loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
He Married His Secretary I (PUBLISHED BY PSICOM)

He Married His Secretary I (PUBLISHED BY PSICOM)

makiwander · 51 chapters · 128,874 words

Prologue

Maki Say’s: Alam kong madami ang hindi magbabasa ng Note ko pero sasabihin ko na din kung anyayare. I am revising this story. Yes. Cray cray month for me. Revising a loooot of my stories para sa ekonomiya. Sana magustuhan niyo :) 

And No! Hindi porque revision sunod sunod na ang update. Currently revising so parang nag-susulat ulit ng panibago. Hindi lang basta proof reading ang ginagawa ko. 

HIGHEST RANK: #3 In WATTPAD ROMANCE

![](https://img.wattpad.com/e56c090e05f0cfcbb38d62b2e5f3cbf0dd162f0c/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f4d636249794844644e7849616a513d3d2d39343036323835342e313433663035393432623661303961372e6a7067)

“AKIN NA YAN” Pumailanlang ang malakas na sigaw ng lalaki sa kabila ng ingay ng arcade games sa paligid. 

Magkasalubong ang kanyang kilay. The man’s literally throwing daggers at me. Ang kanyang singkit na mata ay mas lalong naningkit. His narrow lips pressed in one line. Goodness, he’s tall, like 6 foot tall at napakaweird na nakikipaghilahan siya sa akin sa star stuffed toy sa gitna ng Gamezone.

“Bakit? Ikaw ba ang  nakakuha nito sa claw crane? Ako, hindi ba? Bakit ko naman ibibigay? Once in a blue moon ’to. It is like an  Axial Tilt . Once in 41,000 years lang ang phenomena na yun sa astronomy, and this!” Itinaas ko hawak kong stuffed toy, “—Is my Axial Tilt!” 

 His perfectly chiseled nose wrinkled. Humakbang siya ng isa kaya napaatras ako. His presence screams dominance despite his soft, boy next door features. Mukhang wala siyang sasantuhin. He may look good, but definitely not nice.

“It was my coin you used to get that!” Reklamo niya.

Well, he’s right. Eksaktong tumanggap siya ng tawag nung nag-hulog siya ng coin sa claw crane. Kinuha ko ang pagkakataon para maglaro doon kanina at sinuwerte ako. Otherwise, the coin will be forfeited. Still! Ako pa din ang nag-effort!

“Calla, tara na. Hayaan mo na yan.” Hinila ng kakambal kong si Clover ang laylayan ng suot kong blouse pero pinalis ko iyon. Hindi ako aalis hangga’t hindi bumibitiw ang lalaki sa stuffed toy ko!

“You are testing my patience.”

The guy’s expressive caramel eyes went dark and brooding, and it reminded me a beautiful dying star in the constellation of Aquarius. Ha, so what if his eyes looks like the Helix Nebula ? 

I cringed. Ano bang iniisip ko? He can never level to my astronomical obsession. I can stare at the galaxy doing nothing the whole day. Pero sa lalaking ito? Hindi ko matatagalan na makasama sa susunod na tatlong minuto.

“Bakla ka ba?” Humalukipkip ako at binitawan ang kamay ng star stuffed toy.

Umatras ang kausap ko, nag-salubong ang makakapal niyang kilay. His strong jawline moved with hate. 

“Ano?” Pakli niya, naiirita.

“Oh. That’s it. Fair skinned, tall, pink thin lips, caramel eyes, high cheekbones, straight nose.” Kinuha ko ang kamay niya pero agad ding ibinagsak iyon, “Long, straight fingers.”

“If that is your strategy for me to kiss you, sorry, it won’t work. Give me my toy.”

Hindi talaga siya susuko. Huminga ako ng malalim at naisip na makipagnegosasyon na lang para matapos na.

“Fine. Isosoli ko ang coin mo, tapos maglaro ka na lang ulit.” Suhestyon ko.  “Clover, bigyan mo ng coin.” Utos ko sa kakambal ko na agad na lumapit at saka nag-abot ng coin.

“No! I want the toy.”  Pinaliit ng lalaki ang aming distansiya, halatang nauubusan na ng pasensya. Pumikit siya ng mariin at nang dumilat ay parang naging maamong tupa ang mga mata. Ang labi niya ay lumapit sa aking tainga at ang mainit niyang hininga ay kumiliti sa balat ko. He’s gonna flirt with me, sigurado iyon. It won’t work. 

“Okay, Bro. I know you want to impress your girlfriend but I want to impress my date, too. Her niece wants the goddamn toy.” Mahinahon niyang sabi na ikinalaglag ng panga ko.

Bro? Girlfriend?

Tiningnan ko ang kakambal ko na impit na tumatawa sa aking likuran.

“Napagkamalan kang lalaki, Calla.” Kahit mahina ang boses ni Clover ko ay sapat na iyon para mainsulto ako.

“Sinasabi mo bang—”

“Please, I have no time anymore. Papunta na dito ang date ko at ang pamangkin niya. I will just buy this then we will all live in peace. Me and my date, you and your girlfriend.”

“Live in—” Kumurap kurap ako. Loading ang sinasabi ng lalaking may matang parang Helix Nebula .

Nang makabawi ako ay wala sa sariling tumingkayad ako at pilit na inabot ang kanyang tainga pero hanggang leeg lang niya talaga ako. Blame it to my 5 foot three height. Naglambitin ako sa kanyang leeg at sinarhan ang distansiya namin. Pinanlakihan ang lalaki ng mga mata dahil sa gulat

I inhaled and made sure my diaphragm is properly working for a one deafening shout.

“Hindi ako lalaki at hindi din ako tomboy!” Sigaw ko ng buong lakas na halos umagaw ng atensyon sa kabila ng ingay sa Gamezone .

Napakapit ako sa kuwelyo niya nang naging mabuway ako mula sa pagtingkayad, wala sa sariling tinanggap niya ang bigat ko at maingat na sinalo sa baywang.

For a split second, napatitig ako sa maamo niyang mukha na parang hindi gagawa ng masama sa malapitan. Mas nadagdagan lang non ang pagiging kyuryoso ko sa pagkatao niya. His scent was beyond legal, it was too strong, too masculine and too good to be true. He licked his lower lip and worse, I mimicked it. A small smile curved on his lips and he looks dangerously beautiful now. Matigas akong umiling. Hindi ito maari.

Hindi ko siya pinupuri. Hindi, dahil kahindik-hindik iyon.

Umatras ako para iwasan siya. I smirked when I saw a blank reception on his eyes. Kinuha ko ang pagkakataon para muling umabante papunta sa kanya at malakas na tinuhod ang Comet Hartley sa pagitan ng kanyang mga hita.

He screamed in a very manly way. He patted his crotch and then he curled into a ball. Lukot na lukot ang mukha niya.

“Ah! What did you do?!” Galit at namimilipit na sigaw ng lalaki.

I giggled. It reminded me the moment I came first on a triathlon. Gusto kong mag-celebrate.

“Tara na, Clover.” Anyaya ko sa kakambal ko. Hindi man lang ako nasindak sa pag-sigaw sigaw ng lalaki.

“You will never get away with this!” Baritonong banta niya pa.

“You’ll never see me again even in Milkway!” Sagot ko pabalik na tumatawa pa.

Chapter 1

“Kuryente, tubig, internet.. Argh!” Pinalipad ko sa hangin ang lahat ng bills namin ni Clover. Pinulot naman iyon ng kakambal ko isa-isa.

We have the same facial structure. Both our eyes turns gray when kissed by the light, a pair of a thick lashes, a small and straight symmetrical nose, and a natural pink lips.

Pero hindi ko siya kamukha.

Siguro dahil mas mahaba ang itim na buhok niya at lumagpas na iyon sa kanyang mga balikat. Ang akin naman ay pixie-cut. No regrets. Mas magaan ang ganito.

“Mababayaran din natin yan.” Pag-papalakas ni Clover sa loob ko.

“Sana pala hindi ko na lang binili yung telescope na nakita ko sa Amazon.”

Bumili ako ng Celestron PowerSeeker 70EQ mula doon sa last pay ko sa abusado kong amo. Simula nang mag-resign ako sa pinagta-trabahuhan kong outdoor gear shop, napagdesisyunan kong tumingin sa kalawakan at kumpletuhing makita ang constellations ng zodiac.

“Yun ba talaga, Calla?” Tumaas ang kilay ng kakambal ko. “Baka naman sana hindi ka na lang nag-resign?”

Umasim ang mukha ko, andito na naman kami. Ipinaliwanag ko naman na sa kanya kung bakit kinailangan kong mag-resign doon sa huli kong amo. Hindi niya ako pinayagan mag-leave para manood ng Perseid Meteor shower sa Camarines Norte, tinawag pa akong baliw at hiniling pa niyang kainin ako ng Blackhole. That’s so insulting!

“Hindi na naging healthy ang employee-employer relationship namin, Clover.” I said in a monotone.

“Calla naman, pupwede bang hindi ka na mag-laro? Nanganganib nang ma-elit ang bahay na to sa banko.”

“I know, Clover. Gagawa naman ako ng paraan. Non-negotiable lang talaga ang pang-mamaliit ng dati kong amo sa astronomical obsession ko.”

“Ito na lang ang naiwan sa atin ni Mama at Papa.” Bulong ni Clover, umupo siya sa lumang sofa katabi ko at saka humilig sa balikat ko.

It was an easy life for us 5 years ago. Kung hindi lang nadisgrasya ang mga magulang namin sa Mountain Province noong unang taon namin sa kolehiyo, siguro naging mas madali ang lahat.

Continue to breathe is easy, but moving on is hard.

Naalala ko pa din ang masasayang tawanan sa bawat sulok ng bahay. Namimiss ko ang pag-kumpuni ni Papa ng bisikleta ko tuwing nasisira iyon. Nakakamiss ang ngiti ni Mama tuwing nag-uuwi ako ng medal mula sa Sports fest. That was family.

Until the bus accident.

Naiwan kami ng mga magulang namin. We lived day by day through the financial assistance of the bus company that killed our parents. Tinulungan kami ng gobyerno sa scholarship pero hindi iyon naging sapat, kinailangan naming isanla ang bahay para magpatuloy pa sa pag-aaral. Ang kagandahan lang ay nakatapos kami ng sabay. Clover majored in Human Resource, samantalang ako ay Business Management. Wala nga lang business na pupwedeng imanage.

Sinunod ko ang passion ko. Doon ako namasukan sa may kinalaman sa kinahihiligan ko, Outdoor Gear and Equipment store iyon. Hilig ko na ang sports simula pagkabata. I love adrenaline rush. Pero nung mamatay ang mga magulang namin, I had this unusual fondness with stars, the constellations, the galaxy and the comets.

If NASA would open a regional office here, I will definitely apply, kahit janitress lang. Gustuhin ko mang mag-apply sa PAGASA, sa agency daw sila kumukuha ng lady guards at janitress. Hindi naman nila dinisclose kung anong agency.

“Promise, Clover. Bukas na bukas, maghahanap talaga ako ng trabaho, at kapag nangyari yon, hinding hindi ako mag-reresign. Kakapit ako, Besh. I really do swear by the name of the all the stars in the universe.”

“Talaga? The stars?”

“Yes, star of all seasons.” My twin has my word for it.


“Magaling akong magtinda ng Telescope!” Pangangako ko doon sa tindera. Napakamot iyon ng ulo.

“Hindi nga kami nag-hahanap ng manager. Bakit pa ako mag-mamanager eh nandito lang sa Quiapo ang puwesto ko.” Binuhat ng Ale ang ilang astronomical charts na iba’t iba ang laki at kulay. Meron akong ganon sa kuwarto ko, sa totoo lang ay suki ako nang tindahang ito kaya nabibiyak ang puso ko na ayaw niya akong tanggapin.

“Hindi niyo po ba gusto na mas marami kayong time sa pamilya kapag ako na ang humawak ng negosyo niyo?”

“Hindi original ang binebenta ko at lahat yan, consignment. Hindi nga ako naghahanap ng tindera dahil mahina ang benta tapos kukuha pa ako ng manager?” Sinilip niya muli ang charts at kinuha ang isang star chart doon na naka-rolyo at halatang bago.

“Kilala kita. Mahilig ka sa mga bituin, hindi ba? Pero sa totoo lang, ikaw at iilang hobbyist lang din ang suki ko. Iuwi mo na ito, regalo ko na. Sana sweterhin ka sa mga bituin. Goodluck sa paghahanap ng trabaho.”

Magdadahilan pa sana ako nang mag-ring ang cellphone ko. Tumalikod muna ako para silipin iyon at nawalan ako ng gana nang makita ang pangalan ng kakambal ko. Tiyak na madidismaya siya kapag nalaman niyang wala pa akong nahahanap na trabaho, nangangako pa naman ako na seseryosohin ko na ang lahat ngayong araw.

“Asan ka?” Bungad ni Clover sa kabilang linya.

“Quiapo.”

“Tamang tama, punta ka ngayon sa opisina ko, may ibibigay ako sayo.” Nahimigan ko ang excitement sa kanyang tono.

“N-ngayon na?” Tiningnan ko ang Ale na abala sa pag-aayos ng mga display niya sa tindahan. “Nag-hahanap pa ako ng trabaho.” Sabi ko para mukhang busy.

“Ayun na nga, bibigyan kita ng endorsement letter, meron kasing naghahanap ng personal assistant na CEO ng isang kumpanya, gusto nya lang ng taga-type ng sasabihin nya maghapon, taga-linis ng opisina at taga-timpla ng kape. Alam mo ba kung magkano ang sahod? P 30,000! Mas malaki pa yun sa sahod ko! At alam mo ba kung anong oras ang pasok? 8AM to 3PM lang!” naririnig ko ang pabulong ngunit nakatawa nyang sabi.

Nanlaki naman ang mata ko. “T—t—thirty thousand?” naimagine ko ang pagtango ni Clover sa kabilang linya dahil hindi na siya muling nag-salita.

Mabilis kong nilisan ang Quiapo pagkatapos ng tawag. Kung naniniwala si Clover na maganda itong oportunidad, kailangan ko ding maniwala. Saka na lang ako mag-hahanap ng trabahong gusto ko. Mag-iintay talaga ako ng opening sa NASA para ipadala sa space at pag-eksperimentuhan sa life after Blackhole. That would be interesting, plus I will put my name in history.

Sinalubong ako ng kakambal ko sa ibaba ng opisina niya, isang employment agency iyon. Her jet black hair swayed with her hips as she walk in her tall stilettos paired to her A-line dress dark blue uniform. Halos ihampas niya sa mukha ko ang envelop na hawak at hindi man lang ako kinumusta.

“College graduate na hindi tanga. That is what the CEO of Nemesis is exactly looking. Ngayon ko pa lang nai-post iyan sa Job-online. I am sure, tomorrow, applicants will swarm at our doorstep. I made sure na ikaw ang una kong ipadala doon sa Nemesis.”

“Hindi ba bawal ang ginawa mo?”

Ngumuso siya, ang kanyang buhok ay marahas niyang hinawi patungo sa likuran.

“Bawal, pero uunahin ko pa ba ang rules? Kung mabubuking ako e di tanggalin.” Kinuha ng kakambal ko ang kamay ko at tiningnan ko ang mga matang kagaya ng akin,  mapusyaw talaga ang pagiging gray noon kapag nasisikatan ng araw “Kaya kailangan mong seryosohin ito, Calla. Please. Isasakripisyo ko ang pangalan ko, makuha mo lang ang trabahong to. Sige na, pumunta ka na don at hanapin mo ang contact na ibinigay ko sayo for interview. I am rooting for you. Para sa bahay.”

“Para sa bahay!” Masigla ko pang itinaas ang kamao ko kahit na ang internal organs ko ay sumasakit sa pressure na makuha ang trabaho. Hindi pupwedeng madisappoint si Clover!

I got this!

Chapter 2

“Ms. Calla Sussane Torres?” A tall, morena beauty stood in front of me. Nakasuot siya ng dark green pencil cut dress, smelling fresh flowers and warm vanilla. Tumayo ako bilang pag-acknowledge at saka sinundan ang mga hakbang niya.

Nag-tungo kami sa isang conference room. A huge room with glass walls and floor to ceiling windows. 

So this is the corporate setting. 

I used to see this when I was a kid. Parehas na magulang ko ay accountant sa magkakaibang kumpanya. I never imagined being part of one. Mas gusto ko ang maaksyon na working environment. This will surely be boring..

But it will pay the bills, Calla. Mahinahon kong paalala sa sarili ko.

“My name is Jarlene, I am the HR Manager of Nemesis Industry. We are a multi-million company who handles huge construction industry here and abroad. We are looking for a personal assistant, we don’t care who you are and how much we pay but we want someone who can offer us loyalty and integrity. A person who is smart and quick thinker. You see Ms Torres, we dont want to waste time in training people, we need that personal assistant in three days. Our boss is really private, ayaw nya sa chismosa. So, do you think you can handle the job? If yes, why do you think so?” Mahaba niyang litanya. Sa tingin ko ay nakakita ako ng naparaming stars sa bawat pagbukas ng bibig niya.

Tumikhim ako at nagpalinga linga pero ang mga mata ng masungit na HR Manager ay sinusundan ang bawat paggalaw ng aking ulo.

“W-well. I need to pay the bills. Badly.” Napangiwi ako sa pangit na sagot. Pinanliitan ako ng mata ni Miss Jarlene at napailing. Lumakas ang tibok ng puso ko. Hindi iyon maganda. Nagkibit balikat siya at inipon ang papel sa kanyang harapan.

“Okay, let’s go meet your boss.” Tumayo sya at dumiretso sa salaming pinto.

Hindi ako nakagalaw. Was that a yes?

Bukod sa mas mahaba pa ang sinabi niya kaysa sa sagot ko, wala na ba siyang ibang gustong malaman mula sa akin?

Binalikan ako ni Miss Jarlene nang makita niyang hindi ako sumunod sa kanyang pagtayo at saka niya inilahad sa akin ang kanyang palad.

“Congratulations, you are hired.” Matamis pa siyang ngumiti.

Hindi ko agad iyon naproseso.

“Miss Torres, you are hired!” Ulit ni Miss Jarlene sa mas masayang tono.

Unti-unting kumurba ang ngiti sa aking mga labi. “T-thank you!” Bulalas ko kahit di ko tiyak kung deserve ko ba iyon.

Sabay kaming nag-lakad ni Miss Jarlene papalabas ng conference room. Halos libutin namin ang buong floor na pasikot sikot at naparaming pribadong kwarto na nahahati ng glass wall. Ang mga cubicle ay hindi kagaya ng sa imagination ko kung saan tambak ang mga papel. It was actually paperless. Even the printers are laser printers, para lang iyong bumubulong kapag nag-lalabas ng papel.

“Grabe, parang seminaryo.” Di ko mapigilang punahin. “May pa-vigil ba dito tuwing alas-sais? Sobrang solemn!” Humagikgik ako.

“Mr. Alcantara don’t like noises. Papaalalahanan na kita, madali yong mairita sa ingay. Ang sabi niya, mas nakakapag-isip siya sa katahimikan and he wanted to keep his company that way.”

“Boring.” I snorted. Ngumiti si Miss Jarlene at umiling.

“He’s actually fascinating. Magaling siya sa negosyo. All his arguments are valid and topnatch. He can turn tables. Kahit ang multi-million dollar done deal ay kaya niyang ipasakamay. Of course, we need to praise him for that for keeping this company alive. That means, more years of employment and benefits to us.”

The office is really big and impressive. Kahit hindi ako mahilig sa arts, alam ko artistically placed ang bawat furniture. Very classy kahit na ang amoy ng humidifier, it has a scent of flowers. The hallways were designed with paintings mostly abstract, flowers and more flowers?

“Peruvian lilies.” Puna ko sa isang abstract painting. Still, an abstract but it resembles lilies.

“Ang galing ng mata mo. Well, those are personal choice of Mr. Alcantara. He may be masculine by all means but I think he do love flowers, especially lilies.”

“Ah, bading.” Bulong ko.

“Kung ako sayo, hindi ko ipaparinig yan.” Mahinang tumawa si Miss Jarlene. Nag-kibit balikat ako at itinuon ang mga mata sa painting.

“Wala namang masama kung oo. Alam mo, Miss Jarlene, uso na yan ngayon. Pero kung hindi siya mag-a-out, I will be patiently waiting.”

“Baka mamuti ang mga mata mo. Ssshhh.” Iniligay ni Miss Jarlene ang kanyang hintuturo sa labi at mahinang kumatok sa pinto.

‘Lorcan Adam Alcantara- CEO’

There’s a huge sign at the entrance of the frosted door. Sumenyas sa akin si Miss Jarlene para mag-intay sandali nang pumasok siya sa loob. Ilang sandali siyang nanatili doon sa opisina. Naririnig ako ng mababang boses sa loob na parang seryosong nag-uusap.

I was getting anxious every second. Ngayon pa lang ako makakapagtrabaho sa formal office setting after graduating college. Like them, I need to be beautiful and formal. Milya-milya ang layo non sa pagkatao ko.

“Para sa bahay.” Bulong ko sabay hampas ng malakas sa dibdib ko.

Napangiti ako nang sumilip si Miss Jarlene mula sa loob, “Pasok ka.” Anyaya niya na niluwangan ang bukas ng pinto.

“Para sa bahay.” Bulong ko muli na para bang isa iyong mantra.

Ngiting-ngiti ako nang pumasok sa malaking opisina. Just like the conference room, it is surrounded by wall to ceiling windows. The wide landscape of Metro Manila seems like a painting from here. Ang palibot ay merong mga matataas na snake plants at heart-leaf philodendron, meron kaming parehas na halaman sa bahay, alaga ni Mama noon, aside from that, I have this innate knowledge with plants, my twin and I were named after a leaf.

“Miss Torres, glad to see you in space.” My eyes rested into the familiar baritone voice. Gumapang ang lamig mula sa aking mga paa paakyat ng sikmura. The Helix Nebula was glaring at me, the owner of the beautiful orbs was sitting gloriously in an expensive swivel chair, a devilish smile planted on his lips. Expensive black suit, check, expensive watch, check, expensive leather shoes, check! Hindi naman ganito noong una kaming nagkita. He was the boy next door type, he looks different now.

“Maiwan ko muna kayo.”

Natataranta akong napatingin kay Miss Jarlene nang mag-paalam siya. Impit akong napatili pero huli na bago niya marinig iyon. Walang ingay na sinarhan niya ang pinto. Kumapal ang hangin sa pagitan namin ni Helix Nebula. Like how the Darth Vader spread darkness in Star Wars the Movie. Like any moment, there will be a Supernova. Sasabog talaga ako at magiging falling star pero magiging pangit na falling star because for sure, this guy will throw water on me to kill my fire.

Nanliit ang mga mata ko nang tumaas ang kilay ni Mr. Alcantara. Halos lumabas ang puso ko dahil sa lakas ng tibok. Mas tumaas ang kanyang kilay sa ilang segundo ko pang pananatali sa kanyang harapan. Hindi iyon maganda.

Lumapit ako sa kanyang swivel chair at lumuhod doon. Pinagdaop ko ang mga palad ko at mariing pumikit.

“Patawad na talaga!” Kinapa ko pa ang kanyang kamay pero naramdaman kong iniwas niya iyon.

Okay, ayaw niya non. Hands off, Calla!

Pinagdaop ko muli ang aking kamay at nagmamakaawang tiningnan siya.

‘Para sa bahay!’ Muli kong bulong sa sarili.

“Please.” I made puppy eyes, napangiwi siya dahil doon.

“Hindi. Bagay.”

I know right, I am not the compliant type.

“Pogi ka naman.” Maliit na boses ko, umaasa na ang pambobola ko ay may mabibigyan ako ng pag-asa. Narinig ko ang mahina niyang pagbuga ng hangin.

“Sorry na talaga Boss Pogi, sorry na talaga.” Pakiusap ko na parang nag-lalambing sa poon ng mga pusa.

“Tumayo ka na dyan.” Inayos niya ang kurbata niya.

This is the end, really, this is my Black Hole, no, probably my wormhole. Hindi niya ako mapapatawad sa paninipa ko sa pag-asa ng kanyang henerasyon. It shouldn’t be that bad, wasn’t it?

Sa mukha niya kasi parang luging lugi. I put an end to his bloodline at ngayon palang ay nag-sisisi na ako. The genes must’ve been good. Smoldering Asian eyes paired with thick brows, perfectly chiseled nose and luscious pink lips. His body is toned and boasts muscles, all at the right places. Madalas kong makita ang ganito sa mga sporty type sa triathlon. I doubt if he still has time for it, maybe he works out.

Really, Calla? 

“Fine, magsimula ka na bukas, you go straight to my office and if I wont see your face at exactly 8AM, you will be dead. Here.” Inihagis nya sa akin ang isang susi na palagay ko ay sa pinto ng opisina nya at halos gumapang ako para kunin iyon.

“Thank You talaga, Boss Pogi.” I smiled sweetly. I was waiting for him to reject my address but he just frowned in response.

So, Boss Pogi it is.

Chapter 3

Nanlaki ang mata ni Clover sa ikinwento ko, hindi din sya makapaniwala na natanggap ako sa trabaho kahit na hindi maganda ang una naming pagtatagapo ni Boss Pogi. Nagpang-abot kaming dalawa ng kakambal ko sa hapagkainan, ang usual routine namin pagkatapos ng mahabang araw sa labas ng bahay.

“Grabe Calla, hindi ako makapaniwala! Buti tinanggap ka?”

“I know right!” Words and food rumbled inside my mouth. “Nagpakumbaba talaga ako kahit na nakakasuka. Para sa bahay!”

“Aww. I am sure na nahirapan ka.” Sakastikong tugon ng kapatid ko na tinapik tapik pa ang balikat ko. I rolled my eyes.

“You can just imagine. Alam mo yung itsura niya na parang feel na feel niyang kailangang kailangan ko siya? May araw din sa akin yan.” Balang araw, he would ask me to read the stars to know if there will be rain. Probably on his wedding day o kahit saan pa. Or siguro by that time, meron na akong nadiscover na mode of transportation papuntang Mars at hindi ko siya isasama. Or maybe a Hibernating capsules will be invented to increase the lifespan of the humans and I will be a guinea pig because I will probably volunteer myself then I will have a perks to list the names of the people to have the same entitlement if that will be a success. Malamang hindi ko ilalagay ang pangalan niya para mabulok siya sa lupa at fresh pa din ako.

“Para ka din kasing bata eh, nakipagtalo ka pa. Bata naman ang pagbibigyan niya ng laruan.”

“That’s unfair! Kung gusto niyang mamigay ng regalo, eh di sana nag-laro din siya.”

“The thing is.. Hindi ka dapat nakikipag-away kung kani-kanino, napagkakamalan ka tuloy na tomboy.” Nakangisi nyang sabi.

“Hey, alam mong hindi totoo yan di ba?”

I can appreciate male’s beauty though. Kahit nga si Boss Pogi na wala naman sanang kapuri-puri, alam ko naman na guwapo but not enough to make my knees turn into jellies. Nope. He’s not my type. I don’t like the Asian types, they look a little bit feminine for me.  Mas gusto ko yung lalaking-lalaki, 230 lbs of pure muscles, maybe. Yung tipong nakikita sa Mexican Telenovela would be far better.

“Magpahaba ka na kasi ng buhok, ipaalam mo na sa mundo na magkakambal tayo.” Nakatawang sambit ni Clover. Hindi na lang ako umimik pero naiisip ko na din yan, medyo humahaba na naman na ang buhok ko, malapit na nga itong maging short bob.

“Pupwede mong hiramin ang mga damit ko, mag-makeup ka. Mas bagay sayo kapag may kulay ang mukha.”

Hindi ko sineryoso ang bilin ng kakambal ko pagdating ng kinabukasan. The only thing I followed was borrowing her dress. Wala akong mga bestida. Ang huli kong trabaho ay pantalon at poloshirt lang ang required. A black sleeveless dress and white flats is what I am wearing, panay ang hila ko sa laylayan habang nag-lalakad ako.

7:30 in the morning, I am already pressing on the biometric scanner. Lakad takbo kong tinungo ang opisina ni Boss Pogi pagkatapos non. The cubicles are still bare, even the lights are off. Ipinagpapasalamat ko iyon dahil gusto kong maging pinakamaaga para mapabilib ko naman ang masungit kong amo.

Halos manginig pa ang kamay ko nang ipasok ang susi and the moment that I did, bumukas iyon at bumungad sa akin si Boss Pogi. He welcomed me with fresh from the shower scent, mixed with something earthy and mint. Napaatras ako, mukha siyang matangkad kapag mas malapit, mas intense ang kanyang mga mata at pati ang pag-igkas ng panga. At oo, mas malaki pala ang kanyang pangangatawan sa malapitan. Kayang kaya akong durugin ng kanyang braso kaya kailangan kong mag-ingat.

“Good morning Boss Pogi!” I chirped. His eyebrow shot, rolled his eyes then turned his back on me. Nag-martsa ako para sundan siya. Umupo siya sa kanyang upuan at pinadulas ang isang notebook sa kanyang lamesa.

“Gawin mo yan pag eksaktong alas-otso na.”

Kinuha ko ang notebook at inisa-isa ang mga nakasulat doon. Sulat kamay ang mahabang listahan na may numero pa at oras kung kailan gagawin. I groaned. Masyadong detalyado iyon.

“May reklamo?” Kahit abala siya sa kanyang laptop ay nagawa pa niyang tanungin. Mabilis akong umiling at nilapitan ang lamesa na nakalaan para sa akin.

Hindi nakatulong na nakaupo ako sa kabilang bahagi ng opisina ni Boss Pogi. Hindi siya gumagalaw doon sa puwesto niya. Nang mag-alas dose na, ako na ang nag-kusang lumabas para mag-lunch, pag-dating ko ay nakaupo pa din siya doon at walang pinagbago ang salubong na kilay at ang kaliwang kamay na nakatiklop sa kanyang baba.

Mag-tatagumpay siya kung mag-papanggap siyang sculpture doon sa lamesa niya. A huge chunk of Asteroid could fall from the universe but he won’t blink an eye.

“Boss Pogi?” Mahinahon kong untag.

“Hm?” Sagot niya na di pa din gumagalaw.

“Nag-lunch ka na?”

“No.”

“Anong gusto mong kainin?”

“Not hungry.”

Marahas akong napabuntong-hininga. Gawain niya pa nga ata ang hindi kumain. Bumalik ako sa lamesa ko at panay ang tingin kay Boss Pogi. Talagang hindi siya mukhang gutom pero nag-kick in ang maternal instict ko at pagiging makatao kaya tumayo ako para tunguhin ang pantry.

Nag-scan ako ng ref niya. Merong ilang pirasong prutas at juice. Walang tinapay o kahit ano. Kinuha ko ang ilang apples, grapes at ripe mangoes, binalatan at hiniwa into bite sized. Kumuha din ako ng baso at nilagyan iyon ng orange juice. Binitbit ko iyon sa kanyang lamesa at inihain sa kanya. Doon lang ibinaba ni Boss Pogi ang kamay niya mula sa kanyang baba at sumandal sa upuan. Finally!

“What’s that?”

“Fruits at juice, Boss Pogi.” I said, stating the obvious.

“Thank you.” Tipid niyang sabi at saka muling binalikan ang tingin sa laptop.

“Boss Pogi.”

“Hm?”

“Late ba ako kanina?”

“Did I say that you are late?” Sumandal muli siya at humalukipkip.

Umiling ako. “Nauna ka kasi sa akin.”

“I wake up at 4AM, I workout until 5AM. I prepare for work early so I will be here by 6AM.”

Sa tatlong bagay na sinabi niya, isa lang ang tumatak sa utak ko.

Workout..

Di ko napigilan ang pagtaas ng kilay at pag-pasada ng tingin sa katawan niya. He’s huge but not insanely huge. Lean muscles are obvious underneath the formal suit. Maganda ang katawan, may maipagyayabang.

Kaya lang ang sama naman ng ugali. Nakaka-turn off din.

“I know what you are thinking.”

Nanumbalik ako sa kasalukuyan at namilog ang mata nang merong mapaglarong ngiti sa labi ni Boss Pogi. Pagak akong natawa. Paano naman niya nalaman?

“I don’t do my secretaries.”

“Don’t do? Don’t do what?” Kumurap kurap ako.

“Stop acting innocent. I know you are drooling over my body but sorry, Miss Torres, you are not my type. Too masculine for my liking.”

Ilang beses kong tinangka ang mag-salita pero walang lumabas na kahit ano. Itinuro ko siya pero kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para pigilan ang sarili dahil alam kong bubuga ako ng apoy anumang sandali. I counted I to three before I speak, making sure that I will be calm.

“Sorry to burst your bubble but you are not my type either.” Iyon na ang pinakakalmadong salita na lumabas mula sa akin.

“Oh yeah? You like girls. That make sense.” Sumubo siya ng mansanas na merong ngiti ang mga mata. Tingin ng nag-hahamon.

“No, I like real men not those who are trying hard to be one. Ayoko ng mayayabang, yung akala mo kaya niyang bilhin lahat, ayoko ng dominante at mahilig mag-power trip.”

“So you like pussies. You like girls. You don’t like alpha males. Don’t worry, the only alpha male that can get near you doesn’t like you.”

Touche. Nag-peke ako ng ngiti . Para sa bahay.

“Alam ko naman yon, Boss Pogi.”

Sunod sunod niyang isinubo ang prutas na inihanda ko. Gutom na siya pero hindi niya din aaminin kasi ‘alpha male’ siya.

“Thanks for the snacks, Miss Torres.”

“You are welcome, Boss Pogi.”

Chapter 4

“Aquarius. Nakita din kita!” Excited kong tinitigan ang constellation na nakita ko mula sa telescope. Pag-kagaling ko sa opisina ay binitbit ko agad ang astronomy gear ko at umakyat ng abandonadong building na malapit sa bahay namin.

This is a usual Friday routine to de-stress. I badly need one.

Pakiramdam ko ay mauubos ang lahat ng buhok ko kay Boss Pogi. Unreasonable demands, endless whining, complaints. Dinaig ko pa ang tanggapan ng Baranggay kung saluhan niya ng hinaing niya! To think that it was my first week.

Napangiti ako nang makita ang Helix Nebula , I can talk the whole day on how beautiful the remnants of a the stars that died. Stars don’t disappear, in fact, it turns into a beautiful mass of gas that still flows in the universe and they are called Helix Nebula. It as beautiful as the stars and the planets but for me, it is the most amazing phenomena in the galaxy. 

I randomly looked at the stars after enjoying the Aquarius constellation. Tinitigan ko pa ang ilang mga laman-ulap at malungkot na ngumiti. Huminga ako ng malalim at pinigilan ang luha. Tumayo ako at lumapit sa pinakadulong bahagi ng rooftop at iniunat ang kamay patungo sa langit at hindi ko nagustuhan ang distansya ko doon.

Malayo. Sobrang layo pa..

Tumunog ang cellphone ko habang nakatitig ako sa kawalan. Napakunot ang noo ko sa isang unknown number.

“Bakit ngayon mo lang sinagot ang tawag ko? Kanina pa ako tumatawag sayo.”

Tiningnan ko muli ang screen ng cellphone ko. The man did not even had the decency to say ‘Hello’, galit pa ang boses non.

“Sino to?”

“Lorcan.”

Umakyat ang kaba sa sistema ko. Iniisip ko ang computer ko na baka nakalimutan kong patayin o ang alikabok sa lamesa niya na hindi ko nalinis bago umuwi. O baka naman napansin na niya ang stock ng mansanas niya sa ref na nabawasan ng tatlo? I ate that when he was on a meeting.

“Boss Pogi? Yes?” Siniglahan ko ang tono ko.

“Asan ka?”

“Sa bahay lang.” Inisa-isa kong pulutin ang astronomy tools ko at inilagay sa bag.

“I’ll be there in 10 minutes.” Yun lang at pinutol nya na ang kabilang line. Natigilan ako at tinitigan muli ang phone ko. Nang mag-sink in ang 10 minutes na sinabi niya, dali dali kong tiniklop ang mat at nag-tungo sa fire exit ng abandonadong building, patakbo akong bumaba.

Habang tumatakbo ay tumitingin ako sa orasan. 10-minute walk ang bahay mula sa secret spot ko para sa astronomy adventures ko, sinisi ko ang maiigsing binti ko dahil napakaliit ng mga hakbang ko. Nang masilayan ko na ang bahay namin ay saka lang ako huminga pero napangiwi ako nang makita doon si Boss Pogi. Resting his back on his red Mustang .

I almost stick my tongue out because of panting. Napahawak pa ako sa dibdib ko at malakas na huminga.

“Hi Boss! Bakit?” Pabuga ang mga salita dahil sa pagod.

Tiningnan niya ako pagkatapos ay napapailing na binuksan ang sasakyan at may kinuha doon. Inabot sya sa aking itim na bag na pakiwari ko ay damit.

Kahit walang ideya ay pilit kong ngitian ang damit na nakabalot pa nang may tatak na ’ Dior ’, alam ko agad na mahal iyon. “Thank you for your generosity pero hindi ko matatanggap ang ganitong regalo, Boss Pogi.”

“That is not a gift. Magpaayos ka kay Julio, may pupuntahan tayo.”

Doon ko lang napansin ang itim na sasakyan sa likod ng pulang Mustang. Merong bumaba doon na matabang lalaki, all black ang pananamit at may malaking bag na nakasukbit sa kanyang braso.

“Hi ’Day !” masayang bati sa akin nung Julio na pumasok na sa maliit naming gate.

Nag-set up ng ilaw at napakaraming gamit sa may kusina namin si Julio at ang kanyang bitbit na hairstylist. Nagpatianod ako doon sa instructions habang inaalala si Boss Pogi doon sa labas ng bahay namin. Hindi ko alam kung ano ang nakain niya. Gusto ko pang mag-protesta sa hindi niya pag-respeto sa private time ko outside office hours pero kung titingnan ko ang mga mata niya ay parang mangangain din iyon kaya hindi na ako umimik.

“Pumikit ka and we’ll do magic.” Huling habilin sa akin ni Julio. Dahil sa pagod ay nakatulog ako at wala ng naramdaman kung ano pa ang ginawa sa akin. I woke up with gentle pats on my shoulder. Pagmulat ko ay pinanlakihan ako ng mga mata sa babaeng nakatitig sa akin sa harap ng salamin.

“Hindi ako to.”

The make up isn’t light nor too heavy. Tamang tama lang iyon. Ngayon ko lang nakitang nakaayos ang aking kilay na natural din naman na makapal. Mas na-emphasize lang iyon dahil sinuklay pataas. Mas umangat din ang kulay ng mga mata ko dahil sa soft brown eyeshadow na inilagay doon. Sa mga labi naman ay coral pink gloss ang nag-patingkad.

“Ano ka ba Day, maganda ka talaga! Wag mo sabihing hindi mo alam, hilahin ko yang buhok mo!” Maarte nyang sabi sa akin. Hinaplos ko ang maigsi kong buhok, nagawa na iyong kulutin at bumagay sa hugis ng maliit na mukha ko.

“And for the final touch, suot mo na to. Dali na, bago pa uminit ang ulo ni Sir Lorcan.” Nilabas ni Julio galing sa itim na bag ang isang puting dress at nag-tungo na ako sa kuwarto ko para makapag-palit.

Sinilip ko ang replekyon ko sa salamin pagkatapos kong mag-bihis. White halter dress iyon na mababa ang neckline pero hindi naman iyon masagwa. The tea-length white dress compliments my creamy complexion, it hugs my body just right. It sways in every small movement and it looks an old classic paired with a two-inch cream stiletto. Ang tanging kinang na nag-bigay sa aking pananamit ay ang swarovski chandelier earrings at crystaldust cross-cuff bracelet.

“Wow! Grabe, you look like a celebrity! O mas maganda pa sa celebrity. Anong mix mo?” Tanong sa akin ni Julio habang nagliligpit ng kanyang mga gamit.

“Half-Romanian ang Mama ko. Sa kanya din namin nakuha ang kulay ng mga mata namin ng kakambal ko.”

“Good genes. Let’s go. Baka naiinip na ang boss mo.”

Nakipagbeso sa akin si Julio nang makalabas na kami sa bahay. Tinungo niya ang sasakyan niya nang mapansing mayroong kausap si Boss Pogi sa telepono doon sa loob ng sasakyan nito. Ako naman ay tahimik na nag-intay na matapos si Boss Pogi sa pakikipag-usap.

“Yes, yes.. yea—” Nag-angat ang amo ko ng tingin sa akin. Dahan dahang ibinaba ni Boss Pogi ang hawak niyang cellphone. He looked at me from head to toe. His smoldering eyes made no difference except from the small smile that teased his lips. Hindi ko tuloy tiyak kung nang-iinsulto ba o ano.

“Okay na ba ’to?” I asked.

Imbes na sumagot ay bumaba siya ng sasakyan at inilahad ang kamay niya sa akin. Pinanlamigan ang kanang kamay ko nang dumantay sa iyon sa kanyang mainit na palad. Something felt different and weird. Maybe his gentle treatment, it seems off. Hindi bagay at plastik iyon for sure.

Binuksan niya ang passenger seat, inintay niya pang maayos ko ang laylayan ng dress ko para masarhan niya ang pinto.

“In fairness, nadagdagan ng isang paligo ang kagwapuhan mo kapag mabait ka.” I remarked when he hopped in to the driver seat.

“You know what, you are starting to look like a human if you wear make up. I should start treating you one if you will continuously do that.”

“Is that your way of saying, ‘You are beautiful, my dear Secretary.’? Well, thank you, that’s so sweet of you.”

“I don’t remember saying that you are beautiful, I just complimented you after a great effort to look like one of us. Welcome to earth, alien head.”

“Hindi ako alien!” Pinanliitan ko siya ng mata. “I love astronomy, galaxy and the entire universe pero hindi kasama ang mga aliens although I believe that they exist too. If I just have a way to apply to NASA then I would know. Hindi ko sana pinagtitiisan ang demanding kong amo na parang ako ang sinisisi sa lahat ng kamalasan niya sa buong araw. Goodness, lighten up, will you?”

Natatawa siyang napailing. “You always have a lot to say.”

“I do. Sabi ng Mama ko, I better say what I have in mind than forever stay in silence with a heavy heart.”

“Well, if you know that staying in silence will make someone else’s life beautiful, there’s nothing wrong in keeping your mouth shut.”

“Ay, how can you make someone else’s life beautiful in silence? Malungkot ang buhay kapag tahimik tayong lahat.”

“Well if you won’t break my eardrum then I’ll be happy.”

“Touche.”

“Thank you.”

I stayed in silence as my boss wished. Pero nangati muli ang dila ko after 5-minute dose of reverie.

“Saan tayo pupunta, Boss Pogi?”

Huminga muna siya ng malalim bago sumagot. “A friend’s party.”

Tumango ako. Sinilip niya ako gamit ang gilid ng kanyang mga mata.

“It is an engagement party of a friend.” Dugtong niya.

Napansin kong humigpit ang hawak niya sa manibela at napailing. He muttered silent curses.

“An engagement part of my bestfriend and my ex-girlfriend.” He sighed. Nanatili lang akong nakatulala sa kanya. The way his jaw moved says one thing, his heart is breaking.

Nakita ko na iyon noon. It is the same when my mother cried after a huge fight with my father. I remember friends in college with that dreadful look after a break up. Ganoon din ang mga mata ni Clover nang malaman naming nasawi ang mga magulang namin sa isang aksidente. Maaring ganon din ang sa akin.

Heartbroken. Different scenario but same heart wrenching effect.

“And I need you to make me look less miserable. I will pay you, don’t worry.” Mapait siyang napangiti. “Just don’t do anything funny and go with the flow.”

Tumango ako, naiintindihan ko ang kanyang pinagdadaanan.

“Pasalamat ka mabait ako. Pagbibigyan kita.”

He laughed gently and his jaw muscles started to relax.

He looks better when he’s happy. If he would just smile more then our world will be better.

Chapter 5

The huge house in front of us shined in brightness. Endless cars parked outside and the soft music vibrates from the inside of the mansion. Nag-angat ako ng tingin at nakita ko ang matigas na panga ng amo ko. His eyes went one tone darker now. Para na iyong gintong honey. Kumuyom ang mga kamao niya at parang nag-iisip mabuti kung tutuloy ba o hindi.

“Boss Pogi, may pagkain ba dito? Hindi pa kasi ako kumakain.”

Saka niya palang na-realize na may kasama siya. Tinapunan niya ako ng tingin at bahagyang kumalma na ang kanyang itsura.

“Have. But you cannot be a pig and eat your heart out. You are my date.”

“Hindi ako pig!” Protesta ko.

“You better be not. And please don’t call me Boss Pogi, call me Lorcan.”

Sabay kaming nag-lakad papasok. Sinalubong kami ng napakaraming tao na pare-parehas na elegante ang mga damit, mapababae man o mapalalaki. Huge buffet table was set up in front of the mansion, natakam agad ako pagkakita doon. Cocktail tables were spread around the fabulous garden where the guests flocked. Ngumingiti ako sa bawat makakasalubong ko ng tingin kagaya ng ginagawa ni Boss Pogi.

“Hey Lorcan! You came!” Masaya kaming sinalubong ng isang gwapong lalaki. Mas matangkad ng kaunti si Boss Pogi sa kanya, moreno at mapupula ang mga labi. Nakasuot siya ng all black suit kagaya nang kay Boss Pogi but I must say, mas guwapo naman ang Boss ko kaysa sa kanya.

“Of course, won’t miss it for the world. I brought my plus one with me. This is Calla, and Calla this is Cyrus.” Malambot ang tingin ni Boss Pogi sa akin. “He’s the one getting married.”

Kumunot ang noo ko pero nag-paste ng ngiti ang amo ko at humigpit ang kapit sa aking mga braso. Ginaya ko ang kanyang ngiti at humarap kay Cyrus.

“Hi! Nice to meet you.”

Bumagsak ang ngiti ni Cyrus at nang ibalik niya iyon ay mas lumapad pa. Inabot niya ang kamay ko at hinalikan ang likod ng palad.

“Man, she’s beautiful. Bilib na talaga ako sa taste mo. Where did you meet her?”

Nag-init ang pisngi ko sa papuri. Sa araw araw kong pag-babalik tanaw sa mga nangyari sa pagitan namin ni Boss Pogi sa loob ng isang linggo, wala akong maalala na pinapurihan niya ako ng ganon.

I chuckled softly and smiled sweetly. Cyrus blushed and bit his lower lip. Napakamot siya ng kanyang batok.

“And her smile, Man. Sayang, I am getting married.” Biro nito but it came off.

Pinatunayan niya lang ang pagiging ahas na Bes niya. I should take a picture of him and use it on viral memes. Naramdaman ko ang pag-baba ng kamay ni Boss Pogi sa aking beywang. Inakala kong dahil iyon sa reaksyon ni Cyrus pero nakita ko ang mga mata niyang sinusundan ng tingin ang isang babaeng naglalakad nang papalapit sa amin.

A beautiful lady in red strut to our direction. Her long venus cut gown embraced her body tightly but the hem flows magically in ever step she make. Her long jet black hair was side swept and set in huge sexy curls. Tanging red lipstick lang at mascara ang nakalagay sa kanyang magandang mukha para bigyan iyon ng kulay. She looks an expensive living ruby.

“Hi Babe, Hi Lorcan.” Bumeso siya kay Boss Pogi pagkatapos ay umangkla ang kamay sa beywang ni Cyrus. Nawala ang ngiti niyang nang mapatingin sa akin. Pumakla ang aking sikmura.

So, this must be the ex.

“Hi Margaux, this is Calla.” Pormal na pakilala sa akin ni Boss Pogi. The lady opened her sexy mouth but she was not able to utter a word. Ngumiti lang siya sa akin at tumango.

Hindi naging maganda ang pagkapal ng hangin. Nag-isip ako ng paraan para makaalis doon.

“Love, I am thirsty.” Malambing akong humilig kay Boss Pogi na pinanlakihan ng mga mata pero nang makabawi siya ay malapad siyang ngumiti.

“Oh okay, Mahal. Let’s get you water.” Humarap siya sa dalawa at saka ngumiti. “Congratulations, please excuse us.”

Nang makalayo na kami ay hinila ako ni Boss Pogi sa sulok ng plant box kung saan tanging waiters lang ang dumadaan. Dumilim ang mga mata niya, humakbang ng isa at  kinain non personal space ko.

“Bakit mo ako tinawag na ‘Love’?” Sita niya.

“Sorry, na-carried away. Chill ka lang. It is not like kailangan mo akong dalhin sa altar dahil doon.”

“But it looked awkward!” Giit niya ng pabulong.

“Wow, awkward. Alam mo kung ano ang awkward? Yung tingin mo don sa ex mo na para bang wala kang kasamang maganda.”

Umawang ang labi niya nang nanunuya, “Maganda? Sino? Ikaw?” Tunog nahihindik pa iyon. Hinampas ko siya sa balikat.

“You said it a while ago!”

“Sinabi ko, you already looked like human. Stop putting words on my mouth.” Humalakhak siya, it brightened up his face and it is a good thing.

“Mas guwapo ka kapag nakatawa ka.” Pagsasabi ko ng totoo.

Nanliit ang mga mata niya para pigilan ang pag-ngiti pero lumabas iyon ng kusa. Nagpamulsa siya. His boyish grin didn’t leave his face, his boyish features were enhanced. He will probably looked the same when he gets old and it seems unfair. Sana ay hindi ko na siya amo kapag fifty years old na ako dahil baka mamatay ako ng maaga sa mga pang-aalipusta niya sa akin.

Madami kaming inikot na cocktail tables pagkatapos naming magdiskusyon, pinigil ko ang pagrereklamo sa pananakit ng paa dahil mukhang importanteng tao ang kinakausap ni Boss Pogi. He introduced me as his girl to those who were asking. Napasubo na ata siya dahil sa pag-tawag ko na ‘Love’ sa kanya.

Isang may edad na babae ang lumapit sa amin, ako ang una niyang nginitian. Elegante ito at palagay ko ay mukhang bata sa totoong edad. Inintay niya ang pakikipag-usap ni Boss Pogi sa ilang mga negosyante hanggang sa mapansin niya ito. Her smile grew wider.

“Hijo, we didnt know you will move on that fast! But never the less, we are really happy.” Bulalas ng babae na nakatingin sa akin.

“Yes Tita, ako din, it’s about time that I move forward, they are both my friends.” Yumakap si Lorcan dito, “By the way, this is Calla, and Calla this is Tita Bien, Margaux’s mother.”

“Magandang gabi po.” I greeted. She politely smiled back.

Ilang kwentuhan pa ang naganap sa pagitan ni Boss Pogi at sa Nanay ni Margaux. Nang hindi ko na matagalan ang mga paa ay nag-excuse ako for restroom. Pero imbes na doon mag-punta ay nag-hanap ako ng tagong puwesto para matanggal ang sapatos ko. Two inches lang ang taas non pero na-stress ng husto ang binti ko.

Mayroong extension ang garden kung saan nagaganap ang party, merong matandang fountain na nakapuwesto doon at nag-madali kong tinungo iyon para maupo.

Napaungol ako sa pagmasahe ng binti. Hindi ako makapaniwala na dalawang oras pa lang ang nakakalipas pero kung masaktan ako ay parang nag-hiking ako sa Bundok ng Tralala.

“Im sorry.” Nagulat ako ng biglang lumuhod si Boss Pogi at inabot ang binti ko saka minasahe iyon. Hinayaan ko siya dahil naging maganda yun sa pakiramdam.

“Wala yan, dapat hindi ka na umalis doon, babalik din ako. Nagtago lang para magtanggal ng sapatos. Di sanay maging babae.”

“I know right, kawawa ka naman, Bro.”

Pinanliitan ko siya ng mga mata, “Paborito mo talagang mang-insulto?”

“A new habit.”

“I am really flattered na sa akin mo naibuhos yan.”

Tumayo siya at umupo sa tabi ko.

“Thanks for tonight. You did well.” A small smile curved his lips.

“Wala iyon. Happy to serve. But if I were you, hindi na ako nagpunta dito. Wala namang masama na ipakita mong nasasaktan ka pa. Tao lang.”

“It was 7 good years, Calla. We grew up together and build our dreams together.”

“Nandon siya o wala, mabubuhay ka pa din naman sa pitong taon na iyon.” I sounded like a heartless b*tch, I know. It is normal.

Hindi kumibo si Boss Pogi, sinilip ko siya sa gilid ng aking mga mata. He’s still stucked with the feeling and I should understand, alright. But I think he’s better than that. He’s gorgeous, loaded and intelligent. Kung inaapply niya ang pambubully niya sa mga nakasakit sa kanya, mas maganda sanang tingnan iyon kaysa ibuhos niya sa katulad kong walang kalaban laban.

“They cheated on me but I will take her back if she asked me. All she need was to ask. That is all what it takes.” Malungkot siyang yumuko. Malungkot akong ngumiti habang pinagmamasdan siya.

“Alam mo, akala ko nong una, bading ka. But tonight, you earned my respect. It takes a real man to acknowledge his feelings. Magmamahal ka pa ulit, Boss Pogi.”

“At this rate? Wala ng natira para sa iba, I will probably die alone.”

Ramdam ko ang lungkot doon, parang nakisimpatiya pa ako doon kahit na hindi naman kami close. Well, naging close kahit papaano dahil nalaman ko ang maliit na parte ng kanyang buhay. 

“Maybe you should get a pet. Yung marunong kumuha ng atensyon kapag natumba ka at mamamatay na.” Out of the blue na suhestyon ko.

“Maybe.”

“Bumalik ka na doon. Susundan kita.”

Tumango siya at tinungo ang mga tao. Hinilot kong muli ang mga paa ko bago mapag-pasyahang tumayo. Habang nag-lalakad pabalik doon sa main garden ay narinig ko ang feedback ng mikropono. Nasilip kong tinutukan ng ilaw ang harap ng mansyon, naroon ang isang matandang lalaki na may hawak na mikropono, sa likod niya ay ang nanay ni Margaux, si Margaux at si Cyrus at isa pang pares ng mag-asawa.

“We have an important announcement to make that is why we gather all our family, friends and loved ones in this party.”

My heart raced. I know somebody needs me. Hinanap ko si Boss Pogi. Nakatulala siya sa stage at kuyom ang kamao. Para siyang batang inagawan ng laruan at pinapanood iyon na ipamigay sa iba. Nilakihan ko ang mga hakbang ko para makalapit sa kanya at nagawa ko iyon. Hinila ko ang kamay niya at niyakap siya, ipinaling ko ang mga katawan namin para magkalapit ng puwesto. Ako na ngayon ang nakaharap sa stage at si Boss Pogi na ang nakatalikod.

“Anong ginagawa mo?” Bulong niya sa akin habang maingat na nakadantay ang kanyang kamay sa aking likuran. Bumilis ang tibok ng puso ko sa pagkakalapit na iyon pero ayaw kong bumitaw dahil tiyak kong manghihina ang tuhod ko dahil sa kakaibang mga tibok.

“We are pleased to announce to you the engagement of my daughter Margaux and Cyrus Saavedra!”

Nagpalakpakan ang mga tao pero nabingi ako nang mahigpit akong niyakap ni Boss Pogi. His scent was intoxicating when this close. My bones almost crashed with his tight embrace. Hindi ko ipinahalata na nalulunod ako sa sa kanyang yakap, tinugon ko din iyon ng mas mahigpit.

“It hurts.” Bulong niya sa aking ulo.

“I know. You’ll get through.” Mahina kong tinapik ang likod niya. “You’ll get through. Hindi na yan masakit bukas.”

Chapter 6

“Did you know that the biggest star is not the sun?”

Kinagatan ko ang double cheesebuger ko at tumingin sa ibaba ng Metro Manila kung saan nagpapanggap ang mga bahay sa ibaba na parang stars dahil sa mapusyaw na liwanag nito. Nakakatuwang tingnan.

“I heard of that.” Uminom si Boss Pogi sa kanyang softdrinks. Tiningnan niya pa ang baso ng fastfood at nagkibit balikat. Umalis kami sa party nang hindi man lang nakakain kaya nag-drive thru kami sa isang fastfood. Hindi niya pa nga iyon gusto pero sarado na ang karamihan sa establishments at sinabi kong mamamatay na talaga ako sa gutom kapag hindi pa kami kumain.

“The monster is named VY Canis Majoris. It is 1,800 times bigger than the sun.”

“Amazing.” Umangat ang gilid ng labi niya at kinuha ang softdrinks ko mula sa kamay at ininuman din iyon.

“Hey! Akin yan!” Reklamo ko.

“Tss, you shouldn’t eat much. This is bad for you. Do you know how many calories a double cheeseburger has?”

Tinakpan ko ang tainga ko pero narinig ko pa din ang boses niya.

“Six hundred fifty, and this Coke?” Wika niya.

I rolled my eyes. “Mas madami kang kinain na fries kaysa sa akin, inagawan mo pa ako ng Coke.”

“I will workout tomorrow.”

“At ako hindi?”

“You workout? Hindi halata huh.”

“I do triathlon. Kung hindi mo pinasakit ang paa ko ngayon gabi, malamang tumakbo ako bukas.”

“Sorry.” He really looks apologetic.

“Okay lang, ito naman. Hindi bagay sayo ang mag-sorry. Sana mas gumaan ang loob mo na nasamahan kita.”

“Yes, thanks to you. But we are still not friends.” Huminga siya ng malalim at ngumiti.

“Ayoko din naman maging kaibigan ka. Paanong may nakatagal sayo ng pitong taon?”

“That’s very nosy of you but to answer your question, Margaux and I have so many things in common.”

“Dominante din siya at mayabang?”

“Well, on our terms that is being focused and confident.”

“Parang hindi naman.”

Madami pa kaming napag-usapan. Matiyagang nakinig si Boss Pogi sa theories ko about space kahit unang beses niyang narinig ang dark energy at dark matter. Inamin niya na ang tanging darkness na alam niya ay ang gabi at pagpikit ng mata. Kahit papaano ay iginalang naman niya ang passion ko sa universe and stars. Hindi namin namalayan ang oras habang nag-uusap kaya madaling araw na nang maihatid niya ako sa bahay.

“Here’s your payment.” Nang pagbuksan ako ni Boss Pogi ng sasakyan ay iniabot niya sa akin ang isang sobra.

Ngumiti ako at itinulak iyon pabalik. “Hindi na, trabaho ko naman na i-assist ka. Isasaoli ko na rin lang ang lahat ng isinuot ko sa Lunes.”

“No, Calla. This isn’t part of your job. And this is what I promised.”

“Kailangan mo ng kasama at kusa kitang sinamahan. Saka gusto ko naman iyong maalala mo ang kabutihan ko sa iyo para hindi naman puro kasamaan ang ibahagi mo sa akin.”

Mahina siyang natawa. “Keep the dress then. I will be more comfortable that way.”

“Pupwede ko bang ibenta?” Biro ko.

“I will be happy if you won’t. Bagay sayo. You look great.”

Nag-init ang pisngi ko. “Gustong-gusto ko iyang pambobola mo. Sige na, Boss Pogi. Umuwi ka na. Ingat sa pag-drive. See you on Monday.”

He smiled and waved at me before hopping in his car.

Nananaginip pa akong nasa gitna ng meteor shower at tinatakasan ang bumabagsak na meteor sa lupa nang mag-ring ang cellphone ko.

“Hello?”

“Ang tanghali mong gumising!”

Napatakip ako ng unan at nanatiling nakapikit.

“I’ve been calling you for ages.”

“Boss Pogi naman, wala bang ibang spiel ang ‘hello’ mo? Ano yon?” Bumangon ako at dumiretso sa banyo for my morning routine. I flushed the toilet and I forgot being on the phone. “Oops.” I smiled.

“Ah! That’s gross.” Iritado niyang sabi.

“Arte! Mas kadiri yun kung hindi ako nagflush.”

Lumabas ako ng kuwarto at nakita doon si Clover, nakahiga sa sofa at palipat lipat ng channel sa TV. Weekends, finally! Sobrang stressful ang buong Linggo ko kay Boss Pogi, imagine acting as his date last night? It made everything worse.

“Pero hindi mo kailangang iparinig sakin di ba? What are you?”

“Tao.” Kumuha ako ng mug at nagsalin ng mainit na tubig doon pagkatapos ay powdered chocolate naman. “Chill! Ang aga aga puro ka reklamo. Nagsimula sa tanghali ako gumising, nagflush ako ng toilet, ayoko na magsalita kasi for sure yung susunod na lalabas sa bibig ko, ikakairita mo ulit.” Umirap ako at sumimsim ng hot chocolate.

“Ang pilosopo mo!”

“Sinasabi ko na nga ba. Good morning, Boss Pogi!” Malambing kong wika baka sakaling mawala ang init ng ulo.

“Just Lorcan, okay.”

“Okay Lorcan, what is it?” mahinahon kong tanong.

“Andito ako sa labas ng bahay nyo.” Halos pabulong nyang sabi.

Napaso ako sa iniinom at di napigilan ang pag-samid. “Anong ginagawa mo diyan? I should review my contract to check kung kasama ba ang weekends sa trabaho ko.”

“You are not going to work. Come on, pagbuksan mo na ako.”

Lumapit muna ako sa bintana para tiyakin na hindi ako pinag-ti-tripan ng amo ko. Hinawi ko ang pink naming kurtina para kumpirmahin. And there he is! His 6-foot tall GQ ready body in a casual attire, jeans and white polo shirt but still mouthwatering, nakahalukipkip doon sa dark blue niyang BMW.

Nagtama ang mga mata namin, tumaas ang kanyang kilay. Wala sa sariling kinapa ang mukha para sa ano mang bakas ng pagkakahimbing o bakat ng unan. Nang madamang wala naman, binuksan ko ang pinto at hinarap siya.

“Naligo ka na ba?”

I smelled my armpits, “Hindi pa, naamoy mo ako?”

He chuckled. “From here? Yeah.”, his sexy Asian orbs looked at me. Napailing siya.

Huminto ako sa pag-hakbang. “Hindi pa din ako nagsesepilyo, Boss—”

“Lorcan, can you just practice calling me just Lorcan? Not sir, not Sir Lorcan, not Bossing..”

“Okay po, Boss Pogi..”

“Even that.” Tinuro nya ang bibig ko.

“Ano naman ang nakain mo? Ayaw mo nang nirerespeto ka?”

“I have a proposal to make. Can I come in?”

“Mabaho ako.” Mas lalo kong naramdaman iyon dahil ang amoy niya ay halos umabot sa kinatatayuan ko kahit mahigit isang dipa pa ang pagitan. The familiar fresh from the shower scent, earthy with a muted mint and everything Lorcan Adam Alcantara filled my nosetrils.

“I guess I need to deal with it.” Lumapit siya sa maliit na gate at saka inabot ang metal lever doon para i-unlock, pinapasok na niya ang kanyang sarili.

Nagpatiuna ako sa pag-pasok ng bahay. Doon kami sa kusina nag-tungo at umupo siya sa aisle ng lamesa at ako naman ay sa kaliwang gilid niya. “Choco drink? Pandesal?” I asked.

Kahit hindi pa siya sumasagot ay ipinaghanda ko siya, tinanggap niya iyon at nakatitig pa siya sa akin nang inumin iyon. Inintay ko lang na matapos ang pag-inom niya at ang pag-baba ng tasa.

“Anong proposal?”

“I was never opened with my life.”

“It figures.”

“But you know my secret already.”

“Ano yun?” Sumubo akong muli ng tinapay at ganoon din siya.

“I haven’t moved on!”

“Well…” Nagkibit balikat ako.

“I need you.”

“Ay teka, teka.” Pinagpag ko ang kalat mula sa pandesal sa aking kamay at saka uminom ng hot chocolate. “Alam ko yan. Naku ayoko.”

“What do you know?” He asked

“You want me to be your rebound girlfriend.” Maarte kong pinaikot ang mga mata ko, “Like, I know. I am beautiful and I meet your standards and all but no. Ayokong masaktan kasi baka ma-fall lang ako sa huli tapos hindi mo ako seseryosohin.” Seryoso pa ako sa pag-lilitanya nang tumawa nang malakas si Lorcan. Tears almost fell on his eyes. Napanguso ako.

“Goodness! I am not asking you to be my girlfriend for real.”

“Hindi?” Natigilan ako.

“No. A faux girlfriend.”

“Faux? Magsisinungaling tayong dalawa?”

“It is with pay.”

“Binibili mo ako?”

“This is a job I am offering, although I must admit, a very odd one.” Uminom muli siya sa kanyang tasa.

“This is like a poorly written script, Lorcan. Isa pa, isang linggo pa lang tayo magkakilala. Hindi mo man lang ba tatanungin kung anong relationship status ko?”

“In a girl relationship?”

I rolled my eyes, “Alam mo, kakambal ko yung nakita mo noon.”

He smiled, “I know. You both have gray eyes, she has long hair but everything’s almost the same. Except for the way your eyes flickered in annoyance and you wrinkle your nose when you are fuming mad. That’s cute, actually.”

“Kung binobola mo ako para pumayag ako, itigil mo na kasi umeepekto.” Sumimangot ako.

“Hear me out first, okay. It’s been a year since Margaux and I broke up, I’ve been sleeping around, dating random girls and I realized, it didn’t look good.”

“Hindi ka pa nagkakasakit?”

“I am clean.” Kumagat siya ng kanyang pandesal at ganon din ang ginawa ko, magkadikit na halos ang mga tuhod namin dahil sa pagkakalapit ng upuan, “The thing is, I look like a loser and I don’t want that. I need to show the world that I am okay and you know what, the first time that I felt okay after our break up was with you beside me.”

Malapad akong ngumisi, “Aww. I am flattered.”

“Don’t be. I know, it would worked the same with somebody else pero eto ka na. Half of my business ties were at the party last night and they saw you. I did not introduce you as a date but as my girl. If I will introduce somebody else after you, they will think that we only had a casual hook up.”

“I am not the hook up type!”

“Alam ko, kaya nga I am offering you this job to act as my serious girlfriend to bring back my intergrity inside my social circle.”

Saglit akong nag-isip at sinipat ang pagmumukha ni Lorcan. He looks nice, actually. Masungit lang talaga kapag may topak siya which is everyday but I can deal with that. Wala naman siyang tendency na manakal o mambato ng gamit. He even looked vulnerable last night. Nakakaawa din siya nang ibulong niya sa akin na nasasaktan siya. Tumaas ang kilay ko. He made puppy eyes and everything looked better with that gaze!

“Papayag ako, pero..”

Tumango si Lorcan, inintay ang susunod kong sasabihin.

“Hindi ako tatanggap ng bayad dahil ayoko ng pakiramdam. Let me do this as Mother Theresa would do as her love for the poor. Madadagdagan lang ang guilt ko kapag may perang involve. I will date you in public, use my name as much as you want but that is limited to my body. Don’t you dare touch my body parts except for my hands, shoulders and waist. Kissing, sa cheeks at forehead lang. Wag kang aabuso, alam kong mapusok ka dahil nakikita ko sa mga mata mo pero wag na wag kang magtatangka.”

Sinubukan niyang pigilan ang masigabong tawa pero kusa na namang lumabas iyon.

His laugh sounded like a masonry drill, it echoed to the whole house. “I won’t. You are pretty but not my type, you know.” Minuwestra niya ang kamay niya at gumawa ng parang bilog doon, bumagsak ang tingin ko sa aking dibdib at nanliit ang mga mata.

“Bastos!” I squealed He snickered again. Mas nainsulto ako sa paraan ng kanyang tawa. Naubos ang mga mata niya at tumaas baba ang dibdib niya.

So this is Mr. Alcantara, unguarded and raw.

“Thanks, Love.” Wika niya pagkatapos ng mahabang pag-tawa. Umiwas ako ng tingin ng maramdaman ang pag-iinit ng pisngi.

“Welcome.” I said softly.

Chapter 7

“I want to bring you to a movie.” Pagkatapos naming ligpitin ang pinagkainan namin ay nakatunganga kaming dalawa sa sofa at pinapanood ang National Geographic about Antennae Galaxies.

“Anong movie?” Without leaving my eyes on the tube, I asked.

“Advance screening of a Hollywood film, Margaux was one of the writers, so—” 

“So?” Tiningnan ko siya at tinaasan ng kilay.

“We have to see that.” Sabi nya pagkatapos magbuga ng marahas na hangin.

Pinanliitan ko siya ng mga mata, “We?”

“You are my girlfriend, right?”

“Ano ba ang goal mo? Ang mag-mukhang naka-move on para sa Business colleagues mo o ang mukhang naka-move on na para maistalk mo si Margaux anytime you want?”

“I am not stalking!” Depensa niya kasabay ng pag-ikot ng mata. Pabagsak siyang sumandal sa sofa at nakasimangot na humarap sa TV.

“Kung totoong girlfriend mo ako, masasaktan akong makita na natataranta ka pa din kapag merong mga event na mahalaga sa Ex mo.” Pag-didiin ko.

“That’s why I don’t have a girlfriend and why I have you, right? Because I am not ready. I told you that already. Sinabi mo din na ayos lang masaktan.”

“Ayos lang na masaktan pero hindi mo dapat kusang sinasaktan ang sarili mo. You can see her all that you want pero hindi na siya babalik sayo.”

Malungkot niya akong tiningnan. He sighed. “I guess you are right.”

Tila nawalan siya ng gana sa pinanonood at nagbago agad ang kanyang mood.

Hindi din naman ako mapakali na makita siyang malungkot dahil ang first impression ko sa kanya ay isang lalaking masungit at makapangyarihan. Hindi ko alam kung may karapatan akong pumasok sa bahagi ng kanyang pagkatao pero kapag naiisip ko na hindi naman niya ako kakailanganin kung hindi talaga mahalaga sa kanya ang image niya, gusto kong tulungan siya.

Pero bakit ako?

Siguro sa sama ng ugali niya, all these years wala siyang naging kaibigan at kung meron man, niloko pa siya kaya ako ang nakikita niya ngayon.

“You know what? Fine. Let’s show the world that you are okay.”

Nilingon ako ni Lorcan at unti-unting lumabas ang magaganda niyang ngiti. His smile could melt anyone’s heart. His eyes went smaller like a smiling puppy, his teeth are pearly white. How can you say ‘No’ to this ball of cuteness?

“I brought you a dress, it is in the car.”

I rolled my eyes heavenwards, “Pinlano mo to!”

“I am just confident that you will say Yes.”

Now, I feel like a push over. Hindi man lang siya nahirapan na kumbinsehin ako at napatunayan niyang no one can get away with his charm.

Mabilis lang akong naghanda. Tinulungan ako ni Clover sa pagpapatuyo ng buhok ko at sa manipis na makeup.

Isang pleated sunny yellow skater skirt paired with lacey taupe off shoulder long sleeves ang bitbit ni Lorcan para sa akin. Gold ballet flats naman para sa mga paa.

“You look classy.” Inayos ni Clover ang buhok ko at tinulungan ako sa pagkakabit ng swarovski stud earrings na kasama din doon sa damit.

“Do I look trashy to you?”

Tumawa ang kakambal ko, “Ikaw lang naman eh. Ayaw mong mag-ayos. Kahit naman noon na meron tayong pambili ng mga ganito, hindi ka magsusuot nito. I am wondering what did Mr. Alcantara do to you?” Malisyosa niya akong tiningnan. Nagpamaywang ako at sinamaan siya ng tingin.

“Wala. Tinutulungan ko lang yung tao.”

Inabot ko ang cream colored sling pouch na ipinahiram ni Clover at isinukbit iyon sa balikat ko.

“Bye, Clover!” Bago pa siya makasagot ay sinarhan ko na ang pinto.

Naabutan kong matiyagang nag-iintay si Lorcan doon sa sofa. Nakapangalumbaba siya sa TV at nanunuod pa din ng National Geographic.

Nag-angat siya ng tingin sa akin, kumunot ang kanyang noo at saka mabagal na tumayo sa upuan.

“You really do have a way to surprise me. You look pretty.”

“I know.” Para itago ang pamumula ng mukha ay sinakyan ko na lang siya.

“A pretty boy.” Dugtong niya. Napawi ang ngiti ko. I threw my hands over my chest and raised a brow at him.

“Masyado kang kumportable na pikunin ako.”

He blunt a sexy laugh, “Nagkaboyfriend ka na ba?” His jawline moved to supress laughter.

“Hindi pa.”

“How about a girlfriend?” Malakas siyang natawa pagkatapos non. Kumunot na ang noo ko ng husto.

“Kung ipagpapatuloy mo yan, hindi na kita sasamahan.” Matabang kong sabi.

Naiwan na lang ang masayang ngiti niya sa labi at mabagal na nag-lakad papalapit sa akin. Humawak siya sa magkabilang siko ko. My arms looks small in his hands. His caramel eyes gently gazed at me.

“Wala ka bang salamin kanina?”

“Kung punchline ulit yan, Boss Pogi—”

“Maganda ka.”

For a split second, naiwan lang akong nakatunganga sa mukha niyang nakangiti din ang mga mata. It is easy to see, maliit ang mga mata niya. Kaunting pagkilos lang ay hindi maitatago non ang bawat nararamdaman niya. Ang puso ko ay biglang bumilis ang pag-tibok, bumangon pati ang maliit na paru-paro sa tiyan.

Wala sa sariling sinampal ko ang mukha ko at napalakas iyon.

“Aray..”

“Hey.” Inabot ni Lorcan ang pinsgi ko at marahan iyong hinaplos. “Bakit mo sinampal ang sarili mo?”

“Para akong mahihimatay.” Pag-sasabi ko ng totoo.

Tumawa muli si Lorcan, “Kinikilig ang tawag diyan.”

Sumimangot ako. “Hindi ka pupwedeng pa-fall.”

“Hindi naman ah.”

“Wag kang lalapit. Do not underestimate your charm. Bawal payummy.”

“Alright, alright. Noted.”


Sa isang eleganteng mall kami nag-punta. Wala masyadong mall goers dahil maaga pa. At dahil masyado pa din kaming maaga para sa 3’o clock screening ay inaya ako ni Lorcan na mananghalian muna.

He opted for an Italian cuisine. The soft music and the lavender walls made the restaurant look dainty and romantic. Nag-tungo kami sa pinakasulok at natatakpan ng wall divison na gawa sa kahoy na nakalilok. Dahil siguro napansin niyang maraming mata ang napunta sa kanya nang dumating kami kaya bahagya siyang nailang. Kahit ako ay mapapatingin sa kanya kahit hindi ko kilala. He’s obviously tall and lean, he’s a magnet of attention even he’s not asking for it. Idagdag pa na laman siya ng mga Business magazines na siya ang cover, nakita ko iyon sa Nemesis.

“Good afternoon, Sir and Ma’am, may I take your orders?”

Tumingin sa akin ang waitress na masiglang nakangiti at hindi na ako nag-paligoy ligoy pa, “Four cheese pizza and meatballs with spaghetti.”

Pinanliitan ako ni Lorcan ng mata, “Don’t eat too much.”

“Aww, nakakalungkot, tinitipid ako ng boyfriend ko.” Lumabi ako, natawa ang waitress sa akin.

“Do you know the calories—”

Tinakpan ko ang tainga ko, “Not interested.”

“And yet I watched your astronomy sh*ts.”

Pinanliitan ko siya ng mga mata, “Sige makikinig ako kung ilan ang calories ng lahat ng kinakain ko pero hindi ibig sabihin non hindi ko kakainin. It is still up to me.”

“Ang cute niyo naman po.” Di napigilan ng waitress na magkomento sa amin, “Ang saya niyo pong tingnan.”

Nag-paste ako ng ngiti, “Ikaw pa lang ang nagsasabi niyan.”

Napapailing si Lorcan na ibinaba ang menu, “I’ll have Chicken Kiev with Apples and walnuts salad. Thank you.”

“Ako pa pala, strawberry gelatto din.”

“Calla.”

“Pero gusto ko ng ice cream.” Sumimangot ako.

“Fine, she’ll have an ice cream.” Napabuntong hininga siya doon sa waitress na matamis na ngumiti.

Nang dumating na ang mga pagkain namin, sinimulan ko ang pagkain ng gelatto.

“Did you know that desserts should come last?”

“Narinig ko nga. Pero kapag inuna ko ang ibang mga pagkain, mabubusog na ako at hindi na ako kakain nito. Hindi ko matitikman.”

“Weird.” Sumubo siya ng pagkain niya.

“May mga artista ba don sa screening?” Kinikilig na tanong ko.

“I warned you about not doing anything funny.”

“Magpapapicture lang naman ako kay Papa P. Idol ko kasi yun!”

“Calla, I am warning you..” Lumiit ang mga mata niya. Napahagikgik ako sa paraan ng pagkapikon niya.

“Fine, ilang taon ka na lang?”

“29. You?”

“22. Ang tanda mo na pala ’no?”

“Mukha ka lang palang matanda ’no?” He retorted. I wrinkled my nose and he chuckled.

“May mga kapatid ka?” I asked while chomping on fresh stawberries on my gelatto.

“Wala. Only son of Rodrigo Montebello Alcantara the third and Aleana Adriatico Alcantara but I grew up with my Abuela, Dona Serafina Alcantara. You?”

“Isa lang ang kapatid ko, si Clover.”

“Parents?” Ginulo ni Lorcan ang salad sa kanyang plato.

“Dead.”

Natigilan siya at nag-angat ng tingin. “I am sorry.”

Umiling ako, “Don’t be. Matagal na yon. Bus Accident papuntang Mountain Province. Simula non kaming dalawa na lang ng kakambal ko.”

“You must been missng them badly.”

Tumango ako, “Sabi ni Mama, kapag namamatay daw ang mga tao, ginagawa silang stars ni God kaya lang sa dami ng bituin sa langit, hindi ko alam kung saan sila ni Papa.” Malungkot akong ngumiti, “Hindi ko pa nga nakikita ang lahat ng constellations.”

Nakatitig lang sa akin si Lorcan. I realized that I look stupid. “Mukhang tanga ’no. Of course they will be Angels, not stars.” Pinagtawanan ko ang sarili pero walang kangiti ngiti si Lorcan na nakatitig sa akin.

“You can believe whatever you want to believe, Calla. No one has came back from death after all.”

Tumango ako. Kahit naman masungit si Lorcan ay madami talagang puntos ang sinasabi niya. He’s also sensitive enough to acknowledge my beliefs, ilang beses na ba akong pinagtawanan dahil naniniwala akong naging bituin sila Mama, kahit si Clover ay pinagtatawanan lang ako.

Pagkatapos naming kumain at mag-discuss ng basic personal information ay nag-lakad na kami patungo sa cinema. Naramdaman ko ang pag-hawak ni Lorcan sa kamay ko, hindi na ako tumutol doon.

Pumasok kami sa madilim na bahagi ng mall, natanawan ko na ang isang parte doon kung saan merong naka-set up na red carpet at mga maliliwanag na ilaw. Formal guys in suits and women in dresses walked around small cocktail tables set up in front. Marami ding foreigner doon.

“Lorcan!”

Napalingon kami sa tumawag kay Lorcan na mula doon sa bahagi ng mga lamesa. A tall, gorgeous man with a pair of deep-set faded brown eyes walked beaming at us. He’s wearing a dark blue polo and jeans. Ang kanyang mga braso ay halos mag-siksikan doon sa manggas ng suot niyang shirt. His skin tone is a washed out tan. Dios Mio, Marimar ! He’s the telenovela hero type!

“Ashton!” Ngumiti ang katabi ko. They high-fived and pulled each other to a man’s hug and now, there’s Lorcan, the supporting lead of the Telenovela.

“I haven’t seen you in Cyrus’ engagement party.”

“That is why I am here. Yesterday was my cousin’s wedding, remember Joaquin?” Ngumiti si Ashton at nabuo ang paniniwala kong mas nababagay siya sa Hollywood kaysa dito sa local cinema. Baka sakaling meron nang sumunod sa yapak ni Cesar Montano na Pilipinong nag-bida sa isang Hollywood Film. Si Lorcan naman ay papasa bilang side-kick niya, yung tatamaan ng bala imbes na ang bida.

“Yeah, tied the knot already, huh? By the way,” hinila ako ni Lorcan papalapit sa kanya, “This is my girlfriend, Calla. And Calla, this is Ashton, he’s a good friend and a business partner.”

My eyes went dreamy until I felt a nudge on my ribcage. Ngumiti akong mabuti at inilahad ang kamay kay Ashton.

“Hi, nice to meet you!” Pinigilan ko ang sobra sobrang pag-hanga. Para akong mauubusan ng oxygen nang maglapat ang aming kamay. Mabait na ngumiti sa akin ang lalaki. And that’s it, I am smitten.

“Love?” Malambing na tawag sa akin ni Lorcan, nag-angat ako ng tingin sa kanya at pinanliitan ako ng mga mata. “Umayos ka.” He mouthed on my forehead.

Nagkaroon ng maliit na ingay. Napalingon kami doon sa mock up stage na katabi ng entrada ng cinema, nag-flash doon ang mga camera ng mga palagay ko ay mula sa media nang may dumating na mga foreign looking na cast ng pelikula. May mga katanungang ibinuhos na magiliw na isinagot ng mga artista. Nang umalis ang mga foreigners doon ay napalitan iyon ng pamilyar na babae. Ang dahilan kung bakit kami narito ngayon.

Mabibigat ang tingin ni Lorcan na dumako doon. Hindi pa din maitatanggi ang pag-hanga sa paraan ng kanyang pag-lunok. She’s rocking a small red tube dress and her signature red lipstick. Masaya siyang nakikipag-usap sa press habang magkakabit ang mga braso nila ni Cyrus. Napatingin ako kay Lorcan at kitang kita ko ang lungkot niya.

‘Uy, si Mr. Alcantara yan, hindi ba?’

Napalingon ako doon sa nag-salita. Isang malaki ang tyan na lalaki ang lumapit sa aming direksyon, nakasunod sa kanya ang isang cameraman.

“Mr. Alcantara, we don’t expect you to be here! What do you feel about the success of your ex-girlfriend?” Tanong sa kanya ng lalaki. Napaatras si Lorcan pero marahan kong pinisil ang kamay niya. Tumingin siya sa akin at tumango ako.

“Im happy for her. She’s always been a friend.” Ngumiti ng tipid si Lorcan at hinila ang kamay ko. Humakbang kami ng isa pero muli kaming hinarang ng reporter na merong lapel microphone sa kamay. Mas itinutok niya pa iyon ka Lorcan.

“But you were the bridge of her success right? Because of her local exposure, napansin siya sa Hollywood scene.”

“You know what, Margaux is really a talented lady, so wherever she is right now, it’s all because of her hardwork. Thank you.” Mas naging malalaki ang hakbang ni Lorcan na hinihila ako papalayo pero parang gagamba sa bilis ang reporter nang maharang kaming muli sa ikatlong pagkakataon.

“And who is she?” Nakataas pa ang kilay ng chismosong reporter na nakatitig sa magkahawak naming mga kamay.

Humugot muna ng malalim na hinga si Lorcan bago sumagot, “My girlfriend.”

Nalaglag ang panga at nakapormang “O” ang bibig nang reporter sa narinig na kumpirmasyon galing kay Lorcan.

“MAY GIRLFRIEND NA SI LORCAN ALCANTARA?” Sigaw nya na sya namang nakatawag ng pansin ng mga reporters, tumakbo sila papalapit sa amin at wala na halos natira sa pwesto ni Margaux at Cyrus. Sunod sunod ang pagclick sa aming dalawa kaya yumuko ako at nagtago sa likod ni Lorcan.

“Wah—Wait, she is a very private person and we are not here to talk about my lovelife, right? So just let her be. I am not a celebrity too.” Tatawa tawang harang ni Lorcan sa mga reporters. It seems nothing, he’s so natural and happy, samantalang ako ay binalot ng hiya sa katawan.

“What’s so special about her?” Tanong ng isang babae mula sa lupon ng mga press.

“Special?” Inakbayan ako ni Lorcan pagkatapos ay ikinulong sa mahigpit na yakap, itinago ang mukha ko sa kanyang dibdib.

“Everything. This girl is a mix of everything.”

Chapter 8

“So you are off the market now?” Tanong ng babaeng reporter kay Lorcan habang nanatili ako sa kanyang dibdib at nag-tatago.

“I found the best already, I am not in search for anyone, anymore.” Pinal niyang sabi.

Ang mga reporters ay umungol ng may panghihinayang.

“Come on, we also have Ashton Jacinto right there and even Leigh Vladimir Montebello. They are still there, waiting to meet you.”

“Pero sa iyo ang pinaka’juicy’ because of Margaux’s recent engagement. When in fact, last year, you two were the hottest item when you proposed. That was the grandest and the sweetest proposal of the year, at nag-yes sya.” Usisa muli ng bading na malaki ang tyan. Nag-angat ako ng tingin at sinilip si Lorcan. Humalakhak siya na hindi umabot ang ngiti sa mga mata.

“Balato nyo na sa akin ’to okay? You are making my girlfriend uncomfortable. Please write about the movie instead of my lovelife.” Yun lang at lumayo na kami.

The cinema security were kind enough to allow us to enter the cinema kahit hindi pa iyon ang oras. Iniiwas kami sa mga mapagmatiyag na mga mediaman o para maifocus na din ang atensyon ng press doon sa pelikula. Kung ano man ang dahilan, ipinagpasalamat ko iyon.

Umakyat kami sa pinakatuktok, sa pinakasulok ng sinehan. Lorcan’s lips were pressed into a thin line. Ang kanyang sigla at saya kanina nang humarap sa press ay kumupas agad. Bumuntong hininga ako.

“Ikaw naman kasi..”

“What?” He hissed.

“Dapat kasi hindi na tayo nagpunta dito, napagpiyestahan ka pa tuloy ng media.”

Nagpangalumbaba siya at mas lalong lumalim ang pag-simangot.

“They’ll call me a loser kung wala ako dito.”

“Mas gusto mo ba yung nang-agaw ka ng limelight?”

“You know what, it is the nature of people. They will talk about everyone. I need to dance with the music at hindi na din nila ako pag-uusapan. It will die a natural death.”

“Sana yung feelings mo din.” I snorted.

“One week pa lang kitang kilala pero ang dami mo nang nasasabi sa buhay ko.”

“One week pa lang kitang kilala pero naging tayo na.”

“Come on, you know its fake.”

“Kahit pa. Since involve na din ako sa buhay mo, I think I can say whatever I want to say.”

“What else do you want to say?” Nag-sisimula nang pumasok ang mga tao sa loob ng sinehan pero hindi pa din kami tapos sa pagdidiskusyon.

“Na gwapo ka, matalino, mayaman, hindi ka nga lang masyadong mabait.” Tiningnan niya ako ng masama dahil doon, “At deserve mong maging masaya kagaya ng lahat ng tao sa mundo. Kung yung mga stars nga, kapag namamatay, makinang pa din at paikot ikot lang sila sa galaxy. You should be like that, tuloy tuloy lang.”

“I cannot just give up the love I’ve known for almost half of my life.” His voice was raspy and serious. Wala akong naisagot doon.

Margaux is so lucky to have this type of love. This is the love that I want to learn. He doesn’t give up his love because that’s his life. Intense and fragile. Madaling masaktan at makasakit. A pure love. Sa sobrang puro non ay halos sumakit ang puso ko na hindi ko maipaliwanag.

The movie rolled in no time and we stayed quiet. Niyakap ko ang sarili dahil sa lamig nang napuwestuhan namin. Lorcan extended his arms to my shoulders and pulled me closer to his chest.

“I should have brought a jacket.” Bulong niya sa ibabaw ng aking ulo.

His body heat feels better than any jacket, it is warm, solid and the scent is addicting. I settled for it like there’ll be no other better place.

Until I felt gentle tap on my shoulder. Nang magmulat ako ay tahimik na ang paligid at wala ng tao. Napatayo ako bigla.

“Tapos na?” Nanghihinayang na tanong ko. May multo ng ngiti sa labi ni Lorcan at napailing.

“You look tired. I didn’t wake you up.”

“Pero hindi ko napanood. Maganda ba?”

“Hindi ko naintindihan kasi humihilik ka.”

“Hindi nga?”

Mahina siyang natawa, “Gullible. Let’s go, may pupuntahan pa tayo.”


Nag-drive si Lorcan patungo kung saan. Mahaba ang naging byahe dahil sa sobra-sobrang traffic. Nanood ako ng video sa cellphone ko para patayin ang inip at tuwing humihinto ang sasakyan ay nakikinood din siya.

“You really love the universe.” Komento niya nang makita ang panonood ko ng different phenomena sa galaxy. Tumango ako na hindi inaalis ang tingin sa screen.

“Just how you like plants and flowers.”

“I did not say anything about my love for the plants and flowers.”

“You love lilies and exotic indoor plants, not unless ang interior designer mo lang ang nag-lagay ng painting at mga halaman sa paligid, sabagay, hindi naman mailalagay ang mga iyon kung walang pahintulot mo. You even have a Hindu Rope plant in your pantry, Bromeliads, too. Rare tropical plants with special handling technique. I can tell, you love them.”

“Wow, you know a lot.” Tiningnan niya ako gamit ang gilid ng mga mata nang may ngiti sa labi.

Mayabang akong ngumiti, “I am named after—”

“Calla, a beautiful lily.”

“Si Clover naman, named after the cloverleaf, our mother was a sucker for plants. Sayang, magkakasundo sana kayo.” I uttered but I dismissed the thought.

“Sabagay, kung buhay pa sila ni Papa, hindi din siguro tayo magkakilala ngayon. Siguro, sinunod ko ang passion ko at nag-aral ng Physical Science. I’ll probably be at Johnson Space Center studying to be an astronaut.”

Mahina siyang natawa, “You believe about the stars and the universe but don’t you think that we are destined to meet? Tipong, stars collided that is why we are here. Like one way or the other, magkakasalubong tayo at mag-aaway?”

“Distances of stars are so vast that the collisions are really rare.” Turan ko.

“You know what I mean, it is a metaphor, Dork.”

Sumandal ako sa headrest ng sasakyan at pinanood ang dinaraanan.

“Pwede din. Pero matagal ang astronauts sa space so baka magkita tayo kapag bumalik ako sa Earth tapos ipinatapon na tayo ng mga anak natin sa Nursing Home kasi matanda na tayo at uugod-ugod na. We will probably be fighting about the best oatmeal brand or you will be a sneaky old man who will get my stock of Cola in my room.”

Napailing siya. “That’s crazy.”

Dumating kami sa Polaris. Isa iyong strip ng club at restaurance sa Fort Bonifacio, Taguig. Puno na iyon ng mga sasakyan at mga nag-lalakad na magkaibigan.

“My friends are waiting, I will introduce you to them.”

“Friends? Andyan si Ashton?” Hirit ko kay Lorcan nang patayin niya ang makina ng sasakyan.

“Are you crushing on my friend?”

“Masama?”

“Oo, girlfriend kita and that is being unfaithful.”

“Nagpapanggap lang naman tayo ’no.”

“I don’t want to give them a hint that we aren’t real. No unless you don’t really want to help me—”

Kinuha ko ang kamay ni Lorcan at inilagay sa pisngi ko. “Tatampo ka naman agad, Love. Parang si Ashton kasi ang mga tipo ko. Matangkad, deepset ang mga mata, medyo moreno at saka laging nakangiti. At etong sa atin naman, hindi naman ito totoo. Malay mo, kapag natapos na ito, pupwede na kami.”

“You are not his type.” Inagaw ni Lorcan ang kamay niya at nagmamadaling lumabas. Nagmadali din akong sundan siya.

“Basag trip naman to!”

Malalaki ang hakbang ko nang humabol sa aking amo. Isang club ang pinasukan namin na merong nag-lalakihang bouncer na nakatayo doon sa entrance. Sumaludo ito kay Lorcan na tipid silang tinanguan. The loud music pulsates on the floor, the smoke machine made my vision hazy. People dances on sensual motion as slow as the dull brillance embraced the whole place, the flashy beam lights helped us see the faces of the people chatting and making random noises while drinking.

Club aren’t my type, pero sa paraan nang pagbati kay Lorcan nang mga nandirito, palagay ko ay suki siya.

Kinuha ni Lorcan ang mga kamay ko na mukhang alam na alam kung saan kami pupunta kahit na sobrang dilim ng paligid. Huminto kami sa isang sulok kung saan merong malawak na couch at centertable.

“Hey!” Excited na tumayo ang tatlong babae at lumapit kay Lorcan na nabitiwan na ang kamay ko dahil tumalon pa ang tatlong babae at hinalikan siya sa pisngi.

Meron pang apat na lalaking naiwan sa couch at pamilyar sa akin ang dalawa, si Cyrus at si Ashton na parehas na nakangiti sa akin.

“Hi!” They both greeted, ngumiti ako at itinaas ang kamay ko nang maramdaman ko ang mabigat na pag-akbay sa akin ni Lorcan.

“So, Love, these are my friends, Yvonne, Natalie and Stella. Sancho, Jeff and you’ve met Cyrus and Ashton, right?”

Tumango ako sa kanya kahit makahulugan niya akong tiningnan nang ‘Don’t-do-anything-funny’ look niya. Tumango ako.

“Everyone, this is Calla, my girlfriend.”

Natigilan ang tatlong babae na lumapit kay Lorcan kanina. Hindi nakatakas sa akin ang pagtaas ng kilay noong Natalie.

Napapagitnaan kami nang mga kaibigan ni Lorcan, sa tabi ko ay si Cyrus at sa tabi naman ni Lorcan ay si Natalie. Hindi ako makasabay sa usapan nila tungkol sa mga kaibigan nila na hindi nakapunta ngayong gabo. Nanatili akong tahimik na nakaupo lang nang abutan ako ni Cyrus nang isang shot glass na may laman.

“Shot.” He did not ask but he demanded. Umiling ako, hindi naging kumportable sa pakikipagusap niya.

“Come on, I know you are still shy but give this few drinks a try and it will ease you.”

I feel like a human trying to lurked by the devil then finally, I gave in. Kinuha ko ang shotglass at mabilisang ininom iyon, gumuhit ang kakaibang init sa aking lalamunan, pinigil ang paglabas ng dila dahil sa sobrang pait nito.

“Kaya?” Kuminang ang mata ni Cyrus dahil pinagbigyan ko siya, nagkibit balikat ako para hindi ipakita na hindi nagustuhan hanggang sa hindi ko na mabilang kung nakailang shot na ako habang abala pa din si Lorcan sa pakikipagkwentuhan sa mga kaibigan niya.

Cyrus asked me questions kagaya nang kung saan kami nagkakilala ni Lorcan. Naging maingat ako sa impormasyon kagaya nang napag-usapan namin ni Lorcan.

“So you are his secretary, until now?”

Tumango ako.

“That’s hot.” May mapaglarong ngiti ang sumilay kay Cyrus, namumula na ang kanyang pisngi dala ng kalasingan.

“Excuse me, restroom lang ako.”

Bumaling ang tingin ko kay Lorcan na matamang nakikinig sa kuwento ni Ashton at ni Sancho. Bumaba ang tingin ko sa kanyang mga binti na pasimpleng hinahaplos ni Natalie. Napailing ako at hindi na nagpaalam sa kanya.

Mainit na ang pisngi ko habang hinahanap ang restroom. Kahit full-blast ang aircon sa buong club ay nakaramdam ako ng matinding init sa sikmura at katawan. Mabigat ang ulo ko at mas lalong nakakahilo ang ingay sa paligid. Nakipaggitgitan ako para mahanap ang banyo pero bago pa ako makarating doon ay may tumawag sa akin.

“Calla!” Beaming was an old college friend, Eros. Meron siyang bote ng beer sa kamay at lumakad siya papalapit sa akin. Kinuha niya ang braso ko at hinila patungo doon sa bar counter na pinakamalapit at pinaupo ako sa stool kaharap niya.

“Long time no see!” Humalakhak siya at mahigpit akong niyakap.

Wala pa ding nag-bago sa kanya, palagi siyang nakaporma na akala mo ay rarampa sa Fashion Show. Isa siyang ramp at commercial model at sikat na sikat siya noon sa University pero kami lang ni Clover ang naging kaibigan niya, dahil pare-parehas kaming working student na merong irregular schedule. He fixed his hoddie jacket after the hug.

“Graduate ka na ba?” Ngumiti ako sa kanya na ikinatawa niya ng husto.

“Hindi pa din nga. Nagagalit na sa akin si Dean, nagsasawa na sa pagmumukha ko pero isang taon na lang din naman.”

“Tapusin mo na.”

“Oo, kumusta ka na? Ang ganda mo ngayon ah!”

“Dati ba, pangit?”

“Mapagbiro ka pa din. Namiss ko yan. Hindi ka na sumasagot sa texts ko,”

Itinulak niya sa akin ang isang bote ng beer at malugod kong tinanggap iyon. “Naging busy pero mabuti naman,”

Hindi ko na naisipan balikan si Lorcan dahil hindi din naman niya ako napapansin. Nanatili ako sa puwesto ni Eros habang nakikihati ng inumin. Binalikan namin ang alaala namin nung college. Masaya pa kaming nagtatawanan nang may tumawag sa akin mula sa likuran.

“Calla!” Nalingunan ko si Lorcan na magkasalubong na naman ang mga kilay. Imbes na mag-alala at matakot ay natawa ako nang makita siya.

“Hi, Boss Pogi!” Tinakpan ko ang bibig ko at humagikgik, “Love pala.”

“Let’s go.” Hinila niya ang bote papalayo sa aking kamay pero hindi ko ibinigay iyon.

“Akin ’to.” Ngumuso ako.

“Bakit ka uminom?”

“Ikaw, bakit hindi mo ako pinapansin?” Ginaya ko ang tono ng boses niya at mas lalo siyang napasimangot.

“You are drunk. Can you still stand?”

“Oo naman. Ako na bahala dito. Kaibigan ko ’to. Si Eros. Saka gusto ko—”

Hindi ko pa tapos ang sasabihin nang umagat ang mga paa ko sa lupa at walang kahirap hirap akong naisampay ni Lorcan sa kanyang mga balikat.

“Ano ba? Baba mo ako!” I shouted. Walang lakas iyon dahil na rin sa ingay sa club.

“No!” Matigas na tanggi ng amo ko. Pumikit ako at nang makadilat, naramdaman ko na ang malamig na hangin sa labas at paghina nang maingay na tunog sa aking tainga.

“Lorcan, ang gaan ng ulo ko..” Tumatawang sabi ko.

Nagmadali niyang binuksan ang sasakyan niya at maingat akong ipinasok doon. Sumilip ako mula sa bintana at nanghihinang hinaplos ang salamin. Namamanhid ang pakiramdam ko.

“Hindi pa ako nag-babye kay Eros.” Ngumuso ako at sinamaan ng tingin si Lorcan.

“Ikaw!” Tinuro ko siya, “Ikaw ang may kasalanan!”

“Ako ba ang uminom?”

Ibinalik ko ang hintuturo ko sa sarili ko at saka pumikit.

“Nakakainip kasi yung kwentuhan ng mga mayayaman.” Bulong ko. “Stocks, business, deals..” Napakamot ako ng ulo. “Saka ano nga yun? Hedging? Ang sakit sa bangs.”

Naramdaman kong umandar ang sasakyan at bumukas ang bintana.

“What’s the brightest star in the universe?”

Ngumiti ako, “Sirius! Also known as the Dog Star. Doble ng solar system ang size niya.”

“So if it collides the Solar System, it will crash us?”

Umiling ako. “I don’t think so. During the Egyptian Times, Osiris, the God of Life, Death, Fertility and Rebirth was connected to Sirius. Sirius shouldn’t be bad to just die and kill the solar system.”

Hindi kumibo si Lorcan, pumikit ako at hinayaan ang sarili na mahulog sa antok.

“You have your own way of being beautiful.”

I am not sure if someone talked to my dream.

Chapter 9

Play.

I woke up midsleep. Ngumiti ako at muling pumikit pero nakarinig ako nang kaluskos sa paligid.

“Oh gising ka na pala.” Bumungad si Clover sa kuwarto ko kaya napamulat ako, kumuha siya ng lotion sa dresser ko at inilagay sa mga braso.

“Paano ako nakauwi?” kunot noong tanong ko habang unti unti akong umupo sa gilid ng kama at pilit inaalala ang nangyari kagabi pero bigo ako. Ang naalala ko ay ang paghilig ko sa bintana ng sasakyan ni Lorcan, that’s totally it.

“Buhat buhat ka ng boss mo.” May umalpas na nakakalokong ngiti sa kanyang mga labi, “Ang gwapo ni Mr. Alcantara. Habang buhat ka nga niya kagabi nang dalhin sa kuwarto mo, naimagine ko na ang pag-susumpaan niyo sa harap ng altar! Bagay kayo!”

Napakamot ako ng mukha, “Kami ni Lorcan—”

“Wow, first name basis!”

“Sabi niya Lorcan lang ang itawag ko!”

“Doon nagsisimula yan.” Kumindat kindat pa ito. Binato ko ng unan ang kakambal ko.

“Broken hearted yung tao, wag ka ngang ganyan.”

“Broken hearted? E bakit nagtagal sa kuwarto mo kagabi? Ano kaya ang ginawa?”

“Ha! Malamang sinermunan ako habang tulog. Napadami ang inom ko. Nakita ko kasi si Eros.”

Magtatanong pa sana ang kakambal ko nang mag-ring ang cellphone ko.

“Mabuti naman at gising ka na!” Mahina ang boses ni Lorcan sa kabilang linya pero nakikita ko na pasigaw sana iyon kung may chance.

“Ay, wala man lang ’ hello ’?”

“Puntahan mo ako sa bahay ko bilisan mo. Emergency.” Bulong nya sa kabilang linya.

“Huh? Anong emergency? Okay ka lang ba?” Binalot agad ako ng kaba. Hindi naman siguro siya tatawag ng linggo ng umaga kung hindi talaga emergency.

“Basta, girlfirend mode on. Kailangan ko ng girlfriend, punta ka dito. Ipinasundo na kita sa driver ko. You need to be here in 30 minutes.” May urgency sa boses niya kaya nang ibaba na niya ang telepono ay tumakbo na ako sa banyo para sa mabilisang ligo

Pilit akong sinundan ni Clover ng powder at liptint, pati ang buhok ko ay hinahabol niya ng plantsa.

“Ano ba Clover? Baka mamaya nakidnap na yung boss ko, minemakeupan mo pa ako.” Inis na sabi ko habang sinusuot ko ang maong shorts na tinernuhan ko ng cropped shirt at sneakers.

“No, haharap ka sa boss mo, kailangan laging maganda!”

Napailing ako at tumigil sandali para matuyo ang buhok, pagkatapos ay tumakbo na ako palabas kung saan naabutan ko ang isang itim na SUV at unipormadong driver sa labas nito. Pinagbuksan pa ako ng pinto at mabilis din siyang umupo sa driver seat pagkatapos.

“Kuya, ano po ang nangyari kay Lorcan?” Nang hindi makatiis ay nagtanong na din ako.

Sumilip si Kuya sa rearview mirror at tiningnan ako mula doon. “Hindi ko nga din alam Ma’am, basta nag-text lang po sa akin na sunduin kayo, hindi pa din lumalabas ng kwarto nya hanggang ngayon.”

Mas lalo akong nakaramdam ng kaba nang walang impormasyon ang kanyang driver.

Pumasok kami sa loob ng isang ekslusibong subdivision. Matataas ang mga gate sa bawat tahanan at wala kang masisilayan sa loob. Walang masyadong dumadaan sa kalsada kaya napagtanto kong boring ito kaya equally boring din ang amo ko. Huminto kami sa isang malaking gate na gawa sa kahoy, bumukas agad ito pagkatapat ng SUV na sinasakyan ko at pumasok ito doon.

Hindi ko mapigilan ang mamangha sa napakalawak na driveway ng mga Alcantara. Ang garden sa gitna ay masusing nakaayos at ang mga halaman ay hindi pangkaraniwan. Meron man made falls sa isang bahagi ng bakuran at ang matatayog na palm trees ay tila nakapila para bigyan ng lilim ang main entrance ng mansyon. Huminto ang sasakyan at ako na din ang nagbukas ng pinto.

Dali dali akong tumakbo papasok sa loob ng mansyon.

“Nasaan ang kuwarto ni Lorcan?” Nagmamadaling tanong ko sa mga nakasalubong kong kasambahay, nakaawang ang mga labi nila na itinuro ang silid na nasa ikalawang palapag. Dalawang baitang agad ang naapakan ko sa bawat mabibilis na hakbang.

Nang makarating na ako sa tamang kuwarto ay kumatok ako ng malalakas.

“Lorcan!”

Sinubukan kong pihitin ang doorknob at swerteng bumukas nga ito pero ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita si Lorcan sa kama at sa ibabaw niya ay si Natalie! The girl is only on her bra and panties!

I was in state of shock then the next thing I know is I am screaming! Hindi ko alam kung uunahin ko ba ang pagtatakip ng mga mata o ang pagtakbo. The image is so illicit. Tuwing nakakakita ako ng ganito sa mga romance movies ay nagtatakip pa ako

‘Girlfriend mode on’

Sa kabila ng lahat ay naalala ko ang sinabi ni Lorcan. Unti-unti akong dumilat at saka huminga ng malalim. 

“Walanghiya ka!” Tumakbo ako sa direksyon ni Natalie at hinila ang buhok niya. Bumaba ang katawan niya sa carpeted na sahig. Pilit niyang inalis ang kamay ko sa buhok niya pero dahil may sapi ako ng isang girlfriend , kinarir ko ang pagiging galit!

“Lorcan! Stop her!” Angil ni Natalie habang inaalis ang kamay ko.

“Lumayas ka dito! Isa kang ahas! Inahas mo ang boyfriend ko! Akala ko ba kaibigan ka lang? Ang kaibigan, hindi mang-aagaw! Ang kaibigan, hindi mangangabit! Ang kaibigan, hindi uupo sa kandungan na pag-aari ng iba!“Lumabas ang inner Maricel Soriano ko nang wala sa oras. Ramdam ko ang totoong galit at inis ng isang girlfriend o higit pa!

Nang makawala sa mga kamay ko si Natalie ay nagmamadali niyang kinuha ang mga gamit niya at lumabas na naka-bra at panty lang. 

“You’re crazy!” Angil pa ng babae nang makalabas sa pinto.

Hinihingal kong hinarap si Lorcan na nakatulala doon sa kama.

He got a kind of look that will stop any female and gay on their tracks. Soft and dishelved hair, a pair of caramel smoldering eyes, straight nose and almost perfectly contoured jaw. Hindi pa tumigil doon, his contoured chest muscles on shoulders and arms made you think how much time did God spent to make this beautiful creature.

“B-bakit kayo magkasama ni Natalie? Dito ba siya natulog? Gumawa ba kayo ng masama?” Napalunok ako.

Nagtangkang tumawa si Lorcan at saka napailing. Lumiit ang mga mata niya at in-extend ang kamay niya para lumapit ako sa kaniya. Lumunok muli ako pero parang may magnet ang mga paa ko na unti-unting humakbang papalapit at umupo doon sa kama niya.

“Nakakatakot ka palang maging girlfriend, ang liit liit mo pero ang warfreak.” He chuckled sexily.

Narealize ko na nakakahiya ang naging akto ko. Buti hindi ko nabalian ng buto si Natalie.

“Eh sabi mo ’girlfriend mode ’.” Paninisi ko. 

Bumuhos ang tawa ni Lorcan pagkakita sa reaksyon ko, hinampas ko siya sa braso pero namanhid lang ang kamay ko dahil sa tigas non. “I know! Sinugod mo siya. Ganon ka ba maging girlfriend?”

Ngumuso ako, “Ewan ko. Siguro! Syempre pag boyfriend ko gusto ko akin lang! Kasalanan kaya yung ginawa mo sa akin. Taksil ka! Bakit andito yung Natalie na yun?” nakapamewang kong tanong.

“Oh easy, wag kang ma-carried away. Natalie and I, we were FB.” Tumayo si Lorcan at kinuha ang robe nya na nakasampay sa sofa ng kwarto nya. I closed my eyes again. I know I am easily attracted with the best creature this world could offer pero hindi ko ata matatagalan kung naka-boxers lang ang nasa harapan ko.

“FB? Anong FB? Facebook?” Tanong ko habang nakapikit.

Humalakhak na naman si Lorcan. The sound that I think I could identify in a sea of laughter. Strong, crisp and very masculine.

“Anong FB? Friend Best? Friendly Best? Forever Best? Flashback? Fat Butt? Ano yon?” Tanong ko muli.

“Halika na nga. Kumain ka na ba?” Naramdaman ko ang init ng katawan ni Lorcan sa akin. Nang mag-mulat ako ay ngiting-ngiti siya. Umiwas ako ng tingin. Hinila niya ang kamay ko papalabas ng kanyang kuwarto.

Hindi ko napansin ang lawak ng hagdanan na dinaanan ko kanina nang umakyat ako. The grand staircase was made of wood with entricately sculpted angels on its pillars. Makintab ang bawat baitang. Sa palibot ng bahay ay mayroong iba’t ibang klaseng paintings, framed with silver and gold. The huge doors and windows boast the beautiful garden and backyard view.

Dumiretso kami sa dining hall. A long table with 12 chairs were formally positioned. Sa pinaka-aisle ay merong chimney na hindi ko alam kung ginawa para daanan ni Santa Claus dahil wala namang winter ang Pilipinas.

“My Abuela made that for me when I was a kid. Diyan ko iniintay si Santa Claus. Or sometimes, meron nang regalo diyan pagkagising ko sa umaga.”

“Ah, uto uto ka pala nung bata ka.” I whispered.

“At least nung bata lang ako. Eh ikaw?”

“Ha! All my assumptions about the universe are based on facts. Years of study in Science.”

“We don’t know if the Scientist were fooling us, wala pa namang nakakakita o nakakapag-verify ng mga sukat na sinasabi nila. Malay mo, bluff lang ang pictures para guluhin ang utak ng tao. During the ancient times, walang mapaglibangan ang tao kaya tumingin sila sa langit at gumawa ng intriguing facts para mapag-isipan din ng iba. Malay mo, flat talaga ang mundo—”

“Hey! Masyado nang malabo ang argument mo. Bilog ang mundo okay? Literally and figuratively.” Awat ko sa kanya. “You, yourself can even go back to square one. Kaya nga maraming hindi maka-move on dahil at some point, you will still meet the same people at the axis.”

“Kahit flat ang mundo magkikita pa din ang mga tao kapag gustong bumalik doon sa iniwasan.”

Natigilan ako at tumaas ang kilay. “Ikaw ba ang pinag-uusapan natin?” Umirap ako. Bumuntong hininga siya at umiwas ng tingin.

“Manang may breakfast na po?” Tanong ni Lorcan sa isang nakaunipormeng matandang babae na may salamin, nakatayo na pala iyon sa harapan namin at nakikinig sa pang-umagang diskusyon namin ng amo ko.

“That’s Manang Rose..” Turo ni Lorcan sa matanda na muling nag-angat ng tingin para ipakita ang kanyang mukha. “She’s Calla, Manang. My personal assistant.” Pakilala sa akin ni Lorcan, ngumiwi naman si Manang Rose na tila hindi naniniwala, kapagkuwa’y tumango muli sa akin at ngumiti ng tipid.

“Ipapakuha ko lang sa kusina ang pagkain.”

Pagbalik ni Manang Rose ay meron na siyang kasunod na tatlo pang kasambahay na may kani-kaniyang bitbit na pagkain. Hinila ni Lorcan ang upuan para sa akin at umupo ako doon.

“Ang dami namang nakahain, Lorcan!” Bulalas ko habang pinagmamasdan ang pag-baba ng pagkain sa hapag. Umupo naman siya sa tabi ko at nagkibit balikat.

I helped myself with the food. Hindi ako sanay sa heavy breakfast. Ang pagkain na nasa harapan ko ay pang-isang buwan na siguro naming budget ni Clover sa almusal. We mostly eat pandesal, oatmeal or cereals, anything simple and quick. Ngayon ay fiesta na para sa akin.

“Ang lakas mong kumain.” Puna sa akin ni Lorcan habang nilalantakan ko ang sausage.

“Eh kasi—” nag-aantay ako ng tyempo para makapagsalita dahil ngumunguya pa ako.

“Tsk, don’t talk when your mouth is full. Hindi ganyan ang type ni Lorcan Alcantara.” Masungit nyang sabi sa akin habang pinupunasan ang gilid ng bibig ko. Iniabot niya sa akin ang orange juice at ininom ko iyon para itulak ang pagkain.

Lumunok muna ako bago nagsalita, “Bakit? Type mo ba ako? Hindi yan ang napag-usapan natin. Wag kang lalagpas sa linya.”

He chuckled but didnt answer.

After a few more minutes, I couldn’t breathe properly. Halos pumutok na ang tiyan ko. Nag-inat ako at nakaramdam ng antok.

“Thanks Manang!” I chirped when I saw her passed the dining hall.

Mabait siyang ngumiti at tumango. Napansin ko naman na lahat ng mga kasambahay ay nakayuko lang habang nag-aabang sa amin sa gilid ng mesa.

“Mga Ate, kain na din kayo.”

Sabay sabay pa silang nag-angat ng tingin na parang nagulat at tumingin kay Lorcan. Hinampas ko ang kamay ni Lorcan, “Kakain na sila Ate. Kanina pa sila nandiyan.”

“Of course..” Tumayo si Lorcan at sumunod na din ako.

“Sige, Boss, salamat sa pakain, uwi na ako.” I muttered when I saw the main door.

“Uuwi ka na?” There’s a puzzled look on his face. Nanunuya akong ngumiti.

“Mamimiss mo ako agad?” Tanong ko. I catched him rolling his eyes at me. “Pupunta ako sa mall, bibili ng pang-opisina bago umuwi ng bahay.” I realized na wala akong restday dahil kasama ko ang amo ko buong linggo. However, being with him doesn’t feel work at all. I didn’t realize that it is fun to talk to someone anything under than sun. Feeling ko nga, nagkaroon ako bigla ng social life at si Lorcan ang social link ko.

“Can I come?” Pormal na tanong niya.

Sinukat ko siya ng tingin, ganon din ang kanyang ginawa. I sighed afterwards.

“Fine.”

Lumapad na naman ang ngiti ni Lorcan. There’s a kid’s glint on his eyes.

“I’ll be back in a few.”

Pinagkaabalahan ko ang pag-titig sa mga display na litrato nila Lorcan sa ibabaw ng grand piano nang iwanan niya ako sa living room. Most of the photos are black and white, some were sepia. Siguro ay ninuno pa ni Lorcan. Everyone has the same aura, power and dominance.

“Ayan si Lorcan ng maliit pa, at ang parents nya.” Itinuro ni Manang Rose ang isang family picture doon. Probably a couple in their mid-twenties together with a little boy and girl. Napangiti ako habang tinitingnan ang batang si Lorcan, he’s smiling naughtily, sa tabi niya ay isang batang babae at magkahawak sila ng kamay.

“Kapatid niya?” I asked, pointing my finger on the beautiful little girl, although naalala ko na nag-iisang anak lang naman si Lorcan.

“Ah, si Margaux yan, mga bata pa sila sa Davao. May plantation ang pamilya ni Lorcan doon.”

I nodded. Bata palang sila ay magkakilala na sila. Nauunawaan ko kung bakit ganoon na lang ang attachment ni Lorcan kay Margaux. May mga bagay na hindi madaling pakawalan. Investing time and emotion to someone is the most difficult to take away from the system. Ito ang mga nakasanayan mo na at doon ka pinaka naging masaya.

“Let’s go?” Nag-angat ako ng tingin kay Lorcan. He’s wearing a red polo shirt and a khaki shorts, a few meters away but his earthy and minty scent was caught by my nostrils.

“Bye, Manang Rose!” Kumaway pa ako nang hilahin ako ni Lorcan patungo sa kanilang main door kung saan nag-iintay ang kanyang sasakyan.

Nagpunta kami sa isang mall, dahil Sunday at maaga pa, wala pang gaanong tao. Hawak ni Lorcan ang kamay ko na hinihila kung saan. Hindi tuloy ako makapamili ng store na gusto kong puntahan. Huminto kami sa tapat ng isang botique na nakasarado ang pinto. Mukhang ekslusibo.

Isang matangkad na mestizang babae ang nakatayo doon sa counter ang umaliwalas ang mukha pagkakita sa amin. Hinawi niya ang mahaba at kulot na buhok habang naglalakad papalapit.

“Lorcan!” Bati nito. Mabait siyang ngumiti sa akin pagkatapos bumeso sa amo ko.

“Hi Vania! This is Calla and I want you to dress her, head to toe.”

Natigilan si Vania, ganoon din ako. Sabay naming tiningnan si Lorcan nang hindi makapaniwala.

“Wala akong pera!”

“I’ll pay. I hate shopping, you only have an hour to finish.” Tumingin pa ito sa orasan niya at di ko na nagawang tumanggi nang itulak na ako ni Lorcan papalayo.

“Yes, Boss!” Nagkasabay pa kami ni Vania at parehas kaming tumawa dahil doon.

Nakatayo lang ako sa harap ng salamin pagkatapos kuhanin ni Vania ang sukat ko. Pagkatapos ay may ilang damit siyang ipinasuot na hindi ko pa naisusuot buong buhay ko.

“I like your style. Very casual.” Wika ni Vania habang inaayos ang zipper ng isang asymmetric black and white dress sa likod ko. “Your face is very pretty. Hindi nakakasawang tingnan.”

I rolled my eyes at her, “Hindi mo na ako kailangang bolahin, si Lorcan ang magbabayad ng lahat ng yan.”

“Hindi kita bino-bola. I should know. Your face is very commercial. Ikaw yung tipong pupwedeng mag-endorse ng beauty product at bibili ang mga tao. I should know, hindi naman basta basta ang taste ni Lorcan sa mga babae.”

“Taste?” Tiningnan ko si Vania mula sa salamin, tumingin din siya doon habang inaayos ang tela sa katawan ko.

“I saw you on the news. Lorcan looks happy now than he was a year ago or maybe years before that. Kaibigan ko si Lorcan and Margaux, both are stiff and serious. Ngayon ko lang siya nakitang ngumiti sa mga interviews at pumunta sa mall para sumama mag-shopping. Kasama ka.”

Hindi ko mapaniwalaan ang sinabi ni Vania. Hindi na lang ako kumibo para hindi na ako magkamali pa ng sasabihin. Pagkatapos ng isang oras ay natapos din kami sa pamimili ng damit.

“Done?” Tanong ni Lorcan na sumilip mula doon sa binabasang magazine.

“Yes, she’s all yours.” Sagot naman ni Vania.

“Gutom na ako.” Bulong ko kay Lorcan.

“May dragon ka ba sa tyan? Ang dami mong nakain kanina ah.” Malakas iyon, sapat na para marinig ni Vania at ng kanyang mga staff. Hinampas ko siya sa dibdib dahil sa pamumula ng pisngi. Tumawa ang mga nakikinig,sinamaan ko ng tingin si Lorcan. Nanliit ang kanyang mga mata pagkatapos ay kinurot ang pisngi ko ng madiin.

“Ikaw talaga, Love. Ang gana mo kumain.”

“Aray!” Tinapik ko ang kanyang kamay, “Sige na, hindi na. Uuwi na ako.”

Lorcan’s arms snaked on my shoulders. “Of course we will eat.” Nilingon niya si Vania at nginitian, “Send the clothes to my house. I’ll pay my bills online. Thanks!”

Pagkagaling namin sa shop ni Vania ay pinapili ako ni Lorcan ng restaurant kung saan ko gustong kumain. Pinili ko ang fastfood. Akala ko ay magrereklamo siya at bibilangan ako ng calories pero nagulat ako nang kumportable siyang umupo sa isa sa mga upuan.

“Libre ko na to dahil inilibre mo ako ng mga damit. Last mo na yon, ayokong gagastos ka ng ganoon kalaki para sa akin.” Sambit ko.

“Take that as my token of gratitude to you. Isa pa, ang alam ng tao girlfriend kita.”

Tumango ako, of course, people will expect only the best for Lorcan Adam Alcantara. Hindi ako maaring magkamali. I should look fine and expensive. Milya milya man ang layo sa akin ni Margaux, I still need to level up my game.

Pumila ako sa counter para bumili ng pagkain. Gusto kong hakutin ang lahat dahil tiyak kong hindi pa natitikman ni Lorcan ang karamihan. I ordered fried chicken, spaghetti, rice, hotdog sandwiches and flavored fries, everything salty and unhealthy. Dinagdagan ko din iyon ng hot fudge sundae para sa dessert.

Malalaki ang mata ni Lorcan na nakatingin sa tray ko. Tinulungan pa ako ng waiter para dalhin iyon sa lamesa namin lahat.

“Are we treating everyone?”

Sumimangot ako. “Kaunti nga lang iyan.”

Sinimulan naming kainin ang inorder ko. Tahimik si Lorcan at pinapakiramdaman ang bawat pag-nguya.

“Sarap no?”

“Average.”

Masama ko siyang tiningnan, very hard to please! Nilantakan ko ang chicken, nakatingin doon si Lorcan at napapangiwi.

“That’s a lot of breading. It sips oil. Alam mo bang nakaka-highblood ang—”

“Kaya nga meron tayong pineapple juice to wash it off. Tikman mo! Masarap!” Pagmamalaki ko. Pinunit ko ang balat ng manok sa plato niya at pilit na isinubo iyon sa kanya. I heard the crunch on his first chew, napangiti ako.

“Well, not bad.” Nagkibit balikat siya at sunod sunod namang kinain ang manok kasama ang gravy. Nakita kong natutuwa naman siya.

“See? We could only spend a little time on earth. Live it to the fullest. Lahat naman tayo mamamatay, iba-ibang paraan nga lang.”

“That is not the point.”

“The point is masarap kumain! Wag mong pigilin.”

After an hour of silence, malinis na ang aming lamesa, nakahawak sa tiyan niya si Lorcan. Looking satisfied.

“I finished it all!” Gulat na bulalas ni Lorcan.

“Di ba, masarap?” Pagmamalaki ko. Napapailing na napangiti si Lorcan.

“Fine, you got me. I love the food.”

Namamahinga kami pansumandali nang bigla kong maalala ang eksena kanina, ang dahilan kung bakit kami magkasama ngayong araw.

“Kaibigan mo ba talaga si Natalie?” Kyuryosong tanong ko.

Tiningnan ako ni Lorcan, “Yes, she is.”

“At bakit kayo magkasama kanina?” Bumalik sa alaala ko ang parehas nilang halos hubad na katawan at magkadikit pa!

“After I dropped you home, nakita ko na lang siya sa kama ko. She offered some drinks and I oblige.”

“Tapos nag-truth or dare kayo kaya kayo parehas na nakahubad?” Bulong ko.

“I couldn’t believe that you know everything about the universe but you don’t know much about life. Natalie and I were friends with benefits.” Diretsa niyang sambit. Napasinghap ako. The only benefit I have from my friends would be free food or free ride.

“Hindi nga?”

“And that is another secret.”

Tumuwid ako ng upo at humalukipkip nang magsalita siyang muli.

“She thought we could still have fun even I am already in a relationship. Because that’s where the fun part is. Hiding. Cheating.”

“Wait, cheating? You cheated with Natalie during your relationship?” Iniangat ko ang kamay ko.

“Don’t get me wrong, I love Margaux but—”

“Ayokong marinig.” Naiinis na wika ko sa kanya. Isang banda ng utak ko ay gustong tumayo at iwanan siya. Pagkatapos kong mainggit sa klase ng pagmamahal niya kay Margaux, malalaman ko na manloloko pala siya?

Nang hindi ko makalma ang sarili ko ay tumayo na ako at naglakad papalabas ng fastfood. Nag-ngi-ngitngit ang pakiramdam ko. I hate cheaters. I hate dishonest people.

“Hey, what’s wrong with you?”

Naramdaman kong nakasunod sa akin si Lorcan sa kabila ng mabibilis na hakbang ko.

“Calla..” Hinila niya ang braso ko, huminto kami sa gitna, magkasalubong ang mga kilay niya, sa akin naman ay nakataas.

“If you love someone, there are no buts .” Asik ko.

“Kung alam ko lang na huhusgahan mo ako, I shouldn’t have told you my secret.”

“Hindi kita hinuhusgahan, nakakainis ka lang.”

“It is the same.” Binitiwan niya ang siko ko.

“Lorcan, you cannot love people if you have the intention to lie to them. Relationship is an open book, you share that book to your partner. You don’t hide secrets because you don’t want them to get hurt, you don’t do things that will hurt them in the first place.”

“Hindi ganon kasimple ang relasyon, Calla. You are being idealistic.”

Tumigil ako at humalukipkip. Hiningal ako sa pakikipag-usap. Parehas na matatalim na tingin ang binabato namin sa isa’t isa.

Bumuga ng hangin si Lorcan, tanda ng pag-suko. “Alright, I know. Mali iyon. Hindi ko na din naman maibabalik. Don’t hate me now, okay? I need you.”

Naiinis pa din ang pakiramdam ko nang hilahin ako ni Lorcan patungo sa kung saan. Nakasimangot akong nag-patianod.

“Let’s play.” Huminto kami sa Gamezone kung saan kami unang nagkakilala. Akala niya ata ay mapapagaan ang mood ko sa paglalaro.

Tahimik ko siyang sinundan. Nilapitan namin ang isang Zombie arcade . Inabutan niya ako ng baril at nang magsimula ang laro ay nagsimula na kaming mamaril ng zombies. Hindi pa din ako okay kaya nang makakuha ako ng pagkakataon ay binaril ko ang karakter ni Lorcan. Nilingon niya ako ng nag-rereklamo.

“Magkakampi tayo!” Giit niya. Inirapan ko lang siya.

Nang matapos ang laro ay dumiretso si Lorcan sa claw crane. Pinanood ko siyang sumubok na kumuha ng kung ano doon pero nakakalimang subok na siya ay wala pa din.

“Ako na.” Itinulak ko siya papalayo.

Sa unang subok pa lang ay nakakuha na ako agad ng baboy. Napangiti ako pero nang makitang nakangiti din si Lorcan ay binawi ko iyon.

“Come on, I know you are happy.” Tinusok ni Lorcan ang baywang ko na parang nanunukso pa.

Di ko na napigilan ang pagtalon ko. 

“Sinasabi na nga ba na mas magaling ako sayo!”

Napasimangot si Lorcan at itinulak ako papalayo. Desididong makakuha din ng laruan. After three trials ay nakakuha na din siya ng unggoy. Mayabang siyang humalakhak nang kuhain iyon.

“See?” Iniangat niya ang unggoy pati ang kamay kong may hawak ng baboy at pinagtabi iyon. Kinuha niya sa kamay ko ang baboy at ipinalit ang unggoy na nakuha niya. Di ako nakaalma agad.

“That is my gift to you and yours to me.” Parang bata niyang tiningnan ang mga laruan sa aming kamay.

“Ayoko ng unggoy! Kamukha mo!” Galit na sabi ko.

“That’s the point, tingnan mo itong baboy, kasing cute mo!”

Naramdaman ko ang pag-iinit ng ulo ko dahil sa pang-aasar niya pero binalewala niya iyon at ang mabigat niyang braso ay inakbayan ako.

“I know I’ve upset you but I am trying to change okay? I told Natalie that I cannot cheat on you and you made it clear that she can’t go anywhere near me. Thank you for being that protective. That’s what I really need.”

Sa kabila ng ingay ng mga machines doon sa arcade, parehas kaming natulala at nakatitig sa isa’t isa. It was so hard not to swallow. Nakakalunod tumingin sa mga mata niya kapag seryoso. My heart painfully thumped and I don’t know why.

“Let’s play some more.” Anyaya niya na naunang umiwas ng tingin.

Chapter 10

‘I told Natalie that I cannot cheat on you and you made it clear that she can’t go anywhere near me’

Napatakip ako ng unan nang maalala ko ang eksenang iyon kanina sa mall, kung bakit? Hindi ko alam.

I am beginning to have this feeling na nagkakagusto na sakin ang unggoy na yon. Tinitigan ko ang unggoy na nakuha ng amo ko kanina sa claw crane at malakas na inihampas iyon sa ulo ko.

“Ouch!” Reklamo ko doon sa unggoy at hinampas ko din siya ng kamay sa ulo para gumanti. Then the arrogant monkey get even by throwing himself to my face at parang sinakal non ang ilong ko. Napangiwi ako.

“Fine, ilusyon ko lang yon. Wag ka na magalit! Wag ka din kasing feeling close.” Tinusok ko ang ilong ng unggoy na parang kausap ko din si Lorcan. I am actually beginning to think that this is a good idea. Lahat ng nararamdaman ko ay pupwede ko nang iparating sa pamamagitan ng stuffed toy na ito. However, the monkey has stares that do the talking. Parang may sariling buhay na bumubulong bulong ito in a cute way.

“Anong sabi mo?” Inilapit ko ang unggoy sa tainga ko and the monkey had to guts to even whisper to me.

“Ano?” Inihagis ko ang unggoy sa paanan ko, “Ako? May crush sayo? Feeler ka talaga! E ano naman kung cute ka saka maganda yung katawan mo? Duh? Eh babaero ka nga. Yuck! I cannot take those kinds of human being. Sa paningin ko, mukha ka pa ding unggoy!” I stucked out my tongue and the poor monkey at my foot is smirking at me!

Kailangan ko na atang magpa-tawas kay Manang Didang kung sakaling nabubuhay pa! Palagay ko ay ginagambala ako ng masamang espiritu at kailangan ko na talaga ng orasyon bago pa ako mawala sa sarili at maging baliw!

“Tseh! Usog lang to!” Masama kong tiningnan ang kawawang unggoy. “Hindi kita crush! Si Ashton ang crush ko!”

“Calla, matulog ka na! Inumin mo yung pangpakalma mo.” Narinig kong sigaw ni Clover mula sa kabilang kwarto. I rolled my eyes and curled into a ball. Kinuha ko ang cellphone ko at tinitigan iyon. Bigla iyong nag-vibrate kaya nalaglag ang cellphone ko sa mukha.

‘Hi Piggy! Gising ka pa?’

I scowled at my phone. Kinalma ko ang sarili bago gumawa ng reply.

‘Yes Monkey! Bakit? : )’

I could just imagine him scowling at his phone too.

‘What’s the delivery number of the fastfood where we ate?’

Hindi ko napigilan ang pag-ngiti, he’s beginning to become more human.

‘7-700’

Nag-vibrate muli ang cellphone ko.

‘Do you want anything? I’ll have it delivered to you or I could just go there and let’s eat the food together.’

Sounds lovely . Marahas akong umiling na parang nakuryente. Really? Ano ba ang iniisip ko? Nagtitipa pa ako ng reply nang magvibrate muli ang phone ko at may pumasok muli na mensahe.

‘Come on, tell me what you want.’

Natigilan ako at wala sa sariling nagtype.

‘Ikaw.’

Nanlaki ang mga mata ko at biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang makita kong nagkulay green ang dalawang check sa ibaba ng mensahe ko. Nabasa na niya!

The app prompted ’ Typing ’. Halos magdugo ang labi ko sa pagkagat nito. Nakipagpaligsahan ang mga daliri ko sa pag-type ng mensahe at mabilisang pinadala iyon.

‘**Ikaw ang bahala.’

Pagtatama ko. Muling nag-green ang dalawang check doon sa mensahe ko. Nawala ang ‘Typing’ signal doon sa conversation naming dalawa.

‘Pero antok na talaga ako, bukas na lang, Monkey. Goodnight :*’

Ibinaba ko ang cellphone ko, palagay ko ay nakatulog na siya. Pumikit ako pero ilang sandali lang ay nag-vibrate muli ang cellphone ko.

‘Okay. See you tomorrow :*’

My cheeks flared. Ipinatong ko ang cellphone ko sa dibdib ko at ilang beses bumuga ng hangin.


Ikatlong kape.

Inamoy ko ang nakakagising na coffee bean. Hindi ako umiinom ng kape, ngayon lang. Hindi na kasi ako nakatulog kagabi at dahil doon, maaga akong nakapasok kinabukasan. Binuklat ko ang mga papel na hawak ko nang biglang bumukas ang pinto.

“Morning.” Isang malamig na bati ang nagpagulat sa akin. Lumipad ang mga papel sa hangin at natataranta ko iyong pinulot isa isa. Lumuhod sa carpeted na sahig si Lorcan at tinulungan akong pulutin ang papel.

“Tss. Scaredy cat. I smell coffee and you don’t drink coffee.”

Totoo iyon, ang buong opisina ay amoy kape pero natalo iyon nang mamahaling amoy ni Lorcan. All that I can smell right now is Lorcan’s scent. Dancing happily in the air.

“Uminom ako ng tatlong tasa.” Nahihiyang bulong ko. Tumingin si Lorcan sa wristwatch nya pagkatapos ay binalingan ako para iabot ang mga papel na pinulot niya at saka nagpunta sa pantry ng kanyang opisina.

Pagbalik nya ay may hawak na syang isang basong tubig at inabot sa akin yon. “Here, flush away the caffeine in your system, drink more water.” Seryosong bilin nya.

“Uy, ang bait niya!” Bati ko. Kitang kita ko ang pagbabago ng kulay sa kanyang pisngi.

“Just drink okay? You are not funny. Alam mo bang kapag nasobrahan sa caffeine ang isang tao, pupwedeng mag-cause ng heart failure due to palpitations. It may also cause aneurysm—”

“Ito na! Ito na!” Itinaas ko ang kamay ko at saka inilapit ang baso sa bibig ko. “May sakit ka ba? Ang bait mo talaga.” Pinanliitan ko siya ng mata pagkatapos kong ubusin ang tubig sa baso, iniabot ko pa ang kamay ko sa kanyang leeg para damhin iyon pero mabilis siyang umiwas.

“Don’t touch me!” Angil niya. I mimicked his words by mouthing.

“Ang sungit mo, hindi mo gayahin ang mga kaibigan mong palangiti.”

“Sino naman?” Pabagsak na sabi niya kasabay ng pagsalampak niya sa swivel chair niya.

“Si Ashton!

“Hey!” Napalingon ako sa pintong bumukas. “Did I hear someone call my name?” Napaawang ang labi ko sa nakangiting si Ashton na para bang meron kaming mental connection at lumilitaw nga siya dahil naisip ko siya. Awtomatiko akong ngumiti.

“Good morning Ashton!” I chirped.

“Hi Calla! I just remembered you work here.” Hi thick eyebrows and brown eyes complimented. It gleamed with so much happiness like a ray of sunshine. Parang wala man lang itong moodswing kahit pa gumising ng napakaaga. Ang layo layo sa kaibigan niyang unggoy na napakasumpungin!

“Why are you here?” Walang kasigla-siglang bati ni Lorcan.

“Good morning, Lorcan!” Ashton chuckled, alam na ata ang topak ng kaibigan tuwing umaga. “Hindi ba hiningi mo sa akin ang floor plan ng mall ko? Remember? For the reconstruction of our Tanay branch.”

“Oh, I see.” Sumeryoso ito,  “Love?” Baling sa akin.

Kumukurap kurap pa ako sa harapan ni Ashton nang hilahin ako ni Lorcan sa kanyang tabi, “Can you give us a minute?” Napalingon ako kay Lorcan. Malambing siyang nakangiti sa akin at ginulo ang buhok ko. “Mag-coffee ka muna sa labas.” Suhestiyon niya, kinunutan ko siya ng noo.

“Gusto mo ba akong mamatay?” Kunyaring natatawa na bulong ko sa kanya, “Nakatatlong kape na nga ako.” Angil ko.

Tumaas ang kilay ni Ashton sa aming dalawa. “That was cheesy.”

Sabay kaming nagpeke ng tawa ni Lorcan. “Calla doesn’t need to leave. Nothing private about it. Sayo ko naman ibibigay ang project kaya hindi na ako nagpa-bid. I trust your costing.”

“Hindi, nagke-crave daw siya sa coffee kaya bababa siya sa coffeeshop at magkakape, right Love?” Bahagyang pinisil pa ni Lorcan ang fats sa tagiliran ko.

Tiningnan ko siya ng masama pero sumuko din ako. Wala akong magagawa sa demands ng isang Lorcan Alcantara! Padabog kong kinuha ang bag ko at bago pa man ako makalabas ng pinto ay hinila ako ni Ashton at hinalikan sa pisngi.

“See you around, Calla. Take care!” Paalam ni Ashton.

Nilingon ko si Lorcan nang namumula ang pisngi, I secretly stucked my tongue out, kitang kita ko ang pagkuyom ng kamao niya.

‘That was not necessary!’ Narinig ko pang sigaw ni Lorcan nang sarhan ko ang pinto.

I busied myself watching about the documentary on Pluto and the plan to de-list it as one of the planets in the solar system. Which I think is a bit unfair. Pluto is the loneliest planet! Pinakamalayo sa sun at sa mga katabi niyang planets, hindi din ito explored. Then when they visited pluto, sasabihin nila kay Pluto, “Sorry Pluto, you are not a planet.”

That’s it?

Naming it as one but they will realize that it was a mistake. People could really be mean and it is upsetting.

Parang si Lorcan lang, upsetting. He could be lovable but he doesn’t mean what he say most of the times.

My phone beeped and checked the message.

‘Piggy! You could go up, nakaalis na ang crush mo.’

I sneered at my phone. Pamartsa akong bumalik sa opisina ni Lorcan. He was smirking like a child. Masama ko siyang tiningnan. He snickered playfully.

“Bakit galit ka?” He asked innocently.

Umupo ako sa aking upuan at inayos ang mga papeles na naiwanan ko kanina.

“You know, you are really obvious. Kitang kita sa mga mata mo pag masaya ka, pag galit, kapag humahanga, it is so creepy.”

Nag-angat ako ng tingin, relaxed na nakapatong ang ulo ni Lorcan sa kanyang kamay na magkalapit sa headrest ng kanyang swivel chair.

“You should really learn how to conceal your emotions.” Dagdag niya.

“Para ano? Parang maging ikaw? Thanks but no thanks.” Matabang ko sabi pagkatapos ay humila ng papel at inayos iyon.

Tumayo siya sa kanyang upuan at naglakad papalapit sa lamesa ko. Shadows casted on me as he sported his tall and lean built. He sat at the edge of the table and took handful of the papers. Nakiayos din siya doon.

“Hindi ka pupwedeng mahalata ng mga kaibigan ko. What they know is that we are together. Sinabi ko naman sayo yon, hindi ba?”

Sumimangot ako at pabagsak na inilatag sa lamesa ang papeles na naiayos ko na.

“Okay.” Nagkibit balikat ako.

“Okay? Bakit parang galit na galit ka? You really like my friend that much, huh?”

“Hindi ah.” Tanggi ko. Tumayo si Lorcan at humalukipkip sa akin,

“Akin na yang ibang papeles at aayusin ko na.” Iniabot ko ang kamay ko dahil nahinto ako sa letter N. Kailangan ko iyong ipasa sa Sales Documentation department bago mag-lunch para kanilang iproseso.

“Ashton? Seriously?” Parang hindi pa siya makapaniwala.

“Bakit?” Hamon ko. “Hindi mo ba nakita kung anong pinagkaiba mo sa mga kaibigan mo? You are a manipulative, arrogant and possessive rich guy who knows nothing but to control people’s feelings and thoughts. Alam mo, sa tingin ko, hindi ka inlove sa ex mo, hindi mo lang matanggap na nakawala siya sayo nang hindi mo pa sinasabi. Hindi ba cheater ka? Sooner or later you will dump her and you want to do it yourself not the other way around. You are clearly obsessed with your image.”

Unti unting lumatay ang sakit sa mukha ni Lorcan at bago ko pa bawiin ang nasabi ko ay tumalikod na siya sa akin.

Bravo! Me and my big mouth just hurt someone. Nang tumunog ang bell para sa afternoon lunch ay tumayo na ako sa upuan ko. Hindi ko alam kung paano kakausapin si Lorcan. Kung hihingi ako ng tawad, sigurado akong hindi niya iyon tatanggapin ng walang kapalit! At ano naman ang ipapalit ko? Buhay ko? He wanted to kill me know for sure.

Wala akong ganang kumain at imposible iyong mangyari. There’s something wrong with my throat right now. Ang hirap lumunok. Bumalik ako sa counter para humingi ng paperbag para sa natirang pagkain ko nang may maalala.

“Pakisamahan mo na din ng two-piece chicken and extra gravy.” Ngumiti ang kahera at tumango. Sa bawat hakbang ko papabalik ng opisina, palagay ko talaga ay bibitayin ako. Ang malalamig niyang tingin, ang pagtunog ng ngipin, may monster tendency talaga si Lorcan at hindi malayong mangagat siya kapag di siya nakapagpigil.

Iniuna kong ipasok ang paperbag na merong chicken doon sa pinto ng opisina ni Lorcan. Wala akong narinig na kaluskos doon sa loob. Sumilip ako at nakita kong nakahalukipkip si Lorcan at nakataas ang isang kilay. Nakatuon sa akin ang atensyon.

“Peace na tayo.” I smiled sheepishly. Mas lalo namang tumaas ang kilay niya at humarap sa laptop niya.

“Ay, suplado. Binilhan kita ng chicken.”

“I don’t like that.”

Napailing ako at binuksan ang box na merong manok, “Hmm, ang bango..” Tukso ko. Nagtiim bagang siya.

“I don’t like that. Close the box now.”

Hindi ko iyon sinunod. Umupo ako sa lamesa ni Lorcan at iginiit ang legs ng manok sa kanyang ilong.

“Di ba? Ang bango!” I leaned forward, almost crawling to his table.

“Tsk.” He hissed.

“Isang kagat lang..” Pilit ko. Magkalapit na ang mga mukha namin na napapagitnaan ng fried chicken.

The door suddenly opened, pinanlakihan ng mata si Lorcan nang sumilip sa pinto. Handa na akong lumayo pero hindi ako nakakilos nang hilahin ako ni Lorcan sa batok at ilapit ang labi niya sa akin. There was a deafening silence except for my heat beats hammered like crazy. My eyes adjusted and I saw Lorcan closing his eyes with our lips intact. I did the same. He yanked me more to him, deepening the kiss. Naging blangko ang isip ko. I know I need to protest. This guy was stealing my first kiss but nevertheless, how could you say no if he sent all the feelings that I imagined how my first kiss to be. It is like a natural phenomena in galaxy.

“Gracia divina! Que haces, Lorcan?”

Humiwalay si Lorcan sa akin, I saw him licking his lower lip. His thumb moved and he pressed it to my lower lip, gently massaging it. “Sorry.” Bulong niya kasabay ng nakangiting pag-tayo.

Naestatwa ako sa paghingi niya ng tawad, it was exactly how I pictured my first kiss to be, except the ‘sorry’ word.

“Abuela! You are back!” Maligayang bati ni Lorcan.

“Anong kalokohan ito?”

Nagmamadali akong napatayo sa matinis na boses na iyon.

An old lady probably in her seventies with two bodyguards and two nurses behind her. Puti ang kanyang buhok, makapal ang salamin at mayroong tungkod. Isang linya lang ang kanyang labi at pati na kilay. Masama ang tingin niya sa akin.

“Hija, hindi ka ba naturuan ng manners sa inyo? Opisina ito, hindi motel! Lorcan! You have a lot of explaining to do!” Pagkasabi non ay tumalikod na ito.

Patay!

Chapter 11

Maki Say’s: Yes, even this will be published soon under PSICOM, you will see the updated chapters here at Wattpad. Under revision pa kasi siya mga Beshy. Isa ito sa una kong isinulat at medyo madaming fillers sa naunang version. Kailangan ko iyong linisin. The plot, pretty much the same, mas may emphasis lang ang characters.


Tatlumpung minuto akong nakatulala sa lamesa ni Lorcan. Wala siya doon. Sinundan ang Lola niyang Queen Amidala ng Starwars, Senior edition.

The fierce look kahit pa hirap nang lumakad. Tsk, tiyak na ang buhok lang sa kili-kili ni Lorcan ang walang latay ngayon. Mukhang galit pa naman ito sa paraan ng pagtawag kay ‘Lorcan’. Wala man lang lambing ito.

Tumingin ako sa orasan at nagpangalumbaba. Talaga bang hindi na siya babalik para mag-trabaho? Malapit na ang uwian pero wala pa din siya. Hindi kaya siya sinakal ng Lola niya gamit ang tungkod nito? Napahawak ako sa labi ko at muling natulala.

Hinalikan ako ni Lorcan.

Hinalikan niya ako ng walang paalam!

Inis kong ginulo ang buhok ko. Kinuha niya ang first kiss ko nang walang paalam! Hindi ko na nga siya siningil sa pagpapagamit ko ng relationship status ko pagkatapos ay nanakawan niya pa ako ng halik? Pambihira! Naisahan na naman ako ng unggoy na iyon.

Inis kong sinikop ang gamit ko nang hindi pa din siya bumabalik nang oras nang umuwi. Napagdesisyunan kong lakarin ang pauwi sa bahay imbes na sumakay ng jeep para makaramdam ng pagod at makatulog na lang pag-dating sa bahay. Ayoko nang isipin ang halik na iyon. After all, it was nothing, alright? Kung ang mga baby nga ay hinahalikan ng walang malisya, anong ipinagkaiba ko sa mga yon? Malamang, greenminded kasi ako kaya pinag-iisipan ko ng husto.

Madilim na nang makarating ako sa kalsadang malapit na sa bahay namin. Ang malamlam na ilaw sa poste at ang mapusyaw na kulay ng buwan ang nagsilbing liwanag sa dinaraanan ko. Tahimik ang kalsada nang tumunog ang cellphone ko. Napakapit ako sa dibdib ko dahil sa gulat. I am being jumpy these past few days, lahat nang iyon ay dahil sa namasukan ako kay Lorcan. I should ask about the status of my healthcard. Baka bigla na lang akong tumumba dahil sa atake sa puso.

“You look stupid. Tss.” Inis na bungad sa akin ni Lorcan sa kabilang linya.

“Sorry. N-naglalaba kasi ako.”

“Kelan pa naging laundry area ang kalsada? Kelan pa nagkaroon ng naglalabang naglalakad?” Sarkastikong sabad ni Lorcan. Napakunot ang noo ko at lumingon sa paligid.

“Sa likod mo.” Malamig na wika ni Lorcan. Lumingon ako sa likuran ko gaya ng sinabi nya at natagpuan ko syang tamad na nagmamaneho ng mabagal habang sinusundan ako.

“L-lorcan!” I greeted. Meron siyang kinuhang paperbag mula sa passenger seat at saka iniabot sa akin.

“May pupuntahan tayo.” Anunsiyo niya. Napako mula sa kinatatayuan at nagpuwersa ng ngiti.

“Hindi mo man lang ako tatanungin kung pupwede ako?”

“Goodness, you are single, Calla! Where would you go?”

“Ha, thanks for reminding me about my awesome singlehood. Humanda ka kapag nagkaroon ako ng boyfriend, hindi na kita i-e-entertain!”

Napakamot ng kanyang ulo si Lorcan, “Fine, fine. Just change then we shall go. Ayoko nang pinag-iintay.”

Nakasimangot akong pumasok sa bahay, mabilisang nag-palit ng isang peach teacup dress at ballerina flats. Nasalubong ko pa si Clover na papasok palang ng bahay nang papalabas na ako.

“Gabi ka gabi ka na lang wala, saan ka na naman pupunta?”

“Girlfriend duties!” Mabilis kong sagot at humalik sa pisngi ng kakambal ko.

“Fake. Fake girlfriend duties.” Pagdidiin niya.

“Po-tah-toh, po-tay-to! Bye!”

Tinungo ko ang sasakyan ng amo ko bago pa siya bumuga ng apoy sa galit. He was patiently waiting outside his car. Both hands in his pockets. His face was gleaming with the moonlight and his soft features was highlighted by it.

Umayos siya ng tayo nang makita ako.

“Saan tayo?” Kaswal na tanong ko.

Napalunok si Lorcan, kitang kita ko kung paano bumaba ang tingin niya sa labi ko, tumaas ang aking kilay at humalukipkip, pilit na pinipigilan ang pamumula ng pisngi.

“Masakit pa ba?” He asked.

“Alin?”

“My kiss. Did it hurt?”

Naramdaman ko na uminit ang mukha ko pero pilit kong pinigilan iyon. Taas noo ko siyang hinarap at tiningnan ng masama.

“Medyo, parang humalik sa pader. Ang gaspang ng labi mo saka matigas yang mukha mo.” Angil ko. He chuckled sexily. Pinagbuksan niya ako ng pinto at pumasok ako doon.

“Kung makapag-describe ka, akala mo may pagkukumparahan ah.” Sumakay siya sa driver seat. Inis ko siyang hinampas sa balikat.

“Alam mo palang yun ang una ko, nangahas ka pa!”

“I was left with no choice. Dumating si Abuela. I need to show her that I’ve moved on.”

“Hayun! Kaya naman pala. Ayaw mong masagasaan ang ego mo. Pati ba naman Lola mo, pinagloloko mo.”

“You don’t understand what it means to me okay? Abuela is really manipulative.”

“Ay may pinagmanahan ka.”

“And a blackmailer.”

“Xerox copy.”

“No! She’s the worst! Napilitan akong maging magaling dahil gusto niya and do you know how it feels? I have to be in freaking top shape most of the time!” Tumuon ang atensyon ni Lorcan sa kalsada. “And I will introduce you to her.”

Dalawang beses ko siyang tinapunan ng tingin bago mag-sink in ang sinabi niya, “Anong sabi mo?” Binalot ako ng kaba sa sistema. He’s seriously asking me to meet his grandmother?

“We will be going at my Abuela’s house at ikaw, magiging girlfriend ko ngayong gabi. Don’t worry, she won’t like you and she doesn’t have to like you. She’s bored. Just go with the flow and she will forget meeting you.” Aniya.

“Lorcan, nakikita mo ba ang mata ng Lola mo? Sa talas tumingin non, di malayong masaksak ako!” Ayoko pang mamatay!

“Just do what I say Calla, please. Just be yourself. Like what I’ve said, she won’t like you so you don’t need to lie except for the part na girlfriend kita. Ayun lang.” Sabi niya na parang nag-tuturo ng ABC sa isang college student.

Pumasok ang kanyang sasakyan sa isang malawak na driveway pagkatapos ng isang oras na drive. The road inside the huge gate was endless, hindi ko alam na merong ganong kalaking lupa sa gitna ng Metro Manila. Hindi kinapos ng liwanag ang malawak na driveway. Bawat puno ay napapalibutan ng led lights, idagdag pa ang mga poste na merong makalumang lamplight. It is an exact copy of the streets in Broadway, sa pictures ko lang nakikita ang mga iyon pero malaki ang pagkakahawig nito. Sa pagtatapos ng mahabang daanan ng sasakyan ay puting mansyon. A classic white castle but a small version of it, well not too small. Namangha ako sa itsura non.

Inalalayan ako ni Lorcan bumaba ng sasakyan. The air was chilly. Kahit napakaganda ng mansyon ay dama ko ang lamig non, sa labas palang. Pakiramdam ko ay pinamumugaran iyon ng aswang at masamang espiritu. Dapat ay dinala ko ang scapular ko na pangontra sa mga ganito. 

“Diyan ba nakatira ang Lola mo?” Usisa ko.

“That’s one of her houses. Doon siya madalas sa bahay ko na napuntahan mo na habang lumalaki ako. This is our ancestral house.”

“Confirmed. May lahi nga kayong mangkukulam no?”

“Andyan na pala kayo.” Matalas na boses ang sumalubong sa amin. Nagulantang ako sa all black niyang get up at mahigpit na mahigpit na pagkakataas ng puti niyang buhok.

Miss Minchin?

Mabagal siyang naglakad papalapit sa amin ni Lorcan kahit alam kong nahihirapan siya. Hinayaan siya ng dalawang nurses niya na humakbang mag-isa. Humakbang din kami ni Lorcan para salubungin siya pero iniharang niya ang kanyang tungkod para magbigay kami ng distansiya.

“Nobya ka ng apo ko?” Paniniyak niya. Magalang akong ngumiti.

“Opo! Hello, Granny!” I chirped.

“Ay Diyos ko, paano kaya nangyari yon?” Umirap siya at tumalikod siya. Kitang kita ko ang pag-pipigil ni Lorcan ng pag-tawa. I am mentally holding myself back not to roll my eyes. Manang mana sa pinagmanahan!

Sumunod kami sa matanda patungo sa hapagkainan. As usual, parang meron na namang fiesta, puno ang lamesa pero tanging prutas at gulay ang nakahain sa harapan ng Lola ni Lorcan.

“Anong pangalan?” Tamad akong tiningnan ni Granny at pakirimdam ko ay nasa interrogation chair ako na required na sumagot ng tama, kung hindi ay mapuputulan ako ng daliri, o mas malala ay maging almusal nila ako kinabukasan.

“Calla Susanne Torres po.”

“Torres?” Ulit ni Granny sa apelyido ko na tila nagiisip.

“Are you the Torres of Fishing Empire?” Tanong niya.

Umiling ako.

“Torres of Torres Construction?”

Iling ulit.

“Torres Mining?”

Iling iling.

“Ah, siguro Torres who has a Banana Plantation sa Ormoc, kaano ano mo si Lucy?” Kaswal natanong nito. Napakunot ang noo ko. Lucy— Ah! Lucy Torres?

“Hindi ko po sya kilala, Granny.” Magalang na sagot ko. Napakunot ang noo ni Granny, mukhang disappointed.

“Kung gayon, kaninong pamilya ka galing?” Aniya.

“Anak po ako ng Torres na parehas na accountant sa isang Advertising agency pero parehas na pong wala ang mga magulang ko. Naiwanan na lang kami ng kakamabal ko na HR naman sa isang kumpanya sa Makati.”

“Abuela, dont stress Calla.” Pagbabanta ni Lorcan pero tumingin lang sa akin si Granny.

“I am not stressing her Lorcan Adam. I am just asking questions!” mabangis na sabi nito sa apo. Natahimik si Lorcan dahil doon.

“Kailan namatay ang magulang mo?”

“Nung 16 pa lang po kami ng kakambal ko. Nahulog po ang bus na sinasakyan nila papuntang Mountain Province. Simula po non, namuhay na kami magisa ni Clover, yung kakambal ko.” Sinubo ko ang mainit na soup kasabay non.

“Walang kumupkop sa inyo?”

Umiling ako.  Kinagat ko ang pangibabang labi ko pagkatapos ay uminom ng tubig para pigilin ang pagdamdam ng mga nangyari sa amin ni Clover nang mawalan kami ng magulang.

“Kaya mo ba ginawang nobyo ang apo ko dahil wala kayong pera?” Matalim na tanong ng Lola ni Lorcan at diretsa ang tingin sa akin. Muntik ko nang maibuga ang tubig na iniinom ko.

“Abuela please! That’s too much. Cut it or we will go!” Protesta ni Lorcan na ihinagis ng malakas ang hawak nyang kutsara at tinidor.

Hinawakan ko ang kamay ni Lorcan. Tiningnan ko si Granny ng diretso at ngumiti akong muli.

“Alam ko pong hindi magandang manggamit ng ibang tao. Naturuan naman kami ng magandang asal bago namayapa ang mga magulang namin.”

Binalikan ni Granny ang pagkain na parang hindi alintana ang sinabi ko. Masakit siyang magsalita, kagaya ng apo niya kaya immune na ako. Imbes na mainis ay itinuon ko ang atensyon ko sa pagkain. Mabuti na lang at masarap ang nakahanda.

Humikab si Granny nang maubos na ang kanyang pagkain. Naging hudyat iyon para tumayo na din kami ni Lorcan at mag-paalam. Bakas ang disgusto, tumalikod na si Granny nang walang sinasabi ni isang salita.

“Pasensya ka na kay Abuela, ganun lang talaga yon..” Seryoso ang pagkakasabi non ni Lorcan habang nagmamaneho.

“Bakit naman ako maooffend? Hindi naman ako totoong girlfriend mo. Sa tingin mo ba dapat nagsinungaling ako kung ano ba talaga ako? Dapat talaga sinabi ko na lang na magpinsan kami ni Lucy Torres para bumilib siya sayo.”

“Why would you do that? You are fine to me.” Kibit balikat na sagot ni Lorcan habang diretso ang mata sa kalsada.

“You think so?”

Kalmadong ngumiti si Lorcan.

“Dapat kinuwentuhan mo na lang si Abuela tungkol sa galaxies baka bumilib pa siya sayo.”

Ngumuso ako, “Ayaw mo ngang pakinggan ang theories ko.”

“Ha, sinong may sabi? When you said that Kepler 186F is a habitable zone, 40% bigger than Earth and it has a stronger gravitational pull, I was amazed. Dahil doon, ang mga aliens should have 6—”

“8 legs.” Pagtatama ko.

Ngumiti si Lorcan. His caramel eyes lited with burning flames of warm light.

“That is interesting. Do you think people could live in another planet? Why do they even find another planet to live?”

“Maybe people don’t really want to die. Sa tingin ko nga, ang hinahanap ng Science ay kung paano hindi mamatay ang tao. Disturbing.”

“Yet you love Science.”

“I love Science but I love God more. If God will allow us to live in another planet, Kepler 186F will happen but they need a hibernation tube to do that. They need to make some people sleep in order to preserve their youth when they occupy a new planet.”

“Geek.”

Napailing si Lorcan at kinuha ang kamay ko.

“Seriously, I am sorry on how Abuela acted.” Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko. “I don’t want you to feel bad.”

“May sakit ka? Bakit mabait ka pa din?”

“Ha, I don’t want to stop getting favors from you, that’s just it.” Inihagis niya ang kamay ko.

“Aray naman! May utang na loob ka sakin.”


Sunod sunod na busina ang gumising sa akin ngayong weekend. Ibinaon ko ang ulo ko sa unan. Kung si Lorcan na naman iyan, papalakpakan ko na siya sa dalawang linggong pambubulabog niya sa akin kahit weekend. I should really re-think about my offer to help him for free.

“Clover!” Sigaw ko pero naalala kong nasa team building ang kapatid ko at bukas pa uuwi. Pilit akong bumangon nang hindi tumigil ang pagbusina. Pikit mata kong kinapa ang daan patungo sa pintuan.

“Hoy! Tanghali na!” Akala ko nananaginip pa ako nang makita ko sa labas si Granny. Hawak sa isang braso ng kanyang driver. Pinanlakihan ako ng mata at pilit na inayos ang mukha ko sa abot ng makakaya.

“A-ano pong ginagawa ninyo dito?”

“Hindi mo ba ako pagbubuksan?” Itinuro niya ako muli ng tungkod niya na parang may special power iyon na makakapagpalaho sa kung sino mong ituturo nito. Patakbo akong lumapit sa gate para pag-buksan siya.

“Ano pong ginagawa nyo dito, Granny?” Magalang na tanong ko habang binubuksan ang maliit naming gate.

“Nag-day off ang mga maids ko ngayon, wala akong kasama sa bahay kaya nagpababa na lang ako dito sa bahay nyo. Kailangan ko ng bantay ngayong araw.” Taas noong sambit nya at nauna pang pumasok sa loob ng bahay namin.

Chapter 12

“Granny..” pukaw ko sa atensyon nya habang umiinom sya ng hot chocolate na syang inihanda ko sa kanya. I bit my lower lip. Kanina ko pa sinusubukang tawagan si Lorcan pero cannot be reached naman siya. Nag-angat ng tingin si Granny sa akin na nanliliit ang mga mata.

“Itong bahay nyo, masyadong maliit.” Sabi nya sabay tayo sa upuan, pinasadahan niya ng tingin ang mga picture frames na nakadisplay sa wooden shelves doon sa malapit sa pinto.

“Ikaw ba to?” Tanong nya habang inangat ang isang picture frame na kulay pink.

“Kakambal ko po yan, si Clover.” Magiliw na wika ko. Marahan siyang tumango.

“These were your parents?” Tukoy niya sa wedding picture ni Mama at Papa. “Tell me, how are they as parents?”

Bumuga ako ng hangin para pakawalan ang bigat sa dibdib. “Mabait. Hindi sila mahigpit. Malaya kaming pumili ng kapatid ko kung ano ang gusto namin. Sayang nga at maaga silang kinuha.”

Mahigpit na hinawakan ni Granny ang kamay ko. Akala ko ay papalipitin niya pero nakakaunawa siyang tumango at saka malungkot na ngumiti. “They are surely watching you from above. Kaya you better be good.” Nag-salubong muli ang kilay niya at lumapit sa akin.

“Halika, samahan mo ako sa mall.” Maingat nyang binaba ang larawan nila Mama at tiningnan muli iyon ng saglit, parang bumulong ng mahinang dasal bago ako muling nilingon.

“M-mall po?” Paniniyak ko. Tumango sya sa akin. Kaya nya bang mag-mall? Weekend pa naman. Tiningnan ko ang mga paa nya at tiningnan ko ang mukha nya, inirapan na naman nya ako.

“Kaya ko pang mag-mall. Thank you.” Nakaismid nyang sabi. Kitang kita ko si Lorcan sa paraan ng pag-sasalita niya. Hindi ko alam kung sino ang mas cranky sa kanilang dalawa. Siguro aware naman si Lorcan sa kagaspangan niya, hindi ba? He must seen his exact copycat all his life.

Ipinagdrive kami ni Manong Rudy patungo sa mall na gusto ni Granny pero bago kami bumaba ay hinawakan nya ang braso ko para pigilan.

“Bakit po?” Takang-tanong ko. Hindi kaya pauupuin nya ako sa driver’s lounge hanggang sa makabalik sya sa pamimili? Syempre, kamag-anak sya ni Lorcan, may kagaspangan kasi ugali non. Naku, pag iniwan ako dito, maniniwala na akong it runs in the blood!

“Abuela, call me abuela.” Halos pabulong nyang sabi. Laglag ang panga ko habang tumango tango sa kanyang sinabi. Inirapan nya akong muli.

“Not that I like you, but, they know that you as Lorcan’s girlfriend, act like one.” Aniya. Bagsak ang balikat ko nang sumunod sa kanya, mata-touch pa naman sana ako, isa din pala si Granny na conscious sa sariling image kaya ganon.

Nauna kaming pumasok sa isang bookstore. Naexcite ako sa amoy ng mga libro at sa mahinang Gospel music na umiikot sa store. Dumiretso ako sa fiction section at nagbasa basa ng mga libro. Paminsan minsan ay dinadako ko ang tingin ko kay Abuela baka kasi iwanan ako dito na parang pusa.

Umalingawngaw ang ringtone ko habang seryoso akong nagbabasa, madali kong kinuha yon at nakahinga ng maluwag nang makita ang pangalan ni Lorcan.

“Lorcan! Asan ka na ba? Kasama ko si Granny!” Bulong ko habang humahakbang ng palayo para walang makarinig ng usapan.

“Wha—WHY?” Sigaw niya sa kabilang linya.

“Wala daw syang bantay, asan ka ba?” Tanong ko habang kumukuha ng librong nakakaengganyo ang cover.

“Tell Abuela to stop fooling around, andito ako sa bahay nya. We need to talk.” Maawtoridad na utos ni Lorcan. Napairap ako sa hangin, nagbibiro ba siya? Paano ko naman uutusan ang Abuela nya, ang sungit sungit nga sa akin.

“We need to talk?” Ulit ko sa kanyang sinabi.

“No, hindi ikaw, me and abuela.”

“Fine. You should buy a halo-halo para you can chill.”

I heard him hissed. Pinatay ko ang tawag nang makita ko si Abuela papalapit.

“May nagustuhan ka bang libro?” Mula sa likod ay narinig ko ang boses ni Abuela, nilingon ko sya at umiling, wala sa budget ko ang libro kaya kahit gusto ko, I should pass.

Kinuha ko ang basket mula kay Abuela at naglakad na kami patungo sa counter. Nagulat na lang ako dahil nilapag nya ang dalawang librong hinawakan ko kanina, nung nagkatinginan kami ay muli nya lang akong inirapan.

Nang mabayaran, padabog nyang binigay sa akin ang dalawang libro na pinahiwalay nya ng bag saka kami lumabas sa bookstore.

“Salamat, Granny!” Di ko napigilang yakapin siya ng mahigpit pero iniiwas niya ang katawan parang yung apo niya na ayaw mahawakan.

“Saan mo gustong kumain?” Masungit nyang tanong.

“Kahit saan po na merong healthy na food para sa inyo, Granny.”

Napailing si Granny at nagpatiunang mag-lakad sa isang Korean Restaurant. There was an awkward silence between us.

“Granny? Galit po ba kayo sa akin?” Lakas loob kong tanong. Napabuntong hininga si Granny.

“I told you to call me Abuela, bakit matigas ang ulo mo?”

“Masyado kasing pormal yon. Kapag Granny, cool!”

“Stop it. Tapos tatanungin mo ako kung galit ba ako sayo.”

Napangiwi ako.

“Sorry na, Granny. Sorry kung mahirap lang ako.”

“Never say sorry for being poor, say sorry if at the end of your life nothing has changed. And in your case, mukhang hindi ka maghihirap ng matagal, Im sure Lorcan is willing to give everything to you.” Matabang nyang sabi.

“H-hindi po ganun, Granny.”

“Anong hindi ganon? Pare-parehas kayo nang gusto sa apo ko. Pera.”

“Masyado niyo namang iniinsulto ang apo niyo. Wala bang lovable sa kanya? Granny ha.”

“In all honesty? Wala.”

Dumating ang mga pagkain at natakam agad ako sa mga nakahanda.

“Ang harsh..” Ikinuha ko ng lettuce si Granny at inilagay sa plato. Isinunod ko ang grilled fish doon.

“Bakit? Ano nga ba ang nagustuhan mo sa apo ko?”

Natigilan ako ng pagsasalin ng pagkain sa plato ko. Tumaas ang kilay ni Abuela sa akin.

Huminga ako ng malalim, “Masungit si Lorcan. Arogante, palasigaw, may sumpong tuwing umaga. Lagi niyang sinasabi na hindi ako maganda pero natatagalan ko naman iyon sa tingin ko dahil—”

“Dahil sa pera.”

“Granny, nakaka-offend ka na. Wag mo sabihing matanda ka—”

“Bakit? Pumapatol ka sa matanda?”

“Hindi naman po, nangangatwiran lang.”

“I smell something fishy about you.”

Inamoy ko ang sarili ko. “Sus, Baka naman yung isda lang diyan sa plato niyo ang nanaamoy niyo. Naligo nga po ako kanina, di ba?”

“Magkano? Magkano ang binabayad sayo ni Lorcan?” Diretsahan niyang tanong. Nahulog sa chopsticks ang nakaipit na piraso ng isang karne. “I know you are not his girlfriend. I have checked your credentials and I know you just started working at Nemesis two weeks ago.”

Napasinghap ako. Matindi si Granny. Isang matanglawin.

“Kilala ko ang apo ko. He has not yet moved on. And you are not the type that he will like. He likes bad girls.” Dugtong niya.

“Hindi ko alam kung compliment ba iyon, Granny.”

Sumimangot siya, “Magkano ang ibinayad niya sayo?”

“Saan?” Maang na tanong ko.

“Do not play games with me, you know that I can do something to put you in jail.”

“Jail agad! Granny naman. Fine. Ito po walang halong biro. Wala po. Bukod po sa sweldo ko bilang secretary nya, wala na po. Tinutulungan ko siya dahil bukod po sa maawain ako, wala akong choice kasi amo ko siya. Hindi ko kayang makita siyang nasasaktan dahil ako naman ang bubugahan niya ng apoy kapag nangyari yon.”

Naging isang linya ang labi ni Granny at seryoso akong tiningnan.

“Kumain ka na, we will go after we eat.” Anunsyo nya. Sinunod ko ang sinabi nya at kumain na ng tahimik.

Wala nang nakadagan sa puso ko pagkatapos naming kumain. Nakapagsabi na din ako ng totoo sa wakas. Ngayon ay kailangan ko na lang sabihin kay Lorcan na hindi na kami mag-papanggap sa Lola niya dahil matalas pala ang pang-amoy nito. Madaling magkunwari sa ibang tao, pero sa pamilya ay hindi.

Dumiretso kami sa mansyon ni Granny pagkagaling sa mall. Sabi niya ay ipapahatid na lang niya ako sa driver. Maaga pa naman kaya walang problema sa akin iyon.

“Granny, friends na tayo ha? Huwag kang mag-alala, hindi ako magugustuhan ng apo niyo. Halika, kapit na lang po kayo sa akin.” Inilahad ko ang kamay ko para kunin ang kaliwang braso nya. Kumapit siya doon kaya alam kong friends na kami.

“Pag nag-day off po ang nurse mo, Granny, I am just one call away. Wala po akong ginagawa pag weekends maliban na lang kapag binulabog ako ng apo niyo. Alam niyo na.” Tiningnan ako ni Granny.

“Magkano ba kung magpapart time ka tuwing linggo?”

“Walang bayad, Granny. Ikaw pa ba? Malakas ka sakin. Di ba, friends na tayo?”

“Kung magkaibigan tayo, wag mong sabihin kay Lorcan na alam ko na ang tungkol sa inyo. Malamang magagalit yun sayo at baka tanggalin ka pa sa trabaho.”

“Ipatatanggal ako? Hindi ko pa nga nakukuha ang sahod ko!”

“I know. Just be quiet about it and go with the flow.” Ngumisi siya at kinabahan ako doon. Tuwing ngumingiti pa naman si Lorcan ay merong iniisip na kasamaan. Marahil ganoon din ang kanyang Lola.

“Abuela!!” malayo pa lang ay rinig ko na ang magiliw na sigaw ni Lorcan, naalala kong. Umamba syang yayakapin si Granny pero inis na umiwas ito sa kanya, tinanguan ako ni Abuela at sinensyasang pumasok din sa mansyon.

Hinila ni Lorcan ang braso ko bago makapasok.

“What are you doing here?” Singhal sa akin ni Lorcan ng pabulong.

“Hindi ko alam, ihahatid daw ako ng driver niya mamaya.” Sagot ko din ng pabulong. Sabay kaming nag-lakad patungo papasok ng mansyon kung saan namin naabutan si Abuela na inaalalayan ng nurses niya na maupo.

“What are you doing here Lorcan?” masungit na tanong ni Granny pagkataas ng paa nya sa foot rest ng sofa nya. Mabilis naman akong lumapit para tumulong na tanggalin ang sapatos nya at napansin kong namamaga ang mga paa nya. Awtomatiko ko iyong hinilot ng marahan para bumalik iyon sa normal size. 

Tipid na ngiti lang ang binigay sa akin ni Granny samantalang nagtatanong na mata naman ang kay Lorcan.

“ ’La , about the One Billion investment that I am telling you, I want you to reconsider. Gusto ko nang kunin ang mana ko.“ Mahinahong sabi ni Lorcan na marahil ay dahilan din kung bakit siya nag-intay ng maghapon sa bahay ng kanyang Lola.

“Why would I like to invest with your plan to become an empire, may tagapagmana ka ba? I should consider Ralph instead, kinasal na sya and I heard soon to have a baby, but you? You are nothing but a single man enjoying all the time of his life, devoting his time for business—for who? For your name? For your own legacy?” Iiling iling na sagot ni Abuela.

“Ralph? He’s my second degree cousin. Ako ang first degree, Abuela.” Giit ni Lorcan.

“Make Calla marry you first, Lorcan.” Mariing utos ni Granny na parang nanghihingi ng isang baso ng tubig. Napaangat ako ng tingin. Kitang kita ko ang apoy sa mga mata ni Granny. Napaawang naman ang labi ni Lorcan.

“O—Of course I—I will marry her Abuela, dun din naman ang punta namin”

“I mean soon Lorcan, I will transfer five hundred million on your wedding day, and another five hundred million after one year from the date of marriage. That’s it Lorcan. That’s my rule.”

“WHAT?” Lorcan

“ANO?” ako.

Sabay kaming nagkatinginan ni Lorcan, parusa ba to ni Granny sa amin dahil niloko namin sya? Sabi nya di ba friends kami? Bakit nya ako ginaganito? Bakit ako kasali?

“Abuela, I cant marry Calla just because you say so, nakakahiyang marinig niya ang ganito.” Paliwanag ni Lorcan pero hindi pa din nag babago ang anyo ni Granny, parang alam nya na maririnig iyon kay Lorcan.

“Grandson, mas nakakahiya kung tatanggi akong maipakasal ka sa kanya. Consider the one billion investment as my wedding gift to both of you. Matanda na ako, I don’t want to disseminate my assets when I am already dead so I will give it to anyone I please while I am still alive. Now, isn’t that a good idea,  Apo?”

Chapter 13

Mga five minutes na din ang nakakalipas na nakatanga ako at nakaluhod sa may paanan ni Granny. Five minutes na din ang nakakalipas ng nawala sa paningin namin si Lorcan at pinaharurot ang sasakyan nya papalayo sa amin. Nag-walk out ang lolo niyo.

Tiningnan ko si Granny na parang wala lang nangyari dahil mukhang naglalaro pa nga ito ng kung ano sa cellphone nya. Candy crush pa nga ata yun.

“Granny.” Mahinang tawag ko.

“Hm?”

“Ito naman eh opinyon ko lang, Granny. Kasi friends tayo di ba? Pero kung ayaw nyo pong pagbigyan ang hinihiling ni Lorcan, sabihin nyo na lang po na ayaw nyo, kasi po alam naman nating lahat na peke po ako na girlfriend kaya hindi mangyayari ang sinasabi nyong kasal.” Hindi ko alam kung saang kaban ako kumuha ng hinahon habang sinasambit ang mga salita, pero iniiwasan kong magalit si Granny kaya hindi ako maghi-hysterical dito.

“Malay mo.” Kibit balikat nyang tugon.

“Malay ko? Malay ko na ano?”

“Malay mo pakasalan ka nga ni Lorcan. You can never can tell..” matalinhaga nyang sabi.

“Ah! Gets ko na.. kung pumayag po si Lorcan— ibig bang sabihin ibibigay nyo ang hinihingi niya tapos irereveal nyo na joke lang talaga yung gusto nyong mangyari?” Parang test lang siguro sa yon pero hindi naman talaga gagawin. Tinitingnan nya lang siguro kung hanggang saan si Lorcan para makuha ang gusto nya.

“What joke? I will give him the money he wants if he marries you, if not, no deal.” Lalo akong naguluhan sa kanyang sinabi, gusto nyang ituloy ang kasal? Bakit ba may kasal na magaganap dapat? At bakit kailangan ako ang bride sa kondisyon nya? Para ba malaman nya kung gaano kapursigido si Lorcan na kahit ang pagpapakasal sa isang katulad ko ay makakayanan niya?

This is the reason why fairytales aren’t real. Naiimahe ko na ang batuhan ng plato namin ni Lorcan kung mag-papakasal kami. Siguro maghihirap din si Lorcan kasi magiging miserable siya at magbibisyo siya bago umuwi sa bahay namin. Marahil bubugbugin niya ako at sisisihin sa hindi magagandang pangyayari sa buhay niya.

Mariin akong napailing

“Pero ayaw nyo naman po sa akin!”

“Whatever Calla. It’s just him marrying you or not.” Kinumpas pa ni Granny ang kamay nya sa hangin at hinilot ang kanyang sentido.

“Pano po kung pumayag sya tapos ako hindi?” tanong ko, mabilis naman ang pagdilat ni Granny, tila nagulat sa tanong ko. Nilapit nya ang mukha nya sa akin at bumulong.

“You should marry Lorcan, Calla. Kaya nga don’t tell him that I know your act. I can pay if you will marry him.”

“Patawa ka, Granny. Hindi nga po ako binabayaran ng apo niyo.”

“Okay… just do this for an old lady..” Nagpuppy eyes pa si Granny sa akin.

“Bakit ako?”

“Wala lang. Trip ko lang.” She chuckled. Napailing na lang ako.

Mahirap talagang makipag-usap sa matanda. Nang mapagod si Granny ay ipinahatid na niya ako sa bahay namin, hindi ko maibukas ang bibig ko para sabihin kay Clover ang pangyayari. Dahil doon hindi ako nakatulog at maagang pumasok kinabukasan.

Madilim ang paligid habang nag-lalakad ako patungo sa opisina namin ni Lorcan. Wala pang masyadong tao sa doon. Hindi nakatulong ang amoy ng humidifier para kumalma ang nerves ko. I thought this job is going to be easy. Nasa ikatlong linggo palang ako pero katumbas ng tatlong taong stress ang nararamdaman ko. 

Hinawakan ko ang doorknob para itulak iyon pero pwersado itong sumara at tumama sa ilong ko ang pinto.

“Aray!”

Sinubok kong buksan ang pinto pero nakalock na ito. Malalakas ang naging katok ko.

“Lorcan! May susi ako ’no!”

Inihanda ko na ang susi at nang subukin iyon ay hindi ko pa din maitulak ang pinto. Inihanda ko ang sarili ko para itulak ang pinto gamit ang lakas ko. Humakbang ako ng sampu papalayo at saka tumakbo para itulak ang pinto. Nang magawa iyon ay kusang nagbukas ang pinto at bumagsak ako sa carpeted na sahig. I hit my head at the arm of my own chair. Mukhang iyon ang iniharang ni Lorcan sa pinto para hindi ako makapasok.

“Aray!” Kinapa ko ang noo ko at nakapa ko ang dugo doon.  “Kita mo to?” Tanong ko at pinakita ko sa kanya ang palad kong may dugo. Nanatiling blanko ang ekspresyon nya. Nanggigil ako sa inis dahil hindi man lang siya humingi ng tawad.

Mabilis kong kinapa sa bag ko ang librong binigay sa akin ni Abuela kahapon, hardbound iyon. Ibinato ko iyon kay Lorcan at malutong ang naging landing non sa ulo niya.

“ARAY! CALLA SUSSANE TORRES!!!!” Gigil na sigaw ni Lorcan nang dumampi sa kanya ang hampas ng libro ko!

An eye for an eye, a tooth for a tooth! Kala niya ha!

“Argh! Ang sakit! What’s wrong with you lady?!” Inis na singhal sa akin ni Lorcan na napayuko pa sa paghawak nya sa noo.

I rolled my eyes at him. Isang aray lang ako, nakamove on na ako agad samantalang sya ang daming sinabi. Daig pa ang babae. Inirapan ko sya at umupo ako sa lamesa ko. Inabot ko ang tissue sa harapan ko at ipinunas ko iyon sa noo ko. Napangiwi ako sa hapdi pero hindi ko iyon ipinakita. Only losers will show defeat.

Nang matuyo na ang dugo ay inayos ko na ang gamit ko sa lamesa na parang walang nangyari, samantalang padabog namang lumabas ng opisina nya ang boss ko.

Ilang minuto na ako nagsimula sa pagtatrabaho nang bumukas ang pinto. Mainit pa din ang ulo ni Lorcan at nakasimangot pero may band-aid na ang kanyang noo. Narinig kong humila ng upuan si Lorcan at inilapit nya yon sa lamesa ko.

Tumaas ang kilay ko, “Dont tell me pupukpukin mo na ako ng upuan?!

May kung anong binubuklat sya na paperbag at biglang naramdaman ko na lang na may malamig na dumadampi sa noo ko. Nang lingunin ko sya ay seryoso lang sya na naglalagay ng gamot sa noo ko gamit ang bulak.

“Tsk, wag ka ngang malikot!” Pagsusungit nya pa. Hininto ko na lang ang pagtatrabaho at hinayaan ko sya sa ginagawa. Nilagyan nya din ako ng band aid pagkatapos.

“How can I marry this girl?” halos bulong iyon pero dinig na dinig ko.

“Sino bang may sabing magpapakasal ako sayo? Sumusobra ka na kung pati ang apelyido ko ay papalitan mo din.”

Binaba ni Lorcan ang tingin sa kanyang mga palad na parang nag-iisip. Alam kong hindi din sya nakatulog kaya may topak sya kaninang umaga. How can I marry this guy too? Kaya ko bang gumising araw araw na haharapin ang sumpong niya? That’s straight from the book nightmare.

“Calla, given a chance, are you willing to marry me? Yes or No?” seryoso nyang tanong. Hindi ko maiwasan na matawa sa tanong nya, hindi ko kayang seryosohin!

“Bakit ka ba natatawa?” Inis na pakli niya.

“Marriage proposal ba yan o exam? Pupwede kitang pakasalan kung mahal na kita.”

“You are so idealistic.”          

“Bakit ikaw? Papakasalan mo ba ako?”

“If it is for the investment of my Abuela—”

“Alam mo, sinasabi ko na nga bang kayo talagang mayayaman ang mukhang pera at hindi kami. You will do everything for money.”

“Can I court you then?”

Nag-init ang pisngi ko.

“B-bakit mo naman gagawin yon?”

“Courtship is our way to know if this could work. Hindi naman natin malalaman agad na gusto natin ang isa’t isa kung hindi natin susubukan. This is a win win situation for both of us. If it is a yes, then we will be happy, if it is a no, then, at least we had good times.”

Tumaas ang aking kilay. Ganoon ba kadali iyon?

“If you will like me, then you have to marry me.”

“Paano kung magustuhan kita tapos ikaw, hindi mo ako gusto?”

“Don’t worry much about me, I can live with that.”

“I can only love someone if the intentions are true.” Nagkibit balikat ako.

“Really?” Unti unting lumapit ang mukha ni Lorcan sa akin. Iniiwas ko ang mukha ko pero hinawakan ni Lorcan ang baba ko at iniharap sa kanya.

“Laro lang ba saiyo ito?” Angil ko, nagrereklamo sa pagkakalapit.

“If you want to think about it that way.”

“Kailan ka susuko?”

“Did you know that courtship has five stages, Calla?” Bulong niya na magkalapit ng husto ang mga mukha namin.

“Number one, attraction. Do you find me attractive, Calla?” He winked his eye. Binalot ng init ang mukha ko dahil sa tanong at sa ginawa niya.

“You are blushing. That’s a yes. Level one unlocked, let’s go to number two. Reading body language. You blushed it means you are shy. Your gray eyes couldn’t hide so much from me. Level two unlocked.”

“Teka!”

“Level three, verbal communication. What is it you want to say?”

“Unfair naman yong level two, madali naman talaga akong basahin. Sabi mo di ba?”

“Level three unlocked, you can communicate your thoughts. Let’s go to number 4. Physical touch. I just kissed you. So we should unlock that one, too and level five, intimacy.”

Kung merong salamin ay mas mapula pa sa kamatis ang pisngi ko ngayon.

“Ang daya mo! Yung nabanggit mong level 1-4, nakasalalay sa akin lahat ang signs.”

“Because I am courting you! I read it in an article that a woman should say yes after level 5.”

“Intimacy?” Itinulak ko siya, “Pumirma ako ng chastity covenant sa school ko at ino-honor ko yon. I shall give my V-card to anyone who deserves it after marriage. That is not a give away. Mabulok ka diyan.”

“Alam mo, ang berde ng utak mo. Intimacy doesn’t have to be s*x. It could be cuddling and comfortably being with each other. Now, I will work on Level 5.”

Tinakpan ko ang tainga ko habang hawak naman nI Lorcan ang magkabilang pisngi ko.

“Ibig mong sabihin, if I’ll get intimate with you then that’s it?”

Tumango siya.

“Ha, ako pa talaga ha? Mamatay muna ako bago kita landiin.”

“Pinakamahirap sa mundo ay yung pigilin ang nararamdaman.”

“Wala akong nararamdaman.”

“Willing akong magpalandi. Although the package is small—” Bumaba ang tingin niya sa dibdib ko.

“Bastos!”

Piniga ni Lorcan ang pisngi ko at pinanggigilan.

“Can I invite you for a dinner date later? Tingnan natin kung hindi mo ako magustuhan.”

“So confident.” Umirap ako.

“You bet.”


Nemesis was built at the center of Metro Manila. It is being considered as one of the best skyscraper in the country. Bakit nga ba hindi? 360 degrees ang view nito at matatanaw mula dito ang boundaries ng Rizal at Laguna nang walang harang dahil ito din ang pinakamataas.

Naglakad ako sa rooftop. Kalahati ng araw ay nawawala si Lorcan, nakatanggap lang ako ng mensahe na wag munang umuwi. Ang pangalawang mensahe ay isang utos na umakyat ako sa rooftop ng building.

Malamig ang hangin na dumampi sa aking balat, sa gitna ng rooftop ay isang malawak na carpet na maraming unan. A small table was at the center of it. At si Lorcan, nakatayo doon na may ngiti ang mga mata. May pagmamalaki niyang inilahad ang inihanda niya.

“You like it?”

Pinilit kong kumalma. May mga scented candles pa sa paligid. Hinakbangan ko iyon at tinanggal ko ang sapatos ko bago lumapit sa carpet.

“Nag-effort ka talaga, ha.”

“You will say yes at the end of everything. I am sure of that.”

“Uy, may pakain si Mayor.” Humagikgik ako at tiningnan ang nakahanda. Nothing fancy, only pizza and take out pasta but something that I’ve been longing to eat since this morning.

Umupo kami sa mga unan na naroon at sabay pa kaming kumuha ng pizza. Napansin ko ang isang binoculars na naroon sa lamesa.

“Can you tell me more about stars?” Tanong niya.

“Akala ko ba date? Magpapaturo ka pala.” Nadidismayang sabi ko. “Joke lang. Sige, mamaya. Kain muna tayo.”

He did as I say. Nang mabusog na ay sinimulan ko nang ipaliwanag ang constellations. It feels good that someone listens. Si Clover kasi ay walang interes sa mga bituin. Nakapuwesto si Lorcan sa likuran ko at nakapasandal ako sa matipuno niyang braso.

“What’s your Zodiac?” Tanong ko.

“Scorpio.”

Hinanap ko iyon sa maliwanag na kalangitan at napangiti ako nang makita iyon, iniabot ko sa kanya ang binoculars para makita niya. He giggled like a kid when he saw it.

“Lorcan..” Natigilan kaming dalawa sa boses ng isang babaeng tumawag.

“M-margaux. What are you doing here?” Sabay pa kaming napatayo ni Lorcan. Margaux is wearing a casual shorts and tanktop taliwas noong una naming pagkikita na elegante at puno ng sigla ang maganda mukha.

“I—I am sorry, nakakaabala ako.” Nanghihina siyang ngumiti at tumalikod na. Lorcan took huge steps to stop her.

“No. Why are you crying?”

“Cyrus.. He wants to call off the engagement and I don’t know why.” Lumakas ang iyak ng babae at mahigpit na yumakap kay Lorcan.

Humawak ako sa aking puso, I am sure there’s something wrong with it because it stopped for a millisecond.

Chapter 14

Kapag natapos ng Earth ang pag-rotate niya sa axis niya, isang buong araw na naman ito.

Yun ang rason kung bakit pumapatak ang bawat segundo, ang bawat minuto, ang bawat oras.

Pero kapag umandar na ang oras pero alam mong hindi nag-bago ang paligid mo, siguro nasa ibang mundo ka na. Where am I then? Venus? It feels my whole day just stucked on 243 days.

“Calla, para kang timang diyan. Papalayasin na tayo ng banko.” Malakas na inalog ni Clover ang braso ko.

Nakikita ko pa din ang mukhang iyon. Kung paano niya niyakap ang katawang iyon. How she seems small in his strong, sturdy arms. How she was carefully held like nothing really matters and everything will be fine because he said so. Wala sa sariling napahawak ako sa dibdib ko. Hindi naman ako inggitera.

“Calla to earth, over!” My sister made an effort to get my attention but it feels my body is not really on earth right now.

“C-clover…”

“Hay naku! Di bale na nga. Mataas din naman ang maintenance ng bahay na ito para sa dalawa. Saka mas malungkot lang kapag  tayong dalawa lang dito. Actually, Tami offered a flat with some of her employees, too. But I told her I can’t kasi siyempre paano ka.”

Hinilot ko ang sentido ko. Hindi natapos ang date na iyon na may ngiti ako sa labi. Pang-halloween mga Bes. To think that was my first date. Sinayang na naman ng unggoy at yun siguro ang dahilan kung bakit ako naiinis.

Well, not actually his fault. Siguro kung may ex din ako at ganon ang itsura, I will break all the  boundaries to comfort him. But sadly, Lorcan’s my first boyfriend, too. Well, first/fake boyfriend.

“Nakikinig ka ba?!”

“Oo.. K-kunin mo na ang offer ni Tami.” Tami is my sister’s new boss. Kung tutuusin ay malayo ang bagong trabaho ni Clover mula sa bahay namin kaya madalas ay mas maaga siyang umalis at gabing gabi naman na kung darating.

“Hindi ka pwede don, ano ba.” Umirap si Clover.

“Malaki na naman ako, saka mas matanda ako sayo.” I reasoned.

“Five minutes lang ang itinanda mo!”

“Still! Nauna kong ilabas ang ulo ko kaya sorry ka na lang.”

Ngumuso si Clover. Siniksik niya ako sa inuupuang couch at sumandal sa balikat ko.

“Pero ang bahay..”

“Clover, our parents will always be in our hearts. Hindi sila naiiwan sa apat na sulok ng bahay na ito. The memories and their love will live forever.”

“Well, may point. Eh paano ka? Saan ka titira? Tatlong buwan na lang ang palugit ng banko. Makakahanap ka ba ng malilipatan kung sakali?”

“Ang dami dami dito.” Sabi ko sa kanya pero ang totoo, hindi ko talaga alam kung saan ako pupwedeng tumira. I am also worried. Buong buhay ko, parte ako ng isang pamilya. Hindi pa ako nailalayo kay Clover ng matagal. I would probably get a space on my own. Tiyak na kung may housemate ako ay hahanap hanapin ko pa din ang presensiya ni Clover. But I don’t want my worries burden her. Alam kong nahihirapan siya sa biyahe at ako din naman ang mahihirapan kung susundan ko siya. Adulting is hard but we need to get through.

Nag-vibrate ang phone ko, ipinagpasalamat ko iyon para hindi na mapansin ni Clover na nag-aalala ako.

“Hello?”

“Why did you leave?” Singhal sa akin ni Lorcan sa kabilang linya.

“Magandang gabi!” I grinned.

“I asked you to wait.”

“Mas kailangan ka niya.”

“Can you not talk like a jealous girlfriend trying to hit my conscience?”

“Tss..” Inis na usal ko.

“Are you hissing at me?”

“I am trying to be a logical friend here.” Madiing wika ko.

“You are not my friend, goodness, Calla. I am courting you. Di ba sinabi ko naman? I told you to wait. Why do you have to make me drive that far to see you? Lumabas ka. Di pa ako tapos manligaw.”

Bumuntong hininga ako bago tumayo. Tumango sa akin si Clover na nakakaunawa. Kailangan ng audience ni Lorcan sa kanyang panliligaw. I am literally breathing in installment when I went out. Naroon siya sa labas, nakatayo at may bitbit na paperpag. He rolled his eyes when he saw me.

“You are really impatient.” Salubong niya.

“Nanliligaw ka ba?”

“Tsk, nawala na ang pacing ko. Can I just at least drink hot choco with you?”

“Gising pa ang kakambal ko. Kung gusto mong mag-emote, wag mo nang ipakita sa kanya.”

Napalunok siya at saka bumaba ang tingin niya sa hawak niyang paperbag.

“Ano yan?” I asked.

“Well, bag of chips, biscuits and chocolates. I will just—”

“Fine. Pumasok ka na muna. I have an idea.”

Malapad na ngumiti si Lorcan. His eyes literally vanished in happiness. His pearly white teeth glimmered. Bumagay iyon sa natural at halos pulang labi. Itinulak ko ang gate para sa kanya.

“Clover, si Lorcan. Lorcan, si Clover.” Dumapo ang tingin sa amin ni Clover nang makapasok kami sa loob ng bahay. They both politely nod at each other. This is the first day that they were formally introduced.

“What are we going to do?” Parang batang excited sa isang magic show si Lorcan.

Tinungo ko ang ref at naglabas doon ng dalawang pint ng ice cream. Napangiwi ako nang marealize na walang pag-pipilian sa dalawang tub.

“That’s my favorite.” Itinuro ni Lorcan ang hawak ko, his voice was giddy. Pistachios. He likes them. Napapansin ko iyon dahil sa snack na naroon sa ref niya ay puro Pistachios and fruits.

“Okay, let’s go.” Sa pinakadulong bahagi ng kusina ay maingat akong umakyat sa isang aluminum stairs. Umalog iyon pero nakatitiyak akong sapat ang tibay nito para sa kasing laki ni Lorcan. Kinapa ko ang lock ng maliit na wooden door access patungo sa bubong at naitulak ko ang pinto paitaas.

The outside noise welcomed us, the light and breezy feeling of the air danced my hair as I took my last three steps up. Tumunog ang ilang tuyong dahon nang umapak ako sa bubong. Sinilip ko si Lorcan sa ibaba at inanyayahan ko.

“There?” Turo niya sa akin na nagtataka.

“Yes.”

“Baka masira ang—”

“Takot ka ata eh!” I giggled. Napapailing na humakbang ng isa si Lorcan at iniabot sa akin ang hawak na mga pagkain. Pinanood ko siya habang umaakyat. His muscle flexed as he held on through the aluminum bars tightly. Seryoso iyon na para bang kung may mali siyang magagawa ay natatakot siyang may masamang mangyari, he’s like a kid. Sa wakas ay nakaakyat din siya kasama ko.

Inilibot niya ang kanyang mga mata sa paligid. It is nothing like the skyscraper at his office. Halos na haharangan pa nga ng malaking puno ng mangga ang kalahati ng rooftop, sa di kalayuan ay tanaw na agad ang mga matataas na hotels na nagbibigay liwanag sa buong Metro.

“So, you want to imitate my idea of a date kaya dito mo ako dinala? Fast learner huh.”

“Anong imitate ka diyan? Kailangan lang kitang ilayo sa kakambal ko baka kung ano pa ang masabi mo.”

“Like? Nililigawan kita?”

Mabilis kong tinakpan ang bibig ni Lorcan. A smile crept on his lips. His lips felt warm and soft on my palm. Mabilis ko ding inalis ang kamay ko na parang napaso at pinagbalingan ang maliit na pinto doon sa bubong. Sinarhan ko iyon.

“Wow, your roof is flat.” Tumalon talon si Lorcan sa bubungan. Hindi iyon gawa sa yero kundi sa semento din. Merong garden table at dalawang upuan doon sa gitna. Ibinaba ko doon ang mga pagkain at hinila ang upuan.

“Oo, gawa ni Papa. Para daw kapag nag-e-emote kami ni Clover tuwing napapagalitan kami, meron kaming mapupuntahang tahimik.” Malungkot akong ngumiti sa mga alaala. “Kami ang nag-buo nito. Nagagalit nga si Mama kasi tuwing umuulan noon, mababasa ang loob ng bahay namin. Almost two months in the making ’to.” Pagmamalaki ko.

“That’s awesome. Ang dami niyo ding halaman.” Itinuro ni Lorcan ang Anthurium at Mandevilla. Hinila niya ang upuan sa tabi ko at umupo doon.

“Favorite ni Mama. I told you, she loves plants, ako na ang nag-alaga nung wala na siya. They aren’t as bright and shiny as they were before. Wala ata akong green thumb.”

“Green thumb isn’t real. It is science to grow a plant properly. You should also be keen with your Biology.”

Sumimangot ako. Binuksan ko ang isang chichirya sa harapan namin. We shared the snacks while chatting. Just like that, bumalik na ulit sa axis ang mundo ko. Everything’s normal and I feel warm and fuzzy with just one smile. The dimple on his cheeks makes everything fine.

Kinuha naman ni Lorcan ang ice cream, “We got the same taste.” Aniya nang dilaan ang lid cover nang buksan niya ang B&J Pistachios Pistachios. Para siyang batang ninamnam iyon. “Tagal ko nang hindi nakakakain nito. Eversince Abuela was diagnosed diabetic, Margaux stopped me from eating sweets and—”

Kinuha ko ang ice cream mula sa kanyang kamay at umirap sa kanya. “Masama ito sayo.”

“But you gave that to me!”

“Wrong. I did not offer yet.”

“Daya.” Madali niyang nabawi ang ice cream mula sa kamay ko at sumandok doon, “You know what? Fck it. You only live once right? Do something crazy, you will die. Do not do anything crazy, you will also die.”

Pinanood ko siyang kainin ang ice cream sa mabibilis na pagsubo. Wala sa sariling napangiti ako.

Ang sarap talaga. Ng ice cream.

“Can I invite you for a date this weekend?” Kaswal niyang itinanong iyon habang nakaharap sa ice cream.

I tried to sound cool, too. Kagaya ng pagtatanong niya. “Okay lang.” I agreed.

“Really?” Tumaas ang kilay niya na parang nagulat pa sa pagpayag ko.

I pouted and shrugged. Wala naman sigurong masama hindi ba?


“Lorcan!” I shouted and complained. It is ‘weekend’ and we are on a ‘date’.

Tumawa siya at inihagis sa akin ang isang malaking repolyo at muntik pa itong tumama sa mukha ko. Maingat ko iyong inilipat sa mataas na basket. Binilang ko ang laman non.

“Dalawampu na! Pupwede na tayong bumalik sa Maynila tapos gagawa na tayo ng salad!”

“Weak. Meron pang carrots doon sa kabilang farm!”

“Carrots?” I groaned. Sinundan ko siya at isinukbit sa likod ang malaking basket. Kawangis ko na ang ibang magsasaka sa Mendez Farm. Kaibigan sila ni Lorcan na sinusubok na magpatubo ng cabbage sa Tagaytay. They also have other plant produced, everything organic kaya nakakabilib.

The villa is a medium sized bungalow at the center of the 10 hectare farm. The house was constructed with 50-year old strong wood na mula din sa orihinal na pananim ng farm. Dalawang puno sa magkabilang bahagi ng bahay ang tumatabing sa bubungan ng bungalow para hindi maging mainit sa maghapon.

“Lorcan, pagpahingahin mo naman si cutie pie!” Napalingon ako kay Jared. He’s the forty year old businessman, katabi niya ang napakaganda niyang asawa na si Emilia. They were both smiling on my grievance!

“Pagod na?” Tumayo si Lorcan at lumapit sa akin. He’s wearing a plain white shirt and a khaki shorts, flaunting his awesome physique despite his simplicity. Kung ganito ang lahat ng magsasaka ay tiyak na dadami ang kalahi ni Eba na magiging farmer.

“Sabi mo pipitas tayo ng strawberries!” That’s his bargain. Kukuha muna kami ng repolyo pagkatapos ay kukuha kami ng strawberries kaya excited ako ngayong araw.

“Oo nga, papunta palang tayo don pero dadaanan natin ang carrots. Kumuha na din tayo ng ilan!” Pangangatwiran niya. I moaned. He threw his hands on my shoulders. “Fine, we will pick strawberries.” His eyes softly gazed at me. Lumingon siya kay Jared. “We will just get strawberries. We will leave our cabbages here.”

“Walang problema. Baka nagpapabuhat na si cutie pie. Nakasimangot na ng husto.” Tukso ni Jared sa akin. Walang ano ano ay lumuhod si Lorcan sa harapan ko na ikinabigla ko.

“Sakay na.”

Humalukipkip ako.

“Hindi ko yan tatanggihan.”

Mahina siyang natawa, “Try me.” Gumapang ako sa kanyang likod pagkasabi niya non.

“Level 5, intimacy—”

Hinampas ko ang likod ni Lorcan bago magsimula ang pang-aasar niya. “Ikaw ang nag-alok. Bababa na lang ako.” Umismid ako. Tumawa lang siya pero hindi din naman ako pinakawalan.

Masaya akong namitas ng strawberries nang makarating kami sa bahaging iyon. I couldn’t believe that advanced technology on farming could grow huge strawberries in the Philippines. Yung iba ay kinakain na namin ni Lorcan bago pa bumagsak sa basket, they are pesticide-free, anyway.

“Alam mo yung sinigang na Strawberry?” Lorcan asked and I shot a brow on him.

“Niloloko mo ako.”

“No, really. We could cook that later. Hiramin natin ang kitchen ni Emilia mamaya.”

“Mayabang ka ha.” I giggled. Tumaas ang kilay niya.

“Mayabang pala ha?” Binato niya ako ng strawberry sa mukha. I frowned. Gumanti ako gamit ang hawak kong strawberry at hindi nagpatalo! Hanggang sa naghabulan na kami. Pinipilit naming huwag maapakan ang mga pananim kaya bumigat ang pakiramdam ng binti ko sa sobrang pagpipigil kasabay ng malakas na pagtawa.

Nahuli ni Lorcan ang aking beywang. Nagpumilit akong kumawala pero naging matigas siya. I stepped back and my foot failed me, bumagsak iyon kasunod ng buong katawan ko pero bago pa iyon mangyari ay pilit na sinalo ako ni Lorcan at nagkusa siyang humiga sa lupa. I landed on his rock solid chest. Hindi pa tapos ang pagtawa ko kahit na gustong mag-alala. Nag-angat ako ng tingin kay Lorcan at nakita kong nakaabang ang mga mata niya sa akin. There’s no humor in it. Napawi din ang ngiti ko. I swallowed hard and he did too.

“S-sorr—”

“Level 5, intima—”

Bago pa niya makumpleto ang mga salita ay tumayo na ako. Tumatawa akong napailing at binalikan ang basket para kuhanin ang mga nasayang naming strawberry. Siguro ay huhugasan na lang namin ang lahat pagbalik namin sa Villa ng mga Mendez. Tumingala ako at nagiging kulay kahel na ang langit. I couldn’t believe how much we had fun picking vegetables. Mag-gagabi na pala. Tanghali kami namitas ng gulay pero inabot namin ang paglubog ng araw,

Ang naipangakong iluluto ni Lorcan na siningang na strawberry ay hindi nangyari. He knows that it is what Emilia will prepare for dinner. Siningang na Salmon sa Strawberry. I really thought strawberry was the main meat. Nag-volunteer kami ni Lorcan na mag-hugas ng pinggan nang mamahinga na ang mag-asawa. Panay pa din ang pag-lalaro namin pati ang bula ng dishwashing soap. I remember doing this with Clover when we were kids, Lorcan do not have any sibling growing up so maybe he missed the household chores fun part.

Nasa pag-sasalansan na kami ng mga plato sa rack nang sumilip si Emilia sa amin doon sa kusina.

“Lorcan, dumating ang Kuya Rome at Ate Melissa ni Jared at namamahinga na sila sa isang guestroom.” Apologetic ang mukha ni Emilia. “Would you be comfortable in sharing a room?”

Natigilan si Lorcan sa pagpupunas ng plato. Tila nakuha agad iyon ni Emilia.

“K-kung hindi naman, pupwede kami ni Jared na matulog sa salas.”

“Ay hindi.. Hindi. Okay lang kami ni Lorcan sa isang kuwarto. Okay lang ako.” I smiled. At the back of my head, hindi ko talaga alam ang pinapasok ko pero nakakahiya naman kung sa salas sila matutulog para lang mayroong tig-isang kaming kuwarto ni Lorcan.

“Really?” Masayang ngumiti si Emilia, “Good Lord. Thank you. Alam naming inimbitahan namin kayo dito kaya lang ay sinurpresa kami nila Kuya Rome nang dumating galing sa New Zealand.”

“No. This is too much actually. You let me harvest from your farm. Matutulog pa kami dito. Hindi ko na kasi kayang mag-drive. Masyado nang mahamog sa labas.”

“Yes. Bukas na lang kayo lumuwas para safe. Anyway, matutulog na kami, ha? Iwan niyo na diyan at sila Manang April na ang mag-aayos. Imbes na makapagpahinga na sana kayo. Inabot pa kayo ng gabi sa bukid.”

Nahihiya kaming napangiti. Guilty as charged. Hindi namin napansin ang oras at hindi inalintana ang pagod. Pinanood ko si Emilia na mahinhing nag-lakad papalayo sa amin. Her silk floral robe danced with her small steps.

After the plates, sabay kaming naglakad ni Lorcan sa kuwarto na para sa amin. It all dawned on me. Sa isang kuwarto kami matutulog?

“Kung hindi ka kumportable, luluwas na tayong Manila.” Tila nahalata ni Lorcan ang iniisip ko.

“At ano? Mamatay ngayon din?”

“I can still drive.” Giit niya.

“My parents died because—”

“Hep!” Tumaas ang kamay ni Lorcan at iniunat ang ito sa ibaba para hawakan ang magkabilang baywang ko. I literally froze like Pluto.

“Oo na nga, Baby. Tabi na tayo tonight. Wag nang mainit ang ulo.” He stepped an inch closer and my eyes widened. My cheeks heated up like an oven, nakalimutan ko na ang litanya ko dahil sa katiting na distansiyang iyon.

“You are flirting!”

“Kinikilig ka na?” Inihilig niya ang kanyang baba sa aking balikat. Mabibilis ang tibok ng puso ko at parang lalabas na iyon.

“L-layo.”

“Ah-ah.” Umiling siya. Kinailangan ko pa siyang itulak para lumayo. Humakbang siya paatras nang tumatawa.

“You don’t have to worry about me. I’ll behave like a good boy fresh from his first communion.” Pangangako niya. I sneered at him. Mas lalo siyang natawa.

Juskolerd, let me get through this night.

Chapter 15

“Hindi ka lalagpas sa unan na yan. Naiintindihan mo?”

“For crissakes! You said that for the 100th time already! There’s not much to see in that.” Mapanghusga niya akong tiningnan sa buong katawan. Umirap ako at pabagsak na humiga sa kanan na bahagi ng double sized bed.

“Hindi ako maiinsulto dahil may nagkagusto na din naman sa akin.” Humalukipkip ako at mariing pumikit. I was actually waiting for him to counter attack but there was a deafening silence after my statement

Nakiramdam ako. Tiyak kong meron siyang gagawing masama kaya siya nanahimik. Probably throw a pillow on my head and let me suffer until I am choking to death.

Handa na akong bumangon muli para tingnan ang ginagawa niya nang maramdaman ko ang maingat na paglapat ng likod niya sa kama. Seryoso pa siyang tumikhim.

“T-talaga? May nagkagusto na sayo?”

Lihim akong napangiti.

“Hindi mo lang makita ang kagandahan ko dahil mahilig ka sa matatangkad! Doon lang naman ako kinapos ng kaunti pero napagkaganda ko sabi ng Mama ko.”

“Of course! She’s your Mom. Sayang naman ang effort niya sa panganganak kung sasabihin niyang pangit ka. Maybe, she doesn’t want you to feel bad.”

Napasimangot ako at marahas na niyakap ang unan sa tabi ko. Isiniksik ko ang ulo ko sa ilalim non.

“Alam mo bang hindi lang sa panlabas na anyo nakabase ang kagandahan ng isang tao?” Tanong ko ng nakapikit. He chuckled.

“Only extremely ugly people would say that.” Panunuya niya.

“Ayoko nang makipag-usap sayo. Matutulog na ako kasi napagod ako sa pagbubuhat ng repolyo. Napaka-ungentleman mo talaga.”

Pumikit na ako at inanyayahan ang sarili na mahulog sa antok. But it ain’t easy to do that. The fact that there’s an undeniably gorgeous hunk beside you made everything worse. Natakot akong pumikit dahil baka humilik ako ng malakas o di kaya naman ay tumutulo ang laway. That’s very far from his modest perfection. Tiyak na mas  iinsultuhin niya ako kinabukasan.

“Anong pangalan ng nagkagusto sayo?” Maya maya ay sabad niya. I mentally rolled my eyes.

“My goodness. Hindi pa ba tayo tapos?”

“I am just asking the name! Not that I’ll have him investigated and beat him to death. Siguro wala naman talaga ’no?” I felt his soft nudge at my back. Hopeful pa ang kanyang boses na tama siyang walang nagkakagusto sa akin.

“Ha! Hindi ako sinungaling, alam mo yan. Ikaw kaya ang nag-turo sa aking magsinungaling. Ugali mo, papasa mo pa sa iba.”

“Then tell me the name! Wala kasi. You are just messing with me.”

Napakagat labi ako kasabay ng pag-iinit ng pisngi dahil sa kanyang hamon. Hindi ako maaring umatras. Hindi pupwedeng apakan niya ang pagkatao ko ng ganon ganon na lang!

“Eros!” Sorry, Eros.

“Eros Balagtas.” Tama nga iyan Calla, kumpletuhin mo ang pangalan para mas convincing.

“We were almost there. Y-you know, a serious relationship. W-we even have the same addiction to the stars.” Pag-iimbento ko. Magpapa-misa ako if Eros could name one of the stars! Mas magaling pa nga si Lorcan mag-memorya ng nga bituin. He even asks me different facts about the universe like he’s starting to like it too.

“At bakit hindi natuloy?” He asked in a baritone.

“Pwedeng mag-change ng topic?” Nanatili akong nakapikit. “M-masakit pa kasi.” Nalukot ang pagmumukha ko sa ilalim ng unan dahil sa palusot. 

Hindi siya sumagot. I felt a strong hand suddenly crawling to my tummy. The distance was cut short because of Lorcan’s chest at my back. There’s a comfortable heat on his bear hug. My breathing hitched and I am almost delirious but trying to compose myself. This shouldn’t be free. It is so comforting that it could be more delicious than food.

“A-anong ginagawa mo?”

“Comforting you?”

“Okay sige, pero hindi mo ako kailangang yakapin.” Pagpupunto ko. Not that I don’t like it but the problem is I like it so much but I cannot afford to have it. This tight hug, few days ago, I was wondering how this feels. Now I know why Margaux craved for it when she’s sad.

Bahagya akong nakaramdam ng pag-tulak sa ulo ko. “You did this to me, too and I felt well after a good hug..” He whispered under his breath. I felt his lips touching my hair and I am trying to picture how we look like right now.

“I will stay like this until you feel better.” Dagdag niya pa.

“I feel better.”

“Liar.” Mas humigpit pa ang yakap niya nang hindi maniwala.

I fell asleep just like that.

And woke up, just the same…

As if we both didn’t move a bit.

“Level 5, intimacy. Cuddling as we sleep.”

Pinanlakihan ako ng mga mata pagmulat ko ng mata. Dali dali ko siyang hinarap pero hindi niya inalis ang kanyang yakap. His boyish smirk was there early morning. I love God but doesn’t He favored Lorcan a little bit more than what we are supposed to have? His fresh from a deep slumber made him look nothing but better. And his smile could melt anyone’s heart!

“Ang pangit mo.” Bati niya. “Mas pangit ka sa umaga. Yung buhok mo parang walis. Yung kilay mo parang may pinagdaanan. May bakat ka pa ng laway.” Hinawakan niya ang gilid ng labi ko at parang may inalis doon. “Yuck!”

Pinanliitan ko siya ng mata. “Ang sabi mo manliligaw kita? You are not very good in courtship.”

Nabura ang ngiti sa kanyang labi, “Bakit? Paano ka ba niligawan ng Eros na yon? Flowers and chocolates? Binola ka? I am very sure, 90% of what he said weren’t true. Ako lang naman ang mag-sasabi ng totoo.”

Sumimangot ako. “Ang lakas ng loob mong magsabi ng totoo kahit nakakasakit ka na ng damdamin.” Mabilis akong bumangon at kinuha ang tsinelas ko sa ilalim ng kama saka padabog na lumabas ng silid.

I went to the restroom for a quick fix. Paglabas ko doon ay natanawan ko si Emilia na abala sa loob ng kusina kasama ang ilang kasambahay. She beamed a smile when she saw me.

“Gising ka na pala. Malapit na itong maluto.”

“Good morning, Emilia.”

Mabait siyang ngumiti at humarap sa akin, “I couldn’t believe how beautiful you are in the morning. Sinabi ko nga kay Jared ipaalala sa akin  na itanong sayo kung ano ba ang skincare regimen mo, I don’t think your face will look old when you reach our age. Goodness! Forties is driving me nuts!”

“Ang aga aga, binobola mo naman ako.” I smiled.

“Anong bola? Lorcan wouldn’t like you if you are not pretty. We’ve known him for so long. Ten years ago we met him at a Farming convention and he was so shy that he even hide his identity. He doesn’t want people to know his love for plants because he’s the strong, alpha male type. Nakilala lang namin siya sa business magazine. Isa pala siyang Tycoon. Mabuti nga at dinala ka niya dito. I am sorry to mention but his ex doesn’t even know his farming skills, ang alam lang ata ay potential business partners kami.”

Hindi ako kumbinsido doon. Margaux was his bestfriend. Wala lang sigurong ideya ang mga ito sa pinagsamahan ni Mr. Perfect at Miss Perfect. I scowled under my breath as I remember.

“Calla, please be a darling ang help us bring these bad boys at the dining area. First breakfast ulit nila Kuya Rome dito sa Pilipinas kaya naparami ang niluto ko.”

Tumulong ako kay Emilia at sa mga kasambahay. Naroon na sa hapag sila Lorcan, kasama si Jared at ang mag-asawang kamaganak. Lorcan grinned when he saw me but I answered it with a sneer. Napawi ang ngiti niya. Umupo ako sa dulong bahagi ng lamesa at humila ng sariling placemat.

Napatingin sa akin si Emilia at nagkibit balikat lang ako. Lorcan pushed his chair and the next thing I knew was he was sitting beside me. Hindi ko siya tiningnan.

The breakfast started with a light mood. Nag-bago lang iyon nang mag-simulang mag-usap ang mga lalaki tungkol sa negosyo. Na-out of place ang mga babae kaya sinenyasan kami ni Emilia na tumulong sa paghahanda ng lunch bago kami tumulak sa Maynila.

“I smell lovers’ quarrel.” Ngumisi si Emilia habang nagbabalat ng pipino.

“Hm?”

“Naku. Knowing Lorcan he won’t bow down. Tuwing may away nga sila ni Margaux, he would go here para magpalamig. Sinusundo na nga lang siya ni Margaux dito para magkabati sila.”

Gigil kong hinati ang carrots sa dalawa. “Hindi nga siya marunong mag-sorry.” Nag-peke ako ng ngiti. “Pero okay lang. May sumpong din kasi ako kanina.” Ngumiti akong mabuti para itago ang pagkadismaya.

Nang mahiwa na namin ang mga gagamitin ni Emilia sa pagluluto ay pinilit niya akong magpahinga pa. Ipinagmalaki niya ang library niya na merong mga orihinal na kopya ng libro ni Kip Thorne tungkol sa Black Hole and Time Warps. I took a shower before heading to the library and spent most of the mornings reading Thorne’s amazing arguments.

Mahihinang katok ang nag-patigil sa akin sa pagbabasa. Before I could even answer ay bumukas na agad ang pinto.

Napalingon ako doon at nakita ko si Lorcan, merong hawak na repolyo na merong mga stick na nakatusok. Sa dulo ng stick ay mga strawberries na pinilit ihugis na bulaklak. It was dipped to dark and white chocolates.

“Hi Ganda..” Lorcan was grinning ear to ear and I find it more annoying. Mas sumimangot ako at pinagdiskitahan ang pagbabasa ng libro kahit na wala nang pumapasok sa utak ko dahil sa pang-aabala ng amo ko.

“Ganda, I made this especially for you.” Umupo siya sa tabi ko at itinulak ang repolyo sa harapan ko. “What can you say?”

“Pangit.” Umirap ako. May effort naman pero pangit.

“Wow, coming from you, ha.”

Kumuyom ang kamao ko. Nagmamadaling hinawakan iyon ni Lorcan para pakalmahin.

“Nagbibiro lang ako, Ganda. Ang ganda ganda mo kaya.”

“Tigilan mo nga ako..” Giit ko.

He smiled even more, “Bakit ba kasi ang cute mo kapag nakasimangot? Look at your small nose. It is getting red. Ganyan ka ba magalit?” Mahina niyang pinisil ang ilong ko.

“Wait til you see it.” Umirap ako.

“Ayoko na. White flag. Try these and I an aire you will forget why you are mad at me. Nagpaturo ako kay Emilia na gumawa nito to. It is not perfect, look at this amazing shape, it looks like a–”

“Flower.”

“Damn it. Sabi na nga ba palpak. It is a shooting star!”

Tiningnan ko iyong mabuti at kinuha ang isang stick. I tried to bite one part and looked at it. “Ito ang star.”

Disappointed ang mukha ni Lorcan habang kinakagatan ko ang strawberries. Wala sa itsura pero masarap. I munched it quickly that it was gone before I even realized it. Lorcan smiled like a kid.

“Hihingi ako kila Jared ng madaming strawberries. We can make some more when we’re back.”

“At ako na ang maghuhugis, mukhang bagsak ka sa art class mo nung kinder ka. Kawawa ka naman.”

“Maybe you were a fat kid when you were younger. The only thing that works properly is your mouth.”

“Mag-aaway tayo ulit?” Tinaasan ko siya ng kilay. Mabilis niya akong inakbayan at nakibasa sa libro ko na para bang interesante din iyon para sa kanya.

Maybe it is….

We spent the whole afternoon talking about Time Warps until we get home and he wished that he could go back to the time when he was younger.

“Where were you when I was fourteen?” He pushed the car outside our house.

“Sa pre-school? Sneaking at the windows probably because all that I could think is to go home.” I kidded.

Ngumiti siya, “That definitely looks cute. I wish time warp really do happens.”

“You want to see my cuteness?”

“No. Isusumbong kita sa teacher mo.”


Ang yaya duties ko kay Granny ang bumubuo sa weekend ko sa mga sumunod na araw. Nakapag-Sunday Market na kami. Nakahiligan ko tuloy ang tea at kakaibang recipes gamit ang mushroom. Sulit naman kahit kailangan kong gumising ng sobrang aga. Mas maagang nakakapagpabook ang Lola ni Lorcan kaysa sa kanya kaya madalas ay si Granny ang nananalo sa mga libreng araw ko. He can’t say no to his Abuela. Sinabihan nga lang ako ni Lorcan na kung inaapi ako ay isumbong ko sa kanya ora mismo pero siyempre, hindi na nangyari yun. Friend ko na si Granny.

Tuwing hapon naman ng Linggo ay inuutusan niya akong gumawa ng gluten free/ sugar free oatmeal cookies sa tulong ng Chef niya sa kanyang mansyon. I always make cookies for one week. Panibagong batch naman kapag panibagong weekend.

“Hay. Salamat sa iyo, Calla.” Tinikman ni Granny ang cookies at tumango-tango.

“Aprub ba, Granny?”

“Aba oo! Sinasabi na nga ba’t ayos magkaroon ng apong babae. Hindi naman marunong magluto yon si Lorcan.” Iiling iling na sabi niya. “Wala nang tiyaga ang apo ko sa isang matandang kagaya ko.” Malungkot siyang ngumiti, mas lumalim lang ang mga guhit sa kanyang mukha.

“Wag niyo pong sabihin yan. Busy lang po ang apo niyo.”

“Busy. Busy. Bakit ikaw? Linggo linggo ka ngang nandito.”

Napawi ang ngiti ko. “Ayun nga po, Granny. Magpapaalam po ako next weekend kasi magkakaroon kami ng kakambal ko ng Garage Sale doon sa bahay namin kaya hindi ako makakapunta.”

“Garage Sale? Bakit?” Hinila ako ni Granny papalabas ng kusina. Mabagal kaming naglakad patungo sa kaniyang living room.

“Aalis na po kasi kami sa bahay namin. Hindi po namin kayang bayaran ang amortization. S-saka malungkot din po kasi yung mga alaala doon.”

“Kailan pa naging malungkot ang mga masasayang alaala? Kailangan mo ba ng tulong, Hija? Gusto mo bang bayaran ko yung—”

“Hindi na po. Nakapagdecide na po kami ng kakambal ko na i-let go na ang bahay.” Tinapik ko ang likod ni Granny. Dumako ang tingin niya sa kanilang likod bahay kung nasaan ang swimming pool. Luma na iyon pero alagang alaga. Everything old could be taken cared of if you have money. Hindi ganon ang sa kaso namin ng kakambal ko.

“O siya.. Saan kayo lilipat ng bahay?”

“Naghahanap pa po. Yung kakambal ko kasi merong provided na condo doon sa bago niyang trabaho. Malayo naman sa trabaho ko kaya maghahanap ako ng para sa akin.”

Malawak na ngumiti si Granny. Taka ko siyang tiningnan. Bumuntong hininga siya na parang ngayon lang nakalanghap ng fresh air.

“Ang gaan ng pakiramdam ko ngayon. Parang may positive energy.”

I smiled and breathe the same air too. Para malanghap ko din ang positive energy.


Marahas na bumukas ang pinto sa opisina kinaumagahan ng Lunes.

“Good morning!” I happily greeted. Kahit hindi nakatingin ay alam ko na ang bagsak ng paa at ang amoy niya.

“Morning.”

Sanay na ako sa sumpong ni Lorcan tuwing umaga pero kakaiba ang isang ito. Parang may pinagdaanan itong bagyo over the weekend at ngayon ay hihingi ito ng financial assistance sa gobyerno. I scanned his face when he sat down on his swivel chair and I saw the vast irritation painted on his face.

Bumukas muli ang pinto at nang lingunin ko ay nakita ko si Granny in her all pink ensemble. Hawak hawak siya ng kanyang nurse sa magkabilang braso at nakangiti pa din sa kanyang apo.

“’La! Why did you oust me in my own home?” Galit na tanong ni Lorcan nang makita ang kaniyang Abuela. “And, you did what? The housekeeping left just because you said so? Amazing!”

“Sa akin naman nakapangalan ang bahay na iyon. Ipaparenovate ko. Hindi mo naman kailangan ng ganon kalaking bahay. Saka pababayaan ba naman kita, apo? I got you a townhouse near your office.”

Hirap na naglakad si Granny papalapit sa lamesa ni Lorcan, tumayo ako para salubungin siya at kuhanin siya sa mga nurse.

“Oh Calla, you are here. Poor Calla..” Kumunot ang noo ko nang haplusin ni Granny ang buhok ko. “Kawawa  naman ang girlfriend mo, Lorcan. Kukuhanin na ng banko ang bahay niya.”

Napaawang ang labi ko. Kitang kita ko ang mabilis na pagkindat ni Granny sa akin na para bang sinasabing kailangan kong makisakay sa mga sasabihin niya.

“What?” Dumako sa akin ang tingin ni Lorcan. “Is that true?”

Ikinilos ni Granny ang kanyang siko para mag-salita ako.

“Pinili namin yon ng kakambal ko, Lorcan–”

“But you didn’t tell me! Call the bank and I —”

Tumaas ang kaliwang kamay ni Granny para pahintuin si Lorcan sa pananalita.

“Lorcan! Choice nga daw eh. Bakit hindi na lang kayo ang tumira doon sa townhouse na sinasabi ko sayo?”

“Abuela!”

“Oh bakit? Hindi ba’t nobya mo siya? Uso naman iyon.”

“Granny..” I whispered.

“Kailan pa naging uso sa inyo ang live in?” Reklamo ni Lorcan.

“Masama lang iyon  kapag may gagawin kayong masama.  Meron ba kayong gagawing masama?” Tumaas ang kilay ni Granny at saka  nagpalipat lipat ang tingin sa amin.

“W-Wala. Calla, why didn’t you tell me? Let me fix it–”

“Hindi na nga.” Kontra ni Granny, “Kasya naman siya doon sa townhouse. You’ll be housemates. Not live in. That sounded demeaning in this highly impaired society. Nilagyan ng masamang ibig sabihin. Alam ko namang wala kayong gagawing masama.”

“Abuela–”

“Sinasabi ko na nga ba’t hindi seryoso ang relasyon niyo!” Tumaas ang boses ni Granny, kasing taas noong unang beses naming magkita.

Hindi ako nakasagot. Kitang kita ko ang pagkawala ng kulay sa mukha ni Lorcan.

“T-that’s not true.. Of course. We are moving in together. Right, Love?”

Chapter 16

“Tingnan mo ito, Calla. Paborito mo tong t-shirt na ’to noon.” Ngumiti si Clover at ipinakita sa akin ang Star Wars t-shirt ko. Kinuha ko iyon at madaliang inilagay sa ‘To Sell’ box.

“O? Bakit mo iyon ibebenta?”

“Luma na iyon. Hindi din naman magandang kumakapit pa tayo sa nakaraan.”

“Naks, words of wisdom ni Madam! Nakahanap ka na ba ng room space mo? Bukas na ako lilipat sa company pad. Pero siyempre gusto kong masiguro na nasa ayos ka.”

“N-nasa ayos naman ako.” Lumunok ako. “Huwag mo na akong isipin, balitaan na lang kita.”

“Balitaan? Paano kung wala kang mahanap? Di ba nangako tayo na hindi na tayo aabot nang palalayasin pa tayo ng banko sa bahay na ’to?”

“I know. I know. Basta wag mo na akong alalahanin.”

“May hindi ka sinasabi. Calla, kilala kita. Kakambal kita. Spill.” Wika ni Clover na diretso ang tingin sa akin.

“Wala naman. Meron na din akong tirahan.”

“Oh? Saan naman?” Nakataas ang kilay ng kakambal ko.

“M-may pabahay yung company.”

Natigilan si Clover para makinig.

“That’s nice! Mabait naman pala si Mr. Alcantara. Sinong makakasama mo doon?” Inilagay ni Clover ang ilang bagay na gusto din niyang ibenta doon sa box.

“W-well. Yun naman ay si– S-si Lorcan din.”

Natigilan si Clover sa pag-tiklop ng t-shirt, eksaheradong naging letter ‘O’ ang kanyang labi.

“M-mag-li-live in na kayo?” Pasigaw iyon.

“No!” I nervously laughed. “Bakit mo naman naisip yun? Ang dumi ng isip mo.”

“Calla, ang isang babae at isang lalaki sa isang bubong ay magkalive in.”

“Pero wala naman kaming relasyon. We will be housemates! N-naisip ko na maganda na din yon dahil hindi mababawasan yung sahod ko para sa upa sa bahay. Makakatipid din ako sa pagkain—”

“Seryoso ka ba? Naririnig mo ba ang sarili mo? Lalaki iyon, Calla.”

“Pero hindi niya ako type. Sinabi niyang hindi.” Pagpu-punto ko.

“Pero ikaw? Type mo ba siya?”

Bago pa man ako makasagot ay pumasok na sa pinto si Eros, nakahinga ako ng maluwag. Buhat niya ang ilang boxes na wala nang laman. He’s helping us set up our one day garage sale for he’s our only friend. Matiyaga siyang naglalagay ng mga damit sa hanger at gumawa pa ng mga lamesa na patungan ng mga ibinebentang gamit.

He smiled when he saw us. “Two-minutes na lang, mag-bubukas na tayo.”

Eros always liked my sister. Nang nag-post nga si Clover tungkol sa garage sale ay mabilis siyang kinontak ni Eros. Never man siyang nag-confess, siguradong sigurado akong merong spark sa paraan ng tingin niya kay Clover. They can communicate by just looking at each other.

“Kumain ka na, Calla? Late ka nang nakauwi kagabi ah. Lagi bang ganon?”

Pinanood ko siyang kumuha ng bagong box na idi-display niya sa labas. Ayos na ayos na ang kanyang buhok kahit umaga palang. His full red lips has a natural pout, bumagay iyon sa strong mestizo features niya. Every girls at the university fell hard in this piece of cheese. Hindi ko na din iyon ipinagtaka. Ang ipinagtataka ko ay kung bakit nananatili pa din siyang single hanggang ngayon. Maybe there are some people that meant to grow old alone, siguro ay ganoon din ako. Maaga ko rin lang natanggap na hindi naman kailangan ng asawa para sumaya.

“Hindi naman. Nagka-ayaan lang sa opisina.” I answered. Lorcan invited his employees to watch a documentary film about the soldiers who fought in Marawi siege. Nauwi iyon sa fund raising pagkatapos. Everyone was moved in tears na tipong kahit pa ang nag-rereklamo na hindi na magkasya ang sweldo ay nagpaabot ng tulong sa mga pamilya ng nasawi o naging disabled. It was painful to see that people that were introduced at the first part of the documentary also died in the battle.

“Huwag kang magpapagabi ng ganon lalo na kapag hindi na si Clover ang makakasama mo. Kailangan ilagay mo ako sa emergency contact mo para kung ano man ang mangyari, mapupuntahan kita.” Eros stressed. I giggled at his concern. Tumaas ang kanyang makakapal na pares ng kilay.

“Opo, Kuya.”

Napailing siya at ipinagpatuloy ang pag-hakot ng iba pang gamit na ibinebenta.

Hindi madali ang garage sale. Extra challenge pa ang mga tumatawad at nanghihingi ng halik kay Eros bago bumili ng paninda. Girls squealed like teenagers. Kung nasaan ang kaibigan namin ay naroon sila. Wala kaming choice kundi ilipat sa kanyang harapan ang nasa lamesa namin ni Clover. Daig pa ni Eros ang pusang pampaswerte na walang tigil sa pagkaway. Eros will just smile and girls will run to him after, nanginginig pa.

Merong humintong sasakyan sa harap ng aming bahay pero tiyak kong iyon siya bibili. Napakunot ang noo ko nang supladong bumaba si Lorcan sa kanyang sasakyan. He’s on his white dress shirt and khaki shorts. His hair wasn’t neatly combed today but it added detail to his fascinating dangerous look.

“Ay! May guwapo pang paparating! Bumili ka pa, bilis!” Tulak nang isang babae doon sa kasama niya. Nagkandarapa na naman sila sa pagkuha ng ilang mga vase kahit na papauwi na sana.

“Calla.” Pormal na tawag sa akin ni Lorcan.

“Lorcan! Ang dami na naming napagbentahan.” Pagmamalaki ko. Tipid siyang ngumiti pagkatapos ay dumako ang mata kay Eros.

“Ikaw si Eros, hindi ba?”

Tumango naman ang kaibigan ko, “Magandang umaga, Mr. Alcantara.”

“Ate, magkano itong unggoy?”

Sabay kaming napalingon doon sa nagtanong na customer. Agad na kinuha ni Lorcan sa babae ang hawak nito. Ito yung napanalunan ni Lorcan sa claw crane na ibinigay niya sa akin. Hindi ko ito isinama sa ibebenta pero marahil ay nahakot din namin sa pagmamadali.

“Bakit nandito ’to?” Iritable na tanong ni Lorcan.

“H-hindi ko alam. Hindi ko dapat iyan isasama.”

“Eh bakit nga nandito?” He whispered on gritted teeth.

“Uy, Calla! Naalala mo to? Ito yung ibinigay ko sa iyo nung school fair. Napanalunan ko dahil don sa shooting game. The one with the air gun?” Iniangat ni Eros ang malaking stuffed toy. Natawa ako doon sa alaala. Napakagaling ni Eros umasinta kaya niya ako naikuha ng malaking teddy bear. He got skills for that.

“Sinong nag-sama niyan? Hindi ko din iyan—”

“I want that.” Inilabas ni Lorcan ang kanyang wallet. “I’ll pay for that.”

“T-teka, hindi ko ibebenta—”

“Gusto ko nga!” Giit niya. I am now thinking that Lorcan got fetish for stuffed toys. Lagi niyang inilalaban ang karapatan niya pagdating sa mga laruan. Nagkibit balikat si Eros at iniabot iyon kay Lorcan.

“I can always win something for you, hindi naman iyon tsamba. Saka mahihirapan ka lang bitbitin iyan kaya ibenta mo na.” Humalakhak si Eros dahil sa mukha kong nanghihinayang. Kinuha ko na lang ang unggoy mula kay Lorcan. Nakasimangot niya ding ibinigay iyon sa akin.

Nang dumating na ang hapon ay mahigit kalahati na ang aming naibebenta. I hate to admit it, mukhang dahil sa photo op sa dalawang hunk na nasa garahe namin ang dahilan. Eros is a natural charmer, hindi siya napapagod ngumiti samantalang tumitingin muna si Lorcan sa akin bago magpakuha ng litrato sa mga babae at mukhang mas nagustuhan iyon ng mga kababaihan. Girls love snob boys and Lorcan’s a real deal snob.

“Ang init..” Napatingin ako kay Eros na nagtataas ng damit, walang anumang inalis iyon sa katawan. Mahihinang tili ang naging resulta noon. It was an innocent gesture but the intense stares on his well toned body made the customers internally faint.

“Ang guwapo! Model ka hindi ba?” Tanong nung isang chubby na babae kay Eros, may pagpindot pa ito sa braso ng kaibigan ko at hindi man lang nahiya. Mabilis pa na naglapitan ang mga babae sa paninda niyang mga gamit sa bahay. Makahulugang ngumiti si Eros doon sa babae. Not confirming nor denying. Kung aamin siya ay tiyak na mas dadami pa ang kanyang suki. Baka pati ang mga halaman at mga batong inaapakan niya ay bilhin na rin.

“Payat.” Bulong ni Lorcan sa aking tabi na hinahawakan na din ang butones ng kanyang polo.

“Hep hep! Ano yan? Anong gagawin mo?” Tanong ko.

“Mainit.” Aniya na natanggal na ang pang-unang butones.

“Ayun! Mag-huhubad din! Itext mo sila Clarissa na pumunta dito! Dali!” Mas lalong nag-umpukan ang mga kababaihan na nag-iintay na makasilay kay Lorcan.

“Hoy! Diyan kayo magaling! Bumili kayo! Calla, awatin mo yan. At ikaw Eros, mag-damit ka!” Sita ni Clover sa lahat ng naroon.

Dali dali akong humablot ng folder at iniabot kay Lorcan, “Magpaypay ka kung naiinitan ka.”

“Ayoko. I will take off my clothes!” Parang bata niyang reklamo.

“Oo nga, Ate! Mainit nga daw!” Giit ng mga mamimili na nakaabang na.

“Hindi. Magpaypay ka.” Pinal na sabi ko.

Nakasimangot na nagpaubaya si Lorcan.

Finally, nang lumubog na ang araw ay naubos na din ang mga tao. Mas na-stress ako doon sa fact na halos si Eros at Lorcan na lang ang bilhin. Mabuti at marunong ang dalawang mag-alok ng paninda. There were few items left. Yung mga sinadya din naming itira. Nag-presinta si Clover na bumili ng panghapunan bago umuwi si Eros at Lorcan. The two obliged.

“Eto na!!” Maligayang inilahad ni Clover ang pinamili niyang pagkain sa aming kanto. The aroma of the charcoal and sweet burnt meat delighted my tummy. Tiyak kong mamimiss ko ang barbecue ni Aling Nemia kapag hindi na kami dito nakatira. Madalas ay hindi na kami nag-luluto ni Clover dahil bumibili kami doon.

“Ang init pa ng kanin! Namiss ko to.” Umupo si Eros sa kanan ko at doon sa kaliwa ko naman ay si Lorcan. “Calla, sayo na ang limang isaw, favorite mo.”

Naramdaman ko ang paninigas ng katawan ni Lorcan sa tabi ko nang ilagay ni Eros sa plato ko ang isaw.

“What’s that?” Tanong niya na sinisilip ang plato ko gamit ang gilid ng mata. Sinalinan ko siya ng mainit na kanin sa plato bago kumain.

“Isaw. Pero ito sayo, chicken barbecue. Masarap din yan.”

“Hindi ka kumakain ng isaw, Mr. Alcantara?” Tatawa-tawang tanong ni Eros. “Sabagay, laki ka sa yaman. Ngayon ka palang siguro nakakita niyan. Favorite yan ni Calla. Naalala ko pa non, tuwing klase kay Miss Ferrer, tumatakas tayo at kakain na lang tayo nito doon sa labas ng school.”

Natawa ako nang samaan ako ng tingin ni Clover, “Mahina ako sa Stats.” Nagkibit balikat ako.

“Kakain ako ng isaw.”

Sabay sabay kaming napatingin kay Lorcan na masama ang tingin doon sa isaw.

Alanganin akong natawa. “Ano ka ba, hindi. Itong manok ang kainin mo. Binilhan ka din ni Clover ng pork barbecue.”

“Oo nga naman, Mr. Alcantara. Saka hotdog. The best yang jumbo hotdog.” Clover giggled.

Pero hindi siya nakinig. Kinuha ni Lorcan ang isang stick ng isaw sa plato ko at dagliang isinubo iyon. Napaawang ang labi ko nang nguyain niya iyon ng mabagal at hindi halos sarhan ang bibig. It took him 3 minutes to chew it, sa tatlong minutong iyon ay nakatulala lang kami sa kanya. Kitang kita ko ang luha sa gilid ng mga mata niya.

“B-bakit mo kinain?”

“Ang pait.” Bulong niya.

“Tubig, Mr. Alcantara.” Iniabot ni Eros ang bottled water at mabilis niyang ininom iyon. Nang makabawi siya ay natatawa kong pinunasan ang kanyang mata. Namumula iyon at nakasimangot din ang kanyang mukha.

“Sabi ko sayo, huwag mong kainin iyon. Ito ang sayo.” Turo ko doon sa nasa kanyang plato. Umiling siya, halatang dismayado.

Tahimik lang si Lorcan sa hapag habang panay naman ang pag-papaalala ni Eros doon sa college days namin nang simulan na namin ang pagkain. Panay ang ngiti ko sa masasayang araw na iyon. Yun yung mga araw na wala pa kaming problema kundi ang exams at recitations. Yung mga panahong hindi kami nababahala sa future. Mas simple ang mga bagay at mas maliit lang ang mundong ginagalawan ko. My interest in the universe changed it all. Malawak pala ang pupwede nating galawan at kawawa ka naman kung hindi mo bibitawan ang maliit na mundong kinabibilangan mo.

Nag-paalam na si Eros pagkatapos ang hapunan. Meron pa kasi siyang gig sa gabing iyon. Naiwan kami ni Lorcan sa salas dahil si Clover ay iniaayos na ang gamit niya. Technically, huling gabi na namin sa bahay na ito

“Tahimik natin ah.” Puna ko kay Lorcan, umupo ako sa couch na tanging natitirang laman ng salas. Hawak niya ang stuffed toy na binili niya at inaalis na niya ang bulak non mula sa leeg. “Hoy, bakit mo sinisira yan?” Sinubukan kong bawiin ang teddy bear pero inilayo iyon sa akin ni Lorcan.

“Akin to ah. Gagawin ko kung anong gusto ko.” Umismid siya.

“Inalagaan ko yan, tapos gaganyanin mo lang?”

“Bakit? Kasi bigay ito ni Eros? May gusto ka ba don?”

“Wala ah. Loyal ako kay Ashton.” Malapad akong ngumiti. Tumayo si Lorcan nang napapailing at lumapit doon sa pinto.

“Hoy, saan ka pupunta? May pa-walkout?”

“I’ll just see you tomorrow. Agahan mong maghanda dahil sasamahan tayo ni Abuela sa townhouse, baka pag-intayin mo pa kami.” Seryoso niyang sabi.

“Aalis ka na talaga?” Paniniyak ko. Tumayo din ako at nilapitan siya bago pa siya makalabas ng pintuan. “Galit ka ba sakin?”

“Hindi.”

“Bakit ka ganyan?”

“Wala.”

“One word lang talaga?”

“Oo.”

Hindi niya ako tiningnan. Napabuntong hininga ako.

“Fine. Sige na, baka pagod ka na. Salamat ngayong araw.” Malungkot ko siyang pinagbuksan ng pinto. Lumabas siya doon nang walang sinasabi kahit isang salita at mas nadadagdagan ang bigat ng pakiramdam ko sa bawat hakbang niya palayo. Wala kasi akong maisip kung ano.

Yung isaw ba? Baka hindi maganda ang likaw ng bituka non kaya nahawa ang amo ko. O baka naman he felt used today. Masyadong marami ang nag-fangirl sa kanya kanina.

“Kung may nagawa ako o nasabi ako, Sorry na. Hindi na mauulit.”

Natigilan si Lorcan at saka lumingon sa akin. “I just hate this day. I don’t know how to cheer myself up.” Nagpatuloy siya sa pag-lalakad patungo sa maliit naming gate. Bago pa man niya iyon mabuksan ay nalapitan ko ulit siya.

“Puwede ko bang subukan?” I asked, hopeful. Inilahad ko ang kamay ko at kinuha niya iyon. Hinila ko siya papalabas ng bahay at naglakad kami sa kalsada nang magkahawak ng kamay.

We were walking in a cold ‘ber’ month. The chilly air kissed my cheeks welcome it while walking.

“Nung bata ako, may paborito akong puntahan.” Panimula ko habang naglalakad. The soft warm shade from the lamp post casts on Lorcan’s face which gave him a melodramatic mien. Tiningnan niya ako ng mahinahon. “Pero hindi iyon alam ni Clover. Walang nakakaalam. Ikaw palang.” Pagmamalaki ko.

“Should I feel better about that?”

“Ewan ko sayo, pero kapag natikman mo, I know you’ll feel better.”

“If that is chicken’s internal organs, I will probably not. Inaano ba kayo ng manok? Pinatay niyo na nga, wala pa kayong itinira.” Pag-sisimula niya nang pag-susungit.

“Ikaw naman, masarap iyon! O, ito na pala tayo.” Hinila ko si Lorcan doon sa  maliit na tindahan na merong mahinang liwanag mula sa kandila. I smiled. Old but classic.

“Hello Nanay Cors!” Bati ko sa matandang babae na kilala ko na simula noong mawala sila Mama at Papa ko. Nakatunghay siya sa matamlay na tindahan. Nagliwanag ang kanyang kulubot na mukha nang makilala ako.

“Ay Calla! Ikaw pala iyan! Ang tagal mo nang hindi nagagawi. Sino ba itong kasama mo?” Inayos pa ni Nanay Cors ang kanyang salamin para sipatin si Lorcan, “Kay gwapong bata, ano? Nobyo mo ba ito?”

“Kaibigan ko lang po. Ipapatikim ko lang ang specialty niyo. Alam mo namang iyon ang pinakapaborito ko sa buong mundo.”

“Ay! Binola mo ako. Heto’t merong bagong salang! Aayusin ko lang ano. Para hindi naman nakakahiya kay Mister Pogi.”

Ngumiti si Lorcan kay Nanay Cors na awtomatikong namula ang pisngi. His charm has effect in all ages. Kahit eighty years old na si Nanay Cors ay kinikilig pa din. Siguro pati ang elepante ay kikiligin din sa kanya, o di kaya ang mga langgam na gumagapang sa lupa.

Umupo muna kami ni Lorcan sa nag-iisang lamesang pandalawahan na nasa harapan ng barong barong na Bibingkahan ni Nanay Cors. We patiently waited for the freshly cooked bibingka and tsokolate. My kind of cake. Simula September lang pumupwesto si Nanay Cors sa tapat ng simbahan kahit malayo pa ang Simbang Gabi. This is what I usually look forward to Christmas countdown.

Ilang beses kong nasabing pinakapaborito ko ang bibingka ni Nanay Cors kay Lorcan na matiyaga namang nakikinig sa mga kwento ko katulad nang kung paano ko aksidenteng nadiskubre ang joint na ito.

“Five years ago, umiiyak ako nang nalaman kong naaksidente ang mga magulang namin ni Clover. I tried my best to hide my emotions to my twin. Pumunta ako non ng simbahan para mag-dasal at humingi ng lakas kaya lamng noong tapos na ako, hindi naman ako makauwi nang namamaga pa ang mga mata kaya tumigil muna ako sa tindahan ni Nanay Cors, pagkatapos ay binigyan niya ko ng libreng bibingka at tsokolate. Gumaan ang pakiramdam ko pagkatapos.” Patuloy ko sa kwento.

“Naku, kawawang kawawa nga ang mukha mo noon, Calla.” Ibinaba ni Nanay Cors ang bibingka at tsokolate sa aming harapan bago tumalikod at hinarap ang panibang customer.

“Pero gumaan ang loob ko nang pakainin niya ako. Gusto ko ngang mag-franchise pagdating ng araw.” Seryoso kong sabi habang hinahati ang bibingka gamit ang tinidor.

“Hindi ba iyong isaw ang paborito mo?” Tumaas ang kilay ni Lorcan.

Ngumiti ako at umiling. “Ito talaga ang pinakapaborito ko. Totoo. Sa sobrang paborito ko nga, ayokong ipaalam sa iba.”

“Bakit sinasabi mo sa akin?”

“I don’t know. Gusto ko share tayo ng paborito ko.” Pinaglaruan ko ang hiwa ng bibingka sa plato ko. Hindi ako makatingin kay Lorcan. Ganoon naman siguro. No matter how generous you are, there will always be something that you are not willing to share until someone comes that shares their passion with you. Then that person is worthy for your generosity, too.

Tumikhim ako kasabay ng nakakakabang katahimikan na iyon. Nag-angat ako ng tingin kay Lorcan na nakatingin lang pala sa akin.

“That is the best thing I heard today. Thank you.”

Nang matapos na kaming kumain ng bibingka ay naglakad kaming muli pabalik ng bahay. We walked slow. Bumalik na ang sigla ni Lorcan.

“Sana naman ay makakain pa din tayo kay Nanay Cors kahit naroon na tayo sa townhouse.”

Tumigil sa paghakbang si Lorcan, ganoon din ako.

“You don’t really have to say yes. I can get you your own flat, Calla.”

Umiling ako, “Hindi naman ako magiging masaya don ’no. Wala akong kasama don.”

“At okay lang na kasama mo ako?” Paniniyak niya. Tumango ako.

“Siguro bukod sa kakambal ko, ikaw ang favorite person ko.” I gave him my two thumbs up and that’s real. He’s a ball of emotions that made him more interesting. Tiningnan ko siya. Napalunok siya at kumuyom ang parehas na kamao.

“Y-yes?” I asked.

“I was nobody’s favorite. Until you came. And because of that, you are my favorite, too.” Sinarhan niya ang aming distansiya at ikinulong niya ako sa isang yakap. “T-thank you.” My heart madly pounded on my chest.

“Grabe ka naman..” Kahit nag-liliyab ang pisngi ay nagawa kong haplusin ang kanyang likod, “Ano ba ang nakain mo?”

“Bibingka.” Sumiksik siya sa aking leeg.

“S-sabi sayo, effective.”

I wonder how his day was. He’s irritated, angry, sad then happy. How can he do that?

“No, I really feel sick.” Bulong niya sa aking tainga.

Pinagapang ko ang kamay ko sa kanyang leeg, maliit na bahagi lang ng mukha niya ang nakikita ko.

“Hindi ka naman mainit.” Puna ko.

“No, my cheeks are burning. What did I just say? Damn.”

Chapter 17

Bitbit ang dalawang malalaking maleta, naghiwalay kami ng kakambal ko sa tapat ng bahay namin. There were no dramatic goodbyes. Not even pang-MMK na walling at pagtatanong kung bakit ganito ang binigay sa amin ng tadhana. Magaan sa loob naming tinanggap ang kapalaran ng paninirahan namin sa bahay na iyon. It was good 22 years. All I can say is that I am grateful to live a happy life. Magkikita din naman kami ni Clover bukas ng gabi kaya hindi naman ako apektado masyado.

“Are you seriously gonna ride the bus with those stuffs? Nandyan ba sa loob ang bahay niyo?”

Imbes na ‘magandang umaga’, ang amo kong may sabing ako ang pinakapaborito niya ang nakasunod sa akin.

Hindi ko pa din makakalimutan ang pagtatama niya sa sarili niya kagabi.

“Paborito kitang asarin, Calla.” Paulit ulit na nagre-replay yon sa aking utak. Pagkatapos kong mag-pakatotoo na isa siya sa mga paborito ko, gaganunin niya ako? Umirap ako at nagpatuloy sa paghila sa maleta ko kahit hirap na hirap na.

“Hindi, nandito sa loob ang pride mo. Kulang pa nga ang space eh, may naiwan pa sa cabinet ko. Babalikan ko na lang bukas.”

Humalakhak siya. “Sakay na.” Aniya.

“Sinabi na sa akin ni Granny kung saan ang address, hindi mo na ako kailangang sunduin. Clingy mo.” Angal ko.

Mahina siyang natawa habang mabagal na umaandar ang Mustang niya para sabayan ako sa pag-lalakad.

“Hindi kita sinusundo. Bumili ako ng fertilizer sa Sunday Market na malapit dito.” Huminto ang makina ng sasakyan niya at mabilis akong nilapitan. Hinila niya ang maleta ko at pilit na isinikay sa likod ng kanyang sasakyan.

“Mainipin si Abuela. Gusto mo bang magalit yon?”

Wala na akong nagawa nang sumakay na ako sa kanyang sasakyan. Pinagmasdan ko ang kalsada. Dinaanan namin ang building ng Nemesis kaya alam kong malapit lang talaga kami sa opisina. Isang pribadong subdivision ang aming pinasukan. The townhouses were mostly Japanese inspired. Merong mababang bakod na gawa sa kahoy at malawak na garden. Bamboos were the primary ornament on the entricately landscaped lawn. Ang garahe ay pangdalawahang sasakyan lang. Sa pinakadulong block ay natanawan na namin ang sasakyan ni Granny, at naroon siya, matiyagang nag-iintay sa aming dalawa.

Her face lit up when she saw the car of her grandson. Humakbang pa iyon ng ilan nang ihinto na ni Lorcan ang sasakyan.

“Mga apo! Good morning!” Ngiting ngiti si Abuela na parang nanalo ng limpak limpak sa casino. “I am really excited to show you this house. Ako ang nag-design nito.”

Pumasok kami sa loob ng bahay na wood ang major accent. It looked so pleasing in the eyes, hindi ito kalakihan at tama lang para sa dalawa hanggang tatlong tao. Imbes na couch ay single Bergere chairs ang upuan sa salas, pangdalawang tao lang. Ang lamesang pang-apatan ay gawa din sa kahoy. The walls were painted white and light yellow. Malawak ang hagdanang kahoy patungo sa second floor na merong dalawang pinto.

“This will be your library..” Binuksan ni Abuela ang kanang pinto at bumungad sa amin ang five-shelves mini library. “And this will be your room.”

“Wait, wait..” Hinawakan ni Lorcan ang kamay ni Granny nang tangkang bubuksan nito ang ikalawa’t huling pinto, “Your room?”

‘Jarann!!!’

Maligayang ipiniresenta ni Granny ang kuwarto na merong kama sa sahig. I know that this is a Japanese-inspired townhouse, hindi ko lang akalain na ang malapad na kama ay nasa sahig, giving no space for another bed or furniture in it. Maganda, kung tutuusin. Very laid back and minimalist.

“Ang ganda hindi ba? Very cozy. Very Japanese. Gusto ko nga ng ganitong kama sa aking kuwarto.”

“Abuela, you want us to sleep in one bed?”

Tiningnan kami ni Granny na parang walang malisya, “Ano naman ang masama, mag-nobyo naman na kayo at mauuwi din naman iyan sa kasalan. Ang pabebe mo! Ito ngang si Calla, hindi nag-rereklamo.” Turo sa akin ni Granny. Para naman akong natauhan nang sikuhin pa ako nito. Para akong napapagitnaan ng nag-uumpugang bato.

I smiled widely, “W-wala namang masama, Love. Tama naman si Granny. S-saka, wala naman tayong gagawing masama.”

“That’s the right answer!” Napapitik pa si Granny sa hangin. “You can have your own movie nights in the built in projector, you have a very wide closet and your own restroom. Pansamantala lang naman ito, Apo. Kapag tapos na ako sa renovation then you can go home. Calla can stay here as long as she wants.”

“K-kapag tapos na po ang renovation, maghahanap na po talaga ako ng bedspace, sasamahan ko muna si Lorcan dito kasi walang mag-aasikaso sa kanya.”

“Bedspace? Hahayaan ka ba naman ni Lorcan na manirahan na hindi kumportable?”

“Fine! Fine!” Wika ni Lorcan na parang naguguluhan, “We take it from here. You may go, mag-aayos pa kami ng gamit.” Pagtataboy ni Lorcan kay Granny.

“Kanina ko pa nga iniintay na sabihin mo iyan.” Pilyang ngumisi si Granny, napatapik naman si Lorcan ng noo. Inihatid lang namin sila sa labas at parehas kaming nagmamadaling pumasok sa loob ng bahay.

“Look,” Pagpasok palang namin ng bahay ay hinila na ni Lorcan ang siko ko, “You don’t have to agree on anything my Grandmother says.”

“Lorcan, hindi ba nag-papanggap nga tayo?” What I really meant was, kami ni Granny ang nagpapanggap at hindi ko na talaga alam kung ano ang game plan. Sumasakay na lang ako. Still hoping for the best.

“I know, but this is getting out of hand. Nagiging control freak na si Abuela. Pati ikaw ay pinanghahawakan niya. I told you, I can get you a space—”

“Alam mong hindi ko din tatanggapin yon hindi ba? Kung hindi ka kumportable, pupwede naman akong umalis dito. Yun ay kung handa ka nang sabihin sa Lola mo na nagpapanggap lang tayo. Mas makakakilos ako ng maayos.” Kapag tapos na ang pag-sisinungaling ng Mag-Lola sa isa’t isa.

Napahilamos ng mukha si Lorcan. “No!” Matigas na tanggi niya. “Hindi ko na kailangang umamin dahil magkakatotoo din naman ito, di ba? I am confident that you will agree to marry me.”

Nagpamewang ako at mahinang napatawa. “Ang yabang mo din naman. Sinasabi ko namang hindi kita papakasalan kung ako lang ang mag-isang magkakagusto sayo.”

May maliit na ngisi sa labi si Lorcan, “Really? Baka magising kang hinihingi ang kamay ko.”

Nainis ako sa isiping iyon. “Asa!”


Amoy mabangong pagkain ang buong bahay nang magising ako mula sa afternoon nap. Nag-iinat pa ako nang bumukas ang pinto.

“Handa na po ang pananghalian, Mahal na Prinsesa.”

“Magaling, magaling!” I giggled. Nakasuot pa ng apron si Lorcan at may hawak na sandok. Itinulog ko ang aking gutom kanina. Wala akong kakayanan na mag-luto ng masarap na pagkain, or worse, isang masarap na pagkain na papasa sa panlasa ni Lorcan Alcantara.

“Hindi ka ba marunong mag-luto?” Tanong sa akin ni Lorcan nang umupo kami sa harapan ng lamesa. In fairness, maganda ang pag-ka-kaayos niya. Restaurant-ish ito at merong pang vase na may fresh flowers.

“Ikaw naman, isang beses ka pa lang nag-luluto, nagrereklamo ka na. Kumakain ka ba kasi ng Dinengdeng? O di kaya yung Ginisang Ampalaya? Misua con Patola?” Tanong ko habang humihiwa ng manok sa aking harapan. Mas mabango nga iyon sa malapitan.

“If that is food from the stars then I rather have my processed foods daily.”

“Hmm, ang sarap.” Wika ko nang tikman ang manok. Itinuro ako ni Lorcan ng kanyang kutsilyo at saka tumaas ang kanyang kilay.

“Tandaan mo, tayong dalawa lang dito, wala kang katulong. You know how OC I could get. Ayoko ng kalat, ng maingay, ng madumi.”

“Ang dami namang ayaw. Daig pa ang Nanay. Huwag kang mag-alalala, bukas ay mag-luto ka na lang ng para sa iyo. Uuwi ako nang nakakakin na.”

“I am not joking, Calla. If you want me to like you, then start acting like a matured woman. I don’t like to babysit.”

“Newsflash Lorcan, I don’t want you to like me. Hindi naman ako ang nanliligaw dito, ikaw naman. I won’t gain anything if I will marry you, you will.” Umirap ako.

“That’s not what I meant. Hay! Paano ko ba matatagalan ang ganito kung umpisa palang nag-aaway na tayo?”

“Brace yourself, there’s more to come.”

Napapailing niyang ibinalik ang atensyon sa masarap na pagkain. Hindi nga ako nagkamali. Nang dumating ang gabi ay mas dumami pa ang hindi namin napagkakasunduan. Simula sa kung sino ang maghuhugas ng plato o sino ang mag-lalampaso ng kusina. I couldn’t believe how hard we fought about it on our first day. Masamang nagwawalis tuwing gabi. Malas iyon.

“NO, I am on the window side.” Giit ni Lorcan na nakikipagpaligsahan pa sa akin sa pamamagitan ng walang pakundangang pag-dagan sa akin nang pumwesto na kami sa kama. This is not the first time na magtatabi kami kaya hindi na ako kinakabahan ngayon. Ang tanging nararamdaman ko ay galit at pagkamuhi sa kanya dahil gusto niyang agawin ang puwesto ko.

“Gusto ko malapit sa bintana!”

“No, I want that space! Nakikitira ka lang!”

“Mas kailangan mo ako kaysa kailangan kita!” Pagbibida ko.

3 hours later.. And so the argument goes on…

“Turn the TV off!” Nag-takip ng kanyang tainga si Lorcan sa pamamagitan ng unan.

“Namamahay nga ako. Pumikit ka lang, makakatulog ka din.” Nakanganga pa ako nang panoorin ang extraterrestrial discoveries that proves the existence of aliens. Malapit na akong makumbinse dahil alien din ang palagay ko sa amo ko. He could complain the whole day and he won’t even blink.

Umupo si Lorcan sa kama at tiningnan ako ng masama. “You want me to sleep despite that noise?”

“Mahina lang naman eh.”

Mabilis na inagaw sa akin ni Lorcan ang remote at saka inilipat iyon sa isang action film.

“Fine, manonood tayo.”

“Ayoko kay Jackie Chan..” Ungot ko.

“Ha! Greatest Asian actor of all time!”

“Si Bruce Lee kaya.”

“Whatever.”

“Huy, ibalik mo na sa Discovery Channel.” Kinalabit ko siya pero nanatili siyang ganon.

“You told me I am your favorite person? Bakit hindi mo ako pinagbibigyan?”

Nawalan ako ng choice kung hindi ang panoorin ang gusto niya. I saw nothing special with the film. Isang manginginom ang master ni Jackie Chan, the fight scenes were inspired by a person extremely drunk. I ended up sleeping. Hindi ko alam kung paano naging maayos ang higa ko at nagising na lang ako sa perky music doon sa ibaba ng bahay. Tiningnan ko ang orasan at nakita kong maaga pa kaysa sa dapat na gising ko. Medyo madilim pa nga sa loob ng bahay. Tiyak kong inaasar na naman ako ni Lorcan kaya nagmamadali akong bumaba para mag-reklamo.

Then I saw him sitting on one of the Bergere chairs lifting weights. Topless, sweating and panting. Pinanlakihan ako ng mata na parang mahihimatay pa. Hindi ko alam kung bababalik ako sa silid o didiretso na dahil nakatingin siya sa akin ng diretso.

“Ay ano ba yan! May kasama kang babae dito, hindi ka pupwedeng basta bastang nag-huhubad.”

“Conservative.. Good morning! Pandesal?” Alok niya, napalunok ako. I scanned his abs and started counting how many were there. Nang lumagpas na sa anim ang bilang ko ay huminto na ako.

“P-pandesal? A-ang harot mo naman.”

“Anong maharot? May pandesal diyan sa lamesa. Nag-luto na din ako ng bacon and eggs, Mahal na Prinsesa.”

Namula ang pisngi ko sa pagkapahiya. Ano bang iniisip ko? Ang pandesal niya sa tiyan? Hindi naman makakain iyon. I should stop thinking about Clover’s language para hindi na din maging malisyosa ang isip ko.

“Hindi na ako makikikain dito. Sa labas na lang. Ako na lang bahala sa pagkain ko.”

Huminto si Lorcan sa pagbubuhat at tumayo mula doon sa upuan. Inabot niya ang kanyang blue towel at ipinunas iyon sa kanyang katawan, umiwas ako ng tingin.

“Nag-tatampo ka na niyan?” Lumapit siya at inakbayan ako. Nahirapan akong huminga. He doesn’t stink with sweat, parang umangat pa ang kanyang bango dahil sa init ng katawan.

“A-ano ba. Lumayo ka.”

“Alam mo, willing naman akong ipagluto ka. ’ Nanliligaw’ ako hindi ba? Best foot forward dapat.”

I rolled my eyes at him at nagpunta sa lamesa. Ngiting ngiti niyang inilahad ang mga iniluto niya. In fairness ay maayos ang pagkakaluto ng lahat, walang sunog o kahit ano. Kahit ang dinner namin kagabi ay siya din ang naghanda. Ano kaya ang wala sa lalaking ito? Ah, alam ko na, ‘kabaitan’.

“Marunong ka talagang mag-luto ’no?”

“Napilitan. Noong nag-aral ako sa Colombia University, I rented my own flat in New York. Masyadong mahal ang mga pagkain sa paligid kaya natuto akong mag-luto. It is not my favorite thing to do but I can also do that everyday.”

“Buti ka pa. Marunong naman akong magluto but it is such a chore. Madalas ay bumibili na lang kami ni Clover sa labas kasi marami naman doon na mura.”

“Like intestines? Chicken head, chicken feet and chicken blood?”

“Isaw, helmet, adidas at betamax. You made it sound so off.”

“It is off! Sino ba naman ang taong kakain ng laman loob?”

“Hoy, madami kami. ’Wag kang mag-alala. Ako na ang mag-luluto mamaya. Kumakain ka naman siguro ng adobo, tinola, sinigang and the likes.”

“Not so frequently, but I can live with what you can cook. I will help you prepare later. Just to make sure you won’t put any innards in it.”

“Yung menudo merong pork liver.”

“Oh please.”

We ended up being late because of endless chatting. Ipinagtanggol ni Lorcan ang pinapanood niyang pelikula kagabi. Pinag-usapan din namin ang rules sa room’s TV kung hanggang anong oras lang pupwedeng buksan pati ang paglilinis ng kusina ay napagkasunduan na namin na sa umaga lang mag-wawalis para hindi kami malasin.

Lahat nang tauhan ni Lorcan ay nakangiting bumabati sa amin nang dumating kami sa opisina. I never had a chance to talk to any of them  kaya hindi ko alam kung ano ang iniisip nila sa amin ni Lorcan. Maybe they saw me in the news already that is why they never asked.

“Lorcan.” Natigilan kami sa pagbubukas nang aming opisina nang tawagin si Lorcan ng isang kaibigan. In his full suit, the tall moreno flashed a sad smile to the both of us.

“Cyrus, what are you doing here?” Sumeryoso ang mukha ni Lorcan.

“I need to talk to you.”

Hindi inalis ni Lorcan ang tingin sa kaibigan, “Calla, please open the door for us.”

Dali dali ko iyong ginawa at pinagbuksan ang dalawang lalaking nag-susukatan ng tingin.

“Lorcan, this is about Margaux.” Hindi ko pa tuluyang nasasarhan ang pinto ay nagsalita na si Cyrus.

“Calla, can you make us coffee, please?” Imbes na lumabas ng opisina para iwanan sila ay napigilan ako nang utos na iyon. 

“What about her?” Tanong ni Lorcan sa kaibigan.

Dumiretso ako sa pantry at naghanda ng brewed coffee. The air felt heavy and dark. Parang may paparating na bagyo kung magtinginan ang dalawa. Parehas na malalim ang boses, mapanganib at seryoso. Ang haba ng buhok ni Ateng Margaux, that’s all that I can say.

“I just realized that I am not yet ready.”

“Oh come on, Cy.” Natatawang panunuya ni Lorcan, “You stole her from me when we were about to get married. You know that this will happen.”

Mayroong bumara sa lalamunan ko habang nag-sasalin ng coffee beans doon sa brewing machine. Tumingin ako sa labas na bintana at inaliw ang sarili sa liwanag ng araw na nagmumula doon. If that all happened, wala ako dito ngayon. Siguro nandito pero hindi naging ganito kalapit. He will surely be the Boss that I hate at wala akong masyadong kinalaman sa buhay niya. It all changed because of Margaux, on how he did not recover on her, leaving him. He’s bitter up until this day, there’s still pain in his eyes for that betrayal.

“I am sorry, okay.”

“You know that I said let bygones, be bygones. I mean it.”

“But I need your help. She’s so wreck and you are the only person that she trusts.”

Bahagyang natapon ang ilang butil ng beans doon sa coffee machine. Kailangan niya lang pumayag, kailangan niya lang magpatawad at mawawala na din ako sa buhay niya. Kakailanganin ko ding umalis kapag tinanggap niya muli si Margaux. All she need was to ask. I recall him telling me that. Natataranta kong nilinis ang nalaglag na beans at binuksan ang machine. Gumawa iyon ng mahinang ingay. Pilit na inaalis sa isip ko ang mga pag-babagong maaring mangyari sa aming pagitan. 

“You don’t need to tell me that. She’s my bestfriend.”

Nakaramdam ako ng pananakit ng puso. I should really file a sick leave today, there’s something wrong.

Bago pa man matapos ang kape doon sa brewing machine ay tumayo na si Cyrus at nagpaalam. Tumingin siya sa akin at tumango. Malungkot ang mga mata. I know what’s next. The moment he goes out, it is my turn to listen to Lorcan on how much he’s hurting on how it turned out for Margaux. Pagkatapos niyang magparaya doon sa dalawa. But he should rejoice, right? She’s all his. Pumait ang aking panlasa.

Hindi ko mapilit ang sarili kong ngumiti nang magawa na ang kape ni Lorcan. Nag-lakad ako papabalik sa kanya bitbit ang tasa. I can’t listen to anything right now.

“P-pwede ba akong mag-file ng sickleave n-ngayon?” Pangunguna ko nang ibaba ang kanyang kape. Kumunot ang kanyang noo at hinawakan ang kamay ko bago ko pa iyon mabawi. Akala ko ay samu’t saring lungkot ang makikita ko sa mata niya pero sa sobrang pagkakakunot ng noo niya ay tanging pag-aalala lang ang nakita ko doon.

“What’s wrong? Anong masakit?”

Ang puso ko . I want to answer, pero baka dalhin naman ako sa cardiologist.

“Medyo masakit ang ulo ko.” I reasoned.

“H-hindi ka ba nakatulog ng maayos kagabi? Do you want to sleep more?” Tumayo siya at lumapit sa akin. “Gamot? Water? Tsk, dapat hindi na kita pinakilos.”

Kinuha niya ang kanyang coat na nakapatong sa swivel chair, “Let’s just go home.”

“B-bakit ka sasama?”

“Bakit hindi? Sinong mag-aalaga sayo?”

Hindi ko alam kung maganda ba iyong ideya. Gusto ko siyang iwasan. Kung sasama siya ay baka pagkuwentuhan lang namin si Margaux. We can talk about anything, right? And I am not ready.

“I am just lying. I don’t feel like working today.” Napangiwi ako dahil doon. Tiyak na magagalit siya.

Tiningnan niya akong mabuti, “Ako din.”

“You feel bad?” I asked. Probably. 

“No, anong gagawin ko dito kung wala ka?”

Maki Say’s: Don’t forget to vote & Comment :)

Chapter 18

“That doesn’t look tasty.” Puna ni Lorcan sa iniluluto kong tinola pagkatapos naming umuwi. 

“Dapat ay sa labas na tayo kumain.” Napakamot siya ng kanyang ulo.

“Mahal sa labas. Hindi ka pa ba naipagluto ng ganito? Kawawa ka naman!”

“Well, I don’t remember anymore. I grew up eating Western cuisine.”

“Sosyal! Magugustuhan mo din ito.” Pangungumbinse ko. Hindi nga ako nagkamali. Nang ihanda ko iyon sa lamesa ay nakailang salin siya ng kanin.

“This is not bad. You should cook more of this and start acting like a girl.”

“I am a girl!” Nakasimangot na sabi ko. We fool around the whole day. Hindi namin napag-usapan si Margaux which is unusual. We played video games on our pajamas the whole day. We ate chips and ordered pizza to fill us up. 

That basically became a habit, I cook lunch and dinner, pero si Lorcan naman ang sa breakfast para makatulog pa ako ng marami at tumangkad pa daw ako. Tuwing nasa bahay kami ay walang hanggan ang pang-iinsulto niya sa akin. Namanhid na nga ako ng husto. Ang akala ko na hindi ko matatagalang set up ay tumagal na ng mahigit na isang buwan. Hindi pa din tapos ang renovation ng mansyon ni Lorcan kaya wala siyang choice kundi makisama sa akin. Palagay namin ay ipinagiba ni Granny ang kanyang bahay at gumawa ng panibago kaya ganito katagal.

“Bakit hindi mo ako inintay?” Lorcan nagged on the other line. Napailing ako nang ayusin ang grocery bag sa aking mga kamay.

“Alam ko namang matatagalan pa ang meeting mo. Mag-luluto pa nga ako ng hapunan.” He left after lunch for a meeting, hindi niya ako isinama pero nagbilin siyang intayin ko. Hindi na ako nakapag-intay. Labinglimang minuto pagkatapos ng shift ko ay umuwi na din ako.

“What’s for dinner?” There’s a tinge of excitement on his voice.

I rolled my eyes. Huminto muna ako sa labas ng supermarket para mag-intay ng taxi. “Kaldereta. Hindi ba nung isang araw mo pa hinihiling yon? Inagahan kong umalis para mapalambot ko ang karne.”

“Fine, you are forgiven. Can’t wait to go home. See you later. Pauwi na ako.”

Mahaba ang pila ng taxi at naroon ako sa pinakadulo. Inip akong nag-intay nang merong tumabi sa akin. Nabahagian ako ng anino non kaya napatingala ako.

“Eros!” Pinanlakihan ako ng mata.

“Hi Calla! Saan ka papunta?”

“Pauwi na.” Kaswal kong sagot.

“Boring. Do you want to hang-out? Wala ba ang boyfriend mo?”

Boyfriend . Eros never asked, he just concluded. Hindi man ako ipinaparada ni Lorcan bilang nobya niya ay parang common knowledge na din iyon na hindi na kailangan pang kumpirmahin. Although I felt bad that I need to lie to the only friend I have. Mas kaunting taong nakakaalam, mas maitatago niyang mabuti ang ganito.

“Nag-iintay siya sa bahay.”

Napawi ang ngiti ni Eros. He just nodded. Nakakaunawa niyang ibinalik ang ngiti pagkatapos.

“You still have my number, right? Kung kailangan mo ng kausap, you can always contact me. See you around.” Inakbayan niya ako saka ikinulong sa mahigpit na yakap. Mas matagal iyon kaysa sa simpleng yakap at gumaan ang pakiramdam ko. Hindi niya ako kailanman huhusgahan. Tinapik ko ang kanyang likod.

“Salamat, Eros. Alam ko naman iyon. Labas tayo isa sa mga araw na ito. Kapag hindi na busy. Sana available ka.”

“Lagi naman. Basta ikaw. I mean, basta kayo ng kakambal mo. Bye.” Ngumiti siya at paatras na lumayo.

I waited for a few more minutes nang makasakay na din ako sa wakas sa taxi. Naging abala ako sa mga sumunod na oras sa pag-luluto. I was challenged to cook more complicated recipes dahil kay Lorcan. Buong puso kong ipinagmalaki ang pagkaing Pilipino. It is not hard feeding him. Hindi kagaya ng inaakala ko. Kinakain niya ang kahit ano basta hindi ang laman loob. He even ate ampalaya, much to my surprise.

Pagod na ako nang pumatak ang orasan sa alas-siyete. Tiningnan ko ang cellphone ko kung merong mensahe doon pero wala ni isa. Matiyaga akong nag-intay. Inabala ko ang sarili kong ayusin ang sitting room habang nag-iintay.

Pumatak ang orasan sa alas-otso. Medyo nag-alala na ako. Kinuha ko ang cellphone ko at nag-padala ng mensahe.

‘Saan ka na?’

Nang lumipas ang tatlumpong minuto ay napagdesisyunan kong tawagan siya. His phone was ringing, pero pinatay niya ang tawag makalipas ang tatlong ring. Napanguso ako, siguro ay may mahalagang kausap.

I waited for two more hours. Nawalan na ako ng gana. It is 10:30 and I haven’t heard from him. Pinatay na din niya ang kaniyang cellphone kaya hindi ko na muling natawagan pa iyon. Inayos ko ang pagkain at inilagay sa ref. Mabigat ang loob kong tinungo ang kuwarto. Paikot ikot ako sa malawak na kama nang humiga. Humihinto ako sa gitna kung saan ko inilagay ang bundok ng unan na iniharang ko simula nang magising akong magkayakap kami ni Lorcan. To avoid further awkward moments ay ginawan ko na ng paraan.

Pumatak ang orasan sa alas-dos ng madaling araw at mulat pa din ako. Nakarinig ako ng pag-hinto ng sasakyan. Mabilis akong pumikit pero napakunot ang noo ko nang makarinig ng tawanan. Kay Lorcan iyon at sa isang babae. Hindi ako nakakilos. Lumakas ang bulungan at ang tawanan nang bumukas ang pinto sa salas.

“Oh Lorcan, I missed getting drunk like this with you. Remember our days in New York? Yung last penny natin, ibibili natin ng alak at doon lang tayo sa flat mo. We will just passed out drinking.” Mapang-akit na tumawa ang babae. Hindi ko na napigilan ang pagtungo sa pinto para silipin iyon.

May humawak sa puso ko nang makita si Margaux doon sa sitting room. Wala sa ayos na nakaupo doon sa upuan, lantad ang mahahabang binti sa suot na gintong dress. Sa tabi niya ay si Lorcan, parehas na namumula ang pisngi at wala sa ayos ang upo. Even drunk, they still looked good together. There’s a serious lump on my throat when I saw Margaux’s hand crawled to Lorcan. Kinuha iyon ni Lorcan at pinagdaop na parang para doon talaga iyon.

“Thank you for not leaving me.” Malinaw na bulong ni Margaux. Sa gitna ng katahimikan, maingay na tinambol ang puso ko. I can sense my brain is cheering on me to close the door but I didn’t. It is as if I want to hurt myself some more. Parang hindi pa din masakit ang puso ko at kaya pa niyang tumanggap ng mas masakit pa.

Tumingin sa kanya si Lorcan. All I can see is the softness in his eyes, malinaw iyon kahit tanging lampshade lang ang nag-sisilbing ilaw.

“You know, I won’t do that. I’ll never do that.”

This is a straight cut teaser from a romantic film. The hero and the heroine gets drunk and they’ll confess their feelings to each other. Gusto ko silang palakpakan sa galing sa pag-arte. My eyes teared up for the very romantic scene. It is a happy scene that it made my heart wrench. Have you watched something happy that it is so painful to see?

Because you know you can’t be happy like that.

“You know what I regret the most?” Bulong ni Margaux.

“No, Margaux. Do not get there, please.” Hindi nakinig si Margaux. Tumayo siya at umupo sa kandungan ni Lorcan. A tear fell on my cheek. Madali kong pinunasan iyon habang tahimik na nanunuod. Pinipigilan ang sarili sa pag-hikbi.

Bumagsak ang labi ni Margaux kay Lorcan, hindi sila gumalaw. Doon ko napagdesisyunang hindi ko na kaya. Tahimik kong sinarhan ang pinto at nagtungo sa restroom. Nag-tungo ako sa tub na walang laman at doon ko hinayaan ang sariling iyakan ang pangyayaring hindi ko maintindihan kung bakit nakakaiyak.

Siguro dahil matagal akong nag-luto at hindi siya umuwi. He should have told me not to wait. That was my cue. I know I need to leave tomorrow, impronto .

Hindi ko na namalayan kung paano at kung kailan, basta nagising ako sa loob ng tub. Nagmamadali akong tumayo para mag-handa sa pagpasok. I took a quick shower and prepared for work. Amoy pang-almusal na pagkain nang bumaba ako mula sa silid. Nakaupo si Lorcan sa upuan habang nakaharap kay Margaux na abala doon sa kusina. She’s wearing his polosleeves like it is her own. Bagay na bagay sa kanya. Kung ako ang mag-susuot non ay tiyak na magmumukha akong trying hard na multo. He’s too big for me. Too tall, too strong and too honest enough to hurt me.

Lumingon si Margaux para isalin ang pancakes sa plato ni Lorcan. Nag-angat ito ng tingin nang makita ako.

“Calla!” Ngumiti si Margaux sa akin. “I hope you don’t mind. Naparami ang inom namin ni Lorcan kagabi. I prepared the both of you breakfast to pay you for crashing at your place. Pagkatapos nito ay aalis na din ako.”

Nag-paste din ako ng ngiti, “Walang anuman. Siguro ay hindi na ako makakasabay.” Tumingin ako sa wristwatch ko, “Merong breakfast huddle sa opisina na kailangan kong puntahan. Mukhang hindi pa handa si Lorcan, I need to represent the office of the CEO. Lorcan?” Pag-papaalam ko.

“Okay.” Tipid niyang sagot na hindi man lang ako pinigilan. Parang kinurot muli ang puso ko doon. I forced a smile once again. Nananalangin na hindi iyon bumagsak.

“Ganoon ba?” Malungkot na tiningnan ni Margaux ang pagkain, “Kami na lang pala ang uubos nito.”

“Enjoy your breakfast!” Tipid pa akong kumaway at saka tumalikod na. Pinalis ko ang maliit na luhang nag-babadya sa mata. Hindi ko pa man nabubuksan ang gate at pinigil na iyon ni Lorcan.

“Come inside and wait for me.” Seryoso ang madidilim niyang mata sa akin.

“Hindi na. Trabaho muna. Mag-kita na lang tayo mamaya.” Ngumiti ako kahit nag-uulap ang mata. Kumunot ang noo ni Lorcan pero nanatiling tikom ang bibig. Hawak niya pa din ang braso ko nang mahigpit.

“Dito ka muna, mabilis lang ako. Hindi na din ako kakain.” Mababa ang boses niya pero umiling ako. Yumuko ako at nahuli ko ang pagpatak ng isang luha sa sapatos ko. Umaasa ako na hindi niya iyon nakita.

“Calla..”

“Ano ba?!” Tumaas ang boses ko, “Andyan na siya, Lorcan. Ano pa bang inaarte arte mo diyan?” Napaatras si Lorcan dahil sa sigaw ko. Narealize ko kung ano ang nasabi ko. Binawi ko ang kamay ko at matapang siyang tiningnan, “I am sorry. Aalis na ako.”

Lumabas ako ng gate at nagsimula nang mag-lakad papalabas ng subdivision. The most excruciating walk that I ever made. Habang naglalakad ay masyadong maraming pumapasok sa isip ko. On how I would walk away and say goodbye on this arrangement. Maybe I should start looking for a job. I am busted. I looked so jealous. Hindi ako pinagtawanan ni Lorcan ngayon pero tiyak kong gagawin niya iyong katatawanan sa susunod na araw. Hindi ko kayang pagtawanan kung ganito kasakit. Hindi ito  kayang idaan sa ngiti.

Natigilan ako sa bumalot na yakap sa aking katawan. His scent was a giveaway. Alam kong si Lorcan iyon. Umigkas ako para kumawala doon pero naging mahigpit ang yakap. I melted my insides in a bad way. Kung tunaw na ako, paano pa ako lalayo?

“Pumasok ka na doon sa loob.” Giit ko nang pagalit.

“If you make one step, I know I’ll lose you so just go inside and be with me.” Bulong niya sa aking tainga.

“Lorcan naman.”

“I acted like a douche last night. I have a surprise for you. I was never on a meeting because I prepared something for you but I saw you hugging that a**hole at the supermarket. I was so mad at you.”

Pumikit ako ng mariin, hindi handang makipagtalo.

“Papasok na ako, please.”

“I saw her at the bar drinking alone. Sinamahan ko siya. There’s nothing to do but to get drunk, too. She’s still my friend.”

“Lorcan, bumalik ka na doon.”

“Fine, she kissed me but that was nothing. Alam kong nasaktan kita.”

Pinilit kong kumawala sa yakap niya pero nagmatigas siya.

“Calla, what’s wrong with you?” 

“Nahuli mo ako. Nalaman mong gusto na kita.” Bulong ko nang may pag-sisisi. “Siguro alam mo na kung bakit ayoko nang ako lang ang magmamahal. Kasi ayokong palagi na lang masasaktan dahil ako lang ang nagmamahal.” Pinalis ko ang luha ko, “You are not responsible for this. Sabi ng horoscope ko ngayon ‘I will meet someone that will make me happy for the rest of my life .’” Pinilit kong ngumiti. “Bahala na ako sa  buhay ko simuila ngayon. Balikan mo siya at maging masaya kayo. Ang inaalala lang naman ng Lola mo ay yung tumanda kang mag-isa. Mukhang pinayagan na kayo ng universe na mag-sama.”

May dumaang taxi at mabilis kong pinara iyon. Nang huminto ay ginamit ko ang buong lakas ko para makawala kay Lorcan. Nakakuyom ang kanyang kamao nang sundan ako ng tingin sa papalayong taxi.

“Ayan na nga ba ang sinasabi ko sayo! Bakit ba ang rupok mo?” Paninisi sa akin ng kakambal ko nang puntahan ko siya sa kanyang opisina. Inabutan niya ako ng juice. “Tigilan mo na ang pag-iyak. Hayaan mo na yung engot na yon. Hindi niya alam ang pinakawalan niya. Dadalawa na lang tayong Diyosa sa mundo, napunta na nga sa kanya ang isa, tatanggi pa. Para siyang nagtampo sa bigas.”

“Sinira ko ang friendship namin.” Ngumuso ako.

“Anong friendship? Amo mo siya.”

“Exactly!” Napatakip ako ng mukha. “Nakakahiya, ayoko nang pumasok.”

“Anong ayaw mo nang pumasok? Wag ka ngang rebelde. Face it like a big girl.”

“Pagtatawanan niya lang ako.”

“Sinong tatawa sa ganda nating ’to? Sasapakin ko!”

Tumunog ang cellphone ko at bumilis ang tibok ng puso ko. Malamang ay mag-wawala si Lorcan kapag nalaman niyang hindi ako pumasok ngayong araw.

Nang makita ko ang pangalan niya ay mas dumoble pa ang tibok ng puso ko. Clover clicked the message. Sumabulat doon ang mensahe ni Lorcan.

‘Where are you? Please tell me that you are safe.’

Wala sana akong balak na sumagot pero kinuha muli ni Clover ang cellphone ko at nagtype doon. Magrereklamo pa sana ako nang mabilis niyang napadala ang kanyang reply.

‘Masama ang pakiramdam ko. Nandito lang ako kay Clover, aalagaan niya ako.’

Clover replied on behalf of me.

Tumunog ang cellphone ni Clover at napatili siya dahil doon.

“Ay, ang bongga. Tinext ako ni Mr. Alcantara. Saan daw ang opisina ko. Pak. Reply.”

Napangiwi ako. Parang si Clover lang ang nag-i-enjoy sa komosyon. Nanatili ako sa sleeping area ng kompanya nila Clover at hindi na niya akong pinayagang umalis doon. Dinadaanan niya lang ako doon para kumustahin at dalhan ng pagkain. Nang matapos na ang araw ay sinundo ako muli ni Clover. Madilim na sa labas at mas dumoble ang lungkot ko nang hindi ko na alam ang gagawin.

“Taralets, bagets.” Hinila ni Clover ang kamay ko at parang may lakad dahil mabilis pa sa alas-kuwatrong nagkababa kami ng kanilang opisina. “Kumusta ka naman doon? Wala namang lumapit sayo?”

Umiling ako, “Wala naman.”

“Walang nakipagkilala?” Tanong niya.

Umiling ako, “Wala naman. Bakit?”

Nagkibit balikat siya, “Sabi kasi ni Mr. Alcantara wag ka daw ipapakilala kahit kanino. Pati nga kay Tami hindi na kita naipakilala. Sumusunod lang naman ako.”

“Bakit daw?”

“Malas daw eh. Parehas pala kayong naniniwala sa Feng Shui. Bagay kayo. Ay andyan na pala siya. Sige, uuwi na ako. Ako ang nakatoka sa dinner ngayon.”

Walang ano’t ano ay ipinagtulakan na ako ni Clover papalapit kay Lorcan na ilang dipa lang ang kayo mula sa akin. Hindi ko na nagawang mag-reklamo.

“Anong ginagawa mo dito?” Sinubok kong sumimangot pero hindi ko iyon napanindigan. “Wag kang lalapit, nakakahiya ako.”

“Hi.. My name is Lorcan Adam Alcantara, you are?” Humakbang siya papalapit. Even his eyes were smiling. Ipinagmamalaki niya ang kanyang dimples na bumagay sa kanya ng husto. Hindi nakisama ang mga paru-paro sa sikmura ko na patuloy sa pagsayaw habang lumalapit ang kanilang amo.

“A-ayoko. Umalis ka.”

Tinakpan ko ang mukha ko.

“Ang suplada mo naman.”

“Umalis ka na, Lorcan.”

“Nice to meet you.” Hinawakan niya ako sa magkabilang siko at hiniling ko na lang na kainin na ako ng lupa. I can’t adult anymore kung ganito lamang ang haharapin!

“Ayoko. Ayoko. Alis!”

Sinarhan na ni Lorcan ang aming distansiya at nanatili siyang nakangiti habang magkadikit ang aming mga katawan sa harapan ng opisina ng kakambal ko.

“Bakit ka naman mahihiya kung magkagusto ka sa akin? It is a normal thing. Ipinagtataka ko nga kung bakit ang tagal.”

 “’Wag mong ipapaalala.” Mas lalong dumiin ang mga palad ko na nasa mukha.

“Sige, ganito na lang para fair. I will tell you a secret.”

“Ayokong marinig.”

“I think I have a crush on you, too.” Bulong niya sa aking tainga kasabay ng paghalik sa buhok. Sumiksik ako sa kanyang dibdib para itago ang mukha, tiyak kong sobrang pula na non.

“I know. It is as weird as the footsteps of the astronauts on the moon will stay there for millions of years, but I am weird, and this happened..”

“Mas weird yung walang atmosphere ang moon.”

“Mas weird yung nagpaalam kang papasok pero niloko mo ako.”

“Sorry.”

Ginulo ni Lorcan ang buhok ko. “Let’s go home then I’ll forgive you.”

Chapter 19

I have no idea that admitting you like someone would feel awkward. Sinimulan namin ang araw naming nag-aaway, nauwi sa aminan, ngayon ay ilangan.

“This is really awkward.” Huminga ako ng malalim habang tinitingnan si Lorcan, rattling while fixing the table. Napag-usapan naming umuwi nang bahay nang sunduin niya ako sa opisina ni Clover. Naging sobrang tahimik nang biyaheng iyon. Crush palang ang aminan na naganap sa pagitan namin pero parang nag-aya na siya ng kasal at tumanggi ako kung makaasta kami.

“Ah! I can’t do this.” Ibinagsak ni Lorcan ang kubyertos sa plato at gumawa iyon ng ingay.

“Aalis na ba ako?” Tumayo ako para kuhanin ang gamit.

“No! Just—just stay there.”

Bumalik ako sa upuan nang kinakabahan, “We can’t let this happen.” Aniya. Mabilis akong tumango.

“We cannot live like this. Ayoko nung pakiramdam na mahihimatay ako araw araw.” Dagdag ko.

“Exactly. Wine. Tama. We should drink wine so we can laugh about it.” Tumayo si Lorcan at pumunta sa Wine cellar. Kumuha din siya ng ilang saltines at chips. Bitbit iyon ay hinila niya ako paakyat. Imbes na sa kuwarto ay ang pinto sa library ang pinuntahan namin.

“Dito tayo iinom?” I asked.

Ngumiti siya at umiling, “Wait ’til you see it.”

He went to one of the bookshelves and it popped open. Itinagilid ni Lorcan iyon ay lumitaw ang isa pang kuwarto. Hagdaanan iyon paakyat ng isa pang silid. Probably  an attic.

What made it look special is it’s glass ceiling. Mala sa labas ay hindi iyon mapapansin pero namangha ako nang makitang ang natural na liwanag mula sa buwan at bituin ay kusang tumagos para mag-bigay ng liwanag sa hagdan paakyat.

“Ang ganda!”

“This was my surprise for you last night if you did not just betray me.”

Pinanliitan ko siya ng mata. Siya ang nanguna sa pag-akyat. “Back at you.” Sagot ko.

Mas namangha ako nang makita ang attic. Gawa iyon sa kahoy na sahig at ang pader ay may iba’t ibang posters na inirelease ng NASA sa market. Meron pang mga glow in the dark stars sa paligid na iba’t ibang constellations. A personal ref and a lot of pillows!

“You made this?”

Namula ang pisngi ni Lorcan at nagkibit balikat.

“Sobra sobra ka naman kung magka-crush. I am flattered.” I uttered.

Sumimangot siya. “This is not yours alone. Dagdag ito sa bahay. This is for me to enjoy too. Look at that.” Turo ni Lorcan sa telescope na nakatayo sa tabi ng bintana. “Limited ang vision pero kahit papaano, maganda pa din tingnan.

Sa isang tabi ay ibinaba ni Lorcan ang hawak na alak at pagkain. Humila siya ng kutson at inilagay ang mga unan doon. “You can explore from here.” Pinagpatong patong niya ang unan hanggang sa maabot na nito ang telescope. Dumapa siya doon at sumilip.

“Ang ganda.” He whispered.

“Bakit ikaw ang nauna?” Itinulak ko siya para malaglag sa mat at pumalit ako sa puwesto niya.

Sumilip ako sa telescope at nakita ko ang kanyang sinasabi. I smiled just by looking at it. Nakasentro iyon sa Polaris. So, Lorcan has a favorite star now.

May iba’t ibang libro tungkol sa astronomy sa mga shelves na naroon sa palibot ng attic. This is my dream room. Lorcan made it happen. Inabutan ako ni Lorcan ng wine at tinanggap ko naman iyon habang nakatanaw kami sa labas. Kung tutuusin, kahit na tumingala ay maganda pa din dahil kita ang mga bituin.

“Look, I bought a game. Do you want to play?”

Ipiwangayway ni Lorcan ang flashcards na mukhang pang-trivia game at base sa disenyo non ay mukhang trivia pa iyon tungkol sa universe.

“May backbone ka na ha?” I giggled. Hinahamon niya ako sa isang bagay na ako ang naunang magkaroon ng interes.

“Try me.”

“Which is the second planet from the sun?” I asked. Nakapahinga ang mga flashcards sa aming gitna at bumubunot lang kami doon. Every wrong answer is equivalent to a drink on glass full of wine without ice as penalty.

“Easy. Venus.” He answered. Kumuha din siya ng kaniyang flashcard at tinanong ako.

“Phobos and Diemos are the moons of which planet in our solar system?” Ganti niya.

“Mars.” Mayabang akong ngumiti. Kumuha pa ako ng isang tanong.

“Which US President’s name can be found on the Apollo 11 moon plaque?”

Tumaas ang kanyang kilay. “That’s unfair! It is not about space.”

“Hindi mo kilala? Drink up!” Giit ko. Naiinis siyang umiling pagkatapos ay kinuha ang baso. Pumula ang kanyang pisngi dahil doon.

Sunod sunod ang naging mali ni Lorcan. Walang tigil ang kanyang pag-inom at tawa naman ako ng tawa.

“You know you can tap out, alright?” Suhestiyon ko.

“Hindi ako susuko. Quitters are losers” Kumuha muli siya ng isang flashcard at binasa iyon.

“In 1610, who became the first person to observe Saturn’s rings through a telescope?”

Natigilan ako doon. Malakas na humalakhak si Lorcan sa pagkabigla ko doon sa tanong.

“C-copernicus?”

“Wrong, inom.” Inabot niya ang baso sa akin at ininom ko nga iyon.

Mukhang naguluhan na ako sa mga sumusunod dahil sa alak na nainom. May mga tanong na hindi ko nasagot kaya naparami na din ang inom ko. Uminit ang pakiramdam ko kahit fully-airconditioned ang attic.

“Io, Europa, Ganymede and Callisto are all moons of which planet in our solar system?”

“Jupiter.” I answered

“Dork.” Napapailing na ibinaba ni Lorcan ang pang-huling flashcard. “You should have a weakness or something. We had a lot of wine and I drank more than half of it.”

“Naiinggit ka lang ata.” Bulong ko nang nakapikit. Namamahinga na ako sa kanyang balikat. “You can challenge me on the area that you know the most. Game, magbigay ka ng trivia at kapag hindi ko iyon nasagot ay parusahan mo ako.”

Nanatili siyang tahimik. Siniko ko siya, “Gising ka pa ba?” I asked.

“What is the chemical that spikes when you kiss someone?” Natigilan ako sa baritonong tanong niya na iyon. Nag-angat ako ng tingin at malawak na ngumiti. His eyes fueled with something new. Binalewala ko iyon dahil bumagay sa kanya.

“Chemicals?  Mayabang ka ha. Hindi ko iyan alam.”

“It is dopamine, Calla.”

“Dopamine? Ano yun?” Napakamot ako ng ulo. Hinawakan ni Lorcan ang aking batok at inilapit ang kanyang mukha sa akin. Napakurap kurap ako pero awtomatikong napapikit nang bumagsak ang labi niya sa akin.

“Do you feel it? It is dopamine.” Bulong niya sa pagitan ng aming paghinga. “It is a chemical that makes you crave for more.” Bumaba muli ang mukha niya at hinalikan ako. My hand traced his hair and the rush of emotions and everything foreign trapped my senses somewhere out of my body. I did not blush, instead, my body responded to the type of kiss. Teasing, hot and vulnerable.

“Totoo nga.” I whispered. “Do I need to drink? Hindi ko nasagot ang tanong mo.”

Umiling siya. “Just a kiss in every wrong answer, okay? Mas exciting iyon.”

Tumango ako.

“Next question, what is the chemical released when kissing that bring on waves of euphoria?”

“That sounds familiar. But I don’t know the answer.” Bumigat ang talukap ko. I traced my finger on his strong jaw, nakarinig ako ng ilang pagmura pero hindi ko iyon maintindihan.

“Damn it. You better answer, I might lose myself if you wont.” Ginawaran na naman niya ako ng isang halik bilang parusa.

I smiled ear to ear, “What is that called?” I asked.

“Endorphine.”

“That’s a happy feeling. It reduces pain, right?”

“It is.” Bulong niya sa aking leeg. Napapikit ako dahil doon. Nakikiliti at di alam ang susunod na gagawin. “How long is the longest kiss on the world record?” He pat a kiss on my neck and it burned up my insides.

“Hmm, I don’t know.” I mumbled. “3 hours?”

“Wrong, two days, Calla.” Lorcan bit my ear and I couldn’t help but moan.

“How is that possible?” Napakunot ang noo ko.

“Do you think we could beat that?”

“No!” Sumimangot ako. “But we should at least try.”

“Yes, that’s right. We should.”

May maliliit na kuryente ang gumapang sa aking katawan. Lorcan carefully rested my back on the bed and started kissing me slowly. It was not a hungry kiss. Iyong hindi pabaya kung hindi ay puno ng ingat. Like he was so sure what is his at the first place and he’s taking his time because no one can take it away from him and that’s right, no one.

It I reminded me of a short story that made me hook by a few words. I fell in love with it instantly. Mahinahong pinatakan ni Lorcan ng halik ang aking balikat. The moonlight loved him, he’s beautiful even on the slightest kiss of  light upon him. He yanked me to him to give me another tender kiss. It was so filling.

He unbuttoned my pajama top and I couldn’t think right anymore. Para akong pumasok sa isang butas at wala nang daan palabas kundi iyon.

Lasing niya ayong tiningnan, I tried to cover my chest with my arms but he pulled my hands  down. “Beautiful.” It made me giddy. He went down and kissed me slowly. I closed my eyes, I felt it was a dream.

A dream until….


“Por Dios Por Santo! What did you do both of you?!” Ang matinis na boses na iyon. Mabilis akong napabangon at nakita ko si Granny na nakatakip ang mata.

Maliwanag na ang araw nang tumingala ako.

“Abuela? What are you—”

Hindi naipagpatuloy ni Lorcan ang sasabihin nang mapatingin sa akin at sa sarili niya. We were both half naked. Napaawang ang labi ko pero hindi din ako agad nakatili dahil tinakpan ni Lorcan ang bibig ko. “Do not shout.” Bulong niya sa akin, “I’ll figure this out.”

“Figure this out! No, the wedding should happen now!” Giit ni Granny. Nagpalipat lipat ang tingin ko sa kanila. Nanatili pa din akong nakatulala.

“Abuela, please!”

“Anong please? Hindi mo aalukin ng kasal eh nakita mo na ang lahat sa kanya?”

“Hindi ang lahat, okay!” Giit ni Lorcan, “We both passed out before anything could happen.”

Nakahinga ako ng maluwag dahil doon kasi ako, wala na akong maalala.

“Is that an excuse? Dahil para sa akin ay hindi talaga! Kailangan niyong ikasal sa lalong madaling panahon.”

“Abuela, we are both grown ups here. We won’t get married just because you said so. Fine, we like each other but—”

“You both like each other?” Nagliwanag ang mukha ni Granny. “That’s great! I am so happy!” Kumindat pa sa akin si Granny. “That’s enough reason to get married hindi ba? Hindi totoo yung long engagement na iyan, naghihiwalay lang.”

“Can we talk about this, Abuela? In private?” Napapagod na ginulo ni Lorcan ang kanyang buhok.

“Of course, we can.”

“Hindi ka kasali, Abuela. Please, leave us alone and we will meet you tomorrow.”

“Okay, okay.. Excited lang akong magkaroon ng apo sa tuhod.” Pakanta kanta pang bumaba si Granny sa attic at iniwan kaming dalawa. Napatakip ako ng mukha. I remember going up here to make sure everything’s not awkward, hindi ko akalaing mas magiging awkward pa pala ang sitwasyon nang manatili kami dito.

“Anong nangyari gabi?” Tanong ko kay Lorcan.

“Hindi mo maalala?”

Mabilis akong umiling.

“Wow, amazing.” Natatawa niyang bulalas. “We kissed and almost—”

“Hindi ka nanamantala?”

“You are not really hot for me to do that—”

“Bastos ka!” Hinampas ko ang kanyang braso. Nawala ang hiya ko sa katawan at tumayo ako basta. “Alam mo, hindi ko sasabihing panagutan mo ang nagawa mong kalapastanganan.” Tumayo din si Lorcan, natakpan ako ng kanyang anino.

“Really? Parang ako lang ha. Paano naman ang karapatang pantao ko? You exploited me too. You removed my shirt and it is nothing to you now?”

“So ano? Paano ang karapatang pantao nating dalawa? Should we seriously get married dahil naging marupok tayo at gumanda ako bigla sa paningin mo? At ako naman, uto-uto. Naniwalang malinaw pa ang mga mata mo kagabi kaya nagpadala ako sa—”

“Akala mo ba hindi mo maalala? Bakit alam mong sinabihan kitang maganda ka? Not that I mean it but—”

“Oh come on! Kahit kailan talaga, sa akin mo ibabaling ang sisi dahil hindi mo matanggap na hindi ka magkakagusto sa simpleng taong kagaya ko. And I am sick of it. Magdesisyon ka na ngayon, Lorcan. Kung anong magiging desisyon mo, makakaasa kang susuportahan kita.”

“Talaga?” Tumaas ang kilay niya.

“Talagang talaga. Itaga mo sa bato.”

“Will you marry me?”

“Aba’t talagang—”

“I am serious, Calla. There’s nowhere to go at this point. You annoy me to bits and I annoy you beyond this universe. I didn’t like you the first time I saw you and I know you didn’t like me either. I kissed you like I never kissed someone, and you responded like your life depended on it. You have an effect on me and I have an effect on you too. Isa isahin ko pa ba ang level of courtship? I think we have checked everything on the list.”

Nag-init ang sulok ng mga mata ko nang mapagtantong wala na akong lalabasan sa sitwasyong ito, “Baliw ka. How can you propose in our underwear in broad daylight? We both smell alcohol and sweat, most of all you have no ring. How dare you ruin my idea of fairytale?”

“This is the truest form that we could be. Let’s get married.”

Bumukas ang bibig ko. “You think so?”

“Yes, Ma’am.” He reached for my lips and kissed me to seal the deal.

Chapter 20

“So what do we plan to do on our first day as boyfriend and girlfriend?” Tanong sa akin ni Lorcan. Awtomatikong namula ang pisngi ko. Hindi ako sanay sa label na iyon. 

I am somebody else’s girlfriend. Astig!

“Ano ba ang ginagawa ng magboyfriend at girlfriend? Tell me.” Sumiksik ako sa kanyang dibdib habang nakatulala kami sa two-seater couch sa sitting room.

“Nasty things. They talk dirty. Kiss like there’s no tomorrow. Sexy time.”

Hinampas ko siya sa balikat. “Hindi muna dapat maulit ang nangyari kagabi. Baka mag-bago ang isip natin tapos nakuha mo na ang lahat sa akin. Pero sabi mo nga, hindi naman ako hot, so palagay ko naman ay safe ako.”

Ngumisi siya at nawala ang mata. “You know, when the first scientists thought that the world is flat? I was like them, I first thought yours is flat but it isn’t so––”

Napabangon ako at hinampas siya sa balikat. “Sinilip mo?”

His crisp laughter echoed to the whole house. “No. I really passed out. Sayang nga eh.”

Sumimangot ako. Hinuli niya ang aking kamay pagkatapos ay mabagal na napailing.

“This marriage will be fun.” Aniya.

“We should make this fun.” 

“So if this will be boring, you will leave me?”

“If this will be boring, we will apply as astronauts and take our stargazing to the next level.”

“That’s sounds fun. Or we can try to grow Strawberries in Metro Manila and sell strawberry shakes to schools.” Suhestiyon niya.

“Or we could try grow Cherry Blossoms during summer, that’s more challenging.”

“That’s right, get a notebook. We should put that on our bucket list.”


“What do you think about Manila Cathedral? Pupwede tayong magpabook ng schedule doon.” Tanong ni Granny kinabukasan nang mag-dinner kami sa kaniyang mansyon. She’s more than pleased to see us ending up together. The only person who doesn’t find our set up weird.

“That’s too grand. Masyadong maraming kasya. Konti lang ang kaibigan namin ni Calla, hindi naman buong Pilipinas ang gusto naming naroon.” Tanggi ni Lorcan. “In fact, I already booked in Amanpulo for next month’s wedding.”

“Amanpulo is a lovely place for a wedding! Sabagay, tama ka nga. You don’t need to invite your suppliers because this isn’t a corporate event, but a wedding. By the way, I’ve talked to your parents.”

Nag-angat ng mukha ni Lorcan at mukhang mas naging interesado doon. “I am sorry, Apo but they said they couldn’t come. Biglaan daw kasi.”

Bumagsak ang balikat ng aking katabi.

“That’s fine. They were never there anyway. And they just don’t care.”

Kinuha ni Granny ang kamay ni Lorcan. “That is why I am here right? Lorcan, about the the money that you were asking, can we talk about it?”

Tipid na ngumiti si Lorcan at saka umiling.

“Pagod na si Calla, La. Magpahinga na din kayo. We can talk about it some other time.” Kinuha ni Lorcan ang kamay ko nang magkibit balikat si Granny.

“Goodnight, Granny!” Masigla akong nagpaalam.

Mabibigat ang naging hakbang ni Lorcan papalabas ng bahay. Dumilim ang kanyang anyo at nakatiim bagang pa.

“May problema ba?” I asked.

Umiling si Lorcan habang pinagbubuksan ako ng pinto ng sasakyan.

“Mukhang meron. Is it about your parents?” Humigpit ang kapit niya sa manibela.

“I don’t want to talk about it right now.”

Naging mabagal ang paghinga ko at kumapal ang hangin. There are some things that Lorcan is not ready to tell me. Merong isang linya at hindi ako maaring lumagpas doon. The drive was silent because there’s no more to talk about.

Nakahinga lang ako ng maluwag nang nag-vibrate ang cellphone ko at nakita ko doon ang mensahe ni Clover. Ang kanyang pag-hihimagsik at pagtutol sa magaganap na kasal a month from now ay nandoon sa mensahe.

‘You know that I ship you both, right? Pero masyado pang maaga. I don’t feel right about this.’

‘Indecent proposal iyon. Nakapanty at bra ka lang, siya naman naka-brief. Maghunosdili ka. kung natakam ka lang sa abs. Hindi siya extinct specie! May abs din ang mga gorilla, maniwala ka.’

‘Calla, nakamove on na ba yan? Napag-usapan niyo na ba iyon?’

‘Siya na ba si Mr. Right? Siya na ba ang cupcake sa buhay mo?’

Napailing ako at marahas na napabuga ng hangin.

“Sino yan?” Silip ni Lorcan sa gilid ng kanyang mga mata bago iparada ang kanyang sasakyan sa harap ng aming bahay.

“Si Clover, ayaw niyang pakasalan kita.”

His jaw moved. Hindi siya nag-salita at pakiramdam ko na mas nakakadagdag pa ako doon sa problema niyang hindi niya masabi. Well, at least I can talk about anything to him right?

I forced a smile as I hold his hand. . “Nag-aalala lang iyon. Masyadong mabilis.”

He pressed the push button to turn off his car “I said I like you, and you like me, too. Doon din naman papunta iyon.” He reasoned.

“Yun don naman ang sinabi ko. She’s my twin, she worries about my life like her own.”

Dumiretso na si Lorcan sa aming silid nang makapasok ng bahay. I took my time to give him space mula doon sa dinadala niyang problema at sa idinagdag ko pa. I texted Clover to make her stop texting me those things. Wala nang magagawa pa ang pag-aalala sa puntong ito. We are planning and I am not ruining any plans.

Kumuha ako ng libro doon sa library at umakyat doon sa attic para doon iyon basahin. Ilang beses ko nang nabasa ang The Little Prince pero yun pa din ang napili ko. It reminded me that it is only the heart that can see rightly and is essential to an invisible eye. Kagaya nang hindi nakikita ni Clover ngayon. Nahuhusgahan niya si Lorcan dahil hindi niya ito kakilala. He’s not really a beast.

I lay down and look at the stars from the glass roof, pagkatapos ay inilapit ang lampshade doon sa libro at sinimulan ang pag-babasa. I was half way through the book when I heard the heavy footsteps. Ibinaba ko ang hawak na libro at sinilip si Lorcan.

“Can I stay here too?”

Tumango ako at ngumiti. Humiga siya sa tabi ko at itinagilid ang katawan paharap sa akin. Sinubukan kong mag-basa muli pero hindi na iyon pumasok sa utak ko. Alam kong nakatingin sa akin si Lorcan.

“Bakit?”

“Will you still like me if I have mood swings?” Mahinahon niyang tanong.

“You are not you if you don’t have those.”

“Am I still you favorite person?”

“Second to my favorite. My twin comes first.”

“That’s good enough.” Pinaglaruan niya ang buhok ko at bahagyang bumangon para abutin ang noo ko at halikan.

“I was never this peaceful. I want to stay like this, so much, that I am scared to ruin it.”

“Si Mr. Perfect ka nga di ba? How can you ruin it?” Natatawang tanong ka.

“If I’ll come too late and my pride will come our way.”

“Then tell Mr. Pride to stay out of the way because you are not giving in.”

“I doubt that it will listen. It controlled my life since.. Since..” Pumikit siya ng mariin pagkatapos ay hindi na nagpatuloy. “Should we sleep here?”

“Can we?”

His smoldering eyes gazed at me. His smile was so warm that I couldn’t believe we reached this part where we will be this intimate. Daig pa namin ang aso’t pusa kung mag-talo. We trash talk every single opportunity we can pero tuwing tahimik na ang lahat, we enjoyed the tranquility of our breathing and heart beats. He said we are not there yet, if not, then, what do people call this?

Hindi ko din alam. Isa lang ang malinaw sa amin, we want to stay this way.


“Bakit ba excited kang umalis ako?” Sumimangot si Lorcan habang pinapanood niya akong ayusin ang maleta niya patungong Bacolod para umattend ng isang business convention bukas.

“Hindi ako excited. Hindi ba dalawang buwan na itong naka-book sa planner mo? Tatlong araw lang naman ito. I don’t like the idea being your secretary and fiancee. Hindi ka sumusunod sa schedule mo ngayong pupwede ka nang magreklamo sa akin.” Umirap ako at siniksik ang light snacks doon sa maleta niya.

Lumapit siya sa akin at saka ako binuhat at walang ano ano ay ibinagsak sa kama. “You better pack yourself in my bag.”

“Hindi ako kasya.” I giggled. “Saka pupunta kami ni Clover sa Amanpulo.”

“Damn it. Yan ang isa sa mga rason kung bakit ayaw kong umalis. We will be getting married next week. Dapat ay may excuse ako.”

“Wala ka namang ginagawa para sa kasal natin kung hindi pumayag sa lahat ng sinasabi ng kapatid ko. You are really spoiling her.”

“Baka mamaya ay biglang magtaas ng kamay yon kapag nagtanong ang Judge kung sino ang gustong tumutol.”

“Yeah, that means goodbye, One Billion !”

Sumeryoso ang mukha ni Lorcan at nagsalubong ang kilay. “It is not purely like that.”

Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi. “Huwag ka ngang masyadong seryoso diyan. I understand, Lorcan. Masaya akong matulungan ka.”

“You don’t believe this will work, do you?”

“Do you? You still love her.” Napalunok ako at malungkot siyang tiningnan.

“But I like you.”

“Still. You love her. Mas mabigat iyon.” Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. “She comes first, and I come second.” Pinilit kong ngumiti. “But that’s okay. Kung nalulunod kayo ng kakambal ko at isa na lang ang lifejacket, I will give it to her, not to you.” Sinubok ko siyang saktan sa choice kong iyon pero pumait ang likidong gumuhit sa lalamunan ko nang mapagtantong hindi iyon totoo. I will give Clover the life jacket and I will give Lorcan mine. Mas masaklap iyon. I can be my silly selfless self when it comes to him and I am at that point already. 

“Relationship is a choice, Calla and I chose this.”

Mapait akong tumawa, “You really do believe that, don’t you?”

Humiga si Lorcan sa aking tabi pagkatapos ay niyakap ako, mahigpit.

“Mas lalo kong ayaw umalis.”

Pinipiga ang puso ko na pilit niyang binibigyan ang sarili ng dahilan kung bakit ako ang tama. Nakatulog kami sa ganong posisyon at nang gumising ako ay wala na siya sa tabi ko.

Ang sunod sunod na doorbell ang nag-bangon sa akin. Napakamot ako ng ulo nang masilip ang kakambal ko doon sa bintana na may bitbit na overnight bag. Lorcan asked her to stay with me habang wala siya. Hindi ko akalaing pag-bibigyan ni Clover si Lorcan.

“Nakaalis na ba ang magaling mong fiance?” Bungad sa akin ng kakambal ko.

“Nakaalis na.”

“Nagpaalam ba? Hinalikan ka?”

“Ewan ko, tulog pa ako. Early morning flight siya kaya hindi na talaga ako gigisingin. Tiyak na tatawag yun mamaya kapag nakarating na doon.”

“Hopiang asado.” Umirap si Clover. Hindi ko na siya sinagot. Her fears are also my fears. Hindi ko lang iyon masabi dahil mas dodoble din ang nararamdaman kong bigat.

My twin helped me with the handmade giveaways. Siya lang naman ang bisita ko. Nagpauna na si Eros na hindi makakarating dahil sa isang modelling commitment sa Tokyo Fashion Show. Nakatawag na si Lorcan, he informed me that Margaux was at the convention. Hindi na iyon sorpresa.

“Tingnan mo! Tingnan mo sa TV!” Ipinagtulakan ako ni Clover habang nakikikain ng left-overs namin sa ref.

“Hayaan mo nga siya. Parehas na nasa negosyo ang mga pamilya nila kaya parehas silang nasa convention.”

“Bakit? Sinabi niya ba iyan sayo? O itinawag man lang?”

“Itinawag niya. Ikakasal na kami sa isang linggo.”

“Alam mo, di ko alam na mabait ka pala. Bulag pa. Martir! Che!”

Manhid kong pinanood kung paano tuksuhin si Margaux at Lorcan ng mga reporters. Ang masuyong tiningnan nila sa isa’t isa ang kumurot sa puso ko at hindi ko iyon maaring iyakan dahil magagalit si Clover. No one knows that we will be getting married pero nagkasya na ako doon sa kagustuhan ni Lorcan maging pribado ang lahat.

“Private, private! Pero pagdating sa ex niya, laging may interview! Bakit ka ba nagpapagamit sa heyup na yan?” Binato ni Clover ng grapes ang TV na para bang nababasa ang naiisip ko. Nanatili akong tahimik.

“Kapag nakuha na niyan ang pamana ng Lola niya, iiwan ka din niya, Calla. Negosyante yan. Gumising ka nga! Mga wala silang puso!”

“Napagawa mo na ba ang isusuot mo sa kasal namin?” Pag-iiba ko ng usapan. Malalim na huminga si Clover para pakalmahin ang sarili at saka ako naawang tiningnan.

“Pasensya na kung hard ako. Pero Calla naman, malinaw pa sa araw na hindi pa siya nakakaget over sa ex niya. It is either ginagamit ka niya para pagselosin ang ex niya o para makuha ang isang bilyon. Whichever it is, siya pa din ang panalo.”

Ngumiti ako, “Nagseselos ka lang ata kasi feeling mo iiwanan na kitang mag-isa.”

“Excuse me! Alam kong hindi mo ako ipagpapalit kay Lorcan.”

“Kaya nga, di ba? Ano bang ipinag-aalala mo?”

“Yung masktan ka. Kasi mas masasaktan ako.”

I smiled sadly. “Malaki na ako.”

Tulog na si Clover doon sa attic nang mag-inat ako para sumunod sa kakambal ko, doon din ako matutulog. Bukas ng umaga ang flight namin patungo sa Isla. My phone rang before I climbed the stairs at kinuha ko agad iyon nang makita ang pangalan ni Lorcan.

“What kind of stars the wears sunglasses?” Patiuna niya sa kabilang linya.

“Huh?”

“Movie stars!” Lorcan chuckled.

“Nakainom ka ba?” Pigil ang tawang wika ko.

“Why did the star get arrested?”

“Bakit?”

“Because it is a shooting star!”

“You are weird.” I rolled my eyes, “Kumusta ka? Masarap ba ang pagkain diyan?”

“Wala akong kaaway dito.” His voice was raspy. I could only picture him lying down on bed with only night lamp as his light. “The food was tolerable but missing you, isn’t.”

“Hindi mo na ako kailangang bolahin, magpapakasal na tayo.” Hinaplos ko ang pisngi ko dahil sa pag-iinit non.

“I miss cuddling with you.” Mas humina ang boses niya. “I want to go home.”

Pumikit ako. “Nahihirapan ka ba dahil nandiyan siya ?”

“We are not having that conversation, Calla.” He dismissed. “Kumusta kayo ni Clover?”

“Gumawa lang kami ng giveaways mag-hapon. Dadalhin namin doon sa isla.”

“There would probably around 10 people on our wedding.”

“I like that.” Paniniyak ko sa kanya.

Itinulak ko ang pinto ng silid ng aming kuwarto ni Lorcan at niyakap ang kanyang unan. His scent was there and I was comforted by it.

“See you in three days.” Bulong niya na parang nahihirapan.

“Yeah. See you..”

First thing in the morning, my twin and I we went to the airport. Isang private jet ang sinakyan namin ni Clover, meron kaming kasabay na wedding suppliers na mag-aayos doon sa venue.

Masayang masaya si Clover nang makita ang asul na tubig. Kakaibang pagod naman ang nararamdaman ko kaya nag-paalam akong mamamahinga muna sa villa.

Naging panatag ako sa hampas ng alon sa dagat na maririnig sa nakabukas na wooden doors at windows ng villa. I slept soundly. Nanaginip nga lang ako nang isang kasal kung saan ako ang bisita at si Margaux at Lorcan naman ang ikinakasal. Dagli akong napabangon at saka kinilabutan dahil doon. Bangungot.

Napatingin ako sa upuan at naroon ang one piece white swimsuit na iniwanan ni Clover para sa akin. Nagpalit ako ng suot at saka lumabas. Hindi ako halos makapaniwala kung gaano kapuro ang tubig at ang lamyos ng maliliit na alon sa tabing dagat sa pribadong isla. Hinayaan kong umapak ang paa ko sa mainit na buhangin nang may humintong frisbee sa paanan ko kasunod ang malaking aso na may ginintuang balahibo. Palagay ko ay nakangiti iyon nang akmang susugurin ako.

“Caramel!” Kasunod niya ay ang amo niyang tumatakbo papalapit sa akin. Dinilaan ng aso ang aking paa, nakiliti ako doon. Hinaplos ko ang makapal na balahibo ng aso at dinamba ako nito para halikan.

“Hey, Caramel!” Natawa ang amo ng aso. A guy in his black sando and orange board shorts smiled at me. May tatoo iyon sa kaliwang braso at gumagapang ang balbas nito sa baba.

“Bad dog! How dare you kiss my fiancee?” Mula sa kung saan ay parang namalikmata pa ako nang makita si Lorcan. Ang matipuno niyang braso ay bumalot sa akin. Dumikit ang aking likod sa hubad niyang dibdib. Napadaing ako sa sobrang lapit niya.

“A-anong ginagawa mo dito?” Bulong ko na tuluyan nang nalasing sa init ng kanyang yakap. Nakasimangot siya at masama ang tingin kay Caramel.

“Leigh, suwayin mo yang aso mo. Manang mana sayo, magnanakaw ng halik.”

“Lorcan, I didn’t realize you’ll come here early. Hindi ba may convention pa sa Bacolod?”

“Naroon na ako kahapon, ikaw, bakit hindi ka nagpunta?”

“Nagbabakasakaling maagaw pa ang fiancee mo. Hi, Babe. I am Leigh Vladimir Montebello, we are cousins. I am better than this douche.” Inabot ng lalaking may ari ng aso ang kanyang kamay pero bago ko pa man matanggap iyon ay itinalikod na ako ni Lorcan.

“I shouldn’t have invited you.”

“Still worth to push my luck. Mamaya magkikita pa tayo sa dinner!”

Kumaway sa amin ang lalaking weirdo.

“You shouldn’t have talked to anyone. Paano kapag inaya ka noon ng date? And what? Because you are sad you will come with him?” Binalingan ako ni Lorcan nang nakasimangot.

“Bakit naman ako magiging malungkot?” Tanong ko.

“Because you thought I am having a great time with Margaux. I am not, okay? Isang beses ko lang siyang nakita doon. Those prying reporters wants to make our life complicated.” Napailing siya at hinuli ang kamay ko. “And why are you wearing that skimpy clothing? Alam mong wala ako. Paano kung makakuha ka ng atensyon? Well, you did already. The dog liked you.”

“Pati ba naman ang aso.” Natatawang sabi ko.

“Everyone is a suspect. Maari ka nilang agawin sa akin. Even the aliens could get you and because of your outstanding curiousity, you’ll probably ride the spaceship with them. They will not even have a hard time kidnapping you. Goodness, I missed you. So bad. Like I never missed anything in this world so much.” Itinulak ako ni Lorcan sa malaking tipak na bato na aming nadaanan. Isinandal niya ang likod ko doon at mariin akong hinalikan.

The slowly butterfly kisses made my knees wobbly. The afternoon sun touched my shoulders and he gently pat his lips on it. His caramel eyes looked like a dark honey as it reflects the image of my hair that he tenderly combed with his fingers. Alam ko na mahaba na iyon dahil huminto ang kamay niya sa aking balikat. His thick lashes made his eyes looked smaller but it complimented his thick brows that furrowed to battle the soft rays of sunlight.

Yumuko siyang muli para gawaran ako ng halik. This time it is deeper, more exhaustive, deep and everything sweet. Ayaw niya iyong matapos. Ganoon din ako. Maybe that’s the reason why people kissed in legion, the delicious sensation is hard to find anywhere.

“Let’s get married now.” He whispered under his breath.

“Married?” Tumaas ang kilay ko. “Ngayon.” Paniniyak ko.

Tumango siya. A curt smile formed his lips. Like a silly romantic couple on a old classic movie, he pulled my hand and we were half running to the reception lobby.

“Is Judge De Guzman here, already?” Humihingal na tanong ni Lorcan doon sa receptionist.

“Was he expecting you today, Sir?”

“No.. But I need to talk to him. Tell him I will meet him at my Casita right now.”

Gumawa ng tawag ang receptionist at ibinigay ang detalye doon sa Judge. Hindi binitawan ni Lorcan ang kamay ko hanggang sa makarating sa kanyang casita. Mas malawak iyon kaysa sa inookupa namin ni Clover ngayon. The wooden floor is spotless, isang malawak na kama ang naroon sa pinakagitna. All the windows are opened, the ivory white curtains dances with the wind. Sa pinakaunahan pang bintana ay nakahilera din ang wood planks na maaring lakaran. It has its own gate going to the beach, two cerulean blue couches on both sides too.

Nakasunod samin si Judge De Guzman at nakangiting lumapit.

“Hindi na makapaghintay, huh?”

I realized that I am on my bathing suit and Lorcan is on his white board shorts. Parehas kaming natawa ni Lorcan. This is really a spur of the moment, crazy move. Palagay ko ay sasabunutan ako ni Clover kapag nalaman niya ito.

Tumayo kami doon sa gate na nagdudugtong sa beach front habang kalmadong ipinapaliwanag ng Judge ang pros and cons ng marriage. Even the legalities and responsibilities.

“By the power vested in me by the Republic if the Philippines, I now declare you as Husband and Wife. Ang pinagsama ng Diyos ay hindi maaring paghiwalayin ng tao. I pray that you will stick together through thick and thin.”

Lorcan pulled my nape and kissed me. Hindi na namin namalayan na nawala na si Judge De Guzman sa aming harap. We were panting, and kissing endlessly. Nakarating kami sa kama at sabay na bumagsak doon.

“We are crazy.” Anas niya sa akin. I snickered.

“Magagalit ang lahat ng nag-handa para sa kasal na ito.”

“We will still get married in front of them. I just don’t want lose you at this point.”

I don’t know what made it happen but the slow kisses burned me inside. His face, smiling down on me made me smile too and feel not sorry for anything. He’s my first, and probably the last on everything. If this won’t work, I am pretty should that it’ll be hard to recover. Maybe not in a lifetime.


Malalakas na katok ang gumising sa amin. Bumangon kami ni Lorcan at inabot ang roba sa aming tabi. Sabay kaming lumapit sa pinto. To my surprise, a couple that looked exactly like Lorcan appeared in front of us. Ang babae ay sinalubong si Lorcan ng malakas na sampal.

“Aleana!” Suway ng lalaki na katabi nito, probably in their late fifties. May tikas iyon na kahawig nang kay Lorcan. “Huwag kang mag-eskandalo dito. Pumasok tayo sa loob.”

Hindi iyon nagpaalam. Itinulak nang lalaki si Lorcan papasok at umatras ako.

“Magpapakasal ka sa isang basura?” Bulalas ng palagay ko ay nanay ni Lorcan. Maganda ito sa kabila ng edad. Puno ng diamante sa buong katawan. Her blue body hugging summer dress is beyond regal.

“I thought you cannot come because you are busy?” Sarkastikong sagot ni Lorcan. Poot ang bumakas sa mata ng kanyang mga magulang.

“Hindi nga sana because we trust your taste pero ano ito? Nagpapapansin ka ba? Ito na, nakuha mo na ang atensyon namin.”

Lumatay ang sakit sa mukha ni Lorcan pero nag-tiim bagang siya at matapang na tiningnan ang mga magulang.

“Abuela approves of this marriage.”

“Oh come on, Lorcan. She’s old. We know why you did this. We can get you the money you need and you don’t have to marry this cash poor slut.”

“Stop it!”

“Pinapatunayan mo lang na palpak ka pa din! You didn’t grow up! Tama nga ang desisyon naming hindi ka palakihin dahil ganyan ka pa din. Kung hindi dahil sa iyo—”

“Aleana!” Sumigaw ang ama ni Lorcan para pigilin ang asawa na mabilis na tumulo ang luha sa mga mata. Nanginig ang boses ng babae kasabay ng panginginig ng balikat dahil sa nakaambang pag-iyak.

“If it is not because of you, Lily should—”

“Aleana, you are breaking down again.” Kalmadong itinayo ng ama ni Lorcan ang asawa. Kitang kita ko ang pamumuo ng luha sa mga mata ni Lorcan habang nakakuyom ang kamao. Pinanood niyang mawala ang mga magulang sa pinto.

“Lorcan..” Lumapit ako pero iniiwas niya ang kamay na nanginginig. Lumapit siya sa kanyang side table at inabot ang kanyang cellphone para gumawa ng tawag. Malalim siyang huminga bago nag-salita.

“Margaux, I need you right now.”

Nanginig ang tuhod ko kagaya ng pangingig ni Lorcan.

“I need to be alone right now.” Matigas na anyong hinarap niya ako.

Now I know how words bleed, I am not sure how it stabbed my heart too. It hurts so much right now.


M/N: Ang haba! Papatapos na ang part 1 ng librong ito. Part 1 lang ang naroon sa libro dahil ibang iba talaga ang part 2 ng HMHS (alam iyon ng mga nakabasa na). Itutuloy ko ang Part 2 dito sa wattpad version, huwag kayong magwelga kung sakali.

Votes and comments please. Dumugo ang utak ko sa eksena.

Chapter 21

Nagtago ako sa likod ng puno. Dinig ko ang malakas na pagtangis ni Lorcan doon sa casita at ang kalmadong pang-aalo sa kanya ni Margaux. Hindi ko maintindihan pero alam kong nasasaktan siya.

Pinalis ko ang luha ko dahil alam kong hindi ako ang makakapagpagaan non at naging doble ang sakit non. Nakita kong sinarhan ni Margaux ang pinto ng casita, ilang sandali pa ay namatay na din ang ilaw. 

Tumigil ang pag-iyak ni Lorcan o hindi ko na lang iyon narinig. Napalitan iyon ng pagbagsak ng malalaking patak ng malungkot na ulan. Hindi ko ininda iyon. Baka sakaling kailanganin niya ako, hindi na niya kakailanganing maglakad, sasalubungin ko siya. Niyakap ko ang sarili ko sa pag-ihip ng malamig na hangin at ang pag-tulak ng alon sa may dalampasigan. Kasabay ng pagbuhos ng ulan ay ang pagpatak ng luha ko.

I stayed there until I don’t remember anymore. May payong na tumakip sa akin at sa aking pagtingala, nakita ko doon si Ashton, umiling siya at hinaplos ang balikat ko para patigilin din ako sa pag-iyak.

“He has that moment once a year, Calla. Si Margaux lang ang nakakapagpakalma sa kanya. Let him be and trust him.”

“Bakit hindi ako ang kailangan niya?” Lumabi ako at humikbi.

“He doesn’t want to worry you, probably. Lorcan has this tendency to hide his real feelings.” 

Pinalis ko ang luha ko. 

“And there’s Lily. Lorcan doesn’t openly talk about Lily. Lily was Lorcan’s older sister. She died when she was nine trying to save Lorcan at their private beach in Calatagan. This is the same day she died. Sinisi si Lorcan nang mga magulang niya dahil doon. He breaks down everytime he remembers it. She saw his sister drowning at the same time he felt betrayed by his parents, hinayaan siyang magluksa mag-isa. Hinayaan siya ng mga ito bitbitin ang sisi buong buhay niya. Margaux was there to witness his pain all those years maybe that’s the same reason why he looked for her. Old habits die hard, huh.”

Dinala ako ni Ashton sa Villa namin ng kakambal ko at saka palang niya binitiwan ang kamay ko. “Please dry yourself up and rest. Dalawang araw na lang at kasal niyo na. You can’t afford to get sick.” Tumango ako, hindi ko naisantinig na kasal na kami ng kanyang kaibigan. 

Tulog na si Clover nang maabutan ko. Dumiretso ako sa banyo para maligo at makapagpalit ng puting summer dress. Umupo ako sa kama na para sa akin at tiningnan ang cellphone ko. Walang kahit anong mensahe doon. Naalala ko ang mukha ni Lorcan at binalot na naman ako ng pag-aalala. He cried so hard today and he didn’t let me see it. I hate how his parents blamed young Lorcan for it. How they let them hate blame himself for that incident. Napakatagal na non at hindi na din nila napatawad ang musmos na anak.

I composed a message kahit wala naman akong balak ipadala iyon, just to console myself too.

‘Hindi mo kasalanan iyon. If they cannot forgive you, at least forgive yourself. Lily must loved you so much to save you and you should love yourself more because there are people that walked into your life and loved you like that. You shouldn’t put it to waste. Love while you still can.’

Pumikit ako at huminga ng malalim. I felt better typing the words, pagmulat ko ay napansin kong aksidente kong naipadala ang mensahe. 

I was giving him his time and I am avoiding to sound nosy but I ended up being one. 

Wala tuloy akong naging tulog hanggang kinaumagahan sa kakaintay ng sagot mula kay Lorcan pero bigo ako, kahit sana pagtatanong lang kung kanino ko nakuha ang impormasyon. 

Tulog pa ang kapatid ko nang lumabas ako ng Villa namin. Nabigla pa ako nang buksan ko ang pinto. There I saw Lorcan, sleeping on the visitor’s couch. Agad akong lumapit doon at hinaplos ang mukha niya.

Nag-mulat agad siya sa mahinang haplos. “Calla.” Napabangon siya.

“Kailan ka pa diyan?” 

Tipid siyang ngumiti at ipinakita ang kanyang cellphone kung nasaan ang mensahe ko, “When I read this.” 

 “I am not supposed to send that. Nabanggit sa akin ni Ashton kung anong nangyari k-kaya—”

Sinalubong ako ni Lorcan ng mahigpit na yakap, “I think you are Lily’s gift to me.”

“I am sorry for what happened to your sister.”

“I am sorry for having crude parents. We can’t choose our parents, right?”

“They still care for you. Ayaw lang nilang ipakita iyon.” Hinaplos ko ang mukha niya. Pagod at nangangalumata pero hindi man lang nabawasan ang kagwapuhan niya. “Sumugod agad sila dahil akala nila ay oportunista ako.” I smiled.

“You are not like that.”

“Ayos na sa akin na hindi mo ako pinag-iisipan ng ganon.”

“This is not how I pictured our first night as husband and wife. Mabuti na lang at hapon tayo ikinasal.” Kumindat siya at ipinahinga ang noo sa akin, his eyes burned with desire, pumula ang pisngi ko dahil doon. Napakaaga pa!

“Let’s have breakfast.”  Anyaya ko.

Kinuha ni Lorcan ang kamay ko at hinila sa restaurant kung saan naka-book ang mga guests at suppliers para sa breakfast. Natigilan kami ni Lorcan nang makita ang mga magulang niya doon, sa parehas na lamesa ay naroon si Margaux at masaya silang nagku-kwentuhan.

“Mr. Alcantara, this way please.” Itinuro ng staff ng restaurant ang lamesa ng kanyang mga magulang. Tumiim bagang si Lorcan at hindi naglakad papunta doon. Ngunit huli na, nakita na kami ng kanyang mga magulang.

“Lorcan, come here.” Maawtoridad na utos ng kanyang ama. Humakbang kami papalapit. Tumahimik ang kanilang lamesa sa aming pagdating.

Mayroon agad staff na nagbaba sa amin ng bowl ng soup. Katabi ni Aleana Alcantara si Margaux, samantalang sa pinakapuno ng lamesa ay si Rodrigo Alcantara. They all looked royal in their beach outfits. Hindi maikakaila na bumagay doon si Lorcan kahit wala siyang tulog.

“May misa mamaya para kay Lily. Padating na din ang Abuela mo mamayang hapon para doon. You should come.” Pormal na wika ni Aleana.

Tumingin sa akin ang ina ni Lorcan, “Today is Lily’s birthday, too. In case you don’t know. You probably don’t but—”

“Aleana.”

Nagkibit balikat ang ina ni Lorcan. “Thank you for coming, Margaux.”

Umiling naman si Margaux, “I wouldn’t come if Lorcan didn’t call me yesterday. Buti available pa ang private jet ni Daddy. You know how emotional Lorcan could get.”

“He should. Siya naman ang may—”

“Aleana!” Mas malakas na suway ng ama ni Lorcan. Ibinagsak ni Lorcan ang kanyang table napkin at hinuli ako sa braso para tumayo.

“Magpapahatid na lang kami ng pagkain sa casita. Please excuse us.” Tumalikod na kami nang magsalita ang kanyang ina.

“Aalis na din kami pagkatapos ng misa para kay Lily. Hindi ko masikmurang dumalo sa kasal niyo na ang puno’t dulo naman ay pera. I am not sure what Mama saw in that girl. Siguro ay pinaparusahan ka din sa mga kapabayaan mo. Well, streak of luck.”

Kumuyom ang kamao ni Lorcan at walang pakundangang lumingon iyon sa lamesa ng mga magulang.

“Well, thank you, my dear parents for ruining my life.”

“Lorcan.” Matigas din ang boses ni Rodrigo Alcantara.

“–For letting me carry this guilt alone. You are blaming me on how bad I turned out? Thanks to you, too. I don’t need your insults, I didn’t invite you here. Maybe Lily went to heaven early so she won’t  how our parents turned to be monsters. Hindi na ninyo maaring ibato sa akin ang sisi. Come to think of it, two children playing at the beach, where were you? Where were the both of you? Will you blame Lily, too, if I died? I am sure you would. Diyan naman kayo magagaling!”

Tumalikod si Lorcan nang punong puno ng galit ang paraan ng paghinga. Hinaplos ko ang kanyang likod pero wala iyong epekto. Hinila niya ako sa kanyang casita pagkatapos ay ginawaran ng marahas na halik. Nag-luluksa siya, galit siya at pinakawalan ang nasasaktan niyang puso ng ilang taon.

He scraped my summer dress and it revealed my body. My breathing hitched when his kisses went down sensually. Erotically painful. Itinulak niya ako sa kama. He removed his shirt and attacked me again. He pressed his body to mine. He didn’t stop kissing me hungrily until he stopped on my neck then like an automatic button was switched off, he stopped voluntarily.

I felt tears on my neck and it glided on my shoulders. Tahimik na umiyak si Lorcan at nanatili doon. I patted his back and let him cry on top of me.

“Dapat ito na ang huling araw na iiyakan mo si Lily. Ilang taon na iyon, Lorcan. Masaya na si Lily sa langit. Her star is up there. Hanapin natin siya mamaya para maramdaman mo na lagi mo siyang kasama.”

Bumangon siya at hinalikan ang tungki ng ilong ko. “You are my star now hear on earth, Calla.”

He reached for the side table and revealed a blue velvet box and opened it. There’s black and white ‘exactly the same rings’ inside. White gold rings with black opal at the center, it was carved with three golden stars in the middle. It was so beautiful.

“We didn’t had a vow yesterday.” 

“Lorcan, we are half naked.” Bulong ko.

Pinilit niya akong bumangon at kinuha ang kaliwang kamay ko.

“I thought I should marry someone that I can live with so I was chasing the wrong person for so long, but you came and it changed my perspective. I should marry someone that I cannot live without. When I realized that I cannot see you for three days because convention, it made me uncomfortable because you are not there. I cannot survive without you anymore. You made me so addicted that I know I have to marry you the moment I will see you again.”

Lumuluha na ako nang ilagay ni Lorcan ang singsing sa aking daliri. I bit my lips to suppress my ugly cry. Kinuha ko ang singsing na para sa kanya at sinakyan ang gusto niya.

“You are the weirdest person I ever encountered but I love weird people because all my life people tell me that I am weird, but you are 10 times more.” I sniffed. “I couldn’t imagine how cliché romance stories happen. The hero and heroine fell in love only in weeks, or even a few  months of being together but it became my story. You are so weird that you made me fall for you because you are sad. You made me fall for you because you are so true. You made me fall for you by telling me what you think about the world and the universe. You made me fall for your shortcomings, for your imperfection, your annoying antics. I couldn’t believe that I am capable of loving you so much that I am willing to let you go, kapag ayaw mo na.”

Lorcan’s lips twitched, he shook his head while trying to wipe the tears on my face. “If you love me that much then don’t let me go.”

“Sabi mo, pangit ako. Kung pangit ako bakit ba nagpopropose ka kung kailan ako pinakapangit? Bakit kapag nakapanty at nakabra lang ako? Pinakasalan mo ako nang nakaswimsuit ako tapos ang vow natin, ngayong sira sira ang damit ko. Bwisit ka!” Sinuot ko ang singsing sa kanya at niyakap niya ako ng mahigpit.

“I love you, Calla.”

Humaplos iyon sa puso ko. The softness of his words sent chills to my spine.

“Mahal din kita.”

“And I love you more if you’re in your birthday suit.”

He kissed me and we made love as slow as the down-tempo classical music. We took our time. We made it special as husband and wife.

Chapter 22

“Galit ako!” Itinulak ni Clover ang aking ulo kahit nakaayos na ang buhok ko. Napagdesisyunan naming isang intimate dinner na lang para sa lahat ang magaganap. We announced that we got married secretly. “Maid of honor ako eh!” Buong panghihinayang na wika niya. “Ang guguwapo pa naman ng mga kaibigan ni Lorcan! Sino kaya doon ang makakapartner ko dapat?”

“Si Ashton.” I giggled.

“Yung crush mo? Naku sayang naman! Nakita ko sa magazine iyon. Very single daw iyon!”

“Basta guwapo ang lakas lakas ng radar mo.”

“Siyempre. Kailangang lumagare. Naiuwi ng kakambal ko ang isa sa most sought after bachelor, hindi maaring magpahuli din ako.”

“Dasal lang, dasal lang talaga..” Biro ko.

“Ang ganda ganda mo..” Iniwan kami ng make up artist at mahigpit akong niyakap ng kakambal ko. I am wearing a white venus cut flowing dress, kulay blue naman ang summer dress ng kapatid ko na dapat ay motif ng kasal. “Huwag kang maniwala kay Lorcan kapag sinabi niyang hindi. He’s just insecure. Takot lang non na maagaw ka.”

Nahihiya akong ngumiti, “Well, he told me I am beautiful.”

“Kailan? While having s*x? Naku, hindi valid iyon. Lahat ng sasabihin ng mga lalaki sa kama ay pawang pambobola lamang at walang katotohanan.” Sabi pa niya na parang totoong totoo iyon.

Mahihinang katok ang kumuha ng atensyon namin ng kakambal ko. Ako na ang nagpatiuna para buksan iyon. Napangiti ako doon. Lorcan looks dashing in his three piece suit, napakamot siya ng batok nang pagmasdan ako.

“Parang mga teenager na virgin!” Sumiksik si Clover para magpatiuna sa pag-labas ng villa.

Lorcan chuckled sexily. Iba na sa pandinig ko ang tawang iyon. Naimpluwensiyahan na ako ni Clover sa pagiging green minded.

Kinuha niya ang kamay ko at sabay kaming lumabas ng villa. Nag-lakad kami papalapit sa dagat. Hindi ko mabilang kung ilan ang bituin sa langit na nakikisaya sa amin. The heavens are clear and the stars and the moon are visible. Naging malinaw ang mukha ni Lorcan, idagdag pa ang liwanag mula sa apoy sa paligid.

“Nag-iintay na sila doon.” Sambit ko.

“They can wait.” Ngumiti siya. “Thank you for being beside me tonight.”

“As if I have a choice.” I rolled my eyes.

“Do you have any idea where Lily is?”

Ngumiti ako at iniunat ang kamay ni Lorcan papunta sa langit pero ibinalik ko iyon sa kanyang dibdib, “Andito. Andito sa puso mo. Hindi siya umaalis diyan.” A small smile formed his lips.

“You have your own way in making me feel better.”

Hawak kamay kaming nag-tungo sa ballroom kung nasaan ang mga bisita. Al Fresco dining iyon with a very few guests. We expected a very intimate dinner pero nagulat kami nang makita ang mga magulang ni Lorcan na nakaupo doon sa pandalawahang lamesa. Tumayo agad ang kanyang ama at ina at nilapitan si Lorcan nang makita kami. Hindi na katulad nang mga nakaraang araw ay mas mahinahon ang kanilang mga mukha.

“Lorcan, anak.” Humawak ang ina ni Lorcan sa magkabilang braso ni Lorcan, sinubukan kong bitawan ang kanyang kamay pero humigpit iyon.

“Please don’t ruin the moment.” Mariing bulong ni Lorcan.

“Lorcan, we are here to apologize.” Pormal na panimula ng kanyang ama. “Alam namin kung saan kami nagkulang. Humihingi kami ng tawad sa pagtalikod sayo at—at sa pagiging pabayang magulang sayo at kay Lily.”

Umiwas ng tingin si Lorcan sa kanyang ama at hindi nagbigay ng kahit anong salita.

“Lorcan..” Untag ko.

“This is Calla, she’s my wife.” Pagkatapos ng ilang sandaling katahimikan ay nagsalita si Lorcan, “I don’t ask you to accept her but I gave her my surname already.”

“Nice to meet you, Hija.” Pormal na nakipagkamay si Aleana Alcantara sa akin. Tinanggap ko din iyon kahit malamig ang kanyang mga mata.

“Nice to meet you too, Ma’am, Sir.”

Napalunok ako. Ramdam ko ang disgusto sa parehas na mukha ng magulang ni Lorcan pero ipinagwalang bahala ko iyon.

“Ano pang ginagawa ninyo diyan, nag-iintay na ang mga bisita!” Ipinagpasalamat ko nang lumapit si Abuela at hinila kami papalapit doon sa mga lamesa. The crowd cheered. Kasabay non ay ang masiglang strings quartet na humarana sa amin.

Everyone danced and drank their heart out. Naging pormal buong gabi ang mga magulang ni Lorcan na nakikipag-usap kay Leigh Montebello, ang pinsan ni Lorcan. The music started to slow down after a few more drinks and we found ourselves slow dancing at the corner. Ganoon din ang ibang mga bisita na nagkakasiyahan.

“This is not your dream wedding. You did not walk down the aisle.” Bulong sa akin ni Lorcan.

“Alam mo naman pala ang dream wedding ko, bakit iginiit mo pa ang gusto mo.” We swayed to the slow jazz music.

“We will have a well-planned wedding after this, I promise.”

“Hindi na. Kahit walang picture ang kasal natin, masaya ako na tayong dalawa lang don. Walang hassle. Walang kahit ano.”

“Merong hassle.” He reminded.

“At least, it happened after the wedding.” Paalala ko.

“How on earth I ended up marrying my secretary?” He whispered to my ear.

“You cannot resist my charms, probably.”

“Saan yung charm?” Iniangat niya ang mukha ko at saka pinanliitan ng mata. “Oh, there it is.” Masuyo niyang hinalikan ang mata ko, sumundo ang tungki ng ilong, pagkatapos ay ang mga labi.

That night ended with a chill vibe. Kaunti ang well-wishers but those are the most important people in Lorcan’s lives. Did I mention that I am thankful that Lorcan and his parents’ drift were all bygones?

We stayed on the Island for a couple of more days at nang bumalik na kami ay laman kami lahat ng diyaryo. There were paparazzi shots na magkahawak kami ng kamay at kung ano ano pa.

“At least merong honeymoon photographers.” Ibinaba ko ang magazine at kinalma si Lorcan.

Yumakap siya sa akin at mahigpit na pinatakan ng halik ang aking pisngi. “Buti na lang understanding ang asawa ko.”

“Do I have any other choice? Pinagkakaguluhan ka ng bansa.”

“Parang hindi mo naman alam kung bakit.” Kinagat niya ang aking tainga at hinila sa kuwarto. Kakatapos lang naming mag-almusal at hindi niya ako pinapatawad. He whisper his plans on how many kids he wants and where we will build our own mansion.

Bukas ay mamimili kami ng lugar kung saan iyon ilalagay. He wanted a house near the hospital, a school, police and a fire station. Nag-hahanda na siya sa panganganak ko kahit hindi pa iyon nangyayari.

“Lorcan, gusto akong makausap ni Granny mamaya. Tumigil ka na.” Awat ko nang sisiilin na naman ako ng halik.

“Ano ba yang si Abuela, hindi marunong rumespeto ng honeymoon.” Nakasimangot na sabi niya.

“Tatlong araw na simula nang bumalik tayo mula sa Isla. Saka hindi ba may dinner meeting ka din naman? Kumilos na tayo.” Giit ko. Pumayag na din si Lorcan matapos ang mahabang pamimilit.

Lorcan was mumbling protest while preparing. Inayos ko ang kanyang tie at sumama ang tingin niya sa akin.

“We really need to go out of the country. How about my Basketball team?”

“Aayusin natin ang schedule mo pagkatapos ay sisimulan natin ang Basketball team. Sana ay kayanin ng balakang ko yung demands mo.”

“We will name them after the constellations. Sana kambal every year.” Hiling pa niya. Pinaypayan ko ang sarili ko. We should really make serious arrangements on that.

Naghiwalay kami ni Lorcan nang ihatid niya ako sa bahay ni Granny. Sinalubong ako ni Granny nang may malalaking ngiti sa labi.

“Calla! You are glowing!” Yumakap sa akin si Granny at malugod kong tinanggap iyon. “I am really happy that I made it happen. Kita mo naman at mahal na mahal ka ng apo ko!”

“Masaya din po ako. Hindi ko po akalaing magugustuhan ko yung apo niyo.” I chuckled. Pangit mang pakinggan ay parang naging dream come true iyon. Who would have thought, right?

“Naku, nakita ko talagang bagay na bagay kayo! I was able to manipulate him by acting dumb hindi ba? Nautakan ko din ang apo ko!” Pumalakpak si Granny.

Ngumiti ako at hinawakan ang kamay ni Granny, “Sinadya niyo talaga na magkasama kami sa isang bahay?”

“Or course. Bumagay ang sitwasyon mo para mas lalo kayong mapaglapit. If he knows that I already know that you are just acting in front of me, he will probably say no to my plan to set you up. May be he’s still fooling around with random women.”

“Acting?” Nag-taas kami ng tingin doon sa may pinto. Madilim ang mga mata ni Lorcan na nakatuon sa amin na parang may paparating na bagyo. “What do you mean acting?”

Nanigas ako sa kinatatayuan ko at hindi nakagalaw.

“L-lorcan, may nakalimutan ka ba?” Pag-iiba ko ng usapan. Nakatuon lang ang mga mata niya sa kanyang Lola.

“Alam mo na umaarte lang kami ni Calla at ginamit mo ang sitwasyon niya para paglaruan ako? You know this, Calla?”

Umawang ang bibig ko pero sumara iyon nang hawakan ako ni Lorcan sa braso.

“Lorcan, bitawan mo siya!” Matigas na utos ni Abuela.

“Magkano ang ibinayad sayo?” In gritted teeth he asked. Namumula ang mukha niya sa galit at kumikislap ang apoy sa mata.

“L-lorcan, sandali.. Nasasaktan ako.” Pilit kong inalis ang kamay niya pero mabigat iyon.

“Nag-tiwala ako sayo, pero nagsinungaling ka!” Malakas na sigaw niya.

“Magpapaliwanag ako.”

Samu’t saring poot ang nakita ko sa mata ni Lorcan.

“Wala akong ibinayad sa kanya, Lorcan. Gusto ko si Calla dahil alam kong siya ang nararapat para sayo.” Kalmadong paliwanag ni Granny.

“Nararapat? Are you still not done controlling my life, Abuela? Hindi pa ba sapat na buong buhay ko pinagbigyan ko kayong lahat?”

“Lorcan, that is not what I want! Gusto ko lang na makakilala ka ng babaeng magpapasaya sayo at hindi ka lolokohin kagaya ni Margaux.”

“Hindi lolokohin. Wow. Can you hear yourself? Niloko din naman ako ng babaeng ito, hindi ba? Magkakampi pa kayo. Sinasabi niya din ba sa inyo kung ano ang nangyayari sa amin na dapat sa aming dalawa lang? You must been paying her really good—”

Umigkas ang kamay ko at sinampal si Lorcan, namuo ang luha sa mga mata ko at ang magkahalong lungkot at galit ay halos bumuhos sa sistema ko.

“Ganyan ba ang tingin mo sa akin?”

“Ang tingin sayo? Tinatanong mo ako? Pwes, ano ’to? Pinasakay mo ko. Umasta kang walang alam because my Grandmother probably pay you to make me fall for you! At ako naman si tanga, naniwala naman.”

“Hindi ako binayaran!” Giit ko kahit umalpas ang mga luha. “Kung ganyan ang tingin mo, aalis na lang ako.”

“Eh di umalis ka! You think I am scared? Sanay na ako sa mga taong umaalis sa buhay ko.” Kumislap ang mga mata niya sa magkasamang luha at galit.

“Please, calm yourselves down, let’s talk about this calmly.” Mahina ang boses ni Granny pero hindi kami nagpaawat.

“Aalis talaga ako! Ito na ang huling beses na makikita mo ako.” Banta ko, hindi man lang nagbago ang kanyang matigas na panga.

“Hurry up! Kunin mo na ang lahat ng gamit mo sa pamamahay namin.:”

“Tama na.. T-tama na.” Napalingon ako kay Granny na hinihilot ang dibdib. Pinanlakihan ako ng mata nang makitang unti unti siyang nawawalan ng lakas at bumagsak sa sahig.

“Abuela!”

“Granny!”

Sa unang pagkakataon, natakot ako ng husto hindi para sa buhay ko kung hindi para sa buhay ng iba ng tao.

M/N: Magparamdam kayo sa comment box kasi I am so sipag today. More comments, another update today. 1 comment=1 puto. Char. Papatapos na pero magpapaiyak muna ako. Last 2 chapters na lang! Yung epilogue nandoon sa libro kaya bili kayo :D

Chapter 23

“Sino ang kamaganak ng pasyente?” Lumabas ang doktor mula sa treatment room at sabay kaming naglakad ni Lorcan papalapit doon. Tiningnan niya ako ng masama pero hindi ko iyon inalintana.

“The patient is in a stable condition right now. Tumaas ng husto ang blood pressure niya and she has to stay here for a couple of days hanggang sa bumaba iyon. At her age, hindi na dapat tumataas ng ganon but you may see her now.” Tumango ang doktor at iniwan kami. Naging malalaki ang hakbang ko pero bago ko pa man mabuksan ang pinto ay hinawakan na ni Lorcan ang kamay ko.

“Wait.” Pigil niya sa akin. Tumiim bagang siya nang magkatinginan kami.

“We have to convince Abuela that we are okay now. We cannot risk her health.”

Kumunot ang noo ko.

“I know I said things. Let’s delay our plan of separating. Although Abuela is really at fault, I don’t want her to feel guilty. She’s old, I should understand her.”

“Naiintindihan mo si Granny, pero ako, hindi?”

“You are at the right state of mind.” Umiwas siya ng tingin. “I will pay you on a regular basis.”

“Pumapayag ako sa alok mo pero hindi ako tatanggap ng bayad.”

“Really?” Tumaas ang kilay niya. “We will just proceed if you agree with the payment. Kung hindi ka papayag ay maaari ka nang umalis. Huwag ka nang magpapakita sa amin.”

“Teka, ang unfair mo naman!”

“Naging ganon ka din naman sa akin hindi ba? What’s your answer?”

“Fine. Payag na.”

Pumasok kami sa silid ni Granny nang hawak kamay at may ngiti sa labi.

“Mga apo!” Ngumiti si Granny kahit na namumutla ang mukha. “Ayos na ba kayo?” Bumaba ang mata niya sa mga kamay naming magkahawak. Mukhang mas nag-alala pa siya sa paghihiwalay namin kaysa sa kanyang sarili. Mas lalo tuloy akong naawa.

“Of course we are, Abuela. We just fight with passion. Siguro kaya kami compatible, right, Love?”

Peke akong ngumiti. Pinaliit ko pa ang mga mata ko para magmukhang masaya. “Kumusta na po, Granny?”

“Eto, sakit talaga iyon ng matanda, Hija. Matagal tagal na din simula nung huli akong makakita ng away. Pasensya na kayo, imbes na namamahinga, nagpunta pa kayo dito.”

“Iiwan ka ba naman namin, Abuela?” Lumapit si Lorcan sa kanyang Lola at yumakap dito.

“Masaya ako, Apo at naayos niyo agad ni Calla ang problema niyo. Kung magkakahiwalay kayo, mabuti pa talagang kunin ako ni Arnaldo sa langit dahil wala na akong ginagawang maganda dito sa lupa.”

“Ay si Lord po ang kukuha sa inyo hindi si Arnaldo, baka po iniintay niyo siya—”

“Arnaldo’s my grandfather, Calla.” Mababa ang boses ni Lorcan.

“Alam ko, nag-bibiro lang.” I hissed.

“Nag-aaway ba kayo, mga Apo?”

“Hindi po!” Sabay pa kaming natawa ng peke ni Lorcan.

“Mabuti naman. Gusto ko nang matulog, sabi ni Doc, hindi daw ako dapat nagpupuyat para bumaba ang BP ko. Umuwi na kayo at late na. Dadalaw na lang ako sa inyo kapag nakalabas ako dito.”

Hinilot ko ang panga ko nang makalabas kami ng kuwarto ni Granny. Panay ang ngiti ko at halos mapunit ang labi. Marahas na binitawan ni Lorcan ang kamay ko na parang nandidiri pa. Galit ko din siyang tiningnan, nagtagisan pa kami ng titig pero sabay naman kaming nag-lakad papalabas ng ospital.

Sumabay pa ako kay Lorcan papauwi ng bahay. Walang nag-sasalita sa amin kahit na isa.

“Sa attic ako matutulog.” Presinta ko nang makapasok kami nang bahay.

“Your call.” Sagot niya. Kinurot ang puso ko sa kanyang panlalamig. Naiintindihan ko kung bakit siya galit. Ang hindi ko matanggap ay ang kanyang sobra sobrang galit at pagdududa sa intensyon ko. Nang makakuha na ako ng ilang mga gamit doon sa closet, umakyat na ako sa attic at pinanood ang mga bituin sa langit habang nakahiga. Nakatitig lang ako doon hanggang sa sumilip na ang araw. Hindi man lang ako pumikit kahit isang saglit.

Napagdesisyunan kong bumaba na. Naabutan ko si Lorcan doon sa kusina na nagsasalin ng pagkain sa kanyang plato. He cooked for himself, taliwas sa paghahanda niya ng almusal para sa dalawa noong mga nakaraang araw. Dumiretso ako doon sa ref at nagsalin ng tubig sa baso. Kitang kita ko ang pangangalumata ni Lorcan, maaring ganoon din ang itsura ko. Sunod sunod niyang isinubo ang pagkain. Umismid ako. Akala niya ata ay maiinggit ako doon.

“Lorcan! Calla! Yuhoo!” Sabay kaming napalingon sa pinto sa pamilyar na boses na iyon. Dali dali kaming nagtungo sa pinto para silipin iyon.

“Manang Rose?” Sabay pa kami.

“Mabuhay ang bagong kasal! Naku, isang karangalan ang pagsilbihan ang bagong henerasyon ng Alcantara!” Masiglang bati ni Manang Rose na meron pang bitbit na malalaking bag.

Nilakad ni Lorcan ang gate at pinagbuksan ang mayordoma sa kanyang mansyon. Tinulungan niya pa iyon sa pag-bubuhat ng gamit.

“Hi Calla! Ang ganda gandang bata.” Dumiretso si Manang Rose sa kusina at sumilip sa lamesa. “Nakapag-almusal na ba kayo? O bakit isa lang ang plato? Sino ang hindi nag-aalmusal?”

“A-ah.. Wala, Manang. Plato namin yan ng misis ko. Share lang kami.”

“Uy, ka-sweet naman, jud !” Kinurot pa niya si Lorcan sa tagiliran. Tiningnan ako ni Lorcan at sinenyasan akong lumapit. Umupo siya sa harap ng kanyang plato at saka ako hinila sa kanyang kandungan. Pinamulahan ako ng pisngi ng itapat ni Lorcan ang kanyang tinidor na mayroong hotdog para isubo ko iyon.

“Kain ka na, Mahal. Baka ma-late tayo sa opisina.” He flirtatiously winked.

“Aww! Ganyan ka pala, Lorcan.” Namumula ang pisnging wika ni Manang Rose. Hindi ko napigilan ang pag-ngiwi.

Masuyong dinampian ni Lorcan ng halik ang aking pisngi. “Act natural, Abuela has eyes.” Bulong niya sa aking tainga.

Sabay kaming pumasok ni Lorcan sa opisina. It was a walk of shame because of the unusual surprise. Lorcan’s staffs even presented a video presentation about our stolen photos in company’s event. Marami rami na pala kaming naging litrato sa halos anim na buwan kong pagtatrabaho sa Nemesis. They even had their own cake cutting and wine drinking ceremony for us..

“Kiss! Kiss!” Nang mag-subuan kami ng cake ay giniit nilang maglapat ang aming mga labi. Lorcan pat a quick kiss on my lips,ngunit sinundan niya iyon ng mas malalim pang halik pagkatapos. Mas naging malakas ang palakpakan ng lahat ng mga empleyado.

“Ayon! Akala ko ay mag-titipid pa si Sir Lorcan sa paghalik!” Humalakhak si Gary, ang baklang pasimuno sa surprise Wedding celebration doon sa opisina.

Sumakay lang kami ni Lorcan doon at halos hindi kami makatingin sa mata ng isa’t isa. It was past lunch time nang bumalik sa normal ang lahat.

Nang malapit nang mag-uwian ay inayos ko na ang gamit ko. Handa na akong lumabas nang tumikhim si Lorcan.

“Sabay tayong uuwi. Nag-text si Manang Rose na ubos na ang stocks.”

“Yes boss.” Walang ganang tugon ko. Matiyaga akong nag-intay sa kanya hanggang sa maisaayos na niya ang kanyang gamit.

Sa pinakamalapit na supermarket lang kami nagpunta pagkatapos ng trabaho. Kalkulado ang bawat kilos ni Lorcan. Hindi siya halos dumikit sa akin.

“Lorcan.” I called, nakataas ang kilay niya nang lingunin ako.

“What do you call a crazy spaceman?”

Nagbawi siya ng tingin, “Astro- nut .”

“Bakit mo alam yun?” Napakamot ako ng ulo. Napailing siya na parang naiinis. Hindi na ako muling kumibo at kumuha ng ilang stocks.

“Libre pa din ang pagkain ko?” I asked.

“Do I have a choice? Basta ikaw ang magluluto.”

“Si Manang Rose na ang magluluto, ibig sabihin ba, Western cuisine na din ang kakainin natin lagi?”

“Why do you worry about food?” Naiinis na pagalit sa akin ni Lorcan.

Bumukas ang bibig ko, “I—I don’t worry about the food. M-may alam ka ba sa birth control pills?” Bulong ko. Kumunot ang noo niya.

“We had unprotected s— y-you know.” Napalunok ako. “You don’t want a basketball team with me anymore, right? M-may lahi kaming kambal, if I will give birth to triplets or worst, quadroplets, hindi ko kayang buhayin.” Napangiwi ako. “Baka sa lansangan kami pulutin.”

“Why are you thinking about those things?” Tumaas ang boses ni Lorcan.

“Shhh..” Sinenyasan ko siyang huwag maingay pero mukhang nagalit ko na naman ata siya.

“Calla, you are talking nonsense.”

“Sige, ako na lang ang bibili.” Tumalikod na ako para magtungo sa pharmacy.

“You will not do that.” Banta niya, “If you will get pregnant, I will provide for you and the kids. That is not a problem.”

“T-tapos magkakaroon ka ng sariling pamilya, mamamalimos ng atensyon ang magiging anak natin. Magiging rebelde, tapos itotokhang—”

“Bakit ba ang advance mo mag-isip?” Napahilamos si Lorcan ng kanyang mukha, tila nawawalan na ng pasensya.

“ ‘Kyah, kyah, pembarya.’ That would be their first sentence to learn. May eyebags na sila at the age of four—“

“Stop!” Tinakpan ni Lorcan ang kanyang tainga. “We aren’t supposed talking right? I am still mad.”

“Maghihiwalay pa tayo. Sagot mo ba ang annulment?”

Hindi niya ako sinagot at binalingan muli ang groceries. Umuwi kami at naabutan namin si Manang Rose na nag-wawalis doon sa may bakuran.

“Kadarating niyo lang? Madami bang trabaho?” Nawala sa isip kong naroon pala si Manang Rose at iniintay kami. “Kumain na kayo?”

“Kumain na po ako, Manang. Salamat.” Tipid akong ngumiti at didiretso sana sa attic nang pigilan ako ni Manang Rose.

“Ay, pansamantalang diyan muna ako matutulog sa attic. Babalik naman tayo sa mansion kapag natapos na ang renovation. Diyan ka din ba natutulog?”

“Hindi po. Sa kakambal ko po iyon.” Nag-peke ako ng ngiti.

Tumango ako at tahimik na kinalma ang sarili. Lumapit ako doon sa silid namin ni Lorcan at saka pumasok doon. I prepared myself to sleep then I laid down at the side of my bed after putting the pile of pillow in between Lorcan’s side and mine.

Pumikit ako at nagising akong nakayakap kay Lorcan. Napangiwi ako at dahan dahan akong humiwalay pero mas humigpit ang yakap ni Lorcan sa akin. Nagpanggap na lang tuloy ako na tulog at inintay siyang gumising.

Saka lang ako nakakilos nang magtungo siya sa banyo. Nagtataka kong tiningnan ang mga unan na iniharang ko, lahat iyon ay nakakalat sa sahig.

Nang mga sumunod na araw ay ganon pa din. Palagay ko ay nakakapagod lang talagang maglagay ng harang na unan sa aming pagitan dahil nagigising pa din akong nakapaloob sa kanyang yakap pero hindi pa din kami nagpapasinan. Isang linggo na.

Sobrang nag-ke-crave na ako sa pagngiti niya pero ayaw pa din niya iyong ibigay. Gusto ko sanang subukang kilitiin kaya lang baka sapakin ako.

“Calla!” Napahawak ako sa dibdib ko nang gulatin ako ni Eros nang bumibili ako ng kape sa malapit sa opisina.

“Eros! Konnichiwa!”

“Ohayu gozaimasu, Calla-san”

“Ha? Alin ang kakalasan mo?” Lumingon ako sa paligid. “Joke!” Humagigik ako. Nakalimutan ko na kung paano tumawa. Tuwing nasa bahay ako at opisina lagi akong seryoso. Napilitan pa nga akong pumasok ngayon ng maaga para hindi ko makasabay sa almusal si Lorcan na palagi akong sinisiringan. “Anong ginagawa mo dito? Libre mo naman akong blueberry cheesecake.”

“Wala, nagbabakasakali lang na makita ka. May pasalubong ako sa’yong Tokyo Banana saka pusang kumakaway.”

“Uy, kailangan ko nito, papamswerte. Ilalagay ko sa table ko at itatapat ko don sa—”

“Calla.” Natigilan ako sa matigas na boses na iyon.

“Why didn’t you wait for me?” Gumapang ang kamay ni Lorcan sa aking tiyan at masamang tiningnan si Eros.

“Magandang umaga, Mr. Alcantara. Iniabot ko lang kay Calla ang pasalubong ko. Sige, maauna na ako. Calla. Text na lang.”

Kinalas ko ang kamay ni Lorcan at inis siyang tiningnan. “You don’t have to be mean.”

“He’s flirting with you.”

“Bakit? Masama? Iiwan mo din naman ako and guys will wish to flirt with me because I am single and that time, I promise to make it right.” Nag-init ang sulok ng mata ko. “And love someone that will never doubt me.”

M/S: Oo may book 2. Irerevise ko din. Comments para ganahan akong ituloy agad sa book 2 :)

NOT AN UPDATE/PLEASE READ

So okay, GAME. FAQs (FREQUENTLY ASKED QUESTIONS)

1.) Bakit ang gulo gulo? Nagbabasa ako nung October 1 tapos biglang bumalik sa Chapter One? 

  • Kasi NIREVISE KO.

2.) Bakit hindi na siya kagaya ng dati? 

-Kasi NIREVISE KO.

3.) Mas gusto ko ang unang version.

-Nasa Sun na, pakikuha na lang doon.

4.) Kailan makakabili ng book?

-Next year pa. Early 2018.

5.) Saan makakabili ng book?

-This will be published by PSICOM, kung napapansin niyo na kasama na iyon ng title (To be Published by PSICOM). 

Mabibili niyo ito sa suking tindahan. Char! Sa leading bookstores near you. National Bookstore for example. Kung nasa abroad naman, merong online shop ang Psicom. Syempre hindi ko muna idedetalye kasi nga next year pa ito ilalabas ng Psicom.

6.) Kumpleto po ba ang WATTPAD VERSION?

-Hanggang Chapter 25 lang ang BOOK 1 ng He Married His Secretary dito sa wattpad at ang Published Book Version naman ay merong Epilogue . Para may reason pa din na ito’y inyong bilhin.

7.) Nasaan ang book 2?

-Wala pa, irerevise pa lang.

8.) Saan makikita ang book 2?

-Dito. Here. Dine. Diri. Kapag mabait kayo sa story kagaya nang masipag magvote, magcomment, ipupublish ko din agad. Bakit kamo? Kasi pag walang nagcocomment at nagvovote, feeling ni author walang nagbabasa. Kaya di din nagsisipag. 

Tip ko din yan sa ibang stories na inaabangan niyo sa ibang author. Maging masipag na reader para maging masipag ang author.

9.) Anong title ng Book 2?

-Walang ibang Title. Dito ko rin lang ipapublish.

10.) Hanggang saan ang book 1?

-Hanggang Chapter 25 nga lang mga loves. Walang epilogue, tapat na.


KAILAN ANG UPDATE ng Chapter 24?

Bukas na. Antok na ako. Thank you!

Chapter 24

Tinitigan ko ang Blueberry cheesecake sa aking harapan. Ang sabi ni Chesca doon sa Accounting Department, meron daw nagpapabigay pero hindi ko tinikman dahil baka galing kay Lorcan at gusto niyang pasakitin ang tiyan ko. Dumapo ang tingin ko kay Lorcan na lantarang nakatingin sa akin na parang malalim ang iniisip.

Napailing ako at bumalik sa pagtitipa sa aking laptop.

Tumunog ang telepono ko at tinanggap ang tawag mula sa receptionist, “Miss Calla, nandito po si Miss Margaux, gusto po kayong makausap ni Sir Lorcan.”

Hindi na ako nagtanong pa sa kanya. I know that he has time for Margaux kaya kahit na nagbabara ang lalamunan ay nagdesisyon ako.

“Papasukin mo.”

Ilang segundo lang akong nag-intay, mayroong mahihinang katok pagkatapos ay bumukas na ang pinto. Bakas ang gulat kay Lorcan nang mapatingin siya doon sa pintuan. Lumipat ang nagtataka niyang mga mata sa akin.

“Hi Margaux.” Kalmado akong bumati sa kanya at ngumiti. She’s breathtaking in her all white slitted dress. She beamed a smile and turned to me. Humalik siya sa aking pisngi.

“I will just invite you both to another indie film that I wrote. Hi Lorcan!” Naglakad papalapit sa kanya si Margaux at napalunok si Lorcan. I ended up looking somewhere else, “I won’t take no for an answer. I will expect the both of you there, ha, Calla?”

“Okay.” Sumagot si Lorcan pero ako ay hindi. Margaux hugged Lorcan dahil sa sagot nito. “Hindi mo talaga ako matitiis.”

Nakaramdam ako ng inis, ng sakit at ng pagkukumpara. I remember vividly how he said what Margaux needs to do for him to take her back was to ask.

Isang hiling lang.. Isang pakiusap lang na tanggapin niya ito muli. Handa siya. Ganoon kadali.

Bakit sa akin ay hindi ganon? Bakit kailangang umabot ng ganito katagal? Mas mabigat ba ang nagawa kong paglilihim kaysa sa ipinagpalit siya sa iba?

Or maybe, it is not really how big the mistake is, but who made the mistake. May mga kasalanang kaya mong palagpasin kung mas malaki ang pagmamahal mo kaysa doon sa kasalanan. It pains me to realize na mas malaki siguro ang kasalanan ko kaysa sa pagmamahal niya.

Ipinagpasalamat ko nang sumilip sa pinto si Miss Jen para tawagin ako sa Marketing meeting para irepresent ang office of the CEO.

“Please excuse me.” Pasintabi ko doon sa dalawa. Tumango si Margaux at hindi na ako tumingin pa kay Lorcan.

Lumipad ang utak ko dahil sa mahalagang meeting na dinaluhan ko. I put my best effort to listen and to ask questions to take my mind off those things. Sinadya kong magpahuli sa meeting room nang matapos ito pagkatapos ay lumabas na din ako. Bumalik ako sa opisina ni Lorcan at wala na siya doon, a note that was left on my table saying that he’s with a friend.

Friend = Ex-girlfriend

Inayos ko na din ang gamit ko at pinag-isipang mabuti kung saan ako pupunta. Since I don’t want to go home yet, I decided to visit the National Library. Random plan lang. I am not sure where to go either.

Kumuha ako ng pinakamakapal na libro tungkol sa Philippine History before the Spanish era and I decided to read it from the acknowledgement page. Ninamnam ko ang bawat salita doon. Inabot pa ako ng pag-sasara ng aklatan. Nang lumabas ako doon ay madilim na, hindi ako pumara ng taxi, pinili kong maglakad sa mainit at magulong kalsada ng Maynila. Sumabay ako sa maraming tao. Pinakinggan ang kakaibang musika gawa ng ingay nito.

Ang busina ng bus, sigaw ng jeepney driver pati na nang pedicab. Everything took part on the unique City music. Pinanood ko ang nag-aalok ng taho sa gabi at pati na din ang itlog ng pugo. Tumikim ako ng ilan. Binilang ang stick na kinain ko pagkatapos ay itinapon iyon sa basurahan.

Manila struggle. The happy noise is somehow comforting when there’s a war on your mind.

Dumalang na ang mga bus nang napagpasyahan kong sumakay doon para ibalik ako sa Makati. Tapos na ang traffic, tapos na ang kaguluhan pero yung sa isip ko, hindi pa din.

What does the astronaut do when she is sorry? I asked myself.

Eh di, she Apollo-gises.

I mentally smiled.

Dumaan ako sa bookstore at nakipag-unahan bago pa mapagsarhan. Humanap ako ng ‘Sorry’ card. I will push my luck again. I will say sorry then leave.

Yes, leave…

Hindi ako mabubuhay sa panukatan ni Lorcan. Kung ganoon kaliit ang pagmamahal niya, wala akong espasyo sa pagkakamali. I will always end up saying sorry, like today..

My fault right? Kung bakit kami nagkakagulo ni Lorcan ay kasalanan ko naman. Maayos naman sana kung pinanindigan ko na ang stars ang kikilos para sa aming dalawa. Pero dahil bibo ako, hindi ako inintay ang mga stars. Pinaniwala ko siya na kailangan niya pa din ako para paniwalain ang Abuela niya kahit hindi naman na talaga. I sticked longer in his life than I should. Kung sana ay hindi, eksaktong pag-ikot ng stars at nagkahiwalay si Margaux at Cyrus, libre sana si Lorcan. Malaya sana siya. Hindi sana ako naging hadlang at problema.

Lahat sana ay masaya, maliban sa akin. Pero mas gusto ko yon, mas madali kasing ikaw yung masaktan kaysa ikaw yung makapanakit ng iba.

Mapait akong ngumiti at saka isinaoli ang ang card doon sa shelf. Wala doon ang gusto kong sabihin. Hallmark cards are sweet but only expresses a general feeling. Hindi naman pang-sambayanan ang nararamdaman ko, pangsam-Lorcan-an lang. Kung isusulat ko naman ng mahaba, tiyak na hindi niya babasahin, kung sasabihin ko naman, pupwedeng hindi din pakinggan.

Ang haba na ng nalakad ko, hindi ko na iyon namalayan. Nasa harap na pala ako ng bahay namin. Unti-unting napawi ang ngiti ko. My surroundings went black & white. It was set to a classic movie from the ’50s. Naramdaman ko ang hangin sa aking balat, narinig ko ang pa-ungot ng pusa sa aking paanan.

Pero bakit nawalan ng kulay ang lahat?

May pumatak na tubig sa aking mukha at pinalis ko iyon. May pumatak ulit kaya nagalit na ako, tumingala ako sa langit para sigawan ang ulan na wag naman sana ngayon bumuhos ito.

Umurong ang dila ko nang makita ko ang bituin na nagsisiksikan sa langit, yun nga lang ay wala silang kislap. Bumagsak ang mata ko sa mga paa ko at hinanap doon ang patak ng ulan pero tuyong tuyo iyon.

Hinaplos ko ang mukha ko at nalaman kong mali pala ako. Hindi pala mula sa ulan ang mga patak na iyon kundi galing sa aking mga mata.

Akala ko ulan, luha ko lang pala.

“Calla.” Gulat na gulat silang dalawa. Hindi ko na nga alam kung sino ang nagsalitang iyon. Iisa kasi sila. Sa sobrang pagkakalapit ng mga mukha, iisa sila.

“Im sorry.” Gulong gulo ako kung bakit ako yung napa-sorry. Siguro dahil kanina ko pa iniisip na mag-sorry.

O siguro dahil sinira ko yung moment na mahigpit silang magkayakap at hindi ako nahiyang iyakan iyon habang nasasaksihan ko.

Kasi akala ko naman sa akin lang ang yakap na yun kaya lang nag-sinungaling ako kaya hayan, titiisin kong masaktan ngayon.

Kung hindi kaya kami magkagalit ngayon, gagawin pa din nila iyon sa likod ko? Siguro. May mga damdamin talagang hindi kayang pigilan. Parang yung pakiramdam ko ngayon na naluluha na kahit wala namang dapat dahilan.

Mabagal akong nag-lakad. Mabagal pero hindi ko alam kung bakit nakarating agad ako sa entrada ng subdivision at nakasakay ako agad sa taxi.

“Saan tayo, Ma’am?”

“Paandarin niyo lang po.”

Sumunod ang taxi sa gusto ko hanggang sa malakas siyang nagpreno. Napamura ang driver. Bumukas ang pinto sa gilid ko at may humila sa akin.

Makikidnap ba ako ngayon?

“Calla, mag-usap tayo.”

Bumigat ang talukap ng mata ko nang makita si Lorcan.

Wala na akong pakiramdam nang mahila niya ako ng tuluyan papalabas ng taxi. “Bakit pa? Di ba galit ka?” Kalmante at walang lakas iyon. “Di ba nagpaplastikan lang naman tayo? Bakit mo ako pinalabas sa taxi? May pupuntahan ako.”

“No, you misunderstood what you saw.” Giit niya.

Pagak akong natawa, “Bakit nga nagpapaliwanag ka? Huwag kang mag-alala, babalik din naman ako mamaya kapag tapos na kayo para hindi naman mailang si Margaux na magkayakap kayong dalawa.”

“Calla—”

“What do you do if you see an aggressive alien?”

“Calla, please.”

“You give them space!” Sumabog ang luha sa mukha ko. Lahat ng pait ay hindi ko na naitago. “Ano ba naman, Lorcan!” Napahilamos ako ng mukha.

“Sorry, okay? Sorry kung nag-sinungaling ako sayo. Sorry kung pinanigan ko ang Lola mo nang makiusap siya pero wala akong intensyong akitin ka. Bakit ko naman gagawin yon? Ang layo ko sa Ex mo na hindi mo makalimutan, hindi ba?”

“T-that’s not true..”

Humikbi ako at sinubok takpan ang mukha. Hindi naman ako iyakin pero ilang beses na ba akong naiyak dahil sa kanya?

“Pero kung gusto mo akong sisihin, kung nag-babago ang isip mo, kung binabawi mo ang sinabi mo na mahal mo ako, tanggap ko. Tanggap ko kasi— kasi anong klaseng lecheng pagmamahal yan na meron ka para sa kanya, mukhang ganyan na din ang akin para sayo..”

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko pero hindi iyon nakatulong para huminto ko. “Minahal kita sa paraang natatakot ako para sa sarili ko dahil kinuha mo lahat. Alam mo, sana siningil na lang kita, sana siningil ko na lang kayong lahat para kahit madurog ako ng ganito, may napala ako! Hindi yung ganito! Mahal lang kita kahit ang sakit sakit na, nalugi ako kasi wala akong natanggap!” Binuhos ko ang pait sa bawat salita at nagtagumpay akong masabi ang lahat nang di siya umaalis agad.

“Calla.”

Humakbang ako papalayo na parang duguang sundalo. Hindi ko na maikilos ang kamay ko pero humahakbang pa din ako papalayo. I was in a deep pain. Pakiramdam ko ay naging bubog ang dugo ko at sinusugatan ako nito sa buong katawan sa pag-daloy.

“Pagod na pagod na ako, Lorcan. Kung ayaw mo sa akin, mas ayoko din sayo.” Sigaw ko nang hindi lumilingon.

“Calla, bakit naman ganyan.. Isang away pa lang naman.” Narinig kong sumigaw si Lorcan sa aking likuran. Mas lalong naging gripo ang luha ko nang pumiyok siya, hindi ko na maihakbang pa ng isang beses ang mga paa ko.

“Nasaktan din naman ako kaya naging masakit yung mga sinabi ko pero hindi ko gustong lumayo ka. Calla, space? Bakit space? I want you beside me kahit galit ako. You are my wife. My weird wife. You are my favorite. How can I really give you up?”

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko.

“Gusto ko lagi tayong mag-kasama.” Masuyo niya akong niyakap ng mahigpit mula sa likod. “I knew that my pride will get in the way but please, don’t let me go. Huwag naman ganito. Paano na yung basketball team ko? Who will do crazy stuffs with me? Wala pa tayong naibabawas sa bucket list natin..”

Bumagal ang pag-hikbi ko. “Hindi mo na ako ipinagluluto ng almusal.”

“Dahil nandyan na si Manang Rose.”

“No! Dahil galit ka.”

I wiped my tears, wala ding saysay iyon dahil may tumulong panibago, “You don’t invite me to stargazing dates anymore. You forgot the meteor shower last Wednesday. Alam mo bang nagresign ako sa trabaho dati nang mapalagpas ko iyon? Masakit sa akin yon!”

“Baby, we have forever to catch another meteor shower.”

“Nakikipagyakapan ka sa ex mo!”

“Because she told me she will Migrate to the US, she’s saying goodbye.”

“Can I hug my guy friends, too?”

“No!”

“I want too..” Bulong ko.

“I will not just hug anyone aside from you. I promise not to kiss anyone apart from you. I promise to love you first before anyone else..”

Kinuha ni Lorcan ang kamay ko at ipinaharap ako sa kanya. “Calla, I am sorry for the words I said, I know I cannot take it back. Sorry for hurting you so much.”

“I don’t forgive you.” Nag-simula na naman ang panunubig ng mata ko, “Kasi sasaktan mo ako ulit kapag naging ganon kadali.”

“Baby..”

“And I resign. Ayoko nang dumami ang niloloko nating tao. That marriage was fake.”

“Calla naman.”

“And I don’t want to see you!”

Pagkasabi non ay nag-lakad na ako papalayo. Walang ideya kung saan ako pupunta.

“Please, kahit para kay Abuela..”

And it all dawned on me. Yung kawawang matanda. I sighed. Nilingon ko si Lorcan at naglakad papalapit sa kanya.

“Uuwi ako pero hindi mo ako kakausapin.”

“If that’s what you want.”

Umuwi kaming dalawa. Wala na si Margaux doon sa bahay namin kaya nakahinga ako ng maluwag. Hindi nagtanong si Manang Rose kung bakit namumula ang mata naming mag-asawa. Pagod akong dumiretso sa aming kwarto para magshower pagkatapos ay humiga na din.

Pumikit ako dahil sa sobra sobrang pagod. Sa layo ng nilakbay ng mga paa ko ngayong araw pati na din sa layo ng narating ng puso ko na umabot pa sa iyakan.

I heard the knob clicked at napakapit ako sa unan.. Pinakiramdaman ko si Lorcan na pumasok sa banyo pagkatapos non ay sumunod na ang preskong amoy niya ang pumaimbabaw sa buong silid nang lumabas siya.

Nakikiramdam ako nang humiga siya sa kama.

I felt a body heat covered mine when Lorcan lay down.

“Hey! My personal space!” Angal ko na paos.

“We’re married, so your personal space is my personal space now.” Mas humigpit ang yakap niya.

“Kung hindi ka pa gumawa ng kasalanan, hindi ka lalapit ng ganyan..” Bulong ko,

“Ilang araw na akong ganito kalapit, who do you think throw your pillow walls every night?at Kasalanan? I told you, nothing happened but I will say sorry because it made you feel bad.”

Nag-init ang sulok ng mata ko, humigpit ang yakap ni Lorcan.

“Stop crying, it hurts my chest.”

“I don’t care.” I wailed. I sniff. Ugly cry. Whatever you call it. I just blurt it out. “I will cry as much as I want!”

“Paborito kong pikunin ka pero hindi ang paiyakin. Mas nasasaktan ako kapag ganyan.” Hinalikan niya ang aking ulo. “This is the first time I saw you cry and I really hate myself to bits now.”

“You should.” Humikbi ako.

“Yeah. I really, really hate myself now, Baby.”

“I want you to hate yourself more.”

“I hate myself to infinity. Is it enough, huh?”

“I cannot see that you hate yourself. I should make you my bed tonight.”

“Alright, make me your bed.” Pag-sang-ayon niya.

Pumwesto ako sa kanyang ibabaw at dumapa doon, ginawa ko siyang kama. He caressed my back while I continuously cry myself to sleep.

Finale of Part 1

LORCAN

I never liked cute. Cute is a term we used for puppies, for cats, for everything that is small and fluffy but when I looked at her face, it is cute. Even yelping in pain when she kicked my balls the first time we met, I can’t get enough of the cuteness that I want to squeeze her so bad and find out what is so cute about her? Kamukha naman siya ng kakambal niya. Her twin is pretty but she’s awfully cute.

“Bituin, bituin, sabihin sa akin, ang kapalaran ng lalaki sa aking paningin. Bituin, bituin, puso niya ay pakalmahin, sa isang babaeng paparating na dala ng—” Paulit ulit na hinaplos ng manghuhula ng Mommy ni Ashton ang kamay ko na parang hindi makapaniwala at nag-angat ng tingin. “Ng–Bituin.”

Kinilabutan ako nang tingnan ako ng matandang manghuhula na diretso sa mga mata. “Babaeng dala ng bituin?” Binalikan niya muli ang kamay ko na para talagang merong binabasa doon, 

“Hinagpis mula sa isang halaman ngunit mamumukadkad muli ito sa iyong harapan. May nawala na ba sayong Lily ang pangalan?” Dugtong niya.

Tumingin ako sa kaliwa at kanan, sinubukan kong bawiin ang kamay ko pero pinigilan iyon ng matandang manghuhula, “Babaeng kasing ganda ng bulaklak ng halaman ang papalit sa hinagpis ng nakaraan, sa kanya ang iyong kaligayahan, pitasin nang iyong matikman.”

“Madam Charing, you are talking in riddles. My tagalog is really bad..” Reklamo ko. I heard crickets between us, nananahimik lang naman ako at iniintay si Ashton na mamili ng gear para sa bisikleta na gagamitin namin sa cycling patungong Subic nang lapitan ako ni Madam Charing at kunin ang aking kamay.

“Madam Charing! Ayan ka na naman sa hobby mo. Nang-aambush hula ka na naman.” Inakbayan ni Ashton ang manghuhula na paborito ng kanyang ina.

Kinalabit ako ng matanda na ngayon ay nakalahad na ang kamay, “Isang libo..”

Napapailing akong kumuha sa wallet ko. She talked in riddles and she gets a thousand bucks. People these days. Pero tumama siya doon sa Lily, which I don’t find weird, na-sensationalize ang pagkamatay ng kapatid ko dahil kilala ang aming pamilya. Matagal ko na ding nakikita si Madam Charing sa bahay nila Ashton because we’ve been friends since I can remember so she probably knows Lily. She thought of getting poetic to squeeze money from me.

“Sancho referred this shop to me. Kumpleto daw ito.” Nakangiting itinuro ni Ashton ang Sports Gear shop na nakapwesto na malapit sa Quezon City Circle. Papasok na kami nang biglang bumukas ang pinto at merong babaeng lumabas doon. Akala ko namalikmata pa ako.

She was the girl from last week. The one who kicked my balls.

Napangiti ako. I’ll never see her again even in Milkyway pala ha.

“Hindi na ako babalik sa shop mo!” Umirap siya, kagaya pa din noong unang nakita ko siya, akala mo matangkad na babae kung makapang-away. Her gaze was so soft maybe because of her gray eyes. Mas lalong lumiit ang mukha niya because of her short bob which is naturally muted brown and amazingly, it suits her. Nagpamewang siya at tiningnan ang matandang intsik na palagay ko ay amo niya, parehas kasi sila  ng suot na uniporme.

“Napakaimpossible mong babae ka!” Sita nung Intsik.

“Mas impossible ka! Minsan lang mangyari ang Perseid Meteor Shower tapos ayaw mo pa! Ang damot mo sa leave! Maging kamukha ka sana ng gulong ng bisikleta mo. Tse!”

“Calla!”

Calla. I heard that name again. The first word that came in mind was Calla Lily. One, if not most beautiful flower plant.

“Hey, anong nginingiti ngiti mo diyan?“Siniko ako ni Ashton, napatulala ako sa kanya. 

Mahina siyang natawa. “I said, bakit ka nakangiti?”

I didn’t know that I was smiling like an idiot, until I realized that she’s standing in front of my office table and she will be my Secretary.

She was more than that. She’s a friend. My partner in crime. My adventure buddy. She was there who taught me how to jump to uncertainty because it is okay to be crazy. It is okay to like weird stuffs. It is okay to say what you want. It is okay to love the universe and love the things that you only know by heart.

I searched for the heat beside me, paulit ulit kong kinapa iyon pero hindi ko maramdaman na naroon siya.

She was sleeping on my chest last night. Mahigpit ang kapit ko pero wala siya ngayon. Mabilis akong napabangon.

I searched for her in our room. Nagmadali akong bumaba pero walang kakaiba doon. My chest hammered like crazy. Binalikan ko ang closet niya, nandon pa din ang mga damit niya pero wala na ang telescope niya at ang mga mapa niya. I know for a fact that she will leave everything behind but not her gears.

So she really left me, she’ll leave me because I don’t know how to take care of her.

Napasabunot ako sa sarili, I messed up. I messed up big time.


“Tumahan ka na nga, Apo. Para kang bata diyan. May magagawa ba ang pag-iyak mo?” Abuela caressed my back. Siya ang una kong pinuntahan para sabihing nawawala si Calla. Nasa ospital pa din siya pero halatang nakabawi na ng lakas.

“She left me, Abuela. I was never kind to her.”

“Ikaw pala ang may kasalanan, pag-tiisan mo.”

Pinunasan ko muli ang luha ko. “Abuela, I love her.”

“I know, I know, Apo. Hanapin mo. Puntahan mo sa paborito niyang lugar.”

“Sa universe? Baka kinuha nga ng alien yun at sumama siya.”

Tiningnan ako ni Abuela ng masama. “Baliw talaga kayong dalawa. Di ba ngayon ang board meeting? Bakit nandito ka?”

“I don’t want to work anymore.”

“Ano ka ba? Baby?” Hinampas ako ni Abuela sa balikat. “Ako na ang bahalang magpahanap kay Calla. Mag-trabaho ka.”

Pinagtulakan ako ni Abuela kaya napilitan akong umalis sa ospital. Palinga linga ako sa kalsada habang nagmamaneho kahit alam ko naman na wala siya doon. Nang makarating ako sa opisina ay mabigat ang loob ko na pumasok. I am so scared that I won’t see her again.

I opened my office, I almost catch my breath when I saw a note on my table. Hindi ko kayang kunin, hindi ko kayang basahin. I know it is from my Calla. Sulat kamay lang iyon at nakatiklop sa dalawa. Tinititigan ko lang iyon hanggang sa dumating ang oras ng board meeting. Ilang araw ko na iyong pinaghandaan. Mabuti na lang dahil wala akong maisasagot kung hindi. At this state, I am so drained. Gusto kong hilahin ang oras para makita si Calla.

“See you again, Mr. Alcantara.” Tumango ako sa mga board of directors at nagpaiwan doon sa conference room, inabot na din kami ng gabi dahil sa meeting. Babasahin ko na ang sulat ni Calla pagkabalik ko sa opisina ko.

Whatever was written there, I will still find her. Wala namang kwenta ang kanyang sasabihin kasi nakapagdesisyon na ako na siya ang mamahalin ko ng ganito. Pero bakit naman ganito? Lumabas lang ang sungay ko, ayaw na talaga niya.

Huminga muna ako ng malalim nang buksan ang pinto. Marahan akong pumasok doon. Tinitigan ko muli ang sulat sa lamesa ko at nagpamulsa lang doon na hindi alam ang gagawin nang bumukas ang pinto. 

Napaawang ang bibig ko nang lingunin ko ang dumating. There’s my star, my beautiful flower and my love. Meron siyang malaking kahon sa kamay. Her hair was tied in a messy bun, she’s wearing an oversized gray shirt and a pair of leggings.

Tiningnan niya ako ng masama, ibinaba niya ang kahon sa kanyang lamesa at sinugod ako.

Sinugod ako?

“Salbahe ka! Bakit mo ako inindyan?” Gigil na sambit niya.

“Indiyan? What are you saying? Saan ka nag-punta? I was looking for you.”

“Looking for me? Eh nag-iwan nga ako ng sulat sa—” Sumilip siya sa lamesa ko at mas lalong nadagdagan ang pagsimangot niya. “Hindi mo binasa?”

“Hindi! Ano ba yan?”

Iniladlad niya ang sulat at merong mapa doon, a poorly drawn treasure map. May hearts and stars pa na palatandaan. Itinuro niya ang dulo ng map na merong palatandaang puso.

“Nandito ako kanina! Bakit hindi mo binasa?”

“Ewan ko! Natatakot ako! Bakit ka ba kasi nag-iiwan ng sulat na ganyan? Bakit hindi mo ako ginising? Nasaan ba yan?”

“Kasi alam kong pagod ka! Nanood ako ng Eclipse kanina tapos dumiretso ako sa puntod nila Mama at Papa kasi Death Anniversary nila. Ipapakilala sana kita.” Ngumuso siya. Hindi ko mapigilan ang pag-ngiti sa sobrang tuwa.

“So, I will meet the parents now?” Niyakap ko siya at pinatakan ng halik sa leeg.

“Dapat! Pero sabi nila ayaw na nila sayo kasi hindi ka nagpakita.” Sinuntok niya ako muli, mahina akong natawa.

“Epic fail naman kasi yung pamysterious mo.” Biro ko.

“Kasi sabi ko nga hindi kita kakausapin!”

“Really?” Kumunot ang noo ko. “You know what, hindi pa naman tapos ang death anniversary nila Mama at Papa.”

Kinagat niya ang pang-ibabang labi para pigilan ang pagtawa sa pag-tawag ko sa kanyang mga magulang.

“How about bringing them pizza?”

Pinanlakihan siya ng mata, “Ngayon na?” Tumingin siya sa labas ng bintana at napangiwi, madilim na kasi dahil gabi na.

“Scared?”

Mabilis siyang umiling. “Of course not.”

Ilang sandali pa ay mayroon kaming malaking flashlight at hinahanap na ang puntod ng mga magulang niya. May bitbit kaming pizza, softdrinks at pasta. Dala din namin ang telescope niya.

“Kapag may nagpakitang mumu dito magkakalimutan na tayong dalawa, kanya-kanyang takbo talaga.” Banta niya habang sineset up niya ang telescope sa tabi ng puntod ng Mama at Papa niya.

“Tandaan mo, hindi ka marunong mag-drive kaya malayo-layo ang tatakbuhin mo papalabas. You need to stick with me whatever the odds may be.”

Umirap siya at ngumiti sa mga puntod. “Hi Mama and Papa. Guess what? Babae po ako.” She giggled. “Baka nagdududa kayo kanina nung sinabi kong gwapo ang napangasawa ko, so here’s the proof. Maganda ang ngiti niya pero laging nakasimangot. I think style niya yun para kunwari pa-mysterious.” Hinila ako ni Calla para humarap sa kanyang mga magulang.

“Hi po. Happy Anniversary in Heaven ..” Ngumiti ako, “Thank you for bringing Calla in this world. She’s the most beautiful thing that ever happened to me. Sayang wala kayo nung kasal namin, wala naman kasi talagang tao don, wala nga kaming halos na suot.”

Hinampas ako ni Calla, pinatakan ko siya ng halik sa labi, “Huwag niyo nang alalahanin ang isang ’to, ako na ang bahala sa kanya. I will make sure that she’s happy. I will smile as often as I could because now, there’s a reason to. She’s my lucky star.”

“Papa, he also like stars.” Singit ni Calla.

“That’s because of her.”

“Gumagaya ka?” Nagsalubong ang kilay niya.

“Of course not. Well, sort of. Gusto ko kasi parehas tayo ng hobbies.” Pag-amin ko.

“I love plants, too.”

“Ako, I love you.” I said and my wife blushed.

“Corny mo.” Sabi niya para itago ang kilig kahit kitang kita ko naman.

We shared the box of pizza as we sat on the grass. I find it weird that the cemetery looked peaceful and not scary at all with Calla around. Parang naging ordinaryong park na nga lang ito na walang tao, puro kaluluwa lang, I guess. 

Nakasilip si Calla doon sa telescope pagkatapos ay hinarap ako na parang may naalala.

“Nasaan si Lily?” 

My eyes widened, “You want us to walk again?”

“Nandito din siya?”

“Calla, it is past 12!”

“Scared?” Kumindat kindat siya. Wala akong nagawa kundi sumakay sa gusto niya, magkahawak kamay kami habang hinahanap kung nasaan si Lily and it is seriously hard to find dahil magkakamukha ang halos lahat ang puntod, hindi ko na din ito maalala kung saan. 

The worst part is, ang hirap lumingon sa kaliwa at kanan dahil kung ano ano na ang naiisip ko.

“Pinanlalamigan ka na ng kamay.” She teased, napailing lamang ako. Napatingin ako sa unahan. Nakuha non ang atensyon ko dahil sa malapad na flower pot na nakapalibot doon, lahat ay may buhay na buhay na bulaklak ng Lilies.

“There.” Turo ko doon, siguradong sigurado.

“Wow! Dito? Bakit hindi ko ito naisip? Forever may bulaklak si Mama at Papa sana kung nagtanim ako.” Sumimangot si Calla habang hinahawakan ang mga Calla Lilies na namumukadkad sa water flower pot. I put it there when I was 10. I never went back since then because this is the same place where my parents left me and made me realized that everything’s my fault and I believed them. I believed it myself until Calla came.

“Hi Lils,” I smiled, nakaramdam ako ng pamimigat ng dibdib. “I am with my wife. I. Well, I, grew up. And I feel sorry that you never did.” Kinuha ni Calla ang kamay ko at mahigpit na hinawakan. I felt the sides of my eyes heated up. Pinilit kong ngumiti pero hindi ko magawa.

“She’s Calla and God, you gave her to me, did you? The signs are really obvious. You are Lily, she’s Calla. And I love Calla Lilies. Remember when you hide the easter eggs and you make it obvious so it will not be hard to find? Kasi ayaw mo akong nahihirapan. You said I am impatient and cranky. But like as I always thought, you love me so you make things easy for me. “ Mapait akong ngumiti.

“Kahit lagi mong sinasabi na you hate me. I heard your prayers every night while you were still with us, you thank the Lord everyday because you have me. You said you are so happy to have a baby brother. And sorry Lils if I did not visit you kasi hindi ko pa din mapatawad ang sarili ko.”

Calla wiped away my tears that I didn’t notice falling on my cheeks.

“I am sure you’ll like Calla.” Dagdag ko.

“Yes, I am more lovable than your brother. Let’s meet in heaven someday. Mag-papaalam tayo kay San Pedro para mag-day tour sa Black hole, talaga bang wala ng life after black hole?”

“Lils, wag ka munang sumagot, baka iwanan ako ni Calla dito.”

We sat at my sister’s grave for a while and stayed until it is almost morning. Naghahati na ang dilim at liwanag. Basa na ng hamog ang damo sa aming paligid. The morning birds started chirping. Paisa isa nang nagsisimula sa kanilang araw.

“Hindi naman pala nakakatakot ang sementeryo, ’no?” Calla said.

“Alam mo kung ano ang mas nakakatakot?” I asked.

“What?”

“Yung mawala ka. Boom!” I kidded.

Calla giggled and punched me softly on the face. Tahimik naming inintay ang pagsilip ng araw habang magkatabi. Niyakap ko siya.

“Who would have thought we’ll have a date at the cemetery?” Tanong niya.

“Ako. I just didn’t know when pero sa sobrang weird natin, I am pretty sure hindi natin malalagpasan ito.”

“Buti walang multo magdamag no?”

Nakarinig kami ng mababagal na tunog ng bell sa paligid at sumunod ay amoy ng insenso.

“What’s that?” Kinakabahang tanong ko.

Nagkibit balikat si Calla, dahan dahan kaming tumayo at nakiramdam. Mas lumakas ang bell kasabay ng pagtibok ng puso ko. Hinawakan ko ng mariin ang kamay ni Calla nang may usok na dumaan sa aming harapan at may mahinang boses na parang nagdadasal ng latin.

“Requiem aeternam, Requiem aeternam dona eis, Domine,”

“Ah!” Tumili si Calla at nagsimula nang tumakbo, hinabol ko siya hanggang sa may matandang nakaitim na belo ang humarang sa aming daan. I was terrified dahil nakayuko pa ito at may hawak na brass incense holder sa kamay. Mula doon ay makakapal na usok kaya natatakpan ang kanyang mukha.

“Requiem aeternam, Requiem aeternam dona eis, Domine,”

Umubo ang nakabelo. Binitawan niya ang insenso sa kalsada ng sementeryo at pinalis ang usok  sa kanyang mukha gamit ang kamay.

Napakunot ang noo ko nang numipis ang usok, “Madam Charing?”

Dumilat ang matandang nakaitim na belo na may hawak din pala na rosaryo. “Ang tapang ng usok, grabe! Isasaoli ko nga iyan sa Quiapo.” Bulong pa nito bago humarap sa akin.

“Oh, Lorcan? Anong ginagawa mo dito?” Tanong niya.

“Madam Charing! Ang lakas mo manakot.” Hinila ko si Calla sa aking tabi.

Ngumisi si Madam Charing at tiningnan si Calla, “Sorry. Ay kuuu! Sinasabi na nga ba! Hindi na naman ako pumalya! Ang galing mo Charing!” She extended her arms like a lunatic.

Kinuha niya ang kamay ni Calla at hindi ko na iyon napigilan. Umiistyle na naman siya.  “Madam Charing, if that is another ambush hula, ’wag kami.”

Pero hindi siya nagpapigil, kinuha ni Madam Charing ang kamay ni Calla at saka tinitigan iyong mabuti at tumingala sa langit.

“Bituin, bituin, sabihin sa akin, ang kapalaran ng babae sa aking paningin.” Pumikit siya at nagkatinginan kami ni Calla, dumilat si Madam Charing at madidilim ang matang tiningnan si Calla. 

Calla flinched, akmang babawiin ang kamay niya pero hinila ito muli ni Madam Charing at hinawakan ang isa pang kamay, “Bituin, bituin, masamang pangitain, kaligayaha’y bibitinin. Lahat ng iibigin, tiyak na mamalasin, bituin bituin, kapalaran ba’y di babawiin?”

Tinitigan niya si Calla at ipinatong ang kanang kamay sa noo nito. Like she’s praying in chants.

“Kumapit ng mariin, puso ay paganahin, wag mong isusuko, kahit bituin ay iyong hamakin. Sanga sangang daan dapat ay iyong tahakin, sumpa ay putulin, kamalasa’y iyong sugpuin.”

“Madam Charing! Ito na ang isang libo.” Mabilis kong inilagay ang pera sa kamay niya at hinila si Calla. Malungkot siyang tumingin sa aming mag-asawa at hinawakan ang kamay ko bago pa man kami makalayo, ibinalik niya doon ang pera at itinikom ang kamay ko. I thought she’ll say something normal pero nang bumukas ang bibig niya ay panibagong riddle na naman iyon. 

Malungkot siyang ngumiti, “Tuwing naliligaw, bituin ang iyong hanapin, ibulong ang iyong panalangin, nawa ang Diyos kayo’y dinggin.”

“Madam Charing, you are getting creepy. Mauuna na po kami.”

“Mag-iingat kayong dalawa. L-lalo ka na, Lorcan.” Bulong niya.

The End.


Maki Say’s: 

Maraming Salamat sa pagbabasa hanggang dito. Hanggang dito na lang ang Part 1. Ang Epilogue naroon sa Published book kaya Bili Bili na kayo kapag nailabas na. 

Uyy! Naiintriga na siya kay Madam Charing! :D Ano kaya ang hula ni Madam?

Sisimulan ko ang Part 2 dito sa wattpad kahit wala pa ang Published book kasi sa 2018 pa yun. 

Pero di niyo na kailangan mag-add ng panibagong libro  kasi dito lang ako mag-uupdate.

Hindi kasali sa usapan namin sa Psicom ang Part 2 so I will give it a new working title (Pinag-iisipan ko pa.)

Isa lang ang hiling ko, sana mag-ingay kayo hanggang part 2 para maging libro din siya. For sure may bonus chapters doon.

Sa mga nakabasa nung part 2 nung Jeje writer pa ako, kalimutan niyo na yon kasi major revision yun ulit. Enchendes?

Half Lost (Teaser)

“I was once happy and never sad. I was loved and the feelings never died. But in just a shooting star, half of it was lost, I was the other half, that kissed goodbye.”  

-Calla, Half Lost (He Married His Secretary Sequel)


Maki Say’s: First update of Part 2 is on Friday.  November 3, 2017. Patience is a virtue. Thank you!

HALF LOST

HALF LOST

(He Married His Secretary Sequel)

By: Makiwander


Please refrain from asking questions, Anong Nangyari? Bakit nag-iba? Bakit May Part 2? Dapat masaya na.

And seriously, kung ipipilit niyo ang Epilogue kaya di niyo maiintindihan ang susunod na chapters, walang point.

Basahin niyo na parang nagbabasa kayo ng bagong kwento. Yung hindi niyo pa kilala yung characters at aalamin niyo pa lang yung nangyari sa kanila. Hindi naman ako naive, o kahit sino sigurong manunulat. Naglalagay talaga kami ng conflict sa umpisa para gumana din ang intellectual mind ng readers. Para din sa inyo yan. Hindi spoon feeding ang pagsusulat. Hindi isang bagsak ang CONFLICT at RESOLUTION. Kung itatanong niyo sa akin kung ikukwento ko ba ang nangyari o nagaaksaya kayo ng oras sa panghuhula kung anong nangyari, sabihin niyo muna sa akin kung may istorya akong naisulat na hindi ko naresolve ang plot twist? Or hindi na lang sa story ko, may nabasa na ba kayong ganon? Kuwento ng kwento yung author tungkol sa buhay ng character pero natapos ang story na di niyo alam kung bakit siya napunta sa ganong sitwasyon?

Please.

If not happy, you can skip this part.

2.1

Catch.

“Hindi naman talaga bituin ang nalalaglag.”

Nakatunghay ako sa photo exhibit ng kaibigan kong si Antonio. There were twenty of them, all blown up pictures that is taller and wider than me. Kuha ng meteor showers mula sa iba’t ibang panig ng mundo iyon. Yun ang kanyang tema.

‘The Falling Stars’

Pinamagatan niya pa ito. Parang hindi man lang nag-isip.

“Alam ko ang iniisip mo, bruha ka.” Bahagya akong itinulak ni Antonio kaya pinanliitan ko siya ng mata. Ang buhok niya ay kinulot pero dahil mahaba ito ay umabot pa din iyon sa kanyang balikat. No, he’s not the cross dresser type. Madalas ay grunge pa nga ang porma nito, dark shirt, ripped jeans at sapatos na five years ago pa huling nalabahan. Nangunot ang ilong ko dahil naalala ko si Che Guevara dito, and oh, nung mas mahaba pa ang buhok niya, si Pepe Smith ang kamukha. Rak en Roll.

“Habang gumagalaw ang earth sa palibot ng araw, meron mga bato ang nag-ko-collide sa atmosphere, magsisimula itong uminit, aapoy at masusunog pababa. That’s not a star, that’s a meteor. Meteor shower.” Pagpapaliwanag ko.

“Welcome back to the Philippines, Mamsh !” Yumakap sa akin ang kaibigan kong nakilala sa Business School sa Harvard para ibahin ang usapan. 

Mahina ang musika sa palibot ng five star hotel kung saan ginaganap ang exhibit. Antonio’s family is old rich. In their case, always rich, lahat ng luho nito ay nasusundan kaya nang maisipan niyang maging photographer ay nasuportahan naman ito ng kanyang pamilya. 

Sana tinanong muna nila kung may talent. Feeling ko ay naabuso lang ni Antonio ang kayang i-offer ng nature tapos ang credits ay sa kanya dahil nakuhaan niya ito ng litrato. Ang totoo ay maganda naman na ang mga bituin, lalo na kapag titingnan mo ito ng harapan. Umaasa na kasi sa social media ang karamihan kaya napapabilib na lang sa mga nagva-viral na litrato. They only need to go out to see this gorgeousness.

Hinawi ko si Tonio at tiningnan ko ang kuha niya sa Aurora Borealis sa Alaska.

“Ito naman! Basta sa facts about the universe, hindi ka magpapadaig.” Ngumuso si Antonio na nagdadabog habang sinusundan ako.

“At ito, hindi meteor shower ang Aurora Borealis, ano ba naman, Tonio?”

“Well, maganda eh!” Malanding humagikgik ito at kumislap ang mata nang tingnan ang larawan na kinuhanan niya. Napailing ako.

“Calla, you have a meeting tomorrow with Attorney Bori at Montemayor Lawfirm.” Nakatingin si Meico sa kanyang ipad habang sinusundan ako sa paglalakad. Tiningnan ko ang na-capture ni Tonio na Orionids Meteor Shower . Iyon daw ang pinakamaganda sa lahat. Bumagsak kasi ito kung nasaan ang pinakakamaliwanag na bituin, inagawan ang eksena constellation ng Taurus, Gemini at ang Orion, even Sirius.

“Ang ganda di ba?” Pagmamalaki ni Tonio.

“Maganda kasi kitang kita ang pagbagsak niya dahil doon siya mismo bumagsak sa pinakamagagandang bituin sa langit.” Malungkot akong ngumiti nang may naalala.

“Even the most beautiful stars can be outshined by an ugly phenomena.” Candid na komento ni Meico. She’s my secretary, kaibigan din namin siya ni Tonio. Malakas siyang itinulak ni Tonio at ininguso ako.

“But! Even the ugliest phenomena can result to something beautiful like this! Something that lasts and one for the books. That is what we call, a beautiful mess , hindi ba, Meico? Still beautiful!” Pinanlakihan ni Tonio ng mata ang sekretarya ko at napangiwi.

“Thanks for trying.” Napailing ako at aksidenteng napatingin sa salamin sa harapan. Humaba na ang buhok ko at hanggang bewang na iyon.

“Mamsh, pumayat ka na naman. Nag-aadik ka ba sa States? Bakit ka umuwi? Baka matokhang ka dito.” Hinawi ni Tonio ang buhok ko, “But still, beautiful. I’d give you credits for that.”

“Beautiful mess din?” Tanong ni Meico.

“Hindi. Siya Beautiful, ikaw, mess! Tingnan mo nga yang itsura mo. Wala pa bang sahod kaya di ka pa nakakabili ng suklay? Gusto mong mag-advance?”

Hinayaan ko silang mag-away sa likuran ko. They were the ones who kept me sane all those years. Three years, where have you gone?

“Nakita mo na ba ang bahay na ibinigay ni Granny?” Tanong ko kay Meico. Napangiwi ito.

“Naku, sorry, Beshie. Fiesta kasi sa amin nung isang araw—”

“Ayan, ayan, hindi mo na naman ginagawa ang trabaho mo. Puro ka kuda!” Paninisi ni Tonio kay Meico.

“Hayaan mo na..” Awat ko.

“Pero na-google ko na kanina, mukhang maganda naman saka peaceful yung neighborhood.”

Napailing ako sa sinabi ni Meico. “Totoo, Calla! May security guards, safe na safe para sa mga single.”

Malakas na binatukan ni Tonio si Meico. “Hanuna, Mars! Kanina ka pa!”

“Okay na, Tonio. Hindi naman ako babalik kung hindi pa okay, hindi ba? Sinabi ko naman sa inyo noon, babalik lang ako kung makakaalala na siya o wala na talagang pag-asa.”

Nakakaunawang niyakap ako ni Tonio at inakbayan naman si Meico. “Andito lang kami. Alam mo naman yan di ba? We are the Powerpuff Girls!”

“Ang luma ng Powerpuff Girls!” Napailing si Meico sa sinabi ni Tonio. “Saka sinong bading don sa tatlo?”

“Gaga, wala! Etchosera ka talaga.”

Mahina akong natawa sa pag-aaway nung dalawa.


“O, Beshie. Sigurado ka bang okay ka lang dito?” Inayos ni Meico ang kanyang salamin at sinubukang tingnan ang madilim na bahay sa aking likuran.

“May magagawa ba ako, Meico? Hindi mo na nacheck di ba?”

“Eh kung gusto mo sa hotel ka muna, pupwede naman akong mag-book..”

Ngumiti ako at tinapik siya sa pisngi, “Hindi na, sige na. Sabi mo safe naman ito sa mga single di ba?”

“Joke lang yon, wag mong dibdibin, wala ka naman non.”

Sumimangot ako kay Meico bago kumaway para mag-paalam. Ramdam ko na din ang pagod mula sa mahabang flight na hindi nakatulog.

Madilim ang buong bahay. It lit up automatically when I strode at the doorstep. Sayang nga lang at madilim na, ang malamlam na ilaw lang mula sa poste ang tumutulong para maaninag ko ang paligid. Balak ko pa naman sanang libutin ang kabuuan ng bahay.

From a far, aakalain mong isang buong bahay iyon pero dalawa talaga iyon, a duplex townhouse. Mayroong mababang wooden fence ang humahati sa bahay ko at sa kapitbahay. Wala ding garahe kundi sa labas. No wonder na may isang nakaparadang sasakyan sa harapan ng kapitbahay ko. Mabuti pa ang bahay niya at maliwanag na maliwanag, nakapag-set up na siya ng sariling ilaw doon kaya tanaw ang pulidong landscape ng kanyang garden. 

Napansin ko ang water plants na naroon sa kabilang side ng bakod ng aking kapitbahay. Tamad siguro iyong mag-alaga kaya ganon ang ginawang plants, kaya lang ay prone ang stagnant water sa water plantbox na pamahayan ng lamok, uso pa naman ang dengue sa Pilipinas. Nakahinga ako ng maluwag nang mapansin ang citronella plants na nakatanim sa ibaba ng plantbox.

Good thinking.

Maybe I should ask for some citronella one of this days, baka siya ay ligtas sa lamok, ako naman pala ay hindi.

Kinakabahan ako nang hawakan ang seradura ng aking pintuan. Alright, ako mismo ang pumili ng lugar na ito mula sa napakaraming choices na ibinigay ni Granny. Chances are very slim na may ginawa na naman siyang kapilyahan. Hindi ko lang maiwasang magduda ng ganito.

Napailing na lang ako. I remember her tactics when she was younger. Ngayon ay tiyak na may panibago na naman, hindi man ngayong araw, baka sa susunod ay meron.

Maliban na lang kung talagang kumbinsido siyang ito ang nararapat para sa aming dalawa.

My phone rang when I entered the house. Nagpalinga linga pa ako kung merong hidden camera sa paligid.

“Granny!” I smiled when I answered the phone.

“Kumusta, Apo? Kumusta ang exhibit ni Tonio? May nagoyo ba ang batang iyon sa mga litrato niya?” Humalakhak si Granny. “Tiyak kong wala. Kapapangit naman ng mga litrato non!”

“Granny, hanggang ngayon galit pa din kayo kay Tonio? Bading nga po iyon!”

“Naku! Baka mamaya eh nililigawan ka non?”

“Granny, di ba napag-usapan na natin yan.”

She sighed. Ganoon din ako. Umupo ako sa kulay berde na couch na naroon sa tabi ng telepono. The house was well decorated. Lahat ng masasayang kulay ay naroon. I am sure, Granny requested for it. Pekeng kulay na lang kasi ang pupwedeng ilagay sa buhay ko.

“I know. Gusto din naman kita maging masaya, kagaya niya.”

Parang kumukurot sa puso ko iyon. Parang hinihiwa ng maliliit, pero saglit lang. Tiningnan ko ang nakakahilong painting ni Van Gogh sa may kusina. The bright yellow hues is almost blinding. Lies. Van Gogh was not as bright as his paintings.

“Mas magiging masaya na siya kasi matutupad na ang pangarap niya.” Parang nag-bara ang mga salita sa lalamunan ko. Malakas na napabuntong hininga si Granny.

“Sige na nga, hahayaan na kitang mag-boyfriend. Pero ayoko kay Tonio, masyadong Hippie!”

“Granny, bading nga po si Tonio.” Napakamot ako ng ulo.

“Bading! Umistyle lang yon, makikita mo.”

“Granny..”

“Ano?”

 “Sure ka walang catch sa bahay na ’to?”

“Catch? Anong catch?” I could just imagine Granny frowning.

“Wala bang lilitaw na Lorcan dito at magkakagulatan kami?”

“Baka ikaw lang ang magulat dahil hindi ka naman niya kilala di ba?”

“So meron nga?”

“Wala! Hindi ko alam ang bahay na iyan. Ikaw ang pumili niyan di ba? I just sent you options but you chose it. Isa pa, I really don’t know where he is. Or where they are. Hindi na ako nakialam. I was never in approval of what Aleana and Rodrigo wanted for him kaya nga ako bumalik sa Amerika. Naiinis ako sa kanila, at sa iyo na din.”

Ngumuso ako. If only Granny knows how hard it was for me to make that decision.

“I know! Nag-alala lang ako na baka pagbukas ko ng isa sa mga kuwarto, may tao na.”

“Goodness, your imagination! You must be very tired! You should get some sleep.” Utos ni Granny sa akin. Napahawak ako sa bahagyang nananakit na batok.

“Right. Siguro nga.”

Nang ibaba ko ang tawag ay dumiretso na ako sa ikalawang palapag ng bahay. Dalawang kwarto lamang ang pagpipilian kaya pinili ko na ang una. Maganda ang pagkakaayos nito, a queen size bed in pink and peach colors, hindi masyadong malaki at walang halos ipinag-iba sa kuwarto ko sa Amerika. Binuksan ko ang LED lights na naroon sa headboard at umilaw iyon ng parang sa bituin. Nakakalat din iyon sa dingding kaya napangiti ako nang pag-masdan.

Pagod, ramdam ko ang pagod hanggang sa dulo ng paa ko pero nanlalagkit na ako.

Dumiretso agad ako sa banyo para maligo, pero nang pihitin ko ang faucet doon sa sink ay walang lumabas na tubig. Ganoon din ang ginawa ko sa shower at sa maliit na tub.

Walang tubig..

Tumakbo ako paibaba para subukin ang mga gripong naroon pero wala ding nagbukas.

Mataman akong nag-isip ng paraan. Pupwede namang ipaligo ko ang mineral water kaya lang ay baka wala akong inumin.

Napansin ko ang timba na naroon sa pang-ibabang banyo. Pupwede din naman akong manghingi ng tubig sa kapitbahay.

Or pupwede din namang matulog na ako.

But no..

Ang init sa Pilipinas. Hindi ako makakatulog basta.

Kinuha ko ang balde at hindi na ako nagdalawang isip.

Tatlo. Tatlong hakbang ang ginawa ko at nakatapat na ako sa katabing bahay. Palagay ko ay anim pang hakbang hanggan don sa kanyang pintuan pero nanatili ako doon sa labas ng bakod.

Bitbit ko ang timba. 

Still hasn’t changed my all white ensemble from head to toe, fresh from the airport look ko ito. White slacks, white top and white denim jacket, and of course, puti din ang timba para cohesive. Napailing ako sa naiisip.

“Tao po! Excuse me!”

A baritone bark made noise from the house of my neighbor. 

May aso. Buti at hindi ako nangahas na pumasok basta.

“Tao po!”

I heard the metal door clicked. Napalunok pa ako sa presensiya ng nagbubukas ng metal door.

Tall, long hair in man bun, thick brows. Yun pa lang ang nakikita ko dahil nakayuko.

Hanggang sa humarap siya.

“Ano yon?”

Malalaki ang hakbang na nilapitan niya ako.

Bawat hakbang, pakiramdam ko matutumba na ako.

Bawat hakbang, para iyong nagpapatigil ng segundo.

Bawat hakbang, napipigil ang paghinga ko.

Having countless stars means we are entitled to countless wishes. That is why God place billions of them on up above.

“Miss?”

He smiled, and the countless stars almost fell at my feet that very moment.

Ubos na ang stars sa langit. Nasa paanan ko na.

Ikinaway niya ang palad niya sa harapan ko.

Napapikit ako imbes na sumagot.

Akala ko ba walang catch?

THIS IS NOT AN UPDATE

AGAIN, Paulit ulit na naman ang nadadaanan kong comments

✔️ Ang gulo ng kwento

1.) Ang dami kong patlang para hindi kayo biglain na magbago ang plot sa Part 2. I assumed na nakahinga kayo mula sa part 1 bago magbasa ng part 2. Ang dami kong notes na tulad nito para ipaalala.

1A.) Bakit may Part 2? In all honesty, dapat talaga wala pero naisipan ko lang magpasilip sa naging  buhay nila after marriage. At revision ito, sa mga nakabasa nung hindi pa revised version, alam na nila to hanggang katapusan. Probably they know how I will write the turn of events.

✔️ Hindi mo kasi pinost ang epilogue

2.) Walang kinalaman ang Epilogue sa simula ng Part 2 kaya wag niyo yon alalahanin. Kung babasahin niyo ang Part 2, Yes, may mga tanong kayo kung anong nangyari. Katulad din yon ng tanong niyo kapag nag-uumpisa kayong magbasa ng bagong storya. Ganon din ang inaasahan ko na gagawin niyong intellectual reading sa Part 2. As if reading a new story. Wag kayong magrely sa epilogue na hindi niyo nabasa.

✔️ Ikukwento mo ba kung ano ang nangyari

3.) If this is your first time to read my story, mapapatawad kita. Pero kung pangalawa, pangatlo, baka hindi na. May naisulat akong 37 chapters akong nagkwento at hook na hook na kayo pero flashback lang pala yun. Ganon lang talaga ako mag-plot. Hind giveaway. Bakit? Para may aabangan kayo, para may sabay sabay kayong pag-isipan habang nairereveal ang chapters.

Tandaan: Walang story na isang bagsakan ang CONFLICT at RESOLUTION sa chapter 1. Kaya merong ‘Ahhh’ ‘Ganun pala’ moments, kasi unti unting nabubuo yung kwento bawat kabanata. Maging patient tayo. Kaya niyo yan.

Hindi ako galit pero paulit ulit yung tanong. Next update: Sunday, November 5, 2017

2.2

Breakfast.

“When I moved here akala ko din walang tubig. But it turned out, this little boy needs to be pulled up.” Gamit ang pliers ay madali niyang naiangat ang maliit na lever na sabi niya ay sikreto para magkaroon ng tubig, nasa tubo iyon ng tubig na nakakabit sa may garden para siguro sa pagdidilig ng halaman. Ang hanging amihan ay umihip sa amin, parehas na ginulo ang aming buhok dahil doon. I noticed his hair grew longer, about three inches before his shoulder. Tuwid iyon at makintab, nakakainggit ang hanging walang pakundangan kundi paliparin ang mga takas na buhok na kumawala mula sa maayos niyang pagkakatali sa tuktok ng kanyang ulo. It fits him, though.

His white hoddie sweatshirt and gray jogger pants gave him the boy next door vibe, well, he really is the boy that lives the next door and he’s squatting against the bermuda grass and expertly fixing my water connection.

I was eyeing him the whole time. How he changed.

Those muscles that were always there grew a bit bigger. He hasn’t gained weight with fats but buff, probably with more muscles. I couldn’t imagine he’d had more room for that. Ang matangos niyang ilong at ang manipis na labi ay wala pa ding ipinagbabago. Perpekto pa din kagaya ng dati, pero kung dati ay ginagamit niya iyon para manindak ng kapwa, ngayon ay nanatili na iyong nakangiti.

The glint in his eyes says he’s happier than ever.

Happy. My heart ached a bit.

Pero sandali lang. Hindi nga ba’t yon naman ang misyon ko sa buhay, ang mas maging masaya siya dahil yun naman ang dapat?

“There you go!” Napaatras ako nang tumunog ang eksaheradong lagaslas ng tubig nang buksan niya ang gripo at tumalsik ang ilang patak sa aking paanan. “Sorry.” Natatawa siyang tumayo pagkatapos maghugas ng kamay.

Umatras akong muli habang tinitingala siya. Nagsalubong ang kilay niya na parang nagtataka sa mga ikinikilos ko. Hindi naman ako nanakot, all this time, pakiramdam ko ay may dumalaw sa aking may nakakahawang sakit at buong Pilipinas ay kailangan siyang iwasan, at eto ako, nakatayo sa kanyang harapan at nagpapatulong para magkaroon ng tubig.

“So, you’ll be my neighbor from this day forward?” Kumindat siya at nanlambot ang tuhod ko. Hindi nawawala ang mga ngiti niyang walang kaide-ideya kung sino ako.

“Yes, it seems like it.” Pinwersa ko ang maliit na ngiti.

“Great! I am Lorcan.” He extended his right hand to me. Tatlong segundo kong tinitigan ang kanyang iniaabot na para bang naroon ang MY Camelopardilis , ang system kung saan merong dalawang naghahalikang bituin na magiging isa pagdating ng panahon. That was one of the amazing discovery last year, by the way.

“I am—” Huminga akong malalim.

‘Do not force it, his head aches if we feed him information. Please.’

Napailing ako sa boses na iyon, ang boses ni Aleana Alcantara na nag-mamakaawa sa akin tatlong taon na ang nakakaraan ang nanatiling konsensya sa aking isipan.

“Hindi mo naman siguro ipagdadamot ang pangalan mo?” He seemed skeptical, his eyebrow shot because of my hesistation. Ang labi niya ay naging isang manipis na linya na parang gusto akong pigain ng impormasyon na gusto niyang malaman. Napalunok ako.

“Sussane.”

“Sussane?” Nagsalubong ang kanyang kilay na parang may mali doon sa isinagot ko.

And I am not lying, that’s my second name that I don’t usually use. Too feminine, more feminine than Calla . Madalas kong ireklamo iyon kay Mama pero hindi ko na daw maaring palitan. How come my twin’s second name is Simone? Sana ay ipinagpalit na lang ang amin.

I remember my mother telling me that I can still use it if I want to have an alter persona. Like tonight.

“Sussane.” Inulit niya. I nodded and smiled like an idiot.

“Sussane means a graceful Lily in Hebrew.”

“Hm?” Lumaki ang mga mata ko at nagpanggap na hindi siya narinig.

“A graceful lily. The plant. Like that.” Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at ipinaharap ako sa kanyang bahay, pinanlakihan ako ng mga mata dahil sa pagkakadikit ng aming balat. Ang mga mata ko ay naiwan sa kanyang mga kamay. My chest pounded a familiar beat and my heart painfully strut, trying to escape my body.

Ilang segundo lang ang naging pagdampi iyon.

He raised both his hands up in the air. “S-sorry.”

I faced him. His cheeks flushed and there’s a boyish grin on his lips like he’s not really apologetic. “Sorry.”

“S-so, lilies.” Ulit ko para ibalik ang usapan.

“Yeah, lilies. They are my favorite.”

I know. Gusto kong isantinig. I was your favorite.

“Bakit?” Bigla kong tanong.

“Huh?”

“Bakit mo sila paborito?”

Nagkibit balikat siya na parang kaswal na tanong iyon but his eyes went dreamy like a boy talking about cars or a beautiful girl. “Because they grow whatever odds happens. They grow better and stronger in storm. They’ll survive even if you leave them.”

“Oh, so you love low maintenance plants? Yung mga iniiwan lang at naroon lang kung babalikan.”

He was stunned but he still smiled. “No, I love its beauty and simplicity.”

“Pero ipinagdiinan mo na makakaligtas sila kahit anong unos, kahit iwan mo pa. Hindi naman iyon totoo. Lilies will die in winter, in extreme coldness.”

“Yeah, but it takes time!” Kumunot ang noo niya at handang ipagtanggol ang argument niya. The boyish smug was gone. Gusto niyang ipanalo ang aming pagtatalo.

“Exactly! It takes time. Unti unti siyang mamamatay sa lamig at naroon ka, dahil nakikita mo pa ding namumulaklak, akala mo ay ayos lang dahil matatag siya. Namumulaklak pa din siya para sayo kahit unti unti na siyang namamatay pero dahil manhid ka, pinapalakpakan mo lang siya sa tatag niyang ipinapakita. That is b*llshit.”

Hindi tumigil ang pagkunot ng noo niya, dumilim ang kanyang mga mata, kinalangan niya munang kumurap at pakawalan ang kamaong humigpit na pala.

“I am not really that heartless. Kung sobrang lamig na, ipapasok ko siya at bibigyan ng init dahil alam ko kung paano siya alagaan tama.”

Kumuyom ang mga kamao ko sa namumuong luha sa mga mata at saka marahan akong tumango. “Kung ganon ay mabuti. Salamat sa tulong mo. Gusto ko nang mag-pahinga.”

Pumihit ako at hinarap ang pintuan, mabilis akong pumasok sa loob.

“Sussane!” I heard him call when I closed the door behind me.

Ibinagsak ko ang akong katawan sa pintuan. Marahas kong pinunasan ang aking mukha at pinaypayan ang sarili.

“That’s fine, Calla. Masakit lang kasi ngayon mo lang siya ulit nakita. Masasanay ka din.” Bulong ko na parang nagdadasal.

Tiningnan ko ang nakakahilong drawing ni Van Gogh sa may kusina at mapait na ngumiti. Manloloko, I know your secret. The world knows your secret !

How could he paint as if life is wonderful? He committed suicide for pete sake! Because life is ugly.

And just most of the things, we cannot understand what they meant until an obvious deed or somebody layed flat dead. Pero siguro ay naperpekto lang ng karamihan ang magpakamisteryoso dahil gusto nilang tumulad sa nakikita nila sa kanilang kapwa na nagbabalatkayo din naman. The world is a fcking riddle! Tila isa itong surpresa na para lang sa marunong umunawa ng senyales. The senseless implied clues on how things really are. Unti-unti na palang bumabagsak ang mga bagay na matitibay kahit na ang ipinapakita ay puro positibo.

We always see by the eyes and not by the heart. Like how we see kindness by the heart.

And how dare he talk about saving lilies? He pushed me away! He pushed his favorite lily away.

Kung sana ay kinilala niya ako gamit ang kanyang puso, hindi siguro sana ganito.

Ang mabilisang pagligo at ang pag-aasikaso ng sarili ang nagpakalma ng aking isip pansamantala. Nakatanggap ako ng mensahe mula kay Meico at Tonio na parehas ang kinukumusta. Wala na akong lakas para sabihin sa kanila kung ano ang nangyari. If I could just move out. Pero ayon sa kontrata ay hindi ko na mababawi ang katumbas ng tatlong buwang renta para sa deposito at advance. To think that I will only be staying here for less than a year.

Tatlong buwan, kapag naayos na naman ang annulment ay makakaalis na ako at magpapakalayo layo. Hindi ko naman kinakailangang pumarada diyan sa labas para lagi kaming magkita. Ngumuso ako sa glow in the dark stickers ng mga bituin na nasa aking kisame. I used to have that. Something better. A painting of the stars and the moon that seemed true to life was the design of our bedroom ceiling. I missed that. I am missing temporary things.

Temporary. Everything’s temporary. Patikim ng buhay. Siguro normal lang talaga ang pag-hihiwalay. Normal rin lang ang nararamdaman ko dahil hindi ako nakahanda nang mawala siya.

I never fell out of love. He did. And it happened in one day. In just one day and it was gone.

’ Calla, I am sorry but your husband suffered from Retrograde Amnesia. He only remembers basically half of his life. To him, he’s still a teenager. He told me that he was playing basketball for Ateneo yesterday and asking me if he bumped his head during the game.’

Tiningnan ko si Aleana Alcantara, napasabunot ito sa kanyang sarili, “No, not my Lorcan. Not him. Merong mali. He survived the car crash, right? He survived!” Gusto ko iyong sang-ayunan pero nanatili lang ang mga mata ko sa doktor na mag-bibigay sa akin ng kaliwanagan.

Ilang araw kaming mag-iintay, isa? Dalawa? Tatlo? Kaya ko naman siguro yon. Dalawang linggo ang inintay namin para lang magkamalay siya! I am more than happy to wait until he remembers..

“Sino sa inyo si Margaux? He was looking for her.”

Bumundol ang hinanakit sa puso ko nang tanungin iyon ng doktor. Gusto kong sumigaw ng malakas sa apat na sulok ng clinic pero walang boses ang lumabas.

Hindi ko naipaglaban ang isang taon naming pag-sasama bilang mag-asawa..

“Bakit hindi ako?! Bakit hindi ako!” I woke up screaming, sweating, hardly breathing. Namamanhid pa ang buong katawan ko pero ipinilit kong umupo. Inabot ko ang bote ng mineral water sa aking night table at ininom iyon. Hinilot ko ang aking dibdib at desperadong pinunasan ang luha sa aking mga mata.

It was a nightmare. I have been screaming that question at the top of my head eversince that turmoil. Paulit ulit sa loob ng tatlong taon.

Hindi ko iyon naisantinig noon. Hindi ko siya natanong kung bakit hindi ako ang kanyang hinanap nang magising siya pagkatapos ng dalawang linggo siyang walang malay na hindi ako umalis sa kanyang tabi. I talked to him and I even thought he woke up from coma because of me. Kinausap ko siya at ipinilit na bumalik na. Hindi na pala niya ako maalala habang natutulog siya.

Sinabi niyang may surpresa siya. Hindi ko na iyon nalaman kung ano dahil bumangga siya sa isang truck pauwi sa aming bahay.

Ni hindi ako nakalapit sa kanya nang nagkaroon siya ng malay. Nang sabihin sa kanyang meron na siyang asawa at hindi iyon si Margaux, nahimatay siya. Hindi niya iyon matanggap.

He clung to Margaux all those days that he was at the hospital. Hindi niya ako hinarap, magtatangka pa lang ako ay inirereklamo na niya ang pananakit ng kanyang ulo.

That how cruel my life to me, to us. Ipinatikim lang sa amin ang kasiyahan pagkatapos ay tapos na.

My doorbell buzzed in a soulful chime sound. Dalawang ulit iyon na gumising sa aking diwa. Nagmamadali kong hinanap ang aking stuffed toy slippers at patakbong bumaba mula sa aking kuwarto, tiyak na si Meico iyon para sa aming appointment. Nanlalabo pa ang mga mata ko mula sa pagluha mang makalapit sa pintuan.

“Good morning!” Napaatras ako nang buksan ko ang pinto. Lorcan was there, standing gloriously like a thoughtful and sweet archangel.

He was beaming at me like a ray of sunshine. Humalik ang pang-umagang araw sa kanyang kanang pisngi. It emphasized his dimples. His hair was neatly fixed in a man bun and he’s wearing his blue varsity sweatshirt and shorts. Parang bumata siya ng ilang taon dahil doon, kahapon ko pa iyon napapansin.

“A-anong ginagawa mo dito?” Kumunot ang noo ko pero tinugon niya lang iyon ng mas masayang ngiti. Nag-liwanag ang kanyang mga mata na parang may mahalagang balitang natanggap.

“I cooked breakfast, and this!” Inilabas niya mula sa likod ng kanyang kamay ang katamtamang laki ng paperbag at sa kabila naman ay bulaklak ng Callalily.

“A-ano yan?”

“Breakfast and Callalily, for your vase.” His eyes were telling me, ’ Duh, are you dumb? ’.

“Bakit?”

Huminga siya ng malalim, hindi pa din nawawala ang ngiti, “I know I pissed you off last night. But I really want to show you that my Lilies are fat and beautiful. I don’t really neglect them at all.”

“But you killed them!” Hinusgahan ko siya. “Inialis mo siya sa katawan niya.”

Pagkakataon naman niya para kumunot ang noo at napalunok, parang narealize ang kanyang ginawa. His eyes looked wary, agarang nagsisi sa pag-bunot sa kanyang pinakamamahal niyang halaman. Pinigilan ko ang pag-ngisi pero nag-resulta lang iyon ng mahinang tawa, nagulat siya sa reaksuon ko.

“Kidding! Akin na nga.” Kinuha ko ang bulaklak mula sa kanyang kamay at niluwagan ang pinto, bago ko pa pagalitan ang sarili sa aking inalok, nahihiya siyang ngumiti at pumasok.

Iginala niya ang kanyang mga mata sa buong bahay na para bang may interesante doon. Ang kanyang mga mata ay dumapo din sa kagabi ko pa pinagdidiskitahang painting.

“Van Gogh.” Usal niya. Napatingin din ako doon, “He was our topic on our Humanities class yesterday.”

“Humanities class?” Kumunot ang noo ko, “You still study?”

Nagkibit balikat siya, “I know I look too old to study but it was an special arrangement with school. I—” Huminto siya sa pagsasalita, “I suffered from amnesia three years ago and I cannot remember anything. I have to study to gain my confidence in managing our business. I don’t want shortcuts.”

The muscles on his faced moved like he was ’ The Lorcan Alcantara’ , the powerful and vicious tycoon I’ve known years back. Hindi pa din nawawala ang kanyang stance sa pagnenegosyo. He didn’t mind going back to the basics again. Kahit nasa kanya na ito noon ay pinaghihirapan pa din niya para makuha.

“Hey, don’t look at me like I am a homeless alien from the Planet Pluto.”

I forced a smile, “Pluto is—”

“Not a planet. But it has all the rights to be. It is in the same solar system as ours.”

Tumaas ang aking kilay, siya ang numero uno kong kaaway noon sa paniniwalang planeta ang Pluto. He disagreed with me.

“NASA shouldn’t moved on in defending that Pluto is a planet. How dare them study 500 more alien planets and skipping Pluto?” Patuloy niya pa.

Pinigil ko ang panlalaki ng mga mata. So, may kinalaman na siya ngayon sa mga planeta? Akala ko ba ay nakalimutan niya?

“They did study Pluto before concluding. Ayun nga ang findings.” Nakikiramdam na sagot ko.

“No. They didn’t study enough. It is like a break up without closure. It kept us hanging.”

Without closure. Kami din naman ay walang closure. Napatingin siya sa akin.

“Sorry. Baka nawe-weirduhan ka na sa akin. We’ve been debating since last night. I am not really like that. I—I just. Maybe it is the first time I met someone that challenges my arguments.”

“And? You find it annoying?”

“No! It is actually amazing. Nakakamiss yung pakiramdam kahit hindi ko pa naman naramdaman noon na meron akong ka-debate. Thank you, Sussane.”

“H-ha?” Napakurap kurap ako. I really should instill that name in my system.

“Sabi ko, salamat. Kain na tayo.”

Lumapit siya sa aking lamesa at inilabas sa paperbag ang mga pagkaing dala niya na nakalagay sa microwavable containters. Eggs, hotdogs at bacon at mayroon ding friedrice doon sa pinakamalaking lalagyan.

“Do you have hot water?” He asked.

Itinuro ko ang water dispenser at nilapitan niya iyon. Hinanap niya ang lalagyan ko ng dishes at naglabas ng dalawang tasa doon.

Indeed, he’s at home.

“Hot chocolate?” Bahagya akong natawa sa inilabas ko doon sa kanyang paperbag ang naiwanang paandar niya para sa almusal, two packets ng Swiss Miss with Marshmallows . He used to bully me with my favorite but it seems that he’s okay with it now.

His eyebrows furrowed when he want back at the table, resting two mugs filled with hot water.

“Masarap ito. Are you a coffee kind of girl?” Naguguluhan ang mga matang tanong niya.

Nakangiti akong umiling.

“Paborito ko yan.”

Lumapad ang kanyang pagkakangiti, suggesting ’ I thought so !’

Siya din ang naglabas ng plato at utensils para sa dalawa. He sat across my seat on a four seater square wooden table. Sinalinan niya ako ng pagkain sa plato kagaya nang madalas niyang ginagawa noon.

He’s the one assigned to our breakfast because he’s the morning person, and I am assigned in cooking dinner.

Come on, ano ito, blast from the past? Sa pagkakaalala ko ay Lunes pa lang, malayo pa para sa Throwback .

“You don’t like eating breakfast?” Tiningnan niya ang plato kong hindi ginagalaw. Ang totoo ay natatakot akong hindi iyon malunok dahil sa emosyong pinipigilan.

How did I survive without these?

“I used to. But I forgot how to eat breakfast for so long now. Ito ulit ang unang beses.” Malungkot kong iginalaw ang kutsara ko para sumandok ng pagkain at magpanggap na kumakain kahit hindi naman.

Lorcan smiled.

“I am glad to be cooking your first breakfast after ‘so long’ . Breakfast is the most important meal of the day, don’t worry, I can cook breakfast for the both of us from now on.”

Natigilan ako, “What?!” Eksaherado kong sigaw, tumikhim ako at binawi ang reaksyon, “I—I mean, what? Nakakahiya iyon.”

Umiling siya, “I usually go to school at 10. Nag-luluto talaga ako ng pagkain para sa akin, madalas ay sumusobra.”

“Y-you don’t have to do that. Sandali lang ang itatagal ko bilang kapitbahay mo.”

Humigpit ang kapit niya sa kanyang kutsara na para bang may hindi nagustuhan, “Sandali?”

“Y-yeah, like three to six months, pagkatapos non ay babalik na ako sa Amerika.”

His lips twitched involuntarily, ganoon siya mag-isip. Nginitian niya ang kanyang plato at nanatili ang titig niya doon na parang may interesanteng bagay kagaya ng sumasayaw na hotdog.

“T-then, I will still cook breakfast for you for three to six months. Para naman maalala mong may mabait kang kapitbahay.” His smile warmed up my heart. Sa sobrang init, halos bumalik sa akin ang mga pangako niya noon. Kung paano siya sumumpa na naroon siya sa lahat ng umagang gigising ako para pilitin akong kumain tuwing wala akong gana.

Ngayon ay bibigyan niya ako ng ilang buwan para doon?

Well, Calla, at least alam mo na ngayon kung kailan matatapos..


Maki Say’s: Hindi makaka-vote for two hours. Comments na lang!  Puso whatever haha Thank you!

2.3

“Good morning! How was your––” Hindi naituloy ni Meico ang maligayang pag-bati nang makita niya ang nasa likuran ko. A gorgeous man at my table enjoying his breakfast with me. Wala itong pakialam kung sino ang dumating, nagpatuloy lang siyang kumain na parang isang normal na bagay lang iyon at taga dito siya.

Meico widened her eyes and I can literally read her questions in there. Sumagot naman ako sa pagtaas ng kilay at saka ngumuso. Umawang ang labi niya at tumango na parang naiintindihan agad iyon.

“Paano?” She whispered habang niluluwangan ko ang pintuan.

Funny how friends can communicate with facial expressions.

“Mamaya na. Kumain ka na ba?”

Lumapad ang ngisi niya, “Ginutom ako ulit.”

“Wala nang pagkain, mag-drive thru na lang tayo mamaya.”

Kitang kita ko ang pagrereklamo sa mukha niya pero nang mag-angat si Lorcan ng tingin ay buong puso siyang ngumiti na parang may kumikiliti sa kanyang paa.

“Hi!” Maarte niyang hinawi ang kanyang buhok at inayos ang suot na salamin.

“Hi.” Tipid na ngumiti si Lorcan. He started fixing the plates on my table, tapos na atang kumain.

“Lorcan, this is Meico, my assistant, Meico, si Lorcan, kapitbahay ko.”

“Kapitbahay?” In a singsong voice, sumayaw ang kilay ni Meico. Siniko ko siya sa tagiliran. “Ang ganda naman ng neighborhood dito. Tama ang hinala ko.” Turan niya.

Siniko ko muli si Meico at saka ko nilapitan si Lorcan, kinuha ko ang mga plato na inaayos niya. “Ako na, hindi ba may pasok ka pa?” Nakatingala ako sa kanya. His eyes remained serious and intense.

“No, mukhang aalis ka.” Bahagya niyang inilayo ang plato sa akin.

“The plates can wait.”

“Hindi na, baka langgamin ka. Mas mahirap.”

“Sige na, baka ma-late ka. Yung sa akin naman ay pupuwedeng mag-intay.”

He sighed, he realized I am not giving up. “Let’s just clean this up together. Mas mabilis yon, hindi ba?” Suhestyon niya. Nakakalunod ang masuyo niyang tingin. I pushed a smile a bit and he answered it with a soft smile too.

“So married.” Maarteng komento ni Meico. Napatingin kami sa kanya ni Lorcan at iniangat niya ang phone niya.

“Si Justin Bieber at Selena, I mean. I think they are getting back. I am a fan of second chances. “ She grinned sheepishly. Pinanliitan ko siya ng mata dahil sa pagdidiin niya sa ilang mga salita na parang may ipinapahiwatig.

“Meico..” In a warning tone I called her.

“What? I am a Jelena fan.” Nag-kibit balikat siya at umupo sa couch para manood ng TV.

Nalunod kami ni Lorcan sa ingay ng pinapanood ni Meico habang sinasabon niya ang mga plato at ako naman ang nag-babanlaw noon. Pinapanood ako ni Lorcan ng ilang segundo tuwing nag-aabot siya ng panibagong plato na babanlawan. It used to be our chore before, no one wanted to wash the plates alone. Kung ngayon ay nag-pipilitan kami kung sino ang gagawa, dati ay walang gustong gumawa nito. So we made sure that we will wash the dishes together and ta-dah , we are doing it again now and it feels awkward.

Tiningnan ko ang parehas naming kamay na walang singsing. Parehas na itinatago sa kamalayan na dati ay merong nagawang pangako na hindi iiwanan ang isa’t isa. Nahihiya akong isipin na ako ang unang bumitaw. Ako ang kalahati sana ng kanyang buhay na bigla na lang nawala.

“Done.” Parang namalikmata pa ako nang harapin niya akong nakangiti.

“T-thank you.”

“Anong oras ka uuwi?” Tanong niya sa akin. He’s smiling like a kid. Ilang beses na ba akong naligaw sa mga mata niyang iyon? Surely, many times.

“After my meeting, I will probably check some things out. Maglalakad lakad para tingnan ang pag-babago dito.” Sambit ko. Kumunot ang noo niya.

“Mind if I tour you around? My class will end at three.”

“Ay, so married talaga!” Sumingit muli si Meico habang nanonood ng TV, tinapunan ko siya ng tingin at itinuro niya ang TV, “Si Justin at Selena.” Depensa niya.

Pinagsisihan ko na sinabi kong wala na akong gagawin. This is not part of the plan. I will just sign the annulment papers and process it then go back to where I belong. Wala akong plano kung makikita ko siyang muli or kausapin man lang. He will receive a summon that he needs to sign. Psychological incapacity . That’s clearly the ground.

He doesn’t remember me so he cannot love me.

He cannot perform his duties as a husband, and he loves somebody else he remembers.

“Lorcan, I don’t think—”

Nag-bago ang mukha niya na parang malulungkot agad dahil sa mukhang hindi pag-sang-ayon ko. I don’t like him giving me that look. Napayuko siya at pilit na nag-aangat ng tingin para hindi ipakita ang pagkadismaya pero masyado ko na ata siyang kilala para malagpasan iyon.

“I don’t think I can say no.” Kinuha ko sa kanya ang basong hawak para mag-iwas ng tingin.

“T-talaga?” Boy, he sounded happy. “Do you think you’ll love Blueberry cheesecake?”  And that, that is my favorite.

“Not a bad idea.” I smiled. Trying not to look excited.

“Alright, I know a place.”

I sighed, hindi ko nga ata siya matatakasan ng ganon na lang. Bitbit ang kanyang paperbag, iniayos niya pa ang dala niyang Callalily doon sa bakanteng vase at nilagyan ng tubig bago nag-paalam sa amin ni Meico. Inintay lang ni Meico ang pag-sasara ng pinto nang harapin niya ako nang may panlalaki ng mata.

“Goodness, Calla! The neighbor is flirting with you!”

“Quit, Meico.” Awat ko sa kanya. Sumabay siya sa akin sa pag-akyat ng hagdan patungo sa kuwarto ko.

“No. Nakita mo ba kung paano siya maglambing sa’yo? At pinapanood ko kayo habang nag-huhugas kayo ng plato, nabilang ko kung ilang plato ang iniabot niya sayo dahil ganun karaming beses ka niyang tiningnan, Beshie! You know how Nicolas Sparks describe the stares of the hero to the heroine? Well, I don’t want to sound a poetic sht but darling, that guy must been recognizing you by heart.” Sumalampak si Meico sa kama ko na hindi ko pa naaayos.

Tumigil ako nang isabit ang towel sa balikat ko. “He knows me as Sussane. Hindi Calla ang sinabi kong pangalan kagaya ng nakasanayan niyang itawag sa akin.”

“Still.”

“Meico, he wants to marry Margaux. Kailangan na niyang makawala sa akin para mangyari iyon.”

I almost memorized the words on the apologetic email of Aleana Alcantara. Noon ay lagi siyang sumusulat sa akin para ibalita ang pag-babago kay Lorcan noon hanggang sa nalaman kong nakarecover na siya at malaki ang naitulong sa kanya ni Margaux para lumakas. I asked her to stop sending me emails and she understood. Masakit kasi iyon. Masakit na hindi niya ako hinanap o hindi man lang niya ako tinanong.

How could he be happy when he knows he’s married? How could he not find me? Did our public pictures didn’t matter? Hindi man lang ba niya tiningnan iyon? Palagay ko ay hindi. Palagay ko ay hindi siya interesado dahil kuntento siya. Hindi din siya ginulo ng media tungkol sa akin dahil sa impluwensiya ng kanyang pamilya.

’Calla,

I am really sorry to tell you this but Lorcan plans to propose to Margaux by the end of this year. He’s been looking for his wife to file annulment to make it happen. He said you also deserve to be happy. Hindi ko alam kung ano ang isasagot.

Any thoughts? I hope you are doing well.

-Aleana’

Hindi ko din iyon sinagot. Ano nga bang sasabihin ko? That I have to talk to him first? Pilitin kong maalala niya ako? Tatlong taon kong tinuruan ang sarili ko na hindi ako dapat umasa. Ngayon pa ba ako maghahabol gayong nakikita ko siya na ganoon kasaya?

Naging mabilis lang ang aking paghahanda. Nang lumabas kami ni Meico ay wala na ang sasakyan ni Lorcan doon sa harap ng kanyang bahay. Only the big brown dog caged at the outside of the house with a lot of food on its food canister. Kumaway ang buntot non nang makakita ng tao. I remember Tita Aleana told me that the pet was part of his healing. Kahit hindi daw ito makaalala ay mayroon pa ding trauma na pinagdadaanan. It helped him to be happy.

“Let’s go?” Anyaya ni Meico.

Sa isang magarbong opisina kami nagpunta. The shiny tiled gray walls instead of paint and the gold plated surname of the lawfirm says it all, the place is dull and undemanding. Flat and monotone. Honest but crude.

Ang lahat ng pumapasok at lumalabas ay walang kangiti-ngiti. Court battle as exciting as it is, may not be always happy. It is ending ties, a broken partnership, a broken friendship and to me, a broken marriage. Isang pagkakaunawaang nabuo sa pag-titiwala, that it became unfixable and a third party has to decide on your future.

A curvy woman attended to me in a private office, fully made up in her knee length deep orange wrap around dress. Her hair is in loose curls, umabot pa iyon halos sa kanyang baywang. Pormal niyang inilahad ang kanyang kamay.

“Attorney Bori, good morning, Mrs. Alcantara.”

Tumikhim ako, hindi na sanay sa address na iyon. “I know nobody calls you Mrs. Alcantara anymore but according to the law, while we are talking, you are still Mrs. Alcantara, and has all the rights to be. You are filing an annulment.” Confident siyang umupo sa swivel chair sa sentro ng lamesa at binasa ang mga papel.

“Hindi ako pinatulog ng kaso mo. Have you considered talking to him?”

“I haven’t.”

“Malayo na ang tatlong taon. Maybe he can take the information now. Or maybe you have fallen in love to somebody else?” Ibinaba niya ang papel at saka ako sinukat ng tingin. Her taupe lips pouted as if she’s thinking deep.

“Hindi. He did.”

“Not even curious that you are still there? That he needs to wake up?”

“And it will be a slap on my face that he won’t choose me anymore? Or maybe he would because it is the right thing to do. A half hearted love, that’s the saddest love someone could give and get.”

Bumuntong hininga si Attorney Bori. “Alright, but I think he deserves to know. At least a good talk with you.”

Hindi ko na idinetalye pa ang pagiging magkapitbahay namin ni Lorcan pero inaamin kong kailangan kong subukan ang sinasabi niya. I don’t intend to be a threat in his relationship but I cannot keep seeing him too like we don’t have a fcking past.

“And he will see you in court trials. You really want to surprise him? In fact when we send him this papers, malalaman niya kung sino ka. He may not see you all those years but he might want to know things about you, too. It will be decent to talk to him.”

“G-gaano katagal bago ko siya makaharap sa korte?”

“Wrong question, Mrs. Alcantara. Gaano kabilis . Dahil nag-mamadali ka, you will probably face each other next week.”

Mas lalo atang sumakit ang ulo ko nang kausapin ang abogado. I remember Lorcan’s trusting eyes and smile. How I will break the news to him? He will probably hate me. Lumabas ako ng law firm nang wala sa sarili.

“Bibitbitin na kita sa date niyo?” Meico nudged me. Tulala akong nakasandal sa bintana at pinagmamasdan ang dinadaanan ng van. Kahit mainit at mausok sa labas ay parang mas mapayapa pa iyon kaysa sa utak ko.

“It is not a date, Meico.”

“Not a date. Whatever you call it. Isusumbong kita kay Tonio. Lumalandi ka bago siya! Hindi pa nakakamove on si Bakla kay Harvey!”

“I am planning to tell him now. Kailangan na niya akong iwasan.” Wala sa sariling bulong ko. Meico sighed.

“Wala man lang pasuspense? Paano mo naman sasabihin?”

“That I am his wife?”

“You really want to break the news now?” Itinuro ni Meico si Lorcan na nakatayo sa may gate ng Ateneo. He was smiling at our van na parang alam niya na naroon ang iniintay niya. He jogged to the door and opened it. “He’s so excited to see you.” Bulong ni Meico na may kalakip na awa.

Awtomatiko ang naging ngiti ko nang bumukas ang gilid na pintuan ng van at ikinipkip ang pag-aalala.

“Hi!” He beamed.

“Hi..” Nilisan ko ang upuan ko at nag-paalam kay Meico at nagpasalamat sa driver. 

Iniabot ni Lorcan ang kamay ko at maingat na inalalayan papababa ng sasakyan. He’s wearing a casual polo shirt in sky blue and jeans. The familiar scent of his masculine musk made the butterflies in my stomach dance. His frame is huge that it could cover my body. The students eyed on us like we are on a halloween costume. Lorcan is still an eye candy, and now that he’s muscles almost ripped his polo shirt and a ridiculously hot hairstyle tied at his back, mas lalo pa yatang lumala ang humahanga. Parang ipinamumukha niya na hindi kami bagay sa hanging inihihinga niya dahil naiiba ang sa kanya.

“You look beautiful.” Ngumiti si Lorcan sa akin na parang kinakapos ng hininga at pinasadahan ang suot kong navy blue sundress. Ang mahaba kong buhok na umabot sa aking likod ay hinayaan kong nakalugay. I am thankful for my side bangs that almost covered the half of my face, naitago nito ang pamumula ng aking mukha. Marahan niyang idinantay ang kanyang kamay sa aking likuran para igiya ako sa gusto niyang puntahan.

Sa isang dessert shop kami pumunta. Malapit lang iyon sa kanyang school. We sat at the corner and a middle aged fat guy at the counter in white polo smiled at us dearly. Nawawala din ang kanyang mata kapag ginagawa iyon.

“Finally, a company.” Wika ng lalaki habang ibinababa ang menu sa aming harapan.

“Thanks, Bien. This is Sussane. Kapitbahay ko.” Pakilala ni Lorcan. I smiled and nodded.

“Your girlfriend?”

Mabilis ang naging pag-iling ko, “Kapitbahay.” I repeated.

“Oh, my bad. May chemistry kasi.” Nag-kibit balikat si Bien na bahagyang malambot ang kilos at pananalita. Nonetheless, he looks pretty decent and nice.

“Blueberry cheesecake and Pistachio ice cream for me. Sussane?” Lorcan looked at me.

“Same.” I know I would order the same. Nagkakasundo kami sa pagkain.

“See? Same taste. Hindi ba talaga siya?”

“Bien..” Tamad na sumandal si Lorcan sa brass chair at nag-angat ng tingin kay Bien.

“Alright, alright.” He chuckled, “I will prepare your order.”

“Madalas ka dito?” I asked when Bien left.

Tumango si Lorcan, “I love their desserts.”

“So you love desserts?” Ulit ko.

“Why? Anything unusual with that?”

Ngumiti ako at umiling. “Why would you eat desserts alone?”

“Margaux doesn’t like it. It makes her fat.”

Tinitigan ko siya ng ilang segundo, magsasalita pa lang ako ay masaya na siyang ngumiti, “But it is fine, right? You are here to eat with me.”

“Nasaan siya?”

Tumaas ang kilay niya na parang hindi naunawaan ang tanong ko. “Si Margaux?”

“She’s staying in Brussels for a film festival and then she has a shoot in Berlin. She’s a filmwriter. One of the best.”

I felt numb seeing the happy glint in his eyes. Kuminang iyon na parang nangangarap. Tahimik ako nang dumating ang aming pagkain. Ipinagtulakan ko ang sarili na sumubo at tikman ang paborito kong pagkain pero nag-babara lang ang lalamunan ko.

“We can watch a movie at my place later.” Untag niya. Napaangat ako ng tingin.

“Alin? Ang pelikula ni Margaux?” May sarkasmo iyon pero mukhang hindi niya napansin dahil ngumiti lang siya at sumubo muli ng ice cream.

“No. I am thinking about The Martian .”

“Why is that?”

Natigilan si Lorcan parang hindi siya sanay na tinatangon ng dahilan sa bawat gusto niyang gawin o sa bawat salita na kanyang sasabihin.

“I want to be an astronaut.” He admitted.

“Why is that?” Ulit ko.

“Because there’s peace. It is peaceful in space. Uncertain but peaceful.”

“Don’t you have peace?” Ibinaba ko ang aking kutsara at tiningnan siyang mabuti. I thought he was happy? Nakakapag-alala iyon kung ganon.

“ Someone told me that the distances of the stars are so vast that the collisions are really rare . I want to have that peace that I won’t crash to anything. You don’t know what life throws you and that is sht.“

“Sinong may sabi?” Tumuwid ako ng upo, ngayon ay kyuryoso. “Who told you about the collisions of the stars are rare?”

Napawi ang ngiti niya at humigpit ang hawak niya sa malamig na baso ng ice cream sa kanyang harapan.

“Si—” Napayuko siya at malalim na nag-isip. Umangat ang kanang kamay niya at inilagay sa kanyang buhok at marahang hinilot iyon. “S-si…”

Naalarma ako nang pumikit siya. Pinagsisihan agad ang itinanong.

“Lorcan, are you okay?”

Tumayo ako at natumba pa ang upuan sa aking likuran pero iniangat niya ang kaliwang kamay niya para pigilan ako. “I am okay, Sussane. I am okay, don’t worry.” Sabi niya nang napapangiwi at mukhang nasasaktan.

“I don’t think you are okay. I will bring you home. Where did you park?”

Nanatili siyang nakapikit at itinuro ang labas. I saw the black Maserati parked outside. Iyon ang sasakyan na nakaparada sa kanyang bahay. Lumapit ako kay Bien na sinalubong ako sa gitna.

“Is he okay?” Naguguluhan din ang mukha nito.

“I am okay!” Narinig pa naming singit ni Lorcan sa aming usapan. Kinuha ko ang wallet ko at nag-abot ng bayad kay Bien at saka nagmamadaling hinarap si Lorcan.

“Lorcan, can you open your eyes?” Itinago ko ang panginginig sa boses ko.

“Y-yes.” Idinilat niya ang mga mata niya na unti unting nag-a-adjust sa liwanag. Kinusot niya pa iyon na parang makakatulong.

“Dadalhin kita sa ospital.”

“No. I am okay. This happens.”

This happens.

Ito ang hindi ko nakita. Suddenly, I felt guilty of not really being with him in those sufferings. Pakiramdam ko ay tumakas ako sa responsibilidad bilang asawa. But really, if I did not leave, then this will be more frequent. Baka sabay kaming bumigay dahil ipipilit namin ang nakaraan.

Kinuha ko ang lahat ng kanyang bigat at binuksan ko ang kanyang sasakyan. I carefully positioned him at the passenger seat of his car. Umikot ako sa driver seat pagkatapos.

Hindi na nagtanong si Lorcan kung marunong ba ako magmaneho. I learned driving as soon as I learned how to be indepenent.

Nanatili siyang nakapikit sa tabi ko. Pinilit kong kumalma habang nagmamaneho at tuluyan na lang akong nakahinga nang makita ko ang aming mga bahay.

Binuksan ko ang pinto ng sasakyan at dumilat siya. Nanghihina siyang ngumiti at lumabas ng sasakyan nang hindi ko inaalalayan.

“Are you okay? Pupwede kitang dalhin sa ospital.”

“They will just give me pain killers. I have the same thing inside my house. It will make me sleepy but that’s totally fine.”

Nanatili akong nakatayo sa maliit na bakod ng kanyang bahay. Still worried.

Think, Calla.

“Can I come in?” May sariling isip ang mga salita na nanguna nang lumabas ng walang permiso.

Nilingon ako ni Lorcan at ngumiti, “I will appreciate that.”

I stepped on the wood planks that honed the walkway to his door. Kumaway muli ang aso doon sa kanyang kulungan nang makita ang amo.

“Hello, Sirius.” He greeted.

“You named your dog after—”

“The Dog star. Too obvious, right?” Ngumiti siya at gamit ang katawan ay itinulak niya ang pinto ng kanyang bahay. I am surprised to see different astronomical maps hanging on his midnight blue walls accentuated with white background. Dumiretso siya sa kusina na kamukha ng sa akin at merong kinuha sa cabinet. He popped a white tablet and swallowed it without water.

“Please sit down.” Aniya.

I flopped down on his deep blue couch and amusingly looked at the constellation posters on his wall.

“Ah! I am sleepy.” Naglakad patungo sa akin si Lorcan at umupo sa couch. Ipinikit niya ang mga mata niya na plano atang matulog ng nakaganon. Hinarap ko siya at malungkot na pinagmasdan. 

“Alam mo ba, nung 2014, meron silang nadiskubreng dalawang bituin na halos mag kadikit na?” Kwento ko. He smiled like he knows what it is. “They liked each other a lot and decided to be one instead of crashing to each other.”

“It contradicts Newton’s Law of motion that when one body exerts effort to a second body, the second body simultaneously exerts a force equal in magnitude and opposite in direction to the first body. Ganon ang nangyari nong naaksidente ako. I crashed. Tumaob ang sasakyan ko, sa nakabungguang truck at gumulong ang sasakyan ko. It didn’t become one with the truck. That would be creepy kung lulusot lang ako hindi ba?”

“Hindi lahat ng nagdidikit, masisira. Sometimes, they will be one strong body, together.”

“We should give credits to the unimaginable force that the universe has. The universe decides who should be together and who shouldn’t.”

“That’s God.”

Naramdaman kong bumagsak ang ulo ni Lorcan sa aking balikat. “Crashing is really scary, but knowing that there’s a chance of finding something that will make you stronger makes the idea of crashing better.” Bulong niya.

We are just actors on this planet, pursuing God’s plans and purpose. No matter how you contradict the force, it will not blow you up if it is not what He has planned for you, God is the unimaginable force that controls the universe.

Parang ngayon. Kinokontra ko ang tadhana sa aming pagkikita. Scared that I will get hurt but I ended up seeing him, crashing unto him. I just have to wait and see if it will destroy us.

Ipinilig ko ang aking ulo. God was so blunt to tell us that we are not meant to be together. Siguro closure na lang ang kulang kaya bakit kami nandito. Kung susuway ako ay baka talagang masira na kaming dalawa.

Naglagay ako ng unan sa aking binti, magaan na ang katawan ni Lorcan nang kunin ko siya mula sa aking balikat at ipahiga sa unan. Marahan kong minasahe ang kanyang ulo at pinagmasdan ang makakapal niyang pilik na bumagay ng husto sa makakapal niyang kilay. He looks so fragile while sleeping. How could I destroy this man by being selfish?

Nilagay ko ang aking kamay sa kanyang puso at pinakiramdaman ang mahinahong pagtibok non. I used to love it, I still do. Gumapang ang kamay ni Lorcan patungo sa kanyang dibdib at hinuli ang kamay ko para pagdaupin ang aming mga palad. He’s sleeping. Bakas iyon sa malalim niyang paghinga kaya alam kong hindi niya na alam ang ginagawa.

“Calla.” Marahan niyang bulong habang nananaginip na nagpatindig ng balahibo ko.

“Lorcan?” Inilapit ko ang mukha ko sa kanyang mga labi para pakinggan pa ang kanyang sasabihin pero wala na siyang sinabi. Humigpit lang ang kanyang hawak sa akin at tumagilid ng higa. 

Pagod akong napasandal sa couch.

“Do you dream of me, too?” I asked gently. Imbes na sumagot ay parang bata niyang niyakap ang braso ko, ang labi niya ay dumampi sa aking balat nang hindi niya sadya. Gamit ang isang kamay ay hinaplos ko ang kanyang buhok.

“You can crash to me again but you will never get destroyed. Huwag kang matakot. If I will end up a million pieces, walang parte iyon ang sayo, wala akong kukunin mula sayo.” Pangako ko.

2.4

Mine.

Nagising ako sa mahihinang haplos sa mukha ko. Napakurap pa ako ng ilang beses nang makita si Lorcan na nakangiti sa akin. His dimples showed up and his eyes were smiling, too. A refreshing sight to see.

“I’m sorry, hindi ako dapat nakatulog.” Out of reflex, iniunat ko ang mga kamay ko at mahinang humikab. He smiled even more. Nabitin sa ere ang dalawang kamay ko at tinaasan siya ng kilay.

“You are so cute when you’re asleep even when you wake up.”

I frowned to hide blushing. Sumilip ako sa labas ng bahay at nakitang madilim na. The sun’s almost out when I fell asleep kaya hindi na nakakapagtaka na gabi na. Masyadong mahaba din ang kanyang pagkakahimbing kaya nainip ako at natulog kagaya niya.

“Lagi bang sumasakit ang ulo mo?” Usisa ko nang maalala ang pananakit non. He stretched his legs on the floor and raised his left arm and rested that to my shoulders like he’s allowed to do that on someone he just met. Nanliit ang mga mata ko. Tiyak ko na nag-liliwaliw ito at nambababaeng muli nang gumaling siya mula sa aksidente. 

“Noong una. Pinipilit ko kasi ang sarili ko na makaalala. I really feel useless not remembering anything. Naaalala ko ang pagkabata ko pero hindi ang mas mahahalagang bagay kagaya ng negosyo at mga mas malalaking pagbabago ay hindi na. I would trade anything to replace my childhood memories to adulthood memories, I think it is what it matters more.”

“Maswerte ka nga at may naaalala ka, at mukha din namang maayos ang lagay mo ngayon, you don’t have to worry about the past.” Or worry about me.

He shook his head and the crease on his forehead deepened. “Alam mo ba na ang nakikita nating liwanag ng bituin sa kasalukuyan ay mula sa pagkinang nito ilang daang libo o ilang milyong taon na ang nakakaraan?”

I smiled and nodded. “The light of the stars is thousands of lightyears away, its brightness takes number of years to travel and reach the earth. Some of it were already dead. Di ba ang karamihan sa constellation ni Orion ay patay na bituin—”

“When we look at the stars, we are directly looking at the past. I cannot run from my past.”

“So, what do you know about your past?” Hamon ko. Natigilan siya at kumunot ang noo. I reached for his hands and pressed it gently. “Hindi mo kayang pilitin kung hindi mo kaya, kung sino man ang naroon, marahil ay nakakasalamuha mo pa din ngayon at natanggap na nila ang kalagayan mo.”

“They said I was once married.”

My spine chilled. Kailangan kong umayos ng pagkakaupo para hindi magmukhang weirdo.

“I dreamed of her, too. Hindi ko lang makita ang mukha niya.”

“What do you feel about her?”

“Nothing.” Ang katotohanang iyon ay tumusok sa aking puso. Pinilit kong ngumiti at muling kumuha ng distansya pero ang kanyang kamay na nakapatong sa aking balikat ay pinigilan ako sa pagtatangka na lumayo. “And I know she felt nothing to me, too. I want her freedom. It’s been three years, I cannot make her happy.”

“Her freedom? O ang sa iyo?” Pagbabalik ko ng tanong.

“If she wanted to get married to me, she should have stayed. Hindi niya ako hinarap nang nasa ospital ako.”

But I was there . Bakas ang hinanakit ni Lorcan sa kanyang boses. Direkta iyong patama sa akin. Hindi ko mapilit ang pagngiti dahil sa paninikip ng dibdib.

“I know I pushed her away but what can I do, I was physically and emotionally weak. Nagising ako na akala ko ay 16 years old ako.”

“And what do you expect her to do? Stay until you remember? What do you want her to do now? Paano kung bumalik siya?”

Umiling si Lorcan, “She just won’t come back for me. She has her own life now. Just like I do.” He pushed himself out of the couch. Lumapit siya sa TV para kuhanin ang remote control, excusing himself from the topic. Ako naman ay naiwang nag-iisip, hindi niya ako binigyan ng sagot tungkol sa gusto niyang mangyari. Kung gusto ba niyang makilala pa ako o wala nang halaga kung mangyayari pa iyon dahil nakamove on na siya?

We watched two films, pansamantala ay nakuha non ang atensyon namin. We had pizza and wine while watching. Our feet were settled on the foot rest and the box of pizza rested on our lap. I was lazily resting my head on his shoulders while Star Trek was rolling. Bahagya akong nakaramdam ng pagkaantok dahil sa wine na nainom.

“Sussane, do you have a boyfriend?” Parang gulat na pusa ay napaangat ang aking balikat.

“Why do you asked?”

“I—I am just wondering. No one’s calling you the whole time we were watching.”

“Bakit? Sa iyo din naman ah.” Depensa ko.

“Margaux is overseas.”

“Hindi ba pupwedeng ganoon din ang akin?”

“S-so, overseas. He’s away. K-kaya ba babalik ka din agad dahil nag-iintay siya doon?”

Just before I answered, tumunog na ang kanyang cellphone sa may sidetable. The image of Margaux flashed the screen and I suddenly felt uncomfortable.

“Hey.. Just watching.”

I slipped my way out of the couch and stood up. Kinalabit ko si Lorcan at itinuro ang pinto, isinenyas ang pag-alis. He waved a dismissive hand asking me to wait but I shook my head. Enough of the torture today. Hindi ko na kailangang marinig pa ang kanilang lambingan.

I mouthed ‘Goodnight’ and made my way out. Agad na tumayo si Sirius mula sa kanyang kulungan nang makita ako. I waved at the dog, too.

The skies are clear. Kung hindi lamang ako araw araw inaatake ng kaba at lungkot simula nang tumuntong dito, I would probably appreciate it. The crickets and the vehicles the sounded too far away from me accompanied me as I slowly walked on the lawn observing the lilies that looked pretty in bright moonlight. Para itong mga diwata sa gabi, kumikinang ng kusa. I almost opened my door when Lorcan peeped from his door, he’s rushing based on the exaggerated stance he made. Pati si Sirius ay napaigtad sa gulat kasabay ko.

“The movie is not yet finished.” He reminded. I smiled and shook my head.

“I’m unbelievably tired. Siguro ay jetlag.”

Lumungkot ang mukha niya. Gusto kong sampahin ang bakuran para balikan siya pero pinigil ko ang sarili ko. Nakakaunawa siyang tumango at ipinagpasalamat ko iyon.

“Rest well, then. See you at breakfast.”

I slowly nodded.

Hindi ako makapaniwala na itinulog ko lang ang lahat ng gabing iyon. I woke up refreshed, too early but refreshed. Hindi ko hahayaang makita ako muli ni Lorcan na hindi man lamang nakapag-suklay sa umaga. Not just Lorcan of course, kahit sino naman ay ayaw na may makakita sa kanyang pinakapangit na bersyon, hindi ba?

I took a shower. Longer than usual. Inisa isa kong subukan ang mga bagong sabon na may iba’t ibang scent. Out of curiosity, I tried them all that makes six times of lathering soap on my body. I blow dried my hair and took time to choose my dress. Isang skin tone sleeveless sundress ang pinili ko.

’Goodness, Calla, don’t put this on your face. ’ Matagal kong tinitigan ang hawak kong cheek at lip tint, natutukso akong lagyan ang mukha ko pero sa isang banda ay parang makikipagkita naman ako sa presidente ng Pilipinas. I ended up spraying a light floral scent cologne without anything on my face.

Tumalon ang puso ko nang marinig ko ang doorbell ng aking pinto. Tumakbo ako paibaba pero huminto ako at kinalma ang sarili. I cannot see him panting, hindi dapat mukhang excited. I took my  time walking down stairs, wala nang sumunod na pag-doorbell kaya hindi ako napilitang magmadali.

I tested my smile while holding the knob but I opted for a poker face, saka na lamang ako ngingiti kapag nakita ko na siya so I opened the door but my eyes widened.

The tall, handsome, short beard, model friend of mine appeared at my doorstep. His arms were stretched inviting me for a hug.

“Eros!” The familiar masculine musk filled my nose with strong but cool vibe. His muscular body covered mine like a bear hugging a koala.

“Kaibigan!” Bati niya. He tapped my back. Inilayo niya ako sa kanya at saka pinasadahan ng tingin.

“More beautiful than the last time I saw you. Kailan ba titigil ang pagiging maganda mo?” Biro niya.

“Namiss kita.” Niyakap ko siyang muli pero natigilan ako nang makita si Lorcan sa aking bakuran. Natigilan din siya at napakunot ang noo. He has a paperbag and lilies on his hands. I was about to call him pero nagmamadali na siyang tumalikod. Itinulak naman ako ni Eros papasok ng bahay kaya nawala na siya sa aking paningin.

“Kumusta?” Eros sat on my couch. Natulala ako doon. Gusto kong idikit ang tainga ko sa pader para pakinggan ang nangyayari kay Lorcan doon sa loob ng kanyang bahay. Kumuha ako ng isang basong tubig para kalmahin ang sarili.

Maigsing usapan lang ang nagawa namin ni Eros dahil mayroon daw siyang campaign shoot na malapit sa aking bahay kaya naisipan niyang dumaan. O siguro ay nainip lang siya sa paisa-isang sagot ko. Hinatid ko siya sa kanyang sasakyan at hindi agad ako pumasok sa loob ng bahay. Lumipat ako sa bakuran ni Lorcan, nakaparada pa din ang kanyang sasakyan sa harap ng bahay kaya alam kong naroon pa din siya.

Sirus wagged his tail when he saw me. I waved at him and he barked softly.

“Lorcan..” I called.

Ilang ulit akong tumawag. Sumilip ako sa screen door, ang tanging nakita ko ay ang paperbag at ang lilies na dala niya kanina at nakapatong iyon sa lamesa. I bet he hasn’t eaten too.

“Lorcan..”

Napakunot ang noo ko nang walang sumasagot. Binalot ng pag-aaalala ang dibdib. Paano kung sumakit muli ang ulo niya at nawalan ng malay? With the thought, I held on his door handle at maswerte namang ito ay nagbukas.

“Lorcan..” I called again, this time, louder. I rushed to the stairs and upon instinct, binuksan ko ang unang pinto. Kamamadali ay natipalok ako sa sariling mga paa, just when I am about to fall, isang basang katawan ang sumalo sa akin mula sa pinto ng banyo.

“Sussane!”

Buong bigat ko yata ay naibuhos ko sa kanya, ilang sandali muna ng pag-lunok ng pagkapahiya bago ko unti unting inilayo ang katawan ko sa kanya. His wet hair was slicked back, and a white towel loosely hanging on his waist.

Oh, hello, muscles . Ngayon ay nakumpirma ko ang higit na paglaki ng kanyang katawan. The water is tracing his body from his face down to his neck, to his pectorals and perfectly chiseled abs. Pumikit ako ng mariin at umiling bago tingnan ang kanyang mukha na nakatingin lang pala sa akin. Dama ang pagkapahiya sa paninitig at itinaas ko ang mukha ko at kumunot ang noo.

“Anong ginagawa mo dito?”

“I—I” Hindi ko alam kung ano ang dapat unahin. Kung ang pagtungo ko dito para kausapin siya o ang pag-akyat ko sa kanyang pribadong kuwarto dahil nag-aalala ako.

“N-nagugutom na ako.”

Tumaas ang kilay niya pagkatapos ay pinanliitan ako ng mga mata. He’s not buying my excuse.

“Nasaan ang boyfriend mo?”

“B-boyfriend?”

“That buff guy in white shirt? Yung kayakapan mo.” May pait sa kanyang tono, parang pinagtaksilan ko siya o kung ano.

“Hindi. Hindi siya ang boyfriend ko.”

“So may iba pa pala? And you give free hugs to everyone?”

I gritted my teeth. Hindi magandang pakinggan ang kanyang panghuhusga.

“I don’t. I hug my close friends and that’s it. Nag-punta lang naman ako dito para makikain, pero mukhang hindi naman ako welcome. Sa labas na lang ako kakain.”

Tumalikod na ako nang pigilan ako ni Lorcan sa aking braso. Dinig ko ang pagbuga niya ng marahas na hangin na parang nagpapasensya. “Magbibihis lang ako.”

Binawi ko ang braso at tiningnan siya ng masama. “Hindi na. Sa labas na lang ako kakain.” Giit ko.

“I said, magbibihis lang ako. Kung ayaw mong intayin, fine, I will eat like this with you.” Tumabi siya sa akin, hindi pa din ako binibitawan. Ang malamig niyang katawan ay dumampi sa aking braso. Malalaki ang hakbang niya sa hagdan. Ganoon din ako. 

The granite six-seater table seems small with his body beside it. Umupo ako sa kanyang harapan habang seryoso niyang inaalis ang laman ng kanyang paperbag. Sa bawat pagbaba ng mga pagkain doon ay nagagalit ang kanyang mga muscles na para bang weights ang kanyang binubuhat. Only that it is pancakes.

“M-magbihis ka muna. Ako na ang mag-aayos nito.” Tumayo ako at nagpunta sa dishrack niya at ipinakitang abala. Kung wala ang towel na iyon, he’s totally naked. Really, Calla, your imagination really works early this morning.

Tumuwid siya ng tayo at tinitigan ako bago seryosong umakyat sa kanyang kuwarto. Hindi pa ako tapos sa pag-lalagay ng kubyertos ay muli siyang bumaba, this time in his khaki shorts and black v-neck shirt. Basa pa din ang kanyang buhok at wala iyong tali. He comfortably sat on his chair and eyed me intensely. Umupo akong muli. Hindi ko alam kung kukuha na ba ako ng pagkain dahil masyadong awkward ang hangin. Ganito ba tuwing umaga? Kung ganito ay hindi na lang ako muling kakain tuwing umaga.

“I am sorry.” Sabay namin iyong sabi.

“I am not really judging you.”

“I don’t want to oblige you to cook breakfast for two.”

Muli ay sabay namin iyong nasabi.

“I am not obliged. Can I say sorry and forget what I said? I didn’t mean it.” Tiningnan niya akong mabuti. “I still want to eat breakfast with you.” Nagmamadali niyang kinuha ang pancakes at inilagay iyon sa aking plato. He scooped some blueberry jam and spread it to my food like he knows how I want it. Malungkot ko iyong tinitigan.

Paano niya naaalala ang mga bagay tungkol sa akin pero hindi ako? Minsan, gusto kong sumugal at magpakilala pero paano kung mas makasama iyon? Gusto kong isipin ang aking sarili pero may mga bagay na mas mahalaga pa kaysa sa sarili mong kagustuhan at pangarap. Habang lumalaki ka ay nasanay kang inaabot na lang sa iyo ng mga magulang mo ang pangangailangan mo, those moments that I treasure by heart. But I realized that it is not the giving that made it special, it is the lessons taught on how selfless should love is. Lagi kang mag-bibigay kasi mas masarap yon kaysa ikaw ang kumukuha.

Mabilis kong isinubo ang pagkain ko. Meron pa siyang klase ngayon kaya kailangan ko siyang bigyan ng oras. Mabagal naman ang pag-nguya ni Lorcan at tinitingnan pa ako sa pagitan non. Parang malalim na nag-iisip. I wonder if he thinks that he knows me from somewhere.

“Galit ka pa din?” He muttered. My breathing hitched.

Like, how can I get mad to this person? He taught me to love the impossible. I shook my head gently. Kinuha ko ang mga plato sa aming harapan pero pinigil ni Lorcan ang aking kamay.

“I really want to make it up to you.”

Hindi ako makapaniwala sa kanyang sinabi. Sa kanyang timeline, tatlong araw pa lang niya ako nakikilala. Masyado naman siyang nag-aalala sa kanyang nagawang kasalanan.

“Hindi ako galit. Pumasok ka na baka ma-late ka pa.” Tumingin ako sa kanyang digital wallclock at nakitang quarter to nine na. Tanghali na para sa klase niyang pang-alas diyez.

He smiled and shook his head. “I’ll skip class.”

“Lorcan.”

“Look, hindi naman counted ang grades ko. They said I even mastered in New York. I am taking unofficial classes.” Pangungumbinse niya. “I want to go out with you.”

Minsan, iniisip kong maswerte ako dahil hindi ako nagkaroon ng kaibigan na drug addict. Dahil madali akong natatangay sa mga bagay bagay, baka maligaw ako ng landas kung mangyayari iyon. 

Kagaya ngayon, nasa Subic ako. Hindi ko iyon akalain. Lorcan lured me by watching videos about minimalism and he said he wanted to try it. Nag-bus lang kami patungo dito, walang cellphone at merong pamalit na damit para sa isang araw. Hindi pa naman ako baliw, hindi ko nakalimutang sabihan si Meico tungkol sa biglaang trip na ito.

Pinapanood ko si Lorcan habang sinusundan ang saranggola na sumasayaw sa hangin. The rough particles of the sand keeps on filling my flipflops that I removed it. Inalis ko ang buhangin mula roon at napakunot ang noo ko nang nawala si Lorcan sa harapan ko nang matapos ako sa ginagawa. Tumayo ako at nagpalinga linga. Ang malalaking parachutes na nakalutang sa hangin ay mas lalong ginulo ang aking paningin. Iba iba ang kulay non at ang kumpol ng tao ay namamangha doon sa malalaki at makukulay na pigura sa ibabaw ng dagat.

“Hotdog and beer.” Nakahinga ako ng maluwag nang ihain sa akin ni Lorcan ang pagkain at inumin sa kanyang harapan. The smell of the overpriced barbecue sold around the area was so appealing. Nakakatakam din ang hotdog at ang nagyeyelong beer sa aking kamay.

Umupo kami sa mainit na buhangin at saka pinanood ang nagkakasiyahan sa di kalayuan.

“Anong plano mo?” Tanong ko. Dapat ay uuwi kami mamaya, hindi ba? Sumusobra na kung hindi din siya papasok bukas.

“Stay here. Live like a tourist.” Hindi iyon tanong.

“Stay here? May pasok ka kinabukasan.”

“I told you already.”

I nodded and heartily chugged my beer. Not intentionally waiting for the sunset but it did set, just on time, just how it is supposed to. 

Kahit pinalitan ng buwan ang araw, maliwanag pa din ang dalampasigan dahil sa apoy na nagmumula sa malalaking parachute. Binilang ko ang bote sa aming harapan, anim iyon. I stood up and felt a little bit dizzy. Inintay kong bumalik ang sarili sa huwisyo at natawa na lang sa sarili nang magtagumpay.

“You are not a very good drinker.” Sinalo ako ni Lorcan gamit ang parehas niyang kamay sa aking likod. Bumagsak ang mata ko sa suot niyang tshirt.

‘Live like there’s no tomorrow’

Iyon ang nakasulat doon. Yeah, I should have known. Kung alam ko lang na makakalimutan niya ako nang araw na iyon, sana ay nasabi ko na ang lahat sa kanya at hindi ko na pinigilan ang pagsasabing mahal ko siya na para bang hindi sapat na sinasabi ko sa kanya iyon minu-minuto tuwing kami ay nagkikita. Kung sana ay alam ko na makakalimutan niya ako noon ay itinaya ko ang buhay ko para samahan siya at hawak kamay kaming maaaksidente at matatagpuan. Then he would think, he’s never alone. At isa akong importanteng parte ng buhay niya na kailangan niyang tandaan.

My hands lazily rested at his chest, gamit ang isang kamay ay kinuha niya iyon at dinala sa kanyang labi para halikan ang aking palad. Jolts of electricity ignited on my body. The moonlight was so pretty that it only lighted some parts of our face, he leveled his face on me and an instinctive kissed dropped on my mouth like a prayer. Matagal ang halik. It almost made me dreamed that this is real except that it is real. I felt his lips to mine in a deep kiss. Hindi iyon nag-sisinungaling, hindi iyon nagtatago ng katotohanan. Just pure feelings.

“Lorcan..” I whimpered. My heart was in full joy that it is so painful. Hinawakan niya ang parehas na kamay ko at tinitigan akong mabuti. Parang sinasabi na magkasama naming haharapin ang lahat. He nodded softly as a cue.

Parang mga batang tumakbo kami sa palibot ng beach. Five hotel cabins mostly made of wood were lined on the seashore, nagtungo kami sa pinakamalapit na naabutan ng aming mga paa.

“A room.” Hingi ni Lorcan doon sa receptionist na mabilis na tumango. Nanatili ang kamay niya sa akin. Paulit ulit niyang pinaglaruan ang aking mga daliri.

I should stop him alright, but I was so greedy, so lovestruck and so hopeful.

If he could forget in one day, I can’t.

He’s mine, until this very day, he’s mine.

2.5

Secrets.

He was hunching, his body was crunched trying to reach my lips. I remember it all. The passionate kisses, the careful and lovely touch that goes beyond the flesh straight to my soul. Tumama ang likod ko sa magaspang na kahoy na pinto habang idinidiin niya ang katawan niya sa akin. Making me welcome him with full endeavor. His hand lingered at the strap of my dress and unwrapping me with desire.

S*x is not beautiful, making love is.

Our body communicated as far as it remembers. The thud on the wooden cabin is the only noise our feet could make. Nagmamadali. Itinatapon ang bawat piraso ng damit sa kung saan dahil hindi na namin ito kailangan.

I was not ashamed of my body, he never gave me a reason to be. I could give 1,000 reasons to love Mr. Alcantara, and that is one of those.

He kissed my collarbone, praising every details of my skin. I smiled with the kisses on my lips. I was a sucker for Shakesperean love and if this is just an imagination— a little fictional than reality, my love will be described as Ophelia’s love to Hamlet, which love has a serene freedom but also tragic. 

Too poetic, too dreamy, too painful..

“Sussane..” He whispered. His eyes lingered to mine while the slow and soulful rage was nothing but whimsical. He’s taking his time, so am I. Walang ingay dahil kahit ang pagbukas ng AC ay aming nakaligtaan. The giggles sounded far and distant, even the echo of the reggae music at the shore didn’t make too much noise, and who’s even thinking about two bodies united as one like this? No one cares. But we do.

He kissed my lips and it made a sweet sound, the rocking of his body on top of me was almost inaudible because it was taken with care. 

We were panting, sweating, but it was beautiful. He claimed my body. Not once, not twice, I don’t really remember. It was special, consuming and filling.

We rested our naked body under the sheets after hours of making love, he was fast asleep but I couldn’t. He’s holding my hand like his life depended on it.

Once or twice he called me in his dreams. He called ‘Calla’ not really Sussane. Sana ay makapasok ako doon. Sana malaman ko kung ano yon. Sana mag-pakilala ang panaginip na ako, sana sabihin niya ang totoo. Because right now, I still can’t.

We woke up still dawn. Naging buo ang tunog ng alon sa tabing dagat dahil tulog na ang karamihan na nagkakasiyahan. Niyakap niya ako sa ilalim ng kumot na iniangat ko para takpan kaming dalawa. His scent is still there, he didn’t smell anything like a fckboy. He’s my Lorcan, overly plain and sincere Lorcan, the same person I kept in my memories, buried and carefully locked in my heart.

“I will tell you a secret..” He mumbled after he pat a small kiss on my forehead.

“Hm?”

“You are the only woman who made me this after the accident.”

“Made you what?”

“I never slept with anyone. Even Margaux. I cannot do it.” Paliwanag nya.

“Asexual ka?” Gulat kong tanong.

“Do you think I am asexual? We just did it Susanne. Siguro ay nagsimula na akong maging sexually active ulit.”

“So y-you think you can do it to Margaux now that you are back to normal?”

“Can we not talk about her Susanne?” Pakiusap nya. Marahan akong tumango at inayos ko ang comforter para ibalot sa kanya but he removed it. He went on top of my body and uncovered me too. Our eyes communicated and we were both smiling goofily. Parehas tiyak ang nasa isip?

“One more?”

“Seriously, you don’t ask that question on one night stands.” Pagpupunto ko. His smile slowly drift away.

“Why? You had something like this before?”

I was caught unguarded. Kung sasabihin kong ‘hindi’, marahil ang isusunod niya ay ang pagtatanong kung sino ang boyfriend ko because my cherry was way beyond being fresh and unpopped, even my moves aren’t so virginal  “No personal questions please.” I opted to say.

Umalis siya sa ibabaw ko at walang ganang tinakpan ang kanyang katawan.

“Lorcan?” I called him but he did not respond, he was closing his eyes with hand on his chest.

“I know, I know what this is. Give me time to recover the thought.” Binuksan niya ang mga mata niya at tiningnan ang mukha ko. Masuyo niyang hinaplos ang pisngi ko gamit ang isang kamay at inabot ang aking labi para maingat na halikan.

It was soft and easy, he kissed me until we were both gasping for breath.

Dumating ang umaga at mas naging mapanatag iyon kumapara sa gabi. I am wearing my white Justice league short cuff t-shirt and maong shorts. Hinawi ko ang mahaba kong buhok na isinayaw ng hangin sa tabing dagat. Tumabi sa akin si Lorcan. His white sleeveless shirt and khaki board shorts was on point with his man bun. He totally looked hot when he snaked his muscled arms on my waist. Making me a total envy of all the girls at the beach area.

“So what will be our minamalist breakfast?” He asked.

Natawa ako sa itinatanong niya niya, kilala ko siya bilang partikular sa lahat ng bagay pati sa kanyang pagkain kaya hindi ko naisip na magiging matipid siya ngayon. He’s used to grand things from his clothes to food.

Nakita ko ang isang ice cream shoppe, sampung hakbang ang layo sa amin at hinila ko ang kamay niya para pumunta doon.

“Ice cream?” He asked.

“B&J’s Pistachios.” Itinuro ko ang gusto ko.

“How did you know my favorite?”

“Your favorite? Paborito ko ito.” Na paborito mo din . I know.

We bought one tub and shared it until it almost melted under the sun. We walked in the scratchy sand and packed some sandwiches before we hop on a bus going back to Manila. We did not have a melodramatic scene to detail what happened. There are things better left unsaid when it is this special.

Nakita ko na ang magulo at siksikang kalsada ng Maynila. Lorcan was sleeping on my shoulders. Kinailangan kong tapikin ang kanyang pisngi hudyat ng nalalapit na pagbaba ng bus at pagbalik sa mundo na meron kami. 

“It was a wonderful short vacation.” Aniya nang makababa na kami sa bus. I nodded.

Nag-taxi kami pabalik sa aming mga bahay. Bumaba kami sa tapat ng aming mga bakuran, doon sa gitna. Walang nagbago sa itsura sa bahay naming iniwan kaya hindi ako masyadong nag-alala.

Bago pa man maghiwalay, kinuha ni Lorcan ang parehas na kamay ko at saka ako masuyong hinalikan. I was smiling during the kiss, babawiin niya ang kanyang labi at papatakan na naman ako ng panibagong halik. 

“OMG.” Ang malanding boses ni Tonio ang nagpahiwalay sa amin ni Lorcan.

“MG!” Sinegundahan iyon ni Meico na kakarating rin lang na nasa likuran pala ni Tonio. Parehas silang may bitbit na grocery bags sa kanilang mga kamay.

Tumikhim ako nang parehas kaming balutin ni Lorcan nang pamumula ng mukha.

“Lorcan, s-si Tonio saka si Meico, kilala mo na siya. Pasok ka na sa bahay mo. A-ano. Kasi..” Napapikit ako, insides churned. Hindi na alam ang sasabihin.

“I will see you later, Sussane. I will wait for you until you are done.” He smiled and nodded to Meico and Tonio.

Tatlo kaming pinanood si Lorcan na pumasok ng kanyang bahay. Wala si Sirius sa kanyang kulungan dahil iniwanan namin iyon sa isang Dog Daycare bago umalis kahapon.

“Gaga!” Isang mahinang na batok ang pinakawalan ni Tonio nang pumasok kami sa aking bahay. Ibinaba nila ang pinamili doon sa lamesa.

“Goodness, akala namin nagpunta ka sa malayo at doon ka nagpakamatay. Tapos madadatnan ka namin dito, exchanging saliva to that, to that, hot, and yummy, and gorgeous—”

Hindi na naituloy ni Tonio ang kanyang mga sasabihin nang batukan din siya ni Meico, mas malakas nga lang iyon kaysa sa ibinigay niya sa akin. 

“Nag-s*x ba kayo?” Tanong ni Meico na nakapamewang sa akin.

“Ano ba namang klaseng tanong yan?” Umirap ako para ipakitang galit pero kumawala ang tingin sa mata ni Meico. Tumaas ang kilay niya, she knows when I am lying.

“Well, wala namang masama dahil asawa mo naman siya.” Nagkibit balikat siya.

“Asawa?!” Tonio shrieked. Maarte niyang tinapik ang kanyang dibdib na para bang nasamid. “Di nga? Siya yung asawa mo? Nakakaalala na?”

“Hindi.” Umiling ako at sinilip ang laman ng basket, “Nag-out of town kami kasi bored siya. But it is nothing.”

“Nothing? Mamshie hindi ko gusto yang larong yan. Di ba ang kinikilala niyang girlfriend niya ay yung ex niya? And point number 2, hindi ba yun din ang parehas na rason kung bakit hindi nagpapakita sa kanya ang mga kaibigan niya at iniiwas siya sa media para hindi tanungin ang tungkol sa’yo na legal na asawa? Naku naku naku, tingin ko ay walang magandang kapupuntahan ito.”

“Ako ang ex, Tonio.”

“Mali! Ikaw ang legal wife.”

“Mas mali kung hindi niya sasabihin na siya ang legal wife at nagpapatuloy sila sa ginagawa nila, kaya ikaw, kung wala kang balak sabihin, gawin mo ang dapat. Di ba makikipaghiwalay ka?” Dugtong ni Meico.

Napakamot ako ng ulo. “I know. Pwede ba, it is just one time.”

“One time, ilang rounds?” Mabilis na tanong ni Tonio, I glared at him. He picked up the bag of chips and exaggerately put it on his mouth.

“Hindi valid question kung ilang rounds.” Inayos ni Meico ang suot na eyeglasses. “The thing is, mauulit pa ba ito?”

Napailing na lang ako. “Fine, hindi na.”

We cooked dinner for the three of us, abot abot ang pagpipigil ko na dalhan si Lorcan ng pagkain, kahit na ang silipin man lang ang kanyang ginagawa ay hindi ko na inalintana. I should keep myself busy right? Hindi ako dapat nakikipagkita sa kanya. More so, not even having breakfast with him.

Hindi na ako nakatulog nang umalis si Meico at Tonio. It is a little bit late when they left. Inihanda ko ang duffel bag ko ala-una ng madaling araw, sisimulan kong tumakbo sa umaga at babalik na lang ako sa tanghali para matulog kung kailan nasa school si Lorcan, I should keep my lights off para isipin niyang wala ako dito. 

Nang naghahati na ang liwanag sa dilim, that’s the time I stepped outside in my jogging pants and running shoes plus jacket. Papalabas pa lang ako ng bakuran nang harangin ako ni Lorcan. Nagulat pa ako doon.

“Anong ginagawa mo dito?”

“I was waiting for you to come out.”

“At this hour?”

Tumango siya at itinuro ang bahay niya. Merong director’s chair doon at isang telescope sa gitnang bahagi ng pathwalk patungo sa kanyang pinto. A small table beside the chair with a nightlamp and magazine in it.

“Killing time while waiting for you.”

Hindi ako makapaniwala sa kanyang sinabi. Seryoso ito sa kanyang ‘waiting game’ kung ganoon. “Ikaw, saan ka pupunta? Masyado pang maaga hindi ba?” Tumingin ito sa orasan niya, “It is just 4 am.”

“Lorcan, bakit mo ako inintay na lumabas? Dapat ay natutulog ka ng ganitong oras. May pasok ka pa mamaya, hindi ba?”

Kung hindi ko siya kilala, he might scare me away by thinking his stalker tendencies. Obsession or much more than that. Pero ang maamo niyang mukha ay walang bahid na siya ay mapanganib. But sleeping is more important for him who had head trauma. Maaring hindi na normal ang nerves niya sa ulo.

“I am scared.” Naisantinig niya. “Your friends don’t like me.”

“What? Bakit mo ba iniisip yan? At ano naman kung hindi ka nila magustuhan?”

He looked at me with his intense gaze and his eyes glint with sadness.

“You will realize that you shouldn’t like me too. Aalis ka ngayon dahil iiwasan mo ako.”

Now it is getting weirder every second. Sinasabi ba niyang nababasa niya ang nasa isip ko?

“I didn’t read your mind, okay?”

My lips parted with his statement. Twin flame , I always tell him that he is my mirror soul. Alam niya lagi ang iniisip ko.

“But what happened to us last night is something that I don’t want to lose. Alright, creepy. I am creepy. I don’t want to be creepy.” Para siyang hinihingal sa mga salita. I shook my head and took a step backward. “But I missed you every single moment since I met you and I don’t know what is happening. And I know what happened between us will make you think twice but if you feel the same then—”

“You are in a relationship. Hindi ka pupwedeng mahumaling sa hindi mo mahal.”

“I understand, you are used to one night stands, I won’t judge you—”

“Lorcan, nagkakamali ka ng iniisip. Hindi ako kagaya ng iniisip mo.”

“Then tell me why on earth you would do it with me?”

“Dahil may nangyari sa atin, you would see me as a s*x object for that matter?”

Mariin siyang umiling. “I am thinking that I was a fckboy before amnesia, and I have those tendencies. In my mind you were my first and got addicted to it right away. I am sure I am not your first. Maybe you’re used to this, so I am thinking if..”

“Inaalok mo ba akong maging FB mo?”

“FB?” Kumunot ang noo niya, goodness, bakit pati yon ay nakalimutan niya?

“Fck buddies! No strings attached, something like that.”

“I don’t know how to say it.” Napayuko siya. I rolled my eyes heavenwards at agad na tumalikod papasok sana ng bahay pero hinila ni Lorcan ang hood ng jacket ko. Kung isa siyang estranghero, baka nasapak ko na, pero dahil meron siyang amnesia, I have to understand him.

“Alright kung ayaw mo—”

“Alam mo ba ang hinihingi mo?”

“You don’t need to say yes, okay?” Namumula ang mukha niya, “Forget it. Fck. I don’t act like my age, right?”

“You don’t act like you.” I shook my head head in disbelief. That wasn’t even a valid question. It is so awkward. I’ve never been in that kind of relationship but heck I am sure they don’t talk about that like this.

“Please don’t hate me.” Parang batang takot na takot ito.

“Lorcan, hindi ’to healthy.”

“Alright, you find me weird.” He said in defeat. Ngayon naman ay nagtatampo ang boses nito. “Of course, a guy with amnesia, acting like a teenager that he thought he is, jobless—”

“Stop.” I warned.

“Good for nothing. I am not really that interesting.”

“I said stop.” Hinawakan ko ang kamay niya. Nakaramdam ako ng awa. Bumuntong hininga ako. “Alright, hindi naman ako nagalit. I understand more than you think I can, I do.. Do you want to rest? Sasamahan kita hanggang sa makatulog ka. Just don’t think about anything, funny. No s*x.”

Yumuko ito at mahinang tumango.

“Good. I will cook your breakfast this time. You need to relax your mind. Baka sakali.” Huminga ako ng malalim, “Baka sakaling may maalala ka na.”

That day I stayed with him until he fell asleep. 

They said that love means letting go, but how could I when he can’t? Or so I thought. Isang klase ng pagmamahal ang natutunan ko noon pa man, ang maging mapagbigay. Yung tinatawag ng lipunan na tanga at martir, oo, ako yon, dahil hindi pang-matalino ang pag-mamahal, hindi doon sa madaling masaktan. Doon sa mga matatapang na sumugal, yung mga nagpapanggap na kaya kahit hindi na pala because love should be extraordinary.

Love should be so big that it is your breathing space, it makes you alive even it is so, so painful.

We continued our ‘friendship’ for a week, our usual days would include walking Sirius in the morning.

“Sirius!” I called the golden retriever and he ran to me. Binigyan ko siya ng dog treat. Kinuha ni Lorcan ang kamay ko at isinuksok sa bulsa ng jacket niya.

“Hindi ko alam kung magseselos ako sayo kasi mas gusto ka ni Sirius o magagalit ako kay Sirius kasi mas gusto ka niya. I smell betrayal on this circle.” Pinanliitan niya ako ng mata.

Mahina akong natawa, “Ayaw mo nun? May yaya ka na kay Sirius kapag umaalis ka. Sabi sa akin ni Sirius ayaw niya sa Daycare kasi cheap daw ang pagkain don.” Bulong ko sa kanya.

“What? He said that?”

Mahina akong tumango. Lorcan pinched my nose and patted Sirius on the head.

Humarap kami sa mga bahay namin nang matapos ang morning routine namin. 

“Bukas ulit?” Lorcan asked while looking at me intently. I nodded.

“Bukas ulit.”

Maaga akong lumabas kinabukasan at nakahanda na ang dalawang water jug sa aking kamay, isa para sa akin at isa kay Lorcan. Nagtaka ako nang makitang hindi pa siya lumalabas. Madalas ay siya ang nauuna tuwing umaga.

Pabagsak na bumukas ang pinto ni Lorcan na merong hawak na papel sa kamay. I almost jumped.

He looked at me directly and the words tumbled on his mouth like an acid.

“Calla Sussane Torres-Alcantara.” Malamig ang boses na tawag niya sa akin.

Maki Say’s: Next update is Next week. Magde-dayoff din ako :)

2.6

Secretary.

Kaba . 

My toes were curled inside my shoes. Si Sirius ay nakaupo sa tabi ko doon sa couch at mukhang nauunawaan niya na meron akong nagawang masama. Pabalik balik si Lorcan sa aking harapan habang hawak niya ang annulment papers na pinirmahan ko ilang linggo pa lang ang nakakaraan. Kaliwa’t kanan ang ulo namin ni Sirius at sinusundan ang direksiyon ni Lorcan.

Sa monitor ng kaniyang TV ay ang litrato ko mula sa google, isa iyong article tungkol sa documentary namin ni Tonio at Meico tungkol sa effective business model para sa fourth world country. How to make a living out of extreme poverty. We were applauded by doing that. Mukhang pagkakita niya ng aming annulment papers ay dumiretso siya sa google at hinanap ako, my social media was very private, my name was spelled in reverse and cannot be find easily kaya sa google siya kumapit.

“Wife. You are my wife. All this time you are my wife.” Sa hindi makapaniwalang boses ay sabi niya. Tumigil siya sa pinakagitna. All the muscles on his face moved,  a strawberry has no match with the redness of his face, he’s really angry.

Umungot si Sirius at humiga sa katawan ko, trying to cover me from the wrath of his boss.

“Look, I—I received a letter from your mother that you are planning to get married. Nandito ako para asikasuhin ang lahat ng iyan para maging malaya ka na.”

“Are you making excuses to make it look that I am the one who wants this?”

“Hindi ba ikaw?” Hamon ko. “Ikaw ang may balak na mag-pakasal, ano ang dapat gawin ko? Hayaan kitang magdusa?”

“Siguro ay may balak ka din na mag-pakasal.” Mapakla iyon at mapanghusga. His lips pressed into a thin line.

“ Ka din ? So, it is true. Congratulations and best wishes.“ Mapait kong sabi at halos gumasgas iyon sa aking lalamunan kahit alam ko na naman noong una pa, kaya nga ako nandito hindi ba? Pinilit kong ibaba si Sirius mula sa aking kandungan. “Wala na tayong dapat pag-usapan dahil ibinibigay ko na ang gusto mo. Magkita na lang tayo sa korte para ipatupad ang lahat ng iyan.”

“Hindi mo ako sinagot.”

Humalukipkip ako sa kanyang harapan at matapang siyang tiningnan, “Wala akong responsibilidad para mag-kuwento tungkol sa personal kong buhay dahil ipinagtulakan mo ako noon.”

Kitang kita ko ang pagkawala ng kulay sa mukha niya, only his stares are brooding and angry, “I was sick and you should have stayed longer and wait.” Sumbat niya. Sa pagkakataong iyon ay nag-init na ang sulok ng aking mga mata sa nag-babadyang alaala, damn, it hurts. Pinalis ko na ang luha ko bago pa man may bumagsak.

“I waited in distance because all the memories of me makes your head hurt but it seems that waiting is such a waste. Hindi naman nag-bago ang iyong pananaw. Going strong kaya ni Margaux, hindi ba?”

“Bakit hindi ka nag-pakilala agad? What are your plans?” Pag-iiba niya ng usapan.

“Wala.”

“Hindi ako naniniwala. Sabihin mo, ano ang plano mo!”

Tumahol si Sirius dahil sa pag-sigaw ni Lorcan.

“Plano kong hindi masaktan!” Umalpas ang luhang hindi ko sana hahayaang pakawalan. “Sinabi mong hindi ako ang mahal mo. Sinabi mong hindi ako ang kailangan mo. And the truth is, you hurt me in all forms possible at ayaw ko na iyong bumalik. Kinailangan kita noon pero tiniis ko dahil may sakit ka, hiniling kong ako ang kailanganin mo pero hindi pa din! Bakit hindi pa din? Bakit hindi ako? Sana hindi na lang kita nakilala kung ganito rin lang!” Sa sobrang lungkot ay nagawa kong sabihin. Nagsalubong ang kaniyang makakapal na kilay.

“Anong sabi mo?” In a dangerous tone he asked.

Lumuluha akong umiling. Hinawakan ko ang kanyang doorknob at walang kahirap hirap na umalis sa kanyang bahay. I shut my door as loud as possible. Tinakbo ko ang kuwarto ko at doon ibinuhos ang emosyon.

I was crying for the longest time that I had to stop when I remember Lorcan and his headaches. Kahit na namamaga ang mata ay pinilit kong bumangon at bumalik sa bahay ni Lorcan para lamang silipin siya, nakatayo ako doon sa kanyang screendoor at pilit na pinapakiramdaman ang pagkilos doon. I almost jumped when he stood in front of me, ang screendoor ang tanging nag-hahati sa amin.

“Why?” Anas niya. He’s wearing the same shirt he was wearing this morning. Hindi naman siya mukhang nahihirapan o kung ano. I shook my head quickly and ran off just like that. I shut my door close again and tried to calm my nerves because my heart was beating madly.

Tinawagan ko si Tonio para magpasundo bago magpananghali, takot akong makaisip ng hindi maganda dahil sa sobra sobrang lungkot at depresyon. 

In just a couple of minutes, naroon na ang kaibigan ko sa labas ng bahay ko. Bitbit ang maliit na maleta ay sumakay ako sa kanyang itim na van.

“Oh, poor Calla.” Niyakap ako ni Tonio nang makasakay kami. Wala pa akong sinasabing kung ano. He just know I need him.

“Nakilala na niya ako.” I muttered.

Nagsimulang umandar ang sasakyan. Sumandal ako sa kanyang balikat at panay ang halik niya sa aking ulo.

“And he’s angry about it?”

Mahina akong tumango. “Sinisi niya ako dahil iniwanan ko siya.”

“But he pushed you away!” Pinanlakihan ng mata si Tonio, “We all know it was hard for you to leave. Kahit ang pamilya niya ay alam iyon. They should explain it to him.”

“Walang punto kung ipapaliwanag pa nila. Hindi naman sila kasali sa relasyon namin. It was ours, and I made a decision for the both of us.”

Tonio wrinkled his nose, “Ay, nag-guilt trip.” Napailing siya.

“Sa inyo muna ako tutuloy, hindi ko pa nakakausap ang kakambal ko, hindi ko ipinaalam na nandito ako dahil ayokong sugurin nila ako ni Ashton sa bahay at mag-tataka pa si Lorcan na magkakilala kami ng kanyang kaibigan. I decided to lie so it is just on me. Ayokong madamay ang kahit sino.”

“Puro na lang ikaw! Ikaw! Kailan ba siya naman?” Umirap si Tonio na parang galit.

“Tonio, he’s sick.”

“Kaya ganyan kasi bine-baby niyo.”

“Tonio naman. Sabi mo kahit anong kailangan ko?”

Tiningnan niya ako ng masama, “Hindi naman kita tinatanggihan. I just want you to talk him regarding this issue.”

“We already did. Hindi lang naging maganda. I need to stop seeing him kahit ilang araw lang.”

I cannot remind him his feelings he never knew. I cannot teach him love, because it is self-discovery. Gaya kung papaano ko iyon natutunan. Love is making someone happy even if it is uncomfortable. Love is not demanding for equality, because who cares when the one you love is happy?

After 45 minutes travel ay nakarating na din kami sa mansion nila Tonio. The Italian inspired-house proudly stood meters away from the wide garden with tropical fruit bearing trees and imported flowering plants. Meron pang maliit na vineyard sa pinakasulok, merong green na grapes doon. The mansion was colored with faded bricks and shades of brown kaya mukhang moderno ito.

Ang mga kasambahay ay yumuyuko bilang pag-bati sa amin. Maarteng tumango si Tonio sa kanilang pag-bati. The majority of their walls and floors were filled with Tonio’s photography, all in blown up pictures. Ipinabuhat niya ang gamit ko sa guestroom at nakasunod lang kami.

“Nasa Bulgaria si Mommy at Daddy, Shane is in Uruguay. Huwag kang mahiya at kahit nandito sila, huwag ka ding mahiya. You are my family. Maybe I should call Meico so she can also sleepover? I will have a mobile spa set up for us later!” Excited na napapalakpak si Tonio. I shook my head in disbelief. He still looks like a grunge rockstar.

Tonio was true to his promise, nang mag-ga-gabi na ay dumating nga si Meico bitbit din ang kanyang maleta. Kasunod lang noon ay ang mga spa specialist na nagtungo doon sa lounge. We sat on the pink lazyboy while on our robes, facial masks and cucumbers were all over our faces. Ang mabangong scent ng lavender at ang malamyos na background music ang nagpa-relax sa akin habang ang kamay at paa ko ay inaasikaso sa mani at pedi.

“Alam mo Mamsh, hindi mo ba naiisip na na-fall na naman sa iyo si Mr. Kalimot?” Mula doon sa massage bed ay nagsalita si Tonio. “At nag-tatampo lang yun kasi nagpapalambing!”

“Huwag nang paasahin, baka umiyak na naman yan.” Sita ni Meico.

“Galit siya.”

“Of course, maybe, just maybe he felt betrayed. Baka iniisip niyang mas ginusto mong iwan siya.”

“Hindi ko ginustong iwan siya, ayoko lang paanorin siya na mahulog sa iba.” Napailing ako at nakita ang notification sa aking Skype. Nalaglag ang pipino sa mukha ko nang makita ang mensahe ni Granny.

’At the airport. Connecting from Hongkong. See you tomorrow, Apo. I need to talk to you and Lorcan first thing in the morning. I will arrive at 10PM PH time, need to sleep first.“

Pinatigil ko muna ang naglilinis ng aking kuko para magtipa ng reply.

‘Bakit po bigla bigla naman? Wala po ako sa bahay.’

‘This is important, you need to go home, sorry.’

Itinabi ko ang telepono ko at huminga ng malalim. Important to Granny is really important. Hindi nga niya nasabi ang biyahe niyang ito. Kahit wala pa man din ay bumubuhol na ang sikmura ko. Kung ito ay tungkol sa pagkakakilala sa akin ni Lorcan, importante iyon. But it is impossible for Granny to book a flight this morning at ngayon ay nasa Hongkong na siya. She might planned this trip ahead of time. Hindi ito dahil sa diskusyon namin ni Lorcan kaninang umaga.

Kahit nagagalit si Meico at iniisip niyang pinagtaksilan ko siya ay inihatid pa din nila ako ni Tonio sa aking bahay. Malalim na ang gabi. Madilim ang parehas na bahay namin ni Lorcan pero naroon ang kanyang sasakyan. I looked up and I think I saw a curtain flipped from his room. Napapailing akong pumasok ng bahay.

My phone beeped 5am in the morning. Mula kay Granny ang mensahe na darating daw siya sa bahay ni Lorcan ng 7am at dapat daw ay naroon na ako. Halos madapa pa ako sa pagmamadali sa pagtungo sa banyo para maligo. Pinili ko ang makulay na bulaklaking dress at naglagay ng manipis na makeup pero naisip kong masyado iyong nagpapaganda kaya inalis ko din. All that’s left are the faint tones on my cheeks and lips.

Fifteen minutes to seven I stepped out of the house. Para akong ninja na humahakbang sa bahay ni Lorcan. Tumikhim ako bago magbigay ng mahihinang katok. Sirius was running crazily, his tongue was out when he saw me at the screendoor. Humakbang ako paatras dahil itinulak ni Sirius ang pinto at maligaya akong pinapasok.

Naabutan ko doon si Lorcan sa kusina at nag-sasalin ng pagkain doon sa plato. Tumaas lang ang kanyang mata para ako ay tingnan. His blue board shorts was hanging on his waist while his upper body was exposed.

“Good morning.” A flat tone is only what I could muster.

Nagkibit balikat siya. Merong dalawang plato doon sa harapan. Mula sa distansiya ay nakita ko kung ano ang naroon, bacons, hotdogs, eggs and fried rice, pancakes at blueberry jam.

“Eat. Male-late daw si Abuela dahil binisita siya ng therapist niya. She had to stretch some muscles after the long flight.”

Napaawang ang labi ko at mabagal na tumango. Pakiramdam ko ay nagmumukha akong tanga doon.

“Hindi na. Doon na lang ako sa bahay ko. Babalik na lang ako kapag nandito na siya.”

“Eat. I cooked anyway. She’ll be here after we finished eating. “ Ulit niya na hindi pinapansin ang sentimyento ko.

Umupo siya doon sa lamesa, still topless, napalunok ako. Nauna na siya sa pagsandok ng pagkain, kaya sumabay na din ako. Isang pancake lang ang nilagay ko at blueberry jam. Kinuha niya ang thermos at ang container sa kanyang tabi at nagsalin sa baso ng gatas pagkatapos haluin ay iniabot niya sa akin.

He’s been telling me to drink milk since we started jogging in the morning. Tahimik lang kami habang kumakain. I never dared to look at him. Nataatakot na matunaw lang ako doon.

In less than three minutes, ubos ko na ang pagkain ko at tinratong tubig ang gatas sa mabilisang pag-inom. I stood up after.

“Thanks for the meal, I—I have to go back to my—”

Ibinaba ni Lorcan ang kanyang kubyertos at tinitigan akong mabuti, “Why do you feel awkward, Mrs. Alcantara?” Mariin niyang tanong.

“Hindi naman sa ganon. I just don’t want to fuel your anger. Look, alam kong hindi ako nagsabi agad ng totoo pero—”

“Yung mga nangyari sa atin, pinlano mo ba iyon? Ang pagkakalapit natin ng bahay, ang pagkakalapit nating dalawa—” Sinugod niya ako at sinukat ako ng kanyang tingin.

Iniangat ko ang kamay ko para pigilan siya, “Excuse me? Hindi ba ikaw ang lumapit sa akin?”

“Yeah, so ako din ang may kasalanan na wala kang tubig on your first night?” He scoffed.

“E di sana tumigil ka na doon! Sana hindi ka na nagdala ng pagkain on a second day!”

“Because you know I will get curious! You are part of my past and you triggered something inside me.”

“Oh like lust? That is why you kissed me and threw my clothes away!” Nagpamewang ako. Ngumisi siya sa akin.

“And you moaned and you came for—”

“Por dios por santo! Ano bang klaseng usapan iyan!”

Sabay kaming napalingon ni Lorcan sa kanyang pinto kung saan nakatayo si Granny at nakatakip ng tainga. Napatuwid kami ng tayo at pinilit na magkalayo mula sa pagkakadikit ng katawan. Lorcan reached for his shirt hanging on the chair. Mayroon naman pala siyang damit, kung bakit ay ibinabandera pa niya sa akin ang kanyang katawan.

“Ano bang ginagawa niyo at nag-aaway kayo, umagang umaga?”

“Siya kasi!” Sabay naming turo sa isa’t isa.

“Umupo kayo. Upo!” Matinis na utos ni Granny na itinuturo ng kanyang tungkod ang couch. Para kaming nalugi na umupo doon ni Lorcan. Ang kanyang kaliwang braso ay tumatama sa akin. Mahina ko iyong tinabig, gumanti siya. Itinulak ko siyang muli ng mas malakas ng kaunti. Hanggang sa ang parehas naming katawan ay halos tumilapon doon sa couch. Sirius was sitting beside the chaise lounge where Granny seated, sinusundan kami ng kyuryosong tingin.

Malakas na pinukpok ni Granny ang centertable para patigilin kami.

“Para kayong mga bata! Ayos ng upo!”

Mabilis pa sa alas cuatro na napatuwid kami ng upo. I tried to confuse my thoughts with what is really happening to other things. Katulad nang pag-iisip na isang halaman ang alas cuatro, at ang idiom na ‘mabilis pa sa alas cuatro’ dahil ang halaman na alas cuatro o ang mirabilis jalapa ay namumukadkad tuwing hapon at mag-sasara tuwing umaga, ganoon kabilis.

“Calla!” Granny called. “Nakikinig ka ba?”

“No, Abuela! I told you, I am ready to manage the business.” Imbes na sumagot ako ay pinutol iyon ni Lorcan.

“After three years bigla kang nagkaganyan. Ano bang problema mo? We adviced you to take time. Baka hindi mo pa kaya ang stress, Hijo.”

Napatango ako at nagkaroon ng ideya sa kanilang usapan. 

“I am ready. I want to step up. I will handle my business.”

Tumaas ang kilay ni Granny at saka tiningnan ako, “Are you trying to impress someone?”

“What? No!” Namula ang pisngi ni Lorcan at dumistansiya sa akin.

“Mabuti nang malinaw. Iyang desisyon mong iyan ang pinunta ko dito. Alam ko na din na alam mo na kung sino si Calla sa iyong buhay. I was taking care of your wife since you the day you forgot her. You don’t have to thank me. Wala na siyang pamilya, kung hindi pa niya nasasabi sa iyon.” Kitang kita ko ang pagkuyom ng kamao ni Lorcan at tiningnan ako ng seryoso.

“Naging responsibilidad siya ng ating pamilya simula nang pakasalan mo siya and I have to take her in. Now, she mastered business in Harvard. I took the initiative to enroll her, dahil alam kong mapapabayaan mo siya. As the biggest shareholder of Nemesis Industry, I appoint Calla Alcantara to be my official representative and the CEO of my company until you remember.”

“What?” Napatayo si Lorcan.

“Granny!”

“That is cheating!” Reklamo ni Lorcan, “I own Nemesis! Pinapirma niyo lang ako noong nakalimot ako para mahawakan niyo ang negosyo dahil hindi ko pa kaya.”

“Hindi ka tumutol, hindi ba?”

“I didn’t! Because I was thinking like a teenager and it was for the best! I trusted you!” Galit na sigaw ni Lorcan kay Granny. Lahat ng ugat sa leeg niya ay bumakat sa kanyang balat.

“You can still trust me on this one, Apo. Calla was the best!”

“But she filed an annulment!”

“Hindi niyo na kailangang paghatian ang Nemesis bilang conjugal property.”

“Pinaghirapan ko ang negosyong iyon!”

“You can work as her secretary to learn, Lorcan. We will talk until you remember how to take care of a multi-billion property!”

Napailing si Lorcan at nanunuyang natawa.

“Secretary? That is disgusting!” Tumalikod si Lorcan at lumapit sa direksyon ng pinto.

“Lorcan, bumalik ka!” Utos ni Granny. He stopped halfway through the door and looked straight to me.

“So this is the plan? Hindi ka talaga basta basta lalayo nang walang napapala mula sa akin?” Hamon niya sa akin. I was startled. Matagal bago nakabawi.

“Ano? Wala akong alam—”

Lorcan shook his head in dismay and in just a snap he disappered.

“Granny naman..” Pabagsak akong napaupo sa upuan at napatakip ng mukha. Now, he thinks I am a gold digger. Great, just great.

Granny waved her hand. “Hayaan mo siya. Tantrums lang iyon, like a normal teenager would do.”

“Granny, hindi teenager si Lorcan.”

“He think he is.”

“Hindi po. He’s matured. I can see that he thinks as he would before.”

“Oh.. You can see? Gaano ba kayo kadalas nagkakasama?” May panunukso sa tinig ni Granny, I rolled my eyes. “Hindi na bale, alam kong madalas kayong magkakasama because he will be your secretary.”

“Hindi niyo man lang isinagguni sa akin?”

“Do you still care for my Apo, Calla?”

“Oo naman, Granny pero—”

“If you will get annulled, his business will be put to waste. He might consider to shut it down, liquidate and divide the money between you two because that’s what the law requires. Pinaghirapan ng apo ko ang Nemesis at ayokong makitang ganoon lang ang kahihinatnan. Besides, isasaoli mo din naman ito sa kanya basta makaalala na siya.”

“Granny, kapag nakaalala na siya, kasali na din ako don sa alaalang babalik.”

“Eh di maganda!” Pumalakpak si Granny.

“I don’t think it will be as pretty as you think, Granny.” Malungkot kong sabi. Tiyak na susumbatan akong muli ng nakakaalalang si Lorcan dahil sa desisyon kong paglayo. And what if I screw up his business? Hindi ko ba maaaring tanggihan ang paghahati ng properties? He can have it all, just let me have my peace back.

“Kung makakaalala siya nang inaalagaan mo ang negosyo niya, matutuwa iyon. Kapag nakaalala siyang at hiwalay na nga kayo tapos wala pa siyang negosyo, he would think you only cared about the money.”

“Hindi po iyan totoo…” Giit ko.

“Why don’t you delay the annulment?”

“Ayoko na pong umasa.”

Mabagal na nag-lakad si Granny at umupo sa tabi ko at mahigpit na hinawakan ang kamay ko.

“Kumapit ka lang, Calla. Kung may pagmamahal pa para sa apo ko, ipagpapasalamat ko iyon. Huwag mo sanang pabayaan ang negosyo niya at mapunta sa pamilya ni Margaux na ganid. Please.”

Napabuntong hininga ako at mahinang tumango.

“And Lorcan as your secretary? That’s funny.” Humagikgik si Granny na parang walang problema.

2.7

Ulan.

Inintay kong makabalik si Lorcan. Nakahiga ako sa kaniyang couch, dalawang oras nang wala si Granny at tatlong oras na wala si Lorcan. Nang mainip ay sumilip na ako sa kaniyang ref para maghanda ng pananghalian. Dahil sa limitadong sangkap, nag-salang ako ng sinigang doon sa kalan. Nilinis ko din ang pinagkainan namin noong umaga at nang matapos iyon ay sinumulan kong ayusin ang kanyang bahay. Hindi naman iyon magulo, knowing Lorcan, gusto niyang laging maayos ang kaniyang tirahan. I am just bored.

I played ’ The Scientist ’ on my phone while cleaning, dumirekta iyon sa isang bluetooth speaker sa may lamesa, hinawakan ko iyon dahil sa hugis na spaceship. Tons of memories flashed right before my eyes.

’Nobody said it was easy, It’s such a shame for us to part, Nobody said it was easy

No one ever said it would be this hard, Oh take me back to the start’

Lorcan tried to sing the song on our sixth wedding monthsary. It failed big time bilang hindi naman siya singer but that was one of my favorite memory of us. I smiled when I remember how we danced on his out of tune singing, underneath Aurora Borealis near the lake in British Columbia. Hirap pa kaming gumalaw dahil sa suot naming winter suit pero ipinipilit naming ipagdikit ang aming katawan sa pagitan ng makakapal na winter jacket.

’Questions of science, science and progress, Do not speak as loud as my heart

Tell me you love me, come back and haunt me, Oh and I rush to the start

Running in circles, chasing our tails, Coming back as we are’

A tissue paper touched face and I realized I was tearing up. Nakatayo sa harapan ko si Lorcan at nakasimangot. I pushed him away out of surprise. Napailing siya. Mapait akong napangiti sa kanya.

I know we have to be thankful of happy memories and our selfish tendency in us wants to keep it, but we can’t. Holding on too much memories can explode our hearts until it stops beating.

“Nababasa yung bluetooth speaker ko.” Inagaw niya sa akin iyon at pinalitan ng box ng tissue ang kamay ko.

“Nasaan si Abuela?”

“Umuwi na.”

Tumango tango si Lorcan at kalmanteng umupo sa kanyang couch.

“So tell me, meron ka bang alam sa Nemesis?”

“Kaunti.”

“Kaunti? Ano ano ang kaunting iyon?” Pormal niyang tanong.

“The suppliers, clients—”

“The basics. Ano ka ba noon sa kumpanya ko?” Tumaas ang kaniyang kilay.

“Secretary.”

Mahina siyang natawa at napailing. “Amazing. Sinasabi mo bang sekretarya kita at sa iyo ipinagkakatiwala ang negosyo ko? What makes you better than me?”

“I am no better than you, Lorcan except for the fact na wala akong amnesia.”

“Sinungaling ka naman.”

“Mag-uumpisa na naman ba tayo?”

Tumunog ang kalan hudyat ng pagtapon ng kumukulong sabaw galing doon sa iniluluto kong sinigang. Mabilis ko iyong pinuntahan para haluin.

“Wala akong interes agawin ang kumpaniya mo kung iyan ang iniisip mo.” Sabi ko sa harap ng kaldero, loud enough for him to hear me.  Alam kong nawala ang memorya mo pero bago mo ako husgahan, tandaan mong mahal mo ako bago ako mawala sa isip mo.“ Nilingon ko siya.

“At ikaw, minahal mo ba ako?” Lumapit siya sa akin habang ang kaniyang tingin ay nanunukat.

Matagal ko siyang tinitigan, “More than you’ll ever know.” Malungkot kong sabi.

“Pero umalis ka!”

“You have no idea.”

“Alam mo ba kung anong nararamdaman ko noon? Wala ka sa isip ko. Hanggang ngayon, tngina wala akong maalala pero nagagalit ako kasi ang gusto ko kahit hindi kita kilala, pinilit mo akong alalahanin ka, kahit masakit, kahit hindi ko kaya baka sakaling bumalik na noon pa ang mga nakalimutan ko. Hindi mo man lang ako tinulungan. Tinakasan mo ang problema nating dalawa dahil mahina ako! P*ta ano bang sumpaan nating dalawa? For better and for worse? For richer and for poorer? For sickness and in health? Til death do us part? Nasaan ka don?”

“S-sorry.” Bulong ko. “Maybe I really thought I was doing it for you pero hindi ko lang pala kaya na makitang hindi ako ang mahal mo nung magising ka.”

Hindi siya sumagot. Ngayon ko pa lang nakikita ang pagkakamali ko. Sa kanyang mukha ay bakas na iyon. Nauunawaan ko kung saan siya nanggagaling.

“P-pwede ba tayong magsimula sa umpisa?” I forced a smile after series of silence.

Mabigat ang paghinga niya. Nanginginig ang kamay kong iniabot sa kanya.

“Hi, I am Calla Sussane Torres, 26, paborito ko ang mga bituin kasi sabi ng Mama ko, kapag namamatay ang mga tao, nagiging bituin sila. I know, nakakatawa iyon pero doon nagsimula ang obsession ko sa stars simula naulila kami. May kakambal ako, kamukha ko, akalain mo yon, may isa pang kasing ganda ko. Asawa siya ng bestfriend mo na si Ashton. Can I be your friend?” Pinilit kong ngumiti. Tiningnan niya lang ang kamay ko. Madidlim ang pares ng mata.

“I am Lorcan Adam Alcantara, 32, I love stars since I woke up from coma because I always dreamed of dancing with someone near the lake under the shooting stars and the Northern lights. That’s the most beautiful. I cannot be your friend. I am married.” Tumalikod siya at humarap sa kaniyang couch at bumalik doon. Kumuha ng magazine at nag-simulang mag-basa, palagay ko ay umiiwas lang. 

Inabala ko naman ang gawain sa kusina at hindi na umalis doon simula nang huling salita sa aming pagitan.

Tinawag ko siya nang maluto na at maihanda ko na ang lamesa. Hindi naman siya nag-atubili.

“Sasabihin ko na lang kay Granny na hindi ako pumapayag sa gusto niya. Wag ka nang mabadtrip.” Nilagyan ko ng kanin ang kanyang plato. “Kilala mo naman ang Lola mo, lagi kang iniinis non at palagi akong ginagamit laban sa iyo.”

Humigop siya ng sabaw mula sa bowl at malalim na nag-isip. “Do you always cook this for me?” Inosenteng tanong niya.

“Your favorite.”

“Are you winning me back?” Pinanliitan niya ako ng mata.

Hindi makapaniwala akong natawa, “Masyado namang mataas ang bilib mo sa sarili mo. Pakipatay nga ang aircon kasi ang lamig na.”

“Why? You don’t want to take me back? Bakit? May karelasyon ka na?”

“Puwede bang huwag mong ibalik sa akin ang gawain mo.”

“I cannot remember you, I don’t even know you. You cannot use it against me.”

“Pero alam mong may asawa ka, hindi mo din naman ako hinanap di ba? Kasi nag-enjoy ka na.”

“Wow, nag-enjoy. Hindi ba puwedeng busy lang sa pag-aaral at pulutin ang sarili ko mag-isa kasi ang asawa ko, ayun, nawala na lang bigla.”

Umirap ako at pabagsak na ibinaba ang kutsara.

“Fine, kasalanan ko. Anong gusto mong susunod na mangyari? Kasi kung bawat sasabihin ko, bawat desisyon ko ay mamasamain mo, eh di ikaw na lang mag-decide. Magaling ka kasi.”

“Magaling talaga ako. At kung akala mong masosolo mo ang kompanya ko, sorry to disappoint but I will be working with you.”

Tumaas ang kilay ko, “Talaga?”

“Talaga!” Pabibo niyang sagot.

“Okay then, Lorcan. Meet you at Nemesis tomorrow, 6AM in the morning.”

“6AM?”

“Morning person ako eh.” Ngumiti ako ng mapanuya.

“Ano naman ngayon? Bakit ako ang mag-aadjust sayo?”

“Kasi secretary kita di ba? Alangan namang mauna pa ako sayo.”

“Hey that’s—”

“That’s the deal, Lorcan. You want to take your company back? Start from the bottom to up. Walang shortcut. Anything you lose that you want to have again should be worked hard double. That’s the price of not taking care of it in the first place.”

Kitang kita ko ang mariing paghawak niya sa kanyang kubyertos. Gusto kong palakpakan ang sarili sa pagiging kampante kahit na kabaliktaran naman ang nararamdaman ko. Ano nga bang alam ko sa paghawak sa isang kompanya? Sure, I was able to attain high GPA on my masters pero hindi iyon totoong buhay.

What did I get myself into?

Paulit ulit na tanong iyon hanggang sa maaga akong nakatulog ng araw na iyon at magising ng madilim pa kinabukasan. Pinag-usapan namin ni Meico na susunduin niya ako at nang sumilip ako sa labas ng bintana ay naroon na siya sa loob ng van.

Nagmadali akong maghanda, on my first day, I opted for light green pleated short dress and Valentino flats. Naihanda ko na din ang dadalhin kong bag, kinuha ko na iyon sa couch at lumabas na.

“Good morning, Madame!” Maligayang bati ni Meico. I smiled and shook my head.

“Umalis na ang Mister mo kanina, ang gwapo. Mukhang pinaghandaan.” Tukso ni Meico, napailing na lamang ako habang binabanggit ang schedules ko sa maghapon habang umaandar ang sasakyan.

“Mamaya ibibigay ko na itong schedule mo kay Lorcan.”

“What? Paano ako kung wala ka?”

“Anong paano ka? Sabi ni Granny, pupwede daw muna akong magbakasyon kasi may assistant ka na.”

“Meico naman, parang ang labo naman non. Paano kung ayaw niyang magtrabaho?”

“Hindi ka naman siguro ilalaglag nung tao.”

Sumilip na ang liwanag sa labas pero mas lalo akong hindi mapakali.

“Meico, baka naman—”

“Lalovelife naman ako. Tatanda ako agad sa lovelife mo pa lang!” Umirap siya habang pinagbubuksan ako ng pinto ng sasakyan at bumaba na ako.

Wala pang tao sa opisina kahit ang receptionist nang dumating kami. The guards greeted me pagkatapos ibigay ni Meico ang papeles tungkol sa akin.

“Basta, last day ko muna ito. Pagkatapos, magbo-Boracay ako. Nakabook na ako..”

“Shhh.”

Ang mga yabag lang namin ni Meico ang humahati sa tahimik na opisina ng Nemesis. Hindi na ako nagtaka na walang tao doon sa opisina.

“Ay dito ka daw..” Turo ni Meico doon sa dating opisina ni Lorcan.

‘Calla Sussane Torres-Alcantara, CEO’

“Bakit naman may nameplate pa?” Reklamo ko.

“Ewan ko, ipinarush daw yan kahapon. Si Granny maraming gimik. Siya na lang ang tanungin mo.”

Binuksan ni Meico ang pintuan para sa akin. Ang bulto ni Lorcan na nakatayo sa harapan ng dati niyang lamesa ang nadatnan namin, hawak niya ang nameplate na naroon sa lamesa at matagal iyong pinag-mamasdan.

“Good morning..” I greeted. Isang beses siyang yumuko para bumati. He’s wearing a three piece suit in all black, he’s hair was neatly tied in a man bun and he looks expensive. Mukhang naging palaboy ako kung itatabi kay Lorcan.

“Hello, cutie boy..” Maligayang bati ni Meico, tumaas ang kilay ni Lorcan.

“Nako, alam ko mukha akong nerd kasi nakasalamin ako, pero humanda ka kapag bumalik ako galing bakasyon, hindi niyo ako makikilala. Ito pala ang schedule ni Mrs. Alcantara, Mr. Alcantara.” Mapahiwatig na tono ni Meico.

“May huddle kayo at 10am para ipakilala kayong dalawa. 70% of the people still knows you and your story so nothing to worry about. Ang outgoing acting President na si Mr. Paras ang gagawa ng pagpapakilala pati si Miss Jaja ng HR. Pagkatapos non ay may meeting si Mrs. Alcantara kay Mr. Paras regarding turnover, kailangan mong sumama para sa minutes, take down notes, dapat mabilis ka, Pogi. Hanggang 2PM ang meeting pero huwag kayong mag-alala kasi merong lunchbreak. Nagbook din ata si Mr. Paras patungong Boracay kaya ngayong araw lang ang meron siya. By the way, Miss Jaja will orient you with the organization 2PM-3PM, then the Sales & Marketing department will brief you from 4-5PM then uwian na.”

Inilipat ni Meico ang page ng kanyang planner at nag-basa doon, “Tapos bukas, sa umaga, tandaan mo ito, Pogi dahil malamang ay nagsa-sunbathing ako niyan sa Station 1 kaya hindi ako sasagot ng tawag, 8AM to 10AM meron kayong briefing sa Finance and Accounting, kasama ang Sales Documentation. 10AM-1PM, free time. 1PM onwards, meeting with the legal department with Attorney Segui.”

Ngumiti si Meico nang matapos siyang magsalita, nagkatinginan kami ni Lorcan.

“Sigurado kang para ngayong araw hanggang bukas lang iyan?” Naisantinig ko.

“Welcome home, you two! Kaya niyo yan. Two heads are better than one. Team Hubby and Wifey, what else could go wrong?” Maligayang tanong ni Meico. I rolled my eyes.

Pagkabigay ni Meico kay Lorcan ng isang bagong planner kung saan nakasulat ang mga schedule ko for the whole month ay lumabas na si Meico at ipinaalam na nakabakasyon din ang driver ko kaya bahala na akong umuwi mamaya.

Great, just great.

“Hindi mo ako kailangang isabay.”

“Hindi naman kita inaalok.”

Pumunta si Lorcan sa kaniyang upuan, yung sa dati kong puwesto, mas maliit ang lamesang iyon kumpara sa akin. Pagkatapos ay tumayo siya at lumabas nang walang sinasabi. Hindi ako makapaniwala sa ginawa niya. Sa oras na yon ay pumapasok na ang mga tao sa opisina at iniwanan niya ako!

Mayroong kumatok at nakita ko doon si Ma’am Lucy, ang head ng Accounting ng Nemesis.

“It is nice to see you again, Calla..” Sinalubong ko siya ng yakap. Tinapik niya ang aking likod ng matagal na parang hindi makapaniwala.

“Ang dami niyong pinagdaanan pero nandito kami para sa inyong mag-asawa. Sana ay makaalala na siya.”

“Ipagdasal na lang po natin.” Malungkot kong sabi.

Bumukas muli ang pinto, “8AM pa ang office hours, hindi pa kumakain si Calla.” Si Lorcan iyon at sa kamay niya ay mayroong hawak na paperbag at drink na nasa cup para sa dalawa.

“Pasensiya na po, Mr. Alcantara, hindi ko lang napigilang batiin ang asawa niyo.” Sabi ni Ma’am Lucy pagkatapos ay ngumiti sa akin at saka isinenyas ang pinto at saka lumabas.

“You don’t have to be mean.” Puna ko kay Lorcan nang makaalis na si Ma’am Lucy, napailing siya at ipinatong sa aking harapan ang paperbag ng dala niya, inilabas doon ang pancakes at ang isa namang box ay french toast.

“Hindi mo ba narinig ang schedule mo sa maghapon? I don’t want them stressing you out this early.”

“Bumabati lang sila, ang OA mo naman.”

“Familiarity results to conflict. Kadalasan ay hindi iniaayos ng mga tao ang trabaho nila dahil hindi sila natatakot sa mga boss.”

“Alam mo, yan ang problema sa iyo. Iba ang tingin mo sa mga staff mo. Hindi naman masama ang pakikisama, Lorcan lalo na kung sila ang bumubuhay sa negosyo mo.”

“Meico said 70% of our staffs are still here, kung ayaw nila ng pamamalakad ko, eh di sana umalis na sila.”

“Because you compensate them very well.”

“Exactly, ano pa bang pakikisama ang gugustuhin nila mula sa akin?”

“Hindi mo maiintindihan.”

“Your leadership style won’t work.”

“Sorry ka, hindi ikaw ang leader ngayon. Makaalala ka muna.” Umirap ako at umupo sa swivel chair. Kinuha ko ang pagkain sa harapan pero agad na iniharang ni Lorcan ang kaniyang kamay.

“Bayad mo?”

“What?”

“You don’t expect your secretary treating you, right? Siguro naman nung ikaw ang nasa posisyon ko, hindi ako nagpalibre sayo.”

Padabog kong kinuha ang wallet ko doon sa bag at inabutan siya ng pera. “Salamat.” Pilit akong ngumiti.

Nang pumatak ang orasan sa alas diez ng umaga ay wala ng patawad ang pagiging abala namin. Panay ang ngiti ko sa lahat ng kakilala ko at pilit na inalam ang pangalan noong mga bago. Mayroong ibang teams na nagpaschedule din ng meeting for clarifications, inililista ni Lorcan ang lahat ng iyon.

Mr. Paras is an old guy, sa kaniya ko nalaman na isa siyang trusted Board of Director ng Nemesis at inappoint siya bilang acting President three years ago at dahil bestfriend ni Granny ang late wife niya, malugod niya itong pinagbigyan.

“This old man really wants to retire. Ito ngang si Romualdo na Tatay mo ay maaga nang nag-retiro. Kaya nga itong si Serafina, nakakaawa din dahil hands on pa din sa negosyo ng kaniyang apo. She’s really concern in this business that you have started, Lorcan and I think it is a good decision to place your wife in your position. After all, sino pa ba ang magtutulungan kundi ang mag-asawa..”

Everyone in the office, especially the managers have the same piece. ‘Sino pa ba ang magtutulungan kundi ang mag-asawa’ line is driving me nuts. We are separating! Hinahawakan ko lang ito ngayon para tiyaking hindi niya mapapabayaan ang kaniyang negosyo kagaya nang sinasabi ni Granny.

Para akong tinapakan ng pamilya ng elepante nang matapos na ang araw. Hindi ko din akalaing matatapos ko iyon nang hindi nahihimatay. Kinahiyaan ko na lang manghingi kay Lorcan ng ice pack para sa aking ulo.

“You may go.” Sabi ko kay Lorcan pagkatapos ng mahabang araw na iyon.

Tumango siya at tahimik na inayos ang kaniyang gamit.

Nakataas ang kilay ko habang pinagmamasdan siyang nakatalikod sa akin at abala sa pagliligpit.

’Fine, umuwi ka mag-isa mo. ’ Umirap ako sa hangin at ipinahinga ang ulo sa lamesa.

I am not made for this, really. Napaangat ang balikat ko nang makarinig ng kulog mula sa labas ng bintana.

“Uulan pa—”

Hindi ko pa natatapos ang statement ko nang bumuhos ang napakalakas na ulan. Nang balikan ko ang lamesa ni Lorcan ay wala na siya doon.

Impit akong napatili sa inis sa mga nangyayari. Kinuha ko na din ang mga gamit ko sa pag-aalalang mas lalo akong hindi makakauwi kapag wala akong masakyang taxi kapag mas lumalim ang gabi dahil rush hour. Thank goodness I wore flats, kung hindi pala ay ano? Baka piliin kong umuwi ng nakapaa.

Naroon pa lang ako sa lobby ay siksikan na ang mga empleyadong nag-nanais ding makauwi, wala ng taxi ang humihinto sa harapan ng gusali. Kailangan kong ireklamo kay Granny ito. Probably Lorcan is acting against her expectations. May gusto tiyak na patunayan ang isang iyon kaya nagmamatigas.

It is raining cats and dogs outside. Parang pumapalakpak sa lupa ang bawat patak, madilim kahit hapon pa lang. Huminga ako ng malalim at tiningnan ang sarili ko. Kailangan kong pumila sa terminal ng FX para makauwi dahil walang taxi. Right. Hindi ko dapat tinitingnan ang bigger picture, uunahin ko muna ang maliit na bagay para hindi ako maoverwhelm.

Bawat segundo ay sinusuntok ko si Lorcan sa aking isip. If he just remembers me, hindi niya ako hahayaan ng ganito. Hindi niya ako pinapabayaan dahil ang kapakanan ko ang una niyang iniisip.

I am beginning to hate him habang nanlalagkit akong nakapila doon sa terminal. Nagsisiksikan ang lahat sa maliit na pathwalk dahil wala namang bubong ang sakayan ng FX at mga jeep.

‘Hindi ka na talaga makakahingi ng pabor sa akin!’ I almost screamed at the top of my lungs pero pinigil ko. Mas lalo lamang akong naiinitan at mukhang walang pag-asa na makasakay ako sa loob ng tatlong oras.

Mangiyak ngiyak ako sa sitwasiyon pagkatapos ng isang oras dahil mayroon pang sumisingit at mayroon ding nag-aaway away. I have to take note na sasakay pa ako ng jeep pagkatapos nito.

“Calla..” Mula sa kung saan ay mayroong tumawag sa akin. Niligon ko ang bandang kaliwa ko, doon sa labas ng pathwalk ay naroon si Lorcan na nakasilong sa payong.

Mas lalo lamang sumama ang loob ko nang makitang nakapagpalit na siya ng damit, ibig sabihin ay talagang umuwi siya nang walang planong isabay ako!

“Calla, umuwi na tayo.”

I rolled my eyes heavewards, nagpanggap na walang nakakarinig.

“Miss, ikaw ba yung tinatawag nung mamang gwapo? Umuwi ka na daw, di na siya galit.” Humagikgik ang babae sa likuran ko. I am very sure na wala siyang sinabi na hindi na siya galit dahil galit pa din yan, pinaplastik lang ako.

“Calla, akala mo ba ay aalis ako dito nang hindi ka sumasama?”

“Ayieeee” Mula sa kung saan ay narinig ko. Women are gushing, ang iba ay naglalabas pa ng cellphone para kunan si Lorcan.

“Nakauwi ka naman na di ba? Bakit bumalik ka pa?”

“Ay girl, pampelikula! I-video mo! I-video mo, dali!”

“Dahil wala ka pa.”

“Ay, winner si Pogi! Besh, puntahan mo na, maraming nakaabang, sige ka.” Kinalabit ako ng baklang malapit doon sa akin.

Napapailing akong humakbang papalapit. Iniabot ni Lorcan ang kamay ko pero tinanggihan ko iyon. Nakalapit ako sa kanya nang hindi hinahawakan ang dulo ng daliri niya.

“Nagpapabebe pa sila pero mamaya, alam na!” Sabi ng isa doon sa usiyoso. Biglang kumulog ng malakas, dahilan kung bakit nagsiltilian ang mga nakapila sa terminal. Mahigpit akong napayakap kay Lorcan dahil sa pansariling gulat. And as if the day isn’t bad enough, nabitiwan ni Lorcan ang payong at mabilis na nilipad iyon ng hangin papalayo kaya bumuhos sa aming mga katawan ang tubig ulan at mabilis kaming nabasa.

“Ayan, nabasa na tayo..” Mahinang ungot ko sa kaniyang dibdib, I somehow felt, home. 

Inilagay ni Lorcan ang kamay niya sa ulo ko na para bang makakatulong iyon na takpan ako. “Bakit ka pa pumunta!” Paninisi ko. Kailangan ko pang pagdaanan ang lahat ng ito bago siya dumating at hindi iyon katanggap tanggap.

“Wala. Narealize ko lang na hindi ka darating kung hindi kita pupuntahan at kukuhanin.”

Hinila ni Lorcan ang kamay ko papalapit sa sasakyan niya pero nagpabigat ako.

“I hate you.”

“I still hate you, too. Pero huwag nating isali ito. Huwag nating pababayaan ang sarili natin dahil magkagalit tayo. Naiintindihan mo?”

Mahina akong tumango. Binalikan niya ako at mahinang pinatakan ng halik sa ulo.

“Come on, let’s go.” Masuyo niyang sabi.

♁☆♁☆♁☆♁☆

![](https://img.wattpad.com/fada3c5faac86fe1571bfe46d322235699a7bf83/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f4a4c4b587a5f796b6e43546e46413d3d2d3134383738373630312e3134663962313666643739653964396437343237393634343835332e676966)

Thanks for reading! Votes and Comments are appreciated. Offensive comments will be placed on MUTE.

Social media accounts:

Facebook Account: Mari Kris Ogang (Makiwander)

Facebook Page: Makiwander

Facebook Group: WANDERLANDIA

Twitter & Instagram: Wandermaki

Go to my wattpad profile and follow me for more stories.

2.8

Fight.

Balot ako ng makapal na tuwalya habang nasa sasakyan, Lorcan turned on the heater kaya hindi ako nilalamig.

“You know you can insist, right?”

“Sabi mo hindi mo ako aalukin na isabay? Umalis ka nang walang paalam.”

“Hindi mo man lang ako hinabol.”

“Gustong gusto mo pa yung hinahabol ka. Wala kang ipinagbagong tao ka.” Kasabay ng pag-bahing. “God, bawal magkasakit.” I muttered. Paulit ulit na pinindot ag ilong.

“Sorry.” Pagalit na wika niya. Hindi ko tuloy alam kung totoo. “H-hindi na mauulit.” Mas mahinahon iyon.

Sandali lang ang naging biyahe pauwi sa bahay, hindi ko alam kung hindi ko namalayan o talagang nag-mamadali si Lorcan. Doon kami dumiretso bahay ko, inakala kong iintayin niya ang towel niyang ipinahiram sa akin pero itinulak niya ako paakyat ng kuwarto ko.

“You need to shower first then change. Magpapalit lang din ako ng damit.”

Binilisan ko ang paliligo dahil giniginaw na talaga ako. Sa aming dalawa ni Clover, ako yung madaling lagnatin, siguro kasi may hika naman siya kaya patas pa din. But please, I don’t want to have a fever. Ang pangit naman kung absent ako kinabukasan dahil may sakit ako.

Humiga ako sa kama nang makapagbihis na ng pajama terno. Nakaramdam ako ng mahinang pagbukas ng pinto pero hindi ko na naidilat ang mga mata ko.

“I cooked while waiting for you. Kumain ka muna.”

Dumilat ako ng kaunti, nakapagpalit na din si Lorcan ng damit at merong hawak na tray sa kamay. Kahit umuusok iyon ay hindi ko din naman maamoy. Cold is the worst. Even astronauts cannot get away with it.

Nang makalapit si Lorcan ay inilagay niya sa pagitan ng binti ko ang lap table tray, sinigang, mainit na kanin at saging ang naroon. Two tablets and a glass of water, too.

Umupo si Lorcan sa harap ko at sumandok ng pagkain.

“Kaya ko naman.”

“Hindi dahil kaya mo, kumportable akong hayaan ka.”

Tinaasan ko siya ng kilay. Alam kong seryoso siya kapag diresto ang tagalog niya. Bumukas ang bibig ko at nilagyan niya iyon ng pagkain. Pakiramdam ko ay ang awkward ng sitwasyon. Nakatitig ako sa maliliit na ilaw na mabagal na kumukurap sa palibot ng kuwarto ko. The silence is more of a love song playing in my head. Naging kasing bagal iyon ng bawat pagsubo at pagnguya ko hanggang sa natapos ko na ang pagkain at nainom ko na din ang gamot. Pagkatapos non ay bumaba siya. Nakatitig pa din ako sa maliliit na ilaw hanggang sa pagkalipas ng ilang minuto, bumalik siya. Walang paalam na umupo sa kama ko.

The bed seemed so small with him on it.

“Pink.” Iniangat niya ang ilang bahagi ng comforter. Parehas kaming nakasandal sa headboard.

“Hindi ko choice yan, si Granny ang nagpalagay.”

“Favorite movie?”

“Huh?”

“What is your favorite movie?”

“What do you think?” Balik tanong ko.

“Starwars?” Hula niya.

Napabuntong hininga ako, malakas.

“Mali?” He asked, disappointed.

“Paano mo nalaman?”

“Na mali?”

“Na Starwars.”

“Because I love Starwars after the coma. In fact, I hated it before.”

“Hindi mo pa din ba ako naaalala?”

Malungkot siyang ngumiti at umiling, parang nahihiya.

“Huwag mo nang pilitin.” I said.

“Calla.” He called after the long silence.

“Hm?”

“When you were my secretary, what kind of relationship we had? Am I, by any means attracted to you? Did you wear sexy clothes and invited me to—”

Itinulak ko siya, mahina siyang natawa. “Ang kapal mo. Inaya mo akong magpakasal, yun ang kwento nating dalawa.”

“How long did we date?”

“Hindi tayo nag-date.”

“So we had s*x and you demanded marriage?”

“Excuse me! Bakit parang ikaw pa ang lugi sa nangyari sa atin por que hindi mo maalala? Ang dami dami ng pinagtiisan ko sa iyo—”

“Dahil gusto mo ako?”

Halos mamanhid ang kamao ko kakakuyom sa sobrang inis. “Dahil sabi mo huwag kitang iwan kahit na ang sama sama mo!”

“Wow, ang sama sama. Bakit wala pa tayong anak?”

Napawi ang inis ko at napalitan iyon ng blangkong ekspresyon.

“I had miscarriage on my first pregnancy. Going two months, no fetal heartbeat.”

Tiningnan niya akong mabuti at napaawang ang labi.

“Huwag mo akong tingnan ng ganyan. Ginawa ko ang lahat para alagaan siya. Hindi ako pabayang ina. It is just that problems came and I may not have handled stress graciously.”

“ ‘I’ was the stress?“

“Nagseself pity ka ba? Isali mo ako para ’di ka mukhang tanga.”

Hindi siya natawa o ngumiti man lang. “Isusurpresa sana kita, I gave you hints and clues by leaving mittens in your glove box. Nakita mo yon nang papauwi ka na kaya tumawag ka.” Kalmado kong ikinuwento iyon na para bang matagal na at hindi na masakit.

“Kaya alam mo, siguro kaya ko din pinili na lumayo nung sabi mong lumayo ako kasi nakokonsensya ako.” Paulit ulit kong kinagat ang pang-ibabang labi para pigilan ang emosyon. “Siguro kasalanan ko. Hindi. Kasalanan ko talaga kung bakit naaksidente ka. Pupwede ko naman sabihin na magkaka’baby’ na tayo at hindi na nag-isip ng gimik pa. Kasi nung nakuha ka nila sa sasakyan, mahigpit yung hawak mo sa mittens na inilagay ko doon. You were holding in to it like your life depended on it.” Nanginig ang boses ko. “Siguro umasa ka na makikita mo siya kaya kailangan mong mabuhay pero nabuhay ka nga at hindi mo na siya makikita.”

“Hindi ko lang maamin na kasalanan ko. Pero ako talaga yun. I am sorry.” Mahina akong natawa, “Sorry, tinotoo ko yung pag-join sa self pity mo.”

Pumulupot ang braso ni Lorcan sa akin at saka ako mahigpit na niyakap. Hindi ako hinayaang magkaroon ng distansya sa kanya.

“It must been really hard for you.” Bulong niya.

“Kaya okay na din kung hindi tayo sa huli kasi baka kapag naalala mo at wala akong maipakita sayong anak, baka magalit ka din—”

“I won’t be. I won’t.”

“Pero gustong gusto mo ang balita na iyon.”

“Then I should have taken care of my life more. Kasalanan ko din.” Bulong niya sa aking leeg. “Enough. Can’t we just move forward and live life as it is?”

“Paano?”

Kasi kung ako ang tatanungin, ang tanging daan na nakikita ko ay ang pabalik kung saan ako nanggaling. No moving forward. Parang tinanggalan ako ng tsansang humakbang pasulong nang hindi siya kasama.

“Let’s not remember the past and live the ‘now’.”

“Mas praktikal yon. Nahihirapan din akong alalahanin yung nakaraan kaya lang naaalala ko pa. It was so painful.”

“That’s the past, it won’t change anything anymore.”

“Tinatanggap mo na ba ang friendship ko? Considering na wala kang asawa na magagalit sayo.”

“I do.”

“So you won’t ask me about our past?”

Nakangiti siyang umiling. Kinuha niya ang kamay ko at pinagdaop iyon. He pressed the TV and pressed the Discovery channel right away. Sabay naming pinanood ang astronmoy facts nang may parehas na reaksyon. Nangingiti.

We fell asleep just like that. I woke up on top of him, extremely cuddling. My face was rested on his broad chest and his arms wrapping my body. Katulad nang dati. At katulad ng dati ay may mga bagay akong ikinakapula ng mukha, unang beses, pagkagising ko sa umaga.

“Oh my god.” I pushed myself away from his snuggle when I felt a bulging muscle on my left thigh.

Mas lalo niyang hinigpitan ang yakap sa akin kaya mas lalo kong naramdaman iyon, now the throbbing muscle is on my abdomen, forcing to be felt. My face is on his face, eyes to eyes, nose to nose, lips to–

“Ano ba, ang halay.” Mahina ko siyang tinapik sa pisngi. Dumilat ang isa niyang mata at sinilip ako nang nakasimangot. Para siyang natauhan at unti unting niluwagan ang kaniyang yakap. Kinuha ko ang pagkakataon para tumayo at saka lumayo.

“Hindi na mauulit ang pagtulog mo dito.” Itinuro ko siya mula sa kama nang makatayo na ako at makalayo.

Pero madali ata iyong sabihin at mahirap gawin….

“Lorcan, this is the third day we are waking up like this. Pupwede bang doon ka matulog sa bahay mo?”

“Friends do sleepovers!” Pagpupunto niya.

“I always wake up on top of you!” Galit kong ibinuhos ang scrambled egg doon sa pan. Mahina niyang tinusok ang tagiliran ko, may kasama pang pilyong pagngisi. Sumilay ang dimples niya na madalas niyang ipakita tuwing galit ako.

“Huwag ka ngang maingay, marinig tayo ng kapitbahay baka kung anong isipin.”

I hissed at him. Iniwanan ko ang kalan at si Lorcan naman ang nag-bantay ng itlog. Inilatag ko ang plato at mga baso.

“I know you enjoy making me your human pillow but making me feel your ugh ! Can’t we get a little bit decent? After all, friendship should be decent!”

“Calla, it is a normal process of the male human anatomy, we get hard every morning because our testosterones are at peak every morning. The more we release hormones to suppress erections when were awake, the more it’ll relax during sleep.”

Pinanlakihan ako ng mata, “You were suppressing that , you mean.” Turo ko sa kaniyang pang-ibaba. Mabuti at kumpleto siya lagi sa damit tuwing nakikitulog siya, kung hindi ay baka kung ano ang maganap sa relaxed hormones niya at ako naman ang yanigin.

“Come on, you don’t expect me to walk with a hard on.” Blunt ang pagkakasabi niya. Binato ko yung isang pot holder sa kaniya pero agad naman siyang nakaiwas.

“Ang bastos mo!”

“See? I knew you will say that. Saka wala pa naman akong ginagawa sayo kahit pa nagawa naman na natin noon.” Pilyo siyang ngumisi.

“Akala ko ba, we will not talk about the past?” Gigil na sumbat ko.

“I am not talking abot the past ‘past’. I am talking about what happened to us in Subic, weeks ago.” Mas lalong namula ang mukha ko. Itinapat ko sa kaniya ang bread knife na merong jam.

“Kailan ba babalik ang girlfriend mo para siya na ang bahala sa hormones mo? Para tigilan mo na din ang pangungulit mo.”

Naging isang linya ang labi niya mula sa kaninang pagkakangiti. Naging seryoso iyon. Of course, Margaux was always a serious topic.

“Are you sure you want her to come back?” Untag niya.

“Bakit? Ayaw mo?”

“Calla, hindi iyon kumportable.”

“She is your now . Bakit hindi ako magiging kumportable? Tanggap ko na iyon.”

“Because I cheated on her, with you.”

“That is just one night.” Umismid ako.

“Really?” Hamon niya.

“Really!” Tumaas ang noo ko na akala mo ay may ipinagmamalaki habang pinatay niya ang kalan sa kaniyang likuran. “B-bakit mo pinatay? Kailangan na nating kumain dahil mahuhuli na—”

“Ano?” Tumaas ang kilay niya. His neatly tied man bun defined his jaw at he tried to pin my body on the couch. “Pinapagod ka ng trabaho.”

“Ano naman?” Singhal ko kahit parang puputok na ang puso ko sa kaba. His HD version was in front of me. Chiseled nose and very, very sexy lips. Kahit ang paglaglag ng manipis na buhok sa kaniyang mukha ay masyadong malinaw. Wait, did he shave last night? Palagay ko ay walang mararamdaman sa kaniyang baba na kahit anong gaspang.

“Paano kung sabihin kong papagurin na lang kita, instead?”

“Ang kadiri mo! Lorcan.” Itinuwid ko ang titig ko, halos mapag-isa kami ng couch habang bumababa ang katawan niya sa akin, buong pwersa. Lumapat ang labi niya sa akin. Just like that, the fire burned our souls with imminent desires.

His hands folded the hem of my oversized shirt until it reaches my heavy breast, not totally undressing me. His kisses were demanding and seemingly teasing, that it is too hot to handle. He sucked my lips impatiently as he made his kisses deeper. Natatakot na ako sa kahihinatnan non. Iginalaw ko ang ulo ko para makaiwas nang makakuha ng pagkakataon.

“Sandali.. You are still in a relationship and this is wrong.” Nanghihinang bulong ko kahit ang bawat hibla ng buhok ko ay tumututol.

Hinihingal niyang ibinaba ang tingin sa aking mga labi, “I am going to break up with her.”

“Sabihin mo yan nang wala kang balak na halikan ako.”

“That.” Bulong niya, he was breathless, “Is the only thing that goes on my mind everytime.”

Buong lakas ko siyang itinulak pero maliit lang ang kaniyang naging paglayo. That is the cliché of refusing but not really meaning it. Itinatakwil ka ng buong muscles mo sa katawan.

Umupo siya sa tabi ko at napahilamos ng mukha, “She’s busy. This is her biggest project by far. Ayaw ko siyang guluhin. Knowing her, uuwi siya at gugustuhin niyang pag-usapan namin ng harapan.” Tukoy niya kay Margaux.

“Hindi mo siya kailangang iwan dahil sa akin.”

Nangingiti niya akong tiningnan, “Yung ulo mo, lumalaki.” Biro niya sabay pindot ng aking sentido. “I am breaking up with her to clear my mind. Yung ako lang. Yung wala akong iniisip na consequences habang binubuo ko muli ang sarili ko.”

“So may pag-asa na babalik ka sa kanya?” I asked.

“May pag-asa na babalik ako sa—”

Tumayo ako, pinilit na hindi na niya ituloy ang sasabihin. “Yung mga lalaki talaga, may amnesia na nga, paasa pa.” Naiiling na sabi ko. He chuckled. Tumayo kasabay ko at hinila akong muli.

“What do you think of this?” Tumaas ang kilay niya at pinatakan akong muli ng halik sa labi. “Baka naman ikaw talaga ang paasa? Hindi ba ikaw ang gustong makipaghiwalay.”

“That was the plan. Hindi ba gusto mong magpakasal?”

“That was the plan. Until there was you.” He smiled proudly and enveloped me with a hug. Sabay ang mga hakbang namin hanggang sa makalapit kami sa lamesa at simulan ang araw namin sa pagsasalo sa almusal.

There’s nothing extraordinary with our routine daily. Lagi siyang kasama sa mga meetings ko sa opisina dahil nagpa-familiarize siya sa mga pasikot sikot nito. Parang parehas din kaming natututo pero madalas din kaming magtalo, ilang araw pa lang naming hinahawakan ang kaniyang kumpanya ay parang naging dungeon ang Nemesis.

“A village in Timor, nagpapatawa ka?” Untag sa akin ni Lorcan nang makapasok kami sa aming opisina pagkatapos ng isang mahabang meeting kasama ang Prime Minister ng Timor. “Mataas ang cost of labor sa Timor, wala ding nagpoproduce ng materyales doon. That means we have to ship from here patungo doon.”

“If we have to ship people—”

“That’s another cost. Immigrations, air tickets, board and lodging, insurance—”

“Can you listen to me first, Lorcan? Ang presidente na mismo nila ang nakikiusap sa atin na patayuan sila kahit simpleng village lang. Naniniwala siyang maia-uplift nito ang pag-asa sa kaniyang nasasakupan. Isa itong intro sa kanilang modernization. Maliit ang kita, oo, pero hindi naman palugi.”

“And why do we care about their modernization, Pilipino ba sila?”

“No Lorcan, tao din naman sila na pupwede nating bigyan ng pagkakataon na itaas ang antas ng pamumuhay. In fact, we can bring skilled workers from here to train their people, hindi naman kailangang 100% ng manpower ay Pilipino. Kung kahit sa wala ay sisimulan natin ang pagtulong sa pag-gawa ng simento—”

“Nabibiro ka.” Mahinang natawa si Lorcan habang napapailing, “Nagbibiro ka hindi ba? This business is not a charity organization! Nemesis did not exist for a cause but for profit! Sino ba ang nagturo sa mga Thai na magtanim ng palay? Hindi ba ang mga Pilipino na nangunguna sa rice industry noon? Ngayon, sino na ang nangunguna? Ang mga Thai. Kulelat na tayo sa pagdating sa rice produce. There are trades secrets that aren’t a give away, Calla. Hindi lahat ng pagbibigay ay maganda.”

“Balang araw ay mamatay ka din naman at hindi mo na mapapakinabangan ang pera mo. At excuse me, hindi kasalanan ng Thailand kung naging mas maunlad sila sa pananim. Kasalanan yun ng mga Pilipinong hindi nagsikap na maging progresibo.”

“I am done with this conversation.” Padabog syang bumagsak sa upuan sa harap ng maliit niyang lamesa, “You are not doing that on my company, Calla. I am warning you.”

“Gagawin ko. I will convince the board—”

“No you won’t! Bakit ba ang tigas ng ulo mo?”

“Dahil CEO ako at sekretarya lang kita!”

“Sekretarya LANG din naman kita noon ah!”

“Akala ko ba nagkaintindihan na tayo na no throwing of our past card?”

“Hindi dahil narecognize ang thesis mo noon sa Harvard para sa mga fourth world country ay gusto mo na itong iapply sa kumpanya ko. Hindi laro ang kumpanyang itinaguyod ko!” Halos lumabas na ang lahat ng litid niya sa leeg nang mag-ring ang telepono niya.

“Hello!” Pagalit na sabi niya kasabay ng pagkunot ng noo. “Who the fck are you?”

“Lorcan!”

“Wala!” Pagkasabi non ay ibinaba niya yung telepono nang pabagsak.

“Ano bang problema mo? Bakit ganon ka sumagot ng phone?”

“The guy is asking if you are here.”

“Sino?”

“I can’t remember.”

“Lorcan meron akong iniintay na mahalagang tawag.” And that is true. I am actually waiting for Geo to call me. Mayroon siyang dalang documents para sa tinitingnan kong property sa US.

“I don’t care.”

“You are acting like a kid.” Nagpamewang ako. “A brat to be exact.”

“Pinaglalaruan mo kasi ang negosyo ko!”

“I am asking you to reconsider.”

Natawa siya, “You are not asking, you are freaking imposing.”

“Alam mo nakakapagod makipagtalo sayo, nakakapagod ang trabahong ito at mas nakakapagod ka. Kaya lang naman ako nandito para sayo. Hanggang kaya mo na mag-isa.”

“Kaya ko naman mag-isa.”

“Ganon? Kaya mo? Hindi mo na ako kailangan?”

“Why is everyone’s thinking that I am a baby? Wala kang pinagkaiba kay Abuela. You are both stressing me out!”

“Sorry kung nag-aalala kami.” Tumalikod na ako at binuksan ang pinto. Napabuntong hininga ako nang makita ang mga staff na naroon sa aming pinto at nakikinig sa aming usapan. Isa isa silang umalis doon nang walang ginagawang ingay. Right, nakikinig sila. Siguro ay hanggang labas ng floor ay maririnig ang sigawan namin. We are gun machine. Nakakaubos ng enerhiya ang makipagtalo sa kaniya.

Bumaba ako sa coffee shop para magpalamig.

‘Bakit ko ba minahal ang walang pusong yon? Wala man lang kacompa-compassion sa katawan.’ Well, he’s not totally like that. Noong may pamilya na kami ay nagbago naman na siya. Iniisip kong dala lang iyon ng hindi niya pagkakatanda sa mga bagay bagay.

“You realized that you are talking out loud, right?”

Isang tasa ng kape ang napunta sa harap ko, kasunod ng blueberry cheesecake. I shook my head and took a sip of the coffee.

“Sorry.”

“Mahirap?” Tumaas ang kilay ni Eros sa akin at umupo na din sa harapan ko.

“Anong ginagawa mo dito? Kapag nakita ka non—”

“Magseselos siya?”

“Lagi na nga kaming magkaaway. Alam mo nung mag-asawa kami, hindi naman kami nag-aaway ng ganito.” Tumusok ako ng blueberry cheesecake at isinubo iyon, “Pero ngayon.”

“Tiisin mo, umalis ka di ba? Ganti sayo yan. Karma is a b*tch, you know.”

“Kaninong kaibigan ka ba? Saka anong ginagawa mo dito?”

“Nakita ko kasi si Clover nung isang araw kasama si Avery, hindi pala niya alam na nandito ka na?”

“Sinabi mo?” Pinanlakihan ako ng mata.

“Paano ka nakapagtago ng ganiyan katagal?”

Napaisip akong mabuti, kaya pala pinutakte ng tawag ang phone ko kanina pero dahil nagpapanggap akong magkabaliktad ang mundo namin ay mamayang madaling araw ko pa siya ite-text at sasabihing kakagising ko lang.

“Nang dumating ako na hindi alam ni Lorcan kung sino ako, hindi kami maaaring makita ni Lorcan na magkasama. Magtatanong iyon kung bakit kilala at kamukha ko ang napangasawa ng bestfriend niya. Kahit si Ashton ay iniiwasan din siya.”

“Magkano kaya magpatayo ng estatwa?”

“Bakit?”

“Pagagawan kita. Saan mo ba gusto?” I rolled my eyes at him, scooping more cheesecake.

“Magkano kaya ang girlfriend? Ikukuha kita para hindi mo na ako pinapakialaman.”

“Ha, I will be in Boracay tonight, paniguradong may makukuha ako roon.”

“Uy, andon ang assistant ko..”

“What?”

Napahagikgik ako. Isang beses pa lang nagkita si Meico at Eros sa Amerika at parehas nilang hindi gusto ang pagkikitang iyon.

“Hanggang sa Boracay ba naman, sinusundan ako ng nerd na yon.”

“Uy, hot kaya si Meico. You must see her on her bikini.”

“No thanks! With her thick framed glasses? Kailan din kaya matututong magsuklay yon?”

“So ano nga ang ipinunta mo dito?”

“I just need to warn you about Clover. Lagot ka doon. I was calling you pero binagsakan ako ng telepono ng asawa mo.” Napahawak siya sa kanyang tainga.

“Fine, I will call her. Umalis ka na, baka mahuli ka pa sa flight mo. Iniintay ka na ni Meico.”

Kitang kita ko ang pamumula ng tainga ni Eros at saka marahas na napailing. “Kinikilabutan ako pag naiisip akong magiging sweet kami ng babaeng yon.”

“Harsh.”

“Bye!” Tumayo si Eros at saka kumaway. My phone rang just in time Eros went out the door. Napapikit ako nang humalo ang eskandalosong ingay sa chime ng bukas sarang pinto ng coffee shop.

“Clover.” Bulong ko. Tumili ang kakambal ko sa kabilang linya.

“How dare you?! Hindi mo ako planong kitain man lang?”

“Calm down.” Napakagat labi ako, “Inaayos ko muna ang sa amin ng asawa ko.”

“Anong sa inyo? Walang inyo!” Angil niya.

“Sige na, pupuntahan kita diyan. I will stay there for a couple of days, tutal naman ay Friday na. Diyan ako magwi-weekend.”

“Not so fast!”

“Ano?” I groaned.

“Nasa Villa Sussane kami sa weekend.”

Parang may kumirot sa puso ko dahil doon. Villa Sussane , ang private beach resort na iniregalo sa akin ni Lorcan noon. Ibinigay ko kay Clover ang susi at hinayaan ko siya sa pamamahala doon. Mariing bilin ko na dalawin iyon dalawang beses isang buwan kahit na hindi ko naman talaga alam kung ano ang gusto kong mangyari doon.

“Iintayin na lang kitang makabalik.” Tugon ko.

“Not so fast again! Pumunta ka dito. Hindi ka ba curious kung anong inilagay ko sa Villa mo?”

“Pink curtains, pink walls..”

Humalakhak ang kakambal ko. I mentally rolled my eyes. I designed the place. Noong una ay puro puti lang iyon ayon sa gusto ko. I decided on the colors of the furnitures. Pasimple akong pumikit para alalahanin ang itsura non pero wala na akong matandaan. Binura ko ata iyon ng kusa.

“Pagkatapos ng oras ko dito pupunta na ako sa bahay niyo para makasama ako sa inyo.”

“Natatandaan mo pa ba kung saan?”

“Anong akala mo sa akin, may amnesia?”

“That is a bad joke.” Napaangat ako ng tingin kay Lorcan na nakatayo na pala sa harapan ko. Umupo siya sa aking harapan kung nasaan si Eros kanina at tiningnan ang tasa ko.

“I’ll see you later. Ipagdala mo na din ako ng damit.” Natataranta kong ibinaba ang cellphone ko.

“Hi Mr. Alcantara. May ipag-uutos ka?” Sarkastiko kong tanong.

“Saan ka pupunta?”

“Sa kakambal ko. Since kaya mo naman nang mag-isa—”

“Hindi ganon ang ibig sabihin ko, Calla.”

“Wala akong pakialam sa ibig mong sabihin.” Umismid ako at akmang tatayo na.

“Kaya kong mag-isa para buhayin ang negosyo at ang pamilya ko. You don’t have to work or think about the company. Hindi mo kailangang magpakapagod dahil kaya kong buhayin ang sarili natin.”

“Hindi ganyan ang dating sa akin so if you will excuse me—”

Bumagsak ang upuan ni Lorcan nang tumayo siya, dahilan kung bakit napalingon sa amin ang lahat. Nilagpasan ko siya pero naikulong niya ako sa kaniyang yakap mula sa likuran. The smell of the ocean and fresh mint leaves gave me warmth that I’ll learn to need when it is close pero kung wala naman ay pinagpapasensyahan ko na wala. Lorcan is an addiction I cannot afford, hindi ko alam tuwing kailan siya nariyan o kung kailan mawawala. Isa siyang patikim ng tadhana, enjoy while supplies last kumbaga.

‘Ay, di ba yan din yung nasa terminal nung isang araw, kuhanan mo dali!’

Napapikit ako, bakit ba kailangang laging ganito? Laging sa public place at mukhang wala talagang pakialam si Lorcan doon.

“What the shouting a while ago really meant was, I don’t want you to get tired by accepting project overseas. Sige, tanggapin mo, pero mag-aassign ka ng tao para magtungo doon.”

Bahagya akong napangisi pero binawi ko iyon, he’s good with words and empty promises. Hindi ako dapat nagpapaniwala. 

“Kahit hindi mo ako pagbigyan, yan ang gagawin ko dahil ako ang may hawak ng kumpanya mo.”

“I know, I know. It is yours. Everything’s yours. Hindi ako makikipagtalo doon. Ang akin ay sa iyo, Calla.”

“Sige na, people are making an entertainment out of this. I will spend my weekend somewhere, I have to go now.”

“I will go with you. Kahit saan.” Bulong niya sa aking tainga at bahagyang sinamyo pa ang aking buhok,

“Kaya ko mag-isa.”

“Ako, hindi.”

“Lorcan..” Mas lalong humigpit ang yakap niya sa aking leeg.

“Please let me be with you. I want to spend my days with you. Kapag hindi, mamatay ako sa boredom.”

“Wala ka namang ginawa kundi ang awayin ako.”

“That’s the fun part..”

“That is not fun for me.” Kinalas ko ang kamay niya pero nagmatigas siya.

“Wag kang mapagod, please.”

‘Oo beh, hinding hindi ako mapapagod..’ Dugtong ng isang usiserong baklang kinukuhaan kami ng video.

“Pupuntahan ko ang kakambal ko. Asawa siya ni Ashton, okay? Naroon sila sa Quezon. Malayo iyon.”

“I can drive. What else do you want me to do?”

To remember me. Well, I guess it is too much to ask.

♁☆♁☆♁☆♁☆

![](https://img.wattpad.com/0656a87ef0814dbb4d31fdf6cf59e7881789bf93/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f496b473779447669774349626e513d3d2d3138383739373031372e313466623336353066383964393731623539373132393836333030362e676966)

Thanks for reading! Votes and Comments are appreciated. Offensive comments will be placed on MUTE.

Social media accounts:

Facebook Account: Mari Kris Ogang (Makiwander)

Facebook Page: Makiwander

Facebook Group: WANDERLANDIA

Twitter & Instagram: Wandermaki

Go to my wattpad profile and follow me for more stories.

2.9

Pangako.

I remember trying to fall asleep while he was driving. Ano nga ba ang pupwedeng pag-usapan ng dalawang taong magkakilala pero yung isa, hindi ka na naaalala.

Bawat bukas ng bibig ko, gusto kong humagalpak ng tawa at sabihing ‘Naalala mo noong..’

Pero siyempre hindi niya naalala. The drive ended up silent. Madilim, walang stars, walang kasabay na sasakyan.

“Dito ba ako liliko?” Tanong sa akin ni Lorcan.

“Oo, tapos pagkanan mo diyan, dire-diretsuhin mo lang hanggang dun sa dulo tapos kakaliwa naman tayo.”

“Naalala mo pa ha. Tatlong taon ka na din bang hindi nakakapunta dito?”

Tumango ako. Kasalanan ni Clover ang awkward na 3-hour drive to Quezon. Masakit sa ulo, sa pwet at sa puso. Iniwanan nila kami. Nagbilin na lang na sumunod na lang ako dahil may magda-drive naman pala. Along the way we ordered cheeseburger, fries and float as our dinner. Muntik pa akong matawa nang bilangan ako ni Lorcan ng calorie content ng bawat isa but he ended up eating everything. Wala nga halos itira.

“Maganda ba don?” Tanong niyang muli, kyuryoso.

“Maganda. Paborito ko doon.”

“Sa tingin mo, magugustuhan ko yon ngayon?”

“Siguro. Pwedeng oo, pwedeng hindi.”

“Malamang oo,” he smiled, “I always like things I don’t remember liking when I woke up from coma. Isang taon lang ba talaga ang pagiging mag-asawa natin? You changed me a lot.”

“Sorry.”

Mas lalong lumapad yung ngiti niya, nag-react agad yung puso ko. Yung kaninang malamig na pakiramdam, natunaw na sa sobrang init nung ngiti niya. Kahit madilim sa labas, walang poste o kung ano, sapat na ang ngiting yon para lumiwanag ang lahat sa paligid ko.

“No, I like the change. Pakiramdam ko, mas relaxed ako. Hindi ko naisip na magiging ganon ako. Personally, my choice was to be uptight and controlled.”

“You still are.” Itinuro ko ang pisngi niya at pinindot yon, napailing siya.

“Mas mabait na ako ngayon. Noong nagpaalam nga si Hilary na magleave ng two weeks, pumayag ako.”

“What?” Kumunot ang noo ko. “Kailan ka pumayag?”

“Nung wala ka, bago kita makita sa coffee shop.”

“Hoy, teka lang.” Hinampas ko siya sa balikat, kumunot ang noo niya, “Ako pa din ang approving officer niyo. Kulang na nga sila sa Marketing tapos pinagleave mo pa. Pagsasabihan ko yon.”

“Huwag mo nang pagsabihan, I can assist the team in place of Hilary. Para maging familiar ako sa Marketing tasks.”

“Pagsasabihan ko pa din. Hindi pupwede yung sayo sila lalapit.”

Tuluyan nang nawala yung ngiti niya, “Ako pa din naman ang mayari ng kumpanya. Yes you are in charge pero ako pa din ang mayari.”

“The point is—”

“The point is, masyado mong sineseryoso ang posisyon mo. Hindi ka din naman magtatagal diyan.”

“Ah, ako pa? Paanong hindi ko seseryosohin eh negosyo mo yan, baka magalit ka kapag nagkandaloko loko hindi ba?” Napailing ako, “Palibhasa maganda si Hilary kaya hindi ka nakatanggi.”

“Hey, hey.. ’Wag mo akong akusahan ng ganyan. Bakit naman ako papatol sa empleyado?”

“Go ask yourself!” Ang dating kaninang matahimik na biyahe ay biglang nabulabog. Palagay ko pati mga natutulog na alitaptap ay nagigising sa pagdaan ng sasakyan namin habang nagbabangayan kami sa loob.

“Kaya nga nagtataka din ako.” Tiningnan niya ako ng mapanghusga nang may multo ng ngiti sa labi. Tumaas ang kilay ko.

“Excuse me! Ikaw ang nag-ayang magpakasal tayo. Ikaw ang humila ng kamay ko para ikasal tayo kahit wala pang tao. Ikaw, at ikaw lang naman ang kumilos lahat at hindi na tinanong ang permiso ko.”

“I wonder..” Nilagay niya ang hintuturo at hinlalaki sa baba niya pagkatapos ay hinaplos yon na parang nag-iisip. Naiinis ko siyang hinampas muli sa balikat. Tumingin ako sa bintana sa labas at piniling ang kadiliman na lang ang tingnan.

“Hindi ka tumanggi?” Pagkatapos ng ilang minutong katahimikan, itinanong niya.

Nagpeke ako ng ngiti at saka pinaliit ang mata, “Madali lang talaga akong maloko. Inaamin ko naman yon.”

Napailing muli siya saka itinuloy ang pagmamaneho. 45 minutes ang lumipas at nakarating din kami sa maliit na port patungo sa Villa Susanne. 24 hours ang mga bangkero na nag-iintay doon kaya taliwas sa mahaba at madilim na dinaanan namin kanina, mas masigla ng kaunti ang daungan. Nagparada lang kami doon sa provided parking lot ng mga turista na nagpupunta sa iba’t ibang isla. Mabuti at meron pang bakante na isa.

“Villa Sussane..” Tawag ko doon sa grupo ng bangkerong naglalaro ng kara krus sa buhanginan. Nagtaas ng kamay ang dalawa at itinuro ang bangka nila.

“Ligtas bang sumakay pa sa bangka ngayong oras?”

“Ano? Magbaback out ka ba? May flashlight naman ang mga bangkero saka 5 minutes lang nandoon na tayo.”

Tumalikod na ako at sumunod doon sa dalawang bangkero na may hawak na life vest nang hawakan muli ni Lorcan ang siko ko.

“T-teka, malamig ba ang tubig? Paano kapag nalaglag tayo?”

“May life vest naman.”

“Paano kapag sira yung lifevest?”

“Eh di oras mo na!” Natawa ako.

“Hindi ako nagbibiro!”

“Hindi din ako nagbibiro. Ano ka ba? Masyadong mapagmahal sa buhay? Sabagay, important person ka nga pala. Mayari ng kumpanya, gwapo, ikakasal pa.”

“Calla—”

“Manong, pa-assist po..” Iniabot ko ang kamay ko sa bangkero. Bahagyang kumilos ang bangka nang sumampa ako.

“Ano? Sasakay ka ba?” Tanong ko nang nilingon si Lorcan na naroon pa din sa pampang, “Sabagay, kaya mo pa siguro magdrive ng apat na oras pabalik? Ako kasi, antok na. I badly need sleep.”

“Ikaw pa ang kailangan matulog ha. I drove for four hours!”

“I drove for four hours.” Ginaya ko ang sinabi niya, in a mocking way. Nagsalubong ang kilay niya at mabibigat ang mga paang lumapit sa bangka.

“Uy, si Boss Pogi pala ito eh, hindi kita nakilala ah.”

Tinitigan ni Lorcan ang tumulong sakaniyang makasakay ng bangka. Lumalim ang kunot at nag-isip mabuti. Unti unti siyang napahawak sa sentido kaya kinuha ko ang kamay niya at ibinaba iyon.

“Kuya, may sakit siya ngayon. Hindi pa niya kayo maaalala. Pasensya na.”

“Ganun ba? Isa kasi ako sa trabahador sa Villa Sussane kaya lagi kaming magkasama dati. Ano po ang sakit niya?” Bulong sa akin ng bangkero.

“Amnesia.” Tipid akong ngumiti. Napanganga ang bangkero parang hindi kumbinsido pero maya maya ay nilingon si Lorcan na nahulog na naman sa malalim na pag-iisip.

“Ako po si Erwin, Bossing. Sabi niyo, ipinagawa niyo ang villa para sa asawa at magiging anak niyo. Bilib nga ako sa’yo Boss eh. Mahal na mahal niyo ang misis niyo.”

Umandar ang engine ng bangkang de motor. Ipinagpasalamat ko ang ingay na yon dahil mukhang mas naguguluhan na ang kasama ko. Kalmado ang dagat, tinalo nito ang puso ko na parang paulit ulit na umaalon.

Alright, relax, Calla. Ano naman kung makikita niya ang ipinatayo niya para sa iyo?

Nang dumaong ang bangka sa maliit na isla ay ako na din ang nag-abot ng bayad. Huminga ako ng malalim at pinalibot ang mata sa Villa Sussane, hindi nga nagsisinungaling si Clover na inaalagaan nila ito ni Ashton. Naroon pa din ang puno na itinanim namin noon, mas lumaki na ito. Ang pintura ay mukha pa ding bago, probably not the original pero parehas na kulay pa din.

Tanaw ang nakabukas na warm lights doon sa salas at may mga pagkilos doon. Natanaw ko na ang kakambal ko na kayakapan si Ashton. Ang harot talaga.

“Ang ganda.” Nagsalita sa likuran ko si Lorcan. “And I gave this to you. Ganoon ako kagenerous?”

“Ganoon ka kapatay na patay sa akin.”

“You are twisting the facts.” Pinanliitan niya ako ng mata, umirap ako.

“Wala ka namang maalala hindi ba?” Tukso ko.

Mahina siyang natawa, “Kapag naalala ko ang lahat, humanda ka.”

“Anong gagawin mo?”

“Kung hindi ka nagsasabi ng totoo, I’ll probably laugh at you.”

“Paano kung totoo?”

“Then,” bumaba ang tingin niya sa aking mga labi at malagkit akong tiningnan. His hazel brown eyes lingered more than it should.

“Hay! Gabing gabi, landian! Mahamugan kayo diyan! Pasok! Pasok!” Anyaya ng kakambal ko na mukhang handa na sa pagtulog. Dumalo din si Ashton sa kaniya na niyakap siya mula sa likod.

“Si Avery?” Tanong ko.

“Tulog na. May respeto sa oras ng matatanda ang anak ko pero huwag din kayong masyadong maingay mamaya..” Kumindat sa akin si Clover at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

“Ang bastos mo!”

“What? Bakit?”

Naiwanan pa kami ni Clover sa may pintuan dahil pumasok na ang dalawang lalaki at nagkuwentuhan. Palinga linga si Lorcan na para bang hindi kanya ang Villa Sussane.

“Ano? Naaalala na ba niya?”

“Hindi pa.” 

Sumiksik sa akin si Clover at hinila ako patungo sa couch para doon maupo.

“Ipinapaalala mo ba? Dapat pinaparanas mo yung mga karanasan niyo dati. Baka kapag ipasok niya yung ano niya, maalala niya yung pakiramdam, kasi balita ko nahuhulma naman daw yun lalo na kapag isa lang ang nakapasok.”

“Clover!” Namumula na talaga ang mukha ko. Mabuti at hindi kami naririnig ni Lorcan dahil sa malakas nilang tawanan ng kaibigan niyang si Ashton.

“Wedding ring! Ay grabe, ang green! Environmentalist ka na ba? Ang berde, kadiri!” Umarte pa siyang nasusuka.

“Tigilan mo nga ako. Saan ba ang kuwarto ko?”

“Doon sa Masters.”

“Okay, good.” Tumayo na ako.

“Baka i-lock mo ang pinto, hindi pa nakakapasok ang asawa mo.”

“What? Tatlo ang kuwarto ah.”

“Pavirgin!” Angal ni Clover, “Kung pavirgin ka, pwes ako hindi. Yung gitnang kuwarto, naroon si Avery at Yaya Maita. Siyempre humiwalay kami ni Ash, paano na ang pangangailangang pisikal ko?”

“Mahal..” Malambing na tawag ni Ashton kay Clover na namumula ang pisngi, mukhang naririnig kami.

“Teka.. In a relationship yung tao.” Bulong ko.

“True! In a relationship with many! Married naman kayo so walang masama doon. Ashton!” Baling nito sa asawa. “Inaantok na ako. Humarvest ka na bago ko pa makatulugan.”

“Harvest?” Sabay naming tanong ni Lorcan.

“Secret code namin yon! Bukas na tayo mag-usap. Kung ano mang kalabog ang maririnig niyo, patnubay at gabay lang ang kinakailangan.” Sagot ni Clover kasabay ng kindat. Nilapitan siya ni Ashton at sabay silang umakyat sa itaas. Ako na ang nagkusang sarhan ang mga bintana pati ang mga ilaw sa ibaba.

Napatingin ako kay Lorcan na ngayon ay nakanguso.

“Ayaw mo akong katabi.” Parang nagtatampo pang sabi niya.

“Ah, hindi. Ano lang.. Alam mo na. Si Clover kasi tutuksuhin tayo.”

“So?”

“Baka hindi ka lang maging kumportable.”

“Ako o ikaw ang hindi magiging kumportable? Calla, wala akong gagawin na labag sa kalooban mo, okay? Hanggang wala kang hihilingin hindi ko ibibigay. I want to clarify that.”

“Ha-ha, ang kapal talaga.” Napailing ako at mahina siyang itinulak. Hinuli ni Lorcan ang kamay ko at pinagdaop ang aming mga palad, magkakabit ang mga daliri. Napalunok ako. Mabuti at patay na ang ilaw pero ang sumisilip na liwanag sa buwan ang nagbigay ng clue kung gaano siya kaguwapo sa suot niyang dress shirt na gusot gusot at tanging ang buhok niyang nakatali ang hindi isang pagkakamali sa kaniyang mukha. Dahil ang iba, ang iba ay sobrang ganda talaga.

Hindi makatarungan sa ganda. Parang sinalo niya ang lahat para kumopya sa diyos ng magiging itsura.

Kumalabog ang dibdib ko, palagay ko ganoon din siya, isang ngiti ang pinakawalan niya tapos binasa niya ang pangibabang labi niya at pinisil niya ang palad ko gamit ang kamay niyang nakahawak doon. Tumawa ako ng kinakabahan.

“Meron akong ipapakita sayong amazing.” Bulong ko. Humarap siya sa akin, bahagyang nakayuko. Kinuha niya ang isang kamay ko at pinagkabit muli ang aming mga daliri.

“Meron pa ba akong hindi nakikita?” Mababa at buo ang boses niya. Kinilabutan ako sa paraan ng pagkakasabi niya.

“Nakita mo na noon..”

Ngumisi siya at tumingin sa dibdib ko. Pinanlakihan ako ng mga mata dahil mukhang alam ko  na ang iniisip niya. “Bastos ka din!”

“What?” Natatawang tanong niya. Kinuha niya ang kamay ko at hinila na din paakyat. In fairness, tama ang silid na binuksan niya. Ang unang pinto ay ang master’s bedroom. Sa gitna ay ang malapad na kingsize bed. Wala namang espesyal bukod sa bintanang nakaharap sa dagat. Ngayon ay nakasarado ang mga blinds.

“Maligo ka muna.” Utos ko kay Lorcan.

“Ang selan mo naman!” Reklamo niya. I snarled at him. He barked laughter, instinctively dumiretso sa banyo na nasa loob ng silid. Binuksan ko ang duffel bag naming dalawa, kumuha ako ng pantulog niya, at para din sa akin. Parehas na inilatag iyon sa kama. Kagaya ng dati.

Lumabas si Lorcan sa banyo at ako naman ang pumalit, bitbit ko na ang mga damit ko. Hindi ko na siya tiningnan pa, alam ko namang tuwalya lang ang takip niya sa katawan. Bahagya pa akong nadikit sa basa niyang balat pero hindi ko talaga nilingon! Mabilis din akong naligo at nagpatuyo ng buhok, at nang lumabas ako ay nakapuwesto na doon si Lorcan sa kama. Sa madalas na pwesto niya. Lagi niyang kinukuha ang kaliwang bahagi, hindi dahil yon ang gusto niya kundi dahil gusto ko ang kanan.

“Game, ano na ang ipapakita mo?” Humalukipkip si Lorcan at tinitigan ako.

“Wala sa akin.” Binuksan ko ang side table at hindi ako nagkamaling naroon pa ang remote control ng hydraulic roof. I pressed a button at marahang bumukas ang bubong ng silid. Tanging clear glass roofing na lang ang tanging takip ng aming bubungan.

“Whoah.” Manghang sabi ni Lorcan habang nakatingala at binubusog ang paningin sa bituin sa langit nang bumukas ang kisame. “Did we make this?”

Tumango ako. Humila ng unan humiga doon. Nakatingala sa mga bituin. Tumabi sa akin si Lorcan, ganoon din ang ginawa. Tinuro ko ang constellation na visible mula sa puwesto namin.

“Cassiopeia.” Sabay naming bulong ni Lorcan. Nanatili kaming nakatitig doon habang pinapakiramdaman ang isa’t isa. Gumapang sa akin ang isang kamay ni Lorcan, kumilos siya. He lay by his side and looked at me intently.

“Did we..” Panimula niya, “Did we make love under the stars?”

“Bakit mo tinatanong?” Kahit kinakabahan ay matapang kong sinalubong ang titig niya.

He pouted and shrugged, “Parang ang romantic kasi. Hindi mawawala sa bucket list ko yon kung nagkataon.”

“You can make new memories. If you think it is romantic then, you should try.”

“Talaga?”

Mas lumapit pa ang katawan niya sa akin, huli na nang napagtanto kong inilapit niya ang mukha niya sa akin at saka ako sinubok na halikan. Nailayo ko ang ulo ko sa kaniya.

“Teka, ako talaga? Ako ang nasa bucket list mo? Umayos ka, Lorcan.”

“Come on, you still like me.”

“Wow, ang hangin. Nasaan ba ang remote ng aircon, patayin ko nalang dahil sayang ang kuryente. Sapat na sapat na ang hangin mo sa katawan e.”

“You are acting like we haven’t done anything like this before.” Pinanliitan niya ako ng mata.

“Ah, reverse psychology. Akala mo madadaan mo ako riyan?”

“I kissed you and you kissed back, you reciprocated. Pinapasakay mo lang ba ako?” Tanong niya.

“Hindi kita pinapasakay, okay? Nadala rin lang naman ako. There are things that I want.. That my body needs. You know, nasa point ako ng buhay ko na kapag may nag-hello sa akin ay ipapakilala ko na as boyfriend ko kinabukasan. Ang tanda ko na.”

“I can take care of that.”

“Ano ka ba? I know we are in a very wrong situation. I know we are married but you are in love with somebody else.”

“Like you are so sure of it.”

“Siyempre sigurado ako.”

“I want you, Calla.” Hinuli niya ang parehas na braso ko para tumigil ang mga kamay ko sa pagkampay.

“Ano to, The Voice ? Kapag inikot mo ang upuan, makukuha mo ako?”

“Ano bang gusto mo mula sakin? Yes, I cannot remember you but I am telling you that I like you. Now. This is now. Anong pinagkaiba ko sa bago mong makikilala? Itinutulak mo pa din ako papalayo? Bakit, Calla? Hindi ba pupwedeng kalimutan na natin ang nangyari, patawarin mo ako, patawarin kita at tayo na? Bakit pinapahirapan mo ako? Ayaw mo na ba?” Bumagsak ang tingin niya sa mga kamay niyang nakahawak sa aking braso. Binalot ako ng guilt.

“No, no, of course not. Hindi ganon yon, Lorcan. Marami lang siguro tayong kailangan pang pag-usapan kaya yon ang pumipigil sa akin. Una, si Margaux—”

“Sinabi ko na—”

“Di ba ganyan naman ang lahat ng nagtataksil? Kapag wala ang karelasyon nila, magtataksil sila? Paano kapag dumating? Babalik ka at saan ako doon?”

Kinuha ni Lorcan ang kamay ko at pinatong sa dibdib niya.

“Nandito, nandito pa din. Hindi naman nawala. Huwag na nating pag-usapan ang wala naman dito. Gusto mo pa din ba ako?”

Sa puntong iyon, wala nang magagawa kung magsisinungaling pa, marahan akong tumango.

“Gusto din kita.”

“Now, as two mature adults here.. I want to kiss you, pupwede ba?” Magalang niyang tanong. Tumango ako. Walang special music o kaya effects, hindi din mabagal, hindi din naman mabilis. Bumagsak ang labi niya patungo sa labi ko.

“I promise to take care of you.”

Tumango ako habang tinutugon ang masuyong halik niya.

“From this day and forever.” He added. “And to be honest on what I feel, no matter what.”

Pinuno niya ng emosyon ang halik niya, tumitigil lang siya tuwing magsasalita, pero walang iba kundi mga pangako iyon.

“I will make it right.” He said. “And I hope to see you as I walk to the light. Kapag maliligaw ako, kunin mo ulit ako. I cannot do this alone.”

Pinisil niya ang kamay ko, ginigising ako para sumumpa kasama niya. I nodded.

“Hindi mo na ulit bibitiwan ang kamay ko kahit sabihin kong ayoko na nito dahil malamang hindi iyon magiging totoo. Mas malakas ka, tandaan mo.”

That night was filled with promises. Hindi ako nahiyang sabihin ang mga gusto kong sabihin. Hindi ko na kinaligtaan na ipadama sa kaniya ng walang pagpipigil ang mga bagay na gusto niya. We collapsed to bed almost 5am in the morning. Magkahawak kamay, walang damit sa ilalim ng kumot at magkalapat ang labi na parehas na merong ngiti.


“Calla, may puti ka dito..” Itinuro ni Clover ang gilid ng labi ko, nagmamadali ko iyong kinapa. Mahinang natawa si Ashton na sinusubuan si Avery ng baby food.

Humagalpak si Clover, sinamaan ko siya ng tingin. Umagang umaga, nakuha pang inisin ako.

“Parang may narinig lang kasi ako kagabi.” Tudyo niya.

“Ako din.”

“T-talaga?”

“Oo, something like, ‘itali mo ako’. Grabe, ang wild naman non.”

“Paano mo nalaman yon?” Napatayo si Clover at tinitigan ako. Mahina akong natawa.

“So meron ngang ganon?” Napailing ako. Wala naman talaga akong narinig, hinuhuli ko lang talaga siya.

Napalingon kami sa mabilis na pagbukas ng masters bedroom kung saan kami natulog ni Lorcan.

“I know. Yes, may pinuntahan lang. Nandiyan ako mamaya. Yes. See you.”

Nag-kibit balikat si Clover nang magkatinginan kami nang ibaba ni Lorcan ang cellphone na hawak, kanina ay may kausap doon.

Tumikhim si Lorcan. Naglakad papalapit sa akin at kinuha ang kamay ko.

“We need to talk.”

Nagpahila ako sa kaniya papalabas ng villa. Dinala niya ako sa pagitan ng villa at ng pampang at hinawakan ang parehas na kamay.

“Dumating na si Margaux. I need to sort out things with her. I won’t ask you to come with me, ako muna ang kakausap sa kaniya but I need you to trust me on this.”

Nakakaunawa akong tumango at ngumiti.

“Okay.”

“Calla, nothing will change. Ikaw pa din ang pipiliin ko, maniwala ka.”

“Okay..”

“Calla naman..”

“Okay nga. Anong gusto mo, hindi okay? Lorcan, hindi ko kailangan ng pangako mo. Ang kailangan ko, mag-ingat ka sa pagmamaneho. Huwag kang hahawak ng cellphone habang nagmamaneho, okay?”

Inilagay ni Lorcan ang parehas na palad niya sa aking pisngi at paulit ulit na hinaplos iyon, parang ayaw pakawalan. Ipinatong niya ang noo niya sa akin at gamit ang mga mata niya ay tinitigan akong mabuti.

“Huwag na lang kaya akong umalis?” Nanghihinang bulong nito.

“Gawin mo ang kailangan mong gawin.”

“Really?”

Tumango ako, pinuwersa ang ngiti. Bumaba ang mukha niya sa akin at pinatakan ako ng maingat at mabagal na halik sa labi. He was taking time. Biting my lower lip gently and suckling my entirety. Parang gusto niyang isama ang kaluluwa ko sa kanya.

“Sumama ka na lang kaya.” Bulong niya na parang nahihirapan.

“Lorcan..”

“I am serious. Baka hindi ako makapagdrive ng maayos kapag hindi ka kasama. I will think about what you are doing here without me.”

“Paano si Margaux? Makikita niya agad ako.”

“Then huwag kang magpakita. Basta gusto ko, malapit ka. Sandali lang ito. Pangako.”

♁☆♁☆♁☆♁☆

![](https://img.wattpad.com/c9873d18622ddb2bd7ab3e351a60e360edb6db9e/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f6d6d4948654232506570366c61513d3d2d3134393231343131352e313466643933383832656439656537613731353636383935333730322e676966)

Thanks for reading! Votes and Comments are appreciated. Offensive comments will be placed on MUTE.

Social media accounts:

Facebook Account: Mari Kris Ogang (Makiwander)

Facebook Page: Makiwander

Facebook Group: WANDERLANDIA

Twitter & Instagram: Wandermaki

Go to my wattpad profile and follow me for more stories.

2.10

Maki Say’s: Wala namang pattern tuwing kailan ako mag-a-update. Nagkataon lang na 2 weeks akong nagkasakit tapos naipon din yung trabaho ko sa freelance jobs ko :)


Better.

Sabi nila, good things shall come to an end.

Paano yung wala pang good things pero end na?

“I missed you, Babe!” Pumikit ako habang pinapakinggan ko yung nangyayari sa labas ng bahay niya. An hour pagkatapos naming makabalik ng Manila, he has to face one of his problems.

Kung problema nga bang maituturing ito. He can continue living his life. He can actually forget about me. Tapos ang problema. Exit ako sa eksena.

“Sandali, Margaux. We need to talk.”

Nanlamig na naman ang mga kamay ko. Lumamig, to the point na namanhid.

Lalo na nang papunta na sila sa direksyon ko. Sa bahay ni Lorcan.

“Pumasok muna tayo sa bahay mo. I missed you.. I want to kiss you.” Malambing na humilig si Margaux sa dibdib ni Lorcan. Inilagay ko ang palad ko sa dibdib ko at taimtim na pumikit para maibsan ang sakit.

“Wait..” Narinig kong pinigilan siya ni Lorcan para pumasok.

Bumukas ang pinto, nagkatinginan kami ni Margaux, bumakas ang gulat sa mukha niya pero sandali lang. Her white dress fits her perfectly. She was perfect. Kahit yung tangkad nila ni Lorcan, hindi nagkakatayo. This is what I thought years ago. Bagay sila. Bagay naman talaga sila.

“I am with Calla. My wife.” Buntong hininga ni Lorcan.

“What are you doing here?” Bakas ang panunumbat sa boses ni Margaux. Tumayo ako at para salubungin ang galit na titig niya.

“Margaux, nandito ako para—”

“Para ano? Guluhin ulit ang buhay namin?”

Napaawang ang bibig ko, hindi maintindihan ang sinabi niya.

“Babalik ka kung kailan maayos na ang lahat? Kung kailan magpapakasal na kami?” Dugtong niya.

“Margaux, please calm down. We three need to talk.” Suway ni Lorcan.

“Bakit kasali siya? Hindi mo ba alam na niloloko ka ng babaeng yan! Anong kasinungalingan ang sinabi niya sayo? That you were once happily married?” May pangungutya sa boses niyang iyon.

“Yes, you were married but that’s all in papers! Pinakasalan mo siya dahil gusto mong makuha ang mana mo and Abuela wanted her to be your wife to move on from me. But that marriage was meaningless. Ano? Kulang pa ba ang perang ibinayad sayo ni Lorcan para maging pekeng asawa mo?”

“Margaux!” Nagsimulang uminit ang pisngi ko hindi sa pagkapahiya kung hindi sa galit. Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang impormasyong iyon. Maybe Lorcan told her before he lost his memories but that was not so important. What we had was special!

“Calla, is that true?” Bakas ang sakit sa mukha ni Lorcan.

“Y-yun sa simula—”

“See? And what? You made him believe that what you had was special? Where in fact, kaya rin lang naman ikaw ginamit ni Lorcan ay para pasakitan ako! Pumayag ka nang dahil sa pera! It was all about the money!”

Isang malakas na sampal ang pinadapo ko sa mukha ni Margaux, agad na may pumatak na luha sa mukha niya at tiningnan si Lorcan. Anger boiled inside me because of her poor acting.

“Wala kang alam kung ano ang naganap sa pagitan namin ni Lorcan, Margaux. Kung ano man ang alam mo, katiting lang yan sa kung ano ang totoo.”

“You are a con!” Patuloy na akusa ni Margaux sa galit na tono. “Kung talagang minahal ka niya, dapat ikaw ang naaalala niya. What do you brag about? The papers?”

“Pupwede ba, Margaux? Do not twist facts! Wala kang alam kung ano ang nangyari sa pagitan namin ni Lorcan!”

“Pero sinabi mo ba sa kaniya ang totoo? You were hired to pose as his wife! Maghihiwalay kayo after a year at siguro, siguro ay may kinalaman ka sa pagkaaksidente ni Lorcan para mamatay siya habang hindi pa kayo nagkakahiwalay at mapunta sayo ang lahat ng yaman niya.”

“This is ridiculous!” Halos matawa ako sa pagtagpi tagpi ni Margaux ng kuwento. Hindi na ako magtataka kung bakit siya naging sikat na manunulat.

“Ridiculous? Gayong meron akong ebidensya na may faulty wiring sa kaniyang sasakyan! Kaya ka pinalayo ng mga magulang ni Lorcan dahil sa imbestigasyon.”

“What? So I am the suspect, all along?” Natatawa kong sabi.

Napatingin ako kay Lorcan na seryosong nakikinig.

“Lorcan, don’t tell me, naniniwala ka sa babaeng ito? She just wanted you all by herself at ginagawan niya ako ng kuwento!”

“Pinagplanuhan mo ang buhay ko?” Halos bulong na tanong ni Lorcan.

“What? No! Bakit ko naman gagawin ko yon sa iyo?”

“Umamin ka nang nasilaw ka sa pera at gusto mo ng mas marami pa! Ano bang ginagawa mo sa malapit sa kaniya?”

“I filed na annulment papers!” Giit ko.

“Ang galing mo rin naman, ano. You filed the annulment papers para kahit hindi ang buong kayamanan ni Lorcan ang makuha mo, kahit ang kalahati.”

“Kaya ba ipinipilit mong magkaroon ng posisyon sa kumpaniya para kunin sa akin ang lahat, Calla?” Madilim ang anyo ni Lorcan. Nanginig ang tuhod ko. Alam kong hindi niya ako pinapaniwalaan at nayanig ko ang kaniyang paniniwala.

“Look, this girl is a danger, Lorcan. She’s after the money. Maaring napaikot na niya ang ulo ng mga nakapaligid sayo but who else should know her intentions, siya lang naman!”

“Tumigil ka na, Margaux.” Banta ko.

“Lorcan, makinig ka. Wala akong gustong patunayan o kunin mula sayo. Wala akong ibang inisip kundi ang kapakanan mo. Wala akong ibang hiniling kundi ang gumaling ka. Kahit siraan ako ni Margaux—”

“Tama na muna, Calla. Enough. Enough for today. I can only take as much.” Tinakpan niya ang mga mata niya ng kaniyang palad. Mapait akong ngumiti.

“Hindi ka naniniwala sa akin, hindi ba?”

“Calla, please. I need some time.”

“Iniisip mong magagawa ko yon sayo?”

“Oh come on, your strategy won’t work.” Napapailing na wika ni Margaux. “Umalis ka at huwag nang magpapakita!”

“Ikaw ba ang papakasalan ni Lorcan?” I could taste acid on my throat. “Sinungaling ka! You don’t deserve him!”

“At ikaw, deserve mo? Eh isa kang sinungaling.”

Hinarap ko si Lorcan, kinuha ang parehas na palad pero binawi niya iyon mula sa akin. Masakit iyon. Masakit dahil alam ko ang totoo at ayaw niya akong paniwalaan.

“Sinasaktan mo na naman ako.” Bulong ko sa kaniya at saka tumalikod na.


“Tahan na nga, Apo!” Hinaplos ni Granny ang likod ko. “Magbabackfire din pala sa atin ang mga plano natin noon. Na-resolve na yung issue na yan eh. Kuu! Kung bakit ba kasi umeksena pa yang si Margaux! Hindi ko talaga ibibigay kay Lorcan ang negosyo niya kung papakasalan niya si Margaux.”

Suminghot ako at ipinunas ang tuwalya sa mukha ko. Dumiretso ako sa bahay ni Granny pagkatapos ng pag-uusap naming tatlo.

“Ako na naman ang pagbibintangan ng apo niyo. Ibalik niyo na kasi kay Lorcan, Granny. Babalik na lang ako sa States.”

“Babalik? Hindi pupwede. Dito ka lang. Sige, ibabalik ko sa kaniya ang CEO post pero ikaw pa din ang representative ng Board. Tingnan natin.”

“Granny, please.” Muli akong naiyak. Naiipit na ako sa mag-Lola. Ito ang naging puno’t dulo ng problema. Tiningnan ako ni Granny at saka ako inabutan ng isang basong tubig.

“Pinagsisisihan mo na ba na pumasok ka sa gulo ng pamilya ko? Na pumayag ka sa gusto ko?”

“Hindi naman sa ganon, Granny, pero tingnan niyo naman ang problema ko, patong patong. Kung hindi lang sa birth certificate ko, iisipin kong fifty years old na ako.”

“Hindi mo na ba mahal ang apo ko?” Tumaas ang kilay ni Granny.

“Judgemental mo po.” Bulong ko.

“Eh kasi parang nagsisisi ka na sa mga pinagdaanan niyo. Pagsubok lang yan sa inyong mag-asawa. Kaniya kaniyang pagsubok yan. Siguro dahil hindi niyo naman magiging problema ang pera dahil maraming pera ang apo ko, ibang problema naman ang binigay sa inyo.”

“Siguro nga po..”

“Saka hahayaan mo bang mapunta kay Margaux ang apo ko ngayong nakita mo na ang totoo niyang kulay?”

“Granny kasi—”

“Ano? Hahayaan mong masira ang buhay ng apo ko sa maling babae dahil mahirap na?”

“Hindi naman sa ganon. Fine. Sige, Granny. Last na. Last na subok nang pagbabantay ko kay Mr. Kalimot. Kapag walang nangyari, sorry Granny pero kaunting sakit na lang ang kaya nito.” Itinuro ko ang puso ko, “Kasi matagal na tong nawasak. Scotch tape na lang ang dikit.”

“Salamat, Apo. Sige na, uwi ka na.” Tumayo si Granny sa kaniyang kama at inabot ang kamay niya. Liunutan ko siya ng noo.

“Uuwi? Granny naman. Dito na lang ako. Ayoko nang maging kapitbahay si Lorcan.”

“Paano mo babantayan ang Apo ko? Saka bahay mo naman talaga yon. Magkikita lang kayo kapag lalabas ka na nasa labas din siya. But most of the days, you are just there, sleeping. Sige na. Mas napapanatag ako na malapit ka sa kaniya.”

Wala akong nagawa nang itaboy ako ni Granny. Mabuti na lang nung bumalik ako sa bahay ko, wala doon ang sasakyan ni Lorcan. Siguro nag-date sila ni Margaux. Siguro siniraan na ako ng babaeng yon. Nakatulugan ko ang pag-iisip, nagising ako sa napakalakas na hampas ng hangin mula sa labas.

Nagulat ako sa nakita mula sa bintana, halos sumayaw ang mga puno at ang tuktok ay halos humalik sa lupa. Kasabay non ay ang pagkalam ng sikmura ko. Patakbo akong bumaba mula sa kuwarto ko para maghagilap ng pagkain. To my horror, tanging tubig lang ang laman ng ref ko. Uminom ako para maibsan ang gutom. Huminga ako ng malalim at pumikit.

‘Relax, Calla. Pupwede kang umorder ng pagkain.’

Kinuha ko ang phone, trying my luck on fastfood deliveries but to no avail. Baha daw papunta sa amin. Mas lalo akong nag-alala. Tinawagan ko si Clover at nakahinga ako ng maluwag nang malaman na nakauwi din sila bago pa bumuhos ang napakalakas na ulan.

Umupo muna ako sa couch, binuksan ang TV at nanood ng balita. Na-divert ang atensyon ko sa balita tungkol sa baha at stranded na mga tao sa buong Metro Manila. Napailing ako. Hindi mo talaga masasabi kung kailan darating ang bagyo. Kanina lang ay maaraw pa.

Napatakip ako ng tainga sa malakas na kulog na may kasamang kidlat sa labas. Bumibilis ang tibok ng puso ko at naiimagine ang pagtama ng kidlat sa bahay ko. Kumalam muli ang sikmura ko. Tumunog iyon at nakipagpaligsahan sa kidlat. Uminom ulit ako ng tubig pero hindi effective. Nagagalit na ang sikmura ko sa walang almusal, walang pananghalian at ngayon ay hapunan na.

Nag-intay akong humina ng kaunti ang ulan o kahit mawala na lang ang kidlat, merong convenience store sa may kanto, papatulan ko kahit noodles at crackers. 

When the rain started to slow down, pero umiihip pa din ang hangin na parang babaeng nanganganak, I took the liberty to step outside the house, halos bumaliktad ang payong na hawak ko dahil sa malakas na hangin. Naging dahan dahan ang hakbang ko papalabas, or else, lilipad ako kasama ang payong. Nabasa ang braso ko ng ulan, humampas ang malamig na hangin, napapikit ako nang kumulog ng malakas.

Ano ba naman ! I hissed under my breath.

Pagkain o kaduwagan? Ano ang priority ko?

Binuksan ko ang maliit na gate, obviously, I badly need food.

Lumakad ako ng mababagal nang may humawak sa siko ko..

“What do you think you are doing?”

Nanliit ang mata ko sa masungit na boses na iyon.

“Bitaw.” Banta ko kay Lorcan kahit hindi ko pa siya tinitingnan. Itinatanggi ang posibilidad na kagatin ko siya sa sobrang gutom.

“No, where are you going?”

“Wala!”

“Calla Sussane.”

“Lorcan Adam.”

Hinila niya ako papasok sa bahay niya, madali niya akong nabitbit dahil sa gutom, nabitiwan ko ang payong ko sa kaniyang garden. Agad na tumalon si Sirius sa katawan ko nang makapasok ako sa bahay ni Lorcan dahilan kung bakit muntikan na akong matumba, nasalo agad ako ni Lorcan. My back pressed against his chest. Pinanlamigan ako ng sikmura kahit kanina pa naman talaga malamig iyon. My heart slowly trying to cope up with its rhythm. 

“Sirius!” Pagalit ni Lorcan sa aso niya, “Bad dog.”

“Bad boss.” Umirap ako at hinaplos ang ulo ni Sirius na kumakaway ang buntot nang maupo ako sa sahig at mahaplos siya.

“Ano?” Pagsusungit ni Lorcan.

“Wala.” Tumayo akong muli at akmang lalabas ng bahay nang hilahin akong muli ni Lorcan.

“Ano ka ba? Bakit ka ba hila ng hila?”

“Saan ka nga pupunta?”

“Bibili ako ng pagkain! Huwag ka na ngang makialam. Hindi ka ba natatakot sa akin na pagbalakan kita ng masama?”

“Look, I am still figuring things out.”

Pero masakit pa din na hindi siya basta naniwala sa akin!

“Wala na akong pakialam. Lalayo pa din ako sayo.” Uminit ang sulok ng mga mata ko pero pinigilan ko ang luha. “Hindi naman sayo dapat umiikot ang mundo ko, buong buhay ko, pinagbibigyan ko lahat ng qualms mo. Binibigay ko lahat ng kailangan mo. I applied as your secretary to attend to your corporate needs, you needed a fake girlfriend, I was the fake girlfriend, you needed a fake wife, I was the fake wife. You wanted to be a father, you made me a mother. Narealize ko, sa limang taon simula nakilala kita, wala akong naibigay sa sarili ko because I prioritized you so much.”

“Nag-sisisi ka?”

“Ano sa tingin mo?” Singhal ko sa kaniya. “Aalis na nga ako.” Tumalikod akong muli pero hinila ako ni Lorcan.

“Abuela gave me the CEO-ship of the company but her condition was to keep you around. We will still work together. Hindi ka makakalayo gaya ng gusto mo.”

“Then maybe I should plot on your life again. Ano kaya ang maganda? Lunurin kita sa team building? Or poison your food perhaps?”

Kumunot ang noo ni Lorcan, “You know that what you are saying can be used against you.”

“Then have me arrested!” Hamon ko sa kaniya, “Kung natatakot ka, or you think I am a threat then magfile ka ng restraining order ng 1,000 miles para sobrang layo.”

“Why are you being so mean, Calla? I am having a decent conversation with you. Hindi mo kailangang magtaas ng boses.”

“Ewan ko!” Ginulo ko ang buhok ko kasabay non ang nakakahiya at malakas na pagkalam ng sikmura ko. Nagkatinginan kami ni Lorcan.

“Now, I guess I know why. Come.” Kinuha ni Lorcan ang pulsuhan ko at hinila papalapit sa lamesa.

Meron nang nakahandang pagkain doon pero wala pang plato. Humalukipkip ako. Naglagay si Lorcan ng plato para sa akin, isa din para sa kaniya. Siya ang nagsalin ng kanin at adobo para sa akin bago niya lagyan ang kaniya.

Sinimulan ko ang pagkain. I can imagine weird figures inside my stomach dancing. Kumain ako nang kumain na hindi nagsasalita.

“I broke up with Margaux.”

Mahina iyon, pero sapat na para matigilan ako.

“But that doesn’t mean that I won’t put in mind what she said. I want to have my own judgement in this. For safety purposes, I need my guards up, I need to be involved with my business, too. Sana maintindihan mo, Calla. I cannot remember anything. I cannot trust anyone at this point, kahit si Margaux. Kung sa tingin mo hindi iyon fair..”

Tumayo ako.

“Salamat sa pagkain.”

“Calla naman..” He groaned.

“Make your own judgement, whatever but I am done, Lorcan. Whatever decision you’ll have in the future then it is up to you. I am out of your life and I will start living mine without thinking about you. Mukhang kaya mo naman na ang sarili mo, sabihin mo na lang kay Granny na huwag siyang masyadong nag-aalala sayo because at this point, I think you are doing better than me.”

♁☆♁☆♁☆♁☆

![](https://img.wattpad.com/ce74b6335afd5965dfa8874c3b16012aad0547c4/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f4f68705957476c77666b6b6f77673d3d2d3137393233393935352e313466663730623237366339353131343537383238393939303337322e676966)

Thanks for reading! Votes and Comments are appreciated. Offensive comments will be placed on MUTE.

Social media accounts:

Facebook Account: Mari Kris Ogang (Makiwander)

Facebook Page: Makiwander

Facebook Group: WANDERLANDIA

NOTE: Answer the SECURITY QUESTION so that you will be approved

Twitter & Instagram: Wandermaki

Go to my wattpad profile and follow me for more stories.

2.11

Movie.

Tahimik ang buong opisina, tinitingnan nila akong naglilipat ng gamit mula sa silid ni Lorcan papunta sa aking bagong opisina. Which is really small, by the way. Dating opisina ng sales manager nong hindi pa nagagawa yung bago nilang opisina sa expanded area ng floor. Merong sariling pinto, isang two seater couch, walang sariling pantry o restroom, but most importantly, nasa kabilang dulo ito ng opisina ni Lorcan.

Pinapanood din ako ni Lorcan hanggang sa huling box na kinuha ko sa loob ng opisina niya.

“You don’t have to change office. Hindi kita pinapaalis.”

“No, representative lang naman ako, Mr. President. Susubaybayan ko lang ang meetings mo, ang approvals mo and give you some inputs to think about, hindi mo naman kailangang sundin.” I said dryly.

“Kaya nga, mas mabilis kung nandito ka din. Nasa kabilang dulo ka.” I am surprised with his persistence pero hindi ko iyon pinansin. Pinagpagan ko ang isang paper weight na isinama ko sa box na bitbit ko.

“Kukuhanin ko na lang at the end of the day o kaya ipapadala ko na lang kay Edmon ang mga gusto mong ikonsulta.” Mentioning his secretary.

“Why do I have a feeling na galit ka at umiiwas ka?”

Poker-faced, natigilan ako sa pagbukas ng pinto at hinarap siya. “Well, if I didn’t made myself clear, I will stop thinking about you.”

“Pero hindi mo naman kailangang umiwas!” He hissed. Napabuga ako ng marahas na hangin at nagtaas ng tingin.

“The lesser I’ll see you, the less I will think about you. Wala namang nakikita na hindi iniisip. My ghad, bahala ka nga!” Naiiling akong tumalikod at nagmartsa papalabas ng opisina ni Lorcan. Taas noo akong naglakad sa hallway kahit alam kong pinagtitinginan ako.

“I am not your boss anymore. Please have your approvals done with Mr. Alcantara.” I announced to everyone while walking. Napabuntong hininga ako pagpasok ko sa maliit na opisina. I cheered myself. Siguro naman ay matitiis ko ang ganito. I just need to sit here. Pinagpagan ko pa ang office table ko at pinunasan ko ng tissue na merong alcohol. I frowned when I realized that I did that 2 hours ago.

For the next hours, I busied myself in cleaning my office, tantiya ko ay dalawang beses akong nagpalit ng placing ng mga wall decors. Nilagyan ko ng stars na christmas lights, mga quotable quotes na nakakapagpaganda ng umaga like ‘Keep calm and have a cup of coffee..’, mga wood carvings ng pangalan ko, colorful photos of sunrise, sunset and other landscapes from different part of the world mula kay Tonio. Meron pang humidifier na nilagyan ko ng lavender at lemon oil para mas relaxing.

In short, the office didn’t look like an office, palagay ko ay wala namang dadalaw sa akin. Sa mahabang mesa sa gilid ko, I have my own trunkline/fax machine, a printer/scanner, my own water heater, a mug and a personal ref doon naman sa floor and a small microwave oven sa ibabaw nito, lahat ng mga ito ay nagsisiksikan. There’s not much room space, palagay ko ay sampung hakbang mula sa pinto ay lamesa ko na, 8 steps naman mula sa wall papunta sa kabila, mabuti na lang at meron akong sariling share sa bintana para hindi naman umatake ang claustrophobia ko. My phone rang when it is about lunchtime. I scowled. I have a feeling na si Lorcan na naman iyon but my heart sank when I heard Leoneda on the other line.

“Mrs. Alcantara, you have a connecting call from the other line.”

“Who is it?”

“Someone named Genoah Salazar.”

Napakunot ang noo ko. Nag-compute sa isip ko kung ilang buwan na ba akong nasa Pilipinas para magparamdam si Geo.

Almost two months..

“Please connect the call, thanks.”


Kanina lang ay nasa kabilang linya siya, but now, he’s sitting in front of me, enjoying his marinara pasta and mango shake. His eyeglasses will make you think that he’s a nerd pero palagay ko ay style niya yon para madali siyang makagaanan ng loob. He’s tall and buff, more like superman. Ang manipis niyang labi ay mapagkakamalan lagi na nakangiti, well he is always smiling. Lagi din nakaayos ang buhok niya, parang kay Superman kapag siya si Clark Kent.

“Hindi ako makapaniwalang nandito ka..” I said, smiling.

“I told you that I will personally bring your documents kapag hindi ka pa bumalik sa States in a month.”

Geo or Genoah was a good friend from the US, he helped me find a property for the business I have in mind. Laundromat lang naman iyon but enough for me to survive the cost of living in the US, I have thought about it. Titira ako sa Nashville, mamumuhay na parang cowgirl, nanamnamin ang hangin at pilit na iintindihin ang strong accent ng mga taga-Tennessee.

Ngumuso ako at umirap, “Pupwede mo namang i-fax or scan email.”

“Are you staying for good?” Ginulo niya ang pasta sa kaniyang harapan, not directly looking at me.

Ngumiti ako at umiling, “Hindi.” Hindi ko alam.

“Good, akala ko kailangan ko na ding ilipat ang kabuhayan ko dito. I had my heart first broken here in PH. This is a cruel country, very small but cruel.”

“Madami kasing magagandang Pilipina.” I pointed out. Nagkibit balikat siya.

“Well, that is true. Ikaw lang eh. Kailan mo ba ako sasagutin?”

“Genoah!” Sumimangot ako, mahina siyang natawa.

“Biro lang. Huwag mo ako dito sagutin, sa US na lang.”

Napangiti ako. “Huwag mong ipaparinig kay Granny yan, magagalit yon sayo.”

“She thought I am harmless, well, I am.”

“Talaga lang ha..”

Tumunog ang chime mula sa labas ng restaurant, napatingin ako sa wristwatch ko saka naalala ang oras.

“My lunchbreak ends in 10 minutes, I really have to go. I guess magkita na lang tayo mamaya?”

“Si Calla Sussane, inaaya ako ng date, that’s new.”

Sumimangot ako, inabot ni Geo ang buhok ko at ginulo, “Kidding. Of course, I’ll see you. Kung hindi mo binanggit yan, aayain din naman kita. I missed you.”

“I missed you, too.” I dismissed and pushed to my feet to go back to my office.

Hindi ko inaasahan na pagbalik ko sa opisina ko ay aabutan ko doon si Lorcan, nakaupo sa couch ko at merong hawak na folder. Hindi pa man din ako nakakapagtoothbrush.

“What are you doing here?”

Tumayo siya at ipinakita sa akin ang folder, “I need your sales input on our branch in Baguio. Bumaba ang sales at baka kailangan kong ipasara iyon.”

Kahit gulat, hindi ko ipinahalata, kalmado akong naupo sa swivel chair ko at kinuha ang folder.

“Okay, I will look into it. Balikan kita mamayang alas-tres.”

“No, I want it now.”

Nag-paste ako ng ngiti habang pinagmamasdan si Lorcan. “Hindi ko maibibigay sayo. Kailangan ko ng oras. Isa pa, lunchbreak pa. Meron pa akong limang minuto para magfreshen up.” Kinuha ko ang essentials ko mula sa mobile cabinet ko at tumayo. Lumabas ako para tunguhin ang common restroom ng mga empleyado.

Nagmadali ako sa limang minuto na meron ako, I brush my teeth, pat the excess oil on my face, put some powder and lipgloss, pagkatapos ay nag-suklay. Malalaki ang hakbang ko pabalik sa opisina ko at gaya kanina, naroon pa din si Lorcan sa couch ko, mukhang binabasa ang wall décor na meron ako.

“S-saan ka nag-lunch?” Mahina ang boses ni Lorcan, natigilan ako sa paglalagay ng essentials ko sa mobile cabinet, hindi ko tuloy nasarhan iyon. Peke akong ngumiti.

“None of your business.”

Napakuyom siya ng kamao. “Someone called you then a minute after, you were rushing to go out. Sino ang kasama mo?”

“I didn’t know you were tracking my whereabouts. Kailangan ko bang magpaalam sa iyo lagi, Mr. Alcantara?”

“Hindi naman, Mrs. Alcantara. I was just expecting to see you at lunch. Merong celebration sa Marketing, birthday ni Josh, hindi ka nakarating, nagsend daw siya sayo ng invite 2 days ago and you clicked ‘Going’.”

Oh, I forgot about that..

“Di bale, hihingi na lang ako ng paumanhin.” Kinuha ko ang folder para ialis ang atensyon ko doon.

“So, the sales went down.” Tumikhim ako. Napakunot ang noo habang tinitingnan ang mga data. From the store design up to the dynamics of the population. Since construction supplies ang business sa Baguio ng Nemesis, hindi ganon kabilis ang demand ng bawat produkto, it is not like we are selling a neccessity, siguro sa umpisa. Sa umpisa kailangan pero kapag tumagal na, hindi ka na maghahangad pa ng pagbabago. People are like that, they hold on too much, put sentimental value on everything. Hindi nila napapansin na naluluma ang mga ito, nasisira at kailangang pakawalan. Because change doesn’t always mean letting go, it is growth.

After one good conclusion in two hours, at dalawang oras na din na nasa couch si Lorcan comfortably sitting at parang gusto pang manood ng Netflix sa sobrang comfortable niya sa maliit kong opisina, nag-angat ako ng tingin.

“People won’t buy things they don’t need. Lalo na kung meron pa naman sila at kuntento na sila doon. They won’t see it as a liability. You know, we refuse change kasi hassle.” Sumeryeso si Lorcan at humalukipkip, his intense eyes bore into me.

“Hassle magpagawa ng panibagong bahay. You know, moving, dust, it is expensive.” Dagdag ko.

“And what to do you suggest?”

“Showrooms.” Sumandal ako sa swivel chair at pinaikot ang gulong non ng bahagya.

“Like IKEA. If people will see a shop with showrooms, they would wish that they have it. That their houses looks the same. Bibigyan mo sila ng idea.”

“But IKEA is a furniture store.”

“It is also a fit-out. Pupwede kang maki-tie up sa furniture companies but why not make use of your materials and show to the people how it will look like. For example, you have plywoods, why don’t you customize it as a divider—”

“But that is a furniture, Calla..” Giit niya.

“So then, baka mali ang target market mo sa Baguio. Baka naman dapat ay furniture companies ang target mo so they could order your materials. Lorcan, kailangan may diversity ang construction supplies store mo, you sell bricks, then set up a brick wall. You are selling tiles, then partner your brick wall with tiles. Bath tubs, make a space for bathtubs. Malaki ang store mo sa Baguio, hindi din maganda ang pagkakaayos. Sayang lang ang warehouse.”

We brainstormed for the next hours, kung hindi pa tumunog ang deskclock ko, hindi ko na mamamalayan ang oras. Hindi na kasi umalis si Lorcan sa opisina ko. I stood up, checked my phone and Geo is already waiting at the lobby.

“I have to go, pag-iisipan ko pa ang ibang inputs na kailangan.”

“Sumabay ka na sa akin.” Tumayo din si Lorcan, umiling ako.

“I will go somewhere. I have plans.”

“Plans..” Natigilan siya. “Saan? May kasama ka ba?”

“Of course I do. Sige na, mauna na ako.” Kinuha ko ang bag ko at nagmamadaling umalis sa aking lamesa.

Nakabukas na ang pinto nang muling magsalita si Lorcan.

“I—I will wait for you til you come back.”

“You don’t have to. I’m gonna be late.”

Nakakaunawa siyang tumango. My heartbeats were crazy as I step on the elevator. Pakiramdam ko ay mayroon akong naiwan na mahalagang bagay, pakiramdam ko ay mali ang ginawa ko. I want to run back and apologize but I didn’t. I shouldn’t.

“Namumutla ka?”

I managed to smile as Geo met me at the lobby. “Tired?” Dahil hindi ako nakasagot ay meron na agad siyang segundang tanong. Minsan iniisip kong may superpowers talaga si Genoah, he can read my mind. Well, some of it. I can still lie and he would believe.

Umiling ako at mas lumapit pa. “Hindi, saan mo ako ililibre?”

We ended up strolling at the mall. Feel na feel ni Geo na generally ay kakulay niya ng buhok ang mga tao, everyone’s speaking the language that he missed. Tumusok ako ng squid ball mula sa paperbowl at pinanood ang mga naglalaro ng skating sa rink. Mabuti na lang at sampung squid balls ang binili ko dahil ito at gulaman lang ang inilibre sa akin ni Geo. Gusto kong isumbat na sa restaurant ko pa siya inilibre kaninang lunch, pagkatapos ito lang ang ipapakain niya?

“Ah! I missed this!” Nag-init si Geo at pasimpleng inilagay ang braso niya sa balikat ko. Kumilos naman agad ako para malaglag iyon.

“Grabe.” Reklamo niya. “Hindi mo ba napapansin na ang daming tumitingin sa akin kaya dapat proud ka kung aakbayan kita?”

“Wala ba sa vocabulary mo ang salitang ’ Modesty aside’ bilang pasintabi sa pagbubuhat mo ng bangko?”

There’s a smug look on his face, napairap ako. Bukod kay Eros at Tonio, malapit din sa akin si Geo. But don’t buy his palipad hangin. Ang totoo ay hindi pa siya nakakaget over sa first love niya at ipinipilit niya lang na magustuhan ako kuno .

“Alam mo, pagod ka lang. Ihahatid na kita.”

“Ha?” Napakurap kurap pa ako. Alam ko namang kailangan kong umuwi pero ang isiping nag-iintay doon si Lorcan ang pumipigil sa akin. Gusto kong makita naman niya na gagabihin ako ng husto at meron akong life aside sa pag-sama sa kaniya simula dumating ako sa Pilipinas.

Itinapon namin ang mga kalat namin sa garbage bin at saka sabay na naglakad pabalik ng parking lot. Still hesitant, mabagal ang naging lakad ko papalabas ng mall at mukhang nahalata iyon ng kasama ko.

“Ano? Ayaw mo pang umuwi? Pasara na ang mall. Do you want coffee?” Tanong sa akin ni Geo. Umiling ako. I know na nag-aadjust pa si Geo sa timezone at malamang ay may jetlag pa. Panigurado, inaantok na talaga siya. I cannot drag him on my silly plan just because naghihimagsik ako kay Lorcan. Labas siya doon. I stopped walking, Geo too.

I forced a smile and tried to look as normal as I can. I fumbled my phone on my bag and acted surprised.

“Oh, nandito pala si Clover.” I lied, looking at my phone screen.

“Oh?”

Tumango tango ako, “Nag-aaya na manood ng sine.” I lied again.

“At this hour?” Tumingin si Geo sa wristwatch niya.

Tumango ulit ako. “Last full show.”

“Alright, should I bring you at the cinema?”

“Hindi na, ako na. Kaya ko naman.” Ngumiti ako at naglakad sa direksyon papuntang cinema. And just to prove a point, humakbang pa ako sa paakyat na escalator.

“Bye, Geo!” Ngumiti ako at malalaki ang kaway sa direksyon niya. Tipid siyang sumaludo ay pinanaood ako hanggang sa tuluyan nang mawala siya sa paningin ko.

Ang cozy set up ng cinema ang nadatnan ko pag-akyat. Naengganyo ako sa poster ng Star Wars: The Last Jedi and apparently, yun lang ang palabas sa Cinemas 1-5. I am not sure kung ano ang sumapi sa akin pero pumila ako sa ticket booth kahit wala sana akong balak, napapagitnaan ng couple at pamilya doon sa pila. Sana ay nag-coffee na lang ako mag-isa para patayin ang oras but here I am, nginingitian ng ticket agent.

“What cinema, Ma’am?” Magalang nitong tanong.

Nagdalawang isip agad ako dahil iniwanan ko ang blazer ko sa opisina at tanging ang powder blue na dress ang suot ko, sa labas pa lang ng sinehan ay malamig na, ano pa doon sa loob? Hopefully, mapuno ang sinehan para madaming body heat at hindi ganoon kalamig.

“Cinema 3.” Bumili ako ng ticket na reserve seating, pinili ko ang seat na paborito ko. Aisle, usually at row letter D, gitnang gitna kasi iyon at hindi na hassle makidaan kasi naroon naman sa aisle.

“Ma’am, pupwede na po kayo pumasok.” Sabi ng ticket agent pagkatapos niyang iabot ang ticket ko. Exhausted and bored, dumiretso ako sa loob. Medyo marami na ang naroon. Patay na ang ilaw at mukhang kakatapos lang ng Lupang Hinirang.

Umupo ako sa asigned seat na nasa aisle at pinanood ang sandamakmak na ads at trailer. Until a built sat beside me, hindi siya dumaan sa harapan ko kundi doon sa kabilang bahagi ng cinema. Hindi ko iyon nilingon although I have the urge to, hindi ko alam kung bakit. Maybe because, something familiar hit my nose pero dahil na din sa amoy ng buttered popcorn na bitbit nito, doon natuon ang pansin ko.

Kumalam ang sikmura ko.

Buwisit na Genoah na yon, kung alam ko lang na squid balls at gulaman lang pala ang ipapakain sa akin, sana ay nilibre ko siya sa Jollibee.

Mas dumilim ang ilaw sa palibot ng cinema. The famous Starwars OST started, flashing a long narrative. Naramdaman ko ang excitement since its been a while noong nanood ako ng sine. Umihip ang blower ng aircon mula sa kung saan kaya niyakap ko ang sarili ko.

Sabi na nga ba ay sobrang lamig. Kung hindi sana ako tinipid ni Genoah sa pagkain, medyo mainit sa pakiramdam kung merong laman ang tyan. Or I should have bought food, bago pumasok.

I had a weird feeling as I was watching the film, lalo na tuwing fina-flash si Adam Driver as Kylo Ren. Medyo nahihiya ako dahil medyo tumitibok ang puso ko kapag nakikita siya, like, yuck, why am I crushing on a villain? Dahil ba long hair siya kaya cute siya? Yuck ulit ! What is the meaning of long-haired guys na nagmukhang hunk sa pananaw ko?

Erase, Calla. Mukhang tanga ang mga long-hair, di’ba? Hate them. Mukhang busabos, patapon ang buhay, emo. Tama, ganyan nga, think ill about them. Tingnan mo si Kylo Ren, pati ang mga magulang niya ay pinagtaksilan siya. Kahit si Machete ay dating murderer bago sumapi sa estatwa. Si Freddie Aguilar? Long hair din yon, there’s a lot of issues surrounding him, too. At yung isa pang long hair na kakilala ko? Cold, masama ang ugali, hindi alam ang gusto.

Kung hindi sa lamig ng blower ako nadidistract, doon sa amoy ng buttered popcorn naman. Yung katabi ko na hindi ko tinitingnan, flashed the popcorn in front of me. My forehead creased, akala ko ay nagkamali lang but the popcorn jiggled on his hands like telling me, ‘Kumuha ka na kasi tulo na laway mo.’

Dahan dahan kong inabot ang tub ng popcorn, very wrong na kumuha ng pagkain ng stranger pero dahil inalok niya ay kumuha ako ng isa. Sinubukan kong hindi tumingin dahil nakakahiya. Siguro ay magtatago na lang ako sa restroom kapag tapos na ang movie or i-risk ko na lang na hindi mapanood ang after credits para hindi kami magpang-abot sa labas na maliwanag na.

Siguro nakakasampung kuha na ako ng popcorn at malamang ay meron nang nickname sa akin ang katabi ko like ‘tirador ng popcorn’, umihip muli ang blower at napayakap ulit ako sa sarili ko. Mabilis ang sumunod na pangyayari, inilagay nung katabi ko ang tub ng popcorn sa lap ko, iniangat niya ang arm rest sa pagitan namin at inakbayan ako papalapit sa kaniya, resting me to his broad chest and letting me smell his manly scent of woodsy, chilly-minty fragrance.

“Hey!” Reklamo ko. Ano ito? Dahil sa popcorn, nagkaroon na siya ng karapatan na iinvade ang personal space ko? Ganon kacheap?

“Ssshhh.. Nanonood sila.”

Natigilan ako at hindi agad nakakakilos. The hand on my shoulder rubbed on my arms providing me heat on my exposed skin.

Dahan dahan akong nag-angat ng tingin. Napangiwi ako nang marealize kung sino ang kanina pang katabi ko.

“Lorcan? Anong ginagawa mo dito?” I whispered.

“Watching.” Tipid na sagot niya.

“Why are you sitting next to me?”

“Because it is vacant and this is my favorite seat?”

“Sinusundan mo ba ako?” I whispered again.

‘Shh! Ano ba yan! Ang ingay!’

I bit my lower lip as I know na kami ang inirereklamo nang ibang nanonood. Lorcan kissed the top of my head, “Gutom ka?” He asked gently.

There’s no point in denying, mabagal akong tumango. Mas humigpit ang hapit niya sa katawan ko papalapit sa kaniya and now I realized why movies shouldn’t be attended if you’re the only one.

Mas kumportable kapag meron kang kasama.

♁☆♁☆♁☆♁☆

Thanks for reading! Votes and Comments are appreciated. Offensive comments will be placed on MUTE.

Social media accounts:

Facebook Account: Mari Kris Ogang (Makiwander)

Facebook Page: Makiwander

Facebook Group: WANDERLANDIA

NOTE: Answer the SECURITY QUESTION so that you will be approved

Twitter & Instagram: Wandermaki

Go to my wattpad profile and follow me for more stories.

2.12

Maki Say’s: Nababasa ko naman ang request niyo para i-update pero sira ang wattpad since January 1. This update might be erased after I posted it, uulit ang wordings o kung ano pa man. So if you decide to read on, wag na kayong magtaka kung bakit ganon.


Kailangan.

Apat na Lucky Me pancit canton na sweet and spicy, isang balot ng Gardenia bread at isang litro ng Sprite . Napanood ko na ang isang viral video ng isang taong lumunok ng maliit na camera at kumain ng maraming instant noodles at confirmed na mas lumaki ang mga noodles sa tiyan at hindi ito natutunaw ng ilang araw.

Eiwww.

But I spooned a mouthful anyway. Kumuha din si Lorcan ng para sa kaniya at isinubo iyon habang nakatutok ang mga mata sa Jeepers Creepers sa projector screen sa kaniyang kuwarto. Nakabalot ang mga katawan namin ng comforter at nakatakip pa sa ulo namin ang dulo non para mas madaling magtago kapag mas nakakatakot ang susunod na eksena.

“Ay!” Tumili ako nang kinuha nung creepy na monster ang isang teenager at inilagay sa jeep niya.

Lorcan went closer. He snaked his arms around me as if protecting me from the monster. Natulala ako ng bahagya at napatingin sa mukha niya na diretso lang sa screen. Napapansin kong nakakarami na siya ng akbay simula kanina!

Hindi ako nakatanggi nang banggitin niya ang ‘pagkain’ nang pauwi na kami. Sarado na ang mga establishments at wala kaming nadaanang drive thru. Medyo nakatakam ako sa idea na magluluto siya.

Pero mali ito. Akala ko ba iiwas na ako? Yeah, akala ko din.

But, tomorrow is another day. Another rotation of the earth on its axis. Masusubukan ko pa ding umiwas. Well, goodluck, Calla!

Nang may mga tumalsik na dugo mula doon sa jeep ay tumayo na ako. Kasabay ng pag-iiisip na kailangan ko na din matulog para bukas.

“That’s it. Ayoko nang manood, antok na ako. Thanks and bye. Goodnight.” Hinagilap ko ang tsinelas ko sa apartment ni Lorcan, malungkot niya akong tiningnan na parang meron akong sinabing krimen. I shook my head and looked around. Hindi ba ay magkagalit kami?

“Okay.” Tipid siyang tumango at tumayo na din.

“Wag!” Mabilis kong pigil, “Huwag kang tatayo diyan. Do not send me to my apartment, kahit pa diyan sa pintong yan. Just, don’t be kind to me. Ayokong mahirapan ako.”

“Ano? You were eating my pancit canton a while ago..”

“Ah—Wag kang ganyan! Nagbibilang ka ng mga naibigay mo. Huwag kang mag-alala, magpapadala ako ng pancit canton dito bukas.”

“Calla, that is not what I meant, you know that. Can we sit down and talk down through this like mature people?”

“What? No!” Tanggi ko. Sasaktan na naman niya ang damdamin ko? Ipapamukha niyang nag-dududa na naman siya sa akin?

“Sige, naniniwala na ako sayo. Tell me what else.. What else do you want?” Mahinahon ang boses niya pero mas lalo lang ako nakaramdam ng inis. He just letting it slip dahil ayaw lang niyang umalis ako sa harapan niya. Kahit ang totoo niyan ay nag-dududa pa din siya. Would this man really give up his safety just to get what he wants?

Tiningnan ko siya ng masama at madamdaming tumalikod. Hindi na niya ako hinabol. Not that I expect him to. Mas madali nga iyon.

I am extra irritable the next day. Mabuti na lang at naging makulit si Geo dahil inaya niya ako ng lunch nang araw na iyon. Pagkatapos kong ayusin ang nakakalat na mga nirereview kong papeles sa lamesa ko ay tumayo na ako.

“Where are you going?” Nakasalubong ko si Lorcan na patungo sa opisina ko. Ngayon ko lang siya nakitang lumabas labas ng opisina niya. Dati rati ay hindi ito halos mapalabas doon. Tinatawag niya lang ang lahat ng gusto niyang makausap. Now is a different story.

“Lunch break.”

“You will have a lunch with me.”

“No, I have a meeting.” Mamaya ay aayain ko si Geo para sa dinner, ganon din ang gagawin ko sa mga susunod na araw, anything para walang tsansa na magkasama kami.

Tinitigan niya akong mabuti at saka nagpakawala ng buntong hininga. “Okay, I will re-sched then, we will have a dinner meeting.”

Magpoprotesta pa sana ako nang daanin niya ako sa death glare niya. Napipi ako doon hanggang sa iwanan niya ako sa kinatatayuan ko. Bubulong bulong ako habang pababa sa opisina. Napaka-unfair talaga ng taong yon! Ano bang gusto niya mula sa akin?

Nakita ko si Geo na matiyagang nag-iintay sa Filipino Restaurant na malapit sa opisina kaya minadali ko ang pag-ngiti. Naka-order na siya ng pagkain, tumayo siya para ipag-hila ako ng upuan.

“Hi, Miss Beautiful. Ikinagagalak ko na pinagbibigyan mo ako.”

I smiled wider, tinugon iyon ni Geo nang mas matamis na ngiti. We had couple of conversations over lunch. Wala namang personal questions, mostly memories namin sa US. Meron pang labing limang minuto na natitira nang mapaangat ako ng tingin nang makita ko i Lorcan sa tabi ng aming lamesa.

Napapahiya akong napangiti kay Geo, “It is still lunch time, Mr. Alcantara.”

“15 minutes, maglalakad ka pa, pipila sa elevator, you will do your retouch. Maliban na lang kung lilipad ka at mararating mo agad ang opisina, Mrs. Alcantara.” May pagdidiin ito sa huling sinabi. Napaawang ang labi ko, ganoon din si Geo.

“Oh, yeah. Oh..” Paulit ulit siyang binabalikan ng tingin ni Geo hanggang sa malaglag ang mga mata nito sa plato, “I am sorry. You may go ahead, Calla.” Malungkot na sabi ng kaibigan ko.

Naiinis akong sumunod kay Lorcan. Hindi ko alam kung bakit naging bantay sarado ako bigla. Nakasimangot siya, ganon din ako. He franctically pressed the elevator button at pinanood ko siya na parang dudurugin na ang button ng elevator niya.

“Check your email right away.” Aniya nang pumasok sa loob. I rolled my eyes.

Sinunod ko naman ang bilin niya pagkatapos ng afternoon rituals ko bago bumalik sa trabaho at ganon na lang ang panlalaki ko ng mata nang makita ang sunod sunod na e-mail na merong e-invite na awtomatikong nakabook sa calendar ko.

Lunch at dinner meetings lahat iyon. Sapat hanggang sa susunod na buwan ang mga topic at meeting agenda. Baliw na ata talaga ito si Lorcan! Kasabay non ang pagtunog ng cellphone ko, wala sa sariling sinagot ko ang tawag at narinig ang boses ni Tonio.

“Ay salamat! Sumagot din! Bumalik na si Meico hindi ba? My inorganize akong surprise birthday party sa gaga and you are welcome dahil for sure, ako lang naman ang nakaalala ng special day niya.” Mataray na sambit niya. Napangiwi ako at napakamot ng ulo. Sa dami ng iniisip ko, nakalimutan ko na ang birthday ng assistant ko. Itinuro ko ang laptop screen ko para tingnan ang meeting agenda namin ni Lorcan ngayong meeting. I pressed decline.

Agad na tumunog ang telefax ko para sa isang tawag and I know na si Lorcan iyon.

“I won’t accept excuses tonight.” Mapanganib na bilin ni Tonio. Napakamot ako ng ulo. Alam ko namang hindi na talaga ako papansinin ni Tonio kapag hindi ko siya pinagbigyan. Mas malala pa ang magiging reaksyon niya kaysa kay Meico.

“Wala pa akong regalo.”

“Order online, Darling..”

Hinilot ko ang noo ko, mas lalo akong nastress. Tiyak na isang bonggang party ang inihanda ni Tonio. Knowing him, pati ang hindi kakilala ni Meico ay inimbitahan na din niya. He’s a type of person who celebrates a lot of things. Pati nga ang death anniversary ng mga aso niya ay merong party.

“Nasabihan ko na din si Genoah. This will be a wild night!”

My chatbox popped a message at napahilot agad ako ng sentido nang mabasa ko ang mensahe ni Lorcan gamit ang company’s intranet.

‘You cannot decline. Our agenda is critical.’

Nagmadali akong magtipa ng reply. ‘Birthday ni Meico, merong celebration mamaya.’

“Calla, are you still there?” Paniniyak ni Tonio na napakarami nang nasabi na hindi ko na nasundan.

“O-oo, andito pa. You know, Tonio..”

“No!” Malditang tanggi niya.

“Alright, pupunta ako, medyo male-late lang ako kasi meron akong importanteng meeting.”

“With who?”

“Sa boss ko.”

“Sa asawa mo?” Diretsa niyang tanong. Tumango ako kahit hindi naman niya ako nakikita.

“Isama mo na lang. Ganon naman ang mga husband and wife, automatic plus one ang isa. Don’t worry, I will understand.” Tukso ni Tonio.

“Ayoko nga! Hindi naman non hilig ang mga ganon lalo na ’pag hindi niya kakilala.”

Eksaktong bumukas ang pinto at naroon nga si Lorcan, nakasimangot sa akin.

“How did you know? Hindi ba’t ibang iba na siya? Dati ikaw ang mahal niya, ngayon hindi na.” Matabil na wika ni Tonio na ikinalungkot ko. “Uy, joke lang. Baka lalo ka nang hindi pumunta. Basta, pumunta ka. ’Wag mong isipin ang regalo at kung malelate ka. 9PM pa naman ang dating ni Meico mula sa Boracay.”

“S-sige, Tonio. Ibaba ko na ’to. I-text mo na lang sa akin ang details.”

Napalunok ako nang ibaba ko ang telepono. Lorcan’s vicious stares were demanding. Gumagalaw galaw pa ang panga niya na parang may ginawa talaga akong labag sa karapatang pantao.

“We have to finish our meeting early.” Sabi ko. I will meet him halfway. If he won’t let me go, yung kaunting oras ang ibibigay ko sa kanya. Everybody happy!

“Paano kung hindi matapos agad?”

“Itutuloy natin bukas?” I compromised.

“Iniiwasan mo talaga ako.”

“Lorcan.”

“Alright, I get it.”

Umupo si Lorcan sa couch ko at saka binuksan ang folder na hawak niya. He wanted to talk about the operating expenses for the last three years. Lumiit kasi iyon pero lumiit din ang income. We made comparative analysis para malaman kung ano ang dahilan ng pagbaba. Uwian na din at hindi pa din namin iyon natatapos.

“We should get going, nagpareserve ako sa isang restaurant.”

“Nag-pa-reserve ka? Wow.”

I caught him blushed a little. Pagkatapos ay sumimangot.

“If that makes you uncomfortable, I just want to tell you that I haven’t eaten in that restaurant for years. And I missed it today, naisip ko lang na kumain doon ngayon at nagkataon na meron tayong meeting.”

Napangisi ako, mas lalong umasim ang mukha niya, “Okay, if you said so.” Tukso ko.

“That’s the truth..” Giit naman niya.

Sinusundan niya ako ng paliwanag habang patungo kami sa parking lot. Hindi ko maiwasan ang matawa sa isip. He’s always defensive. Iniisip niya atang inaakala ko na date ito.

“Lorcan, relax, wala along iniisip.” I smiled and his squared shoulders relaxed a little.

We braved the 2-hour traffic patungo sa restaurant na sinasabi niya. Labas na iyon sa Metro Manila. The cold air kissed our cheeks when we arrived. Overlooking iyon at kitang kita ang Metro Manila skyline sa ibaba. Agad na merong sumalubong sa aming waiter para ihatid kami sa nakareserve na lamesa para sa aming dalawa. Nasa ikalawang palapag iyon at nakahiwalay sa lahat ng kumakain. Mas lalo akong nakaramdam ng panlalamig. Hindi sumapat ang suot kong blazer. Before sitting down, hinubad ni Lorcan ang suot niyang suit at ipinatong sa balikat ko. His manly scent embraced me, pasimple akong yumuko para mas maamoy iyon.

“Don’t be too obvious. Pupwede mo naman akong amuyin. Halika dito.” May multo ng ngiti sa labi niya. Aba, aba, aba! Gumaganti ang isang ito.

“Meron kasi akong naamoy na maasim.” I snarled. His baritone laughter filled the empty floor. Hiniwa non ang mahinang tunog ng romantic piano background.

The servers started to fill our table. Wala akong reklamo sa food choices, typical Lorcan, he ordered the best.

“Tungkol doon meeting agenda natin—”

“It can wait, kumain ka muna.”

I nodded and took a bite of my food. Tumikhim siya nang nasa last course na kami. Pinunasan ko ang gilid ng aking labi para maghanda.

“We don’t have time. Bukas na lang siguro natin pag-usapan.” Tumingin siya sa kaniyang orasan.

“H-ha?” Akala ko ba ay importante iyon?

“Yung meeting, I will move it tomorrow. Breakfast, perhaps? Para makahabol ka sa party ni Meico, kailangan mo nang umalis.”

Kahit tutol ako ay sumunod ako sa kanyang sinabi. Kanina pa din panay ang tunog ng cellphone ko mula sa mga mensahe ng pagbabanta ni Tonio. Mas mabilis ang naging byahe namin papunta sa Hideout, kung saan napili ni Tonio na ganapin ang party ni Meico. Inihatid ako ni Lorcan hanggang doon sa entrance. Naririnig ko na ang ingay ng trance music mula doon sa loob.

“Okay ka na dito?” He kindly asked, I half smiled and then I nodded. Marahan niyang itinulak ang likod ko papasok. Nag-alinlangan ako sa pagpasok sa maingay na club, nilingon ko siya, he waved his hand na parang itinuturo na pumasok ako sa loob.

“Hay naku! The late Calla Sussane Alcantara!” Iiling iling na wika ni Tonio nang makita niya ako. He was dancing with a bubbly drink on his hand. “Andun si Meico! Naku, may lalaking kasama! Oops, I will rephrase, merong pogi na kasama!”

Hinanap agad ng mga mata ko si Meico. The jumpy, pulsating music doubled my heartbeat. Ayoko talaga ng ingay. Ngayon ko lang ata naiisip na masyado na akong matanda para sa ganito. Nakita ko ang buhok ni Meico, buhok pa lang talaga ay kilala ko na siya. Sinundan ko siya at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung sino ang kasama niya, si Eros!

Oo nga’t parehas silang nasa Boracay noong nakaraan pero taliwas sa pagkakadikit ng kanilang mga katawan, parehas na nag-sisiringan ang kanilang mga mata na parang magpapatayan pa ang conclusion ko na baka naging magkaibigan sila doon.

“M-meico..”

“C-calla!” Parang gulat na gulat si Meico. And for a split second, I knew, she’s changed. Hindi na niya suot ang salamin niya, her big waves sculpted her face, I knew she is beautiful but it is just today that she flaunted it. Hindi ko alam kung si Tonio ang may gawa nito sa kanya but it suits her perfectly.

“Anong ginagawa mo dito sa sulok? Eros?”

Dinig ko ang malakas na pagpalatak ni Eros na parang hindi nagustuhan na merong nakakita sa kanila, but he smiled anyway.

“Ano kasi.. Nakilala ko si Meico sa Boracay. Tapos.. Tapos inimbitahan niya ako.” Napakamot siya ng kanyang batok.

“Inimbitahan?” Tumaas ang boses ni Meico, kitang kita ko ang pagsiko niya sa tagiliran ni Eros.

“Hindi ba?” Pinanlakihan din ni Eros ng mata si Meico pagkatapos ay naghilahan sila kung saan at iniwan akong mag-isa. Ang weird naman nung dalawang yon. Nagkibit balikat ako at naghanap na lang din ng gagawin.

Pinanood ko ang mga nagsasayaw sa dance floor na tanging mango juice lang ang hawak. Limang VIP tables ang ipinareserve ni Tonio para lamang sa party pero nakahalo pa din kami sa mga regular party go-ers sa hideout. We are just wearing glow in the dark bracelets para itrack ang bill ng aming mesa.

Napadako ang mga mata ko sa kabilang lamesa na merong naghahagikgikan na mga kababaihan. And to my horror, nakita ko doon si Lorcan na nakikipagkwentuhan sa mga grupong naroon. Agad na naging heightened ang senses ko nang makita ko siya. Akala ko ba ay uuwi na ang isang ito?

“Lorcan, we missed you in our classes. Sana ay bumalik ka..” Malambing na sabi ng babae na nakasuot ng maigsing leather shorts at cropped top, typical teenager.

“Maybe, I will, Alex.” Ngumiti si Lorcan at tinanggap ang alak na alok ng babaeng katabing katabi niya na mukhang hindi na-brief sa personal space dahil magkadikit ang tuhod nila ni Lorcan.

All of a sudden, I see blood everywhere. Nang may dumaang waiter ay agad kong kinuha ang lime mojito mula sa tray niya at hindi pa iyon nakakaalis ay kumuha ako muli ng panibago. At bago siya umalis ay kumuha pa ako ng isa. Hindi nawala ang tingin ko doon sa lamesa. Nag-init ang pisngi ko at umikot agad ang paningin ko. Parang madugong awitin ang halakhak ng mga babaeng nakapalibot kay Lorcan.

“Calla!” Napalingon ako sa masayang pagtawag ng pangalan ko at nakita ko si Geo na papalapit sa akin. Meron siyang hawak na baso ng rhum cola sa kamay. Tumayo ako para salubungin siya.

“Sayaw tayo!” Anyaya ko sa kanya. Pumagitna kami sa dance floor. Kahit umiikot ang paningin ko, ipinilit kong itaas ang kamay ko at saka pumikit. Umindayog sa music na hindi ko na halos marinig. Naramdaman ko na ang maliit na butil ng pawis sa mukha ko pero hindi ako tumigil. Sumiksik ako sa katawan ni Geo, I feel his body stiffened. Bahagya niya akong itinulak papalayo pero dahil nahihilo na ako, kumapit ako sa kanyang matipunong braso.

“Sandali lang, nahihilo ako.”

“Then we better sit down.” Narinig ko ang boses ni Geo kasunod ng pag-alalay niya sa akin patungo kung saan. Maliit na lang ang bukas ng mata ko at kaunti na lang ay pipikit na talaga ako.

“Waiter, coffee.” Naririnig ko na lang iyon dahil nakapikit ako.

“Calla, are you okay? Nabigla ka ata ng inom.” Bulong ni Geo. Fragments lang ang natatandaan ko. At some point, I will black out, pero maya maya ay meron akong maririnig na nagsasalita. The aroma of strong coffee woke up my senses a bit.

Dumilat ako para inumin iyon. Bahagyang gumaan ang pakiramdam ko nang mainitan ang sikmura.

“Are you okay now?” Napalingon ako sa boses na nagsalita. Kumunot ang noo ko.

“Anong ginagawa mo dito? Asan si Geo?”

“He left.”

“Kuu? Pinagtabuyan mo na naman. Bakit? Nagseselos ka sa kaibigan ko?” Parang nakalunok ako ng okra kaya tuluyang dumulas ang mga salita mula sa lalamunan ko. Pero hindi talaga ako napigil. I sniffed as I felt tears pooled my eyes.

“If you can stand up, iuuwi na kita. Kung hindi naman, bubuhatin kita.”

Lumagok ako ng kape. Pinanliitan ko ng mata ang stoic na expression ni Lorcan. “Sabagay, hindi ka naman siguro nagselos.” Angil ko. “Nakakainis ka na! Simula dumating ka sa buhay ko, wala ka nang ginawa kundi pasakitan ako. Bakit ka ganyan? Ang harsh mo!”

“Hindi ko man lang naramdaman na mas minahal mo ako kaysa sa minahal kita. You never surpassed what I felt because of your bloated ego. Isa kang ego na nagpapanggap na tao! Tapos malambing ka sa iba, sa mga babae mo, sa akin, ano? Hindi. You treat me as someone who follow orders from you. I never felt special.”

“Tapos ano ’to? Bakit ka nandito? Because my friends know who you are? B*llsht! Hayaan mo na ako, please lang! I really want to leave. I want to leave this country and be an astronaut. Yung sobrang layo sayo!”

Wala siyang sinabi ni isa. Inintay niyang maubos ang kape ko pagkatapos ay binuhat ako mula sa couch. I did not protest when he carried me like a bride. Sumiksik ako sa dibdib niya, pumikit. Hinayaan ang lamig ng hangin sa labas ay guluhin ang buhok ko. Naramdaman ko ang pag-upo ko sa sasakyan, he reclined the seat. Kinabitan din niya ako ng seatbelt.

Hindi ko alam kung gaano katagal ang naging byahe. Nang dumilat ako ay naroon na kami sa tapat ng apartment namin. He opened my door pagkatapos ay binuhat niya ako papunta sa apartment niya. Sinalubong kami ni Sirius. Narinig ko pa ang pag-suway ni Lorcan sa alagang aso.

Ang dampi ng mainit na bimpo ang muling gumising sa akin. I am on Lorcan’s shirt. Lumipas na ang sakit ng ulo ko at pagkahilo.

“Nag-suka ba ako?”

Umiling si Lorcan habang seryoso akong pinupunasan sa buong katawan.

“Ako na..” Akmang aagawin ko ang bimpo pero inilayo niya iyon. Galit kaya siya? Magsalubong ang kilay niya. Alam kong hindi maganda ang nasabi ko pero hindi naman niya kailangang magalit ng husto.

“Yung nasabi ko kanina, lasing lang ako. Sorry.” Nahiya ako bigla. Naaalala ko kasi ang lahat. If I could just forget everything, then, matatakasan ko sana ang awkward na sitwasyon na ’to.

“Lorcan..” Untag ko nang hindi siya magsalita.

“I feel so stupid.” Aniya. “Paanong hindi kita minahal ng sobra?”

Napalunok ako, “H-hindi naman sa ganon.”

“I never made you feel loved.”

“Lorcan, hindi naman sa ganon. Lasing lang ako.”

Kinuha niya ang kamay ko at itinapat sa puso niya. Naramdaman ko ang mabilis na tibok non. “Parang laging sasabog kapag malapit ka. Paano ko napalagpas ang iparamdam sayo yan?”

I bit my lower lip, seryoso na talagang nalulungkot na ako dahil hindi ko na maikwento kung ano ang dating kami. “Minahal mo naman ako..”

“Pero hindi sa paraang gusto mo?”

Mahigpit niya akong ikinulong sa yakap, “I was a douche bag, then. I am sorry. Yung mga babae kanina, mga kaklase ko yon sa Ateneo. Pumasok ako sa club dahil hindi ako matiis na hindi ka makita. But I don’t want you to feel that I am guarding you. Gusto mo ba, alam mo na lang?”

“Lorcan..”

Mas inilapit niya ako sa kanya. “Just promise me, you won’t freak out.”

“Ano ba yang sinasabi mo?”

“Natatakot ako na kapag malaman mo na sobra kitang mahal, magkakaron ka na ng lisensya para saktan ako but fck it . Ipaparamdam ko sayo simula ngayon kung bakit hindi mo na ako dapat papakawalan. Huwag mo na akong iwan ulit, Calla. Kailangan kita. Kailangang kailangan kita.”

♁☆♁☆♁☆♁☆

Thanks for reading! Votes and Comments are appreciated. Offensive comments will be placed on MUTE.

Social media accounts:

Facebook Page: Makiwander

Facebook Group: WANDERLANDIA

NOTE: Answer the SECURITY QUESTION so that you will be approved

Twitter & Instagram: Wandermaki

Go to my wattpad profile and follow me for more stories.

2.13

Maki Say’s: I know the long wait is excruciating. However, my son suffered a life threatening condition and all my works were paralysed because we have to stay at the hospital for almost 2 weeks. I also care for your entertainment but there are things that writers have to prioritize. Things like, family first, health first, work first, stuffs like that. And I really do hope that everyone understands. May mga seryosong bagay na pinagdaraanan ang manunulat bukod sa katamaran :) 

This is a sabaw update. Don’t expect too much. Advance Happy Valentine’s day!

Wala na.

‘Liligawan kita ng tama..’

Panaginip o totoong buhay?

No, no.. Hindi maaring true to life iyon. Dahil kung oo, bakit katabi ko ang lalaking nagsabi non? He’s half naked and I am wearing his shirt, on his bed. Kung bumalik ang panahon sa 1920s, mag-dampi lang ang kamay namin ay kailangan na naming magpakasal.

Ganito ba ang manliligaw?

Kumilos si Lorcan mula sa pagkakahiga, ibinagsak kong muli ang likod ko sa kama para magpanggap ng tulog pero bago pa man ako pumikit, nagtama na ang mga mata namin ni Lorcan. Kinusot niya ang mga mata niya pagkatapos ay nginitian ako.

Ayan na naman. Yung ngiti na naman na yan. Mabibihag na naman ako, tapos masasaktan. Ako lang ata ang inilalagay sa isang cycle at kabisado ko na ang panganib pero parehas na cycle pa din ang daraanan ko.

“Hi..” Halos bulong lang iyon. Nakangiti pati ang mga mata niya.

“H-hi?”

“Masakit ba ang ulo mo?”

Bago pa man din ako sumagot ay sabay naming narinig ang pagtunog ng doorbell sa ibaba ng kanyang bahay.

“Can you get that?” Tanong sa akin ni Lorcan kasabay ng pagbaba ng tingin niya sa kanyang katawan na walang pang-itaas. I nodded. Nagmamadali akong tumakbo patungo sa ibaba, papalapit sa pinto. Pinanliitan ako ng mga mata nang makita ko ang isang delivery boy doon, merong dalang malaking teddy bear at sa tantya ko ay tatlong dosenang stargazers.

“Mrs. Calla Alcantara?”

I nodded. Agad na inabot sa akin ang papel na kailangan kong pirmahan pagkatapos ay ipinasok ang teddy bear sa may pinto at ang bulaklak naman ay iniabot sa akin.

Agad kong hinagilap ang card doon sa bulaklak. A typewritten message was printed on the card.

‘Maganda ka pa sa umaga, Misis ko..’

My cheeks flared instantly. Parang merong instant pugon at napagkamalan akong pandesal kaya ako binugahan ng init. So hindi nga panaginip yong kagabi? Pero bakit may paganito? 

Dahil liligawan nga ako?

Come to think of it, hindi naman niya ako niligawan talaga. Kaya talagang nakakapanibago ang ganitong eksena.

Nakarinig ako ng yabag, gusto kong magtago sa kung saan pero dahil wala ng time para doon, iniangat ko ang mga bulaklak at itinakip sa mukha ko.

“B-bakit may bulaklak? A-ano ang ginawa kong kabutihan para maging deserve ko to?” Di ko alam ang sasabihin, Lord , help me.

“Nanliligaw ako.” Walang kagatol-gatol na sagot naman ni Lorcan.

“B-bakit?”

“I want you to feel the love you deserve, Calla. Kung hindi ko man nagawa iyon noon, titiyakin ko na sa pagkakataong ito, mararamdaman mo na ako.”

“Wala ka pa ngang maalala.”

“My memories are still important to me. Pero yung puso ko gusto nang lumandi.”

Napakapit ako sa mga bulaklak nang sundan niya iyon nang mahinang pagtawa.

Hindi ako handa sa landian, Lord!

Buong breakfast akong nakatanga kay Lorcan. Ipinapaliwanag niya ang Sales agenda sa susunod na buwan at kung paano ii-implement iyon. I was just there, staring. Kung hindi pa tumulo sa baba ko ang iniinom na orange juice, hindi ako makakakilos.

“Calla..” Kalmado pero halatang nagulat si Lorcan. “Sorry. I know it is still early to talk about work pero I don’t want the things to get awkward so..”

“Hindi, okay lang. Ano kasi..”

“Wait! The pancake is ready!” Tumayo si Lorcan at lumapit sa stove. Nang bumalik siya ay ipinatong niya sa harapan ko ang isang plato na merong pancake na hugis puso.

“That’s my heart, ingatan mo ha.” Kumindat pa siya pagkasabi non. Wala sa sariling tinusok ko ng knife ang puso na pancake at basta na lang ginulo ang hugis. It ended up shattered.

“Ouch.” Nakangiti pero iiling iling na wika ni Lorcan. Pinanliitan ko siya ng mata.

“Mukha ngang seryoso ka sa ginagawa mo. Ang ganda ko naman para hindi ito tanggapin. Kung gagawin mo yan, I want you to follow the rules. Number one, clean slate. Walang usapan tungkol sa past, walang halungkatan, saka na kapag naaalala mo na. Number two, hindi mo pupwedeng gamitin ang kapangyarihan mo sa trabaho para sa panlalandi mo. Work is work. Number three, hindi mo pupwedeng sirain ang mga personal na lakad ko. Ako pa din ang pipili kung sino ang gusto kong makasama sa partikular na araw at oras.”

“You mean you will date whenever and whoever you wants?”

“I am not in a relationship. Technically, I am single.”

“Teka, parang ang daya naman non. So you expect me to court you and you alone? Samantalang you can date anyone you please? Ang daya naman ng mga babae. Laging sa inyo nakapabor.”

“If you will date someone aside from me, that is disloyalty. Ano yun, nangangako ka ng forever pero hindi ka pa decided kung sino ang ka-forever mo?”

“Saka na ako magdedecide kung mutual na ang feelings.” Lorcan wiggled his brows. Mabilis akong napatayo.

“Hindi ko naman gusto ito. Nagtataka nga ako kung bakit ginagawa mo pa—”

“Tsk, ang init naman agad ng ulo. I am just kidding. Agreed. Didistansiya ako para hindi kita masakal, Mahal. Sabihan mo na lang ako kapag namimiss mo ako.”

“Ang kapal!” Hindi ako makapaniwala sa sinasabi niya. Saan ba siya nakakabili ng self-confidence para makapamili din ako!

Nakuha ko naman ang gusto kong katahimikan nang makarating ako sa opisina. Sumabay pa din ako kay Lorcan dahil weird kung hindi. Pumapayag akong makatabi niya pero hindi ako sasabay sa kanyang sasakyan? 

“Sabay kayong umalis kagabi, sabay ding pumasok.” Nakataas ang kilay ni Meico sa akin nang buksan niya ang pinto ng opisina ko. Akala ko pa naman, katahimikan talaga ngayong umaga dahil hindi ako kinukulit ni Lorcan.

“Magkapitbahay kami.”

“Magkapitbahay o magkapit’ buhay ’?”

“Alam mo, ang haba ng bakasyon mo pero hindi nagbago ang pagiging chismosa mo. Ako naman, hindi ko kayo pinapakialaman ni Eros. Kung ayaw mong magkwento, eh di okay.” Nagkibit balikat ako.

“Hoy! Excuse me! Wala akong dapat ikwento sa gungong na godzilla na mukhang dinosaur na yon! Ano naman ang ikukwento ko sa hinayupak na yun na punong puno ng hangin sa katawan at mabuting hindi pa pumuputok as of now.”

“Wow ha, so much para sa walang ikukwento. Sagad sa three-generations ang galit mo ah. Mukhang sasabihan mo ang kaapu-apuhan mo na wag iassociate ang mga sarili nila sa mga kamag-anakan ni Eros.”

“Talaga! Sasabihin ko yun talaga! Gagawa pa ako ng kasunduan at sarili kong dugo ang ipampipirma ko!”

Napailing ako. May itatanong pa sana ako kay Meico nang tumunog ang intercom speaker nang buong opisina at ang boses ni Miss Jaja ang naroon. Isang floorwide employees’ meeting ang magaganap 5 minutes from now. Tumayo kami agad ni Meico at lumabas. Ang mga empleyado ay nagtitipon-tipon na sa gitna. Sa elevated floor sa bandang unahan, naroon si Lorcan at si Miss Jaja.

“Okay, seems like everybody’s here. Mr. Alcantara decided to continue the company’s team building. Nahinto iyon noong—Alam niyo na.” Tukoy siguro ni Miss Jaja sa pagkaka-amnesia ni Lorcan.

The crowd cheered, halatang naexcite ang lahat. I smiled. Tumingin sa direksyon ko si Lorcan at kumindat pa siya sa akin. I blushed. Umiwas ako ng tingin at pinanatili ang sarili na walang reaksyon.

“Ngayon ay papapiliin namin kayo kung saan ninyo gusto. The other floors will have their votes, kung saan ang nakakarami, doon tayo. But you have to decide as a team. Ang suggestion ni Mr. Alcantara ay out of the country.”

“WOW! OUT OF THE COUNTRY!!”

“Pero hindi ako pumayag dahil magastos iyon at mahirap na pare-parehas tayong wala sa Pilipinas. Can you imagine losing millions in a week long non-operation? That is out of the choices. Now, we are choosing between Ilocos, Subic, Batangas.” Ani Miss Jaja. Everyone groaned. Napalitan naman iyon ng tawanan nang pumili na sila ng gusto nilang puntahan.

Ilocos won. Ang teambuilding ay magaganap two weeks from now.

Nang bumalik na sa kani-kaniyang trabaho ay nararamdaman kong sumusunod sa akin si Lorcan. Ngumiti siya sa akin na sinuklian ko din.

“Mabuti naman at naisipan mo silang pabakasyunin.” I muttered.

“Sasama ka.. Sasama ka hindi ba?”

“Representative lang ako ng board. I don’t have to.”

“I insist.”

“Okay.” Nagkibit balikat ako.

“What? Ganon kadali?”

“Gusto mo bang nahihirapan ka?” I countered. Napangiti si Lorcan.

“Now I know what I liked most about you—”

“Wait, rule number 2, work is work, bawal ang flirting.”

Mahina siyang natawa, “I can’t help it. By any chance, do you want to watch the super blue blood moon with me?”

Natigilan ako. I can’t believe myself! Paano ko nakalimutan ang bagay na iyon. It has been 150 years ago since it happened. Tinitigan ko ang astronomy calendar ko at napagtanto na ngayon ngang araw iyon.

“Hindi ko alam kung papayag ka pero kung hindi naman, ako na lang siguro ang manonood sa rooftop.” Itinuro niya pa ang kisame ng opisina ko at inilabas na naman ang dimples niya, “I prepared ice cream and pizza pero hindi naman kita pipilitin, kung gusto mo lang.” Pagkasabi non ay tumalikod na siya.

“W-wait! I want to watch with you. I mean, I want to watch.”

“Okay, no problem.” Nagkibit balikat siya.

Kinakabahan ako nung matapos ang oras ko sa opisina. Dati, malamang ay nagtatatalon ako sa tuwa dahil merong astronomical event. Hindi naman kasi basta basta iyon nagaganap. Ayun nga lang, kapag may astronomical event kami na pinapanood ni Lorcan, meron ding disastrous event na nagaganap.

Remember when Margaux showed up whilst our stargazing date was on-going? Iniwan ako ni Lorcan noon para sa babaeng iyon.

“Uy, kinakabahan. Akala mo naman aakyat kayo ng bundok. Diyan lang kayo sa rooftop?”

“You know?” Tinaasan ko ng kilay si Meico habang pinapanood ako sa pagsusuklay.

“May email lang naman si Mr. Alcantara na off limits sa employees from 7PM onwards ang rooftop because a date is on going. Send to all.”

Napasinghap ako sa impormasyon ni Meico. “Ginawa niya yon?”

“Oo, kaloka ’teh. He has his own way of saying that he is off limits too! Nakakaloka ang mister mo. Alam niya sigurong maraming mag-o-overtime para tumingala sa langit mamayang gabi kaya binakuran na niya ang rooftop para sa inyong dalawa.”

Bahagya akong ngumiti ng malungkot, naalala ang gusot na hindi pa malinaw sa pagitan namin. Ang mga sinabi ni Margaux noong nakaraan na may interes ako sa pera ni Lorcan kaya ginusto kong maaksidente siya. Ngayon ay bumalik ako para sa annulment at para naman makuha ang kalahati ng yaman niya. Isinasantabi iyon ni Lorcan ngayon.

Napailing ako, I don’t want to ruin the moment. I’ll just cross the bridge when I get there.


Merong mahinang music sa blutooth speaker nang marating ko na ang rooftop. Hindi ko maiwasan ang makaramdam ng nostalgia. Merong carpet at maraming scented candles sa paligid. Naroon si Lorcan, nakaupo, merong pizza at ice cream sa harapan niya.

“Hi..” Ngiting ngiti na bati niya.

“Hi..”

Umupo ako sa kanyang tabi at tumingala. “Maaga pa pero tanaw ko na.” Itinuro ko ang buwan. Mapula ito kaysa karaniwang kulay pero mababa pa lang ito.

“Did you know that the last super blue blood moon was in 1866?”

Tumango ako. “We’re lucky.”

“Today is the day that we are closest to the moon and the moon, earth and sun are perfectly aligned. Alam kong alam mo.”

“Di ba sabi nila kapag merong ganyang phenomena, merong nababaliw?” Ngumuso ako at binuksan ang isang tub ng ice cream.

“Siguro ako. Baliw na nga ata ako.” Tumingala si Lorcan at bumuntong hininga.

“May amnesia ka lang, hindi ka pa baliw.” I corrected.

“Baliw sa pag-ibig. Sa feelings. Dito.” Itinuro ni Lorcan ang puso niya.

“Ang ganda ko kasi.” Biro ko.

Marami kaming pinag-usapan ni Lorcan. Ang plano sa pupuntahan sa Ilocos ang aming napagtuunan. I would love to taste the empanada being sold outside the church. O di kaya ang maglakad ng naghahati ang dilim at liwanag sa Kalye Crisologo.

“Lorcan?” Napawi ang ngiti ko nang makita ko na naman ang kanina ko pa inaasahan. Oo, hindi na ako magtataka kung bakit nandito si Margaux, only that she is not alone now.

“Tita Aleana.” I whispered. Tinapunan niya ako ng tingin pero sandali lang. Dumako ang tingin niya sa kanyang anak.

“What are you doing, Lorcan?”

“Mom, what are you doing here? Hindi ba next month pa ang uwi niyo mula sa Australia?”

“Margaux called and she said you broke up with her. I have to book the earliest flight and I need to talk about some things.”

“Mom, I am with Calla. My wife.”

“Lorcan, hindi ba’t masaya na kayo ni Margaux?”

“Tita Aleana.” Napakuyom ang kamao. Hindi pa din ako tinitingnan ng ina ni Lorcan.

“Anak, delikado ang babaeng yan. Listen…”

“Tita Aleana.” Tawag kong muli pero hindi niya ako pinansin.

“Fake marriage ang sa pagitan niyo ni Calla. Alright, it was valid and binding pero sa pagitan niyo ay wala kayong relasyon. Anak, you must have a prenuptial agreement somewhere in your old house. Bago kayo maghiwalay—”

“Mom! Stop it.”

“Tita Aleana, ano pong pinagsasasabi ninyo? Ikaw ang nagpapadala sa akin ng updates tungkol kay Lorcan hindi ba? We were okay. Civil but we’re okay.”

“Oh come on, Calla. Alam naman natin kung bakit naganap ang kasalang iyon. It was all for the money. At ngayon, para pa din sa pera hindi ba? Pinagtangkaan mo ang buhay ng anak ko dahil gusto mong masolo ang kayamanan niya bago pa man din kayo mag-file ng annulment noong may naaalala pa siya! You know you will get nothing kapag hiniwalayan ka ni Lorcan noon maliban na lang sa sahod mo sa pagpapanggap! Hindi ko akalain na ganyan ka kadesperada sa pera!”

“Hindi totoo yan. Nalinaw na sa inyo ni Lorcan ang namamagitan sa amin noon hindi ba? Alam niyo na totoo ang meron kami. Abuela can attest to that!” Nanginig ang boses ko.

“Si Abuela ang pinapaniwala niyong totoong mahal niyo ang isa’t isa dahil yun ang gusto niya. She had a stroke at ayaw mong maulit pa iyon, Lorcan. Pinaniwala niyo siya. In fact, Lorcan, you confided to me your feelings and plans. Hihiwalayan mo si Calla, anak. Sinabi mong babalikan mo si Margaux. Siguro ay tadhana na din ang nagtulak para mangyari iyon. I am just pulling you out of this mess, anak. I love you..”

“That is not true!” Tutol ko. Hindi magagawa sa akin iyon ni Lorcan. Mahal niya ako at hinding hindi ko pagdududahan iyon!

Humakbang ng isa si Tita Aleana papalapit kay Lorcan pero iniharang ko ang katawan ko sa asawa ko. How could they feed him with those lies? Dahil lang ba sa disgusto nila sa akin?

Tita Aleana and I were never close, tanggap ko at nirespeto ko ang opinyon nila. Naging civil kami at pumayag akong lumayo dahil na din sa pakiusap niya. Na mas makakabuti iyon kay Lorcan. Nangako siyang babalitaan niya ako sa improvements. She sent me emails but I declined the photos. I don’t want to miss him so much and be tempted to see him. Nagkasya ako sa mga sinasabi niyang improvements.

Pinilit kong tumayo. “’Wag namang ganito.” Pakiusap ko. “Hindi ninyo ako pupwedeng sirain sa asawa ko ng ganito. This is unfair.”

“Now you want half of his wealth kaya ka bumalik?”

“You said he wants to get married! You emailed me!”

“Did I?” Tumaas ang kilay ni Aleana. I fished out my phone from my pocked at hinanap ang email na iyon. But I cannot see anything. Only old emails but not the one that she said that Lorcan is getting married.

“You hacked my email.” Akusa ko.

“Lorcan, I am sorry. Akala ko ay hindi na natin kailangan pang umabot sa ganito. Ayokong isipin mo na ang taong malapit sayo ang sumira ng buhay mo.” Hindi ako pinansin ni Tita Aleana. Desidido siyang paniwalain ang anak niya.

Nakatayo na din si Lorcan sa likuran ko.

“Here, these are the screenshots on the day of your accident. Anak, hindi ba si Calla iyan? Binuksan niya ang trunk ng sasakyan mo.” Inilahad ni Tita Aleana ang mga litrato sa kanyang anak na halatang naguguluhan. Nakakunot ang noo niya. Nasilip ko ang litrato. Black and white iyon. Sa harap ng bahay namin noon, sa may kalsada. Ang eksaktong damit ko din noong naaksidente si Lorcan. The same car. How could this be!

“Oh my God. That never happened!”

“Iwanan niyo muna ako.” Ibinaba ni Lorcan ang mga litrato at kumuyom ang kamao. “Please. Iwanan niyo muna ako.”

“Lorcan, Anak. Mapanganib ang babaeng yan. Hindi mo siya mahal. Hindi mo siya minahal!”

“Mom, please!” Sumigaw si Lorcan at napaangat ang balikat ko. Napaatras naman ang kanyang ina at si Margaux. Maya maya pa ay tumalikod na ang dalawa at naglakad papalabas ng rooftop.

“Lorcan..” Bulong ko nang maiwan kaming dalawa.

“Calla, please. Step outside. Gusto kong mapag-isa.” Mahinahon ngunit halata ang pagtitimpi sa boses ni Lorcan. Nakaramdam ako ng sobra sobrang pangamba at takot.

“Lorcan. Hindi ako ang nasa litrato. Hindi ko alam kung paano nagkaroon ng ganon, maybe those were edited. Your mother never liked me.”

“Calla, please.” Humihingal na wika ni Lorcan.

Di ko napigilan ang madismaya, “Ayan ka na naman eh! Iintindihin na naman kita. Nandito na naman tayo. Masasaktan na naman ako.” Pinahid ko ang luha ko gamit ang manggas ko.

“Lorcan, for once pwede bang pakiramdaman mo ang feelings mo? Wala kasing nakakaalam niyan kundi ikaw at ako. Tayong dalawa lang. Ngayon kung sinasabi ng Mommy mo na sinabi mong balak mo akong hiwalayan, baka nga pinaniwala mo lang din ako. Pumunta ako dito na alam ko ang totoo, ngayon hindi na din.. Hindi na.”

“Hindi biro ang nangyari sa akin, Calla!” Inihampas ni Lorcan ang mga litrato at bumagsak iyon sa dibdib ko. Nanginginig siya sa galit, ang mga mata niya ay namumula na. “I almost died and do you know how frustrating it is to know that you lost half of your life? Kung pinagtatangkaan mo ang buhay ko ngayon para sa pera ko, hindi ko alam. Hindi ko din alam kung nagsisinungaling ang Mommy ko. Do you know how fcked up it is? Wala akong maintindihan!”

“Eh ano ba ang gusto mo?” Napapagod na tanong ko. “Pupwede akong umalis. Hindi ko alam. Annulment? Pupwede din iyon. But I promise I won’t take away anything from you. I promise.”

“Walang aalis.” Mula sa likuran ay nakita ko si Granny na papalapit, inaalalayan ng dalawa niyang nurse. “Ito ba ang gusto ni Aleana na masaksihan ko? Ang babae talagang iyon. Dapat ay hindi ko na siya ipinakasal kay Rodrigo. Pumunta kayo sa pamamahay ko. Sa akin ka na lamang sumabay Calla. We will settle this once and for all. Lorcan. Pull yourself together. Hindi puro emosyon. Sumunod ka sa bahay.”

Pagkasabi non ay tumalikod na si Granny. Sumabay ako sa kanyang sasakyan at naging tahimik ang buong byahe. Panay ang buntonghininga ni Granny at hindi naman mapatid ang luha ko.

“Huwag kang umiyak iyak diyan. Kaya ka kinakayan kayanan ni Aleana kasi napakabait mo. Pinili mong makinig sa babaeng yon, ayan na ang nangyari.”

“Nanay siya.”

“Asawa ka. Hay naku, I hate to say this but I am so sorry Calla. I am sorry for dragging you in to this. May naiisip ako. Just trust me on this.”

“Granny, ayan ka na naman.”

“Hindi. Promise. Just go with the flow. And heal. Just get back when you are ready. I thought you are but it doesn’t seem like it. Pero di bale na. Lorcan knows your existence. He should take everything from here.

Dumating kami sa mansyon ni Granny. Naroon na si Lorcan, katabi ang kanyang ina at ama. Si Margaux ay naroon din sa tabi ni Tita Alena.

“Strictly for family members only. Anong ginagawa ng babaeng iyan?” Kalmado pero matalim ang boses ni Granny nang makapasok kami sa loob.

Umupo kami sa couch na nakaharap kila Lorcan. Isa-isang lumabas ang mga kasambahay at ang bodyguards pagkatapos ay sinarhan nila ang pinto para maging pribado ang meeting. Nanatili doon si Margaux at taas noong tinutunaw ako sa tingin.

Tumikhim si Granny at tiningnan ang pamilya sa aming harapan.

“Aleana, I know you don’t like Calla.”

“I never liked her! Hindi din siya gusto ng anak ko!”

“Hindi ganyan ang nakarating sa akin.”

“Dahil ayaw kang madisappoint ng apo mo. Alam mo naman ang kondisyon mo hindi ba? You love this girl palibhasa ay nakikita mo ang sarili mo sa kanya, Mama. You both came from nothing.”

Inihampas ni Granny ang tungkod niya sa sahig at gumawa iyon ng tunog. Natahimik ang lahat.

“Do not ever make it sound disgusting when you say that we came from nothing. I am self made, Aleana. Hindi dahil sa namayapa kong asawa ang meron ako ngayon. Before he met me, I know hedging and stocks, I know investments and I influenced him to do those. Kung hindi dahil sa akin ay hindi mapapangalagaan ni Almario ang kayamanan na ipinamana sa kanya. Hindi mo din madaratnan si Rodrigo na punong puno ng kayamanan. Di nga’t maaga kayong nagretiro dahil masagana ang buhay hindi ba?”

“Mama, relax..” Singit naman ni Tito Rodrigo.

“Walang nakakaalam sa atin ng katotohanan kundi si Lorcan lamang. Ang pangunahing interes ko ay mapangalagaan ang ari-arian ng apo ko dahil alam ko ang hirap niya diyan.”

“I am fighting for the safety of my son! Pinagtangkaan siya ng babaeng iyan!”

“Hindi iyan totoo!” Singit ko.

“Hush! Walang nakakaalam kundi si Lorcan. Hangga’t hindi siya nakakaalala ay nandirito tayong lahat at wala tayong mapagdedesisyunan. Lorcan, I gave you the CEO-ship of your company pero major stockholder pa din ako. Kung hindi ka kumportable sa presensiya ni Calla, I have to take her out from your company now. I am sorry, Calla but you have to find a place kung saan hindi maiisip ng mga magulang ni Lorcan na isang kang threat sa buhay ni Lorcan.”

Namula muli ang sulok ng mata ko, naramdaman ko ang pagsiksik ni Granny sa akin para sa tangkang pang-aalo.

“To be fair, hindi din kita maaaring tanggapin sa pamamahay ko. You are on your own now, Calla. I am sorry.”

Tumango ako at humikbi. Nauunawaan ko ang desisyon ni Granny.

Hindi ako makatingin kay Lorcan, walang kahit sino ang nagsalita, tumayo ako at tahimik na humakbang papalabas ng bahay.

“Salamat po, Granny.”

Hindi agad ako nakalayo, huminto muna ako sa garden at pinakiramdaman ang katahimikan. Ito naman talaga ang gusto ko, kaya nga ako lumayo kasi ito ang gusto ko. Ibinuhos ko sa isang malakas na hikbi ang frustrations ko. Anong laban ko sa katotohanang si Lorcan lang din ang makakapagkumpirma? Wala, hindi ba.

Umiyak akong muli. My cellphone rang and I know I have to pick it up. Nakita ko ang pangalan ng kakambal ko.

“Lumabas ka na diyan, nandito na ako.” Mas lalo akong naiyak. Tinakbo ko ang patungo sa gate at nakita ko roon si Clover, nakasandal sa sasakyan. Agad niya akong sinugod ng yakap.

“That’s enough for now, Calla. Kung hindi talaga para sa iyo, hindi. Kailangan mong pulutin ang sarili mo at magsimula na wala na siya. Granny said I should take care of you for now. And you know I will.” Hinagod ni Clover ang likod ko at niyakap ng mahigpit.

♁☆♁☆♁☆♁☆

Thanks for reading! Votes and Comments are appreciated. Offensive comments will be placed on MUTE.

Social media accounts:

Facebook Page: Makiwander

Facebook Group: WANDERLANDIA

NOTE: Answer the SECURITY QUESTION so that you will be approved

Twitter & Instagram: Wandermaki

Go to my wattpad profile and follow me for more stories.

ANNOUNCEMENT

Hindi ito update pero irerelease na ang HE MARRIED HIS SECRETARY ng PSICOM PUBLISHING!

Magkakaroon ako ng booksigning sa SMX CONVENTION CENTER (SM Mall of Asia) sa FEB 25, 2018, 10AM-6PM.

Maiuuwi niyo na si Lorcan at mayayakap pa 😂

Sana makilala ko ang ilan sa inyo! Maraming salamat ☺️

2.14

Letter.

“Tingnan mo nga naman.. Napakaingrata din niyang biyenan mo. Hindi pa pala siya tapos sa hatred niya sayo, ano?” Maingat na iniabot sa akin ni Clover ang isang tasa ng tsaa at umupo sa couch sa pansamantalang magiging kuwarto ko. Parehas kaming nakasilip sa bintana at tanaw ang swimming pool ng kanilang pamilya. 

There’s a void on my stomach but I cannot take a decent meal to eat. Panay ang iyak ko. Kahit ang mga salita ko ay naging limitado simula nang dumating ako sa pamamahay ng mga Jacinto.

“Ikaw na nga ang nag-adjust, ikaw pa ang palalabasing masama. And what? Ikaw ang nagtangka sa buhay ng sarili mong asawa? Pangteleserye na nga ang fact na nagka-amnesia siya, tapos ngayon meron pang plot twist?! Ikaw pala na  mismong asawa ang suspect!”

Pinunasan ko ang luha ko at ibinato ang tissue na basang basa na ng luha. “Sana talaga hindi ko na lang sila pinagbigyan na sila ang mag-alaga sa asawa ko. Sana tiniis ko na lang na ang bukambibig niya ay iba ang mahal niya. Sana hindi na umabot sa ganito.”

“Ay ewan ko lang ha, duda akong wala silang maitim na balak kung nag-stay ka. Hayaan mo na nga yon. Kung ako sa’yo, mag-move on ka na lang, uso naman yun ngayon.” Susog sa akin ng kakambal ko. Blangko ko siyang tiningnan.

“Paano ako magmu-move on kung iniisip kong mga masasamang tao ang nakapaligid sa asawa ko?”

Malungkot na sinuklay ni Clover ang buhok ko gamit ang kanyang mga daliri.

“You did your part, Calla. Eh anong magagawa mo kung hindi ka nga maalala? Saka sa tingin ko naman, kahit anong sama ng mga yon, hindi naman siguro ipapahamak ni Madam Aleana ang sarili niyang anak, even Margaux, patay na patay kay Lorcan yun, hindi naman siguro niya gagawan ng masama.”

Nalungkot ako sa sinabi ng kakambal ko pero alam kong may punto siya. Ano pa ba ang pupwede kong gawin? I want him to remember me but he can’t. Iniisip kong panahon na nga para lumayo ako at pabayaan ang tadhana. Pero tinatraydor ako ng puso ko. Parang kinukurot ito sa iniisip na pag-layo. 

Hindi mawala sa isip ko ang mukha ni Tita Aleana at ni Margaux, how fulfilled they are feeling right now. Kinuha na nila si Lorcan sa akin, pati din ba ang dangal ko bilang tao ay babawiin din? Some people could really kill for their passion, others cannot. 

The selfless givers always endure the pain because that’s the best version of love that they could give. Pure and innocent. Painful but true.

“Mahal, magsulat ka nga dito kung gaano mo ako kamahal..” Napalingon ako kay Clover at Ashton na naglalambingan sa hapagkainan habang nag-a-almusal. A cellphone was pointing at Ashton. Mukhang kinukuhaan pa ng video ng kakambal ko.

“Bakit?” Nangingiting tanong ni Ashton na kinuha naman ang papel at ballpen at nagsimulang magsulat.

“Para kung makalimot ka, meron akong ebidensya na ako ang mahal mo. Dali, sulat na.” Clover giggled. Napangiti ako. I wish I did the same. Hindi sana ako nahihirapan ngayon. My phone rang and it was a call from Granny. Hindi ko inaasahan ang kanyang tawag, tatlong araw na ang nakakalipas nang lisanin ko ang kanyang bahay at akala ko ay talagang tapos na.

“Granny..” Tumayo ako at naglakad patungong garden.

“Kumusta ka na, apo?”

Tipid akong ngumiti, “Okay lang po ako. Inaalagaan naman ako ni Clover. She should. Siya na lang ang pamilya ko.”

“Oh, Calla. Don’t ever think that way. I am your family, too. Kaya ko lamang ginawa iyon—”

“Naiintindihan ko po, Granny.”

“No, you don’t. I don’t want them to point fingers at me. Ayokong isipin na meron din akong kinalaman sa aksidente ng apo ko. Mas lalo tayong hindi makakakilos kapag ganon. At the same time, I want to force Lorcan to remember..”

“Abuela, hindi po dapat pinipilit ang alaala ni Lorcan.”

“Well, if he really loves you, he needs to remember, he knows that. Kailangan mo siya ngayon, Calla, not the other way around. Kung ipapakulong ka ni Aleana at Margaux, si Lorcan lamang ang makakapigil non, he should be completely healed.”

Panay ang tango ko sa buong pag-uusap namin ni Abuela, hindi ako makasagot ng bukal sa loob. Hindi din maganda ang pakiramdam ko, ang isiping maaari ngang magsampa ng kaso si Tita Aleana ang nagpasama lalo ng timpla ko. The whole day, I am only resting. Ganun siguro kapag emotionally drained, kahit gusto mong lumaban ay iintayin mo na lang bumagsak ang problema. Ang presensya lang ni Meico kinahapunan ng araw na iyon ang nagpabangon sa akin sa kama.

“Girl, ang haggard mo agad, three days palang kayong hindi nagkikita ni Mr. Kalimot. Ganyang ganyan nga din ang datingan ni Mr. Alcantara. Laging mainit ang ulo.” Kwento ni Meico.

“Pumapasok ka pa sa opisina?” Takang-tanong ko.

“Oo naman. Meron ka pang files don, inayos ko lang. Naabutan ko nga si Mr. Alcantara sa opisina mo nung isang araw tapos biglang tumalikod nang makita ako. Suplado. Nandito na lahat, pero hindi ko pa nakukuha yung laman nung vault. It needs your fingerprint. Ano bang laman non?” Ibinaba ni Meico ang isang box na puno ng mga gamit sa garden table. I realized that I left my personal laptop inside the vault. I need to get it.

“Pupwede mo ba akong samahan?”

Tiningnan ako ni Meico ng ilang saglit bago tumango. I hurriedly changed my clothes na si Clover mismo ang nag-provide mula sa department store ng asawa niyang si Ashton. Habang bumabyahe kami ni Meico ay tinatantya ko ang oras. Kapag dumating ako sa Nemesis, malamang ay uwian na. Wala nang tao. Hindi na kami magkikita.  Sana.

I stepped on the visitor’s elevator as soon as we reached Nemesis’ premise. Panay ang lingon ko sa paligid na kinakabahan nang bumukas ang pinto ng elevator sa tamang floor. Ang ibang mga empleyado ay papalabas na nang opisina para umuwi. Tamang tama ang timing ko.

“Hi Miss Calla!” Masiglang bati sa akin ng isang grupo mula sa IT. Tiyak kong wala silang alam sa estado ko sa opisina. Ngiti din ang itinugon ko sa kanilang lahat.

Agad akong pinapapasok ni Rowena, ang receptionist, but I made sure that I signed the visitors’ logbook.

“Kayo naman, Miss Calla, parang others. Hindi na ninyo kailangan mag-sign diyan.” Awat niya sa akin habang pumipirma.

“Security protocol ito, Weng. Mabuti na ito, baka mapagalitan ka pa.” Nilingon ko si Meico na ngayon ay nakaupo sa couch sa visitors’ lounge. “Ako na lang, intayin mo ako.”

Mga abalang marketing team at finance officers ang nadatnan ko nang pumasok ako sa opisina. Hindi na ako nag-aksayang bumati pa. I don’t even want them to notice me. Agad kong tinungo ang dati kong puwesto nang hindi nililingon ang opisina ni Lorcan.

Nakauwi na iyon. I murmured to myself.

Para akong may ginawang masama. My heart was pounding crazy on my chest at halos mabingi ako sa katahimikan. Walang ginagawang ingay ang takong ng sapatos ko dahil sa carpeted na sahig na inaapakan ko. Nakuha ko agad ang laptop ko nang buksan ang vault at doon ako nakahinga nang maluwag. Akmang lalabas na ako nang dati kong opisina nang magbukas ang aking pinto. Halos mapatalon ako sa gulat. Ang nakasimangot na Lorcan ang bumungad sa akin. Tinaasan niya agad ako ng kilay nang mapaatras ako.

“K-kinuha ko lang ang laptop ko.” I explained even before he say a word.

Inilahad ni Lorcan ang palad niya. Pagkakataon ko naman para kumunot ang noo.

“Bakit?” I asked.

“You cannot bring anything home from this office without being checked.”

“Seriously?” Gusto kong matawa, “Personal ko ang laptop na ito. I bought this three-year old laptop abroad and this has nothing to do with you.”

“You are using that for work. I need to make sure na wala kang makukuhang company information kung aalis ka.”

Nakaramdam ako ng pagkainsulto, “Ganon? Ganyan ba ang tingin mo sa akin, Lorcan? Ipinamumukha mo sa akin na pinaniniwalaan mo ang bintang sa akin? You think that I am a monster? Na kaya kong gawin iyon?” Nakaramdam ako ng pagbabara ng lalamunan, ano mang oras ay tiyak na maiiyak na ako. Napailing ako at balewalang inilagay sa kamay ni Lorcan ang laptop ko. Dire-diretso akong naglakad papalabas ng opisina.

“What’s the password?” Narinig ko pang tanong ni Lorcan.

“October 18, in numbers.” I said.

“Our wedding anniversary?”

Natigilan ako sa pag-hakbang at nilingon si Lorcan, napayuko siya at napabuntong hininga, “Nakita ko lang sa marriage certificate natin.”

Malungkot akong tumango. “Of course. Hindi mo iyon naalala. You won’t remember anything without importance. But you are right, that used to be our wedding anniversary. Used to be.”

Malalaki ang naging hakbang ko papalabas ng Nemesis lalo na nang makarinig ako ng bulungan. Sumisikip ang dibdib ko sa sandaling pagkakausap pa lang namin. Sinundan lang ako ni Meico nang lumabas ako ng Nemesis at nanatili lang siyang tahimik. Hindi din siya nagtanong. Hinayaan ko ding pumatak ang luha ko nang magsara ang pinto ng elevator. Wala namang pagkakaiba kung pupunasan mo ito lalo na’t alam mong may babagsak na namang panibago.

Nang ihatid ako ni Meico sa bahay nila Clover, naabutan ko ang kakambal ko na nagluluto ng hapunan. She didn’t ask about my swollen eyes, nor my tears. Hindi din niya ako inutusang punasan, o di kaya ay kalimutan ang nakakasakit sa akin. I know she understands. Ngumiti lang siya at ininguso ang harina sa kanyang harapan.

“I missed your chocolate crinkles. Igawa mo naman kami.” She smiled. Sa unang pagkakataon, nakita ko ang sarili ko sa kanya. How I wish I could paint a smile on my face again. Yung pang-matagalan. 

Yung hindi na babawiin sa akin.

Wala sa sariling nakatingin ako sa TV habang pinapanood ang pamangkin kong si Avery na natutuwa sa palabas. Iniintay ko lang mag-chill ang crinkle dough na ginawa ko nang tumunog ang cellphone ko na siyang nagpagising sa diwa ko. I saw a Facebook friend request at napakunot ang noo ko sa isang pangalan na hindi pamilyar.

Nacrol Mada

Ang litrato ay sa isang panda. Ibinaba ko ang cellphone ko pero muling tumunog iyon.

Isang message request naman sa pagkakataong iyon. Nang buksan ko iyon ay mas lalong nalukot ang mukha ko.

It’s me, Lorcan .- Anang mensahe.

“Pupwede mo nang gamitin ang oven.” Nagulat pa ako nang lumabas si Clover mula sa kusina bitbit ang roasted chicken na iniluluto niya. Ibinaba ko muli ang cellphone ko at inassemble ang crinkles dough sa baking sheet nang hindi pinapansin ang mensahe ni Lorcan.

Naging abala kami ni Clover sa pag-aayos ng lamesa. Hanggang sa dumating na si Ashton at sabay sabay kaming nag-hapunan. I helped my twin clean the dishes, too. Walang kasambahay sila Clover, tuwing lumalabas lang sila ng bahay ay humihingi siya ng tulong sa inlaws niya para dagdag bantay kay Avery. Ganito din ang set-up namin ni Lorcan noon.

“Magpahinga ka na..” Hinila ako ni Clover patungo sa guest room.

After we said our goodnights, nagtungo kami sa kani-kaniyang kuwarto. After a quick shower ay muling tumunog ang cellphone ko. Doon ko naalala na hindi ko nasagot ang mensahe ni Lorcan.

‘Seenzone is unacceptable. You are being mean.’

Napailing ako sa mensahe niya. Paanong ako pa ang naging mean? Siya nga itong nangingialam ng laptop ko. Wala akong balak sagutin iyon nang tumunog muli ang cellphone ko. This time ay isang litrato.

Agad kong binuksan iyon at napataas ang kilay ko nang makitang ang litrato namin ni Geo at Meico ang naroon nang minsang manood kami ng Rodeo sa Texas, pare-parehas kaming nakatawa doon sa litrato na kinuhanan ni Tonio. 

‘What is the meaning of this?’ Seryosong mensahe ni Lorcan ang kasunod ng litrato.

“Pinapakialaman mo ba ang files ko?”

’Kailan ‘to? Saan? Bakit ang saya-saya niyong dalawa?’

“God, can’t you see? Tatlo kami nila Meico sa litrato na yan.”

Imbes na sagutin ang mensahe ko ay nagpadala muli siya ng litrato. Yung congratulatory dinner naman naming tatlo nila Meico at Tonio, sa litrato ay nakahilig ako sa balikat ni Tonio.

“How about this?”

“My goodness, can’t you see that he’s gay? Nakilala mo na siya dito sa Pilipinas, hindi ba? And why am I even explaining to you?”

Bumangon ang inis ko na sinabayan ng marahas na pagpapatuyo ng buhok ko sa towel.

“Ganito ba ang ginagawa mo nang lumayo ka? Dating other guys?”

“EXCUSE ME?! I am expecting better from you! Hindi mo man lang ba ako tatanungin kung totoo ba ang ibinibintang ng Mommy mo? Mas concern mo pa ang mga nakasalamuha kong lalaki noong nag-aaral ako. Sorry but this conversation is over. Goodnight!”

“No, this is not over!”

Hindi ko sinagot ang mensaheng iyon at hinayaang dumaloy ang mas napakarami pang mensahe mula kay Lorcan. He’s also sending me the screenshot of delivered flower receipt from my email. Panay ang irap ko sa screen ng cellphone ko habang naiimahe ko na umuusok naman ang ilong niya sa galit. Sa huling mensahe lang ako natigilan. Ang screenshot ng sent email ko kay Lorcan 2 years ago.

Nahanap niya.

’Hi Love,

Kumusta? Happy 2nd Anniversary, Mahal! Miss na miss na kita. Nasaan kaya tayo ngayon kung magkasama tayo? Siguro nagsisimba tayo sa isa sa pinakamatandang simbahan sa Prague. O kaya naman pinapanood ang paglalagas ng dahon sa Nami Island. O kahit nasa bahay lang. Baka sawa ka na sa akin kaya manonood na lang tayo ng Netflix maghapon at kakain ng pancit canton. Anything will do. Basta nandoon ka. At ako.

Dumaan ako kanina sa simbahan at hiniling ko na ipagdasal ka nila, tayo. Sana sa susunod na taon natatandaan mo na. Maawa naman si God sa mga mata ko ’no! Lumabo na dahil laging nakababad sa luha. Nung nagpatingin ako sa espesyalista nung nakaraang linggo, nalaman ko meron akong astigmatism pero huwag kang mag-alala dahil makikita pa din kita. I even watched Perseid Meteor Shower in Chigaco months ako. Inggit ka? You should. Sobrang ganda. I took pictures for you and I have attached it here. Napakaganda kasi.

Pero mas maganda ka.

You are the most beautiful blessing I ever had, basic or flawed, you are the most beautiful, Lorcan. Ayan na naman, lumalabo na naman ang mga mata ko, kailangan nang ipahinga, mag-iingat ka lagi. Mahal na mahal kita. Sobrang miss pa.

Naghihintay at maghihintay pa,

Calla’

Paulit ulit kong kinagat ang pang-ibabang labi ko para pigilan ang luha pero hindi ko din napigilan. I remember how desperate I was to talk to him. Naalala ko kung gaano kalaki ang pagpipigil ko para hindi ako lumipad pabalik ng Pilipinas. I wrote him letters, emailed him, kahit alam kong hindi naman niya mababasa. He probably don’t remember his password and I was the fool trying to reach him through email. I kept it for years, tons of unsent cards and letters I plan to give him once he remembers but it is too late.

Ang katotohanang iyon ang nagpabangon ng galit sa aking puso.

“Puwede bang tigilan mo na ang personal na gamit ko? That’s mine. Delete everything that concerns your company and leave me alone!” Sabi ko.

Pinatay ko ang cellphone ko. Muli, nalunod ako sa sarili kong luha. Ilang beses akong nanaginip nang gabing iyon. Nakakaalala na daw si Lorcan pero merong dalawang kamay na usok ang humihila sa kanya papalayo. Paulit ulit pero hindi ako magising sa bangungot hanggang sa isang mahinang bulong ang narinig ko sa panaginip ko.

‘Kumapit ng mariin, puso ay paganahin, wag mong isusuko, kahit bituin ay iyong hamakin. Sanga sangang daan dapat ay iyong tahakin, sumpa ay putulin, kamalasa’y iyong sugpuin.’

“Calla!” Malakas na pagyugyog ang gumising sa akin. Doon ko napagtantong maliwanag na sa labas. Nag-aalala ang mukha ni Clover, nang matiyak niyang gising na ang diwa ko ay pilya siyang ngumiti at hinaplos ang pisngi ko.

“Nandyan yung manghuhula ng Mommy ni Ashton. Dali, pahula tayo. For fun lang.” Hinila ako ni Clover kahit hindi pa ako nakakapaghilamos. Ganon na lang ang gulat ko nang makita ang pamilyar na matandang babae na nakaharap namin ni Lorcan noon.

“Madam Charing?”

“Magkakilala kayo?” Clover asked.

Makahulugang ngumiti ang matanda. She aged. Madami nang puting buhok at mas lalong dumami ang kulubot. Tumingin siya kay Clover na parang nagtatanong kung sino ako.

“Kakambal ko po, Madam Charing.” Ngumisi si Clover.

Pumalakpak ang manghuhula at ngumiti nang nakakaloko.

“Matagal na akong hindi nakakakita ng dalawang henerasyong kambal.” Aniya.

“Ay, nagkakamali ho kayo. Hindi pa lang nakakahilamos ang kakambal ko pero kami po ang kambal, hindi ko po siya Nanay.” Clover giggled.

“Hindi. Merong pang kambal.” Tumayo si Madam Charing mula sa couch at lumapit sa akin. Masuyo niyang hinaplos ang tiyan ko. “Ikalawang henerasyon.” Bulong niya mismo sa aking tainga.

♁☆♁☆♁☆♁☆

Thanks for reading! Votes and Comments are appreciated. Offensive comments will be placed on MUTE.

Social media accounts:

Facebook Page: Makiwander

Facebook Group: WANDERLANDIA

NOTE: Answer the SECURITY QUESTION so that you will be approved

Twitter & Instagram: Wandermaki

Go to my wattpad profile and follow me for more stories. 

♁☆♁☆♁☆♁☆

Basahing mabuti:

I-re-release ang unang part ng He Married His Secretary ng Psicom on February 25, 2018 sa SMX Convention Center, 10AM to 6PM. Naroon ako para pirmahan ang libro ng mga bibili.

Hindi po kasama ang ‘Half Lost’ o ang book 2 na kasalukuyan ninyong binabasa sa mabibili niyong libro. Ang tanging kasama nung ilalabas sa Linggo at ng makikita niyo sa bookstores ay ang Epilogue na wala dito sa Wattpad.

Sa mga pupunta, ang unang 15 na magpapapirma sa akin ng libro ay magkakaroon ng Pillow at iba pang freebies.

![](https://img.wattpad.com/d6d108514e55a06854e98f33bf8ecd15248a6bd0/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f47704d335a6362642d6b5f656a773d3d2d3135303635323438302e313531353036363862343936646139333231363638393535343231342e6a7067)

Ang 16-20 na magpapapirma ay makakatanggap ng Cap.

![](https://img.wattpad.com/d75bb36323b43226252c6d59678015c505359317/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f2d575a766d5f5a685538736356673d3d2d3135303635323438302e313531353036366130653132366239633134313330373836323236302e6a7067)

Ang first 100 books na papipirmahan sa akin ay merong kasamang Magnetic bookmark.

![](https://img.wattpad.com/f457965fabe226e96e1193e97fac5514542d9345/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f31736e646470465a64616b4a76413d3d2d3135303635323438302e313531353036366334626135356139303438383833363734303634372e6a7067)

Magkita kita tayo! Salamat sa lahat!

2.15

Vega, the brightest star in Orion’s constellation.

“Ano ka ba, huwag mo ngang iniisip yung sinabi ni Madam Charing! Parang ampon na kasi ng pamilya Jacinto yon kaya ko pinapunta dito. Ayaw namang tumanggap ng kahit na ano kaya nagpapahula na lang kami para maisip niya na may kinikita siya. Not true, Calla. Hindi totoo ang mga hula ni Madam Charing. Loosen up!”

No, I have basis. Yung mga sinabi ni Madam Charing noon, it all makes sense now. Mahirap ang pagdaraanan namin ni Lorcan ngayon—so iyon ang ’ sanga-sangang daan’ at ayon sa kanya ay kailangan kong kumapit?

“If that is true, I need to stick with Lorcan..”

“Goodness, Calla! You are creeping me out.. You cannot go anywhere near him, gusto mo bang ipakulong ka ng mga bruhang babae sa buhay ng asawa mo?”

“Hindi ba hinulaan ka din? Merong sumpa ang tubig pagkat ito’y sagabal sa masidhing pag-ibig, walang kapantay na pagluluksa ang sa iyo ay sasapit. Kung iyong malalagpasan, langit ay matatagpuan, kalimutan ang galit para kasiyahan ay makamtan. Mag-iingat ka, Clover..”

Napakamot ng kanyang ulo si Clover, “Calla naman eh! Pati ako dinamay mo sa kapraningan mo. Ganun naman talaga yun si Madam Charing! Madalas negative ang hula niya kasi sign of love niya yon, para mag-ingat tayo.”

Napailing ako. Hindi ganon ang pakiramdam ko. “She said na baliktad ang kapalaran natin sa ibang mga kambal na masuswerte dahil ipinanganak tayo sa ikatlong araw na pagtatago ng buwan. Yun daw ang pinakamalas na araw sa kalendaryo para sa mga kambal.”

“You mean, lahat ng kambal na ipinanganak ng araw na iyon ay malas?” Hindi pa din kumbinsido si Clover.

“Malamang.”

“Jusmiyo! Eh bakit hindi mo na lang pagtakhan iyong sinabi niyang may ikalawang henerasyon ng kambal diyan sa sinapupunan mo. Wait-a-minute, nag-se-s*x ba kayo ni Lorcan?”

Kumalat ang kulay at init sa mukha ko.

“Stop it!”

“Hala ka! What if you are really pregnant, aber?” Mas lalong kinabahan ang mukha niya.

“Akala ko ba hindi ka naniniwala sa hula?”

“Ha! Selective, ganon? Hindi naman ako sa hula nagba-base, sa fact na you did have s*x with your husband.” Umirap si Clover.

“Wala akong sinabing ganon!” Isa pa, I don’t feel any symptoms. Yung pagiging emotional ko naman ay dati pa, simula nang maging magulo ang buhay ko.

Tumunog ang cellphone ko. Pinatay ko iyon pero kumalampag muling iyon ng ilang beses.

“Ano ba yan, Calla. Answer the phone! Magigising si Avery! Sagutin mo na yang ‘fubu’ mo.” Susog sa akin ni Clover na nakatingin din pala sa aking cellphone.

“Anong fubu? ! Tumigil ka nga diyan, Clover!”

Pagkasabi non ay sinagot ko ang tawag. I wasn’t even saying hello pero may nagsalita na agad sa kabilang linya. Alam ko na agad kung sino.

“I will return your laptop. Puntahan mo ako sa opisina.” Pagkatapos non ay pinatay na ni Lorcan ang tawag.

I scowled at my phone. “Bossy.”

“Hmm, kunwaring naiinis pero mag-hahanda na yan para umalis. Bagong undies ang isusuot, yung terno. Gagamit din siguro siya ng body butter!”

“Body butter? What for?!”

“Para edible ka din! Ano ba yan, you didn’t know? Duh, diyan ka na nga, I will bring Avery to his play school. Mag-ingat ka, baka may laman yan. Sabihin mo sa kanya, ’ Be Gentle, Papi! ’” Clover pointed at my tummy. Unconsciously, napahawak ako doon.

There’s nothing there. I don’t feel anything at all.

“You are crazy!” Angil ko.

“I am and you are equally crazy!”


Everyone greeted me as I entered Nemesis. Naka-angry mode ako nang lakarin ang patungo sa opisina ni Lorcan. Hindi ko makakalimutan ang pangigialam niya sa personal na files ko.

Nagbigay ako ng tatlong warning knocks pagkatapos ay binuksan ang pinto ni Lorcan. Nag-angat siya ng tingin mula sa pagkakababad sa laptop at saka relaxed na sumandal sa kanyang swivel chair. Ngumiti siya agad pagkakita sa akin na parang walang ginawang kasalanan. Baliw ata ang isang ito.

“Here it is..” Inilahad niya ang palad niya sa aking laptop na nakapatong sa kanyang lamesa. Mabilis kong binuksan iyon para tingnan kung meron ba siyang files na pinakialaman. Upon instinct ay nag-punta ako don sa files ko ng mga litrato. Naroon pa naman.. Ang ilan.. Karamihan ay wala na. Puro solo shots lang at yung kasama ko si Meico ang naroon.

“Anong ginawa mo?” Asik ko.

“What?” Tumaas ang dalawa niyang kilay na akala mo ay malinis ang konsensya.

“You deleted some of my photos. How dare you do that?”

“I did? Oh, baka aksidente.”

Nagngitngit ako sa galit at frustration.

“Hindi ko na maibabalik ang mga pagkakataong iyon!”

“Then make new memories.” Mabilis niyang sabi na para bang napakadaling bagay na iyon. “The problem with us is that we want to be stucked in the past.”

“We are stucked in the past because it is what makes the ‘now’, Lorcan.”

“Bumalik ka na sa apartment natin, Calla.” Pagbabago ni Lorcan ng usapan. Sumeryoso siya at mataman akong tiningnan.

“Naririnig mo ba yang sarili mo, Lorcan? Gusto mo akong pabalikin pagkatapos ng mga ibinibintang sa akin?”

“Why? Are you guilty?”

“Why? You don’t care? Paano kung ako nga talaga ang may pakana nang lahat nang iyon? Ang landi landi mo naman, hindi ka makatiis.”

“Wow! Gandang ganda ka naman sa sarili mo.” May pang-iinsultong humalakhak si Lorcan, namula ang pisngi ko. Pansumandali kong naalala sa kanya ang lumang Lorcan na maging mang-asar. Well, madalas pa din niya akong mapikon ngayon pero ibang klase noon. Ngayon ay nakakapikon na siya kagaya ng dati.“

“S-sabi mo maganda ako.”

“I did say that?”

“Dati..” Malungkot na sabi ko.

Bumuntong hininga siya. “Calla, I missed you..”

Unti-unting natutunaw ang inis na nararamdaman ko bago ako mag-tungo dito. Lorcan’s stares were serious, nangungusap. Nag-iwas ako ng tingin dahil hindi ko matagalan iyon.

“And it doesn’t matter whether I believe my mother or not. I just missed you. Parang ang daming oras ang ninakaw sa atin ng alaala ko. We should be together, don’t you think?”

Napaawang ang labi ko. Bago pa man makasagot ay tatlong warning knock sa opisina ni Lorcan at pumasok doon si Miss Jarlene at ang dalawang assistant niya.

“Ay, andito ka pala Mrs. Alcantara.” Tila nagulat na sabi ng HR Manager.

“Ano yon, Jaja?” Lorcan asked.

“Well, all set na tayo for Ilocos team building kaso ang team red ay kulang ng isa dahil hindi daw makakasama si Julie at Alma. Alma was replaced by Meico pero si Julie ay wala pang kapalit. Nagrereklamo sila dahil kulang daw sila ng isa.” Sambit ni Miss Jarlene sabay tingin sa akin.

“What if.. Ikaw na lang Mrs. Alcantara ang sumama?” She asked.

“Ay, that is a good idea, Miss Jarlene!” Sang-ayon ng bading na HR Assistant na si Josh. I shook my head immediately.

“Sige na, Ma’am Calla, naroon naman si Meico. Para kumpleto na kami sa Red team.” Ani Trixie.

“Sumama ka na..” Susog ni Lorcan na sininghalan ko naman.

“Please, Ma’am Calla! Para hindi naman kami malugi sa mga activities.”

“At para makapag-relax ka din naman, Mrs. Alcantara.” Miss Jarlene smiled kindly. Pinagtulong-tulungan ako ng apat to the point na ang pakiramdam ko ay masamang tao ako kapag hindi ko sila pinagbigyan.

“Sige, sasama na ako.” I decided.

The three cheered before they left Lorcan’s office. Sinundan ko pa sila ng tingin. Humarap ako sa direksyon ni Lorcan na buo ang atensyon sa akin.

“I read your letters.” Panimula niyang muli. 

“Pakialamero ka talaga!” Muli na namang namula ang pisngi ko.

“That’s for me, anyway!” Sambit niya kasabay ng pag-aayos ng necktie. “And I felt how much you love me.”

Napayuko ako.

“I want you to help me remember, Calla.”

“P-pero sabi ng Mommy mo, hindi daw sa’yo pupwedeng ipaalala ang mga nangyari noon. It might distort your memories and trigger psychological disorder. Nagkaroon ka ng post traumatic stress disorder noon. Baka maulit pa.”

“Do you really want to go to jail? Kailangan kong maalala ang lahat bago ka pa nila ipakulong.”

“So you are doing this for me?” Maang na tanong ko.

“Yes.” Diretso niyang sagot.

My heart beats painfully in my chest. He’s willing to go this far from me. Bigla akong napahiya na sumuko ako sa kalagayan niya noon. Bago pa man ako makasagot ay bumukas muli ang pinto and to my surprise, nakita ko doon si Granny na parang nasurpresa din sa presensiya ko.

“What is the meaning of this?” Matalim na asik niya.

“G-granny…”

Agad na umangat ang tungkod ni Granny at itinuro ako, “Hindi ka marunong makinig sa pakiusap, I told you to stay away from us, especially Lorcan.” Sigaw na Granny.

“Abuela.” Agad na tumayo si Lorcan. “Please don’t say that to Calla.”

“Lorcan, hindi ka ba nakikinig sa Mommy mo? This girl is dangerous. Hindi ko akalaing nagpalaki ako ng ahas. Kung hindi mo siya papaalisin, tatawag ako ng pulis!” Agad pa siyang hinilot sa likod nang nurse na nakasunod sa kanya. 

“Granny naman..” Maliit na boses ko.

“Out!” I jumped to my shoulders as Granny commanded.

Nagmamadali akong lumabas nang Nemesis. Hindi ko maintindihan kung ano ang nakain ni Granny at biglang inaaway naman ako ngayon. Nakaramdam ako ng sama ng loob. Hindi ko alam kung saan ako pupunta nang makababa ako ng Nemesis. Naglakad ako ng mabagal, sa gitna nang nagtataasang buildings sa Makati.

Who said life is easy?

Nang mapagod ay huminto ako sa isang fastfood chain at pumasok doon. I ordered double cheeseburger and fries. Nakatulalang pinagmamasdan ang dumadaan sa tapat ng fastfood kasabay nang pagtunog ng cellphone ko.

Napakunot ang noo ko nang makita ko ang pangalan ni Granny doon. Inihanda ko ang puso ko para sa kanyang pagalit.

“Granny?”

“Kowww! Ang galing kong umarte! Hindi pa din ako nangangalawang!” Kasunod non ang napakalakas na halakhak niya sa kabilang linya. Inalis ko pa sa tenga ko ang cellphone para tiyakin na si Granny nga ang kausap ko.

“H-hindi po kayo galit sa akin, Granny?”

“Ako? Bakit naman ako magagalit? Gusto ko lang mapilitan si Lorcan na kumilos para sa inyong dalawa. Alam mo naman yun, mentras binabawal, yun ang ipipilit. Reverse psychology ang style ko diyan sa batang yan!”

“Granny naman, baka madagdagan na naman ang alalahanin non.”

“’Kuu! Wag mo ngang binebeybi yang asawa mo. Kaya na niya yan! Kaya niyo yan, apo. Lumaban kayo sa pagsubok sa inyo. Mananalangin ako na malagpasan niyo.”

“T-teka lang po, Granny ah.”

Napakunot ang noo ko nang makita ko si Lorcan sa harap ng fastfood na nakasimangot at palinga linga. Nagmadali akong lumabas para puntahan siya. He expelled a breath of relief nang hawakan ko siya sa braso at makita ako. Mahigpit niya akong ikinulong sa yakap.

“Bakit umalis ka?” Bulong niya sa akin. “Wag kang aalis kahit pinapaalis ka nila. Huwag mo na akong iiwan. Kakayanin natin ’to. Kung hindi mo na kaya, diyan ka lang. Ako ang lalaban para sa ating dalawa.”

Tumango ako. Nagkaroon ng pag-asa. “I am sorry for leaving you.” Malungkot akong ngumiti. “Hindi na mauulit.”


“Anong ginagawa mo dito?” Pabulong na tanong ko nang buksan ang bintana ng guest room na tinutuluyan ko sa tahanan nila Clover. It is already 10PM, tulog na ang kakambal ko at ang kanyang pamilya. “Saan ka dumaan?”

“Ashton doesn’t have guards.”

“Oo nga, pero baka malaglag ka diyan!” Yes, because my room is at the second floor. Wala din akong veranda. Nakaapak lang ang paa niya sa manipis na cement lining na nagsisilbing disenyo ng bahay.

“Kung pinapapasok mo na ako diyan, mababawasan ang chance na mahulog ako.” He sarcastically chided. I rolled my eyes at him and opened my window wider. Humakbang si Lorcan patungo sa aking kuwarto. Sa kanyang likod ay backpack na mukang maraming gamit. Agad kong sinarhan ang bintana nang makapasok na siya.

“Paano ka dumaan? Hindi ka ba narinig ng kapatid ko?”

“Believe me, they are nosier than I could ever be.” Makahulugan akong tiningnan ni Lorcan at napatakip naman ako ng mukha. Ang kakambal ko talaga, napakapilya!

“Anong ginagawa mo dito?”

“I said I missed you but Ashton said I should stay away from you to avoid trouble.”

“So, ano ngang ginagawa mo dito?”

“Mag-i-sleepover.”

“What?”

Mabagal siyang tumango. “I want to sleep beside you and wake up beside you. Wait.” Itinaas niya ang palad niya pagkatapos ay binuksan ang backpack niya, may kinuha siyang kung ano mula doon. “Flowers..” Lahad niya sa maliit na pulumpon ng stargazers. Bago pa ako makapagreact ay agad niya akong hinalikan sa labi at binagyan ako ng mainit na ngiti pagkatapos. Ipinahinga niya ang noo niya sa akin.

“Did you know that there’s a meteor rain at 4am? Let’s sleep now, alarm our phones tapos nood tayo mamaya.”

Natutukso ako sa kanyang ideya pero naalala kong may mga kasama kami sa bahay at malamang ay papagalitan kami ng kakambal ko at ni Ashton kapag nahuli kami.

“Paano kung makita nila tayo? Paano kung sasabihin nila na hindi tayo dapat magkasama?”

“Mag-tatanan tayo.”

“What? Nababaliw ka na ba?”

“Siguro. Fck, ngayong bumalik ka na, hindi ko talaga kaya na wala ka, Calla. I can’t even imagine how I lived those three years without you. Kung nakaya mo, ako hindi.”

“Hindi totoo yan, nahirapan—”

Hindi ko na naituloy pa iyon. He kissed me with so much passion. 

“Wala na akong pakialam. Hindi na mahalaga pa iyon.”

My body started to ache for more sweet kisses from him, tumingkayad ako at ako naman ang umabot sa kanyang mga labi. Is this what he craves for? If it is, then I totally understand. He started pushing my body gently towards the bed, slowly removing his black leather jacket away from his body.

Napahiga ako sa kama. He crawled slowly and continue kissing me while he was on top of me. My lips wanted to escape a loud moan but all I could do is to whimper softly. I send signals by kissing him back, oh I will never lose him ever again.

Hinawakan niya ang mga kamay ko. Pinning it on the bed. Symbolically telling me not to let him go. Sa sobrang nakakaliyo, hindi ko alam kung paano naalis ang aming mga damit. All that I could here are promises of love. He’s the Vega in my Orion. The brightest star in my constellation. A constellation is without its brightest star. 

And I will not shine, without him..

♁☆♁☆♁☆♁☆

By the way, maraming salamat sa nagpunta noong booksigning! Sa mga nakabili na ng first part ng HMHS, salamat! Sana grab your copies kahit nabasa na ninyo. The bookversion has epilogue.

Sa mga nagtatanong kung kasama na doon ang Half Lost, wala pa. Pinaplano kong i-selfpublish ang second part na binabasa niyo ngayon. What’s in store for you? Bakit bibili pa din kayo kung nabasa na ninyo sa Wattpad?

Prologue, Lorcan’s POV and freebies.

Hahayaan ko muna kayong mag-ipon kasi hindi naman madami ang pages nang ilalabas kong book so I think it will be waaaayy cheaper kumpara sa nauna kong self published.

Keep posted! Keep on reading! Maraming salamuch!

PS. Sa mga nagtatanong kung paano kayong mga hindi aabutin ng National Bookstore, o matatagalan pa bago magkaroon ng book, o gusto ng signed book ko, (First part ng He Married His Secretary) nagbebenta kami ng book sa group page ko. And I think meron ding ibang booksellers sa wattpad na nagre-resell ng book. Hanapin niyo na lang sila at tanungin. God bless!


Thanks for reading! Votes and Comments are appreciated. Offensive comments will be placed on MUTE.

Social media accounts:

Facebook Page: Makiwander

Facebook Group: WANDERLANDIA

NOTE: Answer the SECURITY QUESTION so that you will be approved

Twitter & Instagram: Wandermaki

Go to my wattpad profile and follow me for more stories.

2.16

Throw Up.

We watched the dancing lights in the sky that crack of dawn. We were enclosed to each other’s embrace at the Jacinto’s rooftop. Parang walang pagkakataong nasayang, hindi na alintana ang mga oras na nawala.

“Bakit tahimik ka?” Tiningala ko si Lorcan. Seryoso siyang nakatingin sa meteor rain na sunod sunod na pagbagsak mula sa kalawakan. His perfect facial structures sent me chills. Hindi ko maalalang humiling sa bulalakaw ng kasinggwapo niya, kasingyaman, kasingtalino. Ibinigay nga iyon kaya lang makakalimutin naman.

“I am making as many wishes as I can.” He said.

“Care to share what are those?”

“A happy life with you, family, kids. Peace, just peace with the ones I love.”

I smiled and reached for his hand. The cold air brushed my cheeks and I felt the damped morning dew at my feet, mas lalo akong sumiksik sa ilalim ng kumot.

As the first blush of the day appeared, we stood up. Kailangan nang bumyahe ni Lorcan bago pa siya makita ng kakambal ko at ng kanyang asawa. Walang ingay ang ginawa namin nang ihatid ko siya papalabas sa bahay nila Clover.

Kinuha niya ang kamay ko at marahang pinisil iyon nang makarating na kami sa labas ng bahay.

“I love you..” He whispered to my ear. It ignited so many emotions I kept within me. I love him. I love him, too. I always thought that love is ugly, but it never was. Love is painful, the stronger it gets, the more pain it gives but it is beautiful.

He gave me a quick peck on the lips before he leaves. I waved my hand goodbye but he shook his head and said..

“I’ll see you again.”


“Saan ka galing?” I almost had a heart attacked when I saw Clover waiting at the porch. Nakapamewang siya at halatang kakagising lang.

“N-nagpahangin.” I lied.

“Hindi sapat yung hangin ng aircon?” Nanliliit ang mga mata niya.

I shook my head. “Hindi eh.”

Tumingkayad pa siya para silipin ang nasa likuran ko na para bang nag-dududa sa ikinikilos lo, pagkuwa’y nagkibit balikat at saka ako inayang pumasok na.

Those days went on for a week. Tuwing tulog na ang lahat ay kakatok si Lorcan sa aking bintana pagkatapos ay matutulog sa tabi ko. Aalis naman siya bago tuluyang mag-liwanag. Madalas ay hindi pa ako ginigising.

“Hindi ka ba nag-sasawa?“Nagawa kong itanong habang magkayakap kami sa ilalim ng kumot.

“Saan?”

“Kailangan mo laging umakyat ng bakod at ng bintana.”

“This is the only way that I could see you.”

“Bukas ang schedule mo sa neurologist mo.” Pagpapaalala ko sa kanya. Sinabi niyang matagal na siyang hindi nagpapatingin. It was because of the same medications that’s being given to him. Nauunawaan ko naman iyon pero ako na din ang kumulit sa kanya para patingnan kung merong pagbabago ang kalagayan niya. I think we need to start there.

“Okay, but I want you to be with me.”

“B-baka may makakita sa ating magkasama. Hindi tayo pwedeng pakalat-kalat.”

“You are my wife, you should have been there since day one I got sick.” Tila may tampo sa boses niya. Hindi ko maiwasang mapangiti. Gumulong ako at pumatong sa kanyang ibabaw pagkatapos ay umupo sa kaniyang tiyan.

“Nagtatampo ka?” Nangingiting tanong ko. Umiwas siya ng tingin.

“Nagtatampo ka.” I concluded. Malakas siyang napabuntong hininga.

“Kung hindi ka sana umalis, hindi sana ako nagmahal ulit ng iba. Ang dami lang kasing nasayang.” Lumungkot yung mga mata niya pagkatapos ay napailing siya. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at nilapirot iyon.

“Di ba nga, pupwede namang gumawa ng mga bagong memories?”

Tipid siyang ngumiti, hinila niya ang mga kamay ko at pabagsak na inihiga sa kanyang dibdib. Maingat niyang hinaplos ang buhok ko.

“Panibagong pag-subok ulit.”

Kinuha ko ang kanang kamay niya at hinawakan iyon ng mahigpit.

“But this time, hindi na ako bibitiw dito.”

“Good morning!” Masigla akong ngumiti sa isang babae na nakaupo sa entrada ng klinika ni Dr. Alvarez. The small petite woman smiled back awkwardly. Mukhang nawe-weirduhan sa suot kong shades kahit nasa loob ako ng ospital at wala namang araw. I am also wearing a gray hoodie. Ganoon din si Lorcan.

“Yes?”

“Magpapalista sana ang kaibigan ko kay Dr. Alvarez.”

“Dr. Alvarez?” Kumunot ang noo ng babae. “Hindi niyo ba nabalitaan, Ma’am?”

Lumiit ang mga mata ko, “Nabalitaan?”

“Matagal na po siyang umalis sa ospital na ito. Wala pong nakakaalam kung bakit.”

“Ah, matagal na kasing hindi nagpapatingin ang asa—kaibigan ko aky Doctor Alvarez. Anyway, may mairerekomenda ka bang Neurologist na available ngayong araw?”

“Sandali lang, Ma’am..”

Lumipat ang mga mata ko kay Lorcan na matiyagang nag-iintay sa hospital bleachers. Ngumiti siya nang mapansing nakangiti ako sa kanya. Ilang sandali pa ay iniabot ng babae ang listahan ng palagay ko ay higit sa sampung doktor.

Umupo ako sa tabi ni Lorcan. Dumikit siya agad sa akin at ipinahinga ang baba niya sa aking balikat para tingnan ang listahan.

“Wala na daw ang doktor mo dito, ikaw kasi, hindi ka nagpapatingin.” Pasimpleng sita ko. He pouted ang kissed me on the cheeks.

“It is okay, fresh start, right? Let’s choose another doctor.”

“Paano tayo pipili? Hindi naman natin alam kung sino ang magaling? Puro lang pangalan, schedule at clinic number.”

“What’s your favorite letter?”

“L?” Out of the blue I answered, pagkatapos ay uminit ang pisngi ko nang mapansing nag-iba ang reaksyon ni Lorcan na parang tinutukso ako.

“Don’t worry, Love. C is my favorite letter.”

Napailing ako. “LC. Tingnan mo nga naman, merong doktor dito na LC ang initials. Dr. Lester Concepcion, should we meet him?” Kumindat kindat pa si Lorcan sa likod ng kanyang sunglasses. Yumuko siya at pinagdikit ang mga noo namin. He smiled warmly.

“Thanks for being here with me.” He whispered.

Umakyat pa kami ng isang floor para kilalanin ang bagong Neurologist bitbit ang panibagong pag-asa. We were holding hands, smiling like an idiot. Walang pila sa tapat ng clinic ni Dr. Concepcion. Huminto pa lang kami para tanungin kung nasa tamang clinic ba kami nang biglang merong isang weirdong babae ang humila sa amin. She’s tanned, in her mid thirties I think, merong makapal na salamin, sky blue na tassel earrings at ang ngiti na mas maliwanag pa sa sikat ng araw.

“Welcome! Kay Concepcion, may solusyon!” Buong pusong sigaw niya kasabay ng pag-angat ng dalawang kamay niya sa ere.

“A-andyan ba si—”

“Oo naman, kanina pa kayo iniintay.”

“Iniintay?”

“Oo, actually last year pa, last year pa siya nag-iintay ng pasyente. Mabuti at naligaw kayo dito.”

Bigla akong nakaramdam ng pag-aalinlangan. Kung walang pasyente ang doktor na ito, ibig sabihin ay hindi siya magaling?

“Alam ko yang iniisip ninyo, pumasok muna kayo at subukan. Kung hindi kayo masisiyahan, hindi na ninyo kailangang magbayad.”

“Ate, alam mo namang hindi produkto ang itinitinda mo kung hindi serbisyo, hindi ba?”

“Sinabi ko sa inyong walang masyadong pasyente si Doc Lester dahil ayokong magsinungaling. Doon pa lang at malalaman mong hindi din magsisinungaling ang asawa ko.”

“Asawa?”

“Ako si Mrs. Concepcion asawa ni Doc Lester. Ang asawa ko ay graduate sa Europa, alam kong hindi kayo maniniwala pero hindi ko din kayoi pipilitin. Basta subukan muna ninyo.” Pagkasabi non ay binuksan ni Mrs. Concepcion ang pinto sa aming harapan. Napaatras kaming dalawa ni Lorcan. Madilim ang clinic dahil sa makapal na kurtinang tumatakip sa mga bintana. Not only that, merong vodoo dolls at saka kandilang iba’t ibang size sa paligid. And to complete my horror, kulay itim ang lahat ng mga kandila.

“Black Magic.” Wika ni Mrs. Concepcion habang tinitingnan niya kaming nakanganga sa lahat ng special effects sa clinic ng kanyang asawa.

“G-gumagamit ng Black Magic si Doc?” Mabilis akong umiling. “N-naku, salamat na lang ho. Ano ho kasi—”

“Black Magic ang theme namin ngayong buwan. Nung isang buwan Chinese New Year. Dear! Sinabi na nga ba’t hindi maganda ang pagkakaayos natin ng kuwarto mo ngayon. Natatakot lalo ang pasyente.” Lumapit si Mrs. Concepcion sa bintana at hinila ang mga makakapal na kurtina. Agad na pumasok ang liwanag. Napadako ang tingin ko sa isang lalaking nakasuot ng puti na iiling-iling na pinapatay ang kandila. Malapit nang maubos ang kaniyang buhok, kubado at meron ding makapal na salamin. Ang dalawang kamay niya ay nanantili sa kanyang likod. Mabagal din siya kung lumakad.

“Naniniwala ba kayo sa kulam?” Paunang tanong ng doktor na I presume ay si Doctor Lester Concepcion.

Umiling ako, “H-hindi…”

“Good.” Pagkasabi non ay tumingin siya kay Lorcan, “Eh ikaw Hijo?”

“Sa probinsiya namin, ang sabi—”

“Fear.” Tumalikod ang doktor at naglakad patungo sa lamesa niya. Iniwan kami ni Mrs. Concepcion at maingat na sinarhan ang pinto.

Sabay pa kaming umupo ni Lorcan sa sofa at hindi naghihiwalay ang aming mga katawan. I can smell fear. Literally. Feeling ko ay diretso morgue kami mula sa clinic na ito o di kaya ay gagawin kaming alay mamaya.

“Fear.” Itinuro din ako ni Doc Lester.

“A-ako?”

“Natatakot ka na ngayon hindi ba? Alam mo ba na ang ikatatlong letra sa pangatlong salita sa brief na itim ng kasama mo ay letter X?”

“P-po?” Ang weird, kaya pala walang nagpapatingin.

“I-check mo ang brief niya.” Confident na wika ng Doctor. Namula ang pisngi ko.

Tumikhim si Lorcan, “That is not necessary. I think we should—”

“Nakalimutan mong kunin ang susi ng kotse mo sa Valet attendant kanina.”

Agad namang kinapa ni Lorcan ang katawan niya na hinahanap nga ang susi. Oo nga’t nagpa-valet parking kami pero nakalimutan nga ata namin bawiin ang susi.

“Magandang umaga. Ako si Dr. Lester Concepcion. I am a Neurosurgeon, a mentalist and I have mastered hypnosis.”

“P-po?” Pakiramdam ko naubos ang mga salita, natuyuan ako ng laway at kulang na lang ay malulunok ko na ang dila ko.

“Anong sakit?” Turo ng doktor kay Lorcan.

“H-hindi niyo po mahuhulaan?” Alanganing tanong ko.

“Hindi ako manghuhula, Hija. Alam mo ba kung ano ang mentalist?” Tanong niya kasabay ng pagtuturo ng kutsara na nakapahinga sa centertable sa harap namin mismo ni Lorcn. Bigla bigla ay bumaluktot iyon. Nang balikan ko ng tingin si Doctor Concepcion ay titig na titig siya sa kutsara at parang kinokontrol iyon sa pamamagitan ng titig. The spoon threw itself to the carpeted floor after it crumpled itself like a paper.

“Galing!” Mangha akong napapalakpak pero pinigilan ni Lorcan ang kamay ko.

“I can control things that is within my reach. Hindi ko hinulaan na nawawala ang susi ng sasakyan ng kasama mo, but your aura smells that you got off from a car and this guy drove. But I cannot feel the presence of the key from your bodies.”

“Wow..” This time napapalakpak akong muli.

“I am a Neurosurgeon. Ngunit maraming pasyente ang hindi naniniwala sa akin na ang lahat ng sakit ay kayang pagaling ng kapangyarihan ng isip.”

“No way..” Napailing si Lorcan.

“Talaga? Pikit.” Pagkasabi ni Doc Lester non ay agad na napapikit si Lorcan, tuwid ang kanyang upo at parang kampanteng natutulog lang. I was in shock. Panay ang tapik ko sa pisngi ni Lorcan pero hindi ko siya magising.

“Lorcan. Huy, Lorcan..”

“He’s resting.”

“D-doc. Natatakot na ako.”

“Anong sakit niya?”

“Amnesia po.”

Napailing ang doctor. “His medications?”

“Xanax. Elavil. Lunesta if he can’t sleep.”

Biglang pumitik ang doktor sa ere, “Gising.” He commanded and Lorcan woke up. Just. Like. That. and Oh. My. God. 

Napakurap kurap si Lorcan. Napangisi si Doc Lester.

“Let’s go, Calla. He’s crazy.”

“Oh you know I am not crazy. See what my mind can do to you? Do you believe you can do it? Sakit sa utak.” Tinapik tapik ni Doc Lester ang kanyang sentido, “Kayo ang meron non. You are not using it. Bakit hanggang ngayon ay hindi ka pa din nakakaalala?”

“Because I cannot force my memories to —”

“Ilang taon ka nang may amnesia?”

“Tatlong taon.”

“T*ngina.” Inihagis ni Doctor Lester ang hawak niyang ballpen, “Your medications are causing your memory loss.”

“What?”

“Throw your medicines, I will cure you.”

“Kaya niyo siyang pagalingin?” I asked.

“Through hypnosis. If he can give his 100% Trust on me.” Seryosong sabi ng doktor.

Mabilis na tumayo si Lorcan, “You know what, you are crazy. Kaya walang pumupunta dito sa clinic mo dahil baliw ka.” Umigting ang panga ni Lorcan sabay hila ng kamay ko.

“Walang gamot ang makakapagpagaling sayo!” Sumisigaw si Doctor Lester nang makalabas na kami ng pinto. Mapagpaumanhin akong ngumiti sa kanyang asawa na hindi din malaman ang gagawin.

We stormed out of Doctor Concepcion’s clinic. Mabilis ang naging lakad naming dalawa. Tatlong floors ang binaba namin pero parang tatlumpong segundo lang ang inilakad namin.

“Lorcan, wait..”

“This is not a good idea. Maybe next time, Love.” Kalmadong wika ni Lorcan pero halatang kinakapos pa din ang hininga.

“B-baka m-may—”

“What? You want me to try that lunatic?”

“Lorcan, nakakasama daw ang medications mo sayo. Did you even research about that?”

“Bakit pa? My medicines worked.” Giit niya.

Malungkot ko siyang tiningnan, “Only that you can’t remember me.”

Napabuntong hininga siya. Unti-unting bumagal ang kanyang kilos. “I don’t trust that doctor. Maybe I’ll schedule another check up some other time.” Iniakbay ni Lorcan ang kanyang braso sa akin pagkatapos ay hinalikan ang tuktok ng aking ulo.

Tumango ako, bitbit ang pag-asa na magiging maayos na ang lahat.

Pagkatapos ng check up ay inihatid ako ni Lorcan sa bahay nila Clover. Papasok palang ako sa gate nang may humila sa braso ko. My insides turned as I smelled the strong perfume coming from someone.

“You really think you can get away with that?”

Napalingon ako sa nanlilisik na mga mata na si Margaux. Ang kanyang iconic red dress ang kanyang suot, parang uniform niya talaga iyon sa pagiging kontrabida.

“Please, Margaux. I am tired.” Isa pa ang baho ng amoy niya. Too strong for my liking,

“Matigas ang ulo mo.”

Suminghap ako at tiniis ang matinding perfume nang kaharap ko.

“Alam mo ang totoo. At kapag nalaman ko na meron kayong kinalaman kung bakit hindi bumabalik ang alaala ng asawa ko, idedemanda ko kayo.” Asik ko, pigil ang hininga.

Tumaas ang kilay ni Margaux, “How about this? Unaunahan na lang sa kulungan?” Hamon niya, lumapit pa siya sa akin at bumulong sa aking tainga. Naramdaman ko ang panginging ng tuhod, unti unti ay umikot ang paningin ko at hindi ko napigilan ang pagsuka. I almost threw my intestine outside of my body. Nakatayo lang doon si Margaux at sinalo ng cleavage niya ang mga isinuka ko. Yuck.

“What the Fck!?” Umalingawngaw ang galit ni Margaux na pinagmamasdan ang bumuhos sa kanya na sama ng sikmura ko. “The fck! You are so gonna pay for this! I hate you, Calla!” Nagmartsa siya papalayo at sumakay sa sasakyan niya nang hindi maipinta ang mukha.

Nang nawala siya sa paningin ko ay unti-unting bumuti ang pakiramdam ko. Hinaplos ko ang sikmura ko at napabuntong hininga. Sa lahat naman ng oras na masusuka ako, yung nakikipag-away pa.  Nagkibit balikat ako at pumasok sa loob ng gate nila Clover.

♁☆♁☆♁☆♁☆

Thanks for reading! Votes and Comments are appreciated. Offensive comments will be placed on MUTE.

Social media accounts:

Facebook Page: Makiwander

Facebook Group: WANDERLANDIA

NOTE: Answer the SECURITY QUESTION so that you will be approved

Twitter & Instagram: Wandermaki

Go to my wattpad profile and follow me for more stories.

2.17

Shook.

“Oh? Bakit ganyan ang itsura mo?” Naabutan ko si Clover na abala sa pakikipaglaro ng clay kay Avery.

“M-medyo masama kasi pakiramdam ko pero okay na ako.”

“Aba, oo nga, namumutla ka. Okay ka lang ba?” Lumapit agad sa akin si Clover saka dinama ang noo at leeg ko. “Wala ka namang lagnat, hindi kaya totoo ang sinasabi ni Madam Charing?”

“Hindi ba hindi ka nga naniniwala sa hula?”

“Eh di ba naniniwala ka nga sa hula. Alam mo ang mabuti pa, mag-Pregnancy Test tayo!” Excited niyang sabi na parang lalabas na ang resulta sa lotto na tinayaan niya kahapon.

“What? Ayoko nga! Yung mga kabaliwan mo, Clover ha.”

“No..” Matigas na tanggi ng kapatid ko at binuhat si Avery, “Follow me to our room.”

Sumunod naman ako sa kakambal ko. Agad siyang naghagilap doon sa sidetable niya at inilabas ang naparaming box ng pregnancy test kit. My eyebrows shot, “Ganyan talaga karami?”

“Every month is a possibility, Calla. Ewan ko ba sa’yo kung bakit nakikipags*x ka pero di ka curious.”

“Who says about having s*x?”

“Ipokrita! Kapag positive ito, kukurutin kita sa singit, Haliparot ka!”

I rolled my eyes at her. Deep inside, kinakabahan talaga ako. What if she finds out about me and Lorcan? Na ilang gabi ko na palang pinapatuloy sa pamamahay nila. Oh well, magkaibigan naman si Lorcan at Ashton, it shouldn’t be that bad. Madalas ay OA lang talaga ang kakambal ko.

Kinuha ko ang tatlong pregnancy test kit na ibinigay sa akin ni Clover at nagtungo sa banyo. Binuksan ko ang lahat then I pissed to a plastic cup. Lahat ng test kits ay nilagyan ko ng urine sample. Ang unang test kit ay agad na may resulta na ikinalaki ng mga mata ko.

My heartbeat went batsh*t crazy, napahawak ako sa dibdib ko sa takot na tumalon ang puso ko sa toilet bowl at biglaan ko na lang na mai-flush iyon.

“Calla? Ano? Postive?”

Hindi ako nakakibo at napatakip ng bibig.

“Calla! It shouldn’t take that long. Ano? Two-red lines?” Kinalabog ng kakambal ko ang pinto at tila bumaliktad ang sikmura kong muli. I immediately threw up and as much as I want to suppress the sound, it was unsuccessful.

“Oh, that says it..” Binuksan ng kakambal ko ang pinto ng kanilang bathroom at hinilot ang aking likod.

“My gulay naman, ang tanda tanda niyo na pero kung umasta ka parang nainvolve ka sa teenage pregnancy. Well it is okay. Ayan, tatlong PT kits, positive. Yay! Magkakaroon na ako ng pamangkin. But wait, there’s more! Paano ang tatay? Handa na bang tumanggap ng responsibilidad—”

“Sandali lang, please. Isa-isa lang. Hindi pa nagsi-sink in, okay?”

“Hoy, anong hindi pa nagsi-sink in? Yung pototoy madaling nag-sink kaya nakabuo kayo pero yang pamangkin ko ayaw mag-sink in?! Gusto mong tsinelasin kita?” Kinuha ni Clover ang kanyang tsinelas at mahinang itinapik sa braso ko.

“Aww. Clover naman. Alam mo namang marami kaming problema hindi ba? I promise to take care of this baby this time pero sandali lang talaga. Gusto ko ng mangga.” Bigla kong nasabi hindi ko alam kung galing saan.

“A-ano? Sandali lang tapos gusto mo ng mangga? Ano yan, bigla kang naglihi? Inii-style-an mo ko. Alam ko yan, gusto mo akong abusuhin at idadahilan mo yang pamangkin ko sa sinapupunan mo. Alam ko yan. Wait lang pupunta lang ako sa grocery, ibibili kita ng mangga. May gusto ka pa ba?”

Napangiti ako at umiling.

“Hindi mo ako matiis.”

“More on, ikaw lang talaga ang pamilya ko kaya wala akong choice.” Umirap si Clover nang yumakap ako sa kanyang beywang.

Nang maiwanan ako sa bahay ay para akong turumpo na paikot ikot lang sa buong salas. Number one, alam kong hindi madali na ibunyag ang balita lalo pa’t may problema kami. Number 2, hindi din ako pupwedeng makulong lalo na sa kalagayan ko ngayon. Number 3, kailangan na talagang makaalala ni Lorcan. 

Oh Lord, please! Ang alaala lang talaga ni Lorcan ang kailangan ko!

My phone rang and I immediately answered, “Hey, mamaya na yung alis natin patungo sa Ilocos para sa team building. Nakapag-impake ka na ba? Alam kong hindi pa kaya ipinag-impake na kita.”

“T-thank you, Meico.” Napapikit ako at naalalang ngayong araw nga pala ang alis namin.

“Nag-dala ako ng two piece para maakit mo si Mr. Kalimot.”

“Ha? Bakit ko naman siya aakitin?”

“Bakit? Hindi na ba kailangan?”

“W-what? Ano ba yang pinagsasasabi mo?”

“Wala! Just be ready okay? Sunduin kita diyan at sabay na tayong pupunta sa Nemesis para sa assigned van natin.”

I was overly jumpy as hours passed. I talked to Lorcan through phone at nangako siyang mag-uusap kami pagdating namin ng Ilocos Norte. Sadly I cannot be with him in the car para masabi ko na ang kailangan kong sabihin. Pinag-iisipan kong mabuti ang paraan para hindi siya magfreak out but my thoughts consistently fails me!

Ayaw pumayag ni Clover na sumama pa ako sa team building habang hindi pa ako natitingnan ng OB pero nangako naman akong aalagaan ang dinadala ko. I was extra careful even in walking. Marahil ay magdadahilan na lamang ako na inaatake ng migraine kung kaya’t hindi ako makakasali sa physical activities doon sa Ilocos. 

Nang daanan ako ni Meico sa bahay ng mga Jacinto ay naghanda na ako.

“Naku! I am so excited! Alam mo bang meron akong biniling swimsuit para twinning tayo?”

“Hindi na, Meico. I want to wear my dresses.”

Napasimangot si Meico, “Ay, boring.” Umirap siya pagkatapos ay nagkwentong muli ng mga plano niyang gawin sa Ilocos na para bang hindi ako kasama doon.

The usual briefing happened at Nemesis, hindi ko nakita si Lorcan, narinig ko lang mula kay Miss Jarlene na nauna na siya patungo sa Ilocos. The employees were much please as they saw spacious sleeper bus provided.

“Last minute ay pinapalitan ni Mr. Alcantara ang mga vans mula sa orihinal planong grandia. Although it is good enough, talagang ipinilit niya na sleeper bus ang sasakyan. That’s lesser cost than plane ticket na isa din sa naging option niya.”

Meico tugged me on the waist, “Feeling ko dahil kasama ka kaya nag-paandar ng ganyan si Mr. Alcantara. Nakakakilig, para kayong nagliligawan.”

I rolled my eyes at Meico. Almost 20 sleeper bus were provided for everyone. Bawat isa ay para lamang sa labinglimang katao. The bus has bunk beds with their own small TV monitor, a small pantry with tables and chairs and restroom. Sabagay, almost 10 hours ang byahe.

Nakaramdam agad ako ng antok pag-sampa ko sa bus, I was lucky I was able to get the first level of the bunk bed at si Meico naman sa ikalawang palapag. We were served with sumptuous meal na hindi ko naman halos nakain dahil antok na antok ang pakiramdam ko.

Tumunog ang cellphone ko sa isang tawag mula kay Lorcan habang nasa biyahe.

“Comfortable?” He asked.

“Yes, thank you.”

“I really want to sleep beside you tonight.” I can feel the warmth on his voice.

“Me too.”

“Di bale, bukas, tabi tayo.”

“How can be that possible?” Bulong ko.

“Adjacent room ang kinuha ko para sa atin.”

“So it is a plan..”

“It is a plan.”

Nakatulugan ko ang pakikipag-usap kay Lorcan, nagising ako nang umaga na at 2 hours away na lang kami sa Paoay.

“Grabe, hindi ka man lang naalog. May jetlag ka ba? Tulog na tulog ka ah.” Biro ni Meico nang magising ako. Everyone’s eating their breakfast at the pantry. Kumuha din ako ng para sa akin pero hindi ko iyon kinain ng hindi ko magustuhan ang amoy.

“Pagod lang.” I said.

Weird how babies make themselves obvious when you know they are there. Kaya nasasabihang nag-iinarte ang ilang mga nanay dahil bigla biglang may symptoms aside from missed periods once you know that you are preggy. I caressed my tummy gently.

Generally, I am happy and excited about this new journey, kaya nga ang iniisip ko lang muna ay one day at a time. If I will think about the possibilities and uncertatinties of the future, baka hindi ko maenjoy ang pregnancy. Who would have thought na magiging ganito ang sitwasyon namin ni Lorcan, we were happily married, ngayon ay kailangan pa naming magtago para lang magkita.

“Wow, ang ganda ng resort!” Nakanganga si Meico at ang mga empleyado ng Nemesis habang nagpa-park ng maayos ang bus sa resort kung saan kami tutuloy.

Natanawan ko na si Lorcan mula sa bintana ng bus. Nakatanaw din siya sa bus kung saan kami bababa. Lumapit siya agad sa may pinto at di ko na napigilan ang pamumula ng pisngi.

“Grabe, atat na atat naman si Mr. Kalimot.” Bulong sa akin ni Meico.

As we stepped outside the bus, kinuha agad ni Lorcan ang kamay ko. Binitiwan niya lang iyon nang tumikhim si Meico.

“Joke lang! Feel free, hindi naman kami judgemental.” Makahulugang ngumisi si Meico na nagpatiuna na sa paglalakad. The employees, too smiled kindly.

We were brief shortly and served snacks (or lunch na ata) at the restaurant. Inabala ko naman ang sarili ko sa pagbabasa ng libro ni Stephen Hawkings.

“Sabi ni Meico hindi ka daw masyadong kumakain.” Inilagay ni Lorcan ang kinuha niyang pagkain mula doon sa buffet sa aking harapan. “What book is that?”

Imbes na saugutin si Lorcan ay malalim akong nag-isip.

“Amazing how Aristotle first described the earth as round just by keenly observing its shadow and reflection to the moon. But Christopher Columbus, a well travelled explorer once believed that it was flat.”

Tumango tango si Lorcan, “Columbus contradicted what Aristotle said because he travelled.”

“Yeah, pero mali siya hindi ba? Sometimes you don’t really have to explore the world to see what you need to see, your eyes is enough to see the truth.”

“But funny how Aristotle thought that the sun revolves around the earth when it is the other way around.”

Kumunot ang noo ko, “Bakit? Mali ba yon? Paano kung feeling ni Earth, si Sun ang umiikot sa kanya?”

“Pero hindi nga.”

“It is a matter of perspective, hindi mo din naman alam. We are mere dust in the universe. Paano kung umiikot din ang sun kasabay ng earth? Nag-iikutan sila parang dalawang taong naghahamunan ng away?”

Ginulo ni Lorcan ang buhok ko, “Do we always argue about matters of the universe before?”

I sighed, “Yes, but you always let me win. Naalala ko noong nagsimula kang magbasa tungkol sa universe, ang yabang yabang mo ’non. Palibhasa may photographic memory ka ata, hindi mo lang alam.”

“Oy, wala ah.”

“Tapos nung nagtampo ako, hindi ka na ulit nakipagtalo kasi sabi mo there are arguments worth losing and it is with me.”

“I didn’t know I was that romantic.”

“You just don’t want to make me upset.”

“But apparently, I do, all the time.”

Huminga ako ng malalim at sinamyo ang maalat na tubig mula sa beach. Naroon na ang lahat ng empleyado, nags-swimming ang iba, ang iba naman ay naglalaro ng volleyball.

“Alam mo, Love, naisip kong hindi inumin ang mga gamot na ibinigay sa akin ni Doctor Alvarez hangga’t hindi pa ako ulit nakakapagpatingin sa ibang doktor.”

“Really?”

Tumango siya, “Huwag mo lang sabihin na bumalik ako kay Doc Lester Concepcion because I really think he’s crazy.”

“Sometimes, crazy people has the answers.”

Umiling si Lorcan, “By the way, I prepared dinner for the two of us. Meet you at 7PM? I need to doze off, hindi ako nakatulog sa biyahe. Enjoy the beach but you are not allowed to swimsuits.”

“I didn’t know na insecure ka, Mr. Alcantara.”

“Well, Mrs. Alcantara, if you want me to stay dressed and well-covered, you also should. That is fairness and gender equality in a relationship. Hindi kita bibigyan ng dahilan para magselos so I expect you to do that same.”

Pagkasabi non ay hinalikan ako ni Lorcan sa noo at nagpaalam na. Ipinagpatuloy ko na lang ang pagbabasa ko ng libro at di ko namamalayan ang oras. Meico keep on bringing me food pero binilinan ko siyang huwag akong intindihin. The restaurant gives us what we need, whenever. Tumatayo lamang ako kapag kailangan ko nang mag-stretch at magbanyo.

Before the sunsets, napagpasyahan ko na magshower. I spent a good one hour at the tub and dressed myself up. Para sa dinner namin ni Lorcan ay pinili ko ang puting summer dress na hanggang tuhod.

It was only 6PM, hindi ko inabala ang pagtulog ni Lorcan, eventhough he’s just sleeping adjacent to my room, hindi ko pa din binuksan ang kanyang silid bilang respeto sa kanyang pribadong oras.

My phone beeped, napakunot ang noo ko nang makita ang mensahe mula kay Geo.

‘I am here..’

The messaged said.

‘Huh? Saan?’ I immediately replied.

My eyes widened when I received his text message stating the whole name of the resort and he’s asking me what do I need from him.

Nagmadali akong lumabas ng kwarto at tinungo ang restaurant. And there I saw Geo, who’s looking all worried and stressed.

“Anong problema?” Agad niya akong nilapitan nang nag-aalala.

“Huh?”

“I rushed coming here kasi sabi mo may malaki kang problema. I booked the next flight to Laoag dahil sabi mo may problema? Ano? Kinakabahan ako.”

“Ha, teka nga.” Hinila ko si Geo patungo sa isa sa mga lamesa. I called the waiter and asked for drinks na agad namang dumalo sa amin.

“Uminom ka na muna.” I said and he did, pati ako ay ganon din ang ginawa.

“You emailed me, Calla Sussane.”

“I did?” I furrowed my brows.

“What? Hindi mo alam?”

I shook my head. And shaking my head is all that it takes, to lose my consciousness.

♁☆♁☆♁☆♁☆

Thanks for reading! Votes and Comments are appreciated. Offensive comments will be placed on MUTE.

Social media accounts:

Facebook Page: Makiwander

Facebook Group: WANDERLANDIA

NOTE: Answer the SECURITY QUESTION so that you will be approved

Twitter & Instagram: Wandermaki

Go to my wattpad profile and follow me for more stories.

2.18

Tapos Na.

Umungol ako sa matinding pananakit ng ulo.

Dark, it was so dark. Naririnig ko ang ugong ng aircon at ang mahinang tawanan mula sa labas.

Napabalikwas ako. Nasaan ako?

Pinakiramdaman ko ang aking sarili ko, wala akong nararamdamang pananakit ng katawan bukod sa pananakit ng ulo marahil dahil sa malalim na pagtulog. 

My hands traveled to my body and my eyes widened to find out that I am completely naked! Binuksan ko ang ilaw ng lampshade at nakahinga ako ng maluwag nang mapansin kong naroon pa din ako sa hotel room ko.

I heard a groan, agad kong nilingon kung sino iyon at ganon na lang ang gulat ko nang makita ko doon si Geo sa tabi ko, kagaya ko ay wala din siyang malay.

“Geo…” Agad ko siyang kinalabit. “Hey, Geo.” But to no avail, wala talaga siyang malay.

The drink. That was the last thing I remember. Tumayo ako agad para hanapin ang mga damit ko. Nasa ganoong ayos nang bumukas ang pinto mula sa adjacent room ni Lorcan. If I was horrified, Lorcan was ten times more. Agad akong napalunok at kumalabog ang puso.

“Calla! A-anong ibig sabihin nito?”

“Lorcan, wait. This is not what you think it is.” Tumayo ako balot pa din ang kumot, wala akong pakialam kung natanggalan ko ng takip sa katawan si Geo. Lumapit ako kay Lorcan.

“I was waiting for you.” Nagtiim bagang siya na hindi halos makatingin sa akin. Natataranta akong lumapit sa kanya para salubungin ang galit niya at makiusap.

“I know, I know. I was there.. Naghanda akong makipagkita sayo it is just that si Geo—”

“What? Invited you to fck?”

“Lorcan!” Suway ko. “Nakatanggap siya ng email mula sa akin na pinapapunta ko siya dito for an emergency. I swear, I didn’t.. Siguro pakana na naman ito ng Mama mo o ni Margaux. Maniwala ka.”

“Again? Maniniwala na naman ako sa’yo and then what? Calla, I believed you! I believed you more than anyone else. Even the evidences pointed at you. Pinaniwalaan kita!” Kitang kita ko ang ugat ni Lorcan sa leeg. Wala akong nagawa kundi mapaiyak na lang. “Pero ito!”

“Intayin lang nating magising siya, ha, please?” Desperado ko siyang hinawakan sa magkabilang kamao habang nakikiusap.

“At ano? Magsisingungaling kayong dalawa? Hindi ba you wanted my money? Sinadya mong maaksidente ako para sa pera! Siguro nga I never loved you! Siguro nga totoo ang sinasabi nila na maghihiwalay na tayo at gumawa ka ng paraan na maaksidente ako para mapunta sayo ang lahat ng ari-arian ko. How dare you! Nakakadiri ka.”

“Lorcan, buntis ako!” I cut him off in all tears and helplessness.

“And you will tell me that’s mine?”

“Because this is yours!”

“I don’t believe you! P*tngina, there’s a man on your bed and you tell me that you are pregnant with me?”

“Bakit ba ayaw mo akong paniwalaan? Bakit ba mas nakikinig ka sa kanila?”

“Dahil hindi naman talaga kita kilala! Dumating ka lang sa buhay ko at nagpakilalang parte ka ng nakaraan na burado na. Maybe you are part of my ugly memory and you know what, go to hell and that monster that you are carrying!”

Pagkatapos non ay tumalikod na siya at ibinagsak ang adjacent door sa aming pagitan. Napaupo na lang ako sa sahig at ibinuhos ang pagtangis na sobrang sakit.

Hindi ko na alam kung ano ang dapat na ginawa ko o hindi dapat ginawa. The truth has three versions, the one that can be seen with your eyes, the one that retains in your memory and the one that retains in your heart. Bakit wala kahit isa ang kay Lorcan? Bakit walang natira para sa akin doon?!

Pinilit kong tumayo at nagbihis kahit nanginginig ang katawan ko sa pag-iyak. Nananatiling tulog si Geo kaya hindi ko na siya inabala dahil mukhang mas marami siyang nainom sa akin na pampatulog. Bitbit ang personal bag ko ay lumabas na ako ng hotel room. Walang lingon likod ay nagpahatid ako sa airport, I booked the earliest flight back to Manila. Habang nag-iintay ng flight ay nagbu-book naman ako ng flight pabalik sa Amerika. Nag-iwan lang ako ng ilang araw para sa mga kailangan kong ayusin.

“Anong nangyari?” Tanong ni Clover nang salubungin ako sa kanilang bahay. Madaling araw pa lang at hindi ko akalaing gising na siya.

“Bakit ang aga mong nagising?”

“Hindi ako nakatulog, I just feel that something wrong will happen to you. And I think I am right.”

Yumakap ako sa kakambal ko at umiyak sa kanyang balikat. She welcomed me with open arms. I feel restless. Inilahad ko sa kanya ang buong pangyayari at wala na siyang nagawa kundi ang kalmahin ako mula sa pag-iyak. Alam kong hindi ako dapat naistress. Kahit nakakatawa ay ilang beses kaming nagmeditate ni Clover na effective daw para sa buntis.

“Let’s straighten this thing up.”

“I want to go back to the States.”

“What? Eh sinong mag-aalaga sa’yo don?”

“Ako. I don’t know. Si Meico or si Tonio.. That’s their second home.”

“But I am your home. Ako ang pamilya mo. Huwag kang umalis.”

“Kung nagawa akong i-set up nila Margaux, ano sa tingin mo ang hindi nila kayang gawin sa anak ko? I couldn’t let that happen.”

“Sabagay.. Maybe we could arrange vacation there, too? Sa tingin ko ay papayag naman si Ashton.”

Mabilis akong nakamove-on nang araw na iyon dahil na din sa support ni Clover. Ako na rin ang nagsabi, everything is a matter of perspective. I choose to be positive, ako rin lang ang aasahan ng anak ko. Hindi pwedeng mabaliw ang nanay niya ngayon.

I got a call from Geo that day, imbes na sagutin ay nagpadala ako ng mensahe na gusto ko munang magpahinga and that I am okay even if I am not. Minsan, kailangan mong sabihing okay ka para hindi na nila ipaalala pa ang mas makakasakit sa’yo.

I turned off my phone and terminated my email account, too.

“Calla, kumain ka, kailangan mong magpalakas.” Clover pushed a bowl of fruits in front of me. Pinilit kong nguyain iyon kahit wala akong gana. Huminga ako ng malalim at inisip na masarap iyon.

“It is healthy.” Paalala ni Clover.

Nang gabing yon ay tinabihan ako ni Clover na matulog. Biniro ko siya sa pagiging clingy niya pero hindi siya nainis. May pumatak na isang luha sa mga mata ko but I promise that it’ll be the last tear that I will shed, tomorrow is another day.


“Oh, look at that! You’ll be having twins!” Malumanay ngunit masaya ang boses ni Dra. Cynthia habang itinuturo niya sa monitor ang nadetect ng ultrasound machine. “We should keep it that way. Hindi natin gustong isa lang ang matira sa kanilang dalawa.”

Napapalakpak si Clover! “Tama si Madam Charing!” She squealed.

I rolled my eyes, of course Madam Charing was right. She always is. It is just that she always says the painful truths. Or Truth bombs. Minsan kasi masakit ang totoo. Wala man lang siyang disclaimer kung gaano kasalimuot ang masalimuot at gaano kasakit ang masakit.

Ay naku! Bakit ko nga ba iniisip ang hulang yon, kailangan kong magfocus sa babies ko. If they are twins, tama si Doktora, we will keep it that way kaya bawal ang stress.

Nakinig kaming mabuti ni Clover. Lahat ng vitamins na maaari kong inumin ay hinihingi namin sa reseta. The milk, oh, I will drink milk no matter how bad tasting it is. Matiyaga din ako na maglalakad lakad kung yon ang kinakailangan.

“Sa tingin mo, bibili na din tayo ng dresses? Ano kaya yan? Kambal na kagaya natin? O lalaki? Excited na ako. Akin yung isa ah, yung kulay brown.”

“Sira! Ginawa mo pang aso ang mga anak ko.”

Nasa ganoon kaming pag-ku-kwentuhan nang makasalubong namin ang isang taong hindi ko inaaasahan (at never ko nang aasahan simula ngayon), si Lorcan. His hair dishelved, gusot ang polo at nangangalumata.

Natigilan siya sa paghakbang, agad na umingos si Clover at matalim siyang tiningnan. I was trying to pull Clover away pero hindi siya umalis sa pwesto niya.

“Oh, anong tinitingin tingin mo diyan? Wala kang silbi. The moment you doubted your children is the moment that you lose your right! ’Wag lang kitang makita kita sa pamamahay namin at magmamakaawa kang kilalanin ng mga anak mo. And, she’s having twins by the way. Tinayms two ni Lord ang magagalit sa’yo dito sa earth! No, times four, because I am mad at you and Calla is utterly, deeply, severely mad at you! This is irreparable!” Galit na galit na sigaw ng kakambal ko.

“Clover, tama na.”

Pero pinalis lang ni Clover ang kamay ko na pumipigil sa kaniya.

“Don’t worry, I will send you the DNA result para hinayang na hinayang ka talaga! Touch move na ’to! Tse!”

Nasa sasakyan na kami ay hindi ko pa din makalimutan na nakasalubong namin si Lorcan.

“Bakit kaya nasa ospital si Lorcan? May sakit kaya siya? He’s supposed to be in Laoag.”

“Anong pakialam natin kung may sakit siya? Dapat wala tayong pakialam!” Nabuhay na naman ang galit ni Clover.

“S-sabagay.”

“Sinasabi ko sa’yo, kapag nakipagbalikan ka pa sa kanya, T.O na tayo!”

“Anong T.O?”

“Twins Over!”

“Corny..” I snorted. Maya-maya ay napangisi si Clover at hinawakan ang sinapupunan ko.

“This babies will love you, so as me and Avery. Hindi mo na kailangan si Lorcan. Ipapahamak ka lang niya. As always.”

“But I need to talk to him..”

“Para saan pa?!”

“May kailangan lang akong isoli.”

And that is true. Pagdating namin ng bahay ay nagpadala ako ng mensahe para kay Lorcan. Kung hindi siya makikipagkita sa akin ngayong gabi ay iiwanan ko na lamang ang lahat doon sa aming tagpuan. Hindi ko inintay ang sagot niya, instead, I turned off my phone and prepared everything that I needed.

“You got everything you need?” Paniniyak ni Clover. Tumango ako.

Keys, Deed of Sale, and Annulment Papers.

I also made a revocation of my share in Lorcan’s wealth.

Ako na mismo ang nagmaneho ng sasakyan na ipinahiram ni Clover patungo sa isang lugar na hindi ko akalaing babalikan ko pa. I parked the car in front of the house that Granny gave us when we started. Binuksan ko ang gate gamit ang susi ko at agad na umilaw ang sensor lights sa paligid.

Malungkot akong napangiti nang sarhan ko ang maliit na gate sa likuran ko. I walked through the door, malinis pa din iyon dahil siguro ay ipinaaalagaan pa din ni Granny sa kaniyang mga tauhan. Yun nga lang, sobrang lungkot ng buong bahay. Madilim, matahimik. Parang isang siglo nang iniwanan. Parang kailan lang when all I could remember in this house is happiness, laughter and love.

“Kumusta ka na?” I talked to the house. Parang baliw pero hindi ko maiwasan. I smiled with all my might. Pakiramdam ko ay napakalaki ng kasalanan namin ni Lorcan sa bahay na ito.

“Long time no see. Nung huli tayong magkita, iniyakan kita. Naalala mo? Ako lang mag-isa noon, ako ang huli mong nakasama. Hindi mo pa ulit nakikita ang asawa ko. Naaksidente siya at simula non, hindi na kami katulad ng dati. Hindi na kami makakapag-ingay dito kagaya ng dati. Hindi na kami tatawa ng malakas kagaya ng dati at ngayon tanggap ko na. Pasensya ka na kung natagalan pero ngayon, tanggap ko na, panahon na para pakawalan na din kita kasi hindi na kami babalik dito kagaya ng dati. Hindi ka na namin mapapangiti kung ngumingiti ka ba.” My voice broke.

May humintong sasakyan sa harap ng bahay. Alam ko na agad kung sino. Nilabas ko si Lorcan para sana papasukin pero nang buksan ko ang gate ay nakatitig lang siya mula sa labas at tulala.

“Dati nating bahay.” Sambit ko. Tumango siya. Sumunod siya sa akin papasok. Ang una niyang napansin ay ang mga picture frames na naroon dahil hinawakan niya isa isa. Andon ang lahat. Simula noong ikasal kami hanggang sa mga adventures namin, road trip, food trip, o di kaya ay nasa bahay lang at walang ginagawa. Tons of polaroid films were posted on one spot of the house near the dining room. We call that our own little ‘memory lane’. It was his idea. Minsan, tuwing umaga ay ituturo niya ang isang litrato at bibigkasin niya ang petsa kung kailan iyon kinuhanan.

Hinaplos niya ang isang kuha ng camera na pinagmamasdan namin ang Aurora Borealis. Magkadikit ang aming katawan at pilit na binibigyan ng init ang isa’t isa kahit na hindi na kami halos maglapit dahil sa makapal na suot namin ng winter jacket. There’s also a photo on our bed right after we made love. I was smiling while he was laughing, our bodies were covered with thick white blanket. Meron pang blur na version ang litratong iyon dahil pilit niyang inaabot ang labi ko para halikan.

He also took a photo of me while I was reading my favorite book. There are photos of him that I took as well, pero ang pinakapaborito ko ay ang kuha ko sa Bangkok kung saan sinurpresa niya ako ng bulaklak, he just called my name at nang lumingon ako, I clicked on my camera and it captured his wide smile with flowers on his hand. There’s also photos of his handwritten love letters that I took. Napadako ang tingin sa akin ni Lorcan na magkasalubong ang kilay.

“Huwag mo akong titigan ng ganyan. Hindi kita pinapunta dito para subukin ang iyong alaala. Kararating ko lang at nandyan pa din ang lahat ng yan.”

Lumapit ako sa mga litrato at hinila isa isa at ibinagsak sa sahig. Wala akong naramdaman habang ginagawa iyon, kahit ang panghihinayang ay wala.

“W-wag. Wag..” Hinuli ni Lorcan ang kamay ko at inilayo ako sa mga litrato. Pinulot niya ang mga inihulog ko sa sahig at sinubok idikit ulit iyon sa pader pero nalalaglag na ang mga iyon.

“Huwag mo nang ibalik. Hindi na yan babalik.” Malamig kong sabi.

Tumalikod ako at kinuha ang mga dinala kong papeles.

“I have with me the annulment papers, the deed of sale just in case you plan to sell it to someone, meron nang pirma ko ang papeles. The keys, here. It is both for this house and Villa Sussane.” Ipinatong ko sa lamesa ang lahat ng nabanggit ko.

“I just need your sign on the annulment papers and I’ll be going.”

“I need time to review it.”

“Okay, pirma mo na lang naman ang kulang diyan. Iiwan ko na lang din.”

Pagkasabi non ay tumalikod na ko. I almost applaud myself for not shedding a tear when I felt something spiked at my stomach. Mabilis akong napatakbo sa banyo at doon ko inilabas iyon.

“Calla, are you okay?” Naramdaman ko na lang ang masuyong paghaplos ni Lorcan sa likod ko. Pinalis ko ang kamay niya pero ibinalik lang niya iyon.

“Do you need a doctor?”

I gargled water before facing him, “Huwag ka ngang OA. Normal lang ito sa nagbubuntis. Aalis na ako.”

Hinila ni Lorcan ang braso ko, “Wait, are you driving?”

I shrugged and walked my way outside the house.

“You can’t. Buntis ka, may nararamdaman ka pa. Two options, I’ll drive you home or you’ll sleep here.”

“I am preganant with two monsters , I can manage.”

“Calla, please!”

“Please din!” Sigaw ko, “Can you please go away?! ’Di ba lagi namang ganito, ipinagtutulakan mo din ako sa bandang huli! We cannot be like this over and over, Lorcan! Gusto ko nang magsimula nang wala ka, panggulo ka lang eh!” Himutok ko, “I don’t feel safe when you are around! I don’t know if you believe this but I was set up! I was set up by your mother and girlfriend! Ngayon, kung may katiting pa diyan sa puso mo na awa, kahit hindi mo pinaniniwalaan na mga anak mo ang dinadala ko, just keep us safe from Margaux and your mother. Yun lang ang kailangan ko mula sa’yo. Other than that, wala na akong aasahan. I don’t want to see you anymore because you are the biggest stress that I have at hindi na ako masaya at hindi din ako magiging masaya sa’yo kasi Fck you, Tadhana! Kung ayaw tayong pagsamahin, fck ! ’Wag na lang!”

Nagmamadali akong lumabas ng bahay at sumakay ng sasakyan. Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko habang nagmamaneho papabalik ng bahay ng mga Jacinto and I made it. Agad akong umakyat sa guestroom ng walang luha o kahit pagsisisi.

Malinaw na ang lahat ngayon. Tapos na.

♁☆♁☆♁☆♁☆

Thanks for reading! Votes and Comments are appreciated. Offensive comments will be placed on MUTE.

Social media accounts:

Facebook Page: Makiwander

Facebook Group: WANDERLANDIA

NOTE: Answer the SECURITY QUESTION so that you will be approved

Twitter & Instagram: Wandermaki

Go to my wattpad profile and follow me for more stories.

2.19

Truth.

“Pumikit ka..” 

I did as I told.

“Tapos dumilat ka.”

“Pikit.. Tapos dilat. Pikit ulit tapos dilat..”

Tumigil ako sa pagsunod.

“Ano ba? Sabi ko pikit! Ba’t di ka pumikit!”

“Niloloko mo ba ako?”

“Hindi nga. Akala ko ba naniniwala ka sa’kin?”

“No. My wife believes you.” Huminga ako ng malalim at saka pumikit. Sinunod ko si Dr. Lester Concepcion. Pagkagaling sa Ilocos, dumiretso agad ako dito. Tell me I am crazy. Malapit na talaga akong mabaliw dahil sa mga nangyayari sa akin. My life was not like this months ago nang hindi pa bumabalik si Calla, maayos na sana ako noon. Pakiramdam ko, okay lang unti-untiin ang muling pagbangon. The only thing that matters to me was to go back and handle my business, she was out of the picture and part of the memory that I have lost. She did not stay, so I did not bother knowing her. 

Pero nang dumating siya kasama na ang gulong ito, nauhaw ako sa katotohanan. Ramdam kong mahalaga siya. Ramdam kong kailangan niya ako. But having no idea who she really is in my life and in my heart, it makes me afraid having this strong feelings for her. Paano kung mali ako? Paano kung delikado nga siyang tao? Paano kung nahulog nga ako sa kanya noon pero totoong tinalikuran niya ako?

The only thing I remember was Margaux, nawala man ang pagmamahal ko sa kanya nang dumating si Calla, alam kong kaibigan ko siya. Yun lang ang natatandaan ko. She never lied to me when we were kids and while growing up. Yun ang bagay na nagustuhan ko sa kanya noon pa man.

Nakausap ko si Geo bago ako umalis sa Ilocos at nagmadali ding bumalik dito. He was very apologetic and said that Calla send her an email but apparently she didn’t. At nakatulog sila pagkatapos uminom ng juice sa cafeteria. Nagpaiwan siya sa Ilocos, he said that Calla may not really sent him email but it may be true that Calla needs him. He wants to investigate the matter. I feel useless when I saw his determination, of how much he’s willing to give for Calla. Napahiya ako sa sarili ko pero sa likod pa din ng isip ko, naroon ang takot. Takot na sumabog na lang sa mukha ko ang katotohanan at maling pinapaniwalaan.

 I know that this matter is getting out of hand. Kailangang kailangan ko nang makaalala bago pa mahuli ang lahat– kung hindi pa huli ang lahat.

“Hypnosis is a focused attention but reduced peripheral awareness and enhanced capacity to respond to a suggestion. Kung ang simpleng utos ko ay hindi mo susundin, paano tayo darating sa hypnosis state?”

“Alright. It is just that this is new to me.” Napailing ako at nawawalan na din ng pasensya. Ramdam ko ang pagod. I was so restless since that night. Fck, I was so jealous.

“Lahat naman sa iyo ay bago, hindi ba? Meron kang amnesia. Malay mo ginawa mo na ito noon.”

“I know. Sige, susunod na ako.”

“Let’s start.. Merong camera dito at irerecord natin ang lahat ng mapag-uusapan natin ayon sa mga bagay na hindi mo kamo natatandaan. Ngayon, tumingin ka dito sa orasan ko.”

I looked at an antique necklace clock and followed its movements. Napanood ko na ito sa pelikula. I always have doubts if this is true.

“Sa ilang minuto, lulubog ka sa isang estado, sa ilalim ito ng pagkagising ngunit sa ibabaw ng pagkakahimbing. Magtatanong ako at ipapakita ng iyong isip ang mga kasagutan. Sa oras na dumilim at wala ka ng makita, huminto ka din sa pagsasalita at iangat mo ang kanang kamay mo. Paalala lang, hindi ka maaaring basta basta dumilat kung ayaw mong tuluyan ng mabura ang mga alaala na kasunod non.”

Tumango ako, nanatiling nakahiga sa isang kama at sinusundan ang orasan, nararamdaman ko na ang unti unting pagbigat ng talukap ko. “Oras na lumipas, huwag hayaang umalpas. Ang mga alaala ng nakaraan gusto naming balikan. Ang aking katangungan, humihiling ng katotohanan. Huwag sanang ipagdamot, ang kailangan ng kasagutan. Pumikit ka.”

Darkness, I see nothing but darkness. The unexplainable silence was in my ear, it is like wearing headphones with noise cancelation. Ang tanging naririnig ko ay ang pagtic-toc ng orasan. Nabura ang kaninang ingay ng mga sasakyan mula sa labas ng ospital, o di kaya ang mga nag-uusap sa lobby, ang mga announcement sa PA system. It was, a deafening silence. Nakafocus ako sa tunog ng orasan at yon lamang.

“Ano ang pangalan mo?” Ang boses na yon, malakas at malinaw. Yun lang at wala nang iba pa akong marinig.

“My name is Lorcan Adam Alcantara.”

“Trabaho?”

“CEO of Nemesis Industries..”

“May asawa?”

“M-meron..”

“Ano ang itsura niya?”

Slowly, an image was played on my mind. Para iyong pelikula o maihahanlintulad sa panaginip na sobrang linaw. I saw a version of Calla, like I’ve never seen her before. She’s younger and happier. She was running away from me while laughing.

“She has gray eyes. Perfect smile and skin smooth as milk. Hindi siya umabot sa balikat ko at sa pagkakaalam ko ay hindi siya ang tipo ko pero for me, she’s perfect, she means everything. Parang lalabas ang puso ko na nakikita ko siya ngayon. I want to grab her and hug her, I want to—”

“Naaalala mo ba kung saan kayo ikinasal?”

Another set of playbacks happened. Mabilis na nilipad ang isip ko sa isang palabas. Naroon ang magandang babae at ako. Si Calla, at ako.

“I– I do.. Sa beach.. Hindi. Sa loob ng isang villa na tanaw ang beach. Walang tao.. Kaming dalawa lang at isang judge.”

Nagpatuloy ako, “Nakangiti kaming dalawa. Masayang masaya. B-bakit walang bisita?”

“Anong pangalan ng asawa mo?”

“Calla.. Calla Sussane Alcantara.”

“Ano pa ang nakikita mo?”

“Ang unang araw ng aming pagkikita. Nakilala ko siya at para siyang tanga. Galit na galit ako sa kanya dahil pinipigilan kong matawa. Gustong gusto ko siyang makita. Secretary. Pagpapanggap.” Hindi ako mapalagay sa sunod sunod na pagbato ng mga alaala. 

“H-hanggang sa hindi ko na maitago na mahal ko siya.. Mahalaga. Bituin. Thailand. Elepante. Northern Lights. Sasakyan.” Naramdaman ko ang pagkaliyo. Isang matinding flashback ang nangyari sa aking utak. It has no sequence, just series of memories that cannot connect the dots then I saw my mother…

‘Lorcan, isang taon na, hindi mo pa ba siya hihiwalayan? I don’t like her.’

“Hindi Mommy. I love her.”

‘Nalugi ang stocks ang Daddy mo. Wala na kaming pera! You need to give us a position in the board. Kahit ako na lang. Wala namang silbi ang Daddy mo.’

“What? Mom! Paano nangyari yon?”

‘Kung magkakabalikan kayo ni Margaux, that will be good for the business. Makakatulong ang pamilya niya!’

“Hindi pwede!”

Bumilis ang takbo ng panaginip na tila pelikula. Nasa parking lot ako ng Nemesis. I saw Margaux in her sweat pants and full of tears.

‘Lorcan, I need you..’

“Hindi. Nagkaintindihan na tayo.. I am sorry. Step away.”

‘Pagsisisihan mo!’

Ang reshuffle ng pangyayari ay walang ayos. Natagpuan ko na lang ang sarili kong umaapak sa preno pero hindi iyon gumagana.

“No! No! Si Calla!” I am shouting that in the present, I can hear my own voice.

“Lorcan! Lorcan! Gumising ka!”

Bigla akong napabangon. Mabilis ang tibok ng puso ko at basang basa ang damit ko ng pawis. Lumapit sa akin si Mrs. Concepcion at nagbigay ng tubig at malaking towel.

“Galit. Galit na galit ka.. Gumulo ng husto ang iyong memorya.” Doctor Concepcion said. Napabuntong hininga siya, “Can you remember clearly, now?”

I shook my head. “Just fragments of it. Did it happen?” Nagtatakang tanong ko.

“I bet it did. Sinasabi nilang nagtatahi ng kwento ang kadalasang sumasailalim sa hypnosis. Dahil hindi pa nito nararating ang hypnosis state at conscious pa ito, madalas daw ay naiimagine lang ng tao ang mga pangyayari dahil nasa kamalayan pa ito. But in your case, you were so mad, your physical body was so stressed.” Paliwanag ni Doctor Concepcion.

“Kailan natin susunod na gagawin ito? Gaano katagal bago ako tuluyang makaalala ?”

“Kailangan din makabawi ng mental state mo. I can see that you are stressed. Siguro get a full rest and enough sleep, pagkatapos ay bumalik ka dito.”

Bumangon na ako ng tuluyan. How can I rest? Parang mas dumami ang mga tanong ko sa isip. And fck, parang mas lalo kong minahal si Calla.

“You look so worn out. Sa tingin ko ay nabuksan na natin ang pinto. Unti unti kang may maaalala. Just welcome the memories and write it. Honey..” Tawag ni Doc Concepcion sa kanyang asawa.

“Bigyan mo si Lorcan ng memoplus gold.”

“Seriously?”

“Seriously. Hindi mo kailangan ng anti-depressants. Lahat yon ay makakapagpabagal ng memorya mo because it blocks memories. Hindi ba sinabi sa iyo ng doctor mo ito noon?”

I shook my head, “Doctor Alvarez was my doctor right after I woke up from accident.”

“Give it a few days..” Tinapik ako ni Doctor Concepcion sa balikat. “Babalik na yan.”

Nang lumabas ako sa clinic ni Doctor Concepcion ay hinang hina ako. I need to know the truth otherwise it will continue ruining my life and Calla. Hindi ko alam kung bakit pumasok si Mommy at Margaux sa alaalang iyon. I know them already. 

Halos dumadaan lang sa pandinig ko ang ingay sa loob ng ospital, tulala akong naglalakad hanggang sa matigilan ako at makasalubong ko ang taong ipinagtulakan at pinaiyak ko nang isang gabi. 

Her innocent stares pointed at me. The way that I remember it when she was younger. How can I love this person so much? Masyado siyang simple, sa kilos, sa salita at sa gawa. 

“Oh, anong tinitingin tingin mo diyan? Wala kang silbi. The moment you doubted your children is the moment that you lose your right! ’Wag lang kitang makita kita sa pamamahay namin at magmamakaawa kang kilalanin ng mga anak mo. And, she’s having twins by the way. Tinayms two ni Lord ang magagalit sa’yo dito sa earth! No, times four, because I am mad at you and Calla is utterly, deeply, severely mad at you! This is irreparable!” Galit na galit na sigaw ng kakambal niya. Every words struck deep in my heart. Alam kong malaki ang kasalanan ko kay Calla.

Umalis na lang sila basta sa harapan ko nang hindi pa nahahawakan si Calla. Nagpunta ako sa parking lot para subukin ang alaalang napulot ko. Maybe I’ll get answers, or I’ll get further lies. 

Nasa harapan ako ng dati naming bahay. Sinalubong ako ng mga maids ng magalang na pagbati. Dumiretso ako sa library kung nasaan si Mommy. Nadatnan ko siya don, reading documents. Nagulat siya nang makita ako at tinipon ang mga papel. 

“Lorcan.. Hindi ka nagpasabing pupunta ka?”

“Kailangan ko bang magpaalam kung kikitain ko ang sarili kong ina?”

She shook her head. “No, of course not. Kumain ka na?”

“Where’s Dad?”

“N-nasa Amerika.. Alam mo naman yon, he loves the rain in Seattle. Masyado daw mainit ang Pilipinas para sa kanya.”

“Can you tell me more about your lost of money?” Kalmante akong umupo sa isa sa mga upuan sa library. Napaawang ang labi ni Mommy.

“Ah-ah, yun ba? T-that was.. P-paano mo iyon nalaman.”

“I remember now..” I lied.

“W-what?” Kitang kita ko ang gulat sa reaksyon niya, “Paano nangyari yon?”

“Hindi ba dapat ay makaalala naman talaga ako, hindi ba, Mommy?”

“L-lorcan.. Hindi naman sinasadya ni Margaux. She underwent depression kaya niya ginawa iyon. Humingi siya ng tawad sa akin. Hindi niya gustong mapahamak ka, anak. Umasa siyang hihiwalayan mo si Calla noon. S-siguro dahil alam niyang gusto ko siya kaya inintay ka niya anak. She just wants to blackmail you. Hindi niya inaasahang–”

“What?!”

My mother howled. She was trembling and literally panicking.

“I am sorry, Lorcan. Nabuhay ka naman, hindi ba? Yun ang mahalaga. Pasensya ka na anak. Natakot lang ako na kung hindi ko siya pagbibigyan b-baka mapahamak ka ulit.. Your father disapproves b-but I–”

“All you need to do was to surrender her to the police!” Galit na galit na sabi ko.

“P-pero m-may malaking utang kasi ako sa pamilya nila.. Isinusumbat yon ng Mommy ni Margaux, anak. I p-promised them that you will still marry their daughter and they will gain from the marriage.”

“Anak mo ako!”

“I know.. I know.. Alam ko namang hindi ka pababayaan ni Margaux..” Nanginginig at maliit na boses ni Mommy.

“Ipinahamak niya ako! Nabangga ako at muntik nang mamatay! She– she ruined my marriage!”

My mother’s shoulders jolted because of my screams. “Patawarin mo ako, anak! Patawarin mo ako!”

My phone beeped and it is from Calla. Nagbigay siya ng oras at lugar kung saan kami magkikita. I replied that I will see her. Pagkatapos non ay ginawa ko ang dapat kong gawin.

“W-who are you calling?”

“Agent Guevarra, I need to see you..”

“No, no.. Anak.. I– c-cant–”

“Babayaran ko ang utang mo, it should be as simple as that Mommy! But look at what you are doing! Inilalagay mo lang akong muli sa kapamahakan. While Margaux is still at large, she has the capacity to harm Calla and my twins!”

Walang nagawa si Mommy.  Dumating ang NBI sa aming bahay makalipas ang isang oras. Mommy tell them everything. She even gave the CCTV clip where Margaux intentionally broke my car. 

She also connived with Margaux to distort my memories by giving me pills to restrain it to come back. She knows I will investigate my accident as soon as I remember. Panay ang hingi niya ng tawad. Hindi ko alam kung mapapatawad ko siya ngayon.

“Please also watch for my wife. She needs protection..”

“Will do, Sir. In a few minutes, ibababa na ang warrant of arrest para kay Miss Margaux.”

“Thank you, Agent Guevarra.”

I tried calling Calla, she needs to know and I need to apologize to her. This time, I am gonna make this right.

♁☆♁☆♁☆♁☆

Thanks for reading! Votes and Comments are appreciated. Offensive comments will be placed on MUTE.

Social media accounts:

Facebook Page: Makiwander

Facebook Group: WANDERLANDIA

NOTE: Answer the SECURITY QUESTION so that you will be approved

Twitter & Instagram: Wandermaki

Go to my wattpad profile and follow me for more stories.

Huling Kabanata

Maki Say’s: Walang magrereact. Talagang ganito din yung orig version, mas mahaba pa ito. Hanggang dito na lang. :D Anyway, I was able to write 8,000 words so this should suffice.

WHIRLWIND ang title ng story ni Clover. Completed na. Dati pa. Hihi. Thank you for reaching this far! Matagal tagal din tayong nagkasama sa story na ’to, thank you for staying :)


The days may not always be happy and sunny, but for me, I was at peace. Nag-iintay ako ng delubyong babagsak muli sa harapan ko isang linggo na ang nakakaraan pero wala din namang nangyari. Sumubo ako ng pomelo na isinawsaw ko sa patis at sili, napangiwi si Meico at Tonio habang pinapanood ako.

“Ah! Ang baboy mo!” Maarteng napapikit si Tonio. Napangiwi ako at ibinaba ang pomelo na hawak ko. Nalungkot ako sa pandidiri nila.

“Sorry..” I burped.

“Hoy!” Mula sa likuran ay binatukan ni  Clover si Tonio, “Palibhasa wala kang matres! Ganyan talaga ang naglilihi. Sige lang Calla, kumain ka pa.” Inilahad sa akin ni Clover ang karagdagang pomelo. I smiled and eat happily. At least my twin accepts me for who I am.

“Okay, fine! Pupwede na ba nating pag-usapan ang future?” Tanong ni Tonio.

“Babalik ako sa States..” Paalala ko.

“Babalik tayo sa States pero hindi muna ngayon, you have to limit your travel dahil ang ibang nagbubuntis nga ng kambal ay kailangan ng bedrest. Sorry pero bawal tayong mag-inarte ngayon, para na din yan sa dinadala mo. And now, may I present to you, my business proposal, French perfumes, locally made by the Filipinos.”

Napangiwi ako, mahinang hinampas ni Tonio ang kamay kong my hawak na pomelo. “I know what you are thinking! Malditang ’to! Ang peg ko kasi parang mga pabango sa ibang bansa, leveling ng Jo Malone , pero dito sa Pilipinas gagawin. Tinawagan ko na ang kaibigan kong chemist who worked with top International brand perfumes and he said yes.”

“Oh, good idea.” Tumango tango si Meico. “Something that will make the Filipinos proud.”

“And the flagship store will be in our mall.” Suhestyon naman ni Clover.

We all agreed with the idea. Baylan , that’s the name of our perfume brand. Ang ilang scents naman ay ipapangalan sa iba’t ibang bulaklak, prutas at iba pang mababangong bagay sa Pilipinas, rosas, sampaguita, lemoncito , presa, mangga , pulot at iba pa. The ideas were good actually. Tonio plans to ship it abroad and have it endorsed by international actors with Filipino roots.

Inabot na kami ng gabi sa pagkoconceptualize. Naubos na din ang kinakain kong pomelo at nautusan na din si Ashton ni Clover na bunili ng panibagong batch. Tumunog ang doorbell sa tahanan ng mga Jacinto at ako ang tumayo para pagbuksan iyon.

Napaatras ako nang makita ko si Lorcan, merong bitbit na dalawang plastic sa magkabilang kamay.

“This is heavy..” Napangiwi siya.

Nagsalubong ang kilay ko at agad na sinarhan ang maliit na gate pero iniharang ni Lorcan ang katawan niya.

“Aw..” Reklamo niya. Hindi ko din masarhan ang gate dahil naririnig ko ang pag-ungot niya na parang naiipit na pusa.

“Ashton asked me to deliver these. Bumalik siya sa opisina dahil may nakalimutan siyang puntahan.”

“Ibaba mo diyan at bubuhatin ko na lang.”

“Mabigat.”

“Ipapabuhat ko sa iba, nandyan si Tonio.”

“Pupwede ba kitang makausap?”

“Hindi ko gustong makita ka.”

“Eh di sarhan mo ang pinto, tapos mag-uusap tayo.. Please. May mahalaga lang akong sasabihin.”

Nakakaawa ang itsura niya. Parang pagod na pagod ang mga mata at nakasuot lang ng gray tshirt at jeans pero bumangon ang kakaibang inis sa puso ko. Bakit ba ako nagpa-buntis sa pangit na ito? Gayunpaman, sinarhan ko ang pinto. Narinig ko pa ang marahas niyang pagbuntong hininga.

“Bilisan mo, wala akong forever.”

“Wala naman talagang forever, kaya alam kong mawawala din ang galit mo sa akin.” Narinig ko siya sa kabilang parte ng gate. Napahalukipkip ako at sinamaan ng tingin ang gate na para bang nakikita niya.

“Nasa kulungan na si Margaux, hindi na niya kayo masasaktan.”

Nagulat ako doon sa balita. “W-what? Paano?”

“I—I found out that she was the one who made my accident on purpose dahil hindi ko siya binabalikan.”

“Nakakaalala ka na?”

“Hindi pa..” Frustrated na sagot niya. “But I investigated the matter. Isang bagay na sana matagal ko nang ginawa. My mother connived with Margaux after my accident because she needs my money.” Pumiyok ang boses ni Lorcan. “I am sorry if I cannot send her to jail, dahil kahit pagbali-baliktarin natin ang mundo, nanay ko pa din siya. Kahit na pinapainom niya ako ng mga gamot para hindi ako makaalala.”

“I am sorry to hear.” Ang totoo ay hindi ko alam ang sasabihin ko. If he was betrayed by his own mother, it was really unfortunate of him.

“I am sorry if I doubted you. I am sorry. I know I have loved you truly. Kahit hindi ko maalala, lagi kitang napapanaginipan. The photos in our house proved that my dreams were true. That it really happened.” Patuloy niya.

Kumibot ang labi ko. Pinakiramdaman ang nilalaman ng puso ko, I felt nothing there but great fear and anxiety. Laging ganito, magiging maayos ang lahat, magugulo muli, paano kung hindi ko na kayanin ang susunod pa?

“Alam mo namang hindi maidadaan sa sorry ang lahat hindi ba?” Puno ng hinanakit na wika ko.

“Alam ko.”

“Iwanan mo na ang mga prutas at umalis ka na.” Parang asido sa lalamunan ang mga salitang sinabi ko. Narinig ko na lang ang kaluskos ng plastic sa labas ng gate, ilang sandali pa ay tunog naman ng papalayong sasakyan.


“Special delivery!” Mabilis kong sinarhan ang maliit na gate na kumakabog ang dibdib. Wala si Clover at Avery, isinama sila ni Ashton sa trabaho kaya naman nang mayroong magdoorbell sa pinto ay ako ang dumalo.

“Calla naman.. Itinanong ko kay Clover kung ano ang gusto mo and she said you want cassava cake.”

And there, he just said the magic word. Alam kong ang cheap nang ganito. Pero hindi ako pinatulog ng pagkatakam sa cassava cake na merong macapuno.

Binuksan ko ang maliit na gate at ang ngiting ngiting si Lorcan ang nadatnan ko, “Hi Love!”

“Don’t talk.” Iniangat ko ang daliri ko. “Kukunin ko ang cassava cake.”

“Kailangan mo din akong papasukin dahil iniintay ko si Ashton.” Masayang anunsiyo niya.

“Bakit hindi mo siya puntahan sa opisina niya?” Pinanliitan ko siya ng mata.

“Because he said to wait for him here. Bisita ka din naman ah, bakit ayaw mo akong papasukin?”

“Dahil wala ang mayari ng bahay!” I hissed.

“But you know me. Kinuha mo nga ang cassava cake na dala ko.”

“Kasi ibinigay mo!”

“I also have a seven-part dvd about the universe, fresh from Amazon .”

Pinanlakihan ako ng mata nang makita ang Universe: The Mega Collection . Fresh and unscathed, my eyes turned green, I am jealous!

“B-bakit ka meron niyan? They don’t ship in the Philippines!” Iniabot ko ang DVD na ipinagparangalan ni Lorcan pero inilayo niya sa akin iyon. Napasimangot ako.

“And they only have two stocks left, I got one.”

Napapikit ako, “Kapag pinapasok kita, hindi ibig sabihin pinatawad na kita. Kapag pinapasok kita, walang ibig sabihin. Galit pa din ako sayo.” Kinalma ko muna ang sarili ko.

Ngumiti si Lorcan, lumiit ang mga mata niya at lumitaw ang dimples niya. “Yes, Ma’am.”

“Do not attempt to do anything funny like kiss me. Do not kiss me, I don’t like to be kissed.” Patuloy kong habilin habang naglalakad kami papasok ng mansyon ng mga Jacinto.

“I don’t want to be kissed, too. So please.”

“What? Nakakainis ka.” Nagpatiuna ako sa pagpasok sa bahay at binuksan ko ang cassava cake. I let him start the DVD at itinuon ko doon ang atensyon ko.

“Calla..” Three DVDs after, nagsalita si Lorcan, “I am sorry. I didn’t mean to call our babies monsters. I am the monster.”

“Yes, you are.” I nodded.

“Sana mapatawad mo pa ako.”

“Hindi pa ngayon. Ikaw pa din ang pinaka nakakainis na tao sa buong mundo.”

“I know.. And it sucks.”

“It is. Hindi ka pa ba uuwi?”

“I have to wait for Ashton.”

It was an everyday ordeal. Kinailangan kong tiisin si Lorcan like he was part of the pregnancy, hindi ko lang siya kasama sa pagtulog because, hello. He can’t just do that. Lagi niya lang idinadahilan si Ashton na pinapapapunta siya sa bahay na ito. I can smell connivance but I cannot protest, pamamahay pa din ito ni Ashton at Clover.

“Patawarin mo ako. Huhu!” Halos maglumuhod si Clover sa harapan ko kasabay ng malakas na pag-atungal. “Hindi ko gustong ipamigay ka. Huhu.”

“Tama na, Clover. ’Wag ka nang magpaliwanag.” Matabang kong sabi.

“No! Hindi ko talaga alam na merong surprise Carribean cruise ang asawa ko para sa akin. Alam mo namang hirap ako sa pagbubuntis kaya siguro gumawa siya ng paraan para marelax ang sperm cell niya at egg cells ko. They need to chill like a villain. Mabuti ka pa nga, magkakaroon agad ng kambal.” Umirap sa akin si Clover, “Kung ano ano na nga ang the moves naming dalawa, nag-monkey bar na kami..”

“Monkey bar?! Paano niyo ginawa ’yon? Sumabit ka pagkatapos ay…”

“I don’t want to be graphic, nakikinig ang anak ko!” Sabay kaming napatingin kay Avery na inosenteng kumakagat sa hiniwang mansanas na nakalagay sa high chair niya habang nakikinig sa usapan ng mga matatanda.

“Bakit ngayon pa? Si Tonio at Meico, sumama doon sa chemist patungong France. Ako lang mag-isa ang maghahanap ng suppliers ng perfume bottles?” Isa ito sa mga problema ko. Hugis babae pa naman ang mga pabango na naapprove naming design mula sa product designer. Mahal ang cost ng pagko-customize at hindi pa kami ganoon kaconfident para umorder ng napakarami.

“Ikaw naman, isang buwan lang naman kaming mawawala. Babalik naman kami. Pupwedeng ipagpaliban mo muna ang project natin para makapagpahinga ka.”

“And how do you think I can rest with Lorcan?”

“Kailangan ng mag-aalaga sayo..”

“Pero ikaw na din ang nagsabi na hindi siya makakalapit sa akin! Sabi mo noon.”

Nagbago ang mukha ng kakambal ko at biglang naging malambing.

“Kawawa naman yung tao, araw araw din namang nandito yon para icheck kayo ng kambal. Siya din naman ang nagbabayad ng check up at mga gamot mo. He’s doing his responsibility. Biktima din naman siya, huwag na nating ipersecute yung tao..”

“Ano bang mahirap intindihin sa I cannot stand looking at his face for just a second? Tapos araw araw ko pang nakikita?! And now, pati sa gabi, magkikita kami?”

“Hindi din naman ako mapapalagay na wala kang kasama, kahit nakakulong naman na si Margaux, nakakatakot pa din na baka makalaya yon o mag-utos ng halang ang bituka para saktan kayo..”

Kinilabutan ako sa sinabi ni Clover at naisip na meron siyang punto.

Merong nagdoorbell sa gate at alam ko na agad kung sino. I rolled my eyes. Patalon talon naman si Clover na lumabas nang bahay para daluhan ang ‘bisita’. I prepared my tiger look, hate dripping on my veins but then my nerves relaxed when I smelled apple pie. Ang pinaglilihian ko ngayong linggo.

Ibinaba ni Lorcan ang apple pie sa harapan ko. Agad siyang nagtungo sa kusina at pagbalik niya ay meron na siyang dalawang cake knife, fork at plate. Like he’s really living in this house with us.

“Kumusta ka na? May gusto ka pa ba?”

“Hindi ka na naman ba pumasok sa opisina?” Inis na sagot ko.

“Gusto ko lang malaman kung may kailangan ka pa.” Pabulong na sabi niya.

“Kung may kailangan ako—”

“Naku, highblood na naman ang buntis. Ganyan talaga, Lorcan. Normal ’to.” Pinandilatan ako ni Clover. “So, pupwede mo na siyang sunduin kahit mamaya.”

“Hindi pa ako pumapayag..”

Mas lalong nandumilat si Clover, “Hindi ba, ang sabi ko, delikado, kapag ikaw lang mag-isa. Makinig ka.”

I sighed.

“Don’t worry, I promise that you won’t see me. I will stay in another room if that’s what you want.” Singit ni Lorcan sa usapan.

“Of course yun ang gusto ko.” Napahawak ako sa tiyan ko na nag-uumpisa nang magpakita. Out of instinct iyon. Mothers automatically feels connected with the child in their womb, an instant sign of protection and care shown by touch.

“S-sumisipa na ba sila?” Lorcan asked.

“Paano sila sisipa? Three months palang sila. Do your research.” Pagsusungit ko.

“S-sorry. Kakabili ko lang kasi ng baby book kahapon. Plano kong basahin ngayon..”

“It is a common knowledge na hindi pa sila sumisipa sa first trimester.” I rolled my eyes. Tumusok ako ng apple pie at isinubo iyon.

“Sorry..” Ulit niya. Pinaypayan ko ang sarili ko. Hot flashes, hindi ko mapigilan ang mainitan dahil sa hormone spike. Maagap na kumuha si Lorcan ng magazine at ipinampaypay iyon sa akin habang kumakain ako. Naging human electric fan siya hanggang sa maubos ko ang pagkain sa harapan ko at nagpaalam na din siya para umalis.

Nang makaalis na si Lorcan para sa trabaho ay nagsimula na din si Clover na sermunan ako.

“Bakit mo siya ginaganon? Kawawa naman.”

“He deserves it.”

“Bakit? Dahil nakalimot siya? Stop being unreasonable. Hindi niya gustong makalimot siya.”

“I know hindi, anong magagawa ko? I hate him to bits.”

“Well, Calla, siya pa din ang Tatay ng anak mo and he acknowledged his faults, he’s trying to make up for his shortcomings. Dapat bago lumabas ang kambal ay maiayos niyo na yan.”

“But I don’t want to be with him anymore. Yun ang pakiramdam ko. Ideally, I need to be with him, pero dito sa puso ko, wala na akong maramdaman..”

May bumagsak na kung ano sa may maindoor ng tahanan ng mga Jacinto. Naroon si Lorcan, sa kanyang paanan ay basag basag na ceramic bowl at pasta. Nakatingin siya sa akin at pulang pula ang mga mata hanggang sa kanyang leeg.

Fear. It was the first thing that I feel. Ramdam ko ang halo-halong emosyon na pinipigil niyang sabihin.

“G-ganoon ba kalaki ang kasalanan ko?  K-kasalanan ko bang maaksidente ako at makalimutan ang lahat?” Puno ng hinanakit na sabi niya. Hindi kami nakakibo ni Clover. Bakas ang kaba sa mukha ni Clover. Hindi ko naman maipaliwanag ang nararamdaman ko.

“Lorcan..” Clover called. I almost jumped when Lorcan started slapping his head. Malalakas na pukpok at paulit ulit. Napaluhod siya dahil doon.

“Lorcan, stop it..” Awat ni  Clover. Ako naman ay hindi makapagsalita.

“Makaalala ka na, please..” Paulit ulit na sambit ni Lorcan habang lumuluha at pinupukpok ang ulo. “Gusto ko nang bumalik sa kanya, gustong gusto ko na..”

Hindi ko na din mapigilan ang pagtulo ng luha habang pinapanood si Lorcan na sinasaktan ang kanyang sarili.

Mabagal akong tumayo, nanginginig ang katawan habang papalapit ako sa taong gusto ko nang kalimutan.

“Tumigil ka na, Lorcan. Tigil!” Sigaw ko nang nakatakip ang tenga. Tumayo si Lorcan na punong puno ng luha ang mata. Napapailing siyang tumingin sa akin pagkatapos ay naglakad na papalayo.

Kinukurot ang puso ko sa bawat hakbang niya, pero hindi ko din maikilos ang mga paa ko para sundan siya. Tatlong araw ko siyang hindi nakita pagkatapos non. Nakatakda nang umalis si Clover at Ashton nang araw na iyon at hindi ko alam kung saan ako pupunta.

“Ikaw kasi..” Paninisi sa akin ni Clover. “Baka madepress yon.” Susog niya pa.

“Mahal.. Do not stress your sister. Malaki na siya.”

“B-bakit hindi siya bumalik?” Naiiyak na tanong ko.

“Eh kasi maarte ka! Tse!”

Nagmamadali akong tumalikod at umakyat sa guest room. Mabilis kong inilagay sa maleta ang mga gamit ko. Nakabukas ang labi ni Clover nang makita niya akong bitbit ang maleta habang bumababa ako.

“Saan ka pupunta?”

“Basta. Enjoy your vacation.”

Dire-diretso ako papalabas kahit naririnig kong sumisigaw ang kakambal ko. Mabuti at nakakuha agad ako ng taxi at nagpahatid ako sa lugar kung nasaan daw dapat ako.

Nasisilaw ako sa repleksyon ng araw sa wind chimes na display sa pintuan ng bahay. Ilang minuto na akong nakatayo doon nang walang ginagawa. Hindi ko matanawan si Sirius mula sa loob. Alanganin kong pinindot ang doorbell. Nakatatlong pindot ako nang bumukas ang pinto ni Lorcan, napalunok ako.

“Calla.” There’s no warmth or any trace of smile on his face when he saw me.

“H-hi..” Umangat ang isang palad ko.

“Lorcan!” Isang babae na nakasuot lang ng pantulog ang sumilip sa pinto at hinila ang kamay ni Lorcan. Napasinghap ako.

Kaya naman pala hindi na ako binalikan ng walanghiya! May ibinabahay na agad?!

“Calla.”

Agad kong hinila ang malaking maleta na bitbit ko papalayo.

“Calla!” The wheels of my luggage made rough noises against the road. Mas marahas na paghila, mas nilalamon ang boses ni Lorcan sa ingay.

Hindi ako lumingon hanggang sa naramdaman ko na lang na papalapit na ang boses kasabay ng paghila ng braso ko.

“Ano, magwawalkout ka na naman?”

“Bakit hindi? Kaya ba hindi mo na ako binalikan? Sabi ni Clover babantayan mo ako habang wala sila!”

“Mamaya pa naman ang flight nila ah. Pupuntahan naman kita.”

Natawa ako nang nanunuya, “Talaga? Eh mukhang enjoy na enjoy ka nga sa babae mo!”

“Babae? That’s Greta. She’s my cousin. Nasa loob din ng bahay ko ang kapatid niyang si Greg.”

“And I was supposed to believe that?”

“Because that’s the truth. Pero kung ayaw mo, pupwede ding hindi. You give chances to everyone else except me, anyway.”

Pagkakataon naman ni Lorcan para talikuran ako at mag-walkout.

“Hoy! Ikaw naman ang magwawalkout?! Teka nga lang! Baka mapaanak ako ng maaga dahil sayo!”

“Walang nanganganak ng three-months!” Giit niya.

“Oh so you are reviewing now?”

“Para hindi mo na ako maliitin! You know what, dahil lang malaki ang kasalanan ko sa’yo, you have the guts to make me feel this way!”

“What way?”

“Yung ganito! Lagi kang galit. Mas inaamo ka, mas nagagalit ka. Saan pa ako lulugar?”

“Hoy! Is-tap!” May humintong SUV sa harap namin. Hindi na ako nagulat nang makitang ang kakambal ko iyon, sinundan nga ako. Nagbukas agad siya ng payong at agad na lumapit sa akin.

“Level up ang away, sa kalsada talaga! Mga tambay ba kayo sa kanto? Nakatira sa ilalim ng skyway?! Nire-raid ba kayo tuwing umaga? Sa kariton ba kayo nagse-s*x?”

Natahimik kaming dalawa ni Lorcan. “Nasaan ba ang kutsilyo at magsaksakan na lang kayo?”

“Mahal naman..  Do not suggest violence.”

“Biro lang.” Nag-peace sign pa si Clover. Binuhat ni Clover ang maleta ko at isinampa sa likod sasakyan. Pumasok ako sa loob ng sasakyang minamaneho ni Ashton, pumagitna si Clover at si Lorcan naman ay nasa kabilang dulo “Magbati na kasi kayo!”

“Siya kasi!” Sabay naming turo sa isa’t isa.

“Oo, kayo, kayong dalawa talaga ang may kasalanan. Ganito na lang para matapos na, hawakan mo nga sa tenga kung matapang ka.” Sabi ni Clover sa akin. Hindi ko alam kung para saan pero ginawa ko naman.

“Oy, hinawakan ka sa tenga, pitikin mo nga si Calla sa ilong kung hindi ka duwag.” Susog naman niya kay Lorcan.

“Ouch!” Reklamo ko nang gawin nga iyon ni Lorcan. Hinawakan ko muli siya sa tenga para makaganti.

“Ano ba?!” Sabay naming reklamo.

Humalukipkip si Lorcan, “Ang problema kasi sayo, kapag minamahal ka, ayaw mo.”

“Naku, naku, naku, naku..” Kinurot naman ni Clover sa tagiliran si Lorcan na parang kinikilig. “Dapat meron kang rebuttal, Calla. Nag-bars siya.”

“Gusto mo kasi pagnag-sorry ka, ayun na. Pupwedeng maghintay ka?”

“Boom, Panes!”

“Mahal, nandito na tayo sa apartment nila. Hayaan muna nating mag-usap ang mag-asawa. Pasensya na, Lorcan. Pumasok na muna kayo sa loob.”

Bumaba kaming dalawa at nanatili kami sa garden, halata sa mga mukha ang naghihimagsik na damdamin.

“Kapag pumasok tayo sa loob, mangako kang hindi mo aawayin ang mga bisita ko.” Baritonong boses ni Lorcan.

“Why? You think I am jealous?”

“You get mad in every little things!”

“Oh, hello, welcome to pregnancy!”

“You are using the pregnancy card.” Reklamo niya. “You can’t use that on me! ’Wag mo akong pipikunin dahil lang sa mahal kita.”

“Wow, ‘mahal’,  big word.”

“Bakit ka ba nandito? Di ba magsosorry ka? Bakit ka galit?” Nagpamewang sa harapan ko si Lorcan. Uminit ang ulo ko.

“I am not saying sorry! I just want to stay with you dahil wala akong kasama! Paano na kami ng mga baby mo?” Unti unting lumiit ang boses ko. “Fine! I am about to say sorry. Sorry!”

“Parang hindi ka naman sincere.” May multo ng ngiti sa labi ni Lorcan. Sumimangot ako.

“I am sincere.” Humalukipkip ako. “Sorry.” Bulong ko.

“I can’t hear you..”

“Oh, you heard me!”

“Okay, bye.”

“Sandali! Sorry na. Sorry. Sorry na kung masungit ako. I just don’t like your face and your smell. But that’s it. I don’t hate you as a person. Mali ang pagkakaintindi mo.”

“Kiss me.”

“What?”

“Kiss me and you are forgiven.”

“Wala naman akong hininging ganyang kapalit!”

“Pwede mong hingiin ngayon. I am that generous.”

“Ah!” Inis na tili ko. Lumapit ako kay Lorcan at hinawakan siya sa magkabilang pisngi. Tumingkayad ako at pinatakan siya ng halik sa labi. Hinawakan naman ako ni Lorcan sa beywang para hindi agad maghiwalay ang aming mga labi. We kissed longer than I allowed him to!

“Sweet!” Mula sa loob ay lumabas ang mga pinsan daw ni Lorcan. Meron ding nag-click na camera at napalingon ako sa kakambal ko. Agad akong lumayo kay Lorcan nang namumula sa hiya.

“Ang daldal ng couple na ’to. Foreplay niyo yan?” Nakangising tanong ni Clover.

Napatakip ako nang mukha at pumasok sa loob ng apartment ni Lorcan, tumuloy ako sa kuwarto niya at nagtalukbong ng kumot sa sobrang hiya.


Ito na ata ang pinakaawkward na gabing matutulog ako. Nakaalis na si Greg at Greta, nakumpirma kong pinsan nga sila ni Lorcan na mula sa Iceland, bumisita lang sila dahilan kung bakit naging abala si Lorcan, he needs to drive them wherever they go.

Hindi ako tinigilan ni Clover sa pang-aalaska at sinasabing pang-Famas at Gawad Urian ang aktingan naming mag-asawa. Bakit ba kasi kailangan niya pang makita iyon? And she really need to rub it on my face.

“So..” Alanganing umupo si Lorcan sa tabi ko. “Okay lang ba ’to sa’yo? Yung magkatabi tayo?”

“Medyo hindi ko pa din gusto ang amoy mo..” I scoffed but as lightly as I could.

“I don’t have any perfume on me.”

“I know. But it is your natural scent, it irritates me.”

“Sige, I’ll sleep on the floor.” Maagap niyang binuksan ang cabinet niya at kumuha doon ng sleeping mat pati ekstrang mga unan. Malaking parte ng utak ko ang hindi nakadama ng awa sa kanya. Naiinis na ako sa sarili ko dahil alam kong dapat ay magkaayos na kami pero hindi ko talaga magawang tanggapin siya ng buong puso. “Better yet, I’ll sleep on the next room.”

“Huwag.” Napapikit ako. Bakit ko nga ba siya pinipigilan? If he wants to sleep on the next room, dapat ay hayaan ko.

“A-ayon sa Mayan Calendar, merong Lunar Eclipse bukas.”

Kumunot ang noo ni Lorcan at dahan dahang umupo sa tabi ko, “D-don’t tell me—”

Mabagal akong tumango, “I read the book.”

Napalunok si Lorcan, “Y-you did?”

“Ikaw din?”

Napatango din siya. “Sabi doon sa nabasa ko, merong ritual ang mga naniniwala sa Mayan belief tuwing Lunar Eclipse.”

“They offered blood.” Bulong ko.

“Random blood.” Pinanlakihan ng mata si Lorcan at naramdaman kong sumiksik siya sa akin.

“The demon gets blood to those who’s ritual were unveiled. Kaunti pa lang ang nakakaalam ng ganoong ritual sa buong mundo. It was kept as a secret for a thousand years until a Mayan believer Edward Keller revealed it to his tell-all book before he died. Now, everyone who reads the book is at risk of welcoming the demon inside their house.”

“Bakit mo kasi binasa?” Paninisi sa akin ni Lorcan.

“What? Ikaw din naman eh! Do you have a death wish?”

“Well, apparently, you have too.” Umirap siya.

“What? You know that I always read anything about universe. Now we both know the Demon’s secret.” Dismayadong sabi ko.

“Buntis ka pa naman. And we have to pass 7 Lunar eclipse in our lifetime.”

Tinaasan ko siya ng kilay, “Bakit? Alam mo ba kung kailan tayo matetegi?”

“Hm, if my guesstimate is right, we will live until we are 90.”

“Kung hindi kukunin ng demon ang blood nating dalawa.” With that being said, we jumped on the bed at sabay kaming nagtakip ng kumot.

“I really regret reading the book.” Bulong ni Lorcan, nagmulat ako ng mata at nakita ko na mataman siyang nag-iisip, his lips were pursed and jaw tightened.

“Sorry.. It was I that made you curious about the universe.”

“Yeah. It was your fault. I fell inlove with the universe because apparently, you were a part of it.”

My cheeks flared. Bahagya kong itinagilid ang ulo para hindi niya mahalata. Nakarinig kami ng kalampag sa ibaba ng bahay. Napasiksik ako kay Lorcan, swear! Kahit hindi ko gusto ng amoy niya ay napilitan ako. Humigpit ang yakap niya sa akin.

“N-nandyan na ba ang demon?” Bulong ko kay Lorcan.

“M-maybe..” He whispered back.

“We should leave this house. Maybe the demon knows our address by now.”

“Should we drive right now?”

“Yes, and we should go where there’s a lot of people.”

“Okay get dressed.”

Bumangon ako sa kama at hindi na kami naghiwalay pa ni Lorcan. Magkatalikuran kaming nagbihis at saka patakbong bumaba ng bahay dala lamang ang overnight bag. We played alternative music to keep us occupied while were on the road. Binaybay namin ang mahabang kalsada paakyat ng Antipolo at nagbakasakali kaming magbook sa isang Cafe na merong bed and breakfast.

“Magkasama kami ng room.” Mabilis kong sinabi sa receptionist na hindi mapawi ang ngiti.

“Oo naman, Ma’am..”

“Sinisiguro ko lang, I don’t really want to stay in a room, alone.” Ulit ko.

Napatingin ako kay Lorcan nang may mapaglarong ngiti, lumapit ako sa kanya para bumulong, “Hm, mukhang tumaas ang confidence mo doon. I don’t want to be eaten by the demon. That’s it.”

“Ako din naman.” Umakbay sa akin si Lorcan. Umakyat kami ng isang palapag patungo sa hotel room na napili namin. The hotel room doesn’t need to be so high to have a breathtaking view. Ang malaking bintana ay nakapaharap sa ibaba kung saan makikita ang metro. The room was modest, hindi kalakihan ang kama at ang space, the design were wood and abaca. Walang masyadong free space, sa paanan ng kama ay wall mounted TV na kaagad at maliit na lamesa. The colors of the room were a spill of vibrant orange and white.

“D-do you think we are safe here?”

“I think so. Mahihiya naman ang demon na kumatok kung maraming tao diyan sa baba. The demon won’t reveal itself in the light.”

We watched the Martian after we settled. Magkatabi kami ni Lorcan habang nililibang ang sarili sa isang space film kung saan natrap si Mark Watney sa Mars. Oooh, it’ll be three years before a rescue mission could reach him unless they still think that he’s still alive. Medyo nastress ako sa pelikula at kahit papaano ay naibsan ang pag-aalala ko sa Demon na maaaring kumuha ng dugo namin ni Lorcan. Hindi ko na namalayan kung kailan kami natulog. Basta maliwanag na ang buong kuwarto nang magising kami. The windows were opened and the clink of glasses and kitchen utensils were a bit of a chirp early in the morning. Nakahinga ako ng maluwag.

Only that when I saw Lorcan, mahimbing pa din siyang natutulog at nakayakap sa akin.

His phone rang. Hindi siya nagising sa tunog non kaya ako na ang kusang bumangon para lapitan iyon. I saw ‘Abuela’ at the color ID.

“H-hello?”

“Hello?” Matalim na asik ni Abuela. “Sino ka? Bakit ikaw ang sumasagot sa telepono ng apo ko, babae ka ba niya? He’s married, Hija! Kung sino ka man—”

“Granny..” Naisantinig ko.

“Calla? Calla, apo, ikaw ba yan?”

“Opo..”

“Magkasama kayong natulog ng apo ko, maayos na ba kayo? Magsasama na ba kayong ulit? Magkakaroon na ba ako ng apo sa tuhod?” Humagikgik si Granny.

“Medyo.. Hindi ko po alam. Pero oo.”

“Anong medyo, hindi, oo?”

“Medyo maayos na po kami, hindi ko po alam kung magsasama na kami ulit at opo, magkakaroon na po kayo ng apo sa tuhod.”

Malakas na tili ang narinig ko sa kabilang linya, “That’s good news! I am very happy! Sana yung medyo ay maging sobrang ayos, at ang hindi mo alam kung magsasama kayong ulit ay maging siguradong sigurado. Malapit nang matapos ang unos, Calla. Nararamdaman ko. Malalagpasan niyo din ng apo ko ang lahat ng naging problema.”

Nang ibaba ko ang tawag ay napalingon ako kay Lorcan. Nakakunot ang noo niya at napansin ko ang butil butil na pawis sa kanyang mukha.

“Lorcan?”

“Calla… Calla.. I—I am sorry..”

“Lorcan..” Tinapik ko ang kanyang pisngi sa kabila ng malalim ngunit mabibilis niyang paghinga.

“I need to go home. Calla!”

Napaatras ako nang bigla siyang bumangon. Basa ng pawis ang kanyang likod at dibdib. Nagtataka siyang nakatingin sa akin.

“Love?” He called me.

“Lorcan? Nananaginip ka.” Agad akong tumalikod para kunin ang bote ng mineral water sa side table pero pinigil niya ang kamay ko.

“That day.. That day I had a confrontation with Margaux. She’s pushing me to file an annulment against you. Naniniwala siyang hindi kita mahal. I was so mad. That is not true.” Itinuro ni Lorcan ang kanyang dibdib, “This heart belongs to you..”

“Nakakaalala ka na?” I whispered.

Kitang kita ko ang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata at marahang tumango.

“Finally, I am home..”


Maingay, malungkot, may mga panaghoy. Hindi ko maipaliwanag kung paano mabubuhay sa isang institusyon na kagaya nito. Marahil, hindi ko kaya, wala naman sigurong may kaya, pero kinakaya na lang ng iba dahil kinakailangan nilang pagbayaran ang bawat pagkakamaling nagawa.

“Anong ginagawa niyo dito?”

Galit. Hindi ko maipaliwanag kung paraan saan pero inuunawa ko na lang. Sabi ni Madam Charing, ang pusong hindi marunong magpatawad ay habang buhay na magiging bihag ng kalungkutan. We really owe something to the old woman. Kung hindi dahil sa kanya, baka mangimi din akong magpatawad. 

I have accepted Lorcan in my life, he was constantly part of it. Matiyaga niya akong pinakikisamahan. He’s there when I am being stubborn, he stood firm whenever I pushed him away.

“I forgive you.” Bulong ko kay Margaux.

“Walang nanghihingi ng kapagtawaran. My lawyers will make way to release me from this filthy place!”

“My lawyers will make sure otherwise.” Bahagya kong siniko si Lorcan, napabuntong hininga siya dahil sa pag-awat ko.

“Hindi ka niya mahal.” Angil sa akin ni Margaux, napatingin ako sa tiyan ko. Bulag na lang ang hindi makakapagsabi na I am very much pregnant.

“You ruined your life.” Mahina ngunit may diin na sabi ko. 

“Mahal ko siya!”

“Pero naging makasarili ka.”

“Dahil akin siya.”

“Dati pero sinayang mo. I met this man broken. Binuo ko siya at noong buo na, gusto mo na ulit? No, it doesn’t work that way. You break something you want to get rid off, if you want it back, you should fix it. Anyway, nagpunta lang kami dito para sabihin kong pinapatawad na kita. Hindi ko makakalimutan ang ginawa mo sa pamilya ko, three years, you wasted three years of our lives..” Pinaypayan ko ang sarili ko, “Pero hindi talaga ako galit. Oh my God, Love. I really need to compose myself.”

“Huwag kang magpapauto sa kanya Lorcan..”

“Oh, and one more thing, nakakaalala na pala siya.”

Margaux eyes widened, “H-hindi yan totoo..”

“I remember it all, Margaux.”

P-paano?“

“Naghanap ako ng panibagong doctor.”

I couldn’t contain my happiness when I learned that Lorcan started to see Doctor Lester Concepcion. Ito din ang mismong nakatulong sa kanyang alaala. Hanggang ngayon ay nagtutungo pa din siya dito para sa mga therapy. It helped his temper, too. Pagbalik niya sa opisina ay naging tigre siyang muli. Lahat ay takot sa kanya. Marami siyang pinapagalitan at sinusungitan. But hypnosis helped to calm his nerves and his employees were thankful.

“You’ll feel sorry for this, Lorcan.”

“I never was. I think I am ready for the best days of my life with my family.”

Padabog na tumayo si Margaux at iniwan kami sa lamesa. Nagkatinginan kami ni Lorcan. His arms snaked on my shoulders. Umalis kami sa correctional nang walang konklusyon, we gave forgiveness but it wasn’t accepted.

“Oh no!” Reklamo ko nang may maupuan sa shotgun seat. Masama ang tingin ang ibinato ko kay Lorcan.

“What?” Natatawa siyang napailing. “Stargazers.” Aniya habang kinukuha ang mga bulaklak na naupuan ko. Hindi ko alam kung kailan niya inilagay iyon pero lagi na lang akong nasusurpresa.

Walang araw na hindi ako binigyan ni Lorcan ng mga bulaklak. It was always like this. Kahit walang okasyon. He’s trying to make it up for the lost years. Para naman sa akin, walang panahon ang nasasayang, whatever time had passed, no matter we wanted the series of events or not, it maybe something that we don’t like or we don’t plan, we learn from it. It may be a wisdom or newly garnered strength.

May mga bagay na pinaghihiwalay para mas lumakas, at para sa muling pagsasama ay wala nang makakapagpabagsak pa.

“Lunch?” 

“Hindi ba may invitation ang Mommy mo?” Humigpit ang hawak ni Lorcan sa manibela. Inabot ko iyon para haplusin, “Forgiveness. We need to forgive, Lorcan. Pinatawad nga kita.” I reminded him.

“Excuse me? Is that a dig?” Tumaas ang kilay ni Lorcan. I giggled.

“What I am saying is, everyone deserves forgiveness, lalabas na ang kambal natin.”

“Kung nakakaalala lang ako, hindi kita masasaktan, pangako yon.”

“Talaga lang ha.”

We went to a restaurant that Lorcan’s mother booked. Mula sa glass walls ay nakita ko agad ang pamilya ni Lorcan na tahimik na nakaupo sa mga lamesa. Some of his relatives were here and it seems like the whole restaurant were booked for us.

The whole place went silent as we entered. I flashed a smile and everyone smiled awkwardly in return.

“Mga apo..” Granny called. Lumapit kami sa kanyang lamesa kung nasaan ang Mommy at Daddy ni Lorcan.

“Kumusta ka?” Aleana asked me. “Okay lang po, Tita. Medyo hirap nang maglakad pero nakakapasok pa ako sa opisina.”

Meico and Tonio set up a small office. Sa Nemesis din naman iyon at binigyan kami ng maliit na space ni Lorcan para sa sarili naming business.

“Oh, the perfume business.” Granny smiled with acknowledgement. “Napakacute ng business mo, Calla. Bagay na bagay sa personality mo.”

Tumango ako, “Padadalhan ko po kayo ng samples kapag nailabas na ang first batch, Tita, Granny. Wala pa kaming scent na panlalaki kaya hindi pa kita mabibigyan Tito..”

“Kami din!” Lorcan’s cousin from another table joined the conversation. Maya maya pa ay nawala na ang awkwardness. Everyone was having a very relaxed conversation like we don’t have past hurtings.

“We booked Iceland’s Artic Resort!” Excited na sabi ni Greta, ang second cousin ni Lorcan. “Mula doon ay makikita din ang Northern Lights.”

“Kapag nakapanganak na si Calla.” Singit ni Lorcan.

“Of course, that’s in October, we will fly by private plane since isang buong pamilya naman tayo.”

Mas umingay ang restaurant dahil sa pagpaplano. Nakaramdam ako ng pag-gagap sa palad ko at nag-angat ako ng tingin sa kung sino man iyon. Tita Aleana was looking at me. Hinila niya ako sa sulok ng restaurant, kung saan malayo sa lahat.

“I want to apologize.”

“Tita..”

“No, no, Calla. Hindi ko lang matanggap na wala na talagang pag-asa ang napili naming kabuhayan sa Amerika. Umasa kami sa stocks pero nagkaroon ng recession. I know it was not an excuse, I myself was not convinced that what you and my son have is real. Isa iyong pagkakamali. I should have accepted you in our family long before.. Our relatives accepts you, I should have accepted you earlier.”

Huminga ako ng malalim, ngayon ko lang siya natitigan ng matagal, kamukhang kamukha niya si Lorcan at sa kanyang mga mata, nakikita ko din ang asawa ko.

“Wala na po iyon, hindi yon ang gusto kong pagtuunan ng pansin. Ang panganganak ko ang priority ko. Kung pupwede ko lang gawing perpekto ang mundo kapag lumabas na ang mga anak ko, gagawin ko, pero imposible naman iyon..”

“I will help you. We will make it perfect. I will make it perfect for you. We will be staying here for good. Gagawin ko ang mga hindi ko nagawa kay Lorcan. Just tell me anything..”

“Tita..”

“Mommy, call me Mommy.”

We shared a hug after that. Pinakawalan ang hinanakit sa isa’t isa na ilang taon din naming itinago. The most important lesson of forgiveness is it never lacked. Nakadisensyo ang mga puso natin para magpatawad at wala iyong katapusan.

“What’s wrong?” Naroon agad si Lorcan sa aking tabi, nakakunot ang noo at masama ang tingin sa Mommy niya.

“Wala, we are just talking..” Maagap na sagot ko pero ang mga mata ng asawa ko, naroon pa din sa Mommy niya.

“Are you bothering Calla again, Mom?”

“Hindi, Lorcan. Ano ba..” Mahinang bulong ko para hindi gumawa ng komosyon.

“Anak, I am sorry..” Nanginginig ang boses ni Mommy Aleana.

“I have forgiven you, but I have never forgotten.”

“It’s okay, it’s okay.” Paulit ulit kong hinaplos ang braso ni Lorcan at itinulak siya papalayo.

Maybe there are hurtings that we can easily forgive and forget, pero meron din iyong malalalim. Those which can healed by time and there’s nothing wrong with it. Kung hindi ka pa handa ay hindi naman kailangang ipilit.

Nang matapos ang lunch na iyon ay nagplano kami ni Lorcan ng spontaneous out of town trip. We went to Villa Susanne. Inihatid kami ng suki naming bangkero patungo sa mailiit na isla. Natuwa ako sa pag-amoy ng malinis na hangin, malayong malayo sa Metro Manila. Kung ako ang papipiliin, I want the twins to grow up here, pero hindi naman kumpleto ang facilities. I only want the best for them kaya tama nga si Lorcan na doon na lang sa bahay na ipinagagawa niya. 

Inalalayan ako ni Lorcan sa pagbaba ng bangka, pag-apak ko doon sa buhangin ay napangiti ako.

“Paano kung hindi bumalik ang alaala mo? Hindi ka na din makakabalik dito.” I smiled. Kinuha ni Lorcan ang kamay ko at inilagay sa kanyang pisngi, masuyo niyang hinaplos ang likod ng palad ko.

“I always go after you. Iniisip ko nga kung anong gayuma ang ipinakain mo sa akin.”

Sinamaan ko siya ng tingin, “Mas sweet yung Lorcan na walang maalala.”

“Ha, that is because I was flirting with you.” He laughed hard.

“Ah, so iyan nga ang totoo mong ugali? Magaspang? Masama!” Akusa ko. Niyakap ako ni Lorcan at saka hinalikan ang aking batok.

“Medyo malambing din.” He said. Naglakad kami papalapit sa resthouse. I inserted the keys and to my surprise, there were vandals all over the house. Hindi na puti ang lahat dahil ang pader ay meron nang mga calligraphy writings in black ink. Ganoon din ang sahig.

“Ang dumi! Anong ginawa mo? Hoodlum ka ba?” Hinampas ko siya sa balikat.

“Ouch!” Reklamo niya. “Hindi yan vandal. Basahin mo kaya.” Itinuro ni Lorcan ang sahig kasabay ng pag-irap sa akin.

‘March 18. The day we first met.’

But

‘January 6. Was the first day I saw you.’

‘June 19. It is your birthday.’

‘May 17. It is the twin’s due date.’

There were so many dates written all over the house. Hindi ko maiwasan ang maluha habang pinagmamasdan ang mahahalagang araw para sa aming dalawa. Ang dami non.

“It is so nice to remember everything about you, everything about us.” Hinaplos ni Lorcan ang isa sa mga nakasulat na petsa. “We can add some more. We still have forever to fill this in. Together with our sons and daughters, our grandchildren and the next generation after us.”

Hindi ko mapigilan ang pagluha. How can he think about this? Wala man lang romantic bone si Lorcan sa katawan. As usual, we always debate over anything now that he can remember everything!

‘But Pluto is still not a planet.’ Nakarating ako sa dulo at yun ang nabasa ko. Tinaasan ko siya ng kilay. Of course! There will always be something to annoy me!

“It is a planet! I know I will live longer to prove it to you.”

“Pwedeng yung love mo na lang sa akin ang patunayan mo? Akala mo ba nakalimutan ko na ang pang-iiwan mo sa akin ng tatlong taon?”

Napatakip ako ng mukha, “Because you can’t remember me!”

“Kapag ikaw ang nakalimot—”

“Magpapaparty ka? Siguro gagawin mo ang lahat ng gusto mo.”

Ginulo ni Lorcan ang buhok ko, “Ganon ba ang ginawa mo? How dare you.” Nagpantay ang kanyang kilay.

“Tapos na yun.”

“Anong tapos na?” Reklamo niya, inakbayan niya ako at pinabigat ang kanyang braso.

“Ouch!“Pilit kong inalis ang kamay niya nang makaramdam ako ng kakaiba sa aking tiyan.

“Wait..” Natigilan ako sa pagkilos.

“Oh, umaakting.” Kinurot ni Lorcan ang aking ilong.

“No, m-manganganak na ata ako.”

“Next month pa ang due date mo.” Umaktong aakyat si Lorcan patungo sa second floor ng resthouse pero hinila ko siya.

“No, really, I think I will give birth.”

“Four hours away tayo sa Manila, Calla. Stop joking.” Sumeryoso ang mukha ni Lorcan.

“Ano?! Ikacancel ko na lang ang panganganak ko? Bukas na lang, ganon?”

Nagbago ang mukha ni Lorcan at napalitan ng sobra sobrang pag-aalala. “N-no, ngayon na.. W-wait. Mang Gusting!” Sigaw ng asawa ko kasabay ng pagbubuhat sa akin. Dinala niya agad ako sa bangka.

“Naku, manganganak na si Ma’am! Bakit mapapaanak na siya?”

“Kasi buntis ako!” Tili ko habang patuloy ang paghilab ng tiyan. Napapangiwi ako habang nababasa ng tubig alat ang katawan ko dahil sa paghampas ng bangka namin sa malalaking alon sa dagat.

“Saan pinakamalapit ang ospital?” Tanong ni Lorcan sa nag-aabang sa amin na mga taga-Baryo doon sa pampang. Parang merong radar ang mga ito nang makita sigurong humaharurot ang bangka ni Mang Gusting.

“Mga dalawang oras at kwarenta minutos po.”

“Dalawang oras at kuwarenta minutos?!” Sabay naming tanong ni Lorcan.

“Konti na lang nasa Maynila na din ako! Ang sakit na Lorcan..” Pagmamakaawa ko.

“Merong nagpapaanak dito, si Manang Elena.” Sabi ng isang taumbayan.

“No!” Mabilis na tanggi ni Lorcan, “Unang anak ko ang mga ito, kambal pa.”

“Lorcan, baka pwede na don..”

“Pero Calla—”

“Ano? Bukas na lang ulit? Lalabas na! Baka mahulog sa buhangin ang mga anak mo.” Pagsusumamo ko. 

“Sige, saan ba yon?” Dinala ako ni Lorcan patungo sa isang simpleng kubo sa tabing dagat. Agad na may sumalubong sa amin na matandang babae, hindi ko na halos matingnan dahil napapapikit ako sa sakit.

“Andeng! Mainit na tubig! Madali ka!” Sigaw ng matanda.

Inihiga ako sa kama at para akong mawawalan ng malay sa sobrang pagkirot. I was wailing, calling Lorcan’s name, God, angels and all the stars in the universe.

“Hindi ka na makakaulit!” Paulit ulit kong hinampas ang braso ni Lorcan at napansin ko ang pamumula non pero hindi ako nagpaawa.

“Isa pang ire. Yung malakas lakas, Ineng.”

“Uhm—ahhhhh!!!” Tili ko. “ah!!!!”

“Ayan na, lumabas na ang panganay, lalaki! Andeng, ang gunting at yung lampin.” Nakarinig ako ng malakas na pag-iyak kasabay non ang nakakapanhinang pagkahiwalay ng kung ano sa katawan ko.

“Oh, kita mo nga naman, sumunod agad ang babae, ayaw magpadaig.”

Hilong hilo ang pakiramdam ko, “Haplusin mo ang buhok ng asawa mo, Mister. Madami ang lakas na nawala sa kanya. Kami ang bahala dito. Napapikit ako at hindi ko namalayan kung kailan ako nakatulog. Naramdaman ko na lang na gumagalaw ako habang nakahiga. Nang magmulat ako ay nasa tabi ko si Lorcan.

“Y-yung kambal?”

“Nasa ambulansya tayo. Don’t worry you were all fine. Ililipat ko lang kayo sa ospital para makasiguro. Kulang din sa araw ang kambal, na-excite lumabas.”

Nang ibinaba ang stretcher sa ospital, nakita ko agad ang kakambal ko na nag-aalala ang itsura. Sumama siya sa pagtulak ng kinalalagyan kong stretcher. Meico and Tonio were there, too.

“Calla! Jusmiyo, kumusta? May masakit ba? Okay ka lang?”

“Masakit ang lahat!” Sumbong ko na naluluha.

“Ay, tatahiin pa yang flower mo kaya mas masakit pa.”

“Mahal!” Suway ni Ashton.

“Eh ganun talaga, she should manage her expectations!”

Dinala nga ako sa delivery pagkatapos ay tinusukan ng anaesthesia. Nakatulog muli ako. Hindi ko na alam ang ginawa, all I can smell is the stuffy scent of the hospital. Mahihinang bulungan sa paligid na tila nagtatalo.

“Imposibleng kamukha mo kasi wala kayong lahing kambal!” Gigil na pakikipagtalo ni Clover.

“Wala din naman kayong lahing maganda.” 

“Hoy!” Angil ko nang marinig ko ang asawa ko. Humalakhak siya. Hindi man lang siya mukhang pagod kahit tiyak kong wala din siyang tulog. He looks so happy.

“Sabi na nga ba, magigising ka don. How are you, sleepyhead?” Masuyo akong hinalikan ni Lorcan sa labi.

“Medyo may kirot, down there. Nakita mo ba nung lumalabas ang kambal? Nawasak ba talaga?”

“You don’t realize that Granny and my parents are here in this room right?” Napatakip ako ng bibig, inilibot ko ang paningin ko at nakita ko agad si Mommy Aleana, Daddy Rodrigo at Granny na pinagkakaguluhan ang kambal.

“Hindi nila ako narinig.”

“We are just pretending not to hear..” Nilingon ako ni Granny at naglakad patungo sa akin, “Kumusta ka na, Apo? Thank you for giving birth to beautiful grandchildren.”

Dinala sa akin ni Mommy Aleana at Daddy Rodrigo ang mga anak ko. They look the same! And they look exactly like their father! 

“Bakit ganun? Ako ang naghirap dito ng ilang buwan tapos kamukha ng Tatay?”

“Ha, your fault for hating me so much and using the pregnancy card.”

“Wag mo ngang inisin si Calla.” Singit ni Mommy Aleana, “What will you name the twins? Have you decided?”

“Yes. Elliot Lisander and Engrid Lily.” Ani Lorcan. 

Napangiti ang lahat kahit nanatili sa katahimikan. Elliot opened his eyes and looked at me. He’s a bit chubby and cheeky baby. I hope I can feed him  well enough. Engrid yawned, she’s really feminine and very beautiful. Nakuha nila ang labi at ilong ng kanyang ama. At sa akin, ang kulay ng mga mata. Namana ni Engrid ang pagkababae ko and that’s it.

“Huwag kang mafrustrate. Ganon talaga.” Biro ni Lorcan habang pinagmamasdan namin ang kambal. “God blesses the kids. Hindi mo sila kamukha kaya pinagpala sila.”

“Seriously?!” I rolled my eyes, “Half of the genes are mine.”

Hinalikan ako ni Lorcan sa noo, “Biro lang. Sayo nakuha ang mga mata nila. I hope they have your heart and kindness. That they will live and love like their mother. Tuturuan ko silang irespeto ka at unahin ka sa lahat ng bagay.”

That night, as everyone leaves, nanatili si Lorcan sa tabi ko. I never thought I will feel tired and energized at the same time. Excited na akong umuwi kasama ang kambal.

“Ang dami na nating pinagdaanan.” Sambit ni Lorcan habang nakahiga din siya sa tabi ko. Pinagkasya namin ang aming sarili sa hospital bed.

“From a fake relationship, now we are celebrating having a baby.”

“Thank you for not giving up on me.”

“I almost did but you held my hand, too.”

Humigpit ang hawak ni Lorcan sa aking mga kamay. “So this is the part when we are supposed to kiss, right?”

I bit my lower lip.

“Uy, pabebe.”

Hinampas ko sa dibdib si Lorcan, “Stop it.”

Lorcan moved his head and his lips touched mine. That was the sweetest kiss I ever had, a parents’ kiss. We are now officially raising our own kids and my heart is full. Finally, my amusement with the universe was now replaced with my amusement to my children.

There’s no perfect relationship, and imagining that it will end is the scariest thought one could be. Loving someone at some point is not a guarantee that it will be the same ’til the end. But fears, we must not live in fears. It is love that we should live and die with and for. Maaring umulit ang pagsubok, kaya ang pagdedesisyon na magmamahal ka at hindi ka susuko ay hindi sa kalagitnaan ng problema kung hindi doon sa umpisa. That way you will not be overwhelmed. That way you will not even think of giving up.

“So this is our happy ending?” Tanong sa akin ni Lorcan.

“I think so..” Nagkibit balikat ako.

“We should end it as classic.”

“What do you mean?”

“I love you Mrs. Alcantara.” He smiled.

“I love you, too, Mr. Alcantara.”

We shared another kiss, kasabay non ang malakas na iyak ng kambal. Sabay kaming napatayo ni Lorcan, oo nga’t may kasama na kami. Hindi na siya at ako, kundi kami at ng mga anak namin. Hindi pa dito natatapos, alam ko. Simula pa lang ito ng mas maganda pang buhay na aming haharapin sa mas marami pang taon.

-The End-

♁☆♁☆♁☆♁☆

Thanks for reading! Votes and Comments are appreciated. Offensive comments will be placed on MUTE.

Social media accounts:

Facebook Page: Makiwander

Facebook Group: WANDERLANDIA

NOTE: Answer the SECURITY QUESTION so that you will be approved

Twitter & Instagram: Wandermaki

Go to my wattpad profile and follow me for more stories.


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.