Hearts Between The Lines (ON-GOING)
MixWithRed · 50 chapters · 203,265 words
Author’s Note:
Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
CHAPTER 1
Max
Pov
.
Nagising ako dahil sa isang malakas na hampas sa aking paanan. Agad naman akong napabangon para haplusin ang parteng ’yon na tila ba uminit dahil sa hapdi. Kahit hindi ko na tignan at lingunin kung sino ang gumawa, ay alam ko na agad kung sino ang salarin..
Sino pa ba? s’yempre ang bungangera at madiskarte kong nanay na never pumalya sa pag-aalaga sa’kin.
Matapos niya akong paluin ay tila armalite na rumatatat ang bibig niya. Ayan na naman po siya, ke-aga aga. Jusko!
“Ano? ha? wala kang plano gumising diyan? First day of class mo ngayon tas late ka? Ano, wala ka na bang pangarap? Hindi ka ba naaawa sa’kin, magkanda-kuba-kuba na ako sa pagta-trabaho sa palengke tapos ganyan ka pa––” Agad ko siyang pinutol dahil sa lakas, bilis at tinis ng pagsasalita niya. Kelan pa ba siya magbabago? Halos makabisado ko na yung linyang niyang ’yan, tsk!
“Ma, etoooo na!” pasigaw kong sagot dahil sa inis at natahimik siya. Tinitigan niya lamang ako hanggang sa pagbangon ko. Nakasimangot akong umalis sa higaan at hinablot ang twalya ko. Nasa ganoon pa rin siyang pwesto na’ng biglang sumagot siya..
“Mabuti. Oh siya, nakahanda na ang pagkain. Kumilos ka na at male-late ka na.” Aniya sa mas kalmado ng boses. Matapos no’n ay umalis na siya na tila ba walang nangyari. Napapikit at buntong-hininga pa ako. Si Mama talaga.
’
Nakakarindi
, ang aga aga.’
Kumilos naman na ako agad at hindi na pinansin at inisip pa ang nangyari. Inisip ko na lang habang naliligo ang mga p’wedeng mangyari ngayong first day of class. Ano kayang mangyayari ngayong araw? Napangiti pa ako sa isiping yon..
’ This is my last year na sa high school kaya naman dapat maging memorable ito.’
Pagkatapos kong maligo ay agad kong kinuha ang uniform ko sa aking aparador. Tinignan ko naman ito at bigla may kung anong pumasok sa isip ko.
“Kelan kaya ako makakapag-suot ng unipormeng pang-babae?” Tanong ko pa sa sarili. Matagal ko na rin pinag-iisipang mag-pills o hrt na tinatawag, kaso maliban sa wala akong pera ay takot din ako. Siguro sa tamang panahon at tamang oras. Magiging ako at matutukoy ko kung ano ba talaga ang gusto kong maging ako..
Iniwakli ko ang mga naiisip at sinimulan ng magbihis. Matapos no’n ay inayusan ko ang aking sarili sa harap ng salamin.
“Lip gloss, check! Sunscreen, check! Curler and mascara, check! and tight line? check!” Pakikipag-usap ko pa sa sarili ko sa salamin. Bago ako bumaba ay pinuri at kinindatan ko pa ang sarili ko. Pagtapos no’n ay bumaba na ako.
Agad kong nakita si Mama na may inaayos na kung ano sa lalagyanan ng mga plato. Nang mapansin niya ako ay tinignan niya pa ako mula ulo hanggang paa.
Tinaasan ko naman siya ng kilay sa ginawa niya bago tuluyang naupo sa lamesa.
“At kelan ka pa natutong magpa-GANDA?” aniya na diniinan pa ang salitang ganda. Nag roll eyes naman ako at saka siya sinagot. Always naman akong maganda ah, ngayon lang ba luminaw ang mga mata niya?
“Ma, hello? Nasa lahi natin ang pagiging maganda? so, why ask?” Tanong ko pa rito at agad naman siyang sumang-ayon.
“Oo nga pala ano, sorry naman anak. Pasensya na, ulyanin lang.” Aniya at pumeke pa ng tawa. Hindi ko naman na pinansin iyon at kumuha ako ng plato at sinimulan ng kumain.
Inaya ko naman kumain si Mama para sabay kami. Ngunit ang sabi niya ay kelangan na niyang pumunta ng palengke para magtinda, kaya hindi ko na siya pinilit pa.
Si Mama ay isang masipag at madiskarteng nanay. Kaya niyang gawin ang lahat para sa ikabubuhay namin. Si mama ay maagang na-byuda kaya kinailangan niyang kumayod para mabuhay kami. Isa siyang tindera sa palengke. Halos lahat na yata ng pwedeng itinda, itinitinda niya para lang may maipang-tustos sa akin este sa amin. Kung tatanungin ako. Hindi naman kami mahirap, ngunit hindi rin naman kami mayaman. Kami yung tipong sakto lang o nasa gitna lang kumbaga..
’Kaya sanay rin ako sa
pagbubunganga
ni Mama dahil nga sa
palengke
siya
nagtatrabaho
.’
Ang sabi ni Mama ang ikinamatay daw ng Papa ko ay diabetes. Ngunit, hindi gano’n ka pala-kwento si mama tungkol kay Papa. Madalas pa niya akong mapalo kapag tanong ako ng tanong noong maliit pa lamang ako. Ngunit nung lumaki ako ay tila naintindihan ko na siya at hindi na rin ako masyadong nagtatanong tungkol sa ganoong bagay.
’Siguro ay hindi pa rin siya
nakakalimot
at
nasasaktan
pa rin.’
Kahit sobrang interesado akong malaman ang kwento nila ni Papa ay hindi ko na lang itinatanong. Anyways, kuntento na ako at sapat na rin naman para sa’kin si Mama kahit parang paminsan-minsan ay pinapatay ako ng curiosity ko tungkol sa kwento nila..
Matapos kong kumain ay agad kong inilipit ang pinag-kainan ko at gumayak na para pumasok sa Imperial college.
Nakasimangot at bugnot pa akong dumating sa paaralan. Paano ba naman? May naka-sakay ako sa jeep na pinalamon ako ng buhok niya.. Kairita, grabe.
’Sarap
jombagin
,
nag-
almusal
naman ako. Di niya ko kelangan
pakainin
ng buhok niya. Ang cheap pa ng shampoo, ew..head and shoulders, charot!’
Ngunit bigla kong naalala na dapat maging memorable ang last year kong ito. Kaya naman nag-inhale exhale ako. Pinilit kong alisin ang bad vibes na nasa isipan ko.
Matapos no’n ay pumasok na ako upang hanapin ang aking room dahil ganito naman talaga ang eksena kada first day of class, kaya sanay na ako. Sana kung may hanap room may hanap jowa rin, eme. Besides, may tamang oras para do’n, diba?
Napakalaki at bongga talaga ng skwelahang ito. Kahit na sobrang tagal ko na rito sa Imperial College ay hindi pa rin nababago ang pagka-mangha ko rito. Masyadong nakakalula sa ganda. Isa kase itong sikat na school sa London at ang taray diba? may branch na sa pilipinas. Kung nagtataka kayo paano ako nakapasok rito, mamatay kayo kakaisip, charot. S’yempre.. kahit papa’no, naisasalba naman ako ng mga organizations kong sinalihan kaya medyo abot-kaya na ang tuition fee. Hindi man ako gano’n katalino ay talented naman ako, kahit hindi obvious, charot.
Habang naglalakad at nagtitingin-tingin sa list sa kada pintuan ng classroom ay may malakas at pamilyar na boses akong narinig.
“Bestieeeeeeeeee!” Sigaw niya at agad akong lumingon..
Naglakad naman siya papalapit sa akin at talaga namang litaw na litaw ang ganda ng bestie ko. Halos hindi rin magkamayaw sa sigawan ang estudyante na nasa paligid dahil isa nga naman siyang sikat din na model. Palibhasa ay half korean. Habang naglalakad siya ay para bang nasa palabas lang, yung tipong ang ganda ng lakad at pina-slow motion pa. Napakalambot din ng talbog ng kulot niyang buhok na para bang advertiser ng shampoo? Naka pantene ’yan? charot.
“Uyyyyy!” Tugon ko nang makalapit siya at umatras pa siya para tignan ang kabuuan ko. Nag-angat siya ng tingin at tinaasan ako ng kilay.
“Bestiee? kelan ka pa natuto magpa-ganda? You’re so gorgeous!” Aniya sa oa na pamamaraan at natawa naman ako sa kaniya. Kelan pa ba ako hindi naging maganda? charot.
“Ang oa mo bestie, natural ’yan walang halong kemikal.” Aniya ko pa sa kaniya. Ngumiti naman siya na animong kinikilig sa ganda ko. Sorry ka, sis. Di tayo talo, eme.
“Aba’y teka, ba’t andito ka? Di mo pa ba nahanap ang room mo?” Tanong ko pa sa kaniya. Hindi ko na rin namang inaasahan magiging kaklase ko pa siya ulit. Well, she has beauty and brain. Walang palag ang kagaya kong ganda lang ang meron, charot.
“What do you mean? Just for you to know. I’m really looking for you kaya, kase we’re classmates again. Eto talaga yung panalangin ko, e.” Mahabang kuda pa niya at iningles pa ako. Nagulat ako ngunit ng makabawi ay ngumiti ako dahil natutuwa at nakakagulat talaga na classmates pa rin kami ng bestie ko. Ayaw talaga kami paghiwalayin ng tadhana, eme.
“Edi anong section pala tayo?” Tanong ko pa habang sinimulan na naming maglakad papunta sa classroom namin. Hindi pa rin magka-mayaw na magpapansin ang mga lalaki na nasa paligid sa kaniya ngunit hindi na lang namin pinansin pa.
“Duh, isn’t it obvious ba? Ofcourse, we’re on the star section. The section above all sections.” Oa pa niyang sabi at inirapan ko naman siya ng pabiro. Above all section??
“Anong the section above all sections? Nakashabu ka, te?” Pabirong tanong ko pa rito at tinaasan n’ya naman ako ng kilay.
“What’s nakashabu? Like, when I hear it. It’s so gros––” Aniya na agad kong pinutol. Aba
,
maka-ingles
wagas
.
“Magtigil ka nga sa mga ingles mo bestie, ke aga-aga.” Inis kunwaring sambit ko at tumawa naman siya.
‘Abnormal’
Nagpatuloy pa rin ang asaran naming dalawa hanggang sa marating na nga namin ang classroom namin. Nagtinginan pa ang iba naming kaklase sa’min na tila ba nakakita sila ng multo pagpasok namin. Bakas ang gulat at excitement sa mga mukha nila, siguro ay first time nila magiging classmate si Shin dahil hindi ko rin halos kilala ang mga tao sa classroom na ito. Hindi kase uso pansinan dito, s’yempre maliban sa snob ako e ayoko sila kausap, charot. S’yempre nasa school ako ng elites kaya dapat makibagay ako. Dapat kong gawin ang ginagawa nila except sa pagiging sosyal, masyadong mahal. charot.
Nilibot ko pa ang mga paningin ko at halos lumuwa ang mata ko at tila huminto rin ang pag-ikot ng mundo ko. Totoo ba ’to o nanaginip lang ako? Jusme kung panaginip ito, pakigising ako, please lang!! Ang gwapo niya, chupapi talaga!!
Napansin din yata ni Shin kung saan ako nakatingin at alam n’ya na rin ’yata ang dahilan kung ba’t ako natulala..
“O…to the…M..to the..G” Aniya pa habang ako ay nakatingin pa rin sa isang lalaking ubod ng gwapo at yummyness.
‘Please, can someone take me? to his heart? eme.’
Nakita ko lang naman ang ultimate man of my dreams ng buhay ko. Ang lalaking bumihag ng puso ko ilang taon na ang nakakalipas. Ang lalaking pinagpala sa lahat, mula sa malalaki at magandang hubog ng biceps. sa yummyness na abs at sa pang-modelo at mala-anghel na mukha. Ang lalaking malayang nakatira sa puso ko nang walang rental fee, chos.
’
Pengeng
kanin
dali!’
Naputol ang pagpapantasya ko nang malakas akong tapikin ni Shin.
“Bakla, kalmahan mo. Baka matunaw si Harry,” aniya pa at nang makabawi ako ay napayuko ako dahil nakatingin na rin sa gawi namin si Harry.
’Nakakahiya, ano bang
pinag-gagawa
ko?’
Talagang nanatili akong nakayuko at narealize na dapat pinigilan ko yung gano’ng eksena dahil pag nabuking ako. For sure, iiwasan niya ako. S’yempre hindi ’yon p’wede, mawawalan ako ng buhay.
Naupo na ako at hindi na masyadong umimik. Kinuha ko ang mini diary ko at doon nagsulat ng kung ano-ano.
Kinakausap naman ako ni Shin pero hindi ko siya masyadong sinasagot dahil abala ako sa pagsusulat sa mini diary ko. Hindi naman siya actual na diary, dito ko lang talaga sinusulat yung mga thoughts o mga naiisip kong isulat.
Binasa ko pang muli ang mga naisulat ko at napakagat-labi ako upang pigilan ang pag-ngiti ko..
‘Hi, Harry, ang gwapo mo pero sana, akin ka.’
’Sleeping is the most awesome thing to do, Harry. Especially, when my dreams are all
’bout
you.’
’Hi, Harry. Sana ayos lang sayo na
malusaw
ka.
Matitigan
lang kita nang matagal.’
‘By the way, I just wanted to say sorry. For falling for you this hard. I mean it’s inevitable cause you’re really attractive. I also wish that you were mine.’
Mabilis na lumipas ang oras at ilang profs na rin ang pumasok sa aming classroom. May isang teacher na kj at nagturo agad ket first day pa pero kiber. Masyadong sinipag pero baka ngayon lang ’yan, charot.
Ngayon ay break time na, kaya naman nasa canteen kami ni Shin at kumakain ng ensaymada. Maya-maya pa ay biglang dumaan si Harry at umupo sa isang banda kasama ang friends niya.
Napatitig na naman ako sa kaniya. At halos parang nasa pelikula na naman ako, dahil nagslow motion na naman siya sa paningin ko. Yung mga ngiti niyang napakatamis at nakamamatay kung tignan, jusko mamamatay ako sa kilig neto, e. Yung buhok niyang kada galaw niya ay sumusunod at gumagalaw. Sanaol bouncy, naka-pantene ’yan? Yung mga bilugan at asul niyang mata na para bang lalamunin ka pag nakatitigan mo. At ang ilong at labi niya ring halos perpekto ang kurba at pagkakahulma. Yung totoo? favorite ba ’to ni Papa G?
“Ayshooooo, busog na busog na naman ang baklussssh!” Pang-aasar pa ni Shin at inismiran ako nang mapansin niya kung sinong tinitignan ko. Natawa naman ako at hinampas siya ng mahina.
“Ano ba! e, sa ang gwapo talaga niya. Full package na kung susumahin, tas with freebies pa,” aniya ko at nawala naman ang ngiti ko nang may umupo sa isang bakanteng upuan at naharangan niya sa paningin ko si Harry.
Agad na tinignan at pinasaadan ko ng tingin ang lalaking ito. At base sa suot niya at postura ay hindi siya estudyante. Sinubukan ko pang lingunin at tingnan si Harry ngunit matangkad ang lalaking ito kaya naman nabigo ako. Nagulat pa ako nang lumingon siya sa gawi ko habang ginagawa ko ’yon. Halos mairita naman ako sa reaksyon na nasa mukha niya. Akala niya siguro gwapo siya sa pa-pouty lips n’ya na ’yon. Well, gwapo naman kahit papaano, pero mas gwapo ang baby Harry ko.
Tinigilan ko na lang ang paglingon kay Harry at kinausap na lang si Shin na abala sa pagbabasa ng libro habang nilalantakan ang ensaymada.
“Shin, bagong teacher ba ’yang naka-upo sa bandang likuran mo?” Curious na tanong ko at lumingon naman siya sa bandang likuran niya at saka takang tinignan ako..
“Saan?” Tanong pa niya kaya nilingon ko ang gawi nito at saka inginuso.
“Sa gawi nila Harry. Ayan oh, si Mr. Pouty lips.” Aniya ko pa kaya nilingon niya ito para tignan.
“Ay, ayan? I don’t know, e. Baka, siguro, maybe, ewan?” Aniya pa at nagkibit balikat.
Tinignan ko pa itong muli at talagang nagsalubong ang kilay ko dahil sa kaniya. Kairita naman ’to..andami namang bakanteng lamesa, diyan pa umupo. Di ko tuloy halos makita si Harry.
Napanguso ako ng bahagya sa isiping ’yon ngunit nanlaki ang mata ko sa tanong ni Shin.
“Bakit mo natanong pala? Bet mo ba ’yan?” Aniya pa at halos masigawan ko siya sa inis at dahil na rin sa hindi ko inaasahan ang tanong niya.
“What the heck! di ko magiging crush ’yan at never akong magka-crush diyan.” Malakas na sagot ko pa habang paulit-ulit na nagro-roll eyes. Gago ba siya, e si Harry lang laman ng puso ko, e.
“Ang defensive ah, wala namang pumipilit sa’yo bestie.” Aniya at napagtanto ko rin ang sagot ko. Oo nga no? aba’y basta kasi..
’
Masyado
kasing defensive e, kaya ket walang ibig sabihin, parang meron tuloy.’
Maya maya pa ay mabilis na lumipas ang oras at kinailangan na naming bumalik sa classroom dahil baka nandoon na rin ang prof namin para sa oras na ’yon..
Pagbalik namin ay agad naming narinig ang bulungan na math subject daw ang susunod, kaya naman prente kaming naupo ni Shin sa aming upuan at naghintay sa teacher. Kahit ayoko ng math, as if may choice ako? diba? charot.
Tabi kami ni Shin sa upuan kaya halos indi rin kami mahinto sa pag-uusap. Di kagaya ng tipikal na estudyante e nasa likod talaga kami madalas nauupo ni Shin. Less interactions with teachers kase pag gano’n at saka may kalayaan kaming magkausap at magdaldalan kapag boring ang nagtuturo sa harapan. Yan ang ipinagbabawal na technique, public schools can relate, charot!
Halos manlaki naman ang mata ko nang ang makita kong pumasok ay ang lalaking nakita ko kanina sa canteen. Pagpasok niya ay mabilis pa sa hangin niyang inilagay ang gamit niya sa teacher’s table. Sabi ko na, e. teacher talaga ’to, e. Pero bakit siya pa ang teacher namin? tsk.
Inilibot pa niya ang mata niya habang nakatayo sa harap. Bigla ko pang naalala ang nangyari sa canteen kaya yumuko ako ng bahagya dahil sa kahihiyan.
’Paano kung napansin niya ako kanina at
inakala
niyang siya ang
tinitignan
ko?
Kainin
na sana ako ng
lupa
ngayon’
Halos manlaki ang mata ko nang huminto ang pag lingon-lingon niyang iyon sa akin at nagka eye to eye contact pa kami. Agad naman akong bumitiw sa tinginang ’yon at lumingon agad sa kung saan. Tumingin lamang akong muli nang magsalita na siya para bumati..
“Good morning everyone.” Aniya at agad naman namin siyang binati pabalik.
“Good morning, Sir.” Sambit naming lahat at agad naman niya kaming pinaupo bago magsalita..
“Btw, I’m Mr. Mirrem Cedric Dalton. Also, for clarifications students. I will be the adviser of this class pala and I will be handling math subject. So, para makilala ko kayo at makapagsimula na tayo. I want you to introduce yourself one by one.” Aniya pa at halos kabahan naman ako.
Hindi ko alam pero sa subject lang na ’to ako kinabahan. Huminga naman muna ako ng malamin habang nakayuko dahil umiiwas ako sa eye contact, at nagsalita siya.
“Starting with you, cutie with a curly hair at the back.” Aniya at nag-angat tingin naman ako at nakatingin naman na sa akin ang lahat.
“Cutie daw, sabi ni Sir.” Pang-aasar pa ni Shin at pinangdilatan ko naman siya ng mata bago tuluyang tumayo at nagpakilala..
Pagtayo ko ay tumikhim naman muna ako bago nagsalita..
“I’m Max Ethan Garcia, 19 years old. You can call me, Max.” Pagpapakilala ko at matapos no’n ay naghintay akong paupuin n’ya ako. Ngunit hindi niya ’yon ginawa, bagkus ay ngumiti siya habang nakatingin sa akin at saka nagsalita.
“Alam n’yo students, he reminds me of someone.” Biglang sabi pa niya at taka naman akong tumingin rito. E? baliw.
‘Huh, ano daw?’
Dinumog naman siya ng iilang tanong at nangingibabaw pa ang boses ni Shin, habang ako ay kunot pa rin ang noo. Ang feeling close naman agad ng mga classmates na ’to. First day na first day, tsk.
’Abnormal talagang bestfriend ‘to.’
“He reminds me of Doc Mcstuffins, Do you know that?” Tanong pa niya at nabalot naman ng hagikgikan ang bawat sulok ng silid sa biro niyang ’yon. Aba’y gago!
’Nakakatawa ba ‘yon, sir?’
“Wow, nakakatawa ’yon?!” Inis pa kunwaring tanong ko gamit ang baklang-baklang boses ko. Tumawa pa sila at agad naman sumagot si Sir. Antipatiko pouty lips.
’At
napagka-isahan
ka pa nga sa first day, sobrang memorable, sobra’
“Why mad? Doc Mcstuffin is cute naman? She’s a baby doctor that fix toys right? So, it means you look like a baby….You’re the baby of this class…and you’re my baby….Kidding aside, you’re cute and pretty… sit down, next.” Aniya pa at tulala naman akong naupo dahil nag-echo ang sinabi n’yang ’yon sa tenga ko.
’you’re
my baby..’
’you’re
my baby..’
’you’re
my baby..’
’Loko ba siya?
Pinagsasabi
no’n?’
Tapos na rin magpakilala si Shin kaya naman halos asarin niya ako ng paupuin na siya.
“Hoy, baby daw oh!” Aniya at tumawa at hinampas pa ako. Grabe naman talagang matuwa, may paghampas pa.
“Ano ba?” angil ko kunwari. Pero ang totoo, iniisip ko talaga yung sinabi ni Sir. May pinapahiwatig ba siya? Lakas ng trip, parang tangeks.
“Yieee, kinikilig ka ’no?” Pang-aasar pa niya at bakas na bakas ang saya sa mukha niya. Isa pa to, makokotongan ko ’to, lakas din mang-asar.
“Luh? Ba’t naman ako kikiligin? si ano yung crush ko, e.” Ani ko at biglang ngumiti dahil biglang lumitaw sa isipan ko si Harry. Ang gwapo talaga niya, hihi.
“Ang defensive mo! pero sige,” aniya at tumawang muli at tumingin na sa nagpapa-kilala.
Napatingin ako sa puno sa labas mula sa bintana. Ang kalmado at ang lamig ng panahon ngayon ket pa-tanghali na. Mamaya lang din ay uwian na, makakapag binge-listening na ulit ako sa sistar saka sa girl’s generation. Touch my body! body!
Habang nasa ganoong posisyon ako at nagmumuni-muni ay hindi ko namalayang tapos na pala sila at tinatawag pala ako ni Sir. Papansin
amp.
“Huy!” pagtapik sa akin ni Shin at agad ko naman siyang nilingon.
“Bakit?” patanong na tugon ko sa kaniya, nilingon ko naman siya at inginuso niya si Sir.
Agad na napatingin ako rito at agad din naman akong yumuko at humingi ng paumanhin.
“Sorry, sir.” Ani ko pa at nag-angat tingin sa kaniya matapos no’n. Kung ano-ano kasing iniisip ko, e.
“Anong meron sa labas ng bintana?” Tanong pa niya at tila nilingon din ang tinitignan ko. Eh?
abnoy
.
“Wala, sir.” Tugon ko pa rito at iniwasan ang eye contact dahil parang may kuryenteng dumadaloy pag nagtatama ang paningin namin.
“Please pay attention, okay? hindi porke’t ‘baby’ ka namin, magpapasaway ka na,” aniya sa kalmado at malumanay na boses. May mga impit pa akong naririnig na tila ba kinikilig ngunit hindi ko na ’yon pinansin dahil alam kong namumula ako dulot ng pagka-pahiya. Hindi naman ako pinahiya pero nahihiya ako, syempre!
Narinig ko rin si Shin na tila ba nagpipigil ng kilig kaya hinampas ko siya ng walang lingunan.
‘Ang saya- saya, grabe!’
Hindi na ako umimik hanggang sa matapos ang subject niya at ang sumunod na subject.
Matapos no’n ay uwian na kaya naman nagpaalam na ako kay Shin na uuwi na ako. Nag-offer pa siyang mag milktea raw kami at libre niya ngunit tumanggi ako dahil gusto ko talagang magpahinga at mag-recharge. Naubos yata ang lakas ko sa kahihiyan at pagiging hotseat ko ngayong araw…
CHAPTER 2
Max
Pov
.
Ngayong araw ay maaga akong nagising kaya hindi ko narinig ang pagbubunganga at litanya ng nanay ko. Bago pa ako tuluyang maka-ligo ay binigyan niya na ako ng baon dahil siya raw ay mauuna nang umalis..
Pina-alalahanan at binilinan niya pa ako ng kung ano-ano at lahat nang ’yon ay tamad kong tinanguan.
Matapos kong maligo ay dating gawi. Nag-ayos ako ng bahagya sa harap ng aking salamin at matapos no’n ay bumaba na ako para kumain. May inihanda na rin namang pagkain si Mama sa lamesa kaya hindi ko na kinailangan pang magluto.
Habang kumakain ay tila parang palabas sa telebisyon na nag-play ang nangyari kahapon at muli na namang nag-echo ang sinabi ni Sir.
‘You’re my baby’
’You’re cute and
pretty’
“Baliw yata siya?” Pagkausap ko pa sa sarili ko na para bang sasagutin ako neto.
’
Lalagnatin
‘yata ako sa’yo sir.’
May paraan ba naman kaya para maiwasan ko siya? S’yempre wala. Teacher ko siya, e. Not unless, maka-graduate na ako. Sana naman hindi na maulit yung pangt-trip niya na ’yon diba? sana lang talaga!
‘Manifesting’
Pumikit pa ako na parang nagriritwal at humihiling na sana ay hindi na muling maulit ang nangyari kahapon.
Matapos kong kumilos ay agad na akong sumakay ng Jeep para makapasok..
Pagka-sakay ko, kamalas-malasang inabutan ako ng traffic. Buti na lang ay sobrang aga pa.. or else, late ako neto sa klase.
Habang nasa sasakyan ay may nakasakay pa akong babae na parang halos may kaaway sa telepono.
“E, wala naman kasing nagsabi sa’yo na hanapin mo’ko. Tumigil ka na. Ayoko na,” sambit ng babaeng katabi ko na may kausap sa telepono.
Hindi ko naman naririnig ang sagot ng nasa telepono pero base sa mga sinasabi at isinasagot netong babaeng ito, ay nakikipaghiwalay na siya sa katawagan niya. Ke aga-aga lq.
‘Pag-ibig nga naman.’
Buti na lang talaga ay nalusutan ni Manong tsuper ang heavy na traffic ng kalsada at narating ko ang eskwelahan ng maaga. Wala pa namang masyadong students kaya naman agad kong ipinakita ang I.D ko kay Manong Guard at agarang pumasok.
Habang naglalakad papuntang silid ay agad kong nakita sa malayo ang anghel ng buhay ko. Ang siyang nagpapatibok ng mamon kong puso. Ang lalaking bumihag sa puso ni Ariana Grande. Ang lalaking nagpa-ibig kay Mariah Carey. Si Harry..
Talagang napakagwapo niya ngayong umaga, yung buhok niyang nalilipad ng mumunting hangin at ang ngiti niyang nagpapakilig sa puso ko. Napansin ko rin na sobrang iba ang charisma ng dating niya ngayong umaga at may mga kasama pa siyang may dala-dalang kung ano-ano. Agad naman akong napa-isip kung anong meron. May photoshoot kaya? Baka siguro ay siya na naman ang model para sa school magazine at para sa tarpaulin? Well, wala naman nang bago ro’n.
“I’m so proud of you, te amo.” Bulong ko pa sa hangin na para bang maririnig ako neto. Naglakad naman na sila palayo at maglalakad na rin sana ako, nang may marinig akong pamilyar na boses na hinihiling ko na sana ay di ko narinig.
“Hey..‘baby’” Aniya pa at inemphasized pa talaga ang word na baby or guni-guni ko lang? pero hindi, e.
Nilingon ko naman siya, hindi ko alam pero nasa mood ako sagutin siya ng pabalang. ni hindi na ako nag-greet. Feeling close ka diba? deserve mo ’yan..
“Hmm, oh?” tugon ko pa at nagpatuloy sa paglalakad at sumusunod lang siya..
“Hmm, bad mood?” Natatawang biro pa niya habang maraming dalang paper bag ng mga mamahalin na brands.
’ Ano
naman kayang laman ng mga
paperbag
na ‘yan?’
“Makita ko ba naman yung mukha mo sir, e.” Pabiro ko ring sagot na para bang magkaibigan lang kami. Na-guilty naman ako ng bahagya dahil never naman ako naging ganito sa harap ng teacher. Sa kaniya lang talaga. E, paano? Nakaka-bwiset.
“Ano bang meron sa mukha ko? Gwapo ba masyado?” Aniya pa at doon ako nagkaroon nang lakas ng loob na tignan siya. Binigyan ko siya ng tingin na animo’y hindi makapaniwala. Ano bang pinakain rito at nasobrahan sa kahanginan? Jusko.
“Chill sir, baka tangayin ka ng hangin sa kahanginan mo.” ani ko pa at ngumisi. Nag-umuna akong lumakad para sana pumunta na sa classroom at magbasa ng pocketbook kaso muli niya akong tinawag.
“Hey, wait!” Aniya at nilingon ko naman siya. Nahalata ko agad na hirap siya sa dala niya at alam ko na ang gusto niyang mangyari base sa itsura niya.
“Please!” Aniya at pumeke pa ng ngiti. Bagot na lumapit naman ako sa kaniya at kinuha ang iba niyang dala.
“Thanks” Dagdag pa niya at tumango lang ako. Sumenyas lang ako na umuna siya at agad naman niyang ginawa. Lahat ng ito ay first time kong gawin at talagang nag-eenjoy ako. Ang memorable nitong part ng high school ko na ito. I swear. Buti, hindi siya nagagalit sa pagtrato ko sa kaniya..
Habang naglalakad ay doon ko nagawang pag-aralan ang kabuuan niya. Maganda ang hubog ng katawan, sa tingin ko ay sakto lang. Maganda rin ang biceps, natural ang pagkaka-hulma nito. Halatang hindi nag gi-gym, charot. Medyo messy hair pero bagay naman sa kaniya.
’Pero ba’t ko nga ba
pinapansin
pa ‘yon? tss.’
Hindi ko naman na inintindi ’yon at sumunod na lamang sa kaniya hanggang sa marating namin ang faculty room. Ibinaba niya ang mga dala niya para buksan ang lock ng pinto. Hinintay ko naman siyang matapos at saka niya akong inaya pumasok.
Dinala namin ang mga gamit sa kaniyang lamesa. Nagtataka ako kung bakit wala pang mga teachers dito ngunit naalala kong maaga pa nga pala. Sa paglilibot ko ng tingin ay natanaw ko ang isang larawan niya na nasa kanyang lamesa. Nakatitig pa ako roon habang inilalagay ang mga paper bag sa lamesa. Sa larawang ’yon ay naka-tshirt siyang blue at bakas ang saya sa kaniyang mukha, dahil halos sumingkit ang kaniyang mata sa pagkakatawa. Doon ko rin napansin na gwapo naman talaga siya. Nagtataka tuloy ako kung gano’n din ba ang hitsura niya pag tumawa siya ng ganon sa personal.
“Hey, baby! Thanks for helping me,” pasasalamat niya habang inilalagay sa gilid ng lamesa ang iba pa niyang dala. Sinamaan ko naman siya ng tingin kahit pa hindi siya sa akin nakatingin. Siraulo talaga, paulit-ulit ’yang baby niya na ’yan.
“Stop calling me ‘baby!’” Aniya ko at diniinan ang salitang baby.
“Why?” tugon niya at tinignan ako. At animo’y nagpipigil siya ng tawa.
“Di ka ba natatakot na may makarinig sayo? at saka baka kung ano pang isipin…teacher ka pa naman,” inis na tugon ko at inirapan siya. Di nag-iisip, alam niya naman siguro na kasama ’yan sa code of ethics nila, jusme!
“Well, wala naman ’yong malisya. You just look like a baby that’s why I call you that.” inosenteng tugon niya. Matapos no’n ay medyo sumeryoso na siya at saka inayos ang ibang notebook na nakalapat sa lamesa.
“Pero baka sa’yo ay may malisya kaya ka nagkaka-ganyan,” Pabirong dagdag niya at nag-angat tingin pa sa akin at ngumisi. Iw, kadiri!
Wtf.
“Nahihibang ka na ba, sir? Kabahan ka nga sa sinasabi mo? Para kang sinapian,” Pagalit na tugon ko at tumawa naman siya.
“Oo na, hihinto na ako. Happy?” Tanong niya pa at hindi ko naman ’yon pinansin. Dapat na akong umalis dahil baka may masampal ako.
“Sige na sir, alis na ako.” Paalam ko.
“Okay…See you sa math class,” tugon niya pa nung makatalikod na ako. At umirap naman ako sa hangin na para bang kaharap ko siya. Hindi ko na siya sinagot at agad na akong nagtungo sa room matapos no’n.
Habang nasa classroom ay pinipilit kong magbasa ng pocketbook ngunit hindi ako makapag-focus dahil parang tangang nagf-flashback ang nangyari sa isip ko.
’Pero
baka sayo may
malisya
kaya
nagkaka
-ganyan
ka?’
At matunog na nag-echo pa sa utak ko ang linya niyang ’yon.
“Baliw ka ba? Anong akala mo sa’ken? may gusto sa’yo?” ani ko pa sa sarili habang ang ulo ay nakapatong sa armrest.
Pinilit kong iwakli ang isiping ’yon sa isipan ko at pinilit na magbasa ket halos wala naman akong maintindihan.
Halos matuwa pa ako nang dumating na si Shin sa classroom ngunit pababantayan niya lang pala ang bag niya dahil excuse sila for today’s class. Gustuhin man niyang ilagay na lang ito sa locker ay hindi naman kasya..
Sinundan ko na lamang ng tingin si Shin na papalabas na ng room. Lumingon pa ito at kumaway kaya tinanguan ko lamang ito. May mga classmates naman na akong nagda-datingan ngunit hindi ko sila close kaya sumandal lang ako sa kinau-upuan ko at pumikit.
Maya-maya pa ay dumating na ang iba kong classmates at ang teacher namin. Agad ko naman na inihanda ang notebook ko at ballpen ko, para naman makapag-notes ako ukol sa talakayan ngayon.
Medyo tahimik ako ngayon dahil wala ang lagi kong kadaldalan, boring pero ayos lang naman. Hindi na ako masyadong nag-isip at nakinig na lang sa diskusyon..
Hanggang sa sumunod na subject. Ayoko man nitong subject na entrepreneurship ay kelangan ko pa ring makinig dahil graduating ako. Marami siyang ikinuda na tungkol sa business, at halos mahilo ako sa mga acronyms at entrepreneurial heart flames at yung isa pa niyan.
Mas nanlaki ang mata ko dahil matapos magdiskusyon ay sinabi niyang bumuo kami ng grupo na may limang miyembro at magsimulang magtinda ng kung anong maibigan naming itinda. Pag-alis niya ay halos makunot ang noo ko dahil wala akong idea kung anong ititinda namin at kung sinong magiging kagrupo ko.
Ano naman kayang ititinda namin? Bahala na nga, si Shin na lang ang tatanungin ko mamaya.
Mabuti na lang ay nagbreaktime na rin kaya mag-isa akong pumunta sa canteen. Matapos kong umorder ng sandwich at saka iced tea ay naupo ako at nagbasa ako ng pocketbook habang kinakain ito.
Ngunit habang ginagawa ko ’yon, sa gilid ng mata ko ay may nakita akong huminto. Nag-angat ako ng tingin rito at nakita ko si Sir. Mirrem.
’ Eto na naman siya.’
“Baby, p’wedeng maki-upo?” mahinang aniya pa at umiling ako at ibinalik ang paningin sa binabasa. Di niya talaga ako titigilan sa pa-ganyan niya, tsk!
“Wala na rin kaseng ibang mauupuan, so may I? please?” Aniya pa sa seryosong tono kaya naman inilibot ko ang paningin ko. Totoo ngang wala nang mauupuan. Naawa naman ako kaya agad akong sumagot.
“Sige na maupo ka na, sir. Baka sabihin pa ng iba na wala akong respeto,” sarkastikong tugon ko sa kaniya at nginitian niya lang ako. Umupo naman siya sa harap ko at inilapag ang pagkain niya. Agad ko namang itinakip sa mukha ko ang librong binabasa ko at ingay na lang ng estudyanteng nasa paligid ang narinig ko.
Maya-maya pa ay nagsalita na naman siya. Halatang tapos nang kainin ang kaniyang pagkain.
“Mahilig ka pala magbasa ng ganiyan.” aniya patungkol sa binabasa kong teen-fic. Gustuhin ko man siyang hindi sagutin ay may natitira pa rin naman akong respeto sa kaniya dahil teacher ko siya. Kahit na hilig niya akong asarin kung yun man talaga ang intensyon niya.
“Yeah, medyo.” Simpleng sagot ko ng hindi siya tinitignan.
“Well, marami ako niyan sa bahay. Tell me if you want to borrow or visit me at my house. You can read there,” Aniya pa. Hindi ko alam pero parang ang creepy ng dating ng sinabi niya or sa akin lang ’yon. Tinignan ko pa siya ngunit, puro sincerity lang ang nakikita ko roon kaya bumuga ako ng hangin bago sumagot.
“Thanks for your generosity sir, pero no thanks.” aniya ko at ngumiti.
Pagkatapos kong i-sagot iyon ay nakatanggap ako ng hampas mula sa likuran ko. Agad ko ’yong nilingon at nakita ko si Shin at binigyan niya ako ng makahulugang tingin. Alam ko na agad iniisip neto sa tingin pa lang na ’yon.
Nilingon niya pa si Sir at bumati rito.
“Hi sir! good morning.” Sambit ni Shin at nginitian pa ito.
“Hello, good morning.” Tugon nito at umupo naman muna si Shin sa tabi ko kaya umusog ako.
“Sir, wala nga pala ako mamaya ah. Excuse kase kami for the photoshoot ng school magazine.” Pagpa-paalam pa niya at nginitian naman siya ni Sir. Pinanood ko lang naman sila mag-usap.
“Yeah, I know. But, thanks for reminding me.” Tugon pa nito at ngumiti. Nilingon naman ako ni Shin at inilipat ang tingin kay Sir. Sa kilos pa lang niyang ’yon ay alam ko na kaya kinurot ko siya ngunit nagsalita na siya.
“Pero sir, ba’t kayo magkasama nitong bestie ko?” Deretsahang tanong ni Shin. At parang ako ang namula sa tanong na ’yon ni Shin. Please, kainin sana ako ng lupa ngayon na. Tanginang bestfriend ’to, pahamak!
’Pakiramdam ko
hotseat
na naman ako.’
“Well, wala na kasing bakanteng upuan at nakita ko naman itong si baby..” Aniya pa at tinignan ako, pinandilatan ko naman siya. Bakas naman ang pang-aasar sa mukha niya at naaasar akong talaga.
“Este nitong si?” Aniya pa na tila hindi alam ang pangalan ko.
“Max, sir.” Sagot ni Shin at nginitian pa ako. Inirapan ko naman ito at pinanood na sumagot si Sir. Baka kung ano-ano pa sabihin nitong kabalbalan.
“Nakita ko naman itong si Max na walang kasama sa upuan at may bakante kaya lumapit na ako at naki-upo. Ayaw pa nga sana niya e, pero no choice siya.” Aniya pa at tumawa ng bahagya. Nilingon naman agad ako ni Shin at inasar ako.
“Ikaw, grabe ka kay Sir. Wala naman siyang ginagawa sa’yo.” Ani pa nito na tila nagpipigil ng tawa.
“Anong wala?” Angil ko. Jusko, napagtulungan pa nga ako!
“Biro lang naman kase ’yun. O baka iba na talaga ang dating sa’yo?” Pang-aasar pa ni Shin at tumawa naman ng malakas si Mr. Pouty lips.
“Biro lang naman kase talaga ’yun, baka kase di n’yo magustuhan pag masyado akong seryoso. Lalo ka na.” Aniya at itinuro niya ako gamit ang tingin. Hindi naman ako naka-imik dahil tila iniipit ako ng dalawang ito at wala akong lusot.
“Baka hindi mo magustuhan pag sineryoso kita.” Dagdag pa niya at ngumisi. Hindi naman ako nakapag-react dahil iba ang dating sa’kin ng sinabi ni Sir.
“Hala sir…” Ang tanging nasabi ni Shin dahil pareho yata kami ng pagkaka-intindi.
’Jusmeng bestfriend ’to,
naturingang
kaibigan…ang
traydor
huhuhu.’
“Don’t get me wrong ha, pero I just want na maging close ako sa inyo kaya ako ganito. Gusto ko na kahit teacher n’yo ako e parang barkada n’yo lang ako. Kase iba ako pag nag seryoso, yung tipong ket ingay ng ballpen sa klase, kaiinisan ko.” Pagpapaliwanag niya at napatango naman si Shin at ako naman ay wala pa ring imik. Parang mas gugustuhin ko pa na ganun siya, kesa sa ganito na para siyang tanga at inaasar ako.
“Sige na, mauuna na ako’t malapit na matapos ang break time. Salamat sa pagpapa-upo sa’kin dito.” Aniya pa sa akin at hindi na ako tumugon at tinignan na lamang siyang umalis.
Nagpaalam na rin naman kami ni Shin sa isa’t-isa. Matapos no’n ay dumiretso na ako sa classroom at siya naman ay bumalik na rin sa photoshoot area nila.
Pagkarating ko sa classroom ay inihanda ko na ang math notebook ko dahil si Sir. Mirrem na ang susunod naming prof.
’Sana naman wala na siyang sabihin na
magpapa-kaba
ulit sa’kin.’
Maya-maya pa ay nandiyan na siya kaya agad kaming nag-greet at ganu’n din naman siya.
Agad naman siyang nagturo at pasalamat ko namang talaga dahil hindi naman niya ako masyadong napansin. Patuloy pa rin siya sa pagtuturo at nakatitig lang ako sa kaniya dahil kahit anong gawin kong pag-intindi, nahihirapan talaga ako.
‘I hate math, ew.’
Nagulat ako ng magtama ang paningin namin kaya taranta kong pinulot ang ballpen kong nasa lamesa at nagkunwaring nagt-take down ng notes.
Nakahinga lang ako ng maluwag nang magpatuloy lang siya sa pagtuturo. Isinulat ko na lamang ang mga nakasulat sa pisara para naman maiwasan ko ang eye contact na gano’n. Ewan ko, parang may kuryenteng dumadaloy talaga kada magtatama ang paningin namin. Ang weird lang.
Mabilis na lumipas ang oras at dinismiss na niya ang klase ngunit bago pa siya umalis ay talaga namang nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
“Please practice n’yo magsolve ng ganitong problems using the formula I provided. I will send you a reviewer since ang alam ko may gc na tayo? right? Practice kase magbibigay ako ng test. Hindi siya ordinaryong test cause once you failed it. You have no choice but to be part of remedial class. Okay? Sige na, class dismiss.” Aniya pa at saka lumabas ng room. Agad na nagbulungan ang iba kong kaklase at pinag-usapan ang tungkol do’n habang ako ay nakatitig lamang sa labas at iniisip kung paano ko ’yon malalampasan.
‘Hindi pa naman ako magaling sa math.’
’Pa’no na ’to? Kung hindi ko ’yon
maipasa
edi remedial ako, huhu ayoko.’
Dahil sa isiping ’yon ay hindi ako masyadong nakapag-focus sa sumunod na subject. Iniisip ko pa rin talaga pa’no ko malulusutan ’yong test na ’yon. Tas meron pa nitong tinda-tinda, tas bukas na agad ’yon.
‘Help me!’
Mabuti ay mabilis na lumipas ang oras at nagdismissal na. Paglabas ko ng room ay hindi ko alam kung anong hitsura ko dahil sa pagka-bugnot sa dami ng iisipin ko. Lalo na’t alam kong tamad ako. Jusko, tulong!
At kamalas-malasang habang naglalakad ako sa hallway ay nakasalubong ko si Sir. Mirrem.
May dala itong libro at agad naman ako nitong kinausap.
“Oh, ba’t parang problemado ka? What’s the matter, baby?” Pagbibiro niya pa at mahinang sumagot.
“Wala ako sa mood para sa pang-aasar mo ngayon sir.” Hinang-hina kong sagot.
“Dahil ba sa math? Chill! Kaya mo ’yon, ikaw pa ba? atsaka kung sakaling masali ka man sa remedial class. Wag ka mag-alala, ako pa rin naman ang magh-handle no’n.” Aniya pa at ginulo ang kulot kong buhok saka naglakad papalayo at naiwan akong tulala.
Buti na lang talaga ay wala na rin masyadong estudyante dito. Dahil kung may nakakita ng ginawa niya, e baka isipin may something pa sa amin.
“Ba’t niya ba kase to ginagawa?” Inis pang sambit ko dahil takot akong ma-issue. Kung alam lang nila, si Harry crush ko ’no. Mas ayos pa kung sa kaniya ako ma-issue, charot!
Binilisan ko naman ang lakad ko palabas para makasakay na ako at makauwi sa bahay. Pagkarating ko sa bahay ay agad kong minessage si Shin tungkol sa gagawin namin sa subject na entrepreneurship. Sinabihan ko rin naman siya tungkol sa math.
Matapos no’n ay nilabas ko ang notes ko kanina sa math at sinubukan magsolve ng kung ano-ano. Pero kahit anong tingin ko sa notes ko ay wala akong maintindihan. Napayuko ako at pinukpok ang ulo ko. Kainis, ba’t ganon.
Hindi ko na inintindi pa iyon at naghintay na lang sa reply ni Shin ngunit dahil yata sa pagod sa kakaisip ay di ko namalayang nakatulog ako…
Zzzzz
…
Zzzzz …
CHAPTER 3
Max
Pov
.
Kagigising ko lang at naglalakihang eyebags ko ang bumungad sa akin matapos kong humarap sa salamin. Sino ba namang hindi magkaka-eyebags? Napuyat ako sa pagrereview sa math at sa paggawa ng ice candy. Buti na lang din katulong ko si Mama kagabi.
Nang magising ako kahapon ay may reply na sa akin si Shin. Nag-usap kami sa mga pwede naming ibenta at napagdesisyunan nga naming magtinda ng ice candy at palamig. Nung una ay hindi pa siya sang-ayon sapagkat hindi niya alam ang mga ito. Iba na talaga pag mayaman e, no? charot.
Ngunit buti na lamang ay napapayag ko siya sapagkat maraming magbebenta ng sandwich at nagmamahalang pagkain, for sure ’yon dahil hindi lang naman kami ang magtitinda kundi ibang section din.
’Sino naman kaya
bibili
ng
tinda
namin? E, ang
yayaman
ng mga tao ro’n.’
Nakunot pa ang noo ko sa isiping ’yon. Oo nga no? Baka tanungin pa ako ng what is ice candy? baka mabadtrip ako at makutusan ko lang sila, charot.
Edi kapag walang bumili, gamitin ang ipinagbabawal na teknik. Bibili ka o kokonyatan kita, charot. Syempre gagamitin ko ang ganda ko, este ganda ng bestie ko. Pag bumili ka may pic ka kasama si Shin. Aba, baka model ’yang friend ko diba? Atleast, magagamit ang ganda niya..
“Hala, oo nga pala? sino kaya yung iba pa naming kagrupo. Nakalimutan ko rin kase itanong kay Shin. Siguro mamaya ko na lang itatanong.” Pagkausap ko pa sa sarili ko. Sariling tanong sariling sagot. Medyo shunga lang, e no.
Hindi na ako masyadong nag-isip pa at sinimulan ko nang kumilos. Pagtapos maligo ay agad akong nagbihis at nag-ayos. Pagkababa ko ay nakita at nadatnan ko si Mama na inaayos na ang ititinda namin. Nang mapansin niyang papalapit na ako ay nag-angat tingin siya sa’kin.
“Kaya mo ba ’tong dalhin? medyo marami ito e. Marami pa nga sa ref, e.” Aniya at inaayos ang ice candy sa cooler box na may ice.
“Yes naman mother earth, pinalaki mo kaya akong maganda at malakas.” Ani ko at tinaasan niya lang ako ng kilay. Hindi ko naman na pinansin ’yon at sinimulan ko nang kumain para maaga ako maka-pasok.
Habang kumakain ako ay may sumisigaw sa labas ng gate namin kaya naman nakunot ang noo ko. O, baka sabihin n’yo mayaman kami porke may gate? Para lang siyang pintuan pero gate style siya. okay?
Agad namang lumabas si Mama para tignan kung sino ito. Maya-maya pa ay nagulat ako dahil biglang sumulpot si Shin. Aba, ba’t nandito ’to?
“Uy, kain tayo.” Aya ko pa.
“No thanks, tapos na ako. Anyways, sorry di ko na nasabing pupunta ako. Ayoko naman dalhin mo mag-isa yung tinda natin. So, ayun sinundo na kita nang walang pasabi.” Aniya pa at binigyan ko siya ng tingin na animo’y na-touch sa sinabi niya. Ngumiti naman siya sa’ken na halos mawala na ang mata niya.
“Ang bait naman ng bestfriend ko. Wag ka mag-alala, pag hindi tayo nakabenta, ikaw na lang ang ibebenta ko.” Ani ko at mabilis na naglaho ang ngiting ’yon sa mukha niya.
“Charot lang! pero saglit lang ha. Tapusin ko lang ’to,” ani ko pa at itinuro ang pagkain kong papaubos na. Tumango naman siya kaya binilisan kong kumain dahil nakakahiya naman na paghintayin ko pa siya.
Pagkatapos kong kumain ay nagtoothbrush lang ako at kinuha ang bag ko, saka ako nagpaalam kay Mama. Paglabas namin ng bahay, habang dala ko ang cooler box ay halos malaglag ang panga ko nang makita ko ang sasakyan niyang asul na nakakasilaw sa kintab. Hindi naman ’to yung kotse niya last year ah? Baka sa parents niya ’to.
“Sakay na bestieee,” utos niya pa na gusto akong paunahin, sinalubong naman ako ng bodyguard na nasa loob. Isinenyas niya na iabot ko sa kaniya ang cooler kaya naman ginawa ko ito agad. Inalalayan niya pa akong maka-sakay at naramdaman ko agad ang lamig ng aircon ng sasakyang ito. Sumunod namang sumakay si Shin. Bale, napagitnaan nila ako ng bodyguard niya. Ang weird nga e, dapat ako yung nasa gilid, diba?
“Kaninong sasakyan ’to? hindi naman ito yung sasakyan mo last year ah?” Pabulong na tanong ko pa sa kaniya. Tumapat naman siya sa tenga ko para sumagot.
“Akin ’to. It was a christmas gift for me.” Aniya pa. Hindi naman sa mayabang na dating pero grabe. Ang yaman. Ang bongga naman ng christmas gift na ito.
“Actually, ang ganda ng features ng sasakyan na’to. May voice recognition pa. So if someone tried to stole this car. They won’t be successful. Kase, hindi ito aandar unless sabihin ko,” Aniya pa at halos pasukan na ng langaw ang bibig ko sa sobrang nganga. Nakakamangha, may ganun palang sasakyan no?
“Pero teka..” Pag-iiba ko ng usapan.
“Ano?” Tugon niya.
“Sino nga pala yung iba pa nating kagrupo? and btw, thanks sa pagsundo pala.” Ani ko. Agad naman siyang ngumiti at nilingon ako sa gawi ko at may mahinang paghampas pa sa binti ko. Talagang pag natutuwa siya e may paghampas e, sarap konyatan nitong babaeng ’to.
“You’re welcome. Anyways, s’yempre classmates din natin, tapos you know what?” Pang-bibitin pa niya at nagtaas kilay naman ako sa kaniya.
“Ano?” Tugon ko pa rito at bakas ang kilig at saya sa mukha niya.
“Kagrupo natin yung crush mo, ayieee.” Aniya at halos huminto ang pagtibok ng puso ko. Si Harry? kagrupo namin? Jusme. Take me po, now na. At nang makabawi ako ay sinamaan ko siya ng tingin.
“Ano ka ba! bakit natin siya kagrupo?” Medyo inis ko pang sabi. Nakakahiya, ako pa naman nagsuggest na Ice candy ang itinda. Baka sabihin niya ang cheap ko. juskooo.
“Anong bakit? Aren’t you happy na kagrupo natin yung ultimate crush mo? Your knight in shining armor?” Aniya pa at pinandilatan ko naman siya.
“Paano ako magiging masaya? Ako nag-suggest na magtinda tayo ng ice candy. Baka sabihin niya ang cheap ko!” Tugon ko pa rito at natawa naman siya.
“Chill, ket cheap ’yan mukha namang masarap. Don’t judge the book by its cover ika nga, so calm bestieee.” aniya pa at tumahimik na lang ako dahil narealize kong may iba nga pala kaming kasama sa sasakyan. Hindi rin naman nagtagal ay mabilis naming narating ang school. Ibinaba kami ng driver niya sa parking lot at nagulat ako ng may ipakuha pa siya sa likod ng sasakyan at nakita ko ang isang malaking jug.
Tutulungan pa sana siya ng bodyguard niya ngunit agad niya itong tinanggihan. Kumamot pa sa ulo ang bodyguard at bumalik sa loob ng sasakyan.
“Ano ’yan?” Tanong ko pa sa kaniya. Itinuro niya pa ang jug bago tumugon.
“Ito?” Aniya at tumango naman ako.
“Eto yung palamig. Ginawa ko na siya kahapon. Hindi mo man lang sinabi na ang palamig was like a juice with ice. Akala ko kase yung palamig was like AC or Cooler or something. Maarteng aniya pa at inangatan ko pa siya ng kilay.
“E, bakit parang may lumulutang sa loob?” Ani ko pa dahil hindi ko makita ng maayos ang nasa loob dahil hindi naman transparent ang jug.
“That was lemon. I searched kase sa google and ganyan yung lumalabas, may nakalutang na lemon and meron pa ngang coconut. So, I just did the same exact thing I saw on the internet.” Tugon pa niya at nasapo ko naman ang noo ko. Hindi ko nga pala sila nasabihan na kukwentahin namin ang gastos nito at gagawa ng balance sheet, kineme.
“Magkano naman nagastos mo para r’yan?” Tanong ko pa at napakamot siya sa noo niya.
“I forgot, e.” Ani niya pa at pumeke ng tawa. Nag roll eyes na lang ako sa hangin. Bahala na, gawa’n na lang ng paraan.
“Tara na.” Ani ko pa at natawa ako dahil hindi niya halos mabuhat yung jug. Oo nga pala, model nga pala ito at hindi sanay sa pagbubuhat. Tsk, haha.
“Wag mo na pilitin, ako na diyan.” Ani ko pa at tatanggi pa sana siya ngunit nagpumilit ako dahil ayoko rin namang nakikita siyang nahihirapan. Ket di sanay, ipipilit pa, e.
Bago ko pa man tuluyang mabuhat ang jug ay narinig ko na naman ang pamilyar na boses na ’yon.
’Bakit ba laging wala sa timing ’tong
lalaking
‘to.’
“Baby…”
Nilingon pa ni Shin ang pinanggalingan ng boses na ’yon at gano’n din naman ako.
Buti na lang talaga at sobrang aga namin ni Shin kung hindi maraming estudyante na ang nakarinig sa kaniya.
Inis ko naman siyang tinignan habang papalapit siya sa’min. Habang naglalakad siya e nagawa kong pasadahan ng tingin ang kabuuan niya at medyo may nagbago sa kaniya. Maganda ang suot niyang puting tshirt at ang gray na suit na nakapatong rito. Maayos din ang buhok at halatang naka-gel or wax. Inshort, gumwapo at maporma.
Nilingon ko si Shin at titig na titig naman siya dito na para bang ito na ang pinakagwapong lalaki na nakita niya. Tinapik ko naman siya at agad siyang nabalik sa reyalidad. Parang siguro sa paningin niya e, nasa pelikula na slow motion si Sir, charot.
“Good morning, sir.” Bati ni Shin nang makalapit ito sa’min.
“Yeah, morning. Btw, what’s that?” Patungkol nito sa dala namin ni Shin. Tiningnan ko naman siya bago sumagot.
“Tinda namin para sa entrep na sub.” Simpleng sagot ko dahil ayoko naman sumagot ng pabalang. Kahit ano kasing gawin, teacher ko pa rin siya. Baka pag naisipan nitong ibagsak ako, yari ako.
’Hindi
yun p’wede.’
“Yes sir, tinda namin. Ice candy ’yan sir. Sounds unfamiliar right?” Ani pa ni Shin na para bang dapat ipagyabang ang tinda namin kahit para sa akin ito na ang cheap na paninda.
“Yeah, what’s ice candy?” Manghang patanong na tugon pa ni Sir kay Shin. Di ko naman na sila pinansin at tinantsa muna kung paano bubuhatin ang mga paninda. Napaka-yayaman nila, nahiya ang balat ko.
“I really don’t know din, pero mas maganda kung si Baby mo, este si Max na lang tanungin mo sir.” Tugon pa ni Shin at sinamaan ko naman ito ng tingin. Gagang ’to, pino-provoke pang asarin ako lalo.
“Lason ang ice candy sir. Exclusive only para sa mga gustong magsuicide. Tara na Shin.” Pamimilosopo ko pa at nakita kong natawa naman siya. Hala, tuwang-tuwa pa, ano kayang nakakatawa? May saltik yata ’to, e.
Sinubukan ko namang buhatin ang mga ito para maka-alis na, ngunit binitiwan ko dahil medyo mabigat.
“Need a hand?” Aniya ng makitang mahirapan akong buhatin ito. Ngumiti ako rito at sumagot.
“No thanks, sir. Tugon ko at ngumiti siya.
“I insist.” Aniya at kinuha ang jug. Ngumiti pa siya at kumindat at nandidiri ko naman siyang tinignan. Ngayon niya sabihing walang malisya ’yon? Buti na lang di siya nakita ni Shin.
Pina-una ko naman si Sir at pinasabay ko si Shin para sila ang mag-usap dahil parang lalagnatin ako sa ginagawa nitong ni Sir.
’Nabuhay pa yata to sa mundo para lang asarin at
pakabahin
ako.’
Kahit naman sabihing wala akong gusto sa kaniya at wala siyang gusto sa akin. Iba pa rin yung dating. Minsan, ang sarap kotongan ng taong ’to para matauhan.
Nakunot at salubong pa ang kilay ko sa isiping ’yon kaya naman umiling ako na para bang mawawala ’yon sa pamamagitan no’n.
Mirrem’s Pov.
Habang naglalakad ay biglang nagtanong si Shin kaya nilingon ko siya.
“Pero sir, bakit ba ang hilig mo asarin si Max?” Tanong pa ni Shin patungkol kay Max na nasa likuran namin.
Napangiti naman ako nang maalala ko ang nangyari.
Flashback….
Inis
akong nakarating ng school na
pagtuturuan
ko ngayon.
Ba’t
ba naman kasi dito ako
trinansfer
.
Maganda
naman
sanang
school ’to, kaso ang layo sa bahay ko. May kotse naman ako kaso
tinatamad
akong
magdrive
, mas gusto ko ring
magcommute
dahil atlis kahit
papaano
,
nakakapikit
pa ako kahit ilang
minuto
.
Papasok
na ako sa gate ngunit agad akong tinawag ng guard para
icheck
ang
I.D
ko.
Agad
ko naman itong pinakita at
luminga-linga
at sa
nahagip
ng paningin ko ang isang estudyante..
’
Lalaki
pero feminine,
bakla
siguro ‘to.’
Kulot at medyo mahaba ang buhok. Hindi naman siya kahawig ni Doc Mcstuffins pero parang ganun ang dating niya sakin. Tinignan ko naman ang mukha niya at nakabusangot. Agad na nawala ang inis ko at napalitan ng tawa. Ang panget sumimangot, tss. Parang alam ko na tuloy kung ba’t dito ako na-assign. Looking forward sa mga ganitong nakakatawang pangyayari. Parang mababago ako dito, ah?
Ibinalik
naman na ni
Manong
guard ang
I.D
ko at
pinapasok
na ako.
Nag-umuna
na ako habang may ngiti sa labi.
Flashback ends….
’
At
katatwang
naging estudyante ko pa nga siya. Well, hindi naman pala siya panget pag nasa
malapitan
at ang cute pala talaga niya. Kaya nga baby tawag ko e, mukha kasing teddy bear, tss.’
Nangiti naman ako sa isiping ’yon at tinuro naman ako ni Shin at binigyan ng tingin na para bang hindi siya makapaniwala.
“Hala sir, ngumingiti ka. May gusto ka sa kaniya no,” halos manlaki naman ang paningin ko sa pabulong niyang sabi na ’yon.
“Wala akong gusto sa kaniya. Natawa lang ako sa naalala ko,” tugon ko pa rito. Madalang naman akong makipag-usap sa estudyante ko noon at never akong nalapitan ng ganito. Pero ewan ko ba, pagdating ko rito para akong nabago, nakakatawang isipin, hehe.
“Ay, gano’n ba sir?” Tugon pa ni Shin at tumango naman ako at ganun din siya.
“Sa gate ng school ko talaga siya unang nakita at nakasimangot siya no’n. Natawa ako sa hitsura niya kase ang panget, sorry pero ’yun ang totoo. Tas biglang pumasok sa isip ko si Doc Mcstuffins dahil sa buhok niya.” Sambit ko pa at tumango tango pa siya at natawa.
“Kaya pala inasar mo siya nung first day sir. That he reminds you of Doc Mcstuffin pero sir, bakit mo sinabi na maganda siya and cute?” Tanong pa nito at napangiti naman ako.
“Kase nung makita ko siya sa canteen at tila may tinititigan, napansin kong maganda naman talaga siya kung naging babae at cute naman talaga siya.” Tugon ko pa rito. Inilipat ko sa kabilang kamay ko ang jug dahil tila namanhid ang kamay ko.
“Ahhh…” Aniya at tumango-tango habang nangingiti. Nginitian ko na lamang siya at tumingin na lang sa dinadaanan.
Nang marating namin ang classroom ay inilapag ko muna ang jug at hinintay na makarating si Max.
Ayan na naman yung tingin niyang alam mong napipikon agad ket wala ka pang ginagawa. Hindi ko alam pero natutuwa akong nakikita yung mga ekspresyong ’yon sa mukha niya.
“Baby, dito na lang ba ’to?” tanong ko pa kunwari. Tumango lang naman siya hababg blanko ang ekspresyon sa mukha. Baka wala na ’to sa mood kaya ganito, haha.
“Thank you, Sir.” Pasasalamat ni Shin at nginitian ko naman ito. Tinignan ko pa si Max ngunit agad siyang pumasok sa loob ng classroom dala ang cooler box papunta sa upuan niya.
Hindi naman niya dinala ang jug kaya agad ko itong dinala sa kaniya. Nag-angat pa siya ng tingin at ayun na naman ang blangkong tingin na ’yon. Napipikon na ba ’to o ano? di ko tuloy alam. Di ko makita yung pikon na ekspresyon, e.
“Thanks,” pasasalamat niya kaya ngumiti ako sa kaniya.
“Welcome, baby.” Tugon ko at tumango lang siya. Mukhang wala na nga sa mood, mamaya ka sa’kin sa math. Aasarin kita.
’Hindi ko alam pero ba’t
nahilig
akonh
mamikon ng estudyante ngayon. Mas maganda na rin siguro yung ganito para di ako
matawag
na
suplado
.’
Nagpaalam naman na ako sa kanila at pumunta na sa faculty. Naalala ko pa yung pagtulong niya sa akin at ngayon ay ako naman ang tumulong sa kaniya. Dahil do’n ay bigla akong napa-isip. Ano kayang magiging papel namin sa buhay ng isa’t isa?
Nakita ko lang naman siya sa gate tas biglang estudyante ko rin pala siya, tss. Grabe talaga ’tong tadhana.
Max Pov.
Ewan ko pero simula kaninang umaga ay wala na ako sa hulog. Hindi ko naman alam kung ano ang dahilan. Wala rin akong gana makinig sa first subject kanina at puro lang ako sulat ng kung ano-ano sa mini diary ko.
Kinakausap naman ako ni Shin ngunit hindi ko siya magawang masyadong sagutin dahil wala talaga akong gana.
Breaktime na ngayon at buti na lang nagsulat na ako ng format ng balance sheet kanina. Nandito kami ni Shin sa may stress free zone ng school at ang daming estudyanteng nakatambay rito ngayon. Parang foundation day lang, lol.
Maya-maya pa ay dumating na ang man of my dreams ko at halos hindi naman ako makahinga ng marinig ko ang mala-konyo niyang boses.
“Hi there! so, where ba tayo magtitinda? and what’s our tinda nga pala?” Aniya sa maarte ngunit lalaking-lalaki niyang boses.
“Dito lang siguro dahil maraming tao, and Ice candy ang tinda natin at palamig,” tugon naman ni Shin.
“What’s ice candy? is that a popsicle or something?” Ani pa niya at halos mamula at manigas naman ako dahil sa tanong niyang ’yon. Nakakahiya, ba’t ba kase ice candy naisipan kong itinda? Ayan, puro ganyang tanong tuloy ang naririnig ko.
“Kind of, pero hindi. It is way more cheap and organic than that.” Tugon pa ni Shin at binuksan naman ni Harry ang cooler na nakapatong sa bench. Tinignan ko lang naman siyang kumuha at tumikim ng isa.
Ang gwapo niya habang ginagawa niya ’yon, parang maglalaway ako sa pagtingin sa kaniya. Iniiwas ko naman ang tingin ko at tumingala na lamang sa mga puno na nakapalibot sa stress free zone. Mahangin ang klima rito kaya medyo nakakalma ako, kahit nahihiya pa rin ako dahil sobrang lapit ng crush ko sa’kin.
“Ow, it’s delicious! How much is this? baka ako ang maka-ubos ng paninda natin, e.” Aniya pa at nakatanggap naman ako agad ng hampas galing kay Shin. Salubong ang kilay ko itong tinignan at bumungad sa’kin ang nanunukso niyang tingin kaya pinandilatan ko siya ng mata.
’Bwiset
na kaibigan ’to,
pahamak
.’
“10 pesos each lang ’yan.” Ani pa ni Shin at kinindatan ako. Kinurot ko naman siya at agad naman siyang dumepensa.
“Wow, it’s so affordable.” Manghang tugon pa niya. Nandyan na naman ang mapanuksong tingin ni Shin kaya nagseryoso ako kunwari.
“Tara na, hindi tayo makakabenta kung puro tayo usap.” Ani ko at dinala ang cooler box.
Inutusan naman ni Shin ang dalawa pa naming kagrupo na dalhin ang jug. Bago pa man kami maka-alis sa lugar na ’yon ay hinarang kami ng tatlong estudyanteng babae at ang isa ay may dala pang malaking pitaka.
Agad kong pinasadahan ang kabuuan nila at masasabi kong may ibubuga sila sa buhay. High class ang mga datingan. aba, uwi na self, charot. Ang isa naman ay tila sampid lang sa grupo dahil may dalang portable blender at ang isa ay ang orig bestfriend nitong mataray.
Mataray niyang tinignan si Shin mula ulo hanggang paa. Sa tingin ko’y magka-kilala sila. Agad namang nagsalita si Miss. Mataray.
“Hi, so anong binebenta n’yo? what’s with the cooler box thingy? Nagtitinda ba kayo ng energy drink?” Sarkastikong tanong pa niya at parang gusto ko makipag-bardagulan kaya sinenyasan ko si Shin.
Gusto yata nito ng gulong iskwater, e. Pagbigyan natin, charot. S’yempre takutin lang, eme.
“Ice candy at palamig.” Simple ngunit sarkastiko kong sagot. Binigyan niya naman kami ng tingin na tila hindi makapaniwala at nandidiri.
“Palamig? what? Is that a water with artificial flavor?” Ani pa niya at nagtinginan lang naman kami nila Shin.
“Buti pa yung amin, we’re selling fruit shakes with organic ingredients. Not a cheap palamig with artificial flavors.” Mataray pa nitong pagyayabang at tinuro pa ang may dala ng blender. Hindi naman na nakapagtimpi si Shin at sumagot.
“Organic nga ’yang tinda n’yo, bugbog sa botox at surgery naman ang nagtitinda.” Mataray na sigaw nito at nanlaki naman talaga ang mata ko sa ginawa ni Shin.
‘Shin, is that you?’
Malakas na nagsigawan ang mga taong nakarinig ng sinabi ni Shin. Naiwang nakatulala naman ang babae at tila walang maisagot. Magsasalita pa sana ito ngunit agad siyang pinutol ni Shin.
“Manahimik ka na at wag mo na itanggi. Kilala ko doctor mo, wag mo hintayin na papuntahin ko pa rito at ipa-mukha sa lahat na retokada ka, bitch!” Dagdag pa ni Shin at halos hindi talaga ako makapaniwala. Si Harry ay tumatawa lang din sa likod dahil sa katapangan ni Shin.
Jusko, hindi ko alam na mas may pagka-iskwater pala itong si Shin kesa sa’kin.
Mabilis na lumipas ang oras at natapos na ang pagtitinda namin ngunit yun pa rin ang bulungan at usap-usapan sa classroom.
Ngayon ay math class na at hinihintay na lamang namin dumating si Sir. Mirrem.
Wala ako sa mood kaya sana naman ay wala siyang masyadong gawin sa’kin kagaya ng kahapon.
Pagdating niya ay medyo habol pa niya ang kaniyang hininga, na para bang tumakbo siya papunta rito.
“Okay…Class…Get one and pass. As I said kahapon na magpractice kayo sa math diba? Coz…I’ll give you…a test. Except for those who aren’t here yesterday, please review and study the file I sent sa gc. Btw, every test paper have different sets of questions, so there’s no way for you to cheat. So if you pass, then that’s good. But, if not…you’ll be part of remedial class. Pasensya na rin kung biglaan ngayon agad. I did this para maka-advance tayo sa topic next week. Well, I said it earlier so dapat ginawa n’yo na rin.” Mahabang sambit at paliwanag pa niya at talagang nanlumo ako. Jusko, hindi ko alam paano ko ’to lulusutan. E, halos wala nga akong nasolve kahapon.
Nginitian pa ako ni Shin at sinabi kaya ko raw ito ngunit alam kong hindi. Maswerte si Shin dahil makakapag-review pa siya mamaya samantalang ako ay hindi na.
Tahimik naman ang lahat na nagsagot ng test paper. Maliban kay Shin, Harry at sa ibang wala rito kahapon na tahimik lang at walang ginagawa.
Mabilis na lumipas ang oras at nagpasahan na ng test paper. Hindi ako sigurado sa naging sagot ko do’n ngunit bahala na. Kung bagsak, edi bagsak.
’
Ba’t
nga ba ako natatakot? E, remedial lang naman yun, tss.’
Isa-isa pang tinawag ang mga nakapasa at halos natawag na ang lahat maliban sa’kin.
“Okay, that’s all. Ang mga hindi natawag. Welcome! cause you are now part of the remedial class.” Pagbibiro niya pa at saka dinismiss ang klase. Ngumisi pa siya sa akin bago umalis ngunit hindi ako masaya.
’Tangina lang talaga,
bumagsak
nga.’
Nilingon ko si Shin at nando’n ang nanghihinayang na tingin ngunit agad ko siyang nginitian.
Mabilis na lumipas ang oras at natapos na ang sumunod na subject. Ipinasa ko naman muna ang balance sheet na ginawa ko habang nagdidiskusyon ang isa kong prof. Matapos no’n ay umuwi na ako dala ang wala nang laman na cooler box.
Pagka-uwi ko ay agad akong nag-cellphone para sana magpa-music ngunit may message sa aming gc kaya agad ko itong chineck. It was Sir.
Sir
Mirrem
:
For those na hindi natawag kanina ay kasama na kayo sa remedial class. Do not forget to bring your lunch, coz we’ll start the remedial class tomorrow. We’ll do it at the vacant room near the faculty.
Aniya at nanlumo naman akong talaga. Hays, bukas na agad? Ang bilis naman. ’Di ba pwedeng sa Lunes na lang? tss.
Pabagsak kong inihiga ang sarili ko sa kama. Maya-maya pa ay di ko namalayang nakatulog na ako at sa sobrang pagod ay hindi na nakapagpalit ng damit.
Zzzzzzz….Zzzzzzzzz….
CHAPTER 4
Max Pov.
“Good morning, sunshine.” Aniya ko pa sarili ko habang nakaharap sa salamin. Itinuro ko pa ang sarili at kinindatan. Muntanga lang e, no?
Wala namang maganda sa araw na ito pero magaan lang ang pakiramdam ko dahil mahaba ang naging tulog ko. Hindi naman kami gumawa ng ititinda namin dahil meron pa naman. Nag-message din naman sila sa gc namin para sa pagtitindang ’yon at napagdesisyunan na sila Harry ang gagawa ng palamig kaya abswelto ako. Iniwakli ko ang mga iniisip kong ’yon at saka ako naligo.
Matapos no’n ay nag-ayos at nagbihis ako saka bumaba. Pagbaba ko ay sobrang bango ng niluluto. Sininghot ko pa ang hangin para mas maamoy ito at malaman kung anong niluluto.
“Ang bango naman niyan Ma, ano ’yan?” Pagtatanong ko pa nang marating ko ang kusina. Nilingon naman niya ako dahil nakatalikod siya sa gawi ko.
“Adobo ito. O siya, kumuha ka na ng plato at ng kanin dahil malapit na itong maluto. Na-ayos ko na rin ang ice candy sa cooler box,” Mahabang sambit niya at nginitian ko naman siya bago pa siya tumingin sa niluluto niya. Ang bait talaga ng mama ko.
“Thanks ma, sige po eto na.” Tugon ko pa at sinunod ang ini-utos niya.
Maya-maya pa ay naluto na ang ulam na adobo kaya naman agad kaming kumain ni Mama. Himala nga dahil akala ko’y hindi nagmamadali si Mama ngayon, ’yun pala ay sadyang maaga lang akong nagising.
Pagtapos naming kumain ay agad kong hinugasan ang pinag-kainan. At matapos no’n ay nag-prepare din ako ng baon ko para sa remedial class.
Maya-maya pa habang chine-check ang ice candy na nasa ref ay nagpaalam na si Mama na aalis na raw siya. Nagbilin pa siya ng kung ano-ano at tumango lang ako rito.
Halos kabisado ko na ’yung linyang ’yon ni Mama kaya naman umiiling habang nakangiti pa akong umakyat sa kwarto ko para ayusin ang mga gamit na dadalhin ko. Habang ginagawa ko ’yon ay may narinig akong sigaw sa baba kaya naman agad akong sumigaw bilang tugon.
“Teka lang.” Sigaw ko na parang si Mama. Jusko, kung gano’n na ka-lakas yung boses ko, ano na lang yung kay mama? baka matalo no’n ket gaano kalakas ang bass ng speaker.
“Faster.” Malakas ngunit elegante pa ring sigaw ng bestfriend ko. Grabe talaga ’tong bestfriend ko. Sisigaw na lang may accent pa, jusme. Pag siya napagalitan diyan ng kapitbahay, bahala siya. charot!
Binilisan ko naman ang pagkilos at agad na pumunta sa kusina para kunin ang cooler box. Matapos no’n ay ini-lock ko na ang pinto at lumabas na.
“Good morning, bestie!” Aniya pa at ngiting ngiti. Ang aga pero napansin ko agad yung kapitbahay naming pinagtitinginan siya. Palibhasa, sobrang lakas ng datingan. Pang mayaman. Well, mayaman naman talaga sila.
“Good morning din. Ang ganda ng umagang ’to no? pero mas maganda ako,” Pagbibiro ko pa at napatakip naman siya bibig na animo’y natatawa at di makapaniwala.
“Bakit? angal?” Pagtataray ko pa kunwari. Umiling naman siya at sumagot.
“Hindi ah, sakay na po madam princess.” Aniya at nando’n na naman ang bodyguard para kunin ang cooler box at alalayan ako kaya inabot ko ito at hinayaan ko siyang tulungan ako.
Umupo naman ako agad pagka-sakay ko at agad ding sumunod si Shin. Hindi talaga ako kumportable na mapagitnaan pero magrereklamo pa ba naman ako? Siyempre hindi na.
“Kamusta kaya yung benta natin kahapon? Hindi ko alam kung yung 1,000+ e malaki na…” Malungkot at nag-aalalang sabi ko kay Shin. Napanguso pa ako sa isiping ’yon.
Kung para sa’kin lang naman, ay malaki naman na ’yon. Pero kasi… nasa sikat na school ako at mataas ang standards dito kaya hindi ko alam kung malaking halaga na ba ang 1000 para sa kanila.
’Baka kasi piso lang ‘yun para sa kanila, nakakahiya.’
“Be positive, okay? Naubos kaya yung tinda natin. Sana ganun din ngayon.” Tugon niya pa sa akin nang hindi ako nililingon. Nakatingin lang siya sa dinadaanan namin kaya tumingin lang din ako sa harap.
“Oo, at sana wala na talagang asungot kagaya kahapon,” saad ko patungkol sa tatlong babaeng humarang kahapon.
“Dahil baka masampal ko sila,” inis pang dagdag ko at umirap sa hangin. Talagang nakakabwiset. Di lang ako nakaporma dahil inunahan ako ni Shin. Kung ako ’yon, wala nang bungangaan. Sabunutan agad, e. charot!
“Ah, you mean Jenny and her friends? Don’t mind that bitch. Bugbog naman sa retoke ’yun. Naaalala ko, when I was in Korea. Yung doctor niya, proud na sinasabing ginawa niya si Jenny. Nalaman ko yun kase I was there to have a rhinoplasty sana. But, ayun na nga. Aside from bawal pa siya because of my age, my agency doesn’t want me to undergo rhinoplasty. So, hindi na siya natuloy.” Mahabang kwento pa niya at napatakip pa ako ng bibig.
“Ow, so kung p’wede pala. Edi nakapag-pagawa ka na ng ilong?” Tanong ko pa at nilingon siya.
“Yeah, insecurity ko kasi ’tong ilong ko because naliliitan ako. But, they say it was fine naman. Yun din ang sabi ng ibang colleagues ko sa modelling. Kaya, hinayaan ko na lang,” tugon pa niya at sinuklay ang kulot niyang buhok gamit ang kaniyang daliri.
“Pero bestie, ano bang feeling sa korea? I mean, anong pakiramdam pag nando’n ka? Saka marami bang oppa? I mean, mga gwapo? yung tipong mapapa-saranghaeyo ka.” Tanong ko pa at tumawa sa sarili kong kabaliwan. Tumawa naman muna siya bago sumagot.
“Alam mo, andaming tao na gustong makapunta ng korea kasi ganito ganyan. But, they didn’t know, kabaliktaran lahat ng ’yon sa reyalidad. If you go to korea, hindi yun kagaya ng sa koreanovelas na may makakasalubong na koreano tas babatiin ka ng ganito, ganyan. Madalas sa mga koreano mga manyak. Sa true lang,” aniya pa at napatango naman ako. Hindi rin ako makapaniwala na ganun pala pero siguro dapat akong maniwala kasi nakapunta na siya ro’n. Well, sabi nga rin nila. Expect the unexpected.
“Sa susunod na pupunta ako do’n. I’ll try to take you there. Para malaman mo.” Aniya pa at kumindat. Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya.
“Talaga? dadalhin mo’ko ro’n?” paninigurado ko pa at ngumiti naman muna siya bago tumugon.
“Yes naman, para naman may kasama ako. Boring kase pag ako lang mag-isa do’n. I mean, nandoon naman yung glam team saka parents ko. Pero lahat kasi sila focus lang sa trabaho. Madalas, ako lang naiiwan sa bahay.” Aniya pa kaya napanguso at napa-isip ako sa sinabi niyang ’yon. Parang kung ako kasi ’yon. Di ko kakayanin yung ganon tapos wala ka pa sa pilipinas. Ang hirap no’n, s’yempre.
Naputol ang pag-uusap naming ’yon dahil nakarating na kami sa school. Maaga pa naman kaya halos mabilang pa sa daliri ang estudyanteng narito. Palibhasa mayayaman e, at naka-sasakyan. Kaya kahit anong oras na pumunta dito e, hindi natatakot na ma-late.
Dinala ko naman ang cooler box at sabay kaming pumunta sa classroom ni Shin. Buti na lang talaga sila Harry ang gagawa ng palamig ngayon.
Napansin ko ring hindi nagtagpo ang landas namin ni Sir. Mirrem ngayong araw. Nagtaka pa ako ngunit ngumiti rin matapos no’n. Buti na lang din talaga. Ang ganda tuloy ng umagang ’to.
Nasa room na kami at naka-upo sa upuan namin at nilingon naman ako ni Shin at nagsalita..
“Gala tayo mamayang uwian? Milktea us. Treat ko,” Aniya pa at sinimangutan ko naman siya.
“Shunga lang te?” tugon ko naman sa kaniya at nagtaka naman siya kaya napairap ako. Kasali kaya ako sa remedial, syempre di ako agad makakauwi.
“Why?” Takang tanong pa niya at umirap naman ako.
“Kasali ako sa remedial diba?” Ani ko pa at nanlaki ang mata niya. Tinaasan ko lang naman siya ng kilay dahil sa naging reaksyon niya.
“Hala? oo nga pala! Ngayon nga pala ’yung test namin. Di ako nag-review dahil na-busy ako magbinge watch.” Aniya pa at ngumuso. Natawa naman ako sa sinabi niyang ’yon at inasar siya.
“Deserve, beh.” pang-aasar ko pa at nagflip-hair naman siya bago sumagot.
“Well, p’wede naman ako magreview mamaya. Baka nga madali lang ’yun, e.” Sagot niya pa at tinignan ko na lang naman siya na may nanunuyang tingin. Iba na talaga pag matalino, e. Confident na hindi babagsak. Paano naman kaming ganda lang ang meron? charot.
“Magreview ka na ngayon,” sambit ko pa at kinuha ang panibagong pocketbook na dala ko. Naalala kong ito na nga pala ang last kong babasahin. Kaya naman naisipan kong dumaan mamaya sa bookstore pag naka-uwi na ako.
“Oo nga no, sige sige!” aniya pa at kinuha ang phone niya at notebook. Hinayaan ko na lang naman siya at nagbasa na lang ako ng pocketbook. Nabalot kami nang katahimikan hanggang sa isa-isa nang dumadating ang classmate namin. Mabilis ko namang natapos ang pocketbook na binabasa dahil iilang chapters na lang din ang hindi ko nabasa. Kaya naman, nagsulat na lang ako sa mini diary ko ng kung ano-ano habang wala pang teacher.
Mabilis na lumipas ang oras at dumating na ang iba ko pang classmates at nakumpleto na kami. Sumunod naman ang teacher at mabilis na nagpatuloy muli ang oras.
Discuss…
Hanggang sa entrepreneurial subject na…
“Good morning.” Ani pa ng teacher.
Tumayo kaming lahat para bumati pabalik at umupong muli.
Mabilis siyang nagsimula kaya naman ako at mabilis ding lumipas ang oras at maya-maya lang ay nagtatanong na siya..
“So, what are the things you did considered when choosing the products you’re selling today? anyone?” tanong niya at naglakad-lakad habang naghahanap ng sasagot. Wala ni isang nagtaas ng kamay. Tinignan ko pa si Shin ngunit nakatingin lang din siya sa akin. Sagot na, Shin. Alam kong alam mo yung tanong.
“Anyone? volunteer?” dagdag pa nito at yumuko naman ako. Alam ko naman yung sagot pero nakakahiya sumagot. At saka nakakatakot kasi baka mali.
“Okay, get one sheet of paper since—” Aniya at agad akong nagtaas ng kamay at sumigaw. Pero sabi ko nga, mas ayaw ko ng exam.
“Ma’am.” Pagtawag ko pa at saka tumayo.
“Oh yes?” Tinignan pa ako nito at hinihintay sumagot. Kahit labag sa loob ko ito, gagawin ko na para walang quiz, dahil obvious naman na.
“The things we considered is the expenses, the budget, the competitors and the uniqueness of the product and the possible customers. Expenses since we need to know how much will it cost and for us to determined on how we should price the product. Budget, since we should know if the money we have will meet the exact expenses. Uniqueness of the product, of course, for you to have customers. Your product should be different from any competitor’s product. Ofcourse, we considered the possible customers too, we should know who will be the customer of the product cause if not so, then it will be our loss.” sagot ko at huminga ng malalim matapos no’n, akala ko ay ’yon lang ang tanong ngunit may follow-up pa pala.
“Hmm okay! and does your group able to considered the things you’ve mentioned?” Tanong niya pa at nagtaas kilay sa akin. Huminga naman muna ako ulit bago sumagot. Mauubos yata ingles ko dito. Call a friend na ako, charot!
Napansin kong nakatingin pala lahat ng kaklase ko sa’kin kaya medyo nagsimula akong kabahan, ngunit hindi ako nagpadala roon at saka sumagot.
“Actually, I just realized it after we sold the products last time. Because of the uniqueness of the product and it’s quite unfamiliar in this school. It’s hard for us to have the possible customer, that I said.. should be considered. But, because of the marketing strategy of my group. We’re able to convince them to buy the product even though it’s unfamiliar. That’s why I believed that even how famous the product you are selling. You will never sold it if you don’t know how to market it,” mahabang paliwanag ko pa at tumango-tango pa siya bago sumagot.
Umupo naman ako at nilingon si Shin. Pumapalakpak pa siya ng walang tunog at nakangiti sa akin. Inirapan ko naman siya kunwari at ngumiti.
“Yes, that’s right! Even if you are selling louis vuitton out there. If you don’t know how to market it and convince people to buy it. It will never be sold,” dagdag pa niya sa sa sinabi ko at nagpatuloy sa diskusyon.
Nakinig lang naman ako ulit at nagsulat sa notebook ng mga importanteng ideya na sinasabi niya.
Maya-maya pa ay nagclass dismiss na siya kahit wala pang oras para raw makabenta kami. Kaya naman agad kaming lumabas na magkakasama nila Shin, Harry at nung dalawa pa naming kagrupo.
Pumunta kami ulit sa stress free zone. May iilang estudyante lang na naroon di gaya kahapon, kaya napagdesisyunan naming maghiwa-hiwalay.
Kaming dalawa ni Shin ang nagtinda ng ice candy dahil mas gusto nila itinda ang palamig na gawa nila..
Agad kaming naglakad papunta sa kaharap na building ng stress free zone. Ngunit sa kamalas-malasan nakasalubong namin ang tatlong ulupong. Si Jenny at ang mga jelay niya.
Jelay means alalay.
“Oh my gosh. May mga dugyot?” Pasimulang aniya ni Jenny na nagtakip pa ng bunganga na animo’y diring diri. Here we go, again.
“Oo nga, diba ’yan yung ice candy?” Kunwaring tanong pa nung may dala ng blender kahapon at nakaturo sa cooler box. Tinignan lang naman namin siya ni Shin at nandidiri niyang ibinaling ang tingin niya kay Jenny.
“As of what I’ve heard. Mostly, tinitinda ang ice candy sa kalye. So ewww! ang cheap and it’s gross,” Dagdag pa nito at ibinalik ang tingin sa amin. Nandidiri pa siyang tumingin at nagsimula naman mag-init ang ulo ko. Aba gusto ’yata ulit ng round 2 neto ah. Di lang ako naka-damoves kahapon, pero fight me today! Makikita neto hinahanap nito.
“Kung wala naman si Harry sa grupo niyo, hindi kayo makakabenta kasi walang sikat sa inyo.” Saad pa ni Jenny at sarkastikong tumawa. Nakakatawa ba yun?
Nagulat ako nang lumapit si Shin kaya naman ibinaba ko ang hawak kong cooler box at lumapit din. Aba! kung susugod siya, susugod din ako. Walang awatan ’to, square bati lang naman, charot!
“You know what? You’re just wasting our time. Ba’t di mo na lang pagsikapang itinda yang paninda mo?” Nakangiti ngunit sarkastikong sagot pa ni Shin. Hindi ko pa nakitang ganito si Shin kaya naman di ko halos mapigilang matawa. Pero sinikap kong hindi tumawa at seryosong nanood lang at inihanda ang sarili kung sakaling may bugbugang maganap, charing!
’Hindi
naman po ako
lalaban
kung hindi ako
uunahan , emz!’
“Why? Are you afraid kase kayong dalawa lang? And walang boys na magliligtas sa inyo?” pang-aasar pa nito at huminga naman ng malalim si Shin. Kanina
ka pa, Shin, ako naman . Hinila ko siya ng marahan at kinindatan bago ko nilingon ’tong si Jenny. Halos same height ko lang sila nila Shin kaya halos magtapat lang ang paningin namin. Mataray niya akong tinignan kaya ganun din ang ginawa ko.
“Bakit naman kami matatakot sa’yo? Sino ka ba? “ Tanong ko pa rito at nilingon niya ang kasama niya na animo’y hindi makapaniwala sa sinabi ko. Nagtawanan pa sila bago siya sumagot sa’kin.
“I’m the one who must asking that question. Sino ka bang laos ka?” Sarkastikong tanong pa niya na at animong nagpipigil ng tawa. Ngumiti naman ako sa kaniya. Tumabi naman sa akin si Shin kaya lumingon ako sa kaniya at ngumisi. Go bestfriend!
“Just call me, Max.” Maangas at mataray ko pang sagot. Tinaasan ko pa siya ng kilay at ngumisi bago tuluyang magsalita ulit.
“And sa word na laos, hindi ’yan applicable sa’kin kase never naman ako naging sikat, and that’s reality… E ikaw? Hindi ka nga laos? pero, ang tanong, sikat ka ba?” kunwaring tanong ko pa at ngumuso sa kaniya at napanganga naman siya na parang tanga. Just like feeling antagonist na loser naman sa mga palabas.
Inis pa akong tinignan nung mga jelay niya at inirapan ko naman sila bago ko lingunin si Shin. Ngumiti pa kami sa isa’t isa at alam ko na ang ibig sabihin n’ya ro’n. Mission success.
“Sige na, let’s end it here na.” Tugon pa ni Shin kaya naman kinuha ko na ang cooler box at lumapit kay Shin.
“Bye! pagsikapan n’yong itinda yang tinda n’yo na hindi naman cheap.. hindi nga lang din masarap.” Sarkastikong dagdag ko pa at nginisian ang tatlo. Bakas ang inis at pagkatalo sa kanila kaya naman natatawa talaga ako. Magsisimula ng away, di naman pala kaya, Tsk! Tsk!
Kinawayan pa namin sila bago umalis doon at nagtawanan kami ni Shin.
“You’ll pay for this!” Malakas pa na sigaw ni Jenny ngunit hinayaan na namin siya. Baliw ampota, haha!
Habang naglalakad ay nagsimula na kaming magbenta sa mga estudyante ngunit narinig ko ang impit na kilig muka kay Shin. Nilingon ko siya at saka ko narinig ang pamilyar na boses na ’yon. Si sir at naglalakad ito sa hallway patungo sa direksyon namin. Hindi sa nagmamarunong pero may gusto ba ’tong si Shin kay sir? Hmmm…
“Baby!” Malakas pang sigaw nito paglingon ko at nanlaki namang talaga ang mga mata ko. Jusko po, wala ba talaga siyang balak tumigil diyan. Putangina, ang dami pa naman ding estudyante rito!
“Baby?!! omy… g….what’s with him? does he have a relationship with student?” Narinig kong bulong ng estudyanteng babae sa katabi niya na nakatambay sa hallway na ’yon.
“Is he a teacher? He looks like he is. But is he new here?“Pabulong pang tugon nung isa na narinig ko ngunit hindi ko na pinansin.
Mabilis siyang nakalapit sa’min at lumingon siya kay Shin at ngumiti. At nginitian din naman siya nito. Yumuko naman ako at inilapag kunwari ang cooler box na bitbit ko at lumuhod para kunwaring tinitignan ito.
“Oh my G! Si Shin pa yata ang tinawag niyang baby?” Pabulong na sambit pa nung isa sa nakatambay na estudyante sa katabi niya..
“Parang?! Pero..diba it is forbidden to have a relationship with a student?” tugon naman nung isa pang student ngunit dinedma ko na ’yon. Pero, bakit parang apektado ako?
‘Si shin pa yata ang tinawag niyang baby.’
Naging matunog ’yan sa isipan ko at parang may kung ano akong naramdaman sa kaloob-looban ko. Bakit ba ang wirdo ng pakiramdam na ’to, ba’t ba parang may kirot?
Dahil ba dissapointed ako sa narinig ko? Aba’y ewan.
Saka wala rin naman akong gusto sa kaniya kaya bakitako madi-dissapoint? Bakla ako at lalaki siya, hindi kami p’wede. At isa pa, teacher ko siya kaya mas bawal at hindi p’wede. Isinara ko naman muna ang cooler box at saka muling natulala sa kung saan..
Pero bakit ganito pa rin yung nararamdaman ko? naguguluhan na tuloy ako! Siguro, nadissapoint lang ako kasi baka mapahamak si Shin sa ginagawa niya. Tama tama!
“Uy, kanina ka pa namin tinatawag. Ba’t tulala ka diyan?” Tanong pa ni Shin matapos niya akong tapikin. Matapos no’n ay tinaasan nya pa ako ng kilay.
Agad naman akong tumayo at ngumiti muna bago sumagot.
“Wala, may iniisip lang.” tugon ko at napatingin ako kay Sir at nakatingin pala siya sa akin. Ano ba ’to? Ba’t parang kinakabahan naman ako sa presensya niya ngayong araw. Jusme!
“Ano namang iniisip mo? Yung pagtawag sa’yo ni Sir ng baby?” Nakasimangot pa kunwaring tanong ni Shin at literal na nanlaki ang mata ko roon. Siraulo talaga ’tong bestfriend kong ’to.
“Hindi ah! Iniisip ko yung balance sheet,” Pagsisinungaling ko pa at inirapan siya.
“Okay, o sige na bigyan mo raw si Sir ng limang ice candy.” Aniya pa at tinignan ko naman si Sir. Sure ba siya sa lima? Ang takaw naman niya kung gano’n.
“Lima sir?” paninigurado ko pa at ngumiti naman siya sa’kin at saka tumango.
“Yes!” nakangiting sagot niya.
Agad akong yumuko para kumuha ng limang ice candy sa cooler box at inilagay sa plastic. Pagtapos no’n ay iniabot ko sa kaniya. Iniabot naman niya ang bayad kay Shin.
“Ang sabi ko, dalhan n’yo ko nito kahapon, kaso kinalimutan n’yo ko! Lalo ka na,” nakanguso pa kunwaring aniya na animo’y nagtatampo at tinuro pa ang noo ko.
“Sorry! nawala sa isip ko,” nakangiti kong paumanhin. Ba’t nga ba nawala sa isip ko? Baka sabihin at isipin pa nito.. umiiwas ako sa kaniya kase may gusto ako sa kaniya.
“Forgiven, baby! Basta wag mo’ko kakalimutang dalhan nito palagi. Kahit medyo unfamiliar siya sakin. Mukhang masarap naman, e.” Nakangiting sambit niya pa at kinindatan ako. Dinedma ko na lang ’yon at nilingon ko si Shin. Nakatingin siya sa akin na animo’y kinikilig. Bwiset na bestfriend ’to, ang traydor talaga!
“Dadalhan kita niyan palagi kung titigilan mo na ’yang baby-baby mo na ’yan,” Nakangiti ngunit seryosong tugon ko. Ngumisi naman siya sa akin at inilapit nang bahagya ang mukha niya sa mukha ko.
“Bakit? Naiilang ka na ba?” aniya pa at inis ko siyang tinignan at saka inirapan.
“S-sinong hindi maiilang? Teacher kita tas estudyante mo ako? Paano kung may makarinig sa’yo? Sige nga?” seryosong tugon ko pa na may bahid ng inis. Matapos no’n ay ngumisi siya at inakbayan ako kaya nanlaki ang mata ko sa ginawa niya. Nakita ko pa si Shin na halos magpigil na ng tili ng dahil sa kilig. Imbis na tulungan ako, nagkiki-kilig pa si gaga!
“Hindi ’yan pagka-ilang. Kinikilig ka na kamo. Kase kung wala kang gusto sa’kin at wala namang namamagitan sa’tin, hindi mo iisipin ’yang ganyang bagay,” pabulong na tugon pa niya. Nang makabawi ako ay inalis ko ang naka-akbay niyang kamay at sinamaan siya ng tingin bago magsalita. Anong akala niya sa’kin? May gusto sa kaniya? iw!
“Tsa, taas ng lipad ah. Ingat baka pumlakda,” sarkastikong tugon ko pa at inirapan siya. Ngunit ngumiti lang naman siya sa akin at inayos pa kunwari ang suit niya.
“Sabihin mo sa’kin kapag nahuhulog ka na…. para alam ko kung kailan kita sasaluhin,” aniya pa at kumindat bago mabilis na umalis at naiwan akong nakanganga.
Nagpaulit-ulit pa sa tenga ko ’yon at pumikit ako dahil sa inis. Gago ba siya? seryoso ba talaga siya do’n? Nakakainis!
’
Nakakainis
, ikaw lang
nagpakaba
at
nangbwiset
sa akin ng
ganito’
CHAPTER 5
Max Pov.
Kanina pa ako nasa classroom at ako lang mag-isa dahil break time pa naman. Inaya pa nga ako ni Shinna pumunta sa canteen ngunit tumanggi ako dahil wala akong gana.
Gustohin ko mang magsulat sana sa aking mini diary ay hindi ko magawa, dahil paulit-ulit na nag-eecho sa pandinig ko ang mga sinabi ni Sir. Mirrem kanina..
“Nakakairita, wala ba talaga siyang pake kahit sinong makarinig sa kaniya?” Inis na bulong ko pa sa sarili at halos mabali ko naman ang ballpen na hawak ko dahil sa gigil..
Hindi ko talaga mawari kung bakit ginagawa niya ’to. Ano bang gusto niyang mangyari? Gusto niya bang mahulog ako sa kaniya at paasahin ako? No way! Hindi ’yon p’wede no. At saka sinabi niya rin naman na wala siyang gusto sa’kin at trip lang ’yon. Edi, sasakyan natin siya. Anong akala niya sa’ten? Loser? Ibabalik ko ang ginagawa niya sa’ken! Humanda siya. tama-tama.
At saka si Harry naman ang gusto ko, ang pinapangarap ng puso ko. Kaso
malabo rin
’
yatang
maging akin.
Napanguso pa ako sa isiping ’yon pero bigla akong may naalala. Bakit nga kaya ganun yung reaksyon kanina ni Shin? May gusto kaya siya kay Sir? Dapat ko na talaga siyang obserbahan para ako naman ang manukso sa kaniya. Aba, kotang-kota na siya sa pagpapahalata niya pag nandyan si Harry. Kung sakali man talaga na meron. yari ka sakin, bestie ko.
Napangiti pa ako sa naisip kong ’yon ngunit naglaho naman ’yon agad at napalitan ng pagkakunot ng noo nang bigla kong maisip ang naramdaman ko kanina. Bakit
kaya ganun? Bakit parang nasaktan ako kanina nung narinig ko yung sinabi nung estudyante na baka si Shin yung tinawag na Baby ni Sir? Hindi ko alam, pero ano bang alam ko sa bagay na ’yan? At saka baka kirot lang yun dulot ng kaba kasi syempre bawal magkaroon ng relasyon ang estudyante at teacher. Tama! tama! yun ’yon.
Hindi ko nga alam kung ano ang magiging papel nito ni Sir sa buhay ko, namin. Pero ngayon? parang alam ko na. Ang
bwisitin
kami, oo. yun talaga ’yon. Napapikit pa ako sa isiping ’yon. Siguro, gagamitan ko na lang siya ng ipinagbabawal na teknik. Ang
dedma
teknik , tas pag di na kaya edi bounce back natin sa kaniya ginagawa niya. Basic diba?
’
Humanda
ka sir.’
“Tama tama, ’yon ang gagawin ko.” Ani ko pa sa sarili at ngumiti ng pagkatamis-tamis habang nakapikit.
“Anong gagawin mo?” Laking gulat ko at naidilat ko bigla ang mata ko para tignan ang nagtanong. Bwiset
talaga na bestfriend ’to,
papatayin
din yata ako sa takot at kaba.’
“At saka ba’t may pa-pikit pikit ka pa. You’re really scaring me, tho.” Aniya pa at umiling pa ako bago sumagot. Nanatiling nakatayo siya sa harap ko at iniilag pa kunwari ang ulo niya.
“Ay, wala. Sabi ko gagawin ko yung tinuro ni Sir. Mirrem mamaya sa remedial class,” ani ko pa habang may pekeng ngiti sa labi. Please, maniwala ka na lang.
“Ah, okay. I thought kase na–” Aniya pa na agad kong pinutol.
“Wala nga kase. Anyways, hindi mo ba narinig yung kanina?” Tanong ko pa sa kaniya habang nakatayo siya sa harap ko. Hinila ko naman muna siya para mapaupo siya sa tabi kong upuan.
“What?” Tanong pa niya at binigyan ko siya ng nanunuksong tingin.
“Ikaw yung inaakala na tinawag na baby ni sir kanina, ayieee.” Tugon ko pa at may kaunting kirot naman akong naramdaman sa pagsabi no’n. Ano bang nangyayari sa’kin, normal pa ba ’to?
“Ha? Anong ako, e diba ikaw?” Ilang at takang sagot niya. Pumeke pa ako ng ngiti at tinukso siya.
“Ayses, ikaw nga ang inakala nilang tinawag ni sir na baby. For sure, chismis na kayong dalawa bukas dito sa school.” Tugon ko at ngumisi pa sa kaniya. Agad namang bumakas ang ilang sa kaniyang mukha.
“Ay bahala sila, basta wala akong gusto kay Sir.” Tugon pa niya at umirap. Matapos no’n ay umayos siya ng upo at tumingin sa harap.
“Ang defensive mo, wala namang nagsabi na gusto mo siya.” Pang-aasar ko pa na hindi siya tinitignan. Iniligpit ko naman ang mini diary ko habang nakangisi.
“Ah, eh…basta! Yun kasi ang pinapahiwatig mo.” Pasigaw niya pang tugon at halos lumuwa na ang mata sa pagkakadilat. Ang oa, haha.
“Oo na, gusto mo na– este hindi mo na siya gusto.” Pang-aasar ko pa kunwari. Hindi ko alam pero para akong nabunutan ng tinik nang marinig kong hindi niya gusto si Sir. Aba’y ewan, siguro masaya lang talaga ako dahil mali nga naman magmahal ng guro. Yes, yun ’yon.
“Manahimik ka na. Magfocus ka na lang sa remedial mo,” pikon pang aniya at ngumisi. Nginisian ko na lang at bigla kong naisip ang isang bagay. Ang baon ko!!!
Nanlaki pa ang mata ko at nang makabawi ay agad kong chineck ang bag ko at naihilamos ko ang kamay ko sa aking mukha nang makitang wala ’yun don. Jusme
, naiwan pa nga. Kasalanan talaga ’to ni Sir, e. Ano ba ’yan? Anong gagawin ko?
Sayang naman, pang-ipon at pambili din sana ng libro ’tong pera ko. Kaso, naiwan ko yung baon ko. Edi kakain ako nito sa carinderia mamaya? hays.
“Ba’t nakasimangot ka?” Biglaang tanong ni Shin at pumikit pa ako bago sumagot.
“Naiwan ko kasi yung baon ko.” Nakanguso kong sagot at mabilis na gumuhit ang pag-aalala sa mukha niya.
“Edi, anong kakainin mo mamaya niyan?” Tanong pa niya at nagkibit balikat naman ako. Hays, hayaan na.
“Ewan ko, baka bumili na lang ako sa carinderia mamaya.” Tugon ko pa at lumingon sa labas ng room. Ba’t ko ba kasi nakalimutan? Nasa lamesa na ’yun, e. Balak ko pa naman sanang pumunta ng bookstore sana, kaso parang hindi ko na lang itutuloy…
“May pera ka pa ba? Kung wala..gamitin mo muna yung pera natin sa entrep or I could give you some na lang para—” Aniya ngunit agad ko siyang pinutol.
“Hindi na, may pera naman ako. Maraming salamat na lang,” sambit ko at ngumiti. Masyado
ng maraming
naitulong
si Shin sa akin, nakakahiya na..
“Sure ka diyan, bestie?” nag-aalalang tanong pa niya at nginitian ko naman siya. Hindi, pero ayos lang.
“Oo naman.” Nakangiting tugon ko sa kaniya para hindi na siya mag-alala. Well, kaya ko naman ang sarili ko. Pero, malaki pa rin ang pasasalamat ko dahil may kaibigan akong hindi ako pinapabayaan..
Mabilis na lumipas ang oras at natapos na ang breaktime namin..
Nagdatingan na ang iba naming kaklase at sumunod naman si Sir. Pagpasok pa lang niya ng classroom ay agad na nagtama ang paningin namin at para bang tumigil ang mundo nang panandalian..
Nag-slowmotion siya sa paningin ko at literal na nanlaki ang mata ko ng ngumiti siya. Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko kaya agad kong naiiwas ang paningin ko at lumingon sa bintana..
Maya-maya ay nilingon ko si Shin at hindi ko alam pero parang bigla akong nakaramdam ng inis sa kaniya ng makita kong animo’y palihim siyang kinikilig at nagpipigil ng ngiti..
Hindi ko alam kung saan at ano ang pinagmumulan ng inis na ’yon kaya iniwakli ko na lang iyon at hindi na inisip pa..
Mas maraming bagay akong dapat isipin kesa diyan. Oo
, tama! Mas dapat akong magfocus sa pag-aaral lalo na ngayon at kasali ako sa pesteng remedial na ’yan. Sino ba nagpauso niyan? Makotongan nga, isa kase ’yang balakid sa pahinga ko, e. charot!
At biglang hindi ko na naman ramdam ang sarili ko ngayon. Parang wala na naman ako sa hulog at hindi ko kayang makipag-plastikan ngayon kanino man..
Hindi ko naman na masyadong inisip pa ’yon at nakinig na lang. Habang tutok sa diskusyon ay napansin kong medyo nage-gets ko ang itinuturo kaya napangiti ako ng bahagya. At biglang nagtama ang paningin namin ni Sir at saktong ngumiti siya.
Hindi na naman magkamayaw sa bilis ang tibok ng puso ko at ayun na naman ang pakiramdam na para akong nalulunod..
Literal na nagulat ako ng marinig kong banggitin niya ang pangalan ko..
“What’s with the smiling face, Mr. Garcia, my baby?” nakangiting tanong niya at nagtama ang paningin namin. Halos manginit at ramdam kong namula ako sa tanong niyang ’yon. Infairness ang hot niya sa ngiting ’yon, pero jusme.. abot langit na yata ang kaba na ibinibigay niya sa akin. Ayoko na!!!
“S-sir?” Utal na tugon ko pa at natawa naman siya. Leche! ano ba naman to, nautal pa ako. Kung di ka ba naman malasin..
“You’re smiling kanina..I wonder if you would like to solve this problem for us..” Nakangiting aniya pa at napayuko ako. Napansin pala niyang na-ngiti ako, jusko..
“S-sir, hindi—” Magdadahilan pa sana ako ngunit agad niya akong pinutol.
“Come here, just solve it for us..” nakangiti ngunit seryosong aniya. At wala naman akong nagawa kundi lumapit at pumunta sa harapan..
Grabe naman maglaro ang tadhana, ako pa talaga ang napagtripan. Nangiti lang tas biglang tinawag na sa harapan agad? bwiset naman talaga, oh.
“Here’s the chalk. Solve the number 5 for us,” aniya pa pagkalapit ko at iniabot ang chalk. Halos hindi naman ako makatingin sa kaniya, dahil sa gilid ng mata ko ay kita ko ang ngiting nasa labi niya..
Nangangatog ang tuhod kong hinarap ang pisara at tinignan ang problem number five.
Inupuan niya pa ang gilid ng teacher’s table at halos ramdam ko ang presensya niya sa likuran ko kaya nagsimula na namang bumilis ang tibok ng puso ko..
“C’mon, you can do it..” Sambit pa niya mula sa likuran ko at dahil don, mas kinabahan ako at mas nangatog ang tuhod ko..
‘Leche talaga!’
Pinilit kong ayusin ang sarili ko at sagutin ang problem na nakasulat. Hindi pa nga ako makapag-focus dahil parang name-mental block ako sa presensya niya ngunit hindi ako nagpadala..
Sinimulan kong i-solve ang problem at inisip ang naaalala kong sinabi at itinuro niya kanina lang.. Akala ko’y mahihirapan pa ako..pero biglang parang nawalan ako ng kasama at ang tanging tunog na lang ng paghinga ko ang naririnig ko..
Matapos ko itong ma-solve ay parang nabalik ako sa reyalidad at narinig ang kaunting bulungan at ingay ng mga kaklase ko..
Paglingon ko paharap sa kanila ay agad kong nahagip ang paningin ni Sir na nakatutok sa akin kaya naman agad akong nag-iwas tingin matapos i-abot ang chalk..
Babalik na sana ako sa upuan ko ngunit agad akong napahinto sa sinabi niya..
“Wait, explain mo muna yung sagot mo..” Aniya kaya bumalik ako at lumapit muli sa pisara. Naamoy ko pa ang sobrang bango niyang perfume kaya naman halos ayan na naman ang kaba at pangangatog..
Napabuntong hininga pa ako bago sinimulang magsalita dahil parang nakakapagod ang ganoong pakiramdam..
Matapos kong magpaliwanag ay bigla pa silang nag-palakpakan. Hindi ko naman na ’yon pinansin at hindi ko na hinintay na paupuin ako dahil kusa na akong bumalik sa upuan ko..
Nakangiti pang tinignan ako ni Sir nang makaupo ako ngunit hindi ko na rin ’yon pinansin pa. Hindi ko ba alam pero nanghihina talaga ako kapag ganyan siya, nakakainis! Nagiging wirdo na rin para sa’kin yung nararamdaman ko. Ba’t
ba kasi ganito?
Hindi ko alam pero latang-lata ako matapos no’n kaya halos wala na rin akong ganang nakinig sa diskusyon niya. Malaking pasalamat na rin dahil hindi na rin niya ako inistorbo pa matapos no’n. Hindi ko na lang din pinansin yung pangiti-ngiti niya pag nagtatama ang paningin namin. Dedma
yarn?
Mabilis namang lumipas ang oras at natapos na ang subject niyang ’yon. Mabilis siyang nagpaalam at dinismiss ang klase kaya naman para akong nakahinga ng maluwag.
Napahigop pa ako ng hangin at lumingon na lang sa bintana.. Salamat
at tapos na rin.
Taka ko namang nilingon si Shin nang tumayo ito at akmang aalis..
“Saan ka?” Tanong ko pa at napansin kong hawak niya ang puson niya. Nagmake face pa siya bago sumagot.
“I need to pee..” Tugon niya at nagmamadaling lumabas. Hinayaan ko na lang din naman siya at ibinalik na lang paningin sa labas..
‘Ang ganda talaga ng langit ngayon, parang ako..eme.’
Shin’s Pov.
Matapos ang klase ni Sir. Mirrem ay agad akong umihi dahil kanina pa ako nagpipigil..
Gusto ko na sanang magpaalam lumabas para umihi kaso nahihiya ako.. I just don’t know why..
I feel like I’ll mumble if I do that so, that’s why I wait na lang..
Habang naglalakad sa hallway ay hindi ko naman alam na aabutan ko pa si Sir. Medyo malayo ako at biglang may lumabas na teacher sa isang room at nagkasabay sila..
I was about to take a turn nang marinig ko ang usapan nila kaya sinundan ko na lang sila..
‘Bahala na, may cr din naman sa kabila..’
“Balita ko..may tinawag ka raw na baby na estudyante? Yung model..” Paratang na tanong pa niya kay Sir. Kitang kita ko naman ang takang ngisi ni Sir habang naglalakad. Hindi ko alam pero naging excited ako marinig kung ano magiging sagot niya. As if I’m expecting for him to say yes, tss.
“You mean, Shin? Hindi siya yung tinatawag kong baby..” Tugon niya habang mabagal na naglalakad kasama ang isang teacher na ’yon. At parang huminto ang mundo ko sa sagot niyang ’yon..
“Edi..sino pala?” papahinang tanong nung teacher dahil papalayo na sila. Hindi ko na nagawang sundan pa sila dahil para akong nanghina sa narinig kong ’yon. Para bang bigla akong nalungkot, pero hindi ko rin alam kung bakit.. Halos nakalimutan ko na nga ring naiihi ako..
I just don’t really know why. Why do I feel this way? What’s the meaning of this?
“Si Max, one of my student.” Rinig ko pang sagot ni Sir at hindi ko na pinansin ’yon. Agad naman silang nawala sa paningin ko dahil nakaliko na sila. Nilingon ko pa ang gawi na ’yon at bigla akong napa-isip..
Napasandal pa ako sa pader at napabuntong hininga sa kawalan.
‘What’s happening to me?’
“Hindi naman ako ganito ah? Ano bang nangyayari sa’kin?” Nakangusong bulong ko pa sa sarili. Masyado talaga akong nagtataka sa sarili ko at sa iniaasta ko..
Ang weird ko naman ngayon?
Naisip ko pa ang pang-aasar at panunukso sa akin ni Max at napatungo ako..
Nagwapuhan lang naman ako sa kaniya ah, ba’t biglang ganito na? Naguguluhan na tuloy ako, hindi ko na rin alam kung kilala ko pa ba ’tong sarili ko..
Nagulo ko pa ang buhok ko bago nagpatuloy maglakad para umihi sa kabilang building..
Mirrem’s
Pov.
“Max? is that male or female?” Tanong pa ni Ms. Shiela. Kasamahan kong prof dito sa Imperial college.
“He’s gay.” Simple kong tugon at napa-nganga pa siya ng bahagya na animo’y nagets niya ang diskusyon..
I don’t really know why kung bakit ang bilis kumalat ng balita. Akala ko pa naman pang mga elites ’tong school na ’to? Ba’t parang mga low class at chismosa naman ’yata ang mga tao rito, tss.
Napairap pa ako sa kawalan dahil sa naisip.
“Pero, why are you calling him baby sir? Do you like him?” Tanong pa niya at pinigilan ko pang mainis sa tanong niyang ’yon. Coz it sounds like she was interrogating me.
Bakit
ba ang daming nagtatanong niyan?
Bawal
ba talaga
tawaging
baby ang isang tao nang walang ibang meaning? Nakakainis e, no. Lahat nilalagyan ng meaning. Hindi ko naman kailangang magpaliwanag sa lahat pero parang tuloy laging obligasyon ko dahil sa ganyang mindset..
Napabuntong hininga pa ako bago sumagot.
“I like him…But not in a romantical way. I call him baby because of his hair. It reminds me of Doc Mcstuffins,” simpleng tugon ko pa at ayun na naman ang reaksyon niyang ’yon na nakanganga at tumatango-tango..
Hindi ko naman na yun pinansin pa at nagpaalam na..
“Ma’am, mauna na ako.. Baka ma-late ako sa next class ko..” Tugon ko at mas binilisan ang lakad. Ngunit tinawag niya ako ulit, kaya wala akong nagawa kundi lingunin siya.
“Sir, sabay tayo ulit maglunch later, ha?” Sambit pa niya at ngumiti naman muna ako bago sumagot.
“Sure.” Ngiting sagot ko at tumalikod na at umalis..
Wala rin naman akong ibang sasabayan. So, I guess wala akong choice? Nagkibit-balikat na lang ako sa isiping ’yon at pumunta na sa next class ko..
Naging seryoso naman ako this time sa section na ito. Wala naman akong multiple personality disorder, pero trip ko lang maging seryoso sa ibang sections. Except sa section nila Max, ba’t ba? Besides, masarap talaga siya pagtripan, tss.
Halos matawa pa ako sa bigla kong naalalang pangyayari kanina. Halos madurog ang chalk sa pangangatog ng kamay at tuhod niya..
May
pautal
pa, tss.
Hindi ko naman na inisip pa ang nakakatawang pangyayaring ’yon at nagturo na..
Mabilis na lumipas ang oras at tapos na ang klase dahil alas dose na..
Dinismiss ko naman na ang klase at agad lumabas ng classroom. Ngunit nagulat ako nang may biglang sumulpot na estudyante sa gilid ko at sumabay pa sa paglalakad ko..
“Sir, is it true that you have a relationship with a student?” tanong pa nitong babaeng estudyante na may malaking glasses. Napapikit ako sa tanong niyang ’yon at yumuko ako para tignan siya. Ang lakas naman ng loob nitong magtanong, ganito ba talaga sila rito? tss..
“Saan mo naman narinig ’yan?” Pigil ang inis na tanong ko pa at ngumuso lang siya..
“I just heard it, and besides we all know who she is..” Aniya at parang alam ko na ang tinutukoy nila. Si
Shin.
“I don’t have any romantic relationship with a student.. cause that’s forbidden. So, if you’ll excuse me..” Inis kong sagot at nagwalk-out. Sisirain pa ang tanghali ko, sarap konyatan..
Binilisan ko pa ang lakad para pumunta sa Faculty office namin..
Pagkarating ko roon ay agad akong dumiretso sa lamesa ko at inilapag ang gamit ko roon. Naabutan ko pa si Ms. Shiela sa mesa niya na nasa tapat lang ng akin.
“Tara na, Sir? Btw, sa’n ka nga pala kakain?” yanong pa nito sa akin at ngumiti naman ako bago sumagot.
“Hindi ko rin alam, Miss. Ikaw ba? Saan ka kakain?” kaswal na tanong ko rito habang inaayos pa ang iba kong gamit.
“Hindi ko rin alam, Sir. Maghanap na lang tayo ng makakainan paglabas natin, Sir..” tugon niya at nag-angat tingin ako sa kaniya at saka sumagot.
“Okay.” Sagot ko at ngumiti ng tipid.
Matapos kong mag-ayos ay kinuha ko na ang baon ko. Hindi ko naman na sana kelangan pa lumabas kaso, malakas talaga ako kumain kaya lumalabas pa rin ako para bumili..
Napagdesisyunan namin ni Ms. Shiela na kumain sa isang fastfood sa labas ng school tutal pauwi na rin naman siya. Wala namang kaso sa akin ’yon kahit pa may remedial class ako kaya pumayag ako..
Habang papalabas ay napatingin ako sa kabilang gawi nang may makita akong estudyante na kulot at papunta siya sa stress free zone.
Tinignan ko pang mabuti ito habang naglalakad at tama nga ang hinala ko.. si Max nga..
Pero ang ipinagtataka ko, anong gagawin niya roon? At bakit siya pupunta roon.
Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa mawala siya sa paningin ko. Hindi naman mawala sa isip ko ang tanong kung anong gagawin niya ro’n kaya agad kong nilapitan ang medyo nauunang si Ms. Shiela at nagpaalam.
“Miss? P’wedeng mauna ka na lang maglunch? May hindi pa pala kasi ako natapos gawin, e.” Pagpapaalam ko at kunwaring kumamot pa sa ulo.
’Ba’t ba kelangan ko pa
magsinungaling
, tss.’
E, baka kasi ma-issue na naman.. Yeah, that’s it. Baka ma-issue.
“Sure, sir.” nakangiting tugon pa nito at awkward naman akong ngumiti.
“Sorry ah, kelangan kasi yun mamaya para sa remedial..” paumanhin ko pa at tumango naman siya.
“Yes sir! ayos lang.. no problem,” tugon pa niya kaya ngumiti ako bago nagsalita ulit.
“Sige, ingat!” Sambit ko pa at ngumiti naman siya bago sumagot sa akin.
“Yes, Sir! Ikaw din,“aniya pa at tumango na lang ako bilang tugon sa kaniya at mabilis siyang tumalikod.
Nagsimula naman na siyang lumakad paalis kaya halos takbuhin ko na ang daan papuntang stress free zone..
Ano
kayang gagawin niya rito? Hindi ba siya kakain?
Alam kong kasali siya sa Remedial Class kaya alam kong hindi siya agad uuwi pero bakit dito siya dumiretso?
Hindi ako natutuwa dahil masyado akong nag-iisip kahit hindi naman dapat..
Parang ang weird ko naman ngayon? tss..
Napasimangot pa ako habang tinatahak ang daan papuntang stress free zone..
CHAPTER 6
Max Pov.
Kanina pa tapos ang klase ngunit nasa skwelahan pa rin ako dahil nga may remedial class pa ako..
Iniwan ko na lang din muna yung cooler box sa classroom at babalikan ko na lang mamaya..
Galing na rin ako sa labas ng skwelahan para sana magtingin sa carinderia, kaso halos puro fastfood chain lang ang meron. Naka-tsamba sana ako ng carinderia kaso halos malula ako sa presyo ng ulam nila. 40 isang order tas yung kanin 30 pesos. Ano
bang ginamit na
pangluto
diyan?
ginto
?
Nahiya
yung 50 pesos kong baon..
So ayun, napagdesisyunan kong h’wag na lang kumain. Papunta ako ngayon sa Stress Free Zone para doon magpahinga dahil mamaya pa naman ang remedial class..
Habang naglalakad ay bigla kong naalala yung mukha ng bestfriend kong si Shin. Na-late siya sa klase at bakas sa mukha niya kanina ang lungkot. Tinanong ko pa siya ngunit wala naman akong natanggap na direktang sagot..
’Obvious naman na kase na meron, pero ano kaya ‘yon?’
Naitabingi ko pa ang ulo ko na animo’y nag-iisip ng dahilan kung bakit nagkagano’n ang bestie ko. Gusto ko pa nga sana siyang samahan na magmilktea dahil nag-aya siya kanina..
Ngunit may klase kaya tinanggihan ko siya. Napanguso naman ako dahil parang naguguilty ako kase wala akong magawa para sa bestie ko. Sana maging okay na siya..
Mabilis kong narating ang Stress Free Zone at halos maibuka ko ang kamay ko dahil sa sarap ng hangin..
Ang presko sa pakiramdam at nakakagaan talaga siya ng damdamin..
Tumingala pa ako at nakita ko ang kalangitan na halos natatakpan ng mga punong matatayog..
Halos maririnig mo pa ang ihip ng hangin na tinatangay pa ang natural na kulot kong buhok..
Umupo naman ako sa bench at nagpahinga. ang sarap. Kung kanina ay parang medyo gutom ako, ngayon ay parang nabusog ako sa ganda ng paligid at sa sarap ng hangin..
Nakangiti ko pang kinuha sa bag ko ang earphones ko at makikinig sana ako ng music nang biglang narinig ko na naman ang pamilyar na boses na ’yon. Actually kilalang-kilala ko na, e.
’Ba’t
ba lagi tong wala sa timing?’
“Baby..” Napapikit pa ako ng marinig ’yon. Suminghap muna ako ng hangin bago dumilat at sumagot. Ibalik
mo sa
kanya
ang ginagawa niya,
gantihan
mo.. deserve niya ’yan. Let him taste his own medicine..
“Yes, baby?” Nakangiting tugon ko pa at hindi ko alam pero parang may kung anong maliliit na bagay akong naramdaman sa dibdib ko nang banggitin ko ang salitang baby..
Shet, ba’t ganito?
Aba, ginusto ko ’to e, tsk.. paninidigan ko na. Halos magtayuan pa ang balahibo ko habang iniisip ang magiging sagot niya.. Sana naman, hindi mas malala ang
isagot
niya..
Napansin ko pa ang medyo kunot niyang noo habang nakatitig sa’kin. Nilabanan ko naman ’yon at pinilit kong hindi bumitiw sa tinginang ’yon. Habang nasa gano’n kami ay tila sumisikip ang dibdib ko at nando’n ang pakiramdam na para bang nalulunod ako.. Hindi ko alam pero para bang sinisisid niya ang loob-loob ko at kaluluwa ko sa pamamagitan ng titig na ’yon..
Siya ang unang nag-iwas ng tingin at yumuko naman ako para itago ang ngising nasa labi ko ngayon.. Tss
,
nanalo
rin ako..
“A-ano nga pala ginagawa mo rito? Tapos ka na ba mag-lunch?” Nautal pang tanong niya nang hindi ako tinitignan. Napakagat labi naman ako para pigilin ang tawa ko. Effective naman pala, e. Ikaw
naman ngayon..tss..
Nang maupo siya sa tabi ko ay umusog ako ng kaunti at nang makita ko sa gilid ng paningin ko na lumingon siya ay nilingon ko rin siya. So, in short. nagtama ang paningin namin..
Tinignan ko pa ang asul niyang mata na napapalibutan ng mahahaba at kurbadong pilikmata bago sumagot..
“Magpapahinga sana ako rito dahil ayoko rin maglunch..” Tugon ko at nag-iwas tingin dahil medyo naka-awang ang labi niya at hindi ko mapigilan ang tawa. Para kase siyang na-starstruck sa ganda ko, e. charot.
Akala pa siguro neto nasa teleserye siya, baka nagslow motion pa yung paligid para sa kaniya, tss..
“Bakit naman ayaw mo maglunch?” Tanong pa niya at inilapag niya ang dala niyang bag sa tabi ko. Hindi ko naman na ’yon pinansin at nilingon siya..
“Nakalimutan ko yung baon ko dahil sa pagmamadali ko kanina.. Bibili sana ako sa labas kaso hindi ko trip kainin yung pagkain na meron sila, e.” Kunwaring tugon ko pa at nakita ko ang pag-nguso niya at bahagyang pagsasalubong ng kilay niya..
“Tss, don’t skip meals.. Tara, let share sa foods na meron ako.” Aniya pa at halos manlaki naman ang mata ko sa sinabi niyang ’yon. Eto na naman siya, nagsisimula na naman siya.. Ayoko nga, pabibilisin mo lang tibok ng puso ko, tss..
’Ba’t
ba siya ganyan?’
“No no no… Ayos lang ako, sir…” Pekeng tugon ko at ngumiti. Please! wag ka na
magpumilit
…
“Tss, we’ll eat.” Seryosong aniya na nag-igting pa ang panga.. Iniwas ko naman ang paningin ko dahil pakiramdam ko ay nag-iinit at namumula ako..
’Ano ba ’tong
pinasok
ko? Sana pala kumain na lang ako sa carinderia.’
“No no.. sir! ayos lang talaga.. busog po ako..” Pagtanggi ko pa na kinakaway pa ang kamay ko. Tinignan naman niya ako ng masama at napanguso ako.. Ano
bang nangyayari sa kaniya?
Napalunok pa ako dahil sa titig niya na ’yon na biglang lumamlam at nag-iwas ng tingin at agad din namang ibinalik..
Ano kayang iniisip netong tukmol na ’to? Hindi ko pa naman kabisado ang liko ng bituka neto, tss..
“Why sir now? bakit hindi na baby?” Nakanguso niya pang tanong at inilagay pa ang mukha niya sa palad niya at animo’y nagpapa-cute. Halos manlaki naman ang mata ko sa tanong niyang ’yon. Napalunok pa ako at kahit gustuhin ko mang sumagot ay tila walang boses na lumalabas..
Hindi rin ako halos makapaniwala na sasabihin niya ’yon. Di ko
inasahan
’yun ah.
Help me.. Ang tanging nasabi ko sa utak habang nilalabanan ang titig ng mga mata niyang ’yon. Isa pa ’yang mata niya na ’yan, e.
tutusukin
ko ’yan!
Huminga pa ako at kasabay no’n ang paghugot ko ng lakas para sagutin siya. Nakangiti na siya ngayon at animo’y hinihintay ang sagot ko. Ang abnormal ng teacher na ’to, sarap
sipain
..
Mirrem’s
Pov.
“Baby..” Pagtawag ko pa kay Max nang makita ko siyang naka-upo na sa bench at parang timang na ngumingiti sa kawalan..
Kanya-
kanyang
trip lang ’yan, wag kang ano..
Napansin ko pa ang bigla niyang pagpikit nang marinig niya ako. At kinagat ko pa ang labi ko para pigilan ang tawa ko..
’Wala pa nga e, naiinis
na agad haha’
Ngunit halos nagulat ako at ramdam ko ang bahagyang pagkunot ng noo ko sa sagot niya..
“Yes, baby?” Nakangiting sagot niya pa..
Hindi ko naman nagawang magsalita ulit at naiwan akong nakatitig sa kaniya..
What’s with that smile? Bakit parang kahit mahangin e pinagpapawisan ako? What’s with him, e? What is he doing to me?
’
Gumaganti
ba siya? Tss..’
Muli pang nag-echo ’yon sa pandinig ko kaya naman tumugon na ako. Peste
, ano bang nangyayari? Ako ang may balak mang-asar ah.. bakit ganito? Ah p’wes, hindi p’wede ’to.
Kahit lintik sa bilis ang kabog ng dibdib ko ay pinilit kong magsalita ng normal..
“A-ano nga pala ginagawa mo rito? Tapos ka na ba maglunch?” Lintik naman talaga. Nautal pa ako.. Hindi to p’wede..
Umupo naman ako sa tabi niya kaya naman ramdam na ramdam ko siya. Halos magtayuan pa ang balahibo ko dahil do’n..mabuti na lang talaga ay umusog siya..
Pinilit kong umayos at nilingon siya at nagulat ako nang lumingon din siya. In short, sabay kaming napalingon sa isa’t-isa. Peste
..
Pilit kong nilabanan ang titig niyang ’yon kahit ba parang may kung anong dumadaloy ro’n at gusto akong pabitawin sa titigang ’yon.. Habang nakatitig ay naka-awang ang labi ko dahil do’n ko nagawang pag-aralan nang malapitan ang mukha niya..
Kahit medyo ilang ay talagang namamangha ako sa mukha niyang ’yon. Kahit hindi magpa-cute e talagang cute at maganda.. did i just say what?!
“Magpapahinga sana ako rito dahil ayaw ko rin maglunch,” tugon niya at nag-iwas tingin. Mabuti na lang din talaga dahil hindi ko alam kung kaya ko pa bang tagalan ’yon, tss.
Pero ba’t ayaw niya maglunch? ano ’to dieta? Ang payat na nga niya, e. Pero ba’t ba’ko nangingielam? tss. Pero, baka naman wala siyang maisagot at maintindihan niyan mamaya sa remedial class dahil wala siyang kain, tss!
“Ba’t naman ayaw mo maglunch?” kunwaring tanong ko pa at inilapag ang bag ko na may pagkain sa tabi niya.
Nilingon naman niya ako at sumagot.
“Nakalimutan ko yung baon ko dahil sa pagmamadali ko kanina.. Bibili sana ako sa labas kaso hindi ko trip kainin yung pagkain na meron sila, e.” Tugon niya at napanguso naman ako at ramdam ko rin na bahagyang nagsalubong ang kilay ko..
Kaya ba siya hindi kakain kase nakalimutan niya yung baon niya? Pero kahit na gano’n, ba’t parang apektado ako? Ano bang pake ko? diba dapat wala?
Kainis..bakit parang may kung ano akong nararamdaman sa dibdib ko? aish!
“Tss, don’t skip meals.. Tara, let share sa foods na meron ako,” tugon ko na lang at agaran namang nanlaki ang magaganda niyang mata at tumanggi..
’ did i just said
magaganda
? wtf!’
At saka talaga bang tinanggihan niya ako? Never in my life pa akong natanggihan at tinanggihan.. sa gwapo kong ’to? Tss.. Hindi p’wede.
“Tss, we’ll eat.” Seryosong sabi ko pa at ramdam ko ang pag-igting ng panga ko sa inis. Aba, siya pa lang tumanggi sa’kin ah.. halos pag-agawan nga ako ng mga schools tas siya, gaganyanin ako?
“No no.. sir! ayos lang talaga.. busog po ako..” Pagtanggi niya pang ulit at ikinaway pa ang kamay niya. Hindi ko naman napigilan ang sarili kong samaan siya ng tingin..
Eh kung
ibagsak
ko kaya ’to?
At parang biglang umulit pa ang sagot niyang baby sa pandinig ko kaya naman may biglang naisip ako.. Aba
, kanina may
pa-baby
tas biglang sir na lang?
Ngumuso pa ako kunwari at saka nagsalita..
“Why sir now? bakit hindi na baby?” tanong ko kunwari at halos matawa ako nang manlaki ang mata niya.. Kala mo ha..hindi mo’ko
malulusutan
. Alam ko na ’yang
galawan
na ’yan. Ipinatong ko pa ang mukha ko sa palad ko at nagpacute sa kaniya..
Hindi ko na napigilang ngumiti nung huminga siya ng malalim at tila sasagot.. Ang cute niya do’n, tss..
“E kasi.. tinawag mo’kong baby! Ganti ko lang—” Halos matawa ako dahil lumalaki pa ang butas ng ilong niya habang nagpapaliwanag. Hindi ko naman siya pinatapos at agad ko siyang pinutol sa sinasabi niya..
’Ganti pala ah, edi
magdusa
ka
ngayon..’
“Okay.. from now on. You’ll call me baby and I’ll call you baby, too.” Seryosong aniya ko at nginisian siya matapos non. At mabilis na bumalatay ang pagkagulat sa mukha niya. Ano
ka ngayon?
nagsisisi
ka na ba? haha.
“Eh! Ayoko nga!” Malakas na sigaw niya at hindi ko na napigilan matawa. Bahala ka diyan, magsisi ka.
“Oh bakit? Diba sabi mo gagantihan mo’ko? Ayan oh, pinagbibigyan na nga kita.. tas ayaw mo pa,” Natatawang sabi ko sa kaniya at halos hindi naman maipinta ang hitsura niya dahil sa sama ng tingin niya sa’kin..
“Ayoko na, tigilan mo na kasi, sir!” Pikon niyang sabi sabay nag-iwas ng tingin. Nginitian ko naman siya dahil alam kong kita niya ako sa gilid ng mata niya..
’Hindi
p’wede ’yan, dapat
mag-
gantihan
tayo, tss hahaha.’
“Sige, mamili ka na lang..” Seryoso kunwaring aniya ko pa at nakanguso naman niya akong nilingon. “Tatawagin mo’ko no’n o babagsak ka?” Tanong ko pa at tinignan niya ako na animo’y hindi makapaniwala..
“Hoy! bino-blockmail mo ba ako? Gusto mo bang i-report kita sa Principal?!” Pasigaw na tanong pa niya at para bang may lumalabas na usok sa ilong niya dahil sa laki ng butas no’n. Nginitian ko naman siya at tinitigan sa mata. Ang tapang, pero di ka uubra sa’kin.
’Hoy
daw?? hahaha!’
“Go ahead,” tugon ko at tumuro pa sa daanan na para bang naroon ang principal’s office. Wala kang lusot, matapang ka, ah. Ilabas natin ’yan..
“Tingnan natin kung may maniniwala sa’yo..” Dagdag ko pa at ngumisi sa harap niya..
Kumibot-kibot pa ang labi niya na animo’y may gustong sabihin at hindi masabi. Ang sama ng tingin niya sa akin at pinigilan ko ang sarili kong tumawa at ngumiti lang..
“Ano namang mapapala ko diyan sa gusto mo?” Sabi pa niya na animo’y wala siyang choice. Well, wala naman talaga siyang choice. Hinawakan ko pa ang baba ko at tumingala na para bang nag-iisip kunwari..
“Hmm, edi magagantihan mo na ako tapos sure na hindi ka babagsak at mahihirapan sa klase..” Nakangiting sagot ko pa at halos sumingkit na ang mata ko dahil do’n. Inis niya pa akong tinignan at nag-iwas ng tingin bago sumagot.
“Anong ganti? Nasa’n kaya ang ganti ro’n?” Pabulong na tanong pa niya na narinig ko. Kitang kita ko ang haba ng nguso niya kaya muntik na akong matawa pero pinigilan ko. Eto naisip niyang ganti tas ngayong pagbibigyan, ayaw na. Hays, kawawang Max. Napagtripan ko, haha.
“Ikaw naman nakaisip ng ganti na ’yun ah.. Tas ngayong pagbibigyan ka, magrereklamo ka.. tss..” natatawang sagot ko pa sa bulong niya. Sinamaan naman niya ako ng tingin ngunit agad din siyang ngumuso at nagsalita..
“Oo na, pero may isang kondisyon ako!” nakangusong aniya at nakangiting sumagot naman ako.
“What is it?” Tanong ko.
“Tatawagin mo’kong ganun pag tayo lang ang magkasama,” aniya at siningkitan ko siya ng mata. Hindi p’wede, hindi naman siya
napipikon
pag walang ibang
nakakarinig
, tss.
’Ano
pang point nito kung ganun lang din naman ang mangyayari, tss!’
Akala mo maiisahan mo’ko ah, p’wes hinding hindi ’yan mangyayari..
“No,” Seryosong sagot ko at tumingala para tignan ang mga puno kahit saglit. Ang ganda.
“Eh, sige na kasi..Edi magbigay ka rin ng kondisyon mo para fair !” Pamimilit pa niya at nagtunog sarkastiko pa sa pagkakabanggit ng fair. Tinignan ko naman muna siya at napa-isip. Naihawak ko pa ang kamay ko sa baba ko at napatingala ulit. Hmm, ano naman kayang kondisyon? Gusto niyang kaming dalawa lang pag magtatawagan kami ng gano’n.
’ hmmm? ano kaya?’
At parang may bumbilya pang lumitaw sa ibabaw ng ulo ko nang may maisip ako..
“Sige..basta ba lagi tayong sabay maglu-lunch dito
, “ tugon ko at idiniin pa ang salitang ’yon. Nag-iwas tingin naman siya at bakas pa ang pagtutol sa mukha niya. Kasabay pa no’n ang pagkibot- kibot ng labi niya at nag-iwas tingin lang din ako dahil natatawa talaga ako. Yung mukha niya kasi parang nalugi, kawawang -kawawa yung hitsura, tss. Pasensya na talaga at ikaw ang napagtripan, haha.
Nilingon ko naman siya nang magsalita siya..
“Ang daya naman!” bugnot pang aniya at napakamot pa sa ulo.. Agad naman akong sumagot sa sinabi niyang ’yon.
“Ayaw mo ba? Ayos lang nama–” Seryoso kunwaring tugon ko na agad niyang pinutol.
“Hindi hindi! Okay na ’yun, sige na kain ka na..” Aniya pa at ngumiti pa kunwari saka siya tumingin sa kung saan. Abnormal amp, bipolar ba siya? Napailing na lang ako sa isip at hindi na pinansin ’yon..
“Okay baby! Let’s eat, then.” Ani ko at inilabas ang pagkain na nasa bag ko.
Narinig ko pa ang pagbuntong hininga niya kaya tinignan ko siya. Nando’n na naman yung mukha niyang parang nalugi sa lotto. Nangiti naman ako nang dahil do’n..
“Alam mo ba? masarap ang pagkain kapag hindi ikaw ang nagsusubo,” saad ko pa at taka naman niya akong nilingon at tinignan.
“Ha?” takang tugon pa niya. Hindi ko naman ’yon pinansin at kinuha ko na lang ang kutsara at iniabot sa kaniya..
“Subuan mo’ko at susubuan kita. Nang sa ganoon, sumarap ang pagkain,” tugon ko at ngumiti sa harap niya ng pagka-laki laki.
“Ba’t may pa-ganyan pa, e ang laki-laki mo na!” inis pang aniya at ngumuso naman ako kunwari..
“Ayaw mo ba ako subuan, baby ko ?” Makahulugang tanong ko pa at idiniin ang salitang ’yon.. At tila nakuha naman niya iyon kaya agad siyang ngumiti habang kumukuha ng pagkain..
“Hindi naman baby ko. O, eto na..” Tugon niya at ngumanga naman ako nang i-amba niya ang pagkain sa bunganga ko. Agad ko naman itong sinubo at ngumuya.
“Ang sarap, baby ko!” sambit ko pa habang may pagkain sa bibig ko. Nag-angat tingin naman siya sa akin dahil kumukuha siya ng panibagong isusubo sa’kin. Inirapan niya muna ako bago nagsalita.
“Bawal magsalita habang puno ang bibig, tss.” Aniya kaya nangiti ako. Nilunok ko naman muna ang pagkain bago sumagot..
“Sorry po, baby ko. O, ikaw naman..” Sagot ko pa at agad kong tinusok ng tinidor ang karne at iniamba iyon sa bibig niya..
“Ahhh..” Anas ko pa nang iiwas niya ng bahagya ang mukha niya at sinamaan ako ng tingin. Ngunit wala siyang nagawa kundi subuin at nguyain ’yon.
Natawa ako ulit sa itsura niya dahil bugnot na bugnot ngunit walang magawa. Parang sa isip pa niya minumura niya ako at nagsisisigaw siya ng peste..
Natawa ako sa naisip kong ’yon kaya nginitian ko siya..
Inambaan na naman niya ako ng pagkain kaya agad ko ’yong sinubo at kinain at ganun nga ang nangyari hanggang sa matapos kaming kumain..
Tumambay lang naman muna kami do’n at nagpahangin.. Tamang asaran lang din. Ako ang mapang-asar at siya ang laging pikon..
Naaasar din naman niya ako pero hindi niya talaga kayang higitan ang pang-aasar ko. Hindi ko alam pero halos hindi namin napansin ang oras dahil abala kami sa paghaharutan at asaran..
Hindi ko alam pero parang mas gumaan yung loob ko sa kaniya nung mga oras na ’yon at ang saya ko talaga… Dahil lang din siguro sa yun pa lang ang unang beses na ginawa ko ’yon..
Humiling pa siya na h’wag daw kami magsabay papunta sa room. Ayoko sana pumayag kaso, baka umiyak na siya sa sobrang pikon kaya nagparaya na ako. Nauna akong umalis sa Stress Free Zone at sinabi niyang susunod naman siya.
Ngayon ay nasa faculty room na ako at inihahanda ang mga gamit ko para sa remedial class. Nangiti pa ako nang maisip kung nando’n na ba siya.
Ba’t nga ba ako ngumingiti? Erase, erase..
Umiling pa ako bago lumabas ng faculty room at pumunta sa katabi nitong room.
Pagpasok ko ay agad akong binati ng iilang estudyanteng naroon at agad ko silang pinaupo.. Luminga naman ako at hinanap si Max. Nakita ko siya sa may likod at nakatingin siya sa labas ng bintana. Para namang laging uwing-uwi? Kada makikita ko siya, lagi siyang nakatingin sa labas ng bintana.
Agad ko namang sinimulan ang klase at itinuro ang naging topic sa test paper na ibinahagi ko noong nakaraan..
Nagpatuloy lang naman ako at hindi na masyadong inasar si Max na abala sa pagsusulat ng notes. Mabilis na tumakbo ang oras at maya-maya pa ay natapos na ako. Agad ko namang sinimulan magbigay ng test paper na sasagutan nila, alangan namang sasagutan ko diba? charot.
Magkakaiba ulit ang questions kada test paper kaya sigurado akong hindi nila magagawang magkopyahan. Akala n’yo ha?
Masipag
’to gumawa ng test papers, tss..
Nilingon ko pa si Max at halos matawa ako ng makita kong nakanguso siya habang sinasagutan ang test paper. Hirap
yarn? Talagang mababasa mo sa hitsura niya na hindi niya nage-gets ang pinasasagutan sa kaniya..
Hinayaan ko lang naman siya at hinayaan silang magsagot. Ngunit lumipas ang ilang oras ay halos natatapos na ang ibang estudyante maliban sa kaniya.. Kawawa
naman.
Paanong may maisasagot? habang nagtuturo ako kanina, kung sa’n-sa’n nakatingin at halos ang layo yata nang nararating ng isip. Tss .
Napailing pa ako sa naisip at tipid na nangiti. Agad akong tumayo sa kinauupuan ko at nagsalita..
“Okay class, for those who are finish. Put your papers on the table and start answering this problem on the board..” Sambit ko pa na tumuro pa sa whiteboard. Agad naman silang nagtayuan para ilagay ang mga test papers nila sa table na naroon. Hinayaan ko naman na sila at dumiretso ako kay Max na halos hindi ako napansin dahil nakapikit siya at animo’y sa isip nagbibilang.
Halos magulat pa siya at mapatalon sa kinauupuan niya ng tapikin ko siya. Hinila ko pa ang isang upuan na bakante palapit sa upuan niya at umupo sa tabi niya.
“Ba’t ba nanggugulat ka?” inis na bulong niya pa nang makaupo na ako. Binigyan ko naman siya ng blankong tingin.
“Hindi kita ginulat, masyado ka lang abala.” Tugon ko sa kaniya at hindi naman siya sumagot. Ibinalik lang niya ang tingin sa test papers at nagsulat sa likod no’n at doon nagso-solve.
“Saan ka ba nahihirapan? Sila natapos na, ikaw diyan…” Sambit ko pa at napanguso naman siya bago sumagot.
“E, sa mahirap e. At saka, matagal pa naman yung oras.” Tugon pa niya at inirapan ako. Akma naman na siyang magsasagot at tinignan ko ang numerong sinasagutan niya..
“Akina..” Sambit ko at nilingon naman niya ako. Isinenyas ko pang iabot niya sa’kin ang test paper. “Hindi ka kase nakikinig kanina, e.” Inis kunwaring sambit ko pa at nakayuko lang naman siya at nakatingin sa test paper na hawak ko na ngayon..
“Makinig ka.. Eto, diba whole number ’to.” sambit ko pa at itinuro ng ballpen ang numero sa test paper. Inilapit naman niya ang mukha niya para makita ang itinuturo ko. Tumango pa siya nang makita ’yon kaya nagpatuloy ako. “I-transpose mo ’yan dito kase diba ’yun yung method na i-aapply natin dapat? Tapos.. eto, i-multiply mo siya dito kase parehas sila na whole number. Then, i-copy mo ’to kase with the power of two siya tas multiply by itself. tapos i-divide mo sila, bring down mo si x tapos ayan na, gets?” mahaba at hinay-hinay kong turo sa kaniya at tumango-tango naman siya. Ibinalik ko sa kaniya ang test paper at nakangiti naman na siya na para bang nanalo siya sa lotto.
“Sa susunod kasi makinig ka, kung ano-ano kasi iniisip, e” Inis pa kunwaring anas ko at nginitian niya naman ako bago sumagot.
“Ikaw naman iniisip ko, ayos lang ’yan.. Baby
, “ Tugon niya at halos magulat naman ako dahil do’n ngunit hindi ko ipinahalata. Aba’y sabi niya? aisht…
Magsasalita pa sana ako ngunit agad niya akong pinigilan at nagsalita.
“Biro lang, sige na.. du’n ka na,” sambit pa niya na natatawa at inis at iiling-iling akong bumalik sa harap upang checkan ang mga papel..
Pag-upo ko sa table do’n ay nilingon ko pa siya ngunit abala na siya sa pagsasagot. Inirapan ko pa siya na para bang nakikita niya ’yon. Humanda
ka sa’kin, may araw ka rin..
Ang daya, di ako pinaganti. Tss!
CHAPTER 7
Max Pov.
Kakauwi ko lang galing sa skwelahan at talaga namang nakakapagod ang araw na ’to. Ikaw ba naman pagtripan magdamag ng wirdo mong teacher, ewan ko na lang kung di ka mapagod. Leche siya, dinamay pa ako sa trip niya sa buhay. Ba’t di na lang siya tumalon sa building no? Kung may problema siya, wag siyang mandamay punyemas, charot. Dami ko na namang sinasabi..
Medyo naguilty pa nga ako sa ginawa ko sa kaniya at biglang nagflashback ang lahat sa isip ko..
Flashback..
..
“Okay, class dismiss.
Deretso
uwi
na ha..“ Sambit pa ni Sir.
Mirrem
slash baby pouty lips.
Napangiti
naman ako hindi dahil sa kaniya, kundi dahil uwian na..
Sa
wakas,
makakapagbinge
-listening na ulit sa albums ng sistar saka girl’s generation.
Ohhh
, I swear..
Ohhh
, I swear..
Agad
akong tumayo sa
kinauupuan
ko at
isinukbit
ang bag sa likod ko.
Medyo
nahuli
akong lumabas dahil nga nasa likod ako..
Nagulat
ako ng
papalabas
na
ako ay pinigilan ako ni Sir..
Hinawakan
niya pa ako sa
pulsohan
at parang
nagslowmotion
pa ang paglingon ko sa kaniya, oh diba?
panis
ka’yo
! para kaming nasa
koreanovela
, hindi nga lang kami end game, charot.
“Wait for me” aniya nang
makalingon
na ako at saka ako
binitawan
at
sumenyas
na dito lang daw ako.
Nasa
tapat
ako ng
pintuan
at napa-isip naman ako..
Ano
na naman kayang gagawin no’n?
Panigurado
, aasarin lang ako no’n..
Alis
na kaya ako?
Kase
diba? anong
mapapala
ko kung
maghihintay
pa ako? As if naman magiging kame nung crush ko pag
naghintay
ako..
Bahala
na nga siya d’yan..
Umirap
pa ako sa kawalan at mas mabilis pa sa hangin na
nilisan
ang classroom na ’yon at umuwi..
Flashback ends….
Napailing naman ako sa naisip. Bahala siya diyan, ba’t naman ako magu-guilty? dapat nga siya ma-guilty e, dinadamay niya ko sa trip niya sa buhay niya. Nananahimik lang naman ako, tss.
Umirap pa ako sa hangin at humiga sa higaan ko. Nakatingin lang ako sa kisame ng biglaan kong maisip ang magbasa. Kaya naman agad akong bumangon at tumingin sa lamesa ko upang maghanap ng babasahin na pocketbook. Habang ginagawa ’yon ay bigla kong naalala na huling libro na nga pala ang binasa ko kanina..
Kaya naman agad akong tumakbo sa cr upang magpalit dahil naisipan kong bumili ng pocketbooks. May ipon na rin naman ako ket papa’no, siguro kakasya na’yon para do’n dahil kung hindi. Huhuthutan ko ng pera si Sir, charot. Pero pag tinopak ako, gagawin ko talaga yon, eme.
Ano naman kayang pocketbooks bibilhin ko? Sana marami akong mabili para makapag-binge read na naman ako. Madadagdagan na naman ang asawa ko neto! Magiging 200+ na sila, charot.
Matapos kong magpalit ay agad kong kinuha ang isang karton ng sapatos sa ilalim ng higaan ko. Wag kayo, karton to ng Maison Margiela no, pero karton lang ha, wala tong laman na sapatos dahil hiningi ko lang to sa kapitbahay namin noon.
Agad na bumungad sa’kin ang mga abubot kong naroon pero hindi ko ’yon pinansin at kinuha ang perang naka-imbak sa tabi nito. Hindi ko alam kung magkano ito kaya naman sinimulan ko nang magbilang para maka-gayak na ako..
“Wow, 506 pa nga.. Marami naman kaya akong mabili?” sabi ko pa matapos itong mabilang. Matagal-tagal ko rin tong ipon dahil galing pa ito sa pabarya-baryang natitira sa pera ko noong bakasyon. Napangiti pa ako dahil paniguradong marami akong mabibili. Sana ay may sale ngayon kahit yung bundle lang, para mas marami, hihi.
Tinignan ko muna ang sarili ko sa salamin at ang suot ko. Medyo hindi ako kuntento kaya kumuha ako ng jacket at sumbrero. Itinali ko pa ang buhok ko at ipinaloob sa sumbrero. Matapos no’n ay bumaba na ako. Wala pa si mama dahil gabi naman talaga siya umuuwi, kaya naman ni-lock ko ang bahay namin dahil mahirap na.. Baka manakaw ang kayamanan namin ni mama, charot.
Lagpas sa Imperial College ang mall kung nasa’n ang NBS kaya medyo natagalan ako. Mabuti ay hindi gano’n kabigat ang daloy ng trapiko at narating ko ang mall ng alas-singko trenta. Hindi naman na ako nag-gala pa at excited na dumiretso sa NBS.
I’m coming…
Nakangiti pa akong pumasok do’n at parang batang naglakad na sumasabay ang balikat sa paghakbang. Agad akong dumiretso sa area kung nasa’n ang mga libro. Ngunit halos mapa-nganga ako ng walang halos laman ang sa area ng pocketbooks. Bakit? Bakit walang halos laman?
Kumakamot pa sa ulo akong dumiretso sa counter para magtanong. Ano ba ’yan, mukhang disaster pa, tss. Malas talaga si Sir. Mirrem sa buhay ko. Ba’t nga ba siya sinisisi ko? e sa wala akong masisi, e. Edi siya na lang, alangan ako? diba? hehe.
“Excuse me.. Ate, bakit po walang stocks yung sa area ng libro? Pocketbooks, I mean..” sabi ko pa at ngumiti rito. Ngumiti rin siya pabalik bago sumagot.
“Meron kasing back to school sale noong isang araw sir. Tas sinabayan pa yun ng 30% discount sir. E halos lahat ng pocketbooks na available that time ay bundle sir, and until now wala pa yung delivery sir for restock” Tugon niya at napayuko ng bahagya at kumamot pa sa sintido bago sumagot.
“Ganun po ba? sige, salamat” Tugon ko at ngumiti naman siya. “Welcome, sir.” at saka bumalik sa ginagawa niya.
’
Edi
, wala pala akong choice neto? hays.’
Nakanguso naman akong bumalik sa area na ’yon para maghanap na lang ng libro. Sayang naman, nabilan na kasi ako ni mama ng gamit nung napadaan siya sa Pandayan Bookshop no’n kaya di ko na kinailangan bumili pa rito. Tapos nagkaroon pala ng sale dito, ano ba naman ’yan? hays.
Hindi na ako masyadong nag-isip at nagtingin na lang sa mga natitirang libro na naroon. May mga librong para sa skwelahan pero mas pinagtuunan ko ng pansin ang mga novels na teen-fic at romance, hehe.
Naglalakad pa ako ng mabagal habang ang kamay at mata ko ay naka-focus sa libro na matatapatan ko. Nang makita ko ang isang libro ay napatitig ako rito.
The fault in our stars by John Green.
Yan yung title saka name nung author. Napangiti pa ako dahil parang maganda ang story nito, agad kong tinignan ang presyo at nanlumo ako.
‘600+, e 500 nga lang budget ko? ayoko na!’
Napatingin na lang ako sa librong hawak ko na ’yon at hinaplos-haplos ang pabalat nito. Gustong gusto ko sana, kaso kulang pera ko. Pinag-aaralan ko pa ang detalye ng libro ng marinig kong magtanong ang isang pamilyar na pamilyar na boses.
“Excuse me, bibilhin mo ba ’yan.” Tanong niya pa at mukhang hindi ako namukhaan dahil nakatalikod ako.
’ Hindi
talaga
pinatawad
, hanggang dito ba naman, magkikita kami?’
Hinarap ko siya at medyo nagulat pa siya. Ngunit ng makabawi ay sumeryoso ang mukha at saka nagsalita.
“Ikaw pala ’yan, tss.” Aniya pa at ngumiti lang ako.
“Yeah, and nope. hindi ko ’to bibilhin.” Tugon ko sa tanong niya kanina. Ibinalik ko kung saan ko kinuha ang libro. Nilingon ko pa siya at nginitian at akmang aalis na, nang pigilan niya ako at hawakan pa ako sa pulsohan. Hindi ko talaga alam anong trip neto sa buhay, feeling close masyado. Kung di niya lang alam, naaalibadbaran ako sa kaniya..
Napalingon naman ako sa kaniya at inis na tinaasan siya ng kilay. Naglabanan pa kami ng tingin bago siya sumagot.
“Bakit hindi mo’ko hinintay kanina? hmm, baby ko?” sabi niya pa at pinagdikit ang labi. Napapikit pa ako sa sinabi niyang ’yon at pinilit maging kalmado. Hanggang dito ba naman? nagagawa niyang dalhin ’yang kaabnormalan na ’yan at pagtripan ako? Inborn na yata ’yang kaabnormalan niya na ’yan e. tss.
“Hindi ba pwedeng bukas tayo mag-usap tungkol diyan? nagmamadali kasi ako, e.” Seryosong tugon ko pa at nag-iwas tingin muna siya at agad din namang ibinalik.
“P’wede naman baby, pero gusto ko ngayon. At saka, you don’t look like you’re in a hurry. Kase kanina pa ako sa gilid mo at pinagmamasdan ang ginagawa mong pagkilatis sa libro.” Seryoso ring sabi niya at ako naman ang nag-iwas ng tingin ng dahil sa naramdamang hiya. Kanina pa pala siya, ba’t di ko man lang napansin? tss.
“Hindi kita hinintay kase nagmamadali ako kanina. Natatae kase ako, at saka antagal mo kaya.” Tugon ko na lang at hindi na pinansin pa ang sinabi niya at blankong tinignan siya.
Pinagalaw niya pa ang labi niya bago sumagot. “I see.. so, ano palang ginagawa mo rito? bibili ka ng libro?” Kaswal na tanong niya at napapikit naman ako. Hindi ba obvious na bumibili ako ng libro kaya ako nandito? where’s your common sense? charot.
“Yeah.” Tugon ko na lang at nagtingin kunwari sa mga libro at umarteng namimili.
“Okay. I’ll join you, baby.” Aniya pa at namili ng libro dito sa tabi ko. Wag na, di naman kita kelangan.
“Okay.” ang naisagot ko na lang. “Are you sure hindi mo ’to bibilhin?” tanong pa niya patungkol sa libro kanina. “Nope” tugon ko naman. Hindi ko afford ’yan, sir. Ikaw na lang bumili niyan.
Lumipat naman ako sa kabilang shelve na kasunod lang nung kanina at do’n nagtingin. Agad namang sumunod sa akin si Sir. Mirrem at nagtanong pa ulit.
“Are you sure? Mukha namang maganda to ah,” aniya pa at nilingon ko siya. “Yeah, at saka hindi ko afford,” walang emosyong tugon ko pa at nakita ko naman siyang ngumuso. Hindi ko na pinansin ’yon at nagpatuloy..
“Well baby, I can lend you some?” offer pa niya at nilingon ko ulit siya at tumugon. “Hindi na sir, salamat.” Tatalikod pa sana ako ng hilahin niya ako. Inis at seryoso niya pa akong tinignan. Ayos ah, siya na nanghila, siya pa galit?
“Where’s my baby now? bakit ka sir ng sir?” Seryosong tanong pa niya at pinandilatan ko lang siya na animo’y hindi ako makapaniwala.
“Diba napag-usapan natin na mag-gaganyan lang tayo pag tayong dalawa lang? Tignan mo nga, andaming tao.” Mahina at inis na tugon ko sa kaniya. Lumingon pa siya sa magkabilaan at hinarap ako.
“Nasa’n?” takang tanong pa niya kunwari. “ Wala naman akong nakikita,“ inosente pang tugon niya. Nailing na lang ako dahil sa frustration. Hindi talaga ako titigilan neto, di talaga ’to papatalo kahit kailan.
“Itigil mo na kasi ’to. Di na ako natutuwa,” sabi ko habang salubong ang kilay. Medyo gulat pa siya sa sinabi ko ngunit nung makabawi siya ay agad din siyang sumagot. “Are you sure?” Malamig ang tonong tanong niya pa. At bigla ko namang naalala ang usapan namin kanina. Oo nga pala, jusko. Di ko pa naman alam ikot ng bituka neto, baka bigla akong ibagsak. Kingina talaga.
Huminga muna ako ng malalim saka siya tinignan at nginitian. “Eto naman, binibiro ka lang. Tara na, baby!” kunwaring masaya ko pang sabi. Iniabot ko pa ang kamay ko at ngumiti naman siya bago abutin ’yon. In short magka-holding hands kami. If this is the only way para makapasa ako, sige na nga. charot. Sana lang talaga walang nakakakilala sa’min dito.
“Nag-iimprove ka, ha. May pa-ganito na.” Pabirong aniya pa patungkol sa holding hands namin. Pinisil pa niya ang kamay ko at natawa ako. Pasalamat ka talaga sir, takot ako bumagsak.
“Pasalamat ka talaga kahit maraming tao rito, sinasabayan kitang gawin ’yang mga ka-abnormalan mo,” makahulugang tugon ko pa at nginisian siya. Ngumisi rin naman siya pabalik. “Wala naman akong ibang nakikita maliban sa’yo,” Sagot niya at nag-echo pa iyon sa tenga ko.
‘Wala naman akong ibang nakikita maliban sa’yo.’
May parang kung anong gumagalaw na naman sa loob ng puso ko matapos no’n ngunit hindi ko na ’yon pinansin at umiling na lang.
“Hindi ka ba nahihiya na ginagawa natin ’to? I mean, lalaki ka tas bakla ako, hehe.” Ilang na tanong ko pa at kumamot sa batok gamit ang isang kamay at ibinalik ang tingin sa mga libro.
“Bakit naman ako mahihiya? I mean, wala namang mali rito. Besides, walang ibig-sabihin to at wala rin naman akong pake sa sasabihin nila,” aniya pa at nilingon ko naman siya. Abala siya sa pamimili at napangiti naman ako sa sagot niyang ’yon.
Bigla kong naisip na kung magkakaroon man ako ng boyfriend, gusto kong ganyan din yung mindset niya. Pero hindi si sir ang tinutukoy ko, syempre iba.. at saka ayoko sa mabaho ang trip..
Nagpatuloy kami sa paglalakad at pamimili. Binitawan ko naman na ang kamay niya at namili, hindi naman siya nagreklamo kaya walang problema. Nakapili ako ng isang libro na tagalog at mukha namang maganda. Agad kong tinignan ang price at swak naman sa budget.
Jenny and The Magic Arinola by Owwsic.
Namili pa ako hanggang sa ma-tsambahan ko ang natabunang book bundle ng ibang libro. Napangiti pa ako ng makita kong ito yung paborito kong pelikula.
Diary ng Panget by HaveYouSeenThisGirl
Tinignan ko pa ang price at napangiti pa ako ng sakto lang din sa magiging sukli ng pera ko. Kinikilig ko pa itong tinignan ulit at saka ko hinarap si Sir. Mirrem.
Kinawayan ko pa siya dahil ang paningin niya ay nasa mga librong dala niya. Nakuha ko naman ang atensyon niya at tinaasan niya ako ng kilay.
“Punta na ako sa counter. Magbabayad na ako,” Paalam ko at aalis na sana ngunit sumabay siya. “Tapos na rin naman ako baby, sabay na tayo,” aniya at sabay kaming naglakad papunta sa counter dala ang mga libro naming bibilhin.
Pagtapos no’n ay sabay din kaming lumabas ng NBS. Agad ko siyang hinarap at nagpaalam.
“Baby, uuwi na ako. So, bye na.” Awkward kong paalam at ngumiti pa ng peke. Ngumuso at nagtaas kilay pa siya sa akin.
“Bago ka umuwi, kain muna tayo.” aya pa niya at agad akong umiling. Makaramdam ka naman sana sir, hindi sa hindi kita gusto makasama pero parang ganun na nga..
“Please! at saka treat ko naman. Jollibee lang tayo, baby. Please!” Parang batang pakiusap pa niya at hinawakan pa ako sa pulsuhan. Paano ako makakatanggi? E, fave ko yung jollibee tas libre pa raw, jusme traydor ka self. Pero sige na, libre naman daw. Pagbigyan, hehe.
Umarte pa ako na animo’y nag-iisip at nagsalita pa siya ulit.
“Sige na..kung nag-aalala ka sa sasabihin ng parents mo. Ihahatid kita at kakausapin ko sila.” Dagdag pa niya na siyang ikinagulat ko. Gago ba siya, edi naghinala si Mama. No way!
“Sige na, oo na. Pero wag mo na ako ihatid. Magco-commute na lang ako,” tugon ko at ngumiti. Tututol pa sana siya ngunit pinigilan ko siya. “Please! kaya kong magcommute, wag ka na makulit. Di kita boyfriend, okay?” Putol ko at napipilitang tumango na lang siya. Ayan, marunong naman pala makinig, e.
Habang naglalakad kami papunta sa Jollibee na nasa loob pa ng mall ay hawak niya pa rin ako sa pulsuhan. Medyo nauuna siya kaya nagawa kong pag-aralan ang kabuuan niya. Naka-uniporme pa pala siya, siguro dumiretso na siya rito. Di ko na inisip pa ’yon at inilibot na lang ang paningin habang nagpapa-anod lang sa pagkakahawak niya sa’kin.
Pagkapasok at pagka-upo namin sa loob ng Jollibee ay tinanong niya ako.
“Baby ko, anong sa’yo?” Nakangiting tanong pa niya at inangat pa ang dalawang kilay niya. Hindi ko alam pero parang nagkaroon ako bigla ng lakas na asarin siya.
“P’wedeng ikaw? kidding…. Spaghetti lang akin.” Natatawang ani ko dahil biglang nawala ang ngiti sa mukha niya. Nang makabawi ay binigyan niya ako ng nanunuksong tingin.
“Ikaw ah, baka iba na ’yan,” makahulugang sabi niya pa at agad naman akong tumugon. “Depende na ’yan sa kung anong dating sa’yo. Sige na, order ka na,” tugon ko naman at nginitian siya.
Umiiling pa siyang tumayo at saka luminya para umorder. Maya-maya pa ay dala na rin niya ang order pagbalik niya dahil sa available na ito at hindi na kelangan maghintay sa mga niluluto pa lang..
Agad naman naming sinimulan kumain at nung matapos kami ay medyo nagulat pa ako sa sinabi niya.
“So baby, tell me about yourself. I want to know you. I mean, hindi sa gusto kita ah pero I just want to know you. kase ang panget na we’re hanging out like this tapos ni halos wala akong alam about you.” Sambit pa niya at inismiran ko naman siya. Anong hanging out? parang ang dating.. payag na payag ako sa ganitong set-up?
“Anong hanging out? Pinilit mo kaya ako!” Pasigaw na sagot ko pa. Nilingon kami ng ibang malapit na customers sa’min kaya medyo napayuko ako.
“Hinaan mo nga boses mo. At saka, ano bang tawag mo rito? E, pumayag ka pa rin naman.” Tugon pa niya at napanguso. Oo nga naman, shunga lang? pero hanging out kasi, ang dating sa’kin, parang approved na approved ko ’tong ganito, shet lang talaga.
Hindi ko na ’yon pinansin at nagtanong na lang.“E, ano bang gusto mong malaman?”
Nailagay niya pa ang kamay sa baba niya at tumingala na animo’y nag-iisip. Pag ako talaga naunahan ni mama sa pag-uwi, sisipain ko ’to sa bayag.
“Hmm, tell me about your life. where do you live, what do you like and what do you hate, somethin’ like that.” Mabilis na sagot niya at mabuti na lang na-catch up ko.
Agad akong nagkwento tungkol sa mga bagay na ’yon at wala naman siyang ibang ginawa kundi tumango lang din. Naibahagi ko rin sa kaniya ang pangalan ng mga magulang ko at ang pagiging single mom ng nanay kong si Maria Mercedes, charot. Maria Cynthia Lopez Garcia kasi, tas ang tatay kong si Eddie Garcia, charot. Fernando Jose Garcia kasi, haha.
Nagkwento rin naman siya ket papaano tungkol sa kaniyang buhay at nakinig lang naman ako. Napag-alaman ko din na nakatira siya sa subdivision na dating tinitirhan nila Shin. E, ang mahal kaya do’n saka kaya lumipat sila Shin dahil malayo ’yon sa school namin.
Halos mag-aalas siyete na nung matapos kaming magkwentuhan. Nakakahiya nga dahil ang tagal namin na nakaupo at nakatambay do’n kahit tapos na kami. Mabuti na lang ay hindi talaga gawain sa jollibee ang magpaalis ng customer ket tapos nang kumain.
Nakalabas na kami ng mall nang harapin ko siyang ulit habang hawak ko ang pinamili ko.
“Sir, una na ako ah. Ingat ka.” Paalam ko pa rito at tatalikod na sana ngunit tinawag niya ako sa callsign na ’yon.
“Baby wait. Ihahatid kita.” Anas pa niya at kinapa ang susing nakasukbit malapit sa belt niya. Agad naman akong tumanggi.
“Sir, wag na. Magco-commute na lang talaga ako.” Anas ko pa at ikinaway ang kamay bilang pagtanggi. Sinamaan niya pa ako ng tingin at hindi naman ako nagpasindak do’n.
“Sir ka ng sir e baby nga, at saka mahirap na magcommute ngayon oh, ang dami nang sumasakay.” Inis pang sabi niya at itinuro ang kalsada na medyo malayo sa kinatatayuan namin. “Tara na, para makauwi ka na rin agad.” Dagdag pa niya at wala na akong nagawa dahil hinila na niya ako. As if namang may laban ako rito? e para rin ’tong babae e, laging panalo, tss.
Agad naming narating ang sasakyan niya dito sa parking lot sa harap ng mall. Halos magka-pareha sila ng sasakyan ni Shin ngunit magka-iba lang ng kulay. Uso ba talaga tong ganito ka-gara na sasakyan?
Dinala niya pa ako sa front seat at pinagbuksan ng pinto. “Sakay.” Sabi niya kaya agad akong sumunod at umupo. Infairness, gusto ko yung amoy ng sasakyan niya. May iba kasing nasobrahan sa tapang, e.
Umikot naman siya at sumakay sa driver’s seat. Matapos no’n ay agad na siyang nagdrive. Tumingin na lang ako bintana kahit sarado ito dahil nahihiya ako. Aba, hindi naman kasi kami close pero ihahatid niya ako. At saka baka ma-issue kami sa lugar namin, yari ako kay mama pag nagkataong makarinig siya ng chismis. Chismosa pa naman din si mama, eme.
Pero nagulat ako nang bigla siyang huminto kahit na wala pa kami sa main road at lalabas pa lang ng parking lot. Nilingon ko siya upang tignan kung anong problema, nagulat pa ako ng nakatingin na pala siya sa akin.
“Di ko alam kung saan ang inyo.” Sambit niya at pumeke ako ng ngiti. Oo nga pala, shunga lang. Agad kong sinabi kung saan ang amin at maswerte namang maalam siya sa mga lugar kaya hindi na-stress ang bee lot ko sa pag-eexplain, charot.
Napag-usapan namin na doon na lang niya ako ibababa sa kanto namin sa may tapat ng medicus heath clinic. Matapos no’n ay tahimik na kaming pareho. Tahimik siyang nagdrive at tahimik naman akong tinignan ang dinadaanan namin sa bintana. Hanggang sa maya-maya pa ay narating na namin ang kanto sa tapat ng medicus.
“Salamat sa paghatid, baby.” Pabirong pasasalamat ko pa at tumawa. Ngumiti naman siya ng pagkatamis-tamis at natatawang sumagot.“You’re welcome, baby ko,” tugon niya.
Agad naman akong bumaba at isinara ito pagtapos. Kumaway pa ako rito bago tuluyang tumalikod at umuwi. Ngunit hindi pa ako nakakalayo ay narinig ko agad na tinawag niya ako ulit sa callsign na ’yon. Ano ba naman ’yan, paano kung may makarinig sa kaniya dito, yari ako niyan. Nilingon ko naman siya at nakita ko na tinakbo niya ang distansyang ’yon. Paglapit niya ay inabot niya ang libro kanina.
“Ano yan,” tanong ko pa sa kaniya at tinignan ang libro. Anong gagawin ko diyan? di naman akin ’yan.
“Kunin mo, it’s yours.” Tugon niya at nag-angat tingin ako sa kaniya. “Eh?” tanging nasabi ko at nginitian niya lang ako.
Hindi ko naman agad yung kinuha kaya kinailangan niya pang ilagay ’yon sa kamay ko.
“That’s yours, binili ko ’yan para sa’yo.” Dagdag pa niya at hindi naman ako makapaniwala. Bakit kailangang may pa-ganito? Ba’t bigla naman yatang bumait ’yon? Ano kayang nakain no’n? Di kaya siya bipolar? Check ko nga mga symptoms mamaya.
“Wag mo isiping date to ah.” Sambit pa niya at agad naman akong sumagot. “Tigas mo naman,” sarkastiko kong sagot sa kakapalan ng face niya.
“Sige na, uuwi na ako. Thanks for tonight, baby.” Paalam pa niya at kumindat. “Sige, salamat dito ah. Ingat,” tugon ko na hindi na pinansin pa ang ginawa niyang ’yon.
Hinintay ko pang maka-alis ang sasakyan niya sa kalsadang ’yon bago ako umuwi.
May bait din namang taglay ba’t di pa araw-arawin, tss.
Natawa pa ako sa naisip ko habang naglalakad pauwi sa amin. Nakita ko pa ang dalawang chismosa na nag-uusap at halata namang ako ang pinag-uusapan dahil nakatingin sakin. Hindi ko na sila pinansin at umirap na lang sa hangin. Kung ma-chismis man kami, p’wede ko namang sabihin kay mama na prof ko ’yon at naisabay lang ako pauwi kung sakaling malaman at marinig niya, duh.
Umirap na lang ako sa hangin at hindi na nag-isip pa at nakangiti na ulit akong nagpatuloy sa paglalakad pauwi.
CHAPTER 8.
Mirrem’s
Pov.
Latang-lata at antok na antok akong bumangon matapos tumunog ng alarm ko. Hindi ko alam pero hindi ako nakatulog dahil sa kakaisip ko kay Max.
I don’t really want to think about him but this mind sucks. I can’t control it. Ang mas grabe pa, nag-iisip na ako ng kung ano-ano tungkol kay Max. Just like, what he would look like if he is wearing my jacket? what if we’re actually a couple.
Ako pa nagsabi kagabi ng wag niyang isipin na date ’yon pero ang totoo ang isip ko mismo ang nag-iisip na date ’yon, tss.
Halos mag a-apat na araw pa lang naman simula nung magkakilala kami.. Ni hindi pa nga kami gano’n ka-close pero ba’t ganito na?
Napailing ako sa naisip ko. Hindi p’wede ’to.
“Mirrem Cedric, it’s just nothing, okay?” Pagkausap ko pa sa sarili ko sa salamin dito sa loob ng cr ko.
“Wala lang ’yang naiisip mo, hindi mo na dapat pang isipin ’yan. Mas marami ka pang dapat isipin.” Dagdag ko pa na itinuturo pa ang sarili sa salamin.
“Wala lang, ’to. Oo, wala lang.” Sambit ko pa habang patungo na sa shower para maligo.
Magkikita kaya kami ngayon? Fuck, ba’t ko pa ba iniisip ’yon. Tss.
Ngunit habang naliligo ay biglang lumitaw siya sa paningin ko at ang suot niya kahapon. Ang cute niya, tss.
Napangiti pa ako dahil do’n at nahampas ko pa ang ulo ko nang marealize ko ang ginawa ko. Baliw na nga yata talaga ako..
Ay bahala na, basta masaya ako ngayon.. Hindi ko na pipigilan ang sarili ko, hindi na ngayon. I’ve always been careful throughout my entire life. I just wanted to feel free and to be careless. I just want to think about myself and my happiness.
Besides, hindi ko naman siya gusto. Magkaiba ang iniisip sa gusto? Kaya hangga’t hindi ko siya gusto, walang mali ro’n at hindi ko pipigilan ang sarili ko. Hindi ko rin dapat pigilan. I don’t want to control my life anymore, I just want to go with the flow.
Hindi na ako masyadong nag-isip pa at mabilis kong tinapos ang pagligo ko at saka ako nagbihis . Matapos no’n ay pumunta ako sa kusina para tignan kung handa na ba ang baon ko para mamayang lunch.
“Yaya, okay na ba ’yung pinaluto ko?” Tanong ko pa sa yaya kong nakasalubong ko.
“Yes sir, nakapag-salin na rin po ako sa tupperware nung rice saka nung menudo,” tugon niya at nagpasalamat naman ako.
Matapos no’n ay tinignan ko pa ang kanin. Teka! parang onti to, e. Dagdagan nga natin.
Hindi ko alam pero habang ginagawa ko ’yon ay iniisip kong magsa-salo ulit kami ni Max. Oo nga, dapat ko talagang dagdagan.
Ano ba ’tong ginagawa ko? normal pa ba ’to? O baka tulog pa ako at panaginip lang ’to?
Tinampal ko pa ang sarili para tignan kung panaginip ba o hindi, pero nasaktan ako kaya reyalidad ito.
Hindi na ako nag-isip pa at pinalamig muna saglit ang pagkain bago takpan at gumayak.
Max Pov.
Kagaya kahapon ay maaga na naman akong nagising. Hindi ko alam pero baka dahil lang din sa maaga akong nakatulog. Mga
8 siguro ako nakatulog, ewan.
Habang nakahiga at nakatingin sa kisame ay bigla kong naalala ang nangyari kagabi..
Dulot lang siguro ng jollibee ’yon kaya bumait, chos. Hindi na ako masyadong nag-isip pa at bumangon na. Tinignan ko pa ang librong dala ko kagabi na nasa lamesa at napangiti. Yehey
, may babasahin na naman ako.
Binalewala ko na ’yon at kinuha na ang twalya at pumunta sa banyo para maligo. Pagtapos ko ay nag-ayos ako sa harap ng salamin at bumaba na.
Pagkababa ko ay nakita ko si Mama na naglalagay ng Ice candy sa cooler box. Agad ko itong nilapitan at saka nagsalita.
“Ma, ako na diyan,” sambit ko pa at nag-angat tingin naman siya sa’kin. Nang matanaw niya ako ay gumilid siya at saka sumagot.
“Iilan na lang pala ’yang ice candy n’yo. Di ka pa ba gagawa ulit?” Tanong pa niya at naglakad papunta sa lababo dahil may niluluto yata siya. “Gagawa po, bibili na po ako mamaya ng ingredients.” Tugon ko habang nagpa-pile ng ice candy dito sa cooler box.
“O sige, aagahan ko na lang umuwi para matulungan kita. At siya nga pala, bakit may pagkain sa tupperware kagabi na nandito sa lamesa?” Aniya pa at nanlaki pa ang mata ko. Oo nga pala, hindi na nga pala ako nag-dinner kagabi. Ni hindi ko nailigpit ’yon. jusme naman. Sana hindi ako pagalitan.
“Baon ko po sana ’yon kahapon sa remedial namin. Kaso nakalimutan kong dalhin,” tugon ko sa tanong niya at nagpatuloy lang sa ginagawa at pinapanatiling kalmado ang sarili.
“Ay gano’n ba? Edi anong kinain mo sa remedial?” Tanong pa niya at nilingon ko naman siya dahil mukhang kunot na ang noo niya sa pagtataka.
“Kumain po ako sa labas. May carinderia naman po, kaso medyo mahal. Kaya ayun, onti lang din kinain ko.” Tugon ko rito at ibinalik na ang tingin sa loob ng ref.
“O siya, dagdagan ko na lang ng bente yung baon mo, bale 90 na. Kase 70 pamasa–” Nakasimangot akong sumagot. “Maaa! wag na po. Ayos lang naman ’yun,” Inis na tugon ko. Alam niyang maraming bayarin dito sa bahay tas dadagdagan pa baon ko. Edi parang naguilty naman ako no’n, kase nasa remedial ako dahil hindi ako nakapasa sa simpleng math exam.
“Ay, tanggapin mo na lang, anak. Hindi na rin tayo mahihirapan dahil nabili na namin ang pwesto sa palengke ni Tita Irene mo.” Sambit niya pa at nanlaki ang mata kong lumapit pa sa kaniya matapos kong isara ang ref. “Talaga ma?” paninigurado ko pa. Owemji, edi hindi na sila magbabayad pa ng renta, thank you po, papa G! maraming salamat sa blessings.
“Oo, nak. Kaya tanggapin mo na. At saka malakas talaga ang benta namin ngayon ni Tita mo.” Tugon pa niya at napangiti ako. Paniguradong tiba-tiba sila ni Tita Irene.
Si Tita Irene ay kaibigan lang ni mama at hindi ko kadugo. Pero..never s’yang nawala sa tabi namin ni Mama. Lumaki akong halos lagi ko siyang nakakasama dahil nga medyo abala rin si mama noon sa trabaho. Magkakasama kami sa iisang bahay noon. ngunit kumakailan lang ay bumukod si Tita para sumama at makipag-live in sa boyfriend niya.
Si Tita Irene rin ang laging uma-attend sa kung ano-anong okasyon na meron sa school. Ewan ko rin ba kay Mama kung bakit ayaw niya at gusto niyang si Tita palagi ang umattend sa school para sa kaniya. Si Tita ang palaging nagsasabit sa akin ng medalya tuwing ga-graduate akong with honors. Minsan ay nakakatampo talaga si Mama pero nilalawakan ko na lang ang pag-iisip ko at iniintindi ko ang rason niyang nahihiya raw siya. Pero gusto ko this year, siya naman ang kasama kong umakyat sa stage kung sakali mang with honors ulit ako.
“Salamat dito, Ma.” Tugon ko na lang ng iabot na niya ang baon ko na dinagdagan niya. Hindi naman na siya sumagot at nginitian na lang ako.
Agad naman kaming kumain ng sabay at nag-usap lang din tungkol sa pag-aaral ko. Maya-maya pa ay natapos na kami at kagaya ng nakagawian ay nauna na naman siyang umalis. S’yempre, hindi pa rin nawala yung mga habilin at sermon niya. Hilig niya na ’yon at hindi na kailanman mawawala pa.
Agad kong hinugasan ang pinag-kainan. Naghanda rin ako ng baon ko at saka umakyat para ayusin at kunin ang gamit ko. Nang maka-akyat ako ay napangiti pa ako ng tumama ang paningin ko sa librong ibinigay sa’kin ni Sir. At biglang may pumasok sa isip ko.
Ang tanong, mabait pa rin kaya siya ngayon? Eh, may pagka-bipolar din ’yon, e. Sana lang talaga ay tumupad siya sa usapan namin kahit hindi na siya maging mabait sa’kin, dahil pag ginawa niya ’yon? sasaludo ako sa kan’ya, hehe. at pag hindi, sisipain ko siya sa bayag. Wag niya akong hahamunin, wag niyang hinahamon ang isang Max Ethan Garcia sa umaga na nagiging Maxine Ethany sa Gabi, chos.
Pero ang wirdo niya talaga kahapon. Ay mali, lagi pala siyang wirdo at malakas ang tama pero di wasak, Red-horse yarnnn? hehe.
Natatawa pa akong umiiling habang pababa ng hagdan at dala ang mga gamit ko. Agad akong dumiretso sa kusina para kunin ang cooler box at ang baon kong Ham saka itlog. Oh, diba? puro mamantika? hehe.
Medyo nagtataka pa nga ako dahil dapat ganitong oras ay nandito na si Shin kaya naman chineck ko ang messenger ko. Minsan lang naman ako mag-online lalo na pag may mga ganitong eksena.
At sa pag-refresh ko ay nakita ko ang isang chat galing kay Shin.
From: Shin Eun Lee.
Bestie, hindi kita
masusundo
today, huhu! may photoshoot na naman kami.
Kasama
ko crush mo mamaya, We won’t be able to attend the class, later. :<
Sent 5:25am
Medyo nalungkot pa ako dahil sa balitang ’yon. Edi, hindi ko na naman pala makikita si Harry neto. Yung mga ngiti niyang nagpapakilig sa pow key ko, charot. Tas yung mga mata niyang nakakalusaw pag tinitigan ka, charot. Never pa naman niya akong tinitigan, huhu.
Napagdikit ko pa ang labi ko bago nagreply.
To: Shin Eun Lee.
Okay lang, bestie. Ingat kayo diyan,
ingatan
mo rin yung asawa ko, charot. ^-^
Sent. 6:10am.
Matapos kong i-reply ’yon ay inilagay ko na sa bag ang cellphone ko. Binuhat ko ang cooler box at lumabas na ng bahay para mag-commute. Sinigurado ko pa naman munang naka-lock ang pinto at sarado ang mga bintana dahil mahirap na. Ayoko namang ma-warla ng nanay ko, syempre. Yung bunganga no’n parang machine gun, e. Masyadong masakit sa tenga, charot.
Pagtapos no’n ay agad na akong sumakay ng jeep papuntang Imperial College. Medyo traffic dahil alas-sais na nga pero keri lang naman. Maya-maya pa ay nakarating na ako kaya naman agad akong pumasok. Medyo marami na ang estudyante dahil ilang minutos na lang ay magsisimula na rin ang klase, kaya naman nagmadali na akong pumunta sa building ng room namin dala itong cooler box.
Pagpasok ko ng classroom namin ay nandoon na ang mga classmates ko at iilan na lang ang wala pa. Pagka-upo ko ay agad na lumapit sa akin ang isa sa mga kaklase ko, si Rhaine. Isa siya sa mga kasama kong napasali sa remedial class.
“Max…” Aniya at nag-angat tingin naman ako sa kaniya at tinaasan siya ng dalawang kilay ko.
“I just wanna ask, magkano na yung income niyo sa entrep?” Tanong niya at ngumuso pa ako na animo’y nag-iisip.
“Nasa 3k na yata? kasi sa ice candy namin halos 2k+ na yung income namin, Tas sa palamig, nasa 700+ na. I don’t know basta hindi ’yan sure kase ayon lang sa pag-estimate ko ’yan.” Tugon ko at ngumiti at gumuhit naman ang lungkot sa mukha niya.
“Buti pa yung grupo n’yo. Yung amin kasi, nasa 700+ pa lang. Ang laki na ng loss namin,” nakangusong aniya at umupo sa upuan ni Shin. Medyo nalungkot naman ako sa sinabi niyang ’yon.
“Ano bang tinitinda n’yo?” tanong ko pa at agad naman siyang sumagot. “Milktea,” tugon niya at may bigla akong naisip. “Hmm, why not palitan n’yo yung tinda n’yo? I mean, medyo common kasi yung milktea dito, e. Pero teka, magkano ba milktea n’yo?” Tanong ko pa ulit at kumamot pa siya sa sintido niya bago sumagot.
“Depende siya sa size. Small is 90 pesos and medium is 100 and large is 120 and the extra large is 150.” Tugon niya at halos mapanganga ako. Sino ngang bibili niyan? E, ang mahal. Kahit ako, gogora na lang ako sa milktea sa labas kung ganyan lang din tutal ayon branded pa.
“Medyo pricey siya, at saka to think of na merong mga milktea shops sa labas. Mahihirapan talaga kayo niyan. So, I suggest mag change na lang kayo ng product. Why not hotdog rolls?” Suhestiyon ko pa at napa-isip naman siya at ngumuso matapos.
“Oo nga no? Si Gwen kasi nagsuggest niyang milktea, e. Baka magalit siya pag sinabihan ko siyang palitan na lang.” Nakangusong sagot pa niya at bumuga muna ako ng hangin bago magsalita ulit.
“Diba, influencer si Gwen? Bakit hindi niya i-promote yung product n’yo? Ask her supporters to buy it? E, mostly naman sa followers niya e, dito rin nag-aaral. At saka ikaw? Diba author ka?” Turo ko pa sa kaniya at agad naman siyang tumango habang nakikinig. “O, edi ask your readers to support you by buying the products na binebenta mo then tell them it’s for educational purposes.” Dagdag ko pa at kumamot naman siya sa ulo. Kanina
pa siya
kamot
ng
kamot
, wala ba ’tong ligo?
“E, p’wede ba naman ’yon? Baka bawal kasi walang sinabi si Miss.” Aniya na bakas ang pag-aalinlangan sa mukha. Umirap pa muna ako sa hangin at saka sumagot.“Wala rin naman siyang sinabi na bawal diba? Pwede kase ’yan at marketing strategy ang tawag diyan.” Tugon ko pa at kinindatan siya.
“Okay, sige. Thank you, ah. Balik na ako ro’n kase gagawin ko pa financial statement namin kahapon, di ko nagawa, e.” Aniya at nakunot agad ang noo ko sa sinabi niya. Financial statement? Para
sa’n
yon?
Bago pa siya makatayo ay pinigil ko na siya at tinanong.
“Teka, ano yung financial statement?” Kunot ang noong tanong ko pa. at animo’y nag-isip pa siya bago sumagot.
“Yung pinapasa natin kada makakapag-benta tayo. Yung pinapagawa sa’tin.” Tugon niya habang nakatingin pa sa akin.“Hindi ba ’yon balance sheet?” Tanong ko pa at takang tinignan niya pa ako bago sumagot.
“Hindi, sa end of the month pa natin ’yan gagawin, e.” Tugon niya at nanlaki ang mata ko. Edi mali pala ako all this time? Jusme!
“Ay!” tanging nasabi ko na lang at bakas naman ang pagkalito sa kaniya.“Bakit?” tanong pa niya.
Agad kong kinuha yung format ko nung balance sheet at ipinakita sa kaniya. Yumuko naman siya ng bahagya para tignan ito at saka ako nagsalita.
“Diba ganito yung pinapagawa sa’tin? Hindi ba ’to balance sheet?” Tanong ko pa at binasa niya pa ito bago sumagot. “Oo, ganito yung format no’n, pero hindi ’yan balance sheet. Format yan ng Financial statement.” Paliwanag niya pa at halos manlumo ako. Edi, mali nga ako? hays.
Pero kiber, tama naman yung format mali lang yung nailagay kong title. Itatama ko na lang, next time.
“Sige, salamat.” ang tanging nasabi ko na lang at ngumiti naman siya. “Sure, sige balik na ako ro’n.” Paalam niya pa at tumuro sa kung nasaang banda ang upuan niya. Tumango lang ako at tinignan pa ang format na meron ako. Kumuha naman ako agad ng ballpen at correction tape para i-tama ito.
Maya-maya pa ay dumating na ang teacher namin para sa first subject at agad siyang nagturo. Nagtanong pa siya kung sinong absent, kaya ang sinagot namin ay may dalawang excuse.
Nakinig lang naman ako sa naging diskusyon at nagtake down notes. S’yempre para may mareview pag mag-eexam hehe, ket tamad naman ako mag-review, charot.
Mabilis na lumipas ang oras at natapos na ang dalawang subject kaya oras na para magtinda. Agad naman akong nilapitan ng dalawa kong kagrupo matapos ang entrep subject.
“Max, what are we going to do now?” Tanong pa ni Ronald, isa sa mga kagrupo ko na anak ng isang business man ng Malaysia. Di ko alam kung totoo, narinig ko lang kay Shin yan, e. Pero mukhang legit naman, may gold na kwintas saka conyo, e.
“Ano ba dapat nating gawin?” Pilosopong pagbabalik tanong ko pa sa kaniya at inirapan siya. Edi, syempre magtitinda pa rin tayo, alangan namang hindi tayo magtinda dahil wala yung iba nating kagrupo, jusme naman.
“Are we gonna just stay here?” Bagot na tanong pa ni Xavier. Ang kagrupo kong anak ng mafia boss, charot. Anak siya ng isang gobernador dito sa Maynila. Napapalibutan ako ng elites, pero wala silang palag sa’kin. Aba, sino ba namang papalag kay Mariah Carey diba? charot.
“What do you think?” Nakangiti munit sarkastikong pagbabalik tanong ko rin sa kaniya. Umirap lang siya at gano’n din ako saka nagsalita ulit.“ S’yempre, magtitinda tayo. Ano ba naman kayo? hindi naman p’wedeng porke wala sila, hindi na tayo magtinda. Tara na! Oh! dalhin n’yo to…“ Turo ko pa sa cooler box na agad nilang binuhat dalawa.
Paglabas namin ay umuna ako. May naisip akong bigla kaya nagtanong ako..
“Hindi ba kayo gumawa ng palamig?” Tanong ko pa na hinarap sila. Nagtinginan pa sila at sabay na umiling. “Harry told us not to make it, so that explains why.” Tugon ni Xavier na kumibot pa ang pink na pink na labi.
Hindi ko naman na pinansin ’yon at sinabayan na lang sila sa paglalakad. Medyo malayo-layo na rin ang nalakad namin at narating na namin ang Stress Free Zone. Ngunit, wala pa ring bumili at hindi pa nababawasan ang paninda namin.
Huminto ako saglit para mag-isip kung paano makakabenta. Nasanay kasi akong kami ang nilalapitan dahil kasama ko si Shin, e. Iba talaga kasi ang charisma ni gaga.
Naramdaman kong huminto rin ang dalawang mahiyaing tukmol sa likod ko. Lumingon-lingon lang sila sa paligid na akala nila’y may bibili sa kanila sa paganyan-ganyan nila.
May mga tao naman do’n at karamihan ay babae, ngunit may iilan din na bakla? at saka tibo, hehe. Napansin ko pang tinititigan nila si Xavier kaya naman pinakinggan ko ang chismisan nila.
“Look girls, si Xavier oh. Ang hot niya talaga.” Bulong pa nung isang babae sa kumpulan nilang magbabarkada na puro babae.
At biglang may pumasok sa isip ko kaya nag-bumida ako.
“Wazzup madlang pipol,” malakas sigaw ko pa at nagtinginan sila sa’kin. May ibang nakatingin na parang nawirdohan sila sakin pero kiber. Tinignan pa ako ng dalawa na animo’y nahihiya sila sa ginawa ko.
“Makinig kayo! Ang bumili ng limang ice candy sa’min! Makakapag-papicture sa dalawang ’to!” Turo ko pa kay Xavier at Ronald.
Gulat silang tumingin sa akin at animo’y aalis ng tignan ko sila ng masama.
“Subukan n’yong umalis at tumanggi. Mawawalan kayo ng grupo.” Madiin ngunit pabulong kong sabi. Bakas naman ang pagtutol sa mga mukha nila ngunit wala silang magawa. Well, kaya kong sabihan si Shin na tanggalin sila pag di sila sumunod.
“Pila lang po tayo mga girls!” Sigaw ko pa at pumorma sila ng linya sa harap namin at may hawak pa silang camera at naghahanda na ng pera.
“Linya lang ha, mga girls at boys” Sabi ko pa ulit ng may mapansin akong mga lalaki rin na luminya..
“How much for that?” Tanong pa nung babae na animo’y kinikilig. Agad ko naman itong sinagot. “50 pesos,” tugon ko at agad siyang nag-abot ng bayad sa’kin. Kinuha ko pa ang camera niya para picturan sila.
Nakasimbangot ang mukha ng dalawa kaya naman pinandilatan ko sila ng mata. Parang sinasabi kong Makinig
kayo kung ayaw n’yong mawalan ng grupo!
Agad naman silang ngumiti ng pilit kaya ngumiti rin ako kunwari at saka nagsalita. “Say cheese,” ani ko pa at ni-capture ang pic.
At ginawa ko ’yon hanggang sa kahuli-hulihang customer. Hindi na nga halos nagkasya ang paninda kaya ginawa kong tatlo na lang kada tao para makapa-picture at makabili lahat, diba?
Bakas ang sama ng loob sakin ng dalawa matapos ang pagtitinda naming ’yon.
Lumapit naman ako at dinampot ang cooler box. Agad na nagsalita si Xavier pagkalapit ko.
“Why did you do that? It’s against our will.” Aniya pa nito at napapikit pa ako dahil sa nararamdaman kong inis.
“Sa tingin mo ba? Kung hindi natin ’yon ginawa, makakabenta tayo?” Tanong ko sa kaniya habang nagpipigil ng inis.
’Aba’y kung ayaw niya, edi sana
binenta
nilang dalawa. E, halos
lingon-lingon
nga lang din ginawa nila.’
“Hindi, pero there’s a lot of way naman para makabenta tayo. Hindi yung ganu’n.” Tugon ni Ronald at nag-iwas tingin at si Xavier ay tahimik lang din na nakatingin sa kung saan.
“Edi sana, nag-suggest ka na! Hindi yung nakarating na tayo dito, tas kayong dalawa diyan, tahimik lang!.. at saka pasensya na rin ha, kasi yun lang naisip kong paraan dahil patahi-tahimik lang kayo diyan. Wag kayo mag-alala, ’di na mauulit.” Inis na sagot ko at barumbadong binitbit ang cooler box. Umirap pa ako sa hangin dahil sa nararamdamang inis.
May mali naman ako e, tanggap ko naman ’yun. Pero, hindi naman aabot sa gano’n kung hindi sila patahi-tahimik lang. May naiisip naman pala, hindi pa nag-suggest. Mahuhulaan ko ba naman nasa loob ng isip niya? hindi rin nag-iisip e, no. tss.
Inis pa akong pumunta sa room para ilagay do’n ang wala ng laman na cooler box. Matapos no’n ay lumabas ako ulit para pumunta sa canteen at kumain. Nakakagutom kaya mabwiset ng dalawang tukmol. Sana naman wala nang bwiset sa canteen.
Pagkarating ko ro’n ay agad akong bumili ng piattos at ng iced tea. Well, to keep the negativity away, have a piattos to lift up your day. Charot, pwede na ba akong endorser? eme.
Gitil naman akong kumain dahil pa rin sa inis. Hindi pa rin kase talaga maalis sa isip ko kahit na hindi ko na isipin. Parang yung nagsusulat nito, hindi na raw niya mahal pero mahal pa rin, eme lang.
Maya-maya pa habang inis akong kumakain ay may biglang umupo sa harap ko at halos hindi ako makapaniwala. Pambihira naman talaga sa timing to, oh.
“Oh, anyare?” Kaswal pang tanong niya na para bang hindi siya prof. Andito na naman ’tong abnormal na ’to para mambwiset, napaka-gandang timing naman talaga, oh.
“Sir, pakiusap lang.. h’wag ngayon,” pigil ang inis na sagot ko pa nang hindi siya nililingon. Nakatitig lang ako sa baso ng iced tea ko habang sumusubo ng piattos.
“Hmm, dali magkwento ka. Ba’t ka naiinis.” Aniya pa kaya tinignan ko siya, nakangiti siya munit seryoso ang pagkakasabi niya. Ngunit, hindi no’n nababawasan ang inis sa loob ko, mas naiinis lang ako lalo.
“Sir, please, gusto ko ng katahimikan.” Sagot ko at pumikit dahil nagsisimula na naman kumawala ang inis na pinipigilan ko.
“Naiinis ka ba kasi di ka nakatulog kagaya ko?hmmm.. baby ko?” Panunukso pa niya at pinindot-pindot pa ang kamay kong nasa lamesa kaya inis kong nahampas ang lamesa at inilapit ang mukha ko sa kaniya at tinignan siya ng masama
“Sinabing tigilan mo diba? Nang-aasar ka na naman, e. Ayan ka na naman sa mabaho mong trip, e. Tigilan mo na ako, pakiusap lang!” Galit at madiin na bulong ko sa kaniya. at saka ko nilisan ang lugar na ’yon. Mabuti na lang talaga ay maingay kaya hindi halos narinig ng iba ang paghampas ko sa lamesa.
Binalewala ko na ’yon at pumunta na sa classroom. Sinabi kasing tigilan ako ayaw pa tumigil. Parang gago lang. E kung tumigil agad siya diba, edi sana hindi ko siya nasabihan ng ganon. Nadamay pa tuloy siya, tss.
Pero kasi, mali pa rin ’yung ginawa ko, tss. Yari na tayo nito… paano kung biglang namisinterpret niya pala ako? paano kung ibagsak niya ako? patay ako neto huhu. Sorry, sir. Ikaw naman kasi! Math class pa naman din sunod na subject, baka pahirapan niya ako ng todo. Yun pa, e magulo ang ikot ng bituka no’n. Di mo malaman kung anong trip ang biglang maiisipang gawin.
Hanggang sa nag-math class na nga. Pagpasok niya ay ramdam ko ang lamig ng presensya niya. Ganun din yata ang naramdaman ng classmates ko nung bumati siya. Mas malamig pa sa yelo at mas seryoso pa sa seryoso.
Napayuko naman ako dahil pakiramdam ko kasalanan ko, pero kasalanan din naman niya ah? tapos siya pa may ganang mag-ganyan. abnormal nga siya.
Hanggang sa matapos ang math class ay seryoso siya at cold. ni hindi niya nga ako pinansin o tinignan man lang..
’Yari na.. paano naman kaya ako
magso-sorry
?’
Aba’y bahala na, magkikita naman kami mamaya sa Stress Free Zone. Siguro, do’n na lang kami mag-uusap. Gagamitan ko na lang ng power lambing ket di kami magjowa, yucks.
Sorry my Harry Kyle Bailey, wag ka mag-alala. Sayo pa rin ang puso ko. mwah mwah tsup tsup.
CHAPTER 9
Mirrem’s
Pov.
Kakatapos ko lang magklase sa section nila Max at papunta na ako sa susunod kong section na tuturuan.
Hindi ako masyadong naging energetic dahil napapa-isip talaga ako kung bakit naging gano’n ang trato niya sa’kin at kung saan galing ang inis na ’yon.
Ano kaya nangyari sa kaniya? Malalaman ko rin ’yan mamaya, hehe. Sinadya ko talaga na magpaka-cold muna at tumahimik. Pinigil ko ang sarili kong mang-asar dahil ka-onti na lang ay baka malamon na niya ako ng buhay. Kanina nga lang sa canteen parang bubuga na siya ng apoy, e.
Sinadya kong hindi siya pansinin pero nakikita ko siya sa gilid ng paningin ko kanina. At tahimik lang naman siyang nakikinig at seryosong-seryoso na animo’y malalim ang iniisip.
Hindi na ako masyadong nag-isip pa dahil magkikita naman kami sa Stress Free Zone.
Pero, paano pag hindi siya pumunta do’n? Ay bahala na siya, at saka may usapan naman kami, e. Nasa sa kaniya na ’yon kung sisiputin niya ako, alam naman niya consequences pag hindi siya sumipot. Tss.
Iniwakli ko na ang mga iniisip na ’yon at dumiretso na sa next class ko at nagturo.
Mabagal na lumipas ang oras at sa wakas tumunog na rin ang bell. Hindi ko alam pero pakiramdam ko napakabagal ng oras ngayon. Sa wakas talaga, natapos din.
Nangiti pa ako dahil magtatagpo na naman ang landas namin ni Max. Na-imagine ko pa ang mukha niyang bugnot na bugnot dahil sa pang-aasar ko kaya naman mas nangiti ako at napapikit pa.
“Hala si Sir, pangiti-ngiti.” Gulat at halos manlaki ang mata ko ng marinig si Ms. Shiela sa gilid ko. Agad naman akong nakabawi at pumeke ng ngiti.“What’s with the smile, sir?” Tanong pa niya habang nakangiti rin.
“A-ah e-e, ano may student kasi ako kanina. Nagtatanong ako tas bigla siyang nagtaas ng kamay.” Utal na tugon ko pa at pumepeke ng tawa. “Tapos? what happen next?” nakangiting tanong niya pa at sumagot naman ako agad.
“Ayun na nga, I thought he will going to answer. But, ang sabi niya. Sir, hindi ako sasagot. I’m here to ask permission na pupunta ako ng Cr, kase natatae ako.” Pag-iimbento ko pa ng kwento. S’yempre, white lies ’yan. Alangan naman sabihin ko dahil kay Max. Edi nagduda siya.. mga issue pa naman sila dito.
At saka wala namang meaning yung namamagitan sa amin ni Max. Asaran lang talaga, tss. Hindi ko lang gusto ipaalam dahil mabibigyan ng meaning dahil mga malisyoso/malisyosa ang mga tao rito.
Tawang-tawa naman si Ms. Shiela sa sinabi kong ’yon kaya nakikitawa na lang din ako kunwari kahit na hindi ako natatawa. Sabay pa kaming pumunta ng Faculty para ibalik ang mga gamit namin.
Inaya niya pa akong mag-lunch ngunit tumanggi ako.
“Sorry, need ko mag-prepare para sa Remedial class ko. Baka magwala ang students pag wala silang gagawin.” Tugon ko pa sa kaniya at ngumiti naman siya.
“Talagang sineseryoso mo ’yan ah? Sige, sir. Una na ako, bye.” Paalam niya pa at kumaway na lang ako sa kaniya habang nakaupo ako dito sa table ko at may ginagawa kunwari.
Hinintay ko naman muna siyang makalabas at nagbilang ng ilang minutos bago ko tuluyang dinampot ang bag ng baunan ko at saka ako tuluyang lumabas din para tumungo sa Stress Free Zone
Nando’n na kaya siya? tss, pag wala siya at hindi siya sumipot ay alam naman na niya mangyayari, hehe.
Maaliwalas ang panahon at medyo mahangin ngayon habang naglalakad ako papunta sa Stress Free Zone. Ramdam ko ang dampi ng preskong hangin sa balat ko at ang dulot nitong lamig.
Nangiti naman ako nang matanaw ko si Max na naka-upo kung saang bench kami naka-upo kahapon. Inayos ko naman muna ang sarili ko at pinagmukhang cold ang ekspresyon ng mukha ko bago ako tuluyang lumapit.
Pagkarating ko ay huminto ako sa mismong harap niya at halos manlaki ang mata niya ng tingalain niya ako. Muntik pa akong matawa ngunit ginawa ko lahat ng makakaya ko para pigilan ito at nagtagumpay naman ako.
Hindi naman siya umimik at yumuko lang matapos no’n. Wala akong nagawa at umupo na lang sa tabi niya at inilapag ang bag ko dahil ayaw kong mangawit kakatayo.
Nakabibinging katahimikan ang bumalot sa’min sa sandaling ’yon. Tanging pag-ihip lang ng hangin ang maririnig na ingay at mga huni ng ibon.Wala ba siyang sasabihin? tss. Tagal magsalita, ah.
Nababagot na ako kaya naman umubo pa ako kunwari. Wala ba talaga siyang balak magsalita?
Maya-maya pa ay nakita ko sa gilid ng paningin ko na nilingon niya ako kaya gano’n din ang ginawa ko. Yumuko pa siya at kumibot-kibot ang labi na animo’y maraming gustong sabihin. Yung labi niyang ’yon na maganda ang pagkakaporma pero masasakit at puro negative na salita ang lumalabas, tss.
“S-Sir, sorry kanina..” Paumanhin niya na nautal pa. Napabuntong hininga pa ako. Ang onti naman ng sinabi neto. Pero kahit na gano’n, mukhang effective yung pa-cold effect ko, nagso-sorry e, haha. Yari ka sa’kin ngayon, aasarin kita lalo.
Nag-iwas tingin lang ako kunwari bago tuluyang sumagot at ibinalik ang tingin sa kaniya.
“Hmm, wag mo na isipin ’yon. Btw, nandito talaga ako to tell you personally na hindi na kita isasali sa remedial.” Seryoso kunwaring ani ko at agad na gumuhit ang pagtataka sa mukha niya. “Bakit sir?” tanong pa niya habang kunot na kunot ang noo.
“Well, it’s nonsense.” tugon ko naman at bakas pa rin ang pagkalito sa kaniya.“Nonsense kasi in the end hindi ka pa rin naman papasa, so why waste your time in remedial? So, I guess, see you next year?” Dagdag ko pa at ngumisi kunwari at napapikit naman siya dahil sa inis. Pinigilan ko naman ang tumawa at akmang tatayo na sana, nang pigilan niya ako at hinatak papaupo.
“Sir, hindi kase ganon!” Pasigaw at nakangusong sambit niya pa at nakapikit. “Sabi ko na mami-misinterpret mo’ko e!” Dagdag pa niya habang nakatingin sa’kin at nag-iwas din agad ng tingin. Halos matawa ako sa naging reaksyon ng mukha niya pero sinikap ko talagang hindi tumawa. May pa-nguso pa at pikit-pikit, aping-api ’yan? haha. Kawawa naman yung baby ko, tss.
“Ang tinutukoy ko kasi kanina, yung pang-aasar mo lang nung oras na ’yon. Pero hindi itong napag-kasunduan natin.” Pagpapaliwanag niya pa at hindi pa rin ako sumagot at tinignan lang siya. “Sir, sorry na..” Dagdag pa niya at ngumuso ulit at yumuko.
“Kung hindi ’yon ang tinutukoy mo? Where’s my baby, then? Why you keep on calling me sir?” Malamig ang tono kunwaring tanong ko at blanko siyang tinignan. Nakanguso pa siyang tumingin sa akin bago sumagot.
“Eto na nga po, baby. “ Tugon niya na diniinan pa ang salitang ’yon. Suminghal lang ako at nag-iwas tingin na kunwari’y galit pa rin. Ayan, mamatay ka ngayon sa galing kong umacting. Akala mo, maiisahan mo’ko, hehe. Aba, may pagka-Richard Gomez yata ’to. Tss.
“Sorry na kasi, baby. Magpapaliwanag ako ba’t ko nagawa ’yon.” Dagdag pa niya at napalingon naman ako sa kaniya at tinignan siya. Hmm, sige na nga. Aside sa kawawa siya tignan, e gusto ko rin malaman ano ba talaga ang dahilan ng baby ko, hehe.
“Sige na nga, pero bago ka magpaliwanag. Kain na muna tayo, baby ko. Nagugutom na baby mo, e.” Isip batang pagpapa-cute ko pa sa kaniya at inismiran naman niya ako. “Hanep sa kawirdohan,” ang tanging nasabi niya at nginitian ko lang naman siya ng pagkalaki-laki with matching pikit mata.
Nagulat pa ako ng siya na mismo ang maghanda ng pagkain at mas nagulat ako dahil may baon din siyang dala.
Ano
bang
nakakagulat
do’n? Natural,
magdadala
siya ng baon, remedial kaya ngayon. tss.
Tinignan ko lang siya sa ginagawa niya at medyo nanlaki pa ang mata ko nang ambaan niya ako ng kutsara kahit hindi ko naman siya sinabihan. Aba, nagiging sweet? Ano nakain neto?
“Ahhh,” aniya na pinapa-nganga ako. Nginitian ko pa siya bago ako ngumanga at sinubo ang pagkain na ’yon at nginuya.
Nagiging sweet yata kasi palibhasa may nagawang kasalanan, e. tss. Ayan, manuyo ka sa hindi galit, galingan mo.
“Baby, tubig.” Kunwaring nabubulunan na sabi ko. Agad naman niyang kinuha ang tubigan ko at sinenyasan ko siyang painumin ako.
Suminghal pa siya bago ’yon gawin. Hawak niya ang tubigan at itinapat ito sa bibig ko. Agad naman akong uminom at ramdam ko talaga ang pag-alalay niya. Kaya matapos no’n ay nginitian ko siya.
“Para kang bata. Kaya mo naman sanang gawin, inuutos mo pa.” Inis pang sambit niya at ngumuso naman ako kunwari. Aba’y syempre, kelangan mo bumawi. Hindi p’wedeng ikaw yung nagalit kanina tas ikaw pa rin ang masusunod? No way!
“Ang cute mo, sige na kumain ka pa.” Aniya pa at sinubuan ako nung ham na dala niya. Hindi ako mahilig sa ganito pero masarap naman kaya hindi na ako nagreklamo. At saka, nag-eenjoy ako sa set-up namin e, ba’t ba?
“Ikaw naman.” Nakangiting tugon ko at kinuha ang isang kutsara at sinubuan siya. Ayaw pa niya sana ngunit wala siyang nagawa sa kakulitan ko. Masama pa ang tingin niya sa’kin ngunit hindi ako nasindak. Mas natutuwa lang ako pag gano’n ang ekspresyon ng mukha niya, tss.
Nagpatuloy lang kami sa pagsusubuan ng pagkain hanggang sa matapos kami. Ewan ko, pero busog na busog ako kahit sakto lang naman ang kinain namin. Ang sarap talaga ng kain ko, gracias. Sa uulitin.
“Magkwento ka na, baby ko.” Nakangiti at excited na sabi ko pa habang pinapanood siyang iligpit ang kinainan namin. Sinamaan naman niya ako ng tingin bago sumagot.
“Oo na, eto na. Excited masyado, e.” Inis pa kunwaring tugon niya at nagpatuloy sa ginagawa. Hinintay ko lang naman siyang matapos habang nakatingala sa kalangitan na natatakpan ng mga sanga ng puno. Ang ganda talaga, ang sarap tignan. Nakakagaan ng pakiramdam.
“Tapos na, eto na magku-kwento na ako.” Biglang sabi niya kaya umayos agad ako ng upo at humarap sa kaniya. Bale, patagilid akong nakaupo sa bench at gano’n din siya.
Nginitian ko pa siya at tumikhim naman muna siya bago sinimulang magkwento. Dinetalye niya ang kwento mula sa simula hanggang sa dulo. At seryoso lang naman akong nakinig.
“Ayun, kaya ako nainis.. Kase may naiisip naman pala? ba’t hindi nagsuggest, diba?” Aniya pa at tumango naman ako. “Oo, dapat nga nagsuggest sila. Pero kahit papaano, may mali ka pa rin..” seryosong tugon ko at may tipid na ngiti sa labi. Umirap pa siya bago sumagot.
“Alam ko naman ’yon. Pero kung mali ako, mas mali silang dalawa. Kase kung nag-suggest sila at tumutol agad sa ginawa ko, hindi naman mangyayari ’yon.” Sambit niya pa at napabuntong hininga ako. “Hindi mo naman kasi kailangang timbangin kung gaano kabigat ang mga nagawa niyong mali,” tugon ko pa at kumamot sa sintido at sinamaan niya lang ako ng tingin. Ayan na naman yang tingin niya na ’yan, dukutin ko yang mata na yan, e.
“Ewan ko sayo,” asar talong aniya at tumingin sa kung saan. Eh, nagalit? pikunin talaga..pinagsasabihan lang, e.
“Hala..Baby? galit ka?” Kunwaring tanong ko pa at nagpipigil ng tawa. Tinignan naman muna niya ako bago sumagot. “Hindi ah, at saka basta.. ayun na ’yon. Wag ka na magtanong,” tugon niya at nag-iwas tingin. at salubong pa ang kilay na tumingin sa kung saan.
Napabuga pa ako ng hangin bago nagsalitang muli.
“Oo nga, ayun na ’yon. Mga bwiset nga sila.” Pagsang-ayon ko kunwari sa kaniya at medyo lumapit pa sa kaniya at tumingin sa kung saan siya nakatingin. Kita ko sa gilid ng mata ko ang paglingon niya kaya nilingon ko rin siya. At kita ko sa tingin niyang ’yon ang inis. Hala? bakit na naman kaya? Sinang-ayunan na nga, e. Abnormal din, e.
“Wala ka namang pinagkaiba sa kanila, bwiset ka rin kaya..” aniya at taka ko naman siyang tinignan. “Bakit baby ko? Wala naman akong ginagawa sa’yo!” Natatawang sabi ko at ngumiti pa sa kaniya ngunit inirapan niya lang ako. Pag ako nanggigil, baka mayakap ko ’to, tss.
“Sila, bwiset sila dahil sa ginawa nila kanina. Ikaw..“Pagputol pa niya sa sinabi niya kaya naman hinintay ko pa ang kasunod habang nakatitig sa mata niyang ’yon.“Bwiset ka, kasi inaasar mo’ko ng ganito.“Mahina ngunit madiin na dagdag niya at umirap sa hangin bago nag-iwas tingin. Well, dapat kang masanay baby ko.
“Bakit? Ayaw mo na ba?” Nakangiti ngunit makahulugang tanong ko. Bumuntong hininga pa siya at tumingin sakin bago sumagot.“Para namang may choice ako,” tugon niya at natawa ako.
“Meron naman, ah.” Natatawang sambit ko pa at tinignan pa niya ako na animo’y hindi siya makapaniwala.“Wow, yung choices.. lahat pabor sayo?” Sarkastikong aniya pa at hindi ko talaga mapigil ang tawa ko dahil sa ekspresyon ng mukha niya. Mukha kasi siyang luging-lugi na walang magawa.
Pero totoo namang may choices siya ah, p’wedeng pwede naman din siyang mamili do’n pero s’yempre.. halos lahat pabor sa’kin, alangan naman sa kaniya. Asaran lang din naman ’to, so at the end of the day. Hindi ko naman talaga gagawin ’yon. Peks man. maging triangle man ang buwan.
“At saka hindi ko rin talaga maintindihan ba’t ako ang napag-tripan mo! andami namang p’wedeng pagtripan diyan? Maraming estudyante, pero bakit ako? Umamin ka nga sa’kin, yung totoo ha! May gusto ka ba sa’kin? ha?” Dagdag pa niya na gumewang-gewang pa ang ulo habang nagsasalita. Halos hindi naman ako makapaniwala na napa-awang pa ang labi sa sinabi niya kaya agad akong sumagot.
“Hoy, hindi kita type no! babae type ko!” Pasigaw na tugon ko. Akala pa yata nito, type ko siya. tss. Iniisip ko lang siya kanina pero no way na type ko siya. Ayoko sa kulot no, kase makapal yung ano.
“Mas hindi kita type no! at saka kung hindi mo naman pala ako type, e. ba’t di mo na lang ’to ihinto diba?” Pasigaw din na tugon niya at mukhang nangungumbinse pa. Anong akala mo? maiisahan mo’ko?
Mabilis naman akong sumulyap sa orasan ko bago sumagot sa kaniya dahil baka ma-late kami. Malapit na ang oras kaya kinuha ko ang bag ko at tumayo ako saka sumagot.
“Well, kung ayaw mo naman talaga sa ganito. Then, see you next year.” Nakangiti at seryoso kunwaring aniya ko at saka naglakad paalis. Umiling na lang ako habang naglalakad at narinig ko naman ang sigaw niya ngunit hindi ko siya pinakinggan.
Mabilis kong naramdaman ang paghabol niya at ikinagulat ko ang paghawak niya sa kamay ko ngunit hindi ko ’yon pinahalata.
“Hindi naman kasi gano’n. Sabi ko nga payag ako, e. baby ko.” Aniya pa patungkol sa usapan kanina ngunit hindi ko na pinansin ’yon dahil nakatuon ang atensyon ko sa magkahawak naming kamay.
“Lumelevel up ka ah, kahapon ka pa may pa-holding hands, ha.” Panunukso ko at nginitian niya lang ako at sumagot.“Gusto mo rin naman,” panunukso rin niya at dumila pa. Halos matawa naman ako sa confidence niya kaya nangiti ako.
“Eh? Asa ka,” Tugon ko at dumila rin. “Eh, kung ayaw mo pala, ba’t di mo alisin?” Aniya pa na tila nanghahamon habang mabagal kaming naglalakad at magkahawak kamay. Tinaasan niya pa ako ng kilay at nginitian ko lang siya at nag-iwas tingin bago sumagot.
“Ayoko nga.” tugon ko habang nakangiti at ang atensyon ay nasa dinadaanan namin. “See, gusto mo rin baby ko.” Pang-aasar pa niya at may parang ewan akong nararamdaman sa bandang puso ko.
“Shut up, baby ko. Male-late na tayo.” Ani ko pa na pinindot ang ilong niya gamit ang isa kong kamay. Sumimangot pa siya ng ginawa ko ’yon ngunit hindi ko na pinansin.
Magkahawak kami ng kamay hanggang sa malapit na namin marating ang palabas ng stress free zone. Medyo bumagal siya sa paglalakad kaya gano’n din ang ginawa ko.
“Maghahawak kamay pa rin ba tayo hanggang pag labas?” Tanong niya pa at bakas ang kaba sa mukha niya at nag-iwas tingin pa.
“Hmm, nasa sa’yo yan? Gusto mo ba?” Pagtatanong ko pa kunwari. Well, gusto ko lang siya asarin dahil ’yan na yata ang role ko sa buhay niya.
“Ayoko ah, baka mahuli tayo! at saka ayoko ng issue.. Ganun na lang ulit kagaya ng kahapon. Mauna ka, tas susunod ako.” Tugon niya at tumango naman ako at agad niyang inalis ang kamay niya ngunit imbis na magalit ay nginitian ko na lang siya. Saka ba’t ako magagalit, diba?
“Una na ako ah, see you.” Paalam ko pa at kumaway kunwari sa mukha niya at inirapan niya pa ako kunwari bago ngumiti. “Oo na, see you.” tugon niya kaya naglakad na ako palabas ng Stress Free Zone at nagpa-iwan naman siya sa pasilyo na ’yon na napapalibutan ng mga puno.
Bago pa ako tuluyang makalabas ay nilingon ko pa siya ulit at sumigaw.
“Baby!” pagsigaw ko at kumaway pa. Kitang-kita ko naman na umirap siya at mukhang may sinabi siyang maganda na hindi ko na narinig. Kaya naman, natatawang pumunta ako sa Faculty para paghandaan ang Remedial class nila.
Max Pov.
Iilang minutos na lang ay tapos na ang remedial class namin. Kaya naman medyo minamadali kong sagutan itong test paper na binigay sa’min. Kaya ko naman itong i-solve dahil naintindihan ko ito sa diskusyon kanina pero nag-iingat pa rin ako dahil magka-mali ako. Mahirap na, pag nagkamali ako, nagkakaroon siya ng chance makalapit at makapang-asar, e.
Isang problem na lang naman ang sinasagutan ko kaya nang matapos ako ay agad ko itong pinasa. Sakto lang din dahil sinabi niyang oras na.
“Times up! pass your papers. Finish or not finish.” Aniya pa at agad naman nagsitayuan ang mga classmates ko sa remedial na ’to para magpasa ng papel nila. Hindi ko sila kilala dahil galing sila sa iba’t ibang sections, maliban kay Rhaine na classmate ko.
Hindi ko na sila pinansin at inilagay ko na ang gamit ko sa bag ko. Ngunit paglingon ko ay halos ang kalahati ng classmates ko ay nakalabas na ng classrooms. Madaling-madali naman yata sila umuwi? Di naman sila paglilinisin ng room, ah? Pero ba’t ba nangingielam pa ako. eh, isa rin naman ako sa mga atat umuwi.
Hinintay ko naman munang makalabas na sila dahil ayokong maipit sa gitgitan nila. Dalawa naman yung pinto? Sa isa lang naglabasan? mga shungaks.
Nakalabas na sila kaya naman hahakbang na rin sana ako papalabas nang bigla akong tawagin ni Sir. Mirrem sa pangalan ko. Wow, first time ba ’to? infairness, ganda pakinggan ng pangalan ko pag siya nagbanggit, chos. Maganda talaga pangalan ko, no! Kasing-ganda ko, char.
“Max,” aniya. Nilingon ko naman siya at tinaasan ng kilay bago sumagot. “Oh?” tugon ko.
“Nagmamadali ka ba umuwi ngayon?” tanong pa niya at nag-isip naman ako. Parang hindi naman, pero hindi ko pwedeng isagot ’yon, no. Baka paghintayin niya ako, e. At saka bibili ako ng ingredients pala. Tama, ayun na lang idadahilan ko, hehe.
“Oo e, bakit nga pala sir?” Tugon ko at agad na gumuhit ang panghihinayang sa mukha niya. “Gusto ko sana magjollibee e, kaso wala akong kasama.” Tugon niya sa tanong ko at napa-isip naman ako. Hala Jollibee… sayang.. pero hindi p’wede. Baka mamihasa siya sa pa-gan’yan niya. Hindi p’wede, no. Baka maging rason pa ’yan para ma-fall ako, no way! hindi ’yon pwede.
“Makaka-kain ka naman kahit ikaw lang mag-isa, kaya mo na ’yan.” Pangungumbinsi ko pa sa kaniya ngunit tinignan niya lang ako. Nag-isip pa siya kunwari at saka nagtanong.
“Bakit ka nga pala nagmamadali?” Tanong niya pa at napa-isip naman ako. Patay na, parang di effective pag ’yon sinabi ko ah? Gagawa na nga lang ako ng ibang dahilan.
“Kasi ano..” Pagputol ko pa at kumamot pa sa batok. “May pusa ako at walang tao sa bahay. Kelangan ko pa ’yun pakainin, hehe.“tugon ko at tumingin lang naman siya sa kung saan at tumango. Please, maniwala ka.
Wala naman talaga akong alagang pusa dahil bawal at ayaw ni mama. Pero may mga pusang gala na gumagala sa bahay namin at nagnanakaw ng ulam. Nung minsan nga, ninakaw no’n yung ulam namin na barbecue, nakasupot pang ninakaw. tss.
“Sige sir, una na ako.” Paalam ko na lang at narinig ko pa ang sagot niya. “Okay, take care.” tugon niya at napangiti pa ako. Wow, bumait?
Hindi ko na pinansin ’yon at nagpatuloy na para maka-uwi dahil papakainin ko pa ang pusa namin, charot.
Ang totoo niyan, uuwi na ako dahil naghihintay ang asawa kong si Harry, chos. Pantasya pa more.
CHAPTER 10
Shin’s Pov.
It was a very tiring day. Pose dito, pose doon, ngiti dito, fierce doon. That was the scene while we are on the set a while ago. Ni hindi nga ako nakapasok sa class namin because of this pero excuse naman kami kaya hindi siya problema. Buti na lang din talaga ay tapos na kaya medyo relax na.
Napaisip pa ako tungkol sa remedial habang nakaupo ako rito sa isang chair at katabi si Harry na abala sa cellphone niya. Kailan kaya kami bibigyan ng examination dun? Wala namang binigay kahapon, e.
Si Harry kaya nakapag-take na? Baka nakapag-take siya ng di ko alam, matanong nga. Kinalabit ko siya sa braso at agad naman niya akong nilingon
“Nakapagtake ka na ba nung test sa math?” I asked and he just give me a confused look. “Pareho tayong excuse sa class last time. Wala ring binigay kahapon. So, how could you asked me that? Mukha ba akong nakapag-take na?” Pilosopo at mapang-asar na sagot niya. Inirapan ko na lang siya. Whatever!
Bigla akong may naisip kaya naman agad kong kinuha ang phone ko. Pagbukas ko no’n ay nabasa ko ang isang chat galing sa bestie ko. Agad ko namang binuksan ’yon para basahin.
From: Ethan Max Garcia
Hi sis!
Bibili
nga pala ako ng ingredients ngayon sa may Robinsons. Kung free ka, punta ka sa bahay mamayang mga 5 or 6pm.
Gawin
natin yung ice candy. Btw, baka last ko na rin ’tong gawa. I mean, may nangyari kasi.
Kwento
ko na lang later ^.^
Sent. 3:18pm
Agad ko naman siyang nireplyan matapos kong mabasa ’yon. Ano kayang nangyari? Na-curious agad tuloy ako.
Binalewala ko naman muna ’yon at chinat si Sir. Mirrem. Natuwa pa at animo’y kinikilig ako ng makita kong online siya. Online ang taong tinuruan ako magmahal, ehe.
Well, hindi ko pa naman siya mahal. I don’t even know how does it feel. Pero, I searched through the internet last time of what are the symptoms when you’re attracted to someone. Kase medyo nagduda ako sa naramdaman ko noong isang araw. And now I know, confirmed na may gusto nga ako kay Sir.
At saka hindi ako dapat masaktan at magmukmok na lang, no. Besides, wala siyang feelings kay Max at gano’n din naman si Max sa kaniya. Aba, patay na patay ’yon kay Harry, e. Halos taon-taon kaming parang tangang nakasunod lagi kay Harry noon dahil sa kaniya. Pero anyways, ayun na nga. Hindi ako dapat mawalan ng pag-asa dahil wala namang namamagitan sa kanila at saka maganda ako, I have everything that a man is looking for. Dapat lang akong maging confident at dapat ko lang din siyang mapa-ibig. diba? yes, it’s a big check!
Agad naman akong nag-type ng ime-message ko sa kaniya at napa-isip pa ako. Paano kaya? hmm, bahala na nga.
To: Mirrem Cedric Dalton
Good afternoon Sir, may I ask kung kelan kami p’wede
magtake
nung examination na hindi namin
na-take
last time?
Sent. 3:35pm
Nakangiti pa akong sinend ’yon at wala pang ilang minutos ay nakatanggap na ako ng reply. Owemji, nireplyan ako ng crush ko. Jusme, sir. Take my heart, I’m only yours.
Halos kiligin pa akong basahin ’yon kahit na hindi naman nakakakilig ang laman. E, bakit ba? Sadyang kinikilig ako, e. Kanya-kaniyang trip lang ’yan, lol.
From: Mirrem Cedric Dalton
You can have the exam tomorrow. Kung wala na kayong gagawin at
makakapasok
na kayo.
Sent. 3:37pm
Agad naman ulit akong nagtype ng reply do’n para naman hindi agad matapos ang conversation namin. Medyo ramdam kong cold si sir sa chat, pero ang hot niya sa personal. charot. Di magiging maharot for today’s video.
To: Mirrem Cedric Dalton
Thank you sir! Btw, tapos na po ba ’yong remedial class nila Max?
Sent. 3:38pm
Mga ilang sandali pa ay nagvibrate na ang phone ko kaya agad ko itong binuksan. At nakita ko ang reply niya kaya mabilis pa sa hangin ko itong binasa. Parang ang bilis din yata niya magreply, sanaol diba? charot. Sir naman, baka masanay ako niyan. Eme.
From: Mirrem Cedric Dalton
Yeah, kanina pa. At baka
naka-
uwi
na rin ’yon dahil nagmamadali siya kanina, e.
Sent. 3:39pm.
Pagkabasa ko no’n ay nagtaka naman ako. Ba’t naman kaya siya nagmamadali? Ay! baka dahil bibili siya ng ingredients. Oo, tama. Yun na lang irereply ko kay Sir para mapahaba ko pa convo namin. Mindset diba? hihi.
To: Mirrem Cedric Dalton.
Ay baka po dahil sa nasabi niya sakin.. na
bibili
siya ng Ingredients sa Robinsons ngayon, sir.
Sent. 3:40pm.
I’m not really used of speaking tagalog but sabi kase du’n sa nabasa ko sa Internet. Hindi raw attractive ang babaeng nag e-english, nagmumukha raw kaming maarte. Kahit naman ayaw kong maniwala, wala rin namang mawawala kung susubukan ko. I just want to this for him. Malay natin, effective pala. Tignan mo nga oh, bilis magreply, char. Assuming.
Nilingon ko pa si Harry at nakita ko siyang abala sa cellphone niya kaya hindi ko siya pinansin. Well, isasama ko naman siya kila Max, e. Masu-surprise ka ngayon bestie. Wag mo sana ako kamuhian, charot.
Maya-maya pa ay nagreply na si Sir kaya mabilis ko itong binasa.
From: Mirrem Cedric Dalton.
No, that’s not his reason. Ang sabi niya kanina is ay may
alaga
siyang
pusa
na dapat pa n’yang
pakainin
.
Sent. 3:41pm.
Matapos kong mabasa ’yon ay napa-isip pa ako at napatingala. Eh? Wala namang pusa sila Max. Anong alagang pusa? Abnormal talaga ’to si Max. Natatawa pa akong nagreply pa ako sa message na ’yon ni Sir. Pusa pa nga, e ayaw nga ng mama ni Max sa pusa. tss. Meow, chos. Si Sir kaya mahilig kaya siya sa pussy? charot. Di magiging dirty-minded for today’s video.
To: Mirrem Cedric Dalton.
Eh, Sir.. wala naman pong alagang
pusa
sila Max dahil ayaw sa
pusa
ng mama niya.
Sent. 3:43pm
Matapos kong i-send ’yon kay sir ay naghintay pa ako ng ilang minutos ngunit hindi siya nagreply. Medyo napanguso pa ako dahil do’n ngunit agad ko ring pinawi. Baka busy lang siya, kaya di ko dapat ika-lungkot ’yon. Para naman sa future niya e, este future pala namin. charot.
Bumaling na lang ako kay Harry at sinabihan siyang pupunta kami kila Max para tulungan siya gumawa ng Ice candy. Nag-usap pa kami saglit at nung matapos na ang team namin ay umuwi na kami..
Mirrem’s
Pov.
Nakatanggap pa ako ng reply galing kay Shin at agad namang naging blanko ang emosyon ko nang mabasa ko ’yon.
From: Shin Eun Lee.
Eh, Sir.. wala naman pong alagang
pusa
sila Max dahil ayaw sa
pusa
ng mama niya.
Sent. 3:43p m
’
Magpapakain
pala ng alagang
pusa
ah’
Ba’t kelangan pa magsinungaling? P’wede naman sabihing ayaw niya diba? Tss. Pero, dahil diyan may dahilan na naman ako para asarin siya. pero, dismayado pa rin talaga ako. Bahala siya diyan. Kelangan niya ako suyuin ulit, hehe.
Hindi ko alam pero bigla akong nagligpit ng gamit ko at wala sa sariling dumiretso sa cr para magpalit. Nag-ayos pa ako ng buhok sa salamin at tinignan pa ang magkabilaan ng aking mukha. Saan nga ba ako pupunta? tss.
Dahil kay Max nagkakaganito ako.. Well, hindi rin. Need ko na rin talaga mag-grocery para sa sarili ko. Kaya naman agad kong kinuha ang susi ng sasakyan ko at mabilis pa sa hangin na nilisan ang bahay ko at pumunta sa Robinsons.
May malapit namang grocery dito sa’min pero ewan ko mas trip ko talaga sa Robinsons ngayon. Tss, syempre nando’n siya. Gusto ko siya maasar ngayon. Asarin
lang, walang ibang meaning.
Pagkarating ko roon ay kinailangan ko pang umikot sa likod nito dahil nando’n daw ang parking lot. Walang entrance sa likod kung nasa’n ang parking lot kaya kinailangan ko pang lumakad papunta sa harap para makapasok.
Pagpasok ko ay luminga-linga pa ako na para bang makikita ko siya kapag ginawa ko ’yon. Paano ko naman kaya siya mahahanap dito? At saka ang tanong e, kung nandito pa kaya siya? Ay bahala na.. Kung wala, edi mag go-grocery na lang ako, basic diba?
Kumuha naman ako ng isang grocery cart at nagsimula ng mag-ikot.
‘Hmm, nasa’n kaya siya?’
At bigla kong naisip ang sinabi ni Shin habang naglalakad kaya medyo napa-isip pa ako. Ingredients? Nang alin naman? ng ice candy? Ano nga ba ulit lasa no’n? medyo ma-gatas yun, e. Ay baka nga, nandun siya sa area kung saan merong gatas, hehe. O, pwede rin dun sa merong asukal..
Agad kong tinungo ang shelves kung nasa’n ang mga gatas at nakita ko agad si Max. Lalapitan ko na sana nang bigla itong naglakad papunta sa gawi ko at nakita ko ang harap nito kaya naman parang nadismaya ako. Ay! hindi pala si Max, akala ko siya na, tss. Babae ito ngunit kapareha niyang kulot na maikli ang buhok.
Bakas ang pagkadismaya sa mukha habang naglalakad ako papunta naman sa shelves kung nasa’n ang asukal. Ngunit, wala namang tao ron kaya umirap ako sa hangin dahil sa inis. Hanep na ’yan, akala ko nandito siya. Tss.
Wala sa sariling naglakad naman ako at habang naglalakad ay nagulat ako dahil may nabangga ako. Hindi kase ako nakatingin sa dinadaanan ko at occupied ang isip ko.
“Ay, sorry!” Tugon niya at halos magulat ako dahil sobrang pamilyar ito. Mali, kilalang-kilala ko kung kanino ’yon. Ngunit agad kong inalis ’yon at naalala kong may kasalanan nga pala siya. Sinungaling!
Blankong tinignan ko siya at kasabay din no’n ang pag-angat tingin niya sa’kin. Gulat na gulat siya at animo’y nakakita ng multo ngunit nang makabawi ay agad siyang ngumiti at nagsalita. At tinignan ko lang siya.
“S-sir, ikaw pala ’yan?” Awkward niyang sabi. Bakas ang hiya sa mukha niya. Bakit kaya? guilty ba siya? tss. Tinignan ko naman muna siya mula ulo hanggang paa bago ako sumagot. at naka-uniform pa, mukhang dumeretso na siya rito.
“Magpapa-kain pala ng pusa ah.” Sarkastiko kong sabi at nakatingin lang sa kaniya ngunit blanko ang ekspresyon. Nag-iwas tingin naman ako matapos no’n at kumamot pa siya sa ulo. Matagal bago siya nakasagot.
“S-sorry sir..” Paumanhin niya ngunit ewan ko. May kung ano sa akin na ayaw tanggapin ’yon. Kaya naman, nagsalita ako at hindi pinansin ang sinabi niyang ’yon.
“Baka gusto mong magpaliwanag kung bakit?” Nakangiti munit sarkastiko kong tugon sa kaniya at ngumuso naman siya. Yang bibig niya na yan? maganda, pero puro kasinungalingan ang sinasambit, tss.
“Magpapaliwanag naman talaga ako.” Aniya at nakanguso pa rin. Medyo masama ang tingin ko sa kaniya this time. Nakatingin lang din naman siya sa akin at bakas ang pagpapa-awa sa hitsura niyang ’yon. Akala siguro niya, titigilan ko siya pag nag-ganyan siya. Tss, manigas ka.
“Talaga lang, ah.” Sarkastiko at may bahid ng inis ko pang tugon at ang paningin ay nasa kung saan. “Oo nga.” simple ngunit sinserong tugon niya sa’kin. Hindi ko alam pero parang ayaw ko na pahabain pa ang usapan namin tungkol do’n kaya naman inaya ko na siya.
“Okay, samahan mo muna ako.” Kaswal ngunit blanko ang ekspresyon kong sabi at tumingin ako sa kaniya. “Saan?” Tugon niya habang mukha siyang inosente sa eskpresyon ng mukha niyang ’yon. Mukha lang siyang inosente, pero may ginagawa s’yng kababalaghan kaya ako nagkaka-ganito at naaamoy ko ’yun. Binabarang niya kaya ako? tss.
“Samahan mo’ko mag-ikot dito at mag go-grocery din ako. Ikaw ba? tapos ka na?” Pagtatanong ko pa at tinignan ang dala niyang basket at saka ibinalik ang tingin sa kaniya. “Yeah, tapos na ako, tara?” Simpleng tugon niya at tumango lang ako at umunang lumakad.
Sumunod lang naman siya sa’kin magdamag habang nag-iikot ako rito. Hindi ko rin naman siya pinapansin masyado dahil s’yempre hindi pa siya nagpapaliwanag. Hindi naman ako galit sa kaniya, e. Curious lang talaga ako sa dahilan kung bakit kailangan niya pa magsinungaling, tss.
Mabilis naman akong natapos dahil iilan lang din naman ang sa tingin kong wala sa bahay. Actually, parang gumagawa na lang talaga ako nang dahilan kung bakit ako nag-grocery, tss.
Nilingon ko naman siya at agad siyang ngumiti ng tipid nang tumingin ako sa kaniya. “Tara na?” Aya ko pa at tumango lang naman siya at sumunod sa’kin. Kagaya kanina, nauuna akong naglakad papunta sa linya.
Matapos naming luminya at magbayad ay sabay kaming lumabas. Nagulat pa ako dahil umuulan ng malakas paglabas namin.
“Hala, umuulan! Wala akong dalang payong.” Sambit niya habang nakatingin sa kalsada na ngayon ay basang-basa dahil sa ulan. Bakas pa sa mukha niyang balisa siya. Kinuha niya pa ang cellphone sa bag niya at nagpi-pindot doon.
Wala naman akong pake sa ulan na ’yan, tss. Pero, parang madaling-madali naman yata siya? Wag niya sabihin dahil ’yan sa pusa niya? tss. Bahala siya, akala niya siguro maniniwala pa ako sa kaniya.
“Nagugutom ako..” Sambit ko pa habang nakatingin sa kung saan. Nakita ko sa gilid ng paningin ko ang paglingon niya sa akin kaya tinignan ko siya. Nagtama ang paningin namin at saka ako nagsalita ulit. “Kain tayo,” aya ko pa at sinamaan niya pa ako ng tingin.
“Kita mong umuulan, uunahin mo pa ’yang gutom mo!” Inis na sagot niya at naglinga-linga pa sa kung saan na para bang atat na atat at may hinahanap. Tss, bahala ka diyan.
“Magpapaliwanag ka pa sakin diba? Hintayin mo’ko rito.” Sambit ko pa at mabilis na lumakad. “Hoy, teka! Saan ka pupunta?” Habol niya pa at nilingon ko naman siya.“Maghintay ka diyan, kukunin ko lang yung sasakyan ko sa likod.” Pasigaw na tugon ko sa kaniya at nagpatuloy.
“H’wag ka magpa-ulan!” Sigaw niya ngunit huli na dahil nakasuong na ako sa ulan. Wala pa ako sa kalahati ay basang basa na ako. Fuck this, akala ko nagmumukha lang malakas ang ulang ’to dahil sa hangin, malakas pala talaga. Tss.
Tumakbo ako sa bilis nang makakaya ko habang dala ang groceries na pinamili ko hanggang sa marating ko ang parking lot kung nasaan ang sasakyan ko. Agad akong pumindot sa susi ko para i-unlock ito nang matanaw ko ito. Mabilis akong pumasok sa loob nito nang makarating ako at do’n ko narealized na basang-basa ako. Patay! baka magkasakit ako neto. Yari na! Pero..bahala na.
Inilagay ko naman muna ang pinamili ko sa backseat. At naihilamos ko pa ang kamay ko sa aking mukha para mawala ang ilang patak na naroon. Matapos no’n ay nagdrive na ako dahil ayoko naman maghintay doon ng matagal si Max. Baka
lamigin
’yon..
Mabuti na lang ay may ikotan dito sa likod papunta sa main road dahil kung wala ay hahanap pa ako ng tyempo sa main road para makapag u-turn.
Matapos no’n ay inihinto ko sa tapat ng Robinson’s ang aking sasakyan at binuksan ang bintana. Busy siya sa cellphone niya kaya kinailangan ko pang sumigaw para makuha ang atensyon niya.
“Max!” Sigaw ko mula rito sa loob ng sasakyan ko. Tumingin naman siya sa akin at agad ko siyang sinenyasan na sumakay na.
Binuksan ko naman na agad ang pinto ng passenger’s seat at tinakbo naman niya ang distansyang ’yon mula sa kinatatayuan niya papunta rito sa sasakyan.
Pagkapasok niya ay agad din naman niya itong sinara at nakatingin lang ako sa kaniya habang ginagawa ’yon. Inutusan ko pa siyang ilagay ang pinamili niya sa backseat na agad niyang ginawa matapos isara ang pinto. Matapos no’n ay sinimulan ko nang magdrive.
Napansin kong medyo nabasa siya sa ulan kaya naman iniabot ko ang panyo kong naiwan ko rito sa sasakyan. Tinitigan niya lang naman iyon bago ilipat ang tingin sa akin na bakas ang pagtataka.
“Ba’t mo inaabot sa’kin ’yan?” Takang tanong pa niya. Umirap lang naman ako sa kaniya at ginalaw pa ang kamay kong nasa ere at hawak ang panyo. “Magpunas ka, basa ka.” Tugon ko at nung mangalay ako ay isinampay ko ito sa balikat niya.
“Ikaw ang magpunas dahil ikaw ang basa,” aniya pa at akmang ibabalik ang panyo nang agad akong sumagot. “Ikaw na, dahil magpapa-aircon ako.” Tugon ko nang hindi siya nililingon.
“Basa ka tas magpapa-aircon ka? Baka magkasakit ka,” Alalang sabi niya at nilingon ko siya at nginitian. “Hindi naman ako sakitin.” At tinignan niya lang naman ako saka siya nagsalita. “Okay.” tugon niya.
Ginamit naman na niya ang panyo at nagpatuyo. Kaya pagtapos niya ay binuksan ko ang aircon at full talaga para mabilis akong matuyo. Maya-maya pa ay nagsalita siya.
“Btw sir, i-baba mo na lang ako diyan sa may sakayan. Wag mo na ako ihatid.” Bakas pa ang hiya nang sabihin niya ’yon ngunit sinamaan ko lang siya ng tingin. “Anong i-baba? magpapaliwanag ka pa diba? at saka anong sir?” Inis kong sagot sa kaniya at napanguso naman siya. At agad ko rin namang ibinalik ang tingin sa daan.
“Hindi ba p’wedeng bukas ’yan? Si– este.. baby?” Aniya pa at pumeke ng ngiti. Umirap lang naman ako sa hangin at matigas na sumagot. “Hindi.” malamig ang tonong tugon ko at hindi naman na siya sumagot kaya nagsalita ako.
“Sa Jollibee tayo, samahan mo ulit ako.” Ani ko at nakita ko sa gilid ng mata ko na nilingon niya ako. “Ba’t may pa-jollibee pa? P’wede naman akong mag-explain ngayon.” Awkward niyang sagot.
“Well, kung ayaw mo? P’wede naman. Nangungumbinsi kong sabi nang hindi siya nililingon at bakas ang saya sa boses niya nung sumagot siya.
“Talaga?” tugon niya na animo’y excited sa kung anong bagay. Nilingon ko pa siya at nginitian kunwari at saka ibinalik ang tingin sa daan bago sumagot.
“Oo naman, basta wag ka na ring umattend ng math remedial.” Makahulugang sabi ko pa at mabilis siyang nakasagot. “Ay! alam ko na yan. No thanks na lang, baby ko.” Malakas ang boses na tugon niya na tila nakuha ang logic ko. Takot ka pala, e.
Maya-maya pa ay narating na namin ang mall kung saan nandito ang NBS kung sa’n kami nagkita. Mabilis kong pinarada ang sasakyan at nagsalita matapos.
“Kunin mo ’yung payong diyan sa may glove compartment,” sambit ko habang nakatingin sa rear view mirror at nakita ko sa gilid ng mata ko na nilingon niya ako at luminga-linga.
“Ha, saan dito?” tugon niya habang nagtitingin-tingin sa kung saan ang tinutukoy ko. Itinuro ko naman agad ’yon at sumagot. “D’yan sa harap mo,” tugon ko at agad naman niya ’yong binuksan para kunin ang payong do’n.
Matapos no’n ay bumaba na kami sa sasakyan matapos kong sabihin na gamitin niya ’yon, habang naglalakad ay bigla siyang nagsalita..
“Basa ka, papapasukin kaya tayo diyan?” tanong niya at kinindatan ko lang siya at saka sumagot.“ Oo naman, baby ko. At saka kaya nga ako nagpa-aircon para matuyo agad, e.“ tugon ko at nag-iwas tingin lang siya bago sumagot. “Okay.” aniya. Eh? ba’t wala na sweetness neto sa’kin. Ano kayang nangyari?
“Ba’t di ka na sweet sa’kin, baby ko?” nakangusong tanong ko sa kaniya kunwari habang pinapayungan niya ako.
“Eh? hindi pa ba sweet sa’yo ’tong pinapayungan kita?” takang tanong niya pa at ngumuso ako bago sumagot. “hindi, kase dapat ako nagpapayong sa’yo e.” tugon ko at biglang ngumiti.
“Ayaw mo nito? Maiba tayo, ako nagpapayong sa’yo.” Natatawang tugon niya at ngumiti lang ako. Lumipat pa ako sa kanan niya at mabilis kong hinawakan ang kamay niya. Medyo gulat pa siya ngunit nginitian ko lang siya. Nang makabawi siya ay nginitian niya ako at nagsalita.
“Ikaw ah, gusto mo pala ng holding hands.” Pang-aasar niya at ngumuso naman ako kunwari.
“Di mo nga ako hino-holding hands, e.” Tugon ko na parang batang nagtatampo.
“Wala ka naman kasing sinabing gusto mo, akala ko kasi ayaw mo.” Paninisi pa niya at animo’y natatawa habang nakatingin sa dinadaanan namin. Ganun din ang ginawa ko ngunit medyo nagulat pa ako ng pinagkrus niya ang mga daliri namin at isinuksok nang maigi ’yon.
Nilingon ko siya at nginitian niya lang ako. Nang makapasok kami sa Mall ay pina-iwan ang payong sa may entrance dahil bawal ang payong sa loob. Habang papalapit siya kung saan ako naghihintay ay nagulat ako nang i-abot niya ang kamay niya. Kaya naman nang makalapit na siya ay nakangiti ko itong inabot.
“Bumabawi ka baby, ah.” Sambit ko pa at pinindot ang ilong niya. Ang lambot, tss.
“S’yempre, baka ibagsak mo’ko.” Pabirong tugon pa niya habang natatawa at inis naman kunwaring tinignan ko siya at nagsalita. “Tara na nga,” ang tanging nasabi ko. Aba’y loko, ibagsak ko kaya talaga siya? Ewan ko na lang kung makapagbiro pa siya.
Maya-maya pa ay nasa loob na kami ng Jollibee at nakahanap na rin kami ng table. Agad ko naman siyang tinignan at tinanong.
“Anong sa’yo?” Tanong ko at kunot noo naman siyang tumingin sa’kin.
“Ikaw na lang baby ko, hindi ako nagugutom.” Tugon niya at sinamaan ko naman siya ng tingin. Aba’y libre na? tumatanggi pa? The acidity, char.
“Sabi ko nga kagaya ng kahapon, baby ko.” biglang bawi niya at ngumiti pa. Ayan, makuha ka sa tingin, baby ko. Hindi mo’ko pwede tanggihan, tss.
Hindi ko naman na siya sinagot at mabilis na dumiretso sa linya para umorder..
A/N: ano kayang explanation ni Max? Abangan, chos. Pabitin lang ba’t ba?
CHAPTER 11
Max Pov.
Ngayon ay kumakain kami ng inorder ni Sir. Mirrem. Nakatingin lang ako sa labas dahil tapos naman na akong kumain. At iniisip ko pa rin kung paanong nalaman niya na nagsinungaling ako sa kaniya.
Hindi ko talaga alam paano niya nalaman pero may hula na ako kung sinong nagsabi. Isang tao lang naman ang nakakaalam na pupunta ako ng Robinsons, e. Sino pa ba? Edi yung bestie kong koreana.
Ay oo nga pala, magkikita kami ngayon para gumawa ng ice candy! Baka nando’n na yun ngayon sa bahay, tss. Kung bakit ngayon pa kasi nag-inarte tong isip batang cutie prof na ’to, e. Di niya ba alam pag ginagawa niya ’yan, mas lumalaki yung tiyansang mahulog ako sa kaniya. Parang timang lang. Wala naman sa usapan namin yung ganito, e. Pero, wala rin akong magawa dahil di ko alam liko ng bituka niya at baka bigla niya akong ibagsak. Please, help me!
Tanggap ko rin naman na may mali ako, e. Mali namang magsinungaling talaga. Kahit ako, e. If ever, may magsinungaling sa’kin, magagalit din ako. Pero kase, di man lang niya pinalagpas kahit isang araw. Talagang sinadyang mag-grocery sa Robinsons para kumprontahin ako at pagpaliwanagin. Tas may pa-ganito pa! abnoy na tunay din, e.
“Baby, tapos na ako.” Biglang sambit niya at nawala ako sa iniisip ko at bumaling sa kaniya. Pesteng baby na ’yan, wala naman akong sinabing gawin namin ’yan sa public, e. Pero bahala na, gwapo naman siya, e. charot. Pero, ayoko pa rin dahil baka
mafall
ako, kaya bawal ’yan.
Tinignan ko lang naman siya at tinaasan niya ako ng kilay na animo’y naghihintay siya sa paliwanag ko. Tumikhim naman muna ako bago nagsalita. Pinunasan niya pa ng tissue ang bibig niya habang nakatingin sa akin.
“Okay, eto na.. Kaya ako nagsinungaling sa’yo.. kase palusot ko ’yun para hindi mo ako isama sa mga ganito,” tugon ko at yumuko dahil medyo kinakabahan ako sa sasabihin ko. Bahala na, atlis malalaman niya yung rason ko kahit medyo nakakahiya, lol.
“Bakit? Ayaw mo ba?” tanong niya pa na tila nalilito. Napapikit pa ako at napabuga bago siya tignan at sumagot. “Hindi naman sa ayaw ko, pero kasi..maliban sa wala ’to sa usapan. Hindi ka rin dapat masanay na ganito tayo at gano’n din ako,” tugon ko at tinignan niya ako na animo’y naguguluhan siya.
“What do you mean?” tanong pa niya at nag-iwas tingin muna ako bago ko ito ibinalik at sumagot. “Ang ibig kong sabihin..wala namang laman at kahulugan yung callsign natin diba? Pero, yung mga ginagawa natin ay para na tayong nasa loob ng isang relasyon. Kagaya na lang nito, hindi naman tayo mag-jowa pero sobrang napapadalas yung ganitong eksena na tayo lang ang magkasama, tas para pa tayong binudburan ng asukal sa sobrang tamis.” paliwanag ko at nag-iwas tingin pa siya at ibinalik din naman agad. At bakas do’n na hindi niya nagustuhan ang sinabi ko, masyadong malamig ang eskpresyon niya.
“So, sinasabi mong ihinto natin yung ganito?” blanko ang ekspresyon na tanong niya pa. Bumuntong hininga pa ako bago sumagot. “Oo, kase hindi naman talaga natin ’to dapat ginagawa, e..At saka natatakot akong pag hinayaan lang kitang gawin ’to, biglaan na lang akong mahulog sa’yo. S’yempre, tao lang ako, e. At hindi malabong pag nagpatuloy tong ganito, mahulog na ako nang tuluyan at magkagusto na ako sayo.” tugon ko at humigop ng hininga matapos. Hiningal ako dun, ah. Nakakapagod pala magpaliwanag, tss. Hindi na talaga ’to maulit dapat, ay mali! hindi na talaga ’to mauulit.
“Okay, naiintindihan ko.. Naiintindihan ko na ayaw mo sa ganito,” aniya at ngumiti ng tipid at nag-iwas tingin. Matapos no’n ay nabalot kami ng katahimikan at tanging ingay na lang sa loob ng Jollibee ang maririnig. Medyo awkward ang eksena at nakakahiya para sa’kin, kaya naman kahit gano’n ay pinilit kong magsalita at kausapin siya..
“Pero, hindi damay yung napag-usapan natin sa school, ah. Tumutupad naman ako sa usapan, no. At kung sakaling ka-kailanganin mo man ako, ’wag kang mag-alala. Hindi ako magdadalawang-isip na samahan ka kahit ano pa ’yan, basta ba importante at talagang kelangan mo’ko,” sambit ko pa at nilingon niya ako at tila nagliwanag pa ito bago siya sumagot.
“Talaga?” tanong niya at tumango ako. Ngumiti pa ako sa kaniya bago sumagot. “Oo naman, baby mo’ko, e diba? At saka ito lang naman yung ayoko, yung paglabas-labas natin. Pero yung napag-usapan natin sa loob ng school, mananatili ’yon. Basta iba sa loob ng school, at iba sa labas, okay?” tugon ko at yumuko naman muna siya bago tumingin sa’kin at sumagot.
“Okay, baby ko. Hindi mawawala ’yang callsign na ’yan, ah.” Anas pa niya at natawa ako. “Oo naman, baby ko.” tugon ko at kinindatan pa siya.
Tumingin pa ako sa labas ng Jollibee at tumingin sa cp ko. Shet, 5:01 na. Balisa pa akong pinatay ang cp ko at tumingin kay Sir. Mirrem. Baka nando’n na si Shin, early bird pa naman din ’yon. Magagalit yun pag pinaghintay, jusme.
“Tara na, baby ko?” Aya ko pa kunwari at taka naman niya akong sinundan ng tingin dahil tumayo na ako mula sa kinauupuan ko. Bilis
na, tumayo ka na rin diyan dahil aalis na tayo.
“Bakit?” tanong pa niya. Anong bakit? May naghihintay sa’kin sir, huhu. Naghihintay yung bestie kong halos kasing yaman n’yo yata? chos.
“Naghihintay kase sa’kin si Shin. Gagawa kasi kami nung paninda namin na ice candy,” tugon ko at agad siyang tumayo at sumagot habang nakatingin sa’kin. Napakakupad
, parang
pagong
!
“Baby ko, sasama ako.” Sambit pa niya. Eh? Baliw ba siya? Kakausap lang namin na iiwasan namin magsama tas, hay nako! Masyado naman ’yata tong nawiwili na kasama ako? Di ba siya makaramdam na ayaw ko? chos.
“Hala siya, kakatapos lang natin mag-usap, e..” tugon ko patungkol sa napag-usapan namin at inirapan naman niya ako. “Oo na.” tugon niya at suminghal. E, abnormal na tunay nga?
“Tara na,” aya ko ulit at inabot ko ang kamay ko ngunit hindi niya tinanggap at nag-umunang lumakad. Wow, tampo ’yang baby na ’yan? hihi. Bahala ka diyan, chos. Baka sabihin aping-api siya.
Medyo natawa ako sa ginawa niya ngunit pinigilan ko at hinabol siya. Nagulat siya ng bigla kong kunin ang kamay niya at isuksok ko ro’n ang akin. Eto mga gusto niya, e. Isip bata, tss.
“Tss,” singhal niya at tinawanan ko muna siya bago sumagot. “Wag ka na magtampo, baby ko.” Pabiro kong sabi at pinisil pa ang kamay niya. Nakita ko ang pigil na ngiti sa mukha niya habang hindi siya nakatingin sa akin kaya nangiti rin ako. Itatago pa, halata naman masyado. Tss.
Nagpatuloy naman na kami at magcocommute na lang sana ako ngunit nagpumilit pa siya na ihatid ako kaya pumayag na ako para wala nang away. Kagaya nang dati ay doon lang din ako ulit bumaba. Gusto pa nga sana niyang sumama dahil nandoon naman daw si Shin ngunit tumanggi ako. Hello? Nakakahiya kaya ’yon. Prof ko siya, e. Maliban na lang sana kung classmate ko lang siya diba? Baka mapapayag pa niya ako, pero prof? hell nah! Hindi talaga p’wede.
“Sama mo na ako, kasama naman si Shin, e.” aniya pa at bakas sa mukha na gustong bumaba nang sasakyan para samahan ako sa bahay. Bumuntong hininga naman ako bago sumagot habang nakasilip dito sa bintana ng passenger’s seat.
“Huy, wag ka ngang pasaway. Ang tanda mo na tas para kang bata, at saka napag-usapan na natin to, diba?” Pabulong na sabi ko pa sa kaniya at umirap lang siya sa hangin habang hindi nakatingin sa akin at sumagot.
“Oo na,” bakas ang pagkatalo sa tugon niyang ’yon at ngumiti naman ako kahit hindi siya nakatingin. “Sige na, uwi na baby ko. Ingat ka!” Sambit ko pa at nilingon niya ako at tipid na ngumiti. “Message kita pag nakauwi na ako. Bye, baby ko!” tugon niya. Nagtaka ako sa naging sagot niya ngunit hindi ko ’yon pinahalata at umalis na lang sa pagkakalusot sa bintana na ’yon. Isinarado niya pa ang bintana no’n at kumaway ako dahil paniguradong nakikita naman niya ako sa loob. Maya-maya pa ay naka-ikot na siya at naka-alis na..
Ba’t kelangan pa mag-message? Hindi talaga siya marunong makinig at tumupad sa usapan, tss. Ano ba niya ako para i-message na naka-uwi na siya? Mama niya ba ako? engot din, e.
Hindi ko naman na siya kinompronta tungkol diyan dahil ayoko na magkaroon pa ng away. Hirap pa naman din magpaliwanag, nakakapagod kaya, no!
Agad naman akong naglakad papunta sa’min at nagulat ako nang makitang mukhang tangang naghihintay si Shin saka si…
Kumabog ang dibdib ko at talagang para akong binalot nang hiya ng makita ko si Harry. Ang asawa ko!
Miss na miss ko na siya! huhu.
Halos mangatog pa ang tuhod ko habang dala itong pinamili ko at naglalakad palapit sa kanila. Agad naman akong napansin ni Shin at tila salubong ang kilay niya.
“Kanina pa kami rito, gaano ba karami yang binili mo at natagalan ka?” Pagkatanong niya ay agad akong yumuko. Nasa likod na rin kase niya si Harry, nakakahiya. Ba’t niya ba kase sinama ’yan dito, huhu. Nakakahiya yung bahay namin! Tangina ka talaga, bestie!
“W-wala, na-traffic lang.” Tugon at susubukan ko pa sanang mag-angat tingin sa kanila ngunit napa-iwas agad ako ng tingin dahil alam kong nakatingin siya at hindi ko kayang labanan ’yon. Edi, alam na niya na dito ako nakatira, huhu. Nakakahiya.. Kase itong bestfriend ko, e. Pahamak talaga! bully! ayoko sa araw na’to. I hate this day so much!
Awkward at nanghihina ang tuhod kong binuksan ang lock ng gate at ng pinto. Pinatuloy ko naman sila dahil nakakahiya kase kanina pa sila naghihintay sa’kin. Si Sir. Mirrem din kase, e! Hays! Ano ba ’tong kamalasang inaabot ko? Wala naman akong balat sa pwet ah?
“Tuloy kayo!” Nakayukong ani ko na kunwari ay nakatingin sa sapatos ko dahil nahihiya talaga ako. Agad naman tumuloy si Shin at sumunod sa kaniya si Harry. At naiwan pa sa hangin ang napakabango at mukhang mamahalin niyang pabango.
Shet! ang sarap! chos. I mean, ang bango! amoy mahal, hehe.
Pagtuloy nila ay huminto pa sila para hintayin ako kaya tumuloy na rin ako agad at hinubad ang sapatos ko. Buti na lang hindi mabaho ang paa ko, hehe. Turn off yun sis! Nandito pa naman din crush ko!
Mabilis kaming tumungo sa kusina at inilagay ko ang plastic sa ibabaw ng mesa. At nahiya pa ako nang maisip ko na baka hindi pa sila kumakain at kanina pa naghihintay sa’kin. Kaya naman, agad kong inilabas ang mga biskwit na hindi pa namin nababawasan ni Mama at inoffer sa kanila.
“Uy, magsnacks muna kayo.. Pasensya na.. ayan lang meron kami,” nahihiyang sabi ko pa at yumuko ng bahagya at kumamot sa batok. “Nag-abala ka pa, busog naman kami pero kukuha pa rin kami, ha?” malakas ang boses na tugon ni Shin sa akin. Kapal
talaga neto.
Nilingon ko pa si Harry at nagulat ako nang makita kong nakatingin siya sa akin at nakangiti. Hindi ko alam kung nahalata ba niyang nagulat ako basta ay bigla na lang akong nag-iwas tingin. Hindi ko na inisip ’yon at nagmamadaling kumuha na lang ng gamit para sa paggawa ng ice candy.
Ano kayang mga kekelanganin? Nandito lang naman ’yun diba? Leche, bakit ang bilis ng tibok ng dibdib ko.. ngiti pa lang ’yun ah? paano kaya pag nakausap ko pa siya mamaya, jusme! help me!
Leche ka talaga, Shin. Ba’t kase sinama pa rito, e. Pero… nakakakilig yung titig niyang ’yon, owemji! Harry! akin ka na lang!
Umiling pa ako na para bang matatanggal no’n ang mga naiisip ko at saka nagfocus sa pagkuha ng mga gamit na kekelanganin.
Mabilis naman naming sinimulan itong gawin. Dahil syempre para mabilis din kaming matapos, no!
Tinuruan ko pa sila sa measurement ng gatas at asukal para gano’n pa rin ang lasa nito. Halos aligaga talaga ako at binibilisan ang kilos dahil hindi ako kumportableng magtagal dito si Harry. Kase nga! nahihiya ako! S’yempre crush ko siya e! Tas andito siya sa bahay? No way!
Maya-maya pa ay habang nagsasalin ako gamit ang embudo ay lumapit sa akin si Shin at bumulong.
“Pero, ano pala yung nangyari na sinasabi mo?” patungkol niya doon sa nasabi ko. Nginitian ko naman siya ng tipid saka sumagot. “Bukas ko na iku-kwento, or p’wede rin sa gc natin mamaya. At saka ang mahalaga ngayon, makauwi na kayo. Ayokong gabihin kayo.” ma-awtoridad kong sagot at umirap naman siya kunwari at ngumiti. “Sige,” aniya.
Nagpatuloy naman kami sa paggawa at nang matapos ay sinamahan ko silang maghintay sa mga sundo nila. Maya-maya lang ay naunang dumating ang sundo ni Harry kaya nagpaalam na siya.
“My driver’s here. Bye for now! See you tomorrow, peeps.” aniya habang nakangiti at nagdugo ang ilong ko, chos. Ang sarap ng accent, kingina. Ang gwapo niya pa sa ngiting ’yon. Hays, kelan ka kaya magiging akin? eme.
Matapos niyang maka-sakay ay kumaway pa siya sa amin at gano’n din kami sa kaniya. See you tomorrow, baby! char.
Nilingon ko naman agad si Shin nang makaliko na ang sasakyan ni Harry. Ba’t nga ba sinama niya si Harry dito? abnormal.. Hindi naman sa ayaw ko, pero ba’t walang pasabi.
Agad ko siyang tinanong habang nakasimangot.
“Bakit mo sinama ’yon dito?” mataray kunwaring tanong ko. Natatawa naman siyang sumagot.
“Why? Don’t you like it?” tanong niya pa kunwari habang nagpipigil ng tawa. Inirapan ko naman siya at ngumuso matapos no’n.
“Nakakahiya kasi! Walang pasabi man lang, yung bahay namin tignan mo nga! mukhang bodega tas nakita pa nung crush ko!” nakanguso kong sagot at napapikit pa. Nakakahiya, ano kayang first impression niya sa’kin. For sure, eto yung mga ’yan. Cheap, mahirap, dugyot, hampaslupa, pulubi, low class. Jusme!
“Wag ka ngang oa! hindi gan’yan si Harry, okay? At saka napansin ko nga nakatingin siya sayo kanina tas nakangiti pa,” aniya at nanlaki ang mata ko. Aba, gago to ah? Pero totoo ba? Owemjiiiii, eto na ba ang simula? charot. Pero baka, ginu-goodtime lang ako netong koryanang ’to, tatapon ko to sa bermuda triangle, e.
“Weh? totoo?” paninigurado ko kunwari. Pero ang totoo, kinikilig na ako. Syempre, sino ba namang hindi kikiligin kung malalaman mong yung crush mo ay nakatingin sa’yo..at nakangiti pa, diba?! Like, it was a dream come true! Please, make it happen! chos.
“Oo nga!” tugon niya at nahampas ko siya dahil sa kilig. Yaaays! baka kase gusto niya na rin ako? charot lang! Baka himatayin ako pag nagka-totoo ’yan.
“Sobrang kilig? Wag mag-assume masyado, bestie ko. Baka masaktan ka,” Makahulugang dagdag pa niya at inirapan ko naman siya. Ang seryoso naman neto, nagde-daydreaming lang naman e, ay pa-gabi na pala.. evedreaming na pala. Palibhasa hindi pa nagkaka-crush at nai-inlove, e.
“Grabe ka naman, palibhasa di ka pa nagkaka-crush e!” Inis kunwaring sagot ko sa kaniya at saktong dumating ang sundo niya. Nginitian niya pa ako bago siya nagsalita..
“At diyan ka nagkakamali, mukhang may crush na ako ngayon! Sige na, mauna na ako! Bye, bestie!” aniya at kumaway pa bago sumakay sa sasakyan. Hindi naman na ako nakasagot dahil mabilis siyang tumakbo at sumakay dito. Kaya naman nakangiti pa akong sinundan ng tingin ang pag-alis ng sasakyan.
Totoo kayang may crush na siya? Kase I’m happy for her kung gano’n. Ang boring kaya ng high school life kung hindi ka magkaka-crush kahit minsan. Pero sino kaya ang maswerteng ginoo na napili ng puso niya? Malalaman ko rin ’yan bukas, hehe.
Nakangiti pa akong pumasok ng bahay at saka nilinis ang mga naiwan naming kalat. Matapos no’n ay nagluto na rin ako ng ulam at kumain mag-isa dahil wala pa si Mama.
Maya-maya lang ay nagligpit na ako at umakyat na para magbasa ng libro…
__
Tamad kong idinilat ang mata ko nang magising ako sa tunog ng alarm ko. Ewan ko, pero parang inaantok pa rin talaga ako at sobrang pagod. Medyo napuyat din yata ako kagabi kaka-basa ng libro kaya ganito.
Pinilit ko pang bumangon at nakapikit na kinuha ang twalya at tamad na dumiretso sa banyo para maligo..
Matapos no’n ay medyo nawala ang antok ko kaya nag-ayos na ako at nagbihis. Maya-maya pa ay bumaba na ako dala ang gamit kong naayos ko na. Para hindi na ako aakyat ulit dito..
Pagkababa ko ay nadatnan ko si Mama na ipinaghahanda ako ng baon sa tupperware. Agad ko siyang nilapitan at nung mapansin niya ako ay nagsalita siya.
“Eto, baunin mo ’to ah. Para di ka gutumin,” Aniya at napangiti ako. Ang bait talaga ni Mama. “Opo, salamat Ma,” tugon ko at hindi naman na siya nagsalita.
Abala siya sa pagluluto ng ulam namin na ginisang gulay. Di ko alam anong klaseng ulam to pero sobrang bango kaya di na ako nagtanong. Tinignan ko naman ang cooler box at napansin kong hindi pa ito nalagyan ni mama ng laman kaya sinimulan ko nang lagyan. S’yempre nilinisan ko muna bago ko lagyan ng laman yung cooler box.
Habang ginagawa ’yon ay nagsalita ulit si Mama.
“Kumain ka na at luto na ang ulam,” sabi niya. Nasa bandang likuran ko siya kaya kinailangan kong lingunin siya dahil nakayuko ako dito sa harap ng ref ngayon.
“Opo, mauna ka na po.” tugon ko. At narinig kong sinimulan niya nang kumain. Well, kelangan ni mama maunang kumain dahil alam kong maya-maya lang din ay aalis na siya.
Matapos kong gawin ’yon ay umupo na rin ako at sinimulan ng kumain. Mabilis natapos si Mama sa pagkain kaya naman inabutan niya agad ako ng baon at nag-iwan pa ng lagi niyang habilin dahil aalis na raw siya. Well, mother will always be a mother. Hindi talaga mawawala yang habilin nila at paalala sa araw-araw.
Mabilis pa sa bula na naglaho si Mama sa bahay. Hindi ko naman na ’yon pinansin at hinugasan na lang ang kinainan namin matapos kong kumain. Maya-maya lang ay narinig ko na ang tunog ng pamilyar na sasakyan sa labas namin. Kaya naman, agad kong isinukbit ang bag ko at kinuha ang cooler box. Mabilis ko pang inilibot ang tingin ko para siguraduhing wala akong nalimutan. Pagtapos no’n ay ni-lock ko na ang pinto at lumabas. Bago pa maka-sigaw si Shin ay nakalabas na ako. Oh diba? para akong si flash.
“Tara na!” anas ko pa niya dahil medyo gulat siya dahil ang aga ko. Di mo ba inexpect? haha.
“Let’s go, marami ka pang dapat ichika, e.” tugon niya. At bigla kong naalala ang dapat naming pag-uusapan kagabi. Sumakay naman muna kami sa sasakyan niya at naglingunan sa loob no’n nang makasakay na kami at magsimula na itong umandar.
“Ikaw na mauna, sino ’yong crush mo?” pabulong na tanong ko na animo’y nagkandiririt pa sa kilig. Nahampas ko pa siya ng mahina nung ngumiti siya at lumingon sa paligid.
“Mamaya na tayo magkwentuhan. nakakahiya baka marinig ako ng kasama natin,” pabulong niyang sagot at binigyan ko siya ng nanunuksong tingin. Nakangiti pa akong umayos ng upo at tumingin na lang sa harap ng senyasan niya akong manahimik na.
Maya-maya pa ay narating na rin namin ang Imperial College. Pagdating sa parking lot ay agad kaming bumaba at nagtungo na sa classroom namin. Nagkukwentuhan kami kahit papaano pero hindi pa tungkol sa chismis na dapat naming pag-usapan.
Pagkarating at pagka-upo namin sa upuan namin ay agad kaming nagkwentuhan tungkol sa nangyari kahapon.. Nai-kwento ko ang nangyari sa grupo at kung bakit ko gustong lumipat na lang ng grupo.
“Pero sis, wag ka na kasi lumipat! Mali naman talaga sila, e. May naiisip naman pala silang ideas? Why they didn’t suggest it at the first place?” maarte at madamdaming anas pa ni Shin at bumuntong hininga naman ako saka nag-iwas tingin. Ibinalik ko din naman agad ’yon bago sumagot.
“Para wala na ring gulo, sis. Mas mabuting umalis na lang ako,” tugon ko at agad siyang umapila.“ Hindi! You’ll never leave the group. Walang aalis, bestie. You’re the leader pa naman,“ malungkot na tugon niya at napabuga ako. Ano pa bang magagawa ko? S’yempre kelangan kong panindigan ’tong grupong ’to.
“Oo na, kakausapin na lang natin sila.” sambit ko pa at mabilis siyang yumakap sakin kunwari at ngumiti. Mabilis din naman siyang bumitaw. “Oo! dapat lang,” aniya at mabilis ko siyang sinimangutan dahil hindi ko nakakalimutan yung chismis na dapat kanina niya pa nakwento.
“Pero…sino muna yung crush mo?” tanong ko at nanlaki ang mata niya. Nang makabawi ay tumingin pa siya sa paligid at siniguradong walang makakarinig no’n.
“Secret lang natin, ah!” aniya pa at tumango ako. “ Si Sir. Mirrem yung crush ko,“ dagdag pa niya at halos nagpa-ulit ulit ’yon sa tenga ko at para bang may kung ano akong nararamdaman sa dibdib ko. Bigla akong natulala at may naisip. Si Sir Mirrem? Bakit siya? Pero, ba’t ganito yung nararamdaman ko? ang bilis pa ng tibok ng puso ko na masakit.
Ay wala lang ’to! Hayaan na nga.
“Uy!” aniya na nagpabalik sa akin sa reyalidad. Nang makabawi ako ay nilingon ko siya habang nakangiti at tinanong. “Kailan pa ’yan? ikaw, ah?” panunukso ko pa kunwari ngunit ang totoo ay hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko sa loob-loob.
Siguro nagmi-mixed emotions lang ako dahil sa gulat at saya. Hindi lang ako sanay siguro, hehe.
“Actually, nung isang araw ko lang narealized. Na-love at first sight ’yata ako sa kaniya. Pero, di ko pa siya love talaga, gusto ko pa lang siya. Oo yun,” aniya pa at bakas ang siya habang sinasabi niya ’yon. Hindi ko maiwasang mangiti rin dahil masaya siya. Napaisip naman ako bigla kaya agad ko siyang tinanong.
“E, may balak ka bang sabihin ’yan sa kaniya? Alam mong bawal ma-inlove/crush sa teacher, diba?” nakangising tanong ko pa at napanguso siya ngunit nang makabawi ay tinignan ako saka sumagot.
“Siguro, Sasabihin ko sa kaniya at the right time. So, for now, it’s better not to tell him yet. At syempre, I will follow him wherever he goes kase sabi nga nila.. follow your dreams,” aniya at napangiti ako sa sagot niyang ’yon. “So, you mean.. parang didiskartehan mo siya? gano’n?” tanong ko pa ulit at napaisip pa siya kunwari habang nakangiti. She’s so happy.
“Hmmm, kinda like that. Parang siguro ano, bibigyan ko siya ng hints na gusto ko siya.” tugon niya habang nakangiti ng pagkatamis-tamis. Bakas na bakas ang kasiyahan at hindi ko maiwasang hindi rin maging masaya para sa kaniya. Well, wala rin naman akong rason para hindi maging masaya diba? I love my bestie so I will support her. Pero hindi ko hahayaang ipahamak niya ang sarili niya..
“Okay..support kita diyan, bestie ko!” nakangiting tugon ko at nginitian niya pa ako at nagpasalamat.
Maya-maya ay dumating na ang iba pa naming kaklase pati na rin si Xavier at Ronald. Kaya naman, agad silang tinawag ni Shin para lumapit. Ayoko naman sanang pag-usapan agad ngayon ngunit andyan na sila, e. Wala nang atrasan, hehe.
Nagka-aminan naman kami sa mga mali naming pare-pareho at nagka-hingian na rin ng kapatawaran. Sinabi ko rin naman ang saloobin ko at gano’n din sila sa akin kaya naging maayos naman ang lahat..
Matapos no’n ay naging magaan ang aking pakiramdam hanggang sa magsimula ang first subject sa umagang ito. Nakinig na lang ako at nagtake notes..
CHAPTER 12
Mirrem’s
Pov.
Kakatapos lang ng second subject at kasalukuyang break time ng lahat ngayon. I was looking for Max dahil gusto ko siyang makita at gusto ko ring kumain nung tinda nila. It was delicious kahit medyo hindi ’yon familiar sakin, kaya gusto ko no’n.
While walking down on the hallway papunta sa faculty ay nagulat ako nang makita at makasalubong ko si Shin. I immediately look at them at mabilis kong nasabi na kulang sila. Bat kulang sila? Teka, ba’t wala si Max. Nasaan kaya siya? Ba’t di sila magkakasama ngayon, e diba grupo niya to? E, ano bang pake ko?
Bigla ko pang naalala yung usapan namin kahapon at napaisip ako. Umiiwas ba siya sa’kin? Tss.
“Hi sir!” masayang sabi ni Shin at ngiting ngiti pa. Nginitian ko naman ito pabalik at sumagot. “Hello,” nakangiting tugon ko.
“Sir, oh. Ice candy. 5 pieces ’yan?” aniya pa at iniabot sa’kin ang naka-supot na ice candy. Agad naman akong kumapa sa bulsa ko at kinuha ang 100 peso bill na naroon. Iniabot ko ito at agad naman akong sinuklian ng kasama ni Shin na estudyante ko rin. Ka-grupo niya to, for sure. I don’t really know them all that well. pero soon, makikilala ko rin sila lahat.
“Thank you, sir.” sambit pa ni Shin at pasimple naman akong nagtanong kunwari. “Ba’t parang kulang kayo? Nasa’n iba n’yong kagrupo?” tanong ko pa at nagtinginan muna silang tatlo bago sumagot si Shin.
“Humiwalay kasi sila Max para itinda yung palamig, sir.” tugon ni Shin at napakamot pa sa sintido at ngumiti. Nginitian ko rin naman siya at saka nagsalita. “Ow, gusto ko rin ’yon matikman. Nasaan ba sila?” tanong ko pa.
I just wanted to see Max. Fuck this. Bakit malakad ang pakiramdam ko na umiiwas nga siya sa’kin? Sumosobra na ba talaga ako sa mga ginagawa ko sa kaniya? P’wede ko namang bawasan yung pangti-trip ko e, kung ayaw niya talaga? Wag lang yung ganito na iiwas siya. Ay ewan. Parang ang hirap naman nito?
Ano bang nangyayari sa’yo, Mirrem? Di ko na rin maintindihan ang sarili ko. Tss.. pero, bahala na..magkikita naman kami mamaya, kakausapin ko na lang din siya. Baka kasi, mali din ako nang akala ko ngayon.
Think positive, Mirrem. At saka wala namang ibig-sabihin nang lahat na ’to diba? kaya hindi niya ako dapat iwasan, at sinabi niya rin namang di niya ako iiwasan, e. Kaya tama na sa kakaisip. Iniwakli ko pa ang mga isipin ’yon at nagfocus na sa kausap ko.
“Hindi rin namin alam sa’n sila nagtinda sir, e. Ang sabi nila sila na daw bahala magtinda nung palamig pero wala silang sinabi na specific location kung saan,” tugon ni Shin. Napatango pa ako at nginitian siya bago sumagot. “Okay.. okay, thanks for this.” ani ko pa at iniangat sa ere ang ice candy.“ I have to go, bye.“ paalam ko at ngumiti muna ulit bago tuluyang umalis. Narinig ko pang sumagot si Shin at iniangat ko na lang sa ere ang kamay ko bilang tugon
Mabilis akong pumasok sa faculty at inilapag ang iba ko pang gamit doon. Umupo lang naman muna ako sa table ko at sinimulang kainin ang ice candy ko at nag-isip isip..
Nasa’n kaya siya ngayon? Pero, ba’t ko ba kasi siya laging naiisip? tss. Iisipin ko na nga lang yung lesson plan ko, Tama, tama!
Magdamag lang akong nag-isip at gumawa ng sample ng magiging exam ko sa kanila for the next next week. Hanggang sa mabilis na lumipas at narinig kong tumunog na ang bell. Hudyat na tapos na ang break time.
Kaya naman mabilis kong dinampot ang mga gamit ko na dadalhin at tinungo ang classroom nila Max. Hindi ko alam pero may parang kung ano sa akin na na-eexcite na ewan. Aba’y malay ko kung ano ’to, excited lang siguro ako mang-asar.
Pagkarating ko roon ay siya talaga ang una kong tinignan kahit ang paningin ng mga classmates niya ay nasa akin. At ang tingin niya ay nasa labas ng bintana. Lagi na lang siyang ganyan? Ano bang meron sa labas ng bintana at lagi siyang nakatingin diyan? E, ba’t ba ako nangingielam? Tss.
“Good morning, class.” Ani ko at mabilis silang tumayo at sa gano’ng paraan ko rin nakuha ang atensyon ni Max. Medyo gulat pa siya at nung makabawi ay mabilis na tumayo para bumati.
Hindi ko inaksaya ang oras at binigyan ko ng exam si Shin at si Harry. At ipinaliwanag ko rin na mag te-take ulit silang lahat ng exam next next week. Kagaya lang din nito, pag bumagsak edi remedial, pag hindi edi congrats. Kung sakali mang may hindi makapasa kina Shin at Harry ay isasama ko na sa remedial sa lunes dahil byernes na ngayon. At para din ma-balance at hindi magulo ang set-up.
Habang nag-eexam sila ay sinimulan ko na ring magturo. Well, hindi naman nila magagawang makapang-daya dahil iba ang topic na nasa board at nasa test paper nila..
May mga pinapasagot din ako sa board kapag may problem akong binibigay ngunit naaagaw talaga ni Max ang atensyon ko. Tahimik lang siyang nakikinig sa’kin at blanko ang ekspresyon sa mukha. Di mo malaman kung inaantok ba o ayaw lang sa subject, e. Kaya sa sumunod na problem ay tinawag ko siya.
“Maraming hindi willing sumagot, e. Wait.. let me choose,” sambit ko pa habang kunwaring inililibot ang paningin. Yumuko pa ng bahagya si Max na akala niya’y magagawa niyang itago ang sarili niya sa’kin. “Okay.. Max, please solve this problem for us.” pagtawag ko rito at nag-angat tingin naman siya. Bakas sa mukha niya ang pagtutol at pagka-inis. Pinigilan ko talaga ang sarili kong matawa at pinagmukhang seryoso ang ekspresyon ng mukha ko.
Mabilis naman siyang lumapit sa’kin at kinuha ang chalk na iniabot ko sa kaniya. Sinamaan pa niya ako ng tingin at nakangiti lang naman ako ng tipid sa kaniya. Matapang ah, palibhasa nakatalikod sa classmates, tss.
Mabilis niyang sinagutan ang problem doon at medyo nagulat pa ako dahil nasagutan niya ng tama at wala ni isang mali. Mabilis siyang bumalik sa upuan niya at hindi ako pinansin. Badmood ba siya? ano kaya nangyari do’n? Nireregla kaya siya? jk.
Maya-maya pa ay tapos na ako sa diskusyon at do’n ko pa lang kinuha ang papel ni Harry at ni Shin. Mabilis ko din naman itong chineckan. Halos ma-perfect naman ni Harry ang exam ngunit kabaliktaran iyon ng kay Shin. Ba’t ganito? halos mali yata lahat. Ba’t kaya to nasa star section? Tss. Well, mga anak ng mga elistista at mga sikat din nga pala ito, ba’t pa nga ba ako nagtataka?
“Okay… Shin Eun Lee. You’ll be part of the remedial class on monday,” sambit ko pa matapos kong tumayo at iligpit ang gamit ko. Nakarinig pa ako ng mga bulungan ngunit hindi ko na ’yon pinansin. “Goodbye class,” dagdag ko pa at mabilis silang tumugon ngunit nilisan ko na ang room.
Sana mabilis ang oras ngayon para maasar at makausap ko na siya, tss. Aba, nakakatamad ang araw pag hindi ko siya naaasar, hehe.
Hindi na ako masyadong nag-isip at dumiretso na sa susunod na section kong tuturuan..
__
Max Pov.
Matapos lumabas ni Sir. Mirrem ay halos manlaki ang mata ko sa gulat dahil sa sinabi ni Shin.
“Sinadya mong bumagsak para maging remedial? Shunga ka ba?” tanong ko na halos lumuwa ang mata ko. Gaga ba siya? e ako nga, ayoko ng remedial, e! Abnoy na tunay din ’tong babaeng ’to, e.
“Listen!” anas niya at sinenyasan pa akong mag-inhale exhale na ginawa ko naman. “Ginawa ko ’yon kase.. it’s my first plan para mas mapalapit ako sa kaniya, okay? It may be dumbest plan but trust me, it will be worth it,” dagdag pa niya at animo’y masaya talaga siya dahil tagumpay siya. Well, sino ako para humadlang sa kasiyahan ng bestie ko? Basta masaya siya ay masaya na rin ako.
“Talagang gustong gusto mo siya e, no?” sarkastiko kunwaring tanong ko pero masaya talaga ako para sa kaniya. Nakangiti pa siyang tumango sa akin at animo’y kinikilig.
“Oo, at saka ngayon ko pa lang din naman to ginawa, e. Ang saya pala nito. Ang saya pala magkaroon ng crush, hihi.” tugon niya at nangiti ako. Tama siya, masaya talaga magkaroon ng crush. At bigla kong naisip yung nangyari kanina habang nagtitinda kami ni Harry.
Flashback….
“Tell me, how did you discover that Ice candy thing?” tanong pa niya habang kasalukuyan kaming naglalako ng paninda namin. Halos matawa pa ako sa tanong niyang ’yon ngunit pinigilan ko. Ganya’n ba talaga siya
kayaman
para
tanungin
ako niyan? haha.
“Well, sikat siya sa lugar namin. As you see kahapon diba? lumaki ako sa lugar na parang
iskwater
. Ayan, yung madalas na
panghimagas
namin sa
tag-init
.
Pamatid-uhaw
din naman kung minsan,“ tugon ko habang bitbit ang jug.
Napatango
pa siya na animo’y
namamangha
sa naging sagot ko.
“But why that thing isn’t popular on the internet? I mean, it should be! It’s so delicious yet cheap!” Sambit pa niya na animo’y
naguguluhan
dahil sa dami ng naiisip niya.
Pinigilan
ko talaga ang matawa sa
ka-ignorantehan
niya sa ice candy.
“
Paano
siya magiging
popyular
sa internet? E,
pang-kalye
lang ’yan at
pang-tabi
tabi? At saka, isipin mo ha..
Pag
ba may
nagpost
sa social media ng ice candy for sale at may picture no’n,
bibili
ka ba?
Diba
, hindi? Ni hindi nga aesthetically pleasing tignan ’yun, e. Don’t get me wrong pero mas
mabenta
at popular kase sa social media yung mga bagay na branded at may
ma-ibubuga
. Kaya, wag ka na
magtaka
..“ paliwanag ko sa kaniya at tumango pa siya at animo’y
ina-absorb
at
ini-intindi
pa ang sinabi ko.
“Well, I’m glad that I know Ice candy now. It’s yummy and so worth it!” Anas pa niya at nangiti na lang ako habang naglalakad kami. Wala pa bang
bibili
?
“Can you please make me tons of Ice candy on my birthday?” dagdag niya pa at
nagpa-cute
sa harap ko. Seryoso ba siya diyan, pero shet. Ang gwapo niya,
makaka-tanggi
ba naman ako sa love of my life ko? tss.
“Ang abnormal mo, pero sige!” natatawang sagot ko at ngumiti naman siya ng
pagka-laki
laki.
Nailapag
ko naman ang jug dahil
nangawit
ako.
Napabuga
pa ako ng hangin dahil do’n.
Agad
naman nakita ’yon ni Harry kaya kinuha niya sa’kin ang Jug.
“Sabi ko naman kasi na ako na lang diyan. I can handle it, Max. Just chill and leave it to me, okay?” Sambit pa niya at nginitian ako at wala akong nagawa kundi tumango na lang. Kung ganyan ka
parati
, paano ko pa
pipigilin
yung sarili kong mahulog sa’yo? huhu. Ang gwapo na, ang bait pa! Full package talaga!
Hindi na kami masyado pang nag-usap at sinimulan na naming itinda ang palamig..
Flashback ends….
“I’m happy for you!” tugon ko sa kaniya at nginitian niya pa ako at bakas talaga ang saya sa mukha niya. Nakakatuwa lang.
“Thanks bestie, at saka magkasama na tayo sa remedial sa lunes, yieee.” sambit pa niya at nangiti ako. Oo nga no, edi isasama ko siya sa Stress Free Zone para tulungan siya. Tutal, wala namang ginawa si Sir. Mirrem kundi asarin ako, tss. Pero mabait din naman siya minsan, mas madalas nga lang din ang topak niya.
“Ay oo nga pala! At sa lunes.. Isasama kita kung saan kami madalas sabay kumain ni Sir,” nanunuksong tugon ko at nanlaki ang mata niya bago tuluyang nakasagot. “Sabay kayong kumakain? Inggit ako..” aniya pa at natawa ako. Ikinuwento ko naman sa kaniya kung paanong nagsimula ang pagsasabay naming kumain ni Sir. Maliban na lang sa madalas naming asaran. Mahirap na, baka ma-misinterpret ng bestie ko, hehe.
“Excited na tuloy ako sa lunes, sabay-sabay tayong kakain tatlo. Edi makakasabay ko na rin siyang maglunch,” sambit niya matapos kong magkwento. Halos matawa ako dahil animo’y kinikilig siya sa na-iimagine niyang scenario. Actually, maganda sana yung image kung wala ako. Well, pwede naman akong hindi na sumipot do’n. Kaso baka ibagsak ako ni Sir. Usapan nga pala namin ’yon, pero kung nando’n naman si Shin. Baka pwede? hehe. Ay, ewan. bahala na nga.
“P’wede rin namang hindi ako sumama para kayong dalawa lang do’n. You know! Quality time,” biro ko pa at natawa naman siya bago sumagot. “Nako, wag na! Mas mabuting ando’n ka, dahil baka himatayin ako pag kaming dalawa lang..“tugon niya at natawa rin ako.
Nagpatuloy pa kami sa pag-uusap sa mga bagay-bagay. Hanggang sa dumating na ang next subject teacher. Kaya naman, umayos na kami ng upo at nakinig nung simulan na niya ang diskusyon..
Bawat bigkas niya na may importanteng impormasyon ay isinusulat ko sa aking kwaderno. Mabilis na lumipas ang oras at tumunog na ang bell. Hudyat na uwian na nila. Nakaka-excite umuwi ng ganitong oras pero tiis tiis na lang dahil sabado naman na bukas..
Nagpaalam pa kami sa isa’t isa ni Shin at matapos no’n ay dumiretso na ako sa Stress Free Zone. Ano na naman kayang pang-aasar ang aabutin ko ngayon? Nagtatampo pa kaya ’yon sakin?
Habang naglalakad papunta sa Stress Free Zone ay hindi ko maiwasang ma-guilty kahit na wala naman akong kasalanan sa kaniya. Ewan ko ba, kahit wala naman akong ginagawa, feeling ko, meron.
Hindi na ako masyadong nag-isip pa at hinintay na lang siya. Maya-maya pa ay natanaw ko na siyang papalapit at bakas sa itsura niya ang pagod habang naglalakad. Kawawa naman, haha.
Medyo naka-simangot at mukhang wala sa mood pa siya nang makalapit. Tiningala ko lang siya hanggang sa makaupo siya at sinundan ko lang siya ng tingin.
“Baby ko, kain na tayo.” medyo malungkot ang tonong aniya. Hindi ko naman maiwasang magtaka kaya agad akong nagsalita.
“Teka, anyare? may masakit ba sa’yo?” tanong ko pa kunwari at nag-iwas tingin lang siya at saka sumagot. “Wala, ayos lang ako.” tugon niya. Eh? Hindi naman ganyan ang normal na Sir. Mirrem kaya alam kong may mali.. Kala mo di kita kukulitin ah, dapat malaman ko ’yan. Ganyan din naman siya sa’kin, e.
“Ano nga? sabihin mo na.. dali!” pasigaw na tanong ko pa at nilingon niya ako saka ibinalik ang tingin sa kung saan at ngumuso. “Ayoko, pagtatawanan mo’ko!” tugon niya at pinilit kong maging seryoso. Mukhang may pinagdadaanan na hindi maganda ’tong si Sir, ah. Kinakarma na ba? charot.
“Sige na! hindi naman kita pagtatawanan, e. Dali na, malay mo may maitulong pa ako,” pangungumbinsi ko pa at bumuntong hininga pa siya bago sumagot. “Actually, it’s all about you.” panimula niya at nagtaka ako. Sa’kin? ba’t sa’kin? anong meron?
“Pakiramdam ko kasi kanina pa.. na umiiwas ka sa’kin. Lalo na kaninang break time,” aniya at nag-iwas tingin at nagtaka naman ako. Anong umiiwas? Breaktime? ha? Baliw na ba ’to si Sir? haha.
“Ha?” tanging naisagot ko dahil litong lito ako sa sinasabi niya.“Sinisimulan mo na yata akong iwasan, e?” malungkot na tanong niya pa na binalewala ang tugon ko. Nakunot naman at halos magsalubong na ang kilay ko dahil sa pagtataka.
“Bakit naman kita iiwasan?” tanong ko pabalik at ngumuso siya at yumuko. Huminga pa muna siya ng malalim bago sumagot. “Kase, ayaw mo na sa ganito.” tugon niya na mas lalong nagpagulo sa isip ko. At kelan ko ba naman nagustuhan to? At saka bakit ako iiwas? E, baka pag ginawa ko ’yon, bigla niya akong ibagsak? tas ngayon nagdadrama siya ng ganiyan? Abnormal ngang tunay, jusme. Pasalamat siya cutie siya kung hindi, baka natadyakan ko na ’to.
“Eh? hindi naman ako umiiwas,” depensa ko at tinignan niya ako habang nakanguso. “Kung hindi ka umiiwas, bakit wala ka kanina nung ihatid ni Shin yung ice candy sa’kin?” tanong niya pa at pinigilan kong matawa. Seryoso ba siya sa dahilan niyang ’yan? abnormal, isip bata talaga haha.
“Hindi ba sinabi ni Shin sa’yo na nagtinda kami ng palamig ni Harry?” pagbabalik tanong ko sa kaniya at yumuko naman siya saka sumagot. “Sinabi,” mahinang tugon niya na narinig ko. “Ayun naman pala, e.” sambit ko pa.
“At saka kaya kami naghiwa-hiwalay kanina ay dahil mahirap makabenta pag magkaka-sama kami,” dagdag ko pa at nag angat tingin siya sa’kin. Kumibot pa ang labi niya bago tuluyang sumagot.
“E, nung math class? Ba’t di ka man lang halos namansin?” tanong pa niya at binigyan ko siya ng tingin nang halos hindi makapaniwala. Aba’y shungaks? Kelan ko ba siya pinansin nung math class? at saka masyado siyang pahalata kanina, ayokong mabuking na may ganitong namamagitan na asaran sa’min.
“Masyado ka kaseng pahalata, ngiting-ngiti ka kanina..Baka sabihin nila, masyado tayong close kung ngumiti ako pabalik,” inis na tugon ko sa kaniya at medyo nagliwanag ang mukha niya nang lingunin ako.
“Yun lang talaga ’yon? Hindi ka talaga umiiwas?” paninigurado niya pa. Napapikit pa ako at bumuga ng hangin bago sumagot. “Oo nga! at saka bakit naman kita iiwasan? E, baka nga pag ginawa ko ’yon, ibagsak mo’ko bigla.” tugon ko at nginisian niya ako bago sumagot. Abnoy din talaga, e. Bipolar ’yan?
“Buti alam mo?” aniya at tinarayan ko lang siya bago sumagot.
“Ano? okay na?” tanong ko pa kunwari at nakangiting tumango naman siya. “O, siya. Kumain na tayo.” dagdag ko pa at kinuha ang bag ko.
“Susubuan mo ba ako?” tanong niya at nag-angat tingin ako sa kaniya dahil do’n. Nakangiti pa siya sa’kin na animo’y nagpapa-cute. Sarap niya tadyakan sa mukhang ’yan.
“Ang tanda-tanda mo na, papasubo ka pa? Ano ka bata?” inis na sagot ko sa kaniya at nginusuan n’ya naman ako. May multiple personality disorder yata ’to, e. Kanina nagtatampo tas ngayon biglang naging batang abnoy nasa harap ko.
“Tigilan mo pagpapa-cute sa’kin dahil di ako natutuwa,” kunwaring seryosong dagdag ko pa at nagsalubong ang kilay niya at sumagot.
“Ba’t di mo na lang sabihin na ayaw mo na para mai-bagsak na kita?” salubong ang kilay na aniya at mabilis pa sa hangin na bumait ako. Kingina talaga, pasalamat ka talaga at takot ako sa ikot ng bituka mo. Pag ako gumraduate, ipapa-torture talaga kita sa mga kilala kong gangsters, charot.
“Ay biro lang, eto na nga. Susubuan na nga kita, baby ko.” bawi ko at ngumiti naman siya na parang bata sa harap ko. Ini-ayos ko na rin ang pagkain niya at sinimulan siyang subuan ng pagkain. Habang ginagawa ’yon ay do’n ko napag-aralan ulit ang kabuuan ng mukha niya. Pero parang kakaiba yung itsura niya ngayon, parang namumutla siya.
Mabilis kaming natapos kumain at ngayon ay kasalukuyan kaming nakasandal at nagpapahinga. Nakatingin lang ako sa kung saan nang magsalita siya. Agad ko naman siyang nilingon at medyo nagulat pa dahil hinawakan niya ang kamay ko.
“Pahawak ako, ah?” paalam niya pa ngunit natuon ang paningin ko sa malamlam niyang mata kaya natagalan bago ako nakasagot. “Bakit?” tanong ko pa at matipid siyang ngumiti bago sumagot.
“Penge lang ng lakas,” tugon niya at nagtaka naman ako. May sakit ba siya? mukha siyang matamlay kanina pa. “May sakit ka ba?” prangkang tanong ko at nag-iwas tingin lang siya at pumikit bago sumagot. “Tss, wala. Nahihilo lang,” tugon niya. Medyo naawa naman ako sa kaniya kaya agad akong nagsalita nung may maisip ako.
“Isandal mo ulo mo rito,” sambit ko at tumuro pa sa balikat ko. Nilingon naman niya ako at tinignan lang ang balikat ko. “Sandal na, baby ko. Para makapagpahinga ka,” dagdag ko pa at nginitian niya pa ako ng tipid bago sumandal. “Salamat, baby ko.” tugon niya matapos sumandal.
Habang nasa ganoong posisyon siya ay naisip kong baka may lagnat siya. Kaya naman hinikap ko ang noo niya gamit ang isa kong kamay. At halos magulat ako sa nakakapasong init no’n. Jusko, nilalagnat na nga. Dahil yata ’yan dun sa pagligo niya sa ulan kahapon, e. Pasaway kasi!
“Nilalagnat ka pala, hindi ka nagsasabi!” ma-awtoridad kong sambit at napabangon siya mula sa pagkaka-sandal. Hindi pa siya nakakasagot ay tumayo na ako at saka nagsalita.
“Hintayin mo’ko rito. Ikukuha kita ng gamot sa clinic, okay?” sambit ko pa at tiningala niya ako at hinawakan ako sa kamay. “Wag ka umalis, baby ko.” nanghihinang tugon niya at nagsalubong ang kilay ko. Parang bata, tss. Parang lagnat lang, e. Pero nakakabahala pa rin, parang sasabog ang temperature kapag dinikit sa noo niya.
“Baby ko, kukuha lang ako ng gamot mo, okay? Babalikan kita, diyan ka lang, ha?” paninigurado ko pa at pinisil pa ang kamay niya. Hindi ko na siya hinintay na sumagot at mabilis na akong tumakbo papunta sa clinic..
Mabilis ko namang narating iyon at nakahingi naman ako agad ng paracetamol para sa lagnat niya. Hindi raw mabilis magka-sakit, pero nilagnat? lol. Hindi ko alam, pero pakiramdam ko, kasalanan ko na nilagnat siya kahit hindi..
Pagkatapos kong mahingi ang gamot ay tumakbo na ako pabalik ng Stress Free Zone. Buti na nga lang din ay hindi pa sarado ang clinic dahil wala na ring estudyante sa school.
Naabutan ko siyang nakahiga na sa bench at nakahiga sa bag ko kaya naman pinabangon ko siya para inumin ang gamot. Binuksan ko ito para sa kaniya nung makabangon siya. Iniabot ko pa ito at agad kong kinuha ang tubigan niya.
Inalalayan ko pa siyang inumin ang gamot niya at iniligpit ang tubigan niya matapos no’n.
“Ang sakit talaga ng ulo ko,” nakangusong aniya habang nakapikit. Ayan, kasalanan mo naman ’yan, e. Naligo ka kasi ng ulan, tss.
“Kasalanan mo ’yan. Naligo ka pa kasi ng ulan,” paninisi ko at inutusan siyang humiga. “higa!” at tinapik ko pa ang lap ko. Medyo nagda-dalawang isip pa siya kaya naman pinilit ko siya.
Nang makahiga siya ay kinuha ko ang panyo sa bag ko na nasa gilid ko. Kinuha ko rin ang tubigan ni Sir. Mirrem at binuhusan ng kaunting tubig sa may gilid ng bench ang panyo. Matapos no’n ay iniligpit ko pa ang tubigan gamit ang isang kamay at piniga ang panyo matapos.
Itiniklop ko pa iyon at inilagay sa noo ni Sir. Mirrem. Kaya naman pala mukhang pagod at matamlay, may sakit na pala. Tss.
“Thank you, baby.” nakapikit pa niyang pasalamat matapos kong ilagay ang panyo sa noo niya. Umirap lang naman ako sa hangin at ngumisi bago sumagot. “Magpahinga ka na lang diyan,“tanging naisagot ko na lang..
Tahimik naman siyang nahiga sa lap ko at ako naman ay inililibot lang ang paningin habang nagmumuni-muni..
CHAPTER 13
Max Pov.
Kasalukuyan kaming nasa Stress Free Zone pa rin at nakahiga pa rin sa hita ko si Sir. Malapit na rin ang oras at maya-maya’y magsisimula na ang remedial namin. Ngunit mainit pa rin siya at mukhang mas lumalala kahit na naka-inom na ng gamot.
“Uy, malapit na mag 1:00pm.” sabi ko habang nakahiga siya sa aking binti at nakapikit. Garalgal ang boses siyang sumagot. “S-sige, saglit lang.” tugon niya. Matapos no’n ay tumukod siya para makabangon at agad na hinawakan ang panyong nasa noo niya.
“Pero, kaya mo ba? Parang mas lumalala ka, e.” tanong ko at tumingin naman siya sa’kin na medyo pikit ang mata at sumagot. “Yeah, and it’s because of the medicine. Nilalabas yung init na nasa loob ko,” tugon niya at yumuko sa palad. At hindi ko maiwasang mag-alala dahil baka kung mapano siya. Pag may nangyari pang hindi maganda, kargo ko pa ’to, e. Tas matatanong pa ko ng bakit kayo magkasama? anong nangyari sa kaniya? e, nakakapagod kaya magpaliwanag. Jusme!
Tumayo naman ako at nagsalita.
“Tara na,” sambit ko at iniabot ko ang kamay ko. Nag-angat tingin pa siya sa akin at saka tinignan ang kamay kong nasa ere. Hindi siya sumagot ngunit inabot niya ’yon kaya inalalayan ko siyang makatayo. Hindi sa gusto kong hawak yung kamay niya pero s’yempre baka matumba, alalayan ko na. Baka bumagsak to sa sahig, kawawa naman.
“Alalayan kita hanggang sa room,” dagdag ko pa at nilingon niya ako. Nagliwanag pa ang mukha niya ng bahagya bago sumagot. “Talaga?” paninigurado pa niya at tamad akong sumagot. “Oo, dahil baka bigla kang matumba dahil diyan sa hilo mo.”
Tumingin naman na siya sa dinadaanan namin saka nagsalita.
“Dapat mo lang naman talagang gawin to, e. Kasalanan mo naman kasi kung ba’t ako nilagnat, baby ko.” aniya at nilingon ko siya at sinamaan ng tingin. “Anong kasalanan ko? Ako ba ang naligo sa ulan, ha?” sarkastiko at inis na tanong ko pa. Aba, nanisi pa! ang galing naman talaga! E, ang sabi ko nga no’n wag siyang maligo sa ulan. Konyatan ko kaya ’to sa bayag? char.
“Hindi,” nakangusong tugon niya ng hindi ako nililingon. “Pero, ikaw ang dahilan ba’t ako nasa Robinsons, edi kasalanan mo pa rin.” dagdag niya at halos hindi ako makapaniwala. Hanep naman talaga sa dahilan, oh! Kasalanan ko pa rin talaga? Sinabi ko bang pumunta siya sa Robinsons? Abnormal din, e.
“Sinabi ko bang pumunta ka ng Robinsons ha? E, kung alisin ko ’tong nakahawak kong kamay sa’yo, ha?” Pananakot ko. Angkinin mong mali ka, dahil I’m always right. charot!
“Kasalanan ko na nga, baby ko. Wag ka na magalit,” tugon niya at nilingon ako at tipid na ngumiti. Ang isang kamay niya ay hawak pa rin ang panyo at nasa noo. Halos matawa naman ako sa naging sagot niya kase hindi ko inaasahang magpapakumbaba siya.
E, malakas manakot ’yan, e. Yung tipong, subukan mo! ibabagsak kita, see you next year, mga ganyan. May perks din naman pala ang pagkakaroon niya ng sakit e, bumabait, haha.
“Talagang aalalayan mo’ko hanggang sa room?” tanong pa niya habang papalabas na kami ng Stress Free Zone. Agad namang akong sumagot. “Oo naman, pero p’wede ring hindi kung ayaw mo.” kaswal na tugol ko agad siyang nagsalita.
“Gusto ko! ang sweet kaya natin tignan,” nakangusong aniya at ewan ko. Ang cute niya do’n pero at the same time nakakainis. Paano niya ba nagagawang maggaga-ganyan kahit na may sakit na siya? Di na lang manahimik. Tas sabi niya wala siyang gusto sa’kin pero big deal sa kaniya yang sweet-sweet na ’yan. Tsk.
“Ba’t ba gustong-gusto mong sweet tayo? Akala ko ba wala kang gusto sa’kin ha?” patanong na tugon ko at gumewang gewang pa ang mukha. Dahan-dahan pa niya akong nilingon at saka ngumisi bago sumagot.
“Paano kung meron na?” makahulugang tugon pa niya at halos manlaki ang mata ko. Parang huminto rin ang oras nang sandaling ’yon. Gago ba siya? anong akala niya sa ganyan? Sing bilis ng hangin? Nang-go good time na naman ’to, e.
“Huy, biro lang. Di kita type,” biglang bawi niya at halos mapahawak pa ako sa dibdib ko dahil sa sinabi niyang ’yon. Napaka-gago talaga, umaasa na ako e, charot. Si Harry pa rin ang itinitibok ng puso at poo-key ko.
“Dapat lang,” ang tanging naisagot ko. Dapat lang na hindi ka mahulog sa’kin, sir. Dahil, gusto ka nang kaibigan ko, hehe.
“Ang sakit talaga ng ulo ko, baby ko.” pag-iiba niya sa usapan at nabalik naman ako sa pag-aalala sa kaniya. Tss, pwede naman kasing i-cancel na lang muna yung remedial, e. Napakasipag masyado, e. Para rin makauwi na ako, charot.
“Malapit na tayo, tiis lang.” seryosong tugon ko at nagtaka ako sa naging tanong niya ngunit hindi ko pinahalata. “Alam mo kung bakit masakit yung ulo ko?” tanong niya.
’
S
yempre may sakit ka, abnormal ka rin, e.’
“Bakit?” walang ganang patanong na sagot ko sa tanong niya habang naglalakad kami at naka-alalay ako sa kaniya. “Kase hindi ka na sweet sakin, tawagin mo rin kase akong baby.” nakangusong tugon niya at nilingon ako. Di ba talaga siya titigil sa kaka-ganyan niya? Ang cringe na.
“Di ka ba talaga titigil?” Irita kong tanong at nag-iwas tingin naman siya bago sumagot. “Sinanay mo’ko sa pa-sweet mo, tas ngayon magagalit ka? E, kung ibagsak kaya kita diyan?” aniya at napapikit pa ako sa inis. Leche, kung di lang talaga ako takot bumagsak, sir. Ihahampas kita sa pader, charot. Mahirap kumalaban ng may sakit, baka seryosohin ang sinabi. No freaking way! pasalamat talaga siya, jusko!
“Eto na nga, baby ko. Wag ka na magtampo,” pa-sweet na tugon ko. Umarte pa akong alalang-alala para mas makatotohanan. Ayan yung mga gusto niya, e. Ba’t ba kasi naisip kong ibalik sa kaniya ginagawa niya sa’kin? Parang nagsisisi na tuloy ako. Help!
Hindi naman na siya nagsalita at nagpatuloy lang kami sa paglalakad..
Nasa hallway na kami kung saan tanaw ko na ang room namin ng faculty nang biglang huminto siya..
Medyo yumuko pa siya matapos naming huminto kaya naaligaga ako dahil sa pag-aalala.
“Susuka ka? Wag dito,” ani ko dahil sa hitsura niya ay para siyang duduwal. Umiling naman siya saka hirap na nagsalita. “T-tubig,” tugon niya. Agad naman akong bumitaw sa kamay niya at pumunta sa kabilang gilid niya kung nasa’n ang shoulder bag. Kinuha ko do’n ang tubigan niya at pina-inom siya. Jusko, tulungan n’yo kame. Wag naman sanang bumagsak siya bigla dito. Dahil di ko alam ang gagawin ko.
Habang pinapainom ko siya ay bakas sa mukha niya ang pamumutla. Para bang wala nang dugo na dumadaloy do’n at ramdam ko pa rin ang nakakapasong init sa katawan niya. Ramdam ko ito kahit pa may distansya sa pagitan namin..
Matapos niyang uminom ay huminga pa siya ng malalim bago nagsalita. “Salamat,” aniya at iniabot ko naman ang kamay ko habang hawak sa kabilang kamay ang tubigan niya. “Ayos ka lang ba? Para ka nang malala oh?” tanong ko pa at inabot naman niya muna ang kamay ko bago sumagot. “Ayos lang ako, baby.” malamlam na tugon niya at binigyan pa ako ng tipid na ngiti bago kami nagpatuloy sa paglalakad.
Hindi ko pa rin maiwasang hindi makampante at mag-alala sa naging sagot niya na ’yon, kaya naman ang paningin ko ay kada segundo tinitignan siya. Ang yabang pa kahapon, edi ayan? anong napala? tsk.
Nang malapit na kaming makarating sa tapat ng pinto ng classroom ay kinabahan ako dahil magkahawak kamay pa rin kami. Medyo sumisikip ang dibdib ko dahil sa mga naiisip ko. Paano kung paghinalaan nila kame? Paano kung kumalat sa school tapos malaman ni Harry? Pati ni Shin? Edi lagot na ako neto? huhu.
Nakahinga lang ako ng maluwag nang siya mismo ang bumitaw nang marating namin ang tapat ng pinto at nag-umuna siyang pumasok. Hay salamat! Akala ko balak niyang pumasok na magkahawak kamay kami, e. tsk. Di ka na talaga makaka-ulit, sir. Bawal na rin talaga dahil may gusto sa kaniya ang bestie ko. hihi. Anyways, bagay naman sila. Ako ang magiging kupido nila. Ang baklang kupido to be exact, charot.
Nakahawak pa siya sintido niya at agad na nagdistribute ng xerox copy. Tinignan ko lang naman ’yun at binasa ang mga nakasulat doon.
Maya-maya pa ay nagsimula siyang magdiscuss. Kahit pa obvious na nahihirapan siya ay nagpatuloy pa rin siya. Nakakapagtaka dahil kahit may sakit siya, nagagawa niyang ipaliwanag at ipa-intindi sa’min ang problems at paano ito sasagutin..
Mabilis na lumipas ang oras at nagbigay ulit siya ng exam. As usual, magkaka-iba ang questions kada exam. Napaka-sipag talaga, tsk. Pag pinili mong mangopya, sure na bagsak ka. Magkakaiba kayo ng questions, e. tsk. Iba ka talaga, sir.
Habang nagsasagot ay hindi ko maiwasang tignan siya at nakatukod ang kamay niya sa table habang nakapikit na hinihilot ang sintido niya. Wala namang bakas na nahihirapan siya sa mukha niya pero alam kong masakit yung ulo niya. Sabi kaseng i-cancel na lang ’tong remedial, ang tigas ng ulo. Bahala ka diyan, magdusa ka. Di kita tutulungan talaga, chos.
Hindi naman na ako masyadong nag-isip at sinagutan na itong test paper ko. Hindi ko malaman pero kahit anong gawin ko, naaagaw niya ang atensyon ko. Kaya naman umiling pa ako para makapag-focus. Ilang minutos ang lumipas at malapit na rin akong matapos.
Hindi ko napansin ang oras at malapit na rin palang mag-alas tres. Kaya naman, isinulat ko na ang iba kong solutions sa likod ng test paper. Maya-maya pa, saktong natapos ko ang lahat ay saka siya nagsalita.
“Pass your papers, finish or not finish.” saad niya. Agad naman akong tumayo para maipasa ang papel ko.
Tinignan niya pa ako bago tinanggap ito ngunit hindi ko na ’yon pinansin. Pagka-kuha niya sa papel ko ay walang lingon-lingon na tumungo agad ako sa upuan ko. Agad kong inayos ang gamit ko dahil uwian na..
Lalabas na sana ako ng room ngunit napatingin ako kay Sir. Medyo nag-alala pa ako nang maisip wala siyang kasama kung aalis ako. Pwede namang hindi ko siya samahan pero nagi-guilty ako. Pakiramdam ko ay may kasalanan din ako kung bakit siya nagka-ganyan kahit na wala naman talaga..
Bumuntong hininga muna ako bago naupo sa upuan ko at hinayaang magpa-unahan sa paglabas ang mga kaklase ko. Alam na nilang uwian na, dahil tapos na ang exam at malapit nang mag-alas tres. Ang paningin ko’y tutok lamang kay Sir na inaayos ang mga test papers na pinasa sa kaniya..
Maya-maya pa ay wala na lahat ng classmates ko kaya naman lumakad na ako papalabas kunwari nang classroom. Ngunit hahakbang pa lang ako palabas ng pinto ay tinawag na niya ako.
“Max,“pagtawag niya. Dahan-dahan pa akong umikot para lingunin siya. “Hmm?” tugon ko. Nakahawak naman siya sa noo niya at dahan-dahang umupo sa upuan ng teacher’s table.
“Mas lalong sumakit yung ulo ko,” nakangusong aniya. E, anong gagawin ko? charot. Tigas kasi ng ulo, tss.
“Anong gagawin ko? Bilhan kita gamot sa labas, gusto mo?” Patanong na sagot ko sa kaniya. Paano kaya siya uuwi niyan? Makakapag-drive kaya siya?
“Wag,” sagot niya. “Wag mo’ko iwan,” dagdag pa niya. Nakunot naman ang noo ko sa sinabi niyang ’yon. Huh? ano raw? bibili lang ng gamot, e.
“E, anong gusto mo?” tanong ko pa at hindi siya sumagot kaya naman nagtanong ulit ako. “Kaya mo pa ba magdrive? Mukhang malala ka na, oh?” saad ko pa matapos kong hipuin ang noo niya gamit ang likod ng palad ko.
“I don’t bring my car here in school,” mahinang tugon niya ngunit narinig ko. “E, paano ka uuwi niyan? Magco-commute ka? E, ang tanong kaya mo ba?” bulyaw ko sa kaniya na para bang nanay niya ako.
E, totoo naman? May sasakyan tas hindi dinadala? Ano? bubulukin niya ’yon sa garahe niya?
“Baby,” aniya at ewan ko parang may bulak sa puso ko na nangiliti. Leche! ayan na naman yung epekto nung pa-baby niya na ’yan.
“Oh?” tugon ko. Ano na naman kayang naiisip neto? Tsk.
“Samahan mo’ko sa bahay,” saad niya at nanlaki ang mata ko sa gulat.“ Ha!? Baliw ka ba? Ayoko nga!“ Pasigaw kong sagot. Aba’y bahala ka na! ayoko no, pag nalaman pa ’yan ng ibang tao, ma-issue pa kame? saka hello? Bahay niya? Ayoko. Baka mamaya may gawin pa siyang hindi maganda, mas mabuti nang mag-ingat.
“Sige na, baby ko! wala akong kasama sa bahay,” pangungumbinsi niya ngunit hindi ako nagpadala. Bakit? Wala ba siyang katulong? E, bakit hindi siya bumili? Mukha naman siyang mayaman tas hindi makabili ng katulong o kasama sa bahay? tsk.
“Wala ka bang katulong? ha?” inis na tanong ko pa at nakanguso niya akong nilingon at nag-iwas tingin din bago sumagot. “Taga-luto lang ang meron ako, kada umaga lang siya nasa bahay para lutuan ako. Hindi siya stay-in.” tugon niya at napairap ako. Edi tawagan niya para samahan siya, hay nako. Common sense diba?
“Edi tawagan at papuntahin mo, babayaran mo naman siya, e.” Saad ko at umirap. Tinignan naman niya ako ng masama at saka nagsalita. “
“Akala ko ba na If I need, you’ll gonna be there? E, bakit ngayong kelangan kita, tinatanggihan mo’ko?” panunumbat niya. At wala akong nagawa kundi mapa-pikit sa inis. Andami niyang bala laban sa’kin, kelan ko ba ’to maiisahan?
“Pero sir, p’wede naman kita tulungan sa ibang bagay pero wag sa ganito,” reklamo ko at ngumuso. Sir, ayokong pumunta sa bahay mo. Nakakahiya!
“No, I want your help right now.” tutol niya at inihiga ang ulo sa lamesa at saka pumikit. Hays, paano ’to? Ayoko sana.. kaso nakakakonsensya naman. Paano kung mapano siya? Edi kasalanan ko kasi tumanggi ako. E kasi, may katulong naman siya e. Ba’t di na lang ayun yung patulungin at pagbantayin niya sa kaniya, e. Ano ba naman ’to! Pero ba’t ganun? Pag nagpapa-cute na siya, ang hirap niyang tanggihan? tsk.
Pasalamat ka talaga sir, at hindi ako makatanggi sayo. Tsk! Mahirap na, baka ibagsak mo’ko. Adviser pa naman kita, hays.
“Sige..payag ako. Pero..sa isang kondisyon,” saad ko at tamad at hinang-hina naman siyang sumagot.
“What?” patanong niyang tugon at mabilis akong sumagot. “Hintayin mo muna ako rito dahil uuwi ako saglit. Babalik din ako kaagad,” tugon ko sa tanong niya at nag-angat tingin siya sa’kin at malamlam ang mata akong tinignan.
“Bilisan mo, ah. Masama na talaga pakiramdam ko,” aniya at may kung ano sa mata niyang ’yon na kuminang. Para bang nagagawa no’n na wag akong paalisin, at parang sinasabi na ’wag ko siyang iwan, tsk.
“Oum, babalik ako agad, okay?” ani ko pa at muling hinikap ang noo niya gamit ang likod ng palad ko. Tumataas na talaga ang lagnat niya, dapat akong magmadali.
“Baka di mo’ko balikan, ah?” hindi ko alam pero may bakas ng lungkot ang pagkakasabi niya no’n, kaya nginitian ko siya at saka ako sumagot. “Babalik ako, promise. O siya, uminom ka muna ng tubig diyan tas matulog ka muna. Babalikan kita rito,” ani ko pa at itinuro ang sahig ng classroom.
Tumango naman siya kaya agad na akong umalis. Ngunit bago ’yon ay nilingon ko muna siya bago ako kumaripas ng takbo pauwi sa bahay..
Mabuti na lang talaga ay mabilis ang jeep na nasakyan ko at nakarating ako agad sa bahay. Mabilis akong kumuha ng papel at nagsulat doon.
Ma, hindi po muna ako
matutulog
dito dahil may group activity kaming
magkaka-grupo
at kelangan naming tapusin ’yon ngayon dahil
ipapasa
’yon bukas through email.
Salamat
and ingat ka dito ma.
ang maganda mong anak,
Maxine Ethany
Matapos kong isulat ’yan ay ipinatong ko ito sa lamesa at pinatungan ng tubigan ko. Pagtapos no’n ay mabilis akong umakyat para magpalit ng damit. Kinuha ko pa ang isa kong bag, para magdala ng extra na damit at shorts at saka ano, alam n’yo na. Underwear syempre!
Naka-jacket ako ngayon na oversize at nakashorts. Mabilis kong pinasadahan ng tingin ang sarili ko sa salamin at matapos no’n ay mabilis pa sa hangin kong nilisan ang bahay.
Mabuti na lang ay may jeep agad paglabas ko kaya hindi ako namroblema. Pero baka nababagot na yun do’n kakahintay, tsk.
Medyo naging mabagal pa ang daloy ng trapiko kaya halos hindi mapakali ang pwet ko sa pagkaka-upo sa jeep. Tsk, ba’t ngayon pa? Mag-aalas kwatro na. Ang bilis naman ng oras ngayon?
3:39pm na at hindi ko pa rin nararating ang school. Kaya naman, pumikit ako at nagdasal ng mabilisan. Sana naman, bumilis ang daloy ng trapiko. Please!
Maya-maya pa ay lumuwag ang daloy ng trapiko kaya naman parang nakahinga ako ng maluwag. Salamat po, papa G. Next time po ulit!
Pagkarating ko sa school ay nagulat ako nang makita ko si Sir. Mirrem na nasa gate na ng school at naka-upo sa isang monobloc chair malapit sa guard house. Agad ko itong nilapitan at hindi niya yata ako naramdaman dahil tulog..
Tinapik ko pa siya at napalingon pa siya sa paligid bago nag-angat tingin sa akin.
“Sorry, natagalan ako. Traffic, e.” paghingi ko ng paumanhin. Ikinuskos niya pa ang palad niya sa magkabilaang braso niya. Mukhang nilalamig na siya dahil sa sakit niya.
Hindi na rin siya sumagot sa akin nang iabot ko ang kamay ko. Inabot niya lang ’yon at saka tumayo at humawak sa noo niya.
“Tara na, pero teka? Paano tayo pupunta sa inyo? Anong sasakyan natin?” Sunod-sunod na tanong ko at tahimik siyang may kinuha sa bag niya at iniabot sa’kin. Wallet? aanhin ko ’to?
Ngunit bago pa ako makapag-tanong kung aanhin ko ’yon ay nagsalita na siya..
“Bus papuntang Forbes Park. At diyan ka na rin kumuha ng pamasahe natin,” aniya at ginalaw niya pa ang kamay niyang nasa ere na hawak ang wallet. Hindi ko na naman tinanggap ’yon at saka siya inutusan.
“Akin na yung bag mo. Ako na magdadala. Ilagay mo na lang yung wallet diyan,” utos ko at agad naman siyang sumunod. Medyo mabagal nga lang siyang kumilos dahil siguro hindi na talaga maganda ang pakiramdam niya. Hinintay ko namang iabot niya sa’kin at agad ko ’yong kinuha at isinabit sa balikat ko, kahit na may backpack ako sa likod.
Nagulat ako nang matapos kong isabit ’yon ay kinuha niya ang kamay ko at pinagkrus ang mga kamay namin. Tinignan ko pa siya ngunit nakapikit siya kaya hindi ko na pinansin. Mainit ang kamay niya ngunit binalewala ko na iyon at naglakad na. Sumusunod naman siya kada hakbang ko kaya hindi problema. Kase kung tatamad-tamad siya, iiwanan ko talaga siya rito. Aba, nagsinungaling pa ako kay Mama para lang sa kaniya. Tsk!
Tumawid kami sa pedestrian lane dahil nasa kabila ang sakayan papuntang Forbes park..
Magkakasunod ang bus na dumaan ngunit hindi papuntang Forbes park kaya nakatayo pa rin kaming dalawa. Pinasandal ko naman muna siya sa balikat ko para di siya mapagod. Mahirap na, ayokong magbuhat ng bakulaw, charot.
Ilang minutos ang lumipas at may dumaan nang bus na dadaan sa Forbes park kaya agad ko itong pinara. Pagkahinto sa tapat namin ay pinauna ko siya at saka ako sumunod na sumakay. Pagka-sakay namin ay naupo kami sa bandang gitna.
Pagka-upo naming dalawa ay agad kong ibinaba ang bag ko. At nagulat ako matapos kong gawin ’yon ay inihiga niya ang ulo niya sa balikat ko at ipinulupot pa ang braso niya sa braso ko at saka pumikit. At halos hindi ko naman maintindihan ang kung anong kiliti sa kaloob-looban ko. Para tuloy akong natatae.
Ngunit hindi ko na masyadong inisip ’yon at umiling na lang. Saka ko napagtanto na aircon nga pala ang sinasakyan namin at naka-polo lang siya at suit. Halos yakapin na niya ang braso ko dahil siguro sa lamig kaya naman pinabangon ko siya.
“Ayos ka muna, saglit lang.” utos ko na agad naman niyang ginawa. Hinubad ko ang jacket ko at ipinasuot sa kaniya. “Isuot mo,” taka niya pa akong tinignan ngunit hindi na ako nagsalita. Kaya wala siyang nagawa kundi isuot ’yon.
“Thanks,” pasalamat niya matapos isuot ’yon at ipinulupot muli ang kamay niya sa braso ko. Nginitian ko lang siya kahit na nakahiga na siya sa balikat ko at hindi na ako nakikita.
Hinayaan ko lang siya sa ganoong posisyon hanggang sa huminto na kami sa tapat ng Forbes Park. Ginising ko naman siya at agad siyang bumangon at kinusot pa ang mata. Hindi ko na siya pinansin at kinuha ang bag niya para magbayad sa konduktor. Isinukbit ko ang bag naming dalawa saka bumaba. Magkahawak kamay pa rin kami na tumawid sa kabilang kalsada.
Pagkarating namin sa tapat ng Forbes Park ay kinausap niya ang guard at may pinapirmahan lang sa’kin bago kami pinapasok. Ang arte naman, kelangan pa ba no’n? Ano ’yon, terms and conditions while nandito ako? chos.
Maya-maya pa matapos naming maglakad ay narating na namin ang tapat ng bahay niya. At napa-wow talaga ako. Pang- mayaman.
Nakita ko ang kotse niya sa garahe dahil plain dark chocolate brown ang kulay ng nautical iron gate niya. Modernistic assymetrical ang design bahay niya, at ang halos lahat ng kulay na makikita ay nasa scale ng brown, gray at white. Maliban sa damo, syempre.
Pagkapasok namin ay mas lalo akong namangha dahil sobrang yayamanin kung titignan ang interior design ng bahay niya. Pati ang chandelier na bubungad sa pagpasok mo ay assymetrical ngunit nakadagdag ng ganda sa ambiance.
Nawala lang ako sa paglilibot ng tingin nang magsalita siya.
“Samahan mo’ko sa taas,” aniya at nag-umunang umakyat sa wooden stairs. Sumunod naman ako sa kaniya at pumasok kami sa kwarto niya yata. Halos mapa-nganga pa ako sa ganda ng designs nito. Gray at white ang theme dito at sobrang laki ng kama. May malaking glass window pa sa tapat nito at halos kita na ang kabuuan sa labas.
“Magpapalit lang ako. Wait for me,” aniya pa at may kinuha sa closet niya na sliding door at saka dumiretso sa cr. Inilibot ko pa ang paningin ko at inilapag ang bag namin sa tabi ng table niya. Tumingin pa ako sa malaking bintana at nakita ko ang kabuuan ng subdivision at ang nag-gagandahang bahay ng mga kapitbahay niya rito. Paano kaya kung dito rin ako nakatira? Siguro, ang peaceful. Dun kase samin, maaga pa lang magigising ka na sa naglalakasang videoke ng sintunado mong kapitbahay, lol.
Habang nasa ganoong posisyon ay nagsalita siya kaya nilingon ko siya at halos mapa-nganga ako lakas ng dating niya.
Naka white-tshirt siyang fitted at naka-loose checkered pajama pants. Bakat na bakat ang malulusog niyang dibdib at muscles sa tshirt na ’yon. Jusme, hindi naman niya ako inaakit diba? chos. Pero jusko, yummyness is real. Kanin na lang kulang..
“I’m done. need ko na uminom ng meds, sobrang sama na talaga ng pakiramdam ko,” aniya at agad akong sumagot.
“Wag, wala ka pang kain. Ipagluluto muna kita ng lugaw, okay lang ba sa’yo ’yon?” Tanong ko pa at nakanguso siyang sumagot.
“Rice porridge? yeah, ayos lang.” tugon niya at tumango lang ako at saka nagsalitang muli.
“Sige, magpahinga ka muna diyan. Teka, nasa’n nga pala nakalagay ’yung gamot mo?” tanong ko pa. Agad naman siyang sumagot habang papahiga na.
“Nando’n lang din sa kusina,” tugon niya at nagpaalam na ako.
“Sige, pahinga ka na diyan at mangingielam muna ako sa kusina mo,” ani ko at hindi na siya sumagot at tumango na lang. Kaya naman bumaba na ako. Hindi naman gano’n kalaki ang bahay niya kaya hindi ka maliligaw, actually pagpasok namin ay nadaanan na namin ang kusina kaya alam ko na kung nasa’n.
Pagkapasok ko ro’n ay sinimulan ko na ang pangingielam sa gamit niya rito para malutuan siya ng lugaw. May pa rice porridge pang nalalaman e lugaw lang naman ang tawag do’n sa kanto namin. At saka bahala siya pag may nabasag ako rito, tutal inistorbo niya naman ako ng todo-todo, e. Tsk!
Iniwakli ko na ang mga iniisip at sinimulan ng gawin ang dapat gawin dahil baka kumbulsyunin na ang isa sa taas. Yabang yabang, sakitin naman, haha.
CHAPTER 14
Max Pov.
Matapos kong hiwain ang lahat ng rekados para sa lugaw ay tuwang-tuwa ako. Mabuti na lang din talaga at kumpleto sa gulay sa bahay kubo ang bahay ni Sir. Hindi na ako nahirapan. Pero isang bagay na lang ang kulang. Syempre yung main ingredient, ang bigas.
Halos mahilo ako sa kakaikot dito ngunit wala akong makitang pwedeng paglagyan niya ng bigas. Kahit malaking storage box lang or balde ng biscuit, wala akong makita. Baka hindi siya nagkaka-kanin? Pero hindi, nagbabaon siya ng kanin, e. Ibig-sabihin merong bigas dito.
Inilibot ko pa ang tingin ko at inisip kung ano pa ang hindi ko napapakielaman at natitignan. Malabo namang nasa ref ang bigas, diba? Ano pa nga ba? hmmm?
Hanggang sa kakalibot ko ng tingin ay tumama ang paningin ko sa isang rectangular na dispenser. Eto na kaya yon? May nakita pa akong parang maliit na bintana na glass, kaya sinilip ko ’yon. At ayun, may bigas sa loob, yehey! nandito lang pala ’to, tsk. Pero ang tanong? papaano ’to gagamitin? Eto ba yung rice dispenser? Taray ah, may pa-ganito pa? Samantalang sa’min sa balde lang ng biskwit nakalagay ang bigas, hehe.
Pinag-aralan ko naman muna kung paano ito gagamitin dahil may tatlong buttons na may 1,2, at 3 na numero. Para saan naman kaya tong number na to? Ano ’to depende sa dami? Isipin muna natin dahil baka makasira ako, mahirap na. Mukha pa naman ding mamahalin ang mga gamit niya rito.
Napatingin pa ako sa kisame para mag-isip na para bang andon ang kasagutan. Siguro nga, depende sa dami yung 1,2 at 3. Pero gaano naman kaya ’yon kadami? Ay, bahala na. Sa two na lang kasi ’yun ang gitna. Always choose the middle one, ika nga nila. charot.
Walang pag-aalinlangan ko itong pinindot at wala pang segundo ay may nagbagsakan na bigas sa para bang drawer nito sa ilalim..
Agad ko naman itong kinuha at isinalin sa kaldero ng rice cooker niya. Syempre di naman ako ignorante sa rice cooker, hello? afford din namin, charot.
Isasalang ko na sana ito sa rice cooker ngunit nagulat ako ng makita kong maraming pindutan ang rice cooker niya na hindi ko maintindihan kung para saan. Eh? paano naman ’to gamitin? Jusko naman. Akala ko pa naman simpleng rice cooker lang ’to kagaya nung sa’min. Jusme, iba na talaga pag mga yayamanin, e no. Ay siya! bahala na si batman.. dito na lang tayo sa stove niya.
Agad akong humanap ng kaldero at saka ko niluto ang lugaw sa kalan. Electric stove ang stove niya pero di naman ako ignorante sa ganito dahil medyo uso naman na ’to ngayon at alam ko na ring gamitin kahit papa’no. Habang niluluto ang lugaw ay nagpakulo na rin ako ng tubig para mag-laga ng itlog.
Halos trenta minutos ang lumipas bago ako natapos. Kaya naman, minadali ko na ang paglagay ng gamot sa tray at ng lugaw sa mangkok dahil baka kinukumbulsyon na yung isa. Nako, yari tayo pag dead on the spot kong maabutan ’yon, charot.
Pagkarating ko roon ay dahan-dahan ko pang binuksan ang pinto at nilingon ang kaliwang gawi kung nasaan ang kama. Nakahiga siya ro’n at nakasimangot siya habang natutulog. Sobrang sama na talaga siguro ng pakiramdam niya. Anyways, dapat din talaga maka-inom na siya ng gamot niya.
Lumapit naman ako at inilapag muna ang tray sa may lamesa na katabi ng kama niya. Umupo pa ako sa higaan niya para tapikin siya. Agad naman siyang gumalaw kaya nagsalita ako.
“Sir, kain na. Iinom ka pa ng gamot mo.” Sabi ko at bumangon naman siya at humawak pa sa noo niya dahil siguro sa sakit ng ulo.
Nilingon niya ako at tinignan muna ng masama bago nagsalita. “Why sir? Tayong dalawa lang naman at wala tayo sa school,“aniya at napanguso ako. E, ano bang gusto niya? Di ko siya galangin? Tsk. May respeto pa rin ako ket wala kami sa school premises, no. Char, english.
“E, paggalang kasi ’yan. Nakakahiya naman kung tawagin kitang Mirrem e mas maTANDA ka sa’kin,” tugon ko at hindi ko naman sinadyang ma-emphasize ang word na tanda.
Halos manlaki pa ang mata niya dahil sa gulat at inis. “Hoy! anong matanda? Oo, teacher mo’ko pero hindi malayo ang agwat ng edad natin. 19 ka at 24 lang ako!” Pasigaw na tugon niya. Mukha siyang walang sakit sa pagsigaw niyang yon. Pero hindi ako makapaniwala sa sinabi niya, 24 lang siya? Baka jino-joketime ako neto ni sir? Tsk.
“Weh? 24 ka lang?” paninigurado ko pa at sininghalan niya lang ako at iniba ang usapan. “Just feed me! I’m hungry.” tugon niya at umirap pa. Nag-init naman ang tenga ko sa sinabi niyang ’yon. Aba? nilutuan na siya tas gusto papakainin pa siya? Pilayan ko na lang kaya ’to para maging mas makatarungan? Tsk.
“Hoy, may sakit ka lang pero di ka baldado. Kumain ka mag-isa mo!” Pasigaw na sabi ko at saka tumayo at kinuha ang tray at inilagay ’yon sa higaan niya. Hinawi ko pa muna ang comforter bago tuluyang ilapag ’yon.
“Kain!” Utos ko pa at tinignan niya lang ako at ayon na naman ang nakiki-usap niyang mata. Ngumuso pa siya sa’kin bago tuluyang nagsalita. “Hindi ako makaka-kain.. Nanlalambot yung kamay ko, oh!” aniya pa at ipinakita ang kamay niyang lupaypay. Sinuri ko pa ang reaksyon niya kung totoong nagsasabi ba siya ng totoo. Ngunit pakiramdam ko naman ay hindi siya nagsisinungaling kaya naman wala akong nagawa kundi ang damputin ang kutsara at pakainin siya. Habang ginagawa yon ay ngumingiti pa siya na parang bata kaya naaasar ako. Maya-maya pa ay nagsalita siya.
“Baby, gusto ko yung dilaw nung itlog.” aniya pa habang sinusubuan ko siya. Inirapan ko pa siya bago kunin ang dilaw ng itlog at ipinakain sa kaniya. Napaka-sigla naman nitong kumain, parang walang sakit. Tsk!
Pangiti-ngiti pa siya habang sinusubuan ko siya ng pagkain at puro irap lang ang ginawa ko. Pakiramdam ko kasi nag-iinarte lang siya para gawin ko’to, tsk! tas ako naman si tanga, uto-uto naman.
Matapos niyang kumain ay iniabot ko ang gamot at ang tubig sa kaniya.
“Oh, inumin mo!” ma-awtoridad kong utos at tipid siyang ngumiti saka sumagot. “Nanghihina pa rin yung kamay ko, baby. Patulong ulit,” tugon niya at wala akong nagawa kundi buksan ang gamot at ipainom sa kaniya. Pinainom ko pa siya ng tubig sa baso at matapos no’n ay umayos na siya ng upo at nagkumot kaya tumayo ako at nagsalita.
“Sige na.. magpahinga ka na,” Sabi ko pa at saka binitbit ang mga pinag-kainan niya. “Saan ka?” takang tanong niya pa habang nakasandal sa headboard. Nilingon ko pa siya bago sumagot at nagtama ang paningin namin. “Huhugasan ko ’tong kinainan mo,” tugon ko at nag-iwas tingin pa siya bago nagsalita ulit.
“Kumain ka na rin. Feel free to cook whatever you want,” aniya pa at nanatili naman akong nakatingin sa kaniya. Ba’t magluluto pa? E, pwede ko namang kainin yung tirang lugaw. Sayang ’yon no, saka masarap kaya ako magluto, hihi.
“Hindi na ako magluluto. Pwede ko namang kainin yung natirang lugaw do’n,” tugon ko at nilingon niya ako na masama ang tingin. “H’wag! Masarap ’yon, e. Kakainin ko pa ulit ’yon bukas,” pagtutol niya at natawa ako. Masarap daw, tsk! Sabi ko sa inyo, e.
“Ang damot mo naman.. p’wede naman kita lutuan ulit no’n bukas,” Pabirong tugon ko at mukhang nakumbinsi naman siya sa sinabi ko. “Okay sige ba, basta lulutuan mo’ko no’n bukas, ah?” Aniya pa at tumango lang ako.
Binuhat ko na ang mga plato at nagsalita bago tuluyang lumabas. “Magpahinga ka na diyan para gumaling ka agad,” sambit ko pa at ngumiti lang siya at tumango.
Kaya naman nakangiti akong dumiretso sa kusina dala ang mga pinagkainan. Nagmukha man akong maid ngayon pero okay lang, sinabihan niya naman ako ng masarap ang luto ko, e. Waaah! Di niya alam siya pa lang ang pinaka-unang nakatikim ng luto ko maliban kay Mama. Nakakatuwa talaga, ibig sabihin masarap talaga ako magluto, yey! hihi.
Mabilis kong narating ang kusina at nagmamadaling kumain ako dahil kumakalam na rin ang sikmura ko. Inuna ko lang talaga siya dahil may sakit siya at ako naman ay wala. Napangiti pa ako nang masarapan ako sa sarili kong luto. Legit nga, masarap talaga, tsk haha.
Mabilis na lumipas ang oras at natapos na akong kumain at maghugas. Napa-isip pa ako kung aakyat ba ako ulit do’n o dito na lang ako sa baba.
I mean, nakakahiya kung aakyat ako do’n tas ganito ang itsura ko. Walang ligo at dugyot dahil sa pagluluto. Pero, kung hindi ako aakyat? Saan naman ako matutulog at tatambay? Sa Salas kaya? P’wede rin naman..kaso baka di ako makatulog agad, di pa naman namin ’to bahay, tsk!
E, kung umuwi na lang ako? Kaso, baka hanapin niya ako tas baka mapano pa siya kung iwan ko siyang mag-isa. Hays! lalabas na nga lang muna ako, di naman siguro ako papagalitan dito? Lalakad lakad muna ako para magpahangin tas malusawan agad. Para mabilis din akong makatulog, hihi.
Hindi na ako nag-isip at lumabas na lang muna ng bahay ni Sir. Mirrem. Maganda ang view sa labas ng bahay ni Sir dahil mukha itong bukid. Kahit medyo madilim na dahil malapit ng mag-alas sais.
Hindi na rin tanaw ang papalubog na araw dahil nakalubog na ito. Pero mala-kahel at magkahalong asul pa rin ang kulay ng kalangitan ngayon. Ramdam ko na rin sa balat ko ang malamig na dampi ng hangin kaya mas inenjoy ko ito.
Sa hindi kalayuan mula sa bahay ni Sir ay may nakita akong bench kaya naman pinuntahan ko ’yon at umupo ako ro’n. Hindi pa gano’n karami ang bahay dito at mas lamang ang bakanteng lote na puno ng mga nagtataasang damo at puno. Nakangiti pa akong panoorin ang pagsayaw ng mga dahon at damo dahil sa hampas ng hangin.
Mabilis na lumipas ang oras at halos wala ng liwanag. Tatayo na sana ako ngunit nagulat ako ng paglingon ko ay nakita ko si Sir. Mirrem sa di kalayuan na nasa labas at suot ang jacket ko at tila may hinahanap. Patay, baka hinahanap niya ako? Pero baka hindi? Baka trip lang niyang lumabas? pero may sakit siya ah? ba’t kaya di na lang siya magpahinga, e. Lumabas pa talaga.
Mabilis akong naglakad papunta sa kinatatayuan niya at nang lumingon siya sa gawi ko ay halos manlaki pa ang mata niya at mabilis akong nilapitan. This time, masama na ang tingin niya sa’kin. Patay ako ne’to. help! I sense danger in his eyes.
“Saan ka ba galing? Kanina pa kita hinahanap. Akala ko tuloy umuwi ka na!” Inis na sambit niya at napanguso naman ako bago nakasagot. “Doon ako galing.. nagpahangin lang naman ako,” tugon ko at nag-iwas tingin siya at bumuntong hininga. Hinahanap nga talaga niya ako.
“Edi sana nagpaalam ka. I thought iniwan mo na ako, akala ko umuwi ka na.” Inis na aniya pa at napanguso naman ako. Baliw ba siya? Paano niya naisip na makakauwi ako kung yung bag ko nasa kwarto niya? tsk.
“Ba’t naman kita iiwan, diba sabi mo samahan kita?” patanong na tugon ko ngunit hindi siya sumagot at sininghalan niya lang ako. Galit na galit ’yan?
“Let’s go! dumidilim na,” aniya at kinuha ang kamay ko at saka ako malumanay na hinila papauwi sa bahay niya at nagpatianod lang naman ako. Ba’t naman kasi niya ako hinahanap pa? hindi na lang magpahinga, tsk.
Pagkapasok namin sa pinto ay inalis ko ang pagkakahawak niya sakin at saka ako nagsalita.
“Magpahinga ka na do’n..sige na,” utos ko pa at taka niya lang akong tinignan at sinusuri ako. Nag-iwas tingin lang ako at saka nanatiling kalmado.
Ayoko talaga na nando’n kami sa kwarto niya kase alam n’yo na. Diba..kase do’n nangyayari yung milagro. S’yempre bata pa ako para ro’n kaya ayokong mangyari ’yon. At saka, naiisip ko pa lang nangangatog na ako sa takot. Kay Harry ko lang gustong gawin ang bagay na ’yon at sa tamang panahon.
“E ikaw? Saan ka?” tanong niya at natameme ako. Pinilit kong umisip ng sagot ngunit wala akong maisip. Oo nga naman, alangan sabihin ko dito muna ako sa sala, isip.. isip.. Ano ba ’yan,wala na akong lusot neto.
Yumuko lang ako at suminghal naman siya saka ako hinila na naman papunta sa kwarto niya. Tulong! Ayoko pang mawasak ang bahay bata ko, charot.
Pagkapasok namin ay nag-umuna siyang lumapit sa kama at umupo ro’n at sumandal sa headboard. Nilingon niya ako ng makitang hindi ako gumalaw at umalis sa kinatatayuan ko.
“Namumutla ka. Do you want to use the bathroom? Feel free to use it if you need it?” patanong na sambit niya pa ngunit iba ang nasa isip ko. Tama, hindi na lang ako tatabi sa kaniya para maiwasan yung gano’n. P’wede naman akong matulog sa sahig or sa sala niya, e.
Walang lingon-lingon na tumakbo ako sa cr nang matauhan ako at mabalik sa ulirat. Binitbit ko pa muna ang bag bago tuluyang pumasok sa cr.
Pagpasok ko ay humarap ako agad sa salamin sa sink at ipinatong pa ang bag ko ron. Kinausap ko pa ang sarili ko sa salamin.
“Kalma, walang mangyayaring ganon. tiwala lang,” Ani ko pa sa sarili at nag-breathing exercise. Maya-maya pa ay nakalma naman ako at naisipan kong maligo dahil nakakahiya kay Sir. Baka naamoy niyang nangangasim na pala ako, nahihiya lang siyang sabihin sa’kin.
Mukhang mamahalin ang mga sabon at shower gel niya rito kaya naman parang medyo na-intimidate akong gamitin. Ngunit kinapalan ko na ang mukha ko at pumili ng isa at yun ang ginamit ko. Nag half bath lang ako at saka ko ginamit ang twalyang nakatiklop na nakapatong sa sink. Buti na lang ay sinigurado kong lock ang cr kaya hindi ako natatakot maglakad dito ng walang saplot.
Matapos no’n ay nagbihis na ako at lumabas na. Nakita ko pa siyang nakapikit habang nakasandal at suot ang jacket ko. Nakasukbit pa ang hood nito sa ulo niya kaya halos matawa ako. Feel na feel yung jacket ko? E, ang liit nga tignan sa kaniya niyan, tsk.
Umupo na lang ako sa sahig dala ang bag ko at sumandal do’n sa table niya. Kinuha ko ang cp ko at nagpipi-pindot do’n.
Maya-maya pa ay narinig ko ang karampot na ingay na gawa ng kama kaya nilingon ko siya. Saktong nagtama ang paningin namin at tinanong niya ako.
“What are you doing there? dito ka.” Utos niya at nagsimulang bumilis ang tibok ng puso ko habang papalapit sa kaniya. Nabagalan yata siya sa paglapit ko kaya naman wala siyang nagawa kundi ang hatakin ako dahilan para mapa-upo ako sa kama.
Umayos naman ako ng upo at hindi masyadong lumapit sa kaniya dahil baka maramdaman niya ang bilis ng tibok ng puso ko.
“Ang layo mo.. lumapit ka pa,” aniya at halos parang kokombulsyunin ako dahil sa kaba. Relax Max, hindi siya kagaya ng iniisip mo, okay? Kalmahan mo lang.
Lumapit naman ako ng kaunti at nilingon ko siya at eksaktong nagka eye to eye contact kami. Nag-iwas tingin naman ako at saka siya nagsalita.
“P’wede ba akong mahiga sa hita mo?” tanong niya at nag-init ang tenga ko ro’n kaya inirapan ko siya. Aba? may higaan at unan na, sa hita ko pa rin hihiga? Pambiriha!
“May kutson ka na at unan oh, ba’t sa hita ko pa?” inis na tugon ko at nilingon siya. Ngumuso naman siya at saka sumagot. “Nilalamig kase ako..tas masakit na masakit yung ulo ko,” reklamo niya pa at napairap ako sa hangin.
“Magpahinga ka na kasi, at saka suot mo na nga yang jacket ko, nilalamig ka pa rin?” inis pa ring aniya ko. Ngumiti naman siya bago sumagot sa’kin kaya medyo nagtaka ako.
“E, sa nilalamig ako e. Btw, akin na lang ’tong jacket mo ah? Bagay naman sakin, e.” tugon niya at saka nginitian ako na parang bata. Plain black hoodie jacket lang naman ’yon pero ba’t para namang gustong-gusto niya. At saka kung ibibigay ko ’yan, wala na akong jacket na ganyan. Sa ukay-ukay ko nga lang nabili yan, e.
“Eh? Ayoko nga!” pagtanggi ko at nginusuan niya ako bago sumagot. “Papalitan ko naman..akin na lang ’to,” Aniya at napabuga ako ng hininga. As if naman may magagawa ako diba? Tsk.
“Oo na, basta palitan mo ah!” tugon ko at ilang segundo lang ay ngumiti siya at saka nagsalita. “Oo naman! you could choose anything you want on my jacket collection,” aniya pa at saka humiga.
“Okay, sige na. Magpahinga ka na. Baka lumala ’yang lagnat mo,” tugon ko na lang at umayos naman na siya ng higa. Papaalis na ako sa kama ng magsalita siya kaya nilingon ko siya.
“Wag mo’kong iwan ah?” parang batang pakiusap niya pa at tamad naman akong tumango. Tatalikod na sana ako ng magsalita pa ulit siya at napapikit pa ako ng madiin dahil do’n. Di ba siya napapagod? Ako kase napapagod para sa kaniya, e. Para siyang walang sakit, tsk!
Nilingon ko siya at saktong nagsalita siya. “Dito ka matulog ah? wag kang matutulog diyan sa sahig,” utos niya pa kaya nagtaka ako ngunit hindi ko pinahalata at tamad akong tumango na lang ulit. Pumikit naman na siya kaya bumalik ako sa pagkaka-upo sa sahig at saka nagcellphone na lang. Daming echos sa buhay, e.
Mabilis na lumipas ang oras at alas otso na ng gabi nang biglang umulan ng malakas. Hindi naman nakabukas ang aircon at bintana ngunit ramdam ko na ang katamtamang lamig na dulot nito. Nilingon ko pa si Sir at saka ako umupo sa tabi niya at hinikap ang noo niya. Hindi pa rin halos bumababa ang lagnat niya. Tsk! Tsk! Imbis kase na magpahinga, andami pang pinag-gagagawa, e.
Hindi naman na ako umalis sa tabi niya at nakasandal lang ako sa headboard at nagce-cellphone. Ngunit nagulat ako nang biglang mamatay ang lahat ng ilaw pati na ang lamp sa gilid ng table niya. Hala, brownout pa nga? May bagyo ba ngayon? Jusme naman.
Hindi man gano’n ka-dama ang lakas ng hangin sa loob ay pansin ko naman ang malakas nitong hampas sa mga puno sa labas.
Medyo kinakabahan na rin ako at ilang minutos pa ang lumipas ay mas lumamig pa ang klima at kahit ako ay gusto na ring magjacket. Ngunit nagulat ako nang maramdaman kong nanginginig si Sir. Dahil sa takot ay agad ko siyang tinapik at ginising.
“Sir! gising,” sambit ko pa ngunit hindi siya sumagot. Nagulat ako ng mabilis siyang umikot at yumakap sa’kin. Bale ang ulo niya ay nasa tiyan ko at naka-dapa siya. “Ang lamig,” saad niya.
Wala akong nagawa kundi hayaan siya sa gano’ng posisyon at hinikap ko ulit ang noo niya at gano’n pa rin. Mainit pa rin siya, tsk.
“Brown-out ba?” tanong niya at sumagot ako. “Oo, kaya nga halos lamigin ka e, wala nang init galing sa mga ilaw.” tugon ko.
“Okay.. what time is it?” tanong niya pa at chineck ko ang oras sa phone bago sumagot. “8pm..at malapit na mag-9 pm,” tugon ko.
“Then, why aren’t you asleep yet?” ma-awtoridad na tanong niya na para bang may nilabag ako. Hala? kung maka-asta naman itong si sir, tatay ko ba siya? hmp!
“Wala lang,” tanging naisagot ko at nilingon ko siya nung bumangon siya at inutusan ako. “Mahiga ka na at matulog,” utos niya at wala akong nagawa kundi singhalan siya at sumunod. Pagkahiga ko ay nagtanong pa ako.
“Kanusta naman pakiramdam mo?” Tanong ko at yumakap pa siya sa’kin kaya naman inalis ko ’yon at inirapan siya. “Wag kang yumakap,” dagdag ko pa.
“Sige na, nilalamig talaga ako. Mainit yung katawan mo, e.” Pakiusap niya pa at ayun na naman ang mga mata niyang kay hirap tanggihan. Pag eto talaga may ginawang kababalaghan, sasapakin ko ’to. Di talaga ako magdadalawang isip gawin ’yon sa kanya.
“Dali, lapit! andami-dami mo nang atraso sa’kin! Humanda ka talaga. Pagbabayaran mo lahat ng pang-aasar mo sa’kin,” napipilitan kong sagot at nakangiti pa siyang lumapit at yumakap sa’kin. Hindi naman sobrang higpit ng yakap niya. Sakto lang na parang nakapatong lang yung kamay niya sa akin.
Nakatingala lang naman ako sa sosyal niyang kisame ng sumagot siya. “I’m ready to pay for it, baby. Just name your price. and to tell you, this isn’t a prank or something. I just need you and your help right now,” aniya at gumaralgal pa ang boses niya sa tapat ng tenga ko.
Hindi ko naman na pinansin ang sinabi niyang ’yon at pumikit na lang. Ang hirap matulog lalo na’t may nakayakap sa’kin ngayon at hindi ako sanay. At nasa kalooban ko rin ang takot para sa sarili ko dahil baka may gawin siya pero alam ko namang hindi niya gagawin ’yon.
Iniwakli ko ang mga naiisip ko na kung ano-ano at pinilit ang sariling makatulog. Sana talaga gumaling na siya at bumilis ang oras para makauwi na ako.
Mirrem’s
Pov.
Nagising ako ng maramdaman kong kailangan kong gumamit ng banyo kaya agad akong bumangon at dumiretso roon. Di ko inalintana ang sakit ng ulo at katawan ko at pinilit na malakad ng diretso ang direksyon papuntang cr. Fuck this fever, I don’t really think na fever lang ito. I think it’s a flu, tss.
Paglabas ko ng cr ay napatingin pa ako sa orasan at sa tulog na tulog na si Max. At hindi ko naiwasang mapangiti. Ang himbing ng tulog niya at humihilik pa. Humihilik pala siya matulog, tss.
Napangiti pa ako nang maisip kong asawa ko siya kaya siya natutulog sa kama ko ngayon, tss. You’re starting again, Mirrem. Stop thinking shits.
Agad kong pinawi ang ngiting ’yon at pumunta sa kusina kahit pa para akong babagsak dahil sa bigat ng nararamdaman ko. Sana talaga mawala na ’to.
Pagkarating ko sa kusina ay agad akong kumuha ng baso at nilagyan ng tubig. At saka ako kumuha ng gamot at ininom ’yon. Matapos no’n ay umakyat na ako dahil gusto ko nang magtabon ng kumot dahil sa lamig.
Pagka-akyat ko ay isinarado ko pa ang pinto bago dumiretso sa tabi ni Max. Kanina ay yakap niya ako kaya halos hindi ko ramdam ang lamig. E, ngayon pano kaya niya ako yayakapin kung nagbago na ang posisyon niya, tss.
May naisip akong paraan kaya naman nangiti ako ng bahagya. Agad akong yumakap sa kaniya at nagpanggap na nanginginig habang nakapikit. Mas dumikit pa ako sa kaniya para mas maramdaman niya. Ang tagal naman magising, gusto ko na ulit mayakap, tss. Pero grabeng improvement ah, from holding hands to yakap.
Ilang segundo pa ang lumipas at naramdaman kong gumalaw siya at bumangon. Tinapik niya ako kaya umimik ako.
“Huy, okay ka lang?” nag-aalalang tanong niya pa at pinigilan kong mangiti. Nang makabawi ay agad naman akong sumagot sa tanong niyang ’yon.
“Baby, yakap.” tugon ko na walang koneksyon sa tanong niya. Hinikap niya pa ang noo ko at nagtanong pa siya ulit. “Sobrang init mo! Gusto mo uminom ng gamot?” bakas ang pag-aalala at takot sa boses niya. Nakapikit naman akong sumagot.
“Tapos na ko uminom, baby. Bumaba ako kanina,” garalgal ang boses na sagot ko. Agad naman siyang nagsalita ulit. “Ba’t di mo’ko ginising?! Teka, anong oras na ba?” aniya pa at tamad naman akong sumagot.
“1am na,” tugon ko at pagalit pa ulit siyang nagtanong. “Eh, ba’t nga hindi mo’ko ginising? Pa’no kung may nangyari sa’yo dun sa baba? E, tignan mo yang lagnat mo parang kaunti na lang.. hihimatayin ka na,” Ma-awtoridad at puno ng pag-aalala niyang sabi. Exaggerated man pakinggan pero di ko alam pero parang hinaplos ang puso ko sa bulyaw niyang ’yon. Kaya naman agad akong humingi ng paumanhin.
“Sorry na, baby ko. Payakap na ako.” tugon ko at bakas ang pagtataka sa kaniya ng lingunin ko siya. “Bakit?” seryosong tanong niya pa at ngumuso naman ako at nagpa-cute. Gusto ko ng yakap mo, e.
“Nilalamig kase ako kanina pa, sobrang lakas pa rin kase ng ulan, e.. tignan mo,” nakangusong tugon ko at nilingon niya pa ang bintana at bumuga pa siya ng hininga bago mahiga. Akala ko ay hindi siya papayag ngunit nagulat ako ng magsalita siya.
“Dito ka,” turo niya sa braso niyang nakalapat ng diretso sa bandang ulunan ko. Nag-angat tingin pa ako ro’n at tinignan siya. Hindi na siya nagsalita kaya pinigilan kong ngumiti at saka ako lumapit at nahiga roon.
Pagkahiga ko ay agad akong nakulong sa bisig niya. Sa bisig niyang hindi gano’n kalaki at parang braso ng babae. Medyo nagulat pa ako sa ginawang niyang ’yon. Alam kong wala ’yong ibang kahulugan ngunit hindi ko maiwasang mag-isip na meron.
“Okay na ba yung ganito?” tanong pa niya at pilit nagkukumawala ang traydor na ngiti sa labi ko ngunit pinigilan ko iyon at saka tumango bilang tugon. Yumakap din naman ako pabalik at ninamnam ang sandaling ’yon.
Paano kaya kung talagang mag-asawa kami? Hindi sa gusto ko siya pero kung mag-asawa kami? Sa tingin ko, bagay na bagay kami. How could I stop thinking shits about him when he giving me reasons not to. Damn you, Max. Tsk!
Ay bahala na, basta masaya ako sa sitwasyon namin ngayon. Okay na okay talaga magkasakit kung ganito magiging tagapag-alaga mo.
Maya-maya pa.. dulot ng pag-iisip ay hindi ko namalayang nakatulog na ako..
Zzzzz….Zzzzz….
CHAPTER 15
Mirrem’s Pov.
Tanghali na nang magising ako at wala na si Max sa tabi ko. Kunot pa ang noo ko at singkit ang matang inilibot ang tingin dahil baka narito lang siya sa paligid at naglilibot. Ngunit nalibot ko na ng tingin ang buong sulok kwarto ko at wala naman siya, kaya mabilis akong dumiretso sa banyo. Matapos ko ron ay tumingin pa ako sa orasan at alas nwebe pa lang pala ng umaga.. Nasa’n kaya siya? Baka nasa baba.
Kaya naman agad akong bumaba, nagbabaka-sakaling naroon siya.. Nakarinig pa ako ng kaonting ingay sa kusina kaya nakangiti akong pumunta ro’n. Ngunit, nawala ang ngiti ko nang ang madatnan ko ro’n ay ang taga-luto ko.
“Uy, sir. Gising ka na pala,” Saad niya nang makita niya ako. Itatanong ko pa lang sana kung nasa’n si Max ngunit nagsalita agad siya.
“Nga pala sir, nagpaalam sa’kin yung estudyante mo raw na uuwi na siya. Nasabi niya rin sa’kin na pakainin ka raw nito.. dahil may sakit ka,” dagdag pa niya at itinuro ang kaldero na nakasalang sa stove.
“Anong oras pala siya umuwi?” tanong ko pa at nilingon ang katulong ko. Tumingin pa siya sa kung saan bago tumingin ulit sa’kin at sumagot. “Maaga sir, e. Mga 8am sir, umuwi na siya,” tugon niya at tumango naman ako. Di man lang niya ako ginising para magpaalam na uuwi na siya, tss.
“Actually sir, siya ang nagluto nito. Inutusan niya lang din akong initin ’to at painumin ka ng gamot dahil may sakit daw kayo,” pagkwento niya pa at nangiti naman ako at nag-iwas tingin at saka kumuha ng tubig.
Nagpatuloy pa siya sa pagkukwento at maya-maya ay nagpaalam na rin na uuwi dahil may anak siyang nilalagnat din gaya ko. Sinabi niya pang mag-ingat ako dahil uso ang sakit ngayong panahon..
Matapos niyang maka-alis ay kumain na lang ako at saka magdamag inisip lahat ng nangyari kahapon. Pero bakit kaya di siya nagpaalam? Bahala na nga siya, tss.
At naalala ko pang suot ko ang jacket niya kaya yumuko pa ako para tignan ang sarili ko at nangiti ako. Ang cute ko sa jacket niyang ’to. Pero, kumuha na kaya siya ng jacket ko? Gusto ko may jacket siya na galing sa’kin para makita ko anong itsura niya sa jacket ko.
I-message ko kaya siya? Pero, anong ime-message ko? Do I need to thank him? Ay, tama! Magme-message ako to say thank you.
Nangiti pa ako sa naisip ko at saka nagmadaling kumain at uminom ng gamot para ma-chat siya. Mabuti na lang din ay medyo magaan at mababa na ang lagnat ko kaya medyo ayos na..
Pagka-akyat ko ay agad kong kinuha ang phone ko para magsend ng chat sa kaniya.
To: Max Ethan Garcia
’Baby, I just wanna say thanks for taking care of me. At sana.. nagsabi ka rin na
uuwi
ka, hindi mo man lang ako ginising kanina, tss..’
Sent. 9:36am.
Nakangiti pa ako matapos kong i-send ’yon at naghintay sa reply niya. Lumipas ang ilang minutos ngunit wala pa rin kaya naman napasimangot ako. Nang mabagot ako ay dumiretso ako sa cr para maligo.
Matapos kong maligo ay magbihis ay dali-dali ko pang pinulot ang phone kong nasa table para tignan kung may reply na, ngunit WALA.
Bagsak ang balikat na pumili ako ng jacket na isusuot ko at ibibigay ko sa kaniya. Napili ko ang isang black hoodie jacket ko na may maliit na heart sa front upper left part nito.
Inilagay ko ito sa isang paper bag at saka ako nag-ayos dahil naisipan kong puntahan siya kung saan ko siya hinahatid. Well, pwede naman akong magtanong-tanong pag hindi siya sumagot sa tawag ko mamaya..
Naka-black fitted jeans ako at gray jacket. At sa loob ay white plain t-shirt naman. Pinaresan ko pa ito ng plain white daddy shoes platform sneakers. Nakangiti pa akong humarap sa salamin at inayos ang suot ko.
Maya-maya pa ay gumayak na ako dala ang jacket na ibibigay ko kay Max. Ano kaya magiging reaksyon niya kapag nalaman niyang nando’n ako sa kanto nila? tss, haha.
Max Pov.
Kasalukuyan akong nagluluto ng adobong sitaw nang tumunog ang cellphone ko. Hininaan ko naman muna ang apoy ng kalan bago ko ito tinignan. Pagkadampot ko sa cellphone ay isang chat ang natanggap ko kaya agad ko itong binasa at tinignan kung kanino galing.
Message request:
From: Mirrem Cedric Dalton
‘Baby, I just wanna say thanks for taking care of me. At sana.. nagsabi ka rin na uuwi ka, hindi mo man lang ako ginising kanina, tss..’
Sent. 9:36am.
Pagkabasa ko no’n ay nagflashback sa utak ko ang nangyari.
Flashback….
Nagising
ako dahil sa tunog na alam kong
nagmumula
sa
ibaba
.
Agad
ko namang
napagtanto
na tunog ito ng doorbell kaya agad akong
dumilat
at iniwakli ang kamay ni Sir. Mirrem na
naka-
akap
sa akin.
Pagkababa
ko ay agad kong binuksan ang pinto at bumungad sa’kin ang isang babae.
Siya
na siguro ang katulong ni Sir.
Medyo
bakas ang
pagtataka
sa mukha niya kaya
nagpa
-kilala
ako at
nagkwento
tungkol sa kung bakit ako naroon..
Matapos
ang
kwentuhan
namin ay
napag
alaman
kong siya nga ang katulong ni Sir.
Nagprisinta
ako na ako na ang
magluluto
para kay sir dahil
nangako
ako rito . Medyo
nag-
aalangan
pa siya nung una ngunit pumayag din naman
kalaunan
..
Mabilis ko naman itong naluto at sinabihan ko pa siya na initin na lang kung sakaling hindi pa magising si Sir at malamig na ang lugaw..
Pagtapos no’n ay umuwi na ako..
End of flashback….
Hindi ko naman na nireplyan ang chat niyang yon at nag-muni muni pa.
E, kung ginising ko pa siya. For sure, mang-aasar pa siya bago ako maka-uwi. At saka narealize ko din na mali yung ginawa kong pagpayag sa kaniya. Kase sa kahit anong anggulo, marami naman pwedeng tumulong sa kaniya at hingan niya ng tulong, pero bakit ako pa diba? Ka-kwestiyon kwestiyon na teacher ko siya at natulog ako sa bahay niya dahil may sakit siya..
At saka nagi-guilty ako dahil gusto siya ng bestfriend ko tapos ginagawa namin yung mga gano’ng bagay. Oo, para sa’min walang kahulugan at malisya ang lahat nang ’yon pero kabaligtaran ’yon sa iisipin ng ibang tao sa amin. Siguro nga, dapat ko na siyang iwasan. Hindi ko man alam kung paano pero alam kong magagawa ko. Tutal, andyan na rin naman si Shin na aaligid sa kaniya. For sure, mawawala din ang atensyon niya sa akin. At di magtatagal, magiging close din sila ni Shin. Ako ang magiging kupido nila, hihi.
Nangiti ako ng bahagya sa naisip kong ’yon. Ngunit hindi na ako masyadong nag-isip at kumanta na lang habang nagluluto.
Mga ilang minutos pa ang lumipas ay tapos ko nang lutuin ang adobong sitaw. Kaya naman, agad akong umakyat para maligo dahil baka nangangasim na ako..
Nasa kalagitnaan ako ng pags-spray ng pabango ng may tumawag sa messenger ko. Sino naman kaya ’to. Agad ko ’yong dinampot at nakita kong tumatawag si Sir.
Ano na naman kayang kelangan nito? Baka mang-aaway siya kasi di ko siya nireplyan? Tsk.
Agad ko itong sinagot at itinapat sa tenga ko. “Oh?” saad ko.
“Nandito ako sa kanto n’yo. Puntahan mo’ko rito,” tugon niya at halos manlaki ang mata ko sa gulat. Bakit siya nandito? Bakit hindi na lang siya nagpahinga? May sakit pa naman siya. Abnormal talaga.
“Anong ginagawa mo rito? Ba’t ka pa pumunta rito, ’di ba may sakit ka? Ba’t di ka na lang nagpahinga?” sunod sunod na tanong ko sa galit na tono. Akala niya ba ang dali niyang alagaan? Tas nagpapasaway pa siya. Hays, ba’t ba may ganito akong professor.
“Kaya nga ako nandito kasi may sakit ako, puntahan mo na ako rito. I’m waiting,” sagot niya at pinaikot ko pa ang mata ko dahil do’n. Pambihira naman talaga, hindi man lang ako pagpahingahin.
“Umuwi ka na lang..wag mo’ko hintayin dahil di naman kita pupuntahan diyan,” saad ko at ibababa na sana ang tawag ngunit mabilis siyang sumagot. “Okay, ako na lang ang pupunta kung nasa’n ka man. P’wede naman akong magtanong-tanong dito sa lugar n’yo,” tugon niya at napapikit ako dahil sa inis at pagka-asar. Bwiset talaga, ang hirap niyang isahan. Tsk!
“Hintayin mo’ko diyan! Humanda ka talaga sa’kin,” Angil ko sa kaniya at narinig ko pa siyang natawa sa kabilang linya. Hindi ko na siya hinintay na makasagot pa at mabilis na lumabas ng bahay habang naka t-shirt at shorts lang. Wala pa akong saplot sa paa ay mabilis na tinungo ko na ang kanto dahil sa inis. Dahil baka rin pag natagalan pa ako ay magtanong-tanong na siya. Yari na ako pag nagkataon, marami pa naman ding chismosa dito. Baka bukas kalat na ang balita, si Mang ben gumaling na, charot.
Hindi pa ako nakakalapit ay natanaw ko na siya na prenteng naka-upo sa harap ng sasakyan niya. Abala siya sa phone niya kaya hindi niya ako napansin. Hindi pa ako nakakarating sa mismong harap niya ay nagsalita na ako.
“Ano bang ginagawa mo rito?” tanong ko na may bakas pa ng inis sa tono. E sa talaga namang nakakainis, imbes na magpahinga na lang, pumunta pa rito. Tsk!
Nilingon niya ako at lumitaw ang tipid na ngiti sa labi niya at saka itinuro ang noo. Nagtaka pa ako sa ginawa niya ngunit bago pa ako makapag-tanong ulit ay sumagot na siya.
“Pumunta ako rito kase nilalagnat ako,” tugon niya at inosente pa kunwari akong tinignan. E, ano naman kung nilalagnat siya? Ba’t kailangang pumunta rito? Nasa akin ba gamot niya? Tsk.
“Eh, ano naman? Bakit na sa’kin ba yung gamot mo?” sarkastikong tanong ko pa at napanguso siya at yumuko. “Wala,” tugon niya.
“Oh, wala naman pala, e. Umuwi ka na at magpahinga ka,” saad ko pa at ayun na naman ang nakiki-usap niyang mata na para bang kumikinang parati. Ket blue ’yang mata niya na ’yan ang sarap talaga saksakin.
“Ayoko.. dito lang ako, kase nandito yung mag-aalaga sa’kin,” parang batang tugon niya pa at nag-angat tingin sa’kin. Abnormal talaga siya kahit kailan. Tsk!
“Bakit ako? E, ba’t di mo pakiusapan si Remi, yung katulong mo? O mga kapamilya mo? bakit ako? Andami mong pwedeng lapitan para alagaan ka maliban sa’kin,” saad ko pa at nakita kong sumeryoso ang mukha niya at naging malamlam ang mata.
“Umuwi na si Remi kanina pa dahil may sakit din ang anak niya. At oo, marami akong p’wedeng lapitan pero hindi rin ako sigurado kung matutulungan nila ako. Kaya…sayo ako lumapit. Kase alam ko na hinding-hindi ka magdadalawang isip na alagaan ako.” tugon niya na may bahid ng lungkot para sa akin at may kung ano na naman sa loob loob ko ang nagkukumahog at gumagalaw. Nakaramdam din ako ng onting guilt sa sinabi ko at hindi ako agad nakasagot. Ilang segundo pa ay nagsalita na siya ulit.
“Pero kung nakaka-abala ako, pasensya na. Sige na.. uuwi na lang ako,” dagdag niya pa at tatalikod na sana ngunit pinigil ko siya. Hindi ako naaawa pero nag-aalala ako kaya gagawin ko ’to, tsk! Pero hindi na talaga siya makakaulit, promise yan!
“Teka! wag ka na muna umuwi,” pigil ko at taka naman siyang sumagot. “Bakit?” aniya at pumikit pa ako para lakasan ang loob at saka sumagot. “Tara sa bahay, kumain ka muna.” tugon ko at nagliwanag ang mukha niya. “Talaga?” paninigurado niya pa at umirap muna ako sa hangin bago sumagot. Obvious naman na kasi, naninigurado pa.
“Oo nga, aalagaan kita. Dali, bakulaw.” pang-aasar ko pa para mawala ang inis at guilt ko. At nangiti pa siya at saka sumagot. “Weh? totoo ba ’yan? Aalagaan mo ulit ako?” parang batang aniya at nagsisimula na namang magkumawala ang inis sa akin. Paano ba ’to naging teacher na ganito ang ugali? Nakaka-tangina lang. Napaka-isip bata.
Ngunit hindi ko na siya sinagot at aayain na sana siyang pumunta sa bahay ngunit ang sasakyan niya ay nakaharang sa kalsada. Patay tayo diyan, bawal pa naman yan diyan. Mas lalo na sa looban, baka ipa-hatak yan ng mga taga rito. Tsk!
“Pero paano ’yang sasakyan mo? Bawal yan diyan at mas lalong bawal sa looban. Anong gagawin mo diyan? Saan mo ipa-parada ’yan?” tanong ko pa na nag-iba sa usapan. Tinignan niya pa ang sasakyan bago lumingon kung saan p’wede mag-park.
Humarap pa siya sa’kin bago sumagot. “Hintayin mo ko rito..alam ko na kung saan ko ipa-park,” tugon niya at na-curious ako kaya nagtanong ako ulit. “Saan?” tanong ko pa. Umarko pa ang labi niya na para bang may naiisip siyang hindi maganda bago sumagot. “Diyan oh, sa ospital.” tugon niya at nakaturo pa sa ospital sa tapat. Siraulo talaga, nagpark pa sa parking lot ng ospital. Tsk!
Mabilis siyang sumakay sa sasakyan at nagmaneho para iparada ang sasakyan niya sa parking lot sa di kalayuan. Maya-maya ay papatawid na siya at patungo na rito. Nang makatawid siya ay nakangiti pa siyang lumapit sa akin at iniabot niya ang kamay niya.
Taka ko naman ’yong tinignan at sinimangutan siya. “Ano ’yan?” tanong ko pa at nanatili naman siyang nakangiti at tinaasan pa ako ng kilay. “Ayaw mo?” nakangiting tanong niya pabalik at gusto ko siyang sapakin sa tanong niyang ’yon. Siraulo talaga, gusto pa yatang machismis kaming dalawa dito sa lugar namin.
“Huy! wala ’yan sa usapan kaya magtigil ka,” saway ko sa kaniya at ngumiti naman siya at inilagay sa bulsa ang kamay niya. Di ba siya naiinitan? Nakajacket at halos puro dark colors pa lahat ng suot maliban sa sapatos niya. Tsk! ano bang pake ko? Trip niya ’yan.
“Saan ba ang inyo?” tanong niya pa dahil nagsisimula na kaming maglakad at napahinga pa ako ng malalim dahil do’n. Atat lang? di makapaghintay? nagtatanong pa, e dun din naman kami papunta.
“Sumunod ka na lang,” pigil ang inis na tanong ko at mabilis kong narating ang tapat namin kaya binuksan ko ang parang gate na pinto namin at pinapasok siya. “Pasok,” utos ko pa at tinignan niya pa ako bago pumasok.
Pagpasok niya sa gate at bago pa tuluyang makapasok sa loob ng bahay ay hinubad niya ang sapatos niyang ubod ng puti. Yung sapatos niya yung tipong masarap binyagan, e.
Umuna siya at saka ako sumunod. Nakatayo lang siya roon kaya naman inutusan ko siyang sundan ako sa kusina. Pagkarating namin doon ay agad ko siyang pinaupo. “Upo, utos ko pa na agad naman niyang sinunod.
Agad akong kumuha ng plato, mangkok, kutsara, tinidor at sandok para maghain. Mabilis ko itong ginawa at sinenyasan siyang kumain.
“Kain,” saad ko pa at hindi niya naman ginalaw ang pagkaing hinain ko at nakatingin lang siya sa’kin. Ano? ayaw niya kaya niyan? Tsk.
“Bakit ayaw mong kumain? Di mo ba alam ’yan?” tanong ko pa at nakangiti siyang umiling. Huminga pa ako ng malalim bago ko ipinaliwanag kung ano ’yon. Tumango pa siya matapos kong magpaliwanag kaya naman nagsalita ulit ako.
“Masarap ’yan! mabuti na rin ’yan sa’yo para gumaling ka agad,” sambit ko pa at sinimulan niya nang kumain. Sa unang nguya niya pa lang ay medyo kumunot ang noo niya kaya parang nadismaya ako. Baka hindi niya nagustuhan ang luto ko this time? Tsk!
“Masarap siya, pero..weird kase ngayon ko lang nalaman na p’wedeng adobohin ang sitaw,” nakangiting sabi niya matapos lumunok. Nangiti ako ng bahagya at sinenyasan siyang kumain pa nang marami dahil kumakain din ako.
Mabilis naman kaming natapos at hinimas-himas pa niya ang tiyan niya kaya natawa ako. Hinugasan ko naman ang mga pinagkainan namin at matapos no’n ay hinarap ko siya at tinanong. “Nagdala ka ba ng gamot mo?” tanong ko at agad siyang may kinuha sa bulsa ng jacket niya na iilang tabletas ng gamot. Kumuha naman ako ng tubig at inutusan siyang inumin ang isa.
Hinikap ko pa ang noo niya at katamtaman na lang ang lagnat niya ngayon at hindi na kagaya nung kahapon. Pinasadahan ko pa siya ng tingin saka ako ulit nagtanong “E, hindi ka naman ba nahihilo?” at inilapag niya muna ang baso bago tuluyang sumagot.
“A little bit,” tugon niya at napa-isip pa ako kung saan ko siya p’wede pahigain. Wala naman kaming bakanteng kwarto para sa kaniya. Ayoko namang dalhin siya sa kwarto ko dahil nakakahiya. Makalat ang kwarto ko para sa’kin, baka mamaya sabihin niya pa na balahura ako. Well, medyo lang, charot.
“Ayan! pumunta ka pa kasi rito..wala kaming kwarto para sa mga bwisitang kagaya mo. Saan ka ngayon magpapahinga niyan?” pabulyaw na tanong ko pa at umarko ang labi niya at nagpangalumbaba pa siya na animo’y nag-iisip. Ngunit ilang segundo ay bumuntong hininga at nginitian ako ng tipid. “H’wag mo akong alalahanin.. di naman gano’n kasakit ang ulo ko,” tugon niya pa at nag-iwas tingin at naiwan lang naman akong nakatingin sa kaniya.
Paanong di ko siya aalahanin? E, nandito siya sa pamamahay namin. At saka the mere fact na nahihilo siya, it means hindi pa siya magaling at kelangan ng pahinga tapos ’yan ang isasagot niya sa’kin? Tsk! Di nag-iisip. Ay, bahala na! Do’n na lang siguro sa kwarto ko. Wag lang siyang magrereklamo dahil baka itapon ko siya sa Mars. Pasalamat talaga siya at sobrang bait ko, dahil kung hindi. Baka sa kangkungan na siya ng pilipinas pinulot ngayon.
Iniwakli ko ang mga iniisip at nagsalita. “Tara! do’n ka magpahinga sa kwarto ko,” Saad ko at taka niya pa akong nilingon. Hindi naman na ako sumagot at nagpa-umuna nang lumakad, naramdaman ko naman ang pagsunod niya kaya lumabas na ako ng kusina at umakyat sa kwarto ko.
Magkatabi lang ang kwarto namin ni Mama ngunit as usual walang tao ngayon do’n dahil wala naman si Mama. Mga multo lang siguro ang nando’n ngayon. May multo do’n for sure kase madalas ako hanapan ni Mama ng nawawala niyang panty. At aanhin ko naman ang panty niya? E inutang lang naman niya ’yon sa bumbay. Maliban sana kung panty ’yon ng MSE o Avon. charot.
Agad kong binuksan ang pinto at sinenyasan siyang tumuloy. Pagpasok niya ay inilibot niya pa ang tingin niya kaya naman agad ko siyang pinigilan. “Ang sabi ko magpahinga ka..hindi ko sinabing maglibot ka ng tingin diyan. At saka hubarin mo ’yang jacket mo para sumingaw yang init ng katawan mo. Ang init na ng panahon, naka-jacket ka pa,” Pabulyaw kong utos at agad naman niya akong sinunod. Pinanood ko lang siyang gawin lahat nang ’yon hanggang sa mahiga na siya sa kama ko at naka-white tshirt na lang at pants.
Nabalot kami ng katahimikan at nakatitig lang sa isa’t-isa. Magsasalita na sana ako ngunit siya na ang bumasag sa saglit na katahimikang ’yon.
“Thanks! baby ko,” sinserong aniya at nginitian ko naman siya saka ako sumagot. “Matitiis ba naman kita? tsk!” pabirong singhal ko sa kaniya.
Nginitian niya naman muna ako bago siya sumagot. “Kaya nga ikaw ang nilapitan ko. Cause, I know you couldn’t resist me,” tugon niya na hindi naman tunog mayabang pero ganon ang naging dating sa’kin. Di ko naman pinansin ’yon at saka nagsalita ulit.
“Magpahinga ka na diyan. Tawagin mo lang ako pag kailangan mo’ko,” Saad ko pa at ngumiti naman siya bago sumagot.
“Yes, baby ko. Thank you,” tugon niya at sumaludo pa sa’kin. Hindi ko naman na pinansin yon at binuksan ko na lang ang electricfan at pinindot ang number 1. Mahina lang para ma-maintain lang yung saktong hangin at para hindi siya mainitan.
Matapos no’n ay bumaba na ako ulit dahil kailangan ko pang maglaba ng mga labahin ko. Para naman akong naging nanay na may anak na bakulaw nito, tsk.
Pero nangiti pa ako sa naging rason niya kanina. It means na gano’n siya ka-tiwala sa’kin? Tsk. Pasalamat talaga siya at mabait ako na mana kay mama dahil kung hindi. Baka kinukumbulsyon at nagdedeliryo na siya ngayon.
Hindi naman na ako masyadong nag-isip pa at ginawa na ang dapat kong gawin..
Mabilis namang lumipas ang oras at alas singko na ng hapon ngayon Himala nga dahil hindi man lang ako tinawag o inabala nung isang bakulaw sa itaas. Tapos na akong maglaba kaya naman pinuntahan ko siya sa taas at naabutan ko siyang sobrang himbing ng tulog at may iilan pang butil ng pawis sa noo at leeg. Aba, mukhang may free trial na ’to sa impyerno ah? Parang deserve dahil sa pang-aasar niya sa’kin, charot.
Hindi ko naman inalinta ang pawis sa noo niya at hinikap iyon gamit ang likod ng palad ko para i-check ang temperature niya. Wala naman na siyang lagnat kaya medyo nangiti pa ako. Agad naman akong bumaba dahil naisipan kong gisingin siya para painumin ng tubig. Para rin makauwi na siya, dahil hindi siya p’wede rito.
Kahit pa na hindi uuwi si mama ngayon dahil aasikasuhin ang papeles ng pwesto sa palengke ay hindi p’wede. Baka ano pa lang isipin ng kapitbahay namin na may pinapapunta akong lalaki dito.
Matapos kong kumuha ng tubig sa ibaba ay inilapag ko pa ito sa table ko at tinapik siya. Nakatagilid siya at yakap niya pa ang isa kong unan. Halos matawa ako dahil mukha siyang bata habang natutulog. Ang anghel tignan kung matulog, pero grabe ka-demonyo kung mang-asar at manakot.
Naka-ilang tapik pa ako bago siya tuluyang bumangon. Nilingon niya pa ako habang nakapikit ang mata at parang batang kinusot ito sa harap ko. Hindi ko naman na ’yon pinansin at in-offer ang tubig.
“Oh, tubig. Uminom ka,” sambit ko pa at inalalayan pa siyang makainom sa baso. “Wala ka nang lagnat sir, pwede ka nang umuwi sa inyo mamaya.” dagdag ko pa at sumimangot siya at garalgal at walang halos boses na sumagot. “But i’m still dizzy. I don’t think I can drive,” hinang-hinang tugon niya at inis naman akong nagsalita.
“Hoy, abuso ka na ah! Di ka p’wede magstay pa dito. Umuwi ka na, wala kang tutulugan dito mamaya,” bulyaw ko at agad naman siyang sumagot. “If you don’t want to share this bed with me. I don’t mind, sleeping on the floor.” garalgal ang boses na tugon niya at saka humiga ulit at niyakap ang unan at nakatalikod na siya sa’kin ngayon. Mukhang totoo namang nahihilo pa siya at andami kong naiisip na hindi maganda kung pipilitin ko siyang umuwi.
Paano pag nabangga siya dahil sa kagagahan ko? Tsk! Edi yari pa ako? Ay siya! Bahala na, basta talaga! Hindi na to mauulit pa, isinusumpa ko talaga sa lahat ng pangit sa mundo.
Wala akong nagawa kundi bumaba na lang ulit para maghanda na ng hapunan naming dalawa. Naisipan kong magluto ng ginataang sitaw at kalabasa dahil yun lang din ang alam kong ibang luto sa sitaw, hehe.
Agad ko namang inihanda ang mga kakailanganin at sinimulan itong lutuin. Ilang oras ang lumipas ay natapos ko itong lutuin at saktong bumaba na si Mr. Pouty lips slash bakulaw.
“Kain na, sir.” aya ko pa at ipinag-hain ulit siya ng pagkain. Mangha pa siyang nakatikim sa ulam at saka nagtanong. “Is this the delicious squash and legumes in coconut milk?” At inirapan ko naman siya sa tanong niyang ’yon. Ang arte, delicious squash ano raw? Tsk! Ginataan lang naman ’yan.
“Ang arte naman jusko! Ginataang gulay lang ang tawag namin diyan,” kunwaring inis na tugon ko at natawa naman siya at naupo na. Sinenyasan ko siyang simulan ng kumain at agad naman siyang sumunod.
Pinupuri niya pa ako dahil sa sarap daw no’n ngunit hindi ko masyadong pinapansin dahil hindi talaga ako proud sa luto ko. Although, thankful naman ako dahil na-aappreciate niya at nasasarapan siya sa luto ko. Dahil kung hindi, itatapon ko siya sa Jupiter, charot.
Mabilis na tumakbo ang oras at alas nuwebe na ng gabi. Nanood lang naman kami ng TV kanina at ngayon ay nandito na kami sa kwarto ko.
“If you really don’t want to sleep with me. I’m fine sleeping on the floor,” aniya pa at kinuha pa ang isang unan. Ang panget naman kung patutulugin ko siya sa sahig kung p’wede naman sa kama ko dahil malaki naman ’to.
“Hindi, dito ka na matulog. Mabibinat ka pag diyan ka natulog sa sahig,” ma-awtoridad kong sabi at agad siyang nahiga sa tabi ko at nakangiti. Hindi ko naman na pinansin ’yon at pinindot na lang ang electricfan sa number 3.
Pumikit na ako at tumalikod ako sa gawi niya. Ngunit maya-maya lang ay malapit na sana akong makatulog nang magsalita siya.
“Baby, are you still awake?” tanong niya pa kaya tamad akong sumagot. “Hmm, bakit?” mahina ang boses na tugon ko at nagsalita siya. “I can’t sleep, masyadong malamig. Can I hug you?” tanong niya pa at nagpintig naman ang tenga ko dahil do’n. Galing ng logic ah, yayakap para di lamigin? E pwede namang hinaan yung electricfan.
“Hinaan mo yung electricfan.” tugon ko na walang koneksyon sa sinabi niya. Narinig ko naman ang pitik sa pagpindot niya kaya alam kong sinunod niya ako. Wala pang ilang segundo ay halos hindi ako mapakali dahil hindi ako sanay na hindi naka-number 3 ang electric fan. Inalis ko ang kumot na nakatalukbong sa akin at bumangon ako para ibalik sa number 3 ang electricfan.
“Baby.. malamig,” sambit pa ni sir sa malungkot na tono. At inis ko siyang tinignan at saka ako nahiga bago ako nagsalita. Inilapat ko ang braso ko kagaya ng posisyon namin kahapon at agad naman siyang lumapit kaya niyakap ko siya. Hindi ko gusto ito pero wala na akong choice, ayoko ng hindi number 3 ang electric fan.
“Safe and warm,” aniya pa at yumakap pabalik. Sininghalan ko naman siya bago ako sumagot. “Sulitin mo dahil hinding-hindi na ’to mauulit, ket pa sumuka ka ng dugo.” Pigil ang inis na tugon ko. Sumagot pa siya ngunit hindi ko na ’yon pinansin at pumikit na lang para matulog..
Kinabukasan ay tuwang tuwa ako dahil siya na mismo ang nagsabi na uuwi na siya. Buti naman at nakaramdam siyang ayaw ko siyang narito, chos..
Pagka-uwi niya ay nagligpit lang naman ako at ginawa ang iba kong assignments sa ibang subjects..
Ano kayang mga mangyayari sa lunes? Jowain na kaya ako ni Harry? Charot.
CHAPTER 16
Max Pov.
Monday…
Maaga akong nagising ngayong lunes at tapos na rin naman akong maligo kaya agad akong bumaba para maka-kain na. Dinala ko na rin ang mga dapat kong dalhin para hindi na ako umakyat pa ulit mamaya.
Maaga rin talaga akong nagising ngayon dahil hindi ako madadaanan ni Shin ngayong araw. Hindi na ako masyadong nag-isip at dumiretso na sa kusina.
Nadatnan ko si Mama na naghahain na ng pagkain. Nang mapansin niya ako ay agad siyang nagsalita at inaya akong kumain.
“Oh, kumain ka na. Maghugas ka muna ng kamay,” aniya pa na agad kong sinunod. Habang naghuhugas ng kamay ay nagtanong pa ako.
“Kamusta naman pala yung nilakad mo kahapon, Ma?” tanong ko pa habang nakatalikod sa gawi niya. Agad naman siyang sumagot. “Ayos lang naman.. babalik pa ako ulit do’n para makuha ko ang titulo,” aniya at tumango naman ako na para bang nakikita niya ’yon.
“Sige..kain na tayo,” aya ko pa matapos kong maghugas ng kamay at sabay kaming naupo para kumain. Habang kumakain ay nagtanong pa siya. “Siya nga pala, wala ka namang problema sa school mo?” tanong niya. At medyo kinabahan ako do’n sa di malamang dahilan ngunit hindi ko iyon ipinahalata at saka sumagot.
“Ayos lang naman po,” tugon ko.
“Mabuti naman. Basta, wag kang magdalawang isip na sabihin sa’kin kung meron. At kung kelangang papuntahin ako.. sabihan mo lang si Tita Irene mo,” aniya at napabuntong hininga pa ako bago tumango at sumagot. As always namang si Tita Irene, e. Pero, kahit mahirap intindihin ang rason mo, Ma. Pipilitin kong intindihin kase mahal kita. Hindi na ako magtatanong ng kahit ano, iintindihin ko na lang.
“Opo,” tanging naisagot ko at walang ganang nagpatuloy sa pagkain. Nauna siyang matapos kumain at nagpaalam siya na mauuna na dahil may delivery silang dadating ngayon. Kaya naman, matapos no’n ay ako ang naghugas ng pinagkainan at naglinis ng mesa.
Matapos kong gawin ’yon ay agad kong kinuha ang malinis na cooler box at sinimulang lagyan ’yon ng ice at ng ice candy. Mabilis ko lang din naman natapos iyon at handa na ako para gumayak.
Kagaya ng naka-gawian ay sinigurado ko munang sarado at naka-lock lahat bago ako tuluyang umalis ng bahay at pumunta ng school.
Pagka-sakay ko ng jeep ay alas-sais pa lang kaya medyo malamig pa ang simoy ng hangin at mabilis pa ang daloy ng trapiko. Hindi naman nagtagal ay narating ko na rin ang imperial college.
Pagkapasok ko ay agad akong dumiretso sa room habang dala ang cooler box. Pagkarating ko pa roon ay nakabibinging katahimikan ang sumalubong sa akin. Masyado yata akong napaaga ngayon, tsk.
Naupo pa muna ako saglit at inilapag ang bag ko sa upuan ko. At nang mabagot ako ay dumiretso ako sa Stress Free Zone dala ang mini diary ko at ang librong binabasa ko.
Mabilis ko namang narating ’yon at prente akong naupo sa bench na lagi naming inuupuan ni Sir. Oo nga pala, kamusta na kaya yung Mr. Pouty lips slash bakulaw na ’yon? Well, ano bang pake ko? Pero for sure naman, wala nang lagnat ’yon. Masamang damo ’yun, e. At saka magaling ako mag-alaga no, tsk. haha.
Hindi na ako masyadong nag-isip at magbabasa na sana nang parang biglang dumilim. Nanlaki pa ang mata ko nang magsalita ito sa bandang likuran ko. Speaking of…Este thinking of, ayan na siya. Tsk!
“Good morning.. baby ko,“aniya pa at tiningala ko naman siya. Yumuko naman siya mula sa likuran ko at nakatitig lang sa mga mata kong masama ang tingin sa kaniya.
“Walang maganda sa umaga lalo na pag mukha mo ang babalandra. At saka ano bang ginagawa mo rito?” Angil ko pa sa kaniya at umayos ng upo at kunwaring nagbabasa. Mabilis naman siyang umupo sa tabi ko bago sumagot.
“Bad mood naman ng baby ko. Sinundan lang kita kase nakita kitang pumunta rito. Btw, ang aga mo ah,” nakangiting aniya pa at masama ang tingin na nilingon ko siya. Napansin ko pang mas maaliwalas na ang mukha niya kumpara kahapon kaya naman agad na nag-iwas tingin ako. Wala na’tong sakit, tsk! Lakas na naman mang-asar, e.
“Ikaw din sir, ang aga mo. Ang aga mong mambwiset,” pamimilosopo ko pa habang nakatingin kunwari sa librong hawak ko. At agad naman siyang sumagot. “I’m not here to tease you, baby. I just wanna give you this,” aniya at agad ko siyang nilingon. Iniabot niya naman sa akin ang isang paper bag na dala niya. Nagtaka pa ako kung ano ’yon kaya agad kong tinignan.
Hindi ko pa natutukoy kung ano ’yon ay nagsalita na ulit siya. “It’s the jacket that I promised you. Wear it, okay? And thanks for taking care of me yesterday. You’re the best,” aniya pa at hindi pa ako nakakasagot ay mabilis pa sa hangin siyang umalis at iniwan akong mag-isa sa Stress Free Zone.
Napangiti pa ako nang magsink-in na sa aking ang sinabi niya. Hindi ko naman na ’yon masyadong inisip at nagpatuloy na lang sa pagbabasa…
Mga ilang oras pa ang lumipas ay tumunog na ang bell. Hudyat na magsisimula na ang klase. Kaya naman, dinampot kong lahat ng gamit ko at inilagay sa paperbag ng jacket. At pagtapos no’n ay agad na akong tumungo pabalik sa silid.
Pagkarating doon ay hindi na kami nagkaroon ng tyansang makapag-usap ni Shin dahil agad na dumating ang prof namin para sa first subject.
Discuss..
Discuss..
Pagtapos ng ikalawang subject ay oras na para magtinda kami. Agad ko pang nilapitan si Shin at kinausap ito.
“Dating gawi ba?” tanong ko pa kay Shin at tumango naman siya. Ang ibig sabihin ng dating gawi na tinutukoy namin ay ang paghihiwa-hiwalay para magtinda.
“Yup, bestie.” tugon ni Shin at nilingon ko pa ang boys at saka nagtanong ulit.
“So, sinong kasama ko?” tanong ko pa at nagtinginan pa sila bago sumagot.
“Alternate daw. So, ang makakasama mo for today ay sila Xavier at Ronald,” tugon ni Shin at agad ko naman silang tinignan at nginitian bago ako magsalita ulit. Kahit pa gusto kong makasama ang crush kong si Harry ay parang mabuti na rin na gano’n dahil parang nanghihina ang tuhod ko at natatameme ako pag magkasama kami.
“So, saan tayo?” tanong ko pa at agad naman silang nag-isip at saka sumagot. Matapos naming magdesisyon kung saan magtitinda ay nag-paalam na kami at saka inilako sa napag-usapang lugar ang paninda namin. Dala namin ang palamig at dala naman nila Shin ang Ice candy.
Hindi naman na ako naninibago sa dalawa at medyo naging close ko na rin sila kahit papaano. Maya-maya pa ay naglalapitan na ang mga girls na halatang patay na patay sa kagwapuhan nila. Kaya naman, halos hindi na kami naka-alis sa pwesto naming ’yon dahil napalibutan na kami ng fangirls nila. Wala kang palag diyan Max, uwi ka na. Charot. E, sa walang nagkakagusto sa beauty na meron ako, e? Anong magagawa ko? Eme.
Hindi naman nagtagal ay naubos ang paninda namin at may ibang nagrereklamo dahil hindi daw sila laging napagbebentahan. Humingi naman ng dispensa ang dalawa at ang fangirls nila ay animo’y uod na binudburan ang asin dahil halos hindi magkamayaw at halos magkandaririt dahil sa kilig. Ang swerte ko naman, yung kinahuhumalingan nila. Under ko lang, chos.
Nag-apir pa kaming tatlo at nakangiting bumalik sa room dahil tapos na kaming magtinda. Pagkarating sa classroom ay kinuha ko lang ang wallet sa bag at saka dumiretso na sa canteen para kumain. Nakakagutom maging maganda, charot.
Mabilis na natapos ang break time at oras na para sa sunod naming subject. Math time na, si Sir. Mirrem na naman. Tsk!
Pagkarating ko sa classroom ay agad kong inihanda ang notebook at ballpen ko. Nilingon ko pa si Shin na nakangiti at animo’y kinikilig na nakatanaw sa pintuan. Hala siya, nabaliw na?
“Huy! Baliw ka na ba? Ba’t ka nakangiti diyan?” tanong ko pa at tinapik siya. Ngumuso naman siya dahil sa ginawa ko at sumagot.
“Panira ka, bestie… S’yempre! diyan siya papasok. Inaabangan ko lang,” kunwaring inis na tugon niya at lumapit naman ako ng kaunti at mahinang sumagot.
“Sige ka. Pag ikaw talaga nahalata. Di kita pagtatakpan,” papanakot ko at mabilis niya akong nahampas sa sinabi kong ’yon. Aba’y letcheng ’to, nanghahampas pa.
“Wag ka ngang gan’yan. Pero sige na nga.. aayos na ko,” napipilitan pang aniya kaya sinamaan ko lang siya ng tingin. Akala mo naman talaga pinilit siya, bahala siya diyan mabuking. Tsk! Di marunong magpigil ng nararamdaman.
Maya-maya pa ay dumating na si Mr. Pouty lips kaya naman sumeryoso ako at nakinig sa diskusyon niya.
Napapansin kong nililingon niya ako at nginingitian ngunit hindi ko na lang pinapansin ’yon dahil mas naaagaw ni Shin ang atensyon ko. Sa gilid ng paningin ko ay animong para siyang asong ulol na kulang na lang ay maglaway ng dahil kay Sir. Tsk! Pag siya talaga nabuking dahil sa kakaganyan niya, tatawanan ko siya. Obvious pa sa obvious na may crush kay sir, e.
Nang magtanong si Sir at ipina-solve ang isang problem ay halos tumayo na siya at nagkukumahog na nagtaas ng kamay para matawag.
“Sir, me! I want to answer,” Malakas na sambit niya pa. Halos matawa pa ang lahat ng kaklase namin dahil sa ginawa niya at ako naman ay impit na tawa lang ang nagawa dahil nahihiya ako sa ginagawa niya. Seriously? Siya pa ba talaga yung sophisticated at elegante kong kaibigan? Parang nawala ang angas niya dahil kay sir, ah? Pag-ibig nga naman..
Natatawa pa si sir na pinapunta siya sa board para sagutin ang isang problem doon. Nilingon pa ako ni sir at nagtama ang paningin namin. Ngumiti pa siya ngunit agad akong nag-iwas tingin at umarte na kunwari ay may isinusulat sa kwaderno..
Mabilis na tumakbo ang oras at tapos na lahat ng subjects namin para sa araw na ’yon. At kasama ko naman si Shin ngayon dahil dadalhin ko siya sa Stress Free Zone kung saan kami madalas kumain at magkita ni Sir. Mirrem.
“Talaga bang dito kayo naglu-lunch?” mangha at halos hindi makapaniwalang tanong niya.
“Oo, kaya nga isasama kita. Para makasabay mo na rin siya maglunch. Ako ang magiging kupido para sa inyong dalawa,” pabiro ko pang sabi at mabilis na namula ang pisngi niya dahil sa kilig.
“He’s so gwapo siguro kapag kumakain,” aniya pa at humawak pa sa dibdib niya at tumingala habang naglalakad. Hindi ko naman na ’yon pinansin at tumingin na lang sa nilalakaran. At saka ko inisip ang itsura ni Sir habang kumakain.
Well.. Oo, gwapo siya pag kumakain. Pero hindi ko rin maitatanggi na may pagka mapang-asar at mapang-abuso siya. Kaya minus pogi points ’yon for me.
Mabilis naming narating ang bench kung saan kami madalas kumain ni Sir. Agad naman akong naupo ro’n at sumandal dahil parang sobrang pagod ako kahit hindi naman gano’n ka-hassle ang araw na ’to.
Hindi na rin naman umimik si Shin at animo’y may iniisip din. Maya-maya pa ay dumating na si Sir at nakatingin siya kay Shin at saka inilipat ang tingin sa akin. Bagaman nakangiti siya ay bakas do’n ang pagtataka kaya agad akong nagsalita.
“Remedial din siya, sir..kaya isinama ko na rito para sabay-sabay tayong maglunch,” Sambit ko at napatango pa siya at saka sumagot. “Ow..I see,” tugon niya at saka ibinalik ang tingin kay Shin at nginitian ito bago nagsalita.
“Welcome to the class,” aniya pa at nginitian lang din naman siya ni Shin. Pangiti-ngiti lang ’yan sir. Pero grabe na ang kilig niyan sa loob, tsk.
“So, kain na tayo?” Kunwaring tanong ko pa na agad naman nilang sinang-ayunan kaya naman kanya-kanya kaming labas ng baon. Mabuti na lang talaga nandito si Shin. Hindi ako maaasar ni Sir.
Agad naman kaming nagsimula sa pagkain at halos sila lang din ang mag-usap habang kumakain. At tahimik lang naman akong nakikinig sa usapan nila. Hindi naman ako masyadong interesado kaya mas pinagtuunan ko ng pansin ang pagkain. Kung iisipin, para silang magjowa at third wheel lang ako. Wala kasi si Harry, e. Kung nandito siya, edi sana mukhang double date to, charot.
Nabalik lang ako sa ulirat ng tapikin ako ni Shin na napapagitnaan namin ngayon ni Sir. Nilingon ko siya at nagtaas kilay ako.
“Ang tahimik mo diyan..sali ka sa usapan namin,” nakangiting aya niya pa at agad naman akong sumagot.
“Nako, hindi na..kayo na lang. Medyo masakit din kase yung ulo ko dahil sa math kanina..medyo mahirap,” tugon ko pa at napansin ko pa sa gilid ng paningin ko ang nakakunot noong si Sir na nakatingin sa akin. Bakas sa mukha ni Shin ang pag-aalala at bago pa siya makapagsalita ay inunahan ko na siya.
“Ayos lang ako..need ko lang talaga muna tumahimik at magrecharge,” dagdag ko pa at ngumiti para siguruhin sa kaniya na ayos lang ako. Well, ayos lang naman talaga ako. Ayoko lang sirain yung moment nila kaya ayokong makisawsaw.
At saka marami din akong dapat isipin kagaya na lang ng mga activities ng organizations at clubs na kinabibilangan ko. Nalilito ako kung anong sasalihan at uunahin ko dahil malapit na pala ang Nutrition month. Ang hirap pala pag maraming clubs at organizations. Di ko tuloy malaman kung anong dapat salihan at i-prioritize. Pero, kahit pa gano’n ay malaki ang naging tulong nito para makapasok ang isang hampaslupang gaya ko sa sosyal at magarbong school na ito.
Pagtapos naming kumain ay agad na nagpaalam si Shin. Kaya naman taka kaming nakatingin sa kaniya.
“Bye, but I need to go. I think I need to use a bathroom,” aniya na animo’y may pinipigil at may mga iilang butil ng pawis na rin sa noo niya. Hindi na niya kami hinayaang makasagot at agad niyang dinala ang gamit niya at tumakbo palabas.
Napansin ko sa gilid ng paningin ko na nilingon ako ni Sir. Mirrem ngunit nanatiling nakatingin ako sa kung saan.
“Masakit pa rin ba ulo mo? Coz you could rest here in my arms if you want,” aniya pa at sinamaan ko naman siya ng tingin at saka inirapan. Eh? Pafall ’yan? charot.
“Hindi na. Ayos lang naman ako,” tugon ko at tumingin pa sa kung saan.
“Bakit kaya wala na naman yung sweetness ng baby ko? Ano kayang problema?” tanong niya pa kunwari at nilingon ko naman ulit siya at saka sinamaan ng tingin.
“Itigil mo nga ’yan. Para kang bata,” pigil ang inis na sagot ko at tumawa naman siya.
“Sa’yo lang naman ako ganito..baby ko. At saka, bakit ba wala na naman yung sweetness mo? May topak ka ba ngayon?” Aniya pa at napapikit ako ng madiin at saka huminga ng malalim. Ba’t parang jowa naman to kung maka-asta ngayon? Hindi niya ba alam na pa-fall ang tawag sa ginagawa niya? Tsk!
“Hoy, tigilan mo nga ’yang kagaganyan mo. Hindi tayo magjowa no, at saka hindi mo ba alam na nakaka-fall ’yang pag-ganyan ganyan mo? Kaya magtigil ka at tumahimik ka,” seryosong ani ko na may bahid ng inis ngunit hindi siya nagpatinag at nginisian ako.
“Sabi ko naman sayo, baby ko. Sabihin mo pag nahuhulog ka na. Para alam ko kung kelan kita sasaluhin,” makahulugang biro niya pa at nagpantig ang tenga ko sa sinabi niyang ’yon. May kung ano pa akong naramdaman sa kasulok-sulokan ng puso ko kaya agad akong nagsalita.
“Magtigil ka nga. Hindi tayo p’wede dahil teacher ka at estudyante. So, stop this nonsense.” Bulyaw ko at halos maasar pa ako dahil nanatili siyang nakangiti at tinitigan pa ako sa mata.
“Edi tama nga ang hinala ko? May gusto ka na sa’kin?” aniya pa na bagamat nakangiti ay seryoso sa kaniyang tinuran. Napagtanto ko rin ang naging sagot ko kaya naman agad akong dumipensa.
“Baliw ka ba? Wala akong gusto sa’yo, no.” depensa ko at ngumiti naman siya at saka sumagot
“You look cute when your mad,” aniya at hinawakan pa ang kamay ko. Hindi naman ako agad naka-imik at aalisin sana ’yon ngunit ipinag-krus niya ang mga palad namin saka siya nagsalita ulit.
“And I’m really at peace when I’m holding you,” aniya pa at nagdulot naman ’yon ng kalituhan at tanong sa utak ko.
Akala ko ba hindi niya ako gusto? Pero bakit gan’yan ang mga sinasabi niya at parang ’yon ang pinapahiwatig niya? Ayoko maging assuming na hindi lang ito dahil sa nang-aasar siya ngunit ayaw ko rin maging kampante. Mahirap na rin, baka matagpuan ko ang sarili kong hulog na hulog na sa kaniya. Hindi p’wede ’yon dahil gusto siya ng kaibigan ko.
Dahil sa pinapahiwatig niyang yan na di ko malaman kung totoo ba o trip lang ay binigyan niya ako ng dahilan. Dahilan para mas hindi ko siya pansinin at iwasan siya.
Nakapikit siya at nakasandal sa bench habang hawak ang kamay ko. Gusto kong kunin ’yon ngunit wala akong lakas at para bang may pumipigil sa’kin. Nagtagumpay lang akong kunin ’yon nang marinig ko si Shin na papalapit at papunta na rito sa bench na kinauupuan namin.
Nginitian ko naman siya at agad pa siyang humingi ng paumanhin sa amin. Hindi na rin kami gaanong nagtagal do’n dahil magsisimula na ang remedial class.
Sa silid ay nagtabi kami ni Shin sa bandang likuran. Hindi lang din si Shin ang bagong nasama sa remedial dahil meron pa akong mga bagong mukhang nakikita ngayon. Hindi ko naman na pinansin ’yon at nakinig na lamang sa diskusyon.
Mabilis na tumakbo ang oras at tapos na ang remedial namin. Hindi na ako naghintay kagaya ng madalas kong ginagawa at nag-umunang umuwi na..
Ayokong maasar pa ako ng bakulaw. Dapat ko na siyang iwasan simula ngayon.
Mirrem’s
Pov.
Everything happened today was really weird for me. Kahit si Max ay weird din ngayon. Pansin ko ang pananahimik niya kanina at ramdam kong something is off between us. E, hindi naman siya ganon sa akin usually. At nakakagulat din ang pagiging parte ng eksena ni Shin. I’m not being mean or what pero pakiramdam ko ay masyado siyang papansin.
Hindi ko alam pero may kung ano rin sa loob kong nagsasabi na umiiwas sa akin si Max. Pero ang tanong ay sa anong dahilan? Sa pang-aasar ko? Pero napag-usapan naman na namin to, e. Alam ko at nararamdaman kong may iba talagang dahilan, tss.
Nauna na siyang umuwi kaya naman parang gusto ko na lang din umuwi agad ngayon. Nilingon ko pa ang kina-uupuan niya kanina at nagtaka ako nang mapansin kong nando’n ang paperbag ng jacket na binigay ko sa kaniya. Tsk, ba’t andiyan iyan? Naiwan niya pa talaga ’yan?
Agad ko naman iyong kinuha at nagtaka pa ako ng makita kong may notebook do’n at isang libro kasama ng jacket. Dinala ko naman ’yon at kinuha ko ang mga papel sa lamesa ko at dinala sa faculty room. Pagtapos no’n ay umuwi ako na dala ang paper bag.
Pagkauwi ko ay hindi na ako nagpalit at agad na nangielam sa gamit ni Max. Ang pinakauna kong kinuha ay ang medyo maliit na notebook na kulay pink. Agad pa akong namangha dahil pagbuklat ko nito ay mini-diary niya pala ito.
Ngunit naglaho ang pagkamangha kong ’yon nang mabasa ko ang mga pinagsusulat niya roon. So, matagal na siyang may gusto dito sa Harry na ’to? Ang alam ko ka-grupo niya to, e.
Kaya ba siya umiiwas kase may gusto siya rito? Pero hindi, e. May ibang dahilan pa panigurado pero saka na ’yon.
Alam na ba kaya nitong Harry na ’to na gusto siya ni Max? O baka hanggang ngayon ay itinatago pa rin ni Max?
Malalaman ko rin ’yan..
Hindi ko na lang din muna siguro ibabalik to sa kaniya dahil baka magalit siya. I don’t want my baby mad.
Pero bakit nga ba gano’n ako ka-apektado sa kaniya? Onting pagbabago lang sa kaniya, hindi na ako mapakali kakaisip? Ano bang nangyayari sa’kin? It feels like I’m not myself anymore. I feel like I lost my own self, tss.
Paano ko nga ba siya makakasama ulit ng kami lang? That’s the thing I need to figure out now. Ang cute pa naman din niya pag naaasar. My days wouldn’t be complete pag hindi ko siya naasar so I need to think of a plan..
And it should be a great plan, ofcourse. Pero paano kung talagang umiiwas na siya? Iiwasan ko na lang din ba siya? Well, siguro if that’s the case, Siguro nga..dapat ko na rin siyang iwasan. Hindi naman siya kawalan, p’wede naman akong maghanap ng ibang estudyanteng mapagti-tripan ko, tss.
Pero hindi pa naman sure, kaya hindi ko muna masyadong iisipin ’yan..
Kinabukasan ay maaga akong gumising at kumilos. Pagkababa ko ay nalutuan na rin ako ni Remi ng pagkain kaya agad akong kumain..
Nakahanda na rin ang baon ko para mamayang tanghali kaya agad ko iyong ipinasok sa bag. At pagtapos no’n ay mabilis kong tinungo ang school gamit ang aking kotse.
Simula no’ng magalit sa’kin si Max dahil nilalagnat ako at walang kotseng dala ay hindi ko alam pero ngayon ay parang kelangan ko na itong dalhin kahit hindi naman. Halos lahat ng desisyon ko, laging pakiramdam ko ay konektado sa kaniya kahit hindi naman..
Pagkarating sa parking lot ay bumalik ako sa gate para dun siya hintayin..
Maya-maya pa ay naglalakad na siya at basa pa ang medyo mahabang kulot niya na buhok. Dala rin niya ang cooler box at mukhang may iniisip siya. Sinadya kong pumwesto sa bandang gilid na ’yon dahil alam kong mapapansin niya ako agad do’n. Pinanood ko lang siyang makapasok ngunit hindi ko naman akalain na hindi niya ako mapapansin at lalagpasan lang.
Kaya naman walang lingon-lingon na tinawag ko siya. “Max..”
CHAPTER 17
Max Pov.
Maaga akong pumasok ngayon dahil hindi ko nadala kahapon yung paperbag na may jacket na binigay ni Sir. Ang masakit pa, nando’n yung mini diary at isang libro ko kaya balisa at occupied akong naglalakad papasok ng school. Dahil, iniisip ko kung saan ko ito naiwan. Ang alam ko nadala ko ’yun sa remedial, e. Pero.. nando’n pa kaya ’yon ngayon?
Pagpasok ko sa gate ay hindi pa ako ganong nakakalayo ay may tumawag sa akin. Nilingon ko ito at nakita ko si Sir na nakasandal sa isang poste. Hindi ko siguro siya napansin do’n dahil marami rin akong iniisip..
Sinamaan ko pa siya ng tingin at saka tinalikuran siya at nagpatuloy na lang sa paglalakad. Feeling close masyado, ba’t ba hindi siya makaramdam na umiiwas ako? At makipag-cooperate na lang siya? Tsk. Ako nga naging cooperative sa pang-aasar niya, e. Dapat siya rin.
Naramdaman kong humabol siya at hinawakan n’ya pa ako sa pulsuhan ko. Kung kelan naman nagmamadali tayo, saka naman siya e-eksena ng ganito, tsk.
Nag-angat tingin ako sa kaniya at masama ang tingin niya sa akin at umarko pa ang labi niya na parang nagtataka.
“Baby, what’s the matter? why mad?” tanong niya pa. Pumikit pa ako at inilapag ang cooler box dahil paniguradong mangangalay ako sa kabubuhat no’n.
“P’wede ba? wala ako sa mood ngayon,” inis na sagot ko at akmang bubuhatin na sana ulit ang cooler box ngunit pinigilan niya ako. At saka siya nagsalita?
“Are you avoiding me? huh?” tanong niya pa ulit at pigil ang inis ko siyang tinignan ulit at saka ako sumagot.
“E, ano naman sa’yo kung umiiwas ako?” patanong din na tugon ko sa kaniya at ngumuso pa siya at ayun na naman ang mga matang ’yon na nakiki-usap at nagpapacute. Akala niya siguro madadala pa ako sa ganiyan niya? No, hindi na.
“Eh, bakit ka umiiwas. May nagawa ba ako?” tanong niya pa at nginisian ko siya ng nakakaloko at saka seryosong sumagot. “Marami,” tugon ko. At yuyuko na sana ako ngunit agad siyang sumagot kaya tinignan ko pa siya.
“Then tell me what are those,” saad niya pa. Huminga pa ako ng malalim at kasabay no’n ang paghugot ko ng lakas para sabihin ang gusto kong sabihin.
“Hindi mo na kailangang malaman. Ang kailangan mo lang gawin..ay iwasan din ako. Kung may natitira mang bait diyan sa loob mo,” ani ko at itinuro ko pa ang dibdib niya. “Iwasan mo’ko at tigilan mo na ako,” seryosong dagdag ko pa. At saka mabilis na iniwan siya do’n.
Hindi ko na rin naman dapat talaga siyang pansinin pa. Mas bagay naman sila ni Shin kung tutuusin. At saka dapat niya na akong tigilan dahil may iba rin akong gusto at ayaw kong ma-fall sa kaniya. Delikado, dahil alam kong puro lang naman pang-aasar at pangti-trip ang ipinakita niya sa’kin. Walang kahit ano do’n ang totoo.
Hindi na ako masyadong nag-isip at sinimulan na ang paghahanap sa paper bag. Ngunit bigo akong mahanap ’yon hanggang sa magsimula na ang first class.
Hindi ko naman muna masyadong inisip ’yon kahit na binabagabag no’n ang utak ko. Sana naman walang nakakuha no’n, dahil for sure. Malalaman niyang crush ko si Harry at pinagpapantasyahan ko ito.
Habang pinipilit kong makinig ay halos lahat kami napalingon sa pinto nang may kumatok do’n at magsalita..
“Excuse me, Miss. There’s an announcement,” saad pa ng isang estudyanteng babae na may glasses at bagsak na bagsak ang buhok. Wow, naka-rejoice ’yan? charot.
Sinenyasan naman siya ni Ma’am na magpatuloy kaya pumasok pa siya ng bahagya at saka nagsalita.
“Dance club, Flipino club, Mapeh club and Student Music Organization members are exempted for today’s class.. said by our beloved principal,” announce niya at napahinga ako ng malalim. Exempted ako sa class pero ano naman kayang ganap?
Nakinig pa ako sa sinabi niya at base sa nabanggit niya ay sa music hall magmi-meeting ang Students Music Organization members na kinabibilangan ko. Okay, may meeting. Siguro, pag-uusapan yung para sa event namin sa incoming nutrition month event.
Nagpaalam na siya at iilan sa’min ang tumayo at lumabas nang room kasama na roon si Shin dahil member siya ng Dance club.
“Ano kayang pagmi-meetingan? Baka naman hindi gano’n ka-importante?” may bahid ng lungkot na tanong niya habang naglalakad kami. Nilingon ko naman siya at saka sumagot.
“Pwede ba namang hindi importante? E, exempted nga tayo sa buong klase? Pero teka? sino kayang magtitinda nung paninda natin?” tanong ko pa nang bigla kong maisip ang paninda namin sa entrep subject.
“Sila nang bahala do’n. Wag mo na isipin ’yon. Pero, nakakalungkot lang. Hindi ko makikita si Sir, Mirrem sa math class,” malungkot na sambit pa niya at pinaikot ko ang mata ko dahil do’n. Kaya naman pala nag-eemo, hindi pala niya makikita si Bakulaw.
“Magkikita naman kayo sa Remedial. Ayos lang yan,” tugon ko at tinapik pa ang balikat niya.
Maya-maya pa ay naghiwalay na kami dahil lumiko ako sa kanan at siya naman sa kaliwa dahil papalabas sila ngayon papunta sa Gymnasium at ako’y papunta sa Music hall.
Pagkarating ko ro’n ay agad na sumalubong sa akin si Ely. Ang totoo niyang pangalan ay Kelly. Stage name niya lang ang elly dahil isa siyang sikat na singer hindi lang sa pinas kundi pati na rin sa America.
Yumakap pa siya sa’kin at nakipag-beso.
“Antagal kitang di nakita. Nasa iisang school lang tayo pero napakadalang natin magkita,” aniya at nginitian ko naman siya bago sumagot.
“Gano’n talaga. Malaki ang school natin at magkaiba ng building ang juniors at seniors kaya wag ka na magtaka,” tugon ko at saka nakipag-beso beso at nakipag-batian din sa iba pa naming kasamahan.
Una kong binati si Serene, ang head or leader ng Student Music Organization. Siya ang leader namin dahil siya rin ang pinaka-matanda saming lahat. Graduating siya this year at magiging college na next school year.
Sunod naman ay si Drishti, isang aspiring dj. Siya ang co-lead namin at pareho sila nang level ni Kelly.
Sunod naman ay si Molly, na kagaya namin ni Kelly ay member lang. Siya rin ang pinakabata sa’min ngunit wag i-ismolin dahil bongga lagi ang gig ng banda nila dahil siya ang main vocalist. Halos sikat na rin kahit saan ang banda nila at may newest single silang ni-release kumakailan lang..
12 members in total kami, ngunit last year nagback-out ang iba dahil mas gusto nilang magfocus sa studies at hindi rin nila kailangan ang benefit na naibibigay ng organisasyong ito. Kaya naman, lima na lang kaming natira. Hindi ko rin naman sila masisisi na umalis sila dahil mayayaman naman sila at hindi na halos kailangan ang discounts at allowances na naipo-provide ng SMO.
Matapos naming mag-batian ay nagkaroon ng brain storming at agad na nagsalita ang leader namin na si Serene.
“Okay, the school requires to have 3 performances from our organization. The event will be held next week of monday,” aniya at nakinig lang naman kami. “Two group performances at isang solo performance. Which means, may isang dapat magsolo sa’tin,” dagdag pa niya at do’n nagsimulang kabahan ang lahat.
Grabe naman sa solo? Keri ko naman yung kasama ko sila at magha-harmonize kami. Pero yung may magso-solo? Geez, katakot yun. Sana hindi ako, hindi ko yun kakayanin.
“OMG, so who’s gonna have that solo performance?” maarteng tanong pa ni Molly at nilingon naman namin siya bago kami tumingin ulit kay Serene.
“Well, the one who haven’t perform solo yet,” aniya pa at itinuro ako. Nanlaki ang mata ko at halos bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi niyang ’yon.
“Bakit ako?” reklamo ko pa at nginitian naman nila akong apat at agad na sumagot si Kelly.
“Kaya mo na ’yan. Lahat kami nakapag-solo na. It’s your time to shine,” Saad niya at kinindatan pa ako.
“You can easily slay that, Max.” Gatong pa ni Drishti at napayuko naman ako sa kamay ko dahil kahit wala pa man ay nagsisimula na akong kabahan at manlamig. Paano kung pumiyok ako do’n, nakakahiya ’yon. Ayoko magkaroon ng embarassing moment, not in my entire life.
“It’s time for you to be on the spotlight, Max. No more buts and no more reason. You will perform solo, okay? You could choose any song that you like, there’s no specific genre.” Sambit pa ng leader namin na si Serene at bumuntong hininga ako dahil alam kong wala na akong choice. Well, tama sila. Never pa akong nagperform ng solo dahil takot talaga akong mag-isang humarap sa madla. Naiisip ko pa nga lang, nangangatog na ang tuhod ko, e. Paano pa kaya pag nando’n na ako? Baka mahimatay na ako.
Nawala lang ’yon sa isip ko nang magsimula na silang mag-usap at magbigay ng suhestiyon sa mga pwede naming kantahin. Retro-style ang theme na gagawin ng halos lahat ng club dahil ayun ang napag-usapan. Dahil yun din ang theme ng mini acquaintance party after daw ng Nutrition Month event.
Nakaupo kami ngayon at nakapabilog. Kanya-kanya pa silang suggest ng napakaraming mga kanta at ang nangyari ay may isang aayaw sa kada suhestiyon ng bawat isa sa kanila. Pinanood ko lang naman sila habang pinipigil ang pagka-irita sa ingay nila. Matatapos nga namin to kung ganyan sila, tsk!
Nang hindi ko na napigilan ay sumabat ako sa pagtatalo nila at pinatahimik ko muna sila bago ako nagsuhestiyon.
“Kesa nag-aaway kayo at nagtatalo. Why not? I-mashed up na lang natin ’yan?” suhestiyon ko pa at napa-isip pa sila at saka nagtanguan na tumingin sa akin. Nginitian ako ni Serene at saka siya nagsalita.
“Great idea, Max. So, okay! Mashed-up songs will be our performance for the opening remarks,” aniya pa at nagsulat sa papel na nasa armchair niya.
Agad naman naming sinimulang planuhin ang lahat ng songs na i-mamashed up namin. At maya-maya pa ay nagproceed na kami sa arrangement. Para kaunti na lang ang gagawin namin sa susunod at puro polishing na lang.
A/N:
Reference of the performance: Evolution of Girl Group performed by Citizen Queen.
Si Drishti ang napiling gagawa ng edit sa minus one namin. Siyempre mas maalam siya sa gano’n dahil aspiring dj siya. Agad naman naming pinractice kung paano namin gagawing balance at magkakatunog ang mga kantang napili namin..
Medyo nakakapagod pero worth it naman siya. Kinakabahan ako sa magiging solo performance ko at hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang kantang kakantahin ko. Ngunit buti na lang ay nandyan sila para palakasin ang loob ko. Sana talaga ay magawa ko ’yon ng tama. Kahit hindi na maganda, basta hindi lang pumalya.
Nagkaroon ng break kaya agad akong lumabas para pumunta sa canteen. Habang naglalakad ay nakasalubong ko si Mr. Pouty lips. Nagtama pa ang paningin namin ngunit nagtaka ako ng mag-iwas tingin siya at lampasan lang ako. Pero napangiti pa ako pagkatapos. Kaya naman pala niyang iwasan ako, e. May bait pa rin pala kahit papa’no.
At bigla kong naisip ang binigay niyang jacket at yung mini diary ko. Asan na kaya ’yon? Sino kayang nakapulot no’n. Jusko, nakakahiya kung kakilala ko lang ang nakakuha no’n. Sana makita ko na ’yon.
Narating ko ang canteen na iniisip pa rin yon. Agad naman akong umorder at kumain sa isang bakanteng table. Hindi rin naman ako masyadong nagtagal do’n at bumalik na sa music hall.
Mga ilang oras pa ang lumipas at natapos na rin ang practice para sa araw na yon at ipagpapatuloy na lang bukas. Mag-aalas dose na rin kaya naman nag-paalam na kami sa isa’t isa at sabay-sabay na silang umuwi at ako’y dumiretso sa Stress Free Zone.
Naabutan ko naman do’n si Shin at pumunta lang talaga ako ro’n para magpaalam.
“Shin, hindi ako makakasabay kumain sa inyo, ah.” pagsisinungaling ko at taka naman niya akong tinignan.
“Ha? why?” tanong pa niya at agad akong sumagot. Iniiwasan ko kasi si Sir, para magkaroon kayo ng closure at para tigilan na niya ako.
“Sa carinderia ako kakain kase wala akong baon,” pagsisinungaling ko pa at agad siyang nagsalita habang nakatingin sa akin.
“Sama ako,” aniya pa at taka ko rin siyang tinignan kunwari.
“Eh? Pag sumama ka, sige? Sinong kasama ni sir dito?” patanong na tugon ko pa at napakamot pa siya sa sintindo at napaisip. Maya-maya pa ay nagsalita siya.
“Sige na nga!” napipilitan pang aniya. Wow? Parang ayaw niya pa, ah.
“Sige, have a good one. Bye,” Paalam ko at mabilis na tumakbo palabas para kumain sa carinderia.
Well, part ito ng pag-iwas ko kaya ayokong sumabay sa kanila. At saka para rin naman to sa kanilang dalawa, hihi. Para mas magkaroon sila ng closure.
Mirrem’s
Pov.
Tapos na ang klase at papunta na ako ngayon sa Stress Free Zone. Nakasimangot pa ako habang naglalakad dahil sa ginawa sa’kin ni Max kanina.
Inaway niya ako kaninang umaga tas hindi man lang ako pinansin kanina nung magkasalubong kami. Seryoso ba talaga siya sa pag-iwas niya? Pero hindi ko kasi matukoy kung anong dahilan niya, e. Dahil kaya sa ganito? Dahil ba sa mga pang-aasar ko sa kaniya? Tss. Pwede naman niyang kausapin ako ng maayos.
Hindi ako sigurado kung nandito ba si Max ngayon sa Stress Free Zone ngunit nagpatuloy pa rin ako. Ngunit nagtaka pa ako nang matanaw kong si Shin lang ang naroon sa bench na madalas naming upuan at lumilinga linga pa ito. Hindi ko naman na ’yon pinansin at nagpatuloy..
Nasa’n naman kaya siya? Mukhang seryoso nga talaga siya sa pag-iwas niya, tss.
Agad kong nilapitan si Shin at kunwaring nagtaka pa ako dahil wala si Max.
“Oh, ba’t ikaw lang?” taka kunwaring tanong ko pa at tinignan pa ang bakanteng lugar sa tabi niya at ibinalik ko rin naman sa kaniya.
“Nagpaalam kase si Max na sa labas daw siya kakain dahil hindi siya nakapag-baon,” tugon nito at tumango naman akong kunwari.
’
Gandang
palusot
, tss.’
“Ganun ba? Sige, kain na tayo.” saad ko pa at sabay kaming kumain ng tahimik. Matapos naming kumain ay halos nilamon kami ng nakabibinging katahimikan. Ayaw ko rin namang imikin siya dahil wala rin naman akong gusto sabihin.
Dahil mas iniisip ko kung ano-ano ang pwedeng maging dahilan kung bakit siya umiiwas.
Maya-maya pa ay si Shin na mismo ang bumasag sa katahimikang namumutawi.
“Sir, may asawa ka na ba?” tanong pa niya at halos magtaka ako dahil masyadong personal ang tanong niya. Ngunit ayoko namang ma-awkward siya kaya nakangiti akong sumagot.
“Bakit mo naman naitanong?” patanong na tugon ko pa habang nakangiti at nakangiti rin naman siyang sumagot.
“Wala, naisip ko lang.” tugon niya at nakangiti naman akong sumagot. Well, wala akong asawa pero parang meron. Nagyakap na nga kami, e.
Nagkunwari pa akong nag-iisip at tumingala bago sumagot.
“Wala akong asawa at wala rin akong girlfriend,” tugon ko patungkol sa unang tanong niya. Manghang nilingon niya pa ako at nginitian ko naman siya.
“Talaga sir?” paninigurado niya pa at tumango naman ako. Ano na lang kaya kung asawa ko talaga si Max at sinabi kong siya ang asawa ko, ano kaya magiging reaksyon nitong kaibigan niya? tss.
“E, ikaw? May boyfriend ka na ba?” kunwaring tanong ko pa at mukhang nagulat siya sa tanong kong ’yon at utal pang sumagot.
“A-ako sir? W-wala ako niyan. Pareho kami ni Max na wala niyan,” tugon niya at umarte pa ako na animo’y nagulat ako sa sinabi niya.
“Kahit crush wala kayo?” pagtatanong ko pa kunwari at napansin kong namula ang pisngi niya bago siya nakasagot at nag-iwas tingin pa siya.
“A-ako sir, wala akong crush. Pero si Max…meron,” defensive na sagot niya at natawa naman ako ng bahagya at kunwaring nagulat ulit kahit alam ko namang meron.
“Sino namang crush niya?” kunwaring tanong ko pa. At saka tinignan ang mga kuko ko kunwari.
Nakatingin pa siya sa kung saan at para bang nagdadalawang-isip kung sasabihin ba sa akin o hindi. Mga ilang segundo pa ay nagsalita na siya.
“Wag mo ’tong ipagkakalat sir, ah. Si Harry ang crush niya. Actually, simula pa noon crush niya na si Harry. Lagi pa kaming nagtatago sa kung saan-saan para abangan ang crush niya. Hindi ko nga rin alam kung bakit crush niya ’yon, e. Pero hindi ko rin naman maitatanggi na gwapo talaga si Harry. Kaya siguro nagkagusto siya ro’n,” kwento niya pa at nakinig lang naman ako. Para bang sa isip ko ay nadagdagan na naman ang nalalaman ko tungkol kay Max.
Natahimik pa kami ng ilang sandali at maya-maya pa ay nagtanong siya.
“Ikaw, sir? May crush ka ba?” tanong niya at napakunot ang noo ko. “ako?” tanging naisagot ko at napaisip kung meron ba..
At habang nag-iisip ay biglang pumasok sa isip ko si Max. Hindi ko naman siya crush, e. Hindi ko nga siya type. Pero ewan? Crush na ba talaga pag madalas ko siya isipin? Crush na ba pag madalas ko siya hanapin? Di ko naman alam dahil never pa naman akong na-inlove.
“Hindi ko alam kung may crush na ako, e.” tugon ko at taka naman siyang tinignan ako at nag-iwas tingin lang ako at tumingin sa harap ko.
“Paanong di mo alam, sir?” tanong niya pa at nilingon ko siya at nginitian at saka nag-iwas tingin ulit. Nag-isip pa muna ako bago sumagot.
“I mean, hindi ako sigurado kung crush ko na ba siya?” patanong na tugon ko at pumeke ng ngiti na nilingon siya. At nakangiti na rin siya ngunit bakas pa rin do’n ang pagtataka niya.
“Bakit sir? Hindi ka ba nagkakaroon ng crush noon o girlfriend? It’s too odd kase na hindi mo alam kung may crush ka na sa tao o hindi,” aniya pa at nakangiti naman akong sumagot.
“Wala pa akong experience sa ganiyan, e.” nahihiyang tugon ko at ngumiti. At agad na gumuhit ang gulat at pagkamangha sa kaniya at napatayo pa siya bago sumagot.
“Ha? You mean? NGSB ka, sir?” malakas ang boses at manghang tanong niya pa at agad na nakunot ang noo ko habang nakangiti. Ha? NGS– ano daw?
“What?” nakangiting tanong ko na may bahid ng pagtataka. Para namang sobrang tanda ko pag siya kausap ko, may mga hindi ako alam na terms. Tss. Di naman uso ’yan sa america, e.
“NGSB! No girlfriend since birth,” malakas ang boses na sagot niya at pumeke ako ng ngiti at tumango saka sumagot.
“Yeah, yeah. I’m NGSB,” saad ko pa at napatakip pa siya sa bibig at saka umupo ulit. Nang makarecover ay nagsalita ulit siya.
“Kaya pala, edi ibigsabihin, sir. Nalilito ko kung may crush ka sa isang tao ngayon na tinutukoy mo?” tanong niya patungkol sa binanggit ko kanina. Nilingon ko naman siya at ngumiti muna ako bago tumango.
“Eh, ano bang mga nararamdaman mo pag kasama mo siya? O, sa tuwing iniisip mo siya?” tanong niya pa at napaisip naman ako dahil do’n. Ano nga bang madalas kong maramdaman pag iniisip ko siya? Uhm, madalas ako ma-excite? masaya? minsan naguguluhan. Pag kasama ko naman siya. I feel safe, at peace, masaya ulit.
“Well, pag kasama ko siya at iniisip ko siya. Nakakaramdam ako ng saya,” tugon ko at bigla pang nag-play sa utak ko ang mga alaalang kasama ko siya kaya nangiti ako. Kaso naalala kong umiiwas nga pala siya kaya agad din ’yong naglaho.
“Hmmm, nakakaramdam ka ba ng kilig pag kasama mo siya?” tanong niya pa ulit at napaisip na naman ako. Kinikilig ba ako pag kasama ko siya? Parang hindi naman? Pero, I feel at peace basta kasama ko siya. Yung tipong parang wala akong problema.
“Hindi, e.” tugon ko at napanguso pa siya saglit at saka nagtanong ulit.
“Hindi rin parang humihinto o bumabagal ang oras pag nakikita o kasama mo siya” tanong niya pa at inalala lahat ngunit wala namang gano’ng pangyayari kaya pumeke ako ng ngiti at umiling saka ako sumagot.
“Ba’t ganun? Pero, baka nga siguro hindi mo siya crush?” Bahagyang nakangiting aniya at saka ako nag-iwas tingin at nagkwento.
“Siguro nga. Kase hindi ko nararamdaman yung mga ’yon. Pero, pag kasama ko siya, totoong masaya talaga ako. Parang nailalabas ko rin yung side ko na hindi ko naipapakita sa iba. Pakiramdam ko rin na ligtas ako parati kapag nandiyan siya at kasama ko siya,” kwento ko pa at ayun na naman ang gulat sa mukha niya. Nakatakip pa siya sa bibig at saka nagsalita.
“O to the M to the G… Hindi mo nga talaga siya crush,” aniya pa at bagaman nakangiti ay nagtataka ako.
“What?” nakangiting patanong na tugon ko pa at saka niya inalis ang kamay na nakatakip sa bibig at saka sumagot.
“Hindi mo siya crush kase I think you’re inlove na sa kaniya,” Bakas ang magkahalong gulat, saya at kilig sa ekpresyon niyang ’yon at napatanong pa ako sa sarili ko dahil sa pagtataka. Ako? inlove kay Max? Ang imposible naman no’n. Tss. Eh, trip ko nga lang siyang asarin. At saka yun lang ba ang dahilan para masabing inlove na ako? E, base sa mga libro? Ang love ay ang feeling na mahirap intindihin. Dahil wala itong depinisyon.
“How did you say so? Eh, hindi ka pa naman nagkaka-lovelife right?” ang tanging naisagot ko at humawak pa siya sa dibdib na para bang nasaktan.
“Ouch ha! Yes, I don’t have any love experiences yet. But it doesn’t mean I’m not capable of knowing what it feels like,” aniya at nangiti naman ako. Ilang segundo pa ang lumipas bago ako sumagot.
“Tell me what is love, then? Just based on what you know,” nakangiting utos ko pa at huminga pa siya ng malalim at nakatingalang nag-isip at ngumiti at saka sumagot.
“Love doesn’t have specific definition. But, love can have different meanings from different perspectives. Because love is not meant to be defined, but to be experienced in all its confusion and beauty and chaos,” mahabang sagot niya at halos mamangha ako. Ang lalim no’n. Ang hirap tuloy paniwalaan na wala siyang love experiences kase parang ang expert niya pakinggan. Tss. Pero tama na nga sa ganyan, magdudulot lang lalo ’yan ng kalituhan sa akin. Basta ang alam ko lang na love moves in mysterious ways by Nina, jk.
“Anyways, ba’t ba lovelife pinag-uusapan natin? Wala naman tayo pareho no’n,” pabiro ko pang tugon at natawa rin naman siya.
“Let’s just talk about you. Let’s talk about your friendship with Max,” saad ko pa at agad din naman siyang nagsimulang magkwento tungkol kay Max at marami na namang nadagdag sa nalalaman ko. At naghalo-halo ang nararamdaman ko dahil sa kwento ni Shin tungkol sa kaniya.
CHAPTER 18
Max Pov.
Mabilis na lumipas limang araw at lunes na naman ngayon. Hindi ko alam kung paanong nalampasan at hindi ko pinansin si Sir. Mirrem sa loob ng mga araw na ’yon. Maliban na lang nung lumapit ako sa kaniya para magtake ng exam para do’n sa remedial. Maswerte naman ako at naipasa ko ’yon kaya hindi na ako kasali sa remedial next week. Buti na lang din talaga. Si Shin naman ay ginawa ulit ang ginawa niya noong nakaraan. Nagulat nga din ako dahil si Harry ay kasali rin sa remedial. Pero kahit na ganon, ayoko pa rin sa remedial. Hindi naman ako kagaya ni Shin.
Buti na lang din talaga ay hindi na ako ginulo ni Sir. Hindi ko alam kung nagkakamabutihan na ba sila ni Shin ngunit hindi naman ’yon big deal para sa’kin. Ngunit kahit na ganon, ganito pala kahirap ang iwasan siya. Halos maya-maya at minu-minuto kasi kung gambalahin niya ang utak ko.
Kahit ayaw kong isipin siya, kusa siyang pumapasok sa isip ko. Nagi-guilty ako kase alam kong nagtataka rin siya sa pag-iwas ko pero kailangan kong gawin ’yon. Alam ko kasing ako lang ang masasaktan pag tuluyan akong nahulog sa kaniya.
Halos mapuyat ako kagabi dahil kahit nakapikit ako ay lumilitaw ang mukha niya at ang iba’t-ibang ekpresyon niya. Pero, dahil din do’n. Nakaisip ako ng kakantahin ko para sa event mamaya. Catch me I’m fallin’ by Rachel Alejandro. Hindi naman sa nahuhulog na ako sa kaniya pero parang relatable lang, hehe
Nang matapos akong kumilos ay agad na akong nagtungo sa school dahil ayokong ma-late dahil maghahanda pa kami nila Serene. Dala ko na rin ang susuotin ko para sa sinasabing acquaintance party mamayang gabi.
Pagkarating ko sa music hall ay agad na akong hinatak ni Drishti dahil kailangan daw ay nasa backstage na kami. Malapit na rin daw kasing simulan. Ang aga pa pero dahil siguro sa dami rin ng activity kaya gano’n.
Hindi kami dumaan sa harap ng gymnasium bagkus do’n kami sa likod para diretso na sa backstage. Buti na lang din ay na-perpekto na at na-polishing namin ng saktong-sakto nung biyernes ang mashed-up namin. Nang nando’n na kami ay agad kaming inutusan ni Serene na magpalit na agad naman naming sinunod.
Matapos no’n ay pinaglalagyan pa kami ng make-up ni Molly para daw presentable kami tignan sa jumbotron. Hindi naman siya actually jumbotron dahil parang led screen lang siya na malaki para sa mga estudyanteng mapu-pwesto sa bandang likod ng gymnasium mamaya.
Habang hindi pa nagsisimula ay nagpa-practice kami ng paulit-ulit sa likod. Hanggang sa magsimula na nga..
Hindi namin napansin na sobrang dami na rin pala ng studyante dahil sa likod nga kami dumaan.
Rinig na rinig namin ang boses ng lalaking emcee na nasa entablado at mukhang teacher sa college dahil kita namin siya mula rito sa backstage.
“Good morning everyone. It really gives me great pleasure to make some remarks at today’s occasion for launching nutrition promotion month for 2013.” panimula niya. Hindi naman ako nakikinig sa kaniya dahil naka-pokus ako sa dami ng tao ngayon rito sa gymnasium.
“Ladies and Gentlemen. The Nutrition month is celebrated globally to signify the importance of nutrition for human life and development. This whole month is concentrated with diverse activities to highlight and promote nutrition. The Ministry of Health and Sports with all its partners and stakeholder has declared the slogan “Invest in Nutrition: Join hands in building the Nation.” to underpin the importance of Nutrition for a Healthy Nation. This era of the Sustainable Development Goals emphasis very high on addressing malnutrition. The SDG 2 is dedicated to “End hunger, achieve food security and improved nutrition and promote sustainable agriculture”; thus, ending malnutrition in all its forms by 2030. Addressing nutrition not only helps to achieve goal 2 but strongly linked to nearly 12 SGD goals out of 17. The UN General Assembly in 2010 declared 2010-2020 as the Nutrition Decade, to provide all stakeholders with a time-bound opportunity to strengthen joint efforts and achieve a healthier and more sustainable future. Therefore, investing in nutrition promotion prevails as a powerful instrument to build a productive and prosperous Nation,“ Mahabang sambit niya sa nakasulat sa teleprompter. Kita namin ’yon dito mula sa backstage.
Hindi naman na ako nakinig pa sa mga sinasabi niya hanggang sa ipakilala na niya ang dance club.
“Let us all welcome! The Imperial dance club,” malakas na sigaw nito sa microphone at agad na lumabas sa kabilang bahagi ng stage sila Shin. Katapat namin sila at nagtama pa ang paningin namin kaya kinindatan niya ako at nginitian ko naman siya.
Terno ang suot nilang loose maong pants at naka-tube na pinatungan ng maong jacket na pinaresan ng bucket hat na maong din. Denim blue ang kulay ng mga maong outfits nila at sa pangloob ay white. Tube ang sa babae at sando naman ang sa lalaki.
Remix nang iba’t ibang songs ang sinayaw nila kagaya na lang ng Running Man, Fergalicious at I wanna dance with somebody.
Habang nagsasayaw sila ay halos matalo ang tunog ng speakers nang mga estudyante. Pukpok ng kung ano, hiyawan, palakpak, pagsigaw na binabanggit ang mga pangalan nila. Kung contest pa ito at may criteria, panalong-panalo sa audience impact.
Hindi rin naman nakakapagtaka dahil sobrang galing nilang sumayaw at humataw. Nakakapanindig balahibo yung mga giling at pitik ng sayaw nila.
Nawala naman ako sa focus sa panonood ng may marinig akong ingay sa bandang likuran ko. Paglingon namin nila Serene ay nakita ko sila Sir. Mirrem at mga kasamahan niyang teachers. Nando’n rin ang iilan sa iba naming profs.
Nagtama pa ang paningin namin at hindi ko naman na ’yon pinansin. Nagulat pa ako ng lumapit at tumabi siya sa akin. Ngayon ay pareho kaming nakatayo malapit sa pintuan ng backstage. Nakakainis, akala ko naman titigilan na niya ako. Tas ngayon may paglapit na naman siya. Pero ba’t ganon, parang ang bilis ng tibok ng puso ko ngayong katabi ko siya?Normal pa ba ’to? grabe na talaga ang epekto niya sa’kin, tsk!
“Hi baby,” bulong niya pa at halos magtindigan ang balahibo ko sa tainga dahil do’n. Napaka-gago talaga, ipapahamak niya talaga ako.
Inis ko siyang nilingon at saka ako pabulong din na sumagot.
“Magtigil ka nga! maraming tao ngayon,” pabulong ngunit madiin kong tugon ngunit hindi man lang siya natakot. Bagkus ay nginitian pa ako. Ang hirap hindi pansinin ng isang ’to, ang lakas mang-asar. Nakakapikon.
“Sorry baby, Pero, I’m here to say goodluck.” nakangiti munit bakas ang sinseridad na aniya. Inirapan ko lang naman siya at saka ako sumagot.
“Thanks! but no thanks,” sarkastikong tugon ko at ngumiti lang naman siya at saka umalis. Mabuti naman.
Nilingon ko pa sila Drishti at nakatingin na sila sa akin. Panigurado nakita nila ’yon.
Lumapit pa ng bahagya si Kelly at saka nagtanong.
“Teacher mo ’yon?” tanong niya at itinuro pa ang pwesto kung saan nakatayo si Sir. Agad naman akong sumagot sa tanong niya.
“Oo,may tinanong lang,” pagsisinungaling ko. Naniwala naman siya kaya nakahinga ako ng maluwag. Muntik pa kaming mapahamak ngayon dahil sa kaniya. Ang galing talaga, tsk!
Naging abala ako sa pakikipag-usap kay Kelly at hindi ko namalayang tapos na ang sayaw. Pagtapos no’n ay ilang saglit pa ay winelcome ng Emcee ang mga teachers kaya naman nagtaka ako. Magpeperform din pala ang mga teachers. Pagtapos no’n ay naglabasan ang mga teachers na kasama namin dito sa backstage at kasali na roon si Sir. Mirrem. Nilingon niya pa ako at ginawaran ng sobrang tamis na ngiti kaya naman nagtaka ako. Anong ibig sabihin ng mga ngiti na ’yon? Abnoy talaga siya. Pag may nakapansin talaga no’n, yayariin ko siya.
Pumwesto naman sila at bahagyang nakayuko pa ang ulo at nakatayo ng diretso. Ang angas ng dating nila sa suot nilang parang uniform sa office. Sa mga lalaki ay naka-tuxedo na may nagtitingkaran ang kulay na necktie sa loob. at sa mga babae ay suit at nakapencil skirt.
Ang sayaw naman nila ay hindi gano’n kaganda pero sobrang energetic at nakakatawa. Halos maghiyawan din ang estudyante dahil kahit gano’n ang sayaw ay gwapo at magaganda sila. Lalo na si Sir. Mirrem. Bakas talaga ang pag-eenjoy sa kaniya kahit pa nakatalikod siya sa gawi ko.
Patuloy ko silang pinanood hanggang sa kami na ang ipinakilala. Nakakatawa nga dahil nutrition month ito pero nagmukhang foundation day ngunit hindi ko na ’yon pinansin at hindi na nag-isip at saka sumunod kila Serene.
May naghanda pa ng mic para sa’min. Hindi namin kailangang hawakan ’yon dahil may mic stand namang kasama. Inayos ko lang muna ito ayon sa aking height. Nilingon ko ang madla at halos sumikip ang dibdib ko at nagsimulang manlamig ang mga kamay ko.
Pakiramdam ko ay hindi ako makatayo ng tuwid dahil nangangatog ang tuhod ko at para akong babagsak anytime. Nilingon ko pa ang katabi kong si Molly at nginitian niya ako. Ang ngiti niyang ’yon ay medyo nakatulong sa akin para maibsan ng kaonti ang kaba sa dibdib ko.
Nang magsimula na ang sounds ng minus one ay agad akong pumikit at inisip na ako lang mag-isa. At sabay sabay kaming kumanta at ramdam ko ang paghanga ng mga madla dahil sa palakpakan nila. Maya-maya pa ay oras na para sa birit ko kaya binigay ko ang lahat ng makakaya ko. Napasabi pa ako ng salamat sa isip ko matapos kong masapul ang tamang nota ng hindi pumapalya.
Nagpatuloy kami sa pagkanta at nung matapos kami ay nandiyan na maririnig mo ang sumisigaw sa mga pangalan nila. Nagulat pa ako nang may marinig akong pumapalakpak sa bandang likuran kaya agad kong nilingon ’yon at kita ko si Sir. Mirrem na nakatingin din sa akin at pumapalakpak. Agad pa siyang nagsalita kaya awkward akong ngumiti.
“Ang galing mo, Max!” sigaw niya pa at pumapalakpak habang umiiling din ang ulo na animo’y hindi makapaniwala.
“Thank you,” walang boses na sabi ko na mukhang naintindihan niya at nag thumbs up pa siya sa akin. Agad naman kaming umalis do’n at saka ako lumapit kay Sir. Ang sabi ko iiwasan ko na siya, pero eto na naman ako. E, wala e, ang hirap pigilin. Saka namimiss ko na yung kakulitan niya.
“Ang galing mo,” mahinang aniya nang makalapit ako. Nginitian ko lang naman siya at saka sumagot. “Paulit-ulit ka naman, tsk. Sige na sir..mauna na kami dahil may performance pa kami mamaya,” kunwaring inis na sabi ko ngunit ngumiti rin naman. Ngumiti rin naman siya sa akin at nakita kong umalis na sila Serene at Kelly kaya agad kong dinampot ang gamit ko para sundan sila.
Hindi pa man ako nakakalabas ay nakasalubong ko na si Harry na may dalang tubig. Medyo nagulat pa ako dahil bawal siya rito. Anong ginagawa niya rito? May hinahanap kaya siya? Anyways, ang hot niya.
“Hi Max,” panimula niya at mas nagtaka ako ngunit di ko ipinahalata ’yon. Pinigil ko rin ang kaba na nararamdaman ko at saka sumagot.
“H-hello,” tugon ko na nautal pa. Napayuko pa ako matapos no’n at agad ko rin namang naibalik ang tingin ko sa kaniya matapos no’n.
“Napansin ko kayo ni Sir. Mirrem ah,” kaswal pang sabi niya at nagsimulang kumabog ang dibdib ko sa kaba. Eto na nga ba ang sinasabi ko, may nakakapansin na. At ang crush ko pa talaga, lecheng ’yan.
Hindi pa ako nakakasagot ay nagsalita na ulit siya.
“Napansin kong chini-cheer ka niya at nginitian mo rin siya. Crush mo siguro siya, no?” tanong pa niya kunwari na may bahid ng panunukso. Hoy, mamatay man. Di ko ’yan crush.
“Hindi ah! si Shin lang may–” agad kong natakpan ang bibig ko dahil sa nasabi ko. Yari ako!!! Patay na! Nasabi ko sikreto ni Shin. Please! Forgive me!
“Si Shin may crush kay sir?” takang tanong pa niya at nanlaki ang mata ko at saka agad na sumagot.
“Hindi ah! nagkamali lang ako ng sabi,” pagsisinungaling ko ngunit mukhang hindi ko siya nakumbinsi.
“No, I think that’s true. Puntahan—” Hindi ko siya pinatapos at agad ko siyang pinigilan ng akmang aalis siya. Maawa ka, Harry ko. Ayokong ma-yari kay Shin.
“Huuuuy! Please! wag mo sasabihin,” kunwaring umiiyak na sabi ko pa at natawa naman siya binitawan ko siya at saka umayos. Please, mahal. Wag mo sasabihin kahit kanino.
“Yeah, yeah! I won’t tell anyone,” saad niya at ngumuso pa ako at saka sumagot.
“Talaga? Sure ’yan?” paninigurado ko pa at nakangiti siyang tumango at saka sumagot. “Yup! pinky swear,” aniya at ipinakita pa ang kaniyang pinky finger. Salamat, mahal. Dahil papatayin ako ng bestfriend ko pag kumalat ’yon.
Nagpaalam naman na ako sa kaniya dahil kailangan ko pang humabol kina Serene.
Shin’s Pov.
Tapos na kaming magperform lahat pati ang organization nila Max. At ngayon ay nandito ako sa cr para magpalit dahil tutulong pa akong magbuhat ng mga ititinda sa booth. Ang mga booth na ’yon ay para sa fundraising ng school. Lahat ng kikitain ay ido-donate sa mga programs na naglalayon ng feeding programs at kung ano-ano pa para labanan ang malnutrition.
Binilisan ko ang pagkilos at nang matapos ako ay pinag-aralan at pinasadaan ko pa ng tingin ang sarili ko at ang suot ko. At habang ginagawa ’yan ay biglang nag-replay sa utak ko ang sayaw nila Sir kanina. He’s so cute and handsome. Ang sarap panoorin kanina ng baby ko.
Hindi naman na ako masyadong nag-isip at lumabas na ng cr dala ang gamit ko. Pupunta sana ako sa gymnasium ulit ngunit bago ko pa marating ’yon ay nakasalubong ko si Harry at hinarang pa ako. Ano kayang kailangan neto?
“Hi crush,” aniya na siyang ikinagulat ko at napalingon pa ako sa paligid dahil baka may nakarinig. Matapos no’n ay sinamaan ko siya ng tingin.
“Stop that!” mahina ngunit madiin kong sagot.
Oo, matagal ko nang alam na may gusto siya sa akin. Matagal ko na ring itinatago kay Max dahil alam kong masasaktan siya. Hindi ko rin naman gusto si Harry kaya hindi ko na rin sinabi pa. Ang hindi ko lang malaman bakit nag-gaganito na naman siya. We had talked about this before. He really is annoying talaga, nagtataka tuloy ako ano bang nagustuhan dito ni Max.
“What do you need?” Inis na tanong ko pa at ngumiti naman muna siya bago sumagot.
“Well, actually wala naman. Pero,” putol niya pa sa sinasabi niya at nakinig lang naman ako. “may nalaman ako,” dagdag niya pa at nginisian ako. Hindi maganda ang kutob ko sa ngiti niyang ’yon. I feel something is wrong. Ano kayang nalaman nito?
Kahit medyo kinakabahan ay hindi ko ’yon ipinahalata at saka ako naglakas loob na sagutin siya.
“And what is that?” taas kilay na tanong ko pa at ngumiti pa siya at tumingala saglit at agad din namang ibinalik ang tingin sa akin.
“I’ve heard from someone that you have a crush on Sir. Mirrem,” tugon niya at halos manigas ako sa kinatatayuan ko. Kinabahan ako ng todo ngunit pinilit kong hindi ipinahalata ’yon sa kaniya at pinilit ayusin ang magiging sagot.
“Ha? Who said that?” mataray pa kunwaring tanong ko at nag-iwas tingin lang.
“Someone you don’t know,” tugon niya pa at sinamaan ko naman siya ng tingin.
“I’m not scared of that, Shin. You’re the one who must be scared of me,” maangas pang tugon niya at ngingisi-ngising tinignan ako. Kaya naman, mayabang ang tono ko siyang sinagot.
“And why?” patanong na tugon ko. Inilapit niya pa ang mukha niya kaya naman nailayo ko ang akin dahil ilang pulgada na lang ang natitira ay magtatama na ang labi namin. At saka siya sumagot.
“Coz, I’ll tell it to everyone starting today. And the world will know about your little secret,” aniya pa at saka inilayo ang mukha niya. Napapikit pa ako dahil sa inis at saka pikon na sumagot. He’s really annoying talaga. Nakaka-bwiset ang existence niya. At ang nakakapag-taka pa, how did he know my secret? I don’t even tell it to anyone, except Max. Hindi kaya si Max ang nagsabi? Pero malabo naman yun.
“Please stop this bullshit. Leave me alone,” Inis na sagot ko at ngumisi naman siya.
“Okay, okay, chill! For it to be fair. Let’s just have a deal,” aniya pa. At masama pa rin ang tingin na nagtanong ako sa kaniya. Ayusin niya lang talaga ’yang deal na ’yan. Hmp!
“And what is it?” blanko ang ekspresyon sa boses na tanong ko at agad na lumitaw ang mapuputi niyang ngipin dahil sa ngiti. Matapos no’n ay saka siya sumagot.
“You choose. Date me? or I’ll spill the beans?” maangas na aniya pa at halos manlaki ang mata ko sa nabanggit niyang choices. This person is such a bastard. Di naman makatarungan ’yang choices na ’yan, e. Date me? Ew. Kahit pa campus crush siya dahil isa siyang model. Just no way! I’m not even attracted to him.
Talaga
ba, Shin?
“Are you insane? There’s no way I’ll choose between the two,” inis at maarteng tugon ko sa kaniya at dinilaan niya pa ang lips niya at ipinagsalikop ang kamay niya.
“Alright, then. I’ll just tell it to everybody,” aniya at ngumisi at saka mabilis pa sa hangin akong tinalikuran. Errr! I hate him so much! Dang him!
Masama ko pa siyang tinignan at mabilis akong humabol at hinarang siya. Nanlilisik ang matang tinignan ko siya at saka sumagot. “Fine! Let’s date!” pagalit na sabi ko at agad na lumitaw ang malaking ngisi sa mukha niyang ’yon na para bang nanalo siya sa isang laban.
“Woah! what makes you change your mind?” tanong niya pa kunwari habang nakangiti kaya naman pikon akong sumagot habang masama pa rin ang tingin sa kaniya.
“Wow! Do I look like I have a choice?” sarkastikong tugon ko. Natawa naman siya at mabilis na umakbay sa akin. Aalisin ko sana ’yon ngunit mas malakas siya sa’kin kaya nung sinubukan ko ay mas nilapit niya lang ako sa kaniya. Sinamaan ko pa siya ng tingin at nilapit niya lang ang mukha niya at saka nagsalita.
“Let’s go! let’s start our date,” aniya at nagpumiglas pa ako at nagtagumpay naman ako at naka-alis sa kamay niya. Hinarap ko pa siya at saka ako inis na nagsalita.
“Listen! I want you to date me furtively,” saad ko sa matigas at pinal na tono. Nagtaka pa siya at inangatan ako ng kilay ngunit nang hindi ako sumagot ay umiling siya at nag-iwas tingin bago ibinalik ’yon at saka sumagot.
“Fine! let’s keep this date secret,” aniya na animo’y tinatamad. Kaya naman, medyo nakalma ako kahit pa sa kaloob-looban ko ay tutol ako.
Yari ako kay Max pag nagkataon, hmp. For sure, masasaktan siya. Pero wala naman kasi akong choice! Pag hindi ako pumayag, this asshole will surely spill my secrets. I just don’t want to let the cat out of the bag.
Hindi p’wedeng malaman ng ibang tao na may crush ako kay Sir. Alam kong p’wede ko naman siyang itanggi if ever na kumalat man ’yon. But, it will surely stained my reputation and that’s the thing I wanted to avoid.
I’m just hoping na matapos ito kaagad kahit na hindi ko alam kung paano..
Hindi na ako masyadong nag-isip at inaya ko na lang siyang samahan ako sa pupuntahan ko. Tutal, eto rin naman ang gusto niya.
Mirrem’s
Pov.
Mabilis na lumipas ang oras at ngayon ay alas-sais na. Madilim na rin ang kalangitan at nakangiti ko pang tinanaw iyon. Matapos no’n ay nagpakawala pa ako ng hininga at dumiretso na sa gymnasium dahil magsisimula na rin ang Acquaintance party na isinabay sa nutrition month celebration.
Mabilis akong nakarating do’n at umupo ako sa bleachers na malapit sa stage kung saan nakaupo rin ang mga co-teachers ko. Nang makita ko si Ms. Shiela ay agad akong tumabi sa kaniya.
“Uy sir, saan ka ba galing? Buti na lang at dumating ka na dahil magsisimula na ’yung opening,” panimula niya pa at nginitian ko naman siya saka ako umayos ng upo.
“Inayos ko lang yung mga papers ko. Mahirap na, baka ma-late ako bukas dahil hanggang 11pm pa naman din ’tong event,” tugon ko at bahagya pa siyang natawa. May pagtapik pa siya sa balikat ko at saka sumagot. “Ikaw na talaga sir! Napakasipag mo,” aniya at nginitian ko na lang siya dahil nagsimula na ring may magsalita sa stage. Tamad naman akong nakinig sa mga sinasabi niyang ’yon habang iginagala ang paningin ko sa paligid.
Maya-maya pa ay napalingon lang ulit ako sa stage ng meron na itong ipakilala.
“Let us all welcome! from the Student Music Organization. Max Ethan Garcia,” malakas na aniya at rinig ko naman ang palakpakan ng mga tao.
Mabilis naman siyang lumabas mula sa backstage at tutok lang naman ako sa kaniya. Nakangiti pa siya habang sinesenyasan yung dj at pinanood ko lang naman siyang gawin ’yon. Ang cute niyang tignan sa mala-90’s niyang outfit ngayon. White na longsleeve na naka-tuck in sa medyo light brown niyang slucks na may dark brown leather belt.
Maya-maya pa ay nagsimula na mag-play ang minus one kaya iilang ingay na lang ang maririnig.
NP: Catch Me I’m falling / Rachel Alejandro’s version.
I don’t know why
But when I look to your eyes
I feel something that seems so bright
Yun pa lang ang mga lirikong binigkas niya at halos kilabutan ako at mamangha sa ganda ng boses niya. Ibang-iba sa tono ng pagkanta niya kaninang umaga. Mas madamdamin ang pagkanta niya ngayon.
Catch me, I’m falling for you
And I don’t know what to do
Hindi ko alam pero bigla akong nalito at nakaramdam ako ng kung ano sa dibdib ko. Ako ba ang pinapatamaan niya?
Kahit na alam kong walang ibig-sabihin ang kanta ay pakiramdam ko ay pinapatamaan niya ako.
How can something so wrong
Feel so right all along?
Catch me, I’m falling for you
How can time be so wrong?
For love to come along
Catch me, I’m falling for you
Ano ba tong nararamdaman ko? Tanong ko pa sa isip. Nakatitig lang ako sa kaniya at nagulat ako nang lumingon pa siya sa gawi namin at pakiramdam ko ay sa akin siya nakatingin at tila ba sa akin niya sinasabi ang mga liriko ng kantang ’yon. Wala lang ’yan Mirrem. Wala siyang ibig-sabihin diyan.
How can love let it go
When it has no place to go
And I can’t go along pretending
That love isn’t here to stay
Catch me, I’m falling for you
Napayuko pa ako at napatakip sa tenga ng marinig ang huling linyang ’yon. Why do you make me feel this way? Nalilito ako.
How could I catch you? When I’m also falling for you, too? Ang sagot ng isip ko kaya naman natuktok ko pa ang sarili ko. Hindi ako nahuhulog sa kaniya, tss. I don’t even like him romantically.
Nang matapos ang kanta ay malakas na palakpakan, hiyawan at sigawan ang bumalot sa loob ng gymnasium. Sa lakas ng ingay ay kulang na lang na mag-collapse ang istrukturang ito.
“Diba studyante mo ’yan, sir? Ang galing niya!” aniya pa nito at tumango lang ako. Pumalakpak pa ako kunwari upang hindi naman siya mawirdohan sa akin. Tss, damn you! You always make me overthink.
Matapos no’n ay may ilan pang performances at hanggang sa oras na para sa sayawan. Naging dim ang lights at medyo madilim na. Agad naman naglakad paalis ang mga teachers dahil kailangan nilang puntahan ang kani-kanilang mga estudyante.
Kaya naman agad kong hinanap kung nasa’n ang mga estudyante ng section ko. Maswerte namang nahagilap at namukhaan ko ang iilan sa mga estudyante ko na nagsasayaw kaya agad akong lumapit sa kanila. At nang makalapit ako ay inilibot ko ang paningin ko at halos kumpleto nga sila rito.
At hanggang sa tumama ang paningin ko kay Max na naka-upo lang sa bleacher at nanonood sa mga nagsasayaw. Nilingon ko pa ang nakita kong nagsasayaw at medyo nagulat pa ako. I smell something is fishy.
CHAPTER 19
Max Pov
Nagsimula na ang acquaintance party at ngayon ay nagsasayaw na ang halos lahat ng mga kaklase ko. Pati si Shin ay kasayaw na si Harry. Ayaw pa nga sana ni Shin na pumayag nung ayain siya nito ngunit pinilit ko siya at pumayag din naman. Kahit may parte sa puso kong gusto ko sanang ako ang kasayaw niya ay alam kong hindi naman mangyayari ’yon.
Nakaupo lang ako ngayon dito sa bench habang nakatanaw sa kanila. Naisip ko pa bigla ang performance ko kanina at napapikit pa ako dahil do’n. Buti na lang talaga di ako pumalpak, maraming salamat po.
Habang naka-upo at nanonood sa mga nagsasayaw ay may naramdaman akong umupo sa tabi ko kaya agad ko itong nilingon. Si Sir Mirrem.
Hindi ko naman siya pinansin at ibinalik na lang ang tingin sa mga nagsasayaw. Mga ilang minutos pa ang lumipas ay nagtanong siya.
“Bakit hindi ka sumasayaw?” tanong niya at napasimangot naman ako. Hindi ba obvious? S’yempre walang umaya sakin magsayaw. At saka alangan naman na sumayaw ako mag-isa diyan sa gitna ng dancefloor e sweet song nga ang nagpe-play ngayon. Ewan ko rin ba sa acquaintance party na ’to, tinalo pa ang JS prom sa mga music choices.
Nilingon ko siya at saka ako tamad na sumagot.
“Pagod ako, e.” Pagsisinungaling ko at saka ko ibinalik ang tingin sa mga tao sa dancefloor. Nakita ko pa sa gilid ng mata ko na nilingon niya ako. Matapos no’n ay saka siya nagsalita.
“You should enjoy this night. You must dance,” aniya pa kaya nilingon ko siya. Mamaya
, pag may
nag-aya
.
Nginitian ko pa muna siya bago sumagot.
“Later, sir. Pag napalitan na ’yung music,” tugon ko at agad na gumuhit ang pagtataka sa mukha niya at tinaasan pa ako ng kilay.
“Why? don’t you like it?” tanong niya pa at napa-iwas tingin na lang ako at napapikit. Mukha ba akong makakasayaw ng solo kung ganyan yung tugtog? Di ko malaman kung sinasadya niya ’yan o sadyang bobo lang siya, tsk!
“Do you think I can dance alone with that kind of music?” pilosopong tanong ko pa at saka umirap sa kawalan. Ayan, napapa-ingles na tuloy ako. Ikaw kasi, sir. Paganahin mo naman yang brain cells mo ngayon. Alam ko namang matalino ka, e.
“Ayan lang pala pino-problema mo,” nakangiting tugon niya at saka tumayo at iniabot ang kamay niya sa akin. “Let’s dance, then?” dagdag niya pa at pinagalaw pa ang kilay niya.
Sinimangutan ko lang naman siya at hindi ’yon inabot at saka ako sumagot. “Baliw ka ba? bawal tayo magsayaw dalawa. Ayoko ng issue,” tugon ko at hinawi ang kamay niya at saka ibinalik ang tingin sa dancefloor.
Niyuko niya pa ako at iniharang ang mukha niya sa gawing tinitignan ko at nagsalita. “Sinong nagsabing bawal?” tanong niya pa at napakamot naman ako sa ulo sa inis.
“Wala! Ayoko lang ma-issue,” pigil ang inis na tugon ko at inirapan siya at nag-iwas ulit ng tingin. Sumagot naman siya at iniabot ulit ang kamay niya.
“Tara na, madali lang naman sabihin na isinayaw kita dahil wala kang kapares. Dali na!” aniya pa at iniharang ang kamay sa bandang mukha ko. Napa-isip din naman ako sa sagot niya at alam ko namang wala rin akong choice kaya pumayag na ako. At saka tama siya. Dapat kong i-enjoy ’to. Pero, paano si Shin? Dapat sila ni Sir ang partner, e.
Inabot ko ang kamay niya at inalalayan niya akong tumayo. Dinala niya ako sa gitna at siya mismo ang nagpatong ng mga kamay ko sa batok niya. Inilagay niya pa ang kamay niya sa baywang ko kaya halos magtayuan ang balahibo ko sa parteng ’yon. Nakakakaba naman ’to. Naghawak kamay naman na kami, pero iba pa rin pala ’pag ganito, jusme.
“Kung sino man ’yang iniisip mo, wag mo muna isipin. Mag-enjoy ka na lang muna,” aniya pa kaya tiningala ko siya at nakatingin na pala siya sa’kin.
At nung magtama ang mga mata namin ay parang may kung anong kuryente na dumadaloy do’n kaya napatingin ako ng deretso sa dibdib niya at saka sumagot.
“Sino naman ang iisipin ko?” tanong ko na lang kunwari kahit pa ang totoo ay iniisip ko si Shin at si Harry. Sana ayos lang din kay Shin na kasayaw ko si Sir ngayon. Hindi naman ako ang nag-aya, e. Pero pwede naman kami magswitch ng partners kung gusto niya, actually mas pabor yun sa’kin. wow naman, Max? para namang gusto ka ni Mirrem kung maka-
asta
ka..
“Yung crush mo,” aniya pa kaya kunot ang noong tiningala ko ulit siya. Nakatingin pa siya sa gawi kung nasa’n sila Harry at nakanguso. Inalis ko ang tingin ko sa kaniya at tumingin na lang din kila Harry at saka ako sumagot.
“Anong crush? sinong crush?” patanong na tugon ko pa at naramdaman kong nilingon niya ako kaya tumingin ako ulit sa kaniya.
“Tss. Si Harry,” tugon niya at nag-iwas tingin kaya naman halos manlaki ang mata ko. Teka? Paano niya nalaman? Aba’y? NASA KANYA SIGURO YUNG NAWAWALA KONG MINI-DIARY? O, pwede ring sinabi ni Shin???
Kaya naman kunot ang noo at masama ang tingin ko sa kaniya at saka ako nagsalita. Sa dami-dami nang pwedeng malaman tungkol sa akin, ’yon pa talaga. Tsk!
“Paano mo malaman? Sinabi ni Shin? O nasa sayo yung mga nawawalang gamit ko?!” tanong ko at ngingisi-ngisi niya akong nilingon habang nagsasayaw kami. “Actually..both,” tugon niya at napapikit ako sa inis. All this time, nasa kaniya lang pala ’yon. Halos mamatay pa ako sa kakahanap. Tas si Shin sinabi rin pala kay Sir na may crush ako kay Harry. Napakadaldal talaga!
“Ibalik mo ’yong gamit ko!” angil ko sa kaniya at inalis ang kamay kong nasa balikat niya. Mabuti na lang ay malakas ang tugtog kaya kahit na magsisisigaw ako ay hindi ako maririnig dito.
Bumuga pa siya ng hininga at ngumiti bago isinukbit ulit ang kamay ko. At saka siya sumagot. “Yeah, I’ll give it back. Okay?” aniya at wala akong maisagot kaya inirapan ko na lang siya at nag-iwas tingin. Nagpatuloy kami sa pagsasayaw ngunit lutang pa rin ang isip ko tungkol do’n.
Kung nalaman niya, posibleng pinagkalat na niya?! at pag nagkataon. Magkakanda-leche leche na ang buhay ko! Owemji! Noo!
“Baka naman ipinagkalat mo na ang nalaman mo, yari ka talaga sa’kin!” sambit ko at tinignan siya ng masama. At ngumuso naman siya bago sumagot. “Of course not!” depensa niya at tinignan ko siya at sinuri kung nagsasabi ba siya ng totoo.
“Subukan mo lang talaga. Makikita mo hinahanap mo,” pagbabanta ko at siningkitan siya ng mata. Suminghal pa siya at saka ngumuso. “Wala akong balak ipagkalat ’yon, tss!” aniya at nag-iwas tingin.
“Talaga?” paninigurado ko pa. Niyuko niya ako at saka sumagot. “Yes! baby ko,” tugon niya kaya sinamaan ko siya ng tingin. Aba’y gago to ah, pag may nakarinig talaga sa kaniya. Pektus sa itlog abutin niya sa’kin.
“Pag may nakarinig talaga sayo, sir! Humanda ka sa’kin!” pabulong ngunit madiin na sabi ko sa kaniya. At ngingisi-ngisi lang siyang tinignan ako at saka sumagot. “Joke lang,” aniya at natahimik naman na kami.
Inenjoy ko na lang ang moment na magka-sayaw kami. At aaminin kong nakakatuwa rin naman pala siya kahit papa’no. Isinayaw ako para lang mag-enjoy ako? Ayokong mag-isip ng iba, pero yun talaga ang naiisip ko nung mga oras na ’yon. Ano bang ipinapahiwatig mo, Sir?
Pero at the same time, naisip ko rin na mali iyon. Kaya kung sakaling meron na nga, sana pigilin at tigilan niya na lang kase alam ko namang alam niyang mali.
Nagpatuloy kami sa pagsasayaw hanggang sa mag-iba ang music. At hanggang sa napalitan na nga ito ng jolly na music.
Np: The ketchup song.
Agad kaming bumitiw sa isa’t-isa at saka sumayaw ng freestyle habang sumasabay sa beat. Maya-maya pa ay nagulat kami ng mabangga niya si Shin na nasa likod niya. Agad silang nagkatinginan at agad na gumuhit ang pagtataka sa mukha ni Shin bagaman nakangiti ito.
“Oh, sir? I thought you don’t like to dance?” takang tanong pa nito at nasa tabi niya naman si Harry. Agad naman sumagot si Sir sa kaniya habang nakangiti.
“Yeah, but Max doesn’t have a partner. That’s why I’m here,” tugon niya na itinuro pa ako ng banggitin niya ang pangalan ko. At papalit palit naman ang tingin ko sa kanila.
“Okay sir, can we join?” tanong pa nito at nilingon pa ako ni Sir at parang nahiya ako sa ginawa niyang ’yon kaya ako na ang sumagot kay Shin.
“Oo naman, tara!” tugon ko at saka kami nagsimulang sumayaw na apat. Katapat ko si Sir at ang katapat niya ay si Harry. Pero maya-maya pa ay si Harry na ang katapat ko at hanggang sa medyo nawala ako sa banda nila dahil napagitnaan nila si Shin.
Napahinto pa ako saglit habang pinapanood sila hanggang sa maramdaman kong may masakit na bumaon sa paanan ko. Aray!
Natapakan ako sa kanang paa ng isang naka-killer heels sa dancefloor. Leche naman talaga, oh!
Hindi na rin siguro napansin nila Shin na wala ako dahil abala sila sa pagsasayaw. Kaya naman umalis ako sa dancefloor at naupo sa bleachers. Agad ko itong tinignan at bakat na bakat ang pagkabaon ng heels sa sapatos ko.
Hinubad ko ito at kahit na medyo madilim ay kita kong medyo mapula ang parteng natapakan dahil sa maputi at matingkad ang aking balat. Sinubukan ko itong pisilin at napapikit ako. Leche naman kasi sa killer heels, e. Matapilok sana yung lecheng ’yon. Ayan nagkanda-leche leche na, ang sakit na ng lecheng paang ’to.
Nagpandekwatro akong upo at minasahe ko ang paa kong ’yon kahit medyo masakit. At wala pang ilang segundo na ginagawa ko ’yon ay nagulat ako nang lumapit si Sir. Mirrem at magsalita.
“Oh bakit ka umalis?” tanong niya pa at tiningala ko siya. Napatingin pa siya sa paa kong wala ng sapatos at hinihilot-hilot ko. “Oh, anong nangyari diyan?” kunot noong tanong niya pa.
Ibinalik ko naman ang tingin sa paa ko at saka sumagot. “Wala ’to. Bumalik ka na do’n,” tugon ko at sininghalan niya ako at agad na lumapit sa paa ko. “Anong wala? E, ang pula nga nito, oh? Anong nangyari dito? Natapakan ka?” usisa pa niya habang nakaturo at niyuko ang paa ko ngunit hindi ko ’yon pinansin at saka sumagot.
“Wala nga, sige na.. bumalik ka na do’n,” pigil ang inis na tugon ko pa na itinuro ang dancefloor. Ngunit hindi naman siya nakinig at sinagot ang kaniyang sariling tanong. Ang kulit naman nito, di na lang mag-enjoy sa pagsasayaw.
“Natapakan ka nga,” tugon niya sa sarili niyang tanong. Umupo pa siya sa tabi ko at marahang hinablot ang paa kong ’yon kaya napaayos ako ng upo.
Masama ang tingin ko sa kaniya kahit na hindi naman siya nakatingin sa akin at abala siya sa paghilot at pagsuri sa paa ko. Nakakahiya, baka mabaho pala yung paa ko. tsk!
Nang maka-ipon ako ng lakas ng loob ay inalis ko ang paa kong ipinatong niya sa tuhod niya at mabilis itong sinapatusan. Matapos no’n ay tumayo ako at tumayo rin siya.
“Bakit?” takang tanong niya. Ibinaling ko ang tingin sa dancefloor saka sumagot. “Masyado nang maingay at pagod na ako. Magsayaw ka na roon at uuwi na ako. Salamat,” tugon ko na taliwas sa tanong niya. Hindi ko na siya hinintay makasagot at mabilis ko siyang tinalikuran para umalis.
Hindi pa ako masyadong nakakalayo ay nahabol na niya ako at hinawakan sa pulso ko saka siya nagpa-umunang lumakad habang marahan niya akong kinakaladkad.
Sinabayan ko ang bilis ng lakad niya at pilit kong inaalis ang nakahawak niyang kamay sa’kin.
“Huy, sir! bitawan mo’ko. Baka mapagkamalan tayo nito, e.” maarteng sabi ko na may bahid ng inis. Nakakainis. Hindi imposible na mapagkamalan kaming ano nito, e. Pasalamat na lang talaga dahil dim ang lights at busy ang lahat sa pagsasayaw. Pero kahit pa na ganon, hindi ako dapat makompyansa dahil mahirap na. Baka bukas, suspended na ako.
Hindi siya sumagot at patuloy lang akong hinatak hanggang sa makalabas na kami ng gymnasium at binitawan niya rin naman ako. At sinamaan ko siya ng tingin matapos no’n.
“Ikaw, hindi ka ba natatakot na ma-issue tayo, ha? Sinabing wag mo gagawin ’yon pag maraming tao. Napakakulit mo!” angil ko sa kaniya. Pag siya naman kasi ang nawalan ng trabaho dahil sa ginagawa niya, ayos lang dahil mayaman naman siya. E, ako? pag na-suspended ako, yari ako sa nanay kong bungangera neto. Tsk!
“I’ll take you home,” seryosong aniya na hindi pinansin ang sinabi ko. At mas sumama ang tingin ko sa kaniya at gustong gusto ko siyang sigawan ngunit pinigilan ko. Napakakulit, ba’t ba siya ganyan?
“Ano ba? Ang kulit-kulit mo? Bumalik ka na lang do’n,” mahina ngunit madiin kong sabi na alam kong rinig naman niya dahil malapit naman kami sa isa’t isa. Blanko ang ekspresyon niya akong tinignan at saka siya nagsalita.
“Kanina mo pa ako pinagtutulakan. Ang ingay-ingay mo, para kang nakalulon ng mikropono. Wag ka nang makulit at iuuwi na kita,” seryosong sambit niya na kahit kalmado ay alam kong may bahid ng inis. Natahimik naman ako sa sinabi niyang yon at saka walang sabi-sabi na umalis at saka siya pinagmumura sa isip ko. Ako pa talaga ang makulit ah? Gagong ’to. Ako nga, sobrang tagal nang nagtitimpi sa kaniya, e. Siraulo.
Binilisan ko ang lakad ko, mas triple pa sa bilis ng lakad niya kanina. Subukan niya talagang humabol, basag betlog niya. At saka kung ayaw niya pala sa maingay, bat pa siya lapit ng lapit? As far as I remember, nilalayuan ko na nga siya, e.
Hindi naman nagtagumpay ang plano ko dahil mabilis niya rin akong naabutan. Palibhasa matangkad at mahaba ang binti.
Marahan niya akong hinablot at hinarap sa kaniya. Matapos niyang gawin ’yon ay agad akong nagsalita. “Oh? akala ko ba maingay at makulit ako? Ba’t ka pa humabol? Ang kulit mo rin–.” Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil agad niya akong pinutol.
“Sorry, I didn’t mean it like that. Hayaan mo na lang akong i-uwi ka. Dahil wala ka na ring masasakyan sa labas dahil alas-dyes pasado na,” tugon niya at kahit na blanko ang tingin ko sa kanya ay napaisip ako. Oo nga no. Sige na nga, bilang kabayaran sa pangbubwiset niya. Dapat niya akong ihatid, aba praktikal lang din ako. Ayokong maglakad ng kilo-kilometrong layo para lang makauwi.
Hindi naman na ako nakasagot dahil marahan na niya akong hinila at nagpatianod naman ako. Kanina ko pa napapansin, nakailang hawak na siya sa’kin.
Naglakad kami hanggang sa marating na namin ang sasakyan n’ya sa parking lot. Dinala niya pa ako sa tapat ng passenger’s seat at binuksan ang pinto. “Sakay,” utos niya na agad ko namang sinunod at siya na ang nagsarado no’n matapos kong maka-sakay. At saka siya umikot para sumakay sa driver’s seat.
Pagka-sakay niya ay agad niyang minani-obra ang kotse palabas ng skwelahan. Hindi naman na ako umimik pa dahil sa pagod at ayokong masabihan na maingay. Di naman ako maingay, no. Sadyang makulit lang siya kaya ako nangggagalaiti, charot.
Habang nasa byahe ay nakatingin lang ako sa bintana at medyo nakatalikod sa gawi niya. Nagulat pa ako ng bahagya ng bigla siyang magsalita at magtanong.
“Baby, are you mad?” tanong niya at nilingon ko naman siya. Nakanguso siyang nakatingin sa dinadaanan namin kaya ibinalik ko ang tingin sa bintana at bago ako sumagot. “Hindi,” blanko ang ekspresyon na tugon ko.
Hindi naman talaga ako galit, e. Naiinis siguro p’wede pa? Pero galit? parang di naman.
“No, sa tingin ko galit ka talaga. Sorry.. pero, hindi ko talaga sinasadyang sabihin ’yon. Nadala lang ako sa inis ko sayo,” aniya pa at kunot noong nilingon ko naman siya at gano’n din siya pero ibinalik niya agad ang tingin sa daan. Wow! ang galing! siya pa talaga nagalit sa’kin? E, siya nga tong ang lakas mambwiset. May pagka-pakshet din ’tong si sir, e.
“At ikaw pa talaga ang galit ah?” sarkastikong tanong ko pa kunwari at saka bumaling ulit sa bintana.
“Oo! kase bigla kang nawala kanina. Kung tutuusin, p’wede mo naman akong kalabitin at sabihin na.. ‘Sir, natapakan ako, uupo muna ako sa bleachers, ha’ pero hindi, bigla ka lang nawala.” tugon niya na animo’y ginaya pa ang tono at pananalita ko. Muntik pa akong matawa ngunit agad ko naman itong napigilan. Ba’t ba siya gan’yan? Kung maka-asta naman ’to, bakit? sino ba siya sa buhay ko? tsk, haha.
“E, bakit ko naman gagawin ’yon?” kunwaring tanong ko pa ulit. Di ko talaga gets, e. Ba’t ko pa kelangang sabihin sa kaniya? lol.
“Because, you’re my responsibility. Kung mapa-ano ka ro’n at anumang mangyari sa’yo ay obligasyon ko,” tugon niya. Nakuha ko naman ang sagot niyang pero bakit? Paanong obligasyon? aish! Pauso rin ’to minsan si sir, e.
“Ha?” taka kunwaring tanong ko. At bumuntong hininga siya.
“I’m always accountable of you. I will always be,” tugon niya pa na mas lalong nagpagulo sa isip ko. Ha? Bakit? Sa paanong paraan?
“Bakit mo naman nasabi? Ano ba kita?” nakangiti ngunit seryosong tanong ko pa. Ano nga ba kita, sir? Minsan ang labo mo rin, e. Mas malabo pa minsan sa blurred.
“Tss! you’ll know soon who am I to you,” tugon niya at halos di naman ako makapaniwala sa sinabi niyang ’yon. May pa-ganyan pa, bali-baliktarin man ang mundo. Teacher ko lang siya, ano bang pinagsasabi niya?
“Teacher lang naman kita. Anong pinuputok ng butchi mo diyan?” pabulong na sabi ko na narinig niya. Suminghal pa siya ulit bago sumagot.
“I’m your baby too,” mahinang tugon niya na sakto lang para marinig ko. Nilingon ko siya at inirapan kahit pa wala sa akin ang paningin niya bago ako nagsalita. “Talagang pinanindigan mo ’yan, ah?” sarkastikong tanong ko pa kunwari.
Pinapangatawanan niya masyado ’yan. Ang sabi niya wala siyang gusto sa’kin pero ba’t ganyan ang ipinapahiwatig niya? Pero hindi, e. Ay! baka nang-aasar lang dahil iniwasan ko siya ng matagal. Oo, baka nga, may saltik ’yan, e. S’yempre gaganti ’yan. Tsk!
Hindi naman na kami nag-imikan hanggang sa makarating na kami sa kanto namin. Agad ko siyang nilingon at saka ako nagsalita.
“Salamat sa paghatid, sir. Ingat ka sa pag-uwi,” saad ko at akmang bubuksan na sana ang pinto ngunit nahinto ako dahil agad siyang sumagot. “Di mo na ako iiwasan bukas, ah?” tugon niya at bigla kong naisip ang napag-usapan namin. Siyenpre di ako iiwas, no. Baka pag ginawa ko ’yon, bigla siyang atakihin ng saltik niya at ipagkalat niya ang sikreto ko. No way!
“Yup! hindi na,” tugon ko at mabilis na bumaba sa sasakyan. Agad ko itong isinara ngunit may sinabi pa pala siya na hindi ko narinig. Ibinaba niya ang side window at mabilis akong tinawag.
Taka ko siyang nilingon at saka ako nagtanong.“Bakit?” at umirap pa siya bago sumagot. “I said goodnight,” tugon niya at taka naman akong tinanguan siya. E, ano naman?
“Okay, sige na. Umuwi ka na,” sabi ko at bakas ang pagka-pikon sa mukha niya.“Where’s my goodnight?” aniya pa at napapikit ako sa inis at naalis pa ang tingin sa kaniya na agad ko rin namang ibinalik. “Ang kulit mo naman. Goodnight na at ingat ka pauwi,” pigil ang inis na tugon ko at nginitian pa siya at ganun din naman siya.
“Okay, baby. See you tomorrow,” aniya pa at tumango lang ako. Nang isarado na niya ang bintana ay agad na akong tumalikod.
Narinig ko pa ang papalayong tunog ng sasakyan niya habang naglalakad ako pauwi. Hindi ko naman na pinansin ’yon at pumasok na sa loob ng bahay namin.
CHAPTER 20
Mirrem’s
Pov.
Maaga akong nagising dahil sa malakas na ulan. Tamad pa akong bumangon dahil sa pagod dulot ng mga activities at nangyari kahapon.
At habang nakapikit ang mga mata na papunta sa cr ay biglang pumasok sa isip ko ang nangyari kagabi. At agad na lumitaw ang ngiti sa aking labi. Hindi na nga pala niya ako iiwasan ngayon, takot niya lang. Tss. Nasa akin ang alas, Max.
At na-realized ko rin ang mga pinagsasabi ko kagabi. Aish, baka mamis-interpret niya ako. Ba’t ba kase nasabi ko ’yon? Nainis lang naman ako, e. Tss!
Nakasimangot pa akong pumasok sa cr at agad na naligo. Pagkatapos ay agad akong nag-isip at bigla kong naisip ang jacket ni Max. Nice one! masusuot kita ngayon.
At bigla ko ring naisip ang mga gamit niyang nasa akin kaya naman agad kong inihanda iyon matapos kong magbihis. Pagkababa ko ay nakahanda naman na ang baon ko kaya naman agad na akong sumakay sa kotse ko at minani-obra ito patungong skwelahan.
Nang marating ko ang skwelahan ay ipinarada ko naman muna ang kotse ko sa parking lot at saka bumalik sa gate para do’n siya hintayin. Malapit na siguro ’yon, alas-sais diyes na, e.
Hindi naman ako nagkamali dahil ilang minutos pa ang lumipas ay nandiyan na siya at naglalakad habang nakapayong at bitbit ang cooler box na madalas kong makitang dala niya. Hindi niya naman agad ako napansin dahil abala siya sa pagkontrol sa payong na tinatangay ng bumabayong hangin. Mumurahin siguro ’yang payong niya na ’yan.
Nang medyo malapit na siya at mukhang lalampasan na naman niya ako ay lumapit na ako. Bakas pa ang gulat sa mukha niya nang makita ako ngunit hindi ko na pinagtuunan ng pansin ’yon at nagsalita.
“Give me that,” utos ko at itinuro ang cooler box. At taka siyang sumagot. “Ha? Bakit?” tanong niya ngunit hindi ko ’yon pinansin at saka nagsalita.
“Just give it to me and hold this,” senyas ko sa paper bag at ibinaba naman niya ang cooler box at kinuha sa akin ang paper bag. Agad ko namang binuhat ang cooler box at nilingon siya at saka inutusan. “Fold your umbrella and hold this,” utos ko pa at iginalaw ko pa ang kamay ko na may hawak sa payong.
Kahit bakas ang pagtataka ay hindi naman siya nagrereklamo kaya medyo napalingon ako sa kaniya at sinuri siya. Anong nangyari dito? Sanay ako na maingay siya pag marami akong sinasabi, tss.
“Anyways, good morning. Nandiyan na rin pala lahat ng gamit mo,” saad ko pa patungkol sa hawak niyang paper bag. Nilingon naman niya ako at tipid siyang ngumiti. “Thanks and good morning din,” tugon niya at saka ibinalik ang tingin sa dinadaanan namin. Ang tahimik talaga niya, tss. Dahil kaya to sa mga nasabi ko kagabi?
“Why you’re so silent today?” tanong ko at nag-pout pa pagtapos. Nilingon naman niya ako ulit saka ngumiti ng tipid bago sumagot. “Wala, pagod lang dahil sa event kahapon,” tugon niya at saka nag-iwas tingin. Yeah, he’s just tired. Don’t overthink, Mirrem. Relax..
“Hmm, I see. Siya nga pala, sabay tayo maglunch ha. I brought some extra foods,” Aya ko pa at taka naman siyang tumingin sa akin at bumagal ang paglakad namin. “Ha? Lunch?” takang tanong niya at nakunot din ang noo ko. “Yeah, why?” patanong din na tugon ko sa kaniya.
“Sir, uuwi ako ng lunch time,” aniya at agad naman akong nagtanong.“Why?” tanong ko pa at agad na gumuhit sa mukha niya ang pagkalito. “Sir, anong bakit?! Uuwi ako dahil hindi naman na ako kasama sa remedial,” tugon niya na siyang ikinagulat ko. What? Aish! Oo nga pala! Isa nga pala siya sa mga pumasa. Tss, I hate this remedial now.
“So, I guess. I’ll be eating alone again for the rest of the week,” malungkot kunwaring sagot ko nung makabawi ako. “Andiyan naman si Shin, ah? Diba sabay naman kayo kumakain?” aniya pa kaya nag-iwas tingin ako at saka sumagot.
“Hindi naman na ako bumalik sa Stress Free Zone simula nung araw na hindi ka na sumabay sa’min,” tugon ko at bakas ang gulat sa mukha niya at saka siya nagtanong.
“So, all this time. Hindi pala kayo nagsasabay ni Shin? Edi sa’n ka pala kumakain?” usisa niya at kaswal naman akong sumagot habang nakatingin sa daan. “Edi sa faculty,” tugon ko at tumango lang naman siya kaya nagsalita ulit ako.
“Kaya rin siguro medyo tahimik ka ngayon..dahil yung crush mo nasa remedial tas ikaw..wala,” pang-aasar ko pa nang maalala kong nasali sa remedial si Harry.
Actually maraming napasali sa remedial sa section nila that time, more than 5 I guess? Hindi ko alam kung hindi ba nagreview o sadyang nakuha lang nila yung test paper na may mahihirap na questions.
Ngumuso pa siya bago sumagot. “Hindi, ah!” tanggi niya at pinigilan kong matawa. Defensive naman neto, haha. Parang inaasar lang, e.
Isinara naman na niya ang payong dahil narating na namin ang building nila at nakaliko na kami.
“P’wede namang mag-volunteer ka na lang sumali sa remedial para makasama mo siya,” pangungumbinsi ko pa kunwari sa kaniya at inismiran niya lang ako. Para rin sabay tayo maglunch, sayang yung pagkain ko, e. Di ko ’to mauubos sa dami, tss.
“Ayoko nga! nakakapagod kaya ’yon. Gusto ko maaga akong maka-uwi,” tugon niya pa at napanguso ako. Hays.
“Fine, edi sa break time na lang. Sabay tayo,” tugon ko at nilingon niya ako at sinamaan ng tingin. “Aba? ’di ba may usapan tayo tungkol dito?” aniya at naalala ko naman ang usapan namin noon. Sus, ikaw nga di mo tinutupad mga sinasabi mo, e.
“Ayaw mo?” nakangiti ngunit seryosong tanong ko rin sa kaniya at matigas at angat noo siyang sumagot. “Oo! ayaw ko,” aniya pa at inangatan pa ako ng kilay. “Ayaw mo talaga?” makahulugan ko pang tanong ulit. Pag di ka pumayag ipagkakalat ko talaga sinong crush mo.
“Ayoko nga,” inis na tugon niya at ngingisi-ngisi akong tinignan siya saka sumagot. “Okay,” nakangiting tugon ko at nagpa-umunang lumakad patungong classroom.
Nang makarating ako sa classroom ay papalapit na rin naman siya. Hinintay ko siya at nung magkatapat kami ay yumuko pa siya at bumuntong hininga bago ako tignan at nagsalita.
“Sige na! pumapayag na ako. Sabay tayo ngayong breaktime,” aniya at napangiti ako. Mukhang na-gets niya ang logic, haha. Nasa akin talaga ang alas.
“What makes you changed your mind? I thought you don’t–” hindi pa ako natatapos magsalita ay pinutol na niya ako. “Eh kase..naaamoy kong may gagawin kang mabahong plano,” makahulugang aniya at inosente kunwari akong tinignan siya. You got it right, Max. Ano ka ngayon? haha.
“Ako? wala ah,” inosente kunwaring tugon ko at sinamaan niya lang ako ng tingin. “Wala wala ka pa diyan, sige na. Mamayang break time sabay tayo. Akin na ’yan,” aniya at iniabot sa akin ang payong at kinuha ang cooler box. Hinintay ko pa siyang lingunin ako at saka ko siya nginitian.
“See you later. Sa Stress Free zone,” saad ko at ngumiti. Nginitian niya rin ako ng tipid at nginitian bago sumagot. “Yup,” tugon niya.
Matapos no’n ay mabilis pa sa hangin akong umalis at nagtungo sa faculty nang may ngiti sa labi.
Max Pov.
Ngayon ay narito ako sa classroom at nagbabasa-basa. Ngunit walang ibang pumapasok sa isip ko kung hindi ang napag-usapan namin ni Sir kani-kanina lang.
Ayoko naman talaga sanang pumayag dahil for sure talagang mapag-hihinalaan na kami nito. Ayoko ng issue, sa totoo lang. Kaso, ayoko ring ilantad niyang crush ko si Harry. Di natin alam baka bigla siyang topakin at ipagkalat ’yon. Yung mga ganong ngisi niya alam ko na yun, e. May ipinapahiwatig na may gagawin siyang hindi maganda, tsk!
At pag nagkataon na ipagkalat nga niya na crush ko si Harry, nakakahiya ’yon. Mamaya pa niyan, bigla akong iwasan ni Harry. Ayoko namang mangyari ’yon, no! Ikamamatay ’yon ng puso ko.
Mga ilang minutos pa ang lumipas ay halos makumpleto na kami sa classroom at halos mabugbog ako sa pagbati at papuri nila patungkol sa aking solo performance kahapon. Ang pa-plastik, ang tagal-tagal ko nang nagpe-perform sa student music organization pero ngayon lang yata ako nakatanggap ng ganitong mga papuri.
Agad pang lumapit si Rhaine sa akin kaya naman nginitian ko siya. Umupo pa siya sa upuan ni Shin at saka nagsalita.
“uy, ang galing mo kahapon, ah! Di ko alam na magaling ka palang kumanta,” aniya at peke akong ngumiti at nagpasalamat. “Thank you! ’di naman. Marunong lang talaga ako kumanta,” pa-humble kong sagot. Mapapasok ba ako sa student music organization kung di ako marunong kumanta? Di rin nag-iisip, e.
“Anyways, I’m here to ask about Shin. Totoo ba yung rumors na mag-syota sila ni Sir. Mirrem?” tanong niya pa at nanlaki ang mata ko. What? May ganyang chismis pala dito sa school? Gosh!
“Sa’n mo narinig ’yan?” kunot noong tanong ko rin at lumapit pa siya sa akin para bumulong. “Actually..kalat na ’to sa buong school,” tugon niya at napatakip pa ako sa bibig dahil hindi ako makapaniwala.
“Kaya nga narito ako to ask you. Matagal ko na ’to gustong itanong kaso masyado tayong busy lahat. Sila ba talaga ni Sir. Mirrem?” tanong niya pa at kunot noo akong umiling. “Hindi,” tugon ko. At bigla akong napa-isip. For sure, matutuwa pa si Shin pag narinig niya ang chismis na ’to.
“So the rumors are fake. I knew it!” aniya pa at nagpatuloy naman kami sa pag-uusap.
Hanggang sa magkasunod na pumasok si Shin at si Harry. Nauna si Shin at sumunod si Harry na tinignan pa ang nakatalikod na si Shin at patungo rito sa upuan niya. Nagkasabay kaya sila?
Pagka-upo ni Shin ay agad siyang nagsalita. “I’m grounded. I can’t use my car. Kinailangan ko pa tuloy maki-sabay kay Harry,” saad niya at gulat ko siyang nilingon at tinanong. “Nagsabay kayo ni Harry?” tanong ko at tamad siyang sumagot at ngumuso. “Yeah, nakakainis nga e. Ang tagal bago niya ako nasundo. Muntik pa tuloy kaming ma-late!” aniya na may bahid ng inis ngunit hindi ko na iyon pinansin.
Hindi na rin naman ako sumagot pa dahil mukhang wala siya sa mood makipag-usap. Nag-isip isip na lang ako at nagmuni-muni. Paano kaya pag ako ang sinundo ni Harry? hehe. Ang swerte talaga ni Shin. Minsan tuloy hindi ko maiwasang hindi hilingin na sana ako na lang siya.
Naputol lang ako sa aking pagmumuni-muni nang dumating na ang teacher namin ngayon para sa unang subject.
Agad naman akong nakinig sa mga diskusyon niya at nabigla ako dahil hindi ko alam na magbibigay din siya ng quiz ngayon. Buti na lang ay nakinig ako kaya hindi ako nahirapan. Gano’n din sa sumunod na subject kaya naman parang pagod na pagod ang mga braincells ko. Ang hectic naman pala ngayong araw, di ako na-inform. Di man lang pinatawad, binigla ang mga students.
Ngayon ay oras na para magtinda kami kaya naman agad akong lumapit kila Shin at nagtanong ako.
“So, sinong makakasama ko ngayon? Teka, ba’t kulang tayo? Nasa’n si Ronald?” tanong ko pa at agad na sumagot si Xavier. “May family matter sila kaya absent siya,” tugon nito.
“So, sinong makakasama ko?” tanong ko ulit at agad na nagprisinta si Xavier. “Ako na lang. Si Shin saka si Harry tas ikaw at ako,” aniya at sumang-ayon din naman sila Shin at Harry. Naninibago ako sa pagiging tahimik ni Shin ngunit hindi ko na ’yon pinansin. Ano kayang problema no’n? Red days kaya? Well, alam ko ang feeling niyan, charot.
Nag-paalam na kaming apat sa isa’t isa. Ganun ulit ang nangyari, kami ni Xavier ang nagtinda sa palamig. Nakakapag-taka nga rin siya, e. Kase may pa-volunteer na ang lolo n’yo.
“Max, saan tayo magtitinda?” kaswal na tanong niya at nakangiti. Ang bait naman nito? Parang nawala yung pagiging suplado vibes niya.
“Uhm, doon na lang sa building na ’yon. Nando’n yung fansclub mo, e. Diba?” pabiro kong sabi at tumawa naman siya bago sumagot. “Nako, ikaw nga ang sikat, e. Ang galing mo kahapon. Ang ganda ng boses mo,” aniya at nag-iwas tingin pa siya. Nangiti naman ako sa papuri niya kaya nagpasalamat ako.
“Salamat. Sige na, tara na do’n. Para matapos na tayo agad,” Saad ko at ngumiti naman siya. Ngunit bago pa ako maka-lakad ay pinigilan niya ako at kinuha sa kamay ko ang jug. “Akin na ’yan. Ako na ang magbubuhat.. dahil hindi bagay sa’yo ang pinagbubuhat ng ganito,” aniya pa habang nakayuko at abala sa paghawak sa jug at nginitian niya ako matapos no’n.
At napa-awang ang labi ko at nakunot ang noo ko dahil sa treatment niya sa’kin. Anong nakain no’n? Ba’t siya ganyan? Ang weird naman no’n.
Sumunod lang naman ako sa kaniya at halos hindi ako nahirapan dahil nang simulan niya magbenta ay tiga-abot lang ako ng baso sa kaniya. At siya na mismo ang kumukuha ng bayad, nagsusukli at nagsasalok.
Kaya naman hindi ako masyadong naging abala hanggang sa may narinig akong nag-uusap habang naglalakad ang mga ito nang mabagal kung saan kami nagtitinda. Hindi naman gano’n kalakas ang mga boses nila, sakto lang para marinig ko.
“Do you know Shin? The korean model? There’s a rumor that she’s dating one of the prof’s here in campus,“sambit nung isang babaeng short hair. At napatakip pa sa bibig ang kasama niya.
Sa tingin ko naman ay nasa third year level sila. Nagpatuloy naman ako sa pakikinig.
“Yeah, at ang worst is, nakita sila kagabi..dancing together with Harry,” dagdag pa nung isa at gumegewang pa ang ulo habang nagsasalita. Sinundan ko lang naman sila ng tingin hanggang sa makalayo sila. Totoo nga, kalat na nga sa campus. Hindi ’to maganda para sa image ni Shin. tsk! Siraulo din kase ’tong si sir, e. Kung di niya sinimulan ’yang baby-baby na ’yan, edi sana ayos ang lahat.
Hindi na ako masyadong nag-isip pa at tinulungan na lang si Xavier magtinda. Nang matapos kami ay nag-ngitian pa kami at saka siya nagtanong habang naglalakad kami pabalik ng classroom.
“Max, can you join me this breaktime. Let’s eat together?” panimulang tanong niya at nginitian pa ako. Taka naman akong tinignan siya habang hawak ko ang jug na wala nang laman kundi yelo.
“Bakit?” tunog supladang ani ko at mukhang nailang siya at saka siya sumagot. “Hindi ba p’wede? May magagalit ba?” tanong pa niya at mas nakunot ang noo ko at nagsalita.
“P’wede naman, pero ba’t ako? Wala ka bang ibang p’wedeng ayain?” tanong ko pa ulit. Bakit kase ako? Pwede namang mga kaklase namin.
“Marami naman akong p’wedeng ayain. Pero gusto ko, ikaw.” Aniya at pinag-taasan ko siya ng kilay. Ayokong mag-assume pero tama ba ang pagkaka-intindi ko? Leche naman. Ang ganda ko talaga, charot.
“Ha? Ako? Bakit?” tanong ko pa habang nakaturo sa sarili ko. Ngumiti naman siya at halos maningkit at mawala ang mata niya sa ngiting ’yon.
“Why not? Wala ka namang boyfriend, diba?” tanong niya pabalik at doon nagsimulang manikip ang dibdib ko at bumilis ang tibok ng puso ko. Nang go-goodtime ba siya? O totoo ’tong mga sinasabi niya?
“Are you confessing?” prankang tanong ko at natawa naman siya. “Isn’t it obvious that I like you?” tugon niya at napahinto ako sa paghinga. Ano daaaw? Totoo ba ’to? Ang anak ng isang gobernador? May gusto sa’kin? Ayokong maniwala na maganda ako pero parang eto na ang proweba, charot.
“Nahiya tuloy ako,” tugon ko nang makabawi at yumuko pa at inilagay sa likod ng tenga ko ang takas na kulot kong buhok. “Don’t be. Ako nga ang nahihiya sa’yo, e.” aniya pa.
“Pero paanong nangyari?” takang tanong ko pa habang naglalakad kami ng mabagal. Napakamot pa siya sa sintido at nginitian ako bago sumagot. “Actually, sobrang humanga talaga ako sayo kahapon. Ang galing mo kasi kumanta. Tignan mo pati puso ko nabihag mo,” aniya at natawa sa sinabi niya. At may kung ano sa dibdib ko ang gumagalaw ngunit hindi ko ’yon pinansin at nanatiling seryoso ang tingin sa kaniya.
“Eh, paanong nangyari? E, sa pagkakaalam ko, straight ka?” Takang tanong ko pa at agad siyang sumagot. “Says who? Bisexual kaya ako,” tugon niya at nanlaki ang mata ko dahil sa gulat. Omy! totoo ba ’to? First time ko magkaroon ng classmate na bisex. gosh!
“Ow!” tanging nasambit ko. Ngumiti pa siya at saka nagsalita. “Tara na, kain tayo. Nagugutom na ako,” aniya kaya naman binilisan namin ang lakad pabalik ng classroom. Pagkatapos no’n ay sabay naming tinungo ang canteen.
“Anong sayo? treat ko na,” aniya pa at hindi ko napigil ang mangiti. Ano ba naman ’tong lalaking ’to, masyadong gentleman. At sino ba naman ako para tanggihan ang anak ng isang gobernador, diba? syempre gora na!
“Sandwich na lang saka iced coffee,” tugon ko at tumango naman siya at ayon ang inorder. Matapos no’n ay sabay kaming naupo at kumain.
Maya-maya pa ay natapos din kaming kumain at tumambay pa kami roon.
“Buti na lang talaga at pumayag ka sumabay sa’kin,” aniya pa at nakangiti ngunit bakas ang pagtataka sa mukha ko naman siyang nilingon.
“Bakit?” tanong ko pa at ngumiti naman siya bago sumagot. “Kase akala ko talaga kanina.. tatanggihan mo’ko,” tugon niya at nginitian ko siya.
“Walang makaka-tanggi sa’yo, Xavier.” saad ko pa at nangiti naman siya. “Hindi rin, ah. Marami-rami na rin kaya. Dahil siguro sa.. hindi ako sikat,” pa-humble pa niyang sagot at inirapan ko siya. ’yan ba yung hindi sikat? Yung may mga babaeng halos magwaldas ng pera makapag pa-pic at makayakap lang sa kanila? Tsk!
“Neknek mo. Sikat ka kaya,” Pang-aasar ko at natawa naman siya at matapos no’n ay sumeryoso siya at saka nagsalita.
“Pero anyways, Max. Thank you talaga sa pagsabay sa’kin ngayong breaktime,” aniya at may biglang pumasok sa isip ko at nanlaki ang mata ko. Patay! si Sir. Lagot ako neto! naghihintay yun panigurado.
Kahit kinakabahan ay hindi ko ’yon ipinahalata kay Xavier at saka siya tinanong kunwari.
“Anong oras na?” tanong ko at tumingin siya sa wrist watch niya at saka ako sinagot.
“9:50am na,” tugon niya kaya mabilis akong tumayo at nagsalita para magpaalam.
“Uhm, Xavier. Mauna na ako ha? May pupuntahan lang ako saglit,” ani ko at pumeke ng ngiti. Sana naman, nando’n pa siya. Yari na naman ako neto.
“Tara, samahan na ki–” hindi ko na siya pinatapos dahil inunahan ko na siya. “Hindi na. Ako na lang. Salamat nga pala,” pagputol ko sa kaniya at kinawayan pa siya at mabilis na nilisan ang canteen at tinungo ang Stress Free Zone.
Habang papunta ro’n ay nakasalubong ko siya at mukhang papaalis na. Huminto siya nang makita ako kaya nilapitan ko siya. Blanko ang ekspresyon niyang nakatingin sa akin
“You’re late,” aniya at napanguso ako.
“Sorry, inaya kasi ako ni Xavier.” Tugon ko at suminghal siya.
“Choosing him over me? okay,” tugon niya at akmang aalis ngunit pinigilan ko siya at iniharang ko pa ang kamay ko sa magkabilang gilid.
“Sorry na! babawi ako,” saad ko pa at walang emosyon niya lang akong tinignan at sinagot. “No,” tugon niya at akmang aalis ngunit agad ko siyang hinarangan.
“Sige na baby, please!” pagpapa-cute ko. Ang hirap naman suyuin nitong bakulaw na’to. Pero kelangan, baka biglang isiwalat niyang lahat ng nalalaman niya. Mahirap na, huhu.
“No need. Umalis ka sa dadaanan ko,” malamig ang tonong sabi niya pa at kinuha ko ang kamay niya gamit ang dalawang kamay ko at inalog-alog ’yon na para akong bata na hindi napagbigyan sa gusto.
“Baby, sige na. Babawi ako… sabay tayo ngayong lunch,” saad ko pa at ngumuso. Bumuntong hininga lang siya at tinignan ulit ako sa mas malamig na paraan. “H’wag na,” aniya pa at akmang aalisin ang pagkakahawak ko sa kaniya ngunit mas hinigpitan ko ang hawak ko ron.
“Please! baby ko, please!” Pakiusap ko at tinitigan siya sa mata. Nag-iwas tingin naman siya at suminghal ulit bago sumagot.
“Fine! Sabay tayo ngayong lunch,” Inis na sabi niya kaya nangiti ako. “Yes! baby ko,” nakangiting ani ko at inirapan niya ako.
“Baka naman hindi mo ako siputin? Tss,” aniya at natawa ako nang samaan niya ako ng tingin. “Sisiputin kita. Babawi nga ako, diba? Baby ko,”
Huminga pa siya ng malalim bago nagsalita ulit para sumagot. “Okay, sige na. See you sa math class,” tugon niya sa mas malambing na paraan. Nginitian ko naman siya saka ko binitawan ang kamay niya.
Mabuti na lang din ay walang halos tao sa parteng iyon ng Stress Free Zone kaya nang mawala siya sa paningin ko ay pumunta na ako sa room. Buti na lang talaga magaling ako manlambing, tsk!
Pagkabalik ko sa classroom ay agad akong umupo sa upuan at nakita kong nilingon ako ni Xavier na kalinya namin sa likuran ngunit nasa ikalawang row siya katabi ni Harry.
Nginitian niya ako at kinawayan at nginitian ko rin naman siya pabalik. Matapos no’n ay napaayos ako ng upo dahil saktong sakto ay biglang dumating si Sir. Mirrem.
Mabilis naman niyang sinimulan ang pagtuturo at halata sa kaniya ang pagiging seryoso at wala sa mood. Talagang dinamdam niya yon? Isip bata talaga.
Maya-maya pa ay mabilis na tumakbo ang oras at natapos ang subject niya. Napagalitan pa nga niya si Xavier dahil nahuli niya itong sinisitsitan ako. Baliw din kase ’tong si Xavier, e. Ayan tuloy napagalitan nung bakulaw slash pouty lips.
Medyo hectic talaga ang araw na ’to dahil pati ang last subject ay nagbigay din ng quiz. Kaya sobra ang pasasalamat ko nang matapos na ang subject na ’yon.
Bago pa ako lumabas ng classroom ay nagpaalam na ako kila Shin, Harry at Xavier dahil nga kasali sila sa Remedial. Lima yata sila mula sa aming section na nasali sa remedial ngunit hindi ko na inisip ’yon at lumabas.
Bigla ko kasing naisipan na bilhan siya ng pagkain o inumin man lang bilang peace offering. Ngunit halos puro mamahalin naman ang tinda dito sa tapat ng school na ito. Mabuti na lang ay may nakita akong ihawan at nagtitinda ng kwek-kwek. Tamang-tama may beta max at barbecue, hehe.
Pagkabili ko no’n ay agad akong bumalik sa loob ng campus at dumiretso sa Stress Free Zone.
Natanaw ko siyang nakaupo na sa bench na madalas naming upuan kaya nakangiti akong naglakad papalapit sa kaniya.
Nakita ko pa siyang nakatingin sa wrist watch niya at nang makita niya ako ay inis siyang nagsalita.
“Akala ko hindi ka na naman sisipot,” aniya at umirap saka nag-iwas tingin.
“P’wede ba ’yon? E, may peace offering pa nga ako para sa baby ko,” tugon ko at ipinakita sa kaniya ang naka-supot na barbecue at ang nakaplastic cup na kwek-kwek.
Taka niya pa ’yong tinapunan ng tingin at ibinalik sa akin. “Ano ’yan?” tanong niya at nakangiti akong sumagot. “Edi streetfoods,” tugon ko at umupo sa tabi niya.
“Kain na tayo,” saad ko pa at ako na mismo ang naghanda ng baon niya at pinanood niya lang akong gawin ’yon. Matapos no’n ay iniabot ko sa kaniya ang baso na may kwek-kwek at inutusan siya. “Tikman mo,” utos ko.
“What is this?” tanong niya at sumagot ako. “Kwek-kwek,” tugon ko at saka niya ito tinikman at matapos niyang nguyain ’yon ay bakas sa mukha niyang nasarapan siya.
“Ow..this is delicious,” aniya pa at sumagot ako. “Oum, masarap talaga ’yan. Itlog ng pugo ’yan,” tugon ko at tumango naman siya.
Kinuha ko naman ang isang stick ng Betamax at iniabot ’yon sa kaniya. “Oh, eto naman.” At taka naman niya ’yong tinignan at kinuha at saka siya nagtanong.
“What’s this?” tanong niya at sumagot ako. “Betamax,” tugon ko at nagsalubong ang kilay niya at nagtanong ulit.
“Betamax?!” takang aniya at inis akong sumagot. “Dami mong tanong. Tikman mo na lang,” tugon ko at agad naman niyang sinunod.
“Ow, it’s weird but it’s delicious. Is it a meat?” tanong niya at pinigil ko ang sarili kong matawa at saka seryosong sumagot. “Dugo yan ng manok na marinated,” tugon ko at bakas ang pandidiri niya do’n at mabilis niyang inabot sa’kin ang betamax.
Inis pa siyang nagsalita. “Why did you feed me with that chicken marinated blood? It’s gross,” Aniya at sinamaan ko siya ng tingin at saka sumagot. “Alam mo ang arte mo! kung ayaw mo nito? Edi wag, hindi naman kita pinipilit. At saka akala mo ba mauulit pa ’to? Hindi na! hindi ko na ’to gagawin ulit,” pangongonsensya ko kunwari at natahimik naman siya habang salubong ang kilay.
Ilang segundo pa ay binawi niya sakin ’yon “Give me that,” aniya at nang makuha niya ay nilantakan niya ’yon. Wow, mukbang ’yan?
Hindi naman na kami nag-imikan at sinubuan ko na lang din siya ng baon niya at gano’n din ang ginawa niya.
Ginawa ko ’yon para naman mas makonsensya siya at hindi na maisipan pang ipagkalat ang sikreto ko. Diba? ang galing ko? haha.
Matapos naming kumain ay sumandal pa siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. Kaya naman nangiti ako at tinanong siya.
“Di ka na galit?” tanong ko at umiling naman siya kaya mas nangiti ako
“Busog ka naman ba?” tanong ko pa at umalis siya sa pagkakasandal sa akin at nilingon niya ako.
“Yes, baby ko.” Tugon niya at mas isiniksik pa ang kamay naming magka-krus.
“Good,” tanging nasabi ko at nagsalita naman siya. “Ang sarap nung kwek-kwek, baby ko. Kain tayo ulit ng ganun,” sambit niya at nangiti ako ng tipid dahil do’n habang nakatingin sa kung saan.
“Sure,” tugon ko at agad siyang nagsalita ulit. “Hmm…date tayo tas kain tayo nu’n,” aniya na siyang ikinagulat ko. Seryoso ba siya do’n, siraulo to, ah.
“Uy sir, umayos ka nga. Baka mamis-interpret kita,” naisagot ko. Anong oras na ba? ang tagal naman mag ala-una para makauwi na ako.
“Iyon nga ang gusto ko, e. Ang mamis-interpret mo ko,” pabirong tugon niya ngunit hindi ko nagustuhan ’yon. Sira ba siya? Tsk.
“Baliw,” tanging naitugon ko at saka tumayo at bumitaw sa pagkakahawak namin. “Sige na, uuwi na ako. Pumunta ka na do’n sa room,” utos ko at nakanguso siyang tinignan ako at saka tumingin sa orasan niya. “Ang aga pa, uuwi ka na. 12:40 pa lang, oh!” tugon niya at nginitian ko siya.
“Pagod kasi ako. Sige na.. magkikita naman tayo bukas, e.” saad ko pa at ngumiti at napabuntong hininga naman siya. “Okay…sabay tayo ulit bukas,” sabi niya at tinaasan ko siya ng kilay at saka sumagot.
“Uy, namimihasa ka na, ah. Di ka na bata, uy!” tugon ko at nginusuan niya ako at sinamaan ng tingin bago nagsalita. “Bakit pag sa iba, ang bilis mong pumayag. Tas pag sa akin ang –” agad ko siyang pinutol sa sinasabi niyang ’yon. “Oo na..sabay tayo ulit bukas sa breaktime,” tugon ko.
Napakademanding talaga nitong bakulaw na’to. Natural na tatanggihan ko siya, ano ba kami diba? Teacher ko siya at studyante niya ako. Minsan hindi rin ’to nag-iisip si Sir, e. Pag ako talaga napahamak sa mga pag-iinarte niya. Susunugin ko bahay niya.
“Uuwi na ako ha! Bye,” dagdag ko pa at saka naglakad at kumaway. Hindi pa ako nakakalayo ay sumagot na siya. “Ingat ka. Baby ko,” tugon niya at sumaludo na lang ako at iniwan na siya ro’n.
Daming ka-echosan sa buhay. Onting-onti na lang talaga, makukutusan ko na siya sa betlog.
CHAPTER 21
Mirrem’s
Pov.
Nang tuluyan nang mawala si Max sa paningin ko ay agad na akong nagtungo sa faculty upang maghanda para sa remedial..
Pagkarating ko roon ay agad akong nagtungo sa table ko at kinuha ang mga gamit ko. Matapos no’n ay tinignan ko pa ang wrist watch ko. 12:55 na pala..
Bago pa ako maka-alis ng tuluyan ay tumama ang paningin ko sa jacket ni Max na nakasampay sa upuan ko rito sa faculty. Kinuha ko naman ’yon at idinampi sa mukha ko at inamoy. Pakiramdam ko ay nando’n pa rin ang amoy niya kahit pa nalabhan na ito at perfume ko na ang nanunuot do’n. Para akong baliw na baliw kay Max nito. Tss, haha.
Nakangiti akong ibinalik ’yon doon at saka nagtungo sa katabing classroom nitong faculty. Pagpasok ko roon ay halos kumpleto na sila kaya naman walang paligoy-ligoy na nagsimula na agad ako. Nakakatamad naman ’tong araw na ’to. Gusto ko na tuloy umuwi.
Dahil medyo tinatamad nga ako ay nagdecide akong bigyan sila ng pahinga at hindi muna binigyan ng mahabang exam. Pero nagbigay ako ng 10 mathematical problem na kailangan nilang sagutan.
Habang nagsasagot sila ay pumunta ako sa pintuan sa likod at doon tumayo. Tinanaw ko pa ang kalangitan mula ro’n at ang sarap sa pakiramdam tignan ng pagiging asul nito. Nahinto lang ako sa pagmumuni-muni nang may marinig akong usapan.
“Shin, diba wala namang boyfriend si Max?” pabulong na tanong nitong isang kagrupo ni Max. Eto yata yung nabanggit ni Max kanina, yung Xavier? Ano kayang meron sa kaniya? Bakit naman niya inaalam kung may boyfriend si Max o wala? Ano naman sa kaniya? Tss.
Kahit nagtataka ako ay hinayaan ko lang muna sila at pinakinggan ang magiging sagot ni Shin habang pinapanood sila sa gilid ng paningin ko..
“Wala, why?” takang pabulong na tanong ni Shin at napakamot naman si Xavier sa sintido bago sumagot.
“Wala lang. Gusto ko kasi siya ayain ngayon,” pabulong na tugon pa nito kay Shin at binigyan naman siya nito ng nanunuksong tingin.
“Uy! I smell something’s fishy. Anong meron, ha?” mahinang tanong ni Shin na may bahid ng panunukso at siningkitan pa si Xavier. Ngumuso pa si Xavier bago tuluyang sumagot. Pacute, tss.
“Wala, ah! Gusto ko lang siya ayain magdate. Ayain siya mag-dinner kami mamaya,” tugon pa nito at kumamot pa sa batok at agad namang bumalatay sa mukha ni Shin ang kilig at nahampas niya pa ito ng mahina. Tss, dinner? mukha bang walang pagkain sila Shin at aayain niya pa ng dinner?
“Crush mo si Max, no?” kinikilig at pabulong na tanong pa ni Shin at nanunuksong nakatingin kay Xavier. At inismiran naman siya nito. “Isn’t it obvious?” tugon nito at nag-init ang tenga ko. Ano? crush niya si Max? Tss.
“Quiet!” sigaw ko at masama ang tingin na nilingon ang gawi nila..
Medyo nawala ako sa wisyo nang dahil sa narinig ko. Kaya naman hindi na ako masyadong nag-isip at itinuon na lang ang atensyon ko sa pagtuturo sa kanila kahit parang nakakatamad at biglang nawalan ako ng gana.
Mabilis namang tumakbo ang oras at malapit na rin ang uwian. 2:45 pm pa lang ay nagdecide na akong i-dismiss sila. Habang papalabas pa sila ay narinig ko pa ang usapan nila Shin at Xavier. Napansin ko rin ang pagiging madikit ni Harry kay Shin. What’s wrong with them? Max does like Harry? So, why? Pero ano bang pake ko? Problema na nila ’yan.
“Mauna na ako sa inyo. Maghahanda pa ako para sa dinner namin,” sambit pa ni Xavier at tumakbo ng mabilis habang ang dalawa ay naiwan at sabay na naglalakad
Nang makalabas na silang lahat ay saka ko pa lang iniligpit ang gamit ko at saka nilisan ang classroom na ’yon at dumiretso pabalik sa faculty. Bago pa ako tuluyang lumabas para umuwi ay napangiti ako sa naisip ko.
Kaya naman agad kong kinuha ang cellphone ko at nagchat kay Max.
To: Max Ethan Garcia
Max, p’wede mo ba akong samahan mamaya?
Papatulong
lang sana ako kasi bibili ako ng groceries at bibili rin ako ng mga bagong appliances. ^-^
Sent 2:55pm
Pagkatapos kong ma-sent ’yon ay wala pang ilang minutos at hindi pa ako nakaka-uwi ay nagreply na siya. Agad ko namang binuksan at binasa ’yon.
From: Max Ethan Garcia
Sure, what time?
Sent 2:57pm
Napangiti pa ako sa reply niyang ’yon. Ang bait naman nito? Pero dapat lang. Ako ang dapat niyang samahan kesa do’n sa pa-cute na lalaking ’yon. di hamak naman na mas gwapo ako do’n.
Mabilis naman akong nagtype ng irereply at nang mai-sent ko ’yon ay agad na akong umuwi. Pero ano kayang bibilhin kong appliances? ay, bahala na. Mamaya ko na lang iisipin.
Maya-maya pa ay nakatanggap ako ng message request mula kay Ms. Shiela kaya naman agad ko ’yong binuksan at binasa. Ano naman kayang sadya nito?
Napag-alaman kong kailangan daw ng representative para sa isang seminar na mula sa math teachers. Mabuti na lang ay mabait si Miss. Shiela at pinagbigyan niya akong siya na lang muna ang maging representative. Hindi ko naman na masyadong inisip pa iyon at umuwi na.
Pagka-uwi ko ay nagpahinga naman muna ako at kumain. At habang ginagawa ’yon, mga bandang alas tres kwarenta ay nakatanggap ako ng chat mula kay Max. Agad kong binuksan ’yon at binasa.
From: Max Ethan Garcia
Sir, sorry pero di kita
masasamahan
later. May kelangan kasi akong gawin at
asikasuhin
, e.
Sent. 3:43pm.
At pagkabasa ko no’n ay ramdam ko ang pagkadismaya sa loob loob ko. Inihinto ko na lang ang pagkain at iniligpit na lang ’yon dahil nawalan ako bigla ng gana.
Umakyat ako sa kwarto at do’n tumambay hanggang sa tumapat na ang kamay ng orasan sa alas singko.
Kahit wala sa wisyo at walang gana ay tumuloy pa rin ako sa pagpunta sa Mall kung saan kami unang nagkita. Doon na rin ako bibili ng bagong vacuum. Siguraduhin niya lang na may pinagkaka-abalahan siya at hindi siya sasama do’n sa lalaki niya. Kung hindi, lagot talaga siya sa’kin.
Naligo naman muna ako at nag-ayos bago ako tuluyang pumunta ro’n. Alas-sais bente na nang marating ko ang mall dahil medyo natagalan ako sa pagkilos ko.
Hindi naman agad ako dumiretso sa hypermarket at pumasok muna sa loob ng NBS. Nagtingin-tingin ako sa pwedeng bilhin at bumili ako ng bond papers at ballpen. Bumili na rin ako ng bagong journal at saka ng highlighters dahil ’yun ang kailangan ko.
Habang naglalakad papalabas ng NBS ay tinignan ko ang wrist watch ko para alamin ang oras. Ngunit habang tinitignan ko ’yon ay bigla akong may nabangga kaya agad ko itong tinignan. Bahagya akong nasupresa nang makita sila ngunit nang makabawi ako ay biglang may inis na sumibol sa kaloob-looban ko at naikuyom ko ang kamao ko nang makita ko at ngitian pa ako nang kasama niya.
“Uy, sir. Ikaw pala ’yan. Sorry,” nahihiyang paumanhin ni Max at yumuko pa ng bahagya. Tss, may aasikasuhin daw. Ano ’yan? aasikasuhin yung lalaki niya? tss.
“Good evening! sir,” masayang bati pa ni Xavier ngunit binigyan ko lang siya ng pekeng ngiti. Pagtapos no’n ay bumaling ako kay Max at binigyan naman ito blankong tingin. Hindi naman siya makatitig ng diretso sa akin kaya nabaling ang tingin ko sa naka-akbay na kamay ni Xavier kay Max. Ang sweet, tss. Kaya pala hindi ako masamahan.
“Hmm, mauna na ako sa inyo. Enjoy kayo,” Sambit ko at binigyan si Max ng malamlam ngunit blankong eskpresyon na tingin. Sinungaling! This is the second time you choose him over me. Hindi ko tuloy maiwasang magtampo. Anyways, ano nga ba ako sa’yo? E, teacher mo lang naman ako. At saka hindi ko rin alam ba’t ba ako nagkakaganito. Nakakalito na rin talaga minsan.
Napansin kong umawang pa ang labi niya na animo’y may gustong sabihin ngunit hindi ko na iyon pinansin pa at mabilis pa sa hangin akong tumalikod at nilayasan sila. Magsama kayo, tss.
Max Pov.
Napabalikwas ako at nagising dahil sa malakas na tunog ng alarm ko. At habang kinukusot ang mata ay biglang pumasok kagabi sa isip ko ang nangyari at ang mukha ni Sir. Mirrem.
Na-imagine ko pa ang mukha niya at bakas do’n ang lungkot at pagtatampo. For sure, dinamdam na naman niya ’yon. Mali rin kasi yung dahilan ko, e. Baka kung ano na naman iniisip no’n. Jusme naman, tanga mo kasi Max, e.
Hanggang sa matapos ako sa pagligo ay iniisip ko kung paano ko siya kakausapin ngayong araw. Ay teka? May usapan naman kaming magkikita kami at sabay kami ngayong break. Saktong-sakto, makaka-usap ko siya.
Binilisan ko ang kilos ko at nang matapos ako ay napahinga pa ako ng malalim. Bago pa ako tuluyang maka-alis ay tinanong pa ako ni Mama.
“Nak, wala ka bang napapansin na kulot na teacher sa skwelahan n’yo? Or kahit parang principal gano’n, na kulot ang buhok na kagaya ng iyo?” tanong niya pa kaya nagtaka naman ako at napa-isip. Meron nga ba? Parang wala naman akong napapansin? Ano kayang meron?
“Wala naman po, bakit po?” tugon ko pa at napakamot siya sa sintido at pekeng nginitian ako.
“Ay, wala naman. Naitanong lang ni Tita mo. Hindi rin naman niya nabanggit kung bakit,” tugon ni Mama. Kahit nagtataka ako at gusto pang magtanong ay tumango na lang ako at nagpaalam na aalis na. Hindi ko na rin naman pinagtuunan pa ng pansin ang tanong na ’yon ni Mama dahil mas marami pa akong dapat problemahin. Kagaya na lang nung bakulaw.
Pagkalabas ko ay agad akong sumakay ng Jeep at tumungo na sa Imperial College. Pagkarating ko ro’n ay walang paligoy-ligoy na dumiretso na ako sa classroom.
Wala pa namang tao kaya gumawa na rin ako ng financial statement para sa tinda namin sa entrep. Araw-araw ’tong pinapasa at mabuti na lang kahit medyo naging busy ay hindi naman ako pumalya sa pagpapasa ng ganito.
Matapos no’n ay kinalkal ko ang mini diary ko na akala ko noo’y nawawala ngunit na kay Sir. Mirrem lang pala. Teka, nasa’n na kaya ’yon? Andito na kaya siya? Bahala na nga, mamaya ko na siya kakausapin.
Pagbuklat ko rito ay may napansin akong nakatuping pahina kaya naman agad ko itong binuklat at binasa ang nakasulat roon.
Hi, Max. I don’t really know why you’re avoiding me. But I miss you so much. :<
Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko matapos kong basahin ang sinulat niyang ’yon. Pero lamang sakin ang pag-aalala na baka nagtatampo siya. Bakit ba pag nagtatampo siya, nagkaka-ganito ako? Tsk, nakakainis lang.
Yung mga asul niyang mata na pag nakita kong malungkot. Parang ang laki laki na ng kasalanan ko. Yung kapag galit naman siya parang pakiramdam ko sumosobra na ako at ang sama-sama ko na. Ano bang nangyayari sa’kin? Ba’t ganito?
Ayokong mapagod kakaisip kaya naman umiling ako na para bang mawawala ang isipin ko pag ginawa ko ’yon. Hindi ko na ’yon inisip pa at pinilit na lang na magfocus sa pagbabasa nitong libro na binigay niya..
Mabuti at medyo mabilis ang oras kaya naman nagdatingan na sila isa-isa. Nang dumating si Shin at pumasok siya sa pintuan ay bumungad agad ang nanunukso niyang tingin hanggang sa makalapit siya.
“Uy, ikaw ah. Luma-lovelife ka ah, kamusta date n’yo?” tanong niya at nakunot naman ang noo ko. Ha? date? si Xavier ba?
“Ha, date? nino?” pagbabalik tanong ko at inirapan niya pa ako kunwari at saka sumagot. “Sus, kayo ni Xavier. Ikaw ah, di ka nagsasabi. Crush ka pala niya,” aniya at sinamaan ko siya ng tingin at saka sinenyasan ko siyang manahimik kaya napatakip naman siya sa bibig at saka lumapit.
“Gaga ka! pag may nakarinig sayo,” inis na tugon ko at natawa naman siya bago sumagot. “Sorry naman. Pero, ano na nga?” makahulugang tanong niya at huminga muna ako ng malalim bago nagsalita.
“Actually, wala naman. Parang friendly date lang, ganon. At saka ano.. hindi kami comfortable sa isa’t-isa,” pagkwento ko at napanguso naman siya at gano’n din ako.
Well, sobrang awkward talaga. Madalas niya akong tanungin tungkol sa personal kung buhay at hindi ako sanay sa mga pinaggagagawa niya. He want us to be sweet but we ended up feeling awkward. So I guess that’s it, ang sweetness kasi kusa namang ’yan lalabas, hindi yan napipilit.
“As in, failed yung first date n’yo?” aniya at nakangusong tumango ako at tinapik niya pa ang likod ko bago magsalita ulit.
“Ayos lang ’yan. Marami pa namang next time,” dagdag niya pa at nginitian ako kaya nginitian ko rin siya. Pinakiramdaman ko naman ang sarili ko matapos niyang sabihin ’yon. Parang ayoko na rin namang maulit, parang ayos na ako sa pagiging magkaibigan namin..
Maya-maya pa ay dumating na ang unang teacher namin kaya naman agad kong nilabas ang notes ko para mag-take down notes dahil baka magpa-surprize quiz na naman siya kagaya kahapon.
At ganon din naman ang ginawa ko hanggang sa sumunod na subject hanggang sa matapos ito at oras na naman para magtinda. Kagaya kahapon ay kasama ko si Xavier dahil magkasama na naman si Shin at si Harry. Kahit ang usapan ay alternate ay hindi na rin ako nagreklamo dahil hindi naman bigdeal.
Habang naglalako ay nanlaki ang mata ko sa biglang sinabi ni Xavier.
“Si Ronald hindi na siya mag-aaral dito,” saad niya at taka ko siyang nilingon at sinagot.
“Ha, bakit?” patanong na tugon ko at huminga pa siya ng malalim bago ako sinagot.
“Actually, kaya pala may family matters sila kahapon. Dahil pinag-usapan na pala nang family at ng grandparents niya na dapat na siyang dalhin sa Europe na siyang usapin daw nila kahapon,” aniya sa malungkot na tono. At nalungkot din ako sa balita niya. Kung gano’n pala, apat na lang kami sa grupo? hays.
“Nakakalungkot naman. Pero sa tingin ko, mas may magandang opportunities para sa kaniya ro’n kaya dapat maging masaya tayo para sa kaniya,” tugon ko.
Well, hindi dapat ito maging pangit na balita. Hindi ito dapat maging negative pakinggan dahil kung tutuusin, napakagandang balita na sa ibang bansa na siya mag-aaral dahil maganda ang mga oportunidad na meron do’n.
“Tama ka,” aniya at nginitian ko naman siya.
Maya-maya pa habang naglalakad papunta kung saan kami magtitinda nitong dala namin ay agad kaming hinarang ni Jenny at ng mga alipores niya.
“Max,” mataray niyang aniya at agad namang tumapat si Xavier at sinagot.
“Jenny, what’s this?” tanong pa ni Xavier ngunit inirapan lang siya ni Jenny at saka mataray na sinagot.
“I’m not talking to you. So shut up!” ani pa nito at sinenyasan ko naman siyang ayos lang kaya napakamot na lang siya sa ulo at masamang tinignan si Jenny habang nasa gilid.
Magkatapat kami ngayon at iilang pulgada na lang ang layo namin sa isa’t-isa. Nang bigla siyang lumayo at saka naglakad ng pabalik-balik mula sa kaliwa papuntang kanan at nagtanong.
“Is the rumor true? That Shin is dating a teacher?” tanong pa niya at tumingin sa alipores niyang may dalang cartolina. Yung totoo? hahampasin ba nila ako niyan pag di ako sumagot ng maayos? Mga gaga, pitikin ko pa ng goma mga clitoris nila, e. Sabihin nila, gawa. charot.
Umarte pa akong natawa sa sinabi niya bago sumagot. “Maliban pala sa pagiging panget at clown. Suma-sideline ka pa pala bilang chismosa?” mapang-asar na tanong ko sa kaniya at agad na nagsalubong ang kilay niya.
“How dare you to call me panget at chismosa?! Have you ever look at yourself in the mirror?” galit na tugon niya at kunwaring ngumuso naman ako at nasaktan. Matapos no’n ay tumawa ako at saka sumagot.
“Oo naman, nakita ko na ang sarili ko sa salamin at alam kong panget ako. Pero nung nakita kita? Napasabi ako ng thank you. Kase mas may pangit pa pala sakin,” tugon ko at mas bumalatay ang pagka-pikon at inis sa mukha niya.
“Ay, matapang! girls!” aniya at pumalakpak pa at isa isa naman akong nilapitan nung mga alipores niyang may dalang cartolina. Hindi pa sila nakakalapit ay nagsalita na ako at binantaan sila.
“Sige, subukan mong lumapit at ihampas sa’kin ’yan. Uubusin ko ’yang buhok mo!” banta ko at pinandilatan siya ng mata. “Akala mo ikinaganda mo ’yang pigtails mo? Tanga! nagmukha kang sinto-sinto!” dagdag ko pa at bumalatay ang takot sa mukha niya. Kaya umabante ako at umatras sila. Tinitigan ko pa sa mata si Jenny at natakot siya dahil mas lumapit ako.
“At ikaw! Tigil-tigilan mo ako at ang pangingielam mo sa buhay ng iba! Magfocus ka sa sarili mo, tignan mo napabayaan mo na. Panget mo na nga.. feelingera ka pa,” ani ko at inambaan ko siyang babatuhin ng jug kaya naiharang niya agad ang kamay niya na para bang kaya siyang proteksyunan no’n. Mabilis naman silang nagtakbuhan matapos no’n kaya napahinga ako ng malalim.
Imbyernang ’yon, panira ng araw. Mga letche, di pa maglaho na parang bula, e.
“Okay ka lang?” tanong pa ni Xavier. Nginitian ko naman siya at tumango naman ako. Nagprisinta siyang siya na ang magbubuhat sa jug kaya hinayaan ko na siya.
Maya-maya pa ay nagsalita siya.
“Pero bakit ba ganun yung chismis nila? Tsk, e.. sa pagkakaalam ko ay si Harry at Shin ang nagde-date,” saad niya at nilingon ko siya. Ha? tama ba yung narinig ko? Nagde-date sila? Pero kung gano’n man? Bakit hindi nagsasabi si Shin? Nakakapagtaka naman?
“Eh? Totoo ba ’yan?” paninigurado ko. at nilingon niya ako animo’y napaisip pa siya bago sumagot.
“Hmm, oo naman. Matagal nang may gusto ’yon si Harry kay Shin, e.” Tugon nito. At napa-isip ako. May something na nga kaya sila? Kung meron man, I’m happy for them. Pero bakit nga ba hindi ako nasasaktan? Well, feeling ko hindi rin naman dapat ako masaktan. Wala naman kasing kami ni Harry at taga hanga niya lang ako.
Hindi na ako masyadong nag-isip pa at huminga na lang ng malalim at hindi na sumagot pa..
Matapos no’n ay nagtinda na agad kami dahil naalala kong pupuntahan ko pa si Sir. Mirrem sa Stress Free Zone. Matapos no’n ay agad kaming bumalik sa classroom at nagpaalam naman akong hindi muna siya masasabayan dahil may aasikasuhin lang ako saglit.
Hindi naman na siya nagtanong kaya hindi ako nahirapan at mabilis kong natungo ang Stress Free Zone.
Mangilan-ngilan lang ang estudyante roon dahil na rin siguro sa ilang weeks na rin simula nung magsimula ang klase. Hindi ko naman na masyadong inisip ’yon at agad na lumingon para hanapin si Sir. Hindi siya nakaupo sa usual naming inuupuan kaya medyo nahirapan akong hanapin siya.
Nang matanaw ko siya ay agad ko siyang nilapitan at kagaya nang kahapon ay gano’n pa rin ang paraan nang pagtingin niya sa akin. Tinabihan ko siya habang nakaupo at saka siya nagsalita.
“Akala ko hindi mo ’ko sisiputin,” malumanay na aniya na animo’y may bahid ng lungkot. Napanguso naman ako dahil do’n at saka tumugon.
“At bakit naman kita hindi sisiputin?” tanong ko kunwari at nilingon niya ako. Ginawaran niya muna ako ng tipid na ngiti bago siya tuluyang sumagot. “E, kasi.. busy ka na,” tugon niya at saka nag-iwas tingin.
Hindi ko alam pero pinag-aralan kong mabuti ang bawat galaw at ekspresyon niya at isa lang ang konklusyon sa isipan ko. At yon ay ang malungkot siya at pakiramdam ko nagtatampo siya. Hindi ko alam kung bakit big deal ’yon sa kaniya pero di na ’yon mahalaga.
“Busy saan?” tanong ko pa kunwari at tinignan siya sa mata. Paglingon niya ay nagtama ang mga mata namin at kitang-kita ko ang lungkot sa mga magagandang mata niyang ’yon.
“Busy ka na sa ibang bagay. May iba ka nang pinagkaka-abalahan,” makahulugang tugon niya at tumingin ulit sa kung saan. Hindi ko malaman pero hindi ko maiwasang magtaka bakit ganito na siya sa akin ngayon. I mean, may kakaiba, e. Ang wirdo naman ng mga tao ngayon, tsk.
“Ano bang tinutukoy mo?” inosente kunwaring tanong ko at sininghalan niya ako at saka nilingon. Matapos no’n ay saka siya sumagot. “Sus, alam kong alam mo kung anong tinutukoy ko,” tugon niya. Isa lang naman ang alam kong dahilan, e. Baka ayun nga.
“Eto ba yung tungkol sa kahapon?” tanong ko pa kunwari ngunit hindi naman siya tumugon. At silence means yes for me, kaya confirmed.
“Sorry na,” dagdag ko pa at nilingon niya ako at inirapan. “That was the second time you chose him over me,” aniya at ngumuso. Ha? What?!!!
“Uy sir, hindi naman sa gano’n yun. Kahit basahin mo pa yung message niya sa’kin kahapon,” tugon ko at ngumuso. Hindi naman siya umimik at nag-iwas tingin lang. Ano bang gusto niyang gawin ko? For sure pag hinayaan ko lang naman siya, mas lalo siyang magagalit.
“Ano bang gusto mong gawin ko? Sabihin mo lang,” saad ko pa at nilingon niya ako. At malamig ang tonong sumagot siya.
“Pag sinabi ko ba? gagawin mo?” tanong niya pa at halatang-halata ang pagiging seryoso niya ro’n at ’yon ang nagdulot sa’kin ng kaba. Grabe naman ’to, nakakatakot.
“Oo naman. Bakit hindi, diba?” tugon ko at inismiran niya lang ako saka sumagot. “Wag na! baka umasa lang ako,” tugon niya at nagdulot naman sa akin ’yon ng mga tanong. Ano bang gusto niyang ipahiwatig? Tsk, ang hirap talaga niya basahin. Di mo malaman anong gusto, parang abnoy.
“Sige na..mauna ka na at kumain. Maghahanda na ako para sa math class,” dagdag niya pa at saka tumayo. Tumayo rin ako at agad na nagsalita.
“Sabay tayo ngayong lunch,” ani ko pa. Hindi pwedeng ganito ka hanggang mamaya. For sure, may maling mangyayari, e.
The last time na nag-ganito siya hindi naging maganda ang naging resulta. Kaya dapat solusyunan agad.
“Wag na,” tanggi niya at tipid na ngumiti. Hinawakan ko ang kamay niya at saka ako sumagot.
“Hindi, sabay tayo. Marami tayong dapat ipaliwanag,” tugon ko at huminga muna siya bago sumagot.
“Okay.. i’ll wait for you here later,” aniya at tumango ako at nginitian siya.
Nagpaalam naman na siyang mauuna kaya hinayaan ko siya at tumambay lang muna ako ro’n dahil gusto ko pang magmuni-muni.
Mirrem’s
Pov.
Matapos ang usapan naming ’yon ni Max ay umalis na agad ako. Ngayon ay sigurado na ako kung bakit.
Nangiti pa ako sa naisip ngunit papunta pa lang ako ng faculty ay may narinig akong nag-uusap at alam kong sobrang pamilyar ng mga boses na ’yon. Nasa isang sulok sila kung saan hindi sila makikita ng mga dumadaan..
Pinakinggan ko pa ang pinag-uusapan nila at nagsalubong ang kilay ko sa narinig ko…
“Bakit ba kelangang pasikreto tayong mag-date? There’s no wrong with this? So why are we hiding like criminals?” tanong ni Harry na kahit hindi ko kita ay alam kong kunot ang noo at bakas ang pagtataka sa mukha niya. Ayaw niya dahil crush ka ng bestfriend niya, tss.
“No, we just cant! okay? Please, try to understand that!” tugon naman ni Shin na kahit hindi ko kita ay alam kong frustrated at bakas sa mukha ang pagkalito..
“I really don’t like this kind of set-up, Shin. I know and I feel that you like me too. It’s obvious but I don’t know what stopping you to show that,” Saad pa ni Harry. I think this is really the time for you to know. I’m sorry, Max. But this is for you..
Hindi ko na pinansin pa ang sumunod na tugon ni Shin at mabilis na tinungo ko ang faculty para ihanda at kunin do’n ang mga gamit ko. Hindi naman agad ako umalis do’n at nag-isip isip pa kung paano kong matutulungan si Max na malaman ang lahat.
Kahit magalit siya sa’kin ay ayos lang. Basta malaman niya lang ang totoo. Ayos na sa’kin ’yon. Masyado siyang mabait kaya hindi niya deserve ang gano’n.
Wala akong paki sa kanila, Max. Sayo lang meron..
CHAPTER 22
Mirrem’s
Pov.
Nang marinig kong tumunog ang bell ay agad kong nilisan ang faculty at tinungo ang classroom nila Max. Bahala na kung magalit ka, basta masabi ko. Ito lang din ang paraan para umamin sila sayo.
Pagkapasok ko ro’n ay nilingon ko pa ang gawi niya at nang mapansin kong nakatingin siya sa akin ay agad akong nag-iwas tingin..
Inilapag ko ang gamit ko sa table at saka ko sila hinarap at bumati..
“Good morning, class.”
“Good morning, sir.”
Matapos ang batian ay pina-upo ko na agad sila at mabilis na sinimulan ang diskusyon. Ilang minutos ang lumipas at habang nagtuturo at nagsasalita ay naririnig kong may nakikisabay sa akin kaya pinutol ko ang sinasabi ko..
“Okay, class. If positive ang sign nito at ang isa ay negative. The result will be —” hindi ko tinapos ang itinuturo ko at nilingon kung sino ang nagsasalita sa bandang likuran. Agad na tumama ang paningin ko sa kaniya at sinamaan ko siya ng tingin..
Ang magaling lang naman na si Xavier Jon Legazpi na nakikipag-usap kay Harry Kyle Bailey. Akala siguro nito, tapos na ako sa kaniya. Dahil sa kaniya, hindi na naman kami maayos ni Max, tss. May pa-akbay pa kahapon sa mall, tsk. Etong sa’yo ngayon. Lintik lang ang walang ganti.
“You! stand up,” seryosong utos ko sa kaniya at mukhang alam naman niyang siya ang tinawag ko kaya agad siyang tumayo at bahagyang nakayuko ang ulo. Natahimik ang buong klase at nilingon siya mula sa likuran. Kung pwede ko lang siya kotongan, ginawa ko na.
“Anong kinukwento mo kay Mr. Bailey? Yung tungkol sa date n’yo ni Max?” kunwaring tanong ko pa. At agad naman akong nakarinig ng mahinang mga bulungan galing sa iba pa nilang classmates ngunit hindi ko ’yon pinansin at walang kurap-kurap na pinanood at tinitigan siya..
“N-no..sir,” napapahiyang tugon niya at mas yumuko pa. Matapos niyang sumagot ay tinignan at siningkitan ko lang siya ng mata saka ako nagsalita ulit. Mabuti naman, dahil di ka naman gusto ni Max.
“Mabuti kung gano’n. Dahil sa pagkaka-alam ko…si Harry ang gusto niya at hindi ikaw. Sit down,” seryosong tugon ko at medyo naglakasan ang bulong matapos kong sabihin ’yon. Napapahiya naman at nagtatakang umupo siya na nilingon pa si Max.
Bakas din ang pagtataka sa mukha ni Harry habang si Shin ay yumuyuko dahil nakatingin din sa kaniya si Harry. Habang si Max ay nakayuko at kitang-kita ko na nakakuyom ang kamao at itinatago sa ilalim ng armchair. Sorry Max, pero para sa’yo to. Gusto ko lang malaman mong may ginagawa sila na lingid sa kaalaman mo. At hindi mo deserve ’yon kaya kailangan ko ’tong gawin..
Matapos no’n ay pinatahimik ko sila at nagpatuloy ako sa diskusyon ko. Mabilis na lumipas ang oras at hindi ko na sila binigyan pa ng exam at mabilis ko silang dinismiss. Pagkalabas ko ng classroom ay hindi pa ako nakakalayo nang may pumigil at tumawag sa’kin. si Shin.
“Sir,” panimula niya. Tinignan ko lang naman siya at medyo hinihingal siya ng bahagya dahil mukhang tinakbo niya ang distansyang nalakad ko para mahabol ako..
“Hmm?” kaswal na tugon ko at tinignan lang siya. Tiningala niya pa ako bago siya sumagot at magsalita ulit..
“Ba’t mo naman sinabi yung sikreto ni Max?” kompronta niya sa akin at sarkastikong ngumisi naman ako sa kaniya at saka siya sinagot. Ba’t di niya problemahin ’yung tinatago nila kay Max? Gusto niya bang pati ’yon ako ang magbulgar? Tss.
“It’s none of your business,” tugon ko at blanko ang emosyon na tinignan siya. At pumikit muna siya ng madiin bago nagsalita ulit.
“Yes, it is. Kaibigan ko siya, e.” aniya at sarkastikong nginitian ko siya. Kaibigan daw? pero tinataguan ng sikreto? Tss.
“Then..tell me. Tama ba ang magtago ng sikreto sa sinasabi mong kaibigan?” sarkastikong tanong ko at nanlaki ang mata niya na para bang hindi siya makapaniwala na may nalalaman ako. Oo, Shin. Alam ko ang lahat kaya ginagawa ko’to. Hindi deserve ni Max ang ganito.
“And for you to know. I’m not doing this just to embarrassed him. I’m doing this…para sabihin mo ang totoo sa kaniya. Kase, hindi niya deserve to, e….Masyadong maintindihin si Max, Oo…Pero hindi ’yon rason para abusuhin at lokohin mo, o niyo..siya ng ganito,” mahabang sabi ko pa at medyo salubong na ang kilay na nakatingin sa kaniya ngayon. Umayos ako at inalis ang ekspresyong iyon sa aking mukha. Hindi naman na siya sumagot kaya nagsalita ako ulit para magpaalam.
“I think this conversation is done. So, excuse me,” ani ko at mabilis na iniwan siya sa hallway na ’yon. May gana siyang komprontahin ako para sa ginawa ko pero di niya mapagsabihan ang sarili niya na may ginagawang kalokohan sa likod ni Max, tss.
Hindi na ako masyadong nag-isip pa at mabilis na tinungo ang classroom ng sunod kong klase. Pagka-pasok ko sa silid ay agad akong bumati at walang paligoy-ligoy na sinimulan ang diskusyon..
Habang nagtuturo ay bigla-bigla pang pumapasok sa isip ko si Max ngunit hindi ko na lang ’yon pinapansin at nagpatuloy lang..
Mabilis na lumipas ang oras at tumunog na ang bell hudyat na tapos na ang klase. Kaya naman, agad ko silang dinismiss at lumabas ng silid na ’yon.
Habang naglalakad ay nakasalubong ko pa si Ms. Shiela kaya binati ko ito.
“Hi, ma’am.” ani ko at ngumiti naman ito sa akin at gano’n din ako sa kaniya.
“Hi sir, ikaw pala ’yan,” aniya at mas nilakihan ko lang ang ngiti ko at tumikhim pa muna bago nagsalita.
“Ma’am, regarding do’n sa seminar. P’wede tayong mag-exchange if you want. Libre naman ’yung sched ko,” tugon ko at mas lumawak ang kaniyang ngiti na kulang na lang ay magtata-talon siya sa saya.
“Talaga, sir?” Paninigurado pa niya at nakangiting tumango ako bago sumagot. “Yup! basta sa’yo ko iiwan yung advisory ko,” nakangiting tugon ko pa at nangiti naman siya at animo’y kinikilig.
“Sure na ’to sir, ah. I’ll forward your name na sa principal later,” aniya pa at nakangiting tumango naman ulit ako.
“Pero sir, need mo na nga pala maghanda mamayang gabi kung sure ka na.” aniya pa at nakunot ang noo ko dahil sa pagtataka. Ha? Ba’t parang agad-agad naman?
“Why?” kunot noong tanong ko at napakamot pa siya sa sintido. “Kasi, sir. Bukas ng umaga ang alis n’yo. Somewhere sa visayas kasi ihe-held ang seminar,” aniya pa at mas nakunot ang noo ko. Ang layo naman, pero anong magagawa ko? As if ako ang nag-arrange nito, tss.
“Sure thing. So, bukas pala ikaw na magha-handle sa students ko?” patanong na tugon ko at nakangiting tumango naman siya habang naglalakad kami.
“Yes, sir. Hatiin na lang namin ni Miss. Andrea,” tugon niya at saka ako ngumiti. Atleast sure akong maha-handle ang students ko at hindi mabe-behind sa topics.
“Sige, ah. Kayo na bahala sa students ko habang wala ako,” saad ko pa at nakangiting tinanguan niya naman ako.
Nag-usap pa kami tungkol do’n hanggang sa marating namin ang faculty..
Inaya niya akong maglunch ngunit hindi p’wede dahil sabay kaming maglu-lunch ni Max. Kilala ko si Max. For sure, pupunta ’yon. Malakas ang kutob ko, e. Pero pakiramdam ko rin ay sisiputin niya lang ako ngayon para kumprontahin ako sa ginawa ko. Sabagay, ayos lang yun. May gusto rin naman akong sabihin, e.
Kahit natatakot ako na baka kapag nasabi ko na ay biglang malaman ko na ako lang pala ang nag-iisang may gusto saming dalawa..
Okay lang siguro, basta wag niya akong lalayuan. Masaya na ako ro’n.
Mabilis kong tinungo ang Stress Free Zone at hindi naman ako nagkamali dahil naroon na siya at naka-upo sa madalas naming upuan.
Hindi pa ako nakakalapit ng todo ay nilingon na niya ang gawi ko at saka siya tumayo. Kahit medyo kinakabahan ako ay lumapit pa rin ako at tumayo sa harap niya ng tuwid kahit nangangatog na ako. Pinag-aralan ko pa ang ekspresyon ng mukha niya ngunit blangko ang ipinapakita nito.
“Masaya ka na?” sarkastikong tanong niya at pumiyok pa. Hindi naman ako nakasagot dahil hindi ko rin kinaya ang tingin niyang ’yon kaya nag-iwas tingin na lang ako at nagsalita naman siya ulit. Hindi ako masaya, baby ko. Kase hindi tayo maayos ngayon.
“Masaya ka na bang nakaganti ka sa’kin at ipinahiya mo’ko?” sarkastikong tanong niya pa ulit kaya tinignan ko ulit siya at ngayon ay bakas na bakas sa eskpresyon ng mukha niya ang inis at pagkamuhi sa akin. Na para bang isang kalabit na lang ay sasabog na siya, kaya napayuko ako. Sorry, baby ko. Pero hindi gano’n yon. Sana, alam mo.
Pinilit kong sumagot at magbigay ng dahilan kahit pa natatakot ako sa kaniya at sa mga sasabihin niya. Akala ko pa naman kaya ko ’to pero hindi pala. Ang sakit makita na ganiyan siya dahil sa’kin..
“No! i-it’s not like that,” tanging naisagot ko at nautal pa. Napahinga pa ako ng malalim at kitang-kita kong nagsalubong ang kilay niya at tinapunan lang ako ng masamang tingin.
“E, ano? na pinagti-tripan mo na naman ako? na inaasar mo ako? …Alam mo? ang gago mo, sir… Napaka-gago mo, sobra… Pinagkatiwalaan kita sa sikreto ko, at naniwala akong itatago mo…tas ganito pala ang gagawin mo sa’kin,” saad niya at napayuko ako. Ramdam na ramdam ko ang hinanakit niya sa akin ngayon at hindi ko alam kung sa paanong paraan ko pakakalmahin siya. Baby, hindi ko ’yon ginawa para diyan. Sana patawarin mo’ko.
Napahawak pa ako sa ulo bago ako nagsalita para sumagot. Kahit ang hirap hirap ipaliwanag, baby ko. Basta para sa’yo, okay lang.
“Baby, listen. Hindi ko ’yon ginawa para ro’n… Hindi ko ’yon ginawa para asarin ka…O, kahit gantihan ka. Ginawa ko ’yon…kasi may iba akong dahilan,” tugon ko at ngumuso sa kaniya at saka nag-iwas tingin at pinanood siya sa gilid ng mata ko. Matapos no’n ay binigyan niya lang ako ng ngiting nakakaloko at biglang naging sarkastiko. Tinaasan niya ako ng kilay at saka siya nagsalita.
“Ang galing, ah? Ano naman ’yang rason mo? At bakit kelangang ibulgar mo pa ’yong sikreto ko?” sarkastikong aniya pa sa garalgal na boses at pinagkrus ang kamay. Huminga pa ako ng malalim at saka siya tinignan at sumagot.
“Hindi ko muna sasabihin,” tugon ko sa matigas na paraan. Kahit ang hirap ay pinilit kong sumagot. Ayoko siyang pangunahan, Max. Mas mabuting kayo muna ang magka-usap bago tayo.
“See? wala ka lang mai-dahilan sakin, e… Alam mo? Napakahirap mong pakisamahan, sir…. Tinrato kita ng maayos kahit puro ka pangga-gago sa akin….Hindi kita inabuso kahit na sobra na yung pang-aasar mo sa’kin… tas ganito pa pala ang ganti mo?” Aniya at mabilis na namasa at tumulo ang luha mula sa mata niya at napayuko ako. Bawat katagang sinasabi niya ay parang kung anong matalim na bagay na tumutusok sa akin. Masakit ’yon pero alam kong wala lang ’yon sa nararamdaman niyang hinanakit at galit dahil sa akin. At mas nasasaktan ako dahil nakikita kong umiiyak siya ngayon..
“Baby…” tanging nasambit ko at lalapitan ko sana siya ngunit agad niyang pinawi ang luhang ’yon at tinignan ako sa mas malamig at mas blankong paraan.
“Tigilan mo na ’to… Simula ngayon… Ita-trato na natin ang isa’t-isa na parang walang nangyari…. Teacher kita at studyante mo’ko. Wala kang pakielam sa akin, at gano’n din ako sa’yo. Mas mabuti na siguro ’yon,” aniya ngunit ang buong pagkatao ko ay tutol sa sinabi niyang ’yon. Ngunit wala akong lakas para magbanggit at umusal ni kahit isang salita.
Baby, ayoko! di ako makaka-payag.
“Baby…” ang tanging nasambit ko ulit. Malungkot ko siyang tinignan ngunit nginitian niya lang ako at saka siya nagsalita. “Wag kang mag-alala, hindi naman na ako galit sa’yo. Hindi na nga lang din tayo babalik pa sa dati… Sige na, mauuna na ako, sir.” tugon niya at mabilis pa sa hangin niya akong tinalikuran..
Tinawag ko pa siya sa pangalan niya ngunit hindi na niya ako pinakinggan at nilingon. Kasabay ng pagtalikod niyang ’yon ay siyang pagtulo ng mga luha ko galing sa likod ng aking mga mata. Hindi ko kakayanin ’to, baby. Paano na ako?
Kinabukasan..
Max Pov.
“Akala n’ya siguro nakakatuwa ’yong ginawa niya,” pagkausap ko pa sa sarili ko habang naglalagay ng ice candy sa cooler box at inaalala ang nangyari kahapon..
Pero kamusta na kaya siya? Ay ba’t ko pa ba kelangang alalahanin ’yong bakulaw na ’yon? For sure, tuwang-tuwa siya sa ginawa niya, tsk! Pagpe-pyestahan na naman ako ng mga chismosa neto sa school, jusme.
Hindi ko naman na masyadong inisip ’yon at nagpatuloy na lang sa pagkilos. Maagang umalis si mama kaya naman ako na naman ang naiwang mag-isa rito sa bahay. Matapos kong kumilos ay chineck ko pa ang lahat-lahat ng habilin ni Mama bago ako umalis..
Pagkarating ko sa Imperial college ay napatingin pa ako kung saan siya tumambay noon para ibigay sa’kin yung paperbag. Nandito na kaya siya? Ba’t ko ba siya iniisip pa? pagtapos nung ginawa niya sa’kin, tsk! deserve niya ’yon..
Umirap pa ako sa hangin at mabilis na tinungo ang classroom. Hindi naman ako gano’n kaaga ngunit iilan-ilan pa ang classmates kong narito kagaya na lang ni Rhaine. Nagtanguan lang kami at saka ako dumiretso sa upuan ko at tahimik na nagbasa ng libro..
Maya-maya pa ay narinig ko na ang ingay ng takong ni Shin at tama ako dahil nakita ko siya mula sa bintana na dumaan..
Pagpasok niya sa pinto ay nakatingin siya sa gawi ko at nakangiti kaya nginitian ko rin siya at hinintay na makalapit at makaupo..
Pagkaupo niya ay agad niyang inilapag ang bag niya at hinarap ako.
“Kamusta ka? pasensya na, hindi kita ulit nasundo. Until now, grounded pa rin ako, e.” aniya pa at nag sad face. Nginitian ko lang naman siya at tinapik bago sumagot. “Ayos lang ’yon,” tugon ko at umayos siya ng upo saka nagtanong.
“Btw…si Xavier, nakausap mo na ba?” tanong niya pa at bigla kong naalala ang mukha ni Xavier na bakas ang pagtatanong at dissapointment. Kung hindi kasi dahil kay Sir. Mirrem, ’di naman ’to mangyayari, e. Kahit pa wala akong gusto sa kaniya, hindi niya deserve mapagtaguan ng ganito. Lalo na’t kumakailanlang ay nagtapat siya sa’kin.
“Hindi pa nga e, tsk. Kung hindi rin naman kasi dahil kay sir… hindi ’to mangyayari, e.” tugon ko at ngumuso at medyo yumuko naman siya at saka nag-angat tingin uli sa akin at saka nagsalita.
“Actually… may gusto akong sabihin sa’yo, Max.” aniya at kunot noong tinignan ko siya at tinanong. “Ano ’yon?” kaswal na tanong ko at huminga naman muna siya ng malalim bago tumingin sa’kin at nagsalita..
“Kasalanan ko talaga ang lahat,” aniya pa na siyang nagpakunot lalo sa noo ko at nagpasalubong sa kilay ko. “Anong ibig mong sabihin?” tanong ko pa at pumikit pa siya bago sumagot na para bang nag-iipon siya ng lakas sa pamamagitan no’n. Ano bang gusto niyang sabihin?
“Ginawa ’yon ni Sir dahil may itinatago kami sa’yo,” gumaralgal ang boses niya at kitang-kita ko ang pamamasa ng mata niya ngunit hindi roon natuon ang atensyon ko. Anong itinatago? tsk!
“Nino? At anong itinatago n’yo sa’kin?” patanong na tugon ko at suminghap pa siya ng hangin bago sumagot at tinignan ako. “Ni Harry. Nagde-date kami ng lingid sa kaalaman mo, Max.” napapaos na aniya at natulala ako sa kaniya ngunit ang paningin ko’y wala sa pokus at ang isip ko’y naglayag. So, totoo nga? Na nagde-date sila? pero ang gulo pa rin? Paanong may kinalaman si Sir?
Hindi ako nakasagot dahil sa pag-iisip at nabalik lang ako sa ulirat ng magsalita ulit siya kaya tinignan ko siya..
“At kaya nagalit si Sir sa’kin…. Dahil nalaman niyang dine-date ko si Harry ng palihim…. At saka dahil alam niyang crush mo si Harry…kaya ibinulgar ka niya. Kase gusto ni Sir na umamin na ako sa’yo,” napapaos nang aniya at bumubuhos na ang luha at ako nama’y natulala lang sa sinasabi niya at pilit na iniintindi at inaabsorb ang mga sinabi niya. Nagalit si sir sa kaniya kase nagsisinungaling sila sa’kin? tas nagalit ako kay Sir kasi akala ko ginawa n’ya ’yon para pagtripan ako at ipahiya?
Sa naisip kong ’yon ay mabilis akong binalot ng konsensya ko at agad na nanlabo ang paningin ko. Naiisip ko pa lang na nasaktan ko siya sa sinabi ko habang kapakanan ko ang iniisip niya ay nasasaktan ako..
At ang katotohanang hinayaan niyang magalit ako at hindi inunahan si Shin na magpaliwagan sa akin ay parang bambong humahataw sa dibdib ko..
Walang salita ang namutawi sa akin at tanging tahimik na pag-iyak lang ang nagawa ko hanggang sa magsalita ulit si Shin.
“At alam kong kasalanan ko talaga kasi…hindi ko rin sinabi kay Harry na crush mo siya, dahil alam kong ayaw mo. Kaya… wala talagang kasalanan si Sir, Max. Kasi ang totoo niyan, gusto lang niya na sabihin ko sa’yo lahat dahil masyado kang maintindihin para sa kaniya, Max. At ’yon ang ayaw niyang abusuhin ko,” saad niya na mas lalong nagpaluha sa akin..
Gusto ko tuloy siyang puntahan para humingi ako ng tawad at ayusin ang lahat sa’min..
Ang laki ng kasalanan ko sa kaniya. Ako at ang kapakanan ko ang iniisip niya pero hindi ko ’yon nagawa sa kaniya..
“Bakit kase hindi mo sinabi agad? akala ko ba walang sikreto sa isa’t-isa?” tanong ko na pumiyok pa. at pagtapos no’n ay nag-iyakan kaming pareho. Dahil sa kaniya, nagalit tuloy ako kay Sir. Mirrem kahit hindi dapat..
“K-kase natakot ako, Max.” humahangos na tugon niya at kahit nanlalabo ang paningin ay tinignan ko siya at sinimangutan..
“Natakot ka na baka magalit ako sa’yo? Kelan ba ako nagalit sa’yo, Shin? At saka, hindi ko naman pag-aari si Harry, e. Ba’t ganyan ang naiisip mo?” tugon ko at pumikit para pigain ang luha na naroon. Kung sana sinabi niya agad at nalaman ko nang mas maaga. Edi sana, ayos ang lahat…
“Kase crush mo siya. Ayaw kitang masaktan,” tugon niya at pinawi ang pisngi na basang basa ng luha at tumingala naman ako para pigilin ang luha na naro’n.
“Pero kahit na… Alam mo bang mas masakit pa yung katotohanang nagtago ka ng sikreto sa’kin? Kesa sa malaman na nagde-date kayo?” Ani ko at pumikit. At agad na umagos ang kambal na luha sa pisngi ko ngunit hinayaan ko lang ’yon..
Dahil sa pagtatago mo ng sikreto, may isang nagmamalasakit sa’kin ang nasaktan ko. Isang tunay na iniisip ang nararamdaman ko…
“Sorry, Max. If I only knew that this will gonna happen. Edi sana, sinabi ko na agad,” Aniya pa at kasabay no’n ang paghagulgol niya at humawak pa sa braso ko..
“Nangyari na e. May magagawa pa ba tayo?” tanong ko na lang at namutawi ang katahimikan sa’min hanggang sa unti-unti kaming tumahan..
Napansin kong nakatingin na pala sa’min ang iba naming classmates ngunit hindi naman nila kaming magawang istorbohin dahil alam nilang seryoso ang usapan namin..
Suminghot pa ako habang nakatingin sa pisara at saka nagsalita nang hindi siya tinitignan..
“Sa susunod… wag ka na magtatago ng kung ano sa’kin, ah?” ani ko at nakita ko sa gilid ng paningin ko ang paglingon niya sa’kin at pagtango..
“Oo naman. I promised, Max. Hindi na ’to mauulit,” aniya at hindi ko na ’yon pinansin. Pumikit ako at huminga ng malalim. At agad na lumitaw sa paningin ko ang malungkot na mukha niya..
Ngayon, ang iisipin ko na lang ay kung paanong hihingi ng tawad sa kaniya. Kailangan kong maayos ang gusot na ito..
CHAPTER 23
Max Pov.
Ngayon ay nakatingala ako sa kalangitan dito sa may stress free zone dahil nakakalma ako nito at panandaliang na-iibsan ang pagod ko..
Kasama ko sila Shin at iba ko pang kagrupo sa Entrep rito. Hindi kami nagtinda para sa araw na ito dahil kailangan na naming kwentahin kung magkano pa ang dapat kitain..
Gusto rin kasi naming ma-exempted sa project sa subject na ito kaya kailangan naming alamin ang kulang sa kita namin at para alam na namin kung magkano na lang ang dapat naming kitain pa..
Ilang araw na rin ang nakalipas mula nang magkaroon kami ng kaunting di pagkaka-intindihan ni Shin na ayos naman na ngayon. Kaso, hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakaka-hingi ng tawad sa kaniya..
Napag-alaman kasi namin mula kay Miss Shiela na may pinuntahang importanteng bagay si Sir. Maraming tanong ang ibinato sa kaniya ng mga kaklase ko ngunit iilan lang ang sinagot niya. Ni hindi namin alam kung saan pumunta at kailan babalik si Sir. Ang alam lang namin ay malayo ang pinuntahan niya dahil nag-eroplano sila..
Kailan kaya siya babalik? Mas bumibigat kasi yung nararamdaman ko kapag naiisip na, nagawa ko siyang saktan kahit ako ang iniisip niya no’ng panahon na ’yon.
Nilingon ko sila Shin at Harry na naghaharutan sa aking tabi habang ginagawa ang pinagawa ko sa kanila. Pinanood ko lang sila at pinakiramdaman ko ang sarili ko..
Bakit ba hindi ako nasasaktan kahit ganyan sila sa harap ko? Ang unusual lang, kasi diba dapat nasasaktan ako kasi iba yung gusto ng crush ko? Pero bakit, parang…. masaya pa ako kasi sila ang nagkagustuhan?
Hindi ko man alam kung gusto na rin ba ni Shin si Harry pero kung hindi may ay napaka-laki niyang tanga..
Sinong hindi ma-iinlove at magkaka-crush sa isang gwapong anghel na kulay asul ang mata at may medyo maalon na brown na buhok? Lahat ng katangian ng isang matipuno ng lalaki ay nasa kaniya na..
Kaya nga nagtataka rin ako, e. Kung bakit parang hindi kawalan para sa akin na hindi ako ang gusto niya. Naguguluhan na tuloy ako, crush ko pa rin ba siya o hindi na? Pakiramdam ko kasi parang hindi na, e.
Inalis ko ang tingin ko sa kanila at ibinalik iyon sa mga ulap na nasa kalangitan. Ang sarap pagmasdan nito dahil sa mala-niyebeng kaputian at ang tekstura nitong parang sing-lambot ng bulak..
Habang nasa ganoong posisyon ay bigla akong nabalik sa ulirat nang tawagin ako ni Harry.
“Max, kanina ka pa…It looks like you have a problem and you’re occupied because of it. Do you mind sharing it with us?” aniya at napanguso ako sa sinabi niyang ’yon at napakamot sa sintido. Wala naman akong problema, e. May iniisip lang.
Sasagot na sana ako ngunit agad na sumabat si Shin at binigyan ako ng matalim at makahulugang tingin na may bahid ng panunukso.
“Nagka-ganyan lang naman siya simula nung nalaman niyang umalis si Sir. Mirrem, e. For sure, he’s thinking kung kelan babalik si Sir,” tugon niya at pinandilatan ko siya ng mata. Aba’y gagang ’to..pinangunahan ako. Pero, somehow… tama rin si Shin. Hays, sir. Ayoko nang isipin ka pero ang lakas mo magparamdam sakin ng guiltyness kaya halos di ka maalis sa isip ko..
“Hindi, ah. May iniisip akong iba,” depensa ko at tumingala na lang ulit..
Babalik pa naman siguro siya? Wala naman ding sinabi si Miss. Shiela na nagresign na siya, e. Kaya ramdam kong babalik siya, pero kahit ganun. Hindi no’n nababawasan ang guilt sa loob loob ko. Kaya nga humihiling ako na sana maka-balik na siya agad para makahingi na ako ng tawad sa kaniya..
“You cannot lie to me, Max. Don’t you even dare,” natatawang tugon pa ni Shin kaya nilingon ko sila ni Harry. Matapos no’n ay tumama ang paningin ko kay Xavier na tahimik na nags-solve at nagsusulat ng kung ano sa papel..
Hindi ko naman na siya gaanong pinansin pa dahil gano’n din naman siya sa akin. Matapos no’ng nangyari nung nakaraan ay hindi niya na ’ko kinausap at gano’n din ako sa kaniya..
Hindi pa ako nakakasagot sa sinabi ni Shin ay nagsalita naman si Harry.
“Max, why don’t you try message him? Besides, close na rin naman kayo?” Suhestiyon pa ni Harry at sinimangutan ko naman siya. Ano ako, hello? Ayoko nga. Baka isipin no’n na may gusto ako sa kaniya kasi hinahanap ko siya..
“Bakit kelangan pang i-message? Babalik din naman ’yon,” masungit na tugon ni Xavier ngunit walang nakasagot sa kaniya. At namutawi ang sandaling katahimikan.
Ilang segundo pa ang lumipas ay inilahad ni Shin ang palad niya at nakunot pa ang noo ko habang nakatitig roon dahil sa pagtataka.
“Ano ’yan?” turo ko pa sa palad niya habang nagtatanong at inirapan niya naman ako at inalog pa ’yon bago nagsalita. “Give me your phone,” aniya na animo’y nauubusan ng pasensya at sinimangutan ko naman siya..
“Ayoko nga,” tugon ko at sinamaan niya ako ng tingin at saka siya sumagot. “I’ll use it for here. Faster!” saad niya at itinuro pa ang papel na nasa lamesa. Kaya naman kinuha ko ’yon sa bag ko na nasa tabi ko at nakasimangot na inabot sa kaniya..
Maya-maya pa ay tumabi sa akin si Xavier at medyo salubong ang kilay na hinarap ako kaya nagtaka ako.
“Do you like him?” pabulong na tanong niya habang salubong ang dalawang kilay kaya tinaasan ko siya ng kilay at saka sumagot. “Who?” patanong na tugon ko. Sino bang tinutukoy niya? Maraming p’wedeng him, tsk.
“Sir. Mirrem,” malamlam at medyo malungkot na aniya at nagsalubong ang kilay ko. “Syempre hindi, no!” depensa ko at huminga naman siya ng malalim at saka tipid na nginitian ako.
“E, ako? gusto mo na ba ako?” tanong niya at kumunot naman ang noo ko dahil do’n. Kahit medyo ilang ay pinilit kong sumagot sa kaniya. “Alam mo naman ang sagot diyan, diba?” makahulugang tugon ko sa kaniya. Ayoko siyang saktan kaya ayokong diretsahin siya. Ayoko rin namang sabihin na Oo at paasahin siya dahil mas masakit ’yon, panigurado. At saka ano bang tingin nila sa ganiyang bagay? mas mabilis pa sa hangin? jusme!
“Okay, Max. I understand,” aniya na pinalobo ang pisngi at saka nginitian ako. Hindi naman na ako sumagot at tinanguan na lamang siya.
Maya-maya pa ay nagulat ako dahil sa biglang sinabi ni Shin.
“Max! Sir is calling,” saad niya at nanlaki ang mata ko dahil sa gulat. Sinamaan ko pa siya ng tingin matapos no’n at saka pasigaw na tinanong siya.
“Bakit tumatawag, anong ginawa mo?” tanong ko at wala siyang naging tugon at nagkibit balikat lang at binigyan ako ng inosenteng ekpresyon. Malabong wala siyang ginawa. For sure, meron!
Kinuha ko ang cellphone at saka tumayo para lumayo sa kanila at saka sinagot ang tawag..
Pagka-pindot ko sa call icon ay agad ko itong itinapat sa tenga ko at saka nagsalita.
“Oh, hello?” sabi ko sa maangas na paraan at nakarinig ako ng singhal mula sa kabilang linya bago siya sumagot. Tsk, ilang araw ko nang hindi narinig ’yung boses niyang ’yon.
“Tss, do you miss me that much? Huh?” tanong niya sa nanunuyang boses mula sa kabilang linya. Napairap naman ako sa hangin dahil sa sinabi niyang ’yon at saka sarkastikong sumagot. “Baliw ka ba? Ikaw kaya tumawag sa’tin,” tugon ko at mabilis din naman siyang bumawi.
“Oo! tumawag ako kasi nagchat ka,” saad niya mula sa kabilang linya. Kaya naman agad kong nilingon si Shin na ngayon ay nakatingin sa akin at sinamaan ko ito ng tingin. Ngumiti pa siya matapos kong gawin ’yon at saka nagpeace sign. Huminga pa ako ng malalim bago sumagot sa mas kalmadong paraan. May kasalanan nga pala ako sa kaniya. Chance ko na ito para magsorry.
“Hindi ako ’yun. Si Shin ang nagchat sa’yo,” tugon ko sa mas kalmado at sa mas malambing na paraan. Takte na ’yan, ba’t parang ang hirap naman sabihin ng sorry ngayon? Gustong-gusto ko na sabihin kaso hindi ko masambit.
“Okay, are you both okay now? Do you know everything already?” tanong pa niya na animo’y naninigurado kaya naman napangiti ako ng tipid bago tuluyang sumagot. “Yeah.. we’re okay now and I already knew everything,” tugon ko pa na humina ang boses. Magsasalita pa sana ako subalit ay naunahan niya ako.
“I see… Btw, after next week pa ako makaka-balik diyan.” sambit niya pa mula sa kabilang linya at nakunot ang noo ko sa pagtataka sa sinabi niyang ’yon. Ang tagal naman ’yata? Ano bang ginagawa nila ro’n sa seminar na ’yon?
“Okay, sir… Btw, sir. May sasabihin nga pala ako,” tanging naisagot ko at saka ngumuso. Kayanin ko kayang sabihin? Parang ang hirap, e.
“Baby, tell it to me when I’m back. Okay? I really need to go,” aniya pa at nailayo ko naman ang phone ko para magpakawala ng isang buntong hininga. Sayang naman, pero marami pa namang pagkakataon. Baka sa pagbalik niya na lang din ko ito masabi.
“Okay, bye!” tanging naisagot ko sa kaniya matapos ilapit ulit ang phone sa tenga ko at mabilis naman siyang bumawi. “Yeah, bye. Take care!” aniya at saka pinatay ang linya. Nangiti pa ako matapos kong ibaba ang phone ko at saka naglakad pabalik sa bench.
Sinamaan ko pa ulit kunwari ng tingin si Shin at saka ako nagsalita. “Sabi ko na, e. May gagawin kang hindi maganda. Tumawag tuloy yung isa,” reklamo ko at nakangiti naman silang tinignan ako ni Harry at saka siya sumagot.
“Pero, ayos naman diba? Nalaman mo kung kailan siya babalik. Kaya, okay na ’yon,” tugon niya na tunog nangungumbinsi. Inirapan ko lang naman siya at hindi na nakipagtalo pa. At saka namin ipinagpatuloy na lang ang dapat pa naming gawin..
Nang matapos kami ay napag-alaman naming 3,000 pesos na lang ang kulang namin para maka-buo ng 30,000 na sinasabing kelangan namin kitain para ma-exempted kami sa project. Tuwang-tuwa kami dahil kayang-kaya namin kitain ’yon sa loob ng tatlong araw lang.
Tamang-tama lang din dahil limang araw na lang ang natitira para sa pagtitinda namin. Sayang lang dahil hindi na namin mapapasalamatan ng personal si Ronald para sa naging kontribusyon niya sa aming grupo..
Nagligpit na kami at nakangiting bumalik sa classroom dahil malapit na rin ang oras para sa math subject..
Pagkarating namin doon ay kaniya-kaniyang tanungan pa sila tungkol sa magkano na ang kita nila sa Entrepreneurship namin na subject ngunit hindi ko na ’yon pinansin pa at dumiretso na ako sa upuan ko.
Maya-maya lang din ay dumating na si Ms. Shiela, ang substitute kay Sir. Mirrem kaya naman natahimik ang lahat at nakinig nang magsimula na siyang magturo.
Mahigit dalawang linggo na rin ang nakalipas at malapit na rin ang aking kaarawan. Ngayon habang naghahanda sa ibaba para sa klase ay sinalubong ako ng tanong ni Mama.
“Morning, nak. Anong plano mo sa birthday mo? Gusto mo ba maghanda tayo?” bungad na tanong niya at hindi ko na nagawa pa siyang batiin dahil natuon ang atensyon ko sa tanong niya. Napa-isip pa ako kunwari bago tuluyang sumagot nang nakangiti.
“Hmm, p’wede naman, Ma. Kahit simple na lang, kasi sila Shin lang naman ang iimbitahin ko,” tugon ko at tumango naman siya. Akala ko ay tapos na agad ang usapang ’yon ngunit nagtanong pa siya ulit.
“E, anong regalo naman ang gusto mo? Sapatos?” tanong pa niya at nilingon ko siya at saka sinimangutan. “Ma, alam mo naman kung anong gusto ko, e.” Nakangusong tugon ko sa kaniya at sinimangutan niya rin ako matapos. At saka siya nakangiwing sumagot.
“Libro na naman? Wala ka na ngang halos paglagyan nung mga pocketbooks mo,” bulyaw niya at ngumiti naman ako ng pagkatamis-tamis. Mas masaya ako sa libro, Ma. Sorry ka na lang..
“Sige na, Ma. Libro na lang,” tugon ko pa at ngumiti sa harap niya. Hindi naman na siya sumagot at bumuntong hininga na lang kaya naman natawa ako. Pag ganun kasi, ibig sabihin ay wala na siyang magagawa.
Maya-maya lang habang kumakain ako ay nagpaalam na siyang aalis na para pumunta sa pwesto nila sa palengke kaya naman ako na lang ang naiwang mag-isa.
Matapos ko namang kumilos at gawin ang lahat ng dapat gawin ay mabilis kong tinungo ang Imperial College.
Wala namang bago at wala namang masyadong espesyal na nangyari sa mga nakaraang araw hanggang sa dumating ang araw ng Hulyo 10. Ang aking kaarawan. Naaalala kong nakangiti pa akong pumasok kanina ngunit parang walang naalala ang mga inimbita ko tungkol dito dahil hindi man lang nila ako binati..
Ni halos hindi rin kami nagpansinan hanggang sa mag-uwian na. Hindi naman na sila remedial kaya deretso na ang uwi nila kaya mas lalo akong nagtaka. Hindi naman sila busy, pero bakit parang nakalimutan nila? Parang kahapon ko lang sila sinabihan, ah?
Ngayon ay alas-tres na ng hapon at nakatitig lang ako sa mga rekados na inihanda ko. Iniutos ito sa akin ni Mama dahil maaga raw siyang uuwi para magluto..
Nakanguso lang ako habang nakatingin doon at naisipan kong tawagan sila. Ngunit, wala ni isa sa kanila ang sumagot at lahat sila ay offline. Talaga bang nakalimutan nilang birthday ko? Nakakatampo naman.
Matapos pang mag muni-muni ay biglang naisipan kong magligpit ngunit agad ding tumutol ang isip ko kaya inis akong bumalik sa pagkaka-upo at pagtitig sa mga ito.
Maya-maya pa habang nasa ganoon pa rin akong posisyon ay dumating na si Mama. Napatingin ako sa kaniya at agad na gumuhit ang pag-aalala sa mukha niya at tinanong ako.
“Oh, anyari sa’yo?” tanong niya at ngumuso naman ako at sinabi sa kaniya ang totoo. “Feeling ko kasi, Ma. Nakalimutan nila Shin yung birthday ko, e. Tinawagan ko sila pero unattended at offline sila,” tugon ko at ginulo naman ni Mama ang buhok ko at saka ngumiti.
“Wag kang nega. Ramdam kong hindi nila nakalimutan ang birthday mo,” aniya at tinaasan ko lang siya ng kilay dahil sa sinabi niya. Aba’y hanep sa pakiramdam?
“Eh?” tanging nasambit ko at inirapan niya ako. “Mothers knows best kaya kung ako pa sa’yo. Mag-ayos ka na at tulungan mo akong magluto dahil darating din si Tita Irene mo,” tugon niya at nakangiti na lang akong tumango at sumunod sa sinabi niya.
Pero totoo naman kaya yung sinabi ni Mama na hindi nakalimutan nila Shin ang birthday ko? Ay, bahala na! Basta kung makalimutan nila, iintindihin ko na lang.
Iniwakli ko na ang mga iniisip at tinulungan magluto si Mama ng spaghetti at ng pancit. Gusto nga sana bumili ng cake ni Mama kaso pakiramdam ko ay malaking gasto kung magke-cake pa kaya pinigilan ko siya.
“Wag na mag-cake. Malaki naman na ako,” pigil ko sa kaniya at walang magawa namang bumalik na lang siya sa pagluluto habang hinihiwa ko ang iba pang rekados.
Mabilis na lumipas ang oras at alas singko na ng hapon. Nagulat ako dahil ilang minutos lang din bago nag-alas singko ay dumating si Tita Irene na may dalang brownies at puto cheese.
Agad na sumalubong ang pagbati niya sa akin kaya nakangiti akong nagpasalamat sa kaniya.
“Happy birthday!” aniya at nagyakapan pa kami at habang nasa ganoong posisyon ay nagpasalamat ako. “Salamat, Tita!” tugon ko at saka kami bumitiw sa yakapan namin..
“Tumatanda ka na,” pabiro pang aniya at sumimangot ako kunwari dahil do’n at saka sumagot. “Tita naman! ang bata ko pa kaya,” tugon ko at saka kami natawang pareho.
Matapos no’n ay tumulong din si Tita kay Mama na magluto..
Mga ilang oras pa ay may pamilyar na boses ang nagsusumigaw sa labas ng aming bahay kaya naman agad ko itong nilabas para papasukin. Akala ko talaga nakalimutan nila ako, hays.
Pagkalabas ko at pagbukas ko ng gate namin ay nagulat ako dahil kumpleto sila. Kumpleto silang lahat na kaklase ko at sabay-sabay silang sumigaw pagka-labas ko ng bahay namin..
“HAPPY BIRTHDAY!” sigaw nila at walang mapaglagyan ang saya dahil kumpleto silang lahat kasama na ro’n sila Shin, Harry at si Xavier. May dala rin silang kung ano-ano kaya mas natuwa ako at mabilis na nangilid ang luha ko dahil sa tuwa. Agad kong pinawi ’yon bago pa tuluyang tumulo at saka sumagot. “Thank you! Pasok kayo,” tugon ko at nag-umunang pumasok si Shin. Binati niya pa ako ulit bago pumasok kaya nagpasalamat ako ulit.
Halos mapuno at mag-collapse ang bahay namin dahil sa dami namin sa loob. Hindi halos nagkasya lahat sa kusina kaya ang iba ay pinatambay sa salas.
“Nako, pasensya na kayo ha! Hindi pa ako tapos magluto, e. At salamat din sa mga dinala n’yo para sa anak ko,” sambit ni Mama at halos mabingi ako sa naging sagot nila dahil mga energetic at halos sabay-sabay sila..
Lumapit ako kay Shin at kinausap siya. “Akala ko talaga nakalimutan n’yo yung birthday ko,” sambit ko habang nakanguso at natawa naman siya. “Pwede ba naman ’yon? S’yempre hindi namin ’yon kalilimutan,” tugon niya kaya ngumiti ako at nagpasalamat.
“Salamat. At saka ang dami n’yong dala ha, nagulat ako! Pinuno niyo yung lamesa namin, oh! Tas meron pa do’n sa salas,” saad ko at natawa siya. Totoo naman talaga dahil may dala silang kung ano-anong desserts at tatlong cake na hindi ko alam kung nag-ambagan ba silang bilhin ’yon o hindi.
“Hayaan mo na. Actually, si Harry at Xavier ang nagsuggest niyan. Sponsored din nila yung cake na dalawa tas akin ’yang isang cake. Yung ibang desserts naman ay sa mga kaklase na natin galing,” aniya pa at natuwa naman talaga ako dahil sa effort nila para sa birthday ko. Isa-isa ko pa silang nilapitan para pasalamatan at pagbati naman ang ibinalik nila sa akin..
Maya-maya lang nang matapos magluto si Mama ay nagsiksikan kami dahil gusto nilang hipan ko ang kandila ng tatlong cake na ngayon ay nasa harap ko.
“O, sige na. Mag-wish ka na,” ani pa ni Shin at maririnig ko pa ang impit na tuwa sa mga kaklase ko. Kaya naman pumikit ako at sinabi sa isip ko ang gusto kong hiling.
“Sana ay mapatawad na ako ni Sir at sana ay maging maayos ang pag-aaral ko. At sana, maging maayos ang kalusugan ko lalo na nang mga taong nasa paligid ko,” sabi ko sa isip. Matapos no’n ay dumilat ako at saka ko hinipan ang kandila.
Agad silang nagpalakpakan nang gawin ko ’yon at ilang segundos pa ay nabuksan na nila ang aming player at saka nagpatugtog ng happy birthday song. Grabe ’tong araw na ’to. Thank you po, Papa G.
Agad kaming nagsimulang kumain at mabuti na lang ay mahilig kaming magtago ng mga plato at kutsara ni Mama kaya may na-ipagamit kami sa kanila..
Habang kumakain ay biglang sumulpot si Shin galing sa Salas at may dalang dslr ngayon dito sa kusina. At saka siya sumigaw.
“Picture tayo! I’ll send this on our gc right away,” aniya kaya nung i-angat niya ito sa ere at nagbilang ay agad akong nagpeace-sign at saka pumikit ng madiin habang nakangiti ng malaki.
Nang marinig ko ang flick ng camera ay saka ako dumilat at nagpatuloy sa pagkain ng spaghetti..
Kung ano-anong mga kaganapan pa ang nangyari habang nasa bahay sila. May nagkantahan, may nag-sayawan at may nagkwentuhan habang patuloy na lumalantak ng pagkain.
Mga bandang alas otso nang magdesisyon silang umuwi na kaya sobrang pasalamat ko sa kanila dahil pumunta sila rito at sinamahan akong i-celebrate ang birthday ko. Nakakatuwa nga dahil kahit alam kong galing sila sa mayayamang pamilya ay hindi ko narinig na kinutya nila ang lugar namin..
Nang wala na sila ay kaming tatlo na lang nila Mama ang naiwan at tinulungan ko naman silang maglinis at magligpit ng mga kalat at kinainan..
At habang pinupunasan ko ang lamesa ay may hinampas sa bandang braso ko si Mama na kung ano kaya nilingon ko ’yon at nakita kong isa ’yong regalo. Agad ko ’yong kinuha at takang nilingon siya.
“Ano ’to, Ma?” na-eexcite kong sabi at nakangiti rin naman siyang sumagot. “Buksan mo,” tugon niya kaya inilapag ko ’yon sa lamesa at agad na pinunit ang gift wrap nito. At halos maluha ako dahil sa laman no’n. Ito lang naman ang book set ng paborito kong libro. Ang harry potter.
Hindi ko napigil ang sarili kong yumakap kay Mama dahil sa saya dulot ng regalo niya sa akin. Ang bait talaga ni Mama.
“Thank you! Ma,” sambit ko habang nakayakap sa kaniya. Niyakap naman niya ako pabalik at tinapik pa ang likod ko at saka sumagot. “Welcome, anak. Lahat gagawin ko para sayo,” tugon niya at saka kami bumitiw sa yakapang ’yon..
Pina-akyat niya na ako sa taas matapos no’n dahil sila na lang daw ni Tita Irene ang tatapos sa paglilinis at pagliligpit. Hindi naman na ako tumutol pa at nakangiting umakyat ako sa itaas habang dala ang bago kong mga libro..
Nakangiti ko pa itong tinignan at iniwan sa kama ko dahil maliligo muna ako bago basahin ’yon..
Pagtapos kong maligo at magpalit ay chineck ko pa muna ang phone ko at nakita ko ang gc namin na puno ng larawan namin. Kanina pa ito sinend nila Shin at iniinggit nila si Sir dahil siya lang ang wala sa amin. Tama sila, siya na lang ang kulang at buo na ang klase.
Hindi ko naman na pinansin pa iyon at nakangiting humiga na ako at sinimulang magbasa..
Mabilis na lumipas ang oras at nakaka-ilang pahina na rin ako sa libro kong ito ng Harry Potter na pagkakakapal-kapal ay narinig ko ang phone kong nagring. Tsk! nakalimutan kong patayin yung data. Pero sino naman kayang tatawag sa ganitong oras.
Dinampot ko ang phone kong nasa lamesa at agad itong tinignan. Hala? Tumatawag si Sir. Ano kayang kelangan nito?
Nilingon ko pa ang oras bago sagutin iyon. Aba’y alas-onse na, ah? Ba’t tumatawag pa ’to?
Pinindot ko ang call icon at saka itinapat ang cellphone sa tenga ko at nagsalita.
“Hmm, anong kelangan mo? Gabi na, ah?” saad ko at narinig ko naman ang hininga niya bago sumagot. “Lumabas ka. Narito ako sa kanto niyo,” malambing at malumanay ang pagkakasabi niya no’n ngunit kahit ganon ay nagsalubong ang kilay ko dahil do’n. Tsk! tigas talaga ng ulo niya, sabi kong bawal yung mga ganito, e. Pag kami napahamak talaga, hay nako!
“Hintayin mo’ko diyan,” walang emosyong tugon ko. Matapos no’n ay kumuha ako ng jacket at isinuot iyon dahil ayaw ko namang lumabas ng naka-tshirt at shorts lang. Suot ko ang jacket niya ngayon ngunit hindi ko na inisip pa ’yon..
Pagkalabas ko ay nakita ko siyang prenteng naka-upo sa harap ng sasakyan niya at nakatingin sa gawi ko..
Masama ang tingin ko sa kaniya ngunit ang tingin niya sa akin ay kaswal at may tipid pang ngiti sa labi.
Pagkalapit ko sa kaniya ay agad akong nagsalita at tinanong siya. Tumayo naman siya para harapin ako.
“Anong ginagawa mo rito?” tanong ko pa na animo’y galit kaya naman napanguso siya at yumuko bago siya sumagot. “I came here to greet you,” kaswal na tugon niya sa napapaos na boses at inirapan ko lang naman siya. Pwede naman akong batiin through message ba’t pa kelangang pumunta rito? tsk!
“Eh? P’wede ka namang mag-greet sa chat o sa call? Ba’t kelangan mo pang pumunta rito?” pagalit pang tanong ko. Kahit pa may kasalanan ako sa kaniya dahil do’n sa nakaraan ay hindi pa rin siya dapat nagpunta rito.
Ngumuso naman muna siya ulit bago sumagot sa tanong kong ’yon. “Cause, I wanted to say it personally. At saka, I have something for you,” aniya at may dinukot na maliit na rectangular box sa likurang bulsa ng jeans niya.
Inabot niya sa’kin ’yon at tinignan ko pa ’yon. Habang pinag-aaralan ko ’yon at binubuksan ay nagsasalita.
“Happy birthday, Max… Sorry, if ayan lang yung regalo ko. Kase… ayan lang din yung nabili ko ro’n sa cebu. Kasi, anong oras ko na rin nalaman na birthday mo pala ngayon… Nang malaman kong birthday mo, biglang gustong-gusto ko nang umuwi…. para batiin ka, at bigyan ka ng regalo. Muntik pa nga akong mapa-away sa airport ng cebu, dahil wala na nga raw biyahe pa-manila, ngunit…nagawan ko naman ng paraan… Yes, I paid double of the original price for my ticket pero wala lang ’yon kase ang mahalaga, makauwi ako at maibigay ko ’yan sa’yo. I know… p’wede ko siyang ibigay sa mga susunod na araw, pero ayoko naman ng gano’n kasi gusto ko ngayon mo makuha ’yan..” mahabang kwento niya. Nabuksan ko na ito at nakita ko ang laman. Tama siya, simpleng bracelet lang ito. Pero habang nagkukwento siya ay may kung ano sa puso kong nagkukumahog at kumikiliti roon.
Sa sobrang saya ko ay agad na nanlabo ang paningin ko at hindi ko napigil ang sarili kong yumakap sa kaniya. Bakit ba nagagawa niyang ganituhin ako? Lagi niyang ipinaparamdam na importante at espesyal ako..
Nakapikit ako habang nakayakap sa kaniya at naramdaman ko ang init dulot ng pagyakap niya pabalik sa akin. At do’n sunod sunod na pumatak ang luha mula sa likod ng aking mga mata..
Habang nasa ganoong posisyon ay nagtataka na talaga ako sa mga ipinaparamdam niya sa’kin kaya bumitaw ako sa yakapang iyon at hinarap siya. Nakangiti siyang tinignan ako at pinunasan pa ang luha sa pisngi ko habang nakanguso ako at tinanong siya.
“Bakit ganito ka sa’kin ha? Bakit ganito ka na kabait?” tanong ko pa at ginawaran niya ako ng isang sinserong ngiti. Matapos no’n ay saka siya sumagot. “Bukas mo malalaman. Sa ngayon.. uuwi na muna ako dahil pagod din ako. Happy birthday ulit,” aniya at tatalikod na sana siya ngunit agad akong nagsalita.
“Bukas? Bakit?” takang tanong ko at napaisip pa siya kunwari bago sumagot. “Diba marami tayong ipapaliwanag sa isa’t-isa? Edi bukas na. Isasabay ko na ’ron kung bakit,” tugon niya at ginulo pa ang buhok ko.
“Umuwi ka na ro’n sa inyo. Pauunahin na kita bago ako umalis,” dagdag pa niya ngunit tumutol ako.
“Ikaw na mauna.. saka ako uuwi pag naka-alis ka na,” tugon ko at huminga siya ng malalim at nakangiting tinignan ako. Nagulat ako at literal na nanlaki ang mata ko nang bigla niya akong halikan sa noo. Hindi naman ako nakapag-react hanggang sa magsalita siyang muli..
“Sige na, baby. Mauna ka na. Wear that bracelet tomorrow, okay? Goodnight,” aniya pa ngunit wala akong lakas na sumagot sa kaniya. Bumilang pa ako ng tatlo sa isip ko at mabilis siyang tinalikuran at tumakbo pauwi.
Ninakawan niya ako ng halik sa noo!
CHAPTER 24
Max Pov.
Maaga akong nagising ngayong araw sa di malamang dahilan, kaya naman.. agad akong bumangon para kumilos dahil biyernes ngayon at may pasok ako. At habang kumikilos ay bigla kong naalala ang mga nangyari kagabi sa birthday ko kaya agad na gumuhit ang malawak na ngiti sa aking labi. Ang tanda ko na pala, I’m officially 20 na ngayon, jusko. Bye, bye, teenage life na talaga ito at welcome na sa adulthood stage of life! P’wede na magpakarat at lumandi, char!
At habang naiisip ko pa ang mga ’yon ay biglang pumasok sa isip ko si Sir. Mirrem at ang ginawa niya sa’kin kagabi..
Naglaho ang ngiti kong ’yon at saka nakunot ang noo ko at napanguso pa dahil sa pagtataka kong nararamdaman..
Bakit kaya gano’n na siya sa’kin? Bakit naging sobrang bait at maalalahanin naman yata niya sa’kin? May ideya naman nang pumapasok sa isip ko pero ayoko naman siyang ma-misinterpret, baka kasi mali ako nang iniisip, e. pero… Ay shet, oo nga pala! mag-uusap kami ngayon. Jusme, ba’t parang kinakabahan naman yata ako? At saka may kasalanan nga pala siya sa’kin! Ninakawan niya ako ng halik kagabi!
Nakasimangot pa ako dahil sa huling naisip ko ngunit matapos no’n ay nangiti rin naman dahil naalala ko ang effort niyang puntahan ako at bigyan ng regalo na suot-suot ko na ngayon. Isa lamang itong simpleng brown braided island bracelet na may metal plate sa ibabaw. At ang nakasulat sa metal plate ay ang acronym na M&M at may kaunting design na flower at splash. Ngunit kahit gano’n ay iba ang epekto nito sa akin at ang tuwang ibinibigay nito..
Pero, ano kayang meaning nitong M&M? Eto ba yung chocolate?
Hindi ko naman na masyado pang inisip ’yon at bumaba na para magluto dahil ang alam ko’y maagang aalis si Mama ngayon at si Tita Irene na dito natulog kahapon..
Buti nga ay tulog na sila nang lumabas ako kagabi, kaya hindi na ako nakwestiyon kung saan ako nanggaling, at kung kanino ang dala kong maliit na box kagabi..
Mabilis naman akong natapos sa lahat at handa na akong umalis. Ngunit bago ko ginawa ’yon at tinignan ko pa muna ang cellphone ko. At nagulat ako dahil may messages ako galing kay Shin at kay Xavier.
Inuna ko nang buksan ang kay Shin at mabilis itong binasa..
From: Shin Eun Lee.
Bestie, pinapasabi ’to ni Xavier. He said that he’ll fetch you and take you at school. Try to check if nandiyan na ba siya sa kanto n’yo.
Sent. 6:10am.
Agad na nanlaki ang mata ko roon matapos kong mabasa ’yon at ilang segundo pa ay nagsalubong ang kilay ko. Bakit kelangan pang sunduin ako? Tss. Ano na naman kayang pakulo nitong lalaking ’to. Bigla siyang hindi namansin nung nakaraan tas ngayon.. aish, bahala nga siya.
Umirap pa ako sa hangin at saka ko binuksan ang mensahe niya para basahin..
From: Xavier Jon Legazpi
Good morning, Beautiful. Anong oras ka ba lalabas diyan sa inyo? I’m waiting here para sabay na tayo sa school. Reply asap.
Sent. 6:18am.
Masama ang tingin ko sa screen ng cellphone ko matapos kong mabasa ’yon. Tinignan ko pa ang oras at kasalukuyang alas-sais bente-tres na. Bahala siya diyan, di ko siya rereplyan.
Napahinga pa ako ng malalim bago iligpit ang phone ko at isinukbit ang bag ko. Sinigurado ko naman munang sarado ang lahat at wala akong nakalimutan bago ako umalis ng bahay at pumunta sa kanto..
Pagkarating ko roon ay nakakita ako ng sasakyan na kulay dark gray. Hindi ko alam kung kaniya ’yon pero sa tingin ko’y siya na ’yan. Agad ko naman itong nilapitan at nang mapansin niya siguro akong palapit ay ibinaba niya ang bintana at saka nagsalita..
“Good morning, Max. Sakay na,” aniya ngunit blanko ang tingin na tinignan ko lang siya at saka siya tinanong. “Anong meron? Ba’t mo’ko sinundo?” prankang tanong ko rito. Hindi ko alam kung nagtunog-maldita ba ako ngunit wala na akong pakielam. Totoo naman, e? Ba’t kelangan pa akong sunduin? si Princess Sarah nga pinagbabalat lang ng patatas tas ako na hindi prinsesa, sinusundo? Ay wow naman talaga, no!
Medyo nakaramdam naman ako ng kaonting guilt nang biglang gumuhit sa mukha niya ang bahagyang lungkot at saka nang magsalita siya..
“Ay!.. ayaw mo ba nito?… S-sorry, hehe.. Gusto ko lang kasi—” hindi ko siya pinatapos pa at agad ko siyang pinutol. “Hindi ah! nagulat lang ako,” nakangiti nang tugon ko at napakamot naman siya sa sintido. at nang makabawi ay saka ngumiti at nagsalita..
“Ano ba ’yan. Akala ko tuloy ayaw mo,” nagrereklamo kunwaring aniya habang nakangiti at natawa naman ako. “Hindi naman. Nagtataka lang talaga ako bakit may pa-ganito,” tugon ko naman at nginitian niya ako ng pagkatamis-tamis at saka nagsalita.
“Kase nga, nanliligaw na ako. Sige na.. sakay na,” aniya at pabirong inismiran ko siya at saka ako umikot para sumakay sa passenger’s seat.
Pagkapasok ko ro’n ay siningkitan ko pa siya ng mata kahit hindi siya nakatingin sa akin..
“Anong nanliligaw, ha?” ma-awtoridad kunwaring tanong ko at nilingon niya ako nang nakangiti bago niya mani-obrahin ang manibela. “Courting doesn’t need permission, Max. If I like you, I’ll work hard and do everything for you to like me back,” tugon niya at saka mabilis na pina-andar ang sasakyan. At sa ginawa niyang ’yon ay parang naiwan ang kaluluwa ko sa kung saan siya nakaparada..
Naiintindihan ko naman yung point niya sa sinabi niyang ’yon. Pero.. kung sa ganitong paraan niya ako gustong makuha at mapasagot. Aba’y ayoko pang mamatay no! Jusko!
“Bagalan mo lang!” sigaw ko at narinig ko ang malakas na tawa niya kaya nilingon ko siya at kinurot. “Baliw ka ba? Kung sa ganitong pamamaraan mo’ko liligawan… Ayoko na!…Huwag na lang!” sigaw ko sa kaniya at matapos no’n ay binagalan naman na niya ang pagpapa-andar.
Napapikit pa ako at habol ang hiningang sumandal ako sa kinauupuan ko at saka niya ako nilingon at nagsalita..
“Edi payag ka na?” tanong niya pa habang malaki ang ngising na nakatingin sa akin na agad din naman niyang ibinaling sa dinaraanan. Inirapan ko lang siya kahit hindi siya nakatingin at saka kunwaring inosenteng sumagot. “Payag saan?” patanong na tugon ko.
Kunot ang noong nilingon niya ako at tinignan ko lang siya at binigyan ng nagtatanong na tingin. Ibinalik niya ang tingin sa dinaraanan bago nagsalita..
“Payag sa panliligaw ko sayo,” tugon niya at nakita ko sa gilid ng paningin ko ang pagnguso niya kaya napairap ako bago sumagot. Akala ko ba hindi kailangan ng permiso tas ngayon nagtatanong, Aba’y, naka-shabu yata itong kausap ko ngayon, e.
“Akala ko ba hindi kailangan ng permiso? Ba’t nagtatanong ka ngayon?” inis na tanong ko at nilingon siya.
Hindi naman niya ako nilingon at nakita ko na bumakas ang pagiging seryoso sa mukha niya bago siya nakangusong sumagot. “Oo, sinabi ko ’yon… Pero, hindi naman ’yon ang formal na panliligaw para sa akin, e.. Syempre kahit papaano..gusto kong maging formal para sayo. Yung formal na liligawan ka… na may permiso at pahintulot mo.. Kasi Max, ikaw yan, e. At alam kong iba ka sa lahat…Kaya gusto kong maging pormal at tanungin ka pa rin kasi, ayoko namang napipilitan ka lang pala… Hindi naman kasi yung nararamdaman ko ang mahalaga para sa’kin, Max. Kundi ’yong nararamdaman mo, “ tugon niya. Napa-isip pa ako sa sinabi niyang ’yon dahil parang nag-echo iyon sa pandinig ko. Nang mag sink-in na sa akin ang mga sinabi niyang ’yon ay parang humanga ako sa kaniya at may kung ano sa puso ko ang gumagalaw at nagdudulot ng kiliti rito..
Nakakapagtaka naman ang mga nangyayari ngayon. Ang wi-wirdo na ng mga tao. Nag e-evolve na yata sila..
Sa sinabi niyang mas importante ang nararamdaman ko kesa sa nararamdaman niya ay iba talaga ang naging dating no’n sa akin. Parang sa mga libro lang, na mas inuuna nila ’yong taong mahal nila kesa sa sarili nila..
Hindi naman sa mahal na niya ako pero parang gano’n ang nangyayari ngayon kahit hindi..
“Kagaya nga ng sabi mo. Hindi naman kailangan ng permiso. Edi manligaw ka lang,” ang tanging naisagot ko sa kaniya. Matapos no’n ay ibinaling ko sa dinaraanan namin ang paningin ko. Nakita ko pa sa gilid ng paningin ko ang ngising bumalatay sa labi niya bago nagsalita..
“Sabi mo ’yan, ah. Wala nang bawian. Manliligaw ako sa’yo, at kahit anong maging sagot mo… Ayos lang sakin,” tugon niya at nangiti naman ako dahil do’n. Isa sa mga bagay na gusto ko. Ang hindi ipinipilit ang isang bagay na mangyari.
Hindi naman na ako sumagot at hinayaan lang siyang magdrive habang nakatingin ako sa labas ng bintana..
Nang marating namin ang skwelahan ay agad siyang nagpark sa parking lot na nasa labas ng school. Bababa na sana ako ngunit pinigilan niya ako. Nagtaka pa ako dahil do’n ngunit agad ko rin namang nakuha no’ng umikot siya. Nakangiti niya akong pinagbuksan ng pinto at iniabot pa ang kamay niya sa akin. Ay, sweetness naman pala. Grabe talaga, ayoko talagang maniwalang ang ganda ko pero ang dami ng signs.
Hindi ko naman inabot ’yon, kaya siya na mismo ang kumuha sa kamay ko at hinawakan ’yon ng mahigpit. Siningkitan ko siya ng mata ngunit nginitian niya ako ng pagkatamis-tamis na halos mawala na ang mata niya kaya nangiti rin ako at hinayaan na lamang siya.
Matapos no’n ay magka-hawak kamay kaming pumasok ng skwelahan. Ngunit agad kong nabitawan iyon ng magtama ang paningin namin ni Sir..
Anong ginagawa niya diyan?
Nakatingin lang siya sa amin ngunit blanko ang ekspresyon ng paningin niya. Naramdaman ko ang pagtataka ni Harry ngunit nang makita niya rin si Sir ay alam kong nakuha na niya kung bakit..
Hindi ko alam pero agad akong nakaramdam ng guilt kahit wala pa mang nangyayari..
Mirrem’s Pov.
Kahit pagod at kulang sa tulog ay pinilit ko ang sarili kong kumilos nang maaga. Para maaga akong makapasok at para hintayin siya sa gate. Tas biglang dadating at madadatnan ko pala siyang may ka-hawak kamay. Fuck this!
Ang sakit sakit sa mata nang makita ko ’yon at biglang may galit na umakyat sa ulo ko. Naikuyom ko pa ang kamao ko dahil sa inis na dulot nang nakita ko. Nilingon ko pa ang estudyante kong si Xavier at mas lalong nag-init ang dugo ko dahil bakas ang saya sa mukha niya. I really wanted to punch your face so bad! Gusto kitang bugbugin, kung pwede lang talaga, tss. Kanina pa durog yang mukha mo.
At saka ko nilingon si Max. Tuwang tuwa pa akong niyakap mo ako kagabi tas biglang madadatnan kong may ka-holding hands ka pala ngayon? Tss!
Nakatingin lang kami sa isa’t-isa at ramdam na ramdam ko ang pagsisisi sa mata niyang ’yon. Dapat lang, Max. This is the third time na imbis ako ang kasama mo ay may kasama kang iba.
Nanatiling blanko ang tingin ko sa kaniya at huminga muna ako ng malalim bago ako tumalikod at humakbang papalayo..
Ramdam ko talagang hahabol sila at hindi naman ako nagkamali..
“Sir!” sigaw ni Xavier. At sa sigaw niyang ’yon ay bakas ang saya niya ngunit hindi gano’n ang nararamdaman ko. Ikinuyom ko pa muna ng madiin ang kamao ko para do’n ilabas ang galit ko, at saka ko siya nilingon.
Blanko ang ekspresyon ko silang nilingon ni Max na ngayon ay nasa bandang likuran niya at may bakas ng pagsisisi sa mukha..
“Nakabalik ka na pala sir, kailan pa?” nakangitin tanong pa nito sa akin. Nagtataka nga ako dahil ganyan siya kung maka-tanong pero hindi naman kami close. Tss!
Walang emosyon naman akong tumingin sa mata niya at sinagot ang tanong niya. “Kagabi lang,” tugon ko.
Tumango-tango pa siya at akala ko’y hanggang doon na lang ’yon ngunit nagsalita pa ulit siya na siyang ikina-inis ko lalo..
“Sayang, sir. Hindi ka umabot sa masayang birthday ni Max. You’re the only one who’s missing there. Everyone is present except you,” pagkukwento pa nito at pinilit kong hindi magtunog sarkastiko sa tugon ko.
“Really?” sagot ko at pumeke pa ng ngiti. At nakangiti pa siyang nagsalita ulit.
“Yes sir. And his mom was very nice to us,” aniya pa at ngumiti pa ako kunwari para pigilin ang galit na mas lalong lumalala. Onti na lang talaga, if this kid don’t stop. Masasapak ko talag a ’to.
Mabuti na lang din ay bago pa siyang magsalita ulit ay sumingit na si Max na mariing pinag-aaralan ang ekspresyon ko kanina pa..
“Tigilan mo muna si Sir. Pagod ’yan dahil kahapon lang ’yan nakauwi. Wag ka munang mangulit,” Saad ni Max at tumango naman si Xavier. Pinanood ko pa ang mga galaw nila hanggang sa kumakamot sa noo na bumulong si Xavier na narinig ko.
“Tara na sa room?” pabulong na aya nito kay Max na narinig ko. Siningkitan ko pa siya ng tingin habang nakatalikod siya sa gawi ko at nakita ko naman ang tingin na iyon ni Max at nilabanan ko gamit ang matatalim kong tingin.
“Mauna ka na. May sasabihin lang ako kay sir,” tugon ni Max kay Xavier at kumunot ang noo nito ngunit bago pa ito makapagsalita ay agad nang nagsalita ulit si Max at pinanood ko lang sila..
Ata habang pinapanood sila. God knows how I stopped and forced myself not to hurt this kid in front of me. Nakakagalit lang! They act like a real couple now. and Max acting like a different person in front of me just for him is killing me! Ang sakit! Napaka-insensitive niya. Hindi niya man lang alam na nasasaktan ako.
Walang nagawang umalis si Xavier kaya sinundan ko lang din ito ng tingin hanggang sa makalayo. At matapos no’n ay ibinaling ko ang tingin ko kay Max. Hindi naman na ako magulat ng magtama ang paningin namin no’ng lingunin ko siya..
Tinaasan ko pa siya ng kilay at saka lang siya nagsalita. “Anong problema mo?” tanong niya na nagpakunot sa noo ko. Ang problema ko? problema ko ang pagiging manhid mo. Tss!
Gustong gusto kong isigaw ’yon sa kaniya ngunit pinigil ko ang sarili ko at pilosopong sinagot siya.
“Problema? Wala naman, ah? baka ikaw, meron?” tugon ko at huminga siya ng malalim at nagsalita “Sabihin mo na,” saad niya at bakas roon ang pagka-pikon at kaonti na lang ay maninigaw na. Hindi naman ako nagpa-sindak at nagpatuloy pa rin..
“Wala naman talaga. baka ikaw, meron? Sabihin mo lang,” tugon ko at umirap naman siya bago nagsalita ulit. “Eh, bakit gano’n ka makatingin sa’min kanina?” tanong niya pa at sarkastiko naman akong sumagot habang kunot ang noo.
“Eh, is it prohibited to look at the both of you that way?” sarkastikong tugon ko pa at bumuntong hininga pa siya at inis na sumagot. “Ewan ko sa’yo, sir. Wala kang kwenta kausap. Ang ayos ayos mo pa kagabi tas…” aniya at nag-umunang lumakad at hindi na hinintay ang sagot ko. Ngunit bago pa siya tuluyang makalayo ay hinila ko na siya at saka seryosong sumagot habang nakatingin sa mata niya.
“Maging sensitive ka kasi….Anyways, see you later… Don’t forget na sabay tayong maglu-lunch,” tanging naisagot ko sa kaniya sa mas maayos na paraan at saka mabilis pa sa hangin na iniwan at nilisan siya ro’n..
Max Pov.
Tapos na ang dalawang subjects namin ngayon at kasama ko sa canteen itong si Xavier ngayon. Hindi ko alam kung nasaan sila Shin at Harry ngayon ngunit hindi ko na ’yon inisip pa..
Habang nilalantakan itong chips na binili ko ay iniisip ko pa rin ang sinabi ni Sir sa akin kaninang umaga..
Be sensitive, e siya nga yung manhid diyan. Di makaramdam na ayaw ko sa mabahong trip niya! Ninakawan niya pa ako ng halik kagabi, parang gago lang!
Nawala lang ako sa pag-iisip at nabalik sa ulirat nang tapikin ako ni Xavier at kausapin..
“Tulala ka na naman. Ano bang iniisip mo? Kanina pa kita tinatanong kung anong napag-usapan n’yo ni sir… hindi ka naman sumasagot,” saad niya at huminga muna ako bago nakangiting sumagot sa kaniya.
“Tungkol nga lang sa remedial,” tugon ko ngunit siningkitan niya lang ako at saka siya nagsalita ulit. “Talaga? E, itong bracelet mo? Kanino ’to galing? Sa kaniya ba?” tanong niya pa at taka ko naman siyang tinignan. Aba? grabe naman ’to mang-interrogate? Parang jowa, ah.
“Eh? Ba’t mo naman nasabing sa kaniya galing ’to?” pagbabalik tanong ko sa kaniya at nginusuan niya pa ako bago sumagot. “Eh kasi, tignan mo oh! M&M ang nakalagay. E, pareho kayong M ang simula ng pangalan,” tugon niya at na-realize ko ang sinabi niya. Ngunit hindi ko naman ipinahalata ’yon at nagsinungaling..
“Baliw ka ba? E, kay Mama galing ito. Regalo niya to sa’kin,” tugon ko na hinimas pa ang bracelet kong ’yon at taas kilay naman siyang nagtanong. “Bakit? M din ba pangalan ng mama mo?” mapaghinalang aniya pa na siyang ikina-inis ko. Ayaw na lang maniwala, e. Dami-daming tanong, naghahanap lang yata ’to ng away, e.
“Oo, Maria Cythia ang pangalan ng mama ko. Masaya ka na?” inis na tugon ko at ngumuso naman siya at agad na bumalatay ang pagsisisi sa mukha niya.
“Sorry, nagseselos lang kasi ako. Tinatanong kase kita kanina. Hindi mo naman ako sinasagot ng maayos,” aniya ngunit sininghalan ko lang siya. Kahit pa, bahala ka diyan..
“At saka bakit ba gano’n lagi sa’kin si Sir? Napansin ko ang init-init ng dugo niya sa’kin,” dagdag pa niya at napaisip din ako. Medyo totoo nga ’yon, kase napansin ko rin.. Pero parang wala naman kasing matutuwa sa ugali nitong isang ’to, e. Napaka-ano kasi, e!
“Aba’y, ewan ko. Ba’t di mo siya tanungin,” sarkastikong tugon ko at sumimangot naman siya. “Ang sungit mo sa’kin. Tara na nga! dahil na-eexcite na ako sa date natin sa sabado,” masungit pang aniya nung una ngunit naging malambing din habang binabanggit ang huli niyang sinabi. Hindi ko naman na pinansin ’yon at sabay kaming bumalik sa classroom.
Kahit pa naririnig ko ang bulungan tungkol sa amin ni Xavier ay hindi ko na lamang ito pinansin pa at umupo na lang sa upuan ko at gano’n din naman siya..
Nagtaka pa ako kung bakit wala pa sila Shin ngunit hindi ko na ’yon inisip pa dahil math subject na ang susunod..
Mga ilang minutos pa ay nakumpleto na kaming lahat, pati si Shin ay katabi ko na rin nang dumating si Sir. Pagpasok niya ay deretso lamang siya sa table at inilapag ang gamit niya at malamig ang ekspresyong bumati sa amin..
Alam kong nagtataka sila sa iniasta ni Sir ngayon kagaya ko ngunit hindi nila magawang magtanong.
Matapos namin siyang batiin ay mabilis pa sa hangin siyang nagdiscuss tungkol sa Arithmetic sequence..
Habang nasa ganoon ay nililingon ko sila Harry at Xavier na nagtatawanan ng mahina habang nagtuturo si Sir. Pag sila talaga napagalitan, mukha pa naman ding wala sa mood yung isa.
At hindi nga ako nagkakamali, dahil ilang minutos lang matapos kong maisip ’yon ay biglang tinawag si Xavier at pinapunta sa harap.
Pinasagutan sa kaniya ang isang problem ngunit hindi niya ito nasagot dahil nga hindi naman siya nakikinig at ito’y bagong diskusyon din lamang…
Nakakatakot ang naging panggigisa niya kay Xavier at talagang nanibago ako. Parang hindi siya yung Mirrem na nakilala ko. Eto ba ’yong Mirrem na masyadong seryoso? Tsk. Nakakatakot naman pala.
“If you’re not interested to learn and to listen to the one who’s talking in front. Get up and packed your things and drop out. This school doesn’t need hard-headed asshole dick,” sambit niya pa matapos paupuin si Xavier. Natahimik naman ang lahat kahit pa bakas ang gulat at takot nila sa iniasta ni Sir. Kahit si Raine ay nanginginig at napayuko na lang dahil sa takot.
Hindi na lang ako umimik pa at nakinig na lang dahil mahirap na. Baka ako ang sumunod na mapagbuntunan, hehe.
Mabilis namang lumipas ang oras at pagkalabas ni Sir ay naging bulung-bulungan agad ang nangyari sa classroom.
“Ngayon ko lang siya nakitang gano’n,”
“He’s so scary pala pag nagalit,”
“Ikaw kasi Xavier, e. Tawa kayo ng tawa,”
“Kasalanan din naman nila kung bakit nagalit si Sir,”
Hindi ko naman na pinansin ’yon at nilingon si Shin na base sa reaksyon niya ay gulat din dahil sa ginawa ni sir.
“Owemji. Ayon na siguro ’yong sinasabi niyang ayaw niyang maging seryoso kasi nagagalit siya ng gano’n. Max… nakakatakot siya,” ani pa ni Shin at umarteng natatakot ngunit inirapan ko lang siya.
“Siguro, at saka hindi niya rin naman kasalanan na nagalit siya. Kasi ito rin silang Harry, e. Alam nang may nagtuturo… tawa pa rin ng tawa,” inis na tugon ko. Tama naman ako, e. May nagtuturo sa harap tas tawa sila ng tawa, sino ba namang guro ang matutuwa sa gano’n?
Hindi naman na sumagot si Shin hanggang sa dumating na ang teacher para sa sunod na subject..
Discuss..
Mabilis na lumipas ang oras at habang nagtuturo siya ay tumunog na ang bell. Hudyat na tapos na ang klase…
Akala ko pa nga ay lalapitan ako ni Xavier ngunit nag-umuna siyang lumabas kaya naman prente akong dumiretso sa Stress Free Zone nang makalabas sila..
Pagkarating ko roon ay nagulat ako dahil nando’n na siya kaya naman lumapit na ako sa kaniya..
Hindi ko alam ang sasabihin sa kaniya nang makalapit ako kaya tinanong ko na lang siya kunwari..
“Sir, bakit mo naman ginanon si Xavier?” panimulang tanong ko pa ngunit wrong move yata dahil sobrang talim na nang tingin niya sa akin habang nakaupo at saka siya sumagot. “Why? are you affected?” may angas at bakas ang inis sa tugon niyang iyon. Matapos no’n ay nag-iwas tingin siya..
Napanguso pa ako at nagsalita ulit. “Oh, bat parang pati sa’kin galit ka?” tanong ko pa at nilingon niya ulit ako habang masama ang tingin.
“Coz you’re too naive,” tugon niya at saka nag-iwas tingin ulit. Nakunot naman ang noo ko at nagsalubong ang kilay ko dahil do’n. “Anong naive? sa paanong paraan ha?!” inis na tugon ko at suminghal lang siya..
“Isipin mo kung paano,” pilosopong tugon niya na may bahid ng inis kaya mas napikon ako. Aba’y ang labo din nito, e no.
“Paanong iisipin, ha? kung di mo sasabihin?! Alam mo? Ang labo mo rin, e! Nakakainis ka!” sigaw ko sa kaniya at mabuti na lang din talaga ay walang tao rito dahil kung hindi ay pagkakaguluhan kami at machi-chismis..
“Masyado nang obvious, Max..para sabihin ko pa!” inis ding tugon niya at madiin pang binanggit ang pangalan ko. At pumikit ako upang pigilin ang galit na nagkukumahog na makalabas at maibuntong ko sa kaniya..
“Bakit kasi hindi mo na lang sabihin para tapos na?” tanong ko pa at nanatiling kaming nakatingin ng matalim sa isa’t-isa. Huminga pa siya ng malalim bago sumagot sa tanong kong ’yon at ramdam ko rin ang pagpipigil niya ng galit.
“Ayoko ngang sabihin kasi obvious naman, Max. It’s too cliche if I’d say that I like you, Max. Damn it!” Galit na sambit niya ngunit hindi ako nakapag-react agad dahil hindi agad nagsink-in sa akin ang sinabi niya..
Nag-echo pa iyon sa tenga ko at habang ganoon ay nagsalita pa siya at ngayon ay nakatayo na siya at pinanood ko lang siya..
“And God knows kung gaano ako nagpigil kanina para hindi siya masapak! Fuck it. At sobrang daming pasensya ko ang naubos kanina dahil sa pagpipigil ko ng selos sa inyong dalawa!“galit pang aniya habang nakatingin sa kung saan habang nakasabunot sa sariling buhok.
“Teka! p-paanong nangyari? D-diba biruan lang? P-paano–” utal na tanong ko pa dahil hindi ko pa rin ma-gets kung paanong ganito na? Ang gulo! Akala ko pa naman din mali ako ng akala, pero tama pala. Pero bakit kakaiba sa pakiramdam Natatakot ako!
“Hindi ko rin alam, Max… Hindi ko rin alam.. Basta ang tanging alam ko lang ay galit ako sa’yo dahil ang manhid manhid mo! Nakakainis ang kamanhiran mo!” tugon niya at napa-upo ulit sa bench at nagsimulang umiyak na parang bata.
“At nasasaktan ako dahil kahit magselos ako sa inyong dalawa! Wala akong magagawa… kasi, hindi ka naman akin at walang namamagitan sa’tin!” Dagdag pa niya at ramdam na ramdam ko ang hinanakit niya sa sinabi niyang iyon. At ang mababaw kong luha ay sunod-sunod na tumulo dahil do’n..
Nakakatakot makita siyang ganyan, parang hindi ko kaya…
CHAPTER 25
Max Pov.
Habang kumakain ako ngayon ng agahan ay hindi pa rin nawawala sa isipan ko ang nangyari kahapon sa pagitan namin ni Sir.
Nalulungkot ako sa katotohanang wala akong magawa kahit pa nasasaktan siya..
Ayaw ko siyang nakikitang gano’n, ang hirap niyang tignan, kasi mas nasasaktan ako. Kahit pa hindi ko siya gusto, masakit sa matang makita siyang umiiyak.
At biglang naalala ko pa ang mga kataga niya kahapon na.. “Please, don’t give me false hope, Max. Don’t give me a sign that you like me if you can’t give me the assurance that I want,”
Hindi ko alam kung anong ibig-sabihin niya sa kataga niyang iyan pero alam ko at ramdam kong iiwas na siya sakin..
At dahil sa ideyang ’yon… ay mas nadaragdagan ang bigat na nararamdaman ko sa loob-loob ko. Ayoko namang umiwas siya sa akin…pero alam ko sa sarili kong wala akong lakas at hindi ko kayang sabihin ’yon sa kaniya. At saka batid ko rin na kailangan niya ng space.
Pinakiramdaman ko na rin naman ang sarili ko kagabi at inusisa ang nararamdaman ko. At alam kong kahit hindi ko pa siya talaga as in na gusto, ay hindi na rin kagaya ng dati ang nararamdaman ko para sa kaniya. Alam kong may nagbago na, pero.. kailangan ko rin munang siguraduhin. Kaso bwiset siya, hindi niya ako hinayaang magpaliwanag. Ang bigat bigat tuloy ng nararamdaman ko dahil sa kaniya!
At dahil din sa mga pangyayari kahapon at sa kadahilanang tumakbo ako paalis kahapon ng Stress Free Zone ay nawawala ngayon ang ID ko.
Hindi ko alam kung saan ito nalaglag o nawala. Pero isa lang ang sigurado, at ’yon ay ang hindi ako papapasukin sa school kung wala ’yon..
Hindi ko na nagawang tapusin pa ang pagkain ko dahil sa mga iniisip ko. Nakakawalang gana ang kumain dahil do’n kaya naman tamad kong iniligpit ang pinag-kainan ko..
Mabilis na lumipas ang oras at tapos na ako sa lahat at handa nang gumayak..
Ngunit mas pinili ko munang umupo at himasin ang bracelet na binigay niya..
Mirrem & Max, o pwede ring..Max & Mirrem.
Kaya pala bumait kang bigla at nag-iba ang pagtrato mo sa’kin. May gusto ka na pala..
Tapos ngayon ramdam kong iiwas ka na? Ang labo mo rin naman talaga…
Hindi naman ako masyadong nag-isip pa at kinuha na lang phone ko. Tinignan ko ang messenger ko at nakita ko ang mensahe galing kay Xavier..
Tamad naman akong binuksan ito at saka binasa ang mensahe niya.
From: Xavier Jon
Legazpi
Good morning, sunshine! otw na ako diyan. Wait mo lang ako. ^_^
Sent. 6:15am.
Tinignan ko pa ang orasan matapos kong tignan kung anong oras niya ito sinend..
Alas-sais bentekwatro na kaya paniguradong nasa labas na siya ngayon. Nakakatamad namang pumasok ngayon, tsk! Nawala pa kasi yung ID ko, e. Ano ba ’yan, paano na ’to?
Nakanguso akong lumabas at isinarado ang pinto at gate namin. Matapos no’n ay saka ako pumunta sa kanto para puntahan siya..
Tama naman ang hinala kong naroon na siya kaya mabilis akong naglakad at lumapit sa sasakyan niya. Naka-abang siya sa bukas na bintana habang nakatingin sa gawi ko.
“Good morning!” bati niya nang matanaw niya ako.
Hindi ko nagawang sumagot sa kaniya kaya tinapunan ko lang siya ng tingin gamit ang blankong ekspresyon.
Gumuhit ang pagtataka sa mukha niya ngunit hindi ko na ’yon pinansin pa at mabilis na umikot para sumakay sa sasakyan niya..
Pagka-sakay ko ay sumalubong sa akin ang tanong niya at ang matatalim niyang tingin na pinag-aaralan ang bawat galaw ko..
“Anong nangyari sayo?” salubong ang kilay at kunot ang noong tanong niya. Huminga naman ako ng malalim bago sumagot. “Wala. Sige na.. tara na,” tugon ko na iniiba ang usapan.
“Eh? Ano nga? Galit ka ba sa’kin?” tanong niya at nginusuan pa ako at taas kilay ko siyang nilingon at sinagot. “Bakit naman ako magagalit sa’yo?” patanong na tugon ko pa.
“Eh, baka kasi galit ka..dahil hindi kita naihatid pauwi kahapon,” tugon niya at nag-iwas tingin at suminghap muna ako ng hangin bago sumagot at nginitian siya ng tipid. “Hindi ako galit, okay? May problema lang,” tugon ko at saka bumaling sa harap ko. At kunot noong nilingon niya ako at tinanong..
“Anong problema? Sabihin mo,” saad niya at napakamot pa ako kunwari sa anit ko at saka siya nilingon bago sumagot. “Nawawala kasi yung ID ko. For sure! hindi ako makakapasok nito,” tugon ko sa kaniya at matapos no’n ay napanguso ako. Dagdag isipin pa tuloy, hindi pa nga ako tapos sa problema ko kay sir, e.
“Bakit? Saan mo ba naiwala? Baka na-misplace mo lang?” usisa niya pa at napairap ako sa hangin bago sumagot. “Paanong na-misplace..e, naiwan nga sa’kin yung lace?” pagbabalik tanong ko sa kaniya at hindi naman siya nakasagot agad.
Mga ilang segundos pa ay nagsalita siya at nilingon ako at nginitian..
“H’wag ka mag-alala. Di kita pababayaan. Ako ang kakausap sa guard,” aniya pa at pumeke ako ng ngiti sa harap niya. As if naman madadala sa pakiusap yung gwardiyang ’yon. Goodluck na lang talaga!
“Salamat,” ang tanging naisagot ko at nginitian niya na lang ako. Matapos no’n ay umayos siya ng upo at mabilis na minani-obra ang sasakyan patungong school..
Hindi naman gano’n kabigat ang daloy ng trapiko ngayon kaya narating agad namin ang school. Pagkatapos niyang mag-park ay sabay kaming nagtungo agad sa harap ng gate..
Pagkarating pa lang namin do’n ay agad kaming hinanapan ng ID ni Manong guard. Sabi ko na, e.
“Oh, ikaw? Nasa’n ang ID mo?” ma-awtoridad na tanong niya sa akin dahil ako lang ang walang maipakita na ID.
“Sir, nawala kasi yung ID niya kahapon at ngayon niya pa lang i-rereport —” sambit ni Xavier ngunit hindi siya pinatapos nito at agad itong nagsalita upang sumagot. “Pasensya na rin, Iho. Pero, ayokong ipahamak ang trabaho ko. No ID no entry ang policy ng school. Hindi ko kasalanan kung nawala ang ID niya, papasukin ko lang siya kapag may ID na siya,” tugon nito at dahil do’n ay napabuntong hininga ako. Yari na! Tama talaga ang hula ko.
“Pero sir, need niyang mag-report–” Saad niya pa ngunit agad ulit siya nitong pinutol at inis itong sumagot sa kaniya. “Iho, hindi nga p’wede. At saka isa pa, pag nangulit ka pa riyan at hindi ka pa pumasok sa loob. Baka hindi na rin kita papasukin,” tugon nito kaya salubong ang kilay na tinulak ko ng mahina si Xavier at nilingon niya ako. Masama rin ang tingin niya ngunit nilabanan ko ’yon.
“Pumasok ka na!” pabulong ngunit madiin kong sabi sa kaniya. Magsasalita pa sana siya ngunit nagsalita na ulit si Manong guard. “Ano, papasok ka ba o hindi?” tanong pa nito kaya tinulak ko siya ulit para sabihing pumasok na siya. Pumasok ka na kung ayaw mong madamay!
Masama ang tingin niya sa akin ngunit nagsalita na ako kaya wala siyang nagawa..
“Pumasok ka na, bilisan mo!” saad ko sa madiin na paraan. Inis at walang magawa naman siyang pumasok sa loob. Pagka-pasok niya ay nilingon niya pa ako at sumigaw siya. “Babalikan kita. Hintayin mo’ko!” sigaw niya at mabilis na tumalikod at tumakbo papasok hanggang sa mawala na siya sa paningin ko mula rito sa labas..
Masama ang tingin ni Manong guard sa’kin habang mukhang tangang nakatayo at naghihintay ako rito sa labas ng gate. Akala siguro niya naghihintay lang ako nang pagkakataon na tumalikod siya at e-eskapo ako para pumasok, tsk! Tusukin ko mata niya diyan, e.
Ilang minutos na rin ang lumipas at bagot na bagot na akong nakatayo rito sa labas ng gate. Sa mga minutos na lumipas ay maraming estudyante na rin ang dumaan sa harap ko at nakapasok na..
Habang nakatayo rito ay ramdam ko na rin ang pagsisimula ng pamamanhid ng paa at binti ko dahil sa kakatayo. Nawawalan na ako ng pag-asa na makakapasok pa ako, kaya naman nang tamarin at mapagod ako ay umalis na ako..
Habang naglalakad papaalis at papuntang kalsada ay may sasakyan na bumusina sa akin.
Nilingon ko ito at pamilyar na pamilyar sa akin kung kanino ’yon kaya hindi ko ’yon pinansin at nagpatuloy lang ako sa paglalakad ko nang mabagal..
Mabilis naman nitong naibaba ang bintana niya kaya bago ko pa siya tuluyang malagpasan ay nakasilip na siya roon at saka nagsalita..
“Where are you going? By this time you’re supposed to be inside the school premises. So, why are you here?” ma-awtoridad niyang sabi ngunit hindi ko siya sinagot dahil hindi ko rin alam kung paano. Jusme, ba’t parang nata-tameme naman ako.
Huminga muna ako ng malalim at kumuha ro’n ng lakas ng loob para sumagot sa kaniya..
“Uuwi na ako, sir. Hindi naman ako papapasukin ng guard,” nakangiting tugon ko kahit pa medyo may lungkot sa kaloob-looban ko. Hindi lang naman ’yon dahil sa hindi ako makakapasok sa loob ng school kundi dahil alam ko rin na hindi kami okay. Kasalanan niya rin naman kung ba’t kami di okay, e. Hmp!
“Why?” tanong pa niya at kasalukuyang nakatingin sa akin habang kunot ang noo. Bakas ang paghihintay niya sa sagot ko kaya naman huminga pa muna ako ulit bago nagsalita. “Kasi nawawala yung ID ko,” tugon ko.
Hindi naman siya sumagot agad. Pipihit na sana ako at hahakbang na paalis ngunit bigla naman siyang nagsalita. “Get in,” utos niya. Hindi ko naman agad na-absorb ’yon kaya sinigurado ko pa muna.
“Ha?” tanong ko pa kunwari. Inis niya akong nilingon at may kaunting diin sa naging sagot niya sa’kin. “Get in!” tugon niya. Kaya naman mabilis akong umikot para sumakay sa kotse niya.
Pagkapasok ko ay nilingon ko pa siya ngunit seryoso siyang nakatingin sa daanan at sa lilikuan niya kaya ibinalik ko ang tingin ko sa harap at ngumuso. Gusto ko na lang tuloy makipag-ayos sa kaniya. Mas hindi ko pala kaya na ganito kami. Nakakainis na rin ’tong nararamdaman ko, e. May gusto na nga ba ako sa kaniya? Tsk!
Walang namutawing ingay o salita galing sa amin hanggang sa makapag-park na siya. Pagkababa niya ay hindi na ako naghintay at bumaba na rin ako. Hindi naman agad ako umalis at hinintay pa siya.
“Let’s go,” walang emosyong saad niya at nakayukong sumunod lang naman ako sa kaniya. Pagkarating namin do’n ay agad akong nakita ng gwardiya at salubong ang kilay niyang nakatingin sa akin.
“Ikaw na naman? Diba sabi ko hindi kita papapasukin hangga’t wala ang ID mo?” pagalit na saad pa nito at nagtago lang naman ako ng bahagya sa likod ni Sir. “He’s my student. Let him in,” tugon sa kaniya ni Sir at gumuhit ang pangamba sa mukha nito.
“Pero sir, ayoko naman mapahamak yung trabaho ko. Bawal ako magpapasok ng walang ID,” tugon pa ni Manong guard at tinapik naman siya ni Sir sa balikat at nakita kong nginitian siya nito kahit nakatalikod pa ito ng bahagya sa akin..
“Akong bahala sa kaniya. Let him in and I’ll go with him to report for his lost ID. So, you and your job will be safe, okay?” paniniguro pa ni Sir sa kaniya ngunit mukhang kahit nangangamba ay wala na rin siyang magawa. “Ikaw ang bahala sakin.. sir, ah?” paninigurado pa nito at nginitian naman siya ni sir at tinanguan.
Pinapasok niya kami at nang magtama ng paningin namin ay seryoso siyang nakatingin sa akin. Kaya agad akong bumitiw sa tinginang iyon at tumingin na lang sa likod ni Sir na naglalakad sa harap ko ngayon.
Bahagyang nakayuko pa ako habang naglalakad siya..
Nagulat ako nang bigla siyang huminto at lumingon sa akin at nagsalita..
“Go now… I’ll handle your problem with your ID. I’ll make sure you’ll have your new ID this afternoon,” saad niya kaya takang nag-angat tingin ako sa kaniya at sumagot. “Pero sir,” tanging nasabi ko. Pwede naman kasing ako na lang, e. Masyado nang nakakahiya at saka maaabala ko lang siya, e.
“No buts. Just go,” aniya at tumalikod na. Bago pa siya makahakbang ay nagsalita na ako kaya napahinto siya at lumingon ulit.
“Sir, thank you!” pasasalamat ko na lang at napayuko dahil pinipilit ko lang ang sarili kong palakasin ang loob ko para masabi iyon sa kaniya. Nag-angat tingin ako at may tipid na ngiti sa labi niya habang nakatingin sa akin at saka nagsalita.
“Don’t act like I did this for free, Max. Everything has its price. And now, you owe me one,” tugon niya kaya mas nakunot ang noo ko. Akala ko pa naman libre, tsk! Pero ano pa nga bang magagawa ko at saka pasalamat na lang din ako dahil kung wala siya, di ako makakapasok dito sa loob.
“At ano naman ’yon?” tanong ko pa at nginitian niya muna ako at saka siya sumagot. “Let’s have lunch together. And i’ll tell you what is it,” aniya at mabilis akong tinalikuran at nilayasan.
Hindi naman na ako nakasagot sa kaniya kaya sumingangot ako. Bakit kailangan pang kitain siya do’n? Para saan pa? Aawayin na naman ba niya ako? Tsk! Pero ano pa nga bang magagawa ko?
Matapos no’n ay nakasimangot akong pumunta ng room. Nagtama pa ang paningin namin ni Xavier at bakas do’n ang saya ngunit hindi ko na ’yon pinansin pa. Tinanong pa nila ako nila Shin ngunit tamad at tipid ko silang sinagot dahil iniisip ko pa rin si Sir. Siya na lang talaga parati ang naiisip ko.
Mabilis na lumipas ang oras at dumating na ang teacher namin kaya naman nakinig na kami rito. Matapos ang mahabang diskusyon. Activities at tambak na assignments ang iniwan nito. Palibhasa biyernes ngayon, e. Tsk!
Gano’n din ang eksena sa sumunod na subject kaya halos lahat ay manlumo. Buti na lang din ay tapos na kami sa pagtitinda at exempted na kami sa project nila Shin kaya medyo ayos na rin..
Nilingon ko pa si Shin at habang nakayuko siya ay napansin ko ang mamula-mula at halos mukhang maroon na pasa sa bandang leeg niya. Kaya naman taka kong itinuro ’yon at tinanong siya.
“Ano ’yan?” tanong ko at matalim siyang tinignan. Inuusisa kung magsasabi siya ng totoo o hindi. “Ang alin? Saan?” tanong rin niya patungkol rito. Inirapan ko siya at dinutdot pa iyon.
“Ayan, oh! Chikinini ’yan, e. Sino naglagay niyan sa’yo?” malisyosong tanong ko pa at pinandilatan niya ako at saka sumagot. “It’s not a hickey! it’s just a bruise I got yesterday!” depensa niya ngunit hindi ako naniniwala. Maloko ko siyang tinignan at sinagot.
“Hindi yan bruise, echoserang ’to! Magsisinungaling ka na lang.. sa akin pa,” tugon ko sa kaniya at matalim niya akong tinignan at sinenyasan na manahimik na. “Eh, kanino nga yan galing? Kay Harry?” pabulong na tanong ko pa at lumingon pa siya sa paligid at saka lumapit sa akin para sumagot. “Oo,” at agad akong napa-ayos ng upo at gulat na nagsalita.
“Nag-Lp—” hindi ko natapos ang bibig ko dahil agad niya tong tinakpan at madiin akong tinitigan. May iilang kaklase na kaming nakatingin sa amin ngunit hindi na namin iyon pinansin..
“H’wag ka maingay!” madiin niyang bulong at saka inalis ang kamay niya sa bibig ko. Pinunasan ko pa muna ang bibig ko bago magsalita. Gagang ’to, marupok. Bumigay agad at nakipag-LP. Jusme! babae pa naman din siya. Kung nandiyan na sila sa ganiyang stage, hindi malabong umabot sila sa stage na ’yon. Delikado!
“Ikaw! sinasabi ko sa’yo, Shin. Pag ikaw napahamak sa ginagawa mo,” madiin ding paalala ko sa kaniya at yumuko muna siya bago tingnan ako ulit at saka sumagot. “Oo, nag-iingat naman ako, e. Di na ’to mauulit,” tugon niya at maloko ko ulit siyang tinignan.
“Gaga! malabo na ’yan dahil nagawa niyo na nga, e. Ay, basta! Pag umabot na kayo sa stage na ’yon. Mag-suot kayo ng proteksyon!” saad ko pa na ikina-kunot ng noo niya. Matapos no’n ay taka siyang nagtanong. “Anong stage? Anong proteksyon?!” tanong niya sa madiin na paraan. Inirapan ko naman siya dahil sa tanong niyang ’yon.
“Don’t act like na hindi mo alam ’yon. Basta Shin, wag kang papayag na walang proteksyon pag umabot na kayo ro’n,” tugon ko at sinimangutan niya muna ako bago sumagot. “Ewan ko sa’yo. Malabo naman yang sinasabi mo,” tugon niya. Malabo sa ngayon, pero di rin malabong umabot na kayo sa ganyang gawain, soon.
“Basta..sinabihan na kita,” tanging nasabi ko at bumalik na lang sa paggawa ng mga activities at gano’n din naman siya.
Hindi na kami pumunta ng canteen pareho dahil marami kaming kailangang tapusin. Katabi ko ngayon si Xavier dahil nagpalit sila ni Shin. Si Shin at Harry ay magkatabi at halos talunin na ang love birds sa sobrang tamis at landi nila sa isa’t isa. Nabibitter ako! charot!
Hindi ko naman masyadong pinapansin si Xavier kahit pa nangungulit siya dahil abala ako sa activities..
Nagring na ang bell kaya hudyat na ito na Math class na dahil tapos na ang break time. Agad kong nilingon si Xavier at nagsalita.
“Balik ka na sa upuan mo. Baka pagalitan tayo,” saad ko at sumimangot siya sa akin at kulang na lang ay isiksik niya ang mukha niya sa braso ko.
“Ayoko. Dito lang ako,” aniya pa at napairap ako sa hangin dahil sa katigasan ng ulo niya. “Sige na, mayayari tayo nito, e.” ani ko naman at masama ang tingin na tinignan niya ako.
“Ayaw mo ba akong katabi?” tanong niya pa at napapikit ako dahil sa kakulitan ng boses niya. “Hindi ah! ayaw ko lang mapagalitan tayo,” tugon ko. Ayaw ko lang magselos na naman yung isa. Mapapagalitan ka at madadamay ako.
“Ang sweet mo naman, ayaw mo’ko mapagalitan. Pero, promise! di tayo mapapagalitan,” aniya at wala naman na akong nagawa kahit pa na-misinterpret niya ako. Pero kahit na, gano’n din naman ’yon.
Hindi naman na ako sumagot at naghintay na lang ako na pumasok ang bakulaw..
At hindi naman nagtagal ay pumasok na siya at ayan na naman ang ekspresyon niya kagaya ng kahapon..
Mas medyo okay na nga lang yung ekspresyon niya ngayon kumpara sa kahapon..
At hindi rin ako nagkamali dahil nang magtama ang paningin namin at makita niya ang katabi ko ay sumigaw siya. “Back to your proper seats!” sigaw niya gamit ang baritonong boses. Agad na lumingon dito sa likod ang mga kaklase namin na nakaupo sa harap dahil dito nakatingin si Sir. Sabi ko na, e. Magagalit siya, e. Di pa kasi nakinig tong si Xavier sa’kin, tsk.
Sinundan niya pa ng tingin si Xavier hanggang sa maka-upo ito sa orihinal nitong upuan. Matapos no’n ay nilingon niya ako at nagtama ang paningin namin, ngunit hindi ko na iyon pinansin pa..
Hindi na rin naman siya nagreact pa at nagsimula nang magturo..
Hindi man gano’n kadali ang topic ay naiintindihan ko naman ito dahil sa mga techniques na itinuturo niya. At ang nakakatuwa pa ay talagang dinadahan-dahan at pinapaulit-ulit niya ito para mas matandaan namin at tumanim sa aming utak.
Maya-maya pa ay nagbigay siya ng mini quiz at hindi naman ’yon gano’n kahirap kaya natapos ko ito agad.. Gano’n din naman si Shin at ang iba pa..
Nang matapos kami ay kami-kami lang din ang nag-check sa papel ng bawat-isa. At matapos pa ulit no’n ay nagdiscuss pa siya ng kaonti at dinismiss din kami agad..
Sa sumunod na subject ay puro discussions lang naman ang naganap kaya akala namin ay ligtas na kami. Ngunit, pinaulanan kami ng tambak na assignments nung huli kaya naman parang nanlumo din kami pagkatapos..
Imbis na rest day ang weekend, ilalaan pa namin for tambak na homeworks, jusme!
Agad silang nagsitayuan matapos ang subject na iyon dahil uwian na rin..
Inayos ko pa kunwari ang mga gamit ko dahil pauunahin ko na sila bago ako pumunta sa Stress Free Zone gaya ng napag-usapan namin ni Sir.
Mga ilang segundo pa habang kinakalkal ko ang bag ko kunwari ay may kumalabit sa’kin. Tinignan ko ito at nakita ko ang nakangiting si Xavier.
“Tara Max. Uwi na tayo,” aniya at ngumiti naman muna ako at nag-isip ng isasagot. Patay! anong idadahilan ko? Ay teka! alam ko na…
“Nako! mauna ka na lang…pupunta pa ako sa Registrar office,” pagsisinungaling ko sa kaniya at agad na kumunot ang noo niya.
“Anong gagawin mo ro’n?” tanong niya pa at ngumiti naman muna ako bago sumagot ulit. “Nawala yung ID ko diba? Magpapa-issue ako ng bago,” tugon ko at napakamot naman siya sa noo bago nagsalita ulit..
“Ah, gano’n ba? Then, I’ll wait for you,” tugon niya at agad akong tumanggi. “H’wag na baka matagalan pa, e. Mauna ka na,” saad ko at sinimangutan niya naman ako ngunit nginitian ko lang siya.
Nagpumilit pa siya na hihintayin ako ngunit hindi ako nagpadala, kaya wala siyang nagawa..
Nang masigurado kong wala na at nakaalis na siya ay saka ako dumiretso sa Stress Free Zone..
Pagkarating ko roon ay nando’n na si sir kaya nilapitan ko ito. Pagkalapit ko rito ay isinenyas niya pang umupo ako na siya namang ginawa ko..
“Hmm, here’s your new ID. Make sure not to lose it again,” aniya at nakangiting tumango naman ako at inilagay ’yon sa bag ko.
Namutawi ang katahimikan matapos no’n kaya naman tumikhim muna ako bago basagin ’yon..
“Sir, thank you nga pala. And sorry na rin,” saad ko habang nakayuko at nakatingin sa mga kamay ko.
“Actually, Max. Ako ang dapat magsorry sa’yo,” tugon niya na hindi pinansin ang una kong sinabi, kaya taka ko siyang nilingon at saka tinanong.
“Bakit? ani ko at yumuko rin muna siya bago sumagot at nilingon ako. “Kasi dahil sa kahapon… Hindi ko na-control ang sarili ko,” aniya at nakinig lang ako at naghintay sa idudugtong niya..
“Pasensya na at hindi ko napigilan talaga. Kase rin naman, e. Nakakainis talaga kayong tignan!…Nakakaasar! Tapos naiinggit pa ako…kasi kayo nagagawa n’yo yun ng libreng-libre. Tapos pag tayo, pahirapan na nga.. tas patago pa,” nakasimangot na aniya at hindi ko napigilang matawa sa itsura niya habang sinasabi ’yon. At mukhang mali yatang ginawa ko pa dahil sobrang sama na agad ng tingin niya sa’kin kaya tinakpan ko ang bibig ko.
“Tignan mo’to. Nagpapaliwanag ako tas tatawanan ako. Para kang ewan, e no?” galit na aniya kaya natahimik ako at napayuko. Natawa lang naman ako, e. Ba’t kelangan magalit agad, tsk.
Katahimikan na naman ang namagitan matapos no’n at tanging hampas ng hangin sa sanga ng puno at huni na lamang nang mga ibon ang maririnig. Talaga bang galit na agad siya dahil don? hmmm…
Mga ilang segundo pa ay siya na ang bumasag sa katahimikan kaya nilingon ko siya..
“Sorry,” aniya kaya agad na gumuhit ang pagtataka sa aking mukha. “Ha? Para sa’n?” tanong ko kunwari. Eh? Di naman ako na-offend, e.
“Sa nasabi ko sa’yo… I should be more careful of what I’m saying,” aniya pa at napanguso naman ako dahil do’n. “Hindi naman ako nagalit, e. Ayos lang ’yon,” tugon ko at kunot ang noong nilingon naman niya ako.
“Eh, ba’t ka nanahimik?” tanong niya at awkward akong tumawa at sumagot. “Wala kasi akong masabi, e.” ani ko at suminghal lang siya..
Mga ilang segundo pa bago siya nagsalita at tinanong ako..
“Hmmm, okay. Pero, matanong kita.. may gusto ka ba do’n kay Xavier?” tanong niya at naniningkit akong tinignan. At napaisip naman ako sa tanong niyang ’yon. Meron nga ba? hmmm..parang wala naman. Kaibigan nga lang hanggang ngayon ang tingin ko ro’n, e.
“Wala,” nakangusong tugon ko at nag-iwas tingin sa kaniya. Hindi niya ako hinayaang magpaliwanag kahapon tas ngayon magtatanong siya. Tsk!
“Eh, sa’kin?” tanong niya at blanko ang emosyon ko lang siyang nginiwian at saka sinagot. “Ba’t mo naman tinatanong?” usisa ko at inis siyang sumagot.
“Just answer it,” aniya at nag-iwas tingin lang ako ulit at saka umirap sa hangin bago nagsalita..
“Secret,” saad ko sa tunog na nang-aasar. Masama ang tingin na tinignan niya ako at saka nagtanong. “Anong secret?” bakas ang inis sa tanong niyang ’yon at inis kunwari ko rin siyang nilingon.
“Diba kahapon hindi mo’ko hinayaang magpaliwanag?… Halos hindi ng ako nakatulog kakaisip sa’yo, e… Ngayon… etong ganti ko sa’yo… Mamatay ka kakaisip,” inis ding tugon ko sa kaniya. Maya-maya pa habang nakanguso ay sumagot siya..
“Sorry! pero sabihin mo na!” parang batang aniya kaya bumuga naman muna ako ng hangin at saka nagsalita..
Nag-ipon pa muna ako ng lakas bago ako tuluyang nagsalita at nagpaliwanag.
“Okay…Alam ko sa sarili kong hindi pa kita gusto,” tugon ko at pinagkadidiinan pa ang bawat salita at kunot noo naman siyang nakikinig. Hindi naman siya sumagot kaya nagpatuloy ako..
“Pero, yung nararamdaman ko sa’yo ay hindi na rin kagaya ng dati… Alam kong may nagbago na.. Alam ko na hindi na lang din guro ang tingin ko sa’yo… Pero, hindi pa ako sigurado, okay? Magulo at mahirap siya ipaliwanag kasi hindi ko rin maintindihan pa talaga,” pagpapaka-totoo ko at nakanguso lang naman siya sa akin ngayon habang nakatitig kami sa isa’t-isa.
“Edi kailan ka pa pala magiging sigurado?” tanong niya habang nakanguso at nagkibit balikat lang ako. Bumuntong hininga siya matapos no’n at yumuko..
Mga ilang segundo pa ay nag-angat tingin siya sa akin at nagsalita..
“Since, ganyan na rin naman kamo ang nararamdaman mo…at wala ka ring gusto kay Xavier. I know that this is too much, pero.. p’wede bang layuan mo siya para sa’kin?” saad niya at nanlaki ang mata ko dahil do’n at napalitan din naman agad ng pagkakunot ng noo.
“Ha, bakit?” tanong ko pa at inis siyang sumagot at nag-iwas tingin..
“B-because, I’m jealous of him….I can’t stand seeing you two together. I really wanted to punch and beat him when he’s holding you nor touching you!” inis na tugon niya habang salubong na salubong ang makapal na kilay at nakanguso.
“Eh,… paano ’yan? Nanliligaw siya sa’kin, e.” kunot noong tugon ko at gulat siyang tumingin sa akin at sumagot.
“What?!… Then make him stop!” tugon niya at napapikit naman ako. Akala niya siguro gano’n kadali, tsk!
“And I’ll court you, baby. I’ll earn you in every ways that I know,” dagdag niya pa na siyang ikinalaki ng mata ko.
Whaaaaat?
CHAPTER 26
Max Pov.
Nang makabawi ako sa sinabi niyang ’yon ay sinamaan ko siya ng tingin at inis akong sumagot..
“Anong ligaw ka diyan? Baliw ka ba?… At saka…hindi pa naman ako pumapayag,” saad ko at masama ang tingin niya akong nilingon at inis na sumagot.
“As if I’m asking for your permission,” tugon niya at pairap na nag-iwas tingin. Sinimangutan ko naman siya kahit hindi siya nakatingin bago sumagot.
“Hmm, okay…. Di rin naman kita sasagutin,” tugon ko sa tinig na nang-aasar at mabilis niya akong nilingon at sinagot.
“Eh, kung ibagsak kita?!” masungit na sagot niya at masama ang tingin ko siyang sinagot at nginusuan. Kailan pa ba ako makaka-isa rito. Napakadaya!
“Ang daya mo! Lagi mo na lang akong naiisahan,” pasigaw na sagot ko at ngumuso. Halos matawa naman siya ngunit pinigil iyon at ngingisi-ngising sumagot.
“Anong palagi? Naisahan mo na nga ako, e.” tugon niya at inis ko siyang nilingon at kunwaring gulat at natatawa pa siyang nagsalita ulit.
“Oh, bakit?… Diba totoo naman? Ikaw naman ang nagplanong asarin ako pabalik ah? Tas pinagbigyan kita.. at anong nangyari?….eto, nahulog ako sayo,” dagdag niya pa at tunog nangungumbinsi ngunit nanatiling nakasimangot ako.
“Ewan ko sayo! Lagi mo akong bina-blackmail…” nakangusong tugon ko pa at nag-iwas tingin at pinagkrus ang kamay ko. At saka ko siya pinanood sa gilid ng mata ko..
Natatawa pa siyang sumagot na animo’y hindi makapaniwala. “H-ha? Anong bina-blackmail? Ikaw nga ang nagbabanta diyan, e…” aniya kaya nilingon ko siya at inirapan bago sumagot. “Anong banta?!” tanong ko pa kunwari at mabilis naman siyang sumagot. Siraulo ’to ah, binabaliktad pa ako, ah.
“Binabantaan mo ako na hindi mo ’ko sasagutin,” tugon niya at ngumuso kunwari at ngumiti rin matapos. Kaya naman maangas ko siyang tinignan at tinanong. “Baki?…natatakot ka ba? na hindi kita sagutin?” saad ko sa tonong nang-aasar.
“Hindi ah!…pero, mali naman ’yong gano’n… Dapat pag-isipan mo…at dapat magiging fair para sa nararamdaman nating dalawa,” tugon niya na siyang ikina-kunot ng noo ko.
“Anong nararamdaman nating dalawa?!” takang tanong ko at suminghal naman siya bago sumagot.
“Bakit? Tama naman ako, ah…” tugon niya habang salubong ang kilay at kunot ang noo at saka siya nag-iwas tingin..
“Ayan ka, e! Na-misinterpret mo na naman ako, e… Diba sinabi kong.. hindi pa kita gusto ,” saad ko at mabilis siyang lumingon sa’kin at sumagot..
“Pero, diba sabi mo may nagbago na sa nararamdaman mo?” aniya at nginisian ko siya at saka ako nagsalita. Mapipikon ’to for sure, haha.
“Pero..wala pa rin akong sinabing gusto kita,” sabi ko sa nang-aasar na tono at agad naman siyang nag-iwas tingin saka ngumuso..
“Ewan ko sa’yo. Ang labo mo,” tugon niya habang nakanguso at nakatingin sa kung saan.
Muntik pa akong matawa sa iniasta niya ngunit pinigilan ko ang sarili ko at binigyan lang siya ng ngiti kahit hindi siya nakatingin..
“Kumain ka na nga lang diyan. Uuwi na ako,” ani ko at nginisian siya matapos niyang lumingon. Agad naman siyang sumagot habang nakanguso.
“No, h’wag muna..” tugon niya at sumagot naman ako habang nagpipigil ng tawa dahil sa itsura niya..
“Bakit?” tanong ko. Yumuko naman muna siya at kinuha ang bag sa tabi bago ako nilingon..
“Sabay tayo kumain.Nagdala ako ng maraming foods kasi pinlano ko na talaga makipagsabay sayo ng lunch,” tugon niya at agad naman akong tumanggi. Eh? sinabi ko bang magdala siya niyan..
“H’wag na…sa bahay na lang ako kakain. Salamat na lang,” aniya ko sa kaniya at ngumiti. Agad naman na nagsalubong ang kilay niya sa pagkaing nasa tupperware na dala niya.
Nilingon ko rin ’yon at marami nga ’yon gaya ng sabi niya. May karne, prutas at may mga kung ano-ano ring dahon ng gulay…
“Sayang naman pala ’tong dinala ko. Ayaw mo pala akong sabayan,” aniya at nag-angat tingin ako sa kaniya at nasa akin na pala ang paningin niya. Salubong ang kilay na nakatingin siya sa akin kaya naman huminga pa ako ng malalim at saka sumagot.
“Oo na, kakain na tayo… Happy?” sarkastikong sambit ko at unti-unting lumitaw ang ngiti sa labi niya..
Hindi ko naman na pinansin pa ’yon at kinuha ko ang kutsara at kumuha ng piraso ng kung anong gulay at iniamba sa kaniya..
Nakangiti pa siyang tinignan ako bago isubo ’yon at saka nagsalita matapos niya iyong lunukin..
“Ang bait naman ng misis ko,” pabirong aniya na siyang ikinalaki ng mata ko. Dinuro ko pa siya gamit ang kutsara at pigil ang tawa naman niyang ibinaba ang kamay ko..
“Baliw ka na?” inis kunwaring tugon ko at do’n na siya tuluyang natawa at saka sumagot. “Biro lang, baby ko.” aniya..
Inirapan ko na lang siya at hindi na nagsalita pa. Mga ilang segundo pa ay sinubuan niya rin ako ng pagkain kaya wala akong nagawa at kumain na lang din..
Maya-maya pa nang matapos kami ay nagpaalam na ako..
“Una na ako, ah?” paalam ko at ngumiti naman siya bago sumagot..
“Hmm, ingat..” tugon niya kaya humakbang na ako at tumalikod. At hahakbang na sana ako ulit ng mabilis niyang hawakan ang kamay ko at nagsalita, kaya agad ko siyang nilingon at nag-angat tingin sa kaniya..
“Hmm… bakit?” takang tanong ko at tumingin pa siya sa magkabilang gilid bago tuluyang nagsalita..
“Uhm…punta ako sa inyo mamaya ah? after class,” aniya at agad na nagsalubong ang kilay ko roon at tinanong siya.
“Bakit?…Anong gagawin mo sa bahay?” tanong ko at nginusuan niya ako bago sumagot. “Lutuan mo’ko,” tugon niya sa malumanay na paraan na para bang nakiki-usap. Ngunit hindi ako nagpadala roon at sumagot.
“Ayoko nga! at saka marami akong assignments ngayon,” saad ko at agad naman siyang sumagot habang nakatingin sa mata ko. Ginagamitan na naman niya ako ng tingin na ’yon..
“Edi tutulungan kita sa assignments mo. Sige na, please?…” aniya at halos alugin pa ang kamay kong hawak niya..
“Hindi nga p’wede… At saka bakit ba gustong-gusto mo pumunta sa bahay at magpaluto? Bakit di ka umuwi na lang sa bahay mo at magpaluto sa kusinera mo?” patanong na tugon ko. May bahid ng inis ang pagkakasabi ko no’n kaya agad niya akong nginusuan..
“Bakit pag si Xavier, pumapayag ka agad? Pag sa akin? laging bawal,” nakangusong sambit niya at inirapan ko naman siya. Anong konek?
“Hoy!..Isang beses lang naman siya nakapunta sa bahay,” nanlalaki ang matang tugon ko at nakanguso niya pa rin akong tinignan at sinagot.
“Yun na nga, e…Nakapunta na rin siya sa bahay n’yo. It means, equal na kami. E, ang gusto ko…ako ang lamang,” aniya na animo’y parang bata na nakikipagtalo sa isang laro. Napaka-isip bata talaga.
“Ang abnormal mo,” inis na sabi ko sa kaniya at inalog niya ang kamay ko at saka nakiusap. “Sige na kasi…at saka namimiss ko na rin talaga yung masarap mong luto,” aniya pa at ayun na naman ang nangungusap niyang mga mata at nakatingin sa akin . Ang hirap nyang tanggihan kapag ginagawa niya ’yon, tsk!
Wala rin naman akong nagawa at sa huli ay ako na rin ang sumuko..
“Oo na! pero teka, ano bang gusto mong lutuin ko para sayo?” tanong ko sa kaniya at umarte naman siyang nag-iisip. Huminga pa ako ng malalim habang naghihintay sa sagot niya. Hindi ko man gustong gawin ito ngunit paniguradong mangungulit lang siya kaya pumayag na ako.
“Hmm…kahit ano na lang, kahit puro gulay pa yan. Kakainin ko basta luto mo,” saad niya at tumango naman ako at matipid na sumagot.
“Okay,” tugon ko at nginitian niya ako at saka nagsalita.
“Sige na, baby. Ingat ka pauwi, ha? Message mo’ko pag nakauwi ka na,” aniya at hindi ko maintindihan dahil may kung ano na naman sa dibdib ko ang gumagalaw na nagdudulot ng kilig na sensasyon..
Kaya naman inirapan ko muna siya at saka patanong na sumagot.
“Bakit kailangan pang mag-message?” inis kunwaring tanong ko at binigyan niya agad ako ng matalim na tingin.
“Just do it,” aniya at saka binitawan ang kamay kong hawak niya.
Hindi ko naman na pinansin ’yong huling sinabi niya at nagpaalam na..
“Bye! uwi na ako,” paalam ko at mabilis na nilisan siya ron. Narinig ko pa siyang sumagot ngunit hindi ko na ’yon pinansin pa at umuwi na..
’Ano
naman kayang
lulutuin
ko para sa kaniya? Aish…mamaya ko na nga iisipin..’
Pagka-uwi ko sa bahay ay agad ko pang tinignan ang pwede kong maluto..
May nakita anong manok at sayote sa ref. Kaya naman nangiti ako dahil alam ko na agad ang lulutuin ko..
Hindi naman na ako masyadong nag-isip pa at sinimulan nang gawin ang mga assignments ko. May sabado at linggo pa naman pero mas gusto kong gawin ito agad para may spare time pa ako magbasa ng libro.
Mabilis na lumipas ang oras at nung medyo tamarin ako ay nilabhan ko na lang ang iba kong damit at uniporme..
Matapos kong maglaba ay alas-dos singkwenta na. Kaya naman, inilabas ko lahat ng rekados para sa lulutuin kong tinola..
Hindi naman ako gaanong nahirapan dahil kabisado ko na rin naman itong lutuin..
Pasalamat talaga siya at ang hirap niyang tanggihan, kung hindi. Baka nakotongan ko lang siya. Masyadong pa-cute, ang isip-bata pa…
Mga ilang minutos pa ang lumipas ay napatingin ako sa orasan at alas-tres bente na. Nagtaka ako ng bahagya dahil hindi pa rin siya dumadating ngunit hindi ko na inisip pa ’yon at hinintay na lang maluto ang manok.
Maya-maya pa, saktong pagpatay ko sa kalan ay may kumatok. Alam kong siya na yon kaya agad ko naman itong pinuntahan at pinagbuksan. Ang tagal niyang nakarating ah, pero tamang-tama lang dahil bago lang din naluto ang tinola..
Pagkabukas ko nito ay agad na sumalubong ang kamay niyang nasa ere at may dalang kung ano..
Nakangiti siya sa’kin kaya hindi ko na nagawang pansinin pa ang dala niya at pinapasok na siya..
“Ang tagal mo naman dumating. Sige.. pasok,” saad ko at pagpasok niya ay saka siya sumagot. “Nako baby, oras pa lang nung maghiwalay tayo tas miss mo na agad ako?” pabirong aniya kaya nilingon ko siya at sinamaan ng tingin. Nang mapansin niya ’yon ay natawa siya at nagsalita.
“Biro lang.. eto oh, binili ko kasi to for you?” aniya at iniabot sa akin ’yon. Agad ko naman itong kinuha at taka naman akong tinignan iyon. Ano kaya ’to?
Napansin kong huhubarin niya pa ang sapatos niya kaya agad ko siyang pinigilan..
“Wag ka na maghubad ng sapatos,” ani ko at ngumiti lang siya at nagpatuloy. “I should keep the house clean, baby…. sign of respect,” aniya na hindi ko naman na-gets kaya hinayaan ko na lang siya..
“Pero teka, ano ’to?” tanong ko pa at tinignan naman niya ako matapos maghubad ng sapatos at saka sumagot. “That’s tteokbokki,” tugon niya at taka ko naman siyang tinanong habang sinisilip ang laman ng plastic.
“Korean food ba ’to?” tanong ko pa at agad naman siyang sumagot at tumango. “Yeah,” tugon niya.
Hindi naman na ako masyadong nagdaldal pa at inaya na siya sa kusina at kinuhaan siya ng plato..
“Siya nga pala.. tinola yung niluto ko. Gusto mo ba ng may kasamang rice or yung tinola lang?” tanong ko pa rito.
“Yung may rice,” tugon niya kaya inutusan ko muna siyang maupo at saka ko siya ipinaghanda..
Matapos kong ihanda ’yon ay binigyan ko siya ng kutsara..
“Kain ka rin,” aniya at tumanggi ako. “Maya-maya na ako. Kaka-kain ko lang,” tugon ko sa kaniya at ayaw pa sana niyang pumayag ngunit wala siyang nagawa..
Habang naka-upo ako rito at busy sa paggamit ng phone ko ay tinanong pa niya ako..
“Yung assignments mo? Sinimulan mo na ba?” kaswal na tanong niya kaya nilingon ko siya at tinanguan bago sumagot.
“Yup! nasimulan ko na kanina,” tugon ko sa kaniya at nginitian naman niya ako at nagsalita.
“Sige..tulungan kita after nito. Anyways, masarap ’yung luto mo, baby.. gusto ko tuloy lagi meron nito,” aniya kaya nilingon ko siya at sinamaan ng tingin. Ngumiti lang naman siya at saka nagpatuloy sa pagkain..
Nang matapos siyang kumain ay nagpumilit pa siyang tuturuan ako sa assignments ko kaya naman wala akong nagawa dahil sa sobrang kakulitan niya..
“Dali na,” utos niya at agad akong umakyat para kunin ang gamit ko. Ba’t ba kasi pumunta pa rito, e. Nakakainis.
Pagkababa ko ay sinimangutan ko siya ngunit hindi niya naman iyon pinansin pa..
Mabilis niya akong tinuruan at madalas pa kaming magtalo dahil napipikon ako sa kaniya sa di malaman na dahilan. Wala, nakakabwiset lang talaga siya.
Pero hindi naman siya nagpatinag at nagpatuloy pa rin akong turuan. Ilang oras pa ang lumipas at halos matapos na namin lahat dahil sa sobrang galing niyang magturo..
Kahit pa medyo naiinis ako dahil nandito siya ay di ko maitatanggi na malaki ang naging tulong niya para maintindihan ko itong mga assignments ko..
Matapos naming magsagot no’n ay bigla siyang nagsalita..
“Baby..hindi mo man lang ginalaw yung binili ko sayo,” aniya kaya nilingon ko ang pagkain na ’yon na nasa lamesa at saka tumingin ulit sa kaniya.
“Kunin mo at kainin mo sa harap ko. Di na yan masarap pag mas lumamig pa,” malumanay na aniya kaya agad akong tumayo at kinuha iyon..
Nandito pa rin naman kami sa kusina kaya kumuha na rin ako ng kutsara bago ako bumalik sa upuan na nasa tabi ng kaniya..
Pagka-upo ko roon ay inilapag ko iyon at agad na binuksan naman niya para sa akin..
Nagkatinginan pa kami at isinenyas niya na simulan ko na. At siyang ginawa ko naman..
Agad akong kumuha ng isang tofu na parang may pula-pula na sauce. Sa amoy pa lang ay alam ko nang maanghang pero hindi ko na ’yon pinansin at kinain ko pa rin. Jusko, bawal pa naman ako sa maanghang.
“Ang anghang,” tugon ko matapos itong ilagay sa bibig at nang mabilis kong maramdaman ang init at kagat nito sa labi at dila ko. Halos maubo pa ako at agad akong tumayo para kumuha ng tubig..
Natatawa pa siyang tinitigan ako habang papabalik ako sa kinauupuan ko. Pagkaupo ko ay agad akong nagsalita..
“Ayoko na… Ang anghang!” saad ko at pinapaypayan pa ang bibig ko. Nilingon ko siya at ayon na naman ang nangungusap niyang mata na animo’y malungkot.
“Sana pala di na lang ako bumili niyan. Akala ko pa man din magugustuhan mo,” nakangusong aniya at parang may kung ano sa akin ang nakaramdam ng konsensya kahit papano. Wala naman kasi akong sinabing bilhan niya ako, e. Pero, nakaka-guily naman kung di ko kakainin.
“Eto na nga, kakainin na..” tugon ko at sinubo ng sunod sunod ang bawat tofu na naroon at tiniis ang anghang sa bawat subo. “Oy, teka. Dahan-dahan ka lang. Number 3 ang spicy level niyan,” natatawang aniya at halos manlaki ang mata ko sa sinabi niya. Jusme! kaya pala sobrang anghang, 3 pala ang spicy level!
Matapos kong lunukin ’yon ay agad akong uminom ng tubig at pinaypayan pa ang sarili ko habang nakanganga..
Nagpatuloy pa ulit ako sa pagkain at nang matapos ay napasigaw ako ng whoo…
“Ang anghang,” ani ko pa matapos kong ubusin ng isang kainan ang maanghang na mapo tofu na iyon. Natatawa naman siyang sumagot sa akin. “Minadali mo kasi, e…” aniya at hindi naman ako nakasagot agad at nagpatuloy lang sa pagpaypay.
“Ewan ko sa’yo,” tanging naisagot ko nang makabawi at tumingin sa orasan. Nakita kong malapit nang mag-alas singko kaya nilingon ko siya at tinanong habang patuloy sa pagpaypay sa sarili ko. “Hapon na, di ka pa ba uuwi?” tanong ko sa kaniya kaya napatingin siya sa wrist watch niya. at saka siya mabilis na tumayo at saka sumagot. “Yeah, I think I should go. Thanks for the dinner, baby. Ingat ka rito, ah. I’ll text you when I got home,” tugon niya at nginitian ako..
Agad din naman akong tumayo para ihatid siya sa labas. Isinuot naman niya muna ang sapatos niya nang makalabas kami ng kusina.. at nagulat ako dahil pagkatapos niyang gawin ’yon ay nagulat ako dahil bigla niya akong niyakap. Nang makabawi ako ay naitulak ko naman siya ng bahagya dahil do’n.
“Baliw ka talaga,” angil ko sa kaniya dahil sa gulat do’n sa ginawa niya. Pigil naman ang tawang tinignan niya ako at sinagot. “Ilang beses na tayong nagyakap. Ngayon ka lang nagreact ng ganyan,” pabirong tugon niya kaya pinanlakihan ko siya ng mata at saka sinigawan. Aba’y loko to ah, namimihasa!
“Umalis ka na nga! Wag ka nang babalik!” inis na sigaw ko at tatawa-tawa naman siyang lumabas. Leche! bwiset talaga siya.
“Bye, baby!” aniya pa ngunit hindi ko na siya pinansin at mabilis na sinaraduhan siya ng gate at pinto..
Pagpasok ko sa loob ay ramdam ko na agad ang paninikip ng dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit kaya naman napahawak pa ako sa dibdib ko. Baka dahil sa inis.
Hindi ko naman na masyado pang pinansin ’yon at hindi na rin nag-isip at dumiretso na lang sa kusina para uminom ng tubig..
Mirrem’s
Pov.
Pagkatapos nang nangyaring ’yon ay umuwi ako nang may ngiti sa labi. Bigla pang pumasok sa isip ko ang reaksyon niya kanina nung yakapin ko siya kaya mas lalong lumawak ang pagkaka-ngiti ko habang umiiling. Ilang beses naman na kaming nagyakap, tas gano’n pa rin yung reaksyon niya, tss.
Hindi naman na ako masyadong nag-isip pa matapos no’n at umakyat na lang sa kwarto para maligo at magpalit.
Matapos kong gawin ang mga yo’n ay agad kong dinampot ang cellphone ko at nagtipa ng ite-text ko kay Max. Nami-miss ko na agad siya, hays. Kung pwede lang sana na dito na siya tumira, tss.
To: Max Ethan Garcia
“Hi, I’m home now.
Nakaligo
na rin ako.
Ikaw
diyan?
Ano
ginagawa mo?
Sent. 6:02pm.
Matapos kong ma-send ’yon ay nakangiti akong naghintay ng reply at inilapag ang cellphone ko sa tabi ko. Ngunit ilang minutos pa ang lumipas ay wala pa rin akong natanggap na reply mula sa kaniya kaya napanguso ako. Ano kayang ginagawa nitong baby ko, ang busy naman yata niya at hindi man lang ako nirereplyan.
Sinubukan ko pang tawagan ngunit offline siya kaya nag e-end ang call. Kaya naman pabagsak kong nailapag ang cellphone ko sa table at nagbasa na lang ng libro habang nakahiga rito sa aking kama..
Ilang ikot at pagbabago pa ng posisyon ang nagawa ko habang nagbabasa ng libro nang magring ang cellphone ko. Agad na lumitaw ang ngiti sa labi ko nang marinig ko ’yon..
Yari ka sakin, magtatampo-tampuhan ako. Ang tagal mong sumagot, ah.
Pagkadampot ko sa cellphone ay magkahalong dismaya at gulat ang naramdaman ko. Dismaya dahil hindi siya ang tumatawag sa akin at gulat dahil kaibigan niyang si Shin ang tumatawag ngayon. Ano naman kayang kailangan nito?
Agad ko naman itong sinagot at kumabog naman ang dibdib ko dahil sa paraan ng pananalita nito.
“Harry, puntahan mo muna ako rito sa bahay!” aligagang sigaw niya kaya agad akong sumagot habang kunot ang noo dahil sa naging tono niya. Ano kayang meron?
Kahit pa medyo nagtataka ako sa iniasta niya ay tinanong ko pa rin siya sa malumanay na tono.
“Wrong call ka yata?” patanong na sabi ko at mabilis kong narinig ang paghingi niya ng pasensya sa paraan na animo’y nagmamadali..
“S-sorry, sir! Ikaw pala yan!Nagmamadali kasi ako, e! May emergency kasi..” aniya at dahil sa sinabi niyang ’yon ay mabilis akong kinabahan kaya agad ko siyang tinanong dahil sa kuryosidad at kabang nararamdaman ko.
“What’s wrong?” salubong ang kilay na tanong ko at mabilis naman siyang sumagot mula sa kabilang linya.
“Sir, sinugod daw kasi si Max sa hospital. Tinawagan ako ng tita ni Max,” tugon niya at literal na nanlaki ang mata ko at naging aligaga na rin ako matapos magsink-in sa akin na pangalan niya ang narinig ko. At halos pasigaw ko na ring matanong si Shin sa kabilang linya dahil sa nagsisimulang kaba at pag-aalala..
“Anong nangyari?!” Pasigaw na tanong ko at halos madurog ko ang cellphone sa higpit ng pagkakahawak ko rito. Hindi magandang biro to, ang ayos-ayos pa namin kanina tas biglang na-ospital na?!
“Hindi ko nga rin alam, sir, e. Kaya ko nga tinatawagan si Harry para mapuntahan namin si Max, e.” aniya kaya naman pinilit kong ikalma ang sarili ko at tinanong siya sa mas malumanay na paraan. Nakakainis naman! ang ayos pa namin kanina, e. Bakit naman ganito. Papatayin naman yata ako sa pag-aalala nito!
“Saang ospital ba siya dinala? Do’n lang ba sa tapat nila?” tanong ko pa na may diin at agad naman siyang sumagot mula sa kabilang linya. “Yes, sir! at saka ang sabi lang sakin nung tita niya. Sumikip daw yung dibdib ni Max at hindi makahinga,” aniya at dahil sa sinabi niyang ’yon ay mas nabahala ako. Sa sobrang pag-aalala at kagustuhan kong makita at mapuntahan siya agad ay naitapon ko ang cellphone ko sa kama ko at hindi na sinagot pa si Shin.
Mabilis kong kinuha ang susi ng sasakyan ko at hindi ko na inalintana pa ang suot ko at mabilis na inilabas ang kotse ko ng garahe at minani-obra ito papuntang ospital..
Baby, ano bang nangyari?
Hindi ko mapigilan ang sarili kong mag-isip ng masama habang nagda-drive ako kaya halos ako rin ang na-stress. Halos manlabo na rin ang mata ko dahil sa takot na baka ang isa sa iniisip ko ay totoo. Paano kung may sakit pala siya, tas hindi niya lang sinasabi. Nakakainis ka, Max. Ba’t mo’ko pinag-aalala ng ganito?
Sa bawat segundo na lumilipas ay mas maraming masasamang bagay akong naiisip na pwedeng nangyari kaya naman mabilis na tumulo ang luha sa mata ko..
At halos mahampas ko pa ang manibela ng sasakyan nang biglang bumagal at sumikip ang daloy ng trapiko. Tangina naman, oh!
Nasapo ko pa ang noo ko at minasahe iyon at saka ko pinawi ang luha na galing sa mga mata ko. Nakakainis naman ’tong pakiramdam na ’to! Peste!
Huminga ako ng malalim at pinilit na kalmahin ang sarili ko kahit pa tinatraydor ako ng mga luha ko dahil sa bugso ng pag-aalala ko para sa kaniya. Suminghap pa ako ng hangin matapos no’n dahil sa bigat ng nararamdaman ko.
Malapit na ako, Max. Maghintay ka lang. Malapit na si baby mo.
CHAPTER 27
Mirrem’s
Pov.
Nang makarating ako at maka-parada sa parking lot ng ospital ay walang patumpik-tumpik pa ay agad akong bumaba ng sasakyan ko. Ni hindi ko na nagawang tingnan at ayusin pa ang sarili ko bago bumaba. Wala na akong pakielam kung anong itsura ko, basta makita ko siya agad. Sobrang nag-aalala na ako.
Kahit pa naka-white tshirt, stripe pajama pants at tsinelas lang ako ay hindi ko na ’yon inalintana pa at mabilis pa sa hangin akong pumasok sa loob ng ospital at tumungo sa front desk nito..
Pagkapasok ko ay agad ko naman itong natanaw kaya lumapit ako rito.
Pagkalapit ko ay agad kong tinanong ang nurse na naroon.
Binati pa ako nito na siya namang tinanguan ko lang..
“Miss, do you have a patient named Max Ethan Garcia?” tanong ko habang pilit na kinakalma ang sarili. Kahit pa sa loob-loob ko ay hindi na ako halos mapakali at gusto ko nang makita si Max at malaman ang sitwasyon niya..
“Let me check it first, sir…” nakangiti pang tugon niya ngunit wala roon ang atensyon ko. Hindi ko na pinansin pa ang tugon niyang iyon at luminga-luminga na lang habang nagba-baka sakaling may makita akong kakilala ni Max. You making me worry this much, Max. Bakit pakiramdam ko ay mawawala ka sa’kin?
“Sir, the patient your looking for is on room 35…May I know what’s their relation with the patient?” tanong niya pa at huminga muna ako bago sumagot. “I’m his teacher,” tugon ko at agad siyang ngumiti ng tipid at saka nagsalita..
“Okay sir. P’wede na po kayo tumuloy. Lakad lang po kayo ng diretso diyan at liko lang po pa-kanan,” turo niya pa habang sumesenyas. Hindi ko na siya nagawang sagutin at mabilis akong naglakad sa daanang itinuro niya sa akin..
Pagkarating ko roon ay tinignan ko pa isa-isa habang naglalakad ang bilang ng pinto. At nang tumapat na ako sa pinto ng room 35 ay agad ko itong kinatok. Gusto ko nang makita si Max.
Bumuntong hininga pa ako matapos no’n. Mga ilang segundo lang ay may nagbukas na ng pinto at bumungad sa akin ang isang babae na wavy ang itim na itim na buhok at may magandang bilugang mata. Ang edad niya ay tantsa kong nasa 29-35. Sa tingin ko rin ay ito na ang mama ni Max.
Agad kong napasadahan ng tingin ang kabuuan niya bago pa niya ako matanong..
“Sino ho sila?” tanong nito at napayuko pa ako bago siya ulit tignan at sagutin. “Good evening po, teacher po ako ni Max,” magalang na tugon ko rito habang medyo nakayuko pa rin. Maliit siya nang kaunti kay Mirrem kaya mas kailangan ko siyang yukuin..
“Ayy! good eve sir!…pasok po kayo, Nakakagulat naman po kayo, hindi ko inaasahan ang pag-bisita n’yo rito sa inaanak ko,” aniya na siya ko namang ginawa habang nakatingin kay Max na may suot na oxygen at tulog. Mabilis na nangibabaw ang pag-aalala sa akin at gustong-gusto ko na siyang lapitan ngunit pinigil ko ang sarili ko dahil mas natuon ang atensyon ko sa sinabi ng babaeng narito.. Inaanak daw? It means…
“Pasensya na ho, nasabi ho kasi sa’kin ng isa kong estudyante na na-ospital siya..kaya napa-diretso na ako rito. Pero teka ma’am, hindi po ba kayo ang nanay ni Max?” tanong ko pa rito dahil sa kuryosidad at napa-kumpas pa siya sa hangin at nakangiting sumagot. “Nako sir, hindi no. Kaibigan lang ako ng nanay ng batang ’yan,” tugon niya at tinuro niya pa si Max kaya nilingon ko naman ito ulit. Ano bang nangyari sayo? Nasaan naman kaya ang mama mo at bakit wala siya rito?
Ibinalik ko agad ang tingin ko rito sa babaeng kausap ko at tinanguan ito. Matapos no’n ay walang paligoy-ligoy na tinanong ko siya tungkol sa nangyari..
“Matanong ko lang. Ano po bang nangyari sa kaniya?” tanong ko pa rito na itinuro pa ang kama kung nasa’n si Max. Hindi pa man ito nakakasagot ay narinig ko na ang garagal na boses ni Max na nagsalita kaya agad namin siyang nilapitan..
“A-anong ginagawa mo rito?” napapaos na tanong niya at napansin naming natanggal na rin niya ang oxygen mask niya. Nasa tabi niya ako kaya itinuro ko ’yon at nagsalita.
“Ibalik mo ’yan,” alalang tugon ko na hindi pinansin ang tanong niya. Doon ko mas napag-aralan ang itsura niya at ang dami niyang pantal na sobrang pupula at malalaki sa pisngi at leeg. Nakaramdam ako ng panlulumo agad nang makita ’yon at saka ako sumagot. Siguro, mas marami pa yan sa bandang tiyan at likod niya.
“Nalaman ko kay Shin na na-ospital ka kaya dumiretso ako rito… Ano bang nangyari sa’yo?” salubong ang kilay na tanong ko rin sa kaniya. Hindi naman siya ang sumagot sa tanong ko kaya nag-angat tingin ako sa babaeng nasa tapat ko. Panigurado akong nagulat siya sa iniasta ko ngunit wala na akong pake kung mag-isip siya ng kung ano o kung makahalata siya.
“Kumain kasi siya ng maanghang kaya siya nagka-ganyan, sir. Alam naman niyang bawal siya sa maanghang, e. Tas kumain pa rin ng alam niyang bawal sa kaniya,” tugon nito at parang binambo ang dibdib ko at kinain ako agad ng guilt ko sa narinig ko mula sa ginang. If I just know that it’s not good for him. I won’t force him to eat that! tss! It’s my fault. I almost killed my baby! Goddamn it!
Mabigat ang loob at salubong pa rin ang kilay na niyuko at ibinalik ko ang tingin kay Max at nagsalita. Ba’t di mo sinabi? Nakakainis ka! muntik ka pa tuloy mapahamak dahil sa’kin, tss.
“Bakit hindi mo sinabing bawal ka pala sa maanghang?” inis ngunit may bahid ng pag-aalalang tanong ko. Tignan mo tuloy nangyari sa’yo. Kung sinabi mo agad, edi sana ayos lang ang lahat, tss!
Hindi niya ako nagawang sagutin at nakita ko sa gilid ng paningin ko ang pag-aangat tingin sa akin ng babaeng nasa tapat ko kaya tinignan ko siya.
Nang magkatinginan kami ay agad na hinawakan ni Max ang kamay ko kaya tinignan ko siya. Makahulugan ang tingin niyang ’yon at tila may nais sabihin. Ngunit, hindi ko iyon nakuha kaya nag-angat tingin akong muli sa babaeng nasa tapat ko..
Naging makahulugan din ang tingin nito at tila nagtataka kung anong meron kaya nagsalita na ako..
“Pasensya na po, pero ako ho kasi ang nagbigay at nagpa-kain ng maanghang na pagkain na ’yon sa kaniya. Hindi ko rin ho kasi alam na bawal siya ro’n,” paghingi ko ng dispensa habang kunot ang noo at nang mag-sink in iyon sa kaniya ay ngumiti lang naman siya ng tipid sa akin. Matapos no’n ay niyuko niya si Max at saka tinanong.
“Ikaw naman… bakit mo pa rin kinain? alam mo namang bawal ka sa pagkain na gano’n,” ma-awtoridad nitong sambit na may bahid ng pag-aalala.
“Alam mo bang hindi ko ma-contact ang mama mo. Nasa maynila ’yon ngayon para ayusin ang papeles ng lugar namin sa palengke. Hindi ko tuloy alam paano sasabihin sa kaniya ’tong nangyari sa’yo,“dagdag pa nito at dahan dahan namang ibinaba ni Max ang oxygen mask na suot niya at nagsalita..
“Tita, p’wede bang…wag mo sabihin kay Mama… itong nangyari sa’kin,” aniya at agad naman sumagot ang tita niya. “Aba’y jusko kang bata ka!… Baket? ayaw mo bang malaman ng mama mo na kumain ka ng maanghang kaya ka narito?!…Kagagahan mo!…O siya, sige nga? Paano natin ipapaliwanag sa mama mo ang bills mo rito?” mataray at ma-awtoridad pang tanong nito at nakita ko namang ngumuso si Max at nag-isip din. Dahil sa’kin, gagastos pa sila rito. Hindi ’to pwede. I should do something.
Tumikhim pa ako bago ako nagsalita at nilingon silang dalawa..
“Ma’am, I’ll pay for his bills.” offer ko at agad kong narinig ang pagtutol nilang dalawa. “Sir, hindi ko matatanggap ’yan,” tugon pa ng tita ni Max at nginitian ko lang ito saka ako sumagot.
“I insist… Tutal, ako rin naman ang nagpa-kain ng maanghang na pagkain na ’yon kay Max. Kahit sa ganitong paraan na lang ay makabawi man lang ako kahit kaunti,” saad ko at hindi naman agad ito nakasagot kaya nilingon ko si Max.
Nagtama ang paningin namin at bakas ang pagtutol sa mga mata niya ngunit nilabanan ko ’yon at nginitian ko siya ng tipid.
“Wag ka nang umangal. Kasalanan ko naman kung bakit ka narito kaya hayaan mo na ako,” ani ko at narinig ko pa ang pagbuntong hininga niya. Inirapan niya pa ako ngunit hindi ko naman na iyon pinansin at nagsalita ulit. “Ibalik mo na ’yung mask mo. Baka mahirapan ka huminga ulit,” malumanay na utos ko sa kaniya at wala naman siyang nagawa kundi sundin ako..
At saka ko nilingon 0ang ginang at agad naman siyang nagsalita..
“Nakakahiya naman, sir. Hindi ko ho matatanggap ang offer niyo,” sambit niya at nginitian ko naman muna siya bago ako sumagot. “Wag po kayo mahiya. Ako nga po ang dapat mahiya, e…” tugon ko at napakamot pa sa batok. Awkward naman siyang ngumiti at saka nagsalita ulit.
“Nako sir! wag na lang po talaga. Ayos lang naman,” tanggi pa ulit nito ngunit mabilis akong umapila. “Nako ma’am, basta… babalik ako rito bukas para sa bills niya. Ako na ho ang bahala ro’n,” saad ko at nginitian pa siya. Ngumiti din naman siya pabalik at saka nagpasalamat.
“Nako, sir. Maraming-maraming salamat,” aniya at agad ko siyang pinigil. “No, no, no!…It’s okay,” tugon ko at matapos no’n ay binalingan ko si Max na medyo masama pa rin ang tingin sa akin. Ano kayang iniisip nito?
Kahit na hindi ko alam ang iniisip niya ay nginitian ko siya, at saka ako nagsalita at hinawakan ko pa ang kamay niya habang nakayuko sa kaniya.
“Max, magpalakas ka, ha. Kung alam ko lang din talaga na bawal ka sa maanghang, hindi kita papakainin no’n. Pasensya ka na,” paghingi ko ng dispensa at nakatitig lang naman siya sa akin…
Max Pov.
“Max, magpalakas ka, ha. Kung alam ko lang din talaga na bawal ka sa maanghang, hindi kita papapakainin no’n. Pasensya ka na,” saad niya at napatitig lang naman ako sa kaniya habang nag-iisip.
Totoo namang may kasalanan rin siya kung bakit ako narito. Pero kapag ganyan na siya, mas ramdam kong may mali ako. Pakiramdam ko ay wala naman talaga siyang mali at kasalanan ko talaga ang lahat. Na siyang totoo rin naman, kasi hindi ko rin sinabing bawal ako sa maanghang, tsk.
Hawak niya pa ang kamay ko at pinipisil-pisil ’yon. Bakas na bakas ang pag-aalala sa mukha niya at hindi ko alam bakit hindi ko gusto kapag gano’n siya. May kung ano kasi sa dibdib ko ang kumikirot kapag gano’n.
Nasa ganoon kaming posisyon nang may kumatok kaya napabitiw siya sa pagkakahawak sa akin. Matapos pagbuksan iyon ni Tita ay pumasok ang isang lalaking doctor at isang babaeng nurse at mabilis na kinausap si Tita at nakinig din naman si Sir.
Medyo malayo sila sa akin ngunit naririnig ko naman ang pinag-uusapan nila. At base sa naririnig ko kahit pa hindi ko ito masyadong maintindihan ay hindi talaga ito maganda at nakakamamatay ang tinamo kong ito kung mapapabayaan. Narinig ko rin ang mga posible ko pang danasin kaya parang tinambol ang dibdib ko..
Kinabahan ako sa narinig ko kaya naman napapikit ako.
Mga ilang minutos pa ang lumipas ay natapos din ang pag-uusap nila. At sa paglabas ng doktor at nurse ay siya ring pagdating nila Harry, Shin at Xavier kaya mas dumami kami rito.
Nagulat ako ng bahagya sa pagdating nila ngunit hindi na rin ako nagtaka dahil paniguradong si Tita ang salarin kung bakit narito sila ngayon..
Agad na nahuli ng tingin ko ang matalim na tingin ni Sir kay Xavier na mabilis pa sa hanging lumapit sa akin at hinawakan ako sa kamay. Xavier, lumayo-layo ka at baka mabugahan tayo ng apoy, tsk. Ayokong magalit ang bakulaw. Mahirap na.
Sinubukan kong magpumiglas ngunit masyadong mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin at sinalubong ako ng tanong niya..
“Uy, anong nangyari sa’yo?…Ang ayos mo pa kanina, ah… Alam mo bang nag-alala ako ng sobra nung malaman kong nandito ka,” nakangusong aniya pa kaya nilingon ko siya at akmang aalisin ko na sana ang oxygen mask na nasa ilong at bunganga ko ng marinig ko ang baritonong boses n’yang iyon.
“Max,” pagtawag niya sa pangalan ko sa tonong nananaway. Tila kulog iyon sa tenga ko kaya wala akong nagawa at agad kong inihinto ang binabalak ko kahit na wala pa siyang sinasabi..
Matapos no’n ay lumapit siya sa kaliwang banda ko at bumaling ang matatalim niyang tingin kay Xavier na nasa kaliwa ko at saka siya nagsalita.
“Hayaan muna nating magpahinga si Max. ’Wag muna natin siyang tanungin ng tanungin dahil hindi pa stable ang paghinga niya. Baka ika-sama lang niya,” ma-awtoridad pang sabi niya at tahimik lang naman silang tatlo na nakinig kay Sir. Nagtinginan pa sila ngunit hindi ko na pinansin pa iyon..
Paglingon ko kay sir ay nagtama ang paningin namin kaya binigyan ko siya ng makahulugang tingin at sinasabing chill ka lang, ayos lang naman ako.
Hindi naman niya yata na-gets iyon at saka siya nagsalita ulit..
“Ikaw, magpahinga ka rin. Magpalakas ka,” ma-awtoridad na utos niya at inirapan ko lang siya nung makatalikod siya. Ang bossy! Napakasungit! e, kung hindi naman niya ako pinilit kainin ’yon edi sana wala ako rito! Tsk!
Hindi ko naman na pinansin pa ’yon at kinausap na lang silang tatlo kahit pa medyo hirap pa rin akong huminga. Hindi naman gaanon kasikip ang nararamdaman ko pero para lang akong hinihingal kapag nagsasalita ako ng deretso kaya pinuputol-putol ko. Medyo nilalakasan ko na lang din ang boses ko para marinig nila ako dahil naka-oxygen mask ako.
Madalas pang haplus-haplusin ni Xavier ang kamay ko kaya hindi ko rin maiwasan ang tingnan si Sir. At ganon din siya, matalim niyang pinapanood ang ginagawa ni Xavier ngunit wala siyang magawa. Panigurado, yayariin na naman ako nito sa susunod.
Mabilis na lumipas ang oras at pumatak na sa alas otso ang orasan. Hindi naman na sila masyadong nagtagal at nagpaalam nang uuwi at babalik na lang bukas. Tanguan at paalaman pa ang naganap bago sila tuluyang maka-alis kaya napapikit ako. Hays, ang sarap matulog…
Ilang segundo pa ay narinig kong nagpaalam si Tita kay Sir kaya napadilat ang isa kong mata at pinanood sila..
“Sir, bibili lang ho ako saglit ng niresetang gamot. P’wede bang pakibantayan muna si Max?” saad pa ni Tita at agad naman sumagot si Sir.
“Miss, ako na lang ho ang bibili,” prisinta pa ni Sir ngunit tinanggihan siya ni Tita at sinabing bantayan na lang ako. Wala rin namang nagawa si Sir at tumango na lang.Wala talagang hiya-hiya itong si Tita, tsk. Iwan ba naman ako kasama ’tong bakulaw na ’to.
Pumikit na lang ako ulit nang marinig kong magsarado na ang pintuan. Maya-maya pa ay narinig ko ang mga yapak niya papalapit sa akin. May narinig pa akong ingay ng bakal sa bandang kanan ko kaya dumilat ako.
Nakita kong inilapit niya sa kama ko ang isang upuan na kanina ay nasa gilid at umupo roon. Pagka-upo niya roon ay agad niyang kinuha ang kamay ko at nagtama ang paningin namin. Matapos no’n ay nagsalita siya..
“Ayos ka lang ba?” tanong niya sa malumanay at kalmadong paraan. Huminga naman muna ako at saka tumango sa kaniya.
Matapos no’n ay ibinaba ko ang mask ko kaya sinaway na naman niya ako.
“Ibalik mo nga ’yan. Ang pasaway mo talaga,” may bahid ng inis at pag-aalala na sabi niya at inirapan ko naman siya. “Okay nga lang kasi… Sungit!” inis ding tugon ko at masama ang tingin niya akong nilingon.
“Anong masungit? Ikaw nga diyan pasaway, e…” saad niya kaya pinandilatan ko siya ng mata at saka sinagot. “Anong pasaway? at sa paanong paraan, ha?” Angil ko sa kaniya at ngumuso pa matapos no’n.
“Totoo naman, ah? Kanina pa kita pinagsabihan na magpahinga, hindi mo ginawa… Sinabihan din kita kanina na wag mong tanggalin yang mask mo…hindi mo rin ginawa. At sinabihan pa ulit kita kanina…na wag masyadong makipag-usap, hindi mo pa rin ulit ginawa,” mahabang sabi niya at pairap na nag-iwas tingin at mga ilang segundo pa ay ibinalik niya ulit sa akin at nagsalita ulit.
“At hindi lang usap ang ginawa n’yo. May pahaplos-haplos pa yung lalaki mo rito, oh. Ganito-ganito pa siya kanina,” dagdag niya pa at tila ginagaya ang ginawa kanina ni Xavier kaya hindi ko napigilang matawa. Ang lupet naman talagang magselos, jusme. Kasalanan ko ba ’yon? E, hindi naman ako ang lumapit at nagpa-haplos, tsk haha!
“Bakit ka nagagalit? ako ba ang lumapit para magpa-haplos?” pamimilosopo ko pa sa kaniya at inis naman niya akong tinignan at sinagot. “Sus, hindi nga ikaw ang lumapit… Pero, hindi mo naman siya pinigilan sa ginagawa niya at parang gustong-gusto mo pa,” masungit na sagot niya at nag-iwas tingin. Hindi ko naman maiwasan ang mangiti, dahil kahit galit siya ay talagang cute pa rin siya at mas gumagwapo lang siya sa paningin ko. Did I just said
gumagwapo
? wtf!
“Paano mo naman nasabing gustong-gusto ko, ha?” tanong ko pa at salubong pa rin ang kilay na nilingon niya ako at suminghal bago sumagot. “Ewan ko sayo!” Mahinang sabi niya ngunit may diin kaya narinig ko. Kaua naman natatawa akong tinignan ang kamay naming magkahawak at saka ko siya tinignan sa mukha.
“Wala lang naman ’yon. Wag ka rin kasing mag-isip ng kung ano-ano. Nag-aalala lang yung tao kaya gano’n,” sambit ko pa at nilingon niya naman ako. Wala na ang masamang tingin ngunit nakanguso naman siya ngayon..
“Natatakot kasi ako,” aniya at niyuko ang kamay naming magkakrus at pinisil-pisil niya pa iyon. Hinayaan ko lang naman siyang gawin ’yon at saka ko siya nakangiting tinanong. “Bakit ka naman natatakot?” usisa ko at nakangusong lumingon siya ulit sa akin at sumagot.
“Baka kasi ma-fall ka sa kaniya. Paano na lang ako pag nangyari ’yon,” nakangusong aniya at saka sumimangot pagkatapos. Humagalpak ako sa tawa dahil sa sinabi niyang ’yon, at parang may kung ano sa dibdib ko ang gumagapang at gumagalaw ngunit hindi ko na ’yon pinansin..
“Anong paano ka? E, mabubuhay ka pa rin naman kahit magkagusto ako kay Xavier,” mapang-asar na tugon ko sa kaniya habang natatawa. Inis siyang nilingon ako at sinimangutan ako. Napakasarap namang asarin ng pikunin na ’to. Ano ka ngayon, nakaganti na ako sa mga pangbu-bwiset mo sa’kin, tsk, haha.
“Tignan mo ’to! Edi may possibilities nga na ma-fall ka with him?” may bahid ng pagka-pikon na sambit niya at binigyan pa ako ng matatalim na tingin. Hindi ko naman siya nagawang sagutin at tinawanan lang siya. Dahil sa pang-aasar ko sa kaniya, parang nawala yung allergy ko, tsk. tsk.
“Ano nga?!” pikon na tanong niya pa at tinapos ko muna ang tawa ko bago ko siya lingunin at sumagot. “Wala siyang chance sa’kin, okay? Kaibigan lang ang turing ko sa kaniya. No more, no less,” tugon ko at nag-iwas tingin naman muna siya bago ulit ako tanungin..
“Eh, ako?” tanong niya pa. Nakunot naman ang noo ko ro’n sa tanong niyang ’yon kaya tinanong ko rin siya. “Anong ikaw?” pagbabalik tanong ko at suminghap pa siya ng hangin at ibinuga iyon bago sumagot..
“Ako? may pag-asa na ba ako sa’yo?” tanong niya pa at napaisip pa ako kunwari bago ngumiti ng tipid at saka sumagot. “Wala pa,” tugon ko at mabilis siyang ngumuso at nagsalita.
“Bakit wala pa?” malungkot na tanong niya at sinimangutan ko naman siya bago sumagot. “E? Nagmamadali ka ba?” patanong na tugon ko sa kaniya at bumuntong hininga pa siya bago nagsalita.
“Hindi naman. Baby ko,” tugon niya at nagsalita naman ako ulit.
“Hindi ko pa nga na-aabsorb lahat ng nangyari, e. Sabi ko naman sa’yo. Hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko,” pagpapaka-totoo ko sa kaniya.
Pero bakit gano’n, kahit pa hindi ko sabihin ay alam ko na sa sarili kong malaki ang tyansa niya sa akin. Noon, lagi ko pang nagagawang sabihin na mali ang makipag-relasyon sa teacher na kagaya niya pero ngayon? Pag naiisip ko ’yon may kung ano sa isip ko ang kinokontra agad iyon. Nakakainis, bumabaliktad na ba ang mundo?
Hindi ko alam kung dapat ba akong matakot kasi hindi ako nakaramdam ng takot kahit pa nalaman kong gusto niya ako. Ang nakakainis pa, e. Parang may kung ano sa tiyan ko at natutuwa pa ako simula ng malaman kong gusto niya ako. Yari na talaga ako…
“Okay, naiintindihan ko. Basta…bukas, ah. Ganito pa rin tayo,” aniya pa at nakunot naman ang noo ko dahil sa pagtataka.
“Sa harap nila?” takang tanong ko pa at tumango naman siya bago sumagot.
“Oo.. gusto ko na rin kasing ipaalam sa kanila na nanliligaw ako sa’yo,” aniya kaya nanlaki ang mata ko at nabitawan ko siya. “Sira ba ulo mo?… Alam mo namang… hindi p’wede ’yang gusto mo,” makahulugang tugon ko at bumuga pa siya ng hangin bago nagsalita. Aba’y wala na yata sa pag-iisip ’to, e. Alam naman niyang dapat sikreto lang ’to dahil may pangako kami sa isa’t-isa, tsk!
“Tss, kung alam mo lang… gustong gusto ko na nga sabihin sa Tita mo na nililigawan kita,” saad niya kaya pinandilatan ko siya at saka nagsalita.
“Anong nililigawan? Uy, sir! di pa ako pumapayag, kaya wag kang ano diyan!” inis na tugon ko at inirapan niya rin ako at saka siya nagsalita.
“As if I asked for your permission,” at ayon na naman ang sinabi niya sa akin at nag-iwas tingin. Pumikit naman muna ako at dumilat ulit bago nagsalita..
“Sige…subukan mong sabihin yan kay Tita. Di na talaga kita papansinin,” banta ko sa kaniya at nakangusong nilingon niya ako at sumagot.
“Okay, fine,” napipilitang tugon niya at hinawakang ulit ang kamay ko at ipinagkrus pa iyon sa kamay niya.
“Tandaan mo. Back to normal tayo pag nandiyan sila,” saad ko pa at taka naman niya akong nilingon at tinanong.
“What do you mean?” tanong niya na agad ko namang sinagot.
“Back to normal. Hindi mo ako gaanong papansinin pag andiyan sila at hindi ka rin magiging pa-sweet,” tugon ko at agad na gumuhit ang lungkot sa mukha niya at pagka-dismaya.
“Edi… lamang na naman pala yung lalaki mo kesa sa’kin…Kase siya, malaya niyang maipapakita sa iba na may gusto siya sa’yo. Samantalang ako…hindi ko ’yon magagawa,” saad niya at pumeke pa ng ngiti.
May kaunting kurot sa dibdib akong naramdaman dahil sa sinabi niyang ’yon kaya naman agad akong sumagot.
“Tsk, ayan ka na naman… E, para sakin nga mas lamang ka kesa sa kaniya,” makahulugang tugon ko at agad naman siyang nagtanong.
“Paanong lamang ako sa kaniya? What do you mean?” tanong niya pa kaya nginitian ko siya at sinagot.
“Lamang ka naman talaga, ah? Ikaw pa lang kaya ang unang naka-yakap sa akin. At hindi lang yakap, ha… may pahalik sa noo at paghawak pa sa kamay ko ng ganito,” tugon ko sa kaniya at nagliwanag naman ang mukha niya.
“Talaga? paninigurado pa niya at tinanguan ko lang naman siya bilang sagot. Ang kaninang Mirrem na parang pinagsakluban ng langit at lupa ay parang nanalo sa lotto ngayon sa pagkakangiti.
“Wala naman pala siyang binatbat sa’kin, e…” mayabang pang usal niya habang nakatingin sa akin at nginitian ko lang siya.
“Ewan ko na lang kung masabi mo pang lamang siya,” makahulugang tugon ko at agad naman siyang nagsalita.
“Thank you! baby,” aniya kaya kunot ang noong tinanong ko siya. Huh? Ba’t nagpapasalamat ’to?
“For what?” tanong ko at agad naman siyang sumagot.
“Sa pagiging maintindihin mo sa’kin. Kahit na wala akong karapatan na magselos ay iniintindi mo pa rin ako,” aniya at inilagay pa ang kamay ko sa pisngi niya, kaya iginalaw ko pa ang hinlalaki ko at hinaplos ang pisngi niya at napapikit siya.
“Wala ’yun,” tugon ko at nakangiti siyang dumilat at sumagot. “Sige na, baby. Magpahinga ka na. Ibalik mo na yang oxygen mask mo…baka mahirapan ka ulit huminga niyan,” saad niya pa at binitawan ko naman siya para ikabit ’yong muli..
“Anong oras ka uuwi?” pasigaw na tanong ko pa para marinig niya. Ngumiti naman muna siya bago sumagot. “Mamaya pagbalik ng tita mo. At saka.. kapag nakatulog ka na,” aniya at nagthumbs up na lang ako bilang tugon.
Nagulat pa ako nang maramdaman kong may lumapat na malambot na bagay sa noo ko. Dumilat lang ako ng mawala ’yon at nakita kong nakangiti siya sa akin. Hinalikan niya ulit ako sa noo!!
“Magpagaling ka na. At magde-date pa tayo,” aniya ngunit hindi ko nagawang sumagot at inirapan na lang siya at pumikit ulit. Ninakawan na naman niya ako ulit ng halik. Humanda talaga siya pag naging okay na ako! kukutusan ko na talaga siya sa betlog! char.
“Sungit!” natatawang sambit niya pa matapos no’n ngunit hindi ko na iyon pinansin pa at minura na lang siya sa isip ko..
CHAPTER 28
Mirrem’s
Pov
Nang magising ang diwa ko ay hindi ako kaagad na bumangon at nanatili munang nakahiga sa aking kama.
Habang nasa ganoong posisyon ay bigla kong naalala si Max at pangyayari kahapon kaya naman napabalikwas ako ng bangon at agad na dinampot ang phone kong nasa side table ng kama ko..
Pagkakita ko sa oras ay nagsalubong ang mga kilay ko. Shit! Bakit hindi tumunog yung alarm ko? Late na tuloy ako! May usapan pa naman kaming maaga akong pupunta.
Hindi na ako nagsayang pa ng oras at nakasimangot na bumangon at dumiretso sa banyo para maligo. Matapos no’n ay hindi ko na nagawang mamili pa ng damit at dumampot na lang ng kung ano.
Polo shirt na black at gray slucks ang suot ko ngayon. At Pinaresan ko pa ito ng black platform daddy shoe sneakers at ng black apple watch. Pinag-aralan ko pa ang itsura ko sa salamin at sinigurado kong plakado ang aking buhok at walang takas kahit na isang hibla. Ayan ang gwapo ko na, tss. Walang binatbat sa’kin yung lalaki niya…
I’m hoping that he won’t show up there today. I don’t want my mood to be ruin.
Bago pa ako umalis nang tuluyan ay pinaliguan ko pa ang sarili ko ng pabango. Ewan ko na lang talaga kung tumingin ka pa sa iba…
Matapos no’n ay mabilis kong dinampot ang wallet at susi ko at mabilis na tinungo ang Medicus Hospital dahil anong oras na rin. Ngunit bago pa ako tuluyang dumiretso ro’n ay huminto muna ako sa isang supermarket para bumili ng prutas para kay Max..
Mga ilang minutos pa ang lumipas at alas-gis pasado na nang marating ko ang Medicus. Ang usapan namin ay alas-otso, tas alas-gis ka na nakarating. Ang galing mo, Mirrem.
Nang kumatok ako sa pinto ng kwarto ni Max ay bumungad sa akin si Shin. Nakangiti siyang pinagbuksan ako at binati. “Uy, sir. Ikaw pala ’yan. Good morning!” aniya at nakangiti rin naman akong sumagot habang inililibot ang paningin. Himala? wala yung isa.
“Good morning,” tugon ko ngunit ang paningin ko ngayon ay na kay Max na prenteng nakaupo sa higaan niya at nakatingin na rin sa akin. Why I feel like I’ll mumble when our eyes met.
Hindi ko napigilan ang ngitian siya at agad akong dumiretso sa table na halos katabi lang ng oxygen tank niya at inilapag ang prutas na dala ko ro’n. Wala na siyang oxygen mask ngunit hindi ko na pinansin ’yon..
Pinanood niya lang akong gawin ’yon at matapos no’n ay bumaling ako sa kaniya at tinanong siya.
“Himala, wala yata yung lalaki mo. Hindi pumunta?” tanong ko at akmang sasagot pa lang sana siya ay lumapit na sa kabilang gilid niya si Shin at sumabat. “Bestie, pabalik na raw sila rito. May binili rin daw si Xavier para sa’yo na paborito mo raw ayon sa tita mo,” nakangiting saad pa ni Shin habang may binabasa sa phone niya.
At nakunot naman ang noo ko dahil do’n. So it means, kumpleto na sila rito kanina pa at ako na lang ang wala? tss. Kung tumunog lang sana yung alarm ko, mas nauna ako rito. Nakakainis, edi kanina pa pala siguro nagpapasikat at dumidiskarte yung isang ’yon dito.
At talagang inalam niya pa ang paborito ni Max, tss. Akala niya siguro sasagutin siya ni Max sa pa ganyan-ganyan niya. Asa na lang siya, mas lamang naman ako sa kaniya, tss!
Nilingon ko pa si Max ngunit wala na sa akin ang paningin niya. Nakangiti niya pang tinanong si Shin.
“Si Harry nagsabi sa’yo?” tanong niya pa at tumango naman si Shin. Nakunot pa ang noo niya ng bahagya habang nakangiti at nagsalita ulit. “Ano kayang binili no’n para sa’kin?” tanong niya pa at blanko ang emosyong ko naman siyang tinignan at saka ako nagsalita.
“Edi, hindi ka pa pala kumakain?” tanong ko sa kaniya at ngumiti naman muna siya ng tipid bago umiling at sumagot. “Hindi pa,” at nag-iwas tingin muna ako at bumaling sa mga prutas bago nagsalita ulit.
“Kumain ka na kaya? May prutas akong dala, oh.. kainin mo. Para naman may laman na yung tiyan mo,” saad ko at tumango naman siya saka ngumiti. Akmang kukuha pa lang sana ako ng prutas ay may biglang pumasok mula sa pintuan na nasa gawing likuran ko kaya nilingon ko ito.
Pagkalingon ko ay agad kong nakita silang tatlo. Sinalubong ni Shin si Harry at ang tita ni Max na may dalang kung ano at si Xavier naman ay dumiretso kay Max at nagsalita..
“Max, kain ka na dali. Binilhan kita ng paborito mong prutas. Binilhan din kita ng jollibee pero mamaya na ’yon baka kasi mabigla ka, e…” aniya at ipinakita ang supot na may lamang lansones at saging habang nasa kabilang gilid ni Max.
Nakaramdam naman ako agad ng inis habang kinakausap niya si Max kaya binigyan ko siya ng matatalim na tingin kahit pa wala sa akin ang paningin niya. Pasikat talaga, akala talaga siguro niya na madadaan sa ganyang diskarte si Max, tss.
Dahil sa pagka-irita ay agad akong dumampot ng mansanas at seryosong hinarap si Max at inabot sa kaniya ’yon.
“Eat this,” utos ko pa at nilingon naman niya ’yon at nag-angat tingin siya sa akin. Hindi naman niya nagawang sumagot dahil agad na sumabat ang pesteng Xavier na nasa tabi niya.
“Sir, eto yung mga paborito ni Max kaya mamaya na yan. Max, oh. Eto muna kainin mo,” saad pa nito at nakangiting iniabot ang kumpol ng lansones.
Hindi ko alam pero parang may parte sa puso ko na nagsasabi na sana ay h’wag niya iyong tanggapin. Please, wag mo tanggapin. Dapat yung akin ang tanggapin mo.
Ngunit parang ako lang din ang nasaktan nang tanggapin niya ’yon..
May kaunting kirot akong naramdaman sa dibdib ko at parang bumigat ang loob ko dahil sa pagkadismaya pagkatapos niyang tanggapin ’yon. Lumingon pa siya sa akin at tinignan na tila sinusuri niya ako. Ngunit hindi ko na ’yon pinansin pa at binigyan ko na lang siya ng pekeng ngiti at saka ako nagsalita.
“Sige na, kumain ka na. Ilalagay ko na lang muna ’to dito. Kainin mo na lang pag gusto mong kainin,” sambit ko at hindi ko na siya hinintay na makasagot pa. ibinalik ko ang mansanas sa pinaglalagyan no’n at saka mabilis na tinalikuran siya.
Naglakad ako palayo at umupo na lang sa couch na naroon kung saan nakaupo rin ang tita niya. Nakita ko pa sa gilid ng paningin ko ang mga titig niya ngunit hindi ko na iyon pinansin pa..
Max Pov.
Habang pinapakain ako nitong si Xavier ay hindi ko maiwasang tanawin si Sir. Mirrem habang nakaupo sa couch katabi si Tita. Nag-uusap sila ngayon at nakatalikod siya sa gawi ko kaya hindi ko makita ang ekspresyon at reaksyon niya..
“Kain ka pa,” sambit ni Xavier kaya nilingon ko ito. May hawak siyang lansones at iniamba sa akin. Tipid pa akong ngumiti rito at saka nagsalita.“Busog na ako, Xavier. Salamat!” ani ko at iniligpit naman na niya ang prutas na ’yon. Matapos no’n ay umupo siya sa kinauupuan kahapon ni Sir. Mirrem at saka nagsalita.
“Ang bagal mo na ngang kumain. Ang bilis-bilis mo pa mabusog,” nakasimangot na aniya at sinimangutan ko rin naman siya at sinagot. “Ano bang pake mo? at saka ganito na ako, e. Wala na akong magagawa do’n,” tugon ko sa kaniya. Hindi naman siya agad nakasagot kaya nilingon ko ulit si Sir. Mirrem.
Hindi ko alam pero parang may kirot sa puso ko at ako yung nasaktan para sa kaniya kanina. Bakas na bakas ang pagkapahiya at panlulumo sa mukha niya dahil sa sinabi nitong isa.. Ang sarap tuloy kotongan nitong nasa harap ko. Ang sarap palayasin, tsk.
Ibinalik ko naman ulit ang paningin ko kay Xavier nang magsalita ito.
“Tss, paano ka tataba niyan?” ika pa niya na salubong ang kilay at kunot ang noong sumagot naman ako. “Eh, ba’t mo naman ako gustong tumaba, ha?” pagbabalik tanong ko sa kaniya at umirap pa muna siya at napakamot sa batok bago sumagot. “Para wala nang ibang magka-gusto sa’yo. At para sigurado ring wala na akong ibang kaagaw,” aniya pa at nag-iwas tingin habang nakanguso. Sinimangutan ko lang naman siya bago ako sumagot.
“Ang dami mong alam, no. Ba’t ka di na lang umuwi?” saad ko sa tonong sarkastiko at nilingon n’ya naman ako na may malungkot na ekspresyon sa mukha. “Ayaw mo’ko rito?…Ba’t mo’ko pinapauwi?” malungkot kunwaring tanong niya pa at huminga naman muna ako ng malalim bago sumagot.
“Hindi naman sa ganon… Pero, okay naman na ako kahit papa’no. Kaya mas maganda kung uuwi na kayong tatlo para sagutan yung assignments natin. Alam n’yo namang marami ’yon, e…” pagdadahilan ko at hindi naman siya agad nag-react. Maya-maya pa ay biglang nginitian niya ako at saka siya nagsalita..
“Ang bait mo naman sa’kin. Gusto mo na rin siguro ako, no?” pabirong aniya pa at nginitian ako na halos mawala ang mata. Inirapan ko naman siya dahil hindi ako halos makapaniwala sa sinabi niya. Ang lakas naman ng apog neto, jusme. Kinakabag na siguro ’to sa sobrang kahanginan.
“Baliw ka ba? Kaibigan nga lang ang tingin ko sa’yo, e..” prankang tugon ko sa kaniya at agad na naglaho ang mga ngiti niyang ’yon at saka nagsalita..
“Grabe… ang pranka mo talaga,” aniya at inirapan pa ako ngunit hindi ko na ’yon pinansin pa at iniba ang usapan.
“Sige na, umuwi na kayo. Tignan mo yung dalawa, oh… Parang uwing-uwi na,” saad ko pa at inginuso ang gawi nila Harry at Shin na naghaharutan sa isa pang couch na animoy wala silang kasama at walang nakakakita sa kanila..
“Tss! ayaw mo talagang nandito ako,” singhal niya at bahagyang natawa naman ako. “Hindi naman… Sige na, umuwi na kayo. Ayain mo na yung dalawa,” utos ko at wala siyang nagawa kundi sundin ako. Kumakamot pa siya sa ulo habang naglalakad papunta kila Shin at Harry.
Mga ilang segundo pa ay nilingon ako ni Shin kaya agad akong nagsalita..
“Sige na… umuwi na kayo. Marami pa tayong assignments. Umuwi na kayo para masagutan n’yo yon. Maraming salamat sa pagbisita n’yo sa’kin,” nakangiting sambit ko at agad naman silang tumayo. Matapos no’n ay sumagot si Shin habang nakangiti sa akin.
“Sige… bestie. Balik na lang kami bukas,” aniya at ngumiti pa ako bago sumagot.
“Baka discharge na ako bukas kaya wag na,” nakangiti munit seryosong usal ko at tumango na lang si Shin bilang tugon. Binalingan ko naman si Harry nang magsalita ito. “Max, una na kami, ah. Get well soon!” paalam niya at nginitian ko naman siya bago ako sumagot.
“Oo naman. Sige na…ingat kayo sa pag-uwi, ha?” paalala ko at hindi naman na siya sumagot at sumaludo na lang bilang tugon. Matapos no’n ay tumalikod na sila kaya nilingon ko si Mirrem na nakatingin sa akin.
Nang magtama ang paningin namin ay agad siyang nag-iwas tingin at lumingon kila Shin na nasa pintuan na at nagpa-paalam na kay Tita Irene.
Mga ilang minutos pa bago umalis sila Shin ay lumabas din si Tita at si Sir. Mirrem. Agad naman nakunot ang noo ko dahil sa pagtataka. Ano naman kayang gagawin nila? Saan kaya ’yon pupunta? Tss. Iwanan ba naman daw akong mag-isa rito.
Inis akong kumuha ng mansanas na dala ni Sir at gitil na kinagat ’yon. Infairness, masarap naman.
Kaya naman parang nakalimutan ko agad na iniwan nila akong mag-isa at inenjoy munang lantakan itong mansanas. Ilang segundo pa habang nasa ganoong posisyon ay pumasok si Sir. Mirrem at nagtama ang paningin namin.
Hindi naman niya ako inimik at dumiretso sa couch para kunin ang phone na naiwan niya ro’n. Matapos no’n ay nilingon niya ako at saka nagsalita.
“Uwi na ako,” blanko ang emosyong paalam niya kaya nagtaka ako ngunit hindi ko iyon ipinahalata. Eh? Uuwi na raw siya? Ang aga naman yata.
“Sure ka?” paninigurado ko pa kunwari at tinaasan siya ng kilay. Hindi naman siya agad nakasagot, kaya kumagat pa ulit ako sa mansanas at nginuya iyon habang nakatingin sa kaniya..
“Yup,” tugon niya matapos ang ilang segundo at tinanong ko pa siya ulit. “Talaga?” tanong ko pa at agad naman siyang tumango.
“Weh?… ayaw mo kumain? Susubuan kita,” pabiro kong sabi at tunog nang-aakit. Galit kaya ’to sa’kin? Tsk, bahala nga siya, haha.
“Wag na,” tanggi niya kaya ngumiti ako kunwari at saka sumagot. “Okay,” tipid na tugon ko at mabilis kong narinig na nagsalita siya habang kumakagat ako sa mansanas.
“What?!” aniya pa at tinaasan ko lang siya ng kilay habang abala ako sa pagkagat at pag-nguya. “Hindi mo’ko pipigilan?” kunot noo at salubong ang kilay na tanong niya sa’kin at manghang tinignan ko siya. Abnormal, uuwi na raw siya tas gusto pigilan. May sapak din, e.
“Hindi. Sabi mo uuwi ka na diba? Sige na… uwi na,” saad ko pa habang nakatingin sa kaniya.
Inirapan naman niya ako at sininghalan. Natawa ako sa iniasta niyang ’yon kaya naman pinalapit ko siya.
“Abnoy talaga,” bulong ko pa at saka siya pinalapit. “Tara dito,” mahinang sigaw ko sa kaniya at pinagpag pa ang kanang parte kung nasaan ang upuan.
Nakasimbakol ang pagmumukhang naglakad siya papalapit sa akin at sinundan ko lang naman siya ng tingin. Pagka-upo niya sa upuan ay agad siyang nagsalita.
“Bigyan mo’ko ng prutas,” nakasimangot na utos niya at pigik ang tawang tinanong ko siya. “Anong sa’yo? Etong lansones?” tanong ko pa at umirap naman siya at nag-iwas tingin at nagpangalumbaba pa.
“Ayoko niyan… Sa kabit mo ’yan, e..” tugon niya at natatawang sumagot ako at inabutan siya ng mansanas. Nilingon naman niya ako at inabot iyon. “Ayan ka na naman,” makahulugang sambit ko at agad naman siyang nag-iwas tingin agad at sumagot.
“Ewan ko sa’yo,” mahinang tugon niya na may bahid ng inis. Hindi ko naman naiwasang mangiti bago ako magsalita. “Nagseselos ka na naman,” nakangiting sabi ko at agad naman siyang sumagot.
“Hindi ah.” tanggi niya nang hindi ako nililingon at saka ngumuso habang kumakain ng mansanas. “Diba sinabi ko naman sa’yo. Mas lamang ka sa kaniya,” pag-uulit ko sa sinabi ko sa kaniya kahapon at agad naman siyang sumagot na parang nagpaparinig.
“Lamang daw… Pero hindi pinili at kinuha yung prutas na inabot ko sa kaniya kanina,” aniya at kumibot-kibot pa ang labi habang nagme-make face at nakanguso. Natawa naman ako sa ginawa niyang ’yon at saka ako sumagot. Pati ba naman talaga ’yon? jusko po! haha.
“Lamang ka naman talaga. Mas masarap at hinog ’tong mansanas na bigay mo, e.” Tugon ko ngunit nginusuan niya lang ako at saka nagsalita. “Masarap nga…hindi mo naman pinili. Wala pa rin,” saad niya sa malungkot na tono at nag-iwas tingin. Napasinghap pa ako ng hangin at saka nakangiting sumagot kahit pa hindi siya nakatingin..
“Wag ka na magtampo diyan. Mas lamang ka naman sa kaniya, e…” saad ko pa at nakasimangot na naman niya akong nilingon at sinagot. “Sus! nagsusubuan pa nga kayo kanina, e..” inis na sambit niya at natatawang tinanong ko naman siya.
“Hoy! anong nagsusubuan? Siya lang kaya ’yon,” pigil ang tawang tugon ko at sumimangot naman siya at saka nagsalitang muli. “But still.. you allowed him,” aniya at pairap na nag-iwas tingin. Paktay na! nag-eenglish na.
“Edi subuan mo rin ako,” pabiro pang tugon ko sa kaniya ngunit inirapan niya lang ako. Kaya naman nagsalita ako ulit.
“Tignan mo’to… parang ewan. Sinabi ng lamang ka nga, e…. At saka alam mo ba?… pinrangka ko siya kanina?” saad ko pa at nakanguso naman niya akong nilingon at nagsalita. “Na alin?” tanong niya.
“Sinabi ko sa kaniya na.. kaibigan lang ang tingin ko sa kaniya,” saad ko pa at ngumiti ng tipid. Hindi naman siya nakasagot agad at maya-maya pa ay unti-unting lumiwanag ang mukha niya at lumitaw ang matatamis niyang ngiti.
“Talaga? Sinabi mo ’yon?” paninigurado niya pa habang nakangiti at tinanguan ko naman siya bago sumagot.
“Oo naman,” nakangiting tugon ko at kinuha naman niya ang kamay ko at isinuksok ang kamay niya ro’n.
Matapos no’n ay inilagay niya ang palad ko sa pisngi niya kaya naman pinisil ko ng marahan ’yon at napapikit pa siya ng gawin ko ’yon..
Matapos no’n ay dumilat siya saka siya nagsalita..
“Kung alam ko lang din ang paborito mong prutas. Hindi ko bibilhin ’yang lecheng mansanas na ’yan,” nakangusong angil pa niya habang pinaglalaruan ang kamay ko at natawa naman ako.
“Grabe ka naman. Masarap naman ’tong mansanas, ah?” saad ko at isinenyas ko pa ang papaubos ng mansanas at kinagat ang huling parte nito. Ngumiti naman siya sa’kin at saka sumagot.
“Oo nga, bigyan mo pa nga ako. Nagugutom ako, e..” tugon niya habang nakangiti kaya naman nagtaka ako. Hindi ba ’to kumain? tsk.
“Bakit? hindi ka ba kumain sa inyo?” tanong ko pa at inabutan siya ng mansanas. Kumagat naman muna siya ro’n at nginuya iyon bago siya sumagot. “Hindi. Late na kasi ako sa usapan natin kaya nagmamadali akong pumunta rito. Actually, nahihilo nga ako ngayon, e..” tugon niya at ngumuso pa habang kumakain ng mansanas.
“Ayan kasi…hindi ka kumakain sa tamang oras,” saad ko sa ma-awtoridad na tono at nilingon nan niya ako at saka siya nagsalita..
“Sorry…h’wag ka mag-alala baby ko. Ayos lang naman ako,” aniya pa at kumagat pa ulit sa mansanas at inirapan ko lang naman siya saka ako nagsalita ulit.
“O siya, umuwi ka na lang ng maaga ngayon para makapag-pahinga ka. Tutal mukhang discharge na rin naman ako mamaya,” saad ko pa at agad na nagsalubong ang kilay niya at saka tumutol.
“Ayoko nga. Doon muna ako sa inyo kung sakaling ma-discharge ka,” tugon niya at sinamaan ko naman siya ng tingin at inirapan bago nagsalita. Aba’y may sapak siguro ’to. Pinapauwi para magpahinga, ayaw pa.
“Eh? Ba’t di ka na lang umuwi para mawala yang hilo mo?” tanong ko pa habang salubong ang kilay at kunot ang noong nakatingin sa kaniya. Inis din naman niya akong tinignan at saka sumagot.
“Hindi naman mawawala ang hilo ko pag umuwi ako sa bahay,” pilosopong tugon niya kaya inis akong napairap sa kawalan bago magsalita.
“Ano bang gagawin mo sa bahay? Hindi rin naman mawawala ang hilo mo pag pumunta ka ro’n,” sarkastikong sambit ko at pairap pa siyang nag-iwas tingin sa akin bago sumagot.
“Hindi nga mawawala pero atlis nando’n ka naman at makakausap kita. Ayos na ako do’n,” tugon niya at hindi naman ako nakasagot.
Ilang segundo lang din ay natapos na niyang kainin ang mansanas na ’yon. Yumuko pa siya at ginawang unan ang kanang braso niya habang ang kaliwang kamay ay hawak ang kamay ko at abalang pinapanood ito habang nilalaro niya.
Pumikit pa siya matapos no’n ngunit hindi ko na ’yon pinansin at nag-iwas tingin na lang. Nang tumama ang paningin ko sa pinto ay biglang pumasok sa isip ko si Tita Irene. Oo nga pala, nasa’n kaya ’yon?
“Uy, nasaan nga pala si Tita Irene?” tanong ko pa habang kunot ang noong nakatingin sa pinto at agad naman siyang sumagot kaya nilingon ko siya..
“Nag-usap kami at inutusan ko siyang bayaran na yung bills mo at saka bilhan ka na rin ng gamot at ointment para diyan sa mga pantal mo,” tugon niya sa ganoong pwesto. Inirapan ko naman siya at sinimangutan kahit na hindi niya ako tinitignan at saka ako nagsalita. Aba’y binayaran na yung bills ko, inako pa yung gamot ko. Sobra-sobra naman na yata, baka isipin niya pineperahan ko lang siya.
“Tsk, hindi mo naman kailangan gawin ’yon, e. Sana itinago mo na lang yung pera mong ’yon,” may bahid ng inis na sagot ko sa kaniya at agad naman siyang umayos ng upo habang hawak ang kamay ko at pinisil pa iyon at nginitian ako.
“It’s not that much, baby. Chill!” nakangiting saad niya pa ngunit sinimangutan ko lang siya at saka sinagot.
“Kahit na… hindi mo naman kailangang gawin yun, e..” pabulong na tugon ko at pinisil niya pa ulit ang kamay ko bago siya nagsalita.
“Don’t worry about it, baby! Hindi naman ’yon gano’n kalaking pera. At saka isa pa… it’s my way para magpa-lakas sa tita mo. Para if ever… na makahalata siya at malaman niya ang tungkol sa atin…ay kakampihan niya tayo,” saad niya na tunog nangungumbinsi ngunit matigas akong sumagot at inismiran siya.
“Alam mong hindi pwedeng malaman ’to ni Tita,” tugon ko at huminga naman siya ng malalim bago sumagot.
“But, I know that you know we can’t keep this forever, Baby. Cause sooner or later… they might discover this. She will or they will know about this, about us.” saad niya at pinagkrus pa ang kamay namin ngunit wala roon ang atensyon ko. Tama siya, hindi namin ’to maitatago ng matagal.
Hindi naman ako nakasagot agad at nakinig na lang nang magsalita siyang muli.
“And that’s why I’m doing this, baby. I’m using my resources and risking everything on the line. Cause I know… as long as i’ll have you in the end,…it’s all worth it, baby. It’s all worth it… “ dagdag niya pa at ginawaran ako ng matamis na ngiti. Hindi naman ako nakasagot agad at nagulat pa ako ng bahagya ng halikan niya ako sa kamay at sa noo.
Masyadong maganda ang mga sinabi niya ngunit kakaiba ang naramdaman ko. At isa lang ang sigurado. Natatakot ako para sa aming dalawa…
CHAPTER 29
Max Pov.
Ngayon ay araw ng linggo at narito na ako sa bahay kasama si Tita at Mama dahil na-discharge na ako kahapon.
Nasa kusina kami ngayon at nai-kwento na ni Tita kay Mama ang lahat kaya naman galit na galit at parang armalite na rumatatat na naman ang bunganga niya..
“Ikaw talagang bata ka! Alam mo na ngang mas mahirap pa tayo sa daga at halos wala tayong pera…gagawa ka pa ng pagkaka-gastusan natin. Paano kung hindi lang ’yan ang inabot mo? Paano kung mas malala pa diyan? Saan kami pupulutin ng tita mo, ha? Ano? Magkakandarapa na naman kaming mangutang sa kung sino-sino para pangpa-gamot sa’yo?…Nasa’n ang utak mo?! Alam mo nang bawal sayo? tas kinain mo pa rin?… Ano pa’t…pinag-aral kita? mukhang di mo alam paano mag-isip ng tama?” mahabang sabi niya sa pagalit na paraan. Hindi naman ako kumibo dahil sa bigat na nararamdaman ko dahil kinakain ako ng guilt ko.
Ramdam ko rin na salubong ang kilay niya habang sinasabi ’yon kahit pa nakatalikod siya. Saglit pa siyang nanahimik at nang hinarap niya ako ay iniabot niya ang mangkok na may nilagang baboy at saka nagsalita.
“Oh, kumain ka na! Pagkatapos umakyat ka na ro’n at maligo para malagyan mo ng ointment ’yang mga kinamot mo, oh..may mga sugat na,” aniya pa at nakayukong tumango naman ako at sumagot habang nakatingin lang sa mangkok na inabot niya..
Hindi naman na siya nagsalita at nag-usap lang sila ni Tita at ako nama’y kumilos na para sundin ang mga sinabi niya dahil ayoko nang mapagalitan..
Sa tingin ko’y hindi pa nasasabi ni Tita kung sinong nagbayad ng bills ko ngunit hindi ko na ’yon inisip pa..
Pagkatapos kong kumain ay umakyat na ako sa kwarto at saka ako naligo. Matapos kong maligo ay hindi naman ako agad nagbihis at naglagay muna ng ointment sa kung saang parte may namumula pa akong pantal at kung sa’n ang may sugat dahil sa pagkamot. Matapos no’n ay saka ako nagbihis at saka humiga sa kama at nagbasa..
Mga ilang oras pa ang lumipas ay medyo nabagot na ako sa pagbabasa kaya naman dinampot ko ang phone kong nasa tabi ko at tinignan ang oras. Alas-dose pasado na pala..
Binuksan ko ang data ng aking phone at tinignan ang messenger ko at agad na bumungad ang tatlong chats mula kay Xavier, Shin at Sir. Mirrem.
At inuna ko nang buksan ang kay Sir. Mirrem bago basahin ang kanila..
From: Mirrem Cedric Dalton
What are you doing, baby? are you busy?
Sent. 11:35am.
At agad naman akong nagtype ng reply para ro’n.
To: Mirrem Cedric Dalton
Di naman. Nagbabasa lang ng libro.
Sent. 12:16pm.
Bubuksan at babasahin ko pa lang sana ang mensahe ni Xavier ay nagreply na agad siya. Wow, ang bilis. Himala at di siya busy? haha.
Kaya naman inuna ko na lang munang buksan ang reply niya at basahin ’yon..
From: Mirrem Cedric Dalton
I see…ako naman nakahiga lang tas nakikinig ng music, baby ko.
Sent. 12:16pm.
Matapos kong basahin ’yon ay nagtype at nagsend ako ulit ng reply..
To: Mirrem Cedric Dalton
Ah, okay. Mabuti ’yan. :)
Sent. 12:17pm.
Ilang segundo pa ay nagreply ulit siya kaya naman binasa ko ulit ’yon at nireplyan..
From: Mirrem Cedric Dalton
I miss you, baby. I really miss you. Gusto kita makita.
Sent. 12:17pm.
Eh? kahapon halos buong araw na kami magkasama tas gusto na naman akong makita. Abnoy talaga.
Matapos kong basahin iyon ay agad akong nagtipa ng reply para ro’n habang nakanguso..
To: Mirrem Cedric Dalton.
Eh? parang kahapon lang tayo huling
nagkita
, ah?
Sent. 12:17pm.
Mga ilang segundo pa ulit ang lumipas ay naka-reply na siya. Binuksan ko naman iyon agad para basahin..
From: Mirrem Cedric Dalton
I really wanted to see you right now. Pwede ba ako pumunta diyan?
Sent. 12:18pm.
Eh? Baliw ba siya! Nandito sila mama, edi syempre, bawal.
Salubong ang kilay naman akong nagtype ng ire-reply.
To: Mirrem Cedric Dalton
Hindi pwede, no! Nandito si mama saka si tita.
Sent. 12:18pm.
At hindi naman nagtagal ay may reply siya ulit kaya naman binasa ko ’yon at nakunot ang noo ko matapos..
From: Mirrem Cedric Dalton
Okay fine. :(
Basta wag mo
kakalimutan
yung date natin bukas.
Sent. 12:19pm.
Ha? Date bukas? May napag-usapan ba kami? Imbis na makapag-pahinga ako, tsk.
Naniningkit ang mata naman akong nagtipa ng reply para sa mensahe niyang ’yon..
To: Mirrem Cedric Dalton
Anong date? May
napag
-usapan ba tayo?
Sent. 12:19pm.
At wala pang ilang segundo ay may reply na siya kaya binuksan ko ’yon para basahin ulit.
From: Mirrem Cedric Dalton.
Yup, meron. You owe me one, remember?
Sent. 12:19pm.
At napaisip pa ako dahil do’n. Oo nga pala, tsk. Akala ko pa naman makakalimutan niya na ’yon, hmp.
Matapos no’n ay nakanguso akong nagtipa ng reply..
To: Mirrem Cedric Dalton.
Anong oras ba ’yan? After ba ng class mo?
Sent. 12:20pm.
At hindi naman nagtagal ay nakapag-reply siya agad..
From: Mirrem Cedric Dalton
Yup, baby. Pero it’s up to you kung anong oras mo gusto.
Sent. 12:20pm.
It’s up to you, it’s up to you.. e, mas gusto ko ngang sa bahay lang, tsk.
To: Mirrem Cedric Dalton
Ikaw na bahala. Kahit anong oras pa ’yan,
sisipot
naman ako.
Sent. 12:20pm.
At hindi naman nagtagal ay nag-reply na siya. Agad ko namang binuksan ’yon at binasa..
From: Mirrem Cedric Dalton
Alright! see you tommorow, then.
Pagaling
ka na diyan, I miss you so much, baby. <3
Sent. 12:21pm.
Pagtapos kong basahin ’yon ay may kung anong bagay pa akong naramdaman sa tiyan ko na gumalaw. Ngunit hindi ko na iyon pinansin pa at binasa na lang ang mensahe ni Xavier.
From: Xavier Jon Legazpi.
Hi sweetie, tapos na akong gumawa ng assignments natin. Ikaw diyan? kamusta ka na? :>
Sent. 11:50am.
Nakunot naman ang noo ko dahil sa mensahe niyang ’yon. Sweetie? saan naman galing ’yon? ang baduy.
Hindi ko naman na pinansin pa ’yon at nagtipa na lang ng reply para ro’n at agad iyong ni-send..
To: Xavier Jon Legazpi.
Ayos naman na ako, Xavier. Salamat.
Sent. 12:22pm.
Ilang minutos pa ang lumipas ay nagreply siya kaya naman agad ko iyong binuksan para basahin..
From: Xavier Jon Legazpi.
Ang tipid naman :<
Anyways, nagpaalam ako kay Tita na pupunta ako diyan ngayon.
Ipinagpaala
. na kita na lalabas tayo, pumayag naman na siya. So, see you! :>
Sent. 12:25pm.
At literal na nanlaki ang mata ko matapos basahin iyon. Kanino siya nagpaalam? At saka anong lalabas?
At biglang pumasok sa isip ko si Sir. Mirrem. Paano pag nalaman niya to? Jusko, magiging tigre na naman ang bakulaw.
Kaya naman salubong ang kilay na nagtipa ako ng mensahe at tinanong siya..
To: Xavier Jon Legazpi.
Kanino ka nagpaalam?
At saka sigurado ka bang pumayag talaga? ha?
Sent. 12:26pm.
Ilang segundo pa matapos kong ma-send iyon ay agad akong nakatanggap ng reply.
Naniningkit ang matang binuksan ko naman iyon at saka binasa..
From: Xavier Jon Legazpi.
Oo naman, no. Kay Tita Irene mo ako nagpaalam at saka alam niya na rin na nanliligaw ako kaya pumayag siya.
Sent. 12:26pm.
At halos sabay na manlaki ang mata at butas ng ilong ko dahil sa nabasa ko. Aba’y sinabi niyang nanliligaw siya? Siraulo talaga ’to. Hindi man lang ako tinanong kung okay ba sa’kin, tsk! Leche!
Masama ang tingin sa screen na nagtype ako ng reply at gitil na ni-send iyon..
To: Xavier Jon Legazpi.
Ba’t mo sinabi? Ba’t di mo muna ako tinanong? Bahala ka nga!
At saka sa sunod na lang tayo lumabas, busy ako, e. Marami tayong assignments, di ko pa nagagawa yung akin.
Sent. 12:26pm.
Ilang segundo pa ang lumipas ay tumunog ang phone ko dahil sa reply niya. Blanko ang ekspresyong binuksan at binasa ko naman iyon..
From: Xavier Jon Legazpi.
Hmm, gusto kong sabihin, e. At saka para aware na rin siya.
Papalakas
ako sa kanila para
masuyo
kita.
At saka anong sa susunod. Bahala ka, pupunta ako diyan ngayon.
Sent. 12:27pm.
Napasimangot naman ako dahil do’n ngunit hindi ko na siya nireplyan at binuksan na lang ang mensahe mula kay Shin. Bahala ka diyan, akala mo naman sasama ako, tss.
From: Shin Eun Lee.
Bestie, kamusta ka na? Sana ayos ka na.
Ipinapatanong
rin ni Harry kung okay ka na raw ba, hihi. Anyways, I miss you. Sana tapos ka na sa assignments nating sobrang hirap. :D
Sent. 10:59am.
Napangiti pa ako matapos basahin ang mensahe niyang iyon. Agad naman akong nagtype ng reply doon at saka bumaba na para kumain.
Pagpasok ko sa kusina ay nagtama ang paningin namin ni Mama na nakaupo habang nagbibilang ng pera sa mesa.
Nagpatuloy naman ako at magsa-sandok pa lang sana ako ng kanin ay agad na siyang nagsalita.
“Teacher mo pala yung nagbayad ng bills mo at bumili ng gamot mo?” usisa niya at agad naman akong sumagot habang sinisimulan ng magsandok.
“Opo,” tugon ko nang hindi siya nililingon at narinig ko pa ang tunog ng mga barya sa lamesa bago siya sumagot.
“Pakisabi sa kaniya na salamat. Magpasalamat ka rin sa kaniya,” kaswal na utos niya at nilingon ko naman siya at tinanguan bago dumiretso sa tapat niya para kumain do’n.
Matapos no’n ay iniligpit na niya ang pera at notebook na nakalatag sa lamesa. Hindi ko naman na pinansin pa iyon at nagpatuloy na lang sa pagkain.
Tumayo na siya at akmang aalis na nang magsalita siya ulit at kausapin ako..
“Kung gusto mo kumain nung mansanas. Nandiyan sa may ref natin,” saad pa niya at agad naman akong tumango habang ngumunguya.
Umalis at umakyat naman na siya sa kwarto matapos no’n kaya nagpatuloy na lang ako sa pagkain at kumuha ng mansanas na nasa ref at kinain din ’yon bilang panghimagas.
Matapos kong kumain ay agad kong hinugasan ang pinag-kainan ko at saka umakyat sa kwarto ko..
Pagkarating ko roon ay umupo pa ako sa gilid ng kama at dinampot ang cellphone kong naroon din..
Pagbukas ko ng data ay agad na nagnotif ang messages mula kay Shin at Mirrem kaya agad kong in-open ang messenger ko at binasa ’yon..
From: Mirrem Cedric Dalton
Kumain ka na ba ng lunch, baby?
Sent. 12:29pm.
Hindi ko alam ngunit agad na gumuhit ang ngiti sa aking labi ng mabasa ko iyon..
Kagat labi pa akong nagtipa ng reply sa kaniyang chat..
To: Mirrem Cedric Dalton.
Yup,
katatapos
lang. Ikaw?
Sent. 12:42pm.
Ilang segundo pa ay may reply na siya kaya agad ko ulit iyong binuksan at binasa..
From: Mirrem Cedric Dalton.
Tapos na rin, baby.
Nilutuan
ako ng
afritada
ni
Remi
. Ikaw, anong ulam n’yo diyan? :)
Sent. 12:43pm.
Aba’y pati ulam tinatanong? Pero infairness, parang ang sarap ng ulam niya. Well, di na ako magtataka dahil halos lagi naman yata.
Nakanguso kunwari pa akong nagtype ng reply at ni-send iyon..
To: Mirrem Cedric Dalton
Mabuti naman kung gano’n. Nilagang baboy ulam namin dito.
Sent. 12:43pm.
Wala pa yatang ilang segundo bago ko ma-sent ’yon ay may reply na agad siya. Napakabilis naman nitong mag-type, tsk.
From: Mirrem Cedric Dalton.
Wow! it sounds delicious, baby. Gusto ko sana matikman ’yan, kaso ayaw mo’ko
papuntahin
diyan. :(
Sent. 12:43pm.
Umirap pa ako sa hangin matapos kong basahin ’yon. Gumagawa talaga siya ng paraan para magkita kami. Di ba siya nagsasawa sa mukha ko? Tsk! Onti na lang talaga, itatapon ko na siya sa Mars.
To: Mirrem Cedric Dalton
Tumigil
ka. Magkikita naman tayo bukas at
magde
-date,
psh
.
Sent. 12:44pm.
Matapos no’n ay binuksan ko ang mensahe mula kay Shin at binasa ’yon.
Matapos kong basahin ’yon ay nagtipa ako ng reply para ro’n at pinatay na ang data ng phone ko.
Nakaramdam ako ng antok kaya bago ako nahiga ay isinaksak ko muna ang phone ko at hinayaang mag-charge.
Nakakapagod, gusto kong matulog.
Pagkahiga ko ay agad na naglakbay ang isip ko habang nakapikit hanggang sa makatulog ako..
Hindi ko alam kung ilang oras ako nakatulog ngunit nagising ako sa malakas na pagsigaw ni Tita Irene sa pangalan ko mula sa baba.
“Max, bumaba ka rito! May bisita ka,” pagsigaw niya pa kaya naman nakunot ang noo ko habang hirap pang idilat ang mata. Kinusot ko pa iyon at saka inisip kung sino ang tinutukoy ni Tita. At agad na pumasok sa isip ko si Xavier kaya mas pumanget ang mood ko.
Sinabing busy ako, e. Napaka-kulit talaga. Di marunong umintindi.
Agad naman akong pumunta sa cr at inayos kahit papano ang sarili ko. Sinigurado ko pang walang kahit anong muta sa mata ko bago ako bumaba.
Mga tatlong hakbang pa lang ang nagagawa ko pababa ng hagdan ay natanaw ko na sila ni Tita na nag-uusap. Aba’y ngiting-ngiting pa ang bwiset.
Humakbang pa ako pababa at nang mapansin niya ako ay litaw na litaw ang ngipin at gilagid niya akong nilingon at nginitian. Nilingon din naman ako ni Tita ngunit nasa kaniya ang paningin ko.
“Hi Max, ready ka na?” nakangiting tanong niya pa ngunit binigyan ko lang siya ng masamang tingin at saka sumagot. “Diba sinabi ko h’wag kang pumunta?” tanong ko sa galit na tono na siyang panigurado narinig ni Mama sa kusina kaya galit din itong sa kusina..
“Ano ’yon, Max? Paano ka sumagot sa bisita? Ganiyan ba kita pinalaki, ha?!” saway niya sa akin sa galit na tono at pinandilatan pa ako ng mata. Napayuko naman ako at napanguso dahil nahihiya ako na pinapagalitan ako sa harap niya. Yari ka talaga sa’kin! Hindi ka makakauwi nang walang bangas sa mukha.
“Ay Tita, ’wag n’yo na po siyang pagalitan. Sanay na po akong ganiyan siya sa akin,” aniya kaya nag-angat tingin ako at pinandilatan ko siya ng mata ngunit nginisian niya lang ako.
“Aba’y…. Lagi ba siyang ganiyan sa’yo?” usisa pa ni mama sa ma-awtoridad na tono at kinabahan naman ako dahil sa mga ngising ’yon ni Xavier. Ipapahamak mo talaga ako, leche ka. Isinusumpa ko hindi ka talaga magkakaroon ni katiting na chance sa’kin! Leche!
“Hindi naman po, pero madalas. Ganiyan po siguro talaga siya dahil ayaw niyang ligawan ko siya,” paawa pa niya kunwari habang may tipid na ngiti. Agad na nanlaki ang mata ko sa sinabi niyang ’yon at gano’n din si Mama na tinapunan lang ako ng tingin at muling ibinalik kay Xavier. Si Tita naman ay iiling-iling habang natatawang nakatingin at nanonood sa amin..
“Nanliligaw ka sa anak ko? Aba’y ke-gwapo gwapo mo… anong nakita mo sa anak ko?” takhang tanong pa ni Mama ba medyo nakatingala kay Xavier dahil mas matangkad ito sa kaniya. At naniningkit ang matang pinanood ko sila dahil sa inis sa naging tanong ni Mama.
Aba’y ka-taka taka ba talagang maligawan ang kagaya kong bakla? Jusme! e, ang ganda ganda ko, nga. Saksakan ako ng ganda, kulang na lang lumuhod ang mga tala.
“Tita naman, may itsura at mabait po ang anak n’yo. Naging ganiyan lang naman siya sa’kin no’ng magsimula na akong ligawan siya,” tugon niya kaya inilipat ko ang tingin ko sa kaniya at sinenyasan siya ng kamao kong nakakuyom habang pinandidilatan siya ng mata. Pag di ka umayos ng sagot mo diyan. Durog ’yang scrotum mo. Tsk!
Nginitian niya lang naman ako at saka siya nagsalita ulit na nilingon pa si Mama.
“Anyways Tita, pumunta rin ako rito para ipag-paalam si Max. Lalabas po kasi kami,” aniya at pumeke pa ng ngiti. Nagkatinginan pa si Tita at Mama kaya pinanood ko lang sila sa senyasan nilang hindi ko ma-gets. Eto talagang si Tita, basta gwapo, tsk.
Ilang segundo pa ay nilingon ulit ni Mama si Xavier at tinanong.
“Saan ba kayo pupunta at anong oras kayo makaka-uwi?” usisa ni Mama habang nakaturo pa sa akin. Nilingon pa ni Xavier ang gawi ko habang nakangiti at ibinalik din agad kay mama at saka sumagot.
“Diyan lang po kami sa mall malapit sa school, Tita. We’ll watch a movie lang po tas ihatid ko po siya rito ng 8pm,” tugon niya kay Mama at nilingon ni Mama ang wall clock sa kusina.
“O siya, 8pm ba kamo? Sige na, umalis na kayo. Ingatan mo ang anak ko, ha? Mukha ka namang mapagkakatiwalaan. Sige na. Gumayak na kayo,” utos ni Mama at nilingon pa ako. Nakasimangot pa akong nagsalita.
“Hindi pa ako nakakapag-ayos,” reklamo ko at salubong ang kilay ni Mama na pinasaadan ng tingin ang kabuuan ko at sumagot. “Ang ayos mo na kaya. Bilis na, wag kang maarte diyan. Baba na,” aniya pa at nakangusong bumaba naman ako ng hagdan at lumapit sa kanila.
Tinulak pa ako ng bahagya ni Mama kaya tumama ang likod ko sa balikat ni Xavier.
“Aray ko naman, Ma!” nakangusong ani ko at inirapan niya ako. “Ang arte mo. Ang hina lang no’n,” tugon niya sa akin at saka siya bumaling kay Xavier at ginawaran ito ng ngiti. “Ingat kayo, ha? 8pm,” makahulugang sambit ni Mama at nakangiting tumango naman si Xavier bago sumagot.
“Of course, Tita. I’ll make sure na safe kaming dalawa,” aniya pa at nginitian naman siya ni Mama at saka nagsalita. “O siya, ano pang hinihintay n’yo? pasko? Gayak na dahil alas-sais na,” aniya pa at nakangiting kinuha ni Xavier ang kamay ko at sinimangutan ko lang siya. Leche, paanong napaamo niya ng ganito si Mama? Tsk.
Matapos no’n ay magkahawak kamay pa kaming lumabas ng bahay. Pagka-labas pa lang namin ng pinto ay padabog kong kinuha ang kamay ko at saka siya binigyan ng masamang tingin.
“Oh, bakit?” inosente pa kunwaring tanong niya at inis naman akong tinignan siya. “Diba sabi ko h’wag kang pumunta?” pagalit na sabi ko. Sinabi na kasing busy ako, napakakulit. Di marunong rumespeto, tsk!
Bigla namang lumitaw ang ngisi sa mukha niya at saka nagsalita..
“Sabi ko naman sayo pupunta pa rin ako, e. Ano ka ngayon?” Pang-aasar niya pa at agad ko naman pinigil ang inis na unti-unting umaakyat sa ulo ko. Suminghap pa ako ng hangin habang nakatitig sa kaniya at saka nagsalita. “Tara na! at baka masapak kita!” pabulong ngunit madiin kong sabi. Sakto lang na mararamdaman at maririnig niya.
Hindi naman ako masyadong kumibo hanggang sa makarating kami ng mall. Kahit pa kabilaan ang pagkuha niya sa amin ng litrato ay hindi ako umiimik..
Matapos no’n ay dinala niya ako sa Jollibee kaya ang galit na kaninang nararamdaman ay naibsan kahit konti. Pero galit pa rin talaga ako, tsk. Kulang pa ang jollibee no, dapat may starbucks, char!
Nang manonood na kami ng movie ay bumalik ulit ang inis ko dahil hindi niya sinunod ang gusto kong panoorin. Mas pinili niyang panoorin namin yung romantic kesa do’n sa action movie na tinuro ko. Mas gusto ko ’yong panoorin dahil madalang lang naman ako makanood ng gano’n at saka lunod na ako sa romantic scenes dahil sa libro. Tsk, turn off na talaga ako, hindi niya ako sinunod. Never again.
Pagtapos ng movie ay napagdesisyonan naman na naming umuwi. Mabuti na lang din talaga dahil halos nabagot lang ako at napagod. Nakakahiya pa dahil medyo halata pa yung iba kong pantal sa katawan. Isang another date na disaster na naman. Tsk, ang panget!
Pagka-uwi namin ay alas syete kwarenta pasado pa lang..
Tumambay pa siya sa bahay namin at kahit ayaw ko ay di na lang ako umimik dahil paniguradong kokontrahin na naman ako ni Mama at papagalitan. Nag-usap lang naman sila ni Mama at nakikinig lang naman ako habang lumalantak nitong mansanas na bigay ni Sir. Mirrem. Kamusta na kaya ’yon? Tsk, ano nga bang pake ko? Psh.
Ilang minutos pa ang lumipas ay napahaba ang usapan nila at tungkol na ito kay Shin at kay Sir. Mirrem.
“Opo, sinabi sa’kin ni Max na may gusto si Shin kay Sir. Mirrem,” sambit ni Xavier kaya naman pinandilatan ko siya ngunit hindi niya ako pinansin at ibinalik ang tingin kay Mama. Si Mama ay taka rin naman siyang tinanong habang nanlalaki ang mata.
“Si Shin nagkagusto sa teacher n’yo?” takang tanong niya pa at agad namang tumango si Xavier kaya nagsalita ulit agad si Mama. “Aba’y jusko! ginoo, bakit sa teacher pa? Mapapahamak lang siya diyan.” saad pa ni Mama at nakunot naman ang noo ko sa sinabi niyang ’yon.
Hindi naman kami nakasagot ni Xavier kaya nagpatuloy lang ako sa pagkain ng mansanas. Nagsalita naman ulit si Mama kaya nakinig lang ako at tinignan siya..
“Malaking eskandalo ’yan. Ang tanong, sila na ba nung teacher na ’yon?” Usisa pa ni Mama at si Xavier naman ang sumagot habang umiiling. “Hindi po. Actually, bf na yata ni Shin yung dating crush ni Max,” aniya pa kaya naman inilusot ko ang kamay ko sa ilalim ng lamesa at kinurot ang binti niya.
Impit na sigaw ang ginawa niya at nilingon ako. Pinandilatan ko siya ngunit hindi siya nasindak at ibinalik lang ang tingin kay Mama..
“Mabuti naman at hindi gano’n ang nangyari. Eh, ikaw, Max? Baka naman may gusto ka ring teacher?! Magkadugtong pa naman din ang bituka n’yo ni Shin. Baka pareho kayong may gusto sa teacher… Wag mo na ituloy ’yan. Tigilan mo. Problema lang ang dadalhin sa’yo niyan. Masisira lang ang pangarap mo,” Pangangaral niya pa at napayuko lang ako at napa-isip. Dapat ko na bang layuan si Sir. Mirrem? Pero hindi, e. Bakit naman gano’n magsalita si Mama? May karanasan ba siya? Masyadong bitter pakinggan.
Hanggang sa maka-uwi at papatulog na ako ay iniisip ko ang bagay na ’yon. Ano bang dapat kong gawin? Pero hindi pa naman kami ni Sir. Mirrem, e. Wala akong dapat ika-bahala. At saka hindi ko hahayaang masira ang buhay ko dahil sa kaniya no.
Hindi ko na ’yon masyadong inisip at tinignan ang messenger ko. Halos kabahan at manlaki ang mata ko sa dami ng messages ko galing kay Sir. Mirrem.
Max, kumain ka na?
Hey? Are you busy? I miss you.
Hello? reply please!
Max?
Ang busy mo naman yata?
Nag-
aalala
na ako.
Baby? Hello?
Your baby misses you. Please, response.
You really making me worried, Max. Tss!
Iilan lamang yan sa mga mensahe niya at may mga missed calls pa..
Agad naman akong nagreply isa-sa sa mga mensahe niyang ’yon at agad din siyang nagreply kaya mas kinabahan ako sa di malamang dahilan. Bakit ba ako nate-tense? Tsk!
From: Mirrem Cedric Dalton
Oh, thank God. Ano bang ginawa mo at ngayon ka lang nagreply? Tell me, baby. Please! You making me worried kanina pa. :(
Sent. 8:46pm.
Huminga pa ako ng malalim at mabilis na nagtipa ng reply..
To: Mirrem Cedric Dalton
Sorry, ngayon lang nakapag-chat. May abala kasing dumating, e. Sorry talaga! :)
Sent. 8:46pm.
Paglipas ng ilang segundo ay tumunog ang cellphone ko kaya agad ko itong tinignan.
From: Mirrem Cedric Dalton
It’s okay, baby. Just tell me everything, baby. Please? By the way, I miss you.
Sent. 8:47pm.
Pagkabasa ko no’n ay nagreply agad ako..
To: Mirrem Cedric Dalton.
I miss you too! Bukas ko i-
eexplain
, okay? Goodnight. ;)
Sent. 8:47pm.
Napangiti pa ako matapos kong i-sent ’yon. Gusto ko mang bawiin ay wala akong magawa dahil na-sent ko na. Ang kapal ng mukha ko, jusko!
Ilang saglit pa ay nag-message siya ulit kaya agad kong binasa ’yon..
From: Mirrem Cedric Dalton
Okay, baby. Goodnight!
Thanks for making me happy tonight! :)
Sent. 8:48pm.
Nangiti pa ako nang mabasa ko iyon. Hindi naman na ako nagreply at nagmuni-muni na lang bago matulog. Ipapaliwanag ko lahat, h’wag kang mag-alala.
CHAPTER 30
Max pov.
Pagkagising ko ay hindi ako agad dumilat at nanatili muna sa pagkakahiga. Ilang segundo akong nasa ganoong posisyon ay mabilis na lumitaw ang mukha ni Sir. Mirrem sa isipan ko kaya naman napadilat ako dahil naalala ko ang nangyari kahapon. Oo nga pala, may usapan kaming mag-uusap.
Hindi ko alam kung alam na niya ang patungkol sa date namin kahapon ni Xavier ngunit hindi malabong malaman niya rin agad dahil nag-post ng pics namin si Xavier sa facebook. Alam man niya o hindi ay magpapaliwanag ako.
Ayaw ko sana talagang magpaliwanag ngunit parang kailangan ko talagang gawin dahil binabagabag ako nang damdamin ko. Nakakainis! Ang alam ko, wala pa akong gusto sa kaniya. Pero, bakit ganito?
At kapag naaalala ko iyon ay agad na lumilitaw ang mukha niyang may malungkot na ekspresyon kaya parang nilalamukos agad ang puso ko at kinakain ako ng guilt ko. Yung kahit na wala naman akong kasalanan pero parang meron dahil sa ganong itsura niya. Ayoko nang gano’n siya.
Matapos no’n ay napapikit pa ako dahil sa inis at salubong ang kilay na idinilat ang mata..
Hindi naman na ako masyadong nag-isip pa at mabilis na bumangon at kumilos. Matapos kong magbihis at mag-ayos ng sarili sa harap ng salamin ay bumaba na ako para kumain. Wala na si Mama at si Tita kaya naman ako na lang mag-isa ang kumakain ngayon dito sa kusina..
Matapos kong kumain ay iniligpit ko ang kinainan ko at chineck muna ang buong bahay bago tuluyang umalis at gumayak..
Pagkarating sa school ay tamang-tama lang dahil iilang minutos na lang ay magsisimula na ang klase. Hindi ko alam pero kahit hindi ako late ay parang late na ako. Dahil din siguro ay early bird talaga ako at hindi sanay na ganitong oras na pumapasok..
Paghakbang ko pa lang papasok ng classroom ay lumingon silang halos lahat sa akin. May pagtatanong sa kanilang mata ngunit hindi ko na iyon pinansin pa. Siguro ay nagtataka sila kung bakit may kaunting pula-pula sa balat ko. Ay kiber! mamatay kayo kakaisip.
Agad akong dumiretso sa upuan ko at uupo pa lang ako ay sinalubong na ako ng tanong ni Shin.
“Why naman you’re late, bestie? Malapit na magsimula ang class,” kaswal na aniya at umupo naman muna ako at inilapag ang bag ko bago sumagot. “Napasarap ang tulog ko. Napagod ako kahapon,” tugon ko habang kinukuha ang notebook at pen ko.
Inilapag ko pa iyon sa armrest nang makuha ko iyon. At saka ko nilingon si Shin matapos nitong magtanong.
“Napagod saan? Sa date n’yo ni Xavier?” usisa niya pa habang kunot ang noo. Inirapan ko naman muna siya bago ako sumagot. “Oo!” may bahid ng inis na tugon ko ngunit hindi niya yata nakuha dahil mukha siyang timang na binigyan ako ng nanunuksong tingin..
“Kayo ah! Pero teka? Ano bang ganap at napagod ka?” tanong niya pa at tamad naman akong sumagot at bumuntong hininga pa. “Wala naman. Nabwiset lang ako sa kaniya,” tugon ko at tinaasan niya naman ako ng kilay.
“Bakit?” usisa niya pa ulit at umirap ako sa hangin bago sumagot. “Basta. Ku-kwento ko sa’yo mamaya,” tugon ko at ngumiti naman siya bago nagsalita. “Okay bestie,” aniya.
“Anyways, samahan mo’ko mamaya, ah? Bibili ako ng brownies na set do’n sa may canteen,” saad ko pa at nilingon niya ako habang kunot ang noo. “Bakit ka bibili no’n at para kanino?” usisa niya pa at umirap naman ako sa hangin bago sumagot.
“Basta,” tugon ko ngunit hindi siya nakuntento roon at nagtanong pa ulit.
“Sabihin mo na kasi.. para kanino ba ’yon? kay Xavier?” aniya pa na may bahid ng panunukso ang tono at ekspresyon ng mukha. Nagsalubong naman ang kilay ko at sinamaan siya ng tingin bago ako sumagot. “Baliw! hindi no!” pasigaw na tugon ko ngunit hindi siya naniwala.
“Weh?” pang-aasar niya pa at napapikit pa ako sa inis bago sumagot. “Hindi ’yon para sa kaniya. Para kay sir ’yon,” may bahid ng pagka-pikon sa boses ko at agad na nanlaki ang mata niya. Dapat niya na rin talaga sigurong malaman, tsk. Baka sakaling matulungan niya ako.
“O to the wem to the ji?! Anong meron sa inyong dalawa?” bakas ang pagka-sabik at pagkagulat sa tono ng boses niya. Huminga naman muna ako ng malalim bago sumagot. “Wala nama–” hindi ko patatapos ang sasabihin ko ay may hampas na akong natanggap mula sa kaniya at saka siya nagsalita..
“Don’t me! For sure, meron!” nanlalaki ang matang sambit niya pa at sinamaan ko siya ng tingin. “Patapusin mo muna kasi ako!” mahinang angil ko sa kaniya at bigla naman siyang ngumiti at sumagot.
“Sorry naman!” aniya at nag-peace sign pa. Inirapan ko lang naman siya bago ako magsalita ulit..
“Okay!” matapos kong sambitin iyon ay huminga pa ako ng malalim at humugot ng lakas mula roon para masabi ang dapat malaman ni Shin.
Tinaasan niya lang ako ng kilay habang diretso kaming nakatitig sa isa’t-isa. Yumuko pa ako bago nagsalita.
“Nanliligaw na sa’kin si—” hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko ay nakasigaw na siya agad kaya nilingon kami ng mga kaklase ko. Nabatukan ko naman siya ng hardcore dahil do’n. Siraulo kasi! Di mapigilan na hindi sumigaw. Daig pa tinototnak!
“Aray ko naman!” reklamo niya habang nakahawak sa ulo matapos kong gawin ’yon at pinanlakihan ko lang siya ng mata at inis akong sumagot.
“Gaga ka kasi!” inis na tugon ko sa kaniya at mga ilang segundo pa ay ngumiti rin siya at saka nagsalita. “Well, continue na!” nakangiting utos niya pa at suminghap pa ako ng hangin at ibinuga iyon bago ulit nagsalita.
“So, ayun na nga… nanliligaw na nga siya sa’kin,” halos pabulong na sambit ko at nanlaki pa ulit ang mata niya at nagtanong. “So, totoo nga?” paninigurado niya pa at tumango naman ako.
“Pero paanong nangyari?” usisa pa niya at napatingala pa ako sa kisame ng silid bago ko siya tignan ulit at nagsalita. “Hindi ko rin alam,” nakangusong tugon ko.
“Edi, paano niya sinabi sa’yo na gusto ka niya?” taas kilay na tanong niya pa at napakamot naman ako sa batok bago sumagot. “Sinabi niya sa’kin matapos niyang magselos kay Xavier no’n,” tugon ko at saka ngumuso.
Nasa ganoong posisyon kami nang biglang dumating ang teacher namin para sa first subject. Nilingon ko siya at saka nagsalita.
“Mamaya na lang ulit. Iku-kwento ko lahat,” mahinang sambit ko at tumango naman siya saka sumagot. “Sure. Dapat kong malaman lahat ’yan,” nakangiting tugon niya ngunit hindi ko na ’yon pinansin at tumayo na kaming lahat para batiin ang teacher na nasa harap namin..
Pagkatapos no’n ay pina-upo na niya kami at nagsimula na siya. Nag-anunsyo na rin siya patungkol sa first quarter examination kaya naman may kaunting bulungan pa dahil marami kaming kailangang i-review.
Bago pa siya tuluyang umalis ay binigyan niya pa kami ng pre-test at pinasagutan sa amin ’yon. Halos ma-hilo ako dahil sa dami ng bilang nito ngunit halos alam ko naman lahat ng naka-tala kaya ayos lang.
Pina-alalahanan niya pa kami ng kung ano-ano patungkol sa quarterly exam bago umalis. Matapos no’n ay sumunod ang entrep subject at halos gano’n lang din ang kaganapan..
Mas mahirap nga lang ang exam na ito dahil mas lamang ang identification and enumeration kesa sa mga tanong na may choices. Marami ring abbreviations na dapat naming ibigay ang kahulugan kaya halos maubos ang brain cells ko nang matapos ko ’yon.
Mabuti na lang din ay hindi na siya nagdiscuss pa matapos no’n at nilisan na kami kaya agad kaming lumabas ni Shin habang kinukwento ko sa kaniya ang lahat.
At nang matapos akong magkwento ay halos magkandaririt siya sa kilig para sa akin at nabugbog ako sa hampas niya sakin..
Nang marating namin ang canteen ay nakita ko agad ang nais kong bilhin ngunit wala iyong presyo. Sana naman kaya nang budget ko, hehe.
Nang matapos bumili ang sinundan ko sa linya ay agad akong nagsalita.
“Miss, magkano rito?” ani ko at itinuro ang glass shelve kung saan banda iyon nakalagay. “Yung brownies? P120,” tugon niya at napangiti pa ako dahil pasok at sakto lang ang presyo sa dala kong pera na P150.
Magustuhan niya kaya ’to? Well, dapat niya tong magustuhan kasi ang mahal nito. hmp!
Agad kong iniabot ang bayad at kinuha ang brownies. At matapos no’n ay kinuha ko rin ang sukli. Sumunod naman si Shin sa akin at hinintay ko pa muna siya bago ako nagpaalam.
“Hanapin ko muna si Sir. Ikaw muna bahala kay Xavier. Sabihin mo nag-cr ako,” utos ko pa at nilingon ang gawi kung saan naka-upo si Xavier kasama si Harry.
Tumango naman siya at nilingon din ang gawi na ’yon. Hindi ko naman na siya pinansin at hindi na ako nagsayang pa ng oras at tinungo na ang faculty.
Nang malapit na ako roon ay biglang nawala ang ngiti sa labi ko nang biglang may pumasok sa isip ko. Pero teka? Paano ko siya aayain, at paano ko ibibigay ’to? Baka ma-issue kami? Bakit di ko ’to naisip? Tsk!
Napahinto pa ako saglit sa pasilyo at nakita kong bumukas ang pinto ng faculty nila at hindi ko akalaing makikita ko agad siya. Kaya naman nagtago ako sa palikong hagdan kung saan ako dumaan. Sumandal ako sa pader para mas sigurado na hindi ako makikita. Alam kong hindi niya ako nakita dahil nakayuko siya at abala sa pakikipag-usap nang lumabas siya at bumukas ang pinto..
Pinilit kong ikalma ang sarili ko at pinakinggan na lamang ang pinag-uusapan nila. Grabe! ba’t ba ako kinakabahan?
“So, what are you up to these past few days? Sir. Mirrem,” tanong pa nang kausap niyang ginang na sa tingin ko ay nasa 30’s na. Hindi naman na ako masyadong nag-isip pa at pinakinggan na lang silang dalawa sa pag-uusap nila..
“Busy with some stuff,” kaswal na tugon ni Sir habang rinig na rinig ko ang mahihinang hakbang nila palapit. Agad naman akong tumalikod para kung sakaling mapadaan sila ay hindi nila ako mapapansin at nakinig ulit.
“Siguro sa lovelife mo, no?” sambit pa ng ginang na may bahid ng panunukso sa boses at natatawang dumepensa naman si Sir. “Lovelife? wala ako niyan,” aniya at hindi ko alam pero parang huminto at sumikip ang paghinga ko sa sinabi niyang ’yon at nakunot ang noo ko. E, ano palang tawag niya sa’min?
Kahit pa ganoon ay nakinig pa rin ako at hinayaan ang sarili ko..
“Don’t deny it, sir. Alam naming girlfriend mo na si Ms. Shiela. No wonder, na lagi siyang blooming…dahil pala sa iyo,” natatawang ika pa nung ginang. Matapos niyang sabihin ’yon ay may kung ano akong naramdaman sa dibdib ko. Parang ang bigat.
“Alam din naming sabay kayo lagi mag-lunch palagi. At saka kaya nga sa kaniya mo ipinagkatiwala ’yong mga handled subjects mo diba no’ng may seminar? kase girlfriend mo siya,” pagkatapos sambitin iyon ng ginang ay parang nilamukos na papel ang puso ko. May parang kung anong karayom pa ang tumusok sa dibdib ko na siyang nakadagdag sa sakit at bigat na nararamdaman ko roon. At agad na nagbadya ang aking luha.
Ayaw ko mang maramdaman iyon dahil alam kong wala sa lugar ay hindi ko magawang pigilin dahil iyon talaga ang nararamdaman ko. May girlfriend pala siya. Ano pa’t nanligaw siya? Ano ’to, gaguhan? May pa-selos selos pa siya? May girlfriend naman pala siya! Kingina.
Pinakinggan ko pa ulit ang usapan nila at ang naging sagot niya.
“What?! Where’s that news came from?” natatawa munit bakas ang gulat sa boses niya nang sambitin niya ’yon. At mas lalong bumigat ang nararamdaman ko sa naging sagot niya. Bakit hindi niya tinanggi? Inaasahan kong itatanggi niya, pota, siiguro nga, totoo! siguro nga.
“Well…ayon lang din ’yan sa napapansin namin sa inyo sa office,” tugon ng matanda at sunod-sunod na pumatak ang luha sa mata ko. Agad ko namang pinigil ’yon at pinawi. Hindi ko na kinaya pang pakinggan ang magiging sagot n’ya kaya mabilis akong tumakbo at nilisan ang lugar na ’yon bago pa nila ako makita..
Hindi ko na inalintana kung may makakita man sa aking umiiyak. Ang akin lang ay gusto kong umalis do’n at umuwi na lang. Nang makakita ako ng CR ay agad akong pumasok roon at tinungo ang isang cubicle at doon nagmukmok. Bago pa ako umupo sa isang inidoro ay itinapon ko pa sa kung saan ang brownies na hawak ko.
Nakakagago lang, ang sakit ng nararamdaman ko ngayon.
Mirrem’s Pov.
Nakunot ang noo ko dahil sa mga paratang nilang hindi totoo. If they just knew whom i’d like, baka magulat sila, tss.
Pinigil ko ang inis na unti-unting umaakyat sa ulo ko at sinagot siya.
“Then your speculations and allegations are wrong, Miss. Hindi ko girlfriend si Miss. Shiela at wala kaming something. We’re just close because we’re friends. End of story,” nakangiting tugon ko at matagal bago siya tumango ngunit hindi ko na ’yon pinansin pa.
Nang makababa na kami sa hagdan ay agad akong nagpaalam sa kaniya.
“Miss, sa canteen na lang ako kakain. Ingat kayo palabas,” paalam ko rito at sumagot pa siya ngunit hindi ko na siya inimik pa at mabilis na nagtungo sa canteen. Gusto ko na siyang makita. May date pa nga pala kami mamaya, tss. Pero teka nasaan kaya siya? Magpapaliwanag pa ’yon sa’kin, ah. Tss, haha.
Pagkapasok ko ng canteen ay siya agad ang unang hinanap ko. Hindi ko siya namataan ngunit nahagip ng paningin ko ang isang table kung saan naka-upo ang tatlo. si Shin, Xavier at Harry. Pero nasa’n kaya siya, tsk. Napaka-gala talaga niya.
Bumili naman muna ako ng kung ano sa may counter at agad na dumiretso at umarteng kunwaring napadaan. Tinawag ako ni Shin kaya kinawayan ko sila at saka ako umupo sa tabi ni Xavier. Umusog naman siya kaya may malaking distansya sa pagitan namin. Ayan, matuto kang lumugar at dumistansiya, at baka hindi kita ma-tantsa.
“Hi guys, how’s the weekend?” kunwaring tanong ko pa na tinapunan pa silang tatlo ng tingin.
“It’s fine, sir. Nothing special. Just like a normal day,” tugon niya at agad na sumabat si Shin. “Yeah, we just did our assignments. So boring,” tamad at may bahid ng arteng sabi niya at nakangiting tumango lang naman ako do’n.
Tinignan ko pa ulit silang tatlo lalo na ang tahimik sa tabi kong si Xavier at saka kunwaring nagtanong ulit. Nasaan ba kasi siya. Saan kaya nagsusu-suot ’yon? Tsk!
“Teka, ba’t parang kulang kayo? Where’s Max?” kunwaring takang tanong ko pa at agad namang gumuhit sa mukha ni Shin ang pagka-balisa kaya nagtaka ako. Anong meron?
“Max is on the comfort room. Diba Shin?” tugon ng katabi kong si Xavier at nilingon ko ito. At agad ko rin namang inialis at ibinalik kay Shin nang magsalita rin ito. “Y-yeah,” aniya at ngumiti pa ng malaki ngunit batid kong peke iyon. Ano kayang meron.
Nakunot ang noo ko dahil do’n at bigla akong kinabahan sa di malamang dahilan. Pinilit kong i-kalma ang sarili ko at nanatili lang do’n habang sumisipsip sa iced tea na binili ko.
Halos bente minutos na rin kaming gano’n at naubos ko na ang pagkain ko. Abala sila sa mga phone nila at nagulat ako dahil hindi man lang sila nagtataka na wala si Max. At nawi-wirdohan din ako sa inaasta ni Shin. Kanina pa siya naglilibot ng tingin at animo’y hindi mapakali..
Pinanood ko lang naman siya hanggang sa hindi na ako nakatiis at nagpaalam na’ko sa kanila..
Nasaan kaya siya? Malapit nang mag-math time, tsk. Mamaya ka talaga sa’kin, baby. Pinag-aalala mo na naman ako.
Hindi naman na ako masyadong nag-isip pa at dumiretso na sa faculty para kunin ang mga gamit ko. Pagkapasok ko roon ay agad akong sinalubong ng tanong ni Ms. Shiela kaya medyo nailang ako. Kaya kami tinutukso, e. Lapit kasi ng lapit.
“Hi sir, kumain ka na?” kaswal na tanong nito sa akin na may ngiti pa sa mapupula niyang labi dahil sa kapal ng lipstick. Hindi ko naman na pinansin iyon at ilang na sumagot. “Y-yes, sa canteen. Kumain ako with my students,” tugon ko at binigyan pa siya ng pekeng ngiti at dumiretso sa table ko.
Sinundan pa naman niya ako at saka siya nagsalita ulit. “Sir, sabay-sabay kami magla-lunch later. Wanna join us?” imbita niya pa ngunit tinanggihan ko siya ng hindi tinitignan.
“I’m sorry, but I can’t. I have a lot of works to do,” tanggi ko habang abala sa pag-aayos ng gamit ko at narinig ko naman ang paghinga niya ng malalim bago magsalita. “Okay sir,” aniya at hindi ko naman na siya pinansin dahil abala ako sa pag-iisip tungkol kay Max.
Kumain na kaya siya? Hindi ko pa siya nakikita ngayon, nakakainis! He really know how to make me miss him this much, tsk!
Matapos kong maayos lahat ng gamit ko ay pinagpatong-patong ko iyon at mabilis na tinungo ang classroom nila Max.
Sa loob ng isang segundo ay dalawang hakbang yata ang nagawa ko sa sobrang pagmamadali. Ba’t ba ako nagmamadali? tsk. Nagiging wirdo na rin ako kagaya niya.
Dahil sa ganoong lakad ko ay mabilis kong narating ang classroom nila at agad akong pumasok do’n at bumati. Tumama ang paningin ko sa kaniya ngunit diretso lang sa pisara ang tingin niya at masyadong malamig ang ekspresyon. Dahil sa nakita ko ay hindi ko maiwasang mag-alala.
“Okay. Sitdown,” utos ko na agad naman nilang sinunod matapos nilang bumati pabalik sa akin.
Pagkatapos no’n ay gad ko silang binigyan ng exam dahil dapat na-take na nila ito nung nakaraan ngunit hindi naibigay ni Ms. Shiela sa kanila. Habang dini-distribute nila ang test paper ay na kay Max lang ang tingin ko. Pansin ko ang bahagyang pagka-mugto ng mata niya kahit malayo siya at ang lamig ng presensya niya. Ang kaninang inis ko sa kaniya ay napalitan ng pag-aalala at kaba. Anong nangyari, baby ko? Meron kaya siyang problema?
Habang nasa ganoong posisyon ay nagtama ang paningin namin kaya nginitian ko siya ngunit nanatiling blanko ang ekspresyon ng mukha niya at hindi man lang niya ako nginitian pabalik. Mabilis siyang nag-iwas tingin at naging abala nang matanggap na niya ang test paper niya. There really is something wrong. I need to know it as soon as I can.
Nagsalubong ang kilay ko dahil sa ginawa niyang ’yon at napayuko pa ako sa table na kinauupuan ko ngayon. Gusto ko nang malaman kung anong nangyari, tss!
Mabilis na lumipas ang oras at natapos na nilang sagutan ang remedial test. At halos manlumo ako dahil nagawa niyang ipasa ang exam kaya ibigsabihin no’n ay hindi siya mapapa-sali sa remedial class. Dapat talaga mas hinirapan ko pa ’yong mga questions do’n, e.
Hindi ko naman na masyadong inisip pa ’yon at nagpatuloy na sa diskusyon. Matapos no’n ay ibinigay ko ang pointers to review para sa first quarterly exam nila na nalalapit..
Nagbigay din ako ng pre-test kaya naging abala na naman sila at narinig ko pa ang reklamo sa iilan kong estudyante ngunit hindi ko na iyon pinansin pa. Nilingon ko pa siya ulit ngunit wala pa ring nagbabago sa ekspresyon na nasa mukha niya. At kahit kapansin-pansing nag-uusap sila ni Shin ay tipid ang pagsagot niya rito at umiikot pa ang mata niya pagtapos. Bagay na ginagawa lang niya kapag naiinis.
Hindi rin naman nagtagal ay natapos na nilang sagutan iyon at ipinasa na nila sa akin kaya wala akong nagawa kundi i-dismiss na sila dahil halos ubos na rin ang oras. Nilingon ko pa muna ang gawi niya bago ako tuluyang lumabas ngunit nakadungaw siya sa bintana kaya napabuntong-hininga na lang ako. Makaka-usap ko naman siya mamaya, wala akong dapat ipag-alala. Ayos na akong nakita ko siya.
Wala naman kaming pinag-awayan o problema kaya mas lalong wala akong dapat ipag-alala.
Max Pov.
Matapos nang subject niya ay doon pa lang ako nakahinga ng maluwag. Sarap saksakin ng mata niya. Feeling inosente!
Mabigat at masakit ang nararamdaman ko ngayon ngunit mas lamang ang galit. Galit sa sarili dahil ang tanga ko at nagpa-uto ako sa kaniya..
Kanina pa ako tinatanong ni Shin tungkol sa nangyari ngunit hindi pa ako handang magkwento at magsabi ngunit binigyan ko naman siya ng ideya kahit papaano.
Nagpalusot ako sa kaniya na bawal akong mapamahal kay Sir kaya mas mabuting umiwas na lang ako. Alam kong hindi siya naniwala roon ngunit wala na akong pakielam.
Hindi naman na ako masyadong nag-isip pa at itinuon na lang ang sarili ko sa last subject na ito ngayong araw. Mabuti na lang din ay naki-simpatya sa akin ang oras at mabilis itong lumipas kaya natapos na ang subject naming ito.
Bago tuluyang umuwi ay inaya pa ako ni Shin na mag-milk tea at pumayag naman ako upang makalimutan ko ang nangyari kahit papaano. Anong akala niya? Magmumukmok lang ako dahil nasasaktan ako? No! I’ll never give him the satisfaction he wanted. I’ll be the winner of this game that he started.
“Pero, ano ba kasing nangyari? Nakapag-usap ba talaga kayo?” salubong ang kilay na usisa niya pa. Kada tanong niya ay ini-liliko ko lang sa ibang bagay ang paksa kaya naiinis siya. Well, wala naman na kasing dapat pag-usapan. May girlfriend siya at nauto niya ako, tapos.
“Hindi na ’yon mahalaga. At saka napagtanto ko rin na bawal akong mapamahal sa kaniya. Baka ika-pahamak ko lang,” tugon ko at naglagay ng pekeng ngiti sa labi ko. Napaka-pait ng pagkakangiting ’yon sa pakiramdam ko ngunit hindi ko na inalintana pa iyon.
“Wala namang masama sa pagmamahalan niyo, ah? Walang mali sa pagmamahal!” madiing sabi niya pa ngunit mapait na ngiti lang ang naibigay ko sa kaniya bago ako nakasagot. “Meron, Shin. Mukha lang wala, pero meron. Masasaktan lang ako kapag ipinilit ko ang pagmamahal na ’yan na alam kong hindi naman talaga p’wede,” makahulugang tugon ko at natahimik naman siya.
Nag-iwas tingin ako matapos no’n at sumimsim sa milktea ko. Nilingon ko ang daanan sa labas mula rito sa loob at saka nagmuni-muni.
Ang lupit talaga maglaro ni tadhana e, no. Biruin mo, hindi na nga ako gusto ng crush ko. Tapos may gf pa pala yung akala kong may gusto sa’kin. At ang masakit niligawan pa ako, committed na pala, tsk, kingina.
CHAPTER 31
Mirrem’s Pov.
Nang magising ako ay agad kong naalala lahat ng nangyari kahapon kaya kahit nakapikit ay napasimangot ako.
Salubong ang kilay at mabigat ang loob na bumangon ako mula sa aking kama. Sabi niya magde-date kami. Tsk!
Dumiretso ako sa cr at doon nagmuni-muni habang naliligo. Kahit pa kinakain ako ng pride ko at gustong kong siya ang lumapit sa’kin ay mas lamang ang pag-aalala at lungkot sa puso ko. Bahala na, I’ll talk to him today. Hindi p’wedeng ganito pa rin kami hanggang sa susunod.
Hindi na ako masyadong nag-isip pa at nagpatuloy na lang sa pagligo at nagsipilyo na rin. Mabilis lang naman akong natapos kaya agad akong lumabas para magbihis..
Nang matapos akong magbihis ay inayos ko pa muna ang sarili ko sa tapat ng salamin bago tuluyang bumaba. Pagkarating do’n ay agad kong tinungo ang kusina at nakangiting sinalubong at binati ako ni Remi. Ang taga-luto ko.
“Sir, good morning! Nandiyan na po yung breakfast pati baon n’yo,” sambit niya na may ngiti sa labi. Nginitian ko rin naman muna siya bago sumagot. “Thanks, Remi.”
Matapos no’n ay agad akong umupo upang magsimula ng kumain..
Ang breakfast na niluto niya ngayon ay ang usual na breakfast ng isang half-british na kagaya ko. Bacon, egg at toasted bread na may butter at pinaresan pa ng mainit na black coffee bilang panulak. Natakam ako kaya agad ko itong tinikman at kinain.
Inaya ko pang sabayan ako ni Remi ngunit tinanggihan niya ako. Wala rin naman ako sa mood na pilitin pa siya kaya nagpatuloy na lang ako. Pagtapos kong kumain ay agad kong dinampot ang bag kung saan madalas nilalagay ni Remi ang baon ko at saka nagpaalam sa kaniya na aalis na ako.
Paglabas ko ng bahay ay agad akong sumakay sa sasakyan ko at agad na ni-start iyon at nagmaneho papuntang school. Maaga pa ngunit alam kong early bird si Max kaya nagmadali ako papuntang school. Baka nando’n na siya.
Pagkarating ko roon ay agad kong tinungo ang classroom nila ngunit wala pang tao ro’n kaya nangiti ako ng bahagya. Wala pa pala siya. Aabangan ko na lang siya sa gate para makapag-usap kami agad. Di na ako makapag-hintay.
Hindi ko na talaga siya matiis. Gusto ko na siya makausap, tss! Nalilito na rin ako kakaisip ano bang nangyari at bakit biglang hindi na naman niya ako pinapansin. Kagabi pa ako nag-iisip kung anong p’wedeng dahilan kung bakit naging ganito, ngunit wala naman akong maisip na nagawa ko. Loyal naman ako sa kaniya, ah? Ni hindi nga ako nakikipag-yakap at holding hands sa iba, tss. Kung may kasalanan man ako sa kaniya. Sabihin niya man lang sa’kin diba? hindi ’yong ganito na iiwas agad siya. Paano namin ’to maaayos kung hindi niya ako papansinin? Hindi naman kami magiging okay sa paiwas-iwas niya, tss.
My baby really knows how to give me headache. Dapat na talaga kaming magka-ayos, para makapagpa-lambing na ako sa kaniya at maka-bawi na ako sa mali kong nagawa kung sakaling meron man.
Nang marating ko ang gate ay umupo pa ako sa isang monobloc chair na naroon at doon ko siya hinintay. Patingin-tingin pa ako sa wrist watch ko habang inip na naghihintay sa kaniya.
Ilang minutos pa ang lumipas at nadaanan na rin ako ng mga iilang estudyante ay hindi pa rin siya dumarating. Nagsalubong naman ang kilay ko dahil do’n. Anong oras kaya siya papasok? Dapat ganitong oras nandito na siya, ah?
Kahit pa inis at nababagot na sa paghihintay ay nagpatuloy pa rin ako at nanatili ro’n..
Mga bandang 6:50 na nang makita ko siyang papasok kaya napangiti ako. There you are. Kanina pa ako naghihintay, tss.
Nawala rin ang ngiti kong ’yon nang mapansin kong gano’n pa rin ang ekspresyon ng mukha niya. At napansin ko rin ang mugto at medyo namamaga niyang mata kaya nagsalubong ang kilay ko. Naiinis ako na nag-aalala sa kaniya. Ni wala akong alam sa nangyayari.
Hindi muna ako tumayo at pinanood lang siyang maglakad papasok. At nung akmang lalagpasan niya ako ay hinila ko siya sa braso at iniharap sa akin. Hindi ko na inisip pa kung sino ang makakakita sa’min at kung ano ang iisipin nila..
Nagtama ang paningin namin at nilabanan ko gamit ang seryosong tingin ang malamig at blankong eskpresyon n’yang iyon. Ilang segundo kaming gano’n at hinintay ko pa siyang magsalita habang nakatitig kami sa mata ng isa’t-isa. Ngunit hindi siya nagsalita at tinaasan lang ako ng kilay kaya ako na mismo ang bumigay at agad na napanguso. Bakit nagka-ganito? Ayoko ng ganito siya.
“Baby,” may pagmamakaawa sa boses ko nung sinabi ko iyon, ngunit hindi siya umimik at wala man lang halos nagbago sa blanko at malamig na ekspresyong ipinapakita niya sa akin ngayon. “Ano bang nangyayari? Ano bang problema?” tanong ko na at ngumuso sa kaniya matapos no’n.
Hinawakan ko pa ang kamay niya ngunit agad niyang hinigit iyon kaya nagtaka ako, ngunit tinaasan niya lang ako ng kilay ulit. Napapikit pa ako dahil do’n at saka muling nagsalita. “Baby…please! we won’t be able to fix this if you won’t speak to me. Tell it to me, please!..Let’s talk about it…para maayos natin to,” sinserong sabi ko na kulang na lang ay yakapin siya at bihagin siya sa bisig ko. Ngunit alam kong hindi niya ’yon magugustuhan.
Kinakain na rin ako ng lungkot ko sa kadahilanang meron nga talaga kaming problema ngunit hindi ko naman alam ang dahilan. Paano ko malalaman kung hindi niya sasabihin? Paano ko aayusin, kung hindi ko alam ang dapat ayusin?
Nag-iwas tingin pa siya ulit at pairap na ibinalik ang tingin sa akin at saka nagsalita. “May dapat ba tayong pag-usapan? Sa pagkakaalam ko…wala naman, e.”
Salubong ang kilay naman akong nagsalita matapos niyang sumagot. “Marami…marami tayong dapat pag-usapan,” saad ko at napabuntong hininga pa matapos no’n at binigyan niya ako ng nakakalokong ngisi.
“Gaya ng alin?” takang tanong niya habang nakangisi at nakataas pa ang isang kilay. Tinignan ko naman siya ng may pagmamaka-awa at napapaos akong sumagot. “Itong tayo!…yung problema natin. We have to talk about this, baby.”
Matapos kong sabihin iyon ay nag-iwas tingin habang umaarte na para bang natatawa. Mga ilang segundo lang din ay ibinalik niya sa akin ang kaniyang tingin at binigyan ako ng pekeng ngiti. “Walang tayo, sir. Kaya wala tayong dapat pag-usapan. At saka diba, may girlfriend ka na? Bakit hindi siya ang kulitin mo at kayo ang mag-usap?” natatawang kunwaring aniya na alam kong sinasadya niya. Ngunit kahit gano’n ay nagtaka ako sa sinabi niya. Girlfriend? Saan niya naman napulot ’yan? Tss.
Salubong ang kilay dahil sa pagtataka akong nagsalita. “Ha? Girlfriend?… Baby, wala akong girlfriend! Ikaw lang ang gusto ko,” halos pumiyok pa ako sa pagkakasabi ko no’n sa kaniya. Hindi naman ganoon kalakas ang pagkaka-banggit ko no’n ngunit hindi rin ganoon kahina..
Bakas ang pagka-mangha sa mukha niya matapos kong sabihin ’yon, at ilang segundo pa ay napalitan iyon ng ngisi. “Nagmaang-maangan ka pa, pft! Sige na, mauuna na ako. May klase pa ako… At saka, tigilan mo na rin ang panggugulo mo sa’kin. Kalimutan mo na lahat ng nangyari. Wala kang mapapala sa’kin,” natatawang sambit niya at akmang aalis kaya naman hinila ko ulit siya at hinarap sa’kin.
“Baby…” nagmamakaawang sambit ko ngunit bumalik ulit sa pagiging blanko at walang emosyon ang eskpresyon ng tingin niyang iyon. Naguguluhan na ako sa kaniya. Paano ko siya maiintindihan kung ayaw niyang sabihin sa’kin ang problema?
“Tigilan mo na ’to. Wala na tayong dapat pag-usapan,” aniya at inalis ang kamay kong nakahawak sa braso niya at mabilis na tumakbo paalis. At pinanood ko lang naman siyang gawin ’yon.
Parang dinikdik ang dibdib ko matapos ang naging usapin naming ’yon. Ang mga sinabi niyang iyon ay paulit-ulit na nag e-echo sa tenga ko na siyang nagdudulot ng bagay na tumutusok sa puso ko at nagbibigay ng kirot doon. Huminga naman muna ako ng malalim bago ako nagkaroon ng lakas na lumakad at lisanin ang lugar na iyon. Nakakaubos ng lakas kapag ganito kami. Pero, paano ko siya lalapitan? Kung siya mismo ang lumalayo?
Paano ko maaayos ang mga bagay kung hindi ko naman alam ang dahilan ng pagka-sira? Paano kami magiging okay kung hindi niya ako kakausapin? Tss.
Bago pa ako pumasok sa faculty para kunin ang mga gamit ko ay nagpakawala pa ako ng hangin. Binati ako ni Ms.Shiela at ng iba pang teachers na naroon ngunit hindi ko na sila masyadong pinansin..
Dinampot ko ang mga gamit ko at saka ako dumiretso sa unang section na tuturuan ko ngayon..
Pagkarating ko roon ay bumati ako agad at mabilis na sinimulan ang pagtuturo. Kahit wala sa mood at halos hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon ay pinilit kong ayusin ang trabaho ko..
Hindi ko naman na masyado pang inisip ’yon at nagpatuloy na lang sa dapat kong gawin. Mamaya ko na lang siguro ulit siya kakausapin. Sana naman, kausapin na niya ako. Hindi ko siya isusuko nang gano’n gano’n lang.
Discuss..
Discuss..
Mabilis na lumipas ang oras at natapos ko na ring turuan ang dalawang subject ko para sa umagang iyon. Hindi naman na ako nagsayang pa ng oras at mabilis kong tinungo ang faculty para ibalik do’n ang mga gamit ko. At saka ako pumunta ng canteen.
Nasa pasilyo pa lang ako papuntang canteen ay natanaw ko na sa di kalayuan sila Max at kalalabas lang nila ng Canteen.
Mukhang pabalik na sila ng room kaya naman binilisan ko ang lakad ko para mahabol ko siya. Nang ilang pulgada na lang ang layo ko ay nag-umuna ako at hinarang sila ni Shin. Nakita ko sa gilid ng paningin ko ang pagtataka kay Shin at nilingon pa nito si Max ngunit hindi ko na iyon pinansin at nagsalita.
“Max, let’s talk,” saad ko habang nakatitig kami sa mata ng isa’t-isa. Gano’n pa rin ang paraan niya ng pagtingin sa akin kaya parang may kung anong kirot na naman akong naramdaman sa bandang dibdib ko.
Agad naman niyang pinutol ang tinginan naming iyon at nilingon si Shin at pabulong na nagpaalam.
“Mauna na’ko, bestie. Kita na lang tayo sa classroom,” aniya at mabilis siyang naglakad palayo na maingat pa akong iniwasan na para bang ayaw niyang kahit damit namin ay magtama. Tinawag ko pa siya ngunit hindi niya ako nilingon at pinansin, kaya mabigat ang loob na pinanood ko siyang makalayo at bumuntong hininga ako matapos. Hindi ko na alam ano bang dapat kong gawin, baby ko. Nami-miss na kita.
Ilang pa akong tinignan ni Shin at pinaglaruan niya pa ang mga daliri niya bago siya nagsalita. “Ah, sir….siguro, mas mabuti kung iwasan mo na lang muna siya. Kase mukhang… hindi pa siya handa makipag-usap sa’yo. Pero… wag kang mag-alala sir. Tutulungan ko kayong magka-ayos lalo na ngayon alam ko na ang tungkol sa inyo,” saad niya na siyang ikinagulat ko ngunit hindi ko ipinahalata. Hindi na rin naman ako dapat magulat dahil mag-bestfriend sila, paniguradong nasabi na sa kaniya ni Max ang lahat.
Bumuntong hininga naman ako at saka nagsalita. “Hindi ko na alam kung anog gagawin ko. Ang ayos-ayos pa namin nung linggo…tas biglang ganito na,” malungkot na sabi ko at saka huminga ng malalim at pinakawalan iyon.
Napapakamot naman sa sintido na sumagot si Shin habang kunot ang noo. “Ano ba kasing napag-usapan n’yo kahapon, sir? Baka ’yon ang dahilan? Kase diba pinuntahan ka niya kahapon para makapag-usap kayo? Binilhan ka pa nga niya nung brownies na tag 150 yata,” aniya at nakunot ang noo ko dahil sa pagtataka. Pinuntahan para kausapin? Ni hindi ko nga siya nakausap kahapon.
Naguluhan ako dahil sa sinabi niyang iyon kaya salubong ang kilay at kunot ang noong nagtanong ako. “Ha? Anong pinuntahan para kausapin? Ni hindi nga kami nakapag-usap kahapon,” sambit ko at halos manlaki ang mata niya dahil sa gulat.
“Ha?! Edi hindi pala kayo nakapag-usap kahapon? Pero, pinuntahan ka niya no’n, e. Pagtunog pa nga lang ng bell, bumili agad kami sa canteen tapos dumiretso na siya no’n sa faculty,” aniya pa kaya napapikit pa ako at naihilamos ko pa ang kamay ko sa bibig at nagsalita.
“Hindi kami nakapag-usap kahapon, Shin. Maniwala ka. Kung nakausap ko siya no’n, bakit ko pa siya hahanapin sa canteen, diba?” tugon ko at nagpa-lingon pa siya sa kung saan-saan at animo’y nag-iisip..
Hinilot ko naman ang sintido ko dahil sumasakit yata ang ulo ko sa kakaisip sa pwedeng maging dahilan ng pag-iwas sakin ni Max.
“Kung hindi kayo nakapag-usap..” nakahawak sa baba pang aniya habang nakatingin sa kung saan at nakinig lang naman ako sa kaniya habang salubong ang kilay. “Edi saan pala siya galing? At bakit siya umiyak? Kase kahit hindi naman niya sabihin, alam kong galing siya sa pag-iyak no’n. Kaya nga inakala ko rin na nakapag-usap kayo, e.” At nakinig lang naman ako at sumang-ayon gamit ang isip ko.
Tama siya, nahalata ko rin kahapon ’yon. Pero bakit? Anong dahilan?
Inisip ko pang lahat ng nangyari pati ang napag-usapan naming umaga. Kunot ang noo at salubong ang kilay na nakatitig sa kung saan habang nag-iisip. Hanggang sa may mapagtanto ako…
Ang sabi niya, may girlfriend daw ako. Pero saan niya kaya narinig? Teka, alam ko na! Malakas ang pakiramdam ko na narinig niya ’yon dahil oras ’yon ng break time, tss. Pero sinabi ko namang hindi ko girlfriend si Shiela, kaya bakit gano’n? O siguro, hindi niya pinakinggan lahat? Ewan ko, bahala na. Atlis may ideya na ako.
“Okay! I think I know it,” ani ko at takang tinignan ako ni Shin. at saka siya nagtanong. “What is it?” aniya at ngumisi lang ako at nag-iwas tingin.
“I think he overheard a conversation and he misinterpreted it,” tugon ko at nagtanong pa siya ulit. “What conversation?” kunot noong usisa niya ngunit tipid na ngumiti lang ako bago sumagot.
“You’ll know soon… For now, do me a favor. Ask and convince him to talk to me. I’ll explain everything to him,” sagot ko at ngumiti naman siya at tumango. Matapos no’n ay nagpaalam na ako..
Napagdesisyonan kong sa faculty na lang kumain at nung matapos ako ay inayos ko na ang gamit ko habang hinihintay ang oras na matapos. Patingin-tingin pa ako sa wrist watch ko habang umiinom ng black coffee..
Tahimik lang din ang iba pang teachers pati na si Ms. Shiela na nasa tapat ng table ko. Hindi ko naman na iyon pinansin at nagsulat na lang ng kung ano sa isang maliit na blankong papel.
Baby, let’s talk about it. I already know why you’re mad. Please, let me explain. Let’s fix this.
Your handsome suitor,
Mirrem
Nangiti pa ako nang matapos kong isulat ’yon at saka ko ’yon ini-staple sa isa sa mga reviewer na ibibigay ko mamaya..
Nang tumunog ang bell ay agad akong tumayo at nilagok ang natitira pang kape sa aking styro cup. Matapos no’n ay dinampot ko ang mga gamit ko at mabilis na nilisan ang faculty…
Pagkarating at pagpasok ko pa lang sa classroom nila Max ay agad silang tumayo para batiin ako kaya binati ko sila pabalik at pinaupo.
Nilingon ko pa ang gawi kung nasaan siya at napansin kong medyo abala sila sa pagbubulungan ni Shin. Hindi ko naman sila sinaway at sinimulan ko nang ipamigay ang reviewer isa-isa..
Apat na row lang sila na may limang column at may tagda-dalawang seats na magkatabi kada row.
Nang matapos kong bigyan ang apat na estudyanteng nasa harap ng kinauupuan niya ay nagtama ang paningin namin. Tipid ko siyang nginitian at saka ko inabot ang reviewer na may naka-staple na sulat.
We’ll gonna be okay soon. I’ll make sure of that.
Max Pov.
Matapos kong mag-walk out at iwanan si Shin ay nandito ako ngayon sa classroom at gitil na nginusab itong sandwich na binili ko. Wala talaga siyang pake kahit na may makapansin sa’ming iba, tsk. Hindi man lang pumili ng magandang oras.
At habang iniisip iyon ay biglang may nag-echo sa tenga ko at parang narinig ko ang sinabi niya kaninang umaga..
Baby, wala akong girlfriend! Ikaw lang ang gusto ko.
Aaminin kong parang may kung anong gumaan sa parte ng dibdib ko ng sabihin niya ’yon at parang biglang gusto ko na lang din ay magbati na kami. Ngunit kinakain ako ng pride ko at ayaw ko pa ring maniwala at lapitan siya para kausapin..
Napapikit pa ako dahil do’n at ngumusab ulit sa sandwich ko. Bahala siya diyan. Hangga’t wala siyang proweba na ipinapakita sa’kin, di ako maniniwala.
Umiling pa ako para iwakli ang mga naiisip ko at saka ko kinuha ang phone ko sa bag para makinig na lang sa music.
Ngunit bago pa ako makapag-play ng music ay agad kong nakita ang mensahe mula kay Mama kaya binuksan ko ito at binasa..
MESSAGE:
Mother Earth (+9451205545)
Nak, pag-uwi mo mamaya, mag-empake ka na. Isama mo na rin yung akin. Lilipat na tayo mamaya.
Today 8:42AM
Nang matapos kong basahin ’yon ay nakunot ang noo ko at halos di ma-ipinta ang mukha ko dahil sa pagtataka. Ba’t parang ang bilis naman? Kagabi niya lang nabanggit ’yon ah?
Dahil do’n ay naisip ko pang ulit ang mga pangyayari kahapon.
Flashback….
Pagka-uwi ko sa bahay mula sa paaralan ay nadatnan kong may kausap si Aling Zenaida na matipuno ngunit may edad ng lalaki. Base sa pananamit nito ay may ibubuga ito sa buhay at hindi ordinaryong tao lamang. Parang mafia boss in real life, char!
At kahit may kalayuan sila mula sa akin dahil nasa bandang kanan na gawi sila ay hindi iyon hadlang para marinig ko ang usapan nila. Paano ba namang hindi maririnig, daig pa nakalulon ng mic ni Aling Zenaida. Akala mo ay nag-aannounce kung magsalita.
“Sino bang Maria Cynthia Villaroso ang hinahanap mo? Wala namang gano’n dito, e. Kahit larawan man lang, wala ka?” pagtatanong pa ni Aling Zenaida ro’n sa misteryosong lalaki. At nakunot naman ang noo ko dahil do’n. Bakit alam niya ang buong pangalan ni Mama? hindi kaya?…may utang dito si Mama? jusko! mukha pa naman din itong willing pumatay sa mga nagkaka-utang sa kaniya.
Agad ko namang binuksan ang gate at pumasok sa loob ngunit dinig ko sila roon kaya nagpatuloy ako sa pakikinig..
“Sorry, pero wala kasi…Ang naalala ko lang ay ang pangalan niya at ang itsura niya noon, ngunit paniguradong hindi na gano’n ang itsura niya ngayon,” tugon nito at matunog na nagsalita si Aling Zenaida.
“Nako, mahihirapan ka niyan sir! E, wala naman kaming kilalang ganyan ang pangalan tas hindi pa namin alam ang itsura. Kilala ko lahat ng mga taong nakatira rito, pero wala akong kilalang Cynthia. Tanging Mirasol, Elizabeth, Cha-cha, Juding, Felicidad at marami pang iba… pero Cynthia? Wala,” pagtapos pang sabihin no’n ni Aling Zenaida ay kinabahan ako ng todo. Wala namang masamang mangyayari kay Mama diba? Dapat ko bang sabihin sa kaniya? Siguro, dapat nga.
Hindi na ako nakinig pa sa usapan nila at dumiretso na sa loob para i-text si Mama.
Flashback ends….
At kinagabihan no’n ay nasabi ni Mama na naghahanap na siya ng malilipatan namin. Tas ngayon biglang lipat na agad? Nakakapagtaka tuloy. Delikado ba ang buhay ni Mama, pero syempre pati ako. Anak niya ako, e.
Napaisip naman ako dahil do’n at natulala. Wag naman sanang maging tama ang naiisip ko. Hindi naman mangyayari ’yon diba? Think positive, think postive, hindi ’yon mangyayari, Max. Okay? kalma…
Nawala lang din ako sa pag-iisip tungkol do’n nang dumating si Shin at lumapit sa akin. Bumalik sa pagiging blanko ang eskpresyon ng mukha ko at hinintay siyang magsalita. Pagka-upo naman niya ay agad siyang nagsalita.
“Hindi kayo nakapag-usap ni Sir, no?” usisa niya at hindi naman ako nakasagot. Nag-iwas tingin lang ako kaya naman bumuntong hininga siya at nagsalita.
“Kung ano man ’yang problema n’yo. Pag-usapan n’yo. Wag mong takbuhan at hayaan. Hindi n’yo yan maaayos pag ganyan,” aniya pa at walang emosyon ko naman siyang nilingon at sinagot.
“Wala naman kaming dapat pag-usapan at ayusin,” tugon ko at huminga pa ulit siya ng malalim at saka siya nagsalita ulit. “Ala mo sa sarili mong meron, Max. Wag mo nang itanggi… Ay basta! Sinabi niya na mag-usap kayo. May ipapaliwanag daw siya,” Makahulugan at may bahid ng inis na sambit niya ngunit hindi ko na iyon pinansin at hindi siya sinagot. Kahit magpaliwanag siya magdamag, di ako makikinig. Mas marami akong problema na dapat unahin kesa sa kaniya.
At saka wala akong oras makipag-usap sa kaniya. Ang dami ko pang aasikasuhin.
Ilang minutos ang lumipas ay pumasok na siya kaya naman tumayo kami para batiin siya. Hindi ko siya nilingon at nanatiling nakatingin lang ako sa kung saan habang nakatayo. Nang pinaupo niya kami ay may binulong pa si Shin.
“Kausapin mo kaya siya ngayon after lunch?” aniya pa at blanko ang tingin ko pa rin siyang nilingon at sinagot. “Hindi p’wede. Mag-eempake pa ako ng gamit pag-uwi,” tugon ko at itinuon ang tingin ko sa notebook ko. At bakas naman ang pagtataka sa boses niya ng tanungin niya ako ulit.
“Ha? why? Where are you going?” pang-iingles niya pa sa akin at tamad na sumagot naman ako nang hindi siya nililingon. “Lilipat na kami,” tugon ko at kita ko sa gilid ng mata ko ang pagka-mangha sa mukha niya.
“OMG! where, when? at saka bakit? “ usisa niya at napapikit pa ako ng madiin bago ko siya masagot. “Ngayon daw kami lilipat. Hindi ko pa alam kung saan at kung bakit kaya babalitaan na lang kita pag alam ko na,” walang emosyong sagot ko at kita ko sa gilid ng paningin ko ang pagnguso niya at pag-ayos niya ng upo.
Nang mapansin kong tahimik ay nag-angat tingin ako at nakita kong namimigay siya ng kung anong papel at nagsimula siya sa row namin. Ibinalik ko naman ang tingin sa notebook at napa-isip. Ano na naman kaya ’yan? Wag niya sabihing exam na naman ’yan? Halos naloka na ako sa exam niya kahapon, tsk!
Ilang segundo pa nang mag-angat tingin ako ulit ay nagtama ang paningin namin. Binigyan niya pa ako ng tipid na ngiti ngunit hindi ko ’yon pinansin at kinuha na lang ang inabot niyang papel.
Hindi ko nasuri agad ang papel na ibinigay niya dahil naagaw ng pansin ko ang papel na naka-staple do’n at may nakasulat. Agad ko namang binasa iyon at nakunot ang noo ko.
Baby, let’s talk about it. I already know why you’re mad. Please, let me explain. Let’s fix this.
Your handsome suitor,
Mirrem
Handsome suitor daw, baka manloloko? tsk. Let me explain, let me explain, wala naman ng dapat ipaliwanag, huli na, e.
Baby mo mukha mo! Daming alam! Tsk.
Tinanggal ko naman iyon do’n at saka ko iyon nilukot at itinapon sa kung saan. At saka ko binasa ang binigay niyang papel. Reviewer pala ito, nice.
Nagsimula naman na din siyang magturo at magpaliwanag tungkol sa reviewer kaya nakinig na lang din ako. Madalas niya pang lingunin ang gawi ko ngunit hindi ko na lang siya pinapansin at itinuon na lang ang sarili sa pakikinig ng mabuti..
CHAPTER 32
Max Pov.
Ngayon ay kasalukuyang nasa bahay na ako at sinisimulan nang i-empake ang mga gamit ko rito sa kwarto. Bakit naman kasi biglaan yata ’tong paglipat namin. Hindi tuloy kami nakapaghanda. Kagabi lang napag-usapan tas biglang layas agad ngayon. jusko!
Talagang hanggang ngayon ay puno pa rin sa mga tanong ang isip ko kung bakit parang sobrang minadali naman yata ni Mama ang paglilipat na ito. Hindi ko alam kung may kinalaman ba kaya ito do’n sa mamang naghahanap sa kaniya? O sadyang ayaw niya lang dito at nakakita siya ng magandang lilipatan.
Ang hirap mag-isip… kaso kapag tinanong at inusisa ko naman si Mama, paniguradong bulyaw at sermon lang ang aabutin ko..
Napasimangot naman ako sa naisip ko habang inilalagay sa bagahe ang naitiklop ko nang mga damit na galing sa sampayan at ang ibang nasa aparador. Hindi ko alam kung kasya ba itong lahat dito pero kung sakaling hindi ay baka sa karton ko na lang ilagay ang iba. Bahala na nga, di ko na lang iisipin pa ’yon. Ang mahalaga, may bagong bahay kaming titirhan. Sana naman, mas maayos do’n, hehe.
Hindi naman sa hindi maayos rito sa lugar namin pero ayoko kasi sa lugar na sobrang ingay kagaya rito. Yung mga tao kasi dito, konting kibot nag-iingay, e. Parang ika-mamatay nila ang katahimikan. At ika-mamatay din yata nila pag walang chismis.
Umiling pa ako at hindi na masyadong nag-isip pa. At saka ko ipinagpatuloy ang pagliligpit nitong mga gamit ko..
Masyadong marami ang mga gamit ko kaya halos alas-tres na ng hapon nung matapos akong i-empake ang mga damit at ilagay ang mga bagay-bagay sa karton. Halos hingalin pa ako ng isa-isa kong ilabas iyon ng kwarto ko para madali na lang kunin at hakutin mamaya.
Napabuga pa ako ng hangin nang magawa ko iyon at saka ako dumiretso sa kwarto ni Mama dala ang iba pang karton na hiningi ko kanina sa tindahan..
Mabuti na lang din ay malalaking karton ang ibinigay niya kaya hindi ako problemado sa espasyo ng karton.
Pagkarating ko sa kwarto ni Mama ay agad kong binuksan ang aparador niya at inunang iligpit ang mga damit niya. At habang tinatanggalan ko ng mga hanger itong iba niyang damit ay may narinig akong kumakatok kaya agad akong bumaba. Ano ba ’yan, may istorbo pang nambulabog. Ang dami ko pang gagawin, e.
Inis akong bumaba at saka lang inayos ang sambakol kong pagmumukha nung malapit na ako sa pinto para buksan ito. Binuksan ko iyon at saka ko binuksan ang gate at nagulat ako ng bahagya nang makita ang taong nasa likod no’n. Si Tita Irene..
Pagkabukas ko no’n ay agad siyang pumasok kaya tinanong ko siya.
“Oh, Tita. Ang aga n’yo naman yata?” tanong ko at agad naman itong sumagot habang naglalakad papuntang kusina kaya sinundan ko ito..
“Inutusan ako ng mama mo na puntahan ka rito at tulungan kang mag-empake,” tugon niya at saka kumuha ng baso sa dishdrainer. At saka dumiretso sa water dispenser at kumuha ng tubig do’n at ininom.
Pinanood ko lang naman siyang gawin ’yon at saka ako nagsalita..
“Buti naman at naisipan ni Mama na papuntahin ka po rito. Marami pa po kasing gamit na dapat i-empake, Tita. Masyadong biglaan itong plano ni Mama, ni hindi man lang kami nakapaghanda,” may bahid ng inis na sabi ko. At inubos naman muna niya ang tubig sa baso bago sumagot.
“Hayaan mo na. Paranoid lang talaga ang mama mo dahil alam mo na..dahil sa edad kaya gano’n,” makahulugang tugon niya na siyang nagdulot ng pagtataka sa akin..
“Paranoid saan, Tita?” tanong ko at para siyang natuliro at aligagang sumagot. “P-Paranoid, sa kung anong pwedeng mangyari sayo! Diba, na-ospital ka nung nakaraan? A-Ayon, sabi niya na ayaw niyang malayo ka sa amin. Kaya lilipat kayo ng mas malapit sa bahay ko, para raw mas mabantayan ka namin,” tugon niya at napanguso ako dahil hindi ako kumbinsido sa naging sagot niya. Ba’t parang may tinatago sila sa akin?
Medyo nagdududa talaga ako ngunit hindi ko na ’yon pinansin pa at pinalipad na lang sa hangin ang isipin na ’yon. Matapos nang naging maikling usapan na ’yon ay napag-pasyahan naming mag-empake na. Siya ang nag-empake at nag-ayos ng gamit sa ibaba, habang ako naman bumalik sa kwarto ni Mama at inayos ang mga gamit doon..
Mas natagalan ako sa pag-aayos ng mga gamit ni Mama dahil mas marami iyon kumpara sa akin. Kaya naman mas matagal bago ako natapos. Tagaktak ang pawis at magkasamang pagod at hingal ang inabot ko matapos kong mailabas ang iyon mula sa kwarto ni Mama. Grabe, naubos na yata lahat ng lakas ko. Jusme!
Hindi ko alam anong oras na ngunit sa tantsa ko ay nasa 6pm na dahil binalot na ng dilim ang kalangitan sa labas at may mga bitwin na rin ng tanawin ko ito mula sa bintana ng kwarto ni Mama..
Isinara ko naman muna iyon bago ako umalis. Bababa pa lang sana ako ay biglang nag-ring ang cellphone ko mula sa kwarto kaya patakbo akong pinuntahan iyon. Nang madampot ko ang cellphone ko ay agad kong tinignan kung sino iyon. Si Shin lang pala.
Agad ko naman in-accept iyon at nagsalita..
“Hello?” sambit ko at agad naman siyang sumagot. Bakas ang saya sa boses niya. “Hi bestie, labas ka muna diyan. Nandito kami sa kanto n’yo,” aniya at nakunot naman ang noo ko. Nandito siya? pero teka, kami? so, ibigsabihin may kasama siya, tsk!
“Kami? sinong kasama mo?” nakataas ang isang kilay na tanong ko at nakanguso pa matapos sabihin ’yon. Narinig ko naman ang mahinang bungisngis niya bago sagutin ang tanong ko. “Basta, lumabas ka na diyan. Gusto ka na niya makausap,” tugon niya at agad na nanlaki ang mata ko. Hindi pa man siya nagbabanggit ng pangalan ay alam ko na agad kung sino ’yon kaya halos maibato ko ang cellphone sa gigil.
“Ba’t mo isinama ’yan? Baliw ka talaga!” mahinang sigaw ko sa kaniya at agad naman siyang sumagot mula sa kabilang linya. “Eh, kasi..gusto ka na nga raw niyang maka-usap. Kausapin mo na kasi,” makahulugang aniya na may bahid ng panunukso kaya sininghalan ko siya.
“Tsk! sige na. Hintayin n’yo na lang ako diyan,” saad ko pa at hindi na hinintay pa ang sagot niya at agad na ibinaba ang tawag. Napailing pa ako matapos no’n at agad na binuksan ang isang maleta at kumuha ako ro’n ng damit na isusuot at saka mabilisang naligo. Bahala na kung anong ligo magagawa ko, ayoko magmukhang dugyot sa harap nila.
Halos dalawang minuto lang yata ang itinagal ko sa banyo at mabilis akong nagbihis, bago pa bumaba ay itinali ko muna ang basa kong kulot na buhok.
Pagkababa ko ay agad akong sinalubong ng tanong ni Tita na kasalukuyang inaayos ang gamit sa Sala.
“Oh, saan ka pupunta?” tanong niya at napakamot pa ako sa batok bago sumagot. “Pupuntahan ko sila Shin. Nandiyan sila sa may kanto, e..”
“Bakit naman pumunta pa rito? Hindi mo ba nasabihan na maglilipat tayo ngayon?” tanong niya pa at napanguso ako bago sumagot. “Nasabihan ko naman po. Hindi ko lang alam kung bakit pumunta pa rito,” tugon ko at inilibot ang tingin sa kabuuan ng bahay. Mami-miss ko ’tong bahay na ’to. Ang bahay na kinalakihan ko.
“O siya. Bilisan mo para maayos na natin ’to lahat,” aniya pa at tumango naman ako.
Hindi na ako nagtagal pa roon at mabilis na tinungo ang kanto na madalas tambayan ni Sir. Mirrem. Hindi pa ako nakakarating do’n ay tanaw ko na ang dalawang sasakyan na pamilyar sa akin. Tss, pag sila napagalitan na nag i-illegal parking sila diyan, bahala sila..
“Hi bestie,” bungad pa ni Shin nung iilang dipa na lang layo ko sa kanila. Hindi naman ako umimik at tinaasan lang siya ng kilay. Mukhang nakuha niya naman ang ibig-sabihin kaya nagsalita siya at nilingon pa si Sir.
“Nandito kami kasi gusto ka niya kausapin,” at itinuro niya pa si Sir gamit ang hinlalaki at umarko pa ang labi niya.
Umirap naman ako sa hangin bago nagsalita nang hindi nililingon at pinapansin si Sir.
“Alam mo namang marami akong gagawin dahil lilipat kami. Sana, sinabinan mo na lang siya,” tugon ko at agad naman siyang nagsalita.
“Ayon na nga. Aside from gusto ka niyang makausap. Gusto rin namin tumulong sa’yo sa pag-eempake at pag-aayos, diba sir?” aniya at nilingon pa si Sir. Nilingon ko rin ito at agad naman itong tumango habang malalim ang paraan ng pagkakatingin sa akin. Na tila ba pinag-aaralan at sinisisid niya ang pagkatao ko sa pamamagitan no’n. Nailang ako kaya agad akong nag-iwas tingin at sumagot.
“Wag na! Nakakahiya naman. Umuwi na lang kayo,” pagtanggi pa sa pasigaw na boses at saka nilingon si Sir. “ Bukas na lang tayo mag-usap,“ saad ko rito ngunit hindi naman siya umimik at agad na nagsalita si Shin at kinontra ako.
“Nako, sir! don’t listen to him. Let’s go!” saad niya at mabilis pa sa hangin na naglakad patungo sa bahay na may pitik pa sa bewang ang bawat hakbang.
Kaya naman agad ko siyang sinigawan. “Hoy! Wag na kasi!” sigaw ko at nilingon ko si Sir ngunit ngingisi-ngisi na siya at mabilis din akong iniwanan doon at sumunod kay Shin.
Inis naman akong tinignan sila at napakamot pa sa ulo bago sila tuluyang sundan..
Pipigilan ko pa sana silang pumasok ngunit masyadong mabilis maglakad si Shin kaya nakapasok na siya sa loob gano’n din si Sir bago ko sila tuluyang mapigilan..
“Hi Tita,” pagbati ni Shin na narinig ko na agad hindi pa man ako tuluyang nakakapasok. “Oh anong ginagawa n’yo rito? Oh sir, andito ka rin?” rinig kong takang tanong ni Tita.
Pagka-pasok ko ay agad na nilingon ako ni Tita at nagtama ang paningin namin ngunit hindi pa man ako nakakapagsalita ay agad nang nagsalita si Shin kaya ang lahat ay napalingon sa kaniya..
“Tita, we came here to help. Nasabi kasi ni Max na lilipat na raw kayo. So, naisipan namin na pumunta rito at tumulong,” saad ni Shin at napakamot naman si Tita sa sintindo.
“Aba’y salamat….pero, nakakahiya naman sa inyo, at nag-abala pa kayo.” ika ni Tita na may awkward na ngiti sa labi. At agad namang sumagot si Sir. Mirrem. “No, ma’am. Don’t be. We really much wanted to help,” tugon niya kay Tita at nginitian naman siya nito. At agad din naman na sumabat si Shin.
“Nako, Tita. Para naman tayong hindi close niyan. Sige na, ano bang pwede naming gawin?” tanong niya pa kay tita at agad na nilingon kaming dalawa ni Sir. “Ikaw sir, samahan mo si Max. Tulungan mo na ’yan, ako na bahala kay Tita.”
Nagsalubong ang kilay ko dahil do’n at agad na tumanggi. “Wag na,” saad ko at nilingon si Sir. “Dito ka na lang, sir. Matatapos na rin naman ako sa taas. Mas kelangan ka nila —” hindi pa ako natatapos sa sasabihin ko ay pinutol na ako ni Shin kaya masama ang tingin na nilingon ko siya.
“Wag na, kaya na namin ’to ni Tita. At saka may sasabihin ako ni Tita na dapat kami lang ang maka-alam! Girls talk ito, kaya bawal siya rito. Isama mo na siya sa’yo,” anas pa niya at mabilis na inialis ang tingin sa akin at kinausap si Tita. At wala naman akong nagawa kundi talikuran sila at nag-umunang umakyat.
Naramdaman ko naman ang pagsunod niya kaya napairap pa ako sa hangin. Talagang wala akong takas sa isang ’to.
Agad naman akong dumiretso sa kwarto ni Mama at agad na dumampot ng mga gamit at kunwaring nagsisimula ng magligpit. Nakita ko sa gilid ng paningin ko ang pagpasok niya at agad naman siyang lumapit at saka nagsalita.
“Baby,” malambing at malumanay ang pagkakasabi niya no’n at masarap sa tenga pakinggan. Ngunit naalala kong galit nga pala ako dapat sa kaniya kaya malamig ang tonong sumagot ako. “Oh?” ani ko nang hindi siya nililingon..
“Are you mad?” tanong niya pa at halos manlambot ako dahil tila ba iyon ang unang beses na naging gano’n ka-malumanay at ka-lambing ang boses niya. Gusto ko na lang tuloy na yakapin siya kapag ganyan siya.
Ngunit hindi ako nagpadala sa nararamdaman at sinagot ang tanong niya.
“Please, Sir. Wag ngayon, marami akong iniisip. Sa sunod na lang natin pag-usapan ’yan,” inis kunwaring sagot ko at umupo naman siya sa dulo ng kama na nasa tapat ko at saka niya ako nilingon.
“Ano bang iniisip mo, baby ko?” gano’n pa rin ang paraan ng pagkaka-sambit niya no’n kaya naman napapikit ako. Paniguradong, hindi talaga ako titigilan nito.
“Eto, tungkol sa biglaang paglipat,” may bahid ng inis na tugon ko at agad naman siyang nagtanong pa ulit kaya napabuga ako ng hininga bago sumagot.
“I see. Bakit nga ba lilipat kayo baby ko?” tanong niya at nakita ko pa sa gilid ng paningin ko ang pagnguso niya habang nakatingin sa akin. “ Ayon nga ang iniisip ko, e.“ tugon ko.
“Eh, saan naman daw kayo lilipat? Malayo ba?” tanong niya pa at hindi ko naman siya sinagot at nagpatuloy lang sa ginagawa. Ilang segundo pa ay nagtanong siya ulit. “Malayo ba? baby ko.” Jusko, napaka-kulit.
“Hindi ko alam,” tugon ko na para bang kaonti na lang ay masisigawan ko na siya.
“Pero posible,” dagdag ko pa at tinapunan lang siya ng tingin at saka nagpatuloy ulit sa ginagawa. At nakanguso naman siyang nagsalita.
“Eh? Bakit naman?” malungkot ang paraan ng pagkakatanong niya no’n at agad naman akong sumagot. “Aba’y, malay ko. Si Mama lang naman ang nakaka-alam pa sa ngayon kung saan kami lilipat,” kibit balikat na tugon ko. At ilang segundo pa bago siya magsalita.
“E, paano kung malayo nga? Saan sa tingin mo posible kayong lumipat?” usisa niya kaya napaisip ako. At bigla kong naisip ang probinsya ni Mama kaya agad akong sumagot.
“Siguro…sa Antique,” tugon ko kahit alam kong malabo na lumipat kami ro’n. Ang sabi sa’kin ni Mama noon ay wala na siyang babalikan pa roon dahil ulilang lubos na siya. At isa pa ay nag-iisang anak si Mama ayon sa kaniya.
“Ang layo naman! Bakit doon?” salubong ang kilay at nakanguso pa ulit na sambit niya. Muntik pa akong matawa ngunit agad kong pinigil iyon at sumagot.
“Kase doon ang probinsiya ni Mama. At saka nabanggit din ni Mama noon na gusto niyang bumalik do’n. Kaya, may posibilidad talaga na doon kami lumipat,” tugon ko at hindi naman siya agad nakasagot. Inalis ko naman ang tingin sa kaniya at saka nagpatuloy ulit sa ginagawa.
“Parang ayaw na lang tuloy kitang tulungan sa pagliligpit ng gamit dito, baby ko,” aniya at agad naman akong sumagot. “Edi wag! di ka naman pinipilit,” tugon ko nang hindi siya nililingon. At nagulat ako nang bigla siyang humiga sa kama at dinaganan ang mga inayos kong damit doon. “Baby, ba’t naman ang layo ng lilipatan n’yo?” nakangusong aniya ngunit hindi ko pinansin iyon at sinaway siya.
“Bumangon ka diyan, dinaganan mo ’yung mga inayos ko, oh!” saway ko sa kaniya at agad naman siyang sumunod kaya nagsalita ako ulit. “At saka ano namang pake mo kung sa malayo ka lumipat? Di naman kita boyfriend at saka isa pa…may girlfriend ka na,” may bahid ng inis na pang-aasar ko sa kaniya. At dadamputin ko na sana ang isang tumpok nang damit ni Mama ngunit hinatak niya ako bigla palapit sa kaniya kaya nanlaki ang mata ko.
Madali akong naka-ayos ng tayo ngunit mabilis din akong nabihag ng bisig niya kaya ang eksena ay nakayakap siya sa akin habang nakatayo ako at naka-upo naman siya doon sa dulong bahagi ng kamang iyon.
“Bakit ba ayaw mong maniwala na hindi ko siya girlfriend, baby ko?” tanong niya pa ngunit hindi ko sinagot ang tanong niyang iyon at pilit nagkukumawala sa yakap niya.
“Bitiwan mo’ko,” madiin kong utos sa kaniya at binigyan siya ng nagbabantang tingin ngunit nilabanan niya lang iyon at mas ikinulong pa ako sa malalaking bisig niya. “No, baby! Sagutin mo muna ako. Bakit ayaw mong maniwala?” tanong niya at agad naman akong sumagot.
“Oo na! Oo na! Naniniwala na ako. Bitiwan mo na —“mahinang sigaw ko ngunit agad niya akong pinutol at halos idikit na niya ako malapit sa kaniya kaya halos itulak ko siya at nagpumiglas ako. Pag inabutan kaming ganito, malilintikan kami pareho!
“No, baby. Tell me first what should I do to make you believe?” seryosong tanong niya habang nakatingala sa akin at mahigpit ang yakap sa bewang ko. Nakatingin naman ako sa kaniya habang nagpupumilit na makawala dahil kahit kamay ko ay inipit niya sa kaniyang braso.
“Wala! Wala, kasi naniniwala na ’ko…Pakawalan mo na ko, please!” pagmamaka-awa ko ngunit hindi siya nakinig at mas inilapit pa ulit ako kaya halos sumigaw ako at nasabi ko pa ang pinakapaborito niyang naririnig mula sa akin.
“Baby, bitiwan mo na ako!” anas ko at agad naman niya akong binitiwan at binigyan ako ng nanunuksong tingin. At sinamaan ko naman siya ng tingin matapos no’n.
“Leche ka, ah?” inis kong sabi matapos haplusin ang masakit kong braso dahil sa ginawa niyang pag-ipit sa akin. “Sorry baby,” natatawang aniya at akmang lalapit ngunit lumayo ako at saka nagsalita.
“Heh! baby mo mukha mo,” inis kong sabi at saka kinuha ang mga damit ni Mama na nakatiklop at saka inilagay sa karton.
“Baby!” pagmamaktol niya at agad ko naman siyang sinamaan ng tingin at saka nagsalita. “Akala ko ba nandito kayo para tumulong? E, ba’t parang pumunta ka lang dito para manggulo?” Inis na sabi ko at agad naman siyang ngumiti na halos mawala ang mata. Nagpapa-cute na naman ang isip bata. Sarap konyatan!
“Eto na nga, baby ko. Saan ko ba ’to ilalagay?” nakangiting tanong niya habang isinesenyas ang damit na hawak niya sa kaliwang kamay niya. “Dito,” masungit na tugon ko na hindi na pinansin ang pagpapa-cute niya.
At narinig ko naman siyang bumulong. “Sungit,” aniya ngunit dinedma ko iyon at nagpatuloy na lang sa ginagawa.
Hindi naman na niya ako masyadong inasar at totoong tinulungan naman niya ako. Mabilis naming natapos ang pagliligpit ng tambak na damit ni Mama kaya isinunod namin ang mga abubot at kung ano-ano pang gamit..
Mabilis ang naging pagkilos namin ni Sir. Mirrem kaya natapos na kami sa paglalagay nito sa karton. Akmang itutulak ko na sana palabas ang isang malaking karton ngunit agad niya akong pinigilan.
“Baby, magpahinga ka muna. Ako na diyan,” saad niya at saka itinulak iyon palabas ng kwarto. Sinundan ko pa siya ng tingin at kitang kita ko na basang basa na ng pawis ang tshirt niyang gray at ang pajama niyang black. Bumalik siya sa kwarto matapos no’n at nakita ko ang maraming butil ng pawis sa noo niya na tumutulo na pababa sa patilya niya. Kaya naman binuksan ko ang isang maleta na nandito pa sa kwarto ni Mama at kinuha ang puting twalya na naroon.
Iniabot ko iyon sa kaniya at nagtaka naman siya. “Magpunas ka,” utos ko at hindi naman siya sumagot at nakangiting inabot iyon. Ngunit nanlaki ang mata ko nang bigla siyang lumapit sa akin at sinimulang punasan ang iilang pawis sa noo ko.
Magsasalita na sana ako ngunit agad niya akong pinutol kaya sinamaan ko siya ng tingin. “Before you take care of me. Please take care of yourself, first. Okay?” nakangiting aniya ngunit imbis na matuwa ay ilang ang idinulot sa akin no’n habang idinadampi niya ang twalya sa mukha ko.
Pairap na nag-iwas tingin ako at saka nagsalita. “Tama na! magpunas ka na ng pawis mo,” utos ko at saka ibinaling ang pansin sa maleta at isinara na lang kunwari iyon. At nakita ko pa sa gilid ng mata kong ngingisi-ngisi siya habang nagpupunas ng sarili.
Akmang aalis na sana ako dahil tapos ko ng isara ang maleta ngunit agad niya akong tinawag kaya nilingon ko siya..
“Baby,” aniya at agad naman akong sumagot. “Oh?” tugon ko at ngumiti naman muna siya bago magsalita ulit.
“Pwede mo bang punasan ’yung likod ko? Di ko kasi abot, e..” saad niya at sinimangutan ko naman siya at saka nagsalita. “Ang kapal mo naman!” inis na sabi ko kunwari ngunit nginitian niya lang ako ulit bago siya nagsalita.
“Sige na, baby ko. Di ko talaga kasi abot, e.” aniya at inirapan ko naman muna siya bago ako tuluyang lumapit.
Pagkalapit ko ay agad niyang iniabot sa akin ang twalya na siyang tinanggap ko naman. Matapos no’n ay agad naman siyang tumalikod at iniangat ang tshirt niya.
At sinimulan ko namang punasan ang pawis niya roon. Kahit pa katamtaman lang ang lapit ko sa kaniya at basang-basa siya ng pawis ay amoy na amoy ko pa rin ang perfume niya. Medyo nailang naman ako dahil pakiramdam ko ay ang baho-baho ko na kaya binilisan ko ang pagpupunas at saka ko isinampay sa balikat niya ang twalya matapos no’n at nagsalita.
“Tapos na!” may bahid ng inis kunwaring sabi ko at agad naman niya akong hinarap at nagsalita. “Thanks, baby ko.”
Hindi ko naman na iyon pinansin at umuna na akong bumaba at sumunod naman siya..
Tapos na rin silang mag-ayos at magligpit ng gamit doon kaya napagdesisyonan naming ilabas na ang mga gamit dahil darating na rin daw ang maghahakot sabi ni Mama kay Tita…
Nailabas na namin lahat ng gamit at halos alas-otso pasado na nung matapos kami. Lahat ng gamit ay nasa labas na at pinagtitinginan na rin kami ng mga kapitbahay dahil lahat ng iyon ay narito na sa tapat namin at nakaharang sa daan..
Alam na rin ni Sir at Shin ang location kung saan kami lilipat dahil tinanong nila si Tita. At agad na gumuhit ang ngisi sa mukha ni Sir nang malaman niyang dito lang din sa Makati ang lilipatan namin..
Kasalukuyang kausap ni Tita ngayon si Mama sa telepono at mukhang hindi maganda ang usapan nila ayon sa boses ni Tita kaya lumapit ako upang makinig.
“Ha, bakit hindi matutuloy?…”
“Nailabas na lahat ng gamit dito, Cha-cha….”
“Sige, anongg gusto mong gawin dito? Ipasok ulit lahat?”
Saad ni Tita habang kausap si Mama sa kabilang linya.
“Ay, bahala ka na, Cha-cha!”
“Sige na sige na, at aasikasuhin ko pa itong gamit dito,” aniya at ibinaba ang phone.
Kaya naman nagtanong ako agad.
“Anong problema, Tita?” tanong ko at agad na gumuhit ang inis sa mukha niya. “Eto kasing mama mo, e. Kukuha na lang nang hahakot ng gamit n’yo. Do’n pa sa hindi sigurado,” may bahid ng inis na aniya.
“Bakit po? Ano po bang nangyari?” kunot ang noo na tanong ko kay Tita at agad naman itong sumagot. “Yung inarkila ng mama mo na hahakot ng gamit niyo, nagka-aberya! Wala tayong choice kundi ipasok na lang ’tong gamit n’yo dahil bukas pa yata kayo makakalipat,” saad niya at nanlumo naman ako. Eh? Nakakapagod na! Nailabas na namin lahat ng gamit, ano ba ’yan!
Narinig pa yata ni Tita ang pagbuntong hininga ko kaya nagsalita siya. “Nakakainis man. Wala tayong magagawa. Tara na, at para makauwi na ang dalawa. Nakakahiya na masyado sa kanila,” pabulong na sabi niya sa’kin at bumuntong hininga pa bago kami lumapit kila Mirrem at Shin.
“Sir, Shin, pwede na kayo umuwi. Salamat sa tulong niyo,” nakangiting sabi ko nang makalapit ako at nakunot naman ang noo ni Sir at nagtinginan pa sila ni Shin.
Matapos no’n ay ibinalik ni Sir ang tingin sa akin at nagtanong.
“Mamaya na kami uuwi, Max. Tutulong kami hanggang sa malilipatan n’yo,” nakangiting tugon pa ni Sir ngunit hindi ako nakasagot dahil agad na sumabat at sumingit sa usapan si Tita.
“Nako, sir. Hindi pa sila makakalipat ngayon dahil nagkaroon ng aberya sa hahakot ng gamit. Kaya…pwede na kayong umuwi, sir. Kami nang bahala dito dahil nakakahiya na sa inyo at saka gabi na rin, dapat na kayong magpahinga,” saad ni Tita at naki-dagdag naman ako.
“Sige na, Shin, sir. Maraming salamat,” ani ko at nginitian sila at agad naman naming nilingon si Sir nang magsalita ito.
“Ma’am, we can use my car para maglipat ng gamit,” saad ni Sir at agad naman akong sumabat. “Sir, malalaki ang gamit namin. Hindi ’yon kakasya sa sasakyan mo at saka isa pa, baka magasgasan lang ng gamit namin ang sasakyan mo,” sabat ko at agad naman siyang sumagot.
“Well, I don’t mind. Basta nakakatulong ako, walang problema do’n,” tugon niya at inilipat ang tingin kay Shin ng magsalita rin ito. “I could also ask our drivers to get the two trailblazer trucks sa bahay. Mas convenient ’yon sa malalaking gamit niyo, Max.”
Agad naman napatakip si Tita sa bibig niya at animo’y hiyang-hiya na sa kabaitan ng dalawa.
“Nakakahiya na masyado… sobra-sobra naman na yata ang tulong n’yo,” tanging nasabi ni Tita at nginitian lang siya nung dalawa. Nagtama ang paningin namin ni Sir. Mirrem at kinindatan pa niya ako ngunit inis na inirapan ko lang siya. Pasikat masyado.
Matapos no’n ay agad silang nagplano at napagdesisyunan na ilalagay ang mga karton na sa sasakyan ni Sir at ilalagay ang ibang gamit sa dalawang trailblazer nila Shin..
Pagkarating ng dalawang trailblaizer ay sinimulan ng i-tungtong doon lahat ng gamit namin. May mga iilang kapitbahay na rin kaming tumulong sa amin kaya mas napadali kami. Alas otso na ng gabi at may mga naiwan pang gamit na hindi na kasya kaya napagdesisyonan na babalikan na lang..
Mabilis ding lumipas ang oras at alas gis na ng matapos kaming maglipat at bakas na ang antok at pagod sa amin. Iniwan ko naman muna si Tita sa bagong bahay at sinabing ihahatid ko muna palabas sila Shin at Sir.
Nagpaalam naman na si Shin na mauuna na siya kaya tinanguan ko ito at pinasalamatan. Matapos niyang maka-alis ay binalingan ko si Sir na nakasandal sa harapan ng sasakyan niya. Nagtama ang paningin namin kaya agad akong nagsalita
“Oh, ikaw? Di ka pa ba uuwi?” tanong ko sa kaniya at ngumiti naman siya. Nilapitan ko siya at saka siya sumagot. “Hindi pa. May pag-uusapan pa tayo,” tugon niya kaya nakunot ang noo ko.
“Ang alin?” takang tanong ko at ngumiti naman siya. “Yung tungkol kanina,” tugon niya.
“Saan do’n?” tanong ko pa ulit dahil hindi ko makuha ang ibig niyang sabihin. At agad naman siyang sumagot.
“Wag mo na iisipin na girlfriend ko siya, ha?” aniya kaya nakuha ko na ang punto niya. “Ah, ayon. Oo…sige,” tugon ko at ngumiti sa kaniya.
Nagulat pa ako ng bahagya ng kunin niya ang kamay ko at pinagkrus ang mga palad namin. “You should never think about that again. Cause, baby..you’re the only one that I like. And I think I’m also starting to love you,” aniya at napigil ko ang hininga ko dahil do’n. What the fvck?
Hindi naman ako agad nakasagot kaya tinapik niya ako “Hey,” aniya at tinaasan ko lang siya ng kilay habang ako ay tila hindi pa rin na-aabsorb ang sinabi niya. Gago ba siya? Jusko!
“Wag mo na iisipin ’yon, ha?” aniya at mabilis akong tumango na parang aso. “Tignan mo, oh. Suot ko nga lagi ’tong bracelet na ka-couple nung bracelet na regalo ko sa’yo para couple tayo tas paghihinalaan mo pa ako,” sumbat niya pa kunwari at nilingon ko naman ang kanang kamay niya na iniangat niya sa ere.
Kapareho nga iyon ng island bracelet na regalo niya sa akin ngunit magkaiba ng color. Pareho rin ang initials na nakasulat doon kagaya nung akin..
Humigop naman ako ng lakas para sumagot kahit na pakiramdam ko ay may bukol sa lalamunan ko at pinipigil akong magsalita. “O-Oo na,” tanging naisagot ko at nautal pa.
Nagulat ako ng umalis siya sa pagkakasandal at bigla akong niyakap. Hindi naman ako naka-imik hanggang siya na mismo ang kusang bumitaw.
“Uuwi na ako, baby. Goodnight. See you tommorow,” aniya pa at hinalikan pa ako sa noo bago sumakay sa sasakyan niya. Gumilid naman ako ng mag-start iyon at nakita ko pang kumaway siya mula sa loob ngunit hindi ko na nagawang kawayan siya pabalik dahil halos tameme pa rin ako sa mga ginawa niya.
Mabilis na umandar ang sasakyan niya at sinundan ko iyon ng tingin. Hindi ko alam pero napangiti ako matapos no’n at may bigla akong naisip. Ang swerte swerte ko sa kaniya.
CHAPTER 33
Max Pov.
Ngayon ay kasalukuyang nasa bus na ako at papunta na sa skwelahan kahit pagod at latang-lata pa sa nangyaring lipat bahay kagabi. Bus ang sinakyan ko at sasakyan ko hanggang sa susunod pa dahil hindi na saklaw ng ruta ng mga jeep ang lugar ng nilipatan namin..
Pagkagising ko kanina ay balak ko pa nga sanang lumiban muna sa klase upang matulungan ko sila sa pag-aayos ng mga gamit. Ngunit hindi ako pinayagan ni mama at sila na lang daw ang bahala kaya wala akong nagawa kundi ang maghanda at pumasok ngayon..
Habang nasa bus ay iniisip ko ang tupperware sa bag ko na naglalaman ng ibibigay ko kay Shin at Sir. Kahit inaantok na ako kagabi ay ginawa ko pa rin ito para sa kanila bilang pasasalamat na rin sa pagtulong nila sa amin. Sana magustuhan nila ’to. Kase pag hindi, bahala sila. Uubusin ko talaga ’to mag-isa.
Maluwag ang daloy ng trapiko dahil maaga pa kaya naman mabilis kong narating ang Imperial College. Pagka-pasok ko pa sa loob ng gate ay agad kong natanaw si Sir na naka-sandal sa may isang poste malapit sa gate kung saan ko siya madalas makitang nakatambay..
Napangiti pa ako ng makita ang itsura niyang tila inaantok dahil papikit-pikit ang mata. Anong oras na rin siguro ’to nakatulog. Iniisip niya rin kaya yung sinabi niya sa’kin kagabi? Alam niya bang nagpaulit-ulit ng ilang beses ’yon sa tenga ko? tsk.
Pigil ang ngiting nilapitan ko siya at saka ako nagsalita. “Oh, ba’t parang inaantok ka pa?” pabirong sabi ko pa.
At tila mabilis pa sa hangin na naglaho ang antok niya at ngayon ay diretso nang nakatayo at nakatingin sa akin matapos niya akong marinig. Seryoso ang paraan ng pagkakatingin niya sa akin ngunit agad din naman siyang ngumiti at sumagot.
“Yeah,” wika niya at kinusot pa ang mata. “I’m really sleepy baby ko,” dagdag niya pa habang naka-pout ng bahagya.
Biglang may pumasok sa isip ko matapos no’n kaya nakangiti akong nagsalita ulit..
“Kawawa ka naman. Gusto mo ng coffee?” kaswal na sabi ko at bahagyang nagulat ako ng bigyan niya ako ng nanunuksong tingin. “Why are you so sweet, huh? anong meron?” bakas ang panunuya at nagkukumawalang ngiti sa labi niya. At nakunot naman ang noo ko dahil do’n at saka nagsalita.
“Ha? anong sweet? di kaya,” sambit ko at agad naman siyang kumontra. “No, you really are, baby. Hmm…ano kayang dahilan?” kunwaring napapaisip pang sabi niya at hindi pa man ako nakakasagot ay naghihinala na siyang nagsalita ulit. “Baka naman, bigla ka na namang iiwas?” wika niya at naniningkit akong tinignan. At kunot noo ko naman siyang tinignan.
At hindi pa ako nakakasagot ay nagsalita na siya ulit..
Mas okay na sa’kin yung mataray at masungit ka sa’kin…atleast ayos tayo,“ dagdag pa niya at natatawa akong sumagot na hindi pa rin makapaniwala sa sinasabi niya.
“Hindi naman ako sweet, ah? normal lang naman ’to. Alam mo?…baka antok lang ’yan….Kape na lang tayo, gusto mo?” pag-iiba ko pa ng usapan at pigil ang ngiting sumagot siya. “Ang sweet mo sa’kin ngayon,” malambing na saad niya at kitang-kita ko pa ang bahagyang pamumula ng pisngi niya kaya natatawang nagsalita ako.
“Wag mo pigilin ang kilig, sir. Namumula ka tuloy,” biro ko pa at kunwaring inirapan niya ako at saka nginitian. Matapos no’n ay saka siya sumagot. “Pinapakilig kasi ako ng misis ko e,” wika niya at tinawanan ko lang siya.
“Tara na! Kape tayo sa labas. Libre ko,” saad ko pa at nag-umunang lumakad at nakangiting humabol naman siya at saka sumagot. “No, baby. Ako na,” aniya at kahit tutol ako ay hindi na ako nakipagtalo pa. Bahala na siya, ayoko makipagtalo ngayon dahil pagod pa ako.
Mga ilang lakad lang ay nakalabas na kami ng gate. Hindi naman na namin pinansin ang guard at nagpatuloy na lang ngunit nanlaki ko ng bihagin niya ang kamay ko at hawakan iyon. Nanlaki ang mata ko at agad na nagsalita.
“Sir, baka may makakita sa’tin,” may kaonting kaba sa kaloob-looban ko nung banggitin iyon. Pag talagang may nakakita sa’min, malilintikan ’to sa’kin.
Nilingon ko siya at gano’n din naman siya sa’kin. Nginitian niya pa ako matapos no’n at saka nagsalita. “Maaga pa, baby. 6:15 pa lang. Kaya wag kang paranoid,” aniya at iiling-iling na ibinalik ang tingin sa dinadaanan namin. Ibinalik ko rin naman ang tingin ko ro’n at saka nagsalita ng hindi siya nililingon dahil kinakabahan ako sa ginagawa naming ito ngayon.
“Pero, sir….bitawan mo na lang kasi ako,” reklamo ko habang lumilingon-lingon sa parking lot kung meron bang estudyante na narito na..
“I won’t do that unless you call me baby,” aniya saka ako nilingon ng may ngisi sa labi na nakita ko sa gilid ng paningin ko. Agad ko din naman siyang nilingon at inis siyang tinignan at nag-iwas tingin din agad matapos magsalita..
“Baby, bitawan mo na kasi ako,” pakiusap ko sa nagmamaka-awang tono. Ngingisi-ngisi naman siyang binitiwan ako sa gilid ng paningin ko at saka siya nagsalita.
“Ang cute naman ng baby ko,” aniya at natatawang suminghal matapos no’n. Inirapan ko lang naman siya at hindi na sumagot saka kami nagpatuloy sa paglalakad. Tumawid kami sa kalsada at pumunta sa isang coffee shop sa tapat ng school na halos katabi lang ng milktea shop na madalas namin tambayan ni Shin.
Pagkapasok namin do’n ay agad niya akong tinanong. “Anong sa’yo?”
Agad naman akong napakamot sa ulo at pumeke ng ngiti dahil wala akong alam na pwedeng orderin. “Kahit ano na lang,” tugon ko at ngumiti pa kunwari.
“Eh? I won’t order unless you tell me what to order,” wika niya at napanguso naman ako. Tinaasan niya pa ako ng kilay at napayuko naman ako ng bahagya.
“Hindi ko alam ano oorderin, e. First time ko kasi ’to,” pag-amin ko at nakanguso pang nag-angat tingin sa kaniya matapos no’n at pinisil niya pa ang pisngi ko bago magsalita. “Alright, i’ll just buy caramel latte,” tugon niya at inutusan pa akong umupo sa isang bakanteng table na pangdalawang tao. Wala pang ibang tao rito maliban sa’min dahil maaga pa. Mabilis lang naman siyang naka-order at saka siya naupo sa tapat ko.
Hindi pa dumadating ang order kaya ang tingin ko’y nasa kalsada at sa mga dumaraang sasakyan dito. Ilang segundo pa ang lumipas ay tinawag niya ako kaya naman nilingon ko siya.
“Baby, do you know?” tanong niya at agad naman akong sumagot. “Hindi, e. Ano ba ’yan?” patanong na sagot ko rin at yumuko pa siya bago sumagot.
“Na natakot ako nung malaman na lilipat kayo. Akala ko talaga no’n…hindi na kita makikita,” nakangusong aniya at bakas ang pagiging seryoso at sinsero niya sa sinasabi niya kaya nakunot ang noo ko.
“Bakit mo naman naisip na gano’n?” taas kilay na tanong ko naman. At kinuha niya pa muna ang kamay kong nasa lamesa at hinawakan iyon bago sumagot. “Ewan ko, basta biglang pumasok ’yon sa isip ko…matapos magsabi sa’kin ni Shin. At isa lang ang na-realize ko,” wika niya.
Mas nakunot naman ang noo ko sa pabitin niyang ’yon kaya agad akong nagtanong.
“Ano?” sambit ko pa.
“Na-realize ko na hindi ko kakayanin pag nawala ka. Yung ideya pa nga lang kahapon na aalis ka na… halos patayin na ako sa takot. Paano pa kaya kung wala ka na at naka-alis ka na talaga? Baka mabaliw ako at mag-iiiyak na lang,” saad niya na parang batang nagku-kweto at may pag-nguso pa matapos no’n. Pinigilan ko naman ang sarili na tumawa at saka ako pabiro na sumagot.
“Ba’t ka naman iiyak? Pwede mo naman ako hanapin, ah?” biro ko pa na may halong panunukso at malakas ang boses naman siyang sumagot. “Ba’t ka pa magpapahanap? E, pwede namang wag ka na lang umalis,” may bahid ng inis ang pagkasabi niya no’n sa malakas na tono kaya sinaway ko siya.
“Huy, mahiya ka nga. Ang aga-aga.. ang ingay mo,” aniya at nginusuan ako. Ilang segundo kaming gano’n ng magsalita siya ulit habang nilalaro ang kamay ko. “Basta baby ko, wag mo’ko iiwan, ah?” sinsero ang pagkakasambit niya no’n at may bahid ng pagsusumamo kaya naman nakunot ang noo ko. Grabe naman pala itong isang ’to. Baka mamaya, mawala lang ako ng ilang saglit. Magpakamatay na siya, char!
“Saan naman ako pupunta?” pilosopong tugon ko. Ngunit hindi na siya nakasagot dahil dumating na ang order namin.
Iniabot naman niya sa akin ang isa habang inilagay niya sa tapat niya ang isa. Habang pinag-aaralan ko ang laman ng basong iyon ay bigla siyang nagtanong kaya nag-angat tingin ako sa kaniya.
“Do you want some bread or cake? I’ll buy it for you,” aniya at agad naman akong tumanggi. “Ah…wag na. Okay na sa’kin ’tong kape,” tugon ko at itinuro pa ang kape. Lumabi naman muna siya bago tuluyang sumagot.
“Are you sure?” aniya at agad naman akong sumagot. “Yeah, bili ka na lang ng iyo kung gusto mo,” tugon ko at sumimsim naman muna siya sa kape niya bago sumagot.
“Nah, coffee is enough,” aniya at bigla kong naalala ang nasa bag ko kaya nagsalita ako..
“Ay siya nga pala! may ibibigay ako sa’yo. Ito na lang kainin mo,” saad ko at mabilis na ibinaba ang bag at bumaling doon.
“Where?,” narinig kong tanong niya ngunit hindi ko na iyon pinansin at kinuha na lang isang tupperware sa bag at iniabot ’yon sa kaniya.
“What’s this?” tanong niya pa ulit at nginitian ko naman muna siya bago sumagot. “Tignan mo. Bilang pasasalamat ko ’yan sa pagtulong niyo.”
Agad naman niya iyong binuksan at kunot ang noo na tinignan ang laman no’n.
“Is this munchkin?” tanong niya pa at tipid ang ngiting tumango ako. “Ba’t ganito?” takang aniya patungkol sa istura no’n kaya agad na naglaho ang ngiti sa labi ko at lumabi ako. “Hindi pa naman ako mahilig sa munchkins,” dagdag pa niya kaya agad akong nagsalita. Aba, mukhang hindi pa masaya sa gawa ko, ah. Tsk! Ginawa ko pa naman din yan bilang pasasalamat sa kanila.
“Akin na nga lang ’yan,” hindi naman niya iyon agad iniabot kaya iginalaw ko pa ang kamay ko at nagsalita ulit. “Ginawa ko pa naman din ’to kagabi para sa’yo, tas ayaw mo pala…akin na,” sambit ko ngunit hindi niya iyon ibinigay at mas inilayo sa akin ang tupperware..
“Gusto ko kaya. Akin na ’to baby. Kakainin ko ’to,” saad niya at sumimangot naman ako bago sumagot. “Sabi mo, ayaw mo?” may bahid ng inis na sambit ko at nakangiti naman siyang sumagot.
“No, nagbago na ang isip ko. Gusto ko na,” aniya pa at mabilis na kumuha ng isa at nakangiting kinain pa iyon. Kahit na medyo natuwa ako sa ginawa niyang iyon ay may kaonting inis pa rin sa loob ko, kaya hindi ako ngumiti at nanatiling seryoso na nakatingin sa kaniya.
Hindi ko naman na siya pinansin at sumimsim na lang sa kape. Matapos naman niyang lunukin iyon ay agad siyang nagsalita kaya nag-angat tingin ako sa kaniya matapos kong ilapag ang kape ko sa lamesa..
“Ang sarap! sakto lang sa tamis. Ang sarap mo pala gumawa ng ganito, baby. Gawan mo’ko ng ganito sa birthday ko,” nakangiting aniya at inirapan ko naman siya.
“Bakit mo pa ako pagagawin ng ganyan sa birthday mo? e, mayaman ka naman. Bumili ka na lang kaya? Papahirapan mo pa ako e,” reklamo ko at agad naman siyang ngumuso.
“Mas masarap kaya ’tong gawa mo baby, kaya sige na… please?” aniya pa umirap naman muna ako sa hangin at saka mabilis na tumango. “Sa birthday ko, ha?” parang batang wika niya pa at nakangiti kaya napaisip ako. Kelan nga ba ulit birthday niya? Di ko na maalala yung sinabi niya..
“Kailan nga ulit birthday mo?” tanong ko at agad na naging blanko ang eskpresyon niya kaya pumeke ako ng ngiti. “Are you serious?” blanko ang ekspresyong aniya at agad naman akong sumagot.
“Sabihin mo na lang kung kelan birthday mo,” tugon ko at sumama ang tingin niya sa akin. “Nakalimutan mo?” tanong niya pa at nagpeace sign lang naman ako at ngumiti bilang sagot.
“I can’t believe you, baby! It’s august 15,” reklamo niya at matapos no’n ay binigyan niya ako ng matatalim na tingin na tila ba ang laki ng kasalanan ko sa kaniya. Sorry naman, medyo ulyanin lang, hehe.
“Sorry na baby ko. Hindi ko lang talaga natandaan, pero ngayon… tatandaan ko na,” nakangiting sabi ko at ngumuso naman muna siya bago ngumiti at nagsalita. “As you should, baby. Say ahh,” aniya at iniamba sa akin ang hawak niyang munchkin. Taas kilay ko naman siyang tinignan at nakangiting isinenyas niya naman iyon. Ayan na naman siya sa kabaduyan niya.
Mirrem’s Pov.
Isinenyas ko naman ang munchkin na hawak ko habang nakangiti sa kaniya. Napaka-slow talaga nito.
Ngumanga naman siya kaya nakangiting inilagay ko ro’n ang isang munchkin na ginawa niya para sa’kin. Hindi ko man ito nasabi pero sobrang saya ko dahil ngayon pa lang ako nakatanggap ng ganito mula sa ibang tao na ginawa talaga para sa akin. Except for my mom, ofcourse.
Nagtama ang paningin namin matapos niyang sumimsim kaya ngumanga ako sa harap niya at ngumiti. Hindi niya naman nakuha ang ibig kong sabihin kaya tinapunan ko ng tingin ang tupperware na nasa lamesa at ibinalik din naman agad sa kaniya. At mukhang na-gets naman na niya dahil bigla niya akong inirapan at padabog na kinuha iyon at kumuha ng munchkin at iniamba sa akin..
“Baduy,” aniya matapos niyang mailagay iyon sa bibig ko at nakangiting nginuya ko naman iyon sa harap niya na may halong pang-aasar.
Aaminin kong natutuwa at kinikilig ako sa sitwasyon namin ngayon dahil maayos na kami at ganito pa kami ka-sweet. Ngunit, hindi ko rin maiwasang mag-isip ng hindi maganda at kabahan. Dahil kada ganito ang nangyayari, may kasunod na namang problema. Kagaya nung nakaraan, ang ayos-ayos namin, biglang may problema agad, tss.
Ayoko pa naman din na hindi kami okay dahil hindi ako makapagpa-lambing sa kaniya..
Mga ilang minutos pa yata akong nag-iisip at hindi ko namalayang natulala ako. Nabalik lang ako sa ulirat ng agawin niya ang pansin ko at magsalita.
“Ubusin mo na ’yang kape mo. Bumalik na tayo ro’n,” matapos niyang sabihin iyon ay inginuso niya pa ang labas at saka sumimsim ulit sa kape niya..
“Okay, baby ko,” tugon ko at sumimsim sa kape ko na medyo nangalahati na rin. Hindi naman na siya umimik pa at nagpatuloy na lang sa pag-inom ng kape niya..
Halos bente minutos din ang itinagal namin do’n bago kami tuluyang natapos. Nagtama ang paningin namin habang naka-upo kaya agad akong nagtanong.
“Tara na?” wika ko at binigyan naman niya ako ng tipid na ngiti bago sumagot. “Hindi tayo p’wede magsabay,” makahulugang aniya at ibinaling ang tingin sa labas ng coffee shop.
“Okay, baby ko. Sinong mauuna? Ako o ikaw?” tanong ko pa at agad naman siyang sumagot. “Ikaw na lang,” aniya kaya nakunot ang noo ko.
“Bakit ako?” tanong ko pa ulit at pairap naman niyang nilingon ako at saka siya sumagot. “Ikaw na, dahil baka kapag ako ang nauna. Hindi pa ako nakakapasok ng gate e…nakasunod ka na,” tugon niya at natawa naman ako dahil sa rason niya. Paano niya naisip ’yon. Is that how obvious am I? haha.
“Okay,” aniya ko na bakas ang pagpaparaya sa tono at ngumiti naman siya. “Hintayin na lang kita sa gate,” kunwaring seryosong dagdag ko pa at agad namang naglaho ang ngiti na ’yon at agad napalitan ng matatalim na tingin..
“Fine, mauuna ako. See you later, “ ani ko at tumayo na. Ngunit imbis na umalis na ay lumapit ako at tumayo sa tapat niya kaya nakunot ang noo niya habang nakatingala sa akin. “Hug muna, baby ko.”
Pagtapos kong sabihin ’yon ay tinulak niya pa ako sa tiyan ngunit masyado siyang mahina kaya hindi man lang ako halos nagalaw. “Umalis ka na,” inis na sabi niya ngunit hindi ako nagpadala..
“Hindi ako aalis hangga’t walang hug,” tunog pinal na sabi ko at napakamot naman siya sa ulo dahil sa pagka-irita at agad ko namang pinigil ang tawang nagkukumawala..
“Sige na, baby. Isa lang,” saad ko pa at agad naman siyang tumayo. Hindi ko na siya hinintay pang lumapit dahil hinatak ko agad siya palapit sa akin at ikinulong sa bisig ko.
“Isang matagal na yakap lang baby,” nakangiting bulong ko pa sa kaniya. At nangiti ako nang maramdaman ko ang katamtamang init ng bisig niyang yumakap din pabalik sa akin..
Ilang segundo lang ang lumipas ay agad siyang nagsalita at itinutulak na ako palayo. “Sir, tama na. Malulukot yung polo mo,” saad pa niya ngunit imbis na bitawan ay mas inilapit ko pa siya sa akin at saka ako nagsalita.
“I won’t let you go…unless you call me baby,” kunwaring seryosong sabi ko. at napangiti naman ako sa sinabi niya. “Sige na, baby. Male-late tayo pareho niyan e,” wika niya sa nakikiusap na tono kaya bumitiw na ako at tinignan siya sa mata bago nakangiting sumagot.
“Mauna na ako, ha? See you later, baby,” anas ko at humalik pa sa noo niya. Bahagyang nagulat pa ako dahil nakita kong nakapikit siya nung lumayo at hindi man lang siya pumalag. You like my forehead kisses, huh? Tss, tss, haha..
Mabilis akong tinalikuran siya at naglakad papunta sa pinto dahil paniguradong namumula na naman ang pisngi ko dahil sa kilig. Ako pa talaga ang kinikilig kay Max, tss.
Bago pa ako tuluyang lumabas ay kinawayan ko pa siya at tumango lang naman siya. Kagaya ng napag-usapan ay hindi na ako naghintay pa sa gate at dumiretso na sa Faculty.
Pagkarating ko roon ay inihanda ko naman agad ang mga gamit kong dadalhin sa first class ko. Nagdala rin ako ng laptop dahil powerpoint presentation na ang paraan ng pagtuturo ko sa kanila simula ngayon..
Maya-maya pa ay lumapit sa’kin si Miss Glory. Teacher nila Max sa Entrepreneurship…
“Good morning, sir. Here’s the pointers to review na hiningi mo sa akin,” nakangiting aniya at inabot ang isang piraso ng sticky notes. Agad ko namang inabot iyon at nakangiting nagpasalamat. “Thank you, Miss…and good morning too,”
Nakangiting tumango naman siya at nagsalita. “Welcome sir,” matapos no’n ay umalis na siya at naglakad na pabalik sa kaniyang mesa..
Nakangiting idinikit ko naman iyon sa table ko at nagpatuloy sa pag-aayos ng iba kong gamit. Sasabihan ko na lang siya mamaya sa re-reviewhin niya.
Matapos kong ayusin ang mga gamit ko ay inasikaso ko naman ang lesson plan ko. At isinulat na ang dapat kong isulat doon..
Mga ilang minutos pa ay magsisimula na ang klase at isa-isa na ring lumalabas ang mga tao rito sa faculty kaya lumabas na rin ako. Sakto habang papunta ako sa classroom ng first class ko ay tumunog na ang bell.
Pagkarating ko roon ay hindi na ako nagsayang pa ng oras at mabilis na nagsimula dahil kailangan ko pang ihabol ang isang lesson dahil kasama ito sa quarterly examination nila..
Discuss..
Discuss..
Hindi ko alam pero sobrang bagot na bagot ako matapos ang dalawang subject na iyon. Hindi ko rin alam pero pakiramdam ko sobrang bagal na naman ng oras at halos walong oras na ako sa dalawang klase na iyon, ngunit kung tutuusin ay tag-isang oras lang naman ang iginugol ko kada klase..
Kaya naman nakangiti akong i-dinismiss sila at mabilis na nagtungo sa Faculty upang ibalik ang mga gamit ko roon. At matapos no’n ay saka ako dumiretso sa canteen..
Pagkarating ko roon ay agad siyang hinanap ng mata ko at naglaho ang ngiti ko nang makita ko ang katabi niya habang kasama sila Shin. Si Xavier
Agad kong tinungo ang table nila at parang halos hindi ko na rinig at pansin ang ingay at dami ng tao rito sa canteen dahil nakatuon na sa kanila ang paningin ko. Ngumiti pa ako ng pagka-laki laki matapos bumati sa kanila..
Nakita ko ang panlalaki ng mata ni Shin at tinapunan pa ng tingin si Max na ngayon ay kaswal na nakatingin sa’kin at tila sinasabing ’di ko kasalanan ’yan, siya ang lumapit hindi ako, tss.
Shin’s Pov.
I can’t stop looking at the both of them when Sir suddenly appears out of nowhere. Ang haba talaga ng buhok nitong bestie ko. Mukhang pag-aagawan na naman siya ng dalawa.
It was really a bad timing dahil kulang na lang ay magyakapan si Max at Xavier nung dumating si Sir. At nilingon ko naman si Sir at alam kong kahit nakangiti siya ay nagseselos talaga siya sa nakikita niya. Kaya naman pinigil at umayos ako ng upo dahil ayoko namang may mahalata si Harry at Xavier kay Sir at Max. Mahirap na, ayoko silang ipahamak dahil isa ako sa mga sumusuporta sa kanila.
Nagpaalam naman si Sir na bibili muna kaya halos sabay-sabay kaming tumango sa kaniya. At bago pa siya umalis ay tinapunan niya muna ng tingin si Max at saka siya dumiretso sa linya para bumili..
Hindi ko naman na siya sinundan pa ng tingin at bumaling na lang ako kay Max at binigyan ito ng nanunuksong tingin. Agad naman niya akong pinandilatan at tatawa-tawa naman akong nag-iwas tingin at nilantakan na lang ang ibinigay niyang munchkins.
Umayos ako ng upo dahil medyo nangangalay ako kaya bigla ko na namang naramdaman ang sakit sa parte kong iyon dulot ng nangyari kahapon sa hapon. Halos napatigil ako at napatitig sa kung saan dahil sa sakit no’n. Hindi ako agad na gumalaw at nanatili muna sa ganoong posisyon. Ilang minutos ay napansin na yata ako ni Harry kaya nagtanong siya.
“What’s happening? Masakit pa rin ba?” tanong niya at tamad naman akong sumagot habang ang paningin ay nasa kung saan. “Yeah, don’t worry… kaya ko naman,” saad ko at pumikit pa saglit at yumuko sa lamesa. Agad naman siyang umakbay sa akin at bumulong.
“Sorry,” wika niya sa tenga ko ngunit hindi ko na iyon pinansin at umayos na lang ng upo. I hope it heals as soon as possible. Ang sakit pala talaga nito.
Maya-maya pa ay nakabalik na si Sir at tumabi siya sa kaliwang tabi ni Max. At nasa kanan naman si Xavier. Halos matawa ako dahil agad na gumuhit ang selos sa mukha ni Xavier ngunit agad kong pinigil iyon at nanatiling seryoso. Sinubuan ko na lang din ng munchkin si Harry upang hindi ako tuluyang matawa.
Nag-usap usap lang din naman kami habang kumakain ng light snacks hanggang sa magsalita si Sir patungkol sa munchkins.
“Btw, Max. Thank you nga pala sa munchkins na bigay mo kanina. Masarap siya…I really liked it,” nakangiting sambit nito at ramdam na ramdam ko ang pagyayabang sa sinabi niyang ’yon kaya hindi ko halos mapigilang ngumiti.
“Binigyan ka ng munchkins ni Max, sir?” takang tanong pa ni Xavier at si Max naman ngayon ay bahagyang nakayuko na at umarteng kunwaring umiinom sa lemon juice niya..
“Yeah, bilang pasasalamat raw,” kaswal na tugon ni Sir at saka sumubo ng pasta. Nakita ko naman ang pagtingin ni Xavier kay Max na tila nagtatanong ngunit hindi ko iyon pinansin at nagsalita.
“Ako rin, sir. Binigyan ako ng munchkins ni Max,” sabat ko at nag-angat tingin naman siya sa akin. Nagpunas naman muna siya ng bibig bago siya sumagot. “Really?” bakas ang pagka-mangha sa kaniya matapos sambitin iyon ng nakangiti. Ngumiti rin naman ako pabalik at saka nagsalita.
“Yes sir,” nakangiting tugon ko at agad naman siyang nagsalita. “Masarap no? Ang galing pala ni Max gumawa ng munchkins,” nakangiting tanong pa kunwari ni Sir at batid kong pinapa-inggit niya lang si Xavier kaya nakangiti rin akong sumagot at sinakyan siya.
“Yes sir, I also even think that max should make that as a business. It would be great for sure,” saad ko pa at tumango naman siya at ngumiti.
Matapos no’n ay nilingon ko ulit si Xavier at halos hindi na maipinta ang pagmumukha niya dahil sa pagka-badtrip at selos. Binalot sila ng katahimikan ni Max samantalang kami nila Sir at Harry ay patuloy sa pag-uusap patungkol sa kung saan..
Naunang umalis si Xavier bago pa man matapos ang recess kaya nagkaroon ng oras si Sir na kausapin si Max. Bumaling naman ako kay Harry at saka ko siya kinalabit.
“Yeah, babe? what’s the matter?” agad na tanong niya matapos ko siyang kalabitin at nakangiting sumagot naman ako. “Mauna ka na,” at agad na kumunot ang noo niya at salubong ang kilay na nagtanong.
“Why babe?” wika niya at nginitian ko naman muna siya ulit at pinisil sa pisngi bago sumagot. “Kakausapin ko muna si Max. Mauna ka na,” tugon ko at agad naman siyang tumango at hinawakan pa ang kamay kong nasa pisngi niya at kinuha iyon at hinalikan. “Bye babe,” aniya at mabilis na tumayo para umalis.
Bago pa siya tuluyang maglakad palayo ay kumaway pa muna siya kaya nakangiti akong tinanguan siya. Matapos no’n ay binalingan ko ang dalawa at tama lang ang lakas ng bulungan nila para marinig ko. Iilan na lang din ang estudyante dito sa canteen dahil malapit na matapos ang break time.
“Sana hindi mo na lang sinabi ’yon,” bulong na sabi ni Max at pabirong umirap pa kay Sir. “Bakit naman hindi? At saka ginawa ko ’yon para lumayo siya sa’yo. Aba’y kaonti na nga lang yata ay magyayakap na kayo rito e,” nakangusong tugon ni Sir na may bahid ng inis kaya napatakip ako sa bibig upang pigilin ang tawa. Aba’y seloso pala ito, haha.
“Seselos ka na naman. Hindi naman ako ang lumapit,” tugon ni Max at agad namang nag-iwas tingin si Sir at saka sumagot. “Hindi ako nagseselos,” aniya at mapang-asar na sagot naman ang natanggap niya kay Max.
“Talaga?” kunwaring naniniguradong tanong pa ni Max at pinal na sumagot naman si Sir. “Talaga.”
Natawa naman akong pinanood sila habang ginagawa iyon.
“Kahit sabay kaming maglunch?” mapang-asar pang tanong ni Max at agad na nilingon siya ni Sir at matalim na sumagot. “Anong sabay kayo?! Tayo ang magsasabay maglunch dahil may ibibigay ako sa’yo,” saad niya at pairap na nag-iwas tingin kay Max at tatawa-tawa naman siyang tinanong ni Max.
“Ano naman ’yang ibibigay mo?” wika pa ni Max.
“Mamaya mo malalaman,” tugon naman ni Sir.
Ilang saglit pa ay nagpaalam na si Sir at pinabalik na rin kami sa classroom kaya habang naglalakad pabalik do’n ay kinausap ko si Max..
“So, anong balak mo sa inyo? Ganito lang ba kayo forever?” tanong ko pa patungkol sa kung anong meron sila ni Sir. At natahimik naman siya ng ilang segundo bago sumagot.
“Hmm, ang plano ko? Wala akong plano na ipagsabi, yun lang,” tugon niya at nanlaki ang mata ko. “Ha, edi forever kayong magtatago?” kunot noong tanong ko pa at inirapan niya muna ako bago sumagot. “Gaga! S’yempre saka ko siya ipapaalam kapag p’wede na,” aniya at napatango naman ako. Nang may maisip akong itanong ay saka ako nagtanong ulit.
“Kelan mo siya balak sagutin?” at napatingala pa siya bago makasagot sa akin. “Ewan ko,” tugon niya.
“Mahal mo na siya no?” tanong ko pa at agad na nanlaki ang mata niya at nahampas pa ako sa braso. Ouch!
“Ouch! it hurts!” angil ko ngunit hindi niya ’yon pinansin at sinagot ang tanong ko. “Hindi pa, no! Kung mahal ko siya edi sana sinagot ko na siya,” tugon niya at inirapan ko naman siya. Edi hindi, ba’t kailangang mang-hampas?
Nagpatuloy naman kami sa pag-uusap hanggang sa makarating kami sa classroom…
CHAPTER 34
Max Pov.
Pagkapasok pa lang namin ni Shin ng classroom ay agad kong namataan ang matatalim na tingin sa akin ni Xavier. Nakuha ko agad ang ibig-sabihin no’n kaya nag-iwas tingin ako at nakayukong naglakad papunta sa upuan ko.
Hindi ko alam anong mararamdaman ko para sa kaniya sa nangyari kanina, pero kung sakaling nagseselos man siya dahil do’n ay isa lang ang nasa isip ko. Hindi ko responsibilidad na suyuin siya..
Pagka-upo ko ay kinuha ko na lang din at inihanda ang math notebook at pen ko.
Hindi rin naman nagtagal ay dumating na rin siya.
Nagtama pa ang paningin namin nung pumasok siya at nginitian niya ako. Matamis ang ngiting iginawad niya sa akin kaya parang awtomatikong napangiti ako pabalik kahit hindi ko sinasadya. Agad naman akong napa-iwas tingin ng mapagtanto ang nagawa ko. Ba’t ba ako nangiti? Tsk.
Mabilis siyang nagsimula kaya nakinig lang ako sa diskusyon niya dahil sinabi niyang kasama ito sa lalabas sa exam. Kahit parang nakakalito ang variables, numbers at ang process na ginagawa niya roon ay pilit kong iniintindi..
Kaya naman pareho kaming hilo at sabog ni Shin matapos ang math. “Ang hirap naman no’n. I really, really, really, hate math,” singhal niya at napabuntong hininga naman na lang ako at hindi siya pinansin..
At medyo naging chill naman ang sumunod na subject kaya parang medyo napahinga ang utak namin..
Discuss..
Mas maagang tumunog ang bell ngayong araw kumpara sa kahapon kaya tuwang tuwa ang lahat at mabilis nilang nilisan ang classroom. Habang inililigpit ko naman ang gamit ko ay naramdaman ko ang presensya ng isang tao sa bandang likod ko kaya nilingon ko ito. Si Xavier.
“Oh?” sambit ko.
Seryoso at matalim pa rin ang tingin niya sa akin kaya gano’n ang nasabi ko. Taas kilay naman akong tinignan siya ngunit nanatiling siyang gano’n, kaya parang naalibadbaran ako at pabalang ko siyang tinanong.
“Ano bang kelangan mo?” tanong ko at sinenyasan pa siya gamit ang mata.
“Sus! kahit alam mo naman, nagtatanong ka pa,” malamig at may bahid ng inis na sagot niya at nag-iwas tingin pa..
Nanatili naman ang paningin ko sa kaniya at sumagot..
“Diretsahin mo na lang ako,” paubos na ang pasensyang tugon ko.
“Nagseselos ako, Max. Bakit kailangang bigyan mo siya ng gano’n?” turan niya at agad naman na nakunot ang noo ko. At kahit pa wala siyang binanggit na pangalan ay alam ko na kung sinong tinutukoy niya. Naiintindihan kong nagseselos siya, pero hindi ko alam kung tamang sabihin ko ang naiisip ko.
“Ha? Narinig mo naman ’yong sinabi niya kanina diba? Bilang pasasalamat ko ’yon….pasasalamat dahil tinulungan nila kami,” madiin kong sagot at nagsalubong ang kilay niya at kunot ang noong nagsalita..
“Saan?” tanong niya at agad akong sumagot.
“Sa paglilipat ng bahay,” may bahid ng inis na tugon ko. Naihilamos niya pa ang kamay sa mukha at sumandal sa armrest ng isang upuan bago nagsalita ulit.
“Bakit hindi mo’ko sinabihan? May contact naman tayo sa isa’t-isa? Max, bakit? Bakit kailangang sila pa ang tumulong sa’yo? E, nandito naman ako?” wika niya at napasinghap ako ng hangin bago sumagot.
Pinigil ko ang inis na nagsisimulang dumaloy sa mga ugat-ugat ko bago ako nagsalita..
“Wala akong hiningan ng tulong para malaman mo, Xavier…. Oo, nasabihan ko si Shin na lilipat kami kahapon, pero..hindi ako nanghingi ng tulong. Nagulat nga lang din ako at biglang pumunta yan sila sa bahay. At bakit kamo hindi ako nagsabi? Kase hindi ko naman na dapat pang sabihin pa sa’yo,” tugon ko at nag-iwas tingin dahil sa inis. Ayoko talaga ng pinagpapaliwanag ako.
“Anong hindi dapat? Max, manliligaw mo’ko,” madiing sabi niya at agad ko namang siyang nilingon at nginisian ng peke.
“Ayon na nga, Xavier. Manliligaw lang kita… manliligaw lang. At hindi kita nobyo para sabihan sa lahat ng bagay na nangyayari sa buhay ko,” at biglang natulala siya ng saglit at ako nama’y huminga ng malalim. Masakit malaman na nakakasakit ako ng ibang tao pero mas ayaw ko namang umaasa sila sa mga bagay na malabo..
Nang magtama ang paningin namin ay nakangiti na siya ngunit bakas doon ang lungkot at galit niya sa akin..
“Ayos…wala pa rin pala akong puwang sayo.” saad niya at yumuko pa saglit at saka nagtaas tingin ulit. At bakas na bakas na ang lungkot do’n at ilang kabig na lang ay mukhang tutulo na ang nagbabadyang luha sa mata niya. “Max…ano bang wala sa’kin? Ano bang hinahanap mo na hindi mo makita sa kagaya ko?” aniya pa at kumibot-kibot pa ang labi..
Nakaramdam naman agad ako ng iilang tusok sa dibdib ko sa mga tanong niyang iyon. Masakit para sa akin ang katotohanang nasasaktan siya dahil sa’kin. Pero anong magagawa ko?
“Xavier…” tanging nasabi ko dahil wala rin akong mahitang sagot sa mga tanong niya na hindi siya masasaktan.
“Max, sagutin mo’ko, ano bang wala sa akin?” napapaos na aniya at bakas na bakas doon ang hinanakit at lungkot. Agad kong naramdaman ang pagbabadya ng luha ko at bukol sa lalamunan ko ngunit pinilit kong sumagot.
“Xavier, w-wala namang kulang sa’yo,” tugon ko at kasabay no’n ang pagpatak ng luha mula sa mata ko dahil sa hitsura niya ngayon.
“S-sadyang kaibigan lang talaga ang pagtingin ko sa’yo,” nanginig ang boses ko at napasinghap pa ako ng hangin matapos no’n. Napatingala ako para pigilin ang emosyon na nararamdaman ko. Bakit ba nasasaktan ako pag nakakasakit ako ng iba?
“Tanginang ’yan! kaibigan lang. Puta… bakit hanggang do’n lang? Ginawa ko naman halos lahat…pero bakit hanggang kaibigan lang?” Galit na aniya at halos hindi makapaniwala.
Huminga pa ako ng malalim bago nagsalita. “Kase may iba akong gusto,” kaswal na tugon ko at nanatiling nakatingin sa kaniya.
At unti-unti siyang lumingon na may pekeng ngiti. Mas masakit ang idinulot dahil kitang kita ko sa mata niya ang galit na may kasamang lungkot. “Kaya pala…haha. Sige…mauna na ako sa’yo,” wika niya at mabilis na tumalikod at umalis.
Napasinghap ako ng hangin at tila nanghina ako matapos no’n. Sorry Xavier…
Agad ko namang pinawi ang luha kong nagbabadya at inayos muna ang sarili bago ko pinuntahan si Sir. Mirrem. Hindi ko alam na magiging ganito kakumplikado ang huling taon ko sa high school…
Pagkarating ko sa stress free zone ay agad ko nang namataan ang nakangiting si Sir. Mirrem habang nakatingin sa akin.
Naglalakad pa lang ako palapit ay halos kitang kita ko na ang kambal na dimples sa magkabilang pisngi niya. At dahil do’n tila parang gumaan ang mabigat kong pakiramdam kahit papa’no. Salamat sir.
Nang makalapit ako ay agad siyang tumayo mula sa kinauupuan niya at agad na naglaho ang kaninang ngiti sa mukha niya at napalitan ng pag-aalala.
Nakunot pa ang noo niya habang sinusuri ang buong mukha ko kaya nag-iwas tingin ako. Ngunit, bago ko pa iyon magawa ay agad niyang hinuli ang baba ko at iniangat ang mukha ko upang tignan..
“Baby, is there something wrong? tell me,” bakas ang pag-aalala sa boses niya ngunit walang salita ang lumabas sa bibig ko at tanging iling lang ang nagawa ko bilang tugon.
“Baby, please tell me. Baka mamaya, pa tahi-tahimik ka lang tas biglang may problema na naman tayo. Kung may nagawa man ako…just tell me,” saad pa niya at ngumiti naman ako ng tipid at saka sumagot. “Wala naman,” pagkasabi ko no’n ay mabilis niya akong niyakap at itinapat niya ang ulo ko sa dibdib niya at niyuko ako upang tignan.
“Eh, bakit malungkot ang baby ko?” nakanguso pa kunwaring aniya at tinaasan ako ng kilay. Nag-iwas tingin naman ako at saka sumagot.
“Kase may nasaktan ako,” tugon ko at agad naman siyang nagsalita. “Who?” kunot noong usisa niya at nanatili sa kung saan ang paningin ko at saka sumagot.
“Si Xavier,” tugon ko at natahimik siya bigla kaya nilingon ko siya at saka pa lang niya ako tinanong. “Bakit?” mahinang wika niya. At agad naman akong sumagot ulit. “Binusted ko na kasi siya,” at mabilis siyang nagreact at nagsalita.
“What? Is it really true?” gulat na wika niya at tumango naman ako bago nag-iwas tingin ulit. Bahagyang idiniin niya pa muna ang ulo ko sa dibdib niya habang nakatingin ako sa kung saan bago siya nagsalita ulit..
“It’s okay….natural lang talaga na maka-sakit tayo ng iba, baby. We’re not perfect, e.” saad niya at nakinig lang naman ako. “Akala ko…magiging masaya ako kapag binusted mo na siya, pero…parang nasaktan ako ngayon… kase nakita kitang nasasaktan,” dagdag niya pa at nilingon ko siya. Nakatingin siya sa kung saan at nung yukuin niya ako ay may ngiti sa labi niya. Awtomatiko akong napangiti ng tipid ng makita ko ang kambal na dimples sa pisngi niya..
Habang nakatingin sa kaniya ay bigla kong naalala ang ipinunta ko rito kaya bumitaw ako at umalis sa pagkakayakap niya sa akin at nagsalita..
“Siya nga pala? Nasaan na ’yong sinabi mong ibibigay mo sa’kin?” tanong ko pa na inilahad pa ang palad ko sa harap niya. Agad naman siyang ngumiti at sumagot.
“Ahh, iyon? Pointers to review ’yon. Sa messenger ko na lang ise-send,” aniya habang kumakamot pa sa sintido kaya naman umirap pa ako sa hangin bago sumagot at ibinaba ang kamay na nasa ere.
“Ayon lang naman pala. E, bakit pinapunta mo pa ako rito? Sige na… uuwi na ako,” paalam ko. At akmang tatalikod na sana ako ngunit agad niya akong naharang at nagsalita siya.
“Hep-hep! hindi p’wede. Kain muna tayo ng sabay bago ka umuwi,” nakangiting aniya habang hinaharangan ang daan na para bang nakikipaglaro siya ng patintero.
Umirap pa ako sa hangin bago sumagot..
“Sinadya mo ’to no?” masungit na tanong ko at nakangiti naman siyang sumagot. “Hmm, hindi. Planado lang,” aniya at marahan akong hinawakan sa pulsuhan at hinatak sa bench na kinauupuan niya kanina..
Naupo siya at hinatak niya rin ako paupo. Inirapan ko pa siya munit hindi naman niya pinansin ’yon at agad na inilabas ang pagkain sa bag niya..
“Baby kain na tayo,” aniya pa matapos niyang ilabas iyon at buksan ang mga tupperware. Hindi ko naman iyon pinansin at pinag-aralan muna ang laman ng tupperware..
Apat na tupperware iyon at sa unang tupperware ay meat na may malapot na sauce at sesame seeds, sa ikalawa naman na binuksan niya ay purong lettuce lamang at sa ikatlo ay iilang slice ng pipino at tangerine, at sa ika-apat naman ay ang rice..
Matapos kong tapunan ng tingin ang mga iyon ay dinampot ko ang kutsara at saka ako kumuha ng meat at saka ng rice at isinubo iyon sa kaniya. Singkit ang matang nginuya niya iyon dahil sa pagkakangiti.
Hindi ko alam pero kahit pa hindi niya sabihin sa akin ay parang alam ko nang ito ang gusto niyang gawin ko kaya ginagawa ko na..
Hindi naman na siya masyadong nagsalita pa at nagpatuloy din naman ako sa pagpapakain sa kaniya. Sinusubuan niya rin naman ako ngunit panay ang iwas ko kaya ang ending ay siya rin ang kumakain ng pagkain..
Nang matapos kami ay agad akong tumayo at nagpaalam..
“Uuwi na ako ah,” paalam ko habang nakatingin siya at tipid naman siyang ngumiti at saka sumagot. “ Sure, baby. Ingat ka, ha..“ aniya at ngumiti pa matapos no’n. Tumango naman ako at tumalikod na para umalis, ngunit nakatatlong hakbang pa lang ako ay tinawag niya ako kaya nilingon ko siya..
“Baby…” paglingon ko ay nagsalita siya ulit. “Don’t forget my birthday okay?” dagdag pa niya at biglang napaisip ako dahil sa mga tanong sa utak ko kaya naman humakbang ulit ako pabalik sa kinatatayuan niya..
Hinila ko pa siya paupo sa bench bago ako magsalita. “Oo nga pala…tungkol diyan, ano bang ganap sa birthday mo? Bongga ba?” wika ko pa at napaisip din naman siya habang nakanguso.
“It’s my mom who arranged everything so I don’t really know,” tugon niya na nagkibit balikat pa at saka ako mataman na tinignan habang nakangiti.
“Baka naman may dress code sa birthday mo, ah?” taas kilay na tanong ko at nakanguso naman siyang sumagot.
“Nah, I don’t think there is. Pero if ever na meron man, hindi ’yon magiging problema…kase…kahit pa anong isuot mo, pambahay man o pang-alis, welcome ka,” saad niya habang nakatitig sa akin at nag-iwas tingin naman ako.
Kakaiba ang dulot ng sinabi niyang iyon kaya parang wala akong makapa na sasabihin.
“P-pero kahit na! Mas gusto ko pa rin na makibagay… magmukhang belong, ganun!” nakasimangot na sabi ko sa malakas na boses. At sumagot naman siya at saka ginaya ang posisyon ko na nakatingin sa kung saan.
“Fine. Basta pumunta ka dala ’yong regalo mo sa’kin,” may bahid ng pagpaparaya sa sinabi niyang iyon kaya nilingon ko siya at sinamaan ng tingin. at lumingon din naman siya na may inosenteng tingin..
“Anong regalo?” takang tanong ko.
“Nakalimutan mo agad? Yung munchkins ko,” tugon niya at tatango-tango naman akong nagsalita..
“Ahh, sige… ’yon lang pala e,” wika ko at ngumiti naman siya bago sumagot.
“Asahan ko ’yan, ah? Pag ikaw hindi pumunta at wala ang regalo ko. Magtatampo talaga ako,” nagbabantang tugon niya at nakanguso naman akong sumagot. Edi magtampo ka, sino ka ba?
“Luh? Edi magtampo ka. Bahala ka sa buhay mo,” saad ko at pinagkrus pa ang kamay ko sa braso ko saka nag-iwas tingin..
“Edi may balak ka talagang hindi pumunta?” tanong niya at nung nilingon ko siya ay salubong ang kilay niya. Natatawa naman akong sumagot. “Malay mo bigla akong tamarin pumunta, edi…hindi ako pupunta,” saad ko at masama at naniningkit siyang nagsalita.
“Sige…subukan mo lang. Humanda ka talaga sa’kin. Magtatampo talaga ako sa’yo,” parang batang wika niya. Ang cute talaga mapikon, tsk.
“Tandaan mo nasa akin ang alas,” makahulugang dagdag pa niya at natatawang sumagot naman ako. “Hindi na ako natatakot diyan. Isang lambing ko lang nga sa’yo tumitiklop ka na e,” pabirong sagot ko at namamanghang sumagot siya at suminghal siya.
“Talaga lang ha… Baka biglang magmaka-awa ka sa’kin, ha? Tatandaan ko ’yang sinabi mo, akala mo ha…patunayan natin kung totoo ba talaga ’yan,” makahulugang wika niya na may halong pagbabanta at nakangiting sumagot naman ako. “Sige,” tugon ko at saka tumayo at nagpaalam. “Mauuna na rin ako,” saad ko at kumaway pa sa kaniya.
Ngunit bago pa ako maka-alis ay tumayo rin siya at nagsalita.
“Baby…” aniya sa malambing na paraan. Hindi pa ako nakakasagot ay nagsalita na ulit siya. “Pumunta ka ha? Aasahan ko ang pagdating mo,” malumanay at seryosong dagdag niya pa kaya pabiro akong sumagot.
“Oh, nasa’n na ang angas mo? Kanina nagbabanta ka pa tapos ngayon…biglang umamo ka,” natatawang sabi ko at ngumuso naman siya at hinawakan ang kamay ko at inilapit ako sa kaniya para yakapin.
“S’yempre biro lang ’yon, baby. Pero totoo…magtatampo talaga ako pag di ka pumunta,” tugon niya at ilang segundo lang din ay umalis siya sa pagkakayakap sa akin at hinarap ako..
“Oo na…sige na, uuwi na ako para makapagpahinga. Ikaw…pumasok ka na,” saad ko at ngumiti naman siya at tumango bago sumagot. “Yes baby… ingat,” saad niya at nakangiting kinawayan ko pa muna siya bago ako tuluyang umalis para umuwi sa bahay..
Few days later.
Halos naubos yata ang braincells ko dahil sa first quarter exam namin. Tapos na ang klase at gusto ko nang magpahinga dahil sa pagod sa pag-iisip ng isasagot kanina sa exam. Mabuti na nga lang din ay nabigyan ako in advance ni Sir ng pointers to review dahil kung hindi ay baka nganga ako sa exam kanina..
Ngunit kahit pa pagod at gusto ko nang umuwi ay hindi pa pwede dahil sa malapit na ang kaarawan ni Sir. Lunes ngayon at sa huwebes na ang birthday niya. Kailangan ko na makabili ng regalo, ayoko namang pumunta sa birthday niya ng walang regalo no!
Agad kong nilapitan si Shin at inaya siya.
“Tara mag-mall tayo ngayon,” saad ko habang inililigpit ang gamit niya. Nag-angat tingin naman siya at kunot noong nagsalita at nagtanong.
“Why?” ika niya at tamad naman akong sumagot. “Birthday ni Sir sa huwebes. Bibili na ako ng regalo,” aniya at nanlaki ang mata niya na tila may biglang naalala.
“Ay! oh yes! I need to buy some too. Invited nga pala kami ni Mom sa birthday niya and I almost forgot, gosh!” aniya sa pinaka-oa na paraan. At nakunot naman ang noo ko.
“Invited ang mom mo?” tanong ko at ngiting-ngiting sumagot siya at bakas pa ang pagkamangha sa boses ng pananalita niya..
“Yes…Actually, nagulat ako sa nalaman ko…Guess what? Ang mom ni Sir. Mirrem is a businesswoman pala at talagang nagkukumahog sa yaman ang family nila,” aniya na sumesenyas pa ang kamay sa hangin ng kung ano. May kung ano naman sa’kin ang nangilabot sa pagkamangha at kahit papaano ay may kaba rin..
Sa sinabi pa lang ni Shin na invited ang mom niya, panigurado…sobrang bongga at yayaman ng mga tao ro’n. Parang ayaw ko na lang tuloy pumunta, kinakabahan na ako…
Nawala lang ako sa pag-iisip ng magsalita siya ulit at nagsimula na kaming maglakad palabas..
“At alam mo ba… may isa pa akong nalaman,” aniya sa malumanay na boses at takang sumagot naman ako.
“At ano naman iyan?” taas kilay na tanong ko at agad naman siyang sumagot.
“Hiwalay na pala ang parents ni Sir. At ang mom niya ang nagset-up ng birthday niyang ito dahil gusto niyang makabawi sa naging pagkukulang niya bilang ina kay Sir nung bata pa ito.” at nung marinig ko ang malungkot na sagot na iyon ni Shin ay may kung anong parte sa akin ang biglang naawa kay Sir. At may mga lumitaw na malungkot na senaryo sa utak ko at naroon siya..
Kaya pala may pagka-abnoy at masyadong clingy. Mukhang kinulang sa aruga ng magulang.
Gustuhin ko man tuloy na hindi pumunta parang hindi ko na lang itutuloy. Masakit na kasi agad sa dibdib kapag naiisip kong malungkot siya…
Ay basta! pupunta na lang ako tutal hindi naman ang bisita niya ang ipupunta ko roon kung hindi siya. At saka bilang pang-bawi na lang din ’yon sa mga nagawa niyang kabutihan sa akin..
Nabalik lang ako sa ulirat ng marahan akong tapikin ni Shin habang naglalakad kami..
“Uy, natahimik ka?” aniya at napailing pa ako bago sumagot. “Wala, wala… nag-iisip lang ako ng ireregalo kay sir,” tugon ko.
“Regalo? for me ha… parang kahit ano naman iregalo mo okay lang sa kaniya e. I’ll give him a watch nga e, why not t-shirt na lang iregalo mo? for sure, kahit sobrang simple no’n, magugustuhan niya ’yon…kase galing sa’yo,” suhestiyon niya at ngumiti pa matapos no’n. Tinignan ko naman siya at tipid din akong ngumiti bago sumagot.
“P’wede naman…pero kasi…gusto ko na yung regalo ko is something na hindi niya madalas natatanggap sa ibang tao…ganon,” tugon ko at napaisip din naman siya kagaya ko. Ano kayang pwede? Bakit parang mas mahirap pa ito kaysa sa math exam kanina, tsk..
“Ano naman kaya? E, for sure halos lahat na ng gamit na pwedeng iregalo for birthdays e natanggap na niya…except for girl stuff,” aniya at biglang may pumasok sa isip ko.
Tutal binigyan niya ako ng bracelet? Why not kwintas ang ibigay ko? Couple necklace kaya? Pero hindi naman kami couple…
“Parang alam ko na kung anong bibilhin ko,” nakangiting saad ko at nakatingin ng diretso sa dinaraanan. Nakita ko sa gilid ng paningin kong nilingon niya ako..
“what is it?” medyo excited na wika niya at nakangiting nilingon ko siya at saka ako sumagot. “Tara na para malaman mo,” aniya at hinila ko pa siya sa kamay at patakbo kaming lumabas ng campus..
Simple lang ang regalong maibibigay ko pero sana magustuhan mo…
CHAPTER 35
Max Pov.
Kanina pa kami paikot-ikot rito sa mall ngunit hindi pa rin ako makahanap ng magandang kwintas na pwedeng i-regalo kay sir. Sumubok na rin akong tumingin ng iba’t-ibang gamit gaya ng sumbrero, kamiseta at iba pa ngunit wala talaga akong mapusuan..
Nakabili na kanina pa ng regalo si Shin kaya panay ang reklamo niya dahil kanina pa kami paikot-ikot..
“I’m so tired na, wala ka pa rin bang napupusuang bilhin? Just buy him a tshirt…for sure he’ll like it,” wika niya at nilingon ko naman siya.
“Wala talaga akong matipuhan, e. At saka ayoko ng common na regalo, e. Minsan lang naman ako mag-effort…kaya hayaan mo na,” tugon ko at nagpatuloy pa kami sa paglalakad at agad naman siyang nagtanong..
“Siguro may gusto ka na sa kaniya no? Kaya todo todo ang effort mo,” may bahid ng pagdududa at paghihinala sa boses niya at pairap ko naman siyang nilingon at tinanong pabalik..
“Pag ba nag-effort may gusto na agad?” patanong na sambit ko at agaran naman siyang sumagot.
“Oo!” tugon niya at nagtanong pa ako ulit kunwari..
“Eh? Hindi ba pwedeng ayoko lang na magtampo siya?” wika ko at hindi naman siya nakasagot. “Ginagawa ko lang naman ’to kasi ’yon ang sabi niya… na magtatampo siya pag ’di ako pumunta at wala siyang regalong natanggap mula sa akin,” saad ko at may peke ng ngiti sa labi naman siyang tumugon..
“Ay ganon?” aniya at tumango ako. “Kaya naman pala. Oh siya, mag-ikot pa tayo,” saad niya ngunit umiling ako at saka nagsalita..
“H’wag na…umuwi na tayo,” saad ko at tipid na ngumiti matapos at kunot noong sumagot naman siya.
“Eh bakit? Wala ka pa ngang regalo e,” wika niya at nginitian ko muna siya ulit bago sumagot.
“Naikot na natin ang buong mall. Siguro…magtatanong na lang ako kay Tita kung saan pwede makabili ng customized necklace dahil ’yon ang balak kong i-regalo sa kaniya,” tugon ko at agad na gumuhit ang saya, kilig at pagkamangha sa mukha niya.
“Wow! necklace pala ang gusto mo i-regalo sa kaniya… Ang sweet!” aniya at inilagay pa sa pisngi ang palad niya at nakunot naman ng bahagya ang noo ko sa ginawa niya. Ano naman kayang nakakakilig do’n? Baliw din, e.
“Ano namang sweet do’n?” kunot noong tanong ko. Magreregalo lang sa birthday…sweet na agad? Hindi ba pwedeng mabait lang?
“You’re so stupid. The fact na nag-iikot tayo ngayon at nag-eeffort ka para sa regalo mo sa kaniya, sweet na ’yon,” mataray niyang sagot at inirapan ko lang naman siya. Andaming alam ng koreanang ’to. Sarap bulatlatin ng singkit niyang mata.
Hindi naman na kami masyadong nag-usap pa at naglakad na palabas ng mall gaya ng napag-usapan..
Pagkalabas namin ng mall ay luminga-linga ako sa paligid. Ang init ngayon, jusko.
Hanggang sa tumama ang paningin ko sa isang bangketa na nasa parking lot malapit. Hindi ko alam ngunit may kung ano sa akin ang gustong pumunta roon at tignan ang mga paninda niya..
Nilingon ko si Shin at nakatingin din siya sa paligid..
“Shin…saglit lang ah. May titignan lang ako,” at mabilis na kumunot ang noo niya.
“Where are you going?” maarteng tanong niya at agad naman akong sumagot habang nakatingin sa kaniya..
“Do’n lang. Titignan ko lang kung may mabibili ako ro’n na kwintas,” saad ko at inialis ang tingin sa kaniya at lumingon sa bangketa..
“What?! For real?” maarte at salubong ang kilay na sambit niya.
“Bakit?” takang tanong ko patungkol sa iniasta niya.
“Talagang cheap na regalo ang bibilhin mo kay Sir?” aniya na halos lumuwa ang mata sa pagkakadilat at agad naman akong sumagot. “Eh, ano naman? Hindi naman ikaw ang reregaluhan ko,” wika ko.
At tatalikod na sana ako ngunit agad siyang nagsalita kaya nilingon ko ulit siya..
“Max, have some class naman. Marami namang bagay na pwede mong i-regalo kay Sir,” saad niya ngunit hindi ko na lang iyon pinansin at saka iniba ang usapan..
“Ay basta… ako nang bahala sa regalo ko sa kaniya tutal siya naman ang tatanggap at hindi kayo. Sige na… mauna ka na at baka matagalan pa ako, bye!” saad ko at mabilis siyang tinalikuran at dumiretso na sa bangketang iyon.
Mas marunong pa kesa sa’kin. E, kung bibilhin ko naman yung kagaya ng regalo niya, tiyak na butas ang bulsa ko pagtapos…
Hindi ko naman na masyadong inisip pa iyon dahil sigurado naman akong okay lang ang lahat. Kahit naman noon kapag nagkakausap kami ng gano’n, kinabukasan lang din ay ayos na kami…
Nang marating ko ang bangketang iyon ay nakita kong sari-sari ang paninda rito. Halata mo talaga agad na mga peke at mababang kalidad lang ito ng mga produkto ngunit hindi ko na iyon pinansin pa.
Marami akong bagay na nakita gaya ng suklay, hikaw, ipit, clips at kung ano-ano pa hanggang sa… tumama ang paningin ko sa mga kwintas na nakasabit…
Stainless Steel lamang ito na mga kwintas at ang pendant ay mga initials. Maganda ang pendant dahil may mga fake diamonds ito na siyang nagpakinang dito at naka-akit sa paningin ko…
Agad ko itong hinawakan at hinanap ang letter M. Maswerteng nahanap ko naman ito at hindi lang isa kundi dalawa. Nangiti naman ako dahil do’n at saka ko nilingon si
Manang na naka-upo habang nakatingin lang din sa akin na namimili.
“La, magkano po rito?” tanong ko habang hawak iyon.
“Mura lang iyan iho. 100 lang,” tugon niya at talagang nagulat ako dahil mura nga.
“Kukunin ko na po itong dalawang M,” wika ko at tumayo naman siya mula sa kinauupuan niya upang kunin ’yon.
Akala ko pa nga’y ibibigay niya agad iyon sa akin ngunit may lalagyan pala iyon at inilagay niya muna ito roon bago iabot sa akin..
Pagka-abot niya ay kasabay ko ring iniabot ang bayad..
Ngumiti naman ako habang hawak ko iyon at saka ako naglakad at pumara ng sasakyan para umuwi. Minsan lang ako mag-effort ng ganito kaya sana magustuhan mo ’tong mumunting regalo ko…
Lumipas na ang ilang araw at kaarawan na ngayon ni Sir. Mirrem. Binati na rin namin siya kanina sa klase niya at nakapag-usap na rin kami tungkol do’n. Tinanong ko siya nung recess ngunit wala siyang halos maisagot sa akin. Sa tingin ko ay talagang surprise nga ito para sa kaniya dahil kahit si Shin ay sinabihan akong wag magkwento ng kahit ano sa kaniya..
At ngayon ay pauwi na ako upang plantsahin at ihanda ang susuotin ko mamayang gabi..
Nabanggit kasi sa akin ni Shin na ang venue kung saan gaganapin ang birthday ni Sir ay sa isang sikat na hotel dito sa Makati. Kaya naman agad akong nagkaroon ng ideya na talagang bongga ang magiging ganap sa kaarawan niya. Hindi ko tuloy maisip kung ano magiging reaksyon niya kung sakaling malaman niyang gano’n ang surpresa para sa kaniya, tsk haha.
Umiling na lang ako habang nakangiti upang iwakli ang naiisip at saka sumakat para umuwi..
Nang maka-uwi ako ay kumain muna ako at saka nagmuni-muni. Hanggang sa maisip ko ang isang bagay…
’ Wala nga pala akong invitation!’
Siguradong magarbo at pribado ang birthday niyang iyon dahil sa isang sikat at mamahaling hotel ito gaganapin. At wala akong invitation, jusme, paano kaya ako makakapasok nito kung sakali?
At talagang napa-isip ako at kinabahan ng dahil do’n kaya naman agad kong kinuha ang phone ko at tinawagan si Shin.
Lumipas ang ilang minutos at paulit-ulit ko siyang tinawagan ngunit panay lang ang ring nito at walang sumasagot. Siguro, busy na ’to sa paghahanap ng susuotin niya…
Habang nasa ganoong posisyon ay bigla kong naisip ang susuotin ko para mamaya. Nakakahiya, ni hindi man lang branded yung susuotin ko.
Napanguso naman ako at bumagsak ang balikat ko. Parang ayaw ko na lang tuloy pumunta…
Ngunit kada maiisip kong hindi na lang tumuloy ay agad na lumilitaw ang mukha ni Sir sa isip ko na nakanguso at may malungkot na ekspresyon. Hays, parang mas nakakaloka pa yata ito kesa sa naging exam namin…
Aish! bahala na nga. ayoko muna mag-isip dahil nakakapagod.
Bumalik naman na ako sa kinauupuan ko at ipinagpatuloy ang pagkain..
Matapos no’n ay agad na dumiretso ako sa kwarto ko at sinimulan ng plantsahin ang susuotin ko…
Habang ginagawa iyon ay iniisip ko na rin kung paano akong makakapasok kung sakaling kelanganin ng invitation card. Siguro tatawagan ko na lang si Sir o si Shin pag nando’n na ako…
Matapos kong plantsahin iyon ay humiga ako sa kama at nagmuni-muni pa ulit sa mga pwedeng mangyari sa birthday niya. At bigla kong naisip ang mama niya.
Ano kayang itsura ng nanay niya? Siguro sobrang ganda no’n sa personal tapos t
talagang mayaman kung titignan. Yung tipong mala-porselana ang balat at umaalingasaw sa bango.
Hindi ko maiwasang maisip na baka magka-mukha sila at do’n niya nakuha ang pagiging gwapo niya. Siguro… mabait din yung nanay niya, kase kahit pa malakas s’yang mang-asar e…sobrang bait naman niya sa’kin…
Napangiti pa ako ng maalala lahat ng naging tulong at kabaitan niya sa’kin. Hindi ko tuloy lubos maisip paanong nauwi kami sa ganito, tsk haha.
Nagpatuloy lang naman ako sa pag-iisip ng kung ano-ano hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na pala ako…
Nang magising ako ay hindi pa ako agad dumilat at nanatili muna sa ganoong posisyon. Ngunit bigla kong naalala si Sir. Mirrem kaya naman napabalikwas ako mula sa pagkakahiga ko at agad akong bumangon. Oo nga pala, yung birthday niya. Muntik ko pa makalimutan.
Tinignan ko pa ang orasan sa bagong wall clock kong narito sa kwarto namin ni Mama ngayon. Alas-kwatro na pala, iilang oras na lang…
Alas sais ang start ng party ayon kay Shin kaya naman agad na akong kumilos. Kinuha ko ang twalya ko at dumiretso na sa cr para maligo…
Hindi rin naman ako gaanong nagtagal at mabilis akong natapos sa pagligo. Matapos no’n ay isinuot ko muna ang puting sando at saka ako nag-ayos ng sarili…
Nag-make up ako ng slight para naman magmukha akong tao at hindi ako magmukhang dukha sa harap nila. Panigurado ang mga tao ro’n ay mga elitista at may ibubuga sa buhay, dapat magmukhang belong tayo, mahirap na at baka maging center of attraction.
Halos kinse minutos din ang itinagal ko sa pag-aayos ko ng sarili. Matapos no’n ay saka ko isinuot ang damit na susuotin ko para sa party. Simple lang ang damit kong iyon, longsleeve sa loob na pinatungan ng itim na tuxedo at naka-itim na fitted slucks.
Nakangiti pa akong tinignan ang sarili ko sa salamin at saka ko dinampot ang mumunting regalo ko para kay Sir at ang wallet ko. Dinampot ko rin ang phone ko at tinignan ito at halos masabunutan ko ang sarili ko dahil nakalimutan ko itong i-charge. Patay na, lowbat pa nga. Napaka-disaster naman yata talaga ng araw na ito, jusko. Bahala na nga!
Hindi na ako masyadong nag-isip pa at inis na nagtungo sa kusina upang kunin sa ref ang munchkins na ginawa ko na kagabi pa. Gusto ko sana tumikim pero regalo ko nga rin pala ito, tsk.
Pagka-kuha ko no’n ay inilagay ko iyon sa isang paperbag at saka ako gumayak papunta sa Dusit Thani Hotel.
Medyo malayo ito sa Forbes kung saan nakatira si Sir. Mirrem kaya naman 2 rides ng bus ang ginawa ko. Sana pala pumayag na lang akong sumabay kay Sir. Mirrem sa pagpunta roon, edi sana less hassle ang pagpunta ko ro’n. Pero dahil maarte ako…sige, magdusa ako.
Buti na lang ay aircon ang bus na nasakyan ko kaya presko pa rin akong nakarating kahit pa medyo malayo ito. Halos malula pa ako nang makita ang matayog nitong building. Jusko, obvious na obvious na pang-mayaman ito.
Halos pasukan na ng langaw ang bibig ko dahil sa pagka-mangha ko sa ganda ng gusali ng hotel na ito. Ngunit agad kong naisip na hindi nga pala iyon ang ipinunta ko rito kaya agad akong pumasok at dumiretso sa receptionist upang magtanong.
“Good Evening, Sir. How may I help you?” bungad nito nang lumapit ako at ngumiti naman ako bago sumagot.
“Good eve din po. Sa’n po ba rito yung venue nung birthday?” tanong ko at nakunot ng bahagya ang noo niya kahit pa nakangiti at agad na may pinindot sa computer na nasa harap niya..
“Sir, may I ask kung kaninong birthday?” tanong pa nito matapos pumindot sa computer at agad naman akong sumagot.
“Mirrem Cedric Dalton,” tugon ko at saka niya ako nilingon at ngumiti. “Sir, just follow that red carpet,” aniya at tumuro sa sahig kaya nilingon ko rin ito at nakita ko ang tinutukoy niya kaya nilingon ko siya ulit.
“And sa dulo, may makikita kayong malaking pinto at may mga guard, doon na po,” dagdag niya pa. Kaya naman ngumiti ako at saka nagsalita. “Thank you,” pasalamat ko at bago ako tumalikod ay sumagot pa siya.
“Welcome sir,” wika niya at hindi ko na ito pinansin pa at saka sinimulang lakarin ang red carpet papunta sa area. Ang taray, yayamanin.
Habang inililibot ko ang paningin ay kitang kita ko ang mga telang kulay ginto na nakalambitay sa kisame. Maganda at maayos ang pagkaka-disenyo nito at talagang magara ang tanawin para sa akin. Daig pa ni Sir ang magde-debut sa ambiance ng hallway na ito, hahaha.
Natawa ako sa naisip ko kaya naman iiling-iling akong naglakad hanggang sa marating ko na nga ang entrance na may dalawang guard. May naunang pumasok sa akin at nakita kong pinapasok lang sila agad, kaya naman prente akong lumakad palapit ngunit malayo pa lang ako ay agad nila akong hinarang. Patay na, eto na nga ba ang sinasabi ko, e.
“Invitation card please,” saad ng isang guard gamit ang baritono niyang boses. Sabi ko na talaga e, hahanapan ako ng invitation card dito. Paano na ’to ngayon.
Hindi ako nakapagsalita at tanging pekeng ngiti lang ang nagawa ko habang nakatingin kay manong guard at saka nagsalita ang isa pang guard.
“Sir, kung wala kang invitation card. Sorry pero hindi ka po namin papapasukin,” saad niya na mukhang nahulaan na wala akong invitation card. Dapat talaga sumabay na lang ako kay Sir. Mirrem…
“Hindi po ba pwedeng tawagin n’yo na lang po si Sir. Mirrem?” pagba- baka sakali ko ngunit agad na gumuhit sa mukha nila ang pagtutol at saka nagsalita.
“Pasensya na ngunit mahigpit ang protocol sa amin na bawal naming iwan ang mga area namin. Kung gusto mo talaga makapasok, isang paraan lang ang meron at ’yon ang invitation card,” tugon ni Manong guard at napanguso akong kinuha ang phone ko at pumunta muna sa gilid at sumandal sa pader.
Kahit 2 percent na lang ang phone ko ay sinubukan ko pa ring tawagan si Shin…
Ngunit nakailang tawag na ako ay unattended pa rin at walang sumasagot sa linya. Kaya naman binuksan ko ang data ko upang tignan ang messenger ko, at mabilis na bumungad ang chat ni Sir. Mirrem.
Dali-dali ko itong binuksan at binasa…
From: Mirrem Cedric Dalton.
Otw na ako. I’ll be waiting for you there. You must come. Tell me pag nakarating ka na.
Sent. 5:22pm.
Nagkaroon ako ng mumunting pag-asa nang mabasa ko ang chat niyang ’yon. At akmang tatawagan ko pa lang sana siya ay biglang nag-power off ang phone ko kaya naman halos bumagsak ang balikat ko. Sobrang malas at disaster naman talaga ng araw na ’to, oh. Jusko!
Lumingon pa ako sa paligid matapos mamatay ng phone ko at nagbabaka-sakaling may makita akong kakilala ko rito sa school na matutulungan akong makapasok ngunit bigo ako. Rinig ko na rin ang mala-classical music mula sa loob ng banquet hall kaya halos napanguso ako. Nagsisimula na… paano pa ako makakapasok nito?
Ngunit kahit gano’n ay hindi pa rin ako sumuko at sinubukang kausapin ang guard.
“Manong, na-lowbat ako. Hindi ba pwedeng papasukin n’yo na lang ako o manghihiram na lang ako ng phone niyo at co-contact ako ng kakilala ko sa loob. Sige na naman,” pagmamaka-awa ko kay Manong guard. I swear to Papa G. Hindi ko na talaga ’to uulitin over my dead body! Hinding-hindi na, no. Nakakaloka!
“Please, wag ka nang makulit. Isang paraan lang ang meron para makapasok ka at ’yon ang invitation card. Kung wala ka no’n, sorry pero di ka talaga pwedeng pumasok,” malakas na sambit ng isang guard kaya naman ramdam na ramdam ko talagang wala ng paraan para makapasok ako sa loob. Nagsimula na akong umatras ngunit pare-pareho kaming napatingin sa isang babaeng nagsalita.
Sa unang tingin ay mamumukhaan mong may edad na talaga siya ngunit maganda pa rin ang kurba ng katawan niya na kagaya ng kay Jennifer Lopez at ang mala-Mariah Carey na buhok. Voluminous ang hairstyle niya na kulay brown at naka black off shoulder sequinned long dress siya.
“What’s the matter?” ma-awtoridad niyang tanong at halos magtayuan ang balahibo ko nang magsalita siya. Ang kabuuan niya ay nagsusumigaw ng class at elegance.
Agad namang sumagot ang gwardiya sa kaniya at sa hula ko ay kilala nila ito. Hindi ko na masyadong narinig ang tugon ng gwardiya dahil natulala ako sa itsura nito at sa epekto ng pagsasalita niya sa akin..
“Hey, come here..” aniya ngunit hindi ako sigurado kung ako ba ang tinawag niya kaya tinignan ko pa kung may tao sa likod ko. Mahirap na mag-assume, ayoko mapahiya ng bonggang-bongga dito.
Nang makitang walang tao ay ibinalik ko ang tingin ko sa babae at itinuro pa ang sarili ko at nagtaas kilay. At agad naman siyang nagsalita..
“Yes you,” wika niya kaya naman humakbang ako palapit at yumuko ng kaunti. “Are you Max?” naniningkit habang nakangiting tanong pa niya. At agad naman akong nagtaka dahil do’n ngunit kahit ganoon ay tumango pa rin ako bago nagsalita at sumagot.
“Y-yes…why?” mahina at medyo ilang kong sagot at ngumiti naman siya at saka lumabas at nilagpasan ang gwardiya at lumapit sa akin..
“So.. it’s you…Actually, I really need to talk to you…” saad niya at talagang binalot ng pagtataka ang kabuuan ko at napuno ng tanong ang isip ko. Sino ba siya at bakit kailangan niya akong makausap? At paanong kilala niya ako?
Ngunit gustuhin ko mang tanungin siya ay wala akong lakas.
“Po?” ang tanging naisagot ko sa kaniya. Hindi naman siya agad na sumagot at naglakad kaya sumunod ako sa kaniya at saka siya sumagot.
“I’m mirrem’s mother,” tugon niya at literal na nanlaki ang mata ko at napahinto ako dahil sa sinabi niya.
Nabalik lamang ako sa ulirat nang magpatuloy siya sa pagsasalita. Mukhang napansin niyang nagulat ako kaya nagpaliwanag siya. “And…nabanggit ka na niya sa’kin kaya kilala kita… Actually, alam ko na rin na nanliligaw siya sa’yo,” at halos manigas ang buong katawan ko at parang gusto ko na lang maglaho dahil sa huling sinabi niyang iyon. Paanong alam na nang nanay niya ang tungkol sa amin? Sinabi rin ba ni Sir sa kaniya? Jusko naman.. At saka…talaga bang ito ang nanay niya? Bakit sobrang dyosa at matapobre nito kung titignan? Kabaliktaran at malayong-malayo sa nasa isip ko…
“And I don’t wanna waste your time and also mine kaya tatapatin na kita. I’m not against of the things going on with the both of you but…i’m not agree either. I mean, it’s neutral,” dagdag niya pa. At hindi ko alam pero parang huminto ang oras at may kirot sa puso akong naramdaman matapos niyang sabihin iyon at tanging paglunok lang ang nagawa ko. Gustuhin ko mang magsalita ay wala akong masabi at para bang na-pipi ako.
Nilingon niya ako at mataman niya akong tinignan habang ako ay hindi ko magawang tignan siya ng diretso dahil parang matutumba ako pag ginawa ko iyon. Mabuti na lang ay hindi iyon nagtagal at saka siya nag-iwas tingin at nagsalita..
“I prepared and planned this birthday party for a very very long time…Pinag-isipan ko lahat ng detalye at mga bagay-bagay para sa kaarawan niyang ito. The theme, the design, the guest… everything. Dahil…ito lang ang naiisip kong paraan para makabawi sa mga naging pagkukulang ko sa kaniya,” pagku-kwento niya at nakinig lang naman ako sa kaniya.
Sa sinasabi niya sa akin ngayon kahit pa hindi ganoon kadetalyado ang binabanggit niya ay ramdam kong may malungkot at masakit na storya sa likod no’n.
“And as a mother. I just wanted the best for my son. Kaya lahat lahat ng pwede kong gawin ay ginagawa ko. I even told him and helped him to be a professional teacher. Kase alam kong makakatulong ’to sa kaniya kahit pa tutol siya ro’n noon,” dagdag niya pa at hindi ko alam ngunit bigla kong na-imagine si Sir na tila pinipilit
sa bagay na ayaw niya. Naawa ako ngunit iniwakli ko ang naisip kong iyon at nakinig na lang muli…
“Kaya naman nagulat ako ng malaman ko ang tungkol sa inyo… It feels like it was my greatest downfall. Talagang natakot ako… Kahit pa nakita kong masaya ’yong anak ko, hindi pa rin ako nakampante. Kase alam kong mali ’yong rason kung bakit siya masaya… At alam kong alam mo ’yon,” ramdam ko ang emosyon sa sinasabi niya at nanunuot iyon sa ugat ugat ko na siyang nagdudulot ng kaba sa akin. Mali talagang hinayaan kong mangyari ’to. Pero anong magagawa ko?
“I was threatened by the fact na pwedeng ika-sira ito ng career na binuo ko para sa kaniya.. kaya sinabi kong kailangan talaga kitang makausap… at eto na nga ’yon. Alam ko namang alam mo na ang ibig kong sabihin… pero lilinawin ko pa rin. Kung ano mang namamagitan sa inyo. Itigil niyo muna sa ngayon,” saad niya at tila nagpaulit-ulit pa iyon sa tenga ko bago ko tuluyang ma-absorb. Hindi ko alam ang mararamdaman ko pero tanging kaba lang ang meron sa dibdib ko ngayon..
“Dahil ayokong masira at mawala lahat nang mga pinaghirapan niyong pareho para lang sa nararamdaman niyo. You know that having a relationship like this is forbidden, right? So what if nalaman sa buong school na may ganitong namamagitan sa inyo? Edi suspended ka? while my son will lose his job and license?” Wika pa niya at napayuko naman ako dahil ramdam na ramdam ko ang pagka-pahiya at naiintindihan ko ang pinupunto niya. At nasasabi kong tama talaga siya.
“Alam ko namang ayaw mo umabot sa ganoong punto kaya narito ako para kausapin ka. Please, stop this thing for now. Kase… if ever na kayo naman talaga. You’ll be together in the future at hindi ’yon mababago at mapipigilan. At kung hindi man ay masasayang lang ang effort niyo…kung sakaling ipaglalaban niyo ito, at hindi naman pala talaga kayo para sa huli,” dagdag niya pa at wala akong naging imik at tanging paglunok lang ang nagawa ko. Gustuhin ko mang magsalita ay parang may bukol sa lalamunan kong nakaharang at pinipigil ako nitong magsalita…
“Did he invited you to come over?” taas kilay na tanong niya na iniiba ang usapan at agad naman akong tumango. Pinasaadan niya pa ako ng tingin mula ulo hanggang paa bago magsalita ulit.
“Hindi ka ba niya nasabihan tungkol sa theme? I mean, the color of your outfit was good. But the criteria for the quality and brand will be zero. Sa ukay-ukay mo lang ba nadampot ’yan?” Bakas ang pandidiri nito sa damit ko habang tinatanong ako kaya naman halos manliit ako para sa sarili ko at gusto ko na lang tumakbo at umiyak sa kung saan. Hindi ko alam pero kahit ayon pa lang ang sinabi niya ay parang pakiramdam kong tinapakan na niya ang buo kong pagkatao.
“Do you still want to go inside? I’ll let you in kahit pa..ganyan ang suot mo. But please don’t make some scene kasi I prepared and planned this for a long time. If I let you in… just promised me that you won’t ruined what i’ve prepared for my son,” aniya pa ngunit agad na akong tumanggi. Hiyang-hiya na ako para sa sarili ko. Gusto ko magtira ng kahit konti.
“Hindi na po ako papasok. Paki-abot na lang po ito kay Sir. Mirrem. Paki-sabi na lang din po na happy birthday,” saad ko at iniabot ang paperbag na may lamang munchkin at inabot naman niya iyon. Hindi ko alam pero kahit ayon lang ang sinabi ko ay pakiramdam kong pagod na pagod ako.
“Okay, I won’t forced you. And no worries. Makakarating,” nakangiting tugon niya at ngumiti na lang din ako at saka tumalikod para umalis.
Hindi ko alam pero parang may pagsisisi akong naramdaman na pumunta pa ako rito. Mabuti na lang din ay hindi mababaw ang luha ko kaya kahit medyo masakit ang mga binitawang salita niya sa akin ay hindi tumulo at bumigay ang luha ko…
Nang makasakay ako ng bus ay umiling ako at iniwakli ang mga iniisip ko. Hindi ko na dapat isipin pa iyon at mas lalong dapat na hindi ko na rin siya alalahanin pa. Tama rin naman ang mama niya.
Napa-buntong hininga pa ako habang nakatingin sa daan sa labas mula sa bintana ng bus. At mabuti na lang ay hindi ganoon ka-traffic kaya agad akong nakauwi kahit pa 2 rides ang ginawa ko..
Pagkapasok ko sa bahay ay agad kong nakasalubong si Mama na abala sa pag-aasikaso ng damit niya sa sala.
“Oh, bakit mukhang naka-porma ka? Saan ka ba galing at mukhang naging escort ka sa flores de mayo?” kunot noong tanong ni Mama patungkol sa suot ko. Gano’n ba talaga kapanget ang suot ko para biruin pa ako ni Mama ng ganito?
Hindi ko alam pero ang lakas ng epekto ng birong ’yon ni Mama para magbago ng bahagya ang nararamdaman ko. At napansin ko ang ginagawa niya kaya naman agad akong nagsalita..
“Wala po, may birthday lang na pinuntahan. Pero teka, bakit po kayo nag-eempake?” kunot noong tanong ko rin sa ginagawa niyang pag-eempake.
“Uuwi tayo ng antique sa sabado kasama si Tita Irene mo. Mag-empake ka na rin ng mga damit para sa dalawang araw . Mas mabuting mag-empake agad para walang makakalimutang dalhin,” saad niya at mas nakunot pa ang noo ko at saka nagsalita.
“Po? pero…ba’t parang biglaan?” wika ko at tila nauubos ang pasensyang sumagot naman si Mama. “Ay wag ka nang puro tanong. Basta sumunod ka na lang. Oh siya, umakyat ka na ro’n at magpalit,” aniya kaya wala akong nagawa kundi sundin siya.
Pero kahit gano’n ay nagtataka pa rin ako. Bakit parang biglaan naman yata? Ano na naman bang meron? Si Tita na nga lang ang tatanungin ko…
Hindi na ako masyadong nag-isip pa at sinimulan ng magpalit. Ngunit bago ko pa simulan ay nakapa ko ang karton ng regalo ko sana para kay Sir. Mirrem.
Tinignan ko pa ulit ’yon at naisipan kong itapon na sana ngunit may kung ano ang pumigil sa akin. Siguro, ibibigay ko na lang yan sa kaniya sa susunod. Pero sa ngayon, gusto ko muna ng pahinga.
Hindi ko na iyon pinagtuunan pa ng pansin at nagpatuloy na lang sa pagpapalit…
CHAPTER 36
Max Pov.
Nang magising ang diwa ko ay hindi ako agad bumangon at nanatili muna sa aking pagkakahiga..
At habang nasa ganoong posisyon ay biglang parang narinig ko ang mga sinabi sa akin kahapon. At kasabay no’n ang bigat na bigla ko na lang naramdaman sa bandang dibdib ko.
Napabalikwas ako ng bangon habang salubong ang kilay na nakatingin sa kung saan.
Hindi ko naman na dapat pang isipin ’yon. Maraming bagay akong dapat unahin kaysa roon. Kung ayaw niya pala na ligawan ako ng anak niya, edi patigilin niya.
‘Eh, bakit hindi ikaw? Bakit hindi ikaw mismo ang magpahinto?’
Nagsalubong ang kilay ko nang maisip ko ang tanong na iyan at para bang tinatanong ako ng sarili ko…
“E-eh kasi… a-ayaw ko siyang masaktan,” may pag-aalinlangan na tugon ko. Pero totoo naman, ayaw ko siyang masaktan kaya hinayaan ko siya. At saka makulit siya at hindi siya nakikinig sa akin..
’Hindi ‘yan sapat na rason. Aminin mo na lang… gusto mo na siya.’
Napapikit ako ng dahil do’n at inis na nagsalita. Ba’t ba kinokontra ako ng sarili ko ngayon?
“Basta, ayon ang rason ko. Hindi ko ginusto ang manligaw siya.. tapos ang usapan,” at saka ako umirap sa hangin.
Hindi na ako masyadong nag-isip pa at nagpakawala muna ng buntong hininga para kalmahin ang sarili..
Hindi ko na iyon dapat na isipin pa. Kung tutuusin, mas marami akong bagay na dapat pagtuunan ng pansin. Kagaya na lang ng…kung bakit kami luluwas pa antique. I mean, alam kong wala nang balak pang bumalik si Mama ro’n noon pa man pero…bakit all of the sudden, biglang nagbago ang isip niya?
Nakakapagtaka talaga pero… hindi rin naman ako makatanggap ng maayos ng sagot kung susubukan kong tanungin siya. Kay Tita na lang talaga ako magtatanong. For sure, mas malilinawan ako. Tama! Tama!
Matapos no’n ay dumiretso na ako sa banyo para maligo at maghanda na para sa klase namin ngayon. At habang nasa banyo ay bigla kong naisip ang kaarawan niya. Kamusta kaya yung birthday niya? Naging okay naman kaya?
Siguro nag-enjoy siya ng husto . Ikaw ba naman surpresahin diba? For sure, talagang masaya siya. Lalo na’t yung mama niya sobra ang pag-eeffort para sa birthday niya..
Hindi ko alam ngunit habang naiisip ko ’yon ay may tanong na biglang lumitaw sa isip ko. Hinanap niya kaya ako?
Ano ba namang tanong ’yan Max. Bakit ka naman niya hahanapin? E hindi mo naman dala yung cake niya.
Bahagyang nangiti ako sa naisip kong sagot na yon at ngingisi-ngising ipinagpatuloy ang pagligo. Corny ko, psh.
Sigurado naman akong di niya ako hahanapin dahil paniguradong ginawan na ng paraan ng mama niya ’yon. Sana natuwa siya ro’n sa munchkins na ginawa ko…
Pagkatapos kong maligo ay agad akong nagbihis bago tuluyang lumabas. At saka ako dumiretso sa harap ng salamin upang ayusan ang sarili ko. Ngunit bago pa ako tuluyang makapag-ayos ay tumama ang paningin ko sa box ng regalong nasa lamesa. Ang regalo ko para kay Sir. Ibibigay ko na lang siguro ’yan mamaya..
Hindi ko naman na pinansin pa iyon at inayusan na ang sarili ko. At hindi ko na rin nagawang suklayin ang medyo mahaba kong buhok dahil sa katamaran. Pinadaanan ko na lang ito ng kamay ko at naka-ilang hawi ako rito. At nang makuntento ay saka ko kinuha ang wallet, I.D, at regalo ko para kay sir at inilagay iyon sa bag at saka bumaba.
Pagkarating ko sa kusina ay nakita ko si Mama at gano’n din naman siya.
“Oh.. ang aga mo ah,” manghang aniya na para bang first time ang pagiging early bird ko.
“Maaga akong nakatulog e, nakita n’yo naman po diba?” tugon ko at agad naman siyang tumango.
“Oh siya nga pala. Kung sakaling may lakad ka mamaya pagtapos ng klase mo. Siguraduhin mong uuwi ka ng maaga ha? mga 4 or 5 dapat nandito ka na,” bilin niya at bahagyang nagulat naman ako.
“Bakit po? Anong meron?” kunot noong tanong ko. Kahit wala naman akong lakad mamaya, nakakapagtaka lang yung oras na binigay niya. Ba’t parang sobrang aga naman yata? Anong ganap?
“Mamayang gabi tayo pupunta ng Terminal. Napagtanto ko na sabado nga pala bukas. Ibig-sabihin maraming commuters dahil weekend. Kaya mas magandang maka-linya tayo sa terminal para makasakay din tayo agad dahil paniguradong mahihirapan tayo sumakay bukas,” tugon niya at naguluhan ako. Sabi niya sabado kami aalis, edi parang byernes na rin kami umalis kung mamaya nasa terminal na kami.
“Ano bang gagawin natin do’n Ma?” usisa ko pa kunwari at pabulyaw naman siyang sumagot. Wrong move, tsk.
“Ayan ka na naman sa mga tanong mo. Alam mo… mas magandang kumain ka na lang at pumasok ka na. Walang mararating ang pagpapaliwanag ko sa’yo. Wala kang matututunan,” aniya at biglang tumahimik ang apat na sulok ng bahay namin.
Hindi na ako umimik pa at sinimulan ng kumain. At habang kumakain ako ay abala naman si Mama sa mga papel na mukhang listahan ng kung ano-ano tungkol sa tindahan nila ni Tita.
Mga ilang minutos pa ay natapos na ako sa lahat lahat at handa na ako. Kaya naman nagpaalam na ako kay Mama at saka ako gumayak papuntang school.
Mabilis ang naging byahe ng bus na nasakyan ko kaya nakarating agad ako sa school. Pagkapasok ko pa lang ng gate ay namataan ko na si Sir sa pwesto kung saan siya laging tumatambay. At hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan…
Nagsimulang manikip ang dibdib ko at bigla kong naalala lahat ng sinabi ng Mama niya sa akin. Hindi ito ang tamang oras para alalahanin mo iyan, Max. Kumalma ka.
Gustuhin ko mang lapitan siya ay hindi ko magawa kaya nilampasan ko na lang siya. Ngunit hindi pa ako nakakahakbang ng tuluyan palayo ay nagsalita na siya. At malamig pa sa yelo ang pagkakabigkas niya no’n. Literal na kumabog ang dibdib ko.
“At talagang ikaw pa ang may ganang hindi mamansin matapos nung ginawa mo sa’kin ah,” aniya sa malamig na tono. Walang ka-emo emosyon ang pagkakasabi niya no’n ngunit maangas ang dating para sa’kin at tila ba naghahamon siya ng away. Hindi ko alam kung ano bang nagawa ko rito? May kasalanan ba ako? Sa pagkaka-alam ko ay wala.
May ideya ako na pwede maging dahilan pero sana nagkakamali ako…
Hindi ako nakagalaw at nasa bandang likuran ko siya, ngunit sa isang iglap lang ay biglang nasa harap ko na siya ngayon. Tinignan ko siya sa mata ngunit tanging galit lamang ang nakikita ko roon. At walang ibang tanong ang pumapasok sa isip ko kundi bakit.
“Hindi ka man lang magso-sorry?” dagdag niya pa nang hindi man lang ako magsalita. Napalunok naman ako at saka kunot noong tumugon.
“Para sa’n?” nanatili akong nakatingin sa mata niya at pilit nilalabanan ang kabang nagsisimulang sumibol sa dibdib ko.
Namamangha naman siyang tinignan ako at para bang hindi makapaniwala sa naging sagot ko.
“Para sa’n? Nakalimutan mo agad?” aniya habang sarkastikong ngumingisi.
“Pero sige, ipapaalala ko sayo…Para lang naman sa hindi mo pagpunta sa birthday ko,” dagdag niya pa.
Hindi ako naka-imik at habang ganoon ay tila ba nag-play sa utak ko ang naging usapan namin ng Mama niya. Hindi nga nagkamali ang hinala ko.
Napansin ko ang paghilamos niya sa bibig niya at nag-pumewang siya matapos bago magsalita..
“May usapan tayo diba? Napakalinaw no’n Max. Ang ayos-ayos nang usapan natin na ’yon…at yung sinabi mo na pupunta ka. Umasa ako do’n Max…umasa ako,” nabasag ang boses niya bagaman nakangiti at parang tinutusok ng milyong karayom ang dibdib ko. ‘Pumunta ako’ bagay na gusto kong ituran pero hindi ko masabi…
“Alam mo… hindi naman mahalaga sakin yung mangyayari sa kaarawan ko na ’yon e. Hindi yon ang importante sakin Max. Mas mahalaga sa’kin yung makasama ka sana ro’n… para i-celebrate yung birthday ko. Pero ano… nasaan ka? Wala diba? Hindi ka pumunta…Hindi ka pumunta sa birthday ko,” at pumatak ang luha mula sa mata niya matapos sabihin iyon. At dahil do’n ay parang nilamukos na papel ang puso ko. Ang sakit makita na umiiyak siya.
“Sir, P-pumunta ako.” Giit ko dahil ’yon ang totoo at pilit kong pinapatatag ang sarili. At agad din naman siyang sumagot.
“Talaga?” nakangiti at namamanghang aniya. Gusto ko pa sanang magsalita ngunit hindi ko masabi ang dahilan ko kaya napayuko ako at naikuyom ko ang kamao ko.
“Kung pumunta ka nga, bakit…hindi kita nakita? Bakit ni anino mo hindi ko nadatnan, nasilayan o kung ano pa man? At bakit… wala man lang akong regalong natanggap do’n mula sayo? Sige nga… Ipaliwanag mo nga?” hamon niya at pinagkrus pa ang kamay. Ngunit kahit gustuhin ko mang magsalita ay walang boses na gustong lumabas mula sa lalamunan ko..
“Diba hindi mo ma-ipaliwanag? Kase nga…hindi ka naman pumunta! Dahil ma-pride ka, dun ka magaling e! Dahil alam mong gusto kita at alam mong mapapatawad kita agad…kaya mo sinamantala, ’yon na ’yon ka,” sigaw niya at pinahid pa ang nagbabadyang luha at malamig akong tinignan..
“At talagang ginawa mo yung banta mo no, gano’n pala ako ka-walang halaga talaga sa’yo,” mapait niyang sabi habang may pekeng ngiti sa labi.
“S-sir,” gusto kong magpaliwanag ngunit may kung anong pumipigil sa’kin na hindi ko malaman. Hindi niya rin naman pinansin ang pagtawag ko sa kaniya at nagpatuloy ulit..
“Hindi ko inakalang…ganyan ka pala Max. Fuck this, ni-hindi ka man lang nag-sorry tss. Napaka-walang kwenta mo… Sige na, mauuna na ako sa’yo. Ayoko nang sayangin pa ang effort ko sa’yo. I’m done with you. You don’t deserve me,” dagdag niya pa at saka mabilis na tumalikod at naglakad palayo..
Parang kutsilyo na bumaon sa puso ko ang sinabi niyang iyon. Masakit at tila mabigat iyon sa pakiramdam.
At nagpaulit-ulit pa ang sinabi niyang iyon sa loob ng tenga ko na siyang nakadagdag sa sakit. Kaya agad akong tumingala sa langit upang pigilin ang pagbagsak ng nagbabadyang luha sa mata ko..
Gusto kong ipagtanggol ang sarili ko kanina sa kaniya pero kung sasabihin ko ang dahilan kung bakit wala ako sa kaarawan niya. Paniguradong masisira ang planong pagbawi sa kaniya ng mama niya.
Mapait akong ngumiti habang nakatingala sa langit at nakakuyom ang kamao.
Mas mabuti na rin sigurong ganito kami. Atleast hindi na ako mahihirapan pang palayuin siya sakin…kase kusa na siyang lumayo.
Kahit nakatingala ako ay umagos ang luha sa pisngi ko kaya mabilis ko itong pinahid. Ngumiti pa ako habang kinumbinsi ang sarili ko.
“Matapang ka, Max. Marami ka nang pinagdaanan na mas masakit pa rito. Sisiw na lang ’to sa’yo,” nakangiting sabi ko pa sa kawalan habang nanlalabo ang paningin..
____
Ngayon ay nasa classroom na ako at naiisip ko pa rin ang mga nangyari kani-kanina lang habang nakatingin sa kung saan. Nabalik lang ako sa ulirat nang marinig ko ang boses ni Shin.
“Bestieee,” sigaw nito habang nasa pinto at mabilis na lumapit sa akin at umupo sa tabi ko.
“Uy,” tanging naisagot ko at ngumiti. Buti na lang din ay hindi ako umiiyak dahil kung hindi… paniguradong sangkatutak na pang-uusisa ang matatanggap ko.
“Bakit wala ka kahapon? Sorry nga pala… di ko nasagot yung tawag mo ha. Pero teka…bakit ka nga pala tumatawag kahapon?” animo’y purong pinoy siya sa bilis niyang magsalita. at agad naman akong sumagot.
“Hindi kasi ako pinapasok sa venue kahapon dahil wala akong invitation card. Ayon din yung dahilan kung bakit kita tinatawagan,” tugon ko sa mahinahong paraan at tipid na ngumiti. Tila ba wala akong lakas para lagyan ng mas energetic na boses ang pagsasalita ko..
“O to the M to the G…sorry bestie. Na-busy kase ako kagabi. Andaming kausap nila Mommy na CEO na gusto akong kunin para i-model ang brands nila. Mostly mga cosmetic products ng US at UK,” aniya at nginitian ko ulit muna siya bago sumagot.
“Ayos lang yun,” simpleng tugon ko. At nakunot ang noo ko sa sumunod niyang sinabi.
“Pero teka, alam mo ba?” aniya at medyo na-curious ako kaya taas kilay ko siyang sinagot. “Ang alin?” wika ko.
“Diba nga birthday ni Sir kahapon. Well, sis…you wouldn’t believe what happened last night. Nagalit lang naman si Sir sa Mama niya kahapon,” aniya at nanlaki ang mata ko ng dahil don. Ngunit kahit gano’n ay hindi ko ipinahalata na interesado ako masyado.
“Bakit daw?” tanong ko pa at agad naman siyang sumagot. With actions pa.
“Ganito kasi.. the party was over na that time and there’s few people left na lang sa venue. I noticed na talaga that time na si sir was not really on his mood. And eto na nga, while we are on this like…big table, you know… nakatayo kami and biglang itong si Mommy ni Sir. She’s really lowkey trying to set up Miss Sheila with Sir. Mirrem. Ayon, nag alsa-balutan si Sir at nagwalk-out. But before that he said this. You know who I like Mom. So stop. And honestly, I didn’t like and enjoy this party. So please, don’t ruin my night and let me enjoy it. And the whole world was too stunned to speak after he walks out,” mahabang kwento niya at hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng awa para sa mama ni Sir. Mirrem. At talagang naghahalo-halo ang nararamdaman ko para sa kanila..
“Kawawa naman yung Mama ni Sir,” tanging nasabi ko. Well, totoo naman. Gusto lang naman niya bumawi sa anak niya pero mukhang pinaglihi sa bato itong si Sir.
“Yeah, for some reasons medyo nakakaawa nga pero…she deserved it naman. Kase parang kahit nung start pa lang nung party ni Sir. Wala na siyang ibang ginawa kundi i-reto sa isa’t-isa yung dalawa. Kung ako rin siguro sa pwesto ni Sir. I would be furious as hell too,” tugon niya at na-realize kong may point si Shin. Pero mali pa rin na ginano’n ni sir yung nanay niya sa harap ng maraming tao.
“Pero teka? Nakapag-usap na ba kayo ni Sir? Hinahanap ka no’n sakin kahapon e,” biglang tanong niya at nagulat ako kaya hindi ako agad nakasagot. Napa-isip pa ako at nawala lang sa pag-iisip nang tapikin niya ako.
“Huy, sumagot ka,” aniya at agad naman akong nagsalita. “Ha? O-Oo. Kinausap na niya ako kanina,” tugon ko at nanlaki ang mata niya. “Owemji, anong sabi? Hindi daw ba siya galit sa’yo o nagtatampo?”
“Actually…galit siya,” tugon ko habang pilit na itinatago ang lungkot sa tono ng boses at ngumiti pa matapos.
“Bakit?” salubong ang kilay at kunot ang noong tanong niya.
“Kase wala ako sa birthday niya,” tugon ko at gumuhit ang pagkalito sa mukha niya.
“Ha? pero diba sabi mo pumunta ka? Hindi mo ba sinabing pumunta ka at hindi ka nakapasok?” taas kilay at madiin ang tonong tanong niya.
“Hindi.” Iling ko.
“Eh bakit hindi mo sinabi?” usisa pa nito. Lumunok naman muna ako bago sumagot.
“Kase hindi ko masabi kanina e. At saka malakas din ang pakiramdam kong ayun din ang gusto ng Mama niya,” sagot ko at nag-iwas tingin at tumango sa kawalan.
“What do you mean?” naguguluhang aniya kaya nilingon ko ito at saka ako nagsalita. “Nakausap ko ang mama niya,” wika ko at namilog ang mata niya.
“What?! Tapos? What did she say?” usisa niya at nag-iwas tingin naman muna ako bago sumagot.
“Na hindi raw angkop ang suot ko sa theme ng party. Isa rin ito sa rason kung bakit hindi na ako pumasok kagabi sa loob,” tugon ko saka ibinalik ang tingin sa kaniya. At bakas ang pagka-irita sa kaniya.
“What? parang ayon lang? Kung naroon ka lang sa loob, wala naman talagang theme kung titignan. Halos lahat nga ng nandoon mukhang entrepreneurs lang at mga negosyante. May mga nakasuot pa nga ng average brands like Zara, Shein, etchetera,” mataray na aniya at suminghal pa matapos.
“At sinabi niya rin na… patigilin ko raw si Sir. Mirrem sa panliligaw sa’kin,” dagdag ko pa at napatakip siya sa bibig niya.
“For real?” aniya at inilipat ang kamay sa dibdib.
“Oo.” Tango ko at malungkot naman niya akong tinignan.
“Eh, paano ’yan? Paano na si Sir? Paniguradong pag nalaman niya ’to hindi ’yon papayag!” sambit niya at napapikit ako bago sumagot.
“Tama ka…hindi nga siya papayag. Kaya itikom mo ’yang bibig mo, dahil hindi niya pwedeng malaman ’to…Mas mabuti na ring galit siya sa akin para hindi na ako mahirapang palayuin siya. Kase…kahit saan namang anggulo tignan, mali talaga yung ugnayan namin. Maling-mali,” sagot ko at mapait na ngumiti. Hindi ko alam pero yung ideyang pahihintuin ko siya sa panliligaw ay masakit. Literal na masakit sa puso.
“Pero ang unfair no’n para kay Sir. Kausapin mo siya. Ang sagwa naman na wala kayong closure,” ungot niya at may kung anong kirot akong naramdaman matapos niyang sabihin ’yon. Tama siya, unfair nga iyon para kay Sir. Pero kailangan ko bang gawing fair ’yon?
Huminga muna ako bago sumagot. “Unfair nga pakinggan pero…para rin naman sa kaniya ’to,” sambit ko at natahimik kaming pareho.
Hindi naman na kami masyadong nag-usap dahil ginawa kong abala ang sarili ko sa pagsusulat ng kung ano-ano sa mini diary ko hanggang sa magsimula na ang unang klase namin..
Discuss..
Discuss..
Matapos ang dalawang subject na iyon ay agad na lumabas ang mga kaklase ko dahil breaktime na. Hindi naman ako agad lumabas at inayos pa muna ang mga gamit ko.
“Bestie, tara na..” wika ni Shin habang bagot na nakatayo at hinihintay ako.
“Oo… eto na,” at nagpatuloy ako. “Tara na,” saad ko pagtapos at saka kami sabay na lumabas ng classroom…
Habang naglalakad ay bahagyang nagulat ako sa biglaang tanong niya ngunit hindi ko iyon ipinahalata..
“Paano kung kausapin ka niya ulit ngayon?” tanong niya at napaisip naman ako. Hindi naman imposible ’yon pero malabo…dahil alam kong galit siya.
“Hindi ako kakausapin no’n. At saka… wag mo nga munang banggitin ’yang pangalan niya kahit ngayon lang. Mas marami pa akong dapat isipin kesa sa kaniya,” sagot ko at nakita ko sa gilid ng paningin ko ang pagtaas ng kilay niya.
“At ano-ano naman iyan?” usisa pa niya at kunwaring nag-isip naman muna ako bago sumagot.
“Edi ano…mga projects natin, pati na rin yung byahe namin mamaya papuntang Antique,” wika ko. “Nakakapagtaka nga e, biglaan masyado.” dagdag ko pa.
“Ano namang gagawin niyo sa Antique?” aniya at kumamot pa sa noo at nagkibit balikat lang ako..
At malapit na kami sa canteen ng matanaw ko sa di kalayuan ang Mama ni Mirrem na may kausap. Bakit nandito ’yan?
At inilipat ko ang tingin ko sa kausap niya at nanlaki ang mata ko at naningkit matapos. Kilala niya si Xavier? wow. At napaisip ako.
Pero bakit pa nga ba ako nagugulat? E anak ng gobernador itong si Xavier. Paniguradong tungkol lang sa business at politics ang pinag-uusapan nila. Bagay na hindi ko tinataglay at wala naman akong alam.
At sa di kalayuan ay nakita kong naglalakad palapit si Sir. Mirrem sa kanila at nagtama ang paningin namin. Malamig pa rin ang emosyon na ipinapakita niya kaya agad na kumabog ang dibdib ko. Sa pagkaka-taranta ko ay agad akong nag-iwas tingin at nagmamadali naglakad papuntang canteen.
Hindi ko alam kung nakita rin ba ni Shin ang nakita ko ngunit hindi ko na iyon binanggit pa sa kaniya. Narito na kami sa loob ngayon habang kinakain ang pagkaing binili namin. Abala siya sa pag-dutdot sa cellphone niya dahil kausap niya si Harry. Samantalang ako ay ginugulo pa rin ng ekspresyong iyon ni Mirrem. Bakit ba ayaw maalis ng letcheng mukha niyang ’to sa utak ko. Pinapa-guilty ako masyado… e kung tutuusin mas may kasalanan nga siya sa’kin, psh.
Hindi naman na ako masyadong nag-isip pa at nagpatuloy na lang sa pagkain. At nang matapos ako ay hinintay ko pa si Shin bago kami lumabas.
Ilang minutos lang din ay naubos na niya ang nachos niya kaya naman lumabas na kami ng canteen para bumalik sa classroom.
Ngunit hindi pa kami gaanong nakakalayo ay nagpaalam si Shin sa akin na gagamit daw siya ng banyo. Hinayaan ko lang naman siya at nagpatuloy na..
At habang tahimik na nakatingin sa daan at naglalakad ay may nakita akong humarang sa akin kaya tiningala ko ito. Si Xavier.
Mas masaya at maaliwalas ang itsura niya ngayon at hindi ako agad nakasagot sa sinabi niya kaya inulit niya iyon..
“I said hi,” pag-ulit niya at ilang na ngumiti ako bago sumagot. “H-hello Xai.” Ano kayang kelangan nito? sabi ko sa isip.
“Kamusta?” kaswal na aniya.
Kitang-kita ko pa ang mapuputi niyang ngipin dahil sa pagkakangiti matapos magsalita at ngumiti naman ako pabalik. Hindi na kaya siya galit sa’kin sa pangbu-busted sa kaniya?
“Hmm…ayos lang naman, Xai. Ikaw ba?” pagbabalik tanong ko at tumango naman siya.
“Oo naman. Siya nga pala Max…may gusto akong sabihin,” aniya at bahagyang nakunot ang noo ko dahil sa pagtataka.
“Ano ’yon?” tanong ko at nakita ko ang paglunok niya at inilipat niya pa ang tingin niya sa kung sa’n bago sumagot.
“Sorry nga pala… do’n sa naging pagtatalo natin last time. I hope you forgive me,” aniya at bakas ang sinseridad sa mukha niya. Ngumiti naman ako at saka nagsalita.
“Nako, wala ’yon! Kalimutan mo na ’yon,” sambit ko at nanlaki ang mata ko nang hulihin niya ang isang kamay ko. Tinignan ko siya gamit ang nagtatanong tingin ngunit matamis na ngiti lamang ang nakita ko sa mukha niya.
“I guess… it’s not too late. I want to pursue you again Max. Sorry kung naging impulsive ako at nagpadala ako sa feelings ko last time. I ignored you agad at hindi man lang kita inintindi. But I realized…mali ako. So, I want to court you again. Besides, ang sabi mo lang naman may iba kang gusto…pero hindi mo sinabi na may gusto kang iba,” at ngumisi pa siya sa harap ko. Hindi ko nagawang i-absorb ang lahat dahil occupied pa rin ako sa nangyari kanina.
“B-Bakit?” tanging nasabi ko. At natatawang nagsalita naman siya. “Anong bakit?” tanong niya rin.
“Bakit mo ba ’to ginagawa?” ani ko habang nasa malayo na ang tingin..
Iniharap niya ako sa kaniya.
“Kase gusto kita,” turan n’ya habang diretsong nakatingin sa mata ko.
Hindi ako nakasagot at nanatiling nakatingin lamang sa mata niya. Pinilit kong basahin sa mata niya kung may iba pa ba siyang ipinapahiwatig ngunit puro sinseridad lamang ang nakita ko. Nakakatuwa na nakaka-kaba ang kinang na nakikita ko sa mata niya.
Agad kong iniiwas ang paningin ko at inalis ang kamay niya sa baba ko dahil nagsisimula nang bumilis ang tibok ng puso ko. Habang nasa ganoong posisyon kami ay may narinig akong nagsalita sa bandang likuran ko at nanigas ako sa kinatatayuan ko.
“The breaktime is over! Go back to your rooms now,” ma-awtoridad na sambit ni Sir. Mirrem. Nilingon ko ito at nakita ko ang malamig niyang ekspresyon.
Hindi naman ako nakapagsalita at nagkatinginan lang kami.
“Tara na,” hinatak ako ng marahan ni Xavier at nagpatianod na lang ako. Nilingon ko pa ulit siya ngunit nakatalikod na siya at mukhang patungo na sa Faculty.
At habang naglalakad pabalik sa silid ay bumigat ang dibdib ko at nakaramdam ako ng guilt. Paniguradong nasaktan siya…
Kaya naman pagbalik sa classroom ay wala akong ibang inisip kundi siya kahit pa kinakausap ako ni Xavier…
Kabadtrip, siya pa rin iniisip ko kahit na masakit yung mga sinabi niya sa’kin..
Shin’s Pov.
Uwian na ngunit parang nasusuka na naman ako kaya pinauna ko na si Max.
Habang nagmamadaling maglakad papunta sa isang cr ay namataan ko si Sir. Mirrem na nakatayo at salubong ang kilay na nakatingin sa kung saan.
Lalapitan ko san ito upang kausapin ngunit bago pa ako tuluyang makalapit ay nagsalita na siya kaya napahinto ako..
“What do you need?” walang emosyon at masyadong seryoso ang pagkakasabi niya no’n. Nagpatuloy naman ako habang nagsasalita.
“Ang sungit naman ni Sir. I just wanted to talk to you lang naman e. Mukha ka kasing papatay sa itsura mo e,” pang-aasar ko at nilingon niya ako at tinignan na para bang sinasabi na wag ko nang simutin ang natitira niyang pasensya.
“I don’t wanted to talk to you. Just leave me alone…please,” animo’y nauubusan ng pasensyang aniya at nag-iwas tingin.
“Sus! porke… di kayo okay nung friend ko ganyan ka na!” bulyaw ko pa at salubong ang kilay na nilingon niya ulit ako.
“And so? Ano bang pakielam mo? Is that how nosy you are? You always put your hands with the things that doesn’t have to do with you?” mala-tigre niyang sigaw sa akin. At manghang tinignan ko lang siya at ngumiti matapos.
“Okay, gusto pa naman sana kitang kausapin… para sabihin kung bakit hindi nakapasok si Max sa venue ng birthday mo. Kaso masyado yata akong pakielamera para sa’yo…edi sige. Bahala kang alamin ang dahilan, che!” mataray kunwaring aniya ko at mabilis siyang tinalikuran at naglakad papuntang cr.
Gusto ko na nga silang tulungan dalawa tas gano’n pa siya. Edi bahala siya, hindi naman ako ang mawawalan. Naudlot pa tuloy ang pagpunta ko sa cr.
Pagkarating ko roon ay naghintay pa ako ulit ng ilang minutos. Naudlot kasi dahil kay Sir. Mirrem e.
At ilang segundo pa ay naramdaman kong may parang umaakyat na naman mula sa sikmura ko palabas at naduwal ako. Ano bang nakain ko at panay duwal ako? Dahil ba ’to sa nachos kanina?
Nang mailabas ko ang gusto kong ilabas ay naghugas ako ng kamay at nilinis ko rin ang bibig ko. Nag mouthspray muna ako bago tuluyang lumabas ng cr.
At paglabas ko ay bumungad sa akin ang naka-sandal na Mirrem sa pader kaya naman inunahan ko siyang magsalita..
“Oh anong ginagawa mo riyan?!” mataray kong tanong.
“Please tell me ano ’yong sinasabi mo kanina,” frustrated niyang sabi at tinaasan ko lang siya ng kilay. “Akala ko ba…ayaw mong kausap ako?” pagpapa-alala ko sa sinabi niya at napahimalos siya.
“I don’t mean it, okay? I’m sorry,” aniya at huminga pa ng malalim matapos. Hindi naman ako sumagot at nanatiling nakatingin lang sa kaniya.
“Please! tell me. Ano ’yong sinasabi mong hindi nakapasok si Max sa venue. Enlighten me please!” may bahid ng pagmamaka-awa sa boses niya kaya naman parang nanlambot din ako agad.
“Oo na sir. Tara sa may Stress Free Zone,” aya ko at sumunod naman siya sa akin..
Nang makarating nga kami roon ay agad kong ikwinento ang sinabi sa akin ni Max maliban sa isa. Ang sinabi ni Max na nakausap niya ang Mama ni Mirrem,
“Uy sir…wag mo sasabihin na nagkwento ako sa’yo ah. Magagalit ’yon panigurado!” utos ko sa kaniya at sumagot naman siya.
“Yeah.” Tango niya at nagpatuloy “Gusto ko tuloy makausap siya. Nakauwi na ba siya?” tanong niya pa at tumango naman ako.
Ngumuso siya at malungkot na nagsalita.
“Gusto ko siyang puntahan ngayon,” saad pa niya at nagpangalumbaba.
“Alanganin na sir. Malapit na ang oras at ilang minutos na lang start na ng remedial class,” tugon ko habang nakatingin sa wrist watch ko.
“Edi mamaya. Pagkatapos ng klase ko,” saad pa niya at bigla kong naalala ang lakad ni Max.
“Goodluck at sana’y abutan mo siya,” makahulugang sabi ko at agad niya akong nilingon.
“Bakit?” tanong niya habang kunot ang noo.
“Eh ang alam ko kasi… Mamaya ang alis nila papuntang Antique,” tugon ko at pinalobo pa ang bibig ko matapos.
“Antique? Ano namang gagawin nila ron?” usisa pa niya at agad naman akong sumagot.
“Ewan ko.” Kibit-balikat na tugon ko at napabuntong hininga siya.
“Tawagan mo na lang siya mamaya,” dagdag ko pa at tumango naman siya at ipinatong ang ulo sa magkabilang palad niya habang nakatukod sa mesa.
Pagkatapos ng usapan na iyon ay agad akong nagpaalam na uuwi na dahil hindi talaga maganda ang pakiramdam ko at para bang nakabaliktad ang sikmura ko at gustong ilabas lahat ng nasa loob nito..
CHAPTER 37
Author’s note:
Dahil mahal ko kayo lalo na ang dalawang bida ng kwentong ito. Charaaan!✨ pinagawan ko sila ng Chibis HAHAHAHA!
Kayo nang bahala kung gusto niyo i-save or what. Profile ko rin iyan sa fb ko kaya stalk n’yo na, char!
Anyways, bago kayo magpatuloy. Gusto ko ring i-flex at pasalamatan ang gumawa nitong chibi na ito @Daren Joy Bitos. Kudos mhie! You nailed it. Kuhang-kuha ’yong gusto kong details. Muah, thank you! Avail na kayo ng Chibi’s niya. May promo pag maramihan ang ipapagawa.
Fb/messenger: Daren Joy Bitos.
Max Pov.
Alas-tres na nang hapon at kasalukuyan kong ginagawa ang mga projects ko ngayon na sobrang dami. Tapos na ang exam kaya hudyat na papatapos na rin ang first quarter at hindi naman mawawala ang project diyan, s’yempre.
Napahilamos pa ako sa mukha habang nakaupo dahil iilang oras na lang din ay aalis na kami para pumunta sa Terminal.
At habang nakatingin sa mga gagawin ko ay napapaisip ako kung sasama ba ako o hindi na. Hati ang puso’t-isip ko at pareho nilang kino-kontra ang isa’t-isa.
Ang sabi ng isip ko ay h’wag akong sumama at p’wede ko naman itong gawin pa sa susunod. Ngunit ang puso ko ay taliwas naman. Gusto nitong sumama ako dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na makakapunta ako sa probinsya namin.
Kaya naman halos masabunutan ko ang sarili ko dahil sa pagkalito. Tsk!
Nasa ganoong posisyon ako ng marinig ko ang boses ni Mama.
“Kapagod– Oh, ikaw…maghanda ka na,” utos niya nang lingunin ko siya at bahagyang nagtaka ako.
“Ngayon na agad tayo aalis, Ma?” Taas kilay na tanong ko.
“Oo! Mas maaga mas maganda,” aniya habang nasa tapat na ng bukas na aparador.
At hindi naman ako kumilos agad at napa-isip habang nakatingin sa kung saan..
Ang dami ko pang projects. Pag iniwan ko ’to paniguradong maghahabol ako ng malala. Ayoko naman nang gano’n, tsk!
At biglang nagsalita si Mama kaya nabalik ako sa ulirat.
“Oh, ano pang tinutunganga mo diyan? Iligpit mo na ’yang kalat mo sa lamesa at kumilos ka na!” utos niya at may sinasabi pa siyang hindi ko na narinig dahil mahina ang pagkakasabi niya..
“Maya-maya na po. Tatapusin ko po muna ’yong project ko. Ayoko po kasi matambakan,” tugon ko at umikot ulit paharap sa lamesa ko at narinig ko naman ang sagot niya kaya lumingon ulit ako.
“Bakit? Marami ba ’yan?” tanong niya at tumango naman ako. “Eh kung gano’n pala. Wag ka na lang sumama.” Patuloy niya.
“Iyon nga rin ang plano ko, Ma. Kaso…baka kasi importante ang ipu-punta natin do’n,” saad ko at ngumuso.
“Hindi naman gano’n ka-importante iyon. Ako nang bahala do’n…tutal kasama ko naman ang Tita mo. Maiwan ka na lang rito at mag-iiwan na lang ako ng panggastos mo. Baka linggo lang din ng gabi ay narito na kami,” wika niya at napatingin pa ako sa kuko ko bago siya lingunin ulit at magtanong.
“Ano po ba kasing gagawin mo ro’n, Ma?” usisa ko. Napaka-masikreto talaga nito ni Mama. Hindi na lang sabihin.
“Ayan ka na naman sa mga tanong mo!” nauubusan ng pasensyang aniya. “May kakausapin akong kakilala ko ro’n,” tugon niya at napasimangot ako. Ba-byahe ng malayo para makipag-usap? Di ko ma-gets. Like what?
“Bakit di na lang kayo mag-usap sa phone? Mas makakamura kayo do’n kesa sa bumiyahe ka pauwi ng antique,” kunot ang noong sambit ko.
“Hindi lang iyan ang sadya ko kung bakit ako pupunta ro’n. At saka, wag mo nang problemahin ang pagpunta ko ro’n. Ang problemahin mo ay ’yang mga projects mo. Dahil mauuwi ka talaga sa pagtitinda ng isda sa palengke pag ikaw bumagsak,” masungit na aniya na iniiba ang usapan. Hindi naman na ako umimik at umikot na ulit paharap sa working table ko.
Andaming echos ni Mama sa buhay. Bahala na nga siya diyan. Nag-suggest lang naman ako.
Hindi ko naman na inisip pa iyon at nagpatuloy na sa paggawa ng projects ko.
Sana talaga matapos ko ito agad para maka-gala ako bukas sa Mall. Kailangan ko nang bumili ng mga bagong libro dahil wala na akong babasahin..
Habang ginagawa ang project ko ay naramdaman ko ang ngalay at pamamanhid ng pwet ko dahil sa pagkaka-upo. Kaya naman, tumayo ako at nag-unat habang nakatingin sa wall clock. Alas-kwatro pasado na pala…
Nakaramdam din ako ng kaunting gutom kaya naisipan kong bumaba. Ngunit bago pa ako makalabas ng kwarto ay nag-ring ang cellphone ko kaya naman nilapitan ko agad ito.
Kunot pa ang noo nang dinampot ko ang cellphone ko at nalaglag ang panga ko nang makita ang pangalan ng tumatawag. Bakit tumatawag ’to? Parang kanina lang galit ’to ah, tas ngayon…biglang tatawag. Ano naman kayang kailangan nito?
Huminga pa muna ako ng malalim bago ko ito itapat sa tenga ko at sagutin..
“Oh?” panimula ko.
At bago siya sumagot ay narinig ko pa ang pagbuga niya ng hangin.
“Nasa inyo ka pa ba?” tanong niya at nagtaka naman ako. Bakit gano’n ang tanong niya? Nakakapagtaka lang. Bakit parang may something?
“Oo. Bakit?” may pag-aalinlangan na tugon ko habang kunot ang noo.
“Thank God,” halos pabulong na aniya sa kabilang linya na animo’y may ibang kausap. At narinig ko pa ang paghinga niya bago nagpatuloy.“Nandito ako sa labas ng bahay niyo malapit. Labas ka diyan, usap tayo…” dagdag pa niya kaya naman nagsalubong ang dalawang kilay ko. Mag-uusap lang pala kami, baki’t kailangan pang pumunta rito. Kung nagkataong nandito rin si Mama edi nalintikan kami. Tsk, tsk! hanggang ngayon talaga, di pa rin siya nag-iisip.
“Mag-uusap lang pala tayo, tsk. Edi sana tumawag ka na lang at di ka na nag-abalang pumunta pa rito,” inis na sabi ko at suminghal. Matapos no’n ay isang malalim na hininga ang narinig kong pinakawalan niya bago magsalita.
“Sorry. May dala rin kase ako para sa’yo… kaya ako pumunta. At gusto ko ring maka-usap ka ng personal,” malumanay na tugon niya at may bahid ng pagpapakumbaba kaya naman parang na-konsensya ako ng kaunti. Slight lang, dahil di ko pa nakakalimutan ’yong mga sinabi niya sa’kin, char!
Bumuntong hininga pa muna ako bago sumagot. “Sige na, hindi na ako lalabas. Dumiretso ka na lang dito sa bahay at dito tayo mag-usap,” utos ko sa medyo kalmadong tono. Hindi ko na narinig ang naging sagot niya dahil agad ko siyang binabaan. Attitude yarn? Chariz!
Matapos no’n ay pinal na ang desisyon sa isipan ko. Siguro mas mabuti ngang maka-usap ko na siya at para pormal ko nang matapos ang ugnayan naming dalawa. Ang tanong, kayanin ko kayang sabihin? Parang iniisip ko pa lang…nasasaktan na ako.
Ilang saglit pa ay narinig kong may kumatok. Kasabay no’n ay parang may kung anong bulate ang naramdaman kong gumagalaw at naglilikot sa tiyan ko. Eto na nga ba ang sinasabi ko e, parang di ko kakayanin magsalita sa harap niya e. Pero hindi pwede, buo na ang desisyon ko.
Pumikit pa ako ng madiin bago tuluyang buksan ang pinto. At pagpihit ko sa doorknob ay agad niyang iniangat ang kamay niya sa ere na may hawak na paperbag at plastic ng NBS.
Taas kilay ko namang tinignan ’yon at agad ko ring inilipat sa kaniya. “Ano yan?” tanong ko at hindi naman siya sumagot agad kaya pinagalaw ko ang ulo ko.
“Peace offering,” malambing at malumanay ang pagkakasabi niya no’n at hindi naman ako nagpadala. Peace offering pa nga, baka bigla niyang bawiin ’yan pag nalaman niya ang sasabihin ko sa kaniya.
“Para sa’n?” kunwaring naguguluhang wika ko pa at bumuga naman muna siya ng hininga bago sumagot. “for what happened this morning. Sorry about that,” paumanhin niya at tinitigan pa ako sa mata ngunit inilipat ko ang tingin ko sa hawak niya bago nagsalita.
“Sige na sa’yo na ’yan. Hindi naman big deal ’yon—” hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil agad niya akong pinutol
“Big deal ’yon baby. Basta tungkol sayo…big deal ’yon,” sabat niya at hindi naman ako nagpatalo.
“Maybe for you, it’s big deal. Pero sa’kin…hindi naman,” kontra ko at kunwaring nagkibit-balikat pa at tumalikod.
“Pumasok ka dahil may sasabihin akong importante,” seryosong sabi ko at dumiretso sa isang sofa sa sala namin na madadatnan agad pagpasok ng pinto.
“Kunin mo na ’to,” aniya habang nakasunod sa akin ngunit hindi ko siya pinansin at inutusan ko siya.
“Maupo ka na ro’n,” saad ko matapos umupo at isinenyas niya pa ang kamay niyang nasa ere kaya naman padabog kong kinuha iyon at inirapan siya.
At narinig ko naman ang bulong niya habang papunta sa isang sofa na katapat ng akin. “Sungit,” aniya at pinigilan ko naman ang matawa. Dapat panindigan ko ’tong galit-galitan ko kung gusto ko talagang patigilin siya.
Nang maka-upo siya ay magsasalita na sana ako ngunit naunahan niya ako kaya naitikom ko ang bibig ko at pinakinggan siya.
“You still mad at me?” nakangusong aniya at tinaasan pa ako ng kilay. Tumingin pa ako sa kung saan bago ko tignan siya ulit at labanan ang titig niya.
“Hindi,” ani ko sa seryosong tono.
“I knew it! you’re still mad,” aniya na para bang tumama ang hula niya. “Hindi nga…” kunwari’y nauubusan ng pasensyang tugon ko. Mabilis siyang tumayo at pumunta sa tabi ko kaya taas kilay akong nagsalita ulit.
“Oh, ba’t ka tumabi? May sinabi ba ako?” sunod-sunod na tanong ko at agad naman siyang sumagot.
“Oh akala ko ba hindi ka galit?” aniya at inirapan ko siya.
“Hindi nga…pero wala akong sinabi na tumabi ka,” tugon ko at ngumiti naman siya ng tipid at hinuli ang kamay ko.
“Sorry na,” malambing na sambit niya at nakangiti pa ng matamis. Agad namang naghumerentado ang puso ko dahil do’n at hindi ako agad nakasagot. Nakakainis, ayon pa lang ang ginagawa niya. Ganito na ang epekto sa’kin, tsk!
“Hindi nga ako galit,” pigil ang inis na wika ko at binawi ang kamay ko. Kinuha naman niya ulit iyon at akmang aalisin ko sana ngunit hindi niya iyon pinakawalan kaya hinayaan ko na lang.
“Masama lang ang loob mo, ganon? Pero kahit ano pa man ’yan baby ko, gusto ko pa rin mag-sorry. Sorry if I got mad that quick,” aniya at madiin akong pumikit bago nagsalita.
“Actually wala. Hindi ako galit at hindi masama ang loob ko—” at hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko ay pinutol na naman niya ako.
“Then why are you like that?” tanong niya sa malambing pa rin na tono at ngumuso pa matapos. Suminghap naman muna ako ng hangin at ibinuga iyon bago magsalita.
“May iniisip lang ako kaya ganito ako… Iniisip ko yung gusto kong sabihin sa’yo,” sagot ko.
“Ano ba kase ’yang gusto mong sabihin sa’kin? Sabihin mo na…” wika niya habang nilalaro ang kamay ko. Hinigit ko naman iyon at saka nagsalita.
“Basta ipangako mo muna na makikinig ka at susundin mo lahat ng maririnig mo,” seryosong sambit ko at agad din na sumeryoso ang eskpresyon niya.
“Depende sa sasabi—” pinutol ko siya.
“Oo o hindi lang,” anas ko at salubong ang kilay na tinitigan siya sa mata.
“Oo…sige,” at papairap na nag-iwas tingin niya matapos sumagot.
Hindi naman agad ako nagsalita at huminga muna ng malalim at pumikit para mag-ipon ng lakas. Okay, eto na. Kailangang masabi ko na ’to at para matapos na.
“Hindi ko alam kung paano to sisimulan. Pero sige eto na…” ani ko at napasinghap pa ulit ako ng hangin dahil nagsisimula na akong kabahan at nagsisimula na rin ang bugso ng damdamin ko. Ayoko siyang masaktan pero parang malabo…
“Gusto kong itigil na natin ’to. Itong panliligaw mo,” at agad na kumunot ang noo niya matapos kong sabihin iyon. Magsasalita na sana siya ngunit agad ko siyang sinenyasan at pinigilan, kaya wala siyang nagawa kundi itikom ang bibig niya at salubong ang kilay na tignan ako.
“Oo, medyo selfish pakinggan pero trust me, para sa’tin tong dalawa. Alam kong magiging mahirap ’to, lalo na sa’yo. Pero… kailangan natin ’tong gawin e. Ayokong dumating sa punto na mabuking tayo at mawalan ka ng trabaho. Maraming masasaktan pag nangyari ’yon. Lalong lalo na ang pamilya mo,” ani ko at lumunok matapos.
“Kaya simula ngayon… hindi na pwede magpansinan tayo lalong lalo na sa class hours at pag nasa skwelahan tayo. Nasa sa’yo na kung papansinin mo ’ko sa labas ng school pero pag sa loob, bawal. Wag mo na rin banggitin ang pangalan ko sa school not unless para sa recitation o kung school related ang concern mo. At dagdag ko lang din…bawal na ’yang pagtawag mo sa akin ng baby,” mahabang sabi ko at napayuko pa ako sa kamay ko matapos. Sa wakas nasabi ko rin…
Ilang segundo na gano’n ay hindi ko siya narinig na sumagot kaya tinignan ko siya. Nakatingin siya sa akin at sobrang seryoso ng ekspresyon niya. May kung ano sa akin ang hindi mapakali ngunit pilit kong ikinalma ang sarili ko..
“Bakit?” aniya at kumibot pa ang labi matapos. Sumama naman ang mukha ko dahil sa naging tanong niya.
“Anong bakit?” asik ko.
“Bakit mo sinasabi sa’kin ’yan ngayon?” pigil ang inis na aniya. Naningkit naman ang mata ko dahil sa pagkalito.
“Huh? Hindi kita maintindihan!” madiin kong sabi at agad naman siyang sumagot.
“Ikaw ang hindi ko maintindihan! Hindi ko alam bakit nagkaka-ganyan ka. Tapatin mo nga ako… dahil ba ’to kay Mommy?” madiin na tanong niya at nagpatuloy. “Siya lang naman ang pwedeng dahilan kaya mo sinasabi sa’kin to ngayon e,” naghihinalang aniya at agad naman akong tumanggi.
“Wala siyang kinalaman rito,” pagsisinungaling ko at nag-iwas tingin.
“Eh bakit ka nagkaka-ganyan? Ang ayos naman natin nung nakaraan ha? Nagalit lang din ako sayo kaninang umaga pero ang sabi mo, okay lang naman… Oh, edi saan nanggagaling ’tong isyu mo ngayon?” aniya at agad naman akong sumagot
“Wag mo na itanong dahil sa akin lang ’to! Sariling desisyon ko ito. Para rin naman ’to sa ikabubuti natin kaya gawin mo na lang!” sigaw ko at namamangha niya akong tinignan.
“Wow! para sa’tin pero ikaw lang mag-isa ang nagdesisyon? Tapos parang gusto mo sundin na lang kita?” sarkastikong aniya at agad naman akong sumagot.
“Bakit? Sige nga sir…Isipin mo. Pag ba kinausap kita tungkol diyan…sa tingin mo papayag ka ba? Diba hindi naman?” nanghahamon na asik ko at tatango-tango naman siyang sumagot na animo’y naiintindihan na niya.
“Hmm… kaya nagdesisyon ka mag-isa mo at gusto mong sundin na lang kita, ganon?” sarkastikong anas niya ulit at agad naman akong tumugon.
“Oo!” madiin kong sabi at pairap na nag-iwas tingin.
“Pwes, di ko gagawin ’yan,” aniya sa pinal na tono at nag-iwas tingin. Sinamaan ko naman siya ng tingin matapos niyang sabihin ’yon. Bakit nga ba nawala sa isip ko na matigas nga pala ang bungo nitong lalaking ’to? Tsk!
“Sir, ano ba! Hindi ako nakikipagbiruan sa’yo. Sumunod ka na lang…tigilan na natin ’to,” napipikong anas ko at umiling naman siya.
“Hindi rin naman ako nagbibiro. A-yo-ko!” pagmamatigas niya at isinandal ang ulo sa sofa at pumikit. Bugnot naman akong tinignan siya at pairap na inalis ang tingin matapos.
“Bahala ka nga sa buhay mo! Tapos na ’tong usapan na ’to tutal nasabi ko naman na ang gusto ko! Wala na akong pake sa mga gagawin mo. Kaya makaka-uwi ka na…” saad ko at tumayo na sa kinauupuan ko. Ngunit bigla siyang sumagot kaya nilingon ko siya.
“Susundin ko lang ang sinabi mo pag pumayag ka sa kondisyon ko,” wika niya nang hindi ako tinitignan at agad naman akong sumagot.
“Ano naman ’yang kondisyon mo na ’yan?” masama ang tingin na tanong ko sa kaniya.
“Sagutin mo’ko,” simpleng tugon niya at pinanlakihan ko naman siya ng mata.
“Ano?! Baliw ka ba? Pina-pahinto na nga kita sa panliligaw sa’kin tas sasagutin pa kita?! Lakas mo ring mang-good time e no?” Malakas ang boses na ani ko.
“Anong good time? ’di ba ’yon naman ang gusto mo? Kung gusto mo kong pahintuin manligaw edi sagutin mo ’ko. Iyon ang kondisyon,” at ngumiti siya pagtapos niya sabihin iyon sa seryosong paraan. Kaya naman, ngumiti rin ako na halos mawala ang mata ko.
“Okay sige…sinasagot na kita. At ang sagot ko ay…No!” pinandilatan ko siya pagkasabi ko no’n at nagpatuloy. “Neknek mo! Ako pa inuuto neto. Umuwi ka na at tapos na ’tong usapan na ’to,” dagdag ko pa at tumalikod.
“Okay sige. See you tomorrow, then.” Mapang-asar ang tono ng boses niya kaya nilingon ko siya ng may nagtatanong na tingin habang salubong ang kilay.
“Oh bakit?” kunwari’y inosenteng tanong niya att pinandilatan ko naman siya ng mata.
“Anong see you tomorrow?!” tanong ko pabalik na pinagka-diinan ’yung salitang ’yon.
“Bakit nagtataka ka pa? Wala namang pumayag pareho sa mga sinabi natin ah?” tugon niya habang nagpipigil ng tawa.
“Hindi ka talaga titigil?!” at agad namang naglabasan ang kambal na dimples niya.
“Gawin mo kasi ’yong sinabi ko para sundin kita,” ngingisi-ngising ika niya.
“Ano namang mapapala ko kung sasagutin kita?” sarkastikong tanong ko naman at kunwari’y interesado sa suhestiyon niya.
“Good question!” aniya at itinaas pa sa ere ang index finger niya. “Edi susundin kita. At lahat ng sasabihin mo at iuutos mo sa’kin, susundin ko. Promise!” patuloy niya. “So ano? Deal na ba?”
At medyo napa-isip naman ako habang nakatingin ako sa ngiti niyang ’yon.
Somehow, parang maganda rin ’yung ideyang nung sinasabi niya. Kase sa gano’ng paraan…hindi siya masasaktan kahit na palayuin ko siya sa’kin at mag-iwasan kami…
Ayaw na ayaw ko talagang naiisip na nasasaktan siya lalo na pag dahil sa’kin. Kase para akong dinudurog ng paulit-ulit. Naiisip ko pa lang ’yon, pa’no pa kaya pag nakikita ko na at nangyayari na talaga? Baka hindi ko na kayanin…
Kaya siguro papatusin ko na ’tong ka-abnormalan niyang ’to…dahil mukhang sa ganitong paraan ko lang maiingatan ang damdamin niya… Ang damdamin niyang sobrang mahalaga na sa’kin ngayon…
Hindi ko alam kung kailan ko napagtanto ang tunay kong nararamdaman para sa kaniya pero totoong masaya ako. Masaya ako dahil…nalaman ko ang tunay kong nararamdaman na nandito pa siya sa tabi ko. Akala ko kasi aabot pa sa point na pagsisisihan ko ang lahat…
Nabalik lang ako sa ulirat ng magsalita siya at napagtanto kong nakatitig pala ako sa kaniya..
“Ang tagal mo namang mag-isip,” inis na sambit niya at bakas ang pagka-inip sa mukha.
“Sorry naman! Balik tayo sa usapan.. so, ano nga ulit ’yon?” at nagpatuloy ako nang maalala ko ang huling sinabi niya. “Sigurado ka bang gagawin mo lahat nang sinabi ko?” paninigurado ko at tamad naman siyang tumango.
“Yes baby ko,” tugon niya.
“Lahat-lahat talaga gagawin mo ah?” at sinuri ko pa ang mukha niya kung seryoso ba talaga siya o hindi.
“Yes baby. I will,” seryosong wika niya at napasinghap pa ako ng hangin at napayuko.
Nag-angat tingin ako at nagtama ang mga mata namin. “Okay sige… payag na ako,” ani ko at unti-unting lumitaw muli ang dalawang dimples sa pisngi niya.
“Talaga?” saad niya at tumango naman ako. At mabilis sa hangin na hinila niya ako at niyakap.
Nagulat ako at nang makabawi ay sinubukan kong itulak siya ngunit mas idiniin niya ako.
“Bitawan mo’ko. Wala pa ngang ilang minutos, sumusuway ka na…” makahulugang sabi ko at agad naman siyang sumagot. Hindi pinansin ang sinabi ko.
“Ang saya ko. Ang gandang birthday gift nito baby ko,” sinserong aniya at dahan-dahang napangiti ako. Pag masaya ka, masaya na rin ako…
Ilang segundo pa kaming magka-yakap at ako na ang unang bumitaw at humiwalay.
“Sige na, sige na, tapos naman na ’tong usapan na’to. Umuwi ka na,” sambit ko at animo’y tinataboy pa siya gamit ang kamay ko.
Agad naman siyang kumontra habang nakanguso.
“Mamaya mo na ako pauwiin. Mag-isa ka naman dito ngayon ah?” at nang marinig ko ang sinabi niyang iyon ay nagtaka ako at napaisip. Paano kaya nito nalaman na—- hindi kaya sinabi sa kaniya ni Shin?
Naniningkit ang matang tinitigan ko siya.
“Paano mo nalaman na mag-isa lang ako ngayon?” mapanghinala ang tono ko at hindi naman siya agad nakasagot. “Sinabi sa’yo ni Shin no?” dagdag ko pa.
“Oo baby ko pero… wag ka magalit sa kaniya. Kase ako mismo ang nangulit para magsabi siya sa’kin,” aniya at nag-iwas tingin naman ako. “Kung hindi ko pa siya tinanong, hindi ko pa malalaman na andami mo palang hindi sinabi sa’kin. Tsk! Tsk!” matunog na dagdag pa niya at napanguso naman ako.
Habang nasa ganoong posisyon ay bahagyang nagulat ako ng i-harap niya ako sa kaniya.
“Baby… p’wede bang pag may problema tayo, magsabi ka sa akin?”
Hindi ako nakasagot agad at nanatili lang na nakatitig sa kaniya.
“Kase…napapansin ko. Madalas lagi mong sinasarili yung mga bagay-bagay at hindi mo man lang sinasabi sa’kin. Kaya minsan naaaway pa kita e…kasi hindi mo ugaling magsabi. Pero ngayong boyfriend mo na ako, baguhin na natin ’yon. Dapat magsabi ka na sa’kin. Ayokong mag-isa mong hinaharap yung mga problema na dapat kasama mo ako, okay?” wika niya habang nakatingin sa mata ko at ang palad ay nakahawak sa magkabila kong pisngi.
Wala sa sariling napatango naman ako at ilang segundo lang ay mabilis na lumapat ang labi niya sa noo ko. At kusang napapikit ang mata ko at ninamnam ko ang sarap no’n sa pakiramdam ko…
CHAPTER 38
Max Pov.
“Baby…” pagtawag niya sa’kin habang nakahiga sa kama ko.
Hindi ko naman siya magawang lingunin dahil abala ako sa paggawa nitong project ko.
“Baby!” pag-ulit niya kaya naman salubong ang kilay na nilingon ko siya.
“Ano ba ’yon?” pigil ang inis na tanong ko. “Sabi ko namang wag ka masyado magulo at gumagawa ako ng projects ko e. Ang dami kaya nito,” patuloy ko sa mas kalmadong paraan.
“Kung gusto mo umuwi ka na lang…tutal, kanina pa naman kita pinapauwi.” At saka ako umikot paharap ulit sa lamesa ko.
“Sabi ko naman kasi sa’yong tutulungan na kita e,” sambit niya at agad akong umirap. “Ayoko nga sabi e. Unfair yon sa iba, mas gusto kong ako ang gumawa nito.” tugon ko habang may ginugunting na colored papers.
“Okay fine. I’ll wait here then,” aniya sa tonong nagpaparaya.
“Oo na, magbasa ka muna riyan. Mamaya ka na mangulit,” sabi ko at nagpatuloy sa ginagawa..
At hindi na nga siya nangulit pa habang ginagawa ko ang projects ko..
Ilang oras ang lumipas at halos manakit na ang likod at balikat ko sa pagkaka-upo kaya naman tumayo na ako para mag-inat. Napanguso ako ng bahagya nang mapatingin ako sa labas. Nilamon na kase nang tuluyan ng dilim ang kanina lang ay mala-kahel na kalangitan.
Biglang pumasok sa isip ko si Sir kaya naman agad na nilingon ko ito at nagulat ako dahil nakita kong tahimik itong nakahiga sa kama ko. Aba’y tulog? Ilang oras ba akong naka-upo at gumagawa ng projects?
Kaya naman nilingon ko ang wall clock at nalaglag ang panga ko dahil alas-syete na pala — Teka, wala pang hapunan, kumain na kaya ’tong isang ’to?
Nang mapagtanto ko iyon ay agad ko itong nilapitan at tinapik sa braso.
“Uy,” pagtawag ko ngunit hindi ito gumising ni gumalaw man lang. Napansin ko pa ang mahina niyang paghilik kaya naman napanguso ako. Siguro napagod sa trabaho. Mamaya ko na nga lang gigisingin.
Hindi ko na iyon masyadong inisip pa at pumunta na sa kusina upang magluto. Tinignan ko ang ref at tanging hotdog na lang ang laman nito kaya naman iyon na lang ang niluto ko. Hinintay ko ring maluto muna ang sinaing bago ako bumalik sa kwarto at balikan siya.
Pagpasok ko sa kwarto ay hindi man lang nagbago ang posisyon niya kaya bahagyang natawa ako. Ano bang ginawa nito at sobrang pagod naman yata. Asarin nga natin…
Agad ko itong binulabog at niyugyog.
“Hoy gising!” ani ko.
Mabilis naman siyang bumangon at nakasimangot na tumingin sa akin at naniningkit ang mata.
“Why?” paos na aniya.
“Anong why? Umuwi ka na’t gabi na,” kunot ang noong sabi ko. Napahilamos pa siya sa mukha bago sumagot.
“Baby…I can’t drive anymore. I’m so sleepy,” reklamo niya sa namamaos na boses at kinusot pa ang mata niya na parang bata matapos. Inirapan ko naman siya kunwari at saka nagsalita.
“Sus! daming alam… Tara na, kain na tayo.” aya ko sa kaniya at inabot ko pa ang kamay ko sa kaniya.
Tumingin naman muna siya sa akin bago niya abutin iyon at saka nagsalita.
“I’m really sleepy,” aniya pa habang naglalakad na kami papuntang kusina.
“Sinabi ko kasing umuwi ka na e,” at hinatak ko ang isang upuan. “Umupo ka na,” saad ko at agad naman siyang sumunod. Kaya naman ipinaghanda ko siya at nang matapos ay agad akong lumapit sa kaniya.
“Wag ka nang mag-inarte ha. Iyan lang ang meron e,” sambit ko pa nung matapos kong ilapag sa harap niya ang plato na may pagkain.
Kunot ang noong dumepensa naman siya.
“Hindi naman ako nag-iinarte ah?” at ngumuso matapos. Ngumiti naman ako ng tipid at saka sumagot.
“Hindi naman sa gano’n…baka kasi ayaw mo ng ulam na ’yan at may iba kang gusto o may iba kang hinahanap na ulam. E wala namang ibang ulam ngayon dito, ayan lang,” tugon ko at nag-iwas tingin at sinimulang maghain para sa sarili.
“Bakit mo naman iniisip na maghahanap ako ng iba? E kuntento naman ako sa kaya mong ibigay,” aniya at iiling-iling habang nakangisi at sinisimulan ng kumain.
Naniningkit ang matang tinignan ko naman siya kahit hindi siya nakatingin. Iba naman yata ang ibig niyang sabihin, psh!
Hindi na lang ako sumagot at nagpatuloy na lang sa pagkain. Hindi kami gaanong nag-imikan hanggang sa matapos kaming kumain.
Bumalik kami sa kwartong dalawa at saka ko siya tinanong.
“Oh, ano bang pag-uusapan natin? Dali…simulan mo na,” ani ko habang nakaupo na siya sa kama ko at habang ako’y papa-upo sa tapat ng working table ko.
“Hmmm, wala talaga akong gustong pag-usapan, gusto lang talaga kitang maka-usap. You know…random stuff something like that,” tugon niya.
“Akala ko pa naman sobrang importante ng pag-uusapan natin kaya ayaw mo pang umuwi…” matunog na sabi ko at suminghal pa matapos.
“Gusto ko kasi sulitin yung oras na kasama kita. Kase paniguradong sa lunes, mag-iiba na trato mo sa’kin,” malungkot na aniya at napa-awang ang labi ko.
“Hoy, grabe ka naman sa sinasabi mo. Hindi lang tayo mag-papansinan…” ani ko at ngumuso. Pag siya yung nagsasabi ng mga ganyang bagay, pakiramdam ko napaka-makasalanan ko, tsk.
“Ayun nga, hindi na tayo magpapansinan. Ibig-sabihin, hindi na natin ’to magagawa…” tugon niya at nag-iwas tingin.
“E, anong gusto mong gawin ko ha?” tanong ko sa nanghahamon na tono.
“Bakit? Gagawin mo ba?” aniya na tila naniniguro.
“Sabihin mo muna,” tugon ko.
“Yakap,” mabilis na sagot niya at nangunot ang noo ko.
“Anong yakap?” takang wika ko at nakita kong bumuga muna siya bago sumagot.
“Pagod ako baby. Gusto ko ng yakap. Yakap mo,” aniya at inirapan ko naman siya.
“Yakap ka diyan. Umuwi ka na at ipahinga mo ’yan. Dadamay mo pa ako sa mga kalokohan mo tsk,” mahinang singhal ko at saka ako umikot paharap sa lamesa ko.
At wala pang ilang segundo ay sumagot siya at kasabay no’n ang tunog ng paglakad niya kaya alam kong papalapit siya.
“Baby, hindi mo na ba ako mahal? Bakit ganyan ka na sa’kin ha?” pabirong aniya kasabay ang pagpulupot ng kamay niya sa akin at mabilis ko namang inalis ’yon at iritadong hinarap siya.
“Huy, tumigil ka nga sa ka-cornyhan mo! Kung ano-ano lumalabas diyan sa bibig mo. Kung ayaw mong manahimik… umuwi ka na lang. Wag kang mang-distorbo!” pigil ang inis na sabi ko at pinandilatan siya. Agad naman siyang ngumuso kaya tinalikuran ko siya at ramdam kong gano’n din siya at lumakad pabalik sa kama habang may binubulong..
“Sungit… nilalambing lang naman,” bulong niya. Natawa naman ako sa isip ko dahil na-imagine kong nagme-makeface siya habang sinasabi iyon. Kunwaring inis na sumagot naman ako.
“Ano ’yon?!” ani ko at agad naman siyang sumagot.
“Wala!… ang sabi ko po, hihintayin po kita rito. Hindi na po kita guguluhin diyan sa ginagawa mo…” tugon niya na pinapahaba ang pagbigkas sa bawat salita.
Iiling-iling naman akong ngumisi sa naging sagot niya. Abnormal talaga, tsk tsk haha.
At ginawa naman talaga niya ang sinabi niya dahil hindi na niya ako muling ginulo. Agad akong nag-inat nang matapos ko ang proyekto at takdang aralin ko at sabay nilingon ang wall clock. Sakto, mag a-alasdiyes na rin pala.
Nilingon ko siya at saka ko nilapitan. Napailing ako at bahagyang pinipigil ang ngisi dahil ang paa niya ay lagpas na sa dulo ng kama dahil sa katangkaran niya. Hindi pa kasi umuwi kanina, tsk tsk. Hindi man lang tuloy siya nakapagpalit ng damit.
At habang pinagmamasdan ko siya ay nawala ang ngisi ko nang biglang pumasok sa isip ko ang naging usapan namin kanina.
Totoo ba talaga lahat ’yon? Boyfriend ko na ba talaga siya? Tsk, parang ang easy to get ko naman masyado. Para akong nawalan ng delicadeza, my gosh!
Pwede ko pa namang sigurong bawiin ’yon bukas? Pero paano naman? Ay…bahala na nga!
Inis akong naglakad papunta sa kama ko at bigla kong naisipan na kumutan siya. Nag-dalawang isip pa ako kung gagawin ko ba iyon o hindi. Ngunit sa huli ay natagpuan ko ang sarili kong kinukumutan siya…
At habang ginagawa iyon ay salubong ang kilay ko. Hindi ko lubos maisip kung paanong humantong sa ganito ang lahat.
Hndi ko alam kung anong malaking kasalanan ang ginawa ko noon para bigyan ako ng isang tukmol na kagaya nitong isang ’to. Nakaka-stress! Nalokoka ang naturally curled lashes ko!
Matapos no’n ay pairap kong inalis ang tingin sa kaniya at pabalibag na nahiga sa kama ko. Hindi ko na naisipang hinaan pa ang electricfan dahil paniguradong magigising siya pag nagbago ang temperatura. Mahirap na, sanay pa naman sa aircon ang loko. Baka kumbulsiyunin pag nainitan.
Hindi na ako masyadong nag-isip pa at ibinalot na lang ang sarili sa kumot at pumikit…
______
(Kinabukasan)
Nang magising ang diwa ko ay hindi ako agad na bumangon at sinulit muna ang sarap ng pagkakahiga ko sa kama.
At habang ginagawa iyon ay biglang pumasok sa isip ko ang naging usapan namin kagabi ni Sir. Mirrem, kaya agad na napabalikwas ako at napalingon sa kabilang kama.
“Asan na kaya ’yon?” ani ko nang makita kong malinis at naka-ayos na ang unan ag kumot doon. “Baka umuwi na,” tugon ko sa sarili kong tanong.
Nagkibit balikat pa ako sa hangin at nag-inat inat nang biglang… may marinig akong tunog na nahulog mula sa kusina.
‘Nandito pa pala siya? Akala ko umuwi na, pero…ano naman kayang ginagawa no’n sa kusina?’
Napailing pa ako bago bumangon at tinungo ang kusina. Pagkarating ko roon ay nadatnan ko ang sangkatutak na pagkain sa lamesa kaya nanlaki ang mata ko.
Nakita ko sa gilid ng mata ko na nilingon niya ako ngunit natuon ang mata ko sa dami ng pagkain. ’ Ba’t ang dami naman nito? May fiesta ba?
“Ay jusko ka! Ba’t andaming pagkain? Anong meron?” bungad na tanong ko na animo’y naguguluhan habang palipat-lipat ang tingin sa pagkain.
Nakunot ang noo niya sa naging tanong ko na iyon ngunit agad din naman siyang ngumiti bago tumugon.
“It’s for our breakfast,” aniya at halos nawala ang mata niya dahil ngumisi siya ng pagka-laki laki na animo’y proud siya sa ginawa niya.
“Breakfast? ganito karami? Bitay na ba natin bukas?” sarkastikong aniya ko at pinasaadan ulit ng tingin ang mga pagkain. “At saka wala naman kaming ganitong pagkain sa ref ah? sa’n galing ’to?” usisa ko pa habang nakaturo sa sausage.
“Dumaan ako sa grocery store kanina habang tulog ka,” aniya at ngumiti ulit matapos sumagot. Natameme ako at wala akong makapang sagot kaya itinikom ko ang bibig ko. Ang effort naman nitong lalaking ’to, nakakahiya tuloy!
Ilang segundo pa ang lumipas bago ako nakapag-salita.
“Nag-abala ka pa, nakakahiya na masyado,” mahinang wika ko at umupo na sa hapag at pinasaadan pa ng tingin ang mga pagkaing nasa lamesa. At habang ginagawa ko iyon ay agad naman siyang sumagot.
“Bakit ka naman nahihiya sa’kin, baby ko? I am your boyfriend already,” aniya sa malumanay na tono. “And I won’t accept any words from you except thank you and I love you,” pilyong dagdag pa niya at ngingisi-ngising tinignan ako.
Kaya naman masama ko siyang tinignan dahil sa kalokohan niyang iyon. At biglang ngumiti rin naman sa huli.
“Thank you,” sinserong pasasalamat ko at agad naman siyang sumagot.
“You’re welcome,” aniya at ngumiti ng pagkatamis-tamis. “Kain na, baby ko.” Utos niya at saka iniabot sa akin ang plato at kutsara na malapit sa gawi niya.
Agad ko namang tinanggap iyon at nginitian niya pa ako ulit matapos.
“Thanks, kumain ka na rin. Tama na ’yang pagluluto, hindi naman natin to mauubos lahat,” suway ko sa kaniya at agad naman siyang sumagot.
“Yes baby ko,” tugon niya at pinatay ang stove. Matapos no’n ay umupo siya sa kanang banda ko at doon ay naghain siya para sa sarili niya.
Maya-maya pa matapos naming simulan kumain ay inambaan niya ako ng pagkain kaya taas kilay ko siyang tinignan. Ngunit hindi siya sumagot at sumenyas lamang.
“Ahh,” anas niya kaya naman wala akong nagawa kundi ang ngumanga. At agad naman niyang sinubuan ako ng pagkain.
“I love you,” aniya pa na siyang naging dahilan para mabulunan ako. Tanging pag-ubo ang nagawa ko dahil sa gulat ko sa sinabi niya.
‘Tama ba yung narinig ko? Napakasiraulo talaga! Jusko, lalagnatin yata ang puke ko, char!’
Alala naman siyang napatayo agad at inabutan ako ng tubig at pinainom dahil sa nangyari. “Magdahan-dahan ka kasi,” aniya pa at pinilit ko pa munang lunukin ang tubig bago ako sumagot sa kaniya.
“Ano ba kasi ’yang mga pinagsasabi mo, masyado kang nakakagulat!” inis kunwaring sambit ko at pinunasan pa ang kaonting tubig na naiwan sa labi ko.
“Bakit? Wala namang masama sa sinabi ko ah?” tugon niya na animo’y inosente kaya naman inis akong nag-iwas tingin at nagsalita.
“Manahimik ka na lang kasi at kumain na lang tayo,” wika ko at ngingisi-ngising nagpatuloy naman siya sa pagkain.
Panay pa ang tingin niya sa akin at kitang-kita ko iyon sa gilid ng mata ko. Ngunit hindi ko na lang pinansin pa dahil alam kong puro pang-aasar lang ang gagawin niya sa’kin. ’Dapat talaga pinauwi ko na ‘to kagabi pa e, tsk!’
Nang matapos kaming kumain ay agad siyang kumilos kaya naman mabilis ko siyang pinigil.
“H’wag mo na galawin ’yan. ako nang bahala riyan,” tukoy ko sa mga hugasin na akmang huhugasan na niya sana.
“Ako na rito, baby. Ayaw kita mapagod,” aniya pa ngunit hindi ko naman siya pinansin at agad na lumapit sa lababo kung saan siya naroon.
“Ako na riyan. Magpahinga ka na lang do’n,” utos ko pa habang blanko ang emosyon at inginuso ang lamesa.
At tinignan niya naman ako na animo’y na-touch siya sa sinabi ko. “Ang sweet naman ng misis ko. Payakap nga,” aniya pa at mabilis ko namang nadampot ang baso at inambaan siya no’n.
“Di ka ba talaga titigil?” tila nauubusan ng pasensyang ani ko. “Ipupukpok ko talaga sa’yo ’to,” dagdag ko pa at salubong ang kilay na nilabanan ang tingin niyang ngayo’y nagpapa-awa kunwari.
“Oo na. Titigil na,” aniya at mabilis na tinalikuran ako palayo kaya palihim akong natawa.“Sungit-sungit, e boyfriend niya naman na ako,” mahinang bulong niya na narinig ko kaya naman agad akong sumagot.
“Ano ’yon?!” malakas ang boses na tanong ko at agad naman siyang sumagot at humarap pa sa gawi ko. “Wala baby ko. Sabi ko po hihintayin kita rito,” at inilahad niya pa kunwari ang upuan bago roon naupo.
Ibinalik ko naman muna ang tingin sa plato at palihim na nangiti. At habang nasa ganoong posisyon ay bigla kong naalala ang regalo ko para sa kaniya. ’Oo nga pala, ngayon ko na lang ibibigay ‘yon.’
Narito kami sa kwarto ni Mama ngayon at kasalukuyan siyang nakaupo na sa dulong bahagi ng kama ko at animo’y batang excited mabigyan ng kendi.
“Ano ba kasi ’yang ibibigay mo baby ko.” At nagpa-kyut pa sa akin kaya inirapan ko siya kunwari. “Regalo ko ’yon sa’yo,” tanging tugon ko habang inaalala kung saan ko nga ba iyon nailagay.
“Talaga?! Dali, bigay mo na sa’kin,” wika niya sa tonong nagmamadali. Narinig ko pa ang ungot ng higaan na malamang ay dahil sa paggalaw niya kaya naman nilingon ko siya.
“Wag ka ma-excite dahil hindi naman ’yon mamahalin. Fake lang naman ’yon,” wika ko at ibinalik ulit ang tingin sa drawer para hanapin ang kwintas.
“Kahit na, wala naman sa presyo ’yon e. Basta galing sayo…kaya ibigay mo na,” aniya pa at nakaramdam ako ng tuwa sa tugon niyang iyon. Ngunit hindi ko na iyon pinansin at saka sumagot. “Oo teka! hinahanap ko pa,” sambit ko at nung makita ko ito ay agad kong dinampot at saka humarap sa kaniya.
“Oh!” sabay abot ko ng box sa kaniya.
“Yes!” aniya na animo’y nanalo sa kung anong kumpetisyon. Agad niya iyong binuksan at halos kitang-kita ko ang gilagid niya dahil sa pagkaka-ngiti niya.
Nangiti rin naman ako ng palihim habang pinapanood siya.
“Thank you baby ko. Isuot mo nga sa’kin,” nakangiting aniya na halos mawala na ang mata matapos pag-aralan at suriin ang kwintas. Hindi naman na ako sumagot at mabilis na inabot ang kwintas na iniangat niya sa ere at agad na isinuot ’yon sa kaniya.
“ Actually, dalawa yan. Isa sa’kin at isa ang sa’yo. Pero di ko susuotin yung akin para walang makapansin,“ kwento ko habang ikinakabit ang kwintas. At agad niya akong nilingon matapos ko iyong gawin.
“Bakit? Anong para walang makapansin?” bakas ang pagkalito sa tanong niya kaya naman huminga muna ako bago sumagot.
“Diba bawal na tayo magpansinan sa lunes? Edi…hindi ko na rin susuotin yung kwintas ko para walang maka-alam na may koneksyon pa rin tayong dalawa,” tugon ko. “Pati rin ’tong bracelet mo, hindi ko na rin isusuot para isipin talaga nila na hindi na tayo nagpapansinan,” dagdag ko pa na itinuro ang bracelet.
“Sinong sila ba? Sina Shin?” salubong ang kilay na tanong niya at tumango naman ako.
“Bakit pati si Shin? Hindi ba pwedeng malaman niya na okay lang tayo?” tanong niya pa ulit na animo’y naguguluhan.
Nginitian ko naman muna siya bago sumagot.
“Hindi. Kase pag nalaman niya, may tendency na madulas na naman siya kahit kanino. Mas mabuti na rin na tayo lang ang maka-alam lalo na ngayon na alam pala ng mama mo ang tungkol sa’tin,” tugon ko at agad na sumilay ang lungkot sa mukha niya.
“Okay, pero wag mo na hubarin ’yong bracelet mo. Isuot mo lang ’yan palagi,” aniya sa medyo malungkot na tono habang nakatitig sa mata ko at ngumuso pa siya matapos.
Bahagya naman akong natawa sa isip ko nang gawin niya iyon. Kaya naman tumango ako sa kaniya at nginitian siya matapos bilang tugon.
“Talaga? at animoy biglang bumalik ang sigla niya sa tono niyang iyon. Kaya naman agad akong sumagot. “Oo nga, at saka dapat ka na ring umuwi dahil baka umuwi na rin si Mama. Hindi ka pwedeng maabutan no’n dito. At saka baka marami ka pang gagawin kaya mas mabuting umuwi ka na,” at agad naman siyang ngumiti sa’kin na animo’y nagpapa-cute.
Hindi siya tumugon at gano’n lang ang ginawa niya sa loob ng ilang segundos kaya mataray ko siyang tinanong.
“Anong nginingiti-ngiti mo diyan?” maangas na tanong ko.
Ipinagkrus pa muna niya ang mga palad niya na animo’y nagdadasal at saka nagpa-cute ng todo bago sumagot.
“Pwede bang 3pm na ako umuwi?” at ngumuso pa na animo’y tuta na nagpu-puppy eyes at nagpapa-cute. Sasagot naman na sana ako ngunit nagsalita ulit siya. “Sige na baby, please! para masulit ko ’yong oras na kasama ka,” aniya at inirapan ko lang siya.
“Magtigil ka. Ni hindi ka pa nga nakakaligo oh! ’yang damit mo kahapon pa ’yan oh!” turo ko pa sa suot niya na white tshirt kahapon sa school. Agad naman niyang inamoy ang sarili niya at ang magkabilaang kili-kili niya.
“Hindi naman ako mabaho ah? at saka may extra t-shirt naman ako sa kotse. Makiki-ligo na lang ako rito para hindi mo na ako pauwiin,” tugon niya habang nakanguso.
‘Kahit nakanguso gwapo pa rin, tsk haha.’
“Hindi na. Umuwi ka na para makapag-pahinga ka,” seryoso kunwaring aniya ko para asarin siya. At agad naman siyang umapila. “Baby naman e! Di naman ako pagod e,” malungkot na aniya at animo’y nalugi kaya naman nagpatalo na ako.
“Oo na! Oo na! Maligo ka na lang diyan kung gusto mo dahil maglilinis pa ako. Sige na…maiwan muna kita riyan,” nakangiting aniya ko at tumayo. Ngunit agad din siyang tumayo na siyang ikina-kunot ng noo ko.
“Tulungan na kita. Saan–” agad ko naman siyang pinutol. “Hindi na… ako na lang,” ani ko at agad naman siyang tumutol.
“No! I insist baby. I can’t bare just to watch you doing stuff while I do nothing. So please, let me help you. Besides, I’m your boyfriend so…use me,” seryosong aniya at basang-basa ko ang pagiging sinsero niya sa kinang ng mata niya kaya nag-iwas tingin ako at nag-isip na lang kunwari.
“Okay, ikaw na bahala sa mga libro kong ’yon. Paki-arrange nalang sa shelves…ayun lang,” tugon ko na tumuro pa kung nasaan ang mga libro.
“After that, anong sunod kong gagawin?” tanong pa niya kaya naman animo’y nag-isip ako ulit. Nakakahiya naman masyado huhu.
“Wala na,” pagsisinungaling ko. Pero ang totoo ay hindi na ako nag-isip dahil nakakahiya na.
“Okay baby,” aniya at humalik pa sa noo ko bago umalis at pumunta kung sa’n nakalagay ang mga libro. Nasobrahan sa kulit, tsk. Paano ko nga ba natitiis tong bakulaw na’to? Na-sstress ang clitoris ko.
Hindi naman na ako umimik at iiling-iling na pumunta na sa salas at kumuha ng walis tambo at dustpan.
Halos trenta minutos din ang lumipas bago ko matapos linisin at ayusin ang salas. Inayos ko pa muna ang mga abubot at malilit na figurines na naka-display malapit sa TV.
“Ano na kayang ginagawa no’n?” tanong ko sa isip habang inaalisan ng agiw ang pinakahuling figurine na hindi ko pa nalilinisan. Kaya naman matapos ko iyong punasan ay agad akong dumiretso ako sa kwarto upang tignan siya roon.
At halos matawa ako sa hitsura niya dahil halos maligo na siya sa pawis habang nakaupo sa sahig at pinupunasan ng tissue ang mga libro.
Agad naman akong lumapit at tinanong siya.
“Hindi ka pa tapos?” kaswal na tanong ko at ginaya ang upo niya at saka siya tinulungan.
“Hindi pa. Ang dami kasi nitong libro mo e,” sagot niya habang ang tingin ay nasa librong nililinisan.
“Sige na, ako nang bahala rito. Magpunas ka na muna ng pawis at saka ka maligo,” sambit ko at nakita ko sa gilid ng paningin ko ang paglingon niya kaya tinignan ko siya.
“Bakit?” kunot noong aniya na sa tono ng boses ay may bahid ng pagtutol. Ngumiti naman ako at saka sumagot.
“Para makauwi ka na rin. Alam kong marami ka pang gagawin,” tugon ko at ngumiti. Agad naman siyang tumanggi. Tigas talaga ng kokote nitong bakulaw na’to.
“No baby, my workload isn’t that heavy. So i’m staying,” aniya at sasagot pa sana ako ngunit agad niya akong pinutol. “No buts!” aniya kaya naman tinignan ko lang siya ng masama. Aba’y talagang namimihasa na.
At nang mapansin niya iyon ay saka siya nagsalita ulit.
“Pagbigyan mo na ako dahil bukas at sa mga susunod na araw… paniguradong papatayin ako dahil sa pangungulila ko sa’yo,” malungkot na dagdag pa niya kaya natahimik ako at nag-iwas tingin. ’Ayan na naman yung mga mata niyang ‘yan.’
‘Ba’t nga ba ako pumayag na maging jowa siya kung puro sakit at lungkot lang ang dadanasin niya kapag kasama ako?’
“Bakit hindi ka na lang kaya humanap ng iba? Para di ka na mangu—” at hindi pa ako natatapos magsalita ay agad niya akong nilingon at pinutol.
“Are you nuts? Do you think sasaya ako pag naghanap ako ng iba?” malakas at may bahid ng inis niyang sabi at saka nag-iwas tingin.
“Baka kasi.. kaya ka nagkaka-ganyan kase may label na tayo? Edi alisin na lang natin,” wala sa sariling sabi ko. At agad naman siyang tumingin ulit habang salubong ang kilay niya.
“Ano bang pinagsasabi mo, baby ko?! Napakasaya ko na ngang may label na tayo tas aalisin mo pa? Ayon na nga lang ang pinanghahawakan ko e… babawiin mo pa,” inis na tugon niya at gitil na nagpatuloy sa pagpupunas ng libro.
‘Sa ganitong sitwasyon namin? paniguradong mapapagod lang siya. Mas mabuting maghanap na lang siya ng iba, yung mas bagay sa kaniya.’
“Para mas madali na makahanap ka ng iba. Atlis wala kang iisipi—”
’Atlis, wala kang iisipin na ako kung sakaling mapagod ka’t maisipan mo,“
“Hindi nga ako maghahanap ng iba! Ba’t ba pinagpipilitan mo ’yan ha?… Why do you keep pushing me away, huh?” aniya na animo’y hinahamon akong sumagot. Natameme ako.
“Tell me, is it because of Mom? Malakas ang kutob ko na meron siyang sinabi sa’yo e…” at matapos niyang sabihin ’yon ay tila nabalik ako sa ulirat at kumabog ng malakas ang dibdib ko na siyang nagdulot ng bigat doon.
“Kakausapin ko nga siya mamaya. I’ll ask her kung bakit—” dugtong niya pa na agad kong pinutol.
“H’wag na!”
“Bakit?” siya habang tinitignan ako patagilid.
“Dahil wala naman siyang sinabi sa’kin,” pagsisinungaling ko sa matigas na tono.
At matapos no’n ay tinitigan niya ako sa mata na animo’y sinusuri niya sa pamamagitan no’n kung nagsasabi ba ako ng totoo o hindi.
“Then why are you pushing me away? Is it because of Xavier? Yung kabit mo,” aniya pa at agad naman akong sumagot.
“Anong kabet?!” inis na sigaw ko at umiling naman siya. Hindi na halos mapinta ang mukha.
“Tss, maliligo na ako… nang makauwi na,” aniya at sabay mabilis na tumayo at iniwan ako.
Hindi ko naman na siya hinabol at nakangusong nagpatuloy sa ginagawa.
At habang ginagawa iyon ay bigla kong naalala ang kwinento sa’kin ni Shin.
“Ano namang laban ko ro’n. E, dun boto yung mama niya, tsk.” mahinang bulong ko sa sarili nang maisip si Miss shiela at ang kagandahan nito.
‘At saka ayon tunay na babae at may narating na. Samantalang ako? nganga. Walang wala ako sa kalingkingan nila. Sa yaman pa lang siguro ng mga pamilya nila, alikabok lang ako.’
Napailing ako sa naisip at huminga ng malalim. Hindi ko na dapat problemahin pa ’yan dahil mas marami akong dapat unahin. Wala akong oras para ma-insecure. Tama! tama!
Umiling pa ako bago huminga ng malalim at ipinagpatuloy ang ginagawa…
Halos bente minutos mahigit ang lumipas at papatapos na ako nang pumasok ulit sa kwarto si Sir. Mirrem na medyo basa pa ang buhok at naka-plain white fitted spandex shirt at naka-boardshorts na black. Taray, parang mag g-gym lang.
At suot niya pa rin ang kwintas na bigay ko habang pinupunas-punasan niya ang buhok niya ng tuwalya KO…
“Saan mo nakuha ’yan? T’walya ko ’yan ah?” taas kilay na tanong ko sa kaniya. At agad naman siyang ngumuso
“Ito? Diyan oh.” Turo niya sa hook kung sa’n ko ’yon isinabit. “ Wala akong t’walyang dala e,“ walang emosyong dagdag pa niya.
Hindi naman na ako sumagot at ibinalik na ang tingin sa mga libro dahil naga-gwapuhan na naman ako sa kaniya.
Lagi naman siyang gwapo e, mas gwapo lang talaga ngayon kase bagong ligo. Nakakahiya sa part ko, ang asim asim ko pa! Jusmeyo, pag siya talaga lumapit, hahampasin ko siya nitong libro, char!
Nabalot kami ng katahimikan matapos no’n na siya rin naman ang bumasag sapagkat ilang minutos lang ay nagsalita siya.
Nakatalikod ako sa gawi niya kaya naman hinarap ko siya ng bahagya habang nanatiling nakaupo sa sahig.
“Uwi na ako, Max. Kung gusto mo…papuntahin mo na lang si Xavier dito,” aniya at sinimangutan ko naman siya at taas kilay na tinanong.
“Ba’t ko naman siya papupuntahin dito?” ani ko at saka walang emosyon siyang tinignan.
“I don’t know? maybe you want him more than me. And maybe, that’s also the reason why you were pushing me away,” tugon niya at nanatiling blanko lamang ang tingin ko at hindi umimik.
Ilang segundo pa ay nagsalita ulit siya matapos magpakawala ng malalim na hininga. “I really need to go. Bye,” aniya at agad naman akong tumayo upang ihatid siya palabas.
“Sige, sige..ingat ka sa daan,” sambit ko habang naglalakad kami palabas ng kwarto at papunta sa main door.
“Yeah, you too. I’ll be talking with Mom pa e. May mga gusto ako itanong sa kaniya,” aniya kaya medyo na-curious ako. Ano kayang itatanong niya?
“Gaya ng alin? Ano bang itatanong mo?” kunot noong tanong ko kunwari. Ayan Max ah? Chismosa alert.
“Hmm, edi kung anong nangyari ba talaga nung birthday ko,” aniya at biglang nag-rewind sa akin ang lahat kaya naman agad ko siyang nahawakan sa braso.
‘Pag nagkataong magtanong siya sa Mama niya, paniguradong mas dadami ang matang magbabantay sa’ming dalawa.’
‘Paniguradong mas pagtutuonan kami ng pansin ng mama niya.’
“H’wag ka na lang muna umuwi,” tanging nasabi ko.
“Bakit?” takang nilingon niya ako at napayuko naman ako ng bahagya at napa-isip ng i-dadahilan.
“Dito ka na lang muna. Kung gusto mo…lulutuan kita,” wika ko bago siya tuluyang tinignan sa mata.
Agad namang lumiwanag ang mukha niya.
“Talaga?” halos mawala pa ang mata niya habang itinatanong iyon at agad ko naman siyang tinanguan.
“Dito ako matutulog?” nakangiting dagdag pa niya at agad naman akong pumayag.
“Oo kung gusto mo,” tugon ko at humalukipkip.
“Tabi ako sa’yo?” tanong pa niya na animo’y batang kinikilig. Abnoy talaga, tsk.
“Kung gusto mo…edi sige,” wika ko at agad naman siyang tumugon.
“Gusto ko…gusto ko,” at halos mapunit na ang labi niya sa pagkakangiti niya.
At nangiti lang din naman ako dahil sa pagka-isip bata niya. Ilang segundos pa ay lumapit siya sa’kin kaya napatingala ako ng bahagya.
“Baby, I’ll get some of my stuff first. I’ll be back right away, okay?” at tumango naman ako bilang tugon sa kaniya.
Nakita kong tinignan niya ang lips ko paakyat sa nose at huminto sa mata.
“You’re so beautiful,” aniya at marahang hinalikan ako sa noo kaya napapikit ako. Hindi ko alam pero ramdam na ramdam ko ang respeto at init ng pagmamahal niya roon para sa’kin. Napakasarap no’n sa pakiramdam at tila ba gusto ko iyong magpaulit-ulit.
Nang marahan niyang ialis ang labi niya sa aking noo ay saka pa ako dumilat at tinignan siya sa mata. Nakita ko ang kinang do’n at nagdulot iyon ng kung anong kiliti sa aking dibdib na hindi ko maintindihan.
“Mag-iingat ka rito. I love you,” at agad kong napigil ang hininga ko nang marinig ko iyon mula sa kaniya. Nang tumalikod siya at lumabas ng pinto ay doon ko pa lamang naibuga ang hangin at nasapo ko ang noo ko.
‘Jusko, ba’t ba ganiyan siya? Ang lakas magpa-kaba ng bilat.’
Nasapo ko ang noo dahil do’n.
“Pero ba’t ba gano’n ang naramdaman ko nung sabihin niya ’yon?” pagtanong ko pa sa sarili at hinilot ng bahagya ang sintido.
‘Hindi kaya gusto ko na rin siya? Pero? No way, baka nagkakamali lang ako.’
“Baka dahil siya pa lang ang gumawa sa’kin nito. Tama! Tama!” pangungumbinsi ko pa sa sarili at tumango-tango sa hangin.
Agad ko namang iniwakli ang mga iniisip ko na ’yon dahil mas iniisip ko ngayon kung anong dapat kong gawin para hindi na malaman ng mama niya na kinausap ko siya.
‘Gusto kong isipin niya na umiiwas na ako sa anak niya. Na siyang gagawin ko rin naman talaga. Umiisip pa ako ng magandang tiyempo.’
‘Pero bahala na, diskarte na lang Max.’
Habang nasa ganoong posisyon ay may biglang lumitaw na ideya sa isip ko kung anong dapat kong lutuin para kay sir. Kaya naman walang patumpik-tumpik na dumiretso ako sa kusina at inihanda ang rekados para sa special adobo ala Max.
Tama rin siguro ’to na magluto na ako. At baka sakaling habang ginagawa ko ito ay maisip ko rin kung anong dapat kong gawin upang hindi na usisain ni Sir ang mama niya tungkol sa nangyari sa birthday niya.
CHAPTER 39
Mirrem’s Pov.
May malaking ngiti sa aking labi habang nagmamaneho matapos ang naging usapan namin ni Max. ‘He really cares for me.’
Ngunit agad din iyong napalitan ng pagtataka nang magreplay sa utak ko ang usapan namin kanina. Nakunot ang noo ko sa napansin ko sa kaniya kanina. Nang mabanggit ko si Mommy para siyang nataranta. Ang weird.
‘Hindi kaya…may tinatago siya sa’kin?’
Bakit feeling ko may sinabi talaga sa kaniya si Mommy? Ang lakas ng pakiramdam kong meron, at alam kong hindi maganda…
‘Pero sana mali ako….sana talaga.’
Si Shin na lang siguro ang kakausapin ko tungkol rito. Baka sakaling may alam siya.
Iniwakli ko ang mga iniisip at umiling pa sa hangin. Nagfocus ako sa pagda-drive hanggang sa marating ko ang bahay ko…
Pagka-parada ay agad akong umakyat sa kwarto ko at nagpalit. Matapos no’n ay dinampot ko ang aking MR. PORTER backpack at inilagay ang iilang damit ko roon. Puro spandex tshirts at boardshorts lang ang dinala ko at iilang underwears at boxers.
Nagdala na rin ako ng toothbrush, shampoo, at ano-ano pang supplies dahil may naalala ako.
Yung sabon sa cr nila na may strawberry scent. I even remember the nasty thing I though when I smell it.
‘Ganito rin kaya ang amoy ng—’
At tinuktok ko ang ulo matapos maalala ang malaswang bagay na iyon na naisip ko habang naliligo roon.
Kaya naman napailing ako. ‘Stop it, Mirrem. You’re disgusting!’
At uminom pa muna ako ng tubig bago ako tuluyang umalis upang bumalik kina Max bitbit ang gamit na inempake ko pati na rin ang laptop ko.
Hindi ko alam kung ilang oras ang itinagal ko. Ngunit pagbalik ko kina Max ay may kaunting butil ng pawis siya sa noo at nakita kong medyo basa ang suot niyang gray na tshirt. ‘Still cute, tsk!’
“Oh!” agad na naglakbay ang tingin niya sa balikat ko matapos akong pagbuksan. “Ang laki naman ng bag na dala mo. Dito ka na ba titira?” pabiro niyang tanong at ilang segundo pa bago ako nakapag-react.
“Why? Will you allow me to?” pabirong tanong ko rin pabalik at pinandilatan niya lang ako. “Neknek mo,” natatawang aniya. At agad ko naman siyang tinanong ulit habang naglalakad kami papasok sa kwarto nila.
“Btw, why are you sweaty? What are you doing?” kaswal na tanong ko at pinunasan niya pa ang butil ng pawis sa noo gamit ang likod ng palad. “Ah, nagluto kasi ako kanina tas naglalaba naman ngayon,” at naupo naman ako sa kama ng marating ko iyon, at inilapag ang bag ko roon.
“Tulungan na kita,” ani ko at agad niyang ikinaway ang kamay sa ere. “Ay hindi na. Tara na sa kusina at para maka-kain ka na,” wika pa niya at nakunot ang noo ko. Naninibago sa pagtrato niya sa’kin. Ba’t ang sweet neto? Kinakabahan na tuloy ako.
‘Pagka-ganyan pa naman siya, may hindi magandang kasunod na nangyayari.’
“Ba’t ang sweet mo? Kinakabahan tuloy ako,” may bahid ng lungkot na ani ko. Takang nilingon naman niya ako habang papunta kaming kusina.“Huh?” aniya at bumuntong hininga ako.
“Pag ganitong sweet ka, palaging may kasunod na hindi maganda. Kaya mas maigi nang sungitan mo’ko kaysa naman hindi na naman tayo maging okay sa susunod,” mahabang sabi ko at tinalikuran niya naman ako. “Ang paranoid mo. Guni-guni mo lang yan. Tara na’t para makakain na tayong dalawa,” aniya at lumakad na papuntang kusina at sumunod naman ako habang nakanguso. ‘Sana talaga paranoid lang ako.’
“Wag ka nang ngumuso-nguso riyan. Umupo ka na’t maghahain na ako,” kaswal niyang sabi na may halong lambing. “Siguro…may sinabi talaga sayo si Mommy? Nararamdaman kong meron e,” ani ko na hindi pinansin ang sinabi niya. Pakiramdam ko talaga maraming sinabi sa kaniya si Mommy na tinatago niya sa’kin.
“Meron naman talaga,” mabilis niyang tugon sa kalmadong tono. Nakaharap siya sa sink at nakatalikod sa gawi ko.
“I knew it! What did she says to you? Did she asked you to leave me? Tell me!” malakas ang boses na tanong ko at agad naman niya akong hinarap na may dala ng plato at kubyertos.
“Wag ka ngang sumigaw,” saway niya sa akin. “Mamaya na ako magku-kwento. Kumain ka muna at paniguradong gutom ka na kaya ka nagkaka-ganyan,” aniya pa at sinenyasan akong maupo sa isang upuan. Kaya wala akong nagawa kundi sumunod habang nakanguso.
Maya-maya pa ay sinimulan na naming kumain matapos niyang maghanda. At habang kumakain kami ay tanging tunog lang pagtama ng kubyertos sa plato ang maririnig.
Habang gitil na sumusubo ay nakatingin lang ako sa kaniya ng blanko. ‘I really want to know what he were thinking right now.’
‘Ano kayang sinabi ni Mommy sa kaniya?’
Nagsalubong ang kilay ko nang may maalala ako. She really wanted me to date Ms. Sheila. Ow, for God sake I don’t really like that girl. She might be sexy, and appealing for everyone but not for me. I would never date her.
Nawala lang ako sa pag-iisip ng magsalita si Max. Ang baby ko.
“Ba’t ganyan ka makatingin?” maangas na tanong niya. Akala mo tuloy naghahamon ng away, tss.
At pairap naman na iniwas ko ang tingin habang sumasagot. “Wala,” ani ko at saka gitil na sumubo at mabilis din iyong nginuya at nilunok.
“Aba? nilutuan ka na’t pinakain, gaganyanin mo pa ako?” aniya na hindi ko alam kung natatawa ba o naiinis kaya naman agad akong ngumiti at nagpa-cute.
“Just kidding! Thank you baby,” sinserong ani ko at unti-unting ngumiti siya. Ilang segundo pa ang lumipas bago siya sumagot.
“Wag ka na magmukmok riyan. Sasabihin naman pagtapos nating kumain e,” patungkol niya sa usapan namin kani-kanina lang.
“Okay, let’s finish our lunch first,” tugon ko at hindi naman na siya sumagot at nagpatuloy na sa pagkain, kaya naman ganon din ang ginawa ko.
At totoong matapos naming kumain ay nagkwento siya habang nakaupo kami dito sa kusina at nasa kanang bahagi siya nakaupo sa gilid ko.
“Are you sure that’s all what she told you?” paninigurado ko pa at tumango naman siya.
“Okay. I believe in you,” wika ko at mabilis siyang niyakap. ’I will never let him go even if it cost heaven and earth. Even if it means everything.
‘But will he do the same?… Will he do the same for me?’
Biglang pumasok iyon sa isip ko at nakaramdam ako ng kirot sa aking dibdib nang maisip iyon kaya napahigpit ang yakap ko sa kaniya.
“Baby?” mahinang tawag ko sa kaniya habang nakapatong ang ulo namin sa balikat ng isa’t-isa. ’Nakakabaliw ’tong pakiramdam na ’to. Masakit na masaya na nakakatakot.
“Hmm?” sagot niya at ngumuso ako. “I’m afraid,” pag-amin ko sa nararamdaman ko.
“Bakit? Saan?” tanong niya at ramdam ko pa ang paggalaw ng baba niya sa balikat ko habang nagsasalita.
“I’m afraid…that you might give up…and leave me,” kumirot ang dibdib ko at may kung ano akong naramdaman sa tiyan matapos sabihin ’yon. Naiisip ko pa lang na gagawin niya ’yon, sobrang nasasaktan na ako.
Hindi siya nakasagot.
“Please don’t leave me,” pakiusap ko pa at naramdaman kong ang pagbabadya ng ulap sa palibot ng aking mata na siyang nagpalabo rito.
Hindi ulit siya sumagot ngunit naramdaman ko ang kamay niyang unti-unting gumapang paakyat sa likod ko at yumakap sa’kin pabalik. Ang init na idinudulot no’n ang tuluyang nagpabigat at nagtulak sa luha ko upang tumulo at mag-unahan sa pagpatak.
Sa dami-dami ng pumapasok sa isip ko ay wala akong magawa kundi maiyak na lang. ‘Fuck this! Why can’t we just became a normal lover? Why do we need to hide? Why do I feel we’re like heaven and earth apart?’
Napasinghot ako at pagtapos no’n ay medyo nagulat ako sa tanong niya.
“Umiiyak ka ba?” aniya at agad akong tumanggi. “Hindi ah,” pasimple ko pang pinunasan ang luha sa mata ko bago ko ibaon ang mukha ko sa balikat niya.
“Hindi, umiiyak ka e. Patingin nga,” at inalis niya ako sa kaniya. At nag-iwas tingin ako dahil nakakahiya. ‘Ako pa talaga ang umiyak kay Max, tss!’
“Ba’t ka naman umiyak?” at iniharap ako sa kaniya gamit ang dalawang kamay niya at pinunasan pa ang natirang luha sa mata ko gamit ang kaniyang magkabilaang hinlalaki. At napapikit ako sa ginawa niyang iyon. Dumilat lang ako nang matapos siya.
Hindi ako nakasagot sa tanong niya kaya ngumuso lang ako at tipid siyang ngumiti. “Ang cute mo! Wag ka nang malungkot diyan dahil boyfriend naman na kita,” sambit pa niya at kahit papa’no ay nangiti ako dahil do’n. Ang lambing niya sa’kin ngayon.
“H’wag mong pababayaan ang boyfriend mo ah?” malambing na wika ko at ngumiti naman siya at tumango habang hinaplos-haplos pa ang umbok ng pisngi ko gamit ang kaniyang hinlalaki.
At yumakap ako pabalik at isiniksik ang ulo sa leeg niya. Kahit na pinagpawisan siya, ang bango pa rin.
Ilang segundos din kaming nasa ganoong posisyon nang magsalita siya at basagin ang lambingan namin. “Sige na, sige na,” aniya habang bahagyang inilalayo ako sa kaniya.
“Bakit?” inosenteng tanong ko at nakasunod ang tingin habang tumatayo siya.
“Isasampay ko pa yung nilabhan ko e. Do’n ka muna sa kwarto. Hintayin moko ro’n,” aniya.
“Nope, I’ll help you,” tugon ko. Napakamot siya sa ulo.
“H’wag na,” tanggi niya ngunit nagpumilit ako.“I insist baby,” at ngumiti.
Gustuhin man niyang tumanggi ulit ay wala na siyang nagawa dahil inunahan ko na siya sa paglalakad. At nang marating namin ang medyo malaking CR nila ay nilingon ko siya.
“Where is it?” patungkol ko sa nilabhan niya. At ngumuso naman siya upang ituro iyon. “Nariyan sa may balde,” tugon pa niya habang papalapit.
At nung akmang bubuhatin ko na iyon ay pinigilan niya ako.
“Ako na Sir,” wika niya at agad ko siyang nilingon at binigyan ng matalim na tingin. Sir? Bakit nagsi-sir na’to ngayon?
“Ay sorry! Baby pala. Ako na kasi riyan baby ko,” nagpacute pa siya at ngumiti matapos. Ngunit nanatiling blanko ang tingin ko sa kaniya ng ilang segundos bago nagsalita. Bahala ka riyan, nagtatampo ako.
‘Gusto ko ng lambing ng baby ko.’
“Tss, sa’n ba ’to dadalhin?” malamig ang tonong tanong ko –kunwaring galit. Hawak ang balde at handa na itong buhatin,“
“Sorry na baby. Dun sa may labas, do’n ko yan isasampay,” aniya at sinimulan ko nang buhatin iyon palabas. At sumabay din siya sa’kin at may dala na siyang hanger at mahabang stick na hindi ko alam kung para sa’n.
Hindi ko naman siya inimik hanggang sa makalabas kami. Nag-umuna siya hanggang sa marating namin ang gilid ng bakuran nila. Huminto siya at isinenyas na iabot sa kaniya ang balde na inabot ko naman. Tanging mga halaman lang ang naroon kaya naman kunot-noong tinignan ko siya. Agad niyang napansin iyon kaya nagtanong siya.
“Bakit?” aniya. Ngumuso ako bago magtanong.
“Saan ka magsasampay rito?” usisa ko habang inililibot ang paningin sa paligid.
Tumuro naman siya sa taas kaya tumingon ako ron. At saka siya nagsalita.
“Di mo ba nakikita ’yan?” tanong niya na hindi ko naman sinagot. Metal wire iyon at naka-konekta sa kisame. Diyan siya magsasampay? E ang taas niyan.
“How will you reach that? Even my height couldn’t reach that far,” kunot noong sabi ko.
“Kaya nga meron nito e,” aniya at kinuha ang mahabang stick na isinandal niya sa pader. Tila nanibago naman ako sa bagay na iyon. “What’s that?” naniningkit ang matang tanong ko.
“Panungkit,” tugon niya at bago pa man ako makapagsalita ay kumuha siya ng damit at inilagay iyon sa hanger. At ipinakita niya sa’kin kung paano iyon gamitin.
Sa dulo no’n ay may hugis tirador na bagay na nakakabit roon at doon niya inilagay ang hanger upang maisabit ito sa metal wire. Na-ignorante at namangha ako sa bagay na iyon.
“Wala bang ganito sa bahay mo?” tanong pa niya habang nagpapatuloy na siya sa pagsasampay. Ngumuso naman ako at umiling.
“Ba’t wala? Hindi ka ba naglalaba?” at umiling ako. “I send my laundries to a laundry shop,” tugon ko at napakamot siya sa ulo.
“Ay oo nga pala, mayaman ka. Sorry nakalimutan ko,” pabirong aniya ngunit sa tingin ko ay naturn-off siguro siya sa’kin. Kaya agad akong bumawi at sumagot.
“But I do wash my undergarments. I don’t send them with my other laundries,” at ngumuso ako.
“Weh? Kinukusot mo?” di makapaniwalang aniya at ilang na ngumiti ako. Kinukusot? what’s that?
“I wash it using my washing machine,” at agad naman siyang sumagot. “Ano pa nga ba?” aniya na animo’y expected na niya ang sagot ko.
“But don’t worry, I will try the kusot thingy sometimes,” bawi ko pa at kunot noong tinignan niya naman ako.
“Jusko ka, may washing ka na tas magkukusot ka pa?” aniya.
“Why not?” tugon ko at ngumiti.
“Ewan ko sa’yo. Sige na tatapusin ko na muna ito,” aniya at tinulungan ko naman siya na ilagay sa hanger ang mga damit niya.
Sinubukan ko pang gamitin ang panungkit na sinabi niya. Ngunit hindi ako marunong kaya tanging pag-abot na lang ng damit ang ginawa ko. Ang hirap gamitin, nahuhulog yung damit tss.
Ngayon ay nasa kwarto na kami nila at abala siyang ginagawa ang iba niyang proyekto habang nakadapa. at ako naman sa tabi niya ay nagla-laptop lang din at ginagawa ang mga pendings kong gawain habang nakaupo at nakasandal sa headboard ng higaan niya.
Napalingon ako sa gawi niya at nangiti ako dahil salubong ang kilay niya habang ginagawa iyon. At sa sobrang pokus niya ay hindi man lang niya napansin na nakatitig ako sa kaniya. Sana gan’yan din siya ka-focus sa’kin.
At biglang may pumasok sa isip ko.
‘Hindi na nga pala kami magpapansinan sa lunes, hays!’
“Baby?” pagtawag ko at lumingon siya. “Hindi na ba talaga tayo pwede magpansinan sa lunes?” dugtong ko at makahulugan ang ibinigay niyang tingin. Ilang segundos pa ang lumipas bago siya sumagot.
“Alam mo naman ’yong sagot sa tanong mo diba?” makahulugang aniya at malungkot na napatango ako.
“May exception naman e. Pero dapat related lang sa school ang dahilan pag magpapansinan tayo. Wala nang asaran, biruan at kung ano pa,” tugon pa niya at ngumuso ako.
“Okay,” walang magawang tugon ko at bumuntong hininga bago magsalita ulit. “Etong tungkol sa’tin? Itatago mo rin ba ’to kay Shin?” usisa ko at tumango siya.
“Oo, ang sasabihin ko sa kaniya ay pinutol na natin ang koneksyon natin sa isa’t-isa,” tugon niya at napa-ismid ako. Eh? seryoso ba siya.
“Hindi siya maniniwala sa dahilan mo baby. She knows me, Max. Alam niyang makulit ako towards you. Hindi siya maniniwala,” wika ko at umirap naman siya.
“Edi kapag hindi siya naniwala nasa sa kaniya na ’yon. At saka magtatanong naman ’yon sayo for sure, edi pag tinanong ka, tumanggi ka. Sabihin mong pinutol mo na ang ugnayan natin,” sagot niya at napanguso naman ako. ’Bat ako? I can’t even imagine myself saying those words. That will be a suicide.
“Pero…p’wede naman nating sabihan na lang siya baby e. Alam mo namang mahirap itago ’tong sikreto natin diba? edi sabihan na lang natin siya para may katulong tayo na itago ’to,” suhestiyon ko habang sinimulang magtipa ulit sa laptop.
“Kase paniguradong magmamanman din siya sa’tin kapag gano’n ang sinabi mo,” dagdag ko pa.
Natahimik siya ng ilang saglit kaya ibinalik ko ang tingin sa kaniya. Mukhang nag-iisip din siya kaya pinanood ko lang siya hanggang sa magsalita siya.
“I think tama ka,” aniya at dahan-dahang ngumiti ako. “Sasabihin mo na ba sa kaniya?” tanong ko at ilang segundo pa bago siya tumango.
“Pero hindi lahat,” wika niya at binigyan ko naman siya ng inosenteng tingin.
“Paanong hindi lahat?” usisa ko.
“Edi sasabihin ko lang na okay na tayo. Pero hindi ko sasabihin yung status natin. I mean, hindi ko sasabihin na tayo na. Sasabihin ko na lang na tuloy ka pa rin sa panliligaw mo,” tugon niya at ngumiti ako. Hindi na rin masama. Ayos na ako ro’n. Actually, masayang-masaya na ako ro’n.
“Okay, I love you,” sambit ko at nakangiting ibinalik ang tingin ko sa laptop na agad ding inilipat sa kaniya nang magsalita siya.
“Magtigil ka nga,” Inis na saway niya. Eh? problema nito?
“Bakit?” natatawang tanong ko. Napaka-ikli talaga ng pasensya kahit kailan.
“K-kinakabahan ako pag sinasabi mo ’yan e,” sagot niya at natawa ako. Ayon naman pala.
“Hindi na ’yan kaba. Kilig na ’yan, baby. Pero wala namang masamang kiligin e, tutal boyfriend mo naman ako,” proud na proud kong sinabi at inismiran niya lang ako.
“Masyado kang feelingero. Wag ka na ngang maingay at tatapusin ko na ito,” pag-iiba niya sa usapan at ibinalik ko naman ang tingin sa laptop bago sumagot at nagtipa roon.
“As you should. Andaming activities next week ng school. For sure mapapa-aga mga deadlines niyo,” ani ko at nakita ko sa gilid ng paningin ko na lumingon siya kaya gano’n din ako.
“Anong activities?” kunot-noong tanong niya. Tinignan ko ang laptop at ini-view ang calendar ng school.
“Hmm, may family day sa August 20-21. August 22 is foundation day. 23-24 is weekends. Then resume sa 25 which is buwan ng wika. Then the remaining days of the month would be interhigh,” tugon ko at naihilamos niya ang kamay niya sa mukha.
“Bakit naman ganyan? Ang dami tas sunod-sunod pa? Sino ba nagsched niyan?” may bahid ng inis na tanong niya. At pigil ang tawang nagkibit-balikat ako.
“Ang panget ng sched!” singhal niya. Lumaki pa ang butas ng ilong niya matapos suminghal.
“Baka sinadyang gawin ’to so that the rest of the remaining months would be focused on regular classes,” pagpapakalma ko sa kaniya. Umirap lang naman siya sa hangin at hindi na umimik.
Ganon na lang din ang ginawa ko’t nagtype na lang sa laptop. Paminsan-minsan ay nililingon ko pa siya at nangingiti pagtapos. At nakaka-baklang aminin pero ako talaga ang kinikilig sa kaniya.
Ilang oras din ang lumipas at kitang-kita mula sa bintana ng kanilang kwarto, ang paglamon ng dilim sa liwanag sa labas. At habang nakatingin do’n ay bigla siyang sumigaw kaya takang nilingon ko siya.
“Ano ba ’yan, last na ’to e. Ang hirap naman nito!” padabog na sigaw niya at naibato pa sa higaan ang ballpen na hawak niya.
Pigil ang tawang kinuha ko iyon at lumapit sa kaniya. “Ano ba ’yang mahirap na ’yan?” tanong ko pa habang pilit na pinagmumukhang seryoso ang sarili.
“Eto oh, ang hirap magconceptualize para sa business proposal na ’to,” nakangusong reklamo niya na itinuro pa ang papel na sinusulatan niya. Ngumiti naman ako at nagsalita. “Sige na gagawin na natin ’yan. Tutulungan kita,” nilambingan ko ang tono ko upang pakalmahin siya. Agad ko namang kinuha ang laptop ko at saka ko inopen ang internet at sinimulang tulungan siya.
Nagsimula ako sa pagtatanong sa kaniya at lahat ng iyon ay isinusulat ko muna sa papel. Paulit-ulit namin iyong ginawa hanggang sa magkaroon na siya ng konsepto at ideya para sa business proposal niya. At saka namin hinanap ang iba pa niyang kailangan sa internet.
“Hays, salamat! Natapos din,” buntong hininga niya. Natawa naman ako at nilingon niya ako. “Thank you,” aniya at ngumiti kaya medyo nagulat ako at ilang segundos pa bago ako nakabawi.
“Welcome baby,” tugon ko at ngumiti rin.
“Tara na,” aniya kaya napanguso ako habang kunot ang noo. “Sa’n tayo? Bibigyan mo’ko reward?” at ngumiti dahil sa naisip.
“Oo,” tango niya at umalis sa kama at iniabot ang kamay sa’tin.
“Ki-kiss mo’ko?” pabirong tanong ko at umirap naman siya. “Tangeks! ipagluluto kita. Tara na,” at isinenyas pa ang kamay na nasa ere kaya inabot ko naman iyon at ngumiti.
Magkahawak-kamay kaming lumabas ng kwarto at dumiretso sa kusina nila. ‘Fuck, ang sweet namin ng misis ko.’
At pagkarating roon ay siya na ang bumitaw ang itinuro ang upuan. “Maupo ka na riyan,” aniya.
“Eh? tutulong ako,” nakangusong sagot ko.
“Okay…sige,” mabilis niyang tugon at ibinaling ang tingin sa ref. Kumunot naman ang noo ko. ‘Anyare dito? Ba’t di ako kino-kontra sa gusto ko?’
“Ba’t di ka kumokontra sa mga gusto ko ngayon?” tanong ko at pairap na nilingon niya ako.
“Alam ko namang ipagpipilitan mo yung gusto mo kahit kumontra ako e. So anong point diba?” masungit na tugon niya at ibinalik ulit ang tingin sa ref.
“Di ako sanay na hindi mo ako kinokontra baby ko,” natatawang sambit ko habang nakatayo at nakatingin sa kaniya.
“Masanay ka na,” tugon niya matapos isara ang ref. May dala na siyang baboy na nasa plastic kaya tinanong ko siya. “Ano lulutuin mo, baby ko?”
“Sitaw kalabasa,” tugon niya.
“Okay,” ani ko at saka kinuha ang sinabi niyang gulay sa ref. “I got it baby. Anything else?”
At kinuha ko naman agad lahat nang binanggit niya at sinimulang hiwain at balatan ang mga iyon. In short, para kaming mag-asawa na nagtutulungan sa kusina.
“Hala, hindi pa ako nakapagsaing!” aligagang aniya na mabilis na inilapag at binitawan ang baboy at ang kutsilyo. Agad ko naman siyang pinigil at nginitian.
“Calm down. Ako na,” ani ko at pinabalik siya sa ginagawa niya. Hindi naman na siya kumontra at bumalik na sa paghihiwa ng baboy.
Nang makapaglagay na ako ng bigas sa pot ay agad ko iyong hinugasan sa sink nila. Nagkataong doon din siya naghihiwa kaya nagkatabi kami.
Nilingon ko siya at mukhang napansin niya iyon kaya lumingon din siya. Nginitian ko pa siya ngunit sinimangutan niya lang ako.
“Bilisan mo na diyan,” aniya at pinigil ko ang tawa ko. Nagsusungit na naman si misis.
“Yes baby,” ani ko na animoy sundalo.
Hindi na siya sumagot pa at nagpatuloy na lang kami sa kaniya-kaniyang ginagawa. Hanggang sa matapos ko na ang lahat at siya ay nagsimula ng magluto.
Ilang minutos pa ay nabagot ako kaya lumapit ako sa bandang likuran niya. Sana ganito na lang ako palagi kalapit sa kaniya.
“Ang bango,” ani ko nang maamoy ko ang amoy strawberry niyang pawis.
“Hintay ka lang malapit na ’to,” aniya patungkol sa ulam na niluluto niya.
“Check mo nga yung sinaing,” dagdag niya pa. “Okay baby,” tugon ko at ni-check iyon.
“Luto na rin yung kanin, baby.” At saka ako umupo sa upuan habang nakatingin sa kaniya kahit nakatalikod siya sa gawi ko.
“Okay, 10mins pa. Pakuluin ko muna ’to ng todo para malambot talaga,” tugon niya.
At hindi naman na ako umimik at pinanood na lang ang ikot ng kamay ng wall clock nila. Maya-maya pa ay natapos na siya at sinimulan na namin ang kumain.
Nang matapos kaming kumain ay pinaupo niya na lang ako kaya wala akong nagawa kundi panoorin siyang maglinis. Medyo nainitan ako sa klima kaya naman naghubad ako ng tshirt. Ramdam ko rin ang pawis na gumagapang pababa sa dibdib ko kaya agad ko iyong pinunasan.
Tumapat pa ako sa electric fan at habang ine-enjoy iyon ay bigla siyang nagsalita kaya nilingon ko siya.
“Anong ginagawa mo— bat ka nakahubad?” taas kilay na tanong niya. Humarap naman ako sa kaniya at ngumuso. “Bakit? Bawal ba? Mainit e,” nakanguso kunwaring tugon ko.
“Magbihis ka nga. Bawal ang nakahubad na lalaki rito,” wika niya at natawa ako. “Bakit? Kinikilig ka ba sa abs ko?” mapanukso kong tanong at sinamaan niya naman ako ng tingin. “Fyi. Malaki lang ang katawan mo, Mr. Dalton. Pero wala kang abs,” mataray niyang sagot.
“Tell me. Do you want me to have abs?” kinindatan ko pa siya matapos ang mapang-asar na tanong na iyon.
“Di ka talaga titigil?” nanlalaki ang butas ng ilong niya nang sumagot siya. “Hindi,” pabirong sagot ko at nginitian siya ng pagkalaki-laki. “Sige, kunin mo gamit mo. Uwi–”
“Parang biro lang, e. Sorry na– Eto na magbibihis na,” putol ko sa kaniya at isinuot ang tshirt ko. Hindi naman na siya sumagot at pairap na inalis sa’kin ang tingin niya.
Ilang oras na rin ang lumipas at ngayon ay narito na kami sa kanilang kwarto dahil alas otso pasado na ng gabi. Nakapagpalit na ako at gano’n din siya. Nakahiga na siya at pag-upo ko ro’n ay umusog siya habang nagdudutdot sa cellphone niya.
“Come here. Tabi tayo,” sambit ko.
Nag-iwas tingin naman siya at sumagot.
“Okay na ’yan. Mahiga ka na lang diyan at matulog. Wag ka magulo,” aniya at nagpatuloy sa paggamit ng phone niya. ‘What’s happening again? Why he doesn’t like to come closer, tss.’
“Mahuhulog ka riyan,” wika ko at hindi siya umimik at tumalikod lamang sa gawi ko. “Okay lang ako. Wag mo’ko alalahanin,” sagot niya.
“Okay, let’s sleep na. Put down your phone,” utos ko. ‘Please, humarap ka.’
Napabuntong hininga pa ako nang ilapag niya iyon at umayos ng higa. ‘Buti naman.’
“Come closer,” utos ko ngunit umiling siya. “H’wag na. Okay naman yung ganito e,” tugon niya at kunot ang noong sumagot ako. ‘All of a sudden, I feel worried. I dont know why?’
“Bakit?” may bahid ng pag-aalala ang tono ko. “Kasi ano e….nahihiya ako,” ilang pa siyang ngumiti matapos sumagot at nangiti naman ako. “Ngayon ka pa nahiya? Kung kelan boyfriend mo na ako?” pabiro munit seryoso kong tanong. At bahagyang natawa rin naman siya.
“Ayun na nga e. Nakakahiya isipin na boyfriend ko na yung makakatabi ko,” natatawang wika niya. ‘He’s really cute.’
“Okay, I’ll sleep on the other bed, then. Goodnight baby,” ani ko at ninakawan siya ng halik sa noo. “Sure ka? Okay lang sa’yo?” tanong niya habang sinusuri ako.
“Yup, I don’t mind baby,” nakangiting sagot ko.
‘Of course baby, it’s okay! I respect you so much that I don’t want you to feel uncomfortable and disrespected when you’re with me.’
“Sige. Goodnight baby,” he answered and I was stunned for a minute. Kakaiba talaga! tss.
“Goodnight,” ani ko. “I love you…” pahina nang pahinang dugtong ko at saka ako tuluyang lumipat sa kabilang higaan at do’n nahiga.
Nakatalikod siya sa gawi ko kaya pinanood ko lang siyang gano’n hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
Max Pov.
Madilim na ang kwarto at tanging liwanag na lang mula sa labas ang nagsisilbing liwanag nang magising ako. Malakas din ang ulan sa labas at may kasamang bugso ng hangin kaya napanguso ako habang nakapikit ng bahagya. ‘May bagyo kaya?’
Nasa ganoong posisyon ako nang bigla ko siyang maalala kaya napalingon ako sa katabing higaan at napadilat ako ng buo nang makitang wala siya ro’n. ’Nasaan kaya ’yong bakulaw na ’yon?
Lumingon pa ako sa paligid ngunit hindi ko talaga siya mahagilap kaya lumabas ako ng kwarto. Inilibot ko pa ang paningin ko sa salas kahit madilim. At nang mapansin kong bukas ang pintuan palabas ay alam ko na agad na lumabas siya. ’Saan naman kaya pumunta ‘yon, tsk! Pag napano siya, mayayari pa ako nito, e.’
Mabilis pa sa hangin kong tinungo ang main door at inilibot ang paningin. Nabasa ako ng kaonti dahil sa tilamsik na dala ng hangin. At hanggang sa nakita ko siyang nahihirapan habang pilit na sinusungkit ang mga sinampay kong nababasa na rin dahil sa lakas ng hangin.
“Hoy! anong ginagawa mo riyan,” sigaw ko sa kaniya habang masama ang tingin.
“Baby, I’m getting…your clothes,” aniya na tumalon pa habang sinusungkit iyon. Hindi niya alam paano gamitin ang panungkit kaya nahirapan siya. Agad naman akong lumapit at mabilis na kinuha ang panungkit sa kaniya.
“Sana hinayaan mo na lang ’to. Magkakasakit ka pa sa ginagawa mong ’to e,” pagalit ngunit may bahid ng pag-aalalang ani ko. At matapos kong kunin iyon ay bahagyang tinulak ko pa siya bilang senyas na pumasok na.
Pagkapasok ay agad kong binuksan ang ilaw at doon ko napansin na basang-basa na ang bandang likuran niya. Nabasa rin naman ako ngunit hindi gano’n kabasa. Agad kong inilapag ang mga damit na hawak ko sa sofa at kinuha rin ang mga hawak niya.
“Tingnan mo basang-basa ka oh,” ani ko sa mas kalmadong paraan.
“Sorry, I just want to get it so that you don’t have to wait for it to dry again,” tugon niya at naiintindihan ko naman ang rason niya. Ayaw ko lang tanggapin.
’Bakit ba napaka-bait nitong taong ‘to? Isa tuloy iyon sa mga rason kung bakit takot akong masaktan siya.’
“Kahit na…tignan mo ikaw tuloy ang basang-basa ngayon. Magpalit ka na,” ma-awtoridad ngunit malumanay kong sabi. Tumango naman siya at dumiretso sa kwarto.
Sinimulan ko naman nang isampay ang mga damit na iyon sa sampayan dito sa loob ng aming bahay. At matapos no’n ay saka ko pinatay ulit ang ilaw at dumiretso sa kwarto. Pagpasok ko ro’n ay napansin kong naka-dark na t-shirt na siya at striped na pajama.
“Okay ka lang ba? Hindi ka ba nilalamig?” tanong ko rito nang makalapit. Nagtaas tingin naman siya sa’kin habang nakaupo siya sa higaan ni mama.
“A little bit, but it’s okay. Don’t worry,” aniya at ngumiti ng tipid. ‘Akala siguro nito galit ako.’
“Gusto mo mag-jacket? Papahiramin kita,” offer ko.
Nakita kong lumiwanag ang mukha niya at ngumiti. Salamat sa liwanag mula sa labas na tumatama sa mukha niya.
“Talaga?” paninigurado pa niya. “Oo, pahiramin kita nung jacket na binigay mo sa’kin,” tugon ko at mabilis iyong kinuha kahit hindi pa siya pumayag.
Hindi ko na binuksan pa ang ilaw sapagkat nasa cabinet naman iyon at alam ko kung saan banda ko iyon inilagay.
Pagkakuha ko no’n ay agad akong lumapit sa kaniya at iniabot iyon.
“Oh, suotin mo na at matulog na tayo,” wika ko at pinatay muna ang electricfan bago humiga sa higaan ko.
“Thanks baby,” tugon niya habang isinusuot iyon. Pinanood ko lang naman siyang gawin ’yon habang nakatalukbong na sa kumot ang katawan.
Nang mahiga siya ay bahagyang nakatalikod sa gawi ko. Nakatitig pa rin ako sa kaniya at hindi ko pa rin maiwasang mag-alala at mag-isip.
‘Nilalamig pa rin kaya siya?’
‘Hindi naman siguro siya magkakasakit bukas no?’
‘Okay lang kaya siya, inakala ba niyang galit ako?’
At habang nakatitig sa kaniya ay biglang parang nakonsensya ako sa naging sagot ko sa kaniya kanina. Nag-effort na nga, pinagalitan mo pa. Tanga mo, Max.
At impit na natawa ako ng bahagya sa kaniya dahil pilit niyang binabalot ang sarili sa manipis na kumot na iyon. Kaya naman tinawag ko siya sa callsign namin.
“Baby,” ani ko at agad naman siyang lumingon.
“Yes baby?” tugon niya habang nakatingin sa gawi ko.
“Lipat ka na rito. Tabi tayo,” wika ko ngunit hindi agad siya nakasagot.
“Are you sure?” nag-aalangan pa niyang sabi. Pinagpag ko naman ang tabi ko.
“Oo, dali. Lalamigin ka lang riyan e. Dalhin mo na rin ’yang unan diyan,” utos ko na agad niyang sinunod.
Umusog naman ako nang makalapit na siya. “Higa na,” sambit ko pa.
Sumunod naman siya kaya ikinumot ko sa kaniya ang kalahati ng kumot ko. Mas makapal ito sa kumot na gamit niya kaya ko siya pinalipat. O sabihin na rin nating gusto ko ring bumawi sa kaniya.
“Nilalamig ka pa?” tanong ko pa at nakita ko ang pagngiti niya.
“Okay naman na. Thanks baby,” aniya ngunit pakiramdam ko’y nahihiya lang siya magsabi.
Inilapat ko naman ang braso ko at saka nagsalita.
“Lumapit ka. Humiga ka na rito,” utos ko at mukhang nagtataka pa siya kaya nagsalita ulit ako.
“Yayakapin kita…dali na,” at agad naman siyang humiga roon at kitang-kita ko ang ngiti sa labi niya. “Okay na?” tanong ko pa nang makahiga siya at nakayakap na ako sa kaniya.
Iniyakap niya ang isang kamay sa akin bago sumagot. “Safe and warm,” bumuga pa siya ng hininga matapos sabihin iyon. Ramdam ko ang saya sa boses niya kaya nakuntento na ako.
“Matulog ka na,” tugon ko at ramdam na ramdam ko ang hininga niya ng magsalita siya.
“Yes baby, goodnight,” wika niya at hindi na ako sumagot. Pumikit na lang ako at hindi na inalintana ang lapit nang mukha namin.
‘Pag ninakawan ako ng halik neto sa lips. Babasagin ko scrotum niya.’
CHAPTER 40
Mirrem’s Pov.
It’s been 3 days exactly when we last saw each other. And now I can’t stop myself from smiling coz I know I’ll see him today. ‘You’re really crazy, Mirrem.’
“Yeah, I am.” animoy baliw na ngingiti-ngiting sagot ko sa sarili ko.
Those days that passed by. I never had a chance to see him. That was so very tight and hectic. Busy siya sa mga organizations na kinabibilangan niya at ako naman ay busy sa propesyon ko, ang pagtuturo ofc.
That’s why i am so happy today because I know I’ll be able to see him, coz it’’s family day. The day that i’ve been waiting for so long. At sa wakas, makikita ko na rin ang mama niya…
Naisip ko pa tuloy ano kayang hitsura ng mama niya in person. Is her mom curly like him?
Nangiti ako sa isiping iyon kaya iiling-iling akong iniwakli iyon sa isipan ko. Maka-kilos na nga, tss haha.
Mabilis kong tinungo ang banyo matapos no’n at saka naligo. Gamit ang shower gel ko ay ibinuhos ko ito sa akin at sinigurado ko pang mabulang-bula ito upang mabangong-mabango ako bago lumabas…
Nang matapos ako ay agad akong tumungo sa aking closet at namili ng isusuot kahit pa basang basa na ang sahig dulot ng pagtulo ng tubig mula sa aking katawan…
Nang makapili ay agad kong pinunasan ang sarili ng maayos at saka isinuot ang mga iyon. Pinasadahan ko pa ng tingin ang sarili ko sa salamin habang suot ang Bruno cucinelli cream beige polo shirt at Dolce & Gabanna straight cut cotton jeans na pinaresan ng Balenciaga white triple s clear sole sneaker.
At habang tinitignan ang sarili ay na-realize kong may kulang kaya kumuha ako ng white ballcap at eyeglasses. Isinuot ko rin ang casual gold watch ko at saka ko muling sinuri ang sarili ko sa salamin.
‘Much better.’
Pagtapos no’n ay agad na akong gumayak dahil idi-distribute ko pa ang mga t-shirts ng students at parents nila for family day…
6:45 nang marating ko ang school at masyado pang maaga kaya naman nagprepare muna ako.
‘Nandito na kaya siya?’ tanong ko pa sa isip. Nangiti pa ako habang iniisip siya at biglang may pumasok na teacher kaya nabalik ako sa ulirat.
‘Excited na talaga akong makita siya.’
Hindi naman na ako masyadong nag-isip pa at inayos na lang ang tshirt alpabhetically at by family surnames para ibibigay ko na lang at hindi na hahanapin pa mamaya.
__
Ilang oras at lumipas at marami-rami na raw ang families ayon sa co-teachers ko na narito sa faculty. Kaya naman nag-decide akong pumunta na sa gymnasium dala ang mga gamit ko.
Pagkarating doon ay agad kong hinanap ang designated area sa bleachers para sa section namin at nadatnan ko na ang mga iilan sa students ko habang kasama nila ang parents nila kaya naman agad akong dumiretso doon.
Namataan ng mata ko si Shin at naalala ko siya kaya agad ko rin siyang hinanap ngunit hindi ko siya makita. ’Saan naman kaya nagsususuot ang isang ‘yon? Namimiss ko na siya e.’
Hindi ko naman ipinahalata na may hinahanap ako at baka mapansin pa ni Shin. Inilapag ko na lang ang box ng tshirts sa bleachers at saka sinimulang i-distribute ang mga t-shirts.
‘Panigurado namang makikita ko rin siya maya-maya.’
Nakailang bigay na rin ako sa mga students ko at ang huling nasa linya ay si Shin. Nang saktong ibigay ko sa kaniya ang t-shirts nila ng family niya ay bigla siyang nagsalita…
“Are you looking for Max?” kaswal na tanong niya. Nangunot naman ang noo ko. ‘Ganon ba’ko ka-obvious?’
“No,” pagsisinungaling ko ngunit sumimpleng tanong din. “But where’s him? I didn’t see him around,” dagdag ko pa kunwari at luminga-linga na kunwari’y tinitignan kung nandiyan na ba siya.
“It’s not new to me naman na hindi talaga siya nagpapakita ng ganito kaaga sa family day,” biglaang aniya kaya naman biglang umusbong rin ang pagtataka sa akin.
“Why?” kaswal ngunit kunot ang noong tanong ko sa sinabi niyang iyon.
“It is because…” pagputol niya. “His mom never attended family day with him.” aniya at hindi naman ako nakapagsalita kahit pa nagulat ako.
“His mom is too busy para magtrabaho para sa kanilang dalawa. And I know Max understands that since alam niyang wala naman na silang ibang relatives.” dagdag pa niya at mas nagulat ako roon. Ngunit hindi ko iyon ipinahalata at patuloy lang na nakinig sa kwento niya tungkol sa bestfriend niya.
“For sure, magpapakita lang yun here later just to claim the t-shirts. Just like what he did last year.” dagdag pa niya. “Gusto ko sana noon isama siya sa game namin nila Mom & Dad pero lagi siyang tumatanggi noon. Ayoko namang ma-hurt yung feelings niya kaya hindi ko na rin pinilit pa,”
Hindi ko alam pero matapos kong marinig iyon ay biglang gusto ko na lang hanapin siya at yakapin ng mahigpit.
‘Ang akala ko pa kanina ay makikita ko na ang mama niya ngayon. Hindi ko man lang alam na gano’n pala ang pinagdaraanan niya.’
Hindi naman ako nakasagot kay Shin sa kwento niyang iyon. Nagpaalam din siyang pupuntahan muna ang parents niya kaya naman tumango ako.
Ilang minutos ay hindi ako nakatiis at ibinilin muna ang mga t-shirts sa isang estudyante ko. Ibinigay ko sa kaniya ang list ng names ng student at binigyan siya ng instructions kung anong gagawin bago umalis.
Dinampot ko pa ang dalawang t-shirt na may apilyedo ni Max bago ko siya tuluyang hanapin…
Hindi ko alam kung saan ko sisimulang maghanap kaya naman nag ikot-ikot muna ako. At biglang pumasok sa isip ko ang mga clubs niya kaya naman agad akong nagtungo sa mga room no’n at hinanap siya.
At hindi naman ako nagkamali dahil nakita ko siya sa room ng filipino club at may inaayos na kung ano sa malaking box habang may iilang pawis sa noo.
Pumasok ako at nakita kong nagulat siya nang makita ako.
Max Pov.
Ngayong araw ang event na family day sa school at hindi ko alam kung papasok pa ba ako ngayon o ’wag na lang.
Hindi makaka-attend si Mama sa family day at naiintindihan ko naman sapagkat kailangan niyang kumayod para sa aming dalawa. Kaya lang ay medyo nahihiya ako sapagkat wala man lang akong isang kasama na miyembro ng pamilya sapagkat si mama na lang ang meron ako.Maliban kay Tita na hindi ko rin naman kaano-ano talaga…
Tamad kong tinungo ang banyo para maligo at bumuntong hininga pa bago gawin iyon.
‘Kailangan ko pa ring pumasok dahil may attendance.’
Tapos na akong kumilos at handa na para sa school kaya tumungo ako sa kusina upang mag-agahan muna.
Naabutan ko si Mama roon at agad siyang nagsalita nang mapansin ako.
“Ngayon ang family day niyo sa school hindi ba?” at tumango naman ako bilang tugon.
“Pasensya ka na at hindi ako makakapunta ro’n para samahan ka. Alam ko namang maiintindihan mo ako,” dispensa niya at hindi naman ako sumagot. Nagtuloy tuloy lang ako sa pag-upo at hinainan ang sarili ng pagkain.
‘Hanggang kailan ba ako iintindi?’
Hindi ko alam pero biglang pumasok sa isip ko ang tanong na iyon. Lumitaw iyon na parang bula sa ere.
Hindi naman na kami nagkibuan pa at nag-iwan siya ng pera sa akin bago umalis. At napabuntong hininga ulit ako matapos no’n.
Matapos kong kumain ay agad na akong nagtungo sa school. Maaga pa naman ngunit may iilang mga tao na rin sa loob ng school. At nang madaanan ko ang gymnasium ay mayroon na nga ring mga estudyante roon na nagde-decorate at naglilinis…
Hindi ko naman na iyon pinansin pa at dumiretso na lang sa filipino club room sapagkat may gagawin pa kami para sa nalalapit na buwan ng wika at para rin sa booth namin sa foundation day pagtapos ng family day…
Ilang oras ang lumipas at habang abala ako sa mga gamit na inihahanda ko at inilalagay sa box ay may biglang pumasok.
Nagulat ako nang makita ko si Sir. Mirrem iyon at may dalang t-shirts.
“Anong ginagawa mo rito?” takang tanong ko. Dapat nasa field siya e, kaya bakit siya pumunta rito? tsk.
“Inihatid ko ’to,” aniya at isinenyas ang t-shirts. Nahiya naman ako ng slight.
“Ba’t nag-abala ka pa? Kukunin ko rin naman ’yan do’n e,” tugon ko. “Pero salamat…” dugtong ko pa at binigyan siya ng tipid na ngiti.
“Bakit nga ba nandito ka? Diba dapat nasa gymnasium ka?” kaswal na tanong niya at sumagot naman ako.
“Kailangan ko kasi gawin to e. Para kasi ’to sa buwan ng wika this coming week. Alam mo naman yun diba?” ani ko at tumango-tango naman siya.
“But where’s the other club members? Ikaw lang ba talaga mag-isa ang dapat gumagawa nito?” tanong pa niya at ngumiti naman ako ng tipid bago sumagot.
“Nope. Pero nasa gymnasium kasi sila with their families e. At nagkataon namang hindi ako makakasali dahil hindi makaka-attend si Mama ngayon… kaya ginagawa ko na lang yung kelangan kong gawin dito para wala na akong iisipin sa susunod,” pagpapakatotoo ko habang pinagmumukhang abala ang sarili. May kirot akong nararamdaman sa dibdib ko habang sinasabi iyon ngunit hindi ko ipinahalata sa kaniya.
Ilang segundo pa bago siya nagsalita kaya nilingon ko siya.
“Stop what you are doing now,” aniya at kunot ang noong tinignan ko naman siya.
“Ano?” medyo inis na sabi ko.
“Stop what you are doing now,” ulit niya pa at nainis ako lalo.
“At bakit?” tanong ko pa at iniabot naman niya sakin ang t-shirt at saka nagsalita.
“I’ll join you there. I’ll be your guardian for today,” aniya at naguluhan ako. ‘Ha, ano raw?’
‘Sasamahan niya ako ron? Nababaliw na ba siya. Ayokong ma-issue kami.’
“Bakit?” taas kilay na tanong ko sa kaniya.
“Anong bakit?” pagbabalik tanong niya sa akin.
“I mean…Bakit mo ako sasamahan do’n?” tanong ko at ngumuso.
“Why not?” kunot noong tanong niya. “Besides i’m your boyfriend,” dagdag pa niya kaya pinandilatan ko siya nang mata. Lumingon-lingon pa ako sa paligid at tinignan kung may tao bang nakarinig sa sinabi niya.
“Sira ka talaga. Pag may nakarinig sayo!” pabulong ngunit may diin kong sabi sa kaniya.
“Sige na. Magpalit ka na at isusuot ko tong t-shirt na ’to,” aniya at hindi pinansin ang sinabi ko. Iniabot niya sa’kin ang shirt at saka lumabas ng room na iyon. Nilingon ko pa ang pinto kung saan siya lumabas at may kung ano na naman akong naramdamang kiliti sa dibdib ko.
Ba’t ba sobrang bait niya? Kahit minsan di halata?
Hindi ko man aminin pero nakaramdam ako ng kaunting tuwa sa ginawa niyang iyon. Hindi naman gano’n ka bigdeal sa akin ang family day. Pero sa ginawa ni sir…naibsan no’n ang lungkot na namumutawi sa dibdib ko…
‘Salamat.’ sabi ko pa sa isip ko.
Ilang minutos lang ang lumipas ay dumating na siya at nakapagpalit na siya. Medyo natawa ako dahil fitted sa kaniya ang tshirt na ’yon at bakat na bakat ang malaking katawan niya roon.
“Are you done?” aniya at sinuri ako. Tumango naman ako sa kaniya bilang tugon.
“Okay lang ba sa’kin?” tanong pa niya at pinasadahan ko pa kunwari ng tingin ang kabuuan niya bago sumagot.
“Ayos lang naman. Ang pogi mo nga e. Laki ng katawan mo,” simpleng sagot ko at tumawa.
“Bagay talaga tayo,” aniya at inis naman akong tinignan siya.
“Paano mo naman nasabi, ha? tanong ko pa at ngumisi naman siya sa’kin.
“Ganda mo e,” tugon niya at inirapan ko naman siya. “Korni mo,” ani ko at tumawa naman siya.
“Tara na?” aniya at napahinto naman ako dahil may biglang pumasok sa isip ko.
“Teka lang!” sambit ko at tinignan niya ako habang kunot ang noo.
“Bakit?” may bahid ng pag-aalalang tanong niya at medyo nahihiya naman akong sumagot. Ano na lang iisipin ng mga tao kapag nakita kaming naka-ganito.
“H’wag na lang tayo sumali,” sambit ko at nagsalubong naman ang kilay niya. Ayokong ma-issue sir!
“Why?” aniya. Patay! nag-english na.
“E kasi…” putol ko.
At tinignan naman niya ako na animo’y naghihintay siya sa isasagot ko kaya naman nagsalita na ako.
“Baka kasi ma-issue tayo e,” may bahid ng lungkot na tugon ko.
“Issue?” aniya na animo’y naguguluhan.
“Oo, baka ma-issue tayo na may something. Tignan mo nga oh, same pa tayo ng t-shirt ket di naman tayo magkaano-ano,” oa na sabi ko at di naman siya umimik.
“Ayoko lang ng issue kaya wag na lang natin ituloy,” dagdag ko pa.
“E, bakit kasi nag-iisip ka ng ganiyan. Pwede ko namang sabihin na sinamahan lang kita dahil walang makaka-attend na relatives mo para sayo,” aniya at napaisip ako. ‘Oo nga no? pero kasi…di naman gano’n kadali yun e…’
“Pero kahit na—” agad niya akong pinutol.
“Just don’t overthink, okay?” aniya at napatango naman ako. “Akong bahala sayo. Hindi ko naman to gagawin kung alam kong ikapapahamak natin,” dagdag pa niya at wala naman akong nagawa kundi ang sumunod.
‘Wag ka nang mag-overthink, Max. Hindi ka ipapahamak ni Mirrem. Kilala mo naman siya e kaya magtiwala ka.’
Sabay kaming naglakad patungo sa gymnasium.
At hindi nga ako nagkamali.
Dahil pagkarating pa lang namin doon ay agad ko nang naramdaman ang mga matang nakamasid at mga bulung-bulungan na patungkol sa amin.
Kinabahan ako at mas kinabahan pa ako nang marating namin ang bleachers para sa aming mga juniors. Maraming nakakakilala kay Sir kaya mas nag-overthink ako.
Nagulat naman ako nang iakbay sa akin ni sir ang kamay niya. Kaswal lang naman na pagka-akbay. Yung hindi mahigpit at hindi rin sobrang luwag at layo. Akbay na tipong pang-pamilya at pang barkada lang.
Hindi ko alam kung naramdaman niya bang kinakabahan ako kaya niya ginawa yon o sadyang trip niya lang.
Ngunit hindi iyon ang mahalaga sakin ngayon dahil mas iniisip ko ang mga matang nakamasid sa amin lalo na’t malapit na kami sa bleachers kung saa naka-upo ang mga ka-section ko.
Pagkarating namin sa bleachers namin ay agad kong nakita ang mata nilang nakatutok sa amin ni Sir. Mirrem at may bulungan din agad kaya naman nanlamig ang kamay ko. Napansin ko pa si Shin na binibigyan ako ng nanunuksong tingin kaya inirapan ko siya.
‘Yari ka talaga saking koreana ka. Bubunutin ko talaga yang eyelash extensions mo.’
Agad naman akong napatingin kay sir nung akayin ako nito at magsalita siya.
“Attention.” pagtawag atensyon niya sa lahat ng nasa bleachers na iyon. “Max parents won’t be able to join him for today’s event. So, as his adviser… I want to take the responsibility and be his guardian for today. And besides para hindi siya ma out of place at para maka-join pa rin siya sa’ten,” aniya at ngumiti naman ako sa mga classmates ko at sa parents nila na ang tingin ay nasa amin nang dalawa.
Nilingon ko naman si Sir. Mirrem at saka ko siya nginitian. Nagpaalam naman akong uupo na at tumango naman siya. Umupo ako sa tabi ni Shin at kinurot ko naman siya ng mahina.
“Ouch!” natatawang aniya at inis akong tinignan siya.
“Tigilan mo’ko sa mga pang-aasar mo,” madiing bulong ko sa kaniya.
“Akala ko ba iiwasan?” nanunuksong aniya at pinandilatan ko naman siya.
“Tigilan mo’ko at baka maihaw talaga kita ng buhay,” inis kunwaring sabi ko at tatawa-tawa naman siyang sumagot.
“Yeah, yeah!” aniya at hindi ko naman na siya pinansin dahil magsisimula na rin ang event.
Nagsimula na ang event at marami-rami na ring games ang ipinalaro nila at bawat levels at section ay may tag-tatlong hanggang limang family na representative.
Isa kami nila Sir. Mirrem at family ni Shin na naging representative sa isang game ngayon kaya naman kinakabahan ako.
In-explain sa mic ng emcee ang mechanics ng laro at ayon sa kaniya ay nasa magkabilaang dulo si player 1 at 2. at kailangang makarating si player 1 kay player 2 habang nakapiring at makalagan ito. At si player 2 naman ang gagabay sa direksyon upang mabilis na mapuntahan siya ni player 1 at makalagan.
Ang mga anak ang player 1 at ang mga parents/guardians ang player 2. Agad kaming pinapwesto sa magkabilaang dulo at piniringan. Rinig na rinig ko ang ingay ng buong crowd dito sa gymnasium ngunit mas nagfocus ako sa bilang ng emcee.
“In three, two, one….Go!” aniya at mabilis akong kumilos. Rinig na rinig ko ang ingay ng buong crowd kaya halos di ko marinig ang sigaw ni Mirrem.
“Max, just go straight!” dinig kong sigaw niya na siyang ginawa ko. “You’re going far…turn left a little bit!” aniya at nagpatuloy ako sa paglalakad kahit pa wala akong makita at kung saan ako papunta.
“You’re near! Just go straight and come here!” sigaw pa niya at hindi naman ako sumagot at nagpatuloy lang sa paglakad habang naka-angat ang kamay sa ere. Nangangapa kung malapit na nga ba talaga ako.
Habang naglalakad ay may naramdaman ako kaya naman agad ko itong hinawakan at agad ko naman narinig ang sigaw ni Mirrem at narinig ko rin ang boses ni Shin.
“That’s Shin! Just move forward!” sigaw niya ngunit hindi ko iyon pinansin dahil mas natawa ako sa pagtatama namin ni Shin.
Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa rinig na rinig ko na ang boses ni Mirrem.
“Yes, just go straight. Sobrang lapit mo na,” aniya at biglang may tinamaan ang kamay ko at kinapa ko pa iyon.
“That’s my chest,” aniya kaya medyo nahiya ako at itinigil ang pagkapa roon.
“Untie my arms. May telang nakapaikot sa akin.” aniya. “Ibaba mo pa yung kamay mo,” aniya at nagpatuloy naman ako sa pangangapa hanggang sa mahawakan ko iyon.
“Yes that’s it! Nasa likod yung dulo niyan. Untie it,” utos niya pa na mabilis ko namang sinunod. Umikot ako sa likuran niya at nang mahawakan ko nga ang dulo nito at mabilis kong pinakiramdaman ang pagkakatali nito. Nang makuha iyon ay agad ko itong tinanggal.
“Good job. Now go to my hands below. Untie it,” aniya kaya lumuhod ako ng kaunti at kumapa-kapa hanggang sa may makapa akong ma-umbok. Pwet niya yata to? tss.
“That’s my butt. Here’s my hand,” at naramdaman ko ang kalabit ng daliri niya kaya agad kong tinungo iyon at pinakiramdaman kung nasaan ang telang nakatali doon. Nang matunton iyon ay agad kong hinanap ang dulo at tinanggal ang pagkakabuhol no’n.
“Now my feet. Untie it,” Agad akong lumuhod matapos niyang sabihin iyon at mas lalong umingay ang crowd dahilan para mas madagdagan ang kaba sa dibdib ko.
“Relax, you’re almost there. I can see you shaking,” aniya at pinilit ko namang kalmahin ang sarili ko habang lumuluhod at hinahanap ang tela sa paanan niya. Nang matunton ko iyon ay narinig ko ang tawa niya.
“Nice one. Untie it and we’ll win. Make it faster!” aniya pa kaya nagmamadaling hinanap ko ang dulo no’n. Medyo mahirap ang pagkakabuhol no’n kaya hindi ko matanggal agad.
“Untie it,” aniya pa at inis naman akong sumagot. “Teka lang, di ko maramdaman kung paano to inikot e,” tugon ko at tumawa naman siya.
“Okay, take your time,” aniya at nung ma-gets ko kung paano iyon binuhol ay agad ko iyong tinanggal at mabilis akong tumayo at tinanggal ang piring ko. Rinig ko ang sigaw ni Mirrem at nakangiti kaming nagtata-talon dahil nauna kami sa lahat ng players na naroon.
“You did great,” aniya at niyakap ako at tinapik tapik pa ang likod ko. Nagulat ako ngunit hindi ko iyon ipinahalata.
At kahit na nagkukumawala ang mga negative thoughts sa utak ko habang nasa ganoon kaming posisyon ay mas pinili kong manahimik at magpaka-positibo.
’Kumalma ka Max, yakap lang ‘yan. Walang malisya.’
Matapos niyang bumitiw sa yakap na iyon ay lumingon ako sa kanang banda ko at kunwaring pinanood ang iba pang players na hindi pa natatapos…
Habang nasa ganoon akong posisyon ay narinig ko ang boses ni Shin kaya naman napalingon ako sa kaliwang banda kung nasaan sila. Nakita kong tapos na sila at nagtata-talon…
“We did it, Mom,” ani ni Shin sa mom niya at yumakap rito. Nakita kong yumakap rin ang mom niya pabalik.
Sa loob-loob ko ay masaya ako para sa kanila ngunit may parte doon na nakakaramdam ng inggit.
Inggit dahil sa mga ganitong okasyon ay kayang-kaya siyang samahan ng pamilya niya. Hindi ko alam pero biglang bumagsak ang balikat ko sa isiping iyon.
Nagbadya ang luha sa mata ko. At bago pa manlabo ang paningin ko ay nakita ko sa gilid ng paningin ang titig ni Sir Mirrem. Na nasisiguro kong kanina pa nakatingin sa akin at pinagmamasdan at nababasa ang emosyon sa mukha ko.
Nag-iwas tingin na lang ako at lumingon sa crowd kunwari upang hindi tumulo ang luhang nagbabadya.
’Kaya mo yan, Max. Every year mo na ‘tong napagdadaanan. Ngayon ka pa ba papatalo?’ sabi ko sa isip.
Totoo namang every year ganito ang eksena ko sa family day since mag high-school ako. Hahanap lang ako ng spot kung saan pwede akong tumambay at hihintayin lang na matapos ang event at saka uuwi.
Nung elementary ang huling family day na nasamahan ako ni Tita Irene. Laging si Tita Irene ang sumasama sa akin sa family day pati na recognition day at walang palya iyon.
Hindi ako nasamahan sa kahit anong event ni Mama sa school simula noong nag-aral ako ng elementarya hanggang ngayong nag high-school ako. Isang beses lang na naka-attend siya ng PTA meeting noong Grade II ako at matapos niyang makita ang report card ko ay agad na siyang umalis sapagkat kailangan pa raw niya noong bumalik sa palengke upang magtinda.
Nabalik ako sa ulirat nang akbayan ako ni Sir at tinapik-tapik pa ang balikat ko.
“Tara na, may prize tayo,” aniya dahil ina-announce na pala ang mga nanalo at hindi ko man lang napansin dahil occupied ako. Tumango naman ako sa kaniya at nagpaakay.
Dinig na dinig ko ang palakpakan at hiyawan ng crowd sa magkabilaang banda ngunit hindi ko na iyon pinansin pa at nagpatuloy na lang sa paglalakad…
Habang nandoon kami at kinakausap ni Sir ang isa sa nagbibigay ng prize ay may dumamba sakin ng mahina kaya nilingon ko iyon. Si Shin.
“Oh? problema mo?” mayabang na tanong ko sa kaniya at ngingisi-ngisi naman siyang tinignan ako. Alam kong may iniisip ’tong hindi maganda e, tss.
“There’s something you’re not telling me,” aniya at tinutusok-tusok pa ang tagiliran ko.
“At ano naman ’yon?” mahinang tanong ko sa kaniya at lumapit naman siya na animo’y may ibubulong kaya lumapit din ako.
“Between you and Sir. Mirrem,” at bigla ko siyang nabatukan ng sabihin niya ang pangalan ni Sir. “Ouch!” sigaw niya,
“Gaga ka! pag may nakarinig sayo,” gigil na bulong ko at pinandilatan siya. At tatawa-tawa naman siyang nakatingin sa akin habang inaayos ang buhok niyang nagulo.
“Dun ka na nga. Claim mo na prize mo,” ani ko at lumapit na kay Sir na hinihintay na pala ako at hawak na ang prize namin.
Pagkalapit ko ay agad akong humingi ng dispensa.
“Sorry natagalan. May binubulong pa kais si Shin e,” ani ko kahit pakiramdam ko ay hindi naman kailangang sabihin pa iyon.
“It’s okay. Btw, are you tired?” tanong niya at hindi pa ako nakakasagot ay dinugtungan niya na iyon.
“Do you wanna have a seat for a while first?” kaswal na dugtong niya habang nakatingin ng diretso sa akin. Tumango naman ako bilang tugon upang di na humaba pa ang usapan. ‘Medyo pagod na rin naman ako e.’
Nang makaupo kami ay tahimik kaming dalawa at tanging ingay lang ng crowd ang maririnig. Hindi ko na rin naman siya pinansin dahil wala rin naman akong sasabihin at medyo wala rin ako sa hulog.
‘Feeling ko hindi ako belong sa lugar na ito.’
Nagpunas ako ng pawis gamit ang panyo ko at nagulat ako ng lingunin niya ako.
“Won’t you wipe my sweat for me baby?” bulong niya at agad ko naman siyang tinarayan. ’Aba’y gago ba ‘to?’
“Pag may nakarinig talaga sa’yo. Basag talaga yang mukha mo,” inis na bulong ko sa kaniya at ngingisi-ngisi naman siyang pinunasan ang sarili niyang pawis. ‘Lakas mang-asar. Pag may nakarinig sa kaniya edi pareho kaming mayayari. Di nag-iisip, tss.’
At nang mamutawi ulit ang katamihikan sa aming dalawa ay maya-maya pa’y may narinig akong nag-uusap…
Nilingon ko iyon dahil narinig kong binanggit nila ang pangalan ng boyfriend ko. ‘Ay wow! proud ka na ngayon?’
“Is it family day right? It is supposed to be a day with FAMILY. So why the heck Mr. Dalton is with that cheap and pathetic gay,” malakas pang bulong nito na may diin pa sa bawat bigkas niya na halata namang gusto iparinig sa akin. Hindi naman ako umimik at nakinig lang sa kanila.
“I’ve heard that her mother couldn’t attend this family day because of work,” tugon nung isa at tatawa-tawa namang sumagot ang isa.
“Is that how poor they are? That her mother couldn’t afford to leave its job for him?” at humalakhak pa ang isa bago sumagot.
“Or maybe, her mother doesn’t really love her,” ani pa nung isa.
“What a lonely and poor creature,” kunwaring malungkot na sagot pa nung isa at saka sila sabay na tumawa. Gusto ko man silang sagutin ay hindi ko na ginawa. Pwedeng pwede ko silang saktan at bully-hin ngunit ayoko na lang din.
Kase tama naman silang dalawa. Family day ito pero ang kasama ko ngayon ay guro ko lamang. Family day ito pero ang kasama ko ay hindi ko naman kaano-ano and worse hindi ko naman kadugo.
Nawalan ako ng gana kaya naman tumayo ako at nagpaalam kay Sir. Nakatingin siya sa akin.
“Cr lang muna ako ha?” sambit ko at tumango naman siya.
“Okay, take care,” mahinang tugon niya kaya ngumiti ako at humakbang na paalis. Ngunit napalingon ako nang magsalita pa ulit siya. “And make it fast,” aniya at tumango naman ako bilang tugon. Hindi ako sigurado kung may gana pa ba akong bumalik ngunit tumango na lang ako para putulin na ang usapan.
‘Sana’y ma-busy siya at hindi na niya ako hanapin.’
Mirrem’s Pov.
Panay ang sigawan at palakpakan ng crowd sa game ngunit ako rito ay nakaupo pa rin at inip na naghihintay kay Max na makabalik..
’Asan na kaya ‘yon? Ang sabi magc-cr lang e.’
Halos magte-trenta minutos na siyang wala at hindi na ako mapakal kanina pai. Kaya naman nung hindi ako makatiis ay nagpaalam ako sa ibang students ko na nasa bleachers at saka ako umalis upang hanapin siya.
‘I will not just gonna sit there and wait for you.’
Salubong ang kilay na pinuntahan ko muna ang pinakamalapit na cr dito sa gymnasium at pinasok iyon. Pagkarating doon ay binuksan ko pa isa-isa ang mga cubicle no’n ngunit walang tao. ‘He’s not here. Where the hell he is?’
Naisipan kong tawagan siya. Kaya agad ko namang itong ginawa. Kinuha ko ang phone ko at idi-nial ang number niya ngunit mas lalong nainis lang ako lalo dahil out of reach ang number niya.
‘Where the hell are you? You’re making me worried. I hate it!’
Kaya naman kahit hindi alam kung sa’n maghahanap ay naglakad ako. Hanggang sa maisipan kong bumalik sa room ng mga clubs. ‘Baka nandoon ulit siya.’
Kaya naman agad kong tinungo ang filipino club room at hindi nga ako nagkakamali dahil naroon siya at nakaupo habang may isinusulat na kung ano at naka-earphones.
Agad akong pumasok at napansin naman niya ako. Inihinto niya ang ginagawa at dahan-dahan niyang tinanggal ang earphones niya at saka ako nilingon.
“Anong ginagawa mo rito? tanong niya pa na inosenteng nakatingin sa akin. Nainis ako bigla. ‘Bigla kang nawala tas magtatanong ka ng ganyan?’
“Isn’t it obvious? I was looking for you,” sarkastikong ani ko habang salubong ang kilay na nakatingin sa kaniya.
“Nag-abala ka pa…bumalik ka na roon at kailangan ka do’n. Wag mo na akong intindihin,” simpleng aniya at ibinalik ang tingin sa ginagawa, kaya naman hindi ko napigilan ang pagtaasan siya ng boses.
“Ano bang nangyayari sa’yo?” Inis na tanong ko sa kaniya.
Medyo nagitla siya ngunit nang makabawi ay tipid pa siyang ngumiti at sumagot.
“Wala naman,” aniya. “Tinatamad lang ako bumalik do’n. Nawalan ako ng gana e.” dagdag pa niya. “Sige na…bumalik ka na ro’n at kailangan ka nila ro’n.” Habang ang tingin ay nasa papel na at wala sa akin.
Huminga naman muna ako ng malalim at ikinalma ang sarili bago ako naupo sa tabi niya at subukang kausapin siya ulit.
“Ano ba kasing nangyayari sayo?” aniya at hindi siya umimik kaya nagsalita ulit ako.
“Tell me…is it about your mom?” dugtong ko pa at hindi naman siya kumibo.
“Are you mad at her because she’s not here with you?” dagdag ko pa.
“Hindi,” tugon niya.
“Then why? What’s happening baby? Tell me. I’ll listen,” malambing at sinserong sabi ko na puno ng pag-aalala at pagsusumamo. ‘Let me know baby. I’m all ears.’
Huminga pa siya ng malalim at binigyan pa ako ng ngiti bago siya magkwento.
“May narinig kasi akong pinag-uusapan ako kanina,” panimula niya at naroon pa rin ang ngiti sa labi niya. Walang emosyon ko naman siyang tinignan habang nakikinig.
“Ang sabi nila ay family day ito pero bakit daw ang kasama ko ay teacher,” aniya pa at nagpatuloy naman ako sa pakikinig. ‘Sino naman kayang may sabi niyan?’
“Ang sabi pa nila e kaya raw siguro hindi naka-attend si Mama rito dahil mahirap lang kami,” dugtong pa niya at medyo nagulat ako dahil do’n. Hindi naman ako nakapagsalita at nanatiling nakatingin lamang sa kaniya.
“Gusto ko sana silang kumprotahin pero nonsense kasi tama naman sila,” at ngumiti pa siya na animoy may inaalala. “May point naman talaga sila e… family day nga naman ito bakit nga naman teacher ang kasama ko diba? Kaya ayun… hindi na lang ako bumalik,” aniya at tatawa-tawa pa kunwari.
Hindi ako sumagot at nanatiling nakatingin lamang sa kaniya. Hindi ko narinig na nabasag ang boses niya pero kitang kita at tanaw na tanaw ko ang kinang sa mga mmata niya. Kinang sa mata niya dulot ng nagbabadyang luha na malapit nang tumulo. Kaya naman bago pa mangyari ’yon ay agad ko siyang niyakap at inalo.
“Nandito lang ako,” yun lang ang tanging nasabi ko habang magkayakap kami at bigla ko na lang naramdaman ang paghikbi niya. Mas hinigpitan ko naman ang yakap at hinayaan ko lamang ang sandali na nasa ganoon kaming posisyon…
CHAPTER 41
Max Pov.
Matapos ang ilang minutos ay ako na mismo ang bumitaw sa aming yakapan.
‘Salamat at nandyan ka para saluhin ako.’
Nangiti ako sa naisip kong ‘yon at nakakatuwang gumaan talaga ang isip at damdamin ko dahil sa kaniya.
Nang tuluyang maghiwalay ay agad niya akong tinanong.
“Okay ka na?” aniya at humawak pa sa pisngi ko.
“Oo,” tugon ko’t inalis ang kamay niya sa pisngi. Masyadong nawiwili tong isang ‘to. Nakalimutan yata ‘yong usapan namin, tsk.
“Mabuti naman. Tara na?” aniya at sinamaan ko naman siya ng tingin. Nagtaka siya.
“Bakit?” tugon niya at mukhang nag-aalala.
“Anong tara na?” ani ko naman. ‘Aba’y nakalimot na yata ‘tong isang ‘to ah?’
“Balik na tayo ron. Bakit? ayaw mo pa ba? taka pa ring sagot niya at inirapan ko naman siya.
“Baka nakakalimutan mong may usapan tayo?” anas ko at nangunot naman ang noo niya at napakamot pa roon.
“Anong usapan?–– ay! ayun ba?” aniya nung makuha na niya ayon. “pero wala bang exception ‘yon?” nakangusong dagdag niya at sinimangutan ko naman siya.
“Wala!” madiing tugon ko at nag sad face naman siya sa harap ko. Muntik pa akong matawa ngunit pinigilan ko. ‘Kung di lang talaga pogi, baka nasipa ko na ‘to.’
“Mauna ka nang bumalik ro’n,” tugon ko at kitang kita ko sa reaksyon niya ang pagtutol.
“Sabay na lang tayo,” sagot niya pa at binigyan ko naman siya ng seryosong tingin, upang ipakita na hindi ako payag sa gusto niyang mangyari.
“Hays, sige na nga,” aniya nang bigyan ko lang siya ng blanko at seryosong titig.
“Pero sabay tayo maglunch ha?” nakangiti ng aniya at inismiran ko naman siya.
“Anong sabay? may sinabi ba ako?” patanong kong tugon sa kaniya at bumagsak ulit ang balikat niya.
“Ay bawal?” nakangusong aniya at naglungkut-lungkutan na naman.
“Bawal,” matigas kong sabi. ‘Hindi pwedeng magpadala ako sa mga ganyan mo. Baka ‘yan ang ikapahamak nating dalawa.’
“Okay, pero…tatawag ka naman pag-uwi mo diba?” umaasang tanong pa niya at ngumiti naman ako.
“Oo naman…pero pag hindi ako nakatawag. Ikaw na lang ang tumawag at sasagutin ko,” tugon ko at unti-unti namang lumitaw ang mga ngipin niya.
“Sabi mo ‘yan ah?” paninigurado niya at tumayo na. Tumango naman ako bilang tugon sa kaniya.
“Okay, i’ll go ahead now. Sumunod ka ro’n ha?” aniya pa at nginitian ko naman siya.
“Hindi na ako babalik ro’n. Message na lang kita pag nasa canteen na ako,” sambit ko at agad na gumuhit ang pagtutol sa mukha niya kaya nagsalita ulit ako.
“Sige na…wala na talaga ako sa mood bumalik do’n e,” dagdag ko pa at maya-maya pa ay unti-unti rin siyang ngumiti sa’kin.
“Fine. Just text me later, okay?” paalala pa niya at ngumiti naman ako.
“Oo na,” nakangiti ring tugon ko at mas lumaki pa ang ngisi niya matapos niyang sabihin ang i love you ng walang boses.
At tatawa-tawang ginaya ko naman siya kaya pareho kaming nakatingin sa isa’t isa habang nakatingala ako sa kaniya at siya naman ay bahagyang nakayuko.
Sumenyas pa siya na aalis na siya gamit ang thumbs niya na tumuturo sa pinto. Tumango naman ako at ngumiti ulit. Ngunit nagulat ako dahil bago siya lumakad ay humalik pa siya sa noo ko at saka mabilis na tumakbo palabas.
‘Mabuti na lang talaga at walang tao ngayon dito, jusko talaga naman!’
Hindi ko naman na masyadong inisip pa iyon at nagfocus na lang dito sa mga ginagawa ko.
Mabilis namang lumipas ang oras at hindi ko namalayan na may messages na pala sa akin si Sir. Mirrem at si Shin pati na rin si Xavier. Agad ko naman iyong binuksan at binasa.
From: Shin Eun Lee.
Where are you? Let’s eat lunch?
Sent. 11:12am
Agad naman akong nagreply doon at saka binasa ang message ni Sir.
From: Mirrem Cedric Dalton.
I’m here at canteen. Where you at? U still there? reply asap.
Sent. 11:04am.
‘Wow, demanding? char!’
Nangiti naman ako matapos kong basahin iyon kaya agad akong nagtipa ng ire-reply doon.
To: Mirrem Cedric Dalton.
Otw na. Pero di ako sasabay sa’yo. Kay Shin ako sasabay kumain.
Reply sent.
Matapos kong i-send ‘yon ay agad ko namang binasa ang message ni Xavier.
From: Xavier Jon Legazpi.
Hi Max, sa’n ka? Di kita nakita ngayon dito sa gymnasium.
Sent. 10:49am.
Nireplyan ko naman muna iyon bago ko iniligpit ang mga gamit na naka-kalat sa lamesa. At ilang minutos pa ay dalawang beses na tumunog ang cellphone ko kaya naman agad kong kinuha iyon at tinignan.
Reply iyon galing kay Shin at Sir Mirrem. Agad ko namang binuksan iyon at binasa.
From: Mirrem Cedric Dalton.
Yeah I know. I just wanted to see you. Come here now and eat. It’s almost 12pm.
Sent. 11:38am.
Nangiti naman ako matapos basahin iyon kaya naman nireplyan ko iyon bago buksan ang message ni Shin.
From: Shin Eun Lee.
Okay, I’ll wait here bestieee.
Sent. 11:42 am.
Matapos kong basahin at replyan iyon ay agad kong ibinulsa ang phone ko. Sinigurado ko rin namang nailigpit ko muna lahat bago ako umalis at bumaba.
Nang marating ko ang canteen ay agad na hinanap ng mata ko si Shin. At hindi naman ako nahirapang hanapin siya dahil nakaupo siya sa table na madalas naming upuan.
Agad naman akong dumiretso do’n at umupo sa tapat niya.
“Ba’t antagal mo? At saka ba’t bigla kang nawala kanina?” slang na tanong niya at agad naman akong sumagot habang inilalapag ang bag na dala ko.
“May kailangan kasi akong gawin kanina. Medyo natagalan ako kasi medyo marami kaya ayon,” tugon ko at agad naman siyang nagtanong ulit
“Para sa clubs mo?” aniya pa at tumango ako.
“Oo e, tara na order na tayo?” aya ko pa dahil medyo nagugutom na rin ako.
“Sure. Dahil marami ka pang ichi-chika sa’kin,” makahulugang aniya na ngingisi-ngisi pang nakatingin sa akin kaya naman inirapan ko siya.
“At ano naman ‘yan?” kunwaring tanong ko at sinundot pa niya ang tagiliran ko habang papunta kami sa counter.
“Tungkol sa inyo ni Sir,” mahinang bulong niya at tinarayan ko naman siya.
“Anong tungkol sa’men e wala namang kami? at never magiging kami,” inis kunwaring tugon ko. ‘Talaga lang Max, ah?’
“Eh bakit ang sweet niyo kanina? Yung mga tinginan niyo…there’s something different about it,” aniya pa na animo’y may nakikita sa ere.
“Mata mo ang may problema kung gano’n, gaga. Wala lang naman ‘yon e… at saka pinasali niya lang ako kanina dahil bawal pala na hindi kumpleto sa gymnasium,” pagsisinungaling ko at mukhang naniwala naman siya.
“Ay gano’n? so iiwasan mo pa rin talaga siya? Btw, nakapag-usap na ba kayo tungkol sa nangyari nung nakaraan?” seryosong tanong niya pa at huminga pa muna ako ng malalim bago sumagot.
“Oo naman. Sinabi kong iwasan na namin ang isa’t-isa. Hindi siya pumayag pero…wala naman na siyang magagawa dahil iyon na ang desisyon ko,” mahinang tugon ko pa at agad na gumuhit ang lungkot sa reaksyon niya.
“Kaya pala he just keeps on staring at you kanina pa,” aniya at napatingin ako sa kaniya dahil nasa bandang likod ko siya. At saka ako lumingon sa tinitignan niya.
Doon ko nakita si Sir. Mirrem na prenteng kumakain ng pasta habang nakatingin sa akin. Hindi siya umimik pero nanatiling nakatingin siya sa akin.
“Kung kagaya pa rin kayo ng dati…for sure, kinukulit ka na niya ngayon,” dagdag pa niya habang nakatingin pa rin kay Sir. Mirrem. Inalis ko naman ang tingin do’n at humarap na ulit sa counter.
“Nakapagdesisyon na ako at hindi na mababago ang isip ko,” tanging naisagot ko sa kaniya. At ako na ang susunod na oorder kaya mabilis akong lumakad palapit do’n at saka sinabi ang order ko.
Matapos naming umorder ay umupo na kami. Doon ko napagtanto na halos magkalapit lang pala ang table namin sa table na inuupuan ni Sir.
Binalewala ko naman iyon at nagtuloy lang sa pagkain ko. Hanggang sa maya-maya ay may napansin akong mga teachers din na huminto sa table ni Sir. Nilingon ko sila gamit ang mata ko at nakita kong tatlong babaeng teachers iyon at ang isa roon ay si Miss. Shiela.
Hindi naman ganoon kalakas ang boses nila pero sapat na iyon para marinig kung saan kami nakaupo ni Shin. Nag-iwas tingin ako bago pa ako mahuli ni Shin at ngayon ay siya naman ang nakatingin doon.
“Sir, can we join you? There’s no other table na e,” dinig kong sabi pa ni Miss Shiela. Kaswal ang paraan ng pagkakasabi niya no’n ngunit para sa’kin ay may halong landi iyon.
“Sure,” dinig ko pang tugon ni Sir. Mirrem.
Nag-init ang tenga ko kaya naman itinuon ko na lang ang atensyon sa pagkain. ‘Magsama kayo. Maganda pa rin naman ako.’
“Huy, tumingin sa’yo si Sir. Mirrem,” bulong sakin ni Shin na sinabayan niya nang hampas kaya nagulat ako.
“Ano ba ‘yon?” irita kong sabi habang salubong ang kilay na nakatingin sa kaniya. At ngingiti-ngiti naman siya sa harap ko na animo’y sinto-sinto.
“He looks at you,” kinikilig na bulong niya pa. “Bago siya sumagot ng sure e… tumingin muna siya sayo, yieeee!” dagdag pa niya habang pinipigil ang kilig.
“Ano namang nakakakilig do’n?” tanong ko kunwari. “Pumayag pa rin naman siya,” dagdag ko pa.
“Uyy….jealous,” mapang-asar na aniya at sinamaan ko lang naman siya ng tingin.
“Ba’t di mo na lang kase jowain para iyong-iyo na?” mapanuyang tanong pa niya. ‘Hindi siya bagay para angkinin.’
At ngumiti naman ako ng peke at saka siya tinarayan.
“Thanks, but no thanks!” sarkastikong tugon ko. ‘Boyfriend ko na ‘yan, sis.’
At habang nasa ganoong posisyon kami ay biglang sumulpot si Xavier dito sa harap ng table namin.
“Hi, paupo ako ah?” aniya habang papalit-palit ang tingin sa amin ni Shin.
“Sure!” nakangiting tugon ni Shin at nagulat ako ng umupo ito sa tabi ko ngunit hindi ko iyon ipinahalata. Bahagya naman akong umusog para magkaroon ng espasyo sa pagitan namin.
‘Tsk, mayayari na naman ako sa isa neto e. Walang katapusang drama na naman.’
“Di kita nakita kanina. Sa’n ka tumambay?” kaswal na tanong sa akin ni Xavier habang nakatingin sa akin. Pinunasan ko naman muna ang bibig ko bago tipid na sumagot.
“Sa filipino club room,” tugon ko.
“Ano namang ginawa mo ro’n,” at mas inilapit niya pa ang sarili sa akin. Medyo nailang naman ako.
Maliban sa andyan si Shin na binibigyan ako ng mapanuksong tingin ay nararamdaman kong nakatingin na sa amin si Sir. Mirrem.
Kaya naman bumulong ako ng mahina yung saktong maririnig lang niya.
“H’wag kang masyadong malapit. Maraming tao…nahihiya ako,” bulong ko sa kaniya at kumunot naman ang noo niya ngunit sinunod niya rin naman ako.
“Maraming tao o dahil kasama natin si Shin?” aniya na nakaturo pa kay Shin kaya nilingon ko siya at tinaasan ng kilay. ‘Aba’y lakas ng apog nitong isang ‘to.’
“Pinagsasabi mo diyan,” tanging tugon ko. At biglang sumabat si Shin. “Just continue. Parating na rin naman ang boyfriend ko,” tatawa-tawang sabi nito at inirapan ko naman siya. Mapang-asar talaga kahit kailan, tsk.
“By the way,” biglang sambit niya. “Let’s have a date tonight. Akong bahala,” dugtong pa niya at nabigla naman ako.
“Anong date?” naisagot ko. “Di pwede no! Busy ako,” dagdag ko pa at saka ininom ang juice ko.
“Sige na… Ipapaalam kita kay Tita,” patungkol niya kay Mama at pinandilatan ko naman siya. ‘Haba talaga ng hair ko, chos.’
‘Nako kahit magpaalam ka pa. Di ako sasama dahil may matampuhing bakulaw akong susuyuin pag nagkataon.’
“Subukan mo lang. Makakatikim ka talaga sa’ken,” banta ko sa kaniya at hindi man lang siya nasindak.
“Pumayag ka na kasi,” tugon niya habang nginingitian ako. “Tumigil ka nga. Para kang bata,” inis na sabi ko.
“Ay bahala ka. Sinabi ko na sayong susuyuin kita ulit,” patungkol niya sa usapan namin kumakailan. “Just get ready later, cutie.” at mabilis na tumayo at iniwan kami ni Shin.
“Pa hard to get ka naman masyado, bestie. Why not i-try mo para magkajowa ka naman,” mapanuksong aniya at inis naman akong nilingon siya. ‘Sorry, but I have already.’
“Hoy, babaeng espasol… kanina ka pa ha? Kung wala kang magandang sasabihin. Itikom mo yang bibig mo bago ko kurutin ‘yan,” pikon kong sabi at tatawa-tawa naman siyang sumagot.
“I’m just suggesting,” aniya at inirapan ko lang siya.
‘Magbibigay na lang ng suhestiyon. Yung talagang ikagagalit pa nung isa, tsk.’
Nahinto lang ang pang-aasar niya sa akin nang dumating ang boyfriend niya. Tahimik naman akong nagpatuloy sa pagkain habang sila ay naghaharutan este lambingan sa harap ko.
Nang matapos akong kumain ay nagpaalam na ako sa kanila. At saktong pagtayo ko ay napansin ko pa ang grupo nila Sir.Mirrem sa gilid ng paningin ko.
Hindi ko na sila nilingon at dinedma na lang ang titig niyang paniguradong nasa akin at saka ako bumalik sa club room.
Kanina pa tapos ang family day at nandito na ako sa bahay at ginagawa na lamang ang iilang activities kong hindi ko pa natatapos. At habang ginagawa ko iyon ay nakarinig ako ng ingay sa baba. Nakunot ang noo ko dahil malakas na tumatawa sa baba si Mama na animo’y tuwang-tuwa at gano’n na rin si Tita Irene na kasalukuyang narito ngayon sa bahay. ‘Ano kayang meron?’
Kaya naman napagdesisyonan kong lumabas ngunit bago iyon ay lumingon muna ako sa orasan. Alas singko pasado na pala…
At paglabas ko ng kwarto ay literal na nakunot ang noo ko nang makita ko si Shin, kaya naman agad akong nagtanong.
“Hoy babae, anong ginagawa mo rito?” mataray na tanong ko rito at sabay sabay nila akong nilingon. Pati si Mama ay napatingin sa akin.
“Hi bestie…” ngiti pa nito sa akin bago magpatuloy. “ I’m just asking tita if I could ask you out. You know, lakwatsa night…” animo’y excited na aniya. Sumimangot naman ako.
‘Wow, nagtanong na kay mama. E sa’kin nga di pa siya nagpapaalam.’
“Saan naman ang punta mo? Gabi na kaya…’di ka ba hinahanap ng parents mo?” striktang tanong ko pa rito. Nakatingin lang naman sila Mama sa’min.
“Actually, they know that i’m here and we’ll go out together,” aniya at napaisip naman ako. Ano na naman kayang kagagahan ito? Imbis makakapag-basa ako ng libro e, tsk.
“Payag ka na ba sa offer nito, Ma?” baling ko kay Mama at tumango naman siya.
“Oo naman. May driver naman daw siyang dala at guard. Sino ako para tumanggi sa isang model ng korea?” pambobola pa ni Mama at napaismid naman ako.
Paniguradong inuto na naman ito ni Shin at binigyan ng skincare products. Kahinaan ni Mama yan e. Kahit yata bigyan ng chin chun su na cream yan, bibigay na ‘yan e.
‘Wala na talaga akong takas sa galang ito.’
Bumuga naman ako ng hangin at saka sumagot. “Sige, bihis lang ako. Hintayin mo’ko saglit,” ani ko at saka nagmamadaling umakyat sa taas.
Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at kumuha na lang ng kung anong t-shirt at saka ko isinuot ang isa kong sweater para di lamigin.
Pinasadahan ko muna ng tingin ang sarili sa salamin bago tuluyang bumaba at nangiti pa nang makita ang sarili.
Ngayon ay nasa sasakyan na kami at kasalukuyan ng bumibyahe. Nakaupo kami sa backseat ng sasakyan niya kaya nilingon ko siya at tinanong.
“Sa’n ba tayo pupunta?” tanong ko rito at tawa lamang ang naging tugon niya kaya nakaramdam ako ng inis.
“Parang sira ‘to,” tanging nasabi ko at pinigil naman muna niya ang tawa bago sumagot.
“Sa EK tayo pupunta,” nakangiting aniya at animo’y lumuwa yata ang mata ko dahil sa gulat.
“EK as in Enchanted Kingdom?” paninigurado ko pa nung makabawi at tumango naman siya. “E ang layo nun ah? Ano namang gagawin natin do’n? Baliw ka na ba?” sigaw ko sa kaniya at tatawa-tawa naman siyang ihinarang ang kamay niya bilang depensa.
“Relax…hindi lang naman tayong dalawa ang pupunta ro’n e. May iba naman tayong kasama,” aniya at nakunot ang noo ko. ‘Sino naman kaya?’
Hindi ko alam pero biglang may pumasok na ideya sa utak ko at malakas ang kutob kong tama ako.
“Hulaan ko? Yung boyfriend mo at si Xavier ang may pakana nito ano?” mapanghinalang tugon ko at agad naman siyang umiling.
“You’re wrong bestie,” tatawa-tawang tugon niya habang umiiling pa. “Actually, it’s my idea. Isinali ko lang talaga kayo ni Xavier since nagpapatulong din siya sa’kin na maka-diskarte sayo,” dagdag pa niya at nasapo ko naman ang noo.
“Kaya isinama mo kaming dalawa para i set-up kami, ganon ba?” inis na tanong ko at nagpeace sign naman siya habang nakangiti.
“Don’t be too nega… As if I just did this for the both of you. Neknek n’yo no. Isinama ko lang talaga kayo para payagan din ako,” natatawang pag-amin niya at inirapan ko naman siya kunwari. Matalino rin talaga.
“Wow…user,” mapang-asar kong sabi at tumawa naman siya. “Madiskarte lang sis,” tugon niya at natawa kami ng sabay.
“Btw, na’san ba sila?” tanong ko sa kaniya at agad naman niya akong binigyan ng nanunuksong tingin.
“Sila o siya?” aniya at naniningkit ko naman siyang tinignan.
“Isa pang ganyan mo…ubos talaga yang buhok mo,” ani ko at pigil ang tawang sumagot siya.
“I’m just kidding…you’re too serious,” aniya at hindi naman ako sumagot at nanatiling nakatingin lang sa kaniya.
“Anyway, we’ll just meet them there,” tugon niya at tumango naman ako sa matinong sagot niyang ‘yon.
“Nando’n na ba sila?” tanong ko at umiling siya.
“Nope, papunta pa lang din,” aniya at hindi naman na ako nagsalita pa at nag-imagine na lang.
Ito ang pinakaunang beses na makakarating ako ro’n kaya naman nakangiti ako ngayon dahil sa excitement at sa mga bagay na na-iimagine ko. ‘Ano-anong rides kaya ang sasakyan namin?’
Bagama’t ito ang aking unang beses na makakarating do’n ay hindi naman ako clueless sa mga rides do’n sapagkat madalas ko naman itong makita noon sa commercial sa TV, palabas o pelikula at pati na rin sa internet.
Habang nag-iimagine ay sumandal ako at pumikit hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na pala ako…
Nagising ako nang maramdaman kong may tumapik sa kanang balikat ko. Agad kong nilingon ang bandang iyon at nakita ko si Shin kasama na sina Xavier at Harry at nasa labas na sila ng sasakyan.
Nagtama pa ang paningin namin ni Xavier at ngiting-ngiti siya habang nakatingin sa akin. Agad naman akong napasimangot at napairap. Akala niya siguro madadaan niya ako sa ganyan. Di marunong umintindi.
Agad naman akong bumaba ng sasakyan at nginitian ko ang dalawang love birds at tinanguan.
“Tara na?” aniya ko rito at tumango naman si Harry. “Let’s go,” ani nito at iniabot pa ang kamay sa nobya. ‘Ay PDA.’
Kasalukuyang nasa parking lot kami ng EK at papasok na sa loob. Agad kaming luminya ng marating namin ang tapat ng entrance at luminya naman agad si Xavier at inunahan ako.
“My treat,” aniya pa sa amin at pumalakpak pa si Shin. “Nice one!” mahinang sigaw pa nito kaya nilingon ko ito sa likuran ko at inirapan. Hindi niya naman iyon napansin. At nakunot ang noo ko dahil hindi rin nagpahuli ang mokong na Harry.
“No thanks, Xavier. But my girlfriend is my responsibility,” aniya pa nito at impit akong natawa sa kabaduyan niyang iyon kaya nilingon ko si Shin sa likod ko. At napairap ako sa mukha nitong halos mawala na ang mata dahil sa pagkaka-ngiti nito sa nobyo. ‘ Ang korni, jusme. Bakit ba ako pumayag sumama rito.’
Natawa pa ako dahil halos maguluhan ang ticket attendant sa kanila dahil halos sabay silang magsalita. Inis ko naman silang sinaway.
“Umayos nga kayo,” ani ko at sumenyas naman ako kay Xavier na paunahin na si Harry nang lumingon ito sa akin.
Agad naman nitong pinirme ang sarili sa gilid ko at hindi ko naman na siya pinansin. ‘Masyadong makulit, kung mas matangkad lang talaga ako nakotongan ko na siya,’
Nang matapos silang magbayad ay may ikinabit pa sa wrist naming apat bago kami tuluyang pinapasok. At nang makapasok kami ay halos malula at mamangha ako sa nagtataasang rides na hindi ko gaanong pansin kanina…
‘Tangina, may ganito pala talagang rides?’
Maganda ang view ngayon lalo na’t napuno na ng iba’t ibang kulay ng ilaw ang paligid dahil sa madilim na ngayon. May mga post lights pa na nakakatuwang tignan dahil pakiramdam ko ay sa pelikula ko lang ito nakikita…
Ngunit mas natuon talaga ang pansin ko sa bilis ng rides at sa taas ng sukat nito. Sabayan pa ng sigaw at ingay na gawa ng mga taong nakasakay rito ay mas na-eexcite ako at kasabay din no’n ang kaba…
“Dun tayo,”dinig kong pag-yayaya ni Shin at agad naman akong sumunod sa direksyon na nilakaran nila. Nagulat ako ng humarang si Xavier sa harap ko at iabot pa ang kamay niya ngunit iniwasan ko lang siya. ‘Di naman ako baldado para makipag holding-hands sayo, tsk.’
Hindi rin naman nagtagal ang inis na iyon dahil agad kaming luminya sa flying fiesta. At halos kaba na lang ang nararamdaman ko sa mabilis na pag-ikot no’n at halos paliparin na ang swing na nakakabit doon dahil sa mabilis nitong ikot. Mas kinabahan pa ako dahil papalapit kami ng papalapit at hanggang sa makasakay na nga kami.
Agad kaming umupo sa magkakasunod na swing at halos 2 seat apart ang layo namin sa isa’t- isa. Nasa bandang likod kami nila Shin at ang nasa tabi ko ay si Xavier. Nasa pinakagilid ako at siya naman ay nasa bandang gitna lang.
Nang umikot ito ay na-eenjoy pa ako sapagkat katamtaman lang ito at halos masarap sa pakiramdam ang hampas ng malamig na hangin sa mukha ko. Ngunit nang bumilis ito ay halos malayo na ako sa lupa at nalulula na ako kapag tumitingin ako sa baba. Pakiramdam ko ay nasa third floor building ako at nakatingin mula sa itaas pababa.
Sa sobrang bilis ng ikot ng ride na iyon ay halos hindi ko na maramdaman ang katawan ko dahil sa kaba na baka ay mahulog ako. Panay na rin ang sigaw ko dahil pakiramdam ko ay iyon lang ang makakatulong sa akin para mawala ang takot at kaba na nararamdaman ko.
At hanggang sa makababa na nga kami ay sobrang bilis pa rin ng tibok ng puso ko at sobrang lamig ng kamay ko dahil sa kaba.
Naglalakad na kami papuntang exit at panay sila ang tawa samantalang ako ay hindi ko pa rin ma-explain ang nararamdaman ko. Naiwan ko yata yung kaluluwa ko ro’n ah.
At paulit -ulit na gano’n ang nangyari. Sumakay kami sa iba’t-ibang rides at iba-ibang level ng takot ang ibinigay sa’kin no’n. May mga panahong nagpi-picture pa sila habang ako ay hindi ko alam anong hitsura ko sa mga pictures na iyon dahil sa hindi pa nawawala ang kaba na nagtambay na yata sa tiyan ko.
Nakalma lang ako at panay ang tawa ng sumakay na kami sa kotse kotse na nagbabanggaan.
Una akong binangga ni Shin at nagmamadali siyang lumiko para makatakas, ngunit nahabol ko siya at binangga ko ang likod ng sinasakyan niya.
At habang ginigitgit ko ang likod ng sasakyan niya ay si Harry naman ang bumangga sa’kin kaya nilingon ko siya at malaki ang ngising nakatingin siya sa akin.
Sinamaan ko naman siya ng tingin at sinimulan siyang habulin ng kumaripas siya papaliko para makalayo. Ngunit bago ko pa siya mahabol at mabangga ay sabay akong binangga ni Shin at ni Xavier sa magkabilang gilid ng sinasakyan ko. Salitan ko pa silang nilingon at ngumisi pa sila sa akin. ‘Aba’y pinagtutulungan pa nga ako.’
Dinedma ko si Xavier at agad kong hinabol ang singkit na panay na ang sigaw dahil malapit ko na siyang mahabol…
Ngunit bago pa iyon mangyari ay natapos na ang oras at huminto na ng kusa ang sasakyan kaya bumaba na kami at lumabas. Panay pa ang reklamo ko sa dalawa dahil pinagtulungan nila ako.
“Ewan ko sa inyo…mga bully,” aniya ko.
“Gutom lang ‘yan, Max. Let’s just eat,” natatawang tugon ni Harry at inakay pa ako kunwari. At nilingon pa niya si Xavier bago tumingin sa akin ulit.
“Libre ka raw pala ni Xavier,” dagdag pa nito at agad naman akong tumanggi.
“Uy hindi, ayos lang naman. KKB na lang sa foods,” tugon ko at sinulyapan si Xavier na nakatingin lang sa akin habang naglalakad.
Nilingon ko naman si Shin nang magsalita ito.
“Pa-hard to get…pumayag ka na,” pamimilit pa nito. At kahit medyo naiinis ay ngumiti pa rin ako kunwari.
“Uy hindi na! nakakahiya naman,” pagtanggi ko pa.
“Edi sama ka muna sa kaniya. Magde-date muna kami ng bestfriend mo,” tatawa-tawang tugon ni Harry at kunot noong tinanong ko naman siya.
“Bakit? Saan ba kayo?” tanong ko pa rito. ‘Jusko, ayoko maiwan kasama ‘yan. Napakakulit pa naman din niyan.’
“Diyan lang sa tabi-tabi. Magq-quality time,” aniya at wala naman akong nagawa nang maglakad na sila papalayo at kawayan na ako ni Shin. ‘Mga siraulo talaga’
“Sasama ka ba sa’kin o gusto mong mapag-isa?” agad niyang tanong kaya nilingon ko siya. ‘Kayanin niya naman kayang mawala ako sa paningin niya e siya nga ang nag-aya nito, engot talaga.’
“Para namang may choice ako,” tugon ko sa kaniya. At kasabay no’n ang pagtatanong niya at paghawak niya sa kamay ko.
“Sa’n mo gusto kumain?” ngunit hindi ko sinagot ang tanong niyang ‘yon.
“Bitiwan mo’ko,” tugon ko.
“Para di ka mawala, maraming tao ngayon,” aniya. ‘Sus, sa pagkakaalam ko may mapa ang enchanted kingdom. At saka uso magtanong-tanong saan ang exit duh,’
“Ako na lang ang hahawak sa’yo,” inialis ko ang kamay niyang nakahawak sa akin at saka ako inihawak ang kamay ko sa braso niya.
“As i was saying…where do you want to eat?” aniya at nakangiti pa sa akin. ‘Panigurado tuwang-tuwa ‘to dahil nakahawak ako sa kaniya. Abnormal din ‘to e.’
“Anywhere, kung sa’n mas mura,” tugon ko at nag-iwas tingin habang naglalakad kaming dalawa. Nilingon niya ako.
“Why? I won’t let you pay. It’s my treat,” aniya at inirapan ko naman siya.
“Ay basta dun tayo sa mura,” ani ko at saktong nakakita ako ng nagtitinda ng hotdog kaya itinuro ko iyon. “Dun tayo, kain tayo hotdog,” ani ko.
Tumango naman siya at sabay kaming naglakad papunta roon. Umupo kami sa upuan ng parang food van na iyon at saka siya umorder.
Tahimik naman akong inilibot ang paningin sa Menu nila sa itaas dahil lowbat ang cellphone ko. Habang ginagawa ko iyon ay nakunot ang noo ko. ‘Ang mahal naman ng hotdog at footlong dito, tsk. Hahabol pa yata sa presyo ng coffee jelly sa starbucks.’
At hindi naman nagtagal ay dumating na ang order niya na hotdog at sabay naming kinain iyon. Habang abala ako sa paglantak sa hotdog ay iniabot niya ang phone niya sa akin.
“Wanna use my phone?” offer nito at tinaasan ko naman siya ng isang kilay.
“Bakit?” tanong ko rito.
“Wala. Napansin ko lang di ka nagce-cellphone e. Naisip ko baka naiwan mo e, kaya eto…use mine,” aniya pa at ngumiti naman ako.
“Nandito naman pero lowbat lang. Pero no worries, di ko naman need gumamit ng phone ngayon,” tugon ko at ngumiti naman siya.
“Just use it. Di ko rin naman gagamitin. 5432 is the password,” aniya at nagpatuloy na sa pagkain.
“Okay, makiki-online lang ako saglit,” ani ko at tumango naman siya habang kumakain.
Agad kong in-open ang facebook at agad na bumungad ang post ni Shin sa newsfeed ko. Pictures iyon at naka-tag ang location pati na rin ako…
Ni-view ko iyon at halos napasimangot ako dahil puro stolen ang kuha sa akin. May picture pa akong ang sama tignan ng mukha ko at sila lamang ang naka-anggulo at nakangiti. ‘Sino-sino na kayang nakakita ng post na ‘to?’
May 18.9k reacts agad ang pic na iyon kahit halos 20minutes pa lang naipo-post ni Shin. Ni-view ko ang mga nagreact at halos manlamig ako at nawalan yata ng dugo ang ulo ko nang makita ko ang pangalan niya sa react section.
‘May usapan nga pala kami, tsk. Yari na naman ako sa bakulaw na ‘yon.’
Agad ko namang binuksan ang messenger ko at halos ma-guilty ako dahil ang dami na niyang messages at ang iba ay dinelete na niya.
From: Mirrem Cedric Dalton.
Hi, are u busy?
Sent. 7:12pm.
Hellooooo …
Sent. 7:18pm.
You forgot to text me? Really?
Sent. 7:22pm.
I’m really worried. Text back asap.
Sent. 7:34pm.
I’m not being clingy but I miss you fr.
Sent. 7:40pm.
Baby? please i’m going crazy. Help me, give me a text back.
Sent. 7:45pm.
Baby, it feels so cold and sad. Where are you? I really really miss you so bad. I really do.
Sent. 7:53pm.
At mas nanlumo ako sa pang-huling text niya.
From: Mirrem Cedric Dalton.
I didn’t know you have plans going out with your friends pala. Sorry for disturbing you. Anyway…enjoy your double date, Max. Goodnight!
Sent. 9:11pm.
Agad ko ‘yong nireplyan ngunit alam kong bukas niya pa iyon mababasa dahil naka-offline na siya.
To: Mirrem Cedric Dalton.
‘I’ll explain.’
Sent. 9:24pm.
Ini-log out ko sa lahat ng app na ‘yon ang acc ko at saka ko ibinalik ang phone kay Xavier. At matapos no’n ay hindi na nakalma pa ang puso ko.
‘Mirrem…’
CHAPTER 42
Max Pov.
“Magpaliwanag ka muna at baka kapag nagsalita ako ay ako na naman ang mali,” sambit ni Mirrem habang umaagos ang luha mula sa mata.
“Anong ipapaliwanag ko?” tanong ko rito at halos maiyak na rin dahil hindi ko alam kung paanong dedepensahan ang sarili ko.
“Bakit kayo magkasama? Bakit ka nakahawak sa kaniya?” may bahid ng galit na tanong niya at pinunasan pa ang luha sa mata…
Habol ang hiningang napabalikwas ako ng bangon. Agad kong naalala ang nangyari kagabi at saka ko naiusal ang pangalan niya. ‘May kasalanan na naman ako, tsk.’
Sana hindi siya sobrang magalit. Wala naman akong ginawang mali e, nakalimutan ko lang talaga siyang i-text.
At napasimangot ako dahil sa guilt na naramdaman ko nang dahil sa panaginip na iyon…at dahil na rin sa nangyari kagabi. ‘Hays, bat ko nga ba nakalimutan? ang tanga ko talaga, tsk!’
Tamad akong bumangon at lumabas ng kwarto para uminom ng tubig sa kusina. Kagaya ng dati ay wala na si Mama rito sa bahay. ’Paniguradong nasa palengke na ‘yon.’
Matapos no’n ay sinilip ko pa ang phone ko upang tignan kung nagreply na ba siya. At nakita kong wala siyang reply kaya tamad kong kinuha ang twalya ko at naligo.
At habang naliligo ako at sinasabunan ang sarili ay bigla kong naalala ang nangyari kagabi.
Flashback…
Nakaupo kami ngayon sa isang bench ni Xavier habang hinihintay ang dalawa na makabalik at para makauwi na kami…
Panay pa ang lingon ko dahil kating kati na rin akong makauwi dahil sa messages sa akin ni Mirrem.
At habang gano’n nga ay literal na nanlaki ang mata ko nang may nakita akong pinagkakaguluhan sa kung saan at nagkumpol ang mga tao.
“Anong meron do’n?” tanong ko at sumagot naman si Xavier.
“Mukhang may mga nakaka-kilala kay Shin dito. Nagpapa-picture yata ’yan,” at doon ko nga napansin ang sunod sunod na flash ng camera.
“Let’s go,” aniya at nagtaka naman ako.
“Sa’n tayo?” kunot noong tanong ko sa kaniya.
“Let’s go home,” tugon niya.
“E pa’no sila? At saka kay Shin ako sasabay no,” masungit kong sabi.
“Sige nga paano ka sasabay kay Shin kung ganiyan?” turo niya pa sa kumpol ng mga tao.
“I’ll just tell them that we’ll go first. So don’t worry about them. Harry can handle that,” aniya at wala naman akong nagawa kundi ang sumama sa kaniya dahil tama naman siya.
Mahihirapan nga naman akong sumabay kay Shin kung gano’n ang sitwasyon.
End of flashback…
Oo nga pala, hindi ko pa siya nakamusta. Teka anong oras na nga ba?
Nang maisip ko iyon ay mabilis kong tinapos ang pagligo at saka ako nagbihis.
Matapos kong isuot ang plain black polo shirt ko at loose straight cut jeans ay dinampot ko ang phone ko at chineck ang oras.
6am pa lang naman at 8am pa ang start ng event ngayon kaya ayos na ayos. 2nd day na rin naman ng family day ngayon kaya ayos lang din kung ma-late.
Matapos kong magsend ng message kay Shin ay isinunod kong buksan ang convo namin ni Mirrem. Wala talaga siyang reply at hindi niya man lang iyon binasa…
‘Magkita kaya kami ngayon? Sana pakinggan niya ako.’
Napabuntong hininga ako sa isiping iyon. ‘Sana lang talaga.’
Tamad akong bumangon at inayos na ang mga gamit ko. Dinala ko na rin ang iba kong pendings para magawa ko na rin habang naroon ako. Bago ako umalis at mag commute ay hindi ko kinalimutang ilagay sa bag ko ang tshirt sa family day na nilabhan ko kahapon…
Nang marating ko ang school ay marami-rami na rin ang tao dahil 7am na.
Kalmado naman akong naglakad papasok at lumingon-lingon nagbabaka-sakaling may makita akong kakilala ko…
At malapit na sana ako sa covered court ay nadaanan ko ang field at nagulat ako nang may bumusina nang sunod-sunod sa likuran ko at nakita ko ang sasakyan niya.
’Aba’y gago ‘to ah.’
Agad akong gumilid at inis na sinundan iyon ng tingin nang humarurot iyon deretso sa open field na katabi lang ng covered court. ‘Lakas ng loob porke may kasalanan ako sa kaniya.’
Umirap pa ako sa hangin bago nagpatuloy sa paglalakad. Nang marating ko ang covered court ay may mangilan-ngilang tao na roon ngunit wala pa ni isa sa mga classmate ko ang naroon kaya naghintay muna ako sa area namin at umupo sa bleachers na naroon.
Ilang minutos ang lumipas habang nasa ganoong posisyon ay dumating si Sir. Mirrem at tumungo sa table na naroon din sa area na ’yon. Inilapag niya ang bag niya at napanguso ako ng lumapit siya sa akin at harapin ako.
“Where’s your explanation? Hmm?” malamig ang tonong aniya at blanko ang tingin.
“Ah…eh,” tugon ko at napakamot naman ako sa noo. Nilalamig yata ako, jusko.
“I’m waiting…” sambit niya kunwaring nauubusan ng pasensya.
“Alin ba do’n ang i e-explain ko?” natatamemeng sagot ko dahil sa kaba. ‘Bakit ba ako kinakabahan?’
“Lahat,” mabilis niyang tugon. “Bakit kayo magkasama? Bakit hindi ka nagreply sa’kin? Bakit hindi ka nagpaalam? Bakit may picture akong nakita na nakahawak ka sa kaniya?”
Isang malalim na hininga muna ang pinakawalan ko bago ako nagsalita.
“Magkasama kami kagabi kase sinundo ako ni Shin,” panimula ko at agad naman siyang sumagot.
“Then?” at ipinagkrus pa niya ang mga kamay habang nakatayo sa harap ko.
“Dumating si Shin sa bahay ng siya lang at akala ko gagala lang kami… ang hindi ko alam ay kasama pala sila ni Harry,” tugon ko at nanatili naman siyang nakikinig kaya nagpatuloy ako.
“Kami lang ni Shin ang magkasama papunta ro’n at hindi namin sila kasabay,” at tumango naman siya.
“Bakit hindi ka nagpaalam o nag-text sa akin?” aniya at agad naman akong sumagot.
“Kase nakalimutan ko at saka nalowbat ako,” pag amin ko at mukhang hindi siya naniwala. ‘Ang hirap naman neto.’
“Nakalimutan, tsk…” bulong niya pa at hindi naman ako sumagot. ‘Dahil alam kong mali ako.’
“Sabagay… mukha ngang nakalimutan mong may boyfriend ka nung gabing iyon. Wagas kung makahawak ka sa kaniya e,” dagdag pa niya
“Hindi ’yon tulad ng iniisip mo,” ani ko sa mas kalmado ngunit malungkot na tono. ‘Iniisip pa yata netong malandi ako.’
“Sige, ano ba ’yon?” tanong niya kunwari.
“Nakahawak ako sa kaniya no’n kase ang sabi niya baka mawala ako,” tugon ko at kumunot ang noo niya.
At saka tatawa-tawang nagsalita.
“Hindi ka mawawala sa EK,” bagamat nakangiti ay sarkastiko ang kaniyang tono.
“Paano mo naman nasabi?” ani ko at ngumisi siya ng peke.
“May GPS na ngayon Max. May mapa rin ang EK kung sakaling wala kang signal,” aniya at nag-iwas tingin.
“Pero ’yon lang talaga ang dahilan kung bakit ako humawak sa kaniya!” madiin kong sabi sa kaniya. Pilit dinedepensahan ang sarili sa mapanghusgang tingin niya.
“Mahirap paniwalaan,” mabagal ang pagkakasabi niya no’n ngunit tumagos iyon sa akin. Na tila may bumaon na kung anong matalim sa dibdib ko at naiwan iyon do’n.
“So hindi ka naniniwala?” hindi ko alam kung paanong diretsong naitanong ko pa iyon habang nakatingin sa kaniya. At wala akong natanggap na sagot mula sa kaniya. Bumuntong hininga ako at nag-iwas tingin.
“Ayos lang,” dugtong ko pa. “Kung hindi mo kayang paniwalaan ’yon ay naiintindihan ko,” dagdag ko pa at saka ibinalik ang tingin sa kaniya.
“Need ko muna siguro ng space para makapag isip-isip,” tugon niya sa seryosong tono.
“Okay,” tugon ko at nginitian siya. ‘Space lang pala e. Edi pagbigyan.’
Isa sa mga ugali ko na hindi na talaga yata mawawala ay ang hindi ko pagpupumilit sa katotohanan. Yung tipong bahala na kayo sa iisipin niyo basta ako sinabi ko ang totoo.
Huminga pa muna ako ng malalim at saka ako nagsalita ulit.
“Paki-labas na ’yung attendance sheet para maka-pirma na ako,” utos ko at agad naman siyang may kinuha sa gamit niya at inilabas ang hinihingi ko.
Wala akong sinayang na oras at mabilis kong pinirmahan ang attendance na iyon at saka ko siya iniwan ng hindi lumilingon…
‘Hindi ako mag-aaksaya ng laway sa taong sarado ang isip.’
Mirrem’s Pov.
Ilang oras na rin ang nakalipas matapos ang naging pag-uusap namin ngunit hanggang ngayon ang inis ko ay hindi pa rin nababawasan.
‘Hindi man lang ako nilambing, tss!’
Ang selos ko ngayon ay nandito pa rin at gustong-gusto kong sabihin sa kaniya kaninang naiinggit ako. Naiinggit ako na pwedeng gawin iyon ni Xavier sa kaniya samantalang ako ay hindi. Na pwede silang magsama ng walang tututol ngunit sa’min ay marami.
Isip bata mang pakinggan ang mag rason ko ngunit ito talaga ang nararamdaman ko…
Gustong-gusto ko siyang angkinin. Gusto-gusto kong ipagsigawan sa lahat na akin siya ngunit alam ko namang mali. Mali dahil alam kong hindi naman pwede itong relasyon namin…
At mas nadaragdagan ang inis ko at nagdidilim ang paningin ko dahil naririnig ko mula ritong hinahanap niya si Max at walang nakakasagot sa kaniya sapagkat wala rin ngayon si Shin…
‘Ba’t ba panay ang hanap niya sa misis ko?’
Umirap pa ako sa hangin habang magka-krus ang kamay na pinapanood ang pamilyang nagpe-perform ngayon. ’Pero nasaan na kaya ’yong misis ko na ‘yon?’
Mahal ko pa rin siya kahit naiinis ako ngayon. Iritable akong nakikita ang lalaki niya rito…mas gusto kong siya ang narito.
Kahit pa hindi kami mag-usap basta andito siya, tss.
At hindi ko na natiis ay tumayo ako at kinuha ang phone ko para subukang tawagan ang number niya…
Ngunit unattended ang phone niya kaya naman inis ko ulit na ibinalik ang phone sa bag ko. Bahala nga siya diyan, dapat suyuin niya ako.
Masama ang loob kong ibinalik ang tingin sa mga nagpeperform at nagfocus na lang roon…
At masyado yata akong naaliw at hindi ko namalayang mabilis na lumipas ang oras.
It’s almost lunch time kaya naman nagdecide na kami ng mga parents and students na mag break muna kahit pa patuloy pa ang event…
Dumiretso ako sa canteen at hindi ko naman na siya hinanap dahil paniguradong hindi ko naman siya makikita rito.
At tama naman ako dahil bakante ang upuan na madalas nilang tambayan ni Shin kaya do’n ko piniling umupo…
At habang ini-enjoy ko ang aking pasta at iced tea ay nakita kong magkasama si Harry at Xavier.
Blanko ang tingin ko silang sinundan ng tingin at mukhang hindi naman nila ako napansin dahil abala silang dalawa sa pag-uusap…
At nagkataon pa ngang naupo sila sa bandang likuran ko mismo dahil rinig ko ang mga boses nila.
Masyadong malakas ang mga boses nila kaya naman rinig na rinig ko sila mula rito.
Hindi ko naman intensyon ang makinig sa kanila hanggang sa…
“Why did you go home so early last night?” dinig kong tanong ni Harry kay Xavier.
“I don’t think he’s enjoying that night. Para siyang may bulate sa pwet at atat makauwi nung magkasama kami,” tugon ni Xavier kay Harry. Narinig ko pa ang mahinang tawa ni Harry.
‘Si Max hindi nag enjoy? hmmm…’
“But you did the HHWW, so how come?” tanong pa ni Harry na base sa himig ng tono nito ay mukhang natatawa.
‘Tss.’
“Hays, hindi pa nga yata hahawak sakin kung hindi ko pa tinakot na baka mawala siya sa EK e. Ni ayaw ngang magpahawak sa’kin…ang sabi pa niya e siya na lang daw ang hahawak sa’kin. Hindi ko man ma-gets pero pumayag na lang ako,” nagmamaktol na tugon ni Xavier at hindi ko alam pero nagpaulit-ulit iyon sa tenga ko at tila ba nawala ang ingay sa paligid ko.
‘Ayaw ngang magpahawak…’
Natulala ako…hindi ko alam ngunit biglang bumigat ang pakiramdam ko at parang gusto ko na lang siyang makita ngayon. Nakakainis, ba’t ba hindi ko siya pinaniwalaan?
Ngunit bago pa ako tumayo ay may narinig pa ako…
“Ni hindi nga ’yon nanghiram ng phone sa akin kahit lowbat pala siya. Kung hindi pa ako nag-insist na pahihiramin ko siya…hindi talaga yata siya manghihiram,” dinig kong sabi pa ni Xavier. Hindi ko naman na iyon pinakinggan pa at mabilis kong nilisan ang lugar na iyon.
Nasasaktan ako sa mga naririnig ko dahil nauna ko siyang husgahan bago ko nalaman ang katotohanan…
Kaya ba nagawa niya pang magreply nung gabing ’yon kase pinahiram siya ni Xavier ng phone? Samantalang ako ang iniisip ko ay hindi naman talaga siya lowbat at nag eenjoy lang kasama ’yong lalaking ’yon.
At kaya pala siya nakahawak kay Xavier kasi pinilit siya nito at hindi talaga niya kagustuhan na gawin ’yon? Ang bobo ko. Bakit ba hindi ako naniwala sa kaniya. Pinaghinalaan ko pa siyang nakalimutan ako samantalang obvious naman na hindi…
‘Patawarin mo ako, Max. Ang tanga ko, hindi kita pinakinggan.’
At nag-play pa sa utak ko ang naging usapan namin kanina…
“Need ko muna yata ng space,” sambit ko.
“Okay,” tugon niya.
Max, hindi ko kailangan ng space. Ang kailangan ko ay ikaw. Nasa’n ka ba?
Agad kong kinuha ang phone ko at sinubukan siyang tawagan habang papunta ako sa room kung saan siya madalas tumambay…
Hindi ko alam pero bawat hakbang ko ay mas nagpapabigat sa nararamdaman ko.
At naalala ko pa ang naging usapan namin noon na dapat ay magsasabi siya sa’kin kung may problema kami ngunit ngayong nagpaliwanag siya sa’kin ay hindi ko naman siya pinaniwalaan. At ang masakit do’n ay hinusgahan ko pa siya.
Nag-unahan sa pagtulo ang luha ko dahil sa isiping iyon. At mas nakakadagdag sa mabigat na pakiramdam ko ang segundong lumilipas na hindi niya sinasagot ang telepono niya kahit nagri-ring naman ito…
‘Ayaw niya na siguro akong makausap.’
Hanggang sa marating ko ang club ng room nila ay wala siya ro’n at hindi pa rin niya sinasagot ang tawag ko. Sinubukan ko pa ulit ngunit wala talaga kaya mas naluha lang ako. ’Mapag-uusapan pa naman namin to diba? Maaayos ko pa kaya ‘to?’
Mga tanong na siyang biglang naisip ko at nagpabigat lalo sa nararamdaman ko. Parang dinikdikdik ang puso ko habang naglalakad ako papunta sa classroom nila upang tignan kung naroroon ba siya.
Nang marating ko iyon ay bumagsak ang balikat ko nang madatnang wala rin siya ro’n. Ramdam na ramdam ko ang bigat dulot ng pagod at dumaragdag pa ro’n ang problemang kinakaharap namin ngayon.
‘Nasa’n ka na ba, Max?’
Marami akong naiisip na kung ano-ano na siyang nagdulot ng kirot sa aking puso. Nanlalabo ang mata at basa ang pisngi kong tinipa ulit ang phone ko upang tawagan siya…
‘Sagutin mo na, please!’
Nang sagutin niya iyon ay mas lalo akong naiyak at animo’y bata na inaway ng kalaro.
“Nasa’n ka ba, ha? Ba’t di mo ’ko sinasagot?” pumiyok ako matapos bigkasin ang huling salita.
“Bakit?” aniya… “Ano bang nangyayari sa’yo?” dugtong niya mula sa kabilang linya.
“Mag-usap na tayo. Magpakita ka na sa’kin,” ani ko sa malungkot na tono habang patuloy sa pag-agos ang mga luha.
“Nakauwi na ako e…bukas na lang after ng program,” kaswal na tugon niya.
“Ngayon na… pupuntahan kita sa inyo,” pagpupumilit ko habang pinupunasan ang luha sa magkabilang pisngi ko.
“Alam mo namang hindi pwede ’yan e. Bukas na lang after ng program tayo mag usap,” aniya at napanguso ako.
“Pwede naman kasing ngayon e,” tugon ko.
“Wag ka ngang makulit. Hindi pwedeng gusto mo palagi ang nasusunod,” natigilan ako sa sinabi niyang iyon. Sumosobra na ba ako?
“Sorry… sige bukas na lang tayo mag-usap. Bye,” tugon ko at ibinaba ang linya dahil sa hiyang naramdaman ko dahil sa sinabi niyang iyon. Baka nga sumosobra na ako. Maling-mali…
Max Pov.
Nangunot ang noo ko matapos ibaba ni Sir. Mirrem ang tawag. ’Ano kayang nangyari sa bakulaw na ‘yon?’
At tila nag-play sa isipan ko ang usapan namin at nakaramdam ako ng kaonting guilt. Ba’t ko nga ba sinabi ’yon? Baka nasaktan siya nang dahil do’n tsk.
‘Umiiyak na nga, sinaktan ko pa lalo.’
Nung tumawag siya ay alam kong umiiyak siya sa paraan ng pagsasalita niya. At pakiramdam ko ay may ideya na rin ako kung bakit. Ang hindi ko lang alam ay kung alam na ba niya talaga ang totoo at kung kanino niya kaya nalaman…
Nakaramdam naman ako ng awa ngunit ayokong tawagan siya.
‘Kakausapin ko na lang siya bukas.’
At matapos no’n ay hindi na siya nawala sa isip ko kahit ginawa kong abala ang sarili ko. Natapos ko na’t lahat lahat ay gano’n pa rin.
Nakahiga na ako ngayon at kasalukuyang iniisip pa rin siya. Paano kung nagtatampo na ’yon sa’kin? Konting pag-intindi at panunuyo lang naman siguro ang gusto no’n e, ba’t ba hindi ko naibigay?
Naalala ko pa ang mga panahong nag-eeffort siya para sa akin. Maalaga na talaga siya at maintindihin pagdating sa’kin pero bakit hindi ko man lang ’yon nasuklian?
Nainis ako sa huling naisip ko.
’Babawi talaga ako sayo, bukas na bukas din. Asahan mo ‘yan, Mirrem ko.’
At napangiti pa ako nung may mapagtanto. ‘Mahal ko na talaga siya. Sadyang takot lang ako.’
Kinabukasan…
Nang magising ako ay hindi ako agad na bumangon at nanatili munang nakapikit at nakahilata. At habang nasa ganoong posisyon ako ay biglang nag-rewind sa utak ko ang lahat ng nangyari kahapon at ultimo usapan namin kagabi ay nagplay…
Napabalikwas ako at napadilat nang dahil do’n. ‘Oo nga pala, mag-uusap kami ngayon.’
Kaya naman napakilos ako nang wala sa oras at nagmamadaling naligo at nagbihis. At sa sobrang pagka-taranta ay imbes na magsuot ng pang-alis ay isinuot ko ang aking uniporme. At napakamot ako sa ulo matapos mapagtanto na foundation day nga pala ngayon…
‘Kainis, ba’t ba ako natataranta? At saka mamaya pa naman kami mag-uusap, tsk.’
Bumuga pa ako ng malalim na hininga at parang tangang inalog pa ang ulo na para bang maaalis no’n ang nararamdaman ko.
Nang matapos akong magbihis ay pinasadahan ko ang sarili sa salamin.
Suot ang isang casual polo na beige at gray slucks ay umawra-awra pa ako na para ba akong nasa photoshoot. ‘Main character moments lang, ba’t ba? charot!’
Hindi naman nagtagal ay nagsawa rin ako kakatingin sa sarili sa salamin. Binitbit ko ang bag ko bago ko tuluyang lisanin ang kwartong iyon at dumiretso sa kusina.
May inihanda naman ng pagkain si mama kaya ayon na lang din ang kinain ko bago tuluyang pumasok sa skwelahan.
Nang marating ko ang eskwelahan ay marami ng estudyante ang may kanya-kanyang ginagawa. May mga tents na rin na itinatayo para yata sa mga booths. At ang mas ikinagulat ko ay ang isine-set up na parang perya sa open ground ng school. Foundation day ba talaga ’to?
Habang naglalakad papasok ay marami akong nakakasalubong at ang ga-ganda at po-pogi nila. Nagsusumigaw pa ang brand ng mga suot at dala nilang bag. May naka-prada at LV sa kanan at kung lilingon sa kaliwa may nakasuot ng Balenciaga at Dior. Sa apat na taon ko rito bakit pa ba ako nagtataka at namamangha?
Hindi ko naman na masyado pang pinagtuunan ng pansin iyon at dumiretso na sa club na kinabibilangan ko.
At pagkarating ko sa room ng club ay nakita kong abala na sila.
“Good morning Max,” bati ng isang member sa akin.
“Good morning…Btw, where should we set up? is there a designated area for us?” tanong ko pa sa kaniya at ibang member naman ang sumagot.
“the booth area should be on the open field, so i guess we should start moving since we’ll be starting at 9am,” kaswal na tugon nito at ngumiti ako.
“Okay, ako na bahala rito,” sambit ko habang nakaturo sa malaking dance pad.
“Are you sure? Let me help you,” ika pa nung bumati sa akin at umiling ako.
“No, I can handle it. Thank you!” tugon ko at isa-isa na nilang binitbit ang sangkatutak na boxes na hindi ko rin alam kung anong laman nung iba.
Cyberbooth ang na-assign sa amin na English Club at ang napagpasyahan namin ay ang pag set up ng Xbox at ipalaro ang Just Dance.
Ang criteria ng game ay dapat na ma-kuha ng estudyante ang minimum points na nire-required para sa mystery prize na ipamimigay namin. At ang bayad kada laro ay nasa 200 pesos. Malaki ito kung tutuusin para sa akin ngunit ito ang napagpasyahan nila. ‘Ano pa nga ba? Anak mayaman sila… ako ay anak na maganda lamang, char!’
Habang bitbit ang dance pad at pababa ng building ay sangkatutak na agad ang pawis ko dahil sa bigat ng Dance Pad na dala ko. Malay ko bang ganito ito kabigat. Kung alam ko lang edi sana yung box lang din ang pinili ko, char!
Ang mga kasama ko ay nauna na habang ako ay hirap pang ibaba ito sa hagdan sapagkat hinihingal talaga ako. Hindi ko alam kung sobrang bigat ba talaga nito o kulang lang talaga ako sa ehersisyo at enerhiya. ’ Kase naman, ang babaeng tulad ko ay dapat na tinuturing na prinsesa at hindi kargador, chariz!’
At habang pilit na bumababa ako ng hagdan at buhat ang malaking bagay na ito ay may nakasalubong ako at narinig ko ang pamilyar na pamilyar na boses nito.
“What on earth is this?” aniya at nanlaki pa ang mata niya nang makita niyang ako ang nagbubuhat. ‘Ba’t ang aga naman yata nitong pumasok?’
“Max, ba’t ka may buhat— teka, tulungan na kita,” aniya at tatanggi pa sana ako ngunit mabilis niyang kinuha iyon sa akin kaya wala akong nagawa. ‘Ayan na naman siya sa mga effort niya’
“Sa’n mo ba ’to dadalhin?” kaswal na tanong niya at utal naman akong sumagot dahil masyadong mabilis ang pangyayari. “s-sa field,” tugon ko at nakasunod pa rin sa kaniya habang bumababa ng hagdan. ’Si superman ba siya? ni hindi man lang yata siya nahirapan kunin ‘yon sa’kin. pero baka may makakita sa’min…’
“Teka,” sambit ko kaya huminto siya at nilingon ako habang dala-dala ang Dance Pad na ngayon ay mukhang hindi gano’n kabigat habang bitbit niya.
“Bakit?” tanong niya at agad naman akong sumagot. “Ako na lang magdadala niyan do’n,” mahinang tugon ko.
“No… I won’t let you carry this thing alone. It’s heavy,” agad naman akong tumutol. ‘Pumayag ka na lang…’
“Pero kaya ko naman,“sambit ko at salubong ang kilay na tinitignan niya ko. ‘Tigas talaga ng bungo kahit kailan, juskoooo.’
“Just let me help you, okay?” aniya at tumango na lang ako bilang sagot. ‘As if naman may magagawa ako sa kakulitan niya diba?’
Namutawi ang nakabibinging katahimikan matapos nang usapin na iyon hanggang sa marating namin ang ground floor mula sa 7th floor kung saan kami nagkasalubong.
“Dito na lang,” ako ang unang bumasag sa katahimikan.
“Pero sabi mo sa field?” kunot ang noong tanong niya pa.
“Hindi na…dito na lang. Salamat sa tulong mo,” sambit ko at ngumiti pa ng tipid bago mag-iwas ng tingin. Ba’t ba nahihiya ako sa kaniya? Dahil ba ’to sa sinabi kong mag-uusap kami? At sa mga bagay na napagtanto ko kahapon?
’Hays, ano ba ‘tong ginagawa mo sa’kin? Ganito ba talaga pag mahal mo na ang isang tao? Hindi ka makahinga pag andyan siya?’
Inilapag niya ang dance pad at agad na gumuhit ang lungkot sa kaniyang mukha.
“Galit ka ba sa’kin?” aniya at ngumuso na parang bata.
“Hindi ah,” depensa ko. ‘Kinakabahan lang talaga ako.’
“Then why are you like that? why are you giving me cold treatment?” tanong pa niya. ‘Patay ka, Max! Nag-english na ang bakulaw ke-aga-aga.’
“Ayoko lang may makapansin sa’tin. Alam mo naman na yun e, diba?” patungkol ko sa usapan namin noon at bumuntong hininga naman siya.
“Ang sabi mo mag-uusap tayo,” aniya patungkol sa usapan namin kahapon at ngumuso ulit.
“Oo, pero mamayang hapon pa naman ’yon. May sasabihin din kase ako,” at tila nanlaki ng bahagya ang mga mata niya.
“What is it? tell me,” mabilis na tugon niya.
“Excited?” pang-aasar ko kunwari. “Mamaya na ngang hapon at saka baka may makakita na sa’tin dito dumadami na ang tao,” ani ko pa at kunwaring tinuro ang paligid.
At ayun na naman ang malungkot niyang mukha.
“If it’s about what i’ve told you yesterday. Please, i’m so sorry I really don’t mean it. Hindi ko talaga kailangan ng—” pinutol ko siya dahil mukhang alam ko na ang ibig niyang sabihin.
“Hindi ’yon tungkol do’n okay? at saka ngumiti ka na nga dahil hindi naman ako galit,” utos ko pa kunwari at inabot ang buhok niya at inayos yon kunwari.
“Then tell me you won’t break up with me,” bakas talagang seryoso at malungkot siya nang sabihin iyon sa akin. ’Nakakatakot naman ‘tong iwan, baka magsuicide agad, eme!’
Pinisil ko pa siya sa pisngi at saka ako ngumiti.
“Hindi naman ako makikipag-break. At saka bakit mo naman naisip ’yan, ha?” kunwaring tanong ko pa.
“Ang cold mo e,” nakangusong aniya at ngumiti naman ako.
“Sige na…mamaya na ulit tayo mag-usap,” at itinuro ko ang dance pad. “Ako na rin ang magdadala niyan,” sambit ko.
“Are you sure?” aniya na tila sinusuri pa ako.
“Oo nga… kaya ko ’to, okay? kaya sige na mamaya na ulit ha? Text mo’ko mamayang hapon after ng program,” utos ko sa kaniya at ngumiti siya ng tipid.
“Okay babe,” tugon niya at kunwaring pinandilatan ko pa siya at ngumiti rin pagtapos.
“Sige na… wag ka na malungkot. Di ka na gwapo niyan…sige ka,” pananakot ko kunwari at ngumuso naman siya.
“Paano ako ngingiti? Gustong-gusto kitang yakapin ngayon pero alam kong magagalit ka,” mahinang tugon niya at sinimangutan ako.
Tumawa naman ako kunwari.
“Manahimik ka na nga… mamaya na yang yakap na ’yan. Kahit ilan pa basta mamaya na,” pabiro kong sabi.
“Talaga? Pag yan ’di totoo…yari ka sa’kin,” mayabang na ngisi niya at kunwaring namamangha ko siyang tinignan.
“Ako ba’y tinatakot mo, Sir Mirrem?” pang-aasar ko at biglang naglaho ang ngisi sa mukha niya.
“I’m just kidding, tsk!” singhal niya at natawa naman ako.
“Sige na… kanina pa ako sabi nang sabi di pa rin ako nakaka-alis dahil sa’yo,” kunwaring galit ko pang sabi pero ngumiti rin pagtapos.
Natawa naman siya at kinindatan pa ako. ‘Yang mga ngiting yan, tss!’
“Let’s talk later, okay? I’ll text you,” aniya at tumango ako at binitbit ang dance pad.
“I love you babe,” aniya nang walang boses at saka umalis. Napakakulit.
Buti na lang walang masyadong tao ngayon dito sa building. Hindi ko naman na masyado pang inisip yon at nagmamadaling pumunta sa field.
Pagkarating ko roon ay tinanong pa nila kung bakit ako natagalan at sinabi ko na lang na medyo nabigatan ako.
Hindi naman na sila nagtanong pa at binalikan namin ang iba pang boxes doon sa building kaya naman daig ko pa ang nakipag-marathon dahil basang-basa ng pawis.
Hindi lang do’n natapos ang gawain namin dahil sinet-up din namin ang table kung saan ilalagay ang mga prizes pati na rin ang extension na sinaksakan ng xbox pati na rin ng flatscreen tv na hindi ko alam kung sinong naghatid at nagbuhat dito sa field.
Buti na lang din ay pito kami rito at may tatlong lalaki kaya naman hindi ko lahat inako ng gawaing mabibigat. Hanggang sa matapos na namin ang pagse-set up at nagpaalam ang iba na magpapalit ng damit.
—-
Ilang oras ang lumipas at nagsimula na rin kanina pa ang event habang ako at ang tatlo ko pang kasama ay narito pa rin at nagbabantay sa booth namin. Hindi namin alam kung nasaan na ang iba ngunit wala na rin kaming oras para hanapin sila sapagkat dagsa na rin ang taong gustong maglaro sa booth namin.
“How much for one game?” tanong ng isang junior student na kilalang-kilala ko dahil anak ito ng isang sikat na artista noong 90’s.
“200 pesos,” tugon ko at mabilis naman itong nagbayad ng 1k bill.
Agad ko naman itong sinuklian. “Here’s your change. You could sit right there while waiting, thank you!” sambit ko pa at itinuro ang mga upuan para sa mga gustong maglaro.
At paulit-ulit na gano’n ang routine ko hanggang sa medyo humupa ang dagsa ng estudyante. ‘Hays salamat! Makakapagpahinga na rin.’
Umupo naman muna ako at nagdudutdot sa phone ko. Agad naman akong nakabasa ng messages galing kay Mirrem.
From: Mirrem Cedric Dalton.
How’s my baby doing right there?
Sent. 9:24am.
From: Mirrem Cedric Dalton.
Don’t forget to have a rest, okay? You should enjoy this day too.
Sent. 9:26am.
Nangiti naman ako nang mabasa iyon kaya naman agad ko siyang nireplyan. Matapos no’n ay itinago ko ang phone ko at saka inayos ang ibang gamit dito sa tent.
Maya-maya pa ay nagpaalam ang tatlo na kakain muna sila dahil malapit na rin ang 12 kaya naman wala akong nagawa kundi maiwang mag-isa rito sa tent.
Nagpatuloy lang naman ako sa paglilinis at pag-aayos ng kung ano-ano nang biglang may kumatok sa table kaya nilingon ko iyon.
Si Mirrem.
“Anong ginagawa mo rito?” salubong ang kilay na tanong ko. ‘Buti na lang walang tao ngayon dito.’
“Ang sungit mo naman? Ganyan ka ba sa customer mo? Syempre maglalaro,” pilosopong tugon niya. Nang-aasar.
“Bawal na maglaro. Sarado na kame,” pang-aasar ko rin at tinalikuran siya.
“But I don’t see any signage that you’re close already? and why is the tv and xbox still running?” kunwaring inosente pang tanong niya at inis ko naman ulit siyang hinarap.
“Ang kulit mo… mamaya na lang kasi tayo mag-usap,” inis na sabi ko at tumawa naman siya.
“I’m not here for that. I’m here to give you something,” aniya at ipinakita ang kamay niya at kunwaring sinimangutan ko naman siya.
“Ano naman ’yan?” tanong ko pa at sinenyas niya pang abutin ko kaya naman kinuha ko iyon at saka binuksan.
“Bakit may pa-ganito?” tanong ko pa ulit at ngumiti lang siya sa’kin.
“Masyado kang busy… ni hindi ka agad nakareply sa’kin. Naisipan ko lang dalhan ka at baka nagugutom ka na rito,” tugon niya at para bang may bulak na kumiliti sa puso ko nang sabihin niya iyon. ‘Wow effort! Hindi naman ako si Shan Cai pero bakit parang si Sir ang Dao Ming Si ng buhay ko?’
“Salamat pero sana di ka na nag-abala,” sinserong sabi ko sa kaniya at inamoy pa ang plastic na iyon na may laman na tatlong styrofoam na hindi ko alam kung anong laman.
“Ganyan ba dapat magpasalamat sa boyfriend?” mahinang bulong niya habang nakangiti sa akin ng pagkatamis-tamis.
“Sira ka talaga… E ikaw ba? Kumain ka na?” mahinang tanong ko pa at lumingon pa sa paligid para tignan kung may tao bang nakikinig.
“Yes babe, and i’m full already. But I’m bored… I don’t know where to go,” kunwaring malungkot na sabi niya at mukhang alam ko na kung saan papunta. ’Madiskarte talaga ’tong bakulaw na ‘to.’
“Sakay ka ng rides oh,” turo ko pa sa rides na kanina pa nagsimulang umandar.
“No, I don’t like it. Too crowded,” tugon niya at umupo sa isang bakanteng upuan. “I like it here more,” dagdag pa niya. ‘Sabi ko na e.’
“Ano namang gagawin mo rito? Alam mo namang bawal ka rito,” makahulugang sabi ko at kumontra naman agad siya.
“Says who? I’m not here just to stop in. I’m here to play,” aniya pa at mukhang wala naman na akong lusot dahil bakas ang pagka-desidido niya.
“Sigurado ka ba riyan? 200 kada game yan e,” ani ko pa at ngumisi naman siya.
“I could play here forever as long as you’re watching,” banat pa niya at inirapan ko naman siya. Ang korni!
“Sige na… laro ka na lang diyan,” tugon ko at saka sinimulang buksan ang pagkain habang nakaupo.
Siya naman ay ngingisi-ngisi lang habang sine-set up ang Xbox. Alam kong hindi na bago sa kaniya ’yan dahil nakita kong may ganiyan siya sa bahay niya.
Hinayaan ko lang naman siya at pinanood habang kinakain itong chicken strips na dinala niya para sa akin. Ang sarap naman nito.
At habang sinisimulan na niyang sumayaw ay nakatingin lang ako sa kaniya at kumakain…
“Masarap?” tanong pa niya nung isinubo ko ang isang chicken strips. At agad naman akong tumango.
“Gusto mo?” tanong ko pa at kunwaring inaabot sa kaniya ang manok.
“Gusto ko kung isusubo mo sa’kin,” aniya na siya namang ginawa ko at ngingiti-ngiti pa siyang ngumunguya habang sumasayaw.
“Abnoy! bawal kumain habang sumasayaw,” kunwaring saway ko pa kahit ako naman ang nagbigay ng pagkain. Tanga ka rin Max e no?
Tumawa lang naman siya at nagpatuloy sa pagsayaw ng Finesse ni Cardi B at Bruno Mars.
Hinayaan ko lang naman siyang gawin ’yon hanggang sa may marinig akong announcement mula sa outdoor horn speaker.
“Calling the attention of Mr. Mirrem Dalton. Please proceed to the Meeting Office, Thank you.”
“Huy…pine-page ka na,” saway ko sa kaniya na mukhang hindi narinig ang paging.
“Ha?” aniya pa at inirapan ko naman siya.
“Tawag ka… sa meeting office daw. Pinage na yung pangalan mo,” tugon ko at kumunot naman ang noo niya.
“Really? Ano kayang meron?” aniya pa at ibinalik na ang console at ni-pause na ang kanta.
“Puntahan mo na para malaman mo,” sagot ko sa kaniya at nilingon naman niya ako.
“Okay babe. See you later. Here’s my payment and keep the change,” aniya at inilapag sa table ang 1k at sisigawan ko pa sana siyang huwag na bayaran ngunit mabilis na siyang tumakbo paalis.
‘Ibabalik ko na lang to sa kaniya tutal hindi niya rin naman kinuha yung mga prize niya rito kahit na ang lalaki ng scores niya kanina.’
At hindi ko naman na masyado pang inisip ang nangyari at niligpit na lang din ang kalat ko at iba pang mga gamit dahil paniguradong mamaya ay liligpitin na rin naman ito…
CHAPTER 43
Mirrem’s Pov.
After I leave Max on the field. I went straight to the meeting office and I can’t hide the bitterness into my face while walking. Why there’s always an hindrance when we’re having our quality time? tss..
At nang biglang maisip kong muli ang usapan namin ay nangiti ako. ‘I can’t wait to hug you again, my wife.’
Kaya naman nang marating ko ang office ay binati ko silang lahat bago umupo sa isang conference chair.
At hanggang sa dumating na ang head ng school. Si Miss Agatha Norths.
Walang masyadong naging delay ang meeting sapagkat direct to the point magmeeting ang nasa harap ngayon. At mas naging interesado ako makinig.
“Before the end of the month…all of you should have submit the initial computation of the grades of our students, are we clear?” aniya pa at tumango ang lahat.
“And with regard to our programs here in university… please call off the inter-high. Other’s school recommend to discontinue…since they have other priorities within that week. We can’t proceed since the majority of university voted to move the schedule,” aniya pa at hinubad ang glasses na suot niya.
“All preparations must be cancelled cause we decided to make it just a semester break. Okay, I think that’s enough and if there’s nothing left to add, we can end here. Thank you everyone,” aniya at isa-isa naman kaming tumayo at lumabas palabas ng meeting office na iyon.
At hindi pa man ako nakakalayo ay agad na lumapit sa akin si Miss Shiela kasama si Miss Murphy.
At parang nawala yata agad ako sa mood dahil hindi ko makakalimutan na siya ang dahilan ba’t kami nagkaroon ng love quarrel ng asawa ko.
“Sir, do you want to have lunch with us? Kasama namin sila Miss Terrence,” pauna ni Miss Murphy.
“Sorry but I really have to work. I don’t even have my student’s initial grades yet.” pagsisinungaling ko.
“And we don’t too…so let’s just enjoy this day. Enough of work, we should chill and you should join us,” aniya pa at hinatak nila ako kasama nila Miss Terrence at ni Mr. Chua kaya wala akong nagawa kundi magpatianod sa kanila at sumama.
‘May usapan pa kami ng misis ko e, tsk!’
Hanggang sa pumunta kami sa office na naman ng kabilang building at nagulat ako sa nadatnan namin. Ang daming tao at ang daming pagkain.
Para siyang buffet dahil sa dami ng pagkain at puro staff at profs lang ang naririto. At may kaonting wine at softdrinks din akong nakita.
“Sir, let’s eat,” aya pa ni Miss Shiela at sumunod naman sa kaniya ang iba pa naming kasama kaya naman sumunod na lang din ako at kumuha ng plato at ng cutlery.
“What’s happening here? Is there any occasion being held right now? pabulong na tanong ko pa kay Miss Terrence. ’Ang oa naman kasi kung lunch lang ‘to.’
“No sir, it’s just a get together lunch. They planned it weeks ago, aren’t you aware of it?” tanong din niya sa akin at umiling lang ako.
‘What the heck? get together for what?’
Hindi naman na ako umimik pa at sumunod na lang kung saan sila umupo at tahimik na kinain ang kinuha kong pagkain. Huminga pa ako ng malalim dahil sa inis bago simulan iyon.
Buttered shrimp at spicy tuna roll lang ang nasa plato ko ngayon at siyang kinakain ko.
Nang matapos ako ay agad kong tinignan ang oras at quarter to two na. ‘Ang bilis naman ng oras.’
Akala ko pa ay agad akong makakaalis doon ngunit di ko naman aakalaing mag-aaya pa sila sa rides at wala akong magawa kundi sumama sa kanila dahil panay ang kantyaw nila sa akin na iniiwasan si Miss Shiela. ‘And why would I avoid her?’
Kaya naman para sa ikatatahimik ng lahat ay pumayag na ako. ‘Bakit parang lahat sila itinutulak kami sa isa’t-isa?’
At habang naglalakad kami ay namataan ko na paunti-unti nang nagliligpit sila Max at ang kaniyang mga kasama sa kanilang tent kahit pa may mga naglalaro pa sa kanilang cyberbooth.
Kitang-kita kong pawis siya at nabibilad sa medyo mainit pa rin na klima. Gusto ko siyang puntahan at tulungan ngunit hindi pwede dahil alam kong maraming tao ngayon. ‘Ayokong magalit ang misis ko.’
Wala sa wisyo tuloy akong sumama sa kanila at ang nasa isip ay si Max na lang…
Ilang rides din ang sinakyan namin at totoong masaya naman iyon kaya nga lang ay si Max lang talaga ang naiisip ko. At naiisip ko pa kung ano kaya ang pakiramdam kung siya ang kasama ko rito?
Kaso kada iisipin ko ’yon ay pumapasok sa isip ko ang pagod niyang mukha habang nagliligpit kaya naman mas lalong nawawala ako sa mood. Mas gusto ko na lang tuloy puntahan at kausapin siya…
At kakaisip kay Max ay hindi ko napansin na mabilis na lumipas ang oras. At habang naglalakad kami ay binangga ako ni Miss Terrence. Hindi naman gano’n iyon kalakas katamtaman lang.
“Huy,” aniya.
“Hmm, yes?” balik sa ulirat kong sabi.
“Ang tahimik mo? What’s wrong?” tanong pa niya at ngumiti lang naman ako.
“Just a little bit dizzy,” pagsisinungaling ko at bakas ang pag-aalala sa kaniya
““Sir, have a rest first,” aniya at agad naman akong sumagot.
“I need to go to the bathroom. I think I won’t be back,” sambit ko pa at tumango naman siya.
“Yes sir, I’ll tell them. Take care!” sigaw pa niya ngunit hindi ko na siya pinansin at agad akong umalis. ‘Salamat at nakatakas na rin.’
Pumunta ako kung saan nakatayo ang tent nila Max ngunit wala na siya ro’n.
Tumingin ako sa orasan at 3:15pm na. Naisip kong tawagan siya at hindi rin naman gano’n katagal bago niya iyon sinagot.
“Where are you?” agad na tanong ko matapos niya iyong sagutin.
“Nasa club room, bakit?” tugon niya.
“Wait for me there,” sambit ko at agad naman siyang kumontra.
“Huwag, may tao rito e. Nag-aayos pa kami. Mamaya na lang tayo magkita, okay? Ako mismo tatawag sayo,” pabulong na sabi niya at napangiti ako sa lambing ng boses niya. ‘I miss my baby so much.’
“Okay, see you later then. I love you…bye,” sambit ko.
“Bye, mamaya na lang okay?” tumango pa ako bago niya tuluyang i-end ang call.
Wala akong mapuntahan ngayon at ayoko na rin namang sumama pa sa mga colleagues ko ay napagpasyahan ko na lang na tumambay sa kotse ko.
Nang marating ko ang parking lot ay agad akong pumasok sa kotse ko at nilakasan ang aircon at binuksan ko ang radio. Buti na lang din ay nasa silong ako naka-parking kaya hindi nakakasilaw ang init sa labas.
Sumandal lang ako sa upuan at sinabayan ang tugtog sa radiyo hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.
Nagising ako sa tunog ng aking radyo at dahil na rin sa malakas na ringtone ng phone ko. Nang makita kong si Max ang tumatawag ay agad ko iyong sinagot.
“Hello,” paos na sabi ko at agad ko namang narinig ang sagot niya.
“Nasa’n ka? Kanina pa kita tinatawagan?” kaswal na tugon niya at agad naman akong sumagot.
‘Gano’n ba ako kapagod at nakatulog ako?’
“Nasa parking lot sa loob ng sasakyan ko,” tugon ko na halos hangin na lang ang lumabas sa huling salitang binanggit ko.
“Sige… puntahan kita riyan,” aniya at ibinaba ang linya.
At doon ko lang din napansin na madilim na pala at wala ng masyadong tao. Nakita ko ang orasan dito sa sasakyan ko at 6:57pm na pala. Ang haba ng tulog ko.
Agad ko namang inayos ang sarili ko at pinasadahan ng tingin ang sarili sa salamin at nagspray pa ng breath mist at pinisil-pisil ang labi.
Hindi naman nagtagal ay nakita kong naglalakad siya kaya naman ini-start ko ang kotse at bumusina. Lumingon siya sa gawi ng sasakyan ko at mukhang nakita niya ako mula rito sa loob kaya naman binuksan ko na ang pinto ng passenger’s seat para sa kaniya.
“Akala ko umuwi ka na. Uuwi na rin sana ako e,” panimula pa niya at ngumuso naman ako. ‘Ako uuwi e may usapan kami?’
“Why would I go home? I’m waiting for you here,” tugon ko at ngumiti naman siya at nagkibit balikat.
“Aba malay ko, e nakita nga kita kaninang sumakay sa rides. E diba ang sabi mo ayaw mo kasi maraming tao,” aniya at nanlaki ang mata ko. ‘What the fvck!’
“Nakita mo pala ako?” tanong ko pa at tumango naman siya.
“Yup, alam kong marami kang kasama,” tugon niya. ‘Paniguradong pati si Miss Shiela nakita niya.’
“Yeah, they want me to go with them. Get together daw,” pagsasabi ko ng totoo at tumango naman siya.
“Di ko naman tinatanong e, pero tungkol sa nangyari nung nakaraan. Kanino mo nalaman yung totoo?” patungkol niya sa nangyari sa EK.
“I’ve heard Xavier and Harry’s conversation,” tugon ko at nilingon siya.
“Eh?” aniya na di makapaniwala.
“Yes…I heard them talking in the canteen,” pagkukumpirma kong totoo ang sinasabi ko.
“Galing mong chismoso ah… nice ’yan,” pang-aasar niya kaya sumimangot ako. ‘Lakas mang-asar.’
“Eh yung sasabihin mo sa’kin?” bawi ko at nawala ang ngiti sa mukha niya at napalitan ng kaba.
“Ahhh ’yon? Wala lang naman ’yon. Di naman ’yon mahalaga e..mga napagtanto ko lang naman yon,” tugon pa niya at nag-iwas tingin.
“Just tell me,” seryosong sabi ko at hindi naman siya nakasagot at nag-iwas tingin lang. ’Hindi kaya..nagpaplano na ‘to makipagbreak?’
“Are you planning to break up with me?” deretsong tanong ko sa kaniya.
Hanggang ngayon ’di pa rin nawawala ang guilt ko na nanghingi ako ng space sa kaniya.
At baka ngayon napagtanto niyang gusto niyang ibigay sa’kin yon para makapag-isip-isip ako. No way! I won’t let that happen. There’s no way we’re gonna break up.
“Hindi no! ni hindi nga ’’yan pumasok sa isip ko,” tugon niya at parang nabunutan naman ako ng tinik sa sagot niyang iyon. Ngumiti ako ng tipid sa kaniya bago magsalita.
“I’m sorry,” sinserong sabi ko. “I’m sorry if I didn’t believe you. I didn’t even mean what i’ve said to you that time. I was just jealous,” dagdag ko pa at nakinig lang naman siya. ‘Sorry wife, seloso lang talaga ang husband mo.’
Hinawakan ko ang kamay niya at nangiti naman akong ulit nang maramdaman kong humawak din siya sa’kin.
“Sorry din kung nakalimutan kong i-text ka. Nawala talaga sa isip ko yung usapan natin no’n,” sinsero ding paumanhin niya at hindi ko napigilan ang sarili kong hatakin siya palapit sa akin at siilin ng halik. ‘I love you so much!’
At nakakatuwang naramdaman kong bumabawi siya sa halik ko kahit hindi siya marunong humalik.
At ako rin agad ang huminto sapagkat baka mamaya ay hindi na ako makapagpigil…
Habol ang hiningang magkadikit ang mukha namin kaya nginitian ko siya.
“I love you,” sambit ko.
“I love you too,” tugon niya na siyang ikinagulat ko. ‘Tama ba yung narinig ko?’
Napalayo pa ako at napapunas sa bibig dahil sa sinabi niya. ‘If it’s just a dream, please wake me up!’
“Are you for real?” tanong ko pa at natawa lang siya.
“Can you say it again?” utos ko pa at agad naman siyang nag make face.
“Ayoko nga.” tugon niya at pinagmukhang rabbit ang sarili. ‘Damn!’
“Please? say it again.” pakiusap ko pa sa kaniya at huminga naman siya ng malalim. Please say it again one more time and i’ll be the happiest man alive.
“I love you,” sambit niya at hindi ko napigilan ang sarili kong yakapin siya dahil sa saya. Totoo nga! Ang saya ko!
“I love you too,” nakangiting sabi ko at hindi ko alam pero parang nakalutang ako ngayon. At kinikilig talaga ako. Parang nawala ang pagka-lalaki ko sa sinabing ’yon ni Max.
Hindi ko alam pero sumabay ang mga luha ko sa saya na iyon dahil biglang nag-play lahat sa utak ko lahat ng pinagdaanan namin. Lahat ng saya, kilig at sakit na naramdaman ko sa maikling panahon na magkasama kami. At masasabi kong worth it lahat yon dahil ngayon eto na kami, mahal ang isa’t- isa. Sana lang talaga ay wala nang humadlang pa sa’min.
“Umiiyak ka ba?” tanong niya habang magkayakap kami kaya naman nabalik ako sa ulirat at mabilis na pinawi ang luha sa mukha ko.
“Hindi ah,” tugon ko at hindi pa rin bumibitaw sa yakap namin ngunit siya mismo ang nagkalas no’n at sinuri ako. ‘Nakakahiya.’
“Umiiyak ka e? May nakakaiyak ba sa sinabi ko?” tanong pa niya at agad naman akong sumagot.
“No, wala naman. Sadyang masaya lang ako ngayon sa confession mo. Sobrang pinasaya mo talaga ako kase after ng mga away natin akala ko talaga bibigay ka na e. Natakot ako,” pag-amin ko sa kaniya at pinahid ko pa ang luhang tumakas mula sa mata ko.
“Naiintindihan ko naman yung rason kung bakit hindi mo ko agad napaniwalaan e. Kaya tumahan ka na, okay? Ayokong nakikitang umiiyak ang boyfriend ko,” at dahil sa sinabi niya ay hindi ko napigilang yakapin siya ulit at ilibing ang mukha ko sa balikat niya.
’Sana hindi na ‘to matapos pa.’
Nasa ganoong posisyon kami nang biglang may tumawag sa phone niya.
“Ay teka,” aniya at bumitaw kami sa yakapan namin at agad niyang kinuha ang phone niya.
“Hello Ma, Bakit po?” pagsagot niya pa sa kabilang linya.
“Ha? ano po? Bakit ano pong nangyari?” bakas ang pag-aalala sa tono niya kaya naman parang nahawa ako. Kunot noong nakatingin lang ako sa kaniya habang may kausap sa phone.
“Oh sige po, pauwi na rin naman po ako,” tugon niya at saka ibinaba ang linya.
“Who’s that?” nag-aalalang tanong ko.
“Mama ko. Isinugod daw sa ospital si Tita Irene dahil sumasakit ang tiyan. Nagpaalam din siya na baka bukas pa siya makauwi,” tugon niya at ngumiti pa ng tipid sa’kin.
“Should we go there?” tanong ko pa sa kaniya at agad naman siyang tumanggi.
“Hindi na… ang sabi ni mama sa bahay na lang ako kaya hatid mo na lang ako pauwi,” aniya at ngumiti naman ako at tumango.
“Okay,” at agad ko namang ini-start ang kotse at saka nagdrive…
Mabilis lang din naman naming narating ang lugar nila at ihahatid ko pa sana siya sa looban ngunit tumanggi na siya.
“Dito na lang ako bababa. Thank you sa paghatid. Ingat ka pauwi, okay?” aniya pa at ngumiti naman ako habang nasa labas na siya at ako’y nasa loob pa rin.
“Yes babe, I will… love you,” tugon ko at sumenyas naman siya.
“Uwi na ako ha?” aniya pa at ngumuso naman ako kunwari.
“Where’s my kiss and i love you too?” pagpapa-cute ko sa harap niya.
At hindi ko naman alam na gagawin niya kaya parang natulala ako matapos niyang halikan ako sa labi. Smack lang.
“I love you, ingat pauwi ha? mauna na ako,” aniya at kumaway pa bago umalis.
At mukhang tangang ngumiti naman ako bago nagdrive at umuwi.
‘Sana sa susunod sa iisang bahay na tayo uuwi.’
Max Pov.
Nang makauwi ako ay halos mamanhid ako dahil sa bigat at pagod ng katawan ko. Pabagsak ko pang inihiga ang katawan ko sa sofa ni hindi na nagawang hubarin ang medyas na suot.
At bigla kong naalala ang kiss naming dalawa kaya naman napabalikwas ako ng bangon. ‘Hinalikan niya ako sa lips at hinalikan ko rin siya!’
Hawak ko pa ang labi ko at pakiramdam ko ay nando’n pa rin ang labi niya. At kahit ngayon ay hindi pa rin nawawala sa isip ko ang matamis na lasa no’n at ang lambot ng mga labi niya. At isa pa, ang galing niyang humalik.
‘Nakakahiya, hindi ko alam kung paano humalik.’
At halos makagat ko pa ang labi ko dahil sa sayang nararamdaman ko dahil pakiramdam ko ay ayos na ayos na ang relasyon namin. ‘Pero hindi ko pa rin dapat kalimutan na dapat tago ang relasyon namin. Tama! Tama!’
At habang iniisip iyon ay naisip ko rin biglaan si Tita Irene. Ayos lang kaya siya? Sana naman hindi gano’n kalala ang inabot niya.
Kaya naman agad akong pumikit at nanalangin…
‘Nawa’y pagalingin ka niya, Tita. Sa ngalan niya, Amen.’
Matapos no’n ay pinilit kong iwakli lahat ng iniisip ko at sinimulan ng magpalit at maligo sapagkat lagkit na lagkit na ako sa sarili ko.
Hindi naman ako masyadong nagtagal sa banyo at nang matapos maligo ay tinignan ko ang orasan. Malapit na mag 9pm. gano’n ba talaga ako kabagal kumilos?
Agad naman akong nagtungo sa kusina upang gumawa ng hapunan nang biglang makita kong walang laman ang ref kundi tubig at yelo lamang. ‘Oo nga pala, nakalimutan kong sabihin kay mama na mag-iwan ng pang grocery.’
Agad ko pang chineck kung anong naiwan sa cabinet ngunit ang nakita ko ay tanging pineapple tidbits na lang at liver spread. Ni wala na ring tinapay at biskwit. Napakamot naman ako sa ulo.
Saan naman ako bibili ng ganitong oras? Kaya naman naisipan kong damputin ang phone ko at lumabas upang tumingin kung may tindahan bang bukas sa lugar namin ngunit bigo ako. Ayoko na rin namang lakarin pa ang looban dahil hindi ko pa kabisado roon at baka maligaw lang ako.
Kaya naman bumalik ako sa bahay at dumutdot sa phone ko. Du’n ko lang din napansin na may message sa akin si Mirrem.
From: Mirrem Cedric Dalton.
“I’m already home. What are you doing? I miss you.”
Sent. 8:36pm.
From: Mirrem Cedric Dalton.
“Btw, don’t forget to eat dinner, okay? Cause i’m eating already.”
Sent. 8:45pm.
Agad ko namang nireplyan iyon at saka ko napagdesisyonang pumunta ng Robinsons.
“Ang alam ko ’til 10pm pa naman na bukas yon kaya pwede pa,” sabi ko pa sa sarili at saka tinignan ang oras. “8:55pm pa naman…kaya pa ’to,” dagdag ko pa.
Agad akong pumunta sa kwarto at kumuha ng jacket at saka nagsuot ng pajama. Pagtapos no’n ay isinirado ko ang bahay at saka ako pumunta ng kalsada at naghintay ng masasakyan.
Ilang minutos din ang lumipas bago ako tuluyang makasakay ng bus. Agad ko namang sinabi sa konduktor ang destinasyon ko at nagbayad ng pamasahe.
Mabilis lang naman ang naging byahe at maswerteng bukas pa ang Robinsons kaya naman napangiti ako. May mga iilang tao pa rin pagpasok ko ro’n kaya naman agad akong kumuha ng basket at inisa-isa ang kelangan kong bilhin.
Mabuti na lang din talaga ay may iniwan na pera si Mama sa bahay kaya may gagamitin ako ngayon. At habang nasa kalagitnaan ako ng pag-ikot ikot at pamimili ay tumunog ang cellphone ko. Agad kong kinuha iyon sa bulsa ko at nakita kong tumatawag si Mirrem. ’
’Ba’t naman tumawag pa ‘to?’
Wala naman akong nagawa kundi sagutin siya.
“Hello there my wife, how are you doing?” panimula niya at nagpatuloy naman ako sa ginagawa kong pagpili.
“Okay lang naman babe, ikaw ba?” masiglang tanong ko kunwari habang kumukuha ng gatas.
“I’m good, btw, where are you? Why am i hearing so much noise?” nagbago ang tono ng boses niya at kinabahan naman agad ako. ‘Patay! di ako nagpaalam.’
“W-wala naman ah?” pagsisinungaling ko at agad naman siyang sumagot.
“Don’t you dare lie to me, babe. Where are you exactly right now?” tanong pa niya ulit at napabuntong hininga naman ako.
“Nasa Robinson’s ako,” tugon ko at narinig ko ang malakas na boses niya sa kabilang linya.
“What are you doing there? And really at this hour? And you didn’t even tell me?” sunod-sunod na sabi niya at hindi pa ako nakakasagot ay nagsalita na siya.
“Wait for me there!” aniya at agad naman akong sumagot.
“H’wag na, Uuwi na —-” ibinaba niya ang tawag kaya napabuntong hininga na lang ako. ’Yari ako neto sa bakulaw na ‘yon.’
‘Tumawag-tawag pa kasi e.’
Matapos no’n ay parang wala sa sarili na akong namimili rito sa Robinson’s at nag-iikot-ikot.
Halos sampung minuto lang ang nakalipas ay tumatawag na ulit siya kaya sinagot ko iyon. ‘Ang bilis naman niya nakarating?’
“Where are you?” malamig ang tono at bakas ang awtoridad sa boses niya kaya naman mas kinabahan ako.
“N-nandito ako sa bilihan ng meat,” utal kong sabi at agad naman niya akong binabaan kaya wala akong nagawa kundi hintayin siyang makalapit sa akin.
At wala pang limang minuto ang nakalipas ay nakita ko na ang salubong niyang kilay at seryosong mukha na nakatingin sa akin. Ang mga mata niya ay nawala ang kinang at para bang umaapoy. ‘Ang bilis na naman ng tibok ng puso ko.’
Nakajacket siya at naka-tshirt na white at nakapajama. Mukhang bumangon pa talaga siya para pumunta rito kaya naman naghalo-halo ang emosyon ko.
Huminga pa muna ako ng malalim bago pa siya tuluyang makarating sa harap ko. ‘Ayan na siya.’
Umirap siya at kinuha sa akin ang cart na siya namang hinayaan ko lang. ’Paano ko kaya ‘to lalambingin ngayon?’
“Ano pang sunod mong kukunin?” masungit na aniya patungkol sa kailangan kong bilhin. At agad naman akong nag-isip.
“Crackers saka tinapay,” mahinang tugon ko at agad naman siyang naglakad. Sumunod naman ako at kumukuha rin ng iilan sa nadadaanan namin.
Nang marating namin ang area ng crackers ay agad niya akong nilingon. “How many?” blanko ang emosyong tanong niya at sumagot naman ako.
“Dalawa lang,” ani ko at agad naman niyang sinunod at iniwan ako ro’n. ’Ang bilis naman maglakad nitong abnormal na ‘to,’
Mabilis naman akong sumunod sa kaniya at nang may maisip ako ay agad ko iyong sinabi.
“Kuha ka na rin ng ice cream. Kain tayong dalawa,” nakangiti ko pang sabi kahit hindi naman siya nakatingin.
“Ayoko…di naman ako mahilig sa ice cream,” pagtanggi niya at agad namang nawala ang ngiti sa labi ko. ‘Taray, hard to get si lolo mo.’
Kaya naman nanahimik na lang din ako at sumunod na lang sa kaniya at nang makuha niya ang tinapay ay lumingon siya sa akin at inunahan ko na siyang magsalita.
“Wala na…tara na,” aniya ko at inunahan ko naman siya matapos no’n. ‘Akala mo ikaw lang ah.’
Ngunit nang marating ko ang counter ay hinintay ko siya dahil ako ang magbabayad no’n.
“Akin na ’yan… ako na lang ang lilinya. Pwede ka na umuwi. Salamat,” at nagsalubong ang kilay niya.
“Anong uuwi? Mag-uusap pa tayo,” may bahid ng inis na sabi niya at pabiro naman akong sumagot.
“Okay, okay, chill ka lang! Galit na galit?” ani ko ginagaya ang meme sa facebook at saka ngumiti. ‘Sarap talaga asarin nito pag napipikon.’
Suminghal lang naman siya habang nasa likod ko at nasa linya kami. Naging mabilis lang naman ang paglinya namin dahil magsasara na nga ang Robinson’s at ngayon ay nasa parking lot na kami.
“Sinong may sabing pumunta ka rito ng ganitong oras?” biglaang tanong niya habang isinasakay sa likod ng sasakyan niya ang pinamili ko.
“Wala,” tugon ko at salubong ang kilay na nilingon niya ako at napakamot pa siya sa sintido niya.
“Wala? wala naman pala tapos pumunta ka pa rito sa ganitong oras. Anong klaseng trip ’to? Ni hindi ka man lang nagpaalam sa’kin kahit text o tawag man lang. Sige nga! paano kung napano ka sa pagpunta mo rito? Edi mamamatay ako sa pag-aalala sayo gano’n ba?” galit na tugon niya at napanguso naman ako. ‘May point naman siya pero may dahilan naman kasi ako e.’
‘Ikaw kaya walang makain sa bahay. Ewan ko kung di ka lumabas.’
Gusto kong sabihin ’yon pero napagtanto kong mali pa rin talaga ako. Mali na hindi ako nagsabi sa kaniya…
“Sorry…” tugon ko at umirap lang siya bago mabilis na pumunta sa passenger’s seat at binuksan iyon.
“Sakay,” malamig pa rin ang tonong aniya ngunit sumunod na lang ako. ’Pag kaya niyakap ko ’to kakalma ‘to?’
Napailing pa ako sa naisip kong ’yon at nakita kong makapasok na siya ay agad akong nag-iwas tingin at saka hinayaan siyang magdrive.
“Next time…if ever you’ll gonna go somewhere again without me. Please tell me or just let me know your whereabouts, okay? So that I’m not looking stupid assuming that you’re home when you’re clearly not,” aniya at tumango na lang ako dahil hindi ko na-gets, charot! ‘Oo na, parang di lang nagpaalam e.’
“Kung hindi pa ako tumawag…di ko malalaman na wala ka sa bahay niyo,” singhal niya at hindi naman ako umimik at patuloy lang sa pagtingin sa mga sasakyan na kasabay namin sa kalsada.
At habang nasa ganoong sitwasyon kami ay malakas na tumunog ang tiyan ko. ‘Actually kanina pa ako nagugutom.’
Hindi naman ako lumingon sa kaniya dahil paniguradong narinig niya iyon at nakatingin na siya sa akin.
“Are you okay? Kumain ka na ba?” aniya at hindi ko naman siya sinagot.
“Hey,” aniya at saka ko lang siya nilingon. ‘Ang kulit naman nito. Nahihiya na nga ako e.’
“Tinatanong kita kung kumain ka na ba?” aniya at umiling naman ako.
At suminghal pa siya ulit at napahilamos pa ang isang kamay sa mukha na para bang stress na stress siya sa akin.
“Kaya ako lumabas at nag grocery kase nakalimutan ko na wala nga palang pagkain sa bahay,” pagsasabi ko ng totoo bago ko ibinalik ang tingin sa daan.
Nakita ko sa gilid ng mata ko na nilingon niya ako bago niya ibalik iyon sa daan. At matapos no’n ay binalot kami ng katahimikan hanggang sa makarating kami sa bahay.
Nang makababa ako ay kukunin ko pa sana ang mga pinamili sa likod ngunit nagsalita na siya.
“I can handle this. Just go inside,” anas niya kaya naman agad ko siyang sinunod.
At agad ko namang binuksan ang bahay at dumiretso sa kusina. At wala pang segundo ay narinig ko ang yapak niya papunta rito.
At nagulat ako nang hablutin niya ako at ikinulong sa bisig niya. Ang mukha ko ay nakasandal ngayon sa malulusog at matikas niyang dibdib.
“I’m sorry if I overreacted earlier. I’m just worried babe,” sinserong anas niya at nabigla naman ako. ’Bipolar din yata ‘to e? Kanina galit tas ngayon malambing’
Pero sa totoo lang gets ko naman yung point niya kaya naman napangiti rin ako. Niyakap ko siya pabalik at nagsalita.
“Naiintindihan ko naman yung point mo. Sorry din kung hindi kita nasabihan agad. Btw, thank you at sinundo mo pa ako at sinamahan,” sinserong tugon ko at bahagyang inilayo niya ako para harapin.
“Anong thank you? Boyfriend mo’ko kaya responsibilidad kong samahan at sunduin ka. Kaya dapat next time magpaalam ka sa’kin para di ako nabibigla,” kunot ang noong sabi pa niya at natawa naman ako.
“Gano’n ba dapat yon?” nakangiting tanong ko pa at ngumiti rin naman siya. “Yes babe, oh siya! magluto na tayo para makakain ka na,” aniya pa at inihiwalay ako sa kaniya kaya nagtaka ako.
“Tayo?” takang tanong ko at nakataas ang isang kilay siyang sumagot.
“Oo, bakit?” aniya at agad naman akong nagsalita.
“Pero hindi ba masyado nang late para magluto?” wika ko at agad naman siyang umangal.
“Pero di ka pa kumakain?” sagot niya at agad naman akong bumawi.
“Pwede naman akong mag crackers at gatas na lang e,” suhestiyon ko at tumutol naman siya.
“No, you should eat a full course meal.” aniya at napasimangot naman ako. ’Full course meal ano ‘to resto?’
“Pero wala naman akong ibang naiisip na pagkain maliban sa pizza,” nakasimangot kong sabi at natawa naman siya.
“Okay fine, let’s just order a food for you,” aniya pa at kinuha ang phone niya. Agad naman akong tumanggi.
“H’wag na sir, kakain na lang ako ng biskwit,” tugon ko pa at doon ko lang din narealize ang tinawag ko sa kaniya.
“Sir?” kunot ang noong wika niya at agad naman akong tumanggi.
“Babe ’yon…nabingi ka lang,” tugon ko at ngumiti pero iniba niya ang usapan.
“Anyway, what pizza do you want to order? Hawaiian? Pepperoni?” pag-iiba niya sa topic at tumanggi ako ulit.
“Babe, wag na…” tugon ko. ‘Nakakahiya na masyado e.’
“Okay…let’s take one hawaiian and two spaghetti,” sambit niya at hindi pinansin ang sinabi ko habang may pinipindot sa phone niya.
Nang matapos siyang magpipindot do’n ay agad akong nagsalita. Napakagalante talaga nitong bakulaw na ’to.
“Magkano ba ’yon? Ako na lang ang magbabayad,” tanong ko at siningkitan niya lang naman ako ng mata.
“I’m not asking you to pay for it,” tugon niya at umangal naman ako.
“Pero gusto kong bayaran ka,” tugon ko at nilingon niya naman ako.
“Gusto mo talaga akong mabayaran?” tanong pa niya at agad naman akong tumango.
“Oo…gusto ko,” tugon ko. ‘Ayoko ng may utang ako sa ibang tao.’
“Sige, kiss mo’ko sa lips. Iyon ang bayad,” aniya at nanlaki ang mata ko. ‘Eh, seryoso ba siya?’
At bigla kong naalala yung halikan namin kanina sa kotse niya. Ano ba yan, nakakahiya!
“Hindi ba pwedeng…sa cheeks na lang?” nahihiyang tanong ko at hinimas pa niya ang kaniyang baba na animoy nag-iisip.
“Pwede naman…pero may utang ka pa pag ganun kasi kulang ’yon. At kapag utang may interes…at ang interes tumu—-” habang nagsasalita siya ay mabilis kong inilapat ang bibig ko sa kanyang labi at saka ako pumikit.
Mirrem’s Pov.
“Pwede naman…pero may utang ka pa pag ganin kasi kulang ’yon.” pabiro kong sabi. “At kapag utang may interes… at ang interes tumu—” ni hindi ko natapos ang sinasabi ko dahil bigla niya akong sinunggab ng halik at nakapikit pa siya nang ginawa iyon.
Hindi ko alam pero parang may bulak na niliyaban sa puso ko at naghahalo ang init ang sarap na nararamdaman ko ro’n hanggang sa pati ang estrangherong emosyon na hindi ko dapat madama ay agad na nagsimulang magwelga sa aking katawan.
Pinalalim ko ang mga halik namin at natagpuan kong nakayakap na sa akin si Max. Kaya naman bago pa kami mawala sa katinuan ay inihinto ko iyon at tinignan siya.
Namumula ang kaniyang tenga pati ang kaniyang mukha matapos nang halikan naming iyon. Tuwang-tuwa akong makita ang reaksyon reaksyon niya sapagkat kitang-kita ko na nahihiya siya sa ginawa niya. ‘I never thought he would believe me. I was just fooling around.’
Hindi ko talaga inasahan na gagawin niya iyon dahil nagbibiro lang naman ako. Ang Max na ayaw sa’kin noon ay paniguradong aasarin lang ako at pipikunin ngunit ibang-iba na ang Max na nasa harap ko ngayon.
Punong-puno na ng pagmamahal at pasensya kaya mas napangiti ako lalo. ‘Hinding-hindi kita sasayangin.’
“Para kang tanga…kanina ka pa pangiti-ngiti diyan. Tawang-tawa ka siguro kase di ako marunong humalik,” galit nang aniya kaya naman napakamot ako sa ulo.
“No babe, you’re just so extremely beautiful that’s why i’m smiling,” anas ko at hinawakan pa siya sa kamay ngunit iwinakli niya iyon.
“Beautiful mo mukha mo. Ginawa ko na nga ’yon kahit nakakahiya tapos tatawa-tawa ka lang diyan,” reklamo niya at tinalikuran ako kaya naman hinabol ko siya at niyakap sa likuran.
“Babe, sorry pero di talaga kita tinatawanan. At saka marunong ka namang humalik kaya nga tuwang-tuwa ako.” paglalambing ko saka ko siya iniharap sa’kin.
“Talaga?” nakasimangot na tanong niya.
“Oo, gusto ko pa nga ng isa e. Kiss mo nga ako ulit,” at sinamaan niya naman ako ng tingin ng isensyas ko pa ang lips ko.
“Sa cheeks na lang,” aniya pa at kunwaring pumayag naman ako. ‘Ngayon ko lang siya nauuto ng ganito.’
“Sige sa cheeks na lang,” at nung akmang lalapit na siya ay bigla ko siyang nilingon at hinawakan ko siya para hindi siya makawala. Nanlaban naman siya kaya agad ko siyang pinakawalan ngunit nakurot niya ako.
“Aray!” sigaw ko.
Tatawa-tawa pa ako matapos non ngunit nakita kong mabilis siyang dumampot ng sandok kaya naman agad akong tumakbo palayo.
“Ikaw ha? Bakit adik ka na kiss?” Gitil na tanong niya habang tinututukan ako ng sandok.
‘Yari!’
Nakataas ang kamay sa ere ko naman siyang sinagot na animo’y suko na sa laban habang umiikot sa lamesa.
“Babe? hindi ah…biro lang ‘yon!’ aniya ko nang dumampot siya ng kutsara at ibato iyon sa akin. Mabuti na lang at nailagan ko iyon. ‘Ganito ba talaga ang magiging misis ko?’
“Mapagsamantala ka na ngayon. Sinong nagturo niyan sa’yo? Gusto mo bang basagin ko yang scrotum mo?” Turo pa niya sa pang-ibabang parte ko habang paikot-ikot kami sa lamesa nila
“Babe, sorry na…” matapos kong sabihin iyon ay dun ko lang napansin na korner na pala ako kaya naman nginitian ko siya ng pagkatamis-tamis.
“Babe..” tawag ko pa ngunit lumapit lang s’ya at ako naman ay naghahanda sa pwede niyang gawing palo sa akin.
“Babe, i know that you love me,” ani ko pa at ngumisi lang naman siya. “Love me mo mukha mo,” at mabilis niya akong inambaan ngunit di naman niya tinuloy.
Kaya naman umalis din ako sa sulok na iyon at sinundan siya upang yakapin sa likod.
“I love you,” seryosong wika ko habang nakayakap sa kaniya.
“I love you more,” tugon pa niya at humarap sa’kin upang yakapin din ako.
‘Sa sarap ng pakiramdam ko ngayon para akong nananaginip.’
CHAPTER 44
Max Pov.
Ilang minutos din ang lumipas bago dumating ang inorder ni Mirrem.
Nang dumating iyon ay nagulat pa ako dahil malaking pizza pala ang inorder niya at meron pang spaghetti.
Kaya naman nagturuan pa kami kung sinong uubos.
“I don’t eat too much at night. So ikaw ang uubos niyan,” aniya pa at nanlaki ang mata ko.
“Anong ako?” angil ko.
“Ikaw,”
“Bakit ako?”
“Gutom ka e,” natatawang aniya pa at kinurot ko naman siya. “Sinabi ko na kasing ’wag ka na bumili e,” inis kong sabi.
“I’m just kidding, babe. Kung di natin kaya ubusin edi hindi pipilitin, right?” wika niya at sumimangot lang ako.
Pinisil niya ako sa pisngi. “Let’s eat,” nakangiting sabi niya at agad naman naming sinimulang lantakan iyon.
Pagkatikim na pagkatikim ko pa lang sa pizza ay agad na nanuot ang masarap na lasa no’n sa aking dila. ’Ang sarap naman nito, magkano kaya ‘to?’
At saka ko naman tinikman ang pasta na kasama no’n. Mukhang tipikal na spaghetti lang kaso nung tikman ko ay halos mailuwa ko ’yon dahil ang asim ng sauce. ‘Sa pizza na lang ako.’
Nakangiting tinititigan ko pa iyon habang kumakain. ‘Pag may extra ako, bibili ako ng isang box neto.’
Hanggang sa mapansin kong nakangiti sa’kin si Mirrem habang pinapanood ako. Kaya naman itinapat ko ang pizza malapit sa kaniyang bunganga at mukhang nagulat pa siya nang bahagya. Ngunit nang makabawi ay agad siyang ngumiti at saka kumagat.
At ngayon ay para siyang batang binigyan ng kendi sa sobrang saya habang ngumunguya.
“Ang sweet natin,” aniya.
“Talaga?”
“Oo…kung pwede nga lang ipakita sa lahat na ganito ka ka-sweet sa’kin. Paniguradong ma-iinggit sila,” wika pa niya at hindi ko alam pero parang may parte sa akin na nalungkot. ‘Gusto niya talagang maging public ang relationship namin.’
“Hindi ba mas sweet na sa’yo lang ako ganito?” at napaisip siya sa tanong kong iyon.
“Dapat lang naman talaga na sa’kin ka lang ganito!” malakas ang boses na sabi niya. “Ako lang naman ang boyfriend mo,” dagdag pa niya.
Natawa naman ako. “’Wag kang manigaw,”
“Hindi naman,” bawi niya at hinawakan pa ako sa kamay. “Pinapaalala ko lang na boyfriend mo ’ko. Baka kase makalimutan mong sinagot mo na ako,” at ngumisi siya matapos sabihin ’yon.
“Oy, hindi naman ako ulyanin,” tugon ko at pabirong inirapan siya. At kunwaring namamangha naman niya akong tinignan.
“Really?” aniya at ngumisi.
“Oo,” confident kong sagot.
“Okay,” at nginitian ako. “Just make sure you won’t forget my birthday and our monthsary. Kase magtatampo talaga ako,” dugtong pa niya at natawa naman ako nang maalala ang away namin.
“Kabisado ko na kaya birthday mo. August 15 ka e,” tugon ko at ngumiti naman siya.
“Good,” at saka siya ngumanga sa harap ko at nagets ko naman ’yon kaya sinubuan ko siya.
“Ang sarap,” aniya pa kahit puno ang bibig. Natawa naman ako.
“Parang baliw,” bulong ko pa at mukhang narinig niya iyon.
“Baliw sa’yo,” tugon niya.
Hindi naman ako sumagot at nagpatuloy na lang sa pagkain at pagsusubo sa kaniya. Kahit na gano’n lang ang ginagawa ko sa kaniya ay hindi na magkamayaw ang kaniyang kambal na dimples sa paglabas, dahil sa pagkakangiti niya.
Nang matapos kaming kumain ay aasikasuhin pa sana niya ang mga basura ngunit sinaway ko siya.
“H’wag mo nang galawin ’yan. Ako na ang bahala d’yan. Mas mabuti pang umuwi ka na dahil sobrang late na at baka may gagawin ka pa bukas,” anas ko.
“I don’t have anything to do tomorrow. Besides, semester break starting monday so ’di talaga ako magiging busy,” napakunot ang noo ko sa sinabi niyang ’yon. ’Eh, totoo ba ‘yon?’
“Semester break namin ngayong week?” tanong ko pa at tumango siya. “Yes, nag-send ako ng information sa GC natin. Hindi mo ba nabasa?” pagbabalik tanong niya at umiling lang ako bilang tugon.
“Kaya pala parang ayaw mo pang umuwi,” kunwaring sagot ko na lang at biglang ngumuso naman siya.
“Bakit? gusto mo na ba akong umuwi? di mo na’ko mahal?” sunod-sunod niyang sabi at inirapan ko naman siya.
“Tumingil ka nga sa kapraningan mo,” inis kong sabi at nagpeace sign siya.
“Biro lang e…Btw, wanna watch a movie? Movie marathon tayo,” tugon niya at nangiti pa ako ngunit agad din namang naglaho iyon.
“Gusto ko sana…kaso wala naman kaming CD’s na pwede nating panoorin,” nanghihinayang na sabi ko.
“Pwede naman sa bahay. No need for CD’s,” aniya pa at agad naman akong tumanggi.
“Hindi pwede dahil gabi na…saka baka biglang umuwi si mama at hanapin ako. Next time na lang, okay?” tugon ko at ngumiti naman siya.
“Okay babe, uwi na ako ah?” paalam niya at nakangiting tumango naman ako.
“Sige, ingat ka,” sagot ko at nagbiro pa siya.
“Sa susunod na uuwi ako…sa bahay na natin dahil ikaw ang misis ko,” hirit niya.
“H’wag kang mag-alala wala namang may gustong humadlang sa pangarap mong ’yan kaya mangarap ka lang,” pabiro ko pang sabi at nakunot naman ang noo niya.
“Bakit ikaw? hindi mo ba pinapangarap na maging asawa ako?” tanong pa niya at napaisip din tuloy ako. ‘Ba’t naman pag-aasawa na ang nasa isip nito. Tas ang tinatanong niya e nasa 4th year high school pa,’
“Pag-iisipan ko pa,” natatawang tugon ko at gano’n din naman siya.
“Sige baby, uwi na ako ah…” tatalikod na sana siya nang biglang magsalita siya. “Pero pwede bang…“aniya na animo’y nahihiya.
“Pwede bang alin?” takang tanong ko habang salubong ang kilay.
“Humingi ng…” mahinang sabi niya.
“Humingi ng alin?” kunot ang noong tanong ko pa ulit.
“Hug sana?” aniya at natawa naman ako. Nakukulangan pa ba siya sa yakapan namin kanina? tss. Clingy pala ’to e.
“Parang nagyakap lang tayo kanina e… sige na,” at inilahad ko pa ang kamay ko sa ere at isinesenyas na lumapit siya. Nakangiting lumapit naman siya at bahagya pang yumuko para mayakap ako.
At nang magkayakap kami ay nagsalita ako.
“’Di ka ba nangangalay kakayakap sa’kin? Ang tangkad mo kaya,” anas ko pa habang nakapatong ang baba sa kaniyang balikat.
“Hindi naman, kahit ilang oras siguro tayong ganito ayos lang,” aniya pa at naramdaman ko ang pag-ngisi niya. Kaya naman bumitaw ako sa yakapin namin at hinarap siya.
Nakangiti siya sa’kin at pabirong tinarayan ko naman siya. “Sige na umuwi ka na at gabi na. 11 na oh,” tugon ko at tumuro pa sa wall clock na siyang nilingon niya rin.
“Okay babe…love you,” aniya at sabay pa kaming naglakad papunta sa pintuan at hinarap niya ako.
“Text kita pag nakauwi na ako,” dagdag pa niya at saka lumabas. Pinanood ko pa muna siyang makalayo bago ko isarado ang pinto. ‘Napaka-sweet…para akong binubudburan ng asukal.’
Matapos no’n ay hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at sinimulan ko nang iligpit ang mga kalat at hugasan ang pinagkainan namin. Itinapon ko na rin ang basura sa kusina at inilabas ko sa aming bakuran.
Nang magawa ko na lahat ay saka ko isinunod ang pagligo. Hindi ko naman tinagalan masyado dahil gabi na rin. At saka ako humarap sa salamin at sinimulang gawin ang ritwal ko. ’Skincare syempre. Hindi ako gaganda kung wala ‘yan…’
At habang ginagawa ko iyon ay naalala ko si Mirrem kaya naman agad kong hinanap ang phone ko. ’Sa’n ko ba nalagay ‘yon?’
At pumunta pa ako sa kusina at doon ko nakita kaya naman habang naglalakad pabalik sa kwarto ay nakadutdot na rin ako ro’n.
Agad ko namang binasa ang nakita kong messages ni Mirrem.
From: Mirrem Cedric Dalton.
“Jgh. And I miss you already…”
Sent. 11:26pm.
“What are you doing right now, babe?”
Sent. 11:26pm.
At nangiti naman ako sa mensahe niyang iyon at napaisip. ‘Miss agad? Sabagay… kahit ako namimiss din siya. Kahit may kakulitan, tss!’
Agad naman akong nagtipa ng mensahe para sa kaniya.
To: Mirrem Cedric Dalton.
I miss you too… Matulog ka na riyan at matutulog na rin ako. Goodnight!
Sent. 11:42pm.
At matapos kong ma-send iyon ay in-off ko ang silent mode. At wala pang isang saglit ay tumunog agad ang phone ko. ’Ang bilis nakareply… ano ‘to naghihintay?’
From: Mirrem Cedric Dalton.
“I want to go there to see you again. :(”
Sent. 11:43pm.
At hindi ko alam kung matatawa ba ako sa pagiging cute niya o maiinis sa pagiging makulit niya sa chat niyang ’yon. ’Paniguradong pag sinabi kong sige, mabilis pa sa ambulansyang pupunta ‘to dito,’
Kaya naman ngingisi-ngisi akong nagreply.
To: Mirrem Cedric Dalton.
“Sa susunod na lang po ulit. Sa ngayon matulog muna tayo, okay? Goodnight!”
Sent. 11:43pm.
At ilang segundo lang ay nagreply siya at napangiti ako.
From: Mirrem Cedric Dalton.
“Okay babe, goodnight. I love you.”
Sent. 11:44pm.
Hindi ko naman na nireplyan pa iyon at nagpatuloy na sa ritwal ko. At nang matapos ay humiga ako sa kama at kumuha ng libro. Matagal ko na itong gustong tapusin ngunit medyo abala pa pero ngayon mukhang magagawa ko na.
Agad kong inilipat iyon kung nasa’n ang bookmark at sinimulang magbasa. At itinapat ko na rin sa hangin ang ulo ko para mabilis matuyo ang buhok ko.
Ilang oras din ang lumipas at nang makaramdam ako ng ngalay at antok ay huminto ako. Doon ko lang narealize na malapit ko nang matapos ang librong iyon. ‘Ang bilis ko naman magbasa? Anong oras na nga ba?’
Agad ko namang nilingon ang orasan at malapit na mag 2am. Madaling-araw na pala…
Pumunta naman muna ako sa kusina at saka uminom ng tubig. At pagbalik ko nang kwarto ay binasa ko ulit ang libro habang nakahiga. Hindi ko alam kung ilang minutos na naman ang lumipas ngunit nahinto lang ako ng tumunog ang phone ko.
Agad ko iyong dinampot at tinignan.
Nakita kong isang message na naman galing kay Mirrem. ’Ba’t kaya gising pa ’tong bakulaw na ‘to?’
From: Mirrem Cedric Dalton.
“Babe, i can’t sleep. :(”
Sent. 2:26am.
Bigla akong nag-alala sa mensahe niyang ’yon.’Ano kayang nangyayari dito sa bakulaw na ‘to?’
Buti na lang at may load ako kaya tinawagan ko siya. Hindi naman nagtagal ay sinagot niya rin agad iyon.
“Hi babe,” paos na bati niya. Narinig ko rin ang langitngit ng higaan niya.
“Bakit di ka makatulog?” masungit kunwaring tanong ko.
“Ewan ko,” malungkot na tugon niya. “Baka sa kinain natin kanina,” dagdag pa niya at humikab.
“Baka nga…sa dami mo ba namang inorder e,” anas ko pa at narinig ko ang pagbuntong hininga niya.
“Hindi rin kase ako sanay na maraming kinakain sa gabi,” wika pa niya at agad naman akong naguilty. ‘Eh sa kaniya ko halos ipaubos yung pagkain kanina.’
“Hmm, anong pwede kong gawin para makatulog ka?” tanong ko sa mas kalmado at mas malambing na boses. ‘Kawawang bakulaw, tss!’
At narinig ko pa ang himig niyang animoy nag-iisip.“Tabihan mo na lang ako babe. Namimiss talaga kita e,” pahina ng pahina niyang sabi.
“Paano ko naman gagawin ’yon… Eh nand’yan ka tapos nandito ako,” natatawang sabi ko pa at agad naman siyang sumagot.
“Edi pupunta ako riyan,” aniya pa at napasigaw ako. ’Aba’y siraulo ‘to? gabing-gabi na at gusto pang bumyahe.’
“Ano? baliw ka ba?!” galit kong sabi. “Tigilan mo’ko at gabi na. Hindi p’wede yang gusto mo. Paano kung mapano ka sa labas, ha? Tumigil ka dahil ’di kakayanin ng konsensya ko pag may nangyari sa’yo,” dugtong ko pa.
Medyo nagu-guilty man ako ngunit ang isipin pa lang na kung mapaano siya habang papunta rito ay pinapatay ako. Lamang ang pagtutol ng puso ko sa gusto niya.
“Sorry…” mahinang sabi niya at napabuntong hininga naman ako. ’Ano ba naman ‘to, masyado na akong affected sa feelings niya. Di naman ako ganito dati e.’
“Pwede namang mamaya e. ’Wag lang ngayong oras…delikado pa masyado,” sinserong bawi ko pa at agad naman siyang sumagot.
“Talaga?” aniya at batid ko ang excitement sa kaniyang boses kaya nangiti rin ako. Parang bata talaga kahit kailan. Nakakatuwa pero minsan nakakainis, charot.
“Oo,” tugon ko.
“Mamayang gabi?” at sumang-ayon naman ako. ‘Sige pagbigyan, one week naman walang pasok e.’
Kaya naman rinig ko ang kasiyahan niya sa kabilang linya. Kung bata pa talaga siguro siya ay baka nagtata-talon na siya sa higaan niya ngayon. Hindi natin sure baka ginagawa niya pa rin yon? maitanong nga, char!
“Kaya matulog na tayo ngayon… Kung di ka talaga makatulog kahit pumikit ka lang muna riyan,” sabi ko pa at umayos na rin ng pagkakahiga.
“Yes babe, goodnight. I love you,” sagot niya.
“I love you too…goodnight,” wika ko pa bago pinatay ang call.
At matapos no’n ay napatitig ako sa ceiling namin at napaisip. Napagtanto ko lang na ang dami na pala talaga naming pinagdaanan. Sinong mag-aakala na yung panti-trip niya lang sa’kin noon e, mauuwi sa ganito? Na yung kinaiinisan kong bakulaw noon ay mamahalin at gugustuhin kong alagaan ng ganito ngayon?
At naaalala ko pang lahat mula umpisa hanggang dulo, ni hindi ko yata makakalimutan na galit talaga ako sa kaniya noon. Na puro pagkamuhi lang ang nararamdaman ko no’n hanggang sa nagbago ang lahat nang makita ko ang iba’t-ibang sides niya. May side na seryoso, minsan abnormal, kung minsan naman mabait at maalalahanin, minsan naman masungit at suplado. Pero lahat nang ’yon ay tanggap ko na ngayon at minamahal.
Napangiti pa ako nang biglang magreplay ang eksena namin noon sa ospital. Na kahit sobrang selos na siya ay pinipigilan niya para lang hindi ako magalit. At natatandaan ko ring siya ang nagbayad ng bills ko no’n. Napakabait na tao tss! Ano bang ginawa ko noon para biyayaan ako ng ganito ngayon? Pakiramdam ko kasi ay napakaswerte ko talaga sa kaniya kase naman kung titignan mo siya? Full package na te e, nasa kaniya na ang lahat. Gwapo, matangkad, macho, mayaman. Lahat yata ng hinahanap ng isang babae sa lalake ay nasa kaniya na…
Kaya lang minsan ay natatakot talaga ako para saming dalawa at sa relasyon namin. Alam ko naman kasing bawal ito at alam kong tutol ang mama niya sa’min. At hinding-hindi ko makakalimutan ang ekspresyon ng nanay niya noong birthday niya.
Pero kahit medyo natatakot pa talaga ako sa pwede naming kahinatnan sa ginagawa naming ito. Gusto ko pa ring subukan dahil alam kong iyon ang gusto niya.Lumalaban siya para sa relasyon namin at gusto kong gawin din ’yon para sa kaniya. ‘Dahil alam kong doon siya sasaya.’
Marami pang bagay ang pumapasok sa isip ko tungkol sa aming dalawa hanggang sa hindi ko na lang namalayan na nakatulog na pala ako…
Kinabukasan ay nagising ako sa ingay na mukhang nanggagaling sa kusina kaya bumangon ako. Nagtungo ako roon at nakita ko si Mama na nagluluto. ‘Anong oras na ba at bakit parang antok-antok pa ako?’
Nilingon ko ang wall clock at doon ko napansin na alas-sais pa lang ng umaga. Jusko, apat na oras lang ang tulog ko…
Hinatak ko ang isang upuan at doon ako umupo. At doon lang din siguro ako napansin ni Mama. “Oh anak, gising ka na pala. Kain ka muna,” aniya at tumango lang ako.
“Sige lang po, Ma. Magkakape lang muna ako,” tugon ko at hindi naman siya umimik. Kumuha ako ng kape at sinimulang itimpla iyon.
At habang hinahalo ko iyon ay nagsalita si Mama. “Anak, siya nga pala. Babalikan ko pa muna si Tita mo sa ospital. Pwede bang ikaw muna ang magbantay sa palengke?” agad naman akong tumango.
“Sige po…pero ano po bang sakit ni Tita at hindi pa siya nadi-discharged?” kunot noong tanong ko na may bahid ng pag-aalala. Ano kayang sakit ni Tita? Sana naman gumaling na talaga siya.
“Ang sabi ng doctor…kapag wala silang nakitang results sa ibang laboratory ng tita mo ay makakalabas na siya. At ’yon ang dahilan kaya ako babalik doon dahil kailangan mabayaran ’yon lahat ngayon. Halos maubos agad ang savings natin dahil wala naman kaming insurance ni Tita mo,” aniya pa at hindi naman ako nakasagot. Ang daming problema naman nito.
“Sige ma, ako na pong bahala sa palengke. Iwan niyo na lang po sa’kin yung susi,” anas ko at tumango naman siya.
“Okay, nak. Siya nga pala may darating din na delivery ng inangkat namin na isda para sa tindahan. Ikaw na lang ang magreceive at magbayad. Ipapadala ko sayo lahat ng pera,” aniya at tumuro pa sa kung saan na animo’y naro’n ang palengke.
“Sige po Ma, maliligo lang po ako at kakain tas dederetso na po ako ro’n,” tugon ko at mabilis na ininom ang kape ko at naligo.
Naging mabilis naman ang aking pagkilos at natapos ko lahat ng iyon sa loob ng kwarenta minutos. Agad akong nagpaalam kay Mama at saka pumunta sa kalsada para maghintay ng masasakyan.
At hindi naman nagtagal ay nakasakay na rin ako papuntang palengke. At naging mabilis ang byahe no’n dahilan upang makarating ako ron ng mas maaga.
Wala akong sinayang na oras at agad kong binuksan ang tindahan, nagsuot ng apron at nilinis ang tapat na pwesto nito na siyang amin na rin ngayon. Ito ang sinasabi ni mama na nabili na niyang pwesto.
Nang matapos kong linisin ’yon ay isinunod ko naman ang mga malalaking oblong na batya sa ilalim ng tindahan namin ng sida. At isa-isa ko iyong kinuskos dahil doon ilalagay mamaya ang ide-deliver na isda.
At ilang minutos pa ang lumipas ay medyo dumarami na ang mga tao kaya naman sinimulan ko nang ilabas ang mga isda na nasa freezer.
May tatlo agad akong customer matapos kong mailabas iyon kaya kinuha ko ang malaking kutsilyo at hinintay silang makapili.
“Magkano ang kilo ng tulingan?” tanong pa ng isang ginang at sumagot naman ako. “300 po,” tugon ko.
“Kalahati lang akin, paki-chop na lang din ng slant,” aniya pa at tumango naman ako at sinimulang hiwain iyon at saka ko tinimbang.
“Gawin mo na lang palang isang kilo na,” aniya kaya dinagdagan ko pa ng ilan pang hiwa hanggang sa sumakto sa timbang.
Agad ko naman iyong inilagay sa plastic bag at in-entertain ang isang lola.
“Nay, ano pong inyo?” tanong ko pa rito at ngumiti. Agad namang sumagot si Nanay.
“Galunggong lang, iho. Kalahating kilo,” mahinang sabi niya at agad ko naman siyang tinimbangan. Nang makita niya ang dami no’n ay nagtanong siya kung magkano.
“Magkano lahat?” aniya at agad naman akong sumagot.
“80 lang po,” tugon ko at agad naman siyang nagbayad ng isangdaan na sinuklian ko rin naman kaagad. At saka ko ipinlastic ang isda at iniabot sa kaniya.
At nagpaulit-ulit na ganon ang eksena ko kada may bumibili. Mabilis lamang na lumipas ang oras at nang wala pang bumibili ay nagawa kong i-check ko ang phone ko. May text na roon mula kay Mirrem kaya agad ko iyong binasa.
From: Mirrem Cedric Dalton.
“Good morning, baby. I can’t wait to see you later. Don’t forget to eat your breakfast. I love you!”
Sent. 8:26am.
Agad ko namang nireplyan iyon at saka ko inilagay sabelt bag ang phone ko at nagbilang ng kita ko ngayong oras. Ngunit nagulat ako dahil wala pang ilang minutos ay nagring ito ng malakas. ’ May hula na agad ako kung sino.’
At nang makita ko ang screen ng phone ko ay tama nga ang hula ko. Edi syempre sino pa ba? yung bakulaw…
Agad ko namang sinagot ’yon at ang masayang boses niya agad ang bumungad sa akin.
“Hi baby! Good morning…kumakain ako ngayon, ikaw? ano ginagawa mo? kumain ka na ba?” at nailayo ko pa ng bahagya ang phone sa tenga ko. ‘Ke aga-aga ang daldal naman nito.’
“Ba’t ngayon ka pa lang kumakain? Anong oras na ah?” tanging naisagot ko at tinignan pa ang orasan sa tindahan.
“Late na ako nagising e. Ikaw ba? Kumain ka na ba?” tanong pa niya at sumagot naman ako.
“Oo naman,” at kunwaring tinignan ko pa ang mga kuko ko habang naghihintay sa sasabihin niya.
“Oww..I see. What time did you wake up?” aniya pa at nagpigil ako ng tawa. Ganyan ba siya kahirap magtagalog at biglang nag-eenglish? tss!
“6am,” tipid kong sagot at biglang nabalot kami ng katahimikan. Naghintay lang naman ako na magsalita siya.
“Btw… don’t forget about our plans later, okay? 5pm sharp baby,” aniya at literal na nanlaki ang mata ko.
“5pm?” gulat na sabi ko. “Wala bang extension? kahit mga 8pm na lang?” tanong ko pa at napakamot ng ulo.
“And why is that?” taka ring aniya at na-imagine ko pa ang mukha niyang nakakunot ang noo.
“Eh wala kasi ako sa bahay ngayon e. Nasa palengke ako,” nahihiyang sagot ko na napakamot pa sa noo.
“Wet market? What are you doing there? you buying something?” inosenteng tanong pa niya. Wala nga pala siyang ideya tungkol sa pangkabuhayan namin. Na ang baklang ’to ay tagapagmana lamang ng pwesto sa palengke, char hehe.
“Hindi…pinabantay muna sa akin ni Mama yung pwesto niya rito,” tugon ko at agad naman siyang sumagot.
“Sa’n ba ’yang palengke na ’yan?” tanong pa niya at nakunot naman ang noo ko. ’Sus, alam ko na yang ganyang moves na ‘yan.’
“Ba’t mo naman tinatanong?” pagbabalik tanong ko at natawa pa ako sa isip ng ma-imagine ko ang mukha niyang nakanguso.
“Wala lang…para di mo’ko babaan agad,” aniya pa at natawa ako sa rason niya. ‘Aba’y hanep sa galing.’
“Pero do’n din naman yon papunta.. medyo busy ako rito e,” dahilan ko pa.
“Pero saan nga ’yan?” at agad ko namang sinabi sa kaniya ang address nitong palengke para matahimik siya. Paniguradong mangungulit lang yan e.
“Ahh okay? Need mo na ba ibaba ’tong call?” tanong pa niya at bahagya naman akong nawirdohan sa kaniya. ‘Ang bait yata?’
Kahit nagtataka ay isinawalang-bahala ko na lang iyon.
“Oo eh, okay lang ba?” nahihiya kunwaring sabi ko pa at nakagat ko pa ang labi.
“Yup, it’s okay babe, ingat ka riyan. Tapusin ko lang din ’tong pagkain ko,” aniya at nagpaalam din ako bago ibaba ang call.
Matapos no’n ay nagfocus ako sa mga ginagawa ko dahil may mga mangilan-ngilan pa rin namang bumibili at parating na rin ang delivery.
Ilang minutos lang din ang lumipas ay dumating na ang angkat na isda kaya naman agad kong inihanda ang mga oblong na batya na nilinisan ko na kanina…
Matapos nilang mailagay iyon lahat doon ay agad kong iniabot ang bayad at nilagyan muna iyon ng yelo lahat dahil ililipat ko muna ang mga natirang isda sa isa pa naming freezer.
Bale dalawa ang freezer na nasa tindahan ni Mama at doon lahat nakalagay ng isda niya pati na rin ang iilan pang frozen foods.
At pahinto-hinto rin ako sa ginagawa dahil sa may customer na kailangang harapin at bentahan.
At habang abala ako sa paglilipat ng isda mula sa isang freezer ay napansin ko sa gilid ng mata ko ang isang lalaki na animo’y namimili sa isdaan kaya naman nilingon ko ito.
At nang magtama ang paningin namin ay ngumiti siya. Tama talaga ang hinala kong pupunta siya. Lakas talaga ng kutob ko kanina e. Ang laki ng palengke pero nagawa pa rin akong mahanap nitong bakulaw na ’to.
‘Nakashades pa e makulimlim naman, tsk!’
Agad naman akong lumapit at mahinang nagsalita.
“Ba’t ka pumunta rito?” inis kong sabi at nagkibit balikat naman siya.
“To check on you…I guess,” inosente pa kunwaring aniya na pinalabas ang pang-ibabang labi niya na parang bata. ‘Pati ba naman sa palengke kukulitin ako.’
“Umuwi ka na…magkikita naman tayo mamayang gabi e,” asik ko at tinalikuran siya upang ipagpatuloy ang pagbubuhat ng isda.
“It’s not ’bout that. I just wanna help you,” nangungumbinsi pang aniya at nilingon ko ulit siya. Doon ko lang din napag-aralan ang kabuuan niya. Nakaputing tshirt at naka-blackish na cargo pants tas nakasapatos pa. Iba rin ang hairstyle niya ngayon, parang naka two block na manipis ang bangs.
At pinasadahan ko pa kunwari ng tingin ang kabuuan niya. “Sa itsura mong ’yan? Tutulong ka rito?” sarkastiko kong sabi. “Mabuti pang umuwi ka dahil magdudumi ka lang,” dagdag ko pa na tinutukoy ang suot niya.
“Well, I don’t mind getting dirty as long as i’m helping,” wika pa niya.
“Pero magkaka-mantsa nga yang damit mo. Ang mahal pa naman niyan panigurado,” suway ko pa ulit at itinuro ang damit niya.
“Kung nag-aalala ka talaga sa suot ko…baby, pwede ko namang hubarin,” wika niya at pinandilatan ko naman siya ng mata.
“Gustong gusto mo talaga pinapakita yang malaking tiyan mo e no,” mapang-asar ko pang sabi at kumunot naman ang noo niya.
“Malaki ba ang tiyan ko? hindi naman ah?” at inangat pa niya ang tshirt niya kaya naman napapikit ako sa kakulitan niya. ‘Hindi talaga siya titigil pag di nagagawa ang gusto niya’
Napabuntong hininga pa ako bago sumagot.
“Kung gusto mo akong tulungan.. oh sige doon ka,” at saka ko tinuro ang upuan na nasa harap ng tindahan. Umupo naman siya roon at hinawak-hawakan pa ang mga tinda.
“May presyo na yan lahat diyan.. nandiyan lang din ang panukli,” turo ko pa sa kaha roon ng pera sa ilalim ng parang counter table. At tumango naman siya na parang bata.
“But… can’t i help you carrying those fish? I think it’s heavy,” sinserong alok pa niya ng tulong ngunit tumanggi ako ulit. Ilang tanggi pa ba ang kelangan kong gawin para matahimik tong bakulaw na ’to?
“Wag na, mamamantsahan ka lang e… kaya ko na ’to,” at saka inilagay ulit ang isda sa freezer.
“Please babe, allow me…” wika pa niya ngunit wala na akong nagawa ng makita kong hubarin niya ang tshirt niya at lumapit sa akin. At mabilis na uminit ang mukha ko.
Gustong gusto niya talaga na binabalandra yang katawan niya. Alam ko namang maganda ang katawan niya pero jusko naman, wag sa harap ko. Feeling ko binabagyo ang clitoris ko pag ganyan, char!
“O-Oh isuot mo na lang ’to,” mabilis kong hinubad ang apron na suot ko at iniabot sa kaniya habang nakatingin sa kung saan. Natawa naman siya.
“Don’t be shy looking at it if you really want to. It’s all yours baby,” mapanuksong aniya.
“Ang kapal ng mukha mo! Ikaw lang naman ang may gustong magpakita niyan. At saka ang laki-laki kaya ng tiyan mo at wala kang abs. Sinong mahuhumaling diyan?” inis kong sabi dahil sa mapang-asar niyang boses isama mo pa ang pagtawa at pag-ngisi niya sa harap ko.
“Okay baby. I’ll be more active at gym para lumiit ’tong tiyan ko. Mas gusto kong nahuhumaling ka,” aniya pa at ipinakita ang tiyan sabay kinindatan ako. Kaya naman mas lalo akong nainis. ‘Napakalandi.’
“Akala ko ba tutulungan mo ko? Bakit parang pumunta ka lang dito para asarin ako?” asik ko at ngumiti naman siya.
“Chill baby… I’m just kidding. I really wanted to help!” nakangiting aniya.“ Where should I put this?“ turo pa niya sa isda sa palanggana at sumagot naman ako.
“Do’n sa may freezer,” turo ko pa at agad naman niyang inilagay ang malaking tulingan do’n.
At habang ginagawa niya ’yon ay may biglang lumapit na babae sa tindahan para bumili. Agad siyang huminto sa ginagawa.
“I got this babe,” aniya at hinarap at kinausap ang babae. Hindi ko naman na sila pinansin at nagpatuloy lang sa ginagawa.Nilinisan ko na rin ang ibang isda para ma-display at maibenta na agad.
Ilang oras pa ang lumipas at hindi ko namalayang lagpas na pala kami sa lunch time. Alas dos na ng hapon kaya naman pinahinto ko muna siya sa ginagawa niyang pag-aayos sa display na tinda.
“Tama ka muna riyan. Kumain muna tayo,” sambit ko habang ang kamay ay nasa ere at sumesenyas na lumapit siya.
Agad naman siyang lumapit kaya tinanong ko siya. “Di ka ba nagugutom? kain muna tayo,” umiling naman siya.
“Upo ka muna riyan. Bibili ako ng makakain natin,” tugon ko at mabilis na umalis para humanap ng mabibilhan ng lutong ulam.
Hindi naman ako masyadong nagtagal dahil nakakita ako at nakapili din naman ako agad. Isang order ng menudo at dinuguan ang pinili ko at sinamahan ko na lang din ng tatlong kanin. Bahala na siya mamili anong ulam niya basta ako kakainin ko kung anong matitira.
Pagkabalik ko ay agad kong inihanda iyon.
“Tara kain na tayo,” wika ko pa ng hindi siya nililingon. Kinuha ko ang iilang tupperware sa istante na narito sa loob ng tindahan. At saka ko inilagay ang ulam doon.
Nang matapos kong isalin iyon lahat ay sinenyasan ko siya.
“Tara na…kain na,” ngayon ay nasa harap na niya ang pagkain habang nakapatong iyon sa isa pang upuan. Bale tatlong upuan na magkakatapat at nasa gitnang upuan ang mga pagkain.
“I need to wash my hands,” aniya pa at ipinakita ang kamay na merong mga kaliskis ng isda. Bahagyang natawa naman ako sa itsura niya kaya itinuro ko ang gripo sa labas malapit sa istante ng isda. “ Do’n ka maghugas… nandiyan lang din ang dishwashing soap. Sensya ka na walang hand soap diyan,“ pabirong dagdag ko pa na mukhang hindi naman niya na-gets.
“It’s okay… i don’t mind,” nakangiting sabi pa niya habang kinukuskos ang kamay.
“Dalian mo na riyan at nagugutom na ako,” wika ko pa at agad naman niyang pinatay ang gripo at saka lumapit sa akin.
“Let’s eat?” aniya at tumango naman ako.
Nakita kong sinusuri niya ang dinuguan kaya tinanong ko siya.
“Gusto mo ’yan ulamin? Dinuguan ’yan,” tanong ko sa kaniya habang nakaturo sa dinuguan.
At animo’y nag-isip pa siya.
“No thanks, babe. I’m okay with this…I think it’s yummy,” turo niya sa menudo at tumango naman ako.
“Okay… akin ’to tas iyo ’yan,” at tumango naman siya.
Matapos non ay tahimik kaming kumain dalawa. Buti na nga lang ay hindi niya ginawa rito ang kabaduyan niyang nagpapasubo. Mukhang hindi sumapi ang isip batang Mirrem sa kaniya ngayon.
At nahinto lang kami sa pagkain ng biglang may magsisi-sigaw dito sa palengke at sinabing…
“Isara niyo ang mga tindahan niyo. Andyan na ang OPLAN KANDADO,“sigaw ng isang matandang lalaki na nagtitinda rin dito sa palengke.
’Oplan kandado? ano ‘yon?’
Nakunot ang noo ko sa narinig ko. Pinanood ko pa ang matanda na isira ang tindahan niya. At maging ang iba ay nagsimula na ring magsara.
‘Ano bang meron sa oplan kandado na yan’
Kinabahan man ay nanatili akong kalmado. Nilingon ko si Mirrem at bakas na rin ang pagtatanong sa mukha niya.
“Baby, what’s happening?” aniya pa at sinenyasan ko naman siyang manahimik muna.
Dahil nga sa kuryosidad ko ay hindi ko napigil ang sarili at tinanong ang isang ale na nagtitinda rin dito sa palengke.
“Te, ano bang nangyayari?” tanong ko rito habang abala rin siya sa pagsasara ng tindahan.
“May parating na taga-BIR. nanghuhuli ng mga may penalty sa tax at walang permit.” madaling tugon niya at kunwaring tumango na lang ako. Hindi naman na ako nagtanong pa at umupo na lang ulit sa harap ni Mirrem na ngayon ay animo’y hindi maintindihan kung anong nangyayari sa mundo.
“Kumain ka na ulit. May papunta lang pala na BIR dito kaya sila nagsasara.” wika ko pa at ngumuso siya.
“Is that so? akala ko kung ano na,” aniya pa at tumango ako. “Nagsasara sila kase wala siguro silang permit or may penalty pa sa tax. Kaya hayaan mo na sila at kumain na tayo,” tugon ko pa at ipinagpatuloy ang pagkain.
Nakakatakot naman talaga ang mga ganitong clearing operations ng gobyerno pero alam kong laging handa sa ganitong sitwasyon ang tindahan nila Mama kaya malakas ang loob ko.
“Eto bang tindahan niyo e kumpleto sa requirements?” tanong pa niya habang tinutusok ng tinidor ang maliit na hiwa ng karne sa plato. ‘Ang arte.’
“S’yempre naman no… segurista kaya ang nanay ko,” mayabang ko pang tugon.
“Well then… we have nothing to worry about,” aniya pa habang itinutulak ang kanin gamit ang tinidor papunta sa kutsara.
“Ikaw lang naman ang nag-aalala,” tugon ko.
“Sayo? malamang,” biglang banat niya at inismiran ko siya.
“Korni mo…bilisan mo nga riyan kumain. Napaka-arte…kakarampot na karne tini-tinidor,” at umirap pa kunwari sa ere.
“I’m sorry I just don’t know how to eat without cutleries,” nguso pa niya at tinawanan ko naman siya. ‘Syempre mayaman ka e.’
“Biro lang…kain ka lang diyan. Ubusin mo yan,” wika ko at nanatiling nakanguso pa rin siya.
“Turuan mo’ko mag-kalamay,” pakiusap pa niya at ngumuso siya ulit matapos sabihin iyon. ‘Kalamay?’
“Anong magkalamay?” kunot ang noong tanong ko at iniangat pa niya sa ere ang kamay at isinesenyas iyon.
“Magkalamay babe, to eat using my bare hands,” paliwanag pa niya at mas lalong hindi ko siya naintindihan. ‘Sa’n niya naman napulot yung kalamay?’
“Anong kalamay? Mag-kamay kase ’yon… Kalamay ka diyan,” malakas ang boses na tugon ko.
“Hindi ba yun kala—” hindi pa siya natatapos ay pinutol ko na siya. “Hindi. Pagkain ang kalamay, matamis na pagkain galing sa bohol… ano? okay na?” ismid ko pa ulit sa kaniya at tatango-tango naman siya.
“Okay babe. Got it,” aniya pa na animo’y alam na alam na niya talaga. ‘Slow.’
Hindi ko naman na siya gaanong pinansin pa at nagsimula na lang ulit sa mga gagawin ko pa.
Hanggang sa ilang oras pa ang lumipas ay dumating na nga ang sinasabi nilang Oplan kandado. Agad nila akong kinausap sa sadya nila at hinanapan ako ng mga dokumentong nire-require nila.
Agad kong kinuha iyon at ipinakita sa kanila lahat ng Permit na meron ang tindahan namin. Pati na rin ang sanitary permit at business permit galing sa barangay. Nagtanong-tanong din sila kung may mga may-ari daw ba ang mga saradong tindahan ngunit dahil takot magkamali sa pagsagot ay nagkibit balikat na lang ako.
Ilang oras pa ang lumipas at dumagsa na ulit ang tao dahil gabi na. Bakas na rin ang pagod sa mukha ni Mirrem kaya naman sinabihan ko siyang umuwi.
“Gabi na…di ka pa ba uuwi?” tanong ko pa sa kaniya matapos tanawin ang orasan. ‘Malapit na mag alas otso.’
“Marami pang tao… tutulungan kita hanggang sa magsara ka,” tugon pa niya at nginitian ako. Hindi ko alam pero ang lakas ng dating niya sa ngiting iyon. ‘Kinikilig ang clitoris ko, help!’
“Hindi ka pa ba pagod? Pahinga ka na lang muna kaya?” alalang tanong ko at ngumisi.
“You’re my strength, baby. So don’t worry,” aniya pa at bumalik sa ginagawang paghihiwa ng isda.
Mabilis lang siyang natuto kahit ngayong araw ko lang siya naturuan sa bagay na iyon. At nakakamanghang hindi man lang siya nag e-english kapag nakikipag-usap sa customers.
’Kaya naman palang hindi mag-english. Hindi pa araw-arawin,“
At halos alas-gis na ng gabi ng matapos kaming maglinis at magtinda. Sinigurado ko pa munang na-secured ko ang padlock ng tindahan bago ko lingunin si Mirrem na ngayon ay naka-tshirt na.
“Tara na,” aya ko sa kaniya at ngumiti naman siya.
“Sa bahay ko?” masayang tanong niya at tumango ako.
“Uuwi muna ako tas saka tayo pupunta ron,” wika ko pa at sumang-ayon naman siya. “Okay baby,” aniya at nag umunang lumakad.
Naglakad kami palabas ng palengke at dun ko pa lang naalala na may sasakyan nga pala siya.
“Teka? saan ka nagpark? Baka mamaya nahatak na yung kotse mo?” alalang sabi ko pa at ngumisi naman siya.
“Don’t worry…nag pay parking ako sa malapit na pharmacy,” aniya at nagkibit balikat ako. “Okay,” tugon ko at dumiretso roon.
Nang makasakay kami sa kotse niya ay doon ko pa lang naamoy na ang lansa pala ng amoy ko.
“Ang baho ko pala,” wika ko pa at inamoy din niya ang sarili niya. “Ako rin,” wika niya at natawa kaming dalawa.
“Naghubad ka pa kasi… ayan tuloy,” paninisi ko sa kaniya at tumawa naman siya.
“E gusto mo kong maghubad e,” aniya at nanlaki ang mata ko.
“Anong gustong maghubad? Wala naman akong sinabing maghubad ka!” sigaw ko at napatakip pa siya kunwari sa tenga.
“Wala raw…kaya pala titig na titig ka sa abs ko?” at ngumisi pa siya bago i-start ang kotse at sinimulang magdrive
“Anong titig na titig? Wala naman talaga akong sinabing maghubad ka! At saka excuse me… wala kang abs! Ang kapal ng mukha mo!” sigaw ko pa ulit at tumawa lang siya habang nakatingin sa kalsada.
“Panay nga ang pagkagat mo sa labi mo kanina habang sinusuot ko yung apron. Aminin mo na kasi baby,” mapang-asar pa niyang sabi kaya naman mas napikon ako. Kinurot ko siya at saka ako sumagot. “Aray baby!” at pinigil niya ang kamay ko gamit ang isa niyang kamay.
“Hindi ko yan ginawa. Ang kapal ng mukha mo!” nanggagalaiti kong sagot at humalakhak pa siya.
Magsasalita pa sana siya ngunit napikon na talaga ako.
“I-uwi mo na lang ako…nabubwiset ako sayo,”
“I’m just teasing you baby,” malambing na aniya.
“Hindi. Ayoko na pumunta sa inyo. I-uwi mo na lang ako,” pigil ang inis na sabi ko at ngumuso naman siya.
“Baby… I’m sorry,” paumanhin niya ngunit hindi ko siya pinansin. ‘Sorry mo mama mo.’
“Baby, I’m just kidding okay? I’m sorry. Hindi na kita aasarin,” aniya pa at pabulong naman akong sumagot.
“Ayoko…ang baho mo!” malalim ang boses na sabi ko at ngumuso naman siya. Kitang-kita ko iyon sa gilid ng paningin ko.
“Edi maliligo ako pag-uwi…sorry na,” wika pa niya habang patuloy na nagda-drive at mabilis na nililingon ako at ibinabalik ulit ang tingin sa kalsada.
“Magdrive ka na lang diyan at ihatid mo na ako,” matigas ang tonong tugon ko at nagsalita pa siya ulit.
“Pupunta ka pa sa bahay ah?” aniya pa at agad naman akong tumanggi.
“Hindi no! Uuwi na ako at uuwi ka rin mag-isa mo,” mataray kong sagot
‘Akala mo ikaw lang may kayang mang-asar ha? Lintik lang ang walang ganti, tss!’
CHAPTER 45: JEALOUS OR NOT?
Max Pov.
Hindi naman nagtagal ay nakarating na kami rito sa kanto ng aming bahay. Pagkababa ko ng sasakyan ay kinausap ko pa siya sa bintana ng sasakyan niya.
“Hintayin mo’ko rito. Give me 15 minutes,” wika ko at ngumiti naman siya. “Okay baby,” tugon niya at agad naman akong tumalikod at umuwi.
Gaya ng inaasahan ko ay wala pa ro’n si Mama kaya nag-iwan na lang ako ng note sa kama niya at saka ako naligo ng mabilisan. ’Nakakahiyang ‘di maligo. Amoy malansang pawis ako.’
Nang matapos akong maligo ay nagbihis lang ako ng t-shirt at jogging pants at nagbaon na rin ako ng pang-palit.
At nang masiguradong wala nang nakalimutan ay isinara ko na ulit ang bahay at nag double check kung sarado ba ang bintana bago dumiretso sa kanto.
Habang naglalakad ako ay tanaw na tanaw ko mula rito si Mirrem na nakasandal sa kinauupuan niya at nakapikit. ‘Pagod na siguro siya.’
Nang makalapit ako ay kinatok ko agad ang bintana niya at bahagyang nagulat pa siya ngunit nang makabawi ay nagmamadali niyang binuksan ang passenger’s seat. Umikot naman ako ro’n at sumakay.
“Bilisan mo magdrive at alam kong pagod ka na,” sambit ko habang ini-start pa lang niya ang kotse. “Kaya ko pa naman baby,” aniya.
“Alam ko naman pero bilisan mo para makakain na tayo,” dahilan ko at nakita ko ang pag-ngiti niya habang sinisimulang magdrive. “Are you going to cook for us?” tanong niya at tumango ako. “ Oo naman… pwera na lang kung gusto mong ikaw ang magluto para sa’kin,“ tugon ko at mas lumaki ang ngisi niya.
“Sure! what food do you like me to cook for you?” masayang tanong pa niya at napaisip naman ako. ’Puro pang-pinoy na pagkain lang ang alam ko… E hindi ko naman sure kung alam niyang lutuin ‘yon?’
“Kahit anong pang-pinoy na pagkain na lang na alam mo,” tugon ko at nakunot ang noo niya. “Pang-pinoy?” alanganing sabi pa niya at tumango naman ako. “Oo pang-pinoy? Anong alam mong lutuin?” tanong ko at napabuntong hininga siya.
“Hindi pa kase ako gano’n kagaling magluto ng pang-pinoy baby,” aniya at napakamot pa sa sintindo kaya naman napaisip ako.
“Eh… ano bang pagkaing pinoy na ang naluto mo?” tanong ko at ngumuso pa siya bago sumagot. “Adobo,” tugon niya.
“Sige ’yun na lang lutuin mo tas rate natin kung pasado na ba,” at agad bumalatay ang pag-aalala sa mukha niya.
“Baby…i’m not really sure if you’re going to like it. I’m still practicing you know,” aniya at ngumuso pa matapos. Natawa naman ako sa sinabi niya.
“Hindi rin naman ako magaling magluto no, Alam mo? sa totoo lang… ikaw pa lang at si Mama ang nasasarapan sa luto ko kaya wag kang kabahan diyan. At saka kumakain naman ako ng kahit ano kaya keri na yan,” pangungumbinsi ko sa kaniya habang nakatingin sa dinaraanan namin.
“Okay baby. I’ll try,” tugon niya na parang hindi malaman kung sigurado na ba o hindi.
“Bigla tuloy akong nagutom dahil sa adobo na ’yan,” biglang sabi ko pa at kunwaring hinimas-himas ang tiyan ko
“At dahil naman diyan parang nawala ang gutom ko,” tugon niya at natawa naman ako at nilingon siya.
“Wag kang mag-alala masyado… okay? Pwede naman kitang turuan kung talagang di ka pa confident na lutuin yon,” tugon ko at sumilay ang ngiti sa mukha niya.
“Talaga?” Walang bawian ’yan ah? You’ll going to teach me later,“ naniniguradong aniya at sumaludo naman ako kunwari.
Hindi naman nagtagal ay nakarating na kami sa kanila at nang makapasok kami ay agad siyang nagpaalam.
“Give me 5 minutes baby. Maliligo lang ako tas luto na tayo,” paalam pa niya at tumango naman ako.
“Okay… bilisan mo ah? Para makapagluto tayo agad. Nagugutom na rin kase ako e,” tugon ko pa at tumango naman siya at mabilis na inakyat ang hagdan ng bahay niya.
At makalipas ang higit limang minutos ay nasilayan ko na siyang pababa ng hagdan. Nakangiti siya sa’kin habang nakasuot ng white fitted spandex tshirt at loose pajama.
“Let’s go babe,” aniya nang makarating sa harap ko. “Tara na… ako na magsasaing,” tugon ko at sabay kaming naglakad papuntang kusina.
“Siya nga pala…turuan mo pala ako gamitin ’tong rice cooker mo. Di familiar sa’kin e. Nung last time na nandito ako di ko to ginamit kase baka masira ko,” pagkukwento ko pa habang hawak na ang kaldero no’n.
“Okay baby. Let me prepare this first,” aniya habang sinisimula nang i-prepare ang isang pack ng chicken drumstick.
“Sige lang…maghuhugas pa naman ako ng bigas,” wika ko habang sinisimulan ng kumuha ng bigas sa rice dispenser niya.
Nangiti pa ako dahil sa isang alaala na bigla na lamang lumitaw sa isip ko. Hindi ko naman alam na nakita niyang nakangiti ako.
“What’s funny?” tanong pa niya at umiling naman ako at ngumiti. “Wala. May naalala lang,” tugon ko at saka nagpatuloy sa ginagawa.
“What is it?” aniya kaya hinarap ko siya. “Naalala mo nung nagkasakit ka?” panimula ko.
“Yeah,” tugon niya habang nagsisimula nang maghiwa ng mga rekados.
“Di ba nagpaluto ka no’n ng lugaw?” at tumango siya habang nakangiti.“Para akong baliw sa kusina mo no’n kakahanap kung saan mo nilalagay yung bigas. Pati sa ref hinanap ko,” pagpapatuloy ko at tumawa siya ng malakas.
“Sa ref? What makes you think I put my rice on refrigerator?” natatawang tanong pa niya at inirapan ko siya kunwari. “Malay ko ba kung may tililing ka at sa ref ka naglalagay ng bigas mo,” tugon ko at saka nagpatuloy ulit.
“Tas manghang-mangha ako no’n kase nga nakita ko rito sa dispenser mo na ’to,” pagkukwento ko pa at nakangiti pa rin siya sa’kin. Sobrang ganda ko siguro sa paningin niya? chariz!
“Is it the first time you’ve seen that?” at itinuro pa ang dispenser na siyang nasa harap ko ngayon.
“Malamang!” sarkastiko kong sagot at saka naglakad papunta sa gawi niya dahil nandon ang sink. At saka ko sinimulang hugasan ang bigas.
“That’s also the day that i started questioning my own feelings,” pag-iiba niya sa usapan at nakunot ang noo ko.
“Bakit naman?” tanong ko. “Cause that was the time that I’m in denial. I’m denying to myself that I’m starting to like you,” pag-amin niya at hindi ko alam kung bakit parang may bulak na umikot at kumalikot sa puso ko. Parang hinaplos iyon at nagdulot ng kiliti. Teka, parang naiihi yata ako? char!
“Atleast ngayon success naman diba?” pagbibiro ko pa at ngumiti naman siya. “Turuan mo na ako dito sa rice cooker mo,” wika ko pa habang bitbit ang bigas na may tubig.
Pinunasan ko pa muna ’yon gamit ang absorbent rag na meron siya rito. ’Ang sosyal talaga ng bahay na ‘to.’
Inilagay ko naman na iyon at saka niya ipinakita sa akin ang dapat kong pindutin. “So yun na yon?” tanong ko pa matapos niyang paandarin iyon.
“Yes baby,” aniya. “Okay…sa adobo na tayo,” ani ko pa at agad naman niyang sinimulang lutuin iyon.
Habang nagluluto siya ay nasa gilid lamang ako at pinapanood ang ginagawa niya. Nagtatanong pa siya sa mga dapat gawin at sinasabi ko lang ang alam kong tama na siya namang sinusunod niya.
Ilang minutos pa ang lumipas at mas lalo kong naramdaman ang gutom dahil sa bango ng niluluto niya.
“Hmmm nakakagutom,“sambit ko habang sinisinghap ang amoy ng ulam sa hangin.
“It’s almost done baby,” aniya habang sinisimulan nang isalin iyon sa malaking babasaging mangkok.
Sinimulan ko na rin namang mag-prepare ng rice para sa’ming dalawa at saka ko inilapag iyon sa table.
“Let’s eat,” aniya pa at sabay kaming umupo at sinimulang kumain. Magkatabi kami at sabay pa naming hinihipan ang pagkain sa kutsara namin dahil mainit pa iyon.
Nang matikman ko ang luto niya ay nabilib ako dahil kuha niya ang timplang gusto ko sa isang adobo.
“Masarap ah,” pagpuri ko at naglabasan ang mapuputi niyang ngipin. “That’s delicious coz I have the best teacher with me,” mayabang niyang sabi at umismid ako kunwari.
“Sus! pa-humble ka pa. Marunong ka naman talaga magluto,” tugon ko at saka ipinagpatuloy ang pagkain.
Tumawa lang din naman siya at nagpatuloy na sa pagkain. Panay pa rin ang kulitan namin hanggang sa matapos kaming kumain at mailigpit namin ang kinainan namin.
Ngayon ay narito na kami sa kaniyang kwarto at napansin kong marami na ang nabago rito. Meron na siyang computer set ngayon na siyang kaharap niya ngayon habang bukas din ang dalawa niya pang laptop.
“Napagsasabay-sabay mo yang gamitin sir?” patungkol ko sa mga nakabukas niyang laptop at pc. At nung kunot ang noong tignan niya ako ay doon ko lang narealize ang nasabi ko.
“Baby talaga yon,” palusot ko. “Napagsasabay-sabay mo ba talaga yang gamitin baby?” bawi ko na pinagkadiinan pa ang salitang iyon.
“Yup…pinapasa ko yung files dito sa pc para incase kailangan ko siya ulit meron akong back up. Dalawa ’tong laptop ko since etong isa pang zoom meetings ko and itong isa ginagamit ko for powerpoint presentations and excel especially for grades computations,” paliwanag niya at namangha naman ako.
“Hmm…kaya pala. Siya nga pala makikigamit ako ng restroom ah?” pagpapaaalam ko at nilingon niya ako. “Stop doing that. Consider this house as your own too. You’re my wife so who cares what you do here?” ma-awtoridad niyang sabi at naguluhan man ay tumango na lang ako at dumiretso sa banyo. ’Ano raw ‘yon? Wife raw?’
Naghilamos lang naman ako ro’n at nagjerbs. Nang mataapos ay saka ako lumabas. Nakita ko siyang nakahiga at nakapikit na sa higaan. Patay na rin ang pc at ilaw niya kaya naman lumapit ako sa bag ko at kinuha roon ang dala kong sipilyo.
“What are you doing?” biglang tanong niya at kinabahan ako bigla “Magto-toothbrush lang ako saglit,” muntik pang mautal na sagot ko. At saka ako nagmamadaling bumalik sa banyo.
Habang nagsisipilyo ay panay ang litaw sa isip ko ng hindi magandang bagay. Hindi naman niya siguro gagawin sa’kin yun no? Kilala ko siya e…
‘Pero hindi pa rin malabo, tss!’
Kaya naman gitil kong sinipilyo ang bunganga at dinukdok ang ulo. Kung hindi sana ako pumayag edi sana nasa bahay lang ako at komportable.
Nang matapos akong mag toothbrush ay lumabas ako at hindi ko namalayang hinihintay niya pala ako.
“How many set of teeth do you have and it takes you 10 minutes to be done?” sarkastiko niyang tanong. “Come here. I’m sleepy,” dugtong pa niya.
“Ba’t ba nagmamadali ka? Hindi ka ba makakatulog ng ikaw lang mag-isa?” inis kunwaring tanong ko at sumagot naman siya.
“I want to sleep beside you,” tugon niya at kumabog ang dibdib ko sa kaba. Ayan na naman…mas natatakot tuloy ako.
“Makakatulog ka naman kasi kahit hindi ako katabi e,” reklamo ko pa kunwari habang mabagal na tumutungtong sa kama.
“Kaya nga kita pinapunta dito e… kase gusto kitang katabi e,” panggagaya niya sa tono ko at kinurot ko naman siya.
Ngunit nang gawin ko iyon ay hinatak niya ako dahilan para mapunta ako sa taas ng kama at mapa-ibabaw sa kaniya. Ay jusko po! Hindi pa po ako handa maging isang batang ina!
Hindi ako makagalaw dahil nakatukod ang isang kamay ko sa dibdib niya. At ang katotohanang magkalapit ang mukha namin ay mas nagpapakaba sa dibdib ko.
‘Sa ganito nagsisimula ang lahat. Yari na ako nito!’
“You smell so good,” aniya pa at hinalikan ako sa noo. At pakiramdam ko ay nagtayuan lahat ng balahibo ko roon.
At mukhang hindi lang balahibo ang tatayo kapag hindi pa siya tumigil.
“Ang dami mong alam… m-matulog na lang tayo,” ang tanging nasabi ko bago ako humugot ng lakas para umalis sa pwestong iyon at talikuran siya.
“Face me… I want to sleep in your arms just like the last time,” aniya at kahit kinakabahan ay pinilit kong pagmukhaing galit ang sarili.
“Wala ka namang lagnat kaya bakit ko gagawin yon?” galit kunwaring tanong ko at ngumuso naman siya at kunwaring nag-isip. Kahit pa madilim ay kita ko ang reaksyon niya dahil sa liwanag mula sa labas.
“Because i’m your boyfriend? and you’re my wife? and wife is supposed to be taking care of his…” at pinutol ko siya sa sinasabi niya.
“Tumigil ka nga riyan sa kabaduyan mo,” angil ko at mas lumambing ang boses niya.
“Baby…i’m tired and all i need is cuddles? is it too much to ask?” pagpapa-awa niya at ako naman na certified marupok ng taon ay bumigay.
Inilahad ko ang braso habang salubong ang kilay.
“Last mo na ’to at kotong ka na talaga sakin pag inartehan mo pa ako ng ganito,” wika ko at saka ko siya pinahiga sa braso ko at hayaang yakapin ako.
“This is heaven,” aniya pa at bumulong naman ako. “Ang dami mo nang utang sa’kin talaga. Isang- isa ka na lang,” pagbabanta ko pa kunwari.
“Just tell me how much I owe you, baby. My bank account is ready,” tugon pa niya at umismid naman ako kunwari.
“Sus, inaantok ka lang… matulog na tayo,” wika ko at mas humigpit naman ang yakap niya. “Goodnight baby,” ani pa niya at hinalikan ako sa noo. Hindi naman na ako sumagot at pumikit na lang din.
‘Wag ka lang talaga magkakamaling hawakan ako sa kung saan at baka maibalibag kita.’
At matapos no’n ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.
Nang magising ang diwa ko ay hindi muna ako agad na dumilat at yumakap pa sa malaking bagay na katabi ko habang nakahilig ang ulo roon. Napadilat lang ako nang mapagtanto ang lahat at nakita kong nakatingin na siya sa akin.
“Do you love me that much? That even in your dreams you wanted me so bad?” aniya pa at mabilis naman akong umalis sa pagkakayakap sa kaniya at umupo. Ang yabang!
“Ang kapal naman ng mukha mo,” inis kong sabi. Lakas ng apog sa umaga. Buhusan ko kaya to ng mainit na kape?
“Baby, you don’t have to be mad. It’s okay if you still want to sleep here…come on. My chest could be your forever pillow if you want,” aniya pa na tila inaalo ako na matulog ulit sa dibdib niya. Inirapan ko naman siya.
“Tumigil ka nga…bumangon ka na riyan at uuwi na ako,” napipikon kong sabi at saka mabilis na iniwan siya roon at dumiretso sa bathroom.
Nagmouthwash lang naman ako ro’n at naghilamos. Matapos no’n ay lumabas na ako at nakita kong nakaupo na siya sa kama.
“Baby… let’s have our breakfast first before you go,” aniya at kunwaring tumanggi naman ako.
“Sa bahay na ako kakain,” wika ko at kunwaring dinampot pa ang bag ko na nasa upuan rito sa kwarto niya.
“Baby…please! Let’s have breakfast first,” aniya pa at sumimbakol naman ako.
“Ayoko! panigurado aasarin mo lang ako e,” wika ko patungkol sa ginawa niya kanina. ‘Paniguradong yayabangan niya lang ako nang dahil do’n.’
“No babe! I’m not going to tease you. I’m happy actually…knowing that you’re comfortable sleeping with me,” tugon pa niya at ngumuso naman ako.
“Edi magluto ka na…o uuwi na lang ako?” pag-iiba ko sa usapan at naglabasan na naman ang mapuputi niyang ngipin.
“Yes babe,” nakangiti niyang sagot at saka mabilis na bumaba. Inayos ko pa muna ang higaan niya at dinala ko ang bag ko bago ako sumunod.
Nang bumaba ako ay nagsisimula na siyang magluto. Hotdog ang niluluto niya at mukhang inuna na niya itong itlog kanina na katabi ngayon ng tinapay. Inilapag ko naman muna ang bag at saka nagsalita.
“Pahingi ako ng kape mo ah,” wika ko pa at saka kumuha ng mug at nagsalin ng kape mula sa kaniyang coffee maker.
“I said make yourself at home. You don’t have to ask permission,” may bahid ng inis niyang sabi at natawa naman ako. “Sensya ka na… di kase ako sanay,” pagpapakatotoo ko at nilingon niya ako.
“You should stay here more often so that you’ll get used to it,” at nginisian ako matapos. “Diskarte mo bulok,” ismid ko at iiling-iling habang natatawa naman siyang nagpatuloy sa pagluluto.
Nang matapos siya ay sabay naming nilantakan ang pagkain. At umiral pa nga ang kaniyang pagka-abnoy na siyang sinakyan ko na lang.
At sa kalagitnaan ng pagkain namin ay naalala ko ang nangyari sa palengke. Kaya naman binasag ko ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.
“Siya nga pala…salamat sa pagtulong mo sa’kin kahapon sa palengke,” sinserong panimula ko at nanatili naman siyang nakatingin sa akin.
“No need to thank me, baby. Actually i’m happy that you allowed me to help you. And I hope that…” pagputol niya sa sinasabi.“Everytime you’ll need help. You won’t hesitate to call me,” aniya pa at kunwaring napakamot ako sa sintido. ‘Hindi ko alam kung san galing iyong sinabi niyang iyon at kung anong isasagot ko.’
“As i have noticed…you never ask for help even though you really need it. So as your boyfriend i really wanted to be there for you. Call me anytime you need me,” seryosong aniya at uminom pa sa kape niya at nangiti naman ako dahil sa rason niya.
“Walang bawian ’yan ah? Pag kailangan kita ikaw ang tatawagan ko?” nakangiting paninigurado ko pa at ngumiti rin naman siya.
“Yes baby. The pleasure is mine. Use me if you need me,” tugon niya at saka kami nagpatuloy sa pagkain.
At matapos naming kumain ay inihatid na niya ako sa amin. Tutol pa nga siya nung una ngunit sinabi ko na baka hinahanap na rin ako sa amin.
3 days after…
Ilang araw na rin ang lumipas nang huling magkita kami ni Mirrem. Naging busy rin naman ako sa bahay at sa paminsan-minsan na pagtulong kay Mama.
Latang-lata na rin ako sa ginawa ko ngayong araw na paglilinis at mabuti na lang din ay tapos na ako dahil papa-gabi na. Biglaan pang pumasok sa isip ko si Mirrem at naalala kong nagpaalam nga pala siya sa’kin kahapon na may pupuntahan silang event.
‘Teka baka may text na siya.’
Mabilis ko namang kinuha ang phone ko at hindi nga ako nagkamali dahil meron ngang message galing sa kaniya.
From: Mirrem Cedric Dalton.
“Babe, I’m on my way now. I love you. I’ll call you later.”
Sent. 6:13pm.
Nakangiti naman akong nireplyan siya at saka naligo dahil hindi ko pa nagagawa ang isang utos pa ni Mama. Ang mag grocery.
Naubos na rin kase nung nakaraan ang stocks na binili ko kaya naman kailangan ko na namang bumili.
Nang matapos akong maligo ay agad akong nagbihis at lumabas. Sinigurado ko pa munang sarado at nakapatay lahat ng appliances bago tuluyang umalis.
Ilang oras din akong nag-ikot sa grocery store at namili bago matapos.
At nang makauwi ako ay walang pahi-pahinga at agad kong isinalansan ng maayos iyon sa dapat nitong kalagyan. Nagluto na rin ako dahil paniguradong darating na si Mama maya-maya dahil malapit na mag 9pm.
At habang kasalukuyang papalabas at may bitbit na basura ay nakasalubong ko si Shin. Matamlay siyang naglalakad habang bitbit ang isang purse at naka-heels.
“Anong ginagawa mo rito?” takang tanong ko habang hawak pa rin ang basura.
“Max,” aniya sa matamlay na boses. Ramdam na ramdam ko ang lungkot sa awra niya ngayon kaya naguluhan ako at nagtaka. Ano kayang nangyari dito sa bestie ko?
“Okay ka lang?” tanging nasabi ko dahil hindi ko rin alam ang nangyayari. At umiling siya . ‘Nagtanong ka pa, Max. Obvious naman e.’
“Max please help me. I don’t know what to do,” aniya at saka lumapit sa akin at yumakap. At nagsimula siyang humikbi na parang bata.
‘Naguguluhan ako. Ano bang nangyayari?’
“Ano bang nangyayari sa’yo?” nag-aalalang tanong ko.
“My glam team already knew everything,” panimula niya at hindi man lang no’n nasagot ang tanong ko.
“Ang alin?” may diin sa boses ko.
“My management also knew it, Max. They knew that i’m pregnant,” at mas lumakas ang hikbi niya ng banggitin ang huling salita.
‘Pregnant? Buntis siya? OMG!’
‘Papaano nangya— papaanong umabot sa ganito?’
Iniharap ko siya sa’kin at halos hindi na maipinta ang mukha ko dahil sa halo-halong reaksyon.
“Buntis ka? Paanong…Anong nangyari?” malakas ang boses na tanong ko habang kunot na kunot ang noo. Ni hindi ko alam paano siyang tatanungin tungkol do’n.
“It’s been 2 days since I found out that I was pregnant,” malayo sa tanong na sagot niya. “And my management give me time to tell it to my parents. Or else they’ll gonna tell it to my parents and let my parents decide for my upcoming projects,” frustrated niyang sabi at itinakip pa ang kamay sa mukha at mas humagulgol.
“I don’t know what to do anymore!” iyak niya at wala akong nagawa kundi ang akuin siya ulit. Gusto kong maramdaman niyang hindi siya nag-iisa kahit pa hindi ko alam kung paano siyang tutulungan at iko-comfort.
Hindi ko alam kung ilang minutos kaming gano’n at ngayon ay narito na kami sa loob ng bahay at mas kalmado na siya ngayon ngunit umiiyak pa rin.
“Please help me, Max. Harry doesn’t even know that i’m pregnant,” aniya pa at nagsalubong ang kilay ko.
“Bakit hindi mo pa sinabi? Dapat malaman niya ’to. Dapat magkasama niyo ’tong hinaharap. Ending ikaw lang ang nahihirapan ngayon? Dapat mala—” mabilis kong sabi ngunit pinutol niya ako. “Stop! I wanted to tell it to my parents first,” tugon niya at tumingala na animo’y mapapabalik no’n ang mga nagkukumawala niyang luha.
“Aba’y kelan mo pa balak sabihin? Eh kahit naman patagalin mo malalaman pa rin nila…” wika ko at nanatili pa siya sa ganoong posisyon at animo’y nag-iisip.
“Go with me and i’ll tell them right now,” biglang sagot niya at nanlaki ang mata ko. “Ngayon agad? Teka lang wala pa akong ligo,” ani ko at tumayo sa upuan at akmang aalis ng pigilan niya ako.
“Ngayon na! Hangga’t napapalakas mo pa ang loob ko. Please bestie! You’re giving me your courage so I have to use it hangga’t nandito pa!” sigaw niya sa’kin at mabilis akong kinaladkad.
“Teka lang wala yung wallet ko,” tugon ko at umiling na siya. “Ako nang bahala,” aniya at ang tanging nadampot ko lang ay ang cellphone ko dahil hinatak na niya ako.
“Magcommute na lang us,” aniya pa at tumango na lang ako. Habang nakahawak siya sa akin ay ramdam ko ang lamig ng kamay niya. ‘Paniguradong takot na takot siya. Kahit ako natatakot para sa kaniya e.’
Sa pagkakaalam ko sobrang strikta ng mama niya sa mga ganitong bagay. Lalo na sa lovelife niya. At ngayong nasa ganitong sitwasyon si Shin ay lintik na lang ang takot na nararamdaman ko para sa kaniya.
Pumara ako ng tricycle gaya ng sabi niya at nagpahatid kami sa kanila. At papalapit ng papalapit ay para bang papalamig ng papalamig ang klima. At mas bumibilis din ang pintig ng puso ko dahil sa kaba.
Naiisip ko pa lang ang mga pwedeng mangyari mamaya ay mas natatakot ako para sa kaibigan ko. ‘Ano ba naman kasi tong pinasok niya!’
“I’m scared,” pagbasag niya sa katahimikan sa pagitan naming dalawa.
“Ako rin,” pag-amin ko at humawak sa kaniyang kamay.
“What if they knew already?” aniya pa at nakatingin sa akin. Bakas ang takot do’n at basa pa ng luha ang singkit niyang mga mata.
“Edi wala kang choice. You need to face it. Kahit pa tumakbo ka ng tumakbo. Haharapin mo pa rin sila,” tugon ko at napayuko siya. Naihilamos pa niya ang kamay sa mukha.
“I really don’t know what to do. Parang hindi ko pa kayang harapin ang parents ko,” nawawalan ng pag-asang aniya at inis naman akong sumagot.
“Hindi mo naman kasi dapat mag-isa silang harapin. Dapat kasama mo si Harry e… tinawagan mo na ba siya?” inis na tanong ko.
“He’s in Thailand for his commercial ad,” simpleng tugon niya at mas lalo akong nainis.
“Pero dapat tinawagan mo pa rin. Dapat niyang malaman ’to,” galit na sagot ko at tumulo ang luha sa mata niya.
“I don’t know how will I tell him. For sure i’ll put stain on his name if this news got out. This will gonna be a controversy for the both of us,” at muli siyang umiyak ng dahil sa frustration. At muling sumibol ang aking awa para sa kaniya.
Bumuntong hininga ako. “Tumahan ka na…hindi ’yan makakatulong sayo lalo na’t buntis ka. H’wag kang mag-alala sasamahan kitang harapin ang problema mo. Bestfriends forever nga diba?” pagpapagaan ko sa loob niya at nag-pinky swear pa kaming dalawa.
At nanatili akong nakaalalay sa kaniya hanggang sa makarating kami sa kanila. Pagbaba namin ng tricycle ay agad kaming nagdoorbell sa mala-palasyong gate nila at naghintay na may magbukas.
At hindi naman nagtagal ay tatlong katulong ang lumabas at animo’y habol pa ang hininga nang magsalita.
“Ma’am, where you have been? Madam is looking for you,” bakas sa boses nito ang pagkakaroon ng ibang diyalekto. ‘Parang si Mama lang pag nag-ingles ah?’
“Ma’am, pumasok na ho kayo. Kanina niya pa po kayo hinahanap,” wika pa ng isa at ramdam ko ang kaba kahit pa hindi ako ang kausap.
‘Lintik…kilalang-kilala ko pa naman din magalit ang mama nito. Jusko po!’
Nilingon niya ako at agad akong nagsalita nang magtama ang mata namin.
“Pumasok ka na. Wag mong hintayin na sila pa ang humarap sa’tin dito,” patungkol ko sa parents niya. At agad na kumibot ang labi niya.
“Samahan mo ako,” pakiusap niya at sumabat bigla ang katulong na isa kaya nilingon namin ito.
“Nako ma’am wag na ho! Magpakita ka na lang po kay Madam. Baka mamaya pati siya pagbuntunan ng galit,” kunwaring naiiyak pang wika nito at sabay naming nilingon ang isa’t-isa.
“Kaya mo ’yan. Wag ka matakot,” ani ko.
“Pero…”
“Sige na…bilisan mo na para hindi lalong magalit ang parents mo. Kaya mo yan…isipin mo lang na kasama mo ako,” pagbibigay lakas loob ko pa sa kaniya na bahagya siyang itinutulak papasok sa gate.
“Thank you!” at tumulo ang isang luha sa kaniyang mata.
Habang nakatingin sa kaniya ay hindi ko napigilan maging emosyonal dahil sa awa ko para sa kaniya.
Tanging tango lang ang nagawa ko at hinayaan ko siyang papasukin ng kaniyang mga katulong at naiwan akong mag-isa sa labas ng gate nila na automatic na naglocked pagka-alis nila.
At habang nasa gano’ng posisyon ay do’n ko napagtanto na wala pala akong dalang pera.
‘Paano ako uuwi?’
Napakamot ako sa ulo dahil hindi ko man lang naalala iyon habang nandito pa si Shin. Gustuhin ko mang magdoorbell ay hindi ko magawa.
’ Baka mas lalo siyang pagalitan. Paniguradong ginigisa na siya ngayon.’
Ginulo ko pa ang sariling buhok dahil sa kawalang pag-asa ko ngayon. Tinignan ko pa sa cellphone ko kung anong oras na at napabuntong hininga pa ako nang makitang alas diyes na.
‘Sobrang layo pa naman nito sa bahay namin ngayon.’
‘Kung maglalakad ako ngayon paniguradong butas ang tsinelas ko pagdating sa bahay dahil sa sobrang layo nito.’
Napayuko ako sa sahig at habang nasa ganoong posisyon ay bigla kong naalala si Mirrem.
‘Oo nga pala may pangako siya sa’kin.’
“Pero baka nasa party pa siya?” pagkausap ko sa sarili. “Bahala na… mas kailangan kong makauwi,” bulong ko pa at sinimulan ng tawagan ang numero niya.
‘Buti na lang talaga may load ako.’
At inip naman akong pinapakinggan na mag-ring ang phone niya. At ilang segundo ang lumipas ay nag end lang ang call.
Ilang beses ko pa siyang sinubukang tawagan ngunit gano’n lang din ang nangyayari. ‘Bakit kaya hindi niya sinasagot?’
“Busy pa siguro siya sa party,” kibit balikat kong sabi kahit walang kausap. “Wala akong choice kundi maglakad,” bulong ko pa sa hangin at sinimulan ng humakbang palayo sa bahay nila Shin.
At habang naglalakad ay sinubukan ko rin ng paulit-ulit na tawagan siya. Pati na rin ang messenger niya ay hindi ko na pinalagpas ngunit bigo pa rin ako.
Ipinasok ko na lamang iyon sa bulsa at nagpatuloy sa paglalakad habang naka-krus ang dalawang kamay dahil sa lamig. ‘Ni hindi man lang ako nakapagjacket dahil sa pagmamadali kanina.’
Biglang pumasok sa isip ko si Shin at agad na binalot ng lungkot ang puso ko. ‘Kamusta na kaya siya?’
Ilang minutos na rin ang lumipas at malapit na rin ako sa kanto ng dati naming bahay na nasa tapat ng isang hospital. Medyo marami pa ring tao rito kaya naman naging confideng akong magbukas ng phone.
Pinindot ko pa ang facebook at agad na bumungad sa feed ko ang pic na naka-tagged sa account ni Sir.Mirrem.
Sheila
tagged
Mirrem Cedric Dalton
in this
post
.
Sheila
uploaded pics with
Mirrem Cedric Dalton
at
Shangri-La Hotel
.
Hindi ko na tinangka pang tignan iyon lahat dahil kitang-kita ko naman sa pictures na mukhang nag-enjoy nga siya. Ibinalik ko sa bulsa ang phone at binilisan ang lakad.
Iwinakli ko ang mga ibang naiisip at nagpokus na lang sa aking paglalakad. ‘Kailangan ko na makauwi dahil parang namamanhid na rin ang paa ko.’
Ilang minutos pa ang lumipas ay ngiting tagumpay ako nang sa hinaba-haba ng nilakad ko ay nakita ko na ang school namin. ‘Malapit na ako! Sa wakas!’
Kaya naman mas binilisan ko pa ang lakad hanggang sa malagpasan ko ang school at ngayon ay tinatahak ko na ang kalsada patungo sa amin. Hindi pa naman ako sobrang lapit pero hindi na rin naman sobrang layo gaya ng kanina.
At hanggang sa marating ko na rin ang kanto namin ay napahinto ako at hinabol ang hininga na parang aso.
“Nakakapagod shet!” tanging nasabi ko habang hinihingal at nakatukod pa ang kamay sa aking tuhod.
Hinang-hina akong binuksan ang pintuan namin at pabagsak akong naupo sa sofa namin at doon ko naramdaman ang bigat at pagod ng katawan ko.
Ni hindi ko ma-imagine yung layo at kung paano kong nalakad iyon. Para akong sumali ng marathon.
Ipinahinga ko na lang muna ang sarili at nang sa tingin ko ay sapat na ang aking pahinga ay saka ako pumunta sa banyo at naghalf-bath.
Nang matapos kong lahat ng dapat kong gawin ay humiga na ako sa kama. Pumikit na ako at pinakiramdaman ang sarili habang nakahiga.
At malapit na sanang makatulog ako nang biglang maudlot iyon dahil sa malakas na ringtone ko. ’Sino naman kaya ‘tong tumatawag?’
Salubong ang kilay na sinagot ko iyon at hindi na tinignan kung sino ang caller.
“Hello?” paos kong sabi habang nakatapat na ang phone sa tenga. Bahagyang nagulat pa ako sa sumagot dahil hindi ko inasahang tatawag siya ngayon.
“Babe, I’m so sorry. I missed your calls,” agad niyang sagot at pumeke naman ako ng tawa.
“Ano ka ba? Wala ’yon!” nilagyan ko pa ng kaunting energy ang boses ko para maniwala siya.
“Ba’t ka nga pala napatawag baby? Miss na miss mo na ba ako?” pabirong aniya pa at binara ko naman siya. ‘Lakas pa rin talaga’
“Di naman…slight lang,” tugon ko.
“Pero ba’t nga napatawag ka baby?” pag-uulit niya.
“Wala lang… gusto ko lang sana mangumusta. Mangumusta kung nag-eenjoy ka ba… ganun,” pagsisinungaling ko at agad naman siyang sumagot.
“Oo naman, babe. Nag-enjoy naman ako,” aniya at ramdam kong nakangiti siya nang sabihin iyon.
“Alam ko,” mapakla kong sagot.
“Paano mo naman nalaman? Nakita mo ba ako?” mapang-asar na tanong pa niya ngunit nanatiling blanko ang ekspresyon ko.
“Oo…nagpost ng pic si Miss Shiela kasama ka. Naka-tagged sayo sa facebook,” wika ko at bakas ang gulat sa boses niya.
“Nagpost siya sa facebook? Di ko pa nakita,” aniya.
“Check mo ngayon,” tugon ko at mukhang ginawa nga niya dahil nawala ang ingay.
“Oo nga no,” aniya pa at sumagot naman ako. “Diba? Sabi ko sayo e,”
“Sorry kung hindi ko nasabi na kasama siya. Actually doon ko lang din nalaman na kasama pala siya nung nasa party na kami,” pagpapaliwanag niya bigla at sumagot naman ako.
“Ayos lang naman,” mapaklang tugon ko at mukhang hindi siya naniwala.
“Are you sure?” naniniguradong aniya.
“Hmm,” tugon ko at mukhang hindi siya naniwala. Narinig ko ang karampot niyang tawa bago sumagot.
“Selos ka no?” pang-aasar niya at tumaas naman ang boses ko.
“Selos ka riyan? Ayos lang naman talaga sa’kin!” tugon ko at ngumuso pa kunwari matapos.
“Eh ba’t ka cold sa’kin ngayon? ha?” malambing na tanong pa niya.
“Wala…pagod lang. Marami kasing ginawa,” pagsisinungaling ko ulit at narinig ko ang buntong hininga niya.
“Sayang…hindi kita natulungan. Btw, matutulog ka na ba?” Slang na tanong niya sa’kin at sumagot naman ako.
“Actually… nagising ako sa tawag mo,” natatawa ngunit pranka kong sagot sa kaniya.
“I’m sorry baby…I didn’t know. Sige na tulog ka na ulit,” wika pa niya.
“Okay…goodnight,”
“Goodnight baby… I love you,” aniya at hindi naman na ako sumagot at ibinaba na ang call.
Inilapag ko lang ulit ang phone sa kung saan at ipinikit ang mata. Hindi muna ako mag-iisip dahil pagod talaga ako ngayon.
CHAPTER 46
Max Pov.
Matapos ang usapan namin sa phone nang gabing iyon ay hindi na kami masyadong nakapag-usap pa ulit ni Mirrem. Sapagkat na-busy ako sa pagtulong kay mama sa pagtitinda sa palengke at sa iba pang mga bagay.
Tatlong araw na rin ang nakalipas mula no’n at ngayong araw ang pagbabalik ng aming klase.
‘Kamusta na kaya siya?’
Ayon ang unang tanong na pumasok sa isip ko nang maisip ko siya ngunit binalewala ko na lang iyon dahil paniguradong magkikita naman kami ngayon.
Medyo napaaga ako ng gising kanina kaya naman ngayon ay narito na ako sa skwelahan at naglalakad sa pasilyo patungo sa aming classroom. Alas sais pa lang ng umaga at mukhang ako pa lang yata ang narito ngayon dahil maliban sa tunog ng sapatos ko ay tanging huni lang ng ibon at kuliglig ang naririnig ko.
Ngunit napalingon lang ako sa likuran ko nang maliban sa ingay ko ay nakarinig ako ng malakas na yapak na tila papalapit sa akin. At matapos kong lumingon ay agad na nagtama ang paningin namin ni Mirrem.
‘Parang kabute, bigla-biglang sumusulpot.’
“You’re so early. Mas maaga ka pa sa’kin!” sambit nito na nag-echo pa sa building dahil wala pang tao.
“Inagahan ko talaga kasi namiss ko pumasok,” pagsisinungaling ko at inilibot pa kunwari ang tingin sa mga sulok ng kisame.
“Na-miss mo pumasok o na-miss mo ako?” mapang-usisang tanong niya na may halong pang-aasar nang magtapat na kami at peke naman akong tumawa.
“Sige lang…sulitin mo na ’yang pang-aasar mo dahil di mo na magagawa ’yan,” makahulugang biro ko na may halong pang-aasar at inirapan niya ako.
Bumuntong hininga pa siya at biglang nawala ang angas sa mukha. “I miss you so much. Ako ba na-miss mo?” biglang malungkot na sambit niya at kahit medyo nagulat ako ay nakangiting tumango ako. “Oo naman.”
“Talaga?” naniniguradong aniya. “Payakap nga,” dagdag pa niya at inilahad ang braso ngunit ipinagkrus ko lang ang kamay ko at umiling.
’Ayan na naman siya sa yakap na ‘yan.’
“Mabilis lang baby,” pamimilit pa niya at tumanggi ulit ako.
“Nasa school na tayo…at may usapan tayo diba?” pagpapa-alala ko sa kaniya at bumuntong hininga siya.
“Fine!” bagsak ang balikat na tugon niya at ngumiti naman ako sa harap niya.
“Nasa school na tayo baby…bawi na lang tayo next time, okay? Pag ’di na tayo busy,” panunuyo ko pa sa kaniya at ngumuso naman siya sa harap ko. ‘Ang cute niya, tss!’
“Ikaw lang naman ang busy!” galit kunwaring bulong niya at natatawang sumagot ako.
“Anong ako lang?” tanong ko pa.
“Di mo na ako kinausap pagtapos nung call,” tugon niya at ngumuso. Bumuntong hininga pa siya matapos no’n.
“Nabusy sa palengke baby e. Sorry na…” panunuyo ko pa at nanatili naman siyang nakanguso.
“Bumawi ka sa’kin!,” pagalit pero mahinang sabi niya at natawa naman ako.
“Para kang bata…E paano naman ako makakabawi ha?” kunwaring malambing na tanong ko sa kaniya.
“Kiss at hug!” tugon niya at ngumuso pa ulit kaya nginitian ko siya.
“Okay…noted!” sagot ko at maya-maya pa ay lumabas na ang ngiti sa kaniyang mukha.
“Babawi ka sa’kin ah?” naniniguradong aniya at pinisil ko pa ang pisngi niya. ’Nagpapa-cute na naman ’tong bakulaw na ‘to.’
“Oo na po. Sige na mag-prepare ka na para sa subjects mo at magbabasa-basa rin ako ng notes ko,”
“Okay baby…see you later,” aniya at nagulat ako dahil mabilis niya pa akong hinatak para yakapin.
“I’m sorry… I just really missed you. I can’t handle it,” aniya at saka lang ako binitawan. Hindi pa man ako nakakasagot para sana pagalitan siya ay nagsalita na ulit siya.
“I love you,” mahinang sabi niya at mabilis na tumalikod at iniwan ako. Habang ako ay parang naestatwa dahil sa ginawa niya.
‘Kinabahan ako bigla do’n ah?’
Tumingin-tingin pa ako sa paligid nung mawala siya at baka may nakakita sa amin. At nang masigurong walang tao ay saka ako nagpatuloy at dumiretso sa classroom.
Ilang minutos din akong narito na at marami-rami na rin ang classmates kong narito sa classroom. Halos lahat sila ay may kaniya-kaniyang kwento patungkol sa bakasyon nila na naririnig ko rito mula sa kinauupuan ko.
Habang nagsusulat-sulat ako ng kung ano sa diary ko ay siyang gulat ko nang biglang may tumabi sa akin. Si Xavier.
Hinampas ko siya ng notebook ko.
“Bwisit ka! Nagulat ako!” angil ko.
“Sorry…I just miss my princess,” aniya pa at umirap naman ako. ‘Ayan na naman siya!’
Kumindat pa siya ngunit binalewala ko iyon.
“Teka? Ba’t nga pala absent ka?” patungkol ko sa pagkawala niya noong nakaraan na may event ang school.
Ngunit binigyan lang niya ako ng nakakalokong tingin.
“Namiss mo ko?” aniya pa at binigyan ko siya ng tingin na di makapaniwala.
“Nakadrugs ka?” inis kong tanong at ngumiti pa siya at tinusok ako sa tagiliran.
“Aminin mo na. Ayos lang naman sa’kin,” aniya pa at pinilit kong pagmukhaing galit ang sarili ko para tumigil siya.
At mukhang effective dahil umayos siya at saka nagsalita ulit.
“Biro lang sweetie pie! Wala ako last week kase nagconduct kami ng house to house since running for sk chairman ako sa baranggay namin,” aniya at tumango-tango naman ako kunwari.
“Ahhh! Oo nga pala no…puro kayo nasa politika ng family mo,” patungkol ko sa mga kamag-anak niyang naglilingkod sa gobyerno at pulitika.
“Yes… and next saturday you need to wear this,” aniya na nagmamadaling kinuha ang kung ano sa kaniyang bag at iniabot sa akin.
Taka ko pang inabot ’yon at doon ko napagtantong t-shirt iyon.
“Isasama kita sa campaign namin sa sabado. Wear that,” aniya pa at nakunot ang noo ko.
“Teka…di pa ako sure kung makakasama ako riyan,” wika ko at taka rin siyang tinignan ako.
“Bakit?” tanong niya at sumagot ako.
“Busy sa palengke e.”
“Okay…pero iyo na ’yan. Support mo na lang ako sa facebook ha?” nakangiting aniya pa at tumango naman ako.
“Sure sure! Walang problema,” ani ko at nag-usap pa kami hanggang sa mapag-usapan namin ang tungkol sa nangyari sa dalawa.
Nalaman ko na alam na pala niyang buntis si Shin ngunit hindi niya pa masabi kay Harry dahil ayaw muna ni Shin na ipasabi ito.
At naikwento ko rin naman lahat ng nangyari nung gabing ’yon maliban sa isa. Ang paglakad ko mula sa bahay nila Shin pauwi sa amin.
‘Nakakahiya no, walang dapat maka-alam no’n.’
Nahinto lang kami ni Xavier sa pag-uusap tungkol do’n nang dumating na ang Prof. Hindi ito ang prof namin noong nakaraang grading namin kaya rinig ang kaunting bulungan ng mga kaklase ko.
“She’s scary. I don’t like her na,” bulong pa ng isa kong kaklase na rinig na rinig ko rito mula sa likod. Nagkatinginan pa kami ni Xavier na katabi ko ngayon at bakas sa mukha niya ang pagkalito rin. Nagkibit balikat lang ako at ibinalik ang tingin sa Prof.
Habang nakatingin sa prof ay doon ko pa lang natandaan na siya yung nakita ko noon na kausap ni Mirrem na nagsabi magboyfriend-girlfriend sila ni Miss Shiela.
‘Lumiliit naman masyado ang mundo.’
“Good morning students,” panimula pa niya at bumati naman kaming lahat pabalik.
“Welcome to the second grading!” nakangiting dagdag pa niya.“We’ll anyways before we start our subject. My name is Rachel Murphy and i’m gonna be introducing you to RESEARCH. Since the first grading is done and you’ve finished the INTRODUCTION TO ENTREPRENEURSHIP it’s time for you to be introduced to RESEARCH 1. If i’m not mistaken…the rest of these topics would be continued when you became seniors,” mahabang paliwanag pa niya.
At sa dami ng sinasabi niya ay biglang nagtanong siya. “Does everyone here have their own laptop? or laptop at home that they could use here?”
at agad namang nagtanguan at sumagot ang mga kaklase ko. May iba pang inilabas agad ang mga laptop nila…
Nahihiya kong itinaas ang kamay ko. Mabuti na lang din ay napansin agad naman iyon ni Miss.
“I don’t have laptop Miss,” bahagyang napayuko ako matapos sabihin iyon at ngumiti naman siya.
“No worries…you could borrow laptop at the computer lab. You just need to have a flashdrive for your files cause that’s the most important,” aniya pa at tumango lang ako. ‘Buti na lang may flashdrive ako.’
“Shall we start everyone?” aniya pa at sumagot naman kami.
At ilang segundo pa ay nakaconnect na siya sa malaking smart tv sa taas ng board namin gamit ang kaniyang laptop na may logo ng mansanas.
At kagaya ng sabi niya ay nagsimula na nga agad siya. Nakinig naman akong mabuti at panay ang take down notes ko sa mga sinasabi niya na pakiramdam ko ay importante at magagamit ko.
Hanggang sa mga sumunod na subjects ay gano’n lang din ang ginawa ko hanggang sa mag-breaktime.
Nang mag-ring ang bell ay agad akong lumabas at nakasunod sa akin si Xavier. Agad itong nangulit.
“Kanina ka pa tahimik…Let’s eat leche flan libre ko,” aniya habang sumasabay siya sa lakad ko.
“Ayoko mag leche flan…masama ang tiyan ko,” pagsisinungaling ko.
Pag nagkataong makita na naman tayo ng bakulaw ko magkakanda-leche leche na naman ako e. Di pa nga ako nakakabawi, tsk.
“Edi mag pasta na lang tayo…please?” pakiusap pa niya at hinarangan ako habang naka-krus ang mga palad.
“Ayaw ko nga sabi e. At saka gusto ko lang ng light snacks. Ayoko ng mga pagkain na gusto mong kainin,” at bagsak ang balikat niyang sumabay sa lakad ko.
“Fine…sasabay na lang ako sayo,” tugon pa niya at tutol man ako sa sinabi niyang iyon ay hindi na lang ako sumagot.
At papasok na sana kami sa entrance door ng canteen ng saktong magkasabay pa kami ni Sir.Mirrem at nakita niyang nakasunod sa akin si Xavier.
Binati pa siya nito at kunwaring gumaya naman ako at tanging tango lang ang nagawa niya habang naglalakad palayo. Lumingon pa siya at kitang-kita ko ang pagbabanta sa makahulugang tingin niyang iyon. ‘Para sa kaniya ang laki-laki na naman ng kasalanan ko, tsk! yari na naman ako sa bakulaw.’
“Dun na lang tayo,” akay pa sa akin ni Xavier at sumunod na lang ako kunwari dahil paniguradong pag lumingon ako sa kabilang gawi ay tingin niya lang ang makikita ko.
Nang makahanap kami ng table ni Xavier ay sinabi kong ako na lang ang oorder para saming dalawa kaya naman nag-abot pa siya sa’kin ng pera niya na siyang tinanggap ko naman.
At kamalas-malasang pati sa linya ay nakasunod sa akin si Mirrem. Pasimple niya pa akong kinalabit sa likuran ko at gustuhin ko mang lingunin siya ay hindi ko magawa.
“Baby, I’m jealous…” pagkanta niya sa lyrics ng single ni Bebe Rexha ngunit alam kong parinig niya talaga iyon sa akin.
at nagpatuloy pa siya sa pagkanta habang nasa likuran ko…at kada babanggitin niya ang lyrics na iyon ay nilalakasan niya ng bahagya ang boses niya at idinidiin iyon.
Hanggang sa makarating na ako sa harap ng counter. Umorder agad ako at mabilis na umalis dala ang binili ko dahil sa takot na baka may makahalata sa amin lalo na’t alam kong nakatingin si Xavier.
Pagka-upo ko ro’n ay iniabot ko ang order ni Xavier at sabay kaming kumain.
“Ang haba ng linya…gutom na ako,” aniya at inirapan ko naman siya.
“Hindi naman ikaw ang pumila,” singhal ko kunwari at ngumuso naman siya.
“Pero naghintay din naman ako sayo,” wika niya at pinaikot ko lang ang mata ko.
“Nakaupo ka namang naghintay,” tugon ko pa at saka nginusab ang order kong sandwich. Hindi naman na siya sumagot at nilantakan na lang din ang leche flan na ipinabili niya.
Habang kumakain ay nilingon ko pa ang paligid upang tignan kung nasa’n si Sir.Mirrem ngunit hindi ko na ito nahagilap pa. Kaya naman hindi na ako masyadong lumingon-lingon at baka mapansin pa iyon ni Xavier.
Nagmuni-muni na lang ako habang kumakain at nahinto lang iyon ng ambaan ako ng pagkain ni Xavier.
“Ayoko niyan…matamis,” sambit ko at isinubo niya naman iyon sa sarili.
“Ang sarap kaya,” aniya pa at sumagot naman ako ulit.
“Bilisan mo na lang diyan para makabalik na tayo,” tugon ko at sumaludo naman siya.
Hanggang sa matapos na nga kami at napagdesisyonan na naming bumalik sa classroom.
At habang naglalakad pabalik ay nakasalubong namin si Shin na naka-uniform at nakangiti ito sa’min kaya nanlaki ang mata ko. Agad akong bumaling kay Xavier at nagsalita.
“Mauna ka na…kakausapin ko muna siya,” utos ko rito at kumunot naman ang noo niya.
“Di naman ako sasabat e. Makikinig lang…” aniya pa at bumuntong hininga pa ako.
“Girls talk ’to…bawal ka sumali,” ani ko at napakamot naman siya sa ulo.
“Sama talaga ng sweetie pie ko!” reklamo niya at saka naglakad palayo.
Hindi ko naman na siya pinansin at saka bumaling kay Shin.
“Kamusta ka? Okay ka lang ba? Magkwento ka!” nag-aalalang tanong ko sa kaniya at naghawak kamay pa kami.
“I’m fine bestie…actually i’m the one who should be asking you that. Kamusta ka no’ng gabing ’yon? Di kita natawagan after that kase grounded ako e. I can’t use any gadgets…kahit ref sa bahay iniba yung password.” matamlay na pagkukwento pa niya at umiling naman ako.
“Wag mo ’kong alalahanin okay? Ayos lang ako,” tugon ko at lumamlam ang tingin niya sa akin.
“Pero kamusta ka nga? paano ka nakauwi nung gabing ’yon? Alam kong wala kang dalang pera that time. Tinawagan mo ba si Xavier? O baka si…Sir Mirrem?” aniya pa at umiling ako ulit.
“Hindi…naglakad ako pauwi,” tugon ko at nanlaki ang mata niya at naitakip pa ang kamay sa bibig.
“Are you for real?” kunot noong tanong niya dahil sa gulat at tumango naman ako.
“You walked that far???” malakas ang boses na tanong niya at tumango ako ulit.
“I’m so sorry! Mas nagu-guilty tuloy ako. Sana pala tinawagan ko si Xavier that time para may nakapaghatid sayo,” aniya pa at hinawakan ko naman ulit siya sa kamay.
“Wag mo na isipin ’yon okay? Ang importante maayos na ang lahat. Teka bakit ka nga pala nandito?” pag-iiba ko sa usapan at sumagot naman siya.
“My parents talked with our Dean and Sir.Mirrem. They want me to take online classes starting today. Getting schedules that don’t include going to physical class anymore. I don’t even know why they need to bring me. I’m in the car kanina and I got bored waiting… so dumaan ako rito,” aniya at tumango ako.
“Why not puntahan mo rin sila ro’n para magpaalam?” tanong ko pa at umiling naman siya.
“Kay Sir. Mirrem lang ako magpapaalam besides alam ko namang wala ring pakielam yung ibang school staff sa’kin. They don’t even know me,” aniya pa at tumango na lang ulit ako.
“Pupuntahan mo na ba siya ngayon?” tanong ko pa.
“Oo.”
“Sige na puntahan mo na… at magsisimula na rin ang class. Balik na ako sa classroom ha?” paalam ko at tumango naman siya.
“Sige…see you next time!” tugon niya at ngumiti naman ako bago naglakad palayo.
At habang pabalik ng classroom ay lumipad ang isip ko habang iniisip pa rin si Shin.
Mirrem’s Pov.
Habang kinukuha ang mga gamit at inaayos iyon para sa sunod kong tuturuan ay hindi pa rin nawawala ang pagkagulantang ko sa nalaman ko ngayong araw.
I still can’t believed that Shin is now pregnant and how fast things happened. ‘Parang ilang buwan pa lang nagstart ang class, tsk.’
Napailing na lang ako sa naisip at iwinakli iyon sa aking utak. Matapos kong ayusin ang gamit ay binitbit ko iyon at lumabas na ng faculty upang tunguhin ang classroom nila Max. Ang baby ko.
‘Makikita ko na naman siya.’
Nangiti pa ako sa naisip kong iyon ngunit agad ding nawala at napalitan ng gulat dahil nakasalubong ko si Shin.
“Good morning, sir!” masayang bati niya sa akin at matagal bago ako nakapag-react dahil hanggang ngayon ay gulat pa rin ako sa nalaman.
“Hi, Shin. Good morning!” awkward ang ngiting naigawad ko. “ Kamusta ka?“ pinigil ko ang sariling tanungin siya agad patungkol sa kaniyang pagkabuntis.
“Not that good but it’s fine,” aniya at nginitian ako. “Ikaw sir? How are you? How’s your relationship with Max?” hindi ko inasahan ang biro niyang iyon kaya napalingon pa ako sa paligid bago siya gawaran ng pekeng ngiti. Mabuti na lang walang tao, tsk!
“We’re actually good. Btw, nakausap mo na ba siya?” paglilihis ko ng topic at sumagot naman siya.
“Yep, kani-kanila lang. Galing ako sa room,” tugon niya at isinenyas pa ang likod gamit ang thumb niya.
“So…he already knew that you’re….pregnant?” mabagal ko pang tanong at itinuro pa ang tiyan niya.
“Yeah…nung friday kasama ko siya at sinabi ko sa kaniya. At siya rin ang dahilan kung paanong nasabi ko iyon sa parents ko,” pagkuwento niya.
“Magkasama kayo nung friday?” takang tanong ko.
Nasa party ako nung friday…magkasama pala sila? Di naman nasabi sa’kin ni Max.
“Yup…I went to their house and I told him everything. Sinamahan pa niya ako sa amin para aminin ’yon sa parents ko but unluckily hindi na siya pinapasok sa’min since my parents already knew it before i confess,” tugon niya at ngumiti pa sa akin ngunit agad din iyong naglaho.
“Pero hindi pa ako nakakabawi kay Max. Nalaman ko kasi kanina na naglakad pala siya pauwi after nung gabing iyon.” napakamot pa siya sa sintido habang patuloy sa pagkuwento
“Ang sabi ko nga sana pala tinawagan ko na lang si Xavier bago kami pumunta ro’n para may nakapaghatid sa kaniya. Eh ang layo ng bahay namin…mas malayo pa sa dati nilang bahay mula sa bahay nila ngayon. I can’t imagine that he walked few miles just to get home,” frustated na dagdag niya at bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa biglang naisip.
‘Nung friday may missed calls akong natanggap mula kay Max. Hindi kaya?’
“Mga anong oras ba kayo umalis no’n at bakit kinailangan niyang maglakad pauwi?” pigil ang emosyong tanong ko ngunit mas bumibilis ang tibok ng puso ko sa bawat segundong lumilipas.
‘Sana mali ako…’
Dahil kung tama ang hinala kong tumawag nga siya sa akin para magpasundo at hindi ko nasagot dahil busy ako ay parang nakakapanghina isipin. Kasama ko pa ang babaeng pinagselosan niya noon. Na nagawa ko ring ihatid nung gabing iyon dahil kay Mommy.
“Hindi ko na sigurado yung exact na oras. Pero I think it’s around 10-11pm sir. At kahit sabihin nating may sasakyan pa that time ay hindi pa rin siya makakasakay sir.” salubong ang kilay na paliwanag niya sa akin.
“Bakit?” kunot noong tanong ko habang patuloy na naiisip ang sitwasyon ni Max nung oras na ’yon.
“Kase wala siyang dalang wallet that time. Nag-promise ako na ihahatid ko siya after niya ako samahan na hindi ko nagawa. Kaya ang laki ng kasalanan ko kay Max,” aniya na pumapadyak pa at hindi ko na masyadong pinakinggan pa siya dahil si Max na lang ang nasa isip ko ngayon.
Nagpaalam na si Shin matapos ang usapan naming iyon ngunit nandito pa rin sa utak ko ang napag-usapan namin tungkol kay Max.
“Naglakad ka ng gano’n kalayo at tinawagan mo’ko…nagbakakasakaling masundo kita pero hindi kita nasagot?” bulong ko pa sa sarili.
‘If that what really happened then fuck this!’
Nagpakawala ako ng buga ng hangin bago ko binilisan ang lakad papunta sa classroom nila. At kahit hindi pa sigurado ay bigla akong nawala sa mood at ang gusto ko na lang ay kausapin siya.
‘Ang lakas ng loob kong magtampo sa kaniya…e mukhang mas may karapatan pa siyang magtampo kaysa sa akin.’
Nang marating ko ang classroom nila ay walang gana ko silang binati at ganun din naman sila sa’kin. At nang mailapag ko ang gamit ko sa table ay siya agad ang nilingon ko ngunit nakatuon ang paningin niya sa kaniyang notebook.
‘May ugali talaga siyang hindi nagkukwento, tsk. Kung hindi pa nasabi ni Shin… paniguradong wala na naman akong alam.’
Isinantabi ko naman muna ang mga naiisip at sinimulan na ang aking trabaho.
“Okay class…we’ll start this quarter with a pre-test. This is just to measure your knowledge for the topic that i’m going to discuss next week.” aniya ko at isinenyas ang booklet sa isang student sa harap. “Please get one and pass. Start immediately once you have your booklet,” dugtong ko pa at tahimik naman nila iyong ginawa.
At lumipas ang ilang minuto ay nakabibinging katahimikan ang bumalot sa classroom na ito. Tanging ingay lang ng orasan ang maririnig at maliban do’n ay wala na.
At habang abala sila sa kanilang exam. Abala naman ako sa pagtitig sa kaniya habang nakayuko siya sa kaniyang papel.
Tanging buhok lang na kulot lang niya ang nakikita ko dahil natatakpan no’n ang mukha niya. At habang nakatitig sa kaniya ay panay pa rin ang pag-iisip ko sa nangyari sa kanila nung friday kahit pa ayoko na itong isipin.
Huling usap namin ay friday ng gabi. At yun yung araw na sinabi niyang pagod siya dahil sa dami ng ginawa niya. Hindi kaya nagsinungaling lang siya para hindi ko malaman na naglakad siya ng gano’n kalayo?
Tumawag din siya nung gabing iyon. Ilang missed calls nga ba ulit ang ginawa niya no’n?
At dahil sa naisip ay dali-dali kong kinuha ang phone. Tinignan ko ang call logs at nakita kong may sampu siyang missed calls doon.
‘Pati sa messenger app. May missed calls din galing sa kaniya.’
Napabuntong hininga at napayuko ako dahil sa mga naiisip. Ang bigat ng nararamdaman ko. Pakiramdam ko ang sama-sama kong boyfriend. At biglang nag-play pa sa utak ko ang usapan namin kaninang umaga.
“Babawi ka sa’kin e mukhang ako yata ang kailangang bumawi sa’yo,” malungkot kong sabi gamit ang isip.
At sa pagmumuni-muni ko ay nagulat ako dahil pagtingin ko sa orasan ay malapit na palang matapos ang oras. Kaya naman agad ko silang inutusan na ipasa ang papel dito sa harap.
“Finish or not…please pass it forward,” walang ganang utos ko at habang ginagawa nila iyon ay nagtama ang paningin naming dalawa.
At habang nakatingin siya sa akin ay tila ba sinusuri niya ako at sinusubukang basahin. Kaya naman kunwari ay kinakausap ko siya gamit ang isip ko na para bang maririnig niya iyon.
‘Ba’t ganyan ka makatingin? Ang dami mong hindi sinabi sa’kin.’
‘H’wag mo’kong tignan ng ganyan. Kasalanan mo kung bakit ako malungkot ngayon.’
Nag-iwas tingin lang ako ng makuha ko na lahat ng papel at kailangan ko nang magpaalam sa kanila. “Goodbye class. See you tomorrow,” paalam ko at nang matapos silang sumagot ay saka ako lumabas ng classroom.
Bago pa ako tuluyang pumunta sa next subject ko ay nagtype muna ako ng text para sa kaniya.
To: Max Ethan Garcia (Wife)
Meet me after class at stress free zone. I will wait for you.
Sent. 10:58am.
At matapos kong i-send iyon ay saka ako nagpatuloy sa paglalakad…
Max Pov.
Tapos na ang class namin ngayon at nauna ng umuwi si Xavier dahil may house to house pa sila ngayong hapon. At akoo naman ay patungo na sa Stress Free Zone dahil sa natanggap kong text mula kay Mirrem.
’Ano na naman kayang nangyari sa bakulaw na ‘yon?’
Kanina pa lang ay kapansin-pansin na ang pagiging tahimik niya at mukha niyang busangot. Akala mo may negosyong nalugi e.
Hindi kaya nawala na naman to sa mood dahil katabi ko si Xavier kanina? at ngayon ay tinotopak na naman siya, tss!
‘Magpapalambing siguro ang bakulaw…’
Nang marating ko ang entrance no’n ay agad ko siyang natanaw na nakaupo sa bench kung sa’n kami noon madalas magtagpo.
Agad ko naman siyang nilapitan at ganun pa rin ang ekspresyon ng mukha niya habang nakaupo sa bench at magkakrus pa ang kamay at nakaipit sa kili-kili.
Nilingon niya ako at nanatiling blanko ang ekspresyon niya kaya naman binasag ko na ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.
“Oh…ano na namang problema?” kaswal kong tanong kunwari at tumayo naman siya at hindi kami magka-height kaya bahagyang nakatingala ako sa kaniya.
“May gusto lang akong alamin,” tugon niya at nag-iwas tingin. Bumuntong hininga pa siya at nagsalubong ang kilay.
“Tungkol sa’n?” tanong ko habang nagsisimula ng sumibol ang kaba sa dibdib ko.
“Tungkol sa nalaman ko galing kay Shin. Anong nangyari nung friday?” tanong pa niya at nakunot ang noo ko at pilit inalala lahat ng nangyari noong friday.
‘Big deal ba sa kaniyang hindi ko siya nasabihan patungkol sa pagbubuntis ni Shin?’
Nako, may pangako nga pala kami sa isa’t-isa na walang sikreto…
“Uhm…nung friday? Pumunta siya sa bahay ng mga alas diyes pasado… at malungkot siya no’n at pagtapos niyang umamin sa’kin na buntis siya ay humagulgol siya dahil takot—” pinutol niya ako.
“Hindi ’yan ang gusto kong malaman,” aniya at mas bumilis ang tibok ng puso ko.
“Eh…ano bang gusto mong malaman?” tanong ko at huminga pa siya ng malamin bago nagsalita.
“Paano ka nakauwi nung friday?” at nanatiling kalmado ang boses niya kahit pa salubong ang kilay niya.
At biglang nagreplay sa utak ko ang nangyari no’n matapos kong samahan si Shin sa kanila…
“Naglakad ako pauwi…” simpleng sagot ko at agad na lumamlam ang paraan ng pagtingin niya sa akin.
“Bakit marami kang missed calls sakin nung gabing iyon?” At hindi ko alam kung paanong sasagutin iyon dahil nahihiya akong sabihin.
‘Sasabihin lang naman na magpapasundo. Pero bakit hindi ko masabi?’
“Uhm…kasi ano,” napakamot ako sa noo ko dahil hindi masabi ng dila ko.
“Kasi magpapasundo ka sana?” nagulat ako dahil sa kaniya nanggaling iyon at nahihiyang tumango na lang ako.
“I knew it!” aniya pa at naihilamos ang kamay sa kaniyang mukha.
“Pero hindi naman ’yon bigdeal,” biglang bawi ko at agad siyang sumagot.
“Big deal ’yon baby,” aniya na animo’y naiinis.
“Sana pala hindi ko iniwan yung phone ko sa sasakyan that time,” dagdag pa niya na mukhang hindi ako ang kausap.
“Okay lang ’yun baby. Tapos naman na diba?” pagpapakalma ko sa kaniya.
“Pero nung tinawagan kita… bakit hindi mo sinabi sa’kin agad?” bakas ang lungkot sa boses niya.
“Eh kasi…okay na nga. Nakauwi naman na ako nung tumawag ka,” nginitian ko pa siya upang maramdaman niyang ayos lang ang lahat.
“Kahit na…kesa sa iba ko pa malalaman na gano’n pala ang nangyari,” may bahid ng pag-aalala niyang sabi at pinisil ko naman ang pisngi niya.
“Wag mo na kasi isipin ’yon. Ayos lang naman e,” nakangiting ani ko pa at ngumuso naman siya.
“Fine!” aniya at niyakap niya ako. Hindi naman ako nanlaban at niyakap lang din siya pabalik.
“I’m sorry babe…feeling ko tuloy ang laki ng pagkukulang ko sa’yo,” paghingi pa niya ng paumanhin at tumawa naman ako ng mahina.
“Ayos nga lang kasi sabi e…” at tinapik-tapik ko pa ang likod niya matapos sabihin iyon.
“Ang lakas pa ng loob kong magtampo tapos ako pala ’tong ang mas kailangang bumawi,” malungkot na sambit pa niya at dun ako mas lalong natawa. Kaya naman bumitaw ako sa yakap namin at inilapat ko ang palad ko sa kaniyang pisngi.
“Okay nga lang kasi ’yun… wag mo na isipin para hindi ka nagkaka-ganyan,” nakangiti kong sabi at ngumuso siya
“Babawi ako sa’yo,” biglang wika niya at ngumiti naman ulit ako.
“Edi bumawi ka,” tugon ko at tumango siya at niyakap ako ulit.
“Akala ko kung ano na…kaya mo’ko pinapunta rito. Yan lang pala ang rason mo,” wika ko pa at rinig kong sumagot siya.
“Kanina pa kaya ako binabagabag no’n,” bahagyang nangiti pa ako ng ma-imagine na nakanguso siya nung sabihin iyon.
‘Alam kong nagtampo rin naman ako dahil don pero parang nawala agad dahil sa narinig ko.’
“Sus wala ’yun…” at bumitiw ako sa yakap niya. “Teka kumain ka na ba ng lunch?” pag-iiba ko sa usapan at umiling naman siya.
“Hindi pa.”
“Eh bakit hindi ka pa kumakain?” tanong ko.
“Gusto ko samahan mo’ko e,” simpleng sagot niya at isinenyas pa ang baon niyang nasa bench din.
“Sige na…kumain na,” wika ko at kunot ang noong tinignan niya ako.
“Kakain tayo,” may diin sa boses niya at natawa ako.
“Kaya nga… ano bang sinabi ko?” tanong ko kunwari at sininghalan niya lang ako.
At isa-isa na nga niyang inilabas ang pagkain niya.
“Buti na lang marami itong pinabaon ni Remi,” aniya pa at agad ko namang kinuha ang tinidor at kinuhaan siya ng fish fillet at isinubo sa kaniya.
Kahit gulat siya sa biglang ginawa ko ay nakangiting kinain naman niya ito ng makabawi.
“Delicious… you should try it too,” aniya at sumagot naman ako.
“Wag ka na magsalita…kumain ka na lang,” tugon ko at tumahimik naman siya at panay ngiti lang kada susubuan ko siya.
Sinusubukan niya akong subuan ngunit panay ang iwas ko kaya ending ay siya lang din ang kumain ng pagkain niya. At matapos pa niyang maubos lahat ng iyon ay nagpaalam na ako habang inililigpit ang tupperware niyang babasagin sa lunch bag.
“Uuwi na ako ha?” at nakangiting tumango naman siya.
“Yes baby…take care and thank you,” aniya at ngumiti naman ako.
“Mauuna na ako ha?” at nakaka-ilang hakbang pa lang ako ay tinawag niya ulit ako kaya nilingon ko siya.
“Baby,”
“Hmm… ano na naman?” tanong ko
“Magsabi ka pa rin sa’kin ha kapag may kailangan ka ha? Or if you need me…just tell me, okay?” biglang sabi niya at kahit nagtataka ako ay tumango lang ako.
“Oo naman,” tugon ko.
“Babawi ako sa’yo,” aniya pa at bumuntong hininga ako at nginitian siya.
“Wag mo na ’yun isipin okay? Ayos naman tayo kaya ngumiti ka na,” sagot ko at gumuhit naman ang isang tipid na ngiti sa labi niya.
“Ayan ganyan! Uuwi na ako ha? Bumalik ka na rin sa faculty,” paalala ko pa at tumango naman siya.
“Yes baby…take care!” nakangiti nang sagot niya kaya mas lumawak ang pagkakangiti ko. Kinawayan ko pa siya bago ko tuluyang nilisan ang lugar na iyon.
At habang papalabas ng school ay nakareceive pa ako ng message galing sa kaniya.
From: Mirrem Cedric Dalton.
Thanks for today. I love you so much.
Sent. 12:22pm
.
Nireplyan ko pa muna iyon bago tuluyang lumabas at pumara ng masasakyan pauwi…
CHAPTER 47
Max Pov.
Mabilis na lumipas ang mga araw at ngayon ay sabado na ulit. Balak ko sanang tulungan si Mama sa palengke ngunit tumanggi siya dahil naroon na rin naman daw si Tita Irene.
Kaya naman ngayon ay nasa bahay ako at kausap ko ang bakulaw. At halos hindi ko na maibaba pa ang phone dahil wala na yata siyang balak putulin ang aming usapan.
“Baby, what are you doing right now?” tanong niya mula sa kabilang linya. Nakaloud-speaker ang phone ko kaya rinig na rinig ko siya.
“Naghuhugas ng pinggan…ikaw ba?” pasigaw na tugon ko upang marinig niya dahil nakalapag lamang ang phone ko sa parte ng sink na hindi mababasa ng tubig.
“I’m still eating…baby.” tugon niya mula sa kabilang linya.
“Ah…mabuti naman. Kain ka ng marami…” wika ko habang binabanlawan ang hawak kong plato.
“Hindi pwede no…marami akong gagawin,” pagsisinungaling ko.
“Di naman ako magtatagal. I just wanted to see you,” malungkot pa kunwaring aniya at biglang kong naalala ang usapan namin no’ng lunes.
“Puntahan na lang kita mamayang hapon…tatapusin ko muna ’tong mga gawain dito. Okay ba ’yon?” pagtatanong ko pa at narinig ko ang kasiyahan sa kaniyang boses kaya natitiyak kong nakangiti siya ngayon.
“Yes baby. Let’s watch a movie,” pag-aaya pa niya at sumagot naman ako.
“Sige…ikaw bahala. Patayin ko muna ah? Magcha-charge ako ng phone e. Kumain ka muna riyan,” wika ko pa at saka pinunasan ang kamay ko bago damputin ang phone.
“Okay baby. I love you…see you later,” at nagpaalam din naman ako bago ibaba ang phone.
Matapos no’n ay saka ko isinaksak ang phone ko sa charger at ginawa ang mga dapat gawin dito sa bahay.
Inuna ko munang gawin ang labahin dahil yon ang hindi ko dapat makaligtaan sa lahat. Hindi na ako nag-iwan pa ng mga damit dahil sayang ang init ng tirik na tirik na araw sa labas. ‘Ganap na ganap ang pagiging Cinderella ko ngayon.’
Isinunod ko naman ang magwalis at magmop ng sahig. At saka ko isinunod na diligan at ayusin ang iilang halaman na narito na bago pa man kami makalipat…
At nang matapos ay nag-inarte pa muna ako at sumandal sa pintuan at humingal na parang aso. ’Kapagod pala maging masipag
. Nakakastress ng puday,
jusme!’
At ang panghuli kong ginawa ay pag-aayos ng mga gamit na nagulo ko at ang pagpapalit ng bedsheet at kumot namin ni Mother Earth. Inayos ko na rin muna ang study table at saka ako naligo…
’Sa wakas wala na akong gagawin.
Magsi-sitting pretty na ang bakla!’
Nakangiti pa akong lumabas ng cr dahil sa preskong pakiramdam dulot ng pagligo.
At habang nagbibihis ay naisipan kong magbasa ng libro kaya naman nang matapos akong magbihis ay agad akong dumiretso sa higaan at nagbasa…
At halos hindi ko namalayan na nakawilihan ko ito at nakatulugan…
—–
Nagising na lamang ako ng marinig ko ang malakas na ringtone ng phone ko. Agad akong bumangon at inalis iyon sa charger at sinagot.
“Oh!” paos kong sabi habang kinukusot ang mata at sinasanay ito sa kakaunting liwanag na nanggagaling sa bintana…
“Baby!” sigaw niya sa kabilang linya. “Anong oras ka pupunta rito?” tanong niya at sa tono pa lang ng boses niya ay batid kong nakangiti siya ngayon.
‘Teka anong oras na ba?’
Kaya naman nagtungo ako sa kusina upang tignan doon ang wall clock…
‘Jusko! makatawag wagas akala ko pa naman alas-sais na! Alas-singko pa lang pala.’
“Ang aga mo namang tumawag. Di pa nga ako tapos e,” pagsisinungaling ko at humikab pa ako matapos. ‘Mukhang nabitin ako sa tulog ko ah!’
“I’m sorry,” natatawang aniya. “Anyway…just let me know if you’re ready to go para masundo kita,” dagdag pa niya at agad na nanlaki ang mata ko.
“Wag mo na ako sunduin! Tatawagan na lang kita pag nandiyan na ako sa entrance,” tugon ko at narinig ko ang singhal niya.
“Mas matatagalan ka e…Susunduin na lang kita. Hindi rin naman ako sa mismong kanto niyo maghihintay e,” pangungumbinsi pa niya at pumayag na lang ako dahil may point din naman siya.
‘At mamasahe rin ako kung magco-commute ako kaya tipid din kung magpapasundo na lang ako, char!’
“Sige…dun ka sa kabilang kanto maghintay ah?’ wika ko pa at agad naman siyang sumagot.
“Yes baby! Punta na ba ako riyan?” tanong pa niya.
“Tawagan na lang kita if tapos na ako,” tugon ko.
“Okay baby!” sambit niya mula sa kabilang linya at nagpaalam na ako.
“Sige na…maliligo na ako,” wika ko at sumang-ayon naman siya.
“Okay, see you later…I love you,” sambit pa niya.
“Bye…see you!” tugon ko pa bago tuluyang ibaba ang phone.
Matapos no’n ay tamad kong tinungo ang kwarto at inilagay ang phone sa table ko. Iiling-iling ko pang inabot ang twalya ko na para bang maaalis no’n ang antok na nararamdaman ko.
‘Grabe parang ayoko na tuloy pumunta!’
Kaso magagalit ang bakulaw kapag ginawa ko iyon kaya hindi pwede.
Nangiti pa ako ng bahagya nang biglang lumitaw ang kaniyang mukha na galit. ’Baliw na nga yata talaga ako sa kaniya. Mukhang malala na ‘to!’
Dumiretso ako sa banyo at mabilis lang na naligo dahil naligo rin naman ako kanina bago natulog. Inayusan ko pa ng slight ang sarili ko sa salamin bago tuluyang nagbihis.
Simpleng sweater shirt at shorts na hanggang tuhod lang ang sinuot ko. Nagbaon na rin ako ng damit pangtulog ko at twalya dahil paniguradong hindi iyon papayag na uuwi ako ngayong gabi. Habang sinusuri ang sarili sa salamin ay tumunog ulit ang phone ko kaya naman agad ko iyong sinagot.
“Hello?”
“I’m here, are you done?” tanong niya mula sa kabilang linya.
“Yup, papalabas na ako…saglit lang,” tugon ko habang isinusukbit na ang bag ko.
“Okay babe…I love you,” aniya at sumagot naman muna ako bago ko ibaba ang tawag na iyon.
At matapos ang usapan naming iyon ay sinigurado ko pa munang napatay ko lahat ng appliances bago ko ni-lock ang pintuan at pinuntahan siya.
Nang marating ko na ang kalsada ay namataan ko na agad ang kaniyang sakyanan sa kabilang kanto na nakaparada. Kaya naman nang makatawid ako ay agad akong dumiretso roon at nakita ko siyang prenteng nakaupo sa driver’s seat habang bukas ang bintana.
“You smell so good. I can smell you from here,” nakangiti niyang panimula at inirapan ko pa siya kunwari.
“Syempre naligo ako,” sarkastiko kunwari na sagot ko sa kaniya.
Didiretso na sana ako sa passenger’s seat ngunit nagulat ako dahil mabilis siyang bumaba at inunahan akong buksan iyon.
“Get in baby,” aniya pa at inilahad kunwari ang upuan. ‘Wow gentleman.’
“Mukhang may kasalanan kang nagawa ah?” pagbibiro ko at mukhang hindi niya na-gets.
“Anong kasalanan baby?” kunot noong tanong pa niya at natawa lang naman ako.
“Wala…sumakay ka na at magdrive para makakain na tayo dahil nagugutom na ako.” pagdadahilan ko at mabilis naman siyang sumunod.
Pag-ikot niya ay nakangiti pa siya habang sinisimulang maniobrahin ang manubela. Hindi ko naman na pinansin pa iyon at itinuon na lang ang tingin sa labas ng bintana.
Ilang minutos pa habang nagsisimula na kaming bumiyahe ay binasag niya ang nakabibinging katahimikan sa pagitan naming dalawa.
“You’re so silent baby…Did I do anything wrong?” biglang tanong niya kaya nilingon ko siya. Nakanguso na siya at salubong ang kilay na nakatuon ang tingin sa daan.
Natawa ako ng bahagya sa itsura niya.
“Wala naman…gutom lang ako,” tugon ko at nilingon niya ako. Binigyan niya ako ng nanunuring tingin.
“Are you sure? Please tell me if I did something that hurts you or what…” animoy naguguluhan pa niyang aniya.
“Wala nga…gutom lang talaga ako,” nakangiting tugon ko pa ulit at naniwala naman na siya.
“Okay…wanna eat first? Jollibee? Mcdo?” suhestiyon pa niya at tumanggi naman ako.
“Do’n na lang tayo sa bahay mo kumain,” tugon ko at saka tumingin sa labas ng daan.
“Okay…daan na lang tayo ng drive thru sa Robinsons,” aniya pa at nilingon ko siya upang taasan ng kilay.
Nang makita niya ang reaksyon ko ay agad siyang nagsalita.
“Sabi mo gutom ka e… Daan na lang muna tayo sa drive thru para makakain ka na agad.” ngumiti pa siya matapos sabihin iyon. Hindi naman na ako umimik pa at hinayaan na lang siyang gawin ang gusto niya. ’Napakabait masyado talaga ng bakulaw na ‘to.’
Nang marating namin ang Robinsons ay lumiko siya sa malapit na drive thru ng Jollibee.
“What’s yours?” tanong pa niya sa akin nung nasa tapat na kami ng window.
“Spag at saka fries lang,” nahihiyang tugon ko dahil libre na naman niya ako. ‘Sana pala hindi ko sinabing gutom ako, tsk’
“Don’t you want burger? Pie? Sundae?” dagdag na tanong pa niya at tumanggi naman ako.
“No…’yun lang akin,” nakangiting sagot ko habang ikinakaway ang kamay sa ere.
“Okay baby,” tugon niya at saka siya bumaling sa crew na nasa window at sinabi ang orders namin.
At habang nasa ganoong sitwasyon ay tumunog bigla ang phone ko kaya agad kong tinignan iyon. Isang text mula sa isang unknown number.
‘Sino naman kaya ito at ano naman kayang kailangan nito?’
Agad ko namang binuksan iyon at binasa.
From: +639451205545
“Wanna join me? I’m starting to create Research Titles. I’ll fetch you if you want.”
Sent . 05:48pm.
Matapos basahin iyon ay napangisi ako dahil nagka-hinala agad ako kung kanino iyon galing. ’Kahit hindi na ako magtanong alam kong si Xavier ‘to.’
Agad naman akong nagtipa upang replyan sana iyon ngunit napahinto ako nang magtanong ang bakulaw sa gilid ko.
“Who’s that? Why are you smiling?” seryoso ang tono ng boses at walang emosyon ang mukha niya.
Kunwaring tumawa naman ako at binigay ang phone sa kaniya na siyang tinanggap niya naman.
“Si Xavier ’yan…nag-aaya,” ani ko at kunot noong tinignan niya naman iyon.
“Ba’t di registered yung number? At saka bakit inaaya ka nitong mag study date?” salubong ang kilay na tanong niya habang nakatingin pa rin sa cellphone ko.
“Ewan ko ba riyan sa kaniya, replyan mo na nga lang ng ‘hindi’ ’yan,” tugon ko at humikap pa matapos.
“At talagang willing pa siyang sunduin ka..hmmm,” matabang na sabi niya at natawa naman ako.
“Akin na nga at para matanggihan ko na ’yan,” tugon ko at iniabot naman niya iyon sa akin.
“Block his number after that,” seryosong sabi pa niya at sinimulan nang paandarin ulit ang sasakyan dahil nakuha na rin pala niya ang order.
Agad ko namang ginawa ang inutos niya matapos kong replyan iyon ngunit kapansin-pansin ang salubong na kilay niya at hindi na nawala ang seryosong ekspresyon ng mukha niya. Hanggang sa marating na lang namin ang bahay nila.
Nang magpark kami ng sasakyan ay nauna siyang bumaba at sumunod lang naman ako sa kaniya. Habang papasok kami ay hindi ko alam kung paano siyang kakausapin kaya napabuntong hininga ako.
‘Nagselos na siya agad dun?’
Humugot pa muna ako ng lakas bago ko siya tuluyang tawagin.
“Baby,” pagtawag ko sa callsign namin at nilingon naman niya ako.
“Hmm?” malamig ang tono at blanko ang ekspresyong tugon niya habang nakatingin sa akin.
“Galit ka?” kunwaring malungkot na tanong ko.
“No, i’m not,” tugon pa niya ngunit hindi ako naniwala.
“Weh?” paniniguro ko.
“For real. I’m not,” aniya ngunit sa ekspresyon pa lang niya ay alam ko naman na ang sagot.
‘Selosong bakulaw, tsk.’
“Sus, alam ko namang nagseselos ka. Wag ka na magselos sa kaniya dahil ikaw naman ang mahal ko,” sambit ko ngunit hindi siya sumagot at binigyan lamang ako ng seryosong tingin. Tila ba sinusuri kung nagsasabi ako ng totoo.
Nilapitan ko siya at saka ko siya hinawakan sa kamay.
“love you,” nakangiting sabi ko at doon ay unti-unting lumitaw ang ngiti sa labi niya at bumigay.
“You really know how to get me!” kunwaring galit na sabi niya at ngumiti pa matapos. “I love you too, baby.” dagdag pa niya.
Nginitian ko pa siya bago ako nagsalita.
“Seloso masyado ang mister ko,” pabirong sambit ko na siyang nagpalaki lalo sa ngisi niya.
“Pinagseselos kasi ako ng misis ko e,” kunwaring malungkot pang aniya at pareho kaming natawa sa pinagsasabi namin.
At matapos no’n ay bigla siyang nagsalita.
“Akala ko tuloy kanina hahayaan mo lang ako,” aniya pa at nakunot naman ang noo ko.
“na alin?” tanong ko pa at ngumuso siya.
“Na magselos,” tugon pa niya.
“Bakit naman?” wika ko pa at kumunot naman ang noo niya. Kasabay pa no’n ang pagkibot ng labi niya.
“Ay basta…akala ko lang,” tugon niya at ngumuso siyang muli.
“Ba’t ko naman gagawin ’yon e…mahal kaya kita,” tanging nasambit ko. Nagulat man ako sa sinabi ay hindi na ako nakapag-react pa.
’Hindi ko maintindihan ang sarili ko bakit isa-isang nailalabas ko nang kusa itong mga salitang ‘to’
Matapos kong sabihin iyon ay nginitian niya ako at tila ba iyon na ang pinakamatamis at magandang ngiti niya na nasaksihan ko.
‘Ang sarap niyang halikan. WTF?’
“Am i hearing that right?” aniya pa at tanging ngiti lang din ang nagawa ko.
“Please say that word again for me,” matapos niyang sabihin iyon ay hinawakan niya pang muli ang kamay ko at pinisil pa iyon.
Ngunit hindi ko nasagot ang sinabi niya dahil masyado akong occupied sa kinang ng mata niya.
“Baby, please say it again,” nakangiting aniya habang nakatitig kami sa isa’t-isa. ‘Ang ganda pala ng mata niya kapag nakikiusap.’
“I love you,” ni hindi ko namalayang nasabi ko iyon dahil mangha-mangha ako sa mata niyang iyon. Mga matang tila sinisisid ang kabuuan ko at pinipilit abutin ang puso ko.
“I love you more, wife. I love you, i love you,” batid ko ang kasiyahan sa tinig niya. “I can’t still believe that this is real,” dagdag pa niya at binuhat ako upang yakapin.
“I’m so happy,” sambit pa niya at ibinaba ako.
“Masaya rin naman ako kaya kwits lang,” tugon ko pa at nginisihan siya.
“Wala na…wala na yung selos ko,” nakangiting aniya.
“Mabuti naman…tara na nagugutom na ako e,” pag-iiba ko sa usapan at natawa siya.
“Sorry… I got carried away. Where’s the food btw?” patungkol pa niya sa pagkain na binili niya.
“Nasa kotse pa…inuna mo kase selos mo e,” mapanuyang sabi ko at pabiro pa niya akong inirapan.
“I can’t just help it… coz I have a beautiful wife and even if she has a husband, they still want her,” aniya pa habang binubuksan ang sasakyan at kinukuha na roon ang pagkain.
Lumapit din naman ako upang kunin ang bag kong nakalimutan ko rin.
“They talaga? Parang ang dami naman,” natatawang sagot ko at nagkibit balikat pa siya.
“Well, I don’t know…maybe there are others that I still don’t know about yet,” wika pa niya at ngumuso naman ako.
“Grabe ka naman sa’kin e ikaw nga itong first boyfriend ko,” ngumuso pa ako kunwari matapos kong sumagot at tumawa naman siya.
“I’m just kidding baby. Let’s go!” senyas niya at inilahad pa ang kamay sa’kin. Isinukbit ko naman muna ang bag ko bago ko abutin din iyon.
Sabay kaming pumasok at pagkarating doon ay dinala niya agad ako sa kusina at pinakain. Hindi naman kami nagtagal masyado roon at dumiretso na kami sa kwarto niya matapos namin kumain.
Pagkarating roon ay hindi ko ipinahalata ang pagkamangha dahil maraming gamit na naman ang nadagdag roon.
‘Wow! nabago ulit ah?’
At habang naroon kami at naglilibot ako ng tingin ay bigla niyang naisipang turuan ako ng online game daw na nilalaro niya na siyang namang ginawa namin.
Mabilis ko lang naman naintindihan ang instructions niya sa akin ngunit hindi talaga ako gano’n kabilis sa pagpindot at paghawak sa mouse.
“Right there baby…Kill it,” sambit pa niya habang nasa laptop siya at ako naman ang nasa mismong gaming pc niya. Kinabahan naman ako dahil sa dami ng kalaban na nakikita ko.
“Don’t be scared…I’ll protect you,” aniya pa at sinubukan ko namang gawin ang sinasabi niya ngunit natatakot talaga ako kapag naririnig ko ang malalakas na putok ng baril sa headset na suot ko.
“Baby, don’t go anywhere. Just go straight…I’m right behind you,” at ginawa ko nga ang sinabi niya at talagang nakikita kong binabaril niya ang lahat ng madadaanan kong kalaban.
“Just fight baby…I’m gonna stay with you,” aniya pa at sinubukan ko pang bumaril ng isa.
Ngunit ko namang inaasahan na mamamatay ako dahil may naka-sniper at tila ba nanghinayang siya sa game namin.
Nahiya naman ako kaya naman agad kong inalis ang headset ko at tumayo sa kinauupuan ko.
“Ayoko na…manood na lang tayo. Di naman ako marunong niyan e. Matatalo ka lang pag kasama mo ako,” agad kong sabi at tumayo din siya sa kinauupuan niya.
“Don’t take it seriously. It’s just a game. It’s okay to lose as long as i’m with you,” aniya pa at niyakap ako ngunit bahagyang tinulak ko siya.
“Manood na lang tayo,” kunwaring galit na sabi ko. ‘Ba’t ba kasi hindi ko nakita yun?’
“What’s wrong baby? Are you mad?” kalmadong tanong pa niya at hindi naman ako sumagot. Dumiretso ako sa bed niya at naupo sa gilid no’n at nakita ko naman ang agaran niyang pagsunod.
“Bababa lang rank mo pag naglaro pa tayo… manood na lang tayo,” wika ko at tumango naman siya.
“Yes baby…just don’t be mad, okay?” hinalikan pa niya ako sa noo at mabilis na binuksan ang bagong smart tv na nandito sa kwarto niya ngayon.
“What movie should we watch, baby? you choose,” at agad naman akong pumili kahit pa ang utak ko ay occupied pa rin sa larong nilaro namin. ‘Dapat sa susunod marunong na ako nun.’
Nahinto lang ako sa pag-iisip ng magsalita si Mirrem. ’Baby, I’ll go to the bathroom. Half bath muna ako,“ aniya at agad naman akong tumutol.
“H’wag!” sigaw ko at nakunot ang noo niya.
‘Ako dapat mauna…mas pinagpawisan ako kesa sa kaniya.’
“Why?” taas kilay na tanong niya at ngumiti naman ako kunwari.
“Paunahin mo’ko,” tugon ko at animo’y nakahinga siya ng maluwag.
“Sure! akala ko tuloy kung ano na…” aniya pa at nagpeace sign na lang ako.
Mabilis kong tinungo ang bathroom dala ang bag ko at saka ako naligo.
Hindi naman ako masyadong nagtagal at lumabas ako ng bathroom na naka-pangtulog na.
“Ikaw na…” sambit ko habang nakaupo siya at abala sa panonood. Nilingon niya ako at nginitian.
“You done?” at tumango naman ako. Tumayo siya at mabilis na dumiretso papunta sa bathroom kaya nagkasalubong kami.
“You smell so good,” aniya at bahagyang tinapik ko naman siya kunwari at inasar.
“Ligo na…boy asim,” wika ko at natawa naman kami pareho.
“Kaya pala gusto mo mauna ah? para asarin ako tss!” wika pa niya at tumawa lang naman ako.
Umupo na ako sa higaan at siya naman ay tuluyan na ngang naligo. Agad ko namang ni-play ang naka-pause na movie at pinanood iyon…at doon ko napagtanto na tungkol pala ito sa AI robots.
At hindi ko namalayan na tapos na rin pala siya at nagulat na lang ako dahil lumabas siya sa CR na nakatapis lang ng twalya at bakat na bakat pa ang pang-ibabang armas niya.
“Sinong may sabi sayong mag-ganyan ka sa harap ko?” agad kong sigaw at tumawa naman siya.
“Why? I’m still not naked so why mad?” natatawang sagot niya at binato ko siya ng twalyang nasa buhok ko.
“Magbihis ka na!” sigaw ko pa ulit at hindi talaga nagpatinag dahil mas inasar pa niya ako lalo.
“Are you mad coz you can’t see it? Wait! I’m just gonna take it —” akma pa niyang huhubarin sana ang twalyang na tanging bumabalot sa pang-ibaba niya ngunit agad ko siyang binato ng bag ko.
Nag-init ang tenga ko sa ginawa niyang iyon.
“Pag hindi ka pa nagbihis uuwi talaga ako!” sigaw ko sa kaniya at mabilis naman siyang naglakad papunta sa aparador niya at kumuha roon ng damit.
“I forgot my clothes,” senyas pa niya at inirapan ko lamang siya. At pagpasok niya ng bathroom ay ang bilis-bilis ng tibok ng puso ko.
“Kainis yun ah!” habol ang hiningang sabi ko sa hangin.
Ramdam na ramdam ko ang init dulot ng inis at ang kabog ng dibdib ko. At kahit ano pang gawin ko ni hindi na rin nawala sa isip ko ang katawan niya kanina at ang malaking bagay na nagtatago sa ilalim ng twalya.
‘Kaniya ba talaga lahat yon? Ang laki masyado.’
At parang mas kinabahan ako sa naisip kong yon kaya naman pinilit kong kalmahin ang sarili ko.
Ipinagpatuloy ko na lang ang movie at doon ko itinuon ang atensyon ko…
At ilang minutos lang din ang lumipas ay lumabas na siya habang nakatingin sa akin. At ang maamong asul na mata niyang iyon ang siyang nagdulot ng kaba sa akin.
“Baby…I’m done. Let’s watch,” aniya pa at lumapit sa akin. Doon ko lang napansin na bihis na siya ngunit hindi na mawala sa isip ko ang aking nakita.
‘Bakit mas malaki pa yung kaniya kesa sa replica sa science class at sa akin?’
Agad ko namang iniiwas ang tingin ko at ibinalik iyon sa TV.
Tumabi pa siya sa akin ngunit hindi ko na iyon pinansin dahil paniguradong kakabog lang ulit ang dibdib ko kapag nagtama ang paningin namin.
“Hey? What’s wrong?” tanong pa nito at kunwaring inis naman akong sumagot. ‘Ang kulit naman e. Di na nga ako komportable e.’
“Ano ba yon?” kunwaring inis kong sagot habang ang tingin ay nasa TV pa rin.
“Ba’t naman galit? Gutom ka na ulit siguro no?” aniya pa at umiling naman ako.
“Hindi ako galit at hindi rin ako gutom kaya manahimik ka lang at manood tayo, okay?” kunwaring nauubusan ng pasensyang sagot ko.
“Okay baby, pero mahiga na tayo. Pagod na ako e,” aniya pa at parang nagtayuan ang balahibo ko sa kaba ng sabihin niya iyon ngunit hindi ko ipinahalata.
“Mauna ka na lang!” kunwaring inis na sagot ko.
“Baby…please? tabihan mo’ko,” pakiusap pa rin niya na hindi man lang ininda ang pagtutol ko. ‘Bakit ba ako binigyan ng napaka-kulit na boyfriend?’
Tumayo naman ako mula sa pagkaka-upo at umakyat sa kama para tabihan siya. Tinapik pa niya ang pwesto kung saan niya ako gusto pahigain.
At nang makahiga ako ay bigla siyang yumakap sakin at nagpumiglas naman ako.
“Wala akong sinabi na yumakap ka!” sigaw ko.
“Kaya nga gusto kitang katabi kasi yayakap ako e. Yun lang naman ang gusto ko,” malumanay ang pagkakasabi ngunit bakas ang lungkot sa sagot niyang iyon at mabilis naman akong na-guilty dahil sa napagtanto ko.
‘Ba’t ba kasi nag-iisip ako ng hindi maganda?’
“Fine…yumakap ka na,” pagpaparaya ko ngunit siya naman ang tumanggi.
“Ayoko… ito na lang unan ang yayakapin ko,” bakas ang pagtatampo sa boses niya.
“Baka sigawan mo pa ako ulit,” bulong pa niya ngunit narinig ko kaya naman agad akong sumagot.
“Wag ka na magtampo…yakap na dali,” panlalambing ko sa bakulaw.
“No thanks! Just continue watching. I’ll just sleep here,” tugon pa niya habang nakatalikod sa gawi ko. ‘patay wala na, nag-english na.’
’Itong side niya na ’to ay ngayon ko lang napansin. Sobrang matampuhin…kayanin ko naman kaya ’tong bakulaw na ‘to?’
Nagpakawala pa ako ng hangin bago siya yugyugin.
“Dali na…higa ka na rin sa braso ko tas yakapin kita pabalik,” sambit ko sa bandang tenga niya dahil nakatalikod siya sa gawi ko.
“Baka napipilitan ka lang,” mahinang tugon niya at agad naman akong sumagot.
“Hindi ah…dali na baby. Yakap na,” at napangiti naman ako dahil sa wakas bumigay na siya sa panlalambing ko.
Humarap siya sa akin at ayun na naman ang nguso niyang naka-usli. ‘Pero gwapo pa rin kahit nagtatampo, tsk.’
“Oh dito ka…” isinenyas ko ang braso kong nakalahad para sa kaniya at inihiga naman niya ang ulo niya roon at yumakap sa akin.
“I love you,” sambit ko. Hindi ko alam kung makakatulong ba iyon ngunit iyon ang gusto kong sabihin sa kaniya. ‘Masaya ako kapag nasasabi ko sa kaniyang mahal ko siya.’
“I love you more, wifey. Thank you!” aniya pa at idiniin ang mukha malapit sa kili-kili ko.
“Di ka na ba manonood ng movie?” tanong ko pa at ramdam ko ang pag-iling niya.
“No, I just want to rest here in your arms. Just tell me if you’re done watching,” tugon niya at sumang-ayon naman ako.
“Sige…tulog ka lang diyan,” sambit ko pa at itinutok na ang tingin sa TV.
“Goodnight baby,” aniya pa at sumagot din naman ako.
“Goodnight,” at ipinagpatuloy ko na ang panonood ng movie.
CHAPTER 48
Max Pov.
Tinanghali na kami pareho ng gising ni Mirrem kaya naman ngayon ay nagti-tinapay at kape na lang kami. Hindi na ako pumayag sa suhestiyon niyang magluto kanina dahil paniguradong matatagalan lang ako rito.
Kaya naman ngayon ay ke-haba haba ng nguso niya habang sinisimsim ang kape niya at nakatingin ng masama sa akin.
“It’s sunday today baby. I just wanted to be with you. Why do you have to leave this early?” kumikinang pa ang mata niya habang nakangusong sinasabi iyon ngunit hindi ako nagpadala. ‘Ayan na naman ang pa-cute niyang mata, jusko help me!’
“Marami akong gagawin baby. May assignment at activities din ako,” simpleng paliwanag ko at agad naman siyang nagsuhestiyon. ‘Sorry pero hindi talaga pwede, baby.’
“Well, i can help you with those. We can do it here just don’t leave this early,” aniya pa at hinaplos ko naman ang pisngi niya.
Eto na naman siya sa pagpapa-cute niya. Jusko po ang hirap tanggihan kaso hindi pwede.
“May mga gawaing bahay din po akong gagawin baby. Magagawa ko ba ’yon rito? Diba hindi?” paliwanag ko sa kaniya at parang mas lalong nawalan ng buhay ang kausap ko.
Kaya naman tumingkayad ako upang mahalikan siya sa pisngi.
“Magkikita naman tayo bukas sa school kaya wag ka na malungkot,” pampalubag loob ko pa at ngumuso naman siya at niyakap ako.
“But i can’t hug you there. I cannot kiss you if i wanted to,” nakasumbakol na tugon niya at natawa naman ako ng bahagya.
“Eh ba’t di mo ako i-kiss na lang ngayon para wala na akong utang sayo bukas?” pabirong suhestiyon ko pa at nagsalubong naman ang kilay niya.
“That’s not fair! I want kisses everyday,” aniya pa at doon ako napabuhakhak.
“Edi ubusin mo na nga ngayon para wala na akong utang,” pabiro ko pang sabi at ngumisi naman siya.
“If that’s the case then you’ll be forever in debt with me,” at kunwaring napa-wow naman ako.
“Wow! ganyan ka ka-adik sa kiss?” namamangha kunwaring tanong ko.
“Yes baby,” aniya at mabilis na siniil ako ng halik.
Hindi naman ako nanlaban at pinagbigyan lamang siya.
“I love you baby,” aniya pa.
“I love you pero uuwi na talaga ako,” natatawang tugon ko pa at mabilis siyang lumayo at nagdabog na naman.
“Hindi ka na nadadala sa mga halik ko,” bigla niyang sabi at natawa ako. ‘Syempre no, baka si Max Garcia to, chos.’
“Mahal kita pero mas takot ako sa nanay ko kaya uuwi ako,” nakangiting tugon ko at nagpatuloy naman na kami sa pagkain ng tinapay.
Alam kong nakukulangan talaga siya sa oras na magkasama kami ngayon ngunit kailangan ko na ring umuwi dahil paniguradong hinahanap na ako ni Mama. At tiyak din ako na marami pang gawain ang dapat magawa sa bahay.
Kaya naman matapos naming magkape ay agad ko nang inihanda ang mga gamit ko. Gusto ko sanang magpaalam na magco-commute na lang ako ngunit paniguradong mas magtatampo lang siya at maiisip na ayaw ko siyang kasama kaya hindi ko na itinuloy pa…
At habang inaayos ang mga gamit ko rito sa kwarto ay bigla siyang sumulpot mula sa cr.
“What if samahan na lang kita sa inyo. Ako naman ang magstay don?” nakangiti pa siya habang sinasabi ang suhestiyon niya at binigyan ko siya ng nagtatanong na tingin.
“Baby, nasa bahay si Mama ngayon. Hindi ka pwede ron,” tugon ko at agad na naglaho ang ngiti na kanina ay nasa kaniyang mga labi.
“Okay baby,” aniya pa at bumuntong hininga. “Let’s go? hatid lang kita,” aniya pa at iniabot ang kamay niya. Hinigpitan ko naman ang hawak don at saka ako sumagot.
“Sorry… next time na lang. I’ll make sure mas maraming oras tayo magsasama okay?” sambit ko at tumango lang siya at saka tipid na ngumiti.
“I love you,” wika ko pa at sumagot din naman siya.
“I love you more baby,” aniya pa at ngumiti naman ako.
Nang makarating kami sa sasakyan niya ay kagaya ng dati ay pinasakay niya muna ako bago niya buksan ang gate at ilabas ang sasakyan…
Mabilis niya lamang nagawa iyon kaya naman mabilis lang din kaming nakabyahe at nakarating dito sa kanto malapit sa aming bahay.
Bago ako bumaba ng sasakyan ay hinawakan ko pa siya uli sa pisngi at ipinatong din naman niya ang kamay niya roon.
“Pasensya ka na sa ngayon ha? Onting oras lang ang naibigay ko,” sinserong sabi ko at ngumiti naman siya.
“Wala ’yon. Alam ko at naniniwala akong babawi ka sakin….diba gagawin mo naman ’yon?” aniya pa at tumango naman ako.
“Syempre naman no!” tugon ko kaya naman mas lumaki ang ngiti niya.
“Edi ayos lang sakin yung ngayon,” at kumindat pa siya sa akin.
“Una na ako ha?” paalam ko at tumango naman siya.
“Okay baby! Pero kiss ko muna?” aniya at mabilis ko naman siyang hinalikan sa lips.
“Sige na…mauuna na ako,” at mabilis naman siyang ngumuso.
“Yun lang?” Di pwedeng 1minute?“ aniya pa at natawa naman ako. ‘1minute aba’y anong akala nito sa’kin? May oxygen tank sa baga?’
“Ano yan walang hingahan? Baka mamatay ako!” pabiro kong sabi ngunit hindi siya tumawa. Kaya naman agad kong binawi ang biro ko. ‘Ay seryoso pala ang lolo mo!’
“Sige na nga..” at mabilis akong lumapit upang halikan sana siya ngunit nauna na siyang siilin ako ng halik.
Nakakatuwa dahil kahit gaano siya kasabik ay malumanay pa rin ang paghalik niya sa akin at tila ba nagbibigay iyon ng kiliti sa aking puso. ‘Ang sabihin mo malandi ka lang, tse! charot!’
Akala ko’y kakailanganin ko pang itulak siya para lang mahinto kami ngunit hindi. Siya na mismo ang kusang tumapos no’n. Nakangiti pa siya ng maglayo ang aming mga labi. Kaya naman napangiti rin ako.
“See you on monday baby,” aniya at tumango naman ako.
“Hmm, sige. Ingat ka pauwi ah?” tugon ko at mabilis naman siyang sumagot.
“Yes baby i will,” aniya.
“I love you,” ako.
“I love you more baby,” siya.
Nakangiti akong bumaba ng sasakyan matapos no’n at nang lingunin ko ang sasakyan niya ay kumaway pa siya mula sa loob bago tuluyang umalis doon sa kanto kung saan din niya ako pinasakay.
Tumawid pa ako sa kabilang kalsada dahil naroon ang bahay namin. At nang marating ko ang bahay namin ay pabagsak kong iniupo ang sarili ko sa aming lumang sofa.
‘Ang dami ko pang gagawin.’
Habang nakaupo ay doon ko lang din napansin ang katahimikan sa bahay. ‘Wala yata si Mama?’
Tumayo ako upang tingnan ang buong sulok ng bahay at tama nga ako. Kaya naman tamad akong umupo ulit sa sofa at isinandal ang ulo ko at pumikit.
‘Kelangan ko na nga pala ng laptop sa lunes.’
Ang dami ko pang naiisip ngunit hinahayaan ko lang iyon na dumaloy sa utak ko. Kagaya na lamang kung tama bang pinagbigyan ko si Mirrem na maging boyfriend ko.
Naiisip ko pa lang ang pwede naming kahinatnan ay kinakabahan na talaga ako…
Nasabunutan ko pa ang sarili dahil hindi ko na talaga mawari kung ano ba ang tama at mali. Nagtatalo ang puso’t-isip ko kaya naman padabog akong tumayo at iwinakli iyong lahat.
‘Mas mabuti pang kumilos ako ngayon at nang may matapos ako.’
Sinimulan kong linisin ang kwarto namin ni Mama at palitan lahat ng bedsheet, pillowcase, kumot at kurtina rito. Ilang oras din ang ginugol ko bago matapos iyon at agad kong sinunod ang mga labahin. Ibinabad ko ang mga dapat ibabad at sunod-sunod iyon na kinusot.
Latang-lata rin ako ng matapos iyon dahil mano-mano ko iyong ginamitan ng brush at fishnet. Ngunit hindi pa ron iyon natatapos dahil sinunod kong linisin ang kusina. Kahit pa man malinis na itong tignan ay nilinis ko pa rin ng sabon at binrush dahil yun na rin talaga ang nakasanayan namin ni Mama…
Nagpatuloy lang ako sa pagkilos at halos hindi ko na namalayan ang oras dahil sa sobrang dami kong gawain. Matapos kong gawin pa ang ibang gawaing bahay ay binalikan ko ang nilabhan ko upang isampay na iyon dito sa labas namin…
Doon ko lang din napansin na pa-hapon na pala at wala pa akong kain. Kaya naman matapos no’n ay dumiretso na sa kusina upang magluto at kumain.
Tinamad na akong magluto ng bonggang pagkain kaya naman nagluto na lang ako ng hotdog at itlog na nasa ref. Mabuti na lang din at may sinaing naman si Mama kanina kaya hindi ko na kinailangang magluto pa ng kanin.
Matapos kong lutuin iyon ay agad ko nang sinimulan ang pagkain. At habang nasa ganoong posisyon ay naisip ko bigla si Mirrem kaya naman tinakbo ko ang sofa sa sala at kinuha sa bag ko ang cellphone ko.
At pagtingin ko roon ay may message nga galing kay Mirrem na kanina pa pala niya na-send sa akin.
Agad naman akong dumutdot doon upang magreply at saka bumalik sa pagkain…
At ilang sandali pa matapos kong i-send ang reply ko ay nagring ang phone ko. Dinampot ko iyon at nakita kong tumatawag siya kaya agad kong sinagot.
“Hi baby!” bungad niya at nilunok ko naman muna ang pagkain bago sumago
“Hello,” tugon ko.
“What are you doing right now? Di ka na ba busy?” ramdam kong nakangiti siya nung itanong iyon sa akin.
“Kumakain ako…ikaw ba? kumain ka na?” tanong ko rin sa kaniya.
“Nope, not yet. Baka sa labas ako kumain ngayon…tinatamad ako magluto,” tugon niya at napasimangot ako.
“Sa labas kakain? E ang init pa kaya? At saka anong oras na…” sagot ko at natahimik pa siya sandali. ‘Palibhasa mayaman kaya sa labas gusto kumain, tsk.’
“Ano naman kung mainit sa labas e hindi ka naman sasama sa akin,” wika niya at hindi na ako nakipagtalo pa. ‘May tama naman siya… bigyan ng jacket yan, char!’
“Okay…bahala ka,” tugon ko at narinig ko pa ang mahinang tawa niya.
“Baka sa Jollibee na lang ako. Wala kang ipapa-bili?” aniya pa at parang nagutom ako lalo nung marinig ko iyon. Gusto ko sana magpabili kaso mas nangibabaw ang hiya kaya tumanggi ako. ’Painggit talaga ’tong bakulaw na ‘to.’
“H’wag na…busog na rin naman ako sa kinakain ko rito,” tugon ko at hindi naman na siya nagpumilit.
“Okay baby, Ibababa ko muna ha? Sabihan kita pag nandun na ako. I love you!” at saka niya ibinaba ang linya.
Agad kong ipinagpatuloy ang pagkain matapos niyang ibaba ang call kahit pa parang hindi na no’n naiibsan ang gutom ko dahil iba na ang hanap ng dila ko. ‘Nagsabi ba naman kasi ng Jollibee eh. Nainggit tuloy ako.’
At nang maubos ang pagkain ay agad kong hinugasan ang mga kinainan ko. Matapos no’n ay dumiretso na ako sa kwarto upang gawin sana ang mga activities ko nang mag-ring ulit ang phone ko.
“Baby, I’m here already,” aniya pa at natawa pa ako.
“Um-order ka na at kumain,” kaswal kong tugon at mabilis naman siyang sumagot.
“I’m already eating baby,” aniya.
“Okay, sige na kumain ka muna riyan. Eat well,” tugon ko pa at nagtanong pa siya ulit.
“Wala ka ba talagang ipapa-take out? Fries or burger?” wika niya at mabilis naman akong sumagot. ‘Talagang para-paraan siya para makita ako, tsk. Ganda ko talaga, char!’
“Wala nga…sige na kumain ka na riyan at nang makauwi ka na,” tugon ko.
“Okay baby… I love you,” matamis pa niyang sabi at sumagot naman ako ulit.
“Okay bye…” wika ko pa ngunit nagtaka ako dahil hindi pa niya ibinababa.
“Ibaba mo na,” sambit ko pa.
“Where’s my i love you?” reklamo pa niya at ramdam kong nakanguso na naman siya ngayon kaya natawa pa ako ng bahagya.
“Sorry…I love you, ayan okay na ba?” tugon ko pa habang pigil ang tawa.
“Tss..” at saka niya ibinaba ang call.
‘Nainis yata?’
Napaisip pa ako saglit dahil doon ngunit hindi ko na masyadong pinagtuunan pa iyon at sinimulan ng gawin ang mga activities ko. ‘Dedma kung nainis ka. Marami pa akong gagawin at di ka kawalan, chos!’
Sinimulan ko na nga sa paggawa ng research title dahil yun ang pinaka-unang kakailanganin ko bukas at saka ko isinunod yung iba…
At habang nasa kalagitnaan na ako ng aking ginagawa ay biglang nakarinig ako ng ingay mula sa sala. Si Mama yata…
At hindi nga ako nagkamali ng bigla siyang sumulpot dito sa kwarto at tanungin ako.
“Anong ginagawa mo riyan? Kumain ka na ba?” tanong niya.
“Gumagawa lang po ako ng assignments at saka tapos na po ako kumain,” tugon ko at tumango na lang siya at saka lumabas ulit.
Hindi ko naman na siya sinundan pa at bumalik na lang ako sa aking ginagawa…
Hanggang ilang oras pa ang lumipas at halos wala na ang liwanag sa labas kaya binuksan ko na ang ilaw dito sa kwarto…
Narinig ko ang pagtawag sa akin ni Mama mula sa kusina ngunit dinedma ko na lang muna siya at tinapos na agad ang ginagawa ko.
Nang mailigpit ko na ang mga gamit ko ay saka lang ako lumabas at nagtungo sa kusina…
“Kanina pa kita tinatawag. Tara na at kumain na tayo,” aniya pa habang may inilalagay sa mangkok.
“Tinolang manok ba yan?”
“Oo, kaya maghain ka na at para makakain na tayo,”
“Sige po,” tugon ko at mabilis na sinunod ang kaniyang utos.
Matapos kong maihanda ang kanin sa hapag ay sinimulan na naming kumain…at nagkwentuhan tungkol sa mga bagay-bagay. ‘Sana ganito lagi kasarap ang ulam.’
Mirrem’s Pov.
Matapos kong kumain sa jollibee ay diretso na akong umuwi at hindi na tinawagan pa ulit si Max. ‘Bahala siya sa buhay niya. Ayaw mag-i love you? fine! gwapo pa rin naman ako kahit wala siya, tss’
Naglaro na lang ako ng computer dahil wala rin naman akong ibang gagawin pa…At habang nasa ganoong posisyon ay hindi ko namalayang mabilis na lumipas ang oras. Nagulat na lang ako dahil nang lingunin ko ang wall clock ko ay alas sais na ng gabi…
‘Ang bilis ng oras…parang isang oras pa lang akong nakaupo.’
Kaya naman napagpasyahan kong i-off na ang cp at bumaba sa kusina. Pagkarating ko roon ay nakita ko si Remi na naghahanda na ng pang-hapunan…
“What’s the dinner for tonight? Mukhang may naisip ka nang lulutuin ah?” wika ko pa dahil nagsisimula na siyang maghiwa ng mga rekados.
“Ah Sir…tumawag kasi yung Mommy mo. She requested na magluto ako ng Sirloin steak dahil dito raw siya kakain,” at kahit pa nagulat ako sa sinabi ni Remi ay hindi ko iyon pinahalata. ‘I wonder what urge her to visit me.’
‘Knowing my mom…she never visits not unless she needs something. She’s too busy just to visit.’
“Really? You know how to cook Sirloin steak? Impressive!” kunwaring sagot ko na lang.
“Ganun talaga sir basta cook sa mga 5 star hotel. Dapat halos lahat ng dishes kaya mo i-offer. Ikaw sir do you have any request? Lulutuin ko para sayo,” aniya pa habang nakangiti at napaisip pa ako kunwari.
“Any filipino dish will do. I don’t mind kahit paksiw pa yan,” tugon ko at natawa naman siya.
“Okay po, as you wish,” tugon niya. Matapos no’n ay nagpaalam ako bago umakyat sa kwarto para maligo.
Alas syete pasado na rin ng dumating si Mommy kaya agad na kaming dumiretso sa kusina para kumain. Si Remi ay lumabas naman muna kaya naman kaming dalawa lang ang naiwan dito sa hapag.
Hindi naman ako masyadong umimik at inenjoy lang itong nilutong adobong manok sa akin ni Remi.
‘This is so good but the adobo that Max taught me is way more better,’
Namiss ko tuloy siya, kaso naiinis nga pala dapat ako sa kaniya, tss.
“How’s your work with the school?” pagbasag niya sa katahimikan kaya nag-angat tingin ako sa kaniya.
“What exactly do you wanna know?” prankang tanong ko na may bahid ng sarkasmo sa boses. Ngunit ngumiti lamang siya at nagkibit balikat.
“Nothing! I just want to know what’s going on with your day especially when you’re at work,” sagot pa niya at ibinalik ko naman ang tingin sa pagkain. ‘Sinungaling…tss.’
“About that… my day went perfectly fine. Nothing special…just fine,” sagot ko at saka sumubo ulit ng ulam at kanin.
“And how’s your relationship with Miss.Shiela?” tanong pa niya at agad na nagsalubong ang kilay ko.
‘She likes that girl that much for me and i hate it.’
“Relationship? tss. We’re just friends,” tugon ko na hindi naitago ang tabang sa boses.
“Friends?” kunot-noong sagot niya. “I thought everything’s going smoothly with the both of you? Why don’t you start courting her?” tunog nagsusuhestiyon pang aniya at salubong ang kilay na sinagot ko naman siya. ‘Ligaw agad?’
“I don’t like her. So why would I?” diretsong ani ko at mas lalong kumunot ang noo niya.
“Why? Do you like someone else? May I know who is this lucky person?” aniya na pinagka-diinan pa ang word na person. ’ Yan ang hinding-hindi ko sasabihin sayo.’
‘I really know that she’s not just going to visit. She’s here to interrogate me for some reasons.’
“There’s no lucky person, Mom. And I’m busy with my career. So please stop this nonsense questions!” may bahid ng inis na sagot ko.
’As if I’m gonna believe that,“ at tumawa pa siya ng mahina. “It’s okay that I don’t know about it yet… but make sure that person got deep pockets like you do,” makahulugan pang dagdag niya at hindi naman ako nagpatinag.
At matapos no’n ay saka siya tumayo sa kinauupuan niya at nagpaalam…
“Gotta go…” aniya at tinitigan pa ako at nginitian. “I’m really glad you grew up this handsome,” dagdag pa niya bago lumabas ng kusina at iwan ako roon.
Napairap pa ako sa hangin at gitil na isinubo ang pagkain ko. ’ Til now what she cares about is just money’
Nang matapos akong kumain ay agad kong nilisan ang kusina at hinayaan ang mga pinagkainan ko roon. ‘I just wanted to rest.’
Max Pov.
Kinabukasan…
Maaga akong gumising ngayon dahil lunes na naman at may pasok na ulit. Hindi naman ako nagpatumpik-tumpik pa at nagligpit na ako ng higaan at saka naligo…
Matapos gawin iyon ay naglagay lang ako ng sunscreen at mascara at saka ko sinuklay ang mahaba-haba ko nang buhok na umaabot na sa balikat ko.
Matapos no’n ay isinukbit ko ang bag ko at dinala ang iilan sa activities ko at saka lumabas ng bahay. Sinigurado ko pa munang sarado at patay na ang lahat dahil baka warlahin akes ng nanay kong nakalunok ng machine gun. ‘Mahirap na, ma-sstress ang beauty ko, chos!’
At nang makasakay na ako ng bus ay bigla kong naisip ang laptop na kakailanganin ko para mamaya. ‘Paano kaya ako hihiram no’n?’
‘Pero meron naman nun sa Com Lab e. Magpapaalam na lang ako sa subject niya na lalabas ako para humiram.’
Mabilis ang daloy ng trapiko ngayong umaga kaya naman hindi rin nagtagal ay narating ko na ang Imperial college…
Nang marating ko ang room namin ay inilapag ko na lang muna ang gamit ko at nag-recap sa tinalakay namin nung nakaraan para sa first subject…
At maya-maya pa ay nag-datingan na ang classmates ko hanggang sa magsimula na ang klase…
Naging mabilis lang ang oras at natapos na ang first subject at sumunod na ang second subject namin.
Pagpasok ng prof namin ay agad siyang bumati at gano’n din naman kami. Nang paupuin kami ay nanatili akong nakatayo at itinaas pa ang kamay ko upang kunin ang kaniyang atensyon.
“Yes mister?” aniya at nahihiyang sumagot naman ako.
“Garcia, miss?” ani ko.
“Okay, Mr. Garcia? What do you need?” tugon nito at nagpaalam naman ako.
“I need to go to com lab to borrow laptop miss…for our discussion,” wika ko at mabilis naman siyang tumago.
“Okay…make it fast,” sagot niya kaya naman mabilis akong lumabas at nagtungo agad sa com lab.
Ngunit nang makarating ako roon at makapag-paalam na manghihiram ay sangkatutak na log papers at log book ang sinulatan at pinermahan ko.
“Please sign this receipt,” wika pa ng babaeng nagbabantay at may inaabot sa akin na resibo.
Kinuha ko naman iyon at pinermahan sa tinuro niyang parte at ibinalik sa kaniya.
“Okay na po ba, Miss?” tanong ko pa habang bitbit ang laptop na nasa loob ng bag nito.
“Yes, you may go. Don’t forget to return it before 12pm,” aniya pa at tumango naman ako bilang tugon.
Napatingin pa ako sa oras at halos kumain din iyon ng kinse minutos kaya naman pagdating ko sa classroom ay nagsisimula na sila…
Nang makita ako ng prof sa labas ay sinenyasan niya lang ako na pumasok na siya namang ginawa ko. Dumiretso ako sa tabi ni Xavier na siyang busy na rin sa laptop niya.
“Kanina pa kayo nagsimula? Saan na kayo?” bulong ko kay Xavier at sumagot naman siya.
“Kakasimula lang din naman. Ba’t ba ang tagal mo?” pabulong din na tugon niya.
“Mamaya na ’yan. Turuan mo muna ako,” patungkol ko sa kinakalikot niya sa laptop.
Kaya naman kinuha niya ang laptop ko at binuksan iyon. At may pinagpi-pindot pa siya ron bago iyon ibigay ulit sakin…
“Here,” aniya pa at inilahad sa akin ang laptop.
Ngayon ay nakikita ko na sa laptop ang nasa projector screen sa harapan. Nagpa-salamat naman ako sa kaniya at saka nagpatuloy sa pakikinig dahil marami-rami na rin akong kailangang habulin at intindihin…
Ilang minutos pa ang lumipas at halos patapos na ang subject kaya nagpaalam na siya…
“Okay…since it’s almost time. I’ll just gonna end it here. But, tomorrow… I want to check your research topic. So prepare it tonight, okay? Class dismiss,” mahabang sabi pa niya at mabilis pa sa hangin na nilisan ang classroom.
‘Buti na lang may nahanda na ako nung linggo…pero dadagdagan ko pa rin just in case…’
Hindi na namin hinintay na tumunog ang bell at naglabasan na kami dahil breaktime na rin naman ang sunod sa subject naming iyon. Dumiretso ako sa canteen at bumili lang ng chips at saka iced tea.
Nagulat ako dahil habang nasa counter ay may biglang sumulpot sa likod ko.
“Iniwan mo’ko, tss!” aniya sa pabulong na paraan at sa boses pa lang ay kilalang-kilala ko na.
“Sorry naman. Gutom na kasi e,” tugon ko kay Xavier na batid kong nakasimangot ngayon kahit hindi ko pa nililingon.
Hinintay ko pa siya saglit na makabili at saka kami naupo… ‘Pag nakita na naman tayo ng bakulaw. Yari na naman ako, tsk!’
Hindi ako tumabi sa kaniya at naupo sa tapat ng inupuan niya.
“Gutom ka pero yan lang kakainin mo?” aniya nang makitang chips at iced tea lang ang binili ko.
‘Eh wala naman kasi akong pera pambili ng heavy meals dito.’
“Di naman kasi ako sobrang gutom. Sakto lang,” tugon ko at sininghalan niya lang ako at inirapan. ‘Problema nito?’
“Ba’t ba nagagalit ka? Di naman kita inaano,” natatawang tanong ko pa. ‘Haba talaga ng hair ko, eme!’
“Pinapabayaan mo sarili mo,” aniya pa at napanguso naman ako kunwari. ‘Pinapabayaan daw, haha. Sobra sobra naman to sa alaga ng bakulaw uy, haha chos!’
“Hindi naman ah?” tugon ko at nag-iwas tingin lang siya. ’
Hindi naman siya sumagot kaya napalingon ako sa paligid at saktong nagtama ang paningin namin ni Mirrem na nakaupo sa di kalayuan at nakatanaw sa akin…
Hindi masama ang tingin niya ngunit hindi ko rin masabing normal na tingin lang iyon. Nararamdaman ko pa rin ang paninindak niya sa tingin na iyon…
‘Patay na…yari na naman ako sa selos mode niya. Pero anong magagawa ko? Hindi naman ako ang lumapit e.’
Kaya naman napa-iwas tingin ako at ibinalik ang tingin ko kay Xavier na ngayon ay nakatingin na pala sa akin…
“Naisauli mo na ba yung laptop?” tanong niya at nanlaki ang mata ko dahil nakalimutan ko na ang tungkol don…
“Oo nga pala!” mabilis akong tumayo at nagpaalam.
“Mauna lang ako sayo. Kelangan ko na pala isauli yon buti pinaalala mo,” aligagang sabi ko at mabilis na nilisan ang canteen at bumalik sa classroom.
Hindi naman gano’n kalayo ang classroom mula sa canteen kaya naman mabilis ko lang din na narating iyon… Agad kong kinuha ang laptop at inayos pa muna ang charger no’n sa loob ng bag at saka binitbit iyon.
At habang naglalakad na sa hallway ay naalala ko ang receipt kaya tinignan ko pa iyon sa bag nang may bigla akong mabanggang tao…
’Buti na lang di ko nahulog yung laptop!“
“Sorry!” agaran kong sabi at pagtingala ko ay isang bakulaw ang nakita ko.
“Ba’t kasi paharang-harang ka diyan? Nabangga tuloy kita, tsk!” masungit na dagdag ko pa at natatawa siyang sumagot.
“What’s the hurry?” aniya pa at isinenyas ko ang laptop.
“Need ko kasi isauli ’to sa com lab,” tugon ko at tumango-tango naman siya.
“Mauna na ako ah?” paalam ko at tumango naman siya kaya naman mabilis akong naglakad at tinungo ang daan papuntang com lab.
’Ano kayang nakain no’n? Ni hindi man lang nangulit ah? May sakit kaya ‘yon?’
Kanina pa natapos ang breaktime namin at ngayon ay narito na si Mirrem at nagtuturo na ng math subject. Hindi ko alam pero parang ang wirdo niya ngayong araw. Pero habang tinitignan ko siya ngayon ay wala naman akong makitang mali…
Pilit kong binabasa ang reaksyon sa mukha niya ngunit lahat naman ng iyon ay normal. Ngumingiti naman siya at hindi naman mainit ang ulo ngayon pero parang ang wirdo talaga niya sa’kin. Hindi kaya nag o-overthink lang ako?
Pero kung may problema man kaya siya? Ba’t kaya hindi niya sinasabi sa’kin? O baka sa’kin siya galit dahil dun sa kahapon? Pero hindi e… nagpansinan pa nga kami kanina, tsk. Ang hirap naman ng ganito. Ba’t ba masyado akong naapektuhan ng mga kilos niya?
Nag-isip pa ako ng nag-isip hanggang sa nabalik lang ako sa ulirat ng may tumapik sa akin na kaklase ko at pinagtawanan nila ako.
“Our baby is spacing out again…” pabirong sabi pa niya at bumuntong hininga pa kunwari kaya nahihiyang ibinalik ko ang tingin sa harap ng pisara.
‘Normal lang pala talaga siya. Nang-aasar naman e. Ako lang talaga ang nag-overthink, tss!’
“Now…I really wonder ano ba talagang meron diyan sa bintana at halos lagi kitang nadadatnan na nakatingin diyan,” dagdag pa niya at kahit walang nakakatawa ay tumawa ang kaklase ko.
’Kainis ‘tong bakulaw na’to ah. Di niya alam na siya ang iniisip ko rito kanina pa!’
‘Yari ka sa’kin. Suspended ang kiss ng isang buwan.’
Mabuti na lang ay hindi niya na dinagdagan pa iyon at nagpatuloy na lang sa klase…
‘Kinginang yan, nakakahiya jusko!’
CHAPTER 49
Max Pov.
Kinabukasan…
Ngayon ay nasa school na ako at malapit na ring matapos itong first subject ko kaya naman naghahanda na ako para manghiram ulit ng laptop sa Com Lab para sa aming second subject…
Nang dinismiss ng prof namin ang klase ay sumabay ako sa kaniyang lumabas upang dumiretso na sa Com Lab.
At gano’n pa rin ang nangyari kagaya ng kahapon. Natagalan ako sa dami ng pinirmahan kaya naman pagdating ko sa classroom ay 5 minutes late na ako.
“Where have you been, Mr. Garcia?” tanong pa nito ng makita akong nakatayo sa harap ng pinto.
“I borrowed a laptop for our discussion, Miss,” nahihiya na sagot ko sa kaniya at tumango naman siya.
“I see…get inside and sit down,” aniya at mabilis naman akong sumunod sa kaniya upang makahabol sa kanila…
Kagaya ng kahapon ay si Xavier ang nag-navigate sa laptop at diniretso ako sa continuation ng topic namin kahapon…
“Pumayag ka na kasing bilhan kita ng laptop para di ka nahihirapan,” bulong pa niya at umirap naman ako kunwari.
“Tumigil ka nga…hindi naman pinupulot ng magulang mo ang perang binibigay nila sayo no,” sagot ko sa kaniya at napasimangot naman siya.
Hindi ko naman na siya pinansin at saka ako nag-notes dahil mahirap na…ulyanin pa naman.
nai-drawing ko pa ang ibang icons niyang tinuturo at ang function nito. akala ko pa naman basic lang ang powerpoint, hindi pala…
mabilis lang din naman lumipas ang oras at tumunog na ang bell sa labas kaya naman agad niya kaming dinismiss.
“Goodbye class. Don’t forget to prepare another research topic and titles for those i didn’t approved today,” aniya pa at mabilis na umalis at naglabasan naman na ang mga kaklase ko.
“Kain na tayo…gutom na ako,” wika pa ni Xavier na nasa gilid ko. Agad naman akong sumagot.
“Mauna ka na sa canteen. For sure marami ng tao ro’n. Ihahatid ko pa kasi to e,” tugon ko
“Samahan na kita,” aniya pa at agad naman akong tumanggi.
“H’wag na… mauna ka na ro’n at susunod na lang ako.”
“Okay…bilhan na lang kita foods para di ka na maglinya,” sabi pa niya at tumanggi naman ako. ‘Nako, nakakahiya!’
“H’wag na…hintayin mo na lang ako, okay? baka kasi hindi ko magustuhan yung bilhin mo… sayang naman diba?” pagdadahilan ko pa at saka siya nginitian.
“Fine! mauuna na ako. Hihintayin kita ro’n,” at tumango lang naman ako at saka tumalikod upang dumiretso na sa Computer Lab. ‘Para namang hindi siya makakakain ng wala ako? tsk’
At habang naglalakad papunta ro’n ay nakasalubong ko na naman si Sir. Mirrem na mukhang papunta na rin sa canteen. ‘Hindi talaga maiiwasan na makasalubong ko siya dahil malapit dito yung office nila.’
“Hi…where are you going?” tanong niya nung magkalapit kami.
“Diyan lang sa Computer Lab sir. Ihahatid ko pa kasi ’to e,” tugon ko na itinuro pa ang isang banda na para bang ando’n ang com lab at isinenyas ang laptop.
“I see… sabay tayo kumain. I’ll save you a seat,” aniya pa at binigyan ko naman siya ng makahulugang tingin.
“Alam mo namang hindi pwede ’yan e, diba?” at binigyan niya lang ako ng inosenteng tingin.
“Doon naman ako uupo sa table niyo ni Xavier. So tell me, bakit hindi pwede?” at itinaas pa niya ang isang kilay na para bang hinahamon akong sumagot. ’Ayaw talaga papigil ng isang ‘to. Yari ka talaga sakin pag tayo na lang dalawa. Di ka talaga makakatikim ng lambing.’
“Bahala ka na nga. Kumain ka na ro’n at isasauli ko pa ’to,” inis kunwaring sagot ko at tumawa pa siya ngunit tinalikuran ko na siya at mabilis kong nilakad ang natitirang distansya ng Com Lab mula sa kinatatayuan ko.
Nang makarating ako ro’n ay gano’n pa rin. Pumirma ako ng sangkatutak na forms at ni-log out ko pa iyon sa logbook dahil paraan daw iyon para ma-trace kung sinong hahanapin incase may mangyari sa mga laptop.
Halos ilang minutos din iyon dahil pino-photocopy pa niya ang mga pinirmahan ko at binibigyan ako ng copy no’n. Mga T&C’s lang naman ’to at ito talaga ang nagpapatagal ng transaction. ‘As if naman may magagawa ako diba? Comply na lang at magpasalamat dahil nakakahiram ng laptop.’
Pagkarating ko sa canteen ay mahaba na ang linya sa bawat counter do’n. Nilingon ko pa ang table kung nasaan kami madalas maupo no’n nila Shin at doon ko ndiyanakita si Xavier na nakaupo na at nakatingin sa akin. ‘Buti wala diyan yung bakulaw, tss.’
Luminya naman ako sa isang counter at medyo matagal din bago ako nakarating sa unahan at nakapili.
“Isang sandwich at orange juice lang po,” pag-order ko na siyang binigay niya naman agad. Inabot ko ang bayad at mabilis akong umalis ng masuklian ako.
Pagka-upo ko sa table ay tapos na siyang kumain at nakatingin lang sa akin.
“Ang tagal mo…tapos na tuloy ako kumain,” aniya at ngumiti lang naman ako.
“Okay lang…natagalan ako kasi maraming pinapirmahan e,” tugon ko at napabuntong hininga siya.
“Sabi ko naman kasi sayong bibilhan na lang kita kaso ayaw mo,” wika pa niya at tumawa naman ako.
“Edi ma-oobliga akong sagutin ka pag pinayagan kitang gawin yon,” pabiro ngunit makahulugan kong sagot sa kaniya at inirapan naman niya ako.
“Ba’t ba kasi hindi mo na lang ako sagutin?” prankang sagot pa niya at tumawa naman muna ako bago sumagot.
“Maka-demand siya oh. Fyi…ikaw lang naman ang may gustong manligaw diyan. Di naman kita inutusan no,” tugon ko at nanatili lang siyang nakatingin sa akin na tila sinusuri ang buong pagkatao ko.
“At saka hindi ko gusto yung idea na sagutin kita para bilhan mo ko ng bagay na kailangan o gusto ko. Hinding hindi ako gagamit ng tao para sa pansariling interes ko lamang, Xavier. Hindi ko personality yun,” tugon ko at saka ngumusab sa sandwich ko.
‘Mamaya ipagkalat mo pang user ako, jusko! hindi ako gano’n mamatay man.’
Hindi naman na siya sumagot matapos no’n kaya naman nagpatuloy lang ako sa pagkain….
Nang matapos ako ay bumalik kami sa classroom na parang walang nangyari. Hindi ko naman dinibdib ang usapan naming iyon at mukhang gano’n din naman siya. ‘Hindi ko talaga magagawang dibdibin iyon dahil una sa lahat, wala naman ako no’n char!’
Nagpaalam pa siya na uupo na sa upuan niya at tumango lang naman ako at saka naghanda para sa math class….
’Paniguradong lakas trip na naman ‘to si bakulaw, tss’
At nang dumating siya ay agad siyang bumati at gano’n din naman kami. Matapos no’n ay saka niya kami pinaupo. Maya-maya pa ay sinimulan niya na rin ang pagtuturo.
Ngunit hindi pa masyadong tumatagal ay nanibago ako dahil biglang sobrang diretso ng topic ngayon at halatang-halata ang pagiging seryoso niya sa pagtuturo ngayon. Ni hindi ko napansin na ngumiti o nagbiro siya habang nagdidiskusyon sa amin kaya bigla akong napaisip. ‘May pinagdadaanan kaya itong si bakulaw? At kung meron man, bat kasi do’n siya dumaan? char!’
At hanggang sa matapos ang subject niya ay hindi talaga siya masyadong umimik at walang ngiti sa mukha niya ang sumilay. Kaya naman hanggang sa sumunod sa subject ay hindi iyon nawala sa isip ko pati na rin ngayong uwian na…
’Mas mahirap pa ‘to sa tinuturo niya sa math e, tsk!’
Nawala lang ako sa ulirat ng mag-ring ang phone ko kaya naman agad kong kinuha iyon sa bulsa ko. ’Nakakaramdam yata tong iniisip ko siya ah? Ba’t kaya tumatawag ‘to?’
“Oh? napatawag ka?” bungad na tanong ko.
“Come here. I need you,” sagot niya na may malambing at malumanay na boses. Hindi ko maiwasang mag-alala dahil hindi ko maramdaman ang saya sa boses niya.
“May problema ka ba?” diretsong tanong ko at narinig ko ang isang malalim niyang buntong hininga.
“Just come here, baby… to our usual spot,” malayo sa tanong na sagot niya kaya naman napabuntong hininga din ako. ‘May problema nga siya pero ano naman kaya?’
‘Di kaya makikipag-break na siya sa’kin?’
May kirot akong naramdaman sa isiping iyon ngunit agad kong iniwakli iyon. ‘Hindi dapat ako masaktan kung iyon man ang mangyari. Dapat pa akong matuwa dahil atlis wala ng kahati ang pag-aaral sa oras ko,’
“Sige…hintayin mo ko riyan,” sagot ko.
“Okay,” matapos niyang sumagot ay ibinaba ko na ang linya.
Matapos no’n ay nilapitan ko si Xavier para magpaalam dahil halos lagi na kaming magkasabay umuwi. ‘Baka magtaka siya kung bakit hindi ako sumabay sa kaniya ngayon at mabuking pa niya kami. No way! hindi pwede!’
“Xavier…di muna ako makakasabay sayo ah,” at agad na kumunot ang noo niya.
“Bakit?” tanong niya at agad naman akong gumawa ng palusot.
“Eh may babayaran pa kasi akong balance ko sa registrar e,” pagsisinungaling ko.
“Eh pwede naman kitang hintayin,” sagot niya at tumanggi na ako.
“Nako, h’wag na! baka matagalan ako e. At saka ngayon lang naman tayo di magkakasabay e,” sabay pumeke ako ng tawa para maniwala siya. ‘Umuwi ka na kasi at kelangan ko pang asikasuhin ang bakulaw e.’
“Pero mas —-” agad ko siyang pinutol sa gusto niyang sabihin.
“Ite-text na lang kita pag nakauwi na ako. Ano? ayos ba yon sayo?” suhestiyon ko ngunit hindi siya sumagot. “Saka ngayon lang naman ’to e… bukas sabay na rin naman tayo,” dagdag ko pa at bumuntong hininga siya.
“Okay…pero text mo’ko pag nakauwi ka na ah? Asahan ko ’yon,” aniya at saka umalis kaya parang nakahinga na ako ng maluwag. ‘Text lang pala ang kelangan ng abnoy, tsk’
Bago pa ako tuluyang lumabas ng room ay sinigurado ko munang wala na akong kaklase at saka ako pumunta sa tagpuan namin..
Pagkarating ko roon ay seryoso siyang nakatanaw sa kung saan kaya naman may naisipi akong bigla..
‘pagtripan nga natin hahaha!’
“Wahhh!” ginulat ko siya at halos malaglag siya sa bench kaya naman natawa ako.
“Jesus christ! what’s wrong with you?” asik niya at tatawa-tawa akong sumagot.
“Para ka kasing nalugi diyan. Ano bang problema mo at ang seryoso mo naman yata ngayon?” pabiro ngunit makahulugan kong sagot at inismiran niya lang ako. ‘Napikon?’
“Ano bang gusto ng baby ko? Gusto ba ng lambing?” pabirong bawi ko dahil na-guilty ako ng slight sa ginawa ko. ‘Pero natatawa pa rin talaga ako, eme!’
“Gusto ko magpahinga kasama ka,” mahinang sagot niya kaya naman mas lalo akong nagtataka sa ikini-kilos niya.
“Ano ba kasing problema? May sakit ka ba?” malakas ang boses na tanong ko pa sa kaniya at hahaplusin ko sana ang noo niya ngunit umiwas siya…
Nagkatitigan naman kami ng dahil do’n. ‘Infairness ang ganda talaga ng mata niya. Ngayon ko lang na-appreciate, chos!’
Mirrem’s Pov.
“Ano ba kasing problema? May sakit ka ba?” malakas ang boses na tanong niya ngunit hindi ako sumagot. ‘I don’t know how to tell him.’
Nagkatitigan kami at hindi ko pa rin magawang sabihin. Ni hindi ko maibuka ang bibig ko para magsalita…
“Alam kong may gusto kang sabihin…kaya sabihin mo na ’yan. Akala mo ba hindi ko napapansin yang pananahimik mo?” seryosong sabi pa niya at napanguso ako.
‘I can’t tell it cause it might scare him.’
“Nananahimik lang naman ako kasi ayokong may makahalata sa relasyon natin,” pagsisinungaling ko at nag-iwas ako ng tingin matapos sabihin iyon.
‘Natatakot lang ako na baka magkahiwalay tayo.’
Simula nung gabing binisita ako ni Mom ay hindi na na-kalma pa ang puso’t-isip ko. Alam kong may idea na siya tungkol sa’min at paniguradong may ginagawa na siyang plano para paghiwalayin kami.
‘Yun ang gusto kong sabihin pero natatakot ako na baka gawin na naman niya ang ginawa niya noon.’
Gusto kong sabihin na sana mas higpitan niya ang kapit ngayon kaso hindi ko talaga masabi… dahil paniguradong magtatanong siya patungkol do’n at paniguradong magdudulot ’yon ng takot sa kaniya.
“Hindi naman natin pinapahalata e. Maging normal ka lang kasi sa harap ko pag may mga tao. Ayan tuloy napa-paranoid ka,” tugon niya at napa-buntong hininga na lang ako. ‘He doesn’t get it.’
“Alam ko namang nahihirapan ka e…pero para rin naman to sa’ting dalawa. Hindi naman tayo habang-buhay magtatago…sasabihin naman natin sa lahat kapag ayos na,” dagdag pa niya kaya nilingon ko siya ngunit nakatingin siya sa kung saan.
’Kelan naman kaya ‘yan? hmmm’
“Really?” paninigurado ko at tumango naman siya at saka ako nilingon kaya nagtama ang paningin namin. Tinignan ko ang mga bilugan niyang mata at hindi ko alam kung bakit nakakabighani ang pagkinang no’n. Tila balong malalim na inaakit akong tumalon at magpakalunod.
“Oo naman. Tamang panahon lang naman ang hinihintay natin diba?” aniya pa at tumango naman ako.
“Kapag dumating ang tamang panahon na iyan… Ikaw ba ang magsasabi sa mundo na tayo na?” tanong ko pa at agad naman siyang tumango.
“Oo naman…gusto mo ipa-tarpaulin ko pa?” at natawa naman ako sa sagot niyan ’yon.
“Tarpaulin? pft!” natatawang sabi ko at inismiran niya ako.
“Oh bakit? Gusto mo bang gawin ko talaga ’yon? Baka nga ipa-billboard ko pa e. Pero pag-iipunan ko muna…mahal yata yun e,” tugon niya. Hindi ko batid kung seryoso ba talaga siya ngunit ramdam ko ang galak at tuwa sa puso ko ngayon.
Nagkatitigan pa kami matapos no’n at saka ako unti-unting lumapit sa kaniya.
“You don’t need to do that. Just stay with me…that’s all i ever need,” tugon ko at saka ko siya hinawakan sa baba upang halikan.
Banayad na halik pero puno ng emosyon. Mainit at masarap sa pakiramdam.
Nang bumitiw kami ay agad kong nakita ang nagbabanta niyang tingin.
“Iwas-iwasan mo ’yang ganiyang habit mo. Kung saan-saang lugar mo na ako hinahalikan,” aniya pa at natawa naman ako.
“Saan ba kita dapat halikan? Sa simbahan?” pabiro kong sabi at umirap naman siya.
“Bakit sa’n mo ba gusto? Sa sementeryo?” sarkastiko niyang sagot. ‘Panget talaga magbiro nito, tss!’
“Ayoko! di pa ’ko handa maging byudo no, tss!” inis kong sagot at natawa siya.
“Saka mo ’ko halik-halikan kapag ikinasal na tayo,” sagot pa niya at napangiti naman ako dahil pati pala siya ay naiisip na ’yon. ‘Dapat na ba akong mag-propose? hehe.’
“Nagagalit ka kapag ako ang humahalik sayo. Pero pag ikaw ang nahalik sa’kin tahimik lang ako,” tugon ko at pasigaw siyang sumagot.
“Anong hinalikan kita!? Never akong humalik sayo!” defensive niyang sagot at halos manlaki pa ang butas ng ilong dahil sa galit.
‘Pikunin talaga kahit kailan, haha.’
“Hindi raw…” pang-aasar ko at mas lalo naman siyang nagalit.
“Ang kapal ng mukha mo, Mirrem. Hindi pa kita hinahalikan…ikaw lang lang ang humahalik sa’kin,” tugon niya at sumang-ayon na lang ako. ’Baka magalit ang dragon. Mahirap pa namang suyuin ‘to.’
“Oo na…wag ka na magalit. Binibiro ka lang. Tara na kumain na tayo,” inirapan naman niya ako matapos kong sabihin ’yon.
“Pinapunta mo lang ba ako para may kasama kang kumain?” salubong ang kilay na tanong niya at umiling naman ako.
“Hindi…pinapunta kita dahil nami-miss kita, okay? Kaya kumain na tayo… marami akong dalang pagkain,” tugon ko at saka inilabas ang pagkain na inihanda para sa’kin ni Remi. Totoong marami akong dinala dahil pinlano ko na talaga ito kaso hindi ko naman masabi ang gusto kong sabihin.
‘H’wag lang sana talaga mangyari ang iniisip ko.’
“Pinlano mo ’to no?” at ngiti lang ang tanging naisagot ko kaya umismid lang siya at tinulungan akong i-ayos sa bench ang pagkain.
At saka namin sinimulan ang pagkain at kagaya ng nakagawian ay sinubuan na naman niya ako. ‘Ganyan ako kamahal ng asawa ko.’
Mabilis na lumipas ang oras at magre-remedial na naman ako kaya naman nagpaalam na kami sa isa’t-isa.
“Uwi na ako ah?” aniya pa at tumango naman ako.
“Take good care of yourself. Sorry din kasi di kita mahahatid,” tugon ko pa at ngumiti lang naman siya.
“Ayos lang ’yon. Sige na…uuwi na talaga ako. Pumasok ka na rin, okay?” wika pa niya at tumango lang ako. Maglalakad na sana siya ngunit agad ko siyang tinawag.
“Baby…” ani ko.
“Oh?” sagot niya.
“Where’s my i love you?” nakanguso kunwaring sagot ko at kitang-kita ko ang pagbuntong hininga niya.
“I love you…” aniya at pumeke pa ng ngiti. “Ayan? okay na ba?” dagdag pa niya at kunwaring suminghal naman ako. “Tss, pilit masyado. ’Wag na nga!” galit-galitang sabi ko.
“Joke lang eh…” agad niyang bawi at lumapit pa sa’kin.
“I love you,” dagdag pa niya at hindi ko napigil ang mangiti. Hindi ko alam pero kahit simple lang ang pagkakasabi niya no’n ay ang lakas ng epekto sa akin. Para bang may humaplos sa aking puso at may kung anong gumagalaw roon.
“I love you more,” sagot ko at napangiti rin naman siya.
“Pwede na ba akong umuwi?” tanong pa niya at isinenyas pa ang daanan gamit ang kaniyang hinlalaki.
“Sure, basta mag-ingat ka,” sagot ko pa at tumango naman siya.
“Yes naman!” at isinenyas niya pang muli ang daan kaya naman tumango na lang ako at hinayaan siyang makaalis. Nang mawala siya sa paningin ko ay do’n pa lang din ako naglakad pabalik ng office…
‘Kakaalis niya pa lang pero miss ko na siya agad.’
After 1 week…
Matapos ang dalawa kong subject ay narinig kong tumunog na ang bell kaya naman iniligpit ko na ang gamit ko.
Nang makalabas ako ay kagaya ng mga nagdaang araw ay nakasalubong ko na naman si Max kaya naman binati ko siya.
“Hi?” iniyuko ko pa kunwari ang ulo ko at bakas sa mukha niya ang gulat dahil hindi niya ako napansin.
“Nanggugulat ka naman,” aniya at natawa naman ako.
“Ako? hindi ah. Nag-hi pa nga ako,” mahinang sagot ko at ngumiti lang naman siya.
“Mag b-break ka na?” pag-iiba niya sa usapan at tumango lang naman ako.
“Yup, how about you?” tugon ko at tumango naman siya.
“Oo pero isasauli ko muna ’to,” at isinenyas niya ang laptop na dala niya.
‘Lagi kong napapansin na hindi siya nakakakain ng maayos dahil diyan sa laptop na yan, tss.’
“Is it necessary to return it exactly at this hour?” salubong ang kilay na tanong ko at tila napaisip siya.
“Uhmm, hindi naman—” pinutol ko siya.
“’Yun naman pala e… then let’s eat first before you return it,” wika ko at umiling siya.
“Hindi pwede… kasi pag hindi ko ’to naisauli ng exactly 12pm mabibigyan ako ng sanction,” sagot niya at ngumuso.
“You have plenty of time to return it later. You should eat now,” seryosong tugon ko at umiling siyang muli.
“Pag ginawa ko ’yan…makakaistorbo ako ng ibang subject. Wala naman akong ibang vacant na oras except sa breaktime ko,” tugon niya at napabuntong-hininga ako. ‘Kaya pala halos hindi kumakain para lang maibalik yung laptop sa Com Lab.’
“Return it during my class hour,” sambit ko pa at napataas kilay siya.
“Oh bakit?” takang tugon ko at sumimangot siya bigla.
“Edi sa subject mo naman ako laging male-late niyan,” tugon niya at nginitian ko lang siya.
“Okay lang ’yun. Atleast hindi ka na mahihirapan,” tugon ko at bumuntong hininga siya.
“Okay. Sige na isasauli ko muna ’to. Kumain ka na ro’n,” mahinang sabi niya na lumingon pa sa paligid.
“Okay, see you…” at saka ako nag i love you ng walang boses kaya naman napailing siya at natawa lang ako.
Kaya naman wala siyang nagawa kundi bigyan lang ako ng matalim na tingin bago siya tumalikod.
‘Nakakamiss talaga siya asarin.’
Matapos no’n ay nakangiti kong tinungo ang canteen at napagdesisyunan na doon na lang siya abangan
At nang makarating ako roon ay luminga-linga pa ako sa paligid. At saktong namataan ko si Xavier sa madalas nilang upuan kaya naman nilapitan ito.
Nag-angat tingin pa siya sa’kin na bakas ang pagtataka nung huminto ako sa harap niya, kaya naman nagsalita na ako. ‘Kung hindi lang din dahil kay Max di ako lalapit dito.’
“May i sit here?” tanong ko pa sa kaniya at kahit bakas ang pagtataka sa mukha ay tumango naman siya.
“Sure sir,” at isinenyas pa ang upuan kaya naman umupo ako ro’n mismo sa tabi niya. ’
Dito
ako uupo para parehas niya tayong hindi matabihan.’
Hindi naman kami nag-imikan kaya panandaliang tumayo muna ako at luminya para makabili ng pagkain. Hindi pa sobrang taas ng linya kaya agad din akong nakabalik.
“Want some?” isinenyas ko pa ang chips na binili ko ngunit tumanggi siya at isinenyas ang pagkain niya.
“no thanks,” at bumalik siyang muli sa pagdudutdot sa phone at pagkain ng tuna sandwich niya.
Halos ilang minutos din ang hinintay ko bago ko pa nakita si Max na papalapit na sa table at mukhang nagtataka dahil dito ako nakaupo. ‘Masyado kayong solo dalawa, mamaya ma-fall ka sa kaniya tss. Dapat makita mong mas gwapo ako sa kaniya.’
Nang makalapit siya ay ibinaba pa niya ang gamit sa lamesa ngunit bakas pa rin ang pagtataka sa mukha.
“Natagalan ka na naman ulit. Ang haba na ng linya oh,” bungad ni Xavier sa kaniya kaya nilingon ko ito. “Napagod ka ba? Ako na lang lilinya para sayo. Ano bang gusto mo?” tumayo pa ito sa kinauupuan niya ngunit tinanggihan siya ni Max.
“Ako na ang lilinya. At saka ako mapapagod? Parang hindi ko personality yan. Sige na bibili na muna ako…kayo na muna riyan,” aniya at saka mabilis na luminya.
Ilang minutos ulit ang hinintay namin bago pa siya makabalik at pareho kami ni Xavier na tapos nang kainin ang pagkain namin. Prente pa siyang umupo sa tapat namin.
“Tapos na kayo? Bilis niyo kumain ah,” pabiro pang sabi niya ngunit wala ni isa sa’min ang tumawa.
“Kung pumayag ka lang sana sa gusto ko edi sana hindi ka na nahihirapan,” biglang sabi ni Xavier sa tabi ko kaya nakunot ang noo ko. Ngunit pinigil kong lingunin ito at nanatili ang paningin ko kay Max.
“Saan? Do’n sa bibilhan mo’ko ng laptop? Magtigil ka nga!” may bahid ng inis na sagot ni Max at ngumusab pa sa sandwich niya. ‘Aba?’
“Bakit ba kasi ayaw mo? Hindi naman ako humihingi ng kapalit. Tulong ko lang naman yun sayo,” Sagot pa ni Xavier at do’n ko hindi napigilang tanungin ito.
“Talagang bibilhan mo siya ng laptop?” tanong ko. ‘Anong laptop naman kaya ang bibilhin nito sa asawa ko. Anak ng… uunahan pa akong dumiskarte ah?’
“Yes. I have my own money. So why not?” hindi tunog mayabang na sagot niya ngunit gano’n ang naging dating sa’kin.
“Tumigil ka nga, Xavier!” sambit ni Max na animo’y nahihiya.
“Alam naman ni Sir na nanliligaw ako sa’yo kaya bakit ako titigil? At saka tulong ko naman talaga yun sa’yo. Ikaw lang ang nag-iisip na hihingi ako ng kapalit,” tugon nito.
“Sabi ko naman sayong hanggang magkaibigan lang tayo e,” mahinang sagot ni Max. Paniguradong gusto niyang awayin si Xavier ngunit natatakot siyang mapahiya ito sa akin. ‘Ganyan nga. Ipagtabuyan mo ang pinagseselosan ko.’
“Hindi ako titigil sa’yo hangga’t hindi ko nakikitang may boyfriend ka na,” tugon lamang nito at doon nag-init ang tenga ko. ‘Ba’t ba ayaw tigilan nito ang asawa ko? Alam nang may asawa yung tao e.’
“Bahala ka sa buhay mo… di pa rin naman ako payag sa gusto mo,” tunog pinal na tugon ni Max at nabalot kaming tatlo ng katahimikan. Si Max ay nagpatuloy lamang sa pagkain. Gustuhin ko mang kulitin siya ay alam kong hindi siya matutuwa kaya pinanood ko na lang ang mga tao sa paligid habang nagpapalipas oras.
Nang matapos kumain si Max ay sabay-sabay na kaming tumayo at itinapon ang basura namin.
“I’ve got to go. See you both sa class,” paalam ko ngunit hindi na sumagot si Max at si Xavier ang sumagot sa’kin.
“See you sir. Pasensya ka na kay Max…nawala yata sa mood,” sagot pa nito nang makitang umunang lumabas ng canteen si Max. ‘Inasar mo kasi, tss.’
Tumango lang ako at hinayaan na lang din siyang sundan ang asawa ko.
Kahit nagseselos ako pagbibigyan kita dahil alam kong magagalit ang asawa ko pag gumawa pa ako ng eksena.
Max Pov.
Natapos nang lahat-lahat ang subjects namin at nag-uwian na lang ay hindi ko pa rin pinapansin si Xavier.
‘Bwiset siya! Pag nagtampo na naman yung isa hindi naman siya ang mahihirapang manuyo!’
Ngayon ay naglalakad na ako palabas at para itong asong sunod ng sunod at nangangalabit.
“Ano ba?!” inis kong sigaw sa kaniya ng kalabitin niya ako ulit.
“Sorry na kasi please? hatid na kita sa inyo,” tugon pa niya at pinandilatan ko lang siya ng mata.
“Neknek mo!” asik ko at saka siya tinalikuran ngunit mabilis siyang humabol at pinigil ako.
“I’m begging, Max. I will do anything,” bakas ang pagiging sinsero niya kaya naman napaisip ako sa sinabi niyang ’yon. ‘Pag ikaw fake news, papatumba talaga kita.’
“Anything?” makahulugan kong tanong at agad naman siyang tumango.
“Yes. Anything,” tugon pa niya at inirapan ko siya.
“O siya… tigil-tigilan mo yang kabaduyan mo, okay? At baka di kita matantsa. Lalong-lalo na sa harap ng ibang tao pati na kay Sir Mirrem. Di ka ba nahihiya? Gano’n ka umarte sa harap niya? Para kang sira. Ayoko ng gano’n, okay? Kapag ginawa mo pa yun….kotong ka sakin,” sagot ko sa kaniya at tumango lang siya na para bang ninanamnam ang galit ko.
“I’m really sorry. I promise I won’t do it again,” paumanhin pa niya at tumango lang ako.
“Sige na…sige na. Umuwi ka na at uuwi na rin ako,” pagtataboy ko sa kaniya ngunit agad siyang nag-offer.
“Sabay ka na sa’kin tutal madadaanan ko naman yung inyo,” aniya pa at agad naman akong tumanggi. ‘Pag nalaman na naman ng bakulaw na nagpahatid ako sayo magseselos na naman yun e.’
“Nako! H’wag na at sasakay na lang ako,” tugon ko ngunit hindi siya nagpatinag.
“Sumabay ka na sa’kin kasi… para makatipid ka rin sa pamasahe. Sige ka pag di ka sumabay bubuhatin kita,” pananakot niya at napairap ako sa katigasan ng ulo niya.
“Isang-isa ka na lang talaga sakin, Xavier. Makokotongan na talaga kita,” gitil kong sabi at tinawanan niya lang ako.
“Okay lang basta ki-kiss mo’ko pagtapos,” tugon pa niya at agad ko naman siyang binara. “Baka sapak gusto mo?” at isinenyas pa ang kamao ko.
“Ang brutal mo talaga sa’kin, Max. Wala ka bang sweetness sa katawan ha? Nasa’n na ba yung dating Max na kinikilig sa’kin? Palabasin mo nga!” wika niya at agad akong umalma.
“Kelan ako kinilig sayo aber?” Lakas mo ah?“ tugon ko at tumawa lang siya. “Sige lang kikiligin ka rin sa’kin–pagdating ng panahon,” aniya at ngumisi lang ako.
“Okay lang ’yan libre ang mangarap,” at agad akong sumakay sa kotse niya ng matanaw ko iyon ni hindi ko na hinintay na pagbuksan pa niya ako.
Nag-asaran pa kami habang nagda-drive siya at nang maihatid niya ako ay nagpaalam na siya.
“Uwi na ako ah?” at tumango lang ako sa kaniya.
“Wala bang kiss?” dagdag pa niya at inismiran ko lanh siya at isinenyas ang kamao ko.
“Ito ayaw mo ba?” sarkastikong tanong ko pa at umiling siya. “Sabi ko nga uuwi na ako,” tugon niya at natawa ako sa isip. ‘Masunurin naman pala e.’
Nang mawala ang sasakyan niya ay doon ko pa lang nilakad ang natitirang distansya mula rito sa kalsada papunta sa bahay. At habang nakatanaw roon ay agad na natuon ang paningin ko sa isang sasakyan na naka-park sa tapat ng bahay kaya nagtaka ako.
“Sino kaya ’tong nag park ng sasakyan sa tapat namin,” tanong ko pa sa sarili habang naglalakad papalapit sa bahay.
Bago ko pa tuluyang marating iyon ay nanlaki ang mata ko nang makita ang bumaba sa sasakyan. ‘Bakit siya nandito?’

