His No Ordinary Woman [COMPLETED]
AmorevolousEncres · 31 chapters · 48,647 words
His No Ordinary Woman
This book is a work of fiction. Names, places, and incidents are produced by the author’s imagination and are used fictitiously. Any resemblance to persons, living or dead, events, and locales are extremely coincidental.
All rights reserved. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical, including, photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system, without the written permission of the author, except where permitted by law.
© 2020
PROLOGUE
“Don’t do stupid things!” Matigas na paalala ni Zach para matakot sa kanya ang ekstrangherong babae sa kanyang kaharapan.
“Nilalapastangan mo na naman ba ako, Ginoo?” Mahina ngunit tunog istriktong sagot naman ng babae kay Zach.
Nanlalaki ang mga mata ni Zach sa narinig mula sa babae.
Anong nilalaspatangan?
“What!?Of course, not!” Zach said in a horrified tone.
“Huwag kang magsalita sa lengguwaheng banyaga kung ganoon, Ginoo, dahil wala akong naiintindihan sa mga winika mo!” anang ng babae kay Zach na bahagyang natigilan dahil sa inasta ng babae. Akala ni Zach ay napakamasunurin nito dahil tagabundok ngunit nagkamali yata siya.
“Alam mo ang pangit mo.” Sabi ni Zach sa babaeng kaharap. Ang gusto sana niyang sabihin ay pangit ang ugali nito pero iba ang nasabi niya dahil sa matinding pagkadisgusto na nararamdaman para sa babae.
“Pangit ka rin.” Bwelta rin ng babae kay Zach.
Napamaang na lang si Zach.
Hindi alam ni Zach kung ano ang gagawin niya dahil ang masungit na babaeng kaharap niya ay makakasama niya sa iisang bubong. Mababaliw yata siya ng wala sa oras.
—This story is an inspired story from Love Links No. 4 My Clumsy Princess of Amethyst and I dedicate this story to her because she inspired me so much! :)
»WARNING«
This is another lame story of mine.
<<
So, before ko na-discover at nagsulat ng bl. Nakapagsulat na ako ng BxG stories. And now, naisipan ko silang ibalik kasi, why not?🤣 remembrance na rin kung gaano ako ka-jeje mula noon hanggang ngayon.
Thank you for giving this story a chance!:)
ONE
Chapter One
Zach never felt this boredom in his entire life until now. Sinama lang naman siya ng kanyang ama sa camping nito kung saan kasama niya ang kanyang mga tito niya. Which means, na ang mga nakakasama niya is around 40’s na at siya 19 years old. So papaano siya hindi maiinip. Sa pinag-uusapan pa lang ng mga ito ay wala na siyang maintindihan.
Napa-sama lang naman kasi siya sa ama dahil ang mommy niya ay umuwi ng Cebu. Ayaw niyang sumama doon dahil akala niya makakagala siya dahil parehong wala ang mga magulang niya pero nagkakamali siya dahil pinasama siya ng mommy niya sa nakakaburyong camping kasama ang mga matatanda. Inaalala kasi ng ina ni Zach na baka raw kasi makakita ng ibang babae ang daddy niya roon sa lugar.
‘Anong namang mahahanap dito ni daddy na babae eh nandito sila sa bundok nagka-camping?’ Wika na lang ni Zach sa sarili.
“Dad, ayaw ko na rito.” Reklamo niya sa ama niya, tila pagod kahit naka upo lang naman.
“Zach, isang gabi lang naman tayo rito at bukas na bukas din ay bababa na tayo.” Nagpatuloy ang ama niya sa pag-aayos ng tent nila. “Buti pa tumulong ka rito para may matulugan tayo. Malapit ng gumabi.”
Sumimangut si Zach at tinulungan niya pa rin ang ama.
“Dad, una na lang akong bumaba ng bundok, kaya ko naman ’eh at natatandaan ko pa ang daan.” Giit pa ni Zach, hindi niya na talaga kayang manatili sa lugar. Wala pa siyang dalang laptop o kahit cellphone man lang.
“Anak delikado, malapit ng gumabi at ang tour guide natin ay dito rin matutulog ang mga ’yan.” Paliwanag ng ama ni Zach.
“Pero, Dad!”
“Zachary magtigil ka d’yan, isang gabi lang naman!” Galit na anas ng ama ni Zach. “Naku kayong mga kabataan talaga ngayon, hindi na naa-appreciate ang mga ganitong bagay. Isang gabi lang Zach kaya ipirmi mo ang sarili mo.” Sermon pa ng ama ni Zach.
“Pero, dad iba ang kabataan ngayon at sa mga kabataan noon, kaya talagang hindi ko kamai-enjoy ’to. Bakit ba kasi camping pa ang naiisip niyo at dito pa sa lugar na ’to.” Litanya ni Zach.
Naiisip ni Zach na kung hindi siya papayagan ng Dad niyang bumababa ng bundok, bakit ’di na lang niya gawin iyon ng ’di nalalaman ng ama niya? Dahil dakilang pasaway si Zach at matigas ang ulo, mamaya ay naiisip niyang umalis. Kapag hinfi na nakabantay sa kanya ang ama. Napangiti si Zach sa naiisip niyang plano.
“Anong ngiti-ngiti mo d’yan ’wag mong sabihing bababa ka talaga!?” Supla ng ama ni Zach.
Bakit niya sasabihin kung magagalit naman ito at ’di siya payagan?
“Wala dad may naalala lang ako.” Pagsisinungaling niya.
Nang matapos nila ang pag-aayos sa kanilang tent ay naging busy ang ama ni Zach sa pakikipagkwentuhan sa mga tito niya at nagba-barbecue saka masayang-masaya ito, matagal na rin kasi nang huling makasama ng ama niya ang mga kapatid nito dahil sa America ito nakatira at nagbakasyon lang ang mga ito sa Pilipinas.
Buti sana kung nandito din ang mga pinsan niya siguro niya mag-ienjoy siya, pero siya lang ang teenager, kaya naiinip siya. Kailan man ay hindi niya kayang mamuhay sa bundok kahit araw lang siguro at ’di niya nakikita ang sarili na nasa bundok.
“Dad sa tent lang ako.” Paalam ni Zach sa ama.
“Huwag kang magtatangkang bumaba ng bundok, Zach, delikado.” Babala ng ama ngunit binalewala iyon ni Zach.
“Oo, dad.” Pagsang-ayon ni Zach sa ama pero syempre pasaway siya kaya hindi niya ito sinunod.
Kinuha ni Zach ang backpack niya sa tent at palihim na lumabas sa tent nila. Dahan-dahan at maingat siyang naglakad palayo ng camp site.
Habang naglalakad si Zach pababa ng bundok ay tiningnan niya ang wrist watch niya, alas sais na na hapon. Madilim na kaya kinuha niya ang flashlight niya. Habang nagbabay siya sa makipot na daan ay napatigil siya dahil parang naliligaw na siya. Nagsimula na pagpawisan ng malamig si Zach, kinakabahan siya dahil mahirap pala maglakad kapag pagdilim. Pero kahit na may takot na nararamdaman si Zach ay nagpatuloy siya sa paglalakad, huminto siya saglit at lumilingon-lingon sa paligid, kung kanina ay pakiramdam ni Zach ay naliligaw siya, sa pagkakataong iyon, mukhang naliligaw na talaga siya at idagdag pa na madilim na gubat.
Napagdisesyonan ni Zach na bumalik na lang sa camp site kung saan naroon ang ama at mga tito niya. Pero mukhang mas naliligaw pa siya dahil ’di niya alam kung nasaan siya. Napakaraming matataas na puno ang paligid niya ngunit kanina nung naglalakad siya ay wala siyang nadadaanang ganito ka taas na mga kahoy puro matataas na damo ang nadadaan niya. Nilakasan ni Zach ang loob at nagpatuloy sa paglalakad, nababakasakaling sa labas ng mga matataas na puno ay may mga bahay siyang makita.
Sa kalagitnaan ng paglalakad ni Zach ay may narinig siyang mga yapak ng tao at mukhang marami ito.
‘Baka sina dad yun.’ Saad ni Zach sa sarili.
Nagbabakasali siyang hinanap siya ng ama niya. “Dad… tito!?” Sigaw niya kahit ’di sigurado kung sino man ang nagmamay-ari ng mga yapak na narinig.
Mayamaya pa ay may narinig na siyang mga kaluskus, nagpalinga-linga si Zach. Kinakahabahan na si Zach sa mga nangyayari dahil mukhang ’di ’yon mga tito o dad niya. Mukhang napapalibutan pa siya. O ’di kaya’y mga baboy ramo iyon o mga wolf, nagsimula nang bumaha ang malalamig na pawis ni Zach sa noo.
“Sino ang nand’yan?” Sigaw ni Zach.
Pero walang sumagot. May gumalaw sa likod niya kaya mabilis siyang lumingon at tinutukan iyon ng flashlight pero mabilis itong kumilos.
‘Dito na ba siya mamamatay?’
“Lumabas kayo, alam kung may tao kung na-nasaan kayo lu-lumabas na kayo.” Utal-utal na saad ni Zach.
Mayamaya ay may lumabas na tao at ’di niya kilala kung sino iyon. Hindi ’yon ang ama niya o tito man niya.
“Si-sino ka?” Nauutal na wika ni Zach.
’Di iyon sumagot at lumapit sa kanya, ilang sandali ay may lumabas na mga tao mula sa likod ng mga puno, tansya ni Zach na nasa mga siyam na taoiyon.
‘Wala akong laban dito.’ Walang pag-asang sambit ni Zach sa sarili.
“Anong ginagawa ng isang taga-kapatagan dito?” The unknown guy said.
“Sino ka… kayo?” Muling tanong ni Zach.
“Binata nakatayo ka sa teritoryo ko. Anong ginagawa mo rito!?” ’Di nito sinagot ang tanong ni Zach.
Mukhang galit na ito dahil tumaas na ang boses nito.
“Nag-nagka-kamping kami rito.” Sagot ni Zach.
“Ikaw lang mag-isa?”
“Hi-hindi may kasama ako, namasyal lang ako pe-pero naligaw ako.” Pagsisinungaling ni Zach.
“Hulihin ang binatang iyan mali ka ng taong pinagsinungalingan, hijo. Alam namin na walang taga-kapatagan na napapadpad sa bahaging ito. Hindi na ito sakop ng mga tao sa labas.”
Pagkatapos ng sinabi ng isang lalaki na mukhang leader nila ay hinuli na si Zach ng dalawang lalaki. Pilit siyang kumakawala sa pagkakahawak ng mga ito ngunit ang lalakas ng mga humawaka sa kanya.
At saka na sinimulan nang kaladkarin ng mga lalaki si Zach.
MADILIM na nang baybayin ni Mira ang daan tungo sa kubo nila dahil pumunta pa siya sa batis. Ang batis ay may kalayuan mula sa sitio, nasa paanan kasi ng bundok ang batis. Nasisiguro ni Mira na nag-aalala na ang ama niya sa kanya dahil ngayon lang siya naabutan ng dilim sa gubat, hindi naman siya natatakot sa kagubatan dahil dito siya lumaki mas natatakot pa siya sa ama niya kung sakali dahil tumakas lang siya kanina. Siguradong alam na ng ama niya na wala siya sa bahay nila dahil nasisiguro niyang nakauwi na ang ama niya sa mga oras na ’yon.
Habang naglalakad siya nakita ni Mira ang tiyo Hernan niya, ang kapatid ng kanyang ama, ito ang pinuno nila. Kasama ng tiyo niya ang mga tauhan nito ngunit ang naka-agaw sa pansin ni Mira ay ang bihag nito. Lumaki agad ang mata niya nang makita niya ang ginawa ng tiyo at ng dalawang tauhan nito, may binubugbog itong tao.
Sinundan niya ng palihim ang tiyo niya. Napapatanong si Mira sa sarili, ‘bakit nanghuhuli ng tao ang tiyo niya?’, bawal iyon sa kanila at binugbog pa.
Pagdating sa sitio nila dinala ng tauhan ng kanyang tiyo Hernan ang bihag sa kulungan at kinulong iyon. May tauhan na lumingon sa gawi niya kaya mabilis siyang nagtatago sa isang puno.
Nanlaki ang mata ni Mira ng may tumakip sa bibig niya.
“Hmmp… hmmp!”
“Tahimik, Mira.” Nakikilala niya ang boses na iyon, ang kanyang ama.
Pinakawalan nito ang bibig niya. “Ama!”
“Anong ginagawa mo rito, Mira? Uwi sa bahay!” Galit ngunit pabulong na anas ngbama ni Mira sa kanya.
“Ama ka-kasi—”
“Uwi sa bahay, doon tayo mag-uusap pinapagalit mo ako, Mira.”
Nais pa sanang magpaliwanag ni Mira ngunit inaalala niya ang galit ng ama. Wala siyang magawa kung hindi ang sundin ito.
Pagkarating nila sa bahay ay mabilis na sinara ng kanyang ama ang mga bintana at ang kanilang pintuan.
Umupo si Mira sa upuang gawa sa kuwayan.
“Ama patawarin niyo po ako sapagkat tumakas na naman ako.” Nakayukong saad ni Mira.
“Mira ang peligro ng ginagawa mo!?”
Naitikom ni Mira ang bibig.
“Anak, pinapahamak mo naman ang sarili mo. Alam mo naman ’di ba? Na ’di ka pwedeng makita ng iba?” Sabi ng ama niya, makatayo ito sa harap niya.
Alam na alam iyon ni Mira, na bawal siyang makita ng iba tao sa tribu nila dahil kakaiba daw siya at totoo iyon. Ibang-iba siya sa mga kaedaran niya sa tribu.
“Alam ko po, ama, paumanhin po hindi na po mauulit iyon.”
“Dapat lang, Mira. Teka, bakit nagtatago ka doon sa puno kanina? Alam mo bang hinahanap kita?”
Muntik na niyang nakalimutan ang nakita niya kanina. Napatayo si Mira.
“Ama, si tiyo Hernan po… may bihag po sila, ’di ba po bawal tayong makialam sa mga taga-kapatagan?”
“Saan mo nakita iyan?”
“Doon po sa kagubatan, ama. Kinulong nila ang bihag na kanilang binubog, ama!”
“Napakadelikado ng ginawa mong iyon, Mira maari kang mapahamak doon sa ginawa mo! Kilala mo ang tiyo mo, wala iyong sinasanto.”
“Ama naaawa po ako sa bihag nila wala po itong malay kanina.”
“Pabayaan mo iyon, Mira hindi naman natin kargo iyon kung sino man!”
“Pero, ama!” Protesta niya dahil naawa talaga siya sa bihag. Hindi man batid ni Mira ngunit naaawa siya sa bihag siguro dahil ito ang unang beses na nasaksihan niya ang bagay iyon.
“Tumahimik ka, Mira, at kumain na para makatulog ka na.” Sabi ng ama ni Mira bago lumabas sa kubo nila. Bumuntong hinga siya at napagdisesyonang sundin ang utos ng ama.
Nakahiga na si Mira sa matigas na papag. Hindi mawala sa isip ng sampung taong gulang na si Mira ang nakita niya kanina. Malalim na ang gabi pero kahit na anong gawin niya, hindi talaga siya makatulog dahil sa nasaksihan niya. Pakiramdam niya ay hindi siya makakatulog hangga’t hindi niya napupuntahan ang bihag sa kulungan nito.
Kaya napagdesisyonan ni Mira na bumangon, aalis na sana siya nang naisipan niyang dalhan ng makakain ang bihag dahil alam niyang wala itong kain doon, kung ito’y buhay pa. Kaya nagdala siya ng nilaga nilang kamote, iyon na lang kasi ang natira sa hapunan nila dahil hindi naman sila nagluluto ng madami, naubos na ang kanin at isda kanina kaya kamote na lang ang dala niya.
Naisipan niya ring dalhan ng tubig at pamunas iyong bihag dahil nasisigurado niyang nabugbug ito ng husto kanina.
Nagmamadali siyang pumunta roon dala yung kamote, tubig, pamunas at ang lampara niya na malapit ng maubos ang gas. Buti na lang pagdating ni Mira ay tulog ang mga nagbabantay sa bihag.
‘Lalaki pala yung bihag.’ Ani Mira sa sarili.
“Psst, psst, psst.” Sitsit niya sa bihag sa loob ng kulungan.
MAKARAMDAM si Zach na parang may tumatawag sa kanya kaya dahan-dahan niyang binuka ang mga pagod niyang mata. Sobrang sakit ng katawan ni Zach dahil sa natanggap na bugbog, ayaw niya kasing sumama sa mga ito at sinubukan niyang lumaban kanina ngunit maliit siya kumpara sa mga ito kaya nabugbog siya ng husto. Pakiramdam ni Zach ay pumangit na ang hitsura niya dulot ng pagbugbog sa kanya.
Nakita ni Zach na may isang bata na nasa labas ng kulungan niya na may dalang lampara na maliit lang ang ilaw. ’Di niya nakikita ang hitsura nito dahil balot na balot ito, siguro dahil bata pa ito at anong oras na din. Pero ang ipinabtataka ni Zach kung ano ang ginagawa ng isang bata salabas ng kulungan niya.
“Ginoo,” mahinang sambit ng bata…. ng batang babae. Batid ni Zach na babae ang gumising sa kanya dahil sa boses nito.
Kahit na masakit ang katawa ni Zach ay pilit siyang bumangon sa pagkakahiga. “Anong g-ginagawa mo rito, bata?” tanong niya baka makita ito ng mga nagbabantay sa kanya.
“Ginoo, may dala akong pagkain.” Ani ng bata. Sa pagkakataong iyon lang naka-dama si Zach ng sobrang pagkagutom sa tanang buhay. Siguro ay matatawag niyang blessing ang batang ito. “Heto po, pasensya na kung iyan lang ang dala ko.” Inabut ng bata ang pagkain na nakalagay sa dahon at ang tubig.
“May pamunas akong dinala pasensya na ’yan lang ang kaya kong maitulong.” Sobrang laki na ng tulong iyon para kay Zach kasi sa sitwasyon niya, kahit anong oras ay maari siyang mamatay.
“Salamat sa’yo, bata.” Buong pusong pasasalamat ni Zach sa bata kahit na ’di niya iyon maaninag dahil madilim. Kahit na kamote lang iyon ay pakiramdam ni Zach sobrang sarap na nito. Naiiyak siya dahil alam niyang kasalanan niya kung bakit siya napunta sa sitwasyong iyon. Kung ’di lang sana siya sumuway sa ama niya at sinunod ito ay walang mangyayaring masama sa kanya. Sigurado siyang pinaghahanap na siya at nag-aalala na ang ama niya ngayon.
“Walang anuman, ngunit bakit ka nila hinuli at ikinulong?” Biglang tanong ng bata.
Walang nagawa si Zach kung hindi i-kwento sa bata ang nangyari sa kanya dahil kung ito man ang maging kapalaran niya ay wala na siyang magagawa pa.
“Kung ganun aksidente lang na napunta ka rito?” Maliit na wika ng bata. Natutuwa siya sa batang babae na kausap niya ngayon.
“Oo, kaya sana kung matutulungan mo ako at itakas mo ako rito.” Hingi niya ng tulong sa bata kahit alam niyang imposible rin na matutulungan siya ng bata dahil tansya niya ay nasa siyam or sampung taong gulang palang ito.
“Pasensya ka na pero mukhang ’di kita matutulungan d’yan, ginoo. Pero susubukan kong humingi ng tulong.” Anas ng bata na nagpasigla sa sa kalooban ni Zach kahit alam niyang malabo at maliit ang tyansa.
“Salamat ulit, ano pala ang pangalan mo?” Ani Zach.
“Ako si Al—” ang putol na sambit ng bata.
“Hoy! Sinong nand’yan!?” sigaw ng isang bantay nang ito’y magising.
TWO
Chapter Two
Pinatay ni Mira ang maliit na ilaw ng lamparang dala niya dahil baka malaman ng bantay na may tao. Kumabog agad ang dibdib niya dahil tumakas na naman siya, sinuway niya ang ama tapos mukhang mahuhuli pa siya. Kung mahuhuli man siya na tumakas ulit ay tiyak na mapapagalitan na naman siya at kung mamalasin ay malalagot na naman ang ama niya sa kanyang tito Hernan.
Muli muling tumingin si Mira sa lalaki na nasa loob ng kulungan, kahit ’di niya ito nakikita ng malinaw. “Ginoo mauuna na ako sa’yo at susubukan kung humingi ng tulong.” ani Mira at tumakbo na palayo sa kalungan nang ’di man lang narining ang sagot ng lalaki o kung may sagot man ito sa kanya.
Pagdating sa bahay nila ay maingat na binuksan ni Mira ang pintuan nila na gawa sa kahoy, naglilikha iyon ng ingay kapag isinasara at binubuksan kaya dahan-dahan niya iyong binuksan upang huwag makagawa ng iskandalusong ingay dahil baka magising ang ama, lagot na talaga siya.
Nang makapasok siya sa loob naglakad siya ng patiyad para ’di tumunog ang sahig nilang gawa sa kuwayan. Dahan-dahan din niyang ibinalik ang lampara sa kinalalagyan nito kanina. At naiingat siyang naglakad papunta sa higaan niya.
Laking pasasalamat ni Mira na nakarating at nakahiga na siya sa papag nang ’di nalalaman ng ama niya. Sanay na kasi siyang tumakas dito kaya siguro ’di siya nahuli. Napangiti ang maliit na bata na si Mira sa naiisip. Aminado kasi siyang pasaway talaga siya sa ama pero may pagkamasunurin din naman siya rito.
Nakatingin si Mira sa bubong nila nang sumagi sa isip niya ang nangyari kanina. ‘Sana ay ayos lang ang lalaki sa kulungan.’ Sigurado siyang nilalamig ito roon kasi wala itong kumot. ‘Sana nagdala din siya ng kumot,’ sabi ni Mira sa sarili. Hindi niya alam kung bakit ’di niya kayang may taong nagaganun o naa-agrabiyado, nasasaktan siya. Kaya siguro ganun na lang ang lakas ng loob niyang tulungan ang bihag na lalaki. Hindi man lang niya nakita ang mukha nito dahil sa madilim na paligid. Ngayong natulungan na niya ang bihag ay nakahinga na siya nany maluwag at makakatulog na siya nang mahimbing.
’Sana ay ayos lang ang bihag nang iwan ko ito at sana ay nabusog ito sa pagkain na dala ko kahit
papaano.
’ Piping bulong ni Mira.
NANG makaalis ang bata ay nadismaya si Zach ’di man lang niya nakuha ang pangalan nito. Napakabuti ng kalooban nito na binigyan siya ng pagkain kahit kamote lang iyon. Nakatulong na din iyon sa kanya para maibsan ang gutom.
‘Sana ay magkita pa tayo.’ saad ni Zach sa sarili.
Nakatanaw pa rin siya sa daang tinahak ng bata nang dumating ang isang bantay na may dalang lampara. Kaya mabilis niyang itinago ang mga dala ng bata para ’di makahalata ang bantay na may dumalaw sa kanya.
“Maykausap kaba rito kanina, may tao bang dumating dito.” Tanong agad ng tagabantay kay Zach nang makarating sa harap ng kulungan.
Umiling siya rito. “Wala, ho.”
“Bakit parang may kausap ka kanina?” Tanong nito muli sa kanya na may halong pagdududa.
“Kinakausap ko lang ho ang sarili ko.” Sagot naman niya.
“Nabaliw ka ba sa bugbog kanina. HAHAHAHA. Mabuti nga sa’yo, ang tigas din kasi ng ulo mo, ayaw mo pang sumama.” Nakangising sabi nito at umalis .
Sobrang nanakit ang katawan ni Zach, partikular na ang tiyan niya at ang mukha niya ay parang namamaga at mainit. Nanghihina na rin ang katawan niya kaya humiga siya sa madamong kulungan. Nawawalan na siyang pag-asa na makalabas ng buhay sa lugar, dahil bukod sa liblib ang lugar na kanyang kina ay limitado pa ang taong nakakapasok.
Kung dito man siya mamamatay ay ipinapanalangin niyang sana ay mapatawad siya ng dad niya sa ginawa niya at sa mga ginawa din niyang masama sa kapwa. ’Di na niya makikita ang mga barkada niya, ’di na siya makakapag-bar hopping kasama ang mga ito. Nakakalungkot man pero siguro ay kailang niyang tanggapin iyon, kailangan niya na lang sigurong gawin ay ihanda ang sarili sa kamatayan.
NAG-AAGAW ang liwanag ng araw at itim na mga ulap nang magising si Zach nang may taong kumalabit sa kanya. Kinabahan siya sa kaisipang baka siya ay bibitayin. Masakit ang katawan niya ngunit sinikap niyang bumangon.
“Binata bumangin ka d’yan.” Mahinang usal ng isang boses
Hirap man pero pinilit ni Zach na umupo.“ A-ahm.“
Doon naaninag ni Zach ang isang may katandaan ng lalaki ngunit bakas pa rin sa pangangatawan nito ang lakas dahil sa malalaki at matigas nitong braso.
“Binata gusto mo bang makatakas dito? Kung gusto mo ay sumama ka sakin.” Annag ng lalaki kay Zach
“How… how can I trust you? I almost got killed by your leader.” si Zach.
Sa tingin ni Zach ay naintindihan naman siya ng katutubo dahil walang bahid na pagkalito ang mukha nito na nakatingin sa kanya.
“Alam ko… alam kong baliktad ang paniniwala namin ng aming pinuno pero kung gusto mong makatakas at lisanin ang lugar namin ay sumama ka sa ’kin bago pa magising ang mga bantay mo.”
Hindi alam ni Zach kung maniniwala ba siya sa sinasabi ng katutubong nasa harapan niya. Naiisip niya kasi na, paano kung patayin siya nito? Ngunit kailangan niyang sumugal dahil kung sasama siya sa katutubo o mananatili siya sa lugar, pareho lang din iyon, mamamatay siya alinman sa dalawa. Kaya susugal siya.
Nang maging successful ang pagtanggal ng kung anong lubid na nagsisilbing lock sa kulungan ni Zach ang katutubo, tumayo si Zach ngunit nahirapan siya, kaya inalalayan siya ng katutubo para makatayo. Mabagal ang lakad nila, paika-ika si Zach dahil nasugatan din ang binti niya. Tahimik lang silang dalawa habang binabaybay nila ang ’di niya alam at pamilyar na daanan. Puro puno at mga matataas na talahib lang ang nakikita nimZach. Maliit lang din ang daanan na tinatahak nila.
“Gusto mo bang magpahinga muna binata.” Alok ng katutubo kay Zach nang mapansin nito ang hirap ng binata ngunit umiking naman si Zach. Natatakot na baka may sumunod sa kanila at muling manganib ang buhay sa kamay ng pinuno nito.
“No… hindi kaya k-ko pa naman po.”
Tumango lang kay Zach ang katutubo at nagpatuloy sila sa paglakad. Hanggang sa natanaw na niya ang isang hotel sa ibaba ng bundok kung saan sila nagcheck-in ng daddy niya. Nabuhayan ng loob si Zach dahil sa nakita niya, ’di pa man siya nakarating ay napasambit na si nang, ‘Zach thank God.’
Nang makarating sila sa paanan ng bundok ay tumigil sila. Nagtatakang tumingin si Zach sa katutubo.
“Bakit po tayo tumigil?” Tanong ni Zach sa katutubo.
“Binata hanggang dito lang ako. Alam ko namang ligtas kana rito.” Mahinahong saad nito sa kanya.
Tininganan ni Zach ang katutubo, akala niya ay puro masasama ang mga tao dun pero may mabubuti rin naman pala ang loob na handang tumulong. May mga tao naman pala doon na may busilak ang loob tulad na lamang ng batang tumulong sa kanya.
“Maraming salamat, po, hindi ko po alam kung paano ko kayo matutulungan….Sir?” Alinlangan usal ni Zach. Hindi naman kasi niya alam ang pangalan ng taong tumulong sa kanya.
“Mang Arman… Arman Magtayog.” ani ng katutubo at tinapik ang balikat ni Zach.
“Mang Armank paano ko po kayo matutulungan kahit ano po gagawan ko po ng paraan ’yan, kahit anong kahilingan niyo po.” saad ni Zach gawa ng sobrang kagalakan na nadarama.
Binitawan nito ang balikat ni Zach at napatayo si Zach nang maayos. Tiningan siya nito sa mata. “Binata no’ng nagdesisyon akong tulungan ka doon, wala akong iniisip na tulong. Ayaw ko lang na may naa-agrabyadong iba dahil sa baluktot na paniniwala ng kapatid ko. Kaya, ikaw, mag-iingat ka at magpagaling ka, binata.”
“Sandali lang po hintayin niyo po ako rito.” Saad ni Zach at iniwan ang si Mang Arman at tumalikod siya bago pumunta sa hotel. Pagdating doon ay naalarma ang mga makakita sa kanya pero binalewala niya iyon. Nanghingi siya papel at ballpen. Sinulat niya doon ang pangalan niya at address ng kanilang tahanan. Kahit na paika-ika ang lakad ni Zach ay mabilis niyang binalikan ang katutubo na naghihintay sa kanya doon. Napangiti siya ng ’di ito umalis sa lugar.
“Mang Arman, nand’yan po ang pangalan ko, ako po si Zachary Elliot Androilan at nand’yan ’yan din po ang address na tinitirhan ko. Kung saka-sakali pong kailangan niyo ang tulong ko, bukas po ako na tutulong sa inyo sa anumang paraan man po. Pangako po.” Masayang wika ni Zach kay Mang Arman at binigay sa katutubo ang maliit na papel.
“Kahit kailan?” Tanong nito.
Tumango si Zach. “Oo, po.”
Several years later…
Naalimpungatan si Zach nang tumunog ang cellphone niya. Pikit mata niya hinagilap ang cellphone sa side table ng kanyang kama. Nang mahagip niya ito ay nahulog pa ang kanyang telepono sa sahig.
“Damn!” Mura niya at napabangon upang kunin ang cellphone niyang walang tigil sa pagwawala.
“Zach! Where are you? Kanina pa ako rito sa restaurant!” Napapikit si Zach at tiningnan ang oras sa kanyang cellphone, 2 Pm na at ang usapan nila ng kapatid niya ay 12-noon sila magkikita.
Nalasing kasi nakaraang gabi kasama ang mga barkada niya kung kaya’t nakatulog siya ng higit pa sa kanyang inaasahan. Madaling araw na kasi siya nakauwi.
“Sorry, ate, I just woke up. I’m coming.” Pagod na sagot niya. Medyo may hang-over pa siya kaya hinihilot niya ang kanyang sentido.
“Yeah, obviously naman, Zach, kaya bilisan mo d’yan, ako na mag-oorder. Pasalamat ka wala pa sina mommy at daddy.”
Pagkaputol ng tawag ng kanyang kapatid ay napahiga ulit sa kanyang kama si Zach. Bumuntong hinga siya at tumingin sa kisama ng bahay niya. The incident happened almost 10 years ago in the Cordillera Mountain Province, particularly in Apayao Mountain, which was still explicitly clear to Zach’s mind.
After that incident, hindi na siya sumasama sa lakad ng daddy niya kahit na hindi na naman iyon camping or hiking. Nagka-trauma na yata siya dahil doon. Simula rin n’on ay nagsusulatan na sila ni Mang Arman pero natigil iyon 5 years ago. Ang huling mensahe niya lang kay Mang Arman ay lumipat siya ng tinitirhan at mula n’on ay wala na siyang natatanggap na sulat mula rito. Tinanong niya ang kasambahay nila dati sa bahay nila kung may natatanggap ba itong sulat sa mailbox nila na galing Apayao ngunit wala na kaya tumigil na rin siya. Minsan ay sumasagi rin sa isip niya ’yung batang tumulong sa kanya roon sa bundok, ’yung batang nagdala ng pagkain sa kanya.
THREE
Chapter Three
HABANG nakaupo sa papag si Mira ay nagtatakang napatingin siya sa kanyang ama. Palakad-lakad ang ama niya sa kanyang harapan na parang nakakatulong sa kanya ang paglakad at pagtuptup sa bibig. Galing ang ama niya sa bahay ng kanyang tiyo Hernan dahil may pagpupulong daw ito. At mula nang mauwi ang ama niya galing sa pagpupulong ay naging aligaga na ito.
“Ama, may problema po ba kayo?” ’Di mapigilan ni Mira na magtanong sa kanyang ama dahil nag-aalala na rin siya dito.
Tumigil ang ama niya sa paglakad-lakad at umupo sa harap niya. “Mira, anak, may ipagtatapat ang tatay sa’yo.” Hinawakan nito ang kanyang kamay na nasa ibabaw ng hita niya.
“Ano po iyon, ama?” si Mira.
“Anak, nanaisin mo bang pakasalan ang anak ng tiyo Hernan mo?”
Napatayo si Mira sa narinig mula sa bibig ng kanyang ama. Bakit niya papakasalan ang anak ng tiyo niya? Alam niyang sa tribu nila ay pwedeng magpakasal kahit na magkamag-anak, pero para sa kanya ay hindi niya iyon nanaisin. At bakit siya papakasalan ni Tonio kung ang kasintahan nito ay si Edna na kanyang nag-iisa at tapat na kaibigan.
’Napakawalang hiya naman ni Tonio kung ganon. Kung gusto niya ng mapapangasawa ay iyong kasintahan niya na lang sana ang niyaya niya at iyon ay ang kaibigan
niya.
’ sigaw ng utak ni Mira.
“Ama ayaw ko pong mapangasawa ang pinsan kong si Tonio at isa pa po. Alam niyo naman pong kaibigan ko ang kanyang kasintahan.” Matigas na anang ni Mira.
Alam na alam iyon ng kanyang ama dahil dito niya kinikwento ang mga bagay na napag-uusapan nila ni Edna at alam din ng ama niya na si Edna lang din ang kaibigan niya. Mag- sasampong taon na yata niyang kaibigan si Edna.
Si Edna lang ang lumalapit sa kanya dahil ang ibang mga bata sa tribu nila noon ay natatakot na lumapit sa kanya. Dahil natatakpan ang buong katawan niya ng tila. Inaakala ng mga bata sa kanilang tribu noon na may nakakahawa siyang sakit dahil sa kanyang postura. Nakita na siya ni Edna dahil sabay silang naliligo sa batis minsan at may tiwala naman siya sa kanyang kaibigan. Kaya ayaw niyang pagtaksilan ang nag-iisang taong tumanggap sa kanyang pagkatao.
“Alam ko iyon anak ngunit iyon ang nais ni Hernan dahil alam nilang ikaw ang napiling hirang ng mga Apo.” Nag-aalalang tugon ng ama niya.
Umupo ulit siya. “Ama, wala ba tayong magagawa d’yan? Ayaw ko po.” Pagmamakaawa niya sa ama, nagbabadya na ang kanyang mga luha.
“Anak, pinagbantaan ng tiyo mo ang buhay mo na kapag hindi ka magpakasal sa anak niya ay ’wag ka na lang daw magpapakita sa kanya dahil kung hindi ay papatayin ka niya. Alam mo naman anak na wala akong laban sa tiyo mo.”
Alam na alam ni Mira ang bagay na iyon likas na noon paman, ang tiyo na niya ang masusunod sa buong tribu. Noon ay napagbintangan ang ama niya na siya ang nagpatakas sa bihag nito pero mariing itinanggi iyon ng ama niya, puro duda lang ang tiyo Hernan niya noon pero nagawa pa rin nito na ikulong parusahan ang ama niya.
Mismo siya ay nagtataka dahil nang puntahan niya ang bihag kinabukasan ’non ay wala na ito roon. Minsan naiisip ni Mira kung nabubuhay na ba ito o napatay na ito ng mga hayop sa gubat kung sakaling tumakas man ito.
“Ayaw ko po talaga hindi ko naman po maintindihan iyan.”
“Pasensya na anak wala akong ibang magawa. Hindi kita kayang protektahan laban sa kapatid ko, kahit na ako ay tutol dito, anak.”
Nasasaktan siya para sa ama niya. Hindi naman nito kasalanan na hindi siya magawa nitong protektahan dahil wala naman sa mataas na posisyon ang kanyang ama tulad ng kanyangtiyo Hernan. Nasasaktan siya kasi nakikita niyang umiyak ang ama niya dahil sa sitwasyon niya ngayon. Ngunit ayaw niya talaga.
“Bakit ’di na po sila na kontento, ama. Si Tonio na po ang susunod na maging pinuno at hari ng buong tribu, ’di pa ba sapat iyon?” Naguguluhang tanong ko. Bakit na may taong sakim at uhaw sa kapangyarihan. Ni hindi makontento kung anong meron sila. At saka bakit may mga taong hindi lumalaban ng patas?
“Anak, kaya nga magpapakasal si Tonio para mailipat na sa kanya ang katungkulan at ikaw ang pinili niya. Ni hindi niya nabanggit si Edna, mukhang lihim lang kung ang namamagitan sa kanila, anak.”
“Anak, ayaw mo ba talagang pakasalan si Tonio?” Muling tanong ng ama ni Mira na siyang sinagot niya ng tango.
Nagmamadaling akong nag-impake ng mga damit ko sa aking bayong dahil itatakas ako ni ama rito sa amin. Aaminin kung kinakabahan ako sa desisyon kong ito pero ayaw ko talagang maikasal sa pinsan ko. Noon pa man ay ayaw ko na kay Tonio dahil kahit na balot na balot ang katawan ko ay iba siya kung makatitig sakin. Parang laging may balak gawin. Hindi naman ako nag-iisip ng kung ano pero malalaman bilang babae kung ang isang lalaki ay may ibang pakay sa iyo. Minsan ay nahuli ko siyang sinusundan ako sa gubat pero binabalewa ko iyon kasi pinsan ko siya. Ngunit minsan na din niya akong pagtangkaang gawan ng masama sa may batis buti na lang at dumating si Edna n’on.
Habang sinasara ni ama ang pintuan ng kubo namin ay ’di ko maiwasang malungkot. Ngayon lang ako lalayo sa bundok at ’di alam kong anong buhay ang nag-aabang sakin sa patag kung meron man. ’Di ko na makikita ang mga bata na nagsasayawan at nagtatakbuhan dito kahit na palihim ko lang silang tinitingnan sa aming durungawan.
Binabaybay namin ni ama ang daan pababa ng bundok at hindi ko maiwasang mag-alala. Tatakas ako sa aming lugar na kinalakihan ko at ’di ko alam kung saan ako dadalhin ng ama ko. Ang sabi niya ay may kakilala siya sa lungsod na maaaring magpatira sakin. Alam kong walang ka siguraduhan ang desisyon ng ama ko pero susubok ako… kami ni Ama.
Nilagok ni Zach ang isang baso ng JD sa harap niya, napapikit siya nang dumaloy sa lalamunan niya ang maiinit na alak. Birthday ni Oliver, kaibigan ni Zach, at nasa bar sila pero mukhang si Nic ’yung may birthday dahil kaliwa’t kanan ang babae nito.
Ilang sandali pa ay may mga babaeng dumating sa table nila. Hindi iyon pinansin ni Zach pero umupo ang mga ito sa kanyang tabi at pinagitnaan siya. Ang isa ay hinahaplos ang braso niya at ang isa naman ay sa hita niya. Kung nasa mood lang si Zach ay inayaya na niya ang mga ito malapit na motel. Pero wala siya sa mood sa pagkakataong iyon.
Simula nang mangyari nang ipagpalit si Zach sa kanyang ex-fiancè ay bumalik ang kanyangbdating nature— ang pagiging babaero.
Tatlong buwan na ang nakalipas mula nang ikasal sana si Zach pero ’di sumipot ang kanyang bride-to-be na si Cheska, ang long time girlfriend niya. It’s because Cheska elope with another guy on the day of their wedding.
“WOAH!! Ibang klase ka talaga Zach walang kahirap-hirap kang nakakabingwit ng babae.” Nawiwindang na untag ni Nic.
“Hindi kasi pareho sa’yo trying hard pero at least nakabingwit din naman kahit papaano.” Singit ni Oliver.
Binato ni Nic si Oliver ng chips. Napailing na lang si Zach sa mga kaibigan niya. Binalingan niya ang dalawang babae sa tabi niya.
“Stay away from me.” He said nonchalantly.
Their touches didn’t wakened his libido at all. He finds it boring. Without a word, the two girls left him. Zach focused his attention to Francis, who is singing on the stage. Francis is one of his friends and he is a fucking great singer, a vocalist in a band.
Tumawa si Nic. “What happened dude they fail to soothe your mood?” Nic asked.
“I’m not in the mood.” He plainly said.
“Those are one of the hottest babe, dude, how can you resist them… arrghh, hindi mo man ba inisip threesome na sana iyon.” si Nic.
Zach just smirked.
Malabo na ang paningin ni Zach pero kaya pa naman niyang magmaneho kaya naiisipan niyang umuwi na lang dahil hindi naman siya nag-ienjoy.
“Oh, where are you going Zach?” As he stood up dumating naman si Francis sa table nila na katatapos lang kumanta.
“Going home, I’m sleepy.” si Zach.
“Okay, too bad… but can you still drive?” Francis asked.
“Hmm, I still can. Malapit lang ang penthouse ko rito.” Nagpaalam na siya sa mga kaibigan niya at nauna nang umalis.
NAALIMPUNGATAN si Zach nang may nagdoorbell. He tried to open his eyes but his too sleepy to open his eyes. But the doorbell keep on ringing. He he looked at his wrist watch which he forgot to take off. Fucking fudge! It’s still 3 am in the morning. Who’s the common people to visit him at this hour!!
“Damn, wait… fuck.” Mura ni Zach nang tumayo siya at napatingin sa sarili. He is only wearing his brief. Kumuha si Zach ng short at t-shirt sa closet niya bago lumabas sa kanyang kwarto.
“Yeah, wait the fuck up!” He yelled, parang sisirain na kasi nito ang doorbell niya.
As Zach opened the door bumungad sa kanya ang isang lalaking nasa 40’s or 50’s, na nakamaong pants at ang pang-itaas naman ay isang kamiseta and it’s obviously very used t-shirt, nagf-fade na kasi ang mga iyon.
Kumunit ang noo ni Zach.
“Who are you?” tanong ni Zach dahil wala naman siyang kakilala na ganito manamit at mukhang tagabukid. At sa ganitong oras pa talaga ito nangbulabug sa penthouse niya.
FOUR
Chapter Four
Zach’s POV
“Who are you?”
Matagal bago nakasagot ang matandang lalaki na kaharap ko ngayon. Mataman ko itong tinitigan. I don’t really remember kung sino siya.
“Pasensya na, binata, nagulat lang ako, sobrang laki nang pinagbago mo.” Sagot nito sa akin mayamaya.
I tilted my head.
Kilala ako ng matandang ito?
“Do I know you?” Alinlangang tanong ko rito.
Ngumiti ito sa akin. “Hmm, sa bagay matagal na panahon na iyon at mqaaring nakalimutan na ako, pero ako si Mang Arman, Zachary.”
Napanganga ako sa aking narinigmula sa matanda—I mean kay Mang Arman. Hindi agad ako nakapagsalita sa sobrang gulat dahil humugit isang dekada na ang nakalipas at ngayon ko lang siya muling nakita, ang katutubong tumulong sa akin… ang nagligtas sa akin mula sa aking kamatayan.
“M-mang Arman… Arman Magtayog from Apayao Mountain Province?!” Bulaslas ko.
“Ako nga, Zachary, kumusta ka na?”
“Ayos lang ako, Mang Arman.” Sagot ko naman pero may napansin akong ibang anino sa likod ni Mang Arman. Kaya sinulyapan ko iyon at nagkataon din na sumilip ang isang tao na balot na balot… who is he… or she?
Napansin na Mang Arman na napatingin ako sa likod niya kaya binalingan niya ang taong nasa kanyang likuran. “Ah, Zachary ito nga pala ang anak ko si Mira.” Pagpapakilala ni Mang Arman . Bahagya lang yumuko ang anak nito.
Tinanguan ko lang ito. Uninterested.
Pipi ba ito?
Tiningnan ko ang anak ni Mang Arman at base sa pangalan nito ay babae ito. Mira. I smile inwardly, pinasadahan ko ulit ng tingin ang babae na balot na balot sa kung anong klaseng pananamit nito.
Bakit ngayon lang ako nakakita ng ganito? Alam kong katutubo si Mang Arman pero hindi naman ganon ang kasuotan niya.
Akmang hahawakan ko ang babae para tingnan ng mabuti pero mabilis na nahuli ni Mang Arman ang aking kamay. Nagtatakang napatingin ako kay Mang Arman.
“Huwag Zachary.” Pigil nito sa akin.
“O-okay.” I just shrugged. “A-ah, pumasok muna po kayo.” Alok ko sa aking mga bisita. Pumasok naman ang mga bisita ko at pinaupo ko sila sa sofa sa aking living room. Napansin ko ang bayong na dala nila.
‘Mukhang magbabakasyon ang mga ito. Siguro may kamag-anak ito sa syudad.’ Untag ng aking isipan.
“Ahm, gusto niyo po ba lutuan ko kayo.” Alok ko kahit na wala naman talagang laman ang ref ko, puro alcoholic drinks lang naman ang laman no’n. “Or drinks po, what do you want juice, water, coffee?” Dagdag ko para naman welcoming akong pakinggan.
“Hindi na, Zachary.” Simpleng sagot nito. Nakahinga ako nang maluwag dahil sa sagot ni Mang Arman.
Nauumay na ako kaka-Zachary nito. Ayaw ko pa naman na binabanggit ang boung pangalan ko.
“Zach na lang po, Mang Arman.”
“Sige, Zach, kung ganoon.”
“Ano po pala ang sadya ninyo rito, Mang Arman? Magbabasyon ba kayo rito? Or may bibisitahin kayong kamag-anak?” Usisa ko kay Mang Arman.
Nakita ko ang pagkapit ng anak ni Mang Arman sa braso niya. Hindi nakaligtas sa mata ko ang panginginig ng kamay at binti ng anak ni Mang Arman. Halata kasi sa suot niyang sobrang haba na palda na ultimo ang paa ay hindi nakikita.
Napataas naman ang kilay ko sa inakto ng anak ni Mang Arman.
“Ah, nandito sana ako para humingi ng pabor, Zach. ’Yung sinabi mo noong tulong, ngayon ko sana kakailanganin iyon. Kung hindi mo pa nakakalimutan.” ani Mang Arman.
“Syempre naman po hinding-hindi ko po iyon makakalimutan, utang ko po sa inyo ang buhay ko. I’m a man with his words, Mang Arman at hindi ko po tatalikuran ’yung pangakong sinabi ko sa inyo.” Makahulugang saad ko rito.
Sino ba ang makakalimut sa bagay na iyon? Lalong-lqlo na sa sinapit ko sa lugar nila?
“Oh, nakita mo ’yan, Mira mabait ang kaibigan ko dito.” Saad ni Mang Arman sa anak pero hindi ito nagsalita kumapit lang ito sa ama nang mahigpit.
Disabled ba ito??
“Ano pong klaseng tulong ang kailan niyo?” Nakangiting tanong ko kay Mang Arman. May pagmamalaki pa iyon dahil syempre, makakaganti na ako sa kabutihan ni Mang Arman sa akin.
“Iiwan ko sana ang anak ko sa puder mo, Zach.”
Tila tumigil ang mundo ko sa narinig mula kay Mang Arman.
Ang ngiting nasa labi ko ay unti-unting nawala. Tama ba ang rinig ko? Iiwan ni Mnag Arman ang anak niya sa akin? Anong klaseng ama ito na basta-basta na lang iiwan ang anak sa tulad ko? Lalaki ako at babae ang anak niya.
“H-huh?” ’Di makapaniwalang saad ko.
“Iiwan ko muna pansamantala ang anak ko sa’yo, Zach mga kalahating taon lang naman saka huwag kang mag-alala babalikan ko ang anak ko. Atmasunurin naman itong anak ko.” wika ni Mang Arman.
Sa gulat ko ay napatayo ako.
Pansamantala pero anim na buwan ang kalahating taon. Akala ko ay isang linggo lang.
“Mang Arman hindi niyo po ako lubusang kilala at lalaki ako, babae po ang anak ninyo. Hindi po ba kayo nag-aalala.” Subok paliwanag ko dahil baka maliwanagan si Mang Arman.
“Sa ating dalawa ako ang mas nakakaalam d’yan, Zach pero may tiwala ako sa’yo. Alam kong magiging ligtas ang anak ko dito.” Seryosong saad nito.
Siguro ganun na lang ka-laki ang kinahaharap o suliranin nito ngayon at sumugal ito na iwan ang anak niya sa ’kin.
“P-pero po Mang Arman.” Nauutal kong anas. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kay Mang Arman. Napakahirap ng pabor na hinihingi nito sa akin.
I didn’t imagine myself loving with a stranger woman. Lalo na sa mga panahon na ito.
“Naiintindihan ko, Zach, kung hindi ka papayag ay ayos lang naman iyon sa akin. Sumugal at sumubok lang naman ako sa pangako mong walang kasiguraduhan noon. Alam kong matagal na rin iyong pagtulong ko sa’yo. Hindi naman ako humihingi ng kapalit ’non sumubok lang ako sa pagkakataong ito.” Sa tono ng boses ni Mang Arman ay parang kinukonsensya niya ako.
Oo nga naman, noong panahon na wala na akong pag-asa ay dumating ito at buong puso akong tinulungan nito. Kung iisipin ko pa ay kinuntra nito ang sariling tribu para lang makatakas ako doon sa lugar nila. Kagaya ni Mang Arman ngayon, sumubok lang din ako nang sinabi nito na itatakas niya ako kahit na walang assurance. Kaya alam ko ang sitwasyon ng ni Mang Arman ngayon. Sumubok lang din ito sa pangakong binitawan ko noon.
“Tara na, anak.” Mahinang saad ni Mang Arman at tumayo kasama ang anak saka binitbit ang bayong na dala.
Mapapikit ako. Pumunta pa ito sa penthouse ko, bumyahe ito sa mahabang oras para sa pangakong walang kasiguraduhan. Nawala ang pagka-Man with his words ko nito.
Bago pa mabuksan ni Mang Arman ang pintuan ay pinigilan na ko ito. ‘Anim na buwan lang naman and time flies fast naman. Maybe I can endure this.’ I comforted himself.
“Anim buwan lang po, ’di ba? Papayag na po ako.”
Ang kaninang matamlay na mata ni Mang Arman ay biglang nabuhayan.
“Talaga, Zach.” Tumango ako dito. Bumaling ito sa anak. “Tingnan mo na, anak, ang bait niya, ’di ba.”
“In one condition, Mang Arman.” Pahabol ko.
Kanina pa nakaalis si Mang Arman pero itong anak niya hindi man lang nagsasalita. Magkaharap kami nito ngayon at nakayuko naman ito. Nahihiya pa talaga ito, eh, mata lang naman halos ang makikita sa kanya.
“Hey! Eyes up here.” Kuha ko sa atensyon ni Mira. Pero wala itong ginawa kung hindi ang i-yuko ang ulo.
Naiinis na ako. Akala siguro ng babaeng ito ay gusto ko ito dito sa pamamahay ko. Kung pwede lang na ibalibag ko ito sa labas ay matagal ko na itong ginawa.
“C’mon woman, are you deaf or what!??” I asked, she is making my blood boils. It’s infuriating, it feels like I really want to throw this woman out of my penthouse. At this moment, I’m still on the process— stage of moving on… moving on from my fucking girlfriend who runaway with other man.
Fuck!
“Shit! How can we understand each other if you are deaf?! I don’t even know a single sign language.” Problemadong sambit ko.
“H-hindi kita nauunawaan, ginoo.” Mahinang untag nito na nagpagitla sa tenga ko.
Jesus! Nagsasalita naman pala ito, ’bat ngayon lang ito nagsasalita? Tangina kanina pa ako nagsasalita rito ’di man lang nagreklamo.
“Damn, nagsasalita ka naman pala! Akala ko kasi ay may problemasa’yo!” I said sarcastically.
“Oo, ginoo marunong akong magsalita! Hindi lang kita maintindihan.” Galit na bwelta nito sa akin.
Umawang ang labi ko. Ang lakas ng loob!
Pero parang pamilyar sa akin ang tono ng boses niya. Parang may tumawag na sa akin ng ganoon dati kaso hindi ko lang maalala kung saan o kailan. O baka ay guni.-guni ko lang din ito.
Tumayo ako. Ito pa ang may ganang magalit sa akin ngayon. Walang hiyang taga-bundok!
“Baka nakakalimutan mong nasa pamamahay kita, babae.” Mataman ngunit nanggigigil ko nang saad.
“’Yan ang hinding-hindi makakalimutan, ginoo.” Ismid nito.
Kung makapagsalita naman ito ay parang pagmamay-ari din nito ang bahay ko.
“Hoy, babae ka, akala mo ba gusto kong nandirito ka! P’wes, para malaman mo. Ayaw kita rito sa pamamahay ko, kung ’di lang dahil sa tatay mo ay malamang sa kalye ka na ngayon pupulutin!”
Marahas itong tumayo na kinagulat ko rin. A-abay ang lakas talaga ng loob!
“P’wes kung ayaw mo sa ’kin, ayaw ko rin sa’yo. Nalinlang mo ang ama ko na mabait ka. Pero mukhang marami kang mukha. Mapagkunwari ka! Walang babaeng nanaisin na makasama ka!” Sigaw nito sa aking pagmumukha.
Napaatras ako sa huling sinabi nito. Para akong binato nito at sumapol iyon deretso sa aking mukha. Hindi ko matukoy kung ano, pero nasaktan ako sa sinabi nito.
How dare she say that to straight to my face?
“You don’t know me, you, witch!”
FIVE
Chapter Five
Mira’s POV
Kanina pa nakaalis si Ama at naiwan ako sa lalaking sinasabi niiya na kaibigan niya dito sa syudad. Sa nakikita ko ay mukhang may kaya ang lalaking kaharap ko ngayon. Dahil nakatira ito sa tuktok ng gusaling pinasukan namin ni Ama kanina. Kinabahan pa ako nung pumasok kami ni Ama sa isang parang kahon na umaandar na siyang naghatid samin dito sa taas. Sa katunayanay nakaramdam ako ng pagkahilo.
At pagpasok ko pa dito sa bahay ng kaibigan ni Ama ay sobrang lamig pa ng klima, kakaiba sa klima sa labas ng gusali. Ni hindi ko matukoy ang pinanggalingan ng lamig na ito. Hindi naman ako masyadong tanga para ’di malaman na nasa pilipinas pa ako ngunit kakaiba talaga ang lamig sa buong bahay.
Namangha rin ako sa mga nakikita ko ngayon, kagaya nitong ilaw na nanggagaling sa itaas na parang bulaklak na ewan pero umiilaw. Wala naman akong nakitang bulaklak sa amin na umiilaw, talagang nakakamangha ang ito. At namangha rin talaga ako, dahil itong kinauupuan ko ay sobrang lambot na ’di ko rin matukoy kung saan gawa. Hindi siya masakit sa pwet kapag inuupuan, hindi kagaya no’ng sa amin na matigas.
Mayamaya pa ay may sinasabi si Zach na ’di ko maunawaan, kaya inabala ko nalang ang sarili ko sa paligid. Naaliw ako sa mga nakikita ko ngayon. Nakakapanibago.
Hanggang sa ’di na ako makatiis sa mga pinagsasabi niya. Kaya sinagot ko ang lalaki. Nagpatuloy kami sa aming sigawan hanggang sa napuno na ako at napatayo ako mula sa aking kinauupuan. Sumusobra na ang lalaking ito!
“P’wes kung ayaw mo sa ’kin, ayaw ko rin sa’yo. Nalinlang mo ang ama ko na mabait ka. Pero mukhang marami kang mukha. Mapagkunwari ka! Walang babaeng nanaisin na makasama ka! Sigaw ko sa antipatikong lalaki sa harap ko na nagngangalang Zachary.
Nakita ko kung paano siya natigilan sa sigaw ko parang ’di siya makapaniwala na sinigawan ko siya. Nakita kong may sakit na dumaan sa kanyang mga mata… pero mukhang mali ako, antipatiko ang taong kaharap ko. Nagkakamali lang siguro ako.
“You don’t know me you, witch!” Mahina ngunit may diing wika niya pero sapat na iyon para marinig ko.
Nakita ko kung paano nagtagpo ang makakapal niyang kilay na parang ginuhit dahil perpektong-perpekto ito. Ang mga mata niya na kulay asul na parang nag-aalab dahil sa sagutan namin. Ang ilong niya ay matangos at ang labi niya na mapula. Naiisip ko tuloy kung may lasa ba ang mapupulang labi niya. Idagdag mo pa ang panga niyang nagpadagdag sa kanyang kagwapuhan. Matangkad si Zachary, matipuno at parang ang matigas ang katawan niya.
Naibalik ko ang tingin ko sa kulay-kape niyang buhok. Naiisip ko tuloy parang hindi makatarungan ang kagwapuhan na taglay ni Zachary. Sobrang gwapo niya pero antipatiko naman.
“Kanina mo pa ba ako minumura!” Akusa ko rito. Ang bilis niya magsalita sa lengguwaheng hindi ko maintindihan. Ingles siya nang ingles.
“Pfft, hmm, you can say that.” Kung kanina ay halos liparin na ako ng galit ngayon ay parang ginagawa na niya naman akong katawa-tawa. Sinusumpa ko sa lahat na mga diwatavat ninuno ko, masasapak ko na ang lalaking ito! Mukha ba akong katawa-tawa?
“Minumura mo ako!”
“H-HAHAHAHA!!” Nagulat ako ng humagalpak siya nang tawa. Anong nangyayari dito. “Ha-hahaha, hindi… hindi kita minumura ngayon.” Natatawang sagot niya.
Naiinis na ako. Padabog akong umupo kaya bahagya akong tumalbog sa upuan. Natunaw naman ang inis at galit ko dahil sa aking pagtalbog. Natuwa ako kaya inuulit-ulit ko pa ito. Nakakatawa, hindi naman kasi ganito ’yung upuan namin sa Apayao. Naramdaman kong makatingin sa ’kin si Zachary kaya napa-angat ako nang tingin dito. Nakita kong nakangiti siya. May saltik yata ang lalaking ito.
“Are you enjoying yourself?” Mura niya.
“Huwag ka sabing magmura!” Naiinis na sabi ko at pinalobo ang bibig ko.
“No… I mean… ahh…tangina ang hirap!” Reklamo pa niya. “Halika na lang ituturo ko ang kwarto mo.” Naglakad na siya kaya tumayo ako. iiwan ko muna ’yung mahabang upuan na malambot at binitbit ’yung bayong ko na naglalaman ng damit ko.
Nakakamangha rin pala ang sahig ditonsa bahay ni Zachary dahil makintab ito at madulas. Saan ,aya gawa ang mga bagay na ito?
“Ito ’yung magiging kwarto mo pansamantala habang nandirito ka.” Binuksan niya iyung pinto na kulay puti at bumaling sa ’kin na nasa likod niya. Kumunot noo ito habang nakatitig ng matindi sa akin. “I’ve been dying to ask this, but is it necessary to wear like that… shit.” Mura na niya naman.
Umirap ako. “Wala akong naiintidahan sa sinasabi mo. Magsalita ka sa lengguwaheng alam ko. Batid kong Pilipino ka rin, ginoo kung kaya’t magtagalog ka. Tangkilikin mo sana ang sariling wika natin.” Pangangaral ko rito.
Umismid ito.
“Hayst, kailangan bang nakadamit ka ng ganyan?” At nandidiri niyang tinuro ang aking kasuotan.
“Oo, kailangan, ginoo, para manatili ang puri ko.”
Natawa siya ng bahagya.
“No, I don’t believe you… I mean hindi ako naniniwala sa’yo.” Humilig siya sa hamba ng pintuan at mataman akong tinignan. Kailangan bang ganito kami mag-usap? Gusto ko ulit umupo dun sa malambot na upuan niya. Nakakainis!!
“Nasayo na iyon kung ayaw mong maniwala sa ’kin!” Kalmado kong wika.
“Pangit ka siguro kaya ayaw mong ipakita ang mukha mo sa ’kin!”
“Kung makikita mo ang mukha ko ay pagsisisihan mo ang iyong sinasabi, ginoo.”
“Ang lakas ng loob mong sagutin ako ng ganyan.”
“Dahil hindi ako pinalaki upang maging mahina, ginoo.”
Ewan, akala ko maayos na kami kanina pero heto na naman kami’t nag-aaway na naman. Akala ko mabait ito bakit pinagkatiwala ako ni Ama dito. Ramdam kong ayaw niya talaga sa ’kin dito sa liwanag at maganda niyang bahay. Sa paraan ng pagsasalita niya sakin at sa pagtrato niya alam kong ayaw niya.
“May gusto lang akong sabihin sa’yo, babae. Kung gusto mong magkaintindihan tayo, susunod ka sa ’kin dahil nasa puder kita.” Pinanlakihan niya ako ng mata niyang kulay asul. Kahanga-hangang mga mata.
“Naiintindihan ko.” Matabang kong wika.
“Gusto ko rin na habang nandirito ka ay gagawin mo rin ang karaniwang na ginagawa mo sa bahay ninyo. Hindi ka pwedeng uupo-upo lang dito. Ano ka reyna?” Sarkastikong wika nito.
“Oo ginoo, magiging reyna sana pero itinakas ako ng aking ama. Dahil iyon din naman ang aking nais.”
“Nagpapatawa ka ba.” Nanunuyang sabi niya at lumakad papalapit sakin.
Nanatili ako sa aking kinatatayuan at buong tapang na tiningnan siya sa mata.
“Hindi ako nagbibiro.” Sabi ko’t umiwas sa kanya at pumasok sa silid na binigay niya sakin at sinara iyon.
Nilibot ko ang aking mata ang buong silid. May malaki itong katre sa gitna at ang tabi nito ay may maliit na mesa na may parang kabute na nasa ibabaw na nilagay sa isang paso (lampshade). Hula kobay sing laki ang silid na ito sa kubo namin sa bundok.
Nilapag ko ang aking bayong sa sahig. Ngayong mag-isa na ako, naramdaman ko na ang lungkot. Parang gusto ko nang umuwi dun sa bundok, sa sitio namin. Namimiss ko na si ama, si Edna, ang mga batang sinusulyapan ko sa bintana namin. Hinayaan ko ang luhang tumulo sa telang nakatakip sa aking mukha. Nakakalungkot dito. Mag-isa ako, wala akong alam sa lugar na ito. Hindi ko alam kong ano ang paraan ng pamumuhay dito. Tatagal ba ako dito ng isang araw, linggo, o buwan?
Napa-upo ako sa makintab na sahig, niyakap ang aking tuhod at binaon doon ang mukha ko at umiyak. Ito ’yung pinili ko, gusto kong makalayo doon sa lugar na kinalakihan ko kasi ayaw kong pakasalan ang pinsan ko. Nagiging makasarili na ba ako na hinayaan ko ang aking ama doon? Baka, kung mapaano ang ama ko. Humikbi ako sa naisip ko.
Sabi ni Ama ay gagawa siya ng paraan para makabalik ako doon sa samin. Na hindi nanganganib ang buhay ko. Pero nararamdaman kong nagsisinungaling ang ama ko. Alam kong may mas malalim siyang suliranin. Pero heto ako, lumayo dun at iniwan na mag-isa ang ama ko. Wala akong kwentang anak.
Zach’s POV
Bumalik na ako sa aking silid matapos kong ihatid sa silid ang babaeng iyon. I thought she’s obedient like what Mang Arman said, but to my suprised she’s a choleric.
Nakatulog ako sa pag-iisip ko sa nangyari sa bahay ko. Ngunit ilang oras lang ang nakalipas at tila panaginip ko lang ang lahat nang nangyari kaso nasa living area ko ang ebidensya. Isang babaeng balot na balot na sinabi pang magiging reyna siya. Ang choleric na ’to magiging reyna? Oh, common! Nag-iilusyon din siguro ito.
Pupunta na ako sa aking opisina ngayon dahil may meeting pa ako with the boards. Kaya lumapit ako sa kanya na parang manghang-mangha sa ma upuan ko rito sa penthouse. Tskk!
“Hey!” Tawag ko sa kanya nang makalapit ako. Nakita kong natigilan siya at tumingin sakin.
“Don’t do stupid things!” Matigas kong paalala sa babae para matakot sa ang ekstrangherang babae sa aking kaharapan. Mahirap na dahil mukhang ignorante pa naman ito.
“Nilalapastangan mo na naman ba ako, Ginoo?” Mahina ngunit tunog istriktong sagot naman ng babae sa akin.
Nanlalaki ang aking mga mata sa narinig mula sa babae.
Anong nilalaspatangan?
“What!?Of course, not!” I said in a horrified tone.
“Huwag kang ngang magsalita sa lengguwaheng banyaga kung ganoon, Ginoo, dahil wala akong naiintindihan sa mga winika mo!” anang ni Mira sa akin na bahagyang natigilan dahil sa inasta ng babae. Akala ko ay napakamasunurin nito dahil tagabundok ngunit nagkamali yata ako.
“Alam mo ang pangit mo.” Sabi ko sa babaeng kaharap. Ang gusto ko sanang sabihin ay pangit ang ugali nito pero iba ang nasabi niya ko sa matinding pagkadisgusto na nararamdaman para sa babae.
“Pangit ka rin.” Bwelta rin ni Mira sa akin.
Napamaang na lang ako.
Sasakit yata ang batok ko dahil sa babaeng ito.
SIX
Chapter Six
Zach’s POV
Pagdating ko galing sa opisina ay dumeretso ako sa penthouse dahil 9pm na at muntik ko pang makalimutan na may naiwan pala ako sa penthouse. Walang buhay kong binuksan ang pintuan at hinubad ko ang aking sapatos at nilagay sa shoe rack. Nagsuot ako ng tsinelas na pambahay.
Napansin kong tahimik ang penthouse, nagtataka rin ko nang bukas iyung mga kurtina sa buong sala. Ang remote control naman ng floor to ceiling na binatana ng aking penthouse ay nasa sahig.
Nilapag ko ang aking attache case sa sofa. Nauhaw ako kaya pumunta ako sa kitchen para makakuha ng maiinom. Ngunit laking gulat ako nang pagdating ko sa kusina ay naka-bukas na iyung refrigerator, bukas ’yung mga cupboards at naka-bukas din iyung gripo. Natatarantang nilibot ko ang paningin sa buong kusina. Napamura ako nang makita kong nagkalat mga gamit ko sa kusina at ang mga alak sa ref ay naka-kalat sa sahig. Parang dinaanan ng bagyo ang kusina ko!
What the fuck!?
Mabilis akong lumapit doon sa grupo at pinatay ito. Hinanap ko ang babaeng may kagagawan nito. Wala nang iba pang taong alam kong makakagawa nito kundi siya lang dahil siya lang din naman ang naiwan dito sa pamamahay ko.
Isang libot ko lang sa mata ko ay kita ko na ang buong kusina pero hindi ko mahanap si Mira dito. Kaya naglakad ako papalapit sa mesa nang nasagi ng paa ko ang isang baso kaya napayuko at akmang pupukutin ko yun ng nakita ko ang babaeng hinahanap ko sa ilalim ng mesa.
Fuck! Muntik nang humiwalay ang kaluluwa ko sa aking katawan! Anong ginagawa nito dito?
“Hoy, babae lumabas ka d’yan.” I squatted para makita siya ng mabuti.
Umiling siya. “Ayaw.”
“Ano bang ginagawa mo d’yan?” Takang tanong ko. Huwag niyang sabihin na naglalaro siya ng hide and seek dito at iyung mga nakakalat na mga alak ko ang kalaro niya?
“Natatakot ako.” Sabi niya at yumuko saka niyakap ang tuhod niya.
“What? Saan ka natatakot… tsk halika ka nga.” Hinatak ko na siya palabas sa ilalim ng mesa, baliw din pala ito. Sa buong buhay ko rito sa aking penthouse ni isang beses ko ay hindi pa ako minulto rito.
“Bitawan mo ako lapastangan ka!” Sigaw niya at winaksi ang kamay ko.
The heck!?
“Huh, ang lakas talaga ng loob mo, you witch! Anong kinatatakutan mo sa bahay ko, huh!?”
Sumandal ako sa mesa at siya naman ay nakayuko lang sa harapan ko. Mauubos yata ang boses ko dito kung araw-arawin niya itong katangahan niya.
Nang mukhang nakabawi siya sa pagsigaw ko ay nag-angat siya ng tingin sa ’kin at huminga nang malalim. “Sinong hindi matatakot sa bahay mo, ginoo, na ultimo ang takip ng malaking bintana salas mo ay umangat. May pinulot lang naman akong isang aparato na maliit at napindut tapos bigla-bigla na lang itong umangat. Kaya pumunta ako dito dahil natakot, kita ko ang tayug pala talaga nitong kinaroroonan ng bahay mo. Tapos nang nandito na ako sa kusina ay nagutom ako dahil kaninang umaga pa ang huling kain ko, wala akong pakialam kong magalit na na kinain ko ang pagkain mo dito sa mesa pero nagugutom talaga ako.”
Walang gana ko siyang tiningnan.
“Anong masasabi mo rito sa kusina?” I said in stoic tone. Humalukipkip. Nagtitimpi na ako sa babaeng ito kagabi palang.
May nakita akong takot sa mata niya dahil sa expression ko. Dapat na matakot ka dahil nasa pamamahay kita!
“K-kasi ginutom na naman ako tapos naghanap ako ng pagkain dito, kasi dito naman galing ’yung pagkain mo, ’di ba? Pero hinalughog ko na ang kusina mo ay wala akong nakitang p-pagkain. Kaya nagtiis ako sa t-tubig.” Yumuko siya as she fidgeted her fingers.
Napapikit ako ng mariin sa sinabi ni Mira, yeah, nakalimutan kong na may alaga pala ako sa bahay ko. Ang kain lang pala ni Mira ay kaninang umaga pa at tubig lang ang iniinom nito hanggang ngayon. Gusto ko sanang sumbatan na hindi man lang ito nagluto kaso wala namang laman ang ref ko kundi mga alak. Naubusan kasi ako ng stock.
“Halika kumain muna tayo, may bukas pa namang convenience store sa ibaba.” Aya ko rito.
Hinatak ko na siya. Isasama ko na siya dahil baka ano pang magawa nito. Mamaya ko na ito pagalitan, pag-nakakain na.
“Kaya kong maglakad h’wag mo akong hawakan.” Masungit na sabi niya at hinila ang kamay mula sa akin.
Napanganga na lang ako. Akala mo naman nahahawakan ko ang balat niya, eh nakabukot naman sa kanya ang suot nito.
“Tss, arte, ignorante naman.” Nagpatuloy ako sa paglakad.
“Mapanghusga!!”
Napahilot ako sa aking batok, wala yatang araw na ’di kami mag-babangayan, ah. Tatanda pa ata ako ng maaga nito.
“Whatever!”
Mira’s POV
Pagdating namin sa convenience store na sinasabi ni Zachary ay namangha naman ako dahil sa dami ng naka-hanay na mga pwede daw’ng kainin sabi ni Zachary.
“Ginoo, wala naman akong alam na pwedeng kainin dito. Pwedeng ikaw na lang ang pumili.” Nakasunod lang ako sa kanya dahil natatakot ako sa iilang taong nandirito, iba ang tingin sa akin.
Nakita ko kung paano nila ako tingnan parang nakakadiri akong nilalang. Ngayon lang ata sila nakakita ng kagaya ko. Tiningan ko ang nakatalikod na si Zachary at may nilalagay na kung ano sa isang basket na makulay. Kagaya lang nang una akong makita ni Zachary. Ganion siguro ang mga tao sa dito sa syudad, nanghuhusga kaagad sa kapwa. Hindi naman nila alam ang na ayaw ko rito sa lugar nila.
“Oo nga pala.” Sagot ni Zachary at nagpatuloy sa paglalagay ng mga pagkaing nakabalot.
Nilagay ni Zachary ang sabi niya na pagkain daw na nakalagay sa isang parang baso. Nandito kasi kami ngayon sa kusina niya at tapos na itong magluto.
“Anong klaseng pagkain ba ito? Bakit nakalagay ito sa isang baso, ginoo?” Takang tanong ko kay Zachary nang makaupo ako sa isang silya.
“Jesus! ’Yan ang tinatawag na cup noodles.” Walang interes na sagot niya. Sinimulan na niya ang pagkain gamit ang isang tusok-tusok na kobyertos.
Ginaya ko ang ginagawa niya pero hindi ako marunong, walang nadadala yung tusok-tusok ko tuwing inaangat ko ito. Ang hirap naman nito.
“Ganito gamitin ang tinidor.” Kinuha ni Zachary ang tusok-tusok o tinidor ko at pinaikot-ikot iyon sa noodles. Ang galing niya dahil ang daming nadadala.
Napapalakpak ako.
“Wow.”
Binigay niya sa kin ang tinidor na may noodles na. At sinimulan ko na ang pagkain. Nakita kong napailing siya bago sinimulang kumain sa kanyang
“Maraming salamat, ginoo, ngayon lang ako nakakain ng ganitong klaseng pagkain.” Buong pusong pasasalamat ko.
Doon sa amin sa bundok ay puro gulay, prutas na kukuha sa gubat, isda na kukuha sa ilog, at kanin lang ang kinakain namin. Pero kahit na simple lang ang pamumuhay namin dun hindi ko iyon ipagpapalit dito.
“No prob.” Maiksing sagot niya.
Binaba ko ang aking kamay sa aking hita. “Ginoo, patawarin mo sana ako sa ginawa ko sa bahay mo. Ginulo ko ang bahay mo. Patawad.” Pagkatapos ay yumuko ako.
Ramdam ko kanina na nagtitimpi na siya sa ’kin dahil sa ginawa ko sa kusina niya pero masisisi niya ba ako kung nagutom lang din naman ako. At natakot sa pag-angat bigla ng mga tabing sa bahay niya. Nalula pa nga ako ng lumapit ako dahil nakikita ang mga iba’t-ibang sasakyan at mga gusali.
“I’m at my fault too, I shouldn’t leave you here alone.” Ingles niya kaya nagtagpo ang kilay ko dahil wala na naman akong maintindihan.
“Ginoo, ano pong sinasabi ninyo?” Sumimangut ako
“Nevermind. I don’t repeat my words. Tsaka isa pa tigilan mo nga kaka-ginoo mo sakin kahapon ka pa.” Suway nito sa akin.
Napansin ko sa kanya na ang bilis mag-iba ng ugali niya. Minsan bumabait, minsan masungit, minsan nagsisigaw. May saltik talaga ito
“Eh, anong gusto mong itawag ko sa’yo?”
“Tawagin mo akong Zach… Z-A-C-H, Zach! Naintindihan mo?”
Malumay akong tumango. “Oo, naiintindihan ko pero dapat hindi mo na ako tinatawag na babae at hoy! Tawagin mo rin akong Mira… ’yan din ang tawag sa akin doon sa amin sa bundok.”
“NO! Ako ang magdidisesyon d’yan, nasa pamamahay kita kaya tatawagin kita sa kahit na anong gusto ko.”
“Hindi pwede ’yan!” Protesta ko.
“Pwede.” Kontra niya.
“Hindi nga!” Ipinadyak ko ang paa ko sa ilalim ng mesa.
Napatayo siya. “Ako ang masusunod o aalis ka sa pamamahay ko?!” Bulyaw nito.
Napasandal ako sa aking kinauupuan dahil sa sigaw niya.
Tumiklop ako, minsan talaga nakakalimutan kong nasa bahay niya pala ako. Nagtatapang-tapangan lang naman ako dahil wala akong kakampi rito. Pero bahay niya ito at nakikitira lang ako.
Dahan- dahan akong tumango, sumang-ayon sa kanyang nais.
SEVEN
Chapter Seven
Zach’s POV
Nakahiga ako ngayon sa kama at kakatapos lang ng lessons namin ni Mira. Halos madaling araw na kami natulog ni Mira dahil pagkatapos naming kumain ay tinuruan ko siya kung paano gamitin ang mga tools and equipment sa kusina. Natatawa ako tuwing niisip ko kung paano siya namamangha sa mga gamit sa bahay. Ultimo tubig sa gripo tinanong niya kung saan galing.
“Nasa tuktok ng gusaling itong bahay mo, ’di ba? Papaano nagkakaroon ng tubig d’yan?” Turo niya pa sa gripo na tila isang palaisipan sa kanya kung papaano nagkakaroon ng tubig doon.
Inunan ko braso ko at napangiti sa tuwing naiisip ko ang reaksyon niya kanina.
Muntik ko nang batukan ang sarili ko nang ma-realized kong para akong baliw na nakangiti na nakatingin sa kisame. Damn! Is not me!
Kinaumagahan ay tinanghali ako ng gising dahil matagal akong nakatulog dahil sa pagtatalo namin ng sarili ko. Bumangon ako. Damn morning erection.
Pumasok ako sa cr at naligo na rin. I have an itinerary for today. I decided to bring Mira outside, and, of course, groceries na rin. Wala pang laman ang ref ko, puro noodles naman ang laman ng cupboards ko na binili ko kagabi.
Nagpambahay lang muna ako total ay kakain pa naman kami. Naka-shorts lang ako at topless. Pagkalabas ko sa kwarto ay sinilip ko si Mira sa kwarto niya sa pamamagitan nung maliit na siwang sa pinto. Nakita kong wala na siya dun. Ang aga talagang nagigising ng babaeng yun.
Nagpatuloy ako sa paglalakad at pagdating ko sa sala nakita ko siyang nakaupo sa sofa, her usual spot. Tsssk.
Nag-angat ng tingin si Mira sakin. Nagulat ako ng pulutin niya ang slippers niya at ibinato sakin.
Hindi ako nakailag doon at sumapol iyon sa aking pagmumukha. My nose was severely stricken with the slipper. I grimace in pain, damn. Mukhang napango yata ang ilong ko sa pagkakabato niyang iyon.
My head automatically heated when I recovered from the pain. What the hell! Bakit niya ako binato?
Nanlilisik ang mga mata ko sa galit dahil sa ginawa niya. Inilang hakbang ko ang pagitan namin at tumigil sa harapan niya. Tinakpan pa niya ang bibig niya na parang ’di niya sinasadyang tamaan ang mukha ko. Pssh! Ngayon niya lang na realized ang ginawa niya. Damn her, I thought we’re okay last night.
Nang nasa harapan na niya ako ay mabilis niyang inilipat ang kamay na nasa kanyang bibig tungo sa kanyang mata.
My brow puckered.
“Bakit mo ako binato?”
“Bastos ka!” Sigaw niya pabalik.
Kinuha ako ang kamay niya na nakatabon sa kanyang mga mata. “Bastos!” Ulit niya at winaksi ang kamay ko.
“Anong bastos ang tinutukoy mo?” Gulong tanong ko.
Kinuha niya ang kamay na nakatakip sa kanyang mga mata.
Inangat niya ang kanyang mga mata sa akin. “Hindi ano, kung hindi, sino; at ikaw ’yong bastos.”
Ang tapang talaga ng babaeng ito na sagut-sagutin ako. Ni-isa sa opisina ko ay walang naglalakas loob na sigaw ako o kontrahin ako. Pero itong ignoranteng babaeng taga-bundok na ’to sinalo ang lahat ng kakapalan ng mukha. May gana pang makipag-debate sa ’kin.
Marahas akong napabuntong hinga.
“At papaano ako nakakabastos, huh, you witch!”
Mira’s POV
Hindi ko naintindihan yung huling sinabi niya pero pakiramdam ko ay iniinsulto niya ako at nasasaktan ako.
“Dahil walang matinong lalaki na ibina-balandra ang katawan niya sa harap ng isang dalagang babae.” Ang aking pangangatwiran.
Umiling ito.
“Tssk, damsel my ass. Babae ka pala!” Sarkastikong saad niya. “At para sabihin ko sa’yo ganito ako pag nasa bahay lang. Hindi ko na kasalanan kong bastos ito para sa inyo pero para dito sa’min pinagkakaguluhan ang mga lalaking ganito.”
Nakasuot lang kasi siya naman isang maiksing kalsonsilyo at wala siyang pang-itaas. Nakikita ko kung paano umaangat at bumababa ang dibdib niya sa galit ngayon sa akin. Nai-ingganyo man akong hawakan ang matigas na katawan niya pero pinipigilan ko ang sarili ko. Magiging makasalanan pa yata ako dahil sa kanya. Kaso parang nang-iimbita ang katawan niya na hawakan ito. Napakaganda kasi ng kulay kayumanggi at walang depekto niyang katawan.
Nagulat kasi ako kanina nang pag-angat nang tingin ko ay nakita ko siyang naglalakad sa ganoong hitsura, parang wala siyang kasamang babae rito sa bahay niya.
“Nagiging makasalanan ata ako sayo.” Mahinang sambit ko.
“Ano!?”
“Wala. Mabuti pa kumain ka na dun. Pinaghanda kita ng noodles, ’yung kinain natin kagabi.” Pag-iiba ko sa usapan namin dahil sa kakaibang dulot ni Zach sa akin, parang ewan dahil nasa harap ko siya at nakabalandra ang katawan niya. Ito ang unang beses na naramdaman ko ito pagkagulo ng aking sistema at mukhang hindi ito maganda at wala ring mabuting idudot sa akin, kung ano man ito.
“Basta sa susunod huwag ka nang rumampa rito na naka-ganyan ka dahil hindi iyon maganda. Dapat ipinapakita mo lang ang katawan mo sa asawa mo, Zach.”
Nakatingin ako sa kanya kaya nakita ko kung paano lumaki ang mata niya sa sinabi ko pero may nakita din akong lumantay doon na sakit. Ewan ko kung ilang sandali kaming nagkatinginan bago siya unang bumitiw. Tumalikod siya at nag-angat baba ang balikat niya na parang hinihingal ba.
Tumayo ako at hinarap siya. Mas mabuti siguro kung magiging mabait ako sa tagapangalaga ko baka sakaling magiging mabait din siya sa akin. Dahil mukhang mainitin talaga ang ulo niya at ako rin. Kasi kung walang magbaba sa amin siguro sasabog kami. Kaya ako na ang magbaba dahil wala rin naman siyang balak.
Hmp!
“Tara na kumain ka na, ’di ba, sabi mo may lakad tayo ngayon.” Ngumiti ako pero alam ko namang hindi niya iyon makikita dahil may takip ang mukha ko.
Hindi siya gumalaw at nakatingin lang sa akin. Anong problema ng isang ito? Hinawakan ko ang braso niya kahit na alam kong bawal ito sa amin.
“Halika ka na.” At hinila siya sa kusina niya. Atat na rin kasi ako kung saan ang lakad namin.
Pagdating namin sa kusina ay nakita kong nakatingin siya sa kamay ko na nakahawak sa braso niya. Mabilis ko iyong binitawan kaya napatingin siya sakin.
“P-paumanhin, ginoo, ay, Zach.” Hingi ko nang tawad sa kanya. “Kumain ka na at manood lang ako ng palabas sa salas.”
Pagkatapos ay mabilis akong naglakad tungo sa salas. Baka magalit iyon dahil hinawakan ko siya. Kasi kung siya ang humahawak sa akin ay winawaksi ko ang kamay niya pero ngayon ako pa talaga ang humawak sa kanya.
Hindi ko na talaga naiintindihan ang sarili ko minsan.
Tinoon ko na lang ang aking atensyon ko sa malaking kwadra na kung tawagin ni Zach. Nakita ko ang mga gubat doon.
Bumigat ang dibdib ko nang makita ko iyon. Naalala ko kasi ang aking tahanan, kung kumusta na kaya ang mga bata doon? Kahit na hindi ako pinapansin at kinakausap ng mga batang iyon ay namimiss ko rin sila. Namimiss ko rin si Edna. Hinahanap kaya niya ako? O baka kinasal na sila ni Tonio. Namimiss ko na rin si Ama, kumusta na kaya ito roon? Ayos lang kaya siya roon? Nag-aalala ako kay Ama dahil baka kung ano ang gawin ni Tiyo Hernan sa kanya. Sakim pa naman ang kapatid na iyon ni Ama.
Hindi ko na napansin na lumuluha na pala ako. Titiisin ko ito pangungulila ko dahil alam ko magiging maayos din ang lahat ng ito. Aalis din ako rito sa puder ni Zach. Magiging maayos na rin siya pag-nangyari iyun dahil wala na ang sagabal sa bahay at buhay niya.
“Magbibihis lang ako, maghanda ka na rin dahil aalis na tayo.”
Mabilis kong dinampi ang telang nakatakip sa aking mukha upang punasan ang basa kong pisngi sa ilalim no’n at saka bumaling kay Zach na nakakunot ang noo na nakatingin sa ’kin.
“Did you cry?” Ingles niya.
“Huh?”
“Ah, nervermind.” Iritado niyang sambit at iwiniwasiwas ang kamay.
“Magtagalog ka kasi, Zach nasa Pilipinas naman kasi tayo.” Payo ko rito.
“Nah, ako ang magdedesisyon n’yan, babae.”
Sumimangot ako at ito naman ay naglakad papunta sa silid niya.
EIGHT
Chapter Eight
Zach’s POV
I don’t know what’s happening to me pero nung tinawag ako ni Mira sa pangalan ko ay parang nagslow-motion ang buong paligid ko. She just said my name, and then that happened. It’s not normal anymore kagabi lang ay niisip ko ang tawa niya at ang mga careless at ignorant action niya, the way she argue with me, pati boses niya ay naririnig ko pa. It gives me quivers.
Nagulat pa ako nang hawakan niya ang braso ko kanina at nakangiti pa ako na pinaghanda niya ako kahit noodles iyon. Pagkatapos kong kumain ay nilagay ko sa sink ang pinagkainan ko. One thing that I’ve noticed from her is that she’s a docile and resilient.
May pagka-mabait din naman pala ang tagabundok na iyon.
Papunta akong kwarto at syempre madadaanan ko ang salas ng penthouse nang makita ko si Mira na nakatutok sa TV. Huwag njyang isipin na gaagwan niya ng masama ang TV ko? Walang kurap-kurap siyang nakatingin doon. Tiningnan ko kung ano ang palabas but it’s a forest. I can’t help it but to stare at her she’s crying. What’s wrong with her? Even though I can not see her face. I know she’s really crying from the moist in her eyes.
“Magbibihis lang ako maghanda ka na rin dahil aalis na tayo.” Tawag ko sa kanya. Mabilis niyang ipinasok ang kamay niya sa loob ng telang nakatakip sa mukha niya at alam kong pinahid niya ang luha niya doon.
Nagkasagutan pa kami dahil nag-english ako. Nakakalimutan ko kasi minsan na hindi pala ito nakaka-intindi no’n ang aking kausap, kaya napapa-english ako. Nasasanay ako na laging masungit at matapang si Mira sa aking harapan kaya nung nakita ko siyang umiiyak ay parang may kung anong nagpabigat sa dibdib ko.
Watching her eyes sad, it makes me wanna go to her and hug her. The fu*k.
I scowled at her as I changed my pace to my room.
I started to rummage my closet to look for clothes to wear. I decided to wear a plain black t-shirt shirt partnered with faded, rugged jeans and leather boots. I also bring a jacket with me. Inayos ko rin ang aking buhok bago tumungo sa labas
Pagdating ko sa salas ay nakita ko siyang ganon pa rin ang suot niya. I rolled my eyes.
“Hey!”
“Uhh, alis na tayo?” Mabilis siyang tumayo, parang excited na excited pa.
“Yeah, aalis na at sabi kong magbihis ka, ’di ba?” I said as I looked at her from head to her toe. “Bat ’di ka pa nagbibihis?” Ani ko at tumingin sa kanyang mukhang ’di nakikita.
Duda ko, pangit talaga itong babaeng ito. Kasi bakit tinatakpan niya ang kanyang mukha? Saka iyong sinasabi niyang magiging reyna siya, tsk! Anong akala niya sa akin? Bata na naniniwala sa fairytale? Kaya walang duda, I’m sure she’s ugly. Period!
“May mali ba sa suot ko? Saka ito naman talaga ang isusuot ko. Maaga kaya akong nagising kanina dahil sabi mo aalis tayo tapos ikaw ang tagal mong nagising.”
Kinonsensya pa ako tang*na. Kasalanan ko bang matagal ako magising at maaga siyang nagigising kaysa sa akin? Hindi ko na kasalanan na naghintay siya nang matagal. Kaso naisip ko, wala naman akong kinlaro na oras sa kanya, ang sinabi ko lang ay lalabas kami ngayong umaga. Tssk, bahala nga siya. Pero nakokonsensya pa rin talaga ako.
“Hmm, I’m sorry!”
“Humihingi ka ba ng tawad?” Nakangising saad niya. It gives me chills.
Umiling ako. “Sabi ko, tara na!” I dismissed.
Nauna na akong maglakad sa kanya palabas. Damn, she’s the first person who makes me apologized involuntarily. It’s not really good, dammit. This is not me.
Pagkarating namin sa baba ay pinagtitinginan ako ng mga taong nakakasalubong ko. Ngunit nang tiningnan ko sila ng maayos hindi pala sila nakatingin sa ’kin kung di sa babaeng nasa likod ko.
Tumigil ako sa paglalakad at bumaling kay Mira na nakayuko at naglalakad patungo sa ’kin. Napatigil siya nang humarang ako sa harap niya. Nag-angat siya ng tingin sa akin.
“Look at your way when your walking, babae.” Pangngangaral ko sa kanya.
“H–huh?”
Dammit, hindi pala nito naintindihan ang sinasabi ko.
“Tumingin ka sa dinadaanan mo.” Ulit ko in Tagalog.
“K–kasi naman ang mga tao tinitingnan nila ako na para bang isa akong nakakadiring tao, naiilang ako.” Yumuko sa Mira at pinagtatagpo-tagpo ang daliri niya. Bata talaga. Ignorante. Masungit pa.
“Hindi mo sila masisi maski ako nung una kitang nakita, di’ba? Kaya huwag mo na lang silang pansinin.”
“Nakakailang lang kasi ang tingin nila.”
Bumuntonghininga ako at masamang tumingin sa mga taong nakatutok kay Mira.
Mira’s POV
Hindi ko alam na ganito pala ang mga tao dito sa syudad masyadong mapanghusga. Hindi ko rin naman gusto na ganito ako, gusto ko din namang maging normal na tulad nila, na walang sinusunod na alituntunin na kagaya sa ’min. Mahirap din sa akin na maging kakaiba sa nakakarami.
Pakiramdam ko ang bababa kong tao. Ayaw ko mang magpa-apekto at gustuhin ko mang h’wag pansinin ang mga titig ng mga tao sa akin gaya ng sabi ni Zach kaso naapektuhan pa rin ako. Masakit sa ’kin ito na iba ako sa kanila.
“Tara na, h’wag mo ng dibdibin sila, ang importante wala kang naapakang tao, understand?” Hinawakan ni Zach ang panga-han ko at inangat para magtagpo ang mga tingin namin. Hindi ko man naintindihan ang huling sinabi niya pero tumango na rin ako. Gusto ko mang magreklamo sa kanya pero pinigilan ko ang sarili ko, baka kasi mapurunada pa itong lakad namin. Tuwang-tuwa pa naman ako kanina kung hindi lang sa mga taong nakita ko rito sa baba ng tinitirhan Zach.
Pagdating namin sa labas ay may lalaking lumapit kay Zach at may binigay na kung ano sa lalaki at nakita kong tumango si Zach sa taong nakaunipormeng puti. Lumapit ako sa kanya .
“Saan tayo?”
Zach’s POV
“Saan tayo?”
Nagsalubong ang kilay ko dahil sa init ng araw at saka bumaling kay Mira. ’Di ko man nakikita ang mukha niya pero alam kong excited siya. Nararamdaman ko.
“Groceries lang. Wala na kasi akong pagkain, dumagdag ka pa sa papalamunin ko.” I joked.
“Hmm, kung ayaw mong pakainin ako ay ayos lang sa ’kin, Zach. Maghahanap ako ng makakain ko rito.” Pagmamalaki niya, akala niya siguro nasa gubat siya. Kung makapagsalita pa siya ay akala niya naman bundok itong kinatatayuan niya. Akala niya ba pupulutin lang ang pagkain dito? Tsk!
I smiled.
I think she’s okay now, nagawa na niya akong sagut-sagutin, eh. Ewan ko, pero nang nakita kong malungkot siya kanina at nawala ang confidence niya dahil sa mga taong tumitingin sa kanya, nalungkot din ako. It makes me wanna coo her and say comforting words to her to ease her sadness. And I just realized na nababaliw na rin ako sa mga lumalabas na salita sa bibig at sa ma senaryong naglalaro sa utak ko. This is not really me, damn!
“At saka, g–groceries, ano ’yan?” Takang tanong niya mayamaya.
Really we’re having this kind of conversation under the scorching rays of the sun.
I let out a deep sigh. “Bibili tayo ng pagkain… makakain, okay na? Pwede na ba tayong pumasok sa sasakyan?” Gusot ang mukha kong wika dahil sa init ng araw.
Hindi na siya nagsalita kaya pumasok na ako sa sasakyan. Fu*k, ang init! Hinintay ko siyang pumasok sa loob ng aking kotse. Kaso nakita kong nakatayo pa rin ang babae sa labas.
Damn! Nakalimutan ko na naman posibleng ’di rin niya alam kung paano ito buksan. Lumabas na naman ako sa aking sasakyan. Nawawalan na akong gana na lumabas, parang gusto ko nang umakyat sa penthouse at matulog.
Binuksan ko ang pintuan ng shotgun seat. “Pasok.” I commanded her.
“Ayaw.” Diretsong sagot niya at napakunot noo naman ako lalo. Pagtatalunan pa ba namin ito? “’Di ba sa taong naka-unipormeng puti iyang sasakyan na ’yan? Bakit ka pumasok d’yan?”
Damn she’s talking about the valet lately.
“Damn, this is my car.” I said but I suddenly halted when I realized I’m talking in english and I’m talking to this brat from mountain province. “Akin ang sasakyang ito, babae, kaya kung gusto mong makaalis na tayo at ayaw mong bumalik tayo sa taas, pumasok ka na.” Malapit na talagang maubos ang pasensya ko rito.
Tahimik siyang pumasok sa sasakyan at parang napipilitan pa ang babae. Tangina!
“Seat–” ’di ko na tinuloy ang sasabihin ko dahil alam ko namang hindi niya rin iyon maiintindihan.
Kaya ang ginawa ko; walang imik akong dumukwang sa kanya upang makabit ang kanyang seatbelt. Naestatwa ito sa kanyang kinauupuan. Nararamdaman ko ring hindi siya humihinga dahil sa biglaang galaw ko.
Dumistansya ako sa kanya matapos ikabit ang seatbelt.
“H–h’wag mo nang gagawin iyon.” Nauutal na saad niya.
Tumaas ang kilay ko.
“Bakit bawal din bang lumapit ang mga lalaki sayo?”
“H–hindi naman.”
“Yun naman pala ’e,di naman pala bawal. Anong iniarte mo?”
“Hindi ako nag-iinarte di lang ako sanay na may lalaki na lumalapit sakin.” She reason out.
“Tssk, masanay ka na dahil lalapit talaga ako sayo.”
NINE
Chapter Nine
Mira’s POV
Nakakabaliw ang pintig ng puso ko sa biglaang paglapit sa ’kin ni Zach upang ikabit sa akin ang seatbelt daw. Sa totoo lang siya ang kauna-unahang lalaki, maliban sa tatay ko ang nakakalapit at nakakahawak sa akin ng ganito. Nakakailang siya dahil hindi ako sanay sa ganito. Natatakkt din ako nga lang hindi ko alam kung saan nanggagaling itong takot ko nararamdaman ko. Ngunit itong hindi normal na pagsipa ng damdamin ko, siguro normal lang ito o baka nabigla lang ako sa ginawa ni Zach? Parang naririnig ko na kasi ang pintig ng puso ko. Hindi hindi ko alam kung sa kaba ba o ano? Nanalakay pa sa ilong ko ’yung amoy niya at masasabi kong napakabango nito.
“Huwag mo nang gagawin iyon.” Nauutal na sabi ko sa kanya. Ayaw kong tingnan ito sa kanyang mga mata.
Magkakasala pa yata ako ngayon dahil sa kanya.
“Bakit? Bawal din bang lumapit ang mga lalaki sa’yo?” Taka at mukhang banas na niyang saad.
“H-hindi naman.”
“’Yun naman pala eh, hindi naman pala bawal. Anong inaarte mo?”
Akala talaga ng lalaking ito ay nag-aarte lamang ako.
“Hindi ako nag-iinarte, hindi lang ako sanay na may lalaki na lumalapit sakin.”
“Tssk, masanay ka na dahil lalapit talaga ako sa’yo.”
Hindi ko alam kong ano ang ibig niyang sabihin doon sa sinabi niya, pero hindi na ako sumagot pa sa kanya. Mag-aaway lang kasi kami, hahaba na naman ang aming bangayan.
Nagsimula nang tumakbo itong sinasakyan namin ni Zach at tahimik lang ako habang palinga-linga sa aking paligid na lahat ay bago lang sa aking mga mata. Habang binabaybay namin ang daan na mamangha ako sa iba’t-ibang klase ng sasakyan at iba-iba din ang laki.
Manghang-mangha ako sa mga nakikita ko, idagdag pa ang mga matatayog na mga gusali. Namangha rin ako sa isang kwudrong nadaanan namin ni Zach dahil may taong gumagalaw doon, gaya ng TV ni Zach sa bahay pero mas malaki iyon nakakamangha ang mga bagay dito sa patag talaga. May mga higanteng larawan na nakabitay sa tabing daan na hindi ko alam kung ano.
“Tsk!”
Narinig ko si Zach kaya napabaling ako sa kanya. “Ang galing mo namang magmaniobra nitong sasakyan.” Nakangiting komento sa kanya.
Tumawa siya. “Hmm, ngayon lang ako na puri sa pagmamaneho ng sasakyan. Unbelievable.” Umiling pa siya pero masaya ako, kaya ’di ko na iyon pinansin pa.
“By the way, I didn’t formally introduce myself to you, Mira.” Nawala sandali ang ngiti sa labi ko ng marinig ko ang palayaw ko. Ito ang unang pagkakataon na tinawag niya ako sa palayaw ko. Hindi niya ako tinatawag na babae o iyong isang tawag niya sa akin kapag galit siya sa akin. “I’m Zachary Elliot Androilan… tang*na!”
Mataman ko siyang tiningnan dahil sa sinabi niyang ’Zachary Elliot Androilan.
“Ahh, pangalan mo ’yan?” Hula ko. Kasi narinig ko rin na tinawag siya ni ama noong dumating kami dito na Zachary. Hula ko lamang iyon dahil pamilyar ito sa akin.
Bumuntong hinga siya. “Thanks God, oo, ’yan ang totoo kong pangalan… ikaw, Mira lang ba ang pangalan or…?”
“A-almira… Almira Magtayog, y’an ang totoo kong pangalan.” Ngiting wika ko sa kanya ngunit alam kong hindi niya naman iyon makikita.
Sandali siyang natigilan na parang may iniisip na kung ano at bumaling sakin.
“Have we meet before?” Ingles niya. Napasimangot ako ingles na naman! Hindi ako pamilyar doon!
“Ano?”
“Nothing….” May sinabi pa siya pero ’di ko na iyon narinig ng klaro.
“Ang ganda.” ’Di ko mapigilang ulat nang makita ko ang malawak na dagat sa gilid. Napahawak pa ako sa salamin ng sasakyan niya. Parang gusto ko ring makapunta doon. Naalala ko kasi ang batis na pinupuntahan ko doon sa amin. Hindi naman iyon kalakihan pero malinis ang sobrang linaw din ng tubig doon. Gusto ko tuloy magtampisaw.
“Gusto mo bang maligo o pumasyal d’yan?” Nakahawak ang kamay ko sa salamin ng lumingon ako kay Zach.
“Pwede?”
“Oo, but not now… I mean hindi muna ngayon may project… ibig sabihin kong ay may trabaho pa ako, kaya sa susunod na lang.”
“Oo naman hihintayin ko ang susunod na ’yan.” Sabi ko at ibinalik ang tingin sa dagat.
“Ano pala ang trabaho mo?” Tanong ko nang wala na akong makitang dagat dahil lumampas na kami.
“I’m an engineer, Mira.” Sagot niya.
“Ano ang ginagawa ng isang engineer, Zach?”
“Silly me, natural na hindi mo pala alam ’yun dahil wala namang buildings or any infrastructure sa bundok.” Komento niya at ngumisi sa akin. “Gumagawa ako ng mga buildings… mga gusali, bahay mga ganun, Mira.” Patuloy niya.
“Napakagaling naman kaya siguro ang galanti mo. Saka, ’yung bahay mo ang ganda rin. Ikaw rin ba ang gumawa nun?”
Lumawak ang ngisi sa kanyang mga labi. “Hindi ako ang gumawa no’n literally, but isa akosa nagplano.”
Binalik niya ang kanyang tingin sa daan.
Ngayon ko lang nalaman na ang isang simpleng ngiti pala ni Zach ang magpapakaba sa akin ng ganito. Napahawak tuloy ako sa aking dibdib.
“Ayos ka lang?” Mayamaya ay seryosong tanong niya habang pasimpleng sumulyap sa ’kin.
Umiling ako ng tatlong beses. “H-hindi… ibig kong sabihin ay ayos lamang ako.”
“Okay… ikaw, anong ginagawa mo doon sa inyo? I guess. sobrang lungkot at boring doon .” Hindi ko man naintindihan ang ‘boring’ na sinasabi niya ngunit hindi ko pa rin nagustuhan iyon.
Hmmp!
“Hindi ko alam ang boring pero sinasabi ko sa’yo, kung ano man ’yan, hindi boring doon sa amin.” Nakita kong umangat ang gilid ng labi niya habang nakatingin sa dinadaanan namin. “Tahimik doon sa amin, malamig ang simoy ng hangin, hindi gaya dito ang init. Alam kong napakaraming bagay na nandirito sa patag na wala doon sa amin pero maganda pa rin doon. Kailanman ay hindi ko ipagpapalit ang lugar na sinilangan ko kaysa rito kahit maraming magagandang bagay sa patag.”
“Kung gusto mo doon, bakit ka pumayag na dalhin dito ni Mang Arman?”
“Wala na kaming pagpipiliin pa, Zach. Sumugal lang ang ama ko- ako dito at mabuti na lang at pumayag ka sa pabor ng ama ko. Kahit na hindi ka mabait ay ayos na rin naman.”
Nagulat ako nang humalakhak siya may sayad yata ang isang ito. Minsan natutula, minsan masungit, minsan mabait, minsan ngumingiti. Ang hirap niyang pakisamahan sa araw-araw.
“Ako pa talaga ang hindi mabait, huh. Tandaan mo pinatira kita sa penthouse ko. You should be lucky dahil kahit na ang ex ko, hindi pa nga nakakatulog doon.”
Ex, ano kaya iyon nakakain ba ’yon? Ingles kasi nang ingles ang may sayad na ’to. Pag ako talaga natuto ng ingles, iingles-in ko rin siya! Kaso ang problema, sino naman ang magtuturo sa ’kin?
“Alam mo nagtataka ako, ano ang ginawa ng ama ko sa’yo at may utang na loob ka sa aking ama?” Pag-iiba ko sa usapan namin dahil baka ingles-in na naman ako, nganga na naman ako.
Nakakainis!
Ang tanong ko ay hindi nasagot ni Zach. Mukhang hindi niya narinig. Nagtataka talaga ako, ano kaya ang ginawa ng ama ko at nagkautang na loob si Zach sa aking ama.
Lumiko ang sasakyan ni Zach at ngayon ko lang napansin ang isang napalawak na gusali at may maraming sasakyan sa labas. Tumigil na ’yung sasakyan.
“Nandito na tayo?” Tanong ko at pinagmamasdan ang labas.
“Oo,” sagot niya at tinanggal ang tinatawag niyang seatbelt sa akin. Ang bango niya talaga.
Lumabas na si Zach at pinagbuksan niya ako ng pintuan.
“Ano nga ’yung tanong mo kanina?” Tanong niya habang naglalakad kami tungo sa gusali. Nakasunod lang ako sa kanya habang naglalakad kami patungo sa hagdanan papasok sa gusali. Napakaganda at napakalawak. Napakarami ring tao. Abala ang mga mata ko sa aking paligid.
“Ah, wala ’yun.” Sagot ko at lumilinga sa paligid, nakakamangha talaga ng mga bagay na nandirito sa patag.
“Okay… tsk! Almira… eerr… Mira, ’wag kang lumayo sakin baka mawala ka rito!”
Hindi ko napansin na nagkalayo na pala kami kaya mabilis akong lumapit sa kanya. Tumingin ako sa umahan namin at nakita ko doon ang pintuang gama sa mababasaging salamin. Sumabay ako sa pagpasok ni Zach pero hinarang ako ng nakatayong tao doon.
“Teka, miss, saglit lang.”
Hinawakan no Zach ang kamay ko. “She’s with me.”
“Ay, sorry, sir.” Ani ng lalaki at yumuko kay Zach.
“Bakit hinarang niya ako roon, Zach, pero ikaw hindi… dahil ba lalaki ka at lalaki din siya kaya ganoon?” Takang taong ko kay Zach nang nakapasok na kami. Gusto ko mang bawiin ang kamay ko sa kanya pero natatakot akong mawala tulad ng sabi niya dahil sobrang lawak at laki talaga nitong gusaling pinasukan namin. Ang lamig pa ng klima!
“Silly, of course not.” Pagkatapos niyang sabihin ’yun ay pinitik niya ang noo ko gamit ang isang kamay niya. Kaya ang ginawa ko ay hinablot ko ang aking kamay mula sa kanya at hinampas siya. Akala niya papautang ako sa kanya? Hindi!
“Fu*k, bakit ka nanghahampas, huh!?” Galit niyang untag.
“Pinitik mo ako Zach.” ani ko rin.
Umawang ang labi niya, tila may sasabihin ngunit hindi niya matuloy-tuloy.
Umiling na lang siya at tumalikod na saka mabilis na naglakad, kaya ako na maliit ang binti ay hinabol ko siya sa takot na mawala. Nakakainis talaga ang lalaking ito, hinayaan ko nga siyang hawakan ako eh. Hmmp, may sayad na nga antipatiko pa.
TEN
Chapter Ten
Zach’s POV
Kumuha na ako ng push cart para makapagsimula ng mamili dahil sa totoo lang hindi ko gawain ang bagay na ito. At sa pagkakataong ito ay times two pa yata ang igo-groceries ko dahil may isa pa akong pinapakain. Nilingon ko ang babaeng tagabundok na tumakbo papalapit sakin.
Napangiwi ako sa suot nito na ang luma na tingnan. Actually, sa aking napapansin ay ganoon lang ang mga damit niya. They’re old and overused. Kaya siguro iba lang kung nakatitig sa kanya ang mga tao.
Minsan naiisip kong maging mabuti kahit papaano kay Mira, ngunit wala pang isang oras ay nagsasagutan na kami, nagtataasan na ang boses namin sa isa’t-isa. I can’t wait na ibalik na siya sa bundok. Ngunit minsan naawa naman ako dahil nakikita kong namimiss na rin niya ang buhay sa bundok, but she has no choice. Matindi lang siguro talaga ang kinakaharap nila ngayon. Saka hindi naman siguro sila susugal rito kung hindi ganoon ka-tindi ang kanilang kinakaharap.
I just didn’t know that after a decade, ngayon ako sa panahong ito pa ako kakailanganin ni Mang Arman, and I’m glad na sa wakas ay masusuklian ko ang kabutihan niya na ginawa sa akin noon. Inakala ko na talaga noon na mamatay na ako doon, eh. But thanks to Mang Arman.
Nandito kami ngayon ni Mira sa vegetable section at namimili ng mga gulay. Okay, I’m not good at buying these things, usually ate Zin, my older sister, siya ang bumibili ng mga groceries sa penthouse ko. Kasi minsan napapadpad sila doon kasama ang anak niya.
Ang mga magulang ko ay isa sa may-ari ng mall na’to pero ako na anak ay walang pagkainin sa bahay niya, how nice is that, right? Ako lang din naman kasi ang nasa penthouse ko at ngayon lang ako nagkaroon ng pansamantalang kasama, kaya ngayon lang din ako nag-grocery.
“Zach, pwede ako ang pumili ng mga gulay at ikaw naman sa iba.” Taas kilay akong bumaling kay Mira. “’Di ba kukuha ka lang naman ng mga gulay at ilalagay d’yan.” Patuloy niya pa at naglakbay na ang mata sa mga gulay sa harap.
“Sigurado ka? Baka bilhin mo ’to lahat?” Biro ko sa kanya.
Nagsalubong ang kilay niyang sinalungat ang mga titig ko. Ang tapang talaga ng babaeng ito!
“Hindi! Nakita ko kasi ito sa TV mo, grocery pala ang tawag sa ginagawa doon at nakita ko rin ang ibang tao na nandirito. Ang dali lang naman pala.” Ani niya at nginuso ang mga taong namimili rin.
One thing na napansin ko kay Mira ay madali siyang natuto at madali siyang nakakakuha sa mga bgay-bagay. Kung ano ang nakikita niya ay mabilis niya itong natutunan. Katulad na lang noong tinuruan ko siya sa mga gamit ko sa penthouse.
“Sige,” ani ko. “Ikaw na rito, ’wag kang aalis dito, ako na lang ang pupunta sa meat section, understood?” Binigay ko sa kanya ang isang basket na nasa tabi na mukhang wala namang gumagamit. Pakalat-kalat eh. “’Yan, pumili ka na lang ng mga gulay. Ayusin mo, babae. At saka baka ubusin mo ang lahat… pumili ka na lang d’yan pero ’wag ang lahat. Baka mamulubi ako sa’yo eh.” Biro ko kahit imposible naman.
Kinuha niya ang basket at dalawang bese na tumango.
“Alis na.” Pagtataboy niya sa ’kin, tinulak pa ako. Lihim na naman akong napangiti.
She makes me smile, she makes me mad, she makes me shout to the top of my throat, unbelievable. Even Chesca back then, hindi ako ganito sa kanya. But first of all, why am I even comparing the both of them? Damn it!
Umalis na ako at pumunta sa meat section at kumuha na ng karne. Hindi ko pa alam kung alin ang presko doon. Bahala na si Lord sa mga nilagay ko sa aking push cart.
Mula sa kinatatayuan ko ay natatanaw ko si Mira na namimili ng gulay at sinusuri niya ito. Mukhang maalam nga! Maybe she knows something about green goods since she grew up in the mountain.
Ibinalik ko na ang atensyon ko sa pagkuha ng karne. Ilang sandali pa ay napagdesisyonan kong pabalikan si Mira. Kaso nang muling pagbaling ko kung saan siya nakatayo kanina ay wala na ito doon. Tangina!
Fuck! Saan naman kaya ang tagabundok na ’yun?
My heart starts to rumble in an odd rhythm.
Naglakad ako patungo sa vegetable section at hinanap ang babae, ngunit wala talaga siya doon.
Lumapit ako sa babaeng pumipili ng gulay.
“Excuse miss, may nakita po ba kayong babae na nakatayo dito kanina? Balot na balot po ang buong katawan niya.” I asked.
“Ay, wala, hijo, kakadating ko lang dito.”
“Salamat, ho.” Tumango ang babae sakin.
Hinanap ko si Mira sa malapit na sections sa mga gulay which is ’yung mga can goods pero wala akong nakitang Mira na tagabundok.
Nagsimula nang uminit ang ulo ko. How stubborn that kid is?! Ang sabi ko ay ’wag aalis, pero umalis pa rin, damn it! Ako ang malilintikan nito sa ama niya. Ibinilin pa naman siya sa akin at pinagkatiwala ng kanyang ama sa akin.
Habang naglalakad ako ay naisipan ko na kung hindi ko siya makikita, pupunta na ako sa CCTV room para mabilis siyang mahanap. Ignorante pa naman iyon. Sa paghahano ko kay Mira ay may nakita akong nagkumpulang mga tao na nagkakakumusyon, kaya tumungo ako doon.
“Walang hiyang babae ka kikidnap-in mo pa ang anak ko!”
Hindi palang ako nakalapit ay narinig ko na ang sigaw ng isang babae.
“Kaduda-duda ka pa namang babae ka! Bakit ka ba pinapasok dito!?” Bulyaw ng babae.
“Excuse me,” sabi ko sa mga tao na nakaharang sa daan upang makaraan ako. Nagulat ako nang si Mira ang karahap noong babaeng namumula at hinihingal. Nakita kong nagkalat ang mga gulay sa sahig pati na ang basket na ang hula ko na kay Mira.
“H-hindi naman po t-tinulungan ko lang p-po ang bata, u-umiiyak po kasi-”
Hindi na natuloy ang pagsasalita ni Mira nang sumigaw ulit ang babae. “Umiiyak ang anak ko, kasi kinidnap mo!” Akmang sasampalin na ng babae si Mira nang umeksena na ako at kaagad na sinangga ang braso ng babae.
Galit itong bumaling sa akin. “Ano ba?!” Angal ng babae sa ’kin. “At sino ka naman?”
“Z-zach,” tawag ni Mira. Binitawan ko ang kamay ng babae at pumunta kay Mira. Naririnig ko ang mga bulong-bulongan ng mga tao sa paligid. Nakita kong basa ang mata ni Mira at ang tela na nakatakip sa mukha niya. Kanina pa pala ’to! Tangina!
“Ano? Kaano-ano mo ang walang hiyang babaeng iyan?!!” Galit na namang bwelta ng babae.
Nagtatagis ang bagang ko sa galit sa babaeng sigaw nang sigaw. Uminit ang batok ko patungo sa tenga ko dahil sa mga pinagsasabi niya kay Mira at pagtawag niyang walang hiya! Siguro pulang pula na ako sa galit ko ngayon, how can she shout at Mira! This woman!
Ako lang ang may karapatan na awayin si Mira!
Binalingan ko ito.
“She’s my wife.” Mahinahon kong ngunit nagtitimpi na sa galit kong saad sa babae. Pasalamat ang babaeng ito na may mga bata sa harapan namin. Kung lalaki lang ito malamang hindi na ito nakakalakad ngayon. Malamang binugbog ko na ito.
Naramdaman kong kumapit si Mira sa polo’ng suot ko at nanginginig ang kamay niya o tamang sabihin kong nanginginig ang katawan niya. Panay din ang taas baba ng balikat niya. She’s crying!
“HAH? ’Yang wirdong babaeng ’yan asawa mo? Nagpapatawa ka ba, hijo, sinong lalaki ang gugustuhin ’yan?” Pang-iinsulto nito kay Mira.
“I am! I am the man who will like her. And how dare you shout at my wife! Ano ba ang ginawa niya?” Nagsalubong ang kilay ko dahil sa pagtitimpi sa kanya.
“Kikidnap-in niya ang anak ko.” Sagot niya at hinawakan ang kamay ng anak niya. Tiningan ko ang batang babae na nasa edad dalawa o tatlong taon ang gulang na may hawak na chocolate at tahimik lang. Ngayon ko lang napansin nasa chocolate section pala kami, umaani na rin kami ng mga audience.
Tiningnan ko si Mira na nakakapit sa polo ko at nagusot na abg polo ko sa pagkakahawak niya. Nanginginig pa talaga siya. Ang tingin niya ay nasa kamay niya lang na nakakapit sa polo ko.
“Totoo ba yon?” Mahinahon kong tanong dito.
Dahan-dahang umangat ang tingin niya sakin. Umiling siya.“H-hi-hindi, Zach-”
“Hey, relax.” Hinarap ko siya ng maayos at hinawakan ko ang balikat niya kaya natanggal ang pagkakapit niya sa akin. “Mira huminahon ka, please, nandito ako hindi ka niya sasaktan, mmm? So, ano ang ginawa mo? Hindi ako magagalit, kaya sabihin muna ang totoo.” Mahinahon kong sambit sa kanya. Unti-unti ay kumakalma na siya at panay ang lunok at malalalim ang hiningang pinapakawalan.
“Sabing kikidnapin niya anak ko buti-”
“You shout up!” Sigaw ko sa babae kaya napaatras siya at ang bata ay natakot na sa ’kin at parang naiiyak. I’m losing myself! Shit!
“Zach, k-kasi umiiyak yung bata kanina doon sa may g-gulayan at h-hinahanap ang nanay niya kaya nilapitan ko siya para patahanin at,” napansin ko ang takot sa mata niyang tumingin sa nanay ng bata. “A-at hinila ako dito ng bata kasi gusto niya raw ng chocolate. Hindi ko alam kung ano ang chocolate pero dito ako dinala ng bata at may tinuro siya sa ’kin kaya b-binigay ko.”
“Sinungaling kang babae ka!” Akmang susugurin na naman ng babae si Mira pero humarang ako.
“Touch her, and I’ll see you in the court. You’re accusing my wife. You don’t even have an evidence na kikidnap-in niya ang anak mo. Let’s go to the CCTV room para malaman natin kung ano ba talaga ang nangyari. And once na mapatunayan na pabaya kang ina. I’ll permanently ban you from coming to this mall. Mag-ingat ka sa mga taong binabangga mo Mrs. I won’t tolerate such a woman like you.” saad ko rito bago binalingan si Mira.
“Let’s go, Mira.” Hinawakan ko ang palapulsuhan ni Mira at inalayo sa kumpulan ng mga tao. Iniwan ko ang babaeng ’yun natulala at nakanganga sa sinabi ko.
Basi sa nakikita ko kanina sa baabe ay may kaya ito. She’s dazzling together with her designer’s brand clothes and accessories pero nakaka-badtrip masyado ang ugali niya. Tsk! Kahit sino pa ang babaeng iyon ay wala na akong paki.
Si Mira lang iniisip ko sa pagkakataong iyon. Galit ako sa kanya dahil nawala siya kaso nalusaw lang iyon kaagad. Imbes ay nagalit ako sa sarili ko dahil sa kapabayaan ko. She’s my in my house. She’s my responsibility.
ELEVEN
Chapter Eleven
Zach’s POV
Isang linggo na ang nakalipas simula noong insidente sa mall at ang laki ng ipinagbago ni Mira simula nun. Kapag niyaya ko siyang lumabas sa penthouse, hindi na siya sumasama sa ’kin. Lagi na lang siyang nakatutok sa TV, minsan natutulala pa. Ewan ko kung ano ang iniisip ng babaeng iyon. Tahimik na rin siya at hindi na niya ako sinasagot-sagot, hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako o hindi dahil dun. Pero nag-aalala din ako sa kanya dahil binilin siya ni Mang Arman sa akin at responsibilidad ko siya habang nasa pamamahay ko siya.
Nawaglit ako sa aking pag-iisip nang magwala ang aking telepono.
Binalingan ko ang aking cellphone na nasa desk. Dinampot ko iyon para sagutin ang tawag pero hindi ko pa nasasagot ay tumigil na ang ringtone ko. Ibabalik ko na sana iyon nang tumunog ulit, kaya sinagot ko na.
‘Uhmm,’ sagot ko.
‘My dear, son,’ ang malambing na boses ni mommy.
Ano na naman kaya ang kailangan nito? Minsan lang tumatawag ang mommy ko kasi ang mga magulang ko mismo ang bumibisita sa penthouse ko o di kaya’y si Ate ang tumatawag sa akin kapag may family dinner kami.
‘Mommy, how’s your vacation?’ Tanong ko sa pagkakaalam ko ay nagbabasyon sila kasama sina tita Angie sa Italy.
‘It was good, baby.’
Sumandal ako sa swivelling chair ko nang marinig kong tawag ni mommy sa akin. Baby, tsk!
‘That’s nice to hear.’
‘Pero ikaw,’ tumigil ito saglit. ‘Ano itong nabalitaan kong napaaway ka sa mall natin at isang babae pa talaga kaaway mo, Zachary!’
That’s it, ito ’yung tinawag ni mom.
‘That was a week ago, mom.’ Punto ko.
‘I know. At ang alam ko pinagtanggol mo raw ang isang stranger girl, baby.’
‘Mom, stop the baby thing.’ Pag-iiba ko sa topic.
’Eh, sino ba ang babaeng ‘yun, my dear son.’ May panunuya sa boses ni mommy.
‘Just my acquintance, mom.’ Walang ganang sagot ko.
‘Huwag mo akong lokohin dahil anak kita, Zachary! You used your power for an acquintance? Oh, come again, son, I know you.’
‘Paniwalaan mo ang gusto mong paniwalaan, mom.’
Napapikit ako at hinilot ang aking sintido.
‘I want to meet this girl, Zachary Elliot.’ Napamulat ako dahil sa sinabi ni mommy.
’What? No! ’ I exclaimed.
‘Bahala ka, basta sasabihin ko sa daddy mo uuwi kami.’
‘Mommy-’
‘Okay bye, son, uuwi na kami ng daddy mo soon and I have to meet that girl. I love you! Take care, okay?’
“Mom, mom!”
Napabuntong hininga na lang ako at tiningnan ang nanatay na tawag namin ng aking ina. Damn! Kailan naman kaya ang soon na iyon ni mommy. Gusto pa talaga nitong ma-meet si Mira. Tsk!
Ano na lang ang sasabihin ko sa mga magulang ko na may kasama akong babae sa aking penthouse? May pagka-conservative pa naman si mom, unlike my dad na happy go lucky lang. Tinapon ko ang aking cellphone sa mesa.
Biglang bumukas ang pintuan ng opisina ko kaya napatingin ako dun. Pumasok ang secretery ko na si Dan at kasunod niya ay si Matt Da Vinci, my cousin from my mother side.
“Sir, nandito po si Mr. Da Vinci at pinapasok ko na.” Tumango ako sa secretary ko at lumabas na rin siya kaagad sa opisina.
Tumayo ako at sinalubong si Matt.
“What’s up, Matt?” Bati ko sa kanya at umupo kami sa couch dito sa aking opisina.
“Do you need anything? Coffee, Wine?” Alok ko sa kanya.
Minsan lang mapadpad ang pinsan ko rito unlike sa mga kaibigan ko na halos araw-araw ay binubulabog ako. Minsan iniisip kong walang mga trabaho ang mga iyon unlike Zane Francis na medyo busy dahil may banda siya at si Oliver na isang doktor. At isa na rin sa napakabusy-ing tao na kilala ko ay itong si Matt.
“Wine will do,” sagot niya kaya tumayo ako upang kumuha.
May marami akong stock na wines dito sa opisina ko, kaya ’di na yun problema sa akin. Kumuha ako sa rack ng wine at kumuha na din ako ng wine glass sa mini kitchen ko rito sa aking opisina.
Pagkabalik ko ay nilapag ko iyon sa table na nasa harap namin ni Matt.
“Kumusta ang milling n’yo sa Santander?” Tanong ko. I know na may malaki silang corn milling doon at may ekta-ektarya din silang lupain sa Santander. Minsan lang kami magkita ni Matt dahil napaka-busy niya. Kaya nga kahit na nandito kami sa syudad, minsan lang kaming nagkikita dahil sa businesses namin.
“Actually, I don’t have any idea about the milling. Yung nangangalaga lang doon sa Santander ang nagha-handle nito ngayon. But as what I’ve heard from my trusted people there, it’s doing really good.”
“’Di ka ba uuwi doon?” Sinalinan ko ang wine glass naming dalawa at binigay sa kanya ’yung isa.
“Thanks,” aniya at malimit na itinaas ang wine glass. “Hmm, uuwi ako ng Cebu dahil may conference ako roon at siguro, if I have time, uuwi na rin ako ng Santander.”
“Mmm,” I sipped on my wine.
“Kaya nga nandito ako kasi baka matagalan ako roon.”
“And?”
“I want you to look after my company from the time being, maybe three days? You don’t have to go there every day, Zach.” Anito. Before a minute of calculating and debating with myself, pumayag na rin ako sa sinabi ni Matt. Kami lang din naman kasi ang nagkakaintindihan sa aming magpipinsan.
Gabi na nang nakarating ako sa penthouse ko. Hinanap kaagad ng mata ko si Mira. Bukas ang stereo sa sala pero walang tao, kaya pinatay ko iyon, dagdag bayarin na naman kasi.
Nang ’di ko mahanap si Mira, pumunta na lang ako sa kwarto at nagbihis. Lumabas ako at pumunta sa kitchen para magluto dahil baka wala pang-dinner iyung alaga ko rito. Pero pagdating ko sa kusina ay nandun na si Mira, nakahukdong siya sa mesa na may nakahaing mga pagkain at mukhang nakatulog siya sa kakahintay.
“Mira,” bahagya kong yinugyog ang balikat niya.
“Mira.” Ulit ko nang ’di siya nagising. Mayamaya ay unti-unti na siyang nagigising. Minulat niya ang kanyang mata saglit na dumaan ang taka sa mata niya pero nawala iyon at umayos sa pagkakaupo niya.
“’Bat ka natutulog dito?”
Binaba niya ang kanyang mga kamay sa kanyang hita at yumuko. Nitong mga nakaraang araw ay maging mahinhin na siya at ’di masyadong nagsasalita.
“H-hinihintay kita kasi nagluto ako.”
Umupo ako sa tabi niya at tiningnan ang babaeng kaharap ko na nakayuko. Bakit hindi na ako magawang kausapin ng babaeng ito nang nakatingin sa sa akin?
“Kapag kinakausap kita ay tumingin ka sa akin.” Ani ko pero nanatili siyang nakayuko at walang imik.
The fuck!
“Titingin ka sa akin o babaliktad itong lamesa.” Panakot ko sa kanya kaya natatarantang inangat niya ang tingin niya sa akin.
Guni-guni ko lang ba iyon? O sadyang maganda lang ang mga mata niya ngayon?
“There,” i said.
“Huh?”
Umiling ako.
“Wala kumain ka na. Dapat hindi mo na ako hinintay.” Ani ko at dahil naghirap siyang magluto. Kumain na rin ako ulit kahit tapos na akong kumain. Sayang din kasi, pera ko pa naman ang ginastos sa mga groceries.
Habang kamakain kami ay pareho kaming tahimik puro lang kaluskos ng pinggan at kubyertos ang naririnig ko. Mismo tunog ng aircon ay naririnig sa sobrang tahimik.
“Hmm, naiisipan ko lang din naman ito, eh. Pasasalamat ko na din kasi tinulungan mo ako.” Mayamaya ay wika nito.
Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Napaisip pa ako kung ano ang tulong na ginawa ko para pasalamatan niya ako. Pero pumasok sa isip ko iyung nangyari sa mall baka iyon ang tinutukoy niya.
Lihim akong napangiti at tumikhim. “Huli na ang pasasalamat mo, babae.”
“Huh, ah… eh… hindi na ba pwedeng magpasalamat kahit noong nakaraan na iyong nangyari?”
Hindi ako sumagot sa kanya at nanatili ang kaseryosohan sa mukha ko.
“Pa-pasensya na, Zach k-kasi natatakot ako sa’yo.”
Nagsalubong ang kilay ko dahil sa sinabi niya. Anong natatakot siya sa’kin? Bakit siya natatakot sa’kin?
Damn! Kaya ba umiiwas din siya sa akin at pagpapasok ako sa opisina ay hindi niya man lang ako magawang tingnan dahil natatakot siya sa akin?
Tssk!
Nonetheless, why the hell do care so much!
“Natakot kasi ako noong nakaraan… doon sa pinuntahan natin.” Tumingin siya sa ’kin. “Iba ’yung awra mo doon at nakakatakot ka talaga. Pati nga iyung babae, ang anak niya at ang ibang tao doon ay natakot sa’yo. Lahat sila’y nasindak sa’yo.”
“Kaya mo ako iniiwasan?” Yumuko na naman siya at tumango. “Kaya ba hindi mo ako magawang tingnan, kaya ba lagi kang tahimik, kaya ba hindi mo na ako magawang artehan sa katarayan at ka-malditahan mo dahil natatakot ka sa akin?” Sunod-sunod kong wika.
Puro tango lang ang natanggap ko mula sa kanya. Pinag-alala niya ako tapos ’yun lang pala ang dahilan niya.
Tssk!
“Kaya ba iniiwasan mo rin ako, right?” Ulit ko pa, ewan ko ba parang hindi ako satisfied sa mga tango niya.
“A-ah… uh… h-hindi sa ’kin na iyon. Hindi ko na sasabihin sa’yoang iba kong rason k-kung bakit kitai-iniiwasan.” Nakayukong sagot niya sa akin.
“Sige, itatapon ko itong niluto mo kapag ’di ka sumagot.” Banta ko sa kanya. Kinakausap ko siya ng maayos tapos siya yuko lang nang yuko. Naiinis na ako.
“Bahala ka tapos na tin naman akong kumain.” aniya.
I sighed.
“’Bat ba ayaw mong sabihin?!” Banas kong tanong sa kanya.
“Basta sa akin na ’yon, Zach.”
Bumuntonghininga ako, sinukuan ko rin ang babae. Ang tigas din talaga ng ulo nito.
Namayani ang katahimikan sa aming dalawa. Tiningnan ko siyang mabuti. Tahimik lang siya sa kanyang kinauupuan at nakayuko. ’Di ba siya nangangalay kakayuko niya? Ni hindi siya gumagalaw.
Mayamaya ay nag-angat siya ng tingin sa akin. Napaigtad pa siya nang magtagpo ang mga mata namin. Tinaasan ko siya sa aking kilay.
“Zach, may tanong ako.” Mahina niyang anas.
“Ano?” Medyo iritado na ako dahil hindi niya sinabi kung ano ang rason kung bakit niya ako iniiwasan.
“Ano pala yung wife?” Inosente niyang tanong.
Ngayon ay ako na naman ang naistatwa sa kinauupuan ko. Tang*na, naalala niya pa iyon!? Damn, bakit ko ba sinabi iyon? At sa lahat pa ng pwede kong sabihin ay wife pa talaga. Bullshit!
“Huh?” Pagmaang-maangan ko sa kanya.
“Yung sinabi mo, sa babae, ’di ba may sinabi kang wife. Tapos iyung babae ay parang natakot ng sinabi mo iyon at ’di ba ako naman ang tinutukoy mong wife no’n kasi tinanong ka ng babae kung kaano-ano mo ako. Mukhang ’di nga makapaniwala ang babae nang sinabi mong wife mo ako, Zach.” Kwento niya, though I perfectly remember it.
Tang*na! Bakit ang talas ng memorya ng babaeng tagabundok na ito? Bakit naalala niya pa iyon?
“Napakamisteryo yata ng wife na salita, Zach.” Dagdag niya pa.
Huminga ako ng malalim, kung alam mo lang babae ka!
“A-ano iyong… wife, ibig sabihin noon alaga kita.” Umiwas ako ng tingin. Nauutal pa talaga ako. The hell?
Bakit ba naman kasi nauutal at nininerbyos ako sa harap ng babaeng talaga bundok na ito?
“Alaga?” Takang tanong niya.
Tumango ako at tinaasan siya ng kilay. Kitang kita ko ang pagtataka at pagkalito sa mga mata niyang nakatutok sa akin ngayon.
“Oo, alaga kita. Halimbawa, ikaw iyong aso tapos ako iyong nag-aalaga sa’yo. Ako ay amo mo tapos ikaw naman ay wife… ko.”
Kumunot ang noo niya pero ’di na siya nagsalita pa.
The heck! Anong klaseng eksplinasyon iyon, Zachary Elliot?
TWELVE
Chapter Twelve
Mira’s POV
Hindi ko talaga mahinuha kung ano itong nangyayari sa akin. Bigla-bigla na lang akong kinakabahan, tapos itong puso ko mukhang may sakit o depeksyon pa dahil minsan ang lakas ng tibok, nakakalula ang tibok no’n sa sobrang lakas na parang naririnig ko na ito mula sa aking tenga.
Ito ang unang pagkakataon na nangyari ito. Sa tanang buhay ko sa bundok ay hindi pa kailan man ito nangyari sa akin. Hindi ko tuloy mawari kung dahil ba ito sa mga pagkain na nakain ko rito sa patag. Hindi kasi ako sanay sa mga kinakain ko rito kaya baka ganoon? Kung nandito lang siguro si Ama ay mag-aalala iyon sa akin dahil sa karamdaman ko. Siguro kailan ko ring sabihin ito kay Zach, baka sakaling may panlunas siya dito o gamot?
Pero naalala ko na ang dahilan pala nang nag-aalburoto ng damdamin ko ay si Zach. Nagsimula lang naman kasi ito noong may nangyari sa mall . Simula noon ay nag-iba na ang paningin ko kay Zach dahil kapag tumitingin ako sa kanya o ’di kaya’y siya ang tumitingin sa akin, bigla-bigla na lang akong kinakabahan at pinagpapawisan ang kamay ko ng malamig. Dati naman ay hindi ito ganito. Nababaliw na ba ako?
Kailan ko talagang makausap ngayon ay si Edna dahil siya lang naman ang nakakausap kapag may bumabagabag sa akin. Pwede ring si Ama kaso pareho silang wala rito. Si Zach lang ang nandirito pero ’di ko naman ito pwedeng sabihin sa kanya. Baka palayasin niya ako sa bahay niya pag-nagkataon dahil sa sakit ko.
Ngayon tinatanong pa ako kung bakit ko ba siya iniiwasan. Bahala na ang diyos at ang mga ninuno sa akin, pero ayaw kong sabihin kay Zach qng aking rason, natatakot ako. Magalit na siya’t lahat-lahat, sanay na din naman ako, kaya bahala siya diyan.
Sabi niya naman na wife niya ako— alaga niya ako kaya ayos na rin iyon sa akin. Ngunit, nagtataka talaga ako. Ganun ba talaga pag-sinabing wife, nagugulat na? Siguro ’di lang sanay ang babaeng iyon na may lalaking nag-aalaga ng isang babae? Pero, sa kabilang banda baka sa akin nagulat ang babae at hindi sa wife na sinabi ni Zach.
Sa sumunod na araw ay sa salas ako ng bahay ni Zach naglalagi.
Palihim akong lumingon kay Zach na ngayon ay naglalakad sa pasilyo galing sa kanyang kwarto.
Napahawak ako sa aking dibdib nang mag-alburuto na naman ito. Malala na ba itong sakit na ito? Hindi ko alam pero ngayon habang naglalakad si Zach ay parang lumulutang ako at siya lang iyong nakikita ko. Iyong paraan niya ng pagtupi sa manggas ng kanyang suot ay parang kay gandang pagmasdan. Gwapong lalaki si Zach at makisig, at ngayon ko lang napagtanto na sobrang gwapo niya.
“Hey!”
Napakurap-kurap ako nang nasa harapan ko na pala si Zach at nakakunot ang kanyang noo. Tatanda itong madali.
“Ah… uh… aalis ka na?” Tanong ko at pinagdaop ang mga kamay ko sa aking hita.
“Oo, papasok ako sa trabaho ko kaya umayos ka rito.” Habilin na niya naman.
’Yan ang laging bilin niya sa akin kapag umaalis siya ng bahay. Nakakaumay nang pakinggan pero nakikinig pa rin ako. Saulo ko na nga iyan. Kaya napairap na lang ako at umiwas ng tingin sa kanya.
Hindi pa nga nagno-normal ang tibok ng puso ko. Dumagdag pa ang pabango niyang nanghahalimuyak. Parang nakakapang-akit? Mahabagin tulungan niyo po ako. Diyos ko, ilayo niyo po ako sa anuman itong nararamdaman kong tukso.
“Ano ’yang hawak mo?” Kinuha niya sa hita ko ang maliit na kwarderno. Nakita ko iyon malapit sa TV niya habang naglilinis ako kahapon, tatlo iyon at iyong isa ang naisipan kong basahin. Oo, alam ko kung paano magbasa pero mga simpleng Tagalog lang at mang-mang ako sa Ingles. Minsan naisip ko tuloy na magpaturo kay Zach. Magaling kasi siya sa Ingles.
“Ay… nakita ko iyan d’yan habang naglilinis ako.” Tinuro ko kung saan ko iyon nakuha. Lumingin naman siya doon bago bumaling sa akin.
“Kay ate siguro ito, nakalimutan niya lang.” Usal niya at binalik sa akin ang maliit na kwarderno. “By the way, alam mo ba ang tawag dito?” Itinaas niya ang maliit na kwaderno na kanyang hawak.
Umiling ako.
“It’s called Pocketbook.” Tumango ako sa kanya. Pocketbook, iyan pala ang tawag sa bagay na iyan.
Tinapon niya ito sa hita ko.
“Aalis na ako at kapag may katanungan ka tinuro ko na sa’yo kung paano mo ako matatawagan. At huwag kang magpapasok dito sa bahay. Kung may magdoorbell huwag mong pagbuksan dahil hindi naman ako nagdo-doorbell. Tandaan mo ’yan, babae.”
Umismid ako sa kanya. Pwede na kaya siyang umalis ang dami pang bilin saulo na nga iyon!
“Umalis ka na, Zach, alam ko na naman ang sinasabi mo.”
Pagak itong napatawa.
“Pinagtutulakan mo pa akong umalis sa sarili kong pamamahay, huh?”
Binaba ko na lang ang tingin ko sa pocketbook na nasa aking hita. Dapat umalis na siya para maging normal na ulit ang tibok ng puso.
“Hoy, nakikinig ka ba!?” Pinitik niya ang noo ko kaya napasimangot akong tumingala sa kanya. Kampante ako dahil ’di naman niya nakikita ang mukha ko.
“Oo na!” Pagalit kong wika.
“Tssk!”
Nang makaalis na Zach ay sinimulan ko na ang pagbabasa sa pocketbook. Sa simula ay tagalog lang ang mga letra doon kaya naiintindihan ko pa. Pero hanggang tumatagal ay kumukunot na ang noo ko dahil hindi ko na maintindihan ang mga iyon.
Zach’s POV
Abala ako sa pagr-review ng mga proposals dito sa opisina ko simula nang makarating ako. Kaya nang sumakit ang batok ko ay tumigil muna ako. Tumayo ako at saka kumuha ako ng tubig sa mini bar kitchen ko rito sa aking opisina. May bagong project na nakuha ang kompanya sa Cavite, isang 5 star hotel iyon kaya kailangan naming paghandaan iyon. I am a CEO in my own firm and an engineer as well. Sometimes, I do accept projects too pero pili lang.
Uminom ako at tumingin sa labas, kitang-kita ko ang nagtatayogang mga gusali sa paligid ng kompanya. Setting up a business is not easy. It’s risky and nothing is sure at first, but you need to take a risk and gamble. I was born rich despitemy parents influence and money, I started from scratched time after what happened to me in Apayao. It makes me realize a lot. That life is not certain. You are not certain of when was your last day in this land. That’s why you have to live your life to the fullest. One thing is certain in this land, and it is death. And it is not inevitable. What happened to me in Apayao changed my life so much!
Muntik ko nang maibuga ang tubig sa bibig ko nang may biglang may bumatok sakin.
Tang*na!
“Lalim ng iniisip natin, ah, “di mo kami naramdamang pumasok dito.”
Nilapag ko basong hawak ko at tumingin sa aking mga kaibigan nactatambay na naman dito sa opisina ko. Mga walang magawa sa buhay. Nakita kong nandirito si Oliver, ang pinakamatanda sa amin, tapos si Francis at syempre ang pinakama-ingay at ang nambatok sa akin si Nic.
Nakakapagtaka na nandirito si Francis. Celebrity kasi ang isang ito at sobrang hectic ng schedule niya kaso mukhang napilit ni Nic na dalhin dito. Si Oliver naman ay doctor, a general surgeon to be exact, kaya hindi na nakakapagtaka na busy din siya ngunit nandirito din kahit halata ang pagod at walang tulog. Si Nic ay isa ring engineer his working under my firm albeit his parents have their own businesses. But I know one day aalis din siyr dito dahil kailangan niyang patakbuhin ang sarili nilang kompanya.
“Anong ginagawa ninyo dito?” Banas kong tanong sa kanila. Sinira nila ang pagmuni-muni ko.
“Tang*na mo, Androilan, hindi ka na sumisipot sa mga inuman natin tapos iyan pa ang sasabihin mo?” Si Nic at umupo sa tabi ni Francis na ngayon ay nahalata kong may malaking problema. Tssk, showbiz? Or lovelife?
“Oo nga, Zach, bakit ka nga ba tumatanggi sa mga bar hopping natin.” Oliver, who was agreeing with what Nic said.
“I told you. I’m a busy man.” I answered, but actually, it’s a lie. Kaya ako tumatanggi sa kadahilanang ayaw kong maiwan sa bahay mag-isa si Mira dahil alam ko kung paano mag-inuman ang mga ito halos tulugan na ang bar.
“Busy my ass!” Asik ni Francis. Umupo ako sa harap nila. Kinuha ni Francis ang bote ng wine sa table na napapagitnaan namin. Nagsalin sa baso sa Francis at si Nic naman ay isa-isang pinasa ang mga basong may lamang wine.
Kailan pa sila nakakuha ng wine? Masyado na ba akong lutang kanina?
“Wala ka bang show, Francis?” Tinanggap ko ang baso na binigay ni Nic.
“My contract is already expired at hindi na ako nag-renew ng contract dahil uuwi akong Isabela. “
Natigil sa ere ang baso ko dahil sa sinabi niya. Simula ng magcollege si Francis ay hindi na siya umuwi sa Isabela, his hometown, because of a certain woman that broke his heart. Mali pala, one time pala nauwi siya sa Isabela at kasama kami nun. Kaya nagulat ako na babalik na siya doon at ititigil niya ang pagbabanda niya. Damn, I am really missing something, dahil kay Mira.
Nakita kong hindi na nagulat si Nic at Oliver sa sinabi ni Francis. So, ako lang ang walang alam dito?
“Damn, I thought hindi ka na babalik doon?” I asked.
“My father is sick, Zach, at kailan siyang operahan sa ibang bansa. Walang naiiwan sa ranch niya kaya ako muna ang magpapalakad doon.” Nilagok niya ang wine.
“What about the woman?” Usisa ko na naman.
“She already left there a long time ago, and I don’t care about here anymore.”
“Damn it, alam na ng mga ito ang desisyon mo na yan?” Tanong ko at tumango si Francis.
“’Yan kasi hindi ka na sumasama sa amin. Nagmumukmok ka na lang sa penthouse mo.” Ani naman ni Oliver.
Nilagok ko ’yung wine.
“May inuuwian ka siguro sa penthouse mo, ’no?” si Francis.
“Fu*k!” Mura ko dahil muntik ko nang maibuga ang wine na nasa bibig ko.
“Oi, napaghahalataan ka, ah.” si Nic.
“Tang*na tumahimik ka, Nic, kung ayaw mong baliin ko ’yang leeg mo.” Pagbabanta ko sa gago na ngayon ay tumatawa.
“So, ano meron ka ngang inuuwian?” Umusisa pa si Francis. Parang nawala ang problema niya kanina.
“W-wala, kaya tumigil kayo!” Asik ko sa kanila.
“Bakit ka nauutal?” Pinukol ko ng matalim na tingin si Nic. Napatingin naman ako kina Oliver at Francis na ngayon ay ngumingiti ng nakakaloko sa ’kin.
Mga gago!
“Okay, wala ka namang kasama sa penthouse mo, ’di ba?” Itinaas ni Francis ang kilay niya at itinungkod ang siko sa kanyang tuhod at seryosong tumingin sa ’kin ngunit may ngising nakakubli doon. Alam kong may pinaplano ang mga ito. “Doon muna ako sa inyo bago ako umuwi sa Isabela.” Doon ako na alarma sa sinabi niya.
Damn!
“Hindi pwede!” Diretsong sagot ko. Akala nila maiisahan nila ako. “May condo ka Dela Cruz kaya ’wag mo akong ginagago.”
Anong akala niya sa ’kin, tanga?
“Dude, nakikitira na lang ako sa condo ni Nic dahil kasama sa contract ko iyung condo na binigay ng management sa akin. Kaya ngayong hindi ko ni-renew iyong kontrata. I have nowhere to go. Ayaw ko sa condo ni Nic amoy sperm niya ang buong condo.”
“Alam kong afford mo ang mga mamahaling condo at hotel dito.” Natatawang anang ko kay Francis.
Gusto lang ng mga ito na pumunta sa penthouse ko.
“Umuwi ka na lang sa Isabela, gusto mo pa ihatid kita roon.” Pagbubuluntaryo ko.
“Tssk, ihahatid ko muna si Papa bago ako uuwi roon.” si Francis.
“Bahala ka, doon kina Oliver, doon ka sa mansion nila. May maraming libreng rooms doon. Huwag kang makipagsiksikan sa penthouse ko.” Pagmamatigas ko.
Nakita kong may tinatawagan si Oliver sa telepono niya at nakakunot ang noo.
“Ano wala bang sumasagot?” Tanong ni Nic kay Oliver.
“Sinong tinatawagan mo d’yan, Oliver?” Kuryusong tanong ko.
“Tinatawagan ang landline ng penthouse mo.”
Nataranta ako at mabilis na hinablot ang cellphone ni Oliver sa kamay nito.
“Bakit mo tinatawagan, eh, nandito ako. Malamang walang sasagot.”
“Eh, bakit natataranta ka? Alam naming may nangyayari na sa’yo na ’di namin alam, Zach.” Seryosong wika ni Oliver.
Huminga ako ng malalim, wala talaga akong maililihim sa mga ito. Pero naman kasi, iuuwi ko rin naman si Mira sa bundok na pinanggalingan niya. That’s why I don’t see any reason na sabihin ko sa kanila ito.
It’s futile.
Pero nakita ko na lang ang aking sarili na kasama ang mga kaibigan ko na paalis sa aking opisina. At pupunta kami sa penthouse ko.
THIRTEEN
Chapter Thirteen
Zach’s POV
Si Francis ay sumabay sa akin, dahilan niya, naririndi raw siya siya sa kadaldalan ni Nic kaya dito siya sa ’kin sumabay. Si Nic ay dun na sumakay sa kotse ni Oliver dahil wala daw siyang pang-gas. Wala pa raw siyang suweldo. Totoo naman iyong wala pang suweldo ngunit hindi ako naniniwala na wala iyong pera. Ang mukhang iyong ni Nic ay ’di naman mukhang naghihirap sa pera dahil lahat ng gamit designer, branded.
Tahimik lang kami ni Francis sa kotse, hula ko ay minaman-manan nito ang kilos ko. Alam kong problemado rin ang isang ito dahil sa papa niya. Alam ko ring nahihirapan siya na iwan ang banda dahil matagal na siya doon at napamahal na siya sa music.
“I wonder kung bakit ’di mo sinabi sa ’min na may binabahay kana pala. Babae o lalaki?” Biglang tanong niya kaya saglit ko siyang tiningnan bago muling itinuon ang atensyon sa daan.
“’Di naman mahalaga iyon.” I said nonchalantly at ’di ko siya sinagot kung babae ba o lalaki ang nasa bahay ko.
“Don’t you dare say that to me, Androilan. Yeah, we’re not childhood friends like what you have on Nic and Oliver, but I know you, dude. ’Di ka nagpapatira ng kung sino sa penthouse mo.” He trailed. “Alam mo, matagal na kaming nagdududa sa’yo na may nililihim ka sa amin. Ayos lang naman iyon sa amin dahil kahit nga ako o sila Nic at Oliver, I know may tinatago rin ang mga gagong iyon. Pero ’yung ’di mo pagsipot sa amin nang walang maayos na dahilan ay nagtataka na kami.”
“I’m sorry, I know that dude—.”
Naputol ako sa aking pagsasalita nang mag-ring ang telepono ni Francis. Nakita kong mabilis niya itong sinagot.
“Oh,” sagot niya.
“Huh… baka mali tayo mga gago… yeah… sabagay… sige maghintay na kayo d’yan… oo malapit na kami.” Pagkakausap nito sa kanyang katawagan.
“Sino ’yon?” Tanong ko at tiningnan siya saglit.
Bumaling si Francis sa ’kin.
“Wala raw kasing bumubukas sa penthouse mo. Pinagloloko mo ba kami, Zach? Pwede mo namang sabihin na wala kang inuuwian, eh, o binabahay. Damn, nasasayang ang oras namin dito.” Bulong nito kaso narinig ko naman.
Natawa na lang ako. Ang mga gago ang bilis nakarating sa penthouse ko. Natatawa rin ako dahil sumunod si Mira sa sinabi ko. Hmm, mabait na bata. I must reward her for being so obedient.
“Tang*na!! Nakakatakot ka na, Zach, ngumingiti ka nang mag-isa.” suway ni Francis sa akin.
I just gave him a smirked.
Pagdating namin sa floor kung saan ang penthouse ko ay nakita ko si Oliver nakasandal sa gilid ng pintuan at si Nic naman ay pindot nang pindot sa doorbell. Nakita kami ni Oliver na naglalakad papalapit sa kanila kaya may sinabi siya kay Nic dahilan pata napabaling sa amin si Nic at tinigil ang ginagawa.
“’Bat ang tagal ninyo?” Parang pagod na pagod na usal ni Nic.
Lumapit ako sa pintuan pero ’di ko muna iyon binuksan. Natatawa akong bumaling sa kanilang tatlo na parang pinagtaksilan ko sila.
“Mukhang wala namang tao sa loob. I guess our assumptions is wrong this time.” Walang ka buhay-buhay na saad ni Nic. Ang dramatic ng gago!
“Yeah, now that you all proved it wrong, pwede na siguro kayong umalis?” Kampante ako na pupunta kami rito dahil alam kong atat na atat itong si Nic na pumunta. Kaya sinasadya ko ding bagalan ang pagpapatakbo para mauna sila rito at magdoorbell. Pero binalaan ko si Mira at buti na lang ’di niya talaga binuksan ang pintuan. Nahuhulaan kong natatakot na ang babaeng iyon sa loob.
“Sinayang mo ang oras ko rito Nic may duty pa ako!” Pangsisisi ni Oliver kay Nic. Lumaylay ang balikat ni Nic dahil sa pagkadismaya.
Pero sabay kaming napalingon sa pintuan nang bumukas ito. Nakita kong dumungaw si Mira doon at nang makita niya ako ay lumabas siya.
Tang*na! Putangina!
“Zach,” saad niya at lumapit sa akin. Ngunit nang makita niyang may ibang tao dito sa labas ay napakapit siya sa braso ko. Binalik ko ang tingin ko sa mga kaibigan kong laglag ang mga panga sa nakita nila. Napapikit na lang ako. Ang bilis ng karma! Puta!
Mira’s POV
Kanina pa ako palakad-lakad dito sa loob ng pamamahay ni Zach. May nagdo-doorbell kasi at kanina pa iyon. Natatakot na ako dahil ako lang mag-isa rito at wala si Zach. Paano kung masamang tao ang mga iyon? ’Di ko pa naman iyon kilala.
Sinilip ko sila doon sa maliit na parang butas para makita kung sino iyon pero ’di ko pa talaga nakikita ang mga taong iyon. Mukhang namang ’di masamang loob iyon kasi ang mukha ng taong nasa labas ay gwapo naman… magandang lalaki rin kagaya ni Zach. Pero syempre higit na mas gwapo sa paningin ko si Zach. Iniisip ko palang si Zach ay umiinit na ang mukha ko. Hinila ulit ako ng aking ulirat nang nagsimula na namang tumunog ang doorbell. Kaso ’di ko pa rin iyon bubuksan gaya ng sabi ni Zach.
Ilang saglit ay natigil din iyon kaya nakahinga ako nang maluwag. Sumilip ulit ako doon sa maliit na butas mayamaya. Nanlalaki ang mata ko nang makita kong may lalaking nakatalikod sa pintuan at base sa tindig niya ay mahuhulaan kong si Zach iyon. Kaya ang ginagawa ko ay binuksan ko ang pintuan at dahan-dahan kong dinungaw ang aking ulo doon sa siwang at nang makumpirma kong si Zach nga, lumabas ako.
“Zach.” Tawag ko kay Zach.
Lumapit ako sa kanya. Magsusumbong sana ako sa kanya na may taong pumunta rito sa labas ng pamamahay niya. Ngunit naramdaman kong may ibang tao maliban sa amin. Lumaki ang mata ko nang makita ko ang lalaking nagdo-doorbell dito. Sa takot ko ay napakapit ako sa braso ni Zach.
Nandito kami ngayon sa sala at napapalibutan ako ng tatlong nag-gagandahang lalaki. Seryoso ang mga mukha nilang nakatingin sa akin. Hinagilap ng mata ko si Zach pero ’di pa siya nakakabalik mula sa silid niya. Ngayon lang ako nainip kakahintay kay Zach. Nanginginig pa ang mga kamay ko dahil sa presensya ng mga lalaking nandirito.
Iyong isang lalaki na maputi at matangkad ay nakasuot ng salamin pero ’di iyon kabawasan sa kagwapuhan niya. Iyong isa naman na nasa gitna ng kinauupuan nila, hula ko na pareho siguro sila ng trabaho ni Zach dahil minsan ay ganon rin ang kasuotan ni Zach. At iyong isang lalaki naman ay may bagay na kumikinang sa tenga niya. Nararamdaman kong may mabigat na dinadaanan ang lalaking ito… may bumabagabag sa kanya. Ewan, mahirap siyang ipaliwanag.
“Anong pangalan mo?” Biglang tanong nang lalaki sa gitna. Napaayos ako ng upo at pinagdikit ang aking mga binti. Nilagay ko rin doon sa ibabaw ng tuhod ko ang aking kamay para mabawasan ang panginginig no’n.
“A–almira,” nangingig din pala ang boses ko.
“A–almira ang pangalan mo?” Ulit niya.
“Ahh… hindi… uh… Almira, ’yan ang pangalan ko. Hindi A–almira.” Pagtatama ko naman rito.
Nagulat naman ako nang humagalpak siya ng tawa at tumayo. Naranta ako nang lumapit siya sa ’kin at umupo sa tabi ko. Tumingin siya ng maigi sa akin, kaya mapausog ako papalayo sa kanya. Natatakot ako.
“Damn, you’re scaring her, Nic.” Usal ng lalaking nakasalamin. Saglit na bumaling ang lalaking lumapit sa akin na nagngangalang Nic.
“She’s not used to my hotness, dude. Kaya ganyan ang reaksyon niya.” ani ng lalaki sa tabi ko.
“Tss,” sagot lang ng lalaking nakasalamin.
“So Almira, how long do you live here?” Ingles ng lalaking may makinang na bagay sa tenga niya.
“Huh?” Takang tanong ko dahil hindi ko siya naintindihan.
“Dude, she did not understand you.” Sabi ng lalaki sa tabi ko. Napatingin ako sa kanya at nakita kong nakatingin din siya sa akin. “Ang sinabi niya, gaano ka na raw katagal dito?”
Napatango ako sa kanya mukha naman palang mabait at mauunawain ang isang ito. Kahit mukhang pilyo. “Mag-iisang buwan na.” Sagot ko at tumingin sa kanila.
Nakita kong sabay-sabay silang tumango.
“And this is the right answer to our question. Kaya naman pala.” Ani ng lalaking nakasalamin. “Bakit ganyan ang suot mo?” Pahabol niyang tanong.
“Ah… bawal kasing makita ang mukha ko.”
“WHAT?” sabay-sabay nilang Ingles.
“Para manatili akong banal at karapat-dapat kaya ganito ang sinusuot ko.” Pagpapatuloy ko.
“Lahat ba ng babae o lalaki ay ganyan manamit sa lugar ninyo?” Tanong ulit ng lalaking nakasalamin.
Gumaan ang pakiramdam ko nang ’di ko nakita ang pandidiri sa mata nila sa akin. Kahit kanina ’di nila ako tiningnan ng kakaiba o nakakadiri. Hindi kagaya ng ibang taong nakikita ko dito na mapanghusga. Gaya ni Zach no’ng una niya palang akong nakita.
Mabilis akong naging komportable sa kanila dahil sa kagandahan ng loob nila. Sana makakita ang mga lalaking ito ng babaeng mamahalin sila ng totoo o ’di kaya’y mahanap na nila ang taong mamahalin sila ng tunay. Hindi man sila iyong pinakamabuting tao sa balat ng lupa pero alam kong may magagandang puso din sila.
“Hindi ako lang,” sagot ko.
“That’s very unfair to you, Almira.” Ingles ng lalaki sa tabi ko. “Ah, ako nga pala si Nic, ang pinakagwapo sa amin.” May pagkamahangin din pala ang lalaking ito. Natawa ako ng palihim.
“Ako naman si Francis.” saad ng lalaking may makinang na bagay sa tenga niya at ngumiti. Mas bagay sa kanya ang nakangiti. Sobrang gwapo niya rin talaga.
“Oliver… ’yan ang pangalan ko.” ang lalaking nakasalamin.
Ngumiti ako sa kanilang lahat. “Masaya akong makilala kayo. Mga kaibigan ba kayo ni Zach?”
“Ay, tang*na ’di pa pala tayo nababanggit ni Zach sa binabahay niya.” Komento ni Nic.
“Oo, Almira, mga kaibigan niya kami.” Si Oliver na ang sumagot sa tanong ko.
“Paano ka napunta rito, Almira?” tanong ni Francis.
Hindi ko naman ugali na magsinungaling sa kapwa tao kaya napakwento na lang ako sa kanila. Kinwento ko sa kanila kung paano ako nakarating dito pero hindi ko sinabi kung saan ako galing at ang dahilan kung bakit ako nandito. Sinabi ko lang na dinala ako ni ama rito para may pansamantalang matitirhan at sinabi ko ding magkaibigan si ama at si Zach.
“Alam mong ikaw palang ang taong nakakatira dito ng sobrang tagal?” Ani Nic.
“Talaga?” Di makapaniwalang saad ko.
“Totoo at masaya akong may babae na ulit na malapit kay Zach.” Sinserong sabi ni Francis. “Di ko alam kong ano ang meron sa’yo at natatagalan ka ni Zach pero masaya ako. Maybe you’re the solution to his problem.”
Di ko man naintindihan ang sinabi niya pero ngumiti pa rin ako sa kanya. Magsasalita na sana ako nang dumating si Zach at lumapit sa kinuupuan namin ni Nic. Umupo siya sa gitna namin ni Nic.
“Anong ginawa ng mga ito sa’yo?” Bulong niya sakin.
Napayuko ako dahil di ang inaasahan ang paglapit niya sa akin. Napalunok ako. Siya lang talaga ang lalaking nagpapabaliw ng tibok sa puso ko.
“Bulong ba iyon, eh narinig namin. Wala kaming ginawa kay Almira.” Ngumingising sabi ni Oliver.
“May utang kang paliwanag sa amin, Zach.” Striktong saad ni Francis. Ano naman kaya ang utang ni Zach na paliwanag sa kanila?
“So, ito ang tanong ko ngayon, tutal nandito na si Zach at nandito rin si Almira kaya alam kong masasagot ninyo ito. Imposible naman na ang isang lalaki at babae ay nakatira sa iisang bubong at ’di magkaanak tapos walang something, ’di ba?” Tumigil saglit si Nic tapos ngumisi siya sa amin ni Zach. “Ano na talaga kayong dalawa? Anong label?”
Hindi sumagot si Zach kaya ako na lang ang sumagot kasi alam ko naman kung ano kami.
“Ah, wife niya ako.” Nakangiting sabi ko sa kanilana may pagmamalaki.
Nakita ko kung paano lumaki ang mga mata nila sa akin. At laglag ang panga na nakatingin kay Zach na ngayon ay nanlalaki din pala ang matang nakatingin sa akin.
Anong mali sa sinabi ko? Totoo naman iyon wife niya ako. Anong nakakagulat doon sa sinabi ko?
FOURTEEN
Chapter Fourteen
Mira’s POV
Nakita ko kung paano naglaglagan ang mga panga nina Nic, Oliver at Francis maging si Zach dahil sa sagot ko. Nakakapagtaka. Hindi ba sila sanay? Totoo naman na wife ako ni Zach, siya pa nga ang nagsabi sa ’kin no’n.
“Zach, bakit ganyan ang reaksyon nila?” Di ko mapigilang magtanong kay Zach sa tabi ko.
Pero nang tingnan ko si Zach ay napangiwi naman ako dahil pinandidilatan niya lang ako sa magaganda at maabelyana niyang mata. Minsan gusto ko tuloy’ng hawakan ang pisngi ni Zach pero parang bawal iyong gawin dahil sa sobrang kinis niya.
“Minsan talaga gusto kong busalan ’yang bibig mong babae ka!” Napaigtad naman ako nang bigla niyang inilapit ang mukha niya sa tenga ko at gigil na bumulong.
“Zach.”
“’Bat mo iyon sinabi?!” Lumalaking mata niyang tanong sa akin. Nagpipigil siya sa kanyang boses.
Hindi ko alam kung bakit para kaming tanga dito na nagbubulungan.
“Totoo naman Zach na wife mo ako, ikaw ang nagsabi no’n. Gago ka ba!” Naiinis na ako dahil siya nga sabi ang nagsabi no’n sa akin tapos makakalimutan niya! Gago talaga!
“Tang*na, saan mo natutunan ’yan?!” Kung kanina ay para kaming baliw kung magbulungan, ngayon ay nagsisigawan na kami kahit sobrang lapit na namin.
“D’yan at d’yan.” Turo ko sa TV at pocketbook. Doon ko kasi nabasa iyon at minsan ko na rin iyang narinig sa TV habang nanonood ako. Naiinis nga ako dahil ’di ko matapos iyong isang pocketbook dahil hindi ko maintindihan ang ibang ingles. Sa susunod magbabasa ako nang nandito si Zach para maitanong ko kung ano iyong mga ingles na ’yon dahil magaling naman siya sa ingles.
“Wag mo akong minumura, Zach!” Mabilis kong wika.
“At nagsabi pa ang babaeng sinabihan akong ‘gago’?!” Bwelta niya.
“Eherm!”
“Nakakainis ka na kasi! Ikaw lang ang nagsabi na wife mo ako. Nakalimutan mo na ba?” Naipadyak ko ang paa ko sa inis.
“Eherrm!” Ngusong napatingin ako kay Nic. Inuubo ba ito? Kanina pa kasi siya ehermm nang ehermm.
“Inuubo ka ba, Nic? Gusto mo ba ng tubig?” Nag-aalalang tanong ko.
“Damn!” Tanging usal niya at humagalpak sila ng tawa maliban kay Zach na ngayon ay nakasimangot.
“Wife ka pala ni Zach, Almira?” May diing tanong ni Oliver at pinipigilan niya ang tawa.
“Uhmm.” Tumango ako at sana naniniwala sila sa akin.
“Ano pala ang pagkakaintindi mo sa wife, Almira?” Si Francis.
“Wife, na alaga ako ni Zach, siya kasi nagsabi no’n sa akin.” saad ko.
“Fuck, iba na pala ang ibig sabihin ng wife ngayon, ’no?” Tumatawang wika pa ni Nic. Napatingin naman ako kay Zach na ngayon ay namumula na ang mukha.
Hala! May sakit din ba ito? Nahawa ba ito kay Nic?
Hahawakan ko na sana ang noo niya para malaman kong may lagnat ba siya o wala nang bigla niyang tampalin ang kamay ko. Napangiwi ako sa sakit dahil nung ginawa niya.
“Pumunta ka muna sa kwarto mo.” si Zach.
“Huh?” sambit ko.
“Wag mo akong ma-huh-huh, ang sabi ko pumunta ka muna sa kwarto mo!” Bulyaw ni Zach na para bang punong-puno na siya sa akin.
Hindi ko alam kong bakit naninikip ang dibdib ko dahil sa inasal niya. Kanina maayos naman kami kahit nagsisigawan pero, bakit ganito yung nararamdaman ko? Nasasaktan ako. Nakita ko ring natigilan ang mga kaibigan niya dahil sigaw niya. Nanunubig na ang mata ko pero bago pa ako maiyak sa harapan niya ay mabilis akong tumayo at tumakbo patungo sa silid ko. Hindi ko alam kung nakita ba mga kaibigan niya ang pagtulo ng luha ko pero wala akong pakialam.
Zach’s POV
Napapikit na lang ako nang tumakbo si Mira sa kwarto niya. Naiinis ako sa aking sarili. Bakit ko ba sinabi iyon sa kanya? Alam kong may pagkatanga na si Mira minsan pero alam ko rin na hindi makakalimutin at mabilis matuto ang babae. Higit sa lahat pinaniniwalaan niya ang mga sinasabi ko, I mean mabilis siyang maniwala. Di ko siya masisi kung bakit niya iyon sinabi. Pinaalis ko siya dahil ayaw kong gisahin pa kami o siya lalo ng mga kaibigan ko. Natatakot ako, baka kung ano pa ang masabi ng mga ito sa kanya.
“You don’t have to treat her like that, Zach.” I opened my eyes when I heard Oliver speak. I can sense a serious tone coming from him.
“What do you mean?” My brows arced as I asked him.
“You don’t have to shout at her. She cried, you idiot!” Oliver barked.
Minsan lang magalit itong si Oliver at ngayon alam kong galit na galit na siya sa tono ng pananalita niya. Ano ba ang ikinagagalit niya? Why is he worrying about Mira? At umiyak si Mira?
Hindi ko pa yata iyon nakitang umiyak. Ay mali, umiyak na pala iyon. Pero matigas yun, natatakot yun pero hindi umiiyak ng ganun lang, ’di ba?
“She cried?” I asked.
“Yeah.”
I know why Oliver is acting this way. He’s a mamas boy, and he cares for every woman, I think. He doesn’t want to see a woman crying or being abused. Swerte ang babaeng mamahalin nito. I know that his mother before had an affair, but that doesn’t take his love from his mother.
“Sanay na si Mira na sinisigawan ko at sanay na kaming magsigawan, so what’s new?”
“She’s nice, Zach.” Francis butted in.
“True enough, and she’s funny too.” Nic seconded Francis.
“Hindi niyo siya nakakasama kaya ganyan kayo magsalita sa kanya at ngayon niyo lang din siya nakilala. Kaya ako na nakasama niya alam ko kung ano talaga siya.” I defended.
“Sinabi mong nagsisigawan kayo, eh, baka lang ang sumisigaw. O baka sumisigaw na rin siya dahil sa’yo. Dude, she may seem tough and strong, but she is she, babae pa rin yun nasasaktan din iyon. What’s more, nandito siya sa bahay mo… nang kaibigan ng ama niya at di ka niya kilala. Maybe that’s her defence mechanism. But I’ll tell you she’s nice. And I like her.”
Lahat ng sinabi ni Oliver ay pumasok sa isip ko. Totoo ang mga sinasabi niya kaya siguro nagsisigawan din kami dahi. sinisigawan ko siya. Pero kasi hindi ako sanay ng may kasama sa penthouse ko. Kaya siguro naninibago ako. I hate to admit it, but Oliver got a point that Mira doesn’t know me, and this place is all new to her. What Oliver said wakes me up. Ang hindi ko lang matanggap na sinabi niyang gusto niya si Mira. Ako ba niloloko ng gagong ito! Kakakilala niya lang sa tao. And Mira is too young for him, magkaedad lang kami. No, he is way older than us, and Mira is nineteen for god’s sake!
Is he insane!?
“Ako ba ay ginagago mo, Oliver.” I gritted my teeth in annoyance.
“Call me gago, but like I told you, I like her.” He eyed me.
If look can kill kanina pa pinaglalamayan itong si Oliver dito. Kaibigan ko siya, but I don’t think nababagay siya kay Mira and Mira cannot marry to someone like him. She has to remain clean and pure. I know that.
“You can’t be serious.” I laughed a bit, my voice tremble.
“I’m dead serious here, Zach.” He said, and he stood up. Tumayo din ako. In my peripheral vision, I saw how Nic and Francis panic looking us. “Aalis na ako sobrang late ko na sa duty ko, but I’m still thankful. Nakilala ko si Mira.” He said and walked out.
A long silence enveloped us after Oliver’s grand exit.
“Wow, si Oliver ba yun?” Nic broke the silence.
“This is getting interesting, but sadly, I’m leaving.” Francis said while hiding an evil grin.
Hindi ko alam ang pinagsasabi ng mga ito. Ang alam ko lang ngayon ay hindi ko gusto ang mga pinagsasabi ni Oliver.
Damn it!
FIFTEEN
Chapter Fifteen
Mira’s POV
Simula nang mapadpad ang mga kaibigan ni Zach dito sa bahay niya, tila bumalik kami sa dati ni Zach na walang imikan. Magkasama kaming kumain pero walang imikan. Nagkikita pero walang pansinan. Hindi na niya rin ako pinagsasabihan ng mga paalala niya bago siya umaalis sa bahay. Hindi naman ako galit sa kanya at wala din akong rason para magalit sa kanya. Lalong wala akong rason para iwasan siya. Inaamin kong nasasaktan ako dahil sa pakikitungo niya sa akin ngayon ngunit mas pipiliin ko pang nagsisigawan kami kaysa ganito. Nung napagtanto ko na may nararamdaman ako para kay Zach, gusto ko na ayaw niya akong kausapin pero ngayon na tinupad na ang may kapal ang hiling ko. Gusto ko nang bawiin iyon. Hindi ko kayang di kami nag-uusap.
Nandito ako ngayon sa sala ng bahay niya, nanood ng TV pero wala ang utak ko doon. Akupado ni Zach ang utak ko ngayon.
“Mira.”
Napatayo ako dahil sa unang pagkakataon simula nung nakaraang linggo ay ngayon niya lang ako tinawag.
“Zach.” Nakita kong bihis na bihis siya ngayon. May lakad ba siya?
“Aalis tayo.”
“Saan, Zach?” Takang tanong ko.
“Sa ama mo.” Walang nagbago sa ekspresyon ng mukha ni Zach. Nanatili iyong seryoso at malamig.
Hindi ko alam kung saan kami papunta ngayon ni Zach dahil hindi na din naman ako nagtanong pa sa kanya dahil ramdam ko pa din na ayaw niya akong kausap. Seryoso siyang nagmamaneho nitong sasakyan niya. Mahaba-haba na din ang nababyahe namin tapos hindi pa din kami nakakarating kung saan man kami patungo.
Nagugutom na din ako dahil nag-almusal lang kami sa bahay niya tapos hanggang ngayon di pa rin kami kumakain. Biglang tumunog ang tiyan ko. Napahawak na lang ako sa tiyan ko at sumulyap kay Zach.
“Gutom ka na? Bakit di mo sinabi?” Tumigil siya saglit at tumitingin sa paligid na parang may hinahanap. “Dun na lang sa unahan may fastfood doon drive-thru na lang tayo.”
Tumango ako sa kanya.
Habang kumakain ako, di ko mapigilang sumulyap kay Zach na hindi kumain ng binili niyang pagkain. Isang bucket daw ito ng manok. Masarap kaya nilantakan ko na pero siya hindi pa kumakain.
“Gusto mo.” Sabay alok ko sa kanya ng isang manok.
“Subuan mo ako.” Ngumisi siya.
“Huh?”
“Huh?” Ginaya niya ako.
“P–pwede mo namang itigil ang sasakyan at kumain ka.” Suhestiyon ko.
“Mahaba ang byahe, Mira.”
Pakiramdam ko ay unti-unti nang naging normal ang pakikitungo niya sakin. Mapangiti na lang ako. Sana tuloy-tuloy na ito.
“Uh… ano pa lang tawag sa ganitong pagkain? Ang alam ko lang ay manok ito.” Pag-iiba ko sa usapan.
“Fried chicken… masarap ba?” Saglit siyang tumingin sakin.
“Oo, masarap,” sabi ko at kumagat sa fried chicken pala ang tawag sa kinakain ko. Natigilan ako nang napagtanto kong iyon pala yung fried chicken na inalok ko sa kanya. Malapit na iyon maubos dahil sa katakawan ko.
“Uh,” sabay subo ko sa kanya nung fried chicken. Nakita ko kung paano bumaba ang tingin niya doon bago. Binuka ang bibig para kumagat.
Nakita ko kung paano gumalaw ang panga niya habang nginunguya ang pagkain sa bibig niya. Mula sa kinauupuan ko, kitang-kita ko ang magandang mukha niya. Mula sa makapal niyang kilay na hulmang-hulma, ang pisngi niyang makinis, pababa sa matangos niyang ilong, at sa mapupulang labi niya. Napaiwas ako ng tingin nang maramdaman kong uminit ang pisngi ko. Grabe talaga ang epekto niya sa akin. Wala siyang ginagawa pero ganito ang dating niya!
Tumigil na ang sasakyan niya at bumaba siya. Pinagbuksan niya ako ng pintuan.
“Anong ginagawa natin dito?”
Ngayon ko lang napagtanto na nandito kami sa Apayao. Sa lugar ng pinagmulan ko.
“Iuuwi mo na ba ako, Zach?” Di ko mapigilang magtanong.
“Kung pwede ka nang umuwi ay mas makakabuti, pero depende kay Mang Arman. Nandito tayo para makipagkita sa ama mo. Para masiguro ko rin na hindi ka talaga niya iiwan sa puder ko at ito yung kondisyon ko kay Mang Arman, Mira. Kailangan nating makita siya o magkita kayo para makasiguro na di ka niya iiwan sa akin.”
Nasasaktan ako. Ewan ko, di ako nasasaktan dahil sa ideyang maaring makauwi na ako pero nasasaktan ako dahil pakiramdam ko ayaw talaga ako ni Zach sa pamamahay niya. Ngunit, kailan niya ba ako nagustuhang tumira sa kanila? Ayaw ako ng taong gustong-gusto ko.
At nasasaktan ako.
Tumalikod si Zach at pumasok sa isang ’di kalakihang gusali. Sumunod ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit pero nang maisip ko na uuwi na ako sa amin ay nalulungkot ako. Oo, gusto kung makauwi at makasama si ama pero ngayon ay nalulungkot ako. Iisipin ko lang na iiwan ko si Zach at di na siya makikita ay nasasaktan talaga ako. Sa sandaling panahon na nasa bahay niya ako, nagustuhan ko na rin doon. Di man naging madali sa akin at hindi man naging mabuti ang pakikitungo ni Zach sa akin, gusto ko na rin doon sa bahay niya.
Nakaupo kami ni Zach sa silya dito sa loob ng gusali at hinihintay si ama. Nakita ko kung paano ako tingnan ng mga tao dito sa loob. Mismong sa pag-upo ko ay pinagmamasdan nila. Nakakailang pero nasasanay na ako na pinagtitinginan na parang bang isa akong tao na may makakahawang sakit na kailangan nilang iwasan.
“Nag-order ako ng makakain kung sakaling gutom ka kumain ka na lang.” Sabi niya ng dumating ang pagkain. Nawala ang isip ko sa mga taong nakatingin sa amin. At muling namayani sa isip ko na maaaring ito na ang huli naming pagkikita. Paano ang mga damit ko sa bahay niya?
Wala sa sariling tumango ako kay Zach.
“Mira, anak.” Ilang sandali palang ay narinig ko ang boses ni ama sa likod ko.
Napatayo ako at lumingon para kumpirmahin kung totoo ba talaga iyon at di ako nagkakamali, ang ama ko nga. Tumayo ako. Tinakbo ko ang maliit na pagitan namin ni ama. Sobrang nangungulila ako sa ama ko.
“Ama.” Tanging usal ko at dumaloy ang luha sa aking pisngi.
Kumalas siya sa pagkakayap.
“Aalis muna ako Mang Arman para makapag-usap kayo.” Biglang sabi ni Zach sa gilid namin.
Tumango si ama . “May sasabihin din ako sa’yo, Zach.”
Tumango si Zach at umalis.
Umupo si ama sa upuan na iniwan ni Zach. Hindi ko napansin kanina ang hitsura ni ama pero ngayon na magkaharap kami ay sobrang laki ng pinayat niya at halatang wala siyang tulog dahil sa pagid nung mata niya.
“Ama, ayos lang po ba kayo? Kumusta si Edna doon? Sina Tiyo po, si Tonio?” Nag-aalalang tanong ko kay ama. Pero base sa ekspresyon ng mukha ni ama ay nahuhulaan kong hindi pa din maayos doon at hindi pa rin ako pwedeng umuwi sa amin.
“Anak, pasensya na kung sa ganitong paraan kita mapoprotektahan. Ayos lang sa akin na ako ang masaktan, wag lang ikaw. Ayos lang sa akin na ako ang magdusa sa kasalanang nagawa ko, huwag ka lang madamay, anak. Tandaan mo mahal na mahal kita, anak.”
Uminit an mga mata ko sa mga pinagsasabi ni ama. Hindi ko alam kung bakit niya ito sinasabi sa akin ngayon.
“Pasensya na, anak, nang dahil sa kasalanan ko ay nadamay ka pa. Patawad, anak.” Umiiyak si ama habang nagsasalita at nasasaktan ako sa nakikita ko. Bakit humihingi siya ng tawad sa akin? Ako dapat ang humingi ng tawad sa kanya.
Yumuko siya at humikbi.
“Ama,” hinawakan ko ang kamay niya gamit ang dalawang palad ko. “Ako po dapat ang humingi ng tawad, ama, kase nang dahil sa akin nagkaproblema ka. At kinakailangan mo pa akong ilayo sa atin. Nang dahil sa akin, ama, kinakailangan mong harapin sina tiyo ng mag-isa. Natatakot ako, ama.” Pag-aamin ko.
Patuloy sa pag-agos ang luha ko. Pinapakita ko na matapang ako sa harap ni Zach at pinapakita ko na masayahin ako sa harap ng kaibigan niya pero sa loob ko, unti-unti na akong nauubos. Nasasaktan, nagungulila… naghalo-halo na ang laman ng puso’t isip ko.
“Anak, wala kang dapat ihingi ng tawad. Kasalanan ko ito. Sa katunayan, anak, bata ka palang ay itinakda ka nang ipakasal kay Tonio at kasalanan ko iyon. Umibig ako sa isang babaeng hindi taga-atin, anak… hindi siya kasapi sa atin at mahigpit iyong ipinagbabawal sa tribu. Papatayin sana nila ang nanay mo at pati na rin ikaw pero sumugal ako. Humingi ako ng pabor sa kanila na kung maaari ay hayaan ka nilang isilang at patakasin ang ina mo. Hindj naman ako nabigo dahil pinaunlakan nila iyon pero ang di ko alam na ang kapalit pala nang pagpayag ng tiyuhin mo doon ay ang kapalit na ipakasal ka sa anak niya. Patawad, anak.”
Napasinghap ako sa rebelasyon ni ama. Kaya lang ba ako nabubuhay dahil kinakailangan kong pakasalan si Tonio? Na pinsan ko? Ito ba ang kapalit ng bawal na pag-iibigan ng aking ina at ama? Kinakailangan bang ako ang magdusa? Pero naiintindihan ko si ama, ginawa niya lang iyon dahil iyon ang alam niyang tamang gawin noon.
“Ang ina ko, ama, saan na siya ngayon?”
“Pinatakas ko ang ina mo anak. Isang doktor, manggagamot noon ang ina mo. Pumunta sila sa ating tribu dahil sa isang medical mission. Pero nahulog ako sa kanya at nadala kami ng tukso. May pamilya ang ina mo sa Maynila, anak.”
“Buhay pa siya? Nakayanan niyang iwan ako doon sa’yo, ama?” Bumaha ulit ang mga luha ko.
“Di ka niya gustong iwan doon, anak, gusto ka niyang isama sa kanya pero bantay sarado kami ng tauhan ng tiyo mo dahil alam mo namang noon pa lang, siya na ang may hawak ng kapangyarihan sa ating tribu. Mahal ka ng ina mo, anak.”
Binitawan ko ang kamay ni ama at itinakip ko ang dalawang palad ko sa aking mata.
“Bastarda po ako, ama.” Iyon ang naisip ko dahil may pamilya ang ina ko sa Maynila. Bastarda ako. Pagkakamali!
“Isa akong malaking pagkakamali, ama, at nararapat po sa akin ang nararanasan ko ngayon.” Dagdag ko. Dahil sa kakaiyak ko ay nababasa na ang takip ko sa mukha.
“Bakit kinakailangan na takpan ang mukha ko, ama?” Tanong ko iyan noon pa man. Alam ko na kinakailangan kong manatiling malinis hangga’t sa itinakdang araw pero dahil sa nalaman ko ngayon, nagdududa na ako.
“Anak.” Marahan na bigkas ni ama.
“Bakit, ama!?” Sigaw ko.
Gumagawa na ako ng eksena rito.
“D-dahil naiiba ka nakakarami sa atin, anak. At magtataka ang nakakarami kung bakit ganyan ang hitsura mo. Hindi sarat ang ilong mo, hindi ka maitim at ang buhok mo ay bagsak, iyan palang marami na ang magtataka, anak. At sinabi ko na sa’yo, bawal ang namamagitan sa amin ng ina mo noon. Pero, anak, totoo na kinakailangan mong manatiling malinis at walang nakakakita sa mukha mo dahil ikaw parin na pinili ng mga apo.”
“Bakit hinayaan ako ng mga apo na ganito kung ganoon, ama?”
Hindi ba ako kayang protektahan ng mga apo? Sila ang mga ninuno namin, sila ang mas makapangyarihan kaysa kay tiyo.
“Dahil sarili itong problema ng ating pamilya, anak. Dahil kung noon man ay nalaman ito ng mga, apo, baka matagal na rin tayong patay. Lihim ito ng pamilya, anak. Kaya ikaw ang napili ng mga apo dahil naniniwala sila na ikaw ang pinili ng mga diwata dahil sa hitsura mo.”
Isa pala itong malaking kasinungalingan. Paano pagnalaman ito ng mga apo? Anong mangyayari sa ama ko? May ideya na ako kung ano ang mangyayari pero ’di ko matanggap.
“At kung malaman ito ng mga apo, bibitayin ako, anak. Dahil malaking kasalanan iyon sa tribu natin. Patawad, Mira.”
SIXTEEN
Chapter Sixteen
Mira’s POV
Lumabas si Zach at si ama para mag-usap sila. Hindi ko alam kung bakit ayaw nilang marinig ko ang pag-uusapan nila. Ngayon, alam kong nangangangib ang buhay ni ama sa mga taga nayon. Kinuha ko sa bulsa ko ang isang metal na bagay na binigay ni ama. Isa itong hugis-parihaba na kulay abo at may kulay itim na nakaukit na pangalan. Itong hawak ko ang aking palatandaan ng aking ina.
Napaluha muli ako dahil sa pag-aakala kong patay na ang aking ina. Simula noon wala ng nababanggit si ama tungkol sa ina ko at ayaw niya rin naman itong pag-usapan. Pero buhay pa kaya siya ngayon? At kung buhay siya, hinahanap niya kaya ako? Mahal kaya ako ng aking ina? Siguro nakalimutan na niya rin ako dahil may ibang pamilya siya.
Matagal ko nang gusto ang makaramdam ang pagmamahal mula sa ina dahil kailanman hindi ko pa ito naranasan. Kahit na pinaparamdam sa akin ni ama ang buong pagmamahal, hinahanap ko pa rin ang pagmamahal at pag-aaruga ng isang ina. Minsan nga noon sa nayon namin ay naiinggit ako sa mga batang inaalagaan ng kanilang ina at sa tuwing magkukuwento si Edna sa ina niya inggit na inggit ako.
Kung nasa Maynila ang ina ko magkikita kaya kami? Makikita ko kaya siya kung buhay man siya?
“Mira, anak aalis na ako.” Kumurap-kurap ako at bumaling sa ama ko.
Tumayo ako at yumakap sa kanya nakita kong taimtim na nakatingin si Zach sa amin sa di kalayuan.
“Mag-iingat ka, anak, at wag mong bigyan ng sakit sa ulo si Zach. Mahal na mahal ka ng ama sana mapatawad mo ako, anak.”
Umiling ako at humigpit ang pagkakayakap ko kay ama. Di ko alintana ang iilang mata na nakatingin sa amin.
“Gusto ko pong sumama na lang sayo, ama. Baka kasi mapaano kayo dun.”
Ngayong nalaman ko na ang sitwasyon ng ama ko, parang gustong-gusto ko nang umuwi dun at samahan ang ama ko. Ayaw kong iwan si Zach dahil masakit sa akin na iwan siya. Ewan ko rin ba kung bakit nasasaktan ako at ayaw ko siyang iwan. Siguro dahil ito sa nararamdaman ko sa kanya. Pero mahal ko ang ama ko at importante siya sakin, siya na lang ang meron ako sa mundo. Hindi ko kakayanin na mawala siya.
“Anak, mahihirapan akong gumalaw dun kung nandun ka at hindi rin ako mapapanatag. Mabuti nang dun ka muna kay Zach dahil nakikita kong maayos ka naman dun at may tiwala rin ako sa batang iyon.”
Kumalas ako sa pagkakayap kay ama at hinawakan ang kamay niya. Nanginginig ang kamay ko.
“Pero ama–”
“Mira, makinig ka sa akin kaya ko ang sarili ko. Di mo na kailan pang mag-alala. Pinaghahanap ka ni Tonio, anak, dahil sinabi kong ikaw ang naglayas at di ko alam kung nasaan ka. Yan ang alam nila at naniwala sila sa akin, anak. Ang alam din nila hinahanap kita kaya naman sana, anak, makinig ka sa akin. Gumagawa na ako ng paraan para itigil na rin ito ni Tonio dahil buntis nga si Edna at sa oras na malaman iyon ng mga taga nayon. Ipagpipilitan nilang ikasal ang dalawa at makakabalik ka na doon. Nagkakaintindihan ba tayo, anak? Oras at panahon ang kailan natin, Mira, kaya intindihan mo.”
Pilit akong tumango at kinalas niya ang pagkakahawak ko sa kamay niya. At tumalikod na, tumigil siya sa harap ni Zach at tinapik ang balikat ni Zach bago umalis.
Zach’s POV
Sa byahe namin ni Mira pauwi, tahimik siya at kung hindi ko naman ay nakikita ko siyang tumitingin lang sa labas. Naririnig ko ang mga malalim niyang hininga. Hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila ni Mang Arman, ngunit batid kong hindi ito maganda.
“Anong pinag-usapan ninyo ni ama, Zach?” Biglang tanong niya niya pero hindi nakatingin sakin. Ibinalik ko ang tingin ko sa daan.
Tumikhim ako. “It’s nothing really… I mean, wala lang naman, nagpasalamat lang siya sa akin.”
“Bakit kailangan pang lumabas kayo?”
“Huwag mo na iyong isipin, Mira. Wala lang iyon. By the way, gutom ka na ba?” I diverted our topic to other things dahil nalulungkot siya lalo.
Kanina nakita kong hindi niya ginalaw yung pagkain niya. Kahit na nung lumabas kami ng papa niya pagbalik ko hindi niya pa rin ginalaw yung pagkain. At umalis na lang kami dun nang walang laman ang tiyan niya.
“Busog ako.” Maliit na boses niya sabi.
Habang nasa byahe kami, may nakita akong naglalako ng mga buko pie kaya tumigil ako saglit at bumili para man lang may makain siya. Buti na lang din at may naglalako din sa daan ng mga bottled-water kaya bumili na lang din ako.
“Ito kumain ka, wala kang kinain kanina.” Bigay ko sa kanya sa mga binili ko doon sa mga naglalako.
Nilagay ko sa kandungan niya yung dalawang box ng buko pie at yung tubig sa dashboard. Handa na akong paandarin ulit ang sasakyan ng hawakan niya ang kamay ko.
“K-kumain ka rin.” Tiningnan ko ang kamay niya. Pero mabilis din niya iyong kinuha. I feel a sudden electricity that flows to my system.
Damn, what is that?
“H-heto,” alok niya sa isang buko pie, tinanggal na rin niya ang plastic no’n. Medyo nanginig pa ang kamay ng babae.
Nakaubos lang ako ng dalawa dahil pakiramdam ko sobrang tamis lang at hindi ako sanay roon. Habang siya malamyang kumakain at tahimik lang.
Ano na naman kaya ang iniisip nito?
“Zach, gusto kong balikan ang ama ko roon, gusto kong sumama sa kanya sa nayon… sa sitio namin.” I stiffened on my seat. Nilagay niya ang may kagat niyang buko pie sa box at ipinahid ang kamay sa mahaba niyang damit. Kinuha niya ang kamay ko.
“Zach, alam kong sobra-sobra na ang nagawa mo sa akin… sa amin ng ama ko. Hindi ko alam kung ano ang utang na loob mo sa ama ko, Zach. Pero ngayon hihilingin ko sa’yo ibalik mo na ako roon, gusto ko nang umuwi at samahan ang ama ko.”
A series of sobs came out of her mouth.
“Mira, I thought… argh… akala ko nagkausap na kayo ni Mang Arman? Malinaw ang binilin niya sayo, ’di ba? Mira, isipin mo rin na hindi madali kay Mang Arman ang iwan ka sa akin. Mang Arman just knew me for a short time… hours to be exact Mir, and it’s hard for him to leave you with me. I am a guy, Mira, and you’re a kid… a girl. Alam mo ba iyan?”
Umiling lang siya sa akin. Damn it, English pala yun.
“Pero, Zach–”
Hindi na niya natuloy ang pagsasalita niya ng kabigin ko siya at niyakap.
I don’t know what gotten on to me, but I feel like she needs me at this moment. My heart beats like mad right now, and I just set it aside. Eversince this kid came into my house… in my life. I started to get a lot of things I don’t know in life.
My shirt was a bit wet from her tears, and I let her cry in my arms. I let her go once she’s calm.
“Tumalikod k-ka.”
“Huh?”
“Tatanggalin ko lang saglit ang takip ko sa mukha kaya t-tumalikod ka, k-kung pwede.”
After hearing her, tumikhim ako at tumalikod.
“Gusto mo pa rin bang umuwi roon?”
Wala itong naging sagot.
“Aalis ka na ba talaga sa bahay ko?”
Muli ay wala itong sagot.
“Do you really want to leave me, Mira? Do you want that?”
SEVENTEEN
Chapter Seventeen
Zach’s POV
Ilang araw matapos kaming makipagkita kay Mang Arman, unti-unti na ring bumalik sa dati ang sigla ni Mira. Minsan madaling araw ay nagsisigawan na kami rito sa penthouse ko. Buti na lang at wala pang nagrereklamo dahil sa ingay namin. Pero masaya ako kahit na ganun dahil alam kong hindi na niya masyadong naiisip ang pag-uwi roon sa probinsya nila. Kagaya ngayon naghahanda siya dun sa kusina kasi gusto niya raw akong pakainin sa lutong natutunan niya sa television.
“I hope it’s edible.” I prayed inwardly.
“Zach, halika na, kumain na tayo!” Masayang sigaw niya mula sa kusina.
Okay, to make things clear. I’m just doing this para ma-divert yung attention niya. I promise Mang Arman that I will take good care of his daughter and I am keeping it.
“Hmm,” tanging sagot ko.
She cooked caldereta.
“Halika tikman mo.” Ipinaghila niya pa ako ng upuan.
Alagang-alaga ako ngayon.
Kumuha ako ng konti para tigman iyon at kitang-kita kong sabik na sabik si Mira sa harap ko. Sabik na makita ang reaksyon ko roon sa luto niya.
“Hmm, okay lang.”
“Talaga sakto lang sa lasa?” usisa niya.
“Uhm,” I assured her. “Umupo ka na, kumain ka na rin.”
“Sige.” aniya at umupo.
“Baka matagalan ako ngayon dahil marami akong gagawin sa opisina. Tanda mo pa naman yung mga bilin ko sa’yo, hindi ba?” Usal ko habang kumakain siya, nakita kung tumango siya at abala sa pagkain niya.
Itong si Matt naman din kasi, ilang linggo na iyon sa Cebu at hindi pa rin umuuwi hanggang ngayon. May meetings ang boards ngayon kaya instead of him, I’ll represent him because he is busy in Cebu, and I don’t know what things he’d do or did there. If I was a miser, well, Matt is a workaholic man. As what I know, his business here is more important there in Cebu.
“Aalis na ako. Don’t let strangers step in here.”
“Hmm.” Tango niya.
Mira’s POV
Ilang araw na nga yung lumipas simula noong nagkita kami ni ama at ilang araw na rin ang lumipas simula noong niyakap ako ni Zach. Ngunit parang hanggang ngayon nararamdaman ko pa rin ang init ng yakap niya.
Yung bango niya ay parang nakadikit pa rin sa akin hanggang ngayon. Ginawa ko talaga ang lahat para ’di niya mahalata ang kinikilos ko. At mukhang nagtagumpay naman ako dahil umalis na siya at nakahinga na rin ako nang maluwag.
Wala akong balak na ipaalam kay Zach ang nararamdaman ko sa kanya dahil alam ko naman na hindi niya ito masusuklian, mabibigo lang ako. Tsaka yung pinapakita niyang pag-aalala at pag-aaruga ay dahil lang may utang na loob siya sa ama ako. Ngayon ko lang ito naramdaman kaya mahirap sa akin kung paano ito mapapawi kung mapapawi man ito. Mabuti sana kung nandito si Edna dahil baka may masabihan ako, namimiss ko na siya, kumusta na kaya siya doon sa nayon namin?
Gustuhin ko mang umuwi sa nayon pero totoo ang sinabi ni Zach na masasayang lang ang sakripisyo ng ama ko. Kung magkataon man na umuwi ako roon at malaman ng mga apo ang totoo tungkol sa pagkatao ko, hindi sila magdadalawang isip na patayan ako at ang ama ko dahil sa kasinungalingan namin.
Gustong-gusto kong matulungan ang ama ko pero alam kong wala akong magagawa. Kaso paano kaya kung nagpakasal naman ako kay Tonio? Hindi kaya magiging ganito ang sitwasyon ko ngayon? Paano naman ang kaibigan ko? Hindi siya mapapanagutan ni Tonio kapag nagkataon. Ayaw ko namang lumaki ang anak ng kaibigan ko na kagaya sa akin na walang kompletong pamilya.
Habang nasa malalim akong pag-iisip ay biglang tumunog ang doorbell ng bahay ni Zach, hudyat na may tao sa labas. Gusto kong makita kung sino man iyon kaya mula sa pagkakaupo ko sa malambot na upuan ay tumayo ako at pumunta sa pintuan at silipin sa pipehole kung sino man ang taong nasa labas.
Lumaki ang mata ko nang makita kong isa sa kaibigan ni Zach ang nasa labas. Yung nakasalamin na lalaki at kung hindi ako nagkakamali si Oliver ito. Hindi ko siya pinagbuksan dahil bilin ni Zach na h’wag na h’wag akong magpapasok dito. Kaso kaibigan niya naman ito at kilala ko na rin naman si Oliver. Wala naman sigurong kaso iyon, di ba?
Kaya nang tumunog muli ang doorbell ay pinagbuksan ko na siya.
“Hi, good morning.” Ang gwapo din naman palang ngumiti ni Oliver.
Pinaupo ko siya doon sa sala at kumuha nang maiinum niya. Nilapag ko sa maliit na mesa iyong nakuha kong inumin.
“Wala rito si Zach kung siya ang pinunta mo rito.” Pag-uuna ko nang makaupo ako sa kabilang upuan.
“I’m not here for him. I’m here because of you, Almira.” Batid kong seryoso siya sa sinasabi niya pero wala akong maintindihan doon.
“Anong ibig mong sabihin?” Naguguluhang tanong ko.
“Ah, yeah, sorry….hindi ka pala nakakaintindi ng Ingles. Ang ibig ko lang sabihin na hindi ako pumunta rito para kay Zach, nandito ako dahil sa’yo, ikaw ang sadya ko rito.”
Napakurap ako sa sinabi ni Oliver. Bakit niya naman ako pinuntahan dito? Anong kailangan niya sa akin? Kakakilala lang namin at kung tutuusin ay pangalawang pagkikita lang namin ngayon. Idinaop ko ang kamay dahil kinakabahan ako.
“Uh, sorry, did I make feel uncomfortable?” Saad niya at hinawakan ang kamay ko.
Mabilis kong iwinaksi ang kamay niya. Nakita ko kung paano lumaki ang maganda niyang mata sa ginawa ko.
“Patawad h-hindi lang ako sanay na h-hinahawakan.” Ibinaba ko ang ulo ko.
“Then, why did you let Zach touch and hold you.” May diing sabi niya. Kung kanina ay hulat ang rumihestro sa mata niya ngayon ay parang nagdidilim na ito. Nakakatakot.
“Huh?”
“Wala. Ako dapat ang humingi ng tawad, Almira. Alam ko, I’m being reckless for acting like that a while ago. Alam kong bago palang tayong magkakilala at pinuntahan na kita rito. I’m sorry about that. Pumunta lang ako dito para makipagkaibigan sa’yo.” May hindi ako naintindihan sa mga pinagsasabi niya pero yung huling salita niya ay naintindihan ko naman. At alam kong wala siyang intensyong masama sa akin at gusto lang niyang makipagkaibigan.
“G-gusto ko rin namang maging kaibigan ang mga kaibigan ni Zach, Oliver at walang kaso sa akin kung maging magkaibigan tayo.” Ngumiti ako, batid kong di niya nakikita ang ngiti ko pero ginawa ko pa rin.
Nakita ko ang pagbabago ng ekspresyon niya at mabilis itong napalitan ng ngiti. Doon sa nayon namin ay wala akong nakikitang lalaki roon na maputi, tangkad, maganda ang ngipin at makisig na lalaki. Bago sa akin ang mga lalaking ganito lalo na ang mga kaibigan ni Zach hindi ko maitatanggi na humahanga ako sa kanilang taglay na ganda. May mga makikisig naman na lalaki roon sa nayon pero hindi kasing kisig nila. Kasi nakikita ko kung paano ang tindig nila kagaya na lang ni Zach, Oliver at yung mga kaibigan ni Zach na sa tindig palang nila makapangyahiran na.
“Gusto mo bang lumabas tayo?” Tanong ni Oliver. “Mamamasyal lang tayo sa labas.”
Nakaka-engganyo ang imbitasyon ni Oliver sa akin dahil nitong nakaraan ay hindi na ako masyadong naglalabas dito sa loob ng pamamahay ni Zach at akmang sasagot na ako kay Oliver ng may biglang nagsalita.
“You can stroll around, Oli, without dragging Mira with you.” Matigas na ingles ng lalaking hinahangaan ko. Napalunok ako. Napatingin ako kay Oliver at nakita kong pumikit siya at yumuko. Bumaling naman ako kay Zach na ngayon ay nagtatagis ang bagang na nakatingin sa akin.
“Zach–”
“I thought a doctor like you is a busy man, Oli?” May ngiting sabi ni Zach kay Oliver na ngayon ay nakatayo na pala at seryosong nakatingin kay Zach. Nakangiti nga si Zach kay Oliver pero walang ganang ngiti iyon.
“Zach, I also have a break–”
“And you went here at my place? For what?” Putol na naman ni Zach kay Oliver.
“Z–zach–”
“You shut up, Mira.” Napasinghap ako nang tumingin sa akin si Zach.
“You can go now, Oliver.” Pagtataboy niya kay Oliver.
“Zach, I mean no harm, I just wanna be friends with Almira. What and why are you being so pissed?”
“None of your damn business, Oliver, now get out of here!” Tumaas na ang boses ni Zach.
“I don’t really understand you, Zach. Why are you so damn protective of Almira, like you own her, when in the first place you are not. Always remember that she’s just staying in your place but you don’t own her! “
Kinakabahan ako sa paraan ng pag-uusap nilang dalawa. Ang lapit ang nila tapos nagtataasan na sila ng boses. Tapos ako ay parang mangmang na hayop lang sa gitna nila, nakaupo at walang magawa.
“Almira, sa susunod na lang tayo lumabas.” Mahinahon na untag ni Oliver sa akin bago umalis.
Namayapa ang mahabang katahimikan sa amin ni Zach matapos umalis si Oliver. Malakas ang kabog ng dibdib ko at nanginginig na din ang mga paa ko pero nagawa ko pa ding tumayo. At aalis na sana ako nang nagsalita si Zach.
“May pag-uusapan pa tayo, Mira. Upo.” Matigas na wika ni Zach.
EIGHTEEN
Chapter Eighteen
Mira’s POV
“Anong binilin ko sa’yo bago ako umalis dito, Mira? Tanda mo pa ba ang mga iyon?” Mahinahon niyang tanong pero batid kong nagtitimpi na siya sa akin.
Nakita ko rin kung gaano kahigpit ang pagkakuyom niya sa kanyang palad.
Tumango ako bilang sagot sa kanya.
“Nasaan na ang boses mo kanina. Ang ayos mong makipag-usap kay Oliver tapos ngayon sa ’kin ganyan ka na?” Ayaw kong umasa pero parang tunog na nagseselos si Zach. Pero, bakit naman siya magseselos?
“T–tanda ko pa, Zach.” Nauutal na sagot ko.
“Tanda mo? Pero, ano itong naabutan ko ngayon, Mira!” Napapikit ako dahil sa biglang paglakas ng boses niya.
“Z-zach, kaibigan mo naman si Oliver h-hindi naman siya ibang tao at mabait naman siya. G-gusto niya akong maging kaibigan niya, Zach.” Dahil sa kabog ng dibdib ko ay nauutal na pa rin ako.
Gusto ko rin naman siyang sigawan pero hindi ko magawa-gawa iyon. Noon na wala pa akong nararamdaman sa kanya ay nakakaya kong sigawan at sagut-sagutin siya pero ngayon parang ’di ko na kaya. Ayaw kong mag-away pa kami at wala na namang pansinan. Naninikip ang dibdib kapag ganon.
Nahimigan kong may pinagsasabi siya pero ’di ko iyon naririnig ng maayos at umiigting ang panga niya sa galit.
“Bumalik lang ako rito para sabihin na hindi ako uuwi ngayong gabi dahil may kailang akong asikasuhin. Pero tang*na, Mira, ’yon ang aabutan ko. Kung hindi siguro ako dumating ay sumama ka na kay Oliver.” Buong pag-uusap namin ay nakatutok lang ako sa kanya pero siya nakayuko lang at nakatungkod ang kamay sa tuhod niya.
“Kung sasama man ako kay Oliver, Zach dito pa din naman ako uuwi dahil ito ang bahay ko at ikaw ang uuwian ko.” Inosenteng saad.
“You’re really a naive, woman.” Tumigil siya saglit. “Do you really think pumunta lang dito si Oliver para makipagkaibigan sa’yo?”
“Oo, Zach, dahil iyon ang sabi niya.” Sagot ko sa kanya.
“Hindi ko alam kong magpapasalamat ba ako o hindi na napakainosente mo, Mira.” Pagkasabi niya no’n ay tumingin siya sa ’kin. Hindi ko alam kung bakit pero ito na naman na parang siya lang ang nakikita ko at parang kung may ano sa tiyan ko na gustong kumawala. Nagwawala sila sa loob ng t’yan ko. Tila mga insektong gustong lumabas.
“Zach.”
“Aalis ako at ikaw lang ang maiiwan dito mag-isa. Aasahan kong hindi ka na magpapapasasok ng tao rito, Mira, kaibigan ko man o hindi. Malinaw ba?”
“A-ah… eh..oo… malinaw.” Putol-putol na saad ko sa kanya.
“Aasahan ko ’yan.” Tumayo siya at aalis na sana pero mabilis kong hinuli ang kamay niya.
“H-hindi ka na g-galit?”
Tiningnan niya ang kamay ko na nakahawak sa kanyang kamay. Napalunok ako. Pero mas hinigpitan ko pa lalo ang kapit ko roon.
“I’m not angry at you. I’m angry at myself. Oliver was right—you were never mine in the first place. But why did I act like I owned you? Sige na aalis na ako.”
Siya na mismo ang nagtanggal sa kamay ko na nakahawak sa kanya. Para akong nanghina, wala akong maintindihan sa sinabi niya maliban sa aalis na siya. Galit ba talaga siya dahil doon?
Napahawak ako sa aking dibdib nang maramdaman kong parang may dumagan doon na kung ano pero bumigat iyon. Hanggang sa makaalis si Zach ay hindi ako gumalaw dito sa kinauupuan ko.
“Dapat hindi ka na bumalik dito anak.” Napaiyak ako sa nasasaksihan ko.
Duguan ang ama ko at tinutugis siya ng mga kawal ni Tonio. Umalis ako sa pamamahay ni Zach dahil hindi na umuwi si Zach sa bahay, hindi na niya ako binalikan pa simula noong umalis siya. Kaya wala akong nagawa kundi ang umalis sa pamamahay niya. Masakit sa ’kin ang pag-alis ko sa bahay niya. Hindi ko man lang siya nakita sa isang pang pagkakataon.
Tapos ito pa ang madadatnan ko rito sa kagubatan pauwi sa nayon. Bakit ganito ang kapalaran ko? Bakit ang lupit ng panginoon sa ’kin?
“A-ama.”
“Umalis ka na, Mira… anak umalis ka na h’wag mong sayangin ang sakripisyo ko sa’yo. Bumalik ka na kay Zach, mas magiging ligtas ka roon.”
Ilang beses akong umiling sa ama ko bilang pag ’di sang-ayon sa sinabi niya. Hinawakan ko siya at inakay ko si ama sa braso ko. Wala akong pakialam kong maging duguan man ako.
“Hindi… hinding-hindi kita iiwan, ama. Ikaw lang ang taong hindi tumalikod sa akin, ikaw lang ang taong hindi ako iiwan. Si Ina ay iniwan ako… si Z-zach na m-mahal ko iniwan din ako.” Mabilis na kumawala ang mga luha ko dahil sa sakit na nararamdaman. “Ikaw… ama, ikaw lang ang taong alam kong hinding-hindi ako iiwan, di ba? Mabubuhay ka pa ’di ba?”
Gamit ang isang kamay ko ay tinanggal ko ang tela na nakatakip sa mukha ko. Wala nang silbi ito sa ’kin.
“B-bakit mo tinanggal, a-anak?” Nahihirapang tanong ni ama at may dugong lumabas sa bibig niya. Mas lalo akong umiyak dahil kung hindi sa ’kin hindi ito mangyayari. Ako ang puno’t dulo ng lahat ng ito. Dahil ako ang naging bunga ng kasalanan ng ama at ina ko.
“Wala nang silbi sa akin ang tela na iyan, ama, kung ganito man lang din ang mangyayari sa’yo. Bakit ganito? Handa akong magpabitay sa kanila, ama, dahil ako naman talaga ang dahilan ng lahat ng ito di ba?”
Naramdaman ko ang panghihina ni ama sa braso ko. Mabagal ang paghinga niya. Alam ko, ano mang oras ay mawawala na siya.
“A-anak, k-kailaman man hindi pagkakamali ang tingin ko sa’yo. I-ikaw ang pinakamagandang dumating sa buhay ko. M-mahal na mahal kita, anak. K-kaya bumalik ka na kay Z-zach dahil alam ko na kung nandun ka sa kanya… m-mamamatay akong matiwasay. S-sige na, anak, umalis ka na bago ka pa nila maabutan dito.” Pagkatapos iyong bigkasin ni ama sabay naman no’n ang pagpikit niya at pagkawala ng buhay niya.
“Ama!!!”
Napabalikwas ako sa aking kinahihigaan dahil sa masamang panaginip. Tumingin ako sa paligid, nandito pa rin pala ako sa kinauupuan ko kanina at nakatulog. Nararamdaman kong basa ang telang nakatakip sa mukha ko. Tumingin ako sa paligid wala naman si Zach, kaya tinanggal ko ang tela na nakatabing sa mukha ko at saka pinunasan ang mga luha.
Bakit parang totoo ang mga iyon? Ang ama ko, bakit ako nanaginip ng ganon? Naalala ko na sa aking panaginip na hindi ako binalikan ni Zach dito kaya ako umalis. Kumabog ang dibdib ko sa kaisipang hindi na babalik si Zach dito sa bahay.
‘Panaginip lang iyon at hindi iyon mangyayari.’ Pagkukumbinsi ko sa sarili. Alam ko babalik pa si Zach at ligtas ang ama ko.
Wala sa sarili akong bumaba sa upuan at lumuhod para mag-usal ng dasal para sa kaligtasan ng ama ko. Sinali ko na rin na sana umuwi si Zach.
Zach’s POV
Habang nasa kaligatnaan ako sa pagtatanaw ng blueprint sa aking harapan, hindi ako mapakali. Laging sumasagi sa isip ko ang mata ni Mira… iyong malungkot niyang mata sa pag-alis ko. Hindi naman talaga ako galit sa kanya galit lang ako sa sarili ko dahil sa inakto ko. Ewan ko, no’ng nakita ko roon si Oliver at kausap siya, wala akong ibang maisip kundi paalisin ang kaibigan ko. Ayaw kong maging malapit silang dalawa. Dahil sa tingin ko ay kahit anong oras ay mawawala sa ’kin si Mira.
Why do feel threatened because of my friend?
Syempre, gusto ng g*go kong kaibigan si Mira at minsan lang magseryoso ang isang iyon. Alam kong hindi niya biro-biro iyon.
Sinabi niya pa kay Mira na makikipagkaibigan siya. Tsk… kaibigan, my ass!
“Engineer Reyes!” Tawag ko sa kapwa engineer sa resort na ito.
“Yes, engineer.”
“Aalis ako uuwi lang ako.”
Tumawa siya. “Alam mo engineer para ka nang may asawa at anak. Hindi na kita masyadong nakikita rito sa site at kung pumunta ka man ay aalis agad. Ano may binabahay ka na?” He teased me.
Tang*na pati ba naman ito.
“Hindi ko alam na tsismoso ka pala, engineer.” anang ko.
“Hahahahaha, sige na umalis ka na loverboy.” Pagtataboy niya pero bago pa ako makaalis ay pinakitaan ko siya sa gitnang daliri ko, mas lalo pang tumawa ang g*go.
Ilang oras akong nasa byahe bago nakarating sa building kung saan ang penthouse ko. Ginabi na rin ako. Pagkarating ko sa floor kung saan ang penthouse ko, malalaki ang hakbang ko at pagkadating ko ay walang alinlangan kong binuksan ang pintuan.
Pero bago pa ako makarating sa sala, napako ang paa ko sa sahig. Natulos ako sa aking kinatatayuan dahil sa nakita ko. Nakita ko si Mira na nakaluhod at nakapikit ang mata niya pero ang balabal sa mukha niya ay wala na.
Lumaki ang mata ko alam kong bawal makita ang mukha niya pero heto ako at tinititigan siya. Hindi ko maigalaw ang aking katawan. Siguro kaya niya tinanggal ang balabal niya dahil sinabi ko kanina na hindi ako uuwi ngayon. Pero heto ako at umuwi.
Para akong senemento sa aking kinatatayuan. Iba ang inaasahan ko sa hitsura ni Mira, hindi dapat ganito. Ilang beses ko ng naiisip ang mukha niya pero hindi ganito. Ang nasa isip ko na mukha niya ay maitim siya at sarat ang ilong. Ngunit ito siya at parang ipinapamukha niya sa ’kin na nagkamali ako. Ang mukha niya ay sobrang puti, matangos ang maliit na ilong, mahulma ang kilay, manipis ang kulay rosas niyang labi at kita ko kahit dito sa kinatatayuan ko ang mahaba niyang pilik-mata. Ang buhok niyang maitim ay bagsak na bagsak.
Bago pa si Mira makamulat ay nagkukumahug na akong umalis sa penthouse ko. Napapikit ako habang nasa loob ako ng elevator. Why does she have such a beautiful and captivating face? It’s almost a sin to behold a face like that.
NINETEEN
Chapter Nineteen
Zach’s POV
Bumalik ako sa aking sasakyan dahil hindi ko alam kong ang gagawin ko gayung nakita ko ang mukha ni Mira. Paano ko na siya haharapin ngayon? Why did their tribe hide that kind of face? It’s very ridiculous! She was bullied because of the cloth on her face, and I once bullied her too. Now, I regret everything I said. But Mira’s face seems familiar to me. I don’t know, but those features—I feel like I’ve seen them somewhere.
My phone rings, kaya kinapa ko ito sa bulsa ko at sinagot agad ang tawag ng ’di tinitingnan kong sino ang caller no’n.
“Pre, saan ka ngayon? Tumawag ako kay Reyes wala ka daw sa site sa Batangas, ah?” Bungad agad ni Nic, even without looking at the caller’s name alam na alam ko ang boses nang lalaking iyon.
“Uh,” maikling sagot ko.
“Nandito kami nina Oli at Frances sa Seaside Bar, pa-despidida para sa g*go.” He meant Frances.
“Okay, I’m on my way.”
“Oh, sige. Himala agad na pumayag.”
Pinatay ko na lang ang tawag dahil baka kung ano na naman ang lumabas sa bibig no’n. Kahit na ayaw kong makita ang pagmumukha ni Oliver wala akong magagawa. Hindi naman sa galit ako sa kaibigan ko. Naiinis lang ako dahil ang dali sa kanya na sabihin na gusto niya si Mira. ’Bat ang dali niyang nagustuhan ang babaeng iyon?
What more Zach kung makita niya ang mukha ni Mira?
Pero hindi ako papayag na makita niya ang mukha ni Mira. No way!
“O, nandito na ang loverboy.” I gritted my teeth at Nic’s remarked.
Umupo ako sa tabi ni Frances at sa kabila naman ay si Oliver na tahimik na umiinom. Kumuha ako ng alak na nakalagay sa mesa at nilaguk iyon. Damn it! Kahit na nandito ako, iyong mukha pa rin ni Mira ang nakikita ko. What the hell is happening to me!?
“Kanina pa kayo rito?” I asked them, hoping that someone would answer me
“Uhmm, around 10,” Frances answered. “You look… bothered,” he added.
Am I that transparent right now?
“It’s because of work,” I said calmly to him.
“I’ve never seen you this bothered by work, Zach. That’s new, huh?” May panunuyang sabi niya. Kaya matalim ko siyang tiningnan.
“Maybe, I should go.” Biglang sabad ni Oliver at tumayo.
“Huh, kararating lang ni Zach, Oli.” saad ni Nic kay Oliver.
“Maaga ako bukas, and I need to rest, marami akong inoperahan ngayon.” He plainly said. “Mauna na ako, Frances, Nic… Zach.” Pagkatapos no’n ay tumalikod na siya sa amin.
“Alam niyo may napapansin ako kay pareng Oli.”
“Ano na naman ang nasagap mo, Nic?” Tanong ni Frances.
“Lately kasi parang may napapansin akong kakaiba kay Oli. Tapos, ngayon mabilis na siyang umuwi kapag ganito. E, noon ’yan pa nga ang naghahatid sa ’kin sa bahay ko. Tapos no’ng pumunta akong hospital niya narinig kong naghahanap siya ng private investigator.” Umiling-iling si Nic na parang nag-iisip kong ano ba talaga ang nagyayari sa kaibigan namin.
“Bat ’di tanungin total tsismoso ka naman sagarin muna.” sabi ko.
“Tssk, parang ’di mo naman kilala ang isang iyon. Hindi iyon masyadong nagsasalita tungkol sa buhay niya.” Ismid ni Frances.
Ano ba talaga ang nangyayari kay Oliver at bakit kailangan niya ng private investigator?
Oliver was really hard to predict, even before palagi lang siyang tahimik at parang ang lalim ng iniisip.
“Hmm, let’s just wait, alam ko sasabihin din niya sa atin kung ano man ang nangyayari sa kanya. We know he’s not really open with us; all we have to do is wait for him to open up to us on his own.”
“Hmm.” Pagsang-ayon ko kay Frances at tumango rin si Nic sa kanya.
“Uhh, kumusta naman pala si tito, Frances?” Tanong ko mayamaya.
Ang alam ko kasi aalis siya dito pagkatapos niyang ihatid si tito at tita hanggang airport. That means kung may padespidida nahatid na niya sina tito sa airport. I know his poster parents since nakapagbakasyon na din naman kami sa kanila sa Isabela before. At masasabi kong ang babait nila kahit na ampon lang siya nina tito. Itinuring din siyang totoong anak dahil hindi nagkaanak ang mag-asawa.
“He seems okay, but I know he’s not, kaya nga siya dadalhin doon, magpapagamot. I just hope maging okay na rin si papa pagkatapos ng operasyon. And if ever susunod din ako roon.”
“Tito is strong man malalampasan niya ito.” Tinapik ko ang balikat niya.
Tipid siyang ngumiti sa ’kin at tumingin sa direksyon ni Nic. Tumaas ang kilay niya kaya napatingin din ako kay Nic. Napamura na lang ako ng makita kong natutulog na ang isa at yakap-yakap ang bote ng alak.
“Sinong maghahatid d’yan eh, wala si Oli?”
“Aalis ako, Zach, kaya ikaw ang maghatid n’yan sa bahay niya. Pwede mo ring iwan iyan dito pero maawa ka naman sa empleyado mong hilaw.” Humalaklak siya.
“Fu*k this man, ang lakas uminom tapos ang bilis din namang malasing.”
“Good luck.”
Dahil masyado akong mabait, hindi ko iniwan ang kaibigan ko sa Seaside Bar. Hinatid ko siya sa bahay niya. Pero habang akay-akay ko siya patungo sa kwarto niya, bigla siyang sumuka. Mabilis ko siyang binitawan pero hindi sapat ang bilis ko kaya nasukahan niya ako.
“FUK YOU TO HLL, NIC!!!” Sigaw ko at wala akong pakialam kong magising ang buong kapitbahay niya.
“Hala, jusko sir!” Histerya ng isang katulong na hula ko ay nagising dahil sa sigaw ko kanina.
“Pasensya na po kayo sir Zach, ako na po ang bahala sa amo ko.” Pag-uumanhin ng katulong sa akin.
“Can I used the bathroom?”
D*mn, ang baho ko na!
“Ah, opo, sir, mayroon doon, malapit sa kusina at mayroon din po malapit sa pool.”
Tumango ako sa katulong at tinalikuran silang dalawa ni Nic. Sana pala hinayaan ko nalang ang isang iyon sa bar.
Mira’s POV
Pagkatapos kong magising sa nakakatakot na panaginip ay hindi na ako nakatulog hanggang sa bumukang liwayway na ay hindi na ulit ako dinalaw ng antok. Natatakot ako na baka managinip na naman ako ng ganun. Kaya napagpasyahan ko na lang na magluto dahil palagay ko ay pauwi na ngayon si Zach. Habang hinihintay kong maluto iyong sinaing kong kanin ay umupo ako sa mataas na upuan dito sa kusina.
Nasa malalim akong pag-iisip nang biglang tumunog ang doorbell hudyat na ang tao sa labas. Mabilis akong bumaba sa upuan at tumakbo sa pintuan dahil baka si Zach iyon. Kaya walang dala-dalawang isip kong binuksan ang pintuan.
Pero nagulat ako nang pagbukas ko sa pinto, hindi si Zach iyon, hindi din iyon lalaki, hindi din iyon isa sa mga kaibigan ni Zach. Lumunok ako. Isang magandang babae ang nasa harapan ko maputi, maliit ang katawan, mapula ang labi at nakasuot ng magandang damit.
Sino ang babaeng ito? Naliligaw ba ito?
“Ah… eh… pasensya na nasa maling pintuan ka yata? Ah… sige.” Isasara ko na sana ang pinto ng ihinarang niya ang kamay niya sa pinto. Dire-diretso siyang pumasok sa loob. Ngayon ko lang din mapansin na may kasama pala siyang batang lalaki na nasa apat na taong gulang at may yakap-yakap na laruan.
“Ah… sino po kayo? Bakit ka pumasok dito?” Sumunod ako sa kanya sa loob ng bahay.
“Mommy, who is she? Why is she here?” Rinig kong tawag ng bata sa babae.
“I don’t know what’s happening, anak. Hindi ko rin siya kilala.”
Pinagmasdan ko lang sila.
“Where’s Zachary Elliot? Nasaan si Zach? Bakit wala siya rito?”
“Uh… ah… h-hindi pa siya umuwi.” Hindi ko alam kong sino ang babaeng ito bakit kilala niya si Zach kaano-ano ito ni Zach?
“Who are you? Bakit ka nandito? Ano ka ba ni Zach?” Lumapit siya sa ’kin at hinagod ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Ang bata din ay sumunod at tiningnan din ako ng bata gaya ng tingin sa ’kin ng babae.
“W-wife niya ako.” Mahinang sagot ko at yumuko.
“Huh?!”
Napatalon ako.
TWENTY
Chapter Twenty
Mira’s POV
“Papa Zach!!” Nagulat ang babae nang sumigaw ang anak niya at tumakbo patungo sa pintuan. Pero mas nagulat ako dahil ang papa na tinutukoy ng bata ay si Zach. Anak ba iyon ni Zach? May anak siya at itong babae na nandirito sy asawa niya?
Pero mukha namang walang asawa si Zach sa pagkakaalam ko.
“Uh! Charlie!” Pati si Zach ay gulat din nang makita niya ang bata. Mabilis niya itong niyakap at binuhat ng walang kahirap-hirap.
“D*mn, Zin, bakit ’di ka nagsabi na pupunta pala kayo dito.” saad ni Zach habang naglakad patungo sa direksyon namin at buhat-buhat pa rin iyong bata na bakas sa mukha ang saya.
Bumaling naman ako sa babae na sa pagkakaalam ko ay Zin ang pangalan. Maarteng tumaas ang kilay niya kay Zach at umismid.
“Where’s your manners, brother? Tsaka ’yang bibig mo nand’yan ang anak ko.”
“Yeah, whatever. What brings you here so suddenly?”
“Papa, Mommy’s going to a far, far away place, and she wants me to stay here with you.” Ang bata iyong sumagot at napatingin naman si Zach dito dahil sa naging sagot nito.
Manghang-mangha akong nakatingin sa bata dahil ang galing niyang mag-ingles kahit ang liit pa.
“Really?” si Zach.
Ngumuso ang bata at tumango kay Zach.
“I think we need to talk, Zach.” sabi naman ni Zin.
“Sure talk now, ate.”
“Just us.” May diing sagot nito kay Zach.
“Oh, okay, Mira bantayan mo muna si Charlie.” Parang ngayon lang ako napansin ni Zach dahil dun sa utos niya. “Sa kitchen.” Saad niya sa kapatid, sa ate niya at naunang naglakad. Tumingin muna si Zin sa ’kin at bumuntong hinga bago tumingin sa anak niya na nasa tabi ko.
“You behave, Charlie.” Yumuko siya at pinisil nito ang pisngi ng anak pero bago siya umalis ay binigyan niya ako ng isa pang tingin bago tumalima.
“Hi!” Tawag ng bata sa ’kin at kumapit sa palda. Umupo ako para magpantay kaming dalawa.
“Why are you hiding your face?” Ang maliit niyang kamay ay dumapo sa aking pisngi na may takip na tela.
Kahit na hindi ko naintindihan ang sinabi niya sa wikang ingles ay parang nahinuha ko ang ibig niyang sabihin.
“Bawal na makita ng kung sino ang mukha ko, Charlie.” Tanda ko na ang pangalan niya.
“What’s your name?” Parang naalala ko ang tanong niya. Lumawak ang ngiti ko nang mahinuha ko na naman ang ibig niyang sabihin. Tinatanong niya ang pangalan ko! Pakiramdam ko ay ang talino ko sa sandaling nakuha ko iyon.
“Almira, ate Almira.” ani ko. “P-wede bang h’wag kang mag-ingles, Charlie? Hindi kasi nakakaintindi ang ate ng ingles.” Dagdag ko sa aking sagot kay Charlie dahil alam kong mag-iingles ito nang ingles tulad nila Zach.
“Ohh, alright, ate Almira.”
Dinala ko sa sala si Charlie at pinaupo. Ginalaw niya iyong kwadradong aparato na ang tawag ay remote. Binuksan niya iyong TV at nanood. Pero ilang sandali ay nakabusungot na ang maliit niyang mukha at humalukipkip.
Nakakapagtaka na ang batang ito ay iba ang hitsura sa nanay niya na si Zin. Sino kaya ang ama nito? Siguro dun niya nakuha ang magandang mukha nito. Maganda si Zin pero iba ang hitsura ni Charlie kumpara kay Zin.
“Ate Almira, ’bat ka po nandito sa house ng papa ko?”
Akala ko talaga kanina ay anak ito ni Zach, kinabahan ako roon. Iniisip ko palang na may anak at asawa si Zach ay sumisikip na ang dibdib ko sa kaisipang iyon. Dahil kung nagkataon, saan naman ako pupulutin nito. Wala akong kilala rito. Baka sa tabi-tabi ako matulog.
“Dahil g-gusto lang ng ate Almira.” Ayaw kong magsinungaling lalo na sa bata pero ayaw ko namang sabihin kay Charlie na tumakas ako mula sa nayon. At ngayon ay nanganganib na ang buhay ng ama ko dahil sa ’kin.
“Magkakilala kayo ni papa?”
“A-ah, oo noong nakaraan lang din, Charlie.”
Lumapit ako kay Charlie at itinaas ko ang kamay ko upang abutin ang buhok niyang maitim at makintab.
“You’re beautiful, ate.”
“Huh?”
“I said, maganda ka.” Dahil sa komplemento ni Charlie ay uminit ang mukha ko. Kailanman ay hindi pa ako nakakatanggap ng kompleto mula sa ibang tao maliban sa ama ko na walang sawang nagsasabi sa akin kung gaano raw ako kaganda pero hindi ko naman nakikita ang sarili ko na maganda. Kung tutuusin ay si Charlie pa ang kauna-unahan. Tapos hindi niya pa nakita ang mukha pero maganda raw ako para sa kanya.
“Salamat, Charlie.” Kinurot ko ang pisngi niyang nalambot at maputi.
“Can I see your face, ate? Pwede ko ba makita ang mukha mo, please!” Pinagdaop niya ang maliliit niyang kamay at ngumuso sa akin.
Gusto kong tumanggi kay Charlie dahil alam kong bawal pero paano ko matatanggihan ang ganito ka guwapo na bata.
Lumilinga-linga ako sa paligid, hindi naman ako makikita mula sa kusina kaya ayos lang siguro kahit ilang segundo lang.
Dahan-dahan kong binaba ang tela sa aking mukha at ngumiti kay Charlie sumenyas ako sa kanya na huwag siyang sumigaw dahil nakita kong papasigaw na siya. Kaya iyong bibig niyang malaki na ang buka para sa sigaw ay itinikop niya. Inabot nang dalawang maliit na kamay niya ang pisngi ko at ngumiti nang pagkatamis-tamis.
“I knew it! You’re really beautiful, ate. You look like an angel.”
Zach’s POV
“What the h*ll was that, Zach? You’re living with a girl?!” Ate exclaimed as she stepped into the kitchen.
“It’s just a favor from her father, ate, ako lang ang meron siya rito sa syudad.”
Pumunta ako sa ref at nagsalin ng tubig para uminom. Wala pa akong tulog at ganito na ang madadatnan ko pag-uwi ko. Noon naman ay walang kaso sa akin kung maglabas pasok dito si Ate pero ngayon ’bat parang ayaw ko na, parang gusto ko nang palitan ang passcode ng penthouse ko. Muntik ko nang maibagsak ang basong hawak ko nang pagharap ko ay nakita ko si Ate na nakapameywang.
She’s staring at me intently, as if she’s trying to understand things on her own by looking at my face.
“Zach, did you hear yourself? Sa pagkakaalam ko ay hindi ka nagpapatira dito, even your bitch ex, hindi pa nakakatulog dito.”
She’s right; even my ex-fiance hasn’t slept here. I don’t know, I really don’t like having someone stay over, let alone sleep in my place. I’m not comfortable with it, but when Mira barged in, at first I felt like throwing her out. However, eventually, I started to feel comfortable and relieved whenever Mira is around. I enjoy watching her cook and clean, even though she’s still learning. I like her when she’s watching TV, and I even like her laugh.
“ZACH!”
“F*ck, Zin nasa harap mo lang ako. No need to shout, okay?”
“Tingnan mo na nawawala ka na din sa sarili mo. But really, Zach, does Mommy know about it?”
“No,” I said honestly.
“Damn, is she the girl at the mall?!”
I sighed. Ngayon niya lang pala iyon na realized.
“She is.”
“So matagal na pala siya rito?” Tanong ni ate at kinuha ang baso ko at tinunga ang tubig no’n.
“A month, no it’s almost two months.”
She said something, but I didn’t hear her properly.
“What are you going to do now? What if Mom finds out about it? I know you don’t like pragmatic marriage, brother.
Muntik ko nang makalimutan ang isang problema ko. As far as I know, malapit nang umuwi sina mommy rito sa Pilipinas. Akala ko naman hindi magtatagal dito si Mira, that’s why I’m confident about her before. But based on what Mang Arman said about his situation there, mukhang hindi pa makakabalik si Mira doon.
“I don’t know, ate.”
“You don’t know or you’re just using that as an excuse for your own.”
I gritted my teeth. Ate is right.
“You know what will happen if Mom learns about this. Just be ready. She’s a very traditional woman.”
“Pero bat ikaw–”
“Ibang storya ang sa ’kin, Zach.” Putol ni ate sakin.
“Oh, muntik ko nang makalimutan iiwan ko muna rito si Charlie, huh, dahil may business meet ako sa Hong Kong bukas.”
“Huh, may trabaho ako, ate. Baka nakakalimutan mo.”
Ngumiwi siya sa akin. “Edi, sa babae mo pababantayan ang anak ko.”
“Ate, trust me hindi iyan marunong magbantay ng bata. Sarili nga n’yan hindi mabantayan ng maayos. Bakit ’di na lang sa asawa mo.” Biro ko sa kanya pero seryoso ako dun sa una kong sinabi.
Ano ba itong iniisip ng kapatid ko? Pababantayan niya si Charlie kay Mira? Kung alam niya lang talaga, malamang iuuwi niya ng di oras ang pamangkin ko.
“Mas mabuti nang dito ang anak ko kaysa sa ama niya kung ganun, Zach. May tiwala pa siguro ako d’yan sa babae mo.”
Gusto kong sabihin kay ate na hindi ko babae si Mira pero tumalikod na siya sa akin at lumabas sa kusina.
This story is already at chapter 27 on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month and 35php for student. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))
TWENTY-ONE
Chapter Twenty-One
Mira’s POV
“Hi, I just want to formally introduce myself. I’m Zin Androilan, the older sister of Zachary.”
Buti na lang pagdating ni Zin ay naibalik ko na ang takip sa aking mukha. Hindi ko alam kung ano ang nagyari kay Charlie dahil pagkatapos kong ipakita sa kanya ang mukha ko ay humahagikhik na siya sa tabi habang ang tingin ay nasa TV. Hindi naman nakakatawa iyong pinpanood namin. Pero hindi ko na lang pinansin iyon.
“Mommy, Ate Ganda doesn’t understand English, so you should speak Tagalog to her.” Dahil hindi ako makasagot kay Zin si Charlie na ang sumagot sa ina niya.
“H-huh? Nakipag-usap sa’yo ang anak ko??” Parang ’di makapaniwalang saad ni Zin sa akin at umupo sa tabi ni Charlie sa kabila.
“Ah… oo nag-uusap k-kami rito habang doon kayo ni Zach sa kusina.”
“Woah!! Oh my gosh!”
“Bakit, Zin?” Takang tanong ko kay Zin pa parang bago pa sa kanya ang narinig niya kanina na nakipag-usap ang anak niya.
“It is because–ay, you don’t understand english pala. Kasi si Charlie hindi naman talaga nakikipag-usap ang anak ko sa taong kakakilala niya palang at ’di iyan nauunang magsalita sa isang tao.”
Kung kanina ay si Zin ang nagulat ngayon ay ako naman. Bakit kabaliktaran ang nangyari kanina? Si Charlie naman ang unang nakipag-usap sa akin.
“Hi.” Hindi ko talaga makalimutan ang katagang iyon na lumabas sa bibig ni Charlie.
“Oh, yeah, mabuti nga iyon dahil iiwan ko muna rito ang anak ko at–” tumigil siya saglit. “Ano nga ang pangalan mo?”
“Ah, ako si Almira.”
“I don’t really understand why you have to hide your face, but I’ll respect your decision, Almira. Pero iiwan ko rito ang anak ko. Can you look after him?”
Sinasabi ba niyang iiwan niya dito ang anak niya? Tulad ko na iniwan ng ama ko rito?
“Two days, dalawang araw akong wala, kaya mababantayan mo naman ang anak ko, “di ba?” Ngumiti siya sa akin.
Kinakabahan ako dahil kahit kailan ay hindi pa ako nakakapagbantay ng isang bata. Titingnan lang naman siguro iyong bata?
“Ah, s-sige, ayos l-lang naman sa akin.”
“YEY! Ate ganda, can I sleep in your room?” Biglang sabad ni Charlie sa gitna namin ni Zin. Ngunit mas nagulat ako nang kumandong siya sa akin at yumakap.
“Hahahaha, oo naman–.”
“Hindi pwede, Charlie!” Napaahon sa dibdib ko si Charlie at nilingon si Zach na nakabihis na nang pambahay. Sanay na ako kay Zach na nagsusuot siya ng pantalon pero pag dito lang sa loob ay nagkaka-kalsonsilyo siya kaya nakikita ko ang mabalahibo niyang binti.
Umupo siya sa upuang de-kutson na pang-isang tao na malapit sa kinauupuan ko.
“Why, papa?” Napatingin ako kay Charlie, nakasalubong ang kilay kay Zach.
“Because your sister is a girl and you are a boy.”
“But I’m just a baby, and I like Ate Ganda.” Binalik ni Charlie ang mukha niya sa dibdib ko at nagmukmuk doon.
“Charlie, get down here!” Tumaas ang boses ni Zach pero ’di nagpatinag si Charlie na naka yakap pa rin sa ’kin.
“Ayos lang, Zach.” Ngiting sabi ko kay Zach.
“Okay lang naman pala, Zach eh. OA ka lang. HAHAHAHA, nakakatawa na nagtatalo kayong mag-tito sa iisang babae.” Tumatawang saad ni Zin.
Anong nagtatalo sa iisang babae?
“So, it’s settled then. Take care of your nephew, Zach. I trust you and Almira.”
Zach’s POV
Nakahulukipkip kong tinitingnan ngayon sina Charlie at Mira na parang may saliring mundo na nakaupo malapit sa akin. I don’t know na ganito na sila ka lapit sa isa’t isa. Si Charlie ay hindi na umaalis sa kundungan ni Mira. Minsan ay yumayakap pa si Charlie kay Mira at binabaon niya ang mukha niya sa dibdib ni Mira. Kung hindi ko lang kilala ang pamangkin ko at bata ito ay iisipin kong may gusto siya kay Mira. However, sweet na bata talaga si Charlie lalo na sa taong gusto niya at base sa nakikita ko, gustong-gusto niya si Mira.
Hanggang sa naghapon ay ’di ako umalis sa penthouse upang bantayan si Charlie at Mira. Nadagdagan pa tulay ang babantayan ko. Hindi na talaga mahiwalay si Charlie kay Mira na ultimo sa pagluluto ni Mira ay sumasama ito sa kusina at pinapanood nitong nagluluto ang Ate niya. Ako naman ay taimtim silang pinagmamasdan na parang hangin na lang kung ituring nila ngayon.
“Charlie, you’ll sleep with me tonight.”
“No, papa.” Matigas niyang sabi sa ’kin habang binibihisan ko siya sa kwarto ko ngayon.
“Charlie, don’t be stubborn.”
“Ate ganda, help!” Hinging saklulo niya kay Mira na ngayon ay nasa hamba lang ng pintuan dito sa kwarto ko. Ayaw kasing pumasok dito ni Charlie hanggang hindi sumasama si Mira.
Hindi ko talaga alam kong ano ang pinakain ni Mira kay Charlie na naging ganito na ang pamangkin ko. Napatitig din ako kay Mira. Naalala ko bigla ang nangyari noong nakaraang gabi. Ngayon kahit na may takip ang mukha niya ay parang nakikita ko pa rin ang mukha niya. Iyong maganda niyang mukha. Tama ang sabi ni Charlie sa ate ganda niya. Mira is really beautiful, she look like an angel. Parang may kahawig talaga si Mira pero hindi ko lang matukoy kung sino.
“Zach, ayos lang naman na sa silid ko matulog si Charlie.” Sabat nito.
“YEY! Did you hear ate ganda, papa?”
Charlie has been calling me papa eversince na natuto siyang magsalita. Mahirap kay Charlie dahil hindi niya alam kung sino ang tunay niyang ama habang lumaki. Ako ang naging father figure niya at masaya naman ako roon. Minsan nagtatanong siya sa ama niya pero wala akong masabi sa kanya. Buti na lang at matalino siya at naiintindihan niya kung bakit hindi ko siya masagot-sagot sa tanong niya dahil kahit si Zin ay wala siyang sinasabi sa anak niya.
“Okay, pero doon din ako matutulog.”
“Uh, eh… Zach maliit lang ang papag doon sa silid ko.” Sambit ni Mira na mukhang nag-alala dahil doon sa maliit niyang kama.
“Matutulog ako sa sahig.”
“Ay, hindi na ako na ang matutulog sa sahig.” Sabi niya at umiling-iling.
“No, dahil tatabi sa’yo si Charlie at hindi iyon maganda sa bata.”
Lumipat kami sa silid ni Mira humiga. Ako naman ay sa sahig talaga ang bagsak.
“Ate ganda, can you read me a story?”
“Huh.”
“Charlie, your ate g-ganda doesn’t know any stories.” Sagot ko rito. Itinakip ko ang braso ko sa mata ko.
“Ate, pwede ka namang magkwento, di ba?” Rinig ko na naman na sabi ni Charlie.
“Sige,” rinig kong sagot ni Mira.
Tumahimik saglit. Mayamaya ay muling nagsalita si Mira.
“Noong unang panahon may isang babae na nakatira sa malayong-malayong lugar. Ngunit may biglang isang trahedya ang nangyari sa tirahan ng babae. Kaya kailangan niyang umalis doon sa lugar. Kaya ang babae ay napadpad sa isang lugar na hindi pamilyar sa kanya, bago sa kanya. May nakakita sa kanyang isang gwapong lalaki na siyang tumulong sa babae na manirahan sa bagong lugar na iyon. Hanggang sa tumagal ang panahon at nakilala ng babae ang lalaki hindi inaasahan ng babae na mahuhulog siya sa–” biglang naputol ang kwento ni Mira. Kaya napamulat ako. Hindi ko alam pero yung kwento niya ay parang kwento ng nangyari sa kanya. Napadpad siya dito sa ’kin. Tapos… “Ang bilis mo naman pa lang makakatulog, Charlie.”
Gustong-gusto kong sabihin kay Mira na ituloy ang kwento, gusto kong magtanong kung ano ang nangyari sa babae sa kwento niya at kung saan nahulog ang babae sa kwento niya.
Mira, what are you doing to me? Why do I feel this way?
This story is already at chapter 37 on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month and 35php for student. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))
TWENTY-TWO
Chapter Twenty-Two
Mira’s POV
Nagising ako na parang ang may nakadagan sa aking katawan. Medyo nahihirapan akong huminga dahil doon. Kaya minulat ko ang mata ko para makita kung ano iyon. Napangiti na lang ako nang pagmulat ko ay hindi pala bagay ang nakadagan sa akin kundi tao iyon. Si Charlie pala ang nasa ibabaw ko at tulog pa. Muntik ko nang makalimutan na may katabi pala ako sa pagtulog kagabi. Buti na lang din at hindi ako bumangon kaagad kung hindi mahuhulog ang gwapong batang ito. Hinaplos ko ang maitim niyang buhok nang gumalaw siya.
“Mira,” napatingin ako sa pinanggalingan ng boses. Nakita ko si Zach na walang pang itaas at nakahilig sa hamba ng pintuan dito silid ko. Iniwas ko ang aking mata roon sa mabato niya katawan. Naramdaman ko ang pagkalat ng init sa aking pisngi hanggang sa aking leeg. Buti na lang at hindi niya nakikita ang mukha ko. Kung wala lang siguro si Charlie sa ibabaw ko ay nabato ko siya ng kung ano. Alam niya naman na ayaw kong nakikita ang ganyan, nababastusan ako. At saka nag-aalburuto na naman ang dibdib.
Hmmp!!
“Oh.”
“Bumangon ka na d’yan, itabi mo na si Charlie mabigat ’yan.”
“Ayos lang, Zach,” wika ko at tumingin kay Charlie.
Pero nagulat ako nang lumapit siya at kinuha si Charlie sa ibabaw ko at ihiniga niya sa tabi ko. Napasinghap ako nang maamoy ko ang bango niya. Nasisiguro kong katatapos niya lang sigurong maligo. Ang bango niya. Nagliyab pa lalo ang mukha ko nang mapagtanto kong lang lapit-lapit niya sa akin.
Akmang iaangat na niya ang katawan niya nang kumapit ang nakapikit na si Charlie sa kanya. Hindi naman ganun ka lakas si Charlie pero natumba siya sa kama… sa ibabaw ng tiyan ko siya natumba.
“F*ck,” rinig kong sambit niya at nagkukumahog sa pagtayo.
Nang makatayo siya ay umupo din ako mula sa pagkakahiga ko. Ano iyong nangyari? Sobrang bilis lang nangyari iyon pero tandang-tanda ko at parang nararamdaman ko pa ang init ni Zach sa t’yan ko. At yung parang tumusok sa tiyan ko na hindi ko matukoy kung ano.
“Ate ganda, good morning.”
Buti na lang at nagising sa tabi ko sa Charlie. Naibaling ko ang atensyon ko sa kanya.
“Magandang umaga, Charlie.” Bati ko.
“Good morning, papa.”
“Good morning, buddy, come here give papa a hug.” Mabilis na bumaba si Charlie at tumakbo papalapit kay Zach at yumakap.
Biglang pumasok sa isip ko na para kaming isang pamilya. Si Zach ang ama at ako naman ang ina tapos anak namin si Charlie. Napapikit ako at kinurot ang sariling braso. Bakit ko ba naiisip ang bagay na iyon? Kailaman man ay hindi ako nababagay kay Zach at hindi rin pwedeng maging kami. Tila may kirot sa puso ko ang kaisipang iyon.
“Ate ganda, hug papa too.”
“Huh?” Takang tanong ko kay Charlie naglakad siya patungo sa papag na kinauupuan ko at hila-hila si Zach, nagpatianod naman ang kanyang tiyo.
“Yakap niyo rin po si papa.” Para akong nabilaukan sa sinabi ni Charlie.
“H-huh, eh… Charlie kasi–.”
“Let’s take a bath, Charliek huwag mo nang isturbuhin ang ate g-ganda mo.” Nakita ko ang pag-iwas ng tingin ni Zach.
Nagkayap na naman kami ni Zach pero bakit ayaw na niya akong yakapin? Hindi naman sa nanghihinayang ako pero parang ganun na nga. Ngunit mas mabuti na siguro ito para mahinto na itong nararamdamn ko para sa kanya. Mas mabuti na din sigurong iwasan ko na rin siya. Kaso imposible dahil nasa iisang bahay lang kami at magtataka na naman siya.
Hay!
Zach’s POV
Kakatapos ko lang paliguan si Charlie at binibihisan ko na siya. Para akong nanghihinayang na hindi ko nayakap si Mira kanina.
Pero nang ma-realized ko ang pumasok sa isip ko ay napahilamos na lang ako sa sariling palad mukha ko. Ano na ba itong pumapasok sa isip ko? Parang hindi na ’to ako. I’ve never felt this way before.
F*ck this!!!
“Papa, are you okay?” Tanong ni Charlie na nakatayo sa ibabaw ng kama ko at wala pang pang-itaas.
“Yes, Papa is okay. Anyway, Papa is leaving for work today, so you’ll be left here with your Ate G-Ganda.”
Nakakag*go pero pagbinabanggit ko ang ate ganda na siyang tawag ni Charlie kay Mira ay nauutal ako. Naalala ko kasi ang mukha ni Mira.
Why the h*ll, I’m not yet over it?
“It’s okay papa, I’m a good boy and I like ate ganda.”
Tumaas ang kilay ko sa sinabi ni Charlie.
“You like your ate g-ganda?” Tanong sa kanya at pinulot ang damit niya at isinuot ko sa kanya.
“Yes, I like her, papa, and I wanna make her my girlfriend, so make me so pogi, papa!” Sagot niya matapos kong isuot sa kanya ang damit niya.
“Charlie, you can’t like ate ganda!” Kontra ko sa kanya.
Pinagkrus niya ang maliit niyang kamay sa harap ng dibdib.
“And why, papa?”
Because your ate ganda is for me!
Sh*t
What the hell am I thinking!
“You’re still a baby, and ‘ate ganda’ isn’t.”
“Maybe I should tell Ate Ganda that she should wait for me until I am as big as you, Papa.”
Napapikit na lang akong sa sinabi ng anak ni ate Zin. Saan ba niya ito nakukuha?
“Saan mo natutunan ang mga sinasabi mo, Charlie?”
“Papa Nic.” Diretsong sagot niya sa akin.
Lumaki si Charlie na walang ama pero marami naman siyang tinatawag na papa dahil malapit siya kina Nic, Frances, at Oli. Okay lang naman sa kanila na tawagin silang papa ni Charlie dahil na iintindihan ang sitwasyon ni Charlie at malapit din sila kay ate Zin. Nakakasama ni Charlie si Nic kaya siguro doon niya ito natutunan. Bad influence talaga ang gag*ng iyon.
Mira’s POV
“Mira, ikaw na ang bahala kay Charlie at huwag kayong lumabas dito at kung may kailangan ka, tumawag ka lang dahil may telepono naman, hmm?”
Talagang nakinig ako maayos kay Zach dahil hindi ko talaga alam kong papaano ang pag-aalaga ng isang bata pero mabait at hindi naman makulit si Charlie kaya magiging maayos naman siguro ito.
Tinandaan ko kung anong oras papakainin at patutulugin si Charlie.
Nailang ako bigla nang hindi matanggal ang tingin ni Zach sa akin habang magkaharap kami. Hindi niya naman nakikita ang mukha ko pero naiilang talaga ako. Dahil parang tumatagos sa tela ang paraan ng titig niya sa ’kin.
“Z-zach hindi ka pa ba aalis?”
Kumurap-kurap siya. “Ah, yeah, I gotta go. Take care.”
“Buddy, papa is going na.” Tumayo siya at humalik sa ulo ni Charlie. Tumingin muli siya sa akin bago siya umalis.
“Ate ganda, do you like my papa?”
Nang matapos ang isang palabas na tungkol sa ibon na may iba’t ibang kulay ay biglang nagsalita si Charlie.
“Charlie?”
“Please, don’t like my papa or ate ganda; just like me instead. Papa is old.”
Hindi ko alam kung ano itong pinagsasabi nitong si Charlie. Natatawa ako sa kanya ngayon dahil nakaupo sa isang upuan at lukot-lukot ang mukha niya.
Ano ba ang binubusungot ng batang ito?
“Ano ba iyang sinasabi mo, Charlie?”
“Huwag niyo pong gustuhin ang papa ko, ate ganda. Ako na lang po.”
Nagulat ako sa sinabi niya. Ang bata niya pa para sa mga pinagsasabi niya. Natawa na lang ako.
“Saan mo ba nakukuha ang mga ’yan, Charlie?” Kinurot ko ang pisngi niya na siyang naging paborito kong gawin sa pisngi niya.
Ngumuso lang siya. Humikab.
“Ate ganda, I’m hungry.” Sabi niya at hinihimas ang tiyan.
“Hala, gutom ka na?” Tanong ko.
“Yes, po.” Sagot niya sakin.
“Anong gusto mong kainin?”
“I wanna have some bread with peanut butter, ate ganda.”
“Ano?”
Ang hirap naman nitong si Charlie. Hindi ko nga siya maintindihan. ’Di ko rin alam kong ano ang tinutukoy niyang pagkain. Sana pala ay nagtanong ako kay Zach kanina. Puro tango lang ako kanina eh.
Hinila ako ni Charlie patungo sa kusina at dinala sa may mga maraming pundong pagkain na de-late at meron pang iba na nasa plastik.
“That! I want that.” Tumatalon na sabi ni Charlie habang tinuturo ang gusto niyang kainin.
“Ito?” Kinuha ko iyong isang botelyang babasagin na kulay kape at ipinakita sa kanya. Mabilis na nagliwanag ang mukha niya at kinuha iyon sa kamay ko. Kumuha din ako ng tinapay dahil gusto niya raw iyon.
“Para sa’yo, ate ganda.” Inilahad niya sa akin ang tinapay na nilagyan niya ng kulay kape na mula sa botelya kanina.
“Huwag na. Ikaw ang nagugutom Charlie kaya ikaw muna, mamaya na si Ate.” Tanggi ko at ngumiti naman siya, tumango sa akin. Nakangiting kumagat siya sa tinapay.
Ilang sandali pa ay nag-iba na ang timpla ng mukha ni Charlie at parang namumula ang kanyang leeg patungo sa kanyang mukha. Nabitawan niya ang tinapay na hawak-hawak niya.
“C-charlie, ayos ka lang ba? C-charlie n-naririnig mo ba ako.” Tumayo ako mula sa upuan at nilapitan ni Charlie na ngayon ay nakasandal na silya at parang nahihirapan ng huminga at namumula.
“C-charlie!!!” Natatakot na ako. Anong nangyayari sa bata?
Tumakbo ako sa sala at kinuha ang telepono doon. Mabilis akong bumalik sa kusina. Hindi ko alam kong ano ang gagawin ko. Halos hindi ko na matipa ang numero ni Zach sa pagkakataranta at panginginig ng kamay ko. Nanlalamig na rin ito at pinapawisan ng husto.
“Hello?” Sagot ni Zach ilang sandali.
“Z-zach.” Nauutal na sagot ko sa telepono.
“Mira? Bakit?” Nangingig ng husto ang kamay ko habang hawak iyong telepono na nakatapat sa tenga ko.
“K-kasi Z-zach–”
“D*mn, anong nangyayari sa’yo, Mira? Bakit nauutal ka d’yan, si Charlie?” Putol sa akin ni Zach.
Doon na ako nagkaroon ng lakas nang loob nang marinig ko ang pangalan ni Charlie.
“Z-zach si Charlie kasi n-namumula ang leeg niya at p-parang n-nahihirapan siyang huminga hindi–.”
“D*mn it!”
This story is already at chapter 37 on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month and 35php for student. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))
TWENTY-THREE
Chapter Twenty-Three
Mira’s POV
Hindi ko alam kong papaano ako nakarating dito sa tinatawag nilang ospital. Basta ang alam ko lang ay ospital itong pinasukan ko ngayon. May mga tao kasing bigla na lang nakapasok sa loob ng bahay ni Zach at dali-dali nilang binuhat si Charlie. Sinabi ng isa sa mga tao na dadalhin daw nila si Charlie sa ospital daw at ito na nga iyon. Pinasama nila ako kasi ako lang ang kasama ni Charlie. Kung hindi ako nagkakamali ay ito yung lugar na ginagamot ang may sakit. Nakita ko na ito sa isang palabas sa telebesyon.
Nandito ako sa labas ng silid kung saan nila pinasok si Charlie sabi kasi ng babae kanina na nakaputing kasoutan ay dito lang muna raw ako maghintay. Iyong nginig ng tuhod at kamay ko ay hindi ko mapigilan dahil sa pinaghalong kaba, takot, at pag-alala kay Charlie. Paulit-ulit ko ring kinakagat ang labi dahil parang naiiyak na ako sa sitwasyon ko ngayon. Binabalewala ko na lang ang mga taong dumadaan sa harap ko na napapalingon sa kinauupuan ko. Alam kong naninibago lang sila dahil sa kasoutan ko.
Ang pinag-alala ko ay kung ano na,lang ang sabihin ni Zin sa oras na malaman niya ang nangyari sa anak. Nagtiwala siya sa akin, binilin niya ang anak niya sa akin tapos ganito ang nangyari sa anak niya. Muntik nang nag-agaw buhay ang anak niya sa pangangalaga ko. Ang bait-bait niya sa akin ni Zin tapos ito pa ang isusukli ko sa kanya.
Tapos si Zach, ano na lang ang sasabihin niya sa nangyari sa kay Charlie? Nagtiwala rin si Zach sa akin na mababantayan ko ang pamangkin niya pero ito ang nangyari. Iniisip ko palang ang mukha ni Zach sa oras na makarating siya dito ay naiiyak na ako. Kinusot ko ang mata nang dumaloy ang mainit na likado. Paano kung paalisin ako ni Zach dahil sa nangyari sa pamangkin niya? Ano na ang gagawin ko?
“Almira?” Umangat ang tingin ko sa narinig na panlalaking boses.
“O-oliver.”
“It’s really you. Bakit ka umiiyak? Anong ginagawa mo rito?” Sunod-sunod na tanong niya. Umupo siya sa tabi ko.Kinuwento ko sa kanya ang nangyari kanina at kung paano ako nakarating dito.
“Hindi mo ba alam na bawal kumain ng peanut… nang kahit anong klaseng mani si Charlie?” Nag-aalalang tanong niya sakin.
“H-hindi ko alam, h-hindi ko talaga alam, Oliver, d-dahil kong alam ko na bawal pala iyon sa kanya hindi ko siya papayagan na kumain no’n. G-gusto niya raw kasi iyon. Hindi ko alam na mani pala ang laman ng botelyang iyon. Kung alam ko… kung alam ko lang–.”
Umiyak na lang ako dahil hindi ko talaga alam iyon. Kung sana… kung sana ay alam ko lang hindi ito mangyayari ngayon.
“S-sa tingin mo magagalit ba si Zin? Si Z-zach?” Tanong ko kay Oliver na ngayon ay bakas din sa mukha ang pag-aalala. Siguro ay malapit din sila kay Charlie.
“I don’t know… hindi ko alam Almira. Parang anak na ni Zach si Charlie kung ituring. Si Zin hindi ko talaga alam pero siguro maiintindihan nila dahil hindi mo naman alam na bawal kay Charlie iyon.”
Tumango sa kanya at binaling ang tingin sa kamay kong nanginginig sa ibabaw ng hita ko.
“Doc, kailan ko kayo sa room 104.” Napatingin ako sa babaeng maganda at nakaputing kasoutan din.
“Almira, maiwan muna kita. May kailangan lang akong asikasuhin babalikan kita rito, okay?” Dalawang tango ang sinagot ko sa kanya. Tipid siyang ngumiti at umalis kasama ang babae.
Zach’s POV
Hindi ko na pinatapos si Mira sa pagsasalita niya at mabilis na tumawag ng ambulance para doon sa penthouse ko. I know what’s happening, siguro ay nakakain ng pinagbabawal na pagkain si Charlie. I know that brat. And Mira, Jesus! Wala iyong alam sa pamangkin ko at ignorante pa naman iyon. Nagpapapaniwala naman iyon sa pamangkin ko. Sana lang ay hindi malala ang allergy ni Charlie.
Halos paliparin ko ang aking sasakyan patungong ospital sa pag-aalala ko kay Charlie.
“Charlie… Charlie Androilan, saang room?” Hinihingal na tanong ko sa nurse na nasa front desk ng hospital.
“Faster, please!”
Gulat ang nurse dahil sa sigaw kaya nataranta siya. “Y-yes, sir, second floor room 33 sir.” Nauutal na sagot ng nurse.
Mabilis akong tumungo rion.
Pagdating ko roon, nakita ko si Mira na nakaupo sa labas ng room. Hindi niya ako namalayan na dumating dahil nakayuko siya at nakikita ko ang panginginig niya.
“Mira,” tawag ko sa kanya.
“Z-zach,” utal na sagot niya at tumayo palapit sa akin. “Z-zach hindi ko talaga sinasadya, hindi ko alam na bawal palang kumain ng mani si Charlie. Zach, patawad… patawarin mo ako hindi ko alam.”
Sabi ko na nga ba na may nakain na ipinagbabawal si Charlie. Any nut foods is strictly forbidden for Charlie. Nalaman namin ito nang minsan ay kumain siya ng nips candy at peanut flavor pala iyon.
Sinubukan ni Mira na abutin ang kamay pero napahilamos ako sa aking mukha kaya hindi niya iyon naabot. Galit ako, galit ako sa sarili ko na binabayaan ko si Charlie at iniwan ko siya kay Mira na walang alam.
Tang*ina!!
“Z-zach.”
“Please, Mira wag ngayon. Pakiusap umalis ka muna sa harapan.” ani ko dahil baka kung ano ang masabi ko at magawa ko. Ayaw kong makita niya kung ano ako magalit.
I gritted my teeth.
Maybe it sounds exaggerated, but Charlie is just so important and special to me. Para ko ng anak si Charlie at saksi ako sa paglaki niya.
“Pero, Zach–”
“Please, Mira kahit ngayon lang!”
Nakita ko ang gulat at takot sa mata niya bago siya yumuko at tumango.
D*mmit!
“Sorry-.”
“Sir, are you the family of the patient?” Tanong ng doktor na lumabas mula sa room ni Charlie.
“Yes, ako, doc.” sagot ko.
“Patient is now safe, sir, mabilis kasing madala sa ospital at madaling naagapan kaya hindi lumala ang allergic attact ng bata. Pwede na po kayong pumasok. Natutulog lang ang bata at wala na kayong dapat pang ipag-alala.”
“Salamat po.”
Pumasok ako sa loob at nakita kong natutulog si Charlie. Umupo ako sa upuan malapit sa hospital bed nito. Nakikita kong may bakas pa din ng pamumula sa leeg niya.
“Charlie!”
Napatayo ako nang may biglang pumasok sa kwarto. Nagulat ako ng ate Zin ang pumasok.
“Ate, hindi ba nasa Hong Kong ka pa?” takang tanong ko.
“I thought matatagalan ako roon pero madali lang natapos ang meeting. Noong tumawag ka ay balabas na akong NAIA no’n. Kaya dito na rin ako dumiretso. Kumusta na ang anak ko? Okay lang ba siya? Nag-alala ako ng husto.” Lumapit si ate kay Charlie at hinaplos ang mukha ng anak.
“Okay na siya.” Sabi ko sa kanya at binalingan si Charlie. “Madaling nadala sa ospital kaya madali ring naagapan. I’m sorry, Zin. I shouldn’t have left Charlie in the penthouse, knowing that Mira is naive and ignorant. I’m sorry.”
“Oh, mabuti naman, but where’s Mira? Nasa penthouse mo?” Tanong niya at umupo sa sofa ng room at hinubad ang coat niya.
“What? Wala ba siya sa labas?”
“Wala. Walang tao sa labas, Zachary.”
“Fu*k! Saan na naman ang babaeng iyon?”
“Ikaw na ang nagsabi na naive at ignorant si Mira. Where is she? Anong ginawa mo, anong sinabi mo sa kanya?!” Galit na bulyaw ni Ate. Buti na lang at hindi nagising si Charlie.
Biglang may nagpop-up sa isip ko ang sinabi ko sa kay Mira kanina.
Iyong pagsigaw ko sa kanya kanina. D*mn!
“G*go ka rin talaga. Hanapin mo si Mira, Zachary kung hindi ay malilintikan ka–.”
Hindi na ako nakinig pa kay Ate at mabilis na lumabas sa kwarto para hanapin si Mira. Tiningnan ko ang paligid ngunit walang ni anino ni Mira doon.
Tang*na!!!
This story is already at chapter 37 on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month and 35php for student. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))
TWENTY-FOUR
Chapter Twenty-Four
Mira’s POV
Hindi ko alam kung saan na ako naka-abot. Basta ang alam ko lang, umalis sa lugar na iyon. Ayaw akong makita ni Zach, galit siya sa ’kin. Huminto ako sa paglalakad nang may nakita akong bakal na upuan at doon ako umupo. Tumingala ako sa ulap na unti-unti nang dumidilim. Tahimik lang ang buong paligid. Ang naririnig ko na lang ay ang hangin na humahampas sa mga puno rito. May mga tao naman pero malayo sila sakisa pwesto ko. Ang sa tingin ko nga ay ako lang ang nandirito sa kinauupuan ko ngayon.
Tumulo ang luha mula sa aking mga mata. Nasa kalagayan ko ngayon na walang-wala ako. Ngayon ko mas naramdaman ang pag-iisa at pangungulila. Pangungulila sa simpleng buhay ko roon sa nayon. Namiss ko ang simpleng takas ko sa kubo namin para lang makapunta sa batis. Iyong mga simpelmg pag-uusap namin ni Edna na kung ano ang buhay na nandirito sa patag noon ay pangarap ko talaga. Pangarap na mapunta at tumira dito sa patag kasama ang ama ko. Pero ngayon ay mukhang gusto ko ng umuwi sa amin.
“Ama, kunin mo na ako rito gusto ko ng umuwi.” bulong ko sa hangin.
“Psst!”
Natigilan ako.
Kinabahan ako nang tiningnan ko ang pinanggalingan ng sipol. Nakita ko ang tatlong lalaking papalapit sa kinauupuan ko. Iyong nasa gitna ay may hinihithit na umuusok. Iyong dalawa naman sa gilid ay nakangisi.
Pinahid ko ang luha at tumayo. Kahit na nanginginig ang tuhod ko, naka hakbang pa ako. Sinubukan kong maglakad patungo sa may mataong lugar dahil hindi maganda ang pakiramdam ko sa mga lalaking iyon. Pero natigil ako sa paglalakad nang nakita ko ang isang lalaki na nasa harapan ko na. Tumalikod ako pero nakita ko rin iyong lalaking may hinihithit kanina. Tinapun niya iyon at inapakan. Mabilis na namatay ang apoy doon.
“Tumatakas ka pa, huh.” Ngumisi ng nakakaloko iyong lalaki.
“Anong kailangan niyo?” Pilit kong tinatakpan ang takot na nararamdaman.
Hinagod niya ako ng tingin.
“Hmm, hindi na masama.” Aniya.
“Nakita naming nag-iisa ka kanina kaya sasamahan ka sana namin pero umalis ka.”
“H-hindi ko kailangan ng makakasama kaya aalis na a-ako.” Tumalikod ako pero hinablot niya ang kamay ko at mahigpit na hinawakan.
“B-bitawan mo ako! Sino kayo?”
“Ang lambot ng kamay mo.” Mabilis kong binawi ang kamay ko sa kanya at saka ko siya tinulak. Hindi niya inasahan ang ginawa ko kaya nakawala ako. Ngunit iyong dalawang lalaki ay hinawakan ang magkabilang kamay ko.
“Ano ba! Pakawalan ninyo ako!” Pagpupumiglas ko.
Pilit akong pumipiglas sa pagkakahawak nila sa ’kin pero malakas at mahigpit ang pagkakahawak ng dalawang lalaki sa ’kin. Lumapit yung lalaking tinulak ko kanina.
“Bakit nakatakip ’tong mukha mo? Pangit ka ba kaya ayaw mong ipakita?” Tapos tumawa siya.
“O-oo, kaya pakiusap pakawalan niyo na ako dahil wala kayong mapapala sa ’kin.” Pakiusap ko.
“Hindi naman kami naghahanap ng maganda miss, ang amin lang ay may maparausan kami!” At saka tumawa.
Tapos hinawakan niya yong mukha ko. Iniwas ko sana ang aking mukha ngunit hinawakan niya pa rin ako at hinablot ang takip sa mukha ko.
“Pakiusap ’wag iyan-,” hindi ko na natapos ang sasabihin nang lumipad na ang tela sa mukha ko at nasa kamay na iyon ng lalaki.
Tumulo ang luha ko dahil sa takot at kaba. Pero mas lalo pang tumulo ang luha ko dahil wala na ang takip sa mukha ko… ang matagal ko nang pinakakaiiningatan ay bigla na lang naglaho sa isang iglap. Narinig ko ang mga bayolente nilang singhap.
“Tulong! Zach!” Sa tingin ko ay iyon ang pinakamalakas na sigaw ko sa buong buhay ko. Kung mawawala man ako sa kamay ng mga lalaking ito sana naman ay maka-amin muna ako Zach na gusto ko siya.
Diyos ko tulungan niyo po ako!
Zach!
Humihikbi na ako at patuloy sa pagdaloy ang aking mga luha.
“Tang*na! Tumahimik ka kung ayaw mong bumaon ito sa lalamunan mo!” Banta sa ’kin ng lalaki. Nakita kong may dala siyang matalim na bagay.
Kutsilyo iyon!
Zach’s POV
D*mn it!
Hindi ko talaga mahanap si Mira sa loob ng hospital kaya napagdesisyonan kong hanapin siya sa labas at kapag hindi ko siya mahanap, tatawag na ako ng mga pulis. Wala akong pakialam kung wala pang bente kwatro oras na nawawala si Mira. Hindi pa naman iyon nakakarating dito at hindi iyon lumalabas sa penthouse.
Tsk! Iyong babaeng iyon palagi na lang akong binibigyan ng alalahanin.
Malayo na ang nalakad ko at pawisan na dahil sa paghahanap kay Mira. D*mmit! Sinabi kong umalis siya sa harapan ko pero hindi sa loob ng hospital!
“Tulong! Zach!”
Napatigil ako sa paglalakad at hinanap yung pinanggalingan ng boses. I know that voice, kay Mira iyon. Hindi ako maaaring magkamali.
“Mira!” Sigaw ko.
Lakad takbo ang ginagawa habang lumilinga sa paligid. F*ck! Malapit pa namang gumabi!
May naaninag akong mga tao na tila nag-aaway. May dalawang lalaki na may na hawak ang isang babae at may lalaki ring sumusunod na tumitingin sa paligid. Pinipilit ng dalawang lalaki na hilain ang babae! Lumapit ako para matingnan iyon ng mabuti.
My eyes went round, nang mapagtanto ko kung sino iyong babaeng kinakaladkad ng dalawang lalaki.
Si Mira! Sh*t!
Tinakbo ko ang kinaroroonan nila at sinugod iyong lalaking sumusunod sa kanila. Mabilis kong hinablot ang balikat ng lalaki at tinapuanan ng suntok sa mukha. Napadaing siya sa suntok ko.
“Zach!”
Mas lalo akong nag-init dahil sa galit nang makita kong wala na ang takip sa mukha ni Mira at parang kanina pa siya umiiyak dahil namumugto na ang mga mata niya.
Binitawan ng dalawang lalaki si Mira at sinugod ako pero mabilis akong kumilos at walang hirap na iniiwasan ang mga suntok nila. Nagkaroon ako ng pagkakataong gumanti ng suntok sa kanila. Iyong isa ay natumba pero iyong isa ay matibay. Akmang susugod ako sa kanila nang maglabas ng patalim ang lalaking una kong sinuntok.
“Oh, ano sumugod ka! Saan ang tapang mo ngayon!” Ngumisi siya.
I gritted my teeth! Fu*k it!
“Zach!” Tawag ni Mira sa ’kin.
Nakita kong hinawakan siya ng isa sa mga kasama nitong lalaki. Humakbang ako para makalapit kay Mira nang sumugod iyong lalaking may patalim at sinaksak ako sa aking tagiliran.
“Zach!” sgaw ni Mira.
“Hoy! Anong nangyayari d’yan?” May narinig akong boses.
Mabilis na hinablot ng lalaki ang patalim sa tagiliran ko. Oh, sh*t!
“Tang*na!! Takbo!” Sabi nung isang lalaki at tumakbo siya kamasa iyong dalawang lalaki.
Mabilis na nabasa ng dugo ang sout kong polo. Nilagay ko ang kamay ko sa may tamang parte.
“Z-zach, tulong… tulong… tulungan ninyo kami!” Lumapit si Mira sa ’kin.
Napaupo ako nang maramdaman ko ang pagkahilo. Tssk, mahaba kasi iyong patalim at bumaon iyon sa tagiliran ko. Umupo si Mira semento at isinandal niya ako sa kanyang katawan.
“’Y-yong takip sa mukha mo, Mira. Takpan mo ang mukha mo!” Ngumiwi ako ng kumirot yung sugat.
“N-nakita na nila ang mukha ko, Zach. Wala ng silbi iyon. P-pero ikaw may sugat ka.” Natataranta niyang saad.
Napapapikit ako dahil parang nalalamon na ako ng kadiliman. “Z-zach ’wag k-kang pumikit.”
“A-ayos lang a-ako, Mira.” Pilit kong sinisigla ang boses ko at pumikit.
“Hindi ’wag… ’wag kang pumikit sabi, Zach! Zach?” Tawag niya.
Pero hindi ako sumagot dahil pagnagsasalita ako ay bumibilis ang pag-agos ng dugo. Nanatili akong nakapikit.
“Zach?”
Hindi ako sumagot.
“Zach?!” Tawag na niya naman.
“Zach…” tumigil siya sa pagsasalita kaya sasagot sana ako sa kanya pero nagsalita ulit siya. “’W-wag ka sabing pumikit, Zach…. alam mo bang kanina sinabi ko sa sarili ko na kapag nakaligtas lang ako sa mga lalaking iyon ay may sasabihin ako sa’yo.” saysay niya.
“G-gusto kong sabihin sa’yo na gusto kita, Zach… gusto na kita.” Mahinang sabi niya pero sapat na para marinig ko.
Hindi na ako nakasagot sa kanya dahil tuluyan na akong nilamon ng kadiliman.
I’ve heard enough… enough for me to close my eyes with a smile plastered on my lips.
‘I f*cking like you too, Mira!’
TWENTY-FIVE
Chapter Twenty-Five
Mira’s POV
“Hindi ko alam, Almira, kung magpapasalamat ba ako sa’yo o hindi. Gusto kong magpasalamat dahil napa-amo mo ang kapatid ko pero nang dahil din sa’yo napahamak ang kapatid ko.”
Nakayuko lang ako at hindi makatingin kay Zin na nasa harapan ko. Hindi ako makatingin sa kanya, dahil una muntik ko ng mapahamak ang hubay ni Charlie. Pangalawa, nang dahil sa akin ay nasaksak si Zach.
“Hindi ko sinabi sa magulang namin ang nangyari sa kapatid ko ngsyon dahil alam ko kahit anong oras lilipad ang mga iyon pauwi dito sa Pilipinas. Pero gusto kung si Zachary ang magsabi no’n sa mga parents namin.”
“Z-zin, patawad… patawad kung dahil sa ’kin muntik ko ng mapahamak si Charlie at si Zach nasaksak dahil sa akin. Patawad.” Wala akong gustong gawin ngayon kung ’di ang humingi ng tawad dahil sa kagagawan ko.
“Hmm. Charlie already know that he is… ahmm, tssk… hay! ’Wag kang humingi ng tawad, Almira. Dahil hindi mo naman gusto yung nangyari kay Charlie. Si Charlie alam na ng anak ko na bawal siyang kumain ng peanuts, but he is really stubborn just like his tito. At si Zach naman, nako hindi naman siguro ’yan mamamatay dahil sa saksak niya, di ba?” Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kay Zin sobrang bait niya. Hindi ko alam na ang ganitong tao ay meron pa pala sa mundo. Ito ang totoong kaganda. Ang kagandahan ng isang tao ay hindi lamang sa panlabas na anyo kung hindi pati na rin sa kalooban. At ang magandang halimbawa doon ay si Zin.
Kabaliktaran ng mukha niya ang kanyang pag-uugali. Dahil kung titingnan mo si Zin ay talagang matatakot ka dahil laging nakataas ang isang kilay niya pero pag nagsalita na siya, ibang-iba na.
“K-kumusta na pala si Charlie?” Tanong ko dahil simula nang dumating kami ni Zach dito sa hospital ay hindi siya umalis dito sa loob ng silid ni Zach.
“Okay na siya. Kanina nagising siya at alam mo bang ikaw ang una niyang hinanap imbes na ako na magulang niya.” Tapos ngumiti siya.
“Mabuti naman at ayos na siya.”
“Pero, Almira, nasaan na ang takip ng mukha mo? You know what, kanina, I thought hindi ka talaga si Almira na pinabantay ko sa anak ko. I thought you’re a model or something. You look like an angel that came down from the heaven.” Ang naintindihan ko lang sa sinabi ni Zin ang unang niya sinabi pero ang mga sumunod ay parang hangin na iyon sa ’kin.
Kinuwento ko kay Zin kung bakit ako may takip sa mukha at kung bakit wala na iyon ngayon sa mukha ko. Pagkatapos ng pagkukuwento ko sa kanya ay nakita ko ang galit sa mukha niya at nanginginig ang kamay niya na parang nagtitimpi.
“Those assh*les?!” bulyaw ni Zin.
Bahagya akong napaatras dahil sa sigaw niya. Napalingon tuloy ako sa kinahihigaan ni Zach dahil baka nagising siya sa sigaw ni Zin.
“T-apos, ano na ang gagawin mo ngayon, Almira? Based from what you said, hindi ka na karapat-dapat na ihirang doon sa kung anong grupo ka man nabibilang.” Nag-aalalang saad niya.
Iyan din ang iniisip ko ngayon. Ayaw ko namang magsinungaling sa mga kapwa ko katutubo roon. Hindi ko kaya iyon. Isa pa sa ipinag-aalala ko ay kung papaano ko ito sasabihin sa ama ko dahil sa oras na magkita kaming muli ay wala na ang takip ng mukha ko. Ano na lang ang sasabihin ni ama? Paano ko ipapaliwanag sa kanya ang nangyari sa akin dito?
Umupo ako sa upuang de kutson sa gilid.
Simula nang magising ako sa mundong ito ay may takip na ang mukha ko at mabibilang lang sa daliri ko ang nakakita sa ’kin… sa mukha ko. Ang pinakakainingatan ko at ng ama ko ay nawala lang sa isang iglap. Ang masaklap ay sa mga tao pang iyon.
“Almira.” Napatingin ako sa kamay ko na nasa hita ko na hinawakan ni Zin. Hindi ko man lang namalayan na nakaupo na pala siya sa tabi ko dahil sa lalim ng iniisip ko. “It’s okay. Everything will be okay.” Bahagya niyang pinisil ang kamay ko. Tumingin ako sa kanya at tipid na ngumiti.
“Mmm.” Sabay kaming napatingin ni Zin kay Zach na umungol.
Halos matumba ako dahil naapakan ko ang manggas ng palda ko sa pagmamadali kong makatayo. Lumapit ako sa kama ni Zach at umupo sa upuan na malapit sa kama niya. Sumunod naman si Zin na tumayo sa gilid ko. At kagaya ko ay nakaabang kay Zach.
“Z-zach,” tawag ko kay Zach pero wala naman akong natanggap mula sa kanya. Nanatili pa siyang nakapikit. Akala ko gumising na siya halos pitong oras na siyang natutulog.
“Ayos lang ba talaga siya, Zin?”
’Di ko mapigilang mag-alala kay Zach.
“Oo, iyan ang sabi ng doctor, Almira, and besides hindi madaling mamatay ang masamang damong tulad ni Zach.”
Nagtiwala ako sa sinabi ni Zin dahil kumpara kanina parang nawala na iyong pag-alala sa mukha niya.
“Alam mo, Almira, may napapansin ako,” pagkatapos ay humento siya saglit at tumingin kay Zach bago niya ibinalik ang tingin sa ’kin. “May… may gusto ka ba sa kapatid ko?”
Umiwas ako sa titig ni Zin dahil pakiramdam ko ay hinahanap niya ang sagot sa mga mata ko sa paraan ng pagtitig niya. O, talagang pakiramdam ko lang iyon.
“Z-zin,” nauutal na wika ko.
“Alam kong mahirap talagang magustuhan ang kapatid. Maliban sa laging nakasimangot na parang pasan ang mundo, palagi pang paiba-iba pa ang ugali niyan. Kaya hindi kita masisi kung hindi mo nga iyan magustuhan–.”
“Hindi totoo iyan!” Biglang sabad ko kay Zin pero huli na nang pumasok sa isip ko ang aking sinabi.
“Hahaha, so gusto mo nga ang kapatid ko, Almira?” ani Zin at may nakakalokong ngisi sa mga labi niya. Lumapit na siya sa kinauupuan ko at hinawakan ang magkabilang balikat ko.
“Uhm…” Tumingin ako kay Zach na nakapikit pa rin. Hinawakan ni Zin ang mukha ko at pinatingin sa kanya.
“’Wag kang mag-alala, hindi ka niya maririnig. Tulog ’yan.” Tapos ngumiti siya sa ’kin. “Ano? Gusto mo ang kapatid? Oo o hindi lang ang sagot, Almira.”
Ngumuso ako.
“O-oo, Zin, gusto ko siya.” Tapos binaba ko ang tingin ko sa kamay ko.
Bumulwak ng tawa si Zin. “Sabi ko na nga ba. Gusto kita for my brother, Almira. Alam mo bang mas gusto kita kaysa roon kay Chesca?”
Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Zin. Sinong Chesca?
“Sinong Chesca, Zin?” Takang tanong ko.
“C’mon, you should call me ate Zin, Almira, matanda ako kaysa sa’yo kaya tawagin mo akong ate Zin.”
Pakiramdam ko ay iniiba niya ang paksa ng aming pag-uusap.
“A-ate Z-zin, sino si Chesca?” Tanong ko ulit.
Bumuntong hinga siya at tinanggal ang kamay niya sa balikat ko. Tumayo siya ng maayos sa harapan ko. “Hindi ba siya nababanggit ni Zachary sayo?” Tanong niya pabalik sa akin.
Mabilis akong umiling.
“I don’t know if it is right to tell you this, Almira… pero si Chesca siya iyong girlfriend ni Zachary for a long years.”
“Girlfriend?”
Tumango siya. “Oo, nobya niya at magiging asawa sana ni Zachary si Chesca pero sa araw ng kasal nila, hindi sumipot si Chesca. He left my brother on their own wedding day, Almira.”
Napanganga ako sa sinabi ni ate Zin muntik na palang makasal si Zach. Aaminin kong hindi ko gusto ang narinig ko. Gusto niya ba ang babaeng iyon? Mahal niya malamang dahil papakasalan niya.
“Pero mabuti na rin iyon na hindi natuloy ang kasal nila dahil hindi ko talaga gusto ang babaeng iyon.” Kahit na sinabi iyon ni ate Zin hindi pa rin gumaan ang dibdib. Iniisip ko palang na may babae na pala na dumaan sa buhay ni Zach naninikip na ang dibdib ko. Hula ko’y napakagandang babae siguro no’n.
“Pero mahal iyon ni Zach, di ba ate?”
“I doubt that, Almira.”
“Z-zin, Mira.” Sabay kaming lumingon ni ate Zin sa gawi ni Zach. Napangiti ako nang makita kong gumising na siya.
“Good thing you’re awake. You made this girl worry so much about you. She was fidgeting and anxious as h*ll because you wouldn’t wake up. I’ll just excuse myself pupuntahan ko lang iyong anak ko.” Ngumingising sabi ni ate Zin kay Zach. Lumingon ako kay Ate. Pero bago siya lumabas ay kinindatan niya ako. Ngumuso lang ako sa kanya.
“Mira, nasaan na ang takip sa mukha mo!” Hindi ko alam kong saan nanggaling ang lakas niya para sigawan ako ngayon. Kakagising niya lang pero heto na siya, galit!
“Z-zach kasi–.”
“Mira, nasaa na?!”
Pumikit ako ng mariin. “Hindi na pwede, Zach… hindi na pwede.” Iyon lang ang lumabas sa bibig ko bago bumuhos ang aking mga luha. Dinala ko ang kamay sa bibig ko para pigilan ang paghagulhol. Ngunit mas lalo pa akong umiiyak nang kabigin ako ni Zach at niyakap.
TWENTY-SIX
Chapter Twenty-Six
Mira’s POV
Umiyak ako hanggang sa wala ng luhang tumulo sa mata ko. Hindi ko alam kong kailan ako umiyak ng ganito. Nang niyakap ako ni Zach doon ko naramdaman na kahit na walang-wala na ako ngayon, ipinaramdam niya sa ’kin na nand’yan siya para sa akin. Na kahit na anong mangyari ay hindi niya ako iiwan. Sobrang natatakot ako sa maaring mangyari kapag nalaman ito ng mga tao doon sa nayon, lalong lalo na sa mga apo.
“Natatakot ako, Zach.” Pag-amin ko sa kanya.
Umupo ako ng maayos at ipinagdaop ang kamay ko na siyang nakagawian ko na ’pag hindi ako mapakali.
“Nandito lang ako para sayo, Mira, hindi ka nag-iisa. Sabay nating haharapin ang ama mo, ako ang magpapaliwanag sa kanya kung ano ang nangyari sa’yo dito. Kasalanan ko naman kung bakit iyon nangyari. Naging pabaya ako sa’yo. Responsibilidad kita pero hindi ko nagawa, nagalit lang ako sa sarili ko no’n at ayaw ko lang na makita mo kung paano ako magalit. O baka sa’yo ko pa mabunton iyong galit ko kaya gusto kong umalis ka sa harapan ko, hindi ang umalis ka sa ospital, Mira.”
Yumuko ako nang mapagtanto ko ang ginawa ko. Kung hindi lang sana ako umalis, hindi siya masasaksak.
“Patawad, Zach, dahil… dahil sa akin ay nasaksak ka, napahamak ka pa tuloy dahil sa akin. Umalis lang din naman sana ako para magpahangin kaso napalayo na rin ako. Zach hindi ko talaga sinasadya.” Sumulyap ako sa kanya. Hindi ko naman alam na nakatingin pala siya sa ’kin habang sinasabi ko iyon kaya nagtagpo ang mga mata namin.
“You are breathtakingly beautiful, Mira.” Sabi niya.
“Huh?”
“Huh?” Panggagaya niya sa akin kaya ngumuso ako. “Don’t pout or else I’ll ravish that tempting lips of yours.” Parang namamaos ang boses na saad niya. Kaya mas lalo humaba ang nguso ko. Hindi ko alam kong ano ang binubulong niya pero parang pinapagalitan niya ang sarili.
“’Wag ka nga sabing mag-ingles, Zach, alam mo namang hindi ako nakakaintindi n’yan, di ba!?”
Tumawa siya. “Hindi ko alam, Mira, kung magpapasalamat ba ako na hindi mo ako naintindihan o ano. Dahil baka kung naintindihan mo ang sinabi ko, tumakbo ka na ngayon.”
Mas lalo tuloy akong naging kuryuso kung ano ba talaga iyong sinabi niya. Pag ako talaga nakaintindi na ng ingles. Dudugo iyong ilong niya. Gaganti ako sa pag-iingles.
“Mira.”
“Uh.” Maikling sagot ko.
“May sasabihin ka ba sa ’kin?” Tanong niya.
Napalunok ako roon sa tanong niya. Hindi naman siya nagtukoy kung ano ang sasabihin ko sa kanya pero parang alam ko na ang ipinapahiwatig niya.
Mahabaging panginoon!
“A-ano? Wala naman akong s-sasabihin sa’yo.” Iniwas ko ang tingin.
“Narinig kita, Mira.” Pumikit ako dahil doon sa sinabi ni Zach.
“Zach, kung narinig mo man iyong sinabi ko. Paaalisin mo ba ako sa pamamahay mo? Zach wala akong mapuntahan, alam mo iyan. Ayaw ko sanang sabihin sa’yo iyon p-pero… pero kasi, Zach.”
“Ulitin mo iyong sinabi mo roon sa park, Mira.”
“Ulitin na gusto kita, Zach?” Saad ko.
“Sounds good. I like you too, Mira, so d*mn much.”
“Gamitin mo ang lengguwaheng alam ko, Zach.”
“Ayaw ko nga.” Pang aasar niya sa akin.
Nagtagpo ang kilay ko.
“Hindi ko naintindihan, Zach!”
“Mas mabuti nga iyon.” At ngumiti siya.
Nakita kong gusto niyang umupo sa pagkakahiga kaya tumayo ako at inalalayan siyang makaupo. Napapapikit pa siya dahil siguro iyon sa saksak na natamo niya.
Biglang tumingala si Zach sakin at hindi ko naman alam na ganito pala kami ka lapit, na ultimo iyong mainit niyang hininga niya ay tumatama na sa ilong ko. Napatingin ako sa mga mata ni Zach. Para akong hinihigop sa kulay asul niyang mata. Noon palang ay manghang-mangha na talaga ako sa mata niya.
Tila huminto ang mundo ko nang maramdaman ko ang mainit niyang labi na dumapo sa labi ko. Naistatwa ako at hindi ko alam ang gagawin, nakabuka lang ang mata ko at habang si Zach ay nakapikit ang mata. Hindi ko alam ang gagawin ko, kung lalayo ba ako kay Zach o kung ibubuka ko ba ang bibig ko. Ngayon pa lang ako nakaranas nito.
“PAPA!!”
Sa gulat ko ay naitulak ko si Zach at umatras. Napadaing siya dahil sa ginawa ko. Gusto ko sana siyang lapitan pero nanginginig pa ang kalamnan ko dahil doon sa ginawa niya.
“Hahahaha, wrong timing talaga itong si Charlie.” Narinig ko ang boses ni ate Zin. Lumingon ako at nakita kong nandun pala si ate Zin at si Nic na karga si Charlie sa bisig nito.
“Fuc–fudging… is this Almira!” Gulat na sabi ni Nic. Laglag ang panga niya.
“Yes, papa Nic, she’s my ate ganda. Isn’t she pretty?” Binaba ni Nic si Charlie at lumapit siya sa akin at niyakap ako. Umupo ako para magpantay kami at niyakap ko tin siya.
“Yeah, wrong timing.” Biglang sabad ni Zach.
“Hindi ka pa nga magaling umi-s-score ka na, Zach. Hindi ko alam na maabuso ka pala sa katawan mo.” Tapos tumawa si Nic. “Pero tang— I mean, ikaw ba talaga ito, Almira? Where’s your? I mean, iyong takip mo sa mukha Almira, saan na iyon?”
“It’s a long story to tell, Nic, maybe some other time.” Ingles ni Zach.
“Ate ganda, your really pretty.” Hinawakan ni Charlie ang mukha ko kaya napangiti ako.
Nagpapasalamat din ako sa panginoon na walang nangyaring masama sa kanya.
“But, ate ganda, I saw it. You kissed my papa. Why did you kissed him? You are mine!” Hindi ko alam kung ano ang pinagsasabi ni Charlie pero nakakunot ang noo niya habang sinasabi niya iyon at parang kahit anong oras ay iiyak na siya.
“D*mn, pareho pa ng natitipuan ang magtiyuhin.” Rinig kong sabi ni Nic.
“Charlie.” Tawag ni Zach. Bumaling naman kaagad si Charlie kay Zach. “Your Ate Ganda is mine, not yours. That’s why I kissed her. I’m the only who’s one who kissed her. Understood? So, find another girl.”
Kung ano man ang sinabi ni Zach kay Charlie, alam kong hindi iyon nagustuhan ni Charlie dahil nilapitan siya ng bata at pinagsusuntok ang binti niya habang umiiyak ang bata.
“Zachary! Alam mo namang bata pa iyan at pamangkin mo bakit mo pa pinatulan!” Galit na wika ni ate Zin.
Tumayo ako. Kita ko na ang galit ni ate Zin kay Zach.
“Ate, mas mabuti na ’yon para matigil na ni Charlie iyang paghanga niya kay Mira.”
“HAHAHAHAHA!!” Malutong na tawa ni Nic.
“Ewan ko sa’yo, Zachary, pinapatulan mo talaga kahit bata.”
Nilapitan ni Zin ang anak niya. “Baby, you want to marry Snow White, di ba? Snow white is better than ate ganda. Kaya tahan na.” Pag-aalo ni ate Zin sa anak.
“No, I want ate ganda, mommy!” Matigas na sabi ni Charlie.
“Ate ganda.”
Nilapitan ko si Charlie at hinagod ang likod niya. Naawa ako sa bata, humihikbi na.
“Charlie stop crying. I’ll let you barrow your ate ganda.” Labas sa ilong na wika ni Zach.
“No, papa you’re the one who will barrow ate ganda. Not me!”
TWENTY-SEVEN
Chapter Twenty- Seven
Zach’s POV
After I was discharged, we went straight to the penthouse. Zin was the one driving. I was in the front seat, while Mira and Charlie were in the back seat. Hindi ko alam kong bakit pinagseselosan ko si Charlie. I envy Charlie, he recieved so much kisses from Mira. Samantalang ako isang beses lang at itong si Charlie naman namimihasa na. Sinulyapan ko sila sa likod. Nakita kong nakatulog si Mira at si Charlie naman ay nasa kandungan niya at natutulog o nagtutulog-tulugan lang iyang pamangkin ko.
Tsk!
“Alam mo, Zachary, nakakatawa ang mukha mo kung nakikita mo lang talaga. Kung nandito lang si Nic, sigurado akong naligo ka na ngayon sa kantyaw no’n.” saad ni Zin.
Kung hindi lang talaga ako baldado ngayon ay hindi ko talaga siya hahayaang mag-drive. Kaya ko namang mag-drive pero itong si Zin ayaw pumayag.
“You like her, don’t you?”
I leaned back and sighed. I like Mira, but I’m still afraid. She likes me too, but I can’t help it—I can’t trust her feelings. What if they fade soon? What if one day she wakes up and realizes she no longer feels anything for me?
“You’re afraid? Zach, Almira is not Chesca, and Chesca is not Almira. There’s nothing wrong with trying again. That’s life. We get hurt, but at the end of the day, you’ll realize that maybe it happened to make us stronger and to learn from it. Being afraid is normal, Zach—you feel it because you’re now cautious.” Napatingin ako kay Zin na seryoso ang mukhang nagmamaneho.
She speaks too much and gives advice, but she can’t apply it to herself. I know that even now, she’s still carrying something—a burden.
“She’s going to leave me, too. She’ll return to Apayao, Zin. She can’t live here… her life isn’t here. I know how much she wants to go back. I don’t want to feel that pain again. It’s torturing me,” I said honestly.
’Why don’t you try, Zach? You’re not like this—why do you give up so easily? Why do you give up without fighting? I know Almira is worth it,“ she glanced at me and smiled.“
Naputol ang pag-uusap namin ni Zin nang tumunog ang cellphone niya sa may dashboard. I grabbed it and answered the phone without looking at the caller ID.
“Yes?”
“Zin? Oh, Zachary, anak?” It was Mom.
Zin looked at me and raised her eyebrow.
“It’s Mommy,” I said to her. She nodded.
“Yeah, it’s Zach, Mom.”
“Oh my ghad, anak nabalitaan ko kay Nic na na-ospital ka raw. D*mn it Zachary Elliot, ano ba ang ginagawa mo d’yan. Bakit ka nasaksak?”
Napapikit ako. Kahit kailan talaga ang bibig ng Nic na iyon.
“I’m okay now, Mom. We’re on our way home. Zin is driving the car right now. You don’t have to worry about me. Just enjoy your vacation there.”
“Zachary!” My mom screamed. “Naririnig mo ba ang sinasabi mo sa mommy mo ngayon? Nasaksak ka tapos ganyan ang sasabihin mo sa ’kin! Pwes, sasabihin ko sayo anak nasa eroplano na kami ngayon ng daddy mo. Pauwi na kami ng Pilipinas, hindi na namin hihintayin na umuwi ang tita Angie at tito Michael mo.” She said in finality.
“But mom…” Nataranta ako. Kung uuwi siya siguradong makikita niya si Mira.
“No buts, Zachary, and of course, I’ve been dying to see that girl of yours.” With that, she hung up
“D*mn it!”
“Uh, bakit?” Tanong ni Zin.
“Pauwi na pala sila, they’re on their way here at gusto pa talagang makita ni mommy si Mira.”
“Then?”
“You know, Mom, she won’t let us live under the same roof—Mira and me.”
“Uh, right, but it’s simple. You’re in a relationship, right? So there’s no problem with that.”
“No, and we’re not married, Zin.”
“Then make Mom understand
Nang makaalis sina Zin at Charlie ay tumahimik na si Mira. Ayaw pa ngang umalis ni Charlie dahil gusto niyang dito na lang dahil nandito raw ang ate ganda niya. Umiyak pa nga pero kinausap lang siya ni Mira, para ng naging maamong tupa ang pamangkin ko.
Nakaupo lang siya sa sofa at nakatutok sa TV. Minsan nahuhuli ko siyang sumusulyap sa akin pero mabilis din niyang ibinabalik ang tingin sa TV. Natatawa ako sa kanya dahil minsan ngumunguso siya at umiismid.
“Mira,” tawag ko sa kanya.
“Hmm.” Maikling sagot niya.
“Halika.” Sabi ko at pinalapit siya.
Nakatayo siya at lhmapit sa akin. Nasa harap ko pa talaga.
“Uh, may kailangan ka?” Tanong niya na nakapamaywang.
Nakaupo lang ako ngayon sa isang single couch. Kaya ang ginawa ko ay inabut ko ang kamay niya hinila palapit sa akin at pinaupo sa kandungan ko. Nagulat siya sa ginawa ko. Pumiglas.
“’Wag kang gumalaw baka dumugo ang sugat ko.” Panakot ko sa kanya kaya tumigil siya. Nanginginig pa.
“Bakit nanginginig ka, Mira?”
Mira’s POV
“Bakit nanginginig ka, Mira?” tanong ni Zach sakin.
Pagkatapos nang hinalikan niya ako ay hindi ko talaga siya kinausap. Hanggang ngayong pinalapit niya ako sa kanya. Sabi kasi ni ate Zin na dapat alagaan ko raw si Zach at gawin lahat ng iuutos niya sa akin. Hindi pa raw kasi pwedeng gumalaw-galaw si Zach dahil malalim ang sugat niya at baka bumukas iyong tahi kapag gumalaw siya.
“Z-zach, iyong s-sugat mo.” Nauutal na sabi ko
“You don’t know how much I’ve wanted to do this with you, Mira. I wanted to kiss you, hug you, and smell you. Damn it! I look like a lovesick fool.”
“Huh?” Wala talaga akong naintindihan sa sinabi niya.
“Huh?” Panggagaya na naman niya sa akin.
Naramdaman ko ang mainit niyang hininga sa leeg ko. Napapikit ako. Gusto kong tumakbo at lumayo kay Zach pero hindi ko magawa dahil makagapos ang dalawang kamay niya sa beywang ko at inaamoy ang aking leeg. Nakikiliti ako!!
“Z-zach, na-nakikiliti ako.” Pag-amin ko sa kanya. Nanginginig pa ako dahil ito ang unang pagkakataon na may lalaking gumawa nito sa akin. Kahit na ang ama ko ay hanggang yakap lang tapos si Zach inaamoy pa ako. Nang-aabuso na ’to ng kabaitan ko! “Zack, i-ikaw pa lang ang lalaking gumawa sa ’kin nito. Hindi ako sanay.” Dugtong ko.
“Edi, sige sasanayin kita.”
Minulat ko ang mata at tumingin sa kanya. Ang lapit ng mukha naming dalawa. Naamoy ko yung panlalaking pabango niya na nakakaakit.
“Sasanayin kita, Mira.” Bulong niya.
“Zach.” Tanging sambit ko.
“I’ve decided, Mira. I’ll try again, and this time it will be with you. Gusto ko akin ka, Mira. Gusto ko akin ka. Tandaan mo yan. A.K.I.N. K.A.” Seryoso at may diin niyang saad.
Yumuko ako at tumingin sa kamay niya na nakahawak ng mahigpit sa akin.
“Gusto ko ring a-akin ka, Zach.” Mahinang usal ko.
Inangat niya iyong isang kamay at hinawakan ang mukha ko at saka pinatingin sa kanya.
“Then, I’m all yours from now on, Mira.” Ngumiti siya sa ’kin at inilapit ang mukha ko sa kanya.
Pero bago pa man mag-abot ang mukha namin ay may naalala ako.
“Zach, paano si Ama? Ang mga tao sa nayon?” Bumalik na naman ang takot at pag-aalala ko.
Iniharap ako ni Zach sa kanya at nilagay niya ang dalawang kamay ko kanyang batok. Pagkatapos binalik ang kamay niya sa beywang ko.
Huminga siya ng malalim. “Hindi ka na pwedeng ihirang ng mga apo ninyo, di ba, Mira? At kung kinakailangan na bumalik ako sa bundok na iyon at harapin ang ama mo at mga apo ninyo gagawin ko.”
Gumaan ang loob ko dahil sa sinabi niya, kahit papaano ay hindi ako nag-iisa.
“Pero paano kung magtanong ang mga apo kung sino ang nakakita sa mukha ko?” Nanggilid ang luha ko nang maisip ko ang mga masasamang tao na iyon.
“’Wag kang mag-alala. Ako… ako ang unang nakakita sa mukha mo, Mira.”
Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Zach, papaanong siya ang unang nakakita sa mukha ko?
“Noong araw na sinabi ko sa’yong hindi ako uuwi, naalala mo ba iyon?” Tanong niya at tumango ako. “Umuwi talaga ako no’n dito dahil n-nag-aalala ako sa’yo pero hindi ko talaga sinasadya na makita kang walang takip ang mukha mo, Mira. Nagulat na lang ako nang pagpasok ko dito ay nakaluhod ka at nakapikit ang mga mata mo.”
Naalala ko iyon, iyon ’yong nanaginip ako nang masama tungkol sa ama ko at sa panaginip ko ay iniwan ako ni Zach no’n.
“N-nakita mo na pala ang mukha ko simula no’n? Pero, bakit ’di mo sinabi?” Tanong ko aa kanya. Humigpit ang pagkakahawak niya sa akin.
“Kasi natatakot ako na baka umalis ka dito at baka ayaw mo na akong makita pagsinabi ko. N-nagulat din ako no’n, nang nakita kita na walang takip sa mukha.” Namula ang mukha niya.
Napangiti naman ako at hinawakan ang pisngi niya.
“Hindi naman kita iiwan, e.” Sabi ko.
“Sinabi mo sa ’kin noon na walang babaeng nanaisin na makasama ako, Mira.”
Binalik ko ang kamay ko batok niya at mataman na tumingin sa kanya. Naalala ko iyon ’yong unang araw ko dito sa puder niya.
Nilapit ko ang nanginginig kong hintuturo sa leeg niya at hinimas ang bakat na ugat niya doon. Kahit papaano ay nagiging kumportable na ako kay Zach at sa posisyon namin.
“Nagalit lang ako sa’yo no’n, pero pangako, hindi kita iiwan, Zach. Pangako yan.”
TWENTY-EIGHT
Chapter Twenty-Eight
Zach’s POV
Maaga akong nagising at naglinis ng sugat ko. Kanina ay kumatok sa si Mira dito sa kwarto kung may maitutulong ba daw siya sa ’kin pero tumanggi na ako. Every time she’s around me, it feels like torture because all I can think about is kissing those lips and hugging her. But I know that if I do what I want, she might be shocked and scared. I want to take it slow with her, gradually easing her into it because I might change her mind about staying here.
I’ve never felt this way before, not even with Chesca. I’ve never felt this kind of anxiety, the fear that we might be separated from each other. Ngayon ko lang din na-realized na hindi pa talaga ako handang pakasalan noon si Chesca. Nagpapasalamat pa ako ngayon na hindi talaga natuloy ang kasal ko. Sa tagal namin ni Chesca, napag-usapan na lang namin isang araw na magpakasal out of nowhere.
Pinalitan ko ang bandage ng sugat ko pero nahirapan akong ipalibot ito sa katawan ko at paggumalaw ako ay kumikirot pa ang sugat.
“Mira!” Tawag ko.
“Mira!” Ulit kong tawag.
“Zach?” Rinig kong sagot niya at hula ko ay nasa labas siya ng kwarto ko.
Ayaw ko man siyang papasukin dito sa loob ng kwarto ko pero wala akong pagpipiliin.
D*mn girl!
“Zach, ayos ka lang ba? Papasok ba ako d’yan?”
’Tutulungan ka lang niyang palitan ang bandage, Zach, kaya ‘wag kang mag-isip ng hindi kaaya-aya!’ Paalala ko sa sarili ko.
“Uh-yes, sige p-pumasok ka.” Gusto kong pagalitan ang sarili ko. Tang*na! Para akong bumalik sa pagkabinata kung magkautal-utal.
Nakaupo ako sa paanan ng kama ko at nakita kong bumukas ’yong pinto at pumasok si Mira. Iyong dating pananamit niya ay ganun pa rin, pang-manang, ang pinagkaiba lang ngayon ay wala na yung sagabal-eherm takip sa mukha niya. Ang damit niyang hanggang talampakan ang haba. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nauumay kakatingin sa maaamo niyang mukha, iyung mga mata niyang nanghahalina sa ganda. I think, I can stare at her for the rest of my life.
“Hoy, Zach!” Napakurap ako ng tinawag ako ni Mira.
D*mn!!
“Uh… tulungan mo akong palitan ’tong bandage. Nahirapan kasi akong ipalibot ito sa katawan ko.” Sabay turo ko sa bandage sa tabi ko. Tumingin ako sa kanya na nakatayo ngayon sa harap ko na nasa isang hakbang lang ang distansya namin. Nakita ko siyang hindi mapirmi ang tingin sa ’kin… naglilikot ang mata niya na minsan ay nahuhuli kong dumadapo sa katawan ko pero mabilis din siyang umiiwas.
Napatingin naman ako sa katawan ko at ngayon ko napagtanto kung bakit ’di niya ako matitigan. I’m topless, nakamaong pants lang ako! Hindi naman ito ang unang beses na topless ako, maraming beses na din niya akong nakitang ganito. Kaya maraming beses na rin niya akong nabato ng kung ano-ano dahil dito.
Sh*t! ’Di kaya naglilikot ang mata nito dahil naghahanap siya ng ibabato niya sa ’kin?
“Hey, Mira kung naghahanap ka man ng pambato mo sa ’kin. Please, lang ’wag ngayon.” Inunahan ko na siya.
“Huh?” Nagsalubong ang hulma niyang kilay. “’Bat kita babatuin?”
“Kung hindi mo ako babatuin, bakit hindi ka makatingin sa akin ng deretso?”
Muli siyang umiwas siya ng tingin.
“Wala kang pang-itaas, Zach!” Namumula niyang saad.
Napangiti ako sa sinabi niya. D*mn, babe you make me fall for you hard and deep!
“Hindi naman ito ang unang beses na nakita mo ang katawan ko, ah.” Ngumuso ako sa kanya. Tumayo ako at lumapit sa kanya nakita kong lumaki ang mata niya. Umatras siya ng isang hakbang pero mabilis kong hinapit ang maliit niyang baywang at inilapit sa akin.
“A-akala ko lalagyan kita no’n.” Nginuso niya ’yung bandages na nasa kama.
I cupped her chin and made her look at me. I leaned in toward her. Fu*k, ang bango niya! Hindi na ako nakapagpigil at hinalikan ko siya, smack nga lang.
“Namimihasa ka na, Zach.” sabi niya. Itinulak niya ako pero hinigpitan ko lalo ang pagkakahawak ko sa kanya kaya sumuko rin siya. Nanatili ang kamay niya sa dibdib ko. Sinilip niya ang sugat ko at ibinalik ang mata sa akin. “Baka mapaano ’yang sugat mo, Zach.”
“Kinandong nga kita kagabi, di ba.” Tinaasan ko siya sa kilay ko. “Namimihasa? Bakit? Hindi ba kita pwedeng halikan? Remember, you are mine, Mira.”
“H-hindi naman pwedeng palagi na lang siguro, Zach.” Reklamo niya.
“Hmm, ilang beses lang ba dapat kitang halikan kung ganon?” Tanong ko sa kanya.
Ngumuso siya. “P-pwedeng isang beses sa isang buwan.”
“Huh!” Bulaslas ko sa gulat. Anong isang beses sa isang buwan? Lint*k na halik ’yan! Alam ba ng babaeng ito ang sinasabi niya? Anong isang beses sa isang buwan?
“Uh, bakit?” Lumukot ang mukha niya.
“Tsk! Halika, lagyan mo nalang ng ako ng bandage dahil kong mag-uusap tayo ng ganito walang patutunguhan itong pag-uusap natin.”
Umupo siya sa kama at kinuha ang bandage. Ako naman ay nakatayo sa harap niya. Dahan-dahan ang kanyang paglibot sa bandage sa aking katawan. At habang ginagawa iyon ni Mira ay biglang bumukas ang pintuan kaya lumingon ako roon.
“Que horror!” Sigaw ni mommy na nakatayo sa may pintuan, sunod kong nakita si daddy sa gilid ni Mom na nang sumilip ito.
“Mom? Dad?” Hindi makapaniwalang untag ko.
Nabitiwan ni Mira iyong bandage at gumulong sa sahig. Napatingin ako sa kanya at nakita kong namumula ng husto ang kanyang mukha na nakatingin sa mga magulang ko.
Mira’s POV
Nandito kami ngayon sa sala at kaharap ko rin ngayon ang mga magulang ni Zach. Paano ko nalaman na mga magulang niya ito? Simple lang, dahil kamukhang-kamukha ni Zach ang makisig at matandang lalaki at ang babae naman, kahit na may katandaan na ay maganda pa rin at nakikita ko si ate Zin sa kanya.
“What is this, Zachary? I already knew that you had another girl after Chesca, but I never expected that you two would live together!” Ingles ng nanay ni Zach.
Si Zach ay tahimik lang sa tabi ko at may damit pang-itaas na siyang suot ngayon. At tamad siyang nakasandal sa kinauupuan naming dalawa. Kung umasta siya ay parang wala lang ang mga magulang niya sa harapan niya. Pinatid ko ang binti niya.
“Ouch!” Untag niya at tumungin sa akin. Nginuso ko ang mga magulang niya at siya naman ay tinaasan lang ako ng kilay.
“Then, you’re living with a… minor?!”
Napatingin ulit ako sa magulang niya na ngayon ay alam kong hindi na maganda ang kalooban.
“Mom, she’s not a minor; she’s already nineteen,” ani Zach.
“And you, young lady, if you have any decency, why are you living with my son?”
Tapos hinagod niya ako ng tingin. “Basi sa nakikita ko sa’yo ay maayos ka namang babae at may pagkakonserbatibo pero hindi ko akalain na pumayag kang ibahay ng anak ko –.”
Padabog na tumayo ai Zach. “Mom, what the h*ll! Stop it! It’s not what you think it is!”
Mabilis ko siyang dinaluhan dahil baka kung mapaano ang sugat niya. Hinawakan ko ang kamay niya kaya napatingin siya sa akin.
Tumingin ako sa mga magulamg niya. Siguro iba ang iniisip ng magulang niya dahil nakita niya ako sa silid ng anak nila at sa ganoong sitwasyon pa. Pero ’yon lamang ang unang beses na nakapasok ako sa silid ni Zach.
“Paumanhin po dahil nakita niyo po akong nasa silid ng anak ninyo at sa ganon pang sitwasyon. Pero para po sabihin ko sa inyo, pumasok lang po ako dun para tulungan si Zach.” Hinawakan ni Zach ang kamay ko na parang sinasabi niya na tumigil ako pero nagpatuloy ako. “Sa katunayan nga po ay iyon lamang ang unang beses na pumasok ako sa silid ni Zach. Kaya sana po ay ’wag po ninyong pagtaasan ng boses si Zach at nakikitira lang po ako rito kung ’yan po ang gusto ninyong malaman. Maiwan ko muna po kayo.”
Handa na akong umalis pero humigpit ang pagkakahawak ni Zach kamay ko.
“Aalis ka na naman.” Aniya.
Tumingin ako sa kamay namin na magkahawak. Kinuha ko ang kamay ko at tumingin ulit sa kanya.
Ngumiti ako. “Babalik lang ako sa silid ko, may lalabhan pa ako.” Sumulyap ako sa mga magulang niya na ngayon ay walang imik. Ibinalik ko ang tingin kay Zach. “Kausapin mo muna ang mga magulang mo.”
At tuluyan na akong umalis.
TWENTY-NINE
Chapter Twenty-Nine
Mira’s POV
Totoo naman talaga na may lalabhan pa akong mga damit ko. At laking pasalamat ko nga dahil may idadahilan ako sa pag-alis ko doon. Nararamdaman ko kasi ang tensyon sa pagitan ni Zach at ng kanyang nanay. Mukhang maamo naman ang mukha ng nanay niya pero iba na pag nagsalita at nagseryoso. Parang tinatanggalan ka niya ng hininga sa pamamagitan ng titig niya.
Hindi naman marami ’yung nilabhan kong damit kaya madali lang akong natapos. Naisipan kong lumabas ng silid pero sumilip muna ako bago ako lumabas upang masiguro natapos na silang mag-usap. Pero nakita ko na wala sila dun sa sala. Kaya lumabas ako at pumunta sa parang balkonahe nitong pamamahay ni Zach. Mula sa kinatatayuan ko ay nakikita ko ang mga tao sa baba at mga sasakyang nasa daan. Ang liliitna nila tingnan mula rito sa taas.
Malayong-malayo ang lugar na ito sa lugar na kinagisnan ko. Doon puro kahoy, ibon, at mga hayop lang ang makikita mo sa paligid. Pero, dito ang daming mga bagay na wala doon sa nayon na dito ko lang nakikita.
Kinapa ko ang binigay sa akin ng ama ko na pag-aari daw ng aking ina. Sabi ni ama na taga rito ang ina ko at isa siyang manggagamot. Kung dito kaya ako lumaki, ano kayang klaseng buhay ang meron ako dito? Mabait kaya ang ina ko? Ano kaya ang hitsura niya?
“Aherm!” Mabilis kong isinilid sa aking bulsa ang plakang maliit na may pangalan ng aking ina bago humarap sa pinanggalingan ng boses.
Paglingon ko ay nakita ko ang ama ni Zach. Sumilip ako sa likod niya pero nakita kong mag-isa lang siya.
“Hija, alam mo naman siguro kong sino ako, di ba?” Tanong niya sa akin at lumapit sa kinatatayuan ko. Humawak siya sa bakal doon at tumingin sa paligid.
“Kayo po ang ama ni Zach, hindi po ba?”
Tumango siya at tumingin sa akin.
“Alam bang ikaw pa lang ang babaeng pinatira ng anak ko dito? Kahit nga mga kaibigan niya ay hindi niya pinatira dito.” Tumigil siya saglit. “Kaya no’ng sinabi niya ang dahilan kung bakit ka niya pinatira dito sa penthouse niys ay hindi ko alam kong ano ang sasabihin ko sa iyo at sa ama mo. Noong una ay nagtataka ako kung bakit ka tumagal dito at bakit ka pinatuloy ng anak ko. Ngunit no’ng nalaman ko ang dahilan… parang gusto ko nang bilhan ka ng sarili mong bahay.”
“Po? ’Wag–po, gusto ko lang po dito.” Agad na wika ko. Ayaw kong umalis dito! Ayaw kong lumayo kay Zach! Ayaw ba nila na nandirito ako? Ayaw ba nila sa akin?
“Hahahaha!” Nagulat ako sa malutong na nito.
“Hija, ’pag ginawa ko iyan ako ang malilintik sa anak kong iyon. Hindi naman talaga kita ibibili ng bahay at pa-aalisin dito.” Ngumiti siya sa akin. Saglit na nanahimik. “Gusto mo ba ang anak ko, hija?”
“Opo, gusto ko po ang anak ninyo. Kaya po patawad po kung ayaw n’yo sa akin dahil kahit ayaw n’yo, di po ako lalayo sa anak ninyo. Nangako ako sa kanya na hindi ko siya iiwan. Tutuparin ko po iyon.” Matapang kong sagot.
Nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko. “Salamat… salamat, kaya siguro hindi nakasal ang anak ko noon dahil hindi iyon ang babaeng para sa kanya. Siguro ikaw na ang babaeng para sa anak ko. Hanga ako sa tapang mo, hija. At salamat sa ama mo, salamat sa pagligtas niya sa anak ko noon. Maraming salamat sa pagdating mo sa buhay ng anak ko.” Tapos niyakap niya ako.
“Hey, dad!”
Pinakawalan ako ng ama ni Zach at humarap kaming dalawa kay Zach na nakasalubong ang kilay.
“Hmm, nag-usap lang kami ng girlfriend mo, kung makatingin ka d’yan ay ang sama ko na, Zach. Ang mommy mo?”
“Nandon sa sala uuwi na raw kayo.” Sagot ni Zach sa ama niya. Bago umalis ang ama ni Zach ay nginitian niya muna ako bago siya tumalima at naiwan kaming dalawa ni Zach.
Tumalikod ako sa kanya at bumuntong hinga. Nagulat ako nang maramdaman ko ang kamay ni Zach na pumulupot sa beywang ko at naramdaman ko rin ang hininga niya sa leeg ko. Napapikit ako. Hindi talaga ako sanay na ganito si Zach. Siguro dahil sanay ako na lagi kaming nagsisigawan at nag-aaway.
“Anong pinag-usapan niyo ni daddy?” Biglang tanong niya.
“Hindi naman importante ’yong pinag-usapan namin. Pero… Zach ang nanay mo… galit ba siya dahil nandirito ako? Galit ba siya na magkasama tayo sa iisang bubong?” Hindi ko maiwasang hindi malungkot sa kaisipang iyon.
“Sinabi ko na sa kanila ang dahilan kung bakit ka nandirito at naintindihan nila iyon. Nagulat lang ang mommy ko dahil hindi sila sanay na may binabahay ako at babae pa.”
Humarap ako sa kanya pero nanatili pa din ang kamay niyang nakapulupot sa akin.
“Hindi mo ako paalisin dito? “
“Iyan ang hindi ko gagawin sa’yo, Mira. Tandaan mo ’yan.”
Ngumiti ako sa kanya at akmang yayakapin ko siya nang ninakawan niya ako ng halik. Nahampas ko tuloy siya sa gulat. Itong lalaking ito wala nang hiya..
“Zach! Ano ba umagang-umaga, oh!”
“Bakit? Mas gusto mo ba sa gabi?” May panunuksong tanong niya sa akin at mas inilapit pa ako sa katawan niya.
“Zach, iyong sugat mo!” suway ko sa kanya.
Tumawa siya. “’Wag mong ibahin ang usapan. Ano ang mas gusto mo? Umaga o gabi?”
“Zach!”
“Sagot.” Tapos itinaas niya ang kilay sa akin. Hindi nakatakas sa paningin ko ang pag-angat ng gilid ng labi niya. Ako talaga ang niloloko ng lalaking ito!
“Sagot o kakainin kita rito.” Banta niya!
Lumaki ang mata ko sa sinabi niya. Kaya imbes na sagutin siya ay tinulak ko siya at buti na lang ay nakawala ako. Mabilis akong tumakbo papasok ng bahay niya. Narinig ko ang mga mala-demonyo nitong tawa.
Nakakainis!
“Pero… papaano niya ako kakainin?” Mahinang tanong ko sa sarili ko. Pwede bang kainin niya ako? Hindi niya naman siguro ako lulutuin at ipiprito tapos kakainin.
Kinagabihan ay magkatabi kami ni Zach, nanonood ng isang palabas. Nakahilig ako sa balikat niya at tahimik kaming nanonood. Paminsan-minsan ay sinusulyapan ko siya tapos nakikita kong nakakunot ang noo niya habang nanonood. Ibinalik ko ang mata ko sa telebesyon.
Ilang sandali pa ay nakita ko ang isang babae sa palabas na parang hubo’t hubad na na naglalakad sa isang dalampasigan. Mahabagin, parang hindi na ako nakalakad kapag ako ang pinapasuot ng ganyang klaseng damit . . . kung damit man kung ituring iyan. Hindi ko mawari kung sa telebesyon lang ba o ano, pero ang babae ay napaka-kinis at nakapaganda ng katawan niya at tumatalbog pa ang dibdib niya habang naglalakad siya. Napatingin tuloy ako sa dibdib ko. Bakit ang liit ng akin? Napatingin ako kay Zach na ganon pa rin ang mukha,wala pa rin akong nababasang emosyon doon. Binalik ko ang atensyono sa telebesyon tapos kay Zach ulit. Nakita ko siyang hindi kumukurap na nakatingin sa palabas.
“Zach.” Tawag ko sa kanya.
“Hmm,” sagot niya pero ang mata ay nasa palabas pa rin.
“Zach… gusto mo ba ang mga babaeng nagsusuot ng ganyan?” Mahinang tanong ko.
“Mas gusto ko ang pananamit mo.” Sagot niya pero ang tingin nasa palabas pa rin at nakikita ko ang babaeng halos hubo’t hubad pa rin ang nandoroon!!
“Sinungaling!” sigaw ko sa kanya.
Napabaling siya sa akin.
“D*mn it! What’s wrong with you, baby?” Pag-iingles niya sa akin.
“’Wag mo akong maingles-ingles, Zach, sinungaling ka!” Tapos dinuro-duro ko siya.
“Fu*k! Anong… alin ang sinabi kong hindi totoo sa’yo?”
“Ang sabi mo ayaw mo sa mga babaeng ganyan ang suot!” Turo ko sa telebesyon. “Pero kung makatitig ka naman d’yan ay parang gustong-gusto mo!” Ginagalit ako ng lalaking ito! Sinungaling!
“Heck!” Sabi niya at tumawa. Ngayon ay alam ko na kung saan niya namana iyan dahil ganyan din ang ama niya, bigla na lang tumatawa! “Nagseselos ka? Eh, ikaw naman lang naman ang may gusto d’yan sa palabas na ’yan. Pinipilit ko ngang intindihan ’yan.” saad niya at tumayo.
“Ka– kasi parang gusto mo ang mga ganon.” Mahinang sabi ko at parang nahiya ako sa ginawa ko kanina. Kumaripas ako nang takbo sa aking silid nang mapagtano ang ginawang kahihiyan sa sarili. Tumalon ako sa aking malambot na higaan at nagtulakbong gamit ang kumot. Nakakahiya pala iyong ginawa ko!
Pero ilang saglit pa ay narinig ko na bumukas ang pinto. Napahigpit ang kapit ko sa kumot.
“Hey! Mira, baby.”
Hindi ako sumagot.
“Mira.” Naramdaman kong tumaob ang malambot na kama. “Kunin mo nga iyan!” Sabi niya at kinuha ang kumot sa ’kin pero nakatalikod ako sa kanyang gawi.
“Bakit ka tumakbo? May sasabihin pa ako sa’yo.”
“N– nakakahiya!” ani ko at hinarap siya.
Pakiramdam ko nasusunig na iyong mukha ko.
“Umupo ka nga.” Utos niya sa akin tapos umupo naman ako. Sunod-sunuran na yata ako nito.
“Bakit na nahihiya sa akin?”
“Kasi… iyong kanina… nakakahiya ’yong ginawa ko. Akala ko gusto mo talaga ang mga babaeng ganun ang pananamit o nakasuot ng ganun.” Ngumuso ako.
“Hmm, sabi ko nga ’di ba, mas gusto ko ang pananamit mo. At wala naman sa akin ang mga ganoon at wala nang epekto iyon sa akin.” Hinila niya ako palapit sa kanya, nagpatianod na naman ako.
“Talaga?” Paninigurado ko.
“Oo, kaya wala kang dapat ipagselos, hmm?”
Tumango ako sa kanya. Namayani ang katahimikan sa aming dalawa.
“Zach, may nasabi ang ama mo kanina sa akin.” Pagsisimula ko.
“At?”
“Nagtataka ako na nagpapasalamat siya sa ama ko, sa pagliligtas daw sa’yo noon? Nagtataka lang talaga ko, Zach. At alam mo nagtataka din ako kung papaano kayo nagkakilala ng ama ko.”
Nakita kong huminga siya ng malalim at sumandal sa sandalan ng aking kama.
“Alam mo bang nakapunta na ako sa lugar n’yo dati?” Aaniya at tumigil siya saglit bago tumingala. “Hindi… mali, napadpad ako sa lugar ninyo.”
“Huh, p–paano?” Nagtatakang tanong ko dahil kung napadpad siya sa lugar namin. Bakit di ko siya nakita?
“Nagcamping ang mga kapatid ng daddy ko noon sa isang bundok doon sa Apayao at sinama ako ni daddy. Una pa lang no’n ayaw ko nang sumama kaso pinilit ako ni daddy pero dahil matigas ang ulo ko noon. Umuwi akong mag-isa… bumaba ako ng bundok mag-isa. Malapit ng maggabi no’n pero umalis talaga ako. Pakiramdam ko noon hindi talaga ako makakatulog sa bundok. Pero sa kasamaang palad naligaw ako at may mga taong nakakita sa akin. Binugbog nila ako at binihag.” Nakita ko sa mga mata niya na ayaw na niya ang mga alaalang iyon. May takot doon at galit.
“Zach, ayos lang kung hindi mo na ituloy.” Naaawa ako sa kanya. Grabe naman pala ang naranasan niya dun sa bundok. Nabugbog siya, binihag pa.
“Ayos lang, Mira, para na rin mailabas ko ito.” Tapos pilit siyang ngumiti sa akin.
“Nabihag ako pero itinakas ako ni Mang Arman. Kaya ko nakilala ang ama mo Mira dahil sa tulong niya sa akin. At tinanaw ko iyon na utang na loob sa ama mo. Doon ako nangako sa kanya na kung kakailanganin niya ako o ng tulong ko, kahit anong oras ay handa akong tumulong sa kanya. Kaya ka na pumunta dito. Ang pagtura mo lang sana dito ang bayad ko sa kabutihan ni Mang Arman, Mira.” Tumigil siya saglit. Tumitig sa akin. “Alam mo bang may nakilala ako na bata doon sa inyo?”
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
“Malaki rin ang pasasalamat ko sa batang iyon dahil tinulungan niya ako. Nakakamangha na sinuong niya ang gabi para lang bigyan ako ng nilagang kamote. Binigyan din niya ako ng tubig at pamunas nun. Kaya lang hindi ko nalaman ang pangalan niya.”
Habang nagkukwento ay si Zach ay may naalala din akong ganoon. May binata din akong tinulungan noon at bihag iyon nina Tiyo. Hindi kaya si Zach iyon?
“Zach, iy-yon bang sinasabi mong binihag ka mga kalalakihan… kinulang ka… at may batang tumulong sa’yo… ay batang babae?”
Napaupo siya ng maayos dahil sa sinabi ko.
“Oo, paano mo nalaman ’yan?” Nanlaki ang mga mata ko.
“Zach, may tinulungan din akong binata noon na binihag ng tiyo ko. Kinulang nila ang kawawang binata nakita ko kung paano nila binugbog ang binata at dinala sa nayon namin. Naawa ako sa binata kaya dinalhan ko siya ng kamote, tubig at pamunas dahil nakita kong duguan din siya noon.”
“I-ikaw iyong batang tumulong sa akin n-noon?” Hindi makapaniwalang saad niya.
“Binata, iyan ang tawag ko sa kanya.”
“D*mmit! It was really you.” Garalgal niya at niyakap ako. “It was really you, babe. You don’t know how thankful I am to you before and even now.”
“Alam mo bang palagi kong napapanaginapan ang binatang iyon, Zach. Hindi ko man nakita ang mukha niya… ang mukha mo noon pero may paghanga na ako sa’yo.” Pag-aamin ko sa kanya.
Kumalas siya sa pag-kakayakap at hinawakan ang pisngi ko.
“Silly, matagal mo na pala akong pinagnanasaan, huh.” Tapos kinurot niya ang pisngi ko.
“Pero, Zach, ako na ang humihingi ng tawad sa ginawa ng tiyo ko sa’yo. Alam ko, na noon pa lang ay may ginagawa ng masama ang tiyo ko pero wala akong kakayahan at pati na si Ama para pigilan si tiyo. At saka, Zach, kaya ako dinala ng ama ko rito sa patag dahil gusto akong ipakasal ni Tiyo sa anak niya na pinsan ko. At ayaw ko no’n! Kaya naman inilayo ako ni Ama doon sa nayon.”
“Dmn, that asshle! Buti hindi ka pumayag na magpakasal doon sa pinsan mo.”
“Ayaw ko naman talaga dun sa pinsan kong iyon, at isa pa, nabuntis niya ang kaibigan ko. Kaya hinding-hindi ko siya mapapakasalan. Dahil alam ko rin na masasaktan ko ang kaibigan ko kapag nangyari iyon.” Lumuhod ako sa harapan ni Zach. “Kaya, Zach, ako na ang humihingi ng tawad sa hindi magandang karanasan mo doon sa lugar namin.”
Hinila niya ako.
“Halika ka nga dito.” Utos niya kaya nagpatianod na naman ako sa kanya. Pinaupo niya ako sa kanyang hita. Pakiramdam ko, ito ang paborito niyang posisyon namin. “Wala kang kasalanan sa nangyari, Mira, kaya ’wag kang humingi ng tawad. At saka kung hindi nangyari ’yon baka hindi mo ako nakilala at hindi rin kita nakilala. Tapos wala ka rin dito ngayon. Maybe that’s what they called destiny.”
“Mahal kita, Zach.” Sabi ko sa kanya. Ngumiti siya sa akin at hinawi ang takas kong buhok at nilagay iyon sa likod ng tenga ko. Unti-unti niyang nilapit ang mukha sa akin. Nadala na rin ako sa tukso dahil pumikit ako at hinintay ang labi ni Zach na lumapat sa labi ko. Hindi ko alam kong papaano humalik pero may nakikita ako sa mga palabas na naghahalikan. Kaya ginaya ko iyon at sinusundan ang bawat galaw ng labi ni Zach. Hindi ko mawari na ganito pala kasarap iyon o siguro ang labi ni Zach iyong masarap? Kung noon ay nandidiri pa akong tumingin sa palabas dahil nag-iispidahan ang dila nila at naglulunukan sa kanilang mga laway, ngunit ngayon ito na ang ginagawa ko.
“Ohhh!” Napadaing ako nang kagat-kagatin ni Zach ang labi ko. Hinawakan ni Zach ang likod ng ulo ko para mas lalong pailalimin ang halik niya sa akin. Ako naman ay napapakapit sa balikat niya. Parang may sariling utak ang kamay ko na naglakbay sa likod ng ulo ni Zach at hinihimas-himas ang buhok niya.
“You’re so naughty, babe.” anito sa gitna ng halikan namin.
THIRTY
Chapter Thirty
Mira’s POV
Pagkatapos ng kwento ni Zach sa akin tungkol sa kanyang naging karansan doon sa nayon namin. May parte na nalulungkot at naaawa sa kanya dahil sa sinapit niya sa kamay ng aking Tiyo. Sa oras na iyon, ramdam ko na ayaw na talagang bumalik ni Zach doon sa lugar kung saan ako nagmula. Ngunit, paano na iyong sinabi niya na haharapin niya kahit ang mga apo doon sa amin at ang ama ko? Mangyayari pa kaya iyon? Ayaw kung pilitin si Zach sa mga bagay na ayaw niya. Kaya dapat siguro ay makontento na ako ngayon na kasama ko siya.
Kaso, papaano kung dumating ang araw na kailan ko ng bumalik sa amin? Anong mangyayari sa aming dalawa? Alam ko na dapat kong paniwalaan si Zach kaso nangangamba ako para sa amin ngayon palang. Humingang malalim ako. Mahal ko si Zach kaya kahit na ano pa man ang maging desisyon niya balang araw, tatanggapin ko iyon.
Lumipas ang ilang linggo at gumaling na ang sugat ni Zach kaya nakabalik na rin siya sa trabaho at balik na naman ako sa dati kong ginagawa, ang manatili lagi sa bahay ni Zach at naghihintay sa kanya. Ang pinagkaiba lang ngayon, kapag-umuuwi at umaalis si Zach sa trabaho niya, lagi na niya akong hinahalikan, kung hindi man sa noo sa labi naman. At nasasanay na rin ako sa ginagawa niyang iyon, para ngang kulang ang araw ko kapag hindi niya ako na hahalikan.
Sabi ni Zach sa akin kagabi, ipapasyal niya raw ako. At gagawin daw namin ang mga ginagawa ng mga magkasintahan na napapanood ko sa telebesyon. Uminit naman ang mukha ko nang sumagi sa isip ko ang ginagawa ng mga magkasintahan sa telebesyon. Kung ganun ay magtatalik din kami? Umiling ako sa sarili kong naisip, bawal pa ’yon, hindi pa pwede.
Minsan ay magkatabi kaming natutulog ni Zach. Hindi ko maiwasan na hindi iyon isipin pero hanggang halikan lang naman ang nagagawa namin ni Zach at hanga ako sa kanya dahil para siyang nasasaktan sa pagpipigil. Aniya naman natural lang iyong pagpipigil niya. Mangmang ako sa mga bagay-bagay na ginagawa ng mga magkasintahan kaya hindi na siguro ako magugulat kung isang ayaw ay ayaw na ni Zach sa akin.
Ngayon ay naghuhugas ako ng mga pinagkainan namin ni Zach. Medyo nalulungkot ako dahil sa mga nagdaang araw ay umuuwi si Zach na pagod at deretso tulog na siya. Hindi na nga kami magkausap dahil pagod siya. Naalala ko pa nga nang isang beses na umuwi siya.
“Zach, kumain ka muna may inihanda akong pagkain.” Kakauwi niya lang at sobrang lalim na ng gabi pero hinintay ko pa rin siya. “Kung gusto mo iinitin ko ’yon dahil malamig na.” Alok ko pa.
“Hindi na, Mira, pagod ako. Matutulog na lang ako.” Sabi niya at tinalikuran ako.
Medyo nasaktan ako doon sa inakto niya dahil simula nang maging nobyo ko siya ay iyon pa lang ang pinakamalamig na naging pakikitungo niya sa akin. Ngunit na intindihan ko iyon dahil pagod siya, kaya niligpit ko na lang ang hinanda kong pagkain para sa kanya. Napapasilip pa ako dahil baka magbago ang isip niya no’ng gabing iyon at kamain siya pero wala talaga.
At ang nangyaring iyon na sundan pa nang nasundan. Minsan ay nagigising ako na may sulat sa lamesa. Nakakabasa naman ako ng mga abakada o lenguwaheng tagalog kaya minsan ay nawawalan na ako nang gana. Minsan tuloy naiisip ko na baka nagsawa na si Zach sa akin. Ngunit hindi ko iyon masyadong inaalala dahil may isang beses din na nagising ako na nasa silid ko si Zach at hinalikan niya ang noo ko bago siya umalis.
Sobrang aga na kasi ni Zach umaalis sa bahay. Nagkasabay lang kaming kumain ngayong araw dahil inagahan ko ang gising ko para mapaghandaan man lang siya ng pagkain. Sabi niya marami daw siyang ginagawa at hinahabol na gawain dahil matagal siyang hindi nakabalik sa trabaho, kaya inintindi ko siya. Wala naman kasi akong alam sa mga ginagawa niya, ang alam ko lang ay ang intindihin siya.
“Ate Ganda!” Muntik ko nang mabitiwan ang babasaging baso na aking hinuhugasan dahil sa gulat. Yumakap sa binti ko si Charlie. Hinugasan ko ang may bulang kamay ko at nagpunas para rin mayakap si Charlie. Parang ang tagal kong hindi nakita ang batang ito.
“Charlie,” ani ko at niyakap ang bata. “Halika rito, umupo ka.” Tapos ay binuhat ko siya patungo sa mesa ng kusina. At dun ko nakita si ate Zin na prenteng nakaupo at kumakain ng mansanas.
“Ate Zin, buti napadalaw kayo.” Masayang saad ko.
“Hmm, mamiss ka kasi ng anak ko at nagpupumilit na pumunta rito.” wika niya at nginuso ang anak na ngayon ay nakaupo sa tabi ko at nakangiti sa akin.
“Ate ganda, namiss mo ba ako.” Ngusong sabi niya.
“Oo naman, sino ba ang hindi mamimiss sa’yo, Charlie.” anas ko at kinurot ang pisngi niya.
“Why didn’t my daddy miss me?” Hindi ko man naintindihan ang sinabi ni Charlie pero naramdaman ko ang lungkot niya at pangungulila. “But I don’t need daddy anymore I have a lot of papas naman. I have papa Zach, papa Nic, papa Oli, and papa Frances, so I don’t need daddy anymore.”
Tumingin ako kay Zin na ngayon ay hindi makatingin sa kanyang anak. Sa mga iilan na naiintindihan kong ingles sa sinabi ni Charlie, nahihinuha ko ang mga sinabi niya. Pareho pala kami ni Charlie, ako hindi ko nakilala ang nanay ko, siya naman ay hindi niya kilala ang tatay niya.
“Wag kang mag-alala, Charlie, marami naman ang nagmamahal sa’yo at may mga papa ka naman, di ba? Iyong mga kaibigan ng papa Zach mo.” ani ko sa bata. Nalulungkot ako para sa kanya kasi pareho kami ng sitwasyon. Alam ko ang pangalan ng ina ko pero si Charlie, duda ako kung nasabi ba ni ate Zin sa kanya ang pangalan ng kanyang ama.
“Uhm! Kaya nga Ate Ganda hindi na nalulungkot si Charlie kasi may marami akong papa.” Tapos ngumiti siya.
Binalik ko ang tingin ko kay ate Zin na at ngumiti rin siya sa akin.
“Ate Zin, wala ka po bang trabaho?” Tanong ko sa kanya.
“Ahm, nakauwi na sina mommy at daddy kaya may marami na akong oras ngayon sa anak ko. By the way, nabalitaan ko na pumunta pala dito ang mommy at daddy. Almira, pagpasensyahan muna ang mommy, ha. Napakakonserbatibo kasi no’n at nagulat lang din siguro iyon dahil dito ka pinatira ni Zach.” Hinakawan niya ang kamay ko na nasa ibabaw ng mesa.
“Ate Zin, hindi mo kailang sabihan ’yan… naiintindihan ko po ang magulang ninyo. Kaya wala po kayong dapat ipag-alala at saka hindi niya naman po ako pinaalis dito. At alam ko rin na mabuti ang magulang niyo. Nagulat lang po talaga siguro siya.”
Naging marahan ang naging buga ng hininga ni Ate Zin, ngumiti siya pagkuwan sa akin.
“Ang… bait mo. Almira! Salamat talaga!”
“Wala po iyon sa kabutihan ninyo sa akin.”
Zin’s POV
“Mommy, can I watch a movie po?” tanong ng anak ko na nakaupo sa tabi ni Almira ngayon.
“Almira, ihahatid ko lang sa sala ’to, ha. Babalik ako dito.” ani ko kay Almira.
Tumango siya sa akin.
Pagkatapos kong buksan ang TV para manood ang anak ko ng paborito niyang cartoon show, bumalik ako sa kitchen. At nakita kong bumalik si Almira sa paghuhugas niya na naputol namin ni Charlie. Kanina ko pa siya gustong tanungin kung kumusta na sila ni Zach, nang magaling kong kapatid na iyon.
I could feel her loneliness and sadness by the way she talked to me earlier. Even if she smile, hindi abot sa mata iyong mga ngiting binibitawan niya. This past few weeks ay nakikita ko na palagi si Zachary sa opisina at kung di naman ay sa mga construction site. He’s like that again—being a workaholic and forgetting about his social life.
“Almira,” I called her, kasi kahit nasa tabi na niya ako ay parang hindi niya ako napansin. “Ayos ka lang ba?” I am now asking the obvious here.
“Oo naman, Ate Zin, ayos lang ako. Salamat pala talaga at napunta kayo dito, Ate.” Aniya at binalik agad ang atensyon sa paghuhugas.
Gustong-gusto ko talaga na tinatawag na ‘Ate’. Before, when Mom gave birth to Zachary, I was really jealous because all the attention was on him. I felt abandoned at that time. Naalala ko pa nga na ayaw kong lumapit kay Zachary noon dahil galit ako sa kanya. I want my parents to look after me and then Zachary came to the picture, all of the sudden the attention was on him na. Pero isang beses no’ng nagising ako sa ingay ng iyak ni Zachary at tulog na tulog sina mom at dad. Pinuntahan ko sa crib niya si Zachary. Hahawakan ko na sana siya noon pero naunahan niyang hawakan ang kamay ko, babawiin ko na sana ang kamay ko pero mahigpit kung humawak ang mga baby at sa pagkakahawak niya sa kamay ko no’n, tumigil siya sa pag-iyak. At simula no’n ay naging malapit ako kay Zachary at minsan pa nga ako ang nagpapatulog sa kanya. At tinatabihan ko siya sa crib.
I want a baby sister para may kalaro rin ako sa mga laruan ko pero lalaki ang inanak ni mommy, si Zach ang dumating. However, nagpasalamat din ako na naging lalaki si Zachary dahil protective siya sa akin before and even until now.
“Kumusta kayo ni Zachary?” Tapos na siyang maghugas at pinapatuyo niya nalang ang mga kubyertos. Tumulong ako sa kanya.
“Ayos lang naman, Ate.” sagot niya.
Tsk! Ayos lang daw siya kaso iba ang pinaparating ng kanyang boses. Hindi rin talaga ito magaling magsinungaling.
“Lumalabas ba kayo ng kapatid ko?”
“H-hindi pero sinabi niya naman na lalabas kami.”
I looked at her intently. I have to do something!
“Kailan niya sinabi ’yan?” Usisa ko pa.
“Noong nakaraang linggo po.”
What!? Last week pa!?
“Gusto mo bang lumabas kayo?” Lint*k na Zachary iyon, nakalimutan na niya ba si Almira dito sa bahay niya? May girlfriend siyang tao pero mukhang ang trabaho niya naman ang kanyang karelasyon!
Tumingin siya sa akin at tumango. B Binigyan na niya naman ako ng ngiting malungkot.
Okay, Almira, you want to go out with my brother? Well then, I’ll give you a date you won’t forget.
This story is already COMPLETED on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))
![Cover of His No Ordinary Woman [COMPLETED]](/story-covers/his-no-ordinary-woman-completed_234833601.webp)
