His Childhood Best Friend (BL) √
Amakowpikween · 19 chapters · 26,868 words
Author’s Note:
WARNING: This is BL!
This is a work of fiction.
Names, characters, business, events, places and even incidents are products of the author’s imagination only.
Read at your own risk: typo grammatical errors, mispelled words, bad words, cursing, flaws and such.
Vote and comment are really appreciated. If you have any concerns about my story, please let me know. I-DM niyo ako agad. Maraming salamat!
This story is under revision/renovation and editing.
Chapter 1
JEIRUS AXIEL TORREZE’S P.O.V
…
In-utusan ako ni Mama, na bumili ng mga sangkap na gagamitin niya sa kaniyang i-lulutong adobo.
Kinuha ko ang bisikleta ko at pinaandar. Tanging ito lamang ang ginagamit ko sa tuwing bibili ako ng mga kailangan namin. Malayo kasi ’yong tindahan kaya kailangan pang gumamit ng bisikleta.
Habang nagba-bike ako. Napadahan ako sa dating bahay nina Drie, my Childhood Best Friend.
I wonder kung ano na ang hitsura niya ngayon, for sure glow-up na ’yon.
Nang mag-high school kasi kami lumipat sila sa Baguio. Sobra akong nalungkot that time, siya lang kasi ’yong matalik kong kaibigan noon tapos iniwan pa ako.
Nang marating ko ang tindahan ni Aling Marites, umalis ako sa pagkaka-upo ko sa aking bisikileta at itinabi ito sa gilid.
“Aling Marites, pabili nga po!”
“Ano ’yon pogi?”
“Toyo, Suka, paminta, bawang at sibuyas po.”
Ka-agad naman niya kinuha ang mga sinabi ko, nang ma-ilapag na ni Aling Marites ang mga pinamili ko. In-abot kona sa kaniya ang bayad.
“Sukli mo pogi,”
“Thankyou po.”
Aalis na sana ako nang biglang magsalita si Aling Marites.
“Pogi, ’di ba kilala mo ang pamiliyang Dermunoz?” Bigla niyang tanong.
“Ahh, opo bakit po?”
“Balita ko kasi, babalik na raw sila rito sa linggong ito.”
Nagulat naman ako sa sinabi ni Aling Marites. Totoo ba? Sana naman hindi lang puro fake news na chismis ang pinagkakalat ni Aling Marites. Sana totoo, kasi hanggang ngayon umaasa akong muli kong makikita ang Childhood Best Friend ko. He’s not just friend or bestfriend for me. Dahil napaka-importante sa akin ni Drie. Yes I like him.
“Talaga po?” Abot tainga pa ang ngiti ko kay Aling Marites.
“Nang nakaraan kasi,” panimula niya. “May nakita akong naka kotseng pumarada sa harap ng dating bahay nila. Guwapo ’yong binata, anak yata ni Florenda.”
OMG! baka si Drie na ’yon! Shit sana nga siya na ’yon. Kapag nagkita kaya kami, natatandahan niya paba ako? Naalala niya paba ang dati niyang kaibigan? Sana naman naalala niya pa ako.
“Tapos nakita ko kahapon si Anna ’yong kaibigan ni Florenda. Sabi niya rito na raw ulit titira sina Florenda.”
“Sana nga po, para makita kona si Drie.” Wala sa sarili kong sabi.
“Ano ’yun iho?”
“Ah wala po, sabi ko po uuwi na ako baka hinahanap na ni Mama ang pinabili niya.” Pagdadahilan ko. Muntik pa akong mabuking!
“Sige po, uuwi na ako.”
Kinuha kona ang bike ko at pinaandar na. Habang nasa kalagitnaan ako nang pagbibisikleta iniisip ko pa rin ’yung sinabi ni Aling Marites. Sana nga totoo ’yun para makita ko na ulit siya.
>•<
KINABUKASAN maaga akong nagising para magjogging. Nang makalabas ako sa bahay namin nagsimula na akong mag-jogging.
Hanggang makalayo na ako sa bahay namin, napahinto ako nang makita kong may kotseng nakaparada sa harap ng dating bahay nina Drie.
My heart beats so fast. I felt excitement. OMG! ito naba ’yun Lord? Makikita ko na si Drie?
Naglakad ako hanggang sa makarating ako sa harap ng bahay nina Drie. Parang maraming tao sa loob dahil na rin may mga nagtatawanan.
Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Shit anong gagawin ko?
Makalipas lang ang ilang segundo nakatayo pa rin ako habang nakatalikod sa harap ng bahay nina Drie.
Suddenly someone speaks behind my back.
“Hay! Butiki!” Sabay hawak ko sa aking dibdib.
“May kailangan kaba iho?” Tanong sa akin ni Tita Florenda.
Wait si Tita Florenda nga! OMG!
“T-Tita Florenda?” Takhang tanong ko rito.
“You know me, huh?”
“T-Tita A-Ako po ito si Jeirus.” Itinuro kopa ang sarili ko para makumbinsing ako nga si Jeirus.
“Wait,” tiningnan ako ni Tita mula ulo hanggang paa hanggang sa…
“Jey Ey? Ikaw nga!” Gumuhit ang ngiti sa kaniyang labi nang ma-itsura-han niya ako. “Oh god, ’di kita nakilala. Ang laki-laki mo na.”
Bahagiya akong ngumiti. “Kayo rin po, parang bumabata.” Pangbobola ko sa kaniya, kinurot naman niya ako bigla sa tagiliran pero bahagiya lang din.
“Kumusta na kayo ng Mama mo?”
“Okay lang naman po,” sagot ko. “Balita ko po rito na po kayo titira ulit?”
Napatingin muna sa dating bahay nila si Tita bago niya ako sinagot. “Hiwalay na kami ng Tito Vincent mo.” Napayuko si Tita Florenda. “He cheated on me.”
Nagulat naman ako sa sinabi niya, omay ’di ko inaakalang magagawa ni Tito Vincent ’yun. Ang alam ko mahal na mahal nila ang isa’t isa.
“Sorry to heard that po,” magalang kong saad. Lumapit ako sa kaniya at hinaplos ang likod niya.
“You don’t need to apologyze,” sabay punas niya ng kaniyang luha. “Gano’n talaga wala akong magagawa.”
“Kaya po…r-rito na kayo titira ulit?”
She just noded
“Si Dr–”
Napahinto ako nang biglang magring ang cellphone ko. Dali-dali ko itong kinuha sa bulsa ng aking short.
I saw my Mother’s name on my phone screen.
“Wait lang po sasagutin ko lang,” tumango lang si Tita bilang tugon.
“Hello Mama?” Bungad ko sa kabilang linya.
“Anak, umuwi kana muna rito, nandito ang Kuya’t Pinsan mo.”
“Sige po ’Ma,”
In-end na ni Mama ang call.
“Tita, mauuna na po ako.” Paalam ko kay Tita.
“Ahh sige, i-kamusta mo na lang ako kay Minerva. ”
“Sige po, paalam po!”
Muli akong nag-jogging pabalik sa amin, lakad-takbo na rin ang ginawa ko para mapa-bilis ang pag-uwi ko.
Nang makarating ako sa harap ng bahay namin, mula sa loob ay dinig na dinig ko ang boses ng Pinsan kong si Tiffany.
Nang makapasok na ako napatingin silang lahat sa akin.
“PINSAN!” Dinig sa buong bahay ang boses ni Tiffany, lumapit siya sa akin at niyakap niya ako nang mahigpit.
“Teka-teka–Tiff ’di ako makahinga.”
“Ay sorry-sorry,”
Lumapit din si Kuya Conan sa akin at ginulo pa ang buhok ko. Bakit kaya ang hilig mang-gulo ng buhok ng mga lalaki ’no?
“Bunso, namiss kita ha.” Sabay kurot niya sa pisnge ko.
“Aray! Ang sakit no’n ha!” Reklamo ko.
“Bakit nga pala kayo nandito? Kuya, Tiff?” Pag-iiba ko sa topic.
“Dito na akez magco-college baks.” Si Tiffany ang sumagot.
“Bakit ayaw mo na ba kaming makita?” si Kuya.
“Hindi naman, ang O.A mo Kuya ha!”
“Anak,” tawag sa akin ni Mama. “Aalis muna ako. Ang Kuya mo at ang Pinsan mo na muna ang makakasama mo rito.” What’s happening here, pinabili lang niya akong sangkap kanina tapos ngayon aalis siya?
“Saan po kayo pupunta?” Takhang tanong ko kay Mama.
“Sa Probinsiya,” tipid niyang sagot.
“Marami kasing kailangan asikasuhin si Mama sa Probinsiya, bunso.” singit ni Kuya.
“Tapos naka juntis pa ang Kuya Cewell mo, baks.” Biglang sabi ni Tiffany na ikina-ismid ko.
“Huh!?”
“Yes, isa rin ’yun sa dahilan.” Sagot ni Kuya.
“Sabi ko kasi gumamit ng condom.” Dagdag pa niya habang natatawa sa sinabi.
“Osiya,” napatingin ako kay Mama. Dala-dala na pala niya ang isang maleta. “Aalis na ako ikaw Conan—” sabay tingin niya kay Kuya. “—ikaw na ang bahala sa kapatid mo ha, at ikaw na rin ang bahala rito sa bahay.” Bilin ni Mama.
“Ikaw Jeirus, huwag kang magiging pasaway sa Kuya mo ha, at pagbutihan mo ang pag-aaral mo sa darating na pasukan ha?”
“Opo, kayo po ’Ma. Mag-iingat po kayo sa biyahe.”
“Sige na, aalis na ako ha.” Pagkasabi ni Mama in-hatid nanamin siya sa labas.
Muling nag-abilin si Mama bago siya pumasok sa fortuner na sasakiyan namin, at tuluyan na siyang umalis.
Pinabili lang ako, pagdating ko naging ganito na. What happened? I meant, what just happened!?
To be continued…
Chapter 2
JEIRUS AXIEL TORREZE’S P.O.V
…
KINAGABIHAN iniisip ko pa rin kung ano ang dahilan bakit biglaan lumuhas si Mader pa-Probinsiya. At isa pa si Drie. Sayang ’di ko siya nakita kanina, sana bukas makita ko na siya.
“Jeirus!” Rinig kong tawag sa akin ni Kuya. Nandito ako ngayon sa loob ng aking kuwarto, nagmumuni-muni.
“Kuya!? Why!?”
“Kakain na!” Pasigaw niyang sagot.
“Sige, ayan na!”
—•—
“Ang sarap mo talagang mag-luto Kuya Conan.” Papuri ni Tiffany sa niluto ni Kuya.
“Naman,” tipid na sagot ni Kuya.
Ako naman nakatunganga lang sa pagkain.
“Hoy! Baks!” Napatingin ako kay Tiffany. “Kanina kapa tulaley diyan.”
“Ha? Ano ahmm…” anong sasabihin ko? Na iniisip ko si Drie. Nakng!
“Sino’ng iniisip mo, Jei? Mahal ka no’n huwag mong isipin.” Pang-aasar ni Kuya.
Sana nga, charot.
“W-Wala, iniisip ko lang si Mama.” Sabay baling ko ulit sa pagkain.
“Wushu, baka iniisip mo si Andrie.” Biglang sabi ni Tiffany na ikina-ismid ko. Wala talagang preno ang bibig mg babaitang ito.
Kaagad naman akong uminom ng tubig. “Grabe si Andrie nga,” Pang-aasar din ni Kuya.
Grabe naman ’tong mga tao na ’to.
“Hindi ’no.” Depensa ko, kahit totoo naman. Oo na, siya na. Kasalanan ko bang miss na miss ko na siya?
“Kumain na lang kayo nang kumain diyan.” Seryoso kong sabi.
Pagkatapos namin kumain, nagsipasok na kami sa aming mga kuwarto. Pagod daw ang dalawa sa biyahe kaya maagang matutulog.
Ako naman heto, hindi makatulog kakaisip kay Drie. Nakng gusto ko siyang puntahan ngayon, kating-kati na akong makita siya ulit. Gusto ko ulit magtungo sa dati nilang bahay.
Nando’n pa kaya sila ngayon? Or baka tiningnan lang nila kanina ’yung bahay? Baka pansamantala muna silang nanunupahan sa ibang bahay? Haist ’di kona keri ’to.
Kaya naman bumangon ako sa aking pagkakahiga, lumabas ako sa aking kuwarto at bumaba.
Pagkababa ko dahan-dahan kong binuksan ang pinto at lumabas. Dahan-dahan ko rin binuksan ang gate.
Nang makalabas na ako, para akong magnanakaw sa ginagawa ko. Ugh!
Naglakad ako nang naglakad. Gabing gabi na shit, it’s already 10 in the evening.
Wala ng tao sa labas, konti na lang din ang dumadahan na sasakiyan sa dahan.
Sampong bahay pa ang lalampasin bago ka makakapunta sa dating bahay nina Andrie.
Nang nasa harap na ako ng ika-walong bahay napansin kong wala na ’yong kotse kanina. So it means wala na sila? So sad naman.
Tumalikod na ako at aalis na sana nang biglang may tumawag sa pangalan ko.
“JEIRUS!!” sigaw nang kung sino, pagbaling ko nang tingin dito si Chloe lang pala ang Best Friend kong baliw.
Hingal na hingal siyang lumapit sa akin.
“Tangina, kanina pa kita tinatawag ’di mo ako naririnig?” Hingal na hingal niyang sabi.
“Huh?”
“Bakit ba kasi tingin ka nang tingin doon.” Sabay turo niya sa dating bahay nina Andrie.
“W-Wala nagpapahangin lang ako ano kaba.” Paliwanag ko—kunwari.
“Eh sus, umaasa ka pa rin ano?” Aray sa umaasa ha. Pero…yes.
“Umaasa?” Taas kilay kong balik na tanong.
“Na makita mo ang Childhood Best Friend na sinasabi mo.” Tila na-freeze ako sa kaniyang tinuran.
Hindi ako nakahimik.
“Silent means yes?” Taas kilay niyang sabi.
Tinalikuran ko siya’t nag-umpisa nang maglakad.
“Oh! Wait grabe ’to iiwan mo ako!”
—•—
NILIBRE ako ni Chloe rito sa may gotohan malapit lang naman sa village.
Impiyernes ang sarap ng goto nila.
“Bes,” tawag sa akin ni Chloe.
“Oh?”
“Bakit malungkot ka?” Takhang tanong niya.
Shit napansin nanaman niya, haist grabe lakas talaga ng impak ko kay Andrie. Hanggang sa pagkain ng goto naiisip ko siya. Eh paano nang mga bata pa kami favorite namin ’tong goto, lalo na ’yong maraming bawang at sibuyas tapos dudurugin namin ’yong itlog.
“Umalis kasi si Mama.” pagdadahilan ko kahit hindi naman talaga si Mama ang dahilan kung bakit nagkakaganito ako. Oo namimiss ko rin naman si Mama kaso kanina lang siya umalis, eh si Andrie pitong taon na kaming hindi nagkikita. Kaya sobrang miss ko na siya, ako kaya miss niya?—or baka nga hindi na niya ako kilala eh.
“Ahhh, lumuhas sa probinsiya ’Te?”
“Yes.”
Muli namin binalingan nang attention ang pagkain namin ng goto.
Nang matapos kaming kumain, ka-agad kaming lumabas at nag-umpisang maglakad ni Chloe para umuwi.
“Oh paano, gorabels na ako. Kita kits na lang ha, ingat sa pag-uwi!” Nagbesohan kami, “Ingat ka rin pa-uwi baks, and thanks sa treat mo.” Nag-umpisa na siyang maglakad patungo sa kanilang village, nang makapasok siya, tinuloy kona ang aking paglakad pauwi.
Ngayon mag-isa na lang akong naglalakad sa dahan. Habang naglalakad ako pauwi sa amin, tumitingin-tingin pa rin ako sa likoran ko—sa dating bahay nina Andrie.
Hanggang sa mabilis ang pangyayari saktong pagbaling ko nang tingin sa harapan ko ang siyang pagbunggo ko sa isang matigas na katawan—sa isang lalaki!
Sabay kaming napa-upo sa dahanan ng lalaking nakabanggaan ko.
“OUTCH!” Daing ko, shit ang sakit ng puwet ko.
Tiningnan ko ang lalaki naka jacket ito ng kulay pula naka jersey short may hood ang kaniyang ulo kaya hindi ko makita nang maayos ang mukha niya, napansin ko rin na may suot siyang facemask.
Tumayo ito at tinulungan ako sa pagtayo. “Are you okay?” Tanong niya.
“Mukha ba akong okay ha?” Bulalas ko sakaniya.
“Ohh, relax. I’m just asking if you’re—”
Bumangon ako’t pinagpagan ang pang-upo ko, hinarapan ko siya, “At iyan talaga ang itatanong mo ha? Are you out of your fucking mind? Sa tingin mo mababagsag ako rito sa matigas na sahig na ’to hindi ako masasaktan!?” Galit kong paliwanag.
“Tsk. Hirap talagang makipag-usap sa mga immature…” Bulong niya, ngunit narinig ko iyun. Nang tingnan ko ang kaniyang mga mata, na-pipi ako sa gusto kong sabihin sa kaniya. Tila bumagal ang oras, our eyes met. Ganiyan na ganiyan ang mga mata ni Andrie, singkit at parang nagkukulay asul.
“Hello? Then now, tititigan mo ’ko? Tsk. You look okay naman, so I have to go.”
Iniwan niya akong nakatulala roon. Bakit kasi kahit saan na lang ay naaalala ko siya, tapos nakakainis pa hindi manlang ako nakabawi sa lalaking iyun!
Pero mukha siyang guwapo, impiyernes.
—•—
KINABUKASAN hindi nawala sa isip ko ang lalaking nakabungguhan ko kagabi, shit naaalala ko pa rin ’yung mga magaganda niyang mga mata, ’yung poging boses niya. Ang tangkad-tangkad pa niya tantiya ko nasa 6-footer siya.
Singkit din pala mga mata niya. Oo kaya pala titig na titig ako kagabi sa mga mata niya. Naalala ko kasi sa kaniya si Drie. Singkit din kasi siya.
“Kailan ang enrollment?” Tanong ni Tiffany, kasalukuyan kaming nag-aalmusal kasama si Kuya Conan.
“Hindi ko sure e,” sagot ko dahil hindi ko naman talaga sure kung kailan.
“Ano kasi ang course mo Jeirus?” Tanong ni Kuya.
“Psychology.” Sagot ko sa kaniya.
“Ahh,” si Kuya. “Eh ikaw Tiff?”
“Same lang kami ni Jeirus, Kuya.” Sagot ni Tiffany.
“Oh, good luck then. Galingan niyo.”
Si Kuya Conan ay isang Practice Teacher sa mga SHS, sakto rin ang pagpunta niya rito dahil dito siya magtuturo niyan.
“Ikaw Kuya, kamusta ang pagiging Practice Teacher?” Tanong ko sa kaniya.
“Ito pinagkakaguluhan ng mga babaeng estudiyante.”
“Ang kapal Kuya ha!” Asik ko. Ang kapal ba naman ng mukha.
“True, kuya uso magkape ha, para kilabutan ka naman.” Singit ni Tiffany. Good, may kakampi ako.
“Wow ha, pinagtulungan niyo pa talaga ako ha.”
Guwapo naman talaga si Kuya Conan, guwapo naman sila ni Kuya Cewell dahil magkamukha lang sila kasi nga kambal sila. Pinagtitilian sila ng mga sangkabaklaan at sangkababaihan.
Ang pinagka-iba lang nila mas matino lang ng konti si Kuya Conan kay Kuya Cewell—hindi ko naman sinasabing ’di matino si Kuya Cewell ha. Si Kuya Conan kasi walang hilig sa pag Gi-Girlfriend. Hindi ko naman feel na kalahi ko siya kasi matipuno at lalaking lalaki ang dating. Si Kuya Cewell naman halos araw-araw iba-iba ang inuuwing babae no’n sa amin ’till now, kaya ayun siguro naman magtitino na siya kasi naka buntis daw ang lolo mo, so sana nga magtino na siya.
“How about your Best Friend, si Andrie?” Natigilan ako sa pagkain. Tiningnan ko si Kuya na ngayon ay ngumingisi, “Hindi ko nga siya gusto ano ba!” Depensa ko agad. Napatakip naman ako sa aking bibig nang ma-realize ko ang aking nasabi.
“Wala akong sinabing gusto mo siya or hindi. I’m asking if anong course niya!” Aniya sabay halakhak.
Okay, masiyado na akong napaghahalataan dito.
To be continued…
Chapter 3
JEIRUS AXIEL TORREZE’S P.O.V
…
LUMIPAS ANG ILANG ARAW pabalik-balik ako sa dating bahay nina Andrie. Ngunit hindi na sila bumalik pa rito, nagulat na lang ako nang makita kong may nakapaskil na ‘House for sale’ sa harap ng gate nila. Hindi ko na nga ba makikita ulit si Andrie? Wala na ba talagang chance na makita ko siya? Kasi hanggang ngayon umaasa pa rin ako na makita ang Childhood Best Friend ko.
Bakit sabi ni Tita rito na ulit sila titira? Pero bakit tinuloy na nila ang pagbenta sa dating bahay nila? Ano’ng nangyare? Ano’ng problema?—or baka naman nagkabalikan na sila ni Tito Vincent?
Hay! Siguro nga, hindi ko na siya makikita. Hindi ko na makikita ulit ang Childhood Best Friend ko.
“Sino’ng Childhood Best Friend mo?”
Halos mapatalon ako nang biglang magsalita si Kuya, shit nasabi ko pala ’yung iniisip ko.
“K-Kuya, kanina kapa riyan?” Shit kung kanina pa siya rito it means kanina pa niya ako naririnig na nagsasalitang mag-isa?
“Mediyo,” tipid niyang sagot.
“Ano bang iniisip mo riyan?” Dagdag niya.
“Ah wala-wala.” Sabay iling ko.
“Wala ka riyan, sino bang Childhood Best Friend ang iniisip– teka si Andrie ba? Ahh…”
Shit feeling ko namumula na ako ngayon dahil sa hiya.
“Silent means yes,” tumabi sa akin si Kuya. “Gusto mo siya ano?”
Oo gustong-gusto. ’yan sana ang isasagot ko kaso, hay! Nevermind.
“H-Hindi ’no!” Depensa ko ka agad. Very defensive ka baks.
“Okay sabi mo eh.” Tumayo si Kuya at muli niyang ginawa ang kaniyang ginagawa.
Makalipas ang ilang minuto ay nakarinig ako nang pag-door bell ng kung sino sa gate namin. May ginagawa si Kuya kaya ako na ang tumungo sa gate para tingnan kung sino ang nag d-door bell.
“Tagal!” Bungad sa akin ng babaeng nag do-door bell.
Binuksan ko ang gate at pinapasok siya, “Buti napunta ka?” Bungad na tanong ko kay Chloe.
“Bawal na ba’ng bumisita rito aber?”
“May sinabi ba ako?”
Inirapan niya lang ako at bigla na lang siyang naglakad papasok sa loob ng bahay namin, kumendeng-kendeng pa siya habang naglalakad.
—•—
Nang makapasok si Chloe sa loob namin kaagad niyang nakita si Kuya. Napa ‘O’ pa ang kaniyang bibig nang makita niya si Kuya.
“O-M-G. Ang pogi!” Malanding sabi ni Chloe. Ang lantod!
“Si Kuya Conan ko nga pala,” pagpapakilala ko sa kaniya.
“Hi miss,”
Halos magtatalon naman si Chloe dahil lang sa binati siya ni Kuya.
Hay! Chloe napaka-landi talaga.
“Hindi mo sinabi may pogi ka pa lang Kuya,” tiningnan niya si Kuya. “Hi, rin po. I’m Chloe but you can call me Love.”
Natawa lang si Kuya dahil sa inakto ni Chloe. “Tigil-tigilan mo nga ’yang kalandian mo, tara na sa taas.”
In-hila ko si Chloe papuntang taas dahil ayaw pa niyang tantanan si Kuya.
Nang makapunta kami sa kuwarto ko binitawan ko na ang pagkakahawak ko sa kaniya.
“Wow ha, maka hila ’to.” Reklamo niya.
“Bakit kaba kase napunta rito?” Masinsinan kong tanong sa kaniya.
“Ay parang ayaw mo na man akong binibisita ka.” Pangma-maktol niya.
“Nako Chloe, sunday ngayon at alam kong busy ka.”
Umupo ako sa aking kama, gano’n din si Chloe. Kumuha pa siya ng isang cotton pillow at ipinatong sa kaniyang lap.
“May i-chi-chismis ako sa ’yo accla.”
Parang ginanahan naman ako sa sinabi niya, siyempre chismis iyan tatanggi ba ako?
“Ay go! Spill the tea.” Masigla kong sabi, bigla akong nagkaroon ng energy!
“Sabi na e gaganahan ka.”
Sinamaan ko siya nang tingin.
“So ito na nga,” panimula niya. “May bagong lilipat dito sa village niyo.”
“Teka, may bagong lilipat?” Ako.
“Kakasabi ko lang ’di ba?” Si Chloe.
“Hindi ko alam ’yan ha.” Ako.
“Kailangan ba malaman mo?” Si Chloe.
“Sinabi ko ba?” Ako.
“HAy! HAy! HAy! Paano ko masasabi ang chismis kung makikipag-bardagulan ka sa akin ha?” Bulalas ni Chloe, sabay cross arm.
“Eh ikaw ’tong sagot nang sagot eh.” Ako.
“Ikaw ’tong dada nang dada.” Si Chloe.
“Hay kung sinabi mo na ’di ba?” Taas kilay kong sabi sabay rolled ng eyes.
“Ito na,” panimula niyang muli. “Nabalitaan ko kasi na aalis na raw dito sina Aling Alisson. Tapos may nakabili raw agad sa bahay niya.” huminga pa siya nang malalim. “Woah! Tapos ’Te alam mo ba kung sino ang titira?”
“Malamang hindi.”
“Siyempre.” sabay halakhak niya.
“Ang crush ko, iyong famous sa TikTok.” kilig na kilig pa siya habang sinasabi iyun.
“Ah ’yun lang ba,” walang gana kong saad.
Tumayo ako at lalayasan na sana siya at kukuha ng makakain namin dahil nakakahiya naman sa tukmol na ’to nang magsalita siya at ikinahinto bigla nang mundo ko.
“Ang pogi’t yummy kaya ni Andrie.”
Para akong na freeze sa sinabing pangalan ni Chloe, iyung feeling na parang umulit nang umulit iyung sinabi niya sa utak ko.
Dahan-dahan akong lumingon sa kaniya.
“A-Ano ng-nga ulit iyong pangalan?” Na-uutal kong saad, sana tama iyung narinig ko sana si Andrie nga iyon pero sino’ng niloko ko? Ang dami kayang Andrie sa buong mundo. Haist!
“Uy! Interesado siya.”
“T-Tama ba? A-Andrie?”
“Yes, si Andrie Nathan Dermunoz.”
And boom!
Halos manlambot ang tuhod ko, biglang umulit nang umulit sa utak ko ang pangalang kaniyang sinabi.
“Andrie Nathan Dermunoz.”
“Andrie Nathan Dermunoz.”
“Andrie Nathan Dermunoz.”
Oh god, si Drie na ba talaga ang sinasabi niyang bagong titira rito sa village kung saan kami nakatira?
Sana siya na nga talaga, kung siya na talaga iyon so makikita ko na siya? Nang araw-araw? Wait kailangan kong huminga.
“HOY BAKLA!” Napabalik ako sa wisyo nang sumigaw si Chloe, kanina pa pala ako nakatulala.
Napabuntong hininga muna ako bago nagsalita, “S-Sure ka? S-Si Andrei talaga ’yun?” hindi pa rin rumirihistro sa utak ko ang sinabi niya, parang ’di pa rin ako makapaniwala.
“Kilala mo?” Tanong niya.
“O-Oo s-siya iyung chi–”
“JEIRUS!!” biglang sigaw ni Kuya sa labas nang kuwarto ko kaya hindi ko nasabi kay Chloe na si Andrei ang Childhood Best Friend ko.
Kaagad naman akong nagmadaling tumungo sa pinto para buksan ito.
“May naghahanap sa ’yo sa baba.” Bungad sa akin ni Kuya nang mabuksan ko ang pinto.
“Huh? Sino na-naman?”
“Hindi ko rin kilala e, sabi niya siya raw si Atom kaibigan mo raw.”
At boom nandito na rin si Atom, ang Pinsan ni Andrie! Omay baka sina Andrie na nga iyung sinasabi ni Chloe.
Hindi kasi kilala ni Kuya si Atom dahil nakakasama ko lang noon si Atom sa School. Parang naging school-friend ko siya noon, so it means Childhood Friend ko rin si tukmol.
Sabay-sabay kaming bumabang tatlo para tingnan si Atom, ’pag ka baba ko kaagad ko siyang nakitang nakaupo sa sofa.
Nang makita ako ni Atom kaagad siyang tumayo, abot tainga pa ang ngiti nang lumapit at niyakap ako nang mahigpit.
“I miss you, Jey-Ey.”
Nakaramdam naman ako nang ilang dahil sa ginawa niya sa akin.
“I-I miss you too.”
Nang matanggal niya ang pagkakayakap sa akin umupo kami sa sofa.
“Grabe Jey, glow up na glow up kana ha.”
“Mas glow up ka nga eh.”
“Besh, sino na-naman itey? Another papi.” Bulong sa akin ni Chloe, magkatabi kami sa sofa. Hinarap ko siya then, “Mamaya na ang harot!” I mouthed.
“Maiiwan ko na muna kayo ha.” Paalam ni Kuya sa amin.
“Sige po Kuya,” magalang na saad ni Atom.
“Ikaw na bahala sa mga kaibigan mo, Jeirus.”
“Sama ako Keye, charot!” Maharot na sabi ni Chloe kay Kuya, tinawanan lang siya nito.
Umalis na si Kuya at naiwan kaming tatlo rito sa sofa.
“Nga pala, si Atom. Atom si Chloe.”
Inabot ni Atom ang kaniyang kamay kay Chloe. “Atom,” pagpapakilala niya.
Abot hanggang taingang in-abot ni Chloe ang kamay ni Atom, “Chloe,” kita sa mukha ni bakla ang kilig dahil nangangamatis na siya sa pula.
Halos limang segundo silang nag-shake hands. Grabe Chloe ang harot.
“Baka gusto niyo ng tanggalin?” singit ko sa kanila, halos magtitigan na lang kasi silang dalawa at halos ayaw na nilang bitawan ang kamay ng isa’t isa.
“Sabi ko nga,” bulalas ni Chloe after bitawan ang kamay ng isa’t isa. Ang lalandi kasi, kakakilala lang eh.
“Nakausap mo na ba si Drie?” Biglang tanong ni Atom, shet na malagkit eto na-naman ako! Umaasa na-naman.
“Ahh…ano h-hindi pa.” Malungkot kong sagot, kailan ko ba kasi siya makikita? Oh tadhana, kailan mo i-ko-cross ulit ang landas namin ni Andrie?
“Hindi paba kayo nagkita?” Tanong niyang ulit.
“H-Hindi pa eh,”
“But he told me last, last day na pupuntahan kaniya sa inyo?”
Napalunok naman ako sa sinabi niya, shit totoo ba? Gusto akong puntahan ni Andrie? So kilala niya pa pala ako?
“T-Talaga!?” Gumuhit ang ngiti sa aking labi. Para akong natanggalan ng tinik sa lalamunan sa nalaman ko. Akala ko kasi nakalimutan na niya ako.
“Oo then sasabihin niya raw sana sa ’yo na rito na sila titira sa village niyo.”
Confirmed! Si Andrie na nga iyung sinasabi ni Chloe. Omay! Thankyou Lord at tinupad niyo na rin po ang aking hiling. Salamat din po dahil kilala pa pala ako ni Andrie.
Very OA!
“Wait, kilala ko ba ’tong pinag-uusapan niyo?” Nagtatakhang singit ni Chloe.
“Actually, yes.” I answered while smiling.
“Oh? Really? Sinetch itey?”
“Alam mo ba ’yung crush mong sinasabi mo kanina? ’yung Tiktoker kamo?” Oops! Oo nga pala crush niya si Andrie. Magiging karibal ko pa yata ’tong babaitang ito.
“Oo– don’t tell me…”
“Yes, siya nga iyung pinag-uusapan namin.”
“O-M-G really? K-Kaibigan mo siya?” Nanlaki ang kaniyang mga mata, ’di makapaniwalang kaibigan ko si Andrie.
Well maniwala ka, I’m his Childhood Best Friend.
“Yup, Childhood Friend ni Jey-Ey si Pinsan.” si Atom ang sumagot.
“P-Pinsan mo si Andrie? Tapos kaibigan siya ng kaibigan ko? O-M-G grabeng plot twist to! Hindi ko kinakaya,” umarte pa siya ng kunwaring nahihimatay.
Pareho kaming natawa ni Atom dahil sa mga inakto si Chloe.
Tumagal dito sina Atom at Chloe nang isang oras, nagkuwentuhan kami tungkol sa mga nangyari sa amin. Pinaghanda ko rin sila ng miryenda hanggang sa pareho na silang nagpaalam para umuwi na, dahil may gagawin pa raw sila.
—•—
’Yung saya ko ngayon halos hindi ko ma-explain. Basta alam ko ang saya-saya ko. Matapos ang ilang taon namin hindi pagkikita ng kaibigan kong si Andrie, ngayon makikita kona ulit siya.
Akala ko nakalimutan na niya ako hinahanap niya rin pala ako, omay grabeng plot twist nga ’to lord.
Sa lunes na raw sila lilipat dito. Kaya pala binenta nila ’yung bahay nila sa tabi ng highway dahil dito na sila titira, akala ko talaga hindi ko na siya makikita.
…
KINABUKASAN ang ganda ng umaga ko, bigla ko naman naalala si Tiffany kahapon pa pala siya wala.
Bumangon na ako at dumiretcho sa C.R para mag-hilamos then after, bumaba ako papuntang kusina para magsangkap ng kape.
’Pag baba ko naabutan ko sina: Kuya at Tiffany, kumakain ng almusal.
“Halikana Pinsan, kain na.” Pag-aya sa akin ni Tiffany.
“Hoy! Tiff, nasaan ka kahapon?” Agap kong tanong nang maalalang wala siya maghapon.
“Hindi ko pala nasabi sa ’yo ano. Nagpunta ako sa amin para kumuha ng ibang gamit ko.” Sagot niya, sabay subo sa pagkain nasa kutsara niya.
“Ahh.”
Nagtimpla muna ako ng kape bago umupo.
Pagkatapos namin mag-almusal umalis si Kuya may importante raw siyang aasikasuhin. Si Tiffany naman lumabas para magdilig ng halaman.
Na bo-bored ako rito kaya naman lumabas ako ng bahay.
Pagkalabas ko ng bahay naglakad-lakad ako hanggang sa makalabas na ako ng village.
Hay! Ang tagal naman ng Lunes sana ngayon na para makita kona si Andrie!
Umupo ako sa may bench sa tabi, nagmuni-muni muna ako rito.
Nagning-ning naman ang aking mga mata nang makakita ako ng nagtitindang dirty ice cream. Wah! My favorite.
Mediyo napalayo na ang nagtitinda kaya naman mabilis akong tumayo at tumakbo para mahabol ko lang iyung Tindero.
“ICE CREAM!!!” sigaw ko nang biglang boogsh!
Sa ikalawang pagkakataon na bunggo nanaman ako ng isang matigas na katawan. Napasubsob ako at nasugatan din ang aking siko.
“ARAY!! ang sakit!” Daing ko, shit ang sakit ng siko ko!
Naramdaman ko naman bigla na nasa tabi kona ang taong nakabanggahan ko.
“Oh God, I’m so sorry. Are you okay?”
“Tingin mo ba okay ak—” Nagulat ako sa taong nakabangga sa akin, ’yung chinito niyang mga mata, iyung kulot niyang buhok, ’yung guwapo niyang mukha.
Sa Facebook ko pa lang siya nakita simula nang umalis siya, pero sigurado ako. Siguradong-sigurado ako na si Andrie na nga ito ang nasa harapan ko ngayon.
To be continued…
Chapter 4
JEIRUS AXEL TORREZE’S P.O.V
…
“A-Andrie?”
“Huh?” Tila naguguluhan siya sa pagtawag ko sa kaniya ng Andrie.
“I-Ikaw ba talaga ’yan?” Ulit ko. Hindi ako makapaniwalang narito na siya, sa harap ko.
“I don’t know what are you talking about.” He said in a cold way.
But…
Naglakas loob pa rin akong lumapit sa kaniya, maybe hindi niya pa alam na ako ’to, dahil marami rin kasing nagbago sa physical features ko.
“Andrie, ikaw nga,” tila nagkaroon ng sariling isip ang aking katawan at natagpuan ko na lang ang aking sarili na yakap siya. Ang bango niya, ang tigas din ng katawan niya, halatang nag-ji-gym na siya.
Ngunit nagulat ako nang pwersahan niyang tanggalin ang pagkakayakap ko sa kaniya.
“S-Sorry Andrie, nagulat ata kita.” Nahiya naman ako dahil sa inakto ko, shit hindi ko na kasi na matiis eh. Na-carried away lang.
“Wait, first of all I don’t even know you.” Seryoso niya ang kaniyang boses. Magkasalubong na rin ang kaniyang mga makakapal na kilay, “Puwede kitang kasuhan sa ginagawa mo, you harassing me!” Bulyaw niya na ikina-sikip ng dibdib ko.
“N-No, sorry kung bigla kitang nayakap, b-but A-Andrei ako ’to si Jeirus ang Childhood Best Friend mo,” garalgal na ang aking boses. Nag-uumpisa na rin magtubig ang aking mga mata. Bakit ganito siya umakto? Sa lagay niya ngayon parang hindi nga niya ako kilala.
“I have no Childhood Friend, and I’m not Andrie. So back off!” Galit na siya ngayon. Bigla naman akong nakaramdam ng lungkot, kanina ang saya-saya ko pa lang ng araw ko, pero bakit biglang nagbago? Akala ko magiging masaya ang pagkikita namin. Akala ko yayakapin niya rin ako tulad mang ginawa ko sa kaniya kanina, pero bakit ganito?
“I always stalked you, ikaw ’yan huwag kangang magbiro Drie.” Pilit kong pangugumbinsi sa kaniya, nagbabakasakaling nagbibiro lang siya, baka he just want to prank me?
“Can you please stop calling me Andrie! Ang kulit mo, hindi nga ako ang sinasabi mo!” Bulyaw niya sa akin.
Akala kobang hinahanap niya rin ako? Pero bakit ganito? Bakit parang hindi naman niya ako kilala?
Tuluyan nang bumagsak ang luhang kanina pa nagbabadiyang tumulo, “Drei,” tawag ko sa kaniya. “Hindi ba nagbibiro ka lang? Ako ito oh si Jey-Ey, si Jeirus Axiel ako.”
“Bullshit! How many times do I have to tell you na hindi nga ako si Andrie? Tsk. Bakit ba ako nag-e-explain sa ’yo. And why am I talking to you? You just stranger na pinipilit akong kakilala mo! Ano scammer ka? New modus huh?”
Napahawak na ako sa dibdib kong naninikip. Nasaktan ako sa mga salitang binitawan niya. After many years, ganito lang ang i-bubungad niya sa akin? At isa pa ’tong si Atom, kala ko ba hinahanap niya rin ako? Akala ko ba miss niya na rin ako? So Atom is lying to me? Niloko niya lang ako?
“Kung wala ka ng kailangan, I have to go. There’s a lot of important things na kailangan unahin kaysa sa ’yo.”
Nang sabihin iyun ni Andrie parang pinagtataga ng matitilos na bagay ang puso ko. Iniwan niya akong luha-an sa gilid ng kalsada.
Tangina bakit ganito, bakit parang feeling ko nagmukha lang akong tanga kanina? Ni hindi manlang niya ako kinamusta.
“Hindi ka nga kilala ’di ba.” sabat ng utak ko.
Okay, kung gano’n din pala so dapat ko na siyang kalimutan. Dapat mawala na siya sa isip ko. Tanggalin mona siya sa isip at puso mo Jeirus dahil hindi mo deserve ang lalaking gaya niya. Kung hindi kana niya kinikilala bilang dating kaibigan niya, huwag mo na rin siyang kilalanin. Dahil ikaw lang ang masasaktan.
—•—
PAGKA-UWI KO sa bahay namin kaagad akong nagtungo sa aking kuwarto at binagsak ang aking katawan sa kama.
Hanggang ngayon hindi ko pa rin sukat akalain na gano’n na siya, nag-iba na siya. Excited pa naman akong makita siya dahil napaka-importante niya sa akin hindi lang bilang kaibigan higit pa roon. Pero sa ginawa niya kanina sa akin. Nawala na, wala na ’yung pagmamahal ko sa kaniya. Wala na nga ba? Hay! Basta bahala na siya gusto ko na lang mag move-on—wow parang magjowang kaka-break ang peg, Jeirus ha.
Iyak ako nang iyak habang yakap ang malambot kong unan hanggang sa dalawan ako ng antok.
Pagkagising ko nasa tabi kona sina: Kuya at Tiffany. Anong meron?
“Buti gising kana, ano’ng nangyari sa ’yo?” Bungad ni Kuya sa akin, halata sa tono ng kaniyang boses ang pag-aalala.
“Okay ka lang Pinsan?” Singit ni Tiffany, gano’n din siya, same reaction sila ni Kuya.
“O-Oo okay lang naman ako.” Sagot ko sa kanila. Okay nga ba?
“Kanina kasi, tatanongin sana kita kung ano’ng gusto mong ulamin natin tapos pagpasok ko rito sa loob ng kuwarto mo, nadatnan kitang umiiyak habang tulog.”
Paliwanag ni Tiffany. Shit hanggang sa pagtulog ba naman umiiyak ako. Kahiya.
“Okay ka lang ba talaga, bunso?” Muling tanong ni Kuya, ganito sila kapag nakikita nilang parang may problema ako.
“Okay nga lang ako, don’t worry.” Pangungumbinsi ko sa kanila, kahit na hindi naman talaga ako okay. Dahil sa Andrie na ’yon! Kung ayaw niya na sa akin, puwes ayaw ko na rin sa kaniya. Hindi ako kawalan, marami pa akong kaibigan. Hindi lang siya!
Bigla ko naman naalala ang nangyari kaninang umaga.
Pero pilit akong ngumingiti sa kanila para mapaniwala ko silang ayos lang ako, kahit ang totoo ay hindi naman.
Sad gurl ’yarn, Jeirus.
—•—
3:30 na ng hapon. Imbes na magmukmok, pinuntahan ko na lang si Chloe sa kanila para sabihin ang nangyari kanina.
“Talaga? Gano’n ang ugali niya?”
“Oo.”
“Grabe ang red flag naman pala niya.”
“Red flag pa sa red flag.” Inis kong sabi. Kanina pa ako naiinis habang kinukuwento ang nangyari. At of course galit din si Chloe. Mas galit pa nga yata siya sa akin eh.
“Kapag nakita ko ’yang Andrie na ’yan kahit pogi pa iyan sisirain ko talaga ang pagmumukha niya!” Bulalas ni Chloe. Magkasalubong ang kaniyang mga kilay. Halatang gustong sugurin si Andrie.
“Hayaan mo na lang siya. Wala na rin naman akong feelings sa kaniya.” Dire-diretcho kong sabi, pero agad na napatamik ng bibig at nanlaki ang mga mata nang ma-realize ang aking nasabi.
“Wait, tama ba ’yung narinig ko?” Sinuri niya ang mukha ko, na ngayon ay nangangamatis na sa pula.
“Ahh, ano hmmm…w-wala I meant—”
“Hay! Para ka naman others baks. Kung may gusto ka man sa kaniya ’di naman big deal.” Seryosong sabi ni Chloe.
Natahimik naman ako’t napayuko. Iku-kuwento ko naman sana sa kaniya iyung tungkol sa nararamdaman ko kay Andrie, pero ano pa ang iku-kuwento ko? Kung ganito na ’yung sitwasiyon? Pinagtabuyan na niya ako. Hindi niya raw ako kilala, at worst hindi raw siya si Andrie. Ano nabagok ba ang ulo niya at nagka-amnesia siya bigla?
“You don’t deserve him, baks. Marami pa riyang iba okay? Hindi lang siya ang lalaki sa mundo.”
Ganito ’yung gusto ko sa kaibigan kong si Chloe, sobrang seryoso na kapag seryoso na ’yung pinag-uusapan. Kaya I I am lucky to have her. To have a Best Friend na dadamayan ka sa mga problema mo.
“Thank you baks,” niyakap ko siya at ka agad naman niyang tinugunan.
“Oh wait, baka ma-inlove ka sa akin ha.” Mabilis akong bumitaw sa pagkaka-yakap sa kaniya. “Kadiri!” Nag-inarte pa akong kunwaring nandidiri, pero nandidiri naman talaga.
“Joke lang, ito naman!” Maktol niya, tinawanan ko lang siya.
—•—
“Oh happy kana niyan?” Tanong ni Chloe. Nginitian ko lang siya.
Nandito kami ngayon sa isang Coffee Shop, nilibre niya akong kape at tinapay para raw hindi na ako sad.
“Naka tatlong kape kana pala ha.” Hindi makapaniwalang sabi niya. Of course I’m coffee lover.
“Kulang pa nga ’yun,” nagulat siya sa sinabi ko.
“Grabe ang lakas mo talagang magkape ’no kaya ka nasasaktan eh.” Sinamahan ko siya nang tingin.
“Anong connect no’n aber?” Taas kilay kong sabi.
“Connect mo sa puso mong nawasak.” She said teasingly, at tinuro pa niya ang aking puso.
“Excuse me,” sabay kaming napatingin sa lalaking bigla na lang nagsalita sa harap namin.
“Chloe Eunice Filario? Is that you?” tanong niya kay Chloe.
“A-Ahh o-oo, paano mo nalaman name ko?” Kita kong ang pagkagat ng labi ni Chloe dahil ang pogi ng guy na ’to. Magkakilala kaya sila?
“Sabi na eh, ako ’to si Addie Nikohel Orteliano. Kaklasi mo no’ng grade 10.” pagpapakilala niya.
Pinanliitan naman siya ng mga mata ni Chloe tapos biglang napa apir si Chloe sa dalawa niyang kamay.
“Oww! Tama ikaw nga, kumusta kana Adeng.”
“Ehem, Addie na lang ang pangit ng Adeng.” Kita sa mukha ni Addie ang pagka-disgusto niya sa tinawag sa kaniya ni Chloe.
“Nga pala si Jeirus nga pala Best Friend ko,” pagpapakilala sa akin ni Chloe. Tumingin siya sa akin. “Jeirus si Addie classmate ko no’ng grade 10.”
Inilahad ni Addie kuno ang kaniyang kamay sa akin, halos tatlong segundo ko tiningnan iyun bago ako nakipag-kamayan sa kaniya. Impiyernes ang lambot ng kamay niya.
“Addie nga pala,”
“Jeirus.”
Hindi ko napansin na halos limang segundo na pa lang magka-hawak ang aming mga kamay.
“Ehem, o-order na tayo Jei oo para sa pang-apat mong kape oo, mamaya na ’yang landian oo.” Pagbabasag ni Chloe na ikinabalik ko sa ulirat. Mabilis ko naman binawi ang naka-hawak kong kamay kay Addie.
“Issue ka bakla!”
Napatingin ako kay Addie na ngayon natatawa. “Pwedeng maki-upo?” Tanong niya.
“Hayan diyan sa tabi ni Jeirus, available na available.”
Sinamaan ko nang tingin si Chloe.
Tumabi sa akin si Addie, nakaramdam naman ako ng awkwardness dahil hindi ko naman siya kilala—I meant kakakilala ko lang sa kaniya.
“Nakarami na kayong kape ha,” Sabi ni Addie nang mapansin niya ang mga pinaggamitan ko sa mga ininom kong kape.
“Nako! Sa Best Friend ko lahat iyan, hindi pa nga ako nakaka-inom naka tatlo na ’yan!” Bulalas ni Chloe.
Natawa na lang ako sa sinabing iyon ni Chloe. Napatingin ako kay Addie nang magsalita siya. Our eyes met.
“Oww, coffee lover ka rin pala!” Gumuhit ang magandang ngiti sa kaniyang namumulang labi. Sumilip din doon ang mga magaganda niyang ngipin.
“Yes.” I said.
“Shocks, same tayo. Ano’ng favorite mong flavor?” Tanong niya, para ang bilis lang niyang maging comfortable sa ibang tao ha. Friendly, amoy green flag.
“Mocha, caramel, and gusto ko rin iyung mediyo strong.”
“Ohh, for real? Mocha, caramel and ’yung sort of strong din ang mga paborito ko, nice.” Abot tainga pa ang ngiti nito.
“Wow destiny, baka kayo talaga ang para sa isa’t-isa.” Bulalas ni Chloe na ikina-ismid ko.
“Oh, are you okay?” Takhang tanong ni Addie. I just noded. Destiny? What the F. Hindi na ako naniniwala riyan!
Tumawa lang si Addie sa sinabing iyun ni Chloe.
“Hoy Chloe! Bunganga mo! Baka may Girlfriend na ’tong classmate mo.” bulalas ko kay Chloe.
“Hindi. Ayos lang, and I’m single, by the way.”
“Yieee, bagay kayo.” pang-aalaska ni Chloe.
“Chloe, nakakahiya kana.”
“Actually I’m into guy din naman.” Nagulat ako sa sinabi niya. Wala kasi sa itsura niya. Lalaking-lalaki tingnan. Very musculine, tapos malalaman mo his into his rin. Pero bakit niya kailangan sabihin na he’s into guy? Anong gusto niyang sabihin, nevermind.
“O-to the-M-to the G! Mga bakla! Panagutan niyo ’tong kilig ko!” Pulang-pula na si Chloe kakaharot. Parang natatakasan na ng bait. Ako nahihiya sa kaniya.
“Hoy bakla! Magtigil kana nga. Nakakahiya sa Classmate mo!” Bulyaw ko kay Chloe, tiningnan ko si Addie, muling nagtama ang mga paningin namin, “S-Sorry sa kaibigan ko ha. Natatakasan na talaga ng bait iyan.”
“Don’t apologize, it’s okay. Sanay na rin ako sa kaniya since we were classmates, ganiyan na talaga siya.” I find him hot and handsome nang i-brush niya ang kaniyang buhok using his fingers.
“Omay umiiral nanaman ’tong pagiging BL fan ko. My goodness!” Para siyang baliw sa lagay niya ngayon. Pulang-pula pa ang kaniyang mukha.
“Alam mo baks ’di kapa nakaka-inom ng kape kaya pag-oorder na kita ha.” Tumayo ako mula sa pagkaka-upo upang mag-order ng coffee para kay Chloe.
Tumayo si Addie, “Samahan na kita, o-order din ako.” Tukso nanaman nito ang aabutin namin kay Chloe.
“No, ako na lang.” I insisted.
“No, tayo na lang kasi,” sabay kamot niya sa kaniyang batok.
“Nako, sige na kayo na. My goodness!” Kinikilig na sabi ni Chloe.
Ending, kami rin dalawa ang nag-order.
—•—
Matagal-tagal din kami sa coffee shop, nakipag kuwentuhan din ako kay Addie. Grabe ang daldal niya, halos magkapareho sila ni Chloe. Hindi nga siya nauubusan ng topic, and ang gahan din ng loob ko sa kaniya, feeling ko ang bait-bait niyang tao.
Nang maka-anim na ako ng kape, oo anim mga Kowpis dahil Amakopilaber, binansagan na nga akong Coffee Queen, kaya AMAKOWPIKWEEN.
Nagpaalam na si Addie, dahil may aasikasuhin pa raw siya. Umuwi na rin kami ni Chloe.
Na-unang bumaba ng tricycle si Chloe dahil una ang kanilang kanto. Nang makapunta na ang sasakiyan sa harap ng village bumaba na rin ako.
Pagbaba ko tiningnan ko ang oras, alas quatro na pala. Kaya naman naglakad na ako papasok.
Nang makapasok na ako sa loob nang village biglang may tumawag sa akin.
Pagbaling ko nang tingin dito, nakita ko si Andrei, wait si Andrei?
“Jeirus,” tawag niya sa pangalan ko at unti-unti siyang naglakad patungo sa kinaruruhunan ko.
To be continued…
Chapter 5
ANDRIE NATHAN DERMUNOZ’S P.O.V
…
Hindi talaga ako maka move-on sa sinabi sa akin kanina ng kapatid kong si Andrew—actually ka-kambal ko siya.
Nakabangga niya raw kanina ang kababata kong si Jeirus, pinipilit daw ni Jeirus na ako si Andrew. Ito namang isa todo deny hindi manlang sinabing siya si Andrew at hindi siya ako.
Hindi nga pala alam ni Jeirus na may ka-kambal ako, kaya wala siyang ka ide-ideyang si Andrew, ka-kambal ko ang naka-usap niya kanina.
Ang layo pa naman ng bahay nina Jeirus dito sa kasalukuyan naming inu-upahang bahay.
Bumalik kami rito sa dati naming lugar dahil naghiwalay na ang parents ko, nag cheated si Papa kay Mama. Babaero ampota. Nang makarating kami sa dati naming bahay parang hindi na raw comfortable si Mamang makita ito, dahil nagfa-flashback lang sakaniya ang mga ala-ala kasama si Papa. Kaya naman naisipan na lang niyang i-benta ito at bumili na lang ng bago.
At iyun nga sa village kung saan nakatira ang dati kong kaibigang si Jeirus. Masaya ako dahil magkakasama kami ulit. Nang nakaraan nga pinuntahan ko siya pero wala siya, walang tao sa kanila. Kinabukasan no’n tinawag ko ang kaibigan pa ni Jeirus na pinsan ko. Si Atom kasama ko sana siyang pupunta ka ni Jeirus kaso naging busy ako kaya hindi na ako nakapunta.
Shocks siguradong galit sa akin iyun dahil sa inasal sa kaniya ni Andrew.
’Pag tingin ko sa aking wrist watch mag-aalas-cinco na. Kaya naman lumabas na ako at sumakay sa aking sasakiyan para pumunta sa village at kausapin si Jeirus.
Pagkalipas ng ilang minuto nakapunta na ako. Pero sa harap ng dating bahay namin ako huminto. May nakita kasi akong tricycle na huminto sa harap ng village nang makita ko ang bumaba rito si Jeirus pala. Kaya muli akong sumakay at pinaandar ang aking sasakiyan.
Nang makarating ako sa harap kaagad kong hininto ang sasakiyan at mabilis kong hinabol si Jeirus.
“JEIRUS!” Sigaw ko sa pangalan niya, napahinto naman siya at binalingan ako nang tingin
Muli ko siyang tinawag, “Jeirus, ” at unting-unting lumapit sa kinaroroonan niya.
Nawala ang ngiti ko sa labi nang irapan niya ako. Muli na sana siyang maglalakad paalis ngunit mabilis kong in-ablot ang pulsohan niya, napasandal siya aking dibdib at napahawak sa magkabila kong braso. Tiningala niya ako, our eyes met.
“Ano ba! Bitawan mo nga ako!” Galit niyang sabi. What the F. Ano ang nagawa mo sa kaniya at bakit ganito ang trato niya sa akin? Ano ba ang pinagsasabi ng tukmol na Amdrew na ’yun kay Jeirus.
“Ang kapal ng mukha mo ’no? Matapos mo akong–”
“Jeirus, hindi ako ang nakabangga mo kanina.” I cut him off.
“Baliw kaba? Ano’ng trip mo?” Taas kilay niyang sabi. Halatang galit na galit siya ngayon.
“Jey-Ey, please makinig ka muna.l—”
“Pwede ba Andrie, tigilan mo na ako. Hiyang hiya ako sa sarili ko sa ginawa mo sa akin kanina, ano nga ulit ang sabi mo? Ang sabi mo wala kang Childhood Best Friend. Ang sabi mo hindi mo ako kilala. Ang sabi mo—”
“Jey-Ey, hindi nga ako iyun. Si Andrew iyun ang ka-kambal ko.” Pangungumbinsi ko sa kaniya.
Ngumisi siya, “So ngayon may kakambal kana? Wow ang galing!” Sarkastiko siyang tumawa at pumalakpak. “Friendship over! Ayoko nang makita ang pagmumukha mo! Hayop ka! Isa kang malaking kasalanan! Bakit ba kasi naging kaibigan pa kita! I hate you! I really fucking hate you!”
Mukhang sobra nga yata siyang nasaktan sa mga nasabi ni Andrew. Ugh hindi ito ang in-expect kong pagkikita namin ng kaibigan ko.
“Jei,” malambing kong tawag. “Listen okay? May ka-kambal nga ako. His name is Andrew at siya iyun nakausap mo kanina.”
Parang hindi siya naniniwala sa akin, iyung mukha niya galit na galit pa rin. Hindi mai-pinta.
“Kambal your face! Sinungaling! Manloloko! Baliw! You hurt me! Ang sakit ng mga sinabi mo kanina tapos ngayon magpupunta ka rito at sasabihin mong kakambal ko ’yun? Tangina, simula’t sapul magkasama na tayo, Andrie! Tapos bigla kang magkakaroon ng kakambal! Ulol!” Kita ko ang pagluha ng kaniyang mga mata. Seeing him like this, made my heart broke. Ayaw na ayaw kong may umaaway sa kaniya noon, kapag umiiyak siya naiiyak din ako. Because we’re Best Friend. Tapos ngayon umiiyak siya ng dahil sa akin? Fuck.
“…And t-the last word you said, kanina. Iyun ang pinaka tumaga sa puso ko, Andrie.” Dinuro niya ang kaniyang puso. “I have a very important to do rin. It’s more important din than to you! Bitch!”
Rin? Din? So sinabi rin kanina ni Andrew ang mga sinasabi niya ngayon? Argh!
Sa ikalawang pagkakataon muli kong inablot ang kaniyang pulsuhan. Dahil muli siyang nagbalak na umalis.
“Ano ba! Let me go! Andrie!”
“Hindi kita bibitawan hanggang hindi ka makikinig sa akin.” Ma-awtoridad kong sabi. Pero pilit siyang nagpupumiglas makalawa.
“Wala ka ng dapat pang sabihin—Wait baka may nakalimutan ka pang dapat sabihin na mas masakit pa sa mga sinabi mo kanina?” Huminto siya sa pagpupumiglas.
“Jeirus naman eh,” bagkas na ang katawan ko. Naiinis na rin ako sa kaniya dahil hindi manlang niya ako pakinggan.
“Bitaw! Bitawan mo ako! Help! Tulong! May nang-re-rāpe!” Sigaw niya habang nagpupumiglas.
“Jeirus…”
“Isa,” panimulang bilang niya. “dalawa,”
“Jeirus kambal ko nga kasi iyun–”
“Tatl–hmmp.”
Maski ako nagulat sa nangyari. I kissed him. I fucking kiss him! Parang may something na kuryenteng dumaloy sa akin mula sa katawan ni Jeirus. His lips is good. Ang sarap. I suddenly feel the heaven. Ang lambot ng kaniyang labi.
Mediyo tumagal ang pagdikit ng aming mga labi. Halos wala ng gustong bumitaw sa amin—I meant ako gusto ko ngunit hindi makagalaw ang aking katawan. Hanggang sa ako na ang pumutol, dahil ako rin naman ang may kagagawan.
“S-Sorry,” I said. Hindi nawala sa ulirat si Jeirus.
Gulat na gulat siya sa nangyari. Hawak-hawak pa niya ang kaniyang malambot na labi.
“H-Hinalikan mo ’ko?” Tila hindi makapaniwala niyang sabi.
“Y-Yes? I just want to shut your mouth up. Ang ingay mo kasi!” Bulalas ko.
“Hey bro, kanina kapa hinahanap ni Mama.” Biglang sabi ng pamilyar na boses sa likoran ko. Nang lingunin ko siya, it’s Andrew. My fucking twin.
“Ohh, n-no! H-Hindi ’to totoo!” Napatingin ako kay Jeirus na ngayon nalilito, naguguluhan at gulat na gulat. Salitan niya kaming tinitingnan ni Andrew, hindi siya makapaniwala sa kaniyang nakikita.
Salamat, dumating ang depunggal na Andrew, at least may sapat na ebidensiya na rin.
—•—
[ THIRD PERSON POV ]
“Grabe magkamukhang-magkamukha nga kayo. ” Hindi makapaniwalang sabi ni Tiffany. Habang salitan niyang pinagmamasdan ang kambal na sina Andrie at Andrew.
Nandito ngayon sina: Andrie at Andrew sa bahay kina Jeirus. Hindi pa rin makapaniwala si Jeirus na may kambal nga talaga ang kaniyang Childhood Best Friend. Hiyang-hiya siya ngayon dahil sa mga inakto niya kanina kay Andrie. Dahil hindi manlang niya ito pinag-explain ng maayos.
“Mas pogi naman ako kay Andrew.” bulalas ni Andrei.
“I don’t care, ’coz we have same face. So don’t be dumb okay?” Pangbabara ni Andrew kay Andrie.
“Oh bunso ang tahimik mo riyan.” Takhang tanong ni Conan sa nakakabata niyang kapatid na si Jeirus.
“True lalu beshy, kanina kapa tulaley diyan, anyare?” Tanong din ni Tiffany. Dahil simula kaninang magpunta sila sa kanilang bahay ay tumulala na lang siya. Tila hindi pa rin niya ma-proseso sa kaniyang utak ang mga kaganapan. At isa pa hiyang-hiya rin siya kay Andrie. Gusto na lamang ni Jeirus na bumukas ang lupa para lamunin siya nito.
“He’s so weirdo.” si Andrew. Bigla naman tiningnan ni Jeirus si Andrew nang masamang tingin. Gusto niya itong awayin dahil sa naging tagpo nila, ngunit ayaw niyang gumawa ng eksena, lalo na’t narito ang kaniyang Kuya.
“Ikaw ang weirdo baliw!” Saad ni Jeirus sa kaniyang utak.
“Bro, watch your word. Kasalanan mo ang lahat. Lagot ka sa akin mamaya,” Andrie said with matching pagbabanta.
…
Marami silang napag-kuwentuhan tulad ng eksena na nangyari between Jeirus and Andrie’s twin brother. Humingi rin naman ng tawad si Andrew sa mga nasabi niya kay Jeirus, ngunit mataas ang pride ni bading. At galit pa rin ito sa kaniya. At the same time super hiya niya kay Andrie, dahil din sa mga kadramahan niya. At kung ano-ano rin ang mga nasabi niya sa binata. At especially, the kiss! Ang paghalik ng binata sa kaniya.
Worst day and unforgettable kiss. Jeirus said, in his mind.
—•—
MAKALIPAS ANG ISANG LINGGO Kasalukuyan nang naninirahan sina Andrie sa bago nilang tirahan sa village kung saan nakatira rin sina Jeirus. Halos tuwing gabi ay nagkakasiyahan sila sa bahay nina Jeirus.
Masayang masaya naman si Jeirus dahil kahit may nangyaring worst sa buhay niya may nangyari rin unforgettable, which is ang pagdampi ng labi ni Andrie sa labi ni Jeirus. Hanggang ngayon kilig na kilig pa rin siya at hindi makapaniwalang kayang gawin ni Andrie ang bagay na iyun sa kaniya.
To be continued…
Chapter 6
JEIRUS AXEL TORREZE’S P.O.V
…
Lumipas ang ilang araw.
Ugh! ’till now hindi pa rin ako maka-get-over sa mga nangyari. Grabeng plot twist naman ang mga iyun Lord, sa tagal kong naging kaibigan si Andrie hindi ko inakalang may ka-kambal pala ang mokong, nasa Papa niya pala ito no’ng mga bata pa lang sila at hindi na nasabi sa akin ni Tita, maging siya, but now okay naman na ang lahat kaya okay na rin ako. Ugh!
“Baks, birthday ko na bukas.” madramang saad ni Chloe.
Nandito kami ngayon sa aking kuwarto.
Inalala ko ang birthday day niya,“Gaga sa sunday pa lang ang birthday mo.” Pangtatama ko sa kaniya. Nako! Ako pa lokohin nito, alam kona man na lahat ang tungkol sa kaniya!
“Wow, akala ko nakalimutan mona, I love you Best Friend.” Lumapit siya sa akin at niyakap ako, sabay halik sa aking pisnge na ikina-inis ko!
“Ew! Yuck! Ang baboy mo Chloe! Kadiri!” Sabay punas ko sa parteng pisnge na hinalikan niya. Kadiri talaga ’tong babaeng ’to.
“Wow, ang kapal ha. Ikaw na nga ’tong hinahalikan. Parang hindi tayo mag-BFF ha.” Pangmamaktol niya.
“Si anes lang ang puwedeng humalik sa akin! Not you nor others, because no one can beat his super sweet, and deli lips!” Bulalas ko sa kaniya. At naalala nanaman ang halikan namin—naur, not totally halikan, pero halik. Ah basta importante nagdikit ang mga labi namin.
“Ay wow ha, edi ikaw na! Oh sa ’yo na ang crown. Nahiya naman sa ’yo sina Miss Universe Pia and Catriona.” Umarte pa siya na kunwari sinuotan ako ng crown.
“So back to topic, ano plano mo sa birth day mo?” Pagbabalik ko sa topic.
“As usual, nothing’s new. Inoman pa rin.” I just noded. “Ayun na nga, bawal sa amin mag-inoman alam mo naman si Papa. Masiyadong strict kaya…”
“Kaya?” Balik kong tanong, kahit na alam ko na ang gusto niyang sabihin.
“Dito na lang sana tayo mag-inom sa inyo G kaba?” Inirapan ko siya.
“Gaga kaba? Alam mo naman hindi ako umiinom eh.” Mataray kong sabi.
“Edi uminom kana, birthday ko naman iyun eh.” Aniya, na parang kung ano lang sa kaniya ang pag-iinom ng alak.
“Hay! Pang kape lang ako, kaya tumigil ka Chloe.” Irita kong sabi. Sabay irap.
“Alam mo KJ ka talaga kahit kailan.” Pangmamaktol niya.
“KJ na kung KJ pero ayoko sa alak na iyan baka riyan pa mawala ang virginity ko.” Bulalas ko.
Napa-ismid naman si Chloe dahil sa sinabi ko.
“Ang lala mo na talaga baklush!” Sabay hampas niya sa akin, gamit ang hawak nitong pillow.
“Charot lang gaga.” Sabay ilag ko.
Napatingin ako sa pinto nang may kumatok.
Mabilis akong bumaba mula sa pagkaka-upo sa kama, at dali-daling naglakad patungo sa pintuhan. When the door opened, bumungad sa akin si Tiffany.
“Hinahanap ka ni Andrie ’Cous!” Bungad niyang sabi. Gumuhit naman bigla ang ngiti sa aking labi. Shemay.
Sandali akong nagpaalam kay Chloe upang tingnan si Andrie, um-okay naman siya kaya dali-dali akong lumabas—at bumaba para makita siya.
Nang makababa ako, naabutan ko siyang nakikipag-usap kay Kuya.
“Hi Jey-Ey.” Nakangiti niyang bati nang mapatingin siya sa direksyon ko. Ang guwapo niya sa suot niyang polo shirt na brown na ni-partner niya sa jorts na kulay kaki. Ang perfect talaga niya sa mga mata ko. Kaya hulog na hulog ako sa kaniya eh.
“H-Hello, napa-pasyal ka?” My cheeks are getting red. Nararamdaman ko ’yun dahil ang init na ng mga ito. Shet, namumula nanaman ako.
“I just want to see you,”
One sentence, six words and seventeen letters. Pero potcha! Milyon-milyon ang impak sa akin mga bakla. I feel so special tuloy, when he said those words.
“My Best Friend.” Dagdag niya, na sana ay hindi na lang niya sinabi. Paasa talaga ’tong lalaking ’to. Okay na sana eh! Kaasar!
“Yeah, Best Friend.” Madiin kong sabi, “Teka, tawagin ko lang si Chloe sa taas.” Ewan ko bakit bigla na lang akong nawalan ng gana. Bwisit kasi ’tong pogi kong bisita. Masiyadong paasa.
Hindi kona hinintay ang sagot nila at dali-dali na akong umakyat sa itaas para tawagin si Chloe.
—•—
Nandito kami ngayon sa sala, we’re watching Netflix. Horror ang genre. Nasa gitna ako nila Andrie at Tiffany—katabi naman niya si Chloe—then sa last part si Kuya. Seryoso kaming nanonood. Nang biglang lumabas sa screen ’yung multo! Sa sobrang ka-OA-han ko napa-sigaw at yakap ako sa katabi ko!
“PUTANG!” Nalanghap ko bigla ang kaniyang aroma. Ang bango. Lalaking-lalaki ang dating. Siningot ko pa ’yun dahil napaka-bango talaga. When suddenly I realized something. Namula nanaman ako. Kumabog ang dibdib ko. Shet! Si Andrie ang nayakap ko.
Dahan-dahan kong nilayo ang aking sarili habang nakayuko. Shet, sana hindi nila napansin. Nang dahan-dahan kong i-angat ang aking ulo para i-check kung nasaan ang atensyon ng bawat-isa. Nagulat ako nang sa akin sila nakatingin lahat! Tangina. Lupa bumukas ka at lamunin mo ako! Ramdam ko rin ang pagtingin ng lalaking katabi ko sa akin.
“Ano ’yun? May pa-amoy-amoy?” Panunukso ni Tiffany.
“Kita ko rin ’yun, para-paraan ka bakla ha!” Pang-aalaska ni Chloe.
“Nako! Masama ’yan kapatid.” Pati si Kuya naki-asar. Mukha tuloy akong ewan. Hindi maka-response kasi guilty.
“It’s okay, nagulat lang siya guys.” Si Andrie ang sumagot. Ugh, ‘My Hero’ ko talaga ’tong lalaking ’to. “And besides, nagustuhan ko rin naman.” Napa-ismid naman ako sa sinabi niya. What? Ano raw? Nagustuhan? Lokong ’to. Halos hindi na nga ako makagalaw dito tapos dadagdag pa siya.
“E-Excuse me, inom lang ako.” Paalam ko. Tumayo ako’t dali-daling tumungo sa banyo—Oo dahil gusto kong mag-hilamos ng mukha! Dahil ang init!
Paglabas ko ng banyo ay doon pa lang ako uminom ng tubig. ’Yung tubig na sobrang lamig. Na-relax ako after kong uminom ng tubig. Maglalagay pa sana ako nang biglang may magsalita sa likoran ko. Nagulat ako kaya nabitawan ko ang hawak kong baso.
Sa hindi inaasahang pangyayari, when I faced him. Nahapakan ko ang basag na baso at ang natapon na tubig. Na-out of balance ako—babagsak na sana ako when he immediately grabbed my waist. Sa lakas niya ay napa-sandal pa ako sa kaniyang matipunong katawan. Napahawak ako sa magkabila niyang bicep. Ang titigas.
Our eyes met. Mas guwapo siya sa malapitan. Ang namumungay niyang mga mata, matangos niyang ilong, maypagkakapal niyang mga kilay, kissable niyang labi, umiigting niyang panga—in short, perfect. Sabi nila walang taong perfect, so ano? Or sino ’tong nasa harapan ko? Sinong may gawa sa kaniya? Para lang siyang ni-paint ng isang magaling na Paintor. Jusko, ang guwapo.
“Are you okay?” Nag-aalala niyang tanong. Parang in-haplos naman ang puso ko sa pag-alala niya.
I just noded. Ang sarap niyang panoorin, pagmasdan. Napako ang mga mata ko sa kaniyang namumulang labi. Parang may nagsasabing halikan ko ang mga iyun—pero bawal. No. Hindi ka magiging malandi self. Magpaka-Dalagang Filipina ka. I-kalma ang kiffyness.
“Baks bakit ang taga—Ay burat!”
Pareho kaming napatingin ni Andrie sa babaeng dumating. At mabilis kaming kumalas sa eksena namin kanina. Panira talaga ’tong Chloe na ’to.
Kita ko ang panunukso sa mga mata ni Chloe, “What is the meaning of this, naglalaplapan kayo ’no?” Tangina, Chloe! Napakaano talaga ng bibig. Walang preno.
“Almost—I mean anong ginagawa mo rito bakla?” Almost amputa. Pero what if ’di ba? Gano’ng eksena naman ang madalas na nauuwi sa kissing? Like ’yung mga napapanood ko sa TV at nababasa sa Wattpad. Epal kasi ’tong Chloe na ’to eh.
“Kayo ang dapat kong tanungin, ano ang ginagawa niyo?” Taas kilay niyang tanong. Wow ha, makatanong parang may ginawa talaga kami. I just rolled my eyes. Hinarap ko si Andrei, “T-Thank you ha.”
He just noded. Tapos siya na ang nag-explain kay Chloe sa mga nangyari. Ewan ko bakit kailangan mag-explain ng tukmol, pero okay din para matahimik ang bruha.
“Okay, sayang. Akala ko lapla—hmmp.” Tinakpan kona ang bunganga ng bruha. Kung ano-ano ang pinagsasabi. Nakakahiya kay Crus—Andrie.
…
It’s 9 in the evening. Nandito pa rin si Andrie. Wala na si Chloe, kanina pa umuwi. Kami na lang dalawa ni Andrie rito sa sala. Sina Kuya at Tiffany ay nasa kani-kanilang kuwarto na.
“Late na, Drie. Hindi kapa ba uuwi?” Shet, natawag ko siya sa nickname niya.
Napatingin siya sa akin, “Sana?” Agad akong nag-iwas nang tingin. Para akong aatakihin sa puso. Kalma self, si Andrie lang iyan. Pero si Andrie nga talaga ’yan. My first love, until now.
Muli ko siyang tiningnan, hindi ko kasi kayang tumitig sa kaniya ng matagal. Oo cringe pakinggan ’to, pero yeah kinikilig ako. “W-What do you mean?” Pagtataka ko.
Lumapit siya sa akin, dahilan para kumabog nanaman ’yung puso ko. ’Yung kabog na hindi natatakot. Iyung parang may mga nagliliparan paro-paro sa looban ko. “Puwede naman siguro akong makitulog?” Parang nahihiya pa siya nang sabihin iyan. Ang cute niya. Sarap chup—Chariz.
“Puwede naman,”
“Sure ka?”
“W-Why not? May gue—” Napahinto ako nang ma-realized kong occupied na talaga ’yung guest room namin. Ayaw naman ni Kuya na may katabi siya—Pero kung maaga siguro niyang sinabing makikitulog siya magpapaubaya naman ’yun. Saan siya matutulog?
S-Sa kuwarto?
“Definitely, yes.” Sagot niya sa—What the F. Nasabi ko pala ’yung huling iniisip ko. Pero baka ito na ’yung sign. Para you know, makipag-make love sa kaniya. Chariz.
To be continued…
A/N: PLEASE READ! Under renovation and editing ito guys, so kung nabasa niyo na siya noon—magbabago na iyung mga plots and flow niya. Maraming salamat!
Vote and Comment are highly appreciated! Thank you so much, KOWPIS! Love lots!
Chapter 7
JEIRUS AXIEL TORREZE’S P.O.V
…
Pitong taon akong naghintay sa pagbalik niya-umaasang babalik pa siya, babalikan niya pa ako, ang Childhood Best Friend ko.
Pero iba rin! Napaka-lakas ko talaga kay Lord. Biruhin mo, dati rati lagi ko lang ipinagdarasal ang pagbalik niya, ngayon nandito na siya, sa kuwarto ko-magkatabi kaming nakahiga.
“Parang kailan lang no,” naputol ang pag-i-imagine ko nang magsalita siya, kaya napatingin ako sa kaniya. Grabeng side profile iyan Andrei! Ang perfect! Napaka-unfair talaga ng nasa itaas. “Ang liliit pa natin noon; lagi tayong magkasama. Sa tawanan, asaran at sa mga kagagohan,” may ngiti sa kaniyang labi nang balingan niya ako ng tingin. Our eyes met. Para akong nilalasaw ng titig niya! My goodness, naglalaro nanaman ang mga alaga ko sa tiyan. Kainis naman kasi ’to e. Ang pogi masiyado.
“O-Oo nga e,” bumaba ang tingin ko sa ilong niya-hanggang pababa sa kaniyang namumulang labi, “sarap.” wala sa sarili kong sabi.
“What?” Kunot noo niyang tanong. Mabilis akong nag-iwas ng tingin nang mapagtanto ko ang aking sinabi.
Kalandian kasi!
“A… Ano, I mean ang sarap ngang balikan, oo.” Palusot ko. Sino ba naman kasing hindi matatakam sa labi ng isang gaya niya? Ang pula-pula. Dinaig pa niya ako.
“If we could back ’no, pero sabi nga nila, ang past ay past na, hindi na dapat pang binabalikan.”
Ewan ko pero parang may hugot nang sabihin niya ’yun.
Muli akong napatingin sa kaniya-saktong nakatingin din pala siya sa akin. Muling nagtagpo ang aming mga mata; nangungusap ang mga ito, parang may gusto siyang sabihin ngunit hindi niya magawa.
“I-I miss you, Jei… “
I bit my lower lip para pigilan ang kilig. Self kumalma ka, miss ka niya malamang seven years kayong hindi nagkita.
“A-Ako rin naman, na miss kita,” sobrang miss, gusto na nga kitang yakapin at halikan.
Tumagilid siya pa harap sa akin kaya ginaya ko ang ginawa niya. Ngayon magka-harap na kami. Dinig na dinig ng bawat isa ang pagtibok ng puso. Amoy na amoy ko rin ang kaniyang nakaka-adik na amoy. Sobrang bango.
“Kumusta naman ang love life ng Best Friend ko?” Inaantok niyang sabi, namumungay ang kaniyang mga mata at may ngiti sa kaniyang namumulang labi.
“Love life?”
“Oo,”
Ngumisi ako, ano ba aamin na ba ako sa kaniya na gusto ko siya? Mula noon unang magkita kami? From the very beginning. Oo bata pa ako noon, pero iba na ’yung feelings ko sa kaniya that time. Masayang-masaya ako kapag nandiyan siya, he’s my hero! Taga-pagtanggol sa mga bully. Kaya nga mas lalo akong nagka-crush sa kaniya e. Na kahit wala na siya noon, siya pa rin ang sinisigaw ng puso ko. Corny ’no, well gano’n talaga e.
“W-Wala pa, h-hanggang happy crush lang ako.” Sabay iwas ko nang tingin. Mabilis akong umupo. Shit! Bakit ba kasi iyun ang naitanong niya, e sa kaniya lang naman umikot ang mundo ko.
“Seriously? You don’t have a past?” Hindi makapaniwala niyang sabi. Nakaupo na rin pala siya gaya ko; indian seat.
Tumingin ako sa kaniya-pero sa noo niya ako nakatingin. Masiyado kasing distracted ang mata niya, kainis. “Oo nga, ikaw ba?”
Nag-iwas siya ng tingin, at bumaling sa ibaba. Nasa kama ngayon ang kaniyang atensyon. “I had,” muli niya akong tiningnan, “she left me, without any reason. In another word; ni-ghost niya ako.” Mapait siyang ngumiti. “Matagal naman na ’yun, pero still gusto ko pa rin siyang makausap about what happened between us, bakit niya ginawa ’yun, kasi every night akong minu-multo ng past ko,” napatingin na ako sa kaniyang mga mata, nagtutubig na ang mga ito, hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan ngayon, sa mga sinasabi niya. Hindi ko alam na may ganito pala siyang pinagdadahanan.
“Napapatanong ako kung may mali ba sa akin? Why did she left me?” bumagsak na ang mga luhang kanina pa nagbabadiyang tumulo sa mga mata nito.
Lumapit ako sa kaniya, bahala na, alam kong kailangan niya ’to ngayon. Ipinalupot ko ang kabila kong kamay sa kaniyang balakang gano’n din ang ginawa ko sa isa, at ipinatong ko ang kaniyang ulo sa aking balikat, buti na lang mediyo magkalapit lang ang height namin kaya hindi ako nahirapan.
Narinig ko ang hikbi niya, “Walang mali sa ’yo, Andrei. Kilala kita dahil mula pagkabata magkasama na tayo. Mabuti kang tao, so don’t ask your self why did she left you, dahil in the first place siya ang nang-iwan sa ’yo, siya ang may mali. Huwag mong isisi sa ’yo ang nangyari. And everything happens for a reason ika nga. May mga tao talagang ilalayo ni God sa atin para rin sa ikakabuti ng buhay natin.” Inalis niya ang pagkakapatong ng kaniyang ulo sa kaniyang balikat, at bigla na lamang niya akong niyakap. Mahigpit na yakap.
“T-Thanks, Jeirus. I really need this right now. Thank you bro!”
Parang in-haplos ang puso ko sa sinabi niya, mabilis din siyang kumalas sa pagkakayakap, “Sorry,” he chuckled. “Nadamay kapa sa kadramahan ko.”
“Ano kaba, it’s okay, magkaibigan tayo ’no, kaya nandito lang ako palagi para sa ’yo, rant all you want, makikinig ako. Gaya dati.” Nakangiti kong sabi. Ang kaninang hiya at pagka-ilang ko ay napalitan na ng saya.
“Thank you talaga, I really appreciate those words from you,”
“Kaibiga-” Napahinto ako nang bigla niyang halikan ang pisnge ko. Shet! Okay na nga ako e, hindi na nga ako naiilang or what tapos i-ki-kiss pa niya ang pisngi ko! Shet na malagkit talaga naman.
Nag-init ang buong mukha ko. Feeling ko mukha na akong kamatis ngayon.
“Salamat kiss, gaya ng dati.” Hindi gaya kanina, abot hanggang tainga na ang ngiti nito. At yes, ganito nga pala siya noon pa man, every time na may nagagawa akong kabutihan or something na nagpapasaya sa kaniya hinahalikan niya ako. Pero noon pa ’yun e. Noong hindi pa malalim ang pagtingin ko sa kaniya. Hindi na ngayon, at hello ang tanda na namin.
Napahawak ako sa parteng hinalikan niya, “Sana sa lips na lang e,” bulong ko, sabay iwas ng tingin sa kaniya.
“It’s fine with me,” napatingin ako sa kaniya, tangina! Narinig niya pala ako. Lupa bumukas ka at lamunin mo muna ako! Kahiya!
Tiningnan ko siya. Nagtagpo ang aming mga mata. Nandoon pa rin ang lungkot pero unti-unti na itong nababalutan ng saya. Binasa niya ang kaniyang labi sabay nguso, tangina! Ang cute! Hahalikan ko ’to.
“Hmm?” Nguso niya.
Nag-iwas ako nang tingin at kinagat ang ibabang labi upang mapigilan ang kilig. “M-Matulog na nga tayo.”
Muli akong bumalik sa pagkakahiga na may ngiti sa mga labi. Shemay, mapapasarap yata ang tulog ko neto. Halikan kaba naman ng isang Andrei Nathan Dermunoz. Ugh!
To be continued…
Chapter 8
JEIRUS AXIEL TORREZE’S P.O.V
….
Naalimpungan ako sa bagay na nakadagan sa akin. Ang bigat! Pilit kong inaalis, pero laging bumabalik. Ano ba ‘to?
Dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata, napungas-pungas pa ako’t humihikab hikab. Bumungad sa akin ang isang guwapong binata na mahimbing na natutulog, amoy na amoy ko ang binubuga niyang hininga mula sa kaniyang bibig. Pakshet, ba’t ang bango pa rin ng hininga ng isang ‘to. Ang unfair talaga.
Ang tagal kong tumitig sa kaniyang perpektong mukha, mula sa noo, may pagka-kapal na mga kilay, mahahabang eye lashes na nakakurba pa paitaas, ilong na kay tangos, labing kasing pula ng mansanas—mukhang sobrang lambot at kay sarap halikan. Tangina huwag ngayon self. I-kalma mo ang sarili mo. Kaibigan mo ‘yan.
“Good morning, Jei.”
Mabilis akong tumagilid patalikod sa kaniya. Shit! Kanina pa ba siya gising? Alam niya bang kanina ko pa siya pinagmamasdan. Jusko! Kahiya! At isa pa naka-yakap pala siya sa akin, pati ang mga hita niya nakapatong! Natanggal lang nang tumagilid ako, hindi ko ‘yun napansin kanina dahil abala ako sa pagtitig sa kaniyang handsome face. Rawr.
Paos pa ang kaniyang boses, at napaka lalim, ang sarap sa tainga. Ang pogi, parang siya lang.
Nagulat ako nang muli niyang ipatong ang kaniyang malalaking bisig sa aking baywang, at mas nanlaki ang aking mga mata nang hilahin ako nito palapit sa kaniya—at tuluyan i-harap sa kaniyang guwapong mukha.
“I said, good morning, where’s my good morning?” Nag-init nanaman ang mga pisngi ko. Ano ba ‘to, hindi ba siya aware na kinikilig na ako rito.
“A… E… I… O… U?” Ano ba ‘to, nababaliw na yata ako! Ano’ng sasabihin ko.
“Edi bumati ka pabalik, gaga.” Singit ng utak ko. Oo nga naman, binati niya ako, edi bumati ako pabalik. E kasi naman bakit kailangan niyang yakapin ako wala na, buo na ang araw ko.
“Huh?” Kunot noo at may ngisi sa kaniyang mga labi. Tangina ang guwapo talaga. Bagong gising pa ‘yan ah.
“G-Good morning too,”
“Na-miss ko ‘to, we used to do it before, way back school days. Magkatabing matulog, tapos gigising nang sabay,” nag-unat siya, “grabe sobrang na-miss ko talaga ‘to, tapos, gigising ka ng may,” tumingin siya sa gilid ng mga mata ko, “gaya niyan, morning star—oh wait!” Sabay hagikgik niya. Mabilis kasi akong kumawala sa yakap niya at bumangon—diretcho sa C.R ng kuwarto ko. Shet! Shet! Shet! Ba’t kasi hindi pa ako bumangon kanina at nag-himalos. Nakakahiya kay crush!
Habang nag-hihilamos narinig ko ang pagbukas ng pinto ng C.R, “Pa-jingle ako Jeirus! Lalabas na!” Naramdaman ko ang pagtakbo niya papuntang cubicle. At ilang segundo lang ang nakakalipas, narinig ko na ang paglabas ng kaniyang ihi mula sa… Tàngina!
Mali! Mali! Mali! Erase. Shuta, biglang nag-init ang mukha ko sa ideyang sumagi sa isip ko. Jeirus please, i-kalma ang sarili. Kaibigan mo ‘yan.
Nagmadali na lang akong mag-hilamos, nang matapos ay lalabas na sana nang may humawak sa pulsohan ko, “Wait sabay na tayo, patapos na ‘to!” Halatang nagmamadali siya, napatingin ako sa mukha niyang abalang nasa cubicle ang atensyon—sinundan ko ang kaniyang tingin, at napa takip ako ng isang mata nang mahaglip nito ang kaniyang… Woah!
Hindi ko gaano nakita, pero halatang pink ‘yun!
May namuong pawis sa aking noo, nag-uumpisa na rin kumabog ang dibdib ko. Ano bang trip nitong si Andrie, at ginaganito niya ako! Nagwawala na tuloy ang mga alaga ko sa kalooban ko.
Hindi ko na keri, kaya mabilis kong binawi ang aking kamay mula sa kaniyang pagkakahawak, at ang bilis lang ng mga pangyayari. Pagbukas ko ng pinto ang siyang pagbagsak ko sa sahig—at siyang pagbagsak din ni Andrie sa ibabaw ko.
“Fuck!”
“Aray!”
Sabay naming sabi.
Bumukas ang pinto—ng kuwarto, at boses ng isang dragon ang umalingawngaw sa buong kuwarto.
“MGA BAKLAAA!!!” Tili ng kaibigan kong baliw. Si Chloe. Heto nanaman, another kahihiyan at issue!
“Bakit kayo magkapatong?”
“Nagse-sex kayo no?”
“Ang bilis mo pa lang bumigay Jeirus!”
“Aba Jeirus, uunahan mo pa akong mabinyagan ha!”
Iyan ang mga naging komento ng mga kupal kong kasama pagkatapos nilang masaksihan ang pangyayari kanina. Paano ba naman sobrang lakas ng sigaw ni Chloe, kaya nagsidatingan din ang iba pa namin kasama rito—tapos nakita nila na gano’n pa rin ang posisyon namin. Hindi ko alam kay Andrie bakit ba kasi hindi siya kaagad tumayo, pero iyung isa niyang dinadala tayong-tayo, paano ba naman e dumikit Iyun sa hita ko kanina. Ramdam ko ‘yung kalakihan at katabahan. Woah! Erase!
“TAMA NA!” Sigaw ko. Maski ako’y nagulat sa ginawa ko. “Ang O-OA niyo, aksidente nga ‘yun,” binalingan ko si Andrie na ngayon ay ngumingisi rin, “‘di ba?”
At siya na ang nag-explain sa kanila kahit wala naman dapat i-explain. Pero alam kong hindi talaga titigil ang mga kupal hangga’t hindi nila nalalaman ang totoo. Mga warka.
“So ayun, kaya nga pala ako napa punta rito, para sabihin sa ‘yong, start na ng enrollment bukas, sabay na tayo!” Nakangiting sabi ni Chloe, at mabuti naman at tumahimik na ang mastermind ng kalokohan na ‘to.
“Sabay na rin ako ‘cous,” ani Tiffany, mabilis niyang sinubo ang pagkain nasa kutsara niya, kita kong sumulyap siya kay Chloe. Ahem, may naamoy ako.
“Join na rin ako guys, mukhang iisang University lang naman tayo ano?”
Napatingin kaming lahat kay Andrie, “Saan campus ka pala at ano’ng course mo Drie?” I asked out of curiosity. Sana sa University kung saan ako mag-e-enroll, doon siya magta-transfer.
“Magta-transfer ako, sa J.A.L University, and you know, Education ang course ko.” Sagot niya, “Ikaw? Freshman ka ‘di ba? And wait, Psych kukunin mo ano?”
Yown! Yes! Sa J.A.L din siya!
Pero mas kinilig ako dahil sa sinabi niya, alam pa pala niya ang dream course ko mula pagkabata. Ano ba ‘yan, I really appreciate small things kaya.
“Ahh, oo,”
“Educator pa la ‘tong si Andrie, basta Educator gwapo talaga e!” Nakipag-fist bump pa si Kuya kay Andrie. Heto nanaman ang kahanginan niya.
“Opo Kuya Conan, at totoo ‘yan, tapos hot pa,” sabay flex niya ng kaniyang bicep, tinaas niya ang manggas ng kaniyang shirt kaya literal na flumex ang kaniyang malaking bicep.
Shit, pa-headlock! Sarap tangina.
“OMG! Sa ‘yo lahat ‘yan Jeirus! Ama namin nasaan ang amin!” Halinghing ni Chloe na ikina-ismid ko. Bwisit talaga ‘to kahit kailan.
“Baliw! A-Ano’ng akin lahat ‘yan e, kaniya ‘yan!” Konti na lang talaga magiging isang ganap na kamatis na ako.
Pero mas may i-kaka-pula pa pala ang mukha ko nang magsalita si Andrie “Yes, its all yours Jei, besides ginagawa mo naman unan ‘to, mula noon,” sinubo niya ang pagkain nakalagay sa kutsara niya, “gaya kagabi.” Sabay kindat niya sa akin.
Nagtitili naman ang baliw kong kaibigan, sinabayan pa ng magaling kong kapatid at pinsan.
Mga baliw! Kainis kasi ‘tong si Andrie, alam na alam kung paano ako kunin. Rawr!
To be continued…
Chapter 9
JEIRUS AXIEL TORREZE’S P.O.V
….
Kasalukuyan akong nag-aayos habang tinitingnan ang reflection ng aking sarili sa salamin.
“Shet, ang cute mo talaga Jeirus!” Puri ko sa sarili habang inaayos ang kwelyo ng suot kong polo shirt. Ngayon na ang simula ng enrollment sa J.A.L, finally isa na talaga akong ganap na college! Actually 2nd year college na dapat ako ngayon, kung hindi lang ako nahinto noon dahil sa… Nevermind! Past is past ika nga ni Andrie. Kaya dapat mag-focus na lang ako sa kasalukuyan. Ayoko na rin alalaanin iyun. Besides ako lang naman ang nakakaalam doon. Pero kapag bumabalik ang pangyayari na ‘yun sa akin, kusa na lang nagsisibagsakan ang mga luha sa akin mga mata—gaya ngayon.
“Calm down…” Pagpapakalma ko sa ang sarili. Shet, sumisikip nanaman ang dibdib ko. Pumikit ako’t bumuntong hininga. “Everything will be okay, self. Kaya mo ‘yan!” At muling binuksan ang mga mata—na may ngiti na rin sa labi.
“‘Cous! Are you done?”
Napatingin ako sa pinto nang marinig ko ang sigaw ni Tiffany, “Yup! Heto na!” Muli kong inayos ang sarili at nagpakawala ng malalim na hininga.
Pagbukas ko ng pinto, bumungad sa akin si Tiffany, “Wow girl, I mean, boy? Anyare ‘Te? Boyish na boyish ang datingan natin ngayon?’” Pagtataka kong tanong kay Tiffany, paano ba naman naka: jeans jorts, maluwag na white T-shirt, at cup si bading at teka, mukhang bagong gupit din siya. Mula sa dati niyang buhok na hanggang dibdib, ngayon wolf cut na.
“New style lang, tara na! Naghihintay na sila sa baba,” sus, pero iba ang nakikita ko sa mga mata niya. May something talaga sa babae na ‘to, ramdam ko ang kaba…
Kabadingan!
Magtatanong pa sana ako ngunit umalis na siya, sumunod na lang din ako sa kaniya at baka ma-late na nga kami.
Pagbaba namin sa grand floor ay bumungad sa akin sina: Chloe at Andrie. Bigla akong lumungkot dahil iba ang suot na damit ni Andrie. Sabi niya kagabi mag-polo shirt kami, kaya nga heto oh, naka polo shirt ako tapos pinaresan ko ng trousers. Pero hayaan mo na, ang lakas naman ng dating niya. Naka plane white shirt siya na apit na apit sa kaniyang maskuladong katawan at pinaresan niya ng jeans, at white shoes. Perfect!
Si Chloe naman, naka puting off shoulder dress na hanggang ibabaw ng tuod with high heels. Tiningnan ko ang katabi ko, hindi na ako nagulat nang makita siyang titig na titig sa Best Friend ko. Naku! Sinasabi ko na e.
Lumapit ako kay Chloe, “Baks!” Binalingan ko si Andrie na hindi maipinta ang mukha, bad mood ba ‘to?
“Hi Andrie, ang g-gwapo mo ha,” puri ko, ngunit kinunutan niya lang ako ng kilay. Anyare rito?
“Bakla hindi ‘yan si Andrie, lumabas ang bebe boy mo.” Napatingin ako kay Chloe na ngayon ay ngumingisi sa akin.
Potcha! Kaya pala ang asim ng mukha neto! Where’s my baby—
“Sorry, guys may kinuha lang ako, nakalimutan ko ‘tong mga requirements ko e,”
Napatingin kaming lahat sa binatang hingal na hingal pang pumapasok ngayon sa loob ng bahay namin. Tila bumagal ang oras nang magtama ang aming mga mata, tapos parang biglang tumugtog ang kanta ni Sarah G. Na “Maybe This Time”
Ang guwapo niya sa suot niyang polo shirt at trouser. Ang lakas ng dating niya. Basa pa ang kaniyang buhok at halatang kakaligo lang nito, may bubutil din na pawis na namuo sa kaniyang noo, pero hindi manlang siya nagmukhang haggard, bagkus naging hot pa siya sa paningin ko. Shet! I’m so fùcking inlove with this guy talaga.
Nakatitig lang ako sa kaniyang namumungay na mga mata, kulay light blue ang mga ito at namana nila ito kay Tita Florenda na isang half American—at kay Tito Vince naman na half British din. Ako naman, half korikong lang.
Bumalik lang ako sa realidad nang maramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko, “Let’s go na!”
Wala sa sariling sumunod ako sa kaniya.
“Weirdo talaga,” rinig kong sabi ng kambal tuko ni Andrie, binalingan ko siya nang tingin at sabay irap.
“Let’s go na guys! For the economy!” Sigaw ni Chloe, at nagtawanan naman ang mga kasama ko, kahit wala naman nakakatawa. Chariz.
Halos tatlong oras ang hinintay namin hanggang sa makapag-enroll na kami. Si Tiffany nga lang pala ang kasama ko ngayon, dahil siya ang kapareho ko ng kurso. BSPsych.
Si Andrie, 3rd year BSED: major in English, magkaiba sila ng kambal tuko niya. 3rd year Engineering si kumag. Habang si Chloe naman ay Nursing ang kinuha niya.
“Saan nga pala natin sila kikitahin?” Tanong ni Tiffany, habang naglalakad kami sa hallway. Ang daming napapatingin sa amin—lalo na sa akin. Well, yes I’m gay, pero mukha pa rin naman akong straight kung titingnan, hindi naman ako nagpapanggap or paminta kung tawagin. Bulgar na bulgar naman ako. Matangkad din kasi ako, 5’10. At sanay naman din ako, mula high school hanggang—gaya ngayon. Pero sorry sila, kay Andrie lang ang aking heart—corny!
“Sabi ni Andrie sa may labas daw, doon sa karindirya, mag-lunch na raw tayo roon.” Sagot ko.
“Ah, okay,” ani Tiffany, at mukhang may gusto pa siyang sabihin ngunit parang nahihiya siya. Kaya inunahan ko siya sa paglalakad, huminto at hinarap siya. “Ano ‘yun pinsan kong dating dalagang pilipina ngayon binatang pilipino na?” Taas kilay kong tanong habang may ngisi sa labi.
Naguguluhan siya sa sinabi ko, “Ha?”
“Ay nako! Tiff, don’t me, gusto mo ba si Chloe? Ang kaibigan ko?” Diretcho kong tanong. Kita ko ang pagkagulat sa kaniyang mga mata.
“H-Ha? P-Pinagsasabi mo,” umiwas siya nang tingin at muling naglakad. Mabilis na lakad ang ginawa niya. Naknam, ‘tong biglang tibo na ‘to! Well hindi ko naman siya masisisi, maganda naman ang kaibigan kong si Chloe. Chinitang morena na unang tingin ay dalagang pilipina, ngunit ang totoo’y babaeng kanal pala. Chariz. I mean kalog.
“Wait! Lang, hoy bading—Aray!”
Sa paghabol kay biglang tibo, hindi ko namalayan na may taong nagmamadali rin tumakbo papasok kung saan kami nang galing. Bumunggo ang braso ko sa braso niya—mediyo may pagkalas siya kaya ako ang bumagsak sa sahig—at shuta pwet nanaman! Noong una si Andrew—kambal tuko ni Andrie. Ngayon naman ‘tong, “Hindi kaba—” Nahinto ako nang magtama ang mga mata namin,
“Addie?”
“J-Jeirus?”
Sabay naming sabi.
“I’m really sorry for what happened earlier, naiwan ko kasi ‘yung walet ko sa upuan ko kanina. Sorry talaga Jeirus.”
Kanina pa siya hingi nang hingi ng tawad. Habang ako heto, in-e-enjoy ang libre niya. Aba, dapat lang manlibre siya ha, sakit kaya ng ginawa niya.
“Okay nga lang,” tiningnan ko ang pagkain niya, hindi pa pala niya ginagalaw. “Kumain kana uy,”
Nandito kami ngayon kung saan namin kikitahin sina Andrie, ngunit kanina pa kami rito pero wala pa sila. Maski si Chloe. Siguradong naka pila pa ang mga iyun or hindi kaya ay nagfi-fill up ng forms.
“Sarap talaga ng libre, thank you Raddie!” Maligayang sabi ni Tiffany, habang hawak-hawak ang tiyan, busog na si biglang tibo.
“It’s Addie, miss—I mean, wait are you also part of the community? I meant no offense ha, curious lang,” si Addie, mukhang naamoy din niya ang pinsan ko. Hindi naman nakasagot si bading. “You don’t have to answer it din, sorry—”
“Yes, I-I am.” Pero sa akin natingin si Tiffany. “I’m bisexual.” Nginitian ko siya upang ibigay ang suporta ko sa kaniya.
“Naks, ang cool mo! By the way, I’m pansexual, part din ako ng LGBTQ+,”
Napatango-tango naman si Tiffany. “Cool,” komento niya.
Ah, kaya pala na sabi niya noon na he’s into his din. Akala ko bisexual, lahat pala pinapatulan.
“Mga bading pala tayong lahat dito ano! ” Biro ko. Nagtawanan sila.
“Hoy bakla!”
Pare-pareho kaming napatingin sa kay Chloe na ngayon ay hingal na hingal, mukhang nagtatakbo. Iba rin, naka high heels tapos nagtatakbo. Napatingin ako sa likoran niya, nandoon ang kambal tuko, nakangiti ako nang masilayan ko si Andrie—na ngayon kunot noong naka tingin kay Addie.
“Hinanap pa namin kayo,” hinihingal niyang sabi. Lumagok siya ng tubig—gamit ang baso ni Tiffany. Kita ko naman ang pagkagulat ni Tiffany.
Wow in-direct kiss.
“Addie? Ano’ng ginagawa mo rito?” Tanong niya sa binata, matapos niya itong mapansin.
“Nagkasalubong kami sa loob,” ako na ang sumagot, baka sabihin pa ni Addie ang tunay na nangyari.
“Ah, oo, tapos sabi nila hihintayin nila kayo rito,” si Addie.
“Kumain na kayo?” Nabalik ang tingin ko Kay Andrie, nasa may gilid ko na pala siya. Napatingin ako sa plato kong wala ng laman. Shet, oo nga pala. Napag-usapan namin na sabay-sabay kami.
Dahan-dahan akong tumango, “Ah, eh, oo, nilibre kami ni Addie,” sabay tingin ko kay Addie na ngayon ay nakatingin din sa akin.
“Addie?” Pagtataka ni Andrie.
“Ah oo nga pala, si Addie, classmates sila ni Chloe noon and,” ano pa bang sasabihin ko. Para akong nahuli na nangangaliwa sa asawa.
“Addie nga pala, Jeirus’ friend bro,” hindi ko napansin ang pagtayo ni Addie. Nilahad niya ang kamay niya, nakipag-kamay naman si Andrie. “Andrie, Jeirus’ Childhood Best Friend. Till now.’”
Ewan ko, kahit wala naman nakakakilig. Kinilig pa rin ako sa paraan niya nang pagpapakilala sa akin. Kainis!
To be continued…
Chapter 10
JEIRUS AXIEL TORREZE’S P.O.V
….
“Grabe bro! Magkamukhang-magkamukha kayo ng utol mo!” Hindi makapaniwalang sabi ni Addie habang palipat-lipat ang tingin niya sa kambal tuko. Grabe ang daldal nga talaga niya. Super OA, tapos ang dalawang kambal tuko, nonchalant lang—understanding pa kung si Andrew lang e, pero pati rin si Andrie. Alam kong OA din ‘to e. Tapos napapansin ko ang malamig na tingin niya kay Addie. Why?
“Hindi pa ba tayo uuwi?” Malamig na sabi ni Andrew. Cold person talaga ang tao na ‘to.
“Mamaya na Drew, maglilibot pa tayo. Pupunta pa tayong lima sa Plaza.” Si Andrie. May diin pa niyang sinabi ang salitang “lima”. Napatingin tuloy ako kay Addie. Mukhang nagulat siya sa sinabing iyun ni Andrie.
“Ah, may lakad pala kayo. Sorry guys kung na-istorbo ko kayo,” tumayo siya akmang magsasalita nang tawagin ko siya.
“Addie, sama ka?” Bigla kasing lumungkot ang mukha niya. Ayaw ba sa kaniya ni Andrie? Bakit? Ang sarap kayang kasama nitong si Addie.
Umiling siya, “Hindi na. Hihintayin ko rin pala ‘yung kasama ko. Sige,” tiningnan niya ang mga kasama ko, at dumako ang tingin niya sa akin. Our eyes met. “U-Una na ako, enjoy guys.”
“Thank you sa treat. Mag-ingat ka!” Pahabol ko sa kaniya. Ngumiti lang siya at dali-dali nang naglakad papasok ulit Sa University. Naawa ako, kasi feel ko gusto pa niya kaming makasama, pero dahil sa sinabi ni Andrie, umalis na lang siya.
Nagpasya rin kaming pumunta ng Plaza. Walking distance lang naman mula rito sa University. Nang makapasok kami bumungad sa amin ang taong namamasyal din: mga kabataan, mag-jowa, pamilya at iba pa. Tapos halos lahat sila napapatingin sa gawi namin. Well may kasama ba naman kaming artistahin—palipat-lipat din ang mga tinginan nila sa amin apat, at halatang mas agaw pansin si Andrie.
Sa pinaka dulong bahagi ng Plaza kami nagtungo. May mga bench doon. At sa may malaking puno kami umupo, para presko.
Wala na nga pala si Andrew, umuwi na. He gets bored na raw kasi. Arte-arte. Pa-conyo pa si baliw. Kaya apat na lang kami ngayon.
“Guys, bili muna akong makakain natin! ” Suhesyon ni Chloe. Tumingin siya kay Tiffany, “Tara Tiff, samahan mo ako!” Kita ko ang pagkagulat ni Tiffany. Kinilig na ‘yan. Wala siyang nagawa nang hilain siya ni Chloe. Grabe, sa kaibigan ko lang pala siya mawawalan ng angas.
Kami na lang ni Andrie ngayon ang natira. Parehong tahimik na pinagmamasdan ang mga taong nagsisiyahan. I checked my wrist watch. It’s already 4 in the afternoon. Kaya hindi na gano’n kainit.
Napatingin ako sa kaniya—nakatingin din pala siya sa akin. Nagtagpo ang aming mga mata. Bumaba ang kaniyang tingin sa akin labi. Binasa niya ang kaniyang labi at muling binalik sa akin ang tingin. “Jeirus… ” Tawag niya.
“Y-Yes?” Seryoso kong tanong.
Muli siyang tumingin sa labi ko, ngumuso siya. Wait what? Kingina, biglang nag-init ang buong mukha ko. Shet, magiging tomato nanaman yata ako. Ano raw? H-Halikan ko siya? Oo, nagtama na ang mga labi namin. At yes, malambot ang kaniya, parang marshmallow at mabango ang bibig. At gusto ko rin naman gawin iyun ulit, pero nasa public kami.
“N-Nasa public place tayo, p-pag-uwi na lang,” nauutal kong sabi. Shuta hindi pa rin niya tinanggal ang pagkaka-nguso niya, at nginungusuhan pa rin niya ang labi ko. Kumunot ang noo niya sa sinabi ko. Nawala ang nguso niyang labi.
“Ha?” Kunot noo niyang sabi. “Sabi ko,” nagulat ako nang idampi niya ang kaniyang inlalaki sa gilid ng aking labi, “may sauce kapa ng kinain mong kaldereta.” Sabay ngisi niya. Tangina! Iyun ba ‘yun? “What do you mean nasa public place tayo?”
“Ayan assumera kasi kala mo gusto ka niyang halikan no? Delulu pa more bakla!” Sabi ng kontrabida kong utak. Ano ngayon ang ipapalusot ko! Kainis kasing bibig at pagka-delulu ‘to.
Sabay kaming napatingin ni Andrie sa mga grupo ng kababaihan na humahagikgik habang nagtatalon patungo sa kinauupuhan namin. Salamat, na-distracted siya.
“Girl sabi na sa inyo e, si Andrie nga!”
“OMG! Ang pogi pala niya sa personal!”
“Ack! Ang guwapo rin ng kasama niya!”
“Ang hot niya beh!” Sabay tilian nila.
Lumapit ang babaeng sa tantiya ko ay kasing edad ko lang, “Kuya Andrie! Ack! Kyahhh! Pa-picture po kami!” Halos maging kamatis na ang mga mukha ng mga pashneyang ito sa kilig. At naalala ko. Sinabi noon ni Chloe, sikat daw itong si Andrie sa Tiktok. Hindi ako madalas magtambay doon dahil wala naman akong apps na gano’n. Mamaya nga ma-download.
Tiningnan muna ako ni Andrie, parang humihingi ng permisyon—delulu nanaman. Tumango’t ngumiti lang ako sa kaniya. Isa-isa naman nagpa-picture ang mga pashneya.
“Thank you po! Kyahhh!”
“Kay Kuya rin po na kasama niyo, grabe ang cute niya!”
“Mag-jowa ba sila?”
“Ack! Bagay sila kyahh! BL! BL!”
Kinilig ako nang sabihin ng iba sa kanila na bagay daw kami. Enebe. Kinuhanan din nila kami parehas ng litrato. May mga nagpa-picture din sa akin—hindi ko alam, hindi naman ako sikat. Ang kasama ko lang ang sikat. Anti social media pa naman din ako. Hindi rin ako mahilig mag-picture. Pero dahil sinabi nilang bagay kami, laban!
Nang makaalis sila, tiningnan ako ni Andrie, “Bagay daw tayo,” naka ngiting ani niya. Ngiting hindi labas ang mga ngipin, parang nagpipigil din. Kita ko rin ang pamumula ng tainga niya.
Imbes na sagutin, iba ang sinabi ko, “Ikaw ha, famous ka pala sa TikTok,” sabay tusok-tusok ko sa tagiliran niya.
Nanlaki ang mga mata niya, “Have you watch my videos?” Abot hanggang tainga pa ang kaniyang ngiti.
Umiling ako, “Mamaya pa lang—I mean, ” shet, pahamak talaga ‘tong bibig ko. “Oo, mamaya, magbubukas kasi ako ng TikTok, may panonoorin tutorial.” Palusot ko. Nawala naman bigla ang ngiti sa labi niya. “Pero ano, hmm, ipa-follow k-kita,”
Muling sumilay ang ngiti sa kaniyang labi. “Thanks,”
Dumating na rin sina Chloe at Tiffany. Nagkuwentuhan lang kami habang kumakain ng binili nilang McDo at Jollibee, gusto raw kasi ng isa sa McDo, ang isa naman sa Jollibee. Ending bumili na lang sila sa pareho branch. Nang matapos kumain ay umuwi na rin kami.
….
Nauna nang nakauwi si Chloe, kaming tatlo na lang ngayon ang naglalakad pauwi sa amin. Habang naglalakad ay nagkukuwento lang kami sa mga bagay-bagay, tapos si Tiffany madalas magtanong kay Andrie noong freshman pa lang siya, hanggang sa hindi namin namalayan na nasa harapan na kami ng aming tahanan.
“Una na ako sa inyo!” paalam ni Tiffany. Tinanguan lang namin siya. Nang makapasok siya hinarap ko si Andrie.
“Papasok kana ba?” Tanong niya.
“Sana, bakit? May sasabihin kaba?” Mukhang may gusto pa kasi siyang sabihin.
“Sa bahay sana namin, tambay muna tayo. If it’s okay with you,” hinihintay niya ang sagot ko. Nangungusap ang mga mata nito. “M-May sasabihin din ako sa ‘yo, roon.”
Biglang kumabog ang puso ko. Ano’ng sasabihin niya?
“S-Sige, s-sure,”
Sumama ako sa kaniya. Hindi ko alam kung ano’ng i-re-react ko. Mix emotions. Kanina pa gustong kumawala ng puso ko!
Nang makarating kami sa harapan ng gate nila, pumasok siya—sumunod ako sa likoran niya. Binalingan niya ako nang tingin, “Are you okay?” Tumango ako. Nilahad niya ang kamay niya, tiningnan ko muna iyun bago hawakan. Heto na, nagwawala nanaman ang mga alaga ko sa kalooban ko. Ngumiti siya. Paskshet, ang pogi talaga!
Naglakad na kami hanggang sa makarating kami sa main door nila. Pinihit niya ang seradura, at nang makapasok kami bumungad sa amin ang Mama niya—dumako ang tingin ko sa kasama ng Mama niya. Isang babaeng maganda, naka sleeveless red dress, hanggang balikat ang buhok. Nanginig ang kamay ng lalaking kasama ko, napatingin ako sa kaniya—nagulat ako nang tulala siyang nakatingin sa babae.
“S-Stacey?”
“Son nandito kana pala, Stacey’s waiting you, your girl friend.”
Girl friend? Sumikip bigla ang dibdib ko sa narinig.
To be continued…
Chapter 11
JEIRUS AXIEL TORREZE’ P.O.V
…..
Mahirap mahulog sa mga straight; iyan ang paniniwala ng mga kakilala ko at mga taong may kasarihan na tulad ko. Aminin ko, totoo naman. Straight sila at sa mga kapwa nila straight lang sila mahuhulog—I mean ang lalaking straight ay para lang sa babaeng straight. Gano’n.
Pero hindi. Marami naman na akong napanood, nabasa at nakita. And ako mismo, naniniwala akong love is love. Love is not about of who you are. Malaya kang magmahal ng kahit sino o kung ano man siya.
Kaya naniniwala akong may pag-asa pang magkagusto sa akin pabalik si Andrie. Pero ngayon, ang pag-asang iyun ay tila naglaho. His ex-girlfriend is back. Kita ko sa mga mata niya, nang gabing umiyak siya at i-open ang tungkol sa relasyon nila. Mahal pa niya. Hindi ako siguro, pero iyun ang sinasabi ng mga mata niya noon.
Nandito ako sa kuwarto ni Andrie. Dito niya ako dinala nang makapasok kami. Hintayin ko raw siya, kakausapin niya muna ang dati niyang kasintahan. Hindi ko alam pero may something doon sa babae na hindi ko maintindihan. Basta may naaamoy akong kakaiba.
Aso yarn?
Nilibot ko ang paningin sa paligid ng kuwarto niya. Ngayon ko lang na-appreciate ang room niya. Naglalaro sa kulay itim at asul ang kuwarto niya. Lalaking-lalaki ang dating. Malinis. Mabango—iyung amoy ni Andrie.
Hindi ako mapakali. Kanina pa kasi nang iwanan niya ako rito. Kanina pa rin sumisikip ang dibdib ko.
Nagseselos ako, oo. Pero ano naman ang karapatan ko. Hindi ko nga alam kung ano pa ang ginagawa ko rito e. Dapat kanila pa lang umalis na ako. Ayan na, bumalik na ang hinihintay niya, nandiyan na siya. Magkakaroon na sila ng happy ending. Siguro itatago ko na lang ‘tong feelings ko. Kasi Best Friend lang ako, baka mag-iba pa ang tingin niya sa akin. Baka gano’n nga lang talaga siya—kasi gano’n naman nga talaga siya, noon pa. Sweet, caring at mapagmahal na… Kaibigan. Hanggang doon lang iyun.
Ang ipinagtataka ko lang kung bakit hindi alam ni Tita Florenda ang paghihiwalay nila—I mean, ang pag-iwan ni Ate girl kay Andrie. Baka ayaw lang talagang masira ni Andrie ang image ng ex niya, sa mga Pamilya niya. Sweet—parang hindi iniwan.
Ano kaya ang sasabihin niya? Kanina ko pa ‘to in-o-overthink.
“Baka heto lang ‘yun, baka makikipag balikan na siya sa ex niya,” walang emosyon kong sabi. Sumikip pa lalo ang dibdib ko sa ideyang iyun. Shaket naman magmahal.
Tumunog ang pinto, udyat na bumukas ito kaya napabaling ako nang tingin dito. Iniluwa nito si… Andrew. Hindi naman ganito ang suot ni Andrie, so si Andrew ‘to. At saka, mediyo nakikilala ko na sila. May nunal si Andrew sa sintido, nasa leeg naman iyung kay Andrei.
“Hey weirdo, pinapatawag ka ni Mom.” Malamig niyang sabi. Sinamaan ko siya nang tingin.
“Can you please stop calling me names. I’m not weirdo, I have a name.” Tumayo ako’t nilampasan siya.
“Weirdo,” bulong niya.
Tinaasan ko siya ng hinlalato.
“Anak, Jeirus, sabay kana sa amin.” Abot hanggang tainga ang ngiti ni Tita. Ang ganda ng Mama ni Andrie. Manang-mana niya ang light blue eyes ni Tita.
Nginitian ko siya, “Thanks po, nasaan nga po pala si Andrie?” Tanong ko.
“Nasa labas pa yata sila, alam mo na, bebetaym,” sabay hagikgik niya.
Tita naman e, nananakit talaga.
Bumukas ang main door, kaya napatingin ako roon. “Ayan na pala si Andrie—” Nahinto si Tita nang wala ng sumunod kay Andrie. “—where’s is she?” Kunot noong tanong niya.
“Umuwi na,” pansin ko ang pagngiti niya. Hindi lang abot hanggang tainga—hanggang langit pa. Edi siya ang may love life. Hanggang loving him na lang ako from a far.
“Nako, oo nga pala, aalis din daw siya, nagpaalam na pala siya sa akin kanina.” Natatawang sabi ni Tita. “Hali na kayo, kakain na.”
Umupo na kami, at nagsimula nang kumain. Pansin ko ang panay sulyap sa akin ni Andrie—sulyap na may halong ngiti. Ano, pinapamukha ba niya sa akin na masaya na siya? Edi roon na siya. Siguro simula ngayon, lilimitahan ko na ang pakikipag-usap sa kaniya. Babalik na ako sa linya, kung saan lang dapat ako. Kasi sa huli, ako lang naman ang masasaktan. Ayoko naman nang lumalim pa ‘to, kahit na sobrang lalim naman na talaga.
Simula nang gabing iyun, sinunod ko talaga ang mga pinangako ko sa aking sarili. Na iiwas na muna sa kaniya. Babalik na ako sa linya kung saan ako nababagay. Hanggang doon lang naman dapat e. And besides, lagi na silang nagsasama. Edi sila na! Magbi-break din naman ulit. Hindi naman ako sure kung sila na nga talaga, hindi na ako nagtanong at halata naman, hello.
Selos; oo, nagseselos pa rin ako. Pero alam kong mawawala rin ito. Sana manlang makahanap na ako ng bagong happy crush, kahit iyun lang.
Buti na lang din talaga at nagsimula na ang pasukan, mas nag-focus na lang ako ngayon sa pag-aaral. At sa hindi inaasahan, block mates kami ni Addie Psychology din pala ang kinuha niya.
“Hey Jei, what’s problem? Tahimik mo ha,”
Nabalik ako sa realidad nang magsalita si Addie.
“Ha?”
“Hatdog,” dugtong niya. Sinamaan ko siya nang tingin. “Mong maliit,” sabi ko sabay ngisi.
Siya naman ang nagtaas ng isang kilay, “Nakita mo na?” Sabay ngisi niya.
Pinamulaan naman ako sa sinabi niya. “Hindi pa, pero mukha naman.” Nag-iwas ako nang tingin, saktong napatingin sa dalawang taong naghaharutan sa may hall way.
“Wala naman forever,” bulong ko. Ngunit narinig pala ng kasama ko.
“Bitter mo naman sa Childhood Best Friend mo!” Bulyaw ni Addie sabay halakhak niya. Tiningnan ko siya ng masama. “Shut up! Adeng!”
“Adeng amp! Ang baho!” Sabay kaming nagtawanan. Ganito lagi, sa tuwing kasama ko si Addie. Nakakalimutan ko ang problema. Grabe, hindi yata ‘to nauubusan ng energy. Sobrang ligalig. Boy version talaga siya ni Chloe. At speaking Chloe, madalas na silang lumabas ni Tiffany, tapos lagi rin silang magkasama sa University. Halos si Addie na nga lang ang nakakasama ko e.
Mga bading talaga, edi sila na ang may love life!
Muli akong tumingin sa lugar kung nasaan sina Andrie at Stacey, nakatingin si Andrie sa pwesto namin—hindi ko alam kung tama ang nakita ko, pero naliliksik ang mga mata niya habang nakatingin kay Addie. Nakasara rin ang kaniyang mga kamao. Kung hindi pa siya tinawag ni Stacey hindi pa niya tatanggalin ang matatalim niyang titig sa lalaking kasama ko.
Gano’n naba talaga kasama ang tingin niya kay Addie? Ay ewan. Bahala siya. Basta, masarap kasama ang lalaking ‘to. Sana nga sa kaniya na lang ako nahulog—baka may chance pa kasi pareho kaming nasa community. Pero malabo rin. Ay bahala na si God kung sino man para sa akin. Rawr!
To be continued…
Chapter 12
JEIRUS AXIEL TORREZE’S P.O.V
….
Nakahiga na ako ngayon sa malambot kong kama, habang pa-scroll-scroll sa TikTok. Watching his videos.
Shuta, sana pala rati pa, in-stalk ko na siya. Kaso hindi ko naman alam na may ganito siyang account. Halos shirtless lahat ang mga video niya habang sumasayaw, minsan gumuguhit at kumakanta. Iyun nga pala ang hidden talent namin. Gumuhit at kumanta. Pareho namin iyun hilig, mula pa noon mga bata pa kami.
Pero hindi ko alam, Dancerist din pala ang Lolo niyo!
Hindi ko maiwasan hindi matakam at maglaway sa mga hubad niyang content. Kaya naman pala sumikat.
Gaya ngayon, ang video niya ay nahihiyang kumakaldag, kuha pa ‘to last year. Sarap kainis!
Swerte naman ni Stacey!
Mula sa dibdib niyang malulusog, with pinkish nipples—walong pandesal na mas hot pa sa tinda sa kanto-bakery. And the V-line! Tapos ang lalaki ng bicep.
Mapapa “choke me Daddy” ka talaga!
Muntik ko nang maibato ang cellphone ko nang mag-ring ito.
Shuta! Panira naman.
I saw my Mother’s name on the screen. Sinagot ko agad ang tawag, “Ma bakit? Panira po kayo, nanonood ng bold ang tao e,” bungad ko.
“Anong bold? Kailan kapa naging manyak tulad ng demonyo mong Papa?” Nilayo ko ang cellphone ko, dahil sa lakas ng boses ni Mama.
“Ma! Ang ingay, masisira po eardrums ko sa inyo!” Muli kong binalik sa tainga ko ang parteng speaker ng cellphone. At muli akong nagsalita baka banggitin nanaman niya ang magaling kong Papa. “Bakit nga po pala kayo napa-tawag?”
“Kakamustahan lang kita, kumakain kaba ng maayos niyan? Iyung pinadala ko, binigyan kaba ng Kuya mo?” Malambing na ngayon ang kaniyang boses, at bakas ang pag-aalala.
“Okay naman po ako, at opo kakabigay lang po ni Kuya kanina.”
“Ang Kuya mo? Baka nambababae na ‘yan ha!”
“Ma, alam niyo na pong tutok sa pag-aaral iyang si Kuya. Maayos naman po. Kayo po, kumusta?”
“Ayos lang din kami ‘Nak,”
“Iyung business po? Kumusta naman?” I’m talking about our business; coffee shop. May 2 branches na kami sa Tarlac Province, at may pinapatayo rin sila rito sa Tarlac City, sa may gilid ng entrance ng village kung saan kami ngayon nakatira.
“Sa awa ng Diyos, umuusad pa naman. Kinuha ko ang nabuntis ng Kuya mo, para may trabaho rin habang hindi pa lumalaki ang tiyan,” sagot niya sa kabilang linya. “O sige matutulog na ako, ikaw rin! Huwag ka nang manonood ng bold! Murit ka!” Natawa ako sa pagsabi niya ng “murit” dialect kasi namin iyun, Kapampangan sa Tagalog ng murit is; baliw.
“Sige po, I love you! Good night—” Sabay toot toot ng cellphone ko. Aba bastos itong si Mama, pinatayan ako.
I-o-off ko na sana ang cell phone ko nang mag-pop up ang pangalan ng lalaking kanina ko pa iniisip. Nabasa ko ang kaniyang message bago ito mawala.
Andrie:
Still up? Can we talk?
Hindi ko iyun ni-seen. Bahala ka riyan! Matapos ang lahat, balak mo pang makipag-usap. Tse! May Stacey kana, roon ka makipag-usap. Tuluyan ko nang pinatay ang cellphone ko at ipinatong sa librong nasa tabi ng kama ko.
Kanina ko pa gustong matulog, pero potcha ayaw akong dalawin ni antok, ano pati si antok may ka-bebe time na rin? Ang lala! Edi kayo na talaga! Magsama-sama kayo!
Isa pa itong si mix signals boy na ito. Ano bang tingin niya sa akin? At kahit hindi ko aminin hindi ba niya nahahalata or nakikita na may gusto ako sa kaniya. Pilit pa rin siyang gumagano’n. Well, marupok ako pero hindi ako shunga. At saka, hindi nga niya sinabi nang gabing iyun iyung dapat na sasabihin niya. Hanggang ngayon tuloy hindi pa rin maalis sa isip ko. In-o-overthink ko pa rin. Tapos ngayon, heto nanaman siya magchachat! Hay!
Nag-dasal na lang ako ulit, kahit na kaka-dasal ko lang kanina. Ganito ako kapag hindi makatulog. Lalapit kay Papa God. Buti na lang nandiyan pa siya, siya talaga itong una kong nilalapitan sa tuwing may problema ako. Mabigat man or magaan, ilapit mo iyan sa kaniya, dahil makikinig siya.
“Amen,” bulong ko, sabay pikit. At humikab-hikab na nga ako. Hindi ba? Ang lakas ko kay Papa G!
Hay! Sarap ng gising ko, sana masarap din ang ulam—pero siyempre sana masarap din ang araw ko ngayon. Wala munang asungot please!
Pa-pungas-pungas pa akong bumangon—diretcho sa C.R—my morning routine as usual: facial wash, tooth brush at moisturizer. At tada! Fresh na ulit si bakla!
Grabeng bakla ito, ang pogi at ang cute! Kagigil!
Minsan nao-obsess na rin ako sa sarili ko. Paano ba naman, look at that face!
Nang matapos ay lumabas na ako sa C.R—diretcho labas sa kuwarto. Pa-sayaw-sayaw pa ako habang bumababa. Ginagaya ko iyung sayaw ni Mr. Mix Signals. Kilala niyo na iyan.
Nasa ikatlong tapakan na ako ng hagdan pababa nang may tumawag sa akin.
“Jeirus,”
Nahinto ako sa pag-sayaw. Otomatikong kumunot ang noo ko. Dahan-dahan akong bumaba sa hagdan, “What. Are. You. Doing. Here?” In-isa-isa ko pa ang bawat words sa sentence nang may diin.
“I chatted you kagabi sa Messenger, you didn’t respond. Sinubukan kong pumunta kagabi, pero nakasara na kayo. Kaya ngayon ako nagpunta.” Paliwanag niya.
Dapat mukha tayong cold, mystery person parang ang kambal tuko niya. Akala niya yata tuluyan ko na siyang kinalimutan talaga, e kagabi nga lang halos ayaw ko nang tumigil sa pagpapanood sa mga videos niya sa TikTok. Well, dapat siya naman ang maghabol—hindi iyung ako na lang lagi. At para rin mawala na itong pakinang feelings na ito.
“Ang tagal mo na kasi akong in-ignore. M-May nagawa ba ako? Tell me please, para maayos natin.” Paos ang boses niya. Halatang puyat dahil sa malalim niyang eye bugs. At kung hindi ako nagkakamali para siyang umiyak, ano broken siya tapos sa akin nanaman siya tatakbo. Oo noon, nagawa ko siyang bigyan ng advice. Tapos ngayon binalikan nanaman niya, iiyak nanaman siya? Aba! Problema na niya iyun! Masakit pa rin ang puso ko ano.
“Wala nga,” malamig kong tugon. Tangina naman, please Andrie stop staring me like that! Alam na alam talaga ng lalaking ito kung paano ako kunin. Kainis. “K-Kumain kana ba?” Wala na, bumigay nanaman si bakla.
“Ikaw?” Balik niyang tanong.
“Ha? Ako kakainin mo?” Wala sa sarili kong sabi. Nagulat naman siya dahil doon.
“I mean, how about you? Have you eaten already?”
Umiling ako’t naglakad papuntang dining area para tingnan kung ano ang puwedeng makain—baka kasi itong lalaking ito ang makain ko. Ramdam ko ang pagsunod niya.
Ang daming pagkain may: fried siomai, fried rice, hotdog, tofo at baboy na adobo at dalawang naka timpla na kape. Tiningnan ko ang lalaking nasa likoran ko, “Nasaan sina Kuya?” Tanong ko. Agad akong nag-iwas nang tingin nang magtama ang mga mata namin. Bakit kaya ang hot pa rin niya at ang guwapo kahit mukha siyang pagod na ewan? Ang unfair din ni God e. Jokes!
“Maagang umalis si Kuya Conan, si Tiffany naman sinundo siya ni Chloe kanina lang,” Paliwanag niya. Maaga niya pa lang pumasok si Kuya—at iyung dalawang bading naman as usual. Kay-aga-aga nagdi-date! Wala kaming pasok ngayon e, night classes lang. Mediyo nakakatampo na si Chloe, dati-rati ako ang pinupuntahan niya, ngayon si Tiffany na. Pero gano’n talaga, everyone has their own life to live. I’m happy rin naman for the both of them kahit pa hindi pa sila umaamin, halata naman.
Umupo ako’t muli siyang tiningnan, “Upo ka.” Balik cold era si bading.“Kain, daming niluto ni Kuya.” Nagsandak ako ng fried rice at kumuha ng tatlong pirasong siomai—sunod-sunod kong sinubo ang mga iyun sabay nguya.
“Actually, ako nagluto niyan lahat,” sabi niya na ikina-ismid ko. Halos mawalan ako ng hangin dahil sa pag-ubo, kaagad naman akong inabutan ng tubig ni Andrie, “dahan-dahan lang kasi, its all yours, wala kang kaagaw diyan,”
Meron, si Stacey!
Mabilis kong nilagok ang tubig, at nahmasmasan nang pumasok ang mga nginuya kong siomai patungong esophagus ko. Nag-burp pa ako nang matapos uminom. “E-Excuse me, and thanks.” Shuta! For real ba? Niluto niya ang mga ito para sa akin? Pero bakit?
“As always, Jei.” Nakangiti niyang tugon.
“Nga pala, bakit ka nandito? Hindi ba’t may klasi ka ngayon? At saka… Si Stacey. ” I asked out of curiosity. Alam ko naman na suyong kaibigan lang ito. Pero tinanong ko pa rin.
Ngumisi siya, na hindi ko alam kung bakit. “Nag-absent ako, just to check you. Gusto rin kitang makausap kasi ilang araw mo na akong iniiwasan,” nag-absent siya para sa akin? Aba, mainggit kayo please!
“May jowa na ‘yan boba.” Heto nanaman ang epal kong isipin.
“We’re goods naman Drie, bakit hindi ba?” Matapang kong tiningnan ang mga mata niyang nangungusap. At salamat dahil hindi ako nauutal sa tuwing nasa ganitong klaseng eksena ako.
“We’re goods nga ba? You always with Addie—”
“You always with Stacey.” I cut him off.
Lumunok siya, “W-Why? Is there something wrong if I’m with her—” Muli kong pinutol ang sasabihin niya.
“Nothing. Kaya please, huwag mo rin sabihin na lagi kaming magkasama ni Addie. Drie, hindi lang naman sa atin umiikot ang mga mundo natin.” Kinagatan ko ang hotdog, tinakpan ko ang mga pagkain at tumayo, humarap ako sa kaniya. Our eyes met. “Balik na ako sa itaas, paki-lock na lang ng gate kapag lumabas ka. Maraming salamat sa pagkain. Mamaya ko na itutuloy. May mga gagawin muna ako.” At tuluyan na akong naglakad paalis sa dining area. Akala ko hahablotin niya ang pulsohan ko gaya ng mga ginagawa niya noon, pero hindi. Sumikip ang dibdib ko. Ano ba itong nangyayari sa akin.
Mabilis akong umakyat sa itaas—agad akong pumasok at sinara ang pinto. Napa-sandal ako sa pader at dito ko na binuhos ang mga luhang kanina pa nagbabadiyang tumulo. Tangina ang sakit! Ang sakit dahil nagawa ko iyun sa kaniya—na i-ignore siya, balewalahan siya. Tangina! Awang-awa pa naman ako sa itusara niya kanina. At pinagluto pa niya ako. Pero mas mabuti nang ganito ako. Para hindi na lumalim pa ang nararamdaman ko para sa kaniya.
Suyong kaibigan lang iyun—kasi hanggang doon lang naman talaga ang kaya niyang ibigay sa akin.
To be continued…
Chapter 13
JEIRUS AXIEL TORREZE’S P.O.V
…
Hindi ko alam kung anong oras umalis si Andrie. Hindi ko rin alam kung anong oras na, anong oras na ba? Bumangon ako mula sa pagkakahiga. Halos kanina pa yata ako iyak nang iyak dito. Malapit na ngang bumaha ng luha e.
I miss him! Hypocrite ako kung hindi ko siya namimiss! I fucking miss him! Tangina. Bakit ba kasi sa lahat ng tao sa kaniya pa ako nahulog? Sa Best Friend ko pa—tapos ngayon happily na with his ex-girlfriend na nagbabalik.
Muli akong lumabas para kumain, kita ko sa wall clock na nasa pader ng kuwarto ko, mag-a-ala una na. Gutom na gutom na ako.
Pagbaba ko, wala pa rin tao. Tahimik. Salamat naman at walang makakakita ng mugto kong mga mata. Gaya kanina gano’n pa rin ang ayos sa mesa. Muli akong umupo at nilantakan ang niluto niya, sayang naman. Mukha pa naman masarap ang tokwa at baboy na adobo niya. Specialty niya ito e.
Kinuha ko sa bulsa ang cellphone ko, in-on ko ang data at manonood sana ng mga vlogs ni Ivana Alawi nang mag-pop up ng tuloy-tuloy ang mga mensahe galing sa kung sino.
Kay Andrie, Kuya Conan, Tiffany at kay Mama. Una kong binuksan ang kay Mama.
Mama:
‘Nak, padala ako maya sau. */lize zone 7:30 A.M
Sunod kay Kuya,
Kuya Detective Conan:
Pinagluto kana ni Andrie riyan Jeirus, hanggang tanghalian mo na ‘yan. Mamaya pa ako uuwi. 7:00 A.M
Kay Tiffany,
Cous Tiff:
Sama ka naman sana kanina, we’re here sa mall, baka may ipapa-bili ka? 10:00 A.M
At last, sa kaniya,
Andrie Nathan Dermunoz:
Hey, umalis na ako. Hindi na ako nagpaalam, you look upset. 6:30 A.M
Are you okay? Please response. 6:31 A.M
May pasok kami mamaya, night classes. Please don’t snob me at school. 6:59 A.M
Hey, 7:01 A.M
Meet me later please, hindi ko na kaya. I have something to tell you, iyung naudlot noon. :) 10:00 A.M
I’ll wait you, sa may puno ng mga mangga. May solar light doon, no worries, hindi madilim. I miss you. 10:01 A.M
Nag-init ang magkabila kong pisnge sa huling mensahe niya. He really misses me ba? Heto nanaman siya sa may sasabihin. Ano nanaman ito? Ikakasal na siya? Iyung naudlot niya raw na sasabihin noon—na hanggang ngayon ay in-o-overthink ko pa rin. Tanaydana! Makasora ing makanini!
Pero heto na siguro ang tamang panahon para sabihin ko rin sa kaniya ang matagal ko nang nililihim. Panahon na siguro para malaman niya. Bahala na siya kung iwasan man niya ako or ano. Basta masabi ko na itong pesteng nararamdaman ko. Alam kong useless na, dahil may Stacey na siya. Pero para na rin sa ikaka-tahimik ng gabi ko. At para na rin hindi ako multohin sa hinaharap. Siguro kung dito na mapuputol ang pagkakaibigan namin, tatanggapin ko na lang. Iyun ang gusto naman ng nasa itaas. Tinatanggal niya ang mga toxic sa buhay natin. For the better!
Pero, shuta! Ini-imagine ko pa lang wala na talaga kaming connection sa isa’t isa. Parang hindi ko kaya, ang sakit sa dibdib. Dahil siya ang unang kaibigan ko. Na tumanggap sa akin bilang ako. Sumuporta, naging parang tunay na kapatid, at minahal ko.
Dahil wala pa si Kuya, nag-commute na lang kami ni Tiffany. Madalas niya kasi kaming i-hatid sa BMW niya—or should I say namin. Pero sa kaniya naman iyun, hindi naman ako marunong magmaneho, nagpapaturo pa lang. Ewan ko ba, bakit na-late iyun. Pero siguro sobrang busy na talaga niya. Graduating na rin kasi siya. Kaya todo push. Sana manlang mapasa siya sa board exam. Para maging isang ganap na Guro na siya.
Mang makarating kami sa harap ng University, nauna na akong bumaba—sunod si Tiffany. “Bayad po, Sir,” sabay abot ko sa isang dahan. Magbibigay pa sana siya ng sukli nang sabihin ko ang, “keep the change po. Thank you!” Abot hanggang tainga naman ang ngiti ni Kuya. “Nako! Salamat po Sir!”
Tumango lang ako’t ngumiti. At umalis na rin siya. Binalingan ko si Tiffany na busy sa kaniyang cellphone. Ngumingiti-ngiti pa si bading habang nagta-type.
“Saya mo ha! Sino iyan? Si Chloe no?” Tinusok-tusok ko siya sa tagiliran.
“Nag-tanong lang kung nandito na tayo, ” sagot niya, kita ko ang pamumula ng makinis niyang mukha.
“Wushu, kayo naba?”
“Hindi pa—I mean, ano, ” sabay kamot niya sa kaniyang nape. Palusot pa-more!
“Nako! Advance congrats, good luck na lang sa kabigan kong iyun, Tiff. Sana kayanin mo ang bunganga niya!” Kita kong ngumiti siya, nagpipigil pa ng kilig e.
“Jeirus!”
Napatingin ako sa lalaking tumawag sa pangalan ko. Lakad-takbo niyang tinungo ang kinatatayuhan namin.
“Oh, Addie kala ko nasa loob kana,” bungad ko sa kaniya.
Ngumiti siya, sumilip ang mga magaganda niyang mga ngipin, “I actually waits you. Tara sabay na tayo,” sabay-sabay na kaming naglakad papasok ng University. Para kaming punapasok sa isang hunted University dahil walang masiyadong ilaw sa entrance. Pero maliwanag naman sa loob. I checked my wrist watch and it’s 7 in the evening at hanggang 10:30 ang klasi namin.
“Tapos niyo na ba ‘yung reflection na pinapagawa ni Sir Dante?” Tanong ni Addie. Tumango ako, “Ikaw, Tiff?”
Tiningnan ko ang pinsan ko, nasa cellphone pa rin ang atensyon niya. Ang laandi! Ngiti-ngiti pa si bading. “Hoy! Tiffany Kate Torreze!” Sigaw ko na ikinagulat niya.
“Kailangan talaga full name?” Natatawa niyang sabi.
“Nagiging bingi kana riyan e, ganiyan ba talaga kapag inlove?” Taas isang kilay kong sabi sabay irap sa kaniya.
Bahagyang natawa si Addie, “Tanong ko lang if natapos niyo na ’yung reflection na pinaagawa ni Sir Dante, kasi nag-chat siya kanina sa GC, ngayon na raw ang distribution.” Ulit ni Addie.
“Ah, oo, tapos na.” Sagot ni biglang tibo.
“Eh makipaglandian kay Chloe tapos na rin ba? Mga baklang ‘to!” Nagtawanan lang kami, alam na rin ni Addie ang tungkol sa relasyon ng dalawa—hindi pa naman official, pero bahala sila. Buhay na nila iyun.
Buong klasi nakikinig lang ako, at nagte-take down notes dahil may surprise quiz daw itong subject na ‘to. Lagi naman e, feeling major sub nga ito e, minor lang naman. Mas mahirap pa siyang magturo kaysa sa mga major. Kaasar!
Hanggang sa matapos na ang huling subject, at shuta tinamaan na ako ng antok. Paglabas nagpaalam lang ako kina Addie at Tiffany na sasaglit lang sa C.R pero sa may likod talaga ako pupunta, kung saan kami magtatagpo ni Andrie.
Hindi ko alam, pero kating-kati ang mga paa ko na magtungo roon. At ako mismo, hindi ko naman siguro sila makikita ni Stacey doon na naghahalikan ano? Gawin niya lang, isusumpa ko talaga siya.
Nang makarating ako sa may silong mangga, napansin ko agad ang isang rebulto ng lalaki. Kahit naka talikod siya alam kong si Andrie iyun. Mukhang may hinihintay siya—at siyempre ako lang naman ang hinihintay niya. Maglalakad na sana ako para puntahan siya nang biglang may lumabas mula sa kung saan, agad kong namukhaan ang babaeng iyun. Si Stacey.
Sumikip ang dibdib ko. Nangilid na rin ang mga luha sa aking mga mata. Kitang-kita ko kung paano ipalupot ni Stacey ang mga kamay niya sa balikat ni Andrie. Tumingkayad pa siya upang abutin ang labi ni Andrie.
Hayop! Tangina mo talaga Andrie! Isinusumpa kita! Sabi na e. Sabi na e, tàngina! Bakit ba kasi ako nagtitiwala sa lalaking iyun! Nakakainis!
Mabilis akong kumaripas nang takbo. Habang nagbabagsakan ang mga luha sa lupang aking tinatakbuhan.
Takbo.
Takbo.
Takbo.
Takbo.
Hanggang sa boogsh!
Nanaman, muli nanaman akong nabangga sa matigas na katawan ng isang lalaki—akala ko babasag nanaman ang pwet ko, akala ko madadagdagan nanaman ang sakit ng puso ko, pero nagkamali ako. Nasalo na ako. Nakapalupot ang kaniyang mga bisig sa aking baywang. Tila bumagal ang oras nang magtagpo ang aming mga mata. Nawala ang kirot nang makita ko ang kaniyang mukha. Para kaming nasa pelikula. Nag-slow mo ang paligid at tanging ang mga pintig ng aming mga puso ang maririnig.
“A-Are you okay?” Tanong niya sa malalim nitong boses. At kita sa mga mata nito ang pag-aalala.
To be continued…
Chapter 14
JEIRUS AXIEL TORREZE’S P.O.V
…
Hindi ko siya sinagot. Mabilis kong binawi ang sarili mula sa kaniya. Pinunasan ang mga luha sa mata at inayos ang nagusot na uniform.
“Bakit ka tumatakbo at umiiyak?”
Tiningnan ko siya, hindi ba nandoon siya kanina at nakikipag-churvahan sa babae niya. Paanong…
“A-Anong ginagawa mo rito? H-Hindi ba at nandoon ka kanina? Nakikipag-churvahan kay Stacey?” Lumuluha kong sabi.
Kumunot naman ang noo niya, “No, actually papunta pa lang ako roon. Dumahan nga ako sa room niyo, naabutan ko sina Tiffany at iyung Addie, sabi nila nasa C.R ka raw, pinuntahan kita roon pero wala ka, kaya didiretcho na sana ako roon, para sana makita ka at sakto nakasalubong kita—” Mabilis ko siyang niyakap na ikinahinto niya sa pagsasalita. Mabilis din siyang yumakap pabalik. “I miss you, Drie!” Lumuluha kong sabi. So si kumag iyun? At teka, mabilis akong kumawala sa pagkakayakap, “So it means si…”
“Si Andrew, yes,”
“At bakit sila naghahalikan ni Stacey?”
“Iyan ang pag-uusapan natin ngayon.”
…..
ANDRIE NATHAN DERMUNOZ’ P.O.V
Hindi ko rin maipaliwanag pero after the kiss. After I kissed him when we first meet again. Hinanap-hanap ko na ang labi niya. Akala ko, nababaliw na ako. Dahil gusto ko lagi ko na siyang nakikita. Gusto ko lagi na akong nasa tabi niya.
Pero hindi, I’m fucking inlove with my Childhood Best Friend. Nahulog ako sa kaniya ng malala. Pero hindi ko alam kung gano’n din siya sa akin. Minsan nahuhuli kong namumula ang kaniyang mukha at mukha nahihiya kapag hinaharot-harot ko siya. Kaya umaasa akong may kahit katiting siyang nararamdaman sa akin. One time, I lied. Nang gabing makitulog ako sa kanila. Sinabi kong may ex-girlfriend na ako kahit wala naman talaga. Gusto ko lang makita ang reaction niya. Pero imbes na selos ang makita ko, awa. Ni-comfort pa niya talaga ako. Parang in-haplos ang puso ko sa mga sinabi niya noon.
Pero dati pa naman ay gano’n na siya. Mahilig siyang mag-comfort at magbigay ng advice. Kahit sa mura lang niyang edad. Kaya nga sabi ko sa kaniya noon bagay niya ang maging isang Psychiatrist. Look at him now, he’s taking BSPsych.
Gusto ko nang umamin sa kaniya. I want to confess, I badly want. Ang kaso laging nauudlot at gusto ko munang malaman kung siya rin ba ay may nararamdaman para sa akin. Kaya nang gabing magtungo siya sa amin…
It’s all planned. Kasabwat ko si Mama, Stacey at si Andrew—kahit na pa-cold si bro ay maaasahan din pala. Sinabi ko kay Mama kung gaano ako hulog na hulog kay Jeirus. Binigay naman niya ang suporta niya. Kay Andrew rin, he helped me—pinapunta niya ang kaibigan niyang si Stacey para magpanggap na girlfriend or ex-girlfriend ko. Hindi ko alam kung nagtagumpay ba kami nang araw na iyun—pero kinabukasan noon ay siyang pagsisimulang maging cold niya sa akin. Pero inawat ako nina Stacey nang tangkahin ko siyang kausapin. Dapat daw lumabas mismo sa bibig niya na nagseselos siya. Para mas maganda. Pero lumipas ang araw, linggo hanggang sa mag-umpisa ang pasukan. Wala akong natanggap na message or kahit sa personal na salitang, “Nagseselos ako.”
Tapos sinabayan pa ng kumag na si Addie. Sila ang laging magkasama. Kaya nasasaktan ako nagseselos kahit wala naman akong karapatan. Gusto ko hilahin si Jeirus at yakap, pero hindi ko magawa. Dahil naka bantay sa akin ang dalawa: sina Stacey at Andrew. Nang isag araw ay napag-isipan kong umamin na, bahala na kung anong sabihin niya. Pero malas dahil mukhang natutulog na siya nang gabing iyun—kaya kinabukasan ay nagtungo ako sa kanila. Maaga akong dumating para ipagluto siya at doon na ako umamin. Pero pinangunahan ako ng takot, dahil na rin sa mga sinabi niya. Pero binigyan ko lang talaga siya ng space, ayokong biglain kaya naman nag-message na lang ako sa kaniya, nakipag-meet up sa may silong mangga kung tawagin dito sa J.A.L University. Pumunta man siya or hindi. It’s okay, marami pa naman bukas. At akala ko hindi siya susulpot hanggang sa maka-bungguhan ko siya.
JEIRUS AXIEL TORREZE’S P.O.V
…
“Iyan ang pag-uusapan natin ngayon,” seryosong sabi ni Andrie. Ah so break na sila gano’n? Break nanaman sila? At ang kumag na kambal tuko pa niya ang umagaw ngayon? Aba! Ang landi naman pala ng pashneyang iyun ha.
“Para saan?” Malamig kong tugon.
Nangungusap ang kaniyang mga mata, dumako ang aking paningin sa kaniyang namumulang labi. Binasa niya ang mga iyun. Napakagat ako ng ibabang labi.
Shet, heto nanaman ako, nate-tempt nanaman akong halikan iyun.
“Jeirus,” umakbang siya palapit sa kinatatayuhan ko ngayon. Seryoso siyang nakatitig sa mga mata ko, bumaba ang tingin niya sa mga labi ko. I bit his lower lip. “N-Nag s-se… Se… ” Se? What? Pinagsasabi ng unggoy na ito.
“Ha?” Naguguluhan kong tanong.
“Nagselos kaba sa amin ni Stacey?” Mabilis niyang sabi, napahilamos siya sa kaniyag mukha gamit ang malalaking palad.
“Ano nanaman ito Drie? Sinabi ba ng girlfriend mo iyan?” Oo! Selos na selos ako! Tangina malapit na nga akong mamatay sa kakaselos. Na sana ako iyung nandiyan sa tabi mo.
“Shet! Sorry, just forget about it. I’m sorry Jei.” Tumalikod siya.
“Ayaw mo bang marinig ang sagot ko?” Nagsimula nang mangilid ang mga luha sa magkabila kong mata. Sumisikip na rin ang dibdib ko. Heto na, it’s time to confess. Wala ng paligoy-ligoy.
“O-Oo, Drie. Nagseselos ako. Dahil m-mahal kita. Higit pa sa pagiging kaibigan.” Nagbagsakan na ang mga luha sa aking mga mata. Dumaloy sa makinis kong pisngi.
Napaharap siya sa sinabi ko. Gulat na gulat at hindi makapaniwala sa narinig, “Y-You like me?” Hindi makapaniwala niyang tanong.
Tumango ako, “Yes. I liked you, and I’m still like you. Gusto kita from the moment when I first saw you, mga bata pa lang tayo ikaw na ang crush ko. At hanggang ngayon Drie, mahal na mahal—” hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang maramdaman ko na lang bigla ang malambot niyang labi na naka dikit sa labi ko. Tila hindi rumihistro ang nangyari. Nagbalik lang ako sa realidad nang gumalaw ang kaniyang bibig. Niyakap niya ako nang mahigpit. Sobrang higpit at halos ayaw na niya akong bitawan. Binalot ko na rin ang mga bisig ko sa kaniyang balikat. Lumalim ang aming halikan. Pinasok niya ang kaniyang dila sa loob ng aking bibig. Nababaliw ako sa paraan niya nang paghalik. Ang galing. Ang sarap. Para akong dinadala sa alapaap. Ginantihan ko ang kaniyang nag-aapoy na langit. Nilaro-laro ko ang aking dila sa loob ng kaniyang bibig. Animoy espada ang aming mga dila. Siya ang bumitaw sa mainit namin halikan, “I love you more than you love me, Jeirus! And I’m happy that you likes me too. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon,” at muli niyang pinagdikit ang aming mga labi.
To be continued…
Chapter 15
JEIRUS AXIEL TORREZE’S P.O.V
…
Hindi ako makapaniwalang magagawa ni Andrie iyun. After all of these fûcking dramas and emote, shuta nagtataguan lang pala kami ng feelings. At palabas lang ang nangyari sa kanila ni Stacey para raw, ahem, pagselosan ako. Shuta! Mahihiya niyan ang mga Endorser ng mga shampoo sa haba ng hair ko. My goodness!
Sobrang saya ng puso ko! Iba talaga si Lord, kaninang umaga lang sabi ko, sana gumanda ang araw ko. Ngayon, super, duper, ultra mega promax nice na ang araw ko!
Siyempre naman, mahal ka rin pala ng taong lihim mo lang minamahal, at gusto ka rin pala ng taong gusto mo. Ahem! Ang sarap sa feelings. Hindi ako makapaniwala, parang nananaginip lang ako. Kanina nga pinagsasampal ko ang sarili ko at baka panaginip lang ito, pero hindi, kasi nagsalita si Andrie. Sabi ba naman…
“Stop hurting your self baby, tunay ito at hindi ka nananaginip. And I really loves you,” tapos hinalikan pa niya ako sa labi. Potcha! Laglag panty malala talaga!
Hindi ko nga alam kung paano kami napunta sa bahay nila—at ngayon nasa kuwarto niya. Ako lang ngayon ang nasa higaan niya; hindi pa rin makapaniwala sa nangyari kanina. Nasa banyo si Andrie, nagpaalam siya kanina maglilinis daw para naman daw mabango siya kapag tumabi sa akin—at sabi ko ako rin, kahiya naman sa kaniya. Ang sagot niya kanina ay sabay na raw kami kaya nanlaki ang mga mata ko at pinamulaan ako sa ideyang iyun. Shuta! I’m not ready yet for the mature roles—kidding! Kung siya lang naman, edi go. Chariz.
Tumunog ang pinto ng C.R kaya napatingin ako sa direksyon niyon, iniluwa nito si Andrie—namilog ang mga mata ko at napanganga sa lalaking tanging boxer brief lamang ang suot.
I gulped.
Mula sa kaniyang perpektong mukha: makinis, may magkakapal na kilay, kulay light blue eyes with curve eye lashes down to his pointed nose—at sa labi niyang mas malambot pa sa marshmallow at kasing pula ng mansanas. Bumaba pa tingin ko sa basa niyang katawan kaya napa-kagat ako ng labi.
Help kailangan kong huminga!
The broad shoulders. The big biceps. The chest. The abs. The V-line. At the bulge.
Bulge.
Nag-iwas ako nang tingin. Magkakasala yata ako sa tuwing makakasama ko ang lalaking ito. Ang laki kasi niyong nasa ahem niya.
“Sorry sa paghihintay Jei, maglilinis ka rin?” Nasa harapan ko na pala siya. Jusko, tinutok pa niya talaga ang sawa sa harapan ko. Kapag ako hindi nakapagpigil dadakmain ko ito. Chariz.
“Ah… O-Oo,” mabilis akong tumayo at tumakbo papuntang C.R ngunit pa man ako nakakapasok nang ablutin niya ang pulsohan ko mabilis ko naman iyun binawi dapat baka makita ko nanaman ang umbok niya. Ayokong magkasala!
Pero dahil malakas siya nahila niya ako sanhi nang pagka-out of balance ko. Malakas din naman ang ginawa kong paghila kaya nauna pala siyang tumumba pahiga sa sahig—akala ko tatama nanaman ang pwet ko pero padapa akong tumumba sa sahig at napapikit ako nang tumama ang mukha ko sa matigas na bagay.
“Fuck!”
“Aray!”
Sabay namin sabi. Dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata. Ang bango ng pinagbagsakan ng mukha ko. Amoy fabric conditioner. Nanlaki ang mga mata ko gulat nang mapagtanto kung saan ngayon sakto naka puweto ang bibig ko!
Shuta! Magiging kamatis nanaman ako neto sa pula. Napatingin ako sa mukha ni Andrie maski siya’y gulat na gulat at namumula dahil nasa pagitan ng malalaki niyang hita ang mukha ko! Oo sa mismong umbok niya. Naramdaman ko rin ang pagtigas niyon lalo at pagkislot! Nag-init ang buong katawan ko at pinagpawisan ako ng malala.
“Ginising mo siya,” may ngisi sa labing sabi ni Andrie.
Shuta! Mabilis akong tumayo at pumasok sa C.R iniwan siyang may nakakalokong ngisi sa kaniyang mga labi.
Habol ang sariling hininga habang pinagmamasdan ang sarili sa salamin. At hindi ako nagkamali dahil sobrang pula na ng pagmumukha ko. Bakit kasi sa dami ng puwedeng pagbagsakan, sa mismong alaga niya! Kainis!
Hindi ko alam kung ilan minuto ako roon. Puro hilamos at dasal. Hilamos at dasal. Nagbilang muna ako ng isang dahan at tatlong beses kinanta ang bahay kubo bago lumabas.
Dahan-dahan ang pagbukas ko ng pinto. Sinilip ko muna baka nasa labas siya—pero wala naman. Kaya tuluyan ko nang binuksan ang pinto. Nang makalabas ay napatingin ako sa direksyon niya, wala pa rin siyang suot na damit pang-itaas tanging boxer brief pa rin ang suot niya—pero nakatakpan na iyun ng kumot, iyung garter lang ang kita kaya alam kong iyung suot niya kanina iyun. Naka-unan naman ang isa niyang kamay kaya bungad na bungad ang kaniyang kili-kili, may kaonting tumutubong buhok.
Ang hot, tangina.
Sa kabilang kamay naman ay may hawak siyang remote, hindi niya ako napansin dahil tutok na tutok siya sa TV, at halatang namimili ng panonoorin.
“Nandiyan kana pala, halika,” nginuso niya ang tabi niya at bahagya siyang umusog. Shet, hindi ko yata makakaya itong makatabi ang gaya niya. Arg! Bakit kasi napaka guwapo niya at ang hot pa. Sino naman tatanggi hindi ba?
Naglakad ako patungo sa kama, tumayo muna ako sa gilid at tumingin sa TV, nasa Netflix ito at patuloy pa rin siya sa pagpili. Dahan-dahan naman ang ginwa kong pag-upo sa malambot niyang kama. “I said, dito,” nagulat ako nang may pumalupot sa aking baywang, hinila ako nito patungo sa direksyon niya. Namula nanaman ako dahil doon. Ngayon naka-akbay ang malaki niyang bisig sa balikat ko, habang patuloy pa rin siya sa pagpili ng panonoorin.
Gusto ng kumawala ng puso ko. Kanina pa rin naglalaro ang mga alaga ko sa looban ko. Shet, kakilig!
Amoy na amoy ko ang natural niyang amoy panlalaki. Grabe kahit hindi na yata ito magpabago, napaka bango na niya. Naghahalong sabon na ginamit niya at iyung natural scent niya. Bango!
“Damn, wala akong mapili,” napabaling ako nang tingin sa kaniya—halos sabay kaming tumingin sa isa’t isa. Our eyes met. Hindi tulad kaninang umaga, ang sasaya na ng mga mata nito. Ako rin naman. Sobrang saya. “Ikaw baka may gusto kang panoorin?”
“K-Kahit ano na lang,” shet, bakit ba ako nauutal. Dapat ko nang sanayin ang sarili ko sa kaniya. Kasi iyun ang sabi niya kaninang nasa University kami. Shuta sina Chloe at Addie pala nakalimutan kong kasama ko sila.
“Ah, Andrie, sina Chloe at Addie nga pala napansin mo?” Biglang tanong ko dahil naalala ko ang mga kumag na iyun.
Ngumisi siya, “Yeah, pinagpaalam kita sa kanila.” Nakahinga naman ako ng maluwag nang sabihin niya iyun.
“Ah, okay.” Nag-iwas na ako nang tingin at tinuon sa direksyon ng TV ang aking paningin. Nakapili na pala siya. At mukhang BL ang napili niyang genre.
Nasa eksena lang ang aming atensyon. Tutok na tutok sa aming pinapanood. Ang ganda rin ng movie: maiiyak ka, matatawa at mag-iinit, gaya ngayon, nasa bed scene na kami. Nahuhuli ko sa periphal vision ko ang lalaking nasa tabi ko, palihim niya akong ninanakawan ng titig at napapalunok.
Hanggang sa nag-init na nga ang buong katawan ko dahil na rin sa mga spicy scene. Shet, at may tumatayo na sa akin!
“Fuck!” Dinig kong sabi ng katabi ko kaya napatingin ako sa kaniya. Kagat niya ang kaniyang ibabang labi habang seryosong nakatutok sa palabas. Bumaba ang tingin ko sa pagitan ng kaniyang mga hita—nanlaki ang mga mata ko nang makitang hawak-hawak niya ngayon ang kaniyang umbok. “So spicy, bilis kong ma-turn on!” Shet, guwapo ng boses, I mean the way he said those words. Na parang nang-aakit. Nagulat ako nang dumako ang tingin niya sa akin—muling nagtagpo ang aming mga mata. Bumaba ang tingin niya sa akin labi, bumilis ang tibok ng aking puso sa paraan ng kaniyang pagtitig. Napalunok ako nang unti-unti niyang ilapit ang kaniyang mukha sa akin. Napakit ako at hinintay ang sunod niyang gagawin.
Isang mabilis na halik sa labi ang kaniyang ginawa. “Sarap, kiss na muna Boss Jei, hindi pa ako ready sa mga mature scene,” sabay halakhak niya. Napamulat naman ako dahil doon.
“Sira, magnanakaw ng halik!” Kunot noong sabi ko. Well, panggap lang iyan. Kinilig din naman ako. Ehe!
“Bakit, ikaw ready kana ba?” Nang-aakit niyang tanong. Napa-ismid naman ako kahit na wala naman akong kinakain. Mabilis naman niyang in-haplos-haplos ang likoran ko. “Okay ka lang?” Tanong niya, seryoso na siya ngayon. Tumango ako.
“Para ka kasing sira, ano-ano pinagtatanong mo!” Bulyaw ko na ikinatuwa niya.
“Darating din naman tayo roon… ” Bulong niya ngunit narinig ko pa rin.
Hindi ko na lang pinansin iyun at sa TV ko na lang tinutok ang atensyon ko. Salamat naman at tapos na ang spicy scene. Sa buong eksena na lang namin itinuon ang atensyon, sayang naman ang ganda pa naman ng pinapanood namin. Hindi na rin siya nagsalita. Naririnig ko na lang ang mahihina niyang pagtawa at kilig. Shet, cute niyang kiligin. Hanggang sa matapos ang pinapanood namin.
“10/10 ito sa akin! Grabe ang ganda! Kala ko sa Thailand lang magaganda ang mga BL, meron din pala sa ibang bansa.” Komento ko. Hindi ko na mapigilan ang sarili, dahil fan na fan ako ng BL ‘no!
“Me too! 1M/10. Unexpected plot twist, akalain mo iyun, gusto na pala siya ng kaniyang kaibigan dati pa,” napatingin ako kay Andrie nang may mapagtanto. Grabe may pagkapareho pala ang aming pinanood sa love story—ahem, oo love story namin ni Andrie! Hindi ko maiwasan kiligin kapag sumasagi ang mga tagpo namin kanina. The aminan ng feelings. Hay! Sarap talagang ma-inlove, tapos mahal kapa ng taong mahal mo. Ay talaga naman!
“Parang ikaw, you likes me too,” napakagat siya ng kaniyang ibabang labi. Nagpipigil ng ngiti. Namumula rin ang magkabila niyang tainga.
Nako! Kung alam niya lang, mula pagkabata. Siya lang naman talaga.
“Yes, ang pogi mo kaya!” Puri ko. This time hindi na ako kinakabahan. Taos puso ko iyun sinabi.
Namula ang makinis niyang mukha. Shet, ang cute naman talagang kiligin ng lalaking ito. Sarap i-kiss.
“T-Talaga?” Tinanong pa niya ha. Hindi ba siya aware na ang pogi, pogi, pogi niya at ang hot pa.
Tumango ako, “Super! Dapat aware kana e, pogi, pogi, pogi mo kaya,”
Mas lalong namula ang mukha niya. Salamat, naka-ganti rin! Lagi na lang ako ang pinamumulahan ng mukha e.
“Iba kasi ang dating, kapag sa iyo galing.” This time ako naman ang namula sas simpleng sinabi niya. Kainis talaga ito! Kahit simpleng bagay kikiligin kana! Kainis.
“Jei,” tawag niya ulit. This time seryoso na ang boses niya, maging ang mga mata niya.
“Yes?”
“Let’s make it official?”
“Ha? What do you mean?”
“Be my Boyfriend.”
To be continued…
Chapter 16
JEIRUS AXIEL TORREZE’S P.O.V
…
Hindi ako rumihistro sa utak ko ang kaniyang sinabi. Hanggang sa hawakan niya ang kamay ko, “Ayos lang if you’re not ready yet, we can take it easy. I’m willing to court you naman,” nakangiti niyang sabi.
Hindi ako makasagot. Dahil hindi ako makapaniwala sa mga salitang lumalabas sa bibig niya. Dati pangarap ko lang ito. Ang mahalin at tanggapin ng kung sino. Malapit ko na ngang tanggapin sa sarili ko na baka tatanda na lang akong ganito; mag-isa. Pero dahil dumating siya, ulit sa buhay ko. Nagkaroon ulit ng pag-asa—pero nawala iyun nang magpanggap lang pala sila ni Stacey. Pero ngayon, ang lalaking pinapangarap ko mula noon, ang lalaking nagbibigay ngiti sa akin mga labi, ang lalaking minahal ko noon pa man, ang lalaking nagiging sandalan ko noon—si Andrie. Pinapangarap ng sangkababaihan at sangkabaklaan. Liligawan daw ako? Abg Childhood Best Friend ko—na ultimate crush ko.
Ngumiti ako, isang matamis na ngiti ang gumuhit sa akin labi. Dumako ang tingin ko sa namumula niyang labi. Imbes na sagutin ang tanong niya, idikit ko ang aking labi sa kaniya. Nagulat siya sa ginawa ko. Smack lang naman ang ginawa ko. “Tinatanong pa ba iyan? Tayo na! Tayo na!” Maligaya kong sabi. Nawala na lahat ang hiya at pagka-ilang sa sarili ko. Ang saya-saya ng puso ko ngayon.
“T-Talaga? Shet!” Napatingin siya sa itaas kaya kunot noo ko iyun sinundan nang tingin, “You’re the best, God! Maraming salamat po at tinupad niyo ang hiling ko!” Masaya niyang sabi. Namumula ang kaniyang makinis na mukha. Ang saya-saya rin ng mga mata niya. Shet, lalo akong nai-inlove sa lalaking ito.
“P-Pinagdasal mo?” Takhang tanong ko.
Tumango-tumango siya. “Yes! Yes! Lagi kang nasa panalangin ko, Jeirus. Simula nang muli tayong magkita—at maramdaman ko ito. Pinagdarasal ko na sana maging akin ka, sana gano’n din ang nararamdaman mo para sa akin. At kung hindi man ayos lang. Makita lang kitang masaya, masaya na ako. At isa pa hindi ka mahirap mahalin, aminin ko dati pa, may kakaiba na akong nararamdaman para sa iyo,” parang in-a-haplos ang puso ko sa mga naririnig mula sa kaniya. Lumuluha na rin ang aking mga mata—hindi dahil malungkot, dahil sobrang saya. Hindi ko mapaliwanag iyung sayang nararamdaman ko ngayon, “gusto man kitang padalhan ng mensahe through messenger or sa ibang social media, pero hindi kita mahanap. Kaya gumawa na lang ako ng TikTok, nagbabakasaling mapanood mo ang mga guhit ko at kanta. Lahat ng iyun ay para sa iyo,” wala na, tuluyan nang bumuhos ang mga luha ko, nag-unahan magbagsakan sa makinis kong pisnge. Kainis ito!
Anti-social media nga ako, kaya dump account lang ang gamit ko. Ngayon lang din ako nakagawa, dahil kailangan sa school. Hindi ako makapaniwalang, naging crush niya rin ako noon—hindi niya ni-direct sabihin, pero iyun ang ibig niyang sabihin. He also made TikTok account, just for me. Nagbabakasali raw na baka mapanood ko. Shet! Wala na, hulog na hulog na ako.
“Kasi, mahal kita. Oo mga bata pa tayo noon, pero alam ko sa sarili kong iba na ang pagtingin ko sa iyo. Ginawa ko lang excuse iyung pag-halik sa pisnge mo para kunwari “salamat kiss” pero ang totoo, sa tuwing ginagawa ko iyun, sobrang saya ko.” Binasa niya ang kaniyang labi. Pinapakinggan ko lang siya sa mga niri-reveal niya. “At nang unang magtama ang mga labi natin, doon ko mas nalaman sa sarili kong, mahal na talaga kita. Higit pa sa pagkakaibigan.”
Kusa na lang gumalaw ang katawan ko, natagpuan ko na lang na nakayakap na ako sa kaniya. Gumanti rin ito ng yakap.
“I love you, Jeirus… ” He said in a romantic way. Hindi ko alam kung sapat ang salitang “I love you too,” para ipadama sa kaniyang mahal na mahal ko rin siya. Yumakap ako sa kaniya at isiniksik sa kaniyang leeg ang aking mukha. Ramdam ko ang init ng kaniyang hubad na katawan. Ang bango niya! Sobra. Nakakaadik.
Now, playing Maybe This Time by: Sarah Geronimo.
Nagising ako sa paghalik ng kung sino sa labi ko—hindi lang sa labi, sa noo, ilong, sa pisnge at pati sa leeg. Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata. Bumungad sa akin ang isang guwapong nilalang na gawi ng nasa itaas. Nakangiti siyang bumungad sa akin.
“Good morning, Baby,” malambing niyang sabi. Wala na, buo na ulit ang araw ko.
Ngumiti ako sa kaniya, “Good morning too, Drie.” Pa-pungas-pungas pa ako ng mga mata at tamad na umupo.
“Please, call me Baby. I’m your Boyfriend now. Not Childhood Best Friend anymore.” May tampo sa kaniyang boses nang sabihin niya iyun. Oo nga pala, Boyfriend ko na ang pogi na ‘to. Shet naman, sa tuwing sumasagi sa isip kong Boyfriend ko na siya, parang nagwawala ang kalamnam ko.
“O-Okay,” shet, pinamulaan nanaman ako.
“Please, say it!” Paki-usap niya. Ngumuso pa siya. Shuta ang cute!
“B-Baby,” talaga naman. Tanggal angas ko rito ha.
Gumuhit naman ang magandang ngiti sa kaniyang labi. Kita kong namula rin ang pisngi niya. Cute niya, kainis.
“Tara sa baba, hinihintay na tayo ni Mom.”
Nagpaalam lang ako saglit na maghihilamos, natapos din ako agad at sabay na kaming bumaba. Nang makarating kami sa dining area, nandoon sina Tita Florenda at si Andrew. Sinalubong ako ni Tita ng isang malambing na ngiti at niyakap, “Jeirus, anak. Good morning.” Masayang bati niya. Kumalas siya at hinawakan ang magkabila kong kamay.
“G-Good morning po, Tita” bati ko pabalik.
“Sshh, from now on, call me Mom.” She insisted. Nag-init ang magkabila kong pisngi. Tumingin siya sa lalaking nasa tabi ko, “heto na siya anak, I’m happy for the both of you,” tiningnan ako ni Tita—este Mom. “Please Jeirus, hindi sa pinangunahan kita ha, don’t hurt my son’s feelings. Alagaan mo siya at mahalin mo siya ha,” naguguluhan man ay tumango-tango ako. Sinabi na siguro sa kaniya ni Andrie kanina. Tumingin siya sa katabi ko, “at ikaw, Andrie. Dinamay mo pa ako sa kalokohan mo. Huwag mo sanang papaiyakin itong cute na batang ito ha,” she chuckled softly, “sumbong mo siya sa akin kapag pinaiyak kaniya.” Nagtawanan kami.
Inakbayan ako ni Andrie, “I won’t Mom. Pinaghirapan ko siya, at worth it lahat!” Maligaya niyang sabi, kahit hindi ko makita ang mukha niya, alam kong abot hanggang tainga ang ngiti nito.
“Sus, tara na mag-agahan na tayo.”
Masaya namin pinagsaluhan ang mga niluto ni Tita. Ang dami nga niyang niluto—handa raw, para sa tagumpay ni Andrie na mapa-amin ako. Hindi ako makapaniwalang babatihin kami ni Andrew. Unang beses ko siyang makitang nakangiti. At kamukhang-kamukha talaga niya ang kapatid niya, Boyfriend ko. Shet na malagkit!
Nakaguhit pa rin ang matamis kong ngiti sa akin mga labi, hanggang sa maihatid ako ni Andrie sa bahay namin. Ayaw na nga niya akong pauwihin, kung puwede lang daw ay magsama na kami sa iisang bubong. Kinilig naman si bading sa ideyang magsasama kami sa iisang bubong. Tapos may mga in-aalagan kaming bata. Shet naman talaga!
“Sige na, dito na lang ako,” nakangiti kong sabi kay Andrie. Nagtaka naman ako kung bakit ayaw pa nitong umalissa harapan ko. Nakatingala ako sa kaniya, dahil mas matangkad siya sa akin ng ilang pulgada. 6’1 ang height niya, habang 5’10 naman ang akin.
Ngumuso siya, “Where’s my good bye kiss?”
Tumingin-tingin ako sa paligid, at nang wala akong makitang pashneya kaagad kong pinagdikit ang mga labi namin. Nang gumalaw bigla ang kaniya ay kumawala ako, baka kung saan pa ito mapunta. Mahirap na.
“Okay na?” Tanong ko.
“Yes!” Aniya daig pa ang nanalo sa lotto. “See you later Boss Jei! Alis na ako.” Pero hindi pa rin siya kumikilos.
“Sige, bye, pasok na ako,” gano’n din ako. Tila na-glue ang aking mga paa sa kinatatayuhan ko.
Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin. Isiniksik pa niya ang mukha niya sa leeg ko, “Damn, mami-miss kita agad!” Aniya. Tinapik ko naman ang balikat niya.
“Ang OA mo naman bading!” Natataea kong sabi. Kumalas siya sa pagkakayakap.
“Bading na bading sa iyo,” sabay nakaw niya nang halik.
“Hoy! Magnanakaw ka!” Sigaw ko nang bigla siyang tumakbo matapos niya akong halikan sa labi. Kainis, panagutan niya itong kilig ko. Chariz. Nag-flying kiss pa si bading bago tuluyan umuwi sa kanila.
Ako naman heto, mukhang tangang ngumi-ngiti-ngiti papasok sa bahay namin
Nang makapasok ay ngumingiti pa rin. Parang tanga. Jusko! Ganito ba talaga ma-inlove? Dati rati nako-corny-han ako sa mga magjowang nakikita kong naghaharutan. Pero ngayon, ramdam ko na, ramdam na ramdam na parang may tao sa sala. Dahil bukas ang TV. Sino kayang nandoon?
Kaya naman naglakad na ako papunta roon, ikukuwento ko sa kanila ang nangyari! Especially kay Chloe, siguradong magtatampisaw iyun sa tuwa!
Nang makarating ako sa sala—nanlaki ang mga mata ko sa naabutan. Napatakip ako ng bibig at hindi makapaniwala sa nakita.
“Ay burat!” Kusang lumabas sa bibig ko na siyang nagpahinto sa kanilang ginagawa. Nanlaki rin ang kanilang mga mata nang makita nila ako, tila nakakita sila ng multo—multong bakla.
Mga bakla! Why? Bakit naghahalikan sina Kuya Conan at…
To be continued…
Chapter 17
JEIRUS AXIEL TORREZE’S P.O.V
…
Walang gustong magsalita sa kanila. Maski si Kuya napipi at hindi mapakali.
Tumikhim ako. “Ehem,” simula ko, “wala kayong sasabihin?” Taas isang kilay kong sabi. Lakas maka-kontrabida ng atake ko.
“A-Ano… ”
“K-Kasi… ”
Sabay nilang sabi.
Nilingon ko si Kuya Conan, “Bakit siya Kuya? Bakit ang kaibigan ko pa?” Kunwaring madrama kong sabi. Napanood ko kasi ito noon. Kaya gagayahin ko lang.
“Jeirus, I’m inlove with your Kuya.” Matapang na sagot ni Addie. Yes, si Addie ang kahalikan ni Kuya at hindi ako makapaniwala kung bakit siya? Anyari? Bading naba lahat? Chariz.
Tiningnan ko siya, kunwaring binigyan siya ng malamig na titig, “1 milyon pesos, layuan mo ang Kuya ko!” Matapang kong sabi. Nagpipigil na rin ako ng tawa dahil sa pinanggagawa ko.
“Ha?”
“What?”
Sabay ulit nilang sabi.
Tumawa naman ako, evil laugh—na naging halakhak. Tumigil din agad nang hindi manlang sila natuwa sa prank ko. Okay, fine.
“Tumawa naman kayo! Mga warka!” Sinamaan ko sila ng tingin. “Nagawa niyong maglaplapan tapos tumawa hindi?” Nanlaki naman ang kanilang mga mata sa sinabi ko. Parehas namula.
“A-Ano kasi Jeirus… ” Si Kuya.
“Ano?” Ako.
“We’re dating.” Si Addie.
In-explain nilang lahat ang nangyari. Kaya rin pala napapadalas ang pagpunta nitong si Addie sa amin at nagpapabango sa akin dahil kay Kuya. At kaya naman pala madalas umuwi ng late itong si kumag. May ginagawa palang kabaklaan. Na love at the sight daw ang mga bading sa isa’t isa. Kinikilig naman ako habang kinukuwento ni Kuya kung paano sila nagkakilala at nagkapalagayan ng loob. I’m happy, dahil sa wakas ay natagpuan na rin niya ang taong para sa kaniya—I’m not totally sure kung sila na nga ba hanggang dulo, pero sana. Para naman maging masaya naman siya. Sa habang panahon na walang nagpapangiti sa kaniya. Deserve naman niya iyan. Deserve ng bawat isa ang maging malaya, maging masaya at ipakita kung sino kapa.
“Selos na selos pa naman sa iyo si Andrie, e si Kuya pala type mo!” Pang-aasar ko. Namula naman ang mukha niya.
“At bakit naman magseselos si Andrie sa lovey ko?” Napatingin ako kay Kuya. Ano raw? Lovey? Talaga naman!
“Kami na,” nakangiti kong sabi. Kala nila sila lang ang masaya ha.
Nagulat naman sila sa sinabi ko.
“Talaga?” Sabay nilang sabi. Tumango-tumango ako habang nakangiti.
“Paano? Ginayuma mo ano?” Tukso ni Kuya. Sinamaan ko siya nang tingin.
“E si Addie paano naging sa iyo? Binayaran mo ano? Or pinagbantahan mo ang buhay ng buong pamilya niya?” Na back to you tuloy si kumag. Sinamaan niya ako nang tingin.
“Bakit ko naman gagawin iyun e, mahal na mahal ako nitong lovey ko.” Tangina! Si Kuya ba talaga ito? Ang corny bumanat!
Nagkunwari akong nasusuka, “Hindi bagay Kuya, Addie iyung totoo? Ginayuma ka niyan no?”
Bahagyang tumawa si Addie sabay iling. “I really felt inlove with this guy. Ang pogi kaya ng Kuya mo,” kinikilig niyang sabi. Mabilis kong tiningnan ang reaction ni Kuya. Pulang-pula ang mukha. Tanggal angas kay Addie.
“Mga bading!” Sabi ko, sabay halakhak. Nagtawanan kami.
Iniwan ko na muna sila para sana magdilig ng mga alaman namin sa may garden. Pero hindi pa ako nakakalabas nang mahagilap ng aking mga mata ang dalawang another bading na naglalampungan.
Sina Tiffany at Chloe. Nakaukit sa kanilang mga labi ang ngiti. Pinagmasdan ko sila. Kita kong lumingon-lingon pa si Tiffany at bigla niyang pinagdikit ang labi nila ni Chloe.
“OMG!” Sabay takip ko sa aking bibig. Nang matapos silang maghalikan ay umalis na si Chloe. Nakita ko pang nag-mouth siya ng, “I love you,”
Mga bading! Ang daming bading!
“Parang hindi ka bading self,” nag-act normal ako at kunwari ay may hinahanap nang mapansin kong papasok na si Tiffany sa loob ng bahay.
“Cous! Nandito kana pala. So kumusta ang date niyo ni Andrie kagabi?” Napatingin ako sa kaniya nang kilitiin niya ako sa tagiliran. Imbes na sagutin ang tanong niya ay sinamaan ko siya nang tingin. Back to kontrabida role.
“Sino siya? At bakit ngayon ka lang?” Malamig na sabi ko sa kaniya. Kinunutan niya ako ng kilay.
“Pinagsasabi mo bading!” Aniya.
“Isang tanong, isang sagot! Mahal mo ba siya?”
“Sobra,” sagot niya nang may ngiti sa labi. “Edi congrats! I’m happy for you biglang tibo!” Inirapan niya ako. “Thanks!” Sabay takbo niya papunta sa second floor.
Kuya Conan and Tiffany added to the group: kabadingan.
Sunday ngayon at inaya ako ng Boyfriend kong magsimba. Para raw makapagpasalamat kami sa mga biyayang natatanggap namin. Siya lang naman iyung biyayang lubos kong ipinagpapasalamat sa may kapal.
Kagabi pa ako excited, halos hindi na nga ako makatulog e. First date na rin kasi namin ito as officially mag-jowa. At sa simbahan pa. Kaya naman sobrang excited ko.
Nagsuot ako ng: white long sleeves polo—nakabukas ang butones at may kulay itim naman na sando sa loob, with brown trouser at black shoe. Siyempre kailangan cute ako sa paningin niya. Nag-spray ako ng pabango at naglagay ng sunscreen, at viola! Tapos na.
Pagkatapos kong makapag-ayos, kinuha ko lang ang tote bag kong kulay brown nilagyan ng: cellphone, walet, at umbrella baka umulan or uminit.
Lumabas na ako ng kuwarto at masayang bumaba sa grand floor. Pakanta-kanta pa ako ng kanta ni Sarah G. Na “Maybe This Time” kasi naman parang para sa amin talaga iyung kanta na iyun.
Pagbukas ko ng pinto, bumungad sa akin ang guwapo kong Boyfriend, habang patagal nang patagal mas lalo siyang gumaguwapo sa paningin ko. Dalawang linggo na ang nakalipas simula nang maging kami. At tulad pa rin dati iyung nararamdaman ko kapag nakikita ko siya: nagwawala ang mga alaga sa looban, gustong kumawala ng puso, at safe. Ligtas ako kapag nandiyan siya; na walang puwedeng manakit sino man. Kasi ganiyan siya, noon pa man.
Our eyes met. Masaya at mukhang gaya ko ay excited na rin siya.
Gaya ko, naka suot siya ng long sleeves polo—naka unbutton lang ang talong butones nito mula sa unahan, sumilip doon ang hati ng dibdib niya. Nakatupi tin ito hanggang siko at apit na apit sa kaniyang malaking katawan. Shet abg hot ng Lolo niyo! Naka tuck-in ang kaniya sa suot niyang trouser at black shoe din ang suot niya. Shet, couple na couple ang datingan.
“Oh, may Anghel pala rito. You’re so pretty handsome Baby,” niyakap niya ako. Naamoy ko nanaman ang nakakaadik niyang amoy. Ang bango! “Thanks God, he made an Angel like you, you’re too pretty,” sabay halik niya sa labi ko.
“Ang pogi mo rin, lagi naman.” Pigil kong ngiti. Kainis, alam na alam niya talaga kung paano ako kunin.
“Let’s go,” aya niya, nilahad niya ang kamay niya, kaagad ko naman iyun tinanggap. Magkahawak kamay kaming limabas ng aming tahanan. Sinigurado ko lang na naka-lock ang gate bago tuluyan umalis. Wala rin kasi iyung dalawang bading; siyempre nakipag-date din.
Sumakay kami sa motor niya, kinuha niya ang helmet na nasa manibela ng motor niya, at pinasuot sa akin iyun. Sunod niyang sinuot ang sa kaniya. “Let’s go Baby, yakap ka sa akin. Baka mahulog ka sa iba,” natawa ako sa corny niyang joke. “Dapat sa akin ka lang mahuhulog.” Dagdag pa niya. Ngumisi ako’t sinunod ang gusto niya. Niyakap ko siya nang sobrang higpit. Umungol pa nga ang loko kaya kinurot ko sa tagiliran. Hanggang sa pinaandar na niya ang sasakyan. Mabagal lang siyang magmanaheo kaya naging komportable ako buong byahe—plus naka yakap pa ako sa kaniya. Dagdag feeling safe. Rawr.
Nang makapunta kami sa aming pupuntahan, ni-park niya ang motor niya sa parking area. Bumaba siya sa motor niya at tinanggal ang helmet sa akin ulo—sunod niyang tinanggal ang suot nitong helmet. Nilagay sa loob ng kaniyang loob. “Let’s go Baby,” aniya at pinagsaklop ang aming mga kamay.
Habang naglalakad kami papuntang simbahan ay hindi maiwasan ang mga matang nakatingin sa amin. Ang iba ay tila masaya sa kanilang nakikita meron din masasama ang mga tingin—wala akong pakiyalam sa kanila. Mainggit sila!
“Ang popogi!”
“Hindi ba siya iyung famous sa TikTok?”
“Pogi sana kaso mga bakla!”
“Shet! Magjowa ba iyun? Bagay na bagay sila! Ack! My BL heart!”
“Hindi kaya masunog ang mga iyan sa simbahan? Mga bading panggatong sa impiyerno.”
“Bes, si Andrie oh! Shet ang pogi niya! May Boyfriend pala! Ack! Bagay sila parehong gwapo!”
Bulungan ng mga taong nadadahanan namin. Iba’t ibang tao, iba’t ibang komento. Ganito talaga sa mundo, hindi lahat magugustuhan ka or tatanggapin ka. Especially sa mga taga community katulad ko. Sa mga LGBTQ+ na patuloy pa rin binabatikos ng mga iilan. Iyung mga sarado pa rin ang utak. Mga homophobitch na cancer sa lipunan—ayos lang sana kung hindi sang-ayon sa mga katulad ko, pero ang pamukha sa amin na hindi kami nababagaysa mundo, aba! Ibang usapan na iyun. Mga warka sila.
Pero kahit anong gawin mo, may masasabi at masasabi sila sa iyo. Kaya do whatever you want as long as wala kang ginagawang mali. At alam mo iyun sa sarili mo. Ipa-sa Diyos mo na lang ang lahat—dahil una sa lahat siya lang ang may karapatan na humusga sa iyo.
Hindi ko namalayan na nasa loob na kami ng Simbahan. Umupo kami sa may dulong bahagi dahil doon na lang ang natitirang okupado. Kaagad kaming umupo magkahawak pa rin ang mga kamay. Pinakinggan ang mga aral mula kay Father—at nang matapos ang misa ay masaya kaming lumabas sa Simbahan. Nandoon pa rin ang tinginan ng mga tao sa amin—lalo na kay Andrie. Tila hindi makapaniwala na may taong ganito ka-perfect. Well thanks God gumawa siya ng pogi, stress reliever ko kaya ang mga pogi. Ngayon may sarili na akong stress reliever—kapag pagod galing school makita lang ang mukha niya, ay talaga naman! Pogi kasi e.
Nagulat ako nang biglang may yumakap sa mga binti ko—isang tiyanak—este batang magulo ang buhok, mugto ang mga mata, at madungis. Ngumiti ang batang babae sa akin, “Kuya pogi! Kahit barya lang po, pang kain namin ng kapatid ko.” Sumikip ang dibdib ko sa bata. Lumungkot ang mukha. Nakakainis talaga iyung mga anak nang anak tapos gaganitohin lang. Hindi ba nila naisip iyung magiging future ng anak nila? Ang hirap na nga ng buhay aanak pa. Kawawa tuloy ang mga batang walang kaalam-alam.
Binuksan ko ang tote bag ko at kinuha ang walet, binuksan ko iyun at bumunot ng limang daan, “Beh oh, kumain kayo ha. At sabihin mo sa mga magulang mo, mag-family planning sila.” Sabay abot ko sa kaniya sa limang daan.
Abot hanggang tainga naman ang ngiti ng batang babae, “Thank you po! Sana po pagpalain pa kayo ng may kapal! Ipagdarasal ko po kayo,” tumingin siya sa katabi ko. “Ang pogi naman po ng asawa niyo!” She giggled. Napatingin naman ako kay Andrie na ngayon ay abot hanggang tainga na rin ang ngiti.
“Talaga? Pogi ang asawa niya?” Ulit niya sa bata. Kinilig na rin ako sa word na “asawa” kainis!
Tumango-tango ang batang babae, “Ang pogi niyo pong dalawa! Bagay na bagay!” Maligayang sabi ng bata at halatang taos sa puso niya iyun sinabi.
Biglang kumapkap si Andrie sa kaniyang bulsa, inilabas niya ang kaniyang maliit at manipis na wallet. Bumunot siya roon ng isang libo at ibinigay sa batang babae. Mas lalo naman gumuhit ang ngiti sa labi ng bata. “Nako po! Maraming salamat may pang kain na po kami ng kapatid ko ng ilang araw! Thank you po!”
“Welcome, sige na puntahan mo na ang kapatid mo para makakain na kayo,” sabi ni Andrie. Shet mas lalo tuloy siyang pumogi sa mga mata ko. Masayang nagtatakbo naman ang bata.
“Ako walang 1k?” Biro ko.
He chuckled. “Don’t worry, hindi lang 1k ang ibibigay ko sa iyo, libo-libo, milyon-milyon na pagmamahal!” Banat niya. Alam kong cringe pero kinilig ako. Si Andrie na iyan e.
Napag-pasyahan namin na kumain sa karindirya malapit sa Simbahan.
As usual, sa amin nanaman ang mga tingin ng mga person.
“Ano inyo mga pogi!” Tanong ng Tindera, pak na pak ang kilay ni Ate Girl. Tapos nahuli kong nagpapa-cute sa Boyfriend ko.
“Dalawang kanin po,” nilingon ko ang katabi ko, “ano’ng sa iyo?”
“Kung ano ang sa ‘yo,” ngiti niya.
I ordered: adobo, fried siomai, at ang paborito kong ginisang ampalaya or sa Kapampangan ay lagat.
Nang makuha ang order ay umupo na kami sa okupadong table. Magkaharap kaming kumain. Saktong isusubo ko muna ang tinusok kong siomai sa tinidor nang makarinig ako ng tilian ng mga tao. Napalingon ako sa direksyon kung nasaan nagsisimula ang mga tilian—grupo ng mga kababaihan ang tumatakbo ngayon habang nagtitilian patungo sa—wait sa pwesto namin!
“Sabi na e! Sila iyan iyung viral ngayom sa TikTok ack! My BL heart!”
“Kasama niya ang pogi niyang Boyfriend ack!”
“Shet ang popogi! Ang pogi ay para sa pogi lang! Ack! Kyahhh!”
“Pa-picture po, Kuya Andrie!”
At halos hindi na kami makakain nang lumupong sila sa amin—oo pati ako pinipicture-an nila. Nagsi-tahimik lang sila nang sumigaw ang Tindera.
“Hoy! Give them a privacy, kumakain ang mga tao e! Kumain muna kayo bago kayo magpa-picture,” ayun, at ginawa pa ngang excuse ang pagkain muna sa karindirya niya bago makapag-picture ang mga pashneya.
To be continued…
Chapter 18
JEIRUS AXIEL TORREZE’ P.O.V
…
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang mga TikTok videos ni Andrie. Panay kuha niya sa akin habang tulog, stolen shots, at mga picture namin together. Proud na proud niya akong pinakikilala bilang kaniyang kasintahan. Kada-video may tig-1 milyon views na. At nagsimula iyun nang unang araw na maging kami. Habang tulog ako—buti na lang hindi ako naka nganga.
Sa video:
“Hey guys, meet my cutie patootie Boyfriend, he is so adorable,” sabay halik niya sa labi ko. “He’s the person behind my songs and arts. He’s my inspiration, my pahinga, my lover, at my Childhood Best Friend,”
Bigla na lang pumatak ang mga luha sa aking mga mata. Ang saya-saya ko. Heto rin ang una kong inisip sa totoo lang. Dahil famous nga siya rito may 500k followers, kahapon 300k pa lang iyun. Ang bilis talaga. Tapos iyung akin din, biglang daming followers. Mula sa 15 followers naging 100k. Grabe!
Ang video niyang iyun ay may mahigit 15 Milyon views na. Grabe! Imagine labing limang milyon na ang nakapanood sa mukha ko na iyun. Tapos may 10 milyon hearts/liked. Milyon comments: iba’t iba, may biglang lapag ng bible verse, mga BL fans, supporters ni Andrie at maging ang mga kilalang TikTok Artist, gaya nina Elong, Jomar Yee, Fela Austin, Mica Salamanca, Esnyr, Sili Queen, Spencer at marami pa. Shet na malagkit talaga.
Si biglang sikat si self! Grabe!
Kada scroll ko ngayon sa TikTok, halos mukha namin ni Andrie ang makikita with matching sweet songs. Tangina! Nahanap nila iyung dati konh account noon, noong bata ako! Kainis!
Tapos laging “Maybe This Time” ang background music. May mga ginawan pa kami ng Fan-Fic sa Wattpad, mga AU, at inuukit ang mga mukha namin.
Pero hindi ko alam na sa ganoon way pa malalaman ng Pamilya ko sa Tarlac Province ang relasyon namin ni Andrie. Kahapon tumawag si Mama, mukhang galit na nagtatampo. Pinapapunta niya ngayon ako sa Province, sakto sem break. Sasabihin ko naman talaga sa kanila e, especially kay Mama. Kaso wala talagang time, dahil kakatapos lang ng exam. Ang bilis ng oras, malapit na kaming mag-second year nina, Chloe, Tiffany at Addie.
Gaya nila, masasaya rin ang mga naging pagsasama nila. At si Kuya Conan nga pala, buti pa siya naamin na niya kina Mama ang relasyon nila ni Addie. Sanaol. Siguro naman tatanggapin kami ni Mama ng buo? Gaya ng pagtanggap niya sa kung sino ako. At sa pagtanggap niya rin sa relasyon nina Kuya at Addie.
“Ready kana ba?” Tanong ng Boyfriend ko. Napatingin ako sa kaniya. Maaliwalas ang ngiti sa labi.
“Yes. I was born ready.” Sabay kindat ko.
“Stop teasing me please, tagal kong nagpipigil. Baka makalimutan ko iyung promise natin.” Aniya na may pagbabanta sa boses.
Napag-usapan kasi namin na sa 1st Anniversary namin gawin ang bagay na ginagawa ng nagmamahalan—iyung you know. Kasi naman itong Boyfriend ko inaaya ako nang nakaraan, e sobrang busy nga kaya sabi ko sa unang anibersaryo na lang namin para memorable, ngumiti na lang si pogi at nag-agree.
Pero natatakot akong gawin iyun, dahil first time ko! Siya ang una—at magiging last if ever. Sa kaniya lang iaalay ang puri! Rawr!
Bumyahe na kami sakay sa motor niya, ilang minuto lang naman ang byahe papunta sa Province namin. Habang nasa byahe, hindi maalis sa isip ko ang puwedeng mangyari. Galit kasi si Mama, kilala ko iyun. Mahirap suyuin kapag galit.
Preskong hangin ang bumungad sa amin ng makarating kami sa province. Ang sarap ng sarisang hangin at ang ganda talaga sa paligid. Na-miss ko ito. Dati rati nagpupunta kami ni Andrie rito para makipag piyesta. Sinasama ko siya sa mga okasyon. Ngayon naman sinama ko siya para formal na ipakilala sa side ni Mama na Boyfriend ko siya.
Nandito nga rin pala sina Kuya at Addie naunang pumunta rito kanina. Sem break naman daw kaya kailangn nila ng pahinga. Iyun din naman ang balak ko e, ngayon sana, pero naunahan ako ni Mama. Kaya heto hindi tuloy ako mapakali. Ayoko. Naman kasing sa cellphone ko lang ipakilala ang Boyfriend ko—I mean kilala naman na nila ito e, pero this time kasi Boyfriend na ang pakilala ko sa kanila.
Huminto ang sasakyan namin sa harap ng malaking gate—na miss ko itong bahay namin dito. Part ng childhood namin ni Andrie ito—naalala ko pa noon na nagpabili pa siya ng lupa rito malapit sa amin para magpatayo ng bahay—na ngayon ay rest house nila. Grabe talaga ang mga mayayaman ano. Parehong Business owner din ang Pamilya nila Andrie. Engineer din ang Daddy niya, habang Teacher naman ang Mommy niya. At masasabi kong may kaya talaga sila sa buhay.
Bumaba ako at ako na mismo ang nag-alis sa helmet ko.
“Are you okay? Is there something wrong?” Nag-aalalang tanong ni Andrie.
Tumango ako at ngumiti, “Y-Yes. Inaalala ko lang si Mama, siguradong nagtatampo iyun.”
Niyakap niya ako at mabilis na hinalikan sa noo. “It’s okay Baby, I’m here by your side. Dito lang ako, Mahal ha. Don’t worry, everything will be good.” Pagpapagaan niya sa nararamdaman ko. Hindi naman siya nabigo dahil kusang nawala ang bigat sa aking dibdib.
He’s really my hero, my pahinga, and I really, really love this guy. Salamat talaga sa Diyos at binigay siya sa akin.
“Thank you,” sabi ko na may ngiti sa labi.
“Where’s my salamat kiss?” Sabay nguso niya. Natawa ako at hinalikan siya—hindi lang sa pisnge pati sa labi.
“Sarap.” Puri niya sabay dila niya sa kaniyang ibabang labi.
“Pervert kana talaga, tara na nga!” Natatawa kong sabi sabay lakad.
“Hey! You made me like this! Binabaliw mo ako, at totoo naman masarap labi mo! Deliciousness!” Aniya habang hinahabol ako. Natatawa naman ako da mga pinagsasabi niya.
Kumatok ako nang nasa harapan na ako ng pinto. “Ma! Kuya! Nandito na po kami!” Sigaw ko!
Agad naman bumukas ang pinto, at sumilip ang hindi ko kilalang babae.
“Ano po iyun? May kailangan po ba kayo?” Tanong niya.
“Sino po kayo Ate? Nasaan po si Mama Minerva?”
“Jeirus?” Aniya. Kilala niya ako?
Tuluyan niyang binuksan ang pinto, “Ako si Celine, nobya ng Kuya Cywell mo.” Nakangiti niyang pagpapakilala.
Ngumiti naman ako sa kaniya, “Taray, ang ganda mo pala Ate, at salamat naman at tumino na si Kuya,” natawa siya sa sinabi ko. “Boyfriend ko nga po pala,” pagpapakilala ko.
“Si Andrie! Iyung sikat sa TikTok, nako kilala ko iyan. Jackpot ka beh ha, ang pogi!” She giggled. At pinapasok na niya kami.
“Si Mama po? Ate,” tanong ko.
“Nasa sala, hinihintay kayo. Ang Kuya Conan mo pala umalis, pinasyal niya raw iyung Boyfriend niya,”
“Ah sige po, salamat.”
Iniwan na namin siya. Malaki na rin ang tiyan na, mukhang kabuwanan na niya. Ang bilis talaga ng oras parang kailan lang.
Tahimik kaming naglakad ni Andrie patungo sa sala. At nang makapunta kami roon ay nandoon si Mama. Nakasuot ng black off shoulder dress na hanggang tuod—with matching high heels. Naka necklace din siya na diamond. Diamond earrings din ang auot niya sa magkabilang tainga. Tapos naka sun glasses pa siya. Anong trip ni Mama?
Tumayo siya, “Nandiyan na pala kayo.” Malamig niyang tugon.
Magmamano na sana ako nang iniwas niya ang kamay niya. Kaya sumikip ang dibdib ko.
“Ayoko ng patagalin ito, Andrie layuan mo ang anak ko.” Malamig at maotoridad niyang sabi. Na mas lalong nagpasikip sa dibdib ko.
Heto naba ang wakas ng pagmamahalan namin?
To be continued…

