocate. But not right now. I felt like the room was too small for the three of us. I felt like the air was quickly escaping my chest.
“Why did you do that?” Samuel asked her.
Shanelle snapped her head at his direction. “What did you want me to do? Just watch as she give herself a heart attack?”
Samuel ran his fingers through his hair with frustration. I didn’t understand why it had come to this, pero nandito na. Naiintindihan ko rin na naiipit siya sa nangyayari. This one was a no-win situation. Paano ka nga ba mananalo kung kahit ano ang mangyari, may masasaktan ka?
Shanelle looked at me. “I’m sorry,” she said.
Napaawang ang labi ko. This was so… out of character of her. I had not known her for long, but from what I knew? She’s not one who apologizes easily. Parang mas mataas pa sa Empire State building ang pride niya. Mas mahalaga para sa kanya iyong tingin ng ibang tao kaysa sa sarili niyang nararamdaman. That’s why she was so willing to be with people who didn’t really love her the way she deserves to be loved. All for validation.
I feel bad for people like her.
“Secret’s out,” she said. “I’m pretty sure this would reach my family.”
Napatingin sa kanya si Samuel. “No,” Samuel said. “I’m sure my mom will not say anything.”
Pagak na natawa si Shanelle. “Why? Because it’s such a sin? That she’ll rather live in denial?”
“Yes,” Samuel said. “And I’m sorry, Shanelle.”
Hindi nagsalita si Shanelle, but even her silence spoke thousands of words. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. I wanted to leave the room. I didn’t want to be a part of this. I didn’t want a front row seat as his marriage unravels. I took no delight from that.
“Can we re-sched the meeting?” Shanelle asked me.
“Of course,” I replied.
I knew how sensitive she was with this topic. Baka kailangan niyang puntahan iyong tatay niya. Baka kailangan niyang unahan sa pagsasabi kasi totoo naman na mas maganda kung sa kanya manggagaling.
Having a family is a huge responsibility… Sana alam ’yan ng mga tao bago sila magpakasal, lalo na ang magka-anak. Na hindi naman ’yan mini-me mo lang habang buhay. Magkakaroon ’yan ng sariling isip. Paano kung hindi akma sa paniniwala mo? Itatakwil mo na lang? Kasi hindi mo kagaya?
Ang hirap.
“Dea—” Samuel said, but paused. “Atty. Manjarrez,” he continued, correcting himself. “I’m sorry for what my mom did.”
“Why did she think that I abandoned you?” I asked him when we were left alone.
This has been ringing in my mind the first time I heard it.
Gusto ko lang malaman kung ano ba iyong nangyari para sa kanya. Kasi parang magkaiba kami ng naaalala. Ang alam ko, nandon ako sa kanya hanggang sa huli. Kasi alam ko na nilaban ko siya. Pero baka iba iyong nangyari. Baka sobrang nasaktan lang ako na iba na iyong sinasabi ko sa sarili ko.
“I don’t know.”
“Really?”
He looked at me. “I did not say that you abandoned me.”
“Then why would she think that?”
“Because,” he said and then paused like he didn’t want to say the next words. “Because one day, you’re everything I could talk about. And the next day, you’re just… gone.”
Bahagyang napaawang ang labi ko.
Kumunot ang noo.
“I was not gone.”
“I know,” he replied. “I just stopped talking about you.”
“And she thought I abandoned you?”
Tumingin siya sa akin. “It was a hard time, Deanne.”
“I know. I was there,” I said. “I thought I tried my best to help you… Mali pala ako.”
Umiling siya. “No, that’s not true.”
“It is true, though. Totoo naman na sinisisi mo ako sa nangyari sa BAR mo, ’di ba? Kasi kung hindi naman dahil sa akin, hindi ka magsasabi ng totoo nung nagbigay ka ng statement. Kung hindi dahil sa akin, wala ka sigurong naging problema sa frat mo. Siguro nakuha mo lahat ng benefits. Siguro nasa mataas na posisyon ka na sa kung saan mo man gusto,” tuluy-tuloy na sabi ko. “Deep inside, alam mo na sinisisi mo ako sa mga nangyari sa buhay mo.”
He just stood there and kept on looking at me.
Was I right?
I thought I was right… but I needed him to confirm it. Kasi nakakapagod na sisihin iyong sarili ko. Kasi kahit alam ko na wala naman akong kasalanan, minsan hindi ko pa rin mapigilan…
Samuel’s smart.
He could’ve been something.
Baka nga tama iyong nanay niya—I derailed his future.
“I don’t blame you.”
“Bullshit,” mabilis na sagot ko.
“I made that decision myself.”
“Kung wala ako sa buhay mo, ganon pa rin ba iyong statement na ibibigay mo?” tanong ko. Hindi siya nakapagsalita. “See? I’m the reason. And you know yourself na ako ang sinisisi mo.”
He looked me in the eye. “No, I don’t blame you,” he said. Tumitig lang din ako sa kanya. “I don’t want to blame you.”
“But it’s hard not to,” I continued for him.
Sandali kaming binalot ng katahimikan.
“I tried to do everything for you, Samuel… Halos bumagsak na ako sa fourth year classes ko para lang mabigay sa ’yo lahat nung dapat meron ka galing sa frat mo.”
I saw the slight trembling of his lips.
Because I was right.
He knew I was right.
He’s only human. He feels what he feels. And he feels like I was the one who was to blame. Kung wala ako, ang layo na siguro ng narating niya… Hindi sana siya ganito ngayon. Baka nga masaya pa siya.
“I’m sorry, D…” he said.
“Are you?”
“Yes,” he replied. “Because you didn’t deserve it. It was not your fault that… that I felt that way. Wala ka naman don nung sinabi ko ’yung statement. I could’ve lied if I wanted to.”
Hindi ako nakasagot. I remember threatening to break it off with him kung hindi pa rin siya aalis sa frat niya. I guess I should have broken it off the first time. Pero binigyan ko ng chance. Paulit-ulit. I kept on telling myself that maybe this time, it’d get better. Kasi si Iñigo, nakaalis naman. Si Iñigo, naging maayos naman.
Pero magkaiba nga pala sila.
I couldn’t save someone who didn’t want to be saved…
“You did everything, Deanne,” he said. “I appreciate everything that you did for me. I appreciated you trying to get me all the materials. I appreciated you getting my BAR kit. I appreciated you trying to make the whole BAR month easier.”
Tumingin ako sa kanya. “Bakit ka nagpakasal sa iba?”
Nakatayo lang ako roon, naghihintay sa sagot niya. We had talked about this before. I had heard his answer before. But this time, I wanted his truth. I wanted to hear it straight from him. That maybe this time, makaahon na ako sa bangin na pinag-iwanan niya sa akin.
“I already told you my answer.”
“No.”
“I married Shanelle because it was a good idea.”
“Bullshit.”
“I wanted some company. She wanted some company. It was not that complicated. If I didn’t discover about Clary, we would still be married by now,” he said, looking into my eyes. “I’m sorry this is not the answer you want to hear from me.”
“Did you love her?”
“Not like how I loved you,” he said while still staring into my eyes like he was looking for the windows to my soul.
Nanatili lang akong nakatingin sa kanya.
“Sometimes… sometimes I miss you terribly,” he said as I saw how his eyes began to water. Nag-iwas siya ng tingin at pilit na pinantak ang paghinga niya. “But I also knew that we can never be together again.”
“Why?”
“Because I hurt you.”
“Or because you resent me?”
I got my answer with his silence.
“Kung bumagsak din ba ako sa first take, mababawasan ’yung sama ng loob mo sa akin, Samuel?” tanong ko sa kanya.
Kaya ba sila ni Shanelle dahil pareho silang bumagsak? Did that bond them together? God, I loved him so much that if he asked me before to fail the exam, I would have done that in a heartbeat. Because I didn’t want him to be lonely. I didn’t want him to feel like a failure. Sasamahan ko siya kahit saan—kahit sa pinaka-baba pa ’yan. Bakit hindi niya ’yon maintindihan?
“It probably hurts to look at me…” I told him. “I probably remind you of all the things you could’ve been…”
I gave him a small smile and wiped my own tears.
“You know what? At the back of my mind, a little part of me still yearns for you. Iyong tangang parte ng isip ko, bumubulong na baka kapag ayos na iyong annulment niyo ni Shanelle, pwede na ako naman ulit… Kaso parang malabo na. Kasi kahit gaano mo pa siguro ako kamahal, hindi pa rin pwede… Kasi may parte d’yan sa puso mo na galit sa akin…”
God, I hated how the tears kept on falling.
This felt like the break up that never happened.
Because one day, we just ended.
But now… at least now I have closure—because God, I badly needed one.
“I’m sorry, D…” he said.
I looked at him and gave him a small smile. “Yeah, me, too.”
**
This story is already at completed on patreon.com/beeyotch. Subscription starts at 100php per month for all stories. You can also join the patreon facebook group. You can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance :) Thank you!
Chapter 44
Chapter 44
I drew quite a few deep breaths while my hands were holding the steering wheel. Nandito ako ngayon sa parking lot ng lugar kung saan gaganapin iyong lamay para sa tatay ni Shanelle. She didn’t actually invite me, but I thought that I should go here to give respect. Ewan. Hindi ko rin talaga alam kung bakit ako nandito.
Kanina pa ako nakaupo sa loob ng sasakyan ko. Dito ako dumiretso pagkatapos ng trabaho. Halos isang oras na rin yata akong nandito.
“Condolence,” I told her.
I didn’t really know a lot of things about her. She’s quite secretive. Kahit na abogado ako sa petition niya, halos wala pa rin akong masyadong alam tungkol sa kanya. I guess it’s her way of protecting herself because she thought that who she really is… is somhow unlovable. Ang hirap.
“Thank you,” she simply replied. “Sorry, I forgot to reply to your emails.”
“It’s fine,” sabi ko sa kanya. “I already requested for re-schedule.”
She simply gave me a small smile. Iniwan ko na siya at naupo ako sa isang gilid. She looked so tired and so worn out.
I watched Shanelle as she moved around. Halata na iniiwasan siya ng ibang kapamilya niya. Did they think na siya iyong dahilan kung bakit nawala iyong tatay niya? Such a cruel thought.
Gusto pa kaya niyang ituloy iyong petition? I knew that the only reason why she wanted to fight the annulment was to protect her dad from the truth. Ano na ngayon? Wala na iyong tatay niya. Nakakalungkot… kasi parang tama nga siya.
Nanatili lang ako na nakaupo roon nang makita ko na dumating si Samuel. He walked straight towards Shanelle and just enveloped her in his arms.
I felt like I was an audience in some movie.
Na silang dalawa iyong bida at nanonood lang ako.
I knew that Samuel was just comforting her and that he was just being a good person… but my mind just kept on betraying me. Ang nasa isip ko ay ganito pala silang dalawa. Kasi nung una ko silang makitang magkasama, annulment agad ang naging usapan. I never really saw them together na silang dalawa lang…
Ito siguro iyong sinasabi ni Samuel.
Na okay naman sila.
Na masaya naman.
Na kung hindi niya nalaman iyong tungkol kay Shanelle, they would’ve been together still.
And… and I hated how I could see it.
They looked good together.
They looked peaceful.
I watched as Samuel whispered something in her ears. They looked comfortable with each other. Kung sabagay, hindi naman sila aabot sa punto na magpapakasal na sila kung hindi sila kumportable sa isa’t-isa.
It’s just sad.
I was there before.
I was there when he was having a hard time.
I was there, ready to listen, pero sa sobrang sama ng loob niya sa akin, mas ginusto niyang maghanap ng iba.
Nanatili lang akong nakaupo roon hanggang sa mapatingin si Samuel sa gawi ko. May sinabi si Shanelle sa kanya kaya siya napatingin sa akin. I watched as his lips parted slowly when he saw me. Right. Ang pangit nga pala nung huling pagkikita namin.
“Hey,” he said upon approaching me.
“Hey,” I replied back.
“Can I?” he asked, pertaining to the empty spot next to me. Wala akong katabi. Wala naman kasi akong kakilala dito. O baka kilala nila ako? I mean, mukhang kumalat naman na sa pamilya ni Shanelle iyong tungkol sa annulment. Surely, they’d be curious. And if they’re curious enough, they’d hear about my name.
O baka delusion ko lang ’to.
I hadn’t been relevant in their lives for years.
“Sure,” I replied.
Samuel took the spot next to me, pero meron pa ring kaunting space sa pagitan namin. Ganyan din siguro iyong space sa aming dalawa mismo. Hindi na talaga kami babalik sa kagaya nung dati. Ang dami na kasing nangyari talaga. Hindi naman ’to fairytale na tipong once na magkita kami ulit, mawawala lang iyong mga nangyari dati—iyong mga sigawan, mga masasakit na salita? Hindi naman iyon parang bula na mawawala sa isang iglap.
Nasabi na.
Nakasakit na.
Nandyan na ’yan.
“How’s your mom?” I asked because the silence had been stretched far too long.
“She’s doing fine.”
“Nandito pa rin sa Manila?”
“No. Back in Abra.”
“Oh. Good.”
“Yeah. Had to beg her to go home when I heard about…” he said and then paused. Pareho lang naman sila ni Shanelle ng kinakatakot. Ayaw nilang madamay iyong mga magulang nila, pero ang impossible kasi nun. Kapag nagpakasal ka, sa ayaw o sa gusto mo, kasama iyong pamilya roon—unless willing kayo na mag-cut off sa pamilya. This is not the case for the two of them.
“Again, I’m sorry for what she said.”
“It’s fine,” I replied.
After naming magusap ni Samuel, naintindihan ko naman na iyong nanay niya. Samuel would’ve been at his lowest and I was nowhere near him to help him out—at least from his mom’s perspective. Alam ko rin kasi na nung kami pa, lagi niya akong kinu-kwento sa kanya. Nakakasama nga naman talaga ng loob na iyong tao na akala mo nandyan para sa anak mo, biglang wala na nung kailangang-kailangan siya.
She must’ve thought na iniwan ko si Samuel dahil bumagsak siya sa BAR.
What a silly thought.
“I asked for postponement,” I told him.
Bahagya siyang tumango. “Thank you.”
“It’s nothing. Yago would’ve filed the motion kung hindi ako nauna,” I replied. “But… itutuloy niyo pa rin ba?”
I just had to ask.
Tumingin siya kay Shanelle.
“I’ll have to ask her,” Samuel replied. Tapos ay tumingin siya sa akin. “She just lost her dad.”
I gave him a small nod.
I understood.
I did… pero paano kung ayaw na ni Shanelle? Hindi na sila magpapa-annul? Ganoon na lang ’yon? Legally separated lang sila? I wanted to understand fully, but I just couldn’t.
“I’m not saying that we’re never gonna get annulled,” he said like he read what was on my mind.
“It’s honestly none of my business,” I replied.
“I know but—”
I looked at him and then gave out a deep breath. “Look,” I began. “This is not the place,” I continued. “Besides, you said it yourself—we can never be together. So… really, why does it matter to me?”
Hindi naman ako galit.
Masama ba iyong loob ko? Hindi ko na nga rin sigurado.
The only thing I was sure of was that I perferctly understood that what he’s feeling is something that he couldn’t control. Kasi alam ko na kung kaya niya lang kontrolin, he wouldn’t consciously choose to hate me. Because I knew him. He loved me. He really did. Kaya alam ko na hindi lang naman ako iyong nalulungkot at nahihirapan dito.
Someday.
Maybe.
Pero malayo pa ’yung someday na ’yon—kung dadating man siya.
I said my condolences to Shanelle once again. She said thank you once again pero para lang robot na naka-program ang sasabihin. Hindi ko nakita si Clary sa buong oras na nandon ako, pero nakita ko na dumalaw sina Vito. It’s none of my business.
The next day, I went to work as usual. And then I had a meeting with Yago to discuss the case.
“Nakausap mo na ba si Shanelle?” he asked.
“Not really,” I replied. “Busy pa siya.”
I really didn’t have the heart to talk to her. Hindi naman ako walang puso na kukulitin siya tungkol sa kaso kahit na may ganitong nangyayari. Tama nga rin si Samuel na ang hirap na pilitin na ituloy iyong kaso kapag ganito iyong nangyayari.
“I understand,” Yago replied. “Let’s just try our best to postpone.”
“I know,” I said. “Pero hindi naman din lagi pwedeng magmotion.”
He gave me a nod in understanding. Hindi naman pwede na mag-indefinite motion for postponement.
“This is a sure win now,” Yago said.
“I know,” I replied, “But this is real life. This is not just a case.”
“That’s not what I mean.”
“Alam ko,” sabi ko sa kanya. “Let’s just do our best as their lawyers and I don’t know… use all motions at our disposal.”
Bahagya siyang natawa. “Macocontempt tayo niyan.”
I shrugged. “Such is life,” sabi ko. “Besides, malakas ka naman kay Judge.”
Tumawa siya. “Sino nagsabi sa ’yo niyan? Si Iñigo?”
I shrugged. “Right against self-incrimination.”
Nag-usap lang kami ni Yago tungkol sa kaso over some drinks. Tama naman siya na kung itutuloy namin ’to ngayon, sure win na. Labas na iyong sa sexuality ni Shanelle. It’s a ground for annulment. I just felt like it was too insensitive of me to bring up. Namatay iyong tatay niya dahil doon tapos ano? Sasabihin ko sa kanya na makukuha na iyong annulment dahil doon?
It’s like rubbing salt on an open wound.
I simply couldn’t.
“I will miss you,” Therese said.
“Ako rin,” I replied as I hugged her tightly.
We did the math.
We simply just couldn’t survive without the clients that Jill was bringing in. I mean, honestly, wala naman akong sama ng loob kay Jill dahil pangarap niya talaga iyong big firm. I heard she’s doing very well in G&Z. Good for her. But without her, it’s just not financially feasible.
Hindi ko rin kaya na ituloy na i-charge si Shanelle kahit na-dismiss na nga kasi hindi namin mahanap si Shanelle. Sana okay lang siya kung nasaan man siya.
“I’m glad we tried,” she said.
“Me, too,” I replied with a smile.
“I mean… it was a great experience pa rin, noh?”
“Definitely!” I said in agreement.
It was our last day in the office. Enough naman din iyong kinikita namin pambayad sa rent and utilities pati kay Tal, iyong paralegal namin. Pero wala naman kaming kinikita. Sobrang breakeven lang. So, we just finished all that we could’ve finished and then endorsed our clients to other lawyers. Konti lang din naman sila and nagawa naman na namin iyong groundwork doon.
“San next na plan mo?” she asked me.
I shrugged. “Balak ko umuwi muna sa province.”
“Galera, right?”
I nodded. “Yeah… Magbbeach muna ako roon siguro.”
“Kainggit naman! Ako work na agad after two weeks.”
“Nakuha mo ’yung sa FNJ?” She nodded. “Oh, congrats!”
Nagusap kami tungkol sa mga balak namin sa career namin. Most of us—I mean, lahat sila ay tuloy ulit iyong career. Ako lang iyong nagdecide na magpahinga muna. I felt like I needed a break. Hindi naman magtatagal. Gusto ko lang talaga magpahinga muna. Having our own law firm was a dream come true, but at the same time, it was exhausting. Kami gumagawa ng halos lahat dahil hindi naman kaya ng iisang paralegal na siya ang mag-asikaso sa amin.
But it’s all worth it—I learned a lot.
I guess the upside is when I go back to working, I can ask for a bigger salary. Ewan ko lang kung gusto ko pa gumawa ng sariling law firm ulit. Medyo nakakapagod din talaga siya.
We stayed in the office until the end of the office hours. Sobrang… sad na masaya iyong part na pinatay na namin iyong ilaw. Para kasing it symbolized the end of an era.
Another end of an era for me.
How I wish na dumating iyong era for a lifetime.
Napapagod na rin ako magsimula sa umpisa.
I went home to Galera. Isang maliit na luggage lang iyong dala. Ang layo ko na rin pala sa dati na ang dami kong dala tuwing aalis ako kasi kailangan may skincare, makeup, pati iyong Dyson blower na bigay ni Samuel. But it was fine then dahil lagi namang si Samuel iyong nahihirapan sa mga dala ko.
Ano ba ’yan.
Kailan kaya ako matatapos sa reminisce?
Pagdating ko sa Galera, I opted to stay in a small hotel. Alam ko naman na may bahay kami roon, pero hindi pa kasi ako ready na makausap si Mama. Ang daming nangyari sa buhay ko the past few months na ang huling gusto ko ay magsigawan kami ngayon.
I met with some old friends.
Nakakatuwa kasi may mga anak na sila. I was very appreciative when they didn’t ask me once kung bakit wala pa akong asawa o wala akong anak. Honestly… honestly gusto ko naman. But I refuse to get married or have a child unless I am very certain. I’d seen a lot of people make the mistake of getting married just for the sake of it. Iba kasi iyong societal pressure. Tapos biglang hindi pala nila kaya o gustong magsama.
I’d honestly prefer to marry late than to marry early just to end up regretting getting married—regretting waking up every day and asking yourself why you ended up in that place anyway.
It’s gonna be worth it with the right person.
But then I couldn’t just avoid my reality.
I knocked on the door.
My lips parted a little.
My heart ached a little.
I was living my life… that I forgot that na tumatanda nga rin pala iyong nanay ko. I could visibly see the wrinkles and the white hair. She looked so old, but she still looked like home.
She’s always been my home kahit hindi kami laging magkasundo.
“Hi,” I said with a small smile.
“Wala ka bang trabaho?” she asked. She sounded nervous.
Umiling ako. “Wala po,” I said. “Pwedeng pumasok?”
She opened the door for me. The place still looked like home despite all the small changes. Wala na kasi si Papa. Wala ng nag-aayos kapag nagkaka-problema sa bahay. Ramdam na ramdam ko na wala na si Papa bigla. Dahil dito. Dahil sa nangyari kay Shanelle. Kasi parang… pareho sila ni Samuel na pino-protektahan iyong magulang nila habang ako, nandito pa naman si Mama, buhay pa, pero hindi ko kinakausap. It was the rude awakening that I badly needed.
Nagserve si Mama ng pagkain. Tahimik kami habang magkaharap sa lamesa.
“Kamusta?” she asked.
“Okay naman po,” I replied. “Nagdecide kami na itigil na iyong sa law firm,” I said, volunteering the information because I knew that she wouldn’t ask otherwise. “Okay naman po pero medyo mahirap din kasi kapag sarili mong firm. Umuwi lang ako para magpahinga sandali… saka para bisitahin kayo.”
Bahagya siyang tumango.
“Alam mo naman na mahal kita, ’di ba?” I began. Hindi ko alam kung bakit ako biglang nagkaka-ganito. Siguro ayoko lang umabot sa punto nung kagaya nung kay Shanelle na puno ng pagsisisi. “Hindi lang siguro talaga magkaintindihan kasi magkaiba tayo ng priority sa buhay…”
I looked at her and smiled.
“Alam ko naman, Mama… Alam ko naman na minsan nagsisisi ka na nabuntis ka ni Papa,” I said and she shook her head. I wiped the tears that stupidly fell down my eyes. “Alam ko naman na mahal mo ako, Mama… pero alam ko rin na minsan iniisip mo ’yung buhay mo sana kung hindi ka nabuntis. Kasi ’di ba flight attendant ka dati? Ang dami mo sanang napuntahan na bansa, nakilalang tao kaso… kaso nabuntis ka agad.”
“Hindi kita pinagsisisihan.”
I gave her a small smile.
Alam ko naman ’yon.
Mahal niya ako.
Gaya ng mahal ako ni Samuel.
Pero pareho sila na may maliit na parte na sinisisi ako.
God, what I’d give to find someone who will love me… and just love me.
“Alam ko…” I said. “Pero siguro, Mama, magkaiba lang tayo… Kasi alam ko na gusto mo na mataas iyong marating ko… Kasi hindi mo nagawa… Sinubukan ko naman… Naka-graduate ako sa top law school sa Pilipinas. Naka-pasa ako sa BAR exam. Nagtrabaho ako sa magandang law firm. Nagtayo pa ako ng sarili kong firm. Nagawa ko naman lahat… pero alam mo ’yon? Hindi ako masaya.”
Nagtuluy-tuloy iyong pagbuhos ng luha ko.
Kasi nasabi ko na.
Na hindi ako masaya.
I wanted what my friends have.
I wanted a family to go home to at the end of a long day.
God, I wanted all that…
Kung pwede lang ipilit…
“Kaya siguro hindi tayo magkasundo kahit gusto mo lang naman maging successful ako,” sabi ko sa kanya. “Kaya kahit naiintindihan ko naman kung bakit gusto mo na makipaghiwalay ako kay Samuel dati nung halos bumabagsak na ako sa school… Naiintindihan ko naman… Alam ko na gusto mo lang ’yung the best para sa akin… Pero alam mo ’yon, Mama? Hindi iyon ’yung priority ko. Hindi ko priority maging successful. Gusto ko lang sumaya. Kaya ang sakit nung pina-mukha mo sa akin na iniwan ako kahit na halos ibigay ko lahat.”
Halos hindi ko na siya makita dahil sa luha sa mga mata ko. Pero ang gaan ng pakiramdam ko… na sa wakas, nasabi ko na rin lahat.
Na gusto ko lang namang sumaya.
**
This story is already completed patreon.com/beeyotch. Subscription starts at 100php per month for all stories. You can also join the patreon facebook group. You can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance :) Thank you!
Chapter 45
Chapter 45
I could not, in good conscience, leave my mother here.
Pagkatapos naming mag-usap, bumalik ako sa may hotel. Doon ako natulog. Nagstay lang ako doon hanggang sa dumating iyong araw na dapat babalik na ako sa Manila. Kasi nandoon pa iyong apartment ko. Nandoon iyong buhay na nabuo ko.
Pero hindi na ako naka-balik.
Instead, dinala ako ng mga paa ko pabalik sa bahay namin.
Hindi ako tinanong ni Mama kung bakit ako nandon. She just prepared food for me. We talked about Papa. We talked about the good old times. Umiwas muna kami sa mga masasakit na topics. Parang okay lang naman ’yon. Kasi hindi naman din dapat laging magfocus sa masama, sa pangit.
Maigsi lang ang buhay.
I wanted her to live a good life.
Two months after, bumalik din ako sa Manila kasi tapos na iyong lease ko. I needed to pack my things. Ang dami ko rin palang gamit. I figured I’d just donate the other things na hindi ko kayang dalhin pabalik sa Mindoro.
I was in the middle of packing my things when I heard a knock.
Mabilis na napaawang iyong labi ko nang makita ko si Samuel na nakatayo sa labas ng pintuan ko.
“Hi,” he said, breaking the awkward silent.
“Hi,” I replied, my forehead slightly creased at the confusion.
Bilang na bilang ko sa isip ko kung ilang oras kaming nakatayo lang doon. Hindi ko kasi alam kung ano ang gagawin. Papapasukin ko ba siya sa loob? But I knew I shouldn’t. He’s still married.
“How did you know that I’m here?” I asked just for the sake of asking. I couldn’t take the silence and his stares.
He looked a bit uncomfortable. Pareho lang naman kami. It’s been months since we last saw each other. It’s good for us—or at least good for me. I really didn’t know what exactly he felt about me. Pero ako, alam ko sa sarili ko na gusto ko pa rin siya…
So, the distance was good.
I had time to go back to my old hobbies.
Meet up with my old friends.
Spend time with my mom.
It felt like… me.
Before all the law school and the troubles.
Nakaka-miss din talaga nung mga panahon na simple lang ang buhay—na ang tanging problema ko lang ay kung mahuhuli ako ni Mama kapag tumatakas ako sa gabi para i-meet iyong mga kaibigan ko dahil gusto naming mag-inuman sa dalampasigan.
“Your mom called me.”
Bahagyang nanlaki ang mga mata ko. “What? Why?” I asked, confused kung bakit bigla siyang tinawagan ni Mama.
“She just… wanted me to know that you’re in Manila.”
“Yeah… but why?” tanong ko. “Saka paano niya nalaman iyong number mo?”
“I used to send her updates before,” he said. “Kapag masyado kang busy sa school, nagmemessage ako sa kanya na okay ka lang naman at busy lang talaga.”
Hindi ako nakapagsalita dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Ni hindi ko nga alam na may ganito palang nangyayari dati. I would have never suspected it dahil alam ko naman na hindi talaga gusto ni Mama na may boyfriend ako. Hindi niya ako pinagbawalan, pero alam ko rin na kung siya ang masusunod, mas gusto niya na single ako.
Distraction lang daw, pero admittedly, law school was a lot more bearable when he came into my life… until he became the very thing that made it unbearable.
“Oh. Okay,” sagot ko na lang.
Napatingin siya sa mga box sa likod ko. “Lilipat ka?”
“Uuwi muna ako sa amin.”
He gave me a small nod.
“Bakit ka nandito, Samuel?” tanong ko sa kanya. I think we’ve both established the fact that we’re not happening. Feelings just aren’t enough to make a relationship work kahit na gaano niyo pa ka-gusto… idagdag mo pa na kasal pa rin siya.
Ewan ko kung masyado lang ba ako… idealistic.
But I wanted to be the wife.
I wanted nothing less than that.
Kasi ’di ba parang ang tagal ko nang naghintay… kaya bakit ngayon pa ako makukuntento sa kung ano lang ang kaya niyang ibigay?
“Just wanna say goodbye,” he said.
“Sa Mindoro lang naman ako pupunta.”
“I mean… goodbye because I’m leaving.”
Napaawang ang labi ko.
Bumilis iyong tibok ng puso ko.
“You’re… leaving?”
“For a while,” he said. “I’ll be taking my LLM.”
“Oh… Saan?”
“London,” he replied.
Hindi ulit ako nakapagsalita.
Kasi ano ba ang sasabihin ko?
Goodbye?
Hope to see you again?
Alam ko na iyon ang dapat kong sabihin, pero hindi ko makuha na sabihin iyong mga salita na ’yon. Alam ko na kakasabi ko lang na hindi talaga magwowork sa pagitan namin… But a small part of me still took comfort in knowing that he’s still there… Even before, when we weren’t talking, I knew that he’s still around…
That if there ever come a time when I miss him so badly that I couldn’t hold it in anymore, I could always go to him…
But now, he’s moving to the other side of the world.
Suddenly, I felt my whole world crumbling down.
“Two years lang naman,” he said like he was trying to console me. “I need this.”
I wanted to talk, to at least say a word, but I felt like all the words decided to betray me and escape me. Para lang akong tangang nakatayo roon sa harap niya. Para akong tangang masama ang loob kahit wala naman akong karapatan.
“Oh… So, wala na talagang annulment?” I asked.
“Five years,” he said.
“What?”
“Within five years from the discovery of fraud,” he replied and my lips parted upon realization of what he meant. “I just need to get away from everything for the meantime. But I’ll get the annulment.”
I just stayed where I was standing and looked at him.
Who would’ve thought that this is where we’d end up in?
“I still don’t know what I want to do,” he continued. “I feel like I’ve tried doing everything, but I always feel like I have no direction. I feel like I need this. To go back to studying. To figure out what I really want to do.”
Two years.
London.
I looked at him and gave him a small smile. “I hope you find what you’re looking for, Samuel.”
He didn’t immediately say a word, but he kept his gaze at me. I was all too aware with every breathe that I took.
“I already know what I want,” he replied. “I just… I just need to find a way to get back there.”
I saw how he tried to reach for me, but he quickly stopped himself. Inilagay niya iyong kamay niya sa loob ng bulsa niya. He looked at me and smiled.
“You need help with packing?” he asked.
Bahagya akong umiling. “No,” I replied. “You have packing on your own.”
“Naka-ayos na iyong mga gamit ko.”
“Oh… Kailan ka ba aalis?”
“Bukas.” Surprise was surely evident on my face. “I thought about this a lot. Nakausap ko na rin si Shanelle. We agreed to continue with the annulment when I get back. We all need this time,” he said while looking at me like he was telling me that I need this time, too.
I just gave him a small smile. “Enjoy London,” sabi ko kasi ano ba ang pwede ko pang sabihin?
“I will,” he replied. “Enjoy the beach.”
“Always.”
“You sure na ayaw mo ng tulong?”
Umiling ako. “Just enjoy your last day in Manila.”
“I’m trying,” he replied while looking directly into my eyes.
“Okay,” I said. I reached for the door and held it. “Uh… kailangan ko pang mag-ayos. Have a safe flight,” I continued before I politely closed the door because I could not, for one more second, look at him and stop myself from breaking down because he’s about to move to the other side of the world.
It only took me a day to finish packing dahil hindi ako tumigil hanggang hindi ako natatapos. I asked Kitty for a favor na siya na iyong bahala sa mga gamit ko na i-donate. She said yes without even asking me why. Nagkita kaming tatlo nila Iñigo for dinner. We talked about random things. Then bahagyang napaugsapan iyong pamilya. I smiled at them even though a small part of me really wanted what they have. And I hated myself dahil naiinggit ako sa kanila. They deserve every good thing they have in their lives.
Sana dumating iyong panahon ko.
Paguwi ko sa amin, hindi ko tinanong si Mama tungkol kay Samuel. Hindi ko alam kung ano iyong pinagusapan nila dati. Hindi ko na inalam kasi ano pa iyong sense?
I wanted to focus on the present.
So, I did.
After a lot of rest, I decided that it was time to start working again. Pero ayoko pa talaga bumalik sa Manila. There’s something about home that makes you want to stay… Kung may iba na gustong umalis, ako naman iyong gustong bumalik.
I already tried the life in Manila. I liked it. But nothing beats the comfort of home for me.
“Nako, tatlong kopya po,” paalala ko.
“Ay, sige po. Babalik na lang ako,” sabi niya na napa-kamot ang batok.
I decided to open a notary public dito sa bahay namin. Maganda rin kasi medyo malapit dito iyong munisipyo at may mga kaibigan ako na doon nagta-trabaho kaya kapag may kailangan ipa-notaryo, sa akin nila tinuturo. It was quite lucrative kasi wala naman akong overhead costs masyado dahil sa bahay lang. Minsan din may consultation pero bihira lang din. Tahimik din kasi talaga ang buhay dito. Pinaka-problema lang minsan e agawan ng lupa. Hindi ko pa naman forte ’yon, so madalas e tinatanggihan ko talaga. Saka stressful ’yon. Kung gusto ko ng stress, babalik ako sa Manila.
“What?” I asked nang tumawag si Iñigo.
“Wala ka talagang balak bumalik sa Manila?”
“Wala pa naman,” I replied. “Why?”
“Kailangan ng lawyer sa BGY.”
“Wow… Irerecommend mo ako?”
“Syempre mag-aapply ka pa rin.”
“Wala ka talagang kwentang kaibigan.”
Natawa siya. “Syempre, work is work. Walang palakasan dito,” he said. “Pero naka-trabaho ka naman na ni Yago. Okay din naman siya sa ’yo.”
“Tignan ko,” I said. “May deadline ba ’yan?”
“Usually meron… pero para sa ’yo, anytime na gusto mo na bumalik sa Manila.”
“Naks naman…”
“Ewan ko sa ’yo,” he said. “Sige na. Basta message mo lang ako. Laging may spot para sa ’yo dito.”
Napa-ngiti ako.
Minsan, iniisip ko rin na kung ano kaya ang nangyari sa buhay ko kung hindi na ako pumunta sa Maynila para mag-aral. Kasi masaya naman talaga iyong buhay ko dito sa Mindoro. Pero kapag naaalala ko iyong mga kaibigan na nakilala ko?
Always worth it.
I made friends for life.
After the call with Iñigo, nag-ayos ako para pumunta sa sementeryo. May dala akong bulaklak saka kandila kahit alam ko na kukunin lang naman ’to nung mga bata.
“Hi,” bati ko kina Mama at Papa.
Mama died a few months after nung huli naming pag-uusap ni Samuel. She died peacefully in her sleep. She was even smiling. I knew she was happy… sana. Kahit hindi natupad iyong pangarap niya dati. Magkasama kami palagi nung mga huling buwan niya dito sa mundo. Nagkwento siya sa akin tungkol sa buhay niya noon. She really did enjoy working as a flight attendant. Sana kung totoo man ang reincarnation, sa next life ni Mama, sana maging flight attendant siya. Iyong tipo na iyong route niya ay sa iba-ibang bansa. Sana sa next life niya, ma-enjoy niya talaga iyong buhay niya bago siya mag-settle down at magkaroon ng pamilya.
I wish she’d be able to live the life she wanted because she deserved that.
“It’s been two years,” sabi ko. “May offer sa akin na bumalik na sa Manila. Feel ko naman maayos magpa-sweldo sila Iñigo kasi ang kapal naman ng mukha niya mag-offer ng trabaho kung minimum wage ang ibibigay niya sa akin,” dugtong ko. “Pero ’di ko alam kung gusto ko na ba bumalik… Kasi ang payapa ng buhay ko rito.”
Nagbuntung-hininga ako.
“Hindi ako makapagdecide…” I said. “Masaya ako sa buhay ko rito… pero alam niyo ’yon? Minsan, namimiss ko rin humawak ng mga kaso. Kasi nag-enjoy din naman ako kahit nakaka-stress. Medyo may kaba lang sa akin na makalimutan ko ’yon kapag masyado akong nagtagal dito.”
I looked at their tombs and smiled. Masaya kaya silang magkasama? Alam ko naman minahal nila iyong isa’t-isa. Wrong timing and different priorities lang talaga… Sana okay sila ngayon kung nasaan man sila.
“Sana bigyan niyo ako ng sign para makapagdecide,” I continued before I said goodbye and that I’d see them again soon.
Dumaan muna ako sa palengke para bumili sana ng lulutuin pero ubos na iyong mga sariwang isda. Maka-balik na nga lang bukas. Instead, dumaan muna ako sa karinderya. I looked at the menu.
“Tapsilog nga po,” I ordered.
I hadn’t heard from Samuel in a while. Wala akong balita din kay Shanelle. Wala akong alam kung natuloy ba iyong sinasabi niya na annulment. I just decided to live my own life. I needed to feel whole on my own. I just really needed it.
Diretso akong naglalakad pauwi hanggang sa bumagal ang paglalakad ko nang may makita akong pamilyar na mukha. He was standing outside the gate of my house. He looked the same, but also different. But the way he made me feel was still the same as before.
“Hi,” he said when he saw me standing there, frozen on my spot.
“H-hi,” I replied, not being able to hide the surprise.
Napatingin siya sa hawak kong plastic. Bahagyang kumunot ang noo niya. “Tapsilog?” he asked.
I gave him a small nod.
He gave me a smile.
“Some things never change,” he said that made my heart skip a beat.
He owned this heart the first moment I laid my eyes on him.
And I wanted to hate it, but God, I still do love him.
**
This story is already completed patreon.com/beeyotch. Subscription starts at 100php per month for all stories. You can also join the patreon facebook group. You can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance :) Thank you!
Epilogue (Part 1)
Epilogue (Part 1)
“I think she has a crush on you,” Lui said in a sing-song tone.
Tahimik sana akong nag-aaral pero napatingin ako sa gawi nila Rhys at Lui. Rhys was also studying, but as usual, Lui was being a pest. Hawak niya iyong phone niya at may pinapakita roon kay Rhys.
“See? She’s cute, right?”
“I don’t care,” Rhys replied. “I’m studying, Lui.”
“You’ve been reading the same shit three times already.”
“Exactly. For mastery.”
“Mastery my ass. You just want Ms. Viste’s attention.”
Rhys looked at him and frowned. Ibinaba ni Lui iyong phone niya para mas lalo siyang makapagconcentrate sa pang-iinis kay Rhys. Hindi ko nga alam kung bakit nandito sa law school si Lui. He’s from a family of doctors. His family’s got some hospitals in the province. When I asked one time why he got into law instead of medicine, he said that he’s from a family of criminals that’s why he wants to study the law. Ewan ko kung seryoso o hindi. Minsan kasi hindi ko rin alam kung kailan siya seryoso sa kailan hindi, e.
Out of curiosity, inabot ko iyong phone ni Lui.
Deanne
Right. Siya iyong babae na pinakilala ni Iñigo sa amin nung isang araw. I actually saw her around already. Madalas ko siyang nakikita roon sa simbahan at nagdadasal. She’s always praying na hindi siya matawag sa recit. If we were close, I’d tell her that it’s better to pray na matawag siya sa tanong na alam niya ang sagot.
Her profile was full of her pictures. A lot of selfies, some pictures while she’s in some beach. There were also food pictures. Pictures of pets. Ang hilig niya namang magpicture.
“Di na ba uso ang privacy?” Lui said as he snatched his phone away. He looked at what I was looking at. Then he turned his face at me and grinned. “I see…” sabi niya sa akin nang mapansin niya siguro na nakarating na ako a few years ago sa mga posts.
I ignored him and put my earphones back in. I needed to concentrate on studying. I actually needed to put in effort in my studies. I actually thought that I was smart—until I got into law school. Being smart is not enough. You actually have to put in the hard work—but of course, always hard work with a little bit of luck.
Kaya nga ako sumali sa fraternity.
In life, hindi pwede na lagi ka lang masipag. The truth is, you need luck. Kung daig ng masipag ang matalino, daig naman ng swerte ang masipag.
“Type mo?” Lui asked nang umalis si Rhys para puntahan si Gracey. Ayaw niya na sumasama kami kapag pupuntahan niya iyong kambal niya. Si Lui kasi laging nilalandi. Ako, ’di ko naman type si Gracey. Maganda naman siya, pero parang masyadong mabait. Ayoko nun. Nakakatakot kapag umiyak.
“Hindi.”
“Bakit mo tinitignan ’yung profile?”
“Curious lang.”
“Magagalit si Lord sa ’yo niyan.”
I looked at him and gave him a deadpanned look. He knew that I absolutely hated it when he threatens me with the Lord’s name. But Lui being Lui, he didn’t really give a shit.
“Whatever,” he said. “I was just fucking with Rhys. You know he has his undying devotion for Ms. Viste.”
“You know, one day, he’s just gonna deck you.”
“And I’d be the happiest,” Lui replied. “You know that one has some serious pent up anger.”
“Na galing din sa ’yo.”
Tumawa lang si Lui. Sira ulo talaga.
The next few days were fine. Kung ako ang papipiliin, mas gusto kong mag-aral sa condo. Mas tahimik. I could concentrate. Pero minsan, kailangang pumunta sa school kapag may meeting sa frat. Minsan lang naman din mangyari ’yon kasi busy din kaming mag-aral. Hindi pwede sa frat na pangit iyong grades mo kasi nakaka-hiya. Maybe that’s why I was also so focused on studying. Nakaka-hiya naman kung grades ko lang iyong pangit.
“Shit,” I uttered to myself nang makita ko iyong message nung kaibigan ko galing ibang school. Same kasi kami ng prof. Iyong ginagawa sa school nila, ginagawa rin sa amin.
After I forwarded the message to Rhys and Lui, tumayo na rin ako at nag-excuse sa group. I needed to concentrate more on studying dahil mabilis daw iyong rounds at may chance na baka dalawang beses pa akong matawag. Tapos may quiz pa sa isang subject after. Kapagod.
Habang naglalakad ako ay naghahanap na ako ng pwedeng tambayan na tahimik. Bawat sulok ata ng SCA ay may nakaupo at nagbabasa ng codal nila.
Pumasok ako sa chapel.
I looked around at nanlaki iyong mga mata ko nang makita ko na nandon sa may bandang harap iyong president ng frat at may kausap. I immediately looked for a place to hide. Papagalitan kasi ako kapag nakita na nandito ako e dapat nandon ako sa meeting—kahit wala rin naman siya doon. Pero ’di ko naman pwedeng idahilan ’yon. E ’di mas lalo pa akong napahamak.
‘I’m sorry, Lord,’ I uttered as I got inside the confession box.
Ito na siguro iyong parusa sa akin ni Lord dahil sobrang dilim dito sa loob at hindi na rin ako makapagbasa. Hindi ko rin masilip sa labas kung nandon pa rin ba siya. I just stayed there for a while, waiting for the time na pwede na akong lumabas nang bigla akong makarinig ng boses.
“Lord, forgive me for I have sinned.”
Nanlaki iyong mga mata ko nang marinig ko iyong mga salitang iyon.
“Lord, first of all, syempre good health for my family at ilayo mo po sila sa aksidente. Salamat po dahil nasa law school na ako. Sana po bigyan niyo ako ng brain cells pa para makapag-aral ako nang mabuti lalo. Sana rin po bigyan niyo ng enlightenment si Iñigo para magshare naman siya sa akin ng digest. Ibulong niyo po sa tenga niyo na ‘sharing is caring.’ Speaking of sharing is caring, ang dami naman na po nagkaka-crush pala d’yan kay Charisse Faith Viste. Pwede namang magshare kamo! Maganda din naman ako—chinita lang talaga siya. Bakit nga kaya sikat ang mga chinita dito sa Pinas, noh, Lord? At kung ganoon nga, sana chinita din ako sa next life ko.”
Unti-unting napapakunot iyong noo ko sa mga sinasabi niya.
This… this was supposed to be a confession, right? But this sounded more like a rant than a confession. Pakiramdam ko sa susunod ay magsusumbong na siya tungkol sa mga kaklase niya.
And then she began talking about Rhys.
Then she stopped.
Then she took a peek.
I watched as her eyes quickly widened upon realizing that it’s me who’s inside the confession box. Hindi ko rin naman alam na magkukumpisal siya. Nagtatago lang naman ako dito. Saka hindi naman ata kumpisal iyong ginawa niya. Parang nagreklamo lang naman siya tungkol kay Cha at Iñigo at sa mga digests niya.
“I—” I began, wanting to explain because I didn’t want her to think of me as some creep, but I was immediately cut off.
“Pari ka ba?” she asked.
I shook my head. “No,” I replied.
“Bakit ka nandon?”
“May pinagtataguan ako.”
“Ano… iyong narinig mo?” she asked. I could hear the fear in her voice. She didn’t really say anything bad. It was even fascinating to hear her talk. She was… full of life. Parang ang saya kasama. Hindi mauubusan ng sasabihin.
“Everything,” I replied in a serious voice. I didn’t know why I was doing this—making fun of her. I literally had a class that I needed to study for.
“Everything?” she asked, sounding more scared by the second.
I nodded as I looked straight into her eyes. “Don’t worry—your secret is safe with me.”
Her eyes widened.
Pinigilan ko iyong sarili ko na matawa dahil sa reaksyon niya.
I forced myself to leave because… because I had better things to do. I really needed to focus on studying.
“What?” Rhys asked when he noticed that I’d been staring at him for the last minute.
“Nothing,” I replied.
“Weirdo.”
“Dahil lang tinignan ka?”
Mas lalong kumunot ang noo niya. “You’re starting to sound like Lui.”
“You don’t have to be that mean.”
Natawa kaming dalawa tapos ay nakaramdam ako ng pagtapik sa likod ng ulo ko. Ni hindi ko na kailangang lumingon para malaman na si Lui lang naman ang may kapal ng mukha na batukan ako.
“Sabi na sa ’yo na ’wag akong hawakan gamit ’yang madumi mong kamay.”
He laughed as he sat down. “The fuck? Ano ba’ng hinahawakan ko?”
“Don’t ever tell us,” Rhys said.
“Yeah. We don’t need the details.”
Lui just rolled his eyes at saka naglabas ng alcohol mula sa bag niya. He almost dramatically poured down all the content on his hand. Ever so dramatic. Bakit kaya hindi siya sa theater naghasik ng lagim kaysa dito sa law school?
We just studied in silence. I like studying with Rhys because when he says study, he means study. Si Lui kasi kapag sinabi na ‘aral,’ magugulat ka na lang na nasa club ka na at umiinom—the thing is, hindi siya masyadong umiinom. He just likes getting the people around him drunk and wasted.
While I was focused on studying, bigla akong napatingin sa naglalakad. Unbeknownst to me, I was following her every movement.
“What?” I asked nang sikuhin ako ni Lui.
“Di pala type…”
“Shut up.”
“Go talk to her.”
“No.”
“Why not? Second year na tayo, wala pa akong nababalitaan kahit isang babae galing sa ’yo,” he said. “This is a safe space, Samuel. Are you gay?”
“No.”
“Bi?”
“No.”
“So… torpe?”
“No,” I said. “Just busy with school,” I continued because knowing him, he wouldn’t drop this one hanggang hindi siya makakuha ng sagot.
“Sus.”
“Well, not everyone has hospitals in the province.”
He rolled his eyes. “You talk like you grew up in poverty,” he said. “I heard that your family basically owns Abra.”
Hindi ko na siya pinansin at sinuot ko na lang ulit iyong earphones ko. I just didn’t like discussing my family. I wasn’t exactly proud that my family basically ‘owns’ Abra. If any, I was ashamed. Whatever my family has, it’s at the expense of the people they underpay. That’s why I decided to forge my own path, my own career, instead of just inheriting the family business. They have my brother for that, thankfully.
After class, inaaya ako magdinner nung ibang member ng frat. I’d say yes, but I was really in no mood. Pangit ng recit ko kanina. Gusto ko na lang umuwi at matulog. Gigising na lang ako ng maaga kaysa pilitin kong mag-aral.
Nung malapit na ako sa condo, huminto muna ako nung makita ko si Manong.
“Salamat po,” sabi ko nung abutan niya ako ng plastic cup. First year pa lang ako nung una akong kumain dito. Bokya ako sa recit nun. Naalala ko pa na crim law ’yon. Confident kasi ako sa sagot ko dahil sigurado ako na nabasa ko ’yon. Litung-lito iyong mukha ni Sir sa sagot ko. Akala ko tactic niya lang ’yon para malinlang ako. Iyon pala, amended na iyong batas na sinasabi ko. Iniisip siguro ni Sir na mukha akong tanga. Hayop na Lui ’yan! Luma na pala iyong binigay sa akin na reviewer. Kaya ngayon, latest lang talaga binabasa ko. Saka hinding-hindi na ako hihiram kay Lui. Sumpa sa buhay ko minsan.
Kaya ngayon, ewan ko, tuwing medyo bokya sa recit, kumakain ako dito sa fishball-an ni Manong. Naging ritwal tuloy.
“Sinusundan mo ba ako?” tanong ko nung mapansin ko si Deanne na nakatingin sa akin. Buti papa-subo pa lang ako nung fishball. Paano kung nasubo ko na? E ’di nabilaukan pa ako sa harap niya.
“Wow, kapal ng mukha?” sagot niya.
“Nice outfit,” I just replied. Naka-suot kasi siya ng Hello Kitty na pajama. Cute naman.
“Bakit mo sinabi kay Lui?” she asked habang tumutusok siya ng fishball. Nakatayo siya sa tabi ko. Ewan ko kung buhok niya ba iyong naamoy ko. Ang bango. Amoy coconut ba ’yon?
“Sinabi iyong ano?” I asked dahil hindi ako makapagconcentrate. Iniisip ko kung ano iyong scent ng shampoo niya.
“Iyong sa confession.”
Ah.
Iyong crush niyang si Rhys.
“Wala akong sinabi,” I simply replied.
“Sinungaling.”
Napa-tingin ako sa kanya.
Ay, ewan.
“Whatever,” sabi ko na lang tapos umalis na ako pagkatapos kong magbayad kay Manong. Pangit na nga ng recit ko, sasabihan pa ako ng sinungaling. Bakit ko naman ipagkakalat na crush niya si Rhys? Wala naman akong mapapala ’don.
Ang sakit ng ulo ko. Itulog ko na nga lang talaga ’to.
Pagdating ko sa condo, ’di rin ako makatulog. Nagrereplay sa utak ko iyong nangyari kanina. Nasungitan ko ba si Deanne? Iniisip niya ba na sinungitan ko siya? Masakit lang talaga iyong ulo ko. Ang dami kong binasa tapos kulang pa iyong tulog ko. Tapos ’di ako okay sa recit ko.
Gusto kong magsorry pero… parang tanga lang.
Bahala na nga kapag nakasalubong ko siya sa school.
Gusto ko sanang sa condo na lang mag-aral dahil mas kumportable ako kaya lang sa antok ko ngayon, sigurado ako na makakatulog lang ako. Pumunta agad ako sa school kaso ang dami kong nakita na brods sa library. Doon ako sa may chapel nag-aral. Bukod sa tahimik doon, takot ata mga brods ko sa simbahan. Sabagay… kung anu-ano rin kasing kalokohan ginagawa nila. Minsan nga gusto ko na lang sabihin na ’wag na nilang i-kwento. Pakiramdam ko damay ako sa mga ginagawa nila kahit alam ko lang naman dahil ’di nila mapigilan mga bibig nila na magyabang—lalo na si Zach. Minsan, ang sarap lagyan ng duct tape ng bibig non.
Napahinto ako nung makita ko iyong bag ni Deanne.
Bakit nga ba alam ko kung ano iyong bag niya? Siya lang ata kilala ko na ganito ka… ‘girlie’ iyong gamit. Sadya kaya o nagkataon lang na puro violet iyong mga gamit niya? Ultimo pen capsule niya e violet din. ’Di naman masyadong halata na paborito niyang kulay.
Nagdebate ako kung doon ba ako uupo kasi may bakante doon sa kabilang dulo nung bench kung saan nakapatong iyong mga gamit niya.
Bahala na nga.
Naalala siguro ni Lord na kagabi ko pa iniisip ’to kaya siya na mismo nagdala kay Deanne sa tabi ko para matapos na ’tong dilemma ko kung sinungitan ko ba talaga siya.
Ayan na siya. May hawak siyang iced coffee. Parang gusto ko rin tuloy ng kape.
Nakita ko mula sa peripheral vision ko na napahinto siya. Nakita ko rin kung paano bahagyang kumunot iyong noo niya. Tsk. May galit na nga ata sa ’kin ’to.
After a while, naupo rin siya pero hindi niya ako binati. Gusto ko siyang kausapin kaya lang ’di ko rin alam kung ano ang una kong sasabihin.
Hi? Parang ang awkward.
Sorry? Parang mas lalong mukhang tanga.
“Nauna ako rito,” sabi niya. Thank God! ’Di ako makapagfocus sa binabasa ko sa kaka-isip kung ano ang una kong sasabihin sa kanya. Tingin din siya nang tingin sa gawi ko kaya mas mukha akong tanga na nagpapanggap na nagbabasa kahit wala akong naiintindihan sa mga salita na dumadaan sa mga mata ko.
“Okay,” I replied.
Of all the words in my vocabulary… I settled with the safest one.
Hindi nagana utak ko ngayon—’di ko alam kung dahil ba sa recit o dahil sa kanya. Okay naman ako dati.
But when I thought that I was finally in the clear at makakapagfocus na ako sa pagrereview, nakita ko na umirap siya. Ano na naman ang ginawa ko?
“Saw that,” I said. Ayoko ng ’wag pansinin kasi baka ’di na naman ako makatulog agad mamayang gabi kapag inisip ko kung ano na naman nagawa ko. ’Di ako functional masyado kapag kulang sa tulog.
“Saw what?” she innocently asked like she didn’t have her eyes almost at the back of her head.
“You rolling your eyes.”
She tried to roll her eyes again, but she stopped midway. Her face’s very expressive. Ano kaya itsura nito kapag nagrerecit? Sayang ’di kami classmates… pero ayoko rin na magkaklase kami. Ayoko na mapanood niya ako kapag ’di ako makasagot nang maayos. Kakahiya.
“Galit ka ba?” tanong niya. Kumunot ang noo ko. Ako? Iyong galit? “Kasi bigla kang nagwalkout nung isang gabi.”
Oh.
Dahil don?
’Di naman ako galit. Masakit lang iyong ulo ko saka bad trip sa recit saka— “Sinabihan mo akong sinungaling,” sabi ko na lang sa kanya. Medyo nainis din naman talaga ako doon. Para kasing ang big deal na crush niya si Rhys tapos pagkakalat ko pa. Saka alam naman ni Rhys ’yon dahil madaldal si Lui. Wala rin namang pakielam si Rhys. Alam ko na ’di siya type ni Rhys. ’Di pangit si Deanne, pero ’di lang talaga siya type ni Rhys. Alam naman ni Lui ’yon. Ginagago lang ako nun.
Pagdadasal ko talaga iyong panahon na makahanap ’yon ng katapat niya. Sana iyong papasakitin iyong ulo niya bilang ganti sa lahat ng sakit ng ulo na binigay niya sa amin.
Kumunot ang noo niya. “What?”
“I already told you—hindi ko sinabi kay Rhys,” I said. “I don’t appreciate being called a liar.”
Her lips parted. “So… galit ka nga?”
“No,” I replied. ’Di naman talaga ako galit. Iyon lang tapos magagalit agad ako? Sayang emotional bandwidth.
“Ano? Nag-iinarte ka lang?” she asked and I gave her a deadpanned look. She pressed her lips together. Bigla kong napansin iyong lipgloss niya. Iyon kaya ’yung may flavor—
Ano ba ’yan.
Nasa labas kami ng simbahan.
“I won’t tell him,” I told her para kumalma na siya at para mabaling sa iba iyong atensyon ko. Bakit ba ang pink ng labi niya? Pink ba talaga ’yan o dahil sa lipgloss? Parang ang sarap burahin gamit iyong—
Parang dapat sa library na lang ako mag-aral.
“Besides, I don’t think we would’ve even cared,” I continued to distract myself from my… thoughts.
“Kasi hindi niya ako type?” she asked.
“Hindi ko alam kung ano ang type niya,” I lied kahit alam ko naman. Wala namang sinabi si Rhys. But I’d seen the girls he’s looked at. There’s a pattern. Kahit kay Lui, alam ko kung ano itsura, at least physically, nung mga babaeng nagugustuhan niya.
“Weh.”
“At least not physically.”
“Baka chinita type niya.”
“Because of Cha?” I asked. May crush naman talaga si Rhys kay Cha. Maganda naman talaga si Cha, but I think it’s more of who she is as a person. Very determined, very driven. Iyon iyong gusto ni Rhys sa kanya—plus maganda na kasi talaga siya.
Umirap siya. “Maganda naman talaga ’yon,” sabi niya na parang nagdadabog. Gusto kong matawa kasi parang ang sama ng loob niya na sabihin na maganda si Cha. Oo nga pala. Nung nangumpisal siya sa akin, nagrant siya roon kung bakit ang ganda-ganda ni Cha. Maganda rin naman si Deanne. ’Di ko alam kung bakit ’di pwede na maganda silang dalawa?
Minsan ’di ko naiintindihan insecurities ng mga babae. O baka kulang lang ako sa pakikihalubilo sa kanila. Kasi last na naka-date ko, nung college pa. Nung law school, akala ko kaya ko isabay pero nahihirapan ako. Kapag kasi boyfriend ako, gusto kong maging maayos na boyfriend. Time consuming. So, I decided na ’wag na lang muna. Ayoko naman magka-girlfriend tapos wala akong kwentang boyfriend. Pangit nun.
“I don’t think Rhys likes her because of her face,” I told her instead.
“Kasi matalino?”
I shrugged. “Because she’s hard to reach,” I replied.
“Hard to reach?”
I nodded. “Guys like the chase,” sabi ko. “Crush si Cha ng halos lahat sa frat.”
Tumango na lang siya at hindi na nagsalita. Nilagay niya rin iyong earphones niya. May nagawa na naman ba akong masama? Tsk. Hirap namang kausap nito. Lagi na lang nauuwi sa pag-iisip ko kung may nagawa o nasabi na naman ako.
“Are you sure about that?” tanong ni Rhys habang naglalakad kami papunta sa cafeteria.
“About what?”
“Inviting her to the party.”
“Bastos naman kung hindi,” sabi ko. “Pinag-usapan natin sa harapan niya.”
“Okay… Mukha ka kasing galit.”
“Di ako galit.”
“Tignan mo sa salamin ’yung mukha mo.”
Tinignan ko sa screen ng phone ko iyong reflection ng mukha ko. Nakakunot nga iyong noo ko.
“Di ako galit,” I reiterated.
“Fine. Whatever.”
“Aattend ba sila Zach?”
“Obviously.”
“Tsk.”
“Just don’t let her get out of your sight.”
“Obviously.”
“You’ll be a babysitter,” sabi niya. “And you don’t mind.”
“Shut up,” I replied. “You sound like Lui.”
“I hear no denial.”
“Hearsay,” I said.
“Using the term wrong.”
“Wala pa akong evid subject.”
“I know. Just don’t use the term if you don’t know the meaning. You sound stupid,” he said. If he were another person, I’d be offended. But this is Rhys. Ganyan lang talaga siya magsalita. He means well. Saka ganyan lang naman ’yan kapag kami-kami lang. In front of other people, I know he has my back.
“So, ano’ng meaning?” I asked. Nagdiscuss lang siya sa akin hanggang sa makarating kami sa cafeteria. Gusto ko na rin ng iced coffee. Kasalanan ni Deanne ’to.
“San na si Zach?”
Lui shrugged. “Only the devil knows.”
“Wala bang balita na ’di siya pupunta?”
“Asa ka pa,” Lui replied. “He’s a full-time party boy, part-time law student.”
Pare-pareho kaming medyo bwisit kay Zach. Buti sana kung nag-aaral naman siya. Alam naman namin na ilag ilang professor sa kanya dahil sa tatay niya. Sometimes, he’d straight up say random shit during recit pero maayos pa rin ang grades niya. Other times, he’d skip classes tapos hindi mina-markahan ng absent iyong class card niya.
Sarap niyang sakalin minsan.
Kasi ’di lang naman siya iyong anak ng taong may posisyon pero siya lang iyong makapal iyong mukha na hindi nag-aaral. Si Maven nga mas mataas naman pamilya niya, pero wala kang masasabi kasi acads wise, nag-aaral talaga.
“Where are you going?” Lui asked.
“Sa baba.”
“Why?” he asked confused.
“Basta,” sabi ko tapos dumiretso ako sa may elevator at bumaba. Nasa rooftop kasi iyong party. May jacuzzi din doon. Ewan ko kung sino maliligo, pero wala akong balak tumapak man lang don. Kinikilabutan ako kapag iniisip ko pa lang kung gaano na kadumi iyong tubig don dahil sa mga kagaguhan ng mga tao dito.
Pagbaba ko, nakita ko iyong mga neo. I told them to just ignore me. Tumayo lang ako doon sa isang gilid. Buti na lang dala ko iyong beer ko kaya ’di naman ako masyadong mukhang tanga na nakatayo doon.
Kanina pa ako patingin-tingin sa phone ko. Gusto ko siyang itext at itanong kung pupunta pa ba siya kaso…
Makapaghintay na nga lang dito.
Oh, wow.
I told myself na umayos nang makita ko si Deanne na bumaba mula sa isang sasakyan. She looked different. Why the heck was I acting like this dahil lang naka-off shoulders siya? Sa balikat lang nagkaka-ganito na ako?
“Deanne,” I said, calling her attention para mabaling na naman sa iba ang atensyon ko. I felt like a creep dahil sa mga naiisip ko.
Para siyang nagulat nang makita ako. Why? Did she expect na si Rhys ang sasalubong—
Never mind.
Bakit ba ako mismo sumisira ng gabi ko?
“U-uy…” she said.
“Didn’t think you’d come,” I casually replied.
“Bakit mo pa ako ininvite kung sa tingin mo hindi ako pupunta?”
I shrugged. Act cool. “Bastos naman kung hindi—katabi ka namin nung nag-uusap kami tungkol dito.”
“Hindi naman ako ganoon ka-assumera na iisipin ko na iiinvite niyo ako dahil lang narinig ko iyong sa party,” sabi niya sa akin. Patingin-tingin siya sa paligid.
I usually liked how expressive her face is. Ang dali niya basahin… pero ngayon na kitang-kita ko kung gaano siya nag-e-enjoy lalo na nung dumating iyong mga tiga-Brent? Parang mas maganda na pokerface na lang siya.
Tss. Gwapo naman talaga sila pero ’di naman ako panget.
“Bakit ka pala nandito sa labas?” she asked habang iyong mga mata niya ay sinusundan iyong bawat paggalaw nila Vito, Niko, at Sancho. Bakit ba nandito ’yong tatlong ’yon? Sino kaya nag-imbita sa mga ’yon?
“Getting some air,” I simply said.
“Di ba sa rooftop iyong party?” she asked, looking confused.
Buti na lang ’di ako umiinom dahil baka mabulunan ako sa tanong niya. I ignored her question and said, “Let’s go.” Hindi niya naman kailangang malaman na bumaba talaga ako dito para hintayin siya dahil sigurado ako na kapag iniwan ko siyang mag-isa dito, may kung sino na lalapit sa kanya.
I’m a member of this frat but I don’t trust these people—not even for a second.
Tahimik lang siya habang nasa elevator kami, pero bago magsara iyon ay may biglang pumasok na apat na lalaki. They all reeked of beer. May biglang bumunggo kay Deanne. Gusto ko sanang sabihin na umayos sila kaso—
Fuck.
Ang lapit niya masyado.
I didn’t know how it was possible, but it was like I could smell… or probably taste her lip gloss. It’s probably watermelon flavored or scented.
Quickly, I shook my head to admonish myself.
I didn’t need any distraction right now—we’re literally surrounded by drunk fratmen. I needed to be focused. Lalo na at nandito na raw si Zach.
“Sorry,” she said. I just gave her a small nod. “Hala, sorry,” she continued. Kumunot ang noo ko. Bakit ba laging nagsosorry ’to? Tapos hindi ko naman alam context kung bakit siya nagsosorry. Pati ako nalilito.
“What—”
But all words escaped my mind when I felt her hand on my chest.
Fuck it, Samuel! Now’s not the time to be distracted.
“Uhm… wala akong wipes, sorry,” she said while I was busy begging my brain to stop thinking about her lips, her lipgloss, her hands, her touching me.
Hindi ba pwedeng sa school na lang ako magdaydream? Pagdating ata sa babaeng ’to, walang pinipiling lugar iyong utak ko. Kung saan-saan, e.
“It’s fine,” I said because it wasn’t really that big of a deal. Besides, hindi naman niya kasalanan.
“May CR ba rito?” she asked.
“Of course.”
“Ano’ng floor?”
“This floor and the third floor,” I replied and then she clicked on the number three button.
Pagdating namin sa third floor, lumabas si Deanne. She looked cute. She looked like a girl on a mission dahil sa sobrang seryoso ng mukha. Nakasunod lang ako sa kanya hanggang sa huminto siya sa harap ng CR. She got in, got out, and then urged me to get inside.
“It’s fine,” I repeated. T-shirt lang naman ’to. Besides, everyone’s probably already drunk. I doubted if anyone would notice the small stain on my shirt.
Saka… kami lang tao dito sa floor.
’Di naman sa may gagawin akong masama o kung anuman pero…
Ah, basta.
“Bilis na,” she said. Bahagyang nakakunot iyong noo niya. Parang anumang oras ay hahatakin niya ako mula sa tenga ko. I could definitely see her doing that. She’s bit bossy. She never really bossed me around, but I could definitely see that side of her.
One day.
Maybe.
“Uhm… paano ba ’to,” she said while trying to wash my shirt over the faucet. Para siyang bata na ’di alam ang gagawin. “Yuko ka tapos hugasan natin ’yang damit mo,” dugtong niya. “May blower naman so mapapa-tuyo natin.”
“I told you, it’s fine—”
“Bilis na kasi.”
See? The bossy side.
“Fine,” I replied. Although it was fun to annoy her, I figured that this was not the place. It’s dark and we’re the only people here—not to mention I had a few sips of alcohol. I was not about to make an idiotic decision.
I tried to follow Deanne’s instructions pero parang kahit siya ay hindi alam ang gagawin. Gusto niya akong yumuko doon sa may ilalim ng faucet. It was not possible. Masyado akong matangkad para gawin iyong gusto niyang mangyari.
“Hindi nga kaya,” I said.
“Baba ka pa.”
“Deanne—”
“Wag ka kasing gumalaw,” she said, cutting me off. Napatingin ako sa kanya. Her nostrils were slightly flared. Why the heck was that so cute?
Fine, whatever.
“Sandali nga,” sabi ko saka sinubukan ulit na gawin iyong gusto niyang mangyari. Pakiramdam ko ay mananakit iyong likod ko dahil ang tagal niya sa ginagawa niya. Kapag sinusubukan kong tumayo dahil nangangawit na ako, bigla niya akong hahatakin ulit pababa. Ang bigat ng kamay niya. Note to self na ’wag ko siyang gagalitin dahil baka humiwalay iyong kaluluwa ko sa katawan ko kapag nasampal niya ako.
“Matatapos na,” she said for the fifth time.
“Nahihirapan ako,” sabi ko saka tumayo na. Tinanggal ko iyong damit ko saka inabot sa kanya. Nahihirapan na talaga ako sa posisyon ko. Bakit ba niya naisip ’to? At ang mas mahalaga, paano niya ako napapayag?
The lights were very dim that it was almost dark pero kitang-kita ko iyong pamumula ng mukha ni Deanne. Ilang beses ko na siyang muntik na tuksuhin pero pinipigilan ko lagi iyong sarili ko. I even stopped myself from saying anything when there was this one time that her touch lingered a bit.
I wanted to think that it was all in my head.
That… yeah, fine, whatever, I have this little crush on her.
But whenever she’d do things like this? Blush when we’re talking? Her touch lingering? Her eyes following my every move?
It’s not all in my head.
Could’t be.
“Eight,” biglang kong sabi.
“Ha?” she replied. Para siyang biglang nagising sa pagkakatulog. Kanina ko pa nararamdaman iyong pattern na tine-trace niya sa may likuran ko. I didn’t know if she’s just that… bold to do it o talagang nawala na lang sa isip niya na nandito rin ako.
She’s more confusing than my miderm exams.
“You’re counting the moles on my back, right?” I said. I saw how her eyes widened and her lips parted. Mabilis siyang napaatras sa akin na para bang may nakakahawa akong sakit.
We spent the entire night with her denying that she was staring at my back. I could’ve backed down and let her have her way… but where’s the fun in that?
“Someone’s asking around about Deanne.”
Agad na kumunot ang noo ko. “Sino?”
Lui shrugged. “Someone from Brent.”
“Sino?”
Humalakhak siya. “Why so curious?”
“Sino nga?” I asked again, for the third time. I didn’t know if Lui was just messing around—most probably, he was, but I couldn’t risk it. I was not the biggest fan of the people from Brent. Hindi rin naman ako fan ng mga tao mula sa frat namin.
I shouldn’t have invited her.
Now, she’s in the radar of the assholes.
“What?” Rhys asked.
“What?” I replied back.
“Ang sama ng tingin mo sa akin.”
Ano ba ’yan. Wala na rin yata akong control sa facial expression ko kapag naiisip ko si Deanne.
Mayroon kaming klase mamaya. Wala naman ako sa deck, pero gusto ko pa ring mag-aral. Based on past experience, kung hindi ko aaralin dahil lang wala ako deck, ako rin ang mahihirapan kapag exams period na. Masyadong maraming backlog. Saka nakakahiya. Pinaguusapan pa naman sa frat kung sino iyong pinaka-mababa sa amin sa ranking.
“Sino nga?” I asked Lui instead.
Lui shrugged. “Don’t know. Gutso niyo ba tanungin ko kung sino?”
“Yes.”
Humalakhak na naman siya. He looked very pleased with himself. “Kung malaman natin kung sino, ano ang gagawin mo?”
I didn’t answer and instead focused my attention on my book. Saka ko na iisipin kung ano ang gagawin ko kapag nalaman ko na kung sino iyong nagtatanong tungkol kay Deanne.
Tsk.
Katabi pa naman namin iyong Brent…
“Tanungin mo na.”
Sobrang lakas ng tawa ni Lui na napagalitan kami sa library. Dito kasi kami sa may library nag-aral para hindi kami guluhin ni Lui. Pero kahit na ganoon, nakahanap pa rin si Lui ng paraan para guluhin ako. Iba din talaga siya.
“Mahal mo na?”
“Fuck you,” sagot ko.
“Aww. Reserve mo na ’yan kay Deanne.”
Bakit ko nga ba kinakausap ang isang ’to?
Dahil kilala ko na si Lui, hindi ko sigurado kung seryoso ba siya sa sinasabi niya o pinagttripan niya lang ako… but I’d like to err on the side of caution. Mahirap na.
Halos mabitawan ko iyong cellphone ko nang biglang lumabas doon iyong pangalan ni Deanne.
Grabe… ganoon ko na ba siya iniisip para bigla siyang magtext sa akin?
‘Samuel.’
Naka-ilang type bura tapos type ulit ako. Ano ba ang isasagot ko dito e sinabi niya lang naman ang pangalan ko?
‘Deanne,’ sagot ko. I mean… tama naman ata? Sinabi niya pangalan ko. Sinabi ko rin pangalan niya. Saka hindi ko alam kung ano ang kailangan niya sa akin kaya nagtext siya. Anong oras na rin kaya.
Bahagyang naka-kunot iyong noo ko habang nakatingin sa type bubble. Ano ba kailangan niya sa akin? Kanina pa siya nagtatype. Parang nobela na ata ang isesend niya sa akin.
Tsk.
Tagal naman nito magtype.
Bakit din hindi ako makabalik sa pagbabasa tapos basahin ko na lang kapag nagreply siya? Bakit kailangan nakaabang ako?
‘May digest ka ba sa Consti?’
Hindi ko alam kung bakit disappointed ako na sa haba ng tinype niya e digest ko pala hanap niya. Sabagay… pwede na rin kaysa wala. Kaysa naman si Rhys na naman itanong niya sa akin. Kaibigan ko si Rhys pero kung laging itatanong ni Deanne sa akin si Rhys, baka ma-badtrip ako kay Rhys kahit wala namang ginagawa sa akin iyong tao.
I didn’t know what had gotten into me. Gabing-gabi na at inaantok na rin ako. It had been a long day—made longer by Lui and his antics. Pero nung narinig ko na nasa kabilang building lang si Deanne, para bang kusang nagtype iyong mga daliri ko at vinolunteer ko iyong sarili ko para makipagkita sa kanya.
Matagal ko ng tanong kung ano ba ang silbi ng digest sa buhay ko—ngayon ko lang nalaman ang sagot.
Nakailang palit ako ng damit bago ako bumaba. Sumakit iyong ulo ko nung makita ko iyong mga damit na nagkalat sa ibabaw ng kama ko. Gusto ko sana na tiklupin muna at ayusin kaya lang naghihintay na ata si Deanne don sa lobby.
“Mamaya na kita aayusin,” sabi ko roon sa mga damit bago ako lumabas ng unit ko.
Sa sobrang pagmamadali ko ay naiwanan ko pa iyong digest na hinihiram ni Deanne kaya bumalik pa ulit ako sa unit. Pagbalik ko sa elevator, tinignan ko muna iyong reflection ko sa salamin. Pinunasan ko iyong kaunting pawis kasi tumakbo ako pabalik sa condo tapos sinuklay ko rin iyong buhok ko gamit iyong daliri ko.
‘Wag kang titingin,’ sabi ko sa sarili ko dahil medyo malayo pa ako ay nakita ko na naka-tingin sa akin si Deanne. Nagpanggap ako na hindi ko siya nakikita.
Kalma ka lang, Samu.
“Di ko lang alam kung pareho pa rin ’yung cases,” kalmadong sabi ko nang iabot ko sa kanya iyong digest. Maganda naman ata iyong sulat ko don… Ano nga ba itsura ng sulat ko don? Tsk! Sa kakamadali ko, ni hindi ko na natignan kung hindi ba ka-hiya-hiya iyong digest ko.
“Thank you dito,” sabi niya.
“No problem,” I replied, shrugging na akala mo hindi ako tumakbo sa hagdan sa fire exit pabalik sa condo kasi lahat nung elevator malayo pa.
“Study break mo talaga?” I nodded kahit ’di naman talaga ako nag-aaral nung nagtext siya. “Ano’ng inaaral mo?”
I tried to answer all her questions. Hindi ko alam kung bakit parang biglang hindi ko alam ang sasabihin ko. Gusto kong itanong sa kanya kung may tiga-Brent ba na nagmessage sa kanya. Kasalanan ni Lui ’to. Nananahimik ako, e.
“Bibili kang fishball?” bigla niyang tanong.
“Wala akong dalang pera,” sabi ko. Sa sobrang pagmamadali ko, pati wallet ko naiwan ko. Pagdating sa babaeng ’to, nawawala iyong pagiging organized ko. “Dadalhin ko lang dapat sa ’yo ’yan.”
“Libre ko,” sabi niya. “As thanks for this.”
“Wag na,” sagot ko. Nakakahiya magpa-libre.
“I insist.”
Tumingin ako sa kanya. “Okay,” sagot ko. “Libre na lang kita next time para fair.”
Nasobrahan na ata ako sa kape kasi naririnig ko na iyong tibok ng puso ko habang naghihintay ako sa sagot niya.
“Okay,” sabi niya.
That was a nerve-wracking five seconds.
I used to think that I am a logical person—I mean, I kinda have to be. I have a very religious mother and I have to be logical dahil kung hindi, mababaliw ako sa kanya. Even so, I always have to bite my tongue. She’s my mother. She’ll always have my respect kahit minsan, hindi ko talaga siya maintindihan.
“Are you being serious?”
Tumingin ako kay Rhys na nakakunot ang noo. Kanina niya pa ako kinakausap. Nakita ko sila ni Deanne na magkatabing nag-aaral sa library. It was nothing. I knew it was nothing. But my stupid brain wasn’t comprehending it.
“Mukha kang tanga,” sabi niya.
“Mas mukha kang tanga,” sagot ko. “Sinabi na ngang wala namang problema.”
“Kaya nga,” sabi niya.
“Oh, okay naman pala,” sagot ko.
“Whatever.”
“Whatever din,” sabi ko.
“She’s not even my type.”
“Sinasabi mo ba na pangit si Deanne?”
“What the hell?” Rhys replied. “San nanggaling ’yan?”
Sabay kaming napatingin kay Lui nang tumawa siya. Umiling siya sa amin habang tumatawa pa. “Don’t mind me—ganito pala pakinggan kapag parang bata na nag-aaway.”
Sinamaan namin siya ng tingin. Minsan iniisip ko kung bakit nasa SCA si Lui. Parang mas bagay siya sa kapitbahay namin. Nandoon mga ka-uri niya. Nandito lang ata siya para maghasik ng lagim.
Tumingin ako kay Rhys. “We’re cool,” sabi ko sa kanya para matapos na ’to dahil parang tanga lang talaga.
“Good,” sagot ni Rhys tapos ay bumalik na kami sa pag-aaral.
The next few days were fine—just normal school days. Kagaya lang nung wala pa si Deanne. I actually prefer having her in my life. Mas gusto ko na siya iyong iniisip ko kaysa iyong sa frat namin.
“Aattend ka ba?” Lui asked.
“Required,” I replied.
“I know but… boring,” he said.
“Hindi naman ’yong concert na kailangang mag-enjoy ka.”
“Bakit ba kasi kailangan pa na nandon ’yon? Props?” he asked again, pertaining to Maven. He’s basically untouchable. He’s pledging to be a part of the fraternity pero wala naman siyang ginagawa talaga. Pangalan lang.
Mamaya na kasi iyong ini para sa first wave ng neophytes. We needed to be there since we’re second year students. Mga fourth year lang naman iyong pwedeng mag-skip sa mga required events kasi marami silang inaaral. For everybody else, we’re required to attend.
“Pwede naman daw siyang sigawan,” pampalubag-loob na sabi ko kay Lui.
He scoffed. “Yeah, right. As if may maninigaw don.”
I shrugged. “Gamit kang voice-changer,” I said in a kidding manner pero mukhang sineryoso ni Lui kasi habang magkasama kami, naghahanap lang siya ng apps na pwedeng maging voice changer. Wala kasi sa amin na gustong sigawan si Maven o kaya utusan.
Personally, wala naman akong problema kay Maven. He’s minding his own business. Pupunta lang dito sa school para mag-aral. Mapapansin mo lang talaga siya dahil may mga guards na naka-sunod sa kanya. Other than that, he’s living in his own world. Pamilya niya lang naman ata ang may gusto na sumali siya sa frat.
Habang naglalakad kami ni Lui at nag-iisip siya ng paraan para pahirapan si Maven sa ini ng hindi nalalaman ni Maven na siya ’yon (which was weird dahil naka-blind fold naman si Maven), nakita namin bigla si Rhys at Deanne na magkasama.
“Contain yourself,” Lui said, pretending that he was stopping me from going berserk.
“Will you shut the fuck up for once?” I said but that only made him laugh harder.
Lumapit kami sa kanilang dalawa. Rhys was looking at me with his forehead creased. I just shrugged at him. We’re good. We’re fine. Rhys already told me that there’s nothing to worry about.
I was good.
Very good.
Whatever.
Kaya hindi ko maintindihan kung bakit text nang text sa akin si Deanne. Wala akong problema kay Rhys dahil sinabi niya na sa akin na hindi niya gusto si Deanne.
But Deanne?
Couldn’t understand her.
Sometimes, I think that she might like me… but then she’d do things that would make me wonder kung sino ba talaga ang gusto niya.
She’s confusing.
I didn’t really know what to do with her… even though alam ko naman na wala akong karapatan sa kanya.
I wanted to ask Rhys about this, but he’s not really the type of person to talk about things like this. Kapag si Lui naman, hindi ako sigurado kung baka puro kagaguhan lang ang sabihin sa akin. Hindi ko rin naman talaga kaibigan iyong iba sa frat. I mean they’re fine… but I would not consider them as friends.
“May itatanong ako,” sabi ko kay Lui dahil wala naman na akong choice. Iyong kaibigan ko rin outside school, sa sobrang busy sa school at sa frat, hindi ko na rin sila masyadong nakakausap. Ang weird naman kung bigla akong magmemessage tungkol dito.
“Hindi pa ako nakaka-aral,” sagot niya.
“Di acads,” sabi ko. “Saka ’di ako sa ’yo magtatanong tungkol sa acads.”
He raise his middle finger at me. “Fuck you. Okay naman grades ko,” sabi niya. “But what’s your question?”
“Ano’ng gagawin ko?” I asked. Bahagyang kumunot iyong noo niya, but it was like he had sixth sense kasi bigla alam niya na kung ano iyong tinutukoy ko. Then, he shrugged. “Just enjoy the ride.”
“The ride is stressful.”
“You mean fun?”
“No, stressful.”
Bahagya siyang natawa. “Part of the fun,” sabi niya. “Don’t overthink it. Don ka lang sa masaya.”
“Tss. Bakit nga ba ako sa ’yo nagtanong?”
Tumawa pa rin siya. “What? I’m an advocate of happiness!”
“Dami mo kasing babae.”
“Hindi ko sila babae,” natatawang sagot niya. “Law school is stressful as fuck. Masama ba kung gusto ko lang sumaya?”
“Kaya ka banned sa parties ng Q, e,” I said, pertaining to one sorority na dinate niya iyong limang members tapos biglang nalaman nila iyon and apparently, nagkaroon ng gulo internally. Naayos naman nila but that resulted to Lui being banned. In his defense, hindi naman sabay-sabay iyong mga babae daw.
Ewan ko sa tao na ’to.
He shrugged. “Their loss. Masaya kaya ako kasama sa party,” he said and I just shook my head in disapproval kahit tama naman siya. “Anyway… just enjoy whatever it is. Just let things be and see where it will go.”
“Minsan pahamak ’yang let things be mo.”
He shrugged. “It is what it is.”
Against all logic, sinunod ko iyong sinabi ni Lui. I just… let things be. I spent time with Deanne—not me forcing anything pero dahil nagkaka-salubong lang din talaga kami. Hindi naman ako nagrereklamo pero parang ang hirap nung sinabi ni Lui na hayaan ko lang.
Hindi ko pala kaya iyong ganon.
Hindi ko alam kung paano nagagawa ni Lui ’yon… na nilalandi mo kahit wala ka namang balak gawing girlfriend iyong babae. Lui has a lot of time to spare. Parang sayang lang sa oras lumandi ng babae na wala naman talaga akong pakielam.
“So… how’s life?” Lui asked.
“Pwedeng mamaya na?” sagot ko sa kanya.
Nasa second wave na kami ng initiation. May quiz at ondeck ako sa mga recitation sa Monday pero kailangan nandito ako. Marami kasing pupunta na alumni. Kailangan kong magbantay saka siguraduhin na hindi sila malalasing.
Kung ako lang ang masusunod, tatanggalin ko na ’tong initiation na ’to. Wala siyang sense para sa akin. Bakit dito kailangang patunayan iyong loyalty mo sa brotherhood? Pagkatapos kang gawing joke at paluin, biglang pagkatapos ng ini, brothers na?
Sino ba nagpasimuno nito?
May anger management issues siguro at gusto lang ng paglalabasan ng aggression niya.
“Focus ka d’yan kay Cinco,” sabi ko kay Lui. May hika kasi ’yon. Delikado baka kung ano mangyari.
“Roger,” sagot ni Lui.
The rest of the night, hindi kami nakatulog o naka-pahinga man lang. Iyong isang alum namin na president ng isang sikat na firm, ewan ko kung ano ang pinagdadaanan niya pero mali naman talaga na sobra na iyong ginagawa niya sa neo.
“Finally,” sabi ko nung sinabi sa akin na nasa isang kwarto na raw at natutulog.
“You’re welcome,” sabi ni Lui sa akin. Tumingin ako sa kanya na naka-kunot ang noo. “Made them sleep bago kung ano pa ang nangyari.”
Napaawang ang labi ko. Minsan… minsan nalilimutan ko talaga na galing sa medical field si Lui at nasa medical field ang buong pamilya niya. Pero buti na lang din wala siya roon. Parang ’di ko kayang ipagkatiwala sa kanya ang buhay ko. Gago kasi ’to.
Pagkatapos nung initiation, for some reason ay nag-aya pa sila na magclub kami. I badly wanted to say no, pero hindi kami makatanggi. Kahit si Rhys na uwing-uwi na ay nasama din sa club.
“Pahiram naman,” sabi ko kay Rhys.
“Unhygienic. Also, no,” he replied and went back to studying.
Sobrang ingay dito! May quiz ako sa Monday pero nandito ako imbes na nag-aaral. May mga alumni kasi. Ang hirap tumanggi talaga sa kanila.
Against all odds, I tried my best shot at studying. Naka-focus iyong mga mata ko sa iPad kahit na hilung-hilo na ako.
“Samu!” malakas na tawag sa akin ni Lui na kahit maingay dito ay napatingin pa rin ako sa kanya.
“What?” I asked.
“Look,” sabi niya at saka pinakita sa akin iyong phone niya. Kumunot iyong noo ko dahil hindi agad nakapag-adjust iyong mata ko dahil sa ilaw dito.
“Whatever,” I said as I tried to ignore him and got back to studying. Kahit na sa iPad ako nakatingin, ramdam ko na nakatingin sa akin si Lui habang naka-ngisi.
“Gusto mong tignan iyong phone mo, noh?”
“Shut up.”
“Rhys, check your phone,” biglang sabi niya. Tumingin si Rhys sa kanya na nakakunot ang noo. “Check if Deanne followed you.”
Napatingin sa akin si Rhys. I rolled my eyes. Tinignan ni Rhys iyong phone niya. I looked at him. He gave me a small nod.
Finollow niya rin si Rhys?
“Check mo nga,” Lui said.
“No.”
“Bilis na. Don’t be KJ.”
“May quiz ako sa Monday.”
“So? May quiz din ako,” he replied.
“Mag-aral ka.”
“Not here,” he said. “Sayang effort. My mind’s conditioned to enjoy when I’m in a club,” he continued. “Check mo lang naman notif mo sa IG.”
Half of me wanted to check… but the other half didn’t want to. Siya na mismo ang nagsabi na enjoyin ko lang kung anuman ’to. I had been doing exactly that. Ilang beses na kaming magkasama ni Deanne. At sa ilang beses na iyon, lagi kong sinasabi sa sarili ko na ’wag masyadong isipin.
Just… let things be.
Pero ang hirap!
Paano nga kaya talaga nagagawa ni Lui ’to? Kasi kahit si Rhys, loyal lang sa pagkaka-crush niya kay Cha all throughout law school. Ang hirap mag multi-task pagdating sa maraming babae.
“Stop,” I said when Rhys tried to include me in the video that he was taking. Tawa lang siya nang tawa. Tumingin ako sa paligid. Nandito pa ba iyong mga alumni? Kasi kung wala na sila, uuwi na rin ako.
“Nerds,” he replied nang hindi siya pansinin ni Rhys. “Say hi, “ sabi niya nang itapat na naman niya sa akin iyong phone niya. Tumingin lang ako sa camera at hindi nagsalita. “KJ.”
“San ka punta?” Rhys asked nang tumayo ako.
“Uuwi na ako.”
“Nandito pa sila,” he said.
“I know,” I replied as I grabbed my things and headed out. Masakit naman na talaga iyong ulo ko kaya nagsabi ako sa kanila na sobrang sama ng pakiramdam ko. ’Di ko na pinakinggan nung pinilit nila ako na magstay pa.
Habang nasa sasakyan ako, kanina pa ako patingin-tingin sa phone ko.
“Whatever,” I said to myself when I saw that there was no follow request from her. Tss. Itulog ko na nga lang ’to.
Pagdating ko sa condo, nakatulog agad ako. Paggising ko, sobrang sakit ng ulo ko. Pinilit ko iyong sarili kong lumabas dahil alam ko na kapag nagstay lang ako dito, walang mangyayari sa akin.
I was wearing a pair of sunglasses dahil sumasakit iyong ulo ko sa sinag ng araw. I grabbed myself a cup of coffee tapos ay didiretso sana ako sa library dahil alam ko na doon tahimik.
Diretso lang akong naglalakad nang makita ko si Deanne. I didn’t want to ignor her, but my head was basically killing me and I still needed to study. Balak ko sana na magpanggap na ’di ko siya napansin dahil naka-sunglass naman ako. Alam ko mukha akong tanga pero mas mahalaga iyong sakit ng ulo ko.
“Good morning?” sabi niya nang magkalapit na kami.
“Morning,” I replied since hindi naman ako bastos na hindi siya papansinin.
“2PM na,” she pointed out.
“I know…” sabi replied and then yawned. God, I was still so sleepy!
“Ano’ng oras ka natulog?” she asked. I looked at her. Hindi ko alam kung inaantok lang ba ako o ano… but was she making small talk?
“Grabe. Masakit ulo mo?” she asked. See? Another small talk.
“Medyo,” I replied.
“Inom kang maraming tubig,” she said.
I looked at her.
She’s making small talk!
Mas okay ’to kaysa sa follow request—pero maganda rin kung ifofollow niya ako.
“Thanks,” I said with a small smile.
Akala ko ay nabawasan na iyong sakit ng ulo ko pero bumalik na naman iyon ng doble pa nang marinig ko iyong boses ni Lui.
“Hey, Deanne,” he said. Hindi talaga tinatablan ’to ng hangover. Sundin ko na nga iyong sinasabi niya na Vitamin B bago uminom. Mukhang effective naman dahil madalas siyang pumasok sa klase ng galing inuman. Ironic because he’s from a family of doctors pero parang patay na iyong kidney niya sa dami ng iniinom niya. “Thanks for following me in IG,” he continued.
This ass wouldn’t let me have a moment of peace.
“Uh… thanks din sa pagfollowback,” Deanne said.
“Finollow mo rin si Rhys?” Lui asked kahit alam naman niya na nagfollow din si Deanne kay Rhys. Nakatingin ako kay Deanne. Sobrang daling basahin ng mukha niya. Halata na nagpapanic na iyong itsura niya. Ang gago naman kasi nitong si Lui.
“Uh… oo, paano mo nalaman?”
Lui shrugged. “Nagpop-up lang sa notif niya.”
Lui’s life is fairly exciting kaya hindi ko alam kung bakit lagi niya kaming pinagttripan ni Rhys. Kitang-kita ko iyong panic at discomfort sa mukha ni Deanne. Malapit ko ng sakalin si Lui. Pasalamat siya dahil nakita niya si Niko doon sa may malapit sa gate ng Brent. Buti na lang at iyon na lang ang guguluhin niya.
Napatingin ako kay Deanne. Her eyes were following Niko.
Great.
Rhys tapos ngayon si Niko naman. Dami namang crush ng babaeng ’to. Tapos ako, siya lang ang gusto ko?
Marami pa akong gagawin kaya nagsimula na akong maglakad papasok sa school. Naramdaman ko na naka-sunod siya sa akin.
“Ifa-follow din kita!” she said while trying to walk beside me. “Naubusan ako ng data kagabi.”
“Really,” I replied while my lips were pressed in a thin line.
Tumango siya. “Ano’ng username mo?” she asked, iniiba ang usapan, “ holysamuel ganoon ba?“ she continued. I knew she wasn’t being completely honest. Halata sa mukha niya. If she followed Lui and Rhys, malamang nakita niya rin ako sa suggested accounts…
Ano kaya ang plano ng isang ’to?
“It’s fine—ayaw mo akong ifollow sa IG,” sabi ko.
It wasn’t that big of a deal.
Medyo lang—kasi pinapamukha sa akin ni Lui na ako lang hindi finollow.
“Sino ba naman ako para ifollow mo?” I continued. Halatang-halata na iyong guilt sa mukha niya. Pakiramdam ko ang sama ko dahil kinokonsensya ko siya pero ang cute niya kasi tignan.
“Luh siya…” sabi niya. “Ifa-follow na nga.”
“Why? Walang picture si Rhys sa profile ko,” I said, continuing what I was doing.
“Ano’ng picture ba nasa profile mo?” she asked. “Controversial ba ’yan?”
“Basta walang picture ni Rhys,” I replied.
“Sayang naman,” she said kaya bahagyang napakunot ang noo ko. I saw that she typed my name. Unang lumabas sa results. Ibig sabihin ba non… na-search niya na iyong pangalan ko dati? Ganon ba ’yon? Check ko nga mamaya kung paano gumagana iyong search engine ng Instagram. “Ito na, okay? Ifa-follow ka na.”
“Salamat na rin,” I said.
She rolled her eyes. Kapag ibang babae iyong umiirap, naaartehan ako. Kapag si Deanne, ang cute lang tignan.
Parang ’di na uubra iyong sinasabi ni Lui na ‘just let things be.’
Yeah, I couldn’t do it.
Hindi ako iyong tipo ng tao na nagffree-style pagdating sa babae.
Alongside with studying and doing my duties sa frat, iniisip ko na rin kung paano ko kakausapin si Deanne. I just needed to do it. I just needed to know that she likes me as well and that she’s mine at walang Rhys o Niko o kung sino pa man sa eksena.
But then…
“Blind date!” tawang-tawa na sabi ni Lui sa akin pagkatapos naming makausap si Deanne at sinabi niya na may blind date siya.
“Shut up,” I said.
“Iñigo!” pagtawag ni Lui sa kanya. Agad na lumapit sa amin si Iñigo. Ramdam ko na ayaw niyang lumapit kasi katabi rin namin si Rhys. I really didn’t know what happened exactly sa dalawang ’to, pero alam ko na hindi sila okay. Hindi rin ako interesado malaman. Kung gusto sabihin ni Rhys, sasabihin niya naman.
Nakatayo lang si Iñigo sa harap namin. Member naman na siya pero hindi pa rin siya kumportable. Ganyan din naman ako sa mga higher years. Ewan ko. Ganon talaga siguro.
“Blockmate mo si Deanne, ’di ba?” Tumango siya. “Kaibigan mo?”
Tumango ulit siya. “Kilala mo sino ka-blind date niya?” tanong ulit ni Lui sa kanya. Kita ko na napatingin sa akin si Iñigo. Napakunot ang noo ko.
Umiling si Iñigo. “Hindi ko kilala,” he replied.
May itatanong pa sana si Lui but I stopped him. Curious din naman ako kung sino… pero ayokong malaman. It’s not my business. Ang business ko lang ay sabihin kay Deanne na gusto ko siya. After that, it’s up to her.
After a while, lumabas na si Lui para manigarilyo. Si Rhys naman ay may kukuning libro sa library. Lumabas na rin ako kasi nagugutom ako. Nakasalubong ko bigla si Iñigo.
“What?” tanong ko dahil nakita ko na nakatingin siya sa akin.
Nakatingin lang din siya sa akin na para bang nag-aalangan siya na sabihin kung anuman ang gusto niyang sabihin.
“She’s a nice girl,” biglang sabi ni Iñigo.
Kumunot ang noo ko. “Yes, and so?” tanong ko dahil alam ko naman ’yon.
“Gusto mong maging president, ’di ba?” tanong niya. Bahagyang napaawang ang labi ko. Paano niya nalaman ’yon? Narinig niya ba kami nila Rhys na magkausap? “Alam mo naman na magulo sa frat.”
“Nakausap na namin iyong kabila sa nangyari sa ’yo,” sabi ko. Malaking gulo internally iyong nangyari sa kanya. Kahit hindi sinabi ni Iñigo sa amin, may mga nakakita pa rin. Sinabi niya na ayos lang naman siya, pero hindi kasi iyon ’yon. He’s a part of the fraternity. Kapag ginawan siya ng masama, ginawan din kaming lahat ng masama—lalo na iyong mga alumni. Minsan, pride na lang ang labanan.
He nodded. “Alam ko pero—” he said and then stopped. “Wag mo na lang siyang idamay dito. Alam mo naman na magulo,” he continued before walking away.
Naiwan akong nakatayo lang doon. Okay naman pala si Iñigo… Bakit kaya hindi sila okay ni Rhys?
Nandon ako sa kabilang dulo buong outreach dahil ayokong katabi si Lui. Alam ko na kukulitin niya lang ako tungkol sa blind date ni Deanne. Mas mabuti na ang lumayo ako sa sakit ng ulo.
Tama naman si Iñigo… Hindi deserve ni Deanne madamay sa gulo ng frat. Pero—
Bakit ba iniisip ko na agad ’yon e wala pa naman?
“Dinner?” Rhys asked.
Umiling ako. “Pass,” I replied as I quickly gathered my things para makalabas na agad ako. Nandyan naman iyong mga neo para mag-ayos ng mga gamit. Kaya na nila ’yan. Nung neo ako, ako rin naman gumagawa niya.
Nagpanggap ako na hindi ko narinig si Lui at diretso lang ako hanggang sa makarating ako sa sasakyan ko. Nagdrive ako pabalik sa condo. Nung naka-park na ako, naupo muna ako sa sasakyan.
“Dito rin naman ako naka-tira,” sabi ko sa sarili ko.
Ilang beses naman na kaming nagka-salubong ni Deanne. Hindi ko alam kung bakit inooverthink ko ’to. Siguro dahil ngayon, hindi naman aksident na nagkasalubong kami.
Bahala na nga.
Gusto ko lang naman malaman kung ano nangyari sa date niya—kung dapat na ba akong kabahan.
Naka-tatlong balik na ako sa entrance ng condo nung finally ay naka-salubong ko na si Deanne. Na-weirduhan na sa akin iyong guard dahil pabalik-balik ako.
“Uy!” sabi ni Deanne nang makita niya ako. Masaya ba siya? Pangit siguro iyong date kasi bakit masaya siya na nakita niya ako? Baka na-realize niya na ayaw niya sa ibang lalaki dahil ako iyong gusto niya?
Kailangan ko na talagang mag-confess. Hindi ko kaya mabuhay nang ganito araw-araw.
“Tapos ka na sa outreach niyo?” tanong niya.
Tumango ako. “How was your—”
“Date?” she finished the question for me. Bakit hindi ko masabi ng buo iyong sentence na ’yon? “Uh… okay naman,” sagot niya. Ah… okay lang. Hindi maganda. Hindi masaya.
Okay.
May chance pa ako.
“Kamusta ’yung outreach niyo?” she asked.
I shrugged. “Okay naman,” sagot ko kasi mas curious ako sa date niya pero hindi ko alam kung paano ko itatanong na hindi halata na sobrang curious talaga ako.
She arched her brow. “Curious ka ba sa naging date ko?” tanong niya. Ganon ba ako kahalata? Akala ko siya lang iyong transparent sa aming dalawa… Ako rin pala?
I shrugged, trying to play it cool. “Not really… pero kung gusto mong ikwento.”
She looked at me. She looked like she was supressing a smile, but I couldn’t be quite sure. “Okay,” she said. “Pero nagdinner ka na ba?”
Yeah… I think she likes me, too.
I have girl friends.
Hindi ganito.
O baka nasobrahan na ako sa kaka-aral at nabawasan na iyong EQ ko.
Kumain kami ni Deanne. Tahimik akong nakikinig sa mga kwento niya tungkol sa date niya. I was taking internal notes sa mga ayaw niya sa date. Kapag ako na ang ka-date niya, hindi ko gagawin iyong mga ayaw niya. I’ve had girlfriends before. Lagi akong nasasabihan na ‘good boyfriend’ daw ako. Ewan ko. Nakikinig lang naman ako sa mga sinasabi nila tapos hindi ko ginagawa iyong mga ayaw nila tapos kapag gusto nila, iyon ang mga gagawin ko. Hindi ba common sense lang ’yon?
Maybe the bar’s indeed in hell.
I was doing the bare minimum nung mga panahon na ’yon—papaano pa ngayon na maximum iyong gusto kong gawin para sa kanya?
“Wait lang. Pwede upo muna tayo?” sabi niya dahil kanina pa kami naglalakad-lakad pagkatapos naming kumain ng dinner.
Dinner was just something I used to do. Wala. Kailangan talagang kumain lalo na kapag nasa bahay sa Abra kasi gusto ni Mama na complete kapag dinner. I mean, I did kind of enjoy it… but with Deanne? Dinner felt like an experience.
Totoo pala na mas masarap kumain kapag gusto mo ’yung kasama mo.
Ang saya niya kasama. Kahit anong topic ata kaya niyang gawing interesting. Kailangan ko na talagang magconfess. Kapag hindi ko ’to nagawa tapos nakahanap siya ng maayos na date sa kaka-blind date niya, sigurado na pagsisisihan ko ’to hanggang death bed ko.
“Okay ka lang?” I asked dahil medyo tumahimik siya. Nakakapanibago. Lagi kasi siyang may sinasabi.
She nodded. “Medyo napadami ata iyong pagkain ko. Pwede upo muna tayo dito? Mukhang safe naman,” she said like she was asking me for permission. Of course mauupo kami kung gusto niyang maupo. Kahit dito pa kami magdamag kaya lang parang weird naman e nasa kabilang kanto lang condo namin. “Hindi ko alam kung bakit kumain ako nang marami kahit alam ko naman na nahihilo ako kapag ganoon,” she said. I really like it when she shares the most mundane of things. Wala lang. Natutuwa ako makarinig ng random na bagay tungkol sa kanya.
“Gusto mo ba ng gamot?”
“No, okay lang. Palipasin ko lang ’to,” she said. Tumingin siya sa langit. Gusto ko rin sanang tignan iyon kaya lang bigla siyang ngumiti.
She looked so… serene habang naka-tingin siya sa langit na may ngiti sa mukha niya. I badly wanted to take a photo to preserve this image but I knew I would look weird.
Yeah.
Another reason to confess—para hindi weird kapag gusto ko siyang kuhanan ng picture.
“May stars pala dito sa Maynila… Akala ko sa sobrang pollution, wala akong makikitang stars dito…” sabi niya habang naka-tingin pa rin sa langit. “Sa amin kasi, madaming bituin palagi, e. Sarap kayang magstargazing doon lalo na sa malapit sa beach.”
She sighed. “Why?”
“Wala lang. Namimiss ko na sa amin.”
“Hindi ka pa ba nakaka-uwi?”
“Hindi pa. Malayo kasi, e. Sayang lang din.”
“Hindi ka umuwi nung after midterms?” I asked. “Walang pumapasok na prof usually.”
“Oo nga, e. Wala kayang nagsabi sa akin!” reklamo niya. Okay na ata ulit siya. Bumalik na iyong energy niya.
“Usually, a week before the finals, wala ng pasok,” I told her. Nanlaki iyong mga mata niya na para bang may discovery siyang nalaman. “What? At least sinasabi ko sa ’yo ngayon.”
She looked at me like I was being suspicious. “Sure ka sa walang pasok?”
I nodded. “Integration week.”
“Ano ’yun?”
“Parang Intrams,” I explained. “Hindi mo ba tinignan iyong school calendar?” tanong ko sa kanya at umiling siya. Napaawang ang labi ko. Hindi siya tumitingin sa calendar? Nagffree-style lang ba siya sa law school? “Pero alam mo kung kailan ang finals?”
“Next month, ’di ba?” she asked like she wasn’t sure.
“Paano ka nagrereview?” I asked, half confused and half scared for her. Kasi ako alam ko iyong mismong araw ng finals. Inaannounce naman ’yan sa simula ng klase. Kung ma-move man, either one week before or after lang. Kailangan ko kasing alamin kung gaano pa karami iyong oras na meron ako para mag-aral.
I need good grades, sure, pero mas pressured ako sa frat dahil ayoko na ako pinaka-mababa.
“Nagbabasa, duh?”
“Hindi mo inaayos kung kailan mo kailangang magreview sa finals?” I asked.
“Grabe, may judgment ba?”
Kumunot iyong noo ko. “No—just curious,” sabi ko. “Ice cream?” I said instead to change the topic. Hindi naman ako judgmental… more like worried for her. Nangyari na kasi sa ’kin ’yan dati. I overestimated my time. Akala ko marami pa akong oras para magreview tapos biglang finals na agad. I just didn’t want her to experience that.
Ireremind ko na lang siya three weeks before the finals—just in case mawala sa isip niya.
That night, we ate ice cream and talked about things. Just random things na wala namang kwenta kapag iba kausap ko, pero kapag siya, parang ang interesting ng bawat topic.
Naging busy ako dahil malapit na iyong exam week. Wala ng ginagawa sa frat dahil lahat naman kami nagrereview. Doon din ako nag-aral sa coffee shop na medyo malayo sa condo dahil ayokong makasalubong si Deanne. I didn’t want her around me kasi hindi ako makapagfocus kapag nandyan siya.
But… it seemed like the universe had other plans for me.
I was just resting my eyes and did a quick look around the coffee shop nang makita ko siya. Para bang kilalang-kilala na siya ng mga mata ko na nag-register agad na siya iyon kahit medyo malayo siya sa akin.
I debated kung lalapitan ko ba siya kasi sobrang seryoso niya habang nag-aaral.
“Mamaya na lang,” bulong ko sa sarili ko. May exam din ako. Kailangan ko doong magfocus.
But joke’s on me dahil patingin-tingin pa rin ako sa gawi niya. Siguro mas maganda na sa condo na lang ako magreview. Hindi ko na talaga siya makikita doon unless pasukin niya ako.
“Kanina ka pa dito?” tanong ko nang lumapit ako mismo sa kanya. Hindi na rin naman ako nakaka-aral nang maayos.
Kanina pa pala siya dito… Mabuti ngayon ko lang siya napansin. At least nakapag-aral ako ng apat na oras. Ngayon kasi, sinukuan ko na. Mamaya na nga lang ulit.
I asked her out for lunch.
Kailangan ko lang maging normal sa paligid niya. Nagka-girlfriend naman na ako. Alam ko naman kung paano ginagawa kapag ganito. Ewan ko ba kapag sa kanya para akong nagiging bata na walang clue sa mga babae.
Pumunta muna ako sa CR. I checked my face kung okay ba ako. Tinignan ko rin iyong ngipin ko. Nang sigurado ako na okay naman iyong itsura ko, lumabas na rin ako pagkatapos kong maghugas ng kamay.
We were walking side by side. Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakakaramdam kapag bahagyang nagtatama iyong mga kamay namin. She was acting oblivious. Tss. Nalilito na naman ako. Baka kailangan ko muna dumistansya ngayong exam week.
Pero sino bang niloko ko? Lagi nga akong kumakain ng fishball para lang maabutan siya. Magkakasakit na ata ako.
“Mahirap ba finals?” she asked. “Iba ba sa midterms or same lang?”
“Mas mahaba coverage,” sagot ko.
“Magfofocus ba ako sa finals coverage lang?”
“Aralin mo pa rin ’yung midterms—minsan marami lumalabas doon.”
I wanted to tell her everything that I knew. Nung first year kasi ako, I needed to ask around kung ano iyong kailangan kong malaman. Nahirapan ako nung first sem kaya nung nagka-chance pumasok sa frat, sumama agad ako. Si Rhys kasi nag-invite sa akin. Pahamak din ’yon minsan.
She groaned. “Hindi na kasya sa utak ko.”
Napa-tawa ako. “Ano ba inaaral mo?”
“Walang katapusan na crim,” she replied. “Nahihirapan na ako sa stages of crime pa lang.”
“Kabisado mo ba?”
“Medyo.”
“Hindi pwede na medyo,” I said. “Dapat kabisado mo ’yun. Lalabas ’yon sa exam, sigurado,” I continued. “Since crim 1 pa lang naman, check mo na ’yung elements ng common crimes like homicide, murder, theft, and robbery. Kapag kumpleto iyong elements, consummated agad. Kapag nagawa lahat pero hindi nagresult sa crime, frustrated. Kapag kulang, attempted.”
She looked at me like she was in awe. Alam ko naman na hindi ako ganon katalino. I mean, compared to my friends, I was doing just fine. Nakakasabay ako sa kanila dahil grabe ako mag-aral lalo na kapag exam week. Admittedly, malaking tulong din iyong frat lalo na kapag may samplex silang binibigay. Hindi naman laging lumalabas but at least I knew what to expect at kung paano magtanong iyong prof at kung paano sumagot sa mga tanong niya.
Habang naglalakad kami ay sinagot ko iyong ibang mga tanong niya tungkol sa Crim. Pinipigilan ko iyong sarili kong mapangiti tuwing sinasabihan niya ako ng ‘ang talino mo naman!’ kahit sa totoo lang, ahead lang talaga ako sa kanya. Malalaman niya rin naman ’to.
Wala lang.
Ganito pala kiligin.
“Deanne,” pagtawag ko sa kanya nang medyo matahimik siya. Pansin ko kasi agad. Ewan ko kung bakit. Madali lang sa akin na mapansin kapag may kakaiba sa kanya. Almost like… I was attuned to her.
“H-ha?” she asked.
“Okay ka lang?”
“Yup…” she said with a smile smile. “Medyo masakit lang ulo ko sa kaka-review.”
I nodded. “Kung masakit na ulo mo, matulog ka na muna. Wala kang maiintindihan kapag ganon.”
She looked at me as she was smiling.
She’s so pretty.
I’ve decided that I needed to confess before this school year ends.
I needed to be able to take random photos of her, to be able to hold her hand, to hug her tightly, and to tell her that she’s pretty without looking like a weirdo.
“Mahirap exam?” Rhys asked.
“Ha?”
“Mukha mo,” he said and then pointed at my face.
Umiling na lang ako sa kanya. Nasa post exam party kami ng frat. Akala ko maaabutan ko pa si Deanne bago siya umuwi sa probinsya niya… mukhang excited na ata talaga umuwi.
I really tried to enjoy the party, but I was in no mood. After the exam, the last thing I wanted was to be around a lot of people. Kulang na kulang ako sa tulog. Tulog ang kailangan ko.
I slept for a whole day and then went back home. Kapag nasa bahay namin ako sa probinsya, para akong patabaing baboy. Wala akong ginawa kung hindi ang matulog at kumain. Ang dami pa namang pagkain na pinapa-luto ni Mama. Nakaka-konsensya na hindi kumain. I always gain a couple of pounds kapag nasa bakasyon ako dito.
“You’re leaving already?” Mama asked when she saw me carrying my things.
Tumango ako. “Balik na kong Manila.”
“I thought you still have a couple of days left?”
“Yes…”
“So, what’s with the rush?”
I just shrugged. I didn’t like lying. Ewan ko. My parents have always been good to us—as long as we keep ourselves out of trouble. It was easy… kinda.
Kagaya ng sabi ni Deanne sa akin, mukha akong mabait. Ewan. Never pa akong napagbintangan kahit minsan, ako naman talaga may kasalanan. Mukha siguro akong hindi gagawa ng masama.
“Are you hiding something from me?” she asked.
“No, I’m not,” I replied. “There’s nothing to hide.” She was still looking at me suspiciously. “Yet,” I added. “Nothing to hide yet.”
She slowly nodded her head. “Okay. Drive carefully.”
“I will,” I replied as I gave her a hug.
“Bring her here soon!” she shouted while I was walking away.
“I’ll think about it,” I replied habang halos tumakbo na ako papunta sa sasakyan ko.
It had only been a few days…
Nakakausap ko naman siya sa text.
But damn I missed her already.
Normally, I liked driving from Abra to Manila. I liked the long drives and the long roads. But this time was different—I hated how long it was taking me.
Pagdating ko sa Manila, gusto ko sanang dumiretso na sa Mindoro pero parang aksidente na ang kahihinatnan ko. I told myself that I was in no condition to travel again after driving for that long.
“No—”
“Yes,” sabi sa akin nila Lui bago nila ako hatakin.
Wala na akong nagawa dahil pagod na ako. Sumama na lang ako sa kanila, pero kahit ano ang iabot niya sa akin, hindi ko iniinom. Ayokong pumunta sa probinsya ni Deanne ng lasing. Mamaya makasalubong ko pa parents niya. I didn’t want to make the wrong impression.
I just humored the frat for an hour tapos ay umuwi na rin ako para matulog. Antok na antok na talaga ako.
“Okay,” I said to myself while I was in the… ferry. Hindi ko alam kung ano ang tawag dito. I was psyching myself up. Kinakabahan ako. Hindi ko pa nasasabi kay Deanne na papunta na ako dito. Ewan ko. Binibigyan ko ba iyong sarili ko ng oras para magbackout?
Pero ayokong magbackout.
Kinakabahan ako pero mas ayoko na malito kapag nasa harap ko siya.
I want to be her boyfriend—and to be her boyfriend, I needed to do this.
Bahala na.
Oh… I got it. I understood why Deanne wanted to come home. Mas maganda nga talaga dito kaysa sa Manila—but I’d argue na mas maganda sa amin sa Abra. Madala nga siya don minsan.
Pagdating ko sa hotel, natulog muna ulit ako. Hindi ako masyadong nakatulog doon sa ferry dahil nahihilo ako. Nagising ako halos pagabi na.
’ Natuloy ka ba?’
Ang saya talaga kapag pangalan niya una kong makikita sa phone ko paggising. Sana dalas-dalasan niya pagtetext sa akin.
‘Yeah. Naka-tulog ako pagdating. Kanina pa akong 2 nandito.’
‘Nagdrive ka ba?’
‘Hindi. Katamad.’
‘Nagcommute ka? Buti di ka naligaw?’
‘Binigyan ako ng direction nung resort.’
‘Di ka na lang nagtanong sa akin.’
‘Busy ka e.’
I continued to text with her. Hindi naman na ako teenager pero para akong bata na nakangiti habang ka-text siya.
Iba talaga epekto sa akin ng babaeng ’to.
Nang nagsabi siya na magdidinner kami, agad akong nag-ayos. I was always confident with my looks. Hindi naman ako bulag. Nakikita ko naman iyong itsura ko sa salamin. Pero kay Deanne? Pakiramdam ko kailangan lagi ako nag-aayos. Mabilis kasing magka-crush iyong isang ’yon.
I checked my reflection.
Okay naman itsura ko.
Kailangan ko sigurong mag-gym ulit… pero san ko isisingit sa schedule ko?
Lumabas na ako agad dahil gusto ko na agad siyang makita. Para akong bata na excited magbukas ng regalo kapag Pasko. I kept on looking around. Nasaan na kaya siya? Sana bilisan niya. Pero ’wag naman masyadong mabilis dahil baka ma-aksidente siya. Iyong saktong drive lang.
I waited.
And waited.
And waited.
And then I saw her walking towards me and all I could think of was that there’s no way I was leaving this place without making her mine.
**
This story is already completed patreon.com/beeyotch. Subscription starts at 100php per month for all stories. You can also join the patreon facebook group. You can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance :) Thank you!
Epilogue (Part 2)
Epilogue (Part 2)
I oftentimes hear people say na hindi nila alam kung saan nagsimula magkagulo ang lahat. That was not the case for me. I knew exactly when my life began to fall apart.
Probably because I was not in denial.
I saw the cracks.
I tried to fix the cracks.
But I knew that it was just a matter of time before things crumble down.
“Happy birthday, D,” sabi ko nang makita ko siya. “Tanda mo na.”
I wanted to lighten up the mood. Kahit ngayon lang. Alam ko naman kasi na magulo na kami… Pero alam ko rin na pareho naming gustong ayusin ’to. Kasi alam ko na kung ako lang ang may gusto, wala na sana siya rito ngayon. Kasi madali lang naman akong iwanan—mas madali akong iwanan kaysa ipaglaban.
And the fact that she’s here?
I knew I must’ve done something right before to have her in my life.
Umirap siya. “Nagsalita iyong gurang.”
I spent hours trying to fix up the place. Ewan. Maybe I was trying to compensate. Maybe because I was guilty. Maybe because I was selfish—dahil alam ko na mas dadali iyong buhay niya kapag wala ako, pero dahil maka-sarili ako, mas gusto ko na kasama ko pa rin siya kahit alam ko na nahihirapan siya.
Maswerte ako sa kanya…
Pero parang minalas siya sa akin.
“Aattend ka mamaya?” tanong ni Lui sa akin.
“Hindi,” sagot ko. “Ikaw?”
“Hindi rin.”
“Talaga?” nagtatakang tanong ko.
Lui had always attended the initiation rites… May pagka-gago din kasi ’to. Nag-e-enjoy ata na pahirapan iyong mga neo. Pero kahit ganyan si Lui, halata na hindi siya nag-e-enjoy kapag paluan na. I’d see him try his best na ’wag lakasan. Kung pwede nga lang na ’wag na naming gawin ’yon, e. Kaya pareho kaming stressed kapag maraming aattend na alumni.
“Yeah…” he replied. “Done with that shit,” he continued. Tumingin siya sa akin. “Ikaw? Bakit ’di ka aattend?”
I just shrugged, but we both knew why.
“So… no more presidency?”
I remained silent.
I wanted the presidency.
Ewan.
I had a lot of plans for the fraternity. Maybe I was ambitious, but I knew I could make it better. Kasi maayos naman kami. Marami naman sa amin iyong maaayos. Pero kapag gago iyong nasa taas, anong magagawa namin?
So, I thought I could make a difference if I become the president. Kasi kahit si Maven, wala namang pakielam. And I couldn’t exactly blame him… Ayaw niya naman talaga sa amin. So, why expect him to fix the mess that he didn’t create nor want in the first place?
But being the president meant losing Deanne.
“Maybe next lifetime,” sabi ko na lang.
“Yeah… next lifetime, I’d stay far away from you all.”
Natawa ako. “Gago. Ikaw ’yung bad influence.”
He gave me the middle finger. “But seriously, you would’ve make a great president,” sabi niya. “Not that the bar is high,” he continued, pertaining to Maven na basically sa akin din iniwan iyong responsibilidad.
I just remained silent.
I’d probably think about the presidency every now and then… but I’d seriously rather lose that than to lose Deanne—I’d take the loss that I can actually live with.
The day went well—as well as it could be. I attended my class. I put my phone on DND. Hindi pa ako nagsasabi sa kanila na hindi ako aattend sa ini. Kapag nagsabi ako nang maaga, hahanap sila ng paraan para mapa-punta ako roon. I figured I’d just tell them the very last minute. Malalaki na sila. Kaya na nila ’yon.
“Di ka ba talaga pupunta?” Iñigo asked nang makasalubong ko siya sa hallway.
“Pupunta,” I said, lying.
Tumingin lang siya sa akin na para bang alam niya na nagsisinungaling ako. “Paano kapag maraming umattend na alumni?”
“Wala. Busy daw sila.”
“Paano nga kapag?”
Hindi ako nakasagot agad. A part of me wanted to go… because I was actually terrified of what could happen kapag wala kami nila Lui para pigilin iyong mga alumni kapag sumusobra na sila. Pero bakit palagi na lang kami? Hindi lang naman kami iyong member ng frat.
“Kaya niyo na ’yan,” I just said and then tapped him on the shoulder.
I tried to get the initiation rites out of my mind. I needed to focus on my girlfriend. Birthday niya ngayon. I wanted to give all my attention on her because she deserved that and so much more for sticking around even when it was so hard to be with me.
I didn’t want her to think that being with me is a sacrifice… I promised myself that I’d do better. I’d go inactive sa frat. I’d just focus on acads. I’d do well on the BAR. I’d find a great job. I’d marry her someday and then eventually start a family with her.
That’s the plan.
And it starts with me letting go of the frat.
Pagdating namin sa restaurant, nakita ko kung gaano kasaya si Deanne. I knew that the past weeks… or maybe months have been hard. Gusto ko lang naman siya pasayahin. Kagaya nung dati. Kasi alam ko na masaya naman kami dati. Kaya naman sigurong ibalik.
Ayokong sumuko.
Ayokong sukuan kami.
“Para na akong puputok sa suot ko,” sabi niya.
“Ayaw mo ng kumain?” I asked dahil may dessert pa kami.
“Gusto ko pa… pero ang laki na ng tiyan ko,” she said and the pointed at her stomach. She was wearing a fitted dress. She looked… wow.
I see Deanne everyday—I mean, I try to see her every day. Sanay ako na makita siya sa kahit anong itsura niya. Madalas, simple lang iyong suot niya lalo na kapag sa school kami. Kapag hell week, nakikita ko kung gaano kagulo iyong buhok niya pati iyong eyebags niya. Kapag nasa mood siya, nakikita ko na puno ng makeup iyong mukha niya.
Honestly? I love all versions.
Kasi kahit ano naman itsura niya sa panlabas, I fell in love with what’s on the inside. Kaya kahit ano man ang itsura niya, gugustuhin ko pa rin siya nang paulit-ulit.
“You look fine.”
She wrinkled her nose. “Kasi in love ka sa akin.”
Humalakhak ako. “That, yes,” I said, “But honestly, you look great to me. But if you feel uncomfortable, may coat ako sa sasakyan,” I told her. “Kunin ko tapos pwede mong isuot.”
She nodded and then I told the waiter na pwede ng i-serve iyong sa dessert. While waiting, we were talking about random things. I love talking with her—hindi kami nauubusan ng pag-uusapan. And even when we don’t have anything to talk about or we’re not in the mood or we just didn’t have energy to talk, okay na kami basta magkasama kami.
I just didn’t want to let her go.
And couldn’t even if I wanted to.
I went on for years searching for someone like her… and now that I finally found her, I just couldn’t let her go just like that.
I was selfish like that.
But then the phone rang.
Parang bumagsak iyong puso ko mula sa dibdib ko.
Hindi ko alam.
O baka alam ko.
I knew within me that something was wrong—intuition ba iyong tawag doon? Na pakiramdam mo may mali? Kasi iyon ang naramdaman ko. Na may mali.
Pero hindi ko alam na doon na pala magsisimula iyong pagkagulo ng buhay ko.
“May tatawagan lang ako,” sabi ko kay Deanne. She didn’t say a word. Mabilis akong tumayo at naglakad palayo sa kanya. I just wanted her as far away from this as possible.
“What?” I said nang sagutin ko iyong tawag ni Lui.
He had been texting non-stop.
He kept on telling me to go answer my phone.
“What? Hindi kita maintindihan,” sabi ko dahil sobrang bilis magsalita ni Lui. He sounded so scared. And I knew that they fucked things up dahil sa buong pagkakakilala ko kay Lui, ngayon ko lang siya narinig na ganito ang boses.
“Ano’ng sabi mo?” tanong ko dahil para akong sandaling nabingi nang sinabi niya iyong mga salitang iyon.
“Someone…” he said and then stopped. “Someone died.”
Hindi ako makapagsalita.
Naramamdaman ko iyong pagsikip ng dibdib ko.
Iyong panginginig ng mga kamay ko.
“Ayaw nilang pumayag na dalhin sa ospital. Fuck. Fuck!” sigaw niya. “Fuck, we should’ve just attended!”
Para akong panandaliang nabingi.
Hindi ko na narinig iyong ibang mga sinabi pa ni Lui.
Hindi ako makapag-isip.
“What are we gonna do?”
Huminga ako nang malalim.
Fuck.
“Make them bring him to the—”
“Kanina ko pa—”
“Drive him yourself kung ayaw nila,” I said, cutting him off. “Nasan na iyong mga alumni?”
“Umalis na.”
Hindi na ako nagulat pa. Of course. Of course they’d leave the scene of the crime.
“Hindi na ba talaga—” I asked pero hindi ko matapos. I knew that this would happen one day. Kasi grabe sila. Na para bang hindi na tao iyong nasa harapan nila. Na para bang punching bag iyon na doon nila ibinubuhos kung anuman ang problema nila.
“I… I don’t know,” Lui said. “Ayaw nila akong palapitin nung sinabi ko sa kanila na mamamatay na—” then he paused. “Gago… Ano’ng gagawin ko?”
And that was the only time I heard him sound scared.
So, I told Lui that I was on the way. I couldn’t just leave him there. Agad akong bumalik sa lamesa.
“Deanne—” I said, hoping that she could understand me. Ngayon lang naman. Kasi kailangan ko talagang pumunta doon. Hindi ko kayang iwan si Lui doon.
“Ano ’yun?” she asked. I couldn’t tell her anything. This… this could be a crime. I couldn’t risk involving her in this. I’d rather face her wrath later kaysa ang idamay siya dito. Alam ko na magiging magulo lahat.
“May pupuntahan ako,” I said. “Babawi na lang ako sa dessert.”
“Ano ’yung pupuntahan mo?”
“May kailangan lang akong ayusin.”
“Ano ’yun?”
“Deanne—”
“Ipatakeout mo na lang—”
“Mukha bang may pakielam ako sa dessert?Ano iyong pupuntahan mo?” diretsong tanong niya sa akin. Ramdam ko iyong galit sa boses niya. Pero mas gugustuhin ko na magalit siya kaysa madamay siya sa gulo na ’to.
“Deanne—”
“Ano ’yung pupuntahan mo, Samuel?”
I remained silent. I couldn’t tell her anything. I refuse to tell her anything. I’d choose her safety over and over again. She didn’t deserve to be included in this mess.
“There’s… an accident,” I said.
“Accident?” she asked. “Sa frat niyo?”
“May initiation—”
Mabilis siyang umiling. “No.”
“Deanne—”
Umiling siyang muli. “No,” she repeated. “Hindi ka pupunta ’dun.”
“Deanne—”
“Are you fucking kidding me, Samuel? Pupunta ka ’dun? Alam mo naman na madadamay ka kapag pumunta ka ’dun! Nakalimutan mo na ba ang pinag-aralan mo? Kapag pumunta ka roon, magiging co-principal ka ng kung anuman ang ginawa nila—” she said and then paused. She looked me in the eye. “No. Hindi ka pupunta ’dun.”
I knew that I was treading on a thin line.
I knew that choice that I wanted to make—of course, her. I’d always, always choose her.
My phone vibrated again.
But I also knew the choice that I needed to make.
God, I hope I didn’t fuck this up beyond fixing.
Hindi ko alam kung paano ako nakarating doon ng buhay. I probably got myself into at least five traffic violations para lang makarating doon.
“Vice—”
“Si Lui?” agad na tanong ko pagdating ko roon.
“Dinala ’yung neo,” simpleng sagot niya.
“Di mo man lang alam pangalan?”
Kita ko sa mukha nila na lasing sila. They’re probably high, as well.
Isang gabi lang kami nawala ni Lui, nagka-ganito na sila? Parang mga bata. Ang tatanda na nila. Dapat alam nila na hindi pwede na ganito kapag initiation. Lalo na kapag may mga alumni. Kasi kami iyong pipigil sa kanila kapag sumo-sobra na.
Fuck.
Tama nga siguro si Lui—dapat nandito kami.
Tangina.
Kasalanan ata namin.
Hindi ko alam kung paano ko sisimulan. I didn’t sign up for this shit! Nakaupo lang ako doon at hinihintay na magtext si Lui.
“Si Lui?” tanong ko nang may lumapit sa akin at iniabot ang phone.
Umiling siya. “Congressman,” he replied.
I didn’t even know kung sinong Congressman ang tinutukoy niya. Marami sa amin ang congressman, senator, at kung sinu-sino pa na nasa mataas na posisyon.
“Congress—” sabi ko pero ni hindi ko man lang natapos iyong sasabihin ko.
“I’ll send a location. Meet with the lawyer. He’ll discuss things with you.”
Kumunot ang noo ko. “Discuss?”
“Yes,” simple niyang sagot. “Samuel, right?”
Hindi ako nakapagsalita agad. His voice… it sounded like a threat kahit pangalan ko lang naman ang sinabi niya.
“In this fraternity, we take care of each other.”
I didn’t know what the fuck happened.
I felt like we were just going through the motions.
Ang gulo na.
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko—na kahit gusto kong magsabi ng totoo, hindi ko magawa. Every word they said to me sounded like a threat.
They said that we take care of each other… but why did I feel like I was one step away from my grave kapag hindi ko sinunod ang gusto nila?
“Lui,” I called.
Tahimik lang si Lui. Sa buong pagkakakilala ko sa kanya, ngayon ko lang siya nakita na tahimik. Hindi siya nagsasalita. Simula nung dalhin niya si Jake sa hospital, ma-declare na dead on arrival, kausapin kami nung abogado, maartesto at ngayon na naka-detain kami.
“I’m not going down for this,” he said after hours of saying nothing.
“No one’s going down—”
Tumingin siya sa akin. “Think, Samuel. Someone died. Someone is going down for this. You seriously think na papayag ’yung mga alumni na madamay sila dito? It’s just a matter of time until they decide on who the scapegoat will be,” sabi niya sa akin. He looked me in the eye. “It’s not gonna be me. I’ll fucking drag them down to hell with me. Subukan nila.”
Hindi ako nakapagsalita.
Lui’s always made light of everything… but I guess everything has its limit. And Lui’s reached his limits pagdating sa frat na ’to.
We were released after a while. How it happened? I had no fucking idea. I didn’t even have the energy to ask. Ni hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa pamilya ko na nadamay ako sa ganitong klase ng gulo.
Homicide?
Paano ko sasabihin iyon sa pamilya ko?
Ni hindi ko masimulang isipin kung paano ko sasabihin sa kanila… kay Deanne.
Tangina.
Hindi ko alam kung ano iyong pinasok ko.
“Ayokong makipagbreak,” agad na sabi ko sa kanya nang magkita kami. “I don’t want to break-up.”
“Ayoko rin naman… pero ayoko na rin nung ganito.”
“Anong ganito?”
“Ito,” sabi niya. “Ano’ng nangyari sa frat mo? Huling basa ko naka-detain pa sila Zach, ah.”
“You know I can’t talk about that,” I told her. I couldn’t talk about it. And I didn’t want to talk about it with her. Ayoko siyang idamay sa problema ko. Because I knew that she loves me and she’d try to make this her problem, as well.
And I didn’t want that for her.
Ayoko na madamay siya.
Kasi kahit ako… kahit ako, hindi ko na alam ang gagawin ko.
I constantly feel them breathing down my neck. I constantly hear them tell me to not fuck things up—na para bang ako pa ang may kasalanan ng lahat.
And I fucking resented Maven dahil bakit sa akin napasa lahat?
I was not even there! Lui’s not even there! Pero parang lahat sila, kaming dalawa ang sinisisi. Na para ba silang mga bata na kailangan naming bantayan at paalalahanan palagi.
“Precisely—it’s a huge part of your life and you can’t talk to me about it—me, your supposed girlfriend.”
I looked at her.
And I knew right there and then that I was losing her.
“Fine. What do you want to know?” I asked, trying to grasp at straws—at anything, something basta may makapitan pa ako sa kanya. Kasi ayoko siyang mawala.
I told her.
Everything.
I didn’t care anymore.
Because I was a selfish fuck and I’d rather tell her everything that risk losing her.
Because I knew that if I lose her, I’d never find someone like her again.
“Are you ready?”
Gusto kong lumingon sa sasakyan kung nasaan si Deanne, pero hindi ko magawa. I didn’t want them to know that she’s with me… and that she’s the reason why I’d go against what they asked of me.
Tahimik lang akong sumunod sa kanila sa loob. Nauna na si Lui na iinterrogate nila. He’s in more trouble than me dahil siya iyong nagdala sa ospital mismo. But he told them straight to their face that if he got himself as much as a one day jail time, he’d call for a conference and drop all their names.
That scared them off.
“Everything that will happen from hereon after will be recorded,” sabi sa akin habang nasa interrogation room kami. “Do you understand your rights?”
Tumango ako.
“Let’s start with the day Jake Uytingco had been recruited.”
I answered everything honestly. Ilang beses akong sinubukan na pigilan ng abogado na kasama ko. I proceeded to tell them about what happened—to the best of my knowledge. Na totoo naman na hindi ko alam kung ano talaga iyong nangyari dahil wala ako roon. Na tinawagan lang ako nung tapos na.
I hated that I had to include Deanne in my story because she was the one with me that night.
Nang makalabas kami, tumingin sa akin iyong mga abogado. They didn’t even say a word… but the silence and their looks spoke volumes.
“Hey,” Deanne said when I got back in the car.
“Hey,” I replied, trying to look okay.
I was exhausted.
I was fucking exhausted.
“Okay ka lang?” she asked.
I looked at her and nodded.
I’d be fine.
I have her on my side.
I’d be… fine.
“You’re being such a fucking dickhead.”
Hindi ako nakapagsalita sa sinabi ni Rhys sa akin. He’s right. I was being a dickhead. I knew it. I just… I just couldn’t control how I feel.
“Break up with her,” Rhys said.
Hindi ako nagsalita.
I couldn’t.
I love her.
I just… couldn’t understand myself.
“She doesn’t deserve this,” he said. “She didn’t force you to do things. Don’t take your frustration out on her.”
“Alam ko.”
“Then do better or break up with her,” sabi niya sa akin.
“I don’t want to break up with her.”
“Then do better,” he replied. “I know things are rough right now, but it’s not her fault. Blame the frat, not her.”
Rhys dropped by my condo para magdala ng reviewer. I was still a member of the frat, pero wala akong nakukuha na review materials. Lui, on the other hand, still got the reviewers. He forwarded everything to me.
Naiinis ako sa sarili ko kasi hindi ko mapigilan na mainis. Bakit ako lang? Bakit si Lui nakaka-kuha pa rin ng reviewer? Pareho lang naman kami na nagsabi ng totoo.
Bakit sa akin lahat?
Tanginang ’yan.
“You don’t need the frat—you’ll pass on your own merits,” he said, giving a tap on my shoulder.
I wanted to believe him badly pero hindi ko alam… I wasn’t on the best headspace. Hindi pa rin ako nakakauwi sa amin. Hindi ko pa rin kayang makita sila Mama. Hindi ko kayang ipaliwanag kung paano ako napunta sa sitwasyon na ’yon. They’d always been hesitant sa pagsali ko sa frat. Mama always asked me kung kailangan ko ba talaga na sumali doon.
I always told them that I knew what I was doing.
But now? Now, I just felt so lost.
Sinubukan ko na mag-aral.
Kasi ayoko na ring mag-isip sa iba.
“Ano’ng time mo gusto magpa-gising?” tanong sa akin ni Deanne.
Tumingin ako sa kanya. Nakangiti siya sa akin pero alam ko na pagod na rin siya. She’d always try to get me all the reviewers. Sasabihin niya sa akin kung ano iyong narinig niya na magandang gamitin. She’d ask her friends kung ano ang recommended nila na reviewer. She even used a part of her sayings to buy me the Memory Aid of our school kahit sinabi ko na sa kanya na hindi ko naman kailangan iyong original. But she just smiled at me and said that I deserved to have the original one.
Maybe she felt guilty.
Or maybe she felt the resentment.
Either way, no one wanted to talk about it.
“Wag na,” sabi ko sa kanya. “Malapit na finals.”
“Okay lang. Weekend naman saka isang araw lang naman.”
“Kahit na—”
“Please?” she asked, cutting me off. “BAROPS mo ako, ’di ba?”
I gave in.
I didn’t want to argue about this. Wala akong lakas. Gusto ko lang magreview at makapasa sa BAR. I kept on telling myself na kapag nakapasa na ako, matatapos din ’tong parte ng buhay ko. Hindi ko naman kailangan iyong frat para magkaroon ng trabaho—
I shouldn’t even think about that.
“Fuck. I’m sorry, D,” sabi ko nang buksan ko iyong pinto sa condo ko at nakita ko na nakaupo siya sa sahig. Sinabi ko nga pala na magpapa-gising ako sa kanya ngayong unang Sunday ng BAR.
She looked at me and smiled. Tumayo siya at saka pinagpag iyong pantalon niya. I knew that she cried. Kita ko sa mga mata niya. Pero nagpanggap siya na hindi umiyak. Nagpanggap ako na hindi ko napansin iyon.
“Okay lang,” sabi niya habang naka-ngiti. May hawak siya na paper bag ng pagkain. “Buti nagising ka. Muntik ko na ipa-tanggal sa guard iyong pinto mo,” mapagbiro na sabi niya.
I just smiled at her.
Tahimik kaming nakasakay sa elevator pababa sa parking. Kita ko na tumitingin siya sa mukha ko. Nagpanggap ako na hindi ko napapansin iyon.
“Good luck, Samu!” sabi niya pagdating namin sa venue. “Test permit mo?” she asked as she proceeded to check kung kumpleto na ba lahat ng gamit ko. “Okay, kumpleto na. Sa gate 3 ako mag-aabang sa ’yo mamaya.”
Tumingin ako sa kanya.
“Thank you,” I said because I was thankful for her more than she’ll ever know. I just needed some time. Magiging okay din ako. Magiging okay din kami.
Ngumiti siya sa akin. “You’re always welcome, future attorney ko.”
“Congrats on finishing strong, Samuel!”
Nabigla ako nang makita ko kung ano iyong hinanda ni Deanne sa condo ko. Kakatapos lang ng BAR exam. I was… not in the mood. Nakasagot naman ako, pakiramdam ko, pero hindi maalis sa isip ko nung mabanggit sa akin na halos 100% daw iyong hit rate nung last minute tip na binigay sa frat. Tinanong ko si Lui kung nakuha niya ba ’yon kasi wala siyang sinend sa akin. Sinabi niya na hindi daw siya binigyan ng soft copy. Literal na binigay sa kanya nung papunta na sa venue.
I was pissed.
I was mad.
Hindi ko alam kung saan ko ilalabas.
“Thank you, D,” sabi ko ng naka-ngiti.
“Nandyan lahat ng favorite food mo! Alam ko masakit katawan mo sa kaka-review, so kinuha kita ng day pass para magka-spa day ka. Also, after ng finals ko, bakasyon tayo. Deserve mo magpahinga!”
I looked at Deanne. She was struggling like me. Nilalaban niya iyong relasyon namin kahit ramdam ko na pagod na pagod na rin siya.
She deserved the best version of me.
Magiging maayos din ako.
Pipilitin ko para sa kanya.
Weeks passed by.
And then they turned into months.
Okay na kami ni Deanne. Bumawi ako sa lahat ng sakripisyo na ginawa niya para sa akin nung BAR review. I was attentive and tried to be the best boyfriend for her. Ginawa ko lahat ng alam kong magpapasaya sa kanya.
Okay kami.
“Samuel—”
“Pwedeng iwan mo muna ako?”
Kaka-labas lang ng resulta ng BAR.
Hindi ko nakita iyong pangalan ko.
Hindi ko alam kung ano iyong iisipin ko.
Parang na-blangko iyong utak ko.
Nanlalamig iyong mga kamay.
Hindi ako pumasa.
San ako nagkulang?
Kung nakuha ko ba ’yung materials ng frat, papasa kaya ako?
Pumasa ba lahat sa frat?
Ang dami kong tanong na hindi ko alam kung gusto kong makuha iyong sagot.
“Samuel—”
“Please. Leave.”
“No,” sabi niya na umiiling. “Please. Talk to me.”
Hindi ako nagsalita.
“Alam ko mahirap, alam ko masakit—”
“Can we please not talk about it?” I repeated. Hindi siya gumalaw sa kinatatayuan niya. “Deanne, please.”
Ako na iyong tumayo at nagsimulang lumakad paalis. I just… I just needed some space. I just needed to be alone. I just needed to breathe.
I just needed to cry.
Five years.
Five years of my life, I spent studying.
Tapos… tapos bagsak.
Gusto ko lang mapag-isa, pero bakit ayaw niyang ibigay sa ’kin ’yon?
“Don’t shut me out…” rinig ko sabi niya.
I kept on walking. I needed to leave. I didn’t want to have this conversation with her pero para siyang bingi na hindi naririnig ang mga salita ko.
Why was she insisting on talking about this now?
Hindi ba ako pwedeng mapag-isa?
Wasn’t I allowed to process this alone?
“Sinisisi mo ba ako?”
Binilisan ko iyong paglalakad because it was a question that I didn’t want to answer.
I went on a drive. I didn’t even know where I was headed. I just kept on driving and driving until I decided to stop. Bumaba ako ng sasakyan at saka naglakad-lakad hanggang mapagod ako.
“If you’re going to sit with me, I need complete silence,” sabi ni Shanelle nang maupo ako malapit sa kanya. I knew her, but I was not particularly close with her. She’s from another school.
Tumingin ako sa kanya. “Same here,” I replied as we both ordered alcohol and drank together in total silence.
**
This story is already completed patreon.com/beeyotch. Subscription starts at 100php per month for all stories. You can also join the patreon facebook group. You can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance :) Thank you!
Epilogue (Part 3)
Epilogue (Part 3)
“Ikaw ba ’yan Samuel?”
I smiled and bowed a little. Ang tagal na rin nung huli akong pumunta rito. Ang tagal ko ng gustong dumalaw pero lagi akong nagkakaroon ng dahilan kung bakit hindi ako matuluy-tuloy. Ewan ko. Pakiramdam ko nahihiya lang ako na bumalik. Para kasing wala na akong tamang nagawa sa buhay ko.
Bad decisions after bad decisions.
Wala akong pwedeng sisihing iba kung hindi ang sarili ko.
I failed the exam because I failed the exam—hindi kasalanan ni Deanne ’yon. I didn’t study enough. Kasalanan ko ’yon. I just needed someone to blame because my pride couldn’t handle it.
Failing is one thing…
But to be the only one who failed in the frat?
I was not able to handle it.
I said horrible words to her—I treated her even worse. Hiyang hiya ako sa sarili ko. I didn’t get back together with her although everyone in my life told me to. Kasi alam nila na mas maayos ako kapag kasama ko siya. But I didn’t deserve her after everything I put her through. Nahihiya akong humarap sa kanya. Mas madaling magtago.
I was certain na hindi na kami magkakabalikan. Hindi ko na talaga kayang humarap sa kanya. Ilang beses kong sinubukan, pero lagi akong natitigilan. She’s fine already… bakit ko pa siya guguluhin? Nakita ko kung paano niya ako tignan nung gabing naghiwalay kami. I would not be able to forget that look on her face.
That I did that.
I caused that.
Kahit na sinabi ko dati na hinding-hindi ko siya sasaktan… I still did that… Just because my pride couldn’t handle failing the exam.
So, I convinced myself to be okay with her not being in my life. Kasi ganon talaga. Hindi lahat ng gusto mo—kahit gaano mo pa ka-gusto—ay makukuha mo.
I focused on other things. I thought I would be good at my job. Kasi hindi naman porke bumagsak ako, hindi na ako magiging maayos na abogado…
God, I was wrong.
Every day the frat would tell me that I made the wrong decision tuwing hinaharang nila iyong trabaho ko. When I thought I was doing a good job and suddenly, everything would fall into pieces.
Akala ko nung una wala lang talaga akong kwentang abogado… until I realized that they were doing everything to sabotage my career.
Siguro iyon ’yung simula nung pagkaka-gulo ng buhay ko.
I should’ve just studied on my own.
I should’ve stayed far away from that fraternity.
Maybe I would’ve met Deanne in a different circumstances.
Maybe I would’ve been happy now.
“Ang tagal na nung huli tayong nagkita…” sabi niya sa akin habang naka-ngiti.
“Ang tagal na nga po,” sagot ko. “Pasensya na po ngayon lang ako naka-dalaw, Father.”
Dito ako pumasok ng seminaryo. Balak kong dalhin si Deanne dito dati dahil sobrang curious siya sa kung ano ang ginagawa sa seminaryo. Balak ko din sana siyang dalhin sa kung saan ako tumatambay dati kapag tumatakas ako. Balak ko rin siyang tugtugan ng piano dito kasi gusto niya rin ’yon.
Ang daming balak.
“Ayos lang,” sagot ni Father. “Kamusta ka na?”
I gave him a small smile. He gently patted my head.
“Gusto mo bang mangumpisal? Para gumaan ’yang dinadala mo?”
Hindi ko alam kung saan ako nagsimulang umiyak. Nanatili lang kaming nakaupo don habang umiiyak ako. Hindi ko na alam ’yung gagawin ko. Parang wala na akong tamang nagagawa.
Minsan… minsan gusto ko na lang sumuko.
Pagod na pagod na rin ako pero parang ang hirap sumuko kapag lalaki ka. Parang dapat lahat kaya mo.
Pero ’di ko na kaya.
Pagod na rin ako.
Parang… nakaka-loko iyong tadhana.
“Forgive me, Father, for I have sinned…” sabi ko habang naka-luhod sa confessional. Dito rin kami nagsimula ni Deanne dati. Para akong bumalik sa umpisa. Sinabi ko lahat ng kasalanan ko. Gusto ko lang mailabas sila… Mabawasan kahit konti iyong dinadala ko. Kahit iyon lang sana.
Nilabas ko lahat ng bumabagabag at gumugulo sa akin.
“I absolve you from your sins in the name of the Father, the Son and the Holy spirit.”
Pumunta ako sa mga upuan at doon nagdasal. I knew that God was with me because I felt the load lightening. I knew that this would not magically erase all that I did but… God, it felt so good to know that I was not alone.
Kahit ngayon lang.
I stayed there for quite a while. Pagkatapos kong magdasal, naupo lang ako. I enjoyed the comforting silence. For the longest time, it had been an alienating silence.
“Akala ko po umalis na kayo,” sabi ko nang makita ko si Father na nakaupo sa may bandang dulo na pew.
“Gusto mo ba ng makakausap?” tanong niya sa akin.
The first thought in my head told me to politely decline because he was just being nice to me… but I badly wanted to talk to someone. I couldn’t even talk to my friends because they all told me that it was a bad idea to marry Shanelle. Ayoko lang siguro marinig iyong I told you so kahit alam ko na tama naman sila.
But it’s high time I hear it now.
“Lahat ng tao ay nagkakamali pero lahat tayo ay mahal ng Diyos.”
“I know, Father,” sagot ko. “I take comfort in knowing that.”
Hindi ko alam kung ano ang meron sa hangin ngayon… pero ang bigat ng dibdib ko. Sa dami ng nangyari sa buhay ko, parang halos hindi ako naiyak. O baka lagi ko lang sinusubukan na pigilan? Pero ngayon, parang patuloy lang iyong pagbuhos niya.
“Mahaba pa ang buhay, Samuel. Marami pang pwedeng mangyari. Pwede pang maitama iyong mga maling nagawa,” sabi niya sa akin nang naka-ngiti.
“Alam ko naman, Father… Pero ang hirap gawin.”
“Wala namang madali sa buhay, anak. Lalo na iyong tama, mas madalas ay mas mahirap gawin ’yon. Pero kung iyon ang ikagagaan ng loob mo, mas dapat mong gawin.”
Tahimik akong tumango. “Hindi ko lang alam kung paano ko gagawin, Father… Alam ko bawal sa bibliya iyong annulment—”
“The Lord wants us all to be happy and at peace,” sabi niya sa akin. “That’s all you have to remember.”
Pinahid ko iyong luha na patuloy lang sa pagtulo.
“Si Mama, hindi na ata ako kakausapin…” mahinang sabi ko. “Kakamatay lang nung Papa ni Shanelle… Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kapag nawala rin si Mama na masama ang loob sa akin…”
She did nothing but to support me.
When I first introduced Shanelle, she was the one who told me not to proceed with the marriage dahil alam niya na si Deanne iyong gusto ko. I was the one who convinced her that I knew what I was doing. She tried her best to accept Shanelle.
Tapos… tapos ganito ang nangyari.
“Mahal ka ng Mama mo, Samuel. Maiintindihan niya rin ang mga nangyari. Sa ngayon, wala tayong magagawa kung hindi ang ipagdasal siya.”
“Sana nga po, Father…”
I stayed there for a while. I attended a mass—even played the piano. Kabisado ko pa pala iyong mga piyesa.
For a while, everything felt normal na para bang nung nasa seminaryo pa ako.
“Alis na po ako. Salamat sa pagtanggap sa akin, Father.”
Nginitian niya ako. “Bisita ka ulit.”
“Opo.”
“Isama mo si Deanne sa susunod.”
Alangan akong ngumiti bago muling nagpaalam.
Tahimik lang ako habang nagda-drive pauwi. I wanted to keep the clear mind for as long as I possibly could… Saka na ulit ako mag-iisip pagbalik ko sa Maynila.
Saka ko na iisipin kung ano ang dapat kong gawin kay Mama… kay Shanelle… kay Deanne—
Bahagyang kumunot ang noo ko nang may numero na tumawag sa akin. Not a lot of people knew my personal number. Iniisip ko kung sasagutin ko ba iyon nang bigla kong maalala kung kaninong number iyon.
Bakit ako tinatawagan ng nanay ni Deanne?
May nangyari ba?
Agad akong huminto sa gilid ng kalsada.
“Hello po?” sagot ko sa tawag niya.
“Ano’ng balak mo sa anak ko?”
Sandali akong natigilan.
“Nung una kang nagpakilala sa amin ng tatay niya, sinabi mo na aalagaan mo iyong anak namin. Ano’ng nangyari sa pangako mo?” Hindi agad ako naka-sagot. “Mahal mo pa ba?”
Naghahanap ako ng tamang salita.
Kasi mahal ko pa.
Hindi naman nagbago.
Pero alam ko rin na ’di naman sapat na mahal mo lang.
“Mahal mo pa ba? Iyon lang ang tanong ko.”
“Opo.”
“Okay.”
Hindi ko maintindihan kung ano ang punto ng pagtawag niya sa akin.
“Mahal ka pa rin ng anak ko, alam mo naman siguro ’yan,” diretsong sabi niya. “Pero kung mahal mo rin ang anak ko, aayusin mo ’yung sarili mo. Hindi ako papayag na gawin mong kabit ang anak ko.”
“Wala po akong balak—”
“Makipag-annul ka nang maayos. Ayusin mo ang buhay mo. Saka ka bumalik,” sabi niya bago pa man ako matapos sa sasabihin ko. “Matigas ang ulo ng anak ko. Ikaw lang ang gusto. Tatanda atang dalaga kung hindi lang din ikaw. Pero kung may hiya ka sa aming mga magulang niya, hindi ka babalik hanggang hindi mo naiaayos ang sarili mo, Samuel.”
Para akong bata na tahimik na nakikinig sa bawat salitang sinasabi niya.
“Makaka-asa ba ako sa ’yo?” tanong niya.
“Opo.”
“Mabuti naman,” sagot niya. “Matanda na ako, Samuel. Wala na rin ang tatay niya. Wala rin siyang kapatid. Kailangan kong marinig sa ’yo na aayusin mo ang buhay mo at aalagaan mo ang anak namin.”
“Opo,” mahinang sagot ko dahil nararamdaman ko na naman iyong pagsikip ng dibdib ko. “Pangako, aayusin ko lahat.”
Ang tagal na sarili ko lang iniisip ko.
Iyong mga problema ko.
Nalimutan ko na tumatanda din pala sila.
Isa-isa ng nawawala iyong mga magulang namin.
Ang bigat.
Dumiretso ako sa Abra.
Hindi ko alam kung sasampalin ako o sisigawan, pero agad akong lumapit kay Mama at niyakap siya. Ang igsi ng buhay.
“I’m sorry for disappointing you,” I just repeated over and over again until I felt her hugging me back, too.
Tama nga siguro si Father… na hindi ako kayang tiisin ni Mama… na kahit gaano kalaki iyong pagkakamali ko, at the end of the day, anak niya pa rin ako.
Para akong bumalik sa pagkabata. Pinaupo niya ako at pinilit na kumain. Sinabi ko sa kanya na gusto kong mag-usap kami. Sinabi niya na mag-uusap kami pero magpahinga muna ako. I felt like a child that was being forced to a naptime. Pumunta ako sa kwarto ko na wala pa ring pinagbago—ako lang talaga iyong nagbago.
“I’m sorry,” una kong sabi nang makita ko siya sa may garden. I didn’t know if it was the light hitting the side of her face, pero kitang-kita ko na tumatanda na rin siya. I was glad that I made the decision to come here. Isa siguro ’to sa pinaka-pagsisisihan ko kung hindi ko ginawa.
“I know you are,” she replied. “How are you?” she asked.
Pangalawa na siyang nagtatanong sa akin niyan.
“I’ll be fine,” I replied.
“Have you talked to Shanelle?”
“Yes,” I replied.
“I’m always praying for her.”
I just smiled at her.
I love my mom. Minsan, hindi ko siya naiintindihan, pero mahal ko siya. She did her best to raise me—all my shortcomings were my own. Hindi siya nagkulang sa pagpapaalala sa akin.
“Ma…” sabi ko.
“I know,” she replied like she knew what I wanted to say bago ko pa sabihin. “I cannot agree with it, but I will try my best to understand you.”
“This will be better for everyone,” sabi ko sa kanya.
Instead of answering, she just held my hand.
We had dinner that night, just the two of us. I told her how I visited the seminary and kung paano siya kinamusta ni Father. Then we talked about the good old days nung bata pa ako at nandito pa talaga ako naka-tira sa Abra, kaming buong pamilya.
“Di mo ba ako tatanungin sa plano ko?” I asked her nang wala talaga siyang itanong sa akin.
Bahagya siyang umiling. “I have finally realized that you are your own person, Samuel. You will make your own decisions. Sometimes, you will make mistakes, but hopefully you learn from them.”
Tahimik akong tumango.
“Ikaw, ano ang plano mo, Ma?” I asked her.
“Your tita Cely offered for me to stay with her.”
“Sa Spain?”
Mama nodded. “I am thinking about it,” she said. “I live in this huge house with no one but the help…” dugtong niya sa akin. “I think it’s time I let go of the memories and make new ones some place else.”
Hanggang sa makabalik ako sa Manila ay iniisip ko iyong sinabi ni Mama. I wanted to spend more time with her, pero ngayon ay siya naman ang aalis… Pero mabuti rin para sa kanya ’yon. Tama naman siya. Mag-isa na lang siya sa bahay. Saka lagi niya lang naalala iyong kapatid ko roon.
She deserves to move on, too.
I thought about what I should do and prayed on it.
Hindi talaga ako naniniwala sa mga signs… Pero ewan ko. Bigla kong nakita iyong ad sa Facebook sa advertisement sa Masteral sa Spain. I clicked on it. Tapos lahat na ng ads as Masteral sa Europe ay dumagsa. Alam ko naman na algorithm lang ’yon…
Pero baka nga.
Siguro.
“How are you?” tanong ko kay Shanelle nang magkita kami. I was there with her buong lamay. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya okay sa pamilya niya. Pagkatapos non ay nagsabi siya na gusto niya munang mapag-isa. Alam ko na kahit si Clary ay hindi alam kung nasaan siya. I told Shanelle to just text me that she’s safe.
A lot had happened between us, but I care a lot about her. We were good friends bago ang lahat ng ’to.
“Could be better,” she replied in the familiar tone. Mukhang medyo okay na siya.
“Kamusta na ako?” sabi ko sa kanya. Bahagya siyang natawa. “I’m good, too, thanks for asking.”
She shrugged. “I’m sorry for delaying the annulment.”
I just gave her a small nod. ’Di ko rin naman alam kung ano ang dapat na sagot sa ganon. Sino ba ang may gustong mangyari ’yon?
“We’re still getting annulled,” I told her.
“I know,” she replied. “Just… a lot of things going on at the moment.”
We discussed things. Ganito naman kami dati bago magsimula iyong legal separation. We get along really well. Ewan ko. Naaalala ko kasi si Rhys sa kanya kaya siguro magkasundo kami. Para siyang babaeng Rhys.
Shanelle told me that there’s an ongoing petition for the probate of the will of her father. Apparently, malaki iyong mana na napunta sa kanya. Ayaw pumayag ng mga kapatid niya dahil para sa kanila, naitakwil na dapat si Shanelle. For them, she caused his death. Dapat wala siyang makuhang kahit ano.
I felt so exhausted for her dahil matagal talaga kapag ganyang petition.
“I’m so sorry…” sabi niya dahil magiging busy siya roon.
“It’s fine,” I replied.
Baka ito na nga iyong sign. Kasi kanina, hindi ako makapagdesisyon sa kung ano ang gagawin ko. Everyone told me that I should go back to Deanne. Hindi naman ganon kadali. Kasi tama naman sila na kailangan kong ayusin iyong sarili ko bago bumalik.
She deserved the best version of me—I needed to find that first.
Shanelle and I agreed to continue with the petition for annulment of marriage pagbalik ko. I told her that I’d be applying for LLM. Hindi ko pa alam kung saan.
For the first time in such a long while, I felt excited na para bang may aabangan na ako sa buhay ko. Ewan. Bagong simula? Parang ang tanda ko na para don. Pero parang hindi pa rin naman.
I did my research and settle for an LLM in London. Malapit pa rin naman siya sa Spain. I could always visit Mama. Kasama niya naman si Tita kaya hindi ako kinakabahan.
Then I contacted Deanne’s mom and told her my plan.
“Babalik ka dito?” she asked me.
“Opo,” sagot ko. “Nandito iyong babalikan ko.
Sinabi niya sa akin na babalik si Deanne sa Manila para ayusin iyong mga gamit niya. I got her flowers pero sa sobrang pagmamadali ko dahil sa takot na baka ’di ko siya abutan ay nalimutan kong dalhin.
I knocked.
Iyon na ata ang pinakamahabang sampung segundo ng buhay ko.
“Hi,” I said.
“Hi,” she replied with her lips slightly parted.
We did the small talk.
It was nice… and saddening at the same time.
We were never the small talk kind of couple because Deanne always had a way of making people feel comfortable around her. Kahit nung nangumpisal siya sa akin, imbes na seryoso ay natawa lang ako sa paraan ng pagku-kwento niya.
She’s always felt like home for me.
Kaya nung nawala siya, para akong naulila na hindi alam kung ano ang gagawin. I made myself so dependent on her and that blamed her at the same time.
“Lilipat ka?” I asked just to fill the silence.
“Uuwi muna ako sa amin.” I gave a small nod. “Bakit ka nandito, Samuel?” she asked like she couldn’t stand the silence. Ako rin naman. I’d suffer in the silence if it meant I could have her in front of me.
I drew a deep breath. “Just wanna say goodbye,” I said.
“Sa Mindoro lang naman ako pupunta.”
“I mean… goodbye because I’m leaving.”
Her lips parted. I knew her. I saw panic on her face. “You’re… leaving?”
“For a while,” I said. “I’ll be taking my LLM,” I added to clarify things. Aalis lang ako sandali. Pero babalik ako. Aayusin ko lang iyong sarili ko. Pero babalik ako. “Two years lang naman,” I continued. “I need this.”
She just stared at me like I committed the biggest betrayal.
I didn’t enjoy doing this pero kailangan ko munang ayusin lahat. These two years would be worth it.
“Oh… So, wala na talagang annulment?”
“Five years,” I said.
“What?”
“Within five years from the discovery of fraud. I just need to get away from everything for the meantime. But I’ll get the annulment,” I said. “I still don’t know what I want to do. I feel like I’ve tried doing everything, but I always feel like I have no direction. I feel like I need this. To go back to studying. To figure out what I really want to do.”
She looked at me and gave me a small smile. “I hope you find what you’re looking for, Samuel.”
I wanted so badly to close the distance between us.
To reach for her.
To hug her like before.
To be just like before.
But we both knew that we’re different from who we were before.
“I already know what I want,” I replied. “I just… I just need to find a way to get back there.”
Hindi naman ’yon nagbago.
I knew from the moment that I met her that she’s gonna be someone special. It was never awkward with her. It always felt comfortable with her.
“You need help with packing?” I asked because I wanted to spend more time with her.
“No,” she replied. “You have packing on your own.”
“Naka-ayos na iyong mga gamit ko.”
“Oh… Kailan ka ba aalis?”
“Bukas.” Her lips parted. I saw the hurt cross her face. “I thought about this a lot. Nakausap ko na rin si Shanelle. We agreed to continue with the annulment when I get back. We all need this time.”
She just gave me a small smile. “Enjoy London.”
London was fine.
I met a lot of people from all over the world, but my favorite person was on the other side of the world.
I experienced and learned a lot of things. Ewan ko kung dahil ba bumalik ako sa school. Suddenly, I was reminded of law school days kung saan pag-uwi ko galing klase ay si Deanne iyong hinahanap ko para sabihin kung ano ang nangyari sa araw ko. Ang dami kong gustong sabihin sa kanya pero ayoko siyang abalahin. I knew she needed space. The last I talked to her was when her mother died when I texted her that I’m here whenever she needed to talk to someone and she replied with salamat . I was supposed to present my first paper in class that week, but when I heard about what happened, I immediately booked a flight back home.
Dumiretso ako sa Galera, but I was told that Deanne’s not there. I asked Iñigo kung alam niya ba kung nasaan si Deanne. Apparently, Tita’s wish was to be cremated and her ash be scattered. Hindi rin alam ni Iñigo kung nasaan si Deanne.
I left after I made sure that she’s fine.
Pagbalik ko sa London, mabuti na lang at understanding iyong mga tao roon. They take mental health seriously. Sana maging ganoon din sa Pilipinas. When I told them that someone in my family died, they gave me a break—wala ng tanung-tanong pa at interrogation na para bang kailangan ko pang dalhin iyong bangkay sa harapan nila para maniwala sila.
Ang dami kong gustong sabihin kay Deanne.
I focused on studying and getting better. Kapag may school break, pumupunta ako sa Spain tapos gumagala kami nila Mama—usually sa Italy kasi gustung-gusto ni Mama iyong wine doon sa Naples.
“Oh, God, thank you,” sabi ko nang ma-receive ko iyong confirmation na kasama ako sa list of graduating students. I was given two tickets. Isa kay Mama.
Umuwi ako sa Pilipinas.
Kabisado ko pa rin iyong daan na para bang doon ako lumaki. Dumiretso ako sa bahay nila. Ang daming nagbago. Nakita ko iyong signage na Notary Public na si Deanne gaya ng sinabi sa akin ni Iñigo.
Iñigo was not my biggest fan—ayaw niya sa akin para kay Deanne. Alam ko naman ’yon dati pa. But out of the blue, nung nasa London ako, bigla siyang nagmessage asking kung kamusta na ba ako. We talked and since then, he’d give me updates tungkol kay Deanne. I actually wanted to ask him kung ano ang nagbago. Saka na lang kapag nagkita kami kasi gusto ko ring magpasalamat dahil naappreciate ko iyong updates niya.
Naupo ako tapos tatayo tapos uupo ulit. Kinakabahan ako. Mas kabado pa ata ako ngayon kaysa nung nagpresent ako ng paper sa Germany sa isang international conferrence.
I kept on practicing kung ano ang sasabihin ko kahit alam ko naman na kapag nakita ko na siya ay malilimutan ko rin lahat ng ’to.
And then I saw her.
And predictably so, I forgot all the words.
“Hi,” I said, only remembering that one word.
“H-hi,” she replied, not being able to hide the surprise.
Napatingin ako sa hawak niyang plastic. Bahagyang kumunot ang noo ko. “Tapsilog?” I asked.
She gave me a small nod.
Hindi ko mapigilang mapa-ngiti.
Sign ba ’to?
“Some things never change,” I said.
Nakaawang iyong labi niya. “Bakit ka nandito? Naka-uwi ka na?” dire-diretso niyang tanong. Tumango ako. “Tapos na iyong masters mo?” I nodded again. “Ah… okay. Congrats!”
“Thank you,” I said with a small smile.
“You’re welcome.”
I was a foot away from her.
Ang lapit ko na.
“Ah… Bakit ka nga pala napadpad dito?”
Tumingin ako sa kanya. “Why do you look so surprised? Sabi ko sa ’yo may babalikan ako dito, ’di ba?”
I saw the fear and uncertainty on her face. I deserved that, but I’m here now. I’m not going anywhere without her again.
“Deanne,” I called her name.
“What?”
“Na-miss kita.”
I saw how her eyes began to water.
“Shit. I’m sorry,” sabi ko. Bakit ba lagi ko na lang siyang pinapaiyak?
Mabilis niyang pinahid iyong luha niya. “Bakit ka ba nandito, Samuel? Sabihin mo na agad kung ano ang gusto mo.”
“Wag ka munang umiyak.”
“Kaya ko bang kontrolin ’yung luha ko?” sabi niya habang diretso iyong pagbagsak ng luha niya.
Sinubukan kong kumuha ng tissue sa bulsa ko para iabot sa kanya pero ang nakuha ko ay iyong ticket para sa graduation ko. Agad na kumunot ang noo niya nang mapansin niya na hindi iyon tissue.
“Ano ’yan?” she asked.
“Ticket sa graduation ko,” I replied at sinubukang tuwirin iyon dahil medyo nalukot sa pagmamadali ko na maka-hanap ng pampunas ng luha niya. Alam ko na kung nandito lang si Mama niya ay kanina pa masama ang tingin sa akin nun.
Huminga ako nang malalim.
We wasted too much time already—I couldn’t waste even a second.
“Deanne, I love you. I have always loved you. I will never love someone else again,” agad na sabi ko. “Naka-graduate na ako. I want you there with me—kayong dalawa ni Mama.”
“Hindi ba galit siya sa akin?”
Umiling ako. “No,” I replied. “She’s always asking me about you.”
“Ano’ng tinatanong niya? Kung buhay pa ba ako at nanggugulo?”
Natawa ako nang bahagya pero mabilis ding naputol iyon dahil sinamaan niya ako ng tingin.
“No, no,” mabilis kong sagot. “Alam niya kasi iyong plano ko.”
“Na ano?”
“Na uuwi ako rito pagkatapos sa London.”
“So? Ano’ng kinalaman ko roon? E Filipino citizen ka pa rin naman? ’Di naman kita pwedeng pigilan umuwi.”
Gusto kong matawa. Ilang taon na ang nagbago pero ganito pa rin siya. She’ll always, always be home to me.
“Fine,” I said. “To be very specific, she knew that the plan was to finish my masters in London and then go to the city of Calapan, municipality of Puerto Galera, in the province of Oriental Mindoro to find you, Atty. Adriadna Deanne Manjarrez.”
She was staring at me.
I took a step forward.
I pursed my lips nang bigla niyang yakapin iyong plastic na may lamang tapsilog sa may dibdib niya.
“Hindi ako magiging kabit,” sabi niya na umiiling.
“Wala akong balak gawin kang kabit,” sagot ko.
“Paano iyong annulment niyo?”
“We are annulled,” I replied.
Her lips parted.
“It’s a long story,” I said. “I need to get your answer first.”
“Annulled ka na?”
Tumango ako. “Will you attend my graduation?”
“Paano—akala ko nasa London ka?”
“Yes.”
“Paano ka—what? Paano?”
“Yago arranged everything. I go home when I needed to attend a proceeding.”
“What? Are you being serious?”
“Yes.”
“Umuuwi ka rito—paano iyong pag-aaral mo doon?”
“It’s Masters, Deanne. As long as I do my presentation, I’ll be fine,” sagot ko sa kanya.
“Hindi ba nakakapagod ’yon?”
“It was,” I replied as I looked into her eyes. “But it was all worth it.”
“16 hours iyong byahe.”
“Bakit mo alam?” I asked and I saw how her face reddened. I grinned. “Pinuntahan mo ba ako sa London?”
She scoffed. “Wala akong visa. Mahirap kumuha.”
“Bakit mo alam? Sinearch mo kung paano mag-apply?”
Kinunutan niya ako ng noo. “Ano ba ang kailangan mo, Samuel?”
“Ikaw.”
Her whole face reddened.
“Pupunta ka sa graduation ko? Kasi kailangan ko ng magconfirm saka mag-aapply pa ng visa mo.”
She was still looking at me. Malamig na siguro iyong tapsilog niya.
“Hindi ako naniniwala sa ’yo. Bakit hindi ko alam na tuloy iyong annulment?”
I shrugged. “It was a problem I created,” I told her. “I wanted to fix it myself. I didn’t want to burden you mentally and emotionally. I wanted to deal with it myself.”
Deanne had always told me before na inaalagaan ko siya… but whenever I look back and think about the times we spent together? She was the one taking care of me.
I was the one depending on her.
I was so lost without her.
“Fine…” she said after a few seconds that felt like eternity. “But in one condition.”
I looked at her, eagerly awaiting what she was about to say.
“Cenomar muna bago ako sumama sa ’yo. Mahirap na—wala akong balak maging kabit in this lifetime,” she said and my lips parted bago niya mabilis na inagaw mula sa kamay ko iyong ticket.
**
This story is already completed patreon.com/beeyotch. Subscription starts at 100php per month for all stories. You can also join the patreon facebook group. You can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance :) Thank you!
Epilogue (Part 4)
Thank you for reading HTG! Hope you had fun reading Samu and Deanne’s story. See you in the next story, Alter The Game x
Epilogue (Part 4)
Akala ko ay nagloloko lang si Deanne pero hiningan niya talaga ako ng Cenomar. Humingi din siya ng kopya ng kopya nung certificate ng annulment. Kulang na lang ata ay ipa-verify niya sa courts.
“Are you okay?” I asked her dahil tahimik siya.
Tumingin siya sa akin at tumango. “Mayaman ka pala talaga, noh?”
Kumunot ang noo ko. “What?” I asked because that was so random.
“Sabi mo kasi kapag umuuwi ka, naka-business class ka na ticket,” she said. “Ang mahal non!”
“I have to write papers habang nasa flight ako,” sabi ko sa kanya. “Can’t do that sa economy.”
“Sus… Okay lang naman aminin na mayaman ka.”
Natawa ako. “Kapag pinakasalan mo ako, e ’di mayaman ka na rin.”
“Talaga,” she said, scoffing. “Di ba nasabi ko sa ’yo na pangarap ko maging mayaman? Teka, may question pala ako—kayo ba talagang mayayaman e walang pambahay? Kasi sa mga palabas e kahit nasa bahay sila ay naka-dress pa rin sila. Si Mama mo ba, kahit nasa bahay ay nakaayos ang buhok at naka-suot ng pearls?”
Buong byahe namin papunta sa Dubai tapos Dubai pa London ay hindi naubusan ng tanong si Deanne. Pakiramdam ko ay nalasing lang siya sa dami ng champagne na inorder niya. Natawa ako dahil at one point, binigyan na kami ng isang bote nung flight attendant.
Deanne probably had no idea kung paano siya nakarating sa apartment. Naka-tatlong bote siya ng champagne sa buong flight namin.
When I finally got her in bed, inayos ko muna iyong mga gamit namin. I got out to get us food para pagka-gising niya ay may pagkain siya. Pakiramdam ko ay sasakit ang ulo niya sa dami ng nainom niya.
Kausap ko rin si Mama habang naglalakad ako sa labas. She asked me how the flight was. She also asked me about Deanne. Pareho lang silang dalawa ni Mama na kinakabahan na makita ulit ang isa’t-isa. I knew they’d be fine.
I knew that Deanne would look for rice kaya naman bumili din ako ng bigas. May nadaanan din ako na flower stand kaya bumili ako ng isang boquet para sa kanya. She used to love receiving flowers from me.
Pagbalik ko sa apartment, nakita ko na tulog pa siya. I immediately started preparing food for her. Kapag ganito na masakit ulo niya ay sinigang ang gusto niyang kainin. Inuna ko na iyong pagsasaing ng bigas para naka-ready na iyong kanina. Dumaan din kasi ako sa Asian store kaya nandoon iyong mga gulay na kailangan ko pang sinigang.
“Tulog ka pa,” I told her nang makita ko na naka-tayo siya sa may pintuan ng kwarto. “Gisingin kita mamaya,” I continued dahil halos tatlong oras pa lang siyang natutulog.
Umiling siya habang kinukusot ang mga mata. “Pwedeng humingi ng tubig?”
Ibinaba ko iyong sandok saka ikinuha siya ng baso at saka tubig. I poured her a water and handed it to her kasama iyong gamot para sa hangover niya.
“Sinigang ’yan?” she asked nang silipin niya iyong niluluto ko.
I nodded. “Mamaya pa ’to. Kaka-simula ko lang.”
“May kangkong dito?”
“Grabe ka naman,” sabi ko. “Marami kayang Pilipino dito.”
“Grabe, nagtatanong lang! Akala ko pang Pinas lang ang kangkong!” sabi niya habang tinitignan kung ano iyong laman ng grocery bag.
Pinanood lang ako ni Deanne habang nagluluto ako.
“Naiilang na ako,” sabi ko kasi kanina pa siya naka-tingin sa akin.
“Wala akong pakielam.”
“Nood ka muna ng TV don.”
“Mas maganda view dito.”
Buti na lang naka-talikod ako kaya ’di niya nakita pamumula ng mukha ko—
“Naka-tingin ka ba sa pwet ko?” I asked when I realized na naka-talikod ako sa kanya.
“Hindi, grabe ka! Makapagbintang!”
We spent the first night in London in the apartment. We just stayed on the couch while browsing Netflix and talking about the most random of things at kung paano hindi daw ba siya mamimiss ng mga ka-barangay niya dahil walang notaryo sa kanila ng isang buwan.
The next day, kahit masakit ang ulo niya ay pinilit niya na pumunta kami sa London Bridge daw.
“Hindi ito ’yon!” sabi niya sa akin.
“Sabi mo London Bridge,” sabi ko kasi nasa bridge naman talaga kami.
“Ayun, oh!” she said and then pointed at the London Tower Bridge.
“London Tower Bridge ’yan,” I told her.
Umirap siya. “Porke nag-aral ka lang dito ng dalawang taon. Akala mo hindi ko napapansin na may accent ka na!”
Natawa ako. “Wala akong accent.”
“Sus… Sabi mo kanina ‘Can I have some wotah,’ “ sabi niya sa akin at saka hindi niya ako tiniglan hanggang sa makarating kami sa London Tower Bridge.
Pagdating namin doon, nagpa-picture si Deanne sa akin.
“Gandahan mo naman angle!”
“Hindi pa ba maganda ’to?” I asked kasi puno na ata camera roll ko.
“Iyong payat ako!”
“I-edit mo na lang.” Sinamaan niya ako ng tingin. Natawa ako. “Joke lang. ’Di naman ’to mabiro,” sabi ko sa kanya. “Sige na, pose ka lang nang pose.”
We stayed there until she got her perfect shot. Then we went to the other tourist spots tapos sumakay din kami sa double decker bus. Deanne also wanted to watch a play pero wala ng ticket kaya sa isang araw na lang. Isang buwan naman kami dito. We have all the time in the world.
“Grabe… marami kayang nagnanakaw dito?” she asked while we’re in the self-checkout.
“Siguro,” I replied.
“Na-try mo na?”
“Grabe. Tingin mo ba magnanakaw ako?”
“Hindi naman. Curious lang.”
“May pambili naman ako.”
“E ’di ikaw na mayaman.”
“Yayaman ka rin naman by association kapag pinakasalan mo ako,” sabi ko sa kanya pero inirapan niya lang ako.
That night, Deanne cooked for me. Once again, we cuddled on the couch habang nanonood ng Modern Family. Felt like the old times.
“Kinakabahan ako,” Deanne told me while we’re walking papunta sa train station para puntahan iyong restaurant kung saan magdidinner kami nila Mama.
“Pareho lang naman kayong kinakabahan,” I told her.
“Kahit na.”
I just held her hand tighter.
Pagdating namin sa resto, humingi agad ako ng tubig. Pinagtripan na naman ako ni Deanne kahit wala naman talaga akong accent. At least hindi na siya kinakabahan sa pagdating ni Mama.
“Ma,” I said when I saw her approaching. Tumayo ako at hinalikan siya sa pisngi.
I saw Deanne standing up, too. “Hi po…”
Sinabi ko rin kay Mama na kinakabahan si Deanne sa kanya. Pati ako ay nabigla nang biglang yakapin ni Mama si Deanne.
“It’s so nice to see you again, hija,” she said while hugging her and Deanne was looking at me with her eyes wide open in surprise.
The dinner was not awkward at all.
Spain changed my mother—must be the everyday Sangria.
Nag-usap sila tungkol sa kung anu-anong bagay and my mother was convincing Deanne na sa Europe na rin tumira. Pwede na siguro siya maging ambassador ng Spain dahil ang galing niyang mangumbinsi.
“Sorry, kinukulit ka ni Mama,” sabi ko sa kanya nung pauwi na kami.
Naglalakad-lakad muna kami. Isa siguro ’to sa mga gusto ko rito sa London. Ang daling maglakad kahit saan. Sana ganito rin sa Pinas lalo na sa Maynila.
“No, it’s fine…” she said. “San mo ba balak after nitong graduation mo?”
I shrugged.
I actually got some offers here… Hindi ganoon kataas iyong sweldo. I was interested… It was more about me liking my life here more than the salary. But Deanne’s in the Philippines. I’d rather be in the Philippines with her. Pwede naman kaming bumisita dito o kaya sa Spain dahil nandon si Mama.
“Ikaw?” I asked her.
She shrugged, too. “Ewan.”
“Akala ko ba gusto mo ’yung notary?”
“Okay naman kaso… ewan. Nakaka-miss din ’yung litigation.”
“Babalik ka ba sa litigation?” I asked her.
“Ewan,” she replied. “May offer sa akin si Iñigo sa firm nila.”
“That’s good to hear. Maganda firm nila.”
“I know…”
“But?” I asked because I knew that tone.
Tumingin siya sa akin. “Must be the weather but… I kinda love it here.”
Napaawang iyong labi ko. “You wanna… live here?”
“Ewan ko… Siguro… Pero hindi naman ako makakapagtrabaho dito. Sayang iyong degree ko.” She looked conflicted, but then she turned her head at me and smiled. “Thoughts lang naman. Pero may work na nga ako na naka-abang sa Manila. Feel ko naman ’di ako babaratin ni Iñigo kasi kapal naman ng mukha niya, if ever!”
The next few days, we went to Windsor dahil gusto daw makita ni Deanne iyong mga palasyo. We also went to Cotswolds dahil sabi ni Deanne parang fairytale daw doon. Then we visited the Harry Potter studio and I bought her all the merch she wanted. Tuluyan ng napuno iyong camera roll ko na kinailangan ko na magsubscribe ng 1TB na iCloud para sa mga picture niya.
Then my graduation day finally came.
Mabilis lang naman akong naghanda pero si Deanne bilang si Deanne, ang tagal niya sa CR… but it was all worth it nang makita ko siya paglabas niya.
She was wearing a turquoise flowy dress na may maliliit na bulaklak na design and white stiletto. Naka-red lipstick din siya na parang gusto kong subukan kung smudge proof ba.
“Ano? Pangit ba? Papalitan ko ba?” dire-diretsong tanong niya. “Huy, Samuel! Ayos lang ba suot ko? Tama ba ’to sa dress code ng school mo?”
I took a step forward and placed my hands on the sides of her waist.
“Ang ganda-ganda mo, Deanne,” sabi ko at kitang-kita ko kung paano namula ang buong mukha niya.
“Ang epal mo! Tara na nga at baka bawiin pa nila ang diploma mo!”
The ceremony was brief. I introduced Deanne to my friends and to some of my professors. She was invited to some dinners.
“Punta tayo don, ha?” sabi niya sa akin nung naglalakad kami pauwi. Nauna kasi si Mama. May pupuntahan ata sila ni Tita kaya may flight agad siya pabalik sa Spain. At least her social life’s apparently thriving.
“O sa tingin mo ba polite lang sila kaya nila ako ininvite?”
Natawa ako. “You’re overthinking,” I said. “Di nag-iinvite mga ’yon out of politeness. They won’t invite you kung ayaw nila sa ’yo.”
“Pano mo nalaman?”
“Classmates ko sila. Trust me—’di sila nag-iinvite kapag ’di nila gusto iyong tao.”
“Grabe… na-judge agad nila?”
I shrugged. “I don’t know. Baka intuitoin,” I told her. “But if you want to go sa dinner, punta tayo.”
“Okay,” she replied with a smile.
Naglakad-lakad kami sa may London Tower. Deanne kept on mentioning how beautiful it is here. I knew what she meant. Ewan ko… I really loved it here. It’s peaceful.
“D,” I called.
“Hmm?” sagot niya habang naka-tingin sa Big Ben.
“What do you think about studying here?”
Agad siyang napa-tingin sa akin. “Ha?”
“Hear me out—I have a job offer here. You can take your LLM here. Then we decide after two years kung gusto mong magstay dito o babalik tayo sa Manila,” I told her. “But the decision’s up to you. Manila or London, I’m fine either way basta kasama kita.”
Bahagyang nanlaki iyong mga mata niya habang naka-tingin sa akin.
“Paraan mo ba ’to para mapapayag ako na pakasalan kita? Kasi alam mo na hindi ko ’yan afford at ang tanging paraan ay pakasalan kita para mayaman na rin ako by association.”
Napaawang iyong labi ko.
Bakit kaya hindi nito sinubukan maging writer? Ang lawak ng imagination niya.
“Ibig sabihin ba niyan papakasalan mo ako?” sabi ko na sinakyan na iyong mood niya.
Inirapan niya ako. “Kaka-annul mo lang. Kumalma ka muna. Hobby mo magpa-kasal?”
“Grabe… Isusumbat mo sa akin ’yan lagi?”
“Minsan lang kapag bina-badtrip mo ako.”
“So… lagi?”
“Mismo,” sabi niya kaya natawa ako. Hindi pa rin siya nagbabago.
The thing with soulmates is kahit gaano katagal ang panahon na lumipas, parang wala pa ring nagbago—and I am beyond glad that she’s mine.

