loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
HEAT BETWEEN THE LIES

HEAT BETWEEN THE LIES

Aboutfictionx · 10 chapters · 13,220 words

WARNING:

This story focuses on a male-to-male relationship, commonly referred to as Boy’s Love (BL). If you are uncomfortable with this type of content, feel free to exit now.

Content Warning: This story contains strong language, themes of harassment, and explicit sexual content between male characters. It is not suitable for minors or readers who may find such topics disturbing.

Warning: This content is intended for mature audiences only. It includes explicit language, graphic sexual scenes, and mature themes. Viewer discretion is strongly advised.

Note: Grammatical errors may be present. Please respect the writer’s decisions regarding the story’s flow, ending, and the personalities chosen for the characters.

Allow the characters to express themselves fully—flaws, emotions, and attitudes included.

Image Disclaimer: I do not own any of the photos used in this story. All credits go to their rightful owners.

HEAT BETWEEN THE LIES

BY: ABOUTFICTIONX Date started: December 22, 2024 Date finish:

Prologue:

Benson Javier

“Babe, kanina ka pa tulala. Are you okay?” tanong ko kay Elton, na ngayon ay nakatayo sa bintana ng kwarto ko dito sa ikalawang palapag ng bahay.

“Ayokong magsinungaling na ayos lang ako. Ilang araw ko nang pinag-iisipan ang bagay na ’to.” Tiningnan niya ako, at alam kong may kakaiba sa mga tingin niya ngayon. Hindi masaya ang mga mata niya.

“Babe, you can tell anything to me. Makikinig ako sa’yo, promise.”

Huminga ng malalim si Elton at inilagay ang dalawang kamay niya sa mukha ko.

“You are kind, beautiful, soft-hearted, and understanding. But, Ben, I don’t think I can still hold you. Gusto ko munang mapag-isa.” May mga luha nang tumulo sa mata ni Elton—pangalawang pagkakataon na nakita ko siyang umiyak.

“Hindi ko maintindihan, Elton. Ano bang sinasabi mo?” Inalis ko ang mga palad niya sa mukha ko at tumingin ako sa bintana. Sinundan naman ako nito, kaya kapwa kami nakatingin sa bintana. Kitang-kita namin ang buong village pati ang malaking bahagi nito.

“Our journey has been meaningful, but I would like to end our journey from here.” Hindi ko inaasahan na sasabihin ni Elton ’yon sa akin, kaya napatingin ako sa kanya, at ganoon rin siya.

“Wait, but why? Naguguluhan ako!” Hindi ko alam kung maiinis ako dahil hindi ko maintindihan o malulungkot ako sa mga nangyayari.

“Our relationship is healthy, at wala kang ginawang mali sa relasyon natin for two years. Hindi ikaw ang mali. Ako ang mali dahil kahit ako mismo naguguluhan, kaya nalilito rin ako.” Niyakap ako nang mahigpit ni Elton at kaagad na nitong nilisan ang kwarto ko. Hindi ko magawang tawagin si Elton dahil nalilito rin ako, at halo-halo ang nararamdaman ko.

Gusto kong maintindihan ang nangyayari, pero hindi ko alam kung paano. May mali ba ako? Ano’ng mali sa akin? Bakit niya ako iniwan? Hindi ba kayang pag-usapan ang problema niya at ayusin namin nang parehas?

Parang hindi ko yata kaya kung wala si Elton dahil nasanay na ako sa mga yakap niya, sa pagbuhat niya sa akin sa likuran niya, at sa mga pagkain na niluluto niya dito sa bahay namin sa village.

Grabe, hindi ko alam kung masasaktan ako o ano—o baka hindi pa nagsi-sink in sa isip ko ang mga bagay-bagay.

Dahil sa pagsipa ko sa mesa na nasa gilid ng kama ko, umalog ito dahilan para malaglag ang picture namin ni Elton na kinuhanan namin sa isang Photoshop. Parang kinabahan ako bigla dahil sa nangyari.

Maya-maya, narinig ko na nag-ring ang phone ko kaya mabilis ko itong kinuha sa kama ko at sinagot ito.

“Hello po, si Mr. Javier po ba ito? This is from St. Stephen Medical Hospital.” Rinig ko mula sa kabilang linya.

“Yes, ako nga. Ano po ’yon?”

“Mr. Javier, huwag po sana kayong mabibigla. Naaksidente po si Sir Elton at kayo lang po ang active na nakita namin sa contacts niya. Death on arrival po si Sir, kaya kung may contact po kayo sa pamilya niya, pakisabi na lang po. Kaano-ano niyo po siya, sir?”

Hindi ko na magawang makapagsalita pa at napaupo na ako dahil feeling ko lumambot ang tuhod ko sa narinig ko. Ngayon, hindi ko na napigilan ang sarili kong hindi umiyak. Tuluyan nang bumuhos ang luha ko, at sumikip ang dibdib ko dahil sa sunod-sunod na nangyari.

Elton passed away.

Chapter 1:

Benson Javier

After 1 year of dealing with that healthy break-up, here I am, nagiging busy na sa paggawa ko ng liptint na medyo lumalaki ang sales dahil Pasko. Idagdag mo pa na mas sumisikat ang liptint ngayon kumpara sa lipstick. Sa totoo lang, medyo nahimasmasan na ako at nabawasan na ang sakit ng nararamdaman ko kumpara dati. Mas naging masakit sa’kin ang pagkawala ni Elton. Pero ayoko nang isipin dahil baka umiyak na naman ako at baka dumoble ang pamamaga ng mata ko. Kapag tuwing papasok kasi siya sa isip o kapag makikita ko ang mga pictures namin, gustuhin ko mang hindi umiyak, pero hindi ko magawa.

Kung nagtatanong kayo kung mag-isa ako, simple lang: gusto kong mag-isa kahit medyo may kaya naman ang pamilya ko. Nasa ibang bansa na sila at pilit pa rin nila akong sinasama doon, pero ayoko talaga.

Grabe, mali talaga ang desisyon ko na maglakad at hindi dalhin ang e-bike ko dahil sa bigat ng mga liptint bottles na ito. Nakipag-meet kasi sa’kin yung supplier sa labas ng village at hindi na raw nila magagawa pang pumasok dahil marami pa raw silang pagdadalhan ng bote.

Gusto kong magreklamo, pero tinitiis ko lang. Idagdag mo pa na alas-otso na ng gabi tapos ngayon pa talaga pinadala. Hindi ko alam kung nakikipagbiruan ba sa’kin ’tong supplier na ’to. Tinitiis ko lang talaga ito dahil malapit siya at makakatipid ako sa shipping fee.

Binilisan ko na ang paglalakad ko dahil wala nang masyadong dumadaan dito sa village at medyo madilim na rin talaga. Maya-maya, habang pinagmamasdan ko ang paligid, may nakita akong lalaki na nakaupo sa bench dito sa playground malapit sa bahay ko.

“Anong ginagawa ng lalaki na ’to?” Parang pamilyar sa’kin ang likuran niya, pero hindi ko masabi kung kilala ko talaga siya.

Lumapit ako nang dahan-dahan at halos matumba ako nang bigla itong humarap sa’kin.

“What are you doing?” Walang expression ang mukha nito. Para itong robot na tila ba walang emosyon. Napaka-gwapong robot naman nito.

“Clifford?”

“You can’t control your curiosity, huh?”

“Kaya kong makontrol. Sadyang chismoso lang ako dahil gabing-gabi na nandiyan ka pa. Ayaw mo pang sumabay?” Gumalaw ito at nagsimulang maglakad. Sinundan ko na lang siya dahil sobrang bilis niyang maglakad. Idagdag mo pa na marami akong bitbit.

“Nahihirapan ka?” biglang tanong niya.

“Oo, eh. Halata naman, ’di ba?” pabulong kong sabi kaya napalingon siya sa’kin. Kinuha niya ang bitbit kong dalawang kahon at muli itong naglakad. Na-amaze naman ako dahil sa tangkad niya at sa laki ng katawan niya, pero hindi yung overacting na malaking katawan, ah. Itim na itim rin ang buhok nito at mapupula ang labi niya. Idagdag mo pa ang mata niya na napakaganda, halatang kapag tumawa ito magiging singkit siya.

“Thank you,” giit ko nang ibaba niya sa tapat ng pinto ko ang mga gamit ko.

“Saan ka?” Kahit alam ko naman na kapitbahay ko lang siya.

“Huwag kang magpanggap na hindi mo alam ang bahay ko, nakita kitang sinisilipan ako habang naglilinis ng sasakyan.” Ang kapal naman ng mukha ng robot na ’to.

“Tse, ngayon lang kita nakita.”

“Anong ngayon? ’Di ba kaklase mo ’ko?” Shet, oo nga pala, kaya pala alam ko rin ang pangalan niya.

“Sige na, marami pa akong gagawin. Umuwi ka na.” Grabe, ang lalaki na ’to kahit nakatsinelas lang siya at white t-shirt, napaka-gwapo at linis pa rin niyang tignan. Bumabagay rin sa kanya ang moreno.

“Marami kang gagawin? I want to help you.” Humiling ako kaagad.

“Hindi na, kaya ko naman ’to. Clifford, thank y—” Hindi na niya ako pinatapos at kaagad na niya akong nilampasan at kusang pumasok sa bahay ko.

“Hoy!” Wala na akong magagawa. Bahala na, kaklase ko naman siya. Pero kasi one week pa lang naman ang klase namin simula mag-umpisa ito. Nasa 4th year na rin ako ng college kaya medyo chill-chill na lang ako dahil tapos na rin naman namin ang thesis paper namin.

“Sigurado ka ba na tutulong ka?” Tumango ito nang walang kahit anong reaksyon sa mukha. Robot ba ’tong kausap ko?

“Simple lang ang gagawin, magpa-pack lang tayo ng orders. Susundan natin yung order nila sa mga waybills tapos ipe-paste sa parcel yung waybill. Ganoon lang. Nakukuha mo?” Tumango uli ito.

“This is for?” Itinaas niya ang isang tube ng lip gloss at kinuha ko ito sa kanya.

“Lip gloss ’yan, mukhang wala ka talagang ideya kung ano ’yan.” Binuksan ko ito at lumapit ako sa kanya at nilagyan ang labi niya.

“Ayan, may cooling effect ’yan pero walang kulay ’yan na puwedeng both male and female. It will moisturize your lips.” Maya-maya, sobrang lapit ko pala sa mukha niya kaya napalayo ako.

“Pasensya na, Clifford.”

“You formulate them?” Ang lamig ng boses nito. Hindi ko alam kung matatakot ba ako o ano. Baka lang parang malamig ang boses niya dahil sa tangos ng ilong niya?

“Yes, FDA approved ’yan at pumasa na sa maraming tests. So, all my products are safe.” Nakangiti kong turan dito habang busy siya sa paglalagay ng orders sa parcel bag. Napansin ko lang, ang dami niyang tanong, pero mabuti na ’yon dahil maraming orders ngayon dahil siguro pang-Christmas gift nila.

“Alam ko aware ka naman na bading ako pero hindi ko lang gusto ang magdamit ng pambabae. Pero kung magtatanong ka kung dahil ba sa pagiging bading ko kaya ganito ang business ko, the answer is no. Kasi napapansin ko maraming tao ang namamalat ang labi nila lalo na kapag malamig tapos medyo maputla ang labi ng iba kaya may liptints rin ako na binebenta na talagang pigmented.”

“Tinatanong ko?” Bwisit na lalaki ’to. Ang dami kong sinabi tapos ’yan lang ang sasabihin niya? Kung hindi ko lang siya kaklase at kapitbahay, baka pinauwi ko na ito.

“Kumain ka na pala?” tanong ko pero humiling lang siya. Tatayo na sana ako para hanapan siya ng pagkain pero pinigilan niya ako.

“Nag-order ako. Get it, nandiyan na.”

Padabog akong lumabas at mabuti na lang dala ko ang wallet ko dahil hindi pa pala niya binabayaran. Baliw na lalaki ’to, akala ko ililibre niya ako.

“Rook Clifford Morales!” malakas na sigaw ko kaya parang itinaas niya ang kamay niya na para bang sumusuko, kaya parang na-flex niya ang magandang katawan niya unintentionally.

“Umorder ka pero hindi mo pa pala binabayaran, ah! Sinong nagsabi sa’yo na mag-order ka? Naghihirap na nga ako, mag-oorder ka pa ng pagkain sa mamahalin na restaurant? Lumabas ka dito!” Malakas na sigaw ko at sunod-sunod na tanong ko sa kanya.

“Chill, magkano ba ’yan?”

“One thousand and two hundred pesos.” Parang nagningning ang mata ko dahil bumunot siya ng pera sa makapal na pitaka niya.

“Akin na ang sukli?” Tumango ito kaya hindi ko na nakontrol ang sarili ko kaya niyakap ko siya dahil may sukli pang 800 pesos sa binigay niya.

“Huwag ka nang umuwi, wala ka nang utang sa’kin. Kalimutan mo ang mga sinabi ko.” Walang reaksyon siyang umupo pabalik sa kaninang pwesto niya at nagsimula na siyang magbalot ng orders.

“Matanong ko lang, bakit gusto mo akong tulungan? Naiinip ka ba sa bahay niyo?” Tumango ito. Sarap talaga kausap nito. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit natatakot na lumapit ang mga kaklase ko sa kanya dahil sa nakaka-intimidate niyang vibe.

“Ang laki ng bahay niyo, ah. Hindi ko na itatanong kung mayaman ba kayo, eh halata naman. May mga kapatid ka ba na babae? Bentahan mo naman sila ng liptint o lip gloss ko.”

“Wala. I’ll buy some para sa sarili ko. Pwede ba akong gumamit nito?”

“Oo naman, kung iniisip mo na parang bading ka dahil gumagamit ka niyan, no. Kasi maraming lalaki ngayon ang gumagamit niyan, kahit make-up. Kaya don’t be afraid, okay? Ilan ba?”

“Three.”

“Heto na. Huwag mo na lang kalimutan dalhin mamaya.” Hindi na ako pinansin nito pagkatapos niyang ibigay sa’kin ang bayad at patuloy na siyang kumilos. Pinagmasdan ko siya dahil hindi ko maintindihan ang trip ng lalaki na ’to. Siguro naboboring siya sa bahay nila kaya inuubos niya ang oras niya dito.

Napaka-perfect ng ilong at mata niya, at ang lips niya, grabe. Parang wala siyang kamukha, parang napaka-unique niya. Idagdag mo pa na ang tangkad niya kumpara naman sa’kin na napakaliit.

Ganito ba talaga siya kapag wala siyang ginagawa?

“Mauubos ako.” Nagising ako sa realidad nang marinig ko ang boses niya.

“Anong ginagawa mo sa playground kanina? Nagpapahangin?” Tumango siya.

“Are you going to do the same thing tomorrow?” malamig na tanong niya.

“You mean this?” Ngumuso ako sa ginagawa namin na pag-pack sa mga orders. “Oo. Kung sasamahan mo’ko, ayoko dahil hindi ako makapag-foc—”

“Pupunta ako dito bukas.”

“Batas ka, ah? Kung ayoko?” tanong ko dito, at ngayon ay masungit na akong nakatingin sa kanya.

“Kahit ayaw mo. Pupuntahan kita dito bukas, ayaw mo ’yon? Hindi mo na ako kailangang silipin sa bahay.”

“Kapal ng mukha mo, Clifford na robot! Siguro nagagandahan ka sa’kin, ’no?”

“What did you say?” Lumapit ito sa’kin dahilan para mapasandal ako sa pader at seryosong nakatingin ito sa’kin.

“Nagagandahan ka sa’kin?”

“No, the other one.” Alin ba?

“Clifford na robot?” Tumagal ang limang segundo tsaka lang siya umalis at iniwan na ako sa terrace ng tulala. Ano bang problema noon? Bahala siya, basta tatawagin ko siyang robot.

Chapter 2:

Benson Javier

Gabi na naman, at hindi ko na naman alam kung anong kakainin ko dahil marami pa akong gagawin. Idagdag mo pa ang activity na pinapagawa sa Gender and Society na subject namin. Naiintindihan ko naman, pero hindi ko alam paano ko siya sisimulan.

“Palabas na,” giit ko nang marinig ko ang doorbell, kaya mabilis akong lumabas. Nagpalinga-linga ako sa paligid pero wala namang tao—hanggang sa lumitaw ang mukha ni Clifford sa harap ko.

“Ay! Putangina ka!” sigaw ko dahil nagulat ako sa paglitaw niya bigla. “Talagang bumalik ka pa?” tanong ko, at tumango lang ito. Ang sarap talaga kausap nito.

“Sige na, pumasok ka na. Baka biglang umulan pa.” Nauna akong pumasok, at sinundan naman niya ako. Pagpasok namin, naupo siya sa working station ko, at ako naman ay pumunta sa kusina para makapagtimpla ng hot chocolate.

Kumuha rin ako ng sliced cake sa refrigerator. Bahala na kung amoy karne itong cake—two weeks na kasi ito sa ref. Kumuha ako ng tray at inilagay doon ang dalawang tasa ng hot chocolate at ang sliced cake. Binuhat ko ang tray para isahan na lang ang pagbubuhat dahil ayokong magpabalik-balik.

Paglapag ko ng tray sa mesa, nakatalikod si Clifford sa akin, kaya nilapitan ko siya. Tinitingnan pala niya ang picture namin ni Elton habang masaya kaming naggo-golf.

May parang umukit na tanong sa mga tingin ni Clifford sa akin, kaya hindi ko na hinintay na magtanong pa siya.

“He’s my ex-boyfriend. Elton passed away one year ago.”

“I’m not asking you, though,” malamig na sabi niya. Natawa ako nang bahagya sa sinagot niya.

“But your eyes are asking. Hindi nga lang verbally,” giit ko, at muli siyang umupo sa kaninang puwesto niya.

“Sa’yo nga pala ’to. Inumin mo habang mainit,” nakangiti kong sabi sa kanya, at tumango lang siya. Maya-maya, tumayo siya. Akala ko kung anong gagawin niya, pero kinapa niya ang bulsa niya na para bang may hinahanap. Maya-maya, iniabot niya sa akin ang isang bar ng chocolate kaya kumunot ang noo ko.

“Para sa akin ’to?”

“You don’t want it? Tapon ko?” seryoso niyang tanong habang nakatitig sa akin. Bwesit na lalaki ’to!

“Nakakainis talaga ’tong robot na ’to. Bakit ko ba siya natitiis?” bulong ko. “Thank you, Clifford na robot.” Muli siyang napatingin sa akin, kaya ngumiti ako—baka kasi masakal niya ako bigla kakatawag ko sa kanya ng robot.

Tumayo ako at inilagay sa ref ang chocolate na binigay niya, tsaka ako bumalik sa puwesto ko. Oo nga pala! Yung activity namin. Tapos na kaya si Clifford?

“Clifford, tapos ka na ba sa activity natin?” tanong ko, dahilan para matigilan si Clifford sa ginagawa niya. Malapit na rin naman kaming matapos, at kaunti na lang itong binabalot namin. Dagsa kasi ang orders ngayon dahil magpapasko.

“Yes,” tsaka siya nagpatuloy sa ginagawa niya.

“Pwedeng patingin? Titignan ko lang kung paano mo sinimulan. Please?” Muli siyang tumingin sa akin, kaya nagpa-cute ako at talagang pinagdikit ko pa ang dalawang palad ko para maawa siya sa akin. Napakagwapo naman ng robot na ’to. Para akong may kausap na sikat na model.

“You study,” tugon niya.

Inaasahan ko na ito. Tinatamad kasi akong mag-aral. Ako kasi ’yung tipo ng estudyante na okay lang kahit sakto lang na pumasa dahil hindi naman ako pine-pressure ng mga magulang ko sa ibang bansa. Pero kahit hindi ako pine-pressure, gusto ko pa rin na may maipasa akong activity—kahit sa score ay half lang o pasado.

Napatingin ako kay Clifford na tahimik na kumikilos. Talagang nakapambahay lang ito—black na sando at white na shorts, na talagang nagpapaganda lalo sa katawan niya. Idagdag mo pa ang napakagandang ayos ng buhok na hindi ko alam kung inayos ba niya iyon dahil napakagwapo talaga niya sa style na iyon. Para siyang Amerikano kung titignan, tapos idagdag mo pa na matangkad ito. Idagdag mo pa ang kulay brown niyang mata, na talagang halata kahit madilim na. Ang sarap siguro maging boyfriend nito, ’no? Lalo na sa isang tulad ko na mahilig mag-MyDay sa social media at gumawa ng mga trend.

“Stop thinking about eating me. Just eat the chocolate instead,” sabi niya. Nakakatunaw ang mga titig ni robot kaya nag-pout na lang ako dahil totoo naman ang sinasabi niya.

“Tigilan mo nga ako kaka-salita mo ng English. Sumasakit lang ulo ko sa ’yo lalo. Para kang nagre-recite sa room, ah.”

Totoo naman. Kahit sa room, talagang sumasagot siya in English. Mas naiintindihan ko pa ang explanation niya kaysa sa mga professor. Sulit na sulit rin ang pagpasok niya dahil per subject, hindi pwedeng hindi siya mag-participate—sasagot talaga siya. Magaling siya sa pagsasalita, pero kapag kausap ko siya ngayon, parang nawawala iyon. Ikaw ba naman kumausap ng robot.

Tapos sa school naman, walang kasama ’yan kumakain, ako meron naman—’yung nag-iisang kaibigan ko. Pero si robot, walang pakialam kahit mag-isa lang siya kumain. Tapos kapag uwian na, ang bilis niyang lumabas. Wala nang arte-arte pa. Kasi ako, magsusuklay pa tapos titignan kung kumpleto ba ang gamit ko pauwi.

Actually, siya ’yung pinakamatalino sa institute namin. Sa totoo lang, ayoko ng course ko na Education kasi hindi ako magaling magsalita sa harap—nahihiya ako. Isa pa, ako nga hindi nakakasunod sa instruction, paano pa kaya ako magiging teacher, ’di ba? Pero mabuti na lang may electives ang course namin na related sa business planning at event management, kaya okay na okay na ako doon.

“Do we have anything else to wrap?” tanong ni Clifford, kaya napatingin ako sa kanya at bumalik sa realidad na nasa harap ko pala ang taong iniisip ko kanina.

“I guess, tapos na tayo. Dahil tinulungan mo ako at binigyan mo ako ng chocolate bar, libre ko na ang dinner mo. Game?” Tulad ng inaasahan ko, tumango lang ito at hindi man lang pinantayan ang energy ko. Ako lang yata ang natuwa sa sinabi ko.

Nagpa-deliver ako ng fried chicken, chicken nuggets, at maraming fries dahil deserve ko ito—pambawi man lang sa pag-o-overthink ko na baka hindi kunin ng mga customers ang orders, at pambawi na rin sa pagod namin ni Clifford na robot. Dalawang gabi na kaming nagbabalot dito.

Makalipas ang 25 minutes, dumating din ang order namin. Nag-melt pa ako ng cheese kasi balak kong gawing dip para sa fries. Gusto ko talaga ng cheese ngayon dahil nagke-crave ako ng samgyupsal pero tinatamad ako mag-prepare ng ganoon.

“Ayan, hintayin mo ako diyan. Kukunin ko lang ’yung cheese,” sabi ko. Wala akong natanggap na sagot mula sa kanya, kaya tinalikuran ko siya at kinuha na ang cheese sa microwave.

“Kindly turn on the TV,” sabi ni Clifford na robot, kaya nagdabog ako.

“Heto na po, mahal na prinsipe. Nakakahiya naman sa ’yo—katabi mo lang ang remote.”

Binigyan ko siya ng plato sa harapan niya at nilagyan ko ng pagkain. Bibigyan ko sana siya ng kanin, pero nabigla ako nang hawakan niya ang kamay ko para pigilan. Nagawa niya iyon nang hindi man lang tumitingin sa akin.

“No rice tonight. I don’t want any,” sabi niya.

“Okay, sabi mo, eh. Edi akin na lang ’to,” kaya inilagay ko sa plato ko ang sinandok ko na kanin para sa kanya sana.

“You’re so thin and small, but you eat a lot of rice. Saan mo dinadala ang kinakain mo?” tanong niya, kaya napatingin ako sa kanya at napahinto sa kinakain ko. Sa wakas, nagtanong rin siya.

“Huwag ka nang magtanong. Basta kumain ka na lang diyan. Baka kunin ko pa ang chicken mo,” sabi ko sabay tawa habang abala sa pagkain ng manok.

“I did not ask you to answer, though,” tugon niya. Ay, bahala ka diyan, Clifford na robot. Ikaw lang nagpapa-sakit ng ulo ko.

“I did not ask you to answer, though, nye-nye,” panggagaya ko sa kanya sabay irap. Ewan ko ba kung nag-aaway ba kami o nag-aasaran. Para kaming mga baliw. Inulit-ulit ko ang sinabi niya hanggang sa huminto ako dahil tumayo siya at lumapit sa mukha ko. As in, malapit na malapit. Napatingin tuloy ako sa labi niya.

“Stop it,” utos niya.

“Okay, basta lumayo ka na. Baka kung ano pang gawin mo sa akin. Mag-isa pa naman ako dito, tapos ang tangkad mo pa, ang liit ko. Tapos ang laki ng katawan mo, ako ang payat. Baka naman samantalah—” Hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil muli siyang lumapit sa akin.

“Delulu,” sambit niya. Para akong sinampal sa sinabi niya, pero natawa pa rin ako. Ano bang delulu? Hindi ako delulu, ’no! Isa pa, crush ko ba siya? Hindi naman. Oo, gwapo siya, pero hindi ko siya crush, ’no. Kapal naman ng mukha niya. Sa school, hindi nga ako pinapansin, pero dito halos pauwiin ko na dahil naiirita ako sa kanya. Para akong may kasamang robot na pinapaandar ng artificial intelligence.

“Anyway, thank you,” sambit niya, tsaka siya lumabas sa working station kung saan kami kumain. Sumunod naman ako para maihatid siya. Sabihin ko man na naiirita ako sa kanya dahil parang wala akong kasama at kausap, masaya pa rin naman ako. Alam mo ’yon? May nakikita akong tao na kasama ko kahit parang robot siya. Titiisin ko ang nonchalant na ito lalo na’t kaklase ko rin naman siya. Isa pa, kapitbahay ko siya. Kapag may natunugan akong celebration sa kanila, magpapanggap talaga ako na hinahanap ko siya para papasukin ako at pakainin.

“Shit, it’s raining. Do you have an umbrella?” tanong niya.

“Talagang itatanong mo pa sa akin ’yan? Eh, wala nga. Anong magagawa ko?” sagot ko habang natatawa sa tanong niya. Para siyang batang gustong umuwi pero bawal mabasa ng ulan.

“I have an idea.” Muli akong napatingin sa kanya. “Gusto mong maligo sa ulan?”

Nag-isip ako ng isasagot. Wala naman akong gagawin, at hindi pa naman ako antok kahit 9:35 na ng gabi. Kaya hinila ko ang kamay niya at lumabas kami ng gate.

Mabilis naman siyang naghubad ng pang-itaas niya, kaya parang namilog ang mga mata ko. Ang laki ng katawan niya! Para talaga siyang model. Bahagya lang sumisilip ang puting underwear niya mula sa shorts na suot ngayon, na unti-unti nang nababasa ng ulan.

Kapwa kaming nabasa nang mabilis. Ganoon pa rin naman ang reaksyon ng mukha niya—walang emosyon. Ako naman, heto, masayang-masaya dahil ang tagal ko nang hindi naliligo sa ulan nang kusa.

“Hey, ride on my back,” sabi niya. Ibinaba niya ang sarili niya para makasakay ako sa likuran niya.

Hindi ko alam kung anong nag-udyok sa akin para sumakay sa likod niya, pero pakiramdam ko kasi safe ako. Hindi ko maipaliwanag.

Sumakay ako sa likuran niya at para akong kinilig nang hawakan niya ang dalawang paa ko. Hawak ko naman ang buhok niya sa ulo.

“Saan tayo pupunta?” tanong ko habang pinagmasdan ang tahimik na lugar na maraming ilaw. Ang ganda ng vibe, lalo na dahil sa ulan.

“Playground,” sagot niya. Tumango na lang ako kahit hindi niya nakikita.

Dahan-dahan siyang umupo, at inalalayan ako sa pagbaba. Ano naman kaya gagawin namin dito? Nilalamig na rin ako dahil sa lakas ng ulan.

“This is my favorite spot, and you might like it too,” sabi niya.

Chapter 3:

Benson Javier

Lumipas ang isang linggo mula noong maligo kami sa ulan ni Clifford na robot, at aaminin ko na napakasaya ko noong gabi na ’yon dahil sa ideya niya na maligo kami sa ulan. It was fun, pero hindi ko pa rin nakitang ngumiti si Clifford kahit papaano.

Marami akong gawain sa school kaya hindi rin ako madalas sa bahay. Palagi kong dala ang e-bike ko para makatipid sa pamasahe. Inaasikaso kasi namin ang research paper namin, at nasa methodology pa lang kami. Malapit na ang pilot testing, kaya medyo nakaka-stress. Masakit pa rin ang ulo ko dahil noong Tuesday, nahirapan kami kakahanap ng mga literatures na makakatulong sa study namin.

Maraming nakakapagod na nangyari sa loob ng isang linggo, at ganoon pa rin si Clifford na robot. Hindi niya ako kinakausap sa school, at hindi ko na rin siya nakikitang sumisilip dito. Siguro dahil nabanggit ko naman sa kanya na wala na akong masyadong gagawin, kaya ayon.

Habang busy ako ngayon sa pag-aayos ng mga gamit ko sa side table, nahulog ang isang special na box na binigay ng taong mahal ko na nasa langit na ngayon. Ang box na ’yon ay galing kay Elton, na ang laman ay chocolates at maraming pictures namin together. Weird, pero hindi ko kinain ang chocolates na bigay niya kasi sentimental akong tao.

Kinuha ko ang box at itinong ito sa kandungan ko. Dahan-dahan ko itong binuksan. Tama nga ako, nandito pa ang mga chocolates at pictures namin. Nandito rin ang isang envelope na naglalaman ng letter galing sa kanya.

Alam niyo ba, si Elton ay halos perfect boyfriend talaga. To the point na ako na mismo minsan ang naghahanap ng pag-aawayan namin dahil napaka-healthy ng relationship namin.

Kinuha ko ang isang picture. May ganito pala kaming picture ni Elton? Ah, oo! Ito yung araw na biglang nag-aya si Elton na magtambay kami sa playground. Doon kami nag-picture sa magkadikit na slides.

Hindi ko maiwasan na mapaluha dahil sa mga masasayang ngiti namin noon. Those smiles were really genuine, at talagang masaya lang ako sa mga araw na ’yan. Naalala ko tuloy, kapag nagrereklamo na ako dahil pagod na ang paa ko kakalakad, sinasakay niya ako sa likuran niya. Naalala ko siya noong araw na naligo kami sa ulan ni Clifford. Isa pa, dahil sa pagrereklamo ko na nakakapagod ang paglalakad, binilhan niya ako ng e-bike. Gusto niya motor, pero sabi ko natatakot ako, kaya iyon na lang ang binili niya para sa akin. Napakaswerte ko talaga sa kanya, and I will never deny that I was fortunate to have him in my life. Pero nakipaghiwalay siya, at nawalan ng buhay because of that freaking accident.

Kung hindi kaya siya nakipaghiwalay sa akin noon, mangyayari kaya ’yon?

Maya-maya, nabigla ako dahil bigla akong tinakpan sa mata kaya napahawak ako sa kamay na nakatakip sa mata ko ngayon. Kilala ko ang pabango na ’to—smells like creamy coconut and vanilla, yet it has a strong scent of man that I can’t explain.

“Guess who?” Halata sa boses niya na hindi matawa dahil sa ginagawa niya.

“Adhley? Remove your hands. Baka hindi ka naghugas,” pabiro kong giit kay Adhley, ang kaibigan ko simula noong mag-college ako. Minsan, iniisip ng iba na boyfriend ko siya dahil palagi kaming magkasama. Minsan nga, nagseselos na ’yung mga kaibigan niyang loko-loko rin katulad niya.

“Arte naman nito. Siya nga itong dinadalaw, siya pa ’tong nag-iinarte. Teka, bakit basa ang mukha mo?” Tinignan ako ni Adhley na parang inaasar, kaya tinignan ko rin siya nang masama. Masyado kasing matangkad, kaya kailangan kupang tumingin pataas. Tsaka niya ako kinurot sa pisngi.

“I know how hard it is. Maa-overcome mo din ’yan. Not now, but soon, baby,” tsaka siya nakatanggap ng malakas na hampas sa akin, kaya umacting itong parang inaapi siya.

“Hinahampas mo ko? Tignan mo, dinalhan kita ng dragon fruit juice—yung nagustuhan mo noong isang araw. Ang sama mo sa ’kin!” Uma-acting pa rin siya na parang sinaktan ko siya nang sobra-sobra, kaya iniwan ko siya at bumaba sa first floor para hanapin ang dala niyang juice. Noong una, hindi ko gusto ang lasa, pero noong tumagal, nagustuhan ko na rin.

“Wala naman, eh,” reklamo ko. Pinaasa lang talaga ako ni Adhley. Lagot siya sa akin.

“Kumalma ka, baby. Nasa sasakyan pa. Maghintay ka d’yan,” sagot niya, sabay kurot ulit sa pisngi ko bago lumabas.

Kahit ganyan ko tratuhin si Adhley, kakaiba siya sa mga nakilala ko. I mean, bilang kaibigan, kakaiba siya. Napaka-sweet, mahilig manggulo ng buhok, at mahilig mang-spoil. Hindi ko rin alam kung matatawa ako o maiinis. Nakipag-break ang girlfriend niya na isang president ng student council dahil raw sa akin, pero itong si Adhley parang masaya pa. Hindi ko talaga siya maintindihan minsan.

Siya yung palagi kong kasama sa school. At the same time, kaklase ko rin siya. Kaya for sure kilala niya si Clifford, pero hindi ko pa sila nakikitang nag-uusap. Kahit kami nga ni Clifford hindi pa nag-uusap sa school, pero okay lang sa akin ’yon dahil ayoko rin ng masyadong kausap. Si Adhley lang talaga ang gumugulo sa akin kaya wala na akong nagagawa.

“Ang tagal naman!” Nang makita ko siyang paparating, sinadya ko talagang iparinig sakanya na matagal siya.

“Sorry, baby boss. Heto na po.”

“Baby boss? Mukha ba akong cartoon character?” Naningkit ang mga mata ko, at agad naman siyang humingi ng tawad.

“Syempre hindi. Anyway, may niluto ka ba dito?” tanong niya habang busy ako sa pag-sipsip ng dragon fruit juice ko.

“Wala. Hindi ka pa ba kumakain?” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil biglang bumukas ang screen door ko at ipinasok niya si Clifford.

“Pare,” bati ni Adhley na may kakaibang tono. Tinitigan lang ni Clifford si Adhley. Wala pa rin itong reaksyon, pero ramdam ko ang tensyon sa pagitan nila na hindi ko maintindihan.

“Adhley, si Clifford. Clifford, si Adhley. Alam ko nakikita niyo ang isa’t isa dahil magkakaklase tayo.” Kinuha ko ang kamay ni Clifford at ni Adhley para mag-shake hands sila. Ginawa naman nila, pero halatang pilit.

“I brought you some carbonara and chicken fillet. I hope you like it,” sabi ni Adhley, sabay abot ng malinis na container.

“Thank you, pare! Sakto, nagugutom ako. Mabuti na lang nagdala ka,” sagot ko. Pero walang ano-ano, kinuha ni Adhley ’yon at kinain sa harapan namin ni Clifford. Sakto naman, may kasama na itong fork kaya ready-to-eat na.

“Ano bang nangyayari sa dalawa na ’to?” tanong ko sa isip ko.

“It’s not yours,” sabi ni Clifford na walang emosyon.

“Wala, pare. Nakain ko na, eh. Ikaw ba ang nagluto nito? Ang alat at masyadong dry. Kulang sa sauce,” pang-aasar ni Adhley. Never ko siyang nakitang ganito, pero nakakaasar ang ginagawa niya.

“But you still eat it even if it’s salty,” sagot ni Clifford na halatang naiinis na.

“Pare, carbonara lang pinagdadamot mo?!” Kalmado ang boses ni Adhley, pero alam kong magkakagulo ito kaya agad akong tumayo at pumagitna sa kanilang dalawa.

“I’m not being selfish with that carbonara. That’s for Benson, not yours. Now, if you want, I can get some for you, but not that one,” sagot ni Clifford, pero ngayon lang ako nakakita ng ganitong reaksyon mula sa kanya. Halata nang inis siya.

“Edi ’yung kukunin mo, ibigay mo kay Ben. May pinagkaiba ba ’yon, pare? One more thing, sino ka ba, at mukhang magkasundo kayo ni Ben?”

“Puwede bang tumahimik na kayo? Kapag hindi kayo tumigil, ako ang aalis at wala akong kakausapin ni isa sa inyo!” Sa wakas, nawala rin ang tensyon sa pagitan nila. Kapwa sila nanahimik.

“Bakit kayo nanahimik ngayon? Sige, magsuntukan na lang kayo! Parang hindi kayo magkakaklase, ah!” asar kong sabi.

“I’m sorry, Benson,” mahinang sabi ni Clifford.

“Pasensya na, except kay Clifford,” hirit naman ni Adhley.

Napahilamos na lang ako sa mukha dahil para silang mga bata. Ang lalaking tao pero kung magsagutan parang mga seven years old.

Ang sakit sa ulo ng dalawang lalaki na ’to!

Chapter 4:

Benson Javier

“Kausapin mo na kasi ako, baby,” pangungulit ni Adhley sa akin matapos yung pag-aaway nila ni Clifford. Hindi ko talaga siya sinabayan sa pagkain, kaya heto ako ngayon, ginugulo niya dito sa canteen ng school.

Yung isa naman nasa kabilang mesa at walang pakialam. Ano pa bang aasahan ko kay Clifford na robot?

“Kausapin mo na kasi ako. Dinalhan kita ng dragon fruit juice, oh.” Agad akong napatingin kay Adhley at nagbago ang timpla ng mukha ko dahil doon. Tatanggi pa ba ako?

“Sige, bati na tayo. Akin na ’yan.” Tumayo si Adhley, at ganoon din ako. Medyo inilayo niya sa akin ang dragon fruit shake, dahilan para abutin ko ito sa kanya. Kaya parang na-out of balance ako at medyo dumikit ako ng bahagya sa katawan niya na napakabango. Amoy vanilla na parang may strong scent ng lalaki. Pero hindi nakakahilo; okay siya sa mga sakitin ang ulo katulad ko.

Dahil sa pagkakadikit ko sa bandang dibdib ni Adhley, nagkaroon kami ng tinginan na hindi ko alam kung gaano katagal. Pero naka-ngiti lang siya kaya visible ang mapuputi niyang mga ngipin. Ako naman, napapatingin lang sa labi niya na pinkish.

“Isn’t that just a dragon fruit shake?” Hindi ko alam kung bulong ’yon mula sa kabilang mesa, pero narinig ko na nanggaling ’yon kay Clifford. Dahil sa sinabi ni Clifford, naitulak ko nang bahagya si Adhley at parang na-awkward kami sa isa’t isa. Pero si Adhley, naka-ngiti lang ito, habang ako, nahiya. This is actually the first time I was too close to Adhley’s face.

Napatingin naman kami sa kabilang mesa dahil sa lakas ng kalabog na nabuo ni Clifford nang ibinagsak niya ang laptop niya at saka umalis. Kahit sirain pa niya ang laptop niya, marami naman siyang pambili. Pero bakit ganoon siya?

“Ben, anong oras ka pupunta?” Napa-kunot-noo ako nang tingnan ko si Adhley dahil wala akong ideya sa tinatanong niya. Naka-upo na kasi ulit kami.

“Ha? Saan ako pupunta?” tanong ko dito.

“So, you really have no idea? Here’s the catch: the majority of our classmates will be going since we’re about to graduate anyway. We’ll be drinking at Clifford’s place. Kung pupunta ka, pupunta ako.” Mukhang masaya ang ideya ng mga kaklase ko, kaya for sure pupunta ako dahil kapitbahay ko lang naman si Clifford. “Ayaw naman talaga ni Clifford pero napilit siya ng mga kaklase natin. Wala naman siyang gagastusin kung sakali,” patuloy ni Adhley.

“At kung may gagastusin man si Clifford, wala ’yon sa kanya dahil tulad mo, mayaman din ’yon,” giit ko.

“Paano pala kayo nagkakilala ni Clifford?” Paano nga ba? Ayy! Oo nga pala yung sa park.

“Nakita ko siya sa park sa village tapos kinausap. Tsaka ko siya nilapitan kasi nakita ko siyang nakaupo doon sa madilim,” walang gana kong sagot kay Adhley habang busy siya sa kinakain niyang baked mac.

“Seriously? You talked to someone you didn’t even know, and it was at night? Weren’t you scared?” Ang OA naman ni Adhley, pero mukhang seryoso naman siya sa pagiging concern niya.

“Basta, hindi ako nakaramdam ng takot noon sa oras na ’yon. Tsaka agad ko naman siyang nakilala dahil pamilyar siya sa akin. Ngayon pala, kaklase natin siya,” tumango-tango si Adhley.

“May itatanong ka pa? Kasi hindi ko na nakakain yung baked mac ko.” Natawa naman si Adhley sa sinabi ko kaya parang naningkit ang mata niya at muling lumabas ang ngiti niyang napaka-puti at talagang bagay sa pinkish niya na lips. Grabe, ang gagwapo ng mga kaibigan ko.

“You may eat, baby Ben. Daanan kita mamaya sa inyo bago ako pumunta kina Clifford, tapos sabay na tayo. Sa inyo ko na lang i-pa-park si Bumblebee.” Palagi naman niyang pinapark doon yung kotse niya tuwing gagawa kami ng activities, eh. Ngayon pa talaga siya nagpaalam sa tagal ng panahon.

Ang cute ng pangalan ng kotse niya, ’no? Bumblebee.

“Tigilan mo ’ko sa baby mo na ’yan. Baka may makarinig sa atin, isipin pa na bading ka. Okay na yung ako lang yung bading.” Natawa ako sa sinabi ko, pero seryoso yung mukha ni Adhley. Napa-inom tuloy ako ng dragon fruit shake. Na-offend ko ba siya or what?

“I don’t really care about what they will say. If they want, I’ll even court you in front of them,” dahilan para mabuga ko ang shake na iniinom ko sa gilid ko. Mabuti na lang hindi sa mukha niya.

“Anong sabi mo?” Pinunasan ko ang mukha ko gamit ang tissue na hiningi ko kanina sa tindera. Grabe, nauubo pa rin ako sa mga pinagsasabi ni Adhley.

“What they say doesn’t concern me. I’ll even win you over right in front of them.” Anong win? Ano ba, may palaro ba dito? Talagang inulit pa niya. Narinig ko naman na.

“Alam mo, Adhley, take this. Baka kulang pa ’yang kinakain mo. Pinagloloko mo ’ko, eh. Bilisan mo diyan para makauwi na tayo.” Kinuha naman niya ang banana bread na dala ko, tsaka siya ngumiti at ginulo ang buhok ko. Ang hilig niya talagang gawin ’yon.

“Thank you, baby Ben.” Ayan na naman siya sa endearment niya.

Pagkatapos kumain ni Adhley, tumayo kami at nagtungo na sa parking lot ng school. Pinauna niya akong sumakay sa E-bike ko, tsaka naman siya sumakay kay Bumblebee. Siya lang yung may yellow na sasakyan dito sa school, kaya parang kakaiba talaga ang kanya at maganda talaga.

“Mauna ka na, baby Ben. Susunod ako. See you later at exactly eight o’clock.” Tulad nga ng sabi ni Adhley, nauna na ako at nagsimulang magmaneho, at ganoon rin siya.

Habang nagmamaneho ako at nasa likod ko si Adhley, hindi ko maiwasang mag-isip kung bakit hindi natatakot si Adhley sa sasabihin ng iba sa kanya. Wala din siyang pakialam kung may maririnig siya dahil kasama niya ako. I really admire him pati ang mga kaibigan niya dahil hindi ako nakarinig ng mga panlalait sa mga kaibigan niya kahit straight ang mga ito. Sa totoo lang, parang kaibigan ko na rin nga sila dahil sa bardagulan namin minsan.

Naitanong ko na rin kay Adhley noon kung bakit nilalapitan niya ako, pero ang sagot niya, “Bakit hindi? Wala naman akong nakikitang problema sa ganoon.”

Sa tagal kong kaibigan si Adhley, napatunayan ko na hindi nga siya yung tipo ng lalaki na mapanghusga o may malisya. Kaya kahit ako mismo, komportable ako sa kanya. Minsan nga, natutulog pa ’yan sa kwarto ko lalo na kapag lasing at nagtatago sa mommy niya, baka pagalitan siya.

Sana hindi siya malasing mamaya dahil baka parehas kaming bagsak at matulog kami sa gate ng bahay ko.

Bumalik ako sa realidad nang makarinig ako ng busina. Liliko na pala si Adhley. Alam ko na ’yon, at ako naman, dumiretso na sa direksyon ng bahay namin. Gagawin ko muna ang natitirang dalawang activities ko bago ako maligo para sa inuman mamaya. Kakain din muna ako—baka kasi mag-suka ako, mahirap na.

Pagdating ko sa gate, may sasakyan nang naghihintay sa tapat ng bahay nila Clifford. Parang may ibinababa itong tray ng mga pagkain. Tiningnan ko ang oras, 6:30 na pala ng gabi. Siguro nag-order na lang siya ng ipapakain sa mga kaklase namin para sa party mamaya. Para tuloy kaming may reunion. Sabagay, sila na ang mga kaklase namin simula first year hanggang ngayon, maliban kay Clifford na galing sa ibang section at nagpalipat sa’min.

Alam kong mas gusto niya sa class schedule namin dahil nabanggit ito ng professor namin noong unang araw ng pasukan. Si Clifford mismo, sinabi niya sa akin na hindi siya morning person kaya mas productive siya sa pang-gabing schedule. Pero syempre, sinabi niya iyon nang walang emosyon—parang robot talaga. Ewan ko ba sa lalaking iyon.

“Hey, are you planning to go later?” tanong ni Clifford, nasa labas siya ng gate nila ngayon habang may pinipirmahan sa nag-deliver.

“I will go. Hintayin ko lang si Adhley, dadaanan ako dito.”

“Why are you still waiting for him? You can just come straight here. Look, we’re practically neighbors—only a wall separates our houses. Don’t bother waiting for that idiot.”

Nag-aaway na naman ba sila?

“Nag-aaway na naman ba kayo?” tanong ko.

“No, I’m sorry. Hintayin na lang kita mamaya.” Hindi na ako sumagot at pumasok na sa loob. Tinalikuran ko si Clifford dahil ayoko yung ganitong pakiramdam na parang may away sa pagitan nilang dalawa ni Adhley dahil parehas ko silang kaibigan. Ayoko nang isipin pa ang tila laging may tension sa pagitan nila. Hindi naman matindi ang away nila, parang minimal lang. Parang eye-to-eye fight lang.

Bahala na yung dalawang lalaki na iyon. Nasa edad na sila at malalaki na sila para isipin ko pa ang problema nila. Parehas naman silang malalaki ang katawan, kaya kung magsusuntukan sila, walang talo at walang panalo.

Chapter 5:

Benson Javier

Ano kaya ang suot ng mga kaklase ko? Hindi ko kasi alam kung anong susuotin ko. Baka kasi naka-simple lang sila, tapos naka-pantalon ako. Balak ko sanang magsuot ng shorts na lang at white t-shirt para malaya akong nakakagalaw. Dahil may pool naman sa kabilang bahay, which is bahay nila Clifford, posible na naka-maong short shorts ang mga babaeng kaklase ko, tsaka sila naka-bra lang for sure. Dahil hindi naman ito ang unang pagsama-sama namin—nangyari na din ito sa ibang bahay ng mga kaklase ko.

Ang tagal naman kasi ni Adhley para matignan ko kung anong suot niya, para ganoon na lang din ako. Speaking of Adhley, wala siyang katok-katok at dumiretso lang sa loob ng kwarto ko.

“Adhley, tumalikod ka!” Nanlaki ang mata niya at halatang nagulat, tsaka naman ako nito sinunod. Tumalikod ito tulad ng sabi ko.

Paano ba naman, nakataas ang isang paa ko sa mesa para makapag-lotion ng maayos. Bale ang suot ko lang ay boxer shorts. ’Yon lang. Nagsuot na muna ako ng short na nakuha ko sa pinagpipilian ko at mabilis na sinuot.

Pero bakit pa ba ako nage-expect na kakatok si Adhley, eh parang bahay niya na rin ’to at parang kwarto na rin niya. Dapat pala sinara ko ang pinto.

“Humarap ka na. Huwag ka nang magpanggap na wala kang nakita.” Nakangisi kong giit kay Adhley. Pagharap nito, para siyang lumunok at pinagpawisan. Mainit ba sa kwarto ko? Naka-bukas naman ang aircon, ah.

“Ang hot mo pala, baby, kapag bagong ligo.” Pang-aasar ni Adhley, kaya tiningnan ko siya ng masama.

“Biro lang.”

Humiga si Adhley sa kama ko at kinalikot ang cellphone. Kinuha ko ’yung pagkakataon na ’yon para pagmasdan ang suot niya. He’s wearing beach shorts na kulay black at white t-shirt na parang nasa bahay lang. Sabi na, eh, ganyan ang magiging suotan nila. Kaya mabilis kong kinuha ang beach short ko rin at white t-shirt. Dahil nandito si Adhley, syempre hindi ako pwedeng magbihis dito, kaya pumunta ako sa banyo para gawin ’yon.

“Tapos na ’ko,” anunsiyo ko nang lumabas sa banyo, at itong si Adhley naman ang pinagmamasdan ang lip gloss doon sa side table ko.

“Akin na nga. Para hindi mag-dry ang labi mo, dapat maglagay ka rin nito. Ayan!” Nakangiti kong turan sa kanya matapos ko siyang lagyan habang nakahiga pa rin ito sa kama. Ngayon ko lang napansin na sobrang lapit ko sa kanya kaya agad akong umiwas.

Si Clifford noong lagyan ko siya, wala siyang naging reaksyon, pero itong si Adhley parang namula ang pisngi niya dahil doon.

“Is that the correct way to apply it? Why not apply to your lips first, then transfer it to me?” I can’t deny it—umiwas na ako ng tingin sa kanya dahil feeling ko namumula na ang mukha ko.

“Manyak ka! Tumayo ka na diyan dahil lilipat na tayo sa kabila.” Nagpanggap ako na parang hindi kinilig sa ginawa ni Adhley, pero ang totoo, kinilig talaga ako.

“Heto na, baby boss.” Tumayo si Adhley at nag-spray ng pabango na nakuha niya sa side table ko. Sa totoo lang, kapag gamit ko ayokong ginagalaw. I mean, hindi okay sa ’kin na hawakan ’yon, kahit siguro kapatid ko pa siya, hindi ako papayag. Pero si Adhley, pinapayagan ko siya at hindi ko rin alam kung bakit. Bakit nga ba?

“Mangangamoy babae ka niyan,” giit ko bago tuluyang lumabas sa kwarto, at sumunod naman siya sa ’kin.

“It’s fine with me if I smell feminine. Sayo naman pabango ’yan. Don’t you want that? Our classmates will assume something happened since we smell the same.” Hinarap ko si Adhley kaya napahinto ito.

“Baliw ka ba? Hindi ba pwedeng kumuha ka lang ng pabango ko kaya magkaamoy tayo? Manyak ka talaga!” Oo na, kinikilig na ako, pero hindi ko ’yon maipakita sa kaibigan ko dahil ayokong magkaroon ng awkward moment sa amin kapag ganito ang topic. Sa totoo lang, sanay naman na ako kay Adhley sa ganito niya, pero minsan hindi ko na kasi talaga kaya. Baliw talaga ’tong kaibigan ko na ’to.

Dahil hindi pa siya tumitigil sa pagtawa hanggang dito sa main door ko habang nilalock ko ang pinto, hinampas ko siya kaya parang umakto na naman siyang sinaktan ng malakas.

“Paano ka masasaktan sa ganito kaliit na palad, ah? Sa laki mong tao.” Tsaka lang siya huminto sa pag-acting na nasasaktan. Magkaiba talaga sila ni Clifford. Siguro kung hahampasin ko ’yon kahit malakas pa, titingnan niya lang ako, tapos wala na. Robot, eh. Itong si Adhley naman, gusto pang magpababy. Ay naku, tantanan niya ako.

“Oo nga pala, Adhley. Umayos ka mamaya, ah. Kung maglalasing ka, magtira ka ng pang-uwi mo. Huwag ka rin susuka dahil walang ibang mag-aalaga sa ’yo doon kundi ako.” Ngumiti ito at mukhang naiintindihan naman niya ang sinasabi ko.

“Hindi naman siguro magagasgasan si Bumblebee diyan ’no, baby?” Muli ko siyang tiningnan dahil sa endearment na naman niya. Kaya kahit mga kaklase namin nagtatanong na kung anong meron sa amin. Baliw kasi na lalaki ’to.

“Adhley, simula first year college tayo hanggang ngayon nagpa-park ka na diyan? May nakita ka bang nagasgasan si Bumblebee? Nabasag ba ang side mirror mo? Hindi naman, ’di ba? Kaya walang mangyayaring masama sa sasakyan mo, pero sa ’yo meron!” Inabot ko ang tenga niya tsaka ko ’yon inikot dahilan para umaray siya sa sakit.

“Ang sungit mo naman ngayon. May dalaw ka ba?”

“Lalaki ako, bading nga lang. Wala akong dalaw, pasensya na. Ikaw naman kasi, bakit ba kasi dumiretso ka sa kwarto kanina?” Siguro doon nga ako naiinis dahil sa nakita niya kanina. Hindi ako, na parang napaka-conservative ko pagdating sa straight na lalaki, pero kung babae lang itong si Adhley, panigurado hindi ako maiinis.

“I’m sorry, okay? Wala naman akong nakita. Nakita ko lang naman ’yung legs mo na parang may ring light dahil maputi at kumikintab.” Binola pa ako.

“Tama na. Pumasok na tayo kina Clifford. ’Yung sinabi ko sa ’yo, huwag kang iinom ng madami. Uuwi ka pa,” ayoko na kasing maulit ’yung nangyari sa kanya noon, pero hindi niya ako kasama noon. Dumiretso siya sa bahay na may bugbog sarado ang mukha dahil may nakaaway sa bar, at ayokong maulit ’yon. Tsaka baka kasi maaksidente siya sa daan. Kaya minsan kahit uminom lang siya ng kaunti o kapag naamoy ko siya, hindi ko na lang pinapauwi dahil hindi naman din ako patutulugin ng konsensiya ko.

“Copy, baby boss.”

“Isa pa ’yang baby na ’yan. Kasama natin ang mga kaklase natin.”

“And?” Hindi na ako sumagot pa kay Adhley at hinila ko na siya papasok sa bahay nila Clifford. Pagdating namin sa bandang likuran ng bahay nila Clifford, nandoon na ang mga kaklase namin na iilan.

May grupo na nag-aayos ng pagkain sa mesa para may i-myday raw sila, panigurado ipapapadala sa ’kin ’yon mamaya dahil gawain ko din ’yon.

’Yung iba naman nasa griller, nagba-barbecue na sila. At syempre mga lalaki ’yon dahil maarte ang ibang kaklase kong babae at ayaw nila ng usok kahit bahagya lang.

“Pare!” Energetic na turan ni Adhley nang makita niya si Clifford na papalapit sa amin. Tinanguan lang ni Clifford si Adhley bilang pagbati, pero itong si Adhley, tinap niya ang balikat nito.

Himala, okay sila ngayon?

“Rook! Adhley! Ano na, mga bro?” Padating si Kenneth na may dalang alak, kasama nito si Charlon na may dala-dala rin alak. Mukhang mapapalaban talaga sila ngayon sa alak. Tinitingnan ko pa lang ang kulay at brands ng mga alak ay nakakatakot na. Mukhang may uuwing gumagapang mamaya.

Ako lang pala ang tumatawag ng Clifford kay Clifford, kasi ngayon ko lang din napansin na “Rook” pala ang tawag sa kanya ng mga kaklase namin.

Binalingan ko ng tingin si Adhley at tiningnan ko siya ng “umayos ka” look. Sana talaga umayos itong si Adhley dahil mukhang kahit ako malalasing dahil ayaw ng mga kasama namin na mag-pass. Madami rin ang alak na napamili nila kaya mukhang walang tigil ang pag-inom namin ngayon.

Chapter 6:

Habang abala ang ibang kaklase ko sa pag-grill at pag-aayos ng pagkain, naisipan kong kumuha ng picture dahil ang ganda dito. Puno ng fairy lights sa paligid, para kaming nasa isang resort.

Inikot ko ang mata ko, at nandoon na pala si Adhley sa inuman session. Mukhang sinimulan na nila kahit wala pa ang iba naming kaklase. Talaga namang, uminom na si Adhley, kumain na ba siya? Sumasakit talaga ang ulo ko sa lalaking ’to, nagmumukha akong nanay niya. Pumunta ako doon sa mesa at kumuha ng plato na napakabigat dahil babasagin. Grabe sila Clifford, mayaman talaga sila. Tapos doon sa kabilang gilid, may basket na kulay brown na may lamang towel para sa aming lahat.

Muli kong ibinalik ang tingin ko sa pagkain at sinandukan si Adhley para kumain na muna siya. Dahil panigurado, kapag nalasing ’yan, magsusuka ’yan. Mahihirapan lang siya kapag wala siyang naisuka. Panigurado rin na ako ang mag-aalaga sa kanya dahil mukhang wala siyang balak umuwi hanggang hindi nauubos ang alak.

“Hello, Benson. Kanina ka pa?” tanong ni Trexcy na nasa likuran ko pala. Siya yung Vice President namin sa klase na hindi ko din madalas nakakausap dahil may mga kanya-kanyang circle of friends kami, pero masasabi kong okay kami at mabait siya.

“Oo, nasa may garden part ako kaya siguro hindi mo kami nakita ni Adhley. Hindi mo lang siguro ako napansin dahil nakita kita kanina, napaka-busy mo dito.” Ayan ang maganda kay Trexcy, kahit alam niyang may kasama sa bahay sila Clifford at maging sa ibang bahay ng mga kaklase ko, may task talaga siyang kukunin at hindi ’yon ipapagawa sa mga katulong. Siya yung tipo ng kaklase na maasikaso.

“Adhley? Yung jowa mo?” Mabilis akong humilig at bahagyang natawa.

“Hindi ko siya jowa, kaibigan ko lang siya. Pang-asar niya lang sa akin yung ‘baby.’” Parehas kaming natawa ni Trexcy. Ang sarap din palang kausap nito at napakaganda pa. Halos ka-height ko lang siya at napakaganda ng smile niya. Mahaba din ang buhok nito na lalo pang nakakapagpaganda sa kanya.

“Akala ko jowa mo siya. Palagi kasi kayong magkasama. For sure, hindi lang ako ang nagkamali. Aminin mo.” Tumango ako at muli kaming nagtawanan ni Trexcy. “Anyway, gusto mo bang ipakuha kita ng food?” Humiling ako.

“Ako na lang, tsaka hindi naman para sa akin, para kay Adhley na ngayon ay umiinom na.” Tumingin kami doon sa spot kung saan ang inuman session na hindi naman malayo dito sa mesa kung saan nakalagay ang mga pagkain. “Thank you, Trexcy.” Ngumiti ito at nagpaalam na magpapalit na siya dahil gusto niya raw mag-swimming. Ganoon din ako.

Kumuha na ako ng pagkain at nilagyan ko ng mga pagkaing sa tingin ko ay magugustuhan ni Adhley. Tsaka umalis na ako doon at pumunta sa pwesto. Tinaasan ko ng kilay ang mga kaibigan ni Adhley na sina Ian, Reinier, at Justin bilang pag-approach sa kanila.

“Kumain ka muna,” tsaka ko ibinigay yung pagkain sa kanya. Alam kong wala na ’yon sa mga kaibigan niya dahil sanay naman sila sa ganitong eksena dahil sa pagiging pabaya ni Adhley pagdating sa inuman. Hindi ko alam kung anong problema ng lalaking ’to at napakalakas uminom.

“Thank you, baby,” giit ni Adhley at nakangiti. Nag-hiyawan naman ang mga kaibigan niya dahilan para lumapit din ang iba naming kaklase sa mesa. Mukhang magsisimula na kami sa inuman, pero wala pa rin si Clifford dito.

Mga kaklase ko talaga, napakagaling mag-ayos dahil hindi ko namamalayan, all set na, at nakapang-swimming na sila kahit mag-iinuman pa lang naman kami. Mamaya na ako kakain dahil kumain naman ako kanina sa bahay habang ginagawa ko yung dalawang activities ko na naiwan.

Naisip kong kunin ang cellphone ko sa bulsa ng shorts ko at kumuha ng litrato sa paligid. Naisipan ko ring mag-selfie, pero hindi ko makuha ang gusto ko kaya parang nairita na ako.

“Do you want me to take a picture of you?” giit ni Clifford, pero hindi pa ako nakakasagot, kinuha na niya ang phone ko at pinicturan niya ako sa garden nila na may mga fairy lights. Pagkatapos, ibinigay niya kaagad sa akin ’yon at pumunta na siya doon sa mesa si Robot.

Tinignan ko ang kuha niya, naka-focus lang ito sa akin at nanatiling madilim ang paligid. Para tuloy akong nangibabaw dito sa picture kaya napakaganda talaga. Magaling pala siya kumuha ng ganitong picture? Pumunta ako sa social media ko at nag-myday ng picture ko tsaka ko muling ibinalik ang phone ko sa bulsa ng shorts ko.


Nag-umpisa na ang inuman at talagang walang nakakatakas sa pag-shot. Maging ako ay hindi makaiwas kahit ilang beses na akong pumunta sa banyo. Nasa pagitan ako ni Clifford at Adhley ngayon, tapos ang buong kaklase ko ay naka-ikot sa mesa, pero tanaw pa rin namin ang iilang mga babaeng kaklase namin na nagsi-swimming at kumukuha ng litrato sa pool.

Nakayuko na si Adhley kaya binulungan ko siya at tinanong kung okay pa siya. Okay pa naman daw siya, nahihilo lang. Edi hindi na siya okay.

Itong si Clifford na robot naman, chill lang siya sa tabi ko.

“Ikaw na, Benson.” Ibinigay sa akin ni Justin ang shot glass na puno-puno. Kinuha ko ito at ininom. Grabe, ang lakas naman ng alak na ’to. Nakakasuka ang amoy.

“Here,” napatingin ako kay Clifford na nasa gilid ko. Pagtingin ko, nagulat ako dahil may kaharap na akong kutsara na may sisig. Sinusubuan niya ako? “Tapon ko?”

Dahil sa tanong ni Clifford na walang reaksyon sa mukha, lumapit ako sa kutsara at sinubo ko yung pinakain niya. May tama na siguro siya ng alak kaya niya nagagawa ’yon. Kasi kung hindi siya naka-inom, hindi niya gagawin ’yan dahil sa pagiging nonchalant niya na ewan.

Muli kong sinulyapan si Adhley at ngayon ko lang napansin na pulang-pula na pala ang mukha niya, maging ang tenga niya. Idagdag mo pa ang pamumula niya sa leeg. Hindi siya allergic sa alak, sadyang kapag umiinom si Adhley, ganyan na siya kahit isang bote lang. Hindi ko lang kaagad napansin kahit katabi ko siya.

Umikot ang shot glass ng ilang beses kaya nakikita ko sa mga kaklase ko ang limitadong galaw nila dahil daw lalo lang silang mahihilo kapag gumalaw-galaw pa sila. Ayaw na nga nilang tumayo para magbanyo pa. Yung mga babae naman na kaklase namin, nagrereklamo na lasing na raw sila, eh kanina pa kaya sila talon nang talon sa pool. Paanong hindi sila mahihilo, ’di ba?

“Teka, anong gagawin mo, Adhley?” Napalakas ang boses ko dahil bigla akong binuhat ni Adhley. Nagpupumiglas ako pero hindi ko kaya. Nakangiti lamang ito at mukhang alam ko na ang gagawin nito. Tumalon kami ng sabay sa pool kaya napakapit ako sa leeg niya nang lumutang kami. Malalim pala ito. Akala ko nasa 5 feet lang.

“Can you please position your legs away from my shorts? You’re making me uncomfortable, baby Ben,” giit niya. “You’re making me hard,” dagdag pa niya kaya natakpan ko tuloy ang bibig niya gamit ang isang kamay ko habang ang isa kong kamay ay patuloy na nakakapit sa kanya.

“Adhley, ano ba? Nandyan ang mga kaklase natin.” Kung hindi lang malalim ’to, siguro kanina pa ako lumayo. Paano ako lalayo sa kanya, eh nakayakap siya sa bewang ko gamit ang dalawang kamay niya.

“Paano kung wala ang mga kaklase natin?” Inikutan ko siya ng mata at bahagya ko itong hinampas. Kahit matagal na kaming magkaibigan ni Adhley, hindi pa rin ako sanay sa ganitong mga banat niya kaya hindi ko pinapakita sa kanya na apektado ako sa mga sinasabi niya.

“Dahan-dahan na sa pag-inom, Adhley. Uuwi ka pa, uuwi pa tayo.” Humahon na kami at bumalik sa mesa kung saan umiinom ang mga kaklase namin. Pag-upo ko doon, ang normal na mukha ni Clifford na walang reaksyon, ngayon, hindi na plain ang mukha niya. Para siyang badtrip na ewan.

“Ikaw na, Benson!” Napatingin ako kay Trexcy, at iniabot niya sa akin ang shot glass na puno na naman ng alak. Iinumin ko na sana ’yon nang kunin sa akin ni Clifford ’yon at ininom.

“Hindi ko na kaya.” Hindi ko inaasahan na yung dapat na bulong ko ay napalakas kaya nagtawanan ang mga kaklase ko. Nahiya naman ako sa ginawa ko kaya natawa na rin ako sa sarili ko.

“Give me all his shots. I’ll drink them,” saad ni Clifford kaya tumango lang si Trexcy na kasalukuyan siyang nagpapaikot ng alak. Naisip ko lang, bakit kaya kinuha ni Clifford ang alak na dapat iinumin ko, maging ang susunod pa na shots ko? Hindi ko rin minsan maintindihan ang kinikilos ni Clifford.

Mabuti na lang kinuha ni Clifford ang shots ko dahil mukhang magiging nanay na naman ako kay Adhley mamaya. Hindi pa rin siya nahimasmasan kahit nag-swimming na, at heto, tumutungga na naman siya ng alak. Itong alak pa naman na iniinom namin ay ang alak na iniiwasan ko dahil talagang hindi ako umiinom ng ganitong uri ng alak dahil malakas ang impact sa akin. Pero ano pa bang magagawa ko? Ginusto kong pumunta dito, kaya tatapusin ko.

“Ang panget naman ng boses mo, Reinier!” Nagkatawanan ang lahat dahil kabaliktaran, maganda talaga ang boses ni Reinier na kaibigan ni Adhley. Naglabas pala sila ng TV para makapag-videoke kaya pala mas lalong sumaya ang mini party namin dahil sa videoke na ’yon.

Maya-maya, nakaramdam ako na parang nahihilo na ako at, at the same time, nilalamig dahil basa ang suot ko. Nagulat na lang ako dahil may towel na yumakap sa akin, at nang tingnan ko, inilagay pala iyon ni Clifford.

“Para sa akin ’tong towel?” tanong ko sa kanya, at suplado niya akong tinignan.

“Ayaw mo? Tapon ko?”

“Salamat, Clifford.” Kinuha ko ang towel, baka itapon talaga niya kapag hindi ko pa kinuha. Ngumiti ako at dinamdam ang init at kapal ng towel. Grabe, mawawala talaga ang lamig mo sa towel nila. Para itong naka-steam at parang kumot, pero yung katamtaman lang ang laki.

Tumayo si Clifford dahil inutusan siya ni Trexcy na kumuha ng yelo. Hindi ugali ni Trexcy na mang-utos.

“Benson, kailan pa kayo naging malapit ni Rook?” Biglang tanong ni Trexcy sa akin kaya napatingin, maging ang ibang kaklase ko. Kaya pala inutusan niya si Clifford, kasi magtatanong siya.

“Nasa two weeks pa lang kaming magkalapit, pero hindi naman talaga ganoon kalapit dahil hindi naman din ako kinakausap ni Clifford sa school. Tsaka, magkapitbahay lang kami. Pader lang ang pagitan namin.” Tinuro ko ang pader na hindi naman sobrang kataasan. Siguro hanggang first floor lang ’yon dahil nakikita pa ang ikalawang palapag ng bahay ko. At kung nasa bahay naman ako, makikita ko ang pangalawa at ikatlong palapag ng bahay nila Clifford.

“I see. Pero kami, halos hindi kami sinasagot niyan. Pero pagdating sa’yo, may simple gestures siya na ginagawa. Katulad niyan,” tsaka niya tinuro ang towel na nakayakap sa buong katawan ko. “Tapos, pinang-inom ka pa niya ng alak.”

“Hindi ko rin maintindihan ’yan si Clifford. Kahit kasama ko siya minsan sa bahay, hindi naman siya ganoon kadalas magsalita. Para talaga akong may kasamang robot.”

Nagtawanan ang mga kaklase ko sa sinabi ko.

Tinignan ko si Adhley na mukhang nilalamig na rin. Malaki naman itong towel kaya sinama ko siya para mabawasan ang lamig niya. Hindi na rin kasi siya nagsasalita at mukhang lasing na siya dahil sa bilis ng ikot ng alak.

Maya-maya, bumalik na si Clifford at padabog niyang inilagay sa mesa ang tube ice na kinuha niya, kaya nagtinginan na lang ang mga kaklase ko.

Bahala na talaga mamaya. Kahit ako nahihilo na—paano kaya kami makakauwi mamaya?

Chapter 7:

Benson Javier

Nagpatuloy ang pag-ikot ng shot at alam ko sa sarili ko na, this time, nahihilo na ako dahil hindi na nila pinayagan si Clifford na siya ang sumalo ng shots ko kaya ako na talaga ang umiinom.

“Clifford, medyo nahihilo na kasi ako. Baka bumagsak ako papunta sa banyo. Pwede mo ba akong samahan kahit hanggang sa may pinto n’yo lang?” Hindi ako nakatanggap ng sagot sa kanya, pero tumayo siya at sumunod naman ako.

Mula doon sa spot namin, mabilis lang kaming nakapasok sa bahay ni Clifford. Ang sabi ko hanggang pinto lang, pero heto siya, sinusundan ako hanggang sa daan papunta sa banyo.

Maya-maya, hindi pa ako nakakarating sa banyo nang nagulat ako nang biglang hawakan ni Clifford ang kamay ko, dahilan para mapalapit ako sa kanya. Beach shorts lang ang suot niya ngayon kaya ramdam ko ang init ng katawan niya.

Dahil sa lakas ng paghila niya sa akin, bumagsak kami sa carpet nila na napakalambot. Yung carpet na parang balat ng Snow Bear. Ang pwesto namin ngayon ay nakapatong siya sa akin, at alam kong pinipigilan niya ang bigat niya ngayon at sapat lang ang pagdikit niya sa akin.

Tiningnan ako ni Clifford. Mapupungay ang mga mata niya at mapupula din ang labi niya. Tiningnan lang ako nito pero hindi ko kayang tumingin pabalik sa kanya.

“Clifford…” Ayan na lang ang nasabi ko dahil sa pwesto namin. Sinubukan kong tumayo, pero hindi man lang naapektuhan si Clifford sa pagtulak ko sa kanya.

Nagulat ako sa susunod na ginawa ni Clifford dahil lumapit siya sa leeg ko at inamoy ako. Hindi naman ’yon ganoon katagal.

“Why are you imitating him in your actions, behavior, and even scent? Is it intentional to make me more miserable?” Parang nakakaawa ang boses ni Clifford pero may kaunting inis sa boses niya. Tiningnan ko ang mata niya pero nakakaawa itong tingnan.

“Bakit mo siya ginagaya? You have no idea how much I missed him. Kinakarma na ba ako dahil wala man lang akong nagawa noon?” Hindi ko siya maintindihan, pero mukhang may tao kaming pinag-uusapan ngayon.

“Clifford, hindi ko siya ginagaya kung sino man siya. This is me.” Humiling ito. Ganoon pa rin ang mukha niya—walang reaksyon—pero ramdam mo sa boses niya ang sakit, at makikita mo sa mata niya na nahihirapan siya.

“You remind me so much of him. Making me crave your presence.” Sino ba kasi ang pinag-uusapan namin? Ex ba niya or kaibigan niya?

Gusto kong itanong kung anong nangyari, pero feeling ko hindi ito ang best time para itanong ’yon lalo na’t hindi na okay si Clifford. Lasing na siya. Hindi pa nga siya umaalis sa pagkapatong sa akin. Ako naman, wala nang lakas para itulak pa siya dahil nanghihina na ako. Pati pag-banyo ko, nakalimutan ko na.

Muli akong napatingin kay Clifford at gusto kong umiwas sa mata niya dahil hindi ako sanay sa ganoon. Nakakaawa ang tingin niya at malungkot ang mga mata niya. Hindi man siya umiiyak pero alam kong pagod na pagod ang mata niya.

“Benson, please be patient with me. I’m not usually like this, but…” Hindi ko na siya pinatapos at inilagay ko ang hintuturo ko sa labi niya.

“Madalas akong magreklamo dahil parang kausap ko lang ang sarili ko kapag kasama kita. No worries, I like the idea na kasama kita. I’ll be more patient with you, Clifford na robot.” Dahil sa sinabi ko na ’yon, umalis si Clifford sa pagkakapatong sa akin at inalok niya ang kamay niya para kapitan ko at makatayo.

Heto na naman po siya at bumalik na sa pagiging nonchalant. Wala na akong nakikitang emosyon sa mga mata niya. Itinuro niya ang banyo kaya nagbawas na ako ng tubig sa katawan ko. Naghugas ako at lumabas na.

Aaminin ko, dahil sa mga kakaunting detalye na sinabi ni Clifford sa akin, parang gusto ko tuloy alamin ang history niya. Para siyang libro na maganda ang title at synopsis kaya gusto ko na lang bilhin at basahin.

“Salamat, Clifford.” Nakabalik na kami sa spot namin at ang iilan sa mga kaklase ko ay bagsak na. Pero yung mga babae, hindi pa rin pagod at kanya-kanya sila sa pag-thirst trap.

Napatingin din ako kay Trexcy na bahagya nang nagliligpit ng mga kalat namin. Binawalan nga siya ni Clifford pero ayos lang raw. Grabe, napakasipag talaga niya.

“You’re wife material, Trexcy. Baka ligawan kita dahil sa mga ginagawa mo.” Sigaw ni Justin kaya parang na-activate ang mga kaklase ko at nagsigawan. Ang mga babaeng kaklase ko, kinilig at naghiyawan.

Believe ako sa mga kaklase ko noong nagkaroon kami ng usapan noong uminom kami sa place nila Adhley. Kaya raw hindi sila pumasok sa relasyon dahil nagbigay sila ng enough time para sa last year namin sa college, maging ang mga working students nag-resign dahil sa research paper namin.

Kaya pala, halos walang mga karelasyon ang mga kaklase ko. Siguro isa lang ang meron pero hindi naman ’yon nagiging sagabal kay Rochelle na circle of friends ni Trexcy.

Masasabi ko na kasundo ko lahat ang mga kaklase ko. Dati ayoko sa maarte dahil pumipitik ang tenga ko sa kaartehan nila, pero I realized na ganoon pala talaga ang buhay. Hindi tayo perpekto kaya may mga bad sides pa rin tayo, and we just have to accept it.

“Are you okay?” tanong ni Rochelle sa akin kaya ngumiti lang ako sa kanya.

“Thank you for asking. Sana okay ka lang din. Shot?” Itinaas ko ang baso ko at ganoon din sila.

“Shot!” Malakas na sigaw namin sabay-sabay, dahilan para magising si Adhley at mukhang handa na ulit uminom matapos matulog ng nasa dalawang oras.

“Everyone, if you’re unable to drive later, feel free to use our guest rooms. Please don’t hesitate to reach out if you need anything.” Anunsiyo ni Clifford kaya sumang-ayon naman ang mga kaklase ko.

“Matutulog na lang ako sa sasakyan ko.” Bumaling ang tingin namin kay Adhley.

“I’m not forcing you to stay,” giit ni Clifford kaya humarang na ako sa dalawa.

“Adhley, sa bahay ka na lang matulog.” Kaya natahimik na sila. Muli akong hinila ni Adhley at muli kaming tumalon sa pool.

“Kapag talaga lasing ang sarap maligo sa malamig, ’no?” Saad ko kay Adhley at tumango lang ito. Nakasakay ako sa likod niya kaya pasan niya ako habang nakababad kami sa tubig ng pool.

“That’s true. Mabuti nga nahimasmasan na ako at baka kayanin ko nang umuwi mamaya,” sagot pabalik sa akin ni Adhley.

“Pero kung hindi mo kaya, sa bahay ka na lang katulad ng palagi mong ginagawa,” giit niya.

“Gusto mo lang makita ang katawan ko habang naka-shorts lang.” Hinampas ko siya gamit ang isang kamay ko. Gamit ang isang kamay niya hinahawi niya ang tubig, at isang kamay naman niya ay nakasuporta sa pang-upo ko.

“Sayo na ’yang katawan mo. Ikaw nga, kapag natutulog ka sa kwarto, ginagawa mo akong unan at talagang niyayakap mo ako kaya naiinitan ako kahit malamig naman sa kwarto.”

“Nag-iinarte ka pa, Baby Boss. Yung ibang babae hinihingi at nagmamakaawa para yakapin ko sila, tapos sayo kusa kong ibinibigay. This is solely for you.” Muli ko siyang hinampas kaya natawa siya sa ginawa ko.

“Maiba ako, wala ka bang dine-date ngayon after ng break-up niyo noong president sa student council?”

“Wala, but I’ve developed an interest in someone, pero hindi siya aware.” Naka-ngiti pa rin si Adhley, at ramdam ko ’yon sa boses niya.

“Wala ka bang balak sabihin sa kanya?” tanong ko.

“Gusto ko sana pero ayokong masira ang relasyon na meron kami. Matagal ko na siyang gusto pero takot din ako.” Huminga siya ng malalim. “If admitting my feelings would ruin our current relationship, I’d rather keep my feelings hidden,” patuloy pa niya.

“Bakit hindi mo subukan?”

“I badly want to try, but expressing my feelings might ruin our connection, as I’ve carefully nurtured it from the beginning. Alam kong importante ang nararamdaman ko, pero mahalaga pa ba ’to kung mawawala naman ang taong tumanggap sa akin?” May punto si Adhley.

Para tuloy akong nalungkot ng kaunti dahil sa usapan namin ni Adhley kaya kapwa kami natahimik. Grabe din pala magka-gusto itong si Adhley, pipiliin niya na lang na itago ang nararamdaman niya kaysa maputol ang koneksyon nila ng taong gusto niya.

“Baby Boss, would you like to ride on my shoulder?” Maganda ang idea niya na ’yon kaya pumayag ako. Inalalayan niya ako sa pagsakay sa balikat niya kaya nang magawa namin, sumunod ang ibang kaklase ko at ginawa naman nila ’yon. Gamit ang water gun na pag-aari nila Clifford, ginamit namin ’yon kaya talagang napakasaya namin.

Speaking of Clifford, nakatayo lamang ito sa gilid ng pool habang hawak ang shot glass. Naisipan kong magpababa muna kay Adhley at tumungo sa hagdan kung saan malapit si Clifford.

Tatanungin ko sana siya kung gusto niyang samahan kami dahil halos lahat kami nasa pool na, pero bago pa ako tuluyang makalapit sa kanya, parang namulikat ang paa ko dahilan para mahila ko si Clifford sa pool.

Nang lumutang kami, buhat-buhat na pala ako ni Clifford at nabasa na ito kaya parang mas nag-glow ang balat nito kahit moreno siya. Kapwa kami nagtitinginan habang nakahawak ako sa batok niya.

“Are you okay?” nag-aalalang tanong ni Clifford sa akin, at hindi pa ako nakakasagot nang lumapit na rin si Adhley na mukhang nag-aalala.

“I’m good.” Ayan na lang ang nasabi ko, pero ang totoo, namumulikat pa rin ang paa ko. Hindi pa rin ako nakakaalis sa ganitong pwesto namin ni Clifford dahil baka lumubog ako kapag binitawan niya ako. Hindi kasi pantay ang pool nila; may malalim at hindi masyadong malalim kaya nagawa kong makapunta sa hagdan kanina ng pool. Nakahawak pa rin ako kay Clifford at medyo malapit ako sa katawan niya habang bitbit pa rin niya ako.

Isa lang ang parehas na nararamdaman ko sa dalawa: komportable sila sa ganitong mga eksena. Kumbaga, hindi sila homophobic.

“Tara na, Baby Ben. Iuuwi na kita,” saad ni Adhley.

Chapter 8:

Playlist/s while writing this chapter:

Pagsamo

by Arthur

Nery

You’ll be safe here by

Adie

Ikaw lang by

NOBITA

Before it sinks in by Moira


Benson Javier

Akala ko okay na ako pero tinatago ko lang pala sa puso ko ang sakit. Nami-miss ko na si Elton, hindi ko man lang alam ang libingan niya at hindi naman niya napakilala ang mga magulang niya sa akin. Bigla siyang pumasok sa isip ko habang kumakain ako dito sa bench ng campus namin; nalaglag yung bigay niya sa akin na bracelet noong birthday ko. Napaka-special ng bracelet na ito dahil ito yung nasa phone ko na pinag-iipunan ko at talagang nag-screenshot ako para kapag nagkaroon ako ng pera, bibilhin ko siya. One day, nagulat na lang ako dahil habang kumakain kami sa isang restaurant, inabot niya sa akin yung bracelet na nasa mamahaling box tapos may bouquet of flowers pa.

Sa totoo lang, hindi ako makapaniwala noong binigay niya sa akin ’yon kasi may kamahalan din ’yon kaya hindi ko agad binili pero si Elton nagawa niya ’yon ng mabilisan lang. Dahil sa mga memories na ’yon, hindi ko napigilan ang sarili ko na humikbi dito sa bench kahit ngumunguya ako ng ham and cheese sandwich.

“Ang daya mo naman Elton, nakipag-break ka na sa’kin tapos nawala ka pa.”

Bahala na kung may makakita sa akin dito pero wala akong pakialam dahil masakit sa puso ang nangyari sa akin. Ilang dami akong hindi nakakatulog dahil sa nangyari at nagtatanong kung bakit ganoon kabilis ang nangyari.

“Hey,” gulat akong tumingin sa likuran ko at pagharap ko doon may kamay na may hawak ng panyo. Si Clifford pala. Nakatingin siya sa malayo habang inaabot sa akin ang panyo niya. Muli kong naamoy ang pabango niya na pang-mayaman pero parang similar ng amoy sa pabango ni Adhley. Ang gwapo ni Clifford sa uniform niya, parang ginawa ’yon para sa kanya lang.

“Ikaw pala, salam-” hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil pagkuha ko ng panyo niya, bigla niya akong binuhat nang walang kahirap-hirap. Magrereklamo pa sana ako pero baka mas makakuha kami ng atensyon sa mga estudyante dito. Hindi na ganoon kadami tao dahil hapon na at halos uwian na ng mga estudyante pero yung iba papasok pa lang sila dahil may 6:00pm class sila.

“Saan mo ako dadalhin Clifford na robot?”

“I saw you crying a while ago, let me take you to a place where you will be happy.” Walang emosyon ang boses niya. Gamit ang panyo na bigay niya, tinakpan ko ang mukha ko dahil sa mga estudyanteng napapatingin sa amin.

“Kung aalis tayo, pwede ka naman magsabi at hindi yung ganito. Nakakahiya sa mga dumadaan.” Halos pabulong ko na sabi sa kanya. Wala man lang ako narinig mula sa kanya at naramdaman kong huminto siya kaya inalis ko ang panyo sa mukha ko. Nasa tapat na kami ngayon ng sasakyan niya.

Pinagbuksan niya ako ng pinto at pagpasok ko, sumunod naman siya sa kabilang pinto.

“Do you still have class tomorrow?” Tanong niya habang binubuhay ang sasakyan.

“Wala na. Teka, saan ba kasi tayo pupunta?” Naguguluhan kong tanong sa kanya. Hindi man niya ako sinagot at nagmaneho na palabas sa campus.

Tahimik ang buong byahe namin at napatingin ako sa kanya. Hindi ko minsan maintindihan ang kinikilos ni Clifford, masyado siyang komportable sa akin. Baka sadyang mabait lang talaga siya.

“Are you okay?” Bumalik ako sa sarili ko nang marinig ko ang boses niya.

“Oo, ayos lang ako. Oo nga pala, kahit nakita mo akong malungkot hindi mo naman kailangan gawin ito pero I appreciate it.”

“I know I’m not obligated to do this or bring you joy, yet something inside me pushes me to do so.” Walang emosyon na giit niya. Palagi naman siyang walang emosyon kaya parang ang hirap intindihin ng mga sinasabi niya.

“As much as I want to stay away, my heart keeps urging me to approach you. What can I do if my heart is the one making decisions for me?” Patuloy niya.

Wala akong naisagot sa sinabi ni Rob dahil bigla niyang binilisan ang pagpapatakbo ng sasakyan niya.

Tahimik ang buong byahe namin, kung hindi ako titingin sa phone ko, titingin naman ako sa paligid. After almost 1 hour and 30 minutes na byahe namin, huminto kami sa isang restaurant para mag-drive thru. Umorder siya ng buffalo wings at dalawang overload burger. Nag-order din siya ng soda para sa amin dalawa. Inilabas ko ang wallet ko para sana ako na ang magbayad pero hindi pinansin ’yon at nabayad siya gamit ang card niya.

“Thank you, sir!” Masayang turan ng crew at saka kami umalis.

Ibinigay lahat ni Clifford ang dalawang paper bag ng pagkain sa akin, habang ang dalawang large sodas namin ang nakalagay doon sa cup holder sa pagitan namin dalawa. Nag-umpisa akong kumain, hindi na ako mag-iinarte pa dahil gutom na rin ako, kasi kanina pa kami sa campus tapos sandwich lang kinain ko.

Halos nakalahati ko na ang burger ko at nakaubos na rin ako ng isang chicken wing nang maalala ko si Clifford na hindi pala siya makakakain dahil nagmamaneho siya. Dahil hindi naman kakayanin ng konsensya ko na ako lang ang kumakain, kinuha ko ang isang burger sa paper bag at binuksan ito.

“Oh,” Halatang nagulat si Clifford at bahagyang namula ang buong cheek niya kahit moreno siya, halatang-halata pa rin. Pero parang pinilit niya ang sarili niyang itago ito kahit halata naman.

“What?” Pagpapanggap ni Clifford. Kunwari pa siya, susubuan ko lang naman siya para makakain siya.

“Kumakain ako, kaya kakain ka. Dalian mo na. Hindi naman mababawasan pagka-lalaki mo kahit pakainin kita. Kaya dali na,” mas inilapit ko sa kanya ang burger at kinagatan naman niya ito ng ilang beses. Tinusukan ko rin ng paper straw ang soda namin at pina-inom ko siya.

Kahit wala akong nakikita na dumi sa labi niya at paligid nito, pinunasan ko ng tissue ang labi niya dahil naging gawain ko na ’to tapos iche-check kung may dumi na sumama. Edi kung wala, mas maganda, kung may sumama naman na dumi, mas maganda rin dahil natanggal.

“Don’t get too close, or I might end up kissing you while I’m driving.” Agad akong lumayo sa kanya dahil ngayon ko lang din napansin na masyado na pala akong malapit kay Clifford na robot. “I appreciate you for feeding me, Benson.” Parang kung anong meron sa tiyan ko at hindi ko mapaliwanag. Parang hindi ko ma-take ang sinabi ni Clifford, parang ngayon ko lang narinig sa bibig niya yung pangalan ko.

“Clifford, ilang oras pa ang byahe natin?” Tanong ko para mabago ang topic namin at hindi ganoon masyado nakakainip ang byahe. Sa totoo lang, hindi naman nakakainip yung eksena ngayon dahil kasama ko naman si Clifford. Ang nakaka-inip lang bukod sa traffic, ay maalikabok din at puro tindahan lang ang nasa paligid.

“40 minutes.” Walang emosyon na sagot ni Clifford. Maya-maya nakaramdam ako ng uhaw, kaya uminom ako ng soda. Kinuha ko rin ang cup of soda ni Clifford at muli ko siyang pina-inom. Habang hinihintay ko siyang matapos dahil na-uhaw yata masyado, halos mapatalon ako sa kinauupuan ko ng makita ko ang view ng dagat. Malayong-malayo pa kami doon, pero tanaw ko na ito, kaya parang na-excite ako. Napa-ngiti ako dahil sa ideya na baka dito kami pupunta.

“That’s where we’re going. San Felipe, Zambales, to be specific.” Mas lalo akong na-excite sa anunsyo ni Clifford.

“Wow! Ngayon lang ako makakapunta dyan, Clifford! Ito yung kauna-unahan na magdadagat ako dahil puro lang ako swimming pool. Thank you, Clifford!” Pinaghahampas ko ang braso ni Clifford, pero hindi naman ganoon kalakas, yung friendly-hampas lang naman ’yon.

“I’m sorry for sneaking you away like this—I just really wanted to make you happy. I hope you’ll appreciate it.”

“Hindi mo kailangan gawin ’to, Clifford. Thank you dahil napapasaya mo ’ko ng ganito. Salamat kasi nandyan ka.” Giit ko na parang maiiyak ako dahil sa tears of joy.

“No, thank you for bringing light to my dark place, even when you had the choice to stay in your bright one.” This time, may bahagyang emosyon ang sinabi ni Clifford, something na parang hindi siya okay mentally.

“If my presence makes you happy, hindi ko ipagdadamot ang sarili ko, basta mapasaya kita dahil pinapasaya mo ako.” Pagkatapos kong sabihin ’yon, hindi na siya nag-salita pa at nagpatuloy na sa byahe.

Hindi ko talaga maintindihan itong si Clifford, maayos kaming nag-uusap tapos bigla akong kakausapin, tapos nitong nakaraan na araw, palaging nagpa-flashback ang mga ginagawa niya na minsan hindi ko na maintindihan. Nakakalito ang ginagawa niya at mga salita niya.

Tugma naman ang sinasabi niya sa ginagalaw niya pero I don’t understand the intention.


Hello there, aboutfictionx babies!

How are you? I hope you guys are doing great. Guys, huwag kayong mag-skip ng chapters, ah? Baka may important details doon na hindi niyo mabasa or baka malaktawan niyo yung nakakakilig na eksena. HAHAHA!

Don’t forget to have a wonderful smile. Please spread my pen name!


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.