loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
HIS NAME WAS VAN JORIEL

HIS NAME WAS VAN JORIEL

Aboutfictionx · 8 chapters · 10,890 words

WARNING:

This story revolves around a gay-to-straight-male relationship. If you are not comfortable with this type of story, you are free to exit.

Additionally, this story contains strong language, instances of harassment, and explicit sexual content that are not suitable for minors.

Warning: This story is for mature readers only. It includes explicit language, graphic sex scenes, and mature themes. Reader discretion is advised.

• Grammatical errors may be present. Please respect the writer’s decisions regarding the story’s flow, ending, and character development.

• Allow the characters to express themselves fully-their emotions, attitudes, and imperfections.

NOTICE: I do not own the photos featured in this story. Credit goes to their rightful owners. All images used are not mine.

HIS NAME WAS VAN JORIEL A BL Story BY: ABOUTFICTIONX Date Started: June 1, 2025 Date Finished:


CHARACTERS:

Hans Bernardo

“Hans”

Van

Joriel

Montgomery

Joriel

Dave Flores

“Dave”

Image Disclaimer: I do not own any of the photos used in this story. All credits go to their rightful owners.


Sa isang gabing puno ng apoy at takot, nawala ang lahat kay Shan Bernardo—kasama ang kanyang pangalan, pagkatao, at kakayahang magtiwala. Mula sa abo ng kanyang nakaraan, isinilang si Hans Bernardo—isang tahimik, mailap, at misteryosong estudyante na tila laging may tinatakasan.

No one knows where he came from. And no one could break through the wall he built between himself and the world—until one boy quietly stayed. His name was Van Joriel. A classmate with gentle kindness, a calm presence that never left, and someone who slowly broke through the secret he tried so hard to hide.

Ngunit sa pagbukas ng puso, bumalik din ang anino ng nakaraan—kasabay ng isang gabing puno ng tubig, liwanag, at mga matang nakamasid. Sa sandaling iyon, ang lahat ay mababago. At sa gitna ng paghatol, may isang taong lalapit… hindi para husgahan, kundi para yakapin ang kanyang buong pagkatao.

“He changed his name to forget the pain. But one calm man made him remember how to love again.”

PROLOGUE:

Shan Bernardo

Two years na kami ni Dave, pero hanggang ngayon wala pa rin kaming malalang away. Siguro may kaunting tampuhan, pero hindi naman ’yung sa point na magsisigawan kami.

Hindi namin tinatago ang relasyon namin sa parents namin, at sa totoo lang, minsan dito na sa bahay natutulog si Dave—dahil nanggaling mismo kay Tatay ’yon.

Sa dalawang taon ng relasyon namin ni Dave, hindi naging madali ang kilalanin ang isa’t isa dahil may trust issue ako, pero nawala ’yon dahil sa kanya.

Clingy at mahilig magbigay ng regalo si Dave—’yung bouquet of flowers na naka-display sa sala namin, kasama ’yung umiilaw na tulips. Tapos kapag sinilip mo, parang may illusion na madaming bulaklak. I am so happy kasi ’yung mga bagay na dati binibili ko para sa sarili ko, may isang lalaki na ngayon ang nagbibigay nito.

Bago kami maging magkasintahan, naging maayos ang usapan namin at sinabi ko ang mga bagay na ayoko niyang gawin sa akin. Sinabi ko sa kanya na hindi ako nagpapatawad kapag cheating ang usapan. Nag-agree naman siya doon dahil hindi raw niya gagawin ’yon—kasalukuyan kasing nararanasan ng kapatid niyang babae ang bagay na ’yon.

These past few months, naging madalas ang paglabas ni Dave kahit madaling araw. Sabi niya bibili daw siya dahil nagugutom siya, which I understand kasi naka-apartment lang siya at hindi siya nag-i-stock ng pagkain.

Nagising ako dahil sa lakas ng alarm ko, at nagising na rin pala si Dave at ready to go na. Hindi ko namalayan na nakapag-ayos na pala siya.

“Good morning, baby!” nakangiti niyang turan sa ’kin habang kinukusot ko ang mata ko. Nilapitan naman niya ako at niyakap. Hinalikan din niya ang noo ko kaya napangiti ako.

Nakakalungkot lang dahil ngayon na ang uwi niya sa probinsya nila—tatlong taon na rin siyang hindi nakakauwi doon. Sinasama niya ako pero hindi na kakayanin dahil apat na araw na lang, pasukan na naman.

“Baby, gising na si Tita, pinaghandaan ako ng almusal.” Parang huminga ako ng malalim dahil buti na lang at gising na rin si Mama—pinaghandaan pa pala niya ng pagkain si Dave.

Lumabas kami sa kwarto at nadatnan namin na nag-aalmusal na rin ang mga magulang ko. Alas-kuwatro pa lang pero gising na gising na sila.

“Dave, sabi ko naman sa ’yo dito ka na lang tumuloy dahil wala namang natutulog sa kabilang kwarto. Para hindi ka na nagagastos sa pambayad mo ng renta sa apartment mo,” giit ni Tatay ko kay Dave, na ngayon ay nakaupo na rin.

“Tama ang tito mo, para maitabi mo na lang ’yung pambayad mo,” dagdag naman ni Mama.

“Ay, hindi pa ako handang makipag-live in,” biro ko, kaya bahagyang natawa sina Tatay at Mama ko.

Maaga silang nagising dahil ihahatid namin si Dave gamit ang kotse namin papunta sa bus terminal.

Maya-maya lang, inilabas na namin ang maleta ni Dave at tunog nang tunog ang Messenger ko—siguro dahil sa mga chat sa group chat namin sa school.

Kahit malamig ang simoy ng hangin, nagawa naming magbiyahe at kapwa kami tahimik ni Dave sa loob ng sasakyan hanggang sa maisipan kong basagin ang katahimikan.

“Alam mo, nalulungkot ako dahil uuwi ka na, pero masaya ako para sa ’yo kasi makikita mo na ulit ang mga magulang mo. Imagine, tatlong taon kang hindi umuuwi sa inyo.”

“Tama ka. Kahit ako, malungkot dahil maiiwan ka dito, pero siyempre kapag nainip ako doon, babalikan kita agad dito. Kaya sa susunod, sasama ka na sa ’kin. Huwag kang matakot sa barko dahil kasama mo naman ako.” Nabanggit ko sa kanya na natatakot ako sa barko kaya hindi ako makakasama, at tulad nga ng sabi ko—malapit na ang pasukan.

Inilagay niya ang isang kamay niya sa likuran ko na para bang sinusuportahan niya ako. Para akong nanlalambot dahil aalis na siya. Parang hindi ako handa kahit matagal na niyang nasabi sa ’kin.

“Shan, pag-uwi n’yo ni Tito, matulog ka ulit, ah. Kahit tulog ka, mag-cha-chat ako. I’ll update you.” Hinalikan niya ako sa labi, at nakatanggap naman siya ng mahina na hampas dahil nahihiya ako kay Tatay ko.

Nagmano siya kay Mama at Tatay ko at tuluyan na siyang naglakad palayo sa lugar kung saan namin hininto ang sasakyan.

Muling binuhay ni Tatay ang sasakyan at umalis na kami sa bus terminal.

Naisip kong kunin ang cellphone ko sa bulsa at naging curious ako sa sunod-sunod na chats na natanggap ko. Kanina pang 2:47 a.m. ang chat, pero hindi ko naman kilala kung sino ang nag-chat. Tinanong niya kung kilala ko si Dave. Sinagot ko naman ito in a nice way kasi mukhang mabait naman ’yung nag-chat.

“Nanginginig ako and I don’t know how to say it,” reply niya. Bigla akong mas nagising at napalunok.

“Dave is cheating on you.” Tinawanan ko ang chat niya. Mukhang may panibagong tao na gustong sirain ang relasyon namin. Hindi ko na sana balak i-reply pa, pero bigla itong nag-send ng maraming pictures at videos—hindi mo agad makikita ang laman nito kasi kailangan mo pang pindutin isa-isa para mag-loading sila.

My hands are shaking hard while holding my phone. Binasa ko ang screenshot ng conversation sa isang dating app—it was Dave asking for fun. Siya pa mismo ang nag-aaya. Halos buong March and April may nangyayari sa kanilang tatlo. You read it right—tatlo sila.

“I’m so sorry, Shan. Hindi ko alam na may karelasyon siya. Ang sabi niya kasi single siya at fun lang daw ang hanap niya sa dating app.” Hindi ko na nagawang i-reply pa siya. Parang naligo ako ng malamig na tubig sa mga nalaman ko. Kahit hindi ko na kayang panoorin ang video na sinend ng kausap ko, pinilit ko pa rin panoorin ito para i-check kung si Dave nga ’yon.

“Si Dave nga—’yung bracelet at tattoo niya.” Halos utal-utal ang boses ko habang kausap ko ang sarili ko sa loob ng sasakyan. Napansin ko rin ang kulay ng bedsheet ng kama—kung hindi ako nagkakamali, kama ni Dave ito.

“May tanong ako. Saan nangyari ang nasa video? Sa apartment ba niya?”

“Oo, nakikita ko pa ang pusa niya doon at nilalapitan ako.” Sagot nito na lalo pang nagpadurog sa puso ko.

’Yung pusa na sinasabi niya—’yung pusa na dapat ibibigay niya sa ’kin pero hindi ko tinanggap dahil natatakot ako sa pusa. Hindi naman siya nagalit.

Ngayon ko lang din napagdikit-dikit ang mga nangyari. Kaya pala gising siya kapag madaling araw at ang sabi niya bibili lang siya—’yon din pala ang time na nag-aaya siya dahil same day lang naman at magkalapit ang oras.

Finorward ko lahat ng pictures at video kay Dave para malaman niya na alam ko na. Paano niya nagagawa ’yon at naitatago? Imagine—hindi lang isang beses, dahil halos buong April nila ginagawa ang kahayupan na ’yon.

Paano niya nagagawang itago ’yon? Eh, natitingnan ko naman ang phone niya. Naisipan kong magtanong sa nagsumbong sa ’kin. Hindi ito sumagot, pero tinanong niya ako pabalik kung ano ang gamit niyang phone kapag kasama ako.

“’Yung iPhone ang gamit niya,” sagot ko.

“Kapag kasama namin siya, ’yung Android ang gamit niya. Kaya siguro hindi mo nakikita ang mga dating apps niya.” Muling sinagot ang tanong ko. Kahit kasama ang taong kausap ko sa video, hindi ako galit sa kanya—thankful pa nga ako dahil malakas ang loob niyang magsabi sa ’kin.

“Those are the proofs na niloloko mo ’ko. Sabi mo, hindi mo gagawin ’yung bagay na ikakasakit ko—pero you made it perfectly! Your sister was a victim of cheating, pero ikaw din pala cheater ka. Paano mo nagagawang pumunta sa bahay namin nang hindi ka nakokonsensiya? Huwag ka nang magpapakita sa ’kin dito kahit bumalik ka pa. Huwag ka na ring magpakita sa mga magulang ko. Napakabait ng mga magulang ko sa ’yo, hindi ka man lang nahiya.” Tapos ko siyang i-block sa Messenger habang patuloy pa rin ang pagtulo ng luha ko.

Makalipas ang tatlong araw, umuwi ulit siya dito sa bahay pero sabi niya mag-uusap lang kami at tatapusin na namin lahat.

Dinala niya ako sa bahay nila ng parents niya para kausapin din ako na balikan ang anak nila, pero hindi ako pumayag. Kaya ikinulong ako ni Dave sa apartment na tinutuluyan malapit sa school na pinapasukan namin at doon niya ako pinag-samantalahan at sinaktan. Paulit-ulit niya akong sinaktan hanggang sa maka-isip ako ng isang paraan.

Habang wala si Dave at sarado ang pinto sa kwarto, kinuha ko ang lighter na ginagamit ni Dave sa tuwing maninigarilyo siya. Kinuha ko ang kumot at saka ko ito sinindihan.

At saka ako tumalon mula sa second floor. Kahit masakit, pilit pa rin akong tumakbo. Sobrang nanghihina na ako dahil sa palagay ko, napilayan ako.

Hindi niya ako pwedeng maabutan at kailangan mapaniwala ko siya na nasunog ako sa apartment niya.

“Sa susunod na pagkikita natin, sisiguraduhin kong hindi mo na ako makikilala.”

Chapter 1:

Hans Bernardo

This is the time na kailangan ko munang iwanan ang mga problema ko sa bahay at harapin ang problema at trabaho sa school naman, dahil tapos na ang mental health break. Kailangan ko munang kalimutan ang nangyari sa ’kin isang taon na ang nakakalipas. Sigurado ako na nakalimutan na niya ako, at napaniwala ko siya sa palabas ko.

Muli akong bumalik sa realidad nang marinig ko ang whistle mula sa basketball court at ang music sa speaker kung saan may mga estudyanteng nagpa-practice.

Ako naman, dala-dala ko ang makapal na folder dahil sa revision sa research paper. Dala ko rin ang takot na baka lapitan na naman ako ng mga kaklase kong lalaki o kahit babae, dahil ayokong napapalapit sila sa mukha ko. Bukod sa ginagawan nilang katatawanan ang kalahati ng mukha ko—dahil para itong natunaw sa sunog—pati kilay at pilit mata ko, hindi pa tumutubo.

Habang abala ako sa paghahanap ng wallet ko, bigla akong bumangga sa dalawang tao. Sigurado akong nakatingin ako at iniwasan ko sila, pero mukhang sinadya nilang banggain ako. Sinundan pa rin nila ang direksyon ko kahit umiwas na ako sa kanila.

Pagkatapos nila akong mabangga, nagtawanan sila. Ito pala ’yung dalawang trans kong kaklase. Nagulat ako nang biglang may humawak sa bewang ko at hinila ito palapit sa kanya.

“What are you guys doing? Ang yayabang n’yo, ah.” Seryosong nakatingin si Joriel sa dalawang kaklase naming trans. Ganyan talaga siya kung kausapin ’yung dalawa—kaya ayaw ko rin kay Joriel.

“Hans isn’t doing anything to you, so why don’t you back off? You all look stupid laughing like that.”

Halata sa mukha ng dalawang kaklase ko ang pagtataka kung bakit gano’n na lang ang approach ni Joriel sa ’kin. Siya itong madalas mang-asar sa dalawa, at halata rin sa kanya na ayaw niya sa mga trans. I’m sure ayaw na ayaw din niya sa gays dahil straight na straight siya. Nakatingin din ngayon ang dalawang kaklase ko sa kamay ni Joriel na hanggang ngayon ay nakapahinga pa rin sa bewang ko. Aaminin ko, medyo naiilang ako—at nasa public place pa kami.

Bago kami umalis, tiningnan niya ang dalawang kaklase namin na para bang may sinasabi—kumbaga, non-verbal na usapan. Tsaka ko na lang naramdaman ang kamay ni Joriel na inaaya akong umalis doon.

“Salamat, Joriel,” giit ko habang iniiwas ko pa rin ang mata ko sa kanya. I don’t care kung hindi na niya ibalik ang phone, basta hindi sana niya nabasa ’yung screenshot at napanood ’yung video.

“You called me a what?”

“Joriel?” sagot ko, kahit nalilito ako sa tanong niya.

“You are the first person to call me that name. It is perfect when it comes from you. You do have the best pronunciation.”

Hindi ko nagawang alisin ang tingin ko sa labi niya habang sinasambit niya ang salitang ’yon. Napakaganda ng accent niya—napaka-natural pakinggan sa kanya.

“Anyway, I grabbed you double chocolate milky coffee.”

“Para sa ’kin ’yan?” tanong ko sa kanya, hindi ko napansin na may hawak pala siyang coffee kanina pa.

“Oo,” simpleng sagot niya at kinamot niya ang batok niya, para bang nahihiya ito.

“Ang sweet mo naman. Salamat, Joriel. Pero para saan ’to?”

Hindi na niya ako sinagot at inaya na niya akong pumasok. Iilan na lang pala kaming hinihintay sa loob ng classroom. Napansin ko naman ang dalawang trans naming kaklase na masama ang tingin sa ’kin. Pero hindi ko na sila tiningnan pa at nag-focus na lang ako sa gagawin namin sa klase.

Dahil sa labis na pag-iisip, kinuha ko ang white flower sa bag ko para makapagpahid sa ulo. Grabe, sakit ng ulo ko sa nangyayari, bukod pa sa sipon na nakabara ngayon sa ilong ko kaya pakiramdam ko hirap akong huminga. Huminga ako ng malalim at ibinagsak ito.

Nilibot ko ang buong klase gamit ang mata at busy sila sa pagsusulat ng essay para sa isang subject namin. Ako naman, wala pang isang paragraph ang naisusulat ko—dahil walang pumapasok sa isip ko. Ganito ba talaga kapag hindi ko gusto ang course ko?

I’m an education student, at napilitan lang naman ako dahil ito ’yung para sa ’kin ay madali. Sa totoo lang, wala talaga akong gustong course.

Napatingin ako sa direksyon ni Joriel na busy din sa pagsusulat ngayon. Ngayon ko lang din na-realize—bakit hindi ako nailang sa kanya kanina? I mean, bakit hindi ako natakot sa kanya?

Hindi ko masabi, pero may isang bagay na napakaespesyal sa kanya at napakagaan ng vibe niya. Sa totoo lang, hindi ko inaasahan na pagtatanggol niya ako, dahil simula first year kaklase ko na siya at alam kong hands-off siya sa kahit kanino. Hindi rin siya clingy. Akala ko nga may girlfriend siya, pero wala naman daw sabi ng mga kaklase ko—na hanggang ngayon ay masasama ang tingin sa ’kin. Mabuti na lang at hindi nila ako ginawan ng masama ngayon, siguro busy lang din sila.

Sanay na sanay na ako sa ginagawa nila—pinipicturan nila ako, tinatapunan ng juice, at inaasar ng walang tigil. Sinusubukan ko namang tumakas, pero sinasarado nila ang pinto. Doon ako mas nasasaktan, dahil paulit-ulit nilang pinapaalala sa ’kin ’yung panahon na kailangan kong tumakas sa ex-boyfriend ko para makaligtas sa pagiging agresibo nito.

Nasasaktan ako sa mga alaala na bumabalik sa isip ko, hindi sa kung anong ginagawa nila sa ’kin. Pero kung tatanungin, mas gugustuhin ko na ito—dahil kahit papaano, malaya ako.

Sa totoo lang, hanggang ngayon hindi ko pa rin kilala ang mga kaklase ko. Minsan kilala ko sila sa mukha, minsan sa pangalan lang. Hindi ko kasi sila matignan sa mata, dahil na rin siguro madalas akong nakayuko kaya gano’n. Ang tanging kilala ko lang ay si Joriel, dahil may kakaiba sa mata niya—tila ba nakita ko na ’yung mga mata na ’yon. May part din sa ’kin na parang komportable ako sa kanya, pero nandoon pa rin ’yung takot. Dahil katulad ni Dave, lalaki rin siya.

Sa lalim ng iniisip ko, inanunsyo ng professor namin na ituloy na lang sa bahay ’yung gawain dahil may meeting pa raw siya. Kaya inayos ko na ang gamit ko at nanalamin ako ng patago.

Habang binabalik ko ang salamin, tumama sa kamay ko ang sharp edge ng wallet ko. Binuksan ko ito at doon ko nakita ang isang lumang picture—pero hindi naman gano’n kaluma. Nandoon ako at isang batang lalaki na nakalimutan ko na ang pangalan. Kapwa kami nakaupo sa likod ng sasakyan namin. Kaming dalawa—ng batang mas matangkad sa ’kin—kapwa may hawak na lobo na nakatali sa kamay namin. Ako ay busy sa pag-iyak habang siya naman ay nakangiti lamang.

Nasa 8 years old ako dito at hindi ko makakalimutan ang mukha ng kaibigan kong ’yon. Sabi nga niya, hindi niya ako iiwan. Pero umalis sila ng parents niya noon at lumipat sa Pampanga—kung nasaan ako ngayon.

Sana dumating ang panahon na makita ko siya, dahil kung nandito siya, panigurado may tagapagtanggol ako at hindi niya ako hahayaang masaktan. Siya ’yung taong nagtanggol sa ’kin noong mga bata pa kami, dahil sa malambot kong kilos.

Sigurado din ako, kung nag-aaral din siya, pareho kaming 4th year student. Siguro siya ang palagi kong kasama kung nagkataon.

“Pati ba naman picture iniiyakan mo? Nakakatawa ka talaga, Hans. Nababaliw ka na ba?” Nagtawanan ang mga kaklase ko, kaya agad kong tinago ang picture at tumakbo palabas bitbit ang gamit ko.

Chapter 2:

Hans Bernardo

Bago ako pumasok sa school, naisipan ko munang pumunta sa mall. Sigurado naman ako na wala doon si Dave dahil nasa Baguio ’yon—doon kami nag-aaral noon. Naiwan din ang parents ko roon, at alam nila ang ginagawa ko dito sa Pampanga—para sa seguridad ko at para malayo na sa mga alaala ng nangyari noon. Balak naming kasuhan si Dave pero baka mas lumala pa at mas magalit pa siya sa’min. Baka kung ano pa ang gawin niya.

Kaya dahil panatag ako rito, kahit ganito ang itsura ko at naiilang sa mga tao—lalo na kapag tinitingnan nila ako—nagagawa kong kumain sa mga restaurant o fast food na gusto ko, at nakakagala talaga ako. Naisip ko talagang mag-mall ngayon dahil gusto kong bilhan ng kahit anong bagay na feeling ko magugustuhan ni Joriel, dahil sa pagtatanggol niya sa’kin kahapon. Naramdaman ko kasi na may kakampi ako, dahil wala naman din akong kaibigan dito. Isa pa, bukod sa pagtatanggol niya sa’kin, binigyan niya pa ako ng drink na napakasarap talaga. Nakalimutan ko ngang tignan ang brand, kasi panigurado babalikan o pupuntahan ko talaga ang coffee shop na ’yon.

Napatingin ako sa isang perfume shop dito sa mall na kahit ako mismo nagulat—meron na pala nito dito. Akala ko sa ibang bansa lang meron nito dahil online ako madalas bumili, tapos ipapadala dito sa Pilipinas. Pero meron na pala rito, at nakakatuwa dahil hindi ko na kailangang magbayad ng shipping fee.

Pumasok ako sa shop at agad kong naamoy ang mga perfume nila—halo-halo na dahil may panlalaki at pambabae. Pumunta ako sa station kung saan nandoon ang mga pambabae, dahil kukuha ako ng dalawang favorite scents ko—takot akong maubusan. Tiningnan ko din ang mga panlalaking scents. Naghanap ako ng babagay kay Joriel pero halos lahat mababango, kaya nagtanong na lang ako kung anong scent ang hindi masyadong mabenta. Kinuha ko ’yon para si Joriel lang ang meron ng gano’ng amoy. Kasi parang common na masyado kung kukunin ko pa yung mabenta, eh mabango naman lahat—kaya kahit alin doon, puwede kong kunin.

Binayaran ko na sa counter at inilagay ng saleslady sa individual nitong kahon at paper bag. Nilagyan din niya ito ng 3ml free tester kaya natuwa talaga ako. Halos nasa four thousand lang ang binayaran ko, pero panigurado kung sa online ko ito bibilhin, sasama lang ang loob ko dahil sa laki ng shipping fee.

Nakakabili ako ng mga bagay na gusto ko dahil may kaya naman kami kahit papaano. Kumbaga kung may kailangan kaming bilhin, puwede namin mabili kahit anong oras. Pero nanggaling sa allowance ko ang pinambili ko, dahil ayokong manghingi ng extra kay Mama. Sila ang nagpapagod para kumita ng pera. Maluho ako pagdating sa pabango—hindi mo talaga ako maaawat. Pero sa ibang bagay, hindi ko na masyadong gusto.

Nang matapos ako sa perfume shop na ’yon, pumunta ako sa food court kung saan ako madalas bumili ng detox juice. May kasama itong lemon, orange, ginger juice, at honey. Napakasarap talaga, at isa ’to sa gusto kong iniinom instead of sodas.

Pagkatapos kong bumili, lumabas na rin ako at pumunta na sa sakayan ng jeep. Bale dalawang jeep ang sasakyan ko papunta sa school. Mas gusto ko ang mag-commute, sa hindi ko alam na dahilan. Lalo na kapag nasa harapan ako katabi ang driver—tuwang-tuwa talaga ako.

Patuloy ako sa paglalakad hanggang sa makasanay. Halata naman sa mga katabi ko na iniiwasan ako dahil sa itsura ko. Para kasi siyang skin-tone colored na clay na natunaw sa mukha ko—ganon ang itsura niya.

“Pasuyo po ng bayad.” Malakas na ang boses ko pero dedma lang ang mga katabi ko, kaya ako na lang ang nag-abot sa driver kahit hirap na hirap na ako sa pagdaan.

After 25 minutes ng pag-commute, nakarating din ako sa school. At ngayon ko nararamdaman na parang nahihiya ako at parang any time gusto ko na lang magtago. Parang ’yung mga mata nila, nasa akin lahat. Pinag-uusapan ako dahil sa mukha ko. Well, wala naman akong magagawa, dahil ganito talaga. Mas gugustuhin ko na ’to kaysa makulong sa kwarto kasama ang ex-boyfriend kong manloloko. Yung mga estudyante na tulad ko, hindi nila naiintindihan ang nangyari sa’kin, kaya nagagawa nila akong pagtawanan.

Hindi ko na lang sila pinansin at umakyat na ako sa klase ko. Ala-sais kasi ang klase namin hanggang 9:00 ng gabi. Nang malapit na ako, inilagay ko sa bag ko ang nabili kong pabango, tsaka ko inihanda ang ibibigay ko kay Joriel.

Pagpasok ko, agad ko siyang nilapitan nang hindi tinitingnan at sinamantala ko na hindi nakatingin ang mga kaklase ko. Nang matanggap ni Joriel, nabuo ang matamis na ngiti sa labi niya—na para bang hindi siya makapaniwala.

“This is my first time receiving a gift from someone.” Matapos niyang sabihin ’yan, agad na akong umupo sa upuan ko at nakayuko pa rin.

“Good afternoon, class!” Tumayo kami at binati ang hindi pamilyar na boses na narinig namin, tsaka kami umupo ulit. Siguro panibagong professor namin ’to.

“Ako na ang sasagot sa tanong sa isip niyo—and yes, I’m your new teacher in Field Study 2. Ma’am Calma is sick. By the way, my name is Rochelle Keith Grisler, and you may call me Ma’am Rochelle or Ma’am Keith. Naiintindihan?”

Ma-awtoridad ang banggit ng bago naming professor kaya napasagot kaming lahat ng “Yes, Ma’am.”

“Here’s the thing: since I already introduced myself, it’s now your turn to introduce yourself as well. And let’s start with you.”

Tinuro ni Ma’am Rochelle ang tao na nasa bandang likuran pero hindi ko alam na si Joriel ’yon—nang malaman ko lang noong lumapit na siya sa harapan.

“You look neat—para kang model sa ibang bansa. Go ahead, introduce yourself.”

Nakangiti si Ma’am Rochelle at halatang magaan siyang professor.

“Thank you, Ma’am Rochelle. Hello, everyone! My name is Van Joriel Montgomery. I’m originally from Baguio, but since we do have business here, my parents and I decided to live here.”

Tumango-tango si Ma’am.

“When did you transfer here?” follow-up question ni Ma’am Rochelle.

“I guess… more than 10 years ago, Ma’am. I’m not really sure.” Tsaka kinamot ni Joriel ang batok niya—senyales na nahihiya siya.

Totoo nga ang sabi ni Ma’am—parang Italian model itong si Joriel. Parang professor na nga siya sa suotan niya, eh. Bagay sa kanya ang mga suot niya kahit ‘yung practice-teaching uniform namin. Wash day lang talaga ngayon kaya hindi kami naka-uniform.

“I see. Okay. One question before you take your seat: what are the things that you are grateful for?”

“I’m grateful for what I have, and actually I’m grateful because he appreciated my actions towards him… and he even gave me a perfume.”

Nakangiti ito at nakatingin sa akin, kaya umiwas ako. Kapag si Joriel ang nagsasalita, halatang nakikinig ang mga kaklase ko. May pagka-teacher vibe din kasi itong si Joriel, eh.

“Thank you, Mr. Montgomery. Next one—you.”

Tinuro ako ni Ma’am kaya parang nanlambot agad ang tuhod ko, pero nagawa ko pang makatayo. Hindi naman sa mahina ako sa public speaking—natatakot lang akong humarap sa mga kaklase ko dahil sa ginagawa nila sa’kin. Ayoko naman silang isumbong—baka mas lumaki lang.

“Para kang babae, anak. Sana huwag kang ma-offend—and you smell like marshmallows.” Nakangiti ulit si Ma’am Rochelle.

Ang galing ni Ma’am, dahil ’yon din ang naamoy ko kapag suot ko ang pabangong nabili ko sa mall kanina.

“Amoy marshmallow nga, may sugat naman sa mukha. Bading pa, saan kapa?” Nagtawanan ang mga kaklase ko. Mas lalong nanginig ang tuhod ko dahil sa ginawa nila.

“Class! Nandito ako. Paano niyo nagagawang pagtawanan ang kaklase niyo habang nasa harapan ako? Wala kayong respeto! Napaka-bastos niyo! Hindi niyo alam kung saan galing at anong nangyari sa sugat na ’yan! Paano kung ako ang may sugat sa mukha—pagtatawanan niyo rin ba ako? Wala kayong modo! Nasabi pa naman na 4th-year education students kayo—pero kayo mismo binabastos niyo ang professor niyo, at worst, ang kaklase niyo pa.”

May diin ang bawat salita ni Ma’am, at nanahimik talaga ang mga kaklase ko. Para din silang nanlambot, dahil ramdam ko na pinipigilan ni Ma’am na mapalakas ang boses niya.

“Listen, everyone. You will all write an essay—five pages, yellow pad, written front and back. The topic is: ‘How to properly manage a classroom and how you will show respect to your classmates, cooperating students, your cooperating teacher, and the school environment.’ No one is allowed to enter the class without completing it. And let me be clear—no one is allowed to use AI. I will not be checking your grammar, because I want to hear your thoughts, your stand, and your voice. All of you will write it. Even you.”

Tinuro ako ni Ma’am. Wala naman problema sa’kin ’yon. Halatang na-badtrip na si Ma’am Rochelle kaya pinaupo na niya ako. Pero bago ko pa magawa ’yon, may isang mata akong napansin na malapit sa pangalawang pinto ng classroom.

Muling bumalik ang sakit at takot na naramdaman ko nang makita ko ang mga mata niya.

Bakit sa dami ng lugar, dito pa? Nakikilala niya kaya ako? Para akong mauubusan ng hininga nang makita ko siyang seryoso akong pinagmamasdan.

Hindi puwede ’to. Hindi puwedeng mangyari ’to. Paano siya napunta dito? Bakit hindi ko siya napansin kaagad? Dahil ba palagi akong nakayuko at hindi ko halos kilala ang mga kaklase ko?

Kaklase ko ang taong nanakit, nagkulong, at nanloko sa’kin. Kaklase ko si Dave! Hindi ko namamalayan na tumutulo na pala ang luha sa mga mata ko aht hindi ko matanggal ang tingin ko kay Dave. May takot at galit akong nararamdaman dahil sa ginawa niya sa’kin.

“Hans, you’re shaking…what happened?”

Narinig ko ang boses ni Joriel. Narinig ko na rin si Ma’am Rochelle na nagtatanong kung okay lang ba daw ako. Maya-maya, dahil sa labis na panlalambot ng tuhod ko, bumagsak na lang ako kung saan ako nakatayo.

Chapter 3:

Hans Bernardo

Hanggang ngayon, ramdam ko pa rin ang takot. Parang ayokong pumasok, at tuwing makikita ko si Dave, para bang babagsak ako kung nasaan man ako.

Last week, nagising na lang ako na nasa clinic na. Nahimatay daw ako, ayon kina Joriel at Ma’am Rochelle. Pagkagising ko, nasa tabi ko na sila. Halatang aligaga si Joriel noong nakita ko siya, bagay na hindi ko maintindihan dahil sa ikinikilos niya.

Dahil sa tulong nila sa akin, nakapagpaalam naman ako ng maayos, pero limitado lang ang nasabi ko at agad din akong umalis. Nag-offer pa si Joriel na ihatid ako sa bahay, pero tumanggi ako dahil nahihiya na ako. Pero may parte sa akin na gusto kong sumabay sa kanya dahil pakiramdam ko, nagmamasid si Dave sa paligid, lalo na’t ginabi na kami noon. Nakikilala niya kaya ako?

Noong makita ko si Dave, ramdam kong nakikilala niya ako. Hindi pwedeng hindi—dahil sa pagka-obsessed niya. Si Dave ’yung tipo ng taong kikilalanin ang bawat detalye ng mukha mo.

Para akong baliw ngayon sa hallway habang papasok sa classroom, palinga-linga ako dahil feeling ko may nakasunod talaga sa akin. Sa tagal kong nagtago, hindi pwedeng makilala niya ako. Kailangan kong ayusin ang kilos at pananalita ko dahil mukhang hindi sapat ang pagkakaroon ko ng sugat sa mukha.

Pagdating ko sa classroom, hindi ko inaasahan na nakatayo si Dave sa may pinto. Parang may hinihintay. Ginamit ko ang kabilang pinto para maiwasan siya. Pag-upo ko, ramdam ko agad ang tingin niyang sinusundan ako. Dinaanan din niya ako na hindi inaalis ang tingin niya.

Pawis na pawis ako habang nanginginig ang tuhod at kamay ko. Pakiramdam ko nasa likod lang si Dave at pinagmamasdan ako.

Napasigaw ako nang may humawak sa balikat ko. Agad kong tinignan kung sino ’yon. It was Joriel.

“Oh, I’m sorry. I didn’t mean to shock you. I’m just concerned because you’re shaking again. Are you okay?” Halata sa mukha ni Joriel ang pag-aalala, at napakasarap pakinggan ng boses niya—linis ng accent, malinaw magsalita. Walang salita na kinakain, bawat letra malinaw. Siya ’yung tipo ng tao na kahit sino, maiintindihan ang English niya.

“If you need help, please let me know. I’m more than happy to help you. You can also ask for help from the other class officers since I have a meeting later.” Oo nga pala, si Joriel ang class president namin. Ngayon ko lang na-realize, hindi biro ang maging class officer sa college. Noon sa high school, halos wala naman silang ginagawa, pero sa college, ibang usapan na. May tunay silang responsibilidad. Kaya ayaw ng mga working students na maging officers dahil para sa kanila, sagabal ito sa oras ng tulog at dagdag trabaho lang. Pero siguro kung hindi sila working students, baka pumayag pa sila.

Bahagyang kumunot ang noo ni Joriel. Napaka-seryoso ng mukha niya, at napapapikit pa siya. “Is that you, Hans?”

Tinignan ko siya na may halong pagtataka.

“You smell sweet—like dessert. Parang cupcake na may marshmallow on top. Is that you?” Tumango ako bilang sagot, nahihiya ako. Hindi ko magawang tumingin sa mga mata niya.

Si Joriel, hands-on talaga pagdating sa mga ganitong bagay. Sobrang busy lang talaga niya. Minsan, halos hindi na siya nakakapasok sa klase dahil sa dami ng agenda niya.

“VP, Troy, I need your help. Please observe Hans. Last week, he was brought to the clinic. If anything gets worse or becomes urgent, call me immediately. I’ll get here as soon as I can. Just observe him and the whole class.” Ganiyan si Joriel. Kaya kapag wala siya, nasasaktan ako ng mga kaklase ko at walang nagsasabi sa kanya. Parang may kasunduan ang lahat na huwag siyang sabihan. Maliban kay Joriel at Troy, madalas din silang magkasama. Ngayon lang yata hindi.

“That’s noted, boss Joriel. I’d also like to remind you—you don’t have to carry everyone’s physical and mental health. Our best friend is gone. We can’t bring him back. He needed to rest because of his illness,” mahinang bulong ni Troy.

“I don’t care. France isn’t gone because of just one reason. He suffered from his illness and from the damn bullies here.” Nagulat ako sa sinabi ni Joriel. So may namatay pala silang kaibigan—at hindi lang dahil sa sakit, kundi pati na rin sa bullying? Hindi ko na pinakinggan ang kasunod ng usapan nila, pero halos lahat narinig ko na.

Pakiramdam ko dehydrated ako, pero wala pala ang tumbler ko. Naiwan ko yata sa locker room sa first floor. Dahil wala pa ang professor, bumaba muna ako. Paglingon ko, wala na si Joriel sa likuran ko. Pero andoon pa rin si Dave, abala sa pagmamasid sa galaw ko.

Habang naglalakad ako, napapakapit ako sa pader. Sobrang panlalambot ng katawan ko. Yung mga titig ni Dave—nakakatakot. Takot ako sa posibilidad na makilala niya ako. Hindi na puwedeng mangyari ’yon. Pinalitan ko na ang pangalan ko. Lulubusin ko na. Susubukan kong baguhin ang pananalita at kilos ko. Pero paano kung bawat makita ko siya, nanghihina ako?

Pagdating ko sa locker room, binuksan ko agad ang padlock ng locker ko—mabuti na lang hindi ito sa pinakababa. Pagbukas ko, parang kuminang ang mukha ko. Nandoon ang picture namin ng childhood best friend ko. Pinaskil ko ito sa locker, habang ang original ay nasa wallet ko. Nandoon din ang favorite perfume ko, hindi ko pa nagagamit dahil may laman pa ’yung isa sa bag.

Kinuha ko ang tumbler ko at ilang piraso ng chocolate kisses. Pero pag-sara ko ng locker, nagulat ako. Nandito si Dave. Nakatingin siya sa akin. Pakiramdam ko mabibitawan ko ang lahat ng hawak ko. Tuhod ko nanginginig. Kamay ko malamig. Pawis ako nang todo.

“You look really familiar. Have we met somewhere before?” Mabilis akong huminga. Nag-ayos ako ng boses para hindi niya mahalata.

“Ngayon lang kita nakita. May maitutulong ba ako sa’yo?” Kumurap ako nang mabilis—nervous tic na yata ito sa akin.

“Wala naman. Pero parang kilala ko ’yung kilos mo. At ’yang pabango mo…” Lumapit siya. Umatras ako. Hindi ko na naisara ang locker ko.

Hinawakan niya ang mukha ko. At this time, hindi ko na napigilan ang sarili ko. Tumulo na ang luha ko. Natatakot ako. Baka makilala niya ako. Sa mga sinasabi niya, halatang kilala niya si Shan—ang dating ako.

“A-anong ginagawa mo?” halos hindi ko na mabuo ang mga salita dahil sa pag-iyak.

“Hey, what are you doing? Could you please distance yourself? “ Hindi ko alam kung kanino galing ang boses na ’yon. Naka-focus lang ako sa kamay ni Dave na nasa mukha ko.

“None of your business. So back off, bro.” Giit ni Dave. Pero may humila sa kanya at sinuntok siya ng dalawang beses.

“Bulag ka ba? Hindi mo ba napapansin na he’s not comfortable with you? And yet you keep pushing. I’ve been watching you, and I was right—you’ve been eyeing Hans. What do you want from him?” Ramdam ko ang galit ni Joriel. Pero hindi siya sumisigaw. Sakto lang ang volume para kami lang ang makarinig. Hawak niya ang kwelyo ni Dave, kaya hindi ito makaimik.

“And you don’t have the right to touch anyone just because you want to.” Pinilit ni Dave na alisin ang kamay ni Joriel. Pagkatanggal niya, tinignan niya ako na para bang may balak pa.

“So what is this? Boys’ love? The feminine and the straight man?” Tumawa siya—nang-aasar. “Bullshit.”

“I don’t care what you call this. Go away and drink some energy drink—looks like I drained all your energy today.” Ngumiti si Joriel, halatang nang-aasar. Umalis si Dave.

Binalingan ako ni Joriel. Ako naman, abala sa pagpupunas ng luha at pag-aayos ng sarili.

“Yung hayop na ’yon ba ang dahilan kung bakit nanginginig ka at takot na takot?” Hindi ako sumagot. Hindi ko kayang tignan siya. Pakiramdam ko, sinayang ko ang oras niya na dapat para sa meeting.

“Here.” Banayad niyang iniabot ang tumbler at chocolates na hawak ko kanina. “Kaya mo ba? I’ll carry your stuff. Let’s go.” Wala akong nagawa kundi sumama. Naka-suporta ang isang kamay niya sa balikat ko. Naamoy ko ang pabango niya—’yung binigay ko sa kanya.

Habang naglalakad kami, tinignan ko siya. Stress siya. Halata sa mata niya. Pero concern din siya. Hindi ko maiwasang pagmasdan ang balat niya, ang hugis at kulay ng labi, ang jawline, ang pagiging seryoso ng mukha niya tuwing may nangyayari sa akin. Madalas ko siyang nakikitang nakangiti—magaan. Pero ngayon, iba.

“If you don’t mind me asking… were you a girl before?” Basag niya sa katahimikan habang naglalakad kami pabalik sa classroom. Hindi ako nailang. Parang okay lang na magkadikit kami.

“I’m sorry if that offends you. I just can’t help it. You move like a girl with a boy’s haircut.”

“No. But I’m gay. Ganito na talaga ako. Ka-height at ka-build ko lang ang ibang babaeng kaklase natin.” Ito na yata ang pinakamahabang sagot ko simula nang mangyari ang lahat.

“No problem with that. Thank you for answering. I hope I didn’t offend you.”

“Hindi mo ako na-offend. Thank you for being there earlier, Joriel. You saved my identity—and the whole me.”

“Your identity?” gulat niyang tanong.

“Wala ’yon. Salamat ulit, Joriel.” Kumalas ako sa kamay niyang nasa balikat ko at pumasok sa classroom. Wala na si Dave. Mukhang hindi na papasok. Tinignan ko ulit si Joriel. Umalis na rin—baka humabol sa meeting.

Napakabait talaga ni Joriel. Gustuhin ko mang maging panatag sa kanya, hindi ko maikakaila na lalaki rin siya—katulad ni Dave. Dahil sa ginawa ni Dave, parang pantay na ang tingin ko sa lahat ng lalaki. Ayokong maulit ’yon. Matagal ko nang sinunog ang nakaraan ko, pero ’yung sugat na iniwan nito… andito pa rin. At hindi ko alam kung kailan ito maghihilom.

Chapter 4:

Hans Bernardo

“Ano ba, Diane?! Kanina pa kita pinapatigil! Kung gusto mo, papalitan ko na lang ang buong uniform mo—just let Hans go!” sigaw ni Troy habang hawak ang kamay ni Diane. Hindi talaga siya tumitigil sa paghila ng maikli kong buhok.

“Huwag kang makinig sa kanya, Diane! Hold on! Tandaan mo, binuhusan niya ng kape ang blouse mo!” sabay tawa ni Kendra at binuhusan ng alcohol ang mukha ko. “Baka sakaling mawala ang mga sugat mo sa mukha!”

Malakas ang halakhak nina Diane at Kendra. Hindi nila ako tinigilan kahit nawawala na sila sa balanse dahil sa suot nilang heels.

“Hindi ko ’yon sinasadya! It was an accident! Ikaw ang humarang sa dinadaanan ko, and now you’re blaming me for something I didn’t even mean to do?!” Sigaw ko habang patuloy ang luha ko. Wala akong magawa—ang hina kasi ng katawan ko.

“Talagang sumasagot ka pa?! So now you’re blaming me? Na bulag ka?! Kung hindi ka ba naman tanga, sana hindi nangyari sa’yo ’yan!” galit na sigaw ni Meshe. “Kendra, buksan mo ang alcohol. Alisin mo ang takip. Faster!”

Binuhos niya ang laman ng alcohol bottle hanggang sa maubos ito. Bukod sa nabasa ako, nakaramdam ako ng pananakit sa mata ko at nabasa din ang buhok ko. Mas lalo akong nanginig at naiyak sa nangyayari dahil wala man lang akong magawa dahil ayoko din gumalaw-galaw dahil baka mahalata ako ni Dave. Hindi niya ako pwedeng makilala.

“Ayan! Pambawi ko sa’yo ‘yan! Ngayon, lalaban ka pa?!” sabay nilang tawa ni Kendra. “Tingnan mo, natanggal pa ang nail extension ko dahil sa’yo! Talagang pinapa-init mo ulo ko!” Hinila na naman ni Meshe ang buhok ko, mas marahas pa ngayon.

Bigla na lang bumukas nang malakas ang pinto—isang kalabog na nagpakaba sa lahat.

“What’s happening here?! What the fuck are you doing, Diane? Kendra?” Calm pero matalim ang boses ni Joriel. Halata ang inis kahit banayad ang tono.

Lumapit si Diane at niyakap siya na parang siya ang biktima. “Tinapunan niya ako ng coffee, Mr. President… I was just asking for an apology, pero inuuna pa niya ang pride niya.”

“Distance yourself. You’re not allowed to touch any part of my body. One meter away is good.” Kalmadong sagot ni Joriel, pero kita sa tindig niya ang authority.

“That’s not true, Diane,” sabat ni Troy. Gusot-gusot ang uniform niya. “Hindi sinasadya ni Hans. Nakita ko—hinaharang mo ang paa mo sa daan niya.”

“Is that true, Diane?!” malakas na sigaw ni Joriel, sabay hawak sa magkabilang balikat ni Diane. Umiling ito, naluluha. Halatang nagsisinungaling.

“Ikaw, Kendra. Isa ka pang war freak. Ano’ng ginawa niyo kay Hans? Are you that desperate for attention?!” Napayuko si Kendra nang tumama ang tingin ni Joriel sa kanya. Kita ang takot sa mukha niya.

“Ngayon, walang gustong sumagot? Bakit may buhok sa sahig?!” Napahilamos si Joriel sa frustration. “Leah, kasali ka rin? You cut Hans’ hair for no reason?! Are you even in your right mind?”

This time nakalagay na sa bewang ni Joriel ang dalawang kamay nito at isa-isang tinignan ang tatlong may pakana ng lahat. Maging si Dave ay tinignan niya ng matagal.

Si Diane at Kendra ay parehong trans classmates ko. Si Leah, straight. Pero mag-ka-kaibigan silang tatlo—pare-parehong demonyo.

“Troy, ipalinis mo ang room sakanila. Ang tatlong ‘yan ang maglilinis ng kalat nila and I don’t want to see them for now.” Tumango si Troy.

“Kayong tatlo, this will be reported. You’re in education, but acting like this? Are you even worthy to be called future teachers?”

Kasalukuyan na tinutulungan ako ni Troy na punasan ang katawan ko dahil binuhos nila ’yung isang bote ng alcohol dito sa room namin. Maya-maya lumapit si Joriel at inalalayan akong tumayo. Hinubad niya din ang vest niya para takpan ang buhok ko. “Troy isa kapa, distance yourself from Hans. I’ll take care of it. You’re acting like you’re his boyfriend or something.”

“Wow!

Binakuran

nanga po talaga niya si Hans.“ May mapang-asar na ngiti si Troy kahit nasa gitna kami ng gulo. Nababaliw ako sa dalawang lalaki na ’to.

Bago pa ako tuluyan tumayo, muling nagsalita si Diane na ikina-init ng ulo ni Joriel.

“Nababading ka na ba, Joriel? Kaya ganyan ka magtanggol sa bading na ‘yan? Gusto mo ba si Hans?” pasaring ni Diane.

Napatitig si Joriel. Seryoso. “Oh? And what’s wrong with that? Wala akong nakikitang mali sa ginagawa ko. And even if I fall for someone like Hans, it doesn’t make me less of a man. Pero sa inyo? Never. It will never be.”

“Sabagay… Hindi na ako magtataka. Bading rin ang kaibigan niyo, ‘di ba? Kawawang France—nasa itaas na. Mahina rin tulad ni Hans. Bakit hindi mo siya naipagtanggol noon, ha?” panlalait ni Diane.

“Don’t you dare bring France into this!” Sigaw ni Joriel, nanginginig sa galit. Umalon ang ugat sa sentido niya. “Baka nakakalimutan mo, kayo ang dahilan kung bakit tuluyang pinanghinaan ng loob si France!”

Nagulat ang lahat. Unti-unti silang natahimik. Noon, balita lang. Ngayon, nakumpirma—sila pala ang dahilan ng pagkamatay ni France. Hindi lang dahil sa sakit, kundi dahil sa pangungutya.

“Let’s go, Hans.” Hinawakan niya ang likod ko, habang ako naman ay mariing hawak ang vest niya para takpan ang buhok kong wasak. Nahihiya na ako. Lagi akong may problema. Pilit kong iniiwasan, pero parang gulo ang siyang lumalapit.

“Hans…” Mahina niyang tawag habang naglalakad kami.

Napatingin ako. “Hmm?”

“Magsabi ka sa’kin kapag ginalaw ka pa ng mga ‘yon. I’m so sorry. Kung nandito lang ako kanina, hindi sila maglalakas ng loob. Are you really okay?”

Tumango lang ako. Hindi pa rin makapagsalita.

“About your hair… maybe wax it a bit para matakpan ‘yung uneven na gupit.”

Tumango uli ako.

“Tandaan mo, kung may nararamdaman ka na hindi mo maipaliwanag, just talk to me. Kung may nananakit sa’yo—sabihin mo. Kapag feeling mo mag-isa ka… just grab my hand, like this.”

Kinuha niya ang kamay ko at hinawakan ito ng dahan-dahan. Ang init ng palad niya, parang gamot sa trauma ko. Sinasakop din niya ang maliit ko na palad dahil mas higit na mas malapad ang palad niya.

May parte sa’kin na… I’m starting to trust him. Kakaiba si Joriel.

“Joriel…”

“Yes, baby? I mean—yes, Hans?” ngumiti siya.

Umiwas ako ng tingin sakanya. Lakas talaga ng trip neto mag-joke.

“Pasensiya na kung palagi kitang naaabala. Hindi ko talaga maiwasang lumaban kapag alam kong mali.”

“You’re not a burden, Hans. Basta kapag may gusto manakit sayo, magsabi ka, tandaan mo—ako ang kakampi mo. Kahit sino pa sila.”

Naamoy ko na naman ang pabango niya. Lakas maka-addict. Bagay na bagay sakanya ang bigay kong pabango. Ngayon ko lang din napansin ang tattoo sa braso niya pero natatago naman ng damit niya. Saktong-sakto pero tuwing itataas ang kamay niya makikita mo ito.

“Alam mo… I think I’m starting to trust you. It’s just… I’m not comfortable around guys.”

“And that’s okay. You can trust me at your own pace. If gusto mo mag-share, I’ll listen. If ayaw mong lumapit sa lalaki—that’s totally fine. No pressure.” Naka-ngiti siya, ‘yung ngiti na may sincerity. Napaka-puti ng mga ngipin niya at pantay-pantay. Totoo talaga ang sinabi ni Ma’am Rochelle na para syang model kung kumilos at napakalinis pa sa katawan.

“I know it’s hard to trust people, lalo na sa pinagdaanan mo. But I’m here, and I’ll stay. Don’t mind your scars. Wala akong nakikitang mali sa’yo.”

Lumambot ang puso ko sa mga sinabi niya. Hindi ko inaasahan na maririnig ko sakanya ang mga bagay na ’yon.

“Thank you, Joriel…” Giit ko sapat lang na narinig niya ako.

“There’s something special sa pagbigkas mo ng pangalan ko. They usually call me Van, pero ikaw—Joriel talaga. Anyway, let’s go to the clinic. You need to rest.”

“Pwede bang… hindi na lang sa clinic? Gusto ko sa student center muna. Doon na lang ako uupo.”

Tumango siya. “Sure. Just let me know kung may masakit.”

“I’ll leave you here. Bibili lang ako ng food natin, okay? Stay here,” sabi ni Joriel, kalmado pero firm ang boses.

Tumango lang ako.

Mabilis kong kinapa ang wallet ko sa loob ng bag para abutan siya ng pera. Inabot ko ito sa kanya.

“What’s this?” tanong niya, natatawa habang hawak ang perang iniabot ko.

“Paki-bilhan mo na rin ako, please…” sabi ko, medyo mahina ang boses ko.

“Yeah, sure. I can buy you food…” ngumiti siya, “…but I didn’t ask you to pay for your meal. My treat. Huwag ka nang mag-abala pa.”

Iniwan niya sa mesa ang perang binigay ko, sabay lakad palayo. Wala na akong nagawa—may natural authority talaga si Joriel na parang ang hirap kontrahin.

Pag-alis niya, kinuha ko ang salamin sa bag ko at tinignan ang leeg at kamay ko. May maliliit na kalmot—hindi agad mapapansin kung hindi ka lalapit, pero ramdam ko ang hapdi. Siguro dahil sa alcohol at pawis. Napansin ko rin na may pasa ako sa tuhod. Wala akong idea kung paano ko ’to nakuha.

‘Dibale na,’ bulong ko sa sarili. Mas malala naman ang mga pasa ko noon… galing pa mismo kay Dave. Isa rin siya sa mga tumatawa kanina habang pinapahiya ako. Halos buong klase… walang pakialam.

“Hey!”

Napalingon ako. Bumalik na si Joriel—bitbit niya ang chicken sandwich, ham & cheese sandwich, fries, at mango shake with grahams—best-seller sa school canteen.

“Ang dami naman niyan…” matipid kong sabi habang iniabot niya sa akin ang chicken sandwich. Kinuha ko agad, sabay tusok ng straw sa shake—uhaw na uhaw ako, siguro dahil sa dami ng iyak ko kanina.

“Salamat, Joriel. Ang dami nito,” sabi ko habang inaayos ang pagkain sa harap ko.

Ngumiti lang siya at nagsimula kaming kumain.

Habang abala ako sa fries at sa chicken sandwich, napansin ko na parang mabagal kumain si Joriel. Tila hindi niya gusto ang ham & cheese sandwich niya.

Bigla siyang lumapit ng bahagya—at walang babala, kinagatan niya ang sandwich ko. Napatigil ako. Gusto kong matawa, pero tinago ko ‘to.

Napangiti rin siya sa ginawa niya.

“Hala… nalawayan ko na, tapos kinagatan mo pa,” nahihiyang sabi ko. Ang laki ng kagat ko doon, tapos sinundan pa niya.

“Oh, ano naman?” natatawang sagot niya. “Your sandwich tastes better than mine. Hindi ko talaga gusto ‘to.” Umirap siya ng kaunti, dismayado. “Pwede bang mag-swap na lang tayo?”

Tawang-tawa ako sa tanong niya pero patago ’yon. Ang cute. Hindi mo iisiping isang makisig na lalaking tulad niya… would ever act this cute.

“Oo naman,” sagot ko, sabay abot sa sandwich niya at kinagat ko rin. Hindi ko na inartehan pa. Bukod sa masarap naman talaga, ayokong isipin niyang maarte ako.

“Masarap naman ‘to, ah,” sabi ko.

Tumango siya, at nagpatuloy kaming dalawa sa pagkain. Para akong nanonood ng bata sa harap ko—ang saya niyang kumain ng fries, parang walang nangyari kanina.

Hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi panoorin si Joriel. Ang saya niya panoorin—napaka-genuine. Tapos may ganoong aura siya na parang kahit hindi kayo close, alam mong safe ka kapag kasama mo siya. Para siyang walking health insurance… pero gwapong version.

“What? Trying to memorize my face or something?”

Tumawa siya ng bahagya. Muling lumabas ang puti niyang ngipin, at gaya ng dati, nawawala ang mga mata niya kapag ngumiti siya ng gano’n.

Nang marealize ko na ang tagal ko na palang nakatitig sa kanya, dali-dali akong umiwas ng tingin. Minsan talaga nakakahiya ang pinag-gagagawa ko. Nahuli tuloy ako ni Joriel.

“Are you okay? Are you really sure you don’t want to go to the clinic?”

Dahan-dahan lang akong umiling bilang sagot.

“Alright. Then how about this—to make sure you’re really okay, ihahatid nalang kita sa bahay niyo.”

Kinaway ko ang kamay ko para ipakita na hindi ako pumapayag. Pero halatang nabago ang timpla ng mukha niya. Parang bigla siyang nalungkot.

Napabuntong-hininga ako.

“Fine…

pumapayag

na’ko basta ngayon lang.“

Muli siyang ngumiti—‘yung ngiti na parang gusto mong ipa-frame. Ako naman, feeling ko, literal na akong namumula. Baka kulay cherry na ang buong mukha ko. Joriel kasi, eh!

One thing I know for sure now is that I’m already comfortable with Joriel—and that won’t ever change.

Chapter 5:

Hans Bernardo

Katulad ng sabi ni Joriel, ihahatid niya ako sa bahay na tinutuluyan ko—malapit lang din dito sa school na pinapasukan namin. Muli akong tumanggi kahapon, pero mapilit talaga siya, kaya wala na rin akong nagawa.

Heto naman ako ngayon, abala sa paghahanap ng hair wax na dati kong ginamit. Kanina ko pa ito hinahanap pero hindi ko talaga makita. Katulad ng sabi ni Joriel, gumamit na lang daw ako ng wax para matakpan yung hindi pantay-pantay kong gupit. Malelate talaga ako sa klase kapag hindi ko pa ’to nahanap.

“Sa wakas!” sigaw ko sa isip ko nang makita ko ito. May nalaglag palang maliit na kahon—doon pala ito nakapatong.

Kumuha ako ng kaunti, nilagay sa palad, ni-rub, at saka ko inilagay sa buhok kong bahagya pang basa. Sinuklay ko ito ng maayos. Ayan, all set na ‘ko. May thirty minutes pa naman ako para makarating sa school. Sasakay na lang siguro ako ng trike. Buti na lang wash day ngayon, dahil sobrang init ng panahon—pero kailangan pa rin ng may collar ang suot.

Bago ako lumabas, sinigurado kong nakapatay ang ilaw at aircon. Sinigurado ko rin na nakasara ang gripo at gasul. Ayoko kasing mag-overthink habang nasa school ako. Alam mo ‘yung feeling na parang gusto mo nang umuwi kasi naiisip mong baka nasusunog na ang bahay niyo o umaapaw ang tubig? Ang hirap mag-focus lalo na kung balak mo pang gumala bago umuwi.

Nag-spray pa ako ng air freshener na nabili ko online bago lumabas. Sobrang bango nun. Gusto ko kasi pag-uwi ko, mabango ang paligid—parang natatanggal ang stress at pagod.

Paglabas ko ng gate, may sasakyang nakaparada. May lalaking nakasandal doon, pero hindi ko pa agad nakita ang mukha niya dahil busy ako sa paglalock ng gate. Kahit nasa loob ng subdivision, hindi ako kampante.

“Let’s go?”

“Ay,

kambing

!“ Napasigaw ako at agad tinakpan ang mukha ko sa gulat.

“Grabe naman sa

kambing

… do I look like one?“ Nakangiti si Joriel. Suot niya ang isang fitted na white polo shirt, khaki pants, at brown top-sider shoes. Naka-shades pa siya, which made him look extra handsome. Pero to be fair, mainit din naman talaga. Nakakainis—mas lalo siyang naging kaakit-akit.

“Sabay na tayo.”

“Kanina ka pa ba

diyan

?“ tanong ko, walang emosyon, pero tumingin na ako sa mga mata niya.

“Yeah. Almost one hour.” sagot niya. Halos malaglag ko ang hawak ko sa narinig ko. “I’m not joking when I said I would pick you up.” Right… he did say that, pero sa dami ng nangyari kahapon, nakalimutan ko na.

“Joriel, ngayon lang ’to ah? Nahihiya lang ako kasi kanina ka pa pala

diyan

.“

Napaka-sungit

naman ng boss ko. Tara na, baka ma-late ka pa, boss.“ Hindi ko

napigilan

ang sarili kong ngumiti.

“Ngayon ko lang nakita ’yan,” dagdag pa niya, “and I’m not gonna lie—it bothers me. Seeing you cry like that these past few days… I just want to take that pain away.” Nakatayo siyang relaxed, nakapamulsa pa habang nakangiti.

“Oo na, gwapo ka na. Tara na.” Giit ko. Bigla siyang umiwas ng tingin, at napansin kong namula ang tenga at pisngi niya. Tumikhim siya at agad akong in-assist papunta sa passenger seat. Binuksan niya ang pinto at inilagay ang kamay niya sa ulo ko para hindi ako mauntog.

That’s Van Joriel Montgomery. Talagang maiihi ka sa shorts mo sa kilig.

Bago isara ang pinto, tinulungan pa niya ako maglagay ng seatbelt. Kaya pala tumutunog ang sasakyan. Nang inilapit niya ang katawan niya para i-click ang buckle, halos magdikit ang mukha namin.

Ramdam ko ang hininga niya—amoy mint. Nakatingin lang ako sa labi niyang mapula, at sa matangos niyang ilong.

“You smell like cupcake again… with marshmallow on top. Sobrang

bango

mo.“ ngumiti siya. “Oh, naalala ko, may ibibigay pala ako sa’yo.”

Bumaling siya sa likod at kinuha ang medium-sized na paper bag.

“Open it.”

Binuksan ko. Tatlong balot ng Kisses ang laman—iba’t ibang flavor.

“I saw na

nalaglag

mo yung Kisses mo noon sa locker. Papalitan ko na lang ‘yon.“

Napangiti ako. Hindi dahil sa tsokolate, kundi dahil hindi ko inaasahang gagawin ito ng isang straight guy.

I mean… hindi naman ‘to normal, ‘di ba? Hindi ‘to typical na behavior ng isang straight guy sa isang tulad kong gay. Maybe if he were bisexual like Dave, baka mas plausible. Pero si Joriel?

“Thank you, Joriel. Wala akong masabi. Hindi ko naman in-expect ‘to.”

“Don’t mention it. As long as I’m seeing you smile, I’m good with that.” Sagot niya habang nakangiti pa rin kahit nagmamaneho.

Alam kong mabait si Joriel. Maalaga. Protective. Hindi madaling magalit. Siguro, nasosobrahan lang talaga minsan kaya nakakapagsalita siya ng kung ano-ano.

“Did you take your lunch?” tanong niya, na nagbalik sa’kin sa realidad.

“Oo…” sagot kong matipid. “Sana kumain ka na rin.” Mahina kong dagdag, nahihiya ako.

“I did. Pero if you’re hungry, please let me know. Para

makapag-order

tayo mamaya, break time or before second subject. That works, right?“

Tumango ako, pero na-realize kong hindi naman niya makikita ‘yon habang nagda-drive.

“Oo.”

“Can you please repeat the word that you said a while ago?” natatawa siya.

Kambing

?“ inosente kong sagot. Bigla siyang napout.

“Not that one,” malungkot niyang sagot.

“‘Ang gwapo mo?’” Napangiti siya, at saka umiling-iling. “Mas gwapo ba ako kay Troy?” Grabe ‘tong shifting mood niya. Even I can’t keep up.

“Troy? Yung kaibigan mo?” Tumango siya.

“Parehas lang kayo.” Nag-pout siya ulit kaya napatawa ako.

“Biro lang. Mas gwapo ka.” Bahagya akong lumapit at inayos ang medyo lukot niyang kwelyo. Napansin ko ang paggalaw ng Adam’s apple niya.

“Don’t go too close to me… I might kiss you.”

Agad akong umatras. Tinakpan ko ang mukha ko, hindi ko alam kung anong mararamdaman. Muli ko syang tinignan at hindi oa din siya tapos sa pagtawa.

Manyak

!“ Sabay hampas ko sa braso niya. Tumawa siya ng malakas.

“Ganyan pala

kiligin

ang mga

masusungit

nanghahampas

ng biceps.“ Tawanan lang siya nang tawanan. Ako naman, takip pa rin ang mukha ko. Ang init!

Ilang sandali pa, natahimik siya.

“Hans… can I ask something? When you’re nervous or scared—or even just shy—do your eyes start blinking faster?”

Mabilis akong tumango. Napansin niya pala ‘yon.

“I see…”

Ilang minuto pa, naka-park na kami. Nagbayad siya ng ₱100 kahit sa school lang din kami. Private kasi, so kailangan pa rin magbayad kahit students kami.

“Thank you,” sabi ko nang pagbuksan niya ako ng pinto. Inalalayan pa niya ako pababa.

Habang naglalakad na kami papasok…

“By the way, Hans. I successfully reported the people involved sa nangyari kahapon. Sana

matuto

na sila ngayon.“

“Thank you ulit, Joriel. Hindi ko alam kung paano ko

maibabalik

lahat ng

kabaitan

mo. Pasensiya na rin sa abala.“ Tumigil ako sa paglalakad kasi huminto rin siya.

“How many times do I have to tell you that you are not a burden? You will never be a burden, especially not someone with such a pure and kind heart. I saw you during our first semester, remember? You gave money to that old lady sleeping on the floor—without hesitation.”

Ngumiti siya, at inaya na ulit akong maglakad habang nakapatong ang kamay niya sa bewang ko.

Alam mo yung pakiramdam na ‘yon? Bakit hindi ako naiilang sa mga ginagawa ni Joriel?

Dati, hirap na hirap akong magsalita. Pero ngayon, unti-unti ko nang nasasabi ‘yung mga bagay na matagal nang nakakulong sa loob ko.

If my heart and brain can’t answer these questions…

Maybe Joriel will.

Pagdating namin sa room halos late na pala kami ng ilan minuto mabuti nalang hindi nagalit ang professor namin. Ngayon din pala ang pasahan ng essay na pinagawa ni Ma’am Rochelle. Pagdating namin nag-di-discuss na ang mga kaklase using fish bowl method dahil nga student-centered na ngayon. Kumuha na kami ng upuan namin ni Joriel at nakinig na rin sa discussion kahit hindi namin nasimulan.

Habang nasa gitna ng discussion naramdaman ko na may nakatingin sa’kin nang hanapin ko ’yon, it was Dave parang hinihimay niya ang pagkatao ko. Hindi ko alam ang tumatakbo sa isip niya, nakikilala niya kaya ako?

Chapter 6:

Hans Bernardo

For me, this was just another normal day—dahil tulad ng nakasanayan, sinundo na naman ako ni Joriel. Kaya heto ako ngayon, nagmamadaling magsuklay, maglagay ng sunscreen, at magpabango. He’s waiting outside.

It’s been three days simula nang simulan ni Joriel ang ganitong routine namin. Kahapon, nanggaling kami sa coffee shop nila. Sa kanila pala talaga ‘yon. They started it from scratch—dati, nagseset-up lang siya ng table and chairs sa tapat ng bahay nila. Pero ngayon? They already have 27 branches all over the Philippines. Nakaka-amaze talaga. Wala akong masabi habang nagkukuwento siya kagabi. Tapos, halos 10 cups ng milk tea and fruit teas ang binigay niya sa akin. Sabi niya, ilagay ko raw sa ref para kapag gusto kong uminom, hindi ko na kailangang bumili pa sa labas. Parang bigla akong nagkaroon ng PR package mula sa shop nila—kaya natuwa talaga ako.

Nabanggit din niya sa akin na parang nababawasan ang bigat na nararamdaman niya kapag nakikita niyang ngumingiti ako.

Bigla akong napatigil sa pag-iisip nang tumama ang pinky toe ko sa edge ng kama. “

Aray

!” Napasinghap talaga ako sa sakit.

Agad kong tsineck ang gas at pinatay ang main switch ng kuryente sa apartment. Baka mainitan si Joriel sa labas—nakakahiya, lalo na’t parang pang-mayaman talaga ang kutis niya.

Paglabas ko, napatigil ako. May kausap siyang matanda at iniabot niya rito ang isang box ng donuts. Napangiti ako. Ni-yakap siya ng matanda, at walang kaarte-arte, niyakap niya rin ito pabalik.

Tiningnan ko si Lola mula sa kinatatayuan ko—pudpud na ang tsinelas, manipis ang suot, at halatang hirap na hirap. May malaking sugat pa sa paa niya na binalutan lang ng tagpi-tagping tela. Hindi ko alam kung bakit, pero parang sinasaktan ako sa tuwing nakakakita ako ng ganitong eksena.

Pinagpasa-pasahan

na nila ako, hanggang sa

magdesisyon

na lang akong

mamuhay

mag-isa,“ ani ni Lola habang inaayos ang pagkakayakap. “Lahat ng anak ko may

pamilya

na.

Masasabi

kong may kaya sila dahil

napagtapos

ko naman sila… pero mula nung

nahirapan

na akong tumayo at

naiihi

na lang ako nang hindi ko

namamalayan

,

pinag-aawayan

na nila kung kanino ako

titira

.“

Tumulo ang luha ko. Hindi ko napigilan.

“Hindi ko naman inaasahan na tulungan pa nila ako. Masaya na ako na nagawa ko ang

responsibilidad

ko bilang ina. Pero ang sakit lang marinig mula sa mga anak ko…“

Hindi ko kinaya. Bahagya akong humagulgol—pigil, pero ramdam na ramdam ko ang sakit na dinadala ni Lola.

Nanlalambot na si Lola habang pinupunasan ang luha sa mata niya. Mabagal ang kilos niya. At kung titignan mo siya… parang may pagsusumamo sa mga mata niya. Para bang humihingi ng kahit konting tulong.

“They did that to you?” galit na tanong ni Joriel, halatang naiirita. “That’s unacceptable.”

“Dumating pa sa punto na

kinulong

nila ako sa

kulungan

ng aso,“ dagdag pa ni Lola. “Sabi nila, kung doon din lang naman ako

iihi

at

dudumi

, mas

mabuting

doon na ako sa

kulungan

.“

Mas lalo akong nag-init. Galit at sakit ang naghalo sa dibdib ko. Paano nila nagawa ‘yon sa isang matanda? Sa sarili nilang ina?

“Lola, sumama po kayo sa amin ni Joriel. Pa-check up natin ang sugat niyo para hindi na po kayo

mahirapan

sa

paglakad

. Bibili rin kami ng

malambot

na

tsinelas

para sa inyo,“ giit ko.

Nagkatinginan sila ni Joriel.

“You know what, Hans is right. Tara na, Lola,” sabi ni Joriel, sabay alalay sa kanya habang binubuksan ko ang pinto ng sasakyan.

Siyempre, hindi niya rin nakalimutang buksan ang pinto para sa akin at ipatong ang kamay sa ulo ko para hindi ako mauntog. Classic Joriel.

Umandar na kami, papunta sa ospital.

“Mga apo… may klase pa yata kayo. Ayos naman ako dito.”

“Lola, okay lang po. Mamaya pa po ang klase namin—may practice lang naman kami,” sagot ko.

“Hans.” Tumawag si Joriel, pinapalapit ako. Nilapit ko ang katawan ko.

“I’m sorry. I gave the donuts to Lola. Para talaga sa’yo ‘yon. Palitan ko na lang mamaya.”

Kinaway ko ang kamay ko. “Ayos lang ‘yon. Don’t worry.” Sabay ngiti ko. Grabe, amoy na amoy ko pa rin ang mint sa hininga niya. At ’yung relo niya? Ang pogi niyang tignan habang nagda-drive. Wait—what?

Napansin kong palihim siyang nakangiti. Pa-hiling-hiling pa siya. Ginagawa niya ‘yon tuwing nakikita niya akong ngumingiti.

“Lola, okay lang po ba kayo? Hindi po ba kayo

nahihilo

?“ tanong ko.

Ngumiti si Lola. “Hindi naman apo. Ayos lang ako.”

Medyo binilisan ni Joriel ang takbo dahil hindi naman traffic. In about twenty minutes, nasa ospital na kami. Diretsong emergency room. May nag-abot agad ng wheelchair kay Lola.

Private hospital ‘to. Mas mabilis ang assistance.

Habang tinutulak ni Joriel ang wheelchair, kinausap ko na ang doktor. Agad silang nag-alok ng bed rest para kay Lola—para makapag-run ng tests at mabantayan ang sugat regularly. May complete meals din daw kaya kahit walang bantay, okay lang. Kung hindi raw toxic ang ward, tumutulong din ang mga nurse sa pagpapakain.

Ibinahagi ko kay Joriel ang lahat, at agad siyang pumayag.

Linisan muna nila ang sugat ni Lola. Pinalitan ang suot niya at hinilamusan. Maya-maya, pinayagan na kaming bumisita ulit.

“Lola, masakit po ba?”

“No’ng una lang.

Magaan

ang kamay ng

doktor

.“

“That’s good, Lola.” Sagot ni Joriel. “Lola, may sasabihin po ako—gusto niyo po bang doon muna kayo sa bahay? Walang

gumagamit

ng guest room. May mga kasama po kami

roon

na

tutulong

sa inyo.“

Napangiti ako. Muli.

“Lola,

pumayag

na po kayo.

Delikado

po sa daan at malamig kapag gabi.

Bibisitahin

ko po kayo… pero sa ngayon, dito po muna kayo, sabi ng

doktor

.“ Tumango si Lola.

“Lola, aalis po muna kami ni Joriel. Papasok lang kami sa klase.

Babalikan

po namin kayo mamaya.“

“Sige apo… pero wala akong

maibabayad

sa

ospital

.“ Iniabot niya ang buong ₱20 at ilang barya—siguro ₱37 lahat.

“Lola, huwag niyo na pong

intindihin

‘yan. Kami na po ang bahala. Ang importante,

magpagaling

po kayo. Huwag niyo pong isipin ang

bayarin

.“

Nagmano kami pareho ni Joriel bago umalis.

Paglabas namin, dumaan kami ulit sa emergency entrance. Nanlambot ang tuhod ko nang makita ko ang dami ng pasyente—may mga sugat dahil sa sunog.

Pero hindi lang ‘yun ang dahilan.

Bigla akong napatigil.

Nag-flashback sa isip ko ang gabing kailangan kong sunugin ang bahay ni Dave… para makatakas. Para hindi na niya ako saktan. Para hindi niya ako maabutan. Naramdaman ko na lang ang panginginig ng kamay ko—at ang mga pasa sa katawan ko, tila muling sumakit.

“Hans, what’s happening?” tanong ni Joriel. Hindi ko siya sinagot.

“Hans, look at me.” Tumingin ako sa kanya habang patuloy ang luha ko—hindi ko na kayang pigilan.

“I don’t know what’s happening… but whatever it is, your feelings are valid.”

Binuksan niya ang mga braso niya.

At tumakbo ako papasok sa yakap niya. Isinandal niya ang ulo ko sa dibdib niya, mahigpit ang pagkakayakap.

“Maybe I don’t know your whole past… but since I’m here now, I promise—

I won’t let you go through that kind of pain ever again.“

Mas lalo pang hinigpitan ni Joriel ang yakap niya habang marahan niyang hinahaplos ang likod ko. Amoy na amoy ko ang damit niyang napakabango—nakakapanatag.

Hindi ko inakalang magiging malapit ako kay Joriel ng ganito. Noong una, hindi ko talaga gusto ang ugali niya… pero siguro, depende pala talaga ’yon.

Sa nakikita ko ngayon, unti-unti kong nagugustuhan ang pagkatao niya. Hindi biro ang ginawa niya para kay Lola—at ’yon ang klase ng kabutihang hinahangaan ko sa ibang tao. Hindi man nila responsibilidad na tumulong, pero kung kaya mo naman, bakit hindi, ’di ba?

For some reason, I feel safe in Joriel’s chest. I’ve never been comfortable receiving hugs from anyone—but somehow, Joriel is the exception.


This chapter is dedicated to my sister Jelly Ann and Mareng Rochelle for patiently waiting sa update.

Next will be, Joriel’s POV naman.


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.