loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
HITH1: The Stolen Glances

HITH1: The Stolen Glances

AmorevolousEncres · 29 chapters · 36,708 words

THE STOLEN GLANCES

This book is a work of fiction. Names, places, incidents are produced by the author’s imagination and are used fictitiously. Any resemblance to persons, living or dead, events and locales are extremely coincidental.

All rights reserved. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical, including, photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system, without the written permission of the author, except where permitted by law.

©AmorevolousEncres

Posted : March 6, 2026

Completed : May 3, 2026

PROLOGUE

Prologue

Nakahalukipkip ako habang nakatingin sa harapan. May classroom meeting kami ngayon para sa nalalapit na Intramurals. Of course, our president, the person who secretly likes me (smirk), who also happens to be my neighbor and a family friend, is talking animatedly about the school events in his soft and gentle voicee. Malambing ang boses niya pero may conviction doon at  nakukuha niya talaga ang mga atensyon ng classmates namin… except sa ’kin.

Nangangati na akong umalis ng classroom pero hindi ko magawa dahil sa lintek na meeting na ’to. Hinahanap na ng kamay ko ang keyboard at mouse ng computer ko. Larong-laro na ako, oh!

“Bro, pwede bang ilista mo na lang ang name ko sa attendees ng meeting? Ihing-ihi na ako, eh!” Siko ko sa aking kaibigan at seatmate na si Harper.

I glanced at him. Surprisingly, he was enthusiastically listening to this damn meeting. Wala naman kaming mga silbi rito eh! Nakabusangot ang mukha kong sinundan ng titig ang kanyang tinitingnan.

Now I understand why he’s so into this meeting. Nasa harapan naman pala ang crush niya! Si Keysha, ang Vice-president ng classroom namin.

Siniko ko ulit siya. This time naputol na ang titig niya sa harapan. Mabuti naman!

“Bro? May sinasabi ka ba?”

Tingnan mo na! Lutang ang  kupal! Talaga nga namang nakakatanga itong crush-crush niya d’yan kay Keysha. Well, Keysha is cute.

“Sabi ko, naiihi ako. Ilista mo na lang ang name ko, ha? Forge mo na rin ang pirma ko, lams mo na naman ang pirma, ’di ba?” saysay ko sa kanya at kinindatan ang kupal.

Binaba ko ang paa ko mula sa pagkaka-de kuatro at pinulot ang bag na nasa sahig. Bag na walang laman kung hindi ang pabango at mga ballpen ng classmates ko. Ni wala itong laman na notebook o papel na matino.

Nanghihingi lang ako ng papel kay Harper o ’di kaya’y kay Jovert. Si Jovert ay tropa rin namin ni Harper at siya itong medyo pala aral sa amin.

“Putcha, ayoko ko, bro!” Tanggi ni Harper sa ’kin nang isukbit ko na ang sling ng bag ko sa aking balikat.

Anak ng puta!

“Naiihi nga ako!” Giit ko sa kupal.

“Kupal ka ba? Alam ko ’yang style mo, Baker. Magkaibigan tayo kaya hindi mo ako madadaan d’yan sa paandar mong naiihi ka. Saka, kailangan bang dala mo ang bag mo kapag nagbanyo ka?” Puna niya.

Aish! Kabanas naman ang isang ’to!

“Parang ’di tropa ang kupal, ililista mo lang naman ang pangalan ko at pipirmahan!” Argumento ko kahit wala na itong patutunguhan pa.

“Ayoko. Si Keysha ang may hawak no’ng attendance sheet!”

Putcha! Nagpapabango ang kupal sa crush niya! Akala mo naman talaga hindi kupal!

“Putcha ka, bro! Ano ’to? Hoes before bros?”

“Magtigil ka, Baker! Isang oras lang naman itong meeting. At saka, mas mainam pa itong meeting kaysa makinig kay Ma’am sa boring n’yang discussion sa Kumunikasyon sa Pagpapakatao!”

Inis kong hinagis ang bag ko pabalik sa sahig. Si Harper ay natawa at nakita ko naman si Jovert na napalingon sa amin. Nasa unahan kasi siya ni Harper naka-upo. Ako naman ay nasa pinakalikod at gilid. Kaya natatanaw ko na ngayon ang ibang estudyante na palabas ng school premises.

Inggit na inggit na ang tao na ’to!

“Gareth, may problema ka ba sa pinag-uusapan namin dito sa harap? O baka may suggestions ka?” Tawag sa ’kin bigla ni Keysha. Pinagkrus pa nito ang braso. Ang pandak na ’to!

Tiningnan ko naman si Alessio, ang President ng classroom namin, ang baklang may crush sa ’kin at kapitbahay ko pa! For someone who has a crush on me, Alessio is so mean to me. Maybe, iyon ang tactic niya to get boys! Tsk!

“What? Wala.” Tanggi ko naman kahit uwing-uwi na ako. Nangangati na itong kamay ko na maglaro ng COD!

I saw Alessio roll his eyes. Ang maldito mo, boy ah!

“Ang ingay n’yo kasi d’yan! Makipag-cooperate naman kayo. Para sa section din naman natin itong ginagawa natin. Si Alessio kanina pa ito talak nang talak dito tapos kayo d’yan, may sariling topic!” Leksyon sa amin ni Keysha. Ang pandak na ’to, maliit kaso ang lakas ng boses.

Ito ba talaga ang type ni Harper? Ang dami pa namang magaganda d’yan sa ibang section at strand. Lalo na sa HUMSS, ang daming magaganda!

“Magpaparticipate ako sa basketball. Tinatanong ko lang kay Harper kung saan magpapalista!” I yelled back.

“Mamaya na. Si Alessio ang maglilista ng mga magpaparticipate sa mga sports.” Sagot naman sa ’kin ni Keysha.

Wala na. Hindi na ako makakalusot nito sa classroom! Pagod akong tumingin sa white board. May nakita na naman akong ballpen na nasa sahig, ewan ko kung kanino pero inabot ko ito gamit ang paa at pinulot.

“Kupal!” Angil ni Harper nang ginawa kong scratch ang kanyang braso. May ink pa!

I closed the lid and played with the ballpen between my fingers. Pinaikot-ikot ko ito habang nakatingin sa white board. Isa ito sa naging hobby ko lalo na kung bored ako.

Dahil nasa harap ang mata ko, napatitig ako kay Alessio. Ang bading na ’to: maliit ang mukha, mapupula ang makintab na labi, jet black ang buhok na naka-curtain cut, at sobrang puti! Hindi naman siya mapayat pero hindi rin mataba. Maputi ito kasi hindi lumalabas sa kanila! Kung lumabas naman halos walang makita sa katawan!

Napailing ako. His looks were just average. Mukha siyang softboy pero nagiging leon kapag galit! Lalo na kapag maingay kaming lalaki dito sa likod.

Saglit kaming nakatinginan ni Alessio. At ang bading, inikutan lang ako sa mata niya!

Anak ng putcha! Ang tapang talaga ng bading na ’to!

“Hi, Pressy!” bulong ko sa tainga ni Alessio nang makalapit ako.

“Ano ba!?” Asik niya sa ’kin at inis na hinagud ang tainga kung saan ako bumulong. “Ano’ng kailangan mo?”

His ears reddened, and my eyes brightened at the sight of how deeply it affected him.

“Magpapalista lang as player sa basketball ako,” saad ko rito.

Tiningnan ko ang sulat niya. Anak ng… ang ganda ng handwriting niya. Nakalutang sa linya ng papel ang kanyang sulat ngunit ang straight pa rin ng kanyang handwriting. At ang ganda pa. Unlike my handwriting… well, bumawi naman sa hitsura. Wala sigurong ginawa si Lord na perfect sa mundo!

“’Tapos na. Umalis ka na.” Masungit niyang wika.

Dahil wala na naman ang ibang estudyante, walang alingan kong sinilip ang mukha niya. Nakakunot noo siya sa ’kin at nagulat sa biglaan kong ginawa.

“Ano pa ba ang kailangan mo, Gareth? Tsupi na!”

Umismid ako sa kanya. Ang galing talaga magtago ng feelings ng bading na ’to. But his ears can’t lie though. Halos magsingkulay na ang tainga niya at ang kanyang labi, except that his lips were so shiny!

“Ano ba, Gareth?! Ano’ng tinitingin-tingin mo sa ’kin?!”

Ngumisi ako. Tinuro ko ang mata niya. “May… muta sa mata mo, Pressy!”

I smirked at him, watching his entire face flush a deep, ripe tomato red!

CHAPTER 1

Chapter 1

“Kuya, paturo naman po ako nitong math ko!” Salubong ng kapatid kong si Gian. Gian is already in grade nine of junior high school. Kung ako medyo may pagkamainitin ang ulo. Ito naman ay happy go lucky lang at mahilig din itong makisagap ng chismis sa aming neighborhood. Halos friends niya rin kasi ang mga bata at matanda dito sa amin.

Kapag ako naman… iniismiran lang ng mga kapitbahay namin dahil kilala akong basagulero sa amin. Laging may pasa ang mukha o kung hindi naman tambay d’yan sa 7/11, umiinom.

Ang mga parents ko naman nasanay na na umuuwi akong may pasa. Minsan nga nagtataka na walang pasa ang mukha ko. As long as I come home alive and intact, and not in a casket, they’re good! Amazing, right?

“Ano ba ’to?” tanong ko kay Gian at umupo sa sofa. Tinapon ko lang ang bag ko sa sahig.

“Kuya, wala kang pasa ngayon?”

Tingnan mo na. Nagugulat na sila kapag wala akong pasa sa mukha.

“Malamang. May meeting kami sa Intramurals. Hindi ako makalabas. Ang istrikta kasi ng presidente namin na kapitbahay natin.”

“Si Kuya Alessio, kuya?”

Masama kong tiningnan si Gian. Lumiwanag ang mga mata nito. Ewan ko sa batang ito, gustong-gusto niya iyang bading naming kapitbahay. Kung pwede niya lang siguro akong ipagpalit doon ay ginawa na niya?

Tch! What’s so good about that softie? Crush ako no’n pero ang sungit sa ’kin!

“Oo, iyong bading d’yan sa tapat!”

Sinuntok ni Gian ang braso ko! Inis kong tinapon sa table ang notebook niya.

“Ano ba? Namimisikal ka na, Gian! ’Wag mo akong simulan bubwit ka!”

Sumama ang tingin niya sa akin. “’Wag mong tawaging ganyan si Kuya Alessio, kuya!”

“Huh?” Tumaas ang kilay ko. “Na alin? Na bading? Eh, bading naman talaga siya—”

Sinapak na niya ang mukha ko! Akmang gaganti na sana ako sa kanya nang lumabas si Mama galing sa kusina. Mabilis na tumakbo si Gian palapit kay Mama at nagtago sa likod nito.

Tumayo ako at lumapit sa kanila.

“Mama, si Kuya susuntukin ako!” sigaw ni Gian at pilit nagtago sa likod ni Mama.

“Huh?!” singhal ko.

“Hoy, bubwit! Ikaw ang nauna! Ikaw ang unang nanuntok sa akin! Isang batok lang, Gian! Halika ka ritong—”

“Madre Mia! Manahimik kayo!” hiyaw ni Mama kaya natigilan kami ni Gian.

Napalunok ako.

“Dalawa na nga lang kayong anak namin, lagi pang nagkakarambula! Kung walang suntukan! Sigawan naman! Ano? Hindi n’yo  talaga patatahimikin ang pamamahay na ’to? Nakakahiya d’yan kina Nova at Marina!”

Totoo ang sinabi ni Mama. Araw-araw laging may sigawan sa bahay na ’to. Kung ano ang kinatahimik ng bahay sa tapat namin, iyon naman ang kina-ingay ng bahay namin.

Sino ba naman kasi ang sisigaw d’yan sa tapat? Iyong bading na si Alessio? Eh, ang soft nga ng boses no’n! Ewan ko kung bakit naging presidente iyong ng classroom! Hindi rin naman iyon bida-bida.

“Nauna kasi si Gian, ma! Sinapak ako!” Tinuro ko ang mukha ko.

“Sanay ka na d’yan, Gareth! Suntok ng mga tambay kaya mo, pero suntok ng kapatid mo, hindi mo kaya?”

Nagkamot ako sa batok ko.

“Bahala ka na d’yan sa assignments mo!”

“Kuya!”

Pinulot ko ang bag ko at umakyat na sa taas.

“Gareth, bumaba ka sa dinner ha. ’Wag mo akong paakyatin d’yan sa lunggaan mo!”

“Oo ma!” sigaw ko pabalik kay Mama.

Basta ko na lang tinapon ang bag ko sa sahig at naghubad ng uniform. Kumuha ako ng pambahay kong damit, t-shirt at cotton shorts, saka nagbihis.

Pagkatapos magbihis, naglakad ako tungo sa computer ko upang buksan ito at maglaro. Ngunit napatigil naman ako nang makita ko sa tapat na bukas ang kurtina sa silid ng bading.

Kung minamalas kasi magkatapat pa kami ng kwarto ng bading na ’to. Naningkit ang mata ko ng makita ko itong naghuhubad. Mukhang nagbibihis siya.

Mukhang naramdaman nito na may nakatingin sa kanya kaya napalingon ito sa gawi ko.

Naglakad siya tungo sa bintana na walang pang-itaas. Isang one way road lang ang naghihiwalay sa bahay namin kaya kitang-kita talaga namin ang isa’t isa.  Topless ang bading kaya kita ko ang maputi at flat nitong katawan. Ni walang muscles unlike me.

Inirapan niya ako at inangat ang gitnang daliri bago padarag na sinara ang kurtina ng kwarto niya.

Shit! Ang softie na ’to! Parang hindi kinikilig sa ’kin ah!

Pakyu ka rin sa ’kin!

May pagka-homophobic talaga ako… pero kung wala naman silang ginagawa sa ’kin. I don’t give a shit to them as well. Pero itong softie kong kapitbahay na crush ako. Ewan ko. Sarap na sarap akong asarin ang isang ito! Lalo na kapag namumula na ang tainga niya.

Tch!

Hindi ko naman talaga narinig mismo sa bibig niya na crush niya ako. Pero iyon ang sabi ng mga tropa ko sa ’kin. Iyong syota niya kasi nakwento sa kanya.

Syempre iyong softie na iyon, babae ang mga tropa. Siguro nagkukwentuhan sila at nasabi na crush ako.

Well, I can’t blame him. Gwapo ako eh.

Binuksan ko na lang ang computer ko. Nang may nakita akong mga kaibigan ko online na nag-aayang mag-COD, nakipaglaro na ako sa kanila.

“Kuya, kakain na!”

“’Ge lang, tatapusin ko lang ito, Gian!” sigaw ko naman sa kapatid ko habang ang mata ay nasa monitor.

“Halika na, kuya! Mainit pa iyong bigay na menudo ni Kuya Alessio!”

Nalingon ko ang kapatid ko. Tinanggal ko ang suot na headphone sa kabilang tainga at tiningnan siya sa may pintuan ng kwarto ko.

“Ano?” asik ko sa kapatid ko.

“Magdi-dinnner na.”

“Hindi! Iyong sunod mong sinabi!”

“Ah, binigyan tayo ng ulam nila Kuya Alessio. Alam mo naman masarap silang magluto, ’di ba?”

Nang ibalik ko ang mata sa monitor ko, napamura ako! Natalo pa nga kami!

Sa totoo lang magkaibigan ang parents ko sa parents ni Alessio. Ilang handaan na rin ang nadaluhan namin sa bahay nila at gano’n din sila sa amin. Mapa-birthday man o promotion sa work, imbitado na sila.

Kaso lang may rift talaga sa amin ni Alessio. Siguro dahil alam kong crush niya ako? I wasn’t disgusted at all (which I found surprising); instead, I found it funny. Crush niya ba ako kasi gwapo ako? O baka dahil magaling ako sa Math? Iyan lang kasi ang maipagmamalaki ko eh.

Si Alessio hindi ko alam kung sino ang nanay niya kay Tita Nova at kay Tita Marina. Dalawang babae kasi ang parents niya.

Kinabukasan kung minamalas nga naman itong bading na ’to, magkasabay kaming lumabas sa gate ng bahay namin. Si Gian, hindi ko kasamang pumapasok sa school kasi maaga siyang nagigising. Ako naman ay tamad at ayaw ngang pumasok minsan. Isa pa hiwalay ang school namin ni Gian. Ayaw niya sa school kung saan ako pumapasok kasi nahihiya raw siya sa ’kin!

Putek na ’yan. Ayaw niya lang talagang may matabunan ko ang kagwapuhan niya!

Umirap si Alessio sa ’kin bago tumalikod. Naglakad na si Alessio patungo sa sakayan ng jeep patungong school!

Ewan ko kung ano ang pumasok sa isip ko at tumawid ako ng daan at saka sinundan si Alessio.

“Mukhang late yatang nagising si Mr. President today!” I jumped on his side.

Natawa ako nang umalog ang balikat niya sa gulat. Alessio is ninteen years old, while I’m eighteen years old. Matanda ng isang taon sa ’kin kaso maliit siya kumapara sa ’kin. Wala ring muscles unlike me na may laman na ang katawan!

“Naaasiwa ako sa’yo, Gareth! Lumayo ka nga!”

Ngumuso ako. “Naaasiwa o kinikilig ka? Katabi mo ako ngayon!”

Iritado siyang tumingala sa ’kin. I was slightly taken aback when I caught sight of his auburn eyes. The morning sunlight kissed them just right, giving them the warm, rich glow of chocolate.

“Ang feeler mo naman!” aniya at mabilis na lumayo sa ’kin.

Hindi nito napansin ang biseklitang papalapit sa kanya. Kaya mabilis kong hinablot ang kamay niya at hinila siya palapit sa akin.

Napayakap siya sa akin dahil sa pwersa ng paghatak ko sa kanya!

“Siraulo ka ah!” sigaw ko sa nagbibiseklita at pinakawalan ang bading. “Ang laki ng daan pero sinadya mo talaga si–”

“Tama na, Gareth! Umagang-umaga naghahanap ka na ng gulo!”

Inis kong binalingan si Alessio. “Eh, siraulo iyon!”

“Mas siraulo ka, oi! Makapasok na nga!”

Huh? Ako pa ang siraulo? Siya na nga ang niligtas at tinulungan!

“Itong bading na ’to! Siya na nga ang niligtas, siya pa ang galit? Tsk! Ang softie na iyon!” Ungot ko na lang at saka nag-pakyu roon sa lalaking muntik nang makasagasa kay Alessio.

Ang dalawang gitnang daliri ko talaga ang pinakita ko roon sa lalaki saka tumakbo upang mahabol ang maliliit na lakad ni Alessio!

Tumatakbo na ang jeep nang makarating ako sa sakayan kaya naman hinabol ko ito at mukhang napansin naman ng driver kaya humina ang takbo nito.

“Naku! Puno na, Manong!” Reklamo no’ng isang babae sa driver.

“Oo nga, Manong! Naiipit na ako rito!”

“Kahit ang itlog ko rito, Manong, gulay na gulay na!”

Sumilip ako sa loob. Ngumiti ako nang makita kong nasa bakuna ng jeep si Alessio at gusot ang mukha. Kung pwede niya lang akong itulak, baka ginawa na nito!

Tiningnan ko ang driver. “Okay lang, manong! Sabit na lang po ako!”

“Ay delikado ’yan, hijo!”

Tinanguan ko lang ang driver. “Oks lang, Manong! Sanay po ako!”

“O s’ya sige. Kapit kang mabuti d’yan!” sigaw ni Manong sa ’kin.

“Tsk!” asik ni Alessio.

Binalik ko ang mga mata ko sa kanya. Napangisi ako nang may maisip ako. Isa isa kong hinubad ang sling ng kanyang bag at walang alinlangan kong nilapag sa kandungan niya ang bag ko.

“A-ano ’to?!” galit niyang saad.

“Bag ko?” Pilosopo kong saad sa kanya, pilit kong nilalamon ang ngisi.

“Eh, bakit nasa—”

“Naku, hijo, d’yan na ’yan. Nakasabit na nga ang bata.”

Maloko akong ngumuso kay Alesdio nang kampihan ako ng isang babae.

Sa huli inirapan lang niya ako.

Sus! Kinikilig na ’to sa ’kin. Crush ako nito eh!

Alessio! Alessio! Alessio!

“Ah, shit!” Daing ko naman nang ihampas ni Alessio ang bag ko sa aking abs!

Pinanlakihan ko siya sa nga mata ko kaso inikutan lang ako nito sa kanyang mata.

CHAPTER 2

Chapter 2

Sumunod ang mata ko sa babaeng dumaan sa aming harapan. Lunch break namin kaso nandito lang kami sa labas ng classroom at pinagmamasdan ang mga estudyante na dumadaan sa aming harapan.

Hindi naman sa pagmamayabang pero ang daming magaganda rito sa eskwelahan namin. Sa laki rin ng population ng school ay hindi na iyon nakakapagtaka. Ito kasi ang school na nasa centro sa mga karatig barangay.

“Shit ang ganda talaga ni Luwellyn, bro, oh!” Siniko ako ni Jovert sa ’kin. Medyo matino na lalaki si Jovert pagdating sa academics pero pagdating sa babae halimaw rin ang isang ’to. May syota na yata ang bugok na ’to sa lahat ng strand eh. Kung hindi buwan-buwan nagpapalit ng syota, at least naka-sampu ’yan siya sa buong taon! May balak pa yatang higitan ang mga bagyong dumadaan sa Pilipinas taon-taon!

Well, gwapo kasi at matalino. Ako kasi gwapo, malakas ang sex appeal, at macho lang. Paki ng mga muscles ko sa matatalino? Kidding!

Sinundan ko ang nginungusong direksyon ni Jovert. And there, I saw Luwellyn— the typical campus princess and the Miss Intramurals of WRU (Western Royal University). Naririnig ko rin na marami talagang nagkaka-crush sa babaeng iyon. Maganda siya pero hindi ako naa-attract. Kay pareng Jovert na ’yang chix na ’yan.

“Maganda nga pero mukhang masungit.” Komento ko at pinaikot-ikot ang ballpen na napulot ko kanina.

Isang lumang arm chair ang kinauupuan ni Jovert at ako naman ay nakaupo sa desk no’n. Si Harper naman kasama namin kaso kahit nasa labas kami ng classroom nasa loob pa rin ang atensyon niya. Akala mo talaga nakikinig ng discussions o ano. Pero ang totoo, nakatingin lang siya kay Keysha.

Pasipol-sipol lang ako habang pinaikot-ikot ang ballpen sa daliri nang makita ko si Alessio. Base sa narinig ko kanina sa loob may metting siya kasama ang ibang ka-kulto niyang officers. Sobrang higpit pa ng mga rules nila rito sa school. Katulad lang ng complete uniform, tamang gupit ng buhok, at kung ano-ano pang pahirap sa buhay ko na pumapasok lang naman para sa ikakatahimik ni Mama sa bahay.

Dahil tirik ang araw, ginamit niyang panlaban sa araw ang dalang notebook! Tumaas naman ang kilay ko nang biglang may sumabay sa kanya na babae at pinasalo sa payong nito.

Aish! Bading ’yan, babae ka. Hindi ka niyan papatulan!

Pero, ano namang paki mo, Gareth?

“Wow, talagang malakas din ang dating ni Alessio sa mga babae ’no?” Sumabat bigla ang loverboy naming kaibigan na si Harper. Torpe ang kupal na ’to at hindi maka-amin kay Keysha sa kanyang feelings. Obvious na obvious na naman na may nararamdaman siya rito.

“May mga babae talagang tipo nila ang tulad ni President. Mahinhin kumilos at banayad magsalita. Parang hindi marunong magalit! Cute pa!” Komento naman ni Jovert.

Nagusot ang mukha ko nang balingan ko ang dalawang kaibigan. Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi nila.

Hindi naman lihim sa mga classmates namin na bading si President— si Alessio. Hindi man niya inamin na bakla siya, hindi niya rin naman tinanggi.

Ewan ko nga kasi may mga classmates pa talaga namin na nagtatanong kung bading ba siya o ano. Minsan nakita kong may nagtanong sa kanya no’n at nakita kong uncomfy siya. Though we also had classmates there who held Alessio in high regard, as he was a good student leader.

“Cute ni President ’no, Gareth?” Jovert elbowed me.

Pagod kong tiningnan si Jovert. Bakit ako ang tinatanong nito? Pero kahit na ganon sinagot ko pa rin ang kupal.

“Sakto lang,” walang interes kong wika.

Jovert chuckled at my lazy, uninterested response.

“Dito na kami, Alessio,” ani ng boses ng isang babae.

Kunot lalo ang noo kong bumaling sa boses na ’yon. And there, nakita ko si Alessio na hinatid no’ng isang babaeng officer din yata ng SSLG.

Tumango si Alessio sa babae at nginitian. “Ingat kayo! Salamat sa paghatid sa ’kin!”

Maliit ang naging kaway ng babae kay Alessio.

“See you around, Alessio!” Magiliw nitong paalam.

“See you!” Ngiti rin ni Alessio.

Tumayo ako. Inayos ko ang uniform ko na hindi naka-butones.

“Hoi, Gareth!” Tawag ni Jovert sa ’kin kaso hindi ko siya pinansin.

Deretso akong naglakad at saka lumapit kay Alessio. Nakarating ako malapit sa kanya nang umikot siya. Dahil doon napatalon na naman siya nang tumambad ako pagkaharap niya.

I saw how his smile disappeared when he looked at me as if I were some kind of dirt he was disgusted by.

Prftt! Itong softie na ’to! Kung alam niya lang talaga na alam kong crush niya ako.

“Tabi ka nga!” Asik niya sa ’kin. Sinubukan niya akong lagpasan kaso hinaharangan ko siya sa direksyon na kanyang tinatangka.

His eyebrow furrowed in annoyance as he looked at me through his long, curving lashes.

“Gareth Baker!” he barked, though to my ears it came out as a mew.

“Alessio Brendel!” Tukso ko sa kanya.

Kinagat ko ang labi ko nang makita ko ang pamumula ng kanyang makinis na pisngi. Galit na galit na siya ngayon sa ’kin kaso natutuwa ako.

Nawala ang ngisi sa labi ko nang may malakas na humapas sa likod ko. Tumaas ang dugo ko sa ulo at inis na binalingan ang  kung sino mang humampas sa ’kin.

“Harper!” Galit kong wika nang makita ang magaling kong kaibigan ang humapas sa ’kin.

Binalewala lang ni Harper ang nanlilisik kong mata sa kanya at binalingan si Alessio.

“Hi, Alessio! Pasensyahan mo na itong tropa namin, ha. Hindi kasi nito nainom ang gamot niya!” si Harper.

“Hmp!” Muli kong binalingan si Alessio dahil sa naging tugon niya. Inirapan ako niya ako. “Halata naman!” Sabi niya saka kami nilampasan.

“Gago ka talaga, bro! Pati presidente natin binabangga mo!”

Inis kong inalis ang braso ni Harper sa balikat ko.

“Baka type nito si Alessio kaya nagpapapansin!” ani Harper.

Kinilabutan ako sa sinabi ni Jovert.

“Ano? Ako? Type iyong softie na ’yon? Gago ka ba, bro?!” Tumaas ang boses ko.

“Baka lang naman! Papansin ka kasi sa kanya lagi eh!” Gatong pa ni Harper.

“What the fuck!” Sambit ko. “Hindi ba pwedeng masaya lang ako kapag naasar ko si President?”

Tinapik ni Jovert ang balikat ko. “Bro, sa asar-asar nagsisimula ang love story–”

“Manahimik kayong mga de punggal kayo!” sabi ko at tinalikuran sila!

Mga gago! Ako? Magkakagusto kay Alessio? Hindi naman ako bakla!

Nakalimutan ko rin naman ang mga sinabi ng kaibigan ko. Hindi ko iyon masyadong inisip since ang labo kasi ng mga sinasabi nila sa ’kin.

Crush man ako ni Alessio, pero hindi ko siya papatulan.

“Okay, sa reporting ninyo, you will work in pair. Ako na ang gumawa ng pairing ninyo since gusto kong maging fair sa lahat at ayaw ko na may naririnig akong reklamo mula sa inyo. Gumamit lang ako ng randomizer sa pagpili ng magiging kapares ninyo.” Anunsyo ng aming PerDev (Personal Development) na guro. Pumanting ang tainga ko roon kasi reporting na naman!

Shit! Ayaw ko pa namang magreport!

Sana matalino ang magiging kapares ko! Crossed finger!

“Gusto ko na may documentation kayo sa paggawa ninyo. Ilista ninyo ang ambag ninyo sa inyong ginawang report.”

Napaungot ako roon. Ang ibang classmates ko pansin kong excited sila sa magiging pairing at ang ibang matatalino naman ay napapabuntonghininga!

Habang sinasaysay ni Ma’am ang bawat pair, halo-halo ang mga reaksyon ng classmates ko. May natuwa, may napapairap, at ang iba naman ay hingang malalim na lang ang nagagawa.

“…. and Gareth Baker!”

Napa-ayos ako sa aking kinauupuan nang marinig ko ang pangalan ko.

“Ma’am!” sambit ko dahil tinawag ako.

“Yes, Mr. Baker? May problema ka ba sa ka-pair mo?”

“Ma’am? I… I mean, sino nga po ulit ang ka-pair ko?” Palusot ko na lang pero totoong hindi ko naman narinig ang pangalan ng kapares ko!

“Si Mr. Brendel ang ka-pair mo, Mr. Baker. Makinig kasi! Boys at the back, listen carefully! I don’t want to repeat myself!” sigaw ni Ma’am!

Napatingin ako kay Alessio na nasa harap. My eyebrows twitched when I caught him staring at me. As our eyes met halfway, Alessio’s shoulders jerked.

I smirked at him, but he answered with an eye roll. I winked at him; however, all I received in return was a cold stare.

Putek! Ang tapang talaga ng softie na ’to!


This story is already at

chapter 4

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 3

Chapter 3

Inis kong kinamot ang batok ko habang nakatingin sa tapat na bahay—sa bahay nina Alessio. I was still contemplating kung paano ako kakatok o papasok sa kanila.

Tang-inang reporting kasi ’yan! Bakit ba kailangan pa ng documentation at ilista ang ambag namin? Hindi pa naman ako mabait kay Alessio. Baka wala siyang ilista na ambag ko. Kulilat pa ako nito sa reporting namin kapag nagkataon.

I folded my arms, placing one hand on my chin while the other supported my elbow. Mabuti sana kung may selebrasyon d’yan sa kabilang bahay dahil madali lang pumunta. Sa tagal naming magkapitbahay, ito pa yata ang unang pagkakataon na papasok ako sa bahay nina Alessio nang ako lang, at dahil pa sa school-related activities. Putcha! Hindi na ako ’to!

Tiningnan ko ang cellphone ko sa kama. Nag-chat ako kay Alessio na siya na lang ang pumunta rito sa bahay namin kaso walang reply. Mukhang nasa message request pa iyong chat ko sa kanya kasi hindi naman kami friends!

Ang softie na ’to! Ang daming alam, ha!

“Kuya!”

Banas kong tiningnan ang pinto ng silid ko. Nakabukas iyon kaya naman nakita ko ang kapatid ko na hinihingal.

“Ano?”

“Baba ka raw sabi ni Mama. May ipapabuhat siya sa’yo.”

Nagusot ang mukha ko. “Hindi mo ba kaya? Ikaw na lang magbuhat!”

“Kuya, ang batugan mo naman. At saka hindi ko kayang buhatin, eh.”

“Oo na! Oo na! Lalabas na ako!”

Ngumisi pa sa akin si Gian. “Saka magdamit ka, Kuya. Palagi ka na lang naghuhubad,” aniya bago ako tinalikuran at tumakbo pababa.

Napatingin naman ako sa katawan ko. Well, nasanay na akong walang damit. Komportable ako kapag nakahubad. Kaya nga nangangati ako sa school uniform namin—ang init sa katawan!

Bumaba ako at naabutan ko si Mama na naglilinis. Tuwing Sabado ang general cleaning ni Mama sa bahay. Pinabuhat niya sa akin ang mga drawer at mga kabinet na kanyang lilinisan. Kapag Linggo naman ay nagsisimba sila—sila lang ni Gian. Nagsisimba lang kasi ako kapag nandito si Papa. Eh, ngayon na nasa malayong lugar siya dahil sa project nila, hindi na rin ako nakakapagsimba. Inaantok din kasi ako sa simbahan, napapagalitan lang ako ni Mama.

“Wala ka yatang lakad ngayon kasama ang mga basagulero mong barkada, Gareth,” puna ni Mama nang mailipat ko ang kabinet.

“May gagawin kaming report, Ma.”

Gulat akong tiningnan ni Mama. Nagkamot ako ng batok.

“Tama ba ang narinig ko mula sa’yo, anak?” natutuwang saad ni Mama.

Kung hindi ko rin naman ka-partner si Alessio ay hindi rin ako magkakaganito. Kung sa iba lang iyon ay mauuto ko lang o kaya naman ay lalandiin ko. Kaso, si Softie kasi iyon. May crush ’yon sa akin pero ang tigasin kung makaasta.

“By pair iyon, Ma. Kailangan daw may ambag. Kung walang ambag, walang score,” sagot ko habang nakahawak sa kabinet.

“Sino naman ang partner mo d’yan? Ang malas niya naman!” natatawang saad ni Mama. Talagang natigil siya sa paglilinis.

Walang gana kong nginuwi ang labi ko sa kabilang bahay. “Si Alessio Brendel.”

“Oh, si Alessio? Naku, pumunta ka na roon sa kanila. Ako na rito, anak. Tumulong ka na roon kay Alessio,” galak na saad ni Mama. Halos makita kong pumalakpak ang tainga ni Mama. Tinulak pa ng ako palabas ng bahay namin.

Pinalo ni Mama ang likod ko. Nag-iwan ang palad niya ng mainit na sensasyon sa balat ko.

“Teka! Magdamit ka nga! Ang bastos mo namang tingnan kung pupunta ka roon nang walang damit.”

Ginulo ko ang buhok ko. Nandito na ako sa harap ng gate ng mga Brendel kaso hindi ko magawang mag-doorbell. Nahihiya ako.

Nilingon ko ang bahay namin at nakita ko sina Mama at Gian na nakatanaw mula sa bintana. Kunwari pang nagpupunas doon.

Tsk! Alam ko namang kaya ganito ka-excited si Mama ay dahil atat din siyang maging ka-close ko si Alessio. Kaming dalawa lang kasi ang hindi magkasundo.

Kasalanan din naman ni Alessio. Kung makatingin kasi siya sa akin ay para siyang pusa na laging galit. Hindi ko naman siya inaano!

Akmang magdo-doorbell na ako nang biglang bumukas ang gate. Halos humiwalay sa katawan ko ang kaluluwa ko.

“Gareth,” ani Tita Nova.

Hilaw akong ngumiti sa kanya.

“May kailangan ka, Gareth?” ani Tita. Bumaba ang tingin niya sa hawak kong libro.

Siyempre, kailangan ko ng props para kunwari seryoso, kaya dinala ko ang PerDev naming libro.

“May kailangan ba kayong gawin ni Alessio?”

Tch! Hindi nakatakas sa mga mata ko ang pagningning ng mga mata ni Tita Nova.

“Ah, may reporting ho kasi kami… at kami ang partner.”

“Naku, tamang-tama. Nasa kwarto si Alessio, may ginagawa rin yata siya. Puntahan mo na lang, hijo. Iyong pinto sa taas na may stickers ni Nailong, iyon ang kwarto ni Alessio. Katukin mo na lang.”

“Nailong, Tita?” lito kong tanong.

Natawa siya nang bahagya. “Oo, iyong cute na yellow dinosaur.”

Napatango naman ako, though hindi ako pamilyar sa dinosaur na ’yan.

“Aalis ho kayo?” tanong ko kay Tita.

“Oo, may pasok na rin kasi ako sa trabaho.”

“S-sige ho.”

Pumasok ako sa bahay ng mga Brendel. Narinig ko ang pag-alis ng sasakyan ni Tita Nova. Hindi naman ito ang unang pagkakataon na nagawi ako rito, kaso ito ang unang beses na pumasok akong mag-isa.

Agaw-pansin din talaga iyong mga naka-hang na picture frames nila. Ang cute ng ngiti ni Alessio doon, nawawala ang mga mata niya.

Pinilig ko ang ulo ko at umakyat sa hagdan. Ngumisi ako nang makita ang pinto ng silid niya. May stickers nga no’ng dilaw na dinosaur.

Akmang kakatok ako nang makitang nakaawang ang pinto. Sumilip ako at nakita ko si Alessio sa ibabaw ng kama niya. Suot niya ang isang bilog na salamin.

Nakadapa siya at ngumingiting mag-isa sa harap ng laptop. Sa tabi nito ay may plato ng mga peach. Iniindayog niya ang mga binti sa ere kaya nakita ko ang makinis niyang balat. Umaangat kasi ang shorts niya!

Tumikhim ako at kumatok.

“Alessio!”

Narinig ko ang kaluskos mula sa kama niya bago bumukas nang tuluyan ang pinto.

As he opened the door wide, I saw him wearing a pale pink loose t-shirt that reached his mid-thighs, hiding his shorts.

Inayos niya ang salamin niya. At doon ko nakita ang pamumula ng kanyang mga pisngi.

“Kanina ka pa?” aniya sa maliit na boses.

“No… kararating ko lang.”

“Ahm, sa PerDev ang pinunta mo rito, ’di ba?”

Nginisihan ko siya. “Ano pa ba?”

His pink and glossy lips twisted in annoyance. Ayan na naman siya!

“Gusto mong sa baba natin gawin? Kukunin ko lang ang notebook at laptop—”

Walang-hiya akong pumasok sa kwarto niya. Kaagad nanalakay sa ilong ko ang amoy niya—vanilla flavor. Masyadong pambabae ang silid niya; kulay pastel pink at may mga stuffed toy ng dilaw na dinosaur.

“Gareth,” tawag niya sa akin.

“Dito na natin gawin.”

Umupo ako sa kama niya kaso tinulak niya ako. Napadaing ako nang mahulog ako mula rito.

“Ikaw na softie ka, namimisikal ka na!”

Sinamaan niya ako ng tingin.

“Ayaw kong may ibang umuupo sa kama ko.”

“Ang arte mo naman! Malinis ako!”

“Kahit na!”

Naghubad ako ng damit sa inis.

“Bastos ka!” sigaw niya at sumapol sa mukha ko ang isang unan.

“Anak ng—!” Sisigawan ko na sana siya nang makita ko ang takot sa mukha niya.

Huminga ako nang malalim. Pinulot ko ang damit ko at muling isinuot.

“Sorry,” I mumbled. “Nasanay lang ako sa bahay. Pero kasi, gusto ko lang iparating sa’yo na malinis naman ako. Naghubad lang ako kasi akala ko nadudumihan ka sa damit ko. Tumulong kasi ako kay Mama sa bahay.”

“S-sorry din. Nabato kita.”

Tinapon ko sa kanya ang unan.

“Batuin mo ulit ako.”

“Ha?”

“Ang lamya kasi ng pagbato mo n’yan sa akin!”

Nakita ko ang pamumula ng kanyang mukha. At dahil doon, sinugod niya ako at hinampas nang malakas.


This story is already at

chapter 6

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 4

Chapter 4

Pinaikot ko sa daliri ko ang ballpen na hawak. Ballpen ito ni Alessio dahil libro lang naman ang dala ko ngayon dito sa bahay nila. Parang mapapanis ang laway ko dahil sa katahimikan namin. Tanging ang ugong ng aircon sa kwarto niya, kaluskos ng papel, at kaluskos ng kobre-kama niya ang naririnig ko.

Sa Lunes din kaagad namin ito ire-report kaya naman dapat magawa na namin ito. Pero kampante naman ako na si Alessio lang ang aako ng lahat. Ako na lang ang hahawak ng laptop.

Anak ng putcha! May TV nga pala ang room namin. Edi sana mag-brownout sa Lunes para may silbi ako.

Tiningnan ko si Alessio na nakadapa sa kama niya. Ako naman ay nandito sa sahig, nakaupo at nakamasid sa kanya. Inutusan niya akong magbasa kaso inaantok ako. Humahaba na ang buhok niyang naka-curtain cut kaya naman umaabot na sa kilay niya ang buhok niyang jet black.

“Akala ko ba may nagawa ka na?” sabi ko, walang gana siyang tinitingnan. Dahil nasa side-view si Alessio sa akin, nadepina ang tangos ng kanyang ilong at mahahabang pilikmata. Nakapatong naman sa ilong niya ang bilog na glasses.

Hindi niya ako binalingan. “Pakibasa na lang iyong paragraph sa page three. Check mo kung malinaw ’yung explanation sa self-concept.”

Tiningnan ko ang notebook niya. Nakapagsulat na rin daw kasi siya. Ang linis at ang ganda ng handwriting niya. Inaantok ako. This is not my thing! Suntukan na lang kaya?

Bumuntong-hininga ako. Napagtanto kong kanina ko pa tinitingnan si Alessio na para bang nandoon sa mukha niya ang kailangan kong basahin.

“Mabuti at hindi ka nagreklamo kay Ma’am,” anas ko habang ibinababa ang pinaglalaruang ballpen.

“Gareth, kung hindi ka tutulong—”

“Tch, tumutulong ako,” mabilis kong putol. Kinuha ko ang papel sa page three. “Sabi mo basahin ko ’to, ’di ba?”

Binasa ko ito nang tahimik sandali. Pagkatapos ay ibinaba ko rin at tiningnan si Alessio.

“Okay na ’to,” sabi ko habang ang mga mata ay nasa kanya. “Pero parang ikaw lang ang nagsulat ng lahat.”

Alessio leered at me. “Eh, kasi may isa diyan na mukhang wala namang plano.”

“Sa Lunes pa naman kasi ito.”

“Ang sabihin mo, tamad ka at laging nakikipagsuntukan o ’di naman kaya ay nag-iingay sa likod.”

Huminga ako nang mahina. Gumuhit ang ngiti sa labi ko nang tingnan na niya ako.

“Ops. Sobra na ’yan, Pres!”

He looked at me disgustedly. “Bakit? Hindi ba totoo? Himala nga at wala kang pasa sa mukha mo at wala kang lakad ngayon.”

Natulala ako sa kanya saglit. Napansin niya rin ang mga iyon? Was he discreetly looking at me? O baka observant lang talaga siya?

Tinungkod ko ang siko sa kama niya.

“Bakit mo alam ’yan? Tinitingnan mo ako?” sabi ko na may halong panunukso.

Mas naaliw ako nang makita kong namula sa inis ang kanyang mukha. Nanlaki ang kanyang mga mata.

Putek! Dahil sa kaputian niya, kitang-kita ko talaga kung paano siya namula.

“Feeler!” asik niya.

“Well, there’s nothing wrong naman kung tinitingnan mo ako. I know how charming I am!”

“Hambog! Magbasa ka na riyan! Ikaw ang mag-iexplain ng self-concept at ako na ang maglalatag ng examples!”

“Oo nga pala, accept mo iyong message ko sa’yo. Ch-in-at kaya kita.”

Umirap ang bading sa akin.

Anak ng putcha!

Naging successful ang report namin ni Alessio nang dumating ang Lunes. Tinuruan niya akong i-explain ang parte ko at nagsulat pa siya para isaulo ko raw. Ayon tuloy, hindi ako nakapaglaro ng COD dahil sa lintek na reporting!

“Ma?” sagot ko sa tawag ni Mama.

Tinanguan ko ang mga barkada ko na nagkanya-kanya nang sakay sa jeep pauwi. Kalalabas lang namin galing sa gym matapos maglaro ng basketball. Hindi pa ako dideretso sa bahay namin dahil namiss ko nang makipagbasag-ulo. Ilang linggo na rin kasing hindi nakakasuntok itong kamao ko.

“Nasa school ka pa, anak?”

“Hmm! Bakit, Ma?”

“Tumawag kasi sa akin ang Tita Marina at Tita Nova mo. Nakikisuyo sa iyo na hintayin si Alessio. Hindi kasi nila masundo dahil nasa trabaho sila.”

“Ho? Ma, ayaw ko! Sanay naman iyon mag-commute.”

“Gareth, malapit nang dumilim. Walang kasama si Alessio dahil may ginagawa raw para sa nalalapit na Intramurals ninyo.”

“Ma, naman!”

“Sige na. Minsan lang naman makiusap ang mga Brendel.”

“Ayaw ko nga, Ma! May dadaanan ako.”

“Bahala ka! Basta isama mo si Alessio pauwi. Sinabi ko na kina Nova na sasamahan mo ang anak nila.”

Banas kong pinatay ang tawag. Isinampay ko ang uniporme sa balikat ko at nag-chat kay Alessio. Mabuti at na-accept niya rin ako. Akala ko kailangan ko pa siyang takutin eh!

Ako: “Nasaan ka?”

Ang tagal mag-reply!

Alessio: “Sa office ng SSLG. Bakit?”

Ako: “G. 👍”

Nakita kong lumutang ang tatlong tuldok ng ilang sandali kaso wala namang dumating na message sa akin hanggang sa tumigil na rin ito.

“Kabanas!” daing ko. Wala rin akong nagawa kundi ang puntahan si Alessio.

“Gareth Baker? Anong ginagawa mo rito?” anang isang babae na mukhang officer din.

Ang daming kalat!

Sumandal ako sa pinto at tiningnan si Alessio. Bilog ang mga mata niyang tumingin sa akin at tumigil sa kanyang ginagawa.

“Sinusundo ko ang isa d’yan!” I cocked my head.

“Huh?” tanong ng mga officer.

“Hoy, Brendel. Umuwi na tayo.”

Bumaling ang mga officer kay Alessio.

“Alessio… sinusundo ka na.”

“Sige na. Madilim na rin. Bukas na lang natin ikabit itong iba. Umuwi na tayo,” anang isang lalaking officer.

“Okay, Pres!”

“I’ll see you tomorrow, guys!” sabi ng presidente nila.

Ito palala ang presidente ng SSLG ngayon? Hindi ko alam!

Nilapitan ko na si Alessio. Pinulot ko ang bag niya na kulay pink at may nakasabit na dilaw na dinosaur.

“Ako na!” subok niyang agaw sa bag mula sa akin.

Putcha! Ang bigat naman ng bag niya! Ito ang dinadala niya araw-araw? No wonder why he’s so small and thin!

“Ako na. Let’s just go home.”

“Ako na, Gareth. Sino ba ang nagsabi sa iyo na sunduin ako rito?”

Isinukbit ko sa isang balikat ang bag niya.

“Nakisuyo ang mga mommy mo sa mama ko.”

“Oh.”

“Tara na. ’Wag kang tumunganga d’yan!”

“Ang bag ko!” habol niya sa akin.

Lakad-takbo ang ginagawa niya dahil maikli ang binti niya.

Nasa harap kami ng gate ng WRU nang tumigil ako. May puting ilaw mula sa tabing-daan kaya hindi madilim dito kahit gabi na. Ramdam ko ang pagkauntog niya sa likod ko.

“Aray!”

Inikot ko siya. Naghihimas siya ng noo.

“Clumsy!” I murmured. Ibinaba ko ang bag niya at inabot sa kanya ang bag ko. “Gusto mo na may dadalhin ka, itong bag ko na lang.”

Tiningnan niya ako at ang bag ko. Ngumuso siya at kinuha ito.

“Anong laman ng bag mo? May laman ba ’to?” sambit niya nang makuha ang bag mula sa kamay ko.

“Tingin mo?” suplado kong ani sa kanya.

Namula ang kanyang mga pisngi. At hindi ko alam kung ano ang sumapi sa akin at kinurot ko pa ang pisngi niya!

Parang may kuryenteng dumaloy sa kamay ko at kaagad kong binitiwan ang pisngi ni Alessio. Naestatwa naman siya. Kung hindi lang dahil sa busina ng jeep ay hindi kami nakagalaw!


This story is already at

chapter 8

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 5

Chapter 5

“Paano ba ’yan, mauna na kami sa’yo, Gareth!” sigaw ng isang tropa ko.

Tamad kong itinaas ang kamay ko sa kanila. Kapwa sila duguan at basag ang mukha galing sa laban. Galing kami sa isang sekretong lugar kung saan ginaganap ang mga fight club. Para lang din itong illegal na sabong ng mga manok kung saan para kaming mga manok na panabong na pinagpupustahan ng mga manonood; may live stream din sila sa Discord kung saan may mga pumupusta rin online.

Fight clubs are unregulated and not registered with the government, that’s why the fights are usually held in old warehouses or abandoned buildings. Some call it anarchy because it’s lawless.

At ako, isa ako sa mga kilalang combatant o fighter doon. Malaking pera din ang nakukuha ko roon. Pero kahit walang pera, nakaugalian ko na ring makipagbasag-ulo. Lalo na kapag stressed ako o maraming iniisip, doon ako pumupunta. Si Harper at Jovert ay mga kaibigan ko sa school; alam nila itong ginagawa ko at hindi naman sila natatakot. Meron din akong mga kaibigan dito sa club—sila iyong mga akala ni Mama na mga tambay lang sa kanto.

Nakikita ko ang mga kaibigan ko rito sa fight club na gumagamit ng drugs, ecstasy, at nicotine. However, no matter how many times they persuade me to try them, even just a small sip or hit—I always decline.

I know my limitations. My father already warned me about engaging in such dangerous substances. Once I taste them and my father finds out, he will punish me personally with his own hands and throw me out of our house.

I fear my father. I love him so much that I respect him and heed his words. Retired combatant din ang Papa ko; tumigil lang siya nang makilala niya si Mama at siyempre, noong nabuo kami ni Gian.

“Ah, tang ina!” mura ko at umupo sa bakanteng upuan sa labas ng 7/11. Masakit ang tiyan ko dahil sa natamong bugbog kanina at may putok din ang labi ko at ilang bahagi pa yata ng mukha ko.

It was still too early to go home. I don’t want my mother to see me in this kind of state. She may be used to seeing me with bruises and wounds, but I still don’t want to worry her.

My father doesn’t want me to use drugs or any other illegal substances. Whereas my mother’s rules were: don’t get jailed, no using of illegal drugs, don’t get someone pregnant, and of course, pass my subjects and graduate.

“G-Gareth?”

Nag-angat ako ng tingin nang may dumating na tao sa harap ko.

“Soft— I mean, Alessio.” I sighed in relief when I successfully held myself back from calling him ‘softie.’ Baka ma-weirduhan sa akin ang bading na ’to.

“Anong nangyari diyan sa mukha mo?” Akmang aabutin niya sana ang mukha ko nang iwasan ko ito.

Kinuyom niya ang kamay niya. “Sorry,” he muttered, retracting back his hand.

“Teka nga. Anong ginagawa mo rito? It’s already,” I glanced at my wrist where my watch was. “Seven in the evening,” I continued.

Ininguso niya ang loob ng 7/11. “Gusto kong kumain ng ice cream,” mahina niyang sagot.

Sinamaan ko siya ng tingin. Isa pa talaga siya sa dumagdag sa mga iisipin ko. Ewan ko kung bakit! Ewan ko kung bakit panay ang bisita ng kanyang di-kagandahang mukha sa isip ko. Naalibadbaran nga ako sa maliit niyang mukha.

“Bumili ka na nang makauwi ka na. Gabi na.”

He pouted, and I almost groaned.

“Ikaw nga… nandito sa labas kahit gabi na. At saka tingnan mo nga ang hitsura mo, bago ba ang mga ’yan?” Pagtutukoy niya sa mga pasa ko at sugat.

“And why do you care?”

“I… I don’t care about you. I’m just thinking about Tita Jellana.”

He was referring to my mother, Jellana.

“Sige na. Bumili ka na ng ice cream mo. Ang dami mong alam,” I dismissed him.

He just looked at me for a while before sighing and going inside the convenience store.

Ilang sandali lang ay lumabas siya bitbit ang isang plastic. Nilingon niya ako at sadyang inirapan. Anak ng putcha! Ang softie na ’to!

Tumayo ako nang makita ko siyang naglalakad palayo matapos akong irapan! Mabilis ko naman siyang nahabol dahil maikli ang binti niya. Sinabayan ko siya sa kanyang paglalakad na sobrang ikli ng hakbang!

Kinuyom ko ang kamay ko dahil ang binti ko ang nangangalay sa ikli ng mga hakbang niya.

“Oh, bakit sumasabay ka sa akin? Doon ka sa kabilang gilid ng kalsada maglakad,” masungit niyang wika.

Putek! Ang sarap… ang sarap paluin ng puwet! Ang sungit! Parang hindi ko siya sinundo noong nakaraan sa SSLG office, ah!

“Wala ka nang paki roon. Eh, dito ko gustong dumaan!”

Hindi masyadong madilim ang daan kasi may mga light post naman. Nagbaba ako ng tingin kay Alessio. Para sa isang nineteen-year-old at Grade 12, ang liit niya, mahinhin pa, at sobrang baby face!

Nagusot ang mukha ko sa suot niya. Hoodie jacket na kulay pink, naka-pants, at slides. Para namang magkakasakit siya kapag nagpakita ng balat. Samantalang ako rito sa tabi niya, naka-itim na short-sleeve shirt, itim na tattered jeans, at sapatos. May sugat, mga pasa, at tuyong dugo sa mukha. Para akong demonyo sa tabi niya ngayon!

“Ito, oh,” aniya mayamaya.

Tiningnan ko kung ano ang ibinigay niya sa akin—isang popsicle. Tiningnan ko ang kinakain niya— Cornetto pero itong inalok niya sa akin ay popsicle.

“Pambakla naman ’to!” ani ko nang makita kong strawberry flavor ang binigay niya sa akin.

Kumurap-kurap ang mga mata niya sa akin. Gulat na gulat.

“What? Did you think I wouldn’t know? Two years na tayong classmates at magkapitbahay pa.”

“A-and… you’re okay with it?”

Kinuha ko ang popsicle mula sa kanya at binalatan ito. Isinalampak ko ang plastic sa bitbit niyang supot at isinubo ang malamig na popsicle.

“Anong ibig mong sabihin? Paki ko kung bakla ka? May magagawa ba ako diyan? Bakla ka na kung bakla, labas na naman ako diyan.”

Kinagat niya ang labi niya. “I-I mean… I was hanging out with you… like right now. Okay lang sa’yo?”

“I’m not really comfortable…”

I saw how his eyes widened and how he tensed up all of a sudden.

“But I know you wouldn’t do anything that I don’t like. Kagaya ng mga Mommy mo—hindi ko sila maintindihan pero mababait sila at wala naman akong nakikita na ginagawa nilang mali.” Hindi pa ako sigurado sa sinasabi ko.

He smiled a little. “T-Thank you, Gareth.”

I just slipped both my hands into my pockets and continued walking. I felt him jogging to catch up with my pace. Nang maabutan niya ako, kusang bumagal ang hakbang ko para hindi na siya tumakbo.

“Ang tamis naman nito!” reklamo ko sa popsicle na ibinigay niya.

“P-para naman kasi sa akin ’yan.”

“Yeah, whatever you say, softie!”

Tang ina, bibig mo talaga kahit kailan, Gareth Baker!

“Ano? Anong itinawag mo sa akin?”

“Wala! Nandito na pala tayo.”

Tatawid na sana ako nang makarating kami sa tapat ng bahay nila nang tawagin niya ako.

“Gareth!”

I turned around to see him, he was playing with his fingers nervously.

“Gamutin natin ang sugat mo.”

“You will?”

He nodded. “Hintayin mo ako. Kukuha ako ng first aid kit.”

Napakamot naman ako sa ulo ko. Nilingon ko ang bahay namin sa tapat.

Well, wala namang masama kung gagamutin niya ako. Umupo ako sa sidewalk at itinuod ang mga kamay sa likod bago tumingala sa madilim na kalangitan.


This story is already at

chapter 10

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 6

Chapter 6

Hinimas ko ang mukha ko kung saan ko nilagay ang band-aid na Hello Kitty ang disenyo. Bigay ito ni Alessio sa akin kagabi. Ilagay ko raw sa sugat ko ngayon. Nilagay ko naman ito pagkatapos kong maligo.

Banas kong sinipa ang silya ni Harper sa tabi dahil naiinis na ako sa tawa niya. Ang kupal, tinatawanan ako kasi ang brusko ko raw para maglagay ng Hello Kitty na band-aid sa mukha!

“Bro, bakit mo naman sinipa ang silya ko? Tingnan mo ’yan!”

“Tang-ina mo, Harper! Ikaw ’tong naunang tumawa sa akin!”

“Bro, nagsusulat ako ng assignment natin! Putcha!” Inis niyang kinuyom ang papel at saka binato sa akin.

“Wait, anong assignment ito? Wala naman tayong assignment, ah!” ani ko. Pinulot ko ang binato ni Harper na papel at binuklat.

“Sa MIL! Hindi ka ba nakinig kay Sir Murillo kahapon, kupal ka? May oras kang makipagbasag-ulo pero ang assignments natin, kinakalimutan mo! Patay ka kay Tita Jellana!” satsat ni Harper.

“Pakopya ako!”

“Fuck you, bro! Ayoko!”

Tiningnan ko ang papel na binato niya sa akin. Hanggang number 1 lang siya kasi kumalat na ang sulat niya dahil sa pagsipa ko sa silya niya kanina.

“Pahingi na lang ng papel!”

“Kay Jovert ka manghingi, Baker. Langya! Ano bang laman ng bag mo?!” asik sa akin ni Harper.

Sinipa ko ulit ang silya niya.

“Gareth!”

I just raised my middle finger at him before approaching Jovert.

“Bro, pahinging 1/2 crosswise.”

Tamad akong tiningnan ni Jovert.

“Bigay lang ni Joan ’to, bro. Nakalimutan kong dalhin ang intermediate pad ko.” Pinakita niya sa akin ang crosswise niya na hanggang number 3 pa lang ang nasasagutan!

Putek! Mukhang hindi rin siya nakagawa ng assignment ah. 

I stood and looked around. Abala ang mga classmates ko sa pagsusulat hanggang sa dumapo ang mata ko kay Alessio sa front row.

Sumipol ako at naglakad tungo sa kanya. Dahil bakante pa naman ang upuan sa tabi niya, umupo ako roon at isinampay ang paa sa desk.

“Psst!” sitsit ko sa kanya.

Nasa cellphone niya lang ang kanyang atensyon. Huminga ako nang malalim, binuhat ko ang silya, at inilapit sa kanya.

I tilted my head towards him and peered at his phone. Sumama ang mukha ko nang makita ko siyang nanonood ng cartoons.

“Anong klaseng palabas ’yan?”

Napatalon siya sa gulat. Mabilis niyang pinatay ang cellphone at inilayo ang ulo sa akin. Para siyang nakakita ng multo habang nakatingin sa akin.

“Gareth,” he muttered breathlessly.

“Pahingi akong papel, 1/2 crosswise.”

Kumunot ang noo niya.

“Sige na. Wala pa akong assignment.”

“Wala kang papel?”

Kinamot ko ang batok ko. “Manghihingi ba ako kung meron, Pres?”

Ngiwi niyang tiningnan ang uniform ko na hindi nakabutones.

“’Wag mo nga akong tawagin nang ganyan!”

“I get to decide kung ano ang itatawag ko sa ’yo,” mataman kong wika. “Sige na. 1/2 crosswise, at pakopya na rin ng assignment, sa MIL daw!”

“And you’re not sure kung anong assignment?”

Naalarma ako sa sinabi niya. Grade 12 na kami at ayaw ko talagang sumabit dito. Ayaw kong mapagalitan ni Mama. I’m already happy that she allowed me to join fight clubs. The last thing I want is for my mother to learn that I’m failing! I know very well that I won’t only get an earful from Mama; she might even kick me out of the house.

“May iba pa?”

Halos mawala ang irises niya nang irapan niya ako.

“Eh, sino ba kasi ang nagpumilit sa akin kagabi na gamutin ang sugat ko? Ayan tuloy, nakalimutan kong may assignments pala tayo!” Palusot ko.

“You can’t fool me, Gareth. I’m sure hindi ka naman nakinig noong isang araw. And to tell you, sa Media and Information Literacy lang tayo may assignment.” With that, he started rummaging through his bulky and heavy bag.

Ako ang nababagabag sa bag niya. Ang laki at ang daming laman. Parang araw-araw ay handa siyang lumayas sa kanila sa laki ng bag niya.

“Ito! Bilisan mo dahil baka mahuli tayo ni Sir Murillo!” Labag man sa loob niya ay ibinigay niya pa rin sa akin ang papel at ang kanyang assignment.

I immediately took the papers from his hand before he could change his mind. I smirked at him and, unconsciously, my hand flew to his cheek and pinched him!

Pareho ulit kaming natigilan dahil sa ginawa ko.

“Aray ko!” suway niya at sinampal ang kamay ko.

I could only blink my eyes. Tang-ina! Pangalawang beses na itong nangyayari, ah! Winisik ko ang kamay dahil parang tumagal ang kuryenteng naramdaman ko sa kamay.

Binilisan ko na lang ang pagkopya sa assignment niya para makabalik ako sa likod. Matapos kong mangopya ay inilapag ko sa desk niya ang papel niya. Kunot-noo siyang nanonood ulit noong cartoon.

Ginulo ko ang buhok niya. “Salamat, Pressy! Kumuha lang talaga ako ng idea sa answers mo.”

Susugod sana siya sa akin kaso kumaripas na ako patungo sa likod.

“Gareth!” napasigaw siya sa inis. Ayaw na ayaw niya talaga sa ‘Pressy’ ha. Dahil maputi siya, kitang-kita ko ang pamumula niya dahil sa galit.

Nanlalaki ang mga mata ng classmates namin na tumingin sa kanya. All of our classmates had that shock on their faces because it was the first time he yelled like that! And I was so honored na ako ang dahilan kung bakit siya sumigaw nang malakas.

Usually kasi, kahit na presidente si Alessio, si Keysha na class secretary ang naninigaw sa classroom namin. Mahinhin kasi siya at soft spoken, parang hindi marunong magtaas ng boses.

“Putcha ka!” sapak ni Harper sa ulo ko.

Pinanlisikan ko siya ng mga mata.

“Bakit mo naman ginalit si Alessio?”

Gumanti ako ng sapak sa kupal.

“Wala ka na roon!” ngumingisi kong saad.

Nilapitan ni Harper si Jovert sa upuan nito. Naglalaro ito ng Mobile Legends pero natigilan dahil sa pagyakap ni Harper sa kanyang leeg.

“Bro, tingnan mo ang kaibigan natin. Mukhang sinapian na! Sinigawan na nga ni Brendel, siya pa ang masaya!” sumbong niya kay Jovert.

Walang ganang tumingin si Jovert sa akin habang naka-headlock pa rin sa braso ni Harper.

“Nababaliw na ’yan,” tamad na wika ni Jovert.

Tumawa si Harper. “I thought so, bro!”

Sinipa ko ang upuan ni Jovert.

“Mga ulol!”

Nang dumating ang teacher namin, bumalik din kami sa aming upuan. Inaantok ako habang nakikinig sa discussion. Pinatong ko ang paa sa armchair at pinaikot-ikot sa daliri ang ballpen. Ngunit ilang saglit lang ay nakatulog ako.

“Bro, gising!” rinig kong untag ni Harper.

I groggily opened my eyes.

“What!?” asik ko rito.

“Fuck you! Lunchtime na!”

Napaayos ako ng upo. “Ano? Bakit ngayon mo lang ako ginising?!”

“Gago ka, pasalamat ka at hindi ka sinita ng mga teachers.”

Nakamot ko ang mukha ko. Napakislot ako nang ang sugat ko ang nakamot ko. Natanggal ang band-aid dahil sa pagkakamot ko, pero ibinalik ko rin iyon.

“Tanggalin mo na ’yan!”

Akmang aabutin ni Harper ang band-aid sa mukha ko pero siniko ko siya.

“Tara na. Gutom na ako!” Dumaan sa gitna namin si Jovert bago pa kami magkasapakan ni Harper.

“Psh! Nagmamadali kasi may inaabangan sa canteen!” pasaring na wika ni Harper kay Jovert.

Malokong ngumiti si Jovert. “Alam mo naman pala. Bilisan n’yo na!”

Inayos ko ang bag ko kahit na wala naman itong laman kundi mga ballpen na pinulot ko at pera.

Wala sa sarili akong napatingin sa kinauupuan ni Alessio. Napatalon siya nang mahuli ko siyang nakatingin din sa akin.

“Ano?” tanong ko.

Kaso imbes na sagutin ako, inirapan niya lang ako. Anak ng… ang softie na ’to!

Banas akong lumabas ng room namin. Hindi ko talaga itong away-bati naming relasyon ni Alessio Brendel! Psh! Akala n’ya naman ’di ko alam na crush niya ako.

Ha.ha!


This story is already at

chapter 14

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 7

Chapter 7

Kakatapos lang ng periodical exam namin kaya naman hindi pa kami gaanong busy ngayon. Ang iba ay may tryouts sa kani-kanilang sports at ang iba naman ay nasa classroom namin; nagpa-practice na sila ng yell para sa paparating na Intramurals.

For the past few days, hindi ako nagagawi sa fight clubs dahil lagi akong nauutusan ng mga mommy ni Alessio na samahan itong umuwi. Malaki na naman si Alessio, pero ewan ko, parang gusto nilang pabantayan ang kanilang anak sa akin. Kung alam lang nila kung gaano ito kasungit sa akin—na para bang laging nati-trigger ang galit at inis niya kapag nasa paligid niya ako.

I folded my backpack and put it under my head to use it as a pillow. Magdamagan akong naglaro ng Call of Duty last night, that’s why I’m this sleepy. I placed my arm over my eyes to cover them from the light.

Nasa likod ako ng lumang gym ng WRU. Ang mga estudyante naman ngayon ay abala na sa nalalapit na Intramurals, kaya kampante akong matulog dito. Ang ingay din kasi sa room namin kaya dumito na ako para makatulog. Ayaw ko mang pumasok, kaso lang naalala ko na alanganin pala ang performance ko ngayong sem kaya kailangan kong bumawi. May dagdag points kasi minsan kapag kasali sa pagche-check ng papel.

Unti-unti na akong kinakain ng kaantukan nang may marinig akong boses mula sa kung saang banda.

“Ano ang kailangan ninyo sa akin? Hindi naman tayo classmates at hindi rin pareho ang strand natin, ah? Nasa section ba namin ang nag-check ng papel ninyo?”

Kumunot ang noo ko nang maulinigan ang boses na iyon. Mahinhin at marahan ang boses. Sa maliit nitong boses ay nakikilala ko na.

“Psh! Hindi iyan ang sadya ko sa’yo, Alessio Brendel!” rinig kong maangas na wika ng isang lalaki.

Kumuyom ang kamao ko roon.

“O edi, ano pala? Nagpa-practice kami ng yell sa classroom tapos bigla mong pinapunta ang mga alipores mo roon. Ano ang kailangan mo?”

I smirked when I heard Softie’s sarcastic remark.

“Layuan mo ang syota ko!”

“Huh?”

“Huwag ka nang magmaang-mangan pa, Alessio! Lapit ka nang lapit kay Chenny!”

“I don’t know what you are talking about! Kasama ko lang si Chenny dahil officer din siya. Hindi ko siya nilalandi!”

“Talaga? Eh, bakit ikaw ang bukambibig niyon, ha?”

“Ha! Baka hindi mo talaga siya girlfriend kung ganoon! Baka ilusyonado ka lang—”

“Ang tapang mo, ah!”

“A-a-aray!”

Wala akong balak makisali sa gulo nila, ngunit nang marinig ko ang impit na angil ni Alessio, napabalikwas ako. Kaagad kong iginala ang ulo ko upang hanapin ang kinaroroonan nila.

Ginulo ko ang buhok ko at nag-unat ng balikat bago tumayo mula sa kinahihigaan. Isinukbit ko ang isang sling ng bag sa balikat at bruskong tinungo ang mga nag-aaway.

Sumulpot ako sa likod ni Alessio at napatalon ito sa gulat. Lalayo na sana ito nang hawakan ko ang kanyang balikat.

I saw how Alessio’s ears turned into ripe tomatoes.

Anak ng putek! Galit na naman ba ito sa akin? Reresbak lang ako para sa kanya.

“Anong ginawa ng kupal na ’to sa’yo?” ani ko, saka masamang tiningnan ang lalaking kausap ni Alessio na may kasama pang dalawang patpating lalaki.

“Anong ginagawa mo rito, pre? Hindi ikaw ang sadya ko rito!” maangas nitong untag.

“Eh, iniistorbo ninyo ang tulog ko! Alangan namang humiga lang ako matapos ninyo akong gisingin?” pambabara ko sa kanya sabay abante.

I saw the guy step back, and his eyes flickered with fear.

“Gareth, kilala kang basagulero dito sa campus. Pero hindi kita aatrasan!”

I sneered. “Wala rin akong balak na kalabanin ka, pre. Dahil sa liit mong ’yan, ibabalibag lang kita pero kapag—”

Habang nagsasalita ako ay bigla itong sumugod at sumuntok. Kaso, hindi nag-land sa mukha ko ang suntok niya dahil naiatras ko ang ulo ko at sinangga ang kanyang kamao.

Ngumisi ako sa kanya at saka mahigpit na hinawakan ang kamay niya bago ito inikot. Napasigaw siya sa sakit. Dahil doon, sumugod din ang dalawa niyang kasama, kaso walang kahirap-hirap ko silang sinuntok at tinadyakan dahilan para matumba sila sa sahig.

Siniko ko ang mukha noong lalaking hawak ko at bwelong tinadyakan sa tiyan. Lumipad ito bago lumagapak sa sahig.

“Matapang kayo? Halikayo! Kahit sabay-sabay pa!” hamon ko at susugod na sana nang may humila sa polo ng uniform ko.

“T-tama na, Gareth!”

Nilingon ko si Alessio; nakapikit siya nang mariin at basa ang pisngi. Putek! Hindi naman siya ang sinuntok at nasipa pero siya ang umiyak. Winaksi ko ang kamay niyang nakahawak sa uniform ko at humarap sa kanya nang maayos.

Nagmulat siya at ganoon na lang ang gulat ko nang makita ang namamasa niyang mga mata.

“T-tama na. Baka magsumbong sila. Officer ako, Gareth, at g-graduating tayo p-pareho.”

Nagngitngit ang mga ngipin ko. Punyeta! Oo nga pala! Muntik ko nang makalimutan na wala pala ako sa fight club.

Nilingon ko ang mga bumagsak na estudyante. Nakabangon na sila ngunit hawak-hawak ang tiyan.

Pinandilatan ko sila. “Magsusumbong kayo?” I slashed my thumb across my neck while looking at them with hostility. “I will fucking wring your necks if what happened here gets out! Do you hear me?”

Masama silang tumingin sa akin.

“Sasagot kayo o tatadyakan ko ’yang mga bibig ninyo?”

“O-oo!”

Tumayo sila.

“Oo nga pala. Kapag inulit ninyo ito o ’pag ginalaw ninyo itong bansot na ’to, lagot kayo sa akin,” banta ko sa kanila.

Sa takot ay kumaripas sila ng takbo. Napangisi naman ako.

“Tang-ina!” mura ko nang maramdaman ang pagdiin ng kuko sa tagiliran ko, kinurot ako ni Softie.

Masama kong binalingan si Alessio.

“Anong problema mo sa akin, pressy? Ikaw na nga itong tinulungan ko rito!”

Maldito itong umirap sa akin. Inis niyang tinuyo ang basang pisngi habang nanlilisik ang mga mata sa akin.

“K-kapag ako ipinatawag sa guidance dahil sa’yo, hinding-hindi kita mapapatawad, Gareth!”

Banas kong ginulo ang buhok. “Hindi mangyayari ’yan.”

“Hmp! Hindi ko naman kailangan ang tulong mo, eh! Kaya ko naman ’yon.”

“Yeah, yeah! Whatever, Softie!”

“Bumalik ka nga sa classroom! May practice tayo sa yell. Nandito ka lang pala!”

Ngumisi ako at umabante sa kanya. Naglikot ang kanyang mga mata, natataranta sa biglaang galaw ko.

“Hinanap mo ako?” I taunted.

“As i-if naman! Hindi nga kita napapansin sa classroom, eh!” He stammered.

I slouched my hips towards him. Alessio turned his head away. I saw how his chest rose and fell heavily.

“Pero alam mong wala ako sa classroom?” tukso ko pa habang nakikita ang pamumula ng kanyang tainga. Sarap talaga tuksuhin nito eh.

Tumayo ako nang maayos. Inayos ko ang uniform ko at isinilid sa magkabilang bulsa ang aking mga kamay.

I shifted my weight.

“Sumigaw ka kanina. Anong ginawa ng lalaking ’yon sa’yo?” Sumeryoso ang boses ko.

Unti-unti siyang bumaling sa akin. “W-wala—”

“Don’t lie to me, Softie,” putol ko sa kanya.

He pouted. “Tinulak lang at kinuwelyuhan.”

“First time itong nangyari?” I interrogated.

He looked at me through his curly lashes. Bumaba ang mga mata ko sa kanyang mga daliring naglilikot.

Nagseselos iyong lalaki kanina dahil ang syota niya raw ay laging bukambibig itong si Alessio. Well, hindi naman kasi pangit ang mukha nitong ni—eherm—Alessio. Maliit ang mukha, maputi, makinis, may maliit na pouty na labi, at mahinhin. Baka ganito na ang tipo ng mga babae ngayon.

Pinilig ko ang ulo ko. Tang-ina! Kung ano-ano na ang pumapasok sa isip ko. Inaantok na nga talaga ako.

Instead of pushing Alessio even more, I stopped right there.

“Don’t worry about that guy. Hindi ka na gagalawin niyon. And to whoever does something to you or hurts you—I promise you, they can’t hurt you anymore.”

Napakurap-kurap lang siya. I saw how his breathing slowed down.

“Gareth…” ang lambing ng boses niya sa tainga ko.

“Uwi na. Matutulog ulit ako.” At ako naman ngayon ang nagsusungit sa kanya. Akala niya siya lang ang marunong, ha!


This story is already at

chapter 16

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 8

Chapter 8

Sa halos dalawang taon naming magkapitbahay ni Alessio at magkaibigan pa ang pamilya namin, ngayon ko lang napagtanto na hindi ko pa pala talaga siya kilala. Nakakasama ko siya nitong mga nakaraan dahil sa mga ganap niya kung saan ginagabi siya, at nakiusap ang kanyang mga magulang na samahan ko siya. Iyon din naman ang gusto ni Mama para hindi na ako nagagawi sa fight clubs. Tingin ko nga kailangan na ng stretching nitong mga kamao ko; computer at cellphone na lang lagi ang hawak ko. Baka mangalawang ang mga suntok ko!

I was wearing a black hoodie, gray cotton shorts, and Crocs. I was alone while drinking a can of beer outside the convenience store. Hawak ko ang cellphone ko at naglalaro ng COD. Hiniram kasi ni Gian ang computer ko dahil may gagawin daw silang proyekto. Hindi naman ako makarelate doon.

“Gareth?”

May tumawag sa akin at kasabay niyon ang pagkamatay ko sa laro.

“Pucha!” mura ko.

Nag-angat ako ng tingin at nakita ko si Alessio na nanlalaki ang mga mata sa akin. Lumapit siya sa table ko bitbit ang plastic na dala niya. Mukhang may binili siyang kung ano.

Tinanaw niya ang mesa ko na may tatlong lata ng beer. Ibinalik ko ang cellphone sa mesa at nagbukas ng isa pang beer.

“Gusto mo?” alok ko sa kanya.

Mahinhin niyang iniling ang kanyang ulo.

“Pwedeng umupo?”

Tinaasan ko siya ng kilay. “Pwedeng bilhan mo muna ako ng sigarilyo sa loob? Kahit Marlboro na lang.”

His face twisted in disgust.

“Nakakasama iyan sa baga mo. Ito na lang,” aniya sabay lapag sa mesa noong plastic niya. Kinalakalkal niya iyon saka inabot sa akin ang isang popsicle. Ito na naman!

“Wala nang iba riyan?” pagsusungit ko.

Inabot niya naman ang Cornetto na chocolate flavor.

“Ang papangit naman ng mga binili mo. Yosi na lang ang sa akin, bilhan mo ako sa loob,” anas ko. Bubunot na sana ako sa wallet ko nang ibagsak niya sa tapat ko ang popsicle na strawberry flavor na naman!

Punyeta!

“Nakakasama nga ang sigarilyo. At… at saka ayaw ko sa amoy ng sigarilyo. Inuubo ako!” sabi niya at ngumiwi.

Kahit kailan talaga! Kapag may pagkakataon tinatarayan niya ako!

“Paki ko naman? Ikaw itong nakikisalo ng table sa akin.”

Ngumuso-nguso siya. Banas kong hinablot ang popsicle sa mesa at binuksan bago kinain.

A small smile crept onto his lips.

Napatitig ako sa kanya. Hindi ko alam pero natutulala ako bigla habang nakatingin sa kanyang mukha at sa kanyang mga labi. Ang isang popsicle na strawberry flavor din ang kanyang kinain at ako naman ay natulala ulit, sinusundan ng mga mata ko ang labi niya.

“Gareth!”

“Shit!” mura ko naman nang tumulo na pala ang popsicle ko.

“May problema ka ba? Natutulala ka.”

“Paki mo ba?”

“H-hindi ko rin naman gustong makiupo rito sa iyo,” pagtataray niya sa akin.

Tingnan mo ang softie na ito! Uulan yata ng dugo kapag hindi siya nakakapagtaray sa akin. Parang sasakit ang dibdib niya kapag hindi rin ako nasusungitan.

Kaya hindi kami nagkakasundo nito, eh. Akala ko may magiging progress na sa anong klaseng relasyon kung meron man kami, aside sa pagiging magkaibigan.

Nilamon ko na ang popsicle kahit na hindi ko gusto ang flavor nito.

“A-ano lang…”

Ginulo ko ang buhok ko nang ngumuso-nguso na naman siya.

“Gusto ko lang mag-thank you sa ginawa mo last time. At saka, mukhang hindi nagsumbong si Carl sa guidance.”

“Malamang,” sambit ko. “Dahil kung magsusumbong siya, sa ospital na siya pupulutin!”

“Ang brutal mo talaga!” Nagusot ang kanyang mukha.

Ang tamis na ng bibig ko kaya naman iyong beer ko na ang ininom ko. Nakita ko naman sa supot ni Alessio na may inumin siya, kaso Mogu Mogu na strawberry flavor ulit!

“Oo nga pala, bakit mo ako tinulungan noong araw na iyon?”

Tamad ko siyang tiningnan. “Dahil nga ginising ninyo ako sa pagtulog ko.”

Humaba ulit ang nguso niya. Nakuyom ko tuloy ang lata ng beer sa kamay ko.

“At saka… baka tuluyan ka talagang masaktan sa lalaking iyon. Mag-aalala ang mga magulang mo at sasabihin sa Mama ko, at ako naman ang guguluhin ni Mama,” paliwanag ko kahit na mukhang wala nang patutunguhan.

Mahina siyang tumango at dumila sa kanyang popsicle. Napalunok ako dahil sa kanyang ginawa. My throat suddenly felt like a desert—dry and arid.

“Pare, Gareth!”

Napalingon ako sa tumawag sa akin. Si Broli, isa sa mga combatants sa underground fight clubs. May kasama pa siyang ibang mga lalaki.

Naglakad sila tungo sa table namin ni Alessio. Binalingan ko si Alessio na nanigas at namutla.

“Tang ina!” I murmured. I stood and met Broli halfway before they could get to our table.

“Pare, napagawi yata kayo rito?” ani ko. Though hindi naman talaga kami magkaibigan nito. Sadyang nagkakilala na lang dahil sa dalas ko sa mga fight club.

“Namiss ka namin sa club. Hinahanap ka ng mga tao roon.”

Ngumisi ako at isinilid sa bulsa ang mga kamay ko.

“Busy sa school.” Hindi interesado kong untag.

“Talagang seryoso kang nag-aaral? Nasa underground clubs ang pera, Gareth,” ani Broli.

“And my mother will behead me,” natatawa kong wika.

May sumipol at sumilip sa likod ko.

“Sino iyan, pare?” tanong ng isa at itinango ang ulo kay Alessio.

Nilingon ko ito saglit at nagkibit-balikat. “Just a random neighbor.”

“Ang ganda, ha. May boyfriend na?” The guy said, licking his lips like a horny freak.

Kumuyom ang kamao ko roon.

“He’s a boy and definitely not available!” I hissed, my brows knitting.

“Oh, that’s fine though. Who is—”

“Umuwi na kayo, pare.” Walang kagatul-gatol kong putol.

Natawa ang kasama ni Broli. “Wait, pare. Gusto ko lang makilala ang kasama mo.”

Lalapit na sana siya kay Alessio ngunit hinarang ko ang balikat niya. Diniin ko ang kamay ko sa balikat niya at napangiwi siya.

“I. Said. He’s. Not. Available,” I stressed, my teeth grinding together.

“Woah! Gareth, magpapakilala lang ako. Why are you so protective of him, huh? Do you like him?”

Binundol ko ang dibdib niya kaya napaatras ito. Hindi ako natatakot sa kanyang malaking katawan na puno ng tattoo. Anong silbi ng tattoo niya kung bubugbugin ko siya?

“Tama na iyan. Gareth, sorry. Sige na, aalis na kami.” Pumagitna si Broli at hinila palayo sa akin ang lalaking kasama niya.

Masama pa rin ang tingin ko sa lalaki.

“I just passed by to see what you’re doing, Gareth. Hindi ka na kasi nagagawi sa fight clubs. Hindi kami pumunta rito para manggulo.”

“Watch your friend, Broli. I don’t like the way he looked at my neighbor.”

Huminga siya nang malalim. “I will, Gareth. Also, let’s spar sometime.”

Seryoso akong tumango.

I walked Alessio on our way home. Wala pa sana akong balak umuwi, kaso lang ayaw ko siyang mag-isang maglakad tungo sa bahay.

“Gareth, mga kaibigan mo iyong kanina?” tanong niya habang naglalakad kami.

Nangangalay ang paa ko dahil sa liit ng hakbang niya.

Suot niya ang hoodie ko. Naka-tshirt lang kasi siya at nilalamig ang malditong ito. Kaya ayon… nakita ko na lang ang sarili ko na hinubad ang hoodie at ibinigay sa kanya. Para na tuloy iyong dress, umaabot kasi sa gitna ng hita niya ang haba.

“Just my acquaintances.”

“Ganoong mga lalaki? They look dangerous, Gareth. Paano mo sila nakilala?”

Tumigil ako kaya napalingon siya sa akin.

“How about me, Alessio? What’s your impression of me? Do I look dangerous to you as well? Kilala akong basagulero.”

His eyes lingered on me for a while.

“Bobo, tamad, maingay sa classroom, pasaway, laging nasasangkot sa gulo, at paboritong pagalitan ng mga teachers.”

Pagak akong natawa. Totoo naman iyon.

“Iyan ang Gareth na nakilala ko dati…” pagbibitin niya.

Para akong niyanig nang maramdaman ko ang malakas na pagsipa ng puso ko.

“Kaso iba ang Gareth na nakilala ko ngayon. Mabait… mukhang walang paki pero mabait. You act as if you don’t care about things—cold, but deep within you, there’s warmth. A warmth that is misunderstood because of your rowdiness.”


This story is already at

chapter 18

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 9

​ Chapter 9

​“May crush ka ba rito sa classroom natin, Pres?” may intrigang tanong ni Keysha kay Alessio.

​Tamad akong nakatingin sa labas ng classroom namin nang marinig ko ang nakaka-intrigang boses ni Keysha. Nasa harap sila at pabilog na nag-uusap ng kung ano-ano hanggang sa umabot sa crush-crush ang topic nila. Hapon na, at ang kulay-kahel na sinag ng araw mula sa labas ay pumapasok sa mga jalousie na nakabukas. Break time namin matapos ang mahabang oras ng pagpa-practice ng yell.

Well, sila lang pala, since tamad ako sa ganito. Sa klase nga tamad ako, sa ganito pa kaya? Bugbugan na lang!

​Parang pumanting ang tainga ko roon sa tanong ni Keysha kay Alessio. Bigla akong nakaramdam ng irita.

​Hindi ba nila alam na ako ang crush niyan? ​Lihim kong tinitigan si Alessio na nakatalikod sa gawi ko. At parang may nag-crack sa loob ng dibdib ko na hindi ko maipaliwanag nang makita kong umiling si Alessio!

​Dapat kasi, Gareth, umuwi ka na lang! Hindi ka sana mababadtrip dito kung umuwi ka na at pumunta sa club fights. Baka namiss mo lang ang suntok at bugbog kaya kung ano-ano na itong nangyayari sa iyo!

​“Eh? Wala? Kahit sa buong STEM strand ba, wala?” sulsol pa ni Keysha na kinairita ko lalo.

Putek na iyan! Malamang hindi iyan aaminin kasi nandito ako sa classroom! Aarte lang iyan siya at magiging masungit sa akin pero kinikilig na iyan!

​’Wag na kasing mamilit! Kitang nahihiya na ’yung tao!

​“Edi, dito sa buong WRU na lang. May crush ka ba? Sa ibang strand like sa ABM, HUMSS, o sa mga taga-TVL!” segundang giit pa ng isa kong kaklaseng lalaki.

​Punyeta talaga!

​“Tayo-tayo lang naman dito, Pres. At saka, we won’t judge you naman kung sino ang magiging crush mo. Crush lang iyan, eh. Over time, mawawala rin iyan.”

​Nakuyom ko ang kamao ko dahil sa sinabi ng classmate namin. Alam ko namang hindi ako kasama sa pag-uusap nila at wala itong pinatatamaang tao. Kaso, nainis ako.

​“Sige na nga!” untag ni Alessio at napalunok ako roon. Naramdaman ko ang pag-iba bigla ng ritmo ng puso ko dahil sa sagot nito.

​“OMG! Meron nga!” exaggerated namang sambit ng babae naming kaklase.

​Ngumisi ako. Hindi ba nila alam na may crush iyan sa akin?

​But wait, hindi ko naman talaga narinig mula kay Alessio na crush niya ako, ah. Why am I so pressed about this? ​Takte! Bakit ko ba iyan iniisip? Bakit big deal sa akin kung may crush si Alessio o wala sa akin? Straight naman ako! Hindi naman ako bading!

​“P-pero secret lang, ha, at ayaw ko sabihin ang pangalan niya!” sambit ni Alessio.

​Nagtatagpo na ang mga kilay ko sa pagkairita sa lahat ng mga naririnig ko.

​“I-describe mo na lang siya, Alessio!” pamimilit naman ni Keysha.

​Isa pa ito. Bakit ba kasi hindi ito pinatatahimik ni Harper? Ang torpe na iyon, sana duma-moves na siya sa amazona na ito.

​Hindi ko namamalayan na nag-aabang na pala ako sa maaaring sagot ni Alessio. Ang tainga ko at ang atensyon ko ay nasa kanya na. Thankfully, hindi nila ako napapansin since engrossed na engrossed sila roon.

​“Ano…”

​Napalunok ako nang malalim bigla dahil sa pagbibitin ni Alessio.

​“Neat siya manamit, mabango, p-pogi, gentleman, matalino, at… pinapangiti niya ako,” Alessio recited meaningfully, and I can even sense his giddiness in his tone.

​His answer made me feel bad and bitter for some unknown fucking reason!

​Napatingin ako sa aking relo. Alas-kuatro na. Banas kong pinulot ang aking bag.

​“Psst! Alessio,” tawag ko sa softie na may crush raw na pogi, mabango, neat manamit, at matalino.

​Lahat silang nasa bilog ay napabaling sa akin. I motioned my head toward the door.

​“Sisibat na ako. Hindi ka pa ba uuwi? Baka naman pupunta ka na naman sa SSLG office? Bukas na ang Intramurals, tapos na ang lahat ng gawain doon!” saad ko habang nagtatagpo ang mga kilay. Malamang alam ko iyon dahil araw-araw ko itong sinusundo roon pagkatapos ng training aa basketball.

​Tumayo siya at tiningnan ang mga classmates namin na kasali sa kanilang pag-uusap. Para talaga silang may open forum.

​“Sasama ako kay G-Gareth, guys. Kayo na mag-lock ng room, okay?” tipid niyang kinawayan ang mga classmates bago pinulot ang bag.

​Sinamaan ko ng tingin ang mga classmates namin na nagtatagpo ang kilay sa akin. Aangal sila? Sila ba ang kapitbahay na palaging iniistorbo kapag hindi pa nakakauwi ang softie na ito? Dahil classmates kami, ako ang palaging ginagambala ng mga mama niya.

​“Kailan pa naging close sina Alessio at Gareth? Parang anghel at satanas lang kapag nagkakatabi!” ani ng walang-hiyang classmate ko.

​I was about to fight back when Alessio tugged my polo uniform.

​“Tara na,” Alessio croaked, pressing his lips together.

​Wala sa sarili kong kinuha ang bag niya na parang pasan ang buong library sa bigat.

​“A-ako na riyan!” pakikipagtalo niya.

​“Ito sa iyo!” maangas kong sambit sabay tapon sa kanya ng bag ko na parang walang laman.

​Palabas kami ng classroom nang tumindi lalo ang bulong-bulungan ng mga kaklase namin. Naunang naglakad si Alessio, kaya naman nilingon ko ang mga classmates namin at itinaas ang dalawang middle finger sa kanila. I saw how their jaws dropped to the floor at my vulgarity.

​Pumara ako ng jeep, at dahil uwian na, siksikan na rin. Puta! Kaya ayaw kong umuwi sa ganitong oras, eh. Dapat kaninang maaga pa kami umuwi. Makikipagsiksikan tuloy kami.

​“Usog ka pa!” udyok ko roon sa isang estudyante para makaupo si Alessio.

​“Sobra ka na. May space pa naman!” kurot ni Alessio sa tagiliran ko.

​Pinanlakihan ko siya ng mga mata. Masungit niya naman akong sinuklian ng tingin.

​“Sasakay ba kayo, mga hijo, o mag-aaway pa kayo riyan?” sigaw sa amin noong jeepney driver.

​“Sasakay, boss! Inaaway pa ho kasi ako nitong bansot na ito!” sigaw ko sa driver at itinuro si Alessio.

​Sinampal ni Alessio ang balikat ko bago siya padabog na pumasok sa jeep.

Natatawa naman akong sumunod sa kanya.

​“Lumayo-layo ka ng konti, pre,” anang ko sa lalaking katabi ni Alessio at ako ang umokupa sa kanyang pwesto.

​Dahil siksikan sa jeep, napansin kong naiipit na si Alessio. Ang katabing babae pa nito ay nasisiko siya. Umalis ako sa kinauupuan ko at umupo sa sahig ng jeep.

​“Gareth,” Alessio purred silently.

​“Umusog ka ng konti rito para hindi ka matamaan,” I said gently to Alessio and motioned my head.

Humawak ako sa tuhod niya.

​Napaipit siya sa kanyang mga labi. Lumunok ako at nag-iwas ng tingin. Lately, parang panay na ang sulyap ko roon, ah.

Mukhang hindi na tama ito, punyeta! ​Hanggang makababa kami ni Alessio ay hindi ko siya binabalingan. I stretched my body as we made our way home. I was still the one carrying Alessio’s bag while my bag hung on his shoulder. As we walked side by side, the rain suddenly poured from the dark cloudy sky.

​Instead of covering my own head from the rain, I ran to Alessio and covered his head with my palms. Alessio’s eyes lingered on my hands above his head. Tumakbo siya palayo sa akin na may ngisi sa labi.

​“You damn softie! Umuulan!” suway ko sa kanya.

​“Maligo tayo! Walang kidlat at kulog kaya okay lang ito!” he said brightly and tipped back his head toward the rain.

​Nakakagago mang pakinggan, pero parang humina ang paggalaw ng mundo ko habang pinagmamasdan ko siyang masayang nagpapaikot-ikot sa gitna ng ulan. I reached for his wrist.

​“Tumakbo na tayo sa bahay. Basang-basa na tayo!” supi ko sa kanya.

​Alessio held my uniform. “Ang tagal ko nang hindi nakaligo sa ulan dahil takot ako sa kulog at kidlat. Pero ngayon, walang kidlat at kulog. Maligo tayo, please?” His eyes fluttered at me.

​The jumping of my heart extended up to my throat.

​“Fine,” I breathed, feeling my heart in a frantic state.

​Masayang hinawakan ni Alessio ang dalawang kamay ko. Parang nakalimutan niya ang kung anumang alitan na meron sa amin at basta na lang kaming nagpaulan na parang mga bata. He was bouncing and smiling widely as the rain poured from above. Everything in my eyes ran in slow motion. I felt like I was floating the whole time we were in the rain, watching him happily bouncing like a kid.


This story is already at

chapter 23

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 10

​ Chapter 10

​Dahil sa lintek na ulan, nilagnat ako sa sumunod na araw. Opening at simula na ng Intramurals, kaso lang ay may sakit ako. Nagpapasalamat na lang ako dahil sa susunod na araw pa ang laro namin. Baka masayang lang iyong ilang araw kong pagtitiis sa practice. Kung alam ko lang, edi sana, sa fight clubs na lang ako pumunta.

​Yakap ko ang sarili ko, hinintay ko ang nilulutong sopas ni Mama. Si Gian ay pumasok na sa school, at ako rito ay pinapagalitan ni Mama.

​“I thought because of your lifestyle and your vices, your body was strong enough, Gareth. Ulan lang pala ang katapat mo!” patuloy na litanya ni Mama. “Heto, kainin mo itong sopas para makainom ka na ng gamot. Sabi mo noong nakaraan, may laro ka, ’di ba?”

​“Bukas pa iyon, Ma.”

​“Sigurado ka bang gagaling ka bukas? Baka mabinat ka, Gareth! Naku, ang galing mo sa suntukan at pakikipagbasag-ulo, pero isang beses lang naulanan, nilagnat na!”

​“Gagaling din ako mamaya. Makakapaglaro ako bukas.”

​Tumalikod si Mama at inasikaso ang hugasin sa sink. “Sabay pa talaga kayong nilagnat ni Alessio!”

​“Nilagnat siya?” Hindi natuloy ang pagsubo ko.

​“Oo, nandito kanina si Marina. Naubusan kasi sila ng gamot at sarado pa ang mga botika sa labas.”

​“Absent din siya ngayon?”

​“Malamang, Gareth. Inumin mo ’yang gamot mo, ha,” paalala ni Mama sa akin.

​Napaisip ako bigla sa mga nangyari kahapon: kung paano bumilis ang tibok ng puso ko, kung paano tumigil ang mundo ko, at kung paanong hindi ko matanggal ang mga mata ko kay Alessio.

​Iyon ba ang mga sintomas ng lagnat?

​“Ma,” my voice sounded rough and serious.

​“Mmm?” Patuloy siya sa paghuhugas.

​“Ma, paano niyo po nagustuhan si Papa? ’Di ba basagulero siya? At parang walang direksyon sa buhay?”

​Pinagmasdan ko ang likod ni Mama. Tumaas-baba ang balikat nito bago siya bumaling sa akin nang may ngiti.

​“Nakakasabay ko minsan sa jeep ang Papa mo noon, Gareth. Sa una… hindi ko naman siya napapansin at tingin ko ang yabang-yabang niya. Kaso lang, sa bawat araw na nakakasabay ko siya, hindi ko na lang namalayan na hinahanap-hanap ko na siya,” kwento ni Mama na para bang preskong-presko pa iyon sa isip niya.

​“At mahal niyo na kaagad siya?” ngiwing tanong ko.

​“Hindi, siyempre! Pero umabot kami sa point na ang Papa mo na ang nagbabayad ng pamasahe ko, inaabangan na niya ako sa labas ng school, at hanggang sa pagsisimba ay sinusundan na niya ako.”

​“At nahulog kayo kay Papa dahil doon?”

​“Oo! Kahit kasi basagulero ang Papa mo tulad mo ngayon, gentleman siya sa akin at very generous!”

​“Ikaw ba ang patay na patay kay Papa, Mama?”

​Mama’s lips quirked up in annoyance. “Teka, bakit mo ba ito natanong? May nagugustuhan ka na?”

​“Huh? A-anong nagugustuhan? Wala, Ma!” iritado kong tanggi.

​“Ay naku, Gareth, natural lang naman na magka-crush ka at lumandi, lalo na sa edad mong ’yan. Don’t worry, anak, dumaan din ako sa stage na ’yan ng buhay. Kaya sabihin mo na sa akin!”

​Sinimangutan ko si Mama. “Wala nga, Ma. Saka… hindi ko nga alam kung ano ang feeling ng magka-crush o magkagusto, eh!” katwiran ko naman.

​Inubos ko ang sopas.

​“Talaga? Hindi ka pa nagka-crush? Ano bang laman niyang puso mo, Gareth? Puro lang ba ’yan katarantaduhan?” Hindi na maiguhit ang sama ng mukha ni Mama sa akin. “Hindi pa ba tumibok iyang puso mo dahil sa isang tao?”

​Naibalik ko ang mga mata ko kay Mama.

“Tumibok dahil sa isang tao?” ulit kong sambit.

​“Oo, iyong nararamdaman mo na iba na ang tibok ng puso mo. Iyong para kang kinakabahan na ewan, nanlalamig ka, natutulala, at parang may mga insektong naglalaro sa tiyan mo!”

​My eyes just blinked at my mother. My mind refused to critically analyze those things because it seemed like it sensed something—something that I’m not yet ready to face.

​“Anak, Gareth, okay ka lang ba? Sumama ba lalo ang pakiramdam mo? Pumunta na tayong ospital at tatawagan ko ang Papa—”

​“Ma, wala po ito. May… naisip lang,” agap ko sa natatarantang ina. “Sa taas na lang po ako. Magpapahinga.”

My mother’s eyes blinked at me quizzically.

​“Uh, sige. Saka kumustahin mo rin si Alessio. Pareho kayong nilagnat!”

My face contorted.

​I clicked my tongue. “Bakit ko pa siya kukumustahin, Ma?”

​“Para namang hindi mo iyon kaibigan! Sige na, i-chat mo iyon bago ka magpahinga!”

​“Ayoko!”

​“Chat lang, Gareth! Nakaharap ka nga sa computer mo nang ilang oras, iyang simpleng chat lang ’di mo magawa kay Alessio?”

​Iritado kong ginulo ang buhok. “Oo na lang!” labag sa loob kong untag at nilisan ang kusina.

​Kung hindi dahil sa drama ng softie na iyon sa akin kahapon, hindi kami lalagnatin. Kasalanan niya kung bakit hindi kami makapunta sa school! Ang dami kasing alam na kabaduyan!

​Lumundag ako sa kama at kinuha ang cellphone ko sa bedside table. Pumunta ako sa Messenger upang i-chat ang kapitbahay ko na siyang dahilan kung bakit ako nilagnat.

​I needed to reach him since I didn’t know when our last convo was. Natatabunan na iyon ng iba’t ibang mga nagcha-chat sa akin, mostly girls pa.

​Ako: .

​Tuldok ang unang send ko ng chat kay Alessio. Umahon ang kakaibang kaba sa dibdib ko nang makita kong typing siya! Ang tagal!

Ang tagal naman nito matapos sa pagti-type!

​Alessio: ?

​What? Umahon ako sa kama. Naghubad ako ng damit dahil nakaramdam ako ng pagkabasa nito galing sa pawis. Umeepekto na siguro ang gamot na ininom ko.

​Ako: …

​Nagtagis ang bagang ko dahil typing na naman siya.

​Alessio: ???

​Nanggagago ba ito? Huminga ako nang malalim.

​Ako: nlgnat ka raw???

​Alessio: Oo.

​Muntik ko nang mahagis ang cellphone ko dahil sa tipid ng kanyang reply. Pwede namang, ‘oo’, tapos magtanong din siya sa akin? Putek! Bakit hanggang sa chat, pakiramdam ko ay ma-attitude sa akin si Alessio Brendel?

​Ako: hndi mo ba ako tatanungin kng d ba ako nlgnat?

Tinuko ko ang dalawang siko sa magkabilang tuhod ko.

​Para akong may kalaban habang nakatutok sa screen ng cellphone ko, nagtatagpo ang kilay, habang nakasampay sa balikat ko ang hoodie jacket na hinubad ko.

​Alessio: May lagnat ka?

​Psh! Ngayon pa nagtanong.

​Ako: uu. dhil ito sayu

​Alessio: Sorry.

Alessio: Nasa bahay ka lang?

​I bit down the smile that started to form over my lips. Ano’ng nakakatuwa, Gareth?

Gago ka ba?

​Instead of typing a message for him, I lay on my bed and angled my phone camera to take a photo of myself. I made sure that my half-naked body was seen on the camera. I messed my hair slightly before clicking the shutter button.

​After taking the picture, I sent it to him. Habang naglo-load iyong larawan, tingin ko sa bawat segundong lumilipas ay nababawasan ang buhay ko. Putangina!

​Kaagad iyong na-seen ni Alessio at nag-heart react siya. Nanginig ang kamay ko sa sobrang gulat at dahil doon, nahulog ang cellphone ko at sumapol sa mukha ko.

“Pucha!” Malakas kong mura.

​Nang kunin ko ulit ang cellphone ko at tiningnan ang aming convo, naka-like react na lang iyon.

Ano ’yon? Nagkamali lang?

​Ako: magsnd ka rn ng larawan mo.

​Alessio: ?

​Puta! Ano bang katangahan ito, Gareth? May ibobo ka pa pala?

​Ako: utos ni mama.

​Alessio: talaga?

Ako: uu, cya nga nag utos na ichat ka

​Ilang sandali lang ay may sinend siyang photo pero kalahati lang ng kanyang mukha ang nakikita ko. Pucha! Anong klaseng larawan iyan? Nagtitipid siya sa mukha niya.

Nagreply ako sa photo na sinend niya.

Ako: anong klaseng larawan to?

Alessio: Nahihiya ako.

Alessio: Ang pangit ko ngayon.

Ako: alam ko namang pangit ka.

Nag-angry react siya roon.

​Bumangon ako at umalis sa kama. Tinungo ko ang bintana na nasa tapat ng bahay at kwarto ni Alessio.

​Ako: wla akng makita sa larawan. nasa tapat ako ng kwarto mo.

​Alessio: Akala ko ba si Tita ang nangangamusta sa akin?

​Ako: kaya nga. may ginagawa kasi si mama. kya ako na lng.

​Ilang segundo ring nagpaalon-alon ang tatlong tuldok sa end niya pero sa huli, walang chat na dumating.

​Nang mag-angat ako ng tingin sa silid nito, nakita ko si Alessio na nakatayo sa may bintana. Suot niya ang isang maluwag na jacket na kulay pink na halos ipakita na ang collarbone niya, at naka-puting shorts siya—dahilan para makita ko ang maputi niyang hita. Bitbit niya ang cellphone at nakatitig sa akin.

​Umawang ang labi ko. Kaso, mabilis na isinara ni Alessio ang kurtina sa bintana niya. Ngunit kahit ganoon, nahuli ko ang sarili ko na nakangiti.


This story is already

COMPLETED

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 11

Chapter 11

“Parang tanga naman!” Marahas kong untag at saka ginulo ang buhok ko. My copper-brown hair was kind of lengthy since I hadn’t cut it for a while now. I don’t care about the school rules about that certain hair length, since marami rin namang hindi sumusunod diyan.

Ilang minuto ko na rin itong inaayos kaso hindi ako nasa-satisfy sa look ko! Pucha! Hindi ko kasi ito gawain, eh—iyong nag-aayos masyado sa buhok. Ngayon ko lang ito ginawa, ang ayusin ang hitsura ko, kaso ako lang din ang nainis!

Makapasok na nga lang sa school! Kakagaling ko lang mula sa lagnat ko at pakiramdam ko lalagnatin na naman ako dahil sa sobrang pagkainis ko.

Bakit ba kasi ako nag-aayos? Bakit gusto kong maging presentable? Bakit gusto kong magpa-impress sa kung sino diyan? Nakakabanas!

“Oh, anak. Papasok ka na sa school—” Naputol ang sasabihin ni Mama nang harapin ko siya at exaggerated siyang suminghap sa akin.

My mother rushed towards me with excitement and surprise. “Ikaw ba talaga ito, anak?”

“Mama naman!” inis kong sambit.

Ngumiting-aso siya sa akin. Sinipat-sipat niya ako at gigil na kinurot ang tagiliran ko.

“May pinopormahan ka na, Gareth?” usisa ni Mama.

“Mama naman, eh!”

“Oh, anong masama sa tanong ko, ha?”

“Inaasar niyo kasi ako, eh!”

“Anong inaasar? Nagtatanong lang ako bilang ina mo!” Kinumpas-kumpas pa ni Mama ang kanyang kamay sa harap ko.

“Wala akong pinopormahan, Ma!” I insisted.

“Wala? Sa pagkakaalam ko naman, anak, Intramurals ninyo ngayon,” matamang wika ni Mama at tinaasan ako ng kilay.

“Oo nga, Ma!” mabilis kong tango.

“Eh, bakit naka-uniform ka at saradong-sarado pa ang mga butones niyang polo mo? Gareth, galing ka sa akin. Kilala kita, bata ka! Hindi pa kita nakitang ganito…”

Nawala sa pandinig ko ang mga sinabi ni Mama nang ibaba ko ang tingin sa sarili ko. At doon ko nga napagtanto na naka-complete uniform ako.

“Tang-ina—” mura ko, kaso sinampal ni Mama ang bibig ko.

“Nasa harapan kita, Gareth Baker!” istriktang suway ni Mama.

“Sorry, Ma!” sambit ko at uminit ang buong mukha ko sa hiya.

Oo nga pala! Intramurals ngayon at may laro pa kami, pero bakit ako naka-complete uniform?

Tang-ina mong kupal ka! Nakakahiya ka, Gareth! Paano na lang kung hindi ako napuna ni Mama kanina? Maglalaro pa ako ng basketball na naka-complete uniform? Kabanas! Ang lutang ko ngayon!

Pagkababa ko, suot ko na ang jersey uniform namin. May panunukso sa mga labi ni Mama. Kahit na anong gawin niyang pagpipigil at pagkukunwari, nakikita ko iyon.

“Anak, ito ang tubig mo. Nilagyan ko ’yan ng ice kasi mahilig ka sa malamig. Tapos may towel na rin at pamalit mo.” Inabot ni Mama sa akin ang isang duffel bag.

“Salamat, Ma!”

“Sige na, anak. Good luck sa laro ninyo, ha!”

Hinatid pa ako ni Mama hanggang sa may gate ng bahay.

Parang tumigil ang paghinga ko nang tama namang lumabas din si Alessio sa gate ng bahay nila. My eyes captured his. I felt like the beating of my heart echoed up to my throat.

Alessio was wearing a navy blue hoodie jacket, loose pants, and white sneakers, with a backpack on his back. Despite the driveway separating us, it was clear to my eyes how his cheeks tainted pink.

Magaling na rin siya?

“Oh, Alessio!” Kita ko si Mama sa tabi ko, kumakaway kay Alessio na parang hindi niya ito nakita nang ilang taon. “Hay, ang cute talaga ng batang ito,” saad ni Mama sa sarili niya pero narinig ko iyon.

Nagtagpo ang mga kilay ko sa narinig. Cute daw!

Maliit siyang yumuko kay Mama habang hawak ang sling ng bag niya. “Hello po, Tita Jellana!”

“Magaling ka na, Alessio?” tanong ni Mama.

Ngumuso ito at tumango. Psh!

Nagpapacute naman!

“Manonood ka ba sa laro nila ni Gareth, hijo? Baka naman pwedeng i-video mo para makita ko!”

“Ma,” daing kong suway kay Mama. Kinurot ako ni Mama. “A-aray, Ma!”

“S-sige po, Tita!”

Napapalakpak si Mama sa ere! “Aasahan ko iyan, hijo. At saka picture din ng anak ko, ha! Natalo man o manalo, picture-an mo!” masayang dagdag pa ni Mama habang magkasiklop ang mga kamay.

“Alis na ako, Ma! Malalate ako nito, eh!” singit ko sa pag-uusap nila.

Sumibat kaagad ako. Alam ko namang si Alessio ay naglalakad din sa kabilang sidewalk pero hindi ko ito pinapansin. Bahala siya diyan!

Sa pagmamatigas ko, umabot na lang kami sa sakayan ng jeep at hindi pa rin ako pinansin ni Alessio. Ang softie na ’to, talagang hindi rin ako pinansin!

“Una ka na,” malamig kong wika sa kanya nang may tumigil na jeep sa harap namin.

Tinapunan lang ako ng tingin at saka umakyat sa loob ng jeep. Nakita kong tumabi siya roon sa isang lalaking naka-uniform kaso sa ibang school.

“Ikaw rito, ako diyan,” sabi ko sa kanya at nginuso ang pinakadulo ng upuan.

Kumunot ang noo niya pero tinaasan ko lang siya ng kilay.

Walang imik siyang umusog sa pinakadulo ng upuan at ako naman ang umupo sa tabi niya. Maangas kong tiningnan ang lalaking uusog na sana kasunod ni Alessio. Sadya ko itong tinamaan ng bag ko nang iikot ko ito paharap.

“Sorry, pre,” matabang kong wika sa kanya. Pasimple akong tumingin kay Alessio at lumaki ang mga mata ko nang makita kong nakatingin siya sa akin. I heard him gasp, and both of us looked away from each other like we were caught doing something really, really bad. My hand gripping the bar above tightened.

“Sorry,” Alessio murmured beside me.

Naibalik ko sa kanya ang tingin ko. He looked at me through his lashes. “Nilagnat ka dahil nagpaulan tayo. Sorry.”

“Kasalanan mo talaga. At nilagnat… ka rin. Magaling ka na?”

Maliit ang naging tango niya sa akin. “Ikaw rin?”

May pang-aalaska akong tumitig sa kanya.

“Malamang. Makakapaglaro ba ako ngayon kung hindi?”

Huminga siya nang malalim at tumango.

“Mabuti naman. Nag-alala rin kasi ako sa iyo… na-guilty ako nang malaman na nilagnat ka rin. Kaya masaya ako ngayon na maayos ka na rin.”

“Masaya ka na magaling ako pero hindi mo ako pinapansin kanina. Tama ba iyon?”

He pouted his lips. I absentmindedly licked my own lips while watching his. I gulped.

“Akala ko kasi… galit ka sa akin.”

“Kung galit ako, hindi kita kukumustahin… kahapon.”

I felt the temperature of my cheeks rise. Gusto kong guluhin ang buhok ko dahil hindi na matanggal ang mga mata ko sa labi niya.

“Sabi mo utos iyon ni Tita.”

“Utos man ni Mama o hindi, nasa akin pa rin naman kung kakamustahin kita.”

Napakurap-kurap siya. “Ah, sabagay nga…” he murmured.

“Hoi, hindi ko pa natatanggap ang sorry mo.”

Bilog ang mga mata niyang tumingin sa akin. “Hindi pa?”

Ngumisi ako. “Malamang.”

“Ah, eh…”

“Manood ka sa laro namin mamaya. Kapag nakita kita roon, saka ko lang tatanggapin ang sorry mo.” Singit ko sa kanya bago pa siya makatapos.

Napako ang kanyang mga mata sa akin. Ilang saglit lang ay iniwas niya ang tingin nang tumigil ang jeep dahil may bumaba.

“Manonood naman talaga ako para suportahan ka,” bulong niya muli.


This story is already

COMPLETED

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 12

Chapter 12

“Wala ka kahapon, hinanap ka ni Sir Alfred,” anang kasama ko sa basketball nang makarating ako sa gym. Taga-ibang section at strand siya. Isa rin siya sa mga naging kasama ko noong tryout games.

“Bakit naman?” tanong ko habang hinuhubad ang sling ng bag ko. Ibinaba ko ang bag sa bench.

“Malamang opening kahapon at wala ka. Alam mo rin naman na isa ka sa mga inaasahan talaga ni Sir Alfred sa team natin,” saysay nito.

Nag-stretching kaming dalawa.

“Nilagnat kasi ako kahapon, eh.”

“Magaling ka na ba?” tanong nito.

“Mmm! Kondisyon na naman ang katawan ko. Naulanan lang kasi noong nakaraang araw,” sabi ko sa kanya.

Malawak ang ngiti ni Sir Alfred nang dumating siya at nakita akong nagsi-stretch kasama ang teammates ko. Actually, I only knew these guys because of this Intramurals. Napasubo lang ako rito, eh.

Hindi ko rin inaasahan na magugustuhan ni Sir Alfred ang laro ko at mapapasama ako sa team na ito.

Totoong naglalaro din naman ako ng basketball kaso sa kalye lang minsan, o kaya doon sa club fights. Iyon kasi ang pinagkakatuwaan namin kapag wala pang mga kalaban. Ngayon lang ata ako makakapaglaro nang pormal.

Nagulat ako nang makitang ang daming estudyante sa loob ng gym. Hindi ko inaasahan na ganito karami ang manonood sa laro namin. Naghalo-halo ang kulay maroon, blue, green, yellow, violet, at itim sa crowd. But mostly, ang nakikita ko ay yellow at green.

Kulay yellow ang jersey naming Grade 12, samantalang ang kalaban naming Grade 11 ay kulay green naman.

Hinanap ko si Alessio sa mga mukha ng mga kaklaseng nasa loob ng gym. Saulo ko naman ang suot niya kaya hindi siya mahirap hanapin. Isa pa, sa puti niyang parang laging may bitbit na ring light, alam kong makikita ko siya sa crowd.

My heart pounded berserkly when I saw him on the other side of the court together with Keysha and my friends. He was also looking in our direction, but I couldn’t tell if he was looking at me… or at my other teammates, or elsewhere.

Tumalikod ako sa kanya at hinagod ang dibdib ko. Tang ina! Ang lakas ng kabog ng dibdib ko! Kakaiba itong kaba na nararamdaman ko ngayon!

Nang magsimula ang laro, hindi ko alam kung ano ang meron pero ginanahan ako bigla. I wanted to play well. I was so eager to score.

Every time na nasho-shoot ko ang bola sa ring, siya palagi ang tinitingnan ko. I liked how he shyly clapped those uncallused hands of his. My heart would take a leap every time I saw his nervous and, at the same time, relieved smile whenever I’d score.

“Gago ka, Gareth, ang galing mo kanina!” sampal ng teammate ko sa aking balikat matapos tumunog ang bell at inanunsyo ang panalo namin.

Nagsitalunan ang mga kupal sa saya sa pagkapanalo namin.

“May plano ka talaga sa interschool meet, ’no? Baka umabot tayo ng Division at Regional level nito dahil sa iyo, Gareth!” tawa naman ng isa.

Nangarap pa nga nang matayog, pero wala namang masama roon.

Pumunta kami sa aming bench at halos mapunit na ang labi ni Sir Alfred sa pagngiti sa amin. First game pa lang ’yan pero pang-champion na ang tuwa ni Sir.

Isinampay ko ang puting towel sa leeg ko at nagpunas ng pawis nang sumugod sa akin ang mga kaibigan ko at ilang classmates namin.

“Ang galing mo naman palang maglaro ng basketball, Baker!” ani Keysha.

“Tama!” tango ni Harper, bago niya sinuntok nang mahina ang balikat ko. “Akala ko magaling ka lang sa pambubugbog, eh.”

Nginisihan ko siya.

“Ang daming chicks kanina na sumisigaw sa iyo, bro!” Ngumiti nang maloko si Jovert sa akin.

“Congratulations sa inyo, Gareth! Sa susunod, magdadala na kami ng trumpet at drums. Gagayahin namin ang mga Grade 11 kanina,” saad ng isang kaklase namin.

Panay ang bati ng mga classmates ko sa amin pero ang hinihintay kong bumati ay nasa tabi lang-parang bata na nawawala.

Nginitian ko lang sila at nilapitan ko si Alessio.

“Ayos ba?” tanong ko sa kanya habang hinahayaan ang towel sa balikat ko. Alessio squared his shoulders before he gazed back at me.

“Mmm, congratulations sa inyo!” “Kumuha ka ng videos kanina?” tanong ko, ngunit kumunot ang noo niya. “Sinabi iyon ni Mama kanina sa iyo.”

Kaagad siyang tumango.

“How about pictures? Did you capture a good photo of me?”

Saglit siyang tumingin sa cellphone.

“Ah, wala. Malayo kasi at ang bilis mong tumakbo.”

The corner of my lips tugged upward.

“Take a picture of me now.”

Kumurap-kurap siya.

“Uh, sige.” Umatras siya nang kaunti at itinaas ang cellphone upang kunan ako ng larawan.

“Uy, Pres, ako na ang kumuha ng larawan. Picture kayo ni Gareth, dali!” singit naman bigla ni Keysha sa tabi ni Alessio.

“Huh? Hindi na.”

“Naku, sige na, Pres. Si Gareth lang naman ang representative ng Grade 12 sa section natin. Ang lalamya kasi ng iba riyan!” pasaring naman ni Keysha.

Kita ko naman ang paghagod ni Harper sa kanyang batok.

Hindi ko inaasahan ang pagtulak ni Keysha kay Alessio tungo sa akin. Mukhang ganoon din si Alessio dahil muntik na siyang madapa, ngunit nasalo ko siya.

My arms held his waist and one of his elbows. Despite the thick fabric of his hoodie, I could still feel his small and slim waist under my palm.

Nagkatitigan kami ni Alessio at iyon na naman ang pamilyar na ritmo ng puso ko. What the hell was wrong with me? Is this even normal?

“Sorry,” Alessio muttered, his breathing becoming uneven.

Tumayo siya sa tabi ko.

“Lapit pa kay Gareth, Alessio,” si Jovert.

“Closer, Pres,” si Keysha.

Hindi gumalaw si Alessio at sumusulyap lang siya sa akin. I don’t know where the fuck I got the courage to pull Alessio by his shoulders towards me. Bumangga ang balikat niya sa katawan ko at suminghap siya.

“Ayan!”

Habang kumukuha ng larawan si Keysha, naibaba ko ang tingin kay Alessio. His cheeks were now so flushed.

“Tama na ’yan!” suway ni Alessio kay Keysha matapos ang ilang take.

Humagikhik naman si Keysha.

Tinanguan ko rin sila at bumalik sa bench upang iligpit ang mga gamit ko. Naisip ko na sa ibang banyo na lang ako magbibihis.

“Tara na,” baling ko sa mga kaibigan ko.

Mabilis na kumunot ang noo ko nang mapansing nawala sina Alessio at Keysha.

“Nasaan sila?” tanong ko kay Harper at Jovert na siyang naiwan.

Saglit lang ako nalingat, eh.

“Si Alessio at Keysha?” tanong ni Jovert, at tumango ako. “May humuli kay Alessio na officer dito kanina. Mukhang may gustong i-blind date si Alessio!”

“Ano?!” nagtatagpo ang kilay na tanong ko.

“Gago, Wedding Booth iyon. Diyan lang sa gilid ng gym ang booth nila. Nakita ko iyong officer na humuli kay Alessio doon,” saad ni Harper.

Lumabas kami ng gym. May next game naman sa ibang level kaya kailangan na rin naming lumabas. Nang makalabas kami ay luminga-linga ako hanggang sa makita ko ang isang booth na may flashy decorations na white flowers at white fabric na may red carpet.

At parang may sumakal sa akin sa sikip ng leeg ko nang makita ko si Alessio na may hawak na bulaklak at naka-veil. Nakita kong may lalaking naghihintay sa kanya roon sa harap at may estudyante ring umaaktong pari.

“Oh, tama ka nga, Harper, nasa Wedding Booth si Alessio. Shit! Lalaki pala iyong gustong magpakasal kay President?”

“Uso na naman iyan ngayon,” untag ni Harper.

“Anong uso ka riyan, Harper?”

“Uso nga. May nakikita nga akong mga straight guys na nagpapanggap na gay couples for engagement and popularity.”

“Edi mga hipokrito sila. Anong akala nila sa queer community? Laro-laro lang?”

Parang hangin na lang sa pandinig ko ang pagtatalo nina Harper at Jovert. Pumapasok sa tainga ko at lumalabas sa kabila.

“Uwi na ako,” matamlay kong anunsyo sa kanila.

“Huh? Uuwi ka na? Wala na bang laro mamaya, bro?”

“I’m not feeling well, Jovert.” Pinisil ko ang kanilang balikat at saka tinahak ang daan palabas ng campus.


This story is already

COMPLETED

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 13

​ Chapter 13

​The loud, sharp ringing in my ears deafened me briefly after my opponent’s knuckles landed straight on my cheek.

​I tasted iron inside my mouth as I felt my gums pulverize from the punch’s impact! I spat blood on the floor before I raised my hands and braced for another attack that my opponent might launch.

​Ilang suntok at sipa na ang natanggap ng katawan ko mula sa kalaban ko pero ang naglalaro sa isip ko ay ang mukha pa rin ni Alessio-si Alessio na may bitbit na bulaklak at may naghihintay na ibang lalaki sa kanya.

​Nakakagago na ganito ang nararamdaman ko. Ngayon lang ako nairita ng ganito. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito katinding emosyon na parang sasabog na ako.

​“Tang ina mo, Gareth, ’wag kang tatanga-tanga d’yan!”

​“Ang laki ng pinusta ko sa’yo. Kaya umayos ka d’yan! Sumuntok ka! Tang ina!”

​“Gumanti ka, Gareth!”

​“Isipin mo na iyan ang mukha ng taong gusto mong gulpihin, Baker!”

​Kumuyom nang mahigpit ang mga kamao ko dahil sa mga naririnig kong sigaw mula sa mga nanonood. Ang mga VIP na manonood ay nasa ikalawang palapag habang ang mga ordinaryong tao lang ay nasa baba. Nakikipagsigaw.

​Pinilig ko ang ulo ko at nang muli kong ibalik ang mga mata ko sa kalaban ko, nakikita ko na ang mukha ng lalaki kanina na siyang groom yata ni Alessio sa marriage booth!

​Putek! Magkano ba ang bayad sa booth na iyon? Magkano ang bayad sa booth na iyon para ipatumba?

​Tang ina, sino ba kasi ang naka-isip ng marriage booth na ’yon?

​My opponent threw another punch, but I immediately swayed my body away from his knuckles. I gathered enough air into my lungs before I pulled back my hand and mustered enough strength to throw a heavy, quick punch at his face!

​My hand whooshed through the air as though breaking through something invisible, and it landed on my opponent’s head. I followed it with a 360-degree kick, making my opponent stagger back. He lolled for a second before his body collapsed onto the dirty ground, back flat and immobile.

​Kaagad na pumasok sa ring ang kanyang mga kasama. Ang umaakto namang referee ay binilangan ito bag tumungo sa tabi ko at itinaas ang kamay ko.

​Nagkagulo ang mga tao sa buong lugar. May iba na nagsaboy ng alak. And when I looked up, I saw how wide the smiles were on the VIPs’ lips.

​I was slouching with my elbows resting on my knees and my eyes on the ground. Sweat was trickling down from my temples and everywhere on my body. Nagpapahinga lang ako saglit bago maligo at makauwi na rin sa bahay. Ano’ng oras na rin kasi.

​“Uh, para d’yan sa pasa mo.”

​Nag-angat ako ng tingin sa nag-abot ng ice pack sa akin. It was Broli.

​Kinuha ko sa kanya ang ice pack at diniin ko sa aking pasa sa mukha.

​Nagsindi siya ng sigarilyo at inabutan ako ng isang piraso. Aabutin ko na sana iyon nang maalala ko si Alessio. He doesn’t like it when I smoke.

​“Later,” I said instead.

​“Your performance earlier… it was so unlike you, Gareth.”

​Nag-angat ako ng tingin kay Broli. Nakasandal siya sa dingding habang hinihipak ang sigarilyong nakaipit sa labi.

​Gustong-gusto ko nang humithit ng sigarilyo pero nakakasama raw iyon sa baga ayon kay Alessio.

​“What do you mean?” I grumbled as I continued patting the ice pack on my face.

​“Nanonood ako sa mga laban mo. Ni minsan hindi kita nakitang tumatanggap ng gano’n kasunod-sunod na suntok. You always find a way for a counterattack. Kaya nagulat ako kanina. It seems like something is bothering you.”

​I just clicked my tongue and placed the ice pack beside me.

​“Then I must have been fucked up, huh!” I murmured sarcastically to myself.

​“Nevertheless, it was still a nice performance. As always, ang lakas talaga ng kamao mo-knockout mo sa isang suntok at sipa ang kalaban mo.”

​Pagkatapos kong maligo at magbihis, tiningnan ko ang bank account ko at may pera na ulit na nadagdag doon.

​Humihithit ako ng sigarilyo habang naglalakad tungo sa bahay namin. Tahimik na at ang mga iilang tahol na lang ng aso ang naririnig ko mula sa di-kalayuan. Hindi masyadong madilim ang nilalakaran ko since may mga light post naman. Ilang poste na lang ng ilaw bago ako makarating sa harap ng bahay nang may tumawag sa akin.

​“Gareth!”

​Nagulat ako nang marinig ko ang maliit at galit na boses ni Alessio! He was on the other side of the road, wearing the same thing he wore earlier.

Kaagad kong tinapon ang sigarilyo.

​Nandito pala ang kinasal kanina ah. Gabi na, bakit hindi pa ito pumapasok sa bahay nila?

​Without tearing his eyes away from me, he crossed the road. I muttered a series of curses when a motorcycle dashed by; if I hadn’t been fast enough to reach for his hand, it would have hit him.

​Dahil sa paghila ko sa kanya nang malakas, tumilapon ang katawan niya sa akin at sabay kaming natumba sa gilid ng daan.

​Umungol ako nang tumama ang likod at siko ko sa semento habang si Alessio naman ay nag-landing sa ibabaw ko at umuntog ang ulo sa dibdib ko.

​Hindi siya umalis sa ibabaw ko. Itinungkod niya ang dalawang palad sa magkabilang side ng ulo ko at mariin akong tiningnan. Dahil sa puting ilaw mula sa malapit na light post, nakita kong namamasa ang kanyang mga mata na namumungay sa akin.

​Alessio trembled above me.

​“B-bakit may pasa ka?” Nanginginig pati ang boses niya.

​“Umalis ka d’yan sa ibabaw ko,” tamad kong untag nang bumalik ako sa reyalidad at napagtanto kong naiinis ako sa kanya.

​“Ayaw!” pagmamatigas niya at inupuan ako!

​Puta! Putang ina! Talagang sumentro pa roon ang kanyang pang-upo!

​“Alessio, bakit ang tigas ng ulo mo?” anas ko. My breathing became rough as I felt his soft ass against my hardening rod down there.

​“Akala ko umuwi ka kasi sumama ang pakiramdam mo? Nag-alala ako sa’yo! Alam mo ba na kanina pa kita hinihintay? Nilalamok ako! Kasalanan mo kapag nilagnat ako!”

​Pucha! Ako na naman.

​“Naka-jacket ka naman at pants. Walang lamok na makakalagat sa’yo.”

​Ang mga namamasa niyang mata ay tumalim lalo.

​I found him cute, though.

​What? Ano iyon, Gareth? Kupal ka ba?

​“Sinungaling ka. Umuwi kaagad ako nang sabihin nina Jovert na umuwi ka kasi masama ang pakiramdam mo. And then, makikita kita ngayon na may sugat at pasa? You’re a liar!”

​Sarkastiko akong ngumisi sa kanya. Alessio licked his lips and it was so tempting on my end! Tang ina!

​“Kinasal ka naman ah, bakit ka umuwi kaagad? Sumama ka sana doon sa groom mo na bansot din!” My voice dripping with bitterness.

Nice, Gareth! Gago!

​Kumunot ang noo niya.

​“Hindi ako kinasal!”

​I snickered. “Nakita kita kanina sa marriage booth, kinasal ka!” Lumatay ang pait sa boses ko, and I wished that he didn’t catch a hint of it.

​“Hindi nga ako kinasal sabi!” matigas niyang sabi sabay hampas ng kamay niya sa semento.

​Dammit! Gustong-gusto ko itong nagagalit siya sa akin at nakikipagtalo sa akin!

​“You’re a liar!” balik ko sa kanyang akusa sa akin.

​“Hindi nga! T-tanungin mo pa si Keysha. Hindi ako tumuloy doon sa kasal.”

​“Uh, bakit hindi mo tinuloy?”

Gumaan ang pakiramdam ko nang malaman ko na hindi pala siya kinasal.

​“I… I wasn’t comfortable and I felt like everyone’s eyes were on us and j-judging me. Also, I don’t like him,” unti-unting humina ang boses niya.

​“Hindi mo talaga… tinuloy ang kasal?” mahina kong tanong at nanginginig. ​He nodded and pressed his luscious lips together!

​“I think… I would be braver if it were someone else.”

​“Do you mean magpapakasal ka roon kung iba?” maingat kong tanong at sinusundan ko ang kanyang mga mata na lumilikot.

​Tumango siya.

​“Paano kung ako?” mahina kong tanong sa kanya.

Gago, gago, gago. Gago ka, Gareth!

​Nang mahuli ko ang kanyang mga mata, nagtagal ang aming titigan at halos makalimutan ko nang nasa tabing-daan pala kami at nakahiga ako sa semento at nasa ibabaw ko siya. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko at para akong hinihigop ng mga mata niya.

​“M-magpapa… kasal ako.”


This story is already

COMPLETED

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 14

Dedicated to: @Patapim16 (Renamie Gito)

​ Chapter 14

​I was smiling widely while staring at my ring finger where our fake wedding ring is. I cannot believe it! Pinakasalan niya talaga ako!

​Nanood pa siya sa laro namin kahit na second placer lang kami. Hindi ako nakaramdam ng pagkabigo o anong hinanakit dahil sa saya ko. Pinakasalan niya kasi ako!

​Sabay pa kaming nanood ng fireworks display sa culmination ng Intramurals at nanood ng live bands. Sabay pa kaming umuwi.

​Kahit na pagod ako at nagpaturo sa akin si Gian ng Mathematics problem, hindi ako umangal. Masaya kasi ako dahil kinasal kami. Ako ang pinakasalan niya! And what stuck in my mind was his reason why he agreed to be wed to me.

​Hindi matanggal-tanggal ang ngiti ko kahit dumaan na ang isang linggo. Even my friends were already weirded out by my sudden change of behavior. Maaga na ako sa school. Maayos na ang uniform ko-take note-complete uniform, with my copper-colored hair neatly combed back! ​Kahit si Mama ay napuna ang pagbabago ko.

​“Nahuli kitang may pasa sa mukha pero iba yata ang tama ng suntok sa’yo, anak.” Naninibaguhan din si Mama sa akin!

​“Pero mabuti na rin sigurong nasuntok ka, Gareth, kasi tumino ka nang konti sa klase. Masaya ako para sa’yo, anak!”

​Ngayon ay Biyernes, pero inanunsyo ng presidente ng WRU na walang klase dahil sa sama ng panahon at tumataas na ang tubig sa ibang lungsod.

​Kinasal nga kami ni Alessio pero itong softie na ’to! Umilag bigla sa akin! Sa loob ng classroom namin, halos maglaro kami ng habul-habulan!

​I think he only wants the thrill of the stolen glances we shared in the classroom and in the halls of the campus!

​“Ang lakas ng ulan ngayon. Kayo, i-charge ninyo ang mga gamit ninyo at ihanda ninyo ang mga emergency bag ninyo, ha,” paalala ni Mama habang kumakain kami ng lunch.

“Baka kasi mag-evacuate tayo kung patuloy na tataas ang tubig.”

​Tumango ako kay Mama.

​“Si Kuya Alessio, Mama?” tanong ni Gian.

​“Oo nga, ’no? Wala pa namang kasama ang batang iyon sa kanila dahil may nilakad sina Marina at Nova!” nag-aalalang saad ni Mama at tinanaw ang bahay sa tapat.

​“Kailan pa, Ma?” sali ko sa kanilang usapan.

​“Uh, umalis kahapon sina Nova at Marina kaya si Alessio na lang ang nasa bahay nila.”

​Nang malaman ko iyon, nag-alala ako sa softie sa tapat ng bahay. Ini-isnob na niya ako matapos niya akong pakasalan, kaso hindi naman ako patatahimikin ng utak ko kapag hindi ko alam kung maayos ba siya. ​Nag-chat ako sa kanya ngunit hindi siya online.

​Habang tumatagal ay parang gusto ko na siyang puntahan sa kanila. And why not?

​Tumayo ako at handa na sanang umalis nang may kumatok sa pinto ng kwarto ko.

​“Ma,” ani ko nang buksan ko ang pinto at makita si Mama.

​“Tumawag ang Tita Marina mo sa akin. Humihingi ng pabor kung okay lang ba sa’yo na samahan mo muna si Alessio sa bahay nila. Pero kung ayaw-”

​“Pupunta ako, Ma!” agaran kong agap kay Mama.

​“Talaga, anak?”

​“Hmm!” Tamang-tama ang dating mo, Ma.

​“Sige, mabuti kung ganoon! Magdala ka roon ng ilang pares ng damit at pagkain ninyo. Baka kasi hindi pa kumakain si Alessio. Takot daw kasi sa kidlat at kulog ang batang iyon.”

​Si Mama na ang naghanda ng pagkain na dadalhin ko sa tapat na bahay. Isang pares lang din na damit ang dinala ko bilang pamalit sakaling mabasa ako ng ulan. Which was possible, sa lakas ng hangin at ulang dala nito.

​“Kuya, huwag mong aawayin si Kuya Alessio, ha. Lagot ka talaga sa akin,” pagbabanta naman sa akin ni Gian.

​“Alam ko. Tumawag kayo kapag kailangan ninyo ako, ha. Diyan lang naman ako sa tapat,” sabi ko.

​Pinayuhan pa ako ni Mama na habaan ko raw ang pasensya ko kay Alessio at huwag ko raw itong aasarin. Kung alam mo lang, Ma!

​Walang nagbukas sa akin ng gate kaya naman inakyat ko ito. Basa ako nang makarating sa main door ng bahay nila. Nakailang pindot pa ako sa doorbell dahil walang bumubukas.

​Para akong basang sisiw sa labas nina Alessio nang pagbuksan niya ako. Tingin ko pati brief ko basa na rin. Nanlalaki ang kanyang mga mata nang makita ako.

​“G-Gareth.” Natigalgal siya nang makita ang kagwapuhan ko na nanginginig.

​“Ang tagal mo. Muntik na akong mamatay sa ginaw rito.” Pagsusungit ko sa kanya.

​Alessio hurried back inside the house and when he returned, he handed me a towel. Pinapasok niya ako sa bahay nilang walang ilaw.

​“Buksan natin ang ilaw,” anas ko. Wala naman kasing brownout.

Tipid siyang tumango at tumungo sa switch.

​“Magbihis ka muna. B-basa ka.”

​Itinuro niya sa akin ang banyo at saka ako nagbihis doon.

​I didn’t know that he was waiting for me outside the bathroom, so I was startled to see him biting his nails anxiously. Takot talaga siya?

​Nagtagal ang kanyang mga mata sa katawan ko. Oh shit! Saka ko lang naalala na hindi pala ako nagsuot ng t-shirt kaya kita niya ang batak kong katawan.

​“Sorry,” I murmured and rummaged through the bag I brought to look for my shirt.

​Sinuot ko ang t-shirt ko at saka siya tiningnan. Kinuha ko ang Tupperware na isinilid ni Mama sa bag.

​“May pinadalang pagkain si Mama. You should eat.”

​Tumungo kami sa kanilang kusina. Hindi talaga siya nagluto. At mukhang gutom na dahil hindi na umangal. Pagkatapos niyang kumain ay umakyat kami sa taas.

​“H-hindi mo naman kailangang samahan ako. Kailangan ka rin nina Tita at ni Gian.”

​“Mama insisted, at isa pa, mag-isa ka lang din dito.”

​Tumuloy siya sa loob ng kanyang kwarto. Umasim ang mukha ko nang makita ang kanyang mga stuffed toys na dilaw na dinosaur.

​“Wala ka bang gagawin?” tanong niya. Umakyat na siya sa kama niya habang ako naman ay nakatayo lang sa paanan nito. ​Iniwan naming bukas ang pinto ng silid niya.

​“Obviously, wala, kasi nandito ako.”

​Umupo ako sa sahig. Ayaw kong umakyat sa kama niya kasi maarte ’yan siya! Isinandal ko ang ulo sa kama niya at tiningala ang kisame.

​The floor-to-ceiling curtain of his room was drawn. The room was slightly dim, with only the faint light coming from his bedside table.

​“Iniiwasan mo ba ako, Alessio?” tanong ko habang nasa kisame ang mga mata.

​Hindi ko na kayang manahimik at magbulag-bulagan sa mga nangyayari. Ang kasayahan ko ay natatakpan ng pangamba dahil sa kanyang inaakto.

​I feel like napipilitan lang siya doon sa kasal-kasalan namin. Biglang bumalik ang isip ko sa gabing iyon.

​“M-magpapa… kasal ako.”

​Nanlambot ako sa ilalim niya. Sa laki ng katawan ko at sa angas ng dating ko, dito lang pala ako lalambot.

​“Talaga?” I muttered, catching my breath.

​Ngumuso siya at mahinang tumango.

​“Hindi ka tumuloy sa kasal-kasalan kanina… pero kapag ako… magpapakasal ka? Bakit?” Hindi pa rin makapaniwala ang buong pagkatao ko.

​Pwedeng magpasuntok? Baka kasi hallucinations ko lang ito ngayon.

​Nag-imbak siya ng hangin. “S-siguro… dahil alam kong kapag may umaway sa akin o magsalita ng masama… hindi m-mo ako pababayaan. That no matter how boisterous and bad you look, I’m confident that you won’t allow anyone to mock or judge me-us. I like the idea that it’s you,” putol-putol niyang wika.

​That was his reason why we got married at the marriage booth the next day. Natigalgal ang mga kaibigan namin ni Alessio pero wala silang masabi.

​Aangal sila? Kamao ko ang sasalubong sa bibig nila kapag may sabihin sila. At simula rin noon, naging tampulan kami ng tukso sa classroom. Dahil doon, sinimulan na akong iwasan ni Alessio.

​“Hindi ka ba komportable? Napilitan ka lang doon? Kaya mo ba ako iniiwasan?”

​I pressed my head deeper into his bed so that I could see him. I was looking at him upside down; he was hugging his knees while darting his eyes at me.

​“Gareth,”

​“Tell me, Alessio. You didn’t even reply to my messages. Come on, tell me,” I urged him.

​Kumurap ang mga mata niya habang nakatitig sa akin.

​“Na… natatakot ako, Gareth.”

​“What?”

​“Natatakot ako. Kasi straight ka, Gareth, pero ganito mo ako paglaruan. Naguguluhan ako sa mga kinikilos mo. Para kang may feelings sa akin na ewan. Hindi kita… maintindihan, Gareth. Masyadong kang malabo para sa akin, Gareth. Kaya kita iniiwasan.”


This story is already

COMPLETED

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 15

​ Chapter 15

​Tuluyan akong umikot upang maharap ko nang maayos si Alessio. I wanted to climb onto his bed, but I’m now hesitant because of what he said.

​I, too, was never sure of myself-of what the hell I was doing. But as I thought of my actions, my feelings, and my behavior towards Alessio, alam kong hindi na ito simpleng pagkakaibigan lang. Alam kong hindi na ordinaryo itong nararamdaman ko para sa kanya.

​The hell! Ayaw kong kaibigan lang siya. Naiinis ako kapag may kasama siyang iba na napapasaya, samantalang ako, inis lang ang dinudulot sa kanya. Naiirita ako sa mga lalaking lumalapit sa kanya.

​Iyong pagiging iritado ko, mabilis magalit, at pagtatampo ko sa kanya sa simpleng bagay-hindi ko ito nararamdaman sa iba. Kahit nga sa pinaka-close ko sa school, nina Harper at Jovert, hindi ko ito nararamdaman. I don’t care who they flirt with. I don’t care who they like. It’s just that… it’s Alessio. Kapag siya… big deal sa akin.

​Gusto ko na kapag siya, involved ako. Gusto ko na pinapansin niya rin ako kahit ang layo ng agwat namin. Gusto ko na kahit nagsusungit siya, ako pa rin ang tinitingnan niya.

​Putek! Alam ko… straight ako. Alam ko na lalaki ako at normal na ang lalaki ay para sa babae. Kaso itong nararamdaman ko para kay Alessio, it was like a big and tall mountain for me to face.

​“Porket ba alam mo, Gareth, na bakla ako, kaya mo ako ginaganito? Kaya mo ako pinaglalaruan nang ganito kasi tingin mo easy ako at uhaw na uhaw sa lalaki na tulad mo?”

​His sad voice breaks my heart into a gazillion pieces. Para akong hindi makahinga dahil sa puso ko na nadudurog.

​Mabilis kong iniling ang ulo ko sa kanya. I’ve never ever thought of him like that. Alam ko mang bakla siya pero hindi iyon pumasok sa isip ko-na easy siya o uhaw sa lalaki. Sa katunayan, sa nakikita ko nga, ilap siya sa mga lalaki.

​Tang ina! Ginawa kong komplikado ang lahat. Hindi ko siya inalala at ang inintindi ko lang ay ang sarili ko.

​Hindi ko kaagad inisip at napagtanto itong nararamdaman ko para sa kanya. Wala akong kinlaro na bagay sa kanya at basta na lang ako sumusugod. I thought actions were enough.

​And now I’m confusing him because of it. He was overwhelmed because of my actions. It was like we were in an unending push and pull in our relationship because none of us made it clear nor talked about it. And lately, our bodies speak louder than our mouths.

​“Can I… climb onto your bed?” tanong ko sa kanya.

​Tumango siya. Pinagpag ko muna ang sarili ko bago ako umakyat sa kanyang kama. Hindi ito ganoon kalaking kama pero sapat na sa dalawang tao.

​The bedsheets rustle as I climb onto his bed and come near him.

​“I’m sorry,” I said gently.

​Fuck! Gusto kong hawakan ang kamay niya habang nagsasalita ako. I feel like when I’m holding his hand, I find a newfound strength.

​Maingat kong tinaas ang kamay ko para hawakan ang kamay niya. Hindi ko winawaglit ang tingin ko sa kanya kasi ayaw kong may ma-miss na emosyon doon.

​Tiningnan niya lang din ang kamay kong unti-unting inaabot ang kanya. The moment I reached his hand, a relieved sigh escaped my mouth.

​“Sorry if I confused you with my actions, Alessio. I thought my actions were enough. Sorry kasi ang labo pala para sa iyo ng mga ginagawa ko. I didn’t mean to confuse you or play riddles with you. Sorry that I’m not good at communication or expressing myself. This is my first time too.”

​“Hindi ka easy. Hindi ganoon ang tingin ko sa iyo, baby. All this time I thought I was for girls, even though I didn’t get into a relationship with anyone,” I continued.

​Mariin akong napapikit at binalikan ko iyong mga ginagawa ko na bago lang sa sarili ko. Na sa kanya ko lang ginawa.

​“Akala ko iyong simpleng pagsabay natin sa school, paggising ko nang maaga para lang makasabay ka, at pagtatanggol ko sa iyo ay para lang hindi ako sulsulin ni Mama ng kung ano-ano.” Totoo na nagkakasabay na kami lagi kasi alam na ng katawan ko ang oras kung kailan siya aalis ng bahay. Nakagawian ko siyang hintayin pauwi at ako na ang nagdadala ng bag niya.

​“Ang akala ko ginagawa ko iyon para hindi ako pagalitan ni Mama kaso lang… hindi na pala. Ginagawa ko na pala siya para sa sarili ko kasi gusto kitang kasabay, gusto kitang nakikita, gusto kitang kasama palagi. I want your attention. I want your eyes on me, even with the stolen glances you throw at me, baby,” I confessed.

​“G-Gareth,” garalgal ang boses niya.

​“I’m straight, Alessio. That’s what I thought, but you happened. You bent me. You had me on my knees at your feet, Alessio.” I pressed our hands together tightly.

​“Do you… feel the same way, Alessio? Ako pa rin ba ang crush mo?”

​Tang ina, kahit kakarampot na pagtingin tatanggapin ko, basta galing sa kanya.

​“W-wala naman akong ibang crush.” ​I narrowed my eyes at him.

​“Anong walang iba? Sino iyong neat manamit, mabango, pogi, gentleman, matalino, at nagpapangiti sa iyo?” sumbat ko sa kanya na kinalaki ng mga mata niya.

​Kanina nilalamig ako pero ngayon na hawak ko na siya, tumaas naman bigla ang temperatura ng kwarto. Wait, nakabukas naman ang pinto ah at malakas ang ulan. Bakit ang init?

​“A-alam mo iyan?”

​Napairap ako. Gusto kong magmaktol ngayon sa harapan niya para suyuin niya ako. Kaso baka ako naman ang manuyo sa huli.

​“Oo, narinig ko. Akala ko ako ang crush mo? Nagpapalit-palit ka na ng crush?”

​Humagikhik siya. Naaninag ko ang munting luha sa pisngi niya kaya inabot ko iyon at pinunasan. Ang lambot talaga ng pisngi against sa palad ko na magaspang.

​It feels like I’m made for violence and he is my tranquility. In the midst of my rough and dark demeanor, he is my calmness and light.

​“I-ikaw lang. Ikaw lang ang naging crush ko sa Western Royal University.”

​Kinagat ko ang loob ng bibig ko para huwag mahalata na kinikilig ako. Nanlalambot na ako rito oh!

​“Paano nga iyong sinabi mo sa mga classmates natin?” giit ko pa talaga. ​Naghahanap ka ba ng sakit sa katawan, Gareth?

​“Para lang iyon may masagot ako. Nahihiya kasi akong aminin sa kanila na ikaw ang crush ko.”

​“Kasi? Kasi kinakahiya mo ako?” ​Kinakahiya ka yata, Gareth, kasi bobo at basagulero!

​“Hindi!” agap niya. “Ang a-alam kasi ng mga classmates natin, ikaw ang pinaka-hate ko sa classroom.”

​“What?”

​“O-oo nga! Kasi maingay ka, papansin, at laging napapagalitan ng mga teachers. Noong bago pa lang ako sa WRU, ikaw talaga ang una kong napansin kasi ang iingay ninyong mga lalaki sa likod.”

​Ang hirap magpigil ng kilig. Tang ina! Pwede bang sumigaw sa kilig?

​“Sa dami naming boys sa likod… ako ang napansin mo?”

​Tumango siya. Hinaplos ko muli ang pisngi niya at ramdam ko ang init niyon.

​“Kasi… sa kulay ng buhok mo at ingay mo.”

​“So crush mo talaga ako noon pa man? Totoo pala talaga iyong naririnig ko na crush mo ako?”

​His nose wrinkled.

​“Hindi naman. May nagtanong lang naman sa akin noon kung sino ang naka-catch ng atensyon ko sa school at sinabi kong ikaw. Pangalan mo lang kasi ang natandaan ko eh.”

​Tang ina naman! Mali pala iyong narinig ko? ​Pero parang ganoon na rin naman iyon, ’di ba? I console myself.

​“Pero crush mo na ako ngayon?”

​“Mmm. Ikaw ang crush ko ngayon pero mas gusto na kita ngayon, Gareth!”


This story is already

COMPLETED

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 16

​ Chapter 16

​Pareho kaming nakatagilid habang nakahiga sa kama niya. May unan pa siyang nilagay sa pagitan namin.

​Tch! Nagka-aminan na naman kami, ah. At anong akala nito sa akin? Akala niya ba hindi ko kayang walisin itong mga unan tawirin lang ang distansya namin?

​“Alessio, did I offend you no’ng basta ko na lang sinabi sa’yo na bakla? You know what, I just jumped into that conclusion kasi napansin ko na malambot ka, mahinhin, at mukhang babae.” I asked reluctantly.

My heart beat skyrocketing up to my ears in nervousness.

​“Gareth, hindi lahat ng lalaking mahinhin, malambot, at mukhang babae ay bakla na. And it also applies to women too; hindi lahat ng babaeng lalaki gumalaw o magaslaw ay bakla na,” paliwanag niya sa akin. “Ako, hindi naman ako na-offend doon sa sinabi mo pero hindi okay iyong ginawa mo. Paano kung ibang tao iyon? Paano kung iba ang nasa posisyon ko no’n at gano’n ang sinabi mo?”

​Nahiya ako. I only knew a little about the community and I already generalized them. Nakakahiya ang pag-iisip ko ng gano’n. Ang laking gago ko pala.

​“I’ll open my eyes and my mind more about the queer community, Alessio.”

​Ni wala pa pala sa katiting itong mga nalalaman ko tungkol sa queer community. Tapos sobrang insensitive ko pa.

​“Did I turn you off? I’m so dumb.” ​Ngumiti siya sa akin.

​“Hindi bagay sa iyo ang ganito, Gareth. Saka kung turn off ang pag-uusapan, dapat dati pa lang na-turn off na ako sa’yo dahil sa sobrang siga mo sa school at sobrang sutil!”

​Ngumiwi ako roon.

​“I’ll be more watchful and sensitive to my surroundings from now on then.”

​Tumango siya. “That’s what I like about you, Gareth, because you’re able to own up to your mistakes. And you’re willing to learn about things.”

​“Alessio, I may not be the most emotionally intelligent man out there, but I’m trying… I’m trying to be one,” seryoso kong sabi sa kanya.

​I can really talk to him all night long; however, I saw how his eyes were dropping close. Nilalabanan niya lang ang kanyang antok dahil daldal ako nang daldal. ​Nang mapansin kong malalim na ang kanyang paghinga, tumihaya ako sa kama niya. Nasa bawat dulo kami ng kama at may unan pa nga sa pagitan namin. Ayaw ko namang tawirin iyon nang walang paalam sa kanya.

​However, I’m happy that we already talked. I’m happy to hear about his thoughts about me and whatever was wrong between us for the past few days.

​Napapasulyap ako sa kanya na natutulog. Lumaki akong naniniwala na para sa babae ako at straight ako. Because even though I may not be in a relationship, I know to myself that I’m attracted to women until Alessio happened. Akala ko talaga iyong simpleng pagsasama ko sa kanya, iyong pagkaaliw ko kapag naiinis siya sa akin, iyong mga pagnanakaw ko ng sulyap sa kanya na minsan nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin, ay normal lang. Hindi ko ito inisip nang masyado hanggang sa naging seryoso na nga at namulat na lang ako na malalim na pala itong pagkakahulog ko sa kanya.

​I fell for him deep and hard, and it’s beyond saving.

​Nakatulog ako na malapad ang ngiti ko. Nagkamali man ako noong una na crush niya ako, still, nagustuhan niya rin naman ako in the end. I still caught his attention.

​Kaso sa gitna ng mahimbing at masarap kong tulog ay may naramdaman akong katawan na sumisiksik sa akin.

​Tang ina naman nitong ni Gian! Ang sarap-sarap na ng tulog ko, eh! Magkatabi na kami ni Alessio!

​Pucha! Gumalaw ako. Napamulat ako nang mapagtanto kong hindi gano’n kalambot ang kutson ko at hindi gano’n ang amoy ng bedsheets ko.

​Beyond the curtain and the glass windows, lightning struck the sky, drawing white lights, and then followed by the rumbling of the sky as if it were torn into pieces. The train of lightning and thunder continued, and I noticed how much the small body beside me trembled with each rumbling.

​Napatingin ako sa taong nasa tabi ko. Nakasiksik ang mukha ni Alessio sa braso ko at nanginginig.

​“Alessio?” Tawag ko sa kanya kasi nanginginig ang kanyang katawan. ​Naalala ko ang sinabi ni Mama na takot siya sa kulog at kidlat.

​Humasa ang ngipin ko sa isa’t isa. Tumagilid ako upang mayakap ko siya nang maayos. Sumubsob ang mukha niya sa dibdib ko at yumakap nang mahigpit sa katawan ko.

​Mararahas ang kanyang paghinga at buong katawan niya ang nanginginig. ​Kinumutan ko siya nang mabuti at niyakap nang mahigpit.

​Muli akong nakatulog na yakap-yakap siya. Pagod akong nagmulat ng mga mata dahil sa liwanag ng silid.

​May gumalaw kaya naibaba ko ang aking mata at doon ko nakita na gising na si Alessio at nakatingala siya sa akin. ​Para akong dinuyan sa langit nang mapagtanto kong magkayakap pa rin kaming dalawa sa isa’t isa. Nagising siya pero hindi siya bumitiw sa yakapan namin. ​He wet his lips by running his tongue along his luscious lips.

​“Good morning,” my voice was raspy, as if it was dug from the deepest part of my throat.

​“Good morning. Wala nang ulan at maliwanag na ulit.”

​Saglit akong tumingin sa bintana.

​Takte naman! Paulanin niyo pa! Bakit tumigil na ang lintek na ulan na ’yan?

​“Don’t you want to sleep some more?” I asked him with my bedroom voice.

​I saw how Alessio’s cheeks turned bright red.

​“Gareth,” annoyed niyang sambit at kinurot ako.

​“Wala bang… good morning kiss d’yan?” pabiro kong untag. “Nangangalay ang kamay ko kakayakap sa’yo buong magdamag!”

​Nanlaki ang kanyang mga mata.

​“U-umaga, Gareth!”

​Tang ina! Hindi siya tumanggi! ​Gamit ang isang braso ko na nasa ilalim ng kanyang katawan, tinaas ko siya. Umungol naman siya sa ginawa ko at suminghap.

​“Ano naman kung umaga? Sinong nagsabi na bawal maghalikan sa umaga?” Humina ang magaspang kong boses.

​I will fucking push my luck here. I’ve been wanting to kiss him. Dammit!

​“Gareth, wala pa tayong toothbrush.” ​I tilted my head down until the tips of our noses bumped into each other. Fuck! I feel my intestines knotted.

​“You still smell so good,” I urged him. ​Parang naduduling na kami sa lapit ng mga mukha namin.

​“Saglit lang?” he asked coyly.

​Putek na ’yan! Hindi talaga siya tumatanggi! Gusto niya rin… tama ba ako?

​“Mmm,” tango ko.

​I tilted his head back to angle his head from mine.

​“Is this your first kiss?”

​“Good. It’s my first time too, so let’s take our time, okay?”

​Tumango na lang siya sa akin.

​Using both my hands, I cupped his cheeks and brushed the pads of my thumbs on his cheeks before I leaned down for his lips. ​Pinatak-patakan ko muna ng halik ang kanyang labi. Ayaw kong ipikit ang mga mata ko dahil gusto kong pagmasdan siya na napapakurap sa bawat lapat ng mga labi namin.

​Tang inang saglit ’yan.

​Ilang sandali matapos kong halik-halikan ang labi niya nang mababaw, sunod ko nang ginamit ang dila ko. Tinudyo-tudyo ko ang kanyang nakasarang bibig habang maliit na kinagat ang ibabang labi niya.

​“You can suck and bite my lips too,” I told him. Our breathing mingled.

​Kumuyom ang kamay niya sa bandang dibdib ko.

​Tumatama ang kanyang paghinga sa aking labi at baba.

​“You can mimic the things I do with your lips. Don’t hesitate. Kiss me however you like.”

​“Gareth,” Alessio was breathless and looked like he was out of words.

​Tingles fired through my body as soon as I kissed him, this time, thoroughly. I brushed my tongue along his lips before I dug my tongue inside his mouth and he welcomed me.

​He moaned in between our kiss.

​The kiss wasn’t rushed, wild, nor harsh. It was a slow, gentle kiss and it made my whole body tingly. Alessio returned my kisses clumsily but I liked it. Our kiss wasn’t greedy at all; it was more like we were still exploring and I was the one guiding us to wherever we wanted to go with these tender kisses.

​Pareho kaming hinihingal nang matapos ang halikan namin. Pinunasan ko ang labi niya kasi basa iyon.

​Nakadikit pa rin ang mga noo namin at ang hinlalaki ko ay humahaplos pa rin sa kanya. Pwedeng habaan pa ang oras? Pwedeng umulan ulit?

​“Alessio.”

​“Gareth.”

​Sabay naming untag namumungay pa ang mga mata namin mula sa mahabang halikan.

Ang sarap putcha!

“Ang sarap ng labi mo.” Kompisal ko sa kanya.

“Gareth naman!” Namula siya.

​“Pwedeng… isa pa ulit?” ani ko habang ang mga mata ay nasa labi niya.


This story is already

COMPLETED

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 17

​ Chapter 17

​Walang ibang tao sa classroom namin kasi lunch time at mostly ng mga classmates namin ni Alessio ay sa labas kumakain. At kahit naman ako ay sa labas ako kumakain, pero noon iyon. Iba na ngayon.

​Alessio and I had been dating for months now, and yet no one knows. Not even our classmates, let alone our families. Wala namang nagbabago except sa mga pagtakas namin minsan sa bahay para magkita sa convenience store na malapit sa amin.

​Dito naman sa classroom ay ganoon pa rin-mga nakaw na titig lang. At kapag hindi ko na matiis, sadya akong tumatabi kay Alessio sa harap, ngunit sinusuway naman ako ng mga kaibigan niya.

​Kaya nga minsan dito ko na sa school ginagawa ang assignments ko para lang may rason akong kausapin at makatabi si Alessio. Tinuturuan niya ako sa mga assignments ko, at ako naman ang tumutulong sa kanya sa aming Calculus since doon ako medyo magaling. Basta sa computations, ako ang nagtuturo sa kanya, at siya naman sa ibang asignatura namin.

​Our friends didn’t notice or doubt anything about us since dati ko na namang ginagambala si Alessio. Sanay silang inaangasan ko si Alessio o inaasar. Sanay na rin silang sabay kaming umuwi kasi alam nilang magkapitbahay kami. Hindi mahirap itago ang relasyon namin dahil doon. Ang akin lang, naiinis ako sa mga kaklase ko na grabe kung makadikit kay Alessio. Mapa-babae man iyan o lalaki, gusto kong sakalin.

​“Binilhan kita nitong gusto mong inumin,” sabi ko sabay ngiti sa kanya. Nilabas ko mula sa bag ko ang Mogu Mogu na binili ko.

​“Thank you,” he chirped cutely, then he smiled that made my heart warm. “Dinamihan ko rin ang baon ko ngayon kasi sabi mo sabay tayong kakain ng lunch,” balita niya rin sa akin sabay abot ng bag.

Kinandong niya ito at kinuha ang dalawang baunang kulay pink.

​“Ito ang ulam at ito ang kanin.”

​Ako na ang nagbukas niyon at napangiti ako nang makita kong puno ng kanin ang isang baunan habang ang isa naman ay adobong manok.

​Dahil malamya talaga ang kilos nitong boyfriend ko, ako na ang kumuha ng bag niya para hanapin ang kanyang kubyertos. May tissue pa nga at kung ano-ano pang mga kaartehan niya, kaya ang bigat-bigat ng bag niya.

​Actually, I had already taken him on a date a couple of times. That’s why this wasn’t new to us-eating together has become a thing for me already. Ang pagsilbihan siya sa mesa ay parang naging natural na sa akin.

​Siyempre, dini-date ko rin siya sa labas para doon ko manakawan ng halik. Ang hirap kasi kapag sa bahay nila dahil nandoon ang mga magulang niya, at magtataka naman ang Mama ko kung bigla-bigla na lang akong pupunta sa bahay ni Alessio. Ang hirap din namang irason na may assignments kami at magpapaturo ako kay Alessio kasi alam naman ni Mama kung ano’ng klaseng estudyante ako.

​“Ngayong gabi… pwede akong pumunta sa bahay ninyo?” tanong ko sa kanya habang kumakain kami. Nag-angat ako ng tingin sa kanya.

​Nakailang subo na ako pero siya ay naka-isa pa lang. Mabagal kasi siyang ngumuya; isang subo, halos labinlimang beses ang nguya.

​Inabot ko ang gilid ng labi niya gamit ang hinalalaki ko nang makita ko ang kanin doon. While locking our eyes together, I brought my thumb to my lips and licked the rice off it.

​Alessio’s eyes widened scandalously at my unbashful action. He gasped and anxiously looked around.

​“Hey, it’s only us here,” I stalled. “And it’s not like I did something wrong.”

​I smirked when I saw how his cheeks turned pink.

​“I-ikaw kasi! Ang bastos mo!” he accused.

​“What? Baby, wala akong ginagawang masama rito… unless may iniisip kang kahalayan diyan,” I teased him more.

​Sinampal niya ang kamay ko.

​Sumama na ang tingin niya sa akin. Ang sarap talaga nito, eh. Hindi lang masarap halikan, masarap ding asarin kasi pikon!

​“Tumigil ka na nga! Kain ka na,” suway niya sa akin. “Isa pa, kung pupunta ka sa bahay mamaya… baka nandoon na sila Mama at Mommy.”

​“Dadalhin ko ang mga reviewers ko para sa quiz natin. Sasabihin ko na magpapaturo ako sa iyo,” suhestiyon ko.

​Ano’ng akala niya sa akin, walang plano? Pinag-isipan ko na ito. Ang hirap na kasing pumunta sa kanila ngayong kaming dalawa na.

​“Hindi ba ang sama niyon?”

​Ang bait mo kasi kaya para sa iyo masama na iyon, baby.

​“No, it’s not. Mag-aaral naman talaga tayo,” I said, grinning at him wickedly.

​“Kinukulit mo lang kaya ako. Halik ka nang halik. Hindi tayo nakakapag-focus sa pag-aaral!” nakasimangot niyang sabi.

​I poked the side of my cheek with my tongue as I stared at him, the grin still plastered on my lips.

​“Mag-aaral tayo. Mag-aaral tayo kung paano ka gumaling sa paghalik!” bulgar kong pahayag na siyang ikinalaki ng kanyang mga mata.

​“Gareth Baker!” impit niyang suway sa akin.

​Namumula na siya nang husto.

​“Sorry, sorry. Kain na, baby ko. Ang liit-liit mo pa naman,” pag-iiba ko na lang sa usapan.

​Masama na ang tingin niya sa akin at padabog na sumubo. Ang bawat pagnguya niya ay maririin na.

​“Say ahh,” I stated, lifting my spoon with rice and adobo.

​Pinanlakihan niya ako ng mga mata pero binuka pa rin ang bibig. Sinubuan ko na siya kasi parang mauubos ko na ang kanin nang hindi man lang siya nabubusog.

​“Nganga,” utos ko ulit kahit may nginunguya pa siya. Ang cheeks niya ay parang pisngi na ng rabbit.

​“Liitan mo ang kanin at ulam,” angal niya.

​“Opo, master!” pabiro kong sagot.

​Nang wala nang laman ang bibig niya ay sinubuan ko ulit siya. Ngumisi ako.

​“Ang liit talaga ng bibig mo,” puna ko habang pinupunasan ang gilid ng labi niya gamit ang tissue.

​“Hindi naman maliit!”

​“Maliit. Tingin ko nga hindi kakasya ang hotdog diyan,” nguso ko sa bibig niya.

​“Hotdog? Anong klaseng hotdog ba ang hindi kakasya sa bibig ko? Kahit jumbo kakasya pa nga!”

​“Hotdog ko.”

​Dahil doon ay naubo siya. Naging sanhi naman iyon para mainis siya sa akin. Kahit anong sorry ko, iniirapan na ako. Hanggang matapos kaming mag-lunch ay iritado pa rin siya.

​Punyeta naman kasing bibig ’yan, Gareth! Kapag hindi ka nakadalaw mamayang gabi sa bahay nila, kasalanan mo rin, kupal ka! ​I pouted at him and did that fucking puppy eyes thing just to melt away his anger.

​“Sorry. Baby, sorry,” ngumuso pa ako.

Nakakawalang angas talaga ang isang ’to!

​Malaya ko siyang nasusuyo nang todo sa classroom ngayon kasi wala pa ang mga classmates namin. Hinalik-halikan ko ang kanyang braso at pinisil-pisil ang kamay. He tried to yank it away from me, but I held it firmly.

​“Nasa harap tayo ng pagkain at kumakain pa tapos ganoon ka. Iyang kahalayan mo walang pinipili, pati pagkain!”

​“Sorry. It won’t happen again, baby. Sorry na, hmm?”

​Alessio rolled his eyes. Halik pa rin ako nang halik sa kanyang maputi at makinis na braso habang nakatingin siya sa akin.

​“Baby,” niliitan ko ang boses ko at nilambingan. “Baby,” ulit ko.

​“Oo na nga!” tila napipilitan niyang saad.

​Umayos ako sa pagkakaupo. Bigla akong nawala sa mood.

​“Napipilitan ka lang yata, Alessio Brendel,” bland kong sabi. Nilayo ko ang ulo ko sa kanya pero sumusulyap pa rin ang mga mata ko.

“Kung ayaw mo, edi huwag!”

​Ay, putek!

​Kaagad akong bumaling sa kanya at ngumiti.

“Baby naman, joke lang iyon. Bati na tayo, hmm? Paisa nga ako diyan!”

​Nginuso ko ang labi niya.

​Pinanlakihan niya ako ng mga mata.

“Gareth!” Impit niyang suway sa akin.

​“Tayo lang naman ang nandito! Saka hindi naman sa labi, sa pisngi lang,” pagkukunwari ko kahit sa labi ko siya gustong laspagin.

​Mamayang gabi ka sa akin, Alessio!

​Itinungkod ko ang siko sa armchair ng silya niya at dumukwang sa kanya. I kissed his cheek. Nang makita kong hindi siya umiwas, hinalikan ko siya nang hinalikan sa pisngi, ilong, noo, at leeg hanggang sa makarinig kami ng malakas na kalabog ng metal sa likuran namin.

​Doon ako napatigil at patalon kaming napatingin sa pintuan. Para kaming nahuli ni Alessio na nagnanakaw nang makita namin doon si Keysha na bumaha ang tubig na iniinom mula sa bibig, habang sa likod niya ay ang mga kaibigan ko na laglag ang mga panga.


This story is already

COMPLETED

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 18

​ Chapter 18

​My eyes narrowed at Keysha, who was dramatically bawling, but there were really no tears coming out of her eyes. Instead, what I saw in her eyes was hostility and accusation-and I don’t know why she was glaring at me like that! It’s not like I did something wrong, right?

​I could feel that Keysha wanted to strangle me already and beat the shit out of me. Just a little goading and this girl would flip! But all she could do was blabber at Alessio, who was standing before me like he was my little protector from his friend’s rage.

​Pucha! Hindi ko aakalain na sa ganitong paraan nila malalaman ang tungkol sa amin ni Softie-my baby.

​I smirked at my own thoughts.

​May balak naman kami ni Alessio na sabihin sa mga kaibigan namin ang tungkol sa amin, but after the Christmas party na. December na naman ngayon kaya konting panahon na lang sana.

​“Tingnan mo nga iyan, pres! May lakas pang ngumisi sa akin!” Inis niyang sabi at mariin akong tinuro ni Keysha. Susugod na siya sa akin pero hinawakan siya ni Harper. Dapat kasi tinali na ni Harper itong amazona niyang crush.

​I get it. Best friend kasi silang dalawa ni Alessio at naglihim sa kanya ng ganito ang kaibigan niya kaya nagagalit siya. Malaking bagay talaga siguro ito sa kanya.

​“K-Keysha, kumalma ka muna. Huwag kang sisigaw,” kinakabahang untag naman ni Alessio.

​“Pres, wala akong nililihim sa’yo. Alam mo ’yan. Alam mo na nga ang talambuhay ko eh, kaya hindi ko ito matatanggap-na naglihim ka sa akin at…” she purposely shut her mouth and threw a sharp glare at me.

“At kay Gareth Baker pa talaga, pres? Sinisiraan ko na nga ang lalaking iyan sa’yo eh. Lahat-lahat ng baho niyan na alam ko sinasabi ko sa’yo, pero siya pa rin pala talaga ang gusto mo!” Ewan ko kung nanghihinayang ba siya o dismayado o baka halo-halo na.

​“Hey!” angil ko, ngunit mariing iniling ni Alessio ang ulo sa akin.

​I pressed my lips together and zipped my mouth.

​Halos mangiyak-ngiyak na si Keysha. Madrama itong umupo at saka sinapo ang mukha. Sumunod naman si Alessio na umupo sa katabing upuan nito. Sumunod din ako kay Alessio.

​Si Harper at Jovert ay hindi nakapagsalita simula kanina at nakatayo sila ngayon sa gilid ni Keysha habang ako ay sa tabi ni Alessio. Mabuti at hindi pa nagbi-bell.

​“Masayang-masaya pa naman ako no’ng deniscribe mo dati ang crush mo. Kaya nga pinipiga kita no’n na sumagot tungkol sa crush mo. Kampante na ako noon na hindi na si Gareth! Kasi sabi mo, neat, mabango, pogi, gentleman, matalino, at pinapangiti ka.” Bumuntong-hininga si Keysha at binalingan si Alessio.

​Nang sumagi saglit ang mga mata niya sa akin ay halos dambahan niya ako.

Ahh, kaya pala gano’n siya kaatat no’n. Mabuti na lang at gustong-gusto ako ni Alessio.

​“Well, pogi naman si Gareth, mabango, at malinis na lalaki. Kaso hindi ko nakikita ang pagiging gentleman niya at katalinuhan!” ismid pa ni Keysha.

​Konting-konti na lang talaga at masasagot ko na itong babae na ’to. Hindi ako pumapatol sa babae pero grabe na itong mga sinasabi niya. Nakakalalaki na siya.

​“Keysha, gentleman sa akin si Gareth,” mahinang wika ni Alessio. But it made my heart swell.

​Lumawak ang ngiti ko roon kaso nang mahagip ng mga mata ko ang mga kaibigan ko na nakangiwi sa akin, kinagat ko ang labi para itago ang kilig.

​“Matalino siya sa math. Tinuturuan niya nga ako kaya ako ngayon gumaling sa Calculus natin,” dagdag pa ng boyfriend ko. Shit!

​“Iba ang Gareth na nakilala ko… at alam mo naman, ’di ba na siya iyong unang lalaki na nakakuha ng atensyon ko dito sa school?” Alessio added.

​Ngumiwi si Keysha. “Oo. Kasi maingay siya at papansin!”

​Humagikhik lang si Alessio.

​“You know that I’m not comfortable with someone knowing my sexual orientation, right? Kaya hindi pa namin nasasabi ni Gareth sa kahit na s-sino.”

​“Kahit sa mga magulang ninyo hindi pa ninyo nasasabi?” tanong ni Keysha.

​Tumango kaming pareho ni Alessio.

​“Pero, Alessio, alam ko naman ang tunay mong kasarian.”

​“Oo pero tayong dalawa lang. Kapag kumalat na kami ni Gareth… natatakot ako sa magiging reaksyon ng mga classmates natin. Baka kapag nalaman nila… layuan ako ng mga classmates natin.”

​Nakita ko ang pagkurot ni Alessio sa kanyang balat kaya kinuha ko ang kamay niya at pinagsiklop ang mga ito. Nasusugatan kasi siya kapag ginagawa niya iyon.

​Ang buong section namin close ni Alessio. Kahit kasi mahinhin siya at mahina ang boses, magaling naman ang pamamalakad niya sa classroom. Everyone was so fond of him except sa ibang mga section na mukhang naiinggit sa kanya. Naiintindihan ko na ayaw niyang may magbago sa pakikitungo ng mga classmates namin sa kanya once na malaman ng mga ’to kung ano ang kasarian niya.

​“Alessio, hindi naman kami gano’n,” sabat ni Jovert sa gilid ni Keysha.

​“Oo nga. Ano naman ngayon kung lalaki ang gusto mo? Ikakasakit ba namin iyan?”

“Nakakahawa ba ’yan para layuan ka namin?” dagdag pa ni Harper.

​Yumuko si Alessio.

​“Y-you can easily say that… kasi baka natatakot lang kayo kay Gareth,” Alessio choked out.

​“Baby,” I muttered softly and kneeled in front of him. “Don’t say that.”

​“Oo nga, Alessio. Saka hindi naman kami ganito kasi takot kami kay Gareth eh. Bukas lang ang isip namin pagdating sa ganitong bagay.”

​“Oo nga, Alessio. Saka baka hindi mo alam na dalawa ang tatay ko!”

​My head snapped toward Jovert. Kaming lahat ay napatingin kay Jovert. He’s never been this open to us.

​“Alessio, it doesn’t matter kung anuman ang isipin ng mga tao tungkol sa’yo o sa inyo ni Gareth. For as long as both of you know that you aren’t hurting anyone or stepping on other people,” pagpatuloy ni Jovert.

Keysha nodded. ​“Um, tama sila, Alessio. Ako… nagulat lang naman ako at nagtampo kasi nilihim mo ito sa akin. Tapos out of all the boys dito sa classroom, si Gareth pa talaga. All of this was so unexpected for me. Akala ko rin kasi magkagalit kayong dalawa. Para kaya kayong pusa at daga rito sa classroom. Hindi napaglalapit sa isa’t isa.”

​“Ibang klase ka pala sumalisi, bro!” hagalpak ni Harper.

​“Pero seryoso, suportado ako sa inyo. Kahit parang napaka-imposible nito.” Hingang malalim ni Keysha.

​“Salamat, Keysha!” Nagyakapan naman ang dalawa.

​Tumayo ako at huminga nang malalim.

​“Kapag sinaktan mo itong kaibigan ko, Gareth… maglalakad ka sa kalsada bitbit ang pinutol kong burat mo!”

​A sharp gasp escaped Alessio’s throat due to his friend’s bold statement.

​Mag-uusap si Keysha at Alessio at nang uupo na ako sa tabi ni Alessio, inangkla naman ni Jovert ang braso sa leeg ko at hinila ako sa likod.

​Diniin nila ako sa dingding sa likod at humarang ang kanilang patpating katawan sa harap ko. Punyeta! Isang suntok lang at kikitain ng mga ’to ang mga bituin.

​“Ano ba?!” banas kong wika at inayos ang polo ko.

​“Ang angas mo, ah. Porket presidente ng classroom ang jowa mo? Ang lakas mo, Gareth Baker!” asar sa akin ni Harper.

​“Gago ka, bro. Para kang ahas ah. Pasekreto ka pala kung gumalaw pero iba ang dalang tuklaw mo!” dagdag pa ni Jovert.

​Tumikhim ako.

​“Hindi ba… kayo nagulat? Na kami na ni Alessio?”

​“Nagulat ako!” ani Harper. “Nagulat ako na ganito ka pala kalandi, bro!”

​“Yeah, it’s more like kinilabutan kami sa landi mo!” dugtong ni Jovert kay Harper.

​“What? Hindi kayo nagulat na kami na ni Alessio?” bulaslas ko.

​“Konti lang. Ikaw kasi eh, panay ang sulyap mo. Panay ang papansin at parang hindi ka makakahinga kapag hindi mo nalalapitan o naiinis si President sa isang araw.” si Harper.

​“Parang uulan ng bulalakaw kung hindi mo naiinis si President hanggang sa mamula ito sa pagkairita sa’yo!” Ngisi ni Jovert.

​Gano’n… pala ako kahalata para sa kanila?


This story is already

COMPLETED

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 19

Happy 10k reads sa atin! Maraming salamat po sa pagbabasa ng kwento ni Gareth at Alessio❤️


​ Chapter 19

​Nakahiga ako sa kama ni Alessio habang siya naman ay nakaupo at nakasandal sa headrest. Nagbabasa siya habang ako ay nakauuna sa kanyang hita na nakatuwid. I cannot keep my hands off him, and right now, my fingers are busy playing with his t-shirt, and sometimes I play with the lace of his shorts.

​His room smells sweet and fresh, unlike my room that smells woodsy and of leather. I’m not really used to his room’s scent, pero habang pabalik-balik na ako rito sa kanyang kuwarto, nasasanay na ako sa amoy nito. At kahit naman itong Softie na ito ay para kang lalanggamin sa tamis ng amoy.

​Ang hilig na nga niya sa sweets, pati sa amoy gusto ng matamis. Kaya siguro ang sarap-sarap din nito.

​“Baby,” I called him for the nth time already since I entered his room.

​Pwedeng-pwede ko siyang landiin ngayon kasi wala ang mga magulang niya-nasa trabaho sila. Nakita nga ako kanina nina Tita Nova at Tita Marina bago sila umalis. Naging panatag naman sila na may nakakasama na raw si Alessio rito sa bahay nila.

​Kung pwede ko lang sabihin na ako na ang bahalang magbantay sa anak nila kapag wala sila sa bahay, ay baka ginawa ko na. Pero baka mawierduhan sila since sa pagkakaalam nila, hindi kami ganoon ka-close ni Alessio. Ang alam nga nila kanina ay magpapaturo ako sa kanya. At siyempre, dala ko ang libro ko bilang props para kapani-paniwala.

​“Akala ko ba mag-aaral tayo?” istrikto niyang saad. “Kunin mo ang libro mo at magbasa ka riyan. One seat apart tayo sa Monday dahil exam.”

​Sumimangot ako.

​“Paisa muna bago ako mag-aral. Pampagana.”

​I heard him groan.

​Pinasok ko ang kamay ko sa kanyang t-shirt at dinama ang kanyang flat na tiyan. I felt him twitch under my palm.

​“Gareth!” Ibinaba niya ang notebook na binabasa-nandoon kasi ang reviewer niya.

​Nakakunot-noo na siya sa akin at masama ang tingin. Even behind those transparent glasses, I can feel his fierce gaze at me. Whenever he’s studying or reading, I noticed that he wears those glasses, and they look so cute on him.

​Sa pagsasama ko sa kanya at sa mga dates namin, I noticed that he loves to wear loose clothes and hoodies, and as much as possible, he covers his skin. He loves that yellow dinosaur. His favorite drink is Lychee and strawberry Mogu-mogu, his favorite dessert is ice cream, and he prefers strawberry flavor. I also noticed, based on his things and clothes, that he loves pastel colors.

Everything is contradictory to my favorites, because I love dark colors and I don’t like strawberries and sweets. Siya lang ang dahilan kung bakit kumakain na rin ako ng ganoon. Napapatikim ako kasi gustong-gusto niya, eh. Hindi ko nga kilala iyang Mogu-mogu na iyan, pero dahil sa kanya, naging kuryoso na rin ako.

​“Kanina ka pa ‘isa nang isa’ riyan. Naka-limang kiss na tayo ngayon tapos wala pang two hours na nandito ka sa room ko!”

​“Kasalanan ko bang masarap kang halikan? Kasalanan mo ’yan!”

​Hindi siya makapaniwalang tumingin sa akin. Umungol siya pero yumuko upang hagkan ang ilong at labi ko.

​“Tapos na. Mag-aral ka na riyan. Mamaya na naman ang iba.”

​“Anong klaseng halik iyon? Gusto ko iyong tinuro ko sa iyo-iyong torrid kiss!”

​“Mag-aral ka muna riyan! Kapag nakapasa ka sa mga exams… papayag na ako roon sa sinasabi mong bakasyon kasama ang family mo!”

​Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga.

​“Talaga?” ’Yon lang naman pala eh.

​Ngumuso siya. “Mmm. Pero magpapaalam muna ako kina Mommy at Mama.”

​“Iyon!” Malawak ang naging ngiti ko.

​I’ve been nagging him about that vacation with my family. It’s a three-night, four-day vacation together with my family in Batanes. Pero hindi pa siya umu-oo noon.

​Ngumiti siya. “Kaya nga mag-aral ka na riyan-”

​Naputol ang sasabihin niya nang mabilis kong kinuha ang glasses niya at saka ko siya pinaulanan ng halik sa mukha.

Natatawa niya akong sinusuway, pero kalaunan ay humahalakhak na lang siya habang hinahalikan ko.

​Umaga ako nang umalis sa bahay para pumunta kina Alessio, pero dilim na nang lumabas ako sa bahay nila.

​Parang gago lang ako na himas-himas ang labi ko habang tumatawid sa daan.

Pumasok ako sa bahay na ang iniisip ay ang study session namin ni Alessio-my baby and my Softie.

​“Anak!”

​I jumped out of my trance, and I thought my heart would leap out of my ribcage when my mother suddenly appeared in front of me.

​“Ma!” sigaw ko rin sa gulat.

​Hindi ako makatingin kay Mama nang suriin niya ako na para bang isa akong specimen na kanyang pinag-aaralan sa ilalim ng microscope. Pinipilit kong iwasan ang tingin ni Mama dahil tingin ko, kapag nagtagpo ang mga mata namin, mahahanap niya ang mga kasagutan sa loob nito.

​“Anak, puspusan na yata ang pag-aaral ninyo ni Alessio. Kasi kung hindi ako nagkakamali, umaga ka noong umalis ng bahay, tapos ngayon ka lang bumalik!” There was a tinge of teasing in my mother’s voice.

​“May periodical kasi kami, Ma!”

​Humalukipkip si Mama.

​“Well, sa bagay, mabuti nga iyan kaysa naman makita ulit kitang umuwing may pasa at bugbog-sarado. Good influence pala talaga iyang pagsama mo kay Alessio, anak.”

​“Mmm, I’m studying hard for you, Ma.”

​Tinaasan ako ni Mama ng kilay.

​“Talaga? Para sa akin?”

​“Oo, Ma. Para saan pa ba?” iritado kong wika. “Makaakyat na nga sa kuwarto.”

​Nilampasan ko si Mama at akmang tatakbo na sana paakyat sa second floor nang may sabihin siya na nagpatigil sa akin.

​“Gareth, anong klaseng pag-aaral ba ang ginawa mo at namumula iyang leeg mo at pulang-pula ang labi?”

​Halos umusok ako sa aking kinatatayuan!

​“Pinakain ako ni Alessio… pinakain niya ako ng sili!”

​Rinig ko ang tawa ni Mama sa baba pero hindi ko na siya binalingan.

​Pagkapasok ko sa silid ko ay kaagad kong itinapon ang dala kong bag sa kama at hinubad ang t-shirt ko. Naligo ako at naisipan kong kumuha ng larawan para isend kay Alessio. Paglalawayin ko siya sa katawan ko.

​I flexed my arms upwards, my biceps and hard muscles came into view, and I took a photo of their reflection in the mirror. I stuck out my tongue and took another photo.

​I dived into my bed after I slipped into my boxers. Pasimpleng inayos ko ang kaibigan ko sa baba.

​Isinent ko ang mga photos kay Alessio. Mabilis niya itong na-seen pero nag-angry react naman siya. Nakaisip tuloy ako ng kalokohan.

​Ako: “Goodnight, baby. Dream of my arms around your neck, headlocking you while your mouth wraps around my fresh hotdog.”

Baby ko: “BASTOS KA!”

Ako: “Gudnyt na nga lng ayw pa ibigay.”

Baby ko: “Goodnight mo mukha mo, Gareth Baker!🤬😡”

Ako: “nakakatmpo ka na.”

Baby ko: “Ang dami mong alam sa kahalayan at katarantaduhan. Bobo ka naman!😠”

Ako: “bby ang skit na nyan.”

Baby ko: “Totoo naman. Bobo ka.😤”

Ako: “oi, boyfriend mo ako, bby.”

Baby ko: “Oo, boyfriend ko na bobo!🙄”

Ako: “Gudnyt, bby ko. Sweet dreams na lang.”


This story is already

COMPLETED

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 20

​ Chapter 20

​“Bakit sinasama pa ’yang si Gareth at ang mga barkada niya? Istorbo lang iyan sa atin, eh!” asik ng classroom treasurer namin.

Sinisira talaga ng lalakeng ito ang mood ko! ​Masaya ako ngayon dahil finally! Finally, sasama na talaga si Alessio sa outing ng pamilya namin ngayong bakasyon. Naipasa ko ang mga exams namin kaya ayun, tuwang-tuwa si Softie.

​“Wala namang ginagawa si Gareth, kaya hayaan mo na,” sabat naman ni Keysha sa classroom treasurer namin.

​Inirapan ko ang treasurer namin at tumabi na lang kay Alessio.

​“Sigurado ba tayong hindi sila mag-iingay ni Pres? Naku, nasa mall tayo, ha,” ungot naman ng isa pang officer ng classroom namin.

​“Hindi nga. Sinisigurado ko iyan!” ani Keysha.

​Dahil sa Martes na ang Christmas party namin, naisipan nilang magkita-kita upang mamili ng mga premyo para sa mga games na inihanda nila. May lulutuin din sila kaya kailangan nilang bumili ng ingredients. Ngayon na rin sila mamimili ng mga gifts para sa aming exchange gifts.

​“Maghiwa-hiwalay na lang tayo para mabilis. Hatiin na lang natin itong kailangang bilhin, tapos kita-kita na lang tayo after mamili,” suhestiyon ni Keysha at halos pumalakpak ang tainga ko roon.

​Ang ganda yata ng mood ng babaeng ito ngayon! Lahat ng sinasabi niya ay pabor sa akin!

​Sumang-ayon naman ang iba kaya hinati-hati na namin ang kailangang bilhin. Inirapan ako ni Keysha dahil sinabi ko sa kanyang kami na lang ni Alessio ang mamili sa nakaatas sa aming bibilhin.

​“Ito, oh. Lumayo-layo rin kayo sa amin.” Binigyan ko sila ng limang libo.

​Nalaglag ang panga ni Keysha nang ilagay ko sa palad niya ang pera. Si Jovert at Harper naman ay napapasipol na lang.

​“Ang laki naman niyan, akin na ang iba,” apila ni Alessio pero hinawakan ko ang kamay niya.

​Mabilis ding itinaas ni Keysha ang kamay kung nasaan ang pera. Nagkasalubong ang mga kilay ni Alessio sa inis.

​“Ang laki niyon, Gareth!” Pinadyak niya ang paa niya.

​“May mas malaki pa roon!” natatawa kong sabi sa kanya.

​Wala naman akong ibang nais iparating doon, pero bumaba ang tingin ni Alessio sa gitnang bahagi ng pants ko. Nang muli siyang tumingin sa akin, namumula na siya. ​Natawa ako sa reaksyon ng boyfriend ko. He really never fails to make me smile.

​“Pucha!” umakto pa si Harper na parang nasusuka.

​“Ang kupal talaga!” Si Jovert naman ay parang siya pa ang nahiya sa sinabi ko.

​“Haha! Alis na kami!” ani Keysha at hinila na ang mga kasama palayo sa amin.

​“Hmp!” Alessio stomped his feet on the ground like a baby having tantrums because he didn’t get what he wanted.

​Inirapan niya ako bago siya tumalikod at naglakad palayo. I placed both my hands on my waist, huffing, with a grin on my lips as my eyes followed my boyfriend’s back moving away from me. Para akong tanga na nakatingin sa kanya habang lumalayo siya.

Ako lang siguro ang natutuwa kapag naiinis ko ang boyfriend ko. Ewan ko, iba ang satisfaction na dulot niyon sa akin.

​Umiling ako at saka hinabol ang maliliit nitong hakbang. Mabilis ko siyang nahabol at kaagad kong ipinulupot ang braso ko sa maliit niyang baywang. Putek talaga, ang liit ng baywang!

​Napatalon siya sa ginawa ko pero kaagad kong inilapit sa kanyang tainga ang bibig ko.

​“Sorry, baby,” bulong ko saka hinimas ang baywang niya. I felt him shudder beside me.

​“Hmp!”

​“Binilhan kita noong paborito mong inumin. Iyong Mogu Mogu-gusto mo iyong Lychee nila, ’di ba?”

​Doon siya tumingin sa akin. Ang bilis talaga kapag paborito niyang inumin ang usapan.

He looked at me through his long, curvy lashes. ​“Strawberry rin.”

​“Mmm! Kahit ano roon. Bati na tayo?”

​“Uh-huh!” He nodded cutely and pressed his lips together.

​“Talaga?” paniniguro ko.

​“Oo nga, Gareth!”

​“Paisa nga riyan kung bati na tayo,” pilyo kong wika, pero kinurot niya ako nang mariin sa tagiliran.

​Napaungol ako sa sakit ng kurot niya pero tumakbo na siya papasok sa grocery store. Kumuha siya ng cart at nilingon ako. Binelatan pa ako!

​Gagawa si Alessio ng cupcakes kaya bumili na rin kami ng ingredients niyon. Ako ang taga-tulak ng cart para sa kanya. May mga binili siyang para sa kanya lang at halos mapangiwi ako dahil puro matatamis iyon.

​“Ayan!” sambit niya at nakita kong may check mark na ang listahang bitbit niya. “Sa mga drinks na tayo. Binilhan mo ako, ha!”

​He pouted at me. Nakangiti akong tumango sa kanya. Tulak ang cart, tumungo kami sa section ng mga inumin. Tuwang-tuwa siyang humarap sa mga nakahanay na Mogu Mogu.

​“Ilan, Gareth?” tanong niya sa akin.

“As many as you can get.”

Nalukot ang kanyang ilong.

“I have money, baby. Don’t worry,” agap ko.

​Tumango siya pero nakita kong lima lang ang kinuha niya. Saglit kong binitawan ang handle ng cart at tumabi sa kanya. Kunot-noo kong tiningnan ang mga nakahanay na Mogu Mogu. Pumulot ako ng isa at sinuri ito.

​“Masarap ba talaga ito? Pakiramdam ko mas masarap ang beer kaysa rito,” sabi ko habang sinusuring mabuti ang bote.

​“Masarap nga! Sabi ko naman kasi sa iyo, tikman mo!”

​“Really?” taas-kilay kong sabi habang nakatingin kay Alessio.

​“Oo! Ikaw kasi, beer ka lang nang beer. Ang pait naman niyon! Ang bata-bata mo pa pero ang lakas mo nang uminom!”

​Tumikhim ako at nag-isip ng palusot. “Ikaw kasi, baby, mahilig sa matatamis kaya napapaitan ka sa beer. Try mo kayang lagyan ng alcohol ’yang matamis mong katawan!”

​“Ayaw ko nga!”

​Binuksan niya ang isang Mogu Mogu at uminom doon. Umungol pa siya na animo’y nasasarapan. Tsk! Higit pa sa ungol na iyan ang iuungol niya kapag ako ang natikman niya!

​Uminom siya ulit. “Urgh! Ang sarap!”

​Tumingin ako sa paligid; walang tao. I grinned at him. Nakita ko ang pagkabasa ng labi niya dahil sa pag-inom.

​“Talaga? Masarap? Patikim nga,” untag ko.

​Inabot ni Alessio ang Mogu Mogu na ininuman niya. Ngumisi ako sa kanya at hinawakan ang palapulsuhan niya, saka walang pag-aatubiling ibinaba ang mukha ko upang abutin ang labi niya. I felt him still as my lips touched his. Napangiti ako bago ko dinilaan ang labi niya at tumayo nang maayos.

​“Hmm, masarap nga,” sabi ko sabay dila sa labi ko. Muntik na niya akong batuhin ng bote.

​“Kukuha lang ako ng beers, okay? Dagdagan mo pa ang Mogu Mogu mo,” bilin ko sa namumula kong boyfriend.

​Ngiting-ngiti ako habang kumukuha ng apat na canned beers. Pasipol-sipol akong bumalik kung nasaan si Alessio, pero mabilis na naglaho ang tuwa ko nang makitang may yumayakap sa kanya. May yumayakap sa kanyang lalaki at gumaganti pa siya ng yakap sa kupal na iyon. ​Ibinagsak ko ang beers sa cart namin dahilan para maputol ang yakapan nila.

​“Uh, kilala mo siya, Alessio?”

​Lumayo si Alessio sa lalaki at tumango.

“Oo, classmate ko siya…, Nico.”

​Wow! May classmates bang naglalaplapan?

​“Oh, pre. Nico pala.” Inilahad nito ang kamay sa akin pero tiningnan ko lang ito.

​“Gareth.” Gareth Baker ang babasag sa bungo mo, pre, saisip ko.

​Nang ibababa na sana nito ang kamay niya ay saka ko pa ito tinanggap. Saglit lang ang kamayan namin at binawi ko agad dahil baka hindi na ako makatiis.

​“Alessio, it was really nice seeing you again. Let’s catch up next time, okay? May naghihintay rin kasi sa akin,” anas ni Nico.

​“Sige, Nico!” mahinang untag ni Alessio habang panay ang sulyap sa akin.

​Nawala na ako sa mood. Hanggang sa pag-uwi, ramdam ang tensyon sa loob ng van na sinasakyan namin. Ihinatid ko lang sa loob ng bahay nila ang mga pinamili namin. Mabibigat kasi ang mga eco-bag kaya ako na ang nagpresentang magpasok niyon.

​“Gareth, aalis ka na?” habol niya sa akin sa may pinto.

“Mmm, pagod ako,” malamig kong wika.

“G-goodnight!”

Itaas ko lang ang kamay ko sa kanya bilang tugon.

​Dumiretso ako sa kwarto ko. Naligo ako at saka padapang humiga sa kama pagkatapos magbihis ng pants at sleeveless shirt. Nati-tempt na akong i-chat si Alessio, kaso nagtatampo ako. Nagtatampo ako na cllassmate lang daw kami!

​Sino ba ang lalaking iyon? Bakit close sila ni Alessio? Bakit ganoon siya kung makayakap? Ayaw ko itong nararamdaman ko-ang sakit sa dibdib!

​“Gareth!” ​ I lifted my head when I heard my mother’s voice booming from downstairs.

​“Ma!” I yelled back.

​“Nandito si Alessio! May itatanong daw siya sa iyo. Bumaba ka rito!”

​Nagkamot ako ng ulo. Ano namang itatanong niyon?

​“Pagod ako, Ma!” sigaw ko.

​Tumahimik naman ang paligid. Banas akong tumayo. Ako na nga itong nagtatampo at nagseselos, pero ako pa ang bababa? Suntukan na lang kami nung Nico na iyon!

​Lumapit ako sa pinto. Bababa na lang ako dahil nandoon siya, kahit na nagtatampo at nagseselos ako. Lulunukin ko na lang ang selos at tampo ko.

Akmang bubuksan ko na sana ang pinto nang makarinig ako ng mahinang katok. Sa katok pa lang, alam kong hindi si Mama o si Gian iyon.

​Hindi ako sumagot.

​“Gareth? Si Alessio ito.”

​Halos tumambling ako pabalik sa kama ko. Umakyat ako at sumandal doon, saka ginulo ang buhok ko. Tumikhim ako at pinilit itago ang excitement na nadarama.

​“Hindi iyan naka-lock!” sagot ko at kaagad na bumukas ang pinto at dumungaw roon si Alessio.


This story is already

COMPLETED

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 21

​ Chapter 21

​“Lock the door,” I ordered him sternly when he stood on the side of my bed with his hands intertwined with each other.

​His innocent auburn eyes leered at me.

​Tingnan mo na itong softie na ito. Siya itong may atraso sa akin kaso siya itong nagmamatigas. Ayaw talagang magpatalo.

​“Bakit tayo maglo-lock ng pinto, Gareth? Sa bahay nga, hinahayaan natin na bukas siya,” katwiran niya pa.

​Oo, kapag nasa bahay nila kami, hindi kami naglo-lock ng pinto kaya nga may pagkakataon na nahahagip ng mata ko na sinisilip kami ng mga magulang niya sa silid niya, eh. Naniniguro siguro sila na hindi ko inaapi o pinapaiyak ang kanilang anak.

Kung alam lang nila ni Tita na kinakain ko anak nila kapag wala sila. Kidding aside!

​“Bahay niyo iyon; ngayon, nandito ka sa bahay namin,” istrikto kong untag sa kanya.

​But instead of feeling threatened or fearful, the small boy dropped his body heavily on my bed and looked at me angrily.

​Pucha! Siya ang galit? Ako dapat! Ako! ​Sinusuyo niya nga dapat ako ngayon, pero bakit ako ang inaandaran nito? Napaka talaga nito!

​“Ayaw ko! Uuwi rin naman ako maya-maya. Sabi ko kina Mommy na saglit lang ako rito,” nguso niya at nanatiling masama ang tingin sa akin.

​Labag man sa loob ko at ayaw ko man, pero ako na ang tumayo mula sa pagkakasandal sa kama ko at nilock ang pinto. Nakita kong tumalon ang kanyang balikat nang marinig ang pag-click ng lock ng pinto ko.

​I sauntered to my bed and sat on the edge. I don’t need to lean on him and sniff on his neck to know that he just came out from the shower before coming here. Umaalingasaw sa ere ang matamis niyang amoy. Suot na niya ang kanyang sleepwear na mapusyaw na yellow plaid pajama at baby blue na T-shirt. Ang luwag pa noong neckline kaya kitang-kita ko ang sexy na collarbone.

​Inaakit ka niyan, Gareth, pumirmi ka. May atraso iyan sa iyo, my mind reminded me before I found myself kneeling at Alessio’s feet. Under pa naman ako nito.

​Nilalagyan ko ng distansya ang sarili namin dahil baka hindi ako makapagpigil ngayon sa kanya.

​Tch! Nagtatampo at nagseselos pa naman ako. Ayaw kong bumigay kaagad. Matigas kaya ako. Patigasan na lang kami rito.

​“Natatakot ka sa akin? Natatakot kang saktan kita kaya ayaw mong i-lock ang pinto?” I asked gently. I tried to crouch a bit to look at his face, but he tilted his head down even more.

​Takte! Ako ba ang susuyo nito ngayon? Ako ang may tampo at selos dito!

​“H-hindi naman. Why would I? I can scream naman kapag sinaktan mo ako. Pero alam ko naman na hindi mo ako pagbubuhatan ng kamay.” Inangat niya ang ulo niya sa akin at inosenteng ngumiti.

​Anak ng puta! Alam na alam niya talaga kung papaano ako paamuhin, eh. Isang ngiti, isang pagpapacute at magliliparan na sa kawalan ang tampo at selos ko!

​I scoffed. “Ano’ng sadya mo rito?” Kunwari ay wala akong paki sa pagpapacute niya sa akin, pero deep within, para na akong ice cream na natutunaw sa ilalim ng araw.

​Tigasin tayo, Gareth. Huwag kang bibigay nang basta-basta diyan sa boyfriend mo. Always remember, classmate ka lang nang ipinakilala doon sa Nico kanina. Anak ng. Suntukan na lang kami no’n.

​Ngumuso siya sa akin at pinaglaruan ang dulo ng kanyang index fingers.

​“N-nagtatampo ka?” mahina niyang untag.

​Naipunto mo rin, baby! ​Pero siyempre, ’di ko iyon sinabi.

​“Huh? Hindi ko narinig!” Bahagya kong ipinikit ang mata at itinapat ang kamay sa tainga na kunwari ay wala akong naririnig sa kanya.

​“Gareth!” angil niya at ipinadyak ang paa.

​“Ano nga? Ang hina ng boses mo.”

​“Niloloko mo ako, eh!”

​“Halika ka rito nang marinig kita!” kaway ko sa kanya palapit sa akin.

​Alessio wrinkled his forehead and glared at me suspiciously.

​Para akong kiniliti nang makita kong napipikon na siya.

​Binibiro, inaasar, at kinukulit ko lang itong boyfriend ko, pero aaminin kong ang laki ng pinagbago ng sarili ko dahil sa kanya. We have been in a relationship for barely three months, but I can see how much he has changed me unknowingly.

​Unbeknownst to him, he already turned my world upside-down. Simula nang maging kami, hindi na ako nagagawi sa fight clubs; though may mga kaibigan ako roon na kinikita ko minsan, pero hindi na ako sumasabak sa ring. Naglalaro pa rin ako ng COD ngayon pero limitado na kasi nag-aaral na rin ako at nilalandi ko si Alessio. Kapag busy siya sa acads, doon lang ako nakakapaglaro.

​Hindi ko naman siya pinilit, eh. Kusa itong ginagawa ng sarili ko. Hanggang sa napag-isip-isip ko na lang na ang layo ko na pala sa dating ako. I want to be a better man for him. And I love what I am right now. And this little man beside me right now contributed to it a lot.

​Dati, hindi naman ako palaaral na tao. Oo, marunong ako sa klase pero hindi studious. Ang suwerte nga na nandito ako sa STEM, eh. Sumusunod lang kasi ako noon kung saang strand sila Jovert at Harper.

​The sheets creaked when Alessio began to move towards me. Bumangga ang kanyang tuhod sa tuhod ko. Para akong nakuryente roon.

​“Naririnig mo na ako?” mahinang tanong sa akin.

​Nakatingala siya sa akin. Mas nakita ko tuloy ang kanyang makurbang pilik-mata.

​“Ano?”

​“Gareth, niloloko mo na talaga ako!” Pikon niyang wika at saka tumayo.

​Naiiling akong tiningnan siya bago ko hinawakan ang kanyang palapulsuhan at saka siya hinila paupo sa kandungan ko.

Ito ang gusto ko.

​“Gareth!” sita niya sa akin, pero ipinulupot ko na ang kamay ko sa baywang niya.

​“Ayan, naririnig na kita,” I said, licking my lips.

​Naka-side view ang katawan niya at nasa balikat ko ang kanyang mga kamay. Itinutulak niya ako kaso niyayakap ko siya nang mahigpit.

​“Ikaw talaga, kung ano-ano ang naiisip mo!” Suko niya at lumuwag ang kamay sa balikat ko.

​“Sshh!” suway ko sa kanya. Sarap halikan ng labi kaso nagtatampo at nagseselos pala ako. “Huwag kang maingay. Baka naririnig ka ni Mama sa labas, sige ka.”

​His shoulders slumped and he snorted.

​Pasimple kong ipinasok sa loob ng T-shirt niya ang kamay ko. Nakontento naman akong maramdaman ang balat niya sa palad ko. Nanginginig siya roon…

​“Now, ano nga ulit ang sasabihin mo sa akin?” I asked while my fingers kept on caressing the sides of his hips.

​“E-eh… ang kamay mo!” Tinampal niya ito, pero nakinig ba ako? Siyempre hindi!

​“Hayaan mo na iyang kamay ko, Alessio. Pasalamat ka himas pa lang ang ginagawa ko!”

​His eyebrows knitted.

​“Ganito tayo mag-uusap? Nakakandong ako at hinimas ako?”

​“Oo, sabi ko naman sa iyo, hindi kita naririnig kapag nasa tabi lang kita. Ngayong nakakandong ka at hinihimas kita, klaro na ang boses mo sa tainga ko.”

​Alam niyang inaasar ko lang siya kaya naman ngumiwi siya.

​“Pero, Gareth, galit ka sa akin?” Lumambot ang boses niya. “Nagtatampo ka ba dahil doon sa sinabi ko kay Nico? Gareth, kilala ko lang si Nico dahil schoolmate kami noon sa dati kong school. May modelong girlfriend nga iyon, eh.”

​Tinaasan ko siya ng kilay.

​“Totoo nga!” giit niya nang makita ang pagdududa sa mga titig ko.

​“S-si Nico, close kami noon kasi minsan na niya rin akong pinagtanggol sa mga bullies ko. Officer iyon, mabait at matalino rin.”

​Ayan na naman! But then remind of these bullies, may kalalagyan sila sa akin.

​“Ah, crush mo rin siguro iyon. Type mo pa naman ang mga matatalino, ’no?” Himig tampo kong saad.

​“Huh? Hindi ah! Parang kuya ko lang talaga si Nico. First year college na iyon tulad ng girlfriend niya. Saka, akala ko kasi hindi ka komportable na ipakilala kitang boyfriend. Kaya ganoon. Sorry. Sorry na, mmm?”

Hinaplos niya ang panga ko.

Nakakawalang angas naman ito. Nanlalambot na ako rito dahil sa cute niyang boses.

​“Kahit i-stalk mo pa sa Facebook si Nico, may girlfriend na iyon. Palagi iyong laman ng story niya,” kwento niya.

​Teka nga lang.

​“Teka. Bakit ang dami mong alam doon? Ini-istalk mo rin iyon? Kaibigan mo sa Facebook?”

​“Ah, oo. Friends na kami dati pa sa Facebook. Saka hindi ko siya ini-istalk. Nakikita ko lang ang stories niya.”

Huh, same difference! Nauna pa sa aking maging friends sa Facebook.

​Dahil doon, tiningnan nga namin ang Facebook noong Nico. Nasa kandungan ko pa rin siya habang kinakalikot niya ang cellphone ko. Hindi niya kasi dala ang phone niya kaya iyong akin ang ginamit namin.

Naging komportable na siya sa kandungan ko kaya libre tsansing na naman. Swerte ko ngayon ah. Okay lang palang nagtampo at nagselos ako.

​Totoo nga. May syota nga iyong Nico. Nakahinga ako ng maluwag doon. Okay na rin iyong nagdrama ako ng konti kasi pinuntahan niya ako rito sa bahay.

​Naaliw na rin si Alessio sa cellphone ko kaya unlimited tsansing ako sa kanya. Hinalik-halikan ko ang balikat niya, ang batok, at ang pisngi habang ang kamay ko naman ay naglilikot sa baywang niya. Kulang na lang ipasok ko ang kamay ko sa pajama niya.

​“Ahh, ahh, ahh!” Rinig kong ungol galing sa phone ko.

​Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong ni-play niya iyong isang X-rated video na nasa gallery ko!

​Anak ng puta, hindi ko pala na-delete iyong bidyo!

​“Mommy!” Matalis na tili ni Alessio sa gulat at naitapon ang cellphone ko sa kama, at patuloy na nag-play iyong video. Nagpatuloy ang sensual na ungol galing sa phone ko.

​Mabilis kong inabot ang cellphone at saka pinatay. Natigil ang pag-ungol.

​Uminit ang batok ko doon at nang tingnan ko si Alessio, buong mukha niya ang namumula. Para kaming nahuling dalawa na may ginagawang kung ano.

​“Gareth, b-bakit ka may ganoon!” Nanginginig ang kamay niyang tinuro ang phone ko.

​Pucha! Tinatanong pa ba iyan? Curious ako! Nagjajakol ako habang iniisip siya! Sino pa ba ang iisipin ko kapag nagjajakol?

​“B-bakit may ganoon!?” Problemado niyang untag at hinila ang dulo ng damit ko.


This story is already

COMPLETED

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 22

​ Chapter 22

​“Ayan oh, deleted na. Wala na rin sa trash ko.” Hinarap ko kay Alessio ang phone ko para makita niyang na-delete ko na iyong bidyo.

​Pucha! Sa lahat ng bidyo na hindi ko na-delete, iyon pa talaga.

​“Na… nanonood ka no’n?” Ulit niya na naman.

​Alessio. Alessio. Alessio. Malamang! Nando’n iyon sa gallery ko kasi pinapanood ko. Nagugulat pa talaga siyang nanonood ako ng gano’n? I watch gay porn because I’m curious about how those things work.

Iba kasi ang pinapanood ko noon. ​Bumalik ako sa kama at itinuod ang isang palad. Tiningnan ko siyang mabuti; hanggang ngayon ay namumula pa rin siya.

​“You’re nineteen, baby. Hindi ka ba nanonood no’n?” tanong ko sa kanya.

​“Hindi! Hindi kasi ako t-tulad mo!” asik niya naman sa akin.

​I stifled a smile. Napaka-inosente niya talaga sa mga ganoong bagay. Baby pa nga.

​“I’m at the age to watch those things, baby,” magaspang kong wika.

​“Kahit na. Napaka-careless mo. Paano kung makita ng iba?”

​“Baby, sa school nga may nanonood ng gano’n!”

​“Ano?”

​“Wala, wala,” bawi ko kaagad.

​Ang ibang kaibigan ko sa likod ay nanonood ng porn pero straight porn. Iyong nakita ngayon ni Alessio ay gay porn.

​“Bakit kasi nanonood ka ng gano’n?” mahinang untag niya na animo’y ang sarili niya ang kausap.

​“Siyempre, para sa’yo!” deretsong sagot ko sa kanya.

​Nahihintakutan niyang inangat ang tingin sa akin. Walang anu-ano’y inabot niya iyong unan ko at walang habas akong pinaghahampas niyon.

​Natatawa kong sinasangga ang bawat hagupit ng unan sa akin. Sumabog ang tawa ko pero umuungot na siya sa inis. Hanggang sa nahiga na ako sa kama at siya naman ay pumatong sa akin habang hinahampas ako.

​Ang brutal ng softie na ito sa akin. Parang hindi niya ako boyfriend kung makahampas siya! Maswerte siya na ako ang boyfriend niya-pogi, macho, at mataas ang pasensya sa kanya!

​“Huwag mo akong idamay d’yan sa kalibugan mo! Nakakainis ka! Nakakainis!”

​Hinihingal ako kakatawa at hinuli ko na ang kamay niya. Sa ring ng mga fight club, hindi ako pumapayag na nasa ilalim ako. Pero kung si Alessio naman ang dadagan sa akin, I will not complain. Kahit buong araw pa niya akong daganan.

​Kinuha ko ang unan sa kamay niya at hinawakan ang dalawa niyang palad. Nakaupo siya sa tiyan ko at nasa dibdib ko ang mga kamay naming magkahawak.

​“Baby, stop!” humagikhik ko pa ring wika.

​Singpula na ng kamatis na hinog ang mukha niya.

​“Ikaw kasi! Dinadamay mo ako sa kalibugan mo!” Naghahabol din siya ng hininga kakahampas sa akin.

​“What? Alessio, ano pa ba ang rason ko para panoorin iyon? We both know that we don’t have experience when it comes to that deed. Gusto kong matuto at gumaling.”

​Halos magdugtong na ang kilay niya.

​“E-eh… hindi naman kailangan!”

​“Kailangan iyon. Gusto ko kapag first nating gagawin iyon, magaling ako at perfect ang performance ko!” Giit ko.

​“Gareth, ang bastos mo talaga! Saka anong perfect ang pinagsasabi mo? Graded ba ’yan?”

“Oo, ikaw ang gagrado sa performance ko kasi sa’yo ko iyon gagawi- aray, baby ko!”

Dumaing ako sa sakit nang kurutin niya ako.

​“Uuwi na ako! Ihatid mo ako!”

​Ngumisi ako sa kanya at tumango. Ang inosente pa talaga ng isang ito. Matanda siya ng isang taon sa akin at boyfriend niya ako. Hindi ba siya na-curious sa bagay na iyon? O baka hindi siya nanonood kasi nagbabasa siya ng ganoon? Tch!

​Umalis siya sa ibabaw ko at inayos ang damit.

​Sabay kaming bumaba at napansin kong wala na si Mama sa baba. Siguro ay natulog na.

​“Gusto mo ba iakyat pa kita sa silid mo?” hirit ko nang makarating kami sa harap ng gate nila.

​Alessio frowned at me. Tumingin ako sa paligid; tahimik na ang daan at walang tao. Mabilis ang galaw ko at hinagkan ko siya sa labi.

​“Goodnight! Dream of me only, alright? Huwag iyong nakita mong umuungol sa phone-”

​Tinampal niya ang bibig ko.

​“Kabastusan mo talaga! Goodnight na. Bati na tayo, ha!”

​Nang dumating ang Christmas party namin, nagkaroon ako ng rason para sumaglit sa bahay ni Alessio dahil tutulungan ko siya sa pagbitbit nung niluto niya.

​“Hoy, ipaglayo ninyo si Pres at Gareth, ha. Please lang, Christmas party natin ngayon. Ayaw namin ng away!” hirit ng classmate namin habang nag-aayos ng mesa.

​“Oo nga. Kahit ngayong Christmas party, ’wag muna kayong mag-away.”

​“Ikaw, Gareth, huwag mong asarin si Pres!”

​Habang naglilitanya ang mga classmates namin, sina Harper at Jovert naman ay malapad ang ngisi sa akin. Si Keysha ay ngumingiwi.

​Nakita ko si Alessio na inaayos ang speaker na aming gagamitin kaya naglakad ako tungo sa kanya.

​“Ayan na! Nilalapitan na! Awatin ninyo, boys!” alerto ng isa naming kaklase.

​Lumapit sa akin ang mga kaklase naming lalaki at humarang sa dinaraanan ko.

​“Pre,”

​“Tabi,” maangas kong anas.

​“Christmas party natin ngayon.”

​“I know,” natatawa kong saad. “Tutulungan ko lang si Pressy doon sa sound system.”

​“Boys, hayaan n’yo na ’yan,” maangas namang untag ni Keysha. Itong babae na ito, maliit din pero amazona ang datingan. “Ako ang bahala sa lalaki na ’yan kung aawayin niya si Alessio. Puputulin ko bayag niyan!”

Prftt!

​Nagdadalawang-isip pa ang kaklase naming tumabi, pero kalaunan ay umalis din sa harap ko.

​Umupo ako sa harap ni Alessio.

Natatabunan kaming pareho rito sa harap dahil sa mesa na dinesenyuhan din. Isa pa, abala ang mga classmates namin sa paghahanda ng mga games.

​“You’re so pretty today, baby,” mahinang anas ko at kinuha ang microphone sa kanya. Ako na ang nag-ayos sa sound system namin.

​Yumuko siya at inilapit ang bibig sa tainga ko.

​“You’re so handsome today as well!” Bulong niya sa akin.

I know, baby!

​Matapos kong ayusin iyong sound system namin, tatayo na sana siya nang hawakan ko ang kamay niya-pinigilan siya sa pagtayo.

​Tumaas ang kilay niya sa akin.

​“Alessio, are you afraid that our classmates will find out that we’re together?” tanong ko sa kanya. “Kasi nakakainis na sila. Akala talaga nila inaapi kita.” Pabebe kong untag.

​Huminga siya nang malalim. He intertwined our fingers.

​“Uh… hindi na. Dahil sa naging pagtanggap nina Jovert, Harper, at Keysha sa atin… hindi na ako natakot, Gareth. Isa pa, alam ko naman na kasama kita, eh. Kahit bastos iyong bibig mo at puno ka ng kalibugan sa katawan, binibigyan mo ako ng lakas. Hehe!”

​Nakahinga ako nang maluwag doon. Kinurot ko ang maliit niyang ilong.

​“Kaya mo bang aminin ang relasyon natin sa mga magulang natin?”

​“Gareth, ako dapat ang magtanong niyan sa’yo.”

​“I’m ready, baby. Ano? Dalhin na kita sa bahay ngayon?”

​“Sira ka! May party pa tayo. Saka muna natin sabihin sa kanila. After na lang sa vacation natin sa Batanes.”

​Sinang-ayunan ko siya roon.

​Sabay kaming tumayo dalawa. Akala ko bibitiwan niya ang kamay ko, kaso humigpit ang kanyang pagkakahawak sa akin.

​He glanced at me and smiled at me brightly. I felt my heart thud in joy.

​“Sige na, magsimula na tayo,” anunsyo niya at nanatili ako sa tabi niya habang magkahawak ang mga kamay namin.

​“Ayon-ha!”

​“Yes, sa wakas ay magsisimula-hala!”

​“Ha!”

​Suminghap ang mga classmates namin. Ang iba ay nanlaki ang mga mata habang nakatingin sa kamay naming magkahawak. Gulat ang mga classmates namin except kina Keysha, Jovert, at Harper.

Napasipol-sipol lang sila at si Keysha ay napapairap.

​“A-anong ibig sabihin nito?” ang isang classmate namin na siyang una yatang naka-recover.

​“Hinostage mo si Gareth, Pres?”

​“Tanga!”

​“K-kayo ni Gareth, Pres?”

​Ibinaba ni Alessio ang microphone.

Tiningnan niya muna ako bago tumango sa mga kaklase namin.

​I held his hand tightly as though I’m giving him some of my strength.

​“Ahhh!” Tili ng classmates namin, lalo na ng mga babae naming kaklase. ​Iyong mga barkada ko naman sa likod ay sinugod ako.

​“Gago ka, Gareth! Kaya pala papansin ka!”

​“Kaya pala inaasar niya si Pres kasi nagpapansin!”

​“Kaya pala bumait itong si Gareth, eh!”

​“Napansin ko nga. Nagiging good boy para pumasa sa standards ni Pres!”

​“Omg! Congratulations sa inyo, Pres! At isang pakyu kay Gareth kasi ang swerte niya kay Pres. Angel-demon ang atake ninyo.”


This story is already

COMPLETED

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 23

​ Chapter 23

​“Mabuti at nagkakasundo na kayo nitong anak namin, Alessio,” nakangiting saad ni Papa Gerald kay Alessio.

​Kakarating lang namin sa aming hotel dito sa Basco, Batanes. Bukas pa namin sisimulan ang aming tour dito sa lugar. Sa ngayon, magche-check-in muna kami sa isa sa mga high-end hotel dito rin sa Basco.

Maya-maya ay maghahanap kami ng makakain sa labas kagaya ng napag-usapan namin kanina sa van.

​“Uh… opo,” nahihiyang untag ni Alessio kay Papa.

​Medyo intimidating nga si Papa kaya naiintindihan ko si Alessio. But my father is really cool and a laid-back kind of parent. Hindi rin siya istrikto basta huwag lang talagang umabot sa presinto ang kabalastugan ko.

​“Loosen up, hijo. Mag-enjoy ka, ha. Kapag inangasan ka nitong anak ko, isumbong mo sa akin. Ako ang bubugbog para sa iyo.” Papa laughed and slapped my back.

​My forehead wrinkled. “Pa!”

​Tumawa lang si Papa hanggang sa nilapitan na kami ni Mama at ibinigay sa amin ang keycard ng aming hotel room.

​“Tara na. Ilagay na natin ang gamit natin sa room natin,” ani Mama sa amin. Seryoso niya akong tiningnan. “Ikaw, ha, umayos ka, Gareth. Share kayo ng room ni Alessio kaya umayos ka.”

​Inirapan ko lang si Mama sa kanyang babala.

​“Ma, close na kami ni Alessio, right bab-Alessio?”

​Itinikom ni Alessio ang bibig at tumango kay Mama Jellana.

​Magkasama si Mama, Papa, at Gian sa isang silid, tapos kami naman ni Alessio sa ibang room. Dalawang room kasi ang kinuha ni Mama.

​Nang makapasok kami sa aming room, ipinuwesto ni Alessio ang kanyang bagahe malapit sa closet para hindi na niya ito bubuhatin bago ako humiga sa kama.

​Ahh! Ang sarap na tuloy matulog.

​Malaki ang room namin at isang bed lang ito. Which means, magkatabi kaming matutulog ngayong gabi! Hindi naman ito ang unang pagkakataon na magkatabi kaming matulog, pero ewan ko ba. Excited ako. Baka kasi magamit ko na ang natutunan ko sa panonood ko ng porno!

Mapapakitaan ko na itong si Alessio ng pang-malakasang performance! Kidding aside! Baka sa sahig ako pulutin kapag sinubukan ko ito.

​“Tayo lang dito? Ang spacious nitong room, pwede sanang kasama natin si Gian,” litanya niya habang nag-a-unpack ng kanyang gamit.

​“Baby, bubwit pa si Gian kaya doon na siya kina Mama.” Kasi istorbo rin iyon sa atin kapag dito siya tumuloy!

Hindi na bata iyong kapatid ko, ayaw ko lang ng ipal ngayon.

​“Paano makakapag-loving-loving si Tito Gerald at Tita Jellana niyan?”

​Tumagilid ako at itinukod ang siko sa kama bago isinandal ang ulo sa kamao ko.

Tiningnan ko siyang nag-a-arrange ng kanyang mga damit.

​“Tayo? Paano tayo makakapag-loving-loving kung nandito ang istorbong iyon?” I countered. Crush pa naman ng kapatid ko itong si Alessio!

​Sorry ka na lang, Gian. Naunahan na kita! Haha!

​Tinawag din kami ni Mama upang bumaba na para sa aming dinner. Sa isang kilalang kainan kami sa Basco kumain. Naglakad-lakad kami ng ilang minuto bago kami bumalik sa hotel.

​Ang akala kong makaka-tsansing ako kay Alessio ay nauwi sa paglalagay niya sa akin noong parang mask na kulay puti na malagkit at madulas sa mukha ko.

​Parang may tamud naman ito.

​“What is this, baby?” banas kong wika.

​“Tumahimik ka! Matatanggal ang mask mo!” hagikhik niya at tinapik ang mask ko.

​Ito siguro ang laman ng malaking bagahe niya-ang mga kaartehan niya sa katawan.

Nakataas ang buhok ko gamit iyong bunny headband na kulay itim, at ang headband niya naman na bunny ay kulay puti. Pareho kaming may mask na puti sa mukha.

​“Ang lamig naman sa mukha,” sabi ko at sinikap na huwag igalaw ang mukha sa bawat sambit.

​“Nakakaganda ito sa mukha, Gareth.”

​“Ah, so you mean to say na hindi maganda ang mukha ko?”

​“Huh? Hindi kaya. Ang kinis mo nga, eh. Mabuti hindi ka nagkapiklat sa mukha kahit na basagulero ka.”

​“Noon iyon, Alessio.”

​“Hmm! Wait, picture tayo!”

​Ayan. Ayan ang gusto ko. Ginamit namin ang phone ko sa pagkuha ng larawan. ​I kinda love it, even though we were both wearing this shit of a mask on our faces and had these annoying bunny headbands on our heads. Alessio was wearing his silk lavender terno pajama while I’m in my black sleeveless shirt and gray pants.

​Nakaangat ang ulo ko sa camera, ang isang braso ko ay nakapulupot sa kanyang maliit na baywang. Habang si Alessio naman ay bahagyang nakasandal sa dibdib ko at naka-peace sign habang kumukuha ng larawan.

​“I-wallpaper mo sa phone ko,” utos ko sa kanya.

“Talaga?”

“Yeah, I love it.”

​Gusto ko sanang makaisa sa kanya kaso lintek na mask ito. Istorbo rin.

​Kinabukasan ay nag-island hopping kami sa Sabtang Island. It was only a half-hour boat ride from Ivana Port to Sabtang.

​It was our first time visiting the island-even Batanes-and all I could say is, the place was so picturesque and so distinct from the other places I’ve visited in the Philippines. Lush green hills, artistic cliffs, and their unique culture.

​We explored Ivatan stone houses made of limestone and coral walls. May mga churches din kaming napuntahan like the Mt. Carmel Chapel and San Carlos Borromeo Church. We made a brief drop in Savidug and Chavayan Villages in Sabtang too, where it felt like the place took us back to the past.

​Gayundin, nag-beach din kami sa Morong at Nakabuang Arch.

​“Let me take a photo of you,” I said and subtly brushed my hand on his back.

Kinukunan niya kasi ng larawan iyong arch.

​“Sige!”

​All dirty white linen ang suot niyang polo at shorts ngayon. Mahangin dahil December na, kaya naman nililipad ng hangin ang kanyang buhok.

​Sumandal siya doon sa batong arko habang kinukunan ko siya ng larawan. Sunod naman ay pumwesto siya sa mga bato sa dalampasigan at kinunan ko rin.

​“Tayo naman!”

​As much as I wanted to be touchy with him, I knew that my family was around. Mali palang hindi namin inamin sa mga magulang namin na kami na. Ang hirap magpigil.

​“I want to kiss you so bad,” bulong ko sa kanya habang nagse-selfie siya kasama ako.

​“Gareth,” tingala niya sa akin.

​My eyes were half-lidded and I could not take my eyes off his lips. Tumingin siya sa paligid. Nag-iingay sina Mama at Papa sa ’di-kalayuan sa amin. Hinila niya ako tungo sa may arko at dinala sa likod kung saan blind spot sa pamilya ko.

​“Kiss na,” pag-udyok niya sa akin.

​Pagod kaming bumalik sa hotel. Kumain kami at kanya-kanya na ring pasok sa silid.

​On our third night, hindi kami masyadong napagod sa aming mga biyahe kaya naman hindi kaagad nakatulog si Alessio.

Kakatapos lang namin sa aming skincare at nakadapa siya sa tabi ko. Isinend niya ang mga photos mula sa phone ko patungo sa kanya.

​I was busy playing with his hair when my eyes swept to his lower back that was exposed because his silk pink sleepwear hiked up. Unti-unting bumaba ang kamay ko roon. Sa sobrang touchy ko kay Alessio, siguro hindi na siya nagugulat sa mga kamay ko lalo na’t magkatabi kami.

​I was caressing his back with my fingertips, and when I looked back at his face, I saw him biting his lower lip like he was suppressing something. Gamit ang bakante kong kamay, kinuha ko ang phone mula sa kamay niya at saka ko giniya ang kanyang mukha paharap sa akin at hinalikan siya.

​My kisses were shallow and slow at first as my fingers began to be more aggressive at his back. He started to kiss me back. Alessio moaned inside my mouth as I stroked his skin more and put more pressure.

​I flipped him onto his back and kissed him again. This time, our kisses grew more urgent and needy. I hovered above him. Alessio’s fingers were trembling as he fondled my shirt. I could feel his nervousness.

​“Relax, baby,” I whispered as I tore our mouths away from each other.

​Lumuhod ako at hinila ang likod ng shirt ko bago ito hinubad sa ulo ko. Bumalik ako sa kanya at sa pagkakataong ito, inatake ko ang leeg niya. Nanigas ang kanyang mga kamay kaya naman ako na ang gumiya sa mga kamay niya patungo sa abs ko.

​I felt sparks shoot through the corners of my body. And my thing below started to harden.

​“Touch me too; since it’s yours in the first place, Alessio.” I said seductively.

​Habang abala ang kamay niya sa paghimas sa abs ko, sumisipsip naman ako sa leeg niya. My fingers did their job of undoing the buttons of his upper pajama. When I finally succeeded in undoing his buttons, I took his pajama off and groped his chest. I thumbed his hard nipples and Alessio arched his back. His hands went up to my hair and tugged it.

​Alessio was gasping for air with my thumbs playing with his nipples and my mouth on his neck, lapping his skin. Bumaba na ang bibig ko patungo sa dibdib ni Alessio dahil gusto kong sumuso roon nang biglang bumukas ang pinto at sunod-sunod na singhap ang aming narinig.

​“Ay, bakit hindi nakasara itong-Jesus Christ!” My mother’s eyes bulged out.

​“Ha!” Alessio’s mother gasped.

​“Fuck!” My father cursed.

​Natulala ako at hindi makagalaw habang nasa ibabaw ako ni Alessio. Nasa dibdib ni Alessio ang dalawang kamay ko, habang si Alessio naman ay nabato rin habang ang kamay ay nasa buhok ko pa.

Kaya pa ba ’to ng palusot? Pwede ko bang sabihin sa kanila na naghihilutan lang kami ni Alessio rito ngayon?

​“Get out, you young lads.” Papa motioned his head out of the room. His voice was calm yet so serious that I found myself breaking into a cold sweat.


This story is already

COMPLETED

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 24

​ Chapter 24

​Minsan na naming napag-usapan ni Alessio ang tungkol sa kanyang tunay na mga magulang. Namatay pala ang both parents niya dahil sa isang vehicular accident at naiwan siyang mag-isa. Malapit na kaibigan nina Tita Nova at Tita Marina ang mga magulang ni Alessio, kaya sila na ang nagpalaki sa kanya. Wala rin kasing nais kumupkop kay Alessio noon, kaya naiwan siya sa puder nina Tita Nova at Tita Marina.

​Naikwento niya sa akin na ayaw niyang biguin ang Mommy at Mama niya. Gusto niyang suklian ang mga ito sa pagpapalaki at pagmamahal na ibinigay sa kanya.

​Kaya ngayon, naiintindihan ko kung bakit nanginginig siya sa takot dahil nahuli kami ng Mommy at Mama niya sa ganoong akto.

​Takte na Gian! Bakit ba kasi hindi niya isinara nang maayos ang pinto? Kanina ay nandito sa silid namin si Gian; umalis lang ito nang sabihin kong magpapahinga na kami ni Alessio. Kaso lang, gumalaw kasi ang kamay ko, eh. Kusang gumalaw ang mga kamay ko!

​Nangingiyak niyang ibinubutones ang kanyang pajama. Tinulungan ko siya roon. Kumuha na rin ako ng tissue at wet wipes mula sa kanyang gamit at saka ko pinunasan ang kanyang mukha at leeg.

​“Gareth, ano ang gagawin natin ngayon?” aniya sa namomroblemang boses.

​Pinunasan ko ang lumandas na luha sa kanyang pisngi gamit ang tissue.

“Haharapin natin sila!” maangas kong sambit.

“Eh, natatakot na ako. Nakita nila t-tayo na g-gano’n!” Humihingos niyang saad.

​Pagkatapos ko siyang punasan ay isinuot ko ang hinubad kong sleeveless shirt kanina.

“Bakit? Ano ba ang ginawa natin kanina?” pang-aasar ko sa kanya upang gumaan ang atmosphere namin.

“Iyong ano…” kinagat niya ang labi nang hindi niya matapos ang nais sabihin.

“Ano?” udyok ko pa sa kanya, kaso kinurot niya ang braso ko nang pino!

​Napa-aray na lang ako. Ang brutal talaga, eh ang liit-liit niya naman!

“Hinihilot lang kita kanina,” natatawa kong saad, dahilan para sumama ang tingin niya sa akin at nawala ang kaba niya.

“Hilot ba iyon!?” singhal niya sa akin.

“Oo, hinihilot ko ang dibdib mo kasi naninigas-aray, baby ko!” ungol ko nang kalmutin niya ang bibig ko.

​“May gana ka pang magbiro, eh parang galit na iyon si Tito Gerald sa atin at ang mga magulang ko!” sita niya sa akin.

​Huminga ako nang malalim at saka masuyo siyang tiningnan. Inabot ko ang kamay niya saka ko pinagsiklop ang aming mga daliri.

“Don’t be afraid, okay? Besides, you’re not alone. Nandito ako, hindi kita tatakbuhan. Pananagutan kita!” buo kong sabi sa kanya.

Putek! Wala nang atrasan ito, ’no. Akin na ito. Akin na itong softie na ito.

“Ehh,” iritadong angil niya at nangunot ang noo. “Magseryoso ka nga riyan!”

“Baby, seryoso ako. Malakas man akong mantrip sa iyo, pero seryoso ako. Hindi kita tatakbuhan!”

​Ngumuso siya at parang naiiyak na naman.

“P-pero, paano kung gusto nilang paghiwalayin tayo kasi… mga bata pa tayo?”

​Ngumisi ako. Ayokong dagdagan ang kabang nararamdaman niya ngayon. Kahit ako ay may kaba, kaso lang ayaw kong ipahalata sa kanya. Baka kasi himatayin na ito ngayon!

​“Paano kapag gusto nilang paghiwalayin tayo?” pag-uulit ko. Tumango-tango si Alessio. “Edi, itatanan kita! Itatanan kita at lalayo tayo sa kanila. Ikaw ang magiging housewife ko; maghihintay ka sa akin sa bahay natin, hihilutin mo ako pag-uwi ko kasi ako naman ay magtatrabaho para sa iyo. High maintenance kasi ang mga kaartehan mo sa katawan kaya kailangan kong magtrabaho para may pang-maintenance ka.”

​Iritado siyang umungot pero isinandal ang katawan niya sa akin. Niyakap niya ako nang mahigpit. I planted a soft kiss on his hair.

​Napatalon naman kaming dalawa nang may kumatok sa pinto!

“Kuya, tawag na kayo nina Papa! Ang tagal niyo raw!” sigaw ni Gian sa labas.

Lintek na bata talaga ito.

​Magkahawak ang kamay namin ni Alessio nang pumasok kami sa silid nina Mama at Papa. Nandoon din sina Tita Marina at Tita Nova. Malaki rin pala itong kwarto na kinuha nina Mama at may living area pa kung saan sila naghihintay sa amin.

​Pinalabas muna ni Mama si Gian.

Pagkalabas nito ay parang biglang nanikip ang silid; halos hindi ako makahinga dahil sa tindi ng pressure na nararamdaman ko.

“Umupo kayo, anak,” saad ni Mama sa amin.

​Mahigpit ang pagkakahawak ni Alessio sa kamay ko at halos itago na niya ang buong katawan niya sa likod ko. Umupo kami at pinisil ko ang kamay niya. Huminga ako nang malalim at handa na sanang magpaliwanag nang magsalita si Tita Nova.

​“Pumunta kami rito upang isurpresa ka, anak. Pero hindi namin inaasahan na kami ang susurpresahin ninyo nang ganoon,” ani Tita Nova.

“Kailan pa ito?” tanong ni Tita Marina.

“Kayo na ba?” atat na tanong ni Mama.

“You better explain yourselves, young lads. Ayaw ko ng nagsisinungaling!” singit naman ni Papa.

​“Uh…” I filled my chest with air and played my thumb on Alessio’s hand. “Three months na pong kami. Ma, Pa, Tita Marina, Tita Nova, we’re really, really sorry. Sorry na itinago namin ito sa inyo.”

​“A-at may balak naman kaming sabihin ito sa inyo, Mama, Mommy. Sorry kung na-disappoint po kayo sa amin ni Gareth. Pagkatapos nitong vacation ay aamin na sana kami… k-kaso lang.”

“Nahuli kayo sa ganoong akto,” pagpapatuloy ng tatay ko kay Alessio.

​Napayuko si Alessio at tumango.

“Ay, ako, hindi ako disappointed sa inyo, Alessio, Gareth,” anas ni Mama, ngumisi.

I know my mother-she’s really, really cool.

​“Hindi rin naman kami disappointed, eh,” sabat ni Tita Marina kay Mama.

Tumango rin si Tita Nova bilang pagsang-ayon. “Oo nga. Hindi kami disappointed, pero sana sinabi ninyo sa amin. Hindi naman kasi kami tututol, eh.”

“We just want to guide you, young lads,” dagdag ni Papa.

​“Mga bata pa kayo, alam namin na kuryoso kayo sa mga bagay-bagay lalo na sa edad ninyo. Kaya nais namin kayong gabayan. Maituro ang dapat at ’di dapat gawin,” ani Tita Marina.

“Oo nga, anak,” tango ni Mama. “At saka, kahit na nasa tamang edad na naman kayo, gusto rin namin na malaman ninyo na hindi kayo nag-iisa. Na nasa likuran ninyo kami.”

​“Nagulat kami sa nakita namin kanina. Hindi kayo masyadong nagpapansinan at parang tubig at langis na hindi mapagsama-sama. Tapos… ganoon ang bumungad sa amin,” hingang-malalim ni Tita Marina.

​My father shook his head and heaved.

“So tell me, Alessio. Tinakot ka ba ng anak ko na sagutin mo siya? Dinaan ka ba sa dahas?”

Sinampal ni Mama si Papa gamit ang throw pillow.

“Huwag mong igaya sa iyo ang anak mo!” sita ni Mama kay Papa.

“H-hindi naman po,” mahinang sagot ni Alessio.

​I smiled smugly.

Kinamayan ni Tita Nova si Alessio. “Halika nga rito, anak. Gusto kitang yakapin.”

Binitiwan ko si Alessio at tumakbo siya patungo sa kanyang mga magulang. Niyakap siya nina Tita.

“Talagang nagdadalaga ka na, anak! May boyfriend na, eh!” tukso naman ni Tita Marina kay Alessio.

“Mommy!” angil ni Alessio.

​Tumayo rin si Mama at lumapit sa akin. Akala ko, tulad ni Alessio ay yayakapin din ako ni Mama Jellana, kaso piningot nito ang tainga ko. Napatayo ako upang sundan ang kamay ni Mama.

“M-Mama, ang sakit!” daing ko.

“Tarantado ka talaga kahit kailan! Sinungit-sungitan mo pa si Alessio pero… gusto mo pala?!”

​Ngumuso ako at hinimas ang tainga na mainit pa mula sa pagkaka-pingot ni Mama.

“Wala, Ma. Nahulog ako, eh. Ang ganda kasi ng kapitbahay natin na iyan,” at itinuon ko ang nguso ko kay Alessio.

​Muli akong nakurot ni Mama, pero this time, dahil na sa kilig.


This story is already

COMPLETED

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 25

​Chapter 25

​Parang tumigil ang mundo ko nang makita ko si Alessio na pababa sa hagdan ng bahay nila. Ngayon ang aming graduation ball at ako ang date niya. Siyempre, may iba pa ba?

​Bubungalan ko kung sino mang may gustong umaya sa kanya.

Sa buong classroom naman namin ay supportive sila sa amin ni Alessio. Nakakatuwa lang na sa aming classroom, walang epal. Ewan ko kung wala lang bang umepal o natakot lang sa akin? Baka kasi kapag sinuntok ko, diritso na sa emergency room. Kidding!

​Maswerte lang kami ni Alessio sa mga classmates namin na hindi homophobic. ​Hindi ko matikom ang bibig ko habang nakatingin kay Alessio na parang nag-i-slow motion sa paningin ko. Bagay na bagay sa kanya ang suot niyang puting suit. May light makeup siya at parang kumikinang ang kanyang mukha. Para siyang anghel na bumaba sa lupa upang tulungan akong ituwid itong katarantaduhan ko sa buhay.

​Bumaba ang mga mata ko sa kanyang palapulsuhan at nando’n ang regalo kong bracelet sa kanya. It was a gold chain accentuated with a flower and white crystals.

​While Alessio was sporting his white suit, I was clad in a black suit. On my wrist was the silver bracelet he gave me last Christmas.

​“Picture muna kayo! Naku, ang gugwapo ninyong dalawa!” Tita Nova screeched as she emerged in the living area. Tita placed the glass of orange juice on the center table.

​Doon lang ako nakagalaw. Sinalubong ko si Alessio sa paanan ng hagdanan. I offered my arm to him. Alessio smiled brightly at me before hooking his arm with mine.

​“Sobra ka namang nagpapaganda para sa akin,” tukso ko sa kanya at kaagad namang kumagat ang pinong kurot niya sa tagiliran ko.

​“Minsan na nga lang ako nag-aayos, eh!”

​“Kasi ’di mo naman kailangang mag-ayos dahil nag-uumapaw ka na sa kagandahan!”

​“Ikaw at ang mga mabulaklak mong salita, Gareth Baker!” asik niya sa akin. “Pero ang gwapo mo rin ngayon! Hehe!”

​Hambog ko siyang kinindatan. “Ngayon lang ako gwapo?”

​Kumibot ang labi niya. “Palagi kang gwapo. Gwapong bastos at manyakis!”

​“Hey!” awat ko sa kanya.

​He stuck his tongue out at me playfully. ​Sus! Ako pa talaga ang inaandaran niya ngayon ng ganyan! Pasalamat siya na nandito sina Tita dahil kung hindi, naku, laspag sa akin ’yang labi niya. Hihigupin ko pa ’yang dila niya hanggang sa ’di na siya makahinga!

​Tumawa siya dahil nangunot na ang noo ko sa kanya. Ewan ko ba, ayaw ko kapag ang bibig niya ang nagsasalita ng mga bastos na salita. Tingin ko hindi iyon bagay sa kanya dahil para siyang anghel.

​“Totoo naman! Minamanyak-”

​“Sshh, baby!” agap ko sa kanya. “Natural na ikaw ang mamanyakin ko. Ikaw lang ang boyfriend ko!”

​Kung hindi lang kami sinuway nina Tita ay magpapatuloy pa sana ang banter naming dalawa ni Alessio. Kaso lang, gusto nila kaming kunan ng larawan.

​Sa labas ng bahay nina Alessio ay nando’n ang kotse ni Papa. Siya ang maghahatid sa amin sa school, since sa gym lang ng WRU gaganapin ang grad ball namin. Ayaw pa ni Papa na mag-drive ako ng kotse dahil hindi pa ako nakakakuha ng driver’s license.

​Nakikipagkwentuhan si Papa kay Alessio sa buong biyahe namin patungo sa school. Simula no’ng inamin namin sa aming mga parents ang relasyon namin, malaya at kampante na kaming nakakapunta sa bahay ng isa’t isa. Kadalasan pa nga akong natutulog sa bahay nina Alessio dahil laging may lakad sina Tita.

​Pero ang nakakatawa ay no’ng malaman ni Gian na kami na ni Alessio. Nagalit siya sa amin at sinabihan ba naman akong mang-aagaw.

​Takte! Wala akong inagaw. Talagang nahulog lang siya sa charm ko!

​“We’re here!” saad ni Papa at tumigil sa tapat ng WRU. Maraming sasakyan ang nakaparada at glamurosang-glamurosa ang mga estudyante.

​“Thank you sa paghatid sa amin, Tito Gerald,” sabi ni Alessio.

Papa smiled at Alessio.

​Sinilip ko si Papa sa rearview mirror ng kotse. “Thanks, Pa. Mag-te-text na lang kami kung uuwi na kami o kung tapos na ang event.”

​Tinanguan ako ni Papa.

​“Enjoy, young lads. Anyway, Gareth, do you have your condom with you?”

​Naubo si Alessio sa naging tanong ni Papa sa akin.

​“Pa!” Pinanlakihan ko si Papa ng mga mata.

​“What? Practice safe sex, young men.”

​“Pa, we’re attending a grad ball! We’re not going to some bars or clubs!”

​Giniya ko na lang si Alessio palabas ng kotse dahil baka kung ano pa ang masabi ni Papa. Inosente pa naman ang tainga nitong boyfriend ko.

​“Mana ka talaga kay Tito Gerald!” anas ni Alessio habang naglalakad kami patungo sa gymnasium.

​“What? Saan ba dapat? Papa ko iyon, eh. Galing ako sa itlog no’n!”

​“Ang bibig talaga!” suway niya sa akin. ​Humalakhak lang ako sa kanya. Takte.

​“But really, wala akong baon na kapote at pampadulas ngayon, baby. Wala naman akong plano na gawin ang first natin dito sa WRU. Kaya makakahinga ka nang maluwag!”

​Bumaon ulit ang kanyang kurot sa tagiliran ko. Kung ako ay mahilig humawak at humimas sa kanya, itong boyfriend ko naman ay mahilig akong kurutin! ​Hinagkan ko ang nangungunot niyang noo.

​“Iho-hotel kita, baby. Iho-hotel kita kasi ayaw ko ng istorbo at para naman makasigaw ka nang todo!”

​“Gareth!” he yelled at me, his eyes shooting sharp daggers. “You’ll stop or I’ll staple that mouth of yours?”

​I pursed my lips together before running my fingers across my lips, acting like I was zipping my mouth up!

​Todo ang papuri ng mga classmates ko kay Alessio nang makarating kami sa gym. Hindi pa nagsisimula kaya naman medyo magulo pa kami.

​“Angel-demon talaga ang atake ninyong dalawa, ha. Bagay na bagay. Si Gareth, kahit hindi na mag-suit, mukha na namang demonyo,” hirit ni Keysha. Simula no’ng inamin namin ni Alessio na kaming dalawa na, lagi na nila kaming tinutukso na we give off an “angel-demon’ aura.

​“No, iba ngayon. Si Pres, parang dyosa ngayong gabi! Tingin ko siya ang magiging best dressed of the night.”

​“At si Gareth?”

​“Ah, alalay ng dyosa!” Nagtawanan sila. ​Kinilabit ko si Alessio nang makita kong nakikisali siya sa tawa ng mga kaklase namin.

​“Tuwang-tuwa ka, ah. Happiness mo talaga kapag inaapi ako,” pagmamaktol ko sa tabi niya.

​Lumakas ang kanyang tawa. Hinaplos niya ang mukha ko.

​“Ito naman! Ang gwapo mo ngayon at ang angas ng dating mo, Gareth. Hindi bagay sa ’yo ang magmaktol! Saka, hindi kita hahayaan na maging alalay ko kapag dyosa ako,” hagikhik niya.

​“Hindi ako magiging alalay mo? Bakit? Dahil magiging secret affair mo ako?”

​Sinampal niya ang bibig ko.

​“Tumahimik ka nga!”

​The grad ball officially started with the red carpet where students flaunted their tuxedos, suits, and glittering gowns. May iba na mag-isang naglakad sa red carpet habang ang iba naman ay with their partners.

​After the long ceremony, the cotillion ball proceeded where selected students performed their ballroom dance. Habang nagaganap ang cotillion, kami naman sa table namin ay nag-uusap at kumakain ng dinner.

​Isinampay ko ang braso ko sa sandalan ng silya ni Alessio.

​“Are you full? I can grab some takeout for you, baby,” bulong ko kay Alessio.

​“Busog ako sa bahay. Hindi na. Dito ka lang,” sagot niya naman sa akin.

​Sa ilalim ng mesa ay hinihimas ko ang kanyang kamay.

​May special segments pa pagkatapos ng cotillion ball. May mga estudyante na binigyan ng awards at siyempre may Mr. and Ms. Grad Ball. Ang nanalong Mr. Grad Ball ay iyong nasa ABM at ang Ms. Grad Ball naman ay iyong sa HUMSS.

​“Grabe, ang gwapo ni Carter, ’no?”

​Ang Carter na tinutukoy nila ay iyong naging Mr. Grad Ball.

​“Mmm, pero balita ko, bakla rin daw ’yan! Gwapong lalaki nga raw ang boyfriend!”

“Kaya pala nauubos ang mga pogi ngayon eh!”

​“Sshh!” Our classmates hushed.

​Alessio was awarded as the Most Charming of the Night. Ako pa ang tumayo at pumalakpak nang malakas sabay sigaw para sa syota ko. And then, I was awarded as the Best Dressed of the Night.

​Pinakyuhan ko ang mga classmates ko nang tuksuhin nila ako. Sabi nila, binayaran ko raw ang award na iyon.

​After the awarding ay social dancing na. Ang mga kaibigan namin ay pumunta na sa dance floor upang sumayaw. At nang marinig ko ang pagpalit ng music into a slow dance, tumayo ako at inayos ang damit ko.

​Hambog akong nakangisi kay Alessio at inilahad ko ang kamay sa kanya.

​“Can I have a dance with the most beautiful boy in the entire Western Royal University?” I asked him sweetly.

​Alessio’s nose wrinkled but he eventually beamed at me.

​“Of course.”

​We intertwined our fingers as we sauntered towards the dance floor. There were other couples as well, pero kami ni Alessio ang unang umapak sa dance floor na kapwa lalaki ang kapareha.

​Humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

​“Relax. I’m here,” bulong ko sa kanya.

​When we arrived at the center of the dance floor, we bowed to each other and stared into each other’s faces. The disco lights were frantic in the midst of the dim-lit dance floor. The music was booming in the background, yet I think my heart was beating louder than the music.

​I guided Alessio’s hands to my shoulders and wrapped my arms around his small waist. I didn’t really know how to dance, but I watched videos last night for this, because I really wanted to dance with him.

​Isinandal ni Alessio ang ulo sa dibdib ko habang dahan-dahan ang aming pagsayaw. I bet he heard the loud thud of my heart against my ribcage.

​“I love you, Alessio.”

​Napatingala siya sa akin. Hindi ko maaninag nang mabuti ang kanyang reddish-brown na mga mata dahil medyo madilim at may mga disco lights, kaso parang kinakausap ng kanyang mga titig ang damdamin ko ngayon.

​“I love you too, Gareth!”

​Niyakap ko siya nang marahan at pinatakan ng halik ang kanyang ulo.

EPILOGUE

​ Epilogue

​“Congratulations, baby,” I murmured affectionately to Alessio before I pulled him into my arms. As I wrapped my arms around him, maroon and yellow confetti-our campus colors-fell above our heads.

May mga estudyanteng tumitili at nagsisigaw sa saya.

​“Congratulations sa atin, mahal ko!” he said, matching the affectionate tone of my voice.

Yeah, he used to call me ‘mahal ko’ (when he’s in the mood) and I called him baby, softie, and anything else. Though, I most often call him baby.

​Today was our graduation day. Alessio didn’t deliver the graduation speech, yet he was the top of our class. Magkatabi kami ng upuan ni Alessio since Baker ako at siya naman ay Brendel.

​I didn’t really know what it felt like to be in love in the first place. But falling for Alessio made me realize that loving someone is fun, exciting, and sweet.

​He is my first love, and I don’t want anyone aside from him. I’m still eighteen, but the certainty I feel for him made my heart and mind say so. It’s the certainty of him that made me choose him over and over again.

And I won’t get tired of choosing him. ​I used to be a rough, cocky, and violent man. But Alessio showed me a gentle, calm, and healthy world. The world feels warmer when I’m with him.

​We may feel tired. We may feel sad. We may argue over things. We may have contradicted each other on some things.

But at the end of the day, we always choose to be with each other. It’s always about choosing to be with each other and fighting for what we have.

​We aren’t perfect. We made mistakes, had misunderstandings, and possessed flaws. Yet we both learned and grew from them.

​All throughout our journey, it wasn’t always a bed of roses. We stumbled. We failed. We cried. We felt unmotivated-exhausted. But we never stopped moving, because that’s part of the learning process.

​“Why are you crying?” natatawa kong tanong sa kanya nang kumalas siya sa yakap at nakita kong basa ang kanyang pisngi.

​“I’m just happy. I didn’t know that my senior high school year would be over and I’m with you!” He hiccuped. “I thought this school year would be over and I’d still be stealing glances at you. I just can’t believe na magiging tayo!”

​Napangiti ako.

​“Ano bang gusto mong gawin ko para maniwala kang tayo na nga? Gusto mo bang isubo ko ulit siya sa ’yo?” tukso ko sa kanya at tiningnan ang gitnang bahagi ng hita ko.

​“Gago ka!” He cursed, and that caught me off guard! “Wala talagang sinasantong okasyon iyang bibig mo!”

​I laughed, and I heard everyone clap their hands. Hindi ko alam kung bakit sila pumapalakpak dahil nakatuon lang ang atensyon ko sa namumula kong nobyo.

​Tumikhim ako at sumeryoso.

​“You’re stuck with me, Alessio. Forget those stolen glances, because I am yours already. You can watch me however and whenever you want!”

°❀⋆.ೃ࿔:・°❀⋆.ೃ࿔:・ °❀⋆.ೃ࿔:・°❀⋆.ೃ࿔:・

Thank you so much for reading Gareth and Alessio’s story! When I planned this story years ago, my vision never changed– I intentionally created this series purely for entertainment, without any drama whatsoever. That’s why I’m really thankful to everyone who found this story cute and refreshing. Also, I’d love to hear more of your thoughts about this story as well. Again, this is Gareth and Alessio, signing off…

𝙂𝙖𝙧𝙚𝙩𝙝 𝙖𝙣𝙙 𝘼𝙡𝙚𝙨𝙨𝙞𝙤

What’s Next?

𝙃𝙚𝙣𝙙𝙧𝙞𝙘𝙠 𝘾𝙖𝙧𝙩𝙚𝙧 𝘼𝙣𝙙 𝙏𝙧𝙤𝙮 𝙇𝙖𝙧𝙨𝙚𝙣

Heartstrings In The Hall Series 2: Against The Current

Trope/s: Enemies to Lovers Academic Rival Highschool Romance Opposite Attract Short Story


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.