Hindi Ko Sinasadya (BXB)
ThePageWriter · 20 chapters · 21,365 words
PAALALA
“
HINDI NORMAL na relasyon o pagmamahalan sa pagitan ng dalawang lalaki ang inyong mababasa, kaya’t kung hindi ka pa handa at wala ka pa sa hustong edad para magbasa ng ganitong klaseng istorya ay ipagpaliban mo na muna.
Muli, let’s formally welcome,
HINDI KO SINASADYA.“
Date started: Novermber 30, 2017 Date ended: December 20, 2017
PROLOGUE
Hindi Ko Sinasadya
PROLOGUE
“Ikaw, lalaki, tinatanggap mo ba si, Nicole bilang kabiyak ng iyong buhay sa hirap at ginhawa?” Iyan ang naging tanong ng Pari kay Kian nang sandaling um-oo ang babaeng kaniyang magiging asawa. Hindi niya nagawang makakibo agad. Tiningnan niya pa ang paligid bago siya huminga ng malalim. Ilang segundo pa ang nagdaan at hindi pa rin sumasagot si Kian sa naturang tanong ng pari. Malakas na rin ang bulungan ng mga tao.
Akmang magtatanong na muli ang Pari nang biglang nagtatakbo si Kian palabas ng naturang Simbahan. Rinig na rinig ang sigaw ng bride na tumatawag sa kaniyang pangalan.
“Kian! Kian” at hindi niya iyon nilingon sapagkat minabuti niyang sumakay sa kanyang kotse at bumiyahe malayo sa naturang lugar.
To be continued…
HKS-PART I
HINDI KO SINASADYA- PART I
ANGELO
LAST na bote ng beer. Medyo nahihilo na rin ako dahil sa dami ng nainom ko. Halos kakaunti nalang kaming natira dito sa simpleng karaoke bar na pinagganapan ng birthday ng kasamahan ko sa Unibersidad na pinagtatrabahuhan ko bilang Instructor. Buti na lamang at huling araw na kanina ng pangalawang semestre kung kaya’t nakapag-enjoy din naman ako kahit papaano.
Nang laklakin ko na ang huling bote ay minabuti ko na ring magpaalam sa mga kasama ko at sumakay agad ako ng tricycle para mabilis akong makauwi sa bahay since hindi ko naman dinala kanina ang motorsiklo ko pagpasok sa trabaho.
Pagka-abot ko pa lamang ng bayad ay nakita ko ang isang kotse sa gilid ng paupahan na pag-aari ko at doon ko nakita si Tere na may kausap na lalaking nakaputing longsleeve. Medyo may katangkaran ang lalaki pero hindi ko na pinansin dahil ang gusto ko ay matulog na dahil sobrang antok na antok na ako.
Kinabukasan ay nagising ako ng maaga kahit na ang totoo ay wala akong pasok sa trabaho ngayon. End of semester na nga pala kahapon kaya napakamot nalang ako sa ulo at dumiresto agad ako sa lababo para magsipilyo at maghilamos. Nasa kalagitnaan na ako ng pagpupunas ng aking mukha nang matanaw ko mula sa bintana ang kotseng pula na kagabi pa naroroon.
Dala ng curiosity ay nagsando na ako at lumabas pa mag-usisa.
“Tere, kanino ang kotseng ito?” tanong ko kaagad kay Tere na noong mga sandaling iyon ay nagsasampay ng kaniyang nilabhang damit.
“Ah, ’yan ba?” ngumiti siya saglit. “Doon ’yan sa lalaking pogi na kausap ko kagabi. At nga pala, mangungupahan din pala ’yong tao kaya ko siya kausap kagabi.” Ang pagku-kwento niya sa akin.
“Ganoon ba? Sige at mayroon pa namang dalawang bakanteng kwarto na pwede pang i-occupy.” Ang sagot ko at sa aking pagkagulat ay muntikan na akong atakihin sa puso nang bumukas ang pinto ng kotse sa gilid ko. Tinted kasi kaya hindi ko agad nakita na may tao sa loob.
“Pasensya na. Nagulat yata kita..” iyan ang bungad niya sa akin nang makalabas siya ng kotseng kanina lang ay tila walang laman.
“Hindi naman. Okay lang ako.” Sagot ko.
“Kian!” sigaw ni Tere at nilingon naman siya nito.
“Siya ’yong sinasabi ko sa’yo kagabi. Si Angelo—may ari ng paupahan dito.” Ang singit pa ni Tere.
“Ahhh.. ikaw pala ang may ari.” Sabi nito at binasa ko ang buka ng kaniyang bibig. Masyado kasing mapula ang labi niya at ..
“Kian.” Doon na lamang natigil ang pagkatuliro ko sa bibig at labi niya nang iabot niya sa akin ang kaniyang kamay.
“Angelo.” At may kung ano sa kamay niya nang maglapat ang aming mga kamay. Mabilis pa sa tatlong segundo ko iyong hinawakan dahil hindi sa magaspang ang kamay niya, kundi dahil may kung anong dumaloy sa kamay ko.
Napag-usapan namin ang kaniyang gagawing pag-upa sa isa sa mga kwarto na hindi naman talaga kwarto lang dahil mayroong available na mini salas, kusina, banyo at isang kwato na swak na swak sa budget na apat na libo para sa isang buwan. Kasama na rin doon ang tubig at kuryente.
“So, malinaw na ba sa’yo ang house rules at pati ang upa? Kung namamahalan ka ay pwede ka namang maki-share doon sa isang apartment na puro estudyante ang kasama. Doon makaka—.” Hindi na ako na katapos sa pagsasalita dahila agad siyang naglabas ng pera at nagsalita.
“One month advance and one month deposit.” Aniya at gulat na gulat ako.
“So, kailan ka magsisimula?” ang tanong ko sa kanya.
“Ngayon din sana.” Aniya.
“Sige.. Hintayin mo ako rito at ibibigay ko sa’yo ang resibo.” Ang sabi ko at akmang lalakad na ako nang matalapid ako bigla. Buti na lamang at hindi tumama ang mukha ko sa pader dahil nahila niya ang damit ko at sabay kaming tumawa.
“Nagmamadali ka kasi, Bro.” Aniya at tumawa naman ako.
“Nga pala.. pwede mo ba akong tulungang maglinis ng bahay? I mean.. kung okay lang sa’yo.” Wika niya na hindi ko pwedeng tanggihan.
“Sige ba. Konti nalang naman ang lilinisin dito dahil regular akong naglilinis every weekend.” Sagot ko at inihagis ko na sa kanya ang tambo para magsimula na siyang maglinis.
At nang masalo niya ang walis ay hinubad niya ang kanyang suot na damit at bumalandra ang kaniyang hubog na katawan sa aking harapan. Hindi ko na iyon pinansin dahil baka isipin niya na nagagandahan ako sa katawan niya. Lumaki pa ang ulo.
“Ayos din ’tong apartement mo, ’no? Ayos ang mga materyales na ginamit.” Pagpuri niya.
“Ah, oo. Kami ng bunso kong kapatid ang nagdisenyo ng apartment na ito noong high school pa lang siya.” Natatawa kong pagke-kwento.
“Ayos ’yan.” Aniya at hindi na siya muling nagsalita.
“Nga pala.. taga saan ka nga bang talaga?” naitanong ko bigla.
“Quezon City.” Aniya sa masayang ekspresyon ng mukha.
“Malayo rin pala. S-sige.. mauna na muna ako. Gagawa mun akong tanghalian. Tawagin mo ako kapag may kailangan ka, ha?” sabi ko at tumango naman siya.
To be continued…
HKS-PART II
HINDIN KO SINASADYA-Part II
ANGELO
Mabilis lumipas ang oras. Nakapagluto na ako ng pananghalian at ngayon ay naghahain na ako para sa amin ni Kian na busy sa pagtipa sa kanyang cellphone na maganda ang brand.
“Bro, salamat sa libreng tanghalian, ha? Bawi ako sa’yo next time.” Aniya nang mailapag ko na ang niluto kong tinolang manok na akmang-akma sa kondisyon ng panahon.
“Ano ka ba? Hindi mo na kailangan na bumawi, tsaka besides, magiging kapitbahay mo na ako kaya dapat lang kitang i-welcome. At bago pa lumamig itong sabaw ay kumain na tayo!” Ang sagot ko.
“Sige ba!” ang sabi niya bago tuluyang nagdasal at kumain. Nakakatuwa siyang kumain dahil sarap na sarap siyang sumubo na akala mo ay ninanamnam ang bawat nguya.
“Kumain ka rin, bro. H’wag mo lang akong panoorin. Paano ka mabubusog niyan?“aniya at doona ako natauhan. Napatawa na nga lang ako bigla dahil sa sinabi niya.
“Ang gana mo kasi kumain.” Ang isinagot ko sa kanya at nagsimula na rin akong kumain.
“Masarap kasi.” Sagot naman niya.
“H’wag kang magbiro dahil baka parati na kitang maipagluto.” Singhal ko.
“Pabor sa’kin ’yon.” Natatawang sagotb niya.
“Loko!” sabi ko naman pabalik.
Ang ganda ng naging usapan naming dalawa at namalayan nalang namin na naubos na namin ang lahat ng pagkain na nakahain sa lamesa kanina.
“Nabusog ako do’n. Sana sa susunod uli.” Aniya habang hawak-hawak ang kaniyang tiyan na nangangahulugan na nabusog siya sa niluto ko. Ibayong saya ang dulot noon sa akin kaya naman gumuhit ang ngiti sa aking mga labi bago ako nagsalita.
“Buti nabusog ka sa niluto ko.”
“Masarap nga kasi, bro.” Aniya na determinadong masarap talaga ang kinain niya.
“Sabi ko nga.” Sagot ko pabalik.
Marami pa kaming napagkwentuhang dalawa hanggang sa matagpuan ko na lamang siyang nakaidlip na sa salas habang nanonood ng T.V. Narito kasi kami sa bahay dahil wala pa naman siyang mga gamit na pwedeng gamitin gaya ng mga personal na bagay gaya ng toiletries, mga gamit sa kusina at iba pa. Kaya naman niyaya niya ako na mamili mamaya sa Bayan upang mamili ng mga kakailanganin niya sa bahay.
Nasa ganoong posisyon ako ng pagtitig sa kanya nang biglang may kumatok sa pinto. Agad ko namang binuksan ang naturang pinto at tumambad sa akin si Tere.
“Oh, bakit, Tere?” ang tanong ko sa kanya.
“W-wala naman, Angelo. Magpapaalam lang sana ako na hindi muna ako makakabayad sa buwan na ito kasi wala pa akong sweldo. Okay lang ba?” ang pagsasalaysay niya.
“Oo naman, ano ka ba? Wala sa akin ’yon lalo na’t dalwang taon ka na rin naman na nangungupahan dito. Basta’t kapag nagkapera ka ay iabot mo nalang sa akin.” Ang sagot ko.
“Kailangan lang kasi ni Patrick ’yong pera dahil may sakit na naman.” Malungkot niyang sabi sa akin.
“S-sige, Tere. Kayang-kaya mo ’yan. Ikaw pa ba? Basic na sa’yo ang mga ganyang klase ng problema. At kapag kailangan mo ng tulong, nandito lang ako. H’wag kang mahihiyang lumapit.” Pagpapalubag ko sa kanya.
Hanga rin kasi ako sa dedikasyon niya na itaguyod ang pamilya nila na nasa Nueva Ecija. At kahit pa isang guro din si Tere sa isang pampublikong High School dito sa Quezon, kinukulang pa rina ng sweldo niya tuwing may mga sitwasyong gaya nito; may sakit ang kapatid niya.
“Salamat, Angelo. Hayaan mo at babawi ako kapag nakaluwag-luwag na uli ako. Lalo na ngayon na ga-graduate na ako sa Masteral.” Aniya pa na ikinatuwa ko naman.
“Good for you dahil mag-i-increase na ang sweldo mo.” Masaya kong tinuran.
“Kaya nga, e. Maiba tayo,” nakangiti na siya ngayon hindi tulad kanina na halos lamunin na siya ng kaulungkutan na hindi bagay sa isang Filipino teacher na gaya niya.
“Ano ’yon? May sasabihin ka ba?” bungad ko sa kaniyang sinabi.
“Hindi mo naman sinabi na tulog pala si Papa Kian sa sofa, ang ingay-ingay ko pa naman.” Mahina ngunit makwela niyang wika.
“Oo nga, e. Dito kasi nanghalian at hayon, nakatulog na nga.” Sagot ko at ganoon na lamang din ang ngiti ni Tere sa tanawin na kaniyang nakikita.
“Ganoon ba? Ang cute niya palang matulog, Baby face pa rin.” Kinikilig pa niyang sabi na animo’y isang nagdadalagang babae na nakakita ng pogi.
Base sa kilos niya kanina pa ay may gusto siya kay Kian at natutuwa naman ako para sa kanya.
“Maloko ka talaga, Tere. Ang dami mong alam.”
“Pero kahit pogi si Papa Kian, mas pogi ka pa rin, Sir Angelo Asis.” Tatawa-tawa niyang sabi na nagpangiti sa akin hanggang sa aking tenga.
“Nambola ka pa.” At sabay kaming natawang dalawa.
“S-sige na, Angelo. Mauna na ako dahil magsisimba pa ako.” Pagpapaalam niya at hindi na niya hinintay ang sagot ko dahil nagmamadali talaga siya.
Nang makaalis na si Tere ay nakita kong gising na si Kian at nakangiti pa ang loko.
“Mabait ka pala talaga.” Aniya na ang ibig sabihin lamang ay narinig niya ang pag-uusap namin ni Tere.
“Hindi naman. Talagang malapit na magkaibigan lang kami ni Tere.”
“Sabi ko nga.” At hindi na siya umimik.
“Kuya, 100 nalang para sa kumot.” Sabi ng tindera nang magtanong kami kung magkano iyong kumot.
“Ate, baka pwedengg 80 nalang?” tanong ko.
“Sir, sagad na po ’yon.” Sagot ng tindera.
“Ate, 90?” sabi ko uli. Napatingin nalang sa akin si Kian habang nakangiti sa hindi ko mawaring kadahilanan.
“Oh, s’ya sige, 80 pesos nalang para sa inyo. Tutal mga gwapo naman kayo.” Ang kinikilig na wika ng tindera na halos namumula na rin sa kaniyang kinatatayuan.
“Bibigay din pala, e. Pakipot pa,” mahina kong bulong na ikinatawa ni Kian.
“Ano ’yon, Pogi?” tanong uli ng tindera.
“Wala po. Sabi ko kunin na namin ’yong kumot.” Kasi naman nakatingin siya sa aming dalawa na akala mo ay ngayon lang nakakita ng dalawang pogi na magkasama.
Nang makapagbayad ako ay agad kong pinabitbit kay Kian ang naturang kumot.
“Galing ng marketing strategies mo do’n, bro!” hangang-hanga niyang singhal.
“Kailangan ’yon dahil makakatipid ka, paraparaan lang talaga.” Pagpapaliwanag ko sa kanya at hindi ko sinabing hawak ko ang subject na Marketing kada first sem sa Unibesdidad na pinagtuturuan ko.
“Paran kang si Mama dahil wais din ’yon sa ganito.” Aniya at bigla siyang nalungkot at halatang miss na miss na niya ang kaniyang Mama.
“Nako, ganoon talaga dapat kasi.” Pag-iiba ko at hindi ko pinansin na malungkot siya dahil baka lalo lang siyang malungkot, bagay na ayaw kong makita sa mukha niya.
“Tara na nga at marami pa tayong bibilin!” sabi ko at hinila ko na siya patungo sa bilihan ng ng mga sabon at iba pa.
“Ito, ito, tsaka ’yon!” masaya niyang sabi habang nilalagay niya ang mga kinuha niyang mga pangsariling gamit.
“Wala na bang kulang?” tanong ko sa kanya.
“Check na lahat ng nakalista, Sir!” tatawa-tawa niyang singhal.
“Sige. Bayaran mo na.” At nagbayad na nga siya. Bitbit ang ilang mga pinamili at masaya akong natulungan siya sa araw na ito.
“Bro, salamat uli sa pagsama sa akin. Ang dami mo ng naitulong sa’kin kahit hindi mo pa ako kilalang-kilala.” Aniya at ibang saya ang naramdaman ko lalo na noong sabayan niya akong maglakad patungo sa parking.
“Dramahan? Sabing wala ’yon, ano ka ba?” natatawa kong sabi.
“Iba din!” aniya at tumawa siya. Hindi ko tuloy ma-identify kung nasaan ’yong mga mata niya. Masyado kasing Chinito.
“Alien ako, ’wag pakatitigan.” Aniya at sumakay na siya sa kotse ng maayos na namin ang mga gamit.
“Alien nga..” sabi ko at tumawa kaming pareho.
To be continued…
HKS-PART III
HINDI KO SINASADYA-
Part
III
ANGELO
Nakalipas ang dalawang gabi at ewan ko ba kung bakit hindi ako mapakali. Parang gusto kong lumabas at kausapin si Kian dahil nababagot ako. Buong maghapon kasi ay puro pagdo-dota lang ang inatupag ko rito sa bahay.
Talagang malikot ang aking mga paa kaya naman lumabas ako ng bahay hindi para magtungo sa kinaroroonan ni Kian kundi para bumili ng kahit ano sa kung saang bukas na tinahan. Mabilis akong nakalabas at bumili ako ng balot.
“Sir, libre na po ’yong isa.” Ang sabi ni Miko na estudyante ko sa Management nitong nagdaang semestre. Hanga rin talaga ako sa mga batang kagaya ni Miko dahil sa sipag niyang mag-aral at sipag na buhayin ang sarili. Hindi kami nagkakaiba.
“Hindi pwede ’yon. Ano nalang ang kikitain mo kapag libre na ’yong isa?” Umiling s’ya.
“Hindi ba, wala? Kaya heto ang 100 pesos at ’wag mo nang ibalik ang sukli.” Sambit ko na ikinatuwa niya dahil bakas na bakas sa mukha niya iyon.
“Talaga po, Sir?” tanong pa niya marahil ay sa gulat na rin.
“Oo naman. Sa’yo na nag sukli. Basta see you next sem, Miko!” Nakangiti kong sabi habang nakaakbay sa kaniyang mura pang mga braso na naging banat na banat sa trabaho dahil sa kakapusan. How I wish na bago mag-anak ng mag-anak ang mga mag-asawa r’yan at mas inuuna nilang isipin ’yong financial capabilities nila na makabuhay ng anak kaysa unahin nilang kagatin at paunahin ang kapusukan kung saan mga anak din naman ang nagsa-suffer.
“Sige po, Sir. Makakaasa po kayo. Ingat po.” Abot ngiti niyang pagpapaalam sa akin na sinuklian ko ng ngiti at tinanaw ko siya habang nagpipidal ng bisikleta at unti-unti siya nawawala sa aking paningin.
Ilang lakad na lamang mula sa gate ng aking bahay ay natanaw ko ang isang lalaki na nakaitim at nang magtama ang aming mga mata ay bigla ring nagtatakbo ng mabilis na akala mo ay may iniiwasan.
Hindi ko na lamang pinansin ang taong ’yon dahil inaantok na ako.
Nag-shower muna ako bago mahiga sa aking kama at hindi ko namaamalayan na nakatulog na pala ako.
Hindi ko mawari kung anong oras na ngunit dahil bigla akong nagising dahil sa kaluskos na nagmumula sa kung saan. Parang may binubuksan at hindi muna ako gumalaw dahil pinapakiramdaman ko muna ang galaw ng taong iyon. Mahirap na.
Unti-unti akong tumayo at dahan-dahan kong binuksan ang pinto at tumambad sa akin ang isang lalaking nakatakip ang mukha ng itim na tela.
Hindi ako nakakilos agad dahil may hawak siyang balisong sa kanan niyang kamay pero dahil alam ko na ang mangyayari ay mabilis akong nakipag-agawan sa kanya ng kutsilyo at bigla akong naalarma nang biglang may pumasok na nakaitim sa pintuan at kasunod noon ay ang paglapit niya sa kinaroroonan namin.
“Ibigay mo na ang pera na meron ka kung ayaw ko pang mapagtulungan ka namin ng kasa––,” hindi na niya naituloy ang kaniyang mga sasabihin dahil tumilapon siya dahil sinipa siya ng lalaking nakaitim. Naging alisto rin ako sa mga nangyayari at sinuntok ko agad ang lalaki at ganoon nalang ang pagkagulat ko nang magbukas ang ilaw. Si Kian ang isa pang lalaking nakaitim at tumulong sa akin.
“Dumudugo ang kamay mo,” pag-aalala niya.
“Wala ’to! Unahin mo ang lalaki ’yan dahil baka makatakas!” sabi ko kahit na bulagta na talaga ang akyat bahay.
Mabilis din ang naging pagtawag namin sa pulis at nagkagulo pa sa mga karatig na apartment nang makipagbuno ang lalaking kasamahan ng nabugbog sa loob sa mga Pulis. Ang ending ay sa presinto ang bagsak ng dalawang lalaki na hinala namin ay naka-droga.
“Okay na ba ’yang kamay mo?” Nag-aalala niyang sabi habang hawak-hawak ang kaliwang kamay ko na nasugatan sa pakikipagbuno sa akyat bahay. Hindi ko maiwasang kabahan at matuwa dahil sa pag-aalala niya. Sa ilang taon kasi na lumipas sa buhay ko ay ngayon lang muli mayroong tao na nag-alala sa akin ng ganito.
“Nabalutan mo na ng benda ’yan kanina kaya okay na ’yan.” Simula ko. “Nga pala, salamat sa pagtulong. Kung hindi ka dumating ay baka malamig na bangkay na ako ngayon. Utang na loob ko sa’yo ang buhay ko.” Salaysay ko.
“Kagabi ko pa nakikitang umaaligid ang dalawang iyon kaya nagpakaalerto ako at tama ang hinala ko kaya’t inunahan ko na sila at sorry kung natagalan ako sa labas. Kung alam ko lang na aabot sa ganito ay kagabi ko pa niyari ang dalawang ungas na ’yon! Mga adik na akyat bahay pa!” nanggagalaiti niyang kwento.
“Ganoon pala?” at naalala ko ang lalaking nagtatakbo kagabi. Isa pala sa dalawang ’yon ang nakita ko. Hindi na sila makakaulit dahil makukulong na sila.
“Salamat sa pagliligtas, bro!” at niyakap ko siya na tila ba isang kapatid.
Habang nakayakap ay tinapik-tapik niya ang likod ko at masarap iyon sa pakiramdam dahil pakiramdam ko ay safe na safe ako.
“Walang ano man, Bro. Alam ko naman na ganoon din ang gagawin mo, kung ako ang nasa kalagayan mo.” Aniya at kumalas sa pagkakayakap sa akin.
“Ganoon na nga. Magkaibigan na tayo, ’di ba?” sabi ko at tumawa.
“’Oo naman, bro!” aniya at nakuha pa naming tumawa.
Matapos ang tagpong iyon ay mas nakikilala ko si Kian. Mabait pala talaga siya at hindi ko maiwasan na maging masaya kapag nand’yan siya dahil iba ’yong pakiramdam na kasama ko siya.
Hindi ko sinasabing gusto ko siya dahil parehas kaming lalaki. Gusto ko siya dahil natutuwa ako sa pakiramdam na parang meron akong kapatid kahit na hindi ko naman siya kadugo.
“Bro, pansin ko lang… “ tumigil muna siya at ako naman ay nagtaas lang ng dalawang kilay bilang sagot.
“Parang ikaw lang mag-isa rito sa bahay mo. Nasaan na ’yong parents mo?” tanong niya.
“Sanay na naman ako rito sa bahay.. Tsaka okay lang naman kayang mag-isa (kahit hindi) dahil nagmumuka akong malakas sa ganoong paraan.” Ngumiti pa ako ng mapait at ewan ko ba kung bakit tumulo na lamang bigla ang mga luha ko dahil sa mga salitang ako mismo ang nagsabi.
To be continued..
HKS-PART IV
HINDI KO SINASADYA-
Part IV
ANGELO
“Linggo noon, kagagaling lang namin sa bahay ampunan nang bigla kaming pasukin ng apat na armadong mga lalaki. Tandang-tanda ko pa kung paano nila gahasain si Angela, ang bunso kong kapatid na noon ay labing dalawang taon pa lamang.
Wala kaming nagawa ni Papa at Mama noon kundi ang umiyak dahil nakabusal ang aming mga bibig habang ang aming mga kamay ay nakagapos sa aming likuran. Masyado pang bata ang kapatid ko para sa ganoong gawain kaya nang kalagan nila si Mama ay nanlaban ito at binaril sa noo ng isang lalaking may tatoo sa tiyan. Ganoon din ang inabot ni Angela sa kanila at kahit patay na si Mama at Angela ay walang awa pa rin nilang b-binababoy ang dalawang pinakamahalagang tao sa buhay ko. M-masakit sa akin iyon at ganoon din kay Papa na noon ay nakalag na pala ang tali sa paa at kamay at nagawa niyang manlaban at napatay niya ang gumagahasa kay Mama at Angela pero kapalit noon ay ang buhay niya.“ Panimula pa lamang iyon ng aking kwento pero sabog na sabog na ang puso ko sa sakit at ang mga mata ko sa walang humpay na pagpatak ng mga luha.
“W-wala akong nagawa, Kian kundi ang tumakbo noon. Masyado akong mahina noon at hindi ko alam ang gagawin. Si Papa, pinatay din nila si Papa na nagligtas sa akin. Kung hindi dahil kay Papa ay patay na ako. Pero sana pala hindi nalang ako nabuhay pa dahil ang hirap ng ganito. Nagkolehiyo at naka-graduate ako na hindi ko man lang sila nakakasama. Ang hirap-hirap, bro!” at hindi ko na kaya pang ipagpatuloy ang pagku-kwento dahil nasasaktan ako ng sobra.
“Bro, sorry kung kinulit pa kita na magkwento. I never thought na ganyan kabigat ang nangyari sa pamilya mo. Marahil kung ako ang nasa posisyon mo at baka nagpakamatay na lang ako.” Sabi niya at inaalo niya ako gamit ang yakap niya.
“K-kaya inggit na inggit a-ako sa mga taong buo ang pamilya.” Sabi ko at hindi ko na mapigilan ang lakas ng iyak ko.
“Siguro may plano talaga sa’yo ang Diyos kaya nangyari sa’yo ang insidenteng ’yon. Sometimes, life is too rough pero kailangan natin na lumaban kasi talo tayo kapag sumuko tayo. Rule of life kumbaga.” Malaman niyang pagpapayo sa akin at nang iharap niya ako kanya at pinunasan niya ang luha ko.
“Cheer up, bro! Tumatanda na rin tayo kaya we must know how to let everything happen. H’wag natin ikulong ang sarili natin sa mga bagay na hindi na maibabalik. Focus lang tayo sa goals natin sa buhay.”
“S-siguro nga..” sabi ko pa.
Tatlong linggo na si Kian dito at sobra-sobra na ’yong closeness namin para sa isa’t-isa. Sometimes we do road trip at ginagawa niya pa akong modelo dahil nalaman ko na event photgrapher pala siya pero mahusay din siya sa pagkuha sa kalikasan at iba pang subject.
Ngayon nga ay kakaluwas lang niya para mag-cover ng event sa Laguna at masaya ako para sa kanya.
“Tere! Paalis ka uli?” natatawa kong tanong dahil nakaayos siya.
“May date ako, e.” At tatawa-tawa niyang sagot. May nanliligaw na pala.
“Ingat ka! Sabihin mo d’yan sa manliligaw mo, ayusin niya dahil tatamaan siya sa akin kapag sinaktan ka niyan.” Pabaon ko sa kanya na animo ay kuya niya kahit halos magkaseng-edad lang naman kaming dalawa.
“Weird ka rin e, pero salamat!” aniya at sumakay na sa tricycle na pinara niya.
Mula sa malayo ay tinanaw ko siya at nakakatuwa lamang na nagkaka-love life na si Tere habang ako ay mukhang tatandang binata.Mukhang hindi na dadami ang lahi ko. Napapatawa nalang ako sa sarili kong kalokohan, e.
Dahil linggo ngayon ay nag-ayos ako ng aking sarili at sasama ako sa mga kaibigan ko na magba-bike para naman ma-relax ako kahit papaano. Masydo na rin kasi akong nabuburo sa bahay.
At nang matapos akong mag-ayos ay minadali ko ang aking sarili sa pagpunta sa tagpuan namin. Doon ay nakita ko si Loy at Jeff na nagkwekwenntuhan habang hinihintay ako.
“Bro, nand’yan ka na pala? Tara na! Ready na kami sa 3.7 kilometer at non-stop na pagpipidal!” excited na wika ni Jeff.
“Ako rin!” sabi ko at nagmungkahi muna ako ng prayer para safe kami para sa pagba-biking namin.
“Alright! Let’s go!” sabay-sabay naming sabi at tuluyan na ring umarangkada ang bawat-isa.
Bawat rampa ay masaya at bawat hampas ng malalamig na hangin ay kakaiba sa pakiramdam. Iba rin pala kapag lumabas ka ng bahay. Enjoy na enjoy ka.
Unang kilometro pa lamang ay pagod na ako pero laban pa rin dahil ginusto ko rin ito. At hindi nga nagtagal ay na-reach na namin ang goal namin at hingal kami. W orht it naman dahil masaya kami at ngayon ay nagpahinga lang kami tsaka bumalik na sa rutang pinanggalingan namin. Halos isang oras ang nakonsumo namin pero halos hindi ko rin naman naramdaman dahil gusto kong aliwin ang sarili ko dahil kapag nag-iisa ako ay naiisip ko si Kian and it’s not even normal because we’re like brothers.
“Bro, parang occupied ata ang isip mo ngayon..” si Jeff.
“H-hindi, napagod lang ako.” Palusot ko kahit ang totoo ay iniisip ko kung nakauwi na ba si Kian kahit na napakaimposible dahil gagabihin daw siya.
“S-siguro nga. Napagod din ako, e.” Aniya pabalik.
“So, mga bro, next Sunday uli?” si Loyd naman ang nagtanong at um-oo lang kami ni Jeff.
Parang lumulutang pa rin ang isipan ko pero nawala iyon noong sandaling gumarahe ang sasakyan ni Kian. Ibang saya ’yong nararamdaman ko dahil may makakakwentuhan ako. Though, alam kong pagod siya kaya naman minabuti ko na lamang na manood ng T.V na boring naman ang palabas.
Ilang minuto din ang lumipas at nariniig ko ang katok mula sa pintuan kaya’t binuksan ko agad iyon at bumungad sa akin si Kian na may dala.
“Buko pie tsaka ube, from Laguna..” aniya.
“Nag-abala ka pa!” sabi ko.
“Bayad mo kaya ’to kaninang umaga kaya anong sinasabi mong abala?” at napagtawanan pa ako. Tama naman kasi siya e. Pinabili ko talaga ’yon sa kanya kaya napangiti nalang ako ng mapakla kasi kung hindi ako nagpadala sa kanya ng pambili ay wala talaga siyang pasalubong.
“Sabi ko nga.” Sagot ko.
“Joke, ito ang pasalubong ko.” Aniya at iniabot sa akin ang simpleng white at blue na dream catcher.
“Salamat!” sabi ko at ’yong ngiti ko pwede ng ipanghukay sa lalim..
To be continued…
HKS- Part V
HINDI KO SINASA
SADYA-
Part V
ANGELO
Kanina pa ako nakangiti dahil sa dalawang dream catcher na hawak ko. Ang gaganda kasi at unang bigay ’to sa akin ni Kian simula noong tumira siya rito. Ngayon lang ako nakatanggap ng dream catcher at naaaliw ako dahil dito.
Dahil sabi ni Kian ay isuot ko ito, sinubukan kong isuot at ayos naman s’ya sa aking leeg. Maputi naman ako kaya’t bagay na bagay sa akin ang skyline blue na dream catcher. Buti na lamang ay necklace ito kundi ay baka nakasabit lang ito sa pader at maluma ng panahon.
Out of nowhere ay nag-reseach ako ng tungkol sa dream catcher and I found out na ang ibig sabihin nito ay ang proteksyon at ilalayo tayo nito mula sa kamalasan at gaya ng buwan at araw, papagaanin nito ang mga problema natin.
Nang maisip ko iyon ay talagang nabuhayan ako at napangiti.
“Uy, samahan mo naman ako bukas sa may Plaza… pwede ka ba?” ang paanyaya niya sa akin.
“S-sige lang. Teka, anong meron bukas?” ang tanong ko dahil bigla-bigla nalang kasi siyang nagyayaya patungo sa Plaza bukas.
“Wala lang. Isang buwan na kasi ako mahigit dito ay hindi ko pa rin ako nakakapasyal masyado sa mga lugar rito.” Ang tugon niya sa aking tanong.
“Sige, bukas. Iyon lang pala e.” Sagot ko pabalik dahil bakas ko sa mukha niya na gusto niya talaga akong isama bukas.
“Talaga, bro!?” aniya at inalog-alog pa niya ako habang hawak niya ’yong dalawa kong braso. Ang saya pala niyang makitang masaya, nakakadala. Tiningnan ko lang siya habang ginagawa niya ’yon at agad naman siyang tumiigil nang mapansin niyang sa kanya na lang ako nakatingin.
“S-sige, bro. Bukas ha?” aniya at nagtatakbo na palabas ng bahay ko. Iba rin ang isang ’yon. Pero bakit may parte ng puso ko na masaya na nakikita siyang masaya? Siguro nga ay nasabik lang ako sa kapatid kaya ganito ang nararamdaman ko.
Kinabukasan ay hapon kaming umalis. Nakasakay ako sa tabi ng driver’s seat at nakatanaw lang ako sa labas ng bintana habang tinatanaw ko ang mga nagtataasang mga puno dito sa aming probinsya.
“Anong iniisip mo, bro?” tanong niya bigla habang nagda-drive.
“Sina Papa. Madalas din kasi kaming mag-road trip noong nabubuhay pa sila.” Pagkukwento ko.
“Nako, bro.. I’m sorry to hear that. Pero kung nasaan man ang pamilya mo, tiyak na masaya sila para sa’yo kaya cheer up, Angelo! Life is too short para malungkot.” At ganoon na nga ang ginawa ko. Ngumiti ako ng mapakla ngunit napalitan iyon ng ngiti nang sandaling hawakan niya ang aking kanang kamay.
Ibang lamig ang naramdaman ko nang mga sandaling iyon dahil hindi ako nakakibo habang sa kanya naman ay wala lang iyon.
“Bro, be positive lagi.” Ang paalala niya sa akin at binitawan na niya ang aking kamay at nagpatuloy na siya sa pagmamaneho.
“Noted!” sabi ko at tumawa na kami parehas.
Nang marating namin ang Plaza ay dumiretso agad kami sa simbahan dahil nais daw niyang magdasal. Ganoon din ang aking ginawa at ipinagpasalamat ko kay God lahat ng blessings na ibinibigay niya sa akin kahit mag-isa na lang ako.
“Bro, tara na!” mahina ngunit sapat lamang na sabib niya sa akin para marinig ko siya.
Tumango naman ako at sunod kaming pumunta sa mga nagtitinda ng mga street food at doon ay nagpaihaw kami ng isaw at dugo.
“Noong high school ako ay madalas kami rito ng mga kaklase kong tumambay at kumain. Ang bilis ng panahon.” Sabi ko.
“Ah, memorable pala sa’y ’tong lugar na ito, ganoon ba?” sabib naman niya pabalik.
“Oo naman!” singhal ko at tumawa.
“Easy lang, wala akong sinasabing hindi.” At napatahimik na lang ako nang subuan niya ako ng inihaw na dugo sa aking bibig at ganoon din ang ginawa ko pabalik sa kanya. Natawa pa ’yong tindera sa amin dahil sa mga kalokohan naming dalawa.
“Loko!” sabi ko at siniko ko siya sa tagiliran at tumawa siya ng bahagya.
“Hindi ka naman mabiro, bro. Sumakay ka nalang kasi.” Aniya.
“Ikaw bro, ang lakas ng trip mo.” Ako naman ang sumagot at nilantakan ko na ang huling isaw na nasa pinggan ko.
“Ganoon talaga para masaya. Tingnan mo ’yong mga tao, o, masaya sila dahil masaya sila. H’wag kang mahiya dahil ganyan talaga dapat. Ikaw nag gagawa ng sarili mong kasiyahan.” Sabi pa niya. Minsan tuloy ay hindi ko maiwasang isipin na siya ’yong teacher sa amin at hindi ako dahil sa dami niyang alam.
“Sabi ko nga. Ang daming alam , e.” Sabi ko at sabay kaming tumawa sa kalokohan namin.
Nang matapos kamingg kumain ay dumiretso kami sa isang bakeshop at sinabi niyang hintayin ko na lang siya sa labas. Ganoon na nga ang aking ginawa at masyado siyang mabilis na nakalabas dahil ilang minuto lamang siya roon ay bitbit na niya ang isang kahon ng cake.
“Ang bilis mo naman yata?”
“Gwapo, e.” Pagyayabang niya.
“Gwapo mo mukha mo!” sabi ko at lumapit siya sa akin at tiningnan niya ako sa aking mga mata at parehas kaming tumawa nang may sumigaw.
“Mga pogi, ’wag dito! Doon kayo sa Motel!” halos mapunit ang bibig ko sa kakatawa dahil sa sigaw noong driver ng pedicab na nakaparada sa may gilid.
Sinunod naman naming pinuntahan ang parke at doon ay naglatag kami ng dala niyang blanket at hindi ko in-expect na may mga pagkain at inumin siyang dala.
Matapos iyon ay napaisip na ako.
“Bro, anong meron?” tanong ko sa kanya.
“Accept mo’ko sa facebook.” Utos niya sa akin at wala akong nagawa kundi mag-open ng account ko at doon ko nakitang in-add niya ako sa pangalang “Kian Santos”.
Sandali ko pa siyang in-stalk at nakita ko na birthday pala niya kaya napahawak nalang ako sa bibig ko.
“Hala, birthday mo, bro?” tanong ko na sinagot niya sa pamamagitan ng isang tango. Hindi niya man lang sinabi na birthday niya. ’Di sana ay nakabili ako ng regalo para sa kanya.
“Happy birhtday bro! Madaya kang loko ka! Hindi mo naman sinabing birthday mo pala!” at niyakap ko siya.
“Okay lang ’yon, bro. Ang mahalaga nakasama kita at sa paraang ’yon ay nakalimutan ko na mag-isa ako.” Sagot niya habang tumutulo ang luha sa kaniyang mga mata.
To be continued…
HKS-PART VI
HINDI KO SINASADYA-Part VI
ANGELO
“Bro, salamat sa pagpayag na sumama sa akin dito ngayon, Bro. Kahit na hindi pa tayo ganoon katagal na magkakilala, sige ka lang sa pagsama sa’kin.. Salamat talaga, Bro!” sabi niya sa akin.
“Hindi na mahalaga kung gaano tayo katagal na magkakilala, Kian. Ang mahalaga ay naging magkaibigan tayo sa ganito kaliit na panahon.” Sabi ko at tsaka ko ininom ang alak na nasa harapan ko.
“Bro, salamat pa rin! Medyo madrama ako pero hayaan mo na dahil ngayon lang naman ’to. Tsaka birthday ko naman, ’di ba?” siya naman ang nagsalita habang namumungay ang kaniyang mga mata.
“Kahit hindi mo birthday Bro. Sasamahan kita rito at sasakyan ko ang mga drama mo.” Sagot ko naman dahil from Park ay dumiretso kami rito sa Bar nang sumapit nag alas syete ng gabi.
“Pero alam mo, Bro.. ang hirap pala ng ganito, ’no?” aniya at hindi ko alam ang tinutukoy niya dahil umiiling-iling pa siya.
“Paanong mahirap, Kian? Anong ibig mong sabihin?” tanong ko pabalik.
“Mag-isa.” Sagot niya matapos niyang lagukin ang isang boteng alak na nasa harapan niya.
“Mahirap talaga.” Ang naging sagot ko habang nakatingin sa kanya ng diretso.
“Hindi ko alam ang gagawin ko, Angelo. I’m a runaway groom. Ikakasal na dapat ako.” Bigla niyang sinabi na naging sanhi para mapanganga ako.
“Yes, mahirap paniwalaan pero I run away dahil hindi ko nakikita ang sarili ko na kasama siya after years. Hindi ko sinasabing hindi ko siya minahal, dahil ang totoo ay mahal na mahal ko siya. Ang mahirap lang kasi ay hindi ako sigurado..” pagke-kwento niya na kababakasan mo ang kaniyang mukha ng kalungkutan.
“Bro, hindi ko alam ang sasabihin ko pero alam mo, tama ka siguro sa ginawa mo. You can’t force yourself to be happy lalo na kapag ayaw ng puso natin.”
“Exactly, Angelo! Pero hindi ko naman alam na mahirap pala talaga. Ang hirap na halos lahat ng mga kinilala kong kaibigan ay galit sa akin dahil sa ginawa ko. Ano bang magagawa ko kung hindi pa ako ready and hindi ko alam kung magiging ready ba talaga ako. Nalilito ako, Bro. Nalilito ako and I hate it!” Hangos niya na hindi ko mawari kung bakit ako nalulungkot para sa kanya.
“Sometimes, kailangan natin mag-undergo sa mga ganiyang klase ng problema para makilala natin ’yong mga taong totoo sa atin, kung sino ang mag-i-stay and sino ang aalis. Kaya ikaw, Bro.. cheer up! Life goes on. Baka it’s the perfect time para mag-move on ka na.” Ang payo ko.
“Maybe, tama ka. Pero alam mo kung saan ako nalulungkot?” Umiling ako.
“Doon sa parteng pati family ko, galit sa’kin. Magdadalawang buwan na nila akong hindi pinapansin. Ang sakit lang na nagawa nila iyon sa akin. Hindi nila ako naiintindihan! Kung sila kaya ang lumagay sa posisyon ko?!” sigaw niyang pahayag. At dahil sa statement niyang iyon ay naawa ako sa kanya. Oo nga’t ulila na ako pero mas mukha siyang ulila kaysa sa akin dahil nand’yan nga ang pamilya niya pero hindi naman siya kayang intindihin.
“Well, time heals everything, ’di ba? So it takes time para mapatawad ka rin nila. Hindi rin kasi biro ang tumakasn ka sa kasal. Maybe, napahiya lang sila pero, Bro… mas mahalaga ka sa kasal na iyon tiyak. Hintay ka lang dahil hindi ka nag-iisa. You can always count on me..” at kinuha ko ang baso ko na may alak.
“Cheers!”
“Cheers!”
“Birthday mo kaya ’wag na tayong magdrama, ha? Pwede ba?” at tumango naman siya at ngumiti.
“Alam mo, tama ka. It’s my day kaya dapat maging masaya ako, tayo!” pasigaw na niyang sabi dahil lumalakas na ang beat na pine-play ng DJ.
“Good!” sabi ko at tumingin-tingin ako sa paligid dahil maraming mga babae ang nakatingin sa aming gawi.
Ilang oras pa ang lumipas at tinatamaan na ako ng alak. Ilang bote na ba ang nainom ko? Ilang pabalik-balik sa Cr na ba ang ginawa ko? Hindi ko na rin mabilang.
“Hey!” ang tawag sa akin ng isang lalaking nakapolong puti matapos kong lumabas sa comfort room.
“Yes?” tanong ko at nabigla ako sa ginawa niya. Hinawakan niya ang kamay ko at tiningnan niya ang aking mga mata na kasalukuyang naniningkit na lalo dahil sa alak.
“Be mine tonight..” bulong niya sa tenga ko at kakaibang kilabot ang naramdaman ko kaya’t kinuha ko pabalik ang kamay ko at hindi ko na siya sinagot ng kahit anong salita. Pero talagang matatag siya at nagulat ako muli sa sinabi niya.
“One night stand will do kaya pumayag ka na.” Pangungulit pa niya.
“ W-wala akong p-panahon..“ nauutal ko na ring sagot dahil naglalaban na ang antok ang alak sa aking sistema.
“Magbabayad naman ako, e.” Pangungulit pa niya pero muli ay tumalikod na ako. Hindi ko inaasahan na sa ganda ng tindig niyang iyon ay lalaki rin ang gusto niya. Napangisi na lang tuloy ako.
“Please…” pursigidong singhal pa niya at nang mahawakan niya ako sa balikat ay nagulat na lang ako nang tumumba na siya sa sahig at dahil iyon kay Kian.
“Tantanan mo ang kaibigan ko, ha?! Gagong ’to!” nakahiga na sa sahig ang lalaki at hindi ko alam kung paano nagawa iyon ni Kian sa isang iglap.
Galit na galit man si Kian ay nagawa pa niya akong akayin palabas ng Bar at sumakay kami sa kotse niya.
“Bro, are you okay?” tanong niya at tumango lang ako dahil nasusuka ako.
“Bakit kasi hindi mo ako hinintay? Lasing na lasing ka pa naman. Paano kung may nangyaring masama sa’yo kanina doon sa loob? Konsensya ko pa!” galit niyang singhal. Napatawa nalang ako sa concern niya.
“K-kalma ka lang,B-bro.” Sagot ko.
“Why would I? Eh, muntikan ka na roon sa loob kanina. Ikaw talaga, Bro!” At nagsimula na siya magmaneho. Ilang metro pa lamang ang aming nalalakbay ay umiikot na ang pangin at sikmura ko kaya naman tinapik ko siya para itigil ang sasakyan.
Ganoon na nga ang kaniyang ginawa at wala akong nagawa kundi ang magtawag ng uwak sa gilid ng kanal habang si Kian naman ay hinihimas ang likod ko.
“B-bro..” sabi ko at doon na ako nawalan ng malay.
To be continued….
HKS-PART VII
HINDI KO SINASADYA-Part VII
KIAN
BABAGSAK na sana sa canal si Angelo, buti na lamang at naging maagap ako at sinalo ko siya. Lasing na lasing siya at hindi ko siya magising hanggang ngayon na nasa tapat na kami ng apartment.
Since wala naman akong choice ay agad akong bumaba at inakay ko siya para makarating kami sa apartment ko. Ilang lakad lang naman iyon kaya naman madali ko siyang nailapag sa sa sofa.
He’s too drunk at hindi ko alam na malalasing siya ng ganoon. Sabagay, mas marami siyang ininom kaysa sa akin. Pero upon looking at his face, I noticed na ang cute niya palang malasing. Napatawa tuloy ako sa pinag-iiisip ko. Masyado kasing out of nowhere.
Buti nalang talaga at nagpunta ako agad doon sa comfort room kundi napagsamantalahan na si Angelo at hindi ko gustong mangyari iyon sa kaibigan ko. Kahit kasi hindi pa kami ganoon katagal na magkakilala ay halos kapatid at kaibigan ko na rin siya.
At dahil nga sa lasing si Angelo ay minabuti kong paltan ang damit niya ng malinis na damit. Pinunasan ko rin ang mukha at leeg niya para guminhawa ang pakiramdam niya. Mataposn ko siyang intindihin ay ako naman ang nag-asikaso sa aking sarili.
“Angelo, good night!” huling wika ko bago ko pinatay ang ilaw at narinig ko pa siyang nag-ungot.
ANGELO
Hindi ko matandaan ang mga pinaggagawa ko kagabi. Basta ang mahalaga sa akin ay na-i-celebrate namin ang birthday ni Kian. Pero iba pala talaga ang tama ng alak. Masyado itong madaya.
“Gising ka na, bro!” ang bulalas sa akin ni Kian nang sandaling mag-unat ako ng katawan.
“Anong nangyari, bro?” tanong ko.
“Lasing na lasing ka kagabi at alas dos na nang hapon..” sagot niya na nagpabalikwas sa akin mula sa pagkakahiga sa sofa.
“Pasensya na, bro. Nakakahiya na dito pa ako natulog.”
“Wala sa’kin ’yon, bro.” Natatawa niyang sagot na hindi ko alam kung bakit siya natatawa.
“May dumi ba ako sa mukha, bro?” tanong ko sa kanya nang hindi ko na mapigilan ang aking sarili.
“Wala naman. Natatawa lang ako sa’yo kagabi. Muntikan ka ng ma-rape and muntikan ka na ring mahulog sa kanal. Buti hindi ako ganoon tinamaan ng alak kundi konsensya ko pa kapag may nangyaring masama sa bago kong kaibigan.” Dahil sa mga sinabi niyang iyon ay napangiti na lang ako at niyakap ko siya na parang kapatid.
“Salamat, bro!” sabi ko.
“Wala ’yon..” maaliwalas na ngiti iyang sabi habang tinatapik ang likod ko.
“Next time lang, bro.. kontrolin natin ang dami ng alak na iinumin natin. Grabe! Naka-apat na bucket tayo ng beer.” At parehas kaming humagalpak ng tawa na parang mga bata.
Ang sarap pala sa pakiramdam ng ganito. Malayan kang nakakatawa sa sarap ng ibang tao gaya ni Kian. Simula nang mangupahan siya rito, iba na ’yong perception ko sa buhay. Siguro dahil parehas kaming mag-isa sa buhay kaya ganito.
“Bro..” tawag niya sa akin nang akmang lalabas na ako ng silid.
Lumingon muna ako at natawa nalang siya na parang ewan.
“Ang cute mong matulog.” Aniya at nakita kong hawak niya ang SLR niya na kanina lang ay nililinis niya.
“Matagal ko ng alam ’yon, Bro.” Sabi ko at lumabas na ako patungo sa aking bahay na katabi lang din naman ng apartment niya.
Habang naglakakad ako ay gumuhit ang ngiti sa aking mga labi kasabay ng paghawak ko sa aking paa na natamaan ng pinto. Hindi kasi ako nag-iingat!
“Wala akong balak na balikan siya!” Nakapagdesisyon na ako para sa sarili ko.“ Iyan ang narinig ko mula kay Kian nang sumilip ako sa bintana malapit sa kusina.
Bakas na bakas sa mukha ni Kian ang frustration pero dahil alam kong baka magalit siya dahil nakikinig ako sa mga sinasabi niya ay minabuti ko nalang na ibagsak ang balikat ko habang naglalakd pabalik sa aking silid.
Hindi ko alam kung bakit ako nalulungkot na nakikita siyang nasa ganoong posisyon pero wala rin naman akong alam masyado sa kanya. Ang alam ko lang ay tumakas siya sa mismong kasal niya at itinakwil ng pamilya niya. Hanggang doon lang ang alam ko. Pero nevertheless, hindi naman mahalaga sa akin ang background ni Kian dahil ang mahalaga ay magkaibigan kami.
“Angelo!” nadinig kong may tumatawag sa aking pangalan kaya naman minabuti kong tumayo para lumabas.
“KIR?” Sabi ko na may bakas ng pagkamangha at saya.
“Ako nga, Bro!” sabi niya at walang arte-arteng pumasok sa bahay ko.
Si Kir ay ang childhood bestfriend ko na minsan lang bumisita rito sa bahay dahil busy siya doon sa Manila sa trabaho niya.
“Napadalaw ka, bro?” masaya kong sabi at tinabihan ko siya sa Sofa.
“Miss ko na kasi ang bestfriend ko! Masama ba’yon?” anas niya at umiling ako agad.
“Hindi naman. Almost six months na kasi simula noong huli mo akong binisita rito. Madaya kang mokong ka, na-miss din kita e!” sabi ko.
“Kiss mo nga ako kung namiss mo’ko..” aniya.
“Kadiri ka!” sabi ko habang nilalayo ’yong muka niya sa akin.
“Ito naman, hindi na mabiro. Kamusta naman ang bakasyon? Mukang boring pa rin ang lfe, ah?” sabi niya habang iniikot ang kaniyang nangalay na paa.
“Ito, ayos naman. Ikaw ang kamusta!”
“Ito, trying hard pa rin sa field ng business.” Buntong hininga niyang sagot dahil gusto niya talagang maging singer na writer. May mga bagay talagang gusto natin pero hindi natin maisama sa choices.
“Ayos lang ’yan, bro. Mamahalin mo rin ’yang ginagawa mo. Tsaka, anong palaman ang gusto mo? Peanut or cheese?” wika ko.
“Both.” At napailing nalang ako sa ka-weirdo-han niya sa buhay.
“Lakas din ng trip mo, e!” sabi ko habang iniiaabot sa kanya ang juice at tinapay na ginawa ko para sa kanya.
“Mas malakas ang trip mo!” aniya.
“Ewan ko sa’yo, Kir!”
KIAN
Malulutong na tawanan ang aking nadidinig mula sa bahay ni Angelo. Hin
di ko alam kung may kasama siyang iba pero naiinis ako dahil gusto kong may makausap ngayon at mapagsabihan ng problema pero mukang malabo ko siyang makausap ngayon dahil busy siya. Busy ’yong taong gusto kong laging kausap…
“Pero, ’di ba, 27 ka na?” nadinig kong tanong ni Angelo sa loob.
“Pakialam mo?” rinig kong may sumagot na isa pang lalaki.
“Wala naman. Ang tagal mo kasing mag-anak!” si Angelo uli.
“Kiss mo na nga kasi muna ako!” nagulat ako ro’n pero nakampante ako nang magtawanan sila sa loob. Sino ba kasing kausap ni Angelo? Ako dapat ’yon!
To be continued..
HKS-PART VIII
HINDI KO SINASADYA-PART VIII
ANGELO
“Bakit may suot kang balahibo ng manok sa leeg mo? Hubarin mo nga ’yan! Ang baduy, bro!” singhal ni Kir nang makita niya ang pendant kong dreamcatcher.
“Bigay ’yan ng kaibigan kaya ’wag mong binabaduy-baduy ’tong dream catcher ko.” Sabi ko.
“Okay.” Aniya at dumiretso na sa banyo para maligo.
Mabilis ang mga nangyari at hindi ko maiwasang matawa dahil nakalimutan ng mokong ang tuwalya niya kaya pinagtrip-an ko siya.
“Jelo! ’Yong tuwalya!!” pagmamakol niya pero hindi ko pa rin siya tinugon dahil gusto ko siyang asarin.
“Ano ’yon? Hindi kita marinig!” sigaw ko at pigil na pigil na tumawa.
“Jelo!”
“Ito na nga. Napakamakakalimutin mo kasing loko ka! Tuwalya nalang, nakakalimutan pa!” sabi ko habang inaabot sa kanya ang tuwalya na kailangan niya.
“Hindi ka na nasanay sa’kin. Ganito na ako dati pa.” Pagpapaliwanag niya sa akin.
Totoo naman ang sinabi niya dahil noong college kami ay ganoon na ganoon ang style niya sa buhay. Masyadong makakalimutin.
Habang nagbibihis si Kir ay natanaw ko si Kian sa labas na nakikipag-usap sa kakarating lang na si Tere.
“Hindi ko sure kung pwede ako sa araw na’yon, ha? Pero susubukan ko para sa’yo.” Kinikilig na sabi ni Tere.
“Ganoon ba? Sana talaga pwede ka..” si Kian.
“Oh, sige na nga. Payag na akong maging model mo.” Nakangiting sabi ni Tere.
Ang cute nilang dalawang tingnan at sa tingin ko ay bagay na bagay silang dalawa pero hindi ko alam kung bakit ako napapadako sa kanilang dalawa. Maybe kailangan ko na rin ng taong para sa akin. Besides, mag bebente syete na ako sa susunod na buwan.
“Bro!” sabi ni Kir nang matapos siyang magbihis.
Nakayakap siya sa aking likod at ito na naman siya.
“Yong totoo, bro?” Tanong ko sa kanya dahil mas humigipit ang yakap niya. Hindi ito iisang beses na nangyari na niyakap niya ako ng ganito dahil sa tuwing uuwi siya ay sasabihin niyang gusto niya ako. Bagay na hindi ko kayang gawin dahil lalaki ako.
“Mahal pa rin kita, bro.” Aniya. Humarap muna ako sa kanya bago nagsalita.
“Bro, lalaki ako, lalaki ka rin. Hindi pwede ’yon. Mahal kita pero hindi gaya ng nararamdaman mo sa’kin.” Sabi ko at doon tumulo ang luha niya.
Ito ang dahilan kung bakit matagal siyang hindi pumapasyal dito. Akala ko naka-move on na siya kasi may Gf na siya sa Manila pero hindi pa pala. Mahal pa rin niya ako.
“Bro.. alam kong gusto mo rin ako. Nahihiya ka lang sa ideya na parehas tayong lalaki.” Aniya.
“Hindik, bro. Ayusin mo ang sarili mo. Lalaki ka kaya dapat sa babae ka.” Sabi ko at doon ay lumuhod siya sa harapan ko.
“Tumayo ka nga d’yan, Kir! Hindi na ako natutuwa!” sabi ko at hindi ko namalayan na nakahawak na siya sa hita ko.
“Bata palang tayo, paulit-ulit ko nang sinasabi sa’yong gusto kita pero bakit hanggang ngayon ang manhid mo pa rin. Mahal na mahal kita, Angelo.” Aniya habang umiiyak.
“Sorry, bro pero hindi ko talaga kayang suklian ang pagmamahal mo. We’re good as friends kaya ’wag mong sirain. Walang magbabago sa’tin kaya tumayo ka na d’yan.” Ganoon na nga nag ginawa niya. Niyakap ko siya at itinaboy niya ako palayo.
“Bigo na naman ako sa’yo, Jelo. Ang kulit kasi ng puso ko. Pinilit ko namang kalimutan ka pero kahit pilitin ko, hindi ko magawa dahil mahal nga kasi kita.” Umiiyak niyang sabi.
“Sorry, Kir. Hindi ko sinasadya na hindi ka mahalin gaya ng pagmamahal mo sa akin.” Sabi ko at pumasok siya sa banyo.
“Kir!” kumakatok ako sa pintuan ng banyo pero hindi siya sumasagot.
Nakailang katok pa ako pero hindi siya natinag.
Lumipas pa ang mga oras at hindi pa rin siya lumalabas mula sa loob at sa isang iglap ay lumabas siya habang umiiyak na parang bata. Pagang-paga na ang kaniyang mata at ang kaya ko lang gawin ay ang punasan ang luha niya. Habang pinupunasan ko ang kaniyang mga luha ay kinuha niya ang susi ng kotse niya at sinabing, “kung hindi magiging tayo, magpapakamatay na lang ako!” aniya at hindi ko hahayaang mangyari ’yon.
“Ganyan ka ba kadesperado, Kir?” tanong ko.
“’O-oo!” at umiiyak pa rin siya.
“Bakit, Kir? Pwede ka namang magmahal ng ibang lalaki d’yan. H’wag nalang ako, please..” saad ko.
“Sa iba? Alam mong wala akong ibang nagustuhang lalaki bukod sa’yo kaya, please… ikaw nalang.” Aniya at niyakap niya ako.
Hindi ako kumibo at hinayaan ko lang siyang nakayakap dahil iyak siya ng iyak. Hindi ko inaasahan na magiging ganito siya kadesperado para sa akin.
“W-wala ka nga talagang pakialam sa’kin, ’no?” aniya at hindi ako sumagot. Napailing nalang siya habang pinupunasan ang luha sa kaniyang mga mata.
Gabi na simula noong umalis siya at kinakabahan ako dahil sa sinabi niyang magpapakamatay siya dahil sa akin.
“Bro, ayos kalang?” tanong ni Kian nang makita niya akong nakaupo sa pintuan. Umiling ako at sunod pa roon ay ang isang tawag mula kay Kira na ikanawindang ko.
“Si Kir, nasa hospital… naaksidente siya..”
“Anong lagay niya?” tanong ko.
“Hindi ko rin alam, kuya Jelo. Hinahanap ka kasi niya bago siya mawalan ng malay. Ano bang nangyari, Kuya?”
Hindi ako agad nakasagot at inalam ko nalang kung saan naka-confine si Kir.
“Bro, bakit ka umiiyak?” sabi ni Kian.
“Naaksidente ’yong kaibigan ko..” saad ko. Walang ibang dapat sisihin dito kundi ako dahil sa naging selfishb ako. Hindi kon sinuklian ang pagmamahal niya.
“H’wag kang malungkot dahil nadadamay ako sa lungkot mo. Stay positive lang, bro. God is good.. Ililigtas niya ang kaibigan mo.”
At ganoon na nga ginawa namin. Mabilis kaming nagtungo sa Manila at dala ang kaba sa dibdib ko, umiiyak na rin ako habang sinisisi ko ang sarili ko.
“Kir, hindi ko sinasadya..” Bulong ko sa hangin.
To be continued…
HKS-PART IX
HINDI KO SINASADYA-PART IX
KIAN
HATING GABI nang makarating kami sa Manila at hindi ko alam kung matutuwa ba akong nakikita kong nag-aalala si Angelo nang dahil sa ibang tao. Hindi ko na itatago sa inyo na sa loob halos ng dalawang buwan ay nabuo na ang pagkahanga ko kay Angelo dahil sa tatag niya.
“Bro, pakatatag ka lang..” sabi ko habang pinaparada ang kotse ko sa car park.
“Sige,” matipid niyang saad sa akin pabalik.
Ngayon ko lang siya nakitang ganito kalungkot at wala akong magawa para pasayahin siya. Pababa na kami ng kotse nang tawagin niya ang pangalan ko.
“Bakit, bro?” tanong ko.
“Salamat!” aniya at mabilis na mabilis kaming nagtatakbo papunta sa ospital dahil naaksidente raw ang kaibigan niya.
Maraming naging tanong ang Nurse at sinagot naman lahat ni Angelo iyon kaya’t mabilis kaming nagtungo sa room na kinaroroonan ng kaibigan niya.
Palapit na kami ng papalapit sa kinaroroonan ng kaibigan ni Angelo at hingal na hingal na rin ako dahil takbo kami ng takbo. Pero dahil kailangan ni Angelo ang tulong ko ay nagpatuloy lang ako hanggang sa makarating kami sa room 33.
ANGELO
“Dito na muna ako sa labas, Bro.” Mungkahe ni Kian at tumango ako bilang sagot. Doon ko nakita si Kir na nakahiga kasama si Kira.
“Buti nandito kana, Kuya Jelo.” Bungad ni Kira sa akin.
“Kanina pa ba niya ako hininhinatay? Medyo natagalan lang ang byahe. Pero maiba tayo, ano raw lagay na ni Kir?” nag-aalala kong tugon.
“Medyo nabugbog lang ang katawan ni Kuya at bukas lalabas ang result ng x-ray niya at iba pang mga test.” Sagot niya at nagpaalam na rin siya na lalabas.
Ilang minuto lang ang lumipas ay agad akong naupo sa tabi niya at nagsimulang magsalita.
“Bro, akala ko h-hindi ka aabot sa point na ’to dahil lang gusto mo ako. Hindi ka naman ganyan dati, ’di ba? Ang weak mo kahit kailan.” Emosyonal kong panimula dahil unexpected ang ginawa niyang ito.
“Kinokonsensya mo ako masyado. Buti nalang at ayan lang ang natamo mo.” Huminga muna ako ng malalim at nakita kong nagmulat ang kaniyang mga mata,
“Buti nand’yan ka na, Jelo. Kanina pa kita hinihintay. Na-traffic ka ba? Kumain ka na ba?” hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi niya. He’s acting strange at hindi ko gusto iyon.
“H’wag ako ang alalahanin mo dahil ikaw ang dapat alagaan ko ngayon. H’wag mo na uling uulitin ’to dahil hindi na ako matutuwa sa’yo.” Bilin ko sa kanya.
“Maging tayo muna..” aniya na kahit nangyari na sa kanya ang bagay na ito ay sige pa rin siya.
“Alam mo namang hindi ko pwedeng gawin ’yon dahil magkaibigan tayo.” Sabi ko at bigla nalang siyang sumigaw at pumasok ang mga Nurses na in-charge at doon pumasok ang doctor.
“Doc, ano pong nangyayari?” tanong ko pero pinalabas lang nila ako. Ibayong kaba ang nararamaman ko lalo na nang makita kong nahihirapan si Kir. Maybe dapat kong bigyan ng chance si Kir para kahit papaano ay maging masaya siya at para hindi na siya maging suicidal.
“Alam mo, Bro,” panimula ni Kian at tumikhim. “Mahirap ’yan. Pero siguro, kung ako ang nasa kalagaya mo, papatulan ko na rin si Kir dahil ayokong mawala siya sa buhay ko… lalo na’t kaibigan ko pa siya.” Bakas na bakas sa mata niya ang sincerity kaya hindi ko maiwasang maawa sa sarili ko at maging kay Kir na umabot sa punto na kailangan niyang pahirapan ang sarili niya dahil sa akin.
“Pero, Bro, ang hirap e. Parang ang hirap lokohin ng sarili ko na magustuhan siya pabalik. Lalaki ako, Bro.” Saad ko dahil nahihirapan talaga ako.
“Alam ko ’yon, bro. Pero kaya mo bang makitang ganyan ang kaibigan mo? Siguro kailangan mo ring magpakita ng pagiging self-less this time kahit na selfish din siya dahil pinipilit niyang gustuhin mo siya. But nevertheless, ikaw pa rin ang magma-maneuver ng lahat ng desisyon mo. Isang wrong decision mo kasi, malaki ang magiging epekto. You must be smart, bro. S-sige, bibili muna ako ng pagkain natin dahil gutom na gutom na rin ako.”
Hind ko napigilan ang sarili ko na hawakan ang sarili kong buhok at sabunutan ito dahil nahihirapan ako.
Nasa ganoong poisyon ako nang bigla na lamang dumating si Kira kasama si Tita Cathy at Tito Jerome.
“Hijo, how’s my son doing?” si Tito Jerome ang bumungad sa ng tanong sa akin.
“Noong kausap ko po siya ay bigla nalang siyang sumigaw at siguro po ay dahil iyon sa sakit.” At doon sila nag-panic lalo na si Tita Cathy.
“Diyos ko, sana ayos lang ang anak ko.” Maluha-luha niyang saad habang nakatingin sa kisame na animo’y nananalangin.
“Nagkaroon lang po ng pagdurugo sa bandang tiyan ng pasyente kaya iwasan po natin ang bigyan siya ng stress at bawal din po siyang patawanin dahil maaari rin po iyon magdulot ng pagdurugong muli ng kaniyang tiyan. “ sabi ng doctor at tumango naman kami.
Marami pang naging bilin ang Doctor sa’min at doon nabuo ang pasya ko na bigyan siya ng slot sa buhay ko.
“Basta doc, gawin niyo ang lahat para sa ikabubuti ng anak ko. I will pay you kahit magkano basta ma-secure lang ang lagay ng anak ko.” Saad ni Tito habang si Tita ay umiiyak na nakahawak sa kamay ni Kira.
“We’re doing our job pretty well, Mr. Zamora kaya makakaasa kayo. Siguro, one week or two will be enough at makakalabas na ang anak niyo.”
“Salamat naman kung ganoon.” Saad ni tita at siya namang sibat ng doctor na nagsusuri at gumamagot sa lagay ni Kir.
“Bro, payag na ako kaya magpagaling ka, ha?” bulong ko habang nasa labas ako ng room 33 na siya namang saktong dating ni Kian.
Lord, this isn’t right pero I need to do this kahit hiindi ko sinasadya.
To be continued…
HKS-PART 10
Note:
five more parts to go and HKS was about to end :)
HINDI KO SINASADYA-
PART X
KIAN
PUMAPAYAG na siya or should I say, papayag na siya sa gusto ng suicidal na Kir na’yon? Paano na ako? Paano na ‘yong nararamdaman ko kay Angelo? Talunan na naman ba ako?
“Kung saan ka masaya, doon ako.” Pagpapanggap ko dahil ang totoo ay ayaw na ayaw ko. Tutol ang puso ko sa gusto niyang mangyari.
“Maybe kahit sa paraan na’to ay hindi ako makonsensya na wala akong ginawa para lumaban si Kir sa buhay. He maybe selfish pero wala na siguro sa akin ‘yon dahil I wanto to save him from death.” Noong marinig ko ang sinabi niya ay pinilit kong kalmahin ang aking sarili dahil naguguluhan din ako sa sarili kong puso kasi iniisip ko na dapat lang na maging self-less si Angelo pero on the other hand, parang ang selfish masyado ni Kir dahil tinatakot niya si Angelo na magpapakamatay siya kapag hindi naging sila ni Angelo. Ang gulo ng buhay ng Kir na’yon. Naiinis na ako sa kanya, sa totoo lang.
“May point na tama ka, Bro pero hindi ko masasabing hundred percent ang suporta ko dahil unfair din kasi sa’yo.” Gusto ko sanang sabihin na kasi gusto ko tayong dalawa pero hindi ko iyon masabi sa kanya.
“Nasabi ko na rin sa sarili ko ‘yan, Bro kaya kahit naguguluhan pa rin ako sa tama at mali ay gagawin ko na ito.” Determinado niyang sagot sa akin pabalik.
ANGELO
Sinabi ko na ba sa sarili ko na hindi ko gusto itong nangyayari? Tatlong linggo na ang nakalipas at tatlong linggo na rin ako rito sa unit ni Kirl. Ako ang nag-asikaso sa kanya habang nagpapagaling siya. Ni minsan ay hindi ko pinangarap na maging nurse niya.
“Kumain ka na rin.” Aniya sabay haya sa akin ng kutsara na may lamang kanin at ulam. Hindi ko iyon tinanggihan dahil baka magtampon na naman siya gaya kahapon. “H’wag mo akong intindihin, Kir. Dapat sarili mo ang iniisip mo dahil kailangan mo ‘yan.” Sabi ko na nakapagpangiti sa kanya.
“Ayos lang ‘yon. Ano ka ba?” nguniti pa siya. “Hindi naging tayo para alagaan mo lang ako. Naging tayo dahil para alagaan natin ang isa’t-isa at para..”
“Para ano?” tanong ko.
“Para mahalin ang isa’t-isa.” Parang gusto kong masuka sa mga sinabi niya pero hindi ko magawa dahil baka kung ano na naman ang pumasok sa isipan ng gagong ‘to at baka magpakamatay na naman.
“Nga pala. Bukas aalis muna ako dahil maniningil na ako ng paupa sa mga bahay at sa susunod na linggo naman ay balik na ako sa pagiging College Teacher.” Anas ko.
“Then, sasamahan kita.” Aniya kaya naman wala akong nagawa.
Kinabukasan. Maaga akong nagising dahil sa yakap ni Kir. Agad kong tinanggal ang kamay niya na nakapatong sa tiyan ko at tumayo ako para maghilamos. Sandali lang mula nang makatayo ako at nagising na rin siya. “Ang cool ‘di ba?” aniya nang maisuot namin ang parehas na damit na hindi ko alam kung paano siya nagkaroon dahil isang beses pa lang naman kaming lumalabas ng condo unit niya.
“Ah, oo. Ang cool nga.” Pagpapanggap ko.
Itong nagdaang linggo na yata ang pinaka-tough na mga araw sa buhay ko dahil sa pagpapanggap ko na masaya ako.
“Sinabi mo pa.” At hinalikan niya ako sa pisngi. Astig din ang isang ‘to, e.
Nang makababa kami sa parking lot ay sumakay kami sa sasakyan ni Kira.
“Kira, buti naman on-time ka.” Ang sabi ng kuya niya rito.
“Ikaw pa ba, Kuya? Malakas ka yata sa akin.” Ani Kira at kumindat pa kay Kir. Tahimik ang naging byahe dahil hindi alam ni Kira na kami ng Kuya Kir niya. Hindi ko rin alam kung bakit ako pumayag sa gusto ng lokong ‘to. Ilang oras pa at hawak na ni Kir ang kamay ko at sumandal pa siya sa akin at tuluyang nagising.
Napaisip tuloy ako bigla dahil naisip ko si Tere at si Kian. Hindi kasi sila nangangamusta. “Ano na kayang ginagawa ngayon ng mga ‘yon sa buhay nila.” Bigla kong naitanong sa kawalan.
“Ano ‘yon, Kuya Jelo?” tanong ni Kira sa akin kaya naman napailing ako.
“Wala. Wala. Naisip ko lang ‘yong alaga kong rabbit.” Palusot ko.
“Talaga? May rabbit kal, Kuya Jelo?” ang wika ni Kira. Tumango ako saglit at ngumiti naman siya.
“Gusto ko silang makita. I’m so excited!” todo ngiti niyang sabi at bakas sa kanyang boses ang saya at kita ko rin mismo sa salamin iyon. Minsan hindi ko maintindihan ang isip ng dalawang ito. Parehas isip bata at padalos-dalos. Akala mo walang mahalaga sa buhay nila kundi sarili lang nila e.
Alas tres nang hapon noong makarating kami. Sinalubong agad kami ni Tere at bukas na rin ang kwarto ng mga estudyanteng boarders sa may dulong gawi. Bali ang pitong bahay ay okupado na dahil may pasok na uli next week at maganda iyon para sa akin. Kikita na naman ako.
“Uy, bro!” si Kian ang sumalubong sa akin pagbaba ko ng sasakyan.
“Kir, Angelo’s boyfriend.” Nagulat nalang ako at napakalas sa pagkakayakap kay Kian dahil sa sinabi niya sa harapan nina Kian at Tere.
Hindi ko alam kung mahihiya ba ako o maaawa sa sarili ko pero sumenyas ako na magpapaliwanag ako mamaya, though alam ito ni Kian noon pang umuwi siya rito.
“Nice to meet you, Kir..” si Kian habang inaabot ang kamay ni Kir na noo’y gusto ko na ring upakan pero hindi ko magawa.
“Kuya. Ikaw ha!” sabi ni Kira at parang timang na sinundot ang tagiliran naming dalwa ni Kir.
“S-sige, maiwan na namin kayo ni Kian. Tere pala.” At magkahiwalay silang naglakad kung saan naiwan kaming tatlo nina Kir. Nasa ganoong posisyon lang kami kaya’t buntong hininga akong naglakad papasok sa bahay ko habang dala-dala ang gamit namin.
“So.. nasaan na ang mga rabbit?” tanong ni Kira at lumabas ako para tingnan si Pinny at Konan. Nasa gilid kas sila ng bahay at buti nalang may nag-papakain sa kanila. Binilin ko na rin kasi ito kay Tere at Kian. Buti na lamang din at hindi sila napabayaan.
Bitbit ang kulungan nila ay nilapag ko sa terrace ng bahay sina Pinny at Konan. Tuwang-tuwa si Kira na parang bata habang si Kir naman ay nasa salas at nakahiga pa.
“Ang sarap talagang umuwi rito. Lalo pa ngayon na tayo na. May dahilan na ako para bumalik ng bumalik dito anytime na gusto ko.” Aniya na hindi ko ma-gets ang point.
“Kahit naman hindi tayo ay free kang magpabalik-balik rito.” Sabi ko.
“Pero iba na ngayon dahil mas masaya na.” Aniya at niyakap ako mula sa likod.
KIAN
“Suicidal pala itong si Kir kaya pinatulan na ni Angelo?” iyan ang tanong ni Tere sa akin habang nakaupo kami rito sa loob ng bahay ni Tere.
“Ganoon na nga. Hindi mo ba pansin na parang hindi naman gusto ni Angelo ang ganoon?” napailing na lang ako. “Kawawa naman pala si Angelo. Napikot pa ng wala sa oras ng lalaking ‘yon. Hindi ko makuha ang Kir na ‘yon. Gwapo naman siya tapos ang gusto niya ay si Angelo? Weird at ang absurd lang. Ang hirap talagang maniwala.” Sabi ni Tere na kumamot pa sa kanyang ulo.
Tama naman si Tere pero hindi ko rin naman sigur dapat sisihin si Kir dahil nagmamahal lang naman siya at likas sa mga tao ang maging tanga.
“Kawawa nga si Angelo pero mas kawawa si Kir para sa akin.” Pahayag ko naman.
“Can’t you see? Hindi buo ang pagmamahal ni Angelo sa kanya tapos siya full blast ang pagmamahal. Lugi siya sa bandang dulo dahil kahit anong pilit niyang mahalin siya ni Angelo ay hindi iyon mangyayari. Para bang bumili ka ng damit na maliit sayo—never magpi-fit dahil hindi destined para sa’yo.” Hugot na pede ko ring i-apply sa sarili ko.
“May point ka ro’n sa sinabi mo pero iba pa rin sa part ni Angelo. Masyado kasi siyang mabait kaya inaabuso siya ng iba. Sa ilang taon na pangungupahan ko rito, iba talaga ang bait niyang si Angelo. Minsan nga kapag walang-wala ako o kaya ang mga nangungupahan sa apartment niya ay siya pa ‘tong nagpapautang. Kaya ako, gusto ko ‘yong best para kay Angelo. Deserve niya ‘yong worth it at hindi pinipilit na relasyon.” Madamdamin niyang pagsasalasay.
Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko pero basta, masaya lang ako na nakilala ko si Angelo. Si Angelo na hindi ko sinasadyang magustuhan.
Oo, inaamin ko na gusto ko si Angelo at gusto ko na maging masaya siya kahit hindi sa piling ko.
“Uy! Natulala ka na.” At napabalik ako sa normal senses ko.
“Sorry. Naisip ko lang na parang hindi rin naman sila magtatagal noong Kir.” Out of nowhere kong sagot.
“Paano mo naman nasabi ‘yan?” “ Kasi guston ko siya.” Yon sana ang isasagot ko kaso hindi pwede.
“Basta iyon ang nararamdaman ko.” Sabi ko at inisang lagok ko ang kapeng iniinom ko.
“Basta ako, hindi ako pabor sa kanila. Mas mabuti sana kung ikaw nalang.” Halos mawalan ako ng hangin dahil sa sinabi niya kaya naman nagpaalam na ako dahil feeling ko ay pulang-pula na ang mukha ko dahil sa sinabi niya.
“May nasabi ba ako?” ang tanong niya sa sarili niya at narinig ko pa siya noon.
To be continued…
HKS-PART XI
HINDI KO SINASADYA-Part XI
ANGELO
Mabilis na lumipas ang buong linggo at narito pa rin si Kir na walang ginawa kundi ang bumuntot sa akin. Minsan nga ay ayaw niya pa akong lubayan pati sa pagtulog ko.
“Kir, ang aga-aga pa!” bulalas ko dahil alas kwatro palang ng madaling araw ay ginigising na niya ako dahil gusto raw niyang mag-jogging.
“Dali na, Jelo. Bangon na!” aniya at wala akong nagawa kundi ang bumangon at magg-ayos ng sarili.
Pagkalabas na pagkalabas namin ay nag-warm up muna kami at simpleng streching kaya wala na kaming inaksayang oras pagkatapos.
Ang sarap ng ihip ng hangin at hindi ko maitatangging nilalamig ako.
Gayunpaman, tumakbo lang ako ng tumakbo haggang sa tawagin ako ni Kir.
“Jelo! Hintay!” aniya kaya’t mas binilisan ko pa ang pagtako at nang mapagod ako ay hingal na hingal ako. Pawis na pawis na rin ako pero worth it naman lalo pa nang hilahin ako ni Kian kung saan at hindi ko namalayan na papunta na pala kami sa ilog.
Walang kiyemeng naghubo’t-hubad siya harapan ko at tumalon sa ilog kung saan ko siya isinama noon.
“Tatayo ka nalang ba d’yan o babasain pa kita?” sabi niya at walang arteng naghubad na rin ako at napasigaw dahil sa lamig.
“Woah! Sobrang lamig!” sabi ko. Medyo maliwanag naman dito dahil sa may ilaw mula sa isang poste ng kawayan sa hindi kalayuan at alam ko rin na malinis ito dahil hindi pa ito polluted gaya ng mga ilog mula sa mga karatig na bayan gaya ng mga ilog sa karatig na City kung saan ang mga ilog doon ay ginawa na ring basurahan kaya’t kapag umuulan ay umaapaw agad dahil sa basura.
“Ang sarap dito, ‘no?” tanong niya sa akin.
“Oo naman kahit na ang lamig-lamig.” Nangangatal kong tugon sa kanya.
“Tara na nga, Bro. Magbihis na tayo dahil lamig na lamig na rin ako.” Sino ba naman kasi ang matinong lulusong sa ilog sa ganitong oras, ‘di ba?
“Mabuti pa nga.” At nagpatuyo muna kaming dalawa at isinuot na rin namin ang aming mga damit at naupo kami sa may punong tumba.
“Angelo, alam kong hindi sang-ayon ang kalooban mo na maging katipan or should I say, maging boyfriend si Kir kaya payo ko sa’yo ay magpakatotoo ka sa kanya. Dahil kung mahal ka niyang talaga ay hahayaan ka niyang maging masaya. Hindi rason ang sasabihin niyang magpapakamatay siya para maging kayo. Tandaan mo, may sarili kang buhay, bro. Sundin mo ‘yan,” tinuro niya ang dibdib ko. “at tiyak na magiging masaya ka.” Aniya at nagdire-diretso na siya sa pagtakbo pabalik sa amin.
Habang tumatakbo ako ay naramdaman ko ‘yong lungkot sa dibdib ko kaya naman mas minabuti kong bilisan nalang ang takbo ko. Pero mali pala ako dahil sa pagbilis ko at pagbilis din ng takbo ng isipan ko ukol sa sinabi ni Kian kani-kanina lang.
“Jelo, hintay!” sigaw ni Kir mula sa likuran at hinintay ko naman siya dahil gusto ko siyang makausap.
“Hindi na kita naabutan. Saan ka ba nagsusuot?” aniya at tumawa naman ako ng konti dahil wala siyang ideya kung saan ako nagpunta.
“D’yan lang sa tabi-tabi,” sabi ko . “Ahh.” ‘yon lang sinabi niya at sinabayan ko na siya sa pagtakbo.
Mag-aalas singko na nang makarating kami sa bahay. Pinaghain ko muna siya ng pagkain at naligo naman ako matapos naming kumain dahil first day of school ngayon kaya required kaming lahat na um-attend ng flag ceremony.
“Jelo, ingat ka. Text mo nalang ako kapag nakarating ka na sa school.” Bilin ni Kir na parang asawa.
“Sige, mauna na akol. May pagkain d’yan. Magluto ka nalang kapag nagugutom ka.” Sabi ko bago sumakay sa motorsiklo ko. Kataka-taka namang wala ang kotse ni Kian sa paradahan.
Bahala na nga.
Unang bukas ngayon ng semestre at gusto kong maging desente sa harap ng aking mga estudayante kaya nang magsimula ang flag ceremony ay hindi ko nilikot ang aking mata at nag-focus ako sa sinasabi ng University President at ng kung sinu-sino pang namumulitika sa school.
Nakikipalakpak lang ako kung kailangan at ang pinakamasaya ang ang dismiss.
“Good morning class! I’m Mr. Angelo Asis and I’ll be your Management teacher starting today up to the end of this semester. Be good with your acads and you’ll receive as high as flat one.” Panimula ko sa kanila nang sandaling makapasok ako sa second class ko for today.
Hindi ko alam kung anong meron sa mukha niya at para bang na-startstuck sila or kung ano man.
“Ganito pala rito sa school. Masyadong maraming poging prof.” Narinig ko mula sa isang babae sa may dulo. Hindi na bago sa akin iyon pero hindi ko maiwasang mag-worry din minsan dahil hindi nakakatulong sa estudyante para mag-focus sa mga sinasabi ko.
“Oppa.. I mean, Sir!” mala-tonong K-drama fan na tawag noong isang late na estudayante kaya naman nagtawanan ang mga nasa loob ng classroom.
“Yes, Ms?” tanong ko pabalik.
“Oppa, I mean sir.” Nagtawanan na naman ang mga estudyante.
(AN: Nangyari talaga ‘to sa real life ng author haha.)
“I’m sorry for being late.” Sabi niya na hindi nauutal this time.
“Okay. Next time do not be late again. Please sit next to the guy from the last row.” Sabi ko at nagbigay lang ako ng aking guidelines sa pagbibigay ng grade.
“That’s it for now. Thank you!” sabi ko at lumabas na ako ng classroom. Pero lalabas pa lang ako ng room nang makita ko si Kian na nakasuot din ng gaya ko. At dala ng pag-curious ko ay sinundan ko siya. Baka kasi namamalik-mata lang ako.
“Kian!” singhal ko pero hindi niya nariig kaya naman nang makapasok siya sa computer room ay sinundan ko siya.
Papalapit palang ako ay narinig ko siyang nagpakilala.
“Annyeonghaseyo, Teacher Kian Santos-Imnida! And starting today, I’ll be your teacher in computer 101”
Matapos iyon ay nagsitilian ang mga estudyante niya. Hindi ko man naintindhihan ang ilan sa sinabi niya ay determined pa rin ako na kausapin siya kaya naman matapos ng tilian ay pumasok ako matapos ang tatalong katok.
“Inuulan tayo ng mga pogi!” tili ng isang babae sa unahan.
“Sir, Kian.. bakit ka nandito?” tanong niya sa akin.
Medyo naging maingay pa ang mga kababaihan kaya naman nagsalita na ako.
“Students, kakausapin ko lang si Sir. Santos saglit, ha?” sabi ko at natuwa naman ako sa response nila—tilian.
“Kapag ganito ba naman kapopogi ang mga prof ko, baka hindi na ako um-absent kahit may sakit ako.
“Siguro mamaya mo nalang ako kausapin..” hindi ko siya pinakinggan dahil lumabas na kami.
“’Bakit hindi mo sinabing magtatrabaho ka rin dito?” natatawa ko tanong.
“Hindi ko naman kasi sinasadya na dito makapag-apply. Ikaw talaga! Sige na muna at mamaya na tayo mag-usap, Sir.” Tatawa-tawa niyang sagot kaya napatawa nalang din ako.
To be continued…
Sana may mag-comment :(
HKS-PART XII
HINDI KO SINASADYA-PART XII
ANGELO
“Hindi mo naman sinabi na dito ka na rin magtatrabaho, Bro.” Nagtatampo kong sabi.
“Bakit parang nagtatampo ka ata? Masama bang dito ako nagtrabaho, Bro?” mga patanong na mga kasagutan niya.
“Hindi naman, Bro. Nagulat lang talaga ako. Parang hindi mo naman ako kaibigan niyan, e. Tsaka dapat sabay nalang tayo. Sayang kaya sa gas.” Sabi ko at sabay kaming tumawang dalawa.
“’Yon lang pala. Akala ko naman kung ano na ang ipinuputok ng butsi mo at pati sa klase ay pinuntahan mo pa talaga ako. Sayang ang pinapasuweldo sa’yo ng school.” Wika niya.
“Nagsalita na siya.” Sabi ko at tawa na naman kami. Hindi ko alam kung bakit napakanatural ng tawa ko kapag si Kian ang kasama ko. Maybe, parehas kami ng vibes sa buhay—positive thinker.
“Sige, bro. Basta bukas ay sabay na tayong pumasok sa trabaho, ha?” sabi niya at parehas na kaming bumalik sa aming mga trabaho.
Natapos ang unang araw ng aming trabaho kaya naman dumiretso na ako sa bangko para magdeposito ng pera. Malaki-laki na ang pera ko na umabot ng 16 Million pero wala pa rin akong asawa at anak na pwede kong pang-invest-an nito. Ang hirap din palang mag-isa sa buhay, ’no? Aanhin mo ang pera at mga yaman sa mundo kung sa kamatayan mo ay hindi mo naman ito madadala? Non-sense rin pala.
“Ma, Pa, Angela.. miss ko na kayo.” Sabi ko at tumulo na lamang ang aking mga luha nang makita ko ang dati naming bahay na ibinenta ko kasama ang lupa namihn noong nagbente-uno ako. At salamat sa perang iyon dahil napalaki ko ang apartment na iniwan nina Mama at Papa para sa amin ni Angela. Hindi ko man sila kasama ay nagpapasalamat ako sa mga alaalang iniwan nila para sa akin. Hind nila ako pinabayaan.
Dala na rin ng aking lungkot ay hindi muna ako umalis at kasabay ng pagpatak ng aking mga luha ang alaalang ilang taon ko ng nalimot.
“Ma, when I grow up , I want to be a nurse like you para maalagaan ko kayo nina Kuya.” Ang masayang tinuran ni Angela habang hawak-hawak ang kaniyang mga laruan at drawing na kinopya niya sa internet.
“Nice, baby sister! You want to take care of us? That’s so sweet!” sabi ko kay Angela habang niyayakap ko siya.
“We’ll support you, Jela.. kaya gumaya ka sa kuya mo na good boy.” Sabi ni mama at doon naman lumapit si Papa para yakapin kaming tatlo.
“Basta ipangako niyo sa amin ng mama niyo na kahit anong mangyari hindi kayo makakalimot sa Panginoon at h’wag niyo ring kalimutan na pantay-pantay lahat tayo. Hindi basehan ang estado sa buhay, ha? Tandaan niyo lagi na maging mabuti kayo. Mahal na mahal ko kayo.” Sabi ni Papa at masayang-masaya ang puso ko nang mga sandaling iyon. I have my perfect family and I would not ask for more.
My family is my strength.
Lalo lamang akong napaluha nang marinig ko ang langit na nagtatampo sa akin. Malungkot ako at hindi ko alam kung kakayanin ko pa nga bang magpatuloy pa rin sa buhay. Life is continuos process na kapag sumuko ako ay matatalo lamang ako. Hindi naman kasi sa akin umiikot ang mundo kaya dala ang masasaya at mapapait na alaala ay tumingala ako sa langit at nangusap.
“Isang araw mahahanap ko rin ang kasiyahan ko.” Singhal ko at doon ay nag-ayos na rin ako ng aking sarili at sinimulan ko na rin na patakbuhin ang aking motorsiklo.
KIAN
Masayang araw ang akin naranasan dahil sa mga bago kong trabaho. Masarap sa pakiramdam lalo na at nandoon din si Angelo. Pero noong hapon na iyon ay naging malungkot din ako nang makita ko si Angelo na nagpupunas ng luha.
Sinundan ko pa siya at nakita ko kung paanong tanawin niya ang isang malaking bahay. Tanaw ko rin mula rito kung paano siya yumuko. Gusto ko siyang lapitan dahil alam kong ang lungkot-lungkot niya pero hindi ko magawa dahil pakiramdam ko ay nararapat lang na ’wag ko siyang lapitan dahil wala naman akong maitutulong sa kanya.
Angelo is a great guy na hindi mo kababakasan ng ganitong klase ng kahinaan at kalungkutan sa buhay pero lahat talaga may other side.
Life is too short to endure everything pero sa point of view ni Angelo ay hindi ko alam kung gaano kasakit na ang nalabanan niya hanggang sa ngayon.
“Shit!” sabi ko dahil nakita ko siyang nakatingala at umiiyak.
Ayokong makitang ganito si Angelo kaya naman malaking pasasalamat ko nang umalis na siya na siya namang pagtunog ng phone ko.
“Yes, Matt?” sabi ko dahil tumawag bigla sa akin ang pinsan kong si Matt.
“Malapit na ang birthday ng inaanak mo. Baka makalimot ka na namang dumalo.” Paalala niya. Oo nga pala. Malapit na ang birthday ni baby Martin na anak niya. Hanga nga kay Matt dahil naging totoo siya kaya naman may Martin baby at Martin na asawa siya ngayon.
“Oo naman. Pupunta ako. Sabado, tama ba?” sabi ko at narinig kong umiyak sa kabilang linya si baby Martin.
“Sige na muna, Insan. Unahin mo na muna ang pamangkin ko.” Wika ko.
“Mabuti pa nga at nangungulit na ang pamangkin mo.” Aniya pa at hindi na ako nakapagba-bye dahil ibinaba na niya.
To be continued….
HKS-PART XIII
Note:
Hinabaan ko para masaya haha. Magbabasa ako ng comments.
HINDI KO SINASADYA-PART XIII
ANGELO
ISANG buong linggo ang nagdaan at Sabado ngayon kaya naman makakasama ko na naman si Kir sa bahay ng buong araw.
“Bro, sasama ka ba?” bungad sa akin ni Kian habang nagdidilig ako ng halaman.
“Saan?” ang tanong ko sa kanya dahil wala naman talaga akong ideya kung saan kami pupunta pero magandang ideya iyon para sa akin.
“Oo o hindi? Isa lang ang choice mo, Bro kaya sumagot ka agad.” Sabi ni Kian sa akin kaya naman wala akong nagawa kundi tumango.
“Oo.. pero teka.. Saan nga kasi?” sabi ko.
“Laguna lang naman. It’s my nephew’s birthday kaya bilisan mo ng magbihis.” Sabi niya at ganoon na nga ang ginawa ko. Naligo ako at hindi ko naman inaakala na paglabas ko ay nakahanda na si Kir at nagsalita pa siya.
“Sasama ako.” Sabi niya at dumiretso sa labas kaya wala akong nagawa kundi ang mapakamot sa ulo. Hindi ko rin naman siya masisisi dahil naburo siya rito sa bahay ng mag-isa.
Ilang minuto lang din ang lumipas kaya’t nakasakay na kami sa kotse ni Kian ngayon at ewan ko ba kung bakit ganoon na lang ang mukha niya. Parang un-easy siya at hindi ko alam kung bakit.
“Medyo mahaba ang byahe natin, Jelo kaya matulog ka muna..” sabi ni Kir sa akin at nakita kong nakatingin sa salamin si Kian.
“Oo nga. Dapat siguro matulog muna ako dahil napuyat ako kagabi dahil sa iyo.” Matapos kong sabihin iyon ay narinig kong napaubo si Kian kasabay din noon ay ang pagpreno niya. Kasunod din noon ay ang pagtingin namin sa kanya ni Kir.
“May tumawid kasing pusa.” Aniya at napatango nalang kami ni Kir.
“Ganoon ba, Bro. Danas na danas ko rin kasi ’yan,” wika naman ni Kir dahil alam may kotse rin naman kasi siya.
“Hehe. Malas ’di ba?” si Kian naman ang nagsalita.
“Malas nga, bro.” Napangiti na lang ako sa usapan nilang dalawa pero iba talaga ang atmosphere sa kotse kaya nang sumandal sa akin si Kir ay hinayaan ko na lamang siya dahil puyat naman talaga siya kagabi dahil tinulungan niya akong mag-check ng test papers ng limang sections na tinuturuan ko.
Habang nasa ganoon posisyon kami ay biglang nagpatugtog si Kian ng isang kantang paborito ko.
Fix You ng Coldplay
When you try your best, but you don’t succeed When you get what you want, but not what you need When you feel so tired, but you can’t sleep
Umpisa pa lamang ng kanta ay sinasabayan ko na ito dahil ang hirap lang talagang pigilan ang kumanta lalo na’t gusto mo ang kanta.
Stuck in reverse And the tears come streaming down your face When you lose something you can’t replace When you love someone, but it goes to waste Could it be worse?
Gaya nga ng sinasabi ng linya na talaga namang mahirap ibalik o paltan ang nawala na pero mas maganda siguro kung patuloy tayong lalaban at mas masaya kung may taong sasama sa atin na lumaban sa mga hamon ng buhay.
Lights will guide you home And ignite your bones And I will try to fix you
Sino ang taong ’yon? Sino ang ilaw na ’yon? Habang iniisip ko iyon ay nakatingin ako sa salamin sa unahan at nakita kong nakatingin sa akin si Kian pabalik. Napaiwas nalang ako ng tingin dahil iba. Awkward.
And high up above or down below When you’re too in love to let it go But if you never try you’ll never know Just what you’re worth
Lights will guide you home And ignite your bones And I will try to fix you
Tears stream down your face When you lose something you cannot replace Tears stream down your face and I Tears stream down your face I promise you I will learn from my mistakes Tears stream down your face and I
Ang lakas pa ng pagkakakanta ni Kir ng mga linyang iyon kaya naman napangiti na lang ako sa kawalan.
Lights will guide you home And ignite your bones And I will try to fix you
Natapos ang kanta at kasabay din noon ang pagpikit ko ng aking mga mata at nakita ko ang dilim.
“Hindi ko sinabing dapat mo akong magustuhan dahil ang gusto ko mahalin mo’ko, Jelo.”
’Yan ang sabi sa akin ni Kir na may hawak pang bote ng beer.
“Hindi talaga kita kayang mahalin dahil hindi kita gusto at hindi ko kayang ibalik ang pagmamahal mo. Iba nalang ang mahalin mo. Sa iba mo nalang ibunton mo nalang lahat ng iyan. Wala kang mapapala sa akin. Patuloy lang kitang masasaktan kapag ipinagpatuloy pa natin ito.” Straight to the point na sagot ko sa kanya.
“Alam kong hindi mo’ko gusto pero sana sinubukan mo man lang! Masyado kang unfair, Jelo. Mahal na mahal kita pero ginanito mo lang ako? What kind of person are you?” Humahangos na wika niya sa akin.
“Hindi ko naman hiningi sa’yo ’yan, Bro. Magkababata tayo at kaibigan lang talaga ang tingin ko sa’yo.” Sabi ko at hinampas niya ang dala niyang bote sa mesa at kumuha pa siya ng isa para ihampas sa akin. Hindi ko iyon nailagan kaya naman naipukol niya iyon sa aking ulo at naramdaman ko ang sakit at ang pagtulo ng dugo mula rito. Kasunod din noon ang pagtumba ko.
“Bro!” nagbalik ako sa aking ulirat nang marinig ko ang boses ni Kir na alalang-alala sa akin.
“Nananaginip ka ng masama, bro.” Sabi ni Kir at kanina pa pala kami nakatigil sa isang resort dito sa Laguna.
Napabuntong hininga na lang ako at dali-dali kong ininom ang tubig na nasa unahan ko dahil ang bigat ng dibdib ko.
“Okay ka lang ba, Bro?” si Kian na ang nagtanong at alam ko naman na nag-aalala na sila kaya nag-shake lang ako ng aking ulo at ngumiti.
“Ayos lang ako.” Sabi ko at ngumiti na rin sila.
“Kung gano’n ay bumaba na tayo.” Nakangiting saad ni Kian.
KIAN
Alalang-alala ako kay Angelo nang magising siya dahil sigaw siya ng sigaw at ang parang takot na takot siya kay Kir. Gusto ko siyang yakapin para aluin pero hindi ko magawa dahil baka magtalo lang kami ni Kir na trying hard maging boyfriend ni Angelo.
Buti nalang at naging maayos agad siya kaya’t nang ngumiti siya ay sinabi kong bumaba na kami dahil magte-ten na rin ng umaga. Halos dalawa at kalahating oras lang ang naging byahe namin at hiniling ko na sana si Kir nalang ang driver at ako nalang ang katabi ni Angelo sa likod.
“Uy, Leroy!” tawag ko nang makita ko si Leroy na may kasamang isang lalaking kaedaran niya rin at sa wari ko ay may something sa kanila.
“Kuya Kian?” tanong nito na may pagkamangha sa kaniyang boses.
“Ako nga, Leroy. Balita ko Summa Cumlaude ka raw? Totoo ba?” hindi naman siya tumanggi dahil agad siyang tumango.
“Nga pala, Kuya Kian, si Inake, boyfriend ko..” at ang laki ng ngiti ko dahil hindi lang pala si Matt ang may love life na ganito. Sana ako rin pero hindi ko alam kung may posibilidad pa ba.
“Nice to meet you.” Sabi ko kay Inake.
“Nice meeting you too po.” Sabi niya pabalik at natawa pa ako dahil nang-opo pa siya e magpinsan lang naman kami ni Leroy. Mas matanda nga lang ako.
“Siya nga pala.. si Kir at Angelo.”
“Nice meeting you, guys.” Entrada ni Kir.
Naging magaan ang loob nila sa isa’t-isa at sabay-sabay na kaming pumasok sa loob ng private resort at talagang maganda ang pagkakaayos.
“Ang pogi naman ng inaanak ko..” sabi ko sa sarili ko habang nagsasalita sa unahan si Martin na tatay din ni baby Martin.
Matapos niyang magsalita ay nakita ko sina mama at papa na hindi man lang ako pinansin bagkus ay inintindi nila ang pakikipag-usap sa iba.
“Okay ka lang ba, bro?” singit ni Angelo na tiningnan ang tinitingnan ko. Buti na lamang at nag-cr si Kir kaya’t malaya akong makausap si Angelo ngayon.
“Sa totoo lang, hindi. Para akong bata na hindi man lang tinatapunan ng atensiyon ng kaniyang mga magulang. Kasalanan ko ba na nakagawa ako ng pagkakamali?” malungkot kong salaysay.
“Sa totoo lang, bro.. wala namang tao ang hindi nagkakamali. Tao tayo at normal sa atin na hindi maging perfect. At kaya, Kian, ’wag mong kadamdamin ang mga bagay-bagay dahil hindi naman titigil ang mundo sa pag-ikot. Someday makakalimutan din nila nagkamali ka at mapapatawad ka rin nila dahil unang-una, anak ka nila at maniwala ka na mahal na mahal ka nila. Na hindi lang talaga nila natanggap na nagkamali ka.”
Para akong tinamaan ng kidlat sa sinabi niya kaya hindi na ako nakapagsalita at ewan ko ba kung bakit ngayon ko lang in-open ang DSLR ko at siya ang una kong kinuhanan.
“Smile, bro.” Sabi ko at nang ngumiti siya ay kinuhanan ko agad iyon ng sunud-sunod.
Gotcha!
“Bro, nakakahiya. Burahin mo ’yan!” atubili niya sa akin pagkatapos.
“Lolo mo. Hahaha.” Pang-aasar ko hanggang sa dumating si Kir na ewan ko ba kung anong klaseng kabute siya na panira ng moment.
“Kuhanan mo rin kami, bro.” At iyon na nga ang ginagawa ko. Matapos ang isang picture ay kay Angelo ko na pinokus ang lense at ewan ko ba kung bakit ko ginawa iyon.
Kumain na rin kami at naipakilala ko na kay Matt at Martin si Kir at masayang-masaya silang nagkwentuhan dahil kaklase raw pala ni Kir si Matt noong High school. Bida na naman.
“Buti nag-end up ka sa happy life, ’no? Sobrang tahimik mo kaya noong high school tayo.” Si Kir ang nagsalita at natawa naman si Matt.
“Alam mo tanong ko rin ’yan sa sarili ko ,e. After kasi ng mga kasamaang ginawa ko ay ito ako ngayon kasama ang dalawang Martin ng buhay ko. Kaya ikaw, ’wag kang maiinggit sa kasayahan ng iba dahil darating ang para sa’yo sa tamang lugar at tamang panahon.”
Iyon ang huling sinabi ni Matt sa amin at hindi ko alam kung bakit tinatamaan ako sa mga sinabi nila ni Martin sa amin.
“Bro, salamat!” sabi ni Kir sa akin nang makarating kami rito sa Quezon ng safe. Nasa loob na ng bahay nila si Angelo kaya nagmadali lang ako at nagsalita ayon sa gusto ko.
“Sa’yo rin. Good night!” at nagmadali akong pumasok sa loob ng bahay dahil nauuhaw na ako.
ANGELO
Madaling araw nang magising ako dahil sa haplos at halik ni Kir sa aking leeg kaya’t pinigilan ko siya.
“Sa’yo na ako kaya sana makuntento ka na ro’n, bro.” Singhal ko habang pinipigilan ko siya sa paghaplos sa aking katawan.
“Alam mo, Angelo, madaya ka. I stayed here para makasama ka pero ginaganito mo lang ako. Tinatrato mo ako na parang wala lang sa buhay mo. You even wasted my effort noong monthsary natin dahil sabi mo pagod na pagod ka. Pinagtyagaan ko ang pagbabalewala mo sa akin pero hindi ko alam na aabot ako sa puntong mapapagod ako ng ganito.” Pinakinggan ko lang siyang magsalita habang umiiyak dahil sa totoo lang ay ayoko na siyang saktan pa sa pamamagitan ng masasakit na salita na pwede kong ipukol sa kanya.
“Ano, Jelo? Mananahimik ka na naman gaya ng parati mong ginagawa? Ganyan ka naman parati, ’di ba? Simula pa noon ganyan ka na, ’di ba? Bakit ko nga ba sinasabi ’to?” at naging madamdamin na naman siya.
Mali nga yata ako dahil ni minsan ay hindi ko na-appreciate na nand’yan pala si Kir sa buhay ko at hindi ko rin nagawang suklian ang pagmamahal niya. Masisisi niyo ba ako kung ganoon ang nangyari? ’Di ba ako ang biktima rito? ’Di ba ako ang naargabyado? Sinakyan ko lang siya para hindi siya magpakamatay dahil kilala ko siya. Gagawin niya ang gusto niya kahit hindi nag-iisip ng tama.
“Kir, sorry kung nasasaktan kita. Hindi ko kasi alam kung bakit hindi ko magawang suklian ang pagmamahal na ibinibigay mo. Hindi ko sinasadya, pasensya ka na.”
Sabi ko at hindi na siya sumagot, bagkus ay humarap siya sa kabila at naririnig ko ang iyak niya kaya’t niyakap ko siya hanggang sa dalawin ako ng antok.
To be continued….
HKS-PART XIV
HINDI KO SINASADYA-PART XIV
ANGELO
LINGGO ngayon at maaga akong nagising dahil parang may kakaiba. Bumangon kasi ako ay wala si Kir sa tabi ko at usually kasi ay hinihintay pa niya akong magising bago siya bumangon. Ewan ko ba kung bakit wala siya sa tabi ko nang magising ako. Nagtungo na rin ako banyo at nakita ko na lang ang sarili ko nakaupo sa mesa na may nakahain na pagkain na malamang ay niluto niya.
Pagkatusok ko pa lang sa hotdog ay napansin ko na ang isang sulat na nasa gilid nito.
Iba na ang pakiramdam ko kaya’t kinuha ko iyon agad at binasa.
Jelo,
Bro, gusto ko lang sabihin na sorry at sana mapatawad mo pa ako. Sorry dahil sa pagiging makasarili ko. I never thought na aabot ako sa ganitong point ng buhay. I’m too immature na pati sarili ko ay handa kong saktan para sa’yo. Pero kahit na nagkaganito ay inintindi mo ako, Jelo. Ikaw pa rin talaga ’yong bestfriend ko simula elementary. Ikaw pa rin ’yong Jelo na handa akong itayo kada madadapa ako.
Sorry bro dahil I ruined our friendship. Tayo na nga lang ang magbestfriend na dalawa tapos sinira ko pa. Hindi ko madalas nasasabi sa’yo, Jelo kaya gusto kong magpasalamat sa pag-aalaga mo sa’kin kahit na alam kong inis na inis ka na sa kulitan ko. Kung hindi kapa magsusungit ay hindi ko pa mari-realize na sobra na pala ako.
I’ll let you go na, bro. Hindi na healthy para sa’yo at para sa’kin. And don’t worry dahil nai-settle ko na ang trabaho ko. Always remember that I love you and always will. You can count on me co’z we’re bestfriends, right?
Ingat ka parati!
Your friend,
Kir
Matapos ko ’yong basahin ay medyo na-guilty din ako pero may saya rin dahil ito naman talaga ang gusto ko. Hindi ko inaasahan ’to pero masaya ako na finally ay natagpuan na niya ang kaniyang sarili na hindi na kami para para sa isa’t-isa. Magkaibigan kami at hanggang doon na lang ’yon.
“Bro, salamat at natauhan ka na rin!” ang sabi ko nang sagutin niya ang tawag ko.
“O-oo na. Natauhan na.” Alam kong sa tono niyang ’yon ay umiiyak siya kaya’t nakaramdam ako ng awa pero hindi ko iyon ipinahalata.
“Basta bestfriend pa rin tayo, ha?” dagdag pa niya na alam na alam naman niya na iyon talaga ang aking gusto na mangyari.
“Oo naman! Hindi na kailangan pang sabihin ’yon, ’no?” sabi ko sa kanya at nagpaalam na siya dahil nasa byahe pa pala siya.
KIAN
Kapag kumukuha ako ng larawan, pinakagusto ko talaga ay ’yong nakangiti at masaya dahil kahit malungkot ako ay napapasaya ako ng mga larawang iyon sa simpleng pagtitig ko lamang sa kanila. Noon ay kontento ako sa ganoong areglo ng buhay pero iba ngayon. Tinamaan na ako ng lintek na pag-ibig. At kapag minamalas ka nga naman talaga! Nahulog ako sa taong kinahuhumalingan na ng iba.
“Ano bang iniisip mo, Kian? Tantanan mo na ’yang kadramahan mo!” sinabunutan ko pa ang aking sarili at ewan ko ba kung bakit ganoon na lamang ang aking lungkot sa araw na ito.
Linggo ngayon at pakiwari ko ay kailangan kong sumimba at manalangin dahil pakiramdam ko ay napakarami ko ng pagkukulang sa kaniya.
“Bro, mukang bihis na bihis tayo, a? Saan ang punta?” Iyan ang naging bungad sa akin ni Angelo nang lumabas ako ng bahay. Tipikal na puntong Quezon iyon at nakangiti pa siya kaya’t kita ko ang ganda ng dimples niya na bumagay sa Chinito niyang mga mata at makapal na kilay. Ibinaba ko pa ng konti ang tingi ko at nagandahan din ako sa hubog ng ilong niya at ganoon din ang labi niyang medyo nangingimtab na nagtutugma sa ganda ng adams apple niya. Ano ba ’tong iniisip ko at napapalunok pa talaga ako.
“Bro, may dumi ba ako sa mukha?” at doon ako bumalik sa aking normal na pag-iisip.
“Ah, wala! Wala! May naalala lang kasi ako. Ah, oo.. yayayain sana kitang magsimba.” Sabi ko na hindi ko inaasahang lalabas sa aking mga bibig.
“Oo naman! Hapon pa sana ako sisimba, e. Pero tamang-tama dahil thirty minutes pa before mag-start ’yong misa.” Hindi na niya ako hinayaan makapagsalita dahil nagmamadali na siyang pumasok sa loob ng bahay niya at sa palagay ko ay nagbibihis na siya.
“Mas excited pa sa’kin, hays!” asik ko nang hindi ko na siya matanaw mula rito sa pintuan ng apartment ko.
“I’m ready!” aniya bigla. Five minutes pa lang ang nakakalipas, a? Ang bilis naman niya!
“Bilis, a?” wika ko.
“Ganoon talaga.” Aniya at abot tenga ang ngiti niya. Ano naman kayang nakain ng isang ’to?
Pero ang pinagtataka ko ay kung bakit parang wala si Kir. Hindi ito nakabuntot sa kaniya. Usually kasi ay mas nauuna pa ito sa kanya kapag may lakaran.
“Uy!” aniya at winagayway pa ang kaniyang kamay sa aking mukha kaya’t tinanggal ko iyon.
“Kanina ka pa natutulala, bro. Alam ko namang pogi ako kaya ’wag kang masyadong ma-fall..” sabi niya at napaubo ako at napahawak sa tiyan ko kahit na ang totoo ay sapol na sapol ako sa mga sinabi niya. Nakakainis!
“Saan mo naman nakuha ’yon?” tanong ko sa kanya.
“Korean novela.” Aniya at sabay kaming napatawa.
“Nako! Iwas-iwasan mo na ang panonood ng mga Korean Novela sa gabi, bro.” Pang-aasar ko.
“Bakit naman? Ang ganda nga ng mga plot ng Korean Novela, e.” Katwiran niya pa.
“Eh, ’di wow!” sabi ko at natawa nalang siya. Muntikan ko na sanang makalimutan na itanong si Kir kung hindi lang niya in-open iyon sa’kin.
“Si Kir, umalis na kaninang umaga. Natauhan na siya na dapat magkaibigan lang talaga kami. Sobrang saya ko kahit na medyo nakokonsensya ako na hindi ko nagawang mahalin siya. Pero gaya nga ng sinasabi ko sa mga estudyante ko na ang buhay ay talagang punung-puno ng rejection at pain na kailangan natin maranasan para mas tumatag at matuto tayo sa buhay. Tama naman, ’di ba?” dahil sa sinabi niya ay nagkaroon ako ng confusion sa aking sarili kung aamin ba akong gusto ko siya dahil kay Kir palang ay napatunayan ko na na malaki ang pagpapahalaga niya lalo na sa pagkakaibigan ang I don’t want to ruin our good friendship.
“Tama ka naman d’yan. Life is a big misery too.” Sabi ko at sinuot ko na ang helmet niya upang hindi na humaba ang aming usapang dalwa.
Oo nga’t masaya akong wala na si Kir at Angelo pero ibang kaba ang ang dulot noon sa akin dahil pakiramdam ko ay isang bituin si Angelo sa langit na napakahirap abutin.
“Sakay na, bro.” Aniya at namalayan ko na lamang na sinusunod ko ang kaniyang sinabi.
“Humawak ka ng mahigpit, bro.” At ganoon na nga ang aking ginawa. I disregard the fact na mahahawakan ko ang kaniyang balikat tiyan dahil mas pinilin ko ang humawak na lamang sa likod ng motor niya dahil ayoko ngang manamantala.
Ilang minuto lang ang lumipas ay muntikan na akong malaglag dahil bigla siyang pumreno kaya’t no choice na ako kundi sundin ang sinasabib niya na kumapit sa kanya ng mahigpit.
Nang ginawa ko ang bagay na iyon ay mabilis akong dinalaw ng hiya dahil ibang kuryente ang dulot noon sa akin.
Buti na lamang talaga at nakarating na kami sa simbahang sinasabi niya.
“Pang kotse ka nga talaga, ’no?” aniya at tumawa. Gusto ko sanang ’wag siyang tumawa dahil nadadala ako pero hindi ko ginawa dahil kusang gumuhit ang ngiti sa aking mga labi.
“Hindi rin. Mabilis ka lang talagang mag-drive.” Sabi ko at nanguna na akong maglakad papasok sa simbahan na nagsisimula na pala.
“Dito na lang tayo sa may likod.” Siya ang nag-suggest na sa pinakadulong upuan kami maupo at ano pa nga bang magagawa ko kundi ang sumunod sa kanya.
Naging maganda ang takbo ng misa at maganda ang naging sermon ng pari dahil tungkol iyon sa buhay ng tao.
“Magbigayan tayo ng kapayapaan sa bawat-isa.” Wika pa ng pari na siyang hudyat para magsabihan kami ng peace be with you.
After ng misa ay dumiretso kami sa isang Filipino style restaurant at um-order kami ng parehas na tipo ng silog na may isine-serve kasama ang tocino at embutido. Tadtad na tadtad na nga ang akin ng hot sauce, e. Favorite ko kasi ang hot sauce.
“Hot sauce is life ka rin pala, e.” At laking gulat ko na tadtad din ng hot sauce ang kaniyang pinggan.
Tawanan kami matapos iyon.
“Kain lang ng kain!” aniya at naka-anim na fried rice na ako.
“Okay.” Madaling-madali akong kumain dahil tapos na siya at ayon nga at nagbabayad na siya.
“Dapat ako na ang pinagbayad mo.” Sabi ko sa kanya ng pabiro.
“Treat ko ’yon sa’yo.” Aniya at lumakad kami palabas ng naturang kainan.
Agaw pansin talaga kami ni Angelo sa mga nandoon lalo na’t puro kababaihan ang mga kumakain pero hindi naman na iyon bago.
“Shot na lang siguro tayo mamaya dahil wala namang pasok bukas.” Suggestion ko sa kanya nang makarating kami sa bahay.
“S-sige ba!” aniya at dumiretso na sa loob ng bahay niya marahil ay para magpahinga na.
Dumaan na nga ang hapon at gabi na. Ilang case ng red horse ang nasa refrigerator ko para sobrang lamig sinamahan ko na rin ng pulutan na sisig.
“Alam mo, pangarap ko rin na maging isang photographer at mag-travel overseas lalo na sa European country. Ang cool kasi, ’no?” bigla na lamang niyang pag-o-open ng naturang usapin sa akin.
“Oh, e baki hindi mo sibukang i-pursue? Sayang!” sabi ko sa kanya na nakangiti.
“Gusto kasi ni Angela na may kuya siyang teacher, e.” Naging malungkot ang kaniyang mga mata nang sabihin niya iyon.
“Tsaka mahaba pa naman ang oras kaya kaya ko pang mag-travel. Maybe sooner.” Matapos niyang sabihin iyon ay nag-cheers kaming dalawa. Alas otso na nang gabi at nakaisang case na kami.
Parehas man kaming malakas uminom ay talagang mandadaya ang alak dahil unti-unti na rin akong nakakaramdam ng konting pagkahilo pero tuloy pa rin ang laban dahil goal namin ay makaubos ng tatlong case ng beer ngayon gabi.
“I-ikaw.. b-bakit parang wala kang problema sa buhay? Parang ako nalang parati ang nagke-kwento.” Nagtatampo ang tono niya habang nakatitig sa akin ng malapitan. Kung alam niya lang kung anong epekto ng ginagawa niya.
Hindi ako makahinga sa kilig.
“Hindi naman kasi ako problemado parati.” Kahit na ang totoo ay hirap na hirap akong i-reach out ang pamilya ko sa patungkol sa totoong nararamdaman at gusto ko sa buhay. I mean, hindi ako for marriage life. I want to be someone na ako na hindi na kailangan na mag-pretend. Malaya kumbaga. And to tell you honestly, hindi sinasadya ng puso kong ma-fall kay Angelo ng sobra.
“Okay. Okay.” Aniya habang hawak ang isang uri pa ng inumin na popular sa mga kabataan. Brandy iyon na galing sa fridge at mukang alam ko na ang iniisip niya.
“K-kaya pa? Itong alak na’to tsaka beer.” Mapanuya niyang ngiti kahit papikit-pikit na siya.
“Challenge accepted!” pagkasabi ko pa lamang noon ay nasabi ko sa sarili ko na kailangan kong maging maingat dahil baka may mangyaring hindi maganda gaya ng pag-amin kong gusto ko siya.
“Walwal is life!” sabi pa niya bago naming pinagsunod ang pagtagay ng magkaibang alak. Nanununtok lang talaga ang lasa. Shit!
To be continued….
HKS-PART XV
HINDI KO SINASADYA-PART XV
ANGELO
Masakit ang aking ulo nang magising ako at mas pinasama pa noon ay nang maramdaman ko ang lamig dahil naka-boxer shorts lang ako at walang pang-itaas na damit. Hindi ko na alam ang nangyari kagabi pero ewan ko kung bakit nakahiga pa ako rito sa kama katabi si Kian. Tulog na tulog siya at hindi ko alam kung bakit parang lalong sumakit ang aking ulo nang makita kong ayon pa rin ang kaniyang kasuotan.
“Ano bang nangyari kagabi?!” pagmamaktol ko sa akin sarili. Hindi ko ito gusto dahil napaka-strange sa pakiramdam. Kaya’t bitbit ang aking mga damit na nagkalat sa sahig ay lumabas ako ng kaniyang apartment at doon ko napagtantoong mag-aalauna na ng hapon.
Ganoon pala kahaba ang naging tulog ko? Shit!
Dahil sa sakit ng aking ulo, minabuti kong uminom ng napakalamig na tubig at nagluto rin ako ng noodles dahil gusto ko ng mainit na sabaw.
Mayamaya lang din ay natapos akong magluto kaya’t kumain na ako. Habang hinihigop ko ang sabaw ng noodles ay pilit kong inaalala ang mga nangyari kagabi at pesteng utak ’to dahil wala akong maalala.
Ang huli ko lang natatandaan ay ang pag-inom namin ng brandy habang nilalaklak ang mga beer na alam kong ’di namin naubos dahil may kalahating case pa akong nakita sa salas ni Kian kanina.
“Ano bang nangyari kagabi?” sabunot ko pa sa sarili ko.
Lumipas nalang ang maghapon ay hindi ko pa nakikita si Kian na lumalabas ng bahay kaya’t nag-aalala din ako sa kanya kahit papaano.
Akmang lalabas pa lang ako ng bahay nang saktong makita ko siya na may kausap sa cellphone niya kaya’t hindi ko na siya ginambala.
3 days na ang nakakalipas mula noong mag-inom kami ni Kian at ngayon ay sinamahan niya akong tumingin ng kotse para sa sarili ko. Matapos din naman iyon ay nagpatuloy na siya sa pagmamaneho at ewan ko ba kung bakit walang gustong magsalita sa amin.
Namalayan ko na lang na bumaba ako nang itigil niya ang kotse niya at bumaba siya. Bumaba rin ako at laking gulat niya sa sunod kong ginawa.
Hinawakan ko ang kuhelyo ng kaniyang uniporme dahil ilang araw ko na itong kinikimkim.
“Kian, bakla ka ba?” tanong ko sa kanya at hindi ko alam kung bakit sunud-sunod ang paglunok niya.
“O-oo.” At nagpuyos ang aking ulo dahil sa galit. I never thought na bakla pala siya at ang galing niyang magpanggap, effective!
“Noong gabing mag-inom tayo… may nangyari ba sa’tin? Tinira ba kita? Ginahasa mo ba ako?!” hindi ko na nakilala ang sarili ko dahil sa mga binitiwan kong mga salita.
“Oo, may nangyari sa atin noong gabing ’yon at patawarin mo ako sa nangyari. Nilamon tayo ng espiritu ng alak.” Sabi niya at binitawan ko ang kwelyo niya at sinuntok ko siya ng isa at hanggang namalayan ko nalang na yakap na niya ako para patigilin sa pag-iyak.
Iyon ang huling usap namin ni Kian at halos hindi ko na siya binibigyan ng pansin pero may parte ng katawan ko na nagi-guilty dahil doon sa nangyari. We used to be friends at parang magkapatid na rin kaming dalawa.
One night habang kumakain ako ay naisipan kong tumawag sa radio station na nagbibigay payo sa mga caller at para sa kaalam niyo ay ngayon ko lamang ito gagawin.
“Hello!” iniba ko ang tono ng boses ko ng konti ang boses ko para hindi ma-recognize ng mga nakakakilala sa akin.
“Hi,Good everning, Mr! Anong maipaglilingkod ko sa’yo?” sagot ng babaeng DJ.
“I have a problem..” napa-english na ako pero ayos na rin dahil iyon ang kusang lumabas sa aking bibig.
“Okay, Mr.. anong problema mo? Paano ako makakatulong sa’yo? Magkwento ka at makikinig ako.” Kaya’t nagsimula na akong magkwento.
“Four days ago nagpakalasing kami ng kaibigan ko ng todo and unluckily, wala akong halos matandaan kinabukasan dahil sa sobrang dami ng nainom ko. But as times passed by, I never thought na mari-realized ko na itong kaibigan ko ay bakla pala at kanina lang kami nagkalinawan na may nangyari sa amin.” Panimula ko na para bang ang lungkot para sa akin nito.
“Continue, Sir.”
“Knowing the fact that he’s gay and something happened between me and him during that night, hindi ko maipagkakailang nalulungkot ako at hindi mawala sa isip ko na magkaibigan kami at nagi-guilty akon kasi nasaktan ko rin siya physically. Ano bang dapat kong gawin? Should I say sorry and confront him or should I totally forget everything pati ang pagkakaibigan namin. Look, I’m a straight guy and I don’t know how to deal with it kaya please.. help me dahil nahihirapan na ako.” Pagkekwento ko. Ang sarap sa pakiramdam na nasabi ko iyon dahil para akong sasabog na bomba rito kapag wala akong napagkwentuhan nito.
“Alam mo, bihira ang mga kagaya mong straight guy na magko-confess na ganito on-air. Nakakatuwa ka pero balik tayo sa problema mo at ng kaibigan mo, tama ba?” panimula niya.
“Oo, tama.” Sagot ko pa.
“Alam mo, feeling ko alam mo naman ang dapat mong gawin d’yan at feeling ko na natatakot ka na aminin sa sarili mo na may nararamdaman ka na rin sa bestfriend mo. Look.. hindi lahat ng straight guy na pumatol sa gay ay gay na rin. Mahirap ipaliwanag pero sa aking palagay ay ikaw ang may problema. Klaruhin mo ’yang nararamdaman mo dahil ikaw din lang ang mahihirapan kapag lumayo na siya sa’yo. Be a man, bro. Don’t let the society dictate nor hinder yourself para maging masaya. And regards sa choices na ibinigay mo, I think it’s best kung i-confront mo siya dahil baka may parte ng istorya na hindi mo pa nalalaman since lasing ka rin noong gabing ’yon.” Doon na natapos ang paghingi ko ng payo.
Tama and DJ na iyon dahil pakiramdam ko ay nagkaroon na ng puwang sa puso ko si Kian at ayaw ko lamang iyong i-admit dahil nga pakiramdam ko ay mali ito.
“Kian..” simula ko ng pagbuksan niya ako ng pinto. Bakas sa mukha niya pag-iyak kaya ng tawagin niya ang pangalan ko ay niyakap ko siya.
“A-angelo?” gulantang siya lalo na sa sunod kong ginawa. I kiss his both cheeks and I look into his eyes and there I said, “sorry.”
“Sorry kung hindi kita pinakinggan. Everything’s cleared to me now.” Saad ko
“Sorry din, Angelo. Hindi ko agad sinabi sa’yo na noong araw na nakilala kita ay nahulog na ako sa’yo. Patawad dahil bago lang din sa akin ito… ang ganitong pakiramdam. Noong una ay nilalabanan ko pa dahil alam kong lalaki ako pero hindi ko mapigilan ’tong puso ko na umibig sa’yo. It sounds corny pero sa’yo lang ako nagmahal ng ganito. Mahal kita, Angelo at hindi k—,” hindi ko na siya pinatapos pang magsalit dahil siniil ko na siya ng halik at masarap iyon sa pakiramdam lalo na nang gumihit sa mukha niya ang pagkabigla.
Doon nagwakas ang gabi namin ni Kian na parehas busog na busog ang aming mga puso ng saya at sa sandaling ito ay HINDI KO SINASDAYANG mabuksan ang isang bahagi ng aking mundo. At ang mundong iyon ay si Kian.
To be continued…
HKS-PART XVI
HINDI KO SINASADYA-PART XVI: ROAD TO FOREVER
KIAN
Ilang araw na ang lumipas and I realized that the most precious thing in life is happiness. Yes, and it was awesome view of life na gaya ng mga larawan na kuha ko sa kanya ay siya namang pagkabog ng dibdib ko dahil sa kilig.
He’s holding my hand while he was sleeping right next to me at hindi ko maiwasang kuhanan siya ng picture habang nasa ganoon posisyon. He’s topless and he’s just too handsome para hindi maging perperkto ang larawan niya sa bawat shot na kinukuha ko. Ni hindi ko na kailangan pang umanggulo pa dahil and 2D picture niya ay sapat na.
“Hindi pa ba tayo babangon, Kian?” ang tanong niya sa akin.
“I’m enjoying the view.” Kaswal na sagot ko.
“Enjoy lang.” Aniya at humagikhik ng tawa.
Wala man kaming formal na ligawang nangyari ay alam namin sa aming mga sarili na we both love each other. Sa madaling salita ay kami na ni Angelo na dati ay pangarap ko lamang na mangyari. Kaya siguro ako dinala ng tadhana rito sa Quezon ay para ipakilala sa akin ang bagong mukha ng pag-ibig.
Iniisip ko lang ang mga bagay na iyon ay kakaibang saya na ang aking nadarama. Siya lang pala ’yong taong hinahanap ko sa loob ng 26 years ko ng nabubuhay dito sa mundo. Sana pala ay noon ko pa siya nakilala para mas nakilala at nakasama ko pa siya ng matagal.
“Timang! Ngiti-ngiti ka na naman d’yan! Tama na ang day dreaming dahil may pupuntahan tayo.” Wala akong ideya kung saan kami pupunta kaya’t masayang-masaya akong naligo agad at nagsuot lang ako ng puting t-shirt at denim pants. Nakasabit din sa leeg ko ang DSLR ko para naman maging memorable para sa akin ang araw na ito. Ito kasi ang unang araw na lalabas kami bilang magkarelasyon or magnobyo.
“Tara na, uy!” at mahina pa niya akong pinitik sa tenga kaya’t napatawa tuloy ako ng wala sa oras.
“Coming!” sabi ko at nagtatalon na lumabas ng apartment ko. Nakita namin si Tere na may kausap na babae kaya’t nag-wave nalang kami na aalis at pinabantayan ko ang bahay sa kanya.
Hindi alam ni Tere ang score sa pagitan namin ni Angelo dahil alam niya lang ay magkaibigan kami at parehas ng trabaho. Pero para sa akin ay okay na sigurong hindi pa niya muna alam dahil baka mabigla na lamang s’ya lalo’t parehas nga raw kaming crush na crush niya.
“Tara na!” dumungaw siya sa bintana ng bago niyang SUV na ilang araw pa lang niya nabibili. Mayaman din ang isang ’to pero hindi halata dahil simpleng-simple lang siya kung mamuhay.
“Okay po!” at sumakay ako sa tabi niya.
“Simulan ang maghapon saya!” sabi niya at nag-drive agad siya. He’s a good driver, though.. ’Yong iba kasi ay mangangapa pa sa una pero ibahin niyo si Angelo. Maybe he has a background on driving four wheels.
“Saan pala tayo pupunta?” tanong ko sa kanya dahil wala talaga akong ideya kung saan kami pupunta.
“Basta.” Aniya at bigla kaming tumiigil sa gilid ng dangwa.
“H’wag ka nang bumaba. Saglit lang ’to.” Hindi nga siya naging matagal dahil may inilagay siya sa compartment na kung ano at tumabi sa akin at panandaliang ngumiti paharap sa akin at iniabot ang tatlong rosas na puti na nagpakilig sa akin ng todo.
I usually give flowers sa mga babaeng nililigawan ko noon and it really feels like heaven dahil mamatay ka sa kilig.
“Para sa akin ba talaga ’to?“pagkaklaro ko bagama’t klarong-klaro naman na para sa akin ang tatlong bulaklak na ito.
“May iba pa bang tao rito?” tumawa pa siya at umiling naman ako. “Wala, ’di ba? Para sa’yo talaga ’yan at gaya ng kulay ng mga rosas na’yan, klaro at malinis din ang pag-ibig ko sa’yo.” Napaka-korni niyang banat pero ’yong puso ko parang gustong kumuwala.
“Pinapakilig mo ba ako?” pabebe kong tanong.
“No! Gusto ko lang na mahulog ka pa lalo sa akin.” Straight niyang sabi at hinalikan pa ang aking kamay na hiniling ko na sana ay sa labi na lang. Pero matapos lang ang thought kong iyon ay lumapat na ang labi niya sa aking labi. Kainis! I’m no longer a child pero he’s driving my system insane.
Smack lamang iyon pero iba ang epekto nito sa akin.
“I love you, Angelo.”
“I love you too.”
Mabilis lang ang naging byahe namin at nang sabihin niyang nandito na tayo ay piniringan niya muna ako kaya’t sumunod naman ako. I was only waiting for his command and nang mabuksan niya ang pinto ay inalalayan niya ako para makababa at he guided me as well.
“Halos 50 steps ang ginawa namin bago niya ipatanggal ang piring ko sa aking mga mata.
“We’re here to meet my parents..” aniya at hindi ko alam kung bakit ako biglang naluha sa tuwa.
“H’wag kang umiyak, please. Baka sabihin ni Mama at Papa pari na rin si Angelo na pinapaiyak kita.” Aniya pero bakit ba? Masaya lang talaga ako. This thing never happened to me before.
“Opo, hindi na po.” I said with my pa-cute na tone.
“Nga pala, Ma, Pa, si Kian po.. siya po ’yong kinukwento ko sa inyo noong isang araw. Nobyo ko po. And Angela, Kuya Kian mo na rin siya.” Anito at ewan ko ba kung bakit nahihiya ako. Bilang paggalang ay lumuhod ako sa harapan nila at nagsalita.
“Tito, Tita, Angela.. you’ve had great son. H’wag po kayong mag-alala dahil aalagaan ko po siya dahil mahal na mahal ko po ang anak niyo. San man po kayo naroroong tatlo ay sana po ay matanggap niyo ang relasyon namin ni Angelo. Mahal na mahal ko po si Angelo at hindi ko po ikinahihiya ’yon. Salamat po sa pagbibigay ng permiso na makilala ko siya at maging nobyo. “ simula ko na nagbigay ng naka-fixed na ngiti sa labi ni Angelo.
“Pangako ko po na hindi ko siya sasaktan..” sabi ko pa at at matapos din iyon ay nagdasal kami ni Angelo ng sabay.
“Thank you for coming into my life, Kian. I love you!” hindi ko sinasadya na mapangiti pero matapos niya iyong sabihin ay daig ko pa ang nanalo sa loto.
“Mahal din kita, Angelo.” Sabi ko at niyakap niya akosa harap ng kaniyang mga magulang at kapatid.
To be continued…
HKS-PART XVII
HINDI KO SINASADYA-
PART XVII (FINAL PART)
(Dream catcher!)
ANGELO
Two weeks na ang nakakalipas simula noong maipakilala ko si Kian sa pamilya na meron ako at gaya ng dream catcher na suot ko ngayon ay parang wala akong nararamdamang lungkot.
Nngayon nga ay bumangon ako upang dalahan sana siya ng almusal. Tamad kasing magluto ang isang ’yon at naobserbahan iyon sa loboob halos ng mag-iisang buwan namin pagkakaintindihan, or relasyon.
Pagkalabas na pagkalabas ko pa lang ng pintuan ay nakita ko siyang nakaupo sa terrace ng bahay ko at bihis na bihis siya.
“Hey!” sabi ko para gulatin siya at hindi naman siya nagulat dahil kalungkutan ang nababasa ko sa kaniyang mukha.
“Uy! Anong problema?” tinabihan ko na siya para i-cheer up pero blangko pa rin ang kaniyang mukha.
“Pumasok muna tayo sa loob.” Pagsusumamo niya kaya’t iyon ang ginawa namin.
“So tell me, anong problema?” panimula ko.
“I’m leaving..” diretsahan niyang sagot.
“Ano ulit ’yon?” tama ba ang narinig ko na aalis siya? Pero bakit kailangan pa niyang magpaalam sa akin? Babalik naman siya, ’di ba?
“I’m leaving..” pag-uulit niya kaya naman napatawa ako bigla dahil doon.
“Lagi ka namang umaalis, ’di ba? So… bakit kailangan mo pang magpaalam? Tsaka babalik ka naman, ’di ba?” matapos kong sabihin ang mga iyon ay inakbayan ko pa siya.
“No… hindi sa ganoon.” Hindi ko talaga siya maunawaan.
“W-what do you mean?” sagot ko na medyo nauutal dahil hindi ko talaga siya naiintindihan.
“I’m leaving at hindi ko alam kung babalik pa ako. Hindi ko pa sana gagawin ang bagay na’to, o kailanman ay hindi pumasok sa isip ko na iwan ka pero I have to. Seven months pregnant si Nicole.. ang dati kong fiance.” Tila bombang sumabog ang aking damdamin nang marinig ko iyon mula sa kanya. Alam kong nagbibiro lang siya kaya’t napatawa ako ng mahina.
“Nagbibiro ka lang, ’di ba? Ang effective, Kian..” pero hindi siya nag-react so it means totoo ang sinabi niya na nabuntis niya ang dati niyang fiance.
“No, hindi ako nagbibiro, Angelo. Nabuntis ko ang ex ko at kailangan ko siyang panagutan dahil dinadala niya ang magiging anak ko.. namin.” At doon bumuhos ang luha sa aking mga mata.
“Bakit hindi mo kaaagad sinabi? Bakit hinayaan mo pa sa puntong ganito? Napaka-unfair mo! Dinala mo ako sa isang paraiso pero bangungot lang pala ang babagsakan ko! Anong klaseng tao ka? Minahal kita, Kian! Minahal kita!” madamdamin kong sabi sa kanya.
“Hindi ko sinasadya..” nakakaasar niyang tugon.
“Hindi mo sinasadya o planado mo na talaga ang lahat?” hinawakan ko na siya sa kwelyo at nagsalita siya.
“Hindi ko intensyon na saktan ka pero ayokong takbuhan ang responsibilidad ko bilang ama sa magiging anak namin kaya’t maaari let me go.” At binitiwan ko siya na umiiyak na rin.
“Alam mo, ang sakit sa’kin nito. Kahit anong pilit kong hilahin at pigilan ka ay hindi ko magagawa dahil anak ko na ang kalaban mo. Siguro nga ay destined na akong mag-isa…”
“Patawarin mo ako, Ange—” hindi ko na siya pinatapos pang magsalita dahil kada maririnig ko ang kaniyang boses ay libo-libong kirot at sakit ang nararamdaman ko lalo na ng aking puso.
Sa loob ng halos ilang buwan niyang pagtira sa apartment ay masasabi kong mahal na mahal ko na siya at hindi ko alam kung bakit kailangan na dumating kami sa ganitong punto. Ang sakit mapaglaruan ng tadhana.
“UMALIS KA NA, KIAN! AYOKO NANG MAKITA PA ANG PAGMUMUKA MO!” Bakas sa mukha niya ang kalungkutan at umiiyak na rin siya ng bahagya gaya ko pero kailangan kong maging matatag. Kailangan ko siyang i-let go.
“Ano pang tinitingin-tingin mo d’yan? Manloloko ka! Pinaibig mo’ko tapos iiwanan mo rin pala ako? Astig ka rin, e! Gago ka!” at hindi ako natinig na sabihin ang mga bagay na’yon dahil nasasaktan ako. Wala lang pala sa kaniya lahat ng pinagsamahan namin at pati na rin ang masasayang alaala na nilakha naming dalawa. Nakakagago lang.
“Patawarin mo ako, Angelo. I never asked for this to happen. Pero hindi ko rin ito kayang takasan. I knew na hindi ito magiging madali pero sana maintindihan mo. At kung ikaw ang nasa kalagayan ko ay gagawin mo rin ang bagay na ito. Kaya habang kaya ko pang iharap ang muka ko sa’yo ay gagawin ko. Patawarin mo sana ako kung minahal kita ng sobra. Pero lahat nga talaga ng bagay sa mundo ay may hangganan.. Salamat sa pagdating sa buhay ko at salamat sa mga alaala at sa mismong pagmamahal mo. Hindi ito madali pero alam kung mapaghihilom ng panahon ang sugat na nilakha ko diyan sa puso mo..” umiiyak na siya habang sinasabi ang mga bagay na iyon kaya’t nang yakapin niya ako ay hindi ako nag-react.
PAGKABIGO. Bago ito sa aking pakiramdam at ganito pala ang feeling na masaktan ka dahil sa pag-ibig. Akala ko ay hindi ko na mararanasan pa ang sakit na ito pero nagkamali ako. Hindi ko pala kayang umiwas sa sakit na nararamdaman ko ngayon dahil tao nga lamang pala ako.
“KIAN…” garalgal na ang tono ng boses ko pero kailangan ko itong gawin.
“Mag-ingat ka.” Iyon ang nasabi ko pero mas masakit ang mga katagang binitawan pa niya.
“Last thing na gusto kong sabihin sa’yo, Angelo… Let’s end this. Let’s end our relationship.”
Para akong sinakal ng limang tao dahil sa mga narinig ko pero alam kong parte lamang iyon ng buhay kung saan kailangan kong masaktan para sa susunod ay matuto na ako.
“Kian, ang sakit nito para sa’kin pero lagi mong tatandaan na mahal kita at kahit wala na tayo ay itanim mo sana d’yan sa puso mo na minsan sa buhay mo ay may Angelo Asis na nagmahal sa’yo. Ingat ka sa bagong buhay mo sa Manila..”
“Ikaw din… mahal na mahal kita.” At sa huling pagkakataon ay naglapat ang aming mga labi.
Sakay ng kaniyang sasakyan ay umalis siya habang walang humpay na pumapatak ang luha sa aking mga mata. Ito ang hirap na wala kang pamilya. Wala akong masandalan lalo na’t nasa probinsya si Tere at alam ko ay bukas pa ang kaniyang balik.
“Ma, Pa, ang sakit pala..” bulong ko sa hangin at nilunod ko ang sarili ko sa alak.
Doon nagbalik lahat ng masasayang alaala na hanggang alaala nalang dahil hindi na kami pwede pang magsamama. Unang pumasok sa alaala ko ay iyong sandaling nakilala ko siya.
“Pasensya na. Nagulat yata kita..” iyan ang bungad niya sa akin nang makalabas siya ng kotseng kanina lang ay tila walang laman.
“Hindi naman. Okay lang ako.” Sagot ko.
“Kian!” sigaw ni Tere at nilingon naman siya nito.
“Siya ’yong sinasabi ko sa’yo kagabi. Si Angelo—may ari ng paupahan dito.” Ang singit pa ni Tere.
“Ahhh.. ikaw pala ang may ari.” Sabi nito at binasa ko ang buka ng kaniyang bibig. Masyado kasing mapula ang labi niya at ..
“Kian.” Doon na lamang natigil ang pagkatuliro ko sa bibig at labi niya nang iabot niya sa akin ang kaniyang kamay.
“Angelo.” At may kung ano sa kamay niya nang maglapat ang aming mga kamay. Mabilis pa sa tatlong segundo ko iyong hinawakan dahil hindi sa magaspang ang kamay niya, kundi dahil may kung anong dumaloy sa kamay ko.
Parang kailan lang ay magkakilala lang kami pero ngayon ay nagwakas ang lahat. Masyadong mabilis ang lahat.
“Bro, salamat sa libreng tanghalian, ha? Bawi ako sa’yo next time.” Aniya nang mailapag ko na ang niluto kong tinolang manok na akmang-akma sa kondisyon ng panahon.
“Ano ka ba? Hindi mo na kailangan na bumawi, tsaka besides, magiging kapitbahay mo na ako kaya dapat lang kitang i-welcome. At bago pa lumamig itong sabaw ay kumain na tayo!” Ang sagot ko.
“Sige ba!” ang sabi niya bago tuluyang nagdasal at kumain. Nakakatuwa siyang kumain dahil sarap na sarap siyang sumubo na akala mo ay ninanamnam ang bawat nguya.
“Kumain ka rin, bro. H’wag mo lang akong panoorin. Paano ka mabubusog niyan?“aniya at doona ako natauhan. Napatawa na nga lang ako bigla dahil sa sinabi niya.
“Ang gana mo kasi kumain.” Ang isinagot ko sa kanya at nagsimula na rin akong kumain.
“Masarap kasi.” Sagot naman niya.
“H’wag kang magbiro dahil baka parati na kitang maipagluto.” Singhal ko.
“Pabor sa’kin ’yon.” Natatawang sagotb niya.
“Loko!” sabi ko naman pabalik.
Ang ganda ng naging usapan naming dalawa at namalayan nalang namin na naubos na namin ang lahat ng pagkain na nakahain sa lamesa kanina.
“Nabusog ako do’n. Sana sa susunod uli.” Aniya habang hawak-hawak ang kaniyang tiyan na nangangahulugan na nabusog siya sa niluto ko. Ibayong saya ang dulot noon sa akin kaya naman gumuhit ang ngiti sa aking mga labi bago ako nagsalita.
“Buti nabusog ka sa niluto ko.”
“Masarap nga kasi, bro.” Aniya na determinadong masarap talaga ang kinain niya.
“Sabi ko nga.” Sagot ko pabalik.
Isa-isa ko pang naalala lahat ng pinagsamahan namin at hindi ko makayanan ang pagpigil sa aking mga luha. Ayokong alalahanin pa ang aming mga pinagsamahang dalawa pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na maalala na iniligtas niya ang buhay ko mula sa mga akyat bahay, nakinig siya sa kwento ng buhay ko, sinamahan niya akong maligo sa ilog, nagtrabaho siya sa Unibersidad na pinagtatrabahuhan ko, nag-iisang bisita at kaulayaw niya ako noong birthday niya, nagkainuman, nalasing, may nangyari, nagtapat siya at naging kam at ipinakilala ko pa siya pamilya ko… Pero ang hindi ko makayanan ay itong panghuli na bagong-bago pa lamang na natapos… ang paghihiwalay namin ng landas.
Misan hindi ko sinasdyang sisihin ang sarili ko kung bakit umabot sa ganito ang lahat pero alam ko sa paglipas ng panahon ay maghihilom din ang sugat na nilikha niya sa puso ko… sa buhay ko.
To be continued…
HKS-EPILOGUE
HINDI KO SINASADYA-
EPILOGUE
ANGELO
After 4 years…
“Congrats, Bro!” iyan ang sabi sa akin ni Jeff nang sa wakas ay ikasal ako sa isang fashion designer na si Francheska. Francheska is everything to me now at laking pasasalamat ko dahil dumating siya sa buhay ko. I never knew na sa kanya ako mag-wawakas.
“Salamat, Bro!” iyan ang naging sukli ko sa kanya at tumingin sa pinakamagandang babae na nakilala ko sa buong buhay ko. I can’t help myself not to cry dahil kusang pumapatak ito marahil ay dahil iyon sa sobrang saya na nararamdaman ko. I am 31 now at hindi ko inaasahan na ganito pala kasarap ang end point ng isang rally.
Hindi naging madali ang lahat noong nawala si Kian sa buhay ko. I struggled a lot pero hindi ko hinayaan malunod na lang ako sa sakit at panghihinayang dahil lamang sa kanya.
There I went here sa manila para i-pursue ang pag-aaral ko ng photography. Dito ko rin nakilala si Francheska na asawa ko na ngayon. Siya ang nagpakilala sa akin ng tunay na pag-ibig. Marami kaming naging mga problema pero hindi niya ako iniwan at iyon achievement para sa aming dalwa.
Right after na manggaling kami sa reception ay nagtungo na kami sa airport para bumiyahe patungo sa Thailand dahil doon namin gustong mag-honey moon.
“I love you, Babe!” sabi ko at walang hiyahiyang hinalikan ko siya na sinuklian naman niya.
Kapag pala mahal mo ang isang tao ay wala ka na ring pakialam sa paligid mo dahil makita mo lang siyang masaya ay buo ka na rin.
“I love you too, Angelo!” aniya at hindi namin namamalayan na may batang kumapit sa aking pantalon at sa pagaanalisa ko ay nasa edad tatlo o apat na ang batang ito.
“Hey..” sabi ko at nakita kong sumulpot bigla sa harapan ko ang taong apat na taon ko na ng hindi nakikita.. Si KIAN.
“Jelo!” rinig kong tawag niya kaya’t napalingo ako at ang batang nagtatakbo papunta sa kanya.
“Uy, Angelo!” sabi niya at nagkapalitan kami ng tingin at binulong ko nalang kay Misis na kasamahan ko siya sa trabaho dati.
“Long time no see!” At nagyakap kaming dalawa ng ilang segundo.
“Anak mo?” tanong ko dahil hawig na hawig nga niya ang bata.
“Jelo, say hi to your tito Angelo.” Sabi niya sa anak niya na isinunod pa talaga niya sa akin ang pangalan. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti dahil doon.
“Hello!” Nakangiting sabi ng bata at yumakap pa sa akin at kay Francheska.
“By the way, Kian my wife.. Fracheska he’s Kian” sabi ko at nagkamay silang dalawa. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba na nakita ko siyang nalungkot pero baka namamalikmata lang ako.
“Nice meeting you!” sabi ni Kian at hindi ko maiwasan na magtanong.
“Nasaan ang mommy ni Jelo?” tanong ko at naging malungkot ang mukha nitong nagsalita.
“She died after she gave birth to Jelo.” Aniya at nagulat kaming dalawa ng misis ko.
“We’re sorry to hear that, Kian but we really had to fo na rin kasi dahil baka pini-page na ang pangalan naming dalawa ng mister ko.” Sabi ni Francheska at niyakap pa niya ang bata.
“Salamat! Ingat kayo!” aniya at kumaway-kaway pa at nakigaya pa ang nakangiting si Jelo.
“Take a good care of him! Magkamukha kayo, bro!” sabi ko at nagpasalamat na lang uli siya.
At doon ako napangit dahil masasabi kong naka-move on na nga akong talaga.
“Let’s go, my wife!” sabi ko at sabay kaming naglakad ng nakangiti.
Maaaring masaktan tayong ng hindi sinasadya pero tandaan din natin na kahit nasaktan tayo ay darating sa point ng buhay natin na magiging masaya din tayo at mahahanap din natin ang tunay na kaligayan kahit nga ako e, HINDI KO SINASADYA..
END!
Note: SALAMAT AT NAKARATING KA RITO. H’WAG KA NANG MAGALIT DAHIL GANYAN TALAGA ANG MUNDO. SMILE KA NA :)
Some things are not meant to happen nor to be.

