loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
HILING -Christmas Special (boyxboy)- Completed

HILING -Christmas Special (boyxboy)- Completed

YorTzekai · 18 chapters · 29,148 words

HILING -Boyxboy

NOTE : This is my advance christmas gift for all of you. Ito ay Boyxboy Christmas special na magtatapos sa mismong araw ng pasko.


Sa lahat ng holiday sa buong taon,pasko ang pinaka ayaw ko. Hindi ako naniniwala sa pasko. Bakit hindi? Iyon ang araw na binawian ng buhay ang mga magulang ko. Iyon din ang araw na natuklasan kong niloloko ako ng kasintahan ko. Mula nun,mag isa na ako,inalis ko na sa sistema ko ang pasko at lahat ng may kinalaman sa pasko. Pero may nagpabago ng paniniwala ko,isang bata,na nagsabing,pag nakumpleto mo daw ang siyam na simbang gabi ay matutupad ang hiling mo. Hiling,ano nga ba ang dapat hilingin ng isang gaya ko? Ako si Lime at ito ang kwento ng pasko ko.

Wish # 1

“Lime,anong balak mo teh ngayong pasko? December one na bukas.” tanong sa akin ng kaibigan kong si Prem,isa ding bading na gaya ko. One year pa lang kaming nagkakilala nung mapadpad ako dito sa lugar nila.

Bumuntong hininga ako saka sumagot. Hindi ko kayang icelebrate ang pasko. Para sa akin,wala yung kwenta,yon ang araw na nagsimulang masira ang buhay ko.

“Wala. Hindi ko alam ang pasko na yan. Huwag na nating pag usapan.” walang emosyon kong sagot. Masakit pa din para sa akin,magdadalawang taon na mula ng maganap yon. Hindi pa talaga ako nakaka move on.

“Haay,kung sana may magagawa ako teh,pero ang tangi ko lang magagawa ay damayan ka.” aniya at hinawakan ang kamay ko,bakas sa mukha nya ang pag aalala kaya nginitian ko sya.

“You dont need to worry Prem. Kaya ko sarili ko. Humihinga pa naman ako at tuloy pa buhay ko.” ani ko at ininum ang juice.

“Eh sya? Nagparamdam na ba sya?”

“I dont want to talk about him.” sagot ko. Pag na aalala ko talaga,parang bago lang,parang kahapon lang nangyari ang lahat,sariwang sariwa pa sa akin.

“Haay! O sige,uuwi na muna ako. Baka hinahanap na ako. Text ka lang pag may kailangan ka ah? Bye teh!” anito,tumayo na at lumabas sa apartment na inuupahan ko. Ang hirap mamuhay mag isa,pero kailangan kong kayanin. Sa ngayon ay may trabaho ako,isa akong call center agent at grave yard ang shift ko.

Napag pasyahan kong umakyat muna sa kwarto ko para mag siyesta. Pagkahiga ko pa lamang sa kama ay hindi ko maiwasang balikan ang nakaraan,ang mapait kong nakaraan.

“Lime! Wala ka bang gala anak?” tanong ni Papa habang nagdidilig ng mga halaman namin,maaga kasi talaga kaming nagigising.

“Wala po Pa! Gusto mo ako na magdilig dyan? Tulungan mo na lamang si Mama sa kusina.” sagot ko at lumapit.

“Mabuti pa nga,salamat anak.” naka ngiting sabi ni Papa at ini abot sa akin ang hose. Nagsimula na akong magdilig habang kumakanta kanta pa.

Ako nga pala si Climencio Arturo, palayaw ko ay Lime, pronounced as Lay-me pwede ding Lime lang,nineteen years old. Kaka-graduate ko lang ng college at pahinga muna ako ng isang taon. Pumayag naman sina Mama at Papa para daw maramdaman ko naman ang mahabang bakasyon since puro aral lang ako ng mga nakaraang taon.

“Good morning beautiful!” napatingin ako sa nagsalita. Ang gwapo naming kapitbahay na si Kline Rivas. Mula nang lumipat sila dito sa lugar namin,tatlong taon na ang nakakaraan ay naging malapit na kami sa isa’t isa.

“Good morning din. San ang punta? Ang aga mo ata?” ang pagsagot ko naman.

“Mag iikot lang sa buong village,alam mo na,exercise for healthy living.” nakangiti nyang sabi. Tiningnan ko sya,naka sando lang sya,may maliit na towel sa kanang balikat at maiksi ang short. Confident si mokong,kaya nya naman dalhin ang sarili nya eh.

“That’s good! Malay mo,may makilala kang chix!”

“Hahaha! Sana nga,pero sad to say,naka ilang jogging na ako pero wala pa din akong nakikilala.” nakangiti nyang sabi. Sus! Sa gwapo nyang iyan,imposibleng wala,I doubt.

“Meron yan! O sige na! Humayo ka na at para matapos na din ako. Ang daldal mo eh!” sabi ko na lang.

“Okay! See you around Lime!” pagpapa alam nya at umalis na. Thankful talaga ako na hindi tulad ng iba si Kline na huhusgahan ka dahil isa kang binabae. Ang sabi nya sa akin,para sa kanya,babae ang turing nya sa mga gaya ko,parang babae din na dapat igalang at irespeto.

Respeto,ang pinakamataas na kayang ibigay ng isang tao sa mga kagaya ko. And Im glad,kahit hindi ko hingiin ito ay nakakamit ko.

Pinatay ko na ang gripo at niligpit ang hose,ewan ko lang kung hindi mamulaklak ng bongga yang mga orchids namin at mga gumamela.

Pagkapasok ko sa loob ay nakahanda na ang almusal kaya dumulog na ako sa hapag.

“Natagalan ka ata sa pagdidilig Lime?” ani Papa habang hinahalo ang kape nya.

“Dumaan po kasi si Kline,nakipag kwentuhan saglit.” nakangiti kong sagot habang naglalagay ng kanin at ulam sa plato ko.

“Gwapong bata iyon,kaso mukhang wala pa ding girlfriend.” pagsingit ni Mama na kakatapos lang lagyan ng kanin at ulam ang plato ni Papa. Napangiti ako,ang sweet pa din nila sa isa’t isa. Nag ngitian pa.

“Searching nga po yon eh,kaya panay ang jogging,baka may makita o makasalubong sa village.” sabi ko at tumawa.

“Ganon? Edi ipakilala mo sa mga kilala mong babae? Hindi pa ba nya nakikilala mga tropa mo?” ani Mama. Umiling ako bilang sagot.

“Sa tinagal tagal ng pumupunta ng mga kaibigan mo dito,hindi mo pa sila naipapakilala kay Kline?” ani naman ni Papa.

“Tuwing nandito sila eh wala naman si Kline,hindi ko makita sa paligid. Pero pag nakita sya ng mga kaibigan ko,Im sure mag aagawan ang mga yon.” sagot ko at tumawa. Matapos nun ay pinagpatuloy na namin ang pagkain at nagkwentuhan lang about random things.

KRIIING KRIIING KRIIING!

Napa balikwas ako ng bangon. Grabe,napapanaginipan ko pa din lahat. Tiningnan ko ang paligid. Madilim na pala,napahaba ang siyesta ko. Kinuha ko ang phone sa bed side table at pinatay ang alarm. 8PM na pala,9PM ang call time ko hanggang 6AM. Nakaka bangag talaga.

Tamad akong tumayo,binuhay ang ilaw at kinuha ang tuwalya sa likod ng pinto at bumaba na para maligo. Sa totoo lang,nawawalan na ako ng drive sa trabaho,bukod sa puyat ka na,ma i-stress ka pa sa mga costumer na wala ng ibang ginawa kundi ang sigawan ka,malaki nga ang sweldo,madali ka namang mamamatay. Whats the use?

Alam ko na,mag reresign ako next week at maghahanap na lamang ng ibang trabaho. Tutal may record na ako na nagkatrabaho,hindi na siguro ako mahihirapan pa.

Matapos maligo ay nagbihis na ako. Napatingin ako sa repleksyon ko sa salamin habang sinusuklay ko ang buhok kong lampas tenga na. Malaki na pala talaga pinagbago ko.

Pagkalabas ng apartment ay saka ako nakaramdam ng gutom. Makadaan nga muna sa isang fastfood at makapag take out. Hindi ako pwedeng ma-late,tutuksuhin ako ng team mates ko at papagalitan ako ng Team Leader namin.

Nang makapag take out ay nag abang na ako ng jeep na masasakyan. Napatingin ako sa paligid,madami din talaga ang tulad ko na sa gabi ang buhay,iba iba nga lang kami ng trabaho.

“Kung kailan naghahabol sa oras saka walang jeep? Pag nag taxi aksaya naman sa pera.” bulong ko sa sarili at nagpalinga linga pa.

“Tonton! Anong balak mo sa pasko?” napatingin ako sa nagsalita,may dalawang bata na mukhang kalalabas lang din ng fastfood na pinang galingan ko.

“Malayo pa ang pasko Balok,pero balak kong sumama kina ate at kuya pag may misa de gallo na.” sagot nung tinawag na Tonton. Ewan,nacurious ako sa dalawang bata kung ano ba ang pasko para sa kanila. Usually ang mga bata,regalo at pera ang gusto pag pasko.

“Ano yon?” inosenteng tanong nung balok.

“Simbang gabi. Siyam na gabi kang magsisimba,pwedeng gabi at pwedeng madaling araw hanggang magpasko yon.” sagot nung Tonton. Napaisip ako,december na nga pala talaga bukas. Nararamdaman ko na naman ang sakit.

“Ay ganon? Anong mapapala don?”

“Pag nakumpleto mo ang siyam na simbang gabi,pwede kang humiling at matutupad daw ito.”

“Talaga? Sama ako sayo pag nag simba na kayo. Ano ba hihilingin mo Tonton?”

“Hihilingin ko? Na sana,kung nasan man sina Mama at Papa ay maging masaya na sila.” sagot nung Tonton at tumingin sa langit.

Nanikip ang dibdib ko. Parang may kung anong nakabara sa lalamunan ko. Masyadong tumama sa puso ko ang usapan nila. Bakit ang batang iyon madali nyang natanggap? Ako hanggang ngayon nagdudusa pa din.

“Sa mismong araw ba ng pasko hi-hiling Tonton?”

“Oo Tonton. Sa pasko mismo,yun ang huling simbang gabi,pagkatapos ay magsasalo salo na ang pamilya para ipagdiwang ang pasko.”

Hindi ko na namalayang tumulo na pala ang mga luha ko. Sana katulad ako ng mga batang ito. Sana maramdaman ko ang pasko,pero parang hindi ko talaga kaya.

Totoo kaya iyon? Pag nakumpleto mo ang simbang gabi ay pwede kang humiling at maaaring matupad?

Totoo kaya ang hiling?

Wish # 2

“That would be all sir? Thank you for calling our costumer care service.” end call. Yan ang last call ko for today. Im so tired,stressed and sleepy.

Ni log out ko na ang aking Avaya. Maya maya ay lumapit na ang TL namin,si sir Monnet.

“Ikaw ang pinaka maraming narecieve na calls,at maganda ang feedback sayo Lime,malaki posibilidad na ma promote ka.” nakangiting sabi nito. Gwapo si sir Monnet,may asawa at isang anak,mabaet ngunit istriktong TL. Pero hindi ko na binibigyang pansin ang mga gwapo at mga lalaking malapit o lumalapit sa akin. Isinara ko na kasi ang puso ko mula ng maganap ang trahedya.

“Thank you sir. But I think hindi na kailangang ma-promote ako. Im resigning by next week with my resignation letter.” nakangiti ko ding sabi ng humarap ako sa kanya matapos ma shutdown ang computer.

Biglang kumunot ang mga noo nito at halata ang pagtataka. “And why is that?”

“Personal reason Sir. Uhm if you’ll excuse me,I have to go. Bye.” nakangiti kong sabi at saka umalis. Nang marating ko ang locker room ay nandun ang mga ka team mates ko.

“Lime,sama ka sa amin,magkape muna tayo. May bagong branch ang Cafe Sonata dyan sa tapat.” ang alok sakin ni Mia.

“Nako,yon ba yung pinagkaka adikan nyo ngayon?” sabi ko habang kinukuha ang gamit at phone sa locker.

“Yup! Matagal ko ng nadidinig yon eh,sikat sa ibang lugar,may kapartner pa nga yon na Cafe Sonatina na sa mga Malls naman nakapwesto.” si Japoy ang sumagot.

“May love story daw kasi sa likod nun kung bakit naimbento ang Cafe Sonata,nung araw daw may gwapong lalaki na blah blah…” at nagsimula ng dumaldal si Babat kaya nagtawanan na kami. “And last,pamangkin daw nung mga yon yung manager dyan. Long lost pamangkin kumbaga at sya na nga ata ang may ari,matanda na kasi yung mga original na may ari, at gwapo dun yun ah?”

“Bunganga mo talaga Babat parang pwet ng manok. So Lime,sama ka pa ba pagkatapos mong malaman ang history ng coffee shop na yon?” sabi naman ni Ully.

Tiningnan ko ang oras sa phone ko,mag 7AM na. “I think next time na lang. Napahaba ang usapan natin at talagang antok na ako. See you guys later!”

Ng makalabas ako sa building mainit na ang sinag ng araw. Ayoko ng lalo mahapo dahil dun kaya no choice ulit ako kundi ang mag taxi. Pagkasakay ay nahagip ng mga mata ko yung bago nga Coffee shop,and true,mukhang mabenta nga.

[NOTE - If you’ll notice,nababanggit din sa mga nakaraan kong story ang Cafe Sonata at Cafe Sonatina,pero ngayon lang natin makikilala ang mga taong naka dikit ang buhay dito.]

Nang makarating sa bahay ay sobrang hapong hapo na ako. Ngayon ko na pinagsisisihan kung bakit itong trabaho na ito ang pinasok ko. Ito ata ang papatay sa akin. Kaya kahit gutom na gutom na ako ay pinalipas ko na lang at dumiretso na sa kwarto ko. Pagpasok pa lang nakita ko na ang kalendaryo,nasa November pa din ito. Lumapit ako,bumuntong hininga at inilipat na sa December.

Today is December one,at malapit na naman ako sa araw na ayaw kong dumating. Inihagis ko na lang ang katawan ko sa kama,pumikit. Pero naalala ko na naman yung dalawang bata.

“Simbang gabi,hiling,pasko. Bakit madaming excited na dumating kayo?”


“Lime! Bumaba ka dyan! May bisita ka!” katok ni Mama sa pinto ng kwarto ko. Grabe,ang aga pa ah? At sino namang bisita? Wala akong kakilala na dadalaw ngayong araw.

“Opo Ma! Saglit lang!” sagot ko at bumaba na sa kama. Dinig ko pa ang mga yabag ng mga paa ni Mama palayo. Pumasok na ako sa banyo at ginawa ang mga morning rituals ko. Nang masatisfied na ay nagbihis na ako ng damit saka bumaba.

“LIIIMEEE!!” biglang sigaw ng isang babae na nagpatigil sa akin sa pagbaba sa hagdan. Tinitigan ko pa ito dahil hindi ko agad nakilala.

“Marine?” ang gulat kong sabi at tumuloy na sa pagbaba at nilapitan ito.

“Yesss! Its me! How are you? Na miss kita baklaaa!” anito at niyakap ako kaya yumakap na din ako. She used to be my closest friend way back in high school.

“Teka,akala ko nasa Canada kayo?” taka kong tanong ng kumalas kami sa yakapan,niyaya ko syang maupo sa sofa.

“Yup! But my parents decided na bumalik dito. Hindi din kasi talaga hiyang ang mga kapatid ko dun.” nakangiti nitong sagot. Mas lalo ata syang gumanda ngayon. Siguro ang daming lalaking nababaliw sa kanya.

“Lime,Marine dito muna kayo. Mamalengke lang kami para sa almusal natin.” ani Papa. Tiningnan ko ang wall clock, mag a-alas sais pa lang ng umaga!

“Huwag kayong aalis ah?” dagdag pa ni Mama. Sumang ayon lang kami ni Marine at lumabas na sila.

“Bakit ang aga mo mambulabog? Gusto mong kape?” pagkuwa’y sabi ko.

“Pasensya na. Nasanay sa oras sa ibang bansa. And no,ayoko ng kape,ayokong mapuno ng nerbyos sa katawan,hintayin na lang natin sila. Teka,kamusta ka na ulit? Lalo kang naging bongga,nagka boyfriend ka na ba? Nung high school kasi patay malisya kang bakla ka.” mahabang sabi nito na ikinatawa ko.

True enough,may mga nagkaka gusto ‘daw’ sa akin nung high school at college pero hindi ko pinapansin,wala kasi sa isip ko ang pag-ibig at pakikipag relasyon,at nakatatak sa utak ko na pag interesado sayo ang isang lalaki,may dalawang rason,ang pagtripan ka o perahan ka,at ayaw kong mapasali sa mga kalahi kong naisahan ng mga mapang abusong nilalang,never!.

“Im doing good,pahinga muna ako ng dalawang taon then maghahanap na ng trabaho. At tungkol dyan sa boyfriend na yan,NBSB pa din,ewan ko ba. Parang ayoko,eh ikaw ang kamusta?” sagot at balik tanong ko at niyakap ang throw pillow,medyo inaantok na ulit kasi ako.

“Well me,maganda pa din,and as of now,kakarating lang namin dito sa Pinas last week,and Im auditioning for La Beau’s next Top Model.” nagnining-ning ang mga matang sagot nya.

“Wow maganda yan! Matutupad na ang pangarap mo! Hindi ka na sa covered walk rarampa pag nagkataon! Susuportahan kita dyan!” masaya kong sabi. Matagal na kasing trip ng babaeng ito ang maging model.

“Baliw ka!” natatawang sabi nya ng bigla ako hinampas ng throw pillow.

“Tao po?! Lime? Tito? Tita!”

Huh? Boses ni Kline yon ah? Isa pa tong early bird eh,magja-jogging na siguro. “Marine dyan ka muna,may tao sa labas.”

“Okay bakla!” lumabas na ako,at nandun nga si Kline,nakangiting naghihintay.

“Oh bakit Kline? Kailangan mo ng kausap bago mag jogging?” ani ko ng makalapit at lumabas na din. Ang bango naman ng natural masculine scent nya,at ang gwapo talaga nya kahit nakapang bahay lang.

“Good morning beautiful!” nakangising sabi nito. Halos maningkit na mga mata ni gago,pati mga mata nya ngumingiti.

“Tse! O,ano nga?” sabi ko at pinamewangan sya.

“Umalis sina Mom and Dad,kaya naisipan kong mangapit bahay muna. Ayos lang ba sa inyo nina Tito at Tita na dyan muna ako sa inyo hanggang mamayang gabi?” nakangiting sabi nito ngunit nahihiya,napaka genuine ng pagkakahawak nya sa batok nya. He’s really handsome in the real essence of that word.

“Yun lang ba? Sus! Walang kaso! Ay teka halika na sa loob,dumating yung kaibigan kong babae galing Canada,ipapakilala kita,diba searching ka?” sabi ko at hinila na sya papasok sa bakuran.

“Haha ikaw talaga,ginawa mo na atang misyon ang hanapan ako ng magiging girlfriend. Nandyan ba sina Tito at Tita?” anito habang naglalakad kami papunta sa main door.

“Namalengke para sa agahan natin. At saka ano ka ba?! Alam kong kailangan mo ng magmamahal sayo. Eh sakto nandito ang kaibigan ko,edi problem solved.” sagot ko at pumasok na kami. Nakapikit si Marine na nakasandal sa sofa pero agad ding nagdilat ng mga mata ng maramdaman siguro kami.

Kitang kita ko kung paano sila ni Kline nagkatitigan,para bang nag uusap ang mga mata nila. Hindi ako nagkamali,magugustuhan nga nila ang isa’t isa.

“Uhm,Marine sya si Kline, Kline sya si Marine.” pagpapakilala ko sa dalawa. Kitang kita agad ang affection nila. Well,magaling pala akong match maker,yan na lang kaya gawin kong trabaho?

At hanggang dumating sina Mama at Papa at mag agahan kami,nakikita ko yung mga palihim na sulyapan ng dalawa. Nakakakilig! Ng matapos kaming mag almusal ay nagpresinta akong maghugas at maglinis ng mga pinagkainan namin,sina Mama at Papa ay naghanda na sa pagpasok sa trabaho,sina Kline at Marine ay nasa labas,getting to know ang nagaganap.

Nang matapos ako ay sinundan ko sila sa labas pero wala na silang dalawa. Nasan ang mga yon?

Baka nag ikot ikot dito sa village. Yaan na nga,babalik naman yung mga yon eh. At saka mainam na yon para mas makilala nila ang isa’t isa at mabubuhay sila ng Happily ever after,at dahil iyon sa akin haha!.

Winalis ko na lang ang harapan ng bahay at buong bakuran saka diniligan ang aming mga orchids at gumamela. Nang matapos ay natripan ko namang ang buong bahay ang linisin since wala naman akong ginagawa,might as well maglinis na lang hanggang wala pang tao.

Saktong alas dose ay dumating sina Kline at Marine,katatapos ko lang mag saing at mag prito ng galunggong. Parehong ang lawak ng mga ngiti nila kaya nginitian ko din sila at niyaya ng mananghalian. Sila lang ang nag uusap at parang sobrang close na nila. Pansin ko din na mas malalagkit na ang mga tinginan nila,ang bilis mag level up.

“Kami na maghuhugas at maglilinis Lime.” sabi ni Kline ng matapos ang pananghalian.

“Saka mukhang pagod na pagod ka bakla,ano bang ginawa mo?” pagsegunda ni Marine.

“Naglinis kasi ako ng buong bahay nung wala kayo. Sige,magpahinga lang ako sa kwarto,katukin nyo lang ako ah?” ani ko at naglakad na papunta sa kwarto ko.

Wala pang sampung minuto ng makaramdam ako ng pagka uhaw,paglabas ko pa lang ng kwarto ay may nadidinig na akong mga bulungan kaya nagpasya akong pakinggan ito. Galing sa kusina!

Hindi pa ba sila tapos maghugas ng plato? Pinuntahan ko sila pero nagulat ako sa naabutan. Kaya agad akong nagtago. Naghuhugas si Marine ng mga plato,nasa likod nya si Kline at iginagalaw ang balakang na parang nakikipag sex. Kinabahan ako at agad na bumalik sa kwarto ko.

Anong nangyari? Ang bilis naman ata? At bakit parang sanay na sanay si Marine? At si Kline. I cant imagine. Na turn off ako sa kanilang dalawa. Hindi ko na tuloy alam kung paano ko sila papakisamahan ngayon dahil sa nakita ko.


Agad akong napadilat ng mga mata. Automatic na napatingin ako sa cellphone ko, alas dose y medya na ng tanghali. Makapag tanghalian na nga.

Habang nasa labas at naglalakad papunta sa bilihan ng mga ulam ay hindi ko maiwasang maisip ang nakaraan ulit. Hanggang panaginip ko kasama ito,bakit parang video player na nag rewind at nagsimula ulit na bumabalik ang mga pangyayari sa nakaraan na pilit kong iniiwasan.

Nakabili na ako ng kanin at ulam,naglalakad na ako pabalik sa apartment ng parang may mapansin akong pamilyar na tao sa harapan ng apartment. Lumingon ako sa paligid at ibinalik ko ang tingin sa apartment. Wala na ito.

Sino sya?

Wish # 3

December 2,2013 –

“C’mon Lime! Huwag ng umarti teh! Ito ang first time na makakasama ka sa amin sa Cafe Sonata!” paghila sa akin ni Babat. Minsan hindi ko maiwasang isipin kung bakit naaadik sa kape ang mga ito,eh yon ang malakas maka high blood at makapag pa-nerbyos.

“Ito na nga eh! Sasama na!” naka nguso kong sabi. Nagtawanan lang naman sila. Sa totoo lang malapit ako dito sa mga ka team ko,pero nanatiling tikom ang bibig ko pag nagtatanong sila ng mga tungkol sa akin. Pa misteryoso effect pa daw ako. Eh sa ganon talaga,kay Prem pa lang ako nakaka pag open up. Sa ngayon,sya pa lamang ang hinayaan kong ibang tao na muling pumasok sa buhay ko.

“Im glad sumama ka na din sa amin.” ani Ully.

“Makakatikim ka na din ng kape.” sabat naman ni Japoy.

“Kinaladkad nyo na ako eh,may magagawa pa ba ako? Might as well makipag chikahan na lang over coffee bago mamahinga.” naka ngiti kong sagot. Nakalabas na kami ng building,at tanaw ko na ang pinagmamalaki nilang coffee shop.

“Tama yan teh,para ma adik ka na din sa kape gaya namin.” ani naman ni Mia bago kami tumawid.

Ng makapasok sa cafe sonata ay namangha ako,maganda ang ambiance,may piano sa bandang gitna,at ang mga uniforms ng mga crew ay cute mapa babae man o lalaki,madami na ding customer,na Im sure mga tulad naming caljak center agents o di kaya ay mga pang gabi ang trabaho o papasok pa lang sa trabaho.

Agad kaming nakahanap ng magandang pwesto,tiningnan ko ang wall clock nila na may design na mga puso at musical notes, 6:45AM na pala. Muli kong ibinaling ang tingin sa mga kasama ko na ngayon ay pare parehong nakalabas ang mga cellphones,ipad,tablet at nagpipi-pindot.

“Magkakape tayo o magtetext kayo hanggang sa mag uwian?” taka kong tanong.

“Were not texting,nag i-internet kami. Alam mo naman bawal sa work.” sagot ni Mia.

“At maganda ang Wifi connection nila. Mataas ang kalidad,kaya dinadayo din ito.” dagdag ni Babat. Literal akong napanganga dahil dun.

“Seriously? Pumunta kayo dito para maki wifi?”

“Uhm excuse po mga Maam and Sir. Ano po mga order nyo.” biglang pagsingit ng isang crew kaya nabalewala ang sinabi ko. Nagkanya kanya na sila ng order. Nagkibit balikat na lamang ako at napangiti,sadyang baliw nga ang mga ito,no wonder nag click ang samahan nila.

Nasa kaligitnaan kami ng pagkain ng cake,paghigop ng kape at pag uusap ng may magsalita.

“Good morning mga mahal kong sonatinians. Para naman ma relax kayo ay tutugtugan ko kayo at kakantahan. Para din ito sa grupo nina Pareng Ully at Japoy,at mukhang may bagong recruit sila sa kanilang grupo.” sabi ng isang gwapong lalaki na nakatayo sa harap ng piano. Tumutok ang tingin nito sa akin,at ewan nakaramdam ako ng kakaiba at agad akong nag iwas ng tingin. “Sa mga bagong dating,Im Khins Villaflor,owner of this branch. At ito na po ang handog ko para sa inyo.”

“My gaaadd ang gwapo nya talaga.” kinikilig na sabi ni Babat.

“Im so proud na medyo close na natin sya.” kinikilig ding dagdag ni Mia.

Ako naman speechless,nag thumbs up sina Japoy at Ully dun sa Khins. At ng magsimula itong tumugtog,parang gusto ko na lamang umiyak at umuwi.

~ I was wrong when I hurt you.

But did you have to hurt me too

Did you think revenge will make

it better?

I don’t care about the past I just want our love to last

There’s a way to bring us back

together

Chorus:

I must forgive you

You must forgive me too If we wanna try to put things

back

The way they used to be

’cause there’s no sense in going

over and over

The same things as before So let’s not bring the past up

anymore ~

“Sobrang thank you talaga Lime! Dahil sayo ang saya saya ko. Si Kline na talaga ang para sa akin.” masayang sabi ni Marine ng pumunta ulit dito sa amin. Isang linggo na ata sila ni Kline,at ngayon nga,dito nya hinihintay sa labas ng bahay namin si Kline,ayon kasi dito kay Marine eh umalis daw.

“Wala yon. Atleast ngayon mas happy ka na diba? At saka simpleng tulong lang yon.” nakangiti kong sagot. Kahit papano kasi nawala yung ilang ko sa kanila nung nakita ko sila dati. Normal na siguro yon sa ngayon,nabigla lang siguro ako.

“Kaya nga eh,basta salamat talaga. Imagine,kahit one week pa lang kami sobra na nya akong napapaligaya.”

NAPAPALIGAYA. Nagkakaroon na tuloy ito ng double meaning sa akin.

“Matagal na kasing searching yang si Kline,kaya ikaw ang naisip ko. Ang galing ko no?” nakangisi kong sabi.

“Hindi lang magaling. Magaling na magaling,your the best!” anito at yumakap pa sa akin.

“Nang uto ka pa.”

“Magandang araw mga nag gagandahang binibini,lalo na sa pinakamamahal kong si Marine.” nakangiting sabi ni Kline habang naka dungaw sa bakod namin. Agad naman tumayo si Marine at hinalikan ito. Ako naman ay natulala,bakit parang mas gwapo si Kline ngayon? At saka bakit parang kumirot ang dibdib ko ng maghalikan sila? Ano ito?

“O sya Lime,maiwan ka na namin,daan ulit ako dito bago umuwi.” ani Marine at lumabas na,agad naman syang inakbayan ni Kline at naglakad na sila papunta kina Kline. Ewan ko,sa kauna unahang pagkakataon,nainis ako kay Kline,nainis ako dahil ni hindi man lang nya ako pinansin.

Busangot ang mukhang pumasok ako sa loob ng bahay,mabuti na lamang at nasa trabaho pa sina Mama at Papa.

Dahil sa wala naman akong magawa. Nagdesisyon na lang ako na mag movie marathon. Pero anak ng maligno naman,hindi na mawala sa isipan ko si Kline. Hindi na mawala ang inis ko. Ano ba nangyayari sa akin?.

At ang kinalabasan,wala akong naintindihan sa pelikulang pinanood ko. Hanggang sumapit na lang ang hapon at marinig ko ang pagtawag ni Marine sa akin mula sa labas.

“Lime! Pano,uuwi na ako ah? See you ulit!” ani Marine habang nakangiting naka akbay sa kanya si Kline.

“Sige! Ingat ka! Text text na lang ah? Tas,balitaan mo ako sa pag audition mo sa La Beau.” ang sagot ko na lang at iniiwasang tingnan si Kline.

“Sige! Babush!” at umalis na nga sila.

“Dito na muna ako sa labas,mamaya na ako magsasaing.” ang sabi ko na lang sa sarili ko at lumabas muna,naupo sa gutter at nagmuni muni.

“Oh ganda? Bakit nandyan ka?” mayamaya’y sabi ng isang boses. Si Kline,naglalakad na palapit.

“Nagpapa hangin lang bago ako mag saing.” sagot ko at ibinaling ang tingin sa katapat na bahay. Naramdaman ko na lang na tumabi sya sa akin.

“Alam mo sa tingin ko Lime,dapat kitang ilibre.” ani Kline kaya nilingon ko sya. Nakatingin syang nakangiti sa akin.

“Huh? Para saan naman?” taka kong tanong. At ewan ko na naman ba sa sarili ko,yung kaninang inis ko kay Kline ay biglang naglaho.

“Ehhh kaaassseeee..” aniya saka umakbay sakin. Lalo ko tuloy sya naamoy,ang bango ng loko kahit walang gamit na pabango. “Dahil sayo,masaya na ako. Ibinigay mo sa akin ang babaeng kukompleto sa buhay ko.” dagdag pa nya.

“Sus! Kahit hindi na. Ang importante,masaya ka,masaya si Marine.” sagot ko at nag iwas ng tingin. Nakakailang,ngayon lang kami nagkalapit ng ganito. Iba pala ang pakiramdam.

“Masaya ka ba para sa akin Lime?” biglang seryosong sabi nito.

“Hmmn.. Oo naman! Masaya ako.”

“Then, edi magsaya na tayo! Tara!” nakangiti nyang sabi at tumayo. Hinila ako ngunit nawalan ako ng panimbang kaya tumumba ako,pero agad naman nya akong nasalo at pareho kaming bumagsak sa kalsada. Nagtama ang ang mga labi namin ng hindi sinasadya.

“K-Kline! S-sorry!”


“Hoy! Kanina pa nakalahad kamay ni Khins oh!” pagpukaw sa akin ni Babat. Shit lang,grabe ang pag space out ko,ni hindi ko man lang namalayang tapos na yung pag piano at pagkanta at ngayon nga nandito na sa table namin yung Khins at nakikipag kilala.

“Ahm.. Im sorry,may bigla lang akong naisip. Uhm,Im Lime.” ang natataranta kong sabi at tinanggap ang kamay nitong nakalahad.

“Nice meeting you Lime. Im Khins,first time kitang nakit–”

“Im sorry Khins,Im sorry guys! Kailangan ko ng umuwi,mag 9AM na pala. Sige,kita kits ulit!” ang pagputol ko dun sa sasabihin nung Khins. Agad na akong umalis at kumaway na lamang sa kanila palabas ng Cafe Sonata.

“Baklaaaaaaa!!!” agad na sigaw at salubong sa akin ni Prem ng makababa ako ng trycicle sa tapat ng compound namin.

“Bunganga mo! Kung maka sigaw ka! Huwag mong tanggalin ang antok ko.” ani ko ng makalapit na sya ng tuluyan.

“Eto naman! Alam kong puyat ka,pero Im sure,after mong marinig ang mga sasabihin ko, hindi ka na makakapag desisyon kung matutulog ka pa ba o hindi.” anito na tuwang tuwa pa kaya pinagsalubungan ko sya ng kilay,sumabay naman sya sa paglalakad.

“Oh ano naman yan? Sabihin mo na. Gusto ko na talaga matulog bakla ka.” sabi ko na lang.

“You won’t believe this,pero may lalaking gwapo na naghahanap sayo kanina,mga 10 minutes pa lang ang nakakalipas. Kaya nga excited akong nagsisigaw pagkababa mo pa lamang sa trycicle.” aniya.

Saglit akong napaisip kung sino iyon. Hindi naman pwedeng si Japoy o Ully yon dahil kasama ko sila kanina,at wala na akong ibang kilalang lalaki maliban na sa mga kapitbahay namin.

Hindi muna ako sumagot,pumasok na ako sa bakuran ng apartment na inuupahan ko,kinuha ko ang susi saka ipinasok sa seradura bago nagsalita. “Oh,ano daw ang sabi? Ano daw kailangan nya at sino daw sya?”

“Basta hinahanap ka,ang sabi k–shit! Ayan na sya teh,bumalik pala sya.”

“Huh? Anong bumali–” hindi ko na natuloy ang sasabihin ko,parang may bumara sa lalamunan ko. Nagsimulang magrigodon ang puso ko at manginig ang tuhod ko. Hanggang sa maramdaman ko na lang na parang basa na ang pisngi ko.

“Lime,can we talk?” ang boses nya. Walang pagbabago,pati sa itsura nya. Pero hindi na nito maiaalis ang galit na matagal ko ng kinimkim sa dibdib ko.

“Ah eh,teh huwag kang umiyak dyan! Uhm mabuti siguro sa loob kayo mag usap at aalis na ako. Sige,babush!” ani Prem at nagmamadali ng umalis. Muli kong ibinaling ang pansin sa lalaking dahilan kung bakit ako nagdudusa,kung bakit ako naging miserable. Hindi ko na mapigilan ang panginginig ko dahil sa sobrang galit.

“Lime. Lets talk please.” ang nagmamaka awa nyang sabi. Nakatayo lang ako at nakatingin sa kanya,gusto kong makita nya sa mga mata ko kung gaano ako kagalit sa kanya. Gusto kong makita nya na ito ang ang naging resulta ng ginawa nya.

“Wala na tayong dapat pang pag usapan Kline.”

Wish # 4

December 2,2013

“Umuwi ka na Kline,wala na tayong dapat pag usapan.” nanginginig ang kalamnang sabi ko. Gusto kong umiyak,hindi ko matanggap na sa loob ng halos tatlong taon ay mahal na mahal ko pa din sya,at hanggang ngayon ay nasasaktan pa din ako.

“Pero Lime! Please!” pag mamakaawa nya pero hindi ko sya pinakinggan. Pumasok ako sa loob ng bahay at saka inilock ang pinto. Sa loob ng madaming taon na nilabanan kong huwag umiyak ay bumigay na ako sa wakas. Inilabas ko ang sakit,lahat lahat.

“Lime! Lime! Please,lets talk!” ang sigaw ni Kline sa labas habang kumakatok. Parang pinipiga ang puso ko. Kaninang nakita ko sya,nagbalik ang lahat,at parang mas dumoble ang sakit. Iniiyak ko ang lahat hanggang sa mapagod ako,hanggang sa wala na akong mailabas na mga luha,hanggang sa makatulog na lamang ako.

December 3,2013

Nagising ako ng alas tres ng madaling araw,hindi naman ako nabahala na mag absent,dahil magre-resign na din naman ako eh. Naligo na ako at nagbihis. Naisip kong pumunta sa Cafe Sonata,alam kong nandun sila dahil ito ang oras ng break time namin. Alam kong nagpapaka adik na naman sila sa Cafe at Wifi.

Pagdating doon ay hindi nga ako nagkamali,sa labas sila naka pwesto at kasama nila yung Khins,nung mapansin nila ako ay kumaway sila at sumenyas na lumapit na daw ako.

Alam kong namamaga ang mga mata ko,pero kaya ko naman mag dahilan kesa mag shades ako ng madaling araw. At kasalanan ito lahat ni Kline,I really hate him! Sana hindi na sya nagbalik! Sana hindi na sya nagpakita.

Binati ko muna silang lahat at pang huli si Khins. “Good morning sir Khins!”

“Anyare teh? Bakit ka absent?” salubong agad ni Babat.

“Halos umusok ilong ni sir Monet,wala daw ang paborito nya.” segunda ni Mia.

“Its okay. By next week ay magre-resign na din naman ako.” ang sagot ko na ikinanganga nila.

“Bakit?” sabay sabay nilang tanong.

“Pagod na ako sa ganitong trabaho,madali ko itong ikakamatay at saka gusto kong sumubok ng ibang trabaho,yung pang araw.” ang tanging sagot ko na lang.

“Kung ganon,pwede ka dito sa shop. Kahit huwag ka ng magpasa ng requirements,at kahit walang interview ay pasok ka na.” ang pagsingit ni Khins kaya sa kanya nabaling ang tingin naming lahat.

“H-ha? Sigurado ka? Hindi ba nakakahiya?” ang alangan kong tanong dito. Ngumiti ito bago sumagot.

“Ako nga ang dapat mahiya dahil baka hindi pwede sayo ang ganito,kaka resign lang ng manager,so baka pwede ka.” anito. Napatitig ako dito. His smile is somehow familiar,hindi ko lang maalala kung sino.

“O-okay lang sakin kahit ano,basta okay ang sahod,pang araw ang trabaho. Uhm,inform na lang kita pag nakapag resign na ako.” ang masaya kong sabi. Tingnan mo nga naman,may konting swerte pa palang pumapatak sa akin.

“Good! Its settled then.”

“Ahem! Baka nakakalimutan nyong may kasama kayo?” pag butt in ni Japoy.

“Swerte mo naman Lime,may naghihintay agad sayong trabaho.” dagdag pa ni Ully.

“Kayo talaga. By the way,anong balak nyo ngayong december?” ang tanging nasabi ko na lamang.

“Simbang gabi. Haay! Hindi ko nakumpleto last year eh.” sagot ni Mia.

“Ako din. Pero ako nakumpleto ko last year.” ani Ully.

“Hindi pa ako pumalya dyan,lagi kasing natutupad ang hiling ko eh.” sabi pa ni Japoy.

“I agree with you guys,basta mula sa puso at sincere ka,matutupad ang hiling mo. Malaki ang naitulong sa akin ng simbang gabi.” pag sabat ni Khins. “Ikaw Lime?”

“H-ha?” ang nasabi ko. Ano nga ba ang sasabihin ko? Eh wala naman talaga akong plano. Ngayon pa nga lang ang pangalawang beses na nadinig ko ang tungkol sa simbang gabi na yan at sa hiling kaya wala akong idea. “Sa totoo lang wala akong plano,this is the 2nd time na nadinig ko ang simbang gabi at hiling na yan,and I dont actually celebrate christmas for the past three years.”

Dahil sa sinabi ko ay napako lahat ang tingin nila sa akin. Halatang hindi sila makapaniwala. At ng tingnan ko si Khins,may nakita ako sa mga mata nya.

Simpatya at awa. At ayaw ko nun. Hindi ko kailangan nun.

— PAST —

“Lime! May ginagawa ka ba?” ang tanong agad ni Kline ng pagbuksan ko sya ng pinto.

“Wala naman,sakto nga dating mo eh,katatapos ko lang sa lahat ng gawain.” ang sagot ko saka sya tinitigan mula ulo hanggang paa. Bihis na bihis ang mokong,ang bango bango at ang gwapo nya lalo. Naghurumintado na naman ang puso ko,na hanggang ngayon hindi ko pa alam kung bakit.

“Isang linggo kasing wala si Marine,natanggap sya sa La Beu as model,nasa Paris sya ngayon. Gusto kong mamasyal,kaya naisip kong ikaw ang isama.” nakangiti nyang sabi.

“Ganon? Panakip butas mo ako ngayon sa mga gala mo?” ang biro ko agad sa kanya.

“Hindi no! Naisip ko din kasi na matagal na tayong magkakilala at ngayon magkaibigan na nga pero hindi pa kita nakasama sa galaan. Saka diba sabi ko,babawi ako sayo for giving Marine to me?”

“Huwag kang umiyak! Sige sasama ako. Hintayin mo ako dito sa sala at magbibihis lang ako.

“Ayos! Bilisan mo ah?” nakangiting napasuntok pa ito sa hangin. Naglakad na ako papunta sa kwarto ko ng bigla nya akong tawagin. “Lime! Yung tungkol nga pala sa hindi sinasadyang kiss natin nu–”

“Adik ka ba? Hindi nga sadya eh kaya huwag na natin pag usapan,hindi naman big deal sa akin yon.” putol ko sa sasabihin nya saka pumasok sa kwarto.

Napasandal ako sa pinto,ang bilis ulit ng tibok ng puso ko. Kung bakit kasi pinaalala pa nya ang kiss na yon? Napuyat kaya ako dahil dun tapos napanaginipan ko pang nag kiss ulit kami. Kaya as much as possible ayaw kong mapag usapan yon dahil natataranta ang sistema ko. At isa pa,nakakahiya kay Marine,ayaw kong masira ang pagkaka ibigan namin dahil sa lalaki.

Ng makapag bihis ay agad na kaming gumayak ni Kline. Gusto nya sanang gamitin ang kotse nya pero coding sya ngayon. Nang makarating nga kami sa Mall ay pinagtitinginan sya,at yung iba naman tinataasan ako ng kilay. Sa totoo lang hindi ko sila masisisi, isang sobrang gwapong lalaki na may kasamang bakla,ewan ko lang kung hindi talaga tumaas ang mga kilay mo.

“Pinagtitinginan ka Kline.” ani ko habang naglalakad kami.

“Pabayaan mo sila. Inggit lang mga yan dahil ikaw ang kasama ko.” nakangiti nyang sabi. Hindi na lang ako umimik at sumunod na lang ako sa kanya.

Una naming pinuntahan ay ang bottique ng mga damit. Pinabayaan ko lang sya samantalang ako pinagsawa ko ang mga mata ko sa pagtingin,cant afford naman kasi ng tulad ko ang presyo. Lumapit lang sya sa akin na bitbit na ang paperbag. Naglakad ulit kami hanggang nakarating kami sa sinehan.

“Manood tayo. Showing na pala yung gusto kong movie.” aniya.

“Huh? Pero ano,uhm hindi kasya ang pera ko.” nag aalangan kong sabi. Kung bakit naman kasi hindi ko dinala ang iba kong pera.

“Huwag mong problemahin yon,treat ko nga diba? Oh hawakan mo tong pinamili ko at bibili lang ako ng ticket pati foods and drinks natin.” aniya sabay abot ng paper bag at tumungo na sa ticket booth. Napangiti na lang ako ng mapansing sinusundan sya ng tingin ng mga babae at parang mga kinikilig pa,pero nang dumako ang tingin nila sa akin ay tinaasan lang nila ako ng mga kilay nila.

Problema ng mga to? Akala siguro nila boyfriend ko si Kline kaya ganyan sila maka react.

Tulad ng inaasahan,si Kline lang ang nag enjoy sa movie. Hindi kasi ako maka relate at naba-bothered ako sa katabi nyang babae na panay chansing at mukhang hindi naman napapansin ni Kline,idagdag pa ang mga babae sa likuran namin na sya din ang pinag uusapan. Nakaka praning,pano pa kaya kung artista ang nakita nila? Edi hinimatay na sila? Mga babae nga naman.

“Did you enjoy the movie?” agad nyang tanong ng makalabas kami sa sinehan.

“Ayos lang. Masarap ang popcorn at coke.”

“Ha? Ano bang sagot yan? Gutom ka na ba? Tara kain muna tayo. Ikaw talaga.” natatawa nyang sabi at nauna na sa paglalakad. Hindi ko alam ah? Pero bigla na talaga akong nawala sa mood,at hindi ko maintindihan kung bakit.

Sa foodcourt kami kumain dahil mas gusto ko dun. Hindi naman umangal si Kline.

“Bakit sambakol na ang mukha mo? Masama ba pakiramdam mo? May problema ka ba Lime?” ang nag aalalang tanong ni Kline bago kami magsimulang kumain.

“H-ha? Wala. May pangit lang akong naalala. Kumain na tayo para maka uwi na.” ang sagot ko na lang. Wala naman kasi akong maisasagot sa kanya dahil pati ako hindi ko alam ang rason.

“Sigurado ka?”

“Yup.”

Biglang nag ring ang phone nya. Tiningnan nya ito. “Si Marine tumatawag. Sagutin ko lang to at kumain ka na.” aniya at sinagot ito. Hindi ko na pinansin ang usapan nila dahil nag focus na ako sa pag kain.

“Thanks for today Lime! I really enjoy this day with you. Sana maulit ulit.” nakangiting sabi ni Kline ng nasa tapat na kami ng bahay.

“Wala yon,pero huwag palagi ah? Uhm o sige na,magsasaing pa ako.”

“Sige,salamat ulit!” aniya at umalis na. Sinundan ko na lamang sya ng tingin.

Hindi ko alam kung tama ba itong sumama ng sumama sa kanya pag wala si Marine,iba kasi nararamdaman ko. Ewan ko lang kung bakit,sa pakiramdam ko kasi nagtataksil ako sa kaibigan ko.

“Lime!” tawag ni Kline na nasa harapan ko na pala at bigla akong hinalikan na ikinalaki ng mga mata ko. “P-para san yon? Gago ka!”

“Thank you kiss! Sige,good night!” nakangising sabi nito at tuluyan ng umalis,napahawak na lamang ako sa labi ko.

– PRESENT –

“Sige na,5AM na,aalis na ako,antok na ako eh,galingan nyo sa trabaho ah? Bye!” paalam ko sa kanila.

Nagtaka pa ako ng hindi naka lock ang pinto ng bahay. Hindi ko siguro nailock sa pagmamadali. Ipinagkibit balikat ko na lamang ito at pumasok na,dahil kung pinasok man ako ng magnanakaw ay wala silang mananakaw.

“Lime.”

“Shit!” ang gulat kong react at tiningnan ang nagsalita. “Kline? Paano ka nakapasok dito?”

“Porsigido akong makausap ka at makapag paliwanag.” anito at lumapit kaya napa atras ako,hindi dahil sa takot ako sa kanya,kundi takot akong madinig nya ang malakas na tibok ng puso ko at pangangatog ko.

Huminga ako ng malalim bago nagsalita. Kailangan kong punuin ng hangin ang dibdib ko,kailangan ko ng dagdag lakas ng loob.

“Matigas din naman ang mukha mo eh. Ilang beses ko bang sasabihin na wala tayong dapat pag usapan at hindi ako interesadong pakinggan ang paliwanag mo,at kahit makinig man ako,it wont change anything.” matapang kong sabi. Alam kong masakit ang mga binitawan kong salita pero kailangan iyon. Wala pa nga iyon sa sakit na naidulot nya sa akin.

Kitang kita kong nasaktan sya,napaka visible ng emosyon nya sa kanyang mga mata.

“Kahit anong masasakit na salita pa ang sabihin mo Lime,it wont also change what I feel for you. Im determine to get you back into my life. Dahil hanggang ngayon,mahal na mahal pa din kita.”

Wish # 5

Lalapit na sana si Kline sa akin ng tumunog ang phone nya. Kinuha nya ito sa bulsa nya ng hindi inaalis ang tingin sa akin. Saglit nyang tiningnan ang phone nya at sinagot ito ng hindi inaalis ang tingin sakin.

“Yes. I’ll be there in 15 minutes.” yun lang at tinapos din nya ang tawag. “Babalikan kita Lime. Hindi ako titigil.” aniya saka lumabas.

Napa upo ako sa sofa.

Bakit ngayon lang sya nagtangkang kausapin ako at magpaliwanag? Halos tatlong taon na ang dumaan,bakit ngayon lang?

Napasandal ako. Sa bagay,hindi ako naglaan ng panahong makinig sa kanya noon o kausapin. Masyadong masakit pa sa akin ang lahat,sa loob ng isang araw ay nasira ang buhay ko at sa araw pa iyon na dapat ay nagdidiwang kami. Ang araw ng pasko.

Ayoko na itong masyadong isipin dahil nandito pa din sa dibdib ko ang sakit,galit at pagkamuhi,na hindi ko alam kung mawawala pa.

Tumayo na ako at tinungo ang kwarto ko. Gusto ko na lang matulog. Para pag gising ay deretso na sa trabaho,sa eksaktong December 10 ay mag resign na ako.

Pagkahiga ko ay tiningnan ko ang phone ko ay may mensahe galing sa unregistered number,binasa ko ito.

From : 090541046**

good morning beautiful :) - Khins.

Napangiti ako. Hindi talaga ako sanay na may nagpapakita ng appreciation sa hitsura ko,lalo na at lalaki. Sa mga baklang tulad ko ay nakakataba na ito ng puso. Pinigil ko ang sarili na magreply,ayoko ng maulit ang dati,tama ng makipag kaibigan ako,pero ang makipag mabutihan? Hindi na siguro,dahil napatunayan ko na,walang lalaki ang seseryoso sa bakla,hanggang pagkakaibigan lang talaga.

Muli kong binasa ang text at dun ko narealize, na beautiful nga din pala ang tawag sa akin ni Kline noon. Ugh! I dont want to talk about him! Im over him! Hindi dapat sya iniisip! Isa sya sa rason kung bakit ako miserable.

Mariin kong pinikit ang mga mata ko,gusto ko na lamang matulog para pag gising deretso na sa trabaho. Nagtagumpay naman ako dahil makalipas lang ang ilang minuto ay nakaramdam na ako ng antok.

– PAST –

“Hindi ko alam kung bakit kailangan nyo pa akong isama dito sa date nyo. Nananadya at nang iinggit ba kayong dalawa?” ang sabi ko kay Kline at Marine habang nandito kami sa Enchanted Kingdom at naghahanap ng ride na pwedeng masakyan.

“Cause we are obviously celebrating my success!” ang nakangising sagot ni Marine.

“At kinailangan nyo ng chaperone?” pang uuyam ko. Grabe naman kasi,hindi naman kasi ako kailangan dito.

“Huwag ka nga magsalita ng ganyan,hindi masaya pag wala ka. Kasama ka sa mga pangarap namin.” ani Kline,umakbay kay Marine at hinalikan ito. Nag iwas ako ng tingin,hindi ko yon kayang tingnan. Mag iisang linggo pa lang ang lumilipas kasi nung mamasyal kaming dalawa ni Kline at mag goodnight kiss sya na lalong nagpagulo sa sistema ko.

“Ay nako! Tara dun na lang sa Wheel of Fate ba yun? Gusto ko makita ang over looking.” ang sabi ko na lang. Kaibigan ko sila at ayaw ko namang mainis sa kanila dahil lang sa pansarili kong nararamdaman.

“I think I like that! Ang romantic nun! Airborn kisses!” ang maligalig na sabi ni Marine,nginitian ko na lang sila,pero napalis ang ngiti ko ng mabaling ang tingin ko kay Kline at kindatan ako. Hindi ko maiwasang kumabog ang dibdib ko,kung para sa kanya wala yung kulay,sa akin nagkaka kulay na.

Pumila na nga kami sa Wheel of fate. Buti pumayag na tatlo kami sa isang cart. Panay ang daldal nung dalawa,nakikinig lang naman ako sa mga sweet nothings nila.

At nung tumigil kami sa pinakatuktok,hindi ko mapigilang mamangha. Kitang kita ko ang buong laguna. And I bet,mas maganda itong tingnan sa gabi.

“Hmmn..” ang nadinig ko kaya nilingon ko yung dalawa. Para lang makita na nag pe-french kiss sila,kitang kita ko kung pano mag espadahan ang mga dila nila. Ewan ko,nanikip ang dibdib ko at parang tinutusok tusok ng madaming karayom ang puso ko. Binalik ko na lang ang tingin sa overlooking,hindi dapat ako makadama ng ganito.

“Ang ganda ganda! Sayang wala akong dalang camera.” ang sabi ko na lang.

“Oo nga Lime,nagmamadali kasi tayo eh.” ang sabi naman ni Kline na naka ngiti. Gusto kong gantihan ang ngiti nya,pero parang nasasaktan ako sa ngiti nya. Hindi maalis sa isipan ko ang halikan nila ni Marine.

“I agree! Ang romantic pa naman,next time magdala na tayo ng camera!” maligalig na sabi ni Marine. Nginitian ko na lang sya.

Nang makababa na kami at maghanap ng ibang masasakyan ay pinilit ko na lang sabayan ang energy at excitement nila para hindi nila isipin na hindi ako nag e-enjoy.

Madami pa kaming sinakyan,at mabuti na lang,tuluyan na akong nag enjoy at nakalimutan ko na ang mga hinaing ko. Tinapos muna namin ang fireworks display bago nag desisyong umuwi.

“Kaen muna tayo.” aya ni Kline.

“Oo nga,nagutom ako dun.” ani Marine at humilig kay Kline habang nagmamaneho ito. “Lime,san mo gustong kumain?”

“Naku Marine,kayo na bahala,kahit saan basta makakain.” ang sagot ko. Dahil sa totoo lang,nagugutom na din ako,at kahit san kumain ay ayos lang.

Nang nasa manila na kami ay nagpark kami sa isang napakagandang Resto Bar.

“CHANSU” ang basa ko sa neon light ng resto bar. “wow! Ang ganda dito!” hindi ko mapigilang bulalas.

“Ay nako,maloloka ka pag nalaman mo kung ano may ari nito.” sabi ni Marine ng papasok na kami. Na curious tuloy ako bigla.

Pagpasok namin ay sinalubong kami ng waiter at iginiya sa isang table. Ng matapos mag order ay nagpatuloy si Marine,samantalang si Kline at ako naman ay patingin tingin sa paligid. May banda ng nagpe-prepare sa stage, madami ng costumer,may mga kumakain,may mga umiinom.

“Pag umaga kainan lang to at talagang hindi matatawaran ang mga putahe pati mga desserts nila,pag gabi ay ganito na nga.” ani Marine na nakatingin na din sa banda.

“Pano mo nalaman lahat Hon? Lagi ka ba dito?” tanong ni Kline.

“Yung dati ko kasing schoolmate na beki na hindi halata dahil ang gwapo at gwapo din ang syota ay anak ng may ari nito,si Yukito na ang dyowa ay si Touya,and believe it or not,ang gwapo ng tatay nyang si Argel at ang ganda ng beki nyang nanay si Yuweh.” masayang kwento ni Marine.

Literal akong napanganga. Is it really possible? Ang may magmahal ng wagas sa isang bakla? Napansin ko namang nakatitig na naman si Kline sa akin kaya binalik ko ang tingin kay Marine.

“Nakaka bilib! I want to meet them o kahit makita lang.” ang hindi ko mapigilang sabi.

“Mamaya nandito na ang mga iyon. At ang circle of friends nila,open sa same sex relationships. Ang dami na nga nila eh,magkaka dugtong ang kwento nila. Kaya ikaw Lime,huwag mong sayangin ang ganda mo.” ani Marine.

“I agree. Malay mo matulad ka sa kanila.” ang nakangiting sabi ni Kline. Ngumiti na lang ako.

“Oh! Ayan na pala ang mga order natin.” ang pagpansin ko sa waiter na palapit sa amin. Nagsimula na kaming kumain habang tinitingnan ang bandang tumutugtog.

At muli,nag enjoy ako,kaya for sure babalik ako sa lugar na ito pag nagka pera ako. Ng matapos kami ay nauna naming hinatid si Marine.

“Totoo yung sabi ni Hon,maganda ka,huwag mong sayangin.” ani Kline habang nagmamaneho pauwi,sa front seat na kasi ako naupo. Saglit ko lang syang nilingon,seryoso sya habang tutok sa pagmamaneho.

“Ganon ba? Salamat. Pero,hindi ko naman siguro kailangang magmadali,kung may nakalaan talaga para sa akin ay hihintayin ko sya kung sino siya.” ang sagot ko at binaling ulit ang tingin sa labas.

“Tama! Malay mo,ako pala yon!” aniya saka tumawa. Kung sa kanya biro iyon,sa akin may laman na iyon.

“Baliw!” ang tanging nasabi ko,hanggang pag uwi ay hindi na ako kumibo.

– PRESENT –

December 4,2013

Kaka time in ko lang dito sa trabaho. Mabuti na lang at nagising ako sa oras kagabe kahit sobrang stress ako. Ni log in ko na ang aking avaya at nagsimulang tumanggap ng mga tawag.

Napansin ko naman sa dulo ng mga mata ko na nagra-rounds si sir Monet. At alam kong mamayang break ay magtatangka syang kausapin ako. Pero hindi na mababago ang isipan ko. Magre-resign pa din ako kahit ano pa mang sabihin nya.

At nung nagbreak na nga ay hindi ako nagkamali. Agad na lumapit si sir Monet pagka log out ko pa lang sa aking avaya.

“Hindi na ba magbabago desisyon mo Lime?” anito.

“Naku sir,Im really sorry pero hindi na talaga. I really need a break at ng trabahong pang araw. Pasensya na talaga.” ani ko at tumayo na. Ayaw ko ng pahabain pa ang usapan namin.

Paglabas ko ay nasa hallway na sila. Syempre,san ba ang destinasyon kundi sa Cafe Sonata.

“Aba? Mga handang handa na ah?” ang agad kong biro sa kanila ng makalapit.

“Syempre! Adik na nga talaga ata ako sa mga coffee at cakes nila.” ani Mia.

“Saka para makasilay na din kay Papa Khins!” segunda naman ni Babat.

“Kayo talaga!”

Saglit lang kami dun at hindi din namin nakita si Khins. Pagbalik sa field ay nasubsob na kaming lahat. Lalo na ako,kaya tuloy lalong nagtitibay ang desisyon kong umalis dito. Nakakasawa,kung pwede lang sagut sagutin ang mga costumer na mga matapobre ay ginawa ko na,pero hindi ko kasi ugali yon.

At ng tapos na ang trabaho ay sabay sabay na kaming naglakad palabas,sinabihan ko sila na kung pupunta ulit sila sa Cafe Sonata ay hindi na ako sasama.

Pero paglabas namin ay nakita agad namin si Khins na parang may inaabangan sa building ng company namin.

“Dito din ba nagtatrabaho ang girlfriend nya?” bulong ko kay Babat.

“Ewan,alam ko walang girlfriend yan si Papa Khins.” sagot ni Babat.

“Baka may liligawan pa lang.” pagsingit ni Mia.

“Oh bro! Wala ka sa shop?” bati dito ni Japoy at nakipag apir pa.

“May inaabangan ka ba bro?” tanong naman ni Ully. Tumingin muna sa akin si Khins bago sumagot.

“Actually meron. Inaabangan ko si Lime,yayayain ko lang syang mag breakfast.”

Parang nalaglag ang panga ko ng sabihin nya yon. Totoo ba yung narinig ko? Nadidinig ko silang tinutukso ako pero hindi ko ma absorb.

“H-ha?” ang tangi ko na lang nasabi at tiningnan ang mga kasama ko na kumikinang ang mga mata at mga nakangisi ng sobrang laki. Kulang na lang ay tahiin iyon para bumalik sa normal. Mga impakto talaga!

“Maagang dumating ang pinsan ko bilang kahalili,kaya naisipan kong imbitahin ka sana sa breakfast since gusto kong makilala pa ang future employee ko.” nakangiting sabi ni Khins. At namalayan ko na lamang na nandito na pala kami sa loob ng isang sosyal na restaurant.

“Salamat at pumayag ka.” ani Khins ng dumating na ang order namin.

“Yun ba? No choice eh,gutom.” ang pabiro kong sagot para mawala yung tensyong namamayani sa katawan ko.

“Palabiro ka pala. Basta salamat talaga.” nakangiti nyang sabi.

“Wala yon future boss. Ano nga ulit pangalan ng restaurant na ito?”

“Ito ang P2 Restaurant. Si Prinzz at ang asawa nyang baklang si Pipay ang may ari nito.” sagot nya. Natigilan ako,ganitong ganito din yung sa Chansu,nung magkakasama pa kami nina Marine at Kline.

“Ah okay. Maganda dito,cozy.” ang nasabi ko at nagsimula ng kumain. Gusto ko ng matapos ito at makauwi,araw araw na lang akong exhausted.

Nasa gitna na kami ng pagkain ay muling nagsalita si Khins.

“May boyfriend ka na ba?”

Wish # 6

“May boyfriend ka na ba?” ang tanong ni Khins. I was taken a back by his question. Sasagutin ko ba ang tanong nya? Pwede siguro pero hindi yung detalyado,hindi pa ako handang isiwalat ito dahil hanggang ngayon ay masakit pa din,lalo na at nagbalik na si Kline,kaya lalo akong naguguluhan. “So? Im sorry,you dont have to answer kung ayaw mo.”

“Actually,nagkaroon ako ng boyfriend,three years ago,hindi maganda ang nangyari and I dont want to talk about it,pasensya na.” ang tangi ko lang naisagot. Ngumiti sya at nagsalita.

“I understand. Pero isa lang ang masasabi ko Lime. Ang tanga nya for letting you go. Tara na at kumain.”

Madaldal si Khins,akala mo matagal na kaming magkakilala. Napag usapan din namin ang pagtatrabaho ko sa coffee shop nila pag nagresign na ako sa call center. Medyo nalungkot lang ako na hindi sya ang boss ko,yung pinsan daw nya na nakatoka pag umaga hanggang gabi.

Matapos kumain sa P2 Restaurant ay nagpumilit syang ihatid ako. Hindi na ako nag inarte since nararamdaman ko na naman ang antok at pagod.

“Salamat sa breakfast Khins.” sabi ko ng i-unlock ko na ang seatbelt at buksan ang pinto.

“Wala yon. I hope its not the first and last.” nakangiti nyang sabi.

“Ofcourse! Sige na,thank you ulit!” at tuluyan na akong lumabas sa kotse. Bumusina muna ito bago tuluyang umalis.

Naglakad na ako pauwi sa bahay,malayo pa lang nakita ko na si Prem na naka upo sa may pintuan ng apartment.

“Ano ba tong kaibigan kong to? Araw araw na lang akong inaabangan.” nakangiting bulong ko sa sarili at nagpatuloy sa paglalakad.

“Mabuti at dumating ka na! Late ka ng dalawang oras,alam mo ba,bumalik dito kanina yung lalaki kahapon? At saka oy! Magkwento ka naman! Malakas ang kutob kong yung Kline na yon yung nasa kwento mo sa akin eh.” direderetso nyang sabi na halos walang hingahan,mabuti na lang at goodvibes ako,kung hindi,siguro nainis na ako sa kakulitan nya.

“Ikaw talaga,pumasok muna tayo para makapag pahinga muna ako saglit. Teka nga,wala ka bang trabaho ngayon?” ang sabi ko at binuksan na ang pinto,naupo ako sa sofa at ganun din si Prem.

“So ano na? Magkwento ka bakla kahit naka pikit ka.” aniya. Jusme,mabuti na lang hindi nya nakita si Khins kanina,dahil for sure dagdag yon sa mga itatanong nya.

“Oo,si Kline ay yung nasa kinekwento ko sayo. Nakikipagbalikan sya,gusto nyang magpaliwanag pero hindi ko tinanggap,masyadong masakit sa akin ang lahat,hindi ko sya kayang tanggapin ulit at patawarin.” sagot ko at sumandal,tinitigan naman ako ni Prem.

“Pero mahal mo pa?” ang seryoso nyang tanong. Natigilan ako at nahirapang sagutin ang tanong nya. At hindi ko din alam kung kaya kong sagutin,dahil maski sa sarili ko ay hindi ko alam,tanging galit at pagkamuhi lang ang nangingibabaw sa akin. Matagal akong natahimik at ganon din sya. “Huwag mo na lang sagutin,maiba ako. Wala ka bang balak mamili ng mga christmas decoration? Kami tapos na sa bahay.”

“Hindi ko alam,alam mo namang hindi ako nagse-celebrate ng pasko,at wala akong balak.” ang sagot ko naman,kahit ang totoo ay nagdadalawang isip na ako. Pati nga yung simbang gabi ay pinag iisipan ko na kung gagawin ko o hindi,na curious kasi ako sa sinasabi nilang pwede kang humiling.

“Nako! Hindi ako papayag! Sa restday mo kailangan na natin bumili ng mga christmas decoration mo,tama na teh ang pagiging negative. Kaibigan kita at ayokong magkaganyan ka na lang forever.” disedido nyang sabi. Nginitian ko na lamang sya dahil pag sumagot pa ako ay madami pa syang sasabihin.

– PAST –

“Sige na Lime!” ang pangungulit ni Kline sa akin.

“Ayoko! Tantanan mo ako!” inis kong sagot. Alam kong wala ako sa lugar para mainis,pero naman kasi,kung nag away sila ni Marine bakit ako pa magiging bridge para magka bati sila,eh sobrang nagseselos na nga ako.

“Ibibigay mo lang naman ang card at flower eh,please naman.” pagmamaka awa na nya at nag puppy eyes pa. Hay! Napaka insensitive ng lalaking ito,kung bakit naman kasi ngayon ko pa sya nagustuhan? Nananadya ba talaga ang tadhana?

“Sige na nga! Pero last na to,ayoko ng madamay sa kung anong nagaganap sa inyo.” sabi ko sabay buntong hininga at kinuha yung isang bouqet ng roses at card.

“Yes! Thank you! Sobrang bait mo talaga! Hindi ko alam ang gagawin ko pag nawala ka sa akin.” masaya nyang sabi sabay yakap at halik sa akin pero agad ko syang naitulak.

“Oo na! Huwag ka lang mang yakap at mang halik! Nakakarami ka na eh,isusumbong kita kay Marine.” inis kong sabi. Pano,nagiging hobby na nya ang paghalik sa akin,dahilan kung bakit lalo akong nahulog sa kanya.

“Eto naman,walang malisya yon. O sige,magtatago na ako,alam kong padating na si Marine.” naka ngisi nyang sabi at nagtago sa likod ng bahay namin. Napailing na lang ako,mukhang masasaktan na naman ako sa masasaksihan ko sa kanila.

Hindi nga nagtagal ay dumating si Marine na parang badtrip,halatang meron silang hindi pagkaka unawaan ni Kline. Agad ko syang sinalubong at iniabot ang bouqet at card.

“Pinapabigay ni Kline,patawarin mo na daw sya.” ani ko na seryoso,ngayon pa lang kasi inaatake na ako ng matinding selos na hindi naman dapat.

“Bakit ikaw ang nagbigay? Dapat sya!”

“Aba malay ko,nakiusap lang sya eh.” ang sagot ko naman na ikinagulat ni Marine. Nakita ko ng palapit si Kline kaya tumalikod na ako.

Nadidinig ko pa sila ng naglalakad ako papasok sa bahay,hindi ko mapigilan ang sarili kong lingunin sila. Pero sana,hindi na ako lumingon,dahil saktong naghahalikan sila.

Pumasok ako ng bahay at sinara ko ang pinto at dumiretso sa kwarto. Naiinis ako sa sarili ko,dapat hindi ako nakakaramdam ng ganito eh. Nauna silang nagmahalan,dapat nung una pa lang pinigilan ko na ang nararamdaman ko kay Kline,pero ewan ko ba,pag pinipigilan,lalong tumitindi,at kahit harap harapan na akong nasasaktan,kailangan ko magtiis at huwag magpahalata,hangga’t kaya ko itong itago ay itatago ko.

– PRESENT –

December 5,2013

Ngayong breaktime ay tinakasan ko sila,medyo gusto ko lang magsolo at ayaw ko munang pumunta sa cafe sonata kaya minabuti kong sa ibang lugar na muna kumain.

Habang naglalakad at naghahanap ng fast food ay napayakap ako sa sarili,mas lumalamig na ang simoy ng hangin,at ang paligid at bawat establishment may mga christmas light na at mga christmas decorations.

Nang matanaw ko na ang isang fastfood ay pumasok na ako at agad pumunta sa counter,ng maka order ay naghanap na ako ng mapepwestuhan. Nagsisimula na akong kumain ng tumunog ang phone ko. Napakunot ang noo ko,sila siguro ito at kokondenahin ako kung bakit tinakasan ko sila. Kinuha ko na ang phone ko at handa ng sumagot ng makita ko sa screen kung sino ang tumatawag.

Si Khins!

Nagdalawang isip ako kung sasagutin ko ba o hindi,pero sa huli ay pinabayaan ko na lang ito at pinagpatuloy ang pagkain. Habang kumakain ako ay biglang pumasok sa isip ko yung dalawang bata na nadinig kong nag uusap dati,nasan na kaya yung dalawang iyon? Dito din sila galing nung mga panahon na iyon eh.

Mabuti pa ang mga batang iyon,mga inosente at mga excited din sa pagdating ng pasko,pero ako,puno ng lungkot at galit ang puso ko,at hindi ko alam kung paano ito mawawala o kung mawawala pa nga ba?

Agad ko na ding tinapos ang pagkain at lumabas. Sakto paglabas ko ay may nakasalubong akong tao na nung isang araw lamang ay pinuntahan pa ako sa bahay.

Nag iwas ako ng tingin at dadaanan,ayokong makita nya ako at ayoko syang makita,dahil tuwing nakikita ko sya,mas tumitindi ang sakit na kinikimkim ko. Pero bigo ako dahil nakita na nya pala ako at agad sinundan,hinablot nya ang kamay ko kaya napaharap ako sa kanya.

“Lime!”

“Ano ba? Tantanan mo na ako! Ang tigas talaga ng pagmumukha mo!” singhal ko sa kanya. Nanginginig ang kalamnan ko sa galit.

“Mag usap tayo! Hindi ako papayag na hindi tayo magkaka ayos!” singhal din nya sa akin. Ang kapal ng mukha?! Sya pa ang galit? Sa inis ko ay sinapak ko ang dibdib nya pero parang balewala lang sa kanya. Ngumisi pa sya na ikina-inis ko dahil ang gwapo nya lalo.

“Hindi ako makikipag usap sayo! Sabi ko na sayo diba,hindi ako interesado sa mga sasabihin mo!! Kaya bitawan mo ako!” ang maluha-luha ko ng sabi. Ayaw talaga nyang patalo.

“I wont let go of you until magka ayos tayo!” sagot nya at kinaladkad ako palapit sa kotse,pinatunog nya ito at binuksan ang pinto sa passenger’s seat at itinulak ako sa loob,mabilis syang umikot at sumakay sa driver’s seat at saka inilock ang mga pinto.

Nanggigigil na tinitigan ko sya,napatingin sya sa akin at alam kong medyo nasindak ko sya dahil sa nakita ko sa mga mata nya.

“May trabaho pa ako,buksan mo ang pinto at babalik na ako sa trabaho!” bulyaw ko sa kanya.

“Ganyan ka na ba ngayon? Napaka brutal mo ng magsalita.” mahinahon nyang sabi at inistart na ang makina. “Umabsent ka muna ngayon,kailangan nating makapag usap ng maayos.”

Inis na ibinaling ko na lang ang paningin sa labas ng bintana. Medyo umurong din ako lalo palapit sa pinto dahil natatakot akong madinig nya ang malakas na kabog ng dibdib ko. Ewan ko dito sa puso ko eh,siguro dahil sa sobrang galit kaya ganito kabilis at kalakas ang tibok nya.

“Lime. I just want to say sorry for everyth–”

“Cut that shit. Hindi ako interesado,kung ayaw mo akong ihatid sa trabaho ko,ihatid mo na lang ako sa bahay at huwag mo na akong gambalain pa.” malamig kong sabi. I dont think na magandang idea ang mag usap kami,ayoko at hindi pwede.

“Nagbago ka na,hindi ka naman ganyan dati.” ang sabi nya habang nagdadrive pa din,ni hindi ko sya nilingon.

“Dahil ako ang dahilan kung bakit ako nagkaganito. Pwede ba? Tumigil ka na sa kaka daldal?” sagot ko naman,dinig ko ang pag buntong hininga nya pero hindi ko talaga sya nililingon. Kaya buong byahe ay wala kaming imikan.

Nang makarating sa lugar namin ay agad na akong bumaba at nagmadaling maglakad,ni hindi ako nagpasalamat. Bahala sya dyan,hinding hindi ko sya mapapatawad,kung nahihirapan sya ngayon,wala pa yon sa hirap na dinanas ko dahil sa kanila,naging miserable ang buhay ko dahil sa kanya.

Pagdating sa apartment ay agad akong pumasok,isasara ko na ang pinto ng biglang sumulpot si Kline at pigilan ito sa pagsara. Sa isang iglap ay nakapasok sya,napaatras ako at sya na ang nagsara ng pinto. Kinapa nya ang switch at lumiwanag ang buong bahay.

“Ano ba? Naiinis na talaga ako sayo! Umuwi ka na bago pa kita mapatay!” bulyaw ko sa kanya,wala akong pakialam kung marinig ako ng mga kapitbahay,mas mabuti na yon para mapagtulungan nilang kaladkadin si Kline paalis.

“Hindi pa tayo nakakapag usap Lime.” aniya at humakbang palapit.

“Shit ka!” sigaw ko ulit at binato sya ng throw pillow.

“Mag usap tayo.” muli nyang sabi.

Ugh! Walang kasing kulit talaga ang isang to! Paulit ulit na lang kami ng sinasabi.

“Kung hindi kita madadaan sa santong dasalan. Dadaanin kita sa santong paspasan.” aniya at mabilis na nakalapit sa akin.

“Huh? Anong ibig mong sabihi–”

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil lumapat na ang labi nya sa labi ko.

Wish # 7

“Kung hindi kita madadaan sa santong dasalan. Dadaanin kita sa santong paspasan.” aniya at mabilis na nakalapit sa akin.

“Huh? Anong ibig mong sabihi–”

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil lumapat na ang labi nya sa labi ko.

Agad akong pumalag. Pero tulad ng dati,malakas pa din si Kline. Nanginig ako,nanlambot ang mga tuhod ko,parang natunaw ang buto doon kaya napakapit ako sa kanya.

Napapikit ako at dinama ang halik nya. Ka’y tagal kong hindi natikman ang halik nya. Namalayan ko na lang na tumutugon na ako kaya napa ungol sya at mas diniin nya ako sa katawan nya. Nayayanig ako,para na akong nalalasing,at ang puso ko naging erotiko ang pagtibok. Maging ako ay idiniin ko pa ang sarili ko sa kanya. I miss this.

– PAST –

“Oh? Anyare? Akala ko may date kayo ni Marine?” ang agad kong pansin kay Kline. Naglalakad lakad kasi ako ng makita ko syang naka upo sa tapat ng bahay nila at ang seryoso pa. Agad akong lumapit at nagtanong nga.

“We broke up.” maikli nyang sagot. Pero parang hindi naman sya malungkot. Parang naguguluhan pa nga sya.

“Ha? Kailan pa? Bakit parang hindi ka naman sure.” ang agad kong sabi. Kaya pala hindi na pumupunta si Marine sa bahay,pati na tong si Kline. Pero dalawang linggo na yon ah?

“two weeks I go. Ako nakipagbreak. Pumayag naman sya dahil mas pagtutuunan daw nya ng pansin ang pagmomodelo sa La Beau.” sagot nya at tinitigan ako. There’s something in his eyes,the way he looks at me,kaya naman nagkakalabog na naman ang puso ko.

“Im sorry to hear that. Okay ka na ba? Okay na ba sya? Four months din kayo oh. Sayang december na next month.” ang sabi ko naman. Kahit naman kasi may nararamdaman na ako dito kay Kline ay hindi ko naman ikatutuwa ang nalaman ko.

“Im okay Lime. Minahal ko sya,its just that I fell out of love. May mahal na akong iba,at iyon ang hindi ko maintindihan.” aniya.

“G-ganon na lang yon? Sayang kayong dalawa. You were a perfect couple.” bukal sa loob na sabi ko.

“Yeah,pero hindi na mag wo-work out yun,lalo na at wala na kaming nararamdaman sa isa’t isa. Mas matimbang ang pagmamahal ko sa bago kong mahal,pero natatakot ako,hindi ko alam na posible pala ito,gusto kong sumubok,pero natatakot ako,bago sa akin ito at talagang naguguluhan ako.” mahaba nyang sabi. Peke akong ngumiti,ngayon napagtanto kong wala talagang pag asa ang pagmamahal ko sa kanya.

Parang tinutusok ng madaming karayom ang puso ko dahil sa mga sinabi nya. May mahal syang iba. Ibabaon ko na lang sa limot ang pagmamahal ko sa kanya,ngayon pang hayagan nyang sinabi na nahulog na sya sa iba.

“Edi ipaglaban mo yung pagmamahal mo dun sa bago mong mahal?” ang sabi ko naman. Sa totoo lang,parang gusto ko na syang iwanan at umuwi na lang sa bahay. Kung noon ay nakakaya ko pang magtiis at magpaka manhid sa kanila ni Marine,ngayon hindi na.

“Yun nga ang gusto kong gawin Lime. Pero baka hindi nya ako tanggapin at masira lang ang pagkakaibigan namin.” ani nya. Tiningnan na naman nya ako at nag iwas ulit ako ng tingin. Sinong kaibigan kaya niya iyon?

“Edi gawin mo. Mas maganda ng sumugal,kesa magsisi ka na wala kang ginawa. Love is about taking risk,taking chances. Kung isusugal mo ang pagkakaibigan mo para sa nararamdaman mo sa kanya,do it. Magtagumpay ka man o hindi,atleast you tried at may natutunan ka Kline. Mahirap mamuhay sa pagsisisi” mahaba kong sabi. Hindi ko alam kung para sa kanya o para sa akin ba yung sinabi ko.

Lumapit sya sa akin. Hindi ako nagpatinag. Kahit ang totoo,parang gusto ko ng maglaho. Kung bakit naman kasi lumapit pa ako at nagtanong. Edi sana hindi ako nasasaktan sa nalaman,at hindi ako tinatamaan sa mga sarili kong salita.

“Tama ka Lime. Susubok ako,ano man ang kalabasan,kesa pagsisihan ko nga.” aniya at hinawakan ang dalawa kong kamay. Napanganga ako at nagtaka. Yung tibok ng puso ko hindi ko na maintindihan,parang kinakapos ako ng hangin. “Lime. Mahal kita. Mahal na mahal,handa ka bang sumugal kasama ako?”

– PRESENT –

Bago pa ako bumigay ng buong buo ay malakas kong tinulak si Kline na ikinagulat nya.

“Tama na! Umalis ka na! Huwag mo na akong guluhin!” sigaw ko sa kanya kasabay ng pagtulo ng mga luha ko. Ipinagkanulo ako ng damdamin ko. After all these years,sya pa din talaga.

“Lime! Huwag na nating pahirapan ang mga sarili natin. Ramdam na ramdam ko pa din na mahal mo ako,sa paraan ng paghalik at pagyakap mo. I knew it. Please ayusin na natin ito.” ani Kline na namumula na ang mga mata,alam kong nagbabadya na ang matindi nyang emosyon. Dahan dahan syang lumapit. Hindi na ako makakilos dahil nanlalambot pa din ang aking mga tuhod.

Marahas kong pinunasan ang aking mga luha. “Hindi na mahalaga kung mahal pa ba kita o hindi! Umalis ka na utang na loob!”

“Mahal na mahal pa din kita Lime. I just cant leave you here na ganyan. Please,ayusin natin to. Lets start again.” at bumuhos na din ang mga luha nya. Napapikit ako,I dont want to see him cry dahil baka lubusan na akong bumigay.

Habang nakapikit ako ay naramdaman ko na lang ang pag yakap nya. Mahigpit ito,mainit. Parang gaya lang ng dati.

“Sana,gaya ng dati ay bigyan mo ulit ako ng chance,I will explain everything.” basag na ang boses nya at yumuyugyog na ang mga balikat nya. “Hindi lang ikaw ang nagdusa at nasaktan. Naging biktima lang tayo ng sitwasyon.”

Gusto ko na sana syang patawarin,pero tuwing maiisip ko ang pangyayaring iyon. Mas nangingibabaw ang galit.

“Just go.” mahina at matatag kong sabi. Kumalas sya sa pagkakayakap at umatras. Hinayaan lang nyang tumulo ang mga luha nya gaya sa akin.

“Babalikan kita. Hinding hindi ako titigil hanggang maging akin ka ulit. Kung kailangang ligawan ulit kita ay gagawin ko. Mahal na mahal kita Lime at hindi iyon magbabago.” aniya. Saglit akong tinitigan hanggang sa tumalikod na sya at lumabas ng bahay.

Pagkalabas nya ay hinayaan kong muling iluha ang lahat lahat hanggang sa mapagod na lamang ako at makatulog.


December 6,2013

Nagising ako na mainit ang mukha. Sinag pala ng araw mula sa bintana,dito na pala ako sa sofa nakatulog. Bumangon na ako dahil nakaramdam na ako ng matinding gutom.

Pero ganon na lang ang pagtataka ko ng may maamoy ako galing sa kusina. Amoy ng nilulutong noodles. Kaya agad akong pumunta sa kusina para tingnan ito. Naabutan ko si Prem na nagluluto.

“Prem.” pagtawag ko dito.

“Mabuti naman at gising ka na teh. My god! Look at you,you look devastated,namamaga ang mga mata mo.” aniya ng humarap sa akin. Hindi ako sumagot at naupo na lamang sa hapag. Tiningnan nya ako ng puno ng awa ang mga mata. “Mabuti na lamang at napadaan ako kaninang madaling araw para bumili ng pandesal nina Nanay,bukas ang pinto ng bahay mo at panay ang tunog ng phone mo.” dagdag nya at nilapag na ang mangkok na may noodles.

“Nakatulog agad ako eh.” sagot ko at kinuha ang phone sa bulsa ko. Ang daming missed calls, galing sa mga ka team ko,kay sir Monet at kay Khins. Napahinga ako ng malalim.

“Damihan mo ang kain,para mabawi mo ang lakas mo dahil sa kakaiyak mo. Friend,ayokong nakikita kang ganyan.” aniya at naupo na din.

“Salamat Prem. Salamat at lagi kang nasa tabi ko. Kung hindi matagal na akong bumigay,sawang sawa na akong mag isa at malungkot.” sabi ko ng buong puso at pinigilan na maiyak. Hindi na dapat ako umiiyak,pinagdaanan ko na ito noon.

“Wala yon. Magkaibigan tayo at alam kong you would do the same diba? Hala,sige! Kumain ka lang ng kumain,baka pumanget ka nyan,maagaw ko sayo ang korona.” aniya na ikinangiti ko. Nagpapasalamat talaga ako na naging kaibigan ko sya.

Matapos nun ay umalis na si Prem. Ako naman ay gumawa ng resignation letter para maibigay din ngayon. Kailangan ko na talagang magpahinga.

Dahil sa araw na,wala na si sir Monet kaya iniwan ko na lang ang resignation letter sa office nya. Agad kong tinext si Khins na nakapag resign na ako. Agad naman syang nagreply.

From: Khins

That’s good. Pwede ka ng magsimula bukas. Sasabihan ko na ang pinsan ko.

Napangiti ako sa reply nya. Napaka bait na tao. Kaya binibiyayaan sya ng masaganang buhay eh. Tinext ko din ang team,pero walang nagreply kahit isa,mga tulog pa yata,nakalimutan kong ito nga pala ang oras ng pahinga nila.

Kaya ang ginawa ko ay nag gala na lang sa Mall at nagliwaliw. Parang ngayon lang ata ulit ako nakapunta sa Mall,trabaho at bahay na lang kasi ang naging buhay ko. Ng mapagod ay umuwi na ako,gabi na din kasi.


December 7,2013

Maaga pa lang ay nakapag handa na ako,alas singko kasi ng madaling araw nagising ako sa panay ring ng phone ko,si Khins pala ang tumatawag. At yon nga,sinabihan nya ako na alas sais pa lang ay magreport na ako.

Habang nasa byahe ako ay hindi ko maintindihan ang sarili ko. Parang kinakabahan ako na hindi,panay din ang pasok ni Kline sa balintanaw ko,at yon ang hindi ko din maintindihan. Siguro hindi ko lang talaga makalimutan yung huli naming encounter. At aaminin ko,umaasa ako na sana totohanin nga nya ang mga sinabi nya.

“Good morning. Ako po yung bagong mag a-apply. Can I talk to your boss?” ani ko sa isang crew ng makarating ako sa Cafe Sonata. Ganito pala ang itsura nito pag araw,pero madami pa ding tao.

“Ay! Kayo po ba yon? Pasok lang po kayo sa gilid ng counter,may pinto doon. Yun ang office ng boss namin.” nakangiti nitong sagot. Ngumiti na ako at nagpasalamat saka tinungo ang sinasabi nya.

Pagtapat ko pa lang sa pinto ay nakaramdam na naman ako ng kaba. Bakit ganito? Tatlong beses muna akong kumatok bago buksan ang pinto at pumasok.

“Good morning po! Im Climencio Arturo. Yung ni-reffer po ng pinsan nyong si Khins.” magalang kong sabi sa lalaking nakatayo at nakatalikod,sa bintana sya nakaharap.

“Mabuti at on time ka.” anito at humarap. Napanganga ako bigla.

“Kline?!”

Wish # 8

“Good morning po! Im Climencio Arturo. Yung ni-reffer po ng pinsan nyong si Khins.” magalang kong sabi sa lalaking nakatayo at nakatalikod,sa bintana sya nakaharap.

“Mabuti at on time ka.” anito at humarap. Napanganga ako bigla.

“Kline?!”

“Yes,Lime. Ako nga.” ang nakangiting sagot ni Kline.

Dyosko! Sya ang pinsan ni Khins? Lintek talaga maglaro ang tadhana,gustong gusto talaga akong sinasaktan.

“Did you plan this?” hindi iyon tanong. Kundi diretsong pang aakusa. Ngumiti sya bago sumagot.

“And why would I do that? Tadhana na ang muling naglalapit sa atin Lime. Huwag ka ng magmatigas,tanggapin mo na lang na tayo talaga ang para sa isa’t isa.” aniya. Bakit parang bigla syang naging presko? Nakaka inis.

“Hindi tayo ang para sa isa’t isa. Madaming babae dyan,dun mo ibaling yang damdamin mo,dahil paulit ulit kong sasabihin sayo,hindi na kita mahal. Galit ako sayo! Napu-puot ako! At saka trabaho ang pinunta ko dito,hindi ang makipag balikan sayo!” ani ko at tumalikod na. Kailangan kong maka usap si Khins,magpapalipat ako ng oras.

“Anything you say Lime,walang magbabago sa nararamdaman ko sayo. By the way,kung balak mong magpalipat ng time,wala ng available sa night shift,sayang din ang posisyong ibibigay namin sayo dito.”

Ugh! Ang lakas mang inis ng isang to! Hindi naman sya ganyan dati. Pero teka,posisyon daw?

Tumigil ako sa pagbukas sa pinto at hinarap sya ng nakataas ang kilay. “At anong position?”

“co-manager,yon lang naman.” naka ngisi nyang sagot saka kumindat.

Literal akong napanganga at napakurap ng ilang ulit.

Co-manager?!

— PAST —

“P-pero,paano si Marine? Ayokong masira ang pagkakaibigan namin dahil sa lalaki.” ang tangi ko lang nasabi. Nagtaka pa ako ng biglang ngumisi si Kline. May nasabi ba akong dapat nyang ika ngisi?

Oh my god!

“Teka,baka mal–”

“That’s the very reason kung bakit ako nainlove sayo Lime. Hindi ka marunong magtago ng damdamin. Sa sinabi mo ay para ka na ding umamin,mahal mo din ako diba? Huwag kang mag alala,mahal din naman kita,wala akong pakialam kung wala kang boobs o parehas tayong may lawit,ang importante,nagmamahalan tayo.” aniya at humagikgik pa. Napanganga talaga ako.

Pinagkanulo ako ng sarili kong damdamin. Hindi ko na siguro naitago. At nang mag sink in sa akin ang mga sinabi nya,ay saka lang ako nakapag reak.

“Bastos!” sabay sapak ko sa bicep nya. Ano ba yan! Ang tigas! Parang ako pa ang nasaktan.

“Hahaha! Cute ka pala pag nagba-blush? Dapat lagi pala kitang pinag ba-blush. Lalo akong naiinlove sayo. So,pano? Tayo na ba?”

“Tse! Hindi ko tatraydurin si Marine para lang sa nararamdaman ko. Hindi ako ganon.” inis kong sabi. Ang hirap naman nitong sitwasyon ko. Gustong gusto ko ng maging akin sya pero naiisip ko pa din si Marine kung anong mararamdaman nya kung sakaling sagutin ko si Kline. Ang panget.

“Alam mo Lime,hindi mo kailangan mag reason out sa sarili mo. Desisyon namin to ni Marine,mas pinili nya ang career nya,ako naman na fall out of love. Wala tayong masasagasaan kung sakali. Huwag ka na ngang ano dyan,ako nga umamin ng mahal kita eh,kaya dapat ikaw din umamin na.”

Wala na. Wala na ako masabi,na blangko na din utak ko. Wala na akong ibang naririnig kundi ang malakas na pagkalabog ng puso ko.

Kaya ko ba?

At mula ng araw na iyon ay araw araw na ngang nasa bahay si Kline. Aminin ko man o hindi,mas lumalim yung pagmamahal ko sa kanya. Ganito pala kasarap ang pakiramdam na mahal ka ng mahal mo. Parang lagi kang lumulutang. Isang linggo syang nanuyo,at dahil hindi naman ako babae para magpakipot ay sinagot ko na din sya. Siguro naman walang masama na hayaan ko naman ang sarili ko na sumaya at maging maligaya.

— PRESENT —

December 8,2013

Hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala sa mga nangyari. Talagang nananadya ang tadhana. Nung isang araw lamang ay nag resign ako sa trabaho,pag uwi ko nadatnan ko sa bahay si Kline at nagkaroon ng confrontation na talagang nagpa drain sa buong sistema ko. At kahapon naman excited ako sa bagong trabaho na binigay ni Khins. Para lamang magulat na pinsan nya si Kline at ito pa ang boss ko. Ang lupet talaga ng tadhana,naniniwala na ako na sadyang ipinanganak akong malas.

Mamaya pa akong alas dose ng tanghali pinapa-pasok ni Kline,ewan ko sa kanya kung bakit,nung tumawag nga kagabi si Khins para kamustahin ang first day ko sa cafe sonata,hindi ko na lang sinabi na nashock ako. Mabuti na yung wala syang alam.

Katatapos ko lang maligo at magbihis ng may kumatok sa pinto sa labas. Napatingin ako sa oras, 9:30AM pa lang. Sino kaya yon? Panigurado si Prem yon.

Lumabas ako at binuksan ang pinto. Si Prem nga,naka bihis na din at handang handa na.

“Ready na friend? Excited na ako,ito ang first time na magde-decorate ka for Christmas.” naka ngisi nitong sabi. Kinukulit din nya kasi ako kagabi kaya pumayag na din ako. Tama nga naman kasi sya nung una pa lang,hindi dapat magpaka miserable pa lalo,bagkus ay bumangon dapat at magpakatatag.

“Oo. Mukhang uubusin mo savings ko ah?” ani ko at lumabas na.

“Ofcourse! Para sa ikagaganda naman yon ng apartment mo at ng madama mo ang pasko. Nga pala,magsimbang gabi tayo,tutal pang araw na ang trabaho mo.” sabi nya habang naglalakad kami palabas sa compound namin.

“Parang sinabi mo naman na hindi maganda ang bahay ko? Wala kang kwentang kaibigan” biro kong ganyan kay Prem. Nanlaki naman ang mga mata nya na tinitigan ako na ikina salubong ng kilay ko.

“Atlast! Finally! After a long,long,long time,ngumiti ka na ng totoo at nagbiro ka pa! Improving ka na friend!” masayang sabi ni Prem na parang bata na pumapalakpak pa.

“Oo nga no? Huwag kang OA,tara na. Ayan na ang FX.” sabi ko na lang at hinila na sya papasok sa loob ng taxi. Aaminin ko,nakaramdam ako ng excitement na malalagyan ng christmas decoration ang bahay ko.

Pagdating namin sa Mall ay madaming tao. Obviously,madami na ding namimili para sa pasko. Pamilya,magkasintahan,may tropa. Buti pa sila may pamilyang kasama pagdating ng pasko.

Naalala ko sina Mama at Papa,hindi pa rin maalis ang sakit ng pagkawala nila. Pinilit kong alisin muna sila sa isipan ko,hindi ako pwedeng maging emosyonal dito sa Mall. At isa pa,kasama ko si Prem,baka bigla tong magtaka kung umiyak ako.

“Tara unahin natin ang mga isasabit sa dingding. Doon tayo.” sabay hila sa akin ni Prem kaya nagpatianod na lamang ako. Para lang nasa palengke sa sobrang dami ng tao.

Nang nasa loob na kami ay medyo nahirapan ako pumili. Dahil sa totoo lang hindi ko naman talaga alam ang dapat sa hindi dapat idecorate.

“Itong Merry Christmas na to Prem,sa tingin mo okay na to? Simple lang ang gusto ko.” ani ko kay Prem habang tinitingnan yung tinutukoy ko. Hindi naman siguro kailangang bongga dahil wala naman ibang pumapasok sa bahay ko kundi sya lang.

“Kung ano sa tingin mo ang bagay. Teka lang teh,dito ka lang,mag cr lang ako,parang puputok na ang pantog ko.” aniya. Hindi pa man ako nakaka sagot ay nanakbo na sya palabas. Parang baliw lang talaga ang isang ito.

Inabala ko ang sarili ko sa pagpili. Ang hirap pala,lalo na at first time ko itong gagawin.

Labing limang minuto na ang lumilipas pero walang Prem na bumalik kaya medyo nainis na ako. Kinuha ko na lang yung natipuhan kong design at tinungo na ang counter.

“Two hundred fifty pesos po.” sabi ng cashier. Napanganga ako. 200 na yon? Eh isasabit lang naman yon sa pader. Wala akong nagawa kundi kunin ang wallet ko. Dudukutin ko pa lang ang pera ko pero may nagsalita na sa tabi ko kasunod noon ang pag abot nito ng credit card sa cashier.

“Miss ako na magbabayad ng binili nya.” anito kaya nilingon ko.

“Kline! Anong ginagawa mo dito? Diba dapat nasa.. Teka nga?! Sinusundan mo ba ako? Papasok ako sa trabaho. Huwag kang mag alala.” inis at dire-diretso kong sabi. Tsk! Nasan na ba kasi ang bruhang si Prem?

“Obviously Lime. Lets go,madami pa tayong dapat bilhin.” sagot nya na ikina nganga ko. San sya kumukuha ng ganitong confidence?

“May kasama ako si Prem. At may pera akong pambayad. Kaya pwede ba? Tsuu!!” inis kong sabi at inirapan sya.

“Miss,pano ba paamuhin ang boyfriend?” biglang sabi ni Kline sa cashier. Feeling ko sobrang pula ko na dahil sa hiya,kaya ang ginawa ko,ako mismo ang humila sa kanya palabas.

Nang tumigil ako sa paglakad at lingunin ko sya ay nakatingin sya sa kamay nyang hawak ko.

“It really feels great na magdampi ulit ang mga balat natin Lime. Ganon pa din ang reaction ng katawan ko,at ganon pa din ang nararamdaman ko. Niyayanig pa din ako hanggang ngayon.”

Wish # 9

“It really feels great na magdampi ulit ang mga balat natin Lime. Ganon pa din ang reaction ng katawan ko,at ganon pa din ang nararamdaman ko. Niyayanig pa din ako hanggang ngayon.”

Dahil sa sinabi ni Kline ay parang bigla akong nakuryente,napabitaw ako sa kamay naming magkahawak. Hindi ko maiwasang maalala yung mga araw na nagsisimula na kami. Yung mga araw na palapit na sa araw na kinasusuklaman ko.

— PAST —

Naging ganon na nga ang set up namin ni Kline. Naging consistent sya sa panliligaw sa akin. Pakiramdam ko,tunay akong babae. Kahit sina Mama at Papa ay nililigawan din nya,dahilan kung bakit mas naging malalim ang pagmamahal ko sa kanya. Ang noon na akala ko ay hanggang tanaw na lamang ay heto at sinusuyo ako,sinasabi at pinaparamdam na mahal din nya ako.

“San tayo pupunta?” tanong ko sa kanya kahit na ramdam ko ng sa bahay nila kami pupunta. Ngayon pa lang ako makakapunta at makakapasok dun sa loob ng ilang taong magkakilala kami at hindi ko maiwasang kabahan sa naiisip ko.

“Alam kong alam mo kung san tayo pupunta. Ipapakilala na kita kina Mom and Dad.” aniya habang hila hila ako. Lalo tuloy kumalabog ang dibdib ko. Paano pag hindi nila kami natanggap? Pag tinakwil nila si Kline? Hindi ko ata kaya yon.

“Ha? Ah eh? Sa ibang araw na lang.”

Tumigil sya sa paglalakad at tinitigan ako. “Hindi pwede. Nangako ako na ipapakilala ko sa kanila ang tunay kong mahal bago magpasko.”

“Naipakilala mo na si Marine diba?”

“That’s a very different story Lime. Ikaw ang mahal ko. Ikaw ang kasama ko. Kaya tara na.” at muli nya akong hinila. Wala na akong nagawa. Bahala na nga,hindi naman siguro masamang iparamdam ko na din ang pagmamahal ko at ipaglaban ito.

Pagdating namin sa kanila ay sinalubong kami ng maid nila. Nasa dining hall na daw ang mga magulang nya at naghihintay kaya tinungo na namin ito. Pero ganon na lang ang paglaglag ng mga panga ko sa aking nakita.

Sina Mama at Papa! Anong ginagawa nila dito?

“This is a family dinner date.” sabi ni Kline na nakangisi ng tingnan ko sya. Muli akong napabaling sa hapag kung saan lahat sila ay nakangiti at sa amin nakatingin. Anong nangyayari?

“Maupo na kayong dalawa para makakain na tayo.” ani ng Dad ni Kline. Napalunok ako bigla ng sunod sunod. Magkatabi kami ni Kline,sa harap namin ang Mama at Papa ko,katabi nya Mom nya at nasa dulo ang Dad nya,sa pwesto ng haligi ng tahanan. Ngayon ko lang nakita sa malapitan mga magulang nya,maganda at gwapo pa din sila.

“I never thought na sa ganito hahantong ang lahat. Pero dahil mahal namin ang nag iisa naming anak,tinanggap namin.” ani ng Dad ni Kline sa gitna ng pagkain namin.

“Alam naming hindi namin sya nabantayang mabuti. Pero ngayon babawi kami at susuportahan sya.” dagdag naman ng Mom nya.

Kinakabahan ako kaya hindi ako makakain ng maayos. Pero gusto kong sumabat,hindi pa naman kasi kami ni Kline e.

“Kami din naman. Kahit kailan kasi ay hindi namin nahalata o napansin na may pagtingin pala sila sa isa’t isa. Lalo na nung naging si Marine at Kline.” ang pagsabat naman ni Papa.

“Uhm,mawalang galang na po,pero hindi pa naman kami ni Kline.” ang pagsingit ko sa usapan nila kaya sa akin natuon ang atensyon nila.

“Dun din naman tayo papunta.” nakangising sabi ni Kline.

“Tama ang anak ko. Basta,kung magkakatuluyan kayo hanggang sa huli. Gusto kong bigyan nyo kami ng mga apo galing mismo sa inyo. Hindi na yon imposible ngayon.” sabi naman ng Dad ni Kline. Napanganga ako bigla. Bakit parang ang layo agad ng usapan at napunta na sa mga apo?

“Tama yon. Sa canada may surrogacy center. Hindi na ako makapag hintay magka apo.” nakangiting sabi ng Mom ni Kline. Nanatili akong nakanganga. Tiningnan ko si Mama na tahimik lang na nakikinig mula kanina.

Kaya ng matapos ang dinner date na yon ay niyaya ako ni Kline sa kwarto nya,habang ang mga magulang namin ay nasa may lanai,nag uusap at umiinom. Hindi talaga ako makapaniwala sa mga nangyayari. Parang ang bilis nga eh,naplano pa agad nila na magkakasama daw kaming mag sa-shopping para sa mga christmas decorations,at sa mismong araw daw ng pasko ay magpa-party kami.

“Gusto ka ng mga magulang ko,tanggap ka nila,kaya sagutin mo na ako Lime.” ani Kline habang hinuhubad ang damit nya at pantalon nya. Napanganga na naman ako. Ang ganda pala ng katawan nya,lalo na ang mga abs nyang walang ka effort effort ang mga linya. Pero mas nalaglag pa lalo ang panga ko nang naka boxers brief na lang sya.

“Anong ginagawa mo?” taka kong tanong ng palapit na sya,nanatili lang kasi ako dito sa may pintuan.

“Ganito ako pag nasa kwarto na Lime.” aniya ng makalapit na. Napasandal ako sa pinto at mas lalo pa syang lumapit. Naamoy ko na ang mabango nyang hininga at ang natural masculine scent nya. Nakakabaliw,para na akong mabibingi sa lakas ng pintig ng puso ko.

“G-ganon ba?” ang halos mahimatay ko ng sabi. Mas lalo pa syang lumapit at itinukod sa pinto ang mga kamay nya,nakakulong na ako. Hindi ko maiwasang titigan sya,ang perpekto nyang mukha,halos maduling na nga ako sa pakikipagtitigan sa kanya.

“Ganon na nga. Sasagutin mo ba ako o gusto mong may mangyari muna sa atin? Atleast yon,na angkin na kita,ma-aangkin pa kita.” nakangisi nyang sabi habang tinititigan pa din ako. Napapikit ako,naalala ko si Marine,ganito rin siguro sila,o mas higit pa. Parang hindi ko kaya.

“Ayoko. Ginawa nyo na ito noon ni Marine,at ayokong gumaya.” sabi ko ng dumilat ako. Marahan ko syang tinulak. Napaawang ang kanyang mga bibig at nanlaki ang mga mata dahil sa sinabi ko. Kinuha ko ang pagkakataong iyon para lumabas ng kwarto nya.

Hindi ko kaya. Galing sya kay Marine,tapos ako naman ngayon? Para akong aso na kinain pa ang butong nadilaan na ng ibang aso. Hindi ko kaya.

— PRESENT —

“Uuwi na ako.” ang tanging nasabi ko na lamang. Patay talaga si Prem sa akin,alam kong may kinalaman sya dito eh. Yung baklang yon talaga! Hmp.

“Hindi pa tayo tapos bumili ng decorations para sa bahay mo Lime.”

“Hindi bale na lang. Hindi naman ako nagse-celebrate ng pasko!” singhal ko sa kanya. Ramdam kong pinagtitinginan na kami ng mga tao kaya tumalikod na ako at naglakad ng mabilis.

“Hindi ako mabilis sumuko Lime,alam mo yan! Gusto mo bang halikan kita sa harap ng maraming tao para lang sumunod ka? Ipapakita ko sayo na mula noon hanggang ngayon ay ikaw lang ang mahal ko!” sigaw nya na ubod ng lakas. Napatigil ako sa paglalakad at hiniling na sana bigla na lang akong maglaho o hindi kaya ay lamunin ng sahig. “That’s good. Tara na,madami pa tayong kailangang bilhin.” aniya ng makalapit sa akin. Wala akong nagawa kundi ang sumunod na lamang.

Madami kaming pinamili,at ni piso wala akong ginastos,dahil gusto nya sya ang magbayad. Hindi na ako nagpumilit at pinabayaan na lamang sya. Kaya ng umuwi kami sa apartment ay nagulat pa ako dahil nandun si Prem at nagluluto.

“Magka sabwat ba kayo?” sabi ko ng mailapag ang mga pinamili namin.

“Nako friend hindi ah? Nakita ko lang sya sa mall. Nagtanong sya kung sinong kasama ko,sinabi ko nga ikaw. Kaya ayon,escape na ako kanina,at para hindi ka magalit,nagluto ako.” mahaba at nakangising sagot ni Prem. Binalingan ko si Kline ng nakakamatay kong tingin.

“At ikaw?! Tapos na papel mo. Umalis ka na! Baka hinahanap ka na ng mga employee’s mo. Kakain lang ako ng tanghalian at susunod na doon. Alis na!” sabi kong ganyan.

“Ang lupet mo talaga! Hindi ako hahanapin dun. At bukas ka pa magsisimula. Magde-decorate pa tayo nina Prem oh.” nakangisi nyang sabi. Hindi na lamang ako umapila.


December 9,2013

Napagod ako sa pagde-decorate kahapon kasama sina Kline at Prem. Buti nga nagising ako ng maaga dahil sa walang tigil na pag ring ng phone ko. Si Mia pala ang tumatawag,nami-miss na siguro ako ng mga baliw na iyon. Makikipagkita ako sa kanila one of these days.

Naligo na ako at naghanda. Paglabas ko sa sala ay parang nasorpresa sa mga nakita ko. Nanibago ako,ang ganda na ng bahay dahil sa mga dekorasyon. Ang christmas tree ay nasa gilid ng Tv,ang mga christmas dekorasyon ay sinakop ang sala hanggang kusina. Hindi ko namalayan na napapangiti na pala ako.

Umalis na ako at tinungo ang cafe sonata. Habang lulan ng jeep ay binasa ko ang mga text,lahat galing sa mga dati kong ka team mate,yung iba kay Kline at Khins.

Si Khins,hindi pa ako nakakapag pasalamat sa kanya ng pormal,puntahan ko kaya sya at para makasama din sina Mia.

Pagdating sa cafe sonata ay sinalubong na ako ng mga crew. Nanibago na naman ako,ganito ba pag co-manager? Ano ba ang trabaho ng co-manager?

“Hinihintay po kayo ni sir Kline sa office nya.” ani ng crew.

“Ganon ba? Salamat.” sabi ko at tumuloy na dun sa opisina. Pagbukas ko ng pinto ay naabutan ko si Kline na nakayuko at may mga binabasa at pinipirmahan.

“Maupo ka na at hintayin mo akong matapos sa mga pinipirmahan ko.” aniya na hindi man lang ako binalingan ng pansin. Napataas ang kilay ko,hintayin? Ano ako dito,alalay?

“Huh? Akala ko magsisimula na ako sa trabaho? Ano ba ang gawain ng co manager?” bagkus ay sabi ko na lamang imbis na makipag tarayan pa.

“Co manager? Oo nga pala,ang trabaho mo ay samahan ako dito at sa mga lakad ko,aalagaan mo din dapat ako.” nakangisi nyang sabi at nag angat na ng tingin sa akin sabay kindat.

“Trabaho ang kailangan ko! Hindi ang pagiging alalay. Gawin mo na lang akong crew!” inis kong sabi. Sinasamantala talaga ng isang ito ang sitwasyon at pagkakataon. Sarap bigwasan ng dimangkog e!

“Wether you like it or not,yun ang gagawin mo.” nakangisi pa din nyang sabi.

Ugh! Lakas talaga mang inis ng ungas na to!

Wish # 10

December 10,2013

Sakto ang gising ko,alas tres ng madaling araw. Diba nga tatambay ako ngayong madaling araw sa Cafe Sonata. Bwisit kasi yang si Kline e! Pakiramdam ko naubos ang dugo ko sa mga pang iinis nya kahapon. Co-manager daw,e ginagawa nya akong chaperone. Kaya nung natapos na ang oras ng trabaho agad akong umalis at di nagpaalam. Bahala sya sa buhay nya.

Medyo nakakapanibago lang ulit dahil ngayon lang ulit ako lumabas ng madaling araw. Malamig na ang simoy ng hangin,bawat bahay pabonggahan ng dekorasyon at christmas lights na nakaka aliw tingnan.

Nang marating ko ang Cafe Sonata ay sakto naglalabasan na sa dating call center na pinagtatrabahuhan ko ang mga call center agents,break na nila. Tumawid na ako dahil nakita ko na si Khins na may kausap na isang costumer. Magaling din talaga sya mag entertain,hindi katulad ng pinsan nyang si Kline,walang ibang alam kundi mang inis at mambwisit.

Pagpasok ko sa Cafe Sonata ay tiningnan ako ni Khins at ngumiti. Kaya kinawayan ko na sya,sakto tapos na din ata sya makipag usap,lumapit na ako at inimuwestra nyang maupo na kami.

“Ang galing mo talaga mag handle ng negosyo.” nakangiti kong sabi. May lumapit na crew at naglagay ng kape at cake.

“Hindi naman,gusto ko lang talaga ang ginagawa ko. Ikaw,kamusta naman ang pagiging co-manager?” nakangiti nyang sabi.

“Kaya nga magaling. Ayun nga,gusto ko magpasalamat sa trabahong ibinigay mo. Pero hindi naman siguro maganda na co-manager nyo agad ako,wala naman akong alam sa negosyo,pwede namang simpleng crew lang ako.” mahaba kong sabi bago tinikman ang cake.

“That was nothing. Mas maganda nga na may co-manager kami ni insan. Kamusta trato nya sayo?”

“Mabaet naman sya. Madaling pakisamahan.” ang sabi ko. Kung pwede lang sabihin sa kanyang matagal ko ng kilala si Kline ay ginawa ko na. Pero sa tingin ko,hindi naman ata importanteng malaman pa nya.

“That’s good. Pag nagtagal ay masasanay ka din,at pwede ka na naming ipakilala sa mga parents namin bilang co-manager. Alam mo naman,sila at ang mga lolo at lola pa namin ang nagpasimula ng Cafe Sonata at Cafe Sonatina.” aniya na mababakasan ng pagka proud ang mukha. Pero hindi ata magandang idea ang ipakilala ako,lalo na’t hindi pa ako handang harapin ulit ang mga magulang ni Kline.

— PAST —

Hindi ko din natiis si Kline,kakampi nya mga magulang namin,at kung mag iinarte pa ako ay kukulitin nila ako. Kaya nga wala akong magawa ng na corner nya ako sa dinner ng family namin. Sa harapan nila ay sinagot ko si Kline. Syempre ayaw ko na din mag inarte,iniisang tabi ko muna ang pag aalala kay Marine. Pwede ko naman kasi syang kausapin ng maayos para walang gulo,at saka I dont think na dahil lang sa lalaki ay mag aaway kami.

Masaya ako ng maging kami ni Kline,walang araw na hindi kami magkasama,halos hindi kami mapag hiwalay,ang mas ikinalalim ng pagmamahal ko sa kanya ay hindi nya ako ikinakahiya,parang babae pa talaga ang turing nya sa akin. May isa lang syang gusto na hindi ko maibigay,ang pakikipagtalik,pumapasok kasi talaga sa isipan ko kung paano din sila magtalik ni Marine,pakiramdam ko,nakikisawsaw ako,natikman na ng kaibigan ko,titikman ko pa? Hindi ko kaya.

Ngayon nga ay bisperas ng pasko,nandito kami sa mall at bibili para sa exchange gift mamaya. Hindi ko na pinansin ang pagiging balisa niya,kahit ang panay pagtunog ng cellphone nya at pagsagot nya sa mga text ay hindi ko pinapansin. Ang mahalaga,magkasama kami,ayokong masira ang maganda kong mood.

“Umuwi na tayo.” aniya pagkatapos naming bumili para sa exchange gift.

“Huh? Mamaya pa naman ang party diba? Mamasyal muna tayo.” ang agad ko namang reaksyon.

“Masama ang pakiramdam ko eh.” sagot nya na parang wala nga talaga sa mood. Kinapa ko ang noo nya,hindi naman mainit,normal naman.

“Sige,umuwi na lang tayo.” ani ko at naglakad na kami papunta sa parking.

Nang makauwi sa bahay nina Kline ay tumulong na lang kami sa pagluluto,wala naman kasi kaming gagawin. Sina Mama at Papa naman ay mamayang gabi pa pupunta dahil may iba pa silang pupuntahan ngayon.

Nang mag gabi na ay nagparty na nga at exchange gift. Hindi ako mapakali dahil wala pa din sina Mama at Papa,hindi ko naman makita si Kline,kanina lamang ay nandito sya at kausap ang Mom at Dad nya. Hanggang sumapit ang alas dose,pasko na,wala pa din ang mga magulang ko at panay na din ang tanong nila sa akin,hindi ko din muna inintindi kung nasaan si Kline.

“Baka napagod sa pinuntahan nila Lime.” ani ng Mom ni Kline.

“Kaya bukas dapat bumawi sila.” nakangiti pang dagdag ng Dad ni Kline. Ngumiti lang ako at nagpaalam na lalabas muna,dahil talagang kinakabahan na ako,uuwi muna ako para makasiguro kung nasa bahay nga sila,iba kasi ang kabang nararamdaman ko.

Palabas na ako ng mag ring ang phone ko,habang naglalakad ay sinagot ko ito. Agad ko ding napansin sa di kalayuan ang kotse ni Kline,ibig sabihin,hindi sya umalis.

“Hello? Sino to?” sagot ko habang naglalakad palapit sa kotse ni Kline. Wala ng tao sa paligid,lahat may kanya kanyang party sa mga bahay nila.

“Ito po ba si Lime? Ang anak ng mag asawang Arturo?” sabi ng boses sa kabilang linya. Kinabahan ako,hindi pamilyar sa akin ang boses. Naglakad pa din ako palapit sa kotse,at may napansin ako. Gumagalaw ang kotse at may tao sa loob,kita kasi ito sa likuran.

“O-opo. Bakit po?”

“Nadisgrasya ang mga magulang mo,dead on arrival sila dito sa ospital.” para akong biglang nabingi,nanginig ako at nanlambot ang mga tuhod ko. Napakapit ako sa likod ng kotse at naanig ko ang tao sa loob.

Si Marine gumagalaw sa ibabaw ni Kline.

Parang sumabog na ang mundo ko. Parang nagkapira piraso. Hindi ko na maintindihan ang sakit na nasa dibdib ko. Tinakasan ako ng kaluluwa,tinakasan ako ng lakas,parang umiikot na ang paningin ko,hilam na ang mata ko sa luha kong parang ilog kung umandar. Ang huling natatandaan ko ay ihinampas ko ang cellphone ko sa salamin sa likod.

Namatay ang mga magulang ko,pinagtaksilan ako ng boyfriend at kaibigan ko. At lahat ng iyon ay naganap sa araw ng pasko,araw na dapat ay masaya ako.

— PRESENT —

“Lime? Are you okay?” ang boses ni Khins na nagpabalik sa akin sa kasalukuyan.

“Huh? Pasensya ka na,bigla akong nag space out.” ani ko. Nagulat pa ako ng mas lumapit si Khins,bigla akong kinabahan na hindi ko maintindihan. Pinahid nya ang mga luha ko na hindi ko man lang namalayang tumulo na pala.

“Obviously,nag space out ka,youre crying. May problema ba?” puno ng pag aalala nyang sabi. Hindi ako nakasagot,mabuti na lamang at natanaw ko na sina Mia,Babat,Ully at Japoy na palapit.

“Kamusta ang mag irog?” ani Japoy.

“Baliw!” sagot ni Khins na nakangiti pero bakas sa mga mata na nag aalala pa din sya sa akin.

“Anong uri ng oxygen ang nasinghot mo at napadpad ka dito?” ang sabi naman sa akin ni Babat at umupo na din sila.

“Naku! Co-manager ni Khins yan,huwag kayong ano!” buska naman ni Mia.

“Bigatin na nga eh.” sabat naman ni Ully.

“Mga baliw! Buti nga naisipan ko pang magpakita sa inyo. Saka sinadya ko talaga ang pagpunta dito para personal na makapag pasalamat kay Khins. Kayo,nandito lang naman kayo para maki wifi diba?” ang sagot ko naman at ngumisi.

“Nakuha mo Lime!” natatawang sabi ni Khins at nakipag high five sa akin. Nawala ang ngiti ko ng may mapansin ako sa labas.

Si Kline. Seryoso at madilim ang pagkakatingin sa akin. Parang nag rigodon bigla ang puso ko. Bigla din syang tumalikod at naglakad na palayo.

Napatayo ako bigla,ewan ko pero bakit pakiramdam ko kailangan ko syang sundan at kausapin kahit hindi naman dapat. Mas naunang kumilos ang katawan ko bago ang utak ko. Namalayan ko na lang na lumabas na ako para sundan si Kline,dinig ko pang tinatawag nila ako pero hindi ako lumingon. Susundan ko si Kline.

Naabutan ko syang binubuksan ang pinto ng kotse niya.

“Kline! Sandali lang.” ang pagtawag pansin ko sa kanya. Nabuksan na nya ang pinto saka nya ako nilingon.

“Bakit ka sumunod? Baka hanapin ka ng pinsan ko at mga kaibigan mo.” ang cold nyang sagot. Ano bang nagawa ko?

“Sinadya mo ba akong puntahan?” ang mahina kong sabi. Ito ang unang pagkakataon na ako ang unang kumausap sa kanya.

Huminga sya ng malalim bago sumagot. “Oo. Kanina pa kitang hinahanap,bigla kang umalis ng hindi nagpapa alam. Im still your boss,and your still mine,nag alala ako.”

Wish # 11

Napanganga ako sa sinabi ni Kline. Parang bawat binibitawan nyang salita ay bago para sa akin. Hindi ko alam kung bakit parang balewala lang sa kanya ang mga nangyari noon. Dahil ako,matapos kong sapitin ang masakit na pangyayaring iyon,lumayo ako ng mailibing sina Mama at Papa. Kinalimutan ko sila,kinalimutan ko ang nakaraan. At itinuring kong normal na araw ang pasko,hanggang sa mapadpad nga ako sa lugar nina Prem.

“O-okay. Pasensya ka na. Next time magpapa alam na ako. Sige,babalik na ako sa kanila.” ang tanging nasabi ko saka tumalikod at naglakad pabalik sa Cafe Sonata.

Bakit ko nga naman kasi sinundan pa sya. Galit ako sa kanya diba? Pero naman kasi napaka traydor ng damdamin ko. Siguro dapat umiwas na ako,hindi na ako pwede ulit masaktan. May ipon pa naman ako,aalis na lang ako sa trabaho,pwede pa sigurong next year na lang ako mag trabaho ulit.

Napatigil ako sa paglalakad dahil sa paghawak sa braso ko. Alam kong si Kline iyon pero hindi ko nilingon. Pasimple kong kinalma ang sarili para matigil ang pagwawala ng puso ko.

“Lime. Umuwi ka na. Ihahatid na kita,magpaalam ka na sa pinsan ko at mga kaibigan mo.” Puno ng awtoridad na pagkaka sabi ni Kline. Napatingin ako kina Khins na nakatingin na sa amin,kunot noo si Khins,nagtataka na siguro.

“Sige. Hintayin mo ako.” ang sabi ko at pumasok na. Maayos akong nagpaalam sa kanila kahit na pinipigilan nila ako. Parang bigla nga din ako napagod,parang gusto ko na lang mahiga at matulog.

Hinatid nga ako ni Kline,tahimik lang kami sa byahe,ako iniisip ko kung ano ang pwedeng mangyari. Samantalang sya,hindi ko alam kung anong iniisip. Sobrang nag matured na sya,sobrang mas gwapo sya ngayon. Pero theres something deep inside me na nagpipigil,humaharang na mapatawad ko sya at kalimutan ang ginawa nya. Aminado naman ako na hanggang ngayon ay mahal ko pa din sya,I cant believe na may pagmamahal pa lang umaabot talaga ng ganito,akala ko kasi naglalaho yon.

“Maraming salamat sa paghatid.” ani ko ng makalabas sa kotse nya,lumabas din naman sya. “Gusto mo ba munang magkape?” ang alok ko pa.

“No thanks. Pero pwede magrequest?” seryoso nya paring sabi.

“A-ano yon?”

“Pwedeng makitulog? Pagod na ako at sobrang antok. Maaga pa ako mamaya dahil may mga hindi ako natapos na paper works,magkaiba kasi kami ng kita ni Khins eh.” ani Kline. True to his words,ng titigan ko syang mabuti ay saka ko lang napansin na namumungay na ang kanyang mga mata.

Wala naman sigurong masama diba? Makikitulog lang naman sya. Haay! Parang kanina lang kinukumbinsi ko ang sarili ko na iwasan na sya,pero ngayon,heto at magkasama kami.

“Sige. Tara pasok ka.” ang pagpayag ko. Sa sala ko na lang sya papatulugin.

“Salamat Lime.” aniya at pumasok na kami sa loob. Sinabihan ko sya na sa sala matulog,pero nung magising ako ay kayakap ko na sya kaya agad ko syang itinulak. Pareho pa kaming nagkahiyaan na para bang ngayon lang kami nagkakilala.

“Tsk! Male-late na tayo!” nanlalaki ang mga mata kong sabi ng makita ang oras. Pero sya,imbis na tumawa ay ngumiti lang. “Maliligo na ako!” ani ko at nagmadaling pumunta sa banyo.

“Sabay na tayo.” aniya at agad nakapasok. Pinagtutulakan ko pa sya sa labas pero matigas ang ulo nya. Sa inis ko ay tinalikuran ko na lang sya. “May damit ako sa kotse. At huwag kang mag alala,wala akong gagawin sayo,gusto kong nakatali ka na sa akin bago ko kunin ang virginity mo. Virgin ka pa diba? Wala naman nangyari satin dati at wala din akong nabalitaan na may iba kang lalaki.” ang mahaba pa nyang dugtong,parang nag akyatan sa mukha ko ang lahat ng dugo ko sa katawan at nag init ako. Inis ko syang hinarap.

“Hoy! Hindi naman kasi ako gaya ng ibang bakla na-” natigil ako sa pagsasalita dahil wala na syang saplot. As in! Para sya sculpture na nililok ng magaling na iskultor,magandang biceps,eight pack abs na dati ay hindi ganon,malaki at malapad na dibdib. Hanggang dumako ang tingin ko dun,napasunod ang paglunok ko ng laway,ngayon ko lang yon nakita,bakit malaki kahit hindi pa ano? Bakit uminit ang paligid?

“You like it? Sayo yan pag tayo na ulit. At saka alam kong hindi ka ganong bakla,kaya nga mahal na mahal kita. Sige na,maligo na tayo.” nakangisi nyang sabi.

Hindi na ako nakasagot. Magkatalikod kaming naligo pero mainit pa din ang katawan ko. Ganito pala yon,kaya hanggang sa cafe sonata at sa pinuntahan naming lunch meeting ay yun ang laman ng isipan ko,pati hanggang makauwi. At ang gagong si Kline,buong araw naman naka ngisi. At ang matindi,pag uwi ay napanaginipan ko pang may nangyari daw sa amin sa banyo,sheeet!


December 11,2013

“Hoy! Buksan mo ang pinto! Sayang ang mga dekorasyon! Hindi makikita ng mga kapitbahay!” panay ang katok at sigaw ni Prem sa labas. Katatapos ko lang maligo,natagalan kasi ako dahil sa kakaisip kay Kline,sa banyo at yung panaginip ko. Tinext ko din si Kline na male-late ako,hindi naman sya nagreply.

“Saglit lang! Bakit kasi ngayon pa pumupunta eh papasok na ako sa trabaho?!” pasigaw ko ding sagot habang naglalakad papunta sa pinto. Pagbukas ko ng pinto ay sesermunan ko pa dapat si Prem pero na stuck up ang bibig ko. Kasama pala nya si Khins,nakaporma,at ang bango.

“Good morning!” ani Khins sabay ngiti at kindat. Napatingin ako kay Prem. Bruhilda talaga ang kaibigan kong ito.

“Ah sige na! Hinatid ko lang si sir! Babush!” naka ngising sabi ni Prem,nag peace sign bago umalis. Baliw talaga!

“Uhm.. Pasok ka,para makapag agahan ka,mukhang hindi ka pa natutulog eh.” ang nahihiya kong sabi.

“Flowers for you Lime.” aniya sabay abot ng isang bouqet ng white roses,kaya pala nasa likod ang mga kamay nya. Nagtaka ako kung bakit nya ako binigyan,para tuloy akong babaeng nililigawan. Shit! Nililigawan nya ba ako? “Kung ano iniisip mo Lime,tama ka,nanliligaw ako sayo. At nandito ako para yayain kang mag breakfast at ihahatid kita sa Cafe Sonata. Dont worry kahit wala pa akong tulog,naligo naman ako.” nakangiti pa ding dagdag ni Khins.

Tinanggap ko ang bulaklak. Magsasalita na sana ako pero muli kong isasara ang bibig ko,para akong isda na nahuli,bukas sara ang bibig.

“So?” untag sa akin ni Khins.

“Uhm.. S-sige,tara na.”

Matapos nga ang breakfast date ‘kuno’ namin ni Khins ay hinatid nya ako sa Cafe Sonata at umuwi na sya. Masyado ng pre occupied ang utak ko. Magpinsan ang may gusto sa akin,at ngayon ko lang ito naranasan,si Kline na mahal ko pero hindi ko pa matanggap ng lubusan at muling mapatawad,si Khins na bago kong kakilala na nag o-offer ng pagmamahal nya. Ano ba naman ito? Hindi naman ako babae ah?

“Lime,may pupuntahan lang akong out of town meeting,bukas pa ako makakauwi. Ikaw na ang bahala mamaya. Tandaan mo,bawal manlalaki ah?” ani Kline habang inaayos mga papeles nya samantalang ako ay inaaral yung kita ng cafe sonata kahapon.

“Tse!” inis kong sabi at binato sya ng ballpen. Tumawa lang naman sya kaya ibinalik ko na ang atensyon ko sa ginagawa ko kanina.

“Kahit wala ako,alam ko kung ano mga mangyayari sayo. Akin ka na dati,at magiging akin ka na ulit. By the way,papupuntahin ko si Khins dito dahil iche-check nya ang mga materials at ingredients.” ang biglang seryoso nyang sabi. Tulad ng dati ay hindi na lang ako sumagot. Binabaliw ko lang kasi ang sarili ko eh,hindi pa ako nakaka get over sa mga bagong pangyayari.

Nang maka alis nga si Kline ay dumating si Khins,sa shop kami tumambay,ayaw kong magkulong sa office. At isa pa,kailangan kong tutukan ang mga crew at costumers,habang chine-check pa ni Khins ang mga dapat nyang icheck. Nang oras na ng pag uwi ko ay hinatid pa nya ako,pero kumain muna kami sa isang restaurant,hindi ko maiwasang mailang dahil nga sa panliligaw nya at sa katotohanang,magpinsan sila ni Kline,iisang dugo ang nananalaytay sa kanilang mga ugat.


December 12,2013

“Mabango ba ang bulaklak na binigay ng pinsan ko? Masarap ba ang mga pagkaing kinainan nyo sa restaurant na pinagdadalhan nya sayo?” boses ni Kline pagkapasok sa opisina,mas nauna kasi ako sa kanya. At ewan ko ba,kung bakit natakot ako at nakaramdam na naman ako ng urge na magpaliwanag. “Nanliligaw sya sayo diba?”

I was caught offguard,hindi ko ito naisip,hindi ko napaghandaan,kung anu-ano kasi ang iniisip ko. Malas talaga yata ako pag december eh. Nakanganga lang ako,hindi alam kung anong isasagot,para akong nasukol. Bakit ganito? Parang ang bigat ng kasalanan na nagawa ko?

“A-anong masama dun? Amo ko sya? Hindi naman siguro masamang makipag close,at kung manliligaw sya sa akin ay walang kaso,single ako.” taas noo kong sagot at nakipagtitigan sa kanya,gusto ko syang sukatin kung hanggang saan sya. Kita ko kung paano magtagis ang mga bagang nya at kung paano kumuyom ang mga kamao nya.

“Binabalaan kita Climencio. Ako lang ang pwedeng umangkin sayo,akin ka lang,akin lang ang puso mo. Hindi ako papayag na mapunta sa wala ang mga paghihirap ko. Walang kahit sino ang pwedeng umagaw sayo mula sa akin,kahit ang pinsan ko.”

Wish # 12

“Binabalaan kita Climencio. Ako lang ang pwedeng umangkin sayo,akin ka lang,akin lang ang puso mo. Hindi ako papayag na mapunta sa wala ang mga paghihirap ko. Walang kahit sino ang pwedeng umagaw sayo mula sa akin,kahit ang pinsan ko.”

Napanganga ako bigla. Bakit ganun sya? Parang siguradong sigurado sya na babalikan ko sya.

“Grabe ka!” yan lang tanging nasabi ko saka sya tinalikuran,lalabas muna ako at magpapahangin. Hindi ko talaga kinakaya si Kline,ang laki ng pinagbago nya.

Nang nasa labas na ako ay bigla kong naisip si Marine. Kamusta na kaya sya? Wala na talaga akong balita pa sa kanya. Hindi din naman kasi nag o-open up si Kline,dahil siguro alam nyang ayaw ko.

“Marine.” ang bulong ko sa hangin. Kahit naman trinaydor nya ako ay naging kaibigan ko sya at may pinagsamahan kami. Yun nga lang,hindi maganda ang naging paghihiwalay namin.

“Wala na si Marine.” sabi ng isang boses mula sa likuran ko kaya napatalon ako at saka ito hinarap.

“What do you mean? Anong wala na si Marine?” ang kinakabahan kong tanong. Ito ang unang pagkakataon na pag uusapan namin si Marine.

“Pagkatapos ng mga nangyari,ng bigla kang mawala matapos ang libing ng mga magulang mo ay na guilty sya. Inamin nya sa akin na mahal pa nya ako,pero sinabi ko ang totoo,nagulat sya,nag drive at nadisgrasya,dead on arrival sa ospital. Lime,magpatawad ka na,hindi lang naman ikaw ang naging miserable ang buhay. At gusto ko sanang ngayon na din magpaliwanag.” mahabang sabi ni Kline.

Sa mga narinig ko ay natigilan ako. Totoo ba iyon? Pakiramdam ko natunaw lahat ng sama ng loob ko. Masyado kong inilayo ang sarili ko. Pero bakit ganun? Hindi ko pa din gustong marinig ang paliwanag nya? Nanariwa sa akin ang gabing iyon,ang tawag,ang kotse,ang pagkamatay nina Mama at Papa at ang pagtataksil nila.

“Ayoko pa din marinig ang paliwanag mo. Oo pinapatawad ko na si Marine,pero hindi ikaw,malinaw pa din na nanloko ka,dahil kung tunay mo akong mahal,kahit ilang babae ang maghubad sa harap mo ay hindi ka papatol.” umiiyak ko ng sabi.

“Shit naman Lime! Please dont be stupid! Lasing ako that night,lalaki lang ako,natutukso!” singhal nya sa akin kaya napa atras ako.

“Putang inang rason yan!” sigaw ko din at nag walk out na. Mahirap parin pala kalimutan yon. At mahirap pa din magpatawad.

Nang araw na iyon ay nagkulong lang ako sa bahay hanggang makatulog. Inisip ko ng inisip si Marine,ang masasaya naming araw noon,ang pagkakaibigan namin. Nakatulog akong may mga luha sa mga mata.


December 13,2013

Maaga kong pinapunta si Prem sa bahay. Magpapatulong kasi ako sa kanya kung saang sementeryo ba nakalibing si Marine.

“Hindi ka papasok? Nakakaloka ka! Patay talaga hahanapin natin? My gad!” ani Prem ng dumating. Agad kaming naupo sa sofa.

“Oo,ayaw ko na dun. Itetext ko na lang si Kline. And for your information,hindi basta patay ang hahanapin natin,kaibigan ko yon.” sabi ko at binuksan na ang laptop para sya ang paghanapin.

Taas kilay nya akong tiningnan saka bumaling sa laptop. “May kinalaman ang hahanapin natin sa inyo ni Kline no? Nakakaloka ka.” hindi ako sumagot kaya nagpatuloy sya. “Silent means yes. So ano ba name nun?”

“Marine. Marine Soledad,dating model sa La Beau.” sagot ko at dumikit na sa kanya para tingnan ang ginagawa nya. Madali nya itong nahanap sa google,dahil may article pala tungkol sa pagkamatay ni Marine at kung saan sya nilibing.

Nakaramdam ako ng lungkot at panghihinayang. Pero wala na eh,nangyari na,wala na akong magagawa kundi patawarin sya,at sana ganun din sya sa akin kung nasaan man sya.

“Hmmn,sikat pala sya,sayang naman,nasa tugatog na sya ng tagumpay eh.” ani Prem habang binabasa namin ang article. “Bakit hindi mo alam?” ang pagbaling sa akin ni Prem.

“Naikwento ko na sayo diba? Nagpakalayo ako,at talagang umiwas ako na magkaroon ng kuminikasyon sa kanila.” ang sagot ko. “Tara na,dyan pala sya nakalibing.” ani ko at tumayo na.

“Hay nako! Nakakaloka ka talaga! Sige tara na.” aniya at ini off na ang laptop. “Teka nga! Bakit hindi ka na lang kay Kline kasi magpasama?”

“Ayoko nga! Basta,tara na.”

“Magpapasko na teh! Huwag ka ng pakipot. Nako,samahan mo akong kumpletuhin ang simbang gabi. Mag wish ka na sana makapag patawad ka na,maka move on.” daldal pa ni Prem pagkalabas namin ng bahay.

Yon nga ang plano ko. Pero wala pa akong maisip na hiling.

Madali naming narating ang sementeryo. At pagkarating mismo namin sa harap ng puntod ni Marine ay nagsimula ng mag ingay ang phone ko. Sigurado ako na si Kline yon,pero hindi ko naman ito binigyang pansin.

Lumuhod ako at inilapag ang bulaklak. Taimtim akong nagdasal at nag sorry kay Marine. At sa mga sandaling tahimik kong kinakausap ang puntod nya ay hindi ko mapigilang umiyak.

Pagkatapos nun ay niyaya ko na si Prem na umuwi. Tumambay lang kami sa bahay hanggang gabi. Nabubwisit na nga sya dahil panay ang tunog ng phone ko,bakit hindi ko daw sagutin. Ayoko,dahil siguradong si Kline lang naman iyon.


December 14,2013

Maaga pa lamang ay may nangangatok na,nandito kasi ako sa kusina at nagluluto. Pinanindigan ko ng huwag ng pumasok sa trabaho. Sa dami ng nangyayari ay parang bigla akong napagod. Sa dami ng rebelasyon ay napagod na ako talaga.

“Paniguradong hindi si Prem yon.” ang sabi ko sa sarili. Dahil kung si Prem yon ay hindi na yon kakatok pa.

Agad na akong tumungo sa pinto at binuksan ito.

“Good morning! Flowers for you.” nakangiting bungad agad ni Khins sabay abot ng bulaklak.

“Khins? Ang aga mo naman! Tara pasok ka. Sakto kakaluto ko lang ng almusal.” ani ko at niluwagan ang pagkaka bukas ng pinto. Pumasok si Khins,naglakad na ako papunta sa kusina at sumunod sya,hinayaan kong bukas ang pinto.

“Hindi ka kasi sumasagot sa mga text at tawag ko. Hindi ka din daw pumasok kahapon,and Im sure hindi ka din papasok ngayon.” aniya. Tiningnan ko muna syang maigi,naka white shirt na fitted na talagang nagpapakita sa ganda ng katawan nya,khaki na shorts at naka tsinelas lang,pero para pa din syang modelo,gwapo at makinis na mukha. Napaisip tuloy ako kung bakit ako pa ang liligawan nya.

“Busy kasi ako kahapon. May pinuntahan kami ni Prem. Ang dami na ngang text messages na hindi ko pa nababasa pati mga tawag na hindi ko pa nasasagot.” ang sagot ko at naghanda na ng pagkain namin,umupo na ako at umupo na din sya.

“Ah.. Uhm may problema ba kayo ng pinsan ko?” tanong ni Khins sa gitna ng pagkain namin. Natigilan ako,sasabihin ko ba? Siguro dapat nga,kasi sooner or later ay malalaman din nya ang totoo.

“Yeah. We’re not okay,okay? Hindi na ako papasok,I decided na sa january na lang mag trabaho. Hindi kami magkakasundo ni Kline.”

“Gusto ka nya. At gusto din kita. Yon siguro ang rason.” ani Khins. Umiling ako.

“Hindi ganon. Alam kong imposible yang sinasabi mo. Matagal na kaming magkakilala ni Kline,at may mga nangyari sa nakaraan na hindi pa namin natutuldukan.” ang sagot ko agad.

“Okay. I understand. Pero,Lime I want you to know na,kahit ano pa mang mangyari ay itutuloy ko pa din ang pangliligaw sayo,kahit ang pinsan ko pa ang karibal ko.” ani Khins na seryoso akong tinititigan. Parang gusto kong magtanong kung bakit ako? Sa dinami dami ng magaganda,mayayamang babae na nakapaligid sa kanya ay bakit ako? Pero naisip ko na baka ang isagot nya ay tulad lang din ng sagot ni Kline noon.

“Kaya ba hindi mo pa din ako tuluyang mapatawad at hindi mo pa din ako masagot ay dahil kay Khins?” sabi ng isang boses na ikinalingon namin. Si Kline kasama si Prem,at mukhang ihinatid na naman ni Prem dito si Kline.

“Kline!” ang sabay naming sabi ni Khins at napatayo.

“Its okay with me Lime and cous. May the best man wins na lang.” aniya na salitan ang tingin sa amin. “Kaya pala hindi ka na sumasagot sa text at tawag ko,kaya pala hindi ka na pumasok sa trabaho.” sabay baling sa akin.

“Insan. Im sorry,pero lalaban ako,ipaglalaban ko ang nararamdaman ko kay Lime.” sagot ni Khins. Nagkatitigan silang dalawa,samantalang ako ay pigil hininga. Nang tingnan ko si Prem ay nakangisi kaya naman tinaasan ko sya ng kilay at nag peace sign pa ang bruha.

“Uhm.. Uhm.. Pwede huwag na nating pag usapan yan?” ang sabi ko at pumagitna. Ano ba yan? Parang nadagdagan pa ang isipin ko.

“Tama! Tama si Lime,uhm kumain na lang tayo. Huwag nyong pahirapan ang friend ko.” ang pagsingit ni Prem.

“No thanks. Babalik pa ako sa Cafe Sonata.” seryosong sabi ni Kline,tumalikod at naglakad palabas ng bahay.

Gusto ko syang sundan,pero ayoko namang maging bastos at basta na lang iwan dito si Khins.


December 15,2013

Feeling ko drained na ang utak at katawan ko dahil sa sunod sunod na pangyayari,halos araw araw ay may nangyayari,araw araw ako nasusorpresa,parang nape-pressure na ako.

Pagka alis kahapon ni Kline ay nagpaalam na din si Khins,at ang buong araw kahapon akong tuliro at panay ang pag iisip.

“Ano na? Bumabalik ka na naman sa dati,nagmumukmok ka na naman dyan. Hoy bakla,ang swerte mo kaya,dalawang nag gagwapuhan at mayamang lalaki ang nag aagawan sayo.” ani Prem ng abutan nya ako na nasa harap lang ng pintuan.

“Hindi maganda ang sitwasyon ko Prem. Madami pa din akong katanungang dapat masagot. Magulo pa ang utak ko,tingnan mo nga,dahil sa mga nangyayari sa akin ay na-apektuhan na ang trabaho ko.” ang sagot ko saka nagbuntong hininga.

“Sus! Sino ba naman kasi nagsabi sayo na kailangan madamay ang trabaho. Pero sa bagay,madami ka ng ipon. At saka alam mo solusyon dyan,magsimba ka! Ng lahat ng burden mo ay mawala,kung hindi man,kahit gumaan man lang. Bukas na ang simbang gabi,hindi pwedeng hindi ka sasama,dapat ihanda mo na ang wish mo ah?” aniya at pumasok sa bahay kaya sumunod ako.

“Totoo ba yan? Lagi ko kasing nadidinig yang hiling daw pag simbang gabi.” ang tanong ko at sinundan sya ng tingin.

“Minsan totoo,minsan ay hindi teh. Depende kung gaano ka ka-sincere sa wish mo. Kung gaano ito kabukal sa loob mo,malaki ang naitutulong ng pagdadasal at pagkausap sa Kanya. Kahit naman walang simbang gabi eh dapat ganon ang gawin. Pero advantage ang simbang gabi,dahil naging tradisyon na yan dito sa atin at madami ang naniniwala.” mahaba nyang sagot habang inaayos ulit ang christmas tree.

Hiling? Kung ako ba ang hihiling ay tutuparin ng Diyos? Pagbibigyan nya ba ako?

Wish # 13

December 16,2013

Nagising ako sa sunod-sunod na pagkatok sa labas ng bahay at pagtunog ng cellphone ko. Pupungas pungas na tiningnan ko ito. Si Prem pala ang tumatawag,nanlaki ang mga mata ko at tiningnan ang oras. Alas dos y medya na.

“Hello Prem? Pumasok ka na lang at hintayin mo ako sa sala. Maliligo na ako!” agad kong sabi at binabaan agad sya,nagtatakbo ako papunta sa banyo para makaligo na.

Napasigaw pa ako sa gulat dahil sa lamig ng tubig. Talagang ganito pala kalamig ang tubig pag madaling araw. Ligong manok lang ang ginawa ko at nagbihis na at nag ayos. Paglabas ko sa sala ay nakahalukipkip na naghihintay si Prem kaya nginisihan ko sya.

“May alarm clock ka teh,next time gamitin ah?”

“Pasensya na. San ba tayo magsisimba?” ang sabi ko habang nakaharap sa may salamin.

“Dyan lang sa malapit sa atin,dali na,ayaw kong pumapasok sa simbahan na nagsisimula na ang homily. Tama na yang pananalamin,masyado ka ng maganda teh.” aniya kaya lumabas na kami.

Malapit lang naman ang simbahan sa amin. Nakakatuwa lang na ang daming tao na kasabay naming maglakad papunta sa simbahan. May pamilya,may mag tropa,may solo,may mga magkasintahan.

Panay na din ang batingaw ng kampana na talagang ginigising na ang mga tao at nagpapahiwatig na magsimba na. Ganito pala ang simbang gabi? Ang dami na ding mga nagtitinda,nagtataka na tuloy ako kung bakit hindi ko ito alam noon.

Pagdating namin sa simbahan ay madami ng tao,medyo nanindig ang balahibo ko nung humangin,sana pala nag jacket ako.

“Tara na,dun tayo sa unahan habang wala pang masyadong tao. Ayaw kong buong misa eh nakatayo. Ang baricus vein ko baka lumabas.” ani Prem na ikinangisi ko.

“Ang hyper mo talaga,tara na,dumadami na ang tao.” ani ko at naglakad na kami papunta sa harapan. Kung ako din naman ang tatanungin mas maganda sa harapan para mapakinggan talaga namin ang pari.

Ilang minuto pa ay nagsimula na,ganito pala,may mga sumayaw pa at kumanta,may mga naka costume pa. Nagiging ignorante ako kaya hindi ko maiwasang lumingon lingon sa paligid baka may makita akong kakilala. Nang nagsimula na ang misa ay nakinig talaga ako,ngayon na lang kasi talaga ako pumasok sa simbahan.

“Ang iba sa inyo ay nagsisimba lang para pumorma,para mag picture,ilagay sa facebook at kung anu-ano pang social networking sites,at ang pinaka mabigat ay para masabi lamang na nagsimba sila at pumasok sa simbahan.” ani ng pari ng nasa kalagitnaan na ng misa,hindi ako nakailag,tinamaan talaga ako.

“Nagsisimba tayo para kausapin ang panginoon,ang ikumpisal sa kanya ang mga kamalian at kasalanan natin,nagsisimba tayo para sa kanya,at ngayong simbang gabi,nagsisimba tayo para pa din sa kanya,para sa kapanganakan niya. Kinakausap natin ang Siya at humihiling na maging maayos ang buhay natin,ang maging matatag sa mga pagsubok,ang tanggapin ang ating pagkakamali,ang hilingin na sana ay mawala ang mga galit natin at makapag patawad tayo.” dagdag pa ng pari. Para akong sinisilihan sa kinauupuan ko,tamang tama at tumatagos lahat ng sinasabi nito.

Habang umaandar ang misa ay lumipad na naman ang isipan ko dahil sa mga sinabi ng pari. Hanggang sa dumating na kami sa pagkanta ng ‘Ama Namin’ at maghahawak kamay. Oo nga at nagpalingon lingon ako kanina pero hindi ko nilingon ang kaliwa ko since si Prem ang nasa kanan ko. Kaya ganon na lang ang gulat ko ng may humawak na kamay sa kaliwa ko at nakuryente ako.

Si Kline! Anong ginagawa nya dito? Ugh! Simbang gabi malamang,pero bakit dito?

Tiningnan ko sya,pero diretso sa pari ang tingin nya,pero ang higpit ng hawak ng nya sa kamay ko. Nilingon ko si Prem pero parang wala syang pakialam. Wala tuloy akong nagawa kundi ang makikanta at hintaying matapos ito. Sa buong oras ng pagkanta namin ay walang tigil sa pagkalabog ang dibdib ko,feeling ko nga ay nangangatog ako.

“Peace be with you.” nadinig kong sabi ni Kline kaya hinarap ko sya. Ang hindi ko napaghandaan ay ang paglapat ng labi nya sa labi ko. Agad akong napatingin sa mga tao sa paligid,may nakakita kaya? Malamang meron! Gusto ko syang sapakin! Nasa loob pa naman kami ng simbahan.

“Friend,pipila lang ako sa ostsa.” nakangising sabi ni Prem. Isa pa tong bruhang ito eh,hindi mo alam kung kanino kampi,kay Kline ba o Khins? Bubuka pa lang ang bibig ko pero mabilis ng naka alis ang bruha.

“Unang simbang gabi,ikaw ang kasama ko? Ang sarap sa pakiramdam.” sabi ni Kline,nilingon ko sya at tinaasan ng kilay. Grabe,hindi sya ganito kakulit noon.

“Kakasimba ko lang,nasa loob pa tayo ng simbahan,ayaw kong magkasala kaya huwag mo akong kausapin.” sabi ko sa kanya at ibinaling ang tingin sa harapan.

“Mukha bang gagawa tayo ng kasalanan Lime? Sabi nila,ang taong makasalanan pag kumain ng ostsa,dumidikit daw ito sa ngalangala,tara subukan natin.” nakangising sabi ni Kline,kahit hindi ko sya tingnan,alam kong nakangisi sya.

“Huwag mo akong kausapin,dyan ka lang.” pasimple kong sagot para hindi kami maka istorbo sa iba pang mga tao.

“Okay,sabi mo eh. Hindi na kita kakausapin pero dito lang ako sa tabi mo.”

Hindi na ako umimik. Mabuti pang hintayin ko na lang si Prem,isipin ko na lang na hindi ko kasama si Kline,ang bilis ng tibok pa din ng tibok ng puso ko,ganon pa din gaya ng dati.

Tapos na ang pagkain ng ostsa pero wala pa din si Prem. Mukhang umeskapo na naman yon gaya nung nasa mall,para lang mapagsama nya kami ni Kline.

“Tara na,nagugutom na ako.” ani Kline at hinila ako,gusto kong magreklamo pero ayoko namang ma eskandalo dito sa simbahan no?

Syempre,nagpadala na naman ako. Si Kline yan eh,pag gusto nya ay gusto nya.

Diretso ang lakad namin. At mukhang sa bahay nya ako dadalhin,nawiwili na talaga sya. Pero kahit ilang beses ako mainis at magalit,nagagawa nya pa din ang gusto nya,ganyan sya.

Pagpasok sa bahay ay nauna pa sya. At ganon na lang ang gulat ko ng makitang naghahanda na ng pagkain si Prem.

Sinasabi ko na nga ba eh,nagsabwatan ang dalawa eh. Panay akong sabi na iiwas pero ano ngayon ang nangyayari? Parang kinain ko lang din ang mga sinabi ko. Dagdagan pa na may kakampi sina Kline at Khins,si Prem na gusto ata talagang mabaliw ako sa dahil sa dalawang lalaki.

Hindi na ako kumibo,dahil nga nagsimba ay ayaw kong madagdagan pa ang kasalanan ko,lalo na at sobrang tinamaan ako sa sermon ng pari.

Nang nagpaalam na sina Kline at Prem ay minabuti ko na lamang na magpahinga at matulog buong araw,kaya sana magising na ako sa tamang oras mamayang madaling araw.


December 17,2013

Sakto ang gising ko,hindi mabigat ang ulo at katawan ko,kaya naman pagdating alas tres ay hinihintay ko na lang si Prem.

Pero lumipas ang sampung minuto ay walang Prem na dumating. Nasan na kaya yon? Magsisimba akong mag isa?

Okay lang naman siguro,hindi naman siguro all the time ay masasamahan ako ni Prem,hindi lang naman sya ang kaibigan ko.

Binuksan ko na ang pinto at lumabas. Pero may naghihintay pala sa akin.

Si Khins,nakangiting nakasandal sa kotse nya at diretso ang tingin sa akin.

“Good morning Lime! Pwede ka bang samahan sa pagsisimba?” anito ng makalapit ako. Ang bango din talaga niya.

“Huh? S-sige,tutal hindi ako masasamahan ni Prem,busy ata eh.” ang sagot ko naman at tiningnan ang mga taong dumadaan. Ito na ang ikalawang simbang gabi ko.

“Ganon? Sakto pala,parents ko kasi kasama ko sa unang simbang gabi at sa ibang simbahan kami. So tara na! Sakay na.” anito at binuksan na ang pinto ng front seat. Nakangiti akong umiling kaya nagtaka sya.

“Mas gusto ko ang maglakad,para naman damang dama ko.” ani ko,saka nagliwanag ang kanyang gwapong mukha.

“Ah! Sige,tara! Edi magsimba na tayo,simulan na nating maglakad.” at kinuha nya ang kanang kamay ko at naglakad na kami. Gusto ko sanang bawiin ang kamay ko,kaso nakakahiya,baka ma offend pa.

Nang malapit na kami sa simbahan ay muli syang nagsalita at binitawan ang kanang kamay ko. Nagpalinga linga ako sa paligid dahil natatakot ako na baka nakikita kami ni Kline,kung bakit? Hindi ko alam.

“Si Kline pala kasama mo kahapon. Kaya pala sabi nya may iba syang lakad.” aniya pero hindi nakatingin sa akin.

“Nagulat nga din ako. Pero huwag na natin pag usapan yon. Tara na sa loob.” ani ko. Mabuti at tulad kahapon ay hindi pa nagsisimula kaya naman nakahanap agad kami ni Khins ng mauupuan.

Tahimik lang ako,gusto ko kasing,mas damhin ngayon ang pag simba. Nasimulan ko na bakit hindi ko pa lubusin diba? Gaya ko,tahimik lang din si Khins,ako naman ay halo-halo na ang iniisip. Kung pwede lang sanang huwag na lang solusyunan ang problema,pero alam naman nating hindi pwede ang ganon.

Naiisip ko si Kline at ang mga ginagawa nya ngayon,naiisip ko si Marine,nagi-guilty ako sa sinapit nya. Naiisip ko sina Mama at Papa,nami-miss ko na sila,at pang huli,naiisip ko itong katabi ko,kung kaya ko ba syang saktan pag dumating ang panahon na dapat may panindigan.

“May party mamayang gabi ang Cafe Sonata at Cafe Sonatina,gusto kong pumunta ka Lime.” mahinang sabi ni Khins na tutok pa din sa misa.

“H-ha? Mamayang gabi? Sige titingnan ko. Uhm iniisip ko din kasi na baka may party din sina Mia.” ang sagot ko naman. Totoo naman kasing iniisip ko kung baka bigla na lang tumawag at magtext ang mga iyon. Biglaan pa naman,idagdag pa ang dati naming team leader na si Monet.

“Sige,basta itext mo ako o tawagan,tatanungin ko na din sina Japoy kung may party nga ang dati mong mga ka-team.” nakangiti nyang sabi.

Ayan,nadagdagan ang isipin ko. Isama ko kaya si Prem? Nakakahiyang pumunta mag isa. Saka nasa getting to know stage pa naman kami,nakakahiya magpaka feeling close kahit na nanliligaw pa siya.

Natapos ang misa,hinatid ako ni Khins,kailangan pa daw kasi nyang magpahinga,ako naman ay ganon din,maghahanap din kasi ako ng isusuot na damit kung sakaling sasama ako mamaya.

Pagbukas ko ng pinto ay nawalan ako ng panimbang sa gulat na nakita ko si Kline sa loob ng bahay. Maagap naman nya akong nasalo at halos maduling na ako sa sobrang lapit ng mga mukha namin,naaamoy ko din ang mabango nyang hininga.

“I told you Lime,ako pa din ang sasalo sayo,sa akin pa din ang bagsak mo.” seryoso at paanas nyang sabi. Agad akong kumalas sa pagkakahawak nya sa akin.

“Anong ginagawa mo dito?” ang agad kong tanong habang kinakalma ang sarili ko.

“Obviously,binabantayan kita Lime. I was there all the time,at nadidinig ko ang usapan nyo ng pinsan ko.”

Wish # 14

WARNING - SPG


“Obviously,binabantayan kita Lime. I was there all the time,at nadidinig ko ang usapan nyo ng pinsan ko.”

Napanganga ako. Lagi na lang akong nagugulat sa mga sinasabi ni Kline,bakit ba hindi pa ako nasanay? At saka teka,ibig sabihin kita nya talaga kami ni Khins?

“Eh ano ngayon? Wala namang masama dun ah? Pwede ba! Huwag kang masyadong ganyan.” ang agad kong sabi at dumiretso sa sofa,pasalampak akong naupo,no use din kung papa-alisin ko sya.

“Simula noong una pa lang maglapat ang ating mga labi,akin ka na.” nakangisi nyang sabi at lumapit sakin at tumabi.

“Matutulog na ako,umalis ka na,pupunta pa ako sa party nyo mamaya.” sabi ko at pumikit,umalis man sya o hindi ay matutulog ako.

“Pupunta ka? That’s good. Ako ang partner mo.” sabi pa nya pero hindi na ako sumagot dahil antok na talaga ako.

Nang magising ako ay wala na si Kline,napatingin ako sa labas. Gabi na agad? Ang haba ng tulog ko ah. Tumayo na ako para maligo dahil naalala ko ang party. Balak ko na din itext si Khins na pupunta ako.

“Dun na lang ako sa party kakain.” sabi ko sa sarili at naglakad na papunta sa kwarto ko. Pero ganon na lang ang gulat ko ng bumukas ang pinto ng banyo at lumabas si Kline,nakatapis lang sya at may mga tumutulo pang tubig sa buhok at katawan nya. Naging sunod-sunod ang paglunok ko.

Shit! Ang hot at sexy nya! Ang katawan nya,pangalawang beses ko pa lang nakikita pero bakit ganon? Nag iinit ako?

“Umuwi ako kanina para kumuha ng damit,pero dito na ako nakiligo,sabay tayo diba? Pasensya na. Sige maligo ka na.” nakangisi nyang sabi. Hindi ako nakakakibo,may kung anu-anong ka berdehan ang tumatakbo sa aking isipan. “Gusto mo ba?” aniya at tinanggal ang tapis,lalo akong nag init ng makita ko ang bagay na iyon na hindi pa man buhay ay nagmumura na sa kalakihan.

Wala na akong nagawa ng lumapit sya at hilahin ako papasok sa banyo. Siniil nya ako ng halik habang tinatanggal nya ang mga saplot ko. Mainit at maalab ang halik nya na tinutugon ko naman. Hanggang sa tuluyan na akong walang saplot at kinuha nya ang kamay ko at iginiya sa parteng iyon. Buhay na buhay na ito at mainit,natakot ako bigla. Pero nawala ang takot ko ng halikan at dilaan nya ang tenga ko pababa sa leeg ko,hindi ko na naiwasang mapaungol,ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong sensasyon. Halos mabaliw na ako ng salitang paglaruan ng bibig at dila nya ang aking mga utong.

Halos magreklamo na ako ng tumigil sya,pero muli nyang sinugod ang aking labi. At ngayon naman ako ang gumagawa sa kanya ng mga ginawa nya sa akin kanina,panay ang ungol nya at parang mas ginanahan ako. Dinilaan ko din ang abs nya at bawat mga linya nito,bumaba pa ako sa v-line nya at dumampi na sa pisngi ko ang mahaba,mataba at matigas nyang pagkalalaki.

Ito ang unang pagkakataon na gagawin ko ito,hindi ako marunong pero hindi din naman ako ignorante. Hinawakan ko ito at pikit matang isinubo,mainit ito,mabango,lalaking lalaki,sinubukan ko itong isagad sa lalamunan ko pero halos masuka ako.

“L-lime,aahhh,kung hindi mo kaya,huwag naaa..” ungol ni Kline na hinawakan pa ang ulo ko. Nasasarapan na ako kaya ipinagpatuloy ko na. Nakailang labas pasok din ito sa bibig ko ng bigla akong hilahin ako pataas at muli akong halikan. “May ipaparanas ako sayo na noon mo pa dapat naranasan.”

Sa isang iglap ay naisandal nya ako sa pader,hindi ko alam kung paano nangyaring naiangat nya ang isa kong paa,tumukod ako sa kung anong pwede kong matukudan ng mga kamay. At ang pinaka pinagtaka ko ay paano naabot nito ang butas ko kahit nakatayo kami at magkaharap. The next thing I knew ay dahan dahan na syang pumapasok at napayakap na ako dahil sa sobrang sakit.

“Relax lang Lime,mawawala din yan basta salubungin mo ako.” pabulong nyang sabi at gumalaw na,sinalubong ko nga ang bawat galaw nya,at tuwing magsasalpukan kami ay para akong mababaliw dahil may kung ano syang natatamaan sa loob ko. Hanggang sa nag iba kami ng pwesto,umupo sya sa bowl at inupuan ko sya paharap,sinasalubong namin ang bawat isa habang maalab na naghahalikan hanggang sa sabay naming narating ang tugatog ng kaligayahan.

Tahimik lang ako sa byahe at hindi mapakali sa frontseat. Hindi ko alam kung paano ako uupo ng maayos,sobrang mahapdi pa kasi ang butas ko. Tiningnan ko si Kline na naka ngisi at parang ang saya saya habang nagmamaneho.

“Anong nginingisi-ngisi mo dyan? Kasalanan mo to eh! Paano ako maglalakad ng maayos?” inis kong sabi. Pakiramdam ko nagsisimula lang ulit kami sa umpisa.

“Masama bang ngumisi? Masama bang maging masaya Lime? After 3 years,tuluyan na kitang naangkin,ngayon akin ka na talaga,at wala ka ng rason para tumanggi at makawala pa. Akin ka na,tayo na ngayon.” sagot nya,saglit akong tiningnan ng nakangiti saka kumindat at ibinalik ang atensyon sa pagmamaneho.

Binaling ko sa labas ang tingin ko dahil hindi ko mapigilang mapangiti at kiligin. Wala na,bumagsak na ang depensa ko,at kung ano man ang dahilan ng galit ko dati ay biglang hindi ko na maalala. Naglaho itong parang bula. Mahal na mahal ko pa din talaga sya,at tama sya,wala na akong pwedeng maging rason para tumanggi at magmatigas.

“Kline?”

“Hmmnn?”

“Pwede bang dahan dahanin muna natin?”

“Naging dahan dahan naman ako kanina ah?” sagot nya na nasa daan pa din ang tingin.

“Gago! Hindi iyon ang ibig kong sabihin. Yung ano,yung tayo.”

Saglit pa nyang tinigil ang kotse at humarap sa akin na kumikinang ang mga mata at nakangiti.

“Sigurado ka? Talaga? Ibig sabihin,pumapayag ka ng tayo na ulit?” ang parang hindi nya makapaniwalang sabi. Tumango lang ako at ngumiti. Hindi sya nakapag pigil at siniil ako ng halik. Naging maalab ang aming halikan. “Gusto kong umulit.” aniya at hinalikan ulit ako. Nagulat na lang kami ng naging sunod-sunod na ang mga busina.

Agad kaming nagkalas sa halikan at tumawa. Naging dahilan pa tuloy kami ng traffic.

“Ngayong tayo na,gusto kong tapatin mo na din ang pinsan ko okay?” aniya at pinaandar na ulit ang kotse,ngumiti lang ako at tumango,sana madali lang matanggap ni Khins.

Pagdating namin sa venue ay inalalayan ako ni Kline para makalakad ng maayos. Kung alam ko lang talaga na ganito pala yon,sana dati pa.

“Bakit parang ang daming tao?” taka kong tanong ng papasok na kami sa isang five star hotel.

“Nandito din kasi ang mga Fuentebella,Montenegro,Montecarlo,Ongpauco at Fortalejo,mga mayayamang pamilya.” pabulong na sagot sa akin ni Kline. Parang bigla tuloy ako kinabahan,ibig sabihin nandito ang Mom at Dad ni Kline.

Pagkapasok namin ay agad kong natanaw si Khins na nakangiting palapit,ngunit naglaho din ang ngiti nya ng mapansing kasama ko si Kline.

Nag manly hug ang magpinsan at hinarap ako ni Khins,medyo naiilang ako dahil ramdam ko ang kakaibang tingin sa akin ni Kline.

“Mabuti at nakarating ka Lime,hindi na kita nasundo,sabi mo kasi magtetext o tatawag ka kung pupunta ka.” ani Khins at pasimpleng tingnan si Kline.

“Hindi na ako nakapag tex–”

“Nasa kanila kasi ako,kaya nagsabay na kami. Nandyan na ba sina Mom and Dad?” pagsingit ni Kline at inakbayan ako. Walang ekspresyong sinundan lang ng tingin ni Khins ang kamay ni Kline na umakbay sa akin.

“Yes,nandito na sila,sige na asikasuhin ko muna ang ibang bisita.” sagot ni Khins. “Enjoy the night and christmas party Lime.” nakangiting baling sa akin ni Khins at umalis na.

“Tss.” dinig kong pakla ni Kline.

“Ikaw talaga. Pinsan mo pa din yon,grabe ka.” ani ko sabay siko sa kanya.

“Karibal ko pa din sya hangga’t hindi mo sinasabi sa kanya ang totoo.” aniya,nagkibit balikat na lang ako. Napaka seloso pala talaga ng isang ito.

Nag enjoy naman ako buong gabi,nawala ang takot ko dahil maganda pa din ang pakisama sa akin ng mga magulang ni Kline,panay pa nga ang kwentuhan namin,pinilit pa nila kaming magtagal pero tumanggi na ako dahil magsisimba pa ako mamaya. Hindi na nga ako nakapag paalam ng maayos kay Khins dahil busy din ito.


December 18,2013

Ikatlong simbang gabi na,na late kami ni Kline dahil may nangyari na naman sa amin,kakaumpisa na ng Homily ng makarating kami,kaya no choice kami kundi tumayo na lamang sa labas. At sa buong oras ng misa ay magka holding hands kami.

Ngayon alam ko na kung anong dapat kong hilingin,kaya kukumpletuhin ko talaga ang simbang gabi. Nang kumakanta na uli ng ‘Ama Namin’ ay pinipisil pisil pa at hinihimas ni Kline ang palad ko,at nung ‘Peace be with you’ na ay hinalikan na naman nya ako,at alam ko,pinagtitinginan talaga kami.

“Tingnan mo nga naman ang pag ibig,parang kahapon lang umiinarte pa ang baklita,ngayon kumikinang na ang mga mata.” ani Prem ng madatnan namin sya sa tapat ng bahay ko,tumawa lang naman si Kline at hinapit pa ako palapit sa kanya.

“He! Sinong kasama mo magsimba?” bagkus ay sabi ko,binuksan ko ang pinto at pumasok kaming tatlo.

“Syempre,mga kapatid at pinsan kong baliw,hindi naman ako tulad mo na may lovelife.” sagot ni Prem sa akin. “So may label na?”

“Secret! Pero,sasabihin namin sayo pag ibinili mo kami ng pang almusal natin.” nakangising sabi ni Kline sabay abot ng pera kay Prem.

“Ang gago nyo talagang mag jowa! Akin na yan,uubusin ko yan para sa pagkain natin,papatayin ko kayo sa pagkabusog.” sabi ni Prem at inabot na ang pera saka lumabas,nagkatinginan kami ni Kline at nagtawanan,tawanan na napunta sa mainit na halikan,at halikang napunta sa mainit na pagtatalik sa sofa. Naaadik na ata kami sa isa’t-isa.

Pagdating ni Prem ay sakto tapos na kami,pagod at gutom kaming dalawa,at tinotoo ni Prem na madami ang binili nyang pagkain sa Jollibee,pero balewala din dahil halos maubos din naming tatlo kaya tinataasan kami ng kilay ni Prem at nginingisihan.

Alas singko ng hapon ay umalis na si Kline,sunduin na lang daw nya ako mamayang madaling araw. Si Prem naman ay umuwi na din. Kaya buong gabi ay natulog na lamang ako para gigising na lamang ako ng madaling araw.

Naalimpungatan ako sa panay na pag ring ng phone ko,tiningnan ko muna ang oras,alas diyes na pala ng gabi. Tiningnan ko ang tumatawag,si Khins,kaya naman nagtaka ako.

“Hello Khins? Napatawag ka? May problema ba?” ang agad kong sabi ng sagutin ang tawag.

“Nandito ako sa labas ng bahay mo Lime,lets talk.”

Hindi ko alam,pero bigla akong kinabahan.

Wish # 15

Agad akong bumangon sa kama at lumabas. Ano kayang ginagawa ni Khins dito? Hindi ba sya pumasok sa Cafe Sonata?

“Khins! Gabing gabi na ah? Tara,pasok ka.” agad kong anyaya. Na bothered ako sa pagiging malungkot nya. Ano kayang nangyari?

“Lime,totoo bang kayo na ni Kline?” agad na tanong ni Khins pagkapasok palang sa bahay. Hindi ko alam,pero parang may nagbara sa lalamunan ko. Parang natatakot akong saktan sya. Pero ano pa nga bang magagawa ko? Nasasaktan ko na sya,might as well na sabihin ko na,sabi ko nga dati diba,sooner or later ay malalaman din naman nya.

“Im sorry Khins.” ang tangi ko lang nasabi. Napayuko ako ng makita kong nanubig at namula ang mga mata nya. Ganon na ba nya agad akong kamahal?

“Wala pa nga ako sa kalagitnaan ng panliligaw ko,basted na agad ako. Akala ko noon,madali lang mahalin ang mga gaya mo,pero mas matindi pa pala kayo sa babae,ang sakit lang na ang bilis kong nahulog sayo,kung ano man ang dahilan,hindi ko alam.” aniya at huminga ng malalim. Hindi ko alam kung paano ko maiibsan ang sakit na naidulot ko. Alam ko ang pakiramdam ng nasasaktan,kaya nga takot ako eh.

“Khins…” ani ko at humugot ng malalim na paghinga. “Mayaman ka,gwapo,sobrang baet,hindi ka mahirap mahalin,pero kasi,may iba akong mahal,mahal ko si Kline noon pa man. Ibig sabihin lang nito,hindi ka para sa mga tulad ko,babae ang kailangan mo,madami naman dyan na naghihintay na mapansin mo.” ang dagdag ko pa,hindi ko sya matingnan.

“Sana noon mo pa sinabing magkakilala kayo. Pero ayos lang. Atleast naging tapat ako,hiling ko lang na sana magmahalan kayo ng wagas,magiging masaya ako para sa inyo.” ani Khins. Wala akong nagawa ng walang lingon likod syang umalis. Nanatili lang akong nakatayo sa sala.


December 19,2013

Hindi ako nakatulog ng maayos at parang tamad na tamad akong kumilos. Ganito pala ang pakiramdam ng may nasasaktan ka,mabigat at masikip sa dibdib. Kung hindi pa pumasok si Kline sa kwarto ay hindi ako babangon.

“Masama ba pakiramdam mo? May sakit ka ba? Pasensya kung napagod kita.” aniya na puno ng pag aalala at kinapa pa ang noo ko kung mainit ba ako.

“Adik!” nakangiti kong sabi. “Nanggaling kasi dito kagabi si Khins,nag usap kami at pinagtapat ko na sa kanya,alam kong nasaktan ko sya,ang bigat sa pakiramdam na may nasasaktan.” malungkot ko pang dagdag.

Hinapit nya ako at ihinilig sa matigas nyang dibdib,naka polo sya at amoy na amoy ko ang bango nya. “Okay lang yon Lime,meron talagang dapat masaktan,buti nga hangga’t maaga pa nalaman na nya,makaka move on din sya. Huwag mo masyadong alalahanin ang pinsan ko,I know him,he’ll get over with it one day.” at hinalikan nya ang noo ko. The crazy thing is napawi agad ni Kline ang iniisip ko,ang pag aalala ko.

“Sana nga,salamat ah?” ani ko at tiningala sya. Nginitian nya ako at kinintalan ng mabilisang halik sa labi. “Lasang laway! Maligo ka na dali!” tumatawa nyang sabi pa.

Agad akong tumayo at sinapak sya sa dibdib. “Ganon? Hindi ka makaka score!”

“Ayos lang,nakatatlo na naman ako sayo!” tumatawa nyang sabi. Kinuha ko ang unan at ibinato sa kanya,tumawa lang ang impaktong gwapo.

“Dyan ka na nga! Maliligo na ako!”

Nang makarating kami sa simbahan ay nagdadatingan pa lang ang mga tao,akala ko late na kami. Magsisimula pa lang pala,ito na ang ika apat kong simbang gabi. Taimtim akong nakinig at nanalangin,na sana matapos na ang mga problema,at kung may dadating man ay bigyan ako ng lakas ng loob na harapin ang mga ito.

Natapos ang simbang gabi na magaan na ang pakiramdam ko,at syempre masaya dahil kasama ko ang pinakamamahal kong si Kline. Bumili pa nga kami ng bibingka at puto bungbong sa tabi ng simbahan,nakita din namin si Prem na kasama ang pamilya nya kaya tinawag namin para saluhan kami.

Pag uwi namin ni Kline sa bahay ay nakatanggap ako ng text mula kay Japoy na magkakaroon daw ng party sa December 21,invited kami ni Kline,sigurado akong makiki tsismis lang naman ang mga baliw na yon.

Natulog kami ni Kline ng magkatabi,pag gising namin ay naligo ulit kami dahil nagyaya syang mamasyal.

“Saan naman tayo ngayon?” ani ko habang nagdadrive sya at pakanta kanta pa. Ang weird,hindi sya ganito 3 years ago.

“Sa Mall muna tayo,gusto kong manood tayong dalawa ng sine,gusto kong gawin natin yung mga hindi natin nagawa dati.” aniya na ikinangiti ko.

Pagdating namin sa Mall ay naglakad lakad muna kami,hanggang matapat kami sa isang jewelry shop. Nagulat pa ako ng hinila ako ni Kline sa loob.

“Maganda tong pendant na to.” aniya sabay turo sa isang kwintas na gold,may pendant na infinity sign. “Miss,may pang couple ba nito? Para samin nitong asawa ko.” aniya na ikinalaglag ng panga ko,at yung saleslady ay parang mamamatay na sa kilig.

Asawa? Grabe talaga ang lalaking to.

“Actually sir,pang couple talaga yan. Bagay sa inyong dalawa,kasi bagay kayo.” genuine na sabi ng saleslady,hindi ako makakibo sa pagka shock.

“Talaga? Salamat! Dahil dyan,ililibre kita ng kahit anong gusto mo dyan sa mga tinitinda mo.” ani Kline. Wow! Generous.

“Hindi na po kailangan sir,supporter kasi ako ng LGBT at may kakilala ako na couple tulad nyo.” nakangiting sabi nung babae. Ang baet naman nito,kung ibang babae pa to,nagpa cute na to kanina pa.

“Ganun ba? Sige salamat talaga. Kukunin namin yang necklace.” ani Kline,ako naman ay nginitian na lang ang mga salelady,nahihiyang proud kase ang nararamdaman ko,kakaiba sa pakiramdam. Nang makuha na ang binili namin ay nagpasalamat na kami at lumabas na sa jewelry shop.

“Ohoy! Look who’s here!” napatingin kami sa nagsalita,isang gwapong lalaki na may kasama ding bakla at isang batang gwapo kamukha ng lalaki at may tig isa silang straler na tinutulak na may mga baby. Paano ko nasabing bakla? Maganda sya,pero walang boobs.

“Oy Kellan,ikaw pala yan?! Asawa mo?” ani Kline dun sa lalaki. Nagkangitian kami nung bakla.

“Oo tol,sya si Lyle,ito panganay namin si Koji,at ito mga kambal namin,sina Lyka at Lyken.” pakilala nung Kellan.

Wow! May anak sila? Siguro under surrogacy,wala na talagang imposible ngayon.

“Wow! Ito naman si Lime,soon to be asawa ko,nice meeting you Lyle and little Koji.” sabi ni Kline,nakipag kamay ako kina Kellan at Lyle,nakaka bilib naman sila,sana umabot din kami ni Kline sa ganyan if ever.

“Hello pogi.” sabi ko dun sa batang si Koji.

“Hello din po! Pareho kayo ni mama Lyle,parang babae!” bibong sabi ni Koji na ikinatawa namin. Ang sumunod na pangyayari ay magkaka sabay kaming kumain,puro kwentuhan sa mga pinagdaanan sa buhay. Nainspired ako sa kwento nina Kellan at Lyle,kaya naman nangako ako sa sariling hindi ko din bibitawan si Kline.

Malapit ng mag gabi ng ihatid ako ni Kline sa bahay,sa pagod ay agad din akong nakatulog.


December 19,2013

Montik na akong ma-late ng gising. Walang Kline na dumating kaya mag isa akong naglakad papuntang simbahan,ayos lang naman,dahil baka napagod din sya. Mas marami syang ginagawa kesa sa akin.

Ito ang ika apat kong simbang gabi. Medyo naninibago ako dahil mag isa lang ako,pero ipinagkibit balikat ko na lamang,hindi naman sa lahat ng oras ay makakasama ko si Kline,may sarili din naman syang buhay na dapat intindihin,hindi pwedeng sa akin lang lagi iikot ang mundo nya.

Itinuon ko lang ang atensyon ko sa misa,at sa sermon ng pari,nakakatuwa lang na bawat gabi at simba ko ay madami akong natutunan. Nagsisisi tuloy ako kung bakit isinara ko ang buhay ko dati sa lahat. Pati ang panginoon ay kinalimutan ko.

Nang matapos ang misa ay dumiretso na ako ng uwi. Gusto kong matulog,para pag gising mamaya ay aayusin ko na lang ulit mamaya ang mga christmas decoration. Kaya ng makauwi ay ganon nga ang ginawa ko,pagpasok pa lang sa bahay ay humiga na ako sa sofa.

Nagising ako sa pakiramdam na mainit. Pagmulat ko ng mga mata,mga brasong nakayakap sa akin ang nakita ko. Napangiti ako,si Kline talaga,parang umuuwi lang sa kanila ng sampung minuto at babalik na agad dito sa bahay.

“Pasensya na at na late ako,humabol ako sa simbahan pero hindi na kita makita. By the way,bagay sayo ang necklace.” sabi ni Kline sabay halik. Matapos ang maalab naming halikan ay bumangon na kami. Sinabi ko sa kanya ang balak ko pero hindi din daw sya magtatagal,kailangan sya ng Cafe Sonata. At dun ko lang naalalang,pang araw nga pala ang oras nya sa trabaho.

“Ayos lang. Ayan tuloy,dahil sa akin hindi ka na nakakapag trabaho ng maayos. Sige na,I’ll be okay.” nakangiti at buong pag unawa kong sabi.

“Napaka swerte ko talaga at napaka maunawain mo. Sige na,tatawag na lang ako at sunduin kita mamayang simbang gabi. I love you so much Lime.” aniya at naglapat ang aming mga labi.

“Mahal na mahal din kita. Sige na,ingat ka!” at tuluyan na syang umalis. Pagkatapos nun ay inabala ko na ang sarili ko hanggang gabi at hanggang makatulog.


December 20,2013

Ika limang simbang gabi. Parang stress na stress si Kline,hindi na ako nagtanong,imasahe ko na lang sya mamayang pag uwi. Natapos nga ang misa na tulog lang sya,pinabayaan ko lang naman at ginising na lang sya nung uuwi na.

Pagdating sa bahay ko ay bagsak agad sya sa sofa,balak ko pa namang kakain muna kami.

Pinabayaan ko lang sya,ako na lang muna ang kumain ng binili kong kanin at sabaw,initin ko na lang mamaya pagka gising nya bago sya pumunta sa cafe sonata.

“Pagod na pagod siguro,kung bakit kasi sinasamahan pa ako magsimba.” sabi ko sa sarili. Naupo na ako sa couch at sumandal. Inaantok na din kasi ako. Ginusto ko naman ito,tatapusin ko ang siyam na simbang gabi.

Pagkagising ko ay wala na si Kline,tiningnan ko ang orasan. Alas dose na pala ng tanghali. Tatayo na sana ako ng may madinig akong nagriring. Pagtingin ko ay nasa sofa ang cellphone ni Kline.

“Naiwanan nya siguro sa sobrang pagmamadali.” ani ko. Tumayo ako at kinuha ito. May tumatawag. “Diana? Sinong Diana?” ang taka kong tanong sa sarili.

Sinagot ko ito sa pagbabaka sakaling isa ito sa mga regular costumer na malaki kung umorder o di kaya ay ka-bussiness deal nila.

“Hey Kline?! Anong balak mo hon? Ilang araw na akong nagtetext at tumatawag pero hindi mo sinasagot.” direderetsong sabi nito hindi pa man ako nakakapag salita.

Hon? Sinong Diana ito? Pakiramdam ko ay tinakasan ako ng sarili kong kaluluwa sa nadinig at ang bilis ng tibok ng puso ko.

“W-wala si Kline.” ang mahina kong sabi.

“Huh? Sino to? Bakit na sayo ang cellpho–”

“Lime? Nandyan ka ba?” napatingin ako sa pinto,boses ni Khins iyon.

“Hey! Answer me-” agad kong tinapos ang tawag. Pakiramdam ko ay na dejavu ako,nanginginig ako,hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko.

Binuksan ko ang pinto,at si Khins nga ang nandun. Hindi ko na mapigilang tumulo ang mga luha ko. Isa,lang ang ibig sabihin,niloloko ako ni Kline.

“Anong nangyari? Bakit ka umiiyak?”

“S-sino si Diana?” ang lakas loob kong tanong ko.

At sa matagal na pagsagot ni Khins,sa nakikita kong awa sa mga mata nya ay napagtanto ko na tama ang hinala ko.

Wish # 16

“Diana? I dont know her. By the way,kaya ako pumunta dito para kunin ang phone ni pinsan,naiwanan daw nya sa sobrang pagmamadali,at ako pa talaga inutusan nya.” ani Khins. Mataman ko syang tiningnan kung nagsasabi ba sya ng totoo o hindi. Pero wala akong makitang pag aalinlangan sa mga mata nya.

Huminga ako ng malalim bago nagsalita. “Ganon ba? Pasensya ka na,nagdadrama ako,paranoid lang siguro ako. Ito na phone nya.” at iniabot ko na kay Khins ang phone.

“Kung may problema Lime,dont hesitate to call me. Nandito lang ako palagi para sayo,and you know that.”

“Salamat talaga Khins.” ang tanging nasabi ko na lamang. Nagpaalam na siya dahil kailangan pa daw nyang magpahinga. Ako naman ay muling pumasok sa loob ng bahay at nag isip.

Ngayon pa ba ako magkakaganito? Mas mabuti sigurong kausapin ko si Kline para mas malinaw.

Buong araw ay nasa bahay lang ako kasama si Prem,dito ko na din sya pinatulog para sabay kaming magsimbang gabi,iniisip ko din kasi na baka hindi makarating si Kline dahil parehas silang busy ni Khins.


December 21,2013

Ito ang ika anim kong simbang gabi. Hindi ako makapaniwala na nagawa ko ito,tatlong gabi na lang at makukumpleto ko na.

Maaga kaming nakarating ni Prem sa simbahan,ayaw daw kasi nya ng nagsisimula na ang homily saka kami dadating,maging ako man ay sang ayon. Pero syempre,medyo kulang ang pakiramdam ko,tama nga ang hinala ko,hindi dumating si Kline,ito na ang pangalawang gabi,kaya lalong tumitibay ang hinala ko.

Ipinagdasal ko na sana,kahit gaano kalakas ang hinala ko ay mali ako. Ayoko na kasing masaktan ulit,hindi maganda sa pakiramdam,hindi maganda sa pag-iisip.

Papalabas na kami ng simbahan ng mapansin namin ni Prem si Kline na palapit sa amin at may kasamang babae. Alam kong hindi nya kami napansin,at alam ko ding hinahanap nya ako. Kung pupunta sya sa bahay ay dun ko sya kakausapin.

Agad kong hinila si Prem na mukhang hindi naman nakahalata dahil talak pa ng talak tungkol sa naka chat daw nya kagabi.

Pagdating ko sa bahay ay agad akong nagbihis ng pambahay at nagluto ng para sa pananghalian ko mamaya. Ng matapos ay natulog ako para gigising na lang ako ng tanghalian.

Ngunit lumipas ang tanghalian at gabi,walang dumating na Kline,kahit text man lang. Kaya hindi ko maiwasang makabuo ng sama ng loob. I knew it,sa babae padin talaga ang bagsak nya.


December 22,2013

Ito na ang ikapitong simbang gabi ko. Mabigat man ang pakiramdam ko ay pinilit ko pa ding bumangon,agad na akong naligo para mawala ang katamarang nararamdaman ko.

Kahit sa paglalakad ay tamad na tamad ako,mabibigat ang mga hakbang ko,tulala din ako habang naglalakad dahil iniisip ko ang sa amin ni Kline.

Isusuko ko na ba sya o ilalaban ko? Paano kung lumaban ako pero sya ang sumuko? Paano kung sumuko ako tapos sya naman ang lumaban? Ano ba talaga ang dapat? Kailangan ko na talaga syang makausap.

Kaya naman ay dumating ako sa simbahan ng halos kalahati na ng homily at puno na ang loob ng simbahan. No choice tuloy ako kundi ang tumayo sa labas.

“Abala ngayon sina sir Kline at sir Khins eh,may pinaghahandaan daw kasi si sir Kline sa mismong pasko,kaya maaga kaming pinagbakasyon.” sabi ng isang boses sa likuran ko. Biglang kumalabog ang dibdib ko,pero pinilit kong huwag lumingon dahil baka makilala ako.

Ano kayang mahalagang pinaghahandaan ni Kline at tumutulong si Khins? At sa pasko talaga?

Si Diana. Baka may kinalaman dun si Diana. Sigurado akong yon din yung kasama nya kahapon. Talaga bang pinagpalit na nya ako agad?

“Kaya pala maaga ka ding nakapag shopping,maaga din ang christmas bonus.” sabi naman ng isang boses din ng babae.

“Malakas kasi ang kita ng cafe sonata,kaya ganun. Nandito nga si sir Kline,lagi din daw syang nagsisimba,palakad lakad nga lang sya kanina,parang may hinahanap,baka si miss Diana.” sabi naman nung naunang boses kanina. Parang gusto ko na tuloy umiyak pero pinigilan ko.

Hindi man lang sya nagsabi ng maayos. Nagdadalawang isip na tuloy ako kung dapat ko pa ba syang kausapin o huwag na lang.

Kaya naman pagkatapos ng misa ay nagmadali na naman akong umalis. Ngayon mas magulo na naman ang pag iisip ko. Naisip ko tuloy bigla kung minahal nya ba talaga ako o naglalaro lang sya? Peke lang ba ang mga pinapakita nya?

Lagi na lang ganito,tuwing magpapasko na lang.

Pagkauwi ko ay nagkulong ako sa kwarto. Umiyak lang ako ng umiyak,para pa akong tanga na tingin ng tingin sa cp ko kung tatawag sya o may text sya,panay din ang abang ko kung biglang bubukas ang pinto at papasok sya,hanggang sa nakatulog na lamang ako.

Nagising ako na parang may nag uusap sa labas,sa mismong sala. Tumayo ako para makinig,idinikit ko ang tenga ko sa pintuan.

“Natutulog pa siguro yon,huwag muna natin abalahin Kline,dalawang araw na yon na parang wala sa sarili,ikaw kasi eh.” boses iyon ni Prem. Nakapasok na naman sya sa bahay,kakaiba talaga ang kaibigan kong iyon.

“Pasensya na,I have to do this,ayoko din naman na nagkakaganun sya. Basta,pagkagising nya,pakainin mo na,mauna na ako,madame pa akong aasikasuhin,just dont tell this to Lime.” sagot ng isang boses na kilalang kilala ko. Parang gusto ko ng lumabas ng kwarto at kastiguhin sya. Pati si Prem ay kinukuntsaba nya para lang masaktan ako.

Ang sunod kong nadinig ay ang pagbukas at pagsara ng pintuan. Maya maya lang ay may kumatok na.

“Friend! Papasukin na kita dyan sa kwarto mo. Nagluto na ako ng pananghalian natin.” ani Prime. Nagkunwari akong bagong gising ng buksan ko ang pinto. Kailangan kong magkunwari na wala akong nadinig.

“Namimihasa ka na ah? Wala ka bang sariling bahay?” ang biro ko pa.

“Atleast,inaalagaan kita. Mahirap na,baka bumalik ka na naman sa dati,alam mo namang ikaw lang ang kaibigan kong nagtagal no?” nakangising sagot sa akin ni Prem kaya napangiti ako. Kung hindi man ako swertehin sa buhay pag ibig ay swerte naman ako sa pagkakaroon ng kaibigang tulad nya.

“Ang dami mong sinasabi? Nasan na ang niluto mo?”

“Yan! Ganyan nga,bawal na hindi ka kumain. Pagnagkataon mas magiging matanda ako,look at you,parang problemado ka,ganyan ba pag hindi nakikita si Kline?”

“Oy ah?! Hindi no? Tara na,kumain na nga tayo,ang dami mo na namang sinasabi.” sabi ko na lang at nauna ng naglakad papuntang kusina. Tama nga siguro si Prem,sobrang attached na talaga ako kay Kline,kaya apektado ng ganito at sobrang napaparanoid na ako.

Sa hapag kainan ay panay kwento ni Prem,hindi ko naman maiwasang matulala minsan dahil nga iniisip ko ang mga nangyayari.

Buong araw nasa bahay si Prem,nag movie marathon at videoke kami hanggang gabi. Sinabihan ko syang dito na lamang sa bahay matulog at pumayag naman sya.


December 23,2013

Ito na ang ika walong simbang gabi ko. Isang simbang gabi na lang at masasabi ko na ang hiling ko.

Konti pa lang ang tao sa simbahan ng dumating kami ni Prem,kaya tulad dati ay sa harapan kami pumwesto,mas mainam na para ma focus ako sa pakikinig sa misa.

Pero kahit anong focus ko sa pakikinig,si Kline padin ang naiisip ko at ang pinaplano nya sa darating na pasko,kasama si Diana,pati ang pakikipag kuntsaba nya kay Prem at Khins.

“Hindi ka nakikinig sa misa friend.” ang pabulong na sabi ni Prem sa kalagitnaan ng sermon ng pari.

“Pasensya na,madami lang akong iniisip. Hindi ko maiwasan.” ang pagsasabi ko ng totoo.

“Huwag ka masyadong mag isip ng kung anu-ano,panget pag stress ka sa pasko.” ang sagot ni Prem. Naisip ko tuloy,kung ano ba talaga ang pinag usapan nila ni Kline. “Basta,lagi ka ng magiging masaya.” dagdag pa nya. Hindi na lamang ako sumagot at ibinalik ko na lamang ang atensyon sa pakikinig sa pari.

Nang matapos ang misa,ay dumiretso kami ni Prem sa malapit na 24hours na fastfood.

“Bakit ito ang binili mo? Sabi ko diba burger steak ang sabi ko?” sabi ng isang boses na nadaanan namin.

“Winji,bhie. Ayokong masyado kang kumakain ng mga taba,yan na lang.” sabi naman ng isang lalaki na gwapo. Napanganga at nagkatinginan kami ni Prem.

“Magjowa friend,swerte nung batang beki.” bulong ni Prem sakin.

“Ssh! Madinig ka,tara na umorder na tayo.” ang sabi ko naman.

“Okay KUYA Uriel,dhie! Kakainin ko na,grabe inantok ako sa simbang gabi.” sabi nung batang beki. Muli kaming nagkatinginan ni Prem at napangiti.

“Magandang bakla,pinagpala!” naka ngising sabi ni Prem at naglakad na kami papuntang counter.

“Maghintay ka lang,may dadating para sayo.” ang sabi ko naman.

“Good morning po,Im Lai Javier,welcome to Mcdonalds,may I take your order.” sabi ng nasa counter. Napalingon ako sa likod ko para tingnan ang reaksyon ni Prem dahil ako man ay nagulat din dahil bakla pala ito,mukhang babae.

“Nagkalat ang magagandang bakla ah.” komento ni Prem na ikinangisi ko. Ang dami ngang magagandang bakla ngayon. Muli kong hinarap ang cashier na nag ngangalang Lai at sinabi ang order namin ni Prem.

“Bakit nandito si Kipp,Lai? Ayon oh nasa may gilid.” sabi ng isang lalaking singkit,gwapo at maputi. Napalingon kami ni Prem dun sa tinuro ng lalaki. May gwapo ngang lalaki na mag isa sa isang mesa sa gilid,yung tinawag na Kipp.

“Pabayaan mo na,grabe ka magreak,umorder na tayo.” sabi naman ng isang gwapo ding lalaki. Pakiramdam ko ilang beses kaming napanganga ni Prem.

“Bless,Keez,nagtatrabaho ako,mamaya na kayo.” biglang sabi nung Lai saka iniabot ang tray na may mga order namin ni Prem.

“Swerteng beki,dalawa ang boylet” komento na naman ni Prem na ikinangiti ko na lamang. Tama sya,swerte nga ng mga baklang iyon,ako din naman akala ko swerte ako eh,hindi pala.

Naghanap na kaming dalawa ng magandang pwesto at kumain na,mga alas siete na kami ng umaga nakauwi. Ako ay dumiretso na sa kwarto,samantalang si Prem ay umuwi na sa kanila.

Bago matulog ay hiniling kong sana,pagkagising ko ay maayos na ang lahat,matapos na ang mga problema.

HILING * GRAND FINALE

GRAND FINALE ~

NOTE: Maraming salamat po sa lahat ng sumuporta dito sa Short Story ko,salamat sa pag antabay sa buhay pag ibig nina Lime at Kline. Merry Christmas! =)


December 24,2013

Ika siyam kong simbang gabi,si Prem pa din ang kasama ko,nanatili akong tahimik tungkol sa mga iniisip ko at sa mga nangyayari. Ayaw ko naman tanungin si Prem tungkol nga dun sa pinag usapan nila ni Kline. Nawawalan na ako ng pag asa tungkol sa amin ni Kline,pero syempre,tuloy pa din ang buhay.

Maaga kami sa simbahan,triple ang dami ng tao. Mahaba ang tinakbo ng misa. Tulad nung nakaraan ay pre occupied na naman ang pag-iisip ko. Hanggang sa malapit ng matapos ang misa. Nagdasal na ako ng taimtim,ng buong puso at bukal sa kalooban.

“Panginoon ko,marami man nangyari sa buhay kong hindi maganda,may mga nangyayari pa ding hindi maganda ay hindi ko na po kayo kakalimutan,gabayan nyo na lamang po ako at bigyan ng lakas para harapin ang mga darating pang pagsubok. Nagpapasalamat din po ako sa mga biyayang naibigay mo sa akin at sa pamilya ko. Ngayon pong nakumpleto ko na po ang siyam na simbang gabi,hiling ko po,na sana kung nasaan man sina Mama,Papa at Marine,hiling ko po na sana ay nasa mabuti na sila at magandang lugar kasama ka,pakiabot na lamang po na maayos ang kalagayan ko,wala na akong iba mang mahihiling,dahil nakapag patawad na po ako at naging bukas na ang aking pag iisip. Maraming salamat po sa lahat.” ang mahaba kong dasal sa aking isipan. Hindi ko na namalayang tumulo na pala ang aking mga luha.

“Friend,okay ka lang? Bakit ka umiiyak?” ang pagkalabit sa akin ni Prem. Nagmulat ako ng mga mata at umayos ng pagkaka upo galing sa pagkaka luhod.

“Sobrang okay na ako Prem. Nagawa ko na. Wala na akong maihihiling pa.” nakangiti kong sabi at pinahid ang aking mga luha.

“Sigurado ka? Hindi ka ba magwi-wish para sa lovelife mo?” ang parang naniniguradong tanong ni Prem sa akin.

“Hindi.” sabi ko at umiling. “Masaya na ako sa mga nangyari,kahit may hinaharap akong mabigat ngayon ay hindi ko iyon isinama sa hiling ko.”

“Ano ba ang hiling mo?”

“Para sa mga magulang ko at para kay Marine.”

“Napaka buti mong tao,hindi ako nagsisisi na naging kaibigan kita. Huwag kang mag alala,kung ano man ang pinagdadaanan nyo ni Kline ay matatapos din iyon,sasaya ka din ng sobrang saya,at yung hiling mo para dun sa Marine at sa mga magulang mo,tutuparin ni Papa God yon,mabait ka kasing tao.” ani Prem,nagulat pa ako ng tumulo ang mga luha nya,naiyak na ako ng tuluyan kaya niyakap ko na sya.

“Maraming salamat Prem,napaka buti mo din,swerte ko at ikaw ang kaibigan ko.” ang sabi ko habang yakap sya.

“Tama na yan,tapos na ang misa,baka mapagkamalan pa tayong naglalasunan dito.” aniya at kumalas sa yakapan namin.

“Tse! Baliw ka talaga!” ani ko at nag ngitian kami.

Pagkatapos ng misa ay nagdesisyon kaming mag grocery ni Prem para mamayang noche buena. Dahil sya ang nakaka alam kung ano ang mga dapat bilhin ay pinabayaan ko sya,taga tulak na lamang ako ng cart.

Masyadong madaming tao na tulad namin ni Prem ay ngayon lang din bumibili,kaya pagdating sa cashier ay mahaba na ang pila. Alas dose na kami ng tanghali nakauwi. Nagpaalam si Prem na uuwi muna at tutulong sa pamilya. Ako naman ay inayos na ang mga pinamili at inihanda na ang mga sangkap sa spagetti at salad na gagawin ko mamaya. Matutulog muna ako at magpapahinga.

Bahala na kung biglang sumugod ang mga dati kong kasama sa trabaho,nararamdaman kong pupunta bigla ang mga iyon since hindi naman sila nagpapakita pa sa akin.

Natulog na ako para ma-energized ako mamaya. Babawi ako ng tulog.

Nabulabog ang tulog ko ng makarinig ako ng ingay sa paligid ko,parang mga nagbubulungan. Kaya agad akong nagdilat ng mga mata.

“The hell? Anong ginagawa nyo dito?” gulat kong reaksyon at agad napabalikwas ng bangon.

“Advance Merry Christmas friend.” nakangising sabi ni Prem.

“Alas quatro na ng hapon,hindi ka dapat natutulog.” sabat ni Babat.

“Matatapos na Lime.” nakangiting sabi naman ni Mia,lalo akong naguluhan.

“Sige na,itali na yan,baka pumalag pa.” biglang sabi ni Prem. Nanindig bigla ang mga balahibo ko sa narinig.

“Teka? Anong? Ahh! Saglit!” bigla akong hinawakan ni Japoy sa mga kamay,si Ully naman ay sa aking mga paa. “Anong ginagawa nyo? Hindi ito magandang biro ah!” bulyaw ko pa pero natalian na nila ang mga paa at mga kamay ko.

“Pasensya na Lime,napag utusan lang.” ani Japoy.

“Sorry Lime.” dagdag naman ni Ully.

“Ano ba to? Hindi na nakakatuwa ah?!” ang inis ko ng sabi.

“Im sorry friend,but we have to do this. Sige na,buhatin na yan at dalhin sa sasakyan.” ani Prem. Sa isang iglap ay nabuhat ako ni Japoy,hindi ako makapalag. Naiinis ako dahil lahat sila ay naka ngisi at wala akong maintindihan kung bakit nila ito ginagawa sa akin.

“Humanda kayo sakin! Makawala lang ako dito ay may kakalagyan kayo. Kakalimutan kong naging kaibigan ko kayo!” ang sigaw ko pang ganyan ng mailabas na nila ako sa bahay. Mabilis nila akong naipasok sa backseat ng kotse.

“Matulog ka na muna ulit friend.” sabi ni Prem sa tabi ko at may nilagay na panyo sa ilong ko. Nakaramdam agad ako ng pagkahilo at pagka antok. Hanggang sa nilamon na ako ng kadiliman.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal walang malay,basta nagising ako sa isang kwarto na hindi pamilyar sa akin. Inalala ko pa kung anong nangyari,pero nung maalala ko na naman ay nainis ulit ako.

“Ang mga baliw na yon,pinagkaisahan ako. Paano na yung mga lulutuin ko sa bahay? San ba ako dinala ng mga yon?” ang pagkausap ko sa sarili at bumangon na sa kamang napaka lambot. Inilibot ko ang paningin,walang masyadong gamit,sarado ang mga bintana na parang may harang. Hindi ko tuloy alam kung gabi na ba o umaga pa din.

Napatingin ako sa isang malaking grandfather clock. Quarter to twelve na pala.

Teka? Quarter to twelve? Ibig sabihin magpapasko na? Shet,nasan ba kasi ako?

Agad akong naglakad papunta sa pintuan pero nadaanan ko pa ang isang body mirror. Napa second look pa ako dahil iba na ang damit ko. Semi formal na,parang polo shirt na pang babae na black and white at jeans na hapit at naka sandals na din ako,at ang mukha ko ay parang may kaunting make up,naka ayos din ang buhok ko na hanggang ilalim lang ng tenga.

“Nasan ba ako at anong ginawa nila sa akin?” ang sabi ko sa sarili ng biglang bumukas ang pinto.

“Gising ka na pala,tara na,mag aalas dose na,sabay sabay nating salubungin ang pasko.” nakangiting sabi nito.

“Khins? Anong?”

“Mamaya ka na magtanong,tara na.” anito at kinuha ang kamay ko. Lumabas kami sa kwarto at naglakad sa isang napaka habang hallway,hindi ko na mabilang kung ilang kwarto ang nadaanan namin.

Nang pababa na kami sa isang grand staircase ay nakarinig na ako ng madaming boses,may mga katulong na mga naka uniform at parang abalang abala. Pagbaba namin ay dinala ako ni Khins sa garden,gulong gulo pa din ako,ni hindi ko sya magawang lingunin o kausapin,parang kinakabahan ako na hindi ko maintindihan.

Pagdating sa garden ay saktong sabay sabay silang nagbilang.

“five!”

“four!”

“three!”

“two!”

“ONE!!”

“Merry Christmas!!!”


December 25,2013

Napatingala ako sa langit dahil sa mga fireworks,ang gaganda. Ng biglang may lumapat na labi sa aking labi.

Nanlaki ang mga mata ko. Biglang nanlambot ang mga tuhod ko at napakapit ako sa batok ng humahalik sa akin.

Syempre,kilala ko kung sino,ang lambot ng kanyang labi,ang tamis ng kanyang dila at laway,ang mabango nyang hininga. Kilalang kilala ko,at tanging sya lang ang nakakapag pakabog sa puso ko ng ganito.

“Merry Christmas Lime. Mahal na mahal kita.”

“K-kline..” at hindi ko na napigilang tumulo ang mga luha ko. Ang lahat ng pagkamiss,hinanakit ko sa kanya ay lumabas na. Agad nya akong niyakap,ramdam na ramdam ko ang pagmamahal.

“Im so sorry Lime kung kailangan kong gawin iyon. Pasensya kung nasaktan kita. Hindi ko iyon ginusto pero kailangang gawin para sayo,at para sa araw na ito.” aniya habang magkayakap kami. Nakita ko pang pinagtitinginan kami ng mga bisita nila,napabitaw ako sa yakapan namin.

“Humanda ka sa akin mamaya.” ang tanging nasabi ko. Nakita ko sa isang table ang tropahan,mga kumakaway at mga nakangisi pa.

“Handa akong magpaliwanag. Basta pabor sa akin ang parusa. Gusto kong bumawi Lime,sa pangit nating pasko noon.” seryosong sabi ni Kline,napaka gwapo nya sa suot nyang semi formal din at tulad ng dati,napaka bango nya.

“Tse!”

“Merry Christmas Lime,Sorry kung nagpakuntsaba ako sa pinsan ko.” boses ni Khins yon sa likuran ko kaya hinarap ko ito.

“Merry Christmas din. Huwag kang mag alala,kasama ka sa makakatikim ng pagka baliw ko.” ang nakangiti kong sabi. Bigla naman umakbay si Kline sa akin.

“Salamat insan,basta babawi ako.” ani Kline at nakipag kamay kay Khins.

“Wala yon,basta para sa inyo ni Lime. Teka nga,ipakilala mo na sila Mom and Dad at sa mga kamag anak natin kay Lime,pajra naman kumpleto na ang pasko,saka hinihintay din si Lime nina Tito at Tita” ani Khins. Bigla tuloy akong kinabahan. Iba kasi pag sa buong angkan ka ipapakilala,nakakatakot,nakakatense.

“Thanks for reminding,sige na puntahan ko na ang pamilya natin,mamaya na kami makikisaya sa tropa.” nakangiting sabi ni Kline,naka akbay pa din sya sa akin ng maglakad kami papunta sa isang presidetial table. Parang kinakabayo na ang dibdib ko,lalo na ng makalapit kami,pakiramdam ko ay hindi na ako humihinga.

“Mama,Papa si Lime po.” nakangising sabi ni Kline kaya nilingon ko sya sa tabi ko. Buang ba sya? Eh nung huling party nila nakausap ko na Mama at Papa nya eh. “Mga tito,mga tita,mga pinsan. Sya si Lime,ang pinakamamahal ko.” dagdag nya na nagpalaglag sa panga ko. Napabalik ang tingin ko sa pamilya nila ni Khins na ngayon ay nakatingin sa amin at sa kamay namin ni Kline na magkahagpong.

“Uhm.. Merry Christmas po sa inyong lahat.” ang ninenerbyos kong sabi. Pakiramdam ko nga ay nanlalamig ako at pinagpapawisan na din ako ng malamig. Pagtingin ko kay Khins ay biglang nag thumbs up ito.

“Welcome Lime to our family,at merry christmas din.” sabi ng isang lalaking may edad na kamukha ng papa ni Kline.

“Welcome to the family and merry christmas.” ang sunod sunod na nilang sabi at niyakap ako isa-isa,hindi ako makapag salita. Isa isa din nila akong kinausap,panay oo at tango lang ang sagot ko. Masyado akong na overwhelmed na tanggap na nila ako agad,hindi ko ma explain yung nararamdaman ko.

“O! Tama na yan! Makakasama nyo pa ng matagal si Lime,dun muna kami sa table ng mga kaibigan namin.” ani Kline sabay hila sa akin,hindi man lang ako nakapag paalam ng maayos sa pamilya nila.

Pero imbis na sa table kami ng tropa ay dinala nya ako sa mini stage na may mic,hinawakan nya ito at tumikhim muna bago nagsalita,naagaw nya tuloy ang atensyon ng lahat,sa amin na tuloy nakatingin lahat,at parang kinakapos na ako ng hangin.

“Merry Christmas po sa inyong lahat,in behalf of my family ay nagpapasalamat kami sa pagpunta nyo. Nagpapasalamat din ako kay insan Khins na tumulong at inintindi ako,kay Prem na hindi pinabayaan ang taong pinakamamahal ko.” ang seryosong sabi ni Kline,muli nagrigudon na naman ang puso ko. Parang alam ko na kung saan ito patungo. “Nagpapasalamat din ako kina Mia,Babat,Ully at Japoy sa pagkidnap kay Lime.” aniya at nagtawanan ang mga tao. “Pati kay Diana na kinuntsaba ko din,salamat kinakapatid.” sabay turo sa isang babae. Sya nga yung nakita kong kasama nya sa simbahan.

Plinano nya ang lahat,ngayon ay naiintindihan ko na.

“A-ano to Kline?” ang mahina kong sabi. Lumingon sya at kumindat. Magkahawak pa din bang aming mga kamay at alam kong naramdaman nya ang panginginig ko kaya hinigpitan nya pa ang pagkakahawak.

“I want to take this opportunity para ipakita sa inyo ang pagmamahal ko sa taong katabi ko ngayon at hawak ko ang kamay. Alam kong madami sa inyo ang nagtataka kung bakit sa tulad nya ako nahulog. Simple lang,ask my heart,at sasagutin kayo nito ng malalakas na pintig,pintig na si Lime lamang ang dahilan. Pag nagmahal ka,hindi mo ito masusukat sa kasarian o estado sa buhay.” mahaba nyang sabi. Napahawak na ako sa dibdib ko,dahil anytime,alam kong iiyak na ako.

“Kline.” ani ko. May kinuha sya sa bulsa nya at lumuhod sa harapan ko,binuksan ang isang maliit na box. Maliit na box na naglalaman ng isang singsing,singsing na magpapabago sa mga buhay namin.

“Sa harapan ng mga pamilya,kamag anak at kaibigan natin. Lime mahal ko. Would you be my other half?” puno ng pangungusap ang kanyang mga mata,namumula na din ito,at ang boses nya ay nabasag na.

Para akong biglang nahilo,I never thought na dadanasin ko ito,akala ko ang mga babae lamang ang nakakaranas ng ganito. Ang kaligayahan ko ay nag uumapaw kaya naman hindi ko na din napigilan ang pagtulo ng mga luha ko.

Nadidinig ko na ang mga sigawan nila,ayoko silang biguin at ayaw ko ding biguin ang sarili ko. Napapikit ako.

“Diyos ko,maraming maraming salamat po. Hindi pa man nagsisimula ang simbang gabi noon ay alam kong tinupad nyo na ang hiling ko. Happy birthday po.” ang taimtim kong panalingin. Sa pagdilat ng mga mata ko ay nakaluhod parin sa harapan ko si Kline.

“Friend!! Say Yes! Tatampalin kita pag umarte ka pa!” sigaw ni Prem,nagtawanan ang mga tao dahil doon. Hinarap ko ulit ang buong tyagang naghihintay na si Kline.

“Yes Kline,Im willing to be your otherhalf,kahit hindi ka na magtanong,matagal ko ng pangarap na makasama ka habang buhay.” sagot ko at ngumiti kahit na panay agos na ng luha ko sa kaligayahang nararamdaman ko.

Pagkasuot ni Kline ng singsing sa akin ay agad nya akong niyakap at pinaglapat nya ang aming mga labi. Nadinig ko pa ang hiyawan at palakpakan ng mga tao,hanggang sa parang ang tibok na lang ng puso ko ang aking naririnig.

“Mahal na mahal kita Lime,ikaw lang wala ng iba,maraming maraming salamat.” aniya ng maghiwalay ang mga labi namin.

“Mahal na mahal din kita Kline,mula noon,hanggang ngayon.” at muli,naglapat ang aming mga labi.

Tunay ngang love is sweeter the second time around. Madami din akong natutunan sa buhay dahil sa pag ibig ko kay Kline,natuto akong magpatawad,muling magbalik loob sa Diyos,natutunan ko din ang pagtanggap. Higit sa lahat,natutunan kong panghawakan ang pagmamahal ko.

Hindi pa man nagsisimula ang aming kwento ay natupad na ang aking hiling.

~~ *

WAKAS =)


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.