Heat of Passion (Imbroglio Series #1)
heroticagreysmith · 2 chapters · 500 words
Disclaimer
Disclaimer
This is a work of fiction intended for mature audiences (18+) only.
All characters portrayed in this story are at least 18 years of age
, regardless of their appearance, role, or setting. No sexual activity depicted in this story involves minors or anyone under the age of 18.
Any resemblance to actual persons, living or dead, or to real events is purely coincidental unless otherwise stated. The themes, situations, characters, and relationships portrayed are entirely fictional and are created solely for entertainment and storytelling purposes. Nothing in this work should be interpreted as promoting, encouraging, or endorsing any real-life behavior.
By continuing to read, you acknowledge that you are at least 18 years old and understand that this story contains explicit sexual content, mature themes, and strong language. Reader discretion is strongly advised.
In addition, any photographs or images used in this work are
not owned by the author
. Any actor, model, or individual appearing on the cover or in other promotional images is used solely as a
visual representation
of the fictional characters in this story. Their likenesses are used for illustrative purposes only and do not imply any involvement with, endorsement of, or connection to the contents of this work.
The author has no intention of defaming, disparaging, or harming the reputation or dignity of any individual whose image is used. All image rights remain the property of their respective owners.
Prologo
Prologo
Sa bawat salitang “tapat,” may kasamang pangakong hindi kailanman mababali. Iyon ang pinanghawakan ni
Charles Gregory S. Guerrero
, isang propesor na naniniwala na ang pag-ibig ay dapat purong-puro, at walang bahid ng kasinungalingan. Ngunit minsan, kahit ang pinakamabuting puso, kapag nilamon ng pagtataksil, ay nagiging halimaw.
Noong gabing iyon, hindi lang siya nawalan ng asawa. Nawalan siya ng pagkatao.
Nawalan siya ng tiwala.
Nawalan siya ng kakayahang magmahal nang hindi nasusunog sa sarili niyang galit.
Ang dugo sa kanyang mga kamay ay naging marka ng nakaraan. Isang paalalang kahit ang tapat, marunong ding mapuno. At kahit napawalang-sala siya ng batas, alam niyang habambuhay siyang bilanggo ng sarili niyang konsensya.
Pagkaraan ng ilang taon, muling kumatok sa kanyang buhay ang tukso. Hindi sa anyo ng isang babae, kundi ng isang lalaking nagngangalang
Kenzo Miguel Alvarado
. May ngiting may halong hiwaga, at mga matang tila kayang basahin ang mga lihim na ayaw nang balikan ni Charles.
Hindi niya alam kung bakit sa bawat paglapit ni Kenzo, unti-unti na namang nagigising ang apoy sa kanyang loob. Apoy na matagal na niyang pilit pinatay.
Ngunit sa bawat halik, sa bawat ungol ng laman, sa bawat sandaling nakakalimutan niya ang kahapon, may bumabalik na takot sa kanya.
Paano kung ang bagong apoy na ito… ay siya ring muling susunog sa kanya?
Dahil sa likod ng bawat halik ni Kenzo, may pangalan na matagal nang nilamon ng libingan. Ang pangalan ng babaeng minsan nang nagtaksil sa kanya.
At doon magsisimula ang tunay na
init ng pagnanasa
. Ang init na maaaring magpagaling… o muling pumatay sa kanya.

