loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
His Sweet Obsession (SPG)

His Sweet Obsession (SPG)

xxriegozzxx · 5 chapters · 7,276 words

Disclaimer

This is a work of fiction. Names, Charcters, business, places, events and incidents, are either the products of the Author’s imagination or used in fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead or actual events is purely coincidental.

No parts of this story may be reproduced or transmitted in any form or by means, electronic or mechanical, including photocopying, recording or by any information storage and retrieval system, without written permission from the Author.

This story contains incorrect typos/spelling/ grammar. I’m not professional writer so please bear with me. Thank you!

WARNING ⚠️

THIS STORY CONTAINS STRONG CONTENT , R-18, NOT SUITABLE FOR BELOW 🔞 YEARS OLD.

Read at your own risk!

Fb page: Cruz Wp Facebook Account: Azazzin Nation

Copyright ©️ 2023 by XXRIEGOZZXX

All rights reserved.

Prologue

Nakatanaw ako sa dagat habang iniisip kung anong mangyayari samin ng mga kapatid ko.

Sampung taon palang ako pero stress na ako sa buhay. Kahapon, isang bangungot ang nangyari sa pamilya namin. Hindi ko inaasahan na mangyayari ang lahat ng yun. Sa isang iglap lang ay nagbago ang lahat.

Naaksidente ang minamaneho ng aking ama na trycle. Sakay no’n ang aking ina na mamalengke sana para sa birthday ko na ngayon sana gaganapin.

Kung alam ko lang sana na mangyayari ito, eh ’di sana hindi na nila ako naisipang handaan sa birthday ko. Ang sakit. Sobrang sakit mawalan ng magulang. Paano ko ice-celebrate ang birthday ko kung ganito ka sakit ang nangyari.

Sana nga panaginip lang ang lahat ng ito. Ayaw kong maniwala na wala na sila mama at papa.

Mapait akong ngumiti habang nakamasid parin sa karagatan. Inaala ko ang umaga na yun bago umalis sila mama at papa.

Nakangiti pa sila habang nagpapaalam samin nila Cali at Robert. Yun na pala ang huling ngiting makikita ko mula sakanila.

Kung alam ko lang sana niyakap ko sila ng mahigpit. Sana sinabi kong mahal ko sila. Sana nag thank you ako sakanila sa lahat ng sakripisyo nila samin.

Tumingin ako sa madilim na kalangitan. Hindi ko mapigilang umiyak habang pinagmamasdan ang madilim na kalangitan. Iniisip ko nalang na nakatingin sa ’kin sila mama at papa.

“Aerith..”

Napatigil ako sa pag-iyak ng marinig ko ang boses ng lola ko. Lumingon ako at nakita si lola na naglalakad papunta sa pwesto ko.

“Anong ginagawa mo dito?” Tanong sa ’kin ni lola saka hinaplos ang buhok ko.

“Nagpapalipas lang po ng sama ng loob, lola.” Sagot ko sabay punas ng mga luha ko sa pisngi.

Narinig kong bumuntong hininga si lola saka umupo sa tabi ko. “Apo.. alam kung masakit ang nangyari. Kahit ako ay nasasaktan din dahil anak ang nawala sa ’kin. Ngunit, wala tayong magagawa kung hanggang do’n nalang ang buhay ng mama at papa mo. May dahilan ang lahat kaya nangyari ito.” Mahabang sabi ni lola sa ’kin.

Hindi ako sumagot dahil naiinis ako. Lahat ginawa ko, nag dasal ako para sana bigyan ng pagkakataon sila mama at papa na mabuhay pero hindi pinakinggan. Kaya hindi ko alam kung anong rason ng diyos kung bakit niya binawi sa ’kin ang mga magulang ko.

“Birthday mo ngayon. Kanina ka pa hinahanap ng mga kapatid at pinsan mo,” sabi sa ’kin ni lola.

Tumingin ako kay lola saka ngumiti ng pilit. “Ayaw ko pong mag birthday, lola. Kahit kailan ayaw ko ng icelebrate ang birthday ko.” Saad ko.

“Wag mong sabihin yan, apo. Nagpakahirap ang mga magulang mo pag-ipunan ang birthday cake mo. Kaya dapat lang na ituloy natin kahit pa nga ay nasa ataol silang dalawa kasama natin.” Sabi ni lola kaya mas lalo akong naiyak.

Kaya ayaw kong tumambay sa bahay. Ayaw kong makita ang mga magulang ko na nakahiga sa ataol. Hindi ko matanggap ang nangyari. Iniisip ko palang kung paano na kami ng mga kapatid ko sumasakit na ang ulo ko.

Hindi naman kasi kami pwede sa lola ko. Matanda narin siya. Mga tita ko naman kapos din katulad namin. May mga anak din na pinapaaral. Kaya hindi ko alam kung anong gagawin ko.

“Kayo nalang po ang kumain ng cake, lola. Dito nalang po muna ako.” Sabi ko sa malungkot na boses.

“Kahapon ka pa hindi kumakain, apo. Baka naman magkasakit ka niyan. Hindi magugustuhan ng mga magulang mo ang ginagawa mo.” Pagpapaalala sa ’kin ni lola. Ayaw na ayaw kasi ni papa na hindi ako kumain sa saktong oras.

Ngunit, wala talaga akong ganang kumain. Hindi ako nakakaramdam ng gutom. Panay lang din ang iyak ko.

Ang bunso kong kapatid na si Cali ay wala pang muwang sa nangyari. Three years old palang kasi ito habang si Robert naman ay seven years old.

Hirap na hirap akong ipaliwanag kay Cali ang nangyari. Nang dumating kasi ang kabaong kung saan nakahiga sila mama at papa ay panay ang tanong ng bunso kong kapatid. Panay din ang gising niya kay mama kaya mas lalo akong naiyak.

Alam kung ako nalang ang pwedeng sandalan ng mga kapatid ko. Kaya kahit masakit inaalagaan ko parin sila kahit pa nga gusto ko nalang magpakamatay para makasama ang mga magulang ko. Pero naisip ko kung paano naman ang dalawa kong kapatid na ako nalang din ang inaasahan.

Kaya pinapangako ko kina mama at papa na ako na ang bahala sa mga kapatid ko. Hindi ko sila pababayaan. Aalagaan ko sila tulad ng pag-aalaga nila saming magkakapatid.

Alam kong hindi ako pababayaan ng mga magulang ko. Alam kong gagabayan nila ako.

Sana lang talaga makaya ko ang pagsubok na ibabato sa ’kin ng mundo. Malupit pa naman ang mundo kunting saya mo lang ay babawian ka agad ng lungkot.

Naramdaman kong tinapik ako ni lola sa balikat kaya napalingon ako sakanya. “Halika na, apo. Malamig na dito.” Sabi niya saka hinawakan ang kamay ko.

Tumayo si lola kaya tumayo narin ako. Inakbayan ako ni lola sa balikat habang naglalakad kami pauwi sa bahay namin.

Tahimik lang ako habang nakayuko. Si lola naman ay panay ang tanong sa ’kin ng kung ano-ano. Tanging tango lang ang sagot ko dahil wala ako sa mood para makipag usap.

Nakarating kami sa harap ng bahay namin. Napahinto ako sa paghakbang nang makita ko ang dalawang kabaong ng mga magulang ko. Hindi ko mapigilang hindi umiyak dahil hindi ito ang inaasahan kong mangyayari sa ’kin. Nasanay kasi ako sa t’wing galing ako sa paglalaro ay si mama agad ang bubungad sa ’kin sa bakuran namin. Nakapameywang pa siya habang pinapagalitan ako dahil sa madungis daw ako at pawis na pawis.

Namiss ko ang armalite na bunganga ni mama. Hindi ako makapaniwala na kabaong ang bubungad sa ’kin kapag uuwi ako. Wala na ang lahat.

“Halika na, apo.” Aya sa ’kin ni lola. Nagpatianod lang ako kay lola hanggang sa nilagpasan namin ang kabaong ng mga magulang ko.

Pumasok kami sa bahay at naabutan si Cali na umiiyak. Tumahan lang siya ng makita niya ako.

Agad siyang tumakbo papunta sa ’kin habang umiiyak. “Ate.. si mama. Hindi na po nagising.” Umiiyak niyang sabi sa cute na boses.

Pinantay ko ang mukha ko sa mukha niya saka ko pinunasan ang luha niya sa pisngi. Ngumiti ako kay Cali saka ko siya niyakap ng mahigpit.

Katahimikan ang namayap sa paligid habang nakatingin sila samin ni Cali. Ang kapatid kong si Robert ay umiiyak din habang kandong ng tito ko.

Ang lungkot ng birthday ko.

“Happy birthday, Aerith. 11 years old ka na ngayon. Anong wish mo?” Tanong sa ’kin ng tita ko habang bitbit ang isang bilog na cake. Ang alam ko ay inorder  ito nila mama at papa n’ong isang araw pa.

Alam kung iniiba lang ng tita ko ang usapan. Ngumiti ako ng pilit sakanya saka ako nagsalita. “Ayaw ko pong mag wish. Hindi naman po natutupad. Simula po ngayon, ayaw ko na pong icelebrate ang birthday ko.” Deritso kong sabi saka ko binuhat si Cali.

Hindi ko na hinintay ang sagot ni tita at agad akong naglakad papasok sa kwarto ng mga magulang ko.

Pinahiga ko si Cali sa kama saka ko siya tinimplahan ng gatas. Mabuti nalang at tumahan na siya sa pag-iyak.

“Ate..” biglang sulpot ni Robert sa kwarto.

“Ano yun?” Tanong ko saka siya sinenyasan na lumapit.

“Wala na tayong mga magulang. Paano na tayo ngayon, ate?” Tanong niya sa malungkot na boses.

Ngumiti ako sa kapatid ko saka hinaplos ang buhok niya. ’’Si ate na muna ang bahala. Hindi ko kayo pababayaang dalawa. Kaya magtiwala lang kayo kay ate.“ Nakangiti kong sabi.

Pinipilit kong magpakatatag para sa mga kapatid ko kahit ang totoo ay nanghihina ako. Sana makaya ko ang lahat.

Chapter 1

MAAGA AKONG nagising para asikasuhin ang mga baon ng kapatid ko. Nagluto lang ako ng itlog at hotdog  para makapag almusal sila bago pumasok sa school.

Ako naman ay papasok sa trabaho ko. Hanggang two years course lang ang kinuha ko dahil hindi na kinaya ng power ko. Estudyante ako sa umaga, waitress naman ako sa gabi para lang maitaguyod ko ang pag-aaral namin magkakapatid.

Hindi sapat ang kinikita ko at kahit anong gawin kong sideline ay wala parin. Lalo na ngayon na malapit nang mag college si Robert. Kaya kailangan ko ng trabahong malaki ang sahod. Kung dito lang sa probinsya ay kukulangin ako. Ang liit ng pasahod ng boss ko, lagi pa akong overtime, buti sana kung may bayad eh wala naman. Hanggang thank you lang si boss. Tapos kapag nalate ako.. ayon kaltas agad.

“Good morning sa ate kong maganda.” Biglang sulpot ni Robert sa likod ko.

“Syempre ako lang ate mo eh. Maganda ako, gwapo ka din.” Sabi ko sa kapatid ko.

“Sess.. naniwala ka din sa sinabi ko ate. Eh sabi ni lola ako lang daw ang may hitsura sa ating tatlong magkakapatid.” Saad niya kaya sumimangot ako.

“Sige, sabihin mo lang yan para wala kang baon sa ’kin mamaya.” Banta ko sakanya kaya agad siyang nag peace sign sa ’kin.

“Joke lang ate. Ang ganda-ganda kaya ng ate ko. Parang hindi 24 years old ahh.. parang 18 years old ka lang ate.” Pambobola niya sa ’kin.

“Nasaan na kapatid mo? Wag mong sabihing hindi pa siya gising.” Tanong ko kay Robert.

“Gising na po yun, ate. Ewan ko kung bakit hindi parin siya bumababa.” Sagot ni Robert saka inayos ang mga plato sa mesa.

Pinatay ko naman ang kalan saka ko inilapag ang platong may lamang hotdog at itlog.

“Cali!!! Halika na! Kakain na tayo!” Tawag ko sa bunsong kapatid namin.

Narinig ko naman ang yapak niya na tumatakbo papunta sa kusina.

Nakita ko siyang inaayos ang suot niyang polo. Maarte kasi ’tong kapatid ko. May lahing eva kasi siya. Umamin siya samin ni Robert last month na tanggap naman namin agad. Akala niya siguro ay hindi ko napapansin ang mga kilos niya. Siguro ay napagod na siya magtago sa totoong kulay niya kaya umamin siya samin. Gulat na gulat pa siya ng sabihin kong matagal ko ng alam.

“Good morning, ate!!” Bati niya sa matinis na boses.

Tumango nalang ako saka sinenyasan siyang tumahimik na dahil ang sakit sa teynga ng boses niya. Baka sa sobrang tili niya ay magising pa ang kapitbahay namin.

“Kumain na tayo. Baka malate pa kayo sa school.” Saad ko saka umupo sa pwesto ko.

Simula ng mangyari ang bangungot ng buhay namin ay ginawa ko ang lahat para maging mabutibg ate. Minsan ay naiiyak nalang ako kapag naiisip ko ang mga problema. Pero lahat nv problema ay may solusyon kaya nagagawan ko ng paraan.

Nasubukan kong magbinta ng kung ano-ano sa school. Pati project ng mga classmate ko ay pinapatos ko magkapera lang ako. Kapag sabado at linggo naman ay tumatanggap ako ng labahin. Nagtuturo din ako sa anak ng kapitbahay namin para pandagdag narin pang baon naming magkakapatid.

Mabuti nalang at isa ako sa napiling makakuha ng scholar sa bayan namin. Gusto ko sana four years ang kunin kong kurso ngunit hindi ko na talaga kaya. Mabuti na nga lang din at binibigyan kami ng lola ko or tiyahin namin ng ulam dati.

Magkalapit lang din naman ang bahay namin kaya natitignan nila kami dito.

Medyo nakakapagod pero kinakaya ko naman. Lagi ko lang iniisip ang mga kapatid ko kaya lumalakas ang loob ko.

Ngayon na may trabaho na ako ay medyo kaya ko ng bumili ng pagkain naming magkakapatid. Pero talagang hindi sapat ang sahod ko. Sobrang baba kasi kaya gusto kong maghanap ng bagong trabaho.

Nag try akong mag pass ng resume online at hinihintay na tawagan ako. Gusto ko nga din sana lumuwas ng Manila para sana makipagsapalaran do’n. Ngunit, naiisip ko palang kung saan ako titira habang nag aaplay ako. Baka naman maubos nalang ang pera ko hindi pa ako nakahanap ng trabaho.

Nakakapagod talaga mag-isip pero kailangan kong ngumiti sa harap ng mga kapatid ko na para bang walang problema.

Minsan naiisip ko nalang kung paano kaya kung buhay pa sila mama at papa. Siguro, ay medyo ayos ang buhay namin na. Masipag si papa eh, si mama naman ay palaban din sa buhay at kung anong binebenta dati n’ong nabubuhay pa siya.

Natigil ako sa pag-iisip nang maramdaman kong tinapik ako ni Robert. Inilapag niya ang mug na may lamang kape sa gilid ko saka siya umupo ulit sa upuan.

“Salamat!” Nakangiti kong sabi saka ako humigop ng kape.

Mabuti nalang mababait mga kapatid ko kaya hindi ako nahirapan. Maging sila kasi ay nagbebenta ng mga candy or chocolate sa classroom nila.

Nagkwe-kwentuhan lang kaming magkakapatid hanggang sa natapos kaming kumain. Ako na ang nagligpit sa pinagkainan namin at baka malate pa ang mga kapatid ko.

Nagpaalam na sila na aalis na kaya niyakap ko ang dalawa kong kapatid. Simula ng mangyari ang aksidente ay ayaw kong umaalis ang mga kapatid ko na hindi ko sila niyayakap.

Tahimik na ang bahay ng makaalis na ang dalawa. Nagsimula na akong maghugas ng pinggan para mamaya pag-uwi ng mga kapatid ko ay malinis ang lababo.

Pagkatapos ko ay agad kong inayos ang suot kong polo blouse. Naglagay lang ako ng lipstick sa labi ko habang nakatingin sa salamin.

Nang makita kong maayos na ang hitsura ko ay kinuha ko na ang bag ko. Pinatay ko muna lahat ng ilaw at chinenck ko muna ang ang mga saksakan. Mahirap na at baka magkaroon pa ng sunog.

Nang masiguro kong walang nakasaksak ay lumabas ako ng bahay. Sinigurado kong naka lock ang pinto saka ako naglakad papunta sa kalsada. Dadaanan ko muna kasi lola ko dahil may binili akong gamot niya kahapon. Ginabi kasi ako ng uwi kagabi kaya hindi ko naibigay ang binili kong gamot.

Naglalakad ako patungo sa bahay nila lola ng makita ko ang isa kong tiyahin. May kausap ito habang may dalang walis. Inuna na naman yata ang pakikipag tsismisan bago linis ng bahay.

Tumingin sa ’kin ang tiyahin ko ng mapansin niya akong palapit sakanila. “Oh, ikaw pala, Aerith. Papasok ka na ba sa trabaho mo?” Tanong sa ’kin ng tiyahin ko.

“Opo, tita. Pero dadaan muna ako kila lola para ibigay ang binili kong gamot para sakanya,” sagot ko.

“Oh sige. Mag-iingat ka papuntang  trabaho mo.” Nakangiting sabi sa ’kin ng tiyahin ko. Tumango ako sakanya saka ako nagpatuloy sa paglalakad.

Hindi pa ako nakakalayo ng marinig kong nag-uusap ulit ang tiyahin ko at ang babaeng kausap niya. Napahinto ako dahil nabanggit ng babae na naghahanap siya ng trabahante.

Nakikinig lang ako sa pinag-uusapan nila at parang nagka interest ako.

Lumingon ako sakanila at pinapakinggan parin ang pinag-uusapan nila ng tiyahin ko. Hindi ko na nakayanan at lumapit na ako sakanilang dalawa.

“Tita.. naghahanap ba siya ng trabahante?” Biglang sabat ko sa usapan nila. Nagulat pa ang tiyahin ko  dahil bigla akong sumulpot sa likuran niya.

“Pambihira kang bata ka! Akala ko pa naman ay nakaalis ka na,” saad ng tiyahin ko habang hinahaplos ang dibdib niya dahil sa gulat.

Tumingin ako sa babae na sa hula ko ay magkasing edad lang sila ng tiyahin ko. “Hello po! Ako po si Aerith Doctolero, 24 years old po. Baka pwede po ako. Naghahanap din po kasi ako mg trabaho.

“Naku, hija. Pwede ka sana.. kaso nga lang sa Manila kasi dadalhin. Personal maid ng anak ng amo ko. Baka kasi hindi mo kayanin ang ugali no’n napaka suplado at masungit pa naman. Kaya ang hinahanap ko ay katulad ng edad ng tiyahin mo sana. Baka kasi hindi mo makayanan kapag sinigawan ka ng boss mo at bigla ka nalang umiyak do’n.” Mahabang sabi ng babae.

“Naku! Ayos lang po yun. Kayang-kaya ko po yun. Ayos lang po sa ’kin ang sigawan basta ba wag lang niya akong sasaktan.” Pursigedo kong sabi. Napakamot naman sa likod ng ulo niya ang babae habang nakatingin sa ’kin.

Tumingin ako sa tiyahin ko para humingi ng tulong. Agad naman umiling ang tiyahin ko na halatang hindi gusto ang plano ko.

“Ano ka ba, Aerith! Masyadong malayo yun. At isa pa, baka hindi mo kayanin ang ugali ng boss. Nakwento sa ’kin ni Cana na wala daw nagtatagal sa ugali nang lalaking yun. Kaya nga lagi daw naghahanap dahil three days or four days lang daw nagtatagal ang mga kasambahay.” Saad ng tiyahin ko.

Lumapit ako sa tita ko saka siya hinawakan sa braso. Inilapit ko ang mukha ko sa teynga niya saka ako nagsalita. “Mag co-college na po si Robert. Si Cali naman malapit na din kaya kailangan ko ng trabahong malaki ang sahod. Hindi ko maitagaguyod ang mga kapatid ko kung dito lang sa trabaho ko iaasa. Sahod ko na kahit anong zoom hindi lumalaki tita eh. Kaya sana tulungan mo ko. Kaya ko yun tita, ako pa ba!” Bulong kong sabi sa tiyahin ko.

Tumingin naman siya sa ’kin at napa-iling. “Ikaw talagang bata ka!” Saad ng tita ko saka bumuntong hininga.

“Sige na po, tita. Bukas kasi maghahanap sana ako nang bagong trabaho. Hindi na talaga nakakatuwa kasi ang sahod ko. Kaya ito na siguro ang pinagdarasal ko na trabaho para makaipon ako.” Pangungulit ko ulit sa tiyahin ko.

“Sige na nga,” sagot ng tiyahin ko sa ’kin saka siya tumingin kay ate Cana.

“Cana, baka pwedeng itong pamangkin ko nalang. Marunong naman siya magluto, maglinis ng bahay, at kung ano-ano pa.” Saad ng tiyahin ko.

“Kaya nga niya. Ang tanong kakayanin kaya niya ang ugali ng magiging boss niya. Baka one day palang ay umiyak na yan at baka magmakaawa sa ’kin na uuwi na sa probinsya.” Sabi ni ate Cana.

“Naku hindi po. Kaya ko po yun. Kaya sana po ako nalang ang kunin mo po. Makakaasa ka po, hinding-hindi po kita ipapahiya.” Nakangiti kong sabi kay ate Cana.

Sa huli ay napapayag namin si ate Cana. Mabuti nalang talaga at tinulungan ako ng tiyahin ko.

Pumasok ako ng trabaho ko hindi para mag duty, kundi magpaalam. Masyado daw mabilis ang pag alis ko sabi ng boss ko. Mabuti nga at hindi ko siya sinagot na kung sana tinaasan niya sahod ko eh ’di sana hindi ako aalis.

Umuwi ako ng bahay para mag-ayos ng dadalhin ko. Naglinis narin ako ng bahay para pag umalis ako ay malinis ang bahay. Alam ko namang hindi pababayaan ni Robert si Cali. Alam ko ding aalagaan niya ang maliit na bahay namin.

Panatag naman akong iwan sila dahil magkalapit lang naman ang bahay namin sa mga tiyahin namin at lola ko. Alam kong titignan nila ang mga kapatid ko kapag wala ako.

Bukas ang alis namin ni ate Cana kaya dapat lang na mag-ayos na ako ng dadalhin.

Alam kong magugulat ang mga kapatid ko sa pag-alis ko. Pero alam naman nila na matagal ko ng gustong lumuwas ng Manila para makapag trabaho. Madami lang talaga akong what if sa buhay kaya hindi natutuloy. Pero ngayon, matutuloy na ako dahil hindi ko pro-problemahin ang tutuluyan ko. Yun lang naman kasi ang humahadlang sa t’wing naiisip kong pumunta ng Manila. Baka wala akong matirhan kapag naubos ang budget ko tapos hindi parin ako nakakahanap ng trabaho.

Hinintay ko lang ang mga kapatid ko para makapag paalam ako sakanila. Kinausap ko narin ang tito ko na may trycle na siya na ang maghatid sundo sa dalawa kong kapatid at laging mag-ingat. Sasahuran ko nalang si tito kapag nakasahod na ako.

Sana lang talaga makaya ko ang ugali ng boss ko. Hindi ako pwedeng umuwi dito sa probinsya na walang naiipon na pera pang aral ng mga kapatid ko.

Chapter 2

KINAKABAHAN ako habang nandito kami ni ate Cana sa taxi. Ihahatid niya kasi ako sa anak ng amo niya. Ngayon ko lang nalaman na magkaibang bahay pala ang amo ni ate Cana at ang magiging amo ko. At ngayon ko lang din nalaman na ako lang pala ang magiging katulong slash personal maid niya kaya kahit daw saan siya magpunta ay sumama ako sa boss ko.

Naguguluhan tuloy ako sa sinasabi ni ate Cana. Dapat secretary pala ang kinuha niya. Pero keri ko na ’to. Kayang-kaya ko naman yun.

“Maaga pa naman, Aerith. Gusto mo kumain nalang muna tayo. Nagugutom narin kasi ako.” Saad ni ate Cana sa ’kin.

Tumango ako dahil nagugutom narin naman ako. Naiisip ko din na baka hindi ako makakain sa labas kung papasok akong personal julalay ng magiging boss ko. Baka pagbawalan akong lumabas lalo na at ka bago-bago ko lang.

Sinabi lang ni ate Cana sa taxi driver kung saan kami pupunta. Tahimik lang akong nakamasid sa labas ng bintana at pinagmamasdan ang malalaking building na nadadaan namin. First time kong pumunta ng Manila kaya excited na kinakabahan sa mangyayari sa ’kin.

Naramdaman kong nag vibrate ang cellphone na nasa bulsa ko kaya agad ko itong kinuha. Napangiti ako ng makita ko ang pangalan ni Cali. Binasa ko ang message niya saka ako nagtipa ng reply at sinend sakanya.

Tinatanong niya kasi kung nakarating na ba ako ng Manila. Umiyak pa naman siya kagabi nang malaman niyang aalis ako. Mabuti nalang at napatahan ko at pilit namin siyang pinapatawa ni Robert.

Alam kong nalukungkot sila sa pag-alis ko. Kahit ako nga ay nalulungkot. Namimiss ko na nga sila eh pero kailangan ko itong gawin dahil para din naman ito sakanila.

Natigil ako sa pag-iisip ng huminto ang sinasakyan naming taxi sa harap ng mall. Kukuha sana ako ng perang pamasahe ng maunahan ako ni ate Cana. “Ako na bahala, Aerith.” Sabi sa ’kin ni ate.

“Thank you po, ate!” Nakangiti kong sabi.

Bumaba ng taxi si ate Cana kaya bumaba narin ako. Kayang-kaya ko namang dalhin bagahe ko dahil malaking backpack ang dala ko.

“Halika, Aerith! Kain muna tayo!” Aya sa ’kin ni ate Cana na ikinatango ko.

Nauna siyang maglakad sa ’kin papasok ng mall. Nakasunod lang ako sakanya habang pinagmamasdan ang kabuuan ng mall. Ang laking mall kasi, walang ganito sa probinsya namin. Kung meron man ay maliit lang at hindi pa malakas ang aircon kaya mainit.

“Teka, iihi muna pala ako. Dito ka lang. Hintayin mo lang muna ako dito, Aerith.” Pagpapaalam ni ate Cana sa ’kin.

“Sige lang po ate. Dito lang po ako, hindi po ako aalis dito.” Saad ko.

Tumango naman siya at agad umalis sa harap ko. Nakatayo lang ako sa gilid habang pinagmamasdan ang mga taong dumadaan. Ang iba ay may mga dalang shopping bags.

Napatitig ako sa dumaan sa harap ko na isang pamilya. Bigla kong naalala sila mama at papa. Hindi ko mapigilang hindi maingit, lalo na’t maaga akong naulila.

Agad kong iniwas ang aking tingin sa pamilyang dumaan sa harap ko. Baka kasi biglang tumulo ang luha ko.

Habang hinihintay ko si ate Cana ay may nakita akong mga bazaar. Malapit lang naman sa pwesto kung saan ko hinihintay si ate Cana kaya lumapit ako.

Habang naglalakad ay naka focus ang tingin ko sa mga display na kwentas. Ang ganda kasi pero halatang mamahalin. Nagtingin-tingin lang ako hanggang sa hindi inaasahan ay may nabunggo ako. Napa-atras pa ako dahil sa tigas no’n.

Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin dahil masyadong matangkad ang taong na bangga ko. Nang makita ko ang mukha ng lalaki na nakatitig sa ’kin ay halos tumigil ang paghinga ko dahil sa sobrang gwapo niya. Natulala ako dahil hindi ako makapaniwala na may ganito pala talagang mukha na nag e-exist.

“Y-You..” sabi ng lalaking na bangga ko. Boses palang niya ay lalaking-laki.

Natauhan agad ako at agad yumuko sa harap niya para humingi ng pasensya. “Sorry po, sir. Hindi ko po sinasadyang mabangga po kita.” Panghihingi ko ng paumanhin. Sa suot palang niyang suit ay halatang mayaman ang lalaking ’to. Baka magalit sa ’kin dahil sa nabangga ko siya.

Pumasok sa isipan ko na baka ipahiya ako ng lalaki kaya agad akong tumalikod sakanya at tumakbo. Narinig ko pa ang boses niya na tinatawag ako pero hindi na ako lumingon.

Hinahanap ko nalang kung saan nagbanyo si ate Cana.

Nang mahanap ko yun ay dali-dali akong pumasok. Sakto namang palabas din si ate Cana sa isang cubicle. Nagulat pa ito ng makita niya ako.

“Hi, ate Cana. Naiihi din po pala ako.” Saad ko kaya tumango si ate sa ’kin.

Pumasok ako sa cubicle at agad ibinaba ang suot kong pantalon. Kinabahan talaga ako kanina, bagong salta pa naman ako dito sa Manila tapos may makakaaway agad ako.

Tinapos ko ang pag ihi ko at agad finlush ang toilet. Lumabas ako ng cubicle at nakita si ate Cana na hinihintay ako.

“Tara, hanap tayo ng makakainan.‘’ Aya sa ’kin ni ate.

Naghugas lang ako ng kamay saka ako tumango.

Naunang lumabas si ate Cana kaya sumunod ako sakanya. Palinga-linga pa ako sa paligid at baka makita ko ang lalaking bumaba yata sa langit dahil sa sobrang gwapo na akala mo anghel.

Nakahinga lang ako ng maluwag ng hindi ko ito nakita. Pumasok kami sa isang fast food ni ate Cana. Inutusan niya akong maghanap ng table dahil masyadong maraming taong kumakain.

Nakahanap naman ako kaya agad akong pumwesto. Hinihintay ko lang si ate Cana habang nakatingin ako sa paligid.

Ilang sandali lang ay lumapit si ate Cana dala ang inorder niyang pagkain.

“Kumain ka, Aerith. Para mamaya paghinatid kita sa boss mo hindi ka magutom. Baka kasi utusan ka kaagad no’n.” Sabi sa ’kin ni ate.

Tumango ako. “Salamat po sa libre, ate Cana. Sa unang sahod ko talaga ikaw una kong ililibre,” nakangiti kong sabi.

“Suss, wala yun. Basta pag butihan mo lang ang trabaho mo. Pag pinagalitan ka ng boss mo, ipalusot mo nalang sa kabilang teynga mo. Wag na sasagot at hayaan lang.” Sabi niya habang kumakain.

Sumubo naman din ako ng pagkain bago ako sumagot. “Yan nga din po ang gagawin ko, ate Cana. Kaya ko pong gawin yun,” sagot ko.

Kung ano-ano lang ang pinagkwekentuhan namin ni ate Cana. Nalaman ko din na may anak na pala siya. Nasabi din niya sa ’kin kung gaano na siya katagal sa trabaho niya kaya isa siya sa pinagkakatiwalaan ng boss niya.

Kwenento din niya sa ’kin ang magiging boss ko. Pangalan palang niya halatang masungit. Sana lang hindi ako pahirapan ni Mr. Perseus Martinez.

Pagkatapos naming kumain ni ate Cana ay agad kaming tumayo para makaalis na. Lumabas kami ng mall at naghanap ulit ng taxi si ate. Ako naman ay kinakabahan na dahil ihahatid na talaga ako ni ate Cana sa boss ko.

May humintong taxi sa harap namin kaya agad lumapit si ate Cana. Sumakay siya sa back seat kaya sumunod narin ako.

“Kuya sa Martinez mansion po kami.” Sabi ni ate Cana sa driver.

Tango lang ang sagot ng driver at agad pina-usad ang sasakyan. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana at kinakabahan parin sa mangyayari sa ’kin.

Hanggang sa tuluyan kaming nakarating sa isang malaking bahay. Yung gate ay masyadong mataas kaya hindi basta-basta maakyatan ng magnanakaw.

Huminto ang sinasakyan naming taxi at inabot ni ate Cana ang pamasahe. Bumaba na si ate kaya bumaba narin ako.

“Ito ang bahay ng boss ko. Sabi kasi ni Ma’am ay dito muna tayo pupunta para makilala ka niya.” Sabi ni ate Cana sa ’kin.

“Sige po, ate.” Sagot ko.

Nag doorbell lang si ate Cana, bumukas naman bigla ang gate dahil may dalawang body guard pala ang nandoon. Halata talagang mayaman ang pamilyang ito dahil pagpasok namin ni ate Cana ay bumungad sa ’kin ang magandang fountain na napapalibutan ng red rose.

Malawak ang daanan at kailangan munang maglakad ng ten minutes bago makarating sa harap ng mansion.

Nakita ko na may isang guard din do’n na nakatayo sa gilid ng pinto. Binuksan niya agad ang pintuan kaya agad kaming pumasok.

Napatulala ako sa ganda ng bahay. First time kong makakita ng ganito ka gandang bahay. Pero ang tahimik. Buti pa do’n sa bahay namin, maliit pero maingay kaya masaya.

“Halika na, Aerith! Punta tayo do’n sa garden.” Aya sa ’kin ni ate Cana.

Tango lang ang sagot ko saka sumunod sakanya. Habang naglalakad ako ay pinapaikot ko ang aking mga mata dahil ang ganda ng chandelier. Kulay gold ito at sobrang laki.

Binuksan ni ate Cana ang slide door saka siya pumasok. Sumunod nalang din ako at agad napatigil sa paghakbang. Maging si ate Cana ay napatigil din sa paghakbang ng marinig namin ang dalawang tao na nag-uusap.

Isang  boses babae at boses lalaki. Nakita ko agad sa di kalayuan ang dalawa. Ang babae lang ang nakita ko na halatang may edad na pero maganda parin. Hindi ko makita ang kausap niyang lalaki dahil nakatalikod siya mula sa gawi namin.

“I already told you mom. I don’t need a maid.” Galit na sabi ng lalaki.

Napalunok ako ng ilang beses sa takot. Mukhang siya ang magiging boss ko. Hindi naman ako bobo na hindi makuha ang pinag-uusapan nila.

Naramdaman kong siniko ako ni ate Cana na nasa tabi ko. Tumingin ako sakanya. “Siya yung boss mo. Si sir Perseus Martinez. Diyos ko! Nakakatakot talaga siya. Buti pa yung bunso niyang kapatid na lalaki mabait pa.” Saad ni ate Cana.

Biglang tumingin sa gawi namin ang matandang babae. Yumukod si ate Cana kaya ginaya ko din siya.

“Stop it, Perseus. Nandito na ang bagong maid.” Sabi ng ginang.

“What the hell!” Galit na sabi ng lalaki saka lumingon sa gawi namin ni ate Cana

Ngunit, bigla itong natigilan ng makita kami ni ate Cana. Yung kunot niyang nuo kanina ay biglang nawala habang nakatitig samin. Hindi ko alam kung samin ba siya nakatitig o sa ’kin lang. Mas lalo tuloy akong kinabahan sa uri ng titig niya.

Pero familiar sa ’kin ang mukha ng lalaki. Medyo makakalimutin pa naman ako kaya hindi ko maalala kung saan.

“Magandang tangahali po, madam. Pati narin po sa’yo, sir Perseus.” Magalang na bati ni ate Cana. Yumukod nalang din ako saka binati sila.

Hindi ako makatingin sa lalaking nasa harap ko dahil titig na titig siya sa ’kin. Hindi ko kayang salubungin ang mga mata niya.

“What’s your name, hija?” Tanong sa ’kin ng babae kaya agad akong napaderitso ng tayo.

“Ahm.. ako po si Aerith Doctolero, ma’am.” Sagot ko.

“Mukhang masyado ka yatang bata pa hija. Alam mo ba ang gawaing bahay?” Tanong sa ’kin ng matandang babae na elegante parin tignan.

“Opo, ma’am. Sanay na sanay po ako sa gawaing bahay.” Sagot ko.

“Marunong po si Aerith, Madam. Sa katunayan nga po siya ang nanay at tatay ng mga kapatid niya kaya makaka asa po kayo na marunong po siya. Diba, Aerith?” Sabat ni ate Cana.

Agad akong tumango. “Opo, pangako ko po na pagbubutihin ko po ang trabaho ko.” Saad ko habang nakatitig kay madam.

“Masungit ang anak ko, hija. Sana magtagal ka. Pang ilang maid ka na kapag pinalayas ka pa niya sa bahay niya.” Saad ng ginang habang naiiling.

“Mom..” tawag ng anak niya na magiging boss ko.

Kinausap pa ako ni madam at kung ano-ano ang tinatanong tungkol sa buhay ko. Lahat naman ay sinagot ko ng maayos. Mabuti nga at kami lang dalawa ni madam ang nandito sa garden. Pina alis kasi niya si sir Perseus pati narin si ate Cana.

Medyo hindi na ako kinabahan kay madam. Medyo masungit ang mukha niya pero ngumingiti naman siya. Mas natatakot ako sa kwento niya tungkol sa anak niya. Goodluck nalang talaga sa ’kin.

Chapter 3

KINAKABAHAN akong sumakay ng kotse ng boss ko. Dadalhin na kasi niya ako sa bahay niya.

Naiiyak tuloy ako kanina habang nag papaalam ako kay ate Cana. Parang gusto ko nalang sabihin na sa mansion nalang ako mag tra-trabaho para kasama ko si ate Cana. Pero hindi ko sinabi dahil nangako ako kay ate Cana na hindi ako iiyak.

Binuksan ko ang pintuan ng passenger seat saka ako sumakay. Kinakabahan ako lalo na’t sobrang tahimik sa loob ng sasakyan. Natatakot tuloy akong lumingon kay sir Perseus na tahimik na naka upo sa driver seat.

“Put your seatbelt on.” Biglang sabi ni sir Perseus sa malalim na boses. Dali-dali kong ikinabit ang seatbelt at baka mapagalitan pa ako.

Nang maikabit ko ay agad na pinausad ni sir ang sasakyan. Tahimik lang ako habang naka masid sa labas ng bintana.

“How old are you?” Biglang tanong ni sir.

“24 years old po, sir.” Magalang kong sagot.

“I see,” tipid niyang sagot habang nakatitig parin sa daan.

Tahimik na naman ulit kaya tumingin ulit ako sa labas ng bintana. “Parents?” Tanong niya kaya lumingon ako sa gawi ni sir.

“Po?” Takang tanong ko.

“Where’s your parents?” Tanong niya ulit.

“Ahh.. wala na po sir. Namatay po sa aksidente n’ong 10 years old palang po ako.” Sagot ko agad.

“Any siblings?” Tanong na naman niya ulit.

“Meron po. Isang lalaki po at half lalaki, half babae po.” Sagot ko kaya kumunot ang nuo ni sir. Tumingin siya sa ’kin kaya nagkasalubong ang tingin naming dalawa.

“What do you mean?” Takang tanong niya.

“Beki po, sir. Bakla po kasi ang bunso naming kapatid.” Nakangiti kong sagot.

Tumango naman siya saka ibinalik ang tingin sa daan. Nakahinga ako ng maluwag nang hindi na magtanong ulit si sir.

Tahimik na ulit sa kotse kaya tumingin ulit ako sa labas ng bintana. Na aliw ako sa mga malalaking building na dinadaanan namin. Hindi ko nga namalayan na huminto ang kotse ni sir.

“Welcome to my house.” Biglang sabi ni sir Perseus. Hindi ako sumagot dahil nakatingin lang ako sa gate na biglang bumukas kahit wala namang taong nag bukas no’n. Automatic yata ang gate ni sir Perseus.

Pinausad ni sir ang sasakyan papasok ng gate. Huminto ang kotse kaya agad kong tinanggal ang seatbelt ko. Akmang bubuksan ko na sana ang pinto ng bigla akong pigilan ni sir Perseus.

Naguguluhan naman ako sakanya dahil bigla siyang bumaba ng kotse at umikot papuntang passenger seat. Pinagbuksan niya ako ng pintuan kaya nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko alam kung anong nangyayari. Ang alam ko kasi, dapat hindi niya ako pinagbubuksan ng pintuan. Maid kaya niya ako.

Naguguluhan man ay bumaba ako ng sasakyan. Kukunin ko pa sana ang bag ko na nasa back seat ngunit naunahan ako ni sir Perseus.

“Ako na po niyan, sir.” Saad ko at akmang aagawin ko sana ang bag. Mabilis na inilayo sa ’kin ni sir Perseus ang bag kaya hindi ko ’to naagaw.

“Let me. Your bag is too heavy.” Saad niya kaya napakamot ako sa likod ng ulo ko. Naguguluhan ako sa asta niya.

Wala na akong nagawa ng mauna siyang naglakad sa ’kin. Pumasok siya sa bahay niya kaya dali-dali akong sumunod.

Bumungad sa paningin ko ang mamahaling mga gamit. Ang ganda ng bahay at halatang lalaki ang nakatira dahil black ang kulay ng pader na may gold na glitters.

Kung sa mansyon ng mama ni sir Perseus ay may magandang chandelier, dito naman ay may malaki at mas magandang chandelier. Kulay coffee naman ang kurtina na naka lagay sa may bintana. Malaki ang bahay, pero mag-isa lang naman si sir Perseus. Ang lungkot siguro ng buhay niya.

Natigilan ako ng marinig ko ang pagtikhim ni sir Perseus. Nakita ko siyang nakaupo sa single couch habang naka dekwatrong nakatitig sa ’kin.

“Come here, Aerith.” Tawag niya sa ’kin kaya agad akong naglakad palapit sakanya.

“Upo ka,” utos niya sabay turo sa mahabang upuan na kaharap niya.

Lumapit ako sa upuan saka ako umupo. Siguro ay sasabihin niya ang mga dapat kong gawin sa bahay.

“Do you have a boyfriend?” Tanong niya sa seryosong boses.

Kumunot ang nuo dahil nagtataka ako kung bakit yun ang tinanong niya. Akala ko pa naman sasabihin na niya sa ’kin ang rules niya sa bahay. Pati narin ang sahod ko.

“Wala po, sir.” Sagot ko kahit naguguluhan ako.

“Good. Ayaw kong mag boyfriend ka. Para makapag focus ka sa ’kin.” Sabi niya sa seryoso paring boses.

“Wala pa po sa isip ko ang mga bagay na yan, sir. Masyadong okyupado ang isip ko para sa mga kapatid ko na malapit na mag college.” Deritsong sagot ko.

Tumango siya. “I only have two rules for you, Ms. Doctolero.” Saad niya kaya napa ayos ako ng upo.

“A-Ano po yun sir?” Nauutal kong tanong.

“First, you are not allowed to look at other men except me.” Saad niya kaya kumunot ang nuo ko. Ano kayang connect no’n sa trabaho ko.

“Second, you are not allowed to talk to other men except me.” Sabi niya.

“Po?” Takang tanong ko. Anong klase ba naman kasi ang rules niya. Ganito din ba ang rules niya sa mga katulong niya. Napaka higpit naman niya, paano pala kung sasakay ako ng jeep eh lalaki yung driver. Maloloka yata ako sa rules ni sir.

“Do you understand, Ms. Doctolero?” Tanong niya sa ’kin.

“Ha? Ahh opo, sir. No problem po.” Sagot ko kahit naguguluhan.

Tumingin ako sa kabuuan ng bahay at nakitang may maliit na kwarto sa gilid. Siguro ay yun ang maid’s room dahil nakita ko kasi do’n kina ate Cana. Katulad na katulad kasi ang porma do’n sa maid’s room nila.

“Yun po ba ang maid’s room, sir?” Tanong ko kay sir Persues, talagang tinuro ko pa.

“Yes.” Tipid niyang sagot.

“Ahm.. pwede na po ba akong pumunta sa kwarto, sir. Ilalagay ko lang po ’tong gamit ko saglit.” Saad ko. Gusto ko na kasing magsimulang mag trabaho. Sayand din ang araw.

“That’s not your room.” Sabi ni sir Perseus.

Napakamot ako sa ulo ko dahil sa sinabi niya. Mukhang sa labas pa yata ako matutulog nito. Pero wala naman akong napansin kanina na may kwarto do’n sa labas. Hindi lang pala maid ang trabaho ko nito, mukhang magiging guard din pala ako.

“Nasa second floor ang kwarto mo, katabi ng kwarto ko.” Sagot ni sir Perseus saka tumayo mula sa kinauupuan niya. Ako naman ay napakurap-kurap dahil hindi pa nag si-sink in sa isip ko ang sinabi niya.

Bakit naman nasa second floor ang kwarto ko. Ang alam ko talaga do’n sa tinuro ko ang dapat kong kwarto.

Akmang aalis sana si sir Perseus ng pigilan ko siya. “Sir..” tawag ko kaya napatigil siya pag hakbang.

Lumingon naman siya sa ’kin. “What is it?” Tanong niya.

“Ah ehh.. baka po kasi nagkakamali ka po, sir. Nasa second floor na po ba ang kwarto ng maid mo po?” Tanong ko habang naka kunot ang nuo.

“Yes. Bodega yang tinuturo mo kanina.” Sagot niya saka naka pamulsang naglakad paalis sa harap ko.

Ako naman ay napatingin sa kwartong naka sara ang pinto. Bodega na pala yun. Siguro dahil walang nagtatagal na maid sa bahay niya kaya siguro ginawa niyang bodega.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at naguguluhan kong aakyat na ba ako sa hagdan o hihintayin ko si sir Perseus. Nakatayo lang ako habang hinihintay na bumalik siya.

Ilang sandali pa ay bumalik si sir Perseus na may dalang basong tubig. “Baka nauuhaw ka.” Sabi niya ng makalapit siya sa ’kin.

“Naku po, sir. Nag abala ka pa po. Salamat po.” Nahihiya kong pasasalamat sabay kuha ng baso niyang hawak.

Ininom ko yun dahil kanina pa talaga ako nauuhaw. Nang matapos akong uminom ay tumingin ako kay sir Perseus na naka titig lang sa ’kin. “Pwede ko na po bang ilagay ang gamit ko sa kwarto ko sir? Para po makapagsimula na ako.” Saad ko.

“Sure. You can go to your room. You should rest first. Bukas ka nalang magsimula.” Sabi niya na ikina kunot ng nuo ko. Nagtataka na talaga ako sakanya. Hindi kasi ganito ang inaasahan ko. Ang akala ko ay uutusan niya agad ako at susungitan. Ang sabi kasi ni ate Cana ay masama daw ang ugali ni sir Perseus. Kaya unang araw palang ng mga maid ay pinapahirapan na, pero bakit ganun.. bakit pinagpapahinga pa niya ako.

Napakamot nalang ako sa ulo ko dahil wala akong maisip na dahilan kung bakit siya ganito. Iniisip ko nalang na baka nagkukunwari lang si sir Persues. Baka bukas pa niya ako pahihirapan.

“Saan po ang kwarto ko sir? Baka po kasi magkamali ako ng pasok.” Tanong ko.

“Left side.” Sagot niya agad. Tumango naman ako saka ko binuhat ang bag ko.

Kahit naguguluhan ay tinungo ko ang hagdan. Umakyat ako habang bitbit ang bag kong dala.

Nang makarating ako sa itaas ng hagdan ay may nakita akong dalawang kwarto. Tinungo ko ang left dahil ’to ang sabi ni sir Perseus.

Pinihit ko ang siradura ng pinto saka ko ’to binuksan. Bumungad sa paningin ko ang magarang kwarto. Isang maganda at malaking kama, mamahaling lamp shade na naka patong sa bed side table. May isang couch na kulay puti at isang kulay white na aparador. Hindi ’to katulad sa ibang design na aparador, ’to kasi ay halatang mamahalin at ang ganda ng design.

Nagtataka talaga ako, baka kasi nagkamali si sir Perseus.

Pumasok nalang ako habang tinitignan ang kabuuan ng kwarto. May dalawang paintings pa na naka sabit sa pader.

Inilapag ko ang dala kong bag sa couch saka ko tinignan ang isa pang kwarto. Alam ko namang banyo yun pero gusto ko paring makita.

Lumapit ako sa pinto saka ko ’to binuksan. Nag ningning ang mga mata ko dahil sa ganda at linis ng banyo. May bath tub pa talaga. Pumasok ako sa banyo at tumingin sa malaking salamin. Kitang-kita ko ang kabuuan ko. Nalukot ang mukha ko ng makita ko ang hitsura ko, halatang probinsyana talaga ako sa porma ko palang. M

“Ang oily na ng mukha ko. Kainis!” Saad ko. Hindi ko kasi nagawang mag ayos kanina dahil pagkatapos namin mag usap ni madam ay tinawag agad ako ni sir Persues dahil aalis na daw kami. Hindi tuloy ako nakapag polbo. Nakakahiya tuloy!

Lumabas ako ng banyo saka lumapit sa couch kung saan naka patong ang bag ko. Binuksan ko ’to para kumuha ng damit pambahay at t’walya. Maliligo na muna ako dahil nanlalagkit ako sa katawan ko.

Pumasok ulit ako sa banyo at agad hinubad ang saplot ko sa katawan. Napangiti pa ako dahil may shower room ang banyo ko. Walang ganito sa bahay namin, tabo at balde lang ang meron.

Agad kong binuksan ang shower, hinayaan ko lang ang tubig na umagos sa katawan ko. Nakita kong may shower gel kaya ginamit ko ’to. Hindi naman siguro magagalit si sir Persues kong kumuha ako. Nandito naman sa banyo ko eh.

Napa pikit pa ako habang inaamoy ang shower gel na nasa kamay ko. Ang bango kasi nito, amoy vanilla. Sa bahay kasi tamang safeguard lang ang gamit ko.

Mabilis kong tinapos ang pagligo ko dahil baka hanapin ako ni sir Perseus. Pinatay ko ang shower saka ko kinuha ang t’walya at itinapis sa katawan ko.

Lumabas ako ng banyo at lumapit ako sa kama dahil pinatong ko do’n ang damit ko. Sinuot ko muna ang panty tsaka bra ko. Nag suot lang ako ng cotton short  at malaking tshirt. Mamaya itatanong ko kay sir Perseus kong may uniform ba ako na katulad sa mga maid ng mama niya. Sabi din kasi sa ’kin ni ate Cana na may uniform daw sila, pati din daw dito kay sir Perseus.

Kaya mamaya, itatanong ko kung nasaan ang uniform para maisuot ko na bukas.


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.