His Perilous Ways
Ajai Kim · 7 chapters · 13,904 words
His Perilous Ways
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Copyright © 2024 by Ajai_Kim
All rights reserved. This book or any portion thereof may not be reproduced or used in any manner whatsoever without the express written permission of the publisher except for the use of brief quotations in a book review.
Kabanata 1
NAKATAYO sa kuwadra ng mga kabayo si Valentina habang pinagmamasdan at hinahaplos ang ulo ng paboritong kabayo na pinangalanan niyang Ginger. Kasing kulay kasi ng luya ang malago at makapal na balahibo ng kabayo kaya iyon na lamang ang ipinangalan niya rito. Mahigit labing-limang taon na ang tanda ni Ginger at hindi pa siya ipinapanganak ay nasa hacienda na nila ang kabayo.
Siya ay nasa labin-dalawang taong gulang na at gagraduate na ng elementarya. Siya ang bunsong anak sa magkakapatid na Hussain. May dalawa siyang nakatatandang kapatid na nagngangalang Casimiro at Bella. Ang panganay na si Casimiro ay bente-uno anyos na at ang pumangalawa namang si Bella ay nasa labin-pitong taong gulang na.
Nanggaling sila sa angkan ng mga Hussain na isa sa pinakamayaman at pinakamakapangyarihang pamilya sa probinsya ng San Felipe. Ang kanilang ama na si Vinicius Hussain ay ang Gobernador sa kanilang lugar, samantalang ang inang si Farida ay professor sa kilalang unibersidad at anak ng dating Vice Governor ng San Felipe na si Mariano Alim. May-ari ng iba’t-ibang minahan at pagawaan ng high end appliances ang angkan nila Vinicius habang ang angkan naman nila Farida ay may-ari ng mga jewelry at antique shop sa buong probinsya.
Nagsusumigaw sa karangyaan at kapangyarihan ang pamilya Hussain at Alim kaya kilala at respetado sila sa buong probinsya.
Habang nakatuon pa rin ang atensyon ni Valentina sa paboritong kabayo ay hindi niya namalayang nakalapit na pala sa kanya si Alonzo na nobyo ng kanyang kapatid na si Bella at ang anak ng tagapangalaga ng kanilang farm na si Silvestre.
“Hey, kiddo! It’s almost 7:00pm and your sister is looking after you,” ani Alonzo at inakbayan si Valentina na siyang ikinalingon nito sa binata.
“Alam naman ni yaya na nandito ako e. At saka ano bang ginagawa n’yo rito?” naiinis na saad ni Valentina habang tinitingnan si Silvestre na pumasok sa isang kulungan ng kabayo at iniligpit nito ang mga nagkalat na damo sa sahig.
“Hindi maganda sa bata na gabi na ay nasa labas pa rin. Paano na lang kung mapahamak ka rito? May mga nagkalat pa namang masasamang elemento at multo dito tuwing gabi.” pananakot ni Alonzo na ikinarolyo ng mga mata ni Valentina.
“Kuya Alonzo, hindi ako naniniwala sa mga ganyan. Mas mabuti pang matakot na ako sa buhay kaysa sa patay no!”
Humalakhak si Alonzo sa sinabi ni Valentina. “You never fail to make me laugh, Val.”
Ngumiti lang ng sarkastiko si Valentina at muling tiningnan si Silvestre. Tahimik at misteryoso si Silvestre, at kabaliktaran nito ang amang si Mang Ramil na masayahin at nakakasundo nang lahat.
Tipid magsalita at palagi lamang nasa isang sulok si Silvestre, kung may madalas man itong kausap at nakakasama, iyon ay si Alonzo na kasing edad lang nito. Patay na rin ang ina ni Silvestre na asawa ni Mang Ramil. Namatay raw ito pagkatapos ipanganak si Silvestre dahil sa komplikasyon sa panganganak kaya mag-isang itinaguyod ni Mang Ramil ang anak na lalaki.
“Sil, uuwi ka na ba sa inyo pagkatapos niyan?” tanong ni Alonzo kay Silvestre.
Tumango lamang si Silvestre na patuloy pa rin sa ginagawa at hindi man lang sinulyapan si Valentina na bigla na lang sumimangot. Alam niyang iniiwasan siya ni Silvestre o ayaw lang talaga nito sa kanya, hindi niya rin alam kung bakit. Ipinagsasawalang bahala na lamang niya iyon dahil wala rin naman siyang balak na makipagkaibigan sa taong pakiramdam niya ay ayaw naman sa kanya.
“Okay, bro. Aalis na kami!” paalam ni Alonzo kay Silvestre. Wala nang nagawa si Valentina nang hinila na siya paalis ng nobyo ng kanyang kapatid papasok sa loob ng mansyon.
Dumiretso sila sa dining room at naabutan niya ang mga kapatid at magulang na kumakain ng hapunan. Umiling na lamang ang yaya ni Valentina na si Esmi at kaagad nang inasikaso ang batang alaga. Si Alonzo naman ay tumabi sa nobyang si Bella na masama ang tingin.
“Gosh, Val! Nandito na kaming lahat at kumakain na habang ikaw ay nasa labas at nakikipaglaro na naman sa kabayo mo? Inistorbo mo pa ang boyfriend ko nang dahil sa pagiging pasaway mo? We already told you so many times na dapat sabay-sabay tayong kakain sa hapagkainan as a sign of respect, right?” panenermon ni Bella sa bunsong kapatid.
Ngumisi ang panganay na si Casimiro sa turan ni Bella habang ang mga magulang namang sina Vinicius at Farida ay patuloy lamang sa pagkain.
“Bella, stop it! She’s still a kid kaya hayaan mo na.” suway ni Alonzo sa nobya.
“Yes, she’s still a kid at maaga pa lang ay dapat na siyang disiplinahin dahil kapag lumaki ’yan ay magiging spoiled at suwail siyang bata!” asik naman ni Bella.
Pinipigilan ni Valentina na huwag maiyak dahil pinapahiya na naman siya ng kanyang ate sa harapan ng nobyo nito. Hinahayaan lang rin siya ng panganay na kapatid at ng mga magulang na disiplinahin ni Bella. Alam naman niyang si Bella ang paboritong anak ng kanyang mga magulang. Ramdam niyang hindi na plano ng mga magulang na magkaanak pa dahil sapat na ang dalawang Hussain bilang mga tagapagmana ngunit aksidente siyang nabuo. Kasalanan ba niyang nabuhay siya sa mundo?
“Bilisan mo nang kumain, Val para makapagpahinga ka na at may pasok ka pa bukas,” mahinang bulong ni Esmi kay Valentina habang pinaghahanda ito ng pagkain. Makikita ang awa mula sa mga mata nito.
Tumango na lamang si Valentina at huminga nang malalim upang pigilan ang pagtulo ng mga luha.
Pagkatapos kumain ay kaagad nang inasikaso ni Esmi ang alagang si Valentina. Pinaliguan at inayusan na ito bago patulugin. Hanggang ngayon ay namamangha pa rin ang katulong dahil sa taglay na ganda ni Valentina kahit nasa murang edad pa lamang ito.
May kulot at maitim na mahabang buhok si Valentina. Maputi rin ito at may namumulang mga pisngi at labi. Napakaganda rin ng kulay abo nitong mga mata na namana kay Don Vinicius. Maganda naman si Bella ngunit mas maganda at nakakahumaling si Valentina. Mas gaganda at magmamatured pa ang bata kapag ito ay nagdalaga na.
“Hangga’t maaari ay iwasan mo ang nobyo ng iyong kapatid na si Alonzo, anak.” saad ni Esmi habang sinusuklayan ang basang buhok ni Valentina.
“Po? Mabait naman po si Kuya Alonzo sa akin kaya bakit ko po siya iiwasan?” tanong ni Valentina.
Huminga ng malalim si Esmi. “Nakikita ko mula sa mga mata niya ang pagnanasa sa iyo. Binigyan ka niya nang pasalubong na damit at sapatos noong magpunta sila sa Hawaii kasama ang mga magulang niya pero walang pasalubong ang Ate Bella mo, hindi ba?”
Tumango si Valentina. May pasalubong na ibinigay sa kanya si Alonzo noong umuwi ito galing sa Hawaii ngunit walang pasalubong ang kanyang Ate Bella. Ang kinatwiran naman sa kanya ni Alonzo nun ay hindi rin magugustuhan ni Bella ang mga binibili nito sa kanya dahil maselan sa pagpili ng gamit ang kapatid.
“Opo, pero ayaw naman daw po kasi ni Ate Bella ang mga binibili niya.” sagot ni Valentina.
Napailing si Esmi. “Basta’t hangga’t maaari ay iwasan mo na si Alonzo. Hindi talaga ako napapanatag kapag nakakasama mo siya, anak.”
Hindi na nakipagtalo si Valentina at tumango na lamang ito sa sinabi ng kanyang yaya. Wala siyang makitang mali o weirdo sa mga ikinikilos ni Alonzo kapag nakakausap o nakakasama niya ito. Sa tingin niya ay isang nakababatang kapatid lang talaga ang turing Alonzo sa kanya dahil ang kapatid niyang si Bella ang mahal nito. Baka nagkakamali lang ang kanyang yaya dahil imposible na magustuhan siya ng nobyo ng kapatid.
KINABUKASAN ay maagang pumasok si Valentina. Pagkahatid sa kanya ni Yaya Esmi at ng driver papunta sa paaralan ay nakita niyang nakatambay sa labas ng gate si Alonzo. Naninigarilyo ang binata. Hindi niya alam kung bakit ito nasa kanilang paaralan. Nasa kabilang bayan pa ang paaralan nito sa high school.
Nang makita siya ni Alonzo ay tinapon lang nito sa sahig ang sigarilyo at saka ngumiti at lumapit sa kanya.
“Hi, good morning, Val!” pagbati ng binata.
“Ano’ng ginagawa mo rito, Kuya Alonzo?” tanong ni Valentina.
“Ah, h-hinatid ko lang si Florence dito sa school n’yo because our mom wants me to take care of him. ’Yong driver namin ay nasa parking lot lang-”
“Si Ate? Bakit hindi po kayo sabay pumasok?” pagputol ni Valentina sa sinasabi ni Alonzo.
Napakamot sa ulo si Alonzo at tumawa. “Hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nagkakaayos ng ate mo. Pero okay lang kasi magkasundo naman tayo,” anito na nagpakunot sa noo ni Valentina.
“Bakit mo naman po hinahayaan na hindi kayo magkasundo ni ate? Dahil po ba ’to sa nangyari kagabi?”
Hindi sumagot si Alonzo at mas lumawak lang ang ngiti. “Ihatid na kita sa classroom mo? Mamaya pa naman ’yong klase ko.”
Umiling si Valentina. “Hindi na po. Kaya ko na pong mag-isa.”
Biglang tumingin si Alonzo sa kanyang mga paa. “Bakit hindi mo suot ’yong binigay kong sapatos sa’yo?” tanong nito at muli siyang tiningnan.
“Nakalimutan ko po, e.” sagot na lang ni Valentina. Nakaramdaman siya ng pagkailang dahil sa ginagawa ngayon ni Alonzo.
Tumango lang ito at nawala na ang ngiti mula sa mga mata. “I’ll go ahead. Take care, Val.” sabi nito at umalis na.
Nakaramdam ng kaginhawaan si Valentina nang makaalis na si Alonzo. Muli niyang naalala ang mga sinabi sa kanya kagabi ng kanyang Yaya Esmi. Ayaw niyang bigyan ng malisya ang mga ginagawa ng binata dahil natural naman itong mabait sa kanya at sa kanyang pamilya ngunit hindi niya mapigilan mag-isip nang hindi maganda.
Nang tuluyan na siyang pumasok sa loob ng paaralan ay nakita niya si Mang Ramil at ang anak nitong si Silvestre na nagwawalis sa malawak na field. Nakasuot ng uniporme at backpack si Silvestre habang nagwawalis ng mga dahon. Mukhang papasok na rin ito mamaya sa paaralan na kung saan ay doon din nag-aaral si Alonzo.
Nakita siya ni Mang Ramil kaya kumaway ito at ngumiti sa kanya. “Magandang umaga, Ma’am Val!”
“Magandang umaga rin po, Mang Ramil.” pagbati ni Valentina at nang tumingin siya kay Silvestre ay laking gulat niya nang nakatingin ito sa kanya.
“Nagpresinta na muna kami ng anak ko na walisan itong school field n’yo dahil napamumuguran na ng mga dahon. Mamaya ay aayusin naman namin ni Silvestre ang mga sirang lababo sa canteen pagkatapos ng kanyang klase.” sabi ni Mang Ramil at hininto muna ang pagwawalis.
Si Silvestre ay humiwalay na ng tingin sa kanya. Huminto na ito sa ginagawa at saka kinuha ang bottled water sa loob ng dalang backpack at ininom ito.
Tumango si Valentina at hindi na magawang tingnan nang diretso si Silvestre. “Ang sipag n’yo po talaga, Mang Ramil.”
“Kailangang magsipag, hija dahil hirap kami sa buhay. Si Silvestre na lang ang pag-asa ko upang makaahon kami sa kahirapan kaya hangga’t kaya ko ay itataguyod ko ang kanyang pag-aaral.” malungkot ngunit nakangiting sabi ng matanda.
Matagal nang tagapangalaga ng kanilang farm si Mang Ramil. Pinagkakatiwalaan na ito ng mga magulang niya kaya sa loob na rin ng hacienda ito nakatira kasama ang anak na si Silvestre. Parehong masipag ang mag-ama kaya wala silang problema sa mga ito.
“Tay,” Biglang pagtawag ni Silvestre sa ama na may diin.
“Ay! Pasensya na, Ma’am Val kung nagiging emosyonal na ako. Sige, pumasok ka na at baka ma-late ka pa sa iyong klase.” Paghingi ng paumanhin ni Mang Ramil at pinagpatuloy na ang ginagawa.
“Sige po. Salamat po.” sagot ni Val. Lumingon siya kay Silvestre at nagulat na naman siya dahil nakatingin itong muli sa kanya.
Inumpisahan na niyang maglakad papaalis habang kumakabog nang mabilis ang kanyang puso.
Hindi niya alam kung bakit sa simpleng mga tingin ni Silvestre ay may mga bagay siyang hindi maipaliwanag na nararamdaman sa sarili.
Ajai_Kim
Kabanata 2
HABANG nakasakay si Valentina sa kabayong si Ginger at nakaalalay sa kanya si Mang Ramil ay nakita niyang naglalakad papalapit sa kanila si Silvestre. Katulad noon ay palaging ipinapakita nito ang emosyon na walang ngiti at may kaseryosohan ang ekspresyon ng mukha.
Minsan ay napapaisip si Valentina kung anak ba talaga ni Mang Ramil ang lalaking ito dahil hindi ito katulad ng matanda na palaging nakangiti at palakaibigan sa lahat. Si Alonzo lang ang tanging taong nakikita niyang kasundo ni Silvestre bukod sa ama nito. Pero mahahalata naman na mag-ama sina Mang Ramil at Silvestre dahil magkamukha ang dalawa at nakuha rin ng binata ang moreno ngunit makinis nitong balat.
Inaamin ni Valentina sa sarili na guwapo at malakas ang dating ni Silvestre. Nakadagdag sa katangian ng binata ang pagiging misteryoso at tahimik nito. Mahirap itong basahin at unawain. Matangkad at may magandang pangangatawan dahil batak sa trabaho sa kanilang farm.
Matagal nang naninilbihan si Silvestre sa pamilya Hussain ngunit hindi pa niya ito lubos na kilala. Wala rin silang tsansa para makapag-usap nang silang dalawa lang dahil halata ang pag-iwas nito sa kanya. Ramdam niyang hindi siya gusto ni Silvestre kaya wala siyang magagawa kundi huwag na lamang itong pansinin.
“Anak, tapos na ba ’yong group project n’yo? Magkano ba ang kakailanganin mo sa project na iyon?” tanong ni Mang Ramil nang makalapit si Silvestre sa kanila. Ang kabayong si Ginger ay idinikit ang noo kay Silvestre indikasyon ng pagbati nito.
“Tapos na po, Tay. Huwag na po kayong mag-alala dahil ipinambayad ko na lang po ’yong naipon kong pera sa project namin.” sagot ni Silvestre. Hindi pa rin tinitingnan ang batang si Valentina.
“Dapat ay nanghingi ka na lang sa akin at inipon mo na lang ’yang pera mo para sa panggatos sa baon mo.” saad ni Mang Ramil.
“Ayos lang po. May natira pa naman po akong pera sa mga susunod pang araw na pambaon ko.” ani Silvestre.
Nakikita ni Valentina noon pa man na napakabuting anak ni Silvestre kay Mang Ramil. Alam ng binata ang hirap at sakripisyo ng ama maitaguyod lamang siya. Humahanga siya kay Silvestre at sana ay ganoon rin ang mga nakatatandang kapatid niya dahil maluho at walang appreciation ang mga ito kapag nabibili o nakukuha ang mga gusto galing sa pera ng kanilang mga magulang.
Bumuntonghininga si Mang Ramil at ibinigay ang tali ng kabayong si Ginger kay Silvestre. “O, siya at ikaw muna ang bahala kay Ma’am Val dahil may aayusin pa ako sa taniman. Bago mag alas-singko ay umuwi na kayo, ilibot mo muna si Ma’am Val.”
Nanlaki ang mga mata ni Valentina pagkarinig sa sinabi ni Mang Ramil. Ito ang unang pagkakataon na makakasama niya si Silvestre na walang ibang tao kundi silang dalawa lamang.
Tumango lang si Silvestre bilang pagsang-ayon. Nang makaalis na si Mang Ramil ay saka lang tumingin ang binata kay Valentina.
“Saan mo gustong pumunta?” tanong nito.
“S-Sa ilog na lang,” sagot ni Valentina na nautal pa.
Hindi sumagot si Silvestre at sumakay na ito sa kabayong si Ginger at umupo sa likuran ni Valentina. Bumilis ang tibok ng puso ni Valentina at amoy na amoy niya ang pabango ng binata. Sobrang magkalapit at magkadikit ang buong katawan nila.
Nang inumpisahan nang palakarin ni Silvestre si Ginger ay tahimik lang silang dalawa. Ano pa nga bang aasahan ni Valentina? Kahit sa ibang tao ay hindi rin nakikipag-usap si Silvestre depende na lang kung mahalaga ang pinag-uusapan.
“Hindi ka ba nahihirapan sa posisyon mo?”
Muntik nang mapatalon sa gulat si Valentina nang biglang magsalita si Silvestre. Bukod sa may guwapong mukha at magandang tindig ay napakaganda rin ng malalim na boses nito.
“Hindi naman po.” mahinang sagot ni Valentina.
Hindi na muling nagsalita si Silvestre hanggang sa makarating na sila sa ilog. Nauna itong bumaba mula kay Ginger hanggang sa inalalayan na siyang makababa. Itinali rin si Ginger sa puno.
Umupo si Silvestre sa batuhan at pinagmasdan ang rumaragasang tubig sa ilog. Si Valentina naman ay nanatili lang ang tingin sa kanya.
“Ilang taon ka na nga ulit?” tanong ni Silvestre at bumaling sa kanya.
“12 years old po.” nahihiyang sagot ni Valentina.
“Balita ko ay sa Maynila ka pag-aaralin ng kolehiyo.”
Nagulat si Valentina dahil hindi niya inaasahan na pati iyon ay alam ni Silvestre. Hindi naman kasi siya umaasa na may alam ito tungkol sa kanya. Hindi sila malapit na magkaibigan at ngayon lang sila nag-usap.
“Iyon po ang sabi sa akin nina Mom at Dad. Sa Maynila raw po nila ako pag-aaralin ng college.” ani Valentina at hindi napigilan na kagatin ang kuko dahil sa hiya at kabang nararamdaman.
Tumango si Silvestre at muling binalik ang paningin sa ilog.
Natuon ang atensyon ni Valentina nang makitang nakasakay sa kabayo ang panganay na kapatid na si Casimiro kasama ang mga kaibigan nitong sina Bryce at Ronan. Patungo sa direksyon nila ang tatlo. Nang makalapit na ang mga ito sa kanila ay bumaba mula sa kabayo si Casimiro at masama ang tingin sa kanila ni Silvestre.
“Ano’ng ginagawa n’yo dito ng kapatid ko?” maangas na tanong ni Casimiro kay Silvestre.
“Inilibot ko lang ang kapatid mo sa ilog kasama ang kabayo niya.” sagot ni Silvestre.
“Really? Baka mamaya ay may gawin ka pang masama kay Val kaya dinala mo siya rito,” pagsingit ng isa sa mga kaibigan ni Casimiro na si Bryce.
“Hindi po totoo ’yan!” ani Valentina na sumama ang tingin kay Bryce. Hindi niya ito gusto dahil mayabang ito at matapobre.
Tumawa lang sina Bryce at Ronan.
“Hoy ikaw! Hindi ka nababagay na makisalamuha sa amin lalo na kay Alonzo. Kung meron ka man na dapat samahan, iyon ay ’yong mga kapwa dukha mo ’yon. Huwag kang mangarap na mapabilang sa amin, Silvestre!” saad ni Casimiro at dinuro nito si Silvestre.
“Kuya, ano ba? Huwag ka ngang magsalita nang ganyan!” pagdepensa ni Valentina dahil sa maling akusasyon ng kapatid.
“Tumahimik ka, Valentina! Kababae mong tao tapos sumasama ka sa dukhang ’to? Kung may dapat ka mang kaibiganin o samahan, iyon ay si Florence lang!” singhal ni Casimiro.
Likas nang mapangmata sa mga mahihirap ang mga kapatid ni Valentina na sina Casimiro at Bella. Hindi naman ganito ang mga magulang nila ngunit ang dalawang magkapatid ay parang binagbiyak na bunga dahil may parehong masasamang ugali.
“Florence? Dude, Alonzo’s brother is gay as heck kaya ’wag mo namang ireto ’yong kapatid mo do’n.” natatawang saad ng isa rin sa mga kaibigan ni Casimiro na si Ronan.
“Shut up, Ronan!” galit na tiningnan ni Casimiro ang kaibigan na tumahimik na ngunit nagpipigil lamang ng tawa.
“Umuwi na tayo, Valentina.” Tumayo na mula sa pagkakaupo sa batuhan si Silvestre at akmang lalapitan na si Valentina nang biglang lumapit si Casimiro at sinuntok sa mukha ang binata.
Nagulat sila sa ginawa nito. Si Silvestre naman ay muntik nang matumba at napahawak sa pangang nataaman ng suntok na paniguradong magkakaroon ng pasa. Nakita rin ni Valentina ang pagtiim-bagang nito.
“Stay away from us, you poor thing!” galit na sigaw ni Casimiro kay Silvestre at pagkatapos ay sumakay na ito sa kabayong dala at umalis na. Sinundan naman ito ng dalawang kaibigan.
Nag-aalala namang lumapit si Valentina kay Silvestre. “Kuya Silvestre, sorry po sa ginawa ni kuya sa’yo,”
“Wala kang kasalanan. Umuwi na tayo,” sagot lamang ni Silvestre at pinasakay na siya sa kabayong si Ginger.
Sinunod na lang ni Valentina ang sinabi ng binata at nang pareho na silang makasakay kay Ginger ay pinakiramdaman niya ito sa kanyang likuran. Hindi niya napigilan na lingunin si Silvestre. Seryoso lang ang mukha nito habang ginagabayan si Ginger para sila ay makauwi na.
Hindi siya makapaniwala na hindi pinatulan ni Silvestre ang kanyang kapatid. Napakahaba ng pasensya at pang-unawa nito at hindi na gumanti sa ginawa ni Casimiro. Naaawa siya dahil mabait si Mang Ramil sa kanilang pamilya ngunit may ipinapakita namang masamang asal ang dalawa niyang kapatid sa anak nito.
Ilang minuto lang ay nakarating na sila sa hacienda. Nang pareho na silang makababa sa kabayong si Ginger ay hindi napigilan ni Valentina na yakapin si Silvestre, bumuhos na rin ang mga luhang kanina pa nito pinipigilan.
“Sorry po talaga sa nangyari kanina. Ako na po ang humihingi ng pasensya sa ginawa ni Kuya Casimiro. Hindi niya po dapat ’yon ginawa…” naiiyak na sambit ni Valentina.
Hindi nagsalita si Silvestre ngunit hinayaan lang niyang yakapin siya ni Valentina.
“Sorry po ulit,” Nang mahimasmasan si Valentina ay huminto na siya sa pag-iyak at tiningala si Silvestre. Nakatingin lang ito sa kanya sa malalalim nitong mga mata.
“Pumasok ka na sa loob ng mansyon n’yo,” pag-imik nito.
Tumango at nagpunas ng mga luha si Valentina. “Sige po.”
Tuluyan nang pumasok sa loob ng mansyon si Valentina at nang nilingon niya sa huling pagkakataon si Silvestre ay nakatingin ito sa kanya.
“TALAGA? Ginawa ni Kuya Casimiro ’yon?” gulat na tanong ni Florence nang ikinuwento sa kanya ni Valentina ang nangyari kahapon.
Tumango si Valentina at nagpahalumbaba. “Ako na ang nahiya sa ginawa ng kapatid ko. Wala namang ginagawang masama sa kanya si Kuya Silvestre pero nanuntok pa siya. Tsk!”
“Sa inyong magkakapatid ay ikaw lang talaga ang naiiba, Val. Mabuti na lang at hindi mo namana ang kasamaan ng dalawang kapatid mo. Hindi ko talaga ma-gets si Kuya Alonzo kung ano ba ang nagustuhan niya kay Ate Bella dahil magkasing pareho lang sila ng ugali ni Kuya Casimiro.” naiilang na sabi ni Florence.
Nasa canteen sila ng paaralan at break time nila. Kaklase ni Valentina ang nakababatang kapatid ni Alonzo na si Florence at pareho na silang Grade 6 students. Guwapo at may mataas na tindig si Florence ngunit alam ni Valentina na pusong babae rin ito katulad niya. Gayunpaman ay tanggap niya ang kaibigan sa kahit anong kasarian nito. Mabait at mapagkakatiwalaang kaibigan si Florence at ito ang kanyang sanggang dikit simula noong mga bata pa lamang sila.
“Hindi ko gusto ang ginagawa ng mga kapatid ko, Florence, at hindi ko rin gusto ang pagkunsinti sa kanila nina Mom at Dad. Pero ano bang magagawa ko? Hindi naman sila nakikinig sa akin.”
“Ano palang ganap sa inyo kahapon ni Kuya Silvestre? Nakausap mo ba siya nang maayos o kinilig ka lang kasi ang guwapo-guwapo niya?” parang bulateng inasinan na tanong ni Florence.
Umirap ng pabiro si Valentina ngunit hindi napigilan ang pagngiti. “Niyakap ko siya kahapon habang umiiyak ako at humihingi ng pasensya sa ginawa ni Kuya Casimiro pero wala man lang siyang sinabi. Iyon ang unang beses na nagkausap kaming dalawa.”
Hinampas ni Florence ang balikat ni Valentina at ito pa yata ang mas kinilig kaysa sa kanya. “Ay, shala? May pa-hug at paiyak ka pang nalalaman kahapon? Tsansing ka rin e, no?”
Ngumisi si Valentina at nang muli niyang maalala si Silvestre ay mas lumawak ang kanyang ngiti.
Hindi niya maitatanggi na mayroon na siyang first crush at iyon ay si Silvestre.
NANG matapos ang kanilang klase ay hinihintay lamang nina Valentina at Florence ang kanilang mga sundo sa labas ng paaralan. May humintong itim na kotse sa harapan nila at lumabas mula sa driver’s seat si Alonzo na may malungkot na ekspresyon.
“Kuya, ano’ng nangyari? May problema ba?” tanong ni Florence nang makita ang ekspresyon ng kapatid.
Naitakip ni Alonzo ang mukha gamit ang dalawang magkabilang mga palad at hindi nito napigilan ang pag-iyak, saka bumaling kay Valentina.
“Val, your sister and Mang Ramil were killed in a car accident earlier. They died on arrival at the hospital.”
Sa narinig ni Valentina mula kay Alonzo ay biglang nanlambot ang kanyang mga tuhod at tuluyang bumagsak sa sahig.
“P-Po? Si Mang Ramil po ba ang nagdrive ng sasakyan?” umiiyak na tanong ni Valentina. Si Florence naman ay niyakap siya.
Tumango si Alonzo. “Oo. Bumangga raw sa poste ang sinasakyan nila at nawalan ng preno. Sinundo na lang ni Mang Ramil si Bella galing sa school namin kanina dahil nagkasakit ’yong driver n’yo at walang magsusundo sa kanya. Hindi naman ako pumasok sa school dahil dinala ako ni Dad sa site ng pinapagawa niyang store sa San Mariano. This is all my fault because I didn’t protect your sister!” naluluhang saad ni Alonzo.
“Kuya, walang may gusto nang nangyari kaya ’wag mong sisihin ang sarili mo,” malungkot na saad ni Florence. Naaawa sa kapatid.
Hindi man maganda ang pagtrato ni Bella kay Valentina ay hindi niya hihilingin na mawala ang kapatid na babae dahil mahal at kadugo niya pa rin ito. Namatay rin daw sa aksidente si Mang Ramil kaya paano na lang si Silvestre?
Hindi na nag-atubiling sumama si Valentina sa ospital kasama sina Alonzo at Florence kung saan ay naroon raw ang patay nang katawan nina Bella at Mang Ramil.
–
Ajai_Kim
Kabanata 3
SA pagkamatay nina Bella at Mang Ramil dahil sa aksidenteng naganap ay nagluluksa ang buong San Felipe dahil sa nangyari. Ang pangalawang anak ni Governor Vinicius Hussain at Farida Alim-Hussain na si Bella ay namatay sa isang aksidente kasama ang tagapangalaga ng farm at matagal ng naninilbihan sa pamilya nila na si Ramil Quinoa.
Walang ibang makikita sa hacienda kundi ang pakikiramay at pagdadalamhati ng bawat kaanak ng pamilya. Ang bunsong anak na si Valentina ay hindi na umaalis sa tabi ng inang si Farida na lubos ang pagdadalamhati dahil sa paborito at namatay na anak.
Nang lumapit si Governor Hussain sa kanilang puwesto ay sinabi nito kay Valentina na maiwan muna sila dahil may sasabihin ito sa asawa. Tumango na lamang si Valentina at kaagad na nagtungo sa puwesto ni Alonzo na nakatitig lang sa kabaong ni Bella at tulalang nakaupo.
“Kuya Alonzo, kumain na po ba kayo? Kaninang tanghali pa po walang laman ang tiyan n’yo.” tanong ni Valentina at umupo sa tabi ng nagluluksang binata.
“I can’t eat properly, Val. Hanggang ngayon ay sinisisi ko pa rin ang sarili ko kung bakit nawala si Bella. Kung ako na lang sana ang nagsundo sa kanya sa school ay hindi ’to mangyayari,” mapait na sabi ni Alonzo at tiningnan siya sa naluluha nitong mga mata.
Hinawakan ni Valentina ang balikat ni Alonzo. “Wala pong may gusto sa nangyari. Masakit rin po sa akin na nawala si Ate Bella pero kailangan ko pong maging matatag, dapat ay ganoon rin po kayo dahil siguradong hindi gugustuhin ni Ate Bella sa itaas na maging malungkot kayo nang dahil sa pagkawala niya.”
Napatitig si Alonzo sa magandang bata at hinaplos ang pisngi nito na lihim na ikinagulat ni Valentina. “Nawala na sa akin si Bella, sana pati ikaw ay hindi rin mawala sa akin, Val…” seryoso nitong saad.
Hindi nakapagsalita si Valentina at tumango na lang. Sa unang pagkakataon ay ngumiti na si Alonzo mula sa isang linggong pagluluksa dahil sa namayapang nobya.
MAAYOS at payapang nailibing si Bella sa isang pribadong sementeryo sa San Felipe. Maraming residente, iilang mga kamag-anak, kaibigan, mga kaklase ni Bella, mga politiko, at nanggaling mula sa mayayamang angkan sa San Felipe ang nakiluksa at sumama sa prosisyon hanggang sa mailibing ang dalaga.
Nang matapos ang libing ay nakita ni Valentina si Silvestre na nag-aayos ng mga tanim na bulaklak at halaman sa kanilang hardin. Tumingin siya sa katulong na si Esmi at humihingi ng permiso upang lapitan ang lalaki.
“Sige at kausapin mo na si Silvestre habang wala pa sa paligid ang kuya mo.” ani Esmi at itinulak na si Valentina papalapit kay Silvestre.
Kaagad na napatingin si Silvestre kay Valentina na tipid na ngumiti at huminto muna sa ginagawa.
“Kumusta ka po, Kuya Silvestre?”
“Kailangan kong maging maayos dahil wala na si Tatay.” malamig na turan ng binata kaya kaagad napawi ang ngiti ni Valentina.
“P-Pasensya na nga po pala kung hindi ako nakapunta sa burol at libing ni Mang Ramil. Pinagbabawalan po kasi ako ni Kuya Casimiro-”
“Alam ko. Kung hindi lang daw sana si Tatay ang nagmaneho ng sinasakyan ni Ma’am Bella ay hindi sana mangyayari ang aksidente.” walang emosyon na sagot ni Silvestre.
Nalungkot si Valentina sa narinig at saka lang niya napansin ang sugat na may bahid ng dugo sa gilid ng ibabang labi ni Silvestre. “Si Kuya Casimiro po ba ulit ang may kagagawan niyan?” tanong niya at itinuro ang napuruhang sugat sa labi nito.
Hindi sumagot si Silvestre at nagpatuloy na sa ginagawa.
“Valentina, pumasok na tayo sa loob ng mansyon at hinahanap ka na ng kuya mo!” sigaw ni Esmi mula sa kalayuan.
Tiningnan ni Valentina sa huling pagkakataon si Silvestre na abala na sa ginagawa. Bumuntonghininga siya at saka naglakad papaalis.
LUMIPAS ang dalawang taon at unti-unti na ring nakakalimot sa pagkamatay ni Bella ang pamilya Hussain. Dahil wala na ang paboritong anak ni Farida ay nabuhos na lahat ang atensyon nito sa natitira pang anak na babae na si Valentina. Ganoon rin si Governor Hussain na makailang-ulit nang inirereto ang anak sa mga binata na nanggaling mula sa mayayamang angkan sa San Felipe.
Dalawang taon pa lang ang nakalilipas ay nakikita na ang pagdadalaga ni Valentina. labin-apat na taong gulang pa lamang ito ngunit may tangkad nang 5’8 at nag-uumpisa na ring magdevelop ang katawan nito na para bang nasa labin-walong taong gulang na. Maganda ang hubog at hindi mo aakalain na nasa labin-apat pa lang ang edad.
Maraming binata ang nagtatakangkang manligaw sa kanya ngunit pinipigilan ito ni Alonzo dahil sa pagiging overprotective nito. Simula nang mamatay ang kanyang Ate Bella ay si Alonzo na ang palagi niyang kasama at walang araw na hindi siya nito dadalawin sa mansyon at bibigyan nang kung anu-anong regalo. Natutuwa si Donya Farida sa ginagawa ni Alonzo at gusto nito na ang binata na lang ang makatuluyan ni Valentina balang-araw kaya tutol ito sa ginagawang pagrereto ni Governor Hussain kay Valentina mula sa iba’t-ibang binata na nanggaling sa mayayamang angkan.
“Pupunta kami nila Dad at Florence sa farm namin sa San Mariano, and Dad wants you to come over. Pumayag ka na, please? I’m sure na mag-eenjoy ka doon.” nakangiting tanong ni Alonzo kay Valentina habang nasa loob sila ng kubo. Hinahaplos ng binata ang kulot at mahabang buhok ni Valentina.
“Bakit naman kasama pa ako? Eh family bonding n’yo ’yon,” sagot ni Valentina na humalukipkip at nagtaas ng kilay.
Ngumisi si Alonzo at inakbayan siya. “And why not? You are special to me, Val at gusto kitang ipagmalaki sa mga kamag-anak namin sa San Mariano.”
Natigilan si Valentina at hindi kaagad nakapagsalita. Dalawang taon pa lamang ang nakalilipas simula nang namatay si Bella ay mas naging sweet at clingy na sa kanya si Alonzo. Iniisip na lang niyang nagkakaganito ang binata ay dahil sa pangungulila iyon sa kanyang kapatid.
“Pero kasi..”
“Ipagpapaalam kita kay Tita Farida. I’m sure na papayag ’yon dahil kami naman ni Florence ang kasama mo.” Mas lalong inilapit ni Alonzo ang katawan niya mula kay Valentina at kaunting dangkal na lang ay mahahalikan na niya ito.
Sa pagkailang na nararamdaman ay tumayo na si Valentina mula sa pagkakaupo sa kubo. Natigilan naman si Alonzo.
“May gagawin pa pala ako,” natatarantang sagot ni Valentina at lumabas na sa loob ng kubo.
Napatampal siya sa noo at pumikit ng mariin. labin-apat na taong gulang pa lang siya pero hindi naman siya tanga at manhid. Sana lang ay tumigil na si Alonzo sa ginagawa nito dahil wala pa sa isip niya ang pagkakaroon ng “romantic affection” na tinatawag. Napakabata pa niya para doon. Crush o paghanga pa lang ang tangi niyang nararamdaman pero hindi sa lalaking ito. Isa pa ay nobyo ito ng kanyang Ate Bella at ayaw naman niyang lumabas na parang nagtataksil sa kapatid.
Nagpalakad-lakad si Valentina sa labas ng mansyon at naabutan niya si Silvestre na kakauwi lang galing sa pinapasukan nitong kolehiyo. Nakasuot ito ng puting uniporme, itim na backpack, at itim na slacks habang may suot na ID. Habang tumatagal ay mas lalong gumagwapo si Silvestre sa paningin niya. Mas tumangkad rin ito sa dalawang taong lumipas.
Simula nang mamatay si Mang Ramil ay si Silvestre na ang sumalo sa lahat ng trabaho ng ama. Working student din ito at sa gabi ay isang waiter sa isa sa mga restaurant sa San Felipe. Dahil likas na matalino ay scholar si Silvestre sa pinapasukang kolehiyo. Civil engineering ang kinukuha nitong kurso at matataas ang grado na nakukuha.
Walang nagbago sa pakikitungo sa kanya ni Silvestre. Ganoon pa rin ito simula nang makausap at makilala niya. Halatang iniiwasan siya at hindi magawang tingnan nang matagal. Ang akala niya ay may magbabago sa kanilang dalawa ng crush niya ngunit wala pa rin.
Hindi maintindihan ni Valentina pero ngayon ay nagkaroon siya ng lakas nang loob na lapitan si Silvestre. Nang makalapit siya sa binata ay tumingin ito sa kanya na tila nagtataka.
“Ah, good afternoon sa’yo.” pagbati ni Valentina.
“Good afternoon.” sagot ni Silvestre.
“How’s your day?” Para magpapansin ay gumawa na lang si Valentina ng topic. Minsan lang naman sila mag-usap, at mukhang good mood si Silvestre kahit hindi naman ito nagpapakita ng ibang emosyon bukod sa “poker face” nito kaya i-pupush na niya para lang sa crush niya.
“Maayos naman.” ani Silvestre.
Tumango-tango si Valentina “That’s good.”
“Gusto mo bang kumain ng meryenda?”
Hindi ipinahalata ni Valentina ang gulat dahil sa pag-aalok sa kanya ng meryenda ni Silvestre.
“Yeah, sure!” nakangiti niyang sagot.
“Tara,” Naunang maglakad si Silvestre indikasyon na kailangan niyang sumunod rito.
Nakarating sila sa bahay na tinutuluyan nito sa loob ng hacienda, ang bahay na kinalakihan ni Silvestre kasama si Mang Ramil. Ngayon lang nakapasok si Valentina sa loob at namangha siya dahil kahit hindi ito ganoon kalawak at kalaki ay malinis at mabango ang buong bahay.
Gawa sa kahoy at muwebles ang loob, may maliit na sala, lamesa, sofa na gawa sa kawayan, may tv rin na nakasabit sa pader, may cabinet kung saan nakalagay ang mga trophies, medals, at certificates na natanggap ni Silvestre habang nag-aaral ito, pero ang pumukaw sa atensyon niya ay ang mga litrato sa frame kung saan ay kasama ni Mang Ramil ang asawa nito. Buntis ang babae at mukhang si Silvestre ang batang ipinagbubuntis. Maganda ang babae at nakuha nito ang magandang mga mata ni Silvestre.
“Maupo ka muna,” alok ni Silvestre at pinaupo si Valentina sa sofa na gawa sa kawayan.
“Salamat.” Umupo si Valentina at pinagmasdan si Silvestre na ibinaba muna ang suot na backpack sa sofa bago ito nagtungo sa kusina.
Nang makabalik ay may dala itong isang kaserolang umuusok pa at isang plato ng banana cue na may tatlong piraso. Inilapag ni Silvestre ang mga pagkain sa lamesa at saka muling bumalik sa kusina para kumuha ng dalawang mangkok, kubyertos, platito, isang pitsel ng tubig, at dalawang baso. Tumabi ito sa kanya at ito na rin ang naghanda ng kanyang kakainin.
Champorado ang laman ng loob ng kaserola, ito ang paboritong meryenda ni Valentina. Palagi pa niyang kinukulit ang katulong na si Esmi para gawan siya nito tuwing hapon kapag wala siyang pasok. Isa rin ang banana cue sa paborito niyang meryenda. Ito minsan ang binibili niya sa kanilang paaralan tuwing break time. Nagkataon lang kaya na ang mga paborito niya ang meryenda ni Silvestre?
“Ginawa ko ’tong champorado at banana cue kanina bago ako pumasok. Ito ang almusal ko kanina. Nilagay ko lang sa ref at ininit ko.” saad ni Silvestre habang nilalagyan siya ng champorado sa mangkok. Nilagyan rin siya ng dalawang pirasong banana cue sa platito.
“Paborito ko ang mga ’to,” sabi ni Valentina.
Tumango si Silvestre at pagkatapos ay nag-umpisa na silang kumain. Sinusulyapan ni Valentina ang binata sa tabi. Tahimik pa rin katulad ng inaasahan niya.
“Hindi ka ba nabobored kapag mag-isa ka lang dito?” tanong ni Valentina para makagawa ng mapag-uusapan. Hangga’t hindi siya nagsasalita ay alam niyang hindi rin siya kakausapin ni Silvestre.
“Sanay na ako.” sagot ni Silvestre.
“Hindi na ba kayo gaanong nagkakasama ni Kuya Alonzo?”
“Palagi siyang abala sa pag-aaral niya, ganoon rin ako kaya minsan na lang kami nagsasama.”
Kumunot ang noo ni Valentina dahil hindi naman palaging abala si Alonzo. Araw-araw nga itong nasa mansyon nila at binibigyan siya ng mga regalo na hindi naman niya kakailanganin.
“Wala ka bang girlfriend ngayon?”
Napatakip sa bibig si Valentina dahil hindi niya napigilan ang tanong na matagal na niyang gustong itanong.
Saglit na natigilan si Silvestre at pagkaraan ay umiling. “Wala na akong panahon sa ganyan dahil masyado akong abala sa pag-aaral at pagtatrabaho.”
“Ah, hehe. Sorry at natanong ko pa ’yan sa’yo,” paumanhin ni Valentina at kumagat na lang sa kinakaing banana cue dahil sa hiyang naramdaman.
“Pero hindi ko naman sinasara ang posibilidad na magkaroon ako ng girlfriend.” ani Silvestre na tumingin sa kanya.
Hindi maipaliwanag ni Valentina ang nararamdaman. Sa tuwing nakikita niya si Silvestre ay palaging lumalakas ang kabog sa kanyang dibdib. Alam niyang may crush siya sa binata, at sa bawat araw na nakikita niya ito ay mas lalong nadaragdagan ang paghanga niya rito.
Pagkatapos nilang kumain ng meryenda ay lumabas na sila sa loob ng bahay. Iniiwasan ni Valentina na makita siya ni Casimiro na kasama si Silvestre dahil hanggang ngayon ay ang Tatay pa rin ni Silvestre ang sinisisi ng kapatid sa pagkamatay ni Bella.
“Maraming salamat ulit sa meryenda, Kuya Silvestre.” pasasalamat ni Valentina.
Tumango si Silvestre. “Gusto ko nga pa lang magpasalamat sa’yo at sa pamilya mo sa tulong na ibinibigay nila sa akin kahit wala na si Tatay. Magsusumikap pa ako sa pag-aaral at pagtatrabaho para makabawi ako sa inyo.”
Napangiti si Valentina. Hindi siya nagkamaling humanga kay Silvestre. “Wala po ’yon, no. Puwede bang maging magkaibigan na lang tayo? Ramdam ko kasi na iniiwasan mo ako, e.”
Halata ang pagkabigla ni Silvestre sa sinabi niya. “Hindi naman kita iniiwasan, nahihiya lang ako sa’yo at sa pamilya mo dahil magkaiba tayo ng estado sa buhay pero… kung gusto mo akong maging kaibigan ay walang problema.”
“Talaga?” masayang tanong ni Valentina.
Nahihiyang tumango si Silvestre.
“Okay lang kahit magpunta ako rito sa bahay mo basta’t hindi lang ako mahuli ni Kuya Casimiro?”
Tumango ulit si Silvestre.
Hindi napigilan ni Valentina na yakapin si Silvestre sa tuwang nararamdaman. “Maraming salamat po. May bagong kaibigan na ako bukod kay Florence!”
Hindi nakasagot si Silvestre ngunit niyakap na lamang pabalik si Valentina.
A/N: Malapit nang marelease ang Steffano Brothers’ Obsession physical book. Under ng PSICOM Publishing Inc. pa rin ito katulad ng Wished One, But Got Five. Sana ay suportahan niyo rin itong poly story na to katulad sa pagsuporta ninyo sa Wished One. Maybe end of this year or next year na ang release ng book. Salamat po. ❤️
Ajai_Kim
Kabanata 4
SIMULA nang nag-alok ng pakikipagkaibigan si Valentina kay Silvestre ay doon na nag-umpisa ang maganda at matibay nilang samahan. Si Silvestre ay paunti-unti na rin na nakikisalamuha sa ibang tao. Kinakausap na rin nito ng madalas ang mga katulong, tauhan, at driver ng pamilya Hussain sa tulong ni Valentina. Ginagawa ng dalaga ang lahat upang hindi maging malungkot at palaging nag-iisa si Silvestre. Nawala na ang ama nitong si Mang Ramil kaya ituturing niya na itong para na niyang nakatatandang kapatid.
PRENTENG nakaupo si Alonzo sa sofa ng sala nila Valentina at hinihintay ang pag-uwi nito galing ng paaralan. Mayroon siyang dalang mga pasalubong na prutas at gulay na nanggaling sa farm ng mga Aboitiz na kanyang pamilya sa San Mariano. Hindi sumama sa kanya si Valentina nang inalok niya itong magbakasyon sa farm, kaya pinasalubungan na lamang niya ito katulad ng palagi niyang ginagawa.
“Sir Alonzo, kulang na lang ay magtayo ng tindahan si Valentina dahil sa dami ng mga pasalubong na ibinibigay mo sa kanya,” nakangising sabi ng katulong na si Esmi habang tinitingnan ang mga pasalubong na dala ni Alonzo.
“I enjoy giving Valentina many things. She means the world to me, and I want to spoil her and give her everything she needs.” nakangiting sagot ni Alonzo.
Sa nakalipas na dalawang taon ay nawala na ang pagdududa at pangamba ni Esmi kay Alonzo. Nakikita niyang humahanga lang ito kay Valentina at dapat ay hindi niya pinag-iisipan nang masama. Mabait at maaalalahanin ang binata sa lahat ng taong nakakasalamuha. Namana nito ang kabutihang loob sa amang si Alonzo Aboitiz II.
Ngumiti na lamang si Esmi. Kahit hindi sabihin ng binata ay alam niyang may nararamdaman ito para kay Valentina. Ngunit alam niyang may crush ang kanyang alaga sa anak ni Mang Ramil na si Silvestre. Walang inililihim sa kanya si Valentina kaya pati ang bagay na iyon ay alam niya. Matagal na siyang naninilbihan sa pamilya Hussain at noong ipinagbubuntis pa lamang ni Donya Farida sina Casimiro at Bella ay nasa mansyon na siya at nagsisilbi sa pamilya.
Makalipas ng kalahating oras ay dumating na rin si Valentina galing sa paaralan. Masaya ito habang naglalakad papalapit kay Esmi, hindi pa napapansin si Alonzo. Napahinto at kumunot naman ang noo ni Alonzo nang makita ang kaibigang si Silvestre na nasa likuran ni Valentina na hawak ang bag ng dalaga.
Biglang napawi ang ngiti ni Valentina nang mapansin si Alonzo na nakaupo sa sofa.
“Kuya Alonzo, nandito ka pala,” ani Valentina.
Biglang nagbago ang ekspresyon ni Alonzo at muli itong ngumiti. “Kakauwi lang namin nila Florence at Dad galing sa San Mariano. I brought presents for you,” saad nito at itinuro sa lamesa ang mga prutas at gulay na nakalagay sa plastic.
“Ah, thank you po,” pasasalamat ni Valentina at tumingin kay Esmi.
“Bakit pala magkasama kayo ni Silvestre? Hindi ko man lang nabalitaan na magkaibigan na kayo,” tanong ni Alonzo sabay tingin kay Silvestre. Nakangiti pa rin ito.
“Nagkita lang po kami sa labas ng hacienda at hinatid lang po ako ni Kuya Silvestre dito sa loob ng mansyon.” nahihiyang sagot ni Valentina. Kinuha na kaagad ni Esmi ang bag nito na hawak ni Silvestre.
Tumango si Alonzo. “Gano’n ba? Mabuti naman at bukod sa amin ni Florence ay kaibigan mo na rin si Silvestre. Mabait at mapagkakatiwalaan si Silvestre at alam kong ituturing ka niyang parang nakababatang kapatid.” saad nito at ngumiti kay Silvestre.
Tumango si Valentina kahit ang totoo ay tila hindi niya nagustuhan ang huling sinabi ni Alonzo.
“Aalis na ako, Valentina. Paalam sa inyo,” biglang pag-imik ni Silvestre. Yumuko ito sa kanila bilang pamamaalam.
Nang makaalis si Silvestre ay kinuha na ni Esmi ang mga dalang pasalubong ni Alonzo para kay Valentina at ilalagay na ito sa kusina. Naiwan naman sa sala ang dalawa.
“Kumain ka na ba? Gusto mo bang lumabas tayo ngayon-”
“Kuya Alonzo, hindi mo naman ’to kailangang gawin.” Hindi na napigilan ni Valentina ang matagal na niyang gustong sabihin.
Natawa ng mahina si Alonzo. “Ang alin, Val? What’s going on?”
“Itong palagi mong ginagawa. Na pumupunta ka rito sa bahay at binibigyan mo ako ng mga pasalubong. Alam ko pong busy kang tao kaya hindi n’yo na po kailangang ilaan ang oras ninyo para sa akin.” seryosong ani Valentina.
Hindi nakapagsalita si Alonzo at tinitigan lang siya.
“Dalawang taon na rin simula nang namatay si Ate Bella. May sarili kang buhay, Kuya Alonzo at ilaan mo ’yon sa pamilya, pag-aaral, trabaho, o sa mga kaibigan mo-”
“Natutuwa ako at naririnig ko sa’yo ang mga bagay na ’yan. Lumaki kang mabait at mapagmahal na bata.” Tumayo si Alonzo mula sa pagkakaupo at nilapitan si Valentina. Hinaplos nito ang pisngi ng dalaga at titig na titig sa kulay abo nitong mga mata.
“Kuya Alonzo,”
“Alam kong bata ka pa at hindi mo pa naiintindihan kung bakit ginagawa ko ang lahat nang ’to para sa’yo, pero gusto ko lang sabihin na gustong-gusto kita. Val. Gusto kong ikaw ang mapangasawa ko at ang magiging ina ng mga anak ko. I don’t want to lose you now that I have the chance to be with you.”
Gulat na gulat si Valentina dahil sa inamin ni Alonzo. Parang napako ang mga paa niya sa kinatatayuan nila. Nararamdaman niya iyon noon pa lamang, na may pagtingin sa kanya si Alonzo ngunit binabaliwala niya lang ito dahil nobyo ito ng napamayapa niyang kapatid.
“Pero girlfriend mo si Ate Bella-”
“She’s already gone, and I’ve already moved on from her. Hindi niya rin gugustuhin na mapunta ako sa ibang babae bukod sa’yo na kapatid naman niya.” pagputol ni Alonzo. Hinawakan ang nanlalamig nang kamay ni Valentina.
Kaagad binawi ni Valentina ang kamay niya mula kay Alonzo at hindi na makatingin nang diretso sa mga mata nito. “Sorry, Kuya Alonzo pero kung ano man po ang nararamdaman n’yo para sa akin ay pigilan n’yo na. Wala pa po sa isip ko ang pagkakaroon ng relasyon, pag-aaral muna ang aatupagin ko at mas matanda kayo sa akin.”
“Hey chill, Val! Wala akong sinabi na kailangan na maging magkarelasyon tayo ngayon because I know you’re too young for me. Hihintayin kita hanggang sa mag-18 ka para maligawan na kita.” masayang sambit ni Alonzo.
“Pero, Kuya Alonzo-”
“Hayaan mo na ako, okay? I don’t want to pressure you dahil sigurado naman akong magugustuhan mo rin ako kapag nasa legal age ka na.”
Tuluyang umurong ang dila ni Valentina. Gusto niyang sabihin na mayroon na siyang crush at si Silvestre iyon pero hindi niya maituloy dahil sa nakikita niyang masayang ekspresyon ni Alonzo. Natatakot siyang saktan ang damdamin ng binata dahil napakabuti ng puso nito. Nakita na niya kung paano ito malugmok sa kalungkutan mula nang mamatay ang kanyang Ate Bella.
SABADO ng umaga at muling nakasakay si Valentina sa kabayong si Ginger. Ipinagpapasalamat niya at palaging nasa bayan ang kanyang panganay na kapatid na si Casimiro kasama ang amang si Governor Hussain at doon ay parehong nagtatrabaho ang mag-ama. Sinasanay na rin ni Governor Hussain ang bente-tres anyos na anak sa mga gawain sa probinsya ng San Felipe dahil balak nitong tumakbo bilang Gobernador kapag natapos na ang termino ng ama.
Kung palaging nasa hacienda si Casimiro ay makikita nito na malapit na silang magkaibigan ni Silvestre, at baka gumawa pa ito ng paraan para hindi na sila magkita at mag-usap. Kaya sa tuwing nasa hacienda si Casimiro ay maingat si Valentina sa mga ikinikilos upang hindi sila mahalata ni Silvestre.
Malaki ang galit ng kanyang kapatid kay Silvestre at bukod sa sinisisi nito si Mang Ramil kung bakit namatay si Bella ay nakikita rin niya ang insecurities nito kay Silvestre. Palaging pinupuri ng kanilang mga magulang si Silvestre dahil sa likas na pagiging masipag at matalino nito sa pag-aaral, samantalang puro paggala, pag-gimik, at perwisyo ang ginagawa ni Casimiro kasama ang mga kaibigan nitong sina Bryce at Ronan. Mas marami ring mga babae ang humahanga kay Silvestre dahil sa magagandang katangian na mayroon ito. Guwapo at malakas ang dating ni Casimiro ngunit na-tu-turn-off ang mga babae rito dahil masyado raw matapobre at hambog. Kung hindi lang kapatid ni Valentina si Casimiro ay hinding-hindi niya rin ito magugustuhan bilang isang babae.
“Gutom ka na ba?” tanong ni Silvestre kay Valentina nang matapos na silang mangabayo kay Ginger.
“May meryenda ka ba ulit na ginawa, Kuya Sil?” excited na tanong ni Valentina. Sil na rin ang tawag sa binata katulad ng tawag ni Alonzo rito dahil “close friends” na silang dalawa.
Tumango si Silvestre. “Nagluto ako kanina ng paborito mong meryenda.”
“The best ka talaga, kuya!” Pumalakpak si Valentina, hindi nakita ang lihim na pagngiti ni Silvestre.
Sa hindi kalayuan ay nasaksihan ni Alonzo ang masayang bonding nina Valentina at Silvestre. Hindi siya makapaniwala na ang tahimik at palaging nag-iisa na si Silvestre ay napapangiti ni Valentina. Bigla siyang nakaramdaman ng pagseselos ngunit pilit niyang pinipigilan dahil parehong mahalaga sa buhay niya ang dalawa. Isa sa matalik at mapagkakatiwalaan niyang kaibigan si Silvestre habang si Valentina ang babaeng kanyang hinahangaan.
Wala siyang dapat ipangamba dahil hindi naman papayag ang mga magulang ni Valentina na mapunta lang ito sa mahirap at ulilang lubos na lalaki. Alam rin niyang mas lamang siya ng ilang beses kay Silvestre. Wala rin sa isip ni Silvestre ang pagkakaroon ng nobya dahil kilala niya itong puro pag-aaral at pagtatrabaho lamang ang iniisip.
“Alonzo Aboitiz III, Silvestre is your friend, and you are far better than he is. Don’t let jealousy and insecurity consume you…” bulong ni Alonzo sa sarili habang nakapikit at nakakuyom ang mga kamao.
Nang magmulat siya ng mga mata ay kaagad na siyang umalis at hindi na tiningnan ang dalawa.
HABANG kumakain ng meryenda si Valentina ay may kinuha si Silvestre mula sa bulsa ng suot na pantalon. Pagkakuha sa bagay na iyon ay lumapit siya kay Valentina at kinuha ang kaliwang kamay nito sa palapulsuhan at saka isinuot ang hawak na bracelet.
Nagulat si Valentina sa ginawa nito at tinitigan ang silver bracelet na may nakaukit na letter V&S sa pendant.
“Pinag-ipunan kong ipagawa at bilhin ang bracelet na ’to para sa’yo, Valentina. Regalo ko ito dahil sa pagiging mabuti mong kaibigan sa akin.” ani Silvestre at tumingin ng diretso sa kanyang mga mata.
Bumilis ang tibok ng puso ni Valentina at hindi mapigilan ang pagtulo ng mga luha dahil sa sayang nararamdaman. “Salamat po sa regalo n’yo sa akin, Kuya Sil.”
Niyakap ni Silvestre si Valentina na siyang ikinagulat nito. “Masaya ako na nakilala kita, Valentina. Sana ay ’wag mo akong kakalimutan kapag nag-aral ka na ng kolehiyo sa Maynila. Marami kang mga bagong taong makikilala doon at hindi na natin makikita ang isat-isa.”
“Tama na nga, Kuya Sil at pinapaiyak mo lang ako, e!” naiiyak na saad ni Valentina.
“Patawad,” Humiwalay na mula sa pagkakayakap si Silvestre at kaagad pinunasan ang mga luha ni Valentina.
“Huwag mo akong kakalimutan, Valentina. Ayun lang ang gusto kong hilingin sa’yo,”
“Promise po, hinding-hindi kita kakalimutan, Kuya Silvestre, kahit saan man ako magpunta!” pangako ni Valentina.
After 8 years…
GINUGOL ni Valentina ang sarili sa pag-aaral sa Maynila. Matapos makagraduate sa kolehiyo ay dito na rin siya nagtrabaho. Maraming nangyari pagkatapos ng walong taon. Nalugi ang negosyo ng kanyang pamilya at nawala rin ang lahat ng ari-arian na mayroon sila. Nalulong sa bisyo at sugal si Don Vinicius at si Donya Farida naman ay aksidenteng nahulog sa balcony ng kanilang mansyon kaya ito binawian ng buhay pitong taon na ang nakalilipas.
Dahil sa sakit at pangungulila ay walang ibang ginawa si Don Vinicius kundi ang uminom at magbisyo matanggal lang ang sakit sa dibdib na nararamdaman nito. Nawalan na ito ng anak na babae at pati ang asawa ay tuluyan rin na nawala. Unti-unti na nitong napabayaan ang posisyon bilang Gobernador sa San Felipe, nalulong rin sa sugal na kung saan ay itinaya ang kanilang mga ari-arian.
Ang panganay na kapatid ni Valentina na si Casimiro ay nalulong sa masamang bisyo at kung saan-saan na lang ito nakikituloy at lumalapit. Gusto niyang bigyan ng tulong ang kapatid ngunit ayaw naman nito at gusto lamang na magpasarap sa buhay.
Si Alonzo ngayon ang Gobernador ng San Felipe at ang iba sa kanilang mga ari-arian ay nakapangalan na rito. Ang pamilya Aboitiz na rin sa San Felipe ang pinakamakapangyarihang pamilya sa probinsya. Ibinenta ng kanyang ama ang iba nilang lupain at properties sa binata simula nang malulong ito sa casino at kinakailangan ng malaking halaga upang makabayad sa ibang pinagkakautangan nito.
Gustong magalit ni Valentina sa ama dahil ang lahat ng pinaghirapan nito kasama ng ina ay bigla na lang naglaho, ngunit ano pa ang magagawa niya kung paiiralin niya ang galit sa puso? Kasalukuyang naninirahan si Don Vinicius sa bahay ng kanyang Tita Rosenda na kapatid nito sa San Agustin. Maraming mamamayan sa San Felipe ang galit ngayon sa angkan ng mga Hussain kaya minabuting ilayo muna si Don Vinicius sa lugar na kanyang kinalakihan.
Hindi na bumalik si Valentina sa San Felipe dahil wala na siyang babalikan doon. Pag-aari na ng pamilya Aboitiz ang kanilang mansyon at iba sa kanilang mga ari-arian at lupa. Hindi niya rin masikmura ang nakakasuklam na pag-uugali ni Alonzo.
Mali ang pagkakakilala niya rito noong bata pa lamang siya. Mas masahol pa sa demonyo ang ugali at asal nito. Para raw makabawi ang kanyang ama sa ibang mga utang nito sa lalaki na hindi mabayaran ay puwede na raw siyang gawing pambayad utang. Kung papakasalan niya raw si Alonzo ay baka sakaling umunlad ulit ang kanilang buhay, pero hindi siya pumayag sa alok nito. Hindi niya ibababa ang kanyang dignidad magpakasal lang sa lalaki na sa tingin ay isa siyang pambayad utang. Hindi baling maghirap siya sa pagtatrabaho sa Maynila huwag lang humingi nang kahit anong tulong kay Alonzo.
Graduate sa kursong Bachelor of Science in Business Administration si Valentina at kasalukuyang bank teller sa isa sa pinakasikat na bangko sa Pilipinas. Sapat lamang ang kanyang kinikita upang matustusan ang sarili at makapagpadala ng pera para sa amang si Don Vinicius sa San Agustin. Sa ngayon ay kontento na siya sa buhay. Gusto niya lang muna ng tahimik at payapa.
Nang matapos ang duty sa trabaho ay lumabas na si Valentina sa building mula sa pinapasukang bangko kasama ang manliligaw niyang si Kaito.
“Let’s go, Val?” alok ni Kaito. Half Filipino at half Japanese ang lalaki. Mas matanda ito ng dalawang taon sa kanya. Siya ay bente-dos anyos na at ito naman ay nasa bente-kuwatro.
“Sige.” sagot ni Valentina.
Nagpunta sila sa parking lot ng building ng bangko at pumasok sa nakaparadang kotse ni Kaito. Galing sa mayamang pamilya ang lalaki ngunit mas piniling magtrabaho muna sa maliit na posisyon for “experience” raw bago ito isalang sa sariling kompanya ng pamilya. Auto manufacturer ang negosyo ng pamilya nila Kaito. Car dealership owner ang Japanese na ama nito at nanggaling pa sa Japan ang mga materyales ng mga ito sa paggawa ng mga bago o latest na model ng kotse na ina-assemble na lamang dito sa Pilipinas.
“Papayag ka na bang maging date ko bukas sa company party ni Dad?” tanong ni Kaito habang nagmamaneho.
“Depende kung maraming pagkain doon,” nakangising sabi ni Valentina.
“Tsk! Pagkain lang pala e, kahit bilhin ko pa ’yong mga restaurants doon sagutin mo lang ako. Dad also wants to meet you too dahil palagi kitang ikinikuwento sa kanya,” nakangisi ring saad ni Kaito.
Sa lahat ng nagtangkang manligaw kay Valentina ay si Kaito lang ang tanging napusuan niya dahil mabait ito, hindi agressive, at hindi siya pinepressure na maging girlfriend nito. Mahigit dalawang taon nang nanliligaw si Kaito sa kanya at ito lang ang manliligaw niyang tumagal at hindi siya sinukuan.
Natawa si Valentina. “Yabang, ah? Of course. I will be your date for tomorrow. Ikaw pa e, malakas ka sa akin.”
“Ayun, oh! Kaya mahal na mahal kita, e.” Hinawakan ni Kaito ang kamay ni Valentina at hinalikan ang palad nito.
Ngumiti na lang si Valentina at hindi sumagot.
Pagkarating nila sa tapat ng condo building ay bumaba na mula sa loob ng sasakyan ang dalawa. Hinalikan ni Kaito ang noo ni Valentina at inayos ang buhok nito.
“Susunduin kita dito bukas ng maaga. Sabay na tayong pupunta sa stylist.”
Tumango si Valentina. Nang makaalis na si Kaito ay dumiretso na rin siya sa kanyang unit. Pagkapasok sa loob ay hinagis niya ang dalang bag sa sahig at humiga sa kama.
Itinaas niya ang kaliwang kamay at tinitigan ang silver bracelet sa kanyang palapulsuhan. Hindi niya napigilan ang mapaluha habang nakatitig dito.
“Kumusta ka na kaya? Naaalala mo pa kaya ako? Eh bakit aasa pa ako e, hindi na nga ako nagpakita sa’yo? Pero sana kahit na ghinost kita, naaalala mo pa rin ako, Kuya Silvestre…”
–
Ajai_Kim
Kabanata 5
“KINAKABAHAN ako, Kaito,” ani Valentina at hawak nang mahigpit ang braso ni Kaito nang papasok sila sa loob ng malaking lobby ng hotel.
Si Kaito ay natatawa na lang sa inaasal ng nililigawan dahil halatang hindi ito sanay sa lugar na maraming tao. May mga bisita at iilang nakakakilala sa kanya ang tumitingin sa kanilang gawi. Hindi makapaniwala ang mga ito na sa pagiging “No Girlfriend Since Birth” niya ay may dadalhin na siyang babae sa isa sa mga company event ng hapon na ama.
“You don’t need to worry, Val. Nandito naman ako sa tabi mo at mababait ang angkan namin.” saad ni Kaito.
Ngumiti at tumango na lamang si Valentina. Nagtitiwala sa sinabi ng manliligaw.
Nang makalapit sila sa isang round table kung saan ay nandoon ang mga magulang, kapatid, at iilang kamag-anak ni Kaito ay lumingon ang mga ito sa kanila. Tumayo ang isang matandang babae at lalaki na may pagkakahawig sa binata. Malaki ang ngiti ng mga ito.
“Mom, Dad. Si Valentina nga po pala. She’s the girl I’m talking about; I’ve been courting her for almost two years.” pakilala ni Kaito sa mga magulang nito kay Valentina.
“Hello, hija! I’m Carina, Kaito’s mother, and this is his father, Takuma.” Hinalikan ng ginang ang pisngi ni Valentina at saka itinuro ang asawa na ngumiti sa kanya at nakipag-kamay.
Maganda at guwapo ang mga magulang ni Kaito kahit may katandaan na ang mga ito. Namana ni Kaito ang mestisong balat sa ina at ang kabuuan naman ng mukha ng ama.
“Good evening po sa inyo,” nahihiyang pagbati ni Valentina. Tama nga si Kaito na mabait ang mga magulang nito.
“You’ve made a good choice, son. She’s the prettiest girl I’ve ever seen. Worth it ang hindi mo pagkakaroon ng girlfriend dahil bumawi ka naman ngayon,” nakangising sabi ng ama ni Kaito na si Takuma at tinapik ang balikat nito.
“I told you, Dad!” nakangising ani Kaito at nakipag-high five pa sa ama. Kung ituring ay para lang itong tropa.
Nawala na ang kaba ni Valentina nang ipinakilala na siya ni Kaito sa dalawang kapatid nitong lalaki at sa mga pinsan, mga tito, at tita nito. Nang matapos na siyang ipakilala ay umupo na sila sa dalawang upuang bakante sa kabilang table kung saan nandoon ang mga babae at lalaking pinsan ni Kaito at nagsimula na ang paunang speech ng amang si Takuma mula sa mga dumalo sa company party.
Ramdam ni Valentina na habang nakatingin siya sa stage kung saan nagsasalita ang ama ni Kaito ay nakatitig lang ang binata sa kanya. Nang tiningnan niya ito ay tama nga siya nang hinala, nakatitig ito nang seryoso sa kanya.
“May problema ba, Kaito?” tanong ni Valentina.
Umiling at ngumiti si Kaito. “I still can’t believe you allowed me to court you, Val. You’re the most beautiful, kind, and caring person I’ve ever met, and I’m so lucky to be with you today.”
Naantig ang puso ng dalaga sa sinabi ni Kaito. Wala naman talaga siyang balak na magpaligaw at magkaroon ng isang karelasyon ngunit nakikita niya ang pagpupursigi ni Kaito simula nang nagdeklara ito ng pagmamahal sa kanya. Bakit nga naman hindi niya ito bigyan ng pagkakataon? Wala siyang makitang pangit na ugali o mali rito. Malinis ang intensiyon nito sa kanya at handang maghintay makuha lang ang matamis niyang oo.
“Masuwerte rin ako at nakilala kita, Kaito. Salamat sa lahat…” buong pasasalamat ni Valentina.
Hinalikan ni Kaito ang palad niya na paborito nitong gawin at titig na titig sa kanyang mga mata. Bigla ay may naalala si Valentina sa nakaraan ngunit kaagad kinalimutan iyon.
Natapos rin ang company party at magalang na nagpaalam ang dalawa sa mga taong nasa loob ng lobby ng hotel. Inalok pa ni Carina na minsan ay pumunta si Valentina sa mansyon nila para naman may makausap ito paminsan-minsan. Tumango si Valentina at hindi matutulan ang sinabi ng ginang dahil napakabait nito sa kanya.
Nang inihatid ni Kaito si Valentina mula sa condo unit na tinutuluyan nito ay pinapasok siya nito sa loob. Sa loob na rin ng unit naligo at nagbihis ang binata. Mabuti na lamang at sabado kaya wala silang pasok sa trabaho at puwede silang maglaan ng mahabang oras sa isa’t-isa.
Pagkatapos maligo ni Kaito ay si Valentina naman ang sumunod. Naiwan ang binata sa sala at nilibot ng tingin ang kabuoan ng unit. Kapag naging girlfriend na niya si Valentina ay balak niya itong bilhan ng mas malaking condo unit. Hindi niya hahayaan na magbayad ng renta kada buwan ang dalaga kung may perang pambili naman siya. Para sa kanya, ang pera niya ay magiging pera na rin ni Valentina lalo na kung ikakasal na silang dalawa.
Hindi mapigilan ni Kaito ang mapangiti dahil marami siyang plano para sa kanila ni Valentina. Siya ’yong tipo ng lalaki na kapag may nagustuhang babae ay hindi na niya ito pakakawalan at iyon na ang pakakasalan at aasawahin niya. Pareho sila ng amang si Takuma na loyal lamang sa isang babae. Itinuro nito sa kanya ang date to marry
method na ginagawa niya ngayon.
Biglang tumunog ang cellphone ni Valentina na nakapatong sa lamesa. Dala ng kuryosidad ay dinampot at tiningnan ito ni Kaito.
Calling, Florence…
Iyon ang nakasulat sa caller ID. Sa pagkakaalam niya ay si Florence ang matalik na kaibigang ikinikuwento ni Valentina sa kanya. Hindi napigilan ni Kaito na sagutin ang tawag dahil baka may importanteng sasabihin ang kaibigan ni Valentina.
“Hello?”
“Hello? Sino ’to?” sagot ni Florence sa kabilang linya.
“This is Kaito, Valentina’s suitor. Naliligo pa kasi siya at naiwan ’tong cellphone niya sa lamesa.” sabi ni Kaito.
Natahimik nang ilang segundo ang kabilang linya hanggang sa magsalita na muli. “ Ah. Tatawag na lang ako mamaya kay Val dahil may importante akong sasabihin sa kanya.“
“Sure. I’m sorry at ako pa ang sumagot ng tawag mo,” paumanhin ni Kaito.
“No problem. Ibababa ko na ’tong tawag. Salamat.”
Pagkababa ni Florence ng tawag ay tila hindi na mapakali si Kaito. Walang passcode ang cellphone ni Valentina kaya malaya niyang matitingnan ang laman nito. Hindi niya napigilan mangialam at kaagad siyang tumingin sa message inbox nito. Nakahinga siya nang maluwag dahil wala namang kahina-hinala sa mga nagtetext dito dahil purong sa trabaho, mga text message niya, at tungkol sa ama lang nito sa San Agustin ang nababasa niyang text messages.
Malaki ang tiwala niya kay Valentina na siya lang ang lalaking gusto nito. Muli niyang ibinalik ang cellphone sa lamesa at isinandal ang katawan sa sofa.
PAGKATAPOS maligo at magbihis ni Valentina ay nakita niyang nakatulog na sa inuupang sofa si Kaito. Lumapit siya sa binata at tinitigan ang mukha nito. Malaki ang pagkakahawig ni Kaito sa Japanese actor na si Kento Yamazaki. May matangos itong ilong, makakapal na kilay, magandang pares ng mga mata, mapulang labi, at may mestisong balat. Hindi niya maintindihan kung bakit wala pa itong nagiging girlfriend at siya lang ang tanging niligawan. Kahit sino’ng babae ay makukuha ni Kaito dahil sa angkin nitong kaguwapuhan.
Masuwerte siya dahil nakilala niya ito. Nakikita niya na malaki ang respeto ni Kaito sa kanya bilang isang babae. Kailanman ay hindi ito nakitulog sa condo unit niya, at bilang manliligaw ay dapat nasa “courting boundaries” lang muna sila. Natutuwa siya rito at kahit papaano ay nakalilimutan niyang may malaking problema at pagsubok siyang pinagdaraanan.
Kung sasagutin niya si Kaito ay tuluyan na kaya siyang magiging masaya?
Muli ay bigla na namang nanumbalik sa kanya ang nakaraan. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya alam kung ano ang ginagawa ni Silvestre. Tuluyan kaya itong nagalit sa kanya dahil pagkatapos niyang makarating sa Maynila upang mag-aral ng kolehiyo ay hindi na siya muling nagpakita rito?
Iwinaksi ni Valentina ang iniisip at tumingin ulit sa natutulog na si Kaito. Ginising niya ang binata at sinabi na puwede itong matulog sa kanyang kama.
“A-Ayos lang ba? Puwede naman akong umuwi na lang at-”
“Ayos lang. Matutulog ka lang naman, hindi ba?” ani Valentina.
Tumango si Kaito at ngumiti. “Matutulog lang talaga ako, promise!”
Natawa si Valentina at inaya na si Kaito sa tinutuluyan niyang kuwarto. Pagkapasok nila sa loob ay kaagad humiga ang binata sa kama.
“Come closer to me, Val.”
Lumapit naman si Valentina rito at nagulat siya nang biglang hinila ni Kaito ang braso niya kaya napasubsob siya rito at nasa ibabaw na ng katawan nito.
Niyakap siya ni Kaito at hinalikan ang noo. “I love you so much, Val. You’re the reason I’m so happy and content with my life right now…”
Napangiti si Valentina at niyakap pabalik ang manliligaw.
ALAS-NUEBE ng umaga nang magising si Valentina. Alas-sais pa lang ay gising na si Kaito at ito na ang bumili ng breakfast nila, nagluto rin ito ng nilagang baka at fish fillet para naman sa kakainin nila sa lunch.
Labis ang pagkahiya ni Valentina dahil sa ginawa nito ngunit tinawanan lang siya ni Kaito.
“It’s fine, Val. Maaga talaga akong nagigising sa umaga at gusto kong pagsilbihan ka. Ngayon lang ako nakitulog dito sa unit mo, and I want to do this para kapag naging tayo na at magiging asawa mo na ako in the future ay masasanay ka na.” ani Kaito na pinaghahanda na siya ng pagkain sa hapag.
“Sana ginising mo man lang ako para natulungan kita!” dismayadong saad ni Valentina.
“Nah. I don’t want to disturb your sleep. Let’s eat at mamaya ay mamamasyal tayo, date na natin ’yon.” sagot ni Kaito at kumuha na ng makakain.
Dahil huli na para magbreakfast ay ang nilagang baka na may mainit na kanin at fish fillet na lang ang kinain nila. Masarap ang mga luto ni Kaito kaya naparami ng kanin si Valentina. Ngayon lang siya ulit nakatikim ng lutong bahay dahil panay mga pagkain sa fast-food ang kinakain niya dahil wala na siyang oras para magluto sa tuwing abala siya sa trabaho.
Pagkatapos nilang kumain at magpatunaw ng mga kinain ay naligo at nag-ayos na silang dalawa para sa date raw nila. Nagtungo sila sa isang amusement park at sinakyan ang lahat ng rides na mayroon dito. Parehong nag-e-enjoy sina Valentina at Kaito sa bonding moments na mayroon sila. Nagdesisyon na rin si Valentina na dito niya sasagutin sa amusement park ang binata.
Magdadalawang taon na simula nang manligaw ito sa kanya. Nakikita niya ang efforts at pagpupursigi ng binata para lamang magustuhan niya. Nagtagumpay ito dahil unti-unti na rin niyang nagugustuhan si Kaito.
Nang bumaba na sila sa huling rides na sinakyan nila ay naupo sila sa isang bench at ininom ang bottled water na binili nila kanina.
“Did you enjoy the rides?” nakangiting tanong ni Kaito.
Tumango si Valentina. “Salamat at dinala mo ako dito. Bata pa ako noong huling makapunta sa amusement park, at buhay pa noon ang kapatid kong babae na si Ate Bella at si Mom.” aniya.
Hinawakan ni Kaito ang magkabilang mga kamay ni Valentina at tumingin ng diretso sa mga mata nito. “Don’t worry dahil nandito na ako, Val. Hindi ka na malulungkot at mag-iisa. Tutulungan ko rin kayo ng pamilya mo para mabawi ang lahat ng lupa at ari-arian na nawala sa inyo. I am your lover, and it is my responsibility to help you in any way I can.”
Naluha si Valentina sa narinig. Hindi siya humihingi ng tulong sa kahit na kanino, kahit pa kay Florence na matalik niyang kaibigan sa problemang kinakaharap ng kanyang pamilya ngunit si Kaito na mismo ang nagbibigay ng tulong na sa totoo lang ay kailangan niya talaga.
“Kaito, may sasabihin nga pala ako sa’yo…”
“Ano ’yon, Val?”
Huminga ng malalim si Valentina. “Ito na ang tamang pagkakataon para sagutin ki-”
Sa sobrang bilis ng pangyayari ay hindi na nakapagsalita si Valentina at napatitig na lang sa sahig habang may takot sa mukha at nanlalaki ang mga mata sa pagkagulat.
Nakahandusay na sa sahig si Kaito at duguan ang katawan. May tama rin ng bala ang dibdib na nagdurugo.
Tumingin sa paligid si Valentina at napatayo siya sa gulat nang makita ang lalaking naglalakad papalapit sa kanya, si Alonzo ito na nakangisi habang may nakasunod na apat na bodyguards rito. May hawak itong baril.
“I already warn you, baby pero hindi ka nakikinig,” saad ni Alonzo nang makalapit na ito sa kanya. Hindi nawawala ang naglalarong ngisi sa labi.
“I-Ikaw ang bumaril kay Kaito?” nanginginig sa takot na tanong ni Valentina.
“May nakikita ka pa bang ibang tao na papatay d’yan sa lampa mong manliligaw? Ako lang naman, ’di ba?” nang-iinsultong tanong ni Alonzo.
Nanlumo si Valentina at tuluyang napaluhod sa sahig dahil sa panghihinang nararamdaman. Tiningnan niya ang kalagayan ni Kaito ngunit hindi na ito humihinga at patuloy ang pag-agos ng sariwang dugo sa dibdib.
“Kaito…” mahinang sambit ni Valentina.
“Nagpapakahirap ako noon na makuha ang atensyon mo tapos ’yang lalaking ’yan lang ang pipiliin mo kaysa sa akin? Ang tanga mo, Valentina dahil tinatanggihan mo ang isang Alonzo Aboitiz!”
Hinila ni Alonzo ang buhok ni Valentina at punong-puno ng galit ang mga mata nito.
“Napakasama mo!” sigaw ni Valentina habang umiiyak.
“Masama talaga ako at ikaw ang gumagawa nito sa akin. Hindi ko hahayaan na maging masaya ka sa piling ng iba, Valentina. Papatayin ko lahat ang mga lalaking nagbabalak kang agawin mula sa akin. Alam mong hindi ito ang unang beses na may pinatay ako nang dahil sa’yo,” madiing saad ni Alonzo na mas lalong nagpasakit sa damdamin ni Valentina.
“Kunin n’yo na siya at dalhin sa San Felipe, pagkatapos ay itapon n’yo ang bangkay ng gagong ’yan sa liblib na lugar.” utos ni Alonzo sa mga bodyguards at pabalyang binitawan ang buhok ni Valentina.
Tumango ang mga bodyguards sa utos ng kanilang boss. Ang dalawang bodyguards ay hinila si Valentina patayo, samantalang ang dalawang bodyguards naman ay binuhat ang patay nang katawan ni Kaito.
Tumingin si Valentina sa paligid at hindi niya maintindihan kung bakit biglang nawala ang mga tao sa amusement park at walang nakasaksi sa nangyari. Kagagawan rin ba ito ni Alonzo?
“Bitiwan n’yo ’ko-” May itinakip na panyo sa kanyang ilong ang isang bodyguard. May nalanghap siyang kemikal sa panyo dahilan upang mawalan siya ng malay.
–
Ajai_Kim
Kabanata 6
WALANG araw na hindi umiiyak si Valentina dahil sa hindi inaasahang pangyayari sa kanyang buhay. Hinding-hindi niya makalilimutan iyon dahil nagdala ito ng matinding trauma sa kanya. Hindi siya makapaniwala na sa isang iglap lang ay mawawala na ang isang tao na nagbigay sa kanya ng kalinga at importansiya. Ayaw niyang tanggapin na bigla itong nawala mula sa kamay ng lalaking kinamumuhian niya. Sinisisi niya ang sarili, nang dahil sa kanya ay namatay si Kaito.
Kilala niya si Alonzo. Simula nang mag-aral siya ng kolehiyo sa Maynila ay alam niyang pinapabantayan nito ang mga kilos at galaw niya. Hibang na sa pagmamahal ang lalaki, at hindi niya ito magawang magustuhan dahil sa laki ng ipinagbago ng ugali nito. Mas naging arogante, mapagmataas, at matapobre ang dating kilala niyang Alonzo na naging nobyo ng kanyang Ate Bella. Hindi niya na ito makilala.
At ngayon ay nasa kamay na siya ng lalaki, wala na siyang takas dito. Hindi niya malaman ang gagawin kung paano siya aalis sa sitwasyon na hindi niya ginusto. Ikinikulong siya nito sa mansyon ng San Felipe kung saan ito nakatira kasama ang pamilya Aboitiz. Nakakulong lamang siya sa kuwarto at dalawang katulong lang na siyang pinagkakatiwalaan ni Alonzo ang pumapasok sa kuwarto upang pakainin at asikasuhin siya.
Alam ni Valentina na alam ng mga magulang at kapatid ni Alonzo na si Florence ang ginagawa nito sa kanya pero wala ring magawa ang mga ito. Sobra siyang dismayado kay Florence dahil sa pagkunsinti nito sa kapatid. Itinuturing niya itong matalik na kaibigan ngunit hindi siya magawang tulungan sa kanyang sitwasyon. Magaling magmanipula at magpaikot ng tao si Alonzo, walang gustong sumuway sa mga gusto nito lalo pa’t isa na itong Gobernador sa kanilang probinsya. Makapangyarihan ito at walang gustong kumanti.
Bumukas ang kuwarto kung saan nakakulong si Valentina at pumasok si Alonzo na nakangiti. Marami itong dalang paper bags na naglalaman ng mga branded na damit at sapatos. Lumapit ito sa kanya at hindi siya nakaiwas nang hinalikan siya nito sa pisngi.
“I brought these for you. Kakailanganin mo ng mga bagong gamit dahil dito ka na titira ulit sa San Felipe at gusto ko na ako magdedesisyon sa mga susuotin mo. Pinatapon at pinasunog ko na ang mga gamit mo sa condo unit mo dahil hindi mo na ’yon kailangan.” saad ni Alonzo, nakangiti pa rin.
Sumama ang tingin ni Valentina sa lalaki. Kung umakto ito ay parang walang ginawang krimen. Gusto rin nitong kontrolin ang buhay niya. Labis ang pagkamuhi niya rito.
“Sino ka para sundin ko? Wala akong nararamdaman para sa’yo kaya tumigil ka na sa kahibangan mong ’to, Alonzo!” sigaw ni Valentina.
Hindi natinag si Alonzo at nanatiling nakangiti. Naaaliw sa galit at pagkamuhi na ipinapakita ni Valentina sa kanya.
“Val, alam kong magugustuhan mo rin ako sa huli dahil sa mga efforts na ipinapakita ko sa’yo. Walang ibang nababagay sa’yo kundi ako lang, maliwanag ba? Magiging asawa na rin kita-”
“Isa kang baliw!” puno ng galit na asik ni Valentina.
Nawala bigla ang mga ngiti ni Alonzo nang marinig ang sinabi ng dalaga. Binitawan nito ang mga dalang paper bags at isa-isa itong itinapon at sinipa sa sahig na ikinabigla ni Valentina.
“Ako? Baliw? Oo, baliw ako at ipapakita ko ’yon ngayon sa’yo!” sigaw ni Alonzo na hinila nang mahigpit ang braso ni Valentina at itinulak ito sa kama.
Pumaibabaw ang si Alonzo at pilit hinahalikan si Valentina. Si Valentina naman ay iniiwas ang mukha at hindi na napigilang magmakaawa sa ginagawa nito.
“Alonzo, ’wag!”
“Sabi mo na baliw ako, ’di ba? Puwes, makikita mo kung paano ako mabaliw sa’yo, Val!” galit na saad ni Alonzo at mas lalong idiniin ang katawan nito sa ibabaw ni Valentina. Hinawakan niya nang mahigpit ang buhok nito at hinalikan nang marahas sa labi.
Napaluha si Valentina at nagpupumiglas ngunit mas malakas at malaki si Alonzo kaya nahihirapan siyang pigilan ito.
Biglang bumukas ang pintuan ng kuwarto kung nasaan sila at pumasok si Florence na nanlaki ang mga mata sa pagkagulat dahil sa nasaksihan. Kaagad itong lumapit sa kanila at hinihila palayo kay Valentina ang kapatid na si Alonzo.
“Kuya, stop it, please!”
“Huwag kang mangialam dito, Florence!” sigaw ni Alonzo sa kapatid.
“Hindi ’yan tama. Sinasaktan mo na si Val!”
Nang tuluyang mailayo ni Florence si Alonzo ay kinuwelyuhan siya nito habang masama ang tingin. “Ano’ng ginagawa mo rito? Sinabi ko nang ’wag kayong mangingialam kapag dinala ko na si Valentina dito sa mansyon!”
“Kailangan kong mangialam dahil mali ang ginagawa mo, Kuya Alonzo. Muntik mo na siyang pagsamantalahan!” ani Florence at kaagad lumapit sa matalik na kaibigang umiiyak habang nanginginig na sa takot. Niyakap niya ito at marahang hinaplos ang likod.
Tumiim-bagang si Alonzo at sinipa ang paper bag na nakita sa sahig. Lumabas na ito sa loob ng kuwarto, binuksan ang pintuan at pabalyang isinara nang makalabas.
“I’m so sorry, Val…” paghingi ng tawad ni Florence sa kaibigan.
Hindi sumagot si Valentina at patuloy pa rin sa pag-iyak. Nang mahimasmasan na ay tumingin siya kay Florence na tila dismayado.
“Alam mo ba ang ginawa ng kapatid mo kay Kaito?” tanong nito.
Tumango si Florence at biglang napaiyak. “I know, Val, at hindi ako makapaniwala na magagawa ulit pumatay ni Kuya Alonzo. Tinawagan kita noong mismong araw na pupuntahan ka niya sa Maynila pero ang manliligaw mong si Kaito ang sumagot ng tawag. Hindi na ako nakatawag ulit sa’yo dahil nakita ako ni Dad na tinawagan ka kaya tinapon at sinira niya ang cellphone ko.”
“Kinukunsinti ng mga magulang n’yo ang kasamaan na ginagawa ni Alonzo? Ano’ng klase silang mga magulang?” Nanlumo si Valentina sa narinig sa kaibigan. Wala na sa tamang pag-iisip si Alonzo at sinusuportahan pa ng mga magulang nito ang mga maling ginagawa ng anak.
“Val, I have a crazy family. My father and brother are both crazy. Mom always tolerates them. Wala lang sa kanila ang pumatay ng tao, dahil ang nasa isip lang nila ay kailangan nilang patahimikin ang mga taong sa tingin nila ay magiging malaking balakid para makuha ang mga gusto nila.” malungkot na ani Alonzo.
Nagulat si Valentina at nanghina sa sinabi ng kaibigan. “Hindi ka ba nagsumbong sa mga pulis tungkol sa ginagawa ng kapatid at ng ama mo?”
Umiling si Florence. “Kahit gawin ko ’yon ay wala rin silang gagawing aksyon. Dad and Kuya Alonzo can easily manipulate officials in San Felipe. They have strong connections within the police and other authorities. Some police officers know what they are doing.”
“Paano makakamit ni Kaito ang hustisya para sa kanya, Florence? Pinatay siya ng kapatid mo!” madiing saad ni Valentina.
“I don’t know, Val. Hawak din ako ni kuya sa leeg. Papatayin niya raw ang boyfriend ko kapag pinatakas kita dito sa mansyon,” Lumakas ang pag-iyak ni Florence at itinakip ang mga palad sa mukha.
Pati nobyo ng kaibigan ay dinadamay ni Alonzo sa kahibangan nito sa kanya? Wala siyang puso dahil pati ang sariling kapatid ay kailangan nitong saktan at manipulahin.
Kailangang makatakas ni Valentina mula sa mansyon ng mga Aboitiz at humingi ng tulong para matigil na ang kasamaan ni Alonzo. Hindi siya maaaring umiyak na lamang sa loob ng kuwarto na ito at walang ibang gawin. Ayaw niyang madamay si Florence sa gulo na ito kaya siya na lamang ang gagawa ng paraan para makaalis.
“Kailangan ko nang umalis, Val. Hindi ako maaaring magtagal dito dahil baka magalit na naman si Kuya Alonzo at may gawin ulit siyang masama sa’yo.” paalam ni Florence na may malungkot na ekspresyon.
Tumango si Valentina. “Florence, kailangan kong makaalis dito at ako na lang ang gagawa ng paraan.”
Ngumiti si Florence. “Mag-iingat ka, at ’wag kang magpapahalata sa kapatid ko sa oras na tumakas ka. Nakasuporta lang ako sa mga gagawin mo.”
Niyakap ni Valentina ang kaibigan. “Maraming salamat, Florence.”
“NAGUSTUHAN mo ba?” tanong ni Alonzo at pinakita kay Valentina ang malawak na taniman ng mais na dating pagmamay-ari ng kanyang pamilya. Maraming mga trabahador at ilang residente sa San Felipe ang mukhang nagulat nang makita siya.
Sa loob ng tatlong linggo na pagkulong sa kanya ni Alonzo sa kuwartong tinutuluyan ay ngayon lang siya nito inilibot sa labas, at ang unang ipinakita pa nito ay ang dating taniman ng maisan na pag-aari ng kanyang pamilya. Pinigilan niyang huwag maiyak nang maalala ang simple at payapa niyang buhay noon. Naaalala niya na sa taniman ng maisan siya nakikipaglaro kasama ang kaibigang si Florence. Pagkauwi nila galing sa paaralan ay dito sila dumidiretso kasama ang katulong na si Esmi, at ang pinakamamahal niyang kabayo na si Ginger.
Si Ginger. Pati ito ay wala na rin sa kanya at napunta na sa ibang amo. Lahat ay nawala na kaya ang dating masaya niyang buhay ay alam niyang hindi na maibabalik sa dati na kailangan na lang niyang tanggapin.
Hindi sumagot si Valentina at nanatili lang ang tingin sa malawak na taniman. Inakbayan siya ni Alonzo. “Sa inyo naman ’to ng pamilya mo noon at magiging sa’yo rin ’to sa oras na maikasal na tayo. Wala naman talaga akong balak na bilhin ’to sa ama mo, pero naisip kong magagamit ko rin ’to para makuha kita.” nakangiti nitong ani.
Kumuyom ng palihim ang kamao ni Valentina sa galit na nararamdaman sa demonyo na nasa kanyang tabi. Hindi siya makahanap ng tamang pagkakataon para makatakas rito dahil bantay-sarado siya ng mga katulong at bodyguards, pero ngayon ay sisiguraduhin niyang tuluyan na siyang makakaalis.
“Governor Alonzo!”
Tumingin si Valentina sa dalawang lalaking naglalakad papalapit sa kanila. Ito ay ang mga dating kaibigan ng kanyang kapatid na si Casimiro, sina Bryce at Ronan.
Titig na titig sa kanya ang dalawang lalaki hanggang sa makalapit na ang mga ito. Tila hindi makapaniwala na sa loob ng walong taon ay ngayon lang siya nakita ng mga ito.
“Hey, what’s up?” nakangiting bati ni Alonzo sa dalawa. Bigla nitong hinawakan ang kamay niya, tila pinoprotektahan ang pag-aari.
“Ahm, may party mamaya sa bahay. It’s my birthday, remember? I’d like to invite you, and Val too.” pag-imbita ni Bryce kay Alonzo ngunit kay Valentina nakatuon ang mga mata.
Sandaling natigilan si Alonzo, pagkaraan ay tumango at ngumiti ito. “Sure. Pupunta kami ng fiancé ko. Happy birthday nga pala. Ano’ng oras ba mag-uumpisa ang party?”
“Thanks. It’s 9:00 in the evening. Dad will expecting you to come.” sagot ni Bryce. Si Ronan na nasa tabi nito ay tila inoobserbahan si Valentina.
Napansin na ni Alonzo ang pagtitig ng dalawang lalaki kay Valentina kaya iniharang nito ang sarili sa paningin ng babae. “No problem. Aalis na kami,” aniya at kaagad nang hinila si Valentina papaalis. Sumunod naman ang mga bodyguards na kasama. Nakasunod pa rin ang mga mata nina Bryce at Ronan sa kanila.
NASA loob na ng mansyon nila Bryce sina Valentina at Alonzo para dumalo sa birthday party nito. Lahat ng mata ay nakatuon sa kanila. Walang humpay ang mga tao sa pagbati kay Alonzo lalo na at respetadong Gobernador ito sa San Felipe. Ang mga babaeng bisita ay may inggit na nararamdaman kay Valentina dahil fiancé na ito ng bata at guwapong Gobernador sa kanilang lugar, ang mga lalaki namang bisita ay manghang nakatingin sa kanya dahil sa angkin niyang kagandahan. May iba na masama ang tingin dahil sa kahihiyan raw na ginawa ng mga Hussain sa kanilang probinsya.
“I’m glad at nakapunta kayo,” ani Bryce na kinamayan si Alonzo at ngumiti kay Valentina. Ang ama ni Bryce na si Senator Eddie Santinez ay nakipagkamay kay Alonzo at hindi pinansin si Valentina.
“You invited us personally, at nakakahiya naman tanggihan kung nandito si Senator,” nakangiting ani Alonzo na ikinatuwa ni Senator Santinez.
“That’s why I really like you, hijo. I’m so proud of you; you’re the youngest governor San Felipe has ever had, especially after that gambler, Vinicius, gave up his position. You saved this province from embarrassment.” saad ni Senator Santinez at tila pinaparinggan si Valentina na napayuko na lamang sa pagkapahiyang nararamdaman.
“Thank you, Senator.” sagot ni Alonzo.
Hawak lang ni Alonzo ang kamay ni Valentina habang nakikipag-usap ito sa mga opisyales na bisita at ibang panauhin sa birthday party ni Bryce.
Nang aksidenteng mapatingin si Valentina sa bandang gilid ng swimming pool ay nanlaki ang mga mata niya nang makita ang kapatid na si Casimiro. Nakatingin ito sa kanya na may simpatya at awa. Ngayon lang niya nakita na ganito ang ekspresyon ng kanyang kapatid pagdating sa kanya. Naawa siya sa lagay nito dahil pumayat ito, malago ang balbas at bigote na hindi na nakakapag-ahit, nangingitim ang ilalim ng mga mata na parang walang maayos na tulog, at gusot na gusot ang suot na t-shirt at pantalon.
“Kuya Casimiro…” mahina niyang sambit at hindi napigilan ang pagtulo ng mga luha.
Tumingin si Valentina sa katabing si Alonzo na abala pa rin sa pakikipag-usap sa mga bisita. Sinubukan niyang unti-unting tanggalin ang kamay niyang hawak nito, at nagtagumpay siya dahil hindi nito napansin iyon. Maingat siyang umalis sa tabi ni Alonzo at pinuntahan ang kapatid na bigla na lang naglakad papaalis. Sinundan niya ito.
“Kuya, nasaan ka na?” ani Valentina ng makarating siya sa labas ng mansyon. Hinahanap si Casimiro na nakita niyang nagtungo rito.
“Kuya, umuwi na tayo, please? Tutulungan kita para ayusin ang buhay mo…” naluluha niyang saad na patuloy na naglalakad sa labas. Hindi niya namalayan na nakalayo na siya sa mansyon. Madilim at masukal dito.
“Ikaw na lang at si Dad ang pamilya ko kaya sana ’wag na kayong mawala sa akin…” Tuluyang humagulgol ng iyak si Valentina at napaluhod sa sahig ng kalsada. Lumilingon siya sa paligid kung nasaan si Casimiro ngunit bigo niya itong makita.
Napayuko siya at iniyak ang bigat at sakit na nararamdaman. Sa mga oras na ito ay parang gusto na lang niyang maglaho o mamatay, pero inaalala pa rin niya na kailangan niyang magpakatatag at mabuhay para sa kapatid at ama na natitira.
Hindi namalayan ni Valentina na may kotseng paparating sa kanyang gawi, at nang tumingin siya rito ay nasilaw siya sa ilaw ng headlights nito. Hindi na siya nakaiwas nang tumama ang kotse sa kanya at nabangga ang kanyang katawan.
Ngunit bago siya nawalan ng malay sa nangyari ay naaninag niya ang mukha ng taong nakabangga sa kanya.
Pamilyar ito at hindi siya makapaniwala na muli silang magkikita.
–
Ajai_Kim

