Hearts on Ice (boyxboy)
YorTzekai · 4 chapters · 5,244 words
Hearts on Ice (boyxboy)
Si Zaffron Lee Frelick o Zaff ang tinuguriang coldest guy sa kanilang campus o kung tawagin nila ay Ice Prince. Kung saan magkasama ang high school at college. Wala syang pakialam sa mga nasa paligid nya at ang tanging atensyon nya ay nasa mga kaibigan at pamilya lamang. Bukod dun wala na syang ibang pinapansin kaya napu-frustrate ang mga nagkakagusto sa kanya at mga gusto siyang maging kaibigan,ngunit may dahilan ang pagiging cold nya. Hanggang sa dumating sa buhay nya si Mako Perez,isang 6th year na bakla na binubully ng lahat,at hindi tanggap ng pamilya. Dahil sa isang insidente ay nagkrus ang landas nila at naatasan si Mako sa isang misyon,ang tunawin ang yelong puso ni Zaff. San hahantong ang lahat?
Started: August 6,2014
Episode one
Tinatamad akong bumangon,ang bigat ng pakiramdam ko. This is the third day of class. Ayoko ng pumasok pero lagot ako kina Mama at kuya.
Bakit ba ako tinatamad pumasok? Na bully ako sa school,nung unang araw binugbog ako,ang dahilan ko nung umuwi ay nahulog ako sa hagdan,pinagalitan pa ako nina Mama at Kuya. Ikalawang araw naman ay binuhusan ako ng tubig na galing sa bowl,pinagtawanan ako ng lahat,umuwi akong amoy tae,ang dahilan ko pag uwi? Nahulog ako sa kanal.
Ang bigat lang sa dibdib,hindi ko akalaing dadanasin ko ang mga iyon. Sa kwarto ko na lamang iniiyak ang lahat. Binubully nila ako,kasi bakla ako,hindi daw tanggap sa school nila ang ganun. Hindi din naman ako pwedeng magsabi kay Mama at kuya dahil mura lang ang aabutin ko at tatanungin ako ng dahilan,hindi ko pa kayang umamin na bakla ako.
Dahil sa bakla nasira ang pamilya namin,sumama si Papa sa childhood sweetheart nyang bakla na mahal na mahal nya.
Ano na naman kayang pambu-bully ang aabutin ko ngayong araw?
Bumangon na ako at lumabas ng kwarto para maligo. Nasa kusina sina Mama at kuya at nauuna ng kumain. Dumiretso ako sa banyo para maligo,pagkatapos ay pumasok sa kwarto para magbihis at muling lumabas.
Pag upo ko pa lang sa hapag ay ang sama na ng tingin ni kuya sa akin. Gwapo si kuya pero hindi ko ma appreciate kasi hindi nya ako pinapakisamahan bilang kapatid.
“Ang lamya mong kumilos! Bakla ka na din ba gaya ng ama mo?” sabi ni kuya na galit na galit. Napalunok ako sa takot.
“H-hindi po kuya. Medyo masama lang pakiramdam ko.” ang takot kong sagot.
“Siguraduhin mo lang dahil papatayin kita sa bugbog.” ani kuya at nagpatuloy sa pagkain. Nawalan na ako ng gana,gusto ko na lang magkulong sa kwarto at umiyak. Nakakasama ng loob,dapat sila ang dumadamay sa akin eh.
“Ang aga aga Kiesler. At saka kung bakla yang si Mako,ako unang didisiplina sa kanya.” ang pag singit ni Mama.
Pinilit kong kumain kahit na halos hindi ko na malunok ang kinakain ko. Iniinuman ko na lang ng tubig para malunok ko.
Nagpaalam na ako at lumabas ng bahay. Habang naglalakad papunta sa sakayan ng jeep ay napapaisip ako,sana naman mag absent muna sila sa pambu-bully sa akin. Ang bigat na talaga ng dibdib ko eh. Hindi ko na kinakaya.
Bakit pa kaya ako nabuhay kung naging ganito ako? Ni walang lumalapit sa akin para tumulong o makipag kaibigan. Kaya ako hindi na din sumubok,I isolated myself,binalot na ng yelo ang puso ko.
Kaya pagdating sa campus ay isinuot ko na ang maskara ko. Ang maskarang mukha na walang pakialam sa paligid. Hinanda ko na din ang sarili ko kung biglang may mambully sa akin.
Sana hindi na lang ako lumipat dito,sana nanatili na lang ako sa dati kong school. Maganda nga ang school na ’to. Halo ang high school at college,pero mga walang puso naman ang mga nag aaral.
Naglalakad na ako papunta sa building ng 6th year ng may bumunggo sa akin. Napadapa talaga ako sa semento.
“Im sorry.” sabi nung lalaki at tinulungan akong tumayo. Nanibago ako,ngayon lang may tumulong sa akin.
“O-okay lang.” ang nahihiya kong sabi.
“Sige! Bye!” at tumakbo na ito palayo. Napahinga ako ng malalim,gusto kong ngumiti dahil sa unang pagkakataon ay may nagpakita ng kabaitan sa akin sa school na ito.
Pinagpatuloy ko na ang paglalakad,bawat malampasan kong mga estudyante ay naghahagikgikan at nagbubulungan. Ipinagtaka ko iyon pero ipinagkibit balikat ko na lang.
Pagdating sa room ay natahimik ang mga kaklase ko. Hindi ko sila pinansin at naupo na ako sa upuan ko. Nagtatawanan sila,ramdam kong ako iyon pero ayokong patulan. Baka maiyak lang ako dito ng wala sa oras.
“So its true? Umamin ka na din na fag ka?” sabi ng kaklase kong babae. Hindi ko sya pinansin,hinding hindi ako papatol sa mga pangungutya nila. “Ay? Deadma kahit obvious na?”
Nagtawanan ang lahat. Dumating ang teacher at nag sipuntahan lahat sa kanya kanyang upuan.
Naglelecture na ang teacher ng may kumatok sa pinto. Napatingin ang lahat,nagulat ako dahil si kuya Kiesler pala iyon.
“Yes ijo?” sabi ng teacher namin.
“May ibibigay lang po ako kay Mako Perez.” sagot ni kuya Kiesler. Nagtataka man ay tumayo na ako at lumapit sa pinto.
“B-bakit po kuya?” ang kinakabahan kong tanong.
“Hindi ko alam kung tanga ka ba talaga? Iniwanan mo ang baon mo!” at inabot nya sa akin ang pera.
“Salamat kuya.” ani ko. Tumango sya at umalis na. Muli akong pumasok sa loob,nakatingin sa akin ang teacher at napailing.
Natapos ang araw na iyon na nagtataka ako dahil walang nambully,maliban lang sa mga tawanan nila pag dumadaan ako. Mukha siguro talagang katawa tawa ang mukha ko kaya ganon.
Pagdating sa bahay ay naabutan ko si kuya Kiesler na nanonood ng tv. Nilampasan ko sya,bubuksan ko na ang pinto ng kwarto ko ng maramdaman ko sya sa likod ko,para syang may kinuha sa likod ko kaya humarap ako.
“Totoo ba?” galit nyang tanong. Gumapang na naman ang takot ko sa buong katawan.
“Ang alin kuya?” takot kong tanong.
“Totoo ba ’to? Na bakla ka?” at ipinakita nya ang papel. “Nakalagay to sa likod mo.”
Nanginginig na kinuha ko ang papel. Ang nakasulat doon ay “IM REALLY A FAGGOT,IM WILLING TO SUCK AND BE FUCKED.”
“H-hindi ko alam yan kuya.” ang naluha kong sagot. Kaya pala ako pinagtatawanan,may nakadikit sa likod ko.
“Umamin ka gago!!” sinapak ako ni kuya. Nauntog ako sa pinto. “Hindi pwede ang bakla dito!”
Sinuntok ako ni kuya sa sikmura. Napaluhod ako at nahirapang huminga.
“K-kuya. H-hindi k-ko sadyang–” at sinipa ako ni kuya. Lalo akong nahirapang huminga,ang hirap din umiyak dahil nanigas ang aking sikmura.
“Hindi mo sinasadyang maging bakla? Nakakahiya ka gago!” kinwelyuhan ako ni kuya at ini angat. Nasasakal ako,pakiramdam ko ay mamamatay na ako. “Dapat sa mga bakla pinapatay!”
Binuksan ni kuya ang pinto ng kwarto ko,ihinagis nya ako sa loob at sinipa pa.
“T-tama na po kuya.” halo na ang luha,sipon at pawis ko. Ngayon lang ako ginanito. Pakiramdam ko ay hindi kami magka dugo,pakiramdam ko ay para lang akong hayop na kung kailan gustong patayin ay pwedeng patayin.
“Hindi ka pwedeng lumabas ng kwartong iyan hanggang bukas ng umaga!” at pabalibag nyang isinara ang pinto.
Umiyak lang ako ng umiyak. Bakit ganito? Kasalanan ba talaga maging bakla? Wala naman akong sinasaktang tao ah?
Sa sobrang sakit ng katawan ay sa lapag na ako nakatulog. Nagising ako ng may bumuhos na malamig na tubig sa akin kaya napabalikwas ako.
“Kung ipagpapatuloy mo ang pagiging bakla,hindi lang iyan ang mararanasan mo! Bumangon ka dyan at pumasok na sa eskwelahan!” sigaw sa akin ni Mama.
Ang sakit lang,sarili kong pamilya ang gumagawa sa akin ng mga ganito. Imbis na sila ang magpoprotekta sa akin ay sila pa ang nagsisimula ng pangungutya.
Tumayo ako at lumabas ng kwarto,nasa kusina na ulit sila. Masama ang tingin sa akin ni kuya Kiesler,natakot ako. Nanginig ang mga tuhod ko. Agad akong pumasok sa banyo,habang naliligo ay hindi ko na naman maiwasang maiyak dahil sa miserable kong buhay.
Pagdating sa school ay para na akong walang buhay. Kung may mang bubully man sa akin ay wala na akong pakialam,papabayaan ko sila,tutal kahit ang pamilya ko ay walang pakialam sa akin.
Nung recess na ay may isang grupo na lumapit sa akin sa pwesto ko sa cafeteria. Kinabahan ako pero hinanda ko na ang sarili ko.
“Ano ba ang dapat ginagawa sa mga fag?” sabi ng isang babae.
“Ano nga ba? Ewan ko ba kung bakit tinanggap yan sa school na ito eh. Sya lang ang fag dito.” sabi naman ng isa pa.
Napalunok ako,ang lakas ng kabog ng puso ko. Napatingin ako sa paligid,may mga college students din. Napatingin sa akin ang isang gwapong lalaki,tinitigan nya ako.
Kumunot ang noo nya at naramdaman ko na lang na may umaagos na sa ulo ko hanggang sa mukha. Basang putik pala.
“Yan ang bagay sayo! Mag drop out ka na! Hindi ka bagay dito. Kasalanan sa Diyos ang pagiging bakla!” sigaw ng isa at nagtawanan ang lahat.
“Or mas better,tutal naman walang ginawang bakla ang Diyos ay magpakamatay ka na! Magpakamatay ka!”
Tumayo na lamang ako at nakayukong naglakad palabas ng cafeteria. Patuloy pa din sila sa tawanan at sa mga sinasabi nila.
Hindi ko na kaya. Ayoko na,kung palagi lang ganito,mas mabuti pa nga sigurong mawala ako.
Dumiretso ako sa room,pinagtitinginan na naman ako,wala akong tigil sa kakaiyak,hindi na ako nag abalang tanggalin ang putik sa ulo at mukha ko. Kinuha ko ang bag at lumabas. Nagpunta ako sa garden,kumuha ako ng papel at nagsimulang magsulat.
Nakapag desisyon na ako. Tatapusin ko na ang paghihirap ko. Sigurado akong tama sila na hindi na dapat akong mabuhay pa.
Nang matapos magsulat ay tiniklop ko ang papel at inilagay sa bulsa ng polo ko. Pinilit kong alalahanin ang mga masasayang nakaraan pero wala. Nanatili ako sa garden hanggang dissmissal.
Hindi muna ako uuwi,pupuntahan ko na ang pakay ko. Sumakay ako ng jeep papunta sa pinaka malapit na MRT Station. Nang makakuha ng card ay bumaba na ako para maghintay sa dadating na tren.
Marami ang nag aabang gaya ko,mga galing sa mga school nila,yung iba mukhang mag gagala lang. Buti pa sila walang problema,buti pa sila masaya.
Nang makita ko na ang tren na palapit at mabilis na umaandar ay huminga ako ng malalim. Humakbang ako at pumikit,malapit na ang tren.
Sa wakas matutupad na ang gusto nila. Matatahimik na sila.
“Bata! Huwag!!” dinig kong sigaw ng isang lalaki. Alam kong titigil ang tren,pero mas mainam na bago tumigil ay tamaan na ako.
Agad akong tumalon habang nakapikit.
Kasunod nun ay alam kong tumalsik ako sa harapan. Napangiti ako. Salamat at tapos na.
Tuluyan na akong pumikit para pagbigyang lamunin ako ng kadiliman.
AN/ HELU? :3 comment po kung nagustuhan nyo! XD
Episode two
ZAFF ~
Nandito ako ngayon sa cafeteria at kasama ang mga tropa ko dahil break na namin. Pili at bilang lang ang mga kaibigan ko,apat lang kami sa grupo. Im not a sociable person,hindi ko hilig maki mingle sa ibang tao,Im aloof and cold,that’s why binansagan nila akong Ice Prince.
To be frankly honest,I don’t like this school,there’s so many bitch,famewhore’s at mga kulang sa pansin. Worse,magkasama ang College and High school.
Bangka si Jave sa usapan kaya nagtawanan ang tropa. Napatingin ako sa paligid,mas madaming high school ang kumakain dito,next time sa iba na lang kami kakain.
Habang tinitingnan ko ang paligid ay napako ang tingin ko sa isang bata,I think nasa 6th year na sya,pinapalibutan sya ng mga babae. Laganap sa school na ito ang bullying,mabubuli ka kung isa kang nerd,mahina o isang bakla.
Napatingin sa akin yung bata,nangunot ang noo ko ng makita kong binuhusan sya ng putik sa ulo nung babae. Bad,that’s too bad.
Yumuko lang ito,gumalaw ang mga balikat at saka tumayo at lumabas ng cafeteria,again napailing ako.
“Mga high school talaga!” sabi ni Bench.
“Kilala ko yung binully nila,classmate ng pinsan ko. Hindi daw tanggap yun ng pamilya nya kasi bakla,at kahapon umuwi syang may nakadikit na papel sa likod,tas kanina pumasok ng namamaga ang mukha at hindi daw makaka kilos,binugbog siguro ng kuya nya.” sabi naman ni Kloti.
“Syempre! Bakla kaya ganon!” pag sabat naman ni Jave at tumawa pa. Sometimes,I just want to staple his mouth,such an idiot guy.
“Kawawang bata,naging bakla pa.” sabi ni Bench at pumalatak pa. Ako ay nanatiling tahimik.
I hate this school,it really sucks!
Nang dissmissal na ay nauna na ang tropa,ako naman ay may isinauli pang libre sa library. Coding ako ngayon kaya hindi ko dala ang kotse ko. Ito lang ang nakakainis,makikipag siksikan na naman ako sa MRT.
It was 7PM at ang dami ng tao sa MRT Station,habang nag aabang ng tren ay tumingin ako sa paligid. Nakita ko yung bata na nabully kanina,malungkot at mukhang malalim ang iniisip.
Ang hirap pala ng buhay ng mga bakla,lalo na at hindi tanggap ng pamilya. I wonder kung paano ang batang ito pag nasa bahay na?
Nakita kong palapit na ang tren,moderate na ang andar pero delikado pa din kung matatamaan ka. Nilingon ko ulit yung bata,nanlaki ang mga mata ko at nagtayuan ang mga balahibo ko.
Shit! He’s not gonna do that!
Tumingin ako sa paligid,walang nakapansin. Fuck?!
“Bata! huwag!!” sigaw ko. Ngunit huli na. Nakapikit syang tumalon at sumalpok sa harapan ng tren. Tumalsik sya sa unahan at bumagsak sa riles.
Nanigas ako. Para akong naubusan ng dugo. Nataranta at nagsigawan ang mga tao.
“Tabi! Tabi! Dadalhin ko sya so ospital!” tumalon ako sa riles. Nilapitan ko ito na wala ng malay at naliligo sa sariling dugo. “Shit! Shit! Don’t die!”
Binuhat ko ito ng dahan dahan,nadinig kong may tumawag ng ambulansya,wala na akong pakialam kahit magka dugo na ang damit ko. Kailangang mabuhay ng batang ito.
Humihinga pa naman sya pero mahina na. Dali dali akong naglakad habang buhat sya,nadinig ko na sa baba ang sirena ng ambulansya.
Nang mailagay sya sa stretcher at pinasok na sa ambulansya ay sumakay na din ako. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
Bakit nya ginawa yon? Hindi na ba nya kaya? Wala ba syang mapagsabihan ng mga nangyayari sa kanya.
Nasan ba ang pamilya nya? Bakit nagkaganito ang anak nila? I wanna shot them dead right now! Fuck! Ngayon lang ako nagkaganito.
“Humihina na ang tibok ng puso nya!” sabi nung isa. Biglang may nalaglag na papel mula sa bulsa ng polo nung bata.
Kinuha ko ito at inilagay sa bulsa ko. Hawak ko din ang mabigat nyang bag,it only means na lagi nyang dala ang mga libro nya,nag aaral syang mabuti. Pero bakit nya ito ginawa?
Pagdating sa ospital ay agad syang dinala sa emergency room. Naghintay ako sa waiting area.Then naisipan kong tawagan ang parents ko para ipaalam ang nangyari,pupunta daw sila dito sa ospital.
Bigla kong naisip ang sinabi ni Kloti,at gusto kong murahin at sisihin ang pamilya ng batang iyon.
“Sino kamag anak nung high school?” sabi ng duktor.
“Dok,hindi ko po sya kilala,dinala ko lang dito,pero papunta na ang parents ko.” ang kinakabahan kong sabi.
“Ililipat namin sya sa OR. Please do find his identity. Babalikan kita mamaya.” at umalis na ang duktor. Taranta kong binuksan ang bag nung bata,agad kong nakita ang ID nya.
MAKO S. PEREZ
6th year - D
Tiningnan ko ang address at contact number. Nanginginig ako,pero ayokong ako ang tatawag sa mga magulang nito dahil baka mamura ko lang. I’ll wait for my parents,I will let them do the job.
Dumating nga sina Mama at Papa,they asked me what happen at sinabi ko lahat,they also asked the reason at sinabi ko kung anong sinabi ni Kloti.
Ilang saglit pa ay kausap na ito ni Mama sa phone nya,si Papa naman ay kinausap ako.
“Matindi na talaga ang bullying. Dapat ng matigil iyan. Kaya ikaw Zaff,don’t ever bully anyone.” ani Papa.
“I won’t.” sagot ko. Bakit ako mangbu-bully? Ni hindi nga ako namamansin ng mga tao sa paligid ko.
Muling lumabas ang duktor at sinabi ko ang pangalan ni Mako,sinabi naman ni Mama na papunta na ang pamilya nito.
“Natahi na namin ang ulo nya. We found out na may mga bali na syang buto bago ang insedente,may mga galos at pasa din sya. Ililipat natin sya sa private room,he’s stable now pero kailangan bantayan baka may side effect ang pagkaka bagok nya. Im glad na nadala agad sya dito at naagapan,he’s too young.” mahabang sabi ng duktor.
“Salamat dok.” ani Mama at nagpunas ng luha. Why is she crying?
Nang mailipat si Mako sa private room ay umalis sina Mama at Papa,may gagawin daw sila,ako daw muna ang magbantay hanggang sa dumating ang pamilya ni Mako.
May naka kabit na tube sa kanya,para siguro sa paghinga nya. Kinuha ko ang isang monoblock at nilagay sa tabi ng hospital bed saka ako naupo dito. Bigla kong naalala yung papel kaya kinuha ko sa bulsa ko,isa pala itong suicide note.
Mama at Kuya Kiesler,
Patawarin nyo po ako kung hindi ako yung ini expect nyong maging ako. Itinago ko naman po at pinigilan ang pagiging ganito,pero hindi po pala madali. Alam ko na sobra ang galit nyo sa akin dahil kay Papa. Nag aaral naman po akong mabuti pero sadyang hindi po siguro sapat para maging proud kayo sa akin.
Lagi po akong pinagtutulungan sa school,pero hindi ko sinasabi sa inyo tuwing uuwi akong may pasa o madumi o mabaho. Umaasa po kasi ako,na kahit anong bagyo at pasakit ang danasin ko sa school ay pagdating ko sa bahay may yayakap at mag aalo sa akin,ngunit hindi naman po iyon nangyari. Pero gusto ko pong malaman nyo na mahal na mahal ko kayo.
Alam ko naman po kung anong magpapasaya sa inyo kaya gagawin ko na. Para lang po kayo ay sumaya. Ang kaligayahan nyo ang magpapatahimik sa atin. Mahal na mahal ko po kayo,paalam po Mama at Kuya.
- Mako =)
Fuck! May tumulong luha mula sa mga mata ko. Ang sakit ng nabasa ko. Napaka bata pa nya para dumanas ng paghihirap.
Hinawakan ko ang kamay nya. “Bata,lumaban ka. At pag nabuhay ka,ako na ang bahala sayo. Hindi mo pa oras.”
Biglang bumukas ang pinto at may pumasok,isang babaeng ka edad ni Mama at lalaking ka edad ko. Agad akong nilukob ng galit,para gusto ko silang saktan pero pinigilan ko ang sarili ko.
Tumayo ako,nilapag ko sa gilid ni Mako ang sulat at tumungo ako sa couch at dun naupo.
“Anak! Anong nangyari? Bakit mo yan ginawa?!” humahagulhol na sabi nung babae. Ngayon magtatanong ka?
Kinuha nung lalaki yung sulat at binasa. Nanginginig ang kamay nya,kitang kita ko.
“Patawarin mo ako anak. Hindi dapat kita dinadamay sa galit ko sa papa mo. Mabuhay ka please!!”
Yumugyog ang mga balikat nung lalaki,yumuko ito matapos mabasa ang sulat ni Mako.
“M-ma.” basag ang boses nito ng iabot ang sulat dun sa babae.Tinanggap ito ng babae at binasa. Umupo ang lalaki sa inuupuan kong monoblock kanina.
“M-mako. B-bunso. Patawarin mo ako. Patawarin mo si kuya. Napaka tanga ko,hindi dapat kita ginanon. Ako ang nagtulak sayo dito. P-patawad.” umiiyak na sabi nung lalaki.
Kahit naiinis ako sa mag inang ito ay nakaramdam pa din ako ng awa. Totoo nga,na kung kailan huli na ay saka tayo magsisisi.
May nabuo akong plano sa isip ko. Hindi ko na hahayaang maranasan pa ni Mako ang mga nararanasan nya sa school. Kung mabubuhay sya,dapat ay matuto na syang lumaban at maging matapang para hindi na maulit ang lahat ng ito.
Tumayo na ako dahil hindi ko na matiis ang nakikita ko. Papabayaan ko muna sila,uuwi muna ako para makapag pahinga.
Pagka uwi ay hindi na ako nakapag dinner,pagkatapos kong maligo ay bumagsak agad ako sa kama. Sobrang nakakapagod ang araw na ito.
Kinabukasan sa campus ay usap usapan na si Mako at ang nangyari. Pati ako ay nadamay,ako daw ang Hero ni Mako,pero hindi ko sila pinansin. They just want my attention but I don’t want them.
Maraming babae ang nagpapahayag ng nararamdaman nila para sa akin,maraming gustong makipagkaibigan. Pero being me,being the Ice Prince,hindi ko sila pinapansin. My heart is covered with ice,wala akong hinahayaan na makapasok o makalapit sa puso ko,I don’t trust people,Its hard for me to give my trust.
Isang beses ko na noong binigay ang puso at tiwala ko pero ano ang napala ko? Everything has a reason,may mabigat akong rason kung bakit ako ganito.
This is me,deal with it or leave it,my heart is covered with ice,Im the coldest person,my heart is on ice.
- Kamusta? Pasensya natagalan,priority ko ngayon ang REBEL HEART. Im doing everything para makapag update kahit hirap pa talaga ako,pero kung may magpapahiram sa akin ng phone,asahan nyo,babalik ako sa dati,makakatanggap kayo ng 4 updates in one day. Now,do your thing! Vote kung nagustuhan and leave a comment.
Episode three
MAKO ~
Nang magising ako ay nasa ospital na ako. Tiningnan ko ang paligid. May dalawang tao na hindi ko kakilala. Sino sila?
Nabuhay pa ako? Bakit ako nabuhay? Dapat namatay na lang ako,mararanasan ko na naman ang mga naranasan ko.
Diyos ko,bakit binuhay nyo pa po ako? Ayaw nyo pa po bang lumagay ako sa tahimik? Ayoko na po,pagod na po ako.
Bakit ibang tao ang nagbabantay sa akin? Hindi pa ba alam nina Mama at kuya Kiesler? O alam na nila pero ayaw lang nila akong puntahan dahil kinamumuhian nila ang pagiging bakla ko? Dahil tumulad ako kay Papa?
Napapikit ako ng maramdaman kong sumakit ang katawan at ang ulo ko.
“Yan ang bagay sayo! Mag drop out ka na! Hindi ka bagay dito. Kasalanan sa Diyos ang pagiging bakla!”
“Ang aga aga Kiesler. At saka kung bakla yang si Mako,ako unang didisiplina sa kanya.”
“Or mas better,tutal naman walang ginawang bakla ang Diyos ay magpakamatay ka na! Magpakamatay ka!”
“Ano ba ang dapat ginagawa sa mga fag?”
“Ano nga ba? Ewan ko ba kung bakit tinanggap yan sa school na ito eh. Sya lang ang fag dito.”
“Kung ipagpapatuloy mo ang pagiging bakla,hindi lang iyan ang mararanasan mo! Bumangon ka dyan at pumasok na sa eskwelahan!”
“Hindi mo sinasadyang maging bakla? Nakakahiya ka gago!”
“Dapat sa mga bakla pinapatay!”
Hindi ko na napigilang tumulo ang mga luha ko at mapahikbi ng maalala ko ang mga salitang nagtulak sa akin na gawin ang bagay na yon.
“Bakit pa kasi ako nabuhay.” umiiyak kong sabi.
“Hon,gising na sya.” sabi nung lalaki at lumapit sila sa akin,pinigilan ko ang paghikbi pero hindi ko kaya. Iyakin talaga ako.
“Mako,anak. Kamusta na ang pakiramdam mo?” nag aalalang sabi nung babae at tumabi sa akin.
“S-sino po kayo? Nasan sina kuya at Mama?” ang nagtataka kong tanong. Nagkitinginan ulit sila at malungkot na ngumiti sa akin. Parang dinudurog ang puso ko sa mga ngiting iyon.
“Ako ang Tita Jena mo,ito ang asawa ko,ang tito Adolf mo. Anak namin ang nakakita sayo.” anito at hinawakan ang mga kamay ko. Napasigok ako,natatakot na akong mabuhay.
“Sana po,hindi na lang ako dinala ng anak nyo dito. Ayaw ko na pong mabuhay,mararanasan ko na naman ang mga bagay na ayaw kong maranasan.” at hindi ko na naman napigilan ang pag iyak.
“Sshh..Don’t say that honey.” ani Tita Jena at niyakap ako. Ewan,pero sa yakap nya para akong napanatag,parang pakiramdam ko ay ligtas ako.
“I’ll promise you ijo,hindi mo na mararanasan ang mga naranasan mo. Sa ngayon,you need to rest hanggang sa maka recover ka at makabalik sa pag aaral.” ani Tito Adolf kaya napatigil ako sa pag iyak.
“Ano pong ibig nyong sabihin? Ayoko na pong bumalik sa school na yon.” ang takot kong sabi.
“Kailangan mong magpatuloy sa pag aaral anak. Magpagaling ka para makauwi ka na.” ani Tito Adolf na mas ikinatakot ko.
“Ayoko pong umuwi sa amin. Lagot ako kay kuya Kiesler at Mama. Ayoko na po. Dapat pinabayaan na lang ako ng anak nyo eh.” muli akong umiyak. Takot na takot na ako,tumatak na sa akin ang mga nangyari,ayaw ko ng maranasan ang pisikal at emosyonal na sakit.
“Hush now,tutulungan ka namin. Hindi mo na mararanasan ang mga iyon.” at niyakap ako ni Tita Jena.
Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako.
Lumipas ang halos dalawang linggo na nasa ospital ako,walang Mama o kuya Kiesler na nagpakita. Gusto ko silang makita pero natatakot ako. Ang tanging kasama ko ay sina Tito Adolf at Tita Jena,na sobrang naging malapit na agad sa akin sa loob ng dalawang linggo.
Ang pinagtataka ko lamang ay hindi ko nakikita ang anak nila,yung sinasabi nilang nakakita sa akin. Gusto kong magpasalamat sa kanya kasi niligtas nya ako. Kung nung una ay nagsisisi ako na nabuhay pa ako,ngayon ay gusto ko ng ipagpatuloy ang buhay dahil sa mga sinasabi nina Tito Adolf at Tita Jena.
“Pwede ka ng madischarge bukas,and by next week babalik ka na sa school.” sabi ni Tito Adolf,nung una pa ako nagtataka pero ngayon lang ako magtatanong.
“Bakit kayo po ang nag aasikaso sa akin dito sa ospital? Pati ng pag aaral ko? Sobra po ang naitulong nyo,babalik na lamang po ako sa pamilya ko.” ani ko habang pinapanood ang paghahanda nila ng pagkain.
“Dahil gusto ka naming tulungan. Gusto naming mapabuti ang buhay mo.” sagot ni Tita Jena.
“Hindi ka na babalik sa pamilya mo. Maaaring saktan ka na naman nila,inilalakad na namin ang full custody mo,sa amin ka na titira. Magiging isa ka na sa pamilya namin. And regarding school,wala ng makakapanakit sayo,nailipat na ng school ang lahat ng nang bully sayo. Kinakapatid ko ang may ari ng school na yon.” ang mahabang sabi ni Tito Adolf saka kumindat at ngumiti.
Halo halong emosyon ang nararamdaman ko,masaya ako na hindi ko na mararanasan ang mapapait kong karanasan,na matatahimik na ang buhay ko,na makakapag aral ako ng maayos at maitutuloy ko ang mga pangarap ko. Masaya ako na tinulungan nila ako at hindi ko alam kung paano ko sila papasalamatan.
Pero sa kabilang banda ay malungkot ako. Ibig lang sabihin ng mga narinig ko ay tuluyan akong malalayo sa pamilya ko. Kahit ano pa man ang ginawa nila sa akin ay mahal na mahal ko sila,kahit baliktarin ang mundo ay pamilya ko sila.
Hindi ako galit sa kanila,nagtatampo lang. Pero sana nasa maayos sila,nabasa kaya nila ang sulat ko? Sana maging masaya na sila na tuluyan na akong mawawalay sa kanila.
Gusto ko,balang araw,kung sasadyain ng tadhana na magkita kami,kaya ko na silang ngitian at yakapin ng walang hinanakit. Sana balang araw,matanggap nila kung ano ako,na matanggap nila ang pagiging bakla ko.
Kinabukasan ng ma discharge ako sa ospital ay iniuwi nila ako sa mansyon nila. Halos malula ako,pakiramdam ko ay hindi ako bagay sa lugar na ito. Binigyan nila ako ng sariling kwarto,pagpasok ko pa lang gusto ko ng maiyak,may mga bagong damit,mga gamit,at gamit pang school ang nakapatong sa kama.
Halos hindi ko masabi ang pasasalamat ko sa kanila dahil panay ang iyak ko. Nakaka overwhelmed ang kabaitan nila,at hindi ko na alam kung paano susuklian ang kabaitan nila sa akin.
“Next week papasok ka na ulit. This week ang huling session ng therapy mo. Sa ngayon magpahinga ka muna.” ani Tita Jena at lumabas na sila.
Naupo ako sa kama,hindi ako makapaniwala na may sarili akong mga gamit at sariling kwarto. Tumayo ako at nilibot ang paligid,maayos na ang paglalakad ko,naigagalaw ko na din ang mga parte ng katawan ko na hindi ko maigalaw nung una.
Lagi kasi akong may therapy session nung nasa ospital pa. Medyo napagod lang ako kaya humiga ako sa kama.
Bakit kaya hindi ko pa nakikita ang anak nina Tito at Tita? Hindi ba sya dito nakatira? Gusto ko na talaga syang makilala para makapag pasalamat ng personal.
“Tita,bakit po hindi ko nakikita ang anak nyo?” isang beses ay tanong ko habang naghahapunan kami,wala pa si Tito Adolf,at bukas ay papasok na ako sa eskwelahan.
“Nag solo na sya. He’s so independent. Malayo ang loob nun sa amin eh,pero nakitaan naman namin sya ng potensyal na bumalik sa dati nung dinala ka nya sa ospital at tawagan kami.”
“Galit ba sya sa akin?” ang hindi ko maiwasang tanong.
“Why would he? Suplado lang yun,cold,friggid,walang ibang pinapansin. He started acting like that when he was in high school,until now hindi namin alam ang rason. He’s really cold hearted,his heart was covered by ice,heart on ice kumbaga.”
“Ganon po ba? Gusto kong magpasalamat po sa kanya ng personal.”
“Do that when he’s here. Mukhang may soft spot sya sayo.”
Kaya hanggang dumating ang oras ng pagtulog ay yung anak nina Tito at Tita ang nasa isipan ko. Im very eager to meet him. Gusto kong malaman kung bakit nya ako iniligtas,I want to know his reasons. Kung cold hearted sya,bakit nya ako niligtas?
Kinabukasan ay hinatid pa ako sa gate ng school. Pagpasok ko ay pinagtitinginan na agad ako,yung tipong parang nakakita sila ng bangkay na nabuhay? Alam kong alam ng lahat ang nangyari dahil na televise daw ito. Iniisip ba nilang patay na ako?
Medyo kinakabahan ako habang naglalakad papunta sa Chancellor’s office,baka kasi may mga bullies na biglang sumulpot. Grabe na ang trauma ko at hindi ko alam kung mawawala pa ba ito.
“Everything’s okay now Mako,alam naman naming kakayanin mo ang mga lessons ngayon at ang mga lessons na wala ka,nandyan sa module na yan,sagutan mo lahat at ipasa next week,dyan kami kukuha ng magiging grades mo.” anito at ngumiti.
“Salamat po sa chance,gusto ko po talaga makatapos sa pag aaral.” ani ko at kinuha ang dalawang module.
“We transfered you to star section. Im sorry for what happened,matagal ng issue ang bullying,pero dahil sayo at sa mga estudyanteng gusto kang tulungan ay natigil na ito. They are just scared,pero dahil sa nangyari sayo,naging matapang sila. Im glad that youre back,masaya ako na maayos ka ng muli.”
May mga gusto palang tumulong sa akin?
“Sana nga po hindi na maulit. Medyo okay na din po ako.”
“Atleast now,hindi ka na sobrang mahiyain. Ipakita mo sa lahat ang totoong Mako,I believe in you,Adolf and Jena also believe in you.”
Naiyak ako sa sinabi ng chancellor kaya niyakap nya ako ng mahigpit.
Paglabas ko ay nakaramdam na ako ng lakas ng loob. Ito ang bagong ako,ito ang bagong buhay ko.
“Hi Mako!” sabi ng boses sa likod ko na ikinalingon ko. Dalawa sila,isang babae at bading din,na mukhang nasa 2nd year college na.
“Masaya kami at nakabalik ka na. Na okay ka na. Lagi kaming nagdadasal every dissmisal.” sabi nung bakla. “Im Siol.”
“At ako naman si Ate Fab mo.” at nakipag kamay sila sa akin. “Kami ang nanguna sa pagpapapirma sa mga estudyante na tanggalin sa campus na ito ang lahat ng bully.”
“Ganon po ba? Salamat po sa inyo! Sana wala ng mabully ngayon. Ayaw kong maranasan nila ang naranasan ko.” ani ko at malungkot silang ngumiti.
“Ayaw ka sana naming ipressure,pero alam naming ikaw lang ang magtatagumpay sa ibibigay naming misyon.” sabi ni Siol na ipinagsalubong ng mga kilay ko.
“Huh? Misyon? Ano yon?”
“Meron kasi kaming samahan. Samahan ng mga frustrated na mapalambot ang puso ni Zafron Frelick,ang tunawin ang yelong naka balot sa puso nya.” ani ate Fab.
“Huh? Sino yon? Bakit ko gagawin ang misyon na yan? Kakagaling ko lang sa hindi magandang–”
“Please! Ikaw lang ang makakagawa Mako.”
“Marami kang mapapasaya pag nagawa mo iyon,kailangan maturuan mo syang mag care at magbigay pansin sa mga taong nagpapahalaga din sa kanya,even to his parents.” dagdag ni Sioul.
Bigla kong naisip ang mga sinabi ni Tita Jena.
“Please! Melt the Ice Prince’s heart!”
“Bakit kasi ako?”
“He has a soft spot for you.” teka? Sinabi na din iyon ni Tita Jena ah? Could it be?
“Zaffron Frelick? Paano?” ani ko,ewan biglang kumalabog ang dibdib ko.
“Sya ang nagligtas sayo.”
- PASENSYA KUNG MATAGAL :( ALAM NYO NAMAN KUNG BAKIT. Comment po kayo kung nagustuhan nyo.

