HONEY, DON'T LOOK BACK (BL•ONE-SHOT)
Brictorique · 1 chapter · 6,637 words
HONEY, DON’T LOOK BACK (BL)
HONEY, DON’T LOOK BACK
written by Brictorique.
DISCLAIMER: Ano mang pangyayari, bagay, o pangalan na nakasaad sa kwentong ito ay pawang imahinasyon lamang at hindi kinuha sa totoong istorya ng buhay kaya ano pa man ang pagkakahawig na inyong mababasa ay hindi sadya dahil hindi lang naman ikaw ang nagiisang manunulat na may weirdong pagiisip. Maraming salamat.
“Hindi na ba talaga magbabago ang isip mo?” naka ngusong tanong sa akin ng kaibigan kong si Mayumi or Yumi in short. Napabuntung-hininga ako at muling nilibot ang tingin ko sa buong kwarto at tumango. Ang malaking kwarto na siyang nagsilbing pagmamay-ari ko sa inuupahan kong bahay kasama si Yumi na mas nauna sa akin na tumira dito. In short, boardmates kami.
“O’sya, sige. Maiwan muna kita ng makapag asikaso ka ng mga kailangan mo bago ka umalis,” patampong sabi nito, “Akala talaga namin hindi ka na tutuloy sa tangka mong pag alis ng nakaraan kasi bumalik ka naman agad ilang minutes lang after mong lingunin pabalik ’tong bahay. Naalala mo? Pasakay ka na sana ng tricycle. Hay, Paano kaya ito? Malaking problema ’to kapag nalaman ng may-ari.”
“Pasensya ka na talaga, Yumi. Hindi ko na talaga keri tumagal pa dito. May something talaga sa bahay na ’to eh kaya siguro maliit lang ang pa-upa ng may-ari sa atin.”
“Sabi ko naman sa’yo, guni-guni mo lang ’yon. Sa lahat ng nagtangkang tumira dito kasama ko, sa’yo lang ako at ang may-ari natuwa. Tahimik ka at ma-respeto hindi gaya nila.”
“Hala siya! Nambola pa! Pero ikaw? Hindi ka ba natatakot sa mga kababalaghang nangyayari dito?”
“Bakit naman ako matatakot eh ang tagal ko ng nakatura dito, saka gaya ng sinabi mo maliit lang ang upa sa atin ng may-ari. Sa panahong ’to, nakakapagtaka nga talaga kung bakit ang baba ng halaga ng pa-upa sa bahay na ito kumpara ng araw. Pero ano bang magagawa natin? Hindi na patok sa panahon ngayon ang ganitong dating kagandang bahay nuon.”
“Lumilipas kasi ang panahon, Yumi. Nagbabago ang taste ng tao sa mga bagay-bagay.”
“Hindi lahat.”
“Sa bagay. Hindi man lang pina-renovate ng may-ari itong bahay kahit kaunti para makasabay sa modern era. Siguro isa pa rin siya sa mga taong mahilig sa mga classic.”
“Tumpak! Isa pa, baka pa na rin hindi malito yung mga nakatira ditong multo,” may himig ng panga-asar nitong sabi. Napanguso naman ako. Lakas talaga ng trip nito! Alam ng iyon nga dahilan ko talaga bakit ako lilipat ng titirahan kasi may something ’tong bahay, lalo pa ako tinakot! Brrr.
Although tama si Yumi. Nakakapagtaka nga talaga na sa laki nitong bahay kahit luma na ito eh mula sa labas, malalaman mong galing sa isang prominenteng pamilya ang dating unang nagmay-ari nitong bahay. Plus, hindi pa lalagpas ng 2 thousand ang renta.
Imagine, kahawig nito halos ’yung sikat na Old Manila House. Malaking bahay, malawak na garden, pinaghalong Filipino Nipa Hut at Spanish Colonial House ang arkitekto nito at nakatayo sa isang pribadong subdibisyon.
Nakakalungkot lang at ang bahay na dati sigurong puno ng maraming tao ay ngayon kaming dalawa nalang ni Yumi ang nakatira na magiging isa nalang ulit dahil lilipat na ako sa bagong apartment na nahanap ko malapit sa pinapasukan kong eskwelahan. Incoming third year college na ako sa pasukan sa kursong AB-PHILO.
Buti nga at naitawid ko ang sarili ko sa kolehiyo kahit na ulilang lubos na ako pagtungtong ko ng first year college. Iyon nga ang dahilan kung bakit ako naging working-student at nakatira sa mga paupahan dahil nuon pa man kahit hindi pa namamatay ang Lola ko na siyang nag alaga sa akin mula pagkabata dahil maagang naghiwalay ang mga magulang ko at namatay ang Nanay ko dahil sa stress sa bigla nalang pag iwan sa amin ng Tatay ko tatlong taon after ko ipanganak eh ayun, siya na ang naging kasa-kasama ko sa paglaki sa bahay na dati naming inuupahan na dalawa. Kaso ayun nga after niyang pumanaw, nagpasya ako na lumipat ng ibang lugar at ayun, dito ako napadpad sa bahay na ito.
“Kung sabagay, halata talagang mayaman ’yung nagpagawa at unang may-ari nitong bahay. Nakakalungkot lang at tayo lang ang nakatira dito kaya siguro hindi rin maiwasan na kung anu-ano maisip ko sa tuwing-” napatigil ako sa pagsasalita at lilingon na sana ng marinig ko ang mga aso sa labas ng bahay na nagtatahulan.
“Ako na,” volunteer ni Yumi, “Baka ’yung kartero ’yan.”
Muli ako napabuntung-hininga ng ako nalang mag isa ang naiwan sa kwarto. Hindi naman ganuon karami ang gamit ko. Kung ano lang ang dala ko nuon, siyang mga gamit pa rin na dadalhin ko sa bagong lilipatan ko. Nakakapagtaka nga na simula ng unang beses na nadulas ako sa hagdan dito eh hindi na ako gaano naglalalabas maliban kung papasok ako ng school sa takot na baka madulas ako ulit. Grabe naman kasi yung hagdan sa bahay na ito! ’Yung classic na madulas na sahig after mong bunutin na siyang ang hirap din lakaran kung hindi nabunot ng maayos.
Ewan ko ba kung bakit pero heto na naman ’yung feeling na parang ayaw kong tumuloy sa pag alis gaya nalang ng mga nauna kong attempt na naudlot kasi ewan ko ba, parang may pumipigil sa akin. Every fucking time.
’Yung last attempt ko na pag alis, gaya ng sabi ni Yumi nasa labas na ako nu’n sa pagkaka-alala ko. Dahil siguro masama din ang pakiramdam ko ng araw na ’yon dahil sumakit bigla ang ulo ko hindi ako tumuloy.
Akala ko nga mamamatay na ako sa migraine ng araw na ’yon eh pero buti nalang nabawi naman sa pahinga. Sana lang talaga hindi na uli sumama pakiramdam ko gaya ng last time kasi desidido na talaga ako umalis sa bahay na ito. Nakakahiya duon sa kausap ko na na lilipatan ko na bahay.
Ang tagal naman bumalik ni Yumi! Nakikipag tsimisan pa yata siya sa baba.
Nag decide nalang ako na humiga muna sa kama habang hinihintay siya bumalik tutal naka ayos naman na ang mga dadalhin ko at hinihintay ko lang siya makabalik para makapagpaalam na ako at makaalis sa bahay na ito.
Nagising ako sa amoy ng sigarilyo at expensive na pabango na naglilinger sa kwarto ko.
Shit, saan galing iyon?
Ang bango! Amoy chocolate na hindi. Amoy na mayamang tao ang gagamit. Amoy lalaki ang gagamit at hindi babae. Teka, hindi kaya may biniling pabango si Yumi na ngayon lang niya ginamit kaya ngayon ko lang din nalaman na meron siyang ganito kabango, katamis at ka-spicy na pabango? In fairness, sa tagal kong nakasama si Yumi hindi ko inexpect na nagpapabango pala siya. Neutral lang kasi ang amoy dito sa bahay na nakasanayan ko since walang gumagamit ng air freshener at hindi gumagamit ng pabango si Yumi. If anything, once lang yata ako naka amoy dito ng iba at ’yun ay ng bagong dating ako dito. It smells like dried flowers- roses, to be precised.
Teka nga, nasaan na ba si Yumi? Mapuntahan nga.
Bumangon ako para ayusin ang kamang hinagaan ko at ewan ko ba kung ako lang, pero nakaramdam ako ng kakaiba pag tapak ng paa ko sa sahig. Pero isini-walang bahala ko lang at humarap sa salamin na nakakabit sa malaking cabinet dito sa kwarto para ayusin ang sarili ko bago lumabas.
Laking pagtataka ko ng hindi ko na makita yung mga gamit na dadalhin ko. Hala, saan napunta ’yon? Hindi kaya nilabas na ni Yumi para hindi ako mahirapan magdala pababa? Baka nga.
Napabuntung-hininga ako at nilibot ang tingin ko sa buong kwarto. Hay, kahit papaano mami-miss ko itong bahay na ito. Tagal ko rin kaya dito.
Palabas na sana ako ng may mapansin akong kakaiba na naman. Huh? Ako lang ba or may dati ng nakalapag duon na malaking porcelain na paso na may mga bulaklak? Weird. Parang hindi ko naman maalala na may ganyan dito sa kwarto ko. Unless, si Yumi ang naglagay nun pero impossible.
Ang laki nito at impossibleng siya lang ang bumuhat. Impossible ding hindi ako nagising ng nilagya niya iyon duon at… teka?
Ilang minuto akong naestatwa sa kinatatayuan ko ng narealise kong nag iba yung hitsura ng kwarto. I mean, ito pa rin naman yung kwarto ko na alam ko pero naiba lahat ang ayos. Sobrang parang ganuon talaga ang ayos niya hindi kagaya ng ayos ng kwarto ko ngayon. What the hell?
Nananaginip ba ako?
Agad kong kinapa ang sarili ko. Nafe-feel ko naman ang sarili ko. Sinampal ko din ng medyo malakas ang pisngi ko at nakaramdam din ako ng sakit pero ganuon pa rin. Hindi nagbago yung hitsura ng kwarto. Kung ano ito ngayon, ganuon pa ein siya kahit makailang ulit akong nagkusot ng mata.
Isang malalim na buntung-hininga ang pinakawalan ko. Impossible. Impossible talaga! Nakailang kurot na din ako sa sarili ko para ‘magising’ pero mukhang gising naman talaga ako pero bakit ganuon?
Paano nangyaring sa pagtulog ko nabago lahat ang alam kong hitsura nitong kwarto?
Nagaalangan kong tinry buksan yung malaking cabinet dito sa kwarto ko kasi sa ganuon ko malalaman kung ito pa rin ba yung kwarto ko talaga o hindi na at laking gulat ko ng imbis na walang kalaman-laman na gamit nag tumambad sa akin, puno ng magagarang damit pang lalaki ang nasa luob na nakatupi ng maayos. Shit!
Nasaan ako? I mean, for sure ito pa rin yung kwarto ko na nag upgrade to present time or baka naman old time. Shit!
Does it mean na nag time travel ako habang tulog ako? Impossible!
Please, please, please… tell me this is all just a dream. I don’t have time for this kind of fuckery oh, for fucks sake!
Nanlaki ang mga mata ko sa taranta ng makarinig ako ng yabag ng mga paa papunta sa kwarto kung nasaan ako at hindi ko malaman anong gagawin ko.
Babalik ba ako sa pagtulog o tatayo ako dito at magdedemand nasaang bahay ako o panahon? Like, what if bahay pala ng masungit or worse, mamamatay tao ’tong napuntahan ko? Shit! Anak ka ng shit talaga!
Bago ko pa magawa yung una sa dalawang options na meron ako, agad ng bumukas ang pinto at tumambad sa akin ang isang very unrealistic face at body build ng isang lalaki. Kahalintulad niya ’yung mga lalaki nuon sa mga lumang pelikula na napapanuod ko nuong bata ako. ’Yung mga likas na gwapo talaga. Mukhang at amoy expensive.
“ Finally… “ tanging sabi nito. Huh? Finally? Anong finally? Finally gising na ako? ’Yun ba ibig niyang sabihin?
Hindi ko alam kung bakit pero bawat hakbang niya palapit sa akin ay siya namang lakad ko ng paatras sa kanya. What the hell? Bakit ganito tong puso ko? Kinakabahan na naeexcite? Hello? Nasa serious situation ako!
“Gutom ka na ba? Gusto mong ipaghain na kita ng makakain?” tanong nito na kinagulat ko. Huh? Bakit kung tanungin niya ako parang magkakilala kami? Hindi man lang ba siya nagtaka sino ako at anong ginagawa ko dito sa pamamahay niya? Er, kwarto ko na na-upgrade? What the hell.
“Ah, excuse me lang, Sir. Mawalang-gala na. Medyo naguguluhan kasi ako. Nananaginip ba ako? Kasi alam ko natulog lang ako kanina habang hinihintay ko yung kaibigan ko bumalik tapos nagising ako ganito na hitsura ng kwarto ko este nasa kwarto mo na ako? Sa tingin ko naman hindi pa tayo nagkakakilala. First time ko lang makita ’yang gwapo mong mukha. Kung umakto ka naman kasi parang magkakilala tayo,” dire-diretso kong sabi kasi talagang nalilito ako sa mga nangyayari.
“Nananaginip?” takang tanong nito at mas lalo pang lumapit sa akin. Aatras na sana ako kaso dead end na pala at napaupo ako sa gilid ng kama. Napalunok ako ng dumukwang siya palapit sa akin at pinagkatitigan ang mukha ko. Halos tumigil ang paghinga ko sa ginawa niyang iyon.
“Siguro nga ito ang unang beses tayong nagkita pero I can assure you, hindi ka nananaginip.” tugon nito sabay haplos sa mukha ko. Napapikit ako dahil may kung ano man sa way ng paghawak niya sa pisngi ko ang nagbigay ng kakaibang kiliti sa akin.
“Besides, inaaya lang naman kita na kumain. Hindi porket ito ang unang beses tayo na nagkita at hindi mo ako kilala ay wala na akong karapatang ayain ka na kumain sa aking pamamahay,” patuloy niya.
“Pamamahay?” kumunot ang nuo ko habang iniisip ang mga sinabi niya ng may marealise ako. What the hell!
“Ikaw ang may-ari nitong bahay na inuupahan ko?” medyo may kalakasan kong tanong. Halos pasigaw na dala ng gulat.
Napapikit siya sa lakas ng boses ko at agad naman akong humingi ng tawad.
“Sorry! Nabigla lang ako. Ngayon palang kasi tayo nagkita eh mula ng umupa ako dito. Laging si Yumi lang nakakakita sa iyo.”
Tumango lang ito at inalis ang pagkakalapit ng katawan niya mula sa akin. Tuwid itong tumayo habang nanatiling pinagmamasdan ang mukha ko. Naconscious tuloy ako dahil pakiramdam ko may something sa mukha ko na bothersome para sa kanya.
“Halika na sa baba. May nakahanda ng pagkain para sa’yo,” aya nito.
“Ha? Ah, eh… baka hindi na siguro. Aalis na din naman ako. Hinintay ko lang talaga si Yumi makabalik. May kinausap lang kasi siya na tao sa ibaba kanina.” sabi ko sabay tingin sa relos na suot ko. Napa kunot ang nuo sa pagtataka dahil may basag ulit yung salamin ng relo ko na alam kong naipaayos ko na ng nakaraan. Napabuntung-hininga ako ng makitang 6:31 P.M. ang naka rehistrong oras sa relo ko. Well, gumagana pa naman so…
Wait! Ibig sabihin gabi na? Ganuon ba katagal at kalalim ang tulog ko para abutin na ako ng gabi dito? Naku, nalintikan na. Baka kanina pa ako hinihintay ng may-ari ng bago kong lilipatan na bahay. Kailangan konng magmadaling umalis!
“May problema ba?” tanong nito sa akin at muntik ako mapatalon sa gulat ng maramdaman ang paglingkis ng kamay niya sa bewang ko. Sino bang hindi magugulat bukod sa paghawak niya sa akin na akala mo close kami, paglabas namin ng kwarto, laking gulat na sobrang nag iba ang buong ayos ng bahay. Para bang yung hitsura niya ay nuong bagong gawa palang itong bahay. Hindi renovated. Literal na bago at orihinal na istilo nito dahil buhay na buhay lahat ang nasa bahay nito na siyang naiisip ko nuon na maaaring hitsura nito. What the hell?
Napatingin ako sa lalaking kasama ko.
“Nasa anong taon tayo?”
“Nasa anong taon ba tayo sa tingin mo?”
Muli kong nilibot ang tingin ko sa paligid at binalik ang tingin ko sa kanya. Pinagmasdan ko ang suot niya. Masyadong pormal. Hindi ganito yung suotan ng mga tao ngayon kapag nasa bahay o galing sa trabaho. Madalas ngayon nagpapalit agad ng damit lalo pa matapos ang nangyaring pandemya limang taon na ang nakakaraan.
Sasagutin ko ba ang tanong niya sa akin eh gayong ako ang naunang magtanong sa kanya?
Bago pa ako magtanong ulit at hinila niya na ako pababa papuntang dining area. Muntik pa akong madulas na naman sa hagdan pero agad niya akong nasalo. Para kasi akong may natapakan na basa pero wala naman. Baka guni-guni ko lang.
Napanganga ako sa ganda ng set-up. Aakalahin mong may grandeng pagtitipon na magaganap maya-maya lang. May pa candle lights pa.
Napalingon akong muli sa kanya ng iurong niya yung upuan para makaupo ako.
“Thank you,” nahihiyang sabi ko at medyo napayuko pa. Nakakailang. Hindi ako sanay. Ang gentleman naman nitong lalaking ito. Pero kailangan ko ng makaalis. ’Yung kausap ko na may-ari malamang hinihintay na ako. At saka nasaan na ba si Yumi? Pag nagtagal pa ako dito lalo ako gagabihin.
“Hindi mo ba gusto ang mga naka hain?” tanong nito ng mapansin niyang hindi pa rin ako gumagalaw mula sa pagkakaupo ko after niyang lagyan ng pagkain ang plato ko.
Napatingin ako sa pagkaing nakalagay sa plato ko. Sa mga pagkain na nakahain sa mahabang lamesa. Sa kanya na sarap na sarap ngunit na may poise na pagkain.
Lilingon sana ako para i-check kung nandyan na ba si Yumi para makaalis na ako dito sa bahay kaso bigla akong tinawag ng lalaking kasama ko.
“ Melchor… “ halos magtaasan ang balahibo ko sa way ng pagtawag niya sa pangalan ko. Bukod kasi sa hindi ako sanay sa tinatawag sa pangalan ko, may kung ano sa way ng pagkakatawag niya sa akin na hindi ako mapakali bigla.
“M-Mel nalang,” naiilang pero nakatawa kong sabi, “Masyadong makaluma pakinggan eh. Hindi ako sanay.”
Tumango lang ito at saka inabot ang kamay ko kaya nakalimutan ko yung dapat sanang gagawin ko at napatitig na din sa kanya.
“Mel, kain na.” aya nito. More like, aya na kailangan kong gawin kung hindi baka anytime baka mabura ang maamo niyang pakikitungo sa akin.
Nagaalangan man ay wala ako nagawa kundi kainin ang nasa plato ko. Nailang ako ng maramdam ko sa peripheral ko na sobrang focus ng titig niya sa akin. Talagang sinisugurado niya na kumakain ako. Pagkuwan ay narinig ko siyang nagsalita muli. This time, and for the first time nakita ko siyang nakangiti. Para akong nasilaw sa ganda nt ngiti niya.
“Anong balak mo gawin bukas?”
“Baka dito lang. Maglilinis. Magluluto,” sagot ko na kahit ako mismo nabigla sa lumabas sa bibig ko. Ha? Anong sinasabi ko?
“I mean-”
Nakangiting tumango siya sa akin at hinalikan ang likod ng kamay ko. Saka ko na realise na hindi pala niya binitawan ang kamay ko magmula kanina.
Paano ko naman kasi mapapansin. Kaliwa ang dominant hand ko. Hinawakan niya ako sa kanang kamay ko. Duh?
“Ikaw? Anong gagawin mo? For sure maaga ka matutulog,”
“Matutulog?”
“Ah, oo? Night owl ka ba? O hirap ka lang makatulog?”
Hindi niya ako sinagot. Bagkus, tahimik lang namin pinagpatuloy ang pagkain hanggang sa matapos kami. And FYI, hindi pa rin niya binibitawan ang kamay ko.
“Ah, eh… hugasan ko muna yung mga pinagkainan natin. Okay lang ba?”
Tumango lang siya at binitawan na ang kamay ko. Nakahinga ako ng maluwag pero at the same time bigla kong na-miss ang kamay niya sa akin.
Iniwan ko muna siya saglit para pumunta sa kusina. Laking pagtataka ko na sa dami ng nakahandang pagkain sa lamesa, ni isang maduming kaldero wala man lang ako nakita. Siguro ay kanina pa nahugasan?
Winaksi ko ang hindi magandang isipin na sumasagi sa isip ko. Tinatakot ko lang ang sarili ko sa wala. Impossible namang multo ang kausap ko eh ramdam na ramdam ko siya although may kakaiba sa bahay na ito ngayon. Hindi siya katulad ng nararamdaman ko since. Ewan. Ang hirap i-explain.
Bigla kong naalala na since tapos na kami kumain, baka pwede na ako magpaalam na aalis.
Pinunas ko sa suot kong damit ang basa kong mga kamay para patuyuin bago ako bumalik kay….? Ano nga ang pangalan niya?
“Ay putangina,” napasigaw ako sa gulat ng biglang dumilim sa kusina. Impossible namang pinatay niya yung ilaw para pag tripan ako? Masyado siyang mature tignan para gumawa ng childish acts.
Kakapa-kapa kong binagtas ang kusina makalabas lang at sakto namang kung kailan nakalabas ako biglang bumukas ulit yung ilaw. What the hell?
Napabuntung-hininga ako at wala pang ilang hakbang mula ng makaalis ako ng kusina, sunod namang nagpantay-sindi yung ilaw sa hallway papuntang dining area. Anak ng tokwa naman o!
Binilisan ko ang paglalakad hanggang sa tuluyan ng mawalan ng ilaw sa hallway. Nilakasan ko nalang ang luob ko at tinakbo pabalik ang sa dining area dahil nakita kong may ilaw pa dito kaso bago pa ako makarating duon ay bigla nalang nawalan din ng ilaw. Anak ng tokwa?
Ngayon naglalakad na ako in complete darkness. Hindi alam saan ako papasok o liliko hanggang sa narinig ko ang boses ng may ari na tinatawag ang pangalan ko.
Sumigaw ako para malaman niyang nandito pa rin ako sa bahay. Nagbabaka sakaling puntahan niya ako sa kinaruruonan ko.
Maya-maya biglang nagpatay-sindi yung mga ilaw kaya kahit papaano muli kong nakita ang nilalakaran ko at kung nasaan ako at laking gulat ko kung paano ako napunta pabalik sa kwarto ko.
What the hell? Anong nangyayari?
Nagsisimula na akong kabahan sa mga nangyayari. Shit! Gusto ko na talaga makaalis sa bahay na ito!
Biglang namatay uli ang mga ilaw at napaupo na ako sa takot at napaluha. Shit! Ano bang nangyayari? Nasaan ako? Please, kung panaginip man ito gisingin ninyo na ako. Ayaw ko na dito! Gusto ko ng umalis!
For some reason, napadilat ako ng mga mata ko ng mapansing may nagrereflect na liwanag mula sa likuran ko at ng lilingunin ko na sana ito, bigla ko namang narinig muli ang boses ng may-ari na tinatawag ako.
“Mel…”
Nawala na sa isip ko ang gagawin ko sana at napatitig nalang sa mga mata niyang nakatitig na sa akin. At ewan ko ba sa akin, automatic ko siyang niyakap ng walang pasabi na akala mo close kami. Gusto ko lang naman ng comfort sa mga nangyari sa akin na katakut-takot ngayun-ngayon lang. Masama ba iyon?
“Tahan na,” pangaalo niya habang pinupunasan ang mga luha ko. Parehas kaming nakaluhod sa sahig habang nakayakap kami sa isa’t-isa.
“Sorry! Takut na takot lang kasi talaga ako,” sabi ko habang pinapatahan ang sarili ko.
“Bakit? May nangyari ba habang hindi tayo magkasama?”
“H-Ha?” napatigil ako dahil sa gulat sa sagot niya sa akin. Anong sinasabi niya?
“Nagbrownout ah?” alanganin kong sagot.
“Brownout?” tinignan ako nito na parang punagtitripan ko siya. Saglit kong nilayo ang sarili ko sa kanya at paglibot ko ng tingin ko ay nasa kusina pa rin naman ako. Nakaluhod sa tapat ng sink kung saan ko hinugasan yung mga pinagkainan namin..
What… the.. hell?
“Paanong… Impossible!”
“Ano bang sinasabi mo, Mel?”
“Impossible! Nag brownout eh! Nagpatay-sindi yung mga ilaw tapos tumakbo ako papuntang dining room. Sinusubukan kong hanapin ka tapos narinig kong tinawag mo ako tapos alam ko napunta ako sa kwarto ko sa itaas tapos-”
“Sshh,” alo niya sa akin habang hinahaplos niya ang buhok ko, “Guni-guni mo lang iyon. Baka kailangan mo lang magpahinga, Mel.”
Baka nga tama siya. Baka dala lang ito ng pagod…
Impossible! Nakatulog ako eh. Alam ko natulog ako kasi…. para ano…. shit, ano nga ba ulit ang gagawin ko dapat?
“Halika na. Tayo na sa itaas para makapag pahinga ka,” aya nito.
“Hindi,”
“Hindi?”
“Ano.. may gagawin ako.. hindi ko maalala…”
“Senyales ’yan na kailangan mo ng magpahinga para sa mga gagawin mo, natin, bukas.”
“Siguro nga,” wala sa luob kong pag sang ayon at hinayaan siya na dalhin ako pabalik sa kwarto namin. Este kwarto ko, or niya?
Pagka balik namin ng kwarto agad akong nagpalit ng damit ko gamit ang mga damit niya.
“Hindi ka pa matutulog?”
Umiling siya at hinaplos ang mukha ko habang kapwa kami nakaupo sa kama. Ako nasa gitna at may naka amba ng kumot sa kalahati ng katawan ko habang siya naman ay nasa gilid at pinagkakatitigan ako.
“Bakit?” naiilang kong tanong.
“Nasabi ko na bang ang ganda mo?”
Natawa naman ako.
“Umayos ka nga! Lalaki ako ’no. Ganda ka d’yan. Malayo ako sa maganda o pagiging gwapo. Ikaw nga ’tong ang gwapu-gwapo sa atin. Tunay ka ba?” biro ko sa huling sinabi ko at impit lang siya na ngumiti sa akin.
“Mmph!” nabigla ako ng bigla niya akong halikan. Napahawak ako sa balikat niya para sana itulak siya dahil bakit niya ako hinalikan? Hindi tama ito ’di ba? Or…
Humigpit ang hawak ko sa balikat niya at hinayaan siyang palalimin ang halik niya sa akin. Naramdam kong lumandas ang kamay niya sa iba’t-ibang parte ng katawan ko at bago pa ako tuluyang mahulog ay agad akong napalayo sa kanya ng marinig akong kumatok ng ilang beses.
“Mel?”
“Ah, eh.. may tao yata? May kumatok eh,”
“Guni-guni mo lan-” sagot niya na hindi natapos dahil muli ko na namang narinig yung mga pagkatok. Tinignan ko siya panandalian pero ng mukhang wala siyang tignan kung sino iyon nagpasya akong bumangon para ako ang tumingin sa kung sino yung kumakatok na iyon pero bago ko pa magawa ang balak ko, bigla niya ako hinilang pabalik at kita ko sa mga mata niya ang nagngi-ngitngit na galit.
“Tek- Mmph! S-Sandali..” sabi ko habang pilit na kumakawala sa pagkakaibabaw niya sa akin. Napaungol ako ng sunggaban niya ng halik ang leeg ko. Napatingala ako at napa arko ang likod ko sa biglaang sensasyon.
“M-may tao.. Sandali lang..” kinakapos sa paghinga kong sabi habang patuloy niya pa ring pinapapak ng halik ang leeg ko. Sinubukan ko siya itulak pero muli lang itong napalitan ng pagkapit ng mahigpit sa kanya ng ilipat niya ang labi niya sa labi ko.
Nakalimutan ko na yung tungkol sa kumakatok at hinayaan nalang ang dapat na mangyari sa pagitan namin ngayon pa’t wala ng ibang laman ang isip ko kundi siya at ang mga gagawin naming dalawa. Alam ko wala pa ako experience sa ganito pero sa eksperto niyang galawan pakiramdam ko matagal na namin itong ginagawa.
Agad akong napabangon ng maalala kong may dapat nga pala akong gawin. Napahawak ako sa ulo ko dahil para itong inuga ng ten times marahil dala ng bigla kong pag bangon.
Inikot ko ang tingin ko sa paligid. Ganuon pa rin. Gaya ng una kong makita. Walang pagbabago. Gaya pa rin ng nagising ako kanina. Hindi pa rin ito bumabalik sa hitsura na alam ko. Napabuntung-hininga ako.
Dahan-dahan akong bumangon ng may maalala ako. Agad kong kinapa ang sarili ko at laking pagtataka ko ng wala akong maramdaman na masakit sa akin at nakadamit din ako. Eh?
Nananaginip lang ba ako ng inakala kong may nangyari sa amin ng lalaking kasama ko na siyang may-ari nitong bahay? Teka nga, hindi ko pa rin din alam pala ang pangalan niya! Nakalimutan kong tanungin.
Chineck ko agad ang higaan at wala akong makitang bakas ng kahit na ano. Pero nanduon yung amoy ng sigarilyo at expensive na pabango niya. What the hell?
Don’t tell me wet dreams lang ’yon?
Napabuntung-hininga ako at inayos ang higaan bago ako nagpasya na hanapin si Yumi. May sasabihin nga pala ako sa kanya pero inaalala ko pa kasi hindi ko maalala. Epekto siguro ng bagong gising at pagiisip kung may nangyari ba sa pagitan namin ng lalaking iyon.
Humarap ako sa salamin para tignan ang hitsura ko. Wala namang nabago. Dapat ba meron? Hmm…
Napatingin ako sa repleksyon ng bintana sa salamin at napakunot ang nuo ko ng mapansing madilim sa labas. Ha? Anong oras na ba? Gabi na ba? O madaling araw?
Lilingon na sana ako para icheck maigi mula sa bintana kung anong oras na dahil pag tingin ko sa relos na suot ko naka 6:31 P.M. pa rin. Psh. Sira na yata ’tong relo ko.
“Mel,” natigil ako sa gagawin ko sana ng marinig ko ang pangalan ko and true enough bigla siyang sumulpot sa harapan ko. Pormal pa rin ang pananamit niya gaya ng kanina or kagabi? Hindi nabago.
“Ikaw pala. Sakto! Uhm, nandyan na ba si Yumi?” tanong ko.
“Yumi?” tanong niya at inabot ang kamay ko para halikan ang likod nito bago tumitig sa mga mata ko.
“Uh… Oo?”
“Sino si Yumi?”
“Ha? What do you mean, ‘Sino si Yumi’?”
“Exactly. That’s why tinatanong kita,”
“Uhm.. uh..” napaisip ako sa tanong niya. Hindi ba niya kilala si Yumi? Iba ba gamit ni Yumi na pangalan? Ano nga ba ulit original name niya? Shit.. bakit hindi ko maalala?
“Ako lang dapat nakikita mo, Mel. Walang iba,” sabi nito at marahan akong hinila palabas ng kwarto namin este ko, or niya?
“Anong gusto mong gawin?” tanong niya.
“Ako? Uhm, ano ba gusto mong gawin?” wala ako maisip na pwede namin gawin although parang may nakakalimutan ako na dapat kong gawin. Napatingin ako sa kanya ng mapansin kong nakatingin siya sa akin. Ang hilig nitong pagkatitigan ako.
“Ang dumito ka,”
“Nandito naman ako?” alanganin kong sagot.
“Dapat. Dito lang. Walang iba kundi dito.” sabi niya at inilapit ang mukha niya sa akin upang dampian ng halik ang labi ko, “Walang ibang pupuntahan maliban sa akin. Sa bahay lang na ito. Akin ka, Mel.”
Natawa naman ako sa sinabi niya. Ewan ko kung bakit. Nakaramdam ako ng kaba pero ewan ko bakit hindi ako makaramdam ng takot. Dapat kilabutan ako sa sinabi niya dahil hindi naman kami lubos na magkakilala. Heck, we just met pero habang tumatagal ako dito parang matagal ko na siyang kasama. Para bang matagal na rin akong nandito sa bahay na ito.
“Ano bang sinasabi mo? Gutom ka ba?” tanong ko at inabot ang mukha niya para haplusin ang kanyang pisngi. He leaned on the touch while continously staring at me.
“You’re mine, Mel. Hindi na kita papakawalan pa,” dagdag pa niya.
Hindi na ako naka iwas ng sunggaban niya ng halik ang mga labi ko. Hinayaan ko lang ang sarili ko na sabayan siya sa kanyang ginagawa but for some reason, itong utak ko parang may pinapaalala sa akin na dapat kong alalahanin dahil importante iyon.
Pinilit kong alalahanin yung importanteng bagay na dapat kong alalahanin sa kalagitnaan ng pagtatagisan ng mga labi namin sa isa’t-isa ng ilipat niya ang labi niya sa leeg ko and from there, muling nawala sa isipin ko ang importanteng bagay na dapat kong alalahanin.
“Mel?”
Tumango lang ako kahit na hindi ko alam anong ibig niyang ipahiwatig. Bumaba kami patungo sa kung saan ng muntikan na naman ako madulas. Ano ba yan!
Napapikit pa ako dahil akala ko matutuluyang bumangga ang ulo ko pero buti nalang at mabilis ang kamay niya at napigilan niya ang dapat sanang mangyayari.
Kuntodong-kapit ako sa braso niya habang naglalakad kami kahit na magkaholding hands na kami para lang makasiguro na hindi ako madudulas ulit kahit na duon lang naman ako nadudulas sa hagdan na iyon. Ewan ko ba.
“Gumagana pa pala ito?” tanong ko ng nakitang nagp-play ng kanta yung lumang radio na sabi ni Yumi nuon hindi na daw gumagana kasi 19-something pa daw iyon.
Napabitaw ako sa kanya at nilapitan ko pa talaga ito at inadmire ang disensyo pati yung old music na tumutugtog. Sobrang classic!
Lagot talaga sa akin ’yang si Yumi pagbalik niya. Sabi niya hindi na ito gumagana! Hmmo, ayaw niya lang yata pagamit.
Speaking of Yumi… nasaan na iyon? Hindi pa rin ba siya nakakabalik? Alam ko kinausap niya lang yung…
Napahawak ako sa ulo ko dahil biglang sumakit. Parang naalog.
“Mel?” nagulat ako ng nasa tabi ko na pala siya at tatanungin ko na sana siya about kay Yumi ng bigla niya akong sunggaban muli ng halik. Hindi siya tumigil hanggat walang ibang tumatakbo sa utak ko kundi siya at yung kantang tumutugtog sa background.
“ Honey, don’t look back. There’s nothing for you to go back to except here… with me.“
Bago pa ako makapag isip, nauna ng mag respond ang katawan ko at tumango sa sinabi niya. Hinila niya ako patayo at naglakad kami sa gitna ng living room. Hawak ang kanang kamay ko ng kaliwa niyang kamay, nilagay naman niya ang kanan niya sa bewang ko at automatic ko namang ipinatong ang kaliwang kamay ko sa kanang balikat niya at nagsimula kaming sabayan ng pagsayaw ang ritmo ng tumutugtog na old song sa background.
I can’t help not to lean my head on to his chest. Feeling our bodies. The rhythm of the music. Pakiramdam ko, I belong to this house more than I could think of. Always has been. Ako lang itong gustong umalis. But the house itself and even this man infront of me, is telling me otherwise.
Nailing ako ng maalala ko bigla yung tungkol sa balak kong paglipat. Huwag na. Hindi ko na itutuloy. For sure naman matutuwa si Yumi pagbalik nu’n at sinabi kong hindi na ako aalis. I mean, never. Hindi na.
I belong here. In this place. This house. With this man. Teka… ayun! Naalala ko na yung importanteng dapat kong gagawin.
“Sorry, I know it’s late but ano ngang pangalan mo?” nahihiya ngunit nakangiti kong tanong habang nakatitig sa kanya.
Ngumiti lang siya as he stares down at me. A smile that made me curious as it reminded me of Ceshire Cat. An almost genuine yet a lot of hidden meaning kind of smile.
“Alejandro,”
Last thing I remember, I was running for the door
I had to find the passage back to the place I was before
“Relax, “ said the night man, “We are programmed to receive
You can check out any time you like, but you can never leave“
Dumukwang siya ng kaunti para maglapit ang mga labi namin and while we were kissing, my eyes widened from the flashbacks.
Shit.
I tried pushing him away from me. Tried to get away from him but his grasps on me was already beyond my control to stop him. To get away from him.
“Alejandro Mallari,” basa ng lalaking naka office attire sa hawak niyang papeles habang tinatahak nila ng partner niya ang daan patungo sa bahay na magpa hanggang ngayon ay sinusubukang ibenta ng kanilang firm sa kahit na sino- for the hundredth time after 4 years mula ng huling attempt nila. Tuwing may magtatangka kasing bumili ng bahay/lupa na iyon, the next day ica-cancel ng buyer sa kung anong kadahilanan.
Biru-biruan tuloy sa opisina nila na baka ang dating unang may-ari ang may gawa o kaya ang matandang dalagang kapatid nito na siyang tumira sa bahay ng napakatagal ang dahilan kung bakit hindi maibenta.
Ang pagkakaalam nila naitayo ang bahay taong 1969 na pinondohan ni Alejandro Mallari. Bahay ito sana para sa kanya at sa magiging sanang pamilya niya dahil sa takot nitong tumandang binata kaso dahil sa aksidente habang ginagawa palang ang bahay, namatay ito.
Namatay ito sa mismong bahay na kanyang pinapatayo. Dahil dito, ang kapatid niya ng si Mayumi ang nagpatuloy sa pagtapos ng bahay na kanyang tinirahan hanggang sa kanyang huling hininga. Magmula ng mamatay ito, marami ng nagtangkang bumili ng bahay, mag trespass pero sa huli walang tumagal o nakakuha man lang maliban sa isa. Maliban kay Melchor. Subalit namatay ito ng dahil sa aksidente gaya ni Alejandro.
Haunted, sa madaling salita. Pero dahil nasa modernong panahon na sila, wala ng naniniwala sa mga ganuong bagay. Ika nga, matakot ka sa buhay kesa sa patay.
Inilipat ng lalaki sa sunod na pahina ang binabasa niyang mga papeles at natigil siya sa pangalan na nakita at napangiti ng marealise na sobrang makaluma talaga ang mga pangalan nuong araw.
“Mayumi Mallari? Pinaglihi yata sa makahiya ’to ng mga magulang nila.”
“Baka,” nagkatawan sila ng partner niya.
Pagdating nila sa lugar kung saan nakatayo ang bahay ay laking pagtataka nila na ang daming taong nakapalibot sa nasabing bahay at may mga pulis pa nga.
Nagkatinginan sila ng partner niya.
Isang linggo matapos ang mga kagimbal-gimbal na pangyayari sa bahay ng mga Mallari, nagkatinginan ang magpartner na inatasan ng kanilang boss na i-check yung bahay kung malinis na at pwede ng i-try uli ibenta sa mga taong walang kaalam-alam sa background nito bago nila desisyunan na abandunahin ng tuluyan. Nasasayangan kasi ang boss nila sa malaking pera na maaaring makuha lalo pa’t ancestral ang bahay.
“Tangina, ’pre! Ikaw nalang pumasok sa luob. Hindi ko talaga gusto yung vibes ng bahay ng pumasok tayo du’n last time,”
“Ayan ka na naman, ’pre! Masyado kang matatakutin. Patay na ’yun eh! Impossibleng magmulto pa yun. Di ba nga, sabi sa Autopsy, nadulas yung Melchor Guevarra by accident sa hagdan. Malakas yung pagkakatama ng ulo niya at blood loss ang naging dahilan ng cause of death. Kaya nga may nakita din tayong tuyong dugo duon sa may hagdan. Walang tumulak sa kanya kasi siya lang naman ang tumira duon mag isa without us sa firm knowing and giving permission sa kanya.”
“Alam ko naman, pre! Pero naalala mo rin ba yung mga usap-usapan ng ibang mga tao na nakakita duon sa Melchor? Sabi nila may kinakausap siya na hindi nila nakikita! What if yung dating may-ari yun? What the hell! Mamaya pag pasok natin uli duon na dalawa hindi na tayo makalabas gaya ni Melchor.”
“Tangina nito? Baka may saltik lang sa utak ’yun. Tigil-tigilan mo nga yang mga theory mo d’yan at wag mo ako idamay.”
Ala singko na ng hapon ng makarating sila sa nasabing bahay ng mga Mallari at sa labas palang, halos pangilabutan na si Joshua.
“Gagu, Mark! Hindi ko talaga kaya,”
“Tangina naman nito! Tara na! Mabilis lang tayo. Iche-check lang natin yung luob. Kahit sa baba lang tapos alis na tayo.”
Napabuntung-hininga nalang si Joshua at agad na humawak sa braso ng partner niya.
“Daig mo pa cellphone kung mag vibrate,” biro nito pero maging siya nakaramdam na din ng kaba habang papalapit sila sa pintuan ng bahay ng biglang umihip ang malakas na hangin.
Aabutin na sana ni Mark ang pinto para buksan ng pigilan siya ni Joshua.
“Bakit?”
“Kumatok ka muna,”
“Ha? Bakit ako kakatok?”
“Basta kumatok ka nalang,” sabi nito, pero ng mapansing hindi gagawin ng kasama niya ang sinabi niya ay siya na ang kumatok para sa kanila.
“Parang tanga wala namang nakatira dito,” anas ni Mark.
“Eh basta!” sabi nalang nito.
Pagbukas ng pinto, laking gulat nila ng may sumalubong sa kanila na magandang babae.
Nagkatinginan silang dalawa. Dapat walang tao na nandito ngayon unless gaya ito ni Melchor na trespassing.
“Uh, sino sila?” alangang tanong ni Mark.
Ngumiti ang babae sa kanila.
“Yumi, short for Mayumi. Anong kailangan nila?”
Nanlaki ang mga mata ni Joshua sa narinig. Naestatwa siya sa kanyang kinatatayuan habang hinayaan ang partner niyang sumagot para sa kanila. Dahan-dahan at kinikilabutan na binaba ni Joshua ang tingin niya sa sahig at ng makitang walang anino ang babaeng nasa harap nila, dahan-dahan niyang hinila ang braso ni Mark para bigyan ng hint sa naka ambang maaaring mangyari sa kanila kapag hindi pa sila umalis.
“Ano ba ’yon?” kunot-nuong anas ni Mark ng hindi siya tinantanan ni Joshua sa paghatak sa braso niya. Kulang nalang hatakin na siya nito paalis ng bahay.
“Tara na!” nanginginig sa takot na aya nito habang patuloy na hinahatak ang braso niya.
“Ha? Wag ka namang bastos, ’pre. Alam kong natatakot ka pero huwag-”
Sabay silang natigil ng makarinig sila ng sigaw ng isang lalaki. Hindi pwede magkamali si Joshua sa kung kanino maaari ang alingawngaw ng sigaw na iyon.
Wala ng pagdadalawang-isip na hinatak ni Joshua ang partner niya at patakbong hinila ito hanggang sa makarating sila sa tapat ng nakaparadang kotse nila. Imbis na umupo siya sa shotgun seat gaya ng nakasanayan, si Mark ang pinaupo niya duon at siya ang nag drive ng kotse. Lilingunin sana ni Mark yung bahay ng pigilan siya ni Joshua.
“H’wag kang lilingon!” sigaw niya. Sa gulat kahit na may pagtataka ay hindi na siya umalma pa at sinunod nalang ang kaibigan dahil maging siya, hindi niya alam kung maniniwala ba siya o namalik-mata lang ba siya dala ng takot ni Joshua na napasa sa kanya, pero nakita niyang may lalaking nakatayo sa gitna ng malaking hagdan ng bahay at nakangiti sa kanila. Ngunit ngiti ito na nagpapahiwatig na hindi sila welcome sa pamamahay na iyon.
From then on, tuluyan ng inabandona ang bahay ng mga Mallari. Paminsan-minsan may nakakarinig ng sigaw ng isang lalaki na parang nanghihingi ng tulong, pero dahil sa abandonadong bahay nanggagaling ang mga nasabing kakat’wang ingay, walang may lakas ng luob na lungunin ito para tulungan ang sino mang nasa luob.
A/N:
Hello there! It’s been awhile since nagsulat ako ng one-shot tapos ganitong genre pa. Usually, sa short stories ako gumagawa ng ganito kaya medyo nahirapan ako gawin/tapusin. Last year ko pa naisip yung plot pero this year ko lang finulfill at sana nagustuhan ninyo kahit parang gasgas na yung genre. Sa mga curious d’yan anong kanta yung ginamit ko sa kwentong ito, search Hotel California ng Eagles. Anyways you may leave whatever theory you have regarding this story.
Again, this is your weirdong manunulat, Brictorique, na nagpapasalamat sa inyong oras sa pagbabasa ng aking likha. Ciao!

