Hiding The Billionaire's Daughter
HiroYuu101 · 60 chapters · 21,422 words
Hiding the Billionaire’s Daughter
Warning:
This story contains violent content and vulgar words which may be too intense for some readers. Reader discretion is advised.
Disclaimer:
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Please avoid mentioning other author’s names or works in my story ’cause it is very rude on my part. Kung may pagkakapareho man sa pangalan ng mga characters ng ibang author’s, then it is just purely coincidental. Hindi din naman sila ang gumawa ng mga pangalang ’yon at hindi lang sila ang may karapatang gumamit ng mga pangalang ’yon.
That’s all. Thanks.
Lovelots
Commander
Prologue
“Mommy, look, o! Elsa looks like Annabelle.”
Natawa ako nang itinuro ng anak ko ang life-size doll ni Elsa na makapal ang blush on sa pisngi gaya ng kay Annabelle.
“Do you want to buy it, baby?” pang-aasar ko.
Inirapan tuloy niya ako. “Of course not, Mommy! I don’t want to have nightmares every night,” nakahalukipkip pang sabi niya.
Tumawa ako at ang saleslady na nakarinig sa sinabi ng anak ko. Lumabas na lang kami ng toy store dahil puro panlalait lang naman ang mga sinasabi niya tungkol sa mga laruan doon. Hindi ko nga alam kung nagpunta ba kami sa mall para makabili siya ng bagong laruan o para manlait lang.
“I’m so happy, Mommy!” sabi ng anak ko na tumalon-talon pa habang naglalakad kami. Napabilis tuloy ang lakad ko dahil magkahawak-kamay kami.
“And why is my baby happy?”
Tumigil siya sa paglalakad at itinaas ang dalawang kamay. Tumawa ako at binuhat siya. “Because you’re always busy with your work. I missed being with you, Mommy. I miss you,” sabi niya at mahigpit akong niyakap sa leeg.
Aww, my heart.
“I’m sorry, baby. Busy lang talaga si Mommy dahil marami akong ginagawa sa work. But you know that Mommy loves you so much, right?”
Ngumiti siya nang maluwang na ikinatunaw ng puso ko. “Yes, Mommy! I love you, too. Million, million and gazillion times!”
Tumawa ako at pinupog siya ng halik na ikinatawa niya. Aww, I loved hearing those giggles!
I really loved my daughter. She was my everything. Kahit nahirapan ako noong ipinagbubuntis ko pa lang siya ay mahal na mahal ko talaga siya. Naaalala ko na kamuntikan pa siyang malaglag noon dahil sa stress at pagod na naranasan ko. Mahina raw kasi ang kapit niya noong nasa sinapupunan ko pa lang siya. Kaya tumigil ako sa pagtatrabaho para matutukan ang pag-aalaga sa kanya.
Mabuti na lang at nandiyan sina mama at papa para tulungan ako sa pag-aalaga sa anak ko pagkapanganak sa kanya. At ngayon ngang apat na taon na siya ay bawing-bawi ang paghihirap ko noon.
I named her Summer Frost.
My Summer Frost.
Kumain kami sa paborito niyang fast food restaurant dahil gustong-gusto niya ang fries at spaghetti doon. Nakatutuwa dahil hindi ko na siya kailangang subuan at siya na ang kumakaing mag-isa.
“Mommy, can we watch Aladdin, please?” sabi ni Summer na nagpa-cute pa talaga sa akin.
Nakagigigil! Sarap kurutin sa pisngi!
Pinunasan ko muna ang bibig niya na punong-puno ng spaghetti sauce bago siya kinurot sa pisngi. Napaaray siya at nag-pout nang tigilan ko ang pisngi niya.
Dear God, thank You for giving me my daughter in my life.
“Okay, baby. But you have to finish your food first, okay?”
Dahil excited si Summer na mapanood ang Aladdin ay mabilis niyang tinapos ang pagkain. Kaya ilang sandali lang ay pumunta na kami sa movie theater. Bumili ako ng tickets at pinaupo muna siya sa mga upuan sa harap ng popcorn stall bago ako bumili ng popcorn.
“Two cheese and two water, please,” sabi ko sa cashier. Ilang sandali pa ay naibigay na rin naman ang order ko.
Bumalik ako kay Summer pero ganoon na lang ang kaba ko nang makitang wala na siya roon.
“Summer!” tawag ko sa kanya pero hindi ko siya makita. Binalingan ko ang isang babaeng naroon. “Miss, have you seen my daughter? She’s wearing a pink dress and medyo light brown ang buhok niya.”
Umiling lang siya.
My God! Hindi ko alam kung paano ko mahahanap ang anak ko sa laki ng mall na ’to! Kung ano-ano na ang naiisip ko. Baka kinidnap na siya ng mga sindikato at isinama sa mga nanlilimos sa kalsada.
Oh, God! No, no please. Not my Summer Frost.
“Mommy!”
Agad akong napalingon nang marinig ang boses ng anak ko. Nakita ko siya malapit sa may TV kung saan ipine-play ang mga trailer ng movie. May lalaking nakaluhod sa harap niya pero hindi ko makita kung sino dahil nakatalikod sa akin.
Tumakbo ako palapit kay Summer at mabilis na lumuhod para mayakap siya. Napansin kong napatayo ang lalaki nang makalapit ako.
“Oh, God, Summer! I told you na huwag kang aalis doon! God! Pinag-alala mo ’ko!” sabi kong maluha-luha pa.
“I’m sorry, Mommy. I was just watching Aladdin’s trailer! I love their song kasi.” Kumanta pa siya ng “A Whole New World” kaya natawa na lang ako.
“Is she your daughter?”
Nawala ang ngiti ko nang marinig ang malamig na boses na iyon. Kahit hindi lingunin ay kilalang-kilala ko kung sino ang nagmamay-ari n’on. Kinabahan ako at hindi agad nakagalaw.
“Zuri…”
Wala akong nagawa kundi tumayo at harapin siya. The first thing that I noticed was his electric blue eyes that seemed so ruthless and cold.
“Helios…”
Mula sa mukha ko ay bumaba ang tingin niya kay Summer kaya itinago ko ang anak ko sa likuran ko.
“Is she your daughter?” tanong uli niya.
Lalo akong kinabahan. Huminga muna ako nang malalim para makontrol ang nanginginig kong katawan. “Oo,” sagot ko. Nagpasalamat akong hindi ako nautal.
“Who is he, Mommy?” tanong ni Summer.
Nakatitig lang si Helios sa mga mata ko kaya hindi ko maiwasang manginig. Wala pa ring nagbabago sa mga titig niya. Seryoso at napakalamig.
“He’s my…” Lumunok ako para alisin ang bara sa lalamunan. “He’s my boss,” sagot ko, hindi pa rin inaalis ang tingin kay Helios.
Bumaba uli ang tingin niya nang sumilip si Summer mula sa likuran ko kaya lalo ko pang itinago ang anak ko. Halos mahimatay na ako sa sumunod niyang tanong.
“Is she my daughter?”
“No,” mabilis kong sagot. Alam kong hindi naging normal ang pagsagot kong iyon.
Mas lumamig ang tingin sa akin ni Helios. Halos mangatal na ang mga labi ko.
“Is that so?”
“Oo,” matapang kong sagot. “Hindi lang ikaw ang lalaki sa buhay ko, Helios. So stop assuming.”
Binuhat ko si Summer at mabilis na tinalikuran si Helios.
Oh, God! Bakit ngayon pa?! Shit, hindi pa ako handa. No. No. Sana hindi niya nahalata.
“Mommy, he’s your boss? At work?” Tumango ako. “Really? We have the same eyes, Mom.”
Napatigil ako sa sinabing iyon ni Summer. Kung ang anak ko ay napansin ang bagay na iyon, siguradong mapapansin din iyon ni Helios.
He’s not stupid, Zuri. And you know that.
Lumingon ako—na sana ay hindi ko na lang ginawa dahil nakita kong nandoon pa rin si Helios, seryoso ang mga matang nakatingin sa amin. Tumalikod ako at mabilis na naglakad palayo.
Oh, shit. What should I do? Should I run away again? Siguradong gagawa siya ng paraan para malaman kung sino ang ama ni Summer.
And you know what? He was right.
Summer Frost was Helios Gallagher’s daughter.
And I was hiding the billionaire’s daughter.
Chapter 1
“Yaya Tams, iuwi mo agad si Summer after ng class niya, ha? And please, ’wag na ’wag po kayong kakausap ng kung sino-sino.”
“May problema ba, Ma’am Zuri?”
Napatigil ako sa ginagawa dahil sa tanong ni Yaya Tams, ang babysitter ng anak ko. Nahalata siguro niya na hindi ako mapakali which was very unusual for me.
“Wala naman, Yaya Tams. Just do what I’ve said, okay?” Tumango naman siya kaya binalingan ko si Summer na tahimik na nakaupo sa sofa. “Hey, baby. Mommy will go na, okay?”
Naka-pout na nag-angat siya ng tingin. “Can you not go to work today, Mommy, please?” Nag-puppy eyes pa ang anak ko and I felt the urge na gawin na lang ang gusto niya.
Pero alam kong hindi puwede. Kailangan kong pumasok, lalo na ngayon. Kapag hindi ako pumasok ay lalong maghihinala si Helios na may mali. I should act normal.
“Sorry, baby. But Mommy has to go to work especially today. You saw my boss, right? Pagagalitan niya si Mommy kapag um-absent ako.”
Nagliwanag ang mukha ni Summer. “Your boss who has the same eyes as mine?”
Napalunok ako. “Yes.”
Simula nang magkaisip si Summer ay palagi na lang niyang itinatanong sa akin kung bakit ganoon ang kulay ng mga mata niya. Ang sa akin kasi ay kulay-brown at sa kanya ay electric blue.
Just like her father.
Kaya nang makita niya si Helios ay ganoon na lang ang tuwa niya dahil nakakita na rin siya ng kagaya ng kulay ng mga mata niya. Oh, well. He was her father. At ang mga mata lang ni Helios ang nakuha rito ni Summer.
Matapos ang ilan pang pilitan ay pumayag na rin ang anak ko na makaalis ako. Pero hindi ako dumeretso agad sa trabaho. Sa halip ay pumunta ako sa coffee shop na pagmamay-ari ng kaibigan ko.
“O, bading, kay aga mo yatang mambulabog?” bati ni Jenica pagkapasok ko. Agad kaming pumuwesto sa may gilid.
“Jen, he… saw,” sabi ko at nagsimulang mangatal ang aking mga labi. Napasabunot pa ako sa buhok ko. “He saw.”
Nagsimulang tumulo ang mga luha ko. No. Hindi niya puwedeng kunin sa akin ang anak ko. She’s my everything.
“Teka nga,” sabi ni Jenica at inabutan ako ng tissue. Ginamit ko iyon pamunas ng mga luha ko. “Para kang baliw riyan. Umiiyak basta-basta. From the start kasi!”
“Helios saw my daughter.”
Nanlaki ang mga mata niya. Napatakip pa siya sa bibig. Ilang beses niyang ibinuka ang bibig para magsalita pero agad ding itinikom.
Napairap ako. “Para kang baliw riyan.”
“O to the M to the G! Helios? As in Helios Gallagher? Your daughter’s father?!”
Tinampal ko ang bibig ni Jenica. Nakaiinis! Paano kung may nakasunod na sa aming tauhan ng Gallagher na iyon at marinig ang bibig ng kaibigan kong ’to?!
“Gusto mong bigyan pa kita ng megaphone?” inis na sabi ko.
“Teka… Teka… I can’t breathe.” Pinaypayan pa ni Jenica ang sarili.
Napairap uli ako. “Ikaw ba ang nanay ni Summer o ako?”
Hinintay ko munang kumalma ang kaibigan ko. Humingi ako ng isang baso ng tubig sa isang server at ibinigay iyon sa kanya.
“Ano’ng nangyari?” tanong ni Jenica pagkatapos makainom ng tubig. Mukhang kumalma na rin siya.
Ikinuwento ko ang nangyari kahapon. Kung paano nawala si Summer. Kung paano ko siya nakita. Kung paano tingnan ni Helios si Summer at kung paano niya tinanong kung anak ba niya ito.
“Tingin mo, may ideya na siya?”
“Hindi ko alam,” sabi ko.
Pero sino ba ang niloko ko? Hindi itatanong ni Helios kung anak niya si Summer kung hindi siya nagduruda. Siguradong pinaiimbestigahan na niya ang anak ko ngayon.
“Ano’ng plano mo?”
Natigilan ako sa tanong ni Jenica. Ano nga ba ang plano ko? Hindi magtatagal ay malalaman din ni Helios ang totoo. He had his ways for everything. At kapag nalaman niyang anak nga niya si Summer ay siguradong kukunin niya ito sa akin.
“Itatago ko ang anak ko.” Nanginig ang bibig ko nang sabihin iyon kay Jenica.
“You’ll play the runaway girl again? Tingin mo, hindi ka niya hahanapin? Noong una, hindi ka niya hinanap dahil hindi niya alam na buntis ka. Pero kapag nalaman niyang may anak na siya, for sure babaliktarin niya ang mundo mahanap ka lang.”
“He doesn’t love me,” sabi ko na parang iyon na ang kasagutan sa lahat.
“Yes, but you have his daughter. Bakit hindi mo na lang hayaang makasama niya ang anak mo? Malay mo, pumayag siyang maghati kayo sa oras ni Summer.”
Umiling ako. Kilala ko si Helios Gallagher. Araw-araw ko siyang nakakasama sa trabaho. Araw-araw kong nararanasan kung gaano siya kalupit sa mga empleyado niya. And once na malaman niya ang tungkol kay Summer, kukunin at ilalayo niya sa akin ang anak ko.
“Ano ba kasi’ng nangyari, Zuri? Bakit mo hinayaang magkaanak sa lalaking ’yon? He’s like a devil in a business suit. Hindi mo naman puwedeng sabihin sa akin na aksidenteng na-shoot lang, pagkatapos ay nabuo na si Summer, ’di ba?”
Napatingin ako kay Jenica. Wala pa kasi akong pinagkukuwentuhan ng mga nangyari sa akin noon. But maybe it was time to let her know kung ano ang nangyari five years ago. Para malaman niya kung bakit ganoon ko na lang itago ang anak ko kay Helios. Jenica was one of my true friends.
Nagsimula na akong magkuwento.
“It all started with this charity party na in-organize ng mga Gallagher.”
A party that I never thought would change my life.
Chapter 2
“You are all stupid!”
Napatalon ako sa kinauupuan nang marinig na naman ang sigaw na iyon ng boss ko. Kay aga-aga, nakasigaw na naman. Oh, well. Ano pa nga ba ang bago? Oras-oras ko yatang naririnig ang pagsigaw niya kapag nandito ako sa trabaho.
Ayos lang naman sa akin. Basta ba hindi ako iyong nasisigawan.
“YOU ARE ALL FIRED! GET OUT! NOW!”
Wala pang isang segundo ay nakita ko na ang paglabas ng dalawang lalaki at isang babae sa opisina ng boss ko. Laglag ang mga balikat nilang lahat. Agad na dumeretso sa elevator ang dalawang lalaki samantalang ang babae ay malungkot na napatingin sa akin.
“Demonyo talaga si Mr. Gallagher! ’Di man lang naawa! Mabuti at nakatatagal ka rito?!”
Nginitian ko na lang siya at hindi na sumagot. Mabuti naman at umalis na rin siya at sumakay sa elevator.
Mag-iisang taon na rin kasi ako bilang secretary ni Mr. Helios Gallagher. Ako nga lang daw ang nakatagal bilang secretary niya. Iyong mga dating secretary daw kasi ay hindi man lang umaabot ng isang buwan.
I was working at Gallagher Empire as the CEO’s secretary. Maraming trabaho ang nakalaan sa akin, lalo pa at ako na ang itinuturing na kanang kamay ng CEO. Maraming negosyo ang nasa ilalim ng kompanyang ito. Mula sa shipping airlines, condominiums, malls, supermarkets at amusement parks.
I would admit na hindi madali ang pagiging secretary ng isang Helios Gallagher. Gusto kasi niya, perfect ang lahat. Wala siya dapat makitang flaws sa mga gawa mo. At kapag perfect ang gawa ay hindi siya maninigaw. At first, it was hard. But eventually, nasanay na rin ako.
Kinuha ko ang flash drive at ilang mga papeles sa table ko. Pagkatapos ay kumatok ako sa pinto ng office ng boss ko. Hindi pa man siya nakakasagot ay binuksan ko na ang pinto at pumasok.
“WHAT?!” bulyaw niya pagkakita sa akin.
I put my stoic face on. Sa araw-araw ba naman na naririnig ko ang sigaw niya ay matatakot pa ba ako?
“Here’s the report that you need for your presentation later, Boss,” sabi ko at inilapag ang flash drive sa table niya. “And here’s the hard copy for that report.” Ang mga papeles naman ang ibinaba ko.
Kinuha ni Helios ang mga papeles at binasa ang ilang mga pahina roon. I held my head high. I was confident with my work. Perfect at walang flaws.
“How about the presentation for the Canadian investors?”
Napataas ang isang kilay ko. “I’m still working on that, Boss. I thought it’s due next week? Do you want me to finish it today?”
Umiling naman siya. “No,” he said.
Mabuti naman. Kaninang umaga lang niya inutos na gawin ang report na iyon at through e-mail pa niya sinabi, ’tapos manghihingi agad siya ng update?
“Okay, Boss. Is there anything else that you need?” tanong ko.
“Coffee.”
“Okay, Boss,” sabi ko bago lumabas at pumunta sa pantry para ipagtimpla ng kape ang boss kong ipinaglihi yata sa dragon. I brewed the coffee and put one teaspoon of cream and three teaspoons of sugar at hinalo iyon.
Kumatok muna ako nang tatlong beses bago binuksan ang pinto nang hindi hinihintay ang sagot ni Helios. I put the coffee in front of him.
“Here’s your coffee, Boss,” I said bago tumalikod at aalis na sana pero tinawag niya ako.
“Wait.”
Lumingon uli ako sa kanya at nakita siyang may kinukuha sa drawer ng table niya. Isa iyong pulang envelope. Iniabot niya iyon sa akin.
“Here.”
Kinuha ko ang envelope. “What’s this, Boss?”
“It’s an invitation for the charity ball tonight. Mom wants you to come.”
Tinitigan ko ang invitation at bubuksan na sana iyon nang magsalita uli siya.
“Get out,” sabi niya kaya wala akong nagawa kundi ang lumabas at sa table ko na lang binasa ang invitation.
Totoo ang sinabi ni Helios. Isa nga iyong invitation sa charity ball na in-organize ng pamilya nila para sa isang orphanage na ini-sponsor-an nila. And for sure, imbitado rin ang iba pang mayayamang tao sa bansa.
Maaga pa lang ay nag-ayos na ako para sa party. The party would start at seven PM. Six thirty pa lang ay nandoon na ako. Nakita ko sina Mr. and Mrs. Gallagher na nasa may pinto ng five-star hotel na iyon at sinasalubong ang bawat bisita.
“Hija.” Nakita ko ang masayang ngiti ni Mrs. Gallagher nang makita ako. “I’m so glad you made it! You look stunning as always.” Nakipagbeso siya sa akin.
I was wearing a simple black dress na mababa ang neckline. “Thank you, Ma’am. You look beautiful, by the way,” I said na ikinatawa niya.
“Nasa loob na si Helios. You should come in na rin, hija.”
Pumasok na nga ako sa loob. Tama ang hinala ko. Puno ang lobby ng hotel ng mayayamang tao. Kung hindi ko lang siguro kasundo si Mrs. Gallagher ay malamang wala ako rito ngayon.
Kumuha ako ng isang wineglass nang may dumaang waiter sa harap ko. Siguro naman ay walang ipag-uutos sa akin ang masungit kong boss. Might as well enjoy the night para hindi ako ma-bore.
Lumapit ako sa chocolate fountain at kumuha ng marshmallow. I dipped it on the fountain. I ate the marshmallow and it felt heavenly.
“Hi!”
Napalingon ako sa bumati sa akin at nakakita ng isang diyosa. I knew who this goddess was. She was Carmilla Johnson. Helios Gallagher’s fiancée.
“Ma’am Carmilla!” nabigla kong sabi at agad na inubos ang marshmallow sa bibig ko.
Natawa siya sa pagkataranta ko. “I told you to call me ‘Carmilla.’ Helios is your boss and not me.”
I smiled at her kindness.
“Have you seen him, by the way?”
Tumango ako dahil nakita ko naman talaga si Helios kanina. Hindi ko na lang binati dahil alam kong hindi rin naman niya ako papansinin.
“I saw him at the elevator earlier. Umakyat siguro.”
“Okay, thanks,” sabi ni Carmilla at umalis para siguro sundan si Helios.
Naubos ko na ang pangalawang baso ko ng wine bago nagsimula ang party.
“Good evening, ladies and gentlemen.”
Napatingin kaming lahat sa stage. I saw Mr. Hades Gallagher, Helios’ father, standing in front of the mic. Behind him was his family. Helios, Carmilla, Mrs. Sapphire Gallagher, Apollo, and Artemis.
“This charity ball is for the orphanage that we, the Gallaghers are sponsoring. If this party will be a success, we will choose another orphanage to sponsor. If you have donations and such, just put them in the box that you will see beside this stage.” Itinuro niya ang box sa tabi lang ng stage. “I hope that you’ll enjoy the party tonight. Thank you for coming.”
Nagsilapitan ang iba para maghulog ng donations sa box na iyon. Ako naman ay lumapit na rin para maghulog ng makakaya ko. Mayaman ang mga magulang ko pero hindi ako mayaman. Ayokong gamitin ang pera nila kaya mas pinili kong magtrabaho.
Bumalik ako sa puwesto ko at kumuha uli ng baso ng wine. Pang-apat ko na siguro ’to? Nararamdaman ko rin na medyo nahihilo na nga ako.
“Enjoying the party?”
Napatingin ako sa gilid nang may magsalita. I saw Apollo Gallagher with his boyish grin looking at me.
“Yeah,” sabi ko at inubos ang laman ng baso.
“Bloody hell,” sabi ni Apollo at hinablot sa akin ang baso pero huli na dahil naubos ko na iyon. “Holy shit, pang-ilan mo na ’to?” tanong niya.
“Apat? Lima? I don’t know,” sabi ko at hinilot ang sentido ko. Damn, nahihilo na ako.
“Zuri, you’re drunk,” sabi ni Apollo.
Tinawanan ko siya. Pinilit ko siyang tingnan pero dumodoble na rin ang paningin ko.
I’m drunk?
“No, I’m not,” I said na pilit ding kinukumbinsi ang sarili kong hindi ako lasing. “It’s just wine.”
“Yeah. Wine na may halong vodka. Come on. You should rest.”
Naramdaman kong itinayo ako ni Apollo at dinala sa kung saan. Wala na akong naalala hanggang sa naramdaman ko na lang ang likod ko na lumapat sa malambot na kama.
“This is my brother’s room. There’s uhm… some girls in my room so dito ka na muna. I’ll tell Kuya Helios na lang,” sabi ni Apollo.
Pero hindi ko na maintindihan ang sinasabi niya. Pilit kong idinidilat ang mga mata ko pero parang ang bigat-bigat ng mga talukap ko.
Hindi ko alam kung nakatulog ba ako o ano pero naramdaman ko na lang na parang may gumalaw sa tabi ko. At ilang sandali pa ay may dumantay nang braso sa may baywang ko.
Naiinis na tinanggal ko ang kamay sa baywang ko. Ang bigat naman kasi. Pero ibinalik niya ang kamay roon at hinapit ako palapit sa kanya.
“Ano ba…?” mahinang ungol ko. God, am I dreaming?
Gusto kong gumalaw pero ang bigat-bigat ng katawan ko.
“Sshh…” I heard the guy beside me said and then he smelled my neck.
I stifled a moan dahil sa kiliting dulot ng hininga niya.
Ilang sandali pa ay naramdaman kong pumaibabaw siya sa akin. He started kissing my neck. I moaned and giggled like an idiot kahit wala akong alam kung totoo nga ang mga nangyayari.
Then he licked and sipped my neck at mas lumakas ang ungol ko. May kakaibang init na naramdaman ang katawan ko and I had no idea what it was. Ang alam ko lang ay nasasarapan ako sa ginagawa ng lalaki sa ibabaw ko.
Mula sa leeg ko ay tumaas ang halik niya. He kissed my jaw, my cheeks, my ears and finally, he claimed my lips. Walang pag-aalinlangan na tinugon ko ang halik niya. I opened my mouth and his tongue devoured the insides of my mouth like he was searching for something. I moaned when he nibbled my lower lip.
His hands traveled down my body. He caressed my neck, my arms at pabalik-balik ang kamay niya roon. He, then, squeezed my waist before his warm hands claimed my breasts.
I moaned louder when he gently squeezed my left mound. I put my arms around his neck and deepened the kiss. I heard him groan as I deepened the kiss.
Hindi ko alam kung paano nangyari pero namalayan ko na lang na wala na kaming saplot ni isa. He touched the part in between my legs and I moaned again. At nang ipinasok niya ang isang daliri doon ay halos mahimatay na ako sa sensasyong nararamdaman ko.
“Shi—” I cursed pero hindi natapos dahil hinalikan uli niya ako. Pero saglit lang iyon dahil bumaba ang halik niya sa may dibdib ko. Napakapit ako sa gilid ng kama nang isubo niya ang isa sa mga dibdib ko. He licked and sucked the top of my mound at pabilis na rin nang pabilis ang paglabas-masok ng daliri niya sa akin.
“Ah, shit!” I screamed when I finally reached my limit. Ilang beses pang inilabas-masok ng lalaki ang kanyang daliri bago niya tinigilan iyon.
Then he positioned himself on top of me. And in one great thrust, he entered me whole.
Napaigik ako sa sakit. Pakiramdam ko ay may napunit sa loob ko. Napaiyak ako but I felt him caress my hair and kissed me again.
“Sshh…” he said in between those kisses. He deepened the kiss and I opened my mouth and answered his kisses. Nang muli siyang gumalaw ay wala na ang sakit. Bumilis ang paggalaw niya nang maramdamang sinasalubong ko ang bawat pag-ulos niya.
His kisses went down to my jaw, to my neck and finally, down to my breasts. He sucked and licked again while squeezing the other one. His thrusts became faster and faster. My nails dugged on his back and I moaned loudly when I reached my limit again.
Patuloy lang ang lalaki sa paggalaw at mas bumibilis pa iyon. And then finally, he reached his limit as I felt his liquid filled inside me.
Chapter 3
“TMI, BADING! Too much information!” sabi ni Jenica pagkatapos kong magkuwento. Namumula ang mukha niya at pinapaypayan ang sarili.
Tawa naman ako nang tawa. “Sorry. Nadala lang!” sabi ko.
Inirapan niya ako. “My God! Puwede namang i-skip ’yong SPG part, ’di ba? My virgin ears!” Tinakpan pa niya ang dalawang tainga na mas ikinatawa ko. “Sige na! I-continue mo na ang kuwento. ’Kainis.”
Huminga muna ako nang malalim at inubos ang tawa ko bago ipinagpatuloy ang kuwento…
Nagising ako na parang pinupukpok ng martilyo ang ulo ko. God! I hate hangovers!
Hindi muna ako gumalaw dahil pinapahupa ko muna ang sakit ng ulo ko. Narinig ko ang pagbukas ng pinto, pagkatapos ay boses ng isang babae.
“Hon, your mom— Oh, my God!”
Napabalikwas ako sa sigaw na iyon at napangiwi sa pagsakit ng ulo ko. Pero lalo pa yatang sumakit ang ulo ko nang makitang napabalikwas din sa tabi ko ang… boss ko na walang kahit anong saplot sa katawan!
“Ahhh!” tili ko na ikinagulat ni Helios. Napatingin siya sa katawan niya at mukhang doon lang na-realize na nakahubad siya. Dali-dali siyang tumayo at nagsuot ng boxer shorts.
“Ahhh!” tili ko uli nang makitang wala rin akong saplot na kahit ano. Tinakpan ko ng kumot ang buong katawan ko.
“Helios.” Napatingin ako kay Carmilla nang magsimula siyang humikbi. “How… how could you do this to me?” Pagkatapos ay tinakpan niya ng kamay ang buong mukha at doon umiyak nang umiyak.
Doon lang nag-sink in sa akin ang lahat. Pareho kami ng boss ko na nagising sa iisang kama at walang saplot sa katawan. Naalala ko ang mga ungol namin kagabi at ang lahat ng mga nangyari.
I’ll be damned.
“C-Carmilla. Hey… it’s not what you think,” sabi ni Helios na namumutla ang mukha. Hindi alam kung lalapit ba kay Carmilla o ano.
“It’s not what I think?!” galit na sabi ni Carmilla. “Sige nga?! Ipaliwanag mo kung ano’ng nangyari! Don’t tell me na nag-Bible study kayo ni Zuri dito at pareho kayong nakahubad?!”
Hindi na nakaimik si Helios. Ako tuloy ang binalingan ni Carmilla.
“Zuri… I never thought na magagawa mo sa akin ’to. You, of all people,” sabi niya at muling bumuhos ang mga luha.
Hindi ko namalayan pero napaiyak na rin ako.
Nakahihiya. Hindi ko akalain na magagawa ko ang bagay na iyon. Ang masama ay sa ikakasal pa! And worse ay kay Carmilla pa! And much worse dahil sa boss ko pa!
Remind yourself not to get drunk again, Zuri!
“No… Carmilla, please. Let me explain. Walang nangyari.”
Napatingin ako kay Helios nang sabihin niya iyon. What the hell? Magsisinungaling siya? Kahit huling-huli na siya sa akto? Napakawalang kuwenta naman ng lalaking ’to.
I gasped when I saw how Carmilla slapped Helios on the face. Siguradong masakit iyon dahil bumakat ang kamay ni Carmilla sa mukha ng lalaki.
“Do you think I’m stupid?! Huwag mo akong gawing tanga, Helios!” Then Carmilla looked at me and I flinched. “Tell me, Zuri. May nangyari ba o wala?”
I saw the hope in Carmilla’s eyes. Alam kong kahit nakita na niya kami sa ganitong kalagayan ay umaasa siyang wala pa ring nangyari. That’s how much she loved Helios.
I looked at Helios’ face. Sinasabi ng mga mata niya na magsinungaling ako. Puwede kong gawin iyon. Puwede kong lokohin na lang din si Carmilla. Pero tuwing nakikita ko ang mga mata niya ay parang hindi ko magawa. Babae rin ako. At alam kong masakit sa kanya pero kailangan niyang malaman ang totoo.
“Meron…” mahinang sabi ko pero sapat na para marinig nila.
Napapikit ako nang mas lumakas ang pag-iyak ni Carmilla. Alam kong isinusumpa na ako ng boss ko pero hindi ko kasi talaga kayang magsinungaling.
Nang dumilat ako ay nakita kong ibinato ni Carmilla ang engagement ring nila sa dibdib ni Helios na saktong nasalo naman ng lalaki.
“Wala nang kasalang magaganap. Goodbye, Helios,” Carmilla said at mabilis na lumabas ng kuwarto.
Nakatitig lang si Helios sa singsing. Seryoso ang tingin niya at hindi talaga gumagalaw. Ako naman ay kinakabahan sa kung ano ang puwede niyang gawin sa akin.
I knew my boss. I knew how ruthless he was. At alam kong hindi niya ako mapapatawad sa nangyari.
Napatalon ako nang buong lakas na ibinato ni Helios ang singsing at malakas na nagmura.
“Goddammit!”
Mabilis siyang nakarating sa harap ko at walang babalang sinakal nang mahigpit ang leeg ko. Hinawakan ko ang kamay niya nang maramdaman ang sakit. Ibinaon ko ang mga kuko ko sa kamay niya at nagbaka-sakaling bitiwan niya ang leeg ko pero hindi nangyari.
“Remember this, bitch. I will make your life a living hell. Pahihirapan kita hanggang sa magmakaawa kang patayin na lang kita. Be ready.” Marahas na binitawan ni Helios ang leeg ko bago mabilis na nagbihis at lumabas ng kuwarto.
Napaiyak na lang ako habang hawak-hawak ang leeg ko. Medyo mahigpit ang pagkakasakal niya sa akin at siguradong magmamarka iyon sa balat ko bukas.
Doble-doble ang kaba ko nang pumasok kinabukasan. Tama ang hinala ko. Nagkaroon nga ng pasa ang leeg ko kaya naglagay na lang ako ng scarf para matakpan.
Pumasok ako na parang walang nangyari. Binabati ko pabalik ang mga empleyadong bumabati sa akin. Nakangiti pa ako habang ginagawa iyon. Pero nang makatuntong ako sa floor ng CEO ay abot-langit na ang kaba ko. Alam kong tototohanin ni Helios ang banta sa akin kahapon pero wala akong ideya kung ano ang gagawin niya.
Mukhang hindi ko na kailangang maghintay pa nang matagal dahil pagkarating na pagkarating ko sa puwesto ko ay agad na tumunog ang intercom sa table ko.
“Zuri, get in here.”
Wala na akong sinayang na oras at agad na pumasok sa opisina ni Helios. Ang una kong napansin ay ang gabundok na mga papeles sa harap ng table niya. Itinuro niya iyon.
“I want soft copies of these,” sabi niya na hindi nakatingin sa akin.
“Boss?”
“Send them through my e-mail. At huwag kang uuwi hangga’t hindi mo ’yan natatapos.”
Napalunok ako sa mga papeles na nasa harap ko. Nasa mga isang libo yata ang pages niyon. At gusto niyang i-type ko ang lahat ng iyon at i-send sa e-mail niya?
Nang hindi ako kumilos ay napatingin na si Helios sa akin. Kitang-kita ko ang galit sa mga mata niya.
“What are you waiting for, bitch?”
Nangatal ang mga labi ko sa itinawag niya sa akin. Naramdaman kong nag-init ang sulok ng mga mata ko kaya dali-dali kong kinuha ang mga papeles at lumabas ng office niya.
Nakaka-fifty pages pa lang yata ako nang maramdamang kumalam ang sikmura ko. Lunch break na rin pala. Tumayo ako para sana pumunta sa cafeteria at kumain nang marinig kong bumukas ang pinto ng office ni Helios.
“Where are you going?” malamig na tanong niya.
Napalunok ako. “Kakain, Boss.”
“Have you already sent the soft copies on my e-mail?” Napatingin pa siya sa table ko para tingnan ang mga papeles na hindi ko pa tapos i-type.
“Hindi ko pa tapos, Boss.”
“Then you will never leave your desk until you finish typing those fucking papers!” galit na sabi niya at nilagpasan ako.
“Boss—” pag-alma ko sana pero nagulat ako nangmalakas n’yang sampalin ang pisngi ko. Nalasahan ko pa ang dugo mula sa labi kong mukhang pumutok sa lakas ng pagkakasampal n’ya.
“Pinapasahod kita nang maayos kaya huwag kang magreklamo. I’ve told you that I will make your life a living hell, right? This is just the start, Zuri. Simula pa lang ’to.” Pagkatapos ay sumakay na siya sa elevator.
Nanghihina akong napaupo sa sahig at umiyak nang umiyak. Masakit ang baba, masakit ang leeg at masakit… ang puso.
Chapter 4
Nagpatuloy ang ganoong eksena namin ni Helios. Pahihirapan niya ako na halos hindi na ako makakain at makauwi ng bahay. Nagdadala na lang tuloy ako ng biskuwit at mga damit dahil kung minsan, hindi na talaga ako nakatatayo sa puwesto ko hangga’t hindi ko natatapos ang mga ipinapagawa niya.
Nagbago na rin mismo si Helios. Halos araw-araw na siyang nagdadala ng iba’t ibang babae sa office niya. At mula sa puwesto ko ay dinig na dinig ko ang mga halinghing at ungol nila. Halos masuka ako sa mga iyon.
Kagaya noong araw na iyon. May dinala na namang bagong babae ang boss ko. Dinig na dinig ko ang boses ng babae kaya hindi ko maiwasan ang mga eksenang pumapasok sa isip ko.
“Ohh… Faster, baby. I’m coming!” sabi ng babae.
Napatakip ako ng bibig at tumakbo papunta ng banyo nang maramdamang parang may humahalukay sa loob ng tiyan ko. Isinuka ko ang lahat pero halos tubig lang naman ang lumabas sa bibig ko.
Hinugasan ko ang bibig ko at tinitigan ang sarili sa salamin. I looked like a mess. Parang naging pugad na ng ibon ang buhok ko. Ang putla-putla ko na at halos wala nang kulay ang balat ko. Nangayayat na rin ako.
Naghilamos na lang ako ng mukha para man lang malinisan ang sarili ko. Nang mag-angat ako ng tingin ay ganoon na lang ang takot ko nang makita si Helios na nakasandal sa may pintuan ng banyo. Nakatingin siya sa repleksiyon ko sa salamin at ganoon din ako sa kanya.
Humarap ako dahil natatakot ako na baka kung ano ang gawin niya sa akin habang nakatalikod ako.
“I thought I’ve told you not to leave your table until you finish everything?”
Humakbang siya palapit sa akin at hindi ko alam kung paanong atras ang gagawin ko. Naramdaman ko ang lababo sa likod ko kaya wala na akong maatrasan.
Napaigik ako nang hawakan niya ang pisngi ko. Doble-doble na ang kaba ko nang inilapit niya ang mukha sa akin.
“Want me to fuck you hard, bitch?” Pagkatapos ay agad niya akong sinunggaban ng halik. Itinikom ko ang bibig ko at hindi iyon ibinuka kahit halos kagatin na niya ang mga labi ko.
Sobrang sakit na ng mga labi ko dahil sa mga kagat niya at nalalasan ko na rin ang dugo doon. Nang may ilang minuto ang lumipas at hindi ko talaga ibinuka ang bibig ko ay malakas n’ya akong sinampal.
“Open your fucking mouth, Zuri!” sabi ni Helios at muli akong sinunggaban ng halik.
Diniinan niya ang pagkakahawak sa pisngi ko pero hindi ko talaga ibinuka ang bibig ko kahit ano ang gawin niya. Nang ma-realize iyon ay saka lang niya ako binitiwan at malamig na tiningnan.
“Just do your fucking work,” sabi ni Helios at iniwan na akong mag-isa sa banyo.
Napaupo na lang ako sa sahig at kusa nang tumulo ang mga luha ko. Parang araw-araw na yatang may sumasakit sa katawan ko dahil kay Helios. Kung hindi pagpapahirap sa trabaho ay pinagbubuhatan naman niya ako ng kamay. Isang beses niya akong nasampal. Noong isang araw ay natakot ako dahil akala ko, susuntukin niya ako. Mabuti na lang at napigilan niya ang sarili.
I cried my heart’s out inside that restroom until everything went black.
Nagising ako na nasa ospital na. Hindi ko alam kung paano o sino ang nagdala sa akin doon. Basta ang hindi ko makalilimutan ay ang sinabi ng doktor.
“Congratulations, misis! You’re two weeks pregnant!”
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Napaiyak na lang ako na akala ng doktor ay tears of joy.
Umuwi ako sa bahay na wala sa sarili at patuloy na umiiyak.
Hanggang sa nakatulugan ko na ang gabing iyon.
Kinabukasan ay pumasok pa rin ako kahit sobrang sakit ng ulo ko. Balak ko sanang um-absent kung hindi lang tumawag si Helios at sinabing hindi ako puwedeng um-absent nang araw na iyon.
Marami na naman siyang ipinagawa sa akin na halos hindi na naman ako nakakain.
“You deserve that, bitch,” sabi ni Helios.
At hindi ko na napigilan ang pagsabog ng nararamdaman ko. “May kasalanan ka rin naman, ah?!” bulyaw ko na alam kong ikinagulat niya.
Pero agad ding nakabawi si Helios at mas lumalim pa yata ang galit nang tingnan ako. “What did you say?!”
“Kasalanan mo rin! Bakit ako lang ang kailangang magdusa nang ganito?! It was your fault why Carmilla left you! Hindi lang ako! Ikaw rin!”
“Shut up, you bitch!”
Muli n’ya akong sinakal nang mahigpit pero hindi ako nagpapigil. Punong-puno na ako. Isa pa, kailangan kong lumaban para… sa bata na nasa sinapupunan ko.
“Kasalanan mo! Kung sana chineck mo muna kung si Carmilla nga ang katabi mo at hindi ako, eh, di sana walang nangyari sa atin!”
“No! It was your fault, you slut!” sigaw ni Helios sa mukha ko at mas humigpit pa ang kapit sa leeg ko. Napaiyak na ako. “You entered my room that night! Para ano?! Para akitin ako?!”
Tumawa ako nang pagak. Seriously? Naisip niya ’yon?
“I’m sorry but you are not my type! I was drunk that night! Si Apollo ang nagpapasok sa akin sa kuwarto mo! Ako ang nauna roon kaya kasalanan mo kung bakit nangyari ’yon! It was your fault kung bakit ka iniwan ni Carmilla!”
Napatili ako nang sampalin ako ni Helios. Mas malakas kaysa noong una kaya napaupo pa ako sa sahig. Agad kong naramdaman ang pagkirot ng puson ko. Natakot ako para sa baby ko.
“Pasalamat ka at naging babae ka…” nanginginig sa galit na sabi ni Helios.
Hindi ako natinag at galit din siyang tiningnan.
“Kung hindi, matagal na kitang pinatay.” Pagkatapos sabihin iyon ay agad siyang umalis at sumakay sa elevator.
Nang masigurong wala na siya ay saka lang bumuhos ang mga luha ko.
I don’t deserve this. I don’t. Kahit alam kong may kasalanan ako, I don’t deserve this. Kailangan kong magpakatatag. Kailangan kong lumaban para sa anak ko.
Kinuha ko ang cellphone ko at agad na tinawagan ang unang taong pumasok sa isip ko.
“Zuri! You called! I miss you!”
Bumuhos ang mga luha ko nang marinig ang boses na iyon pero pinigilan kong mapahikbi. “M-Mom?” But I failed. Dahil may kumawalang mga hikbi sa bibig ko at siguradong napansin iyon ni mommy.
“Zuri? Baby? What’s wrong?” dinig ko ang pag-aalala sa boses niya at hindi ko na napigilang mapahagulgol.
“Mom… I… I w-want to go b-back. I want to go back there to New York.”
Nagpasa ako ng resignation sa e-mail ni Mrs. Gallagher dahil alam kong hindi iyon tatanggapin ni Helios. Nanghinayang siya at ang sabi niya, puwede naman daw akong bumalik kung kailan ko gugustuhin. But I doubted if I would ever go back there. I didn’t want to experience hell on earth again.
Hindi rin naging madali ang buhay ko sa New York. Nang malaman ng mga magulang ko na buntis ako ay tuwang-tuwa sila. Pero hindi ang Ate Zelda ko.
“You acted all high and mighty when you left us and then you’ll come back na isang disgrasyada? Have you no shame?”
Naiintindihan ko kung bakit galit sa akin si Ate Zelda. Dahil… ampon lang ako. Ang totoong nanay ko ay kasambahay ng mga Fitzgerald. Inampon nila ako nang mamatay ang nanay ko. Patay na rin daw ang papa ko.
Pero kahit ganoon ay hindi nila ipinaramdam na iba ako. Maliban na lang kay Ate Zelda. Halos araw-araw ay sinusungitan at pinahihirapan niya ako. Isinusumbat niya sa akin ang lahat ng naitulong ng mga magulang niya. Kaya nga hindi na ako nakatiis noon na umalis na lang sa kanila at pumunta sa Pilipinas para magtrabaho.
Kahit buntis ako ay sinubukan kong magtrabaho. Ayaw nina mommy at daddy pero nagpumilit ako. Ayoko kasing sinusumbatan ako ni Ate Zelda. At gusto ko rin na may sarili akong pera kapag nanganak ako.
Nagbago ang lahat nang ikaanim na buwan ko na at dinugo ako habang nasa trabaho. Mahina raw ang kapit ng bata at hindi dapat ako makaranas ng stress at pagod. Halos hindi na ako makagawa ng mga gawaing-bahay noon. Pati pagligo ay ang mga kasambahay ang gumagawa sa akin.
Nang ipinanganak ko si Summer Frost ay nagbago ang lahat. She was like our angel. Pati ang pakikitungo sa akin ni Ate Zelda ay nagbago. She loved Summer Frost too at kung minsan ay siya na ang nagpapasyal sa anak ko kapag nakararamdam ako ng sakit sa katawan.
Hanggang sa lumipas ang ilang taon. Hindi ko inakala na makikita si Mrs. Gallagher sa New York. She saw Summer Frost na tatlong taon na noon. Unang tingin pa lang ay alam na niyang apo niya ito. Nakiusap akong itago niya ang bagay na iyon kay Helios. Alam ko kasing kukunin ni Helios sa akin ang anak ko. Pumayag naman si Mrs. Gallagher, pero sa kondisyon na babalik ako bilang secretary sa Gallagher Empire at hayaan ko siyang madalaw niya ang kanyang apo.
Noong magkita uli kami ni Helios ay wala na ang dating lupit ng pakikitungo niya sa akin. Hindi na niya ako sinasaktan. Bumalik sa una, noong hindi pa nangyayari ang gabing iyon, ang naging pakikitungo niya.
Pero alam kong mas naging ilag kami sa isa’t isa. Halos iwasan niya ako buong araw pero hindi maaaring hindi kami magkita dahil nga sekretarya niya ako.
At ngayon nga, mag-iisang taon na uli ako bilang sekretarya niya. Maglilimang taon ko na ring itinatago si Summer Frost sa kanya. Almost five years of hiding the billionaire’s daughter.
Pero totoo ngang walang lihim na hindi nabubunyag…
Chapter 5
Nang matapos akong magkuwento ay nakita kong umiiyak na si Jenica. Pinupunasan niya ng panyo ang pisngi at napangiwi ako nang suminga pa siya doon.
“Okay ka lang?” tanong ko pero sinamaan niya ako ng tingin.
“Bakit hindi mo sinabi sa akin?!” tanong din niya at lalo pang umiyak.
Natawa na lang ako. Wala akong sinabihan sa ginawang pananakit sa akin ni Helios. Kahit ang mga magulang ko. Masyadong masakit ang mga dinanas ko at hindi ko kayang balikan pa iyon. Pero hindi ko akalain na maikukuwento ko ang lahat kay Jenica nang hindi umiiyak. Mas gumaan na rin ang pakiramdam ko.
“Masyado kasing masakit pa sa akin noon kaya hindi ko nagawang magkuwento kahit kanino. But I’m glad now. It seems like I’ve already moved on.” Ngumiti ako.
Nagulat ako nang basta-basta na lang tumayo si Jenica at pagbalik ay may hawak nang bread knife.
“Ano’ng gagawin mo riyan?” tanong ko.
“Papatayin ko ang hinayupak na lalaking ’yon! Hayup siya! Matapos niyang magpakasarap sa ’yo, gagano’nin ka niya? Putulin ko ang daks niya, eh!”
Tawa lang ako nang tawa sa sinabi ni Jenica. Galit na galit din kasi ang mukha niya. Ang sarap pala sa feeling na may ganitong kaibigan. Iyong handa kang ipaglaban. I wondered kung noon ko pa kaya ito sinabi kay Jenica, mas naging madali kaya ang buhay ko?
Napatigil kaming dalawa nang tumunog ang cellphone ko. Inilabas ko iyon at tiningnan kung sino ang tumatawag.
Speaking of the devil.
“Sino ’yan?” tanong ni Jenica nang makita ang pagngiwi ko.
“The devil in a business suit,” sagot ko at nakitang wala sa sariling naibaba niya ang bread knife. Tumawa na lang ako at sinagot ang tawag.
“Where are you?” agad na tanong ni Helios kahit hindi pa ako nakakapagsalita.
Tiningnan ko ang relo ko. “I still have forty minutes before my work, Boss,” sabi ko, hindi sinasagot ang tanong niya.
“You’ll go to work today, right?”
Napataas ang kilay ko. Ano na naman ang problema ng lalaking ’to? It was very unusual na hanapin niya ako o tanungin kung papasok ako sa trabaho o hindi.
Hindi kaya uungkatin niya kung sino ang ama ni Summer Frost? O iyong tungkol sa pagkikita namin sa mall noong nakaraan?
Bigla akong kinabahan sa isiping iyon.
“Zuri?” untag niya sa kabilang linya.
Tumikhim ako bago sumagot. “Yes, Boss.”
I heard him sigh. “All right, bring me coffee when you get here.”
Hindi pa man ako nakapagsasalita ay narinig ko na ang dial tone sa kabilang linya.
Binabaan ako? Talk about manners. Mabuti na lang at hindi namana ni Summer Frost ang ugali ng ama niya.
“Ano’ng sabi?” tanong ni Jenica nang itago ko ang phone ko sa bag.
Nagkibit-balikat ako. “Hinahanap ako.”
“Tingin mo may alam na siya?”
Nakita ko ang pag-aalala sa mukha ni Jenica. Napangiti na lang ako. She loved my Summer Frost, too. At sobrang nagpapasalamat ako dahil lumaki man ang anak ko na walang ama, marami namang nagmamahal sa kanya.
“I don’t know. Siguro wala pa. Knowing Helios, hindi ’yan mag-aaksaya ng oras na hanapin ako noon kung alam niyang may anak siya.”
“Ano na’ng plano mo?”
Napatigil ako sa tanong na iyon ni Jenica. Hindi ko na rin kasi alam ang gagawin. Nahahati ang isip ko. Kapag naaalala ko ang mga ginawa sa akin ni Helios noon ay gusto kong itago na lang ang anak ko sa kanya. Ayokong makilala niya ang anak ko. Pero kapag naiisip ko si Summer na lumalaking walang ama, naaawa ako sa anak ko. Alam ko kung ano ang pakiramdam nang walang mga magulang. Kahit naman inampon ako ng mga Fitzgerald, hindi ko pa rin maiwasang maramdaman na may kulang sa pagkatao ko.
“Basta, bading…” sabi ni Jenica kaya tiningnan ko siya. “Nandito lang ako, ha? Kung mag-decide ka man na itago uli si Summer sa ama niya, support pa rin kita. Alam ko namang para sa ikabubuti ni Summer ang magiging desisyon mo.”
Napangiti ako at niyakap siya. “Salamat, Jen.”
Sobrang gaan ng pakiramdam ko pagkalabas ko ng coffee shop ni Jenica. Tama lang ang desisyon ko na sabihin sa kanya ang lahat.
Agad na akong pumunta sa Gallagher Empire. Nang makarating doon ay pumunta muna ako sa pantry at nagtimpla ng kape para sa boss kong ipinaglihi sa dragon.
Kumatok ako nang tatlong beses sa office ni Helios at agad na pumasok kahit hindi pa siya sumasagot. Naabutan ko siyang may kung anong mga papeles na pinipirmahan.
“Here’s your coffee, Boss,” sabi ko at inilagay sa harap niya ang kape.
May kinuha siyang isang kapirasong papel at ibinigay iyon sa akin na agad ko namang kinuha. “Make a report out of that. I need that for the presentation tomorrow.”
“Okay, Boss,” sabi ko pero hindi pa rin niya inaalis ang tingin sa akin. “Is there…” Tumikhim ako. “Is there anything that you need?”
“What’s my schedule for today?” tanong niya at sumandal sa swivel chair pero ang mga mata ay nakatuon pa rin sa akin.
Kinabahan na naman ako. “A-ahm…” Tumikhim uli ako. “You have a lunch meeting with Mr. Dwayne Lovewood. At one thirty PM, you have a business proposal meeting with the Canadian investors. At three PM, you a have meeting with the board of directors.”
“Is that all?”
“Yes, Boss,” sagot ko at huminga nang malalim.
Naghintay pa ako ng iba pa niyang sasabihin pero nanatili lang ang tingin niya sa akin. Kinurot-kurot ako ang mga daliri ko sa kamay para sana maibsan ang kabang nararamdaman ko. Pero bumaba ang tingin niya sa mga kamay ko kaya itinigil ko ang pagkurot at muling tumikhim.
“Is there anything that you need, Boss?” tanong ko pero hindi na nagsalita si Helios at muling tumitig lang sa akin. “If that’s all, I’ll take my leave now,” sabi ko at nagmamadaling tumalikod.
Pero bago ko pa mabuksan ang pinto ay nagsalita siya.
“Summer Frost… Fitzgerald.”
Napatigil ako at agad na humarap sa kanya. Sobra-sobra ang kabang nararamdaman ko at halos himatayin na ako nang sabihin niya ang buong pangalan ng anak ko.
“B-Boss?” nauutal kong sabi. I cursed at myself mentally. Hindi niya dapat mahalata na kinakabahan ako.
“That’s your daughter’s name, right?”
Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili ko pero lalo lang yata akong kinabahan. “Yes, Boss.”
Umigting ang panga ni Helios. Alam kong nagagalit na naman siya. May alam na kaya siya? Does he know the truth already?
“Siguruhin mo lang na nagsasabi ka ng totoo, Zuri,” he said. I shivered at the way he looked at me. “Alam mo naman kung paano ako magalit, ’di ba?”
Tumango ako at dali-daling lumabas ng opisina niya. Naupo ako sa puwesto ko at napasabunot sa sariling buhok.
“Hindi pa niya alam… Hindi pa niya alam… Calm down… Calm down…” paulit-ulit kong sabi para pakalmahin ang sarili ko.
Oh, God. What should I do? What should I do?
Chapter 6
Nakaalis na si Helios para sa lunch meeting niya pero heto ako at nakatulala lang. Tinatapos ko na dapat ang ipinagagawa niyang report pero hindi kasi maalis sa akin ang nangyari kanina.
Alam na ni Helios ang buong pangalan ni Summer. Ibig sabihin ay nag-iimbestiga na nga siya. And sooner or later, malalaman na rin niya kung sino ang totoong ama ni Summer. At hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa oras na mangyari iyon.
Pero siguradong kukunin niya ang anak ko. Alam na alam ko iyon. He would do everything para makuha si Summer. At kahit ipaglaban ko pa ang karapatan ko sa korte, alam kong siya ang mananalo. He was a powerful billionaire. Isang bayad lang niya ay makukuha na niya ang gusto.
At isa lang ang paraang naiisip ko ngayon. And that was to hide his daughter again. Pero kapag nahanap niya kami ni Summer… saka ko na lang poproblemahin ’yon.
Napatalon ako sa gulat nang marinig ang pagtunog ng cellphone ko. Kinuha ko iyon at nagtaka nang makitang si Mrs. Gallagher ang tumatawag.
“Hello, Ma’am?” sabi ko pagkasagot ng tawag.
“Zuri! I’m here at the restaurant near the building. Join me for lunch, hija.”
Napakunot ang noo ko. Hindi ko pa tapos ang ipinagagawa ng boss kong ipinaglihi sa dragon. Baka magalit na naman iyon.
“Ma’am, kasi—” apela ko pero napatigil ako nang magsalita uli siya.
“Don’t worry about my son. I already told him that you’ll have lunch with me. I’ll wait for you, ha? Bye!”
Hindi na ako nakapagsalita nang binabaan niya ako ng tawag. At least napaalam siya bago tinapos ang tawag. Unlike her son.
Ano pa nga ba ang magagawa ko? Maganda na rin siguro ’to para makausap ko si Mrs. Gallagher tungkol sa pinoproblema ko. Baka matulungan niya ako sa pagdedesisyon kung ano ang dapat gawin.
Nagligpit na muna ako ng mga gamit ko sa table bago umalis. Mahirap na. Baka mauna pang makabalik ang boss ko at bugahan na naman ako ng apoy kapag nakitang makalat ang table ko.
Agada ko rin namang nakita si Mrs. Gallagher nang makarating ako sa restaurant. Nag-order muna kami ng pagkain bago niya ako kinausap.
“How are you, hija? I hope na hindi ka pinahihirapan ni Helios sa trabaho?” tanong niya bago sumubo ng pasta.
“I’m fine with my work, Ma’am. Hindi naman ako pinahihirapan ng boss ko.” Hindi katulad dati.
Sumimangot siya. “Zuri, I’ve told you to call me ‘Tita.’ Ikaw ang nanay ng apo ko so stop calling me ‘Ma’am.’”
Napangiwi ako. Ilang beses na kasi niyang sinasabi sa akin na tawagin ko siyang “Tita” pero hindi ko ginagawa. Naiilang kasi ako. I mean, siya pa rin naman ang nanay ng boss ko.
“Sorry, Ma’am. Baka po kasi magtaka si Helios kung bakit ‘Tita’ ang tawag ko sa inyo.”
“The hell with my son!” Nanlaki ang mga mata ko nang murahin niya ang sariling anak. “Huwag mong pansinin ang anak kong ’yon. Basta, I want you to call me ‘Tita.’”
“Okay po, Tita,” I said para lang tumigil na siya.
Napangiti naman siya. “Good.”
Ilang sandali kaming kumain nang tahimik bago uli nagsalita si Mrs. Gallagher.
“How’s Summer, by the way? How’s my adorable apo?”
Napangiti ako nang banggitin niya ang anak ko. Summer was really my happy pill. “’Ayun, cute pa rin,” sabi ko.
Natawa naman si Mrs. Gallagher. “Hades should see her, too! For sure my husband will love Summer, too!” ngiting-ngiting sabi niya pero ako naman ay napangiwi.
Hanggang maaari ay ayoko sanang may makaalam ng tungkol kay Summer. Mas kaunti ang nakaaalam, mas malaki ang chance na maitago ko siya sa ama niya.
Aksidente lang naman ang pagkakadiskubre ni Mrs. Gallagher sa anak ko. Nalaman niyang anak ni Helios ang bata dahil parehong-pareho talaga sila ng mga mata ni Summer. One look at Summer’s eyes and you would know that she was a Gallagher.
Napansin ni Mrs. Gallagher ang pananahimik ko kaya sumeryoso ang mukha niya. “Wala ka ba talagang planong ipaalam kay Helios ang tungkol kay Summer, hija?” tanong niya na ikinagulat ko.
Ngayon lang kasi siya nagtanong ng tungkol sa bagay na ito. Noong ipakiusap ko sa kanya na itago kay Helios ang tungkol kay Summer ay hindi siya nagtanong. Nirerespeto niya ang desisyon ko bilang ina ni Summer at nagpapasalamat ako roon. Pero alam kong gustong-gusto rin niyang malaman kung ano ba talaga ang dahilan ko.
“Hija, hindi sa nangingialam ako sa desisyon mo,” sabi uli ni Mrs. Gallagher nang ilang sandali akong hindi nakapagsalita. “But don’t you think that it’s the right time to let Helios know that he has a daughter? That he’s already a father? Hindi mo rin puwedeng ipagkait kay Summer ang ama niya, hija.”
“I know that, Ma’am—”
“Tita sabi.”
“I know that, Tita,” ulit ko. “Ang totoo nga po niyan, nakita na ni Helios si Summer. Naghinala agad siya. At alam kong pinaiimbestigahan na niya ngayon ang anak ko.”
“Really? And you know that he’ll know the truth soon, right?”
Malungkot akong tumango.
“Ano’ng problema?”
“Natatakot akong baka kunin niya ang anak ko sa ’kin, Tita,” pag-amin ko. “Summer is my everything. Hindi ko po kayang mawala siya sa akin.”
Hinawakan ni Mrs. Gallagher ang kamay ko, pagkatapos ay pinunasan ang mga luha ko sa pisngi. Hindi ko alam na umiiyak na pala ako. “Don’t worry, Zuri. I’m here. I won’t let Helios take away your daughter from you. I’ll help you, okay? Alam kong naghirap ka rin kay Summer.”
Tumango ako. Mabuti na lang at siya ang unang nakadiskubre ng tungkol kay Summer.
Pero handa na nga ba ako? Sigurado na nga ba ako? Paano kung mali si Mrs. Gallagher? Paano kung mailayo pa rin sa akin ni Helios ang anak ko? Wala akong laban. Helios was stronger than me.
I couldn’t take the risk.
“Tita?” sabi ko pagkaraan.
Ngumiti naman si Mrs. Gallagher. “Yes?”
“Can I take a leave from work?” Nakita kong napakunot ang noo niya kaya mabilis kong dinugtungan ang sinabi ko. “Gusto ko lang pong magkaroon ng quality time with my daughter. I know that Helios will know the truth sooner or later. At maghahati na kami sa oras ni Summer kapag nangyari ’yon. I just want—”
“Sure.”
Nagulat ako sa mabilis na pagpayag ng ginang.
“I’ll give you a week. Is that enough?”
Tumango naman ako. Okay. A week away from him.
“All right,” Mrs. Gallagher said. “Pero gusto kong ipaalam mo sa akin kung nasaan kayo, okay? Para kapag gusto kong dalawin ang apo ko ay alam ko kung saan ko kayo pupuntahan. Don’t worry. I won’t tell Helios.”
Napangiti ako at nagpasalamat sa kanya. Hindi ko alam kung bakit napakabait sa akin ni Mrs. Gallagher. Siguro dahil kay Summer? It seemed like Summer was my lucky charm indeed.
Effective na raw today ang leave ko kaya hindi na rin ako bumalik sa opisina. Bahala na ang mga trabahong naiwan ko roon. Naka-leave naman na ako.
I drove my car to Summer’s school at ako na ang sumundo sa kanya. Tuwang-tuwa naman siya nang makita ako paglabas niya.
“Mommy!” sabi niya at nagtatakbo papunta sa akin.
Agad ko siyang binuhat nang makalapit siya.
“You’re here!”
Natawa ako nang sunod-sunod niya akong bigyan ng mga halik sa pisngi. Inayos ko naman ang nagulo niyang buhok dahil sa pagtakbo.
“I thought you have work today?” nakakunot ang noong tanong niya.
Ang cute-cute! “No. Mommy doesn’t have to go to work for a week!” sabi ko na ikinagulat niya.
“Really?! We can go to the mall for a week?!”
Natawa ako. Basta talaga sa galaan ay ang active-active niya!
“Hmm…” sabi kong kunwaring nag-iisip. Hindi ko maiwasang mapangiti nang makita ang hitsura niyang nag-aabang sa sasabihin ko. “How about we go to your grandmom and granddad’s house?”
Lalong nanlaki ang mga mata niya na ikinatawa ko.
“Holy moly,” sabi ni Summer na hindi makapaniwala. “Is that true?! We’ll go to New York and see Grandmom and Granddad?!”
“Yes. Do you want that, baby?”
“Of course, Mommy! I really, really miss them na po kasi, eh. You’re telling the truth, right?! We’ll go to New York, right?” pangungulit pa niya at tawa lang ako nang tawa.
“Yes! Mommy is telling the truth!”
“Yay!” sabi ng anak ko na pumapalakpak pa. “You’re the best, Mommy! I love you million, million and gazillion times!” sabi niya at hinalikan ako nang mariin sa pisngi.
Aww, my heart.
Nagpababa si Summer sa akin at si Yaya Tams naman ang binalingan. “Yaya, yaya! Mommy said we’ll go to New York! I’ll see Grandmom and Granddad again!”
Natatawang napailing na lang ako sa kakulitan ng anak ko. Kinuha ko ang cellphone ko sa bag at agad na tinawagan si Jenica.
“What’s up, bading?” bungad niya.
“Please help me book for the earliest flight to New York tomorrow. For me and Summer.”
Hindi agad nakapagsalita si Jenica sa kabilang linya. Mukhang nabigla sa sinabi ko. “Are you sure?” tanong niya nang makabawi.
“Yes,” walang pag-aalinlangan kong sagot.
“All right,” sabi niya at ibinaba na ang tawag.
Napatingin naman ako sa anak ko na tuwang-tuwang kinukulit pa rin ang yaya niya.
I would do anything for my daughter. I would do everything for my Summer Frost.
And I guessed hiding the billionaire’s daughter game was still on.
Chapter 7
“I can show you the world. Shining, shimmering, splendid. Tell me, princess… nanananana… let your heart decide.”
Napangiti ako nang marinig ang boses ni Summer na kumakanta nang madaanan ko ang kuwarto niya. Binuksan ko iyon at naabutan siyang nag-aayos ng damit na dadalhin para sa flight namin bukas.
Nang pumasok ako ay itinuloy niya ang pagkanta. “I can open your eyes…”
“Take you wonder by wonder. Over sideways and under on a magic carpet ride…” pagkanta ko rin.
“Mommy!” Lumapit sa akin si Summer at nagpakarga. Binuhat ko naman siya at umupo kami sa kama habang sinusuklay ko ang buhok niya gamit ang kamay ko.
“What are you doing, baby?” tanong ko. Naalala ko tuloy noong baby pa siya. Palagi ko siyang kinakarga at kinakantahan para makatulog. Somehow, she really loved the sound of my voice.
“I’m helping you pack my things, Mommy.” Umikot siya paharap sa akin. “Mommy, I’m really excited for tomorrow!”
“You’re excited to leave the Philippines?” pang-aasar ko.
Nag-pout siya. “Yes…” mahina niyang sabi. Natawa ako sa pag-amin niyang iyon. “They always say things about my eyes. Even my classmates. They were always acting like it’s their first time to see people with blue eyes. Poor them,” mataray na sabi niya na may kasama pang pag-irap kaya lalo akong natawa.
“That’s why you love New York kasi there’s a lot of people there who have blue eyes din like yours, right?” sabi ko dahil kilalang-kilala ko ang anak ko.
“Yes, Mommy. Here kasi, they are treating me like an alien when it was them who look like an alien. Hmp!”
Shit lang! Ang taray ng anak ko!
“How about your boss, Mom?” tanong ni Summer pagkaraan.
Natigilan ako.
“Are they treating him like an alien, too?”
Natahimik ako. Mukhang kahit hindi pa alam ni Summer ang totoo ay curious na agad siya kay Helios. Dahil lang magkapareho… ang mga mata nila.
Ano kaya ang mararamdam ni Summer kapag nakikilala niya ang kanyang ama?
“Summer?”
“Yes, Mommy?” sabi niya, nakatuon sa akin ang buong atensiyon.
Napalunok ako. Hindi ko alam kung itatanong ko ang tungkol doon. Was this the right time? O kailangan ko pang maghintay hanggang sa lumaki siya?
“Do you want to meet your father?”
Hindi ko inalis ang mga mata kay Summer nang itanong ko iyon. Nakatingin lang siya sa akin at kinakabahan ako sa isasagot niya.
Kahit kailan, kahit isang beses ay hindi hinanap sa akin ni Summer ang kanyang ama. Hindi siya nagtanong at wala akong ideya kung bakit. Ang alam ko, palaging hinahanap ng mga bata ang mga magulang nila. Kagaya kung paano ko hanapin ang papa ko noong bata ako.
Pero iba si Summer Frost.
Pero kahit ganoon, alam kong nangungulila rin siya sa ama. Nakikita ko kung paano niya tingnan ang mga may kumpletong pamilya kapag namamasyal kami sa mall. And it always breaks my heart.
Tumungo si Summer at pinaglaruan ang mga daliri. “I don’t know, Mommy,” mahinang sabi niya. Ilang sandali pa ay tumingin sa akin. “Do you want me to meet my father?”
Pinigilan kong maiyak. Hindi ko alam kung bakit ibinalik niya sa akin ang tanong. Gusto kong sabihin na ayoko. Ayokong makita o makilala niya ang kanyang ama. Pero alam kong pansariling kagustuhan ko lang ang iniisip ko. Paano naman ang anak ko? I knew that she needed to meet her father.
“Bakit ako ang tinatanong mo, baby?” naiiyak kong tanong at hinaplos ang buhok niya.
“I feel like you don’t want me to meet my father, Mommy. You looked hurt kanina when you asked me. I don’t want you to get hurt.”
Hindi ko na napigilang mapaiyak nang yakapin ako ng anak ko. Kung minsan ay nakalilimutan kong bata lang si Summer kapag kinakausap ko siya. Minsan kasi ay daig pa niya ang matanda kung magsalita.
She’s a genius just like her father.
Bumitaw sa akin si Summer at pinunasan ang mga luha ko. Naiiyak na rin siya pero pinipigilan lang niya.
“Don’t mind about Mommy, baby. Your happiness is my happiness,” sabi ko.
Umiling-iling si Summer at muli akong niyakap. “Your happiness is my happiness too, Mommy. I love you million, million and gazillion times.”
Kinabukasan, maaga pa lang ay nasa airport na kami. Sobrang excited nga ni Summer at hindi na ako nahirapang gisingin siya. Kaya noong nasa loob na kami ng eroplano ay tulog na tulog siya.
The flight took for more than fifteen hours. Kaya nang makababa kami ay pagod na pagod ako. Hindi naman kasi ako nakatulog sa biyahe sa sobrang dami ng iniisip. Pero si Summer, dahil nakatulog, ay ang kulit-kulit.
Ala-una na ng tanghali nang makarating kami sa bahay nina mommy at daddy. Wala sila dahil may party raw na dinaluhan at baka bukas pa makauwi. Si Ate Zelda naman ay nasa trabaho. Ang mga katulong lang ang nandoon. Pinakain ko muna si Summer at ibinilin sa mga kasambahay bago ako natulog dahil sobra talaga ang pagod ko.
Alas-diyes na ng gabi nang magising ako. Tulog na si Summer dahil napagod daw kalalaro. Sakto naman ang pagdating ni Ate Zelda mula sa trabaho at nagulat nang makita ako.
“You didn’t tell me na uuwi ka?” tanong niya at kumuha ng wine sa wine cellar, saka nagsalin sa dalawang baso.
“Binigyan ako ng one week leave.”
“Biglaan naman yata? Where’s Summer?”
“Upstairs. Asleep.”
Iniabot niya sa akin ang isang baso na may lamang wine. Napangiwi ako.
“What’s wrong?” tanong ni Ate Zelda.
Umiling ako. “I just have a very bad memory that includes wine.”
Pumunta kami sa veranda at doon namin ininom ang wine. Paunti-unti ko lang iniinom ang nasa baso habang si Ate Zelda naman ay nakadadalawang baso na.
“He saw Summer.”
Natigilan si Ate Zelda sa pag-inom ng wine. Pero saglit lang iyon, itinuloy niya ang pag-inom at inubos ang laman ng baso.
Hindi ko alam kung bakit ko nasabi iyon kay Ate Zelda. Hindi niya kilala kung sino ang ama ni Summer pero hindi ko na kasi talaga alam ang gagawin at kailangan ko ng makakausap. At siya ang nandito ngayon.
“Kaya ka nandito ngayon,” she said as a matter of fact.
“Hindi ko na kasi talaga alam ang gagawin ko, Ate. Alam kong kukunin niya si Summer sa akin kapag nalaman niya ang totoo.”
Huminga nang malalim si Ate Zelda bago nagsalin uli ng wine at inubos iyon. “Hindi ka na bata, Zuri,” she said. “Ina ka na. You have to be responsible sa mga desisyon mo. Hindi lang para sa iyo kundi para na rin sa anak mo.”
“Ano’ng gagawin ko, Ate?” tanong kong mangiyak-ngiyak na.
“Ano ba’ng gusto mong gawin?”
“I want to hide Summer from her father.”
“Then hide her.”
Napatitig ako kay Ate Zelda.
“If you think that you’re doing this for Summer’s sake, hide her. I have a vacation house at the beach far from here. Kung gusto mo, doon kayo magtago ni Summer.”
Hindi ako nakapagsalita. This was the first time na nagbibigay siya sa akin ng advice. The first time na tutulungan niya ako. And the first time that she acted like a big sister to me.
“I know my mistakes…” pagpapatuloy ni Ate Zelda. “And I’m really sorry for what I’ve done. Gusto kong bumawi sa ’yo kaya tutulungan kita. And I love my pamangkin, too. Kung sa palagay mo ay ikabubuti niya ang gagawin mo, then go.”
Inihatid kami ni Ate Zelda sa sinasabi niyang vacation house. Siya na lang din daw ang bahalang magsabi sa mga magulang namin.
Malaki ang vacation house at may limang kuwarto. Sobrang layo nga nito dahil limang oras ang biniyahe namin papunta rito. Pero ayos na rin dahil may beach naman. Siguradong malilibang kami ni Summer.
I texted Mrs. Gallagher para sabihin kung nasaan kami. Ang sabi niya ay pupunta rin daw siya bukas dahil bigla raw niyang na-miss si Summer.
Kinabukasan, naligo kami ni Summer sa dagat. Nakaisang oras lang kami dahil mabilis mamula ang balat ni Summer kapag nagbababad sa araw.
Nagbanlaw kami sa vacation house at naiwan ang anak ko sa kuwarto dahil maglalaro na lang daw siya habang nagluluto ako ng pananghalian namin.
Halos katatapos ko lang magluto nang marinig na may kumakatok. Siguro ay si Mrs. Gallagher na ito. Nakangiti pa ako nang buksan ang pinto. Pero agad na napawi iyon nang makita kung sino ang kumakatok.
“Boss…?” pigil ang hiningang sabi ko.
Sinuyod ni Helios ng tingin ang loob ng vacation house bago malamig na tumingin sa akin. “Missed me, Zuri?”
“Ano’ng… a-ano’ng ginagawa mo rito?”
Napaatras ako nang inilapit ni Helios ang mukha sa akin pero natigil ang pag-atras ko dahil hinapit niya ang baywang ko. Halos gahibla na lang ang layo ng mukha namin sa isa’t isa.
“Guess…” sabi niya at… amoy na amoy ko ang fresh mint niyang hininga. “… if I’m here because you didn’t finish the report that I need or… you have something that I own?”
Pilit kong iniiwas ang mukha ko sa kanya dahil inilalapit niya ang kanya. “Ano’ng pinagsasasabi mo?” inis na sabi ko pero nawala iyon dahil sa sunod na sinabi niya.
“My daughter… Summer Frost Gallagher, right?”
Chapter 8
Alam na niya. Alam na niyang anak niya si Summer Frost.
Sobra-sobrang kaba ang nararamdaman ko habang nakatingin sa malalamig na mata ni Helios. Naiiyak na ako sa sobrang kaba. Idagdag pa na kitang-kita ang galit niya habang nakatingin sa akin.
“Bakit hindi ka makapagsalita?” mahinang tanong niya pero dinig ang panganib doon.
“Ano… ano ba’ng pinagsasasabi mo? Hindi mo anak si Summer,” pagtanggi ko.
Pero sino ba ang niloko ko? Alam kong hindi siya maniniwala.
At tama nga ako dahil nakita ko ang galit sa mga mata ni Helios. Napaatras ako sa takot na baka saktan uli niya ako. Nang makita niya ang hitsura ko ay marahan niyang binitiwan ang baywang ko bago pumikit at huminga nang malalim.
Nang dumilat siya ay bumalik sa pagiging malamig ang tingin niya. Wala na ang galit.
“How old is she?”
Kalmado ang boses ni Helios nang itanong iyon pero lalo yatang nadagdagan ang kaba ko sa pagiging kalmado niya. Nanginginig na rin ang kamay ko kaya itinago ko iyon sa likuran ko.
“Magpa-five years old, Boss.”
Umigting ang panga niya at nakita ko uli ang pagdaan ng galit sa mga mata niya. Tumingala siya na parang nagtitimpi pero hindi siya nagtagumpay dahil sinigawan niya ako.
“Great!”
Napatalon ako sa pagsigaw na iyon ni Helios. Nangatal ang mga labi ko nang makita ang galit na galit niyang mukha. Sa sobrang kaba ay hindi ko na naiwasan ang pagtulo ng mga luha ko na agad ko rin namang pinunasan.
“You hid my daughter away from me for five years?!” malakas niyang sigaw kaya napahikbi na talaga ako.
“B-Boss… Boss… P-please. ’Wag mo siyang kukunin sa akin. Please… Please, Boss…” humahagulgol na sabi ko. Kulang na lang ay lumuhod ako sa harap niya na handa kong gawin.
For my Summer Frost.
“At ano’ng gusto mong gawin ko? Hayaan kang ilayo sa akin ang anak ko?!”
“Helios! Please… D-don’t take her a-away from me… Please. My Summer Frost. She’s my Summer Frost!”
“She’s my daughter, too! Pero itinago mo siya sa ’kin!”
“Nagawa ko lang naman ’yon kasi alam kong ilalayo mo siya sa akin. Please, Boss. Parang awa mo na.”
“Hell, yeah! You’re right! I’m taking her away from you,” sabi ni Helios at agad na pumasok sa loob ng vacation house pero pinigilan ko ang braso niya.
“Don’t… Please, Boss. Nagmamakaawa ako,” sabi ko at mas hinigpitan ang pagkakakapit sa braso niya para hindi siya tuluyang makapasok.
“Damn you, woman!”
“Why are you shouting at my mommy?!”
Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Summer na nasa ibaba ng hagdan. Nagmartsa siya palapit sa amin at pumagitna sa aming dalawa ni Helios. Nakapamaywang pa na hinarap niya ang lalaki.
Sumulyap muna sa akin ang anak ko at nakasimangot na binalingan si Helios. “You made her cry, too! You’re a very big bad guy!” Ang mas ikinagulat ko ay nang ipagtulakan niya si Helios palabas ng bahay. “Get out! Bad guys are so not allowed inside our house!”
Mukhang natulala rin si Helios sa ginawa ng anak ko dahil para itong maamong tupa na nagpatulak.
I guess I’m wrong. It looks like namana rin ni Summer ang ugali niyang ito sa ama niya.
“I’m… I’m not…” pautal-utal na sabi ni Helios na hindi alam ang gagawin. Namumutla na rin ang mukha niya habang nakatingin kay Summer. Nang bumaling ang mga mata niya sa akin para manghingi ng tulong ay pinigilan kong matawa.
“You’re not what?” mataray na tanong ng anak ko.
“I’m not…” Nakita kong napapikit uli si Helios at huminga nang malalim. “I’m not yelling at your mother.”
“And now you’re lying?! I heard you kaya! You are really a bad guy!”
I saw Helios pinch the bridge of his nose at tumingala na parang nauubusan na ng pasensiya.
Kaya nilapitan ko na ang anak ko.
“Hey, baby,” tawag ko kay Summer na tiningnan ako. “Mommy’s fine. Just leave this to me, okay?”
“But, Mommy. I know inaaway ka ng bad guy na ’to.” Pagkatapos ay matalim niyang tiningnan si Helios.
Hindi ko maiwasang mapangiti. “I’m okay. Just leave this matter to the adults, okay? You have to go upstairs.”
Tinitigan ako ni Summer kaya ngumiti ako sa kanya para malaman niyang okay lang talaga ako. Hindi ko akalain na protective din pala ang anak ko sa akin.
Nag-pout siya bago tumango. “Okay, Mommy,” sabi niya at binalingan si Helios na nakatitig sa kanya. “What are you looking at?” mataray niyang tanong kaya napaiwas ng tingin si Helios at tumingin na lang sa ibaba.
“Go upstairs now, baby.”
Hinila ni Summer ang kamay ko kaya yumuko ako para magpantay ang mga mukha namin. Binulungan niya ako.
“Just tell me, Mommy, kung inaaway ka niya uli. Girl power tayo rito,” sabi niya bago umalis at umakyat sa hagdan.
Natawa naman ako. Napanood kasi niya ang Avengers: Endgame at gustong-gusto niya ang girl power scene doon.
Napawi lang ang ngiti ko nang makita si Helios na masama ang tingin sa akin. Huminga siya nang malalim bago tiningnan ang hagdan na inakyatan ni Summer.
“Is she always like that?” namamangha niyang tanong.
“No. Ngayon ko lang din siya nakitang ganyan. Ngayon lang din niya kasi nakitang may umaaway sa akin,” depensa ko dahil baka isipin ni Helios na hindi ko pinapalaki nang maayos ang anak ko.
Pagsasabihan ko rin mamaya si Summer. Kahit alam kong ginawa lang niya iyon para sa akin at para protektahan ako ay hindi pa rin tama na umasta siya nang ganoon sa mga nakatatanda sa kanya.
“Helios? Son?”
Napatingin kami ni Helios kay Mrs. Gallagher na papalapit sa amin.
“What are you doing here?”
Napakunot ang noo ni Helios habang nakatingin sa nanay niya. “Mom? What are you doing here?”
“Binibisita ko ang apo ko,” simpleng sabi ni Mrs. Gallagher na alam kong ikinagulat ni Helios.
Napangiwi ako.
“You knew?!” he asked na parang hindi makapaniwala.
“Of course.” Mrs. Gallagher looked at her son like he was the most stupid person in the world before she smiled at me. “Hello, hija. I hope you don’t mind if I visit my apo?”
Nagbeso kami ni Mrs. Gallagher at iniwasan kong mapatingin sa gawi ni Helios. Kahit kasi hindi ko siya nakikita ay alam kong parang punyal ang mga mata niya habang nakatingin sa akin.
Mukhang hindi nga sinabi ni Mrs. Gallagher ang lahat ng nalalaman niya kay Helios dahil halata sa hitsura ng lalaki na wala siyang ideya sa mga nangyayari. Nagpapasalamat naman ako kay Mrs. Gallagher dahil ginawa niya ang ipinangako sa akin.
“Lola!” I heard Summer Frost screamed na mukhang narinig ang boses ng lola niya. Nagmamadaling yumakap siya kay Mrs. Gallagher. “I missed you, Lola! Bakit ngayon ka lang pumunta?” sabi ng anak ko na naka-pout pa. Alam kong naglalambing siya kay Mrs. Gallagher.
Kinalong naman siya ng ginang. “I’m so sorry, apo. I have presents naman for you para makabawi sa ’yo ang Lola.” Sinenyasan niya ang mga tauhan na nakatayo sa hindi kalayuan para ipasok na ang mga bitbit nilang hula ko ay mga laruan.
Bago pa man makapasok ang mga tauhan ni Mrs. Gallagher ay pinigilan na ni Helios ang mga ito.
“No,” Helios said habang ang mga mata ay nakatingin lang sa anak ko. Inirapan lang siya ni Summer. “We have to go back to the Philippines.”
Nagulat ako sa sinabi niya pero nakita kong napangisi naman si Mrs. Gallagher. Magpoprotesta na sana ako nang balingan ako ni Helios.
“Including you.”
Chapter 9
“Why don’t we all go inside and talk first?” sabi ni Mrs. Gallagher, saka pumasok sa loob ng vacation house kaya wala kaming nagawa ni Helios kundi ang sumunod sa kanya.
Pinaakyat na muna ni Mrs. Gallagher si Summer sa itaas at nagpaakyat din ng mga laruan para malibang ang anak ko. Naupo si Mrs. Gallagher sa pang-isahang sofa habang kami naman ni Helios ay magkaharap na nakaupo.
Kinabahan ako sa sinabi ni Helios kanina. Gusto niyang umuwi kami sa Pilipinas at gusto niyang kasama ako? Ano ang gagawin niya sa Pilipinas? Tototohanin kaya niya ang sinabi na ilalayo sa akin ang anak ko? Kung ganoon nga ay hindi niya ako mapapapayag na umuwi sa Pilipinas. Magkamatayan na.
“I can’t believe you knew about this, Mom?! At kailan pa?!” tanong ni Helios sa kanyang ina.
Tinaasan lang siya ni Mrs. Gallagher ng kilay at maarteng uminom ng kape. “Two years ago? One year?” kibit-balikat na sabi ng ginang at muling uminom ng kape.
“And you didn’t tell me about this?!”
Naiinis nang binalingan ni Mrs. Gallagher ang anak. Ako naman ay tahimik lang na pinanonood ang dalawa. Hindi ko alam kung magsasalita ba ako o ano dahil parang nakalimutan na nilang nandito ako.
“Son, hindi na ako magtataka kung bakit itinago ni Zuri ang anak n’yo. Sa ugali mong ’yan?”
“Damn,” mahinang bulong ni Helios bago siya galit na bumaling sa akin. “Kukunin ko ang anak ko.”
Kinabahan ako. Mukhang desidido na talaga siyang kunin si Summer sa akin. At alam kong kayang-kaya niyang gawin iyon.
“No… Please, Boss… ’Wag ang anak ko,” sabi ko. Nagsimula na namang magtuluan ang mga luha ko pero agad ko rin iyong pinunasan. Hindi dapat ako magmukhang mahina sa harap niya. Baka lalong hindi niya ibigay sa akin si Summer kapag nakita niyang kayang-kaya niya akong durugin anumang oras.
Mukhang hindi man lang natinag si Helios at mas malamig ang mga matang tiningnan ako. “Don’t worry. I’ll pay you for those five years na pag-aalaga mo sa anak ko. Magkano ba’ng gusto mo? Five million? Ten? One billion? Name it.” Humalukipkip siya at sumandal sa backrest ng sofa.
Nainsulto ako sa sinabi niya. Ano ang akala niya sa anak ko? Laruan? Na puwedeng bilhin basta-basta? Napakasama talaga ng lalaking ’to! Kung puwede lang sana ay hindi na siya makilala ni Summer.
“Hindi ko kailangan ng pera mo,” I said through my gritted teeth. Sa isip ay pinapatay ko na si Helios nang paulit-ulit.
Tumawa siya. Then he smirked at me. “’Di ba ’yon naman ang gusto mo? You planned this. That’s why you entered my room that night, right?”
“Ilang beses ko bang sasabihin bago mo maisaksak sa kukote mo na si Apollo ang nagdala sa akin doon? I was drunk!”
Nagulat ako nang malakas na hampasin ni Helios ang mesa sa harap namin. Galit ang mga mata niyang nakatingin sa akin pero hindi ako nagpatalo at galit din siyang tiningnan.
“You know what? I don’t care,” galit niyang sabi. “We will go back to the Philippines, kukunin ko ang anak ko and I’ll change her surname into Gallagher.”
Helios looked determined at gusto kong maiyak dahil alam kong tototohanin niya ang sinabi. Pero pinigilan ko ang sarili ko.
“Please, Boss… Don’t take her away from me.” Not my Summer Frost. Not my daughter.
“Stop it. Both of you,” sa wakas ay sabi ni Mrs. Gallagher na tahimik lang na nanonood sa amin kanina pa. Ibinaba niya ang tasa at seryoso akong tiningnan. “Zuri, hindi niya kukunin ang anak mo sa ’yo.”
“Mom!” angal ni Helios kaya binalingan siya ng kanyang ina.
“Helios, you will not take the child away from her mother.” Mariin ang bawat salita ni Mrs. Gallagher.
“Pero itinago niya sa akin ang anak ko for five fucking years! You think palalagpasin ko ang ginawa niyang ’yon? I’ll do it my way this time!”
“Okay, Helios. Go on! Try me! Alam mo ang kaya kong gawin, hindi ba? Gusto mong kunin ko ang lahat ng meron ka? I’ll do everything to stop you, son!”
Matagal na nagtagisan ng tingin ang dalawa habang ako ay pinanonood lang sila. Natakot ako dahil parehong ayaw nilang magpatalo at hindi ako makapaniwalang ganito lang tratuhin ni Helios ang kanyang ina.
He’s a devil, huh?
Sa huli ay nagbawi ng tingin si Helios at ako na lang ang tiningnan nang masama.
Si Mrs. Gallagher naman ay seryoso akong tiningnan. Napalunok ako. “Hinayaan kita sa desisyon mong itago si Summer sa anak ko. But now that my son knows the truth, hindi ko na hahayaang ilayo mo sa kanya ang anak niya. You and Summer will live in our mansion. You will live with us,” sabi niya.
Nagulat ako doon. Titira kasama ang mga Gallagher sa iisang bubong? Kasama si Helios?
“Mom!” pag-alma ni Helios na agad ko ring sinundan.
“Mrs. Gallagher, ayoko pong—”
“Choose…” malamig na sabi ni Mrs. Gallagher kaya napatahimik ako. She looked dangerous. Ngayon ay alam ko na kung saan nagmana si Helios. “You will live with us at makakasama mo ang anak mo… or I will let my son take away your daughter from you.”
Naikuyom ko ang mga kamay ko. Mariin na halos magdugo na ang mga palad ko. Alam niya kung ano ang pipiliin ko. I felt trapped. I felt so weak against these two billionaires. Wala akong laban.
Hindi ko alam kung kakayanin ko bang makasama ang mga Gallagher sa iisang bahay. Kasama si Helios. Tuwing naaalala ko ang mga ginawa niya sa akin noon, hindi ko maiwasang matakot at magalit. Baka kasi maulit lang ang dati. Baka saktan uli niya ako.
Pero kung ito ang solusyon para hindi malayo sa akin si Summer, then I would do it. Magtitiis ako para sa anak ko. She was my everything and I would do everything for her.
“Sa bahay po muna kami uuwi pagdating sa Pilipinas—” sabi kong agad pinutol ni Helios.
“No! ’Tapos, ano? You’ll hide her again from me?”
“One night!” frustrated kong sigaw. “Just give me one night para ipaliwanag ang lahat sa anak ko. Ayoko siyang biglain.”
Tinitigan ako ni Helios na parang sinusuri. I didn’t back down. “Just make sure na hindi mo na uli siya itatago sa akin. Because if you do that again, I swear, hinding-hindi mo na makikita ang anak ko.”
Nagtitigan kaming dalawa. Kung nakamamatay lang ang tingin ay pareho na kaming nakabulagta kanina pa. Hindi ko talaga maisip kung ano ang mangyayari sa oras na tumira ako sa kanila. Baka magpatayan lang kami araw-araw.
“Very well,” sabi ni Mrs. Gallagher nang wala nang magsalita sa amin ni Helios. “Pack your things, Zuri. Ngayong araw din tayo babalik ng Pilipinas.”
Maraming tanong sa akin si Summer kung bakit babalik agad kami sa Pilipinas nang hindi pa niya nakikita ang mga magulang ko. Hindi ko nasasagot ang mga tanong niya dahil halos wala ako sa sarili buong biyahe. Mabuti na lang din at pumayag si Mrs. Gallagher na maghiwalay kami ni Helios sa airport. Baka kasi lalo lang dumami ang mga tanong ng anak ko.
Nang makarating sa bahay ay nagpahinga kami agad. Gabi na nang magising ako. Pinuntahan ko si Summer sa kuwarto niya. Naabutan ko siyang nakadapa sa carpeted floor at may kinukulayang coloring book habang kumakanta.
“A whole new world. A dazzling place I never knew…” Then she hummed the next lyrics.
Sumandal muna ako sa hamba ng pinto at tinitigan ang anak ko. Dumating na ang araw na kinatatakutan ko. Ang malaman ni Helios ang tungkol kay Summer at ang sabihin ko sa kanya ang tungkol sa kanyang ama.
“Baby? What are you doing?” tanong ko kahit alam ko na ang ginagawa niya. Lumapit ako sa kanya at nag-Indian sit sa harap niya.
“I want to finish coloring this book, Mommy,” sabi niyang hindi ako tinitingnan at patuloy lang sa pagkukulay.
My Summer Frost. Inaamin ko na pumasok din sa isip ko na ipalaglag siya noon kapag naaalala ko ang mga ginawa sa akin ni Helios. Ayoko na sanang magkaroon ng koneksiyon sa kanya kaya naisip ko ang bagay na iyon. But thank God at hindi ko ginawa. Hindi ko kakayanin ang buhay na wala ang anak ko.
“Baby? What do you think about my boss?” simula ko dahil hindi ko na talaga alam kung paano ipapaliwanag ang lahat.
Saglit lang siyang bumaling sa akin at agad ding itinuloy ang pagkukulay. “Your boss? ’Yong bad guy?”
“Uhh… yes.”
“I hate him, Mommy,” walang pakundangang sabi niya.
Napabuntonghininga na lang ako. “Pero, baby, you two have the same eyes, ’di ba?”
“I still hate him.”
Napakagat-labi ako. Parang mas mahihirapan akong magpaliwanag kay Summer. Kung bakit kasi nakita pa niya ang nangyari sa vacation house. Hindi sana ako mahihirapan kung hindi niya nakita iyon.
“You can’t hate him, baby,” sabi ko.
Napatigil siya sa pagkukulay at nakakunot ang noong tumingin sa akin. “Why? Because he’s your boss?”
“Because he’s your father,” sabi ko na alam kong ikinagulat niya dahil nabitawan niya ang Crayola. Ilang sandali siyang nakatitig sa akin bago muling kumunot ang noo.
“But he’s a bad guy.”
“Baby—”
“Now I know why you don’t want me to meet him, Mommy. Because he’s a bad guy,” sabi niya at muling pinulot ang Crayola, saka ipinagpatuloy ang pagkukulay.
Napabuntonghininga uli ako. This was harder than I thought. Tumatak na sa isip ni Summer ang ginawa ni Helios at alam kong mahihirapan akong alisin iyon.
“Baby, look at me.”
Agad naman siyang sumunod. Itinigil na niya ang pagkukulay at nag-Indian sit na rin sa harap ko.
“Your daddy is not a bad guy. He’s just mad at Mommy kasi itinago kita sa kanya.”
“But he shouldn’t have shouted at you, Mommy,” sabi ni Summer na naka-pout pa.
Napangiti na lang ako. “Don’t worry about Mommy, okay? You should leave these things to the grown-ups. I want you to enjoy being a kid, baby,” sabi ko at hinaplos ang pisngi niya.
“Okay, Mommy.”
“And don’t do that again. I don’t want you to treat your daddy or kahit sino like what you’ve did at the vacation house. You know that’s bad, right?”
“I’m sorry, Mommy…” nakatungong sabi niya.
“No. I want you to say sorry to your daddy tomorrow.”
Tumango si Summer kaya niyakap ko siya. Niyakap din naman niya ako pabalik.
“I hope you’ll stay as my baby forever.”
Pinatulog ko na rin si Summer pagkatapos ng pag-uusap namin. Tabi kaming natulog sa kama niya habang nakayakap siya sa akin at ako naman ay hinahaplos ang buhok niya. I hope we could stay like this forever.
And I hope tomorrow would never come.
Chapter 10
“Mommy, are we going somewhere again?”
Panay ang tanong sa akin ni Summer habang nag-eempake kami. Dadalhin ko na rin kasi ang lahat ng mga gamit niya sa pupuntahan namin.
“Baby, I told you that we’re going to live with your lola and daddy from now on, right?”
“Do we really need to live with them, Mommy?” nakangiwing tanong niya.
Mukhang ayaw talaga ni Summer kay Helios. Hindi maganda ang naging first impression niya sa ama. Kunsabagay, ako rin naman ay ayaw ko sa boss kong iyon na ipinaglihi sa dragon.
Pero hindi dapat nagtatanim ng sama ng loob si Summer sa kanyang ama. Ayokong lumaki siyang may galit sa puso. Hindi iyon makabubuti para sa kanya. Kaya sana ay bumawi si Helios kahit man lang sa anak ko.
Pagkatapos naming mag-empake ay sakto namang pagtunog ng doorbell. Binuksan iyon ni Yaya Tams at sinabing may mga nakaunipormeng lalaki raw sa labas. Iyon na siguro ang maghahatid sa amin papunta sa mansiyon ng mga Gallagher.
Sumakay na kami sa kotse kasama si Yaya Tams. Mabuti at pumayag si Mrs. Gallagher na si Yaya Tams na lang ang maging babysitter ng anak ko. Ayoko kasing kumuha pa kami ng bago at baka manibago si Summer.
Sobra-sobra ang kaba ko nang makapasok na ang kotse sa malaking gate ng mansiyon ng mga Gallagher. Hindi ko alam kung paano pakikisamahan ang mga tao roon. Sina Mrs. Gallagher at Helios lang kasi ang madalas kong makita. Samantalang ang ibang Gallagher ay nakikita ko lang kapag may meeting o hindi kaya ay may formal party silang dinadaluhan at imbitado rin ako.
“Nandito na po tayo, Ma’am,” sabi ng driver kaya agad na kaming bumaba ng anak ko.
“Summer!”
Nakita ko ang mag-asawang Gallagher sa may pinto pa lang ng mansiyon. Mabilis na lumapit si Mrs. Gallagher kay Summer at kinarga ito.
“Lola!” ngiting-ngiting sabi ng anak ko na hinalikan pa sa pisngi ang ginang.
“Is this… is this my granddaughter?” hindi makapaniwalang sabi ni Mr. Hades Gallagher. Nakita kong maluha-luha pa siya.
“Zuri, sila na ang magdadala ng mga gamit n’yo,” sabi sa akin ni Mrs. Gallagher at binalingan si Yaya Tams na tahimik na nakatayo sa tabi ko. “Yaya Tams, go with them. They’ll show you to your room.”
Inilabas ng mga kasambahay ng mga Gallagher ang mga gamit namin sa kotse at ipinasok sa loob ng mansiyon. Sumunod naman si Yaya Tams sa kanila.
Nang pagbaling ko ay napansin kong buhat na si Summer ng lolo nito.
“Lolo, you have the same eyes as mine!” maligayang sabi ng anak ko.
“Ganoon talaga. Malakas ang genes ko, eh,” natatawang sagot naman ni Mr. Gallagher.
Pumasok na sila kaya sumunod na rin ako.
Nakikita kong welcome kami ni Summer sa bahay na ito. Giliw na giliw ang mag-asawa sa anak ko. Alam kong mamahalin din nila si Summer.
“Oh, my gosh! Is that my pamangkin?!”
Napatingin ako nang marinig ang sigaw na iyon. Nakita ko si Artemis na kasama ang kakambal na si Apollo na nakatayo malapit lang sa may pinto na parang hinihintay kami.
“Wow!” sabi ng anak ko at titig na titig kay Artemis. “You look like a goddess.”
“Aww… Thank you,” madramang sabi ni Artemis bago ako binalingan. “Your daughter is so honest, Zuri. You raised her well.”
Nagtawanan kaming lahat.
“Hey…” Napalingon ako kay Apollo na nasa gilid ko na pala. Niyakap niya ako. “Welcome to Gallagher family, Zuri.”
Pagkabitaw niya ay si Artemis naman ang lumapit sa akin at niyakap din ako. “Welcome to our family, Zuri.”
I felt a lump in my throat kaya lumunok ako. Ang babait nila. Si Summer ang totoong Gallagher at ina lang niya ako pero heto sila at wine-welcome rin ako.
I wondered kung bakit naging ganoon ang ugali ni Helios. Ibang-iba sa kanila.
Nagpababa si Summer at lumapit sa amin. Hinarap niya ang kambal ng Gallagher. “Tita Goddess, Tito Handsome, we have the same eye color,” sabi niya at kumurap-kurap pa na parang nagpapa-cute.
Napangiti ako samantalang tumawa naman ang dalawa.
“My gosh! You’re so cute!” nanggigigil na sabi ni Artemis.
“Really? I’m handsome?” nakangisi namang sabi ni Apollo.
Sunod-sunod na tumango si Summer. “Yes! And I’m pretty! Just like my mommy.”
Ilan pang asaran ang nangyari bago kami natahimik dahil nakarinig kami ng isang pagtikhim.
Paglingon ay nakita ko si Helios na guwapong-guwapo sa business suit at may dalang regalo sa isang kamay na siguradong laruan. Ibinigay niya iyon kay Summer.
“Welcome to our house, princess,” he said at lumuhod para magpantay sila ni Summer.
Alanganing tumingin sa akin si Summer at tumango ako. Saka lang niya kinuha ang regalo ng kanyang ama.
“Thank you, Daddy…” mahinang sabi niya pero narinig naming lahat.
At sa kauna-unahang pagkakataon, I saw Helios smile.
“Can I carry you?” tanong ni Helios.
Muling tumingin sa akin si Summer. Nakita ko ang pag-aalangan sa mga mata niya kaya napatingin na rin sa akin si Helios. Pero hindi ko siya tiningnan. Tumango ako kay Summer.
“Okay…” mahinang sabi ni Summer.
Agad itong binuhat ni Helios. “Do you want me to buy you more toys?” tanong niya. Nakita ko ang tuwa sa mga mata niya habang nakatingin sa anak ko.
Umiling lang si Summer. “I have a lot of toys na po,” nakayukong sabi niya.
Napabuntonghininga ako. Mukhang ilag pa rin ang anak ko kay Helios at alam kong napansin din iyon ng lalaki.
“I’m sorry, Daddy…” sabi ni Summer kaya napangiti ako.
“What for?” naguguluhang tanong ni Helios.
“For the way I treated you at the vacation house. I’m sorry…”
Muling napangiti si Helios at hinalikan si Summer sa pisngi.
Nakita ko ang iba na masayang nakatingin sa mag-ama. Maging ako man ay masaya at naramdaman ko na naiiyak na naman ako.
I was happy for my Summer Frost. Sa wakas ay nabuo na rin ang pamilya niya.
“But please, promise me that you won’t yell at Mommy again,” sabi ni Summer na ikinagulat ko.
Napatingin sa akin ang lahat pero sa mga mata lang ako ni Helios nakatingin.
“Yeah… I promise,” sabi niya pero hindi ko makitaan ng anumang emosyon ang kanyang mukha.
Nagpahanda pa pala ng mga pagkain si Mrs. Gallagher para sa pagdating namin ni Summer. Nahihiya nga ako at sinabing hindi naman na kailangang maghanda pa. Pero sabi niya ay maliit na bagay lang naman daw iyon.
Tuwang-tuwa sila kay Summer. Mabuti na lang at marunong makisama sa ibang tao ang anak ko. Alam niya kung ano ang gagawin kahit napakabata pa niya. Mabuti naman at namana niya ang katalinuhan sa kanyang ama.
Si Helios naman ay halos hindi na tanggalin ang tingin kay Summer. Ngayon ko lang siya nakitang may malambot na ekspresyon sa mga mata. Madalas kasi, malamig siya o kaya naman ay palaging galit.
Nang matapos kaming kumain ay tutulong na sana ako sa paghuhugas ng mga plato pero hindi ako hinayaan ni Mrs. Gallagher. Kaya pumunta na lang ako sa kuwarto namin ni Summer para sana ayusin ang mga gamit pero inayos na rin pala ng mga kasambahay. Inayos ko na lang ang mga laruan ni Summer para kapag hinanap niya sa akin ay alam ko kung saan iyon nakalagay.
Nang matapos ay lalabas na sana ako ng kuwarto pero napatigil nang makita si Helios na nakasandal sa hamba ng pinto at malamig na nakatitig sa akin. My whole body was shouting danger pero hindi ako nagpahalatang natatakot.
Baka kasi saktan na naman niya ako.
“Are you happy now?” tanong niya pagkatapos ng ilang sandaling nakatitig lang sa akin.
“Ano?” tanong ko rin dahil hindi ko naintindihan kung para saan ang tanong niya.
Pumasok si Helios sa kuwarto at unti-unting naglakad palapit sa akin. Sa bawat paglapit niya ay napapaatras ako hanggang sa naramdaman ko na ang pader sa likod ko.
“This is what you want, right?” Idiniin ni Helios ang katawan sa akin.
Ako naman ay pilit siyang itinutulak pero hindi sapat ang lakas ko. “Ano ba’ng—”
“Ano’ng susunod mong kukunin? Ang Gallagher Empire? You filthy slut.”
Pinigilan kong mapasigaw nang hablutin n’ya ang buhok ko. Kinagat ko ang labi ko para makalimutan ang sakit. Sobrang sakit na parang mapupunit na ang anit ko. Napahikbi ako.
“’Yan… Diyan ka magaling. Acting like a fucking damsel in distress. Nagpaanak ka sa akin para makuha ang pera namin, hindi ba? But remember this, bitch.” Dumiin ang pagkagat ko sa labi ko. Nalasahan ko na ang dugo doon nang higpitan pa niya ang kapit sa buhok ko. “Kay Summer ko lang ibibigay ang lahat. Only to my daughter. Wala kang makukuha sa akin na kahit ano.”
“Mommy? Where are you?”
Nanlaki ang mga mata ko nang marinig si Summer na hinahanap ako. Pilit kong itinutulak si Helios pero mas hinigpitan lang niya ang hawak sa buhok ko. Pakiramdam ko ay nagdurugo na ang anit ko.
“I promise my daughter not to yell at you. But I didn’t promise her not to hurt you,” sabi niya bago ako marahas na binitawan at lumabas na ng kuwartong iyon.
Pagkaalis ni Helios ay agad na bumuhos ang mga luha ko. Tinakpan ko ang bibig ko dahil may kumawalang hikbi roon. Nanatali ako sa ganoong posisyon bago kumalma. Inayos ko muna ang sarili ko bago lumabas ng kuwarto at hinanap si Summer.
I guess kailangan kong tiisin ang pananakit ni Helios para sa anak ko.
Chapter 11
“Where are you going?” tanong ni Mrs. Gallagher nang makita akong nakabihis. Naabutan ko ang buong pamilya na nag-aalmusal.
Napatingin ako kay Helios na patuloy lang sa pagkain at walang pakialam sa presensiya ko. Wala sa sariling napahawak ako sa buhok ko. “Uhmm… Papasok na po sa trabaho.”
“Oh, no,” problemadong sabi ni Mrs. Gallagher. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila paupo sa bakanteng upuan, sa tabi ni Helios. “You don’t have to go to work from now on. Just take care of Summer na lang.”
“Hala, hindi po puwede, Ma’am,” nabibigla kong sagot. “Kailangan ko pong magtrabaho para may panggastos po ako sa anak ko.”
“Kami na ang bahala sa mga gastusin n’yo ng apo ko,” simpleng sabi ni Mr. Gallagher na parang sagot na iyon sa lahat.
Umiling-iling ako. “Hindi po puwede ’yon. Pinatira n’yo na po kami rito sa pamamahay n’yo nang walang hinihinging kapalit. The least I can do is to give my daughter all that she needs using my own money.”
Napakabait nila sa akin at ayoko namang abusuhin iyon. Isa pa, nasanay ako na nagtatrabaho para maibigay ang lahat ng gusto ng anak ko.
“Hija…” tawag sa akin ni Mrs. Gallagher at hinawakan ang kamay ko. “You’re not alone anymore. Nandiyan na si Helios na ama ni Summer. And we’re also here to help you sa pagpapalaki sa anak n’yo. Hindi mo na kailangang solohin ang lahat.”
“Mommy is right, Zuri,” singit ni Artemis sa amin. “We’ll help you raise your daughter. You’re our family na rin and family members help each other, right?”
Napangiti ako sa kabutihan nilang lahat. Ang saya-saya ko na ganito ang pamilyang kalalakihan ni Summer. Full of love and support. Hindi katulad dati na ako lang ang lagi niyang kasama.
Wala sa sariling napatingin ako kay Helios. Nakita ko siyang nakatulala sa pagkain, umigting ang panga at galit ang mga mata. At alam kong hindi niya nagugustuhan ang mga nangyayari.
Naalala ko ang mga sinabi niya kagabi. Ang akala niya ay pera ang habol ko sa kanila. Kayang-kaya kong palakihin si Summer nang mag-isa kahit wala ang pera nila. Hindi ba na-realize ni Helios na kung totoo ang hinala niya, eh, di sana, noong nasa sinapupunan ko pa lang si Summer ay naghabol na ako sa pera niya? Itinago ko pa nga ang anak ko sa kanya, ’di ba?
Seriously? Hindi ko alam kung anong utak meron siya. Genius ba talaga ang taong ’to?
Umiling ako sa kagustuhan ni Mrs. Gallagher. “Sorry, Ma’am, pero gusto ko po talagang ipagpatuloy ang pagtatrabaho ko.”
“Let her be, Mom,” sabi ni Apollo at kumindat sa akin. “Hindi n’yo talaga mapipilit si Zuri. And besides, you know our company needs an efficient secretary like her, right?”
Ilang sandaling nakasimangot sa akin si Mrs. Gallagher bago bumuntong-hininga.
“All right. But you still don’t have to go to work today, Zuri. You’re on your leave, right?” sabi niya.
Tumango ako. Oo nga pala, may four days pang natitira sa leave ko.
“Mommy!”
Napatingin kaming lahat kay Summer na tumatakbo papunta sa amin. Nakasuot na siya ng school uniform.
Binati muna niya ng good morning na may kasamang halik sa pisngi ang lahat ng tao sa mesang iyon. Nang si Helios na ang babatiin niya ay nakatungo siya at mabilis lang ang ginawang paghalik bago masayang bumaling sa akin.
“Mommy!” Nawala ang ngiti ni Summer nang makita ang suot ko. “You have work? But I want you to take me to school, Mommy.” Pagkatapos ay nag-pout pa siya.
Nakangiti ang lahat ng nasa mesa.
Hindi ko naman mapigilan na kurutin ang pisngi niya. “Mommy doesn’t have wor—” sabi ko pero natigil iyon nang magsalita si Helios.
“How about I’ll take you to school?”
Pareho kaming natigilan ni Summer sa sinabing iyon ni Helios. Alanganing tumingin sa akin si Summer kaya napatingin din sa akin si Helios pero walang mababakas na emosyon sa mga mata niya.
“Mommy?” tawag sa akin ni Summer na hinihintay ang sagot ko.
Napatingin ako sa mag-ama. Hindi man maganda ang pakikitungo sa akin ni Helios pero alam kong gusto niyang maging mabuting ama kay Summer. Nakikita ko iyon. Iyon lang din naman ang gusto ko. Ang makabawi siya sa anak ko.
“I’m sorry, baby, but I have work today. Your daddy will take you to school na lang. I promise I’ll do it some other time,” sabi ko at hinalikan siya sa pisngi.
Ganoon ang naging eksena namin sa mga nagdaang araw. Si Helios ang naghahatid kay Summer at hindi na ako sumasama. Iniiwasan ko rin kasi siya. Halos magkulong na lang ako sa kuwarto namin ni Summer kapag nasa bahay si Helios. Mabuti na lang at hindi nagtatanong ang iba kung bakit iwas na iwas ako sa kanya.
Pero alam kong hindi ko rin naman siya magagawang iwasan kapag nakabalik na ako sa trabaho. Kaya nang dumating ang huling araw ng leave ko ay kinakabahan na ako para sa mangyayari bukas.
Sinulit naman nina Mr. and Mrs. Gallagher ang oras ng anak ko. Kaya kahit last day na ng leave ko at kasama ko dapat si Summer ay nandoon siya sa mall at namamasyal kasama ang lolo at lola niya. Si Artemis ay may lakad samantalang si Helios ay pumasok sa trabaho kaya kaming dalawa lang ni Apollo ang naiwan noong araw na iyon.
Nagulat ako nang kumatok siya sa kuwarto namin ni Summer at may dalang wine na agad kong tinanggihan.
“Oh. Yeah, right. How insensitive of me,” natatawang sabi niya at inilipag na lang sa bedside table ang wine. Pati siya ay hindi na rin uminom.
Natahimik kami ni Apollo. Pareho kaming nakaupo sa kama. Hindi ko alam kung bakit nandito siya pero hindi naman ako naiilang sa kanya. Kapag kasi nagkikita kami dati ay madalas niya akong kausapin. Sobrang friendly niya kaya palagay ang loob ko sa kanya. Iyon nga lang, alam kong playboy ang isang ito.
“I’m sorry,” maya-maya ay sabi niya na ikinabigla ko. Wala naman kasi akong naaalalang may atraso siya sa akin.
“Para saan?”
“Noong una talaga, nagtataka ako kung paano kayo nagkaanak ni Kuya. I mean, kilala kita. Kapag trabaho, trabaho lang kaya nagtaka talaga ako. But then, I heard na nabuo si Summer doon sa charity ball five years ago.”
Natahimik ako. Kahit naman ako ay hindi makapaniwalang magkakaanak kay Helios.
“I feel like kasalanan ko ang lahat,” sabi ni Apollo at nahihiyang napakamot sa batok. “Pero, promise! Sinabi ko talaga kay Kuya na nandoon ka sa kuwarto niya. Hindi ko alam kung bakit pumasok pa rin siya roon.”
Umiling ako. There was no use looking back on the past now. Ang mahalaga ay ang ngayon kung saan kasama ko si Summer.
“Wala kang kasalanan. Isa pa, I’ve never treated my daughter as a mistake.”
Muli kaming natahimik. Hanggang sa magsalita uli si Apollo.
“Nahirapan ka ba?” curious na tanong niya.
Iyon lang ang itinanong niya pero naiintindihan ko kung para saan iyon.
“Noong una. Kamuntikan pa ngang malaglag si Summer noong ipinagbubuntis ko,” pagkukuwento ko. “Pero tinulungan ako nina Mommy at Daddy pati na rin ng ate ko sa pag-aalaga kay Summer.”
“Thank you for taking care of my niece,” sabi niya at napangiti ako. “And thank you for being a strong mother.”
Niyakap ako ni Apollo. Iniwasan kong mapaiyak. Ngayon lang may nagpasalamat sa akin para sa pagiging malakas kong ina. Ginawa ko lang ang lahat para kay Summer. Dahil mahal na mahal ko ang anak ko.
Napabitaw kaming dalawa nang tumunog ang cellphone ni Apollo. May kinausap siya saglit. At nang ibinaba niya ang tawag ay nagpaalam siya sa akin na may pupuntahan daw.
“Alam mo na. Hindi ako nakatatanggi kapag magandang babae na ang usapan,” sabi ni Apollo na ikinatawa ko.
Naiwan akong mag-isa sa kuwarto. Nag-isip-isip ako. Alam kong hindi dapat ako nasasaktan. I didn’t deserve those slaps and pain that I received from Helios. Pero para sa anak ko, titiisin ko.
Hindi ko alam kung gaano na ako katagal sa puwestong iyon nang maramdamang may nakatingin sa akin.
Pag-angat ko ng tingin ay nakita ko si Helios na nakasandal sa may hamba ng pinto. Agad akong napatayo nang lumapit siya sa akin at galit na galit ang mga mata.
“You realized na hindi mo makukuha ang loob ko kaya ang kapatid ko naman ang nilalandi mo?”
“Ano ba’ng pinagsasasabi mo?” kinakabahan kong tanong.
Napatili ako nang hawakan ni Helios ang dalawang balikat ko at malakas akong isinandal sa pader. Napaigik ako nang tumama ang likod ko roon.
“YOU. ARE. A. FUCKING. GOLD. DIGGER. SLUT!” sigaw niya at sinakal ang leeg ko.
Nag-uunahang tumulo ang mga luha ko. Ilang araw ko siyang pilit na iniiwasan para hindi niya ako masaktan pero heto siya ngayon.
God. What have I done to deserve this? Minahal ko lang naman ang anak ko, ah?
Pilit kong itinutulak si Helios dahil kinakapos na ako ng hininga. Nang hindi siya matinag ay hindi ko na napigilan at malakas siyang sinampal.
“Ano na naman bang kasalanan ko sa ’yo?!” sigaw ko. Hirap na hirap ako at humikhikbi na ako. “Hindi ako gold digger! Hayup ka!”
“You bitch!” sigaw niya at malakas akong sinampal.
Halos namanhid ang buong mukha ko dahil doon. Pero hindi ako nagpapigil at masama siyang tiningnan. “Itinago ko sa ’yo ang anak ko dahil sa mga naranasan ko noon sa ’yo! Ayoko nang magkita pa tayo uli pero ano’ng magagawa ko?! Nandiyan si Summer at ayokong mahiwalay sa kanya! Hindi mo ba naisip na kung pera nga ang habol ko sa inyo, eh, di sana hindi na ako nagtago sa ’yong tanga ka!”
“TUMAHIMIK KA NA!”
“Alam mo, ang suwerte ni Carmilla.” Nakita ko na mas namula ang mukha ni Helios sa galit nang banggitin ko ang ex-fiancée niya pero bakit ako titigil? Sawang-sawa na ako sa mga pananakit niya. “Ang suwerte niya na hindi natuloy ang kasal n’yo. Dahil kung sakali, makapapangasawa siya ng halimaw! Demonyo ka! Demonyo!”
Napapikit ako nang itinaas ni Helios ang kamay para sana sampalin uli ako pero natigil iyon nang marinig namin ang boses ni Summer.
“Mommy!”
Nanlamig ang buong katawan ko. Agad na lumapit sa akin si Summer habang umiiyak. Niyakap niya ako, pagkatapos ay bumitaw at pinagpapalo sa baywang si Helios.
“Bad ka! Bad ka!” sigaw ni Summer habang umiiyak. Lalong lumakas ang paghikbi ko. “I hate you! I hate you! You’re a bad guy! I hate you!”
Agad akong lumuhod at niyakap si Summer para pigilan ang ginagawa niya. Mahigpit ko siyang niyakap at umiyak ako nang umiyak.
“I hate you! I hate you!” sabi ni Summer na humihikbi na rin at pilit na kumakawala sa yakap ko.
Hinagod ko ang likod niya. “Sshh… Sshh… It’s Mommy. Sshh…”
“Don’t hurt my mommy! Don’t hurt my mommy!”
Patuloy lang ako sa paghikbi habang yakap ang anak ko na umiiyak pa rin. Kinagat ko ang ibabang labi ko para mapigilan ang paghagulhol habang pilit siyang pinapakalma.
“It’s Mommy, baby. Sshh…”
“Don’t hurt my mommy! I hate you!”
“What’s happening here?” tanong ni Mrs. Gallagher na mukhang narinig ang nangyari. Kasama niya ang asawa niya na nakatingin sa aming tatlo.
Hindi ko sila pinansin at patuloy na hinahagod ang likod ng anak ko.
“Helios?” tawag ni Mr. Gallagher sa anak niya na mukhang doon lang natauhan sa pagkakatulala.
Walang sabi-sabing lumabas na lang si Helios ng kuwartong iyon.
Narinig ko ang mga tanong ng mag-asawang Gallagher pero hindi ko sila sinagot.
God. Please help me.
Chapter 12
Hirap na hirap akong pakalmahin si Summer kanina. Halos hindi na siya tumigil sa kaiiyak. Kinabahan pa nga ako dahil halos hindi na siya makahinga. Kumalma lang siya nang sabihin kong umalis na ang kanyang ama.
Alam kong na-trauma siya dahil sa nakita. Simula kanina ay hindi na talaga siya bumitaw ng yakap sa akin. Takot na takot siya. Hindi niya dapat nakita ang ginawa sa akin ni Helios. I knew that scene would haunt her for life.
Panay ang tanong sa akin ng mag-asawang Gallagher kung ano ang nangyari kanina. Sinabi ko na lang na nagtatalo kami ni Helios at naabutan kami ni Summer. Sinabi kong ayaw ni Summer na may nang-aaway sa akin kaya umiyak ito. Mabuti naman at naniwala sila.
Magkatabi kami ngayon ni Summer sa kama. Nakaunan siya sa dibdib ko at nakayakap sa baywang ko. Kumakanta ako habang sinusuklay ang buhok niya. Kanina ko pa siya hinehele pero nanatili lang siyang gising. Natatakot tuloy ako na baka mapuyat siya, lalo pa at may pasok siya bukas.
“Does he always hurt you, Mommy?” sa wakas ay tanong ni Summer. Hindi kasi siya nagsasalita mula pa kanina.
Napabuntonghininga ako. Ibig sabihin ay hindi talaga naalis sa isip ng anak ko ang nakita niya. At hindi ko alam ang gagawin para makalimutan niya iyon.
I just wanted her to stay like an innocent kid. I wanted her to enjoy her childhood life.
“No…” pagsisinungaling ko.
Nag-angat siya ng tingin at sumimangot. “You’re lying.”
“Am not,” depensa ko.
Hindi naman sa ipinagtatanggol ko si Helios. Ayoko lang na nagtatanim ng galit sa puso ang anak ko. Lalo pa at ang bata-bata pa niya. Hindi maganda kung makararamdam siya ng galit sa puso sa edad niyang ito.
“I hate him.”
“Baby…”
“Sana hindi na lang siya ang naging daddy ko.”
“Summer Frost!” saway ko sa kanya. Hindi talaga maganda ang naidulot ng nakita niya kanina. “Baby, that’s bad. He’s still your father.”
“I don’t need a daddy. Enough ka na sa akin, Mommy.”
Napabuntonghininga na lang ako. Mukhang hindi gagana ang paliwanag ko ngayon kung sariwa pa sa utak ni Summer ang mga nangyari kanina. Baka kapag nagpumilit ako ay lalo lang siyang hindi makatulog. I would just talk to her tomorrow.
Kinantahan ko na lang uli siya.
Ang totoo niyan ay gusto ko nang umalis sa bahay na ito. Gusto kong maulit ang mga panahon na kami lang dalawa ni Summer ang magkasama. Pero alam kong malabo nang mangyari iyon. Dahil oras na umalis kami ay hahanapin din naman kami ni Helios.
Kaya niyang baliktarin ang mundo para lang mahanap kami at kunin si Summer sa akin. Kaya hanggang kaya ko ay magtitiis ako. Para lang sa anak ko.
Nang masigurong tulog na si Summer ay saka lang ako bumangon at bumaba sa kusina para uminom ng tubig. Naubos kasi yata ang tubig ko sa katawan kaiiyak kanina.
Nang madaanan ko ang kuwarto ni Helios ay mukhang walang tao roon. Sobrang tahimik kasi. Pero wala naman akong pakialam sa kanya kaya dumeretso na ako.
Madilim na ang buong bahay nang makababa ako sa kusina. Tulog na siguro ang lahat. Halos maubos ko ang isang pitsel ng tubig sa sobrang uhaw. Kaya pala sinisinok din ako kanina.
Napalingon ako sa pinto nang marinig ang pagbukas niyon. Nakita ko si Helios na kadarating lang. Naka-blue long sleeve polo siya at bukas ang unang dalawang butones n’on. He was holding his coat and his hair looked disheveled.
Dahan-dahan akong umatras pero huli na dahil nakita niya ako. Nagmamadali ako sa pag-alis sa kusina at aakyat na sana ng hagdan pero pinigilan niya ang kamay ko. Agad akong kinabahan at nagpumiglas sa pagkakahawak niya.
“Hey… Sshh… I won’t hurt you,” marahang sabi ni Helios.
Nakita kong namumungay ang mga mata niya. “Are you drunk?” wala sa sarili kong tanong.
“Yeah…” sabi niya.
Naamoy ko nga ang alak sa kanya.
Bumaba ang tingin ni Helios sa leeg ko. Tinitigan niya iyon nang ilang segundo bago umangat ang kamay niya. Napapikit ako dahil akala ko ay sasaktan na naman niya ako. Pero naramdaman kong hinahaplos niya ang parte ng leeg ko kung saan nagmarka ang kanyang kamay.
“Does it hurt?” tanong pa niya.
Nag-iwas lang ako ng tingin. Ano sa palagay niya? Hindi masakit? Eh, nakita na nga niyang may pasa, magtatanong pa siya?
Nataranta ako nang unti-unting lumapit ang mukha ni Helios sa akin. Sinubukan kong lumayo pero hinapit niya palapit ang baywang ko. His head went down to my neck and he started planting small kisses there. Pipigilan ko na sana nang magsalita siya.
“I’m sorry…”
Naestatwa naman ako. Ano raw? Tama ba iyong narinig ko? Nagso-sorry siya sa akin? Ang taong ’to, nagso-sorry sa akin? Imposible.
“I’m sorry,” ulit niya.
Nawindang na talaga ako. Hindi ko inaaasahan na maririnig ko sa kanya ang mga katagang iyon.
The devil in a business suit was saying sorry to me. Gusto kong matawa.
Itinulak ko si Helios. “Lasing ka lang,” sabi ko at tinalikuran siya.
Pero nakaiisang hakbang pa lang ako paakyat ng hagdan nang may marinig na kumalabog. Paglingon ay nakita ko si Helios na nakahiga na sa sahig.
“Help me up,” sabi pa ng demonyo.
Iiwan ko na sana siya pero baka maalala niya ito kinabukasan at saktan na naman ako. Wala akong nagawa kundi tulungan siyang tumayo at alalayan paakyat ng hagdan.
Halos mapamura ako sa bigat ni Helios. Ang tangkad din naman kasi ng lalaking ito, ’tapos magpapaalalay sa akin? Ang sarap ihulog sa hagdan.
“Walanghiya kang lalaki ka. Ihulog kita riyan, eh,” hinihingal kong sabi nang makarating kami sa itaas. Pareho kaming napasandal sa pader.
He let out a sexy laugh and then he pinned me to the wall.
Bumalik ang kaba ko. Naalala ko ang nangyari kanina nang malakas niya akong isinandal sa pader. Masakit pa rin ang likod ko at baka hindi ko na makaya kung sasaktan pa uli niya ako.
But instead, he softly caressed my cheeks. His rough hands felt so good against my skin. Idinikit din niya ang noo sa noo ko.
What the hell is happening with this devil?
“Do you hate me?” tanong niya.
I could smell his manly breath mixed with alcohol. Pinigilan kong mapapikit.
Gaga ka, Zuri. Baka nakalilimutan mong sinaktan ka lang naman niyan kanina.
“Do you hate me?” ulit niya.
Tumango ako. “Yes.”
Mga ilang segundong hindi nagsalita si Helios bago ko siya nakitang ngumiti. He gave me a genuine smile.
“Don’t worry, babaguhin natin ’yan,” sabi niya bago ako hinalikan sa noo at naglakad papasok sa kuwarto niya.
Ako naman ay naiwang nakatayo roon at nakatanga. Hindi makapaniwala sa nangyari.
Bumabait pala ito kapag nakainom ng alak?
Matatandaan pa kaya niya bukas ang nangyari ngayon?
Chapter 13
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 14
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 15
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 16: A Father’s Day Special
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 17
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 18
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 19
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 20
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 21
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 22
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 23
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 24
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 25
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 26
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 27
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 28
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 29
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 30
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 31
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 32
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 33
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 34
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 35
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 36
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 37
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 38
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 39
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 40
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 41
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 42
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 43
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 44
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 45
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 46
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 47
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 48
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 49
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 50
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Epilogue
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Extra Chapter
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Special Chapter - Summer and Helios
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Special Chapter - The Husband
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Special Chapter - Summer Frost Gallagher
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Special Chapter - The Bachelor Party
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Special Chapter - Zrain and Helios
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Special Chapter - The Gallagher Siblings
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.


