Hi Soulmate 3 (The Road to Fame)
georgerabie · 33 chapters · 55,393 words
HS3.1
JC de Vera as Miguel
Sobrang inis ang nararamdaman ko ngayon. Kaka graduate ko lang at gusto ko sanang dito na maghanap ng trabaho sa states. Pero wala din akong magagawa, si dad ang may gusto na umuwi kami ng pilipinas. Sa America na ako ipinanganak. Nakauwi na din ako minsan sa pilipinas para magbakasyon. Isang haponesa ang mommy ko at mas gugustuhin ko pang manirahan dun sa Japan.
“mom, can I go to Japan instead?” ang tanong ko sa kay mommy na bising busy sa pag lalagay ng mga damit sa maleta. Sandali siyang tumigil sa ginagawa at nilapitan ako.
“I’m sorry sweetie” wala din namang magagawa si mommy sa desisyon ni dad. Matamlay ko siyang tinulungan sa pag liligpit ng mga damit at gamit namin.
Nakita ko pa ang ticket na nakalagay sa ibabaw ng drawer at parang gusto kong punitin ito. Hindi ko alam kung bakit ayaw na ayaw kong manirahan sa pilipinas.
Wala akong imik sa mahabang byahe. Hindi lumalabas ang pagka suplado ko sa mga magulang lalong lalo na sa daddy ko.
Pagkatapos ng mahabang byahe narating namin ang bahay kung saan kami titira. Pumasok ako sa magiging kwarto ko at dumungaw sa bintana. Napaka tahimik ng lugar at presko ang hangin. Masyado akong naniniibago, ibang iba ang luagr na to kumpara sa itsura ng New York.
Sa sobrang pagod ay nakatulog ako at nagising sa isang malakas na pag katok sa pinto ng aking kwarto.
“Miguel… are you okay son? Bumaba ka muna at kakain na tayo” ang sabi ni dad.
“yes dad, I’ll be there in a few minutes”
Naghilamos muna ako at nag bihis bago bumaba.
Sa gitna ng pagkain ay naisipan niyang pakiusapan ang daddy niya.
“dad, pwede ba akong bumalik sa US? Malaki na’ko and I can take care of myself”
“hijo we talked about this already, kailangan mo ring maranasan kung pano mamuhay dito sa pilipinas and we will stay here for good” ang sabi ni dad
“don’t worry, we’ll find a job for you here. Next week sasama ka sa’kin and we will meet my friend, surely he will have an available work for you, okay?”
Medyo nabuhayan ako ng loob, atleast hindi na ako mahihirapang mag apply ng trabaho at kaibigan pa ni dad ang aking pag tatrabahuan pag nagkataon.
“I know it’s hard sweetie, but you’ll love it here. This is a lovely country, I’m sure you’ll meet a lot of friends” ang malamabing na sabi ni mommy.
Kinabukasan ay nagpasya kaming pumunta ng mall para mamasyal. Nanood muna kami ng sine pagkatapos ay nag grocery.
“I’ll see you both later” sabi ni dad at hinalikan sa pisngi si mommy.
“where are you going dad?”
“may pupuntahan lang ako saglit. Magkita na lang tayo sa bahay. Enjoy!”
Habang tumitingin ako ng mga damit sa loob ng isang boutique ay may dalawang babae na panay ang ngiti at pa cute.
“Hi” ang sabi nung isang babae
“yes? Do I know you?”
“I’m Cheska ad this is my friend Rea. What…..” hindi na naituloy ng babae ang kanyang sasabihin ng barahin ko muli ito.
“I’m not interested” ang sabi ko at pumupunta ako kay mom dala ang mga damit na napili ko. Naiwang naka nga nga ang dalawang babae sa ginawa ko. Yun kasi ang pinaka ayaw ko, yung babae pa ang unang lalapit sa’kin at makikipag kilala.
Nakauwi na kami ni mommy pero wala pa rin ang daddy. Saan na kaya yun? hindi man lang sinabi kung saan siya pupunta.
Pumasok ako ng kwarto para magbihis. Nang lumabas ako ay nakita ko si dad na naka upo sa sofa.
“hai buti naman akala ko hindi ka na lalabas.. come here son” lumapit ako sa kanya at may inabot siya sa’kin. Susi.. susi ng kotse! natulala ako. Hindi ako makapaniwala na binigyan ako ng kotse ni daddy.
“what are you waiting for son? Check it out” ang medyo natatawang pang sabi ni dad.
Pagpunta ko sa garahe ay parang malalaglag ang panga ko sa aking nakita. Isang brand new na kotse at sobrang kintab nito, hindi pa nga natanggal ang plastic na nakabalot sa upuan nito. Pumasok ako sa loob at nilasap ang amoy ng bagon kotse.
“wow dad! Anong meron?” sabi ko kay dad at katabi niya si mom na halata din sa mukha ang sobrang tuwa.
“well, para may gamitin ka rin pag nagtrabaho ka na” ang sabi ng dad niya. Wow galing ah hindi pa nga ako nakapag trabaho may sasakyan na agad ako. Isa ito sa mga pangarap kong mabili pag nagkatrabaho na’ko. “graduation gift ko yan sa’yo” dag dag pa ni dad.
Kinabukasan…
Sobrang saya ko kasi kahit hindi ko kaarawan, binigyan ako ni dad ng bagong kotse. Nagsimula na akong mag drive at napadaan ako sa isang subdivision.
Nang papalapit na’ko sa isang intersection ay biglang sumulpot ang isang lalakeng nakasakay sa bike. Inapakan ko ang preno, pero parang huli na ang lahat, mukhang makakasagasa yata ako. Sa sobrang kaba ay napapikit na lang ako at inantay na may kumalabog (abah.. yung totoo, gusto mo ba talagang makasagasa?).
Pagkatapos ng ilang Segundo ay idinilat ko ang aking mga mata.
Nanginginig akong lumabas ng kotse, kakabigay pa lang sa’kin ng kotse pero parang babawiin na agad ito.
Nakita ko ang lalakeng dahan dahang bumabangon at ngumingiwi pa.
“hindi mo ba ako nakita?” ang tanong ko sa lalake.
“huh?”
“sabi ko hindi mo ba ako nakita o napansin?”
“syempre! Pano kita makikita bulag kasi ako. Ganito na ang mga bulag ngayon marunong nang mag bike!” abah mukhang maangas ang isang to ah “pambihira!” ang sabi pa nung lalake habang unti unting tumayo at isa isang pinulot ang mga nagkalat na lemon.
Hindi makalabas ang angas ko dahil natatakot ako na mag reklamo ang lalake at katakot takot na sermon na naman ang aabutin ko.
“tulungan na kita” ang sabi ko sa lalake nang makita ko siyang pinapatayo ang bike.
“wag na! baka na istorbo pa kita nakakahiya naman sa’yo!” ang sarkastikong sabi nung lalake. Hindi na ito muli sumakay sa bike at nag umpisa na itong maglakad.
“sorry dude.. hindi na talaga mauulit” ang nag aalangan kong sabi. Huminto ang lalake at lumingon.
“ay bakit hindi? Gusto mo bangga.in mo’ko tsaka atrasan!” ang sabi pa niya at nagpatuloy na ito sa paglalakad. Napailing na lang ako at pumasok balik sa kotse at parang sasabog pa rin ang dibdib ko sa kaba.
‘Wew, muntikan na yun ah’
“oh ang anak ang bilis mo namang nakabalik?” tanong ni dad na nagkakape at naka upo sa isang bench sa garden ng bahay.
“eh hindi pa ho ako gaanong sana’y sa daan dito, nag aalangan ho ako eh” pero yung totoo kinakabahan ako dahil muntik na akong makasagasa.
“I understand. Sige tomorrow pupunta tayo dun sa opisina ng kaibigan ko, dadalhin natin ang car mo at ikaw ang mag da drive”
Sanay naman talaga akong mag drive, naninibago lang talaga ako, dahil mas maliit ang kalsada dito sa pilipinas kumpara sa mga kalsada dun sa America.
Excited akong bumangon nang sumunod na araw. Nahirapan ako sa pag liko liko sa mga kalye. Sa wakas matapos ang ilang liko ay narating namin ang isang mataas na building. Pagkatapos nilang maipark ang kotse ay agad kaming pumasok sa magarang gusali.
Nakita ko ang isang malaking tarpaulin at parang familiar sa’kin ang itsura ng lalake
“is this an advertising company dad?“ang tanong ko kay daddy na confident sa kanyang paglalakad.
“hindi lang ito isang advertising company anak, maraming business tong kaibigan ko. Retaurant, coffee shops at hotels” hindi ko sukat akalain na ganito pala ka big time ang kaibigan ni dad.
Sumakay kami ng elevator at narating ang 15th floor ng building. Binati kami ng isang babae, isa siguro ito sa mga secretary. Binuksan ng babae ang isang pinto at pumasok kami ni dad.
“Jake! How are you man?” ang masayang pagbati nang lalakeng nasa loob ng kwartong pinasukan namin.
“Paul! I’ts nice to see you again my friend!”
“kanina pa kita hinihintay, akala ko hindi kana darating”
“hai sorry were late, hindi pa kasi masyadong sanay mag drive ng kotse tong anak ko dito sa Pilipinas” ang nakatawang sabi ni dad. Tumingin sa’kin ang lalake.
“ito na ba ang anak mo? Wow pare laki na ah..”
“Miguel, siya ang kinikwento ko sa’yong kaibigan ko dito sa pilipinas, siya si tito Paul mo ang may ari ng kumpanyang to”
“I’m sure hindi nagkakalayo ang edad nyu ng anak ko siguradong magkakasundo kayo”
Narinig ko ang pagbukas ng pinto.
“Anak mabuti’t andito ka na”
Pag lingon ko ay hindi ako makapaniwala sa aking nakikita. Siya nga yung lalakeng muntik ko nang masagasaan nung isang araw.
“ninong Jake!” ang pagbati ng lalake kay dad.
“wow ang laki mo na Ray ah, by the way I want you to meet my son Miguel”
Nanlaki ang mga mata ni Ray nang makita niya ko. “ikaw?”
Hindi ko alam kung pano mag re react.
“oh magkakilala na pala kayo nak?”
“we’ll not really dad, remember mo yung kinuwento ko sa’yo na muntik na akong masagasaan. Siya yung driver ng car” ang sabi ni Ray. Lagot! Walang alam ang dad sa nangyari.
“is that true Miguel?” ang nagtatakang tanong ni dad.
“woah what a small world..” ang pag sabat ni tito Paul.
Nakatingin pa rin sa’kin ang aking ama na tila ba nagtatanong kung anong nangyari.
“alam nyo kumain muna tayo, nagugutom na rin ako eh” ang pag aya sa kanila ng tito Paul niya.
Sumakay kami sa kotse ni tito Paul. Magkatabi kami ni Ray sa backseat, gusto ko siyang kausapin pero mukhang halata sa itsura na hindi ito interesadong makipag usap. Abala lang ito sa kakapindot ng cellphone niya.
Itutuloy…
HS3.2
Enzo Pineda as Ray
Kung gaano ka ingay sina tito Paul at daddy ay siya namang kabaligtaran ng sitwasyon naming dalawa ni Ray.
“are you guys alright?” ang tanong ni tito Paul “Ray kausapin mo naman si Miguel”
Tinignan niya lang ako at binigyan ng isang blangkong ekspresyon, ni hindi man lang tumango o kahit na ano man lang. binalik niya agad ang kanyang atensyon sa kanyang cellphone.
“Miguel… Miguel…”
“yes dad?”
“kanina pa kita tinatanong kung anong gusto mong orderin”
Parang umurong ang dila ko at parang hindi ako makapagsalita.
“ah… eh… kung anong order mo dad yun na din yung sa’kin”
“okay”
“are you okay Miguel?” tanong ng kanyang uncle Paul.
“Yes uncle, okay lang ako”
“okay… How bout you, Ray anong sa’yo?”
Kumain kami at hindi man lang namamansin tong si Ray. Kung sabagay nung unang nagkita kami halata namang suplado tong isang to.
Naikwento na rin siya sa’kin ni dad nung nasa states pa kami pero never ko pa siyang nakausap. Masaya naman siya pag sumasagot kapag tinatanong ng daddy ko. Parang OP na nga ako eh. Kadalasan kasi pag may nakikilala akong anak ng mga kaibigan ng mga daddy ko lalo na kapag lalake ay nagiging kaibigan ko agad.
Nung pag uwi na ay nag goodbye ako sa kanila ni tito Paul at tumango naman siya.
Pagdating sa bahay ay agad kong binagsak ang aking katawan sa kama nang mag ring ang phone at ‘unknown number’ ang naka rehistro sa screen ng phone. Kinancel ko, ngunit ilang Segundo lang ay tumunog uli ito kaya sinagot ko na lang.
“hello?”
“hello honey….” Ang matinis at haliparot na tinig ni Jessica.
“what do you want?”
“oh come on hindi mo pa rin ba ako kayang patawarin?” Uminit tuloy ang ulo ko sa sinabi niya dahil hindi naman ganun kadaling kalimutan ang ginawa niya.
“matagal nang tapos ang lahat sa atin Jes! And please…! Please… ! please…! Stop bothering me!” hindi na niya inantay pa na makapag rebut ito at pinatay agad ang cellphone niya.
Si Jessica ay anak ng kaibigan ni mommy. Mala dyosa ang ganda at halos lumuwa ang mata ko nang una kaming magkita. At dahil magkaibigan ang mga mommy namin ay naging madali para sa’kin na ligawan siya.
Maayos naman ang naging reslasyon namin hanggang sa nakuha si Jessica bilang isang model para sa isang sikat na clothing brand at sa maikling panahon sumikat ito sa larangan ng pag momodelo. Kasabay ng pag angat ng career ni Jessica ay ang pagkawala ng oras namin para sa isa’t isa. Isang araw naisipan niyang sorpresahin siya. Ma tiyaga akong nag antay sa labas ng photo studio dala ang isang bouquet ng bulaklak. Balak ko rin siyang yayain na mamasyal at kumain sa labas nung araw na yun dahil 12th monthsarry namin.
Saktong paglabas ni Jessica sa pinto ng studio ay siya namang pag dating ng isang magarang kotse. Mula sa kotse ay lumabas ang isang lalake.
Parang piniga ang puso ko nang nilapitan ni Jessica ang lalake at hinalikan ito. Tuluyan na ngang sumakay si Jessica sa kotse habang ako ay naiwang luhaan dun sa likod ng punong pinagtaguan ko.
Dati iniisip ko na masyado lang itong busy sa trabaho, pero dahil sa natunghayan ko ay naging klaro na sa’kin ang lahat.
“I’m not in the mood para makipag usap sa’yo Jes”
“Miguel… what’s up? hindi ka ba happy na binisita kita.. “ wala pa rin siyang idea na alam ko na ang lahat at parang naiinis pa ito sa malamig na pag sagot ko kanya.
“Whats up? Wala naman.. I just want you to go home at wag ka nang magpapakita sa’kin”
“what are you talking about? Are you breaking up with me?!”
“yes!”
“but why?!”
“ask your self Jes.. did you even remember na nag 1 year na tayo kahapon bilang mag boyfriend?”
“yan ba ang dahilan kung bakit ka nakikipag break sa’kin?”
“you still don’t get it do you?
“don’t get what Mig?”
“kailan mo pa’ko niloloko or let say kailan mo pa’ko ginagawang tanga?”
Natahimik si Jessica.
“it’s over Jes, kaya wag mo nang sayangin ang oras ko. I know wala akong binatbat sa lalakeng yun. Tanggap ko na, ako ang talunan isa akong malaking tanga.”
She was my first love, pero siya rin ang dahilan ng aking first heartache.
Nagising si ako at nagulat nang makitang five minutes na lang alas otso na ng umaga. Dali dali akong bumangon nag tungo sa banyo para maligo. Hindi ko na nga gaanong nalinis ang sarili ko dahil sa sobrang pagmamadali. Unang araw ko kasi ngayon sa trabaho.
Pina alarm ko naman ang aking cellphone, pero dahil gusto ko pang matulog ay na snooze ko ito ng na snooze. Kaya eto ako ngayon, taranta at hindi man lang na plantsa ang susuotin ko.
“oh anak, andito ka pa pala?” ang tanong ni dad nang madatnan niya akong nagmamadali sa pag suot ng sapatos.
“bye mom.. dad see you later..”
“good vibes.. sweetie..” sabi ni mom.
Nang tumingin ako sa relo eight fifteen na, lagot super duper late na talaga ako. Medyo nanginginig pa ang mga kamay ko dahil hindi ako naka pag almusal kahit sandwich man lang.
Eight thrity na nang marating ko ang napagarang building na pag tatrabahuan ko. Sa 11th floor ako pupunta at nagmadali akong pumunta sa elevator nang mabangga ko ang isang lalakeng may dalang kape at sa malas ko lang at halos natapon lahat ng kape sa damit ko.
“what the hell?” unti unti nang sumara ang elevator at narinig ko pang nag sosorry ang lalakeng nabangga ko.
Wala akong nagawa kundi bumalik sa car. Mabuti na lang may dala akong extrang damit. Feeling ko ang aga aga haggard na’ko. Walang kain, natupanan ng kape, late pa sa pinaka late. ‘great start’
Nang marating na niya ang eleventh floor ay nasalubong ko si tito Paul.
“Miguel are you okay?”
“ok lang po’ko tito..”
“andun sila sa meeting room, just turn right”
“see you later uncle!”
Agad kong tinungo ang meeting room at agad kong binuksan ang pinto. Tumambad agad sa’kin ang mukha ni mister poker face. Pero this time he gave me that ‘well?’ look tsaka ko lang na realize na nakatingin lahat nang mga nandun sa meeting room sa’kin.
“hi” sabi ko. Pak pinagtaasan ako ng kilay ni Ray and I heard a guy snorted, fishtea! Yung guy na nabangga ko kanina nang papunta akong elevator.
Parang natauhan ako kasi nakikita kong parang gusto nilang tumawa ngunit nagpipigil lang. Binalot ng nakakabinging katahimikan ang meeting room. Lahat sila nakatingin sa’kin at naisipan kong lumabas na lang muna.
“where are you going Mr. Lopez?” ang sabi ni Ray kaya humarap ako ulit “take your seat” dugtong pa niya. Syempre late ako kaya sa dulo ako umupo, yun lang naman kasi ang bakante.
“now going back…” yun ang narinig ko na sinambit ni Ray. Maasim na ang nalalasahan ko sa aking bibig at humahapdi na ang tiyan ko.
“hey..” narinig kong sabi nung isang lalake lumabas na pala yung iba at sumunod na rin siya at naiwan ako dun sa kinauupuan ko.
“the meeting is over Mr. Lorenzo. I’ll talk to you later”
Napakamot na lang ako ng ulo. Sa itsura ni Ray mukhang magigisa yata ako mamaya.
Pumunta ako sa pantry at sobrang gutom na talaga ako. Dalawang order ng spaghetti at apat na tinapay talaga ang nilalantakan ko.
“pwedeng makiupo?” guess who, si mister coffee. Nilatag nito ang tray ng kanyang pagkain.
“May magagawa pa ba’ko? eh nakaupo ka na nga eh” pero hindi siya natinag at ngumisi pa.
“pasensya ka na pare natapunan ka ng kape kanina. Mykko pala” inabot niya ang kanyang kamay kaya inabot ko na rin.
“Miguel.. you can call me Miggy”
“hey! Welcome to the lions den!” nakaramdam ako ng malakas na pagtapik sa aking balikat na ikinagulat ko.
“what the?!” at hinarap yung tumapik sa’kin.
“oh! Sorry man… excited lang akong makilala ang bago naming kasama. I’m Wivenne.. just call me Vin”
First day ko sa trabaho pero somehow gusto ko rin namang magkaroon ng mga kaibigan at wala akong planong maging loner kaya pagpapasenyahan ko muna ang mga lokong to.
“Miguel pare” inabot ko ang aking kamay.
“oi ang pogi naman! Pakilala nyu naman kami sa kanya!” lumapit ang dalawang babae.
“ahahaha pare yung girlfriend mo oh naglalandi sa harapan mo mismo” sabi ni Mykko sa kay Vin.
“Hi I’m Sarra girlfriend ni Vin.. I love you babe..” ang sabi pa niya kay Vin nang sinamaan siya nito ng tingin.
“at ito naman ang girlfriend ko si Mikee. Oh diba match Mykko tsaka Mikee.. “ ang sabi ni Mykko sa babaeng kasama ni Sarra at inakbayan niya ito pero bigla ding tinanggal ang kamay niya.
“shut up Mykko.. managinip ka ng gising” ang sabi ng babae at nag make face pa ito tsaka nakipag apir kay Sarra.
Kwela naman silang kasama at sa tingin ko mababait naman. Sa huli hindi ko na rin napigilang humagalpak sa tawa dahil sa mga sinasabi nila.
Pagkatapos ng break ay pumunta ako sa office ni Ray.
“come in” ang sabi ni Ray “have a seat Mr. Lopez”
Poker face pa rin siya, pero nakakatunaw ang mga titig niya.
“first of all gusto ko lang sabihin sa’yo ang mga house rule. Una gusto kong on time palagi ang mga office staff ko, especially you since you will be my assistant and to tell you honestly you did not gave a good impression lalo na it’s your first day of work”
Yun na nga kala ko house rules… sermon pala.. hai.. kasalanan ko naman talaga..
“and lastly…” wew salamat binanggit na niya ang pinakakahihintay kong words.
“kung may makarelasyon ka dito sa office at nagka problema kayo, please… wag nyung idamay ang trabaho nyu. Any clarification?”
“wala sir. Meron lang akong request”
“ano yun?”
“pwede Miguel na lang or miggy ang itawag nyo sa’kin?”
“okay Miguel, follow me” tinungo namin ang isang silid at nakita ko dun sina Vin sa kani kanilang mga station.
“this will be your desk and I don’t want to see any social networking website on your monitor or worst porn sites… right Mykko?” ang sabi ni Ray na ikinagulat ni Mykko at dahilan para ngumisi sina Vin.
“kala ko ba tapos na yung house rules?” ang mahina kong sabi.
“do you have something to say Miguel?”
“no sir”
“good I’ll go back to my office, Vin please assist him thank you”
Pagkalabas ni Ray ay nag ingay na muli sina Sarra at Mikee. Nilapitan ako ni Vin at tinulungan sa mga login ko at kung ano anu pang dapat kong buksan. Masyado ding strikto tong si Ray, clean desk policy talaga. Bawal magdala ng pagkain o kumain sa loob ng office, pwedeng magdala ng tubig o kape pero dapat nakasilid sa spill proof container. According sa kanila ni Vin bihirang tumagal ang mga staff na under sa kanya sa sobrang pagka strikto niya.
Hai wish me luck sa first work ko. Tsaka tama nga ang sabi ni Vin sa’kin kanina ‘welcome to the lions den!’
Abangan..
.
Authors Note:
Gusto kong magpsalamat sa lahat ng sumusubay bay sa mga sinusulat ko. Marami talagang salamat. Promise akala ko hanggang book 1 lang to but now look! Book 3 na. Gusto ko ring mag thank you sa isang reader and at the same time author din dito sa WP, you know who you are at malaki ang impluwensya mo sa’kin sa pagsusulat.
Tsaka gusto ko lang mag share. May crush ako dito author din siya hahaha at ang cute cute niya. hahahaha ang landi ko lang… Sino siya? Clue ‘BARIL’ oh bahala na kayong maloka kung sino nga ba siya. Peace!!!!
Anyways Happy reading guys.. .
HS3.3
“hey… so how was you’re day?”
“okay naman…”
“I heard may bago kang assistant”
“right, and you know what babe? Siya yung na kwento ko sayong muntikan na’kong mabangga nung isang araw and guess what, anak siya ni ninong Jake”
“woah.. what a small world.”
“oo nga and he did not created a good impression on his first day”
“what happened?”
“he was 45 minutes late”
Nasa gitna ako ng pakikipag usap kay Angela nang mag ring ang phone ko. Oh my not now, si daddy Enzo.
“hey dad what’s up?”
“Ray….” naku sa tono nang boses niya alam ko na naman to. Kaya napakamot na naman ako ng ulo “anak it’s getting late..”
“dad I’m with Angela..”
“okay….” Hai alam ko gusto na niya akong umuwi, but it’s only 8:32 pm. Masyado kasing praning tong daddy Enzo ko. Lapitin din kasi ako ng gulo at disgrasya. Nagsimula yung pagka paranoid niya nung pinagtulungan akong bugbugin ng mga schoolmate ko tsaka kinulong sa cr ng school.
“dad.. don’t worry walang mangyayaring masama..” I heard him sighed heavily. Hai ewan ko maging kay daddy Paul ganyan din siya lalo na pag na lelate ito sa pag uwi, pero ni minsan hindi ko nakitaan si dad na naiirata o nagagalit sa halip isang yakap at halik sa noo ang binibigay niya.
Dahil nga parehong lalake ang parents ko kaya lagi din akong napapasubo sa gulo mula elementary hanggang sa nag college ako.
“uuwi na ko maya maya, see you later, bye dad” at pinutol ko na ang tawag. Tumingin ako kay Angela.
“si daddy Enzo mo ba yun?”
“yup..”
“kumusta na siya, matagal na’kong hindi nakakabisita sa kanya”
Close si Angela at ang parents ko, nung malaman niya nga na parehong lalake ang magulang ko ay mas na excite pa siyang makilala ang mga ito. I love her so much. Ilang beses nang nangyari na sa gitna ng date namin ay mag tetext o tatawag si dad. Instead na mainis ay iniintindi niya na lang ang sitwasyon.
Gusto ko na siyang pakasalan pero parang wala akong lakas ng loob na yayain siya tsaka sabi niya rin minsan na hindi pa raw siya handang mag settle down. Parang gusto ko na nga lang buntisin para pakasalan niya na lang ako, pero hindi, mag aantay ako kung kelan siya handa.
Naramdaman kong mariin niya akong hinalikan sa pisngi.
“I guess you need to go home” sabi ni Angela.
“pinapauwi mo na’ko?”
“yes sir”
“eh pano ka?”
“Ray… magkasama tayo mula 6:30 at anong pa’no ako? I’ll b fine tsaka naiintindihan ko naman”
Niyakap ko siya at hinalikan sa leeg.
“I love you”
“oo na, baka san na naman mapunta to” tinawanan niya pa’ko “tama nga ang hinala ni tito Enzo, hindi ka lang kamukha ng daddy mo, pareho din kayong maglambing may kasamang libog” at humagalpak na siya ng tawa. Siya yung tipo nang babae na walang pakialam kung anong itsura niya pagnakatawa basta tatawa siya hangga’t gusto niya.
“come on, hatid na kita sa labas” tumayo siya at hinala ang kamay ko.
“you really wanted me to leave now?”
“oh come on.. wag ka ngang mag inarte, dali na uwi na..”
Tumayo na rin ako at magkahawak kamay kaming lumabas sa bahay ni Angela.
“bye baby.. bye the way birthday pala ni tito Enzo nextweek tell him na wag niya akong kalimutang imbitahan ha…” ang sabi ni Angela sabay pa cute.
“sure..goodnight..”
Umuwi ako ng may ngiti sa aking mga labi. Nadatanan ko ang dalai kong ama na nakaupo sa sofa at magkayakap na nanonood ng tv.
“wow how sweet, inggit naman ako” sabi ko.
“wag ka nga yho, kakagaling mo lang kay Angela baka nga sobra pa ang ginawa mo kaysa dito” ang patawang sabi ni daddy Paul. Nakita ko pang kinurot siya ni daddy Enzo sa tagiliran.
“ouch! Bakit mo ba palaging ginagawa yan ha. I’ll deal with you later” ang nakangising sabi ni daddy Paul.
“tse!”
Hai kahit may mga edad na tong parents ko, sweet pa rin sila sa isa’t isa.
“anak nagluto ako ng paborito mong chopsuey. Halika ipaghahain kita” kahit may mga katulong sa bahay ay si daddy Enzo ang nag aasikaso sa pagkain namin ni daddy Paul.
“maupo ka na lang dyan dad, ako na”
Narinig ko na naman ang malakas na pagtawa ng daddy Enzo ko. Hindi talaga nagsasawa si daddy Paul na ipakita ang kanyang pagmamahal. Sana balang araw ganyan din kami ni Angela sa isa’t isa. Plano ko bilhan sila ng ticket para magbakasyon sa abroad sa anniversary nila. May girlfriend ako pero naiinggit ako sa kanilang dalawa.
“anak, kumusta ang araw mo? Okey ka lang bah?” tanong ni daddy Paul habang tinutungo ang ref.
“okey lang po’ko dad, pasensya ka na ho kayo hindi ako nakasabay sa hapunan”
“okay lang yun anak, you have your own life. Pasensyahan mo na ang daddy Enzo mo, alam mo naman yun” ang sabi ni daddy Paul habang naglalagay ng juice sa baso.
“oi! Bakit naririnig ko ang pangalan ko dyan? kayo ha… tsaka bakit ang tagal ng juice ko!” ang sigaw ni daddy Enzo. Napailing na lang ako.
“sige na pagpatuloy mo lang diyan ang pagkain mo” bumalik si daddy sa sala dala ang dalawang baso ng juice na kinuha niya.
Sa tuwing papasok ako sa building ay nasanay na ako sa kaliwa’t kanang pagbati ng mga empleyado mula sa ibat ibang department.
Pumasok ako sa elevator.
“sir wait!”
Pag lingon ko ay nakita ko si Miguel at napatingin ako sa aking relo. ’ abah maaga ah.. impressive ’ sabi ko sa sarili ko.
“good morning sir”
“good morning din”
Habang nakasakay sa elevator ay tahimik lang kaming dalawa. nahuli ko siyang nakatingin pero agad siyang umiwas at uminom nang kape na dala niya. Natapon ang kape sa damit niya at natapon pa ang iba sa sapatos ko.
“ano ba?! Nag almusal ka ba? O sadyang mahilig ka lang talagang maligo ng kape?” singhal ko. Hai ano ba tong lalakeng to.
“sorry po sir”
Bumukas ang pinto ng elevator at naiwan siyang tulala, hai.. okey na sana kaso sumablay… ewan…
Pumasok ako sa office at agad na nagpalit ng sapatos, parang pumasok pa yata ang ibang kape sa loob ng sapatos ko. Mabuti na lang may extra akong sapatos na dala.
Tinawagan ko ang extension ni Miguel.
“hello..” ang pagsagot niya sa tonong nag aalangan.
“hello Miguel, dalhin mo dito ang mga papeles na kailangan kong pirmahan please”
“sir Ray?”
“yes Miguel, ako to”
“ah.. ah.. wait lang ho.. dadalhin ko na diyan”
Maya maya pa ay bumukas bigla ang pinto ng opisina ko at pumasok si Miguel dala ang mga folder, kita sa mukha ang pagkataranta. Habang papalapit sa desk ko ay natisod siya at nasaboy sa ere ang mga papel.
Agad naman siyang tumayo at isa isang pinulot ang mga papel.
“you know what Miguel.. your weird, maihilig kang maligo ng kape ngayon naman swimming kahit walang tubig?”
Hindi siya sumagot at kita ko sa reaction niya na nainis siya sa sinabi ko.
“sige ayusin mo muna yan at ibalik mo na lang dito pag natapos mo na. salamat”
Hai Miguel, parang lumilipad palagi ang utak mo.
Miguels POV
Kakainis ang Ray na yun ah, kung hindi ko lang siya boss gugulpihin ko yun eh. Padabog kong nilapag ang mga folder sa desk ko.
“oi pare anong nangyari sa’yo? Ba’t ganyan ang itsura mo?” tanong ni Vin sinamaan ko siya ng tingin.
“wala!”
“suplado ah!” sabi ni Mykko at binato ako ng bolang papel
“isa pa ha, ikaw ang mapagbubuntunan ng inis ko!”
“tigilan nyo nga yan, sige na Migs ayusin mo na yan” ang sabi ni Sarra.
Hai sumakit ang ulo ko sa kakaayos ng pages ng mga documents na to, hindi ba uso ang stapler sa kung kanino man nanggaling to. Hassle. Sungit pa naman ni boss parang nang iirita na parang ewan..
Ako na mismo ang naglagay ng stapler sa mga papel na to, mahirap na.
Pagkatapos kong ayusin ang mga papel ay agad ko itong dinala kay boy sungit.
“ito na sir”
“thank you”
Tatalikod na sana ako nang bigla niya akong tinawag.
“wait.. Miguel, are you okay?”
“okey lang sir”
“good, salamat sa pag staple ng mga papeles”
Pagkatapos ng buong araw na pagbabad sa computer ay hapdi ng mga mata ko. Salamat time na para mag logout.
Nakasabay ko si Ray sa elevator hanggang papunta sa parking lot.
Kinapa ko sa aking bulsa ang susi ng kotse pero wala, nataranta na ako. Naku pano na’ko uuwi nito hindi ko alam mag commute at baka isahan ako ng taxi driver pag nag taxi ako.
“ok ka lang?” nakita ko si Ray na binuksan ang pintuan ng kanyang kotse.
“wala kasi sa bulsa ko ang susi para sa kotse”
“nasan ang kotse mo?”
Nilibot ko ang aking paningin sa buong parking lot pero wala ang kotse ko. Napahawak ako sa aking noo dahil bigla kong naalala na pinagdrive pala ako ni daddy kanina.
“oh wag mong sabihing na car nap yung kotse mo?”
“wala pala akong dalang kotse, pinag drive lang ako ni daddy kanina papunta dito” toinks! Another palpak moment.
“di bale, sumabay ka na sa’kin. Birthday ng daddy ko ngayon kaya sigurado ko andun din yung daddy mo. Tawagan mo na lang siya”
Wala rin naman akong choice kundi sumabay kay Ray. Agad kong tinawagan si daddy nang makasakay ako sa kotse.
“hello dad”
“anak papunta na’ko”
“dad, nakisakay ako sa kotse ni Ray kaarawan daw kasi ng dad niya kaya sigurado imbitado ka”
“mabuti naman kung ganun, dun din naman tayo didretso pag nasundo na kita. Oh siya sige magkita na lang tayo dun”
As usual tahimik si Ray at naka focus lang sya sa pagmamaneho.
“saglit lang ha, susunduin lang natin yung girlfriend ko brad”
“sige”
Tinungo namin ang isang subdivision, siguro dito nakatira ang girlfriend niya.
Nakasunod kami sa isang asul na sports car.
Huminto kami sa harap ng isang bahay ganun din ang kotse na nasa harapan namin. Ang ganda ng bahay.
“ito na ba ang bahay ng girlfriend mo?”
“what the fvck?!”
Masakit na nakatitig si Ray sa lalake at babae na nagyayakapan. Agad siyang lumabas ng kotse at parang namutla ang babae. Oh no this is not good! Kaya lumabas na rin ako sa kotse, hahakbang pa lang ako para lumapit sa kanila pero bigla na silang nagsapakan nung lalake.
Agad akong tumakbo para umawat. Pero lumapat sa mukha ko ang isang kamao at natamaan ako sa ilong dahilan para matumba ako sa mga halaman.
Sinamaan ko ng tingin ang babae dahil kaka irita ang tili niya, lakas makabasag ng eardrums.
Nang makatyempo ay agad akong bumangon at inawat si Ray na tumutulo ang dugo sa bibig at noo. Inalis niya ang pagkakahawak ko sa kanya at bumalik sa loob ng kotse.
Na estatwa ang lalake at babae sa kanilang kinatatayuan. Girlfriend niya ba ang babaeng to pero sino tong ungas na lalakeng to?
“Miguel! Magpapaiwan ka ba dyan?!” ang sigaw ni Ray.
Natunaw na ang lahat ng kinain ko kaninang lunch at natatakot ako na baka isuka ko ang aking mga lamang loob dahil sa matulin na pagpapatakbo ni Ray. Hindi ko na nakayanan kaya sinabihan ko na siyang bagalan ang pag papatakbo.
“Ray easy lang” pero parang wala siyang naririnig. “may plano ka bang umuwi? Oh gusto mong mag take off papuntang Mars?”
Bigla na lang siyang nag preno at napasubsob ako.
“pwede ba manahimik ka?!” ang pag sigaw ni Ray.
“ano ba kasing problema mo?”
“pakialam mo ba?!”
“teka nga, sagutin mo nga ako, ka anu ano mo si Borgy?”
“what the? Who the hell is Borgy?”
“kakilala ko.. baka kamag anak mo siya o kapatid o baka naman kakambal mo, parang pinaglihi ka rin kasi sa megaphone”
Babarahin na naman sana niya ako ng marinig namin ang pagbusina ng isang kotse sa likuran namin.
“aaaaahhhhhh!!!!”
Napakamot na lang ako ng ulo, ayun umandar na ang kotse. Mabilis pa rin pero mas mahina na ito kaysa sa kanina“ (ano daw? Ang gulo)
Narating namin ang isang private subdivision at nakakalula ang mga bahay correction mga mansion. Nadaanan pa namin ang lugar kung saan kami unang nagkita ni Ray.
Pagkatapos ng ilang liko ay dumatng kami sa isa ring malaking bahay. Ang ganda pa ng desenyo ng gate nila. Automatic pang bumukas ang gate. Abah high tech ah!
Pero wala akong nakitang mga tao sa garden na nakasuot ng coat and tie at lumalagok ng wine. Ganyan kasi kadalasan, wala rin akong naririnig na ingay. Nakita ko ang kotse ko na nakapark. Andito na si dad.
“oh andito na pala kayo, ang tagal nyu ah” an sabi ni tito Paul at nakita ko si dad at may isa pang lalake na nakaupo.
“happy birthday po tito” sabi ko kay tito Paul.
“wait, anong nangyari sa inyo?” ang tanong ni dad ng tuluyan kaming makalapit.
“anong nangyari sa ilong mo Miguel?” hala ito na uulanin na kami ng tanong. Hindi ko naman talaga alam kung anong nangyari. Basta ang alam ko nasuntok ako. (ano?)
“dad, ninong Jake I’ll explain later”
“Ray magbihis na muna kayo, pahiramin mo ng damit yang si Miguel at linisan natin yang sugat nyu” ang sabi nung isang lalake.
“siya nga pala Miguel, hindi ako ang may birthday kundi si tito Enzo mo ang asawa ko” napatitig lang ako kay tito Paul habang naka akbay siya sa lalakeng ipinakilala niya “sige na magbihis na muna kayo, Ray ikaw na muna bahala kay Miguel.
“sunod ka sa’kin brad”
Namangha ako sa kwarto ni Ray. Sobrang ayos nito at walang ka kalat kalat, di gaya ng kwarto ko na kulang na lang ng baging, gubat na. Binuksan niya ang aparador, kinuha ang isang pink na t shirt at binigay sa’kin. Hinubad ko ang aking t shirt na may mga mantsa ng dugo at sinuot ang t shirt na inabot niya.
“halika na” ang pag yaya niya sa’kin at napatitig lang ako sa kanya.
“oo parehong lalake ang parents ko, baba na tayo nagugutom na’ko” mukhang nag iba ang aura niya at hindi na siya yung maangas na boss ko. Parehong lalake ang parents niya?
Itutuloy….
HS3.4
“good evening po tsaka happy birthday…” ang pagbati ko kay tito Enzo.
“salamat… ikaw pala si Miguel.. kumusta ka?” mukhang mabait naman siya. Nagulat lang ako at parang hindi makapaniwala na ang mukhang maangas na si Ray ay parehong lalake ang mga magulang.
“okey naman po…”
“ano bang nangyari sa inyong dalawa?”
Nilingon ko si Ray na pabalik dala ang dalawang bote ng beer at inabot ang isang bote sa akin “brad oh” sabi pa niya.
“mabuti ho sigurong si Ray na lang ang tanungin nyu, inawat ko lang naman sila. Hindi ko naman talaga alam kung anong nangyari”
“anong nangyari Ray?”
“i’ll explain later dad..” umiling na lang si tito Enzo. Lumabas si Ray dala ang isang bote ng beer. Ngumiti lang si tito sakin.
“kumain ka na muna Ray, wag kang mahiya”
“sige po salamat po tito”
Dumungaw ako sa bintana sa may sala at nakita ko si Ray na nakatanaw sa kalangitan. Puro business ang pinag uusapan nina dad at tito Paul kaya parang hindi ako maka relate. Nakita kong lumabas si tito Enzo at nilapitan si Ray.
Rays POV
Hindi ko lubos maisip na magagawa yun ni Angela sa’kin. Simula nang maging kami ay sa kanya ko na binuhos ang lahat ng atensyon ko. Kahit nga nararamdaman ko lang na crush ko ang isang babae ay nagi guilty na ako. Binigay ko ang lahat ng pagmamahal ko sa kanya. Oo sabi ng karamihan pag nagmahal ka tirahan mo ang iyong sarili, pero ganun ako magmahal eh bigay todo.
“anak…” lumapit si daddy Enzo at inabot sa’kin ang isang pinggan ng beef salpicao.
“thanks dad” inabot ko ang pinggan at nilagay sa maliit na lamesa sa harap ko.
“pwede ko bang malaman kung anong nangyari?”
“ang sakit po pala noh?.. yung makita mo ang pinakamamahal mong babae na may kayakap na ibang lalake”
Huminga siya ng malalim
“I was expecting na kasama nyu siya kanina, kaya pala…”
“sobrang sakit dad, hindi ko alam kung pano idedescribe ang nararamdaman ko”
“I understand son, naranasan ko na rin yan minsan” tinignan niya ako at nagsimulang magsalita muli “yung araw na nakita kong may kahalikan yung daddy mo, parang hindi ko alam ang gagawin ko. Parang gusto kong magwala na parang gusto kong mambugbog sa nakita ko. Kaya naiintindihan ko ang nararamdaman mo anak”
Ngayon ko lang narinig ang tungkol dito. Simula kasi nung nagkaisip ako ay ang masasayang alaala nila ni daddy Paul ang kinikwento nila sa’kin. Tinignan ko siya.
“nagtaksil sa’yo sa dad noon?”
“hindi.. kahit kelan hindi nagtaksil ang dad mo. Biktima lang kami ng pagkakataon. Nagalit ako nung umpisa, pero dahil din sa pagmamahal niya sa’kin ay ginawa niya ang lahat makuha lang ulit ang loob ko”
“payakap nga sa anak ko” binigyan niya ako ng isang mahigpit na yakap “tama na yang kakaiyak mo, diba isang araw na lang may pictorial ka. Teka pano yan namamaga ang pisngi mo oh.”
“Hahanap na lang muna ako ng papalit sa’kin dad. Meron pa naman akong one day para maghanap ng kapalit”
“pasok na muna tayo anak, maraming lamok dito”
Sumunod ako kay daddy Enzo papasok ng bahay. Patuloy pa rin sa pag uusap sina ninong Jake at daddy Paul ng kung ano anu. Si Miguel naman ay patuloy sa pag inum, pulang pula na ang itsura niya. Hindi siguro sanay uminom to. Pero sobrang weird niya, kala ko una maangas tong loko na to.
Masyadong clumsy at mahilig maligo ng kape. May isa din akong na notice sa kanya, grabe kung maka tingin.
“ na OOP si Miguel oh, kausapin mo naman siya“ sabi ni daddy Enzo.
“oh brad mukhang tinamaan ka na ah?”
“huh?” Eto na naman siya ang mukha niyang nagloloading habang naka buka ang bibig.
“isara mo nga yang bibig mo baka pasukan ng langaw. Sabi ko mukhang tinamaan ka na dahil hindi ka siguro sanay uminom”
“ah… ganun ba… okey lang ako kaya ko pa naman..” sabi niya at kumuha ng isa pang bote ng beer.
Kinuha ko ang remote ng tv at nilipat ang channel, puro advertisement kasi.
“dude ba’t mo nilipat ang channel?” medyo naiinis pa niyang sabi.
“why? Puro commercials lang naman ang nakikita ko dun. Mas maganda tong basketball oh” nakita kong kinamot niya ang likod ng kanyang ulo. Nilapag ko ang remote sa center table nang damputin ulit ito ni Miguel at binago ang channel. ‘wtf? Ang Probinsyano na teleserye ni Coco Martin ang gusto niyang panoorin’
“tsk hayan nag commercial na naman!” ang inis niyang sabi. Parang natatawa ako sa reaction niya nang saktong paglipat niya ng channel ay nag commercial ulit.
“what?”
“hindi ko alam na fan ka pala ni Coco Martin?”
“yung istorya yung inaabangan ko, hindi si Coco”
“whatever dude”
Tuloy pa rin sa pag laklak ng alak ang loko. Hinawakan niya lang ang remote.
“akin na nga ang remote, matagal pa naman ang commercial oh”
“mamaya tapos na ang commercial, mabibitin na naman ako sa pinapanood ko” abah parang siya pa ang nakatira dito.
“akin na… isa”
“dalawa” dugtong pa niya. Hai lasing na tong loko na to.
“akin na sabi eh” nang pilit kong inaabot ang remote sa kamay niya ay nilagay niya ito sa sofa at inupuan.
“ilabas mo..” medyo na iirita na ako, wala kasi akong kaagaw sa remote ng tv mula noon.
“hoy anong ilalabas?” ang sabi ni daddy Paul “wag kayo diyan sa sofa, Ray dun kayo sa kwarto” naku isa pa tong ama ko. Alam ko na naman ang laman ng utak niya.
Wala din akong nagawa, hanggang sa nakauwi si hari ng sablay hindi na talaga nalipat ang channel.
Miguels POV
Woooooh medyo masakit ang ulo ko, pero kailangan kong bumangon para pumasok sa trabaho. Sinikap ko talagang sanayin ang sarili ko sa pag da drive. Hindi sa lahat ng oras ay available si dad para ipag drive ako.
Habang papasok ako sa parking lot ay nakita ko si Ray na na nagmamadali at nakita ko yung babae nakatayo sa tabi ng kotse ni Ray.
Lumabas ako ng kotse na parang hindi ko siya nakita.
“Hey!” alam kong tinatawag ako ng babae, pero hindi ko siya pinansin. “hey! Wait!” ang patuloy niyang pagtawag sa’kin pero hindi ako lumingon.
“hey tinatawag kita!” tinapik ako sa braso ng babae. Sinamaan ko siya ng tingin at nagpatuloy sa paglalakad. “hey! Wag ka ngang bastos!” na irita na’ko kaya hinarap ko siya.
“first of all miss my name is not HEY”
“okay so what’s your name then?” tatalikod na sana ako ulit pero hinawakan niya ko sa braso.
“wait… I saw you the other day with Ray, please naman oh, sabihan mo naman siya na kausapin ako”
“I can’t do that”
“bakit? you’re friends right?”
“dahil magkasama kami nung isang araw it doesn’t mean that were friends. I’m just his assistant”
Tuluyan kong iniwan dun sa parking lot.
Pagpasok ko sa office ay napansin agad ni Mykko ang ilong kong may band aid.
“oh dude anong nangyari diyan sa ilong mo? Ah si boss may mga sugat din sa mukha. Nagsuntukan ba kayo? Himala hindi ka pa na fire?” kahit kelan ang kulit talaga ng isang to.
“hindi ako ang nakaaway niya, tsaka wag ka ngang tsismoso. Gusto mo durugin ko yang ilong mo?”
“eto naman.. di na mabiro”
“oi umayos kayo ha, mukhang hindi maganda ang mood ni boss Ray. Halos lahat ng kakilala niyang model hindi available para sa photo shoot ng isang underwear brand bukas. Suppose to be siya ang model dun.” sabi ni Vin. Huh nag momodel si Ray? At underwear pa talaga ha.
Tama. Tatawagan ko si Borgy, model din yun. Baka libre siya. Agad kong tinawagan ang extension ni Ray.
“hello Miguel”
“sir Ray”
“yes Miguel.. ano yun marami akong ginagawa”
“naghahanap daw kayo ng model”
“yes, why?”
“may nahanap na ho ba kayo?”
“unfortunately wala pa”
“may kaibigan ako, pwede ko siyang kontakin baka libre siya. Model din kasi yun”
“sige, mainam kong ganun. Papuntahin mo dito asap pag pumayag siya”
“sige po”
“Miguel..”
“ano po yun?”
“salamat”
“walang ano man ho”
Agad kong tinawagan ang number ni Borgy. Sana available siya ngayon.
“hello Borgy..”
“sino to?”
“Borgy si Miguel to”
“oi! Pare kumusta na?”
“aray ko, wag ka ngang sumigaw.. sakit sa tenga” tumawa pa ang gago.
“pare available ka ba ngayon?”
“Oo naman, available ako ngayon dude.. why mag dedate ba tayo? Hahaha”
“sira! Teka nga seryosong usapan pare nagtatrabaho ako ngayon sa isang branch ng Velasquez Group of Company at naghahanap sila ng model para sa isang pictorial bukas. So pwede ka ba?”
“woah? Velasquez Group of Company seriously dude? Sige hindi ko palalampasin yan”
“great! Sige punta ka dito ngayon para makausap mo yung boss ko”
Pagkatapos kong makausap si Borgy ay muli kong tinawagan si Ray para sa sabihin ang magandang balita.
“hello sir Ray, papunta na dito ang kaibigan ko para makausap ka”
“hai salamat Miguel, you saved a lot of my time. Sige pag dumating siya samahan mo siya sa office ko. salamat”
Abangan…
Authors Note:
Hayan nakapag update na din sa wakas featuring Borgy, one of the characters from Si Borgy At Si Boy Astig by AwesomeDudeMiggy .
I love you all my fellow wattpadders. Mwa. Mamaya naman.. Matutulog muna ang bampira na author sa wattpad.. Hahahaha.. Have a great sunday.
HS3.5
“grabe pare hindi ko ine expect to ha. Ang laki pala ng kumpanyang to, hindi ko akalain na pinoy pala ang may ari nito” sabi ni Borgy habang pababa kami ng elevator. “magkaibigan ang dad nyu, meaning close kayo?”
“hindi naman, ba’t mo natanong?”
“ah eh wala naman”
“why don’t you listen to my explanation?!” yun ang una naming narinig nung dumating kami sa parking lot at nakita ko si Ray at ang girlfriend niya, ay mali mali ex girlfriend niya pala.
“uy… anong nangyayari?” sabi ni Borgy.
“wag mo na silang pansinin” iniunlock ko ang pintuan ng aking kotse.
“hoy parang awa mo na ikaw na ikaw na lang talaga ang pag asa ko” paglingon ko ay nakita ko ang babae sa likuran ko.
“kanina HEY ngayon HOY naman”
“ano ba kasing pangalan mo?”
“Miguelito ang pangalan niya miss” sabat ni Borgy.
“shut up! That’s not my name!” singhal ko.
“ako miss hindi mo tatanungin ang pangalan ko?” sabi ni Borgy
“who the hell are you?”
“I’m Borgy” ang sabi ni Borgy habang nakasandal sa kotse.
“whatever! Sige na Miguelito. Tulungan mo’kong makausap si Ray” humalakhak si Borgy. Alam niyang ayaw na ayaw kong tinatawag na Miguelito. Ewan ko basta!
“Hey get inside the car” sabi ko kay Borgy at pinandilatan ko ng mata.
“Opo tay, papasok na po” ang sabi pa ni Borgy habang nagpipigil sa pagtawa.
“miss my name is Miguel. Hindi kami close ni Ray. Wala akong magagawa para sa’yo, kung ano mang nagyari sa inyo, labas na ako dun” pumasok ako sa kotse at pinaandar ito.
“girlfriend ba ni Ray yung chick dude?”
“more like an ex girlfriend”
“teka bakit ikaw ang hinihingan ng tulong ng chicka babes na yun?”
“nung isang araw kasi susunduin sana namin siya, pero ayun nadatnan naming may ibang kasamang lalake. Nagkasuntukan, aawat lang sana ako kaya lang pati ako natamaan kaya nagkaganito ang ilong ko”
“ang saklap naman..” sabi ni Borgy, alam niya kasing naranasan ko na ang tulad nito.
“I know”
“hindi ibig kong sabihin ang saklap ng nangyari sa ilong mo hahaha”
“wala ka talagang kwentang kausap”
“pero yung totoo dude sayang”
“sayang ang alin?”
“sayang kasi babae ang gusto ni Ray”
“isa ka na lang ha, tatamaan ka talaga sakin”
“easy lang dude, nagbibiro lang ako hehehe” minsan may topak din tong si Borgy, hindi ko alam kung joke lang ba o totoo talaga ang mga sinasabi niya.
“salamat ulit dude. See you next time” ang sabi ni Borgy pagkababa niya ng sasakyan.
Pagkatapos kong ihatid si Borgy sa bahay niya ay agad na rin akong umuwi.
“good evening mom…”
“hi sweetie, are you hungry? Dinner is ready”
“yes very very hungry, where’s dad?”
“he took a bath, he’ll be here in a few moment”
Nag umpisa na akong kumain kasi gutom na gutom na talaga ako. Maya maya ay bumaba na si dad.
“oh anak dahan dahan lang sa pagsubo baka mabulunan ka”
“sorry dad, gutom lang talaga kasi”
“kumusta yang ilong mo?”
“ok naman dad, hindi na siya kumikirot”
“mabuti naman kung ganun, ano bang nangyari nung isang araw?”
“susunduin kasi namin yung girlfriend ni Ray dun sa bahay niya. But I think shit really happens”
“why, what happened next?”
“nakita namin yun girlfriend niya may kasamang ibang lalake at magkayakap pa, kaya itong si Ray biglang lumabas ng kotse tsaka sinugod yung lalakeng kasama ng girlfriend niya. Aawatin ko lang naman sila kaso pati ako natamaan sa ilong pa talaga”
Naalala ko tuloy si Jessica. Mahal na mahal ko siya pero parang pinaglaruan niya lang ako. Alam ko ang nararamdaman ni Ray. Walang kasing sakit ang makita yung taong pinakamamahal mo na may kayakap na iba.
“are you okay son?”
“okay lang po ako dad”
“oh sya nga pala I have a good news.. Paul asked me if it’s ok with me to manage his new hotel”
“and?” tanong ni mommy
“of course I said yes”
“wow congratulations honey…”
“Matatapos na ang hotel next month, pinuntahan namin kanina and I was so amazed. It doesn’t look like any other hotel. Nagmistula itong kastilyo sa gitna nang syudad?”
“really?”
“yes, literally napa nga nga ako pag pasok sa loob because the interior design is very elegant and he named the hotel ‘Enzos Castle’”
“wow so he named it after tito Enzo.. mahal na mahal talaga siya ni tito Paul ah”
“sinabi mo pa anak. He really love Enzo so much, madami na rin silang pinagdaanan pero hindi nila isinuko ang isa’t isa”
“nakakabilib naman, sabi kasi ng mga tao same se relationship doesn’t last” sabi ko
“we’ll not for them, they have prove that it will last. Na kwento pa sa’kin ni Paul that one time may hindi sila pagkakaintindihan ni Enzo, so Enzo went to cebu. Paul really exerted his effort and time came na kinantahan pa niya ito sa harap maraming tao just to prove that he really loves him. Kaya ikaw anak, pagdumating yung araw na magmamahal ka ulit, fight for it”
“ang corny mo rin pala dad noh? Hahaha”
Napailing na lang si daddy sa sinabi ko. Pero may point siya, I mean siguro mas mahirap ang same sex relationship.
Pagkatapos kong kumain ay nagpasya akong sa kwarto na lang magpahinga. Ini on ko ang tv saktong sakto. Naalala ko tuloy ang itsura ni Ray kung pano siya na inis nang hindi ko binigay ang remote. Maangas lang pala sa opisina. Pero there’s something about that guy.
Wait! Teka lang ba’t ko ba siya iniisip? Hai ano ba.. hindi tuloy ako nakapag concentrate sa pinapanood ko nag commercial na naman.
Teka nag riring ang cellphone ko. Hai asan na ba yun? as usual nasa ilalim na naman ng unan ko. Teka si tito Paul tumatawag.
“hello uncle”
“magandang gabi Miguel, asan na kayo?”
“huh? Nasa bahay po’ko bakit po?”
“naku, akala ko kasi kasama mo si Ray kasi sabi niya iinom daw kayo.”
“hindi ho kami magkasama, na una ho siyang umalis kanina. Wala naman siyang sinabi sa’kin”
“pinayagan ko siya kanina kasi ikaw naman daw ang kasama niya. Ano bang nangyayari sa batang to” ang nag aalalang sabi ni tito Paul.
“sige po uncle try ko siyang eh text at tawagan, tetext ko na lang po kayo pag nag reply siya”
“sige salamat Miguel”
Abah ginamit pa talaga ang pangalan ko. Humanda ka sa’kin.
‘hoy asan ka? tumawag ang daddy mo sa’kin hinahanap ka’ text ko sa kanya. Pero ilang minuto na ang nakakalipas hindi pa rin nag reply kaya tinawagan ko.
Naka ilang ring na pero wala pa ring sumasagot. ‘sige wag mong sagutin, magkikita pa rin naman tayo sa opisina’
Nag dial ako ulit pagkatapos ng ilang ring ay sinagot niya. Malakas na music at nadidinig ko pa ang nag hihiyawang mga tao.
“hello Ray? hello! Asan ka? tumawag yung daddy mo hinahanap ka” pero wala akong narinig na sagot mula sa kanya. Hai naku bahala ka nga.
Bigla muling nag ring ang phone ko, umaasa akong si Ray ang tumatawag
‘ano? Umaaasa ako na tatawag si Ray?’
nang tignan ko si Borgy pala ang tumatawag.
“oh pare tumawag ka?”
“oi pare busy ka?”
“hindi naman, bakit?”
“andito kami sa SmallVille ngayon, punta ka dito sige na” Hai natatamad akong umalis ng bahay ngayon “uy pare andyan ka pa ba? Wag ka ngang kj punta ka na dito. Dude sige na”
“sige na nga, sige susunod ako dyan, san ba kayo banda?”
“nasa Gypsy kami dude. Sige antayin ka namin dito”
Agad akong naligo at nagbihis. Alam kong tulog na sina mom at dad kaya nagtext na lang ako sa kanila na lalabas ako.
Narating ko ang bar kung nasan sina Borgy at marami siyang kasama. Isa isa niyang pinakilala sa’kin ang mga ito. Matagal na rin akong hindi nakakapag nightout, tsaka para makabawi din naman ako dito kay Borgy sa pag punta niya kanina sa opisina nang tinawagan ko siya.
Saturday night kaya marami na namang tao, naghalo ang amoy ng sigarilyo, iba iabng klaseng pabango at amoy pawis.
“dude order ka lang, sagot ko to” ang sabi ni Borgy.
Mahina ang tolerance ko sa alcohol kaya dapat dahan dahanin ko lang to. Mahirap na baka sa ospital ako gumising nito.
Kaya ayun, kwento dito kwento dun, tawanan dito tawanan dun. Hanggang sa may na hagip ang mga mata ko. Si Ray ba yung nakikita ko na nakaupo ng mag isa sa isang table.
Kinusot ko ang aking mga mata baka kasi na malik mata lang ako. Hindi nga ako nagkamali si Ray nga.
“excuse me dude” ang sabi ko ay Borgy.
“oh dude san ka papunta” tinuro ko si Ray.
May iilang bote sa ibabaw ng table niya.
“hey!” ang sabi ko sa kanya sabay kalabit sa kanyang balikat. Sinamaan pa niya ako ng tingin. Umupo ako sa tabi niya. “ba’t mo sinabi sa dad mo na magkasama tayo?”
“eh magkasama naman tayo ngayon ah”
“alam mo hindi kita ma intindihan”
“talaga hindi mo’ko ma iintindihan”
“alam mo lasing ka na, umuwi ka na”
“pare wala kang karapatang utusan ako na umuwi”
Nang makita kong ini angat niya ang bote ng alak ay inagaw ko ito.
“fine! Sinabi ko kina dad na kasama kita para hindi nila akong pigilang lumabas ngayong gabi. Oh diba yan yung gusto mong malaman” bigla siyang tumayo.
“hoy! San ka pupunta?!”
“sa banyo! Naiihi ako sa itsura mo!” lasing na ang loko, pa ekis ekis na ang paglalakad. Ilang sandali pa ay lumabas na siya ng banyo. Nang dumaan siya sa isang table na may nakaupong tatlong lalake. Saktong pagdaan ni Ray ay hinawakan ng isa sa mga lalake ang harapan niya.
Nakita ko ang reaction ni Ray na nairita sa ginawa ng lalake. ‘oh no heto na naman’ agad akong lumapit sa kanila.
“Ray anong nangyayari dito?”
“uyyyyy… kaya pala ayaw niya andito ang syota….” Ang nang iiritang sabi nung lalake kay Ray. Ganito pala ang itsura niya pag galit na galit. Parang lalapain niya yung lalake.
“hindi ako bakla!” masyadong malakas ang tugtog kaya walang masyadong nakarinig sa pag sigaw ni Ray maliban sa mga nakaupo sa kabilang table.
“Ray halika na umuwi na tayo”
“pare, wag mo munang pauwiin tong syota mo. Kung gusto mo sali ka sa’min mag orgy tayo. Ang yummy nyo kasing dalawa eh” sabi nung isa pang lalake sa’kin kaya nilingon ko siya.
“hampasin kaya kita ng bote gusto mo?” sabi ko sa lalake
“go!”
“sigurado ka?”
“naman..!”
Walang pag aalangan kong kinuha ang isang bote at hinampas dun sa ulo ng lalake. Pasensya sya I say what I do and I do what I say. Pagkatapos kong gawin yon ay nagkagulo na. Hinila ko si Ray at tumakbo kami palabas ng bar.
Takbo lang kami ng takbo hanggang sa lumampas na kami ng parking lot at narating ang kalapit na park.
“Miguel! Miguel! Malayo na tayo” kaya tumigil na ako sa pagtakbo at naglakad.
“Miguel! Miguel!”
“ano na naman? Sigaw ka ng sigaw eh”
“Miguel yung kamay ko”
Nakaramdam ako ng hiya ng makita kong magkaholding hands na pala kami kaya agad ko itong binitiwan ang kamay niya.
“hindi ka talaga nag iisip, pano kung tandaan tayo ng mga yun?!”
“pwede ba, magkalapit lang tayo. Wag ka ngang sigaw ng sigaw at tsaka tinanong ko naman siya kung gusto niyang hampasin ko siya ng bote sabi niya oo eh di hinampas ko”
Tumakbo siya papunta sa isang puno at sa mga naririnig ko alam ko na kung anong nangyayari sa kanya.
“oh hayan inum pa more! Diba ang saya.. iinum inum tas susuka, ano ba yan ang hina mo pre”
Tumigil siya sa pagsuka at lumapit siya sa’kin. Ang sama maka tingin ng loko.
“oh ano nasuka mo na lahat ha?”
“hindi pa”
“hindi pa?”
“hindi pa, gusto mo sukahan kita?”
“sige go ahead”
Tinotoo niya nga sinukahan niya nga ako at napunta lahat sa damit ko ‘eeewwww’
“ba’t mo’ko sinukahan?”
“tinatanong mo’ko kung gusto mong sukahan kita sabi mo oo eh di sinukahan kita” may magagawa pa ba’ko?
nagsimula siyang maglakad pabalik sa parking lot. Halatang nahihilo pa rin at hindi makalakad ng maayos.
Nang marating namin ang parking lot ay agad niyang tinungo ang kanyang kotse. Pero hinawakan ko siya sa braso.
“ano ka ba, bitawan mo nga ako. uuwi na ko!”
“no! no ! No ! No! sasakay ka sa kotse ko at ihahatid kita sa inyo.” Pilit siyang nagpupumiglas pero as malakas yata ako. hanggang sa maka pasok kami sa kotse ay panay ang sigaw niya para lumabas.
“hey! Bingi ka ba? What about my car?!”
“bukas mo na balikan”
“ayoko ko!”
“wag mo nang sayahin ang energy mo, naka child lock ang pintuan ng kotse kaya hindi mo yan mabubuksan”
“hello Miguel?”
“tito Paul, papasok na kami ng subdivision nyo. Kasama ko si Ray”
“hai salamat naman…”
Pagkarating namin sa bahay nina Ray ay bukas na ang gate kaya diretso na akong nakapasok. Nakatulog si Ray.
“oi Ray gising andito na tayo sa inyo”
Nasa harap na ng pinto si tito Paul at tito Enzo. Agad lumabas si Ray ng kotse at diretsong pumasok sa bahay nila na para bang hindi niya nakita ang parents niya.
“hey Ray! hindi ka man lang nag thank you sa naghatid sa’yo. Pasensya kna Miguel, naku suka ba yang nasa damit mo? Pasok ka muna at magpalit ka muna ng damit” sabi tito Enzo.
“naku okey lang ho tito, uuwi na din naman ako”
“salamat Miguel ha, sige ingat ka” ang sabi ni tito Paul.
Rays POV
Damn! Tigang ang lalamunan ko, lumabas ako ng kwarto at tinungo ang kusina para uminom ng tubig. Nadaanan ko si dad na nakaupo sa sofa na seryoso ang mukha habang nakatingin sakin. Alam ko na naman kung ano ang kahihinatnan nito. Binuksan ko ang ref at kumuha ng tubig.
Ay shit! Yung kotse ko naiwan ko dun. Kailangan kong balikan yun ngayon din. Nagmadali ako para bumalik sa kwarto.
“Ray” pagtawag sa’kin ni daddy Paul “we need to talk” pag ganyang mga salita ang binitawan ni dad alam kong ma sesermonan na naman ako. Pero wala si daddy Enzo, siya lang kasi ang taga awat kay dad pag nagalit ito dahil hindi nagugustuhan ang pag sagot ko.
“Ray ano bang problema?”
“wala ho”
“wala?” umiling lang ako, eto na nag iiba na naman ang itsura ng daddy ko. Alam na alam niya pag nagsisinungaling ako. “then why is it that you went home drunk?! At para kaming mga multo na dinaanan mo lang nang dumating ka?!”
“Paul anong nangyayari?” pumasok sa daddy Enzo at dali daling lumapit.
“stay out of this” ang sabi ni dad kay daddy Enzo.
“Paul pwede namang kausapin mo yang anak mo ng hindi sumisigaw”
“ba’t di mo kasi sabihin ang problema? Pano pa’t tinawag kaming magulang mo kung hindi mo naman kami pwedeng kausapin tungkol sa problema mo” sabi ni daddy paul
“because you won’t understand dad”
“what do you mean we won’t understand? Because we’re gay? Is that what you mean about ‘we won’t understand?’ “
“that’s not what I mean dad!”
“of course it is!”
“pwede ba tumahimik na kayong dalawa, walang magandang patutunguhan ang usapan na to” ang pag putol ni daddy Enzo “Paul, lumabas ka muna”
“now I’m starting to feel like I’m the bad guy again”
“Paul nakikiusap ako sa’yo lumabas ka muna and breath some air”
Lumabas nga si dad at naiwan kami ni daddy Enzo sa sala.
“anak as what I’m always telling you. Pag pasensyahan mo na ang daddy mo. He’s just concerned about you. Aaminin ko sumama ang loob ko sa’yo nang malaman kong hindi mo pala talaga kasama si Miguel”
“I’m sorry dad, alam ko nagagalit ng ganun si dad kasi baka simulan ito ng isang issue na ikakasira ng pangalan nya”
“no.. no.. hindi sa ganun anak, we’re concerned about your safety”
Naalala ko tuloy ang eksena kagabi, kung wala dun si Miguel at nanlaban ako baka nabugbog na ako dun.
“sorry dad”
“there’s no need to say sorry. Palamigin mo muna ang ulo ng dad mo tsaka mo siya kausapin. Okey?”
“sige po”
Lumabas si dad sa garden at nilapitan si daddy Paul. Hindi ko man marinig kung anong sinasabi niya ay alam kong nilalambing niya ito.
HS3.6
Nasan na ba ang Ray na yun, ang dami nang tawag na dapat kong iforward para sa kanya pero wala siya sa office niya. Abah himila kung umabsent yung si boy sungit.
“Sarra alam mo ba kung nasan si sir Ray?”
“naku dong hindi ka ba niya ininform?”
“ininform tungkol sa ano?”
“every Thursday kasi dun siya sa 9th floor”
“grabe Sarra kakapagod na mag tanong ha. Diretsuhin mo nga”
“wow ikaw tong nagtatanong ikaw pa ang masungit ha? Nasa 9th floor siya every Thursday kasi nag momodeling yang lolo mo” ah oo nga pala naalala ko na si Borgy pala ang pumalit sa kanya nung nakaraan.
“oi Miguel” pagtawag ni Sarra sa attention ko.
“ha?”
“ay tulaley? Sabi ko pag may tumawag at hinahanap si sir Ray sabihin mong hindi siya available.”
“hi Miguel” si Abet taga payroll department.
“oh Abet, kung si sir Ray ang hinahanap mo nandun siya sa 9th floor”
“Oo alam ko… papa approve ko sana sa kanya ang mga to” ang sabi ni Abet habang binubuklat ang isang plastic folder.
“andun lang naman siya sa 9th floor, diba nasa 9th floor din naman ang payroll department?”
“ah.. eh… Miguel, pwede bang ikaw na ang magpapirma nito kay sir Ray tsaka para yan sa sweldo nyo ha”
“Abet ikaw na lang please.. marami akong ginagawa”
“Miguel parang awa mo na, ikaw na lang please. Ayaw na ayaw kasi ni sir Ray na iniistorbo siya pag nandun siya sa 9th floor”
“grabe so ako ang mayayari niyan ngayon?”
“sige na Miguel oh, tsaka ikaw din sweldo nyo yan..” hai sweldo ko na ang nakasalalay.
“hai sige na nga!”
“salamat pare ha, pa kiss nga” hinawakan ni Abet ang ulo ko at hinalikan ako sa pisngi.
“ewwww!” pinahiran ko ang pisngi ko.
“sige Miguel, daan ka na lang mamaya sa department namin pag napapirmahan mo yan ha, salamat ulit pare”
“layas na, bugbugin kita eh”
“naku dude mukhang type ka ni Abet ah. Mag ingat ka pare silahista yun hahaha”
Hai ano ba. Ayokong umalis dun sa kinauupuan ko eh, bakit pa kasi ayaw pa istorbo ng Ray na yun. Narating ko ang 9th floor at tinungo ko ang photo studio. Tahimik lang naman, binuksan ko ang pinto at nagulat ako sa aking nakita. Geez siya ba talaga to, naka topless.
Oo nga nag momodeling nga sya.
“Aaaahhhhh! Ikaw nga! Ikaw nga!” napatakip ako ng tenga sa tinis ng boses ng babae.
“Karlem ano ba yan?” pag sita ni Ray sa babae na nakahawak sa braso ko.
“sir siya na nga, siya yung hinahanap natin! Aaaahhhhh!” pati yung photographer tinakpan din ang kanyang mga tenga. Kung si Borgy pinaglihi sa megaphone ito mukhang pinaglihi sa pito.
“Karlem! Will you stop shouting” ’
abah
kalahi
mo
yata
ang
babaeng
to sir’ “Miguel what are you doing here?” Wait parang umurong na naman ang dila ko ah.
“Miguel may pumasok na langaw sa bunganga mo”
“ano ho yun sir?” pak!
“Miguel, tinatanong ko kung bakit ka nandito. Naka nga nga ka lang eh” ’ Miguel anong nangyayari sa’yo?’
“sir… kailangan nyo po tong pirmahan sabi ng payroll. Natatakot kasi pumunta si Abet dito eh” hindi agad sumagot si Ray at tumingin muna siya kay Karlem.
“okay akin na” inabot ko sa kanya ang folder at ballpen, pero pinatong niya ito sa isang upuan “take off your shirt Miguel”
“huh?”
“Miguel I said take off your shirt.. please…..” huh anong trip ng lokong to hindi ko maintindihan.
“why?”
“just do it” hai ewan, sige na nga shirt lang naman eh, hindi naman kasama ang pantalon. Kaya hinubad ko naman. Nakakailang lang kasi nakatitig talaga si Ray, pati na yung ibang taong nandun sa loob ng studio.
“oh what now?”
“okey” huh ano daw? Pinagtritripan ba ako ng lokong to. Kinuha niya ang folder at ballpen tsaka niya sinimulang pirmahan ang mga papeles. Very firm ang biceps niya at ang kinis ng katawan. ’ what the hell am I thinking?’
“Miguel…”
“Miguel…”
“you may put your shirt on, I’ll talk to you at my office later”
“sige salamat sir” sinuot ko ang aking polo tsaka kinuha ang folder.
“by the way Miguel, have some coffee mukhang tulog ka pa eh but please wag mong gawing pampaligo”
Iniinis talaga ako ng mokong na to ah. Una pinahubad ako tas ngayon mag jojoke siya nang ganun. Parang tanga siguro ang tingin niya sa’kin ’ hindi nga ba?’ peste tong utak ko nakiki join pa.
“see you around Miguel” sabi ni Karlem at nag pabebe wave.
“Abet oh” nilagay ko sa desk ni Abet ang folder.
“WoooooW!!! Salamat ha?” seriously uso ba ngayon ang pag sigaw sa twing nakikipag usap.
“don’t even think about doing it again Abet” sabi ko nang papalapit na naman siya “bubugbugin kita pag inulit mo yun”
“ito naman hindi ka na ma biro pre. Salamat ulit”
Bumalik ako sa 11th floor at ilang minuto pa lang akong nakaupo ay pumasok si Ray sa loob.
“Miguel, mag usap tayo sa opisina ko” seryoso ang mukha ni Ray.
“hala pare lagot, anong ginawa mo?” sabi ni Vin
“wala noh”
“hala ka.. dude paglabas mo mamaya sa opisina ni sir Ray for sure duguan kana hahaha” sabi ni Mykko.
“masyado kayong exaggerated, kakausapin lang naman siya” sabi ni Mikee.
Hindi naman sa kinakabahan ako, pero curious lang ako kung anong pag uusapan namin. Kumatok ako tapos binuksan ko ang pinto at dun ko unang nakitang nakangiti si Ray. Ang gwapo pala niya pag nakangiti ‘wait wait , erase erase erase!’
“have a seat Miguel”
“ano ho bang pag uusapan natin sir?” ngumiti muna siya bago sumagot, abah totoo ba’to? Anong nakain niya at pangiti ngiti na siya ngayon?
“first of all, I want to let you know na pinili ka naming maging model para sa mga bagong designs ng shirts, pants and underwear ng isang clothing brand, kaya kita pinaghubad kanina”
“no ayoko, hindi ako sanay sa camera, tapos underwears? No thanks ayoko kong makita ang sarili kong nakabalandra sa billboards at magazines na naka brief lang. No way dude”
Tinignan ko ang magiging reaction ni Ray and it’s not what I expected. Huminga siya ng malalim.
“Miguel please… masasanay ka rin. Tsaka dapat masanay ka na rin kasi bahagi na yan ng routine ko”
“what? Anong ibig mong sabihin tungkol sa ’
bahagi
na
yan ng routine ko’ ? why? are you leaving? Are you going to resign?“ ang medyo naiinis kong tanong, nabibitin kasi ako.
“Hindi ako mag reresign, I’m one of the candidate para sa Misters of the Philippines and I might be gone for a few weeks or even months. Kaya kita gustong kausapin kasi I will be appointing you as an OIC while I’m gone” what the? Ano daw ako ang gagawin niyang OIC?
“I’m sorry, pero hindi ko yata kayang gawin yang mga pinapagawa mo sa’kin” kita ko ang lungkot sa kanyang reaksyon at kinagat niya ang kanyang labi tsaka yumuko. Parang ang lambot lambot ng mga labi niya ‘eeewww ano bang nangyayari?’
Nagtataka lang talaga ako kasi, hindi ko inaasahan na ganito ang magiging reaction niya sa sinabi ko. Ano ba? Nakokonsensya ako.
“okey.. okey.. sige ano bang mga ginagawa mo?” humarap siya sa’kin at nagliwanag ang kanyang mukha.
“thank god, pumayag ka.. okey so let’s start with..” inumpisahan na nyang sabihin ang mga ginagawa niya. Geez kakayanin ko ba lahat to, kaya pala kadalasan hindi maipinta ang itsura niya kapag nasa opisina. I need your help lord..
Dumating na ang araw ng biyernes. Simula sa lunes wala na si Ray dito at ako na lahat ang gagawa ng mga ginagawa niya. Hindi ko din alam kung matatandaan ko ba lahat ng bilin niya.
“Miguel, I hope na tinandaan mo lahat ng binilin ko sa’yo. Starting Monday, dun ka na sa opisina ko papasok”
“kailangan ko ba talagang mag pose sa camera ng naka underwear lang?”
“Miguel ilang beses na natin napag usapan niyan at tsaka naka ilang pictorial ka na nga and your still ok” wow si Ray ba talaga tong nagsasalita? O baka naman nag babait baitan lang to para wag kong pabayaan ang trabahong iiwan niya.
Bumalik ako sa aking desk at hindi pa rin ako makapaniwala na si Ray yung kinakausap ko. Nasa gitna ako ng pag iisip nang nag ring ang telepono ko. ‘Paul Velasquez’ ang naka register sa caller ID.
“hello tito Paul”
“hello Miguel, may gusto sana akong ipakiusap sa’yo. Punta ka sa office ko ngayon, don’t worry sinabihan ko na si Ray na pupunta ka dito”
Ano kayang ipapakiusap ni tito. Oh no wag naman sana niyang sabihin na ako muna ang hahalili sa kanya bilang may ari ng kanyang korporasyon, dahil kung ganun tatalon ako mula sa rooftop ng building na to. Hai naku, nababaliw na yata ako, masyado na akong maraming iniisip. Pag momodeling mga obligasyon na iniwan sakin ni Ray pati ang ngiti niya. ‘Oopss! Did I just say iniisip ko ang ngiti niya?’
Hai paglipat lipat pa lang ng floor nakakapagod na at every floor parang pwedeng gawing soccer field sa lapad. ’ hindi naman ini exaggerate ko lang’
“pasok lang po, inaantay ho kayo ni sir Paul”
Pagkabukas ko ng pinto ay nakita ko ang magiging itsura ni Ray 25 years from now.
“Miguel, have a seat”
“so how are you yho”
“okey lang po uncle”
“I heard, Ray appointed you as an OIC habang wala siya. What do you think about it?”
“parang ang hirap nga po, sinasabi pa nga lang ni Ray yung mga dapat kung gawin parang puputi na ho lahat ng buhok ko” tumawa si tito Paul.
“I knew you’d say that. But I have a much easier task for you. Would you like to know about it?”
Nag loading ako, hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Teka may ipapagawa si Ray sakin at ngayon pati si tito Paul?
“ah eh tito hindi ko ho maintindihan”
“oh I’m sorry I made it too complicated. Didirestohin nakita Miguel, gusto ko ikaw ang sumama kay Ray sa lahat ng tours, pictorials at kung ano anu pang gagawin niya bilang candidate ng Misters of the Philippines”
“pero pano po ang ibinilin ni Ray?”
“ako nang bahala sa anak ko, may nahanap na akong magiging OIC while he’s gone, yun ay kung papayag ka?” ‘weeeh? May magagawa pa ba ako? tsaka tama ba tong nararamdaman ko, iniisip kong kasama ko si Ray ng ilang linggo bumibilis ang tibok ng puso ko’
“Miguel are you okay?”
“opo sige po payag po ako”
“great! Ako nang bahalang magsabi sa kanya. Salamat Miguel at pumayag ka” ‘wala naman akong magagawa eh’ “mas magiging payapa ang tulog ko kung ikaw ang makakasama niya. I know may pagka suplado yang anak ko kaya ngayon pa lang humihingi na’ko ng pasensya. Now going back, every week maghuhulog ako ng allowance mo directly sa iyong atm at sagot ko ang mga expenses mo, don’t hesitate to call me if you need anything. On top of your allowance my sweldo ka pa. Wala kang gagastusin ni isang kusing. May isa pa akong ipapakiusap sa’yo”
“ano ho yun tito?”
“just always make sure that Ray is safe, can you promise me that?”
“opo”
“great so were settled then, now here is your ticket papuntang Manila. All you need to do is to pack your things”
“thank you po”
“no.. ako dapat ang mag thank you sa’yo Miguel. Tatanawin kong malaking utang na loob to”
Mga mahigit isang buwan kaming mananatili sa manila. Pag uwi ko sa bahay ay agad akong nag empake ng aking mga gamit. Excited lang? Friday pa lang ngayon at Monday pa ang alis namin.
“hello Borgy, ba’t napatawag ka?”
“dude congratulate me!”
“bakit? anong meron?”
“naka buntis kasi ako! wooohoooo!”
“oh edi happy father’s day! Hahaha”
“loko lang dude, hindi naman nabubuntis ang lalake wahahaha”
“loko loko ka talaga, ba’t ba ang saya saya mo?”
“you won’t believe this dude”
“ano nga? Dami mong pasakalye eh”
“I’m one of the candidates sa Misters of the Philippines dude”
“ayos, edi kita na lang tayo sa lunes dude”
“Candidate ka rin? Kala ko ba ayaw mung may makakita sa bumubukol mong etits hahaha”
“hindi naman ako ang kasali si Ray, yung boss ko”
“nice… magiging magkatunggali pala kami. Sige dude kita na lang tayo sa lunes”
Abah akalain mo yun, pati pala tong si Borgy. Pero mas gwapo naman si Ray ‘what the f is happening to me?’ ba’t palagi ko na siyang iniisip ngayon? Nababaliw na yata ako. kanina nagulat ako pag tingin ko sa salamin , imbis na itsura ko ang aking makita, nakangiting itsura ni Ray ang nakita ko ‘what the hell?’
Ray POV
Hai nasan na ba yung si Makoy, simula kaninang umaga hindi na siya nagreply. Ang sabi niya Saturday pa lang nakapag empake na siya.
“hello Makoy nasan kana, mamaya aalis na tong shuttle”
“brad pasensya na, hindi na kasi ako ang sasama sa’yo eh”
“huh? Bakit naman? Ano ba Makoy? Wala namang lokohan”
“brad I’m serious. Parating na daw dyan yung sasama sa’yo. Sige brad goodluck”
“hello? Hello? Makoy” kainis naman tong si Makoy oh.
Teka familiar yang van na paparating ah. Hai ‘Velasquez Group of Company’ ang nabasa kong nakasulat sa van. Maya maya ay bumukas ang van at ang naka ngising mukha ni Miguel ang nakita ko at may dala siyang isang maleta at back pack.
“hello Ray”
“Miguel? Nasa office ka dapat diba? Anong ginagawa mo dito?”
“sasamahan ka”
“no, bumalik ka dun sa office right now at asikasuhin mo yung mga binilin ko sa’yo”
“hey… you’re not my boss for now okey, may na appoint si tito Paul na maging OIC at siya din ang nakiusap sa’kin na samahan ka. Halika na, mukhang tayo na lang ang inaantay ng shuttle c’mon”
Hai may magagawa pa ba’ko? malalagot talaga tong lalake na to sa’kin kung palagi siyang sasablay. Papasok na kami ngayon sa shuttle na maghahatid sa’min papuntang airport. May natira pang upuan malapit sa bintana. Uupo na sana ako nang biglang may umupo sa gusto kong upuan.
“Miguel palit tayo gusto kong umupo diyan malapit sa bintana.”
“ayoko ko nga.. bleeeh” pinaduling niya pa ang kanyang mata at nilabas ang dila. Oh great abnormal ang makakasama ko.
Nakita ko si Borgy sa bandang likuran ng shuttle at kumaway pa ito.
Umandar na ang shuttle so I had no other choice kundi umupo sa tabi ng abnormal na to. Nakakainis naman oh.
“hoy..” pagtawag ni Miguel sa atensyon ko. Pero hindi ko siya pinansin.
“hoy..” ang sabi niya ulit sabay sundot sa pisngi ko.
“ano ba?!”
“gusto ko lang ipaalam sa’yo na si dad mo ang nakiusap sa’kin ha. Kaya siya nagpaalam sa’yo nung nakaraan na papupuntahin niya ako sa office niya. Kaya wag kang mag inarte diyan”
“sino bang may sabing nag iinarte ako?!”
“wag ka ngang sumigaw, nakakahiya”
“whatever, manahimik ka nga diyan. I don’t need to hear your explanation”
“k..”
Pagpasok namin sa eroplano ay masaya ako dahil sa wakas nakaupo ako malapit sa bintana. Pero nawala ang saya ko kasi magkatabi pa rin kami ng hari ng sablay.
“oh ba’t ka sumimangot?” tanong niya
“bakit dapat ka bang ngitian?”
“ba’t ba ang sungit mo?”
“pakialam mo bah?”
Hai siguro mas masaya kung si Makoy ang kasama ko dito. Bakit kasi binago ni dad yung na plano ko na.
Pagdating sa maynila ay sinundo pa kami ng isang shuttle para ihatid sa isang hotel. Bukas daw pupunta kami sa batangas para mag photo shoot.
Hinatid kami sa aming mga kwarto. Hai salamat hindi naka buntot sakin yung abnormal.
Pagpasok ko sa kwarto ng hotel ay agad akong nahiga sa kama ‘I found peace atlast..’ kinuha ko ang aking tuwalya at naligo.
‘hai sarap nang feeling makapagbihis na nga, gusto ko nang matulog’ kukuha na sana ako ng damit sa aking maleta ng biglang may malalakas na katok akong narinig sa pinto. ‘yung totoo may balak ba siyang wasakin ang pinto?’
“sandali lang!” pero mas lalong lumakas ang pagkatok kaya lumapit na lang ako sa pinto at binuksan. Si abnormal pala.
“hai ang tagal mong magbukas ng pinto” abah dire diretso siyang pumasok sa kwarto at nilapag ang kanyang bag at maleta sa tabi ng kama tsaka naghubad ng sapatos. Hinubad niya ang kanyang polo at pantalon. Tanging blue na checkered na boxer shorts ang suot niya at itim na sando.
“hai… sarap ng matulog”
“hoy sinong may sabi sayong dito ka matutulog?”
“wala nang available na kwarto kaya dito ako matutulog”
“whatever pero diyan ka sa sahig”
“ayoko ko nga tsaka kasya naman tayo dito sa kama”
Hai juice colored, bat ba hindi umuubra ang pag susungit ko ngayon sa lalakeng to.
“sige dyan ka matutulog pero wag kang malikot, sisipain talaga kita para mahulog ka sa kama pag malikot ka.”
“wag kang mag alala good boy po ako kapag tulog…”
Hai makapagbihis na nga. Kinuha ko ang isang short at isang t shirt.
Oh shit asan na yun? nilabas ko ang lahat ng laman ng aking maleta at bag pero wala talaga ang hinahanap ko. Oh my bakit hindi man lang ako nakadala kahit isang piraso man lang, kahit boxer shorts wala.
“oi Ray ano yang hinahanap mo?” tanong ni Miguel
“hinahanap ko yung underwear ko”
“nasa labas na lahat ng laman ng bag at maleta mo oh, aminin mo na kasing hindi ka nakadala ng brief mo”
“Ray..”
“ano ba?” pagharap ko ay may binato sakin si Miguel at tumama sa mukha ko. Pagtingin ko isang puting brief ang hinahawakan ko.
“ano to?”
“malamang brief.. hindi naman mukhang towel yan eh” ang sabi ni Miguel habang abala sa pag dut dut ng cellphone niya.
“sa’yo to?”
“hindi, sa kapitbahay namin yan sinungkit ko lang. Syempre akin yan”
“nasuot mo na to?”
“hindi ako bumili ng bagong brief lahat ng dala ko nasuot ko na. Sige na suot mo na yan”
“ayoko magsusuot na lang ako ng short”
“bahala ka, tutunog yang mga itlog mo. Kakalembang yan na parang kampana hahaha” abah loko to ah. Kala niya siguro nakakatawa. Pero hindi kasi ako komportable na walang suot na underwear. Hai no choice din ako kaya sinuot ko na lang.
HS3.7
Wala na talaga akong choice kundi pakisamahan ang lalakeng to. Hindi naman siya umaasta nang ganito nung una kaming magkakilala. O baka naman talaga likas lang siyang abnormal at inaayos niya lang ang sarili niya kasi boss niya ko pag nasa opisina kami.
Nakaupo siya sa kama at nanonood ng tv.
“hoy, magbihis ka maghahapunan tayo”
“tsk! Tumabi ka nga dyan” pumunta sya sa dulo ng kama at tinabig ako. “kita namang nanonood ako eh, alis ka diyan. Malalaman na nila na patay na pala ang tunay na Ador” syempre si Coco Martin na naman. “kumain ka na dun, alam ko naman na kasama mo sa isang table ang lahat ng kandidato eh. Sige na alis na” bah sungit ha, anong ibig niyang sabihin ayaw niya kasi bubukod ako ng mesa ganun?
“bahala ka nga” sabi ko at may bigla akong naisip nang papalabas ako ng pinto. Hehehe
“what the hell?!”
Hahaha binunot ko kasi ang plug ng tv tsaka ako nagtatakbo.
Oo nga isang table lahat nakaupo ang mga kandidato. Nakita ko si Borgy at kinawayan pa niya ako.
“Ray dito ka dude” umupo ako sa tabi ni Borgy at natigil ang ang pag uusap at tawanan nila.
“oi mga brad wag naman kayong ganyan” sabi ni Borgy.
“pasensya ka na brad, hindi kasi kami makapaniwala na ang anak ng may ari ng higanteng kumpanya na Velasquez Group of Companys ay kasama namin” sabi nung isa.
“bakit wala kang body guards?” tanong nung isa na nasa tabi ko.
“wala at ayaw kong may body guard” sabi ko
“is it true that you’re parents are, you know?” tanong naman nung isa na nasa tabi ni Borgy. Alam ko na kung anong tinatanong niya.
“woah… wag nyu naman eh hot seat si Ray” ang sabi ni Borgy bago pa man ako maka sagot. “Ray oh sa’yo to “ Binigay ni Borgy ang isang itim na mug na may nakasulat pa na ‘Misters of the Philippines 2015.’
Maya’t maya pa ay dinala na sa table namin ang aming hapunan. Bigla kong naalala si Miguel at inikot ko ang aking paningin pero hindi ko siya nakita. Naku hindi talaga bumaba ang abnormal para maghapunan.
Mas lalo ko pang nakilala ang iba pang mga kandidato habang kumakain.
Pasado alas nuwebe na nang matapos kaming kumain. Nagpasya na kaming bumalik sa aming mga kwarto. Naisipan kong orderan si Miguel ng pagkain, kawawa naman ang abnormal na yun baka nagugutom na ‘concerned na ba ako sa kanya?’
Ilang metro na lang ang layo ko mula sa pinto ng kwarto nang bumukas ito. Nakita kong lumabas si Madellet ang assistant organizer ng pageant. Nag uusap pa ang dalawa at pangiti ngiti pa yung abnormal. Maya’t maya pa ay umalis na si Madellet at nakatayo pa rin si Miguel sa harap ng pinto.
“good evening po sir” sabi ni Madellet nang magkasalubong kami. Tinignan ko si Miguel at naka ngiti pa ito habang nakatingin sa’kin, ginalaw galaw niya pa ang kanyang kilay at kinagat ang kanyang labi ‘parang sarap kutusan, baka magkaron ng pakpak tong mug na dala ko. Lilipad talaga to at dadapo sa mukha niya’
“oh!” sinak sak ko sa dib dib niya ang dala kong pagkain at hinawakan naman niya agad.
“ui… salamat ha, concern ka rin pala sa’kin” ang nakangisi niyang sabi.
“dami mong sat sat. Kainin mo na yan”
“sa’yo na lang tong steak at rice”
“kakakain ko lang at tsaka ba’t parang nag iinarte ka pa ha?”
“eto na lang vegetable salad yung kakainin ko. Tsaka hindi ako nag iinarte, vegetarian kasi ako” hmmmpf! ‘vegetarian, vegetarian. Pina sosyal mo lang eh, ba’t di mo na lang sabihin na isa kang HERBIVORE. Mukha ka kasing kambing!’
Binuksan niya ang disposable na container at umupo sa kama. Pinasok niya ang isa niyang kamay sa kanyang boxer shorts at nagkamot pa siya. Nabigla ako dahil hindi niya ginamit ang tinidor, ang kamay na ginamit niyang pagkamot ay siyang ginamit niya para dumampot ng salad tsaka sinubo ito.
“eeeewwww!”
“eeww eeewww! Gusto mo? Oh subuan kita”
“no thanks! Are you not observing proper hygiene?” hai abnormal talaga tong kasama ko. Parang isusuka ko lahat ng kinain ko dahil sa ginawa niya. Parang patay gutom pa oh, parang nilulunok niya lang ang mga gulay.
“dahil ayaw mo nitong steak, kakainin ko na lang” aayaw ayaw pa kakainin din pala, vegetarian kuno.
“you know what, your so primitive. Gamitin mo nga yang kutsara tsaka tinidor. 2015 na po ngayon, matagal nang natapos yung stone age”
“wag mo nga akong pakialaman, mas sumasarap ang pagkain pag nagkakamay. Gusto mo try mo pa oh” nakikita ko pang tumatalsik ang ibang kanin mula sa bunganga niya.
“no thanks! Baka magka diarrhea pa’ko”
“arte mo, baka nga hindi mo alam nung maliit kapa kumain ka ng tae mo eh hahaha”
Hai lord ano ba tong kasama ko. He can talk about gross things kahit na kumakain.
Nagpalit ako ng damit at nahiga dahil maaga kasi ang alis namin bukas papuntang batangas. Maya’t maya pa natapos na si Miguel sa pagkain. Inadjust ko ang temperature ng aircon kasi sobrang lamig na. paglapit ni Miguel sa kama ay kinuha niya ang remote ng aircon at inadjust ulit ang temperature.
“Miguel sobrang lamig, parang northpole yung kwarto” ang inis kong sabi.
“ang init kaya, dapat sanay ka na sa lamig kasi mukha kang penguin ang cute cute mo hahahaha” inirapan ko siya.
“hindi ka ba nilalamig?” tanong ko.
“hindi, dati kasi akong polar bear. Umurong ka nga hihiga ako.” hai kainis talaga tong abnormal na to. Parang sarap tadyakan para mahulog sa kama. Tinalukbong ko na lang ang kumot.
“patayin mo yung ilaw” utos ko sa kanya bago pa siya tuluyang makahiga.
“ikaw kanina ka pa utos ng utos ah, ngayon ako na naman ang papatay ng ilaw. Kanina iadjust yung temperature ng aircon”
“sige na Miguel, hindi kasi ako makatulog pag bukas ang ilaw”
Napakamot na lang ng ulo si Miguel tsaka pinatay ang ilaw at pinaandar ang lampshade. “oh ayan ha, hindi na masyadong maliwanag, siguro naman makakatulog ka na niyan” pero hindi na ako sumagot. Pinikit ko ang aking mata nang nang binulabog na naman ako ni Miguel.
“pa share naman sa kumot” sabi niya sabay hila sa kumot.
“hinaan mo kasi ang aircon, sabi mo kanina pare polar bear ka tas ngayon nilalamig ka?”
“sige mamili ka? makikisahare ka sa kumot or yayakapin na lang kita?”
“no way man, yan ang wag na wag mong gagawin kung ayaw mong mabugbog”
“ayan! Madali ka naman pa lang kausap eh” wala nakong nagawa kundi maki share sa kumot. Hai hindi ko maintindihan kung anong trip ng lalakeng to, parang inuubos niya ang pasensya ko. Hindi ko na lang pinatulan ang kabaliwan niya at pinikit na lang ulit ang aking mga mata.
“hello dad” sinagot ko ang phone nang makita kong tumatawag si daddy Enzo.
“so kumusta ang byahe anak?”
“ok lang po dad, medyo napagod lang ng konti”
“si Miguel kumusta naman?”
“ok lang po, maya maya matutulog na kami, maaga pa kasi ang alis namin papuntang batangas for the photo shoot”
“mabuti naman kung ganun, pasensya kana anak alam kong si Makoy dapat ang sasama sa’yo diyan. Hindi naman sa wala akong tiwala sa kanya, pero naisip ko na magiging panatag ang loob ko kung si Miguel ang kasama mo. Mukhang mabait naman na bata yan kaya ako na rin ang nakiusap sa daddy Paul mo na kausapin siya” hai naku dad kung alam mo lang, parang tutubuan ako ng varicose sa atay sa mga kinikilos nito. Panay pa ang pindot sa kanyang phone at pangiti ngiti pa. Sino kayang tinetext ng lokong to.
“okay lang yun dad”
“sige anak matulog na kayo diyan. Ayokong maging haggard ang itsura ng susunod na Mister International”
“dad Misters of the Philippines pa lang po ang sinalihan ko”
“I know son, however I’m really looking forward seeing you representing the Philippines sa Mister International”
“hopefully dad”
“goodluck anak, enjoy”
“goodnight dad”
“goodnight”
Tong mokong na to, abot tenga ang ngiti.
“oh anong problema dude?” ang tanong niya nang makita niya akong naka tingin sa kanya.
“wala! Patayin mo nga yang cellphone mo nakakasilaw”
“ikaw pala utos ka talaga noh. Kitang mong nagtetext ako eh”
“sabihin mo dyan sa girlfriend mo bukas na siya mag text”
“ano bang problema mo sa’kin ha? Matulog ka na nga dyan”
Ewan ko pero nakakaramdam ako ng inis sa tuwing nakikita ko siyang pa pindot pindot ng cellphone niya habang nakangiti.
“oh ayan na ha, oh patay na kinuha ko pati ang battery o siguro naman may iuutos kapa ba?”
Nilapag niya ang kanyang cellphone sa drawer at padabog na nahiga sa kama.
Nagising ako sa kalagitnaan ng aking pagtulog ay nagising ako. Naramdaman kong nakaakap sa’kin si Miguel at tumatama ang mainit niyang hininga sa batok ko. Mabilis kong hinawakan ang kanyang kamay para alisin ito pero lalong humigpit ang pagkakayap niya. Parang gusto ko siyang gisingin, sipain o kaya’y pagsusuntukin pero parang hindi ko magawa. Dahil sa bitin pa rin ang tulog ko ay hinayaan ko na lang na nakayakap siya at nakatulog ulit ako.
Pag gising ko ay alas kwatro na nang umaga, tulog na tulog pa rin ang abnormal. Nagpasya na lang akong maligo.
Pagkatapos kong maligo ay tulog pa rin si Miguel.
“Miguel.. Miguel…”
“uhmmmm…”
“bangon na diyan..”
Dali daling bumangon si Miguel at pumasok ng banyo “Ray antayin mo’ko ha”
“magmadali ka, nagugutom na’ko”
Umupo muna ako sa kama at naglaro ng Clash of Clans. Maya’t maya pa ay nadmamadaling lumabas si Miguel sa banyo at nagbihis.
“Miguel kita na lang tayo sa baba, mauna na’ko gutom na talaga ako”
“hoy sandali! Antayin mo’ko sabi.. Ray….”
Hai sobrang gutom na’ko at gusto ko nang kumain.
“oi Ray dude, good morning” nakita ako ni Borgy na kakalabas lang din ng kwarto at umakbay pa siya sa’kin. “sabay na tayong bumaba”
Padating namin sa restaurant ng hotel ay andun na rin ang ibang kandidato na nakapwesto na. nakipag apir pa si Borgy sa aming mga kasamahan.
“dito ka dude tabi tayo” sabi ni Borgy.
“dude lipat ka ng upuan” pagharap ko ay nakita ko si Miguel suot ang black na t shirt na may naka print na Misters of the Philippines. Kaya nagulat ako at hindi nakapagsalita. “oh ano dude lipat ka na ng upuan” ang sabi ulit ni Miguel kay Borgy.
“wow pare ba’t ka may t shirt na ganyan?” tanong ni Borgy
“wag ka nang maraming tanong dude lipat ka na ng upuan” napakamot na lang ng ulo si Borgy at lumipat sa katabing upuan “Ray umupo kana”
Parang napatulala ako parang iba ang aura ni abnormal. Hindi ko pa rin alam kung pano siya nagkaron ng t shirt ng tulad sa mga kandidato at kung bakit siya may ganun. Hindi na rin ako nag abalang magtanong kasi baka kung ano na naman ang trip nitong si Miguel.
Pagkatapos niyang kumain ay bumalik agad siya sa kwarto ng hotel para kunin ang mga gamit namin at nauna siyang pumunta sa shuttle. Pagkatapos kong kumain ay inantay ko si Borgy.
Dahil na una dun si Miguel ay dun siya ulit pumwesto malapit sa bintana. Umupo ako sa tabi ni Miguel at napagitnaan nila ako ni Borgy.
“Ray palit tayo, dito ka maupo” ang sersyosong sabi ni Miguel at tumayo siya. Huh? Totoo ba to? Pero bakit?
“huh? Sigurado ka?” tanong ko.
“tsk! Bilis na ang dami mong tanong eh” ang naiinis niyang sabi.
“dude mukhang bad mood ka ah?” nakangisig tanong ni Borgy sa kanya.
“oo bad mood nga, kaya umayos ka”
Sabi niya dati siyang polar bear, baka Bipolar kamo. Anong nangyari sa loko lokong to at biglang na bad mood?
Ilang oras pa ay narating namin ang batangas at sa isang beach resort kami mag pipictorial. Sobrang ganda ng lugar at mala swimming pool ang dagat. Ang daming tao, kakapagod ang byahe pero mas nakakangalay ngumit ng ngumiti.
Iniwan muna namin ang aming mga gamit sa hotel na naka reserve na para sa’min at pumunta sa isang cottage kung saan kami magpapalit ng damit para sa pictorial.
“oi ba’t hindi ka nang aantay ha?” pag lingon ko ay nakita ko si Miguel na seryosong nakatingin.
“ba’t kita aantayin? Lumabas ka na muna Miguel hindi ka pwede dito”
“anong hindi pwede?” ang sabi niya sabay hubad ng t shirt na kanyang suot “ako ang pumalit sa nag back out na kandidato. So dapat kabahan kana kasi magiging katunggali mo na ako hahaha” pinisil pa niya ang utong ko.
Pero whaaat? Tama ba ang narinig ko?
HS3.8
Hindi pa rin ako makapaniwala na naging instant candidate ako sa Misters of the Philippines. Ewan ko ba kung pano ako napapayag ni Madellet. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, sinabihan ko din si Madellet pero masyadong mapilit. Isa pa yung kinakatakot ko, may mga swim wear swim wear pa kasi tong mga male pageant na to at ito na ang simula, pictorial sa pool tsaka sa beach. Ipaparada na naman ang mga manoy, dito malalaman kung sinong mga gifted at kung sino ang naiwang tulog habang nagpasabog ng et*ts ang kalangitan.
Wala akong pantawag kaya nagtext ako kay tito Paul pero hindi pa rin siya naka reply. Speaking of the devil nag ring ang phone ko.
“hello Miguel. Congratz hijo!”
“salamat po tito”
“Goodluck sa inyong dalawa Miguel. Siya nga pala, darating ang dalawang van ng kumpanya diyan. Ang isa ay para sa mga damit mo at ang isa ay ang para kay Ray. May na assign na rin akong assistant ninyo para hindi na kayo mahirapan. Parating na sila diyan”
“maraming salamat po tito”
“walang anuman Miguel, pero Miguel ikaw nang bahala kay Ray”
“opo tito. Maraming salamat po ulit”
Habang nasa loob ng cottage kung saan walang puknat ang make up dun make up dito at kung ano anu pang seremonya. Hindi ako makapaniwala na halos hubo’t hubad na ako ngayon at suot suot ko lang ang isang manipis na tela na tamang tama lang ang laki para matakpan tong si jun jun ko. Buti na lang nakapag shave ako.
“hey dude congrats” lumapit sa akin ang isang kanditado.
“thanks dude…” inabot niya ang kanyang kamay.
“Rhett Lester Abraham dude”
“Miguel Lopez…” ang sabi ko at nakipagkamay sa kanya.
“oh pano dude, goodluck sa’yo” and he literally gave me a pat on the back. Habang papalayo si Rhett ay nakita ko si Ray na tinignan niya ito mula ulo hanggang paa. Tumingin din siya sakin ng saglit at nakipag usap sa babaeng nagpapahid ng kung ano anu sa mukha niya.
“sir ayusan ko na po kayo” ang sabi nung isang babae na putok na putok ang blush on sa pisngi.
“teka miss, kailangan ba talagang masilyahan mo ang mukha ko? makinis naman ako ah”
“hahaha palabiro pala kayo sir, opo kailangan hong masilyahan tong mukha mo para maganda ang rehistro sa camera”
Inayusan din nung babae ang iba pang kandidato. Mag iisang oras ko nang suot tong kinulang sa tela na brief na to pero parang na ko conscious pa rin ako, feeling ko kasi parang konting galaw ko lang bubulaga si manoy ko at mag he hello.
Naisipan kong lapitan si Ray nang…..
“oi dude congrats! Ayos!” sino pa eh di si Borgy. Bigla kong tinakpan ang harapan ko. “dude alisin mo nga yang kamay mo. Tingnan mo tong si pareng Ray oh cool lang” kinilabit ni Borgy ang utong ni Ray “woah! Beef na beef!” pinalo pa niya ang pwet ni Ray at kinagat ang kanyang labi. Nakita ko sa itsura ni Ray na nagulat ito at hindi nagustuhan ang ginawa sa kanya. Pak shet!
Agad kong hinila si Borgy papunta sa isang sulok bago pa makapag react si Ray.
“dude anong ginagawa mo?” tanong ko
“anong ibig mong sabihin dude?”
“ba’t mo yun ginawa kay Ray? beef na beef ha.. ano yun noodles?!”
“wait… dude na eexcite lang ako, masaya lang ok?”
“FYI dude yang si Ray may saltik din yan sa utak minsan”
“peace man!” Ang sabi ni Borgy kay Ray na nakapamewang sa isang sulok.
“oh ayan na ha. Pero teka dude alam mo ang swerte mo, pinagpala ka pala” sabi ni Borgy sa seryosong itsura.
“siguro nga, hindi ko rin inakala na magiging kandidato din ako dito” then I heard Borgy snorted, alam ko may sasabihin na naman siyang kalokohan.
“hindi yun dude, ayan yung tinutukoy ko oh” hayop yung harapan ko na naman ang nakita niya kaya kinutusan ko.“
“aray!”
“wala ka talagang kwentang kausap”
“ok guys wrap it up, magsisimula na ang pictorial!” ang narinig kong sigaw ng isa sa mga staff.
Ang daming tao sa labas nakaka ilang naman to.
“Miguel ayusin mo nga ang paglalakad mo, masyadong halata na tensyonado ka” ang sabi ni Ray. Pano ba kasi na ko conscious ako sa bumubukol kong manoy. Ang dami pang taong nakatingin as usual yung ka dramahan ng mga pictorial, pose pose sa may pool side.
Naranasan ko ngang mag modeling pero sandali lang naman yun.
“brad, brad…” ang sabi ni Lester.
“hmmm?”
“umurong ka daw sabi ng photographer” narinig ko pa ang pagbuntong hininga ni Ray na tila naiinis. Ewan ko ba kung bakit minsan lumulutang ang utak ko.
Pagkatapos ay pumunta naman kami sa tabi ng dagat.
“Miguel ma una ka daw” sabi ni Borgy.
“ha? Bakit”
“ano ka ba Miguel, may iniisip ka pa bang iba? Sabi ng photographer ikaw daw ang ma una. Makinig ka sa sasabihin niya” sabi ni Ray.
“ha? Bakit? ako lang mag isa?”
“my god Miguel, nasan na naman ba ang utak mo? Tinatawag ngang solo diba hindi group picture,nakikinig ka ba?” eto na naman siya nag susungit na naman si Ray.
“ba’t ba ang init ng ulo mo?” pero bago pa makapag react si Ray ay pumagitna di Lester.
“cool down mga dudes.. Miguel sige na nag aantay ang photographer sa’yo” sabi ni Lester.
Lumingon ako at nakita ko pa na nakatingin sa’kin ng masama si Ray. Ano bang problema ng isang to ba’t biglang nag iba ng mood. May mood swing ganun? O baka may period siya ngayon. Pagkatapos ng ilang sandali ay natapos na din. Si Ray na ang sumunod, nagkasalubong kaming dalawa at sinamaan niya ako ng tingin.
Kung maka pose wagas. Oo nga naman dahil model tong si boy sungit at sanay na sanay na siya sa harap ng camera. Kita mo sa itsura niya ang nag uumapaw na confidence.
Maya’t maya pa ay natapos na rin siya. Nakita ko siyang papalapit sa’king kinauupuan at masama na naman ang tingin ‘what the hell did I do now?’ nang nasa harapan ko na siya ay tumingin ako sa ibang direksyon.
“Miguel, pwede ba ayusin mo yang pag upo mo”
“bakit na naman?”
“kitang kita ang itlog mo” bigla akong nakaramdam ng hiya. Nakita niya ang makopa ko yikes! “may balak ka bang mabalandra sa mga news paper at telebisyon yan? O baka naman gusto mong mag guest sa Abunda tonight dahil diyan?”
“ba’t ba ang init ng ulo mo ha?”
“ayoko ko lang ma eskandalo ka Miguel, hind lang tayo ang tao dito. Lahat ng tao may cellphone at lahat ng cellphone may camera kuha mo?” I don’t know how to react “hindi lahat nabibigyan ng pagkakataon para makasali dito Miguel”
Salamat lord sa wakas natapos na rin. Bumalik kami sa kwarto para makapagbihis. Na una akong lumabas at hindi ko na siya inantay, baka kasi kung ano na naman ang mapuna niya at magsungit na naman.
Tinungo ko ang restaurant ng resort.
Syempre sa isang malaking table na naman kami lahat uupo. Na upo ako at nakita ko pa si Borgy na pinapa unlakan ang mga gustong magpa picture kasama siya.
Napalingon ako at nakita ko si Ray at mukhang maayos na ang mood niya.
“hello dude” dumating si Lester at umupo sa bakanteng upuan sa tabi. Umupo si Ray sa kabilang side at sinamaan na naman ako ng tingin ‘ano ba talaga ang problema niya?’
Hanggang sa matapos kaming mag lunch ay wala pa ring imik si Ray at parang naiinis.
Rays POV
“Kuya nasan na ang mga damit ko?” ang tanong ko sa driver nang pagbukas ko sa van ay wala na dun ang mga damit ko.
“sir pinalipat ho kasi ni sir Miguel sa isang van”
“bakit daw?”
“hindi niya ho sinabi eh”
Ano na naman ang trip ng abnormal na to. Makukutusan ko talaga yun mamaya.
“hoy okay ka lang?” naramdaman kong may sumundot sa tagiliran ko. Hai eto na naman ang naka ngiting asong si Miguel.
“ba’t mo pinalipat ang mga damit ko sa isang van?”
“wala lang…” kibit balikat niyang sabi at pumasok sa loob ng van.
“sandali lang diba may van naman na pinadala si dad para dun ka sumakay”
“ayoko nga sumakay dun, at tsaka andun ang mga damit mo kaya”
“hoy walang may nagsabi sa’yo na ilipat mo ang mga damit ko dun. Tapos dito ka sasakay, tapos ano? Aabalahin mo na naman ako?”
“sir aalis na ho tayo” ang sabi ng driver.
“oh aalis na daw tayo sabi ni manong oh. Dali na pasok na dito” parang matutuyo ang dugo ko sa engot na to. Parang paslit na parang hindi ko alam.
And as usual wala akong naging choice kundi ang sumakay sa van kasama ang abnormal na to. Papunta kami ngayon sa isang orphanage. Ipipikit ko na lang ang mata ko para hindi ko makita ang itsura nitong si Miguel.
“Ray… hoy… Ray..”
“ano na naman Miguel?”
“wala lang gusto lang kitang kausapin”
“wala ako sa mood makipag usap. Ba’t di ka dun sa shuttle sumakay at tumabi dun kay Abraham di sana may kausap ka ngayon”
“sino namang Abraham?”
“Si Rhett Lester Abraham, diba close kayo nun?”
“alam mo hindi kita maintindihan. Syempre nakikipagkaibigan ang tao, natural kakausapin ko”
“pakialam ko naman”
“ba’t ba ang sungit sungit mo ha”
Hindi na ako sumagot ‘oo nga naman ba’t ba ako nag susungit?’
Narating namin ang orphanage. Sumalubong sa’min ang isang madreng may malapad na ngiti. Pagpasok namin sa loob ay kita ko sa reaksyon nang mga bata ang tuwa nang makita ang mga regalong dala namin para sa kanila.
Tumulong ako sa pagadala ng mga paper bags kung saan nakalagay ang mga laruang ipapamigay sa mga bata mamaya. Habang sina Miguel ang nag asikaso sa pag bigay ng mga pagkain sa mga bata.
Infairness bagay din sa kanya ang maging tatay, kalong niya ang isang batang babae at sinusubuan pa niya ito.
“papa!” nakita ko ang isang batang tumatakbo papalapit sa’kin mga nasa apat na taong gulang na siguro ito. Niyakap niya ako sa binti.
“papa… san kayo galing? Ba’t ngayon lang kayo dumating?” ang inosenteng tanong ng bata.
“Rap Rap, hindi mo papa yan. Naku pasensya kana hijo” sabi ng isang madre.
“ok lang po” binuhat ko ang bata.
“siya po yung papa ko sister Crisanta. Di ba po kayo po ang papa ko?” napangiti na lang ako sa sinabi nung bata. Kinuha ko ang isang paper bag at binigay sa bata.
“salamat po ah. Baba muna ako papa, titignan ko tong binigay nyo” agad tumakbo ang bata at pumunta sa isang sulok para buksan ang paper bag.
“kakamatay lang ng ama ng batang yan, kamukha mo kasi ang kanyang yumaong ama hijo. Ang buong akala niya ay bumalik lang ang papa niya sa abroad para mag trabaho” nangilid ang luha sa mata ng madre at agad naman niya itong pinahid. “naku sandali nga hijo, aasikasuhan ko lang ang iba pang bata. Excuse me”
Nakita ko si Miguel na aliw na aliw sa pakikipag usap sa isa pang bata.
“dude.. baka matunaw na yang si Miguel grabe ka kung makatitig ha” sabi ni Borgy
“ha? Hindi ako nakatingin sa kanya ha”
“hindi daw, eh lately nakikita kitang ang sama ng tingin mo sa kanya” ganun? So what are you trying to imply Borgy? “at parang na nonotice ko din lately na lapit ng lapit sa’yo si Miguel” inayos ko na lang ang pagkakapatong ng mga regalo sa ibabaw ng la mesa.
“lapit ng lapit kasi you know what binubulabog niya ako, he’s such a pain in the neck”
“abah, so pati pagkakaroon mo ng stiff neck sinisi mo pa talaga sa’kin ha?” lagot narinig niya yung sinabi ko. Pag lingon ko ay siya namang pag walkout ni Borgy habang sumisipol.
“hindi ko sinasabing nagka stiff neck ako noh. Hindi mo ba alam kung anong ibig sabihin ng pain in the neck ?”
“pain in the neck sa tagalog sakit sa leeg. Sasakit lang naman ang leeg mo kadalasan dahil sa stiff neck diba?”
Ano ba? Sa America ba talaga lumaki ang lalakeng to o baka naman iniinis niya lang talaga ako.
Itutuloy…
Authors note:
Wag kayong magtaka kung bakit nakapag update ako kahit fri pa lang. Kasi mahal ko kayong lahat hihi..
Introducing Rhett Lester Abraham isa sa mga characters sa A Twins Revenge by
MsYou12345
HS3.9
“pare pwede ko bang mahiram ang power bank mo? Na lowbat kasi ako eh, kung okey lang” ang sabi ni Ezekiel Angeles isa din sa mga kandidato. Nagkamot pa ito ng batok.
“Sure dude” ang sabi ni Miguel sabay abot ng power bank kay Ezekiel. Alas kwatro na nang hapon, nag aantay na lang kami na matapos mag ligpit ang mga staff ng mga dinala namin dito sa orphanage at byahe na naman ulit kami pabalik sa hotel.
Naka upo ako sa isang bench sa garden sa orphanage at katabi ko si Miguel.
“Ray…”
Eto na naman siya, yung boses niyang may konting angas. Tumingin ako ng saglit sa kanya at binalik ang atensyon ko sa paglalaro ng COC.
“ba’t ba palagi kang nagsisinuplado ha?” hindi pa rin ako umimik “ah ganun walang pansinan ganun?”
“ano na naman? Kung wala kang matinong gagawin o sasabihin manahimik ka ha”
“eto naman, Ray….”
“ano? Para kang paslit na gustong dumede”
“bakit pwede ba? Hehehe”
“gusto mo sikuhin kita?”
“Ray….”
“what?!”
“turuan mo naman ako kung pano maglakad ng maayos..”
“ayoko”
“ikaw lang naman kasi ang pwede kong pakiusapan dito eh”
“ayoko, busy ako”
Hinablot niya ang pocket wifi ko tsaka pinatay niya.
“what the F?! dude ibalik mo yan sa’kin kung ayaw mong magkagulo tayo”
“ay bahala ka hindi ako nadadala sa sindak mo”
“Miguel akin na please…” ang malumanay kong pakiusap. Alam kong lalo lang tong mang iinis pag nakita niyang nagagalit ako.
“ibabalik ko lang to kung papayag kang turuan ako sa mga gusto kong ipaturo sa’yo”
“ayoko nga. Pwede ka namang humingi ng tulong dun kay Borgy, kay Ezekiel o dun kay Abraham”
“Abraham ka nang Abraham, Rhett Lester ang pangalan niya”
“whatever. Akin na nga yan, alam mo para ka talagang paslit” naku konti na lang ang pasensya ko sa lalakeng to. Kapag indi ako nakapagpigil masusuntok ko talaga siya. Pilit kong inaagaw sa kanya ang pocket wifi ko, pero dahil sinusumpong na naman siguro ang pagka abnormal niya ay pinasok niya ito sa loob ng kanyang short.
“sige na Ray, pumayag ka na”
Dehado na naman ako, hindi talaga titigil ang isang to pag hindi nakuha ang gusto niya.
“oh siya sige na sige na”
“yes!” hinugot niya ang pocket wifi at inabot sa’kin.
“oh…”
“mamaya na, pahiran mo muna ng alcohol yan”
“ang arte mo” nilagay ni Miguel ang pocket wifi sa bulsa ko “ jijingle lang ako“
Pumasok na lang ako sa van.
“dude, pwede bang makisakay dito sa inyo” biglang sumulpot si Borgy.
“sige dude”
“yes, hehehe makiki wifi kasi ako eh. Teka bakit out of range?”
“naka off kasi”
“paandarin mo” ayokong hawakan to, eeewww dumikit to sa et*ts ni abnormal kanina.
“ayoko, ikaw na lang mag paandar”
“huh? Bakit nasan ba?”
“nasa bulsa ko” nagkamot na lang si Borgy ng ulo.
“dito bah? ang bulsang may zipper?”
“oo buksan mo lang”
“ang weird mo bakit ayaw mong hawakan to”
“Hoy! Ano yan? Ba’t may naririnig akong bubuksan ang zipper? Anong naririnig kong ayaw hawakan ha?” nakita ko ang seryosong itsura ni Miguel na nakapamewang.
“dude makikisakay ako dito sa inyo ha? Makiki wifi din kasi ako dito kay pareng Ray.” sabi ni Borgy.
“ba’t ka nang bubukas ng zipper ha?”
“woah dude, kinukuha ko lang tong pocket wifi sa bulsa ni Ray, ayaw niya kasing hawakan eh” nakita ni Miguel na hawak ni Borgy ang pocket wifi at bigla siyang natawa.
“alam mo pare adik ka, ano bang meron sa pocket wifi na to?” sabi ni Borgy.
“ahahaha, nilagay ko yan sa et*ts ko kanina waahahahaha” parang wala lang kay Borgy at inamoy pa niya ito.
“kaya pala, ito pala ang nangangamoy anghit” at nagtawanan silang dalawa, magkaibigan nga sila.
“pare umurong ka” sabi ni Miguel kay Borgy.
“eeehhh nakiki wifi ako eh”
“ganun so kailangan nakadikit ka sa kay Ray ganun?”
Wala rin namang nagawa si Borgy kundi umurong. Hindi ko rin malaman ang takbo ng utak ng mokong na’to. Merong parang nagtatanga tangahan, minsan tulala, minsan naman guguluhin niya ko. Ewan na lang talaga. Ang dami pang mga activities na gagawin, may mga press presentation pa at marami pang iba. Mahaba habang panahon ko pang makakasama ang alien na lalakeng to.
Pagdating sa hotel ay mga alas siete na ng gabi at buffet pala ang dinner. Naupo muna ako sa isang upuan at nagulat na lang ako na lumapag sa harapan ko ang isang pinggan na namumulaklak ng sari saring pagkain.
“kumain ka na”
“maraming salamat pero kailangan mong kunin ang ibang pagkain sa plato. Hindi ko kayang ubusin yan lahat.” Sabi ko kay Miguel
“meron na’ko” nilapag niya ang isa pang plato na puno ng kanin.
“Miguel, dapat dahan dahan ka sa pagkain” pero parang wala lang ito narinig at subo lang ng subo.
Inubos niya talaga ang ga bundok na kanin na nilagay niya sa kanyang plato.
“Miguel sa’yo na to oh, hindi ko maubos”
“Kanina pinipigilan mo’kong kumain ngayon ibibigay mo naman sa’kin yan?”
“hindi ikaw na Miguel ang tinatawag ko, si Miguel Martin” inabot naman ni Miguel Martin ang pinggan, napansin ko pang todo tingin si Miguel habang inaabot ko ang pagkain. Bigla siyang tumayo at kumuha siya ng cake. Ang iba naming kasamahan ay nag uusap at nagtatawanan.
Pagkatapos kumain ay bumalik kami sa aming kwarto para mag pahinga na.
“bakit hindi mo’ko inaantay” ang sabi ni Miguel na hinihingal pa at umakbay sa’kin, ang bigat ng braso niya kaya agad ko itong tinanggal “magpapaturo pa’ko sa’yo.”
Binuksan ko ang kwarto at pumasok kaming dalawa. Hinubad ko ang aking sapatos at nahiga agad sa kama, hai ang sakit ng katawan ko. Pinikit ko ang aking mata. Naririnig ko lang ang tunog gawa ng pag galaw ni Miguel.
“Ray, wag kang matulog. Magpapaturo pa ako sa’yo diba?”
“magpapahinga lang ako saglit lang”
“tsk! Dali na bangon ka muna dyan” ang sabi ni Miguel sabay hila sa paa ko. Nagulat ako sa aking nakita pagdilat ko ng aking mata.
“hoy! Ano to?!” sh*t naka brief lang si Miguel na nakatayo sa harap ng kama. Ngayon ko lang na realize na ganito pala siya ka hot ‘wait! Wait! Wait! Ba’t parang may paghanga ako sa kanya?. Hindi pwede! Hindi pwede!’
“dali na para makatulog na tayo, ano tutulala ka na lang ba diyan?”
“pwede ba mag suot ka nang damit?!”
“ba’t ka ba sumisigaw? At tsaka ano namang problema kung wala akong damit, eh pareho naman tayong lalake. Tsaka sinadya ko talagang mag brief na lang para kahit papano medyo masanay ako na ganito ang suot habang tinuturuan mo’ko”
Yun na nga nag umpisa akong turuan siya kung pano maglakad at tumayo ng maayos. Alam kong gustong gusto niyang matuto para ma boost ang kanyang self confidence. Madali siyang matuto at sumusunod sa instructions ko, pero hindi ko alam kung bakit parang lumipad ang utak ko at dumapo kung saan. Tama bang sabihin ko na naiilang ako dahil nakikita kong tanging puting brief lang ang suot niya.
Natutulala ako sa tuwing nakikita ko ang malapad niyang balikat ‘arrrrggggggghhhhh!!!!! Ano ba’to? Ba’t ganito?’ minsan may tinatanong siya pero hindi ko naririnig. Ewan ko ba kung bakit nabibingi ako gayong tahimik naman ang kwarto at kami lang namang dalawa ang nandito.
“salamat dude, tatandaan ko yung mga tinuro mo tsaka yung mga tips mo sa’kin”
“ha? Ano yun?”
“okey ka lang ba? Kanina ka pa natutulala”
“ah… okey lang ako dude…”
“sure ka ha? Sige maliligo na muna ako”
Tumayo si Miguel at tinungo ang banyo suot suot pa rin ang puting brief. Hindi ko maiwasang titigan ang matambok niyang pw*t. ‘peste! Hindi ko na naiintindihan ang sarili ko. No way! I may have gay parents but it doesn’t mean na magiging bakla din ako’
Sinampal sampal ko ang sarili ko baka kasi mawala tong weird na nararamdaman ko. Nagbihis na lang ako at pinalamig lalo ang temperature ng aircon. Ba’t ba parang nag iinit ako, pak sh*t!
Itutuloy….
Authors note:
Waaaah pasensya na sa maikling chapter. Hope mag enjoy kayo…..
Introducing:
Ezekiel Angeles star sa Adik sa Kantong Madilim by iamkenth and Miguel Martin from The Martin Brothers by Absurd018
HS3.10
Nagising ako at tanging lampshade lang ang nagbibigay ilaw sa kwarto. Ngunit may isa akong napansin, wala akong kasama na nakahiga sa kama. Nasan na si Miguel? Wala naman akong naaaninag na ilaw sa loob ng banyo. Nawawala ang isang unan.
Pagbangon ko ay nakita ko si Miguel na nakahiga sa sahig. Ginawa niyang sapin ang extrang kumot. Wala siyang suot na pang itaas at nakasuot lang ng kulay itim na boxer.
“Miguel….”
“hmmmm?”
“ba’t dyan ka natulog sa sahig, lumipat ka dito sa kama”
“okay lang ako dito, sige na matulog ka na diyan”
“Miguel masyadong malamig ang sahig”
“sige na matulog ka na lang diyan, okey lang ako dito”
“no! no! no! get up!” ang sabi ko sabay hila sa isang kamay niya.
“eeeeeehhh! Tsk! Sinabi nang okey lang ako matulog sa sahig eh” ang medyo naiinis niyang sabi at kinusot niya ang kanyang mata.
“hindi pwede, baka magkasakit ka. Dali na”
“sige na nga sige na nga, ang kulit mo” kinuha niya ang unan, humiga sa kama at tinalukbong ang kumot.
Alam kong agad na nakatulog si Miguel dahil naririnig ko pa ang kanyang mahinang pag hilik. Magkadikit ang likod naming dalawa at nararamdaman ko ang bawat pag hinga niya. ‘haits! Ba’t hindi ako makatulog?’ naramdaman kong nag ba vibrate ang cellphone ko na pinatong ko sa drawer. Si daddy Enzo..
“hello dad”
“nagising ba kita anak?”
“hindi po dad, ang totoo nga po hindi ako makatulog” nararamdaman ko pa ang pag galaw ni Miguel.
“why?”
“hindi ko rin po alam. Shit!” nabigla ako sa pagyakap ni Miguel ‘peste!’
“bakit anak, anong nangyayari diyan?”
“ah wala po, sige dad matutulog na po ako, may rehearsal pa po kami bukas para sa press presentation. Good night po”
“sige good night anak”
Ano ba? Pilit kong tinatanggal ang kamay niya pero lalo pang humigpit ang yakap niya. Nilingon ko siya, pero tulog na tulog pa rin ang kanyang itsura. Bahagya pang nakabuka ang kanyang bunganga at naamoy ko ang amoy toothpaste niyang hininga. ‘god! I don’t know how to react. Ano ba? Gigisingin ko ba siya, susuntukin? Sasampalin? What?’
Hindi ko alam pero parang gusto ko naman na parang ewan ‘dahil ba masyado lang malakas ang aircon? Ganun ba yun?’ halos mag aala una na ng madaling araw ng dinalaw ako ng antok.
Bumalikwas ako nang makita kong six thirty na ng umaga. Mahapdi pa ang mata ko at parang ayaw pa talagang bumukas. Teka nasa’n na si Miguel? Tanging boxer niya lang ang nakita ko sa ibabaw ng kama. ‘baka bumaba na yun, maliligo na lang ako’
Naglabas ako ng damit na susuotin ko at kinuha ang aking tuwalya. Kailangan ko nang bumangon at mag ayos ng sarili. Ang mokong na yun hindi man lang ako ginising.
Pagpasok ko sa banyo ay parang nawala ang aking antok sa aking nakita.
“hoy! Ray naliligo pa’ko lumabas ka nga!” gulat na gulat ang itsura ni Miguel habang tinatakpan ang kanyang jun jun ‘nagtakip ka pa, eh kitang kita ko yan kanina habang sinasabon mo’ “Ray ano ba? Lumabas ka nga, hindi pa’ko tapos maligo” sheeeet! Anak ng tipaklong.
Pagkalipas ng ilang minuto, narinig kong bumukas ang pinto ng banyo.
“Ray bakit……”
“hoy hindi ko sinasadya yun ah, ba’t kasi hindi mo nilock ang pinto!”
“galit ka ba? Magtatanong lang naman ako kung bakit parang puyat ka.. oo nga naman, hindi ka ba marunong kumatok?” ‘hayop ka ang lakas ng loob mong yakapin ako kagabi tas tatanungin mo’ko kung ba’t ako napuyat?’ “maligo ka na nga dun, nang mawala yang antok mo”
Nakatapis lang siya nang tuwalya. Binuksan niya ang isang maleta at kumuha ng kanyang susuotin.
“may plano ka bang panoorin ako hanggang sa matapos akong magbihis?” ang seryosong tanong niya. Parang nahiya ako dun ah, dinampot ko na lang ang aking tuwalya at pumasok sa banyo. Ewan ko kung epekto lang ba to ng antok kasi nakikita ko pa rin siyang naliligo sa loob ng banyo at sinasabon ang katawan niya ‘damn!’
Kahit papano ay nawala ang antok ko nang madampian ng malamig na tubig ang aking katawan. Nagulat ako kasi pagtingin ko sa salamin ay nakita ko si Miguel na nasa likuran ko. Lumingon naman ako, tsaka dun ko na realize na imposibleng makapasok siya kasi lock yung pinto ‘bakit ba ganito ang nakikita ko? paki explain!’
*tok! *tok! *tok! “Ray dalian mo diyan ang tagal mo! Tumatae ka noh?”
“hindi noh! Mag antay ka dyan!” eto na naman siya, wala talagang araw na hindi niya ko iniinis. Siguro dapat na lang akong masanay sa ginagawa ng alien na to. Paglabas ko nang banyo ay nakaupo siya sa kama at seryosong nakatingin sa’kin.
“oh tapos ka nang mag j*kol? Hahahaha”
“shut up! Hindi ko ginagawa yan!”
“ah sus! Di daw, ako nga patapos na sana kanina kaso bigla kang pumasok ng banyo, sumakit tuloy puson ko” kinuha ko ang isang unan at hinampas sa kanya.
“aray ko! ano bang masama dun? Natural lang naman yun kasi wala akong mapagpaparausan at tsaka nakakatulong daw yun para hindi magka prostate cancer”
“tumahimik ka nga, pag di ka tumigil bubugbugin kita” banta ko sa kanya, hai tag libog siguro ang lalakeng to.
“nagsasabi lang naman eh..” ang mahina niyang sabi.
Pagkatapos kong magbihis ay sabay kaming bumaba para mag agahan. Nang marating namin ang mesa ay naunang umupo si Miguel. Uupo sana ako sa bakanteng upuan sa tabi niya nang may umeksena na naman.
“dude good morning” sino pa eh di si Abraham, umupo siya sa tabi ni Miguel at nag fist bump pa silang dalawa. ‘abah close? Mag bestfriend na kayo ngayon?’
“Ray!” tinawag ako ni Borgy “dito ka oh” nakita niya kayang masama ang tingin ko sa dalawa? umupo ako sa tabi niya.
“are you alright dude?”
“ah.. oo naman, ba’t mo natanong?”
“wala never mind”
Abah kung magtawanan yung dalawa oh wagas ‘happiest moment?’
“Ray, andyan ba ang pocket wifi mo? Pahiram naman, sasali ako sa clan ni pareng Rhett sa COC” ang sabi ni Miguel.
“wala, sira ang pocket wifi tsaka hindi nabayaran ni dad ang bill” hai naku Ray halatang nagsisinungaling ka. ‘asa kayong papahiram ko sa inyo to’ nakita kong nakatingin si Borgy sa’kin habang nakangisi.
“what?!” pero umiling lamang siya at humigop ng kape.
“ano nga?” sinuntok ko siya sa braso kasi nakikita kong gusto niyang tumawa.
“wala dude, wala don’t mind me. May naaalala lang ako”
Pagkatapos naming kumain ay agad naman kaming bumyahe papunta sa magiging venue ng press presentation two weeks from now. Ewan ko ba kung bakit nakakaramdam ako ng inis ngayon. Nakasakay kami sa van at as usual pinili kong manahimik kesa makipag usap sa lalakeng alien.
“Ray, kanina ka pa walang imik ah. May problema ba?”
“wala…”
“hmmmm. Bakit parang naiinis ka, tungkol pa rin ba’to sa sinabi ko kanina about masturbating”
“shut up! Isipin mo naman kung na’san ka bago ka magsalita ng kung ano anu”
“sorry naman, nagtatanong lang naman ako kung anong problema”
“sinabi ko ngang wala diba?”
“pa wifi naman diyan, sige na gusto kong mag COC, gusto ko kasing sumali sa clan ni pareng Rhett. May COC kaba?” hai eto na naman si Abraham na naman.
“wala nga, sinabi kong hindi nabayaran ni dad ang bill diba? Tsaka hindi ako naglalaro ng COC mag ha hung lang ang phone ko niyan. Mukhang may internet naman sa phone yung si Abraham ah, sana nag tether ka dun sa kanya, hindi yung ako ang ginugulo mo dito”
“ang sungit mo, may problema ka ba kay Rhett”
“wala wala wala. Tsaka wag kang magtanong kung bakit masungit ako dahil ipanganak na’kong ganito” hai kakairita!
Narating din namin ang lugar at ayos na ayos na ito para sa event nextweek.
“guys listen, ito ang dapat nyung gawin parang nagmomodeling lang kayo, lakad lang kayo from here hanggang dun sa corner, tapos lapit kayo sa microphone. You just need to say your name, age tapos pangalan ng lugar na nirerepresent nyo okay? Let’s start now” sabi nung staff.
Kagabi ko lang tinuruan si Miguel pero nakuha niya agad. Confident na confident na siya ngayon at hindi na siya na ko conscious. Akala ko puro lang talaga kalokohan ang alam niya.
Pagkatapos ay nag practice pa kami para sa dance number namin sa press presentation. Hai puro pa naman kaliwa ang paa ko.
Pinagpawisan ko dun, kakapagod naman yun, pero keri lang daw sabi ng choreographer kahit hindi perfect.
“okay guys let’s take a break” sabi ng choreographer.
“dude pa tether naman oh” ang sabi ni Miguel kay Abraham.
Pumunta sila sa isang sulok at dun nag pipindot ng kanilang mga cellphone. Yung lalakeng alien parang tuwang tuwa oh. May pa akbay akbay naman ang Abraham. Wagas ding makatawa tong si Miguel kita ko mula sa kinatatayuan ko ang ngala ngala niya.
“Ray…” si Borgy “inom ka muna ng tubig oh” inabot niya sa’kin ang isang mineral water at tinanggap ko naman.
“salamat” tumango lang siya. Hai parang nahihirapan akong huminga, agad kong tinungo ang daan palabas. Umupo ako sa isang baiting ng hagdan at huminga ng malalim. Nakarinig ako ng mga yabag sa aking likuran. Si Borgy pala, umupo siya sa tabi ko.
“are you sure na okay ka lang talaga dude? Kanina pa kita napapansin na parang iba ang mood mo”
“don’t mind me dude, okay lang talaga ako” tumango lamang siya.
“I’ll be honest with you dude, may sasabihin ako sa’yo. Kahit si Miguel hindi niya alam ang tungkol dito” ‘ano ba tong pinagsasabi niya?’ “One day my grandma hired a guy” he chuckled “actually he’s gay, pero astig siya kumilos. He was hired by my grandma para makasama ko daw sa bahay, hindi ko alam kung bakit” habang nagkwe kwento si Borgy ay may ngiting gumuguhit sa kanyang mukha. “at first ayaw ko talaga sa kanya, sobrang kulit niya as in mas makulit pa siya kay Miguel. Minsan nga feeling ko parang pinagtritripan niya lang ako”
Nakikinig lang ako kay Borgy. Kanina pangiti ngiti lang ngayon parang kinikilig kilig na siya. “para kaming aso’t pusa. Megaphone pa nga ang bansag niya sa’kin. Ang saya ko nung binigyan nya’ko ng regalo nung nakaraang pasko, pero nadismaya ako kasi pagbukas ko ng regalong bigay niya, megaphone pala ang laman” tumawa siya.
“dumating din yung araw na nagkatampuhan kami, because I accidentally kissed him. Hindi ko alam na first kiss niya pala yun. Ayun nagtampo, nagising na lang ako wala na siya. Pero it’s weird kasi inis na inis ako sa kanya at dapat masaya ako kasi umalis na siya, pero hindi eh. Nakikita ko siya sa buong bahay at nakaramdam ako ng pagkalungkot. Na realize ko isang araw na mahal ko pala siya”
Nagulat ako sa sinabi ni Borgy. “diba lalake ang kinikwento mo?”
He smirked “you’re right na in love ako sa isang lalake. Tsaka sa’tin sa’tin lang to ha? hehe”
“oo naman, ba’t mo kinwento yun sa’kin?”
“dude you don’t get it do you?”
“don’t get what?”
“gusto mo siya” alam ko na kung sinong tinutukoy niya.
“sino? Kay Rhett Lester Abraham”
“hai masyado kang in denial dude. Si Miguel ang tinutukoy ko”
“Nagpapatawa ka ba? I’m not a fag, so hindi ako kelan man magkakagusto sa isang lalake”
“of course you’re not a fag, you’re a straight guy sabi nito” ang sabi ni Borgy sabay dut dut sa noo ko “kaya mong dayain ang sarili mo gamit ang utak mo, pero ito tong tumitibok na to” sabi niya habang tinuturo ang dib dib ko “hindi mo siya kayang dayain kahit kelan and don’t even dare to cheat on it coz I’m telling you, hindi ka magtatagumpay”
Nahiwagaan ako sa mga sinabi ni Borgy. Hindi ko sukat akalain na lalabas sa bibig ng taong maloko na katulad niya ang mga salitang iyon.
Naiinis ako pagnakikita kong magkasama si Miguel at ang Abraham na yun, pero sapat na bang dahilan yun para sabihin na may nararamdaman ako sa kanya? ‘oo nga naman ba’t ba ako naiinis kung nakikisalamuha siya sa ibang tao’
Natapos din ang nakakapagod na araw ay bumalik na kami sa hotel. Agad akong nagtatakbo, naririnig kong tinatawag ako ni Miguel pero hindi ko siya pinapansin. Pagkarating ko sa kwarto ay nilapag ko ang aking back pack sa sahig.
Bumukas ang pinto at nagulat ako dahil padabog itong sinara. Sa unang pagkakataon nakita ko ang itsura ni Miguel na galit na galit. Nilapitan niya ako at tinulak
“anong bang problema mo Ray ha?!”
“ano ka ba?! Ba’t ka nanunulak? Wala akong problema, baka ikaw!”
“ano bang problema mo sa’kin ha? Ba’t ba palagi mo’kong pinagsusungitan? Ubos na ang pasensya ko sa’yo”
“wala naman pong nagsabi sa’yo na pagpasensyahan mo’ko o di kaya’y pakisamahan ng maayos. Kung rinding rindi ka na sa ugali ko, you’re free to go to another room o di kaya’y dun ka kay Abraham, close naman kayo diba? Ang saya saya nyo nga palagi eh…”
“arrrggghhh! Abraham ka ng Abraham! Ano bang problema mo dun sa tao ha? Nakikipagkaibigan lang naman siya. Nagagalit ba’ko paglapit ng lapit sa’yo si Borgy? Ang sweet sweet nyu pa nga sa hagdanan kanina, may pa turo turo pa siya sa dib dib mo. Nag rereact ba’ko pag palagi kang umuupo sa tabi niya ha? Hindi diba?! At tsaka bakit ba natin pinagtatalunan to ha?!”
“kasi gusto kita!” tumahimik ng ilang sandali “kasi nagseselos ako” ‘ooopppsss! Tama ba ang mga sinabi ko?’
Lalong naging galit ang itsura ni Miguel unti unti siyang lumapit sa’kin “anong sabi mo? Ulitin mo nga? Hindi ko narinig eh!” ang sabi ni Miguel sabay tulak sa’kin. Aaminin ko, kinakabahan ako. Nakakatakot ang itsura niya. Bahala na! ano ka ba kasi Borgy ba’t mo pinarealize sa’kin na gusto ko si Miguel.
Patuloy lang ako sa pag atras hanggang sa dumikit na ko sa pader. Lagot! Baka bugbugin nya’ko.
“ulitin mo’ng sinabi mo!!!!” sigaw ni Miguel.
“gusto kita kaya ako nagseselos pag kasama mo ang Abraham na yun, kaya—”
Hindi ko na natapos ang aking sasabihin dahil hinawakan niya ako sa ulo at mariing hinalikan. ‘holy crap! Ang lambot ng mga labi niya’ pagkatapos ng ilang segundo ay naghiwalay ang aming mga labi. Wala siyang sinambit na kahit ano, tumalikod na lang siya at lumabas ng kwarto.
Hindi pa rin ako makapaniwala na naghalikan kaming dalawa . Naiwan akong nakaupo sa kama at parang magkakahika yata ako. Buong akala ko’y mabubugbog ako. Hinalikan niya ko, ibig bang sabihin nun may nararamdaman din siya sa’kin.
Bwisit hindi man lang nya ko binigyan ng pagkakataong magtanong. Nag walkout agad si gago.
Itutuloy……..
HS3.11
*tok *tok *tok
“bukas yang pinto Miguel” medyo nangangatog pa’ko dahil sa bilis ng mga pangyayari.
*tok *tok *tok
Hai ano ba? Nahismas masan na siguro si mokong at eto na naman nag umpisa na namang mangulit. Tinungo ko ang pinto at binuksan.
“ano na naman to Mig––”
“hi Ray, pwede ba kitang makausap” si Abraham pala.
“pasok ka” ano naman kaya ang pag uusapan namin? ‘baka makiki wifi ka ha’
“may I sit down?” tumango lamang ako.
“Ray, hindi ko sinasadyang makinig kanina sa pinag uusapan nyo ni Miguel. Papunta ako nun sa room tapos na rinig ko ang sigawan nyu s” yumuko siya “kakatok na sana ako then I heard my name”
“diretsuhin mo nga ako Rhett, bakit ba gusto mo’kong makausap?” the I heard him sighed heavily.
“kayo bang dalawa ni Miguel?”
“hindi, hindi kami partners”
“good” ang sabi ni Rhett at ngumiti kaya sinamaan ko ng tingin. “wait, Ray hindi ito gaya ng iniisip mo. Kaibigan ko lang si Miguel and that’s it. Hindi kami talo” tinapik niya ang balikat ko “kung ano man ang nangyayari sa inyong dalawa ni Miguel at kung ano man ang narinig ko kanina, makakaasa kayong walang ibang makakaalam nito. Pano, I’ll go ahead, kinausap lang kita to clarify things, salamat”
Agad tumayo si Rhett at lumabas.
I still can’t believe na sinabi ko yun kay Migurel, ‘then he kissed me, what the F?’ sana nga si Rhett lang ang naka rinig sa pagtatalo naming dalawa.
Na’san na kaya ang alien na yun? makababa nga.
Nakita ko siyang nakaupo sa garden ng hotel at tila malalim ang iniisip. Lalapitan ko siya at kailangan kong linawin ang mga bagay bagay.
“dude wait” hinawakan ni Borgy ang balikat ko para pigilan. Eto pa ang isang lalakeng alien. Nasa outer space na yata ako eh. “sorry”
“sorry for what?”
“hindi ko sinasadyag marinig ang usapan nyo kanina ni Miguel, nagsisi-” hindi na natuloy ni Borgy ang kanyang sasabihin ng bigla ko siyang barahin.
“ngsisigawan kami, then sana kakatok ka para alamin if everything is ok tapos narinig mo ang pangalan mo. Then you decided to listen na lang ganun? Tama ba? Yun ang sasabihin mo no?”
“eeeehhh hindi ko naman talaga sinasadya eh, hindi ko naman alam na may gusto rin pala si Miguel sa’yo eh. Kaya pala ganun na lang siya kung makasita at makatingin sa’kin pag tinatabihan kita”
“ano ba? Sino pa bang ibang nakarinig sa pinagusapan namin ha?”
“correction hindi pag uusap yun, pagtatalo yun, selosan ganun…” sabi ni Borgy “yung pag uusap mahinahun lang yun, eh yung ginawa nyu….”
“sige na, oo na pagtatalo na yun, kasalanan mo naman to eh”
“ba’t naging kasalanan ko naman?”
“pina realize mo sa’kin ang lahat”
“oh eh di inamin mo rin, masyado kang pabebe. Alam mo may mga elemento yan eh, una pagtingin, pag ibig, pagselos, pagtatalo at ang ending pagtatlk ahahaha”
Biglang humarap si Miguel at tinignan nya kami ng matalim. Alam ko papasok na sana siya pero nang makita niya kami ay pumunta siya sa ibang direksyon.
“oh nakita mo yun?”
“ang alin?”
“hai, masyado kang pabebe, si Miguel ang tinutukoy ko”
“oh ano naman ngayon?”
“nakita mo ang reaksyon niya?”
“pakialam ko sa reaksyon niya?”
“ewan ko sa’yo pa as if ka pa. Yung reaksyon na yun, yun ang selos at ang reaksyon mo ngayon pa hard to get. Pero pasasaan ba’t sa kama din ang bagsak nyung dalawa”
“ikaw, kanina ka pa ha”
“ayan na naman… pero may sasabihin ako sa’yo”
Miguels POV
Ka inis naman oh. Ba’t ko ba ginawa yun? nakakahiya. Aakyat na sana ako para makipag usap sa kanya, pero nasira ang mood ko nang makita ko na namang magkasama sila ni Borgy. Ano na naman kaya ang pinag uusapan ng dalawa. Sa kabilang entrance ako dumaan.
Hassle masyado, hindi ko kasi inaasahan na makakasali ako dito. Tapos naging awkward pa lalo kasi hinalikan ko si Ray. Tapos narinig pa ni Rhett, sana hindi mag ingay ang Rhett na yun dahil pag ginawa niya yun naku goodluck para sa kanya sa Q&A kasi puputulan ko siya ng dila.
Mabuti na lang naipahabol ko ang gitara ko, may talent portion pa pala to. Mga ilang minuto din akong nakapag strum at kumanta nang bumukas ang pinto ng kwarto. Pumasok si Ray at Borgy.
“hello dude” sabi ni Borgy.
“hayan na na on ko na” nakita kong pinaandar ni Ray ang kanyang pocket wifi. Sabi kanina sira daw, ba’t ngayon umaandar naman. Ang Borgy maka ngisi parang asong ulol. Naupo silang dalawa sa kama, wala akong ibang marinig kundi puro bungisngis. ‘naiirita ako!’
Tinabi ko muna ang gitara at tumayo para lumabas.
“oh dude sa’n ka pupunta?” tanong ni Borgy
“sa labas magpapahangin”
“kakapasok mo lang ah?”
Hindi ko na siya sinagot, binuksan ko na agad ang pinto para lumabas.
“dude are you okay?” nakasalubong ko si Rhett.
“no dude”
“dude pasensya narinig ko kayo kanina. I didn’t know”
“you didn’t know what?”
“na nagkakagustuhan pala kayo” ang pabulong sa’kin ni Rhett “I mean dude it’s totally fine with me”
“walang ganun na nangyayari sa’ming dalawa” I heard Rhett smirked.
“whatever you say dude, what matters to me is that na klaro ko ang lahat kay Ray” ang sabi ni Rhett at pumasok sa kwarto niya.
Bumaba ako at bumalik dun sa garden pag upo ko ay tumunog ang aking phone.
“ano na naman?”
“ang rude mo talaga, I’ve heard from your mom na sumali ka sa Misters of the Philippines. Manonood ako sa finals night to support you” si Jessica.
“okay. Matutulog na’ko bye” kinansel ko na agad ang tawag. Wala ako sa mood para makipag usap. Makalipas ang halos isang oras ko na pagtambay dun sa garden ay nakaramdam ako ng antok kaya nagpasya akong bumalik sa kwarto.
Habang naglalakad ako patungo sa kwarto ay nakasalubong ko pa si Borgy. Ewan ko wala naman siyang ginagawang masama sa’kin pero parang naiinis ako sa kanya.
“goodnight dude” ang sabi niya at mahinang sinuntok ang braso ko.
Paghawak ko sa doorknob ay narinig kong may kumakanta sa loob ng kwarto. Dahan dahan ko itong binuksan at nakita ko si Ray na may hawak na papel at nakapikit ang mga mata habang kumakanta. Ang lamig ng boses niya at feel na feel niya talaga ang pagkanta.
Bigla lang siyang tumigil nang pagdilat niya ay nakita niya akong nakatingin sa kanya. Pgkatapos ng ilang segundo ay iniwas niya ang kanyang tingin at tinupi ang papel na hawak niya. Maya’t maya pa ay nahiga siya sa kama.
Parang hindi ako makahinga. Hindi ko alam kong tatabi ba ako sa kanya o kung kunin ko na lang kaya ang unan at kumot. Kung sa sahig kaya ako matutulog, sasabihin niya pa rin kayang lumipat ako sa kama? Galit kaya siya sa ginawa ko? wala akong lakas ng loob para magtanong sa kanya at linawin ang mga nangyayari.
Itutuloy….
HS3.12
Background music Love Me Like You Do Ellie Goulding Cover by Tanner Patrick
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Maraming taong nanonood , pero hindi yun ang dahilan kung bakit ako kinakabahan ng todo. Ano ba Ray umayos ka nga.
Lalong nagkagulo ang mga tao ng dumating sina daddy Paul at daddy Enzo wow ang lakas makapang agaw ng eksena. Halos mga photographer at camera men sa kanila na naka tutok. Ang daming tao talaga, sa event center kasi ng isang malaking mall ang venue ng talent portion.
After mag pabebe sa press presentation last week eto na naman. Nakaupo kami sa harapan ng stage at inaantay magsimula ang program.
“are you okey?” ang tanong ng alien na si Miguel. Pagkatapos ng very awkward incident na nangyari nung nakaraang linggo ay naging casual ang pakikitungo sa’kin ni Miguel. Magkasama pa rin kami sa isang kwarto pero wala na yung pangungulit niya. Tahimik na siya palagi at minsan parang nakalutang ang utak.
Bumalik siya sa dati, ang Miguel na palaging seryoso ang mukha. Kahit nakikipag usap siya sa iba pa ngisi ngisi na lang.
“okey ka lang dude?” ang tanong ulit ni Miguel. Tsaka ko na realize na natulala pala ako habang nakatitig sa kanya.
“okey lang ako dude…”
“sige, puntahan ko muna sina dad”
“oh ano na?” ang bulong sa’kin ni Borgy.
“eh.. wala naman siyang reaksyon eh. Itigil na natin to”
“bah… ikaw yung may gusto nito eh”
“oo nga gusto kong makita kung magseselos siya. Almost a week na oh, maliban sa casual na lang ang pakikitungo niya wala na akong ibang napapansin. Hindi ko nakikitang may bitter na reaksyon mula sa kanya” huminga ako ng malalim “baka nga sa ginagawa natin, tuluyan na siyang umiwas”
“nasimulan mo na to, kaya ikaw din ang tatapus”
“MO talaga so ako lang? hindi ba pwedeng nasimulan NATIN?”
“ang strikto mo naman, so wala nang atrasan to ha”
“ikaw lahat may pakana nito eh”
“mukhang seryoso ang pinag uusapan natin ah?” nasa harap na pala namin si Miguel at seryoso ang itsura.
“hindi naman pare, kinakabahan kasi ako” ang sabi ni Borgy kay Miguel.
“dude may naghahanap sa’yo kanina” sabi ni Miguel kay Borgy.
“huh? Asan? Sino?” lumingon si Miguel at agad ding humarap.
“dun siya kanina nakatayo, ang kulit nga. Ayaw niyang magpakilala, ang sabi niya close daw kayong dalawa”
“hayaan mo na, baka kung sino lang yun”
Umupo na lang si Miguel. Timing din naman ang pag akyat ng emcee sa stage at nagsimula na ang program. Ayun pabebe ulit ng light, pa cute cute na naman kami sa stage, oo nga naman pageant kasi. Malaki na talaga ang inimprove ni Miguel, nag uumapaw na nagyon ang confidence at mukhang marami nang taga hanga.
“goodluck dude” ang sabi ko kay Miguel. Siya talaga ang pinaka una sa lahat. With matching keyboard pa.
“I love you Miguel! waaaah!” ang sigaw ng isang babae. Ano to concert? Maka sigaw wagas. Tuwang tuwa naman yung lalakeng alien parang ang sarap hampasin ng keyboard!
Maya’t maya ay nag umpisa na siyang tumugtog at kumanta.
You’re the light, you’re the night You’re the color of my blood You’re the cure, you’re the pain You’re the only thing I wanna touch Never knew that it could mean so much, so much…..
Feel na feel ni mokong oh! Ang mga haliparot na nanonood sa gilid kilig na kilig na naman. Dalian mo na yan Miguel, ang tagal mong matapos. Rinding rindi na’kong makinig sa tilian. May kasama pang pa cute tong si alien, pa beautiful eyes, pa pikit pikit pa, sarap batukan.
You’re the fear, I don’t care Cause I’ve never been so high Follow me to the dark Let me take you past our satellites You can see the world you brought to life, to life
So love me like you do, love me like you do Love me like you do, love me like you do Touch me like you do, touch me like you do What are you waiting for?
Sige na nga may boses nga si gago, kakainis sumisikip ang dib dib ko. Packing tape!
Fading in, fading out On the edge of paradise Every inch of your skin is a holy grail I’ve got to find Only you can set my heart on fire, on fire Yeah, I’ll let you set the pace Cause I’m not thinking straight My head spinning around I can’t see clear no more What are you waiting for?
Love me like you do, love me like you do Love me like you do, love me like you do Touch me like you do, touch me like you do What are you waiting for?
Yeah, I’ll let you set the pace Cause I’m not thinking straight
Oo nga you’re not thinking STRAIGHT na nga siguro. Sarap bigwasan nang mokong na to. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Sheet! Naalala ko tuloy nung hinalikan nya’ko, yung mga gabing niyakap nya’ko. naiinis ako! naiinis ako!
My head spinning around I can’t see clear no more What are you waiting for?
Love me like you do, love me like you do Love me like you do, love me like you do Touch me like you do, touch me like you do What are you waiting for?
“oh narinig mo yun? ang ganda di’ba?”
“ang ano? Ang boses ni Miguel na parang ginugupit na yero?”
“naku naku.. kung hindi ko lang alam na may gusto ka sa kanya, sasabihin ko talaga na insecure ka” medyo napalakas ang pagkakasabi ni Borgy kaya kinutusan ko. Tumingin ako sa paligid namin kasi baka may nakarinig sa sinabi niya.
“aray! Nagsasabi lang naman ako ng totoo”
Syempre pagkatapos mag perform ni Miguel palakpakan na naman. Parang naiihi na yung mga haliparot. Talagang tuwang tuwa ang mokong. Pa smile smile pa ‘bumaba ka na nga diyan sa stage! Hindi mo concert to!’
Salamat na tapos din mag perform ang lahat ng candidates. Sa finals night pa malalaman kung sino ang magiging best in talent. Pero wala akong pakialam nagugulo pa rin ang isip ko hanggang ngayon. pagkatapos mag perform ng huling kandidato agad kong tinungo ang banyo. Hindi ko na talaga na iintindihan ang nararamdaman ko.
Binuksan ko ang gripo at naghilamos. Pagtingin ko sa salamin ay nakita kong nakatayo si Miguel sa likuran ko.
“are you okay Ray?”
“okay lang ako”
“are you sure? Kanina pa kita nakikitang balisa” tng ina mong lalake ka, ikaw ang dahilan ng lahat ng to! Ginugulo mo ang pag iisip ko! bugbugin kaya kita ha? Kanina pa’ko gigil na gigil sa’yo hyop ka!
“wala to okey lang ako Miguel” totoo ba’to? Concern si alien sa’kin?
“sige, sunod ka na lang hinahanap ka kasi ng dad mo kaya kita sinundan dito” toink akala ko pa naman nag aalala siya sa’kin. HOPIA pa more!
Lumabas ako ng cr at agad na hinanap sina dad. Salamat naman at tapos na lahat ng activities at rehearsals. Pahinga na daw kami for 1 week. Kakapagod din pala ang ganito, mabuti pang mag pictorial at least pagkatapos makuha ang magandang anggulo tapos na.
“are you okay anak?” sabi ni daddy Enzo.
“okay lang po ako dad”
“sige, sabay ka na sa’min ng dad mo pauwi”
“sige po..”
Pagkarating sa bahay ay agad kong tinungo ang kwarto ko. Na miss ko ng sobra ang kama ko.
Miguels POV
Dalawang araw na akong hindi mapakali. Bumabalik sa isip ko ang mga nangyari, yung paghalik ko sa kanya. Dumagdag pa yung pagyakap ko sa kanya, alam kong nagigising siya pag ginagawa ko yun kasi pilit niyang tinatanggal, pero nagtutulog tulugan lang ako. Nakakahiya talaga.
Hindi ko sinasadyang halikan siya lalake ako! lalake ako! peste naman oh. Ano kaya ang ginagawa ng masungit na yun.
Wala talaga siyang reaksyon sa mga ginagawa ko, sabi niya nagseselos daw siya meaning gusto nya’ko. nag aantay ako na kumprontahin niya dahil sa paghalik ko sa kanya pero wala eh.
Makapunta nga sa kanila, eto na yun kaklaruhin ko ang lahat sa kanila.
Nanginginig ang mga kamay ko habang nag da drive. Papasok na’ko sa subdivision na tinitirhan nila at narating ko ang kanilang bahay.
“kayo po pala sir Miguel, magandang araw po” ang sabi ng isang kasambahay nang binuksan ko ang bintana ng kotse ko.
“magandang umaga po manang andyan ho ba si Ray?”
“andito po siya sir, sandali bubuksan ko lang ang gate.” Habang papasok ako ay may nakita akong itim na starex na nakasunod sakin papasok sa bahay. Siguro bisita ni tito, pinapasok ng kasambahay eh. Nakita ko na may isa pang pamilyar na kotse na naka park din dun sa labas.
Pagkababa sa kotse, agad akong pumasok at nakita ko si tito Paul na nagkakape sa may sala.
“magandang araw po tito”
“magandang araw din hijo, mabuti nama’t napadalaw ka”
“asan po si Ray?”
“andun siya sa garden”
“sige salamat po”
Dumaan ako sa kusina patungo sa garden at nakaramdam ako ng inis sa nakita ko. Si Borgy at si Ray nakaupo sa bench. Nagtatawanan pa ang dalawa, hindi nila ako napansin. Patuloy pa rin ang tawanan nilang dalawa.
Tuluyan na sana akong lalabas ng pinto ng may nakita akong lalake na inis na inis na naglalakad habang nakatitiig kina Ray at Borgy. Tama siya nga yung lalakeng naghahanap kay Borgy nung ginaganap ang activity sa mall. Sino naman to at pano siya nakapasok dito?
Tuloy pa rin ang tawanan ng dalawa at hindi nila naramdaman na nasa likod na nila ang lalake.
“hoy!” ang maangas na sabi nung lalake at malakas na tinapik ang balikat ni Borgy na siya namang kinagulat nito “sinasabi ko na nga ba pinagtritripan mo lang ako!” natulala lang si Ray sa nangyayari.
Agad tumayo si Borgy at lumayo ng kaunti. “Franz anong ginagawa mo dito?”
Galit na galit na talaga yung lalake dinampot niya ang isa niyang tsinelas at binato kay Borgy.
Mabuti na lang nasangga ni Borgy ang tsinelas gamit ang kanyang kamay pero hindi na siya umalis sa kanyang kinatatayuan.
“kaya pala ayaw mo’kong isama kasi ito pala ang gagawin mo!”
“Franz hindi ito gaya ng iniisip mo”
“anong hindi ah! Humanda ka sa’kin megaphone!” lalapitan na nang lalake si Borgy nang pumagitna si Ray.
“Borgy ano to? At sino ka naman? Pano ka nakapasok dito?” ang naguguluhang tanong ni Ray sa lalake.
“wag kang mangingialam dito ha… isa ka pa ang landi landi mo!” ang sabi nung lalake kay Ray at nakita kong nag iba ang reaksyon ni Ray.
“excuse me?!” ang galit na sabi ni Ray sa lalake. uh oh kanina pa’ko dito pero bakit ngayon ko lang naisipang lumapit?
“Borgy, Ray anong nangyayari dito?”
“I don’t know! This stranger showed up here and started harassing us” ang naiinis na sabi ni Ray.
“alam ko may relasyon kayo nitong megaphone na’to! Nung nakaraan pa’ko may kutob sa inyong dalawa nung makita ko kayo sa mall!” ang sabi nang lalake habang dinuduro si Ray. si Borgy naman todo awat sa kanya.
“Franz, makinig ka nga. Wala kang alam sa mga nangyayari” ang sabi ni Borgy.
“leave now or else I’ll call the police!” ang galit na galit na sabi ni Ray.
“Franz, halika na iuuwi na kita. Wala kang alam sa nangyayari”
“Klarong klaro ang lahat ng nakita ko, mananagot ka talaga sa’kin Borgy!”
“anong nangyayari dito?” natigil ang nagsisimulang rambol ng marinig namin ang boses ni tito Paul “the four of you, get inside. Now!” ang galit na sabi ni tito Paul. Siguradong masasabon kami nito.
itutuloy……
Authors note:
Salamat sa mga patuloy na sumusubaybay mula HS1 hanngang HS3. I love you all.
Basahin nyu rin po ang mga works ni AwesomeDudeMiggy at MsYoU12345 . Happy reading po!
HS3.13
Para kaming mga tuta na sumunod kay daddy papasok ng bahay. Lagot siguradong magtatanong talaga siya kung ano ang mga nangyayari. Alam ko pag galit si dad, makikita mo talaga sa reaksyon niya yun. Basta bahala na, nabasa na’ko kaya maliligo na lang talaga ako ng tuluyan.
May isa na namang taga outer space ang dumagdag. Bahala na si Borgy magpaliwanag sa nangyayari sa kanilang dalawa basta sasagutin ko lang kung ano ang alam ko. Ah basta bahala na.
Umupo kaming apat sa sofa. Nanginginig na’ko alam ko kung pano magalit tong si dad, ang tatlong martian relax lang oh.
“now pwedeng bang may magsabi sa’kin kung anong nangyayari dito?” ang sabi ni daddy Paul.
“kasi dad….”
“kasi po tito…”
Ang sabay naming sabi ni Miguel.
“okay, uhmmm let’s start with you first hijo” sabi ni dad habang nakatingin sa lalakeng katabi ni Borgy “anong pangalan mo?” alam kong galit na siya, pero pinipilit niya pa ring mag relax naku daddy Enzo asan ka ba?
“Franz po”
“pano ka nakapasok dito?”
“kasi po….”
“don’t you know trespassing ang ginawa mo, which is not good”
“ah… tito sorry pero, kasi… kasi….” Ang nangangatog na sabi ni Borgy.
“kasi ano hijo?”
“kasi po… boyfriend ko po tong si Franz, hindi ko alam na sinundan pala niya’ko dito…”
“kaya ba galit na galit ka hijo?” ang tanong ni dad kay Franz.
“ganun na nga po….”
“Ray and Miguel anong kinalaman nyo sa lovers quarrel na to?”
Yikes! Naku naku eto na, eto na lord pano ko i e explain ang lahat nang to “Ray I need an answer” sheeeet! Hindi kasi gusto ni dad na hindi agad siya sinasagot pag may tinatanong kasi para sa kanya pag matagal sumagot, may itinatago.
“kasi dad tong si Miguel…” wtf! Pano ko sasabihin to.
“Miguel, can you please explain what Ray is trying to say?” hala ayan na naiirita na siya.
“Ray ano to? Wala akong alam.. pwede ba sabihin mo sa dad mo ang dapat mong sabihin?” ang naiinis na sabi ni Miguel sa’kin.
“I’m trying to be calm here, the reason why I’m asking kasi gusto kong malaman kung anong nangyayari. That’s all” naku po “Borgy, may gusto ka bang sabihin hijo?”
“sa tingin ko po may dapat pag usapan si Ray at si Miguel” pak! Hai…. Naloko na… sa lahat ng pwede mong sabihin Borgy yan pa.
“sige… mukhang ayaw nyu talagang magasabi kung ano ang nangyayari, ang gusto ko lang you must act accordingly lalong lalo na kayong tatlo” dad sighed heavily “okey, ayusin nyu kung anong dapat nyung ayusin, klaruhin nyu kung anong dapat nyung klaruhin”
Weeeeew! Akala ko lulunukin na kami ni dad ng buhay. It’s a miracle na hindi na naman siya nag transform at naging taong lobo, minsan nagiging si incredible hulk din siya. Umalis si dad at lumabas sa garden, naiwan kaming apat sa may sala.
“Ray… Miguel si Franz pala..” sabi ni Borgy kay Franz pero halata pa rin sa itsura nito na naiinis siya kaya hindi siya umimik “Ray magsalita ka naman diyan… maawa ka naman sa’kin klaruhin mo na ang lahat bago pa’ko tuluyang mabugbog nitong si Francisco.. aray!” biglang sinuntok ni Franz ang braso ni Borgy.
“oo naman, humanda ka mamaya dahil mabubugbog ka talaga..” pagbabanta ni Franz.
“wala naman akong sasabihin” sabi ko. palusot pa more!
“anong wala, nag aantay si Miguel oh” wow ayus ka din Borgy ha.. sige bukuhin mo na lang kaya ako ng tuluyan.
“ikaw kaya ang nag suggest nito… ba’t ako ang magsasabi?” sabi ko
“teka teka ano ba’to Ray, Borgy anong mga pinagsasabi mo? Sabihin nyu na nga nang matapos na’ng kaguluhan na’to” sabi ni Miguel.
“eeeehhh….” Napakamot si Borgy sa kanyang batok “kasi dude gusto kasing malaman nitong si Ray kung gusto mo rin ba siya” t*ng ina! Waaaaah “kaya kung napapansin mo palagi kaming magkasama, tinitignan namin kung magiging affected ka” hayun wala na dead end na, huli na’ko. Magkatabi pa naman kami ng lalakeng alien, parang magiging bato ako.
“hoy.. totoo ba yun ha?” Ang sabi ni Miguel sabay bangga ng kanyang tuhod sa tuhod ko.
“magsalita ka na ng magkaalaman na…” ang maangas na sabi ni Franz.
“shut up…” sabi ko.
“ikaw manahimik ka nga…” suway ni Borgy sa kanya.
“ikaw ang manahimik kasi dila mula ang walang latay mamaya… gagawin kitang relleno…” wagas namang makapagbanta tong si Franz gagawin talagang relleno? Mukha bang bangus si Borgy? Biglang tumayo si Miguel.
“halika nga dito Ray mag usap nga tayo” ang sabi ni Miguel sabay hila sa braso ko.
“wala tayong dapat pag usapan…”
“ah sus… pa hard to get pa more…” sabi ni Franz. Arrrrggghhhh!
“ikaw ha… kanina ka pa ha…” sabi ko kay Franz sabay duro sa kanya.
“halika na nga rito mag usap tayo…” tuluyan na’kong nahila ni Miguel papunta sa likod ng bahay.
“ano ba? Wala nga tayong dapat pag usapan diba?”
“anong wala, binuko ka na ni Borgy”
“naniwala ka naman?”
“bakit hindi, sinasabi mong walang kabuluhan ang pinagsasabi niya ganun?” abah angas ah nakapamewang pa ang alien. Hindi ko alam ang isasagot ko “oh hindi ka makasagot? Ikaw kanina ka pa nasa dead end. Palusot ka pa eh”
“ikaw din naman ah!”
“ikaw, gusto mo talagang iniintimidate ka muna bago ka magsalita ano?” sabi ni Miguel at ngumisi.
“kasalanan mong lahat to!”
“anong ako, ikaw kaya ang nagsabi na gusto mo’ko kaya ka nagseselos sa mga tao” abah gwapo mo ah! Sige ngisi pa more!
“aray! Ba’t ka ba nananakit?” sinuntok ko siya sa dib dib.
“akala mo ba hindi ko nararamdaman pag niyayakap mo’ko. Alam ko nagtutulog tulugan ka lang!” oh ano ka ngayon alien? Sige magasalita ka….
“kasi Ray….”
“kasi ano? Ha? Kasi pabebe ka rin… ano? Ha…. Magsalita ka…” ang sabi ko at tinulak tulak ko siya… “ano na? ang hina mo naman pala”
“ah ganun? Mahina ako?”
“Oo ganun… weak! Weak!” pak shet! Mukhang nainis siya sa sinabi ko. Bigla niya akong nilapitan at kinwelyuhan.
“ano ba talagang gusto mo ha?”
“ewan ko sa’yo! Bitiwan mo nga ako!” tinanggal ko agad ang mga kamay niya at pumasok sa loob ng bahay. Bahala siya noh!
Pag pasok ko ay nakita ko pa na hinihila ni Franz ang buhok ni Borgy.
“aray! Alam mo namang wala akong ginawang masama di’ba?” ang sabi ni Borgy habang hinahaplos ang ulo niya.
“nag sinungaling ka! sabi mo may bibilhin ka lang” napatingin sila sa’min ni Miguel nang papalapit na kami.
“oh mga brad ano na?” ang tanong ni Borgy, pero wala ni isa sa’min ni Miguel ang tumugon sa tanong niya.
“wag ka nang magtanong megaphone, sa itsura pa lang nila oh. Alam ko pabebe yang si Ray” naku kanina pa tong isang to, pag di ako nakapag pigil naku na lang.
“sus kung makapagsalita ka, ikaw ganyan din naman nung una eh pabebe din” ang sabi ni Borgy. Wahahaha parang natamaan namula ahahaha.
“anak may mga bisita ka pala” ang sabi ni daddy Enzo.
“magandang hapon po tito….” Ang sabay na sabi ni Miguel at Borgy.
Doon na naghapunan ang tatlong martian. Nakaklusaw ang mga tingin ni Miguel na tila ba parang nagtatanong na ‘ba’t di ka pa umamin?’ bakit nga ba?
“maraming salamat po” ang sabi ng tatlong martian kina daddy Enzo.
“tara na ihahatid na kita sa inyo” sabi ni Borgy kay Franz.
“wag na, diyan ako sasakay sa kotseng pinahiram ng lola mo” ang sabi ni Franz “salamat ho ulit, ma una na ho kami” dugtong pa niya. Sumakay na ang dalawa sa kanya kanyang sasakyan at pinaandar ang mga ito. Huling umalis si Miguel. bago pa siya tuluyang makapasok sa kanyang kotse ay lumingon siya.
“mag ingat ka hijo” sabi ni daddy Paul.
“salamat ho”
Naunang pumasok sina dad at sumunod din ako.
“Ray…” nilingon ko si Miguel.
“ah… uwi na’ko…..” tumango lamang ako.
Galaw ako ng galaw at parang nababalisa ako, hindi ako makatulog. Tatlong araw na lang bago ang finals night. Pero hindi naman yun ang dahilan kung bakit hindi ako makatulog. Palagi kong nakikita ang itsura ni Miguel.
Parang hinahanap hanap ko na ang mga yakap niya. Oo na aaminin ko, sa sandaling magkasama kami parang hinahanap ko ang kakulitan niya.
Itutuloy…..
HS3.14
Eto na this is it. This is the day, ilang beses na akong rumampa sa runway pero nangatog ang mga tuhod ko pagkababa ko ng kotse.
“son are you okay? Namumutla ka yata ah?” tanong ni daddy Paul.
“okay lang ako dad” sabi ko.
Dumiretso na sina dad dun san aka reserve na upuan para sa kanila. Narating ko ang dressing room at hindi na naman mag kanda ugaga ang mga tao dun sa loob. Hindi ko alam kung hinahanap lang talaga siya ng mata ko pero agad kong nakita si Miguel na inaayusan para sa opening maya maya.
Tinignan niya lang ako, walang reaksyon. Ni tumango man lang wala, ‘yabang ah!’
Nang matapos akong ayusan ay nanatili na lang ako sa aking kinauupuan. Pero hindi ko pa rin maiwasan na mapatitig kay Miguel. Oo nga sige na nga bakla na nga ako kung bakla, kasalanan ko bang nahulog ang loob ko sa isang lalake, hindi lang basta basta lalake kundi isang extra terrestrial! Peste naman oh, hindi ako kinakabahan dahil sa pageant na’to pero pag nakikita ko siya, parang ewan. Feeling ko luray luray na tong dib dib ko mamaya sa kakakabog ng puso ko.
“matutunaw talaga yang si Miguel mamaya” napalingon ako para tignan kong sinong nagasalita sa aking likuran si Borgy pala.
“wooohh! Good luck megaphone!” bigla na namang lumitaw si Franz. Mahilig ba talagang pumasok sa hindi dapat pasukan ang lalakeng to.
“Franz ano ka ba! Umayos ka nga.. at pano ka nakapasok dito?” ang mahina ngunit gigil na gigil na sabi ni Borgy.
“bakit? masama bang supportahan ang boy—”
“ssshhhhtttt! Keep quite… get out.. now!” ang na iiritang sabi ni Borgy at pinandilatan niya si Franz. Alam ko na kung bakit.
“ah ganun?” ang sabi ni Franz sa tonong tila nagtatampo. Hindi na nakapag salita si Borgy nang nagtatakbo na itong lumabas. Napakamot na lang ng ulo si Borgy…
“hayan…. Ba’t mo kasi pinandilatan… saka maka sabi ka nang GET OUT sa kanya wagas”
“eh alam mo na… naiintindihan mo naman siguro diba? Kaya ikaw tama na yang kakatitig mo kay Miguel. baka may makapansin pa niyan maging issue pa. Sige ka ikaw rin…” ang mahinang sabi ni Borgy.
“he! Yung isipin mo ay pano mo maaayos ang ginawa mong pag sita dun kay boy tigasin” tinawanan ko siya “baka sa ginawa mo hindi ka lang niya gawing relleno, baka gawin ka niyang sisig at isa pa wag ka ngang bulong ng bulong sa’kin. Baka mamaya tayo pa ang ma isyuhan niyan, pag nangyari yun baka gawin akong patty ni Franz para sa grilled burger hahahaha”
Nakita ko na namang nakatingin si Miguel. Abah iniripan pa’ko… loko to ah!
Maya maya ay nag umpisa na ang program, kasabay nito ang nakakabinging musika, tilian ng mga tao at nakakasilaw na mga ilaw samahan pa ng flash ng mga camera. Lalo pang nadagdagan ang hiyawan ng umakyat si Marc Nelson sa stage.
Todo tilian na naman ang mga kababaihan at mga kabaklaang nanood. Nakita kong maraming humahanga kay Miguel.
Napansin kong parang may hinahanap si Borgy, sino pa kundi si Franz. Pero hindi ko rin nakita, ang nakita ko lang ay dalawang matandang lalake at babae na katabi nina dad ang kumakaway kay Borgy, ngunit bakante ang upuan na nasa tabi nila.
Nang makabalik sa back stage ay napansin kong matamlay si Borgy.
“hey okay ka lang dude?”
“okay lang ako..”
“napansin ko may hinahanap ka kanina, alam ko kung sino”
“mamaya ko na nga iisipin yan. Kinakabahan ako” sabi pa niya at nag sign of the cross.
“whatever happens dude, wagi na rin tayo kasi nakasali tayo dito” pag alo ko sa kanya.
Waaah eto na sa thirty na kandidato ay malalaman na kung sino ang papasok sa top 15 kasabay nito ang pagbibigay ng special awards.
Shit! Ba’t ba’ko kinakabahan ng sobra? Nakasunod ako sa alien pabalik sa stage suot ang formal attire. Isa isang tinawag ang aming pangalan.
“Juan Miguel Lopez!” hayan na naman ang mga kabaklaan at mga haliparot. Kelan ba mawawasak ang mga vocal chords sa kakatili. Shit! Shit! Ako na ang susunod, kalma lang Ray kalma lang..
“Ray Velazquez!” todo palakpak pa sina dad. Ang mokong na Miguel oh kung maka ngiti wagas!
“and now we will announce, the candidates who will receive the special awards” sabi ni Marc Nelson “and automatically they will be part of our top 15 candidates!” hiyawan na naman ang mga tao.
“to be awarded for our best in talent is…..” kanya kanyang sigaw ang mga audience ng bet nila “Juan Miguel Lopez” hayan todo cheer na naman ang mga haliparot. Sana nagdala na lang kayo ng pom poms!
“next the award for best in fashion style goes to….” Hay kailangan ba talagang mag pause muna? Hindi ba pwedeng ituloy tuloy na lang? “….. Ray Velazquez….” Yes! Yes! Kasama na’ko sa top 15….
“now who will receive the next award?” eto na naman pause na naman… hai… “ the Mister Friendship award goes to Rhett Lester Abraham!“ ay? Sa pagkakaalam ko kay Miguel lang naman nakikipag friend to ah?
“next the best in Swim wear is awarded to… Borgy Alvarez!” hayan ok lang naman pala kahit walang pause.
“and lastly the award for Mr. Photogenic goes to…. Ezekiel Angeles!” lord isa na lang top 9 na ang susunod…. Sa wakas nabuo na rin ang top 15…
Shit.. nadagdagan ang pangangatog ng tuhod ko, pasok na sa top 9 ang dalawang alien na sina Miguel at Borgy.. ano ba? Pang walong pangalan na ang tinawag….
“and the last candidate to complete our top 9 is no other than…” yung totoo… 10 minutes ba matatapos ang drum roll nyo? Atat na atat na’kong umuwi eh!
“…… Ray Velasquez…”
Packing tape! Kala ko hanggang top 15 na lang ako… wew! Nakita kong tumayo talaga sina dad at pumalakpak ng todo…. Ngunit hindi pa ito ang huli… may Q and A pa tsaka pa malalaman kung sino ang ma re represent sa pilipinas sa Mister International…….
Pagkatapos ng lahat ng makapigil hiningang pag announce ng top 15, top 9 hanggang Q and A. makakapag pahinga rin ng saglit… wooosssshhh….
“miss pwedeng magpakuha ng tubig?” sabi ko sa isang staff.
“sige ho sir” maya maya pa ay may nakasunod na sa staff na nagdadala ng mineral water.. ang lamig sa loob pero parang nag ka el nino ang lalamunan ko…
“okay ka lang Ray?” tanong ni alien Miguel. tumango na lang ako. after ng halos 15 minutes na pahinga heto na naman… nagsimula na namang magpaputok ang puso ko.
Pagbalik sa stage ay siya namang pagbalik ng ngiti sa mga labi ni Borgy. Si boy astig nandyan na kasi sa tabi ng lola niya. Pero parang nagtatampo pa rin ito.
“welcome back candidates… this is the moment of truth… are you all ready?” hay andami talagang pasakalye…. Ano ba… “the candidate who will represent Mr. Model International that will be held in Miami, Florida, USA is…. Rhett Lester Abraham!” hai tama nang pa cute dalian nyo na……
“next the representative for Mr. Global that will be held in Bangkok, Thailand is….. Borgy Alvarez!” ang kaninang parang batang galit na si Franz todo palakpak na…
“now the representative for Mr. Tourism International International that will be held in Panama City, Panama is… Juan Miguel Lopez….” Naku ang mga haliparot.. parang nanalo sa lotto.
“and lastly our representative for Mr. International that will be held in Prague, Czech Republic is no other than…… Ray Velazquez…..!” parang gusto kong mahimatay sa tuwa…. Eto na to… abot kamay ko na siya!
Itutuloy….
Authors note:
I know matagal pa ang bakasyon pero iready nyo na ang inyong mga bagahe at passport kasi susundan natin sina Miguel, Ray, Borgy at Rhett. Kasama din natin si Franz and hopefully si Heaven… hahaha kung nagbabasa kayo ng mga works ni AwesomeDudeMiggy at MsYoU12345 siguradong kilala nyo ang ibang characters na na mention ko. Kung hindi pa, basahin nyo ang kanilang mga akda.. Happy Sunday to all..
HS3.15
“congratulations hijo, I’m so proud of you” ang sabi ni daddy Paul sa akin.
“Ray congratulations!” ang bati sa’kin ni tito Jake sakin.
“maraming salamat po tito” tugon ko sa kay tito nakipag fist bump pa siya kay dad ‘ay bagets?’ , nakasunod sa kanya si Miguel at ngumingiti ngiti pa.
“congratulations Miguel… goodluck to you” sabi ni daddy Enzo kay Miguel.
“pare mag celebrate tayo sa bahay, sama mo si misis mo” pag aya ni daddy Paul kay tito Jake “Ray please ask Borgy and Rhett if okay sa kanila na pumunta sa bahay” sabi ni dad sakin, agad kong nilapitan sina Borgy.
“congrats hijo” ang sabay na sabi ng lolo’t lola ni Borgy sa akin. Sa tabi nila ay nandun si Franz at bakas pa rin sa itsura niya ang pag tatampo.
“salamat ho, Borgy sabi ni dad sama daw kayo sa bahay para mag celebrate. Sama din ho kayo” sabi ko kay Borgy at sa dalawang matanda.
“gustong gusto ko hijo pero tinatawag na ng kama ang katawan ko, si Borgy at Franz na lang ang sasama sa inyo. Please tell your dad salamat” ang magiliw na sabi ng matandang babae.
“sige po” agad ko namang nilapitan si Rhett ang dami niyang kasama.
“Rhett, excuse me” sabay silang lumingon ng katabi niyang lalake “kung okay lang sa’yo… sama ka sa bahay para mag celebrate…” tumingin muna siya sa lalakeng katabi niya bago siya sumagot.
“sure…. Pero may kasama ako ok lang?”
“walang problema, pupunta din sina Miguel pati parents niya kasama na din sina Borgy at Franz….”
“sige salamat…”
“sige, sabay na lang kayo sa kotseng sasakyan din nina Borgy…. Kita na lang tayo sa bahay”
Binalikan ko agad si dad.
“dad okay po sa kanilang lahat…”
“great!”
Pagkalabas ay tinungo ko agad ang kotse na sasakyan ko. Sa kabilang kotse naman ang tatlong martian kasama sina Rhett.
“manong diretso na ho tayo sa bahay.” Sabi ko sa driver.
“sir may inaantay pa po tayo”
“huh? Sino po?”
May nagbukas ng pintuan ng kotse at bumungad sakin ang pag mumukha ni Miguel. ‘diba sa dapat dun siya sasakay sa isang kotse kasama sina Borgy?’ tinignan niya ako na tila ba nag aantay sa aking magiging reaksyon.
“pwede bang makisakay sa kotse mo Mr. International?” ang tanong ni Miguel.
“pwede Mr. Tourism International”
Pumasok sa loob ng kotse si Miguel hindi na ako nag abalang magtanong pa kung bakit sa kotse ko pa talaga siya sumakay. Akala ko mangungulit o mang aasar naman siya ulit sa’kin pero hindi, tahimik lang siya.
“what?” ang sabi niya sabay pakawala ng isang matamis na ngiti, nakaramdam ako ng hiya kasi nahuli niya akong nakatitig sa kanya. Hindi ako nakasagot agad “you should be happy dude, pupunta kang Czech Republic” ang sabi pa niya at tinapik ang aking balikat.
“masaya naman ako dude”
“owwwss? Ganyan ba ang masaya? Monotone?”
Honestly I don’t know how to react, the way siya magsalita ay parang may lambing. I suddenly ran out of words!
“galit?”
“hindi ah” hindi ko namalayan na narating na namin ang bahay. Nang nasa harap na ng pintuan ng bahay ay sabay kaming lumabas ng kotse.
“hoy bilisan nyong dalawa dali….” Ang sabi ni Borgy at lahat sila may hawak nang wine glass. Lumapit kami ni Miguel at kumuha rin ng baso. Binuksan ni dad ang champagne at isa isang nilagyan an gaming mga baso.
“Cheers!” ang sigaw ni Rhett at katabi nya yung lalaking nakita ko kanina “woooohoooo!!! Cheersss!!!!” sigaw din ng iba. My dad is a business tycoon but it doesn’t mean he loves to throw big parties. Mas gusto niyang konti lang ang tao, kaya nga nyang mag celebrate na kape lang ang iniinom bastat si daddy Enzo ang kasama niya.
nakita kong nakatingin si daddy Paul sa balikat ko, nang tinignan ko nakita kong nakaakbay pala si alien kaya tinignan ko siya. Pero imbis na tanggalin niya ang kanyang kamay ay pinisil niya pa ang balikat ko.
Nakaramdam ako ng konting kirot sa aking binti kaya umupo ako sa sofa, epekto siguro to ng pangangatog at kakatayo namin kanina.
Nakita kong nilapitan ni Miguel si daddy Paul at may binulong siya. Tumango si dad tinapik pa niya sa balikat si Miguel, tinungo nilang dalawa ang mini library sa bahay.
“alam mo, walang mangyayari kung hanggang pa tingin tingin ka lang sa kanya” tinabihan ako ni Franz sa sofa.
“tssss.. ano bang pinagsasabi mo..”
“ah sus…. Ikaw obvious na kaya… ikaw pabebe ka rin anoh?”
“hai…. Pwede ba wala akong pagtingin kay Miguel” biglang tumawa si Franz…
“kung makatingin ka sa kanya wagas, yun ba’ng sinasabi mong WALA?”
“nakita mo?”
“oo, maraming beses… nakita ko rin na inakbayan ka niya kanina, nasa tabi mo kaya ako.. pero matanong ko lang, ba’t di mo inalis ang kamay niya?”
“alam mo tsismoso ka rin ano”
“hindi ako tsismoso noh, iba yun….. sige na…” makulit din ang isang to oh “ok sige isang tanong isang sagot, may gusto ka rin ba sa kanya?”
Parang nabingi ako sa tanong ni Franz “sige na nga kung ayaw mong sagutin yan, obvious naman ang sagot eh hahahaha…. Naniniwala ka ba sa soulmate?” hai from tsismoso to pagiging korni “ui… magsalita ka naman diyan…. “ sabi niya sabay siko sa braso ko.
“abah.. friends na kayo?” ang sabi ni Borgy at umupo sa tabi ni Franz.
“bakit sino bang magkaaway dito? Ikaw lang naman ang dahilan kung bakit nagkagulo nung nakaraan, kasi napaka sinungaling mo….” Sabi ni Franz kay Borgy at inirapan niya ito.
“grabe sorry naman po…. “ ang sabi ni Borgy habang naka puppy eyes.
“at tsaka may kasalanan kapa sa’kin kanina”
“oh ano na namang ginawa ko?”
“ewan ko sa’yo… lumabas ang pagka megaphone mo kanina… at tsaka wag ka ngang umakbay akbay sakin” abah kung makapagtampo tong isa parang babae.
“guys, sorry to interrupt..” sabi ni Rhett at nasa tabi niya ang lalakeng kasa kasama niya mula kanina “… si Heaven pala…. Ano… kwan…..” nagkamot ng ulo si Rhett at tumingin sa lalake.
“naku.. naku…. Nahihiya ka pang sabihin na jowa mo yang nasa tabi mo” sabi ni Franz.
“ssssttt! Pwede bang pigilan mo yang bungaga mo paminsan minsan, baka lagi tayong masabak sa gulo dahil diyan..” pag suway ni Borgy sa kanya.
“obvious na obvious naman oh, nahihiya pa siya, eh kitang kita naman na magka holding hands sila” ngek oo nga, kung hindi sinabi ni Franz eh hindi ko na notice.
“kahit na….” sabi ulit ni Borgy.
“it’s ok dude no big deal, anyways congrats and nice to meet you all” ang sabi ni Heaven at nakipagkamay sa amin.
“oh Ray nakita mo? kaya wag ka nang pabebe. Sabihin mo na ang dapat mong sabihin kay Miguel kasi ikaw na lang ang walang partner hahahaha” wow siguro pinanganak talagang makulit tong si Franz at siguro nakakahawa ang kakulitan niya, nakita ko kasi ang mga sintomas sa kay Borgy.
“hayan kana naman… isa na lang pauuwiin talaga kita” ang seryosong sabi ni Borgy sa kay Franz.
“sorry po TAY…. Mananahimik na po…” ang sarkastikong sabi ni Franz.
Maya maya ay lumabas sina dad at Miguel mula sa library, nakita ko pang patuloy ang pag uusap nilang dalawa ni dad. Bumalik si dad sa pwesto niya kanina at nakisalai dun sa usapan nina tito Jake, habang si Miguel naman ay papalapit sa amin at umupo dun sa bakanteng upuan.
Naubos ang ilang bote ng champagne nang biglang magyaya si Borgy na uminom nang redhorse. Ilang sandali pa ay nag umpisang magpaalam si tito Jake.
“Ray ma una na muna kami”
“sige po tito, ingat ho kayo…”
“ikaw Miguel, sasabay ka na lang ba sa’min?” ang tanong ni tito kay Miguel.
“ma una na lang ho kayo dad, susunod na lang po ako sa inyo..”
“oh siya sige, enjoy lang kayo..” sabi ni tito samin “pre ma una na kami” sabi ni tito kay dad.
Nang maka alis na sina tito Jake ay nagpaalam na din sina dad na matutulog na sila. Nagumpisa na ang tagay at kasabay nun ang kulitan, kantiyawan. Naka sampung litro na kami ng redhorse, bulol na kung magsalita si Rhett at kung ano anu na lang ang lumalabas sa bibig niya. Hindi ako gaanong uminom kasi ayokong magdusa sa hangover na hatid nito kinabukasan.
“Rhett that’s enough, halika na iuuwi na kita” ang sabi ni Heaven.
“pwede ba…. Wag, wag mo kong pakealaman.. kaya ko pa to….” Ang sabi ni Rhett at halos magkanda subsub na siya sa pagtulak kay Heaven.
“waaaahahaha lashing ka na dude… umuwi ka na…” naku isa din tong si Borgy, na halos nakasara na ang mga mata pero pinipilit pa ring umupo ng maayos.
“he! Isa ka pa, uuwi na rin tayo noh.. nag text na ako dun sa driver nyo at magpapasundo na tayo…” sabi ni Franz kay Borgy.
“ano ka? walang uuwi noh? Diba dude?” sabi ni Borgy sa’kin.
“dude, sobra sobra na ang na inum nyo…”
“tssssss… ang kj mo dude… oi! Miguel…. pinapauwi na’ko ni pareng Ray oh” ang sabi ni Borgy kay Miguel na pulang pula na ang mukha at natutulog na sa may sofa. Pero muhang knockout na yata.
“sabay na lang kayo sa’min ni Borgy” ang sabi ni Franz kay Heaven.
“salamat pero nag book na kasi ako ng grab taxi eh” sabi ni Heaven. May narinig kaming bumusina sa labas kaya sinilip ko “dude hayan na ang taxi..” sabi ko
“Rhett c’mon uwi na tayo” ang sabi ni Heaven habang inaalalayan si Rhett na tumayo…
“tsk! Sige na nga” ang sabi ni Rhett at pinilit na tumayo. Inalalayan naman siya ni Heaven.
“pre tulungan na kita” alok ko kay Heaven at pumayag naman siya.
“sige dude, ma una na kami. Salamat ang nice meeting you” tumango lang ako. Nang makaalis na ang taxi ay siya namang pagdating ng isa pang kotse. Malamang ito na ang sundo nina Franz kaya agad akong pumasok sa loob para sabihan sila.
“Franz andyan na ang sundo nyo”
“megaphone hali ka na, uuwi na tayo… wag na wag mo kong susukahan dahil iiwan kita sa kalsada..” ang sabi ni Franz kay Borgy at hinihila niya ang braso nito para tumayo.
“tulungan na kita”
Tinuglungan ko si Franz para maipasok si Borgy sa kotse.
“salamat Ray ha, sabihin mo sa dad mo salamat…” sabi ni Franz
“sige ingat kayo..”
Pumasok ako ng bahay at nakita kong tulog na tulog si Miguel habang nakaupo sa sofa.
“Miguel.. gising” minulat naman niya ang kanyang mata at pilit na tumayo. Pero bigla siyang napasubsob sa dib dib. Na sipa talaga to ng pulang kabayo, buti na lang nahawakan ko siya. Inalalayan ko siyang tumayo at biglang nangyari ang pinakaayaw ko… sumuka siya at napunta lahat sa damit ko at pantaloon oh great!
Hindi ko naman pwedeng iawanan tong alien na to dito sa sala. Dinala ko siya sa kwarto at binagsak sa kama. Hai ang bigat nig ago, nagpalit muna ako ng damit. Pagkatapos ay kumuha ako ng ipampupunas sa kanya.
No choice kaya ginawa ko, oo hinubaran ko siya, waaah nakita ko naman ang lahat ng to nung bigla akong pumasok sa banyo habang naliligo siya, nung nasa hotel pa kami tumutuloy.
Pagkatapos ko siyang punasan ay pinasuot ko siya ng boxer shorts. Nahiga na rin ako at sa sobrang pagod kasama na rin ng konting alak ay agad akong nakatulog.
Nagising ako at nakita kong alas siete na ng umaga. Nakayakap na naman sa’kin ang alien, pilit kong tinatanggal ang mga kamay niya pero as usual humihigpit lang lalo.
“wag mong tanggalin…” totoo ba to? Hindi siya nagtutulog tulugan? Ah ganun ah… etong sa’yo
“Araaaayy!” kinagat ko ang kamay niya para paraan ka ha.. “ba’t mo’ko kinagat?”
“tama na yang mga pag yakap yakap mo ha! Nakaka ilan ka na!”
“sakit nang kagat mo ha.. pero palalampasin ko to… nangako kasi ako sa daddy mo” ang sabi niya habang sinasapo ang kanyang kamay na kinagat ko.
“anong mga pangakong pinagsasabi mo?”
“alam ko nakita mo kami ng daddy mo na pumasok sa library niya”
“so?” sarkastiko kong sagot sa kanya.
“tinanong ko siya kung pwede kitang ligawan.. ok daw sa kanya” kinindatan pa’ko ng ugok. Kaya hinampas ko nang unan. Pero hindi natinag sig ago at tumawa lang ng tumawa.
Itutuloy….
Authors note:
Pasensya na kung may mga wrong grammar diyan at mga typos… hehehe hindi ko na na proof read.. galing kasi sa shift ang lolo nyo at excited kasi akong mag ud ehehehe..
btw thanks kay AwesomeDudeMiggy sa pag gawa ng pic collage ng mga nag gwagwapuhan at nagsasarapang characters ng Hi Soulmate 3 hehehehe.
HS3.16
“manigas ka noh, walang ligawang mangyayari” ang sabi ko kay Miguel at biglang sumeryoso ang kanyang mukha.
“we’ll see” abah parang may binabalak na masama.
“asa ka… ano bang nakain mo at nagkakaganyan ka?”
“wala akong nakain, tinamaan ako sa’yo”
“stop it dude….. nandidiri na’ko sa mga sinasabi mo”
“for now…”
“wag ka ngang assuming! You kissed me, but it doesn’t mean I like it”
“whatever Ray, by the way salamat hindi mo’ko pinabayaan kagabi ha… swabe ka pa lang mag himas” arrrrgggghhhhh! Eeeewwww!
“shut up!” unti unti siyang lumapit sakin, isa ka na lang gugulpihin talaga kitang alien ka!
“kaya mas lalo akong na iinlove sa’yo eh. Pakipot, pa hard to get at higit sa lahat ang cute cute mong magalit” pinisil pisil niya pa ang pisngi ko.
“aray!” sige pa, pa cute pa more. Bigla siyang napa upo sa kama at tinignan ang kuku niya sa paa na tinapakan ko.
“ikaw ha, kanina ka pa… susumbong kita kay daddy Paul” huh? Tama ba ang narinig ko daddy Paul daw?
“ah at ngayon ama mo na rin siya? Sabihin mo nga inampon ka ba niya?”
“sabi niya kagabi daddy na rin daw tawag ko sa kanya, hindi niya ko inampon… you know someday magiging son in law niya rin ako kaya maigi na ring makasanay ako diba? Tsaka masanay kana kasi baka mapapadalas na’ko dito” ang sabi pa niya ang kumindat pa.
“and why is that? Do you have any business here?”
“it’s not really business, pano ako manliligaw kung hindi kita pupuntahan dito diba?”
“bahala ka nga diyan” lumabas na’ko ng kwarto dahil baka kung saan saan pa mapunta ang walang ka kwenta kwentang usapan. Itong ama ko isa rin to eh, tutuhanan na ba talaga to?
Pagkababa ko ay agad kong tinungo ang dining room. Naabutan ko sina dad na nag aalmusal.
“good morning son… na’san si Miguel?” sabi ni daddy paul
“good morning dad, andun pa siya sa taas… dad pwede ba tayong mag usap?”
“sure ano yun?”
“just the two of us please…”
“okay? Sige mag breakfast ka muna anak” ang sabi ni dad na parang nagtataka. Nakita ko rin sa itsura ni daddy Enzo na parang naguguluhan.
“wait is everything okay?” tanong ni daddy Enzo.
“dad please… I’m sorry I want to talk to you now….”
“okay let’s go to my library”
Parang gusto ko siyang kutusan, bakit naman siya pumayag sa gusto ng alien kung totoo man yun…. baka kung ano lang ang trip nitong si Miguel.
Pagkapasok namin sa mini library ay ini lock ko ang pinto.
“dad what is this?”
“wait… have I done something wrong son?”
“dad… please…. Miguel told me na pinayagan mo daw siya to court me, I mean dad seriously?”
Huminga muna siya ng malalim bago siya nakasagot “yup that’s true”
“but why?”
“nagtaka ako kagabi nung sinabi niyang he wants to speak with me in private, so if you’ve noticed pumasok kaming dalawa dito. Bilib din ako sa kanya, he’s very straight forward. He asked me right away kung pwede daw ba siyang manligaw sa’yo”
“pero bakit nga pumayag ka dad?”
“yung araw na pumunta sila nang dad niya sa office para mag apply nang trabaho, I already knew he’s not the usual guys na alam mo na…” hai dami mo ring pasakalye dad “maraming beses ko na siyang nakitang nakatingin sa’yo” ngumisi pa si dad.
“nagkataon lang yun dad”
“at yung akbay niya kagabi? Nagkataon din ba yun?” naalala ko pa nung pinisil pisil niya ang balikat ko. hindi ako nakasagot kay dad “hindi nagkataon ang mga pag titig niya sa’yo, kung nakakatunaw lang siguro ang mga tingin niya, sigurado matagal ka nang natunaw. Alam ko ang mga tingin na’yun, ganyan din ako makatingin kay daddy Enzo mo noon parang tagos sa buto”
“dad, hindi mo pa rin sinasagot ang tanong ko. Ba’t ka pumayag? I’m not gay”
Dad chuckled.
“he’s a nice guy, matalik kong kaibigan ang dad niya and another reason na pumayag ako kasi sinabi na rin daw sa dad niya about he’s feelings for you”
“feelings for me????”
“I know son, you’re not gay, let’s say 20% of your blood is from your daddy Enzo dahil sa blood transfusion however majority of you is me
‘ano daw?’
, kuha mo? In short father like son“ napa nga nga na lang ako sa sinabi ng daddy. So he’s saying that I’m gay? ‘ano pa nga ba?’ ginulo pa niya ang buhok ko na parang isang batang paslit.
Sabay kaming bumalik sa dining room at sumalubong na naman sa’kin ang mukha ni Miguel na naka ngiting aso. Sarap hampasin ng pinggan! Naka upo siya at kumakain kasama si daddy Enzo.
“good morning dad” ang bati ni alien kay daddy Paul. bah kina karir?
“good morning Miguel” abah sinakyan din naman ng isang to. Hai ang dami ko nang kasamang alien..
“so how’s your sleep Miguel? napansin kong lasing na lasing ka kagabi ah”
“okay lang po, masarap po ang tulog ko dad, maalaga kasi tong anak nyo eh… hindi ako nagkamali sa pagpili….” Parang nabawasan ang gana ko sa pagkain. Tapos I heard daddy Enzo snorted.. kaya sinamaan ko nang tingin.
“nothing……” sabi ni daddy Enzo.
“kelan mo naman balak umuwi?” tanong ko kay Miguel.
“pa uuwiin mo na talaga ako? sige ka ma mimiss mo ako agad niyan….” Sarap pa lamon sa kanya ang limang hotdog kasama ang pinggan. Tuluyan nang tumawa si daddy Enzo… si daddy Paul naman nagpipigil pa, pero alam kong tawang tawa na siya. Sana mabulunan kayo!
“dad??????!” ang sabi ko kay daddy Enzo. Pero umiling lang siya.
“wag ka ngang ganyan kay daddy Enzo… marahil naaalala niya lang nung nililigawan pa siya ni daddy Paul” ang sabi ni Miguel. Maka daddy wagas…
“actually hindi ko na siya naligawan, nadaan ko siya sa isang halik with sunset sa dalampasigan” ang pagmamayabang ni daddy Paul.
“wow ang sweet mo naman dad… “
“ naman!“
“hoy Paulo wag ka ngang magmayabang diyan…” sabi ni daddy Enzo at pinandilatan niya si dad.
Bigla nang nag iba ang atmosphere sa bahay. Yung alien naman kung makalabas masok sa kwarto ko parang kwarto niya. Hapon na siya nang umuwi. Dun na siya naligo, na nanghalian… yun lang ang mga ginawa niya pero andun talaga ang pangugulo niya sa tahimik kong buhay. ‘makabag bag damdamin yun ah’
Ginamit niya lahat ng gamit ko. Mga damit, underwear, sabon, shampoo, toothpaste ang the worst pati toothbrush ko.
Bumaba lang ang blood pressure ko ng tuluyan ng sumakay ang alien sa spaceship at bumalik sa Pluto.
Pagkatapos maghapunan ay naupo ako sa garden. Halos hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari, sa mga kinikilos ni Miguel pati ng alien kong ama.
“si Miguel ba ang iniisip mo nak?”
Paglingon ko ay nakita ko si daddy Enzo.
“huh? Of course not… hindi pwede dad… ba’t ko naman siya iisipin”
“alam mo anak halatang nagsisinungaling ka..”
“ba’t ba ang hilig nyong mambasa ng utak ni daddy Paul?”
“we are not reading your mind, syempre anak ka namin at kami ang nagpalaki sa’yo kaya kilala ka namin from head to toe..”
“are you also saying that I’m gay?”
“gay, straight, bisexual, transgender wala kaming pakialam kung alin ka sa mga nabanggit, ang gusto ko lang mangyari balang araw maging masaya ka sa relasyon na papasukin mo. Nagulat ako nang sabihin sa’kin ng dad mo ang sinabi ni Miguel sa kanya pero you know us kaya naintindihan namin siya. Aaminin ko gusto namin siya para sa’yo, pero sa huli it’s up to you pa rin if tatanggapin mo siya sa buhay mo.”
“but I’m not…”
“sssshhhh I know what you’re trying to say…. They say use your mind daw, pero mas magiging maganda kung makikinig ka rin sa puso mo”
Hindi na naman ako makatulog, halos isang oras na’kong nakapikit pero gising pa rin ang diwa ko. Normal pa ba tong mga nangyayari? Pag gay parents ba meaning they will also raise a gay child?
Nag eecho ang mga sinabi ni daddy Enzo sa pandinig ko, parang na sestress ako.
Ano kaya ang gagawin ng board ng Misters of the Philippines pag nalaman nila na ang mga representative nila ang gusto lalake rin mula kay Miguel, Rhett at Borgy. Sige na nga kasama na’ko dun. Naalala ko tuloy ang Tagline ng Misters of the Philippines na “Epitome of True Filipino Gentleman” ’asan na ang hustisya?!“
Nagising ako kasi hindi ako makahinga. Binabangungot yata ako, pero pag mulat ko ng aking mata ay nagsimula na namang kumulo ang dugo ko. Si Miguel pinipisil ang ilong ko.
“wake up sleepy head…”
“anong wake up?! Gusto mo yata akong mamatay eh, hindi ako makahinga sa ginawa mo” pero todo ngiti pa rin si gago “ang aga aga nambubulabog ka… ano na naman ang ginagawa mo dito?”
Tumayo siya at kinuha ang tray na nakapatong sa drawer malapit sa bed ko.
“breakfast in bed….”
“wala akong sakit, tsaka hindi ako bed ridden ano…”
“ikaw ang sungit mo, grabe ka talaga… wag mo namang sayangin ang effort ko…”
“walang may nagsabi sa’yo na dalhan mo’ko ng almusal”
“sige na kumain ka na.. gusto mo SUBUAN pa kita” abah binigyang diin talaga ang word na subo…
“gusto mo subuan kita ng kamao ko?”
“ang harsh mo naman baby… pero kung gusto mo ng tinatawag na force feeding gagawin ko…” ano na naman ang trip ng lalakeng to, sarap sapakin hanggang masira ang mukha. Pero kawawa naman siya pag ginawa ko yun baka hindi na niya ma represent ang pilipinas para sa Mister Tourism.
“ayoko ko nga….”
“sige na kahit isang kagat lang nitong hotdog ko este tong hotdog na dinala ko”
“isa ka na lang ha… matatamaan ka na talaga….”
“sadista ka rin noh.. pero willing akong maging masokista para sa’yo…” hai wala nang patutunguhan to, alam ko kalibugan na ang nasa utak ng lalakeng to. “tas magkakaroon din ng movie ang title ‘The Fifty Shades of Ray’ ahahahaha” sinasabi ko na nga ba…
“sinira mo na ang araw ko alam mo ba yun?”
“sorry naman sige na nga hindi na kita pipilitin kumain, dalhin ko na lang to sa dining room.. aantayin kita dun” hai salamat naman…
Tumayo si Miguel hawak pa rin ang tray na may pagkain at juice. Bumangon naman ako para magbanyo.
“Ray…” eto na naman.. pero lumingon pa rin ako “you have a nice butt” arrrghhhhh!
“ikaw talaga” kinuha ko ang isang unan at hinampas siya ng hinampas.
“aray! Ray…. Ray… matatapun ang juice…” hindi ko talaga tinigilan ang paghampas sa kanya hanggang sa makalabas siya nang kwarto. Nang makalabas na siya ay ni lock ko na ang pinto, abnormal talaga tawa ng tawa kahit wala namang nakakatawa.
Pagkatapos kong magbihis at maghilamos ay bumaba na rin ako.
“anak ba’t ang asim ng itsura mo?” ang tanong ni daddy Paul. Pero hindi ako sumagot at sinamaan ko ng tingin si Miguel.
“anak dinalhan ka ng bulaklak ni Miguel oh white roses meaning ‘Pure Love’” ang sabi ni daddy Enzo at kinikilig.. baklang bakla naman ang dating ko nito… naku kung alam mo lang dad… pure love pure love…. Kung alam nyo lang na kalibugan ang iniisip niya ngayon.
Pagkatapos kumain ay nagpahinga bahagya ang alien at nagyayang maligo sa pool pero tumanggi ako. Kaya ayun nag solo flight ang lalakeng monggo. Sa sobrang inis ko sa pangungulit niya kung ano anu na lang ang tinatawag ko sa kanya.
“Ray! Ray!” makasigaw parang may sunog.
“ano na naman?”
“paki kuha naman ang tuwalya ko please…”
“hindi moko yaya”
“sige na naman please…”
“nasan ba?”
“andun sa bag ko na nasa kwarto mo… salamat…”
Buti naman at may dala siyang mga gamit ngayon.. agad kong binuksan ang bag niya at kinuha ang tuwalya.
“Ray! Ray!” ano na naman kaya to. Pag silip ko sa bintana ay nakita ko si Miguel na hindi mapakali sa pool… “Ray pinulikat ako… tulong!!!!”
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko kasabay nito ang pagbilis ng aking pagbaba sa hagdan para puntahan si Miguel. pagdating ko dun ay tuluyan nang lumubog si Miguel. Tumalon ako sa pool ng walang pag aalinlangan.
Pinahiga ko siya sa may gilid ng pool holy sh*t he’s not breathing! “ pinump ko siya ng pinump pero wala pa rin… oh god…. No choice kailangan ko na siyang eh mouth to mouth…
Nang magkadikit na ang mga labi namin ay naramdaman kong nanginginig siya at dumilat ang kanyang mga mata, pinipigilan niya ang kanyang pagtawa.
“yes! Na isahan kita dun ah.. ahahaha” biglang uminit ang ulo ko kaya sinikmuraan ko siya.
“aray!”
Kinuha ko ang tuwalya at binato sa pagmumukha niya.
“oh! Hayan ang tuwalya mo!” parang nanginginig na’ko dahlia akala ko nalunod siya, yun pala kalokohan lang yun.
Kahit basang basa ako ay tuloy tuloy akong pumasok sa loob ng bahay papunta sa kwarto ko. Naririnig ko ang mga yabag ni Miguel na naka sunod sa’kin at tinatawag ako.
Isasara ko na sana ang pinto pag pasok ko sa kwarto kaya lang pinigilan ni Miguel.
“Ray sorry naman… it was just a joke”
“hindi nakakatawa ang joke na yun! alam mo ba?”
“kaya nga nag sosorry eh…”
“ano bang trip mo ha?”
“I just want your attention..”
“my attention? Hindi pa ba sapat ang lahat ng pangungulit mo sa’kin? Alam mo bang sobrang kinabahan ako nang naramdaman kong parang hindi ka na humihinga….? Ano ba talagang gusto mo ha?”
“ikaw ang gusto ko..”
“dinadaan mo’ko sa mga panis mong hirit eh…”
“totoo naman yun ikaw ang gusto ko.. hindi mo ba nararamdaman yun?” pero hindi ako sumagot “look.. I’m sorry, pangako hindi na mauulit.. sige na magbihis ka na.. it’s too cold…” dugtong niya but I only stared at him.
“Ray maniwala ka, gusto kita, gustong gusto kita… mahal kita at papatunayan ko yun sa’yo.. bigyan mo lang ako ng pagkakataon..” ang sabi niya. Kinuha ko ang aking tuwalya sa kama at pumasok na lang ako ng banyo.
Totoo ba talaga yun, kitang kita ko sa mga mata niya ang sincerity sa paghingi ng sorry mas lalo na nang sabihin niyang mahal nya ko.. Bahala na nga.. aaminin ko may nararamdaman na rin ako para sa kanya, pero sa kabila nun may pangamba pa rin ako.
Itutuloy…
HS3.17
Background music:
Everything by Michael Bublé
Paglabas ko nang banyo ay andun pa rin si Miguel na nakatayo sa gilid, nakatapis siya ng tuwalya at hawak hawak niya ang boxer brief na suot suot niya kanina. Makikita mo sa reaksyon niya na he felt guilty about what he did earlier.
“ikaw na…” pinilit kong ngumiti at ganun din siya.
“salamat”
“Miguel… ah… antayin ka na lang namin dun sa baba para mananghalian…”
“sige.. thanks…” ewan ko parang awkward na yung feeling.. alam nyo yung parang bago pa lang kayo nagkita’t nagkakilala… yun ang nararamdaman ko kasi.
Pagkababa ko ay siya namang pagpasok ni dad at naka coat and tie pa siya.
“hijo sabi ng kasambahay Miguel drowned in the pool.. kumusta na siya?”
“he’s fine dad, it was just a prank”
“thank god…”
“andyan ka na pala mahal..” lumapit si daddy Enzo and gave daddy Paul a sweet kiss. “where’s Miguel anak? Ok na ba kayo?”
“why nag aaway ba kayo?”
“no dad wala yun, na inis lang kasi ako kanina sa kanya dahil sa joke niyang nalulunod siya”
Maya maya pa ay bumaba na si Miguel.
“oh eto na pala siya, hali na kayo gutom na’ko”
“uhmmmm… nagluto ako ng paborito mong chopsuey..” sabi ni daddy Enzo kay daddy Paul habang nakaakbay si daddy Paul sa kanya. Nagkatinginan pa kami ni Miguel ng saglit. Ngumiti na naman siya pero yung ngiting walang halong pa cute.
Pag ka upo ay agad kaming kumain. Gutom na gutom na’ko…..
“are you guys ok?” tanong ni daddy Paul.
“oo naman dad…” sabay naming sabi ni Miguel. Dalawang araw pa lang mukhang sanay na siyang tawagin ang dad ko na daddy. Hmmmm consistent ah.
Mas behave na siya ngayon, hindi na nangungulit ewan ko kung hanggang kelan to, sana tuloy tuloy na.
“Ray may mga bagong movies ka ba dun? Nood naman tayo dude..”
“marami dun… sige na manood ka na dun…”
“samahan mo’ko.. makakatulog lang ako kung wala akong kasama sige na please…”
Kaya sinamahan ko na lang siya na manood. Pina andar ko ang tv at dvd “pili ka lang dyan sa mga dvd sa shelf” tinungo ni Miguel ang shelf at tinignan ang mga dvd. Makalipas ang ilang minute ay may napili na siya, hindi ko nga lang alam kung ano yung pelikulang napili niya.
Nang magsimula nang mag play ang pelikula ay dun ko nalaman na Fifty Shades of Grey pala ang pinili niya.
Magkatabi kaming umupo sa sahig at sumandal sa kama.
“okay lang ba?”
“walang problema…”
“ayus, hindi ko pa kasi napanood ito” swabe lang sa umpisa ang story, tutok na tutok si Miguel at parang hindi kumukurap. Para siyang batang nanonood ng paborito niyang cartoons sa tv. Nakapatong pa ang isa niyang braso sa kama at kitang kita ko ang kanyang kili kili na may maninipis na buhok. Ray ibaling mo sa tv ang iyong atensyon sabi ng utak ko.
Saktong pag tingin ko sa tv ay kasalukuyang nagaganap ang first bed scene ni Mr. Gray at Anastasia kung saan kitang kita ang napaka seksing katawan ng bidang lalake. Shet! One of the hottest and erotic scene in this film.
Bigla akong napatingin kay Miguel at ganun din siya sa akin. Hindi ko na alam kung saan ko ibabaling ang aking paningin kaya yumuko na lang ako.
“are you okay?” tanong ni Miguel
“okay lang ako.. bakit naman?”
“you look uncomfortable.. pwede naman nating palitan ang movie..”
“no.. no.. it’s okay… sabi mo hindi mo pa napapanood yan eh, sayang naman…”
“sige.. sabi mo eh…”
Walang kaming imikan hanggang sa natapos ang movie. Binalik ni Miguel ang dvd sa shelf at pinatay ang tv.
“bitin naman yun, kelan kaya ang karugtong ng pelikulang yun? pero hanep si Mr. Gray ah…. Tsk tsk tsk” si Mr. Gray talaga ang napuna niya. we’ll magugulat pa ba’ko?
Pagbaba namin ay niyaya kami ni daddy Enzo na mag meryenda, nagluto kasi siya ng paborito kong spaghetti. Kwentuhan lang ng konti pero hindi na nangulit si Miguel.
Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na rin si Miguel para umuwi. Kasalukuyan niyang binubuksan ang pinto ng kanyang kotse.
“Miguel…” pagtawag ko sa kanya.
“hmmm?”
“pwede ba tayong mag usap?”
“sure, ano ba yun?”
“not here, somewhere more private… yung tayong dalawa lang..”
“okay…?”
“no I mean somewhere na hindi masyadong matao.. yung pwede tayong mag usap ng maayos”
“ah alam ko na kung san tayo pwedeng pumunta.. tara…” nagpaalam ako sa kay daddy Enzo at pumayag naman siya.
“seatbelt please….” Sabi niya.
“huh?” hindi na siya sumagot at siya na mismo ang umayos ng seatbelt ko.
“hayan, safety first…” ang seryoso niyang sabi.
Umalis kami ng bahay mga pasado alas kwatro ng hapon. Ang daming liko liko na ginawa hindi ko na alam kung asan na kami banda.
“san na ba tayo?”
“dating airport to, minsan dito ako nag jojogging at dun sa dulo dagat na, pwede tayong umupo sa batuhan dun sigurado presko ang hangin dun”
Pinark ni Miguel ang sasakyan niya sa gilid at naglakad kami dun papunta sa batuhan at naupo. Papalubog na ang araw, hinugot ni Miguel ang kanyang cellphone at kinunan pa ng litrato ang araw na unti unting lumulubog.
“siya nga pala ano bang pag uusapan natin?” ang tanong ni Miguel habang patuloy sa pag kuha ng litrato “oi magsalita ka… Ray naman oh” ang sabi niya pa sabay suntok sa tuhod ko.
“Miguel seryoso ka ba talaga?” binalik niya ang kanyang phone sa kanyang bulsa .
“oo naman seryoso ako… “
“ba’t kay dad ka nagpaalam?”
“dapat ganun daw yun, kailangan humingi ng permiso sa magulang ng liligawan. Masaya nga ako na pumayag ang daddy mo eh”
“tapos hindi mo’ko tinanong kung gusto ko rin ba?”
“okay, sige go.. tatanggapin ko naman kung babastedin mo na’ko ngayon, no hard feelings”
“hindi ko sasayangin ang oras mo na pumunta pa dito kung pwede din naman kitang bastedin sa bahay pa lang”
“so you mean…”
“oo payag na’ko pero meron akong mga kundisyon…”
“sige go ano anu ang mga yun?”
“una wag palaging malibog, wag na wag kang magnanakaw ng halik and lastly dapat maging maingat tayo sa mga galaw natin especially pag nasa labas tayo.. alam mo naman siguro ang ibig kong sabihin?”
“oo naman, masusunod lahat yan pangako ko”
Hinatid ako ni Miguel sa bahay pagkatapos naming mag usap. Sana hindi ako nagkamali sa desisyon kung payagan siya. Para naman akong babae nito, liligawan talaga pero sige na nga.
Dumaan ang ilang linggo at naging totoo naman si Miguel sa lahat ng sinabi niya. Marami siyang gimik and I admit natutuwa ako.
Si daddy Paul minsan ang ka kunchaba niya sa mga sorpresa. Naging O.A din si daddy Enzo kasi nung nakaraan bumisita dun sina Borgy kaya nagka inuman na naman. Bantay sarado si Miguel at pinagbabawalan siyang malasing nina daddy kakatawa nga. Nung gabing yun pinatulog nila si Miguel sa guest room hahaha. Sabi pa ni daddy Paul puwede kaming matulog sa isang kwarto kung kami na talaga.. I mean seriously? Sabihin na nating maging kami nga, pero hindi ko ma imagine ang self ko na sumusubo o tinitira from behind. Gross!
“hello Ray kumusta?” si Franz tumawag.
“ok lang naman.. ikaw?”
“ok din naman.. sya nga pala magpapasko na dude.. magpapasama sana ako sa’yo para bumili ng regalo para kay Borgy.. alam mo naman magpapasko na… teka may nabili ka na ba para kay Miguel?”
“eh… wala pa.. hindi pa kasi pumasok sa isip ko yan eh’
“sige na …. Samahan mo na’ko tutulungan kitang mamili ng regalo para kay Miguel.. sige na please”
“ok sige na nga… san ba tayo magkikita?”
Nagkita kami sa isang malaking mall ni Franz, pitaka at couples ring ang regalo ni Franz kay Borgy, relo naman ang napili kong iregalo kay Miguel. Pagkatapos naming mamili ni Franz ay pumasok kami sa isang fast food chain para kumain.
“oh na text ko na sina Rhett at Miguel pati na rin ang pinakamamahal kong si megaphone na mag kri christmas party tayo dun sa inyo sa susunod na Sunday, game daw sila”
“ayus yan, Franz pwedeng magtanong?”
“tanungin mo’ko ng kahit na ano susubukan kung sagutin basta wag lang yung math”
“ano ba yung top at bottom?”
“ahahaha ba’t mo natanong yan ah? Naku naku…. Hmmmmm”
“ba’t tanong din ang sagot mo?”
“ba’t mo nga natanong…”
“pwede paki sagot na lang? pwede ba yun?”
“chill pare… yung top yun ang kadalasang dominant sa relationship, hanggang sa kama.. ang pure top hindi sumususo o nagpapatira”
“you mean yung bottom ang ……”
“yup….. hmmmmm yung totoo.. bottom ka noh?”
“ewan ko… hindi ko alam… ikaw?”
“hmmmm pwede….”
“what do you mean pwede?”
“pwede akong maging top or bottom o yung tinatawag nilang versa/versatile”
“so ibig mong sabihin minsan ikaw ang umaaano kay Borgy…”
“hep.. hep… hep.. masyado nang personal yan ah.. pero yung totoo san ka ba dun sa tatlo..”
“hindi ko nga alam….”
“ahahaha bahala ka nga, pero sa tingin ko pure top yang si Miguel…. prepare to be divirginized.. ahahaha”
“you know what you’re so vulgar.. masyado nang masama ang tingin ng ale sa kabilang table”
“bahala sya, if she can’t stand it pwede naman siyang lumipat ng table. But going back malalaman mo yan pag may nangyari na sa inyo, pero para mangyari yun dapat sagutin mo muna siya kita naman na mahal ka niya, ikaw lang tong pabebe”
“hindi pa’ko ready, siguro patapusin ko na lang ang Mister International at Mister Tourism International. Tama na muna tong M.U na muna kami. Mahirap nang ma isyuhan”
“sige sinabi mo eh, kung sabagay mukhang willing naman siyang mag antay sa’yo
Ang kumplikado naman nito, hindi ko naman alam kung san ako dun sa tatlo. Never pa naman akong nakipag sex sa kapwa lalake. Pano nga kung pure top si Miguel, yari ako nito ayun pa sa nabasa kong article sa internet sobrang painful daw ng anal sex. Ewan ko kung totoo ba talaga yun kasi nung minsan nanood ako ng m2m na video mukhang sarap na sarap naman ang bottom.
Bakit ba ganito na agad ang mga iniisip ko? Di pa naman kami.
Dumating na ang araw ng linggo at nag Christmas party kami sa bahay. Kasali sina dad pati parents ni Miguel. As usual kami kami lang ang nandun alam nyu naman ang dad ko. Pagkatapos kumain ay nag umpisa nang magpalitan ng regalo.
“Ray oh merry Christmas” inabot sakin ni Miguel ang isang maliit na box. Pag open ko ay relo din ang niregalo niya sa’kin katulad na katulad ng relong regalo ko sa kanya.
“salamat ang ganda” sabi ko at binuksan niya ang binigay kong regalo sa kanya. Namangha siya nang makitang magkapareho ang relo naming dalawa.
“ui… soulmate talaga silang dalawa, tignan nyu guys magkapareho sila ng relong binili para sa isa’t isa’” sabi ni Rhett. Naghiyawan na naman ang mga martian..
Inabot din ni Borgy kay Franz ang kanyang regalo at abot tenga ang ngiti ni Franz habang binubuksan ang karton.
Hinugot ni Franz ang laman ng karton at tinignan ito. Mahaba na kulay pink.
“hala pare dildo ba yan?” sabi ni Heaven na siya namang ikinatawa nang lahat. Ay oo nga, ito ang itsura ng erect na manoy. Sinamaan ni Franz ng tingin si Borgy at bigla niya itong hinampas ng dildong hawak niya.
“aray ko…” ang sabi ni Borgy habang sinasapo ang kanyang ulo. Tumigil ang tawanan nang marinig nang lahat na humihikbi si Franz.
“hala… l.q na yan…” ang sabay sabay na sabi naming lahat.. hinawakan ni Borgy si Franz sa bewang at may kuha siyang maliit na box sa kanyang bulsa. “sorry na hindi naman talaga yan ang regalo ko sa’yo eh” pag aalo ni Borgy sa kanya.
“ewan ko sa’yo!”
“ito ang regalo ko sa’yo oh, will you marry me?” pero mas lalong umasim ang itsura ni Franz nang makita ang regalo ni Borgy.
“oh bakit anong problema?” tanong ni Borgy
“eeeehhh… kasi sing sing din ang regalo ko sa’yo eh..”
“oh anong problema dun? Eh di isuot lahat…. Teka nga mabuksan nga tong regalo mo” ang sabi ni Borgy at hinalikan si Franz sa noo. Isinuot niya agad ang sing sing at isinuot din ang ibang sing sing sa kay Franz.
“ang ganda ..oh hayan ah, sinuot ko na, ayos na tayo ha” dinampot ni Borgy ang dildo at binigay kay Franz “oh itago mo muna yan kasi maglalaro tayo mamaya gamit yan”
“sapak gusto mo?”
“joke lang….”
“naku…. Meron na namang mabibiyak na alkansya mamaya ahahaha” ang sabi ni Rhett.
“he!” sabi ni Franz.
“Borgy hijo sakaling.. alam mo na, naka ready ang guest room para sa inyo” sabi ni daddy Paul.
“tumigil ka nga… wag mo silang hawahan ng kalibugan mo Paulo” suway ni daddy Enzo.
Lumabas si Heaven at bumalik din agad na may dalang isang box. Inabutan niya sina Miguel, Borgy, tito Jake at si daddy Paul ng maliliit na box at kulay pula ang wrapper nito.
“teka ba’t sila lang?” ang tanong ni Franz
“share kayo dyan, mapapakinabangan nyu talagang lahat yan” ang sabi ni Heaven tsaka ngumisi.
Binuksan ni Borgy ang karton at parang sisidlan ng toothpaste ang korte nito pero transparent nga lang.
“water based lubricant, strawberry flavor” binasa ni Borgy ang nakasulat sa karton. Ano daw? Lubricant? Hahaha “may mga condom pa oh”
“mahal.. may supply na tayo oh” ang sabi ni daddy Paul kay daddy Enzo.
“ikaw kanina ka pa ha…” ang sabi ni daddy Enzo at kinurot niya si daddy Paul.
“aray ko… palagi kong sinasabi sa’yo na wag mong gawin yan kasi it turns me on… mananagot ka later” ang sabi ni dad “Heaven salamat hijo”
“naku tama na nga yan, itago nyu na yang dildo at tsaka mga lubricant na yan” ang natatawang sabi ni tito Jake “ang lilibog nyu.. Paul ion mo nga yang karaoke mo at simulan na natin ang kantahan.
Syempre na una si daddy Paul at kinanta ang Everything ni Michael Bublé habang nasa tabi ni daddy Enzo.
You’re a falling star, you’re the get away car. You’re the line in the sand when I go too far. You’re the swimming pool, on an August day. And you’re the perfect thing to say.
And you play it coy but it’s kinda cute. Ah, when you smile at me you know exactly what you do. Baby don’t pretend that you don’t know it’s true. ’cause you can see it when I look at you.
And in this crazy life, and through these crazy times It’s you, it’s you, you make me sing. You’re every line, you’re every word, you’re everything.
You’re a carousel, you’re a wishing well, And you light me up, when you ring my bell. You’re a mystery, you’re from outer space, You’re every minute of my everyday.
And I can’t believe, uh that I’m your man, And I get to kiss you baby just because I can. Whatever comes our way, ah we’ll see it through, And you know that’s what our love can do.
So, la, la, la, la, la, la, la So, la, la, la, la, la, la, la
And in this crazy life and through these crazy times It’s you, it’s you, you make me sing. You’re every line, you’re every word, you’re everything. You’re every song, and I sing along. ’Cause you’re my everything. Yeah, yeah
So, la, la, la, la, la, la, la So, la, la, la, la, la, la, la
Habang tinitignan ko kung pano hagkan ni daddy Paul si daddy Enzo ay napapaisip din ako. Kung sakali bang maging kami ni Miguel, magiging ganyan din kaya kami balang araw. Ano kaya ang pakiramdam na may nagmamahal sa’yo ng totoo at wagas, yung ipaglalaban ka hanggang sa huli. Yung kayang iwan ang lahat sa ngalan ng pagmamahal. They said same sex relationship daw doesn’t last but my parents proved na kayang maging maligaya sa piling ng isa’t isa ang nagmamahalang pareho ang kasarian.
Itutuloy….
HS3.18
Miguels POV
Even though it’s not official na kami talaga we’ll atleast I can sense something different. I know gusto niya rin ako, itutuloy tuloy ko na talaga ang kabaklaang to kung yun ang tingin nyo.
Una natakot ako sa magiging reaksyon ni tito Paul na ngayon ay daddy Paul na din ang tawag ko. I thought nangangarap siyang magkaroon ng alam nyo na normal na pamilya ang kaisa isa niyang lalakeng anak. Ang magkaroon ito ng asawang babae at makakapagbigay sa kanya ng sangkaterbang apo. But I was wrong, after I told him na may gusto ako sa anak niya, his face lightened up tandang tanda ko pa ang mga katagang binitawan niya ‘I was waiting for you to say that’ yun ang eksaktong sinabi niya. Oo he knew it all along base daw kung pano ko titigan si Ray.
Sabihin na nating medyo may kasamang set up na din to. Naalala nyu nung araw na ako ang pinalit niya dun sa taong dapat sasama kay Ray during his Misters of The Philippines journey. Sabi niya yun daw ang tamang panahon na magkasama kami. Pero I just want to make this clear, wala akong ka ide ideya sa gustong mangyari ni daddy Paul.
Ang alam ko lang I woke up one day na ang saya saya ko kapag nakikita ko si Ray. Oo palagi ko siyang kinukulit to get his attention naniniwala kasi ako sa saying na the more you hate the more you love and somehow I can say 75% effective ang strategy na yun.
Naalala ko ang araw na nahalikan ko siya, parang magtatalon ako nun sa tuwa nang sinabi niyang nagseselos siya sa tuwing nakikita niya kong may kausap o kasamang iba. So I kissed him, sino ba namang tunay na lalake ang papayag na halikan lang ng basta basta. After ko siyang mahalikan nun, nag antay ako na may dumapong kamao sa pagmumukha ko pero wala, na tameme siya. Kaya yun ang dahilan ng pag walkout ko, hindi ko kasi alam kong pano mag re react. Paglabas ko ng kwarto parang gusto kong tumambling sa hallway.
Siguro ganito talaga pag tinamaan ka nang pag ibig. Before we met sa pagkakaalam ko babae ang hinahanap ko eh, nang malaman ko nga na may ari pala ng isang malaking kumpanya si daddy Paul, naisip ko talagang maraming chicks na sexy at magaganda dun. Sabi ko pa nga sana may ma bingwit akong modelo dun na mala Georgina Wilson ang ganda, pero nag iba ang ihip ng hangin.
I’m just a man and I’ll be honest naghahanap din ang katawan ko ng malalabasan ng init. Pero wala na akong girlfriend nang umuwi kami dito sa pilipinas kaya nag ma mariang palad na lang ako kadalasan. Total dahil honest ako sasabihin ko na ang mga kababuyang pumapasok sa isip ko. When I feel horny, iniimagine ko na lang ang mga magagandang babae sa straight porn na pinapanood ko.
Again when I met Ray nag iba ang ihip ng hangin, nag umpisa ito nang makita ko siyang half naked habang nag pipictorial siya.
Mahal ko si Ray pero may mga oras na ginagapi ako ng kamunduhang pagnanasa sa tuwing maaalala ko ang hubad niyang katawan yan ang mga oras na nagkakaroon ako ng boner.
Nung nananatili pa kami sa hotel iisa lang ang kama na hinihigaan namin. Ewan ko ba sa tuwing makikiskis ang balat niya sa balat ko habang natutulog kami ay nakakaramdam ako ng libog. Yun ang dahilan kung bakit ko siya nayayakap. Ok! Ok! I’m conscious during those times.. pero nagtutulog tulugan lang ako.
Isang gabi mabuti na lang napigilan ko ang sarili ko na halikan siya habang tulog. Matagal na’kong tigang at parang gustong gusto ko na siyang hagkan at halikan. Pero bago pa magkagulo ay naisipan kong mahiga sa sahig ng time na yun, pero pinabalik niya ako sa kama. Pagkatapos ng ilang oras na gising ulit ako at naramdaman kong tigas na tigas na ang alaga ko, kaya bago ko pa siya mababoy ay nagpunta na lang ako sa banyo para maligo, baka sakaling mawala ang pagnanasang nararamdaman ko.
Pero natalo pa rin ako ng aking kalibugan kaya na isipan kong magkamay na naman ulit. Hindi ko alam na hindi ko pala na lock ang pintuan ng banyo at biglang pumasok si Ray. I know na kita niya ang ginagawa ko nung time na yun.
Pero sa kabila ng lahat ng yun alam ko, mahal ko talaga siya and I will prove to him na pagmamahal talaga ang inaalay ko sa kanya. Alam ko meron din siyang nararamdaman para sakin sabihin na nating kahit konti lang. But I know something is holding him back para tuluyan niya na ring sabihin na mahal niya ako, but whatever it is hindi ko pa rin ako mapapagod na ipakita sa kanyang mahal ko siya.
“hoy pare kanina ka pa tulala diyan.. ano na namang iniisip mo?” pagtawag ni Borgy sa aking atensyon. Tuloy pa rin ang kantahan nina daddy, sina Franz at Ray naman nasa kusina at iniinit ang sisig para sa pulutan.
“wala naman… may naisip lang ako”
“huhulaan ko tungkol ba’to sa panliligaw mo kay Ray?” huminga muna ako ng malalim bago ako nagsalita.
“kasi pare feeling ko there’s something holding him back para sagutin niya’ko”
“tinanong mo ba?”
“hindi eh”
“pare ang hina mo rin, pano mo malalaman? Tanungin mo at klaruhin mo ngayon pa lang”
“humahanap pa’ko ng tyempo dude”
Maya maya pa ay bumalik sina Ray at Franz dala ang dalawang plate ng sisig. Nilapag nila ito sa center table. Kinuha ko ang kutsilyo at isang kalamansi at aksidenteng nahiwa pati daliri ko.
“ouch!” bwesit! Humapdi lalo nang malagyan ng katas ng kalamansi ang sugat ko.
“halika nga dito gamutin natin yang sugat mo” sabi ni Ray.
Sumunod ako sa kanya sa taas at pumasok kami sa kwarto niya. Umupo ako sa kama at tinungo naman niya ang isang drawer at kinuha ang first aid kit.
“walang betadine kaya eto na lang alcohol ang gagamitin nating panglinis”
“pwede bang tubig na lang, ang hapdi hapdi niyan eh baka mamatay ako”
“yung iba ngang nasaksak sa atay buhay pa, ikaw sa hintuturo mo lang ang sugat mamatay ka agad? Ang o.a mo ha… akin nang kamay mo”
“ayoko”
“akin nang kamay mo… bilis…” hinawakan niya ang kamay ko at nilagyan ng alcohol. Shet! Ang hapdi sobra.
Pinahiran niya ng bulak ang sugat para matuyo. Hinihipan hipan niya pa ang sugat ko. Pagkatapos maalis ang dugo nilagyan niya na ito ng gauze.
“oh ayan tapos na… oh buhay ka pa naman ah… sa susunod wag maghiwa ng kahit ano sa kamay”
“eh dumaplis lang naman….”
“sige na, bumalik na tayo dun baka kung anong isipin ng mga tao kung magtatagal tayo dito”
“Ray pwedeng magtanong?”
“ano yun?”
“ano pa bang pumipigil sa’yo?” umupo siya sa kama sa tabi ko.
“matagal ko na ring gustong sabihin sa’yo to, wag ka sanang magagalit” huh? Mukhang hindi maganda to ah, pero dapat ihanda ko ang aking sarili sa kung ano mang sasabihin niya.
“next year, lalaban pa ako sa Mr. International at ikaw naman sa Mr. Tourism..”
“and then?”
“pwede ka pa bang mag antay na matapos ang mga iyon?”
“is that what’s holding you back?” tumango lamang siya and somehow I felt relieved.
“wew! Kala ko kung ano na, yun lang pala, oo naman makakapag antay ako..”
Biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ni Ray at iniluwa si daddy Paul.
“parang nakakalimut kayo sa pinag usapan ah..”
“ginamot ko lang ang sugat ni Miguel dad” sabi ni Ray at nagkamot pa ng ulo.
“whatever, two of you, downstairs.. now…” ang sabi ni daddy Paul pinauna pa niya kami ni Ray na bumaba at siya ang nagsara ng kwarto.
Mga ala una na nang madaling araw ng matapos ang Christmas party namin. Umuwi sina papa pero sina Borgy, Heaven, Rhett at Franz ay dun natulog sa guest room. Kakatapos ko lang maligo naisipan kong puntahan si Ray. Kumatok ako sa kanyang pinto at binuksan niya naman agad ito.
“hi” sabi ko. Tumingin pa siya sa paligid at hinila ako papasok sa kanyang kwarto.
“anong ginagawa mo dito? Baka mapagalitan tayo ni dad..” sabi niya.
“pambihira, ikaw ang humila sa’kin eh mag go goodnight lang naman sana ako. Good night…” sabi ko sa kanya sabay ngiti.
“oh siya sige na goodnight na.. balik ka na dun sa kwarto mo, baka makita ka pa ni dad sige ka pag nagalit yun nagtra transform siya into incredible hulk”
Pinihit ko ang siradora at binuksan ang pinto pero hindi ako tuluyang lumabas at nilingon ko muna siya…
“sige na… labas na” ang sabi pa niya habang tinutulak ako.
Gustong gusto ko na siyang makatabing matulog , yung may kukulitin at lalambingin muna ako bago matulog. Pero kailangan ko munang magtiis para sa kanya.
Itutuloy…
HS3.19
Miguel’s POV
Ala una na ng madaling araw. Konti na rin ang naririnig kong mga paputok, nag text ako kay Ray kanina at binati siya ng happy new year pero hindi siya nakapag reply. Puntahan ko kaya.
“mom, dad punta lang ako kay Ray” sabi ko kina mommy at daddy na wala pa ring tigil sa pagkain tumango lamang si dad at nangingintab ang bibig sa kakakain ng lechon “dad dahan dahan lang sa lechon…”
“sige na…. puntahan mo na si Ray dun dami mong sinasabi….” Sabi ni dad
“take care honey” sabi ni mommy.
Ilang minuto lang ay narating ko ang bahay nila at nakita kong nakikipag inuman si daddy Paul sa hardinero at driver sa garden ng kanilang bahay, nandun din si daddy Enzo.
“Miguel hijo happy new year” bati sakin ni daddy Paul.
“happy new year din po” ngumiti pa ang driver at hardninero.
“si dad mo kumusta dun?”
“hayun po, parang walang bukas kung kumain ng lechon. Siya nga po pala asan si Ray?”
“andun sa loob, puntahan mo kanina pa kain ng kain yun….hehe” sabi ni daddy Enzo.
“sige po”
Dahan dahan akong pumasok sa loob, nakita kong nakatalikod si Ray na parang may hinihiwa sa ibabaw ng lamesa. Nakasuot siya ng light brown na short at polka dots na polo. Hindi pa rin niya naramdam na nasa likod niya ako. Tinakpan ko ng aking mga kamay ang kanyang mga mata. Agad naman niya itong tinanggal at hinarap ako.
“Miguel… ba’t andito ka?” ang tanong niya at nangingintab din ang kanyang mga bibig, crispy pata pala ang kinakain niya.
“grabe hindi mo man lang ako babatiin ng happy new year?”
“ay… happy new year pala, pero diba dapat nasa bahay ka ninyo?”
“eeehhh… gusto kitang makita eh, tsaka nagtext ako sa’yo kanina nung alas dose pero hindi ka nagreply”
“andun kasi ang cellphone ko sa taas eh, pasensya na”
“okay lang, teka sa dinami dami ng handa nyu ito talagang masebo ang pinapapak mo”
“masarap kasi eh” naghiwa siya ng maliit na bahagi at isinubo sa’kin “oh tikman mo masarap yan”
Ang cute cute niya pag ngumi ngiti at parang gusto ko siyang nakawan ng halik sa pisngi. Pero naalala ko ang sinabi niyang wag akong magnanakaw ng halik. Naupo kami sa sofa at nag usap habang kumakain. Marami din kaming napag usapan, kasama na dun ang pagpunta niya sa Czech Republic para sa Mister International. Napag usapan na din namin na ako pa rin ang sasama sa kanya sa pagpunta dun.
“ang sarap naman ng leche flan, si daddy Enzo din ba ang nagluto nito?” tanong ko sa kanya.
“oo, siya lahat nagluto nito, assistant niya lang ang mga kasambahay” ang proud na sabi ni Ray.
“siguradong hahanap hanapin ko to. Marunong ka bang magluto nito?”
“ayokong matutong magluto”
“bakit naman?”
“baka kasi pag natuto ako, kakain na lang ako ng kakain. Baka maging balyena ako hahahaha” at tumawa pa siya ng bahagya “hayaan mo sasabihin ko kay dad na gusto mo to, siguradong ipagluluto ka nun palagi”
“dapat matuto ka na ring magluto” ang sabi ko sa kanya sabay akbay.
“ehem!” nakita ko si daddy Paul na naka dungaw sa bintana.
“dad ano ka ba, aatakihin kami sa puso dahil sa’yo”
“anak paki kuha naman ng yelo, na ubos na ang yelo namin eh…” agad namang tumayo si Ray at pumunta sa kusina. Nginisihan pa’ko ni dad.
“mukhang ayos ang galaw galaw natin diyan ah?” ang maangas na sabi ni daddy Paul at halatang medyo lasing na kaya hindi ko napigilang tumawa. “oh ba’t ka natatawa?”
“wala po, lasing na po kayo dad”
“hindi pa’ko lasing no, halika samahan mo kami dito” ang pag aya sa’kin ni daddy Paul.
“sige po maya maya sunod ako sa inyo dyan”
“ay wag na lang pala, ayusin mo na lang ang mga galaw galaw mo diyan. Pero wag kayo dyan sa sofa ha?” ay… lasing na nga.
“hoy Paulo may pintuan na may pintuan diyan ka talaga sa bintana. Ano na naman yang mga kalokohan ang pinagsasabi mo kay Miguel” narinig ko si daddy Enzo na nasa labas din.
“wala naman, may sinasabi lang ako dito kay Miguel….”
Bumalik na si Ray dala ang mga yelo at inabot niya it okay daddy Paul. “dad pulang pula na kayo ah”
“pssss…. Wala to konti pa lang na inom namin, kaya pa to hijo”
Mag aalas singko na ng madaling araw ng nagpaalam ako para umuwi. Naabutan ko pang nag eempake sina daddy at mommy, dadalaw daw kasi sila sa mga kamag anak namin. Pinilit nila akong sumama pero natatamad ako.
Ang dami pang habilin ni mommy kaya mga halos alas siete na nang umaga ako nakatulog.
Nagising ako mga alas tres ng hapon, nakaramdam ako ng uhaw kaya lumabas ako ng kwarto para uminom ng tubig. Ang bigat pa rin ng mga talukap ng aking mga mata kaya imbis na bumalik sa kwarto ay nahiga na lang ako sa sofa at nakatulog muli.
Paul’s POV
Looks like my dreams are coming true. Hindi ko na kailangang gumawa pa ng plano, woah! Wait bago kayo mag isip ng kung ano anu, I just want to make things clear. Hindi ako ang bad guy dito, hindi pwede, hindi sa love story ng anak ko at kung meron man siguradong maghihirap ang kokontra who ever he or she is.
Hindi ko alam pero sa dugo talaga yan. Pumasok din sa isip ko noon na straight talaga tong anak ko, na magkakaron ako ng tinatawag na apo sa kung sino mang babaeng mapipili niya. Pero parang sumusunod yata sya sa mga yapak ko.
Ako ang nagpalaki sa kanya kaya alam ko ang bawat galaw niya, alam ko ang galaw ng tunay na lalake. FYI hindi ko siya nakitang nag laro ng manika or kung ano mang kabaklaan. May iba sa timbre ng boses eh. Alam nyu na ang sinasabi ko.
Nang makita ko noon ang anak ni pareng Jake na si Miguel, halos magdasal ako sa lahat ng santo na sana kahit konti lang ay may halong berde ang dugo niya. Tila sumasang ayon din sa’kin ang tadhana.
Kunyari nagulat ako ng sabihin ni Miguel na may gusto siya kay Ray, pero binawi ko rin naman ng sabihin ko sa kanyang inaantay ko talaga na sabihin niya yun. Totoo naman inaantay ko talaga na sabihin niya yun. May ideya na kasi ako kahit papano, I don’t know kung pano ko na isip na magkakagusto siya sa anak ko pero siguro dahil sa radar? Peste sobrang bakla diba?
Hindi naman sa masyado akong pa virgin effect para sa anak ko. Even though sinabi ni Miguel na gusto niya at mahal niya ang anak ko ay maniniwala na agad ako. Kaya mabuti na tong may ligawan session muna sila kesa sa bigla na lang maging sila.
Oo hindi kami dumaan ni Enzo sa ligawan moment pero iba naman yung sa’min, sa pagkakaalam ko ako ang patay na patay sa kanya. Hindi natin alam kung ano pang pwedeng mangyari, mapaglaro din si tadhana ika nila at minsan may mga sagabal sa kung ano mang kaligayahan ang meron tayo ngayon. Wag na kayong manghula kung sino ang sagabal, ako ang bahala dun kung meron man.
“anak, anong nangyari sa’yo” tanong ko kay Ray ng makita ko siyang pawis na pawis na pumasok sa bahay.
“dad kailangan kong umalis papuntang Czech Republic now, pinapatawag na kami dun” ang sabi ni Ray at patakbong pumasok sa kwarto. Kinuha niya ang isang maleta at naglagay ng kanyang mga damit.
“alam na ba to ni Miguel?”
“opo tinawagan ko po siya, pero kailangan kong mauna dun, kailangan na po eh. Dad paki book ng ticket, if possible tonight or mamayang madaling araw”
“o siya sige”
Nakapag pa book ako ng ticket para sa kanya mamayang gabi “anak you’re flight will be at ten o’clock tonight”
“salamat po dad”
“anak, kaya mo ba yang dalhin lahat?”
“opo naman dad, pagdating sa airport dun, may susundo naman sa’kin”
Hinatid namin siya sa airport at pagka alis na pagka alis ng eroplano ay umuwi kami agad ni Enzo.
Miguel’s POV
“magandang araw hijo” ang bati ni daddy Paul sa akin. Bihis na bihis na siya para pumasok sa opisina.
“si Ray tulog pa po ba?” parang nabigla si daddy Paul sa tanong ko.
“sabi niya tumawag siya sa’yo na kailangan na niyang pumunta sa Czech Republic dahil kailangan na daw” naguluhan ako sa sinabi ni daddy Paul “umuwi siya kahapon na pawis na pawis at nagmamadali. Umalis siya ng ten o’clock kagabi. Hindi ba kayo nagkita kahapon?”
“hindi po dad, tulog po ako halos buong araw.. wala po akong na receive ni isang text o tawag mula sa kanya at sa pagkakaalam ko mga 3 weeks from now pa ang pageant” tila gumulo na rin ang ulo ni daddy Paul.
“nagdala pa nga siya ng leche flan dahil dadalhin niya daw sa’yo. Wait I’ll call him” binuksan ni daddy Paul ang kanyang phone. “ring lang ng ring”
“dad tatawagan ko ho si Madellete ang isa sa mga staff sa Misters of the Philippines siguradong may alam siya”
Nagulat ako sa sinabi ni Madellete. Hindi daw nabago ang schedule ng Mister International. Kinakabahan ako, ano ba tong nangyayari?
“Miguel hijo, kala ko may usapan kayo ni Ray na sasamahan mo siya sa Czech Republic” pero hindi ako nakasagot kasi naguguluhan na’ko kung bakit siya umalis ng basta basta.
“Miguel, Paul anong problema?”
“Dad, ang pageant sa Mister International will be held 3 weeks from now…. Yan ang sabi ng staff ng Misters of the Philippines” nagsimula nang mabalisa si daddy Enzo. Inilabas niya ang kanyang cellphone at nag dial.
“Paul hindi nag riring ang phone niya” nakita ko ang takot at pag aalala sa mga mata ni daddy Enzo. Kinakabahan na din ako. Hindi kami nagkita kahapon at wala din naman akong natanggap na text mula sa kanya. Pero bakit? bakit umalis na lang siya bigla?
“ssshhhh… relax mahal… sooner or later he will call or text us…” pag aalo ni daddy Paul kay daddy Enzo sabay haplos sa balikat.
Ang sikip ng dib dib ko. Tinext ko rin siya at tinawagan pero wala talaga. Hanggang sa pag uwi ko ay tnatawagan ko siya pero hindi naman niya ito sinasagot. Magdamag na naka on ang laptop ko at naka login sa facebook. Nag send din ako ng message sa kanya pero hindi talaga siya nakapag online.
Ang sakit na ng ulo ko sa kakaisip kong ba’t bigla na lang siyang umalis. Ang sakit sakit sa puso, naramdaman ko na lang ang pagtulo ng luha ko. Parang kalahati ng pagkatao ko nawala. Parang biernes santo ang pakiramdam ko.
Tinatakasan ba niya ako? bakit?
Tatlong araw na ang nakalipas pero wala kaming narinig mula kay Ray, his phone is always off. Ang dami ko nang text sa kanya pero ni isang reply wala.
Papunta ako ngayon sa bahay nila para personal na magtanong kina daddy Paul kung ano nang balita.
“hindi ko ma intindihan kung anong nangyari sa batang yun, hindi naman siya ganyan eh” ang nalulungkot na sabi ni daddy Paul. “dumudoble ang lungkot na nararamdaman ko sa tuwing nakikita kong umiiyak si Enzo. Hindi kami makatulog ng maayos dahil sa pag aalala sa kanya” sa gitna ng pag uusap namin ni daddy Paul ay tumunog ang phone niya. Biglang nagliwanag ang kanyang mukha ng makita ang rumehistrong pangalan sa screen ng kanyang telepono.
“Ray anak, nag aalala kami sa’yo ano, bang nangyayari?” ang tanong ni dad sa kanya “pero bakit?” parang naluluha na si daddy Paul habang kinakausap si Ray “I understand anak, but can you please atleast tell me where you are exactly?” sinenyasan ko si daddy Paul na gusto kong kausapin si Ray at inabot naman niya ang cellphone sa akin.
“hello Ray…..” bigla na niyang pinutol ang tawag. Tinawagan ni daddy Paul ang number ni Ray, but unfortunately na ka off na naman ito.
Itutuloy…
HS3.20
Miguel’s POV
Ba’t niya ko binabaan ng telepono? Ang sakit sakit sa dib dib isipin na iniiwasan niya ako pero hindi ko naman alam ang dahilan. Sinubukan ni daddy Paul na tawagan siya ulit pero naka off na naman ang kanyang telepono. Natulala na lang ako habang naka upo sa sofa. Hindi ko talaga ma intindihan ang nangyayari.
Nakita kong may kinakausap si daddy Paul gamit ang kanilang landline. Hindi ko ma intindihan, banyagang lingwahe ang lumalabas sa kanyang bibig. Agad niya akong nilapitan nang maibaba niya ang telepono.
“Miguel, mag empake ka hijo. Aalis ka papuntang Czech Republic ngayon din”
“ano pong nangyayari? Tsaka hindi ako nakapagpaalam kay daddy” nabigla kasi ako sa sinabi ni daddy Paul.
“ako nang bahala sa daddy mo. Now c’mon sasamahan kitang kunin ang mga damit mo”
Sumakay ako sa sasakyan ni daddy Paul at hinatid sa bahay para mag empake. Naguguluhan na talaga ako, ano ba tong nangyayari? Parang hindi ako makahinga ng maayos. Matapos mag empake ay agad kaming umalis patungong airport.
“nasa Prague Mariott Hotel daw siya ngayon” ang sabi ni daddy Paul habang nag da drive.
“sige text ko po siya na susunod na’ko sa kanya”
“don’t text him, wag mong ipaalam sa kanya na susundan mo siya dun” nakakabaliw na to, parang gusto kong magwala.
“Miguel hijo, mahal mo ba talaga ang anak ko?”
“oo naman dad, mahal ko siya. Gagawin ko ang lahat para sa kanya”
“very good, now kahit na anong mangyari, wag na wag mong pababayaan si Ray at wag kang susuko. Maipapangako mo ba sa akin yun?” tuluyan na ngang sumakit ang ulo ko sa pag iisip kong ano ang nangyayari.
“pangako po”
“very well, nagpa book ako ng accommodation para sa’yo dun sa Mariott Hotel, pero please wag mong ipaalam kay Ray na nandun ka. I know masyadong magulo at si Ray lang ang makakasagot sa tanong mo kung bakit siya lumayo” he sighed heavily “you need to do your best para makausap siya” napakamot na lang ako sa aking ulo. Lord! What is this?
“I will transfer funds to your bank account kaya wag kang mag alala. Bayad na rin ang stay mo dun sa hotel. May kotse nang naka book para maghatid sa’yo dun sa hotel…” parang lumulutang ang utak ko hindi ko alam kung matatandaan ko pa ba ang ibang instructions na binigay sa’kin ni daddy Paul.
Masyadong biglaan ang lahat, pinapahirapan mo ba’ko Ray? Sinusubukan mo ba kung hanggang saan ang pagmamahal ko sa’yo?
“Miguel…..”
“yes po?”
“I said pagkarating mo dun call me immediately… okay?”
“opo dad” narating namin ang airport at after thirty minutes umalis na agad ang eroplano. Magkahalong excitement, kaba at anxiety ang nararamdaman ko. Ang tagal pala ng byahe, almost 13 hours daw sabi ni daddy Paul.
Nang magising ako ay papalanding na ang eroplano sa Václav Havel Airport Prague. Sumakay ako sa kotseng pina book ni daddy Paul. Ang ganda pala ng lugar na to at totoo nga ang sabi ng mga kaibigan kong nakapunta na dito napaka dramatic ng lugar. Pero sobrang lamig din, buti na lang na dala ko ang iba kong damit na pang winter, sabi din kasi ni daddy Paul January is one of the coldest month dito sa Prague.
Narating namin ang hotel at wala akong ginawa kundi bumaba lang sa kotse at sumunod sa attendant papunta sa magiging kwarto ko. Ibang klase talaga ang taste ni daddy Paul. Ang ganda ng hotel na to, sigurado akong ilang libo ang stay ko dito kung icoconvert sa peso.
Napaka elegante ng kwarto, pag dungaw ko sa bintana ay kitang kita ko ang ganda ng lugar, para akong bumalik sa Renaissance period dahil sa desenyo ng mga building na natatanaw ko.
Dahil sa pagod sa byahe ay nakatulog ako nang hindi nagpapalit ng damit at nakalimutan ko ring tawagan si daddy Paul.
Bigla akong nagising dahil naka rinig ako na may sumigaw sa labas ng kwarto. Mga sigaw na nakaka panindig balahibo. Dahan dahan akong lumapit sa pinto at binuksan ito ng bahagya. Napakatahimik. Nang tuluyan ko na itong binuksan ay tumambad sa’kin ang tatlong duguang katawan na puno ng sak sak, nagkalat ang dugo sa makintab na sahig.
Nakita ko si Ray na ilang metro lang ang layo mula sa akin. May mga dugo ang kanyang damit at mga kamay. May hawak siyang kutsilyo habang nakatingin dun sa mga bangkay.
“Ray… anong nangyayari” humakbang ako para sana lapitan siya pero umatras siya. Hindi siya nagsalita. Ang mga mata niya tila nagsasabi na wag ko siyang lalapitan.
“Ray!!!!” ang sigaw ko nang bigla niyang ginilitan ang kanyang leeg gamit ang kutsilyo.
Nagising akong hinabhabol ang aking pag hinga. Isang masamang panaginip. Agad kong tinungo ang pintuan at binuksan ito, wala akong ibang nakita kundi isang lalake na pumasok sa elevator, nakasuot siya ng makapal na jacket at naka bonnet. Salamat lord panaginip lang yun.
Nakaramdam ako ng gutom kaya nag bihis ako at tinungo ang restaurant ng hotel para kumain.
Habang nag aantay sa order ko ay tumingin tingin ako sa paligid baka sakaling makita ko si Ray. Maya maya ay tumunog ang cellphone ko. Si daddy Paul tumatawag.
“hello dad pasensya hindi na’ko nakatawag sa inyo dahil na knockout ako sa sobrang pagod”
“hijo, ayos ka lang ba diyan?’
“ok lang po dad, tama ho kayo sobrang lamig nga dito. Dad hindi ba sinabi ni Ray kung anong room siya?”
“hindi eh, ayaw din niyang sabihin. Mag ingat ka diyan hijo. Aasahan kong babalik kayo ng sabay at magkaayos..” huh… magkaayos? Wala naman kaming alitan o samaan ng loob ni Ray…
“dad anong ibig mong sabihin?” ibinaba na ni daddy Paul ang kanyang telepono.. ano bang nagawa ko?
Dumating ang inorder kong pagkain at nagsimula akong kumain. Ang daming tao sa restaurant, puro sosyal ang dating.
Anong gagawin ko para makita ko si Ray? Hindi naman pwede na kumatok ako sa lahat ng kwarto ng hotel na to. Pagkatapos kong kumain, binayaran ko na agad ang bill. Nang tumayo ako ay nakita ko na naman ang lalakeng sumakay sa elevator kanina. Tinanggal niya ang bonnet na kanyang suot. Si Ray! Agad akong tumayo at sinundan siya.
“Ray!” lumingon siya pero hindi siya tumigil, binilisan niya ang kanyang paglakad nakapasok siya sa elevator pero nakahabol ako at nakapasok din. Parang hindi maipinta ang mukha niya at parang galit na galit.
“ano bang nangyayari sa’yo….?”
“don’t talk to me! Wala kang pakialam!” sigaw niya sa’kin. Bumukas ang elevator at napansin kong magkapareho ang floor ng room namin.
“Ray wala namang ganyanan oh, sabihin mo na lang sa’kin kung gusto mo nang itigil to tatanggapin ko naman eh”
“pwede mo sigurong itanong yan sa sarili mo. Kung ayaw mo sa’kin itigil mo na yang ligaw ligaw at kung ano pang ka dramahan na ginagawa mo” ang sabi niya habang binubuksan ang pintuan ng kanyang kwarto “ito siguro ang dahilan kung bakit parang ayaw kong pumayag na maging tayo, kasi napakalandi mo pa lang lalake!” parang biglang uminit ang dugo ko sa sinabi niya. Sinubukan niyang isara ang pinto pero pinigilan ko at pumasok ako sa loob ng kwarto niya.
“ano bang pinagsasabi mo ha?!”
“wag ka ngang mag maang maangan, nakita ko ang lahat”
“anong sinasabi mong nakita mo ang lahat? Wala akong alam”
“wow best actor ka din noh. Akala mo ba hindi kita nakitang may kahalikan na babae dun sa bahay nyu? Bukas ang gate at pinto ng bahay nyu. Ang baboy mo, tell me masarap ba talaga pag sa SOFA ginagawa ang bagay na yun?” saka ko lang naalala ang nangyari nung isang araw.
Flashback…..
Nagising ako mga alas tres ng hapon, nakaramdam ako ng uhaw kaya lumabas ako ng kwarto para uminom ng tubig. Ang bigat pa rin ng mga talukap ng aking mga mata kaya imbis na bumalik sa kwarto ay nahiga na lang ako sa sofa at nakatulog muli.
Nagising ko dahil naramdaman kong may pumatong sa’kin habang nakahiga ako sa sofa.
“Jessica.. anong ginagawa mo? Pano ka nakapasok dito?” tumawa pa siya.
“bukas ang gate at pinto nyu, kaya pumasok na’ko” hinubad niya ang kanyang suot na damit at hinalikan ako ng mapusok. Pero bago pa’ko tuluyang bumigay ay itinulak ko siya.
“ouch! Hindi mo ba na miss to?”
“ba’t ka nandito? Trespassing ang ginawa mo alam mo naman siguro yan”
“ooohhhh trespassing ba ang tawag pag dinadalaw ang boyfriend” ang sabi pa niya habang sinusuot ang kanyang damit.
“are you kidding me? Wala nang tayo Jes, matagal na so please leave me alone”
“why? Kasi may bago ka nang girlfriend?” ang tila nang iinis niyang sabi.
“it’s none of your business, umalis ka na, bago ko makalimutang babae ka” padabog siyang tumayo at bago pa siya tuluyang makalabas ng pinto ay muli siyang nagsalita.
“sa’kin ka pa rin babagsak Miguel… tandaan mo yan…”
“oh ano?! Hindi ka makapagsalita? Sabihin mo… sino ang babaeng yun ah?”
“Ray hindi ito gaya ng iniisip mo” ngumisi si Ray.
“hindi pa ba sapat ang nakita ko? Naka boxer shorts ka habang nakapatong siya sa’yo at naghahalikan kayo at wala siyang pang itaas na damit, ano sa tingin mong iisipin ko ha?” sinubukan kong lumapit sa kanya pero umatras siya.
“Ray… magpapaliwanag ako –”
“wala kang dapat ipaliwanag Miguel dahil sapat na yung nakita ko” unti unti nang tumulo ang luha sa kanyang mga mata “masyado bang mahaba ang panahon na hinihingi ko sa’yo ha? Masyado ba’kong demanding?” pano ba’ko magpapaliwanag kung ayaw niya naman akong magsalita? “bakit.. kating kati ka na ha… kung gusto mo pagbibigyan kita ngayon” biglang hinubad ni Ray ang kanyang t shirt “oh eto na oh, halika na magbabuyan tayong dalawa.. ito’ng gusto mo diba? Dali na….” nakaramdam ako ng inis sa sinabi niya, hindi naman puro pagnanasa ang nadarama ko para sa kanya, syempre mas matimbang ang pagmamahal.
“tama na!” dahil sa inis ko ay nasigawan ko siya. Tinitigan niya lang ako “sorry” ang sabi ko at pinulot ang t shirt niya sa sahig.
“pwede hayaan mo naman akong magpaliwanag, at tsaka hindi puro kahalayan ang nasa isip ko. Mahal kita, dahil kung hindi, wala ako dito. Please hayaan mo akong magpaliwanag” hindi siya sumagot, umupo lang siya sa kama.
“si Jessica ang nakita mo, siya ang ex girlfriend ko. Natutulog ako nun sa sofa, hindi ko alam na bukas pala ang gate ng bahay namin. Nagising na lang ako dahil pinatungan niya ko hindi ko rin alam na nandtio na pala siya sa pilipinas” patuloy pa rin ang pagtulo ng kanyang luha ang sakit pa lang makitang lumuluha ang taong mahal mo. “oo hinubad niya ang kanyang damit at hinalikan niya ako. Pero hanggang dun lang yun, walang nangyari sa’min. Pinaalis ko siya agad. Maniwala ka.. hindi kita ginagago…” pag susumamo ko sa kanya.
Hindi siya sumagot at tinignan lang ako. Inakbayan ko siya “mahal kita, kaya sana pagkatiwalaan mo’ko” hinawakan niya ang aking mukha at mapusok niya akong hnalikan. Pinahiga ko siya sa kama at tuloy pa rin ang paghahalikan naming dalawa. Sumiklab bigla ang init sa aking katawan nang sinimulan niyang himasin ang likod ko. Pero hindi pa yata ito ang tamang panahon kaya tumigil ako sa pag halik sa kanya.
“I’m sorry… hindi ko pa yata kaya” sabi ko sa kanya. Wala naman akong nakta na masamang reakyon mula sa kanya. Umupo lang siya sa gilid ng kama. Kinuha ko ang kanyang damit at sinuot ito sa kanya. Tinabihan ko siya.
“yung totoo, gusto ko.. gustong gusto ko nang gawin natin ang gusto mong gawin ngayon, pero hindi sa ganitong sitwasyon…”
“alam mo ang drama mo…” ang sabi niya at nang masilayan ko ang mga ngiti sa kanyang labi ay dun na napanatag ang loob ko “sorry ha”
“sorry para saan?”
“kasi hindi man lang kita tinanong, I just jumped into conclusions. Naisipan ko kasing dalhan ka ng leche flan nun kaso yun agad ang nakita ko….”
“sssshhhh… tama na nga yan, kalimutan mo na yun… “ ngiti lang ang isinagot niya sa’kin. “total andito na rin naman tayo sa Prague baka pwedeng mamasyal naman tayo bukas?”
“sige bah, maraming magandang tourist spot dito”
“ayus, sya nga pala kumain kana?”
“oo kumain na’ko kanina”
“sige, magpahinga ka na… magpapahinga na rin ako… puntahan na lang kita dito bukas” tumayo ako at tinungo ang pinto. Pinihit ko ang door knob.
“Miguel…” tinawag ako ni Ray bago ko tuluyang mabuksan ang pinto kaya nilingon ko siya.
“pwede bang dito ka na matulog?”
“sure… magpapalit lang ako ng damit….”
Itutuloy……
HS3.21
Published na po ang Chapter 21 ng HS3. Punta lang po kayo sa profile ko at hanapin ang pinublish kong story na ang title ‘RAY’. sa Chapter 21 kasi nakapaloob ang first BS nila. Happy reading po…
WARNING:
RATED SPG, bago ka mag pa tuloy sa pagbasa ng akdang ito gusto ko lang pong ipaalam na ito po’y tungkol sa love making ng dalawang lalakeng nagmamahalan na. Kaya wag kang ano! if you’re not open minded towards this kind of relationship pwede na po kayong umalis. Salamat po..
HS3.22
Ray’s POV
Nagising ako nang wala si Miguel sa aking tabi.
Bumukas ang pintuan ng banyo at lumabas si Miguel. Bagong ligo at naka suot lang siya ng kulay blue na board shorts. May napansin ako at bigla akong natawa.
“oh ba’t ganyan ka maglakad?” sinamaan nya ako ng tingin.
“ang sakit kaya, kagagawan mo to eh” inirapan niya pa ako at dahan dahan siyang naupo sa kama. Tinabihan ko siya.
“galit? Sorry naman…” hindi siya agad sumagot kaya siniko ko. “hoy” tumingin siya sakin.
“hindi ako galit, pero gaganti ako noh… may araw ka rin” ang sabi ni Miguel at ngumisi. Kala ko kagabi bottom tong lalakeng to. Pero parang hindi. Kinuha niya ang remote at pinaandar ang tv.
Sumandal ako sa kanyang balikat. Naramdaman kong inamoy amoy niya ang buhok.
“maligo ka na dun, mamamasyal tayo” sabi ni Miguel.
“san?”
“basta, maligo ka na muna” kinuha ko ang aking tuwalya at pumasok sa banyo. Pagkalabas ko ay nakabihis na si Miguel. Pagkatapos naming magbihis ay agad kaming umalis. Feeling ko ang taba taba ko dahil sa kapal ng jacket na suot ko.
“san ba tayo pupunta?” tanong ko kay Miguel. Pero bago pa siya makapagsalita ay tumigil na ang taxi.
“andito na tayo” Ang sabi ni Miguel namangha ako, ang ganda ng lugar. “ito ang tinatawag nilang Charles Bridge, halika na… “ hinawakan ako sa kamay, ang ganda talaga ng lugar isa pala itong tulay. Nilapitan namin ang isa sa mga rebulto sa tulay. Kinuskus ni Miguel ang kanyang kamay sa isang plaka na nasa paanan ng rebolto.
“anong ginawa mo?”
“nag wish, ayun sa paniniwala ng mga taga rito, you must rub this plaque and make a wish at magkakatotoo daw ang wish mo”
“naniniwala ka sa mga ganun?”
“anong masama dun? Wala namang mawawala at tsaka sa santo naman ako humiling” tinignan niya pa ang rebulto “ siya si John of Nepomuk, the country’s most revered saint“
“ang dami mong alam ah” sabi ko
“oo naman nag research kaya ako tungkol dito” napansin ko na naman ang paglalakad niya gusto kong matawa. Para siyang bagong tuli ‘exaggerated’
“ano na naman? Naku mapipikon na talaga ako” ang sabi niya in a monotone voice.
“sorry na” ang sabi ko pero parang gusto ko na talagang tumawa.
“walang sorry sorry, makakatyempo din ako. Magiging patas din tayo…” tinignan niya pa ako mula ulo hanggang paa habang naglalakad sa kahabaan ng tulay “swerte mo lang nadaan mo’ko sa scented candle at massage oil”
“ikaw may hinanakit ka talaga noh”
“hindi lang hinanakit kundi maSAKIT talaga” hindi ko na talaga napigilang tumawa.
“sige… tawa lang… tawa lang ng tawa…. Kala mo siguro nagbibiro ako…” seryoso talaga ni mokong. Totohanin niya talaga siguro to.
“hoy natulala ka na diyan” pag tawag ni Miguel sa aking atensyon “saka mo na alalahanin yang inaalala mo, namamasyal pa tayo. Halika na marami pa tayong pupuntahan”
Pagkatapos kumuha ng mga litrato dun sa tulay ay tinungo naman namin ang Lennon Wall. Malapit lang ito sa Charles Bridge. Puno ng graffiti ang wall na to, mga mensahe, painting at lyrics ng mga kanta ng sikat na mang aawit na si John Lennon. Narinig ko na kumanta si Miguel habang hawak ang isang spray paint.
I was dreaming of the past And my heart was beating fast I began to lose control I began to lose control I didn’t mean to hurt you I’m sorry that I made you cry Oh my I didn’t want to hurt you I’m just a jealous guy
Patuloy siya sa pag kanta na para bang siya lang mag isa, hindi ko alam kung anong sinusulat niya gamit ang spray paint.
I was feeling insecure You might not love me anymore I was shivering inside I was shivering inside Oh I didn’t mean to hurt you I’m sorry that I made you cry Oh my I didn’t want to hurt you I’m just a jealous guy
Parang tinatamaan ako dun sa JEALOUS GUY.
I didn’t mean to hurt you I’m sorry that I made you cry Oh my I didn’t want to hurt you I’m just a jealous guy
I was trying to catch your eyes Thought that you was trying to hide I was swallowing my pain I was swallowing my pain I didn’t mean to hurt you I’m sorry that I made you cry Oh no I didn’t want to hurt you I’m just a jealous guy Watch out baby I’m just a jealous guy Look out baby I’m just a jealous guy
Dahan dahan akong lumapit sa kanya at tinignan ko kung anon sinulat niya ‘JEALOUS GUY’ peste!
“jealous guy? Sino… ikaw?” tanong ko kay Miguel.
“hindi noh, ikaw…” ang sabi niya sakin kaya sinamaan ko siya ng tingin. “joke lang…..” pag bawi niya sa kanyang sinabi. Pero hindi ako kumibo. Bigla na lang niya akong hinalikan, smack lang naman wag kayong ano!
“hoy!” pag suway ko sa kanya at tumingin tingin ako sa paligid namin. May mga tao pero parang wala lang naman sa kanila.
“o, bakit?”
“baka my maka kita satin…”
“ang dami ngang nakakita oh” ang sabi pa ni Miguel, habang inaayos ang laman ng bag niya. “halika na, nagugutom na’ko.
Narating namin ang L’Osteria Italian restaurant pala ito. Pagkatapos kumain ay agad kaming umuwi ni Miguel. Sobrang sakit kasi ng paa ko sa kakagala naming dalawa. Pagkapasok na pagkapasok sa kwarto ay pumunta agad siya sa banyo.
Pagkalipas ng ilang minute ay lumabas na siya sa banyo na maasim ang mukha. “O anong nangyari “sa’yo?”
“dinudugo pa rin ako” ‘eto na naman kami!!!’ hinubad niya ang kanyang t shirt at shorts. Kinuha niya ang tuwalya at bumalik sa banyo.
Tinawagan ko ang cellphone ni daddy Enzo.
“hello Ray anak… salamat naman at tumawag ka….. okay ka lang ba?”
“opo kasama ko po ngayon si Miguel”
“hai… salamat naman…. Anak alam mo ba alalang alala ako sa’yo.. ba’t ka kasi biglang umalis?”
“mahabang kwento dad, saka ko na ipapaliwanag”
“ikaw ang bahala, teka sandali tatawagin ko lang ang daddy Paul mo”
“dad, tatawagan ko na lang po siya sa phone niya mamaya, tumawag ako sa’yo kasi may itatanong sana ako eh”
“sure ano yun anak?”
“dad, sa inyo ni daddy Paul ikaw ang bottom diba?”
“naku naman anak, hindi mo naman sinabi na masyado pa lang personal yang tanong mo”
“pasensya na dad, pero related kasi diyan ang tanong ko eh”
“oo ako ang bottom sa’ming dalawa. Sa itsura ng daddy Paul mo ang sagwa naman siguro kong siya ang na be bareback.. ooopsss!!!”
’ hai… ano na namang bareback?’ “ dad pag dinugo ka after ng…. alam mo na… may gamot ba para dun?“
Narinig kong huminga ng malalim si daddy Enzo “oh my god anak…. Don’t tell me, you’re… oh my god! Okay ka lang ba? masakit pa ba?…. “
“dad… dad…. Wag nga kayong o.a hindi ako.. si Miguel po…..”
“Geeezzz… may nangyari sa inyo?”
“hai… opo…..”
“so how was it anak?” I can imagine daddy Enzo’s face grinning..
“dad back to the original question… mapipigilan ba ang pag durugo?”
“wala akong alam kung may gamot yan anak, pero hindi naman nakakamatay yan.. kusa lang hihinto ang pagdurugo..” narinig kong humahagikgik na si daddy Enzo.
“okay ka lang ba dad?”
“okay lang ako anak… naisip ko lang…. anak ka nga ng daddy mo, kaya dinugo si Miguel kasi pinagpala ka rin…”
“dad….”
“pasensya ka na anak, natutuwa lang ako. Enjoy lang kayo dyan… keep safe always and I miss you…”
“miss you too dad…. bye…”
Ganun pala yun, kailangan antayin na tumigil? Hai bahala na nga… ngayon mas kinakabahan na’ko lalo pa’t palaging nagbabanta yung alien.
Itutuloy…
/
HS3.23
Pasensya po hindi ko pa po na proof read ito.. Excited lang akong mag update… Happy Reading!
Miguel’s POV
“alam mo may topak ka talaga minsan ano?” ang sabi ko kay Ray habang papalabas kami ng elevator. Pabalik na kami sa kwarto namin sa hotel. Nilingon niya ako at inirapan. Ewan ko kung anong problema niya. Nagpaalam ako kanina sa kanya para mag c.r sandali, paglabas ko ay hinarang ako ng isang lalake, iinterviewhin niya daw ako sa isang project na ginagawa niya. Ayaw ko sana pero mukhang mabait naman yung tao kaya pinagbigyan ko.
Bigla na lang lumapit tong si Ray at niyaya akong umuwi. Nagseselos ba siya? Naku ewan mukhang mainit ang ulo.
“wag ka ngang kung kani kanino nakikipag usap, lalo na nasa ibang bansa tayo” ang sabi ni Ray habang binubuksan ang pintuan ng kwarto.
“ayaw mo kung makipag usap kung kani kanino lang o nagseselos ka?”
“hindi ako nagseselos, ang hangin mo!” pasigaw niyang sabi sa’kin.
“hayan kana naman sa pag sigaw mo” huminga muna ako ng malalim “interview lang daw yun para sa project niya, walang ibang ibig sabihin ang pakikipag usap ko sa kanya”
“basta, pag lalakeng nakahawak ng camera tas sinabihan ka na para sa project niya ang kanyang ginagawa wag mo nang pansinin”
“pero bakit nga?”
Hinubad niya ang kanyang jacket at sinabit ito “nalaman ko kasi na may mga lalakeng ganyan dito, una ganyan interview daw sa project, later on aalukin ka ng pera para gumawa ng kahalayan kasama siya” ano daw?
“pano mo nalaman?”
“basta”
“ayoko ko ng sagot na basta, gusto ko ng solid explanation”
“hai… sa internet ko nalaman”
“san sa internet? Anong website? Ba’t mo nalaman?”
“ang kulit mo, sa pornsite ko nakita yan. Vivideohan niya ang kahalayang ginagawa nyo tas iaupload sa mga pornsite.. o masaya ka na?” hanep ah.
“kung ganun nanonood ka ng porn?” bahagya siyang nahiya sa tanong .
“ba’t ikaw hindi? Ang sabi niya habang hinuhubad ang kanyang sapatos. Pagktapos niyang ayusin ang kanyang sapatos ay nahiga siya sa kama. Tinabihan ko siya. Oo nga naman.. nanonood din naman ako nun straight porn nga lang. Ang tanong anong klaseng porn ang pinapanood niya.
“I feel bored” sabi ko sa kanya.
“wow kakagala lang natin, bored ka pa rin?” tinignan niya ako kaya nginitian ko siya “wag kang ngumiti ngiti nang ganyan, alam ko na naman ang iniisip mo”
“bakit? hindi ka na ba pwedeng ngitian ngayon?”
“ang mabuti pa, punta tayong Denmark sa Friday para maiba naman” ang sabi niya habang pinipindut pinto dang cellphone niya.
“ano namang gagawin natin dun?”
“mamamasyal, masyado pang malayo ang competition…. Mamasyal muna tayo”
Sa halos apat na araw na pag stay namin dito sa Czech ay wala kaming ibang ginawa kundi ang mamasyal. Halos magkanda ligae ligaw na kami minsan sa kakagala. Kakarating lang namin sa hotel dito sa Denmark.
“alam mo sana sa middle east na lang sana tayo pumunta” ang sabi ko kay Ray na nag aayos ng bag na kanyang dala.
“bakit naman?”
“sobrang lamig ng mga lugar na pinupuntahan natin, gusto kong magpainit pero ayaw mo naman”
“asa ka” nilapitan niya ako habang nakahiga ako sa kama at hinala ang mga kamay ko.
“bangon ka dyan, nagugutom ako….”
Ray’s POV
Pagkatapos naming kumain ni Miguel ay bumalik kami sa kwarto para magpahinga. As usual na una na naman siyang mga shower. Nakapag bakasyon ako tuloy ng wala sa oras dahil sa selos ko. May karapatan naman akong mag selos noh. Teka lang wala namang confirmation na kami na, meron ba? wala kayong nabasa na ganun diba? Pero parang ganun na din siguro yun.
Hindi pa rin minsan mawala sa isip ko ang mga pangamba. Nararamdaman kong mahal ako ni Miguel, pero hanggang kailan? Natatakot ako na baka dumating ang araw na magsawa siya sa’kin. Nagtagal sina daddy Paul at daddy Enzo, ganun din kaya kaming dalawa ni Miguel?
Hindi ko talaga minsan maiwasang mangamba kasi, alam nyu yun? yung mag uusap kayo sa mga plano nyu balang araw o kung ano anu pa na tungkol saming dalawa, pero wala akong narinig kay Miguel na ganun. Minsan naiisip ko na baka pampalipas oras niya lang ako at hindi naman talaga siya seryoso sa’kin.
“hello” tumawag si Franz sa phone ko.
“oi Ray alam nyu ang daya nyu ni Miguel, kayo kayo lang ang nagbakasyon hindi nyu man lang kami niyaya” ang sabi ni Franz sa tonong nagtatampo.
“biglaan kasi”
“asus, sabihin mo na nga ang tunay na dahilan, sabi ng daddy mo nag alsa balutan ka bigla. Mag chika ka naman”
“sa susunod na, mahabang kwento”
“ganyan ka naman palagi eh…. Masyadong pabebe naku ewan ko sa’yo. Sabi ng daddy mo nasa Prague daw kayo ngayon?”
“nasa Denmark na kami ngayon”
“wow, iba talaga pag mayaman! Uyyyy….. nag ha honeymoon sila…. Kumusta.. nabiyak ba ang alkansya mo? Hihi ilang araw kang hindi nakalakad…. Chika ka naman diyan…”
“he! Hindi kami nag ha honeymoon noh… hindi puro kalibugan ang nasa isip ko noh…”
“ah sus pa virgin effect…. Bleeeee!!! Hindi ako naniniwala na walang nangyari sa inyo… malalamig na lugar kaya ang pinuntahan nyu….” Chismoso din tong isang to, intrigero pa… pero tama naman siya hehe.
“eh ano ngayon kung malamig?”
“syempre kailangan mag painit…. Yung alam mo na”
“tumigil ka nga, pwede namang mag hot shower tsaka meron namang heater”
“ahahaha oo na nakalusot ka na, pero chichikahan mo talaga ako sa mga kaganapan.. Ay dumating na si Borgy ko… gotta go… bye….. miss na kita”
“mukhang ikaw pala ang mag ha honeymoon dyan.. salamat sa pagtawag.. “
Bigla na lang hinablot ni Miguel ang cellphone ko.
“Hello? Hello?” pero binaba na rin siguro ni Franz ang telepono kaya wala nang sumagot “sinong kausap mo kanina?” tanong ni Miguel.
“si Franz yun, akin na ang cellphone ko” pero imbis na ibigay ay nilayo niya pa ito.
“sigurado ka si Franz yun”
“hindi.. hindi si Franz yun… ikaw yung kausap ko kanina… ikaw yung tumawag habang naliligo ka dun sa banyo.. “ ang sarkastiko kong sagot sa kanya.
“ba’t ang defensive mo?”
“si Franz nga yung tumawag”
“iunlock mo, titignan ko ang call logs”
Parang nagsisimula na naman siyang maging alien. Parang sarap kutusan, inunlock ko na lang ang phone at pinakita ang call logs sa kanya.
“oh hayan na, sak sak mo sa baga mo”
“ay si Franz nga ang tumawag..” ang sabi niya at ngumisi pa. Ang ngisi niya pag naka alien mode siya. Binigay niya balik sa’kin ang cellphone ko at hinalikan ako sa pisngi, pero tinignan ko lang siya ng masakit.
Pagkatapos niyang magbihis ay nilapitan niya ako at inabot sa’kin ang kanyang cellphone.
“anong gagawin ko diyan?” tanong ko sa kanya.
“inspeksyunin mo….”
“para ano?”
“pwede ba buksan mo na lang at tignan. Tinanggal ko na lahat password diyan. Gusto ko lang pakita sa’yo na wala akong tinatago”
Binuksan ko ang cellphone niya at parang nahihiya ako, picture naming dalawa ang wallpaper niya. baklang bakla, tulog ako at nakahiga sa braso niya.
Tinignan ko ang call logs at messages niya. May mga message dun ng mommy at daddy niya. Nakita kong may mga message din na mula kay daddy Paul. Ganun din sa call logs niya.
Binuksan ko ang gallery niya at nalaglag ang panga ko sa aking nakita. Teka pictures ko lahat to ah. May pinicturan niya ako ng tulog. Pagbukas ko sa isang folder puro pictures ko pa rin ang nandun, mga pictures ko na ginamit para sa isang brand ng underwear.
“sa’n mo nakuha ang mga to?” ang tanong ko sa kanya at pinaharap ko sa kanya ang screen ng phone.
“may reliable source ako noh, kaya meron akong mga pictures mo” ang sabi niya at ngumiti.
“pinagnanasaan mo’ko noh” sabi ko habang tinitignan ang mga pictures.
“Minsan” kinindatan pa niya ako.
Binalik ko sa kanya ang kanyang cellphone at tinungo an banyo para makaligo na rin ako.
Somehow natuwa din naman ako sa ginawa niya. I know he’s trying his best to show me na mapagkakatiwalaan ko siya. Hindi naman siguro siya mag aabala pang sundan ako kung wala lang naman talaga ako sa kanya.
“Dito kana.. dali…” ang sabi ni Miguel habang pinapagpag ang unan sa kama. Pagkahiga ko sa kama ay inayos pa niya ang kumot ko at marahan akong hinalikan sa pisngi. Hindi ko maiwasang tumingin sa repleksyon naming dalawa sa salamin sa kisame ng kwarto.
“Miguel?”
“uhmmmm?”
“gusto mo bang magkaanak?”
“bakit? fertile ka ba ngayon? dali na buntisin na kita” ang sabi niya habang nakangisi at pinagapang ang kamay niya sa tiyan ko.
“sira! Hindi seryosong usapan… gusto mo bang magkaanak?”
Huminga muna siya ng malalim bago sumagot “oo naman… pero wag mong isipin na makikipag siping ako sa babae para lang magkaanak” abah assurance… one point!
Humaba na ng humaba ang usapan namin hanggang umabot na sa kulitan. Sana ganito na lang kami palagi. Sana…
Nagising ako pasado alas sais ng umaga. Tulog na tulog pa rin si Miguel. Hinawi ko ang kurtina ng bintana at namangha ako sa aking nakita, umuulan ng nyebe, ang ganda tignan.
Naramdaman ko na lang ang unti unting pagyakap sa’kin ni Miguel sabay halik sa batok ko.
“gising ka na pala…” sabi ko sa kanya.
“ano na namang iniisip mo?”
“wala naman.. namamangha lang ako sa pagpatak ng nyebe ang ganda tignan”
“hmmmm nagugutom ka ba?” umiling lang ako. Parang ayaw kong tanggalin ang kanyang pagkakayakap sa akin. “magbihis ka, mamasyal tayo”
“san?”
“sa zoo”
Nagbihis kami ni Miguel at tinungo ang Copenhagen Zoo. Ang laki pala ng zoo na to meron. Mahigit 3,000 na hayop daw ang nasa zoo na ito. Parang bumalik ako sa pagkabata.
Unlike sa mga usual na zoo maari kang makalapit sa mga hayop. Pinakain pa nga namin ni Miguel ang usa. Ang saya tignan ng mga polar na lumalangoy sa tubig, walang puknat ang pagkuha ng picture ng mga tao pati na rin kami ni Miguel. Parang ang lapit lapit lang namin sa mga oso crystal lang ang pagitan sa nilalanguyan nila.
Sumakit na naman ang paa ko sa kakagala.
Una naiilang akong makipag holding hands kay Miguel habang namamasyal sa loob ng zoo. Pero may mga nakita din kaming mga lovers na katulad namin na parang natural lang sa kanila ang mag PDA kaya go na rin ako.
Iba pala ang pakiramdam pag malaya ka. Yung malaya kang halikan at yakapin ang taong mahal mo sa maraming tao nang walang pangamba na baka mahusgahan kayo o pandirihan. Sana ganito na lang kami palagi.
Itutuloy…
HS3.24
Miguel’s POV
“ hello daddy Paul“ sinagot ko agad ang cellphone ko nang makita kong tumatawag si daddy Paul. Si Ray tulog na tulog sa tabi ko.
“hijo kumusta ang bakasyon natin dyan?”
“okay lang naman po, okay din naman dito si Ray”
“mabuti kung ganun, Franz told me nasa Denmark daw kayo ngayon?”
“opo dad, gusto kasi ni Ray eh, tulog na tulog po siya ngayon, mukhang napagod kanina sa pamamasyal namin”
“ganun ba. Sige hijo magpahinga ka na ulit, I just called to make sure na ayos lang kayo. Mag enjoy lang kayo dyan at mag ingat kayo palagi”
“sige ho dad, goodbye”
Pagkatapos naming mag usap ni daddy Paul ay bumalik ako sa kama at humiga. Hindi na ako makatulog, tinignan ko lang ang mukha ni Ray na tulog na tulog pa rin. Inayos ko ang kumot niya.
Hindi ko alam kung pano nagsimula ang lahat ng ito, kung pano humantong ang lahat sa ganito. Nakipagsiping ako sa kapwa lalake. Natutulog kami nang magkayakap at naghahalikan. Wala ngang pinipili ang pag ibig. Kahit sino pwedeng matamaan ng pana ni kupido.
Sana ganito kami palagi, malayang naipapakita ang pagmamahal sa isa’t isa.
Nagising ako sa pagbukas ng pinto ng kwarto at pumasok si Ray. San kaya siya nanggaling? Lumapit siya sa’kin at umupo sa kama.
“good morning” ang bati niya. Iniwas ko ang aking mukha nang makita kong hahalikan nya’ko “nag iinarte?”
“kakagising ko lang hindi ako nakapag toothbrush” hinawakan niya ako sa mukha at biglang hinalikan. Pagkatapos nun ay ngumiti pa na tila nagpapacute. Maya maya ay inabot niya sakin ang mga papel na hawak niya at binasa ko ito. Tour Package sa Spain. Napakamot na lang ako nang ulo kasi two days pa lang kami dito sa Denmark tas ito na naman. Kaya pala nagpapa sweet at nagpapacute tong si Ray.
“sige na please” ang sabi ni Ray habang naka puppy eyes. Ano pa bang magagawa ko? “sige na please please aalis na tayo mamayang hapon” ang sabi ulit ni Ray at pa ulit ulit akong hinalikan sa pisngi.
“oh siya siya sige na nga, wala naman akong magagawa eh”
“yes!” hinalikan niya ako ulit ng maraming beses sa pisngi kaya inawat ko na. Parang walang kapaguran tong isang to.
“grabe ka hindi mo man lang ako sinabihan na gusto mo pa lang pumunta sa spain”
“eh alam ko hindi ka papayag eh, kaya hindi na kita sinabihan” ang sabi ni Ray habang inaayos ang mga dala namin.
“diba marami ka pang aasikasuhin at babayaran para sa mga tour na ganyan?”
“syempre si daddy Paul pa. Para san pa’t tinawag siyang isang business tycoon kung hindi niya kayang gawan ng paraan ang mga simpleng bagay tulad nito” pag mamayabang ni Ray. Tama nga naman siya, pero walang nabanggit si daddy Paul dito nung mag usap kami kagabi.
“nag usap kami kagabi wala naman siyang nabanggit tungkol dito”
“nag usap kami nung isang araw, sinabihan ko talaga siya na wag kang sabihan kasi baka umayaw ka”
Umalis kami sakay ng eroplano papuntang spain mga alas dos ng hapon. According kay google mga almost 3 hours lang ang flight from Copenhagen to Madrid salamat naman, akala ko magkakaroon na naman ako ng kalyo sa pwet sa kakaupo. Nakadungaw lang ako sa bintana nang magsalita si Ray.
“hindi ka ba masaya?” tanong niya.
“ba’t naman ako hindi magiging masaya, eh ikaw ang kasama ko”
“kasi ang tahimik mo eh at parang galit ka yata”
“ano ka ba, wag ka ngang mag isip ng ganyan. Basta masaya ka masaya na rin ako” ang sabi ko at nginitian ko siya.
“sige nga kung hindi ka galit halikan mo’ko” kaya hinalikan ko nga.
“sir….” Biglang sumulpot sa gilid namin ang isang flight stewardess at medyo nabigla sa nakita niya “oh I’m sorry sir, my apologies” namula pa ang steward at agad umalis. Natawa na lang kaming dalawa ni Ray sa pinaggagawa namin.
“ikaw talaga, baka mamaya may mga pinoy pala dito at makilala tayo. Baka pag balik natin sa pilipinas nasa tabloid na ang mga pagmumukha natin” sabi ko ka Ray.
“wala akong pakialam, ayaw mo nun magiging trending tayo pati sa social media”
“waaah ayoko nun noh. Hindi ako famewhore”
Sa halos tatlong oras na byahe, ay wala kaming ginawa ni Ray kundi ang mag usap at magkulitan. Wala naman akong napansin na mga pinoy dun.
Narating namin ang hotel kung saan na naman kami mamamalagi ng ilang araw. Agad siyang naghubad at tinungo ang banyo. Nalimutan niyang dalhin ang kanyang tuwalya kaya may naisip ako. Ayus, hindi naka lock ang pinto ng banyo. Hinubad ko ang aking damit at inawan lang ang boxer shorts ko.
“hoy! Lumabas ka nga hindi pa’ko tapos” sinara ko ang pinto at nilapitan siya, hindi naman siya umangal. Tuyo pa ang kanyang katawan “anong gimik mo?”
“sssshhhh….” Pinaandar ko ang shower at nagsimulang mabasa ang kanyang katawan. Dinampot ko ang sabon at sinimulang sabunin ang kanyang katawan. Ayus hindi umaaangal, kung sabagay aangal pa ba siya? Hehehe.
Sinusundan ng kanyang mga mata ang paghaplos ko ng sabon mula sa kanyang balikat patungo sa kanyang kamay. Pagkatapos kong sabunan ang kanyang buong katawan ay nagsimula na rin akong linisin ang sarili ko.
Pagkatapos makapagbanlaw ay kinuha ko ang isang tuwalya at binigay sa kanya. Kita ko sa itsura ni Ray ang pagtataka. Ewan ko rin ba kung bakit naisip kong maligo kasama siya.
Ray’s POV
Ang weird nun ah. Ano kayang trip nitong si Miguel, baka inaakit niya ko, ay may ganun? Para ano? Akala ko kanina babawian niya ko, kasi kung yung ang balak niya kanina, muntikan na akong bumigay. Binigay niya sa’kin ang tuwalya at sabay kaming lumabas ng banyo.
“ba’t mo ginawa yun?”
“ang alin, ang maligo kasama ka?”
“oo”
“wala lang, gusto ko na rin kasing maligo. Magbihis na tayo para makakain na”
Paglabas namin ni Miguel ng kwarto ay narinig kong bumukas ang pinto ng kalapit na kwarto. Pamilyar ang boses na yun ah? Andito din sila? Nagkatinginan kami ni Miguel. Tama nga sila nga!
“Franz, Borgy” nakita ko pa sa reaksyon ng dalawa na tila nagulat pa nang makita kami.
“andito kayo? Kala namin nasa Denmark kayo?” tanong ni Franz.
“kakarating lang namin dito, buti at nagkita tayo dito” sabi ni Miguel
“regalo kasi to ng lolo ko sa’min ni Franz” ang sabi ni Borgy.
“wow! Andito din pala kayo?” pag lingon ko ay nakit ko sina Rhett at Heaven. Naks naman magkaholding hands talaga.
Sabay sabay kaming bumaba at kumain.
“ayus, magkakasama pala tayo sa tour, masaya to!” ang sabi ni Borgy.
Pagkatapos kumain ay naghanap kami ng bar kung san pwede uminom at mag chill chill. Magkatabi kami nina Rhett at Franz at kabilang side naman ang tatlong martian. Abala na naman sila sa COC. Palagi kong sinasabihan tong si Miguel na iuninstall niya ang game na yan pero, kasi palagi siyang na babad shot pag nag ha hung ang cellphone niya pero ang tigas ng ulo.
“oi kwentuhan mo na’ko.. ano nang mga happening sa inyong dalawa ni Miguel?” hala eto na naman si Franz.
“ikaw kaya ang mag kwento Franz” ang sabi ni Rhett at pinipigilan ang pagtawa.
“bakit anong nangyari?” tanong ko kay Franz.
“hoy wag kang magpapaniwala sa sasabihin ng Rhett na yan ah” ang sabi ni Franz sabay turo kay Rhett.
“sige may sasabihin ako sa’yo Ray “ pinandilatan pa ni Franz si Rhett, pero ito namang si Rhett parang tuwang tuwa sa reaksyon ni Franz.
“kasi sabi ng lola ni Borgy nung nagpunta ako sa kanila, nagkulong daw ang dalawang iyan sa kwarto buong araw ahahaha” ewan ko kung naririnig kami ng talong alien, marahil hindi busy sa mga cellphone eh.
“eh anong masama dun? Syempre sarap matulog eh”
“sus ang tulog ba ang maSARAP?” sabi ni Rhett
“well atleast sa kwarto namin ginagawa, di tulad sa inyo sa sofa”
“waaah eh di inamin mo rin, tulog tulog ka diyan wahahahahahaha tas alam mo ba nang bumaba sila iba yung amoy eh, pamilyar ka sa amoy zonrox? Ahahaha” bigla ko tuloy naalala ang amoy at lasa nun alam nyu na. Nakain ko kasi yung kay Miguel. hehehe tsaka ko lang na realize ang ibig sabihin ni Rhett.
“ang bababoy nyu!” ang sabi ko sa kanilang dalawa.
“ah sus, kasama kana dun noh… teka nga back to you.. so kumusta ang first time? Masakit ba?” ang tanong ni Franz. Napatingin ako kay Miguel at tinignan niya rin ako pero saglit lang at binalik ang kanyang atensyon sa kanyang cellphone.
Pinilit kong ibahin ang topic, ayaw ko kasing pag usapan ang nangyari sa’min ni Miguel. Basta hindi lang ako kumportable.
Puro light lang na inumin ang ininum namin para walang malasing . Mga tatlong oras lang kami dun sa bar at bumalik na rin kami agad sa hotel.
Pagkatapos magbihis, humiga agad si Miguel sa kama. Umupo ako sa dulo ng kama at pinaandar ko ang tv hindi pa rin kasi ako inaantok.
“oi…. Anong pinag uusapan nyo dun kanina ha?” ang sabi ni Miguel at sinusundot niya ang likod ko gamit ang kanyang paa. Pero hindi ko siya pinansin “oi… magsalita ka..”
“wala, kung ano anu lang. Bakit naman?”
“akala mo siguro hindi ko narinig na kami ang pinag uusapan nyu dun ha…” patuloy pa rin siya sa pag sundot sa likod ko.
“wag ka ngang magulo nanonood ako eh” pero imbis na tumigil, pinatong niya pa ang isa niyang paa sa balikat ko kaya niingon ko siya at sinamaan ng tingin, pero ngumisi lang ang alien. Eto na naman siya, sinusumpong na naman ng pagiging abnormal niya.
Tumunog ang cellphone ko at rumehistro ang pangalan ni daddy Paul.
“hello dad, kumusta po?”
“okay lang kami hijo, miss ka na namin dito”
“ako din po dad, salamat pala dad”
“your welcome anak, kumusta ang pamamasyal?”
“masaya po enjoy naman po ako, tsaka nakita din namin sina Borgy at Rhett dito kaya mas magiging masaya to for sure”
“really? Mabuti naman kung ganun ang I’m happy to hear na nag eenjoy ka. Kumusta si Miguel?” nilingon ko si Miguel at ngumisi pa ito.
“ok naman siya dad” naramdaman kong inaangat ni Miguel ang damit ko gamit ang kanyang paa kaya sinuntok ko sa paa. Eto na naman siya ume alien mode na naman siya ulit. Makakatikim talaga to sa’kin mamaya.
“mabuti kung ganun, basta mag enjoy lang kayo dyan at lagi kayong mag iingat. Siya nga pala hijo, nagawa na ang national costume na susuotin mo during the competition pati na ang iba mo pang mga damit”
“ganun po ba, sige po dad, I’ll let you know kung kelan mo ipapadala. After kasi ng pamamasyal namin dito sa spain babalik na din kami sa Prague para sa rehearsals” kinuha ni Miguel ang remote ng tv at nilipat ang channel.
“oh siya sige, take care always okay? I love you son”
“I love you too dad… goodbye” Pagkatapos kong makipag usap kay dad ay kinuha ko ang remote kay Miguel at binalik sa channel ng pinapanood ko. Hindi naman umangala ang alien.
Itutuloy….
Thanks to AwesomeDudeMiggy for the itinerary… hehehehe
HS3.25
Posted na po ang Chapter 25. Hanapin nyu lang po sa Profile ko story na ang title ‘Miguel’ Dun po nakapaloob ang Chapter 25. Ito na ang pinakahihintay ng karamihan. Enjoy!
WARNING:
RATED SPG, bago ka mag pa tuloy sa pagbasa ng akdang ito gusto ko lang pong ipaalam na ito po’y tungkol sa love making ng dalawang lalakeng nagmamahalan na. Kaya wag kang ano! if you’re not open minded towards this kind of relationship pwede na po kayong umalis. Salamat po..
HS3.26
After six months….
Ray’s POV
Dapat diba maging masaya ako, kasi ako ang nanalo sa Mister International. Pero walang saysay ang lahat. Sa twing makikita ko ang picture frame nang gabing nanalo ako, binabalik lang nito ang mga alaala namin ni Miguel na magkasama. Minahal ko siya pero bakit ganito ang isinukli niya sa pagmamahal na binigay ko. Hindi ko lubos maisip na ginago niya lang ako. Ang sakit, sobrang sakit.
Wala ngang forever sa same sex relationship, I mean hindi siguro para sa lahat. Lalo na pag babae ang kalaban mo.
Parang masisiraan ako nang ulo sa tuwing maaalala ko ang nadatnan kong eksena nang dalawin ko siya sa kanilang bahay.
Tandang tanda ko pa ang araw na yun, malakas ang hangin at sinamahan pa ng malakas na ulan.
Pagbukas na pagbukas ko nang pinto ay rinig na rinig ko ang ingay. Ingay na nakapagbigay agad ng hapdi sa dib dib ko. Alam ko boses nang babae ang naririnig ko, nagmumula sa isang bukas na pinto. Sa kwarto ni Miguel.
Dumiretso ako nasaksihan ko ang eksenang pinakakinatatakutan kong mangyari, si Miguel right on top of that b*tch breeding her. Hindi na’ko nag abalang istorbohin sila mukhang sarap na sarap eh. Hindi ako makahinga sa nasaksihan ko.
Tila sumasabay ang ulan sa malakas na pagbuhos ng aking luha. Dire diretso lang ako sa pag da drive kahit hindi ko makita ang daan. May nasalubong akong isang sasakyan, kasabay ng napakalakas na pagbangga ay ang pagkawala ng aking malay.
“wala naman kaming na kita na kahit anong internal damage sa kanya. He’s a lucky man” pagdilat ko ay nakita ko si daddy Paul at daddy Enzo na nakikipag usap sa doctor. Nakita ko pang namamaga na ang mata ni daddy Enzo dahil siguro sa kakaiyak.
“anak… salamat sa diyos at gising ka na…” ng sabi ni daddy Enzo habang hinahawakan ang aking mukha. Nag umpisa na namang tumulo ang kanyang mga luha.
“mahal…” nakita kong pumasok ang lalakeng kinamumuhian ko. “mahal kumusta ka na, ayos ka lang ba” sabi ni Miguel. “sige magpahinga ka muna diyan sa susunod na lang tayo mag usap, baka kasi—”
“umalis ka na”
“ang sungit naman ng mahal ko…” kukurutin na naman sana niya ako sa pisngi ng hinampas ko ang kamay niya.
“umalis ka na sabi!!! Ayaw na kitang makita! Umalis ka na!!” pinagtutulakan ko na siya na halos malag lag na’ko sa kama.
“anak, huminahon ka at saka wag ka namang ganyan kay Miguel” sabi ni daddy Enzo. Pero parang wala na kong nadinig. Dinampot ko ang mga prutas sa basket na nasa aking tabi at pinagbabato kay Miguel. Inaawat na’ko ni daddy Paul pero parang sumiklab na talaga ang galit ko.
Hindi ko siya mapapatawad sa kagaguhang ginawa niya sa’kin. May araw ka rin, buong akala mo siguro hindi ko pa alam ang kababuyang ginawa mo.
Ikinwento ko kina daddy at ninong Jake ang ginawa ni Miguel. Nung araw na yun ay sinubukan ulit ni Miguel na lapitan ako pero isang malakas na suntok ang tumama sa kanya galing sa kanyang ama. Sa kabila nun nakiusap ako kay daddy na wag tanggalin si Miguel sa kumpanya at wag ding pakialaaman ang pamamahala ni ninong Jake sa hotel. Kahit papano may natitira pa naman akong pagmamahal sa alien na yun.
Pumasok na si daddy Paul sa office at si daddy Enzo ngayon ang nagbabantay sa’kin.
“anak sabihin mo lang kung anong kailangan mo ha” tumango lang ako. Tumunog ang cellphone ni daddy Enzo “sandali lang anak may kakausapin lang ako” sinagot ni dad ang cellphone at lumabas ng kwarto.
Pumasok ang isang lalakeng nurse, dala dala ang mga torture devices joke! Dala niya ang mga panlinis sa sugat. Nilapag niya ang kanyang dala sa drawer malapit sa kama ko. Gwapo sana ng nurse na’to pero sobrang seryoso ng mukha at parang ang suplado. Isinuot niya ang gloves sa kanyang mga kamay.
Ewan ko, pero parang nahiya ako bigla ng titigan nya’ko at nginitian. Yun naman pala eh!
“lilinisan natin ang sugat mo sir” inumpisahan nang tanggalin ng nurse ang gauze sa aking braso. Bumaon kasi ang nabasag na wind shield sa kabilang braso ko kaya kinailangang tahiin. Intimidating ang dating ng nurse na to, parang maangas.
“okay lang kayo sir?” tanong ng nurse.
“ah okay lang ako….”
“kayo po si Dylan Ray Velasquez di’ba ang Mister International?”
“oo, ako nga…”
“totoo nga ang sabi nila, ang gwapo gwapo nyu sa personal” ang sabi ng nurse habang pinapahiran ng betadine ang sugat ko “kaya pala parang ihing ihi ang mga babaeng nurse habang nagkwekwentuhan tungkol sa’yo”
“tsismoso ka rin noh”
“hindi sir slight lang” ang sabi ng nurse at ngumisi natapos niya nang lagyan ng bagong gauze ang sugat ko. Nilinis niya rin ang mga maliliit na sugat sa kabilang braso at sa noo ko “hayan tapos na sir” tinanggal niya ang kanyang gloves at inabot niya sa’kin ang isa niyang kamay “ako po pala si Miguel sir” Ay! Anak ng tipaklong naman. Sa dinami dami ng pangalan bakit Miguel din ang naging pangalan mo? “you can call me Miggy”
Lumipas ang ilang araw ay nakalabas na rin ako ng ospital. Ang boring dito sa bahay, wala akong ginawa kundi mag facebook ng mag facebook. Panay din ang text ang tawag ni Miguel pero hindi ko pinapansin.
Halos araw araw may delivery ng bulaklak sa bahay, wala namang pangalan pero alam ko sa alien nanggaling ang mga yun kaya tinatapon ko. Kinukuha ni daddy Enzo ang mga bulaklak na tinatapon ko kasi sayang daw. Kaya araw araw ding may bagong bulaklak sa flower vase ng buong bahay.
Sorry na lang si Miguel pero hindi ko na yata kaya pang tanggapin siya sa buhay ko. Sobrang sakit ng ginawa niya. Mas pinamukha niya sakin na hindi ko talaga maibibigay sa kanya ang ligaya sa kama. So ridiculous.
Siguro tunay talaga ang pagmamahal na binigay ni daddy Paul kay daddy Enzo kaya until now masaya silang dalawa.
Akala ko magiging masaya na kaming dalawa ni Miguel, pero nagkamali ako, masyado talaga akong umasa na magiging maayos ang relasyon naming dalawa.
Habang abala ako sa pag tingin sa news feed ng fb ko ay may biglang lumitaw na friend request notification. Simula nung sumali ako sa Misters of the Philippines ay bumaha din ang friend request sa fb ko pero dahil sa GWAPO AKO nirereject ko ang request nila.
Tinignan ko ang latest friend request at nakita ko Miguel ‘Miggy’ Ortiz ang pangalan. Teng ene nemen, yung nurse sa ospital Miguel tas eto na naman Miguel. At siguro iniinis talaga ako ng tadhana kasi pag on ko ng tv bwisit San Miguel ang commercial.
Maya maya ay tumunog ang cellphone ko at nakita kong nag message yung Miguel ‘Miggy’ Ortiz.
“Hi Ray si Miggy to, remember me? Hehe yung nurse sa ospital. Maraming gumawa ng mga fake fb accounts para sa’yo pero alam ko this account is genuine. Labas ka naman diyan, andito ako sa labas ng bahay nyu
J“
Sumilip ako sa bintana at naku siya nga! Nakatayo siya sa tabi ng isang grey na sports car. Naka uniform pa siya.
“I don’t know you, kaya umalis ka na.. or else I’ll call the police” reply ko sa kanya.
“yes! Sabi ko na nga ba… sige naman please gusto kitang maging kaibigan. Okay lang kung ipahuli mo’ko sa pulis atleast nag reply ka sa message ko”
“what are you talking about dude?! Kung wala kang magawa wag mo’kong pag tripan!” ang sabi ko sa kanya ang I blocked his facebook account. Ewan ko ba, kumukulo ang dugo ko mabasa ang pangalang Miguel.
*tok *tok *tok
“hijo may bisita ka….” ang sabi ni daddy Paul.
“sino po yun dad?”
“Si Miguel” hai! Eto na naman siya.
Parang nanginginig na naman ako habang papalabas ng kwarto. Pagdating ko sa sala ay nakita kong nakaupo dun yung nurse na Miguel.
“hi” ang pagbati niya sa’kin. May naalala na naman ako nang ngumisi siya.
“anong ginagawa mo dito?”
“binibisita ka”
“and why? Are we close”
“suplado mo naman, gusto lang kitang maging friend” ay? The question is, ba’t siya pinapasok ni dad dito?
“hijo mag meryenda ka muna oh” ang sabi ni daddy Paul at nilagay ang pagkain sa center table.
“salamat po” sabi ni Miggy.
“no problem..” sabi ni dad. At kelan pa siya natutong makipag usap sa mga strangers. Iniwan ko si Miggy dun sa sala at sinundan si dad sa kusina.
“dad, ba’t mo siya pinapasok dito?”
“he’s your friend.. welcome lahat ng kaibigan mo dito sa bahay” what? Kelan ko pa naging friend ang isang yun? binalikan ko si Miggy na sarap na sarap pa sa pagkain ng pasta.
“ui… sabayan mo naman ako” naku isa din to, nagsasalita kahit may pagkain sa bibig. Umulan tuloy ng pasta.
“kelan pa tayo naging magkaibigan?” lumagok muna siya ng juice bago magsalita.
“kaya nga ako pumunta dito kasi gusto kong maging kaibigan ka”
“ano bang trip mo? Ha?” biglang naging seryoso ang mukha niya. Tumayo siya at nilapitan ako.
“yung totoo, I like you.. I want to court you” parang nabangga ako ulit dun ah. Ang mga mata niya it reminds me of someone. I felt my heart beating fast hindi ko alam pero there’s something na hindi ko talaga ma intindihan. I missed this feeling…
“ah…. I’m sorry parang na intimidate ka yata.. forgive me…” ang paghingi niya ng despensa. I felt something different. Ewan ko ang gulo. The way he looked at me changed my mood.
Next thing I know we are having a conversation. Kung ano anu nang napag usapan naming dalawa, ewan ko kung anong nangyari, kanina parang naiinis ako at parang awkward ang nararamdaman ko kanina pero ngayon kumportable na’kong nakikipag usap sa kanya.
“basta, mag aantay ako kung kelan ka handa” ang sabi ni Miggy “salamat ha, next time ulit.. paalam” nang makaalis na si Miggy ay agad na namang nagbago ang mood ko. Si Miguel bumaba sa sasakyan at masakit ang tingin sa’kin.
Tinalikuran ko lang siya pero mabilis niya akong sinundan papasok ng bahay.
“who was that? Kaya mo ba ako iniiwasan ha?”
“wala kang pakialam”
“of course may pakialam ako! I’m your boyfriend”
“hindi ka ba nakakaintindi? Ayaw na kitang makita!”
“why because of that guy? Bakit? nagsawa ka na ba sa’kin ha? Kaya papalitan mo na’ko?”
“ang lakas ng loob mong itanong sakin yan, bakit ikaw nagsawa ka rin ba sakin ha? Kaya ba nadatnan kita sa bahay nyu na nakikipagbabuyan sa Jessica na yun?” hindi siya nakasagot, para siyang nabuhusan ng malamig na tubig.
“baby.. what are you talking about?” ang malumanay niyang tanong.
“wag ka ngang mag maang maangan, I saw you… you were on top of her…. Yung araw na naaksidente ako”
“hayaan mo’kong magpaliwanag”
“hindi mo na kailangang magpaliwanag! Everything is clear to me.. ginamit mo lang ako para malaman talaga kung ano talaga ang gusto mo” hindi ko na napigilang bumuhos ang aking luha. Ang sakit kasi sobrang sakit.
Sinubukan niya akong yakapin pero pinagtutulak ko siya hanggang sa makalabas siya ng pinto.
“ito na ang huling pagkikita natin Miguel.. sisiguraduhin kong hindi mo na’ko masasaktan ulit… pinatawad kita ng makita ko kayong naghahalikan, pero sobra sobra na’to. Tapusin na natin to, Mahal kita pero siguro hindi sapat ang pagmamahal na binigay ko sa’yo kaya ka nagkaganyan.. Paalam Miguel..”
Sinara ko ang pinto at ni lock ito. Naririnig ko pa ang pagkatok at pagsusumamo ni Miguel.
Back to normal na ang lahat, balik na’ko sa opisina. Habang abala ako sa pag review sa mga papers y biglang bumukas ang pinto ng opisina ko.
“sir pasensya na ho kayo nagpupumilit ho kasi siyang pumasok” ang sabi ng aking secretary. Ano kaya ang pakay ng bruhang Jessica na to.
“that’s okay, just close the door”
May nilagay si Jessica na putting papel sa desk ko “what do you want?”
“I want you to open that paper”
Binuksan ko ang papel, aaminin ko parang napunit ang puso ko. Buntis ang bruha.
“siguro naman alam mo kung sinong ama”
“is that all?”
“gusto ko lang ipaalam sa’yo Ray na isa kang talunan”
“whatever, you may leave now marami akong ginagawa” buti naman at hindi na siya nagsalita. Ano kayang ginawa ng bruhang to?
“nakuha mo nga siya, pero alam mong hindi ikaw ang nasa puso niya” hindi ko alam kung bakit lumabas ang mga yun sa bibig ko.
Lumipas ang isang buwan. Wala na’kong nareceive na text or tawag mula kay Miguel. Siguro nga tinanggap niya na ang lahat. Mas mabuti na rin siguro yun para tuluyan na kaming maka move on.
Tinanggap ko na rin sa sarili ko na hindi kami talaga para sa isa’t isa kaya tuluyan ko na ring binuksan ang puso ko para kay Miggy. Walang araw na hindi niya’ko pinapasaya. Ang kulit kulit din niya.
“mukhang malalim na naman ang iniisip mo ah” ang sabi ni Miggy. Madalas ko siyang samahan dito sa condo niya. Parang ang saya saya ko kasi kapag kasama ko siya, siya ang gumamot sa sugatang puso ko.
“wala naman…. Ikaw masyado kang paranoid”
“alam mo, I’m so lucky to have you”
“naku ayan ka na naman sa ka kornihan mo.. isang milyong beses mo na yata sinabi yan eh”
“gusto ko eh, mamamatay ako pagnawala ka”
“grabe ka, hindi mangyayari yun”
Tuluyan na niya akong niyakap “basta kahit anong mangyari wag kang magbabago ha.. mahal na mahal kita… “
“ang weird mo, oo hindi ako magbabago..”
Itutuloy….
HS3.27
Miguel’s POV
Ano bang nagawa ko? parang gusto kong pag uuuntugin ang ulo ko sa ding ding. Ba’t kasi ako nagpadala sa pang aakit ni Jessica. Mahal ko si Ray, mahal na mahal ko siya. Mas dumodoble ang sakit na nararamdaman ko sa tuwing maiisip ko kung ganu ko siya nasaktan, napakatanga ko. Wala akong kwenta, maubos man ang luha ko ngayon, hindi na maibabalik kung ano ang meron kami dati.
Tuluyan na niya akong kakalimutan, ngayon pang may Miggy na dumating sa buhay niya. Kita ko kung gano siya kasaya pag kasama niya ang lalakeng yun. Kung hindi sana ako naging gago, edi sana ako ngayon ang nasa tabi niya.
“c’mon son… have some rest… hindi maitatama ng pagpapakalasing ang maling nagawa mo” ang sabi ni dad sabay kuha sa bote ng alak na hawak ko.
“I’m fvcked up dad..” hindi ko na napigilan ang pagbuhos lalo ng luha ko “mahal ko siya dad, mahal na mahal ko siya. Naging marupok ako…”
“I know you love him… but son you need to face the consequences”
“I know dad tatanggapin ko kung ano mang kaparusahan ang ibigay sa’kin ng diyos dahil sa ginawa ko, pero hindi ko kayang mawala si Ray sa’kin… dad….” tuluyan na akong humagulgol. Sobrang bigat ng nararamdaman ko.
“sige na, you need to rest masyado ka nang maraming nainom hindi makakabuti sa’yo yan” pag aalo ni daddy sa’kin. Tinulungan niya akong tumayo at inalalayan papuntang kwarto, parang umiikot na rin kasi ang paningin ko. Mukha ni Ray ang nakikita ko. Nahilo lang ako sa kakainom pero ang sakit sa dibdib ko hindi nawawala.
Mas lalong sumasakit pag naiisip kong kasama niya an Miggy na yun. Ako sana ang nandun pero ang tanga tanga ko eh.
Nagising ako at alam kong nasa ospital na’ko. Hindi ko na talaga kaya ang nangyayari kaya nilaklak ko ang isang bote ng zonrox na nasa banyo ng kwarto ko. Yeah! Now I’m very very fvcked up. Nang tinapos ni Ray ang namamagitan sa’min parang nawalan na rin ako ng mga kamay at paa. Feeling ko parang napaka inutil ko na.
“how are you sweetheart… you scared us.. please don’t do that again” ang sabi ng mama ko. Nakita ko na lang na umiling si daddy at kita ko sa mga mukha nang magulang ko ang awa na nararamdaman nila sa’kin.
Maya maya ay bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok ang taong pinaka mamahal ko. Ang taon miss na miss ko na. Pero blangko lang ang ekspresyon niya habang nakatingin sa’kin.
“lalabas lang muna kami ng mommy mo” pagkalabas nina dad ay unti unting lumapit si Ray sa akin. Gustong gusto ko siyang yakapin.
“alam mo napaka insensitive mo talaga” sabi ni Ray
“I’m sorry…”
“sorry sorry sorry you always say that. You know what hindi nagkakaron ng magandang epekto yang sorry mo. Just to let you know, hindi ako pumunta dito dahil naaawa ako sa’yo kundi dahil naaawa ako sa daddy mo. Alam mo ba kung anong nangyari, he came to my office begging me to come hear, he swallowed his pride. Umiyak siya at lumuhod para lang balikan kita kasi napaka miserable mo. Ang lakas ng loob mong gumawa ng kagaguhang katulad niyan at hindi mo kayang panindigan?” huminga siya nang malalim. Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso.
“sige lang sabihin mo lang ang gusto mong sabihin, ilabas mo ang galit mo. Na iintindihan ko, alam ko abot langit ang galit mo sa’kin ngayon. Pero sana lang mapatawad mo’ko”
Narinig ko na lang ang kanyang pag hikbi. Umaagos na naman ang luha mula sa kanyang mga mata. I want to comfort him, pero papano ko gagawin yun kung ang dahilan ng sakit na nararamdaman niya ay ako.
Unti unti siyang lumapit sa aking hinihigaan at niyakap ako.
“sinabi ko sa’yo na sisiguraduhin kong hindi mo na’ko masasaktan pero sobrang mahal kita eh. Naiinis ako bakit mo kasi pinagtangkaang wakasan ang buhay mo” hinaplos niya ang ulo ko.
“mapapatawad mo pa ba ako?”
“hindi sa ngayon pero balang araw alam kong mapapatawad din kita. Makakalimutan din natin ang lahat ng ito” hinawakan niya ako sa mukha kitang kita ko ang sakit na nararamdaman niya sa kanyang mga mata. “dapat maging masaya ka na, kasi magiging tatay ka na. Maging mabuti kang ama sa magiging anak mo”
“hindi.. hindi… ayoko… ikaw ang gusto ko… ikaw ang mahal ko”
“Miguel hindi pwede, may bata nang madadamay dito. Tandaan mo palagi mahal na mahal na mahal kita. Hinding hindi ako nagsisisi na minahal kita. Andito ka palagi sa puso ko… Magpagaling ka ha….” Pilit siyang ngumiti at muli nagtagpo ang aming mga labi.
“wag mong pabayaan ang sarili mo.. kailangan ko nang umalis…” tinanggal niya ang pagkakayakap ko sa kanya. Hindi na siya lumingon hanggang sa makalabas siya ng pintuan. Wala na.. wala na talaga siya… ano nang gagawin ko ngayon?
Ray’s POV
Minahal ko talaga ang abnormal na yun, kaya kahit sa kabila ng ginawa niya hindi ko pa rin magawa na tuluyang kamuhian siya. Tanggap ko na, talunan na’ko nanalo ka na Jessica. Nakuha mo man si Miguel gamit ang sanggol na nasa sinapupunan mo pero tandaan mo, walang nakakaligtas sa batas ng karma. Alam ko wala kang lugar sa puso niya.
Kinabukasan ay may lumabas na malaking issue. Kumalat ang picture namin ni Miguel nung hinalikan ko siya sa ospital. Sino naman kayang may pakana nito?
Mapa telebisyon, radyo, newspaper kami ang topic. Nadawit pa pati pangalan nang daddy ko, nabasa ko pa sa isang tabloid na ‘Gay parents will surely have a gay son’ okay lang sana kung ako lang ang laman ng topic, pati sina daddy Paul at Enzo na haharass na.
Mas lalo akong nabahala kasi nag uusap na ang board ng Misters of the Philippines, Mister Tourism at Mister International na eh dethrone kami ni Miguel dahil isa daw itong malaking kabaklaan. Pano na ang titolong pinaghirapan ko? yung pangalan ko? ang pangalan ng pamilya namin?
Tumakbo ako papunta sa kwarto nina daddy at agad naman nila itong binuksan.
“dad… have you heard the news?”
“yes son…”
“dad I’m sorry…” napayakap na lang ako kay daddy Paul “dad sorry kasi nadadawit pa kayo dito, na disappoint ko na naman kayo for the nth time..”
“no son, it’s not your fault. Na iintindihan ka namin…”
“pero dad, what about the name of your company? Nadadamay na rin ito”
“son, wala tayong tinatago. Lumaki ang kumpanya because of our efforts. Alam ng mga tao kung ano kami ng daddy Enzo mo. They love us they trust us. Okay?” sabi ni daddy paul
“however, whoever the culprit behind this is caught.. will surely pay” ang sabi ni daddy Enzo
“hello Ray narinig ko ang balita idedethrone daw kayo.. anong gagawin natin?” tanong ni Franz nung sinagot ko ang tawag niya.
“Hai wala akong magagawa kong yun ang gusto nila”
“hindi kami papayag friend.. hindi pwede, papakulam ko ang may pakana nito”
“hayaan na lang natin, hindi din naman ako nag ingat eh”
“ay hindi hindi hindi… HINDI PWEDE….”
“ano namang magagawa nyo aber?”
“basta nakausap ko na si Borgy ko pati sina Heaven at Rhett”
“ano yun? hoy loko loko baka ano na namang kalokohan yang gagawin nyu ha”
“basta I’ll call or text you later kung anong gagawin mo. Goodbye, magluluto muna ako ng tanghalian ni Borgy ko…”
Ano kaya ang iniisip ng mga baliw na yun?
Enzo’s POV
Alam ko kung gano kahirap ang pinagdaraanan ng anak ko. This is too much, kinakabahan ako kasi baka hindi niya kayanin at baka kung anong maisip niyang gawin. Diyos ko po wag naman sana.
Simula ng maliit pa siya masyado na akong paranoid dahil palagi siyang napapaaway dahil sa’min. Ngayon bumalik na naman ang pagiging paranoid ko dahil sa mga sunod sunod na hindi magagandang nangyari. Baka lalo lang siyang ma depress.
Simula nung nalaman niyang nabuntis ni Miguel si Jessica ay palihim ko na siyang pinasusundan. Gusto ko lang masiguro ang kaligtasan ng anak ko. Ayokong may mangyari sa kanyang masama, ayaw niya kasing magkaron ng mga bodyguards kaya pinasusundan ko na lang siya ng palihim.
Nang lumabas ang picture nila ni Miguel na naghahalikan sa ospital ay alam ko na agad kong sino ang may pakana nun, si Jessica.
The nerve of that woman. Hindi na siya nakuntento sa sakit na dinulot niya sa anak ko when in fact wala naman itong ginagawa sa kanya. Well nagkamali siya ng binangga, I found out na nag tatrabaho siya sa isang modeling agency na pag aari din namin.
Kaya eto siya ngayong kulang na lang magbasag siya ng gamit sa loob ng opisina ko. Napaka walang manners.
“this is not right, you can’t terminate my contract!”
“sure we can hija”
“why?! Okay pa naman ako tsaka hindi pa naman ganun kalaki ang tiyan ko. Pinepersonal nyo ko”
“hindi sa ganun hija, you’re a contractual employee. It means that if the account pulled out, your contract will also end”
“hindi ako papayag this is illegal! Ginagawa nyo to dahil sa mga nangyayari sa anak nyo!”
“you don’t need to shout magkalapit lang tayo”
“then tell me why suddenly tinanggal nyo ko sa campaign! I don’t understand! You’re really doing this because of your gay son!”
“watch your mouth hija and be conscious whom your speaking with”
“totoo naman, ako ang sinisisi nyo sa pag leak ng pictures ni Ray at Miguel”
“bakit? hindi ba?”
“where’s your proof?”
Inopen ko ang picture sa aking laptop at pinakita sa kanya.
“now tell me, isn’t that you who’s taking the picture?” hindi siya nakasagot malinaw na malinaw ng pagmumukha niya sa picture.
“so what are you going to do now? Papa salvage nyu ko? ano?!”
“I won’t do that dear ayokong madungisan ang reputasyon ng kumpanyang ito. Ang karma na ang kusang lalapit sa’yo”
“Hindi pwede to, dadalhin ko to sa korte”
“sure I’ll see you there. Now is there anything else?” tinignan nya lang ako ng masakit. Well that serves you right “okay if you don’t have any questions, please wait outside and we’ll process your final pay check”
Itutuloy….
s
HS3.28
Ray’s POV
May na receive akong text mula kay Franz.
“Ray manood ka nang tv sa may channel ten bilis”
Agad ko namang pinaandar ang telebisyon at nilagay ko sa channel ten. Holy sh*t nasa tv silang apat. Si Borgy katabi niya si Franz tas si Rhett katabi si Heaven. Ayun sa caption sa screen may announcement daw sila. Oh no…. sana mali ang naiisip ko.
“magandang gabi po sa lahat ng nanonood ako po si Borgy Alvarez ang inyo pong Mister Global at ito si Francisco Morales ang aking partner” pak! Sinasabi ko na nga ba.
“hello po sa lahat ng nanood. Rhett Lester Abraham po the reighning Mister Model International and this is my partner Heaven King” siguradong na shock ang mga taong nanonood at ang mga loko nag halikan pa talaga. Hoy mga hong hang ang dami na nilang nakuhang litrato!
‘nakita ko sa news ang picture nyo ni Miguel na naghahalikan. Totoo ba yun?’ text ni Miggy sakin.
‘oo, totoo yun. I’m sorry…’
‘that’s ok. I understand’ medyo nagtaka ako kasi parang hindi man lang siya nagalit. Ewan.
“hello, hoy Franz anong ginawa nyo.. alam nyo puro kayo baliw” biglang tumawa si Franz
“oh diba, pwede din ba akong maging artista?”
“oo pwede, teka nga ba’t nyu ginawa yun?”
“friend loading ka ba? ayaw pumayag ni Borgy na kayo lang ang ma dethrone.”
“di naman nila dapat gawin yun. hayan tuloy magugulo pati mga buhay nyo”
“ai teka nga punta kami diyan, masama na naman tingin sakin nitong si megaphone baka isipin niya kung sino na naman ang kinakausap ko sa telepono”
Dumating nga ag apat na martian, may mga dala pang pagkain.
“salamat sa inyo ah. Pero puro kayo abnoy ba’t nyo ginawa yun?”
“wala yun, tsaka don’t feel bad. Gusto ka naming damayan. Unfair kasi kung ganun, ayaw naming maging duwag sa ganyan. Kailangan nating ipakita sa kanila na mas importante pa rin ang ating nararamdaman kesa sa kung ano anung title” nakipag apir pa sila.
Kulang talaga pag wala si Miguel. Si Miggy naman busy din sa trabaho kaya madalang na lang kami kung magkita.
“sst.. alam mo hindi ko bet yung bago mong jowa. Sa kay Miguel ORIGINAL pa rin ako boto”
“hindi na nga pwede.. move on na”
“hai naku ba’t ba umeksena yang Jessica na yan, pakulam ko yan eh. Tsaka yung Miguel ORIGINAL mo pag nakita ko yun makakatikim talaga ng sapak sakin yun, patawarin mo’ko pero kahit nasa kanya ang boto ko sisiguraduhin kong dudura siya ng naghahalong dugo at ngipin dahil sa ginawa niya sa’yo”
“wag na nga natin siyang pag usapan”
“eh sino si Miggy mo? Nasan na siya ngayon friend? Naku kung kayo pa ni Miguel ORIGINAL sigurado mabilis pa yun sa alas kwatro pag nalamang andito ang tropa”
Oo nga, si Miguel andyan agad sa twing nagkakasama kaming anim. Wala talaga siyang absent. Actually ngayon nga parang na iimagine ko na nandito siya sa tabi ko at nakaakbay. Na miss ko na siya ang amoy niya. Ang pangungulit niya, ang tawa niya mga lambing niya. Hindi ko na tuloy napigilang lumuha.
“oh hayan, na miss mo siya noh”
Maya maya bumukas ang pinto at iniluwa nito si Miguel. Mabilis na nilapitan ni Franz si Miguel at binigyan ito ng suntok. Pero hindi lumaban si Miguel to the rescue naman si Borgy at inawat si Franz.
“ba’t mo siya sinuntok, pasensya na niyaya ko siyang pumunta dito” ang sabi ni Borgy kay Franz.
“eh napaka insensitive mo rin pala eh noh!” sabi ni Franz.
“mga dude chill lang” sabi ni Rhett.
“pasensya na kayo ha, nakagulo pa’ko” malungkot na sabi ni Miguel at agad itong lumabas. Medyo pumayat siya. Magulo ang buhok at damit, nakaramdam ako ng kurot sa aking puso ng makita ko ang stiwasyon niya. Tuluyan nang bumuhos ang aking luha.
Mahal ko pa rin siya hanggang ngayon.
“Ray Velasquez?” lumapit sa akin ang isang lalake habang nasa parking lot ako. Kamukha siya ni Mister Grey sa Fifty Shades of Grey.
“yes?”
“I need your help”
“wala kaming opening sa modeling post ngayon, ipasa mo lang ang resume mo sa receptionist and we’ll contact you once we’re short listed” ang sabi ko sa lalake habang papasok sa building.
“no, hindi ako nag aaply I have something to tell you. I know you’re a very busy person, but please this is important and you might thank me for this”na intriga ako sa gustong sabihin ng lalakeng to. Mukhang mapagkakatiwalaan naman kaya pina unlakan ko.
Pumunta kami sa coffee shop na minamanage ng bestfriend ni daddy Enzo na si tito Benjie.
“Ray hijo, kumusta na.. I’m very sorry to hear about what happened. Don’t worry gwapo ka pa rin”
“si tito talaga”
“totoo naman, oh anong sa’yo?”
“same as usual po tito”
“sige, ano yung gusto ng pogi mong kasama? Naku siya ba yung artista na si Mister Grey?”
“naku hindi po tito, kahawig lang niya. Kung anong sakin yun na lang din sa kanya”
“ok sige, maupo ka na muna dun hijo I will just prepare your coffee”
Nalaman kong Roman pala ang pangalan niya. Isa din siyang modelo sa New York. Now alam ko na ang lahat. Na iintindihan ko na kung anong nangyari. Agad kong tinawagan si Miggy para makipagkita pagkatapos naming mag usap ni Roman.
Andito kami ngayon sa isang park kung saan kami palaging tumatambay pag lumalabas kami.
“Miggy I’m sorry” tumango lamang siya at tila na intindihan kong ano ang gusto kong sabihin.
“naiintindihan ko, mabuti na nga yung ganito. Kasi mas mahirap kung lumalim na ang nararamdaman natin sa isa’t isa. Alam ko kahit anong gawin ko eh si Miguel pa rin ang nasa puso mo. No worries”
Miguel’s POV
“Mister alagaan nyong mabuti tong misis nyo ha. Wag kalimutang bilhin ang mga supplements na nireseta ko para sa kanya” ang sabi ng doctora.
Lumabas kami ng clinic at panay hawak ni Jessica sa braso ko. kaka irita kaya tinatanggal ko agad.
“kelan tayo magpapakasal?” pero hindi ko siya pinapansin. “hoy nakikinig ka ba?”
“will you please shut up! Walang kasal na mangyayari. Gagampanan ko ang pagiging ama sa bata, but don’t expect na pakakasalan kita. Hindi ako matutulog sa iisang kama kasama ka or tumira sa iisang bubong dahil hinding hindi ako magpapatali sa’yo, you understand?” sobrang naiirita na talaga ako sa kanya.
“why are you like that? Can you just accept na hindi kayo pwede ng gay na yun. Hindi ka magkakaanak sa pagpapa chpa at pagkantt sa kanya at isa pa…”
“stop it!!!!! If you won’t stop talking shit about him, I might forget that you’re pregnant so shut the fvck up!”
Na bwi bwisit na talaga ako sa babaeng to. Naisip ko nga pag nanganak siya lalayo na lang ako kasama ang bata para tuluyan nang mabaliw to.
Pagkatapos kong maihatid si Jessica sa bahay nila ay agad akong umuwi. Tinignan ko ang oras sa cellphone ko alas onse pa lang ng tanghali. Picture ni Ray na natututlog ang wallpaper ko. Palagi kong tinitignan ang kanyang mga pictures sa phone ko.
Napapangiti na lang ako kasi lihim ko siyang vinivideohan kung nag uusap kami at palagi kong pinapanood yun sa tuwing na mimiss ko ang tawa at boses niya. Tinawagan ko ang phone niya pero ring lang ng ring. Kaya nag text na lang ako, kahit alam kong hindi naman siya mag rereply pero ginagawa ko pa rin
‘I miss you baby ko’ para akong sira ulo. Ngumingiti habang lumuluha. Tumunog ang phone ko. Nag reply si Ray. pag bukas ko isang smiley ang kanyang reply. Ibig sabihin kaya nito napatawad niya na ako?
Itutuloy……
2
HS3.29
Ray’s POV
“salamat Roman”
“your welcome, gusto ko lang din kasi mabawi si Jessica at ang magiging anak ko” hindi si Miguel ang ama ng dinadala ni Jessica kundi si Roman. Ang babaeng yun! Oras na para bawiin ko ang talaga namang sakin.
Patungo kami ngayon sa bahay nina Miguel para sabihin sa kanya ang totoo. Habang papalapit kami sa bahay ni Miguel ay nakita pa naming pumasok si Jessica sa kotse ni Miguel. Hinarang ng kotse ni Roman ang kotse na sinasakyan nila.
Agad lumabas si Miguel sa kotse at mukhang galit na galit siya dahil sa ginawang pagharang sa kanya.
“do the honor please” ang sabi ni Roman at ngumisi. Nauna akong lumabas sa kotse. Nagbago bigla ang reaksyon ni Miguel nang makita niya ako. May gumuhit na ngiti sa kanyang mukha.
“Ray… anong..” biglang lumabas ang demonya sa sasakyan at nagsimula na namang magtaray.
“anong ginagawa mo dito looser?”
“babawiin ko kasi si Miguel” Ang bruha… tumawa pa… sige tumawa ka tignan natin.
“hindi mo na siya mababawi, papakasalan niya raw kasi ako para hindi naman maging illegitimate child tong dinadala ko” Lumapit siya kay Miguel at niyakap pa niya ito. Tumingin sa’kin si Miguel na tila nag aalala. “kaya pwede ba alisin mo yang car mo na nakaharang sa daan kasi maraming pa kaming aasikasuhin para sa aming kasal”
“walang kasal na magaganap” lumabas ng kotse si Roman at tila nabuhusan ng tubig na galing sa northpole ang bruha.
“Roman? What are you doing here?”
“I’m saving our relationship, our marriage. Gusto ko kayong alagaan ng magiging anak natin” Tuluyan nang hindi nakapagsalita ang bruha. Lumapit si Roman kay Miguel at inabot ang mga papel na hawak niya.
“open it dude” sabi ni Roman kay Miguel.
“why are you doing this?!’ ang galit na tanong ni Miguel kay Jessica pero natameme ang bruha “how could you do this? So this explains everything.”
Marriage certificate ang inabot ni Roman kay Miguel. Ang bruha two weeks na palang buntis nang may nangyari sa kanilang dalawa ni Miguel. Baliw siguro ang babaeng yun.
Si Roman ang dahilan kung bakit sila nagkahiwalay ni Miguel. Buti na lang hindi nagkasapakan ang dalawa. Sabi ni Roman mahal na mahal daw niya si Jessica, pero bigla lang daw itong nagbago nang makita niya muli si Miguel sa Mister Tourism International.
Mag iisang taon na silang kasal. Pero kahit siya hindi niya rin maintindihan ang ugali ng babaeng yun.
Importante sakin ngayon nabawi ko si Miguel ko.
Andito kami ngayon sa tabing dagat, hinubad niya ang kanyang damit at dun ako pinaupo.
“madudumihan pa tong damit mo”
“hayaan mo na’ko”
“he! Gusto mo lang ipagmayabang yang katawan mo eh” hindi siya sumagot at seryoso lang ang kanyang mukha. Napansin ko na lang na lumuluha na siya. Dinampot niya ang kamay ko at hinalikan niya.
“patawarin mo’ko sa nagawa ko. Pinapangako ko na hindi ko na gagawin ulit yun”
“tapos na yun, kalimutan na lang natin. Ang importante magkasama na tayo ulit”
Pagkatapos nang lahat ng nangyari, kinalimutan namin ni Miguel ang lahat. Nagsimula kami ulit. Back to normal na ang lahat. Balita ko nga dinala na raw ni Roman si Jessica pabalik sa states. Wala na rin siyang magagawa, hindi niya rin maaaring pwersahin si Miguel sa kung anong gusto niya.
Nawala na rin ang issue tungkol sa pag dethrone sa’min, wala kaming narinig na balita kung natuloy ba yun o hindi. Mas malaya na ngayon ang feeling ko atleast alam na nang mga tao kung anong meron kaming dalawa ni Miguel.
Narito kami sa isang beach, abala ako sa pag ihaw ng pusit. Habang sina Miguel naman ay naliligo sa dagat. Medyo malayo layo na ang nalakad nina daddy Paul at Enzo, magkaholding hands pa ang dalawa habang naglalakad sa dalampasigan. Nandun din sina tito Jake pati grand parents ni Borgy at sa unang pagkakataon naki join ang pamilya ni Franz.
“dude pwedeng magpatulong sa’yo” lumapit sa’kin si Borgy at kinuha ang mga lutong isda at pusit.
“oo naman, ano ba yun?”
“basta sikreto lang natin to ha. Wala kang pagsasabihan na kahit sino, kahit si Franz okay?”
“ay? Ba’t ayaw mong malaman ni Franz? Hai naku baka kung ano yang binabalak mo ha. Alam mo namang jowa mo baka ma beast mode”
“wag kang mag alala kasi…..” may binulong sa’kin si Borgy. Sinabi niya sakin lahat kaya nalinawan ako. Hihi. Sige tutulungan ko siya sa mga plano niya. Mukhang maganda to. Pumasok si Borgy sa cottage. Umahon si Franz at lumapit sakin.
“Sst! Anong pinag uusapan niyo ni megaphone ha? Ba’t siya umakbay sa’yo kanina?” ang sabi ni Franz at tinitignan ako mula ulo hanggang paa.
“wala no… pinagseselosan mo ba’ko?”
“eh ano ngang sinabi niya sa’yo?”
“wala nga kulit mo” kinuha niya ang isang pusit at dinampot ang kutsilyo.
“siguraduhin mo lang na wala kayong ginagawang hindi ka nais nais, dahil gigilitan talaga kita sa leeg” ang sabi ni Franz habang hinihiwa ang pusit na nilagay niya sa plato.
“wag ka ngang mag isip ng ganyan kasi pag nangyari yan papahiram ko din si Miguel ko sa’yo”
“arrrrrgggghhh!”
“hahahaha alam mo para kang bata, tsaka FYI mas masarap kaya si Miguel ko”
“blah blah blah…” masarap ding asarin tong si Franz. Excited akong makita ang reaksyon niya sa gagawin namin ehehehe.
“anak, kelan nyu balak magsama ni Miguel?” ang biglang tanong ni dad habang kumakain at nakatingin sa dagat.
“what do you mean dad?”
“yung magpapakasal kayo, titira kayo sa iisang bahay.. things like those”
“pinapalayas nyu na po ba ako?” biglang natawa si daddy Paul sa tanong ko.
“of course not, walang limit ang pagtira mo sa bahay natin”
Naisip ko rin, ano kayang mangyayari pag nasa iisang bahay na lang kami. Siguro iba talaga ang feeling nun. Aantayin ko na lang na si Miguel ang mag open up nun, ang importante bumalik na sa dati ang lahat.
Mga alas singko na ng hapon ng umuwi kami. Sumama si Miguel sa bahay, na miss niya raw kasi ito.
“I miss you” sabi ni Miguel habang nakaupo kami sa kama.
“alam ko na miss mo’ko ilang beses mo nang sinabi yan”
“hindi yun ang ibig kong sabihin” hinawakan niya ako sa mukha at mapusok na hinalikan.
*tok *tok *tok
“Ray nakahanda na ang hapunan, kumain na tayo” ang sabi ni daddy Paul.
“what the?” ang pabulong na sabi ni Miguel. Kakatawa ang reaksyon niya, gusto sanang maka score wahahaha.
“better luck next time…” ang sabi ko sa kanya.
“tsk! Wrong timing naman si daddy oh” ang sabi ni Miguel sabay kamot sa ulo.
“halika na, ayaw niyang pinag aanatay ang pagkain dali na”
Pagkatapos naming kumain at kinwento ko kay Miguel ang plano ni Borgy. Dun natulog ang alien, pero hindi talaga siya naka iskor, pagod kasi ako at parang wala ako sa mood hehe. Nag iinarte pa?
Nakuntento na lang siya sa pagyakap at pag halik sa pisngi ko. Akala ko hindi na ulit mangyayari to.
‘Ray samahan mo naman ako’ text ni Franz sa’kin.
‘sure san naman?’
‘kung san pwede magkape’
‘sure, sige kita na lang tayo dun sa mall’
‘ok salamat’
Tinungo ko ang coffee shop na tinatambayan namin ni Franz sa tuwing gumagala kami. Andun na siya sa loob at parang iba ang aura niya. Hindi niya namalayan na lumapit ako sa kanya kaya tinapik ko ang balikat niya.
“hoy okay ka lang diyan?”
“andyan ka na pala. Hindi ako ok”
“ba’t naman? Sandali lang mag order muna tayo” pagkatapos kong mag order, agad ko siyang binalikan sa table. Napansin ko lang namumula ang mga mata niya.
“oh ano na.. ba’t ka naiiyak?”
“si Borgy kasi eh”
“bakit anong problema? Nag away ba kayo?”
“hindi, palagi na lang kasing late kung umuwi, maaga din namang umaalis. Ewan ko kung anong ginagawa niya”
“baka busy lang”
“baka iba siguro ang kina bibisihan. Palagi siyang may kausap sa phone, agad din naman niyang binababa ang telepono pag nakita nya ko” tuluyan na talaga siyang naiyak.
“kinausap mo ba?”
“tinatanong ko siya palagi kung anong problema, ’ wala’ yan lang ang sagot niya. Minsan nga pinagalitan pa’ko kasi ba’t daw ako tanong ng tanong”
“baka pagod lang yun.. hayaan mo na”
“ewan ko.. hindi ko na alam… kaarawan ko na sa susunod na linggo, nung nakaraang taon tinanong niya pa’ko kung anong gusto kong regalo. Pero ngayon kahit sabihin niya lang na uy…
birthday mo na nextweek
eh wala akong narinig sa kanya”
“Tama na yang pag iyak. Baka masyado ka lang nasanay sa paglalambing niya, pero hindi ibig sabihin nun na may iba siya. Masyado kang paranoid. Itigil mo nga yang pag iyak, pinagtitinginan na tayo ng mga tao baka isipin nilang boyfriend kita at nakikipag break ako sa’yo ewwwww!”
“Maka eeeeewwww wagas!”
“mamaya lasang dagat na yang kape mo, halos lahat nang luha mo napunta na diyan”
“ang o.a mo… mang libre ka naman diyan ng cheese cake”
“dapat ikaw ang mag libre ikaw ang nagyaya noh”
“sus barya lang yan sa’yo noh, sige na order na dun dalawang slice ha” ang demanding naman.
“ang takaw mo”
“sige na…..”
Pagbalik ko dala ang cheese cake, parang binagsakan na naman ng langit ang itsura ni Franz.
“hoy tama na yang ka eemote mo”
“naiinis lang kasi ako, nag text ako sa kanya na andito ako sa mall kasama ka tas yung reply niya sakin tanging
‘K’
lang. Dati tatawag pa yun o di kaya’y mag rereply ng
‘I love you ingat ka diyan ha, miss na kita agad’
tas may emoticons pa and all”
“tama na yan, hayaan mo pag niloko or sinaktan ka niya isa ako sa bubugbog sa kanya ok? Kumain ka na nga”
Pagkatapos naming magkape sinamahan ko siyang magpagupit at magpa facial, baka raw kasi loshang na siya tignan kaya nanlalamig si Borgy sa kanya. Bumili pa talaga ng thong underwear ahahaha aakitin daw niya kasi si Borgy sa anniversary nila. Halos ma hatsing na’ko kasi lahat ng pabango papaamoy niya sa’kin, sabihin ko raw kung nakakaakit ba ang amoy o hindi. Sobra pa sa babae to kung maparanoid.
Puno ang backseat ng kotse ko sa dami ng pinamili niya.
“Ray thanks for the company pati na rin dito sa paghatid mo”
“hoy ano ka may bayad to noh, pambihira kahit pang gasolina ko na lang”
“thank you friend…”
“he! Kung hindi lang tayo magkaibigan…”
Pagkatapos kong ihatid si Franz dumiretso na agad ako sa bahay. Pagpasok ko sa bahay ay nadatnan ko si Miguel na nasa sofa. Tumayo siya.
“san ka galing?” lumapit ako sa kanya.
“sa mall” bigla niya akong hinalikan and he squeezed my butt cheek. Alam ko kung anong gusto niyang mangyari kaya inawat ko.
“wag ngayon…. tsaka andito tayo sa sala”
“sige na naman, na miss na kita. Tigang na tigang na’ko”
“ayoko” inamoy niya ang leeg ko.
“hindi ito ang amoy ng pabango mo ah, ba’t ganyan ang amoy mo? Siguro…..”
“hep.. hep… wag mong ituloy ang sasabihin mo. Kagagawan to ni Franz, halos maubos ang tester ng pabango dun sa kaka spray niya. Sinamahan ko rin siyang mamili ng damit”
“bakit anong meron?”
“feeling niya daw kasi nanlalamig si Borgy sa kanya, kaya ayun todo pa gwapo nag make over from head to toe”
“magandang idea yun ah, sige mag papapogi na rin ako baka sakaling pagbigyan mo na’ko”
“alam mo sira ka talaga.. halika na nga tignan natin kung anong meron dun sa ref baka nagugutom ka lang”
Itutuloy…..
eA-�9#|�y
HS3.30
A/N: Say hi to our guest Yeng Constantino :)
Miguel’s POV
Niyaya ko si Ray na sya naman ang matulog sa bahay. Hihihi Baka sakaling maka iskor ako. Kakalabas lang niya sa banyo. Nakasuot siya ng pulang boxer short.
“oh anong tinitingin tingin mo?” ang sabi niya habang pinapatuyo niya ang kanyang buhok gamit ang tuwalya.
“bakit masama bang tignan ka?”
“naku… naku… alam ko yang mga tingin na yan Juan Miguel. No way…”
“ikaw assuming ka”
“totoo naman yun, kitang kita ko ang boner mo” napatigin ako sa baba, ay oo nga bumakat nga “tigilan mo yan ah” napahiya ako dun ah.
“sige wag mokong pagbigyan palagi, sige ka.. ikaw din..”
“at anong gagawin mo ha? Titikim ka ulit ng p*ke ng babae?” sinuot niya muli ang kanyang short at damit at parang nagdadabog pa.
“hayan ka na naman, diba usapan natin kakalimutan na natin yung nangyari?” hinawakan ko siya sa magkabilang balikat pero tinanggal niya agad. “uy… nagbibiro lang naman, galit agad?”
“alangan namang matuwa ako?” ay may regla yata to ngayon kaya ang sungit.
“sorry na…”
“kung hindi lang kita mahal…. Naku na lang”
Kinuha ko ang photo album na nilagay ko sa drawer at inabot sa kanya. Binuksan niya ang album at nagulat siya sa kanyang nakita. Pina print ko kasi ang pictures namin sa phone ko at nilagay sa album.
“wow ang ganda naman nito, teka mga stolen shots ba ang mga to?” panakaw ko kasi siyang kinukunan nang litrato nung boss ko pa lang siya dati. Naka coat and tie pa. hehehe
“uhmmmm!“hinampas niya ako ng album nang makita niyang may mga picture siyang nakatapis lang ng tuwalya. Hahahaha
“pati ito talaga? Baka mamaya pati mga eksena natin sa kama vinivideo mo ha?”
“uy wala ah, baka mag leak pa yun”
“siguraduhin mo lang, burahin mo na ngayon kung meron man”
“wala nga.. ang kulit”
Ray’s POV
BInuklat ko pa ang ibang pahina ng photo album. Ang dami pang mga pictures, katulad nung pagpunta namin sa Prague at Spain. May mga picture din dun ng mga martian. Ang saya lang balikan ng mga nakaraan, yung mga masasayang alaala naming dalawa.
Tanging ang pangako niyang hindi niya na uulitin yung ginawa niya ang iniisip ko sa tuwing nakakaramdam ako ng pangamba. Mahal ko siya, mahal na mahal sana nga maging tuloy tuloy na tong kaligayahan na nararamdaman ko.
May kinuha siyang isa pang album at medyo maliit ito kesa sa album na hawak ko. Light lang ang kulay nito at ang cute ng disenyo. Inabot ito sa’kin ni Miguel. Binuklat ko ito pero wala namang laman.
“ba’t walang laman?”
“wala pa, wala pa naman tayong baby…” sinara niya ang album at ilagay ito sa gilid niya.
“gusto mong magkaanak?”
“oo naman, ayaw mo?”
“gusto ko, mag aampon tayo?”
“nope” tinaasan ko siya ng kilay “woah, wait alam ko yang iniisip mo Dylan Ray. Never ko gagawin yan, tatanungin kita, nakipagsiping ba si daddy Paul sa babae para mabuo ka?” bigla akong napaisip ngayon ko lang na realize.
“you mean surrogacy?”
“exactly”
“sigurado ka ba, handa ka nang magkaanak?”
“oo naman, excited nga ako eh. May naisip na akong pangalan Joshua Mikhail or Jordan Joshua” ang sabi ni Miguel sabay ngiti.
“sigurado ka bang lalake ang magiging anak natin?”
“oo naman, basta yun ang kutob ko.”
Excited ang alien na magkaron ng anak. Kitang kita ko sa itsura niya, maging ako excited din.
“dad, we’re planning to have a child” sabi ni Miguel kay ninong Jake.
“wow, that’s nice mag aampon kayo?”
“no dad, surrogacy”
“that’s good hijo.”
“yehey, i’m excited to have a grandchild” ang sabi ng mommy ni Miguel
“me too, pero hindi nyo pa ba naisip na magpakasal?”
Nagkatinginan kami ni Miguel. Oo nga no.
“pag uusapan po namin ni Ray yan” ang sabi ni Miguel at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko.
Parang hindi pa rin ako makapaniwala. Two men cuddles in bed, para sa mga makikitid ang utak sobrang eeeewww na nitong ginagawa namin.
“oi.. mukhang malalim ang iniisip mo ah?” sabi ni Miguel
“na eexcite kasi ako pag naiisip kong makakaanak tayo”
“ako din”
“naisip ko lang ano na kayang nangyayari sa kay Franz at Borgy?”
“alam ko na kong anong ginagawa ng mga yun, sobrang manyakis ng Borgy na yun kaya malamang baka hindi makalakad yung si Franz hahaha”
“abah nagsalita yung hindi manyakis”
“oi hindi ah, sa’yo lang naman ako nagiging manyakis”
“siguraduhin mo lang, dahil kong hindi puputulin ko yan pag inulit mo na naman yung ginawa mo”
“hai ayan kana naman.. diba nag usap na tayo tungkol diyan?”
Oo nga naman, pero hindi ko pa rin kasi maiwasan na biglang maisip yung nangyari. Para sa’kin isa yung napaka samang panaginip.
Kinwento ko nga kay Franz ang pagiging makulit nitong si Miguel, yung alam nyu na, palaging nagyayaya. Sinabi sa’kin ni Franz na paminsan minsan pagbigyan ko naman daw tong si Miguel, mahirap na daw baka tumikim ulit ng ibang potahe.
“hello Franz, kumusta ka na diyan?” tinawagan ko si Franz 2 days after ng anniversary nila ni Borgy.
“eto okay naman, medyo naninibago sa bagong bahay… yieeeeeh!!!!”
“ai ba’t ka naman biglang kinilig?”
“eh, niyaya ako ni Borgy na magpakasal”
“wow, kelan daw?”
“within this year daw, oh ano nang galaw galaw diyan? Niyaya ka na rin ba ni Miguel na magpakasal?”
“pag uusapan daw namin, pero gusto niya nang magkaron ng anak”
“so mag aampon kayo?”
“hindi, surrogacy daw”
“uhmmm ah oo narinig ko na yan. Maganda yan ah, sasabihin ko kay Borgy ang tungkol diyan. Ay siya nga pala, sabay sabay na lang tayo magpakasal”
“huh? Pwede ba yun? sabi nila sukob daw yun”
“sa magkapatid lang yun friend kaya pwede tayong mag double wedding. Kausapin mo na si Miguel tungkol diyan”
“anak magbihis ka” sabi ni daddy Paul habang naka upo ako sa sofa.
“san po tayo pupunta dad?”
“dun sa hotel na minamanage ng ninong Jake mo” sinunod ko naman si daddy Paul.
Pagpasok ko sa kotse ni daddy ay may napansin ako, wala si daddy Enzo. “asan po si daddy Enzo dad?”
“susunod lang daw siya, may pinuntahan lang” pinagkibit balikat ko lang ito. Ilang minuto lang ay narating namin ang Enzo’s Castle ang pinaka latest na hotel na pinatayo ni dad.
Ang daming magagarang sasakyan, wow ang daming tao pagpasok namin sa loob. Meron din stage sa gitna.
“may concert dad?”
“yup”
“sinong singer?”
Hindi na nakasagot si dad ng pumalakpak ang lahat ng tao sa loob ng hotel. Wow si
Yeng Constantino
.
“Magandang hapon po sa inyong lahat, naimbitahan po ako dito para sa isang espesyal na announcement. Excited na ba kayo?” ang sabi ni Yeng. Hiyawan na naman ang mga tao. Nakita ko si daddy Enzo dun sa gilid. “pero bago yun, I would like to call the attention of Mr. Dylan Ray Velasquez” huh? Bakit ako? tinignan ko si daddy Paul.
“anak punta ka dun sa stage” sabi ni daddy Paul sa akin kaya sumunod naman ako.
“hello sir” ang sabi ni Yeng at nakipag beso beso pa siya sa akin “maupo po kayo” sabi pa niya. Umupo naman ako. Maya maya pa ay nag umpisa na siyang kumanta, ganda ng boses niya.
♫ Sa pagpatak ng bawat oras ay ikaw Ang iniisip-isip ko hindi ko mahinto pintig ng puso Ikaw ang pinangarap-ngarap ko Simula ng matanto na balang araw iibig ang puso ♫
♫ Ikaw ang pag-ibig na hinintay Puso ay nalumbay ng kay tagal Ngunit ngayo’y nandito na Ikaw, ikaw ang pag-ibig na binigay Sa akin ng may kapal biyaya ka sa buhay ko Ligaya’t pag-ibig ko’y ikaw ♫
♫ Humihinto sa bawat oras ng tagpo Ang pag-ikot ng mundo ngumingiti ng kusa aking puso Pagka’t nasagot na ang tanong nag-aalala noon kung may magmamahal sa’kin ng tunay ♫
♫ Ikaw ang pag-ibig na hinintay Puso ay nalumbay ng kay tagal Ngunit ngayo’y nandito na Ikaw, ikaw ang pag-ibig na binigay Sa akin ng may kapal biyaya ka sa buhay ko Ligaya’t pag-ibig ko’y ikaw ♫
♫ At hindi pa’ko umibig ng gan’to At nasa isip makasama ka habang buhay ♫
♫ Ikaw ang pag-ibig na hinintay Puso ay nalumbay ng kay tagal Ngunit ngayo’y nandito na Ikaw, ikaw ang pag-ibig na binigay Sa akin ng may kapal biyaya ka sa buhay ko Ligaya’t pag-ibig ko’y ikaw ♫
♫ Puso ay nalumbay ng kay tagal
Ngunit ngayo’y nandito na
Ikaw, ikaw ang pag-ibig na binigay
Sa akin ng may kapal biyaya ka sa buhay ko Ligaya’t pag-ibig ko’y ikaw ♫
Pag-ibig ko’y ikaw…
Palakpakan na naman ang tao, nakita ko sina daddy Enzo at daddy Paul na magkholding hands. Ngayon ko lang napansin na nandun din sina Franz, Borgy, Rhett at Heaven na sumasabay sa pagpalakpak. Pagkatapos kumanta ni Yeng ay pumunta na siya sa back stage. Naiwan akong nakaupo sa upuan sa may stage.
Ilang sandali pa ay may narinig akong kumanta , kilalalang kilala ko kung kaninong boses yun. Biglang lumakas ang kabog ng aking dibdib at nagsitayuan ang mga balahibo ko nang makita ko siyang papalapit sa’kin habang kumakanta.
♫ Can I touch you? I can’t believe that you are real How did I ever find you? You are the dream that saved my life You are the reason I survived Baby… ♫
♫ I never thought that I could love Someone as much as I love you I know it’s crazy but it’s true I never thought that I could need Someone as much as I need you I love you… ♫
♫ Can I hold you? Girl your smile lights up the sky You are too beautiful for the human eye You are the dream that never dies You are the fire that burns inside Baby… ♫
♫ I never thought that I could love Someone as much as I love you I know it’s crazy but it’s true I never thought that I could need Someone as much as I need you I love you… ♫
♫ You are the sinshine in the sky You are the sparkle in my eyes ♫
♫ I never thought that I could love Someone as much as I need you I know it’s crazy but it’s true I never thought that I could need Someone as much as I need you I love you. ♫
Wala akong pakialam kong maraming tao. Tumayo ako pagkatapos niyang kumanta. Ang lapad ng ngiti ng alien.
“Dylan Ray Velasquez… Will you marry me?” ang sabi ni Miguel habang hawak ang isang singsing. Ngayon mukhang mahihimatay na yata ako. Nabibingi ako sa tibok ng puso ko, aayaw pa ba’ko? grabe ang ngiti nig ago, halatang nag papogi bagong haircut kasi at parang nag pa facial pa, smantalang ako hindi man lang nakapag ahit hahaha.
“oo naman, magpapakasal ako sa’yo” niyakap niya ako ng mahigpit, nararamdaman ko rin ang malalakas na kabog sa kanyang dibdib at ang lamig ng kamay niya.
“salamat… pangako hinding hindi ka mag sisisi”
Itutuloy…..
Authors Note:
Pasesnsya na po sa lahat ng naghihintay sa update. Kanina pa sana to kaya lang tinotopak ang broadband ko. I love you all Happy Reading..
Credits to the following:
Yeng Constantino - IKAW
Dan Hill - NEVER THOUGHT
HS3.31
Ray’s POV
“I love you…” ang sabi ni Miguel sabay yakap at halik.
“eeeeeww! Stop it dude kakadiri!” sabi ko sa kanya. Bigla na namang nag iba ang reaksyon niya. Sarap din minsan asarin itong si mokong nagtatampo kasi agad hehe. Gustong gusto kasi lambingin siya at yakap yakapin, alam nyu na para paraan para maka chansing kahit konti hahaha.
“DUDE? EEEEWWW? K!” Lumipat siya sa isang upuan at pinag pipindot ang cellphone niya. Maarte din kasi to minsan. Gusto ko sanang makitang maiyak tong si alien pero parang hindi ko kayang gawin. Nilapitan ko siya at tinabihan.
“ano yang nilalaro mo?” pero inirapan niya lang ako. Alam ko ang ugali ng alien na to, maya maya lang manyak mode na naman siya. “eto naman naglalambing lang” bigla niya ang hinawakan sa ulo at sinisil ng halik. See?
Ganito kami palagi pag magkasama, magkukulitan mag aasaran minsan nga lang napipikon ang alien kaya tumitigil ako. Palagi din kaming napagsasabihan ni daddy Paul kasi parang mga paslit kami minsan kung mag away hahaha ang saya lang.
“Ray this is it. Excited na’ko” ang sabi ni Franz at kitang kita ang tuwa sa kanyang mukha. Andito kami sa Iceland kasi araw ng kasal namin ngayon. Yes double wedding. Hindi ko lubos akalain to, wedding siya as in wedding yung alam nyu na with entourage and everything. Naglalakad kami palabas ng hotel ni Franz may dalawang puting kotse na nag aabang sa’min sa labas.
Waaah baklang bakla oo sasakay kami sa bridal car, pero itong si Franz pulang pula na sa sobrang kilig at excitement.
“oi masaya ka ba?” siniko ako ni Franz.
“Oo naman masaya ako bakit naman?”
“eh parang ang lalim ng iniisip mo eh, baka nagplaplano kang maging runaway bride?”
“tsssk! Tigilan mo nga ang kaka mention ng bride sobrang nakakabakla dude”
“whatever ang importante magiging si Mr. Alvarez na din ako hehehe”
“pumasok ka na nga dun sa kotse mo, baka ma ihi ka sa sobrang kilig” ang sabi ko kay Franz sabay tulak ng bahagya sa kanya. Hindi naman sa nag mamayabang pero gwapong gwapo ako sa sarili ko ngayon hehehe, Naka all white ang black bow tie.
Nang umandar ang sasakyan ay biglang bumilis ang pag tibok ng puso ko na kinakabahan ako na parang hindi ko ma intindihan. Pinakiusapan ko ang driver na palakasan ang aircon nang biglang may malakas na pagsabog.
Miguels POV
“Franz asan na si Ray, sabi mo magkasama kayong umalis sa hotel diba?”
“Oo pero, mabilis yata ang pagpapatakbo ng driver sa kotseng sinasakyan ko, pero alam ko nakasunod lang naman sila”
Mga thirty minutes nang dumating si Franz dito sa simbahan pero si Ray hindi pa rin dumating. Kinakabahan na’ko. Pano kung nagbago ang isip niya? pano kung hindi niya talaga ako gusto? Ang dami nang tanong sa ulo ko.
Balisa na sina daddy Paul at Enzo. Kanina pa namin tinatawagan ang phone niya pero ring lang ng ring. Dial dial pa rin ako ng dial baka sakaling sagutin niya. Sa bawat minutong lumilipas ay lalong na ninikip ang dib dib ko, parang gusto ko nang maiyak
Pano nga kung hindi niya talaga ako mahal at ayaw niyang magpakasal sa’kin. Siguro nga hindi na nya ako sisiputin.
“Franz ituloy nyu na ang kasal nyu ni Borgy, hindi na makakapunta si Ray” tuluyan na talagang tumulo ang luha ko.
“hindi, hindi ka niya iiwan at tsaka ano ka ba aantayin natin si Ray” ang sabi ni Franz. Umupo ako sa isang bench dun sa garden sa gilid ng simbahan. Nagtext din ako kay Ray pero walang reply.
“Hello Ray asan ka?” hai sa wakas sinagot din niya ang tawag ko.
“Miguel umiiyak kaba? Sumabog ang gulong ng kotseng maghahatid sakin diyan sa simbahan, buti na nga lang hindi pa kami nakakalayo dito sa hotel kaya bumalik kami papunta na kami diyan” diyos ko akala ko hindi niya na ako sisiputin sa kasal namin.
After 15 minutes dumating na rin si Ray todo palakpakan ang mga dumalo sa kasal at sa wakas natuloy din.
Nanatili kami sa Iceland for 1 month para mag relax muna bago umuwi ng pilipinas. After two months biniyayaan na kami ng kambal na lalake sa pamamagitang ng surrogacy.
Tama nga ang kutob ng alien lalake ang anak namin, correction mga anak pala namin. Kambal kasi.
Hanggang ngayon ay parang amaze na amaze pa rin siya, ang baby na hawak niya ay pinangalanan naming Joshua Mikhail ang at ito namang nasa’kin ay si Jordan Joshua.
“this is really amazing I can hear his beating heart” ang sabi ni Miguel ng itinapat niya ang kanyang tenga sa dib dib ng sanggol.
Ang hirap pala mag alaga ng bata, hindi ko na nga alam kung dire diretso ba kaming nakakatulog kasi pag umiyak yung isa, iiyak din ang isa. Kaya sabay kaming bumabangon bumabangon ni Miguel para patahanin ang mga bata. Dahil dun kumuha na lang kami ni dad ng OIC para humalili muna hanggang sa lumaki na tong mga bata. Si Miguel kasi ayaw kumuha ng yaya, ewan ko kung anong dahilan niya.
Binili ni dad ang bakanteng lote sa tabi ng bahay nina Franz at Borgy.
Speaking of Franz kumandidato siya bilang mayor at nanalo naman. Meron na din silang isang anak lalake din, pero dadagdagan pa raw nila yun gusto nila anim daw. Ako tama na siguro muna tong dalawa. Sa paglipas ng mga buwan ay napupuna ko na talagang carbon copy ni Miguel tong mga supling, mula sa mata hugis ng mukha hanggang sa pag ngiti.
“sige na matulog ka lang diyan, ako na munang babangon” ang sabi ko kay Miguel nang umiyak na naman ang isa sa mga sanggol. Kadalasan si Jordan lang naman ang nag aalburoto, si Mikhail naman kadalasan ay mahinahon lang.
Maliliit pa lang ang mga anak namin pero marami nang pangarap si Miguel para sa kanila. Gusto din ni Miguel na maging sundalo ang isa sa mga anak niya.
Itutuloy….
AUTHORS NOTE:
BTW malapit na pong matapos ang kwentong to at sana patuloy nyu pang supportahan ang mga future works ko. Again I love you all my fellow readers and authors… mwaaaah
HS3.32
“good morning” araw raw ang kanyan matamis na ngiti ang bumabati sakin sa tuwing dinidilat ko ang aking mata sa umaga. He really kept his promise na hindi na niya ako sasaktan ulit.
“good morning” at marahan niya akong hinalikan. “ano ba yan, hindi pa’ko nakakapagsipilyo. Amoy panis na laway ako”
“alam mo ang arte mo, tsaka may nakalimutan ka yata” ang sabi ni Miguel na siya namang pinagtaka ko. Hindi naman niya birthday at sa susunod pa ang birthday ng mga bata. Bumangon ako at tinignan ang kalendaryo.
Shit! Ano ba yan, mukhang nakalimutan ko pa. Nilingon ko siya “oh naalala mo na?”
“oo Happy Anniversary”
“ikalimang wedding anniversary na natin to nakalimutan mo?”
“sorry naman po bagong gising lang”
“hmmm palusot talaga. Halika higa na muna tayo” pagtingin ko sa orasan alas singko y medya pa lang ng umaga.
“maghahanda pa’ko ng almusal”
“tsk mamaya na, Sunday naman ngayon at masyado pang maaga. Sige na nilalamig ako” Eto na naman siya. Alam ko na naman ang laman ng utak nitong alien na to.
“sige iadjust natin ang temperature ng aircon para hindi ka lamigin”
“wag na” hinila niya ako pahiga sa kama at dinaganan.
“sinabi ko na nga ba”
“bakit? ayaw mo?”
Ilang malalakas na pagkatok ang narinig namin.
“daddy! Daddy! Wake up!” gising na ang dalawang bata at mag lilimang taon na sila. Katabi lang ng kwarto namin ang kwarto nila.
“Hai…” ang sabi ni Miguel na kita ang pagka dismaya.
“hmmm dali na buksan mo ang pinto” agad niyang tinungo ang pinto at binuksan ito. Agad umakyat sa kama ang mga bata at pinaulanan ako ng halik sa pisngi. Sila yung palaging gumigising samin, kadalasan nga gising na kami bago pa tumunog ang alarm clock.
“o ako walang good morning kiss?” ang sabi ni Miguel habang dahan dahang humiga sa kama. Nagsimula na naman ang kulitan at tawanan. Ganito kami lagi tuwing umaga.
Hindi ko na namalayan ang pagbilis ng takbo ng oras. Ngayon graduate na ang kambal sa highschool. Kung iibahin lang siguro ang hair cut nila parang sasabihin mo siguro na kakambal ni Miguel ang mga anak niya. Mula kasi sa tindag at tikas ng katawan kuhang kuha nila.
Balang araw pag gising ko baka may mga apo na rin ako. Palagi ngang napapagalitan ni Miguel ang kambal, lalong lalo na tong si Mikhail. Ilang beses na kasing nagdala ng babae sa bahay ng hindi namin alam at sa kwarto pa niya natutulog.
“college na kayo, dapat lalo pa kayong maging seryoso sa pag aaral. Lalong lalo na ikaw Mikhail wag puro chicks ang nasa utak. Ikaw din Jordan, ayokong maging lolo ng wala sa oras at lalong lalo na ayokong titigil kayo sa pag aaral dahil naka buntis kayo”
“si daddy naman, pang out of this world naman yang mga iniisip nyo” ang sabi ni Mikhail sabay kamot sa kanyang sintido.
“uhmmm… I’m talking about the reality. Ok lang na magka girlfriend kayo, pero wag magpapadala sa kamanyakan”
“nagmana lang kami sa’yo dad” sabi ni Jordan at tumawa ng malakas.
“ikaw na bata ka, hali na nga kayo. Nagpa reserve ako dun sa isang resto, nagugutom na’ko”
Kahit matagal na panahon na kaming nagsasama pero walang pinagbago si Miguel maliban na gusto sa pisikal na aspeto. Naging mature man ang kanyang itsura at meron na rin siyang mga puting buhok. Pero ang mas importante sakin ay yung pinangako niya na hindi siya gagawa ng bagay na ikakasakit ng damdamin ko.
Hindi tayo perpekto, ayon nga sa kasabihan tao lang tayo at nagkakamali rin.
Alam ko palagi nyong nababasa ang mga linyang katulad nito na ang pag ibig walang pinipili kung sino ang tatamaan. Which is true, hindi ko inakala na isang lalake pala ang makakapagpatibok ng aking puso at ang makakapagpabago ng buhay ko.
Hindi ako nagsisisi na isang lalake ang pinili kong ibigin, Mali man ito sa paningin nang iba ang importante masaya ako at walang nasasaktan sa aking ginagawa.
Somethings are really meant to happen, kahit ano pang deny mo kahit ano pang gawin mo. Kahit ano pa ang mangyari, kahit ano pang pag iwas ang gawin mo.
Dumaan man ang maraming dagok sa relasyon nyung dalawa kayo’t kayo pa rin kung kayo talaga ang itinadhana.
Author’s Note:
Hello po sa lahat ng Hi Soulmate readers. Mukhang hanggang dito na lang ang love story nina Ray at Miguel. Maraming salamat sa sumubaybay mula HS1 to HS3 sana po ay patuloy nyo pang subaybayan ang aking mga gawa.
Maraming salamat po ulit at happy reading.
Exchange Of Hearts
Exchange Of Hearts
Kadalasan may mga pangyayari sa ating mga buhay na siya ang nagiging dahilan kung bakit nag iiba ang ating mga pananaw sa mga bagay bagay. Kadalasan ang mga pangyayari ding ito ang nagbabago sa ating mga ugali at kung pano natin tratuhin ang ibang tao.
Ang tanong
Kaya kayang baguhin ng pag ibig ang mga baluktot nating mga paniniwala?

