loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
HE GOT ME PREGNANT | Boyslove [Completed]

HE GOT ME PREGNANT | Boyslove [Completed]

hydebluebird · 30 chapters · 34,714 words

disclaimer


This story contains some elements that are not suitable for some audiences, readers discretion is advised.

This story contains explicit sexual content and is not suitable for children under the age of 18. This includes explicit graphic contents and sexual activity between two men.

The story is published subject to the condition it shall not be reproduced or retransmitted in a whole or in a part

in any manner, with or without the written consent of the copyright owner. Any infringement is in violation of the copyright law.

If discovered that you have used copyrighted material, the copyright owner may bring legal actions againts the other party who had plagiarized the material. You could pay legal cost.

If you become aware of any use of the copyrighted material from the Author, please personally message me in this account. Thank you.

Disclaimer.

Any resemblance to real persons, living or dead, is purely coincidental. All characters appearing in this work are work of fiction.

help

Hi , voting Period is now open for the most awaited ETLUX OC BOOKFEST Competition

My Bully Future Husband is one of them

You may now cast your vote for this book

Vote Thru Twitter: https://twitter.com/EtluxOC/status/1579442071978774529?t=ZSDUpP7oU6p00N4X_LeFkw&s=19

Vote Thru Facebook: https://www.facebook.com/photo.php?fbid=129538576524129&set=a.126174856860501&type=3&app=fbl

Vote Thru Google forms: https://url24.top/brATD

You may read her story here: https://www.wattpad.com/story/238813209-my-bully-future-husband-b×b-completed

Voting will end on Nov. 3, 2022. Don’t miss your chance! #EtluxOCUltimateBookFest

Simula

Malakas na tilian ang narinig namin ng kaibigan kong si Bea habang kumakain kami sa cafeteria

“Omg! Andyan nga si Mattheon” saad niya sa akin na ikinakunot ng aking noo,

bagong salta pa lamang ako dito sa Unibersidad na ito ito agad ang bumungad sa akin, kung alam ko lang na ganto pala kaingay hindi na dapat pala ako kumuha ng scholarship sa eswelahan na ito, pero naisip ko rin na sayang din naman lalo na’t kailangan ko rin namang mag tipid ngayon ayaw ko rin namang iasa ang lahat sa pamilya ko, at saka I’m here to find someone para singilin sa utang niya

“Ang guwapo guwapo talaga niya” Bea said and she joined the screams of the other women inside the cafeteria

“Hindi ka mapapansin n’yan”

I said to her to stop her fantasizing about the man I still don’t look at, I don’t care about such things, it’s just a waste of time

“Bitter” pag iirap niya sa akin at saka niya binalingan ng tingin ang kanyang pag kain at saka niya ito nilantakan, nang ang atensyon ni Bea ay nasa pag kain na pasimple kong tiningnan ang kanilang tinitilian, I almost didn’t see the face of man because a woman is clinging to his arm to cover his place

“Tsk! Womanizer” I whispered when the woman turned around and let go of the man’s arm, I saw his face which made my eyes widen.

“O diba? Gwapo sabi ko naman sayo e” saad ni Bea na ngayon ay nakatingin na pala sa akin na malawak ang ngiti

hindi ko siya pinansin sa halip ay mabilis ko siyang tinanong

“Ano nga ulit ang pangalan niya?” pag tatanong ko sa kanya

“Mattheon Ashtan Devereaux” mabilis niya sa aking sagot “bakit bet mo ’teh? Sorry ka hindi ka mapapansin niyan” pag tatanong at pag gagaya niya sa aking sinabi

hindi ko siya pinansin at mabilis akong tumayo mula sa aking pag kaka upo

“Oyy ’teh saan ka pupunta?” gulat niyang tanong sa akin pero hindi ko siya pinansin at saka ko mas binilisan ang aking pag lalakad papunta sa pwesto ng mukong na ito na nag ngangalang Mattheon

“Ashtan” I screamed his name when I got close to his place, he immediately looked at me, tiningnan niya ako na nakakunot noo, didn’t he remember me?

“Why?” saad ng babaeng naka kapit sa braso niya kanina

“Anong kailangan mo sa asawa ko?” tanong niya sa akin na siyang ikinahina ng tuhod ko, asawa? Paano kami.

“May gusto lamang akong sabihin” saad ko sa kanya sa mahinang boses at saka ako bumaling may Mattheon

“Did he call him Ashtan?” rinig kong saad ng isang babaeng malapit sa puwesto ko

“Yah, lagot siya kay Fafa Matt, hindi ba niya alam na ayaw nya sa name na ’yun duh” narinig ko namang sagot ng isang babae, iniling ko ang aking ulo hindi ko dapat pinapakinggan ang ganung mga bagay

Pigil ang hininga ko muling tumingin kay Ashtan, ngayon ko lamang nalala na sikat nga pala siya dito sa eswelahang ito, kaya heto halos lahat nang nasa canteen ay nasa amin ang pansin.

“Ano ’yun? Dito muna sabihin nang marinig ko ang sasabihin mo sa asawa ko” sagot ng babae sa akin, dapat ko nga bang sabihin, dito talaga? Hindi pwede dito maraming makakarinig.

“Ano?” tanong ulit ng babae sa ’kin sabay inom ng juice

“A-Ah wala kalimutan niyo na, sige una na ako” parang tangang saad ko sa kanya at saka ako nag mamadaling bumalik sa puwesto ko kanina para kunin ang bag ko at para ayain si Bea na lumabas sa canteen

“Baklang papansin” narinig kong bulong ng isang babae habang nag lalakad ako pabalik sa puwesto ko

“Attention seeker!” narinig ko pang saad ng isa

“Teh, ano ’yun? explain” tanong sa akin ng kaibigan ko na siyang ikinailing ko na lang sa kanya, kanina niya pa akong kinukulit pero hindi ko puwedeng sabihin, hindi dahil wala akong tiwala sa kanya pero hindi pa ako handa na sabihin sa kanya na ang lalaking kanilang tinitilian kanina, na nag ngangalang Mattheon Ashtan Devereaux ay ama ng AKING ANAK.

chapter 1

*

“papasok na po ako ma, paalaga na lang po muna ulit kay baby Gael” nahihiyang bilin ng binatang si Gabb, hindi niya hindi maiwasang hindi mahiya sa mama niya kahit pa sabihin na mama naman niya iyon, pero kasi hirap na nga sila tapos maaga pa siyang nabuntis, hindi naman kasi niya alam e, hindi naman kasi niya alam na totoo pala na may mga lalaking kayang mag dalang tao at isa na siya doon, pero kahit na ganun ang nangyare sa kanya ay wala siyang pinag sisisihan dahil nag karoon siya ng isang napaka cute na si Gael

“Pasenya na ma, ah” dagdag pa niyang saad sa mama niya para huminge ng pasenya, hindi niya hindi maiwasang malungkot nangako kasi siya sa sarili niya na mag tatapos muna ng pag aaral at saka tutulong sa pamilya, hindi niya na isip na mag kapamilya agad, naka tanggap naman siya ng mahinang hampas sa kanyang braso mula sa kanyang ina

“ Ano ka ba namang bata ka, okay lang ’yun. Noong una nahirapan talaga akong tanggapin pero ano pa nga ba ang magagawa ko andyan na ’yang apo ko“ saad ng kanyang ina at saka kinuha ang bata mula sa kanyang kuna

“Ang cute cute mo talagang bata ka” hindi maiwasang saad ng mama niya sa anak niyang si Gael na kasalukuyang karga karga ng mama niya

Hindi rin niya maiwasang hindi mapangiti, totoo naman kasi napaka cute ng anak niya, namana nito sa ama ang itsura nito kaya sigurado siyang paglaki nito ay habolin ito ng mga babae

Ilang saglit lang ay muli siyang binalingan ng tingin ng mama niya

“Baka malate ka na n’yan sa school Gabb? “ puna ng mama niya nang mapansin na hindi pa ito kumikilos at panakang nakatingin lamang sa kanilang mag lola

“Sige po aalis na po ako, si Gael po ah” paalam niya sa ina at saka ako humalik sa pisnge ng anak niya at ganun na rin sa kanyang ina

“Sige, mag ingat ka!” sagot sa kanya ng kanyang ina

Nang makalabas siya ng bahay ay agad siyang tumawag ng tricycle at saka siya nag pahatid papunta sa Riano University ang pinakasikat na paaralan sa lugar nila, sabi ng iba maganda ang school na ito, maganda rin daw ang kalidad ng edukasyon pero napakamahal naman ng tuition fee, buti na lang isa siya sa trentang estudyante na nabigyan ng scholarship, kada school year kasi ay kumukuha ng trentang estudyante para sa scholarship kaya naman napakaganda nito para sa mga katulad niya na kapos sa pera.

“Bayad po manong” ika niya sa tricycle driver ng makababa siya sa sasakyan, agad siyang napa buntong hininga nang nasa harap na siya ng Riano University

“This is it, sana lang ay makita ko siya dito, sana lang ay dito pa siya nag aaral” bulong niya sa kanyang sarili

Bago pa siya mabanggan ng kung sino sa puwesto niya, ay agad na siyang nag lakad papasok sa loob, hindi niya tuloy hindi maiwasang hindi mamangha ibang iba kasi ito sa public school, hindi naman sa nilalait niya ang public school, besides doon din siya galing pero hindi niya maiwasang hindi ipang kumpara kung gaano kaganda ito kaganda kesa sa dati niyang paaralan which is public school

Kinuha niya mula sa munurahin niyang bag ang schedule ng klase niya, para mapadali ay nag tanong tanong siya kung saan ito, buti na lang at merong mabait na nag turo sa kanyang kung saan ito

“Salamat” ika niya sa lalaking nag hatid sa kanya sa unang klase niya

“Ah eh wala ’yun dito rin kasi ang first class ko” naka kamut ulong tugon ng lalaki sa kanya

“Ah, ganun ba?” nahihiya niyang sabi, nag assume pa naman siya na hinatid talaga siya ng lalaki dito sa classroom ’yun pala ay dito rin ang kanyang unang klase nito, pero hindi na rin masama sinabay siya nito papunta sa classroom nila

Nang makapasok siya sa loob ng classroom ay agad siyang nag hanap ng mauupuan, ang napili niyang upuan ay sa may bandang dulo, para hindi siya agaw pansin

“Scholar ka dito?” tanong ng papalapit na lalaki at saka umupo sa katabing upuan niya, tumingin siya dito at doon niya ito namukhaan ito ’yung lalaki kanina na ang akala niya ay sinamahan pa siya sa classroom ’yun pala ay dito din ang pasok, tiningnan niya ang tinitingnan ng lalaki, nakatingin ito sa sout niyang Id, kaya naman pala niya natanong kung schoolar siya, kulay itim kasi ang kulay ng id ng mga schoolar habang ang hindi ay kulay puti.

“Ahh, oo” tugon niya sa lalaki at saka bahagyang nag kamut sa ulo

“Ang galing, so matalino pala” tanong pa ng lalaki sa kanya

“Hindi naman” pahumble na sagot ni Gabb sa lalaki

“Kevin Lougain” pakilala ng lalaki sa kanya hindi niya alam pero bigla siyang natawa, mababaw talaga ang kanyang kasiyahan

“Sorry” pag hinge niya ng pasenya sa lalaki hindi niya kasi maiwasang matawa sa apilyedo ng lalaki, sanag ay hindi na offend ito

inayos niya ang kanyang sarili bago siya mag pakilala sa sarili “Gabb Riel Tuazon”

“Okay lang sanay na ako, btw nice name” tugon ng lalaki sa kanya “pwede bang dito na lang ako umupo?” tanong pa nito

“Sige, naka upo ka na rin naman, pero seryoso ’yun talaga ang apilyedo mo?” pangungulit niya sa lalaking katabi niya

“ Oo“ sagot ng lalaki sa kanya

“Sabagay” ika niya sa kanyang sarili kaya naman napatingin sa kanya si Kevin

“Bakit?” tanong nito sa kanya

“Ahm wala naalala ko lang ang kaibagan ko medyo nakakatawa rin kasi ang apilyedo noon” tugon niya sa lalaki, totoo naman kasi kakaiba din ang kaibigan niyang si Bea

“Bakit ano bang apilyedo niya?

“ tanong ni Kevin sa kanya

“ Amvahu, Beatrice Amvahu ang pangalan niya“ sagot niya kay Kevin kaya naman sabay silang natawa

“Hep! Parang narinig ko ang pangalan ko ah? pinag tatawanan n’yo ba ang apilyedo ko?” tanong ng papalapit na babae sa kanilang puwesto at saka na upo sa kanang bahagi ni Gabb, napag gigitnaan na siya ngayon ng dalawa

“Hindi naman, nabanggit ko lang sa ang pangalan mo kasi tinanong niya kung sino ba daw ’yung kaibigan ko” pag sisinungaling niya

“Siya nga pala si Kevin, kevin si Beatrice kaibigan ko” pag papakilala niya sa bawat isa

“Hi, ako nga pala si Beatrice Amvahu, wag mo ng pansinin ang apilyedo ko kabaligtaran naman nun ang amoy ko” saad ni Bea kay kevin

“Ako naman si Kevin Lougain” pag papakilala ni Kevin sa sarili

“Haha! Bagay pala tayo” natatawag saad ni Bea, kaya biglang natahimik silang tatlo

Awkward.

“Ehem” pag peking upo ni Gabb, para wakasan ang katahimikan

“I mean bagay palang mag sama ang apilyedo natin nakakatawa, Lougain at Amvahu, bagay talaga tayo” medyo kinikilig na saad ni Bea kay Kevin naka tanggap naman siya ng mahinang hampas mula kay Gabb

“Gagi” saad sa kanya ni Gabb at saka tumingin sa harap dahil dumating na ang kanilang paunang guro sa mga oras na ’yun

A/N: Hindi ko ’to masimula kasi wala akong maisip na pangalan, hshs pasensya na.

So kumusta ang chapter one? Okay lang ba o Jeje ba?

chapter 2

*

Matapos ang ilang mga klase sa umaga ay napag pasyahan ni Gabb at Bea na mag tungo sa cafeteria, libre kasi ni Bea kaya naman agad na sumama si Gabb, si Kevin naman ay may pinuntahan kaya hindi na nakasama pa sa dalawang kaibigan

Ilang minuto pa lamang sila doon nang makarinig sila ng malakas na tilian habang sila ay kumakain sa cafeteria

“Omg! Andyan nga si Mattheon” biglang saad ng dalagitang si Bea, napakunot naman ang noo ni Gabb, hindi niya kasi kilala ang sinabi ng kaibigan dahil bago pa lamang siya sa Unibersidad na kanilang pinapasukan, habang ang kaibigan naman niyang si Bea na kaklase niya ng Shs sa BlueBi High ay halata mong kilalang kilala na ito, mahilig kasi si Bea mag Internet hobby niya ang pang iistalk.

Pinag sa walang bahala na lamang ni Gabb ang kanyang narinig hindi siya interesdo sa ganung bagay, hindi siya interesado sa mga lalaki, nandito siya para mag aral, swerte na nga kung matatawag dahil naka kuha siya ng scholar ship sa Riano University, gusto niya talagang mag aral sa university na ito dahil nandito ang taong kanyang hinahanap, kaya naman laging gulat niya ng pag open niya ng kanyang mumurahing touch screen cellphone ay nakita niya ang email ng school na nag sasabing natanggap daw siya bilang scholar sa Riano University

“Ang guwapo guwapo talaga niya” muling saad ng katabi niya na si Bea dahilan para mapabalik siya sa kanyang sarili

“Hindi ka mapapansin n’yan”

saad niya sa kaibigan para matigil siya sa kanyang pag papantasya sa lalaking hindi niya pa rin nililingon, sinabi niya ang mga salitang iyun sa kaibigan, hindi dahil wala siyang support dito, ayaw lamang niyang umasa at masaktan sa bandang huli ang kaibigan

“Bitter” pag iirap naman ng kanyang kaibigan sa kanya at saka tinigilan ang pag hiyaw sa halip ay binigyan na lamang ng pansin ang mga pag kaing naka hain sa kanila niya, nang ang atensyon ni Bea ay nasa pag kain na pasimpleng tiningnan ni Gabb ang kanilang tinitilian, medyo hindi pa niya halos makita ang mukha ng lalaki dahil may babaeng naka kapit sa braso niya dahilan para matakluban ang puwesto niya

“Tsk! Womanizer” bulong niya sa kanyang sarili

Nang umikot ang babae at kumalas sa pag kakakapit sa braso ng lalaki ay doon niya lamang nakita ang mukha ng binata na dahilan para lumaki ang kanyang mata, hindi siya makapaniwala sa nakita, ang lalaking ’yun ang kanyang hinahanap

“O diba? Gwapo sabi ko naman sayo e” saad ni Bea na ngayon ay nakatingin na pala sa kanya na malawak ang ngiti

hindi naman siya ni pinansin ni Gabb sa halip ay mabilis siyang nag tanong dito habang ang mata ay naka tingin pa rin sa lalaki

“Ano nga ulit ang pangalan niya?” pag tatanong niya sa kaibigan habang naka tingin pa rin sa lalaki, hindi siya nag kamali ’yun nga ang kanyang hinahanap, tandang tanda niya ang mukha na ’yun kahit lumipas na mahigit isang taon na hindi niya ito nakita pero tandang tanda niya pa rin ito

“Mattheon Ashtan Devereaux” mabilis na sagot sa kanya ng kaibigan niya “bakit bet mo ’teh? Sorry ka hindi ka mapapansin niyan” pag tatanong at pag gagaya niya sa kanyang sinabi kanina kanila lang

Muli hindi siya pinansin ni Gabb sa halip ay mabilis itong tumayo mula sa kanyang pag kakaupo

“Oyy ’teh saan ka pupunta?” gulat nitong tanong sa kanya pero hindi niya nito pinansin at saka ito mas binilisan ang kanyang pag lalakad papunta sa pwesto ng lalaki na nag ngangalang Mattheon

“Ashtan” pasigaw na sigaw niya sa pangalan ng lalaki nang medyo makalapit na ito sa puwesto ni Mattheon agad namang napatingin sa kanya ang binata, tiningnan siya neto na naka kunot ang noo.

Piste, hindi ba niya ako naalala? tanong ni Gabb sa sarili, agad na umakyat ang pag kainis mula sa kanyang ulo

“Why?” saad ng babaeng naka kapit sa braso niya kanina

“Anong kailangan mo sa asawa ko?” tanong ng babae sa kanya na siyang ikinahina ng tuhod kanyang tuhod, asawa? paano kami, paano ang anak niya? bulong niya sa sarili

Napalunok siya

“May gusto lamang akong sabihin” sagot nito sa babae, humina ang boses niya dahil sa narinig kanina kanilang, napapikit siya bago siya muling bumaling kay Mattheon, ang mukhang ’yun ang mukha ng tatay ng anak niya

“Did he call him, Ashtan?” rinig niyang saad ng isang babaeng malapit sa puwesto niya

“Yah, lagot siya kay Fafa Matt, hindi ba niya alam na ayaw nya sa name na ’yun duh” narinig pa niyang sagot ng isang babae, muli niyang iniling ang kanyang ulo hindi niya dapat pinapakinggan ang ganung mga bagay, nakasalalay sa kanya ngayon ang nakakabuti para sa anak niya.

Pigil ang hininga niya muling tumingin kay Ashtan, ngayon niya lamang nalala na sikat nga pala ang binata sa eswelahang ito, kaya heto halos lahat nang nasa canteen ay sa kanila naka tingin, pinagalitan niya ang kanyang sarili sa kanyang isip, masyado kasi siyang naging padalos dalos at nag padala sa kanyang damdamin

“Ano ’yun? Dito muna sabihin nang marinig ko ang sasabihin mo sa asawa ko” sagot ng babae sa kanya, dapat niya nga bang sabihin, dito talaga? hindi pwede dito maraming makakarinig, kahit na gusto niyang mag karoon ng ama ang kanyang anak ayaw niya pa rin namang sirain ang pangalan ni Mattheon

“Ano?” tanong ulit ng babae sa kanya sabay inom ng juice na nasa harap, para lamang itong nanonood ng movie, lihim na napatawa naman ang babaeng nag sabing asawa ni Mattheon dahil sa reaksyon ni Gabb kanina

“A-Ah wala kalimutan niyo na, sige una na ako” parang tangang saad niya sa babae at saka ito nag mamadaling bumalik sa puwesto niya kanina para kunin ang bag niya at para ayain si Bea na lumabas sa canteen

“Baklang papansin” narinig niya pang  bulong ng isang babae habang nag lalakad siya pabalik sa puwesto niya

“Attention seeker!” narinig pa niyang bulong ng isa

_

“Teh, ano ’yun? explain” tanong sa kanya ng kaibigan niya na siyang ikinailing niya lamang, kanina pa siya nitong kinukulit pero hindi niya puwedeng sabihin dito, hindi dahil wala siyang tiwala sa kaibigan kundi pa siya handa na sabihin sa kaibigan ang tungkol sa anak niya at sa ama ng anak niya, hindi pa siya handang sagutin ang magiging katanongan nito

“Wala nga, okay? tiningnan ko lang kung gaano kasikat ang Ashtan na iyon dito” pag sisinungaling niya sa dalaga, medyo napapadalas na ang kanyang pag sisinungaling mula ng pumasok siya dito sa Riano University

“Gaga ka talaga ’teh” natatawang tugon ng kaibigan niya sa kanya, paniwalang paniwala kasi ito sa kasinungalingan niya

chapter 3

*

Dalawang araw na ang nakalipas mula nang mag yare ang ginawang pag tawag ni Gabb sa canteen, may mga estudyante pa rin na napapatingin sa kanya at saka siya pinag bubulungan, pero pinag sasawalang bahala niya lamang ito

“Hanep Theon, tingin ko may gusto sayo ’yung bakla sa canteen” puna ng kaibigan ni Theon na si Jack Olerro, kaya naman naka tanggap siya ng hampas sa kaliwa niyang braso, kasalukuyan sila ngayong nasa isang classroom na naging bakante kaya naman ito ang ginawa nilang tambayan, pinagawan ito ng lolo King niya ng kusina at saka pinaduksongan ng dalawang maliit na kuwarto

“Tigilan mo nga ako Jackolerro” saad niya sa kaibigan at saka ito umalis sa nasabing tambayan, gusto niyang mapag isa ang ayaw niya sa lahat ay ang kinukulit at dinadaldal siya

“Pwede namang Jack na lang kailangan isama pa talaga ang apilyedo?” narinig pa niyang sigaw ng kaibigan bago siya tuluyang makalayo sa tambayan

Sa huli ay dinala siya ng mga paa niya patungo sa Rooftop, hindi ito gaano pinupuntahan ng mga estudyante dito dahil pinag babawal, kadalasan na ang pumupunta dito ay mga freshman na hindi alam

Napapikit siya ng humampas sa kanya ang hindi kalakasang hangin, napapikit siya habang inaalala ang imahe ng lalaki sa canteen, hindi niya alam pero parang pamilyar ang mukha ng lalaki

“Ashtan” may biglang tumawag sa pangalan niya kaya naman agad niyang minulat ang kanyang mata, pamilyar ang boses ng tumawag sa kanya

“Ikaw na naman?” gulat niyang puna sa lalaking ngayon ay nasa harap na niya

“May kailangan kang malaman” kinakabahang saad ng binatang si Gabb kay Theon

“Hindi ako interesado” pag susuplado niya sa lalaki, alam kasi niya sa sarili niya na walang kuwenta lamang ang sasabihin nito sa kanya

“Pero-”  hindi na natapos ni Gabb ang sasabihin niya ng putulin ito ni Theon sa pamamagitan ng pag sasalita nito

“Pwede ba? Utang na loob, tigilan mo nga ako, hindi kita kilala at hindi ako interesado sa sasabihin mo” hindi kalakasan na boses ni Theon pero nandun ang gigil niya sa pag kakasabi niya ng mga salitang iyun, ang ayaw niya  sa lahat ay ang mga taong makukulit at maraming sinasabi, naririndi siya.

“Pero kasi, gusto ko lang sabihin sayo na may anak ka, tayo” saad ni Gabb sa kanya sa pamamagitan ng mahinang boses, na wala ang lakas niya dahil sa pag aming niyang iyun, hindi niya alam sa sarili niya kung paniniwalaan ba siya ng binata pero bahala na, saad niya sa sarili

“Ano? Anong sabi mo?” tanong ni Theon sa ganyan, hindi niya pinakita sa kanyang mukha ang gulat at kaba

“May anak tayo maniwala ka” mangiyak ngiyak na saad sa kanya ni Gabb

“Haha, nag papatawa ka ba? kasi kung oo, nakakatawa siya” sagot sa kanya ni Theon at saka ito mahinang tumawa

“Nag sasabi ako ng totoo” sagot sa kanya ni Gabb na iinis na siya sa binata dahil na gawan pa siya nitong tawanan sa kabila ng pag sasabi niya ng totoo

“Alam mo? Hindi ko na mabilang kung pag ilan ka sa nag sabi sa akin niya na may anak ako, pero kakaiba ka…” saad sa kanya ng binata nagawa pa nito siyang tinggnan mula ulo hanggang paa, animo’y kinikilatis siya

“Kakaiba ka kasi, ikaw pa lamang ang lalaking nag sabi sa akin niyan” pag papatuloy ni Theon sa kanyang sinabi, totoo ang kanyang sinabi tanging si Gabb lamang ang nag sabi sa kanya na lalaki na naanakan niya

“Maniwala ka, please! panagutan mo ang bata kailangan ko rin ng suswento mo, kahit mag bigay ka lang ng pang Diaper ng anak natin” sagot sa kanya ni Gabb, gusto talaga ni Gabb na ipakilala sa anak ang ama niya pero kailangan din niya ng suswento dito lalo na’t wala pa siyang nahahanap na trabaho, sobrang hiyang hiya na siya sa kanyang mga magulang kaya naman ito, kinakapalan niya ang kanyang mukha sa harap ng ama ng kanyang anak.

“Haha, sabi na ’eh ang dami mo pang paligoy ligoy hindi mo na lang sabihin sa akin nang diretso  na kailangan mo ng pera, you want money? Don’t you?” tanong ng binata kay Gabb, alam na ni Theon ang galawan ng mga nag sasabi sa kanya ng may anak siya kundi pera ang gusto ng mga ito ay katawan naman niya, sa kaso ng kaharap niya ngayon ay alam na niyang pera ang gusto nito

“Hindi sa ganun ’yun, hindi sa gusto kitang perahan,  ang sa akin lang ay kahit mag bigay ka lang kahit pang diaper ng anak natin, kapos din kasi kami, hindi pa ako nakaka hanap ng bagong trabaho, at saka kasalanan mo rin naman e, kundi mo ako inanakan edi sana hindi ako lalapit sayo” saad sa kanya ni Gabb sinabi na niya sa binata ang gusto niyang sabihin, totoo ang lahat ng iyun kapos sila sa pera at hindi pa siya nakaka hanap ng bagong trabaho

Hindi pinansin ni Theon ang sinabi ni Gabb sa halip ay napatingin ito sa Id niya na sout sout

“Scholar ka na nga sa school na pag mamay ari ng lolo ko tapos gusto mo pa akong patusin, perahan?”  saad ni Theon napansin kasi niya ang sout ni Gabb na Id, nalaman niyang scholar ito sa school na pag mamay ari na ng mga Devereaux, nabili na kasi ng lolo niya ang school na ito matapos mamatay si Mr Bluebird na siyang may ari nito.

“Nag sasabi ako ng totoo may anak tayo, naalala mo ba noong June 23, sa Resto bar? may nilapitan ka tapos bigla mo na lang hinila sa isang kuwarto, ako ’yun” pag papa liwanag ni Gabb sa binata, ng araw na ’yun ay kakatapos lamang ng graduation ni Gabb sa Shs nag kaayaan dahil na rin sa pag pipilit na rin ng kaibigan niyang si Bea ay napasama na rin siya sa nasabing Resto bar, dahil nag cecelebrate sila ay hindi maiwasang hindi mag imoman.

“Hindi ko maalala” pag sisinungaling ni Theon, June 23 kasi ang kanyang kaarawan at sa tuwing sasapit ang araw na ’yun ay hindi sila pwedeng hindi mag punta sa Resto bar na pag mamay ari ng kaibigan na si Jack.

“9 inches pag matigas at gising na gising, 6 inches pag tulog  may tatlong taling ka sa ano mo, isa sa kaliwang mong bayag isa sa gitna ng  katawan ng ano mo at saka isa sa may ulo-” hindi na natuloy ni Gabb ang sasabihin dahil muli itong pinutol ni Theon, gusto sana niya pang ipag patuloy pero pinutol na nga ito ni Theon, sigurado naman siya na tama ang sukat niya sa ari nito, paborito niya ang Math kaya nga gusto niya ang mga inches, mahilig din siyang pumuna ng mga bagay kaya naman nakita niya ang tatlong taling nito sa ari.

“Tumigil ka nga, sinungaling” saad ni Theon sa kanya na hindi maiwasang mamula ang mukha dahil lahat ng sinabi ng lalaking kaharap niya ay totoo tanging siya lamang at ang magulang ang nakaka alam sa sekreto niyang iyun

chapter 4

*

“Then prove it na wala kang taling sa mga na banggit ko, ipakita mo, ng mag kaalaman kung sino ang sinungaling sa ating dalawa” pag hahamon ni Gabb sa binata, alam niya sa sarili na totoo ang kanyang sinabi base na din sa itsura ngayon ng lalaking kaharap niya, namumula ant mukha at hindi na halos maipinta

“Mukha ka na ngang pera Desperada ka pa, bakit kasi hindi mo na lang ako deresyohin na gusto mo ng pera at gusto mo ito” saad ni Theon sa kanya sabay himas sa may umbok ng pantalon niya, nag kamali siya sa sinabi niya kanina na ang lalaking kanyang kaharap ay mukhang pera, dahil hindi lang pala pera ang gusto nito sa kanya kundi ang katawan din niya

para sabihin ko sayo Mr. Devereaux hindi ako nasasarapan sa malaki“ saad ni Gabb para pag takpan ang sarili, sobra na ang hiya niyang nararamdam sa kaharap niya ngayon, kaya naman kung ano ano na lamang ang nasasabi niya, nasabi niya ’yun kahit na kay Theon nya lang naranasan ang bagay na yun.

“Hindi daw kaya pala ang lakas ng haling hing mo” saad ni Theon sa binata para lalo pa ito nitong asarin

“Edi naalala mo rin” naka ngising sagot naman ni Gabb sa binata

“An-Ano? hindi a-ah, hindi ko naalala, pero isa lang ang alam ko, lahat ng naikakama ko ay sarap na sarap dito.” sagot sa kanya ni Theon sabay nguso sa umbok nito

“Tumigil ka nga, basta ano mag bigay ka ng pang diaper ng anak natin” ang naisaad na lamang ni Gabb sa binata, sobrang pula na nag mukha niya ngayon daig pa itong kamatis sa pula

“Anak mo lang” pag tatama ni Theon sa sinabi ni Gabb

“Anak natin” pag tatama naman ni Gabb

“Anak mo lang” pag uulit ni Theon

“Anak nati-n”

“Pwede ba umalis ka nga sa harap ko naririndi na ako sayo” naiinis niyang saad kay Gabb, ang ayaw niya sa lahat ay ang taong makulit at madaldal, sa madaling salita ayaw niya sa taong kaharap niya ngayon, hindi niya nga alam sa sarili niya kung bakit naka usap niya ito ng matagal, inis na inis na talaga siya gusto na niyang suntokin ang lalaking kaharap, naka desperada kasi nito sa paningin niya.

“Ashtan-” hindi na natuloy ni Gabb ang sasabihin niya ng makita niyang nilabas ni Theon ang wallet niya, napangisi naman ang binata, tama siya pera ang gusto ng lalaking kaharap niya

“This is what you want? right? c’mon take it” saad ni Theon sabay kuha ng kamay ni Gabb para mailagay ang pera, agad naman niya itong naibigay kay Gabb

“Lubayan mo na ako, ’yan may pera ka na? hindi ba’t pera lang naman ang gusto mo? kaya ’yan pera umalis ka na sa harap ko, pasensya ka na kung hindi ko maiibigay ang katawan ko s’yo, wala ako sa mood para mag laro, umalis ka na bago pa kita ipahiya, alis gusto kung mapag isa, tsk” saad ni Theon kay Gabb, alam niya sa simula pa lang ay pera na ang habol nito sa kanya, sorry na lang siya at hindi nito maiibigay ang katawan niya, wala siya sa mood para makipag laro.

Tatalikod na sana si Theon ng mapansin niyang hindi na nagawa pang makapag salita ni Gabb, napatawa siya, siguro iniisip ng binatang kaharap niya na kung paano niya nalaman ang plano niya.

“Saka nga pala, sabihin na natin na talagang may anak ka at ikaw ang nag dala, sigurado ba ako ang ama? eh baka nga kung sino sino  na ang naka galaw sayo? sa itsura mo pa lang” pag papatuloy ni Theon sabay iling, alam niya ang mga katulad ng mga kaharap niya, “lintik na bata ’yan” dagdag na bulong pa nito, galit na galit na siya at punong puno na sa taong kaharap niya

napatigil siya ng marinig niya ang mahinang pag hikbi ng lalaking kaharap

“Napakadali para sayong husgahan ako kahit na alam kong alam mo na ikaw lamang ang naka una sa akin, sinabi ko s’yo ang tungkol sa anak natin hindi dahil mukha akong pera, oo kailangan ko ng pera, dahil wala pa akong nahahanap na trabaho, pero sinabi ko sayo ito hindi para sa akin kundi para sayo at sa anak natin, ayaw kong lumaki ang bata na walang kinikilalang ama, ang gusto ko lang naman ay panagutan mo ang bata, kahit ’yun na lang at wag na ako, kasi alam ko naman na walang tayo, ang nag yare lamang sa atin ay isang one night stand, wag kang mag alala hindi ko naman ipag sasabi ang tungkol sa anak natin, dahil ayaw kong masira ang pag sasama niyong mag asawa, ang kailangan ko lang ay suswento dahil hindi ko kayang buhaying mag isa ang bata” mahaba niyang sabi kay Theon habang patuloy pa rin ang pag tulo ng kanyang luha, sobrang sakit at sama ng loob ang nararamdaman niya ngayon, wala naman siyang balak sirain ang pamilya ni Theon, ang kailangan niya lang ay suporta mula dito

“Sinabi ko ang tungkol sa anak natin sayo, para sa huli walang sisihan, ayaw kong sisihin ang sarili ko sa Future na hindi kita pinakilala sa anak natin, ayaw kong mangapa ng mga sasabihin sa anak natin kapag nag tanong siya tungkol sa ama niya” dagdag pa niyang saad sa kaharap niya, ’yun talaga ang gusto niya ang alam niyang makaka buti sa anak niya, ayaw niyang maging makasarili, gusto pa rin niyang ipaalam niya sa anak niya ang tungkol sa ama niya

Bumuntong hininga siya bago siya muling mag salita, “pero sa pinapakita mo at sa sinasabi mo sa akin ngayon, pinatunayan mo lang sa akin na nag kamali na naman ako,  dapat pala ay hindi ko na lang sinabi sayo, dahil wala rin naman palang saysay at hindi mo paniniwalaan, pero okay na rin, para naman makunsenya ka kung meron ka nun” pag papatulay ni Gabb tumingin siya sa hawak niyang pera at saka niya ito hinagis sa harap ni Theon “wag mo akong sisihin kung hindi ka kilalaning ama ng anak mo, dahil sa  una pa lang ay hindi ka nag paama, hindi mo deserve na tawaging ama, hindi mo deserve ang anak mo” saad pa ni Gabb pag katapos ay iniwan na niya si Theon na hanggang ngayon ay hindi pa rin makapag salita

Hindi niya deserve maging isang ama, hindi niya Deserve si Gael, mas mainam nga sigurong hindi na lamang niya sinabi kay Theon ang tungkol sa bata

Bago pa man siya makababa sa rooftop ay muli siyang napa tingin sa puwesto ni  Theon na hanggang ngayon ay wala pa ring imik, bumuntong hininga siya at saka muling nag iba ng tingin at doon niya nakita si Kevin na prenting naka upo sa hindi kalayuan sa puwesto niya, hindi ito pansin dahil may dalawang basurahan sa gilid nito, nag tama ang mata nilang dalawa, napa iwas ng mata si Kevin hindi niya sinasadyang marinig ang lahat ng pinag usapan nilang dalawa, nandun siya ng mga oras na ’yun para umidlip sana ngunit na wala ang antok niya ng marinig niya ang boses kanina ni Gabb na tinawag si Theon.

chapter 5

*

“Kanina ka pa ba doon?” hindi maiwasan ni Gabb ang mag tanong lalo na’t may ibang tao ang nakarinig sa pinag usapan nila kanina ni Theon

bahagya namang napakamot sa ulo si Kevin dahil sa hiya, hindi naman kasi niya talaga sinasadya na marinig ang pinag usapan ng dalawa

“Oum, sorry” puno ng senseridad na pag hingi niya ng paumanhin kay Gabb

tumango siya sa naging sagot ng binata pag ka kuwan ay agad ding sumagot, “okay lang” aniya sa binatang katabi niya, kasalukuyan silang naka upo sa isa sa mga upuan na malapit sa oval

“So, totoo ba lahat ng sinabi mong ’yun?..” hindi maiwasang tanong ni Kevin sa kanya, kung hindi kasi niya ito matatanong ngayon ay baka hindi siya nito patulogin mamayang gabi kakaisip, hindi naman sa nagiging pakilamero siya, na cocurious lamang siya.

“… may anak kayo, paano?” mahina pa nitong dagdag sa kanyang sinabi, hininaan niya ang kanyang boses baka kasi may ibang maka rinig, pansin niya na sinesekrito ito ni Gabb

nag hindi siya maka tanggap ng sagot kay Gabb ay agad siyang humingi ng paumanhin “sorry” pag hinge niya muli ng tawad sa kanya

“Okay lang, oo mahirap paniwalaan, dahil parehas kaming lalaki at nag kaanak kami, ako rin noong una hindi rin ako makapaniwala na kaya ko palang mag dalang tao, galit na galit ako nun sa sarili ko, hindi ko matanggap, nag ooverthink na ako kasi iniisip ko na baka hindi ako normal, pero nag maisipan kung kumalma at mag basa ng mga article na katukad ng kaso ko na kayang mag dalang tao kahit lalaki, mahirap tanggapin pero unti unti ko ring natanggap, naalala ko pa noong unang beses kong narinig ang pag iyak ng anak ko, doon ko nasabi na ang tanga tanga ko dahil hindi ko agad natanggap ang pag dadalang tao ko.” mahabang kwento niya sa binata habang inalala kung paano niya unti unting natanggap na nag dadalang tao siya

“Alam mo, hanga ako sayo kasi napakatapang mo,  nalampasan mo ang lahat ng ’yun” saad sa kanya ni Kevin, humanga talaga sa kanya ang binata dahil nakaya niyang mag silang nag isang bata na alam niya na hindi biro

“Kailangan e, para sa anak ko” sagot niya kay Kevin, habang naka tanaw kung saan

“Nabinyagan na ba ang anak mo? pwede ba akong mag apply bilang daddy” natatawang biro ni Kevin sa kanya, para ibahin ang usapan pansin kasi nito ang lungkot sa mukha ni Gabb

“Sira” sagot ni Gabb kay Kevin, kasabay ng kanyang pag tawa ay ang pag palo nito sa balikat ng kausap.

“Nag bibiro lang, gusto kong maging ninong pwede ba?” saad ni Kevin sa kanya na ikinatango niya

“Hindi pa nabibinyagan ang anak ko, balak ko sanang isabay iyon sa first birthday niya, at oo pwedeng pwede kang maging ninong ng anak ko mukha ka namang mayaman haha” natawa siya sa huli niyang sinabi kaya naman natawa rin ang kanyang kausap

natigil lamang ang kanilang pag tatawanan ng dumaan sa harap nila si Theon

saglit na katahimikan ang namutawi sa kanilang dalawa nabasag lamang ’yun ng muling nag salita si Kevin

“Pwede ba ako minsan dumalaw sa inyo? gusto kong makita ang inaanak ko” saad niya sa kanya, gusto niya kasi talaga itong makita, iniisip niya kung gaano kaya ka cute ang anak ni Gabb

“Oum, sure hahaha, aayain ko rin si Bea para sabay kayo” sagot niya, naisip kasi niya na ipaalam na sa kaibigan ang tungol sa anak niya naisip niyang ang unpair niyang kaibigan, si Kevin na bago pa lamang niyang kaibigan ay alam na ang tungkol sa anak niya, ayaw niyang mas lalong mag tampo si Bea

“Sige” sagot ni Kevin sa kanya

“Andyan lang pala kayong dalawa, kanina ko pa kayong hinahanap, nag aano ba kayo dyan?” saad ni Bea na kakarating lamang, kanina pa niyang hinahap si Gabb at kanina pa rin siyang paikot ikot kakahanap

“Wala” sagot niya sa kaibigan

“Nag da-date haha” biro naman ni Kevin sa kaibigan niya

“Ano?” gulat na tanong ni Bea, dahilan para matawa siya ganun na rin si Kevin

“Just Kidding” natatawang sagot ni Kevin

“Tara na nga puro kayo kalukuhan, baka malate pa tayo” pag aaya niya sa dalawa, ilang araw pa lamang nilang kasama si Kevin ay naka close na agad nila ito, sabagay blockmates naman kasi silang tatlo

“Nag da-date ba talaga kayo kanina ni Kevin?” bulong ni Bea sa kanya ng maka upo na sila sa loob ng classroom

“Sira! may pinag usapan lang kami” sagot niya kay Bea at saka bahagyang natawa sa huli

“Weeh?” nag dududang saad ng kaibigan sa kanya

“Oo nga, nag bibiro lang kanina si Kevin, naniwala ka naman” sagot niya sa kaibigan, kilala niya ito madaling napapaniwala sa sinasabi ng iba, hindi ata alam ng kaibigan ang biro sa hindi

“Eh bat parang kinikilig ka?” pag aasar ni Bea sa kanya, na pansin kasi ng dalaga ang pamumula ng mukha niya

“Ano? hindi ah” sagot niya sa kaibigan, hindi niya alam kung saan nakuha ng kaibigan ang sinasabi nito, dahil hindi naman talaga siya kinikilig

“Namumula ang pisnge mo kaya, may gusto ka ba kay Kevin?” saad ng kaibigan niya sa kanya at saka bahagya pang tinuro ang puwesto ni Kevin na hindi kalayuan sa kanila

“Sira ka talaga” ang nasabi niya na lang sa kaibigan, well marahil ay totoo ang sinasabi ng kaibigan niya na namumula ang mukha niya, pero hindi naman nito alam kung bakit namumula ito hindi nito alam na galing siya sa pag iyak kanina

Ilang oras pa ang lumipas nag papasalamat siya at hindi na siya pa kinulit ng kaibigan niya.

“Una na sa inyo bye” pag papaalam ni Bea sa kanila ni Kevin, oras na kasi ng uwian alas singco na nag hapon.

“Sige” saad niya sa kaibigan, tinaas pa niya ang kanyang kamay bilanh paalam

“Ahm! Gabb sabay na tayo” saad sa kanya ni Kevin at saka siya inakbayan

“A-Ah sige” pag sang ayon niya, hindi na kasi siya makatanggi dahil naka akbay na ito sa kanya at saka iisa lamang sila ng daan pauwi

“Gusto kong dumaan sa inyo, gusto kong makita ang inaanak ko, pwede ba?” tanong sa kanya ni Gabb

“Ahm sige” sagot niya, wala na ata siyang ibang kayang sabihin kundi sige

“Ano nga palang pangalan ng inaanak ko?” tanong nito sa kanya

“Ahm, Gael, Gael ang name niya” sagot niya, Gael ang pinangalan niya sa bata dahil wala na siyang iba pang maisip na ipangalan at saka Gael din ang tawag sa kanya ng kababata niya na si Zach kaya naman Gael na lamang ang pinangalan niya, para na din hindi mahirapan ang bata sa pag susulat sa pangalan niya kapag nag aral na ito

“Ahh nice name ah, ikaw ba nag bigay ng name na ’yun?” tanong pa ni Kevin sa kanya

“Oo-” hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil may biglang sumitsit sa kanilang dalawa

“Psstt” ika ng kungsino ilang saglit lang ay nasa harapan na nila si Theon

Pasimpleng tinanggal ni Gabb ang kamay ni Kevin sa balikat niya

“Bakit?” tanong niya kay Theon

“Mag usap tayo” sagot sa kanya ni Theon

nangunot ang noo niya, “tungkol saan?” tanong niya kay Theon kahit na alam naman niya kung tungkol saan ito

“About us” sagot ng binata sa kanya, natahimik siya

“Walang tay-ooo” naputol ang sasabihin niya ng bigla na lamang siyang hinila ni Theon kung saan.

chapter 6

*

Ilang minutong natigilan si Theon, hindi niya alam kung nag sasabi ba ng totoo ang lalaking kanyang kaharap kanina, aware naman siya na may mga lalaki talagang na kayang mag dalang tao, katunayan ay marami siyang kilalang may ganung kundisyon, mula sa kanyang lola da na si Kint, sa kanyang tito Ashton na nag dalang tao din at ganun na rin si ang kanyang Dada Francis na siyang nag dala sa kanila ni Ashley

Napabuntong hininga siya at saka siya bahagyang nag lakad para makita ang mga taong nag lalaro at nag lalakad sa field

Pinikit niya ang kanyang mata, kapag nag kataon na talagang naka buntis siya ay tiyak na malilintikan siya sa kanyang Daddy Asher.

“Problema mo?” puna sa kanya ng nakaka batang kapatid ng pumasok siya sa tambayan, hindi niya pinansin ito sa halip ay nag tungo na lamang siya sa kusina para mag hanap ng makakain, pero sinundan siya ng kanyang kapatid

nangunot ang noo niya ng nilahad ng kanyang kapatid ang palad nito?

“Ano ’yun?” tanong niya sa nakaka batang kapatid

“Bayad mo” sagot sa kanya ng kapatid niya

“Huh? Saan, tigilan mo nga ako” saad niya at saka nag sandok ng kanin sa hawak niyang plato, buti na lang talaga at may taga luto sila dito, may mga time kasi na nalalate sila kakapila sa canteen kaya naman nag request sila na mag karoon ng taga luto ang tambayan nila

“Limot muna?”  tanong ng kapatid niya sa kanya pinag cross pa nito ang dalawa nitong kamay

“Alin?” sagot niya at saka iniwan ang kapatid sa kusina

“Tinulungan kita noong lunes, doon sa lalaking nag papansin sayo, nag panggap akong asawa mo, kahit yuck ew nakakadiri, nakakangilo! kaya akin na bayad mo bago pa tayo mag kalimutan” mahabang saad niya sa kanya at saka ito muling lumapit sa puwesto niya

“Sino ba naman kasi ang nag sabing sabihin mo doon sa lalaking ’yun na asawa kita” tugon naman niya sa kapatid at saka siya muling sumubo ng pag kain

“Argh! hindi ba’t ayaw mo may nag papansin sayo? kaya ’yun tinulungan kita, akin na kasi ang bayad mo” naiinis na sagot sa kanya ng kapatid

“Tulong tas nag papabayad ka? Ibang klase” sagot niya at saka niya dinukot ang wallet sa kanyang bulsa, napangiti naman ang kanyang kapatid

“Oh ’yan piso, bumili ka ng kausap mo” saad niya at saka inabot ang piso

“Ahh nakakainis ka, d’yan ka na nga” naiinis na saad sa kanya ng kapatid kaya naman malakas siyang tumawa

“Oh? bakit ganun ang mukha nun? nag ayaw kayo?” tanong ni Jack sa ng maka pasok ito kasama si Mint, naka salubong kasi nito si Ashley na kunot na kunot ang noo

“Wala” sagot niya sa kaibigan, pag kakuwan ay tinanguan niya ang pinsan

Nauna na siyang lumabas sa mga ito sa tambayan nila, at nag tungo na sa susunod nitong klase, kasalukuyang siyang third year college sa kursong Bsba o Business Ad

Nang matapos sa lahat ng gawain, oras na ng uwian, papunta na sana siya sa parking lot nang pamadaan siya sa room ng mga first year na kumukuha ng Educ, malapit kasi ito sa parking lot at saka sadyang madadaanan

“Psstt” pag sitsit niya ng makita niya ang lalaking kausap niya kanina sa rooftop, hindi niya alam ang pangalan ng binata kaya hanggang pag sitsit na lang ang kanyang nagawa

agad siyang pumunta sa puwesto nila pansin pa niya na tinanggal ng binata ang pag kaka akbay ng kasama nito sa balikat nito

“Bakit?” tanong sa kanya ng binata, ang lalaking kasama naman nito na sa tingin niya ay kaibigan ay tahimik lamang na nakinig sa kanilang pinag uusapan

“Mag usap tayo” sagot niya, kailangan niya talagang maka usap ang binata, hindi pa siya kunbinsido sa mga sinabi nito sa kanya kanina, nag tatalo ang kanyang isip dahil sa mga sinabi nito, meron sa kanya ang naniniwala siya sa sinabi nito at meron din na hindi, baka ginogood time lamang siya, pero ang gusto niya lamang mag yare ngayon ay maka usap ito at makita ang sinasabing bata

“Tungkol saan?” tanong ng binata sa kanya na mabilis niya rin namang sinagot

“About us” sagot niya sa binata, sana lang ay wag itong mag isip ng kung ano sa kanyang sinabi, dahil ang ibig niyang sabihin ay gusto niyang pag usapan ay ang tungkol sa bata

“Walang tayo-oo” hindi na niya pinatapos pa ang binata sa sasabihin nito dahil bigla na lamang niya itong hinila, hindi na nito pinansin ang kasama nitong kaibigan

“Ano bang gusto mong pag usapan?” naiinis na tanong sa kanya ng binata, nasa may parking lot sila ngayon, sa likod ng kotse niya para hindi masyadong kita, nasa dulo kasi ito

“Gusto kong makita ang anak mo” sagot niya dito, ’yun naman talaga ang pakay niya wala ng iba pa

“Hindi bat, hindi ka rin naman naniniwala? bakit gusto mo pang makita? para saan pa?” tanong ng binata sa kanya, natahimik siya

“Gusto ko lang siyang makita” sagot niya dito, gusto niya itong makita baka kasi gumana ang sinasabi nilang lukso ng dugo

“Wag na, hindi na kailangan” sagot sa kanya ni Gabb

“Gusto kong ipa DNA ang bata” pag amin nito, para maliwanagan siya kung totoo ba na may anak na talaga siya

Bahagya namang tumawa sa kanya si Gabb, “bahala ka” sagot nito sa kanya

“Tara!” aya niya kay Gabb at saka binuksan ang kotse na nasa tabi nilang dalawa

“Turo mo na lang sa akin ang daan” saad niya pa sa binata na ikinatango na lang nito, ilang minuto din ang naging biyahe nila bago sila maka rating sa nasabing bahay ni Gabb, sa loob kanina ng kotse ay hindi sila nag uusap si Gabb ay naka tingin lang sa labas ng bintana habang siya ay fucos sa pag mamaneho

“Dito mo na lang iparada” saad ng binata sa kanya at saka na una ng bumaba, sinundan niya ito papasok sa hindi kalakihang bahay

“Ma pa, andito na po ako” saad ng binata sa kanyang mga magulang, hindi naman simagot ang mga ito at naka tingin lamang kay Theon

“Gabb sino ’yang gwapong kasama mo?” panunuya ng ina ng lalaki, napatawa siya dahil hindi nag sisinungaling ang babae, totoong gwapo siya, so Gabb pala ang pangalan niya, aniya sa kanyang isip

“Ahh, si Gabb po, school mate ko” sagot ni Gabb sa ina nito

“Good evening po ma’am” pag bati niya sa mama ni Gabb, ngumiti ito sa kanya

“Good evening din hijo, maupo ka at ikukuha kita ng maiinom” tugon sa kanya ng ina ng lalaki,

tinanguan lang naman niya ito, nilibot niya ang kanyang paningin masasabi niyang hindi kalakihan ang bahay ng lalaki pero malinis ito

napatigil siya sa kanyang pag mamasid ng mag salita ang lalaki na sa tingin niya ay ito ang tatay ni Gabb

“ ’yan ba ang ama ng apo ko?“ tanong nito kay Gabb, natigilan si Theon dahil may hawak na itak ang lalaki, kailangan niyang mag ingat sa kilos nito at sa kanyang salita baka lumabas siyang wala ang dalawang ulo, pero sa tingin naman niya ay mababait ang mga ito

“Pa” saad ni Gabb sa ama, at saka ito bumaling sa kanya

“Ano pag pasensyahan mo na si papa, kakatapos lang niya sigurong mag tabas sa bakuran kaya may dala siyang itak” saad sa kany ni Gabb marahil ay napansin nito ang kaba niya, sino ba naman kasing hindi

“Na saan po si Gael ma” tanong ni Gabb sa ina na kasalukuyang nasa kusina pa rin, malapit lang naman ang paggitan ng puwesto nila kaya naman nag kakarinigan pa rin sila

Sino naman ang Gael na ito? tanong niya sa isip

“Nasa kwarto, nakatulog kakaiyak kanina ka pang hinahanap” saad ng ina sa kanya

“Sige po, sisilipin ko muna ang anak ko” paalam nito sa Gabb

kinabahan siya na naeexite makikita na niya ang bata.

chapter 7

*

Nang lumabas si Gabb ay may karga karga na itong bata, umiiyak ito kaya naman agad niya itong inalo

“Nay pahawak po muna ako kay Gael, ipag titimpla ko lamang siya ng gatas” saad niya sa kanyang ina, malakas na kasi ang pag iyak nito marahil ay nagugutom na ito, nacheck na rin niya ang Diaper ng bata wala naman itong pupu

“Pwede bang ako na lang ang humawak?” tanong ni Theon sa kanya, napatingin siya sa binata

“Marunong ka ba?” nag dududa nitong tanong kay Theon, baka kasi mabalian ang anak niya lalo na’t mag iisang taon pa lamang ito, malambot pa ang mga buto

Tumango ang binata sa kanya, kaya naman maingat niyang binigay ang bata dito

“M-Mag titimpla na ako ng gatas” ika niya ng ibinigay niya ang anak niya sa binata ay nag tama ang kanilang mga mata

mabilis siyang pumanhik pa balik ng kanyang kuwarto para ipag timpla ang kanyang anak na ngayon ay umiiyak pa rin

Nang makabalik siya sa anak niya ay tahimik na ito, dahil inaalo ito ni Theon

lumapit siya kay Theon para kuwain ang bata ngunit tumutol ito, dahil ayon sa binata siya na lamang daw ang mag papadede dito

“S-Sige, tutulungan ko na lang muna si mama sa kusina” saad niya kay Theon bago dali daling nag tungo sa kusina, ewan ba niya sa kanyang sarili kung bakit siya nauutal kapag kausap niya ang binata, kaya naman para hindi na humaba pa ang kanilang usapan ay nag dahilan na lamang siyang tutulungan ang inang kasalukuyang nag hahanda ng kanilang pang hapunan

“Siya ba?” bungad na tanong ng kanyang ina sa kanya nang pumasok siya sa kusina, kinabahan siya

Alam niya kung ano ang tinutukoy nito ngunit nag maang maangan siya

“Ang alin ho?” tanong niya sa ina

“Ang ama ng apo ko?” deretsong tanomg sa kanya ng ina

tumango siya sa tanong ng ina, hindi na naman niya kasi kailangang ilihim pa iyun

“Opo” sagot niya sa tanong ng kanyang ina nang matapos siyang tumango

“Alam ba niya? nakapag usap na kayo? muling tanong sa kanya ng ina

“Nasabi ko na po sa kanya at nakapag usap na po kami, mukha pong hindi naniniwala” sagot niya sa tanong ng ina niya

“Sabagay kung hindi ko rin siguro nakita kung paano mo dinala ang apo ko marahil ay hindi rin ako maniniwala na ikaw ang nag dala” saad sa kanya ng ina habang nag hahalo ito ng kanyang niluluto, siya naman ay preting naka upo lamang habang pinag mamasdan ang ina sa pag luluto

“Gusto pong ipa Dna Test ang bata” saad pa niya sa kanyang ina

“ ayos na rin ’yun ng malaman  niya na nag sasabi ka ng totoo“ tugon ng ina niya sa kanya

“Oo nga po ma, at saka suswento lang naman ho talaga ang habol ko” sagot niya sa kanyang ina

“Weeh?” nag dududang tanong ng ina niya sa kanya

“Ma!” saad niya

“Joke lang” natatawang sagot sa kanya ng kanyang ina

“Oh S’ya, tawagin mo na ang papa mo at saka sabihan mo ’yung ama ng apo ko na sumabay na sa pag kain”  utos ng kanyang ina sa kanya ng matapos itong mag luto

“Sige ho ma” saad niya sa ina at mabilis na tumalima

“Wag na lang daw muna umuwi, sumabay ka na daw sa haponan” saad niya kay Theon nang makalapit siya, kinuha niya ang bata sa kanya ng makitang tulog na ulit ito, pansin niya naman ang pag inat ng binata, marahil ay nangalay ito sa pag bubuhat sa bata

“Dalhin ko muna siya sa k’warto” paalam niya sa binata at agad na umalis karga karga ang natutulog na anak

_

“Ano pa lang pangalan mo hijo?” tanong ng papa niya sa ama ng anak niya, kasalukuyang silang nasa hapag kainan

“Ahm Mattheon po, Mattheon Devereaux” magalang na sagot ng binata sa ama niya

“Devereaux?” tanong ng papa niya sa binata

“Yes po sir, bakit po?” tanong ni Theon sa ama ni Gabb

“Wala” huling saad ng ama ni Gabb at namayani na ang katahimikan sa hapag kainan

Nang matapos silang kumain, mag tutungo na sana siya sa lababo para hugasan ang kanilang pinag kaininan ng pigilan siya ng kanyang ina

“Ako na dito, intindihin mo na lang ang bisita mo” saad ng kanyang ina kaya naman wala siyang nagawa kundi mag tungo sa sofa kung saan nandun ang papa niya at papa ng anak niya

Umupo siya sa katabi ng ama na kasalukuyang nanonood ng tv at pa minsan minsan ay tinatanong si Theon na nasa kabilang sofa

Ilang saglit pa ay dumating ang mama niya na kakatapos lang mag hugas

tumayo si Theon para mag paalam, inantay lang talaga niya ang pag dating ng Ginang ng makapag paalam siya ng maayos

“Mauuna na po ako, ma’am and sir! maraming salamat po sa hapunan” paalam niya sa papa at mama ni Gabb

“Sige hijo, mag ingat ka” tugon ng ina niya

“Gabb hatid mo muna si Theon sa may Gate” saad ng kanyang ina sa kanya

“Sige po, may kukunin lang po ako saglit sa kuwarto” saad niya sa ina at mabilis na pumunta sa kuwarto at saka kinuha ang naka plastic na bagay na hinanda niya kanina

“Oh ito” saad niya sabay bigay ng isang supot ang babasa, supot na nag lalaman ng gamit na Toothbrush ng anak niya ganun na rin ang ilang hibla ng buhok ng bata

“Ano ’to?” tanong ng binata sa kanya

“Toothbrush ni Gael at ilang pirasong hibla ng buhok” sagot niya dito

“Salamat” sagot ng binata sa kanya, tumango naman siya at saka muling nag salita, para mag tanong

“Kapag positive anong gagawin mo?” tanong niya dito, naninigurado lamang siya baka mamaya ay takasan siya nito

“Papanagutan ko ang bata, bata lang naman ang usapan natin kaya bata lang ang pananagutan ko, hindi na kita responsibilidad” sagot ng binata sa kanya na ikinatawa niya

“Akala mo naman gusto ko rin” sagot na lamang niya sa binata

“Nililinaw ko lang , baka kasi mamaya umasaka ka” panunuya ng binata sa kanya

“Ako aasa? Mukha mo” saad niya sa binata, naiinis siya dito dahil sa dating ng tuno nito kanina akala mo ay patay na patay siya dito, e wala nga siyang gusto dito kahit kasingot

“Pag positive, wala sanang ibang maka alam tungkol dito, at saka sana wala tayong pakealamanan, gagawin ko ang mga gusto ko at gagawin mo rin ang mga gusto mo, bata lang ang sagot ko” seryosong saad ng binata sa kanya

“Oo, sige umalis ka na” pananaboy niya dito ng maka labas sila sa may bakuran ng bahay niya

Tumawa ang binata sa kanya,

“Sige salamat ulit sa hapuan” saad nito  bago pumasok sa kotse at saka ito paandarin

chapter 8

*

Kinabukasan, balisang nag paalam si Gabb sa ina, humalik muna siya sa pisnge ng anak na natutulog bago siya tuluyang lumabas ng kanilang bahay at mag abang nag masasakyan

Balisang balisa siya, wala rin siyang tulog kakaisip sa kanyang bracelet na nawawala, kagabi niya lamang ito napansin ng mag punta siya sa kwarto para mag pahinga, nang na patingin siya sa kaliwa niyang kamay ay wala ang ang kanyang bracelet na iniregalo ng isa sa mga importanteng tao sa buhay niya, si Zach ang kanyang kababata na naging ka M.u rin niya, bago lumipat ng lugar na matitirhan sila zach ay ibinigay nito ang bracelet na pinag kakaingatan niya, at ngayon nga ay nawawala ito.

Nang makarating siya sa school ay lakad takbo ang kanyang ginawa para mag tungo sa una niyang klase, nag babakasakaling nakita ito ng kanyang mga kaibigan

“Good morning” bati sa kanya ni Bea ng makapasok siya ng classroom

“Good morning din, si kevin?” tanong niya sa dalaga, si Kevin lang naman kasi ang kasabay niyang bumaba sa rooftop kahapon, baka napulot ito ng binata at nakalimutan lamang isauli sa kanya

“Ako ang nandito, si Kevin ang hinahanap mo” pag dradrama ng kaibigan niya, natawa siya sa inasal ng kaibigan bago siya muling nag salita

“Sira, may itatanong lang ako” sagot niya dito at saka bahagya pang tumawa sa huli

“Hindi ko pa napansin, siguro parating na rin ’yun” saad ni Bea sa kanya, tumango siya dito, ilang saglit lang din naman ay dumating ang binata kaya naman agad itong tinawag ni Bea

“Kevin Lougain, tawag ka ng may crush sayo”  natatawang tawag ni Bea kay Kevin

“Sino?” naka kunot na tanong ni Kevin kay Bea bago umupo sa upuan nito

Ngumuso si Bea at tinuro si Gabb gamit ang nguso

“Tawag mo daw ako?” tanong ni Kevin sa kanya

“May itatanong lang ako, baka may nakita ka kahapon na bracelet” saad niya dito

Umiling ang binata sa kanya, “wala eh” saad ng binata

“Ahh, sige salamat” saad niya dito, umasa pa naman siyang nasa binata ang bracelet niya, hindi na niya alam kung saan pa niya ito hahanapin, ilang saglit pa ay naisip niya ang rooftop, baka doon niya ito nahulog

Tumayo siya kaya agad siyang napuna ng kaibigan na si Bea

“Saan ka pupunta ’teh?” tanong nito sa kanya

“Hahanapin ko lang ang bracelet ko” saad niya sa kaibigan at saka nag madaling nilisan ang silid na ’yun, kailangan niyang mag madali kung doon nga nahulog ang bracelet niya, baka may mapapunta doon at mapulot ito

patakbo siyang umakyat papunta sa rooftop nang makarating ay agad siyang nag tungo kung saan sila nag usap ni Theon

Busy siya sa kakahanap ng may biglang nag salita sa likuran niya

“Ito ba ang hinahanap mo?” tanong ng lalaki sa kanya, agad siyang napaharap ng makilala niya ang boses, si Theon ang nasa likuran niya

Pag kaharap niya ay hindi nga siya nag kamali, si Theon ito

Kinunutan niya ng noo ang binatang kaharap, “anong sabi mo?” tanong niya dito, hindi niya kasi ito masyadong narinig dahil sa nagulat siya sa boses nito

“Sabi ko kako kung ito ba ang hinahanap mo?” pag uulit ni Theon sabay taas ng kamay na may hawak na bracelet

tiningnan niya ang kamay nitong may hawak na bracelet, tumango siya ng makilala ito

“Oum, ’yan nga” saad niya at saka agad na kinuha ang bracelet nang iabot ito ng binata sa kanya

“Paano napunta sayo ’to?” tanong niya sa binata habang sinusuri ang bracelet niya, sira ang lock nito kaya naman pala nahulog ito sa kanya

“Napulot ko ng itinapon mo sa akin ’yung pera” saad sa kanya ng binata naka ramdam siya ng hiya dito.

“Sorry” saad niya dito

“Okay lang” saad sa kanya ng binata, ilang saglit silang natahimik, hindi siya maka alis sa puwesto niya dahil hindi niya alam kung paano siya mag papa alam sa binatang kaharap, hindi niya alam kung paano niya tataposin ang pag uusap niya, at saka ramdam din niya na may gustong sabihin ang binatang kaharap niya kaya lalong hindi muna siya umalis

Maya maya pa ay narinig niya ang pag tikhim ng kaharap niya bago niya marinig ang boses nito

“Mukhang importante sayo ang bracelet na ’yan” tanong sa kanya ng binata dahilan para matatango siya, tama ito importante para sa kanya ang bracelet dahil importante sa kanya ang nag bigay nito sa kanya

“Ahh Oo, ibinigay sa akin ’to ng kababata ko” sagot niya dito, tumango ang binata sa kanya

“I see”

“Ahm, sige una na ako, salamat ulit” saad niya sa binata at saka mabilis na tumakbo pababa ng rooftop, ewan ba niya simula ng inamin niya sa binata na may anak sila ay kinakabahan siya kapag kaharap niya ito

Nang makarating sa room ay agad na sinalubong siya ng tanong ng kaibihan

“Gaga ka ’teh saan ka ba galing?” tanong ni Bea sa kanya at saka bahagya pa siyang pinalo sa braso

“Hinanap ko lang ang bracelet ko” saad niya dito sabay pakita ng bracelet niya, sinabi naman niya sa kaibigan kanina bago siya umalis sa classroom na hahanapin niya ang bracelet niya tapos ito babatohin siya ng mga tanong

“Buti nakita mo” saad na lang sa kanya ni Bea

“Oo nga e, napakahalaga pa naman nito sa akin” saad niya sa kaibigan at saka niya nilagay sa loob ng bag niya ang bracelet, pag karating niya mamaya sa bahay ay ipapayos niya ito sa kanyang papa, may alam kasi ang kanyang ama sa mga pag rerepair

“Sino nga ulit nag bigay sayo n’yan?” pag uusisa sa kanya ng kaibigan

“Ahh si Zach, ’yung kakabata ko” sagot niya sa kaibigan

“Ahh, akala ko bigay ni Kevin” natatawag saad sa kanya ng kaibigan

“Gaga!” saad niya sabay palo sa braso nito, nagagaya na siya sa kaibigan na kapag masaya o nagugulat ay namamalo.

Lumipas ang mga oras heto siya nag lalakad pauwi sa kanilang bahay, naisip niyang mag lakad na lang, plano rin niya kasi mag hanap ng trabaho, maliit lang ang sinasahod ng kanyang ama mula sa pagiging karpentero habang ang kanya namang ina ay nasa bahay lang pag minsan ay kumukuha ng mga labahin sa kapitbahay.

Napatigil siya sa pag lalakad ng mapatingin siya sa isang coffe shop na nag hahanap ng waiter

“Z’s Cafe” mahina niyang basa sa pangalan ng coffe shop, napangiti siya ito na ’yun.

A/n: boring ang chapter na ’to pero sinulat ko pa rin kasi tingin ko kailangan para sa pag pasok ng bagong karakter.

chapter 9

*

“Ano ’to dre, bulbol mo?” salubong na tanong ng lalaki kay Theon, nang iabot nito ang dalawang maliit na plastic na may lamang buhok ang isa nito ay ang ibinigay na buhok sa kanya ni Gabb, at ang isa naman ay ang buhok niya

“Hindi ako nakikipag biruan” inis niyang sagot  sa kaibigan, may pag kakulot kasi ang buhok na ibinigay na buhok ni Gabb sa kanya dahil medyo may pag kakulotin ang buhok nang bata

“Oh easy ang puso mo dre” pagbibiro pa nito sa kanya at saka pa siya bahagyang tinapik sa balikat

“I-Dna Test mo” saad niya at saka tinanggal ang kamay ng kaibigan sa kanyang balikat

At saka siya bahagyang humakbang para lumabas sa opisina nang kaibigan ngunit agad din naman siyang napatigil,

“Kailan ko pala malalaman ang result?” saad niya, paalis na sana siya ng maisip niya ang tanong na ’yun.

“Matagal ang proseso dito, balik ka na lang siguro next year” saad ng kaibigang doktor sa kanya, at saka bahagyang tumawa sa huli

Sinamaan niya ng tingin ang kaibigan

“Just kidding, balik ka  siguro after one month, i aaupdate na lang kita” pag bawing saad ng kaibigan sa kanya ng pinukolan niya ito ng masamang tingin, napa iling siya bago siya tuluyang umalis sa lugar na ’yun

Sa bandang huli ay napag pasyahan niyang umuwi na lang muna para mag pahinga, pagod ang katawan niya ganun din ang kanyang isip.

Kaya naman napag pasyahan niyang tumuloy muna sa bahay na tinutuluyan mg magulang, may gusto rin kasi siyang sabihin sa ama, para sa huli ay maging handa siya

Nang makarating sa bahay ay sinalubong siya nang kanyang Daddy

“Dad” saad niya sa ama at saka ngumiti

“Bakit ka na pa uwi?” tanong niya sa kanya, alam kasi nang daddy niya na ayaw niyang mag stay sa bahay mas gusto niya sa condong iniregalo sa kanya ng kanyang lolo

“Dito ho ako matutulog” sagot niya sa kanyang daddy, na ngunot ang noo ni Asher dahil sa sinabi niya, nag hinala siyang may kailangan ang anak sa kanya kaya ito na gawi sa bahay nila

“May kailangan ka?” biglang saad nito sa kanya, kilalang kilala na siya ng kanyang daddy

Nang kamut muna siya sa kanyang ulo bago sagotin ang tanong nang kanyang daddy

“Ahm, pwede po bang ako na lamang ang mag manage ng AL resto bar?” tanong nito sa kanyang daddy, na ikinakunot lalo nang noo nito

“Bakit parang nag karoon ka ata nang interest sa Resto, daig mo pang may binubuhay na pamilya” saad ng kanyang daddy sa kanya, kinabahan siya, masyado ba siyang halata sa kanyang pananalita, bumuntong hininga siya bago muling mag salita

“Ahm, naisip ko ho kasi since na isang taon na lang ay matatapos ko na ang kurso pero wala pa akong masyadong karanasan sa pag papalago nang negosyo, kaya naman naisip ko ’yung resto bar n’yo dad since dati n’yo na rin namang inalok sa akin ’yun” sagot niya sa kanyang daddy, dati na sa kanyang inalok ang AL Resto Bar ngunit tinangihan niya ito, pero ngayon na malakas ang kutob niya na nag sasabi nang totoo si Gabb, kailangan na niyang kumayod sa sarili niya ayaw niyang iasa ito sa magulang, at ayaw niya rin munang ipaalam ito sa mga ito kung mapatunayang ngang kanyang ang bata, kailangan niya ang Al Resto Bar lalo na’t resulta na lang ng Dna test ang inaantay nuya

“Pag iisipan ko, baka mag dala ka lang nang babae doon” saad sa kanya ng ama bago siya iwan sa puwesto niya

Napabuntong hininga siya sana lamang ay ibigay ito sa kanya ng kanyang ama, para kahit papaano ay may pag kuhaan siya ng pera, para pag dumating man ang resulta ng Dna Test at mapatunayan na kanyang ang bata ay may pag kukuhaan na siya

Matapos ang pag uusap nila ng kanyang ama, napag pasyahan niyang mag tungo sa kanyang kuwarto, hindi niya napansin ang kanyang Dada siguro ay nasa bahay ito ng kanyang lolo

Nang makapasok sa kanyang kuwarto pagod niyang hininga ang kanyang sarili sa malambot na kama

Pipikit pa lamang sana ang kanyang mata ng makarinig siya ng malakas na katok sa kanyang kuwarto kasunod nito ay ang pag bukas ng pintuan ng kanyang silid

Tiningnan niya ang pumasok, napasingal siya nang makilala niya ito, si Ashley ang kanyang kapatid

“Anong kailangan mo?” aniya sa kanyang kapatid halata sa boses ang inis sa kausap

“Maninigil ako” sagot nito sa kanya, na ikinakunot nang kanyang noo

“Huh?” naisaad na lamang niya sa makulit na kapatid

“Hindi mo pa ako binabayaran doon sa pag tulong ko sayo sa canteen, nung siningil kita piso lang ang binigay mo” nakapout na sagot sa kanya ng kanyang kapatid

tsk isip bata.

Hindi nag kakalayo ang edad nilang dalawa, 21 na siya habang ang kanyang kapatid ay 19, dalawang taon lamang ang tanda niya sa kapatid, pero kung amakto ito sa kanya ay daig mo pa itong pitong taong gulang

Kinuha niya ang kanyang kumot na nakatupi sa ilalim ng kanyang unan at saka niya ito binuka sa harap nang kanyang kapatid, pag katapos nun ay mabilis niya itong tinalakbong sa kanyang boung katawan.

“Theon.. sige na please kahit 500 lang” narinig pa niyang saad nito

“Theon.. kahit 499 na lang” dagdag pa nito

“Kuya…” natigilan siya sa tinawag sa kanya ng kanyang kapatid

“What?” saad niya sa kapatid at saka tinanggal ang kanyang kumot sa kanyang mukha para harapin ang kapatid, minsan lamang siya nitong tawaging kuya, tinatawag lamang siya nitong kuya kapag kailangan na kailangan talaga nito ang isang bagay

“I need money kuya” pag mamakaawa nito sa kanya, bahagya pa itong nag pout

“Find” naiinis niyang saad sa kanyang kapatid at saka kumuha ng pera sa kanyang wallet, inis niya itong inabot dito, lumawak naman ang ngiti ng babaeng kanyang kaharap

“Thank you, kuya” malawak na ngiting pag papasalamat nito sa kanya

“Leave now” saad niya at saka muling kinuha ang kumot at saka muling tinaklob ito sa kanyang mukha, gusto niyang mapag isa at makapag pahinga, pero ito nandito na naman ang kanyang kapatid

“Okie, bye!” saad nito sa kanya at saka niya narinig ang mga yabag nito palabas ng kanyang kuwarto kasunod nito ay narinig niya ang pag bukas at pag sara ng pintuan niya hudyat na wala na ito sa loob ng kanyang silid.

Napabuntong hininga siya at saka niya pinikit ang kanyang mata, dala ng pagod ay mabilis siyang nilamon ng kadiliman.

A/n: kung napapansin nyo maiikli talaga ang mga chapter nitong HGMP  kasi hindi ko pinapalampas ito sa 1.5k words count.

chapter 10

*

Kinabukasan agad na nag tungo si Gabb sa Z’s cafe, saktong sakto at wala siyang pasok ng araw na ’yun

“Good morning sir” bati sa kanya ng sekyu ng tumapat siya sa pintuan ng Z’s cafe

“Good morning din po sir, may nahanap na po ba kayo?” saad niya sa sekyu sabay turo sa isang piraso ng papel na nakadikit sa may pintuan ng Z’s cafe

“Ahh wala pa hijo e, bakit mag aapply ka ba?” tanong sa kanya ng sekyu

Bahagyang tumango si Gabb sa sekyu, “opo sana” saad niya at saka siya ngumiti dito

“Ahh ganun ba? sige pumunta ka na lang sa counter hanapin mo

si Joyce ng maasikaso ka“ nakangiting saad sa kanya ng sekyu

ginantihan naman niya ito ng ngiti at saka siya nag pasalamat dito

“Salamat kuya” pag papasalamat niya sa sekyu at saka siya pumasok sa Z’s Cafe na medyo may kalakihan ng kunti wala kasi ang nakita niyang table na pang apatang tao

“Good morning sir” bati sa kanya ng counter ng makalapit siya dito, ngumiti siya dito

“Good morning din po, may nahanap na po ba kayong bagong waiter, mag aapply po sana ako” nakangiti niyang ngiti sa babae kung hindi siya nag kakamali Joyce ang pangalan nito

“Wala pa” saad nito sa kanya at saka binaling ang ulo wari mo’y may hinahanap ito

“Wait, Ian pakisamahan naman ’to kay manager Jho” saad nang babae sa lalaking papalapit sa puwesto nila

“Sige ate Joyce” saad noong Ian ilang saglit pa’y bumaling ito sa kanya

“Mag aapply ka?” tanong nito sa kanya, na kanya namang ikinatango

“Ahh oo” saad niya pag katapos niyang tumango

“Goodluck” saad nito sa kanya.

“Sige kumatok ka na lang dyan sa pinto, iiwan na muna kita medyo marami kasing costumer” saad sa kanya ni Ian na ikinatango niya lamang dito

“Sige, salamat” saad niya dito bago siya nito tuluyang talikuran

Napabuntong hininga siya ng maaiwan siyang mag isa, isa pang malalim na hininga ang pinakalwan niya bago niya katokin ang pintuan

“Pasok, bukas ’yan” narinig niyang saad ng babae sa loob, inayos niya muna ang kanyang sarili bago siya pumasok

Nang makapasok siya ay nakayukong babae ang kanyang nakita tutok na tutok ito sa kanyang laptop

“Good morning po ma’am, mag aapply po sana ako” nahihiya niyang saad sa babaeng nakayuko dahil tutok sa laptop, hindi niya alam ang sasabahin dahil katunayan ay ito ang una niyang trabahong papasokan pero buo naman ang loob niya dahil alam niya sa kanyang sarili na may alam naman siyang mga gawain at saka para saan pa’t  nag Tvl-he siya noong highschool kung hindi niya rin naman pala ito gagamitin

“Ate Jhoana?” gulat na naisaad niya ng biglang humarap ang babaeng kanyang kausapa, kilala niya ito

“Gabb?” saad din ng babae sa kanya tulad niya ay bakas din ang gulat sa mukha nito

“Maupo ka” saad nito sa kanya ng makabawi ito sa pang kagulat, agad namang umupo si Gabb sa upuan na tinuro niya

“Mag aapply ka?” tanong ni Jhoana sa kanya, tumango siya dito

“Opo ma’am” saad nito sabay abot ng mga papel na inasikaso niya kahapon, hindi naman ito tinapunan ng pansin ng babae sa halip ay nag salita ito na kanyang ikinagulat

“Tanggap ka na, at saka ate na lang ang itawag mo sa akin” saad nito sa kanya, nahiya naman siya Gabb

“hindi na po ba kailangan ate Jhoana nito?” saad ni Gabb sabay angat ng kamay ng mga papel

“Hindi na kailangan” nakangiting saad sa kanya ni Jhoana

“Thankyou ate” saad niya bago siya lumabas ng silid na ’yun, katunayan ay mag tagal siya doon ng mahigit isang oras dahil nag karoon sila ng kunting kwentohan

Masaya siyang umuwi sa kanila, dahil natanggap siya sa trabaho kahit na wala siyang binigay na kung ano


“Sigurado ka na ba d’yan sa desisyon mo anak?” tanong sa kanya ng ina ng makauwi siya sa bahay, agad niya kasing binalita dito na natanggap siya sa trabahong kanyang inapplyan

ngumiti si Gabb sa ina, “opo ma” saad niya sa ina habang karga karga ang anak niya, pinapatulog kasi niya ito

“Kaya mo ba, baka mahirapan ka?” tanong ng mama niya sa kanya, humarap siya dito at saka siya muling ngumiti

“Ma, kaya ko po at saka para din naman po ito kay Gael” sagot niya sa ina at saka siya bahagyang humalik sa anak

“Mawawalan ka lalo ng time sa anak mo” saad ng mama niya sa kanya, alam niyang naiintindihan naman siya ng mama niya pero alam din niyang naawa at iniisip din nito si Gael, napabuntong hininga siya

“Alam ko po ma, pero kailangan ko po talagang mag trabaho at saka may weekends naman po” saad niya sa mama niya

“Ikaw bahala, kamusta naman pala kayo nang tatay ng apo ko?” tanong nito sa kanya, saglit siyang natigilan sa tanong ng mama niya, hindi pa kasi sila ulit nakakapag usap ang huling pag uusap nila ay noong inabot niya ang buhok ni Gael dito para ipadna test, napaisip siya kamusta kaya ang result ng dna?

“Hindi pa po ulit kami nakakapag usap” pag amin niya sa mama niya narinig naman niya ang pag buntong hininga nito, kaya naman naisip niyang bagohin ang usapan nilang mag ina

“Nga po pala ma, nag kita po kami ni ate Jhoana, siya po ’yung manager doon sa sinasabi kong papasokan ko” saad niya sa mama niya para maiba ang kanilang usapan

“Talaga?” halata sa mukha nito ang gulat sa sinabi niya

“Mabuti naman at mapapanatag ako na magiging maayos ka sa trabaho mo” dagdag na saad nito sa kanya, napangiti siya

“Nag kita ba kayo doon ni Zach?” tanong ng mama niya sa kanya

umiling siya dito, “hindi po ma, hindi rin naman ho nabangit sa akin ni ate Jho si Zach” pag amin niya sa mama niya

“Ganun ba? kapag nagkita kayo’y ayain mong pumarine dine sa atin” saad sa kanya ng mama niya, muli siyang napangiti

“Hayaan nyo po ma’t pag nag kita kami ay papapuntahin ko dine” saad niya sa mama niya at saka siya napatingin sa anak na karga karga niya na malalim na ang tulog kaya naman napag pasyahan niyang mag paalam na sa mama niya

“Sige po ma, dadalhin ko muna si Gael sa kuwarto” paalam niya sa mama nito na ikinatango naman ng ginang

“Maiinam pa nga, sige na’t matulog ka na rin” pananaboy sa kanya ng mama niya

Chapter 11

*

Isang linggo na ang nakaraan mula ng nag mag apply at matanggap siya sa Z’s Cafe, medyo nag aajust pa siya sa scedule niya dahil, 6:00 to 6:30 pm ang uwian niya galing sa school samantalang 7:00 pm naman ang start niya sa Z’s cafe hanggang sa 11:00 pm, apat na oras lang ang pasok niya dito, dapat ay hanggang 1 am siya pero hindi siya pinayagan ni Manager Jho dahil alam nitong estudyante siya, pero kahit na ganun ay buo pa rin naman ang sahod niya

“Gabb table 6 daw” biglang saad ng kasamahan niya sa trabaho, agad naman siyang lumapit dito at inasikaso ito

“Table 8, Gabb” saad ng kasamahan niya ng makabalik siya sa puwesto niya, napabuntong hininga siya

Ilang oras ang lumipas, ito siya nasa locker para mag palit ng damit, kakatapos lamang ng trabaho niya, dumating na rin ang papalit sa kanya, 24 hrs open kasi ang Z’s cafe

Nang matapos siya sa pag aayos sa kanyang sarili ay agad siyang nag paalam sa mga kasamahan niya

Dahil medyo may kalapitan din naman ang Z’s Cafe sa bahay nila ay nilalakad na lamang niya ito pauwi, hindi naman siya natatakot mag lakad dahil puro kabahayan din naman ang dadaanan niya at saka puro poste din ng mga ilaw

Habang nag lalakad siya ay napatingin siya sa kanyang cellphone na mumurahin at kunti maling hawak mo lang dito ay bibigay at masisira na ito, nirepair lamang kasi ito ng kanyang papa, napatingin din siya sa kanyang bracelet na nirepair din ng papa niya, napangiti.

Ilang minuto pa ay nakarating na din siya sa kanilang bahay, nag taka siya dahil may nakaparadang pamilyar na kotse

Para malaman kung tama ba siya ng hinala kung kaninong kotse ito ay agad siyang pumasok, at doon bumungad ang mukha ni Theon, tama nga siya kay Theon ang kotse sa tapat ng kanilang bahay.

“Where have you been?” salubong na tanong sa kaniya nito, nagulat siya sa tanong nito, dahil sa pag kakasabi kasi nito ay daig mo pa siya nitong may bahay na ginabing umuwi dahil sa hindi malamang dahilan, namula ang pisngi niya dahil sa naisip.

Bahagya muna niyang nilunok ang laway niya na sa tingin niya ay babara ito kung hindi niya nilunok, bago siya mag salita

“Ah, eh may trabaho kasi ako” saad niya sa binata at saka niya ito tiningnan at doon niya lang napansin na karga karga nito ang anak nila,

Kumunot ang noo niya bago siya lumapit kay Theon para kunin ang bata, napaisip siya bakit karga karga nito ang bata, baka masanay ito.

Maingat niyang kinuha  ang bata sa kamay ni Theon na agad din namang binigay sa kanya, saglit siyang nag paalam dito para dalhin ang bata sa kuwarto

“Umalis pala si mama at si papa” biglang saad ni Theon sa kanya ng akmang aalis na siya, nangunot ang noo niya, mama? papa?

“Si mama mo at si papa mo” biglang bawing saad ulit ni Theon sa kanya

“Saan daw?” tanong niya dito

“Kay Inana daw?” sagot sa kanya ng lalaki, tumango siya dito, si Inana ay ang mama ng kanyang papa na nasa kabilang bayan, bakit naman kaya biglaan ang pag punta ng mga ito doon? may nag yare ba, na hindi niya alam

“Tinawagan ako kanina para ihabilin ang bata” dagdag pang saad nito sa kanya, tumango siya sa narinig

“Ahh ganun ba? Salamat” saad na lamang niya dito, at saka niya pinag patuloy ang pag lalakad papunta sa kuwarto para ibaba ang bata sa higaan

Maingat niyang binaba ang bata, nag lagay din siya ng unan sa mag kabilang gilid nito, may kalikutan na rin kasi ito lalo na’t mag iisang taon na rin ito

Nang masiguro niyang maayos na ang kanyang anak, binalikan niya ang binata, dumako pa ang kanyang mata sa kanilang orasan at doon niya napag alaman na alas dose na ng umaga

“Kumain ka na ba?” salubong na tanong sa kanya ng binata ng makabalik siya sa pwesto nito kung saan niya ito iniwan

“Oum tapos na, ikaw ba?” balik na tanong niya dito

“Tapos na rin.” sagot ni Theon sa kanya

Pag katapos ng usapan nilang iyon ay natahimik silang dalawa na animo’y may dumaang anghel

“Ahm, dito ka na pala matulog, ihahanda ko lang ang isang kwarto” biglang saad niya sa binata, para maiwasang ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa

Akmang aalis na siya ng pigilan siya nito sa pamamagitan ng pag hawak sa kanyang braso, natigilan siya

“Ah pwede bang makatabi ang bata?” saad nito sa kanya, halata sa boses nito ang hiya at pag aalinlangan

“Ah eh sige” biglang naisaad niya dahil sa kaba at sa bilis ng pag pigtig ng kanyang puso

“Ah eh sige, ihanda ko lang ang k-kwarto”  kinakabahang saad niya sabay alis ng kamay ng binata sa braso niya

Pag karating sa kuwarto niya ay mahina niyang pinagalitan ang sarili, bakit ganun lang kadaling mapaoo siya ni Theon

Malalim na hininga ang pinakalwan niya bago tumingin sa anak na mahimbing pa ring natutulog, tama bata ang gustong makatabi ni Theon at hindi siya, bakit ba nag iisip siya ng kung ano ano, asa pa siya

Nang matapos niyang ihanda at ilabas ang bagong kumot at punda, agad na siyang lumabas para muling puntahan si Theon

“Ahm, pwede ka ng pumasok sa kwarto” saad niya sa binata

“Doon ka rin ba matutulog?” tanong nito sa kanya nang makatayo ito.

“Oum, hindi kasi ako sanay na hindi ko nakatabi sa pag tulog ang anak ko, pero kung hindi ka comfortable pwede naman akong matulog sa kwarto nila mama” saad niya sa binata, well totoo iyon, simula ng isinilang niya si Baby Gael, gusto na niyang laging katabi ang bata sa kanyang pag tulog, at sa tingin niya ay mahihirapan siyang makatulog kung hindi niya katabi ang bata

“Okay lang naman sa akin” sagot sa kanya ni Theon

“Mabuti naman kung ganun” sagot niya sa binata, tiningnan siya nito ng nakangisi kaya naman muli siyang nag salita

“Ang ibig kong sabihin mabuti naman at makatabi ko sa pag tulog ang anak ko” pag bawi niya, baka kasi isipin ng lalaking kaharap niya ay gustong gusto niyang makatabi ito sa pag tulog sa isang kama

ngumiti lamang sa kanya ang binata at saka na una ng pumasok sa kwarto kung saan malalim na natutulog ang anak na

Nang hilamos muna siya ng kanyang mukha bago niya napag pasyahang sumunod sa kwarto, doon niyang nakita ang naka boxer at naka sandong si Theon, bigla tulog namula ang mag kabilang pisnge niya.

“Amh, pasenya na ang init kasi, hindi ako sanay” saad sa kanya ng binata na ang tinutukoy siguro ay ang pag bo-boxer at sando lamang nito

“Kung naiilang ka, pwede ko namang tiisin ang init” saad sa kanya ni Theon at saka tumayo para muli sanang soutin ang pantalon at polo nito, lalong namula ang pisngi niya napadako kasi ang tingin niya sa boxer nito, napalunok siya bago mag salita para pigilan ang binata

“Di’ o-okay lang” saad niya dito, nahihiya rin naman kasi siya dahil iisang ilectric fan lamang ang gamit nila sa kwarto at alam niyang hindi ito sanay dito dahil lumaki ito na aircon ang gamit

Umikot siya sa may kama para puntahan ang kaliwang bahagi ng kama para doon mahiga, nasa kanan kasi si Theon

Humalik muna siya sa anak niya bago siya tumalikod sa anak niya at kay Theon, pakiramdam niya ay hindi siya makakatulog pag nakikita niya ang binata

“G-Gabb?” pag tawag sa kanya ni Theon, hindi siya lumingon dito sa halip pinikit niya ang kanyang mata

“Gabb, sundan na natin si Baby”

Chapter 12

*

“Gabb, sundan na natin si Baby”

Agad na napaharap si Gabb sa binata dahil sa kanyang narinig

“A-Anong sabi mo?” tanong niya kay Theon at saka siya ulit mabilis na tumalikod sa binata dahil naramdaman niya ang pag init ng kanyang mag kabilang pisnge kaya naman alam niya sa sarili na namumula na ang kanyang mukha ngayon, at alam niyang mapapansin ito ng lalaking kaharap niya kung mananatili siyang nakaharap dito

Narinig naman niya ang mahinang pag tawa nito na siyang mas lalong ikinapula ng pisnge niya

“Just Kidding” natatawang saad ng binata sa kanya, bahagya naman siyang nakaramdaman ng lungkot, bakit parang gusto niya rin na sundan na ang anak nila, bahagya niyang kinurot ang kanyang kaliwang palad dahil sa kanyang naisip.

“Gabb?” muling pag tawag nito sa kanyang pangalan, pero dahil sa hiya ay hindi niya ito pinansin

“I’m sorry okay? tinatawag kasi kita kanina pero hindi ka tumutugon kaya naman naisip kong sabibin ’yun dahil alam kung mag rereak ka” mahabang saan ni Theon sa kanya, pero katulad kanina hindi niya ulit ito pinansin

“Gabb” pag tawag muli nito sa pangalan niya kakaiba na ito ngayon dahil naramdaman niya ang kamay nito sa may bandang bewang niya kaya naman mabilis niya itong tinangal at saka niya sinigawan ang lalaki

“Ano ba?” gulat na saad niya nang matanggal niya ang kamay ni Theon sa may bewang niya, dahil sa lakas ng pag sigaw niya ay bahagyang nagising at umiyak ang bata, nakalimutan niyang may natutulog na bata sa kanyang tabi

Kaya naman mabilis niya itong mahinang tinapik tapik para muling makatulog, ilang saglit lang din naman ay mahimbing na ulit ang tulog ng bata

“Gabb?” tawag ulit sa kanya ni Theon, nakakarami na ito, kanina pang tawag ng tawag sa pangalan niya kaya naman lalo siyang nainis

“Ano ba kasi?” kahit inis na inis na siya ay napanatili pa rin niyang mahina ang kanyang boses dahil baka muling magising ang bata

“May itatanong lang kasi ako” sagot sa kanya ni Theon

“Ano ba kasi ’yun at hindi mo pa isa mamaya, antok na antok na ako” sagot niya dito, antok na antok na talaga siya at sa tansya niya ay one a.m na ng umaga

“Tatanong ko lang kung kailan ang Birthday ni Gael” saad ni Theon sa kanya

“April two “ saad niya sa binata at saka siya muling pumikit

“Malapit na pala” narinig pa niyang saad nito bago siya tuluyang nakatulog dahil sa kanyang pag pikit at dala na rin siguro ng pagod mula sa school at sa trabaho

Nagising siya sa kanyang kama na siya na lamang mag isa kaya naman mabilis siyang tumayo at saka lumabas para hanapin ang anak niya, kahit papaano naman kasi ay nakakapag lakad na ito baka kung saan na ito mag punta

Nang makalabas siya sa kanyang kuwarto doon niya nakita si Theon kasama ang anak niya, at doon lang niya na alala na nandito nga pala ito at dito natulog.

Napangiti siya ng makitang kinakausap ni Theon ang bata

“Daddii” biglang saad ng anak niya na ikinagulat niya at ni Theon, bumaling ang tingin niya kay Theon pansin niya ang ngiti nito

“Great” natutuwang saad nito sa anak niya

“Isa pa, say da-de “ nakangiting saad ni Theon sa anak

“Dadii” pag ulit naman ng anak nito sa sinabi ni Theon, dahil sa sinabi ng anak niya ay mas lalong lumawak ang ngiti ng bata, narinig pa niyang mahina itong pumalakpak dahil sa labis na kasiyahan

Marahan siyang lumapit sa dalawa

“Theon” pag tawag niya sa atensyon ng lalaki, agad namang napatingin si Theon sa kanya na hindi pa rin maalis ang ngiti sa labi

“Kinakausap ko lang ang bata, bakit?” tanong sa kanya ni Theon

“Wala ka pa bang balak umuwi?” tanong niya sa binata, nawala naman ang ngiti sa labi ni Theon dahil sa kanyang sinabi

“Pina alis mo na ba ako?” tanong ni Theon sa kanya, nataranta naman siya sa  sinabi nito dahil naalala nito na si Theon ang nag bantay sa anak niya kagabi dahil nasa trabaho siya, si Theon ang nag patulog dito dahil sa biglaan na alis ng mga magulang niya

“Hindi ’yan ang ibig kung sabihin, iniisip ko lang na baka hinahanap ka na ng parents mo since hindi ka nga umuwi kagabi,” paliwanag niya sa lalaking kaharap ilang saglit pa ay muli siyang nag salita para dugsongan ang kanyang sinabi

“O baka naman hinahanap ka na ng a-asawa mo” dagdag niya sa kanyang sinabi ng malala na pamilyadong tao na nga pala ang tatay ng anak niya, nag sisi tuloy siya at pinalam pa niya dito ang tungkol sa anak niya, pero karapatan din naman niya ’yun.

“Hindi ako hahanapin ng parents ko, sa condo ako nakatira” sagot sa kanya ni Theon dahilan para mapatango siya

So, sa condo pala nakatira si Theon kasama ang asawa niya, saad ni Gabb sa kanyang sarili

“At saka wala pa akong asawa, kapatid ko ang babaeng ’yun may pag kabaliw lang talaga” dagdag na saad ni Theon sa kanya

Natigilan naman si Gabb sa nalaman dahil sa gulat, napangiti siya sa hindi malamang dahilan pero agad din naman itong nag laho sa sunod na sinabi ni Theon

“Wala akong asawa pero Girlfriend, Oo meron” saad ni Theon sa kanya, pilit na ngumiti si Gabb

“Ahh ganun ba” saad na lamang niya sa binata at saka siya tumingin kay Gael na nag lalaro sa kanyang kuna

“Mag aasikaso muna ako ng almusal natin, patingin na lang kay Gael” saad ni Gabb para makaiwas sa binata, ewan ba niya pero hindi niya maiwasang hindi makaramdam ng pag kailang dito

Sa huli ay napag pasyahan na lang niyang mag tungo sa kusina para mag handa ng almusal nila ni Theon, since sa tingin naman niya ay wala pang balak umuwi ito, at hindi niya alam kung hanggang kailan mamalagi ang lalaki sa bahay nila, hindi rin niya alam kung kailan ang balik ng kanyang magulang dahil wala pa naman siyang natatanggap na text o tawag mula sa mga ito, buti na lamang talaga at sabado ngayon at mababantayan niya ang kanyang anak kung hindi pa rin makakauwi ang kanyang mga magulang

“Theon?” pag tawag niya sa binata na kasalukuyan pa ring nilalaro ang bata

“Bakit?” tanong nito sa kanya at saka saglit na binalingan siya ng tingin

“Nakapag luto na ako, baka gusto mong kumain” saad niya sa binata at saka lumapit sa bata para kargahin ito, para pakainin, kahit papaano ay kumakain na rin naman ng kanin si Gael, hindi nga lang niya ito pinapakain ng matitigas na pag kain baka masira ang limang ngipin nito

“Sige” sagot ni Theon sa kanya at saka mabilis na tumayo

“Ako na” saad pa niya ng akmang bubuhatin na niya ang bata ng agawin ito ni Theon kaya naman wala na rin siyang nagawa kundi pag bigyan ito, kaya naman kinuha na lamang ni Gabb ang upuan ni Gael sa tuwing kakain ito

Nag tungo sila sa kusina habang buhat buhat pa rin ni Theon si kaya naman nang maka upo sila ay karga karga pa rin ni Theon si Gael, kaya naman this time ay inagaw na ni Gabb si Gael

“Ako na” saad niya sa lalaki at saka kinuha ang  bata sa bisig nito

Bahagyant yumuko si Gabb para kargahin si Gael ng umangat ang tingin niya ay nag tama ang paningin nila dalawa kaya naman agad siyang nag iwas ng tingin

Nang makuha ang bata mula sa lalaki ay agad na niya itong inupo sa upuan nito na dala dala niya kanina at saka niya ito sinimulang pakainin gamit ang sariling pinggat at kutsara ni Gael

Nang matapos silang mag agahan ay agad din na nag paalam si Theon sa kanya kaya naman nakahinga siya ng maluwag dahil sa wakas ay hindi na niya nakikita ang presensya ni Theon.

Chapter 13

*

Araw ng lunes maagang pumasok si Gabb dahil nais niya rin kasing makausap si Theon tungkol kay Gael speaking of Gael buti na lang at dumating ang lolo’t lola nito noong linggo ng gabi kaya naman may pag iiwanan ito sa bata habang nasa school at trabaho siya.

Bahagyang sumilip si Gabb sa kanyang cellphone para tingnan kung nag reply na ba si Theon sa kanya, nag text kasi siya dito na gusto niya itong makausap at kung maari ay agahan nito ang pag pasok

Napangiti naman siya ng makitang may natanggap siyang reply mula sa binata

“ Okay, sa rooftop ulit antayin mo na lang ako doon, on the way na ako“ mahina niyang basa sa reply ni Theon sa kanya kaya naman wala na siyang sinayang pa na oras at agad ng nag tungo sa nasabing rooftop, nangangamba kasi siya na baka makita pa siya ng mga kaibigan na si Kevin at Bea dahil baka kung saan siya hilahin ng mga ito, nang makarating sa rooftop, umupo na lang muna siya sa upuan doon habang inaantay si Theon, ilang minuto lang din naman ay agad na niya itong nakita na papalapit sa kinakaupuan niya

“Anong pag uusapan natin” bungad na tanong sa kanya ng binata nang makalapit ito sa pwesto niya

“Anong resulta? positive ba?” tanong naman niya sa binata, sigurado naman siyang positive ito pero tinanong pa rin niya ang binatang kaharap dahil napag isip isip  niya kagabi na kung itatangi pa rin ni Theon ang anak niya at sasabihing negative ay hindi na niya pipilitin ito, kung ayaw talagang panagutan si Gael ay tatangapin na lamang niya ito, may trabaho na rin naman siya kahit papaano at saka nag bibigay din naman sa kanya ang papa ’t mama niya para pambili ng diaper o gatas ni Gael

“Wala pang result, hindi pa dumadating” pag sisinungaling ng binata sa kanya, katunayan ay noong friday pa niya nalaman kung ano ang resulta, mabilis lang talaga ang proseso dahil malakas siya sa kaibigang doctor

“Sigurado ka?” tanong niya dito at saka siya tumayo mula sa pag kakaupo, pansin naman niya ang pag tango ni Theon sa tanong niya

“Wala pa ngang resulta” saad pa ni Theon sa kanya

“Okay, ipacancel mo na lang ’yung pag papaDNA mo kay Gael, o kaya kapag dumating ay wag mo ng buksan itapon mo na lang” saad niya sa binata na ikinagulat ni Theon, napag isip isip kasi ni Gabb na dapat hindi na lamang niya sinabi sa binata ang tungkol kay Gael dahil magiging kumplekado lang ang lahat, lalo na’t may Girlfriend pala ang binata baka makasira pa siya ng relasyon, ayaw naman niyang mag yare ’yun ayaw niyang makasira ng relasyon at saka sa tingin niya ay hindi pa handa maging ama si Theon

“Anong pinag sasabi mo?” naguguluhang tanong sa kanya ni Theon

“Ang totoo n’yan hindi mo talaga anak si Gael, sorry! gusto lang talaga kitang hothotan dahil wala na akong ipang gatas kay Gael” saad niya sa binata para magalit ito sa kanya at para rin hindi na nito ituloy ang pag papaDna test

“What the f?” nasambit na lamang ni Theon, napaisip siya bakit kailangan pang mag sinungaling sa kanya ni Gabb gayun na alam na naman niya ang totoo

“Sorry” saad pa niya bago tuluyang iwan si Theon, paalis na sana siya ng hawakan siya ng binata sa braso

Natigilan siya, naguguluhan siyang tumingin kay Theon

“Bakit?” tanong niya, kahit kinakabahan ay mas pinili pa rin niyang maging kalmado ang kanyang boses

“Ang totoo n’yan nasa akin na ang result” baritonong saad sa kanya ni Theon

“Bakit kailangan mo pang mag sinungaling sa akin ngayon? may balak ka bang ilayo ang anak ko?” tanong sa kanya ni Theon, natigilan siya tama ba ang kanyang narinig tinawag ni Theon si Gael na anak ko

“May balak ka bang ilayo si Gael?” bulong sa kanya ni Theon, kinalibutan siya pakiramdam niya ay nag taasan ang kanyang mga balahibo dahil naramdaman niya ang mainit na hininga ng binata sa may bandang leeg niya

“K-Kwan a-ano w-wala” nauutal niyang sagot sa binata, this time hindi na niya kayang mapanatiling maging kalmado sa harap ng binata

“Kung ganun bakit mo gustong ipacancel ang tungkol sa Dna?” bulong pa rin sa kanyang ni Theon sa may bandang Leeg niya kaya naman agad niya itong naitulak sa may dibdib nito dahilan para maramdaman niya ang may katigasang dibdib ng binata, aalis na sana niya ang kamay niya sa may dibdib ng binata ng bigla na lamang nitong hawakan ang kamay niya dahilan para hindi niya maalis ang palad niya sa may dibdib nito dahil dito ay naikuyom na lamang niya ang kanyang kamay dahil sa inis sa dalawang tao una sa sarili niya at pangalawa sa lalaking kaharap niya

“Answer me” bulong ni Theon sa may bandang pisnge niya, huminga siya ng malalim para kumaha ng lakas ng pakiramdam niya ay kahit papaano ay bumalik na ang lakas niya pwersahan niyang tinulak si Theon dahilan para bahagya siyang mapalayo dito

“N-Naisip ko lang na baka makasira ako ng relasyon” sagot niya na ikinakunot nang noo ni Theon

“Baka magalit sayo ang girlfriend mo kapag nalaman niya ang tungkol sa anak mo sa akin at saka naiisip ko na ano na lang ang iisipin ng ibang tao kapag nalaman nila ang tungkol sa anak n-natin” kinakabanan niyang paliwag sa binata

Mauunawaan naman ako ni

Stephanie

kapag na laman niya ang tungkol kay Gael, at saka wag kang mag isip ng kung ano ano d’yan tulad nang sabi ko bata lang ang pananagutan ko, kaya

wala kang dapat ipag alala kay

Stephanie

“ saad sa kanya ni Theon, napatangu si Gabb oo nga pala si Gael lamang

Stephanie pala ang pangalan ng girlfriend niya, saad ni Gabb sa kanyang isip

“Sige” saad na lamang niya bilang tugon sa binata

“Ahm una na ako, baka malate ako klase ko” saad  pa niya at saka siya tumalikod sa binata para iwan ito sa may rooftop, pilit na ngiti na lamang ang ginawa niya nang makatalikod, masaya siya na tanggap ng binata si Gael, ’yun lang naman ang gusto niya.

Chapter 14

*

Pilit na nilabanan ni Gabb ang kanyang mga iniisip sa oras ng klase, pilit niyang ibinaling sa gurong nag tuturo ang kanyang mga mata para mawala siya sa kanyang iniisip

Ngunit kahit na ang kanyang mga mata ay nasa unahan, lumilipad pa rin ang kanyang isip kaya naman hindi na niya namalayan ang pag alis ng prof sa unahan at ang pag lapit sa kanya ng kanyang mga kaibigan na sila Bea at Kevin

“Oyy!” pag tawag pansin ni Bea sa kanya ngunit tulad kanina lumilipad pa rin ang isip nito

Napabalik lamang siya sa katinuan nang maramdaman niya ang may kalakasang pag palo sa kanyang braso

kunot noo niyang binalingan nang tingin ang pumalo sa kanya at doon din niya nakita ang naka kunot noo rin na kaibigan na si Bea at sa tabi nito ay ang nag aalalang mukha ni Kevin

tumingin siya sa unahan at doon niya nalamam na wala na pala ang kanilang prof tumingin siya sa paligid wala na rin ang kanilang mga kaklase tangin sila na lamang tatlo ang nasa loob nang classroom

“B-Bakit?” tanong niya sa babaeng kaibigan nang muli niya itong balingan nang tingin

“Anong bakit Gabb, kanina pa kitang tinatawag at kanina ka pa rin wala sa sarili, may problema ba?” may inis sa boses na saad nang babae niyang kaibigan pero sa huling sinabi nito ay batid mo ang pag aalala sa boses nito

“Ahm w-wala may iniisip lang” saad niya sa kaibigang babae at saka niya inayos ang kanyang mga gamit ganun na rin ang kanyang sarili

“T-Tara na baka mahuli pa tayo sa susunod nating klase” pag aaya niya sa mga kaibigan nang makatayo ito at matapos makapag ayos

“Lutang ka talaga” saad sa kanya nang babae niyang kaibigan, halata sa boses nito ang pag kainis sa kanya

“Wala tayong klase ngayon hanggang bukas nang umaga, bukas nang hapon pa ang balik natin” pag singit naman ni Kevin sa usapan nilang dalawa, napansin ata nito ang pag kainis ni Bea kaya sumingit na siya sa usapan.

“Ahh g-ganun ba? sige uuwi na ako” paalam niya sa mga ito

“Opps” saad nang kaibigan niyang babae sabay hawak sa braso niya

“Bakit?” tanong niya dito

“gagala tayo” saad sa kanya nito, napaisip naman si Gabb gusto sana niyang umuwi na lamang nang makasama ang kanyang anak dahil mamayang hapon ay may trabaho pa siya

“Ah-” hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin nang muling mag salita ang kaibigang babae

“Hindi na tayo nakakapag bonding, sige na” nakapout pang sabi nito

naguluhan naman si Gabb kung sasama ba siya sa mga ito o uuwi na lamang para mag alaga ng kanyang anak

“Bea, siguro ay sa susunod na lamang natin yayain si Gabb, pansin mo naman na hindi maganda ang hulog niya” muling pag singit at pag tutol ni Kevin kay Bea, hindi naman sa ayaw niyang kasama si Gabb kaya niya sinabi ’yun, ang kanya lamang ay pansin niya na malalim ang iniisip ng kaibigan niya at saka alam niya na may batang nag aantay kay Gabb

Lumukot naman ang mukha ni Bea

“Ahm, sige na! gagala tayo” sabat naman ni Gabb, lumiwanag naman ang mukha ni Bea

“Talaga?” paniniguradong tanong nito sa kanya na ikinatango na lamang niya

“Pero…” saad ni Gabb na ikinatigil ni Bea

“Pero?” tanong ni Bea

“Pero saglit lang tayo at saka dumaan kayo sa bahay, may ipapakilala ako” dagdag na sabi ni Gabb sa kaibigan na ikinakunot nang noo ni Bea, habang si Kevin ay wala lamamg reaksyon, alam na nito kung ano at sino ang tinutukoy na ipapakilala sa kanila ni Gabb pero hindi pa niya ito nakikita at gusto niya itong makita

“Sino? lalaki ba? pogi? O baka naman ipapakilala mo na kami sa pamilya mo?” sunod na sunod na tanong ni Bea sa kanya

“Pamilya?” tanong ni Gabb kay Bea

“Pamilya, ’yung magulang mo, o kaya naman may asawa’t anak ka na?” tanong ni Bea sa kanya na ikinalunok lamang ni Gabb buti na lamang at hindi ito napansin ni Bea, dahil kung nag kataon kukulitin at kukulitin siya nito

“Tara na?” pag yaya ni Kevin sa dalawa para tulungan si Gabb, tumingin naman si Gabb dito na tinanguan lamang ni Kevin

“Saan tayo?” tanong ni Gabb sa dalawa

“Sa mall na lang” si Bea ang sumangot sa tanong niya

Napailing siya hindi tama na sumama siya sa mga kaibigan lalo na’t sa mall pala ang punta nila dahil marahil ay magiging taga bitbit na naman siya ni Bea, naranasan na niya ito noong Shs sila

Nang makarating sila sa mall ay tama nga ang kanyang hinala magiging taga bitbit na naman siya, swerte niya lang at nandun si Kevin na siyang umaagaw nang dala niya kaya isang paper bag lang ang dala nila ngayon

Nang mapagod ay napag pasyahan nilang mag tungo sa Restaurant para pag katapos ay didiretso na sila sa bahay nila Gabb

“Sino nga pala ang ipapakilala mo sa amin?” pag bubukas topic ni Bea sa kanya kasalukuyan sila ngayong nasa Restaurant at kumakain

“Malalaman mo rin” sagot na lamang niya sa kaibigang babae at saka nilantakan ang beaf steak na kasulukuyang nasa harap niya

“Kevin, may Girlfriend ka na?” tanong ni Bea kay Kevin, napailing na lamang si Gabb, ang kulit talaga ng kaibigan niyang babae

“W-Wala” naiilang na sagot sa kanya nang binata halatang hinding comfortable sa tanong nito

“Ganun ba” sagot na lang ni Bea kay Kevin, hindi na lamang niya pinansin si Bea at tinapos na lamang niya ang kanyang kinakain

“Ano pa lang nakain mo Gabb at bigla mo kaming niyaya sa inyo?” biglang tanong ni Bea sa kanya kasalukuyan na sila ngayong nasa labas ng restaurant at nag aabang ng masasakyan, natanong sa kanya ’yun ni Bea dahil mag kaklase sila noong Shs at parehas din silang tumigil ng isang taon sa pag aaral,  pero never siya nitong niyaya nito sa bahay nila Gabb, never pa nga siyang nakapunta sa bahay nito, kahit noong last year na tumigil si Bea sa pag aaral ay hindi ito nakapunta sa bahay nila Gabb, ang laging dinadahilan lang nito sa kanya ay madumi ang bahay nila, kaya rin nawala ang comunication nilang dalawa dahil hindi nila alam ang bahay  ng isa’t isa

“Beaf steak” sarkastikong sagot ni Gabb sa kaibigang babae dahilan para makatanggap siya ng mahinang hampas sa braso nito, beaf steak kasi ang kaninang inorder ni Gabb

Natawa na lamang si Kevin sa kulitan nilang dalawa ni Bea.

Chapter 15

*

Nang tumigil ang sinasakyang sakyan nila Gabb ay agad din silang bumaba at nag bayad

“Sa wakas makakarating din sa bahay n’yo” saad ng kaibigan niyang babae habang bahagyang nag pupunas ng pawis sa kanyang noo

humarap siya dito, kinakabahan siyang ipaalam kay Bea ang tungkol sa anak niya pero unpair naman dito kung hindi niya ipapa alam lalo na’t alam na ni Kevin ang tungkol dito, ayaw naman niyang mag tampo ito sa kanya

“Tara” pag aaya niya sa dalawang kaibigan at saka niya ito ginaya papasok sa kanilang bahay

Nang makapasok sa loob ay agad na bumungad sa kanila ang mama ni Gabb na busy-ing busy sa pag karga sa anak niya

“Dati Only Child ka lang, ngayon may kapatid ka na” biglang sabi ni Bea sa kanya, dahilan para mapalingon ang mama ni Gabb dito

“Siya ba ipapakilala mo sa amin?” tanong pa nito na ikinatango na lamang niya

“Hi po tita” pag bati nito sa mama ni Gabb ng mapansin nitong nakatingin ito sa gawi nila

Ngumiti naman ang ginang bago tumingin sa gawi ng kanyang anak

Lumapit si Bea sa mama ni Gabb para mag mano kasunod nito ay si Kevin na nag mano rin sa Ginang

“Hi Baby” pag aalo ni Kevin sa bata, ngumiti naman sa kanya ito

tumingin din si Bea sa bata

“Kyah! Ang kyutt, ang kyut po ng anak nyo tita” tuwang tuwang saad ng dalaga, nais pa nga nitong agawin at kargahin ang bata buti na lamang at napigil niya ang sarili nang maalala na hindi pala siya marunong humawak ng bata

“Apo ko ’to iha” sabat ng ginang na ikinatigil ng dalaga habang si Kevin naman ay walang reaksyon dahil alam na nito kung sino ang batang ito pag pasok pa lamang niya sa bahay nila Gabb

“Tita?” naguguluhang tanong ng dalaga, dalawang taon din naman silang nag kasama ni Gabb sa Shs at masasabi nila sa kanilang mga sarili na kilalang kilala na nila ang isa’t isa kaya alam nito na Only child lamang si Gabb

Agad naman na lumapit sa pwesto nila si Gabb at saka kinuha ang anak sa mama niya

“G-Guys, anak ko pala” nakangiti niyang turan sa harap ng kanyang mga kaibigan na ikinatigil lalo ni Bea

“Nag bibiro ka ba?” ang naitanong na lamang ng kaibigang babae sa kanya dahil sa pag kagulat

Umuling si Gabb at ipinakita nito ang seryoso nitong mukha para ipahiwatig na hindi siya nag bibiro at anak niya ang batang karga karga niya ngayon

Marahan niyang sinalaysay at ipinaliwanag ang lahat kung paano siya nag kaanak pero syempre hindi niya sinabi kay Bea kung sino ang ama ng anak niya

Kinukulit pa nga siya nito pero kalaunan din naman ay tumigil na siguro ay naisip din nito na masyado na ’yung personal

“Sige, ingat kayo” pag papaalam nya sa dalawa niyang kaibigan, nang nag sabi ito sa kanya na uuwi na daw sila

“Dadalaw ulit kami” narinig pa niya saad ni Bea sa kanya bago ito tuluyang umalis sa kanilang bahay

Napabuntong hininga na lamang siya nang maalala na minsan din pala ay pumupunta dito sa kanila si Theon, baka mag pangabot sila, nangangamba siya, lalo na’t hindi pa siya handa sabihin sa kaibigan ang tungkol sa ama ng bata

Siguro ay sasabibin ko na lamang si Bea na mag sabi sa akin kapag dadalaw sila sa bahay, aniya sa kanyang isip

Nawala siya sa kanyang iniisip ng marinig niya ang pag tawag sa kanya ng kanyang ina

“Anak?” anito sa kanya para makuha ang pansin niya

“Po?” tugon niya sa ina ng makabawi mula sa malalim na iniisip

“Nakaalis na sila?” tanong nito sa kanya na kanya na lamang ikinatango

“Opo ma, kakaalis lang nila” saad niya sa ina niya

“Natutuwa ako at nakakapag dala ka na nang kaibigan dito sa bahay, natutuwa rin ako na ipinakilala mo pa sa kanila ang anak mo” nakangiting saad nang kanyang ina sa kanya, kaya naman sinuklian din niya ang ngiti nito,

hindi man niya pinopost sa social media ang tungkol sa anak niya pero lagi naman niya itong sinasama sa panalangin niya, hindi man niya pinag sasabi na anak niya ito at siya ang nag dala pero kapag may nag tanong naman sa kanya na kung anak ba niya si Gael ay hindi rin naman niya itinatangi.

“Ma, pabantay na lang po ulit kay baby Gael” saad niya sa mama niya na nasa kusina

“Bye baby” saad pa niya saka siya humalik sa pisnge ng anak

“Oh papasok ka na, akala ko ba ay 7 pm pa ang pasok mo sa Coffee shop?” tanong sa kanya nang ina na papalapit sa gawi niya, pansin pa nito ang pag punas nito ng kamay sa sout na short.

“Ahh opo ma, nag text po kasi ang katrabaho ko na kung maari ay pumasok ako ng maaga” sagot niya sa kanyang ina

“Ahh ganun ba, bakit daw?” pag uusisa pa ng kanyang ina sa kanya

“Hindi ko po alam ma e pero ang sabi po ay may paparating daw” tugon niya sa tanong ng ina

“Ganun ba? Sige’t pumasok ka na, ako na ang bahala dito sa apo ko” sagot sa kanya ng ina niya

“Sige po” saad niya sabay halik sa pisnge ng ina pag katapos nun ay umalis na rin siya at ng abang ng masasakyan

“Anong meron?” tanong niya sa katrabaho niyang si Ian ng mapansin niyang ang tatahimik ng ilan sa mga kasamahan nila

“Ah nandito kasi si Boss kaya ganyan” sagot sa kanya nito

Boss?

gusto pa sana niyang mag tanong ngunit tinikom na lamang niya ang kanyang bibig at saka nag simula ng kumilos, nag punas siya ng mga lamesa na may mga tapon na coffee at cake, nang matapos ay lumapit siya sa barista para punasan din ang table nito kung saan busy ang barista nilang si Leo

“Gabb, padala naman ’to sa table 8” saad sa kanya ng katrabaho niya sabay abot sa kanya ng isang tray

“Sige” tugon niya na lamang at agad din na tumalima

Nakangiti niyang nilagay ang order nito sa table

“Enjoy ma’am” nakangiti niyang turan bago umalis

Lumipas ang mga oras, heto siya’t pinupunasan ang pang huling table, dahil out na rin niya

“Gabb!” papasok na sana siya sa locker ng tawagin siya ng kasamahan niya sa trabaho, kung hindi siya nag kakamali Laura ang pangalan nito

“Bakit?” tanong niya dito nang lingonin niya ito

“Bago ka daw umuwi, dumaan ka kay Leo, kunin mo ’yung coffee mo” sagot sa kanya nito, nangunot ang noo niya coffee?

“Huh?” naisatinig na tanong na lamang niya

“Galing kay Boss” sagot sa kanya ni Laura, tinaas pa nito ang cup ng coffee sa kanya

“Sige” sagot na lamang niya at agad din na pumasok sa locker, tinalikuran na kasi siya ng babaeng kaharap

Tulad nga ng sinabi ni Laura dumaan siya kay Leo na Barista nila para kunin ang coffee na sinasabi

“Salamat” saad niya sa barista nang makuha na niya ang coffee niya, agad din naman siya umalis sa pwesto niya ng hindi niya na rinig ang pag tugon nito sa halip nginitian lamang siya nito

Bubuksan na sana niya ang pintuan palabas ng bumukas ito, nagulat siya hindi dahil bumukas ito, kundi nagulat siya sa taong nag bukas nito nag tama ang paningin nilang dalawa, sa huli ay napayuko na lamang si Gabb.

It’s him, his Best Friend, his first love

Zach

Chapter 16

*

“Hindi ko alam na dito ka pala nag

tratrabaho

sa Coffee shop ko ” basag ni Zach sa katahimikan

Kasalukuyan sila ngayong nasa loob ng coffee shop sa may dulong bahagi , pag katapos kasi ng pag kikita nila kanina ay inaya siya ng binata na mag usap, kinalibutan pa nga siya sa sinabi ng binata na

“ Let’s talk”

“ Ah hehe” naiasad na lamang niya sa sinabi ng binata, hindi niya alam kung ano ang sasabihin, hindi niya alam kung paano niya papakitunguan ang binatang kaharap, alam niya simula pa lang ng makita niya si Manager Jho na posible silang mag kita pero hindi siya nakapag handa kung paano ito pakikitungoan

“So, how are you? It’s been a year since na

nakapag

usap

tayo” pag tatanong pa ng binata sa kanya, para lamang mag ka topic silang dalawa, marahil ay napansin nito na wala siyang balak mag salita kaya naman ito na lamang ang nag bukas ng topic para sa kanilang dalawa

“A-Ahh HAHA oo” lutang niyang sagot sa binata dahilan para mapatawa rin ito

“I mean, o-okay lang ako, ikaw ba?” sagot niya sa binata

“Okay lang naman pero

pakiramdam

ko may

kulang

pa rin” pag amin sa kanya ng binata

Nangunot ang kanyang noo “huh?” tanong niya dito, kulan? e tingin naman niya sa binata ay nandito na ang lahat

“Anong

kulang

?” pag tatanong pa niya sa binata

“ Ikaw” diretsyong saad sa kanya ng binatang kaharap

Natigilan siya pag kakuwan ay mahinang tumawa dahil sa naging sagot ng binata, marahil ay gino- good time siya nito, ilang years na rin naman silang hindi nag kita, 3 yrs? at sa tingin niya ay nawala na ang nararamdam nito para sa kanya

“Anong

nakakatawa

?” seryosong tanong sa kanya ni Zach, natigilan naman siya sa pag tawa dahil dito

“Wala ” nakayukong sagot niya dahil sa hiyang nararamdaman niya sa binata

“ Seryoso

ako

Gabb

Riel

Tuazon

, gusto

kitang

ligawan

, gusto kung gawin ’yung mga

bagay

na hindi ko pa

nagagawa

sayo noon” seryosong saad ng binata sa kanya

“T-—Teka, l—

ligaw

? ang

bilis

mo naman

ata

?” namumula at nauutal na sabat niya sa binata, kanina lamang ay iniisip niya kung paano niya pakikitunguan at kakausapin ang binata tapos ngayon ay gusto na agad siya nitong ligawan, hindi pa nga siya nakaka move on sa ama ng anak niya

Mabilis

? hindi ba’t

matagal

na rin naman

tayong

mag

kakilala

? kilala na

natin

ang isa’t isa

Gabb

” sagot sa kanya ng binata, totoo naman iyon apat na taon silang naging mag kaibigan noong nasa Junior High sila, mula grade seven hanggang grade ten

“H—Hindi na kasi tayo

tulad

ng

dati

Zach, m-marami nang nag bago”   tugon naman niya sa binatang kaharap, totoo iyun marami na talagang nag bago, tulad na lang ng nararamdaman niya para sa binatang kaharap

“Nag bago?

tulad

ng?” pag uusisa sa kanya ng binata

“T—

Tulad

ng

n-nararamdaman

k—ko” pag amin niya sa binata, ayaw naman niya itong paasahin, tulad nga ng sabi niya nag bago na ang nararamdaman niya para sa binatang kaharap, hindi na siya sigurado sa nararamdaman niya para dito, siguro ay kaibigan na lamang ang tingin niya para dito lalo na’t doon naman talaga sila nag simula bago sila nag kaaminan sa kanilang mga nararamdaman

“W—What do you mean?” tanong sa kanya ni Zach, halata sa boses nito ang kaba habang tinatanong iyun kay Gabb, tatlong taon niyang inantay na muling makita ito ngunit mauuwi lamang sa wala

“I’m  s—sorry Zach, wala na akong

nararamdaman

p-para s—sayo” pag amin niya muli sa binata, kanina ay pinakiramdaman niya ang kanyang sarili, kung may nararamdaman pa ba siya para sa binata at doon niya napag tanto na kaibigan na lamang ang tingin niya para dito, malalaman mo talaga kung mahal mo pa ang isang tao o hindi, kapag nakaharap mo ulit ito, nalulungkot siya para sa binatang kaharap ngunit ayaw niyang pilitin ang kanyang sarili para muling mahalin ito, napaisip siya siguro ay mababaw lamang ang nararamdaman niyang pag mamahal para dito dahil pag lipas ng ilang taon ay nawala na ang kanyang pag  tingin para dito

Gabb

” saad ni Zach sa kanya kasabay ng pag hawak nito sa kanyang kamay na nasa ibabaw ng table

Z-Zach pag tawag din niya sa pangalan ng binatang kaharap

“kaya nga

kita

gustong

ligawan

, para

makuha

ulit ang

loob

mo, i really love you

Gabb

please give me a change” diretsyong saad sa kanya ni Zach nag katinginan pa sila, mata sa mata, sa huli ay si Gabb din ang unang nag iwas ng tingin

Mahinang napabuntong hininga si Gabb, hindi na niya alam kung ano ang kanyang sasabihin, nabla—blanko ang utak niya dahil sa binata, kanina ay tiim bagang niyang sinabi sa binata na wala na siyang nararamdaman para dito, para hindi na nito ituloy ang tangkang panliligaw nito sa kanya, pero nag kamali siya, kitang kita niya ang pag kagustong muling kunin ang loob niya, kitang kita na porsigedu ito.

“Z-Zach..” mahinang ika ni Gabb kasama ng pag bawi nito sa kamay niyang hawak pa rin ni Zach, ngunit hindi rin naman siya nag tagumpay na bawiin ang kamay niya dahil hindi ito hinayaan ni Zach

“Zach k-kase..

ahm

may

a-

anak

na ako Zach, i’m sorry” pag amin niya dito, ayaw niyang saktan ang binata pero wala siyang choice kundi aminin na may anak na siya ng sa ganun ay tigilan na nito ang tangkang panliligaw sa kanya, ayaw niyang saktan at paasahin sa bandang huli ang binata

Dahil sa sinabi ni Gabb ay natigilan ang binatang kaharap, sinamantala iyun ni Gabb para kunin ang kamay niyang hawak hawak ng binata

tatayo na sana si Gabb para ewan si Zach, nang marinig niya ang mahinang pag tawa nito

“haha,

sinasabi

mo lang ‘yan para hindi ko

ituloy

ang

panliligaw

ko sayo, but sorry

Gabb

sa ayaw at sa gusto mo ay

liligawan

kita” saad sa kanya ng binata kasabay ng pag tayo nito at pag pasok sa opisina nito sa Café, napailing si Gabb, nasabi niya sa kanyang sarili na bakit nag paalam pa itong manligaw sa kanya kung ito lang din naman ang masusunod, sa bagay ang porpuse ng panliligaw ay para  kunin ang loob ng isang tao, kahit ayaw nito o gusto dahil sa pamamagitan ng panliligaw maipapakita ang pag mamahal ng isang tao.

Sa huli ay napag pasyahan na lang umalis ni Gabb para umuwi muli pa siyang napa buntong hininga ng maisip niya si Zach wala pa rin itong pinag bago mula sa panlabas nito hanggang sa ugali nito, na kung anong gusto ay ayon dapat ang nasusunod o nakukuha.

Chapter 17

*

ma? nandito na po ako” may kalakasang saad ni Gabb ng makarating siya sa loob ng bahay nila, kasalukuyan niyang hinuhubad ang kanyang sapatos na sout

“ma?” muli pa niyang pag tawag dito ng hindi siya makakuha ng tugon, karaniwang namang uwi niya ng ganong oras ay laging gising ang ina, dahil alam nito ang oras ng pag uwi niya.

Nang matapos sa pag tatanggal sa kanyang sapatos ay agad siyang nag tungo sa kusina nag babakasakaling nandun ang mama niya, ngunit bigo siyang matagpuan ito doon

Kaya naman sinunod niyang pinuntahan ay ang kwarto ng mga magulang niya, nadaanan pa niya ang kuna ng anak

Nakaramdam siya ng kaba sa kadahilang wala siyang naririnig na kahit anong ingay tulad na lamang ng electric fan

Nangunot ang noo ni Gabb kasabay ng malakas na pag tibok ng kanyang puso ng buksan niya ang pintuan ng kanyang mga magulang, wala ang kanyang mama at papa maging ang kanyang anak sa loob, nag mamadaling pumunta siya sa kanyang kwarto nag babakasaling andun ito ngunit muli ay wala ito dito, kaya naman nag mamadali siyang lumabas ng bahay kahit na may kadiliman dahil alas dose na ng umaga, kahit na imposible ay iniisip pa rin ni Gabb na baka lumabas lang ang mga ito. halos libutin na ni Gabb ang palibot ng kanilang bahay ngunit bigo pa rin siyang makita ang kanyang ina. alas dose ng madaling araw, wala maging ang kanyang ama pati na rin ang kanyang anak na si Gabb, kung may importante naman ang mga itong pupuntahan ay hindi naman ng mga ito nakakalimutan na mag iwan ng notes o mag text at tumawag sa kanya.

Muli ay naisipan niyang pumasok sa loob ng kanilang bahay para kunin ang kanyang cell phone nang sa ganun ay matawagan niya  ang kanyang ina

Nag mamadaling kinuha at tinawagan niya ang kanyang ina, ramdam niya ang panginginig ng kanyang kamay, na prapraning na siya, ganun talaga  si Gabb pag dating sa anak niya.

Halos mapa mura si Gabb ng hindi ito sinasagot ng mama niya, paikot ikot na siya  sa kanyang pwesto habang hawak hawak pa rin ang kanyang cell phone, gusto niyang sumigaw dahil sa kanyang mga iniisip, hindi siya mapakali, sino ba naman ang mapapanatag kung hindi mo alam kong bakit wala sa bahay niyo ang mga magulang mo o ang anak mo, ang malala pa ay sa alas dose ng umaga?

Natigilan lamang siya ng biglang nag ring ang hawak niyang cell phone kaya naman dali dali niya itong sinagot

“Hello?” tanong ni Gabb, halata sa boses nito ang panginginig, bahagya pa siyang tumingin sa screen ng cell phone niya para malamaan kong sino ang caller

“H-Hello ma?” pag tawag pa niya sa ka bilang linya, nang makilala niya kung sino ang tumatawag

“hello nak?-” bati ng ina sa kabilang linya ngunit naputol ito ng muling mag salita si Gabb

“nasaan po ba kayo ma?” may kalakasan man ang boses ni Gabb e halata mo pa rin ang respeto nito sa kausap

“nandito kami sa Hospital” tugon ng ina ni Gabb sa kanya, saglit na natigilan si Gabb hindi agad na propeso ang sinabi ng kanyang ina, nang makabawi ay agad niya itong tinanong kung saang opistal ang mga ito

“saang ospital ma?” tarantang tanong ni Gabb sa ina.

“sa Doctors..” tugon ng ina sa kabilang linya kasunod noon ay narinig na lamang ni Gabb ang ibang boses sa sa kabilang linya, siguro ay kinakausap na ng doctor ang kanyang ina

Dali dali kumilos si Gabb dinampot niya lamang ang bag niya kanina at saka nag mamadaling muling sinout ang hinubad na sapatos.

Nang makarating sa Doctor Hospital ay agad na sumalubong ang kanyang ama, agad siyang lumapit dito

“pa, ano pong nag yare?” tanong niya sa ama ng makalapit ngunit na sa halip na sagotin siya ng ama ay tinapik lamang siya nito sa balikat at saka inayang pumasok sa nasabing hospital, ang sabi lamang nito sa kanya ay sa mama na lamang niya tanongin ang nang yare, kaya naman mas lalong kinabahan si Gabb, dahil sa iniisip na hindi ang mama o ang papa niya ang na ospital ay baka ang kanyang anak, pakiramdam niya ay maiiyak siya  sa kanyang iniisip

“ma” saad niya ng makarating sila sa labas ng room nandun ang kanyang ina at kakalabas lamang ng pintuan

“anong nag yare?” tanong niya sa ina, agad naman siyang niyakap nito sabay sabing

“si Gael, ang apo ko” kasabay noon ay ang pag tatangis ng ina ni Gabb

“ma, anong nag yare kay Gael, ma?” hindi niya maiwasang hindi maiyak ng makumpirma niya na ang kanyang anak ang nasa ospital, at base na lamang sa reaksyon ng ina ay hindi basta basta lamang ang dahilan kung bakit ito na ospital

“habang natutulog kami kanina ay narinig ko ang pag iyak ni Gael, kaya naman agad akong bumangon para kunin ito at timplahan ng gatas ngunit kahit anong pag papatahan ko ay hindi ito tumitigil sa pag iyak, hanggang sa mapansin ko na lamang ang pangingitim ng labi nito, sinubukan ko pang aloin si Gael ngunit kahit anong pag aalo ko ay hindi ito tumigil hanggang sa bigla na lamang itong nawalan ng malay kaya naman agad naming tinakbo si Gael sa Ospital.” pag kwekwento ng ina ni Gabb, napa upo na lamang si Gabb, sinisisi niya ang kanyang sarili kung nandun lamang siya nang mag yare iyon marahil kahit paano ay mapatahan niya ito, napasabot na lamang siya sa kanyang sarili pakiramdam niya ay wala siyang kwentang ama / ina sa kanyang anak.

“kamusta po ngayon si Gael ma?, Okay na po ba siya?” saad ni Gabb sa ina at saka mabilis na tumayo para buksan ang pintuan ng kwarto ng anak at doon niya lamang nabasa ang nakalagay doon ICU, ramdam niya ang panginginig ng kanyang katawan, bubuksan na sana niya ang pintuan ng pigilan siya ng ina sabay abot ng isang kasoutan na pang ospital, nanginginig ang kamay na sinout niya ito, ng matapos siya at maisout ang facemask ay agad na niya itong binuksan, tumingin pa siya sa ina bago tuluyang pumasok sa nasabing kwarto, hindi na sumunod ang kanyang ina sa kadahilanan na isang tao lamang ang maaring pumasok sa kwartong iyon.

Napatakip na lamang si Gabb sa kanyang bibig ng makita niya ang kalagayan ng kanyang anak, parang kanina lamang ng iwan niya ito ay maayos pa naman ang lagay nito, ngunit ngayon halos hindi na ito makilala dahil naka Dextrose at may oxygen na nakalagay sa bibig nito para tulungan itong maka hinga, lumapit siya sa anak, nanginginig ang kamay niyang pinatong sa higaan ng anak

“a-anak” halos walang boses na saad ni Gabb sa anak, marahan niyang hinaplos ang ulo nito, mahina siyang napa hikbi sa kadahilanang baka magising niya ang kanyang anak

“Gael, anak ko” bulong niya dito, ilang saglit lang naman ay naramdaman niya ang pag galaw ng anak niya

“Da—” hindi na natuloy ang sasabibin ng anak ng pigilan ito ni Gabb, pinigilan din niya ang balak na pag tayo nito, dahil ayaw niyang mapagod o mabigla ang katawan ng anak

Akmang iiyak na ang anak niya dahil gustong mag pabuhat, ay agad niyang inalo ang anak habang marahang hinahaplos ang ulo ng anak

“shh, baby it’s okay..” saad niya sa anak at saka niya hinawakan ang kamay nito para pakalmahin

Nasa ganun silang tagpo ng biglang bumukas ang pinto at niluwa nito ang lalaking naka sout ng puting uniporme, may naka lagay din na Stetoscope sa leeg nito, kung hindi siya nag kakamali ay ito ang doctor ng anak niya

“Good morning Mr, ikaw ba ang magulang ng batang ito?“ tanong ng doctor sa kanya, marahan siyang tumango sa tanong ng Doctor

“Ano po bang sakit ng anak ko  doc?” kinakabahan niyang tanong sa Doctor

“base po sa mga test na sinagawa namin sa anak niyo, napag alaman po namin na may butas po ang puso ng anak niyo” sagot sa kanya ng doctor, binawi niya ang kamay niyang naka hawak sa anak at saka ito nilagay sa kanyang bibig, para pigilan ang may kalakasan niyang pag hikbi

“kaya po kung makikita nyo ay nangingitim ang labi nito, at kaya rin po ito nawalan ng malay dahil sa kadahilanang hirap itong makahinga..” pag papatuloy na saad ng doctor sa kanya

Ngunit hindi na niya ito masyadong maintidihan dahil ang pansin niya ay naka tuon na lamang sa anak niya ngayon na mahimbing ng natutulog, hindi na muling naka pag salita si Gabb hanggang sa lumabas na lamang ang Doctor.

Chapter 18

*

“Ama… alam kung makasalanan akong tao, alam kung marami akong pag kakamali ngunit ama wag naman sana ang anak ko ang maging kabayaran ng mga ito, ama ako na lamang po ama, ama.. ako na lang w—wag ang a—anak ko amaaa…. ” mahinang saad ni Gabb habang nakaluhod, kasalukuyan siya ngayong nasa chapel ng Hospital, kanina habang kausap siya ng doctor at pinapaliwanag sa kanya kung ano ang magiging resulta kapag hindi agad naoperahan ang anak niya, ay wala siyang ibang maisip na tatakbohan maliban sa magulang niya kundi ang Diyos lamang. Alam niya sa kanyang sarili na nandyan ang Diyos na handang makinig sa atin at handang tumulong kapag tayo ay lalapit sa kanya, hindi siya pala dasal na tao ngunit ng mga oras na yun Diyos lamang ang naisip niyang mamari niyang puntahan

“anak…” rinig niyang saad ng nasa katabi niyang upuan, ramdam din niya ang pag lapat ng palad nito sa balikat niya

“ma…” umiiyak na saad ni Gabb at saka mabilis na yumakap sa ina

“shhh, magiging maayos din ang lahat okay? magiging maayos din si Gael, kilala ko ang apo ko, matapang at matatag ’yun mana ’yun sayo eh, alam kong matapang ka, at alam kong mas magiging matatag si Gael kapag nakikita  ka niyang matatag” naiiyak na saad sa kanya ng kanyang ina, alam ng ina niya ang sakit na nararamdaman ni Gabb dahil ina rin siya, hindi man tunay na babae sa Gabb alam niyang naging mabuting ama at ina ito sa apo niya.

“mag b-birthday pa naman ang anak ko” patuloy na pag tangis ni Gabb, ilang araw na lamang at mag iisang taon na ito, ayaw niyang mag birthday ito sa ospital pero alam niyang wala siyang magagawa

Mas lalong napaiyak si Gabb ng naisip niya na ang mga negatibong nag yayare kapag nag bibirthday sa ospital, ayaw niya itong isipin dahil natatakot siya

“ma?” saad ni Gabb sa ina ng medyo tumahan na ito, patuloy pa rin itong naka yakap sa ina

“hmm?” tugon ng ina

“mag kano daw po ba ang kakailanganing pera para sa operasyon ni Gael?” tanong niya sa ina at saka kinalas ang pag kakayakap dito, sa ina na lamang niya ito tinanong dahil hindi niya ito natanong sa doctor kanina dahil blanko siya kanina

“around 600k daw” tugon ng mama niya sa kanyang tanong, halos manlumo at bumagsak ang balikat ni Gabb, nasa 20K lamang siguro ang perang naipon niya para sana sa Birthday ng anak niya

“saan tayo kukuha ng ganong kalaking pera ma?” nag hihinang tanong niya sa ina

“kapit lang anak, sabi naman ng doctor may tatlong buwan pa tayo bago operahan ang apo ko kaya makakapag ipon pa tayo, pero kung magkakaroon agad tayo ng sapat na pera, maganda sana kung maoperahan agad.” naluluha man ngunit nakangiting saad pa rin ng ginang sa anak

“hindi ko alam kung saan natin kukunin ang ganung pera , pero ang alam ko lang na kailangan nating mag tiwala sa nasa itaas, alam niyang kaya nating malampasan ang pag subok na ibinigay niya sa atin, at alam kung tutulungan din niya tayo”

——————

“Hello?” saad ni Theo ng sagotin niya ang tawag kasalukuyan siyang nag bibihis  noon ng maka tanggap siya ng tawag, hindi niya sana ito sasagutin pero ng makita niya ang pangalan ng caller, si Gabb ay agad niya itong sinagot

Noong lunes pa ang huli nilang pag uusap at hindi pa naging maganda iyun hindi pa rin siya nakakabisita sa anak niya.

“hello Ashtan, pwede ba tayong mag kita? May kailangan lamang akong sabihin sayo” narinig niyang saad nito sa kabilang linya, nangunot ang noo niya dahil parang paos ang boses nito

“i’m sorry gabb, may usapan kasi kami ni Stephanie na lalabas ngayon, siguro later na lang?” tugon niya dito

“per—o” hirit pa ni Gabb sa kabilang linya

“bye” saad niya at saka binaba ang tawag

Sakto naman na tumawag si Stephanie na kanyang kasintahan

“hello, on the way na ako, sige i love you too” tugon niya at saka mabilis na binaba ang tawag at saka mabilis na sinuot ang kanyang damit at saka patakbong lumabas ng kanyang condo hangang sa maka rating ito sa kanyang kotse.

Ilang minuto rin naman ay naka rating na rin siya sa kanilang tagpuan at doon rin niya nakita ang kanyang kasintahan na nakaupo, medyo nahiya siya sa kanyang sarili mas nauna pa ang babaeng dumating sa kanya

“i’m sorry, kanina ka pa ba?” tanong niya sa dalaga ng makalapit siya, humalik pa siya sa dalaga bago ito tumugon sa tanong niya

“nah, actually kakarating ko lang din” mahinahong sagot sa kanya ng dalaga

“naka order ka na ba?” tanong na lang niya sa dalaga

“hindi pa” kagat labing saad ng dalaga, hindi pa ito umoorder dahil baka hindi dumating si Theon, wala siyang pambayad kapag nag kataon, hindi naman siya mayaman katulad ng kanyang kasintahan

“waiter” saad ni Theon sabay taas ng kanyang kamay

“anong gusto mo?” tanong ni Theon sa kasintahan

“kung ano na lamang ang sayo” mahinhin na tugon ng dalaga sa kanya

_

“isesend ko na lamang sa Bank account mo” nakangiting saad ni Theon sa kasintahan nag sabi kasi ito sa kanya na kung maari ay makahiram ulit ito ng pera dahil nasa hospital ang lolo ng dalaga

“salamat talaga Theon, thank you” nakangiting saad ng dalaga sabay halik sa pisnge nito

“wala ’yun para saan pa’t naging boyfriend mo ako” nakangiting saad ni Theon sa kasintahan

“may gusto ka pa bang puntahan?” naka ngiting dagdag pa nito

“ahm sa mall sana” tugon ng dalaga dito

“sige sa mall tayo”

Samantalang, kasalukuyang nasa isang park si Gabb, naka tanaw sa kawalan, hindi niya alam kung anong pag subok ang ibinigay sa kanya ng Diyos, napapatanong na lamang tuloy siya sa kanyang sarili na ‘ganun na ba ako kasama? para parusahan ako ng Diyos?’

napaiyak na lamang siya hindi niya alam kung saan siya kukuha ng pera naisip niyang ibenta ang kanyang lamang loob o kaya ang kanyang sarili, ngunit sino namang bibili?

“mukhang malalim ang iniisip mo?” saad ng lalaking bagong dating na naupo sa may tabi niya saglit niya itong tinapunan ng tingin at saka muling tumingin sa kawalan

“may problema ba?” dagdag na tanong pa nito

“pautang ako” wala sa sariling saad ni Gabb

“huh?” tanong ng lalaking nag ngangalang Kevin

“pautang ako” pag uulit ni Gabb sa una niyang sinabi

“mag kano naman?” tanong pa ni Kevin sabay kamot sa kanyang ulo

“600k” mabilis na sagot ni Gabb

“ano?” gulat na saad ni Kevin halos mahulog na ito sa kanyang kinauupuan dahil sa gulat

“wala akong ganung kalaking pera, mapapautang kita pero hanggang 50k lamang” saad ni Kevin sa kanya, hindi rin naman kasi kayamanan si Kevin kaya hindi niya talaga mapapahiram si Gabb

“sige okay na ’yun, salamat” saad ni Gabb sabay yakap kay Kevin, kinilig naman ang binata

A/n: hellooo guys sorry sobrang tagal ng update sobrang busy lang din kasi sorry din medyo magulo ang chapter na ito, forda lutang ang ferson kasi. Hehehe

Chapter 19

*

Isang malawak na ngiti ang pinakawalan ni Gabb ng magising ito mula sa mahimbing napagkakatulog, napaka special ng araw na ito para sa kanya, April 2 araw kung saan isinilang niya ang isang anghel, araw kung saan isinilang niya si Gael, ang kanyang anak

Maingat siyang bumangon mula sa pag kakahiga, baka kasi maka gawa siya ng ingay na magiging dahilan para magising ang kanyang anak, marahan pa siyang humalik sa noo ng anak bago tuluyang lumabas sa kanilang kwarto, iniwan niya lamang na bukas ang pintuan para kung sa kasakaling magising ang kanyang anak ay agad niyang mapupuntahan at marinig agad kung sakali mang umiyak naman ito

Buti na lamang talaga at pinayagan na sila Gabb na lumabas ng hospital si Gael , sabi naman ng doctor ay maayos at hindi pa ganun ka lala o kalaki ang butas ng puso ng bata, ang payo na lamang ng doctor ay wag masyadong papagodin at gugulatin ang bata, nang malaman nga ng doctor ang nalalapit na kaarawan ng bata ay sinabihan sila nito na kung maaari ay wag pa excitedin ang bata, o ano mang emosyon na maaring maging dahilan para mahirapan itong huminga

Nag tungo lamang si Gabb kung nasaan ang lababo, balak niyang mag mumog ng sa ganun ay mapag kape na siya at magawa ang mga dapat gawin, sa pag pasok niya sa loob ng kusina ay naabutan niya ang kanyang ina na busy sa pag aayos ng mga rekado, hindi naman na sila hapos sa oras dahil nakapag luto na sila kagabi, sa tulog ng mga kapit bahay at kumare’t kumpare ng kanyang mga magulang, ay maayos naman nilang nagawa at naluto ang dapat lutuin, buti na lamang ay binayanihan sila ng mga mababait nilang kapitbahay

“Gabb, ba’t hindi ka pa naliligo?” tanong ng ina niya at marahan na tumingin sa relo na sout

“mamaya maya ay pupunta pa tayo sa Simbahan diba?” pag papatuloy na tanong ng ina niya sa kanya, bukod kasi sa kaarawan ng kanyang anak e binyag din niya, naisip ni Gabb na pag sabayin na lamang para hindi na ganun kagastos, ang plano nga niyang magarbong hadaan ay hindi niya na lamang itinuloy sa halip itinago na lamang niya ito para sa kalusugan ng anak

“mamaya maya po ma, mag kakape po muna ako at saka po ako  na po ang mag tutuloy ng ginagawa nyo, mauna rin po kayong maligo”  sagot niya sa ina niya habang kumakaha ng baso para lagyan ng tubig na gagamitin niya sa pag mumumog

“hala’t mabuti pa nga, umangang umaga ay ako’y lagkit na lagkit na” saad ng kanyang ina bago ito tumayo mula sa pag kaka upo nito, napangiti si Gabb pansin nga ni Gabb na lagkit na lagkit na ito sa kanyang katawan

“tulog pa ba ang apo ko?” pahabol pa nitong tanong sa kanya

“opo, hindi ko po muna ginising baka makatulog sa mesa” saad ni Gabb sa ina

Matapos ang pag uusap nila mag ina ay tuluyan na ngang umalis ang mama ni Gabb para mag tungo sa Kwarto nito para mag handa ng susuotin pag katapos nun ay tuluyan na itong nag tungo sa banyo para maligo

Samantalang si Gabb naman ay agad na nag timpla ng kape, nang matapos ay naupo ito sa inupoan ng kanyang ina para ipag patuloy ang ginagawa ng ina niya

Sakay ng tricycle ay pumaba si Gabb at ang kanyang mga magulang sa harap ng Simbahan, sinilip muna ni Gabb ang kanyang cell phone para tingnan kung nag reply na ba si Theon sa text niya kahapon na kung maari ay mag tungo sa simbahan para sa binyag ng anak nila, alam naman ni Theon na Birthday ng anak nila dahil noong minsa na tinanong siya nito kung kailan ang Birthday ni Gael ay sinagot naman niya ito ng maayos na April two ang Birthday nito, hindi lamang alam ni Gabb na baka limot na ito ng binata

Napabuntong hininga na lamang si Gabb bago tuluyang pumasok sa simbahan dahil maya maya pa ay mag sisimula na ang mesa

Hanggang sa matapos na ang mesa ay wala pa ring natatanggap na reply si Gabb nanlumo siya wala man lang bang pakealam si Theon kay Gael kahit na alam na nito na tunay niyang anak ang bata, ang naitanong na lamang ni Gabb sa sarili

Tatlong bata ang bibinyagan at pangatlo pa si Gael kaya naman naisip ni Gabb na baka maka habol pa si Theon, pinabuhat ni Gabb sa mama niya si Gael, dahil balak niya munang lumabas  ng simbahan para tawagan si Theon

Nang makalabas nga ito ay agad niyang tinawagan ang binata, naka ilang tawag ito  dito ngunit nag riring lamang ang cell phone nito, napa buntong hininga na lamang si Gabb, siguro nga ay walang balak pumunta ang binata, ano pa nga ba ang aasahan ni Gabb sa isang Theon?

Sa huli ay napag pasyahan na lamang ni Gabb na bumalik na lamang sa loob ng simbahan, sakto naman na tapos ng binyagan ang unang bata, lumipas ang ilang minuto ay si Gael na ang bibinyagan hanggang ngayon ay wala pa rin si Theon kaya napa iling na lamang ito, ginala niya ang kanyang paningin hanggang sa makita ng dalawa niyang mata ang tumatakbong lalakibpalapit sa pwesto nila, ang papa niya.

Samantalang inis na napahampas si Theon sa kanyang manibela dahil hindi umusad ang mga sasakyan medyo tirik na rin kasi ang araw, dapat ay kanina pa siya sa kanyang pupuntahan ngunit dumaan muna ito sa bahay nila Gabb para ayosin ang mga pina deliver niya mga pag kain para sa Birthday ng kanyang anak, nang dumating nga siya doon ay naabutan niya ang mga kapitbahay nila Gabb na nag babayanihan sa pag luluto at pag aayos, lumapit si Theon sa ama ni Gabb na kasalukuyang nag paiwan sa bahay para mag ayos

Nag mano siya dito at saka ito kinausap at kinausap na nag padala ito ng tao para ayosin ang darausan ng Birthday at binyag ng kanyang anak

Inaya pa niyang sumama ang papa ni Gabb patungo sa simabahan sinabi na lamang ng binata na ang mga tauhan na lamang niya ang mag aayos doon, pumayag naman ito sa paunlak ng binata, nang makapag bihis ang ama ni Gabb ay agad na rin silang umalis

“hijo” saad ng ama ni Gabb, tumingin siya dito nakalimutan ni Theon na kasama pala niya ang ama ng ina ng kanyang anak

Tumingin si Theon dito at saka tumingin sa kalsada na ngayon ay umuusad na kaya naman agad niya itong pinaandar

Nang makarating nga sila sa Simbahan ay pinauna na muna ni Theon ang ama ni Gabb dahil ipaparking pa niya ang kanyang sasakyan

“sino hong kasama nyo pa?” ang tanong niya sa kanyang ama hindi naman ito sumangot sa kanya sa halip ay nakangiting tumingin lamang ito sa labas ng pintuan ng Simbahan, napatingin si Gabb dito at doon niya nakita ang tumatakbong lalaki, si Theon ang ama ng kanyang anak na buong akala niya ay nakalimutan na nito ang kaarawan ng kanilang anak, sa hindi mapaliwag na dahilan ay napangiti na lamang si Gabb

“soryy late ako” saad ni Theon ng makalapit sa pwesto niya, natauhan naman si Gabb

“okay lang” namumulang sagot niya sa binata hindi man nito naabutan ang lag bubuhos sa anak ay ang mahalaga pa rin ay pumunta ito sa binyag ng anak, inabot ng ina ni Gabb si Gael, Picture picture daw, nag picture picture nga sila hanggang sa inutos ng ama ni Gabb na mag picture silang tatlo, si Gabb, Gae at Theon

Buong akala ni Gabb ay tatangi ang binata ngunit ito pa ang kusang lumapit sa kanya at saka humawak sa bewang niya, kaya pilit na ngiti na lamang ang naibigay ni Gabb dahil sa pag kabigla

Chapter 20

*

Nang matapos ang ganap sa simbahan, ay agad na silang gumayak pauwi sa kanilang bahay, nagulat pa nga si Gabb na pupunta rin pala doon si Theon, buong akala niya ay sa simbahan lamang ito pupunta, hindi niya talaga inaasahan na pupunta ito at makikidiwang sa unang kaarawan ng kanilang anak, katunayan nga ay sa sasakyan pa ni Theon sila sumakay, hindi talaga si Gabb makapaniwala, syempre dahil may kasikatan din naman kasi ang binata dahil na rin siguro sa apilyedong dala dala nito, kaya ang buong akala nito ay hindi ito pupunta sa bahay nila para iwas issue pero nag kamali si Gabb

Nalala pa tuloy ni Gabb noong araw na tumawag siya kay Theon para mangutang sana ngunit binabaan siya nito ng tawag sa kadahilan na may date pa daw sila ng nobyo nito, nasaktan at nawalan talaga siya ng pag aasa hanggang sa nag kita sila ni Kevin at pinautang siya ng 50k, kinagabihan ng araw na yun ay si Theon na ang tumawag sa kaniya para tanungin kung bakit nga ba daw siya napatawag kanina, at doon niya sinabi ang tungkol sa anak nila na naospital ito, doon niya naramdaman ang tunay na Theon, ramdam talaga niya ang pag alala nito, pumunta pa nga agad si Theon sa ospital kahit na medyo malalim na ang gabi, nang araw ding iyon ay maaayos na siyang kinaka usap ng binata, nakapag usap na rin sila ng maayos, sinabi sa kaniya nito na ito na ang sasagotan sa operasyon ni Gael, na labis namang ikinapasalamat ni Gabb

“hey are you okay?” tanong sa kanya ng binata habang naka tingin pa rin sa unahan ng sasakyan at naka fucos sa pag mamaneho, sa pag tatanong nito ay nawala siya sa pagbabalik tanaw

“ahh, oum okay lang” sagot ni Gabb sa binata, at saka bahagyan sinilap ang anak na naka higa sa balikat niya

“okay” saad ni Theon, pag katapos ng pag uusap na yun ay muli silang natahimik mistulang may dumaan na Anghel, hanggang sa makarating sila sa bahay nila Gabb, pag kababa ni Gabb sa kotse ay nagulat siya sa kanyang nakita, hindi ganito ang bahay nila noong pumunta sila sa simbahan, napaka garbo na nito ngayon, ang daming palamuti, habang tinitinggan ni Gabb ang paligid ay hindi niya naramdaman ang pag bagsak ng kanyang luha dahil sa kanyang kasayahan, ganto ang gusto sana ni Gabb para sa kaarawan ng kanyang anak, akala ni Gabb ay hindi na mag yayare ngunit ito, tinupad ni Theon ang munti niyang pangarap para sa kanyang anak.

Kinuha ng mama ni Gabb si Baby Gael, kaya naman agad na hinarap ni Gabb si Theon at saka mabilis itong niyakap

“thank you” maiiyak iyak na pag papasalamat ni Gabb kay Theon

“welcome” kaswal na saad ni Theon sa kanya

Napabitaw si Gabb sa pag kakayakap kay Theon ng marinig niya ang isang pamilyar na Tili

“Ahhhhhh…” hinarap niya ito at hindi nga siya nag kamali si Bea nga ito ang kanyang kaibigan kasama si Kevin, may dala itong cellphone na animo’y kumukuha ng litrato, embitado nga pala ang mga ito, shit lang, saad ni Gabb sa sarili, ito nga ang kinakatakot niya na mag kaharap ang mga kaibigan niya at ang ama ng kanyang anak.

“Bea” saad ni Gabb at saka mabilis na tinanggal ang pag kakayakap kay Theon at saka hinarap ang kaibigan

Namula ang mukha ni Gabb hindi niya alam kung paano ipapaliwanag sa kaibigan, tumingin siya kay Kevin para humingi ng tulong ngunit napaiwas lamang ng tingin ang binaga sa kanya

“Ahm, si T—Theon, ninong ng anak ko” kinakabahang paliwanag niya sa kaibigan,  mapanuring tingin lamang ang ibinigay sa kanya ng kaibigan

“Ninong?” natatawang sabat naman ni Theon, agad naman napatingin ang tatlo sa binata dahil sa sinabi nito

“Oo, d’ba?” kinakabahang saad ni Gabb

“I’m Theon, tatay ni Gael” pakilala ni Theon sa harap ng mga kaibigan ni Gabb, tinaas pa nito ang kamay para makipag shake hands na agad namang tinangap ng dalaga

“Nice to meet you, maiwan ko na kayo” saad ni Theon at saka iniwan ang tatlo na tahimik

“Omg” pasigaw na saad ni Bea at saka hinila ang kamay ni Gabb at saka nag tatalon talon

“totoo ba ’to? Omg si Theon ang ama ni Gael, kaya pala mag kamukha” saad ni Bea sa kaibigan, napaiwas naman ng tingin si Gabb

“nag bibiro lamang si Theon, hindi siya ang ama” pag tanggi ni Gabb

“forda nag sisinungaling pa ang ferson, e huli na nga” sabat naman ni Bea

“so ano nga paano, uso mag share ’teh” pangungulit ni Bea

“later, k—kwento ko, aasikasohin ko muna mga bisita ko, maiwan ko muna kayo saglit” pag papaalam ni Gabb para maka iwas sa tanong ng kaibigan, hindi niya talaga alam kung paano sasagutin ang mga tanong ng kaibigan niya, bakit ba kasi  nag pakilala pa si Theon bilang ama ni Gael, shit lang talaga

Inabala na lamang ni Gabb ang sarili sa pag aasikaso ng mga bisita, nagulat nga siya dahil sobrang daming tao, siguro ay pati kabilang baranggay ay inaya ng mama niya, mas lalo tuloy kinabahan si Gabb para kay Theon, baka may makakilala dito.

Bago pa man magalit sa kanya ang mga kaibigan ay agad na niya itong binalikan kung saan niya ito iniwan

Dala dala ang tatlong slice ng cake ay agad siyang nag tungo sa upuan ng mga kaibigan, nilapag muna niya ang plato sa mesa bago siya tuluyang maupo

Agad naman niyang nakuha ang atensyon ng dalawa niyang kaibigan

Iniwas niya ang tingin sa babaeng kaibigan sa halip ay tumingin lamang siya kay Kevin, na tinanguan naman ng binata

Napabuntong hininga si Gabb, mag sasalita na sana siya ng bigla siyang unahan ni Bea

“Wala kang balak ishare sa akin?” may pag tatampong tanong ng dalaga sa kanya, nakipa pa ni Gabb ang pag irap ng dalaga

“Ahm, si Theon s-siya ang tatay ni T-Theon” pag amin niya sa dalaga, ano pa nga ba ang magagawa ni Gabb e mismong si Theon na ang umamin kanina, at saka hindi naman ibang tao ang kaharap niya ngayon dahil mga kaibigan niya ito

“omg? paano kyaahh!” kinikilig na tanong sa kanya ni Bea, napa likyaw pa nga ang dalaga, buti na lang ay maingay sa paligid dahil nag kakantahan na ang mga bisita

At doon na nga kinuwento ni Gabb ang lahat, gulat na gulat naman si Bea sa nalaman, dahil nangyare pala ito noong inaya niya si Gabb sa bar

nag sorry naman sa kanya si Bea, dahil sa kanya ay nabuntis si Gabb ng maaga, ngunit sa huli ay nagawa pa nitong mag biro, na keso kung hindi daw sa kanya ay hindi mag kaka Gael at hindi mag jujugjugan si Theon at Gabb, kaya naman nakatanggap ang dalaga ng mahinang sampal sa braso.

Malalim na sa gabi ng umalis ang mga kaibigan, medyo tahimik na ang paligid dahil mangilanngilan na lamang ang tao, halos mga kamag anak na lamang ni Gabb at mga kumpare ng kanyang ama

Ginala ni Gabb ang kanyang mata para hanapin si Theon at natagpuan niya itong kainom pala ng kanyang ama, pansin nito ang pamumula ng mukha ng binata alam ni Gabb sa sarili na medyo lasing na ang binata, hindi kasi sanay si Theon sa Lambanog, alam yun ni Gabb dahil sa mga katulad ni Theon alam niyang mga mamahaling alak lamang ang iniinom nito

Lumapit siya sa lamesa kung nasaan si Theon, lumapit siya sa ama at saka bumulong dito, ika niya na wag masyadong lasingin si Theon dahil mag d-drive pa ito pauwi

ang naging tugon lamang ng kanyang ama ay hindi daw uuwi si Theon

Makikipag talo pa sana siya sa ama ng may maramdaman siyang humawak sa bewang niya at saka marahang siyang hinila dahilan para mapaupo siya sa hita ng humila sa kanya, gulat niyang tiningnan ang taong gumawa noon mas lalo pa siyang nagulat ng si Theon pala iyon

Ang sunod niyang naramdam ay ang lalong pag higpit ng yakap ni Theon sa kanya nilapit pa nito ang katawan niya at saka pinatong ang baba sa balikat niya

Narinig naman ni Gabb ang mahinang panunukso ng kainuman ng kanyang ama

“Thank you” mahinang bulong ng binata sa kanya

“salamat dahil sayo nakilala ko si Gael, salamat dahil inalagaan mo ng maayos ang anak ko, patawad kung hindi ako naging mabuting ama sa anak natin, hindi ko kasi alam ang gagawin ko, hindi ko kasi alam kung paano maging isang mabuting ama, pero hanga ako sayo dahil naging ina at ama ka sa anak natin, kaya salamat, pangako babawi ako sa anak ko” mahinang saad ng binata sa kanya ramdam ni Gabb ang bawat emosyong nilalabas ni Theon, ramdam niya ang lungkot nito

“Theon” ang naisaad na lamang ni Gabb bago sinuklian ang yakap nito at hinaplos ang likod ng binata

Chapter 21

*

Hindi makatulog si Gabb, dahil sa pangatlong pag kakataon ay mag kakatabi na naman sila ni Theon sa iisang kama, kitang kita ni Gabb ang maamong mukha ng binata sa kadahilang nakaharap siya dito, mahimbing na mahimbing ang tulog nito siguro ay dahil sa alak, bahagyang bumangon si Gabb sa pag kakahiga at saka sumandal sa pader na kadikit ng katre nila ni Gael, bahagya itong lumapit sa puwesto ni Theon, pagkakuwan ay marahan niyang inangat ang kanyang kamay at saka ito dahan dahang ipinatong sa may noo ng binata, hindi niya alam sa sarili kung ano ang kanyang ginagawa, marahil ay dahil natutuwa lamang siya sa ginawa nito para sa kanilang anak.

Pag kakuwan ay napabuntong hininga si Gabb at saka mabilis na inalis ang kamay sa noo ng binata, hindi niya alam sa sarili kung ano ang nararamdaman niya para dito, kapag iniisip niyang may kasintahan ang binata ay nalulungkot siya

_

Kinabukasan, dahil nga late ng nakatulog si Gabb ay late na rin siyang nagising, nang bumangon siya ay wala na si Theon sa tabi niya maging si Gael ay wala na rin, mabilis niyang kinuha ang cell phone para tingnang ang oras, 10:00 am na pala ng umaga, nang makita ang oras ay agad niyang inilikot ang kamay niya sa pag pipindot sa cellphone niya para tingnan ang schedule ng pasok niya, nakahinga siya nang maluwag ng makitang mamaya pang ala una ang pasok niya, dali dali siyang lumabas para tingnan ang anak niya

“ma! si Gael po?” tanong ni Gabb sa mama niya nang makasalubong ito

“si Gael ba, naku kinausap ako ni Theon kanina kung pwedeng ilabas niya ang bata, e naawa naman ako sa apo ko, kaya pinayagan ko na” sagot sa kanya ng mama niya

“ano? pinayaga nyo ma? baka kung mapaano si Gael, alam nyo naman pong may sakit ang bata” sagot niya sa ina niya,

“naku, wag kanang mag alala, napayuhan ko na kanina si Theon sa mga dapat gawin” sagot naman ng ina niya sa kanya

“saan po ba sila pumunta ma, at susundan ko na lamang” sagot niya sa ina niya

“hindi nabanggit sa akin, mabuti pang tawagan mo na lamang” tugon nang ina at saka iniwan si Gabb

Agad naman tinawagan ni Gabb si Theon, kinakabahan si Gabb kung ano ano na ang iniisip niya na keso baka itakas nito ang bata

Naka hinga naman siya nang maluwag ng sagotin ni Theon ang tawag

“hello, saan mo ba dinala ang anak ko ha?” bungad niyang saad nang sagutin ni Theon ng tawag

“kalma, ibabalik kong buong buo ang anak natin, sa ngayon hayaan mo muna kaming mag bonding mag ama” saad ni Theon sa kanya at saka binaba ang tawag

Napabuntong hininga si Gabb, sa huli ay napag pasyahan na lamang na itext si Theon

“Wag mong kalimutan na lagyan ng towel ang likod ng bata, wag mo ring masyadong pagodin, alam mo naman ang sitwasyon ng anak natin”

pag katapos nun ay nag tungo na lamang siya sa kusina para makapag almusal, ang plano n’ya kasi ngayon ay dumaan sa Z’s Cafe, dalawang araw siyang nag paalam ng leave dito, at mamaya nga ay start niya na ulit ng trabaho

“ma, pupunta lang ho ako sa cafe” saad niya sa mama niya ng makasalubong niya ito sa may pintuan

“sige, mag ingat ka” bilin nito sa kanya

_

“good morning” bati sa kanya ng kwardya

“good morning din po” sagot niya dito at saka pumasok, sakto naman na nakita niya sa ate Jho

“ate Jho, wait!” saad niya at saka nag lakad ng mabilis para maabutan si ate Jho na papasok na sana sa Oposina nito

“oh Gabb, ang aga mo ata” puna nito sa kanya, at saka tuluyang pumasok sa loob kaya naman sumunod na rin siya

“ano po kasi ate, gusto kong makausap si Zac

h, nandyan po ba?” tanong niya kay ate Jho

“naku naku, ano ’yan ahh yiee” pag aasar sa kanya ni ate Jho, na ikina iling lang ni Gabb

“maupo ka muna, si Zach mamaya pang hapon ang punta dito” saad ni Gabb at saka marahang tumango

“ganun po ba?” saad na lamang ni Gabb

“nga pala pasensya na kung hindi kami nakapunta sa birthday ng anak mo” saad ni ate Jho at saka bahagyang yumuko sa lamesa para kunin ang regalo sana sa bata

“ito pala gift ko, pasensya na talaga kung hindi ako naka attent may emergency kasi kami noong araw na ’yun”  pag papaliwanag nito

“naku, okay lang po at Jho, at saka salamat po dito sa gift n’yo, mauna na po ako dahil may pasok pa ako mamaya” pag papaalam ni Gabb sa kausap

“ganun ba sige ingat, sasabihan ko na lang si Zach mamaya”

“sige po ate” saad niya at saka tuluyang umalis sa cafe

Nang makaalis siya ay hindi niya alam kung saan siya pupunta, sa huli ay napag pasyahan na lamang niyang umuwi

Nang makauwi siya ay wala pa rin si Theon at ang anak niya, kinuha ni Gabb ang cell phone para silipin ang oras

Kainis alas onse na wala pa rin, ungot ni Gabb at saka tinawag ang ina

“ma, hanggang anong oras ang paalam ni Theon” tanong niya sa ina

“ang sabi saglit lang daw sila, pero hayaan mo na muna siguro ay napasarap lang ang bonding nang mag ama” sagot sa kanya ng ina

“ma—”

“may tiwala ako sa batang ’yun, kaya wag kang mag alala, mabuti pang kumain ka na dyan at saka pag katapos ay ayosin mo na ang sarili mo, hindi ba’t may pasok ka pa?” pag puputol ng kanyang ina sa akma niyang sasabihin

Napabuntong hininga na lamang si Gabb sa huli ay sinunod na lamang niya ang ina, sana lang ay walang nag yareng masama sa bata, lalo na sa kalagayan nito

Bandang alas dos ng hapon ng makatanggap siya ng text mula kay Theon

Theon:

Naka uwi na si Gael, don’t worry walang masamang nag yare sa kanya

basa niya sa text nito, doon ay naka hinga ng maluwag si Gabb

Nang matapos ang oras ng kanyang klase ay agad niyang inayos ang kanyang sarili, dideretso na kasi ulit siya sa Z’s Cafe, gusto nga sana ni Gabb na umuwi na lang muna para silipin ang anak ngunit, dahil nga late nang nag pauwi ang prof niya ay malalate din siya sa pag pasok sa Z’s Cafe kung dadaan pa siya sa bahay nila, nakakahiya rin naman dahil dalawang araw siyang nag leave

Nasa labas na siya ng school ng makatanggap ulit siya ng tawag mula sa mama niya

Mama:

Nak, wag ka na munang pumasok sa trabaho, umuwi ka muna

Basa niya sa text ng kanyang ina, naka ramdam ng kaba si Gabb, baka may masamang ng yare sa anak niya, baka masyado itong napagod sa gala nilang mag ama

Dali daling tumawag ng trycicle sa Gabb

Nang makauwi si Gabb ay patakbo siyang pumasok sa loob ng bahay nila dahilan para habolin din siya ng Driver ng tricycle doon niya lang naalala na hindi pa pala siya nag babayad, kaya naman huminge siya ng pasensya sa driver at saka inabot ang fifty pesos

“ma” tawag niya sa ina niya agad din naman itong tumungon

“oh ang bilis mo naman ata” saad ng ina at saka marahang tumawa

“may masama po bang nag yare kay Gael?” tanong niya sa ina

“ano ka ba namang bata ka, syempre wala” sagot ng ina niya, doon na siya nakahinga ng maluwag

“eh bakit nyo po ako pinauwi?” tanong niya sa ina, “nasaan po si Gael?”

“’yun nga kaya kita pinauwi para makapag impake ka na ng gamit mo, wag ka na munang pumasok sa trabaho” saad ng ina niya sa kanya

Naguguluhang tumingin si Gabb sa ina

“anong ibig n’yo pong sabihin?” tanong niya sa ina

“mula ngayon sa iisang condo na kayo mag sasama ni Theon kasama ang anak nyo” sagot ng ina niya na ikinalaki ng mata ni Gabb

“bilisan mo na dyan, inaantay ka na ng anak mo sa condong titirhan nyo ni Theon” huling salitang saad ng ina bago siya iwan na hindi pa rin makapaniwala sa ng yayare

Theon anong plano mo?

Chapter 22

Inis na kinuha ni Gabb ang kanyang cell phone para tawagan si Theon, naiinis siya sa binata dahil hindi man lang siya kinausap tungkol sa pag lipat nila ng anak nila sa condo nito, hindi man lang kasi inalam kung gusto ba niya o hindi basta na lamang itong nag desisyon para sa kanya

Lalo pa siyang nainis nang hindi sinasagot ng binata ang tawag niya

“ma” pag tawag niya sa mama niya at saka ito sinundan kung saan ito pumunta

“bakit, ano na naman ba ang problema mo?” mapang-asar na tanong ng ina sa kanya

“ba’t kayo pumayag na dalhin ni Theon si Gael, paano kung itakas nun ang bata” pag mamaktol ni Gabb sa ina, sa totoo lang ay nag tatampo siya sa mga magulang noon kasi na pinag bubuntis pa lang niya si Gael ay galit na galit ang mga magulang niya sa ama ng anak niya tapos ngayon ay tiwalang tiwala na ang mga ito kay Theon

“ano ka ba namang bata ka, hindi gagawin ni Theon ’yang iniisip mo” sagot sa kanya ng ina

“paano kayo nakakasiguro e kakakilala nyo pa nga lamang sa tao” saad naman niya sa kanyang ina, naiinis siya hindi sa kanyang ina kundi sa sarili niya mismo, bakit ba kasi naiisip pa niyang aminin sa binata ang tungkol sa anak nila, ’yan ito s’ya ngayon kinakabahan na baka mawala sa kanya ang anak niya.

“mabuti pa’t ayosin mo na ’yang mga gamit mo” pag papatuloy pa ng ina niya at saka siya muling iniwan

Papadyak siyang nag lakad papanhik sa kanyang kwarto para igayak ang mga gamit niya, iniisip niya kasi na baka kung ano pang hindi mangyare sa anak niya lalo pa’t wala siya sa tabi nito

Ilang gamit lamang ang iginayak niya dahil sigurado naman siya na hindi sila mag tatagal ng anak niya doon

Sakay sa papublikong sasakyan ay nakarating siya sa condo kung saan ang condo ni Theon, condo na kung saan sila titira ng anak niya, muli niyang binuklat ang papel, para tingnan kung anong room ng condo ng binata, third floor, room 307

Buti na lamang at pinapasok siya ng guard, tinanong lamang nito ang pangalan niya, nang nasa tapat na siya ng condo ng binata ay napabuntong hininga muna siya bago napag desisyonan na pindutin ang doorbell

Ilang saglit lang lang ay bumukas ang pinto, at bumungad sa kanya ang mukha ni Theon na karga karga ang anak niya, sabik siyang lumapit dito at saka kinuha ang bata mula sa binata

“buti at nakarating ka” saad ng binata sa kanya “pasok ka” ani pa nito at saka iginaya papasok sa condo niya, wala siyang nagawa kundi ang pumasok sa loob nito, nag aalala siya na baka may mapadaan at makita sila ni Theon, siguradong malaking issue iyon kapag nag kataon, ano ba kasi ang pumasok sa kumunti ng lalaking ito at naisipang dito sila itira ng anak niya, naisip niya anong iisipin ng ibang tao kapag nakita sila, alam niya sa sarili na iisipin ng mga ito na nag sasama sila o nag lilive in, kahit siya rin naman kapag may nakita na dalawang taong nag sasama sa iisang bubong ay iisipin niya na nag lilive in lalo na’t kung may anak ito o batang kasama.

“ano ba ang plano mo?” tanong niya, bagamat naiinis siya sa binata ay hindi niya ipinakita dito, kahit na kanina pa niya gustong sigawan ito

“what do you mean?” tanong sa kanya ng binata at saka inosenteng umupo sa katapat na upoan

“anong nakain mo at naisipan mo na itira kami dito ng anak ko” saad niya sa binata this time hindi na niya napigilan ang kanyang sarili dahil may kalakasan na ang kanyang boses, kundi lamang niya hawak ang kanyang anak ay sinigawan na niya ito, dahil sa sobrang kainisang nararamdaman para sa binatang kaharap

“anak natin” pag tatama ni Theon sa sinabi ni Gabb

“Kanina naisip ko na mas maganda kung nandito si Gael lalo na sa sitwasyon ng bata, naisip ko na mas maganda ito para sa kalusugan ng anak natin, may aircon dito, hindi maalikabot at hindi maingay, and beside mas malawak dito para makapag gapang gapang ang bata” saad ni Theon na ikinasalubong ng kilay ni Gabb

“iniinsulto mo ba ako?” tanong nito sa binata at saka niya ito hinarap, umiling naman ito sa kanyang sinabi,

“no, hindi ’yun ang ibig kong sabihin” aniya nito sa kanya at saka siya binigyan ng isang matamis na ngiti

“pero ’yun ang pag kakaintindi ko” aniya pa  dito at saka niya ito bahagyang  inirapan

“i’m sorry kung tingin mo, iniinsulto kita i just want to say na mas mabuti kung nandito ang anak natin”  pag papaliwanag naman ng binata dito, na bahagyang ikinatawa ni Gabb

“mas mabuti kung na sa amin kami” pamimilit ni Gabb dito, iniisip kasi niya na mas maalalagaan nang maayos ang bata dahil nandun ang mga magulang niya

“why?” tanong naman ni Theon dito pinilit niyang ayosin ang tuno nang pananalita niya baka kasi ma offend na naman ang kaharap

“kasi nandun sila mama, mas maalagaan doon” pag amin ni Gabb dito, totoo naman na ang sinabi niya, dahil mula sa simula ay mga magulang na niya ang nandyan para sa kanila ng anak niya, nang tinalikuran siya ng lahat dahil sa kakaibang kakayahan niya  na mag dalang tao kahit lalaki siya  ay mga magulang lamang niya ang hindi siya tinalikuran,

“maalagaan din naman si Gael kung nandito” panunguntra naman ni Theon dito, nahihiya na rin naman siya sa mga magulang ni Gabb, kaya nga pinilit niya ang Daddy niya na payagan na siyang mag condo dahil gusto niyang itira dito ang anak niya, hindi alam ng marami pero malapit siya sa mga bata since dadalawa lamang silang mag kapatid, noong ngang sinabi sa kanya ni Gabb na may anak na siya ay pinilit niyang itago  ang tunay niyang nararamdaman, pero agad din naman niyang inaksyonan ito sa pamamagitan ng DNA Test laking tuwa nga niya noong nag positive ito, kaya naiinis siya nang sinabi sa kanya ni Gabb na wag ng idna test ang bata, natakot siya na baka mawala sa kanya ang anak niya.

“at sinong mag aalaga, parehas tayong nag aaral at saka may trabaho pa ako” sabat naman ni Gabb ayaw talaga nito ang idea ni Theon, oo nga at tahimik, malinis at may aircon dito pero sino naman ang mag aalaga sa anak nila kapag may pasok sila

“mag resign ka

”  mabilis na sagot ni Theon sa tanong ni Gabb at saka ito ngumisi

“what?”

mabilis din namang sagot ni Gabb dito

“i said mag resign ka, bingi”

  pag uulit ni Theon sa kanyang sinabi

“narinig ko, ibig kong sabihin bakit naman ako mag reresign, doon ako kumukuha ng pang suporta kay Gael”

saad naman ni Gabb dito, ayaw niyang mag resign sa kanyang trabaho kaya ayaw niya ng idea ng binata

“sa akin ka mag trabaho?”

saad ni Theon kay Gabb kaya naman napatingin ulit siya dito

“sayo mag trabaho?”

na gugulohang tanong ni Gabb sa binata, ano naman ang tatrabahohin niya, anong klaseng trabaho

“oo” saad ni Theon na buong buo ang loob

“anong klaseng trabaho?” tanong ni Gabb sa binata

“aalagaan mo ang anak natin” sagot naman nito sa kanya na ikina nganga niya

“nag papatawa ka ba?” tanong ni Gabb dito at saka tumawa

“hindi, mukha ba?” seryosong tanong ni Theon

“oo, actually nakakatawa” sarcastic na saad ni Gabb dito, at saka bahagya pang tumawa pero agad din namang tumigil nang makitang seryoso ang binatang kaharap

“i’m damn serious, Gabb” saad ni Theon kay Gabb

“seryoso din ako mas mabuti kung nakilala mama kami ni Gael” pag babalik topic ni Gabb

“hindi habang buhay nakaasa tayo sa mga magulang natin, kailangan din nating tumayo sa sarili nating mga paa” saad ni Theon kay Gabb, na ikinatahimik nito, kaya muling nag salita si Theon na lalong ikinatahimik ni Gabb

“kaya hanggang mas maaga pa bumukod na tayo”   saad ni Theon

“natin?  bumukod? haha, wow para naman tayong mag asawa n’yan, nakakatawa theon” saad ni Gabb nang makabawi

“damn” bulong ni Theon

“want i mean is hindi habang buhay naka asa ka sa mga magulang mo kaya hanggang mas maaga pa bumukod ka na sa mga magulang mo at tumayo sa sarili mong mga paa” saad ni Theon

“ano ba ang tingin mo sa akin hindi pa kayang tumayo sa sarili kong mga paa” seryosong tanong ni Gabb dahil sa pag kainis sa binatang kaharap

“ oo” deritsong saad ni Theon

“may trabaho ako” mabilis na saad ni Gabb

“pero hindi mo pa rin kaya kapag wala ang mga magulang mo” pangngutya ni Theon dito

“may anak ka na’t lahat may katas ka pa sa labi” dagdag pa ni Theon

“katas?” tanong ni Gabb na pinigilang hindi matawa, iba kasi ang nasabi ni Theon

“sorry, gatas pala” nahihiyang saad ni Theon

“bakit ba napunta sa akin ang topic, basta mas mabuti kung nakilala mama kami” pag iiba ni Gabb, baka kung saan pa mapunta ang usapan nila ni Theon

“bakit ba ang kulit mo, mas makakabuti nga kung nandito ang anak natin, sa ayaw at sa gusto mo mag reresign ka sa trabaho mo at sa akin ka mag tatrabaho, kapag tapos mo nang klase deritso uwi ka dito sa condo ko para alagaan ang anak natin” saad ni Theon

“at sinong mag aalaga kay Gael kapag may pasok tayo” tanong ni Gabb

“kukuha ako ng mag aalaga, basta dito lang kayo” final na saad ni Theon bago lumapit kay Gabb at saka kinuha ang anak nila dahil nakatulog na ito

Chapter 23

Kinabukasan tanghali na nang magising si Gabb, basta pagmulat niya ay tumatama na sa mata niya ang sinag ng araw, kinapa niya ang anak sa tabi, ngunit wala na ito, mabilis siyang bumangon at saka inayos ang hinigaan niya bago siya lumabas.

Sa terrace niya na abutan si Theon at Gael, na kasalukuyang nasa kuna si Gael habang si Theon naman ay tahimik lamang na nakamasid sa anak habang sumisimsim ng kape

lumapit siya sa dalawa, “

good morning” bati niya nang makalapit siya “morning” tipid na saad ni Theon

anong

oras

ang

klase

mo?” tanong ni Gabb kay Theon, nine pm na kasi, baka malate na ito at mapagalitan ng professor ayaw niyang maging ang anak ang maging dahilan ng pagkalate nito baka sa anak pa niya mabuntongan ni Theon

“hindi ako

papasok

” sagot ni Theon sa tanong niya na hindi man lamang siya nililingon dahil ang pansin nito ay nasa anak pa rin.

ikaw

anong

oras

ang

pasok

mo?” balik na tanong ni Theon kay Gabb

mamaya

pang one pm” sagot niya dito at saka na upo malapit sa anak na busy sa pag lalaro sa laruan na hawak nito

papasok

ka

?” tanong ni Theon sa kanya, nasa boses nito ang pagtutol, hinarap niya ito at saka sinagot

“Hindi” sagot niya dito, may balak kasi siyang puntahan, at saka hindi naman major subject ang klase niya mamaya kaya okay lang na umabsent siya

“Good” nakangiting sagot sa kanya ni Theon na parang gustong gusto nitong hindi siya papasok

“bakit?” tanong niya dito na nag tataka

“bantayan mo muna si Gael” saad sa kaniya ni Theon

“ano” saad ni Gabb sa binata

“bakit hindi ka rin naman papasok diba may pupuntahan ako, kaya ikaw muna ang bahala sa anak natin” saad sa kaniya ni Theon at saka ito tumayo nula sa pag kakaupo

“ngayong umaga mo na puntahan at saka saan ba yan” tanong niya kay Theon, may pupuntahan din nga kasi siya, baka abutin ito ng mag hapon

“basta” sagot sa kanya ng binata

“anong oras ang uwi mo?” tanong nya sa binata

“hindi ako sigurado” saan ni Theon, “kung may pupuntahan ka isama mo na lang si Gael” saad ni Theon bago siya tuluyang iwan, napabuntong hininga si Gabb balak niya kasi sanang pumunta sa Cafe para tumulong sa gawain since dalawang araw nga siyang nag leave kaya naman nahihiya na siya sa mga tao doon.

Lumapit siya sa anak at saka ito kinarga, wala naman sigurong masama kung isasama niya ang anak niya papunta sa cafe at saka sasabihan na lang niya siguro ang ina niya na kung maari ay duon muna si Gael, pag kakataon na rin siguro ’yon ni Gabb para ipakilala kay ate Jho ang anak niya, nabanggit lang kasi niya na may anak niya pero hindi pa nito nakikita sa personal, pero tingin naman niya nakita na nito ang anak niya sa invition card na inabot niya

Napabuntong hininga si Gabb bago napag desisyonan na patulongin ang bata ng sa ganun ay makaligo siya.

Nang makatulog si Gael ay mabilisan lamang siyang naligo baka kasi biglang magising si Gael, kaya nga kanina habang naliligo siya ay pinapakiramdaman niya kung nagising ba ang bata o hindi,  pag katapos maligo ni Gabb ay naisipan muna niyang mag linis ng kwarto nila ni Gael, since tulog pa rin naman ito habang nag lilinis siya nang kwarto niya ay napatingin siya sa orasan, 9:30 na pala nang umaga siguro mamaya pang 10:00 magigising si Gael kaya naman napag pasyahan ni Gabb na linisan na lamang ang boung condo unit ni Theon, kahit na sa tingin naman niya ay malinis ito dahil sa palagay niya ay may mga tauhan na pinapapunta dito si Theon para mag linis, pero kahit na sa tingin niya ay malinis pa rin ang boung condo sa huli ay pinag patuloy nya pa rin ang kanyang ginagawa dahil wala rin naman siyang maisip na gawin sa condo ng binata.

Nang magising si Gael ay agad niya itong nilinisan, nag dala na rin siya nang pamalit na damit ng bata, balak ni Gabb na tumulong sa Z’s Cafe dahil sigurado siya na marami ngayong costumer doon lalo na’t summer bukod kasi sa kape nag s-serve din ng Milktea ang Z’s Cafe, ang plano niya ay dumaan muna sa Z’s cafe para ipaalam na tutulong siya then after nun pupunta naman siya sa bahay ng mga magulang niya para ihabilin si Gael, nakapag paalam na naman si Gabb sa ina niya dahil tinext niya kanina ang mama niya at ayon dito ay ayos lang daw na doon muna ang apo niya dahil wala rin naman daw siyang trabaho at gagawin.

Nang makadating siya sa Z’s cafe nginitian niya ang guard na nakangiti sa kanya

“good morning, nandito po si manager jho” tanong niya sa guard

“oo, nasa office n’ya” tugon ng guard sa kanya at saka napatingin sa batang buhat buhat niya

“sige po kuya papasok na po ako” paalam niya sa guard at saka tuluyang pumasok sa loob nang nasabing cafe, tulad nang inaasahan marami ngang costumer ngayon at sa tingin niya ay dadagsa pa ito mamaya

“oh, akala ko pang gabi ka” bungad na tanong ni Laura sa kanya pag kapasok niya, pansin niya na nakatingin din ito sa anak niya

“ahh! oo, kakausapin ko lang si manager jho” aniya sa babaeng kausap

“ah okay, but wait pamangkin mo ba ’yang buhat-buhat mo?” hindi mapigilang tanong nang babaeng kausap niya

“hindi, anak ko” proud na aniya sa babaeng kaharap, hindi naman niya tinatago ang anak niya pero kukunti lang ang nakaka alam na may anak siya

“oww ang pogi, siguro mana sa nanay niya” anito sa kanya

“ahm, sige punta lang ako kay ate Jho” aniya, medyo napahiya siya sa sinabi nito kasi parang sinasabi na ang panget niya, at saka baka mag tanong pa ito kung sino ang ina nang bata at kapag sinabi naman niya kung sino baka hindi ito maniwala.

“ate Jho” aniya pag katapos kumatok nang tatlong beses sa office nito

“bukas ’yan” narinig niyang ani nito sa loob, kaya naman agad din siyang bumasok

“oh napadalaw ka Gabb” anito sa kanya nang makita siya

“sya si Gael?” tanong nito sa kanya

“opo ate Jho” tugon niya sa babaeng kaharap

“mas pogi pala sa personal ang anak mo” aniya sa kanya na ikinangiti niya

“tingin ko wala man lang nakuha sayo ang anak mo” natatawang biro sa kanya nang ate Jho niya

“yung pilik-mata ate Jho sa lahi namin ’yan” aniya sabay turo sa mabahang pilik-mata nang bata, agad namang tiningnan ito nang babae

“oo nga, mana sayo ang pilik-mata” anito sa kanya na animo’y manghang-mangha

“maiba tayo, bakit ka nga pala nandito” tanong nito sa kanya

“balak ko kasing mag trabaho ngayon for the last time” aniya sa tanong nito

“anong ibig mong sabibin?” tanong sa kanya ni ate Jho

“mag re-resign na po ako ate Jho” malungkot niyang ani sa babae

“dahil ba kay Zach?” tanong sa kanya nang babae

“ah, hindi po, kasi balak kong bantayan nang maayos ang anak ko” aniya dito, alam naman nang babaeng kausap kung anong tinutukoy niya dahil hindi lingid sa kaalaman nito ang tungkol sa kalagayan ni Gael.

“ganun ba? Okay pero mas maganda kung mag papaalam ka rin sa kapatid ko” anito sa kanya

“opo” sagot na lamang niya, kinakabahan siya dahil huling usap niya dito ay noong muli silang mag kita na sinabi nito sa kanya na gusto siya nito ligawan ulit na sa tingin niya ay biro lang nang binata dahil wala naman itong ginagawang action.

Sa huli ay nang paalam na muna si Gabb kay manager Jho at sinabing babalik na lamang siya dahil ihahabilin muna niya ang anak niya sa mama nito na tinanguan naman nang babae.

A/n: hello guys i’m back pasenya na kayo kung matagal akong nawala, huhuhu akala ko nga hindi na ako makakapag sulat pa wala kasi talagang lumalabas sa utak ko nitong mga nakaraang araw kapag sinusubukan kong mag sulat, huhuhu pasenya na po kayo, hirap pa rin akong mag sulat, pero gumagawa na ako ng way para malabanan ayaw ko naman na magaya ’to sa KMUTR.

Chapter 24

a/n:

hi eychbibies it’s being a year na rin pala mula ng mag update ulit ako (2 year ata)   pasensya na po   if tingin niyo hindi ko na tinapos itong he got me pregnant, pero ang totoo po tulad ng sinabi ko matagal na po itong tapos (2024 pa lang) but ang pagkamali ko hindi ko po siya pinublish sa wattpad at wala akong soft copy

,

sa f4me1nk ko po siya pinublished kasi need ko rin kasi dati ng earning ngayon po naka published siya sa f4meink but hangang chapter 20 lang po ata na approve

tas hindi ko ma open yung acct ko sa f4meInk kaya hindi ko makuha yung ibang chapter ng He got me pregnant. Now sumuko na ako na maoopen ko pa acct ko sa app na iyon at

makukuha yung ibang chapter till end.

naisip ko po na sulatin na lang ng bago, pero since 2 years na rin kaya expect na may mga nabago po sa mga plot twist ng story

(tamad po ako mag reread)

originally chapter 48 po ang he got me pregnant plus epilogue at isang special chapter but ngayon na irere-write ko siya siguro hanggang chapter 30 lang po ito, hindi ko na rin po kasi lalagyan ng mga super OA na scene ang goal ko na lang po talaga is ma c

lose na ang story ni Theon at Gabb.

I HOPE NANDYAN PA RIN PO KAYO PARA MAGPATULOY NA SUBAYBAYAN ANG STORY NI THEON AT GABB!! I’M SORRY FOR DISSAPOINTED

Ps. medyo magbabago writing style ko kasi in 2 yrs hindi po talaga ako nag sulat huhuhu pasensya na po

Last nag resign si Gabb sa trabaho hindi utos sa kanya ni Lord kundi utos sa kanya ni Alvin eme ni Theon charizzz desisyon na rin ni Gabb na mag resign sa work niya noon pa.


Isang lingo na ang nakalipas mula ng nag resign ako sa aking pinag t-trabahohan, hindi ko na rin nakausap si Zach kasi lagi itong wala. Mula ng ma resign ako, ito ako kinacareer ang pagiging housewife, charot ang pagiging ina mula ng nag resign ako mas lalo kong napag tuunan ng pansin ang anak ko. Nagising ako sa pag iisip ng narinig ko ang pag sarap ng pintuan ng condo ni Theon. Iyong mabigat na click ng lock parang iyon na rin ang tunog ng pagkakandado ng dati kong buhay. Wala na talaga ako sa maliit at mainit naming bahay ni Mama at Papa. Wala na ako sa ingay ng kalsada kung saan sanay akong makipagsapalaran araw-araw para lang may maipambili ng gatas si Gael.

Ngayon, nakatayo ako sa gitna ng isang sala na mas malaki pa yata sa buong bahay namin. Ang sahig ay gawa sa mamahaling marmol, at ang bawat gamit ay nagsisigawan ng rangya. Pero sa kabila ng lamig ng aircon, pinagpapawisan ang mga palad ko.

“Dito muna kayo,” boses ni Theon ang bumasag sa katahimikan. Lumingon ako sa kanya. Ibang-iba ang itsura niya ngayon kaysa noong gabi sa rooftop kung saan halos itaboy niya ako dahil sa pag-aakalang pera lang ang habol ko. Ngayon, bitbit niya ang isa sa mga bag ni Gael at isang diaper bag na kulay asul na mukhang hindi bagay sa suot niyang mamahaling suit.

“ Theon… sigurado ka ba rito?“ tanong ko, halos pabulong na lang dahil natutulog na si Gael sa bisig ko, galing kami kilala mama at kakauwi lang namin dito sa condo dahil gusto daw ni mama makita ang apo niya, kaya ito tulog na tulog si Gael masyadong napagod kakatawa.

Huminga ako ng malalim at pinagpatuloy ang gusto kong sabihin, “ Baka nakakaabala lang kami. Sabi mo, may sarili kang buhay. Ayokong maging pabigat.“ yes ang tanging gusto ko lang ay financial support galing sa kanya, hindi ko naman inaasahan na ibabahay niya kami i mean dadalhin sa apartment niya (assuming yarn?)

Huminto siya sa paglalakad at hinarap ako. Ang mga mata niya, iyong mga matang namana ni Gael, seryoso. Wala na ang galit sa mukha nito  pero naroon pa rin ang awtoridad.

“ Gabb, ilang beses ko bang sasabihin sa’yo? Anak ko si Gael. At hangga’t nasa pamamahay ko kayo, walang magsasabing pabigat ka,“ sagot niya. Lumapit siya nang bahagya, sapat na para maamoy ko ang hinalong amoy ng mamahaling pabango at sigarilyo.

“ I made a mistake before. I judged you. Pero ngayong nandito na kayo, gagawin ko ang tama.“

Gusto kong maniwala. Gustong-gusto ng puso ko na magtiwala na sa wakas, may katuwang na ako.  Paano ang mga mapanghusgang mata ng mga tao sa paligid niya? madaminb mag iisip ng hindi maganda kapag may nakaalman na magkasama kami sa isang condo, baka malaman pa nila na may anak kami at madamay pa si Gael.

Napapikit ako pagkakuwan ay napabuntong hininga ng maalala na may girlfriend nga pala siya, it’s cheating ayokong maka sakit o makasira ng relasyon.

“ Paano ang girlfriend mo?“ diretsahan kong tanong. Alam kong may kinalaman ito sa biglaang pagbabago ng mood niya nitong mga nakaraang araw. mula nung minsang hindi siya pumasok dahil may pupuntahan daw siya ’yun din yung araw na nag resign ako sa trabaho.

Umiwas siya ng tingin. Nilapag niya ang bag sa sofa bago muling nagsalita. “ Wala na kami. It’s over. Hindi ko kayang ituloy ang relasyong ’yun habang iniisip ko na may responsibilidad ako sa inyo. Hindi ko siya kayang lokohin, at mas lalong hindi ko kayang lokohin ang sarili ko.“

Parang may humintong kung ano sa dibdib ko. Dahil ba sa akin kaya sila naghiwalay? O dahil kay Gael?

“ Theon, hindi mo kailangang sirain ang buhay mo para lang mapatunayan na ama ka,“ sabi ko, lumalapit ako sa kanya habang maingat na hindi magising ang bata.

masyado naman niyang pinatunayan na mali ang mga sinabi ko sa kanya noon sa rooftop.

Isang mapait na ngiti ang gumuhit sa labi niya. “ Buhay? Gabb, matagal nang magulo ang buhay ko. Siguro… siguro ito na ’yung paraan para maituwid ko ang lahat. H’wag mo nang isipin ’yun. Ang isipin mo, paano tayo magsisimula rito.“

Iniwan niya ako sa sala para kumuha ng maiinom. Naupo ako sa sofa, dahan-dahang inilapag si Gael sa tabi ko. Pinagmasdan ko ang anak ko. Napakainosente. Wala siyang kamuwang-muwang na ang lalaking nagmamay-ari ng condo na ito ay ang mismong taong kinatatakutan ko noon, ang papa niya.

Ngunit habang tinitignan ko ang paligid, naramdaman ko ang isang malalim na lungkot. Hindi ko alam kung hanggang kailan ang “ pansamantala “ na ito. Hindi ko alam kung kailan ako magigising na panaginip lang pala ang lahat ng ito. Maya-maya, bumalik si Theon. Hindi na whiskey ang dala niya kundi isang baso ng gatas. Inabot niya ito sa akin.

“ Uminom ka muna. Namumutla ka,“ aniya. “ Salamat ,“ tipid kong sagot.

Naupo siya sa kabilang dulo ng sofa, malayo sa amin pero nakatingin kay Gael. “ Gabb… tungkol kay Zach.“

Nabigla ako sa pagbanggit niya sa pangalan ng kababata ko. “ Bakit? Anong meron kay Zach?“

“Gusto ka niyang ligawan, ’di ba? Sabi ni Jho, ’yun ang dahilan kaya ka nag-iisip mag-resign,” bakas ang selos o iritasyon sa boses niya, hindi ko matukoy kung alin sa dalawa.

“ Nag-resign ako kasi gusto kong tutukan ang anak ko, hindi dahil kay Zach,“ depensa ko. “ At saka, mabuting tao si Zach. dahil sa bussines nila nabibilhan ko ng pang araw araw si Gael“

Tumalim ang tingin ni Theon. “ Alam ko. At ’yun ang masakit sa akin. Na may ibang lalaking gumagawa ng dapat ay trabaho ko. Pero ngayon, Gabb, nandito na ako. Sana… sana bigyan mo rin ako ng puwang.“ Hindi ako nakasagot. Paano ko sasabihin sa kanya na matagal na siyang may puwang, simula pa noong gabing hindi ko malimutan? Na kahit anong pilit kong itaboy ang alaala niya, si Gael ang palaging nagpapaalala sa akin na sa kanya ako nakatali?

Ininom ko ang gatas na binigay ni Theon. Mainit pa iyon, sapat para pakalmahin ang nanginginig kong kalamnan. Pero kahit anong init ng inumin, hindi nito maalis ang panlalamig na nararamdaman ko sa tuwing naiisip ko ang sitwasyon namin.

“ Salamat,“ ulit ko habang nakatingin sa baso. Tumayo si Theon at lumakad patungo sa malawak na glass wall ng condo niya.

Nakapamulsa siya, ang likod niya ay tila isang pader na hindi matitibag. Pero alam ko, sa likod ng tindig na iyan, may gulo ring nangyayari. Hindi biro ang iwan ang isang seryosong relasyon para sa isang “ pagkakamali “ na nangyari sa isang gabi lang. “ Gabb ,“ tawag niya nang hindi lumingon. “ Noong mga panahong… noong mga panahong nagbubuntis ka, nasaan ka? Anong ginagawa mo?“

Napahigpit ang hawak ko sa baso. Bakit niya itinatanong? Gusto ba niyang malaman kung gaano ako kahirap? “ Nasa bahay lang,“ simula ko, ang boses ko ay bahagyang gumaralgal. “ Huminto ako sa pag-aaral. Alam mo naman, ’di ba? Sa school pa lang, pinag-uusapan na ako. Sino ba naman ang lalaking nabubuntis? Akala nila kung anong sumpa ang dala ko. Si Mama… si Mama lang ang naniwala sa akin. Kahit galit na galit siya noong una, siya ang nag-alaga sa akin.“

Naramdaman ko ang pagbigat ng dibdib ko habang inaalala ang mga gabing wala kaming makain dahil ang pera ni Mama ay napupunta lahat sa mga check-up ko at sa bitamina para kay Gael. “ May mga gabi na umiiyak ako, Theon. Hindi dahil nagsisisi ako na nandyan si Gael, kundi dahil natatakot ako. Natatakot ako na baka hindi ko siya mabigyan ng maayos na buhay. Na baka paglaki niya, kutyain din siya dahil sa akin.“

Humarap si Theon sa akin. Ang mukha niya ay mababanaagan ng matinding pagsisisi. Lumapit siya at naupo sa tapat ko, sa maliit na coffee table. Magkalapit na kami ngayon, sapat na para makita ko ang bawat detalye ng mukha niya ang matangos na ilong, ang makapal na kilay, at ang labi na madalas ay nakasimangot pero ngayon ay nakatikom sa lungkot.

“ I’m sorry,“ mahina niyang sabi. “ I’m so sorry, Gabb. I was a jerk. Noong hinarap mo ako sa rooftop, ang inisip ko lang ay ang sarili ko. Ang reputasyon ko. Hindi ko man lang naisip na habang nagpapakasaya ako, ikaw ay pasan-pasan ang lahat ng ’to.“

“ Tapos na ’yun, Theon. Ang mahalaga, nandito na kami,“ sabi ko, pilit na nagpapakumbaba. “ Pero huwag mo kaming gawing dahilan para sirain ang kung anong meron ka. Kung nakipaghiwalay ka sa girlfriend mo dahil lang sa obligasyon, baka balang araw sisihin mo rin kami.“ Umiling siya nang mabilis.

“ Hindi. I realized I never truly loved her the way I should. Siguro, naging mitsa lang ang pagdating niyo para magising ako sa katotohanan. At tungkol kay Zach… I want you to stop seeing him.“

Napakunot ang noo ko. “Ano? Bakit? Kaibigan ko si Zach, Theon. Siya ang tumulong sa amin noong walang-wala kami.”

“I don’t care,” matigas niyang sagot, muling bumalik ang pagiging possessive na Devereaux niya.

“ Ashtan Theon Devereaux doesn’t share. Lalo na kung ang pinag-uusapan ay ang ina ng anak ko. Hindi ko gusto ang paraan ng pagtingin niya sa’yo. He wants more than just friendship, and you know it.“

“ At ano naman sa’yo?“ hamon ko sa kanya. “ Bakit, ano ba tayo? Magulang lang tayo ni Gael, ’di ba? Iyon ang usapan.“

Tumayo siya at biglang hinawakan ang magkabilang braso ng sofa, kinukulong ako sa pagitan niya. Ramdam ko ang hininga niya sa mukha ko. “ Magulang ni Gael, oo. Pero sa pamamahay na ’to, akin ka, Gabb. Akin kayo ni Gael. Walang ibang lalaking papasok sa eksena habang inaayos ko ang pamilyang ito.“

Bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung takot ba ito o kilig na hindi ko dapat nararamdaman. Sa loob ng mahabang panahon, ako ang naging sandigan ni Mama at ni Gael. Ako ang laging matapang. Pero sa harap ni Theon, parang unti-unting natutunaw ang pader na itinayo ko. “ Matulog ka na,“ utos niya, sabay layo. Ang boses niya ay bumalik sa pagiging kalmado pero bakas pa rin ang awtoridad. “ May pupuntahan tayo bukas.“

“ Saan?“ tanong ko habang inaayos ang kumot ni Gael. “ Sa mansyon,“ sagot niya habang naglalakad palayo. “ Ipakikilala ko na kayo sa mga magulang ko. Pormal na.“

Halos mabitawan ko ang baso ng gatas. Ang mga Devereaux? Ang pamilyang  Devereaux? Paano ako haharap sa kanila? Isang hamak na laking-hirap, isang lalaking nagdala ng anak na hindi naman dapat nangyari sa paningin ng iba. “ Theon, sandali!“ tawag ko, pero tuluyan na siyang pumasok sa kwarto niya. Naiwan akong mag-isa sa sala, kasama ang mahimbing na tulog na si Gael. Napayakap ako sa sarili ko. Ang akala kong katahimikan sa paglipat dito ay simula pa lang pala ng isang malaking bagyo. Isang bagyong may pangalang ‘Devereaux’.

Dahan-dahan kong binuhat si Gael at pumasok sa guest room na inilaan para sa amin. Malambot ang kama, mabango ang unan. Pero habang nakahiga ako at nakatingin sa kisame, iisang tanong lang ang bumabagabag sa akin, Kaya ko bang mahalin ang lalaking minsan nang dumurog sa akin?

Bago ako tuluyang dalawin ng antok, narinig ko ang mahinang katok sa pinto. Si Theon. Hindi siya pumasok, pero narinig ko ang boses niya sa labas. “ Goodnight, Gabb. Goodnight, Gael. I’m glad you’re here.“

At sa kauna-unahang pagkakataon, nakatulog ako nang walang luhang pumapatak sa aking mga mata.

Chapter 25

Sa sobrang tagal hindi ko na alam ang plot at hindi ko na kilala mga character ko next time hindi na ako gagawa ng series, stand alone na lang.

Gabb’s POV

​Hindi ako nakatulog nang maayos. Buong gabi, ang panaginip ko ay parang isang sirang plaka pabalik-balik sa gabing iyon sa rooftop, sa mukha ni Theon na puno ng panghuhusga, at sa mukha ni Mama na umiiyak habang hawak ang lumalaking tiyan ko.

​Pagkagising ko, ang unang bumungad sa akin ay ang amoy ng bagong luto na bacon at kape. Isang bagay na hindi ko inaasahan sa condo ng isang Theon Devereaux. Akala ko, puro de-lata o order sa labas lang ang alam ng katulad ni Theon.

​Dahan-dahan kong binuhat si Gael na gising na rin at kasalukuyang kinakagat ang sarili niyang kamao. “Good morning, anak. Handa ka na bang makilala ang lolo at lolo mo?” bulong ko sa kanya, bagama’t ako ang mas kinakabahan sa aming dalawa.

​Lumabas ako ng kwarto at nakita ko si Theon sa kusina. Naka-short lang siya at t-shirt, malayo sa pormal na itsura niya kahapon. Mukha siyang tao isang normal na tatay na naghahanda ng almusal.

​“You’re awake,” aniya nang hindi lumilingon. “Take a seat. I made pancakes for you, and I mashed some fruits for Gael.”

​Naupo ako, halos hindi makapaniwala. “Salamat. Hindi ko alam na nagluluto ka pala.”

​“Marami ka pang hindi alam tungkol sa akin, Gabb,” sagot niya habang inihahain ang pagkain. “Gusto ko, bago tayo pumunta sa bahay, busog kayo. It’s going to be a long day.”

​Ang salitang ‘bahay’ ay parang isang malamig na tubig na ibinuhos sa akin. Nawalan ako bigla ng gana . “Theon… kailangan ba talaga ’to? I mean, pwedeng si Gael na lang ang dalhin mo? Baka kasi… baka hindi nila ako magustuhan.” na parang ipapakilala ako bilang asawa charoot

​Tumigil si Theon sa pagkain at tumingin sa akin. Lumapit siya at hinawakan ang kamay ko sa ibabaw ng mesa. “Gabb, listen to me. Hindi kita dadalhin doon para lang ipakita. Dadalhin kita doon dahil ikaw ang dada ng apo nila. At dahil sa pamamahay na ito, hindi ka lang basta ‘dada ni Gael’.

You are someone important to me

.“

​Umiwas ako ng tingin. “Important? Theon, huwag tayong maglokohan. Isang gabi lang ang namagitan sa atin. Isang pagkakamali na nagbunga ng isang anghel. Pero hindi ibig sabihin noon ay may puwang na ako sa mundo niyo.” at saka sobrang tagal na niyon, impossible na maging importante ka agad sa isang tao dahil lang sa isang bagay.

​“Then let’s make space,” matigas niyang sabi. “Ready yourself. We’re leaving in an hour.”

​Pagdating namin sa gate ng mga Devereaux, parang gusto kong tumalon palabas ng sasakyan. Ang gate pa lang ay gawa na sa bakal na may intricate na disenyo ng letrang ’ D ’. Pagpasok ng sasakyan, bumungad ang isang mahabang driveway na napapaligiran ng mga pine trees at mga fountain.

​“H’wag kang manginig. Hawakan mo lang si Gael,” paalala ni Theon habang ipinaparada ang sasakyan.

​Bumaba kami. Sinalubong kami ng dalawang hanay ng mga kasambahay. Para akong nasa loob ng isang teleserye, pero ang kaibahan, ako ang bida na hindi handa sa script.

​Sa bukana ng malaking pinto, nakatayo ang isang isang lalaki na may napaka-eleganteng tindig tito si Francis Devereaux. Sa tabi niya ay isa ring lalaking may awtoridad at seryosong mukha si sir Asher Levista. Ang mga magulang ni Theon. (May wattpad story din sila Devereaux Series 3 : My Fvcking Buddy but deleted super super spg e HAHA)

​“Ashtan,” tawag ng kanyang dadaLumapit si Theon at humalik sa pisngi nito, pagkatapos ay nakipag-kamay sa kanyang ama.

​“ Da, Dad… This is Gabb,“ pakilala ni Theon sa akin. Ramdam ko ang pamimigti ng lalamunan ko. “And this is your grandson, Gael.”

​Katahimikan. Iyon ang pinakamahabang limang segundo ng buhay ko. Pinagmasdan ako ni Mr. Francis mula ulo hanggang paa. Ang tingin niya ay hindi mapanghusga, kundi puno ng kuryosidad. Pagkatapos, lumipat ang tingin niya kay Gael.

​Biglang nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha. Lumambot ito. “ Oh my God… Asher, look at those eyes. He looks exactly like Ashtan when he was a baby.“

​Lumapit ang ginang sa amin at dahan-dahang hinawakan ang maliit na kamay ni Gael. Ang bata naman, imbes na umiyak, ay tumawa at pilit na inaabot ang kuwintas ni Mr. Francis.

​“Hello, little one,” sabi ng lolo niya, halos maiyak. “ I’m your Lolo Francis.“

​Huminga ako nang malalim. Parang nabunutan ako ng tinik, pero hindi pa tapos. Humarap sa akin si Mr. Asher.

​“I’ve heard about what happened, Gabriel,” simula ng ama ni Theon. Ang boses niya ay malalim at nakaka-intimidate. “And I’ve heard how my son treated you initially. On behalf of the Devereaux family, I apologize for his lack of manners.”

​“Po? Ah, naku, wala po ’yun, Sir,” nauutal kong sagot.

​“Don’t call me Sir. Tito Asher will do for now,” pagtatama niya. “Pumasok tayo. We have a lot to talk about. Lalo na ang tungkol sa kinabukasan ninyong tatlo.”

​Habang naglalakad kami papasok, pasimple akong tinabihan ni Theon. Hinawakan niya ang baywang ko, isang kilos na nagbigay sa akin ng kakaibang kuryente.

​“See? I told you, they won’t bite,” bulong niya sa tainga ko.

​“ Swerte lang tayo dahil kamukha mo si Gael,“ sagot ko nang hindi tumitingin sa kanya.

​“No, Gabb,” hinto niya, sapat na para hindi marinig ng mga magulang niya. “Swerte ako dahil ikaw ang dada niya. Dahil kung ibang tao ’to, baka matagal na akong idinemanda o kinalimutan. But you stayed. You raised him. And for that, you have my respect.”

​Sa loob ng mansyon, habang kumakain kami ng tanghalian, naramdaman ko ang unti-unting pagtanggap. Pero sa gitna ng tawanan, biglang nagtanong si Tito Asher.

​ “So, kailan ang kasal?”

​Nasamid ako sa kinakain ko. Maging si Theon ay napatigil.

​ “Dad, we’re taking it slow,” depensa ni Theon.

​“ Slow? Ashtan, the child is already a year old. We don’t want people talking. The Devereaux name is at stake here, but more than that, the stability of this child’s life is our priority,“ sabi ni Tito Asher.

​Tumingin sa akin si Theon. Isang tingin na tila nagtatanong kung handa na ba akong pumasok sa isang mundong kailanman ay hindi ko pinangarap.

​“ Gabb,“ tawag ni Theon sa pangalan ko. “ Whatever you decide, I’m with you. Pero sana… sana huwag mong isara ang pinto mo para sa atin.“

​Sa mga sandaling iyon, habang karga ni Mr. Francis si Gael at masayang naglalaro, napagtanto ko na wala na akong kawala. Ang buhay ko ay hindi na lang tungkol sa akin at kay Gael. Nakasabit na ang pangalan ko sa isang pamilyang hindi ko akalaing magiging bahagi ko.

​Pero ang tanong… Mahal ko na ba siya? O natatakot lang ako na mawala ang lahat ng ’to kapag sinabi kong ‘hindi’?

Napatingin ako kay Theon na kasalukuyang nakikipag-usap sa kanyang ama tungkol sa negosyo. Napakagwapo niya sa ilalim ng chandelier.

Sana, noong mga gabing iyon sa ospital, may nagsabi sa akin na darating ang araw na ito. Na ang lalaking akala ko ay bangungot ko lang ay siya palang magbibigay ng mundong nararapat para sa anak ko.

Ngunit sa kabila ng lahat, may isang anino pa rin sa puso ko. Paano kung isang araw, magising si Theon at marealize na hindi pala ako ang gusto niya? Paano kung ang lahat ng ito ay para lang kay Gael?

Kaya ko bang tanggapin ang pag-ibig na binuo lang ng obligasyon?

Notes: Si Francis Devereaux ang bottom tas si Asher Levista ang top, tanong bat Devereaux gamit ni Theon, ang basehan po ay yaman kung sino pinamayaman yun ang dadalhing apilyedo HAHAHA at saka Devereaux series ’to e HAHA (Levista galing sa angkan ni Charles at Tanya)

Chapter 26

GABB

Ilang araw na ang nakalipas mula nang bumisita kami sa mansyon. Akala ko, magiging kampante na ako dahil tinanggap kami nina Tito Asher at Tito Francis, pero tila lalong bumigat ang pakiramdam ko. Paano ba naman, si Theon ay naging parang anino ko na. Kung saan ako magpunta sa loob ng condo, nandoon din siya. At kung hindi man siya nakabuntot, siguradong nakatingin siya sa akin habang nag-aalaga ako kay Gael.

​Isang hapon, habang mahimbing na natutulog si Gael, nakarinig ako ng doorbell. Nagtaka ako dahil wala namang nabanggit si Theon na may darating na bisita.

​“Theon! May tao sa pinto!” tawag ko sa kanya habang galing ako sa kusina.

​Lumalabas siya mula sa kanyang home office, nakakunot ang noo. “I’m not expecting anyone.”

​Binuksan ko ang pinto at laking gulat ko nang makita si Zach. Pawis na pawis siya at mukhang pagod na pagod, bitbit ang isang supot ng mga paborito kong prutas at ilang laruan para kay Gael.

​“Zach? Anong ginagawa mo rito? Paano mo nalaman ang address?” sunod-sunod kong tanong.

​“ Gabb… Nag-alala ako sa’yo. Bigla kang nawala, nag-resign ka pa. Hinanap kita kay ate Jho, ayaw niya sanang ibigay pero nakiusap ako,“ hingal na sabi ni Zach. “Okay ka lang ba rito? Sinaktan ka ba ng lalaking ’yan?”

​Bago pa ako makasagot, naramdaman ko ang isang matigas na presensya sa likuran ko. Ang kamay ni Theon ay dahan-dahang lumapat sa baywang ko, isang kilos na nagmamarka ng teritoryo.

​“Who are you and what are you doing in my property?” malamig na tanong ni Theon. Ang boses niya ay parang yelong humahaplos sa balat.

​Tumingin si Zach kay Theon, matapang at walang takot . “Ako si Zach. Kaibigan ni Gabb. Ikaw ba ’yung lalaking nambuntis sa kanya tapos ngayon ay ikinukulong siya rito?” may galit sa boses ni Zach

​Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Theon sa akin. “Ikinukulong? he’s staying here because this is where he and

my

son belong. Something you will never understand.“

​“Theon, sandali lang,” awat ko sa kanya, pilit na kumakawala sa hawak niya pero hindi siya nagpaubaya. “Zach, ayos lang ako rito. Pinili kong lumipat para kay Gael.”

​“ Pero Gabb, alam mo namang handa kitang tulungan, ’di ba? Kahit hindi ko anak ’yan, tatanggapin ko kayo,“ sabi ni Zach, ang boses ay puno ng pagsusumamo.

​Dito na sumabog si Theon. Isang hakbang ang ginawa niya paitaas, tila handang manakit. “ Get out. Bago ko pa tawagin ang security at ipakulong ka sa trespassing. H’wag mong susubukang alukin ng tulong ang pamilya ko dahil hinding-hindi ko hahayaang may ibang lalaking umaligid sa kanila.“

​ “Theon! Tama na!” sigaw ko. Humarap ako kay Zach . “Zach, pasensya na. Siguro mas mabuting umalis ka na muna. Salamat sa prutas, pero ayos lang talaga kami.”

​Malungkot na tumingin sa akin si Zach bago dahan-dahang tumalikod. Pagkasara ng pinto, hinarap ko si Theon. Galit na galit ako.

​“Ano bang problema mo?! Kaibigan ko ’yung tao! Wala siyang ginagawang masama!” inis na saad ko kay Theon ng makaalis at masaradohan ko na ’yung pinto

​“Wala?! Gabb, he’s in love with you! At sa tingin mo ba papayag akong may ibang lalaking umaaligid sa’yo habang nasa poder kita?” bulyaw niya. Namumula ang kanyang mukha sa selos na pilit niyang itinatanggi.

​“Wala kang pakialam kung sino ang magmahal sa akin! Hindi mo ako pag-aari, Theon! Ang usapan natin ay para kay Gael lang ito!” inis na sagot ko sa kanya.

​Bigla niyang hinawakan ang magkabilang balikat ko at isinandal ako sa pinto. Ang mukha niya ay ilang pulgada na lang mula sa akin. Naririnig ko ang mabilis niyang paghinga.

​“ That’s where you’re wrong, Gabriel,“ bulong niya, ang boses ay puno ng determinasyon. “Noong dinala kita rito, noong ipinakilala kita sa parents ko, hindi lang si Gael ang kinuha ko. Pati ikaw. Hindi ko hahayaang makuha ka ng iba dahil simula pa lang noong gabing iyon… sa akin ka na.”

​“Pero hindi mo naman ako mahal,” sabi ko, lumalambot ang boses dahil sa emosyong nakikita ko sa kanyang mga mata. “Ginagawa mo lang ’to dahil sa responsibilidad. Dahil sa pangalan ng pamilya mo.” right para sa bata

​Huminga siya nang malalim, dahan-dahang idinikit ang kanyang noo sa noo ko. “Sa tingin mo ba magseselos ako nang ganito kung obligasyon lang ’to? Gabb, hindi ako kasing talino ni Dad pagdating sa nararamdaman, pero alam ko ang pakiramdam ng ayaw mawalan. And I’m not losing you to some childhood friend.”

​Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Isang pag-amin? Mula sa isang Ashtan Theon Devereaux?

​“I’m sorry,” aniya, mas mahinahon na ngayon. “ I’m sorry for being a jerk. Pero please… h’wag mo nang papapasukin ang lalaking ’yun dito. Nasasaktan ako.“

​Sa unang pagkakataon, nakita ko ang kahinaan sa mga mata ni Theon. Hindi siya ang bilyonaryong tagapagmana sa sandaling iyon isa lang siyang lalaking natatakot na baka ang pamilyang sisimulan pa lang niya ay mabuwag agad.

​Dahan-dahan kong itinaas ang kamay ko at hinawakan ang pisngi niya. “Wala namang dapat ikaselos, Theon. Kaibigan lang talaga si Zach.”

​“ Good ,“ sagot niya, sabay halik nang mabilis sa noo ko. “ Dahil kung hindi, baka nakalimutan kong Devereaux ako at nagawa ko na siyang palayasin sa bansa.“

​Napangiti ako nang bahagya. Mayabang pa rin, pero alam ko na ngayon ang bakod na itinayo ni Theon sa paligid ko ay hindi kulungan. Ito ay proteksyon.

​Pero habang unti-unti kaming nagiging malapit, alam kong may mas malaking pagsubok na darating. Ang mundo ng mga Devereaux ay hindi laging tahimik, at ang nakaraan ng kanyang mga magulang ay patunay na ang pag-ibig sa pamilyang ito ay laging may kalakip na sakripisyo.

​Gabi na nang mapansin kong nakatingin si Theon sa frame ng litrato nina Tito Asher at Tito Francis.

​“ Gabb ,“ tawag niya sa akin. “ Gusto kong maging katulad nila. ’Yung kahit anong gulo ng simula, sa huli, naging totoo ang lahat. Kaya mo ba akong samahan sa ganung klaseng kwento?“

​Tumingin ako sa kanya, at sa loob-loob ko, alam ko na ang sagot. “ Sasamahan kita, Theon. Hanggang sa huli.“

Chapter 27

Gabb

Isang linggo matapos ang pagbisita ni Zach sa condo, tila naging mas kalmado ang lahat o baka iyon lang ang akala ko. Si Theon ay naging mas maalaga, halos ayaw na niyang humiwalay sa amin ni Gael. Pero sa likod ng mga ngiti niya, alam kong may pinaplano siya.

“Gabb, magbihis ka. May pupuntahan tayo,” bungad niya sa akin isang Sabado ng hapon.

“ Saan na naman? Kakagaling lang natin sa park kahapon, ah?“ tanong ko habang pinupunasan ang bibig ni Gael na puno ng mashed carrots.

“ It’s Gael’s re-celebrate birthday next week, but tonight is different. May charity gala ang pamilya, at gusto ni Dad na nandoon tayo. Actually, he insists that we should be there,“  paliwanag niya habang kinukuha si Gael sa akin para siya na ang magtuloy ng pagpapakain.

nang nalaman kasi ng mga magulang ni Theon na nag first birthday na si baby Gael last month gusto nilang icelebrate ulit ito kasama sila.

Kinabahan ako. Charity gala? Ibig sabihin, maraming tao. Maraming camera. Maraming mapanghusgang mata. “Theon, hindi ba masyadong mabilis? Ang daming press doon. Baka kung anong isulat nila tungkol sa atin… lalo na sa akin.”

Huminto si Theon at tiningnan ako nang seryoso.

“ Let them talk, Gabb. I want the world to know that Gael is a Devereaux. At gusto kong malaman nila na ikaw ang taong kasama ko. I’m tired of hiding the most important parts of my life.“

Wala akong nagawa kundi sumunod. Isang mamahaling suit ang ipinadala ni Tito Francis para sa akin isang midnight blue na tuxedo na saktong-sakto sa hubog ng katawan ko. Si Gael naman ay may maliit na bersyon din ng suit na iyon. Pagtingin ko sa salamin, halos hindi ko makilala ang sarili ko. Hindi na ako ang Gabb na mukhang pagod sa pagtitinda sa kanto.

Pagdating namin sa venue, ang liwanag ng mga flash ng camera ay halos makasilaw. Mahigpit ang hawak ni Theon sa bewang ko habang karga ko si Gael.

“Smile, Gabb. You look beautiful,” bulong niya sa akin.

Sa loob ng hall, sinalubong kami nina Tito Asher at Tito Francis. Napansin ko ang tingin ng mga tao may pagtataka, may inggit, at may mga bulung-bulungan. ’ Sino siya?’ ‘Anak ba iyon ni Ashtan?’ ’ Bakit lalaki ang kasama niya?’

Hindi ko pinansin ang mga iyon. Nakatuon lang ako kay Gael na manghang-mangha sa malalaking chandelier. Pero sa gitna ng selebrasyon, lumapit ang isang babae. Maganda, matangkad, at mukhang galing sa mayamang pamilya. Siya si Stephaine  ang ex-girlfriend ni Theon na nabanggit niya noon.

“ Ashtan ,“ tawag niya, ang boses ay puno ng pait.

“So, ito pala ang dahilan kung bakit mo ako kinalimutan nang ganoon na lang? Isang aksidente?” sumbat ng babae

Tumingin siya sa akin at kay Gael nang may pandidiri. “ I can’t believe the Devereaux name will be passed down to… this.“ saad nito na may kasamang pag ikot ng maa

Ramdam ko ang panginginig ng kamay ko, pero bago pa ako makapagsalita, humakbang pasulong si Theon. Ang aura niya ay biglang naging mapanganib.

“ Stephaine, watch your tongue,“ malamig na sabi ni Theon. “Gael is my son. He is a Devereaux by blood and by heart. And Gabb? He is the person who stayed when I was too blind to see what I had. Don’t ever call them an accident in front of me again, or I will make sure your family’s business suffers the consequences.”

Napamaang si Stephaine at mabilis na lumayo. Naramdaman ko ang pagluwag ng dibdib ko.

Tiningnan ko si Theon, at doon ko nakita ang isang bagay na matagal ko nang hinahanap ang kasiguruhan.

Nang matapos ang event, dinala ako ni Theon sa balcony ng hotel. Malayo sa ingay, malayo sa mga tao. Tanging kami lang dalawa, habang si Gael ay karga na ni Tito Francis sa loob.

“ Gabb ,“ simula niya. “ Alam kong natatakot ka pa rin. Alam kong iniisip mo na baka obligasyon lang ang lahat ng ’to.“ pagbubukas ulit niya ng usaping iyon.

“Hindi ba?” tanong ko, pilit na hinahanap ang katotohanan sa mga mata niya.

Umiling siya. “ Noong una, siguro. Pero habang pinapanood kitang mag-alaga kay Gael, habang nakikita ko kung gaano ka katatag sa kabila ng lahat ng ginawa ko sa’yo… Gabb, hindi na ’to tungkol sa responsibilidad. I love you. Hindi dahil kailangan ko, kundi dahil gusto ko.“

Hindi ako nakapagsalita. Ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan ay tuluyan nang pumatak. “ Theon… ang hirap kasing maniwala. Baka bukas magising ka, maisip mo na ang dumi ng simula natin.“

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at hinalikan ang noo ko. “ Our beginning might be messy, but our ending doesn’t have to be. I spent years being a bully, being selfish. You and Gael gave me a reason to be a better man. Just like how my Dad changed for my Dadq, I want to change for you.“

Sa ilalim ng liwanag ng buwan, sa gitna ng karangyaan ng mundo ng mga Devereaux, sa wakas ay naramdaman ko na hindi na ako nag-iisa. Ang anino sa puso ko ay unti-unting napapalitan ng liwanag.

“Mahal din kita, Theon,” pabulong kong sagot. Ngumiti siya isang tunay na ngiti na umabot sa kanyang mga mata. “ Then let’s go home. Our son is waiting.“

Habang naglalakad kami pabalik sa loob, alam ko na marami pang pagsubok. Marami pang Stephaine o Zach na darating. Pero habang hawak ni Theon ang kamay ko, alam kong kahit anong bagyo ang dumating, hinding-hindi na kami muling mawawasak.

The End   (for now)

End po muna for now super nawala ako sa pag susulat and hindi ko na kilala mga character ko, isa sa ayaw ko sa ugali ko tamad mag basa ng sariling gawa (jejemon kasi) if may name or what man na mali like timeline pasensya na po as of now na nangangapa ulit gusto ko lang mag sulat nang mag sulat at mag publish 🥹🥹🥹🥹


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.