He Loves Me Not | R18+
seylisss · 2 chapters · 2,100 words
disclaimer
WARNING!!
This story contains matured content that’s not suitable for audiences under 18 years of age and audiences that oppose the said content or theme.
If you don’t like it, don’t read it.
UNCENSORED & UNEDITED
This publication is only a product of the author’s wide imagination. Names, characters, places, businesses, events or incidents are fictitious. Any resemblance to actual persons, living or dead, and actual events is purely coincidental.
No part of this book may be reproduced in any form or by any mean without the author’s permission.
Thank you.
Photo used for the book cover is not mine, credits to the real owner.
copyright © 2025 by seylisss
prologue
Mali nga bang magmahal, ng taong hindi kayang suklian ang pagmamahal na iyon?
Ang ginawa ko lang naman ay mahalin s’ya e. It was never my intention to ruin anyone or anything just because I fell in love with him. Gusto ko lang naman malaman n’ya na totoo ang nararamdaman ko sa kan’ya. Hindi crush, infatuation, o puppy love.
I love him, genuinely.
Subalit kahit ano yatang paraan ang gawin ko para iparamdam iyon sa kan’ya ay hindi n’ya pa rin iyon maunawaan o matanggap man lang. Dahil naniniwala s’yang imposible akong umibig sa taong halos pwede ko nang maging tatay.
“Besh, nandito na ang sundo ko. Gusto mo ba sumabay ka na?” nahugot ako sa mula malalim na pag-iisip at nilingon ang kaibigang si Dimple.
Bakas ang pag-aalala sa mukha nito habang pinagmamasdan ako. Umiling ako at tipid na nginitian ang kaibigan.
“Hindi na, besh. Out of the way na rin ’yong sa amin kung ihahatid n’yo pa ako, pero salamat,” ani ko at hindi pa rin naglalaho ang ngiti sa labi.
Hindi na namilit pa ang kaibigan ko at hinayaan na lamang ako nito sa gusto ko.
“Ingat kayo.”
“Ikaw rin.”
Tumango lang ako at kumaway na sa kan’ya. Nang makasakay at tuluyan nang makaalis ang sasakyan ni Dimple ay noon lang ako napahinga ng maluwag. I wouldn’t want her to ask if something was bothering me if I go home with her. I just can’t talk about it yet, especially with her.
Inabala ko na lamang ang sarili sa pag-scroll sa instagram habang naghihintay ng masasakyan pauwi.
Hindi pa nga limang minuto akong naghihintay ay biglang may pumaradang itim na sasakyan sa may tapat ko. Sa pag-aakalang pumarada lamang ito doon ay lumakad ako ng kunti sa may una-unahan ng kotse para kung may dadaan man na jeep ay madali lang akong makakapag-para.
“Yzra.”
Natigilan ang daliri ko sa pag-scroll sa screen ng phone ko at nagsitayuan ang mga buhok ko sa batok nang marinig ang boses ng tumawag na iyon.
“Maaari ba tayong mag-usap?”
Muntik na akong mapaismid sa kalumanayan ng boses nito. Nakakapagtaka. Usually kasi, para s’yang galit sa mundo kapag nakikipag-usap sa akin. And now he wanted us to talk? Para saan pa nga ba?
Bumuntong-hininga ako at sinilid sa bag ko ang phone bago hinarap si Manuelito. Seryoso lang ang ekspresyon ng mukha nito na hindi na bago sa ’kin. Humalukipkip ako at seryoso rin na tumitig sa mga mata n’ya.
“We can talk here, Mr. Zorano. Ano po ba iyon?” magalang kong wika rito na saglit nitong ikinatitig sa akin.
Hindi man n’ya aminin, I know he does not like the way I’m acting right now. The way he looks at me, there’s a hint of irritation to it. O sadyang naiirita lang talaga s’ya sa ’kin in general, na hindi na rin naman bago sa akin.
“Not here, Yzra,” anito at tumalikod na upang bumalik sa kotse n’ya.
So, anong ibig sabihin n’on, kailangan ko bang sumunod?
Nang huminto ito sa may tapat ng driver’s seat at lumingon sa akin nang nakakunot ang noo ay napapaismid na lamang akong lumakad patungo sa sasakyan.
Sa may backseat ako pumasok dahil ayaw ko s’yang makatabi. Nang tignan ako nito na para bang ang laki ng kasalanan ko sa kan’ya ay nagkibit-balikat lang akong bumaling sa may labas ng sasakyan.
Walang sino man ang nagbalak na pumutol nang katahimikan sa loob ng kotse ngunit panaka-naka ko itong naririnig na tumitikhim. Hindi ko na lamang iyon inintindi at pinagmasdan lang ang nadadaanan naming mga tanawin. Hindi pamilyar sa akin ang binabaybay naming daan subalit may tiwala naman akong hindi n’ya ako dadalhin sa kung saan lang.
Halos bente minuto kaming bumyahe at bente minuto rin kaming walang imikan nang ihinto nito ang sasakyan sa may tabi ng kahoy na tarangkahan. Medyo pamilyar sa akin ang lugar subalit hindi ko matukoy kung saan at kailan ko ito nakita.
“Hop off, Yzra,” dinig kong sambit nito bago lumabas ng sasakyan.
Napapaikot ang mga matang sumunod na lamang ako at pinagmasdan ang kinaroroonan namin. Based on what I’m seeing right now, either we’re outside of the city or I just didn’t know that there’s a place like this in the city. Nasa malawak na sakahan kami ngayon, ang magkabilang bahagi ng national highway ay puro sakahan at may mangilan-ngilan na magkakalayong mga bahay kabilang na itong hinintuan namin, at higit sa lahat, mapayapa.
Napapapikit ako habang dinadama ang sariwang hangin na tumatama sa mukha ko. It smells like soil and grass, and I’m loving it already. Nature’s too vivid in this side of the city.
“Yzra.”
Bigla akong napalingon kay Manuelito nang tinawag nito ang pangalan ko. Hawak na nito ang nakabukas na tarangkahan habang nakatingin sa direksyon ko, naghihintay sa ’kin. Nakagat ko na lamang ang loob ng pisngi bago naglakad papasok. Agad rin naman itong sumunod matapos maisara ang kahoy na gate.
Mabagal lang ang naging lakad ko upang mauna itong makalapit sa maliit at gawa sa kahoy na bahay. May mga puno rin na nakapalibot doon kaya hindi masyadong kita ang sakahan sa likod niyon.
I’m starting to get curious about this place. Pagmamay-ari rin ba nila ito? I wouldn’t be surprise though, if I were also them, I’d love to have a place like this. A rest house or a vacation house, maybe.
Nang makita kong sinususian na ni Manuelito ang nakasaradong pinto ng bahay ay bigla akong natigilan. Something struck me out of a sudden, a family picture, and the setting was here.
Kaya pala pamilyar sa akin ang lugar na ito. I have seen this place multiple times already. Sa isang picture frame na nasa kwarto ni Dimple. It’s a family picture of Manuelito, Dimple, and her deceased mother—Susanna.
Batang-bata pa si Dimple nang kinuhanan ang larawan na ’yon, siguro mga tatlong taon. Her father was holding her in his arms while her mother, and Manuelito’s wife, was embracing them. They were all smiling in that picture, a real happy family.
Tinambol nang kaba ang dibdib ko at nag-aalangan na kung tutuloy pa ba sa pagsunod sa lalaki.
“Why did you bring me here just to talk, Manuelito?” alam kong bakas ang pagtataka sa mukha ko nang tignan ang lalaki.
Nakatayo lang ito sa bungad ng nakabukas na pinto at seryosong nakapigtitigan sa akin.
“I’ll tell you inside, Yzra,” walang emosyon na wika nito kalaunan.
Mas lalong nilukob ng kaba ang dibdib ko. I’m sensing something I wouldn’t like if I went inside that house with him. Ngunit nilabanan ko ang kaba at tinuloy ang paglakad patungo sa bahay.
He was waiting for me to get inside while holding the door open. Nang tuluyang makapasok ay saka naman s’ya sumunod at sinarado ang pinto ngunit hindi iyon ni-lock. Nakahinga ako ng maluwag sa kaalamang iyon.
Katulad ng sa labas ay simple lang din ang loob ng bahay. It was small on the outside but it’s spacious enough inside for a family of three. Sala ang agad na bubungad sa iyo pagkapasok pa lamang, may maliit na sofa at kahoy na center table doon. Ngunit walang tv o ano mang appliances, maliban sa isang maliit na radyo at maliit na speaker na nakapatong sa drawer na nasa gilid ng sofa.
May iilang mga nakasabit na picture frames sa pader at karamihan doon ay family picture nilang tatlo kasama ang namayapang nanay ni Dimple. May mga solo pictures din nilang tatlo. I was, somehow, feeling uncomfortable looking at every frame. They look so happy in each and every family picture they have. Kaya tinigilan ko na lamang ang pagtingin sa mga nakasabit sa pader.
“Go ahead and sit on the sofa, Yzra. I’ll go get us something to drink—”
“No, please. I don’t need a drink, Manuelito. I need you to tell me whatever it is that you want to tell me,” putol ko na sa sinasabi nito, dahil parang hindi ko na kayang magtagal pa sa lugar na ito.
Saglit nito akong pinagmasdan at sinubukan kong hindi nito mahalata na hindi na ako komportable sa kinaroroonan namin. Ang kabog sa dibdib ko ay hindi pa rin humuhupa at tila mas lumalala lang habang gumagalaw ang oras. Inunahan ko na lang itong maupo sa sofa at hinintay s’yang sumunod.
Lumunok ako at sinundan ng tingin ang pagtabi n’ya ng upo sa akin. Umusog lang ako ng medyo may distansya rito dahil ayaw kong sobrang lapit namin sa isa’t isa.
Nag makaayos na kami ng upo ay saglit na lumukob sa amin ang katahimikan. Akala ko nga tuluyan na kaming mabibingi noon kung hindi lang nito inunahang magsalita.
“I want you to stop, Yzra. Whatever it is that you’re doing or you’re going to do to get me between your legs, I need you to stop, and I won’t tell you twice if you don’t. Sisiguraduhin kong hindi ka na makakalapit pa sa akin o sa anak ko kung hindi ka pa titigil.”
Patlang.
I didn’t know what to say at all. It’s not that, I didn’t expect him to tell me off—he’s been very open about that for a while already. But really, between my legs, and that threat? That was something I can’t say I didn’t expect him to tell me, but something I didn’t expect he could actually tell me.
Mabuti na nga lang at hindi kami magkaharap na nag-uusap ngayon, ’coz my reaction would give me away.
“Dinala kita rito dahil gusto kong makita mo ang pinakarason kung bakit hindi ko kailanman matutumbasan ang nararamdaman mo sa ’kin,” pagpapatuloy nito nang wala akong naging sagot sa una n’yang litanya.
Halos marinig ko na ang tibok ng puso ko sa antisapasyon ng idudugtong n’ya. In the back of my mind, I already have an idea but I don’t want to entertain that idea or that reality. Dahil hindi ko alam kung paano ko iyon tatanggapin.
“You’ll never be able to replace what Susanna made me feel, Yzra,” saglit itong huminto upang tumayo at lumapit sa isa sa mga nakasabit na frame sa dingding ng bahay.
It was Susanna’s image. And I already closed my eyes before he can even continue. Gusto ko na lang maglaho dahil alam ko na kung ano ang susunod n’yang sasabihin. It’s the idea that I’m trying to push away, but I can never run away from the truth, right?
“She was everything that you could never be. Delicate, graceful, understanding, and the love of my life. She was my life before she couldn’t anymore. So, please, stop forcing yourself to me because I could never love you the way I did Susanna.”
Ni hindi ko alam kung humihinga pa ba ako ng mga oras na iyon. Hindi ko na rin alam kung ano nga ba ang magiging reaksyon ko sa isiniwalat n’ya. He didn’t even think twice about telling me the truth, because I know, truth hurts and it was his very intention to do so.
Kaya nga n’ya ako dinala dito, ’di ba? Para ipamukha sa akin na hanggang ngayon, si Susanna pa rin. Dimple’s mother. The very love of his life.
Hindi ko naman siguro kayang makipakompetensya sa taong patay na pero nagmamay-ari pa rin ng puso n’ya, ’di ba? I would never win against that.
Kagat ang ibabang labi na tumayo ako at tuloy-tuloy na lumabas ng bahay. It’s as if the air inside that house was preventing me to breathe.
Napasapo na lamang ako sa dibdib ko at naghahabol ng paghinga nang tuluyan nang makalabas. Ramdam ko na rin ang pamamasa sa gilid ng mga mata ko subalit pinilit kong huwag maiyak sa sakit na nararamdaman ng mga oras na iyon.
I was feeling the pain in my bones and it’s as if it was trying to prevent me from moving my body at all.
Ang sakit. Ang sakit-sakit.
12.10.25 | 21.44
So raw, babe. But henewey,
patikim
lang muna po. This story will be getting updates next year pa, lol.
Sorna
po.

