Hi Soulmate (COMPLETED)
georgerabie · 24 chapters · 28,749 words
Hi Soulmate
Enzos point of view
Kahit anong suklay ko sa buhok ko , wala pa ring nagbabago. Sinubukan kong ngumiti pero lalong nakasama.
Alam ko hindi maputi at pantay ang mga ngipin ko. Di gaya ng iba dyan, maputi, chinito, may makinis na balat at higit sa lahat gwapo.
Napabuntong hininga na lang ako sa harap ng salamin at bigla kong tinanong ang sarili ko “ may tatanggap kaya at magmamahal sakin?“
Biglang may kumatok sa pinto.
“Anak, Enzo bumaba ka na at mag almusal” si nanay.
Napatingin ako sa relo, alas sais na pala ng umaga.
“opo nay, susunod na po ako”
Nang bumaba ako ay nakita kong nag aantay sila nanay at tatay tsaka ang makulit kong kapatid na si Alfred.
“oh hindi yata maganda ang gising ng anak ko?” tanong ni tatay.
Tumingin muna ako kay nanay at tatay tsaka kumuha ng sinangag “anak bakit? Masama ba pa pakiramdam mo?” nakita ko na nag aalala si nanay base sa kanyang reaksyon.
“Nay? Tay? May magkakagusto kaya sakin?”
“anak naman, akala ko sasabihin mo buntis ka” bigla na lang tumawa si tatay, habang si nanay ay ngumiti lang.
“tay naman eh!”
“ano ka ba naman anak, syempre gwapo ka este maganda ka at mabait ka naman may magkakagusto din sa’yo” ngumisi na lang si tatay at pinipigilan ang sarilii na tumawa.
Sinundot ako ni Alfred sa tagiliran “Uyyy….. si kuya nako conscious….” Sabi nito.
“Tama na yan, kumain ka na anak” ang sabi ni nanay.
Malaki ang pasasalamat ko dahil may pamilya ako na tanggap kung ano ko. Nung araw na inamin ko sa kanila kung ano ako eh malugod nila itong tinanggap. Lalo na si tatay, sabi niya pg may nanligaw daw sakin eh ipakilala ko sa kanila.
Naks! Dalaga lang ang feeling?
Pagkatapos mag almusal…
“Alfred, tulungan mo ang kuya mong maglinis huh” ang sabi ni nanay ko sa aking kapatid at tumango naman ito.
Pupunta na si nanay sa karinderya namin na nasa harap lang ng aming bahay.
Pagkatapos kung maglinis ng bahay ay umakyat ako pabalik sa kwarto para maghandang pumasok sa trabaho. Sa isang pastry shop ako nagtatrabaho at naglalakad lang ako papunta at pa uwi dahil hindi naman ito kalayuan.
Nang palabas ako ng bahay ay marami na namang tao sa karinderya namin. Masarap daw talaga kasi magluto ang nanay ko.
May napansin akong bagong mukha. Ngayon ko lang siya nakita dito sa lugar namin.
Naka sleeveless sya na body fit at naka blue na board shorts. Gosh! ang gwapo niya.
Humigop siya ng kape at bigla siyang napatingin sa akin.
Agad ko namang iniwas ang mga mata ko at naglakad. Nang papalabas ako ng gate ng bahay naming ay may nasalubong akong dalawa pang gwapong lalake. Hindi ko na namang maiwasan at napatigin ako sa kanila.
Naks hindi lang busog ang tiyan ko sa almusal, nabusog na din pati mga mata ko char!
“Paul!”
Tinawag nung isang lalake ang lalaking nagkakape. lumapit sila rito at umupo na din.
Lumingon pa ang isang lalake sakin at muli itong tumalikod.
“oi bes!”
“Ai kalabaw!”
Ginulat na naman ako ni Benjie. Siya ang bestfriend ko at kasama ko siyang nag tatrabaho sa pastry shop.
“bes pwede ba muna tayong magkape sa inyo?” ang sabi ni Benjie na halatang kinikilig.
“huh? Bes sa pagkakaalam ko hindi ka naman nagkakape ah?”
“uhmmm…” sumilip si Benjie sa karinderya naming.
Napailing na lang ako. Naku alam ko na kung bakit na iihi na naman tong kaibigan ko. Well hindi ko siya masisi, gwapo naman kasi ng tatlong lalake dun at hot.
“bes, gosh… ang swerte mo naman…, palagi ba silang nagkakape dyan?” ang tanong ni Benjie na namumula with matching tirik ang mata.
“bago ko lang sila nakita dito, halika na nga ang aga aga nalilibog ka na naman” ang sabi ko kay Benjie sabay tawa.
“naku bes ang KJ mo talaga. Eh sa gwapo naman talaga sila at yummy.”
“Ewan ko sa’yo bes” at tumawa na lang ako ulit.
Pauls point of view…
Akon si Paulo Velasquez. Bago lang ako sa lugar na to, kakarating ko lang galing states.
Nakita ko ang nakapaskil na karatula sa karinderya sa harap ng bahay namin na nag seserve daw sila ng native coffee. Ayus! Na miss ko to at saka adik kasi ako sa kape.
Habang sarap na sarap ako sa paghigop ng kape ay may nahagip ang mga mata ko. May isang lalake na lumabas sa bahay na nasa likod ng karinderya at nagkatinginan kaming dalawa. Blangko lang ang ekspresyon niya.
Agad naman nitong iniwas ang tingin nito at naglakad palabas.
“Paul!”
biglang may tumawag ng pangalan ko. Si Andrew pala kasama niya si Jake. Nang nalaman ng mga mokong na to na dumating ako eh agad nagsabi na susugod dito sa’min ng maaga.
“mga bro!kumusta na kayo?” ang tanong ko sa kanila.
“eto bro gwapo pa rin kami” ang pagmamayabang ni Jake.
“wow, wala ka pa ring pinagbago bro, mahangin ka pa rin” ang pagbara ko kay Jake.
“wag kang mag alala bro, gwapo ka rin naman. Iba talaga ang aura mo, tingnan mo oh, mukhang may admirer ka na agad dito” ang sabi ni Andrew.
“huh?” sabi ko.
“ayun oh” agad lumingon si Andrew at nakita ko kung sino ang tinutukoy niya. Ang lalakeng nakatinginan ko kanina.
Nakita ko may lumapit sa kanya. Halatang gay ito. Nakita ko sa itsura nito na parang kinikilig. Nakita ko pa itong sumilip sa karinderya.
“bro, ikaw na talaga, bilib na talaga ako sa ka gwapuhan mo.” Sabi ni Andew.
Napailing na lang ako.
Hindi naman sa pagmamayabang eh tama naman sila. Kahit saan ako magpunta ay natutulala at napapalingon ang mga tao. Head turner ika nga nila. Half pinoy half Brazilian ang papa ko at ang nanay ko naman ay half pinoy half American.
Kaya mestisong mestiso talaga ang dating ko. Nag gigym din ako kaya maganda ang pangagatawan. Dahil sa looks ko eh nililigawan ako hindi lang ng mga babae pati na rin bisexual at gay. Pero hindi ako nag te take advantage.
Minsan pa nga nakakatanggap pa ako ng mga indescent proposals.
Ilang beses din akong nagka girlfriend eh wala talaga.
Gaya ng iba, umaasa din ako na may tao na darating sa buhay ko na mamahalin ako di lang dahil sa pisikal kong katangian.
“mukhang sarap na sarap ka dyan sa kape mo bro ah?” si Andrew
“Masarap talaga, na miss ko to, try nyo. Ate dalawang brewed coffee pa po” ang sabi ko sa babae.
Agad naman itong tumango at naghanda ng dalawang tasa ng kape. Siguro anak niya yung lalaking nakita kong lumabas kanina. Magkamukha kasi sila.
Teka, ba’t naman biglang pumasok sa isip ko ang lalaking nakatinginan ko kanina? Hai ewan.
“oi bro parang natutula ka na dyan ah”naramdaman ko na tinapik ako ni Jake sa balikat. Grabe ang tingin mo dyan kay ate eh, wag mong sabihin na iba na ngayon ang type mo“ humagikgik silang dalawa ni Andrrew.
“ulol! Manahimik ka nga dyan, baka dahil sa bunganga mo maligo tayo ng kape”
Dinala na nung babae ang kape na inorder ko. “eto na po sir” sabi nito.
“salamat po” ngumiti lang ang babae at bumalik sa kanyang pwesto.
“sya nga pala pare pano na yung girlfriend mo?” tanong sakin ni Andrew.
“wala akong girlfriend ngayon dude”
“what?! Sa looks mung yan bro wala kang girlfriend?” napahampas si Jake sa lamesa.
“wag mong sabihin na naniniwala ka din sa mga bagay na kagaya ng soulmate, destiny at forever?” ang patuloy na pangungulit nito sakin.
“So eh kung ganun nga? May masama bah?”
Hindi na ito nagsalita at tumawa na lang siya pati ang mokong na si Andrew.
“hindi ako makapaniwala na may pagka jologs ka din pala pare” ang sabi ni Andrew at patuloy na silang tumawa. Napag tripan tuloy ako ng mga mokong na to ..
Enzo’s POV
Nakarating na rin kami ni Benjie sa pastry shop, maaga pa at wala pa talagang tao doon. Andun na si Jessica isa sa mga kasama ni Benjie at nagpupunas ng mesa.
Napansin niya ang nakangising mukha ni Benjie na hindi pa rin maka get over sa mga kalalakihan na nakita niya.
“Enzo, anong nagyari diyan sa kaibigan mo?”
Bigla na namang nagsimulang dumal dal si Benjie
“oi bakla, maganda ang simula ng araw ko” parang sinasaniban si Benjie. Tumitirik kasi ang mata.
“hoi palaka, alam ko na lalake na naman yan.. ang aga aga huh?” pagtataray ni Jessica.
“may mga lalake kasing nakita yan na nagkakape sa karinderya namin” sabi ko.
“abah bes hindi lang mga lalake yun huh, mga pogi at yummy sila”
Umiling na lng si Jessica at pumunta sa gawing likod ng pastry shop. Pagbalik nito ay may dala itong mop at binigay niya kay Benjie.
“oh palaka, bago ka mangisay dyan eh mag mop ka muna habang wala pang tao”
“para ka ring si Enzo, KJ!” nagtawanan na lang kami ni Jessica. Pumunta na ako sa counter, ako kasi ang naka assign ditto at si Jessica naman ay inasikaso ang mga bagong deliver na pastry.
Maya maya pa ay may pumasok na dalawang lalake. tawa sila ng tawa habang naka holding hands pa. unti unti silang lumapit sa counter.
“good morning” ang bati ko sa kanila. “good morning anong gusto mo babe?” ang tanong ng isang lalake sa kasama nito habang naka akbay rito. Tumingin lang sa kanya ang kanyang kasama at ngumiti sabay turo sa sansrival.
“dalawang order ng sansrival po” ang sabi ng lalake at madiin nitong hinalikan ang pisngi ng kasama nito.
“pasensya kana sa boyfriend ko huh” ang nahihiyang sabi ng isang lalake sakin at namumula ito.
Hinawakan naman ng lalake ang mukha nito “bakit baby? Nahihiya ka ba sa ginawagawa ko? Ang sabi nito habang naka pout. “hindi naman baby, pero bago moko mahalikan ulit eh magbayad ka muna, naghihintay si kuya oh” ang sabi nito saka pinisil pisil ang mukha ng boyfriend nya.
“ai pasensya na ho, magkano?” ang tanong ng lalake sabay bukas ng kanyang pitaka.
“naku, ok lang, two hundred pesos po lahat” inabot nito sakin ang pera.
“ihahatid ko na lang po ang order nyu sir” sabi ko
“sige po salamat”
Naglakad sila papunta sa table habang naka akbay pa rin ang lalake sa kasintahan nito. Parang prinsesa niya kung ituring ito dahil inayos pa niya ang upuan nito. Hinanda ko ang order nila at dinala sa kanilang table.
“eto na po ang order nyo”
“salamat po” tumango lang ako saka bumalik sa counter. Hanga talaga ako sa lalakeng magkasintahan. Masaya silang nagsusubuan at wala silang pakialam kahit pagtinginan sila ng mga taong dumadaan.
Merong masama ang tingin,yung iba umiiling na lang at napapangiti. Pero may isang babae na kinunan talaga sila ng litrato at kilig na kilig ito.
Hindi ko rin tuloy maiwasan makaramdam ng lungkot at bigla akong napatanong sa sarili ko “mararanasan ko rin kaya yan?” napatulala na pa ako at hindi ko namalayan na andyan na pala si Benjie sa tabi ko.
“kaka inggit sila bes noh?” si Benjie
“oo nga, kelan ko kaya mararanasan yang ganyan?” sabi ko.
“emo much?” sabi ni Benjie habang nakataas ang kilay “ tama na nga yan bes, siya nga pala undertime ako mamaya. Sasamahan ko si mama sa check up niya“ pagpapatuloy niya.
Salamat po sa pagbasa sana magustuhan nyu po ang subaybayan ang istorya ni Enzo. Pagsisikapan ko pong pagandahin ang story na to sa pamamagitan ng comments po ninyo. Just feel free po.. hehehe enjoy reading.
Ang Malagkit Na Eye to Eye
Hi Po! Una gusto ko munang magpasalamat sa pagbasa ng story na gawa ko. Pagsisikapan ko talagang pagandahin pa ang mga susunod na chapter at ang mga future na istorya na isusulat ko. Comment naman po pag meron kayong suggestion or any reaction. Malaking tulong po yan sakin, salamat and enjoy reading!
Alas otso na nang gabi at nagsimula na kaming magligpit at magsara na. ako lang mag isa ngayon ang naglakad pauwi dahil nag undertime kasi si Benjie.
Nadadaanan ko palagi ang basketball court ng barangay namin at alam ko na may mga naglalaro dito ngayon dahil rinig ko sa malayo na may nag dri dribol ng bola. Habang naglalakad ako ay parang may kung ano na humawak sa ulo ko para lumingon at tingnan kung sino ang mga naglalaro at nakita ko na naman siya ang lalaking nagkakape kanina. Naka upo siya pawis pawis at umiinom ng tubig. Ang gwapo niya at maganda ang katawan. Shet! Tama talaga si Benjie ang yummy niya lalo na’t naka jersey shorts lang ito. Hindi ko namalayan na huminto pala ako sa paglalakad at napatitig lang sa sa kanya.
Bigla din siyang napatingin sakin at parang nakuryente ako. Nagkatinginan lang kaming dalawa, gusto kung maglakad pero parang napako ang mga paa ko. Hai ano ba to parang may sinturon ni hudas ang loob ng puso ko. Parang maraming paputok na sumasabog! Ilang minuto lang luray luray na ang dib dib ko nito. Charot!
Naputol lang ang malagkit naming eye to eye ng nakita kong umupo sa tabi niya ang kanyang dalawang kasama na nakangisi at nakatingin sakin. Tinapik siya sa balikat ng isa niyang kasama at nagulat ito. Kusa namang nagsimulang maglakad ang aking mga paa pauwi.
Hingal na hingal ako nang dumating ako sa bahay. “kuya bat pawis na pawis ka?” ang tanong ng kapatid kong si Alfred.
“anak mag punas ka ng pawis mo, hindi maganda tingnan na ang mga dalaga na katulad mo ay namumulaklak ng pawis” ang sabi ni tatay.
Ang tatay ko talaga, masyado mapagbiro. Dalaga talaga ang tingin niya sa akin.
“Enzo, palitan mo na yang damit mo baka ka magka ubo ka niyan” ang sabi ng maganda kong nanay. Pumunta na ako sa kwarto sa nagpalit na ng damit. Pagtapos kong magbihis ay lumabas din agad ako dahil nadidinig ko na na naghahain si nanay. Bumili kasi siya ng paborito ko ang lechon manok.
Ewan ko ba, pag lechon manok eh parang patay gutom ako. “kuya tirhan mo naman kami ng kanin dyan tsaka yung manok oh wala nang balat” ang sabi ni Alfred.
“Anak dahan dahan lang sa kanin, may mga baby fats kana ho. Pano ka makakapag two piece niyan?” hiniritan na naman ako ng tatay ko. Naku nakaka ilan ka na sa araw na to tay ha, kukutusan kita joke lang! sabi ko sa isip ko.
“Tumigil ka nga Bert, may mga two piece two piece kang nalalaman ha. Alam natin na bading ang anak natin pero ayoko kong magladlad yan” ang sabi ni nanay.
“grabe kayo nay ha over kayo” sabi ko.
“ay naku anak, gawin mo ang gusto mo pero ayokong magsuot ka ng palda huh wag ka ring magbisyo at tsaka nga pala pag nagka boyfriend ka wag mung itatago samin” ang seryoso na sabi ng nanay ko.
“naku nay grabe, pwede bang may manligaw muna sa kanya?” and sabi ni Alfred.
“kahit na tapos manligaw dun na din punta nun” si nanay.
“Ehem!bah kung pag usapan nyu ko parang wala ko dito ah” sabi ko sa kanila.
“ngek! Wala nang manok!” sabi ni Alfred.
“yan kasi talak kayo ng talak diyan” humalak hak si tatay ng tawa. Gusto ko ring matawa ng malakas ngunit sobrang sakit na nang tiyan ko. Napa dighay na lang ako ng malakas “ BURRRRPPPPP….!!!!!“
“eeeewwwwww…. So gross!” sabi ni Alfred. “ikaw talagang bata ka basta lechon manok eh halimaw talaga ang appetite mo” sabi ni nanay. “At dahil inubos mo ang manok at sweldo mo din ngayon kaya pwede ba akong mag request sayo anak? Eh treat mo naman kami, kahit bumili ka na lang ulit ng isa pang lechon manok samahan mo na rin ng panulak” hirit ni nanay.
Kaya ayun kahit natatamad akong maglakad dahil sa kabusugan eh wala akong nagawa, yung nanay ko na ang naglalambing. Bigla kong naalala ang eksena kanina sa basketball court nang malapit na ako dun. Ngayon ko lang na realize na ang gwapo niya talaga. Teka ano to? Na love at first sight ba ako? Ngek! Hindi ko alam. Hindi pa’ko na iinlove.. wooohh bahala na si batman. Importante makabili ako ng lechon manok..
Aray Ko Po!
Eto na po ang bagong chapter ng aking istoryang sinusulat. Suggestions po will be greatly appreciated. Sa muli Happy Reading!
Timing pagka abot ko nang lechon manok na binili ko eh biglang nag brownout. Dinig na dinig ko ang pag rereklamo ng mga tao. Sino ba naman ang matutuwa, eh oras ng hapunan ngayon tas nag brownout. Naku madilim na naman yung kalye. Takot kaya ako sa dilim tsaka baka ma rape ako char! Ambisyosa lang? dumaan muna ako sa isang tindahan dahil nagtext ang kapatid ko na bumili ng kandila.
Habang papalayo ako sa tindahan ay lalong naging tahimik ang paligid at puro kuliglig na lang ang naririnig ko. Sinasabi ko na nga ba eh pinaglalaruan na naman ako ng isip ko, kung ano anu na naman ang nairirinig at nakikita ko. Hai isang kanto na lang ang dadaanan ko at makakarating na din ako samin. tiningnan ko kung anong oras na sa phone ko at binalik ito sa bulsa ko.
Nang dumaan ako sa isang waiting shed ay may naaninag akong hugis nang tao na nakaupo dito. Saktong pag daan ko sa harap nito ay bigla itong tumayo na siya namang kinagulat ko kaya bigla kung binilisan ang paglalakad.
Nadidinig kong may sumusunod sa’kin kaya binilisan ko pa ang paglalakad. Sheeeet!!! Bumibilis din ang lakad nitong sumusunod sakin kaya lalo akong kinabahan. Juice colored ayoko pong mamatay na virgin! Dahil sa pagka taranta ko eh natisod ako at nadapa.
Hindi ako agad nakatayo parang nanigas ang katawan ko sa takot. May nakapa akong bato, nagkaroon ako ng lakas ng loob na humarap sa taong nasa likod ko. Tumayo ako at ko nang batuhin siya nang biglang nagkailaw.
“wait!!” nabigla ako nang bigla itong magsalita. Nakita ko ang kanyang mukha, siya pala ang nakasunod sakin ang lalakeng nagbabasketball na naka eye to eye ko kanina.
Bigla akong naka ramdam ng hapdi sa tuhod ko. “aray ko po” pero hawak ko pa rin yung plastic kung san nakalagay ang lechon manok. Buti na lang hindi na wasak pero ang hapdi talaga ng tuhod ko.
“naku, mukhang hindi ako makakalakad ng maayos nito” hai nakakainis.
“pasensya na, natakot ba kita” sabi nung lalake.
“eh sino ba namang hindi matatakot, madilim tapos may naka sunod sa’yo?” pagsusungit ko at dahan dahan akong naglakad.
“I’m sorry, hindi ko sinasadya …. Uhmmm ano nga bang name mo?” tanong nito.
“Enzo ang pangalan ko” ang sagot sa kanya habang iniinda ang sakit ng tuhod ko. “Hi, Enzo by the way I’m Paul” sabay pakawala ng isang ngiti. Sheet!!!! Ang ganda ng ngipin niya at infairness mas gwapo siya pag naka smile.
“sorry talaga huh” pagpapatuloy niya.
“basta sa susunod wag ka namang manakot” ang sabi ko sa kanya. Nasa harap na kami ng bahay at tumalikod na ako para buksan ang gate nang may sinabi si Paul at napaligon naman ako“ Nice to meet you Enzo, see you around“ tumango lang ako.
Naku parang kaka nosebleed tong isang to ah. Pero ayun naramdaman ko na naman ang hapdi dahil sa sugat sa tuhod ko.
Pag pasok ko ng bahay ay napansin agad ni nanay ang tuhod ko na dumudugo. “anak anong nangyari diyan sa tuhod mo?” ang gulat na sabi ni nanay.
“natisod po kasi ako tsaka nadapa” sabi ko “pero ok lang po mahapdi lang naman ng konti” ang pagpapatuloy ko. “Alfred kunin mo muna ang first aid kit, gagamutin ko ang sugat ng kuya mo” sabi ni nanay sa kapatid ko at agad naman nitong kinuha ang first aid kit.
Ang hapdi talaga ng tuhod ko. Lalo pa’t walang betadine kaya alcohol ag pinang linis ni nanay sa sugat ko “nay tama na yan nay masyadong mahapdi saka malinis na yan oh” ang maluha luha kong sabi kay nanay “anong malinis, eh may mga maliliit na bato pa oh. Ay naku tiisin mo” si nanay.
Hai naku torture.
Kinabukasan…
“tay alis na po ako huh” ang sabi ko sa kay tatay. “ sige anak mag ingat ka“ ang agad nitong tugon. Lumabas ako nang bahay at busy naman si nanay na nag seserve sa mga umoorder sa kanya nais ko sanang magpaalam kay nanay pero may bumati sakin.
“Good morning Enzo”
Napalingon ako at nakita ko si Paul na nagkakape “magandang umaga din” sheet!! Paul wag kang mag smile ng ganyan. Sabi ko sa isip ko.
“kape tayo bro” aya nito sakin at naku bro talaga? Naku Paul kung alam mo lang “ah sige tapos na ko salamat, mauna na ko” ang sabi ko. Tumango lamang siya at dumiretso na akong lumabas ng gate.
“bes!”
Nagulat na naman ako kay Benjie “Naku bes, gusto mo ba talaga akong atakihin sa puso?” ang sabi ko kay Benjie.
“bes tama bang nakita ko magkausap kayo?” ang tanong ni Benjie na nang iintriga. “nag good morning lang siya”
“uhmmmm….. I can smell something” sabi ni Benjie at agad ko siyang binatukan.
“aray! Sakit nun bes huh”
“Ikaw wag ka ngang malisyosa, nakikipagkaibigan lang siya” ang sabi ko.
“Uhmmm well everything starts with friendship” ang sabi ulit ni Benjie.
“bes alam ko ang iniisip mo, malayong mangyari yan. He’s straight, tinawag niya nga akong bro eh” sabi ko.
“We shall see” ang sabi ni Benjie. Naku intregera talaga tong bestfriend ko. Pero napaisip din ako, possible kayang mangyari yun? Ewan siguro hindi talaga.
Pauls POV
Kakatapos ko lang magkape at umupo ako sa bench sa garden ng bahay namin ng nag ring ang phone ko. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag pero unknown number ang nakalagay kaya sinagot ko.
“Hello?”
“Paul how dare you, bakit hindi ka nagsabi na umuwi ka nang pilipinas? Grabe ka!” sa boses at pananalita nito alam ko na kung sino, si Amanda ang babaeng pilit pinapagkasundo sakin ng parents ko.
“Amanda, will you please stop acting like you’re my girlfriend. I don’t mean to be rude but I don’t like you so stay away from me” ang sabi ko sa kanya.
“what the hell are you talking about Paul. Pinagkasundo tayo ng magulang natin, susumbong kita sa magulang mo at…” bago pa niya ipagpatuloy ang kanyang sasabihin ay nag hung up na ako at pinatay ang phone ko. Naka roaming pala tong number ko, kailangan ko talagang magpalit ng number para hindi na ito mangulit sakin.
Magkasosyo kasi ang mga magulang namin sa negosyo at ang mga gusto nito ay kami ang magkatuluyan. Hai hindi ako papayag, nakita ko kung pano nagdusa ang ate ko nang ipagkasundo nila ito sa anak ng kasosyo din nila sa negosyo.
No way, hindi ako magpapakasal at makikisama sa taong hindi ko naman gusto. Pero nasan na kaya ang para sakin? Hai “wag kang magmadali Paul” ang sabi ko sa aking sarili.
Naisipan kong gumala at pumunta sa mall para manood ng sine para kahit papano ay malibang naman ako at wag kong isipin ang mga walang kabuluhang bagay.
Sana po nagustuhan nyu ang chapter na to. Wag nyo rin pong kalimutan na mag share ng inyong suggestions. Salamat po sa pagbasa
May Something nga Ba?
May napapansin si Paul kay Enzo na hindi niya maintindihan kung ano. Parang may something. Ano kaya ang something na yun? Abangan ang mga susunod na tagpo.
Comment po will greatly help me to improve my works. Thanks po! Sana magustuhan nyu Happy Reading.
Mga pass 8 na din ako nang makauwi at kumain na rin ako para diretso tulog na. Nakita ko si Enzo at ang kaibigan niya kaya tinawag ko siya “Enzo!” lumingon naman ito at tila nagulat. Patakbo akong lumapit sa kanila.
“Wazzup dude uwi ka na?” tanong ko sa kanya. “Oo bro” ang sagot nito sakin “ay Paul, si Benjie pala bestfriend ko, Benjie si Paul” ipinakilala ako ni Enzo sa kasama niya at nakipagkamay naman ako. Napansin kong panay bangga ni Benjie kay Enzo at parang tinutukso ito habang naglalakad kami. “tumigil ka nga” ang sabi ni Enzo kay Benjie at tumingin siya sakin at nginitian ako.
Nang nakita ko siyang ngumiti sakin eh I felt something different. Hindi ko ma explain, hai ewan “lahat naman ng tao pwedeng ngumiti sayo” ang sabi ng isang parte ng utak ko. Pinagkibit blikat ko na lang ito.
“dun pala kayo nag tatrabaho sa pastry shop?” tanong ko.
“Ah oo, pag may time punta ka naman dun. Wala kaming promo pero pag nagpunta ka dun libre ka ni Enzo ng isang slice ng sansrival. Di ba Enzo?” at tiningnan niya si Enzo na parang nang aasar.
“Ah oo naman Paul punta ka dun minsan dude” ang sabi ni Enzo.
“at kung gusto mo Paul pwede ka ding dumalaw sa bahay namin, gumagawa kasi ang nanay ko ng chicharon” ang sabi ni Benjie. Naku napaka kulit talaga ng isang to.
Napatingin lang ako kay Enzo “Paul pasensya ka na dito sa BFF ko. Maharot lang talaga yan at most of the time walang hiya” ang sabi ni Enzo at inirapan niya si Benjie. Tumawa na lang ako at napailing hai naku mag bestfriend talaga sila, sobrang totoo sa isa’t isa.
Nasa harap na kami ng bahay ni Enzo “bes dito muna ako sa inyo wala akong kasama sa bahay eh, may pinuntahan pa sila mama” ang sabi ni Benjie kay Enzo at tumango lamang ito.
“goodnight na sa inyo, bye” ang paalam ko sa kanila. “goodnight din fafa Paul” ang sabi ni Benjie habang nag flying kiss pa. Natawa na lang ako. Pag pasok ko sa loob ng bahay eh hinubad ko an lang ang sapatos ko. Hindi na ako nakapagbihis at diretso nang natulog.
Enzos POV
“Magandang gabi po tita” bati ni Benjie sa nanay ko. “Magandang gabi din sa’yo Benjie” ang sabi ni nanay habang naghahanda ng pagkain sa lamesa “Alfred anak, please paki kuha pa ng isang pinggan para kay kuya Benjie mo” ang utos ni nanay sa kapatid ko.
“No tita, ate Benjie po ako ni Alfred” at tumawa si nanay “owkiez…” sabi pa nito.
Nang matapos kaming kumain ay nagpasya kaming pumunta sa terrace ng kwarto ko. magkaharap lang ang bahay namin ni Paul at napatingin ako dito. “oi bes natutulala ka na naman diyan at bakit ka nakatitig diyan sa bahay ni Paul?”
“tss” yun lang ang nasabi ko.
“bes gwapo si Paul, I’m gay and you’re gay kaya alam natin na siya ang tipo ng mga katulad natin” well tama nga naman siya. “Oo nga bes gwapo siya at mukha namang mabait. He’s straight kaya tigilan mo ang pagpapantasya sa kanya” pagbara ko kay Benjie.
“napaka nega mo talaga, possibilities are endless bes”
“Hai naku ewan ko sa’yo. Oh ayan na sila mama mo oh” ang sabi ko kay Benjie. “Hi tita Tess” ang bati ko sa mama ni Benjie at kumaway naman ito.
“Sige bes mauna nako” paalam ni Benjie
“sige bes ingat kayo”
Naupo na lang ako dun sa terrace, napaka presko ng hangin. Ang aliwalas ng langit at kitang kita mo ang mga bituin. Mas magiging romantic sana to kong may kayakap ako dito. Napabuntong hininga na lang ako at tumingin uli sa langit.
Make A Wish!
Pauls POV
Mag iisang oras pa lang ako na nakatulog nang bigla akong magising. Sa hindi maipaliwanag na dahilan eh si Enzo agad ang pumasok sa isip ko. Hai may something sa kanya na hindi ko masabi. Hai ano ba to, it’s very weird. Bumangon ako at lumapit sa bintana. Nakita ko siya, si Enzo na nasa terrace ng bahay nila. Nakatingin sa kalangitan.
Binuksan ko ang bintana ng kwarto ko. Napaka presko nang hangin. Napatingin din ako sa langit at biglang may nag appear na falling star.
“Make a wish!” sabi ko at napatingin sa’kin si Enzo.
“Oh gising ka pa pala” ang sabi niya sa’kin.
“nakatulog na sana ako, pero bigla akong nagising at hindi nako makatulog ulit” tumango lamang ito.
“would you mind to take a walk with me?” ito ang mga salitang biglang lumabas a bibig ko. What?? Tama ba? Alas diyes na ng gabi baka hindi siya pumayag.
“Sige bah”
“Thanks” nagulat ako dun ah.
Bumaba ako at nag antay sa labas ng bahay nila.
Bumukas ang gate at lumabas si Enzo. “ tara na“ sabi pa nito.
“ipasyal mo naman ako sa plaza” sabi ko sa kanya.
“hindi ka pa nakakalibot dito?” si Enzo
“eh hindi pa, mga tatlong araw pa lang kasi ako dito” sabi ko
“ah, sige bukas ng umaga pwede tayong maglibot libot pa dito. Day off ko naman” ang sabi ni Enzo. Hindi ko alam parang medyo na excite ako. Hai ano bah ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Hindi ko maintindihan.
Nagkwentuhan kami habang naglalakad papunta sa plaza. Habang nagsasalita siya ay may something sa mga ngiti nito na hindi ko talaga maipaliwanag.
Umupo kami sa isang bench sa plaza at patuloy na nagkwentuhan.
“wow sa states ka pala lumaki” sabi nito sakin.
“we’ll not really, nag migrate lang kami dun when I was 12. Dito ako pinanganak sa pilipinas.”
Tumango lamang ito at masyadong matipid kong sumagot pag tinatanong ko.
“wait, magkwento ka naman tungkol sa sarili mo. Dami mo nang alam sa’kin eh” ang sabi ko sa kanya.
Tumingin siya sakin at ngumiti. “well una gusto kong ipaalam sa’yo na gay ako” nagulat ako sa sinabi niya.
Yumuko lamang siya at tila inantay ang magiging reaksyon ko. pero parang hindi naman ako sobrang nagulat, siguro ito yung something na nararamdaman ko. pero what? May gaydar ako?
“That’s fine with me, anyways wala namang masama dun” sabi ko sa kanya. Bigla itong tumingin sa isang dako.
“talaga lang huh?” si Enzo
“Oo naman walang kaso yun, mukhang mabait ka naman eh” sabi ko.
“yung ibang guys, natatakot makipagkaibigan sa gays” si Enzo.
“Well not me. The word gay means masaya so walang problema dun” hindi ko na alam ang mga salita na lumalabas sa bibig ko. parang na awawkward kasi siya kaya pilit kong kinu comfort at tinapik ko ang balikat niya. Nang ginawa ko yun eh parang may boltahe ng kuryente na dumaloy sa katawan ko. Woah ano bang nangyayari.
“sabi mo eh” pero blangko lang ang ekspresyon niya.
“sir balut!” at may nagbebenta ng balut na nasa harap namin. Wow na miss ko to, wala nito sa states.
“sige manong dalawa nga po”
Inabot ko kay Enzo ang balut “teka bili lang ako ng maiinom natin” sabi ko sa kanya.
“Naku, wag na ikaw na nga bumili nitong balut eh, ako na ang bibili ng soft drinks” ang sabi nito na nahihiya pa.
“Ako na, ako ang nagyaya sayo para ipasyal ako kaya ako taya” ang sabi ko sa kanya.
Wala na nga siyang nagawa kundi ang maupo na lang. pagbalik ko ay nakita ko na naman na nakatingin ito sa kalangitan. Ang cute niya tignan. Huh? Tama ba? Na cucute tan ako sa kanya? Nalilito nako.
“anong wish mo kanina?” ang tanong ko sa kanya sabay abot ng softdrinks.
“Salamat huh. Wish? Hindi ako nakapag wish eh”
“bakit nag wish ka?” tanong niya.
“Oo nag wish ako. Na sana makita ko na ang soulmate ko”
“soulmate talaga?” at sa unang pagkakataon narinig ko siyang tumawa.
“bat ka natawa?”
“nagulat lang ako, wala kasi sa itsura mo na nainiwala ka sa mga soulmate nay an. Sorry kung napagtawanan kita.”
“bakit ikaw, hindi ka ba naniniwala sa soulmate?” ang tanong ko sa kanya. Bigla namang nalungkot ang kanyang itsura.
“soulmate? Ewan. Sa mga katulad ko parang hindi yata yan nag eexist. Tanggap ko na kung tatanda akong mag isa” ang seryosong sabi nito. Parang gusto ko siyang yakapin pero hindi ko alam kung pano sisimulan. Hindi ko pa rin maintindihan kung ano tong nararamdaman ko pero bahala na talaga kung saan ako mapapadpad nito.
“hey, wag kang mag isip ng ganyan. Possibilities are endless” bigla siyang tumingin sakin at ngumiti.
“salamat huh” tsaka siya tumingin sa phone niya “ay mag aalas dose na pala tara uwi na tayo”
Tumayo kami at nag simulang maglakad pa uwi. Biglang nag brownout “nanay ko po!” ang sigaw ni Enzo.
Sa gulat niya ay bigla siyang napakapit sa braso ko. Ilang segundo lang ay bumalik na uli ang ilaw sa mga poste. “okay ka lang?” tanong ko sa kanya. Naka hawak pa rin ito sa braso ko habang nakatingin sakin. Tumango lang siya.
“ay sorry” kumalas na siya sa pagkakahawak sakin at tila nahiya.
“it’s okay. Tara na” hinatid ko siya sa harap ng bahay nila “ salamat ha“ ang sabi niya. Naku masyadong matipid talaga ito sa pagsasalita.
“ako dapat mag pasalamat sayo dahil sinamahan moko. Thank you” ngumiti lang siya at pumasok sa gate nila. Bago ko pa buksan ang gate ay nilingon ko pa siya at nadidinig ko na ni lolock nito ang gate nila. Naantok na din ako ulit kaya nakatulog na ako.
Enzos POV
Hindi pa rin ako makapaniwala na sa itsura ni Paul ay naniniwala pala siya sa mga bagay kagaya ng soulmate. Pero nagulat talaga ako kanina sa sinabi niya na possibilities are endless. Katulad din ng sinabi sakin ni Benjie. Naupo muna ako sa sofa at napabuntong hininga.
Hai buhay. Nalilito ako kung ano ba talaga. Pero aaminin ko magaan ang loob ko sa kay Paul. Sa maikling panahon na nagkausap kami eh masasabi kong hindi lahat ng gwapo at mahangin. Down to earth siya at mukhang sensitive siya para sa mararamdaman ng ibang tao. Ma swerte ang taong mamahalin niya.
“anak gising kapa pala” si nanay.
“opo, kakagaling ko lang sa plaza”
“huh? Gabi na anak ba’t ka pumunta sa plaza ng mag isa buti hindi ka napag tripan dun?” ang nag aalalang sabi ni nanay.
“may kasama po ako kanina”
“sino si Benje?”
“hindi po si Paul po, ang lalaki po diyan sa kabilang bahay” sabi ko
“ah oo naalala ko na, mabuti naman pala at nakikipagkaibigan siya sa’yo” sabi ni nanay “sige anak matulog kana huh” bumalik na si nanay sa kwarto nila.
Umakyat na din ako sa kwarto dahil na aantok na din ako at agad naman akong nakatulog.
Crush na Kita!
Dahil wala akong pasok sa trabaho ay tanghali na ako nagising, pagtingin ko sa relo ko ay alas nuwebe y medya na nang umaga.
Tok! Tok! Tok!
“Anak, bangon na tanghali na” as usual ang maganda kong nanay. Pero hindi na ako sumagot, natatamad pa rin akong bumangon. Maya’t maya pa ay bumukas ang pinto ng kwarto ko.
“babangon ka ba dyan? oh bubuhusan kita ng tubig?” ang sabi ni nanay. Nakatayo siya sa tabi ng kama ko at naka pamewang pa. Bakit kaya ang sungit nitong nanay ko. Hai ewan ko.
“nay naman eh…. Day off ko ngayon, hayaan mo na akong matulog muna” pag mamaktol ko.
“oo nga day off mo pero may bisita ka dun sa baba, kanina pa siya nag aantay kasi sabi mo daw sa kanya ipapasyal mo siya dito sa lugar natin” bigla akong napaisip, hai naku loading na naman ang utak ko. minsan kasi makakalimutin ako.
Bigla kong naisip si Paul. Tama sabi ko sa kanya maglilibot libot kami kasi day off ko.
“si Paul po?”
“oo kaya bangon na at mag ayos ka nakakahiya kanina pa siya nag aantay sa’yo” sabi ni nanay sakin at inirapan pa ako.
“sige po, pakisabi na lang po sa kanya sandali lang bababa na ako”
Agad akong pumunta sa banyo at naligo. Naku ewan ko na eexcite ako na makita siya at parang ang saya saya ko nang malaman ko na nag aantay siya sakin sa baba. “Friends lang kayo” ang sabi sakin ng isip ko. Hai oo nga naman friends lang kami, tsaka yun naman talaga ang mga magkaibigan bumibisita sa bahay ng kaibigan nila. Hai ayoko kong bigyan ng ibang meaning to.
Pagkatapos kong maligo ay agad akong bumaba. Habang pababa ako ng hagdan ay nakita ko si Paul nasa sala kasama yung tatay ko na nagkakape habang nag uusap at nagtatawanan pa. Abah close agad? Weeeh.
“Oh anak, buti naman at bumaba ka na. kanina pa nag aantay si Paul dito” ang sabi ng tatay ko.
Napatingin ako kay Paul. Sheeeettt!!! Ang gwapo niya talaga pag naka ngiti hay…. parang nanlambot ang tuhod ko.
“good morning” ang bati niya sakin.
“good morning din, pasensya ka na huh sabi ni nanay kanina mo pa ko inaantay dito” hai naku, parang may mga paru paru sa loob ng tiyan ko.
“it’s okay at tsaka nakaka aliw naman kausap tong tatay mo. Ang dami ko nang alam tungkol sa’yo” sabi ni Paul.
Bigla na namang humagikgik yung tatay ko. Yung tawa na alam mong may ginawang kalokohan.
“tay?” sabi ko sabay bigay kay tatay ng matalim na tingin. Naku itong Paul parang natatawa na din pero pinipigilan lang.
“wala anak, hehe. Mag almusal ka na muna” ang sabi ng tatay ko na nabubulol sa pagsasalita dahil sa pagpigil sa tawa niya.
“Paul sabayan mo’ko” ang aya ko kay Paul.
“Ah sige thank you, kumain ako kasabay si nanay at tatay mo kanina” kumain muna ako at nagpatuloy silang nag usap ni tatay. Ewan ko hindi ako maka relate sa pinag uusapan nila. Mga kotse at mga basketball. Hai indeed straight talaga tong si Paul. Pwede na rin siguro na maging crush na lang kita.
Parang may pagtingin si Enzo at Paul sa isa’t isa. Ano kaya ang mga susunod na mangyayari?
Crush, Love Ano Ba Talaga?
ENZOS POV
“Paul, pasensya ulit huh” ang sabi ko. “makakalimutin kasi ako eh”.
“it’s ok, late na din kasi tayo umuwi” sabi niya sakin. Hai ayan na naman ang mga ngiti niya sheet tapos naka body fit na naman siya na sleeveless, wow ang abs bakat na bakat. Gosh bakit parang ang perfect ng lalaking to, mabait na gwapo pa.
Naramdaman ko na lang na siniko niya ako sa braso “oi ok ka lang, mukhang malalim yang iniisip mo ah”
“ah… eh.. wala uh. Tara dito tayo, ipapasyal kita sa tabing dagat”
“sige”
Malapit kasi sa dagat ang barangay namin. Magandang tambayan ang tabi ng dagat kasi dati itong beach resort at may mga cottage na pwedeng tambayan.
Habang naglalakad kami ay nasalubong namin ang crush ko at isa sa mga dahilan kung bakit ako pumupunta minsan sa tabing dagat. Alam nyu na. Naging classmate ko siya dati nung highschool kaya magkakilala kami. Ang pangalan niya ay Clyde.
“Enzo, kumusta? Pa minsan minsan na lang kita nakikita dito ah” sabi ni Clyde.
“nagtatrabaho na kasi ako sa pastry shop doon sa labasan kaya tuwing day off ko na lang ako nakakapasyal dito”
“Ah ganun bah mabuti naman kung ganun”
Tumingin si Clyde kay Paul at tumingin ulit sakin na may malisyosong ngiti.
“boyfriend mo?” ang tanong nito. Naku tong isang to gagawan pa kami ng issue huh?
“hindi ah, siya nga pala si Paul. Bagong lipat sila dito. Paul si Clyde pala”
Nakipag kamay si Paul kay Clyde “nice to meet you man” sabi ni Paul.
“sige Clyde, ipapasyal ko muna tong si Paul sa tabing dagat” ang sabi ko kay Clyde. Tumango lang ito at nagpatuloy sa paglalakad.
Sa wakas umabot na din kami sa tabing dagat na upo kami sa isang cottage doon. Pawis na pawis si Paul at amoy na amot ko ang naghahalong amoy niya at pabango. Sheet ano ba.
Hindi ko maiwasang tumingin sa maamong mukha ni Paul. Pumikit siya at huminga ng malalim na tila nilalasap ang simoy ng hangin sa tabi ng dagat. Bigla na lang siyang dumilat at nahuli niya akong nakatitig sa kanya.
“What?” ang sabi niya on a sexy, husky voice. Ano ka ba Paul mukhang nang aakit ka naman.
“Wala” yun lang ang nasabi ko. binaling ko na lang ang tingin ko sa malinaw na dagat. Hai ano ba to nararamdaman kong unti unting lumapit sa tabi ko si Paul. Waaah Paul grbe kahit pawis na pawis ka ang bango mo parin.
“wag kang gagalaw” ang sabi ni Paul.
Bigla akong natameme at hindi ko alam kong pano mag rereact sa sinabi niya. Parang kinukuryente na naman ako at bumilis ang tibok ng puso ko. Naku po anong nangyayari?
“uhmmmm… bakit?”
“sandali lang” ang sabi Paul, pumikit na lang ako.
“oh ayan na, pwede ka nang gumalaw” nakita ko na may tinapon siya sa buhangin nang tingnan ko ay mabuhok na higad pala. Akala ko ma dedevirginize na ako, hai feelingera lang talaga ako.
Bigla na lang hinubad ni Paul ang damit niya. Hai eto na naman ang tukso, naku Paul pag hindi ako nakapagpigil ewan ko na lang char! Grbe ang ganda talaga ng katawan niya parang nililok, walang ka taba taba.
Tumakbo siya at nagtampisaw sa dagat.
“Enzo! Halika ligo ka din!” pagtawag niya sakin. Ayoko sana pero kung ganyan ka yummy ang magyayaya sa’yo aayaw ka pa ba? Hehe.
Mga kalahating oras din akong langoy ng langoy at naisipan kong umupo muna sa cottage. Mga limang minuto ang lumipas ay sumunod na din si Paul. Wow hunk na hunk talaga ang dating niya.
Habang papalapit si Paul ay unti unti kong napapansin na tumatagos ang kulay itim na brief niya sa manipis niyang board shorts. Sheet bumabakat din yung alaga niya.
“oi natutulala ka na naman dyan” sabi niya.
Nakita niya siguro na nakatingin ako sa nakabakat sa harap niya pero tiningnan niya lang ito at parang wala lang sa kanya.
“tara uwi na tayo, malamig oh baka magkasipon ka” abah? Concerned ba siya? Hai naku eto na naman ang pagiging assumera ko.
Naglakad kami pauwi at hinatid pa talaga ako sa bahay huh, hindi lang sa harap ng gate namin kundi sa harap ng pintuan talaga.
“oh andito na pala kayo anak, Paul halika dito ka na managhalian yho” sabi ng nanay ko.
“ah.. eh.. salamat po. Dun na lang po ako sa bahay kakain” sabi ni Paul.
“Ah ganun bah oh sya sige”
“ Thanks Enzo“
“sige” yun lang talaga ang nasabi ko sa kanya. Hai naku Paul ikaw na talaga, kasi wala akong masabi.
Umakyat na ako sa kwarto para maligo. Habang naliligo ako sa banyo ay naiisip ko ang mga nakita ko kanina. Hai Paul na coconfuse na ko kong ano ba talaga ang nararamdaman ko kung crush ba kita or love?
Ano ba talaga?
Knight on A Shining Armore
Ilang araw pa lang kaming magkakilala ni Enzo eh parang ang gaan gaan na ng loob ko sa kanya. Parang ang saya saya ko pag kasama ko siya. Ewan ko, pero nung unang araw na tumama ang tingin ko sa kanya ay alam ko na na may kakaiba talaga. Parang minu minuto eh sumasagi siya sa isipan ko.
I’m confused. Kaya siguro hindi talaga nag work ang relationship ko sa mga babae kasi hindi talaga yun para sa akin.
Siguro may nararamdaman na ako para kay Enzo. Ganun din kaya siya sa akin?
Oo nga sinasabi ng mga kaibigan ko na kaya kong makuha ang loob ng babae o beki na popormahan ko. pero pagdating kay Enzo eh hindi ko alam kong tatalab yun. Blangko lagi ang ekspresyon ng mukha at napaka tipid niya magsalita. Mahirap siyang basahin.
Aaminin ko medyo nakaramdam ako ng selos nung nakipag usap si Enzo sa Clyde na yun.
Ah bahala na, sigurado na ako sa nararamdaman ko at dapat hindi ako maunahan ng iba. tatanungin ko siya kung pwede ko ba siyang ligawan. Waaaah, hindi ko alam kung pano sisimulan. Hindi ko pa naman naranasan manligaw ng kapwa ko lalake. Come what may!
Kinabukasan……..
Tinanghali ako ng gising sa hindi malamang dahilan. Alas onse na sa relo ko, bumangon ako dahil nakaramdam ako ng gutom. Hindi ko alam kung pano magluto kaya noodles, pancit canton di kaya ay nagbubukas lang ako ng de lata.
Pagkatapos kumain ay nanood muna ako ng tv. Nang ma bore ako sa palabas ay unti unti na naman akong inantok at nakatulog.
Nagising ako mga alas kwatro y medya na. naligo ako at pagkatapos ay naisipan kong mag lakad lakad sa labas. Nang malapit na ako sa basketball court ay may nakita akong mga lalake na tumatagay sa tindahan malapit rito. May hinaharangan sila at pilit na inaabutan ng baso. Si Enzo kasama niya si Benjie at ayaw silang padaanin ng mga lalake.
“Sige na inumin mo na to nang makadaan na kayo” sabi ng lalake na pilit na inaabot kay Enzo ang baso.
Hayop to ah. Unti unti akong lumapit lalo akong naiinis kasi mas klaro kong naririnig ang pangungutya ng mga lalake sa kay Enzo.
“Pare baka gusto niyang mag lollipop” sabi pa nung isang lalake.
“ah ganun ba gusto mo, sige pagbibigyan kita” nakita ko pang hinimas himas nung lalake ang harap niya habang nakaharap kay Enzo.
“pre, pwede bang padaanin mo sila” pilit kong kinakalma ang sarili ko.
“sino ka ba?” sabi nung lalake.
“pre, nakikiusap ako sa’yo ng maayos. Padaanin mo sila”
“pwede bah, wag mo kong ma pre pre. Hindi kita kumpare, bago ka dito noh? Kaya siguro hindi mo kilala kung sino ako. Sinasabi ko sa’yo ngayon pa lang na umalis ka na kung ayaw mong masaktan” ang sabi ng lalake sakin. Pero hindi ako nasindak sa sinabi niya at nagtitigan lang kami.
“Paul sige na umalis ka na. Rommel akin na yan iinumin ko na” ang sabi ni Enzo.
“Ano ka ba bes? Hindi ka umiinom dahil ayaw mo yung lasa ng alak diba? Pwede ba Rommel padaanin mo na kami!” ang sabi ni Benjie na halatang inis na inis na din.
“Isa ka pa ha! Iinumin na nga ni Enzo yung tinagay ko para sa kanya” sabi ulit ng lalake at tumingin ulit sakin.
“Oh ano pre? Iinumin na daw ni Enzo ang tagay ko para sa kanya, umuwi ka na!” ang sabi nang lalake sabay tulak sakin. Kanina pako nagtitimpi pero hindi ko na talaga napigilan at sinuntok ko siya sa mukha.
“Tarantado ka ah!”
Agad ding gumanti ng suntok ang lalake at natamaan ako sa kaliwang pisngi.
“Paul!” ang narinig kung sigaw ni Enzo.
Nakita kong inawat nung ibang mga nakatambay ang lalake at naramdaman ko na hinahawakan ako ni Enzo sa braso ng sobrang higpit. Gusto ko pa sanang sugurin ulit ang lalake pero nadidinig ko ang boses ni Enzo.
“Paul tama na, halika na”
Nag ngingitngit pa rin ako sa galit habang naglalakad kami ni Enzo at Benjie.
“tarantado yun ah!” sabi ko habang pinapahiran ko ang dugo sa sugat sa pisngi ko.
“halika ka muna dito gamutin natin yang sugat mo” sabi ni Enzo. “bes see you tomorrow ingatz” sabi niya kay Benjie.
“Sige bes, bye” sabi ni Benjie.
Pumasok na kami sa bahay nila
“upo ka muna dyan, kukunin ko lang ang first aid kit”
“Nay asan nyu po nilagay ang first aid kit?”
“nasa ibabaw ng aparador namin anak, bakit anong nangyari sayo?” at nakita ko ang nanay niya na nasa kusina.
“si Paul po kasi may sugat”
Nakita kong lumabas mula sa kusina ang nanay ni Enzo.
“anong nagyari?”
“pauwi ho kami ni Benjie, na tyempuhan na nag iinuman na naman sina Rommel dun sa tindahan malapit sa basketball court. Pilit niya akong pinapainum eh hindi naman ako umiinom. Nagkataon naman na nakita kami nitong si Paul kaya ayon nagkainitan at nagsuntukan” ang mahaba niyang paliwanag.
“Ai naku dapat ipa blotter natin yan. Hindi pwedeng ganyan na lang lagi ang gagawin sa inyo” ang galit na sabi ng nanay ni Enzo. “Hai naku pag nalaman ng tatay mo yan mamaya manggagalaiti na naman yun sa galit” dagdag pa nito.
Bumalik na ito sa kusina at naiwan kami ni Enzo sa sala at ginagamot niya ang sugat ko.
“pasensya ka na huh, nadamay ka pa. Sabi ko naman kasi sa’yo umalis ka na eh”
“bakit umiinom kaba?” tanong ko sa kanya.
“hindi” ang sagot niya.
“Awwww!” shit ang hapdi.
“tiisin mo muna. Pero salamat huh, kung hindi ka dumating dun, tuluyan na talaga kaming na bully ng mga sunog baga nay un” ang sabi ni Enzo habang naka pout ang bibig. Hai ang cute niya, parang gusto ko siyang halikan.
Ai bigla ko lang naalala na added pogi points pala ang ginawa ko. wahaha.
Ok lang kahit nasugatan ako, heto ginagamot niya ako ngayon. Para kaming mag syota hahaha. Tatanungin ko na ba siya kong pwede ko siyang ligawan?
Tatanungin na kaya ni Paul si Enzo? Abangan…..
Mister Coward
“Awwww!” shit ang hapdi.
“tiisin mo muna. Pero salamat huh, kung hindi ka dumating dun, tuluyan na talaga kaming na bully ng mga sunog baga na yun” ang sabi ni Enzo habang naka pout ang bibig. Hai ang cute niya, parang gusto ko siyang halikan.
Ai bigla ko lang naalala na added pogi points pala ang ginawa ko. wahaha.
Ok lang kahit nasugatan ako, heto ginagamot niya ako ngayon. Para kaming mag syota hahaha. Tatanungin ko na ba siya kong pwede ko siyang ligawan?
Hai naku ano na bang gagawin ko? kinakabahan ako sa magiging reaksyon niya. Til now I can’t say if type nya din ako. Yes, he told me he’s gay, pero hindi ako dapat mag conclude na porket ganun siya eh gusto na nya ako. Masyado naman siguro akong conceited kung pag iisipan ko siya ng ganyan.
Blangko pa rin ang ekspresyon ng mukha nya, nabibigla ako sa tuwing pinapahiran niya ng cotton na may alcohol ang sugat ko sa pisngi. Tinititigan ko siya at tutok na tutok siya sa pag linis sa sugat ko. He look so neat at mabango siya. Naalala ko rin tuloy ang malambot niyang mga palad nang inaawat niya ako kanina. Naamoy ko rin ang mabango niyang hininga niya. Hai…..
“Enzo?”
“Hmmmm..?”
“may- may tatanungin sana ako kung ok lang?” shit kinakabahan ako. first time ko lang makaramdam nito. Though meron akong niligawan na mga babae noon eh wala akong naramdaman na ganito. Parang may mga paru paru sa loob ng tiyan ko.
Nilagyan na niya ng band aid ang sugat ko.
“oo naman ano ba yun?”
“Ah… Eh… ano kasi..” Ano ba Paul umayos ka nga, sabi ko sa sarili ko.
“WOW! Ang sweet nyu naman!” pasigaw na sabi ng kapatid ni Enzo na si Alfred na siyang ikinagulat naming dalawa pati nang nanay niya.
“Alfred!” ang singhal ni Enzo sa kapatid niya.
“Ano ba yang sigawan na naririnig ko ha?” ang sabi ng nanay ni Enzo.
“Ang sweet po kasi ni kuya Paul at kuya Enzo eh, halos magkalapit ang mukha nilang dalawa” ang sabi ni Alfred na kinikilig kilig pa.
“Wag ka nga, ginagamot ko kasi siya” sabi ni Enzo at inirapan yung kapatid niya.
“Ah sus” ang patuloy na pag alaska ni Alfred sa kapatid niya.
Pero si Enzo poker face pa rin at tinitigan lang ang kapatid niya.
“Hoy Ikaw bata ka, napakamalisyoso mo. Kumain na tayo, nag text kasi ang tatay nyu na na stuck daw siya sa traffic kaya mauna na daw tayo kumain. Dito ka na rin kumain Paul “ ang sabi ng mama ni Enzo.
Tumango lang ako at na unang tumayo si Enzo. Nabigla ako nang hawakan niya ang kamay ko.
“Tara” ang sabi niya sabay ngiti. Totoo ba to? Ngumiti siya?
Tatanungin ko na sana siya kung pwede ko ba siyang ligawan. Pero bigla namang umeksena yung kapatid niya parang sarap kutusan. Kala ko chance ko na yun kanina, kahit papano kasi meron akong konting lakas ng loob kanina.
Pagtapos naming maghapunan ay nakinood muna ako ng tv sa kanila. Maya maya pa ay nagpaalam na akong umuwi.
“Enzo, uwi na muna ako. Tita salamat po sa dinner uwi na po ako” ang paalam ko sa kanila.
“Sige hijo” ang sabi ni tita Elsa.
Hinatid ako ni Enzo hanggang sa gate ng bahay nila nang bigla siyang magtanong.
“Ah oo nga pala pasensya kana sa kapatid ko kanina. Ano ba yung tanong mo?” tanong niya sakin.
Naku eto na naman dinadaga na naman ako. Shit parang nawala ang konting lakas nang loob ko kanina. Hindi ko alam kung tatanungin ko naba siya this time, Napakamot na lang ako ng ulo ko.
“Ah… Eh… nalimutan ko eh” Patay, Paul ayusin mo nga sarili mo.
“Ah, sige tanungin mo na lang ako pag naalala mo na. Good night..” ang sabi ni Enzo.
“Goodnight din” at sinara na niya ang gate nila.
Ngayon lang talaga ako naduwag. What the F? para tanungin lang si Enzo kung magpapaligaw siya sakin eh parang may tambol sa loob ng dib dib ko. Hai… ewan….
Pinagtatagpo ng tadhana
Hindi pa rin ako makapaniwala na gagawin ni Paul na makipagsuntukan sa sunog baga na si Rommel. Flattering yun para sakin, imagine crush mo to the rescue sa mga nambubully sa’yo. Kung alam mo lang Paul kung gano ako kinilig sa ginawa mo.
Actually nung ginagamot ko nga siya kanina eh grabe ang kabog ng dib dib ko. medyo nanginig pa yung kamay ko dahil sobrang lapit namin sa isa’t isa. Napaka gwapo niya talaga at ang bango pa.
Pero ano kaya sana yung tatanungin niya? Parang ang seryoso kasi nang mukha niya, kaya ang biglang umeksena tong si Alfred. Interesado talaga sana ako na malaman kung anong itatanong niya pero nalimutan daw niya. Pero hindi naman siguro ganun yun ka importante.
Maya’t maya pa ay dinalaw na ako ng antok at nakatulog na.
Dumating na naman ang araw ng linggo. At dahil day off ko eh nag isip ako kung anong gagawin ko ngayon.
Tinext ko si Benjie para samahan akong gumala sa Mall. Agad naman itong pumayag.
“Bes kanina pa ko nag aantay dito, ang dami mo talagang ritwal na ginagawa” amg inis kong sabi kay Benjie nang dumating siya sa bahay.
“Bes… parang hindi ka naman nasanay sa akin eh, kailangan ko talang magpaganda rarampa kaya tayo sa mall” ang mataray na sabi ni Benjie na umiikot ikot pa na parang modelo. Cross dresser kasi tong bestfriend ko eh.
Umalis na kami papuntang mall. Nang dumating kami dun ay nag ikot ikot kami at pumasok sa mga boutique. Papunta na kaming department store nang makita namin yung mga dati naming kapitbahay na mga close friend namin ni Benjie. Si Dina, Andrea at Rudy. Mga bata pakami nung lumipat sila nang bahay.
“Oi mga friends !” ang pasigaw na sabi ni Benjie.
“Benjie! Enzo!” ang sabi ni Andrea at mabilis na tumakbo papunta samin.
“kumusta na kayo friendship?” ang sabi ni Dina sabay beso beso. Nakipag manly hug naman si Rudy sakin at kay Benjie.
“ok lang kami, long time no see..” ang sabi ko
“oo nga, Benjie ikaw na ba talaga yan? Parang babae ka na talaga” ang sabi ni Rudy.
“uyyyy…” ang pag tukso ni Dina sa kanilang dalawa. Naalala ko dati tinutukso namin sina Benjie at Rudy dahil madalas silang mag away. Bata pa lang kami, alam na namin na pusong babae itong si Benjie.
marami nang nagbago, dalaga na talaga sina Dina at Andrea. Si Rudy naman ay naging maganda na ang katawan at mas naging gwapo, malayo noon sa pat patin niyang pangangatawan.
“wag ka nga Dina” medyo namula si Benjie sa pagtukso sa kanya ni Dina. Naku hindi yata gumagana ang pagiging malandi nitong bestfriend ko.
“San kayo?” ang tanong ni Andrea.
“mag iikot ikot lang kami” sabi ko
“bonding naman tayo ngayon, teka kumain na ba kayo?” tanong ni Rudy.
“hindi pa eh medyo gutom na nga ako” ang sabi ko.
“tamang tama hindi pa rin kami kumakain, tara kain tayo” ang sabi ni Rudy.
Kumain kami sa isang fastfood chain at marami kaming napagkwentuhan tungkol sa buhay namin. Hindi rin namin naiwasan na mapag usapan ang mga nakakatawang pinag gagawa namin nung mga bata pa kami.
Habang kumakain kami ay bigla na lang tumigil si Benjie sa pagkain at hinahampas hampas niya ang lamesa na parang baliw at naiihi.
“Bes, sinasapian ka ba?” ang pabiro kong tanong sa kanya.
“Gosh bes, tingnan mo!” tuloy pa rin siya sa pag hampas sa lamesa. Siguro gwapong lalake na naman ang nakita nito.
“Hai naku Benjie, lalake na naman yan noh?” ang pagtataray ko sa kanya.
“Bes tingnan mo kung sinong nasa counter” ang sabi ni Benjie at para tumigil na ito ay tiningnan ko kung sino ang dahilan kung bakit siya sinasapian.
Nakita ko si Paul umoorder sa counter. Oh shit pagkabigay sa kanya ng kanyang order ay pa linga linga ito at nahagip kami ng kanyang paningin.
Kinawayan siya ni Benjie at unti unti itong lumapit papunta sa table namin. Medyo nahihiya pa ito, siguro kasi nakita niya na may mga kasama kami ni Benjie.
“Hai papa Paul, sama ka na dito samin” ang masiglang bati sa kanya ni Benjie. Naku tong isang to pag andyan si Paul ay parang nagdidiliryo. Kung hindi ko lang to bestfriend baka nagselos na talaga ako. Tama ba? Muntik nakong makaramdam ng selos?
Umupo si Paul sa tabi ko. amoy na amoy ko na naman ang kanyang pa bango at napaka gwapo niya sa itim na long sleeves at pantalon.
“Nice seeing you here” ngumiti ito sa akin. sinuklian ko naman ito ng ngiti.
“Mga friends, siya pala si Paul ang bagong kaibigan namin ni Enzo” at pinakilala na nga ni Benjie si Paul sa mga kaibigan namin. Si Paul naman ay nakipag kamay sa kanilang lahat.
Pinagpatuloy na namin ang pagkain. Maya maya pa ay tumayo muli si Paul.
“Wait I’ll order some sundaes” ang sabi nito at pumunta sa counter. Ang lagkit ng tingin sa kanya ng mga babae sa kabilang table.
Hindi ko rin maiwasan na titigan siya, ang nakabukol niyang muscles, ang kanyang chest. Sheet!! His butt is so perfect. Hai ano ba tong mga pumapasok sa isip ko, parang pinagnanasaan ko na siya.
Habang hinahanda nung babae sa counter ang order niya ay tumingin ito sa aming pwesto, nahuli niya akong nakatingin sa kanya tapos bigla itong nagpakawala ng pamatay niyang ngiti. Naramdaman ko na lang na parang nakuryente ako at napatulala.
“Gwapong gwapo ka sa kanya noh? Pinagnanasaan mo na siya no?” ang bulong sa akin ni Benjie. Halos nakalimutan ko na may mga kasama pala ko. Humahagikgik na sa kakatawa sina Benjie, toink! Nakakahiya, siguro kanina pa nila nakita na nakatingin ako kay Paul.
“uyyyy….. Enzo, may nangyayari bang hindi namin alam?” ang sabi ni Andrea.
“Wala noh!” ang defensive kong sagot sa kanya.
“Eh, bakit ka namumula? At bakit ang defensive mo?” ang sabi ni Rudy ngunit nanahimik lang ako.
“Naku bes, halatang guilty ka sa isang bagay kilalang kilala kita” sabi ni Benjie.
“Wala nga,wag nga kayo” ang sabi ko. “Uyyyyy……” tinukso na naman nila ako. Hindi namin namalayan na bumalik si Paul dala ang tray na may sundae. Bigla naman silang tumigil sa pagtukso sakin kaya naman nagtaka si Paul.
“Oh ba’t biglang tumahimik?” ang pagtatakang sabi ni Paul.
“Wala papa Paul, napag usapan lang naming ang magiging love life nitong si Enzo” sabi ni Benjie.
“Love life? Wow.. mukhang maganda yan ah. Tell me may nanliligaw na ba sa’yo” ang tanong ni Paul at hinawakan nito ang aking balikat. Parang nabibingi na ako sa lakas ng pag tibok nang puso ko.
“Wala, wala pang nagkakamali. Oi ang sundae baka matunaw!” ang sabi ko para malihis ang atensyon nila. Tumango lamang si Paul at kumain na rin ng sundae. Na notice ko lang, palagi yata kaming pinagtatagpo ng tadhana. Yun bang sa mga oras na hindi mo inaasahan ay sumusulpot ito bigla. Hai naku Enzo wag ka ngang assumera, nagkataon lang ang lahat ng ito.
Ang Pag Amin
“Maaga pa naman, mamaya na tayo umuwi. May banda daw kasi sa labas ng mall tara nood muna tayo” ang mahabang sabi ni Rudy.
Kaya nagtext ako kay mama na medyo late ako makakauwi.
Ang daming tao na nagsisiksikan. Napakasikat kasi ng bandang ito.
“Try nating pumunta dun sa harap. Gusto ko kasing ma picturan sila” ang sabi ulit ni Rudy. Wala naman kaming nagawa kaya si Rudy ang nasa unahan. Sunod nito ay si Benjie na naka hawak sa balikat niya. Sunod si Andrea at Dina na ganun din ang ginawa. Syempre ganun din ako. Si Paul nasa likod ko at nakahawak din sa balikat ko. Nag mistula kaming tren. Suggestion ito ni Rudy, para hindi daw kami magkanda hiwa hiwalay.
Habang pasikip ng pasikip ng papasok kami ay nararamdaman kong nasusub sub si Paul sa likuran ko. Nararamdaman ko na ang pagtama ng matigas na katawan ni Paul.
Maya’t maya pa ay naramdaman ko na na medyo nakayakap na siya sa akin. Mas tumitindi na kasi ang pag wawala ng mga tao dahil sa pagkanta ng banda sa kanilang pinaka sikat na kumposisyon.
Lalo pang gumulo dahil nag hagis ng mga souvenier na t shirt at iba pang items ang vocalist ng banda. Kaya naman tuluyang naputol ang pagkakahawak ko kay Dina. Kaya ayun hindi ko na sila nakita.
Si Paul na lang ang kasama ko na naka akap sakin.
Hindi na namin sinubukan na pumunta pa dun sa harapan. Nagkatinginan lang kaming dalawa at nagkaintindihan na dun na lang pumwesto sa kinatatayuan namin.
Nasa likod ko si Paul at naka hawak pa rin siya sa balikat ko. Kinunan ko pa ng picture ang bandang nag peperform at biglang nag shutdown ang cellphone ko.
Bigla akong nakaramdam ng pagkahilo. Parang mawawalan na ako ng malay kaya sumandal na ako kay Paul na mabuti na lang ay nasa likod ko. Naramdaman ko na lang na inakay niya ako palayo.
“Anong nangyari sa kanya sir?” Ang tanong ng isang lalake. Pinipikit ko na lang ang mata ko dahil parang kinakapos ako ng hangin.
Naramdaman ko na lang na pinahiga na ako sa isang stretcher. May nilagay silang aparato sa aking ilong at naramdaman ko na lang na gumaan ang aking paghinga.
Nang medyo umayos na ang pakiramdam ko idinilat ko ang aking nga mata. Nakita ko si Paul na nakaupo malapit sa hinihigaan ko.
Nasa loob pala ako ng ambulansya na naka stand by malapit sa event.
“Paul” ang tawag ko sa kanya.
Tumingin ito sakin at nakita ko sa mukha nito ang pag aalala.
“ok na ba ang pakiramdam mo?” Ang sabi tanong nito at tumango lamang ako.
Bigla na lang niya akong niyakap ng mahigpit.
“Nag alala ako, baka kasi kung anong nangyari sayo”
Nagulat ako sa sinabi niya. Ramdam na ramdam ko ang mahigpit niyang yakap.
“Uhmmm… Paul….” Yun lang nasabi ko. Kumalas naman siya pagkaka yakap niya sa akin.
“Ok na ba pakiramdam mo?” Tanong nito ulit. “oo, ok nako salamat”. Nagpasalamat kami sa mga medics na tumulong sakin at umalis.
Habang naglalakad kami ni Paul ay hindi ko maiwasang mapaatulala sat wing maiisip ko ang pag yakap niya sakin kanina.
“Ok ka na ba talaga?” Ang tanong nito na may halong pag aalala sa kanyang mukha.
“Ah….. Ehh…. Oo naman. Salamat ulit” ang nahihiya kong sabi sa kanya.
“Ano ka ba, wala yun” ang sabi niya at nagbigay ito ng matamis na ngiti. Naku eto na naman, tuluyan ko nang nakalimutan na muntikan na akong mahimatay kanina dahil sa ngiti niya.
Naging maayos na nga ang aking pakiramdam ko at inaya ko si Paul na pumunta malapit sa tabing dagat. Sa tantiya ko mga alas 5 na ng hapon iyon. Umupo kami sa batuhan ni Paul at pinanood na unti unting lumulubog ang araw. Meron akong nakikitang mga mag jowa na naglalakad, mga yaya at nanay na pinapasyal ang kanilang mga baby. Ang sarap kasi ng hangin sa tabing dagat.
“ang ganda, so romantic” sabi ni Paul habang huminga ng malalim habang nakatitig sa papalubog na araw.
“oo nga” ang matipid kong sabi.
Maya’t maya pa ay huminga ulit ito ng malalim at para siyang kinakabahan.
“Enzo?”
“uhmmmmm…?”
“I like you, pwede ba kitang ligawan?” nabigla ako sa sinabi niya at parang kinuryente na naman ako. Parang may tambol na naman sa loob ng dibdib ko. Hindi ko inaasahan yun ah.
“si….sigurado ka ba Paul?” ang medyo utal kong tanong sa kanya.
“sorry kung binigla kita, but I really like you so much. Wag mo sanang isipin na pinagtritripan kita. Pero kung hindi ka pa handa, mag aantay ako” yumuko na lang siya at napakamot sa kanyang ulo.
Wow totoo ba to? Baka mahimatay ako ulit. Kinikilig ako sobra. Hindi ko inaasahan na ang gwapo at straight na lalake ay aamin na gusto niya ako.
“ako din, gusto rin kita” bigla na lang lumabas ang mga salitang yun sa bibig ko.
tumingin siya sakin at nakita ko ang saya sa kanyang mga mata. Unti unting nagkalapit ang aming mga mukha at naglapat ang aming mga labi. Napakabango ng kanyang hininga at ang lambot ng kanyang mga labi.
Natigil ang paghahalikan naming dalawa ng may narinig kaming pumalakpak. Sina Benjie pala at ang barkada.
“Ah now we know kung ba’t kayo biglang nawala” ang sabi ni Andrea habang naka pamewang.
“Naku bes ha, nagtext ako sa’yo kung asan na kayo, kaya pala hindi ka nagrereply…. Hmmmmm” ang mataray na sabi ni Benjie. “teka nga, magsabi nga kayo ng totoo, kayo na ba?” ang tanong ni Benjie.
“Ah… Eh… Manlili…”
“Oo, kami na” ang sabi ni Paul at naka ngiting aso.
“Wow, congrats! Kelan pa?” ang tanong ni Rudy.
“Ngayon lang” ang sabi ni Paul.
Kokontra pa ba ako? hahahaha wala akong karapatan kumontra. Ang saya saya ko, parang tumigil ang mundo nung hinalikan ako ni Paul. Hai ganito pala ang feeling pag ang taong gusto mo ay gusto ka rin.
Natapos ang araw na puno ng saya ang aking puso. Nagpasya na kaming umuwi pero nagpalitan kami ng number nila Dina para makapag communicate kami at makapag bonding ulit sa susunod.
Itutuloy……
Lahat ay may First Time
Rated: SPG hehehe
At yun na nga tulad ng isang mag BF/GF ay hinahatid ako ni Paul sa aking pinagtatrabahuan. Palagi din kaming nag de date at namamasyal sa tabing dagat. Pero naging maingat kami kahit sa pag hoholding hands.
Minsan ay dun kami sa bahay niya nag fofood trip at nanonood ng movies tuwing day off ko at kung minsan naman ay sa bahay namin.
Maraming kaming naging pagkakataon na gawin ang alam nyu na. Pero hanggang halikan lang kaming dalawa. Natatakot kasi ako, wala pa kasi akong karanasan sa mga ganung bagay. Minsan alam kong gustong gusto nang gawin yun ni Paul pero kailan man ay hindi nya ako pinilit.
Pinakilala ako ni Paul sa kanyang mga kaibigan niyang sina Jake at Andrew. Sa una ay parang nagulat pa ang mga ito ngunit nirespeto nila kami at tinanggap ang aming relasyon. Sabi pa nila susuportahan nila si Paul hanggat wala siyang nasasaktan at masaya ito. Naging close din ako sa kanila.
Kakalabas ko lang sa pintuan ng pastry shop, kitang kita ko si Paul na tumatakbo.
“Sorry sweetie, I’m late”
“Naku, ang O.A mo” ang sabi ko.
“hmmmpf, syempre naman. Dapat paglabas mo eh andito nako naghihintay sa labas” sabi nito at nagpapa cute.
“hai… tara na nga..”
“akin na yang bag mo babe”
“ako na babe”
“akin na…” pagpupumilit nito at wala naman akong nagawa kundi ibigay ito sa kanya.
“Babe, birthday ko sa darating na Sunday ah wag mung kalilimutan” sabi ni Paul habang nakaakbay sakin.
“oo naman babe, hindi ko yun nakalimutan. May na isip na akong iregalo sa’yo” sabi ko sa kanya.
“ok lang naman kahit walang regalo, yung sakin lang naman eh baka makalimutan mo at baka may iba kang lakad sa Sunday” ang paliwanag niya.
“sa iyo lang nakalaan ang araw na yun, wala kang kahati sa araw ng birthday mo okay?” at nagpatuloy na kaming naglakad pa uwi.
Ang totoo niyan mga two weeks ago pa ako nakabili nang regalo ko para sa kanya. T-shirt yun na kulay blue at may malaking logo ni superman sa gitna. Nang makita ko yun nang nag punta kami sa mall ni nanay para mang grocery ay binili ko talaga agad kasi alam kong babagay sa kanya yun.
Dumating na nga ang araw ng birthday ni Paul. Excited akong pumunta sa bahay nila dala ang regalo ko sa kanya na ako pa mismo ang nag balot. Si nanay ang nagluto ng handa nya. Pagdating ko ay nandun sina Jake, Andrew, Rudy, Andrea, Dina at syempre si Benjie.
“Wow, andito na siya may dala pang regalo oh…” ang sabi ni Dina at kinikilig pa.
“Syempre kayo nga merong regalo, siya pa na boyfriend wala?” Pagbara sa kanya ni Rudy.
“Oh sige na tama na nga yan, mag umpisa na tayo” ang sabi ni Andrew.
Pagkatapos naming kantahan si Paul ng Happy Birthday ay nagdasal kami at kumain.
Pagkatapos kumain ay inumpisahan nang buksan ni Paul ang mga regalo na bigay sa kanya.
Huli niya talagang binuksan ang regalo ko sa kanya.
“Wow ang ganda naman nito babe, salamat” agad niyang hinubad ang kanyang damit at sinuot agad ang regalo kong damit sa kanya. Hindi nga ako nagkamali, bagay na bagay sa kanya at para talaga siyang si Superman.
“Oh tagay na tayo!” ang sabi ni Jake sabay lapag ng isang kaha ng redhorse.
Hindi ako umiinom kaya softdrinks lang yung sakin.
Nakaupo si Paul sa tabi ko at naka akbay ito sakin. Sa kalagitnaan ng drinking session ay tumigil si Andrew sa pag inom.
“Oh bro, ba’t ka tumigil? Inum pa..” ang sabi ni Paul kay Andrew. Namumula na ang mukha nito at halatang tipsy na. Panay din ang halik niya sa pisngi ko.
“bro, kailangan ko mag pass. Dahil kung hindi eh walang mag da drive ng kotse. Hindi naman kami pwedeng matulog dito kasi… diba Enzo?” ang sabi ni Andrew sakin at nagtawanan silang lahat kaya binato ko siya ng tansan.
“Tumigil ka nga”
“Hala lagot ka mamaya..” ang bulong ni Rudy sakin.
“oo nga hala lagot ka..” ang sabay sabay nilang sabi. Tumingin ako kay Paul at kinindatan ako ng loko sabay ngiti na tila ba nang aakit. Kinurot ko siya sa tagiliran.
“Ouch! Don’t do that it turns me on” ang sabi ni Paul at inilapit ang mukha niya sa mukha ko.
“mamaya na yan, inum pa!” ang sabi ni Jake na nabubulol na. Nag cheers sila at inubos nila ang natitirang redhorse.
Biglang bumuhos ang malakas na ulan. Kasabay nito ang pag lamig ng paligid.
“Guys Sabay na kayo samin ni Jake” ang aya ni Andrew sa kanila ni Dina. Ako na ang naghatid sa kanila sa pinto dahil nahihilo na si Paul at naupo na lamang sa sofa habang naka pikit. Si Benjie naman hiniram ang payong ni Paul at umuwi na din.
“Paul, alis na kami Happy Birthday ulit” ang sabi ni Andrew kay Paul at tumango lamang ito.
“Oh Enzo, mauna na kami kaw na bahala kay Paul” tumango lamang ako.
Niligpit ko ang mga plato na pinagkainan at hinugasan ang mga ito. Grabe pa rin ang buhos ng ulan na sinasabayan ng malakas na hangin.
Pagkatapos kong maghugas ng pinggan ay nagdala ako nga basahan dahil nakalimutan kong punasan ang lamesa.
Nilingon ko pa si Paul at naron parin siya sa sofa at mukhang tulog. Pinagpatuloy ko ang paglinis ng lamesa nang biglang may humawak sa bewang ko. Si Paul, gising pala siya.
Humarap ako sa kanya pero tahimik lang ito na nakatingin sakin at nakahawak pa rin sa bewang ko.
“Nahihilo ka pa ba babe?” ang tanong ko sa kanya. Pero imbis na sumagot eh tinititigan lang ako nito at parang nang aakit ang kanyang mga mata.
“nilalamig ako babe” unti unti ko na lang naramdaman na pumasok na ang kanyang kamay sa damit ko at nilalaro niya ang utong ko. Nararamdaman ko rin na tumitigas na ang kanyang sandata na tumatama din sa unti unting tumitigas kong pagkalalaki. Hinimas ko ang pwet niya at bigla naman niya akong hinalikan at pinahiga niya ako sa lamesa. Hinimas himas ko ang likod at ang pwet niya habang hinahalikan niya ako sa leeg.
Hinubad ko ang kanyang damit at patuloy niya akong hinalikan. Maya’t maya pa ay hinubad niya din ang aking damit at inumpisahang sip sipin ang utong ko. nang magsawa siya ay hinalikan niya ulit ako, naglalaban ang aming dila. Bahala na, ngayon ay handa na akong biyakin niya ang aking banga. lelz
Hinawakan niya ako sa likod at patuloy ang aming paghahalikan. Dinala niya ako sa sofa at pumatong ako sa kanya. Pinasok niya ang kanyang kamay sa shorts ko at pinisil pisil ang aking pwet.
Unti unti ko siyang hinalikan sa leeg at umabot na nga ako sa chest niya. Kinagat kagat ko ang utong niya dahilan para umungol ito.
Dinilaan ko ang kanyang abs “ooohhhh…. Shit….” Ang sabi niya. Habang nilalasap ko ang sarap ng mga pandesal niya ay hinimas himas ko ang galit na galit niyang alaga.
Hinubad ko ang short at brief niya. Tumambad sakin ang kanyang batuta na matambok at pulang pula ang ulo. Ang bango nito at medyo may mga ugat ugat pa, napasinghap siya nang dinilaan ko ang ulo ng kanyang batuta.
“Babe please… isubo mo na” ang pagmamakaawa niya.
Isinubo ko nga ito at naramdaman kung hinawakan niya ang ulo ko. halos mabilaukan ako dahil gusto niyang isubo ko ng buo ang ari niya.
Nakaluhod ako habang naka upo siya sa sofa at halos mapuno ng ungol ang buong bahay wala namang makakarinig dahil halos bumabagyo na sa labas. Mga ilang minuto ko ring pinaglaruan ang alaga niya. Maya’t maya pa ay inaya niya ako na pumunta sa kwarto niya.
Kiinarga niya ako bridal style.
Hinagis niya ako sa kama, kitang kita ko sa itsura niya na libog na libog na siya. Marahas niyang hinubad ang aking short at brief at pumatong sakin at muli kaming naghalikan. Nararamdaman ko ang malagkit na katas na lumalabas sa aming ari. Pinadapa niya ako at kinuha niya ang lotion sa drawer.
Naramdaman ko na pinatakan niya ng lotion ang butas ko. Nilaro laro ng kanyang kamay ang butas ko at parang minamasahe niya. Aaaaahhhhh… ang sarap, napa pikit na lang ako.
Pinasok niya ang isa niyang daliri sa butas ko, weird ang naramdaman ko. hanggang sa umabot na sa tatlong daliri ang pinasok niya. Mahapdi at masakit ngunit masarap. Habang nakadapa ako ay bumulong siya sa akin.
“Are you ready babe?” ang tanong niya.
“Oo babe, sige na pasukin mo ko” yun ang mga sabi ko sa sobrang libog na nararamdaman.
Pinasok na nga niya ang kanyang sandata, napasinghap ako dahil sobrang laki nito, parang napunit ang pwet ko. Dahan dahan siyang kumadyot hanggang sa buo na ngang nakapasok sa loob ko ang ari niya. Unti unti ding bumibilis ang pag bayo niya.
“Aaah! Aahhhh…. Babe ang sarap wag kang tumigil” ang sabi ko sa kanya.
Patuloy ito sa pagbayo habang hinahalikan ako sa leeg.
Pinahiga ko siya at inupuan ko ang ari niya. Pilit siyang umupo at sinip sip ang utong ko.
Marami kaming posisyon na ginawa. Ang galing mag romansa ni Paul. Halos sumigaw ako sa twing pinapasok niya ng buo ang alaga niya.
Pinahiga niya ako at binuka ko ang aking mga hita. Muli ay pinasok niya ang kanyang alaga sa aking butas.
“Aaahhh… aahhhh aaaaahhh babe, eto na sasabog na ko…” sabi niya..
“ sige babe, pasabugin mo lang“ aaaahhh shit sarap talaga.
“Aaaah… ayan na ayan na… aaahhhhh… Fuck! Fuck! Fuck!” at ayun na nga, sumabog na nga siya sa loob ko. Naku mukhang mapapaaga ang pag bubuntis ko, char!
Hinugot na niya ang kanyang unti unting nalalantang patola. Waaah, hindi ko ma intindihan ang nararamdaman ko.
Hinalikan nya ako at saka natulog, hai naku ganito ba talaga? Pagkatapos magparaos natutulog agad? Kala ko sa mga pelikula lang nangyayari ito.
Kahit pagod na pagod na ay pinilit kong bumangon para mag linis muna ng katawan.
Pagbalik ko galing sa banyo ay ganun pa rin ang posisyon ni Paul, nakadapa at tulog na tulog. Kinumutan ko siya at natulog na din. Hai naku ang hapdi ng ano ko, goodluck kung makakapaglakad ako ng maayos nito. Ganito talaga siguro pag first time.
Lagot, Nalintikan Na!
Mga alas kwatro na nang madaling araw ng magising ako. Wala na si Paul sa tabi ko, hindi naman nakasindi ang ilaw sa banyo kaya sigurado wala siya dun. Napansin kong bahagyang naka bukas ang pintuan ng kwarto ni Paul at nakita kong nakasindi ang ilaw sa labas kaya lumabas ako at bumaba. Nakita ko si Paul nasa kusina nagluluto at naka boxer shorts lang ito.
“Babe..” sabi ko.
“oh, gising na pala ang baby ko” lumapit siya sakin at hinalikan niya ako sa lips.
“anu ba yan, hindi pa ko nagsisipilyo eh” ang inis kong sabi.
“ Ma upo ka nga sandali na lang tapos na kong magluto. Ang aga aga ang sungit ng misis ko ah“ ang sabi ni Paul at bumalik sa pagluluto niya. Grabe naman ang hot ng kusinero ko hehehe ang sabi ko sa isip ko.
Lumingon bigla si Paul at nahuli akong titig na titig sa kanya.
“What’s with that look? I know I’m hot and yummy, just get over it” sabi nito sabay ngisi. Abah yabang ah, batuhin ko kaya ng pinggan to.
“yabang mo ah. Mag focus ka nga dyan sa niluluto mo, mamaya masunog mo pa yan”
Maya’t maya pa ay tapos na siyang magluto at naghain na sa lamesa.
“baby kain na tayo, pasensya ka na ito pa lang ang alam ko lutuin sa ngayon” sabi nito habang nilalagyan ng kanin ang plato ko.
“Naku ikaw naman, salamat nga pala. Bakit ka pa nagluto, maraming tirang pagkain kagabi” sabi ko
“iba naman yung kagabi, tsaka gusto kong pagsilbihan ang misis ko” sabi nito sabay ngisi.
“kanina ka pa misis ng misis huh, hindi mo pa nga ako pinapakasalan”
“ah basta, asawa na kita at akin ka lang, mananagot ang magtatangkang pumorma sa’yo” ang ma angas niyang sabi.
Matapos naming kumain ay umuwi muna ako para maghanda upang pumasok sa trabaho. Naku ang sakit talaga, pilit kong winawasto ang paglalakad ko pero napapangiwi ako. Nang papasok ako ng bahay ay nadatnan ko sila nanay na nag aalmusal.
“anak, mag almusal ka na oh” sabi ni nanay.
“salamat po nay, kumain na po kami ni Paul”
“ah ganun bah, sige ipapabaon ko na lang to sayo” ang sabi ulit ni nanay sabay kuha ng aking baunan.
“anak, hinay hinay lang baka mabuntis ka niyan agad huh” sabi ni tatay, nahalata siguro na hindi ako makalakad ng wasto. Pero derederetso na akong umakyat ng kwarto at naligo.
Hinatid ako ni Paul sa trabaho at si Benjie ay nakasunod lang sa likod namin at panay sabi na inggit na inggit daw siya. Si Paul naman ay pumunta sa restaurant na pinatayo niya at kasosyo niya sina Andrew at Jake.
Pauls POV
Masayang masaya ako na nakilala ko si Enzo and guess what kami na ngayon. Ang gaan gaan ng pakiramdam ko sa tuwing kasama ko siya.
Pinagsikapan ko ring makapagpatayo ng isang restaurant sa tulong ng nina Jake at Andrew. Para kahit papano ay hindi ako tumambay at para maipakita ko rin sa mga magulang ni Enzo na kaya ko siyang buhayin. Plano ko kasing ayain siya na tumira na kami sa isang bahay, sana pumayag siya.
Si Enzo na talaga ang nakikita kong kasama ko habang buhay. Mamahalin ko siya ng higit pa sa inaakala niya at hindi ko siya hahayaang masaktan.
Habang abala ako sa Gawain sa opisina ay may hindi inaasahang dumating na bisita.
Tok! Tok! Tok!
“come in” sabi ko
Akala ko si Andrew o Jake ang papasok pero laking gulat ko na isang babae ang tumambad sakin. Siya nga, andito siya ngayon si Amanda, ang babaeng pilit pinagkakasundo sa akin ng aking magulang.
“o, ba’t gulat na gulat ka don’t you miss me?” sabi niya.
“A… Amanda? What are you doing here?” tanong ko sa kanya.
“What kind of question is that? Of course I’m your future wife” ang sabi nito sabay ngiti.
“What? Sinabi ko na sa’yo diba? Walang tayo. Ba’t mo ba pinagsisiksikan ang sarili mo. You need to leave, marami akong ginagawa” inis kong sabi sa kanya.
“Wow, how rude naman. Bakit? May girlfriend ka na ba dito at takot kang baka makita niya tayong nag uusap?”
“leave now” ang firm kong sabi.
“ok, pero magkikita tayo ulit Paul” sabi niya at lumabas na nga siya sa opisina ko.
Maya’t maya pa ay patakbong pumasok si Andrew sa opisina ko.
“Woah dude, siya ba yung sinasabi mung chicks na pinapagkasundo sa’yo?” tanong ni Andrew.
Tumango lamang ako.
“she’s hot dude”
“she’s a brat at ayaw ko sa kanya”
“but anong ginagawa niya dito?” tanong ni Andrew.
“Alam kong mangugulo lang sya dito. Siya lang naman ang persistent na maging kami. Sinabi ko sa kanya na ayaw ko sa kanya the first time na pinakilala kami ng aming mga magulang sa isa’t isa. Pero nababahala ako na malaman niya ang tungkol samin ni Enzo. Pag nagkataon gagawa siya ng bagay na ikakasakit ng loob nito.”
Nang lumabas ako ng restaurant ay nakita ko si Amanda na nag aabang sa labas at may dala itong kotse.
“There you are kanina pa kita hinihintay. San ka ba? Tara hatid na kita”
“No thanks, mag ko comute ako” ang malamig kong sabi sa kanya. Pero hinawakan niya ang kamay ko.
“Paul please sige na, hatid na kita” pag pupumilit nito.
Alam ko ang trip ng babaeng to, kung hindi ako papayag na magpahatid sa kanya eh susundan rin ako nito at mag krus ang landas nila ni Enzo na siyang kinakatakutan ko.
“ok sige”
Nang dumaan kami sa pastry shop na pinagtatrabahuan ni Enzo ay nakita ko siya na naglalakad at kasama niya si Clyde at Benjie. Ako sana ang kasama ni Enzo pauwi, panira ng araw kasi tong si Amanda.
“oh buong araw ka yatang bad mood uh. May mga kasama ka ba dun sa bahay mo?” tanong ni Amanda tsaka hinimas niya ang balikat ko.
“Will you please stop this?” sabay tanggal sa kamay niya. “Andito na tayo sa harap ng bahay ko”
Bumaba ako at bumaba din siya sa sasakyan at sumunod sakin. “salamat sa paghatid, makakaalis ka na” ang inis kong sabi sa kanya.
“why are you so rude to me, gusto ko lang na maging mabuti ang mga bagay bagay satin” at bigla na lang niya akong hinalikan.
“Enzo!” lumingon ako para makita kung sinong sumigaw, nakita ko si Clyde at si Benjie na mukhang shock din. Nakita ko si Enzo na patakbong pumasok sa kanilang bahay. Padabog pa nitong sinara ang pinto ng bahay nila.
Naku na lintikan na, siguradong nakita niya na hinalikan ako ni Amanda. Pano ko sisimulan ang pagpapaliwanag sa kanya.
Sa inis ko ay naitulak ko si Amanda ng kaunti dahilan para umurong ito. Agad akong pumasok sa bahay at ini lock ko ang pinto. Tuloy lang sa pagkatok si Amanda pero hindi ko talaga siya pinagbuksan hanggang sa narinig ko na lang na pinaandar niya ang kanyang kotse at umalis ito.
Itutuloy
My First Heartache
Una sa lahat, gusto kong magpasalamat sa mga nagbasa at nag vote, ang sarap sa feeling. Mas lalo akong ginanahan sa pag susulat ng story na to. Enjoy Po!
Enzos POV
Sobrang sakit ang naramdaman ko. Para akong sinaksak sa dib dib nung makita kong may kahalikan si Paul. Bakit niya nagawa to? ito ang tanong na paulit ulit kong tinatanong sa sarili ko.
Oo nga busy nga talaga siya, busy sa paglalandi. Ang bigat bigat ng nararamdaman ko, para akong inuntog at parang pinamukha sakin na kahit sabihin ng lalaki na mahal ka niya eh maghahanap talaga ito ng isang babae sa huli.
Sabi pa niya una eh manliligaw siya sakin. Ba’t naman kasi nagpadala agad ako nung idineklara niya na kami nang dalawa. Oo nga, nakaka bobo ang pag ibig.
Iyak na lang ako ng iyak dahil sa sakit na nararamdaman ko. Maya’t maya ang pagtunog ng cellphone ko. Kanina pa kasi nag te text si Paul pero hindi ko naman ni rereplayan kaya ayan tumawag na si mokong. Sa sobrang inis ko eh tinapon ko ang cellphone ko sa sahig, dahilan para matanggal ang casing pati battery nito.
Kinabukasan….
Ginising ako ni nanay pero sinabi ko sa kanya na masama ang pakiramdam ko at hindi muna ako papasok. Alam kong hindi naniniwala si nanay pero hinayaan niya lang ako, dinalhan niya pa ako ng almusal sa kwarto ko at bumalik na ito sa karinderya namin.
Nang paandarin ko ang cellphone ko eh halos ma full na ang inbox ko dahil sa messages niya. Galit ako sa kanya, pero umaasa naman ako na pupunta siya sa bahay at susuyuin ako pero wala eh.
Nakatulog muli ako at nagising mga ala una na ng hapon. Nakaramdam na kasi ako ng gutom. Naisipan kong bumaba at nakita ko si tatay na naka upo sa sofa.
“Anak ok ka lang ba?” ang tanong ni tatay.
“ayos lang po ako tay” ang sabi ko at dire diretso kong tinungo ang lamesa at tinignan kong ano ang nasa loob ng mga Tupperware.
Nakita ko na may adobong manok na niluto si nanay. Paborito ko ito pero naupo na lang ako at natulala kasi parang nawala na naman yung gana ko. Naramdaman ko na lang na nasa likuran ko na si tatay at hinawakan niya ang mga balikat ko.
“anak… alam ko hindi ka okay, maging ang nanay mo napansin na matamlay ka. Ano ba ang problema? Sige na magsabi ka lang sa tatay” ang malumanay na sabi ni tatay. Niyakap ko siya at bigla na lamang pumatak luha sa aking mga, mata hindi na ako nakapagsalita.
“hindi lang saya, kilig at makulay na mundo ang dala ng pag ibig anak, kasama na rin dito ang lungkot, sakit at kadalasan luha. Pero sa isang relasyon anak eh dapat marunong ka ring makinig at makiramdam. Higit sa lahat dapat matuto kang magpatawad” tumango lang ako at tsaka pinahiran ko ang aking mga luha.
“Kumain ka na jan anak at pupuntahan ko muna ang nanay mo sa karinderya” ang sabi ni tatay.
Kaunti lang ang nakain ko at bumalik uli sa kwarto. Nang tinignan ko ulit ang cellphone ko eh marami na naman ang messages mula kay Paul pero hindi na ako nag abala na buksan at basahin pa ito. Nanood na lang ako ng dvd at nagkulong sa kwarto .
Hindi ko namalayan na gabi na pala, tinawag ako ni nanay para maghapunan.
Pagkatapos maghapunan eh nanood muna akong tv sa sala. Nagbabaka sakali pa rin ako na pupunta si Paul at makikipag usap sakin. Pero wala eh, marahil balewala lang talaga ako sa kanya.
Alas nuwebe na ng gabi, pinilit ko talagang makatulog. Hindi maaring umabsent na naman ako bukas.
Kinabukasan….
Pag gising ko ay agad akong naligo at kumain ng agahan.
“bes!”
“ai anak ng kalabaw! Benjie naman eh” eto na naman ginulat na naman ako ni Benjie habang palabas na naman ako ng bahay.
“Alam mo ang OA mo bes, hindi ka pa nasanay sakin” inirapan ko lang ito.
Naglakad na kami papuntang work, balik sa dati ang lahat. Walang Paul na hahatid sakin ngayon. Pero hindi pa kami nakakalayo sa bahay ay narinig kong tinatawag ako ni Paul.
“Babe! Babe!”
Pero binilisan ko ang paglalakad ko at hindi ako tumugon sa pagtawag niya sakin. Babe mong mukha mo, pagkatapos nung ginawa mo akala mo ba ganun lang kadali kalimutan yun.
Naabutan niya ako at naramdaman kong hinawakan niya ang aking kamay.
“Hey, wag namang ganito. Mag usap naman tayo please… let me explain”
“Mag usap? Tama na yung nakita ko. wala kang dapat eh explain. Kaya pwede tigilan mo na to, ma le late na ko” ang sabi ko sa kanya sabay tanggal ng kamay niya sa braso ko.
Pero sa kabila nun, sumunod pa rin ito samin hanggang sa pastry shop.
“sunduin na lang kita mamaya. I love you” sabi ni Paul.
“Sunduin? Wag na baka ma abala pa kita at mawalan ka nang time dun sa babaeng kahalikan mo, nahiya naman ako sa inyo” ang bitter kong sabi sa kanya at dire diretso akong pumasok sa loob ng pastry shop.
Hanggang sa mga sumunod na araw eh ganun pa rin. Kahit hindi ko siya pina pansin eh nakasunod ang ito sa likod ko pag naglalakad ako papuntang trabaho.
Paglabas ko naman eh nakikita ko itong naka abang na sa labas ng pastry shop. Ilang beses ko na siyang pinagtatabuyan pero hindi talaga sumusuko. Hanggat nakikita ko siya eh hindi nawawala ang inis ko sa kanya. Oo na masyado akong bitter pero sobrang sakit nun para sakin.
“Paul pwede bang tigilan mo na to”
“no, hindi ako lalayo sa’yo. Lalayo lang ako kung sasabihin mo na hindi mo na ako gusto”
Inirapan ko lang siya at tumalikod ako, pero bigla niya akong pinaharap sa kanya at hinalikan ako. pilit ko siyang tinutulak pero ang lakas ng pagkakahawak niya sakin.
Biglang may itim na kotse na tumigil malapit sa kinatatayuan namin. Teka mukhang pamilyar to ah, oo nga tama ito ang kotse na nakita ko sa harap nang bahay ni Paul.
Bumukas ang pinto nito at iniluwa ang babaeng kahalikan ni Paul.
“Well what do we have here. How vulgar, dito pa kayo sa kalsada talaga huh. Kaya pala ang rude mo sakin. Ang babaerong si Paul eh nag iba na nang hilig” ang sabi nung babae at tiningnan ako nito mula ulo hanggang paa.
“Amanda, ano na naman ang ginagawa mo dito?” ang inis na sabi ni Paul.
“Masama bang dalawin ka? masama bang dumalaw ang fiancé mo sa’yo?” sabi nito na halatang nang iinis. Binigyan ko ito ng matalim na tingin tsaka tumingin kay Paul.
“Enzo, no…” hindi na natapos ni Paul ang kanyang sasabihin pero binigyan ko agad ito ng pinakamalakas kong sampal tsaka tumakbo.
Nananadya ba talaga ang tadhana? Grabe na not ha!
Tequila
Authors note:
First of all gusto ko pong magpasalamat sa mga patuloy na nagbabasa at nag vovote nitong story na ginagawa ko. Mas lalo akong na iinspire na ipagpatuloy at iimprove pa ito.
JayceeLMejica dahil sa comments mo na stimulate ang utak ko at marami pang idea ang pumasok. Thanks you so much :)
Call me O.A or crazy pero kina career ko na talaga to hahahaha. Tuwing day off ko halos pag gawa ng draft ang inaatupag ko. Minsan hindi ko na pinapansin si Facebook hahaha. Enjoy po!
Sabado ngayon alas sais na ng hapon. Himala walang Paul na nakaabang sa labas ng pastry shop, hai…. Ano ba? kung andyan siya pinagtatabuyan ko, pero ngayong wala eh hina hanap hanap ko naman.
“bes anong meron? Hindi ka naman mahilig kumain sa labas at gumala tuwing Saturday night uh?” tanong ni Benjie, niyaya ko kasi ito at ang iba naming kabarkada na kumain sa labas.
“wala lang gusto ko lang ma aliw bes, kung dun lang ako sa bahay eh mag mumukmuk lang naman ako”
“hindi mo pa rin ba kinakausap si Paul? Bes sana naman pagbigyan mu siyang ipaliwanag ang side niya”
“Hai naku bes, wag na muna nating pag usapan yang si Paul. Baka mawala lang ako sa mood”
Tinungo agad namin ang department store sa isang mall, dun kasi namin napagkasunduang magkita kita.
“Oi mga friends! “ sabi ni Dina.
“oh tara na gutom na ko, san ba tayo?” tanong ko sa kanila.
“dun tayo sa may seafood restaurant malapit sa dagat” ang sabi ni Rudy.
Malapit lang sa dagat yung mall, reclaimed area na kasi ito. SA mall ding ito kami nagkita kita nung nakaraan. Marami ding mga seafood restaurant na malapit sa tabing dagat.
Habang naglalakad kami papunta sa restaurant eh nadaanan pa namin ang lugar kung saan ako unang hinalikan ni Paul. Naalala ko tuloy ang mga nangyari nung araw na yun, ang pagyakap niya sakin nung halos nahimatay ako.
“uyyy…. May naaalala siya… san si papa Paul friend?” ang tanong ni Andrea. Pero hindi ako nakasagot.
“L.Q sila friend…. Wag na muna natin pag usapan yan.” Sabi ni Benjie.
“oooohhh….” Sabi ni Rudy.
Oo ayaw kong pag usapan ang tungkol sa kanya. Inis na inis pa rin ako, tila nadagdagan lang ang inis ko nung umeksena ang babaeng lokaret nung isang araw.
Narating namin ang seafood restaurant at umorder na kami, nag pa order talaga ako ng paborito kong calamares at sinigang na isda.
Napuno na naman ng tawanan at tuksuhan habang kumakain kami. Parang sasabog din ang tiyan ko sa sobrang kabusugan, hanep sarap kasi ng pagkain nila.
Napatingin ako sa labas ng resto, parang may nakatingin kasi sakin, parang may naaninag ako na may nakaupo sa madilim na parte ng kalsada.
“friend, anong tinitignan mo dyan?” tanong ni Dina.
“Ah eh wala, teka inom muna tayo?” ang pag yaya ko sa kanila.
“Weeeh? Sure ka Enz….?” Si Rudy
“Ah eh, oo naman sure ako. Sige na”
“Sige na nga, mukhang may kailangan tayong pag usapan” sabi ni Andrea.
Hindi nga ako umiinom pero ngayon parang gustong gusto ko. Gusto kong maranasan kung pano malasing .
Hai.. na inlove lang ako hindi ko na ma intindihan ang sarili ko. Galit ako kay Paul pero hinahanap ko siya, pag andyan siya halos pagtulakan ko naman siya na umalis. Aaminin ko, iniisip kong si Paul ang nakikita ko na naka upo sa labas ng resto na kinakainan namin. Kakabaliw tong lintik na pag ibig na to.
Si Rudy ulit ang nag suggest kung saan kami iinom, marami kasi itong alam kung saan masarap kumain at kung saan masarap tumambay pag umiinom.
“ano? Redhorse tayo?” tanong ni Rudy.
“Sige redhorse na lang” pag sang ayon ng iba.
“Bes okay lang ba sa’yo ang redhorse?” tanong ni Benjie.
“sige mag redhorse lang kayo bes” sagot ko kay Benjie “kuya ano ang matapang nyung alak dito?” tanong ko sa bar tender.
Marami siyang alak na sinabi pero may napili na agad ako.
“yung tequila na lang po kuya, isang bote salamat” pagkasabi ko nun ay na shock ang mga kasama ko.
“oh, wag nyu naman akong tignan ng ganyan” sabi ko.
“Enz… sigurado ka ba?” tanong ni Rudy.
“oo naman sure ako, tara upo na tayo”
After 5 minutes ay dinala na samin ang aming order. May lemon at asin pa palang drama tong tequila na to.
“Wow, ang init naman sa lalamunan nito” may lalamunan pa kaya ako pag naubos ko to.
“friend.. mahaba pa ang gabi, dahan dahan lang.. hindi ka pa naman sanay uminom” sabi ni Andrea.
Ayun na nga tuloy tuloy na ang pag tagay namin at lumalalim na luma lalim na ang gabi. Hindi pa nga ako nangangalahati sa iniimom ko eh nararamdaman ko nang medyo bumibigat na ang ulo ko. Ganito pala pag umiinom, ang init sa tyan.
Nararamdaman ko na naman ulit, may naka tingin na naman sakin. Pero parang wala naman. Hai ano bah? Epekto ba to ng alak?
“Enz… kanina pa namin napapansin na bigla ka na lang natutulala. Ano bang tinitignan mo dyan sa labas?” tanong ni Rudy.
“Ah… wala naman. Pakiramdam ko kasi may nakatingin sakin”
“Uyyyy….Baka naman nakaabang dyan si fafa Paul sa’yo, binabantayan ka” sabi ni Benjie. Iniriapan ko lang ito at tumagay ulit.
“Friend, dahan dahan lang namumula ka na oh. Teka lang, ano bang nangyari ba’t parang inis na inis ka kay Paul?” Tanong ni Dina. Nakatutok lahat ang mga mata nila sakin at nag aantay ng sagot. Hai pero hindi ako pwedeng magdahilan.
Hindi ko nagawang umpisahan ang pag kwento sa nangyari. Naiyak na lang ako, nag flash back kasi sa isip ko nung nakita kong may kahalikan si Paul. Ilang minuto din akong umiyak at nang medyo na himas masan ako inumpisahan ko nang sabihin sa kanila ang nangyari.
“nakita ko kasi si Paul, may kahalikan siyang babae sa harap ng bahay niya. Sobrang sakit lang sa dib dib kasi sino ba naman ako, babae yun at marami siyang kayang ibigay kay Paul na hindi ko mapupunuan kalian man. Nung isang araw nagpakilala pa yung babae na fiancé daw siya ni Paul.”
Ewan ko bah, ba’t hindi ma ubos ubos tong luha ko. Pero tuloy tuloy pa rin ang pag tagay ko ng tequila at lampas na sa kalahati ang na inum ko.
“nag usap na ba kayo?” tanong ni Rudy.
“hindi pa, ayaw kong makipag usap sa kanya” ang inis kong tugon san tanong niya. Ngumisi si Rudy at umiling.
“Enz…. Kaya ba nagpapakalunod ka sa alak ngayon dahil diyan? Bilang kaibigan mo, ang maipapayo ko lang sa’yo eh bigyan mo si Paul para makapag paliwanag. Nalasing ka nga ngayon, pero bukas makalawa eh andyan pa rin ang inis at tampo mo sa kanya”
Aaminin ko hanggang ngayon ayaw ko pa rin siyang maka usap. Hai hilong hilo nako pero hindi ako tumigil sa pagtagay.
“hindi ako makikipag usap sa kanya, Bleeeeeehhhh!!!!!”
“lasing ka na Enz..” ang sabi ni Rudy at kinuha niya ang bote ng tequila sa harap ko. Pero naagaw ko pa rin to sa kanya.
“bottoms up!” sigaw ko at ininum ko ang lahat ng laman ng bote.
“Rudy, bayaran mo na ang bill natin, iuwi na natin tong si Enzo” dinig kong sabi ni Andrea.
“Anong uuwi? Sinong uuwi huh? Inum pa tayo”
“Bes, uuwi na tayo. Lasing na lasing ka na” sabi ni Benjie.
“Let’s go home” isang pamilyar na boses ang nadinig ko, paglingon ko nakita ko siya, si Paul. Ang isang kamay niya ay nakapatong sa balikat ko. Padabog kong tinanggal ang kamay niya.
“Alam nyu guys tama kayo, uwi na nga tayo”
Pa ekis ekis na ang pag lakad ko, pilit akong inaalalayan ni Paul pero sa twing hahawakan niya ako ay tinutulak ko siya.
Pauls POV
Kanina pa ko sunod nang sunod sa kanila, hindi nga lang ako nagpapakita dahil alam kong ipagtatabuyan niya lang naman ako. Pero parang hindi lang yata ako ang sumusunod kay Enzo. May nararamdaman din kasi akong may nakamasid sakin.
Ganito pala maging stalker. Pero hindi ako dapat sumuko, mahal na mahal ko si Enzo. Tigas naman kasi ng ulo, ayaw niyang pakinggan ang paliwanag ko. Masakit na masakit sakin ang mga nangyayari, alam kong nasasaktan talaga siya, kaya ngayon ito kahit hindi sanay uminom eh naglalasing siya. Kailangan maayos na tong gusot na to.
Kitang kita kong lasing na lasing na ito kaya dapat ko na siyang pigilan at iuwi na. Hindi ako dapat magpadala sa pagiging duwag ko. Kaya lakas loob akong lumapit sa kanya.
“Let’s go home”
Medyo nagulat pa ito. Gusto ko sanang akbayan pero baka hamapasin niya ako ng bote, alam ko kasing galit na galit ito sakin.
“Alam nyu guys tama kayo, uwi na nga tayo” ang sabi nito sa kanyang mga kasama at tila nawala ang saya sa mukha nya nang makita niya ko.
Pa ekis ekis ang pag lakad niya at halos matumba na, pilit ko siyang inaalalayan sa paglakad pero tinutulak niya ko. Hai tigas ng ulo.
“hoi lalake, wag mo nga akong hawakan! Dun ka fiancé mo, baka mamaya sumulpot na naman yun dito” ang pasigaw na sabi ni Enzo. Para siyang bata, nabubulol pa ito sa pagsasalita.
“you’re so drunk, halika na iuuwi na kita. Guys ako nang bahala kay Enzo” ang sabi ko sa kanila ni Rudy.
“mabuti pa nga Paul. Wag kang susuko man” sabi ni Rudy. Tumango lamang ako.
“Bes, sabay tayo umuwi. Ano ba Paul! Bitawan mo nga ako!”
“bitawan mo siya, ayaw niyang sumama sa’yo eh!” nakita ko si Clyde papalapit sa’min. Abah wrong timing ka naman tol. Hindi ko hahayaang umeksena ka ngayon.
“pakiusap wag kang mangialam dito”
“Clyde?” ang sabi ni Enzo.
“Tara Enzo, iuuwi kita sa inyo” lumapit siya kay Enzo at hinawakan niya ang kamay nito. Abah angas ah, hindi madaan sa pakiusap. Bugbugin ko kaya to, sinasabi ko na nga ba. Siguro siya din ang nararamdaman kong sumusunod. May plano pa yatang agawin ang aking FOREVER pero no way man. Duwag ako sa pag ibig minsan pero hindi ako magdadalawang isip makipag basag ulo para ipaglaban si Enzo.
“lumayo ka nga!” sabi ko kay Clyde sabay tulak sa kanya.
“ano bang problema mo pre?” maangas nitong tanong.
“problema ko ikaw! Wag kang umeksena dito kasi hindi ikaw ang boyfriend!”
“bakit sa ginawa mo kay Enzo sa tingin mo kayo pa?”
“wala kang alam sa totoong nangyari nung araw na yun. Kaya pwede bah umalis ka na” si Enzo ay napatulala na lang at tila shock sa nangyayari.
“mga tol, wag kayong mag away dito. Baka sa police station tayo makatulog niyan. Kami na lang ang maghahatid kay Enzo” sabi ni Rudy.
“dude ako nang maghahatid sa kanya” sabi ni Clyde. Matigas din ang ulo nang isang to ah, sa sobrang inis ko eh binigyan ko ito ng isang malakas na suntok. Pero agad itong rumesbak ng suntok at tinamaan ako sa ulo.
“Hoy! Anong kaguluhan yan!”
Pag lingon ko ay nakita kong bumaba ang dalawang pulis sa patrol car.
“Takbo!” Sigaw ko.
Agad kong kinarga si Enzo at tumakbo.
“anong ginagawa mo? Ibaba moko!” pag sigaw ni Enzo.
Nakita ko na may taxing paparating at sakto namang wala itong pasahero.
Hindi na umiimik si Enzo nung nasa loob na kami ng taxi, napansin ko na lang na nakatulog na pala ito dahil sa sobrang kalasingan. Sa bahay ko na lang siya pagpapahingahin.
Pag dating sa bahay ay pinahiga ko siya sa kama. Hinubad ko ang damit niya at nilinis ko ang katawan niya gamit ang bimpo. Pagkatapos nun ay naligo na din ako. Pag labas ko sa banyo ay nakita kong tulog na tulog pa rin siya.
Tinabihan ko ito at binulungan.
“Enzo, mahal na mahal kita. Sana hayaan mo akong magpaliwanag sa’yo” hinalikan ko ito sa noo at natulog na din ako.
Itutuloy….
Wala Ngang Forever!
Enzos POV
Nagising na lang ako at sobrang sakit ng ulo ko parang pinupok pok ng martilyo.
Pamilyar ang lugar, teka kwarto to ni Paul ah. Ngunit mag isa lang ako sa kwarto boxer shorts lang ang suot ko.
May naririnig ako sa labas na parang may nagtatalo. Sinuot ko ang aking damit at pantalon at dali daling lumabas ng kwarto.
Naabutan ko si Paul sa sala may tatlo siyang kasama. Isang lalake at babae na sa mga 60’ s ang edad, andyan din ang babaeng lokaret na si Amanda.
“Oh… so I guess di natin kailangang pumunta sa bahay nila para kausapin siya” ang sabi nung Amanda habang tinignan ako mula ulo hanggang paa.
“ah ikaw pala ang kinalolokohan ng anak ko. What’s your name?” sabi nung babae.
“Enzo po” grabe sila kung tumitig, parang nang aalipusta.
“I just want to let you know na ikakasal na si Paul at Amanda sa susunod na buwan. Wag ka nang lalapit sa anak ko at wag ka nang magpapakita sa kanya, maliwanag? Makakaalis ka na.” pagpapatuloy nung babae.
Nagsimula nang humakbang ang mga paa ko palabas ng pinto ngunit pinigilan ako ni Paul at hinawakan niya ang braso ko.
“Enzo mag usap muna tayo” ang mangiyak ngiyak na sabi ni Paul.
“Tama na Paul. Itigil na natin to, masyado na akong nasasaktan. Tapos na tayo, best wishes sa kasal mo”
“Pero..”
“Tama na Paul, tama na” naramdaman kong binitawan niya ang braso ko at tuluyan na akong lumabas.
Habang papasok na ako ng bahay ay parang hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari. Parang gumuho ang mundo ko. Wala na talaga, wala na talagang pag asa. Wala ngang forever.
Pagkatapos nung araw nay un ay wala na akong na receive ni isang text mula kay Paul. Siguro nga tinanngap niya na rin na tapos na ang lahat sa amin. Palagi ko ring nakikita ang mga magulang ni Paul na pumupunta sa bahay niya kasama ang bruhang Amanda.
Siguro nga tatanda na lang ako ng mag isa. Akala ko magiging masaya na ang lahat, akala ko kumpleto na ko. Pero mali ako, mali na umasa ako na pwedeng maging kami habang buhay. Sa sobrang pagka upset ko ay nag resign ako sa trabaho. Tumulong na lang ako kay nanay sa karinderya namin.
Isang hapon habang nakaupo ako at nanonood ng tv ay may bisitang dumating na hindi inaasahan.
“pwede bang tumuloy?”
Si Clyde pala. Teka anong meron may dala siyang bulaklak.
“para sa’yo” sabay abot sakin ng bulaklak at tinanggap ko naman ito.
“salamat”
“kumusta ka na?” tanong ni Clyde.
“medyo ok naman ako”
“nabalitaan ko na ikakasal na daw si Paul?” tumango lamang ako. hinawakan ni Clyde ang aking kamay na siya namang ikinagulat ko.
“Enzo simula noon sigurado na ako sa nararamdaman ko na gusto kita. Enzo was mung isara ang puso mo na umibig muli. Hayaan mong tulungan kitang malimutan mo siya”
Nagulat talaga ako sa mga sinabing iyon ni Clyde. Pero deep inside me, may feelings pa rin ako kay Paul at hindi ganun kadali na mawala at makalimutan yun. Oo nga tama si Clyde, pero hindi sa ngayon.
“Clyde, tama ka. pero hindi muna ngayon, aaminin ko mahal ko pa rin si Paul sa kabila ng mga nangyari. Sana na iintindihan moko” ang sabi ko kay Clyde.
“tandaan mo andito lang ako palagi” sabi ni Clyde.
Lumipas nga ang mga araw at kinasal na nga si Paul at Amanda. Pero wala na akong magagawa, na ubos na rin yata ang luha ko sa kakaiyak. Lumipat na din si Amanda dun sa bahay ni Paul. Nasasaktan pa rin ako lalo na pag nakikita ko silang magkasama. Grabe ang ngiti ng bruha, si Paul naman poker face lang at walang imik. Sa twing makikita ko silang magkasama, pakiramdam ko ay pinapamukha talaga sakin ng babeng yun na isa akong talunan.
Pumasok sa isip ko na mag hanap ng trabaho at tyempong may jobfair sa isang malaking mall kaya na isipan kong pumunta dun.
Natanggap ako sa isang call center at sa cebu ito located. Pagkatapos ng tatlong araw ay umalis na ako papuntang cebu. Siguro ginusto talaga ito ng diyos para makalimutan ko ang mga mapapait na alaala sa aming lugar. Nakakalungkot man na mahiwalay ako sa aking pamilya at mga kaibigan ngunit kailangan kong gawin ito para sa sarili ko.
Itutuloy…
�!�����
Digital Ang Karma
Amandas POV
Dalawang buwan na kaming kasal ni Paul at nakatira kami sa iisang bubong. Pero parang wala din naman siya, parang wala din akong asawa.
Ako si Amanda Reyes pero kilala na ngayon bilang si Amanda Velasquez. Ang mga magulang namin ni Paul ay magkasosyo sa negosyo at halos sabay na kaming.
Mga bata pa lang kami ay crush ko na siya. Palagi akong inaaway nito, mula pa pagkabata ay palaging sinasabi ng mga magulang namin na dapat daw ay magkasundo kami dahil balang araw magpapakasal kaming dalawa. Akala ko ay biro biro lang yun, hanggang sa magdalaga at magbinata na kaming dalawa.
Minsan sini set up kami ng aming magulang sa isang date. Malaki ang pagkakautang ng mga magulang ni Paul sa mga magulang ko kaya na pwe pwersa si Paul na gawin ang mga bagay na hindi niya gustong gawin.
Isang gabi nagulat na lang ako kasi akala ko isang wedding anniversary ang pupuntahan ko. Yun pala engagement na namin yun ni Paul. Maging si Paul gulat na gulat nang I announce ng Papa niya yun. Sobrang napahiya ako pati na ang mga magulang namin nang mag walk out si Paul nang gabing yun.
Nalaman na lang namin mula sa isa niyang kabarkada na umuwi daw ito sa pilipinas.
Gustong gusto ko si Paul, nasabi ko pa noon na siya ang lalake na gusto kong makasama habang buhay. Ang magiging ama ng mga magiging anak ko.
Kaya naman hindi ako nagdalawang isip na sundan siya sa pilipinas.
Marami din naman itong naging girlfriend pero hindi ako natinag at ako mismo ang gumagawa ng paraan para hindi siya magkaroon ng relasyon sa iba.
Nagulat na lang ako isang araw na may kahalikan siyang lalake. Pero nagawa ko pa rin silang pag hiwalayin.
Ngayong kasal na kami ay dapat maging masaya nako.
Maya’t maya pa ay naramdaman ko na bumukas ang pinto. Alas onse na ng gabi at kakauwi lang niya. Lasing na naman, halata sa kanyang paglalakad. Nilapitan ko siya pero bigla itong sumuka at nasukahan niya ako.
Pero kailangan kong tiisin to dahil mahal ko siya.
Tinabig niya ako at naupo siya sa sofa. Dali dali akong kumuha ng plangganang may tubig at kumuha din ako ng bimpo. Pupunasan ko na siya pero bigla niyang kinuha ang bimpo at binato niya ito sa sahig. Sinipa niya din ang plangganang may tubig dahilan para matapon ang tubig.
Wala naman akong nagawa kundi punasan ang mga natapo na tubig sa sahig. Nagbihis si Paul at bumalik dun sa sofa. Sa sofa kasi siya natutulog, oo tama mag asawa kami pero hindi kami magkatabi matulog. Napansin ko din na paborito niyang suotin ang t shirt na kulay blue na may malaking logo na superman.
Pinaligpit niya sakin ang mga picture nung araw ng kasal namin. Yung iba sinunog niya pa. Iisa lang ang nakita kong picture frame sa sala ng bahay, yun ay ang picture nila ni Enzo na nakaupo sa sofa habang nakaakbay siya dito.
Umaasa pa rin ako na magbabago ang pakikitungo niya sakin. Alam ko pagsubok lang ang lahat ng ito. Balang araw matututunan din niya akong tanggapin at mahalin. Tulog na tulog na si Paul sa sobrang kalasingan, umakyat na lang ako sa kwarto at natulog na din.
Lumipas ang ilang buwan pero hindi pa rin nagababago ang pakikitungo niya sakin. Palagi niya akong pinagsusungitan. May mga araw din na hindi ito umuuwi at naiiwan akong mag isa sa bahay, minsan tinatanong ko ang sarili ko dahil nagmahal lang naman ako pero bakit ganito ang nangyayari sakin.
“Nasan ang blue na t shirt ko?” tanong ni Paul.
“Andun sa sampayan nilabhan ko, tignan mo na lang kung tuyo na” mabilis itong pumunta sa likod ng bahay.
“tang ina naman oh!” ang sigaw ni Paul. Nakita ko siyang papalapit sa akin, hawak niya ang t shirt na paborito niya.
Nagulat na lang ako nang isinampal niya sakin ang t shirt na hawak niya.
“aray ko! ano bang problema mo Paul?!” ang pasigaw kong sabi sa kanya.
“tinatanong mo kong anong problema? Ha? Ito oh, ito ang problema!” at binato niya sakin ang t shirt. Pinulot ko ito at tinignan.
“ayan nakita mo ang problema? Ha?!” nakita kong natapunan ng zonrox ang t shirt.
“Pasensya na, ibibili na lang kita ng bago” tila mas nagalit ito sa sinabi ko.
“sa susunod wag mo nang pakikialaman ang mga gamit ko, kaya kong maglaba ng mga damit ko”
“ano bang problema? Pag usapan natin to, mag asawa tayo diba?”
“ Mag asawa lang tayo sa isang kasulatan. Pero alam mo ito? Ang tinitibok nito hindi ikaw at kalian man hindi ka magkakaroon ng lugar dito. Tandaan mo yan“ ang sabi ni Paul sabay turo sa kanyang dib dib. Tuluyan na siyang lumabas ng bahay.
Luhaan na naman ako, alam ko kahit ilang beses kaming magpakasal eh wala talaga akong laban. Akala ko panalo na ko dahil nakasal kami, kala ko magiging lubos na masaya na ko.
Na upo ako sa sofa at nakita ko ang kulay blue na unan na hinihigaan ni Paul, ngayon ko lang napansin na may malaking pangalan na nakaburda sa unan. Enzo ang nakalagay.
Parang nagising na talaga ako sa katotohanan na ako talaga ang talunan. Si Enzo talaga ang mahal niya at hindi ko kayang palitan ito sa puso niya.
Kailangan kong ayusin ang lahat. Kailangan kong makausap si Enzo.
Itutuloy..
ֻ�P"�
I’ll Go Wherever You Will Go
Ang chapter na ito ay dediated kay
yayang81 na number one supporter ni Paul at Enzo, kay
HaroldRivera
na walang sawang nag vovote thank you so much! at kay
JayceeLMejica
na isa sa mga iniidolo kong author dito sa wattpad.
Maraming salamat sa mga patuloy na nagbabasa nito. Enjoy po!
Enzos POV
Halos buong araw din akong bumyahe papuntang cebu. Unang pagkakataon ko pa lang na pumunta dito.
Excited ako na medyo kinakabahan.
Hindi ako marunong mag bisaya pero carry lang. Dala ko ang maliit na papel na may mapa at address ng dorm na tutuluyan ko. Hai napaka taas ng mga building dito at ang lalapad ng kalsada. Nag taxi na lang ako, bahala na importante maka rating ako sa dorm na tutuluyan ko, parang sarap na ring matulog.
Sumakay ako ng taxi at binigay sa driver ang papel na may address ng dormitory. Mabait naman ang driver, siguro kasing tanda siya ng tatay ko. Hai na miss ko sila agad agad.
Narating ko rin ang dorm, bagong tayo pa ito at kokonti pa lang ang tao. Sinamahan ako ng namamahala ng dormitory na si Joyce sa magiging kwarto ko.
“pag may kailangan ka punta ka lang dun sa opisina” sabi ni Joyce.
“sige, salamat”
Ini on ko ang aircon sa kwarto ko at nahiga sa kama nang biglang tumunog ang cellphone ko. Si nanay tumatawag.
“Hello nay, andito na ko sa dorm”
“Hai salamat yan ang una kong gustong marinig” nadinig ko pang huminga ng malalim si nanay. “oh anak kumain ka na ba?”
“hindi pa po nay, kakarating ko lang sa dorm”
“naku anak wag mung gugutumin ang sarili mo ha” at ayun na nga lahat ng paalala ay sinabi na naman ni nanay. Kagabi habang nag eempake ako ay walang tigil sa pag papaalala. First time ko din lumayo at mamuhay na walang aasahan kundi ang sarili ko lang.
“oo naman nay, hindi ko kakalimutan ang lahat ng binilin mo. Sige nay tawag na lang po kayo ulit, kakain muna ako”
mga alas nuwebe na ng gabi ng lumabas ako ng dorm, wala akong nakitang bukas na karinderya. Naglakad lakad ako swerte namang may mcdo sa hindi kalayuan kaya dun ako kumain. Two piece chicken ang inorder ko, paborito ko kasi talaga ang manok.
Pagkatapos nun ay bumalik ako sa dorm at nagtext kay nanay. Mga halos isang oras din kaming nag usap pagkatapos nun ay natulog na ako.
Amandas POV
Buo na talaga ang loob ko na pakawalan si Paul at hayaan na siyang makapiling si Enzo. Kasalanan ko kung bakit nagkakaganito si sya. Kailangan kong humingi ng tawad sa kanya at kay Enzo.
Sana maayos ko pa ang mga nasira ko, sana hindi pa huli ang lahat.
Nakaupo si Paul sa sofa at yakap yakap niya ang unan habang nanunood ng tv.
“Pwede ba tayong mag usap” pero parang bingi lang ito at lalo pang nilakasan ang volume ng tv. Inagaw ko sa kanya ang remote at pinatay ang tv.
“ano bang problema mo?” singhal niya sakin.
“Paul mag process na tayo ng annulment” gulat na gulat ito sa aking sinabi at tila hindi makapaniwala at tumawa pa ito.
“may sakit ka ba? O may mabuting ispiritu na sumapi sayo?”
“wala Paul, seryoso ako. Sana mapatawad nyo ko. Akala ko magiging masaya ako dahil kinasal na ko sa’yo. Akala ko panalo na ko, pero yung totoo ako pala ang talunan” medyo kumalma ang itsura ni Paul. Mahal ko si siya pero dapat ko na siyang palayain. Hindi ko siya dapat ikulong sa isang relasyon na kailan ma’y hindi niya ginusto. Hindi ko napigilang bumuhos ang luha ko.
“Paul alam kung hindi mo pa ako kayang patawarin ngayon at naiintindihan kita. Pero Paul hayaan mung tulungan kita na maayos kayo ni Enzo. Hayaan mung makabawi ako sa sakit na dinulot ko sa inyong dalawa. Bukas na bukas din pupunta tayo sa isang abogado para ma process na ang annulment”
Tumayo na ako at aakyat na sana papuntang kwarto nang bigla niya akong tinawag.
“Amanda?” nilingon ko siya “salamat” Tumango lamang ako.
Ngayon ay makakatulog na rin ako ng mahimbing.
Kinabukasan nga ay inumpisahan na namin ang pag process sa annulment.
Mga alas kwatro na nang hapon nang bumalik kami sa bahay ni Paul.
Nakita kong nag wawalis ang nanay ni Enzo sa labas ng bahay nila.
“mauna ka na sa loob” sabi ko kay Paul.
Nilapitan ko ang nanay ni Enzo.
“Magandang hapon po, andyan po ba si Enzo?”
“magandang hapon naman yha, pero wala dito ang anak ko eh” inaasahan kong babarahin o di kaya ay mumurahin ako ng nanay niya dahil sa ginawa ko. Lalo lang akong na guilty sa nagawa ko kay Enzo. Hindi ko man siya lubusang kilala ay ramdam ko na pinalaki siya ng kanyang magulang para maging isang mabuting tao.
“ah ganun po bah, may kailangan ho kasi akong sabihin sa kanya. Anong oras po siya darating?”
“mag iisang linggo na nang umalis ang anak ko papuntang cebu. Hindi ko alam kong kalian siya makakauwi. Ano bang sasabihin mo sa kanya yha?”
“ah eh.. personal po kasi, sige salamat na lang po. Pasensya sa abala”
Lumipas na ang mga araw at napa walang bisa na nga ang aming kasal. Malaya na kaming dalawa, siguro makakahanap din ako ng taong para sakin.
Wala akong pinagsabihan kahit sino sa pamilya ko sa nangyaring annulment.
Inimpake ko na ang aking mga gamit. Tinulungan pa ako ni Paul na dalhin ang mga ito sa kotse.
“Paul, wag mung susukuan si Enzo, alam kong mahal na mahal mo siya. Kahit anong mangyari ipaglaban mo ang pag ibig mo para sa kanya. Pag kailangan mo ng tulong andito lang ako”
“salamat Amanda”
Pinaandar ko na ang kotse at umalis na. Mas lalo nang gumanda ang pakiramdam ko. Tama lang talaga ang ginawa ko.
Pauls POV
Malaya na uli ako, una parang hindi ako makapaniwala na si Amanda mismo ang mag ooffer ng annulment. Nabuhayan ako ng pag asa.
Kailangan kong makausap si Enzo, kailangan maipaliwanag ko ang lahat lahat.
Dali dali akong pumunta sa bahay nila at naabutan ko ang nanay niya na may tinatahi.
“oh Paul, ikaw pala. Kumusta ka na yho?” hindi ko inaasahan to, sobrang bait talaga ng magulang ni Enzo.
“okay lang po ako tita, andyan po ba si Enzo? May kailangan ho kasi akong sabihin at ipaliwanag sa kanya”
“nung nakaraan hinanap din nang asawa mo ang anak ko”
“hindi ko na po asawa si Amanda. Siya na mismo ang nag alok na mag pa annul kaming dalawa” nagulat si tita Elsa sa sinabi ko. Kaya kinwento ko na sa kanya ang puno’t dulo ng lahat ng ito.
Nalungkot din ako kasi sinabi ni tita Elsa na umalis si Enzo papuntang cebu.
“pasensya ka na yho, nagbilin ang anak ko na wag ko daw ibigay sa’yo ang cellphone number niya kung sakaling hingin mo ito. Baka mapagalitan ako ng anak ko” biglang nabitawan ni tita Elsa ang karayum. “hai naku ano ba yan” sabi pa niya.
“ako na pong mag hahanap”
“salamat yho, teka kukuha lang kita ng meryenda”
Madali ko namang nahanap ang karayum pero sa hindi malamang dahilan ay may nakita akong papel sa ilalim ng sofa at para bang may nagsasabi sakin na damputin ito kaya ginawa ko naman at nilagay sa bulsa ko.
Bumalik si tita na may dalang sandwich at juice. Pinilit ko si tita na ibigay ang cellphone number ni Enzo pero masyado ding matigas. Sa kanya siguro na mana ni Enzo ang katigasan nito.
Sa huli sumuko na rin ako at umuwi. Paano na ngayon yan? Humiga ako sa kama at huminga ng malalim.
Bigla kong naalala ang papel na dinampot ko kanina.
Binuklat ko ito at laking tuwa ko nang makita kong pangalan ni Enzo ang nakasulat at nakalagay din dun ang address ng isang dormitory sa cebu.
Tinawagan ko agad si Andrew para ipaalam na pupunta akong cebu at pinaliwanag sa kanya kung bakit.
Nag pa book din ako agad ng ticket sa eroplano papuntang cebu.
Mahal na mahal kita Enzo. Antayin mo ko.
Itutuloy….
Hindi Ako Susuko
Sa lahat ng nag aabang sa update ng story na ito.. Tada! eto na susugod na si Paul sa cebu. Pasensya na kung masyadong matigas ang ulo ni Enzo at masyado itong pakipot.. hahahaha Enjoy po.
Background music po, I Won’t Give Up by Jason Mraz. Naluluha ako habang nakikinig sa kanta.
“
I don’t wanna be someone who walks away so easily. I’m here to stay and make the difference that I can make. “
@hero08 para sa’yo ang chapter na to hehe
Pauls POV
Halos hindi ako nakatulog nang maayos, masyado kasi akong na eexcite pag na iisip ko na makikita ko ulit sya.
Nag taxi ako mula sa bahay papuntang airport. Masyado akong na tetense at pinagpapawisan ako.
Mahigit kinse minutos lang ay narating ko na ang airport. Ewan ko ba parang hindi ako mapakali hanggang nakaupo ako sa loob ng eroplano. Malapit sa bintana ang pwesto ko kaya nakadungaw ako habang nag te take off ang eroplano.
May katabi akong dalawang babae at panay ang bulungan nilang dalawa.
“Hi I’m Shella and this is my friend Riza” ang sabi nung isang babae na nakaupo malapit sakin at inabot ang kanyang kamay. “Paul” ang sabi ko at nakipagkamay ako sa kanilang dalawa. Magaganda naman sila.
Dumungaw ulit ako sa bintana pero binulabog na naman ako ng babae. Pasalamat sila good mood ako.
“Paul Riza is asking , may girlfriend ka na ba?” abah ibang klase din ang mga to ah.
“Wala” ang matipid kong sabi, medyo na iirita na kasi ako eh. Tumingin siya dun sa kasama nya at parang kinilig pa ang mga ito.
“wala kang girlfriend? Perfect” sabi nung Riza tsaka nag apir pa silang dalawa.
“oo wala akong girlfriend, pero boyfriend meron” sa sinabi kung yun ay nagulat sila at biglang na pipi. Nag Flash sa kanilang mga mata ang word na “REALLY?” hahaha kakatawa ang mga itsura nila. O ano? Eh di nanahimik din kayo? Sabi ko sa isip ko lang.
Maya’t maya pa ay lumapag na ang eroplano sa cebu.
Sumakay ako ng taxi.
Kinapa ko sa loob ng aking bulsa ang papel na may address ng dorm at pangalan ni Enzo. Pero bigla akong kinabahan kasi hindi ko mahanap ang papel. Tinignan ko na ang lahat ng bulsa ng pantalon ko pero wala talaga. Bad trip! Pano na to?
“asa ta sir?” ( san tayo sir?) tanong ng driver.
“kadyot lang kuya” ( sandali lang kuya ) ang sabi ko sa driver. Habang patuloy na hinahanap ang papel.
Sa wakas nakahinga din ako ng maluwag. Nilagay ko pala ang papel sa aking bag, hai naku Paul umayos ka nga.
“asa ni kuya?” ( san to kuya?) ang tanong ko sa driver sabay bigay ng papel sa kanya at binasa niya ang nakasulat na address.
“ah duol ra ni sir” ( ah malapit lang to sir ) ang sabi ng driver at nagsimula nang umandar ang sasakyan. Minsan na din akong nakapunta dito sa cebu at marunong akong magsalita ng bisaya pero konti lang.
Narating ko na ang dorm na nakasulat dun sa papel. Eto na naman dinadaga na naman ako,
Parang sasabog ang dib dib sa mabilis at malakas na pag tibok ng puso ko.
Nakita ko ang isang pintuan na may nakalagay na pangalan na ‘ADMIN’.
Crystal ang pinto nito kaya kita mo talaga kung may tao sa loob. Nakita ko na may babaeng naka upo at bising busy ito sa pag tatype sa computer kaya kinatok ko ang pinto. Napansin din naman nung babae ang pag katok konat sumenyas ito na pumasok ako.
“good morning” ang pag bati ko sa babae.
“good morning din, mag iinquire po kayo sir? tanong nung babae.
“ah, hindi po may dadalawin lang po ako. Si Enzo po, Enzo Salazar. Andito po ba siya?”
“ah ok, sige tignan ko muna ang records huh” sabi nung babae sabay buklat ng isang folder.
“sige papatawag ko siya sa guard. Ano ngang pangalan mo?” tanong ng babae.
“Ah Benjie po” Toinks! Syempre hindi ko dapat sabihin ang totoo kong pangalan noh. Baka hindi lang ako harapin ni Enzo.
“kuya, puntahan mo naman si Enzo, yung nasa room 4C. Sabihin mo may naghahanap sa kanya” ang sabi nung babae sa guard.
Agad namang sumunod ang guard sa utos sa kanya.
Ilang minuto lang ay bumalik na yung guard.
“ma’am mukhang wala ho yata siya sa kwarto niya. Ilang beses na akong kumakatok pero walang sumasagot eh.
“wala yata siya, baka lumabas yun at namasyal o di kaya ay kumain” ang sabi nung babae.
Medyo frustrated ako kasi umaasa talaga akong magkikita na kaming muli. Pero ayos lang, importante nalaman ko na andito lang siya. Pwede naman akong bumalik bukas.
“ah ganun bah, sige babalik na lang ako. maraming salamat” ang sabi ko sa babae.
“sige, sabihin ko na lang sa kanya na nagpunta ka”
“salamat ulit”
Habang naglalakad ako ay napansin kong malapit lang din pala dito ang condo na binili ni mama. Pumupunta kasi kami dito kapag sinulog. Mabuti na lang dala ko ang duplicate na susi para sa unit kaya agad kong pinuntahan ito.
May nadaanan pa akong flower shop at pumasok sa isip ko na bigyan si Enzo ng bulaklak.
Pumasok ako sa flower shop.
“good morning sir” ang bati sakin ng isang staff sa flower shop. Ang bango bango sa loob dahil sa mga bulaklak at ang gaganda ng mga ito. Nakita kong may mga naka arrange nang boquet of roses pero gusto ko iba naman.
“good morning, red and white roses nga po” ang sabi ko sa staff na bumati sakin.
“ah ok sir, give us 10 minutes po at I aarrange lang po namin para sa inyo”
Nakita kong may mga basket din sa gilid at may mga teddy bear din na iba iba ang laki kaya may naisip akong idea.
“miss pwedeng sa basket nyu po ilagay ang roses, tsaka kukuha rin ako nang isang pink na teddy bear”
“sige sir, pwedeng pwede po”
“wow sir ang swerte naman syota nyu, taga cebu po bah girlfriend mo?” sabi nung lalake sa counter.
“boyfriend ko ang bibigyan ko niyan, sinundan ko siya dito, malaki kasi ang tampo sakin nun” kitang kita ko sa reaction ng mga taga flower shop na medyo shock at the same time kinilig.
“ai sir wag kang mag alala, pagagandahin natin tong flowers para sa kanya” sabi nung babae na nag aarrange ng bulaklak.
“pwede din bang paki deliver nyu na rin, eto ang address niya oh”
“sige sir no problem” binayaran ko na ito.
Tinungo ko na ang condo para maka pag pahinga.
Enzos POV
Mga ala una na ng hapon ng dumating ako sa dorm. Bumili kasi ako ng sapatos tsaka namasyal na rin ako.
Bukas ang pintuan ng admin office at nang makita ako ni Joyce na paparating eh tumayo ito at lumabas ng office.
“Enzo, san ka nagpunta? May naghanap sa’yo kanina” nagulat ako at nag isip kung sino kaya ang naghanap sakin.
“namasyal kasi ako, sino daw?”
“Benjie daw pangalan niya”
Huh si Benjie? Wala naman siyang nasabi sakin tsaka palagi naman kaming nag cha chat sa facebook kung minsan ay nag vivideo call sa skype.
“anong itsura?” tanong ko kay Joyce.
“gwapo, mataas, maganda ang katawan, mestiso nga parang latino” nag loading na naman ang utak ko. parang si Paul ang description ah. Pero hindi maari, si nanay lang naman ang nakakaalam ng address ko dito. Kahit si Benjie ang alam lang ay nasa cebu ako pero hindi ko siya binigyan ng address ko. Maliban na lang kung binigay ni nanay ang address ko kay Paul.
“sige Joyce, salamat pakitawag lang ako sakaling bumalik siya. Thanks”
“sure” sabi ni Joyce.
Umakyat ako sa kwarto ko at pilit kong iniisip kong si Paul nga ba ang naghahanap sakin. Wala naman akong ibang kilalang Benjie kundi si Benjie na bestfriend ko. Tinawagan ko si nanay dahil gusto ko siyang tanungin kong nagpunta ba si Paul sa bahay.
Pero kasal na siya diba? Ano na naman to? Hai naguguluhan ako.
Maya’t maya pa ay may kumatok sa pinto ng aking kwarto. Pagbukas ko ng pito ay nakita ko ang guard na may hawak na basket ng red at white roses.
“ano po yun?” tanong ko sa guard.
“sir may nagpa deliver po para sa inyo”
“baka sa ibang room yan kuya?”
“Kayo po si Enzo Salazar sir?” tanong ng guard
“opo ako nga po”
“sa inyo po nakapangalan ito” inabot sakin ng guard ang basket na puno ng bulaklak at may teddy bear na pink.
“salamat po kuya”
Ang bango ng mga roses. White rose for purity, red roses for love. Hai ano bah… nalilito ako, gusto ko ng kasagutan. Mahal na mahal kita Paul pero kasal ka na. Bumuhos na naman ang aking luha.
Nagkamali ako, dahil akala ko ang pag layo kong ito ang makakatulong sakin para makalimutan ka. Na iinis ako sa sarili ko.
Ba’t ganito ang pag ibig? Nakakabaliw.
Halos every other day ay may bulaklak na dumarating. Hindi ko naman pwedeng itapon kasi sayang, ang gaganda pa naman.
Pauls POV
“hello Amanda napatawag ka?”
“Oh kumusta na? nakausap mo ba si Enzo?” ang tanong ni Amanda.
“Ah eh, hindi pa eh..” napakamot na lang ako ng ulo. Narinig kong huminga ng malalim si Amanda.
“ano ka ba Paul? Isang buwan ka nang nandyan, bakit hindi mo pa siya nakakusap?”
“eh.. kinakabahan ako eh, hindi ko alam kong anong sasabihin ko sa kanya”
“Eh ano lang ang ginagawa mo? Wala lang?”
“pinapadalhan ko lang siya ng bulaklak”
“pinapadalhan mo ng bulaklak? Bulaklak lang? sinulatan mo bah?”
“wala”
“hai naku Paul, isa ka talagang malaking duwag. Umaasa na nga ako na nag ha honeymoon na kayo diyan. Hai kulelat” ang pagtukso sakin ni Amanda.
“wow salamat ha, na motivate mo talaga ako” ang sarkastiko kong sabi kay Amanda.
“Paul kilos kilos din pag may time. Sige na gumawa ka na nang sulat diyan, remember maging sincere ka sa mga sasabihin mo. Goodluck” ang mahabang sabi ni Amanda at pinutol na nito ang tawag.
At ayon nga gumawa ako ng sulat, syempre may kasama pa ring mga bulaklak. Siguro naging garden na ang kwarto nun dahil sa kakapadala ko ng bulaklak.
Pagkatapos maideliver sa kanya ang sulat at bulaklak ay nag antay ako sa labas ng dorm niya. Sinabi ko kasi sa sulat na mag aantay ako sa labas ng dorm para makapag usap kami.
Halos dalawang oras na ang nakalipas pero walang Enzo na lumabas. Siguro ayaw niya talaga akong makita. Pero hindi ako susuko Enzo, nakakatakot man pero sasabihin ko na akin ka lang. Mahal na mahal kita.
Kinabukasan ay naisipan ko na abangan siya. Oo umaga pa lang nakatambay ako sa harap ng dorm niya, syempre nagtatago ako. Bantay salakay yung gagawin ko ngayon. Umuuwi lang ako pag nakaramdam ako ng gutom o tawag ng kalikasan.
Kakatapos ko lang mag hapunan, pasado alas otso na ng gabi pero wala akong nakitang Enzo. Nakikita niya kaya ako kaya hindi siya lumalabas? Hai… pero dapat hindi ako pang hinaan ng loob.
Biglang sumigla ang pagod kong katawan, ayan siya naglalakad, si Enzo! Pero syempre nagtatago pa rin ako.
Tumayo siya sa gilid ng dorm nila at bising busy ito sa kakapindot ng cellphone niya.
Dahan dahan akong lumapit sa kanya. Pero parang aliw na aliw siya sa kakatitig sa cellphone niya kaya hindi niya naramdaman na nasa likuran na niya ako. Tinalukbong ko ang hood ng jacket na suot ko.
“hold up to” ang pabulong kong sabi sa kanya at tinutok ang hintuturo ko sa tagiliran niya. Hindi ito gumalaw.
“wa- wag po… ibibigay ko p..po yung cellphone tsaka yung pera k-ko wag nyu lang akong saktan” ang nanginginig nitong sabi. Hehehe.
“pikit mong mga mata mo at humarap ka. Pag dumilat ka babarilin kita”
Hinawakan ko ang magbilang balikat niya at pinaharap ko siya sakin. Hehehe grabe ang kanyang panginginig. Pero nagtataka ako kasi hindi niya na recognize ang boses ko.
“ayoko nang pera, ayoko ko ng cellphone. Ito yung gusto ko” ang sabi ko sabay turo sa kanyang dib dib. Nagulat ito at biglang dumilat.
“Paul? Tarantado ka ah! Anong ginagawa mo dito?”
“gusto kitang makausap, marami tayong dapat pag usapan”
“wala tayong dapat pag usapan, may asawa ka na at kasal na kayo. Umalis ka na” aalis na sana siya pero hinawakan ko siya sa dib dib at dahan dahang itinulak sa pader. Nararamdaman ko ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso at hinihingal na ito.
Unti unti kong inilapit ang aking mukha at ilang sandali pa ay naglapat ang aming mga labi. Tinugon naman niya ang aking pag halik at ramdam kong gusto din niya.
Unti unti lumuwag ang pag kakahawak ko sa kanyang dibdib.
Nagulat na lang ako dahil bigla na lang niya akong tinulak at nagtatakbo siya papasok sa dormitory.
Shit! Na isahan niya ko dun ah. Pero marami pang pagkakataon, alam ko mahal mo pa rin ako Enzo, ramdam ko yun sa paghalik mo. Mahal na mahal kita Enzo at papatunayan ko sa’yo ito.
Itutuloy…
Strike 2
Eto na po ang bagong chapter! hehehe Gusto ko magpasalamat sa lahat ng nagbabasa at nag vote sa story ko, hindi ko man kayo ma mention isa isa pero alam niyo na kung sino kayo. Maraming salamat din sa mga silent readers ng story na to. O.A man pero sasabihin ko na na overwhelm ako. Maraming salamat po talaga. Enjoy po sa pagbabasa :)
Ang Chapter na to ay dedicated kina: Iamfamousrichking , MckenzieVanHarryGoya , spyeri , MsYoU12345 , DivineBlueBlood at
Siya nga pala ilang chapter na lang ay matatapos na ang story na to. Pero I’m already drafting para sa next story ko. Na eexcite ako kasi fantasy naman ang magiging tema nito.
Background music po pala is “Bumalik Ka Na Sakin” By Silent Sanctuary..
Enzos POV
SIya nga! Nasundan nga niya ako. Pero pano? Hai ewan, wala na akong kawala siguro panahon na para harapin ko siya. Wag kayong mainis sakin huh? Nagpapaka hard to get pa ko.
Nagulat talaga ako kanina, akala ko kasi ma hohold up nako. Ang lokong yun nagawa pang pag tripan ako. Pero infairness, nadala ako dun ah. Bakit hindi ko nga ba narecognize ang boses niya? Kala ko din aswang yun kasi ayaw niya daw ng cellphone o pera, tinuro niya ang dib dib ko.
Tatakbo na sana ako nang makita ko na siya pala ang nasa harapan ko. Pero hinawakan niya ako sa dib dib at tinulak sa pader. Sheeet! Grabe ang kaba ko, tapos hinalikan niya ko at ako naman nasarapan din at tumugon. Sigurado buking na’ko at hindi na titigil yun, pano ba naman kasi sobrang hot at napaka gwapo nang hahalik sa’yo aayaw ka pa ba?
Biglang tumunog ang cellphone ko.
“hello nay aamin ka na ba?”
“anong pinagsasabi mo anak? Anong aaminin?”
“Nay, nandito si Paul, na corner niya ako kanina. Hindi ako magagalit nay kung binigay mo ang address ko sa kanya”
Napabuntong hininga si nanay “anak, hindi ko alam kung pano nalaman ni Paul ang address mo. Kabilin bilinan mo sakin na wag kong ipapaalam sa kanya ang bagong cellphone number mo at address mo dyan sa cebu diba? Oo pumunta siya sa bahay at grabe ang pagpupumilit niya, pero hindi ako bumigay sa pagmamakaawa niya anak” ang mahabang paliwanag ni nanay.
“hindi ko na alam ang gagawin ko nay”
“anak, siguro panahon na para kausapin mo siya. Wag ka ngang bitter. Tsaka nakita ko na umalis na yung asawa niya at hindi ko na nakita. May dahilan anak kung bakit kayo nagkatagpong muli, kaya kausapin mo siya at pakinggan ang kanyang paliwanag”
Umalis si Amanda? Naghiwalay sila? Hai gumulo na lalo ang isip ko.
Pauls POV
Para akong sira na balik ng balik sa flower shop. Wala ka na ba talagang maisip na ibang paraan Paul? Na corner mo nga siya nung isang gabi, pero naisahan ka naman at nakatakbo pa rin.
Hai Enzo mahal ko… bakit napakailap mo? Masakit man isipin pero tatanggapin ko naman kung sasabihin mong hindi mo na’ko mahal o kung may mahal ka nang iba. Ah! Ano ba.. think positive Paul, isipin mo kung pano siya tumugon nung hinalikan mo siya at kung papano kumabog ang dib dib niya na parang tambol.
Mahal mo pa ko Enzo.
“oh sir Paul, kumusta na?” ang tanong ni Alfred ang lalake na nagtatarabaho sa flower shop. Kilala na nila pangalan ko sa kakabalik ko dun. Napakamot na lang ako ng ulo. Siguro nagmumukha na akong tanga sa paningin nila.
“Eh wala pa rin eh, na corner ko siya nung isang gabi pero nakawala. Hassle”
“naku sir, mukhang mailap ah. Alam ko na sir pag usapan natin ang susunod mong gagawin”
At yun nga pinakinggan ko ang suggestion ni Alfred.
“sabi mo effective yan ha, baka masayang lang ang effort ko niyan?”
“naku sir magtiwala ka hindi na yun makakawala. Tested and proven na to sir. Sabihin mo lang kung kalian mo balak gawin to” ang pagmamayabang ni Alfred.
“Sige sa susunod na sabado, para makapaghanda ako”
“Sige sir, kontakin ko na lang kaibigan ko. Alam ko walang raket yun ngayon kaya sigurado akong payag agad yun” sabi ni Alfre.
“sige maraming salamat”
Enzos POV
Isa akong sira ulo. Pano ba naman kasi, mga apat na araw na akong nag aantay. Hinihintay ko na babalik uli si Paul dito sa dorm at makikipag usap sakin, pero hindi na siya nagpakita. Wala akong number niya. Dinilete ko yun simula nung malaman kong ikakasal siya.
Iniisip ko tuloy na baka hindi ganun kalalim ang naramdaman niya at nagsawa na siya.
Nanghihinayang ako. Pwede bang sampalin nyo ko? yung pinakamalakas please….
Baliw na yata ako.
Mga isang linggo ko rin inabangan kung pupunta ba siya. Wala na ring bulaklak na dumarating. Tama nga ang sinabi ni nanay bitter ako.
Dumating ang araw ng sabado day off ko. Syempre dahil call center agent eh tulog ako buong araw at gising sa gabi kahit day off.
Mga bandang alas sais na ng gabi nang nagising ako, sobrang tuyo nang lalamunan ko at naghanap ako ng softdrinks. Nagbihis ako at bumaba papunta sa cafeteria ng dorm.
“anong meron teh?” ang tanong ko kay Eunice,ang babeng nagbabantay ng cafeteria. Nakita ko kasi na may nag aayos ng drum set at tila ba parang may jamming na magaganap dito.
“hindi ko rin alam eh” sabi ni Eunice.
Dalawang bote ng mountain dew ang na ubos ko. Pagkatapos kong maubos ang ikalawang bote ay umakyat ako para maligo.
Pagkatapos kong maligo ay ini on ko ang internet ng aking phone para mag facebook. Nagulat ako dahil sa sobrang lakas ng pagkatok sa pinto aking kwarto.
“Enzo! Enzo! Buksan mo ang pinto” boses ni Joyce ang narinig ko kaya binuksan ko.
Tumambad sakin ang pawisan niyang itsura.
“o anong problema?” tanong ko sa kanya. Pero hindi siya sumagot at hinala na lang ang kamay ko at wala naman akong nagawa kundi sumunod.
“Joyce ano bang nangyayari, dahan dahan naman baka mahulog tayo sa hagdanan”
“wag ka nang maraming tanong, bilisan mo na lang sa paglalakad”
Napakamot na lang ako ng ulo.
Nang dumating kami sa second floor ay hinila ako ni Joyce papunta sa parang terrace nito at iniwan ako mag isa.
“oi Joyce anong gagawin ko rito?”
“basta wag kang umalis diyan” sinunod ko naman ang sinabi nito.
Madilim na sa labas pero naaaninag ko na may iilang tao sa baba.
Maya’t maya pa ay nailawan ang isang mini stage na nasa harap ng dorm.
Bumilis ang tibok ng puso ko at bigla akong sumaya. Nakita ko si Paul may hawak itong gitara at unti unting lumapit sa mic.
“Enzo, mahal ko para sa’yo to”
Sheet parang aatakihin ako sa puso ah. Dumoble pa ang kabog sa dib dib ko, nakita ko ring nagsilabasan ang ilang mga nakatira dun sa dorm.
Unti unti nang tumunog ang drums at nagsimula na ring kumuskos ng gitara si Paul at nag umpisa na itong kumanta.
Magaan na ba ang ’yong paghinga Bumalik ka na sa’kin Klaro na ba ang isip sinta Bumalik ka na sa’kin
Hindi ka na nagparamdam Buhat ng cool off, ako’y nahibang
Sige na please wag nang mainis Bumalik ka na sa’kin Sorry mahal, ika’y nasaktan Bumalik ka na sa’kin
Bumalik ka na sa akin
Pababayaan lang kita Baka tuluyan ka nang mawala Sana naman pagbigyan mo na Pangakong ’di na mauulit pa
Katulad mong tao lang ako Napapasabak din sa gulo
Sige na please wag nang mainis Bumalik ka na sa’kin Sorry mahal, ika’y nasaktan Bumalik ka na sa’kin
Huwag mo sana akong ipagpalit Ikaw at ako na lang ulit
Sige na please wag nang mainis Bumalik ka na sa’kin Sorry mahal, ika’y nasaktan Bumalik ka na sa’kin
Sige na please Bumalik ka na sa’kin Sorry mahal Bumalik ka na sa’kin
Bumalik ka na sa akin
Nang matapos kumanta ni Paul ay tinanggal nito ang gitara at hinawakan nito ang microphone tapos bigla itong lumuhod.
“Baby ko, kausapin mo nako”
Parang napako ako sa kinatatayuan ko at hindi ko alam kung anong gagawin.
“oi kausapin mo na yan, kawawa naman. Oo nga nakaluhod na o” ang dinig kong sinasabi ng mga tao sa paligid ko. tinignan ko ang itsura ni Paul. Makikita mo talagang sincere siya at Sheeet… gwapo niya talaga.
Kusang humakbang ang mga paa ko.
Hanggang sa nakalapit na ako kay Paul ay hindi pa rin ito tumayo.
“oh tayo na dyan” sabi ko kay Paul.
“oi lambingan mo naman!” ang sigaw nung isang lalake. Ngumisi naman si Paul.
“tayo ka na dyan oh please…” ang nasabi ko kay Paul. Nahihiya na kasi ako sa dami ng taong tumitingin.
Mabuti naman tumayo na siya, kinuha niya ang isang bouquet ng bulaklak na nakapatong sa isang mesa sa gilid.
“baby mag usap naman tayo” ang nagpapacute pa nitong sabi. Hai Paul nakakalusaw ang mga tingin mo walang ibang nakapagpadama sakin na ganito ako ka espesyal kundi ikaw lang.
“oo na mag uusap na tayo”
Binigyan ko ito ng isang mahigpit na yakap. Naghiyawan tuloy ang mga tao at nagpalakpakan. Hai Paul bilib na talaga ako sayo.
Itutuloy…
Together Again
Dahil day off ko ay mag a update ako. Hehehehe… Pagbigyan nyu na ang title ng chapter na to. Sa mga nag aabang sa update ng story ni Paul at Enzo , eto na. Enjoy…. Maraming salamat sa support nyu.
Dedicated did ang chapter na to kay
ImJustYourFangir l
Pauls POV
Hai salamat effective nga ang suggestion sakin ng mga taga flower shop. Wahahahaha parang gusto kong sumirko sirko ngayon sa nangyari. Naku napakanta tuloy ako. Hindi ko na inalam kung maganda pakinggan ang boses ko. Sa banyo lang naman kasi ako kumakanta.
Eto kami ngayon naglalakad ng magkahawak ang kamay. Wala akong pakialam kung pagtinginan kami ng mga taong nakakasalubong namin. Ang lamig ng kamay niya at ang lambot, hindi ko na naiwasang amuyin ito sabay halik.
“oi malulusaw nako nito, grabe makatingin ang mga tao oh” sabi pa nito.
“so?”
“so, so ka diyan.. hindi lang kaya tayong dalawa ang nandito sa kalsada”
“wag mo na silang pansinin at hayaan mo na lang ako. Na miss kaya kita” ang sabi ko sabay pisil sa pwet niya na ikinagulat naman niya.
“uhmm… wag mo ngang gawin yan” ang sabi niya sabay kurot sa tagiliran ko. Naku nainis na yata. Narating namin ang isang park at naupo kami sa bench.
Sobra sobra ang saya na nararamdaman ko. Makasama ko lang si Enzo ay ang gaan gaan ng pakiramdam ko. Matindi talaga ang tama ko sa’yo Enzo.
As usual tahimik lang ito. Blangko ang ekspresyon at nakatingin na naman sa kalangitan, ewan ko na aaliw akong titigan siya. Nahuli pa nya akong tinitignan siya.
“o grabe ka makatingin ah” sabi pa nito sabay tulak.
“na miss kita talaga” ang sabi ko
“sorry huh”
“para san ang sorry?” nilapitan ko pa ito at inakbayan.
Hindi ito agad sumagot at yumakap na lang siya sa akin. Narinig ko na lang ang kanyang pag hikbi.
“patawarin mo ko kasi hindi ko agad pinakinggan ang paliwanag mo. Sarili ko lang ang inisip ko, hindi ko inisip yung nararamdam mo. Napaka makasarili ko” ang mahaba niyang sabi at humigpit ang pagkakayakap niya.
Pinaharap ko ang mukha niya sakin at pinahiran ang luha niya gamit ang mga daliri ko.
“wag ka nang umiyak, importante magkaayos na tayo. Mahal na mahal kita tandaan mo yan” at mariin ko itong hinalikan sa pisngi.
“teka nga, dyan ka muna. Bibili lang ako ng fishball dun” ang sabi ko kay Enzo at tumango lang ito.
Tumayo ako at lumapit sa nagbebenta ng fishball.
Nang pabalik ako ay nakatingin na naman si Enzo sa kalangitan, naalala ko tuloy ang pagkain namin nang balot nang tumambay kami sa plaza dun sa’min.
Napangiti ako at nang makita niya akong papalapit na sa kanya ay ngumiti ito.
Enzos POV
Grabe, ngiting aso na naman tong si Paul. Ano nga ba ang nakita niya sakin at ganun niya ko ka mahal? Hindi ko ini expect na ang ganito ka gwapo na lalake ay magkakagusto sakin.
“Mabuti naman at ngumingiti na ang mahal ko” hawak pa nito ang binili niyang fishball. “kain ka na oh, teka subuan na lang kita”
“ako na”
“ako na subuan na kita” pagpupumilit nito.
Nang maubos namin ang fishball ay nanatili lang kaming nakaupo dun sa bench. Tahimik lang kaming dalawa.
Sinandal ko ang aking ulo sa kanyang balikat.
“babe” pagtawag niya sa atensyon ko
“hmmmm?”
“uwi na tayo”
“uhmmm sige, tara” tumayo ako pero bigla niya akong pinaupo uli at niyakap.
“oh, kala ko gusto mong umuwi?”
“gusto kong umuwi dun satin, tayong dalawa iuuwi na kita” ang sabi nito at nagulat na lang ako dahil bigla niya akong kinagat sa likod at napasigaw ako.
“Aray ko! ba’t mo ko kinagat ha?” kinurot ko siya sa tagiliran. Tumawa lang ang loko. Ang weird niya talaga ngayon.
Nang nagsawa siya sa kakatawa ay tumigil din ito.
“o tapos ka na?”
“wow galit agad? Halika na nga hatid na kita sa dorm mo”
Mga alas onse na rin nang gabi at wala nang masyadong tao. Nakaakbay sakin si Paul habang naglalakad kami. Panay din ang paghalik nito sa pisngi ko.
“tama na nga yang kakahalik mo sa pisngi ko at tsaka lumampas na tayo. Dun ang daan patungo sa dorm ko oh hindi dito” sabay turo sa kabilang kalye.
Ang kamay niyang nakaakbay sakin ay unti unting bumaba at pinisil niya na naman ang pwet ko tsaka kinindatan pa ako. Ah alam ko na ang gusto ng mokong na to. Inakbayan niya ako ulit.
“halika na, samahan mo muna ako sa condo”
Hala lagot na, sabi niya kanina hatid niya daw ako sa dorm. Aayaw pa ba ko?
Pumasok kami sa isang mataas na building at sumakay nang elevator.
“condo ba talaga to? Mukhang hotel” ang sabi ko.
Natawa na naman ulit siya kaya kinurot ko.
“kanina mo pa ko kinukurot ha. Diba sabi ko sa’yo dati don’t do that coz it turns me on” sabay nguso sa naka umbok nyang harapan. Naku may pagka manyak din to minsan.
“oi tabunan mo nga yan baka may maka kita” ang pag sita ko sa kanya pero tinawanan lang niya ako ulit.
Nakarating kami sa 5th floor ng building. Nadadaanan ko lang ang building na to, hindi ko alam na ganito pala ka ganda sa loob. Tumigil kami sa harap ng isang pinto at may nakalagay pa na UNIT 50 D sa pinto. Kinuha ni Paul ang susi sa kanyang bulsa at binuksan ang pinto.
“pasok” ang sabi ni Paul sabay palo sa pwet ko. Ay naku… naiisip nyu ba ang naiisip ko? haha.
Pinaandar ni Paul ang ilaw, umupo naman ako sa sofa. Ang ganda ng unit na to, isang bahay sa loob ng malaking building. Inikot ko ang aking mata sa lugar. Naramdaman ko na umupo sa tabi ko si Paul.
“ihahatid sana talaga kita sa dorm mo, pero nakakapanggigil ka eh” sabi Paul at binigyan niya ako ng nang aakit na ngiti. Biglang nag init ang katawan ko dahil hinihimas himas niiya ang dib dib ko. nagkatitigan lang kaming dalawa at ang mga mata niyay parang nagsasabi na
“Pagbigyan mo na ko”
ulit magtatanong ako, aayaw pa ba ako? hahaha.
Bigla niyang hinubad ang kanyang t shirt. Naku eto na naman, lumabas na naman ang mga pandesal. Oo nga parang bagong lutong pandesal. Kinuha niya ang isa kong kamay at pinahimas himas sa abs niya. Naku ang init.
Grabe makapang akit tong lalake na to. Hai naku, hindi mo lang alam. Kahit na hindi mo ko takamin eh makukuha mo ang gusto mo. Hai nalilibugan na rin ako. Sheet! Pangalawang beses na namin to at parang first time pa rin ang pakiramdam ko.
At yun nga napuno na naman ng ungol ang buong kwarto. Kapwa kami sabik na sabik sa isa’t isa.
Nang makaraos na ay biglang tumihaya si Paul, inunan ang isa niyang kamay at pinikit ang kanyang mga mata. Ayoko ko muna siyang matulog kaya niyugyog ko siya.
“uy… wag ka munang matulog!”
“hmmmm…” yun lang ang narinig ko sa kanya at hindi ito natinag sa pag yugyog ko. kaya bumangon ako at naupo sa gilid ng kama.
Napa isip ako tuloy kung hanggang kalian ito. Eto na naman ako, natatakot kasi ako na baka dumating yung araw magsawa sakin si Paul at maghanap ito nang iba. Hai ano ba tong mga pumapasok sa isip ko, pero nasasaktan ako at hindi ko maiwasang maluha.
Naramdaman ko na gumalaw si Paul at pinatong niya ang kanyang baba sa aking balikat sabay yakap. Napansin niya ang pagluha ko.
“o, umiiyak ka na naman”
“wala may naiisip lang ako”
“naku kung ano man yang na iisip mo sigurado ko hindi maganda yan” naramdaman ko pang inamoy nya ang leeg ko. “ano na naman kasi yan ha?”
“nangangarap ka rin bang magkaanak balang araw?” ang tanong ko sa kanya.
“oo naman, alam ko malapit na kasi sa ngayong pagkakataon alam ko mabubuntis ka na” biro pa nito sabay himas sa tiyan ko.
“loko! Seryoso ako”
“bakit mo kasi natanong?”
“sabi mo gusto mong magkaanak, eh hindi naman ako mabubuntis” ang malungkot kong sabi sa kanya at huminga naman ito ng malalim.
“hai… ikaw talaga, hindi porket sinabi ko na gusto kong magkaanak balang araw ay hindi ibig sabihin na maghahanap nako ng babae at iiwan ka. Pwede naman tayong mag adopt o di kayay pwede namang magkaanak sa pamamagitan na surrogacy.” Naramdaman ko ang paglapat ng kanyang labi sa aking pisngi. Alam mo yung halik na parang nagsasabing
“Magtiwala ka sakin”
“mahiga ka na nga, kung ano anung iniisip mo”
Pinahiga niya ako sa kanyang dib dib at sinusuklay pa ng kanyang kamay ang buhok ko. Sa mga sinabing yun ni Paul ay napanatag ang loob ko at ang sarap sa pakiramdam.
Itutuloy…
The Accident
Pauls POV
Maaga akong nagising dahil sa malakas na pag katok sa pintuan ng condo. Si Enzo ay tulog na tulog pa rin. Nagsuot ako ng damit at tsaka bumaba.
Nagulat ako sa nakita ko pagbukas ko ng pinto.
“Ma? Pa?” sina mama at papa nasa harapan ko ngayon.
“wag kang magulat yho, alam na namin ang nangyari. Pwede ba kaming pumasok?” sabi ni mama.
Tumango lamang ako.
“alam naming annulled na kayo ni Amanda pero hindi tungkol dun ang pinunta namin dito yho” sabi naman ni papa.
Kung ano man ang pakay nila dito sinisigurado kong hindi na naman maganda ito.
“kailangan mong balikan si Amanda Paul dahil buntis siya” and dirediretsong sabi ni mama na siya namang ikinagulat ko.
“pero papano? Imposible yang sinasabi nyu ma. Ayoko!” napalakas ang boses ko at narinig kong bumukas ang pinto ng kwarto at lumabas si Enzo.
“Abah ang bilis naman yho at magkasama na ulit kayo ng anak ko. Halika may importante kaming sasabihin sa’yo” ang sabi ni mama kay Enzo.
“No Enzo, bumalik ka sa kwarto” ang sabi ko kay Enzo pero lumapit pa rin ito.
“maupo ka yho” utos ni mama sa kanya.
“hindi na kami mag papaligoy ligoy pa. gusto naming malaman mo na buntis si Amanda at kailangan ni Paul na balikan siya” ang sabi ni mama. Tinignan ako ni Enzo sa mata at tila ba naguguluhan ito at nagtatanong kung ano ba talaga ang nangyayari.
“kung ayaw mong maniwala, ito ang katibayan yho” inabot sa kanya ni papa ang isang puting papel. Binasa nya ito at kitang kita ko sa mga mata niya ang sobrang sakit. Bigla siyang tumayo.
“Enzo, wag kang maniwala diyan may paliwanag ang lahat ha….” Hindi ko na natapos ang aking sasabihin dahil bigla na lang niya akong sinigawan.
“tama na! tama na! hindi ko kailangan na marinig ang kahit ano pang paliwanag mo. Isa kang malaking sinungaling!”
Tumakbo na naman ito, pero ngayon hindi ko hahayaan na lumayo siya sakin ulit kaya sinundan ko siya.
“Paul get back here!” ang dinig kong pag sigaw ni papa pero hindi ko na ito pinansin.
Na abutan kong nag aantay si Enzo sa harap ng elevator pero nang makita niya ako na papalapit ay bigla nitong tinungo ang hagdanan.
“Enzo! Enzo! Wag namang ganito! Enzo!” pagtawag ko sa kanya pero tuloy lang ito sa pagbaba ng hagdan.
Umabot nako sa ground floor pero ang bilis niyang tumakbo at nakalabas na ito ng building.
Lumabas na rin ako ng building at tinignan kung san siya banda tumakbo. Nakita ko pa itong tumatawid, napasigaw ako kasi na bangga siya ng isang kotse at tumilapon.
“Enzo!”
Unti unting kumalat ang dugo sa semento. Bumaba pa ang driver ng kotse at shock na shock.
“ano pang ginagawa mo?! Dalhin natin siya sa ospital!” sabi ko sa driver.
Binuksan naman niya ang back seat ng kotse. kinarga ko si Enzo at pumasok sa kotse.
Agad naming narating ang ospital at mabilis namang inasikaso ng mga nurse si Enzo.
Tinawagan ko na rin ang dorm para malaman ni Joyce ang nangyari sa kanya.
Tulala ako ngayon sa kinauupuan ko at iyak lang ako ng iyak. Labis na inis ang nararamdaman ko lalong lalo na sa mga magulang ko. Bakit ba sila humahadlang sa kaligayahan ko, yan ang tanong ngayon sa isip ko.
Maya’t maya pa ay nakita ko si Joyce na papalapit sakin.
“Tinawagan ko na ang nanay ni Enzo at pinaalam sa kanya, pupunta daw sila sa mga susunod na araw” sabi ni Joyce.
“salamat”
Lumabas na ang doctor sa operating room.
“kumusta na siya doc?”
“na comatose ang pasyente, grabe ang pinsala sa ulo niya dahil sa pagkakabangga. Kung magigising man siya posibleng maging lantang gulay na lang ito. Kailangan nating magdasal para sa ikabubuti ng lagay niya” ang sabi ng doctor at umalis na ito.
Para akong nawalan ng lakas at parang mababaliw ako sa sinabi ng doctor. Masakit na masakit ang loob ko.
Nasa ICU pa rin si Enzo. Tanging ang mga aparato na lang na nakakabit ang nagbibigay buhay sa kanya.
Naisipan kong tawagan si Amanda kasi naguguluhan na din ako sa nangyari.
“hello Paul, kumusta na diyan?” ang bungad na tanong ni Amanda.
“ah… may gusto sana akong itanong na ikaw lang ang makakasagot”
“oh ano naman yun? Teka umiiyak ka ba?”
“comatose si Enzo Amanda. Nabundol siya ng kotse”
“ano?!”
“nagkaayos na kami kagabi lang. Pumunta sina mama at papa sa condo na tinutuluyan ko kanina. Sinabi nilang buntis ka raw, nagkataon na magkasama kami ni Enzo. May pinakita pa silang dokumento bilang patunay na buntis ka at sinabi nila na kailangan kitang balikan. Kaya tumakbo na naman si Enzo, sinundan ko siya pero nang makalabas siya nang building ay nabangga siya ng kotse habang tumatawid”
“What? Sinabi nila na buntis ako? hindi! Hindi totoo yan. Wala naman nangyari satin pagkatapos nating ikasal”
“alam ko, pero papano ko maipapaliwanag kay Enzo kung nakaratay na lang siya at walang malay. Sabi ng doctor malaki ang pinsala ng pagkakabangga sa kanya lalo na sa kanyang ulo. Baka maging lantang gulay na lang daw siya” bumuhos na naman ang aking luha.
“Paul, maging malakas ka. Magdasal tayo para sa ikabubuti ng kalagayan niya” yun ang mga huling sinabi ni Amanda at naputol na ang tawag.
Dumating na din ang nanay at tatay ni Enzo kasama ang kapatid niya. Ipinaliwanag ko sa kanila ang nangyari at na intindihan naman nila. Napaka swerte ni Enzo, napakabait at napaka maunawain ng kanyang mga magulang. Natanong ko tuloy sa sarili ko kung bakit hindi ako nagkaroon ng magulang na katulad nila.
Halos ako ang nagbabantay kay Enzo at hindi ako umaalis sa tabi niya. Gusto ko kasing pag nagising siya ay ako ang una niyang makita.
Nakatulog ako sa pagbabantay sa kanya habang hawak hawak ang kanyang kamay. Nagising ako dahil naramdaman kong gumalaw ang kanyang kamay na hawak ko. Unti unti nitong minulat ang kanyang mga mata. Labis na tuwa ang naramdaman ko. Ginising ko ang kanyang nanay at tatay.
Tumakbo naman agad ako para tawagin ang doctor.
Pagtapos kong tawagin ang doctor ay pumunta ako sa chapel ng ospital para magdasal at magpasalamat sa diyos dahil dininig niya ang panalangin ko.
Tapos nun ay excited akong bumalik sa kwarto ni Enzo. Wala na ang mga aparato at nakaupo na siya sa kama.
Lumapit ako sa kanya pero hindi ako nito tinitignan at blangko lang ang ekspresyon.
“kumusta na ang pakiramdam mo?” hindi pa rin ito tumingin sakin. Hahawakan ko sana ang kanyang ulo niya pero umiwas siya. Oo nga naaksidente siya pero hindi siya nagka amnesia. Alam kong galit na galit siya sakin ngayon. Mabigat ang loob ko dahil sa hindi niya ako pinapansin, pero masayang masaya ako dahil gising na siya.
“sige mag pahinga ka na muna” sabi ko. Pero parang wala lang itong narinig.
Lumabas muna ako ng kwarto niya. Hahayaan ko muna siyang magpahinga, saka ko na lang siya kakausapin pag ok na siya.
Ilang araw pang nanatili si Enzo sa ospital para pagalingin pa ang mga sugat at mga bali nito sa katawan. Nakukuntento na lang akong tignan siya. Hindi niya kasi ako pinapansin, minsan sinubukan kung subuan siya pero parang wala lang ako sa tabi niya.
Ang dami nang nangyari pero hindi talaga ako susuko.
Itutuloy…
The Truth
Eto na po ang update. Thanks po sa pagbabasa aat sa pag vote.. Enjoy lang po! :)
Enzos POV
Pinaglalaruan talaga ako ng tadhana. Kagabi lang ay natanong ko pa si Paul kung nangangarap din siyang magkaroon ng anak balang araw. Yun nga nagkatotoo, magkakaroon na nga siya ng anak.
Nasaktan na nga ako emotionally, super bugbog pa ko physically. Ano bang nagawa ko bakit ako nasasaktan ng ganito. Wala talaga akong gana na makipag usap kay Paul, masyadong masakit eh, mas kaya ko pa ang sakit na tinamo ko dahil sa pagkakabangga sakin. Pero ito? Hai naku ewan ko na lang.
Oo na nagiging bitter na naman ako, sa inyo kaya mangyari yun? Isang gabi na pinagsaluhan ang kilig at saya. Pagkatapos puro luha ang kapalit. Hindi ko na alam kung pagkatapos nito ay magmamahal pa ko. Sobrang durog na ang puso ko. Minsan iniisip ko na sana na tuluyan na lang ako, mas nanaisin ko pang mamatay na lang ako.
Eto na naman siya, hindi man ako nakatingin sa kanya ay nakikita kong ngumingiti ito.
Minsan na iirita nako. Minsan gusto ko siyan tanungin kong bakit andito pa sya ngayon pabalik balik sa ospital. Minsan nakakatulog pa ng nakaupo. Naaawa din naman ako sa kanya pero nangingibabaw pa rin ang inis ko sa kanya.
Siya ang naiwan para magbantay sakin. Hai naku, tulog na tulog ito sa gilid na naka sandal sa ding ding habang nakaupo. Umuwi muna sila nanay sa pension house na tinuluyan nila habang nandito sila cebu.
Naiihi ako. Sinemento kasi ang kaliwang binti ko kaya mahirap bumangon at maglakad. Pero ayaw kong gisingin siya at magpatulong sa kanya.
Unti unti kong ginalaw ang mga paa ko. Pero kahit kulang ang tulog ni mokong ay naramdaman nito ang paggalaw ko.
“dahan dahan lang. Teka tulungan na kita” ang sabi ni Paul sabay hawak sa kamay ko. Pero winaksi ko ito.
“kaya ko na, wag mo na akong tulungan” pag sisinuplado ko.
Hindi na nga niya ko hinawakan pero ramdam kong nasa likod ko siya hanggang makapasok ako sa banyo.
Paglabas ko sa banyo ay andun pa rin siya nakatayo. Tinignan ko siya at nakatingin ito sa paa kong sinimento. Pa ika ika uli akong naglakad papunta sa kama. Nag attempt na naman siya na alalayan ako.
“sabi nang wag mo na kong tulungan” singhal ko sa kanya. Malas ko naman dahil tumama ng malakas ang paa kong may bali sa kama.
“Aray ko….” ang sakit nun huh.. maluha luha na ang mata ko.
“yan kasi, ang tigas ng ulo mo. Ba’t kasi ayaw mung magpatulong. Pano pag hindi agad gumaling yan?” sigaw niya sakin. Na tameme na lang ako na parang isang bata na pinagalitan ng ama. “yan kasi ang problema sa’yo eh matigas ang ulo mo” tinilungan niya akong makahiga sa kama ulit.
Pak sheet ang sarap ma nuntok sa sakit ng paa ko.
Pinatong niya ang kanyang kamay sa aking balikat.
“look I didn’t mean to yell at you. Alam ko galit na galit ka sakin ngayon at hindi ko ipagpipilitan na ipaliwanag sa’yo ang lahat. Pero sana naman hayaan mo’kong alagaan ka”
Hindi na ko sumagot pa. lumapit siya sa lamesa at binuksan ang isang paper bag at nilagay niya ang laman nito sa isang mangkok.
Lumapit siya at umupo sa tabi ng kama ko. Nakitang kong sopas ang laman ng mangkok.
“oh kain ka muna” sabi niya
Nang aabutin ko na ang kutsara at mangkok ay inilayo niya ito.
“ako na subuan na kita”
“ako na lang”
“tsk, diba kakatapos lang nating mag usap tungko sa katigasan ng ulo mo?” seryosong sabi ni Paul. Sheet hindi ako makakatakbo kasi pilay ako. Parang kanina pa ko sinisindak ng mokong na to ah. Pero wala na rin akong nagawa kundi kumain.
“oy… ang sweet naman. Nakaka istorbo ba ko?” si Amanda pala. Ang lapad pa ng ngiti nito at may bit bit itong basket ng prutas. Kaka irita.
“Amanda” ang sabi ni Paul
Uminit na naman ang ulo ko. Ito yung babaeng dahilan kung bakit nasasaktan ako.
“kumusta ka na Enzo?”
“mukha ba kong okay? Ano sa tingin mo?” sarkastiko kong tugon sa tanong niya.
“Enzo, didirestsohin na kita. Hindi totoo na buntis ako, walang nangyari samin ni Paul nang tumira ako sa bahay niya. Pakana ito lahat ng mama at papa niya. Ang dokumento na pinakita sa’yo, gawa gawa lang iyon. Ito ang tunay” inabot niya sakin ang isang pregnancy kit na negative ang result. “Ginawa ko talaga yan para ma klaro ang lahat. O pano dumaan lang ako dito para linawin ang maga bagay bagay sana maging maayos na din kayo ni Paul at magpagaling ka. Hanggang sa muling pagkikita” at tuluyan na ngang lumabas si Amanda.
“oh, wag nang kumunot ang noo dyan, narinig mo naman yun diba? Hoy magsalita ka naman dyan”
Magsasalita na sana ako pero bigla niya akong ninakawan ng halik.
“ikaw talaga…” sabi ko sabay kurot sa tagiliran niya.
“ilang ulit ko bang sasabihin na wag mong gagawin sakin yan dahil maho horny ako.. bakit kaya na ba ng katawan mo?” inilapit pa niya ang kanyang mukha sa mukha ko.
“tse!”
Tinawanan na naman ako ni mokong.
Ilang araw pa ay pinayagan na ako ng doctor na lumabas. Umuwi na sila nanay at si Paul na ang nag alaga sakin. Dun na rin siya tumira sa dorm na tinutuluyan ko. Kasi kung dun kami sa condo ay siguradong maglalabas masok lang dun ang mama at papa niya para guluhin kami.
Pag galing ng paa ko ay babalik kami ni Paul dun sa lugar namin. Wala na rin akong balak na bumalik pa sa call center na pinagtatrabahuan ko. Siguro babalik na lang ako dun sa pastry shop na pinagtrabahuan ko dati.
Grabe ang pag alaga sakin ni Paul. Alam mo yung parang pag aalaga ng lalake sa kanyang buntis na asawa. Hehe.. kinikilig ako.
Dalawang beses na may nangyari samin pero nahihiya pa rin akong maghubad pag pina paliguan niya ko. Isang araw nga naghubad din ito at nag brief lang para hindi na daw ako mahiya maghubad. Pag ginagawa niya yun ay hindi ko napipigilang mapahimas sa katawan niya, pero pinapagalitan niya ko.
Hai gusto ko nang gumaling tong paa ko para makauwi na kami.
Abangan….
The Finale
Hai… ayaw ko ding magwakas ang kwentong ito pero… hmmmm alam nyu na… hehehe salamat talaga sa mga patuloy na nagbabasa nito at nag vovote.
May bago na rin akong story na ginagawa…
Enjoy po!
Enzos POV
Tuluyan na ngang gumaling ang aking paa. Nakikita ko si Paul na excited na excited habang ini empake ang aming mga gamit.
“abah, excited na excited ka ah” sabi ko.
“sobrang sobrang excited. Uuwi na kasi tayo at magkasama na tayong titira sa bahay” sabi ni Paul at kinindatan pa ko.
“sabi nino?”
“sabi ko. Pumayag na si nanay at tatay mo na magsama na tayo”
“abah, hindi ko alam yan ah”
“bakit? Ayaw mo ba?” lumapit ito at umupo sa tabi ko.
“gusto. Pero dapat kasal tayo” ang biro ko sa kanya at napakamot ito ng ulo.
May kinuha siya sa loob ng kanyang bulsa at binuksan ito. Wow dalawang sing sing! Kinuha niya ang kamay ko at sinuot ang sing sing sa daliri ko.
“oh ikaw naman, isuot mo sakin ang sing sing” sabi niya. “I DO, and I will now kiss my bride!” at binigyan niya ako ng isang matamis na halik.
“oh ayan, kasal na tayo ha”
“abah, instant huh”
“oo naman, natuto nako. Baka kasi magkatupak ka na naman at takbuhan mo na naman ako”
“ah ganun ha? Ganun? Ganun?” ang sabi ko sabay kurot sa tagiliran niya. Ooopss! Oo nga pala hahaha baka ma horny na naman siya. Tinignan niya lang ako.
“oo na sorry na, tapusin mo na yang pag eempake alam ko na naman ang iniisip mo”
Tumawa lang siya at nagpatuloy na sa pag empake.
Kinabukasan….
Eroplano ang sinakyan namin pauwi ni Paul kaya madali lang ang byahe at hindi masyadong nakakapagod. At gaya nga ng sinabi ni Paul ay dumiretso na kami dun sa bahay niya dahil dun na daw ako titira kasama niya.
“wow, hanep andito na pala mga gamit ko ah” nakita ko kasing andun ang mga tsinelas at sapatos ko.
“oo naman, eto pa oh” ang sabi Paul sabay bukas ng aparador at andun na din ang mga damit ko.
“pinakiusapan ko kasi si nanay na ilipat ang mga gamit mo” abah tama ba ang narinig ko? hahaha.
Bigla ko ring na isip ang mama at papa ni Paul.
“Alam na ba ng mama at papa mo to?”
“hindi” ang malamig nyang sabi “wala na akong narinig mula sa kanila. Balang araw matatanggap din nila tayo” binigyan ako ni Paul ng isang ngiti at hinalikan ako sa noo.
Bumaba si Paul para ayusin ang mga gamit namin. Naisipan kong maligo dahil sobrang lagkit ng pakiramdam ko.
Pagbaba ko ay may naaamoy ako. Naabutan ko si Paul na nagluluto. Naka shorts lang ito at may apron pero wala siyang t shirt. Kitang kita mo ang seksi nyang likod at wala talaga siyang ka taba taba. Bigla itong lumingon.
“oh, baby andyan ka na pala, sandali na lang at matatapos na tong niluluto ko” sabi niya.
“ako dapat ang gumagawa niyan eh” sabi ko
“naku, hayaan mo nga akong pagsilbihan ka” nilapitan niya ko “pahalik nga” at mariin niya akong hinalikan sa pingi. Hai kinikilig na naman ako.
Maya’t maya pa ay tumunog ang oven.
“sandali luto na. Maupo ka na” sabi ni Paul at bumalik sa kusina.
Para akong prinsesa, naka ready na talaga ang pinggan at mga kutsara. Hmmm…. Ang bango ng naaamoy ko.
Nilapag ni Paula ang dala niya galing sa kusina.
“wow! Na miss ko to..” lechong manok kasi at si Paul pa ang nagluto. Nagdasal muna kami at kumain.
“oh alam ko masarap pero dahan dahan lang” pagmamayabang ni Paul.
“thank you baby, I love you” sabi ko kay Paul at hinalikan ko siya sa pisngi.
Bumalik ako dun sa pastry shop na pinagtatrabahuan ko dati at pinagpatuloy na din ni Paul ang pag manage sa resto.
Kay bilis lang na dumaan ang mga araw. Hindi rin maiwasan na magkatampuhan kami ni Paul. Masyado kasi akong seloso, pero hindi talaga ito napapagod na suyuin ako. Nagbabalak din kaming umampon, pero kailangan pa naming makapag ipon para mapatunayan na mapapalaki namin ang batang aampunin namin ng maayos.
Wala na rin kaming balita sa mga magulang ni Paul. Sana dumating yung araw na matanggap nila ang relasyon namin ni Paul.
Dumating ang araw ng linggo. Day off ko na naman at time na makapag relax. Nanood lang kami ng pelikula ni Paul sa bahay. Bigla akong dinalaw ng antok at naisipan kong matulog. Naiwan naman si Paul na nanonood ng tv sa sala.
Mag aalas singko na nang hapon ng magising ako. nagulat ako kasi wala ng gamit sa kwarto. Andun pa ang malaking aparador pero bukas lang ito at wala ang mga damit namin ni Paul.
Bumangon ako at paglabas ko ng kwarto ay wala na ring mga gamit dun. Wala din dun si Paul.
“Paul? Paul?” ang pag tawag ko sa kanya. Pero wala akong narinig na sagot.
Pumunta ako sa kusina at banyo pero wala akong nakita dun. Nang lumabas ako ng bahay ay nakita ko pang bukas ang gate. Nakita kong sarado din ang bahay namin at tila walang tao.
Nagsimula na kong mataranta at bigla na kong kinabahan.
Pumasok ako ulit sa bahay nang biglang may nagtakip nang tela sa mukha ko. Nagulat din ako nang binusalan ang aking bibig. Naku ano na naman tong nangyayari? Grabe ang kabog ng dib dib ko. naramdaman ko ring tinalian ako sa kamay at paa. Wala akong naririnig na nagsasalita.
Naramdaman ko na lang na pinasok ako sa isang kotse at umandar ito.
Ilang minuto lang ay tumigil ang kotse at may bumitbit na naman sakin. Wala na akong magagawa kahit mag pumiglas pa ko. Naku ito na ba ang katapusan ko? nasan ka na Paul? Naiyak na lang ako. Alam kong malapit ako sa dagat kasi masyadong mahangin at naririnig ko ang paghampas ng alon sa dalampasigan.
Naramdaman ko na lang na pina upo ako sa isang silya. Tinanggal na ang tali ko sa paa sunod ay ang tali sa kamay ko. Agad kung kinuha ang nakatalukbong sa ulo ko.
“Happy Birthday!” ang bati sakin ng mga tao. Andun Paul sina nanay at tatay. Andun din sina Rudy, Andrea at Dina, syempre ang BFF ko na si Benjie. Pati si Amanda nandun.
Napansin ko na ang mga gamit sa bahay namin ni Paul ay andun pala.
“mga brad sabi ko piringan nyu lang siya, ba’t nyu tinali?” tanong ni Paul na nakatingin sa mga taong nasa likod ko. Paglingon ko ay nakita ko si Andrew at Jake na nagkakamot ng ulo.
“Eh, insaktong pagdating namin dun eh tarantang taranta na siya kaya tinali na lang namin. Sorry Enzo ha” ang paliwanag ni Andrew.
Tinignan ko pa ang mga kamay kong namumula dahil sa tali.
“Naku pasensya ka na mahal ko, nasaktan ka pa” ang sabi ni Paul “happy birthday” ang bati niya sakin. Sinuklian ko ito nang ngiti.
Sa dami ng nangyari ay halos nalimutan ko nang birthday ko ngayon. Hai sobrang saya ko, andito ang mga mahal ko sa buhay sa pinaka espesyal na araw ng buhay ko.
Kaya pala wala na ang mga gamit dun sa bahay kasi nilipat dito. Malapit ito sa dagat. Malapit sa kinatatayuan nung bahay ang lumang cottage kung saan kami umupo ni Paul nung pinasyal ko siya dito. Kung saan ko unang tinanong ang sarili ko kung ano ba talaga ang nararamdaman ko para sa kanya.
Sinekreto lang ito ni Paul, sorpresa niya daw kasi sakin sa birthday ko. Sa bahay na to na daw kami titira.
Napaka swerte ko, hindi lahat ng tao nararanasan ang nararanasan kong pagmamahal galing kay Paul.
Isang hapon na isipan kong lumabas nang bahay at naupo ako sa gilid ng dalampasigan.
“malalim yata ang iniisip ng mahal ko ah” sabi ni Paul sabay upo sa tabi ko.
“naalala ko kasi nung una kitang dinala dito. Hindi ko lang sukat akalain na magiging tayo pala” ang sabi ko.
“bakit naman?”
“kasi playboy ang dating mo, yung tipong hinahabol at pinagnanasaan ng mga kababaihan at mga kabaklaan”
“oo nga yung tipong pinagnanasaan mo?” bulong pa nito. Oo nga naman, tama siya.
“pero nang mahuli kitang nakatingin sakin nung nagkakape ako nun sa inyo, alam ko na type mo na ko” abah conceited ah. Kukurutin ko na naman sana siya pero nag react na agad ito.
“uhmmmm…. Wag kang magkakamaling gawin yan. Nasa dalampasigan tayo.. not unless gusto mo dito natin sa buhanginan gawin?” nang aakit na naman si mokong oh.
“tumigil ka na ha, ikaw talaga masyado kang malibog”
“eto naman binibiro lang eh. Halika nga rito” inalalayan niya ang ulo at pinasandal niya ko sa kanyang balikat.
“babe?” sabi ni Paul..
“hmmmm…?”
“mahal na mahal kita. Wag ka nang tumakbo at lumayo ah”
“mahal na mahal din kita.. hindi na ko tatakbo….” Hindi ko na tinapos ang sasabihin ko. Bigla ko siyang kinurot sa tagiliran at tumayo ako.
“naku naman.. ah sinusubukan mo talaga ako ha?” ang sabi ni Paul.
“bleee…!!!” sabi ko sa kanya hahawakan niya sana ako pero bigla akong tumakbo. Tumayo din siya at hinabol niya ko.
“humanda ka pag naabutan kita!” nilingon ko siya at nakangiti ito at tila ba nagsasabing lagot ako pag nahuli niya.
Hindi nga nagtagal na abutan niya ko at natumba kaming dalawa sa buhangin at nakapatong siya sakin. Sheet ang gwapo niya talaga. Hinaplos ko ang mukha niya.
“I love you Paul”
“I love you more…” at naglapat ang aming mga labi.
WAKAS

