He Speaks, She Talks (Completed)
vincentmanrique · 12 chapters · 10,378 words
He Speaks, She Talks
Ang buhay ay maraming twist, maraming intersection, ups and downs, push and pull, minsan malungkot, minsan masaya, minsan sa ibabaw ka pero kadalasan sa ilalim. Maraming etchos, parang pelikula. Ang pinagkaiba nga lang, alam ng direktor ang magiging ending ng pelikula. E ikaw? Alam mo ba ang magiging ending ng buhay mo?
Alam ko ang unang sagot na pumasok sa utak mo. Mamamatay ka. Tama. H’wag matakot, iyon ang katotohanan. Doon ka pupunta. Doon tutungo ang iyong maluwalhating ending. O maluwalhati nga ba? Ako, ikaw, siya, sila, tayong lahat ay may katapusan. Pati ang kinaiinisan mong kontrabida sa buhay mo ay matsutsugi pagdating ng panahon.
Paano nga ba makipaglaro sa laro ng buhay? Makipagpatintero kay tadhana? Sundan ang pagtakbo ng bawat araw? At sabayan ang pag-ikot ng orasan? Maraming katanungan na dapat sagutin. Puwang na kinakailangang mapunan.
Likas na sa mga tao ang maging opinionated. Lahat na lang ay may palagay at kuro-kuro sa halos lahat ng mga bagay. Whether solicited or not, ang hilig nating magbigay ng payo sa ibang tao. Pero madalas, iyong sarili nating buhay, hindi natin maasikaso. Feeling magaling pagdating sa pakikialam sa buhay ng iba. Shunga naman kapag siya na ang nagkaproblema. Andali nating makaisip ng solusyon sa problema ng ibang tao, pero bakit sa sarili nating gusot, hirap tayong makalusot?
Aminin mo sa sarili mo, minsan ka nang naging pakialamera, tsismosa, etsusera, at kung anu-ano pang title na mapupulot sa kalye. Maraming issue na nakaka-tempt naman talagang salihan, makipagtalatasan,at makipagpalitan ng opinyon, kahit na hindi naman talaga hinihingi ang saloobin mo. Trip mo lang talagang makialam para “in” ka sa topic, at updated ka sa trend.
Hindi naman talaga si twitter o si facebook ang nagpa-uso ng “trend.” Ang mga tsismosa mong kapit-bahay naman talaga ang orihinal na may likha, minsan kasali ka pa. Araw-araw iba’t ibang buhay ang pinapa-trend nila. Iyong tipong inuuna pang magdaldal sa kapit-bahay kesa magsaing. Parang ikaw, minsan inuuna mo pang mag-post ng status o mag-scroll ng newsfeed sa facebook kesa magdasal pagkagising mo.
Kaya h’wag ka na talagang tumanggi, tsismosa ka. Iyon nga lang medyo sosyal kasi “digital tsismis” naman ang hatid ng social media sa’yo.
Madali naman talaga kasing makigulo sa usaping hindi naman ikaw ang diretsong maapektuhan ano man ang kahinatnan nito. Eh, paano kung ikaw na mismo ang sangkot sa gulo? Mauuna na ang pagkataranta. Nagpa-panic na ang utak mo. Hindi mo na alam kung paano mareresolba ang mga bagay na nagpapagulo sa isip at katinuan mo.
Halina at pagpiyestahan natin ang buhay ni Juana. Sumali na kayo at panghimasukan natin ang ilang mga isyung kinakaharap ng mga kabataan na maagang nakaramdam ng kirot na dala ng pana ni kupido. At sa huli, pagkatapos ng pagbibigay natin ng unsolicited advice, pulutin natin iyong makakatulong na payo, at pagtawanan natin ang mga kalokohang tila mas nagpagulo pa sa dati nang magulong mundo.
Sa bawat issue, may opinyon ka.
Sa bawat kuwento, nakikinig ka.
Sa bawat pangyayari, may usisero’t usisera!
Sige na nga, heto naman ang masasabi ko.
Maniwala ka, buhay mo ang laman nito…
greatfairy
& manrvinm-
He Speaks: Friends or Lovers
by: manrvinm
Naniniwala ako na sa isang relasyon, dapat laging may limitasyon. Kaibigan man ’yan o kasintahan. Hindi ka dapat lalagpas sa boundary ng pagkakaibigan. Dapat alam mo rin kung hanggang saan lang kayo bilang magkasintahan.
Masarap ang may kaibigan. Madalas, pamilya ang turing mo sa kanya. Siya iyong taong kapatid mo mula sa ibang mga magulang. Kumakain ka kasama siya. May mga pagkakataong natutulog kang katabi siya. Siya iyong kapag humingi ng kinakain mo eh mas marami pa ang nakakain niya kesa sa’yo. Siya ’yung pagtatawanan ka sa mga katangahan mo. Kukutusan ka niya sa bawat kagaguhang gagawin mo. Siya ’yung inaasahan mong dadamay sa’yo tuwing may problema ka at makikitawa sa bawat saya. Siya ’yung kapag nagbibiruan, akala mo nag-aaway na kayo. Pero hindi. Ganoon lang talaga ninyo kakilala ang bawat isa. Ganoon lang talaga kayo magmahalan. Isang pagmamahal na tulad ng kung paano ka magmahal sa kapamilya. Aminin mo bes, hindi ba may mga pagkakataong mas close ka pa sa kaibigan mo kaysa sa kapatid mo? At may mga sikreto kang alam ng kaibigan mo, pero hindi alam ng kapatid mo. Ganun katindi ang relasyon ng magkaibigan. Ngunit tulad din ng magkapatid, dumarating ang panahong nagkakaroon kayo ng tampuhan at mga hindi pagkakaunawaan. Pero sa dulo, ang kaibigan ay kaibigan. Hindi mo siya matitiis, bes. Gagawa ng paraan ang tadhana para muli kayong magkabati at muling gumawa ng masasayang mga alaala.
At dito na papasok ang mas komplikadong mga problema. Dahil sa sobrang closeness at attachment n’yo sa isa’t-isa, dumarating ang puntong nagseselos ka na kapag iba ang kasama niya. Nagtatampo ka na kung hindi siya agad makapag-reply sa mga text messages mo. Iyong tipong sunod-sunod mo siyang pinadadalhan ng text messages pero wala siyang sagot kaya kung ano-ano na ang pumapasok sa isip mo. Baka may iba siyang ka-text. Baka naman may kausap siya sa fone. O mas malala, baka may ka-date!
Selos kaibigan.
Sige, sabihin nating normal lang ’yan. Katulad lang ’yan ng nararamdaman mo sa iyong kapatid. Gusto mong ikaw lang ang sentro ng kanyang atensyon. Gusto mong sa’yo lang nakalaan ang kanyang oras. Gusto mong ikaw lagi ang kanyang priority. Siyempre naman! Close kayo, eh. Bakit sa iba pa siya sasama eh, nandiyan ka naman? Bakit iba pa ang ite-text niya samantalang hindi ka naman nagkukulang kung text lang din ang pag-uusapan.
Nasasaktan ka sa mga inaakala mong pambabalewala niya sa’yo. Pero ang totoo, normal lang naman na maging close din sa iba pa ang kaibigan mo. Kasi hindi lang naman ikaw ang tao sa mundo. Hindi lang sa’yo umiikot ang buo niyang pagkatao.
Bes, tatandaan mo lagi na wala kang karapatang magselos. Kaibigan ka lang. Hindi naman kayo.
Pero kailan ba pumapasok iyong pagkakataong lumalagpas na sa pagiging magkaibigan ang isang relasyon?
Friends no more, but lovers.
Matanong nga kita. Ano ba talaga ang gusto mo? Maging friend mo siya? O lover?
Mag-isip kang mabuti bago ka sumagot. Mahirap magpadalos-dalos. Balansehin mong mabuti kung mas okay bang maging magkasintahan kayo kesa magkaibigan o vice versa?
Kailangang alam mo ang advantages at disadvantages ng bawat relasyon at sitwasyon. Anu-ano nga ba ang advantages kapag naging magkaibigan lang kayo?
-
Kung magkaibigan kayo, napakadaling magsabi ng sikreto. Hindi n’yo pag-aawayan iyan dahil friends share secrets with each other.
-
Kapag friends kayo, madaling magpatawad kung magkaroon man kayo ng hindi pagkakaunawaan. Hindi awkward ang feeling. Kasi wala namang romantic angle between the two of you.
-
Hindi mo kailangang ipaalam sa kaibigan mo kung nasaan ka at kung ano ang ginagawa mo sa bawat oras. In short, buong-buo ang freedom mo.
-
Hindi ka obligadong tumawag o magtext sa gabi para lang magsabi ng goodnight, i love you, o kung ano mang sweet nothings. Kasi kung lovers kayo at hindi mo iyan ginawa, lagot ka! Humanda ka na sa isang madugong paliwanagan kinabukasan.
-
At higit sa lahat, hindi kayo magbre-break. Kasi wala namang break up sa friendship.
At kung maging lovers naman kayo ng kaibigan mo, ano nga ba ang advantages?
-
Magandang maging lovers ang magkaibigan kasi kilala n’yo na ang isa’t-isa, at ang pagkakakilala ninyo ay nabuo sa isang magandang samahan na kung saan hindi mo kinailangang ipakita lang lagi kung ano ang positibo sa’yo. Ano ang ibig kong sabihin? Kapag nanliligaw kasi, asahan mo nang kaming mga lalaki will always put our best foot forward. Iyong tipo ba na puro magagandang ugali lang namin ang makikita n’yo dahil ayaw naming mabawasan ang pogi points. Sino bang nanliligaw ang magpapakita ng bad traits niya? Eh, ’di basted kaagad siya. Pero kung nag-umpisa kayo bilang magkaibigan tapos naging magkasintahan, asahan nang kilala n’yo na nang lubos ang ugali ng isa’t-isa at pati nga amoy ng utot n’yo ay kabisado n’yo na rin.
-
Kung kaibigan mo ang naging girlfriend mo, parang instant black coffee ito— 2 in 1. May friend ka na, may lover ka pa. Would you ask for more?
-
You have a perfect partner. Bakit ko nasabi? Kasi being a couple is a partnership and what is better than having a partner who knows you from within. Hindi ba napakasarap gumising sa umaga na katabi mo iyong taong hindi lang mahal mo kundi kaibigan mo pa? Magulo ba? Huwag mong piliting intindihin ang sinasabi ko. Kapag dumating ang panahon na mangyari ito sa iyo at saka mo masasabing tama pala iyong sinabi ko.
-
Kung magkaibigan kayo bago kayo naging magka-ibigan, siguradong you have common friends. O baka nga you have the same set of friends. Kung ganoon, hindi na magiging mahirap sa’yo na pakisamahan ang mga kaibigan n’ya dahil kilala at kaibigan mo na rin sila from the start.
-
The same thing applies sa parents ninyo. Dahil nga magkaibigan na kayo bago pa naging kayo, siguradong kilala na ng parents n’yo ang bawat isa sa inyo at hindi na kayo mahihirapang pakisamahan ang future in-laws n’yo if ever na humantong sa simbahan ang relasyon ninyong dalawa.
Huwag na nating pag-usapan ang disadvantages, kung meron man dahil sa pakikipagrelasyon naman you really have to take risks. Take note of the letter “s” sa risks kasi plural ’yun dahil maraming risk talaga ang pagdadaanan ng bawat relasyon. Kaya ang dapat gawin ay i-enjoy mo na lang ang masasayang moments at ibaon sa limot ang mga hindi masyadong kagandahang alaalang dala ng pakikipagrelasyon. Turn those negative memories into positive ones by thinking that those are spices that will make your relationship happier and a lot more stronger. Huwag basta-basta magpapatalo sa mga pagsubok sa relasyon n’yo dahil ang totoong nagmamahalan ay marunong lumaban para sa taong mahal niya. Sana ganoon ka.
Pero paano kung na-friendzone ka? Tsk… Tsk… Tsk… Kawawa ka naman.
Mahal na mahal mo siya. Actually, kaya ka nakipagkaibigan sa kanya ay dahil gusto mo na siya simula pa lang. Pero after all efforts have been done… Boom!!! Sumabog sa mukha mo ang mapait na katotohanang kaibigan lang ang turing niya sa’yo at hindi ka niya mahal na katulad ng pagmamahal na gusto mo.
Ano na ang gagawin mo?
Magmumukmok ka ba sa isang sulok? Hihiga at panonoorin ang naglalampungang mga butiki sa kisame? Maghuhuramentado ka ba at isusumpa sa sarili na lagot sa’yo lahat ng lalaking magtatangkang manligaw sa kaibigang nambasted sa’yo? O puputulin mo na rin ang friendship na kaytagal ninyong binuo at inalagaan?
Tanga ka kapag ganyan ang gagawin mo. Bakit hindi mo na lang tanggapin ang katotohanang hindi siguro kayo para sa isa’t-isa at makakakita ka pa ng babaeng kayang tumbasan ang pagmamahal na maibibigay mo? Hindi mo ba naisip na hindi man naging kayo, at least magkaibigan pa rin kayo at mahal ka naman niya bilang kaibigan. Nariyan pa rin siya para sa’yo, on a different level nga lang. Pero ang importante, nandiyan siya. Hindi siya tuluyang nawala sa’yo. Malay mo, pagdating ng panahon panain siya bigla ni kupido at biglang ma-in love rin siya sa’yo.
Oh, huwag kaagad umasa. Nagbibigay lang ako ng possibility. Wala namang masama kung hindi na mag-blossom ang friendship n’yo into something romantic. Basta, ituloy mo lang ang pagiging mabuting kaibigan sa kanya. Pero huwag mo ring kalimutang tumingin sa ibang babae para naman hindi laging ang kaibigan mo ang sentro ng buhay at puso mo. Mas madali mong malilimutan na na-friendzone ka kung magagawa mong ibaling sa iba ang nararamdaman mo para sa kaibigan mong nang-friendzone sa’yo. Malay mo, sa susunod na tumibok ang puso mo ay mas higit pa sa tibok na nararamdaman mo ngayon. Eh, ’di panalo! Baka magpasalamat ka pa sa kaibigan mo na na-friendzone ka niya.
Sa huli, sasabihin ko sa’yo na masarap talagang magmahal. At mas masarap kung ang pagmamahal na kaya mong ibigay ay matutumbasan din ng taong lubos mong minamahal. Pero kung hindi talaga ukol, hindi rin bubukol. Kaya matuto na lang tayong tanggapin ang mga pangyayaring dumarating sa ating buhay pag-ibig. Ang mahalaga ay natuto kang magmahal at hindi ka nahiyang ipadama sa taong iyon ang pagmamahal na nasa puso mo.
Sabi nga nila, mas mabuti nang magmahal ka at mabigo kaysa naman hindi ka magmahal… At all!
×××
A collaboration by:
|greatfairy & manrvinm|
©2017
She Talks: Friends or Lovers
by: greatfairy
“Forcing someone to love you is like teaching the pigs to fly. It is never possible even in your dreams.”
Naranasan mo na bang magmahal ng pader? Mahulog sa bangin? Mauntog sa bubong? Magbasa nang nakapikit at makipaghabulan sa pagtakbo ng buwan? Nasubukan mo na bang hipan ang ice cream bago kainin?
Kung hindi pa… malamang normal ka.
E ’yong magmahal ng taong manhid?
May tatlong uri ng tao na nakakalulong sa loob ng pag-ibig: a) nagmamahal; b) minamahal; at c) both a & b. Kung nagmamahal ka, dapat mong ipagpasalamat iyon kasi isa lang ang ibig sabihin niyan, normal ka. Hindi ka bato, hindi ka alien, at lalong hindi ka robot kasi may puso ka. Normal ang function ng hypothalamus gland mo.
Sabi nga nila, it is better to give than to receive. Kaya h’wag malungkot kung hindi ka mahal ng minamahal mo. Sa katwiran, mapalad ka dahil nagagawa mong mahalin ang taong hindi ka naman mahal. Maituturing na inborn talent iyon.
Pero, ngunit, subalit, datapwa’t, hindi porke mahal mo ay pag-aari mo na puso niya. Alamin mo ang kalalagyan mo sa buhay niya. Huwag kang masyadong mag-expect, h’wag bigyan ng kahulugan ang mga gestures niya dahil hindi ka dictionary.
Ugaliing idistansya ang puso mo sa kanya kahit na nakaka-fall naman talaga siya. Magsuot ka ng parachute para kung sakaling magka-aberya ang puso mo, hindi ka bumulusok paibaba.
Naka-jackpot ka naman kung kabilang ka sa grupo ng mga minamahal. Magbunyi! Isang napakalaking himala iyon. Akalain mong sa dinami-rami ng tao rito sa mundo, ikaw pa ang kanyang napusuan! Akalain mong sa kabila ng itsura at ugali mo nagawa ka pa rin niyang mahalin! Hindi ka naman mukhang artistahin, at lalong malayo kang maging model. Kumbaga sa coke, sakto lang. Walang labis, walang kulang. Kumbaga sa grade, 75% ka, pasado sa panlasa. Kaya pahalagahan mo habang mahal ka pa niya, baka bukas bigla siyang mauntog at matauhan e ’di farewell party na.
Masarap magmahal, pero mas masarap sa pakiramdam kapag mahal ka ng taong mahal mo. Kumbaga sa demand and supply function, may breakeven point. Ngunit kadalasan ang nangyayari, habang tumatagal, tumataas ang demand mo sa pagmamahal habang bumababa naman ang supply nito. Ang resulta, nasisira ang relasyon. Nagkakaroon ng shortage ng supply ng pagmamahal at surplus ng demand ng atensyon.
Maraming hatid ang social media. Sa panahon ngayon, mas nauuna pang nalalaman ni facebook na broken-hearted ka kesa sa nanay o mga kaibigan mo. Post ka kasi ng post, hindi ka naman kinakabitan ng kuryente. Feeling mo ba matutulungan ka ni facebook na mawala ang dinadaramdam mo? May gusto ka sa kaibigan mo pero sa facebook ka nagco-confess. Niloloko mo ang sarili mo kasi para mo na ring kinakausap ang pader.
Pag mahal mo, ipaalam mo sa kanya. H’wag kay facebook, h’wag sa mga kapit-bahay mo. Malay mo ’di ba? May gusto rin pala siya sa’yo. Natotorpe nga lang kasi masyado kang maganda sa paningin niya. Pero ano nga ba ang sagot sa kadalasang krisis ng magkakaibigan: ang friendzone?
Totoong hindi mo matuturuan ang puso. Kung nagkakagusto ka sa kaibigan mo nang hindi sinasadya, hindi mo kasalanan. Love is an accident, you can never predict. Kaya habang may pagkakataon ka pang sabihin sa kanya ang nararamdaman mo, sabihin mo na. H’wag matakot ma-friendzone, doon ka rin naman mapupunta kahit hindi mo sasabihin.
Tandaan: it’s better to try and fail than to never try at all. E ano naman kung hindi mutual ang feelings n’yo? Hindi mo naman ’yon ikamamatay.
Basic tips to confess your feelings:
-
Daanin mo sa pagkain. Gasgas man pero epektibo pa rin yung kasabihang, a way to man’s heart is through his stomach.
-
Maging feeling close sa pamilya niya. Makisipsip ka. Mas madaling mahulog ang lalaki pag nagkikita niyang magkasundo kayo ng pamilya niya, lalo na ng mga magulang niya.
-
Be mysterious. H’wag mong ipangalandakan na may gusto ka sa kanya. H’wag kang clingy, h’wag siya i-text o i-chat parati, nakakaumay ’yon. Be natural, pero kumilos ka nang patalikod.
-
Be patient. Kung kailangan niya ng kausap, be there. Kung hindi mo kayang ipagtapat sa kanya ang nararamdaman mo, i-text siya at magkunwaring na wrong send sa kanya ang mensaheng para sana sa isa mo pang kaibigan.
-
Kung dinedma niya ang confession mo, iiyak mo lang. Ilabas ang sipon at i-utot ang masamang hangin. Move on! No matter how hard it is.
Isipin mong ang pag-confess ay parang pagsali sa beauty pageant. You are only given a shot to win the crown. Kung successful ang confession mo, congratulations! Pero tandaan mo, magbi-break din kayo— kapag matanda na kayo at pareho kayong matsugi.
Kung epic fail naman ang confession mo, h’wag mong hayaan na malunod ka sa kalungkutan. Wala ka sa dagat. Linisin mo ang bahay n’yo, kiskisin ang toilet bowl sa banyo. Make your heartbreak productive. Magbasa ka ng Bible, puro kasi pag-ibig. Nand’yan si Lord, mas alam Niya ang paraan para gumaling ang sugat mo sa puso. Meditate and ponder in His words.
May iba naman na kahit ano pa ang gawin mong pagpapalakas ng kanilang loob ay matatakutin talaga. Takot na masaktan, takot na ma-reject– takot na ma-friendzone. Iba-iba naman kasi ang klase ng tao, mayroon talagang hindi vocal sa kanilang nararamdaman. People of this kind are meek and often tend to show their feelings through action.
Tips para maiwasang ma-friendzone:
-
H’wag mong i-sentro sa kanya ang atensyon mo. Get a life!
-
Kill your expectations. Isipin mo na lang, ganyan siya sa lahat ng mga babae.
-
Read more books. Kung kinakailangan, iwasan ang manood ng sine kasama siya.
-
Set your priorities. Palaging unahin ang mga goals mo sa buhay.
-
Iwasan ang pana ni kupido. H’wag mong gawing open-book sa kanya ang buhay mo. Always set limits. Makisalamuha ka sa iba, bilog ang mundo. Malay mo, nasa kabilang kanto lang pala nakatira ang destiny mo.
-
Eat nutritious food and get enough sleep. Mas makakapag-isip ka kung nasa kundisyon ang iyong katawan.
Maraming tips na kumakalat sa internet na makakatulong sa ’yo. Pero walang kabuluhan ang mga ito kung ikaw mismo hindi mo kayang disiplinahin ang iyong sarili. When you really need an expert advice, talk to yourself.
Romantic relationship is a union of two hearts sharing a common affection, where they label themseves, couple. Unless you commit yourself to a union, you remain a lover…
×××
A collaboration by:
|greatfairy & manrvinm|
©2017
He Speaks: Paano Mai-in Love Sa’yo ang Friend Mo?
by: manrvinm
Seriously???
Tinatanong mo ako kung paano mai-in love sa’yo ang kaibigan mo?
Ah, kasi in love ka na sa kanya. Ang problema hindi ka naman niya mahal. O kaibigan lang ang tingin niya sa iyo. Kaya desperado ka nang gumawa ng aksyon, sa ano mang paraan para ma-in love rin siya sa’yo.
Palakpakan na may kasamang sigawan!
Iba ka rin! Tigas ng mukha mo. Walang balak sumuko.
Ano? Kaya ka ganyan dahil sinabi kong dapat marunong tayong ipaglaban ang pagmamahal?
Oo naman, tama lang na ipaglaban ang pagmamahal. Ang tanong, mahal ka ba niya? Hindi naman, ’di ba?
Ipaglaban mo kung mahal ka. Pero kung hindi, huwag na. Ano pa ang ipaglalaban mo? Makuntento ka na lang sa kung ano ang puwede niyang ibigay. Huwag mong gawing miserable ang buhay mo, kuya. Ikaw lang ang ang masasaktan. Ikaw lang ang mahihirapan. Kaya hanggang maaga pa, kalimutan mo na kung ano man ang ipinaglalaban mo. Dahil wala naman ’yang magandang pupuntahan.
Ang kulit naman, eh! Sinabi nang move on na. Hindi ka niya gusto. Love is a two-way relationship. Hindi puwedeng one-way lang. Kaya matuto ka nang mag-U turn ngayon pa lang para hindi ka mapasok sa mas magulong sitwasyon.
There is a reason why you two are friends. Respect it! Let time do its course and go with the flow. Kung para kayo sa isa’t-isa, everything will fall into places. Gawin mo na lang ang lahat ng gusto mong gawin para sa kanya, para mapasaya siya. Huwag kang maghanap ng kapalit. After all, love is not about taking. It is about giving a part of yourself selflessly.
Aba, nalungkot?
Iba na ’to. In love ka nga talaga.
Sige, eto usapang matino. Bibigyan kita ng tips kung paano mai-in love sa’yo ang kaibigan mo pero hindi garantiya ito na magiging kayo in the end, ha? Kumbaga, palalakihin lang natin ang tsansa mong hindi ma-friendzone. Pero kung sa huli ay hindi mo pa rin siya mabingwit, huwag mo akong sisisihin.
Eto na kuya ang mga dapat mong gawin.
Bilang magkaibigan naman kayo, dapat alamin mo kung ano ba ang mga katangiang hinahanap niya sa isang lalaki. Mula sa itsura, pananamit, good grooming, ugali at hanggang sa iba pang katangiang posible niyang magustuhan sa isang lalaki, dapat alam mo lahat.
Kapag alam mo na, piliin mo ang mga katangiang meron ka na kasama sa mga posibleng magugustuhan niya. Pagkatapos, gawin mong visible sa kaibigan mo ang mga katangian mong iyon.
Halimbawang gusto ng kaibigan mo ng boyfriend na thoughtful, ano ang gagawin mo?
Dapat sa lahat ng oras, lalo na sa mga oras na magkasama kayo ay makita niya ang pagiging maalalahanin mo.
Hindi mo naman siya paaasahin o pasasakayin sa isang palabas. Gusto mo lang na makita niyang hindi niya kailangang tumingin sa malayo para mahanap ang kanyang ideal man.
Ikalawa, mahalin mo siya nang buo at wagas. Oo, alam natin na hindi ka niya mahal. Pero huwag kang huminto na mahalin siya hanggang wala pa naman siyang sinasagot na iba. Malay mo, biglang magbago ang ikot ng tadhana at biglang ma-realize niyang pogi ka pala at mahal na rin niya, eh ’di tapos ang problema mo. Mapatutunayan mo na totoo ang kasabihang, magpakahaba-haba man ang prusisyon, sa simbahan din ang tuloy.
Subalit kung may maging boyfriend na siyang iba, piliin mo na lang maging masaya para sa kanya. Huwag mo nang ipilit ang sarili mo dahil ikaw lang din ang magmumukhang tanga at kaawa-awa.
Next kuya, bakit hindi mo subukang maging malapit sa mga magulang niya at kapatid. Ang suwerte mo kung umpisa pa lang ay close ka na agad sa pamilya ng babaeng gusto mo. Magkaibigan naman kayo, kaya siguro naman ay hindi magiging mahirap sa’yo na gawin ito.
Ikaapat, maglaan ka ng oras at panahon sa kanya. Ipakita mong lagi kang nariyan para sa kanya. Patawanin mo siya sa mga oras ng kalungkutan niya. Damayan mo siya sa bawat problema. Ipadama mo sa kanya na puwede ka niyang iyakan. Hayaan mong gawin ka niyang balikat na masasandalan.
Ikalima at pinakamatindi, ligawan mo siya!
Ipaalam mo sa kanya na mahal mo siya at gusto mo siyang maging girlfriend. Sa gayon ay aakyat ang level mo from being a friend to being a suitor. Mas makakadiskarte ka rin nang maayos kung alam niya na nanliligaw ka, instead na friend na nagpapakita lang ng concern. Mas may edge ka pa nga kaysa sa ibang mga manliligaw niya dahil magkaibigan kayo at mas kilala mo siya kumpara sa kanila. Alam mo kung ano ang mga gusto at ayaw niya.
Kumbaga sa marathon, milya-milya na ang agwat mo sa mga kalaban. Mas may tsansang ikaw ang manalo sa takbuhan patungo sa puso ng babaing pare-pareho n’yong minamahal.
So, nagawa mo na. Ang tanong ngayon ay kung paano mo naman malalaman kung nai-in love na rin sa’yo ang kaibigan mo? In that way, maa-assess mo kung nagbunga ba ng maganda ang efforts mo.
-
Iba na siya kung tumingin. Kung madalas mo siyang nahuhuli na nakatingin sa’yo sa mga pagkakataong hindi ka nakatingin sa kanya, senyales iyon na may iba na siyang nararamdaman para sa’yo. Maging kung nahihiya na siyang makipagtitigan sa’yo samantalang dati naman ay balewala lang sa kanya na magtitigan kayo hanggang may mabuo ng muta sa mga mata n’yo, siguradong may pagtingin na siya sa’yo.
-
Kung gusto niyang makasama ka ng mas matagal, asahan mong nagbubunga na ng maganda ang mga nasimulan mo. Lalo na kung dati naman ay madalas na grupo kayong lumalakad, tapos ngayon ay mas gusto na niyang kayong dalawa na lang ang magkasama, hindi ilusyong mag-isip na lume-level up na ang pagtingin niya sa’yo.
-
Dati-rati, ang mga away at tampuhan n’yo ay parang away magkapatid lang. Ngunit ngayon ay napapansin mong para kayong magsyota kung mag-away. Kung ang mga argumentong pinagtatalunan ninyo ngayon ay hindi na katulad ng dati at mas naka-focus na sa mga issue na madalas pagtalunan ng isang “couple”, isang senyales ito na lumalalim na rin ang feelings n’ya para sa’yo.
-
Noon ay okay lang sa kanya na buhatin mo siya o hawakan mo ang kamay niya. Normal lang din dati sa inyo na magkasalong kumain sa isang plato magsubuan pa gamit ang iisang kutsara. Pero ngayon ay nahihiya na siya kapag gagawin n’yo ’yon. May awkwardness na siyang nararamdaman. Alam mo na kung bakit.
-
Napapansin mo ba na lagi ka niyang pinupuri ngayon? Kahit na sa mga maliliit na bagay lang na ginagawa mo, andiyan kaagad siya at may salubong na good words for your little actions. Ganoon na siya ka-appreciative sa mga ginagawa mo. Kasi unti-unti na siyang may nadaramang kakaiba para sa iyo.
Ayan, sana ay may nakuha kang kapaki-pakinabang na bagay sa mga sinabi ko. At wala na akong masasabi kundi goodluck sa buhay pag-ibig mo.
×××
A collaboration by:
|greatfairy & manrvinm|
©2017
She Talks: Paano Mai-in Love Sa’yo ang Friend Mo?
by greatfairy
×××
Ang pag-ibig parang ikaw, ang gulo.
Paano ma-in love sa ’yo ang friend mo? Simple lang, landiin mo. Kung gusto mo, habulin mo. Kung mahal mo, ipaglaban mo. HAPPINESS IS A CHOICE. H’wag kang duwag.
Sa digital age, hindi na uso ang pakipot. Hindi na uso kung sino ang unang dapat gumawa ng move sa pagliligawan. Hindi na usong maghintay na lamang ang babae kung kailan siya liligawan ng lalaki. Hindi na uso yung aakyat ang lalaki ng ligaw.
Oh well, hindi naman lahat, pero kadalasan iyon nga ang nangyayari ngayon. Nand’yan ang cellphone, p’wede siyang itext o tawagan. Nand’yan naman si viber, messenger, o skype para mag-chat o mag-video call. Hindi na rin uso ang hagdan ngayon kaya wala nang aakyat ng ligaw sa’yo. Siyempre nilikha ang mga ’yan para mapadali ang buhay. Batang 90’s ka kung naranasan mo lahat ng ito. Bakit mo pa pahihirapan ang sarili mo kung lahat ngayon ay nakukuha na sa instant? Bakit ka pa babyahe ng mahaba kung may short cut naman palang daan papuntang poreber mo? Ano pa’ng silbi na pinag-aaralan sa Mathematics ang Shortest Path Algorithm kung long-cut lang din pala ang gagamitin mo.
Kinukulong natin ang ating mga sarili sa tradisyon, sa paniniwala, o sa “standard” na ligawan stage.
Nakakalungkot na may masamang impression na nakukuha ang kasalukuyang henerasyon. Iba raw ang noon sa ngayon. Aba! Sa formula ng buhay, change is constant, and the other variables depend on oneself. Noon wala ka pang buhok sa kili-kili, ngayon ay may kagubatan ka na sa katawan mo. Noon mahiyain pa ang kaibigan mo, ngayon kasing kapal na ng encyclopedia ang kanyang mukha.
Bakit ba nila ikinukumpara ang noon sa ngayon? Marami namang nagkakatuluyan na magka-phone pal, nagkakilala sa chat, o textmate at iba pa.
Hindi naman mahalaga kung paano nagsimula ang isang relasyon. How the couple stands for each other in their relationship is what counts the most. Minsan may mga magkasintahan nga na walo o sampung taon nang magkarelasyon ngunit nagkakahiwalay pa. May magnobyo na ikakasal na bukas ngunit biglang umurong ang bride kasi nagbago ang isip. May mag-asawang lima na ang anak pero nagdi-divorce pa.
Walang makakapagsabi ng perpektong relasyon. In fact, an ideal relationship is the most flawed. Iyong tipong nagkandasugat-sugat na ang puso ng isa’t isa para ipaglaban ang relasyon pero nananatili pa ring matatag.
The difference between “dalagang Pilipina” and a “modern Filipina” is change. Sa panahon ngayon hindi na basehan ng pundasyon ng isang relasyon kung sino ang unang nagparamdam.
Ano nga ba ang mainam gawin para masungkit ang puso ng isang kaibigan? Minsan kasi lakas mantrip ni Kupido. Pinana ka na nga lang hindi pa tumagos sa kaibigan mo.
Hindi naman maiiwasan talaga na magkagusto sa isang kaibigan. Sa araw-araw mo ba naman siyang kasama. Pati bilang ng paghinga ng isa’t isa ay halos alam mo na. Masasandalan mo siya anumang oras, mauutangan sa oras ng kagipitan (which is practically true), at higit sa lahat, siya ang unang nakakaalam ng lahat-lahat ng whereabouts mo. Ang malala pa, pa-fall siya, lahat ng hinahanap mo sa isang tao ay nasa kanya na.
Kung may syota na ang kaibigan mo, move on ka na. Tanggapin ang iyong kasawian. Hindi siya para sa’yo. It’s either you wait for them to break up or you wait for someone to bump on you. Kung single siya, aba! H’wag ka nang mag-aksaya ng oras kung mahal mo nga talaga siya.
Pero hindi gano’n kadali. Dapat natural ang proseso ng pagkakahulog niya sa’yo. Hindi itinulak o pinikot. Ang mga sumusunod na steps ay maaaring makatulong sa ’yo.
Art of
Landi
With Poise:
Step 1.
Be a friend. Treat him plainly as a friend. H’wag kang magpakita ng motibo. Magmumukha kang malandi na may bangs.
Step 2.
Be accessible. Kung kailangan niya ng payong kaibigan, be there. Cry with him, laugh with him, and be with him when he needs you.
Step 3. Make him fall you. Be true to yourself. Mas na-appreciate ng lalaki ang babaeng walang paki sa sinasabi ng iba. May mga babaeng over conscious sa katawan. Iyong tipong halos kalkulado niya lahat ng kilos niya. Pilit na ngumingiti kaya nagmumukhang rabbit, at kalkuladong tawa ngunit sa kasamaang palad nagmumukhang ursula.
Step 4.
Be independent. H’wag kang pabebe. Halimbawa: H’wag mong ibigay sa kanya ang shoulder bag mo kapag nag-offer siya na siya ang magdadala. Magmumukha siyang alalay na bakla. Hindi iyon sukatan ng pagiging gentleman. Shoulder bags were designed for women. Always remember that! Hindi mo naman siguro ikamamatay ang magbitbit ng sarii mong bag.
Step 5.
Shape your own fashion. H’wag makiuso sa uso. H’wag magsuot sexy’ng damit kung hindi komportable. H’wag magsuot ng sobrang conservative kung hindi mo rin trip. Higit sa lahat, h’wag magsuot ng damit na kita ang iyong kaluluwa. Major turn off ’yon. SEDUCE HIS HEART, NOT HIS EYES.
Step 6. Explore his interests. May mga taong nag-e-enjoy na makasama ang taong pareho sila ng interes. Kung mahilig siya sa sports, alamin kung bakit. To summarize, be interested with his interests.
Step 7.
Never demand. Hindi ka niya girlfriend, kaibigan ka lang. Never demand for his time and attention. Know your limit, matuto kang lumugar sa lugar mo. Matulog sa loob ng banga kung kinakailangan.
Step 8. H’wag kang pa-fall. Kung mahal mo, panindigan mo. H’wag basain ang iyong sarili kung hindi ka rin lang maliligo.
Step 9. Respect his privacy. H’wag pakialaman ang cellphone niya kahit gaano pa kayo ka-close. H’wag siyang pilitin na magsabi ng kanyang sekreto kung ayaw niyang mag-share.
Step 10. Love unconditionally. Never expect him to reciprocate your feelings. Hindi kayo fraction. Kung kaibigan lang talaga ang turing niya sa’yo, tanggapin ng buong-buo. Cry now, move on later. H’wag ipilit ang ayaw. You’ll just get hurt in the end.
Kung effective ang mga steps na nabanggit, maglaan ng oras para mag-celebrate. Tumalon sa tuwa at sumayaw ng boduts. Ibalita sa buong barangay at magpapansit.
Ngunit kung sa kasamaang palad ay walang nangyari pagkatapos mong gawin ang lahat ng steps, isa lang ang ibig sabihin niyan, bato siya, kaya move on ka na. Marami pang lalaki sa mundo. Iniisip mong madaling sabihin pero mahirap gawin.
H’wag ka, madali lang mag-move on, sadyang tamad ka lang. Tamad kang alisin siya sa isip mo. Tamad kang mag-entertain ng ibang bagay, because you’re busy hurting inside. H’wag ka kasing tamad, kaya mabagal umusad ang ekonomiya ng Pinas.
Make yourself productive. Sabi nila, hindi natuturuan ang puso pero tandaan mong natututunan ang pagmamahal. Affection is a magic turned love. Hindi mo malalaman kung hindi mo susubukan. Walang profit kung walang investment.
×××
A collaboration by:
|greatfairy & manrvinm|
©2017
He Speaks: Bigti na, Friend!
by: manrvinm
Ayan na nga. Ginawa mo na lahat. Sinubukan mo na kahit ano. Kulang na lang kumain ka ng bubog at humiga sa apoy para makuha ang pag-ibig na gusto mo. Tapos, malalaman mong wala pa rin siyang nararamdamang sparks sa’yo. Ang sakit! Tagos sa nerves! Ginawa mo na nga ang lahat ng paraan para ma-in love sa’yo ang friend mo and yet, nganga ka pa rin? As in wala pa ring nararamdamang kilig sa’yo ang kaibigan mo. Hindi pa rin siya pinapana ni kupido. Ano na ang gagawin mo, kuya?
Bigti na, friend!
But when I say bigti, I don’t mean na magpakamatay ka talaga. Joke lang iyon. Huwag seryosohin. It’s a big NO! Although statistics shows na marami talaga ang nagpapakamatay, at mas marami ang lalaking nagpapakamatay kaysa sa mga babae.
Nakakalungkot lang na may mga tao talaga na hindi marunong mag-handle ng problema sa pag-ibig. Napakadaling sumuko. Napakadaling bumigay sa mga depresyon ng pagiging broken hearted. Para bang ang buhay niya ay nagsisimula at nagtatapos sa pag-ibig lang.
Letseng pag-ibig ’yan!
Napakarami nang nasiraan ng ulo dahil sa pag-ibig na ’yan.
Hindi na rin mabilang ang mga lumuha at halos mawalan na ng pag-asa.
At marami na rin ang kinitil ang sariling buhay… All because of love.
Iyong iba nga basta maisipan na lang mag-suicide, hala sige lang. Hindi man lang maging considerate sa ibang tao. Akala yata nila kapag namatay na sila, tapos na.
Oo, tapos na ang buhay at problema mo kapag nagpakamatay ka. Pero iyong mga taong iniwan mo rito sa mundo, binigyan mo ng sangkatutak na obligasyon.
Akala mo ba mura lang ang mamatay sa panahong ito? Hindi kaya!
Ang mahal ng kabaong.
Ang mahal ng serbisyo ng punerarya.
Eh, iyong mga ipapakain pa sa mga makikipaglamay.
Iyong pambayad pa sa pari para misahan ka bago ilibing.
Gastos pa sa pasiyam.
Pamisa ulit at handa sa forty days.
Lahat iyan, kargo ng mga taong iiwan mo sa earth kapag magpapakamatay ka!
Kaya hinding-hindi talaga kita papayuhan na magpakamatay.
Pero dahil matigas ang ulo mo at ipipilit mo pa rin ang iyong gusto, sana naman pumili ka na lang ng best month para magpakamatay.
Tinatanong mo kung mayroon bang best month para magpakamatay? Hindi ko rin alam. Pero puwede kong ilatag ang iba’t-ibang senaryo sa bawat buwan at pagkatapos ay ikaw na lang ang mag-decide kung aling month ang best for you. Basta sana lang, pumili ka ng buwan na hindi ka naman makakaabala sa ibang tao.
January
Ito ang buwan na katatapos lang ng Pasko at Bagong Taon. Kaya asahan mong walang pera ang mga tao sa buwan na ito. Gugustuhin mo ba na mamroblema nang husto ang mga mahal mo sa buhay kung saan dudukot ng panggastos para sa burol at libing mo? Baka ang ending pa niyan, ibalot ka na lang sa banig at ipaanod sa ilog.
February - Sa buwan na ito ipinagdiriwang ang araw ng mga puso. Nagkakaubusan ng bulaklak kapag buwan ng Pebrero, at dahil konti ang supply at mataas ang demand ng bulaklak, sobrang mahal ng presyo. Kaya kung magpapakamatay ka sa buwan na ito umasa kang walang magdadala ng bulaklak sa burol mo. Ang lungkot pa naman ng ambience kapag walang bulaklak sa burol. Gusto mo ba ng ganoon?
March
Buwan ng final exams at graduation ito. Busy ang mga tao. Panahon ito para magsaya kasi maraming magsisipagtapos sa kanilang pag-aaral. Let’s celebrate! Tapos ikaw, magpapakamatay? Huwag kang killjoy. I-cancel mo ang pagpapakamatay mo at dumalo ka na lang sa mga selebrasyon.
April
It’s summer time! Lahat ng tao kanya-kanyang gimik. Marami, nasa beach. Iyon namang iba, magtra-travel. Iyong iba pa, kung saan-saan naglalakwatsa. Kaya walang pupunta sa burol mo, nasa galaan ang mga tao. Tapos, semana santa pa. Paos ang mga tao dahil sa pagbabasa ng pasyon. Naku, walang iiyak at magdadasal sa burol mo kaya huwag kang magpakamatay sa buwan na ito.
May
Panahon ito ng fiesta. Halos araw-araw may fiesta. Time to eat and be merry. And then, manonood ng sagala. Tapos ikaw, nakaburol. Ang sagwa naman. Matuto kang makisama. Dahil kung papipiliin ang mga tao kung ano ang gustong puntahan, fiesta ba o lamayan, siyempre pipiliin nila ang fiesta dahil kasiyahan iyon.
June
Eto pa ang isang panahon ng gastusan. Enrolment period ito kasi pasukan na. Ang mahal pa naman ng tuition ngayon. Kaya huwag kang magpakamatay sa buwang ito. Isipin mo naman, dadagdag ka pa sa gastos. Eh, paano na lang kung estudyante ka tapos nakapag-enrol ka na at saka ka pa nagpakamatay? Sayang naman iyong ipinang-enrol mo. Hindi naman puwedeng i-refund iyon. Doble gastos tuloy.
July
Nutrition month! Ano ka ba naman? Habang abala ang lahat sa pagpo-promote ng tamang nutrisyon para manatiling malusog ang katawan, magpapakamatay ka naman. Huwag mo namang kontrahin ang mga programa para sa nutrition month.
August
Naku po! Panahon ng tag-ulan. Ngayon mo pa ba iisiping magpakamatay? Baka walang pumunta sa lamay mo, maputik ang daan. Nakakatamad umalis ng bahay kapag umuulan.
September
Panahon na naman ng mga bagyo. Ito iyong buwan na halos linggo-linggo ay may bagyo. Mas lalong walang pupunta para makipaglamay sa’yo dahil masama ang panahon. Tapos, sa libing mo puno ng tubig iyong hukay kung saan ihuhulog ang kabaong mo. Papasukin iyon ng tubig at siguradong magmumukha kang basang sisiw sa loob ng kabaong mo.
October - Semestral break na. Kanya-kanyang lakwatsa ang mga estudyante para makabawi sa stress sa pag-aaral sa nakalipas na semestre. Pati ang mga yaya sa Manila, umuuwi ng probinsiya para magbakasyon. Tapos ngayon ka pa magpapakamatay? Walang time pumunta sa burol mo ang mga tao dahil nakabakasyon sila. Kung may pupunta naman sa burol mo, baka iyong mga lasing lang na galing naman sa Octoberfest.
November
Naku, ito pa! Tatamarin makipaglamay sa’yo ang mga tao dahil katatapos lang ng araw ng mga patay. Kagagaling lang nila sa sementeryo, tapos pupunta na naman? Flop ang burol at libing mo kapag nagkataon.
December
Malapit na ang pasko. Busy ang lahat ng tao sa mga Christmas party sa school man o sa mga kompanya. Ito iyong buwan na masaya at nagdiriwang ang buong mundo. Ito rin iyong buwan na kaliwa’t kanan ay may mga paputok at fireworks, tapos matsutsugi ka? Ang pangit! Parang lalabas na ipinagdiriwang nila at tuwang-tuwa sila na namatay ka.
Kung titingnan, parang wala naman palang magandang buwan para magpakamatay. Kaya kung may plano ka mang gawin iyan, naku kalimutan mo na. Isipin mo na lang na napakaswerte mo na malakas ang katawan mo at wala kang iniindang sakit. Alalahanin mo iyong mga pasyente sa ospital na halos hindi na tumigil sa kadadasal na sana gumaling na sila, na sana humaba pa ang buhay nila. Gusto pa nilang mabuhay samantalang ikaw gusto nang mamatay. Anong kaartehan ’yan? Hindi ba dapat magpasalamat ka na lang na hanggang ngayon ay humihinga ka pa at makakasama mo pa ang iyong pamilya, mga kaibigan, at iba pang mga mahal mo sa buhay?
Mag-isip ka nga. Itabi mo muna ang pag-iinarte.
Masarap mabuhay!
×××
A collaboration by:
|greatfairy & manrvinm|
©2017
She Talks: Bigti na, Friend!
by: greatfairy
×××
Ang kapirasong tinapay ay hindi matatawag na burger pag walang patty sa loob. Ang patty ay hindi matatawag na burger kung hindi nakapaloob sa biniyak na kapirasong tinapay. Parang ikaw, wala ka ngayon sa mundo kung wala ang nanay at tatay mo.
Isang araw, natuwa si Lord. Naisipan niyang lumikha ng isang katulad mo sa mundo. Pero hindi naging madali ang lahat. Kinailangan Niyang pagtagpuin ang landas ng dalawang tao. Tinuruan Niya silang magmahal, masaktan, at magmahal ulit. Sinubok sila ng tadhana at tinangay ng panahon. Pero dahil mahal nila ang isa’t isa, hindi sila kumawala sa lubid ng kanilang damdamin. Kaya ka nalikha. Kaya ka humihinga at nakikita mo ngayon ang kagandahan ng mundo.
Paikot-ikot lang ang buhay. Ang lahat ay dumadaan sa pagkabata, pagdadalaga at pagbibinata, at pagtanda. Sa kasamaang palad, hindi lahat ay pinagpapala. Hindi lahat mayaman, hindi lahat guwapo at maganda, hindi lahat kumpleto ang bahagi ng katawan. Hindi lahat matalino sa Math, sa English, sa Science, at sa kung anu-ano pa.
Lahat tayo ay may kanya-kanyang kuwento. Sabi nga ni Charo Santos, ikaw ang bida sa iyong kuwento. Anuman ang katayuan mo sa buhay, mayaman ka man o mahirap, pangit ka man o maganda, hindi ka makakaligtas sa pangil ng pagsubok.
Pero pakatandaan na hindi ka nilikha ng Diyos para sayangin ang buhay na ipinahiram Niya sa ’yo. Hindi ka Niya binigyan ng problema nang walang dahilan.
Maraming problema sa mundo. Pero alam mo bang tao rin ang may likha ng mga ito? Problems were created out of man’s curiosity. Maraming katanungan ang tao sa kanyang isipan, at gusto niyang matugunan ang mga ito. Kaya nalikha ang Scientific Method. Kaya ka nakakagamit ng cellphone, kaya ka nakakapag-facebook ay dahil sa ideyang nabanggit.
Pero hindi lang mga scientists ang matatalino at curious. Hindi ba’t minsan mo na rin naitanong sa sarili mo kung bakit sa dinami-rami ng tao sa mundo ay ikaw pa ang binigyan ng ganyang problema? Minsan mo naitanong sa kawalan kung bakit ang unfair ng buhay.
Truth slaps. Life is never been fair. Kasi kung fair ang buhay, mawawalan ng saysay ang kahulugan nito.
H’wag mong problemahin kung hindi matangos ang ilong mo, buti nga nakakahinga ka eh. At h’wag mo ring problemahin kung hindi perfect vital statistics mo. Hindi naman ’yon requirement papuntang langit.
Ang lahat ng bagay na pagmamay-ari mo rito sa lupa, materyal man o talento, ay hindi mo madadala sa kabilang buhay. Kasi pag tsugi ka na, ililibing ka na lang sa ilalim ng lupa hanggang sa matunaw ang kahuli-hulihang buto mo sa katawan.
H’wag problemahin kung lahat ng problema ay na sa ’yo na. Tanggapin mong iyon talaga ang kapalaran mo. Iyon ang papel mo sa mundo.
Lahat ng problema ay may solusyon. Pero kung talagang masikip ’yang level of understanding mo, naku! Bigti na, friend!
Pero bago ka magbigti, alamin mo muna ang mga bagay na maiiwan mo.
Una, ang katawan mo. Hala ka! Hindi mo na maguguhitan ang kilay mo kasi nga multo ka na. Hindi mo na rin masusuot ang magaganda mong damit kasi nasa ilalim na ng lupa ang pinakamamahal mong katawan. Hindi mo na rin makakain ang mga paborito mong pagkain kasi hindi naman nagugutom ang isang multo.
Pangalawa, ang pamilya mo. Lalabas na wala kang utang loob. Hindi mo alam kung ilang beses umire ang nanay mo para maisilang ka lang. Dinamitan ka nila, pinakain at pinag-aral, pero magbibigti ka lang pala.
Pangatlo, ang mga kaibigan mo. Siguradong maiinggit ka sa kanila sakaling matsugi ka na kasi hindi ka na makakasama sa mga gimik. Hindi mo na rin sila makukuwentuhan tungkol sa love life mo. Hindi ka na makakasama sa group picture at kung anu-ano pang pakulo na ginagawa n’yo palagi.
Pang-apat, ang special someone mo. Tiyak na pag natsugi ka na, maniniwala ka na talagang may forever nga. Kasi hanggang tingin ka na lang forever. Hindi mo na siya mahahawakan, mayayakap o makakausap.
Panglima, ang buong mundo. Hindi mo na magagawa ang hobby mo. Hindi mo na rin makakamit ang mga pangarap mo no’ng bata ka pa. Hindi mo na rin ma-fulfill ang bucket list mo. Hindi ka na makakapag-status sa facebook. Hindi mo na rin matitikman ang biyaya kung matsugi kang virgin. Hindi mo na maikakalat ang lahi mo. Sayang!
On the other hand, okay na rin pala kung matsugi ka na kasi matatapos na ang paghihirap mo. Iyon nga lang, ang kaluluwa mo naman ang maghihirap. Ang lakas kasi ng loob mong kitilin ang buhay na ipinahiram lang sa ’yo. Natapos nga ang problema mo, pero nakagawa ka naman ng kasalanan.
Love is a choice. If you choose to entertain your feelings, you choose the possibility to get hurt as well. Hindi mo naman malalaman na nagmamahal ka kung hindi ka nasasaktan. Kasi ang pag-ibig parang combo meal, may iba’t ibang kaakibat.
Kung nagkataong hindi ka mahal ng mahal mo, hindi ka biktima ng pag-ibig. Biktima ka ng pagkakataon, kaya h’wag mong mumurahin si Kupido kung hindi niya napana ang taong mahal mo.
Huwag mong ipilit kung ayaw, hindi nililimos ang pagmamahal. Magmumukha kang pulubi. Pulubi sa pagmamahal. Bleh!
May ibang nakalaan para sa ’yo. Lawakan mo ang iyong mundo. H’wag kang bulag, maraming nagmamahal sa ’yo. Maging mapagmatyag, mapangahas, matanglawin.
Hindi lang ikaw ang may problema. Ang presidente nga pasan ang problema ng buong bansa. Maliban do’n may personal pa siyang mga problema. Kung sa tingin mo napakalaki ng problema mo, isipin mong napakalaki rin ng mundo. Hindi ka nag-iisa. May taong mas mabigat pa ang problema kesa sa ’yo.
Kaya h’wag mong problemahin ang problema. H’wag mong pasanin ang mundo kasi may sarili ’yang axis, kaya niyang umikot mag-isa. Feeling mo naman orbit ka na sa ’yo lang umiikot ang problema.
Huwag mong sisihin ang buhay. Hindi mo kasalanan na ipinanganak kang mahirap. Kasalanan mo kung mamamatay kang mahirap pa rin.
You are given a single chance to change the lifetime. Make it your best shot.
×××
A collaboration by:
|greatfairy & manrvinm|
©2017
Life and Lemons
Hay, Buhay! Parang Buhay!
Noong ipinanganak tayo sa mundo, hindi naman tayo pinapili kung gusto ba nating mabuhay o hindi. Basta na lang tayo isinilang at nang magkaisip ay nandito na tayo. Pati nga magulang natin ay wala rin tayong naging boses kung sino ang gusto nating maging tatay at nanay. Kung sino ang kinagisnan nating mga magulang, iyon na ’yon. Wala tayong choice but to embrace them.
Habang lumalaki tayo hanggang sa magkaroon ng sapat na pag-iisip, at saka lang tayo nagkakaroon ng karapatang magdesisyon para sa ating mga sarili. Iyong iba nga minamalas pa dahil hanggang sa pagtanda nila ay nananatili lang silang sunud-sunuran sa gusto ng iba (parents included).
Ngunit kahit na ang lahat ng kilos natin sa ating pagkabata ay nakadepende sa kung ano ang gusto ng mga taong nakapaligid sa atin, hindi maitatanggi na napakasarap pa ring maging bata. Iyong tipong wala kang iisipin kundi maglaro, kumain, mag-aral, matulog at sumunod sa mga utos ng mga nakatatanda sa’yo. Minsan talagang nakakasawa rin ang maging sunud-sunuran, pero ganoon talaga ang proseso. Kailangan mong sumunod. Puwede ka namang kumontra, pero kalaban mo ang buong mundo. Ikaw na ang magiging pinakawalang kuwentang anak sa paningin ng ibang tao.
Kasabay ng ating paglaki at unti-unting pagkakaroon ng sariling pag-iisip ay ang pagdating naman ng ating mga personal na problema. Nakaka-shock sa umpisa. Iisipin mo, may ganito pala? Parang, ako ba talaga ang dapat magresolba nito? ’Ma, ’Pa! Patulong naman. Oo, ganoon ’yon. Sa huli, hihingi at hihingi pa rin tayo ng tulong sa pamilya.
Habang nagkakaedad tayo, nagiging mas pabigat ng pabigat ang mga dumarating na problema. Minsan nga dumadating sa punto na parang ayaw mo nang mabuhay. Gusto mo nang sumuko. Iyong tipong bagsak na bagsak ka na, subsob na subsob pa. At ang nakakainis pa, may mga taong parang masaya pa na nasadlak ka sa ganoong sitwasyon. Mga tinamaan ng lintik! Sadista. Nagdiriwang habang nagdurusa ang iba!
Ganoon lang ang magiging ikot ng mundo para sa’yo. Malungkot ngayon, bukas masaya. Masuwerte bukas, sa kasunod na araw malas naman. Parang gulong na umiikot lang. Sabi nga, minsan nasa ibabaw, minsan nasa ilalim. Pero sana nga ganoon talaga ang pag-ikot ng gulong. Paano naman kasi, bakit may mga pagkakataong parang minsan nasa ibabaw, madalas nasa ilalim. At tila hindi pa nakuntento, huminto na sa pag-ikot ang gulong kung kaya naipit ka na sa ilalim. Hanggang gusto mo nang sumigaw ng “Ayoko nang mabuhay!!!”. Pero alam mo ba na ang pagdating ng mga problema sa buhay natin ay katulad ng pagsapit ng gabi pagkatapos ng isang buong araw? Sa simula ng gabi, papadilim pa lang. Tapos magiging madilim na talaga. Hanggang sa umabot sa puntong madilim na madilim na. Iyon bang sobrang kadiliman na ang bumabalot sa mundo. Ganoon din ang mga problema. Nag-uumpisa na parang kayang-kaya mo pa. Tapos biglang, teka mabigat na pala. At aabot na sa puntong halos bumagsak ka na sa bigat ng pinapasan mo sa iyong balikat. Pero tatandaan mo, sa bawat problemang dumarating at darating pa sa ating mga buhay, laban lang. Huwag na huwag susuko. Dahil katulad ng gabi, kung kailan madilim na madilim na, iyon ang oras na malapit nang sumikat ang araw. At sa pagdating ng isang bagong umaga, puwede ka nang mag-umpisa ulit na ngumiti. Puwede ka nang maging masayang muli at magsabing, “Hello, problem. Natalo kita!”.
Pero ang kaso, hindi naman kasi lahat ng tao ay marunong magdala ng problema. May mga taong likas na mahina. Likas na iyakin. Feeling nila, hindi nila kaya. Hindi pa nga nasusubukan sumusuko na kaagad. Makanti mo lang ng konti, pakiramdam nila aping-api na sila. Mapagsabihan mo lang (dahil iniisip mo ang kapakanan nila), feeling nila against na sa kanila ang buong mundo. Akala nila mag-isa na lang sila at walang kakampi. Kaya pagsuko ang unang-una nilang naiisip. Kung hindi man pagsuko, pagtakas sa problema ang kanilang ginagawa. Akala siguro nila, matatakasan ang problema. Hindi naman, ’di ba? Kasi ang problema, kung hindi mo mareresolba ay mananatiling andiyan lang. Hindi mawawala. Problema pa rin na maaaring magpasakit ng ulo mo sa darating na mga araw.
Totoong malupit ang mundo. Hindi ito para sa mga taong iyakin. Para ka mag-survive, kailangang matapang ka. Kailangang marunong kang sumagupa sa mga hamon ng buhay. Dapat kaya mong makipaglaro sa alon. Hindi dahil lang sa ayaw mo na ay ayaw mo na talaga. Oo, may free will ka at puwede mo itong gamitin anytime pero hindi ibig sabihin na malaya kang abusuhin ang free will na ’yan lalo na at ikaw rin ang maaapektuhan in a negative way sa maling paggamit mo ng iyong ipinagmamalaking free will.
Hindi ka dapat nagpapadalos-dalos sa pagdedesisyon. Mag-isip ka muna. Balansehin mong mabuti ang mga bagay-bagay. Isipin mo, hindi lang ang magiging epekto sa’yo ng magiging desisyon mo kung hindi ang magiging epekto nito sa mga taong nakapaligid sa’yo. No man is an island. Hindi ka nabubuhay para sa sarili mo lamang. Mag-isip ka. Mag-isip ka nang mabuti. At mag-isip ka nang tama.
Minsan, may nagtanong sa akin. Sabi niya, “Kuya, is it okay if I regret living?”
Natigilan ako. Of all people, hindi ko ini-expect na sa kanya pa manggagaling ang ganoong tanong. I know that person to be very religious and full of life. How come na maiisip niya ang ganoong klaseng tanong?
Sabi ko sa kanya, “It’s not okay. Life is a gift from God. Do you regret receiving the gift of life?”
“Of course not,” sagot niya. “Everytime na naaalala ko na life is a gift from God… No, no, no, no…”
“May times lang talaga when you’ll feel the emptiness,” pagpapatuloy ko. “Pero huwag mong gawing reason ’yung emptiness na iyon to regret living.”
“Yeah,” pagsang-ayon niya.
“Kailangan lang talaga nating ma-experience iyong mga ’di maganda para ma-appreciate natin kung ano ’yung maganda. How can you appreciate the beauty of life when you have not experienced struggle and all?”
“Grabe, kuya. Tagos!”
“Basta, kapag nabibigatan ka na, always talk to the Lord. Kahit asan ka, kahit anong oras pa ’yan…”
Sana lahat ng tao ay marunong magpahalaga, hindi lang sa buhay kung hindi pati na rin sa mga magagandang nangyayari sa buhay nila. Sa mundo na napakahirap mag-survive, suwerte na kung magkakaroon ka ng isang bagay na napakahirap makuha pero naabot mo nang mabilis at madali lang. You’re blessed.
Sana huwag mong sayangin ang blessing.
A Piece of Advice
Habang nandito ka sa mundo, marami ka pang haharaping mga karanasan. Asahan mo nang hindi lahat ng mga karanasang iyon ay magaganda. Marami roon ay mga pagsubok na kapag napagtagumpayan mo ay mas huhubog pa sa iyong pagkatao. Hindi madali ang mabuhay sa mundo. Mula pagkabata hanggang sa iyong pagtanda ay susubukin ng buhay ang iyong katatagan at pananalig sa Diyos. Kaya lagi mong tatandaan na ang pagsuko ang pinakahuling bagay na dapat mong gawin.
Lagi mong iisipin na hindi ka magwawagi kung bibitaw ka… kung aayaw ka sa laban. Hindi naman kasi mahalaga kung manalo ka man o matalo sa hamong ibinigay sa’yo ng buhay. Ang mas importante, hindi ka sumuko. Show the world that you are made of sterner stuff.
Life is a journey. Some may be long and smooth, others may be short and rocky. But it does not matter whether you have a long or short life. What matters is how you travel through life’s challenges and emerged victorious in the end.
In closing, allow me to thank you all for reading this short book of advice. Sana, in our own little way ay nakapagbigay kami sa inyo ng kahit konting kaalaman o wisdom na magagamit ninyo sa pang-araw-araw na buhay.
Next time na maka-encounter kayo ng mga problema, ngitian n’yo lang at pagkatapos ay tumingala kayo sa langit. Ipagpasa-Diyos n’yo na ang lahat ng problema dahil gaano man kalaki ang problemang iyong haharapin, mas malaki ang Diyos na sa’yo ay gagabay at tutulong sa paglutas ng mga suliranin mo sa buhay. That’s the secret on how to live a happy life… putting God at the center of it.
Announcement
Hello,
Ang Psicom Publishing, Inc. ay maglulunsad ng isang App ngayong September at isa ako sa mga naimbitahang magsulat para sa App na iyon.
Sana, mag-install kayo nung Psicom App at sana mag-download kayo ng mga kuwentong ipo-post ko doon.
Eto po ’yung book cover ng mga kuwentong ilalagay ko sa Psicom App.
Suportahan n’yo po sana ang mga kuwento ko sa Psicom App katulad ng pagsuporta ninyo sa akin dito sa Wattpad.
Hindi ko pa alam ’yong exact date ng launching nung App. I’ll just give you an update kapag ready na ang lahat.
Aasahan ko po kayo.
Maraming salamat!
Taong Mahal Mo o Taong Mahal Ka
Lagi nating naririnig ang tanong na ’yan sa mga question and answer portion sa mga beauty pageant sa barangay man o sa telebisyon. Minsan, itinatanong din iyan sa atin ng mga kaibigan nating walang magawa, nang-aasar lang. At madalas kong naririnig na sagot nila ay mas pipiliin nila iyong taong mahal nila.
Sadista rin, eh.
Hindi bale nang hindi sila mahal, basta mahal nila.
Tama ba iyon?
Hindi ba nila nakikita ang sarili nila bilang mga taong deserving din sa pagmamahal? Hindi ba nila naiisip na masarap din iyong sila naman ang mamahalin?
Siguro sasabihin nila, kasi nga kailangang pumili. Isa lang. Hindi puwedeng pareho.
Ang sasabihin ko naman, bakit ka pipili ng isa lang kung puwede namang makuha mo pareho? As a person, you should know your worth. And you should not settle for less. You are God’s beautiful creation deserving to love and be loved in return. Paano ka magmamahal kung hindi mo alam kung paano ang mahalin? Paano mo maipadarama ang tamang pagmamahal kung ikaw mismo ay hindi iyon naramdaman?
Huwag kang maging maramot sa sarili mo. Huwag mong pagkaitan ng pagmamahal ang iyong sarili. Deserve mo na mahalin din.
Kaya next time na may magtanong sa’yo kung alin ang pipiliin mo, iyong taong mahal mo o iyong taong mahal ka?
Dapat, huwag kang pipili alin man sa dalawa. Dahil dapat ang piliin mo ay iyong taong mahal mo… at mahal ka rin. Unfair na nga ang buhay, pati ba naman sa pag-ibig unfair pa rin?
Dapat hindi.
Single But Happy
Pero hindi naman lahat ng tao ay agad na nakatatagpo ng magiging katuwang nila sa buhay. Ang iba pa nga ay inaabot na ng pagtanda pero tila maramot sa kanila ang pana ni kupido. Ano nga ba ang dapat gawin kung parang forever single na yata sa mundo?
Maraming mga tao ang natatakot na tumandang mag-isa. Iyong iba nga, OA pa. Nasa twenties pa lang pero kung maka-react ’pag single, akala mo huling-huli na sila sa last trip. Hindi naman puro sadness lang ang dala ng pagiging single. Hindi naman porke mag-isa ka eh, kalungkutan na ang kasunod. Marami kang puwedeng gawin para ma-enjoy ang pagiging single at maging masaya habang hinihintay mong dumating ang taong nakatadhana para sa’yo. Pero kung nangangarag ka pa rin at naliligaw sa mga nangyayari sa paligid mo, heto na lang ang mga tip ko sa mga puwede mong gawin para naman manatili kang single but happy.
Una, hinding-hindi ka mag-iisa at hindi mo mararamdaman ang pagiging lonely kung mayroon kang pamilya. Spend more quality time with your family. Mag-bonding kayo ng mga magulang at mga kapatid mo. Samantalahin mong single ka para ma-enjoy mo ang company nila. Nakakahiya naman na naghahanap ka ng company ng iba, eh nandiyan naman ang pamilya mong mula umpisa ay kasama at karamay mo na. Show them your love. At makikita mong hindi naman pala malungkot ang maging single.
Second, get a pet. Mag-alaga ka ng tuta o pusa. Kung may pet ka, mayroon kang ibang pagkakaabalahan at hindi mo na maaalalang single ka pala at walang jowa. Kapag nag-alaga ka ng hayop, mas matututo kang mag-care sa iba at preparation na rin iyon para sa future relationships mo. Kumbaga, nagte-training ka kung paano magmahal at mag-alaga habang hindi pa dumadating iyong taong mamahalin at aalagaan mo.
Next, go on a shopping spree. Kung may trabaho ka naman at may pera, aba mag-enjoy ka at bilhin ang lahat ng gusto mo. Bumili ka ng damit at iba pang mga gamit. Ibili mo rin ang mga mahal mo sa buhay. Share your blessings to them para naman hindi lang ikaw ang magiging masaya, pati sila. Hindi ba ang sarap sa pakiramdam no’n? Kung kapos ka naman sa budget, puwede naman iyong mga little things lang. Hindi naman kailangang mahal ang mga bagay na bibilhin mo para sa’yo at sa mga mahal mo. It’s the thought that counts pa rin. Wala pa ring tatalo sa pagmamahal na kakabit ng mumunting regalo mo para sa kanila.
Mag-travel ka! Libutin mo ang buong mundo. Char! Hindi naman kailangang sa ibang bansa. Maganda ang Pilipinas. Dito ka magsimula sa sarili mong bansa. Huwag maging dayuhan sa sariling bayan. Kilalanin ang bansang iyong pinagmulan, at kung may extra budget ka pa at saka ka naman maglibot sa ibang mga bansa. Malay mo, sa pagtra-travel na ’yan ay makilala mo na ang taong mamahalin mo at makakasama mo sa habang buhay.
Fifth, watch a movie or television shows. Ang daming magagandang palabas sa sinehan ngayon at maging sa telebisyon. Kung ayaw mong lumabas at pumunta sa sinehan, puwede na rin namang manood ng sine sa telebisyon. Madalas, ang mga bagong pelikula ay ipinapalabas na rin kaagad sa cable after just few months. Kung ayaw mo naman ng pelikula, naglipana ang magagandang K-dramas at iba ang mga palabas sa Netflix at iWant kaya siguradong may isang papatok sa iyong pihikang panlasa. Ang kakulangan sa kilig dahil sa zero lovelife ay mapupunan ng kilig na dala ng mga romantikong palabas. Don’t worry, siguradong hindi ka naman maiinggit sa mga bida sa palabas dahil alam mo naman na may darating ding tao na magpapakilig sa’yo. Na-traffic lang siya siguro.
Have time with friends. Aside sa pamilya, masaya ring makipag-bonding sa mga kaibigan. Sila iyong mga taong hindi mo kadugo pero pamilya na rin ang turing mo. Sila iyong mga taong mas kilala ka pa kesa sa pagkakakilala sa’yo ng pamilya mo. Sila iyong mga taong kulang na lang ay maging karugtong ng bituka mo dahil sa sobrang closeness ninyo. It’s time to have a solid bonding with them at i-enjoy mo ang oras kasama sila. Dahil kapag nagkaroon ka na ng jowa, siguradong mababawasan na ang mga oras na makakasama mo sila. So, samantalahin mo na ang oras na single ka pa at free as a bird. Lumabas ka with friends and explore the world with them.
Pangpito, magpaganda ka! Tama, magpaganda ka! Baka naman kasi mukha kang tilapia kaya wala kang lovelife. Try to assess yourself. Huwag magpapaniwala sa mga nagsasabi sa’yo na maganda ka. Baka naman kasi binobola ka lang nila. Ikaw mismo ang dapat kumilos para masigurong maganda ka nga. Hindi ko na ipaliliwanag kung ano ang mga dapat mong gawin para maging maganda. Malaki ka na, dapat alam mo na iyon. Basta, make sure na at the end of the session, you will be a better version of yourself. Ganern!!!
Magpa-sexy ka! Pagkatapos mong magpaganda, it’s time to be sexy. Ang pangit naman na okay na ang itsura ng face mo pero hindi ka na magkasya sa pantalon mo. Time for Balik Alindog Program, hindi lang para maging sexy kung hindi para maging healthy. Para ito sa lahat, babae man o lalaki or kahit pa in between. Panahon na para sabay-sabay nating tunawin ang nag-uumbukang mga taba. Ibalik ang katawang malusog. Katawang ligtas sa mga kolesterol. Katawang magpapadagdag ng confidence mo para sa mas produktibong pamumuhay. Hindi ko naman sinasabing pangit tingnan ang mga matataba. Kailangan mo lang talagang maging health conscious para na rin may kakayahan kang maghintay sa pagdating ng inaasam mong kahati ng iyong puso.
Start a new hobby. Malungkot lang naman ang maging mag-isa kapag wala kang ginagawa or hindi ka occupied. Pero kung busy ka naman, wala kang panahon na mag-isip ng mga malulungkot na bagay. Wala kang panahong mag-emote kung bakit single ka pa. Kaya para mangyari iyan, mag-umpisa ka ng bagong hobby o anumang bagay na puwede mong paglibangan. Magsulat ka. Magpinta. Mag-aral magtanim ng mga bonzai plants. Mag-aral kang mag-bake. Kahit anong hobby pa ’yan. Ang mahalaga lang naman ay magkaroon ka ng ibang bagay na mapaglilibangan. Para hindi na nababagot sa bahay. Para hindi ka nalulungkot sa buhay. Lagi mong iisipin na sa bawat bagay na gagawin mo, puwedeng doon mo ma-encounter ang hinihintay mong pag-ibig. Puwedeng doon mo makilala ang taong makakasama mo habang buhay.
And lastly, indulge yourself into business. Mahirap ang buhay ngayon, mga ate’t kuya. Huwag puro lovelife ang iniisip. Dapat mayroon din kayong way para mag-survive habang ini-enjoy n’yo ang kaligayahang dulot sa inyo ng lovelife. Magnegosyo! Huwang basta makuntento sa trabahong mayroon kayo ngayon. Putting your money into business is a good investment. Basta piliin n’yo lang mabuti kung anong negosyo ang papasukin n’yo at siguruhing matututukan n’yo ang negosyong ito, walang dahilan para sumablay kayo. Gawin mo ito habang hinihintay mo ang pagdating ng iyong “the one”. Para kapag dumating na siya, puwede ka nang mag-concentrate sa pagiging masaya.

