Horror Stories Compilations
VinxMania · 45 chapters · 97,103 words
Horror Stories Compilations
Ang lahat ng mga istoryang mababasa ninyo ay hango sa totoong buhay ito’y binulay-bulay sa loob ng mahabang panahon bago isinulat. ang mga lugar, petsa taon at pangyayari na mababasa ninyo ay tuwirang inihayag sa kwento. kung nagkataon man na pareho ang pangalan ng mga taohan sa istoryang ito sa mga taong kakilala ninyo ito ay nagkataon lamang at hindi sinasadya sapagakat ang mga pangalan dito ay ang mismong nakaranas sa kwento at pangyayari. ang mga panitikang mababasa ninyo ay punong puno ng kababalaghan, kasindak-sindak, hiwaga at misteryo at may mga taong hindi naniniwala dito…
…kaya ang konsepto ng katotohanan ay nasa antas ng karanasan at nasa lawak ng pag-intindi at pang unawa ng mga mambabasa dahil napakarami na ang nagpapatotoo dito. ang iilan sa mga kwentong ito ang magpapatotoo sa mga misteryo’t hiwaga dito sa ating bansang Pilipinas. mga kababalaghan bumabalot sa ating paligid at mga kwentong bayan na minsan nang kinalimutan ng ating lahi. hali na at buhayin nating muli ang mga kwentong bayan, parabula, alamat, at talambuhay. ang mga nakaranas na tungkol sa mga kababalagyan at misteryo ay ang mga taong itinakda. tara at lumakbay sa mundo ng mga aswang, mga kaluluwang ligaw, mga masasamang espirito, mga engkanto at maligno…
Ang aking karanasan sa Impiyerno
Ang totoong karanasan ng isang babaeng 24 taong gulang. Ni rape ako ng kaibigan ko sana (kaibigang akala ko mapagkakatiwalaan) Hindi ko ipinaalam kahihiyang karanasan, hindi ko kayang sabihin ang totoo sa iba tungkol sa mahigpit kong pagsubok. Itinago ko sa sarili ko at namuhay ng normal.
Ilang linggo ang nakalipas, kapag nagpupuyat ako nakakaramdam ako ng panghihina kaya nagpunta ako sa malapit na ospital at tumingin ng tests. Sobrang nagulat ako dahil positibo ang resulta ng pagdadalangtao ko.
Sinabi ko sa lalaking may kagagawan saakin, ngunit kinumbinsi niya akong ipalaglag nalang ito’t gawing sekreto.
Ipinalaglag ko ang nasa sinapupunan ko at bago iyon ay sinabi ko sa Panginoon na patawarin ako sa gagawin ko. Sa proseso ng pangyayaring iyon namatay ako, iniwan ko ang aking katawan. Tinitignan ko ang patay na katawang nakahandusay sa isang pinaglalaglagang lamesa, sinimulan kong umakyat doon ngunit isang napakaliwanag ang humila saakin sa napakadilim na lagusan. Madilim, napakadilim, nakita ko ang mga bahay gagamba na nakakalat sa pader. At sa pagkakaalam ko, nasa empyerno na ako.
Nakita ko ang isang babaeng isang daang taon nang nakatira don, siya ay nakakaramdam ng malalang hinanakit at paghihingalo, siya ay nalulusaw sa apoy at sa magma’ng likido at muling babalik sa pagiging tao. Paulit-ulit na ganon ang nangyayari, alam kong nasa empyerno na talaga ako.
Akoy nalulusaw at nalulusaw na, nararamdaman kong ang aking buhok at anit ay natatanggal dahil sa sakit na hindi mabata. Ito kung ang mga pandama ko ay napalaki kesa sa nagdaang araw. Ang paghihingalo ay hindi pa sapat. Ang hiyaw ng mga tao sa ibabaw ng pagdurusa ay walang kuwenta, napakalakas na nararamdaman kong mabibingi ako pero patuloy paring tumatatak sa tenga ko.
Sinimulan kong humiyaw, sa lakas ng hiyaw ko ganun din kalala ang mararamdaman kong paghihina pero ang hiyaw ko ay lumalakas lamang kung nanghihina ako. Akoy nagngalit ng mga ngipin ko pero wala sa ginagawa ko ang nakapagayos saakin, lalong lumala pa ito. Nasa malalim akong pagdurusa.
Ang pinakamalalang nangyari ay hindi lamang dahil sa sakit, sa ingay, sa hiyaw o sa maanghang na amoy. Ang karanasang WALA NANG PAG-ASA O MALALANG SUMPA. NAHATULAN AKO NG SUMPA MAGPAKAILANMAN. Alam kong nasa empyerno na ako magpakailanman. Umiyak ako’t nagmakaawa.
Sa sandali, si Jesus ay nagpakita at lalong napaiyak ako. Sinabi kong sana bigyan niya ako ng isang segundo para masabing si Jesus ay Panginoon at muling mamamatay ulit. Sumagot si Jesus, “ilang segundo sa loob ng minuto, ilang minuto sa loob ng isang oras, ilang oras sa isang araw, ilang araw sa isang linggo, ilang linggo sa loob ng buwan, ilang buwan sa loob ng isang taon, ilang taon kang namuhay sa mundo?” Binigyan ko kayo ng napakaraming segundo sa inyong buhay pero binigo niyo ako.
Umiyak ako ng umiyak at tinanong ulit at magmakaawa’t bigyan ako muli ng pagkakataon na sabihin sa mundo ang tungkol sa empyerno. Nakiusap ako sa Panginoon na bigyan ako ng pagkakataon kahit na wala ang aking mga kamay o ang mga binti basta nakakahinga ako’t nakakapagsalita. May mas maganda na akong pag-unawa tungkol sa kasabihang mas maganda ang namumuhay na aso kesa sa namatay na leon. Ipinangako ko rin na ipagsabi sa mundo ang aking mahigpit na pagsubok kung ibabalik niya ang aking kaluluwa mula sa pagdurusa sa empyerno.
Sumagot siya,’ marami nang nagmula dito para ipagsabi iyon, inaakala mo ba’ng may maniniwala sayo’ pero nagmakaawa ako ulit sa ikalawang pagkakataon habang umiiyak at pagngalitin ang aking ngipin.
Si Jesus ay merong awa saakin pero pinagbalaan ako na kung hindi ako mangaral, matatapos ako sa empyerno. Sabi niya, ‘sabihin mo sa mga tao kong huwag makikipaglaro saakin’. At sa puntong iyon nagising ako sa ospital.
Sa una, natakot akong ibahagi ang aking malalang karanasan kase nag-alala ako sa aking reputasyon pero naliwanagan ako na may kontrata kami ng totoong propeta ng Panginoon.
Anong halaga ng iyong oportunidad? Kung binabasa mo’to ibig sabihin meron ka pang pagkakataon para magbago at tumalaga sa Poong may kapal o kung ikaw ay walang sigla ito na ang oras para itigil ang pakikipaglaro sa Poong maykapal. Ang mga salita lang ay hindi nasasabi sa aking pagdudusa sa empyero o ang pagdudusa sa mga nasa empyerno.
Ang empyerno ay hindi gawa-gawa, kuwento, o katha ng isang imahinasyon, ANG EMPYERNO AY TOTOONG LUGAR.
Lugar na hindi mo naisin na ang mga kinaiinisan mo o yung sinaktan ka ng sobra. (Heb 9:27 ~ And as it is appointed for men to die once, but after this the judgement.) Kung mapag-isipan na ang lahat ng makamundong bagay ay mawawala mula saatin, kaya ang magmalabis sa mga materyal na bagay ay mailalayo a sa atin ngayon. Dapat iwasan natin ang pangkatawang utang na loob, para sa makamundong kasiyahan na nangiiwan ng permanenteng kasiyahan. L (2 Peter 3:11 ~ Seeing then that all these things shall be dissolved, what manner of persons ought ye to be in all holy conversation and godliness)
- We should stop giving excuses for God’s work
- We should imitate Christ
- Find out our purpose on earth and fulfil it
- Be part of the move of God in this last days
- Have a consistent walk with the Holy Spirit .
#CreditstotheREALOWNER
#Copypasted
THE 1996 OZONE DISCO TRAGEDY
Noong Marso 18, 1996, nang alas kwartro ng madaling araw sa oras ng Pilipinas. Isang night club o mas kilala sa bansag na disco dito sa ating bansa. Ang Ozone Disco ay tinupok ng apoy. At nangyari ito sa Quezon City, Manila.
Talagang binanggit ko ang eksaktong lokasyon kung saan naganap ito sa isang metropolitan area na dapat ay madali itong naiwasan o kahit man lang napuksa nang mabilisan, sapagkat ito nasa pusod o gitna nang isang sibilisadong lungsod na kung saan may mga istasyon ng kapulisan at bumbero ang malalapit sa pinangyarihan ng trahedya na maaaring rumesponde kaagad sa lugar.
At makalipas ang dalawapu’t tatlong taon, mula nang mangyari ang trahedyang ito. Ang Ozone Disco Fire Tragedy ang siyang kauna-unahan sa Pilipinas at masasabi kong pinakamasaklap na CLUB FIRE sa kasaysayan sa buong mundo. Mahigit kumulang 160 na katao ang namatay at may 92 pang mga sugatan. Ang insidenteng ito ang yumanig sa buong Metro Manila magpasahanggang sa kasalukuyan, ang mga kapamilya at mga kaibigan at maging ang sinuman mang nakakaalam sa malagim na insidenteng iyon ay hindi pa din nalilimutan at nawawala ang matinding kalungkutan at pagluluksa sa trahedyang iyon. At sa mga katulad nating nagtataka pa din kung papaano ito nangyari, aymaaaring lumabas ang iba’t ibang mga dahilan ngunit sa aking palagay ay ang pinakamabisang paliwanag dito ay ang haka-haka na ang mga pintuan ng disco ay mali ang pagkakakabit dahil baligtad ang pagkakabit nito ang bukas ng pinto ay pull out instead of push papaloob ang bukas ng pintuan imbes na papalabas. Nang kumalat na ang apoy, ay walang sinuman ang nakapansin nito sa simula, nakita na lamang nila ito nang napakalaki na nang apoy doon pa lamang nila nalaman na nasusunog na pala ang lugar. Naging usap-usapan ito nang mga panahong iyon, at bawat tao ay ito ang laman ng kanilang mga kuro-kuro at diskusyunan. Ang sabi ng iba, punong-puno nang tao ang Ozone Disco nang sumiklab at lumaki ang apoy, kaya marami sa mga taong naroroon sa loob ang nagtaranta nag-panic at sabay sabay na tumakbo patungo sa nag-iisang pintuan ng disco wala itong fire exit man lang at isipin nyo na lang ang nangyari, kung papasok ang pagbukas ng pintuan, siguradong hindi mo ito mabubuksan kahit ihalain mo siya nang buo mong lakas.
Makalipas ang malagim na trahedyang iyon, marami ang mga natagpuang mga sunog na mga bangkay ang bumalandra sa front page nang mga dyaryo at maging sa telebisyon (bihira pa kasi ang may internet noon only elite at mayayaman at sa mga opisina pa lamang ang mayroon nito.) at doon pa lamang nalaman nang buong sambayanan ang malaging na aksidenteng nangyari doon. Isang taon din na naging laman ito nang mga balita. Naging laman ito nang mga usapan nang mga tao at hindi nila malubos maisip na nangyari iyon sa mga kabataan nang mga panahong iyon. Naging public interest na din ang Ozone Disco noon, ay siyempre pa marami-rami na din ang mga katatakutang kwento ang biglaang nagsisulputan patungkol sa lugar na iyon. Mayroon din di umanong mga kaluluwang nag paparamdam sa lugar at tila umiiyak ang mga kaluluwang mga ito na nagpaparamdam at tila huminhingi ng tulong. Ang ozone disco ay isa sa pinakasikat na disco bar noong dekada 90.
ctto/kwentong nakakatakot nakakatindig balahibo
#CreditstotheREALOWNER
Walang Ulo
Isang Gabi Sumakay ako Ng Tricycle at ako lang Ang pasahero non
Natakot ako Kasi Biglang linihis Ng daan ni kuyang driver.
Tinanong ko si kuyang Driver’ kuya Hindi po ito Ang daan ko pauwi.
Mga ilang minuto den binalik na ni kuya Yong totoong daan pauwi so nagtaka ako. Pero dinaako nag tanong ulit
Pagbaba ko sa Tricycle Sabi ni kuyang driver. “Ning pag pasok mo sa bahay nyo hubarin mo kaagad Ang damit mo oh dikaya sunugin mo naden. Iniba ko Yung ruta Kasi pag tingin ko sa salamin kanina, Wala kang ulo.
#CreditstotheREALOWNER
Sekreto Ng Payaso
SEKRETO NG PAYASO | Davinci Code Black (Exclusively written to Deepred Mystery Files Channel)
“BRAVE, sundin mo lagi ang utos namin,” utos ng kanyang Nanay Melba, “huwag kang lalayo sa amin ng papa mo. Huwag ka ring makikipag-usap sa mga estranghero. Huwag kang pasaway,” pagpapatuloy nito.
Ayaw kasi niyang matulad ang anak nila sa kanila na nabulag dahil sa isang aksidente noong papauwi sila galing sa trabaho sa McDonald. Si Brave, pitong taong gulang, ay palaging kasa-kasama ng kanyang bulag na mga magulang sa isang payak at magandang bahay.
“Alalayan mo kami patungo sa liwasan at huwag kang tatakbo. Baka maligaw kami,” wika naman ng ama niyang si Mang Kanor.
Araw-araw ay nagta-trabaho ang kanyang magulang sa liwasan kung kaya’t iniiwanan nila ang kanilang bahay. Si Brave ang taga-alalay sa kanila sa istasyon ng bus bago sila makarating sa liwasan.
“Huwag kang lalayo, Brave,” muli ay utos ni Nanay Melba habang minamasahe nito ang likod ng kanilang kostumer na lalaki sa may parke. Gayundin ang ginagawa ng ama niya sa kostumer nitong matandang lalaki.
Tumango lang si Brave at ipinagpatuloy ang paglalaro. Sinipa-sipa niya ang bola sa may Bermuda grass at ipinauuntog-untog sa mga upuang bato sa parke. Lakad-takbo ang kanyang ginagawa habang magiliw na nilalaro ang bola. Nakikipagsabayan ang tunog ng bola sa maingay na tunog na naililikha sa buong liwasan. Marami ang nagbebenta ng paninda roon. Mayroon namang nakatambay lang. Paroo’t parito ang busina ng mga sasakyan. Maingay at magulong konsepto ng siyudad.
Isa. Dalawa. Tatlo. Hanggang sa hindi na mabilang ang pagsipa ni Brave sa bola. Hindi niya namalayan na napalakas ang kanyang pagsipa sa bola kung kaya’t tumalbog ito palayo. Lumagpas ang bola sa parke at huminto sa kalsada kung saan may mga sasakyang dumaraan.
Nagulat si Brave sa nagawa. Nagbabantulot siyang lumingon sa kanyang magulang. Iniisip niya kung kukunin ba ang bola o hindi.
“Huwag kang lalayo…”
Naalala niya ang utos ng kanyang nanay. Pero naisip niyang iyon lang ang kauna-unahan niyang laruan kung kaya’t walang anu-ano’y tumakbo siya papalabas ng parke. Lumingon-lingon siya at hinanap ang bola. Nakita niya ito sa gitna ng kalsada.
Nilapitan niya ang bola na hindi namamalayan ang papasalubong na kotse sa kanya.
Mabuti na lang at biglang nakapagpreno ang driver ng kotse. Muntik nang masagasaan si Brave habang tinatawid niya ang kalsada. Isang tindero ng lobo ang nakakilala sa kanya. Ang kapit-bahay nilang si Heu.
“Brave! Paano ka nakaabot dito sa kalsada?” tanong ni Heu na mabilis siyang nilapitan. Nasaksihan din pala nito ang mangyayari sana kay Brave.
Nangangatal ang boses ni Brave at kinakabahang nilingon si Mang Heu. “W-wala p-po. K-kukuhanin ko lang po ang b-bola sa k-kalsada.”
“Gano’n ba? O, siya, sige, heto ang lobo. Ibabalik na kita sa nanay mo…”
Para namang binuhusan ng tubig si Nanay Melba nang marinig ang ikinuwento sa kanya ni Heu na muntik nang masagasaan si Brave.
“Diyos ko! Hindi ba sabi ko naman sa ‘yo na huwag kang lalayo! Paano kong nasagaasan ka do’n? Naku!” Napatampal na lang sa noo si Nanay Melba. Pilitin man niyang itago ang galit ay hindi niya magawa.
“P-patawad, Nanay! K-kinuha ko lang naman po ang bola.”
“Pero, anak, muntik ka nang masagasaan! Ayos lang naman na pangalagaan mo ang isang laruan pero kung alam mong delikado ang pupuntahan mo ay ’wag ka nang tumuloy. Pinag-alala mo kami, e!” wika naman ni Mang Kanor.
“Naku, pare. Dapat sigurong gumawa kayo ng paraan upang malaman n’yong hindi lumalayo sa inyo si Brave,” suhestiyon ni Heu.
Kasalukuyan silang nasa parke at nakaupo sa upuan. Tapos pa lang sa pagmamasahe ang mga magulang niya.
“Ano namang paraan iyan, pare?” tanong ni Mang Kanor.
“E, ‘di ibili n’yo siya ng maingay na sapatos para oras na marinig mo ang ingay nito ay malalaman n’yo kung nakakalayo na ang inyong anak. Delikado pa naman ang batang ito kapag makalayo lalo na’t mga bulag kayo,” litanya ni Heu.
“P-pero wala pa kaming pambili ng sapatos na iyan,” wika ni Aling Melba. Ang pera kasing nalilikom nila sa buong maghapon ay kasya lang sa pang-araw-araw nilang pagkain.
“Huwag kayong mag-alala. Ako na’ng bahala…”
Binilhan nga ng isang pares ng maingay na sapatos si Brave. Kulay pula ang naturang sapatos.
“Tototot! Tototot!” Masayang lumakad-lakad si Brave sa mall habang suot ang kyut na sapatos. Nakangiti siyang binalingan si Mang Heu.
“Ang ganda po ng sapatos, Mang Heu,” magiliw na aniya.
“Bagay nga sa ‘yo, Brave. Hiling ko lang na makinig ka na sa mga magulang mo at huwag kang lumalayo lalo na’t delikado ang lugar na pupuntahan mo. Bago pala ako umalis, inaasahan ko na huwag kang makikipag-usap sa estranghero, ha?” litanya ni Heu at pinisil ang matabang pisngi ni Brave.
Tumango lang ang bata. Inihatid na rin si Brave ni Heu sa parke kung saan naroon ang magulang niya.
“Tototot! Tototot!”
Ang maingay na sapatos ni Brave ang naging solusyon ng bulag na mag-asawa. “Kanor, maaaring lumalayo sa atin si Brave kapag humihina ang tunog ng kanyang sapatos. Masusundan natin siya kaagad,” hinuha ng nanay niya isang araw.
FRIDAY the 13th ng araw na iyon. Balik ulit sa dati ang mag-asawa. Nagmamasahe ulit sila sa liwasan habang si Brave naman ay naglalarong mag-isa. Pinaalalahanan nila si Brave na malas ang araw na iyon.
Isang araw ay inimbitahan si Brave ng isang batang lansangan upang maglaro. “Tara, hubarin mo iyang sapatos mo. Hindi kasi iyan puwede sa McDonald house!” wika ng isang batang babae na gusgusin ang damit.
Samantala, dahil sabik sa kaibigan ang batang si Brave kaya’t hinubad niya ang sapatos at iniwan sa parke. Nakalimutan niya ang bilin ni Mang Heu at ng magulang na ‘wag lalayo at makikipag-usap sa estranghero. Nakaligtaan tuloy ng mag-asawa ang tungkol sa maingay na sapatos sapagkat paroo’t parito ang samu’t saring ingay sa kapaligiran.
Iginiya siya ng batang lansangan sa loob ng McDonald house kung saan doon niya nakita ang isang clown na may katakot-takot na mukha. Nakangisi ito sa kanya. Ang paligid ay punong-puno ng mga confetti at tanging ang clown lang makikita sa loob ng McDonald house.
“Boss Marilyn. Ito na ang puwede nating paglaruan ngayong araw!” wika ng kasama niyang bata at humalakhak.
Tila binuhusan ng tubig si Brave nang mag-iba ang boses ng kanyang kasama. Napaatras siya bigla at nilukob ng takot.
“T-teka! A-anong nangyayari?” nahihintakutan niyang wika habang umaatras.
“Hihihi. Narito ka ngayon sa bahay ni The Bad McDonald. Gusto niyang makipaglaro, hihihi!” Ang batang gusgusin na sinamahan niya ay nag-iba ang anyo. Nagkapunit-punit ang damit nito at pumutok iyon. Mula roon ay naging mataba at mabalahibo ang tiyan nito. Ang mukha ng bata ay unti-unti na ring nag-iba ang anyo at naging isang aso na mahaba ang nguso at matatalim ang pangil!
Doon napagtanto ni Brave na hindi pala tao ang batang nag-aya sa kanya ng laro kundi isang halimaw. Napagtanto niya ring balak siya nitong patayin.
“Waahhhh! Inay! Nasaan kayo! Ayoko na rito!” Nagsimulang umiyak si Brave at umatras sa mga halimaw.
Akmang tatakbo na siya palabas ng silid na iyon nang biglang nasa harapan na niya ang clown kanina na nasa likod niya!
“Bulaga!” mala-demonyong halakhak nito. “Saan ka pupunta, bata?”
Namilog ang mata ni Brave at iniharang ang mga kamay sa clown habang umaatras. “Wahhh! Huwag po! Huwag n’yo po akong sasaktan.”
Nagpatuloy siya sa pag-atras hanggang sa nanigas siya sa kinatatayuan nang mabundol niya ang katawan ng halimaw na asong kanina lang ay ang batang gusgusin na kasama niya. Umangil ang aso na ikinatakot niya. Nadapa tuloy siya at napaiyak.
“Sige lang, bata, at umiyak ka. Iyan ang gusto ko…ang mga batang umiiyak,” wika ng clown at humagikgik.
Hinubad ng clown ang sumbrerong suot nito at mula roon ay tila mahikang nagkaroon iyon ng patpat.
Ang maliit na kahoy ay kinuha ng clown at iwinasiwas sa batang umiiyak sa sahig na punong-puno ng confetti. Tila ipo-ipong nagtitipon-tipon ang mga confetti at iniihip nang malakas na hangin na likha ng patpat na ginagamit ng clown. Ang mga confetti na iyon ay parang naging tao at nilukob no’n si Brave na patuloy pa rin na umiiyak.
Ilang sandali lang ay biglang naglaho ang clown, ang aso, at si Brave sa loob ng silid na iyon. Tanging ang sigaw ni Brave at ang sumabog na mga confetti ang pumailanlan sa paligid!
TAGAKTAK ang pawis nang magmulat ng mata si Brave. Isang madilim na paligid ang nakita niya mula sa kanyang mahabang pagtulog.
“Kumusta, bata!” Lumapit sa kanya ang clown kanina. Makulay ang damit nito at umiilaw. Napansin niyang hindi na nito kasama ang aso. Marahil ay nasa tabi-tabi lang ito dahil madilim ang paligid.
Nilukuban ulit ng takot si Brave at humagulgol. Labis na siyang natatakot at nais nang makita ang magulang. Kung sana lang ay nakinig siya rito.
“M-Mamang clown. I-ibalik na po ninyo ako sa magulang ko. Gusto ko na po silang makita,” humahagulgol niyang wika.
“Masusunod bata!” Ngumisi ang clown at may inilabas itong patpat na umiilaw rin at ikinumpas iyon sa harapan nila. Ang kaninang madilim na paligid ay nagkaroon ng liwanag. Nagkaroon ng limang pintuan ang harapan nila at tanging iyon lang ang maliwanag. Ang ibang paligid ay madilim na. Para bang mga exit door ang limang pintuan. Mula sa unahan at ikalawang pintuan ay nakita niya ang nanay at tatay niya. Nakatayo ito na parang mga tuod.
“Nanay! Tatay!” sigaw ni Brave at akmang tatakbo na sana sa dalawang pintuan nang magsalita ang clown.
“Hep! Hep! Kailangan mo munang pumili ng pintuan na gusto mong pasukin upang makalabas ka sa lugar na ito. Bawal kang sumama sa mga magulang mo!” utos nito.
“Pero… gusto ko po silang lapitan!” hagulgol niya.
“Hindi puwede. Kailangan mo akong sundin kung hindi, ipapakain kita sa aso ko.”
Iwinasiwas ulit nito ang patpat at itinutok sa harapan nito. Doon ay nakita niya ang aso kanina. Umungol ito at tinahulan siya na tila ba balak siyang kainin.
“Ano, susunod ka ba?”
Walang nagawa si Brave kung hindi sumunod. Habang lumalakad siya ay nakita niya ang tatay at tatay niya na pumasok sa mga pintuang pinili nito. Ngunit ilang sandali lang ay bigla itong iniluwa ng pintuan. Nagsisisigaw ito na wala raw makita.
“Tatay! Nanay! Ano pong nangyayari?” sigaw niya. Ngunit hindi siya marinig ng mga ito. Doon niya napag-alaman na para bang hindi ito ang mga magulang niya. Tila ba ipinapakita nito sa kanya ang nangyari noon kung balit nabulag ang kanyang magulang.
Napahagulgol si Brave sa kanyang nasaksihan. Balak niyang huwag sundin ang clown pero gusto niyang makalabas sa silid na iyon. Pipiliin sana niya ang ikatlong pintuan nang may marinig siyang ingay ng sapatos sa ikalimang pintuan.
“Tototot! Tototot!” Doon niya napansin na kasintunog iyon ng sapatos niya kaya roon siya tumakbo at agad na binuksan ang pinto. Pumasok siya roon hanggang sa bumulaga sa kanya ang clown. Nagpatuloy lang siya sa kakatakbo at sinundan ang ingay ng sapatos.
“Matapang ka dapat kaya Brave ang pangalan mo…” naalala niyang wika ng nanay niya noon.
Tumakbo lang siya nang tumakbo sa madilim na pasilyo at pinigilang umiyak. Doon naman biglang naglaho ang clown. Nagsisisigaw ito sa galit dahil mukhang naisahan siya ng bata sa larong ipinataw niya rito. Hindi naging tagumpay ang taktika nila sa malas na araw na iyon dahil may nakaligtas. Ito rin kasi ang dahilan kung bakit nabulag ang magulang niya. Nagpanggap itong amo nila noon hanggang sa pinaglaruan. Nang hindi mapili ang tamang pintuan ay binulag sila nito.
Samantala, patuloy na pinisil-pisil ng bulag na ina ang sapatos habang hinahanap si Brave. Ibinigay kasi iyon sa kanya ng kaibigan niyang tindera. “Anak! Nasaan ka na!” sigaw niya habang inaalalayan siya ng tindera.
“Nanay!” Narinig niyang sigaw ni Brave.
Humahangos at humahagulgol si Brave habang tumatakbo. Umiiyak naman si Aling Melba na niyakap ang anak.
“Brave!”
Ikinuwento ni Brave ang buong detalye sa nangyari sa kanya. Simula noon ay sinunod na niya ang utos ng mga magulang na huwag lalayo at hindi makikipag-usap sa estrangero. Naging matapang na rin siya at laging nag-iingat mula sa mga araw na malas. Natatakot na kasi siyang muling makasalamuha ang clown.
W A K A S
Note: This story wins First Place in The Boring Writers Wricon.
#CreditstotheREALOWNER
Ternate, Cavite
Nakaugalian na ng mga rider at turistang ang bumusina habang dumadaan sa 300 metrong Kaybiang Tunnel sa Ternate, Cavite.
Paraan umano nila ito para magpasintabi sa umano’y mga ligaw na kaluluwa na nagpaparamdam dito.
Ang Kaybiang Tunnel ang tinaguriang longest road tunnel sa Pilipinas at idinudugtong ang lalawigan ng Cavite sa Nasugbu, Batangas.
Taong 2013 nang maitayo ang tunnel pero balot na umano ito ng kababalaghan, ayon sa ilang motorista.
Sabi ni Aling Lorena na may tindahan sa dulo ng tunnel, ang mga namatay umano sa aksidente dito ay tila gumaganti sa iba.
“Parang inaano nila na kaya raw may namatay, yun, parang nakuha raw ng…kaya may naaksidente uli, nakuha ng buhay uli…yan lagi mga kwentuhan dito, merong nakikita raw nayuko yung ano, pero wala naman daw hangin…yukong kawayan daw, dinadaanan nila,“ ani Lorena Cariño, may tindahan malapit sa Kaybiang Tunnel.
sabi naman sa ibang mga residente doon may nagpapakita di umanong white lady sa gitna ng tunnel tuwing hating gabi at tila umiiyak umano ito nay may parang ipapahatig sa mga dumadaang mga motorista.
Ang ilang mga residente naman, sinasabing tila may naririnig silang bumubulong kapag pumapasok sila sa tunnel.
Pero mayroon din mga motorista na duda sa mga kuwentong ito.
Bahagi na raw talaga ng kulturang Pinoy ang kuwentong kababalaghan lalo na tuwing gugunitain ang araw ng mga patay.
Wala umanong masama kung maniniwala sa mga ito, pero sa huli, nakasalalay sa pagmamaneho ng motorista ang sariling kaligtasan.
ctto/abscbn news
Diplomat Hotel
The horrifying story
The former Diplomat Hotel in Baguio City, Philippines sits on top of the Dominican Hill. It used to be a rest house and a seminary way back 1911 before it was developed into a school and eventually, a hotel.
Almost every tourist that goes to Baguio makes it a point to visit this place because in spite of the ruins, it remained as one of the most panoramic and picturesque spots in the City of Pines.
During the World War II, numerous nuns and priests were beheaded here. This is believed to be the reason why headless apparitions can often be seen during the night inside the hotel. The employees and guests also claimed that they would often hear strange sounds coming from the building. Crying coming from kids and babies became a common noise, which can be attributed to the massacre of numerous children done at the fountain.
Dpilomat-Hotel-Baguio
The bombs that showered this structure so many years ago reduced it to something almost beyond renewal. Fortunately, it was reconstructed in 1947 and in 1973, it was acquired and transformed into a hotel by Diplomat Hotels, Inc. Managing it then is businessman, psychic surgeon and spiritual healer Tony Agpaoa. Since then, it became the haven of his patients that mostly came from abroad and they stayed here while being healed.
Based on research, there was an incident wherein fire broke out many years ago and several guests who were then staying at the hotel were trapped inside and died. One of the caretakers also affirmed that for unknown reasons, a woman who used to work here as a nurse committed suicide by jumping from the rooftop where the cross is situated.
Since the death of Tony Agpaoa in 1987, the hotel ceased its operation and was temporarily closed to the public. It was declared off limits to visitors as well. However, the people who are living nearby were often disturbed by sounds coming from the Dominican Hill at night. They would hear banging of doors and windows, clattering of dishes and voices of screaming people, who seem to be agonizing.
A lot of documentaries have been written about this mysterious structure. Up to these days, many curious people go to Baguio to see the ruins of what used to be the spellbinding grand hotel that boasts of its large rooms, striking details and admirable design.
ctto/aswangproject.com
San Juanico Bridge
Ang nakakapangilabot na kwento
Ang Tulay ng San Juanico (San Juanico Bridge) ay ang tulay na pinagdudugtong ang mga pulo ng Leyte at Samar sa ibabaw ng Kipot ng San Juanico. Bahagi ito ng Pan-Philippine Highway, at may kabuuang haba itong 2,200 metro (7,200 talampakan)—ang pinakamahabang tulay sa Pilipinas.[Ang tulay ay inihandog kay Imelda Marcos, asawa ni dating pangulong Ferdinand Marcos.
One of the famous Urban Legend sa Pilipinas ay ang pag-aalay sa dugo ng mga tao sa isang tinatayong building or tulay. They say, nakakatulong daw ito para sa pagpapatibay ng nasabing istraktura. Hindi daw ito madaling matibag o masira kahit anong lakas ng lindol o mapaminsalang mga bagyo pa ang dumating.
Human blood foundation? Ako lang ba? Sige kayo na din, na kapag nababanggit ito ang pumapasok agad sa isip natin ay ang San Juanico Bridge. Kilala ang tulay na ito hindi lamang sa ganda kundi sa dahil na din sa ito ang pinakamahabang tulay sa Pilipinas. Ang tulay na ito ay nagsisilbing tanda ng pagmamahal ng mga Waraynons, dahil kinokonekta nito ang Samar at ang Leyte. Regalo ito ni dating Pangulong Ferdinand Marcos kay Unang Ginang Imelda Marcos, na tubong Leyte Province.
Ngunit sa likod ng nakakasilaw na ganda ng tulay na ito, ay isang nakakapangilabot na kwento. An urban legend or not, the story how the San Juanico Bridge was built will make you shiver.
Si Imelda Marcos ang in-charge sa paggawa ng building. During its construction, maraming bata ang biglang nagkawalaan sa Samar at Leyte. Natapos lamang ang pagkakawala ng mga bata noong natapos din ang pagpapatayo sa tulay.
Madaming bersyon ang kwento, ngunit isa lamang ang pinagkakapareho – lahat iyon sangkot ang mga bata.
It all started when First Lady Imelda visited a Fortune Teller. Dahil nga siya ang naka assign sa paggawa ng building, nagpakonsulta siya dito para malaman kung paano niya ito maitatayo ng maayos. Sinabihan ng Fortune Teller si Imelda na hindi matatapos ang construction sa tulay unless magawa nila ang “ritual”. Ano ang ritual? Ang paghahalo ng dugo ng tao (esp. children) sa semento. Sinunod ni Imelda ang payo ng Fortune Teller at nag-utos siya na damputin lahat ng mga inosenteng bata na pagala-gala sa kalye. Gaya ng pagpatay sa isang manok, ginilitan nila ang leeg ng mga ito at pinatulo ang mga dugo nito sa semento.
Ginagawa nila ito bilang parte ng pag-aalay, pag-aalay para panatilihin ang tulay na matatag at matibay. Ang mga bangkay ng mga bata ay tinatapon lamang sa ilog. Dahil sa pagpatay sa mga bata at pagtatapon ng mga katawan ng mga ito sa ilog, sinasabing isinumpa si Imelda ng fairy ng ilog, tutubuan siya ng mga kaliskis sa kanyang mga binti at mag-aamoy isda ang mga ito. Ang sumpa na iyon, di umano ang dahilan kung bakit hindi nagsusuot si Imelda ng mga maiikling palda o bistida- again according din yan sa urban legend.
Simula noon, kaakibat na ng kwento na ito ang mga kwentong katatakutan. May mga nakapagsabi na nakikita sa tulay na ito ang kaluluwa ng mga batang pinatay at humihingi sila ng tulong. Ang iba naman ay sinasabing “mapaglaro” daw ang kaluluwa, dahil siguro sa biglaan nilang pagkamatay hindi pa sila aware na kaluluwa na lang sila. Ang ibang kwento naman sinasabi na ang mga nagsilbing builders daw ng tulay ay patuloy na dinadalaw ng mga kaluluwa ng mga bata. Ang ibang mga matatanda na nakatira malapit sa tulay ay pinatotohanan ang kwentong ito, minsan ay may mga nakikita nga daw silang mga bata na tumatakbo, naglalaro o nakatayo lamang sa tulay.
Isa sa sinasabi nilang epekto ng ritual ay ng manalasa ang bagyong Yolanda, nanatili itong matibay sa kabila ng mga pinsala dulot ng bagyo.
Ang paghahalo ng dugo sa semento bilang alay ay di umano’y ginagawa pa din magpa-hanggang sa ngayon ng mga kilalang establishments.
So there you have it lovelies! Sino na ang nakapunta sa Leyte at Samar? Nasubukan nyo na bang dumaan sa San Juanico Bridge? If not, make sure to put San Juanico at the top of your bucket! Don’t miss the chance of setting foot on the historic and longest bridge in the Philippines. And I dare you to walk from end to end, during nighttime. Feel the sea breeze, the bridge shake and the kids running and being playful. Just don’t look down, or you’ll see their feet floating in the air *win
ctto/kababalghan stories
Tukso ng mapaglarong kaluluwa
Nakita ko ang dalawang paa na binalot ng tubig, na pumapatak sa buong katawan ng isang babae na walang tigil na kumakatok sa aking pintuan, sa takot ko naisipan kong baliwalain ang katok ng babae dinampot ko ang aking kumot at binalot ko ang aking sarili, dahil sa takot na aking nadarama sa mga oras na yon at dahil na rin sa aking pagtataka kung bakit sa ganitong oras may kumakatok sa aking pintuan, gusto kong matulog pero bakit hindi ko magawang iwaksi ang aking sarili sa maingay na katok mula sa aking pinto. Naisipan kong dumungaw sa butas ng pader na malapit sa pintuan ng aking inuupahang kwarto, Ngunit natakot, at gulat na gulat ako ng pagdungaw ko kahit isang patak ng tubig ay wala sa labas, ni kahit presensya ng isang tao ay wala, ang pangyayaring ito ay nangyari simula noong ginawa ko ang isang bagay na ipinagawa sa akin ng aking kaklase na miyembro ng isang hindi maipaliwanag na uri ng kulto na nalaman ko lang matapos kong mabalitaan na siya ay pumanaw na pala dahil sa isang aksidente. Ako nga pala si Edward labing siyam, na taong gulang nanggaling sa probinsya ng bukidnon, na napadpad sa syudad dahil sa kagustuhang makapag-aral sa isang magandang unibersidad dito sa manila, ako ay kasalukuyang nag-aaral sa isang kilalang unibersedad at ako ay 2nd year college na, noong pagpunta ko sa manila wala akong ni kahit isang kakila, tanging ang kaibigan lamang ni mama na may-ari ng aking inuupahang kwarto, ngunit hindi kami ganon ka magkakilala. Unang araw ng pasukan may isang lalaki na lumapit sa akin at nagpakilala sa pangalang Roberto, at nalaman ko na kami pala ay magkaklasi ng kami ay nagkwentohan na, kumportable ako sa araw na yon dahil sa wakas may naging kaibigan at kakilala na rin ako, kami ay magkatabi ng upuan, sa pinaka huling linya ng mga upuan. At dahil siya ang pinaka-unang tao na naging kaibigan ko palagi kaming magkasama sa tuwing may mga proyekto o aralin na binibigay ang amiong guro, sa pagdaan ng mga araw, ang pinagtataka ko lang ay kung bakit sa tuwing nag-uusap kami ni Roberto ay pinagtatawanan kami ng aming mga kaklase, sinubukan kong kausapin sila ngunit pinipigilan ako ni Roberto sabi niya baliwalain nalang daw ang mga iyon kasi nagpapapansin lang daw, sa ayon pinigilan ko na lang ang aking sarili. Nakaabot na kami sa pangalawang semester ng taon, ngunit kahit isang pagkakataon lang hindi ko magawang isama si Roberto kasi sa tuwing inaaya ko siya na pupunta kami sa mall, o di kaya’y sa simbahan o sa computer shop ay maramik ang kanyang ginagawang dahilan.Doon nagsimula ang aking pagtataka at dahil sa kagustuhan kong maungkit ang sikreto na tinatago ni Roberto sinubukan kong mag-imbestega tungkol sa aking kaibigan ngunit wala talaga akong impormasyon na nakalap maging pangalan ng kanyang mga magulang ay hindi ko rin alam, kaya binalewala ko na lang ang pangagalap ng impormasyon, patuloy pa rin kami ang pakikitungo ko kay Roberto. Isang araw noon subrang dami ng mga proyekto ang pinagawa ng aming guro, kaya’t kailangang sa kwarto ko kami matulog kasi doon kami gagawa ng proyekto, at salamat dahil sa unang pagkakataon ay nadala at napakiusapan ko rin si Roberto, ngunit napansin ko lang na para bang ang tahi-tahimik niya sa mga oras na iyon, at para bang namumutla, kaya naisipan kong tanungin siya, ngunit sabi niya baka gutom lang iyon, kaya’t kumain mo na kami pero hindi siya kumain ng binili kong mga pagkain dahil may baon daw siya, bago kami kumain ay may sinabi siya sa akin, na gawin ko raw ang isang ritwal na makakatulong sa akin, sabi niya sa may madaling araw sabi niya sa may 2am ng umaga ay babangon ako at sisimulan ang ritwal,sa pamamagitan ng pagtapat ng aking mga mata sa aking mga paa sa mahigit isang oras, pagkatapos ng sinabi niya nabigla ayt nanlumo ako sa aking nadinig pero hindi koi to pinahalata at sinabihan ko siyang mamaya nalang namin ipagpapatuloy ang aming pag-uusap. Ng magsimula na kaming kumain parang may naamoy akong masangsang na amoy na hindi nanaisin na maamoy ng kahit sino man dahil dito hindi ko mapigilang sikmurain at pumunta sa banyo at ihinto ang aking pagkain, pagkatapos noon tinanong ko siya kung nakaamoy ba siya sabi niya wala daw kaya’t tinanong ko nalang siya kung anong kinain niya kanina, sabi niya espesyal daw iyon, dahil nanggaling daw iyon sa kanilang diyos, nagpatuloy na lang kami sa aming paggawa ng proyekto at ng matapos na kami ay nagbanyo mo na ako ngunit paglabas ko wala na si Roberto, at pinabayaan ko na lang siya baka kasi hindi siya komportable sa tinutuluyan ko, pero sa mga oras na yon ang iniisip ko lang ay yung sinabi sa akin ni Roberto, at dahil sa aking kagustuhan na malaman ang misteryo sa likod ng mga sinabi niya kanina ay naisipan kong gawin ito sa may saktong oras na inilahad niya. Tumunog na ang aking cellphone na hudyat upang ako’y babangon na upang gawin ang nasabing ritwal, minadali kong sinimulan ang ritwal at sa mahigit isang oras kong pagtitig sa aking mga paa ay nakaramdam ako ng pangangalay at sakit sa aking buong katawan at wala naman akong napansing kakaiba sa aking paligid matapos kong gawin ang ritwal. Matutulog na sana ako ng may tumunog na kakaibang bagay sa aparador at kasabay nito ang pagkakaroon ng walang tigil na katok sa aking pintuan, sa mga oras na yon hindi ko na malaman kung gaano na kalakas ang pintig ng aking dibdib at di ko na namalayang tumindig pala ang mga balhibo ko, dahan- dahan akong tumungo sa aparador at dahan-dahan ko itong inusisa kung may laman ba, pagbukas ko ng aparador ay may nakita akong mga babae na binalot ng tubig ang katawan basa’ng basa ang kanilang mga kasuotan, at wala akong nagawa kundi ipikit ang aking mga mata ngunit pagdilat ko ay nasa harapan ko na sila sabay sumigaw ng “kukunin ka na naming”!, muli kong ipinikit ang aking mga mata at nawala na sila, ngunit ang malalakas na katok sa labas ng pintuan ay patuloy pa rin bago paman yon nakita ko ang dalawang paa na binalot ng tubig, na pumapatak sa buong katawan ng isang babae na walang tigil sa pagkatok sa aking pintuan, sa takot ko naisipan kong baliwalain ang katok ng babae dinampot ko ang aking kumot at binalot ko ang aking sarili, dahil sa takot na aking nadarama sa mga oras na yon at dahil na rin sa aking pagtataka kung bakit sa ganitong oras may kumakatok sa aking pintuan. Gusto kong matulog at kalimutan ang lahat na para bang isang masamang bangungot, pero bakit hindi ko magawang iwaksi ang aking sarili sa maingay na katok mula sa aking pinto. Naisipan kong dumungaw sa butas ng pader na malapit sa pintuan ng aking inuupahang kwarto, Ngunit takot, at gulat na gulat ako ng pagdungaw ko kahit isang patak ng tubig ay wala sa labas, ni kahit presensya ng isang tao ay wala. Paglingon ko ay nanlumo ang aking mga mata ng nakita ko silang lahat sa king likuran na para bang may galit sa akin wala akong ibang nagawa kundi ang sumigaw ng malakas, na naging dahilan upang puntahan ako ng may-ari sa aking kwarto at binuksan ang aking pintuan at doon mo na niya ako pinatulog sa kanilang kwarto. Kinabukasan hinanap ko si Roberto sapagka’t hindi ko na mapigilan ang poot ko sa kaniya, hinanap ko siya ng hinanap ngunit hindi ko na siya nakita, at dahil doon nagkaroon ako ng pagkakataon na tanungin ang aking mga kaklase kung bakit nila kami pinagtatawanan sa tuwing nag-uusap kami ni Roberto, at doon ko nalaman na patay na pala si Roberto dalawang taon na ang nakakalipas dahil sa isang aksidente, kaya pala pinagtatawanan nila ako dahil sa mahigit isangg taon ay wala pala akong kausap kundi ang kaluluwa pala ng taong pumanaw na, napag-alaman ko rin sa isang guro sa unibersidad na si Roberto ay miyembro pala ng isang kulto nag-aalay ng mga kanta at papuri sa demonyo, tuwing taon pala may nawawala na estudyante sa silid na iyon dahil sa hindi matahimik na kaluluwa ni Roberto na gustong kumuha ng kaluluwa ng tao sa pamamagitan isang ritwal na muntikan ng naging dahilan ng aking pagkamatay, simula noon pagkatapos basbasan ang silid na iyon ay wala ng nababalitaang may nawawala na estudyante sa unibersedad na iyon.
…………….WAKAS……………
#CTTO
Puting bestida
Kalilipat lamang nila Aldren sa isang bahay na binili ng kanyang mga magulang sa murang halaga. Hindi pa naman kalumaan ang bagong tahanang iyon. Pagpasok sa sala ay makikita ang disenyong nag-aagaw lamang sa dalawang kulay, itim at puti. May isang hagdan paakyat sa ikalawang palapag kung saan makikita ang tatlong kuwarto. Sa ilalim mula bandang kanan ng hagdang iyon ay naroon ang isang banyo. May isa ring pinto patungong kusina. May mga naiwan pa roong mahahalang kagamitan gaya ng Refrigirator, Gas Stove, at ilang aparador.
Ang ikalawang palapag ay may tatlong kuwarto. Ang una ay para sa ama at ina ng binata. Ang ikalawa ay sa bunsong kapatid at ang huli ay para sa kanya.
Mapagmasid ang mga mata ni Aldren habang pinipihit ang pinto ng kuwartong kanyang napili. Pagbukas ay natanaw niya ang nakabukas na bintana. Inilapag niya ang kanyang dalang mga gamit sa kamang naroon. Sandali siyang nagmasid sa madilim na labas ng bahay. Napahinga ng malalim bago isinara ang bintana.
“Nakalimutan lamang siguro ng may-ari na isara ito.” Bigkas ng binata sa isip at umupo sa kama. “Napakalambot naman.” Ngiti niyang bigkas at humiga roon.
Dala ng pagod ay sandali siyang naidlip. Sa paniginip ay nasa isang lugar siya na maraming mga bulaklak. Nagmamasid siya at parang ito ang likod ng bagong bahay na kanilang nilipatan. Sa pagkakaalam niya ay tanghaling tapat na iyon. Sa ’di kalayuan, natanaw niya ang isang maliit na bahay-kubo. Sa tabi nito ay isang puno ng akasya na may katandaan. May kung ano’ng nagtulak sa kanya upang lumapit doon. Kahit kawayan lamang ang ilang dingding ng munting kubo, hindi niya makita kung ano ang nasa loob nito. Interesado siya at marahan nitong binuksan ang pinto. Hindi pa man ganap na bukas ay may narinig siyang pagtawag.
“Aldren…” malamig na tinig ang nagtulak sa kanya upang lumingon sa likod.
Natanaw niya ang isang babaeng nakasuot ng puting bestida. Mula paa hanggang ulo’y napagmasdan niya ang mahaba nitong buhok na umaabot sa lupa. Ngunit bigla na lamang siyang nakaramdam ng kakaibang gimbal at takot nang makitang wala iyong mukha.
“Sumama ka sa ’kin, Aldren.” Itinaas nito ang kanang kamay.
Walang anu-ano’y napabalikwas siya ng bangon. Pinagpapawisan siya ng labis at nang mapasulyap sa bintana ay maliwanag na. Bumaba siya ng hagdan at kumakain na ang kanyang ina, ama at bunsong kapatid.
“Bakit ka agad natulog kagabi anak at hindi bumaba rito upang kumain?” tanong ng inang nakatitig sa kanya.
“Nakatulog po ako at marahil dahil sa pagod ay nakalimutan kong gumising muli.” Tugon niya at sumabay na lamang sa pagkain.
Matapos ay nagtungo siya sa labas ng kanilang bagong bahay. Naalala niya ang panaginip. Naglakad-lakad siya patungo sa likod na bahagi. May isang hardin na naglalaman ng iba’t ibang mababangong bulaklak. Ibinaling nito ang paningin sa ibang direksyon at natanaw niya ang isang bahay-kubo na tulad ng nasa panaginip. Napahawak siya sa kaliwang dibdib at nakaramdam ng kakaibang kaba. Napahinga pa siya ng malalim bago lumapit doon. Hindi niya batid pero interesado siyang makita kung ano ang naroon.
Isang metro mula sa pinto ay biglang lumakas ang ihip ng hangin. Dahilan upang panandaliang magtayuan ang kanyang balahibo. Marahan niyang binubuksan ang pinto. Maririnig pa ang kaunting ingay na binubuo mula roon. Mula sa liwanag na nagmumula sa araw, tumambad sa kanya ang isang pala, lubid at tubong bakal. Naitaas niya pa ang mga kilay at nagtataka kung para saan ang mga iyon. Sinuri niya rin ang buong loob ng kubo. Sa harap ay may itim na kurtinang nakatakip. Dahan-dahan niya iyong binuksan.
Habang pinagmamasdan ang mga nakikitang damit ng isang babae na nakasampay, may likido o butil ng tubig ang pumapatak ng paisa-isa sa kanyang mga kamay na nakahawak sa kurtina. Unti-unti siyang tumingala at sa isang kisap ng mga matang nagtataka ay biglang may nahulog na puting bestida.
Napaatras ang binata dahil sa pagkagulat. Binitawan niya ang kurtina at marahang pinulot ang damit na nahulog sa sahig. Sa pagtayo ay nakita niyang tumutulo pa ang tubig dahil basa ito. Napanganga siya nang maalalang ito ang bestidang katulad sa suot ng babaeng walang mukha sa kanyang panaginip Nabitawan niya iyon at nanginginig na lumabas ng kubo. Napapaisip siya ng malalim at hindi nakita ang amang naglalakad.
“Oh!” sambit ng ama nang mabunggo ito sa anak. “Bakit parang nakakita ka ng multo?” natatawang tanong nito.
Makikita sa mukha ng binata ang labis na takot at pagtataka. Pawis na pawis din ito na tila nanggaling sa mahabang paglalakbay.
“Wala po.” Tangi nitong tugon at dinaanan lamang ang ama upang pumasok ng bahay.
Pagpasok ng pinto ay bigla siyang napahinto. Pakiramdam niya ay may mga matang nagmamasid. Napatingin siya sa pinto ng kusina, ng banyo, sa hagdan at kung saan-saang bahagi ng tahanan. Nagtatayuan ang kanyang mga balahibo mula sa hanging nagpapaikot-ikot sa loob.
“Ano ba’ng nangyayari sa ’kin?” tanong niya sa sarili at napapatakip ng mukha.
Sandali niyang ipinikit ang mga mata at muling huminga ng malalim. Hindi mawala sa kanya ang masamang panaginip at ang mga nakitang bagay sa bahay-kubo na tila may kinalaman din dito.
Alas-onse ng gabi, napadilat ng mga mata ang binata dahil may naririnig siyang parang umiiyak na babae. Nanatili pa siyang nakinig at hindi siya maaaring magkamali, may umiiyak nga. Sa palagay niya rin ay sa ibaba iyon nagmumula.
Isinuot niya ang tsinelas at marahang binuksan ang pinto ng kanyang kuwarto. Pinindot niya ang Switch at bumukas ang lahat ng ilaw mula sala hanggang sa kusina. Dahil hindi pa rin mawala ang kanyang takot sa isip, pakiramdam niya ay may taong nakaupo sa sopang nasa ibaba na kanyang pinagmamasdan. Napatingin siya bigla sa pinto patungong kusina nang may biglang nabasag na bagay.
“Huh?” gulat niya at napatigil sa pagtahak pababa ng hagdan nang muling marinig ang pag-iyak ng isang babae.
Hindi iyon gaanon kalakas ngunit ang banta niya ay para itong nagluluksa sa isang bagay. Nais niya mang bumalik na lamang ng kuwarto ngunit may bahagi ng utak niya ang nagsasabing tingnan kung ano ang nangyayari sa loob ng kusina. Dama man ang pinaghalong takot at kaba ay matapang siyang humakbang patungo roon. Pagpihit ng pinto ay dahan-dahan niya iyong binuksan. Unang nakaagaw pansin sa kanya ang basag na basong nasa ibaba ng lamesang kristal. Marahan siyang yumuko upang sana’y pulutin ito nang marinig ng kanyang mga tainga ang muling pag-iyak ng isang babae.
“Aldren…” napakalamig ng tinig na tulad ng kanyang napanaginapan nitong nagdaang gabi.
Marahan siyang napapatayo at napaangat ng ulo sa isang bagay na nasa kanyang harapan. Nanginig ang kanyang buong katawan nang matanaw ang isang nakatalikod na taong may mahabang buhok. Napalunok pa siya ng laway mang makitang nakasuot ito ng puting bestida.
Gusto mang tumakbo o sumigaw ng binata ngunit hindi niya magawa. Tila may pumipigil sa kanyang katawan at tinig. Unti-unting lumilingon ang babae. Nais ng sumigaw ni Aldren subalit nanlalaki na lamang ang kanyang mga mata dahil sa nakikita. Itong-ito nga ang babaeng nasa kanyang panaginip dahil sa wala iyong mukha. Itinataas nito ang kanang kamay na may ilang butil pa ng tubig mula rito ang tumutulo sa sahig.
“Hustisya.” Humakbang ang babae ng dalawang beses. “Kailangan ko ng hustisya. Tulungan mo ako, Aldren…” muling maririnig ang hikbi rito.
Hindi batid ng binata ngunit tinanggap niya ang kamay nito. Marahan siyang pumipikit. Sa pagmulat ay tumayo siya sa sahig na kinahihigaan. Nagmasid sa paligid at wala na roon ang babae. Mag-iisip pa man sana ng kung anu-ano ngunit naagaw ang kanyang atensyon sa ingay na nagmumula sa labas ng kusinang kinalalagyan niya. Lumabas siya mula roon.
Mula sa itaas ng hagdan ay natatanaw niya ang pababang lalaki na may kinakaladkad na isang babaeng nasuot ng puting bestida. Agad pumasok sa isip ni Aldren na pinapanood niya ang nakaraang nangyari.
“Tama na.” Hikbi ng babae at sa isang malakas na paghampas ng tubong bakal ay nagpagulong-gulong ito patungo sa ibaba.
Sunod na hinila iyon ng lalaki sa buhok palabas ng bahay. Makikitang naghihingalo pa ang babae habang tulala sa malayo. May kinuhang lubid ang lalaki at ipinulupot sa leeg nito. Sa malakas na paghatak ay tuluyan itong nalagutan ng hininga. Sa bilis ng pangyayari ay nanatiling nanonood ang binata sa kaawa-awang babae. Sunod na naghukay ng malalim ang lalaki sa lupa. Nang matapos ay hinila nito ang bangkay ng babae. Hindi pa man iyon naihuhulog sa ginawang hukay ay biglang umulan ng pagkalakas-lakas. Tuluyan ng inilagay doon ang bangkay nito at tinakpan ng lupa. Nanapaluha ang binata sa sinapit nito at kilala niya ang lalaking may kagagawan ng pagpaslang. Ito ang may-ari na nagbenta sa kanila ng tahanan bago mangibang bansa.
Sa muling pagmulat ng mga mata, makikita ang ngiti sa labi nito dahil sa wakas ay nauunawaan niya ang dahilan ng pagpaparamdam at pagpapakita ng babeng nakasuot ng puting bestida. Mabibigyan niya na ito ng hustisya.
Wakas
#CTTO
Pahinakot
Nagising si Dayle isang araw na bagot na bagot at tila inis na inis.
“Ano bang klaseng araw ’to? Nakakabagot! Walang magawa! Gusto ko nang kakaiba! Taragis!”
Nagtungo siya sa sariling banyo ng kanyang silid naghilamos at nagsepilyo. Saka tinungo ang silid kainan at nagkutingting ng makakain. Maalinsangan at nakakabanas ang kanyang pakiramdam.
“Ano ba yan! Para akong nasa disyerto nito sa sobrang init at alinsangan ng pakiramdam ko! Elninyo ba ngayon?”
Sambit niya,saka padabog na tumayo at muling tinungo ang banyo sa kanyang silid. Saka nagtanggal ng saplot at tumapat sa agos ng tubig mula sa mataas na gripo.
Matapos maglunoy sa tubig ay naginhawaan siya. Nang makapagbihis na ay muli na namang nakaramdam ng alinsangan si Dayle.
“Lintik! Ano bang meron? Bakit ba napakabanas ng klima?”
Sabi niya na padabog na lumapit sa mga nakahelerang libro. At sa di malamang dahilan isang makapal na libro ang nahila niya mula roon, nagtataka man ay binuklat niya ang libro at sa unang pahina ay sumalubong ang nakasisilaw na liwanag napapikit siya ng bahagya. Isasara na sana niya ang libro ngunit tila ito isang malaking bato na hindi niya mabuhat sa bigat. Maya-maya lang ay unti-unti nang humuhupa ang nakasisilaw na liwanag.
Nang mahimasmasan na sa liwanag ay napalinga-linga siya dahil sa pakiramdam na tila nasusunog ang balat niya sa sikat ng araw.
Wala siyang ibang makita sa paligid kundi buhangin, ni walang mga puno o kabahayan, tanging kawalan lang na tila walang direksiyon at di malaman ang patutunguhan.
Napasigaw siya nang maramdamang may humawak sa mga binti niya.
Nanginginig na nilingon niya ito at gayon na lamang ang pagtili niya nang makita iyon.
Kamay ng isang kalansay. Nagpapadyak siya dahilan upang kumalas ang kalansay saka siya kumaripas ng takbo habang pagapang na humahabol ang kalansay sakanya.
“Aaahh! Buset! Saang lupalop ba ako naroon?” Sigaw niya sa pagitan ng paghingal
Nanginginig man sa takot ay nilingon niya ito sa pag aakalang nakalayo na siya. Ngunit nahindik siya sa takot ng makita ang nagkukumpulang kalansay na humahabol sakanya.
Kahit pagod na siya sa pagtakbo at naliligo na nang pawis ay nagpatuloy siya, ngunit bigla ring napahinto nang mapagtantong makakasalubong niya ang libo-libo pang kalansay.
Nanigas siya sa kinatatayuan sa halo-halong pakiramdam, nanginginig sa takot at sa kaalamang wala na siyang pupuntahan.
Napaluha na lang siya sa isiping sasapitin ang katapusan ng kanyang buhay sa lugar na di niya alam kung saang lupalop iyon.
Palapit ng palapit ang mga kalansay hanggang napalibutan na siya gadangkal na lang ang pagitan nang lumitaw ang libro sa harapan niya, isang nakasisilaw na liwag muli at sa isang iglap nang paglipat ng pahina nito ay napadpad uli siya sa isang napakadilim na lugar.
Binalot naman siya ng matinding takot at kilabot. Nangangapa siya sa dilim at hinahanap ang liwanag.
“Saang lupalop na naman ito?” Nginig niyang sambit habang butil-butil ng pawis ang nagtatagaktakan sa katawan niya at mukha.
Nakakapangilabot na mga huni at tunog na tila nasa ilalim ng hukay. Mga hinaing ng mga nahihirapan, nasasaktan at nagmamakaawa. Mga halakhak na tila demonyo sa tining ng tinig na nakaririndi.
Hanggang nakita niya ang liwanag ng nagbabagang Apoy sa isang kweba.
Lakas loob niyang pinasok iyon. Bumungad sakanya ang mga pangit na mga nilalang na tila may mga sungay at namumulang mga mata. Mga taong gutay gutay ang kasuotan at tila pulubi at mga kakaibang nilalang.
Bumalik si Dayle palabas ng kweba dahil sa takot sa mga nilalang na iyon.
“Anong lugar ba ito? Bakit ba puro nakakatakot ang napupuntahan ko?” Nginig na sambit niya.
Mga naghahalakhakang nilalang ang nagpalingon sakanya, nanlalaki ang mga matang napakaripas siya ng takbo dahil hinahabol siya ng mga ito.
Kahit kadiliman ang sumasalubong sa bawat pagtakbo niya at hindi na alintana, sa pagnanais makalayo sa mga nilalang name iyon.
Kahit na nagkalandatisod siya ay piliy siyang tumatayo at hindi nawawalan nang pag-asang makalalayo rin siya sa mga ito.
Ngunit gumuho at naglaho ang pag-asa niyang iyon nang maramdaman ang pader sa dilim na nakaharang sa kanyang daraanan palayo sa mga nilalang na iyon.
Naghalo-halo ang kanyang pawis, luha at sipon sa takot, hilakbot at kawalang pag-asang iyon.
“Ito na ba talaga ang katapusan ko?” Sambit niya sa pagitan ng kanyang paghikbi.
Gagahibla na lang ang pagitan ng mga nilalang mula sakanya nang muling lumitaw ang libro at muling sumalubong ang nakakasilaw na liwanag.
“Parating na siya! Waahahaha! Parating na siya! Wahahahaha!”
Nakaririnding boses na sabi ng nakatatakot na nilalang bago siya tuluyang sinakop ng liwanag ng sumunod na pahina ng libro.
Muli siyang napadpad sa kakaibang lugar.
Nakaririnding katahimikan, naglalakihang mga bahay na tila mansiyon ngunit tila abandonado ang lahat ng ito.
Nilukob siya ng takot at pangamba, ramdam niyang may panganib uli sa lugar na iyon. Ngunit dahil sa pagod, gutom at uhaw ay naglakas loob siyang humakbang patungo sa unang bahay upang makahingi ng makakain at maiinom.
“Para namang walang kataotao sa lugar na ito. Puro na lang kababalaghan ang pinagdadalhan sakin ng mga pahina ng librong iyon.
Saang lupalop naman kaya ito?“ Tanong niya sa sarili.
Sa bawat bahay na kanyang pasukan ay pagtataasan nang balahibo niya ang sumasalubong dahil sa kakaibang sa loob at tila walang kabuhay-buhay na kulay nang mga mala-mansiyon, lahat ay kakulay ng bato.
Walang makain o maiinom sa lahat ng bahay na napuntahan niya.
Sa isang tila mosiyum sa laki na hugis pa nang sasakyan ng mga elyen ay inagaw ang pansin ni Dayle.
“Ano yun?” At dahil nais niyang malaman kung ano ang meron doon ay nagtungo siya sa mosiyum.
Pagbukas niya ng napakalaking pinto ay lumikha iyon ng ingay.
“Heto na naman ang kaba ko. Ayoko nang matakot!” Sambit niya sa sarili. Ngunit nangangatal na naman siya lalo na nang makita ang laman ng mosiyum.
Nanlalaking mga mata niya, makikita at mababasa ang sindak at takot. Tila siya naestatwa at pati sariling katawan at emosyon niya ay tila nawawala sa kontrol.
Libo-libong bangkay, kalansay at kakaibang uri ng nilalang ang naroroon.
“NA-RI-TO-NA-SI-YA” sambit ng nag-eeko at tila hukay ang boses, nakakapanindig balihibo.
“Ano daw?” Takang tanong niya sa sarili. “Sinong narito na?” Kahit natatakot ay nakukuha pa rin niyang magtaka at alamin ang lahat.
“MA-HAL-NA-MING-CLEO-NA-A-MING-DI-YOS-MA-LI-GA-YANG-PAG-BA-BA-LIK!” sambit ng lahat na sakanya nakatingin.
Humawi ang mga nilalang na tila mga langgam na o kawal na nagbigay daan patungo sa altar. May kabaong na itim doon na nakatayo paharap sakanya…
Mas lalo siyang kinilabutan sa nakita sa loob ng kabaong na itim.
“ANG-BA-WAT-PA-HI-NA-NANG-LIB-RO-ANG-SU-SI-SA-MU-LING-PAG-SA-KOP-KO-SA-MUN-DO-NANG-MGA-TA-O-HA-HA-HA! -NGA-YONG-NA-RI-TO-KA-NA-AY-MAG-I-I-SA-NA-TA-YO!”
“Hindi! Hindi!” Sambit ni Dayle habang umaatras palayo.
“HINDI MO KO MAARING TAKASAN! TIGNAN MO AKO! AKO AY IKAW, IKAW AY AKO!!! WAHAHAHA!” Sabi ni Cleo na nasa loob ng itim na kabaong.
Tumakbo ng tumakbo si Dayle habang umaagos ang masagang luha, luha ng takot, galit puno nang katanungan ang kanyang isip
“Bakit iisa ang mukha namin? Sino ba talaga ako? Tao ba ako o kapareho ng mga nilalang na iyon? Aaaahhhh!!!” Naguguluhang sigaw niya.
“Ayoko naaaa!!! Ito na lang ang paraan para matapos na ang lahat ng ito!”
Tatalon siya sa mataas na bahagi ng mosiyum at tatapusin na ang sariling buhay.
Lumitaw ang libro.
“Ikaw ang pahina Dayle at si Cleo ang takot ang iyong bahagi na sasakop sa sangkatauhan upang maghasik ng takot sa mundo.
“Hindi! Hindi siya magtatagpay!”
Tuluyan siyang tumalon.
Ngunit nakahabol si Cleo sa pagsanib sakanya.
Lumipad siya sa ere, tagumpay si Cleo.
“Wahahaha saakin ang huling halakhak! Sasakupin ko na ang Mundo ng mga tao! Wahahahaha!” Sambit nito. Hawak ang librong “PAHINAKOT” pahina-takot.
WAKAS!!!
#CTTO
Nguni
Malakas na hinampas ni Ginang Lumina ang pisara ng tatlong beses. Tumahimik ang lahat at dahan-dahang umayos ng upo. Tinitigan niya ang bawat isa ng may ngiti ngunit takot ang lahat. Bali-balita kasing sa kabila ng mala-anghel na itsura ni maam ay may kasungitan daw itong itinatago.
”Magandang hapon sa lahat”, mahinhin niyang sabi. “Wala man lang sasagot?” Nakatitig lamang ang mga estudyante sa kanya. “Sige! Sisimulan ko na lamang ang aking talumpati. Maligayang pagdating dito sa ‘Detention Room’. Alam niyo naman siguro kung bakit kayo nandito at alam niyo na ang patakaran ng paaralan. Labing-walong oras kayong ikukulong, mula paglabas ko hanggang bukas ng ganitong oras. Ngunit mayroon akong magandang balit. Matapos naming imbestigahan ang inyong kaso, sampu lamang ang maiiwan dito.” Tahimik pa rin ang klase. “Bakit ba ang tahimik niyo? ‘Di ba ito magandang balita?” Napangiti ang ibang estudyante. “Ganyan! Haha. Ngumiti kayo”, pagtawa niyang mala-demonyo at napuno na naman ng kilabot sa buong silid. “Heto ang sampung maiiwan: Villafuerte, Ramos, Palmera, Chikito, Reyal, Bujay, Lampera, kambal na Gomez, at Hermino. Ang lahat ng hindi nabanggit at lumabas na.”
”Lumapit kayong sampo dito sa harapan.” Tumayo sila’t naglakad papalapit sa pisara. “Ah! Maam, seryoso po ba ito?” tanong ni Dominic. “Mukha ba akong nagbibiro Ginoong Chikito? Huwag kayong mag-alala, ito’y may pahintulot ng inyong mga magulang. Ligtas kayo dito.” na may kasamang panlilisik ng mga mata.
”Sisimulan ko na ang paglatag ng mga patakaran dito sa ‘DR’. Makinig kayo! Maaari kayong magbingi-bingihan ngunit sundin ang mga nakasulat na panuto. Maaari kayong magbulag-bulagan ngunit pumunta kayo sa direksyong itinuturo. Huwag kayong aakyat, mas mabuting magpahulog. Huwag tatakbo, magpatangay lamang kayo sa proseso. Ang importante ay makinig kayo, magtiwala at kumapit lamang sa ‘DR’. Ito ang nakakabuti. Walang magtatanong. Magsisimula ang buhay sa paglabas ninyo dito.” Lumabas ang ginang at naiwang tulala ang mga estudyante.
Kanya-kanyang naglakad papunta sa gilid-gilid at sulok ng silid ang sampung naiwan. Sobrang tahimik at parang walang may planong magsalita. “Uy! Ang tahimik niyo naman. Nakakabagot na nga dito, magpapakabagot din ba tayo?” Pagrereklamo ni David. “Tumahimik ka nga Ginoong Ramos. Ikaw ang dahilan kung bakit ako nandito. Kung di lang dahil sa pambababae mo, di sana ako napunta dito dahil sa pagsabunot ko diyan sa malandi mong Joanna Hermino.” Pagsusungit ni Cecilia. “Patahimikin mo nga ‘yang kambal mo Celeste. Dumadada, eh siya naman ang tunay na malandi.” Pang-iirap ni Dominic. “Hoy Dominic! Nasasabi mo lang ‘yan kasi nabasted ka ni Cecilia. Ang pangit naman kasi ng apelyedo mo, Chikito, puweh!” Puna ni Dominic. “Ang ingay! Tumahimik kayong lahat!” Ani Binibining Flor. “Teka! Ang Pangulong Flor Palmera. Pasaway ka rin pala? Hahaha” Sarkastikong tugon ni Cecilia. “Buti pa ‘tong matalik na magkaaway, ang tahimik. Hoy Bujay! Kapag namatay kami, ikaw ang bumuhay sa amin ha? Kahit mas mahal namin si Kevin kasi pogi siya. Haha. Ano kaya ang pakiramdam na kahit patay ka na, eh Bujay parin ang tawag sa ‘yo?” pagbibiro ni Peter. “Magseryoso ka nga Lampera. Naiinggit ka lang kasi mayaman sila”, sita ni Flor. “Ito naman, hindi na mabiro.”
Nagmasid ang lahat at may napansin si Peter na maliit na butas sa may kisame. “May butas, baka daan ‘yan palabas”. “Di ba nga, bawal umakyat. Sumunod na lang tayo sa utos, baka mapahamak pa tayo”, pagpapaliwanag ni Celeste. “Ikaw na ang matalino,” masungit na tugon ng kanyang kakambal. “Inaano ba kita?” pasigaw na reklamo ni Celeste. “Kambal, tama na. Itulog niyo nalang ‘yan” sambit ni Dominic.
Pumatak ang ala-una ng madaling araw at mahimbing na natutulog ang lahat sa malamig na sahig ng silid. Biglang lumindol, nagising sila ngunit nagtataka kung bakit nakasindi parin ang ilaw na tila hindi man lang umaalog. Pumutok ang mga bumbilya maliban sa nag-iisang malapit sa pintuan. Nataranta ang lahat at nagsisisigaw. Agad silang nagkumpulan papunta sa may ilaw. Naitulak ni Joanna ang pinto, nagulat ang lahat kung bakit hindi ito nakakandado.
Tumigil ang paglindol, may bumulong “Dito! Halikayo!”. Nanggaling ang boses sa madilim na bahagi ng gusali. “Sumunod tayo!” paghihikayat ni Flor. “Eh, nakakatakot”, tugon ni Joanna. “Naaalala ko ang panuto, makinig tayo” paliwanang ni Flor.
Pinuntahan nila ang pinanggalingan ng boses. Nang makalapit na sila’y may nakita silang nakapaskil na [Walang titigil, Walang babalik] at may malakas na sigaw ng babaeng tila labis na nasasaktan. Napatakbo sina David at Peter pabalik sa kanilang pinanggalan. “Ramos, Peter, saan kayo pupunta?” sigaw ni Bujay. “Hayaan niyo na sila, maglakad lang kayo” sambit ni Flor.
Nang makarating ay bigla bumukas ang ilaw at tumambad sa kanilang harapan ang libo-libong katawan na nakalatag sa daan. May napansin si Kevin na nakasulat sa pader [Diretso Lang]. “Diretso lang tayo, apakan niyo lang. Wala na rin silang magagawa sa atin kaya wag kayong matakot.” panghihikayat ni Flor. “Dito na lang ako, hindi ko kaya. May takot ako sa mga patay na katawan. Iwan niyo na lang ako” tugon ni Cecilia. “Sasamahan kita”, sambit ng kanyang kakambal. “Huwag Celeste. Sumama ka sa kanila”, pagmamakaawa ni Cecilia. “Hindi, dito lang ako. Kahit may galit ako sa iyo, kapatid pa rin kita.” Nagpaiwan ang kambal at nagpatuloy ang iba sa paglalakad.
Nakarating sila sa dulo ngunit ang tanging daan ay isang hagdan paakyat na lamang. Umakyat si Bujay kahit pinipigilan siya ng iba, sumunod naman si Reyal. “Wag kang mag-alala. Habang kasama mo ‘ko, mananatili kang buhay”, pagbibiro ni Buhay kay Reyal. “Sigurado ka ba sa pupuntahan natin?” Pagtatanong ni Reyal.
Habang naghihintay ang mga naiwan sa ibaba ay biglang nahulog ang katawan ni Reyal. Nagulat ang lahat at napasigaw si Joanna, “Ano ba itong nangyayari?” Tumalon siya sa bangin. “Teka! Tumalon tayo! ‘Yun ang sabi, huwag umakayat. Mas mabuting magpahulog”, sambit ni Flor kay Dominic at Kevin na gulat pa rin na tinititigan ang katawan ni Reyal. “Iwan mo na siya! Wala na siyang buhay” ani Flor. “Hindi! Malaki ang utang na loob ko kay Dexter” naluluhang tugon ni Kevin. Tumalon sila kasama ang isang patay niyang katawan.
Bumagsak sila sa damuhan ngunit hindi na nila matagpuan si Joanna. Biglang lumamig ang hangin, may humawak sa mga katawan nila at unti-unti silang binuhat. Nagpumiglas si Dominic at tumakbo papunta sa kakahuyan. “Kevin! Naaalala ko to. Magpatangay lang tayo”, sambit ni Flor. Nakapikit silang nagpadala habang hawak-hawak ni Kevin si Dexter.
Umiinit ang paligid, nang idilat nila ang kanilang mga mata’y nasa “Detention Room” na ulit sila. Tumayo si Flor at nagpalakad-lakad, labis na naguguluhan na nangyayari. “DR!” sigaw ni Flor na parang naliwanagan. “Nakahawak ka kay Dexter, Dexter Reyal, D.R., kaya ka buhay. Ngunit buhay rin ako, Bakit–” Biglang nagliwanag ang paligid. Pagdilat ni Kevin ay wala na si Flor at ang katawan ni Dexter. Dumating si Ginang Lumina, “Maligayang bati.”
Lumabas sila ng silid at inabutan siya ng diyaryo ng ginang. [Siyam na estudyante ang natagpuang walang buhay sa kanilang mga kwarto. Napag-alamang namatay sila habang natutulog.] Nakalista ang pangalan ng mga nakasama noong gabing iyon sa silid. “’Yan ang nararapat sa mga estudyanteng hindi sumusunod sa utos at mga patakaran” sambit ni Ginang Lumina. “Nguni–” pinatahimik siya ng ginang. “’Walang magtatanong.”
Wakas
#CTTO
My Secretary
“Sir may apointment po kayo nang 10:00pm with Mr. Zaragoza at Ms. Bernal and then you have a dinner with Ms. Agustin.” Wika ni Kira, sa kanyang bagong boss. Last month lang nag-umpisa si Kira, sa bago niyang trabaho bilang secretary.
“Thank you Kira, siya nga pala may pupuntahan ka ba sa linggo?” tanung nito sa kanya.
“Ah di’ba po sir day off ko po sa araw na iyon.” Sagot niya.
“Yes i know but i want to be with you that day.” Nakangiting sabi nito.
“Sorry sir may pupuntahan po ako sa araw na iyon eh,” hinging paumanhin niya dito.
“Hindi mo ba pwedeng ipagpaliban birthday ko kasi eh,” naglungkot-lungkotang wika sa kanya. Nagbuntonghininga mo na si Kira, bago sumagot.
“Hindi po pwede talaga sir, napag-usapan na po kasi namin na magkikita kami tuwing day off ko.” May inis na sagot niya.
“What you mean ‘namin’?” takang tanung nito sa kanya.
“I have a boyfriend sir at siya po ang kikitain ko sa sunday.” Wika niya dito.
“Oh really im sorry akala ko kasi wala ka pang boyfriend.” Nakangising sabi nito sa kanya.
“Sige sir kung may kailangan po kayo nando’on lang po ako sa labas.” May pilit na ngiting sabi niya.
“Oh girl bakit nakasimangot ka dyan.” Tanung ng kasama at best friend na rin niya.
“Hmmmf, paano iyang boss natin— anong akala niya wala akong boyfriend. Palibhasa kasi wala siyang girlfriend itutulad na niya lahat single.” Nakasimangot na k’wento niya sa kaibigan.
“Ikaw naman binibiro ka lang no’on tsaka may girlfriend naman iyan dati.” Sagot nito sa kanya.
“Anong nangyari sa kanila? bakit sila naghiwalay? asan na iyong girlfriend niya?” sunod-sunod na tanung niya dito.
“Ay grabe ka girl hindi ko, alam may pagkapulis ka pala hinay-hinay lang naman sa tanung mahina ang kalaban.” Birong sagot nito.
“Sorry so anong nangyari sa kanila?” muling tanung niya dito.
“Ang balita dito sa office nagpunta daw sa ibang bansa yung babae. Sabi nang iba nangkaro’on ng sakit at namatay ewan ko ang dami kasing haka-haka. May nagsabi pa nga may sakit daw sa utak si sir pero wala namang nakapagpatunay. Maayos naman ang trato niya sa mga empleyada niya minsan nga nanlilibre pa nang lunch pagnakapagsara nang deal.” Mahabang k’wento nito sa kanya.
“Hi babe,” salubong nang boyfriend ni Kira sa kanya.
“Hello babe,” nakangiting sagot niya dito.
3rd pov
“Akin ka lang dapat at hindi sa kanya sa ayaw at sa gusto mo magiging akin ka!!! i will do anything maging akin ka lang. Kahit pumatay pa ako!!! at kung hindi ka magiging akin mas mabuti pang mamatay ka na lang!!!” nang gagalaiting sabi nito sa sarili habang nakatingin sa masayang magnobyo.
“Babe saan nga pala ang punta natin sa linggo?” tanung ni Erick sa girlfriend.
“Ikaw nang bahala babe, kahit naman saan mo ako dalhin eh masaya na ako.” Nakangiting sagot niya dito.
“Alam mo babe hindi ako panatag kapag naiisip kung magkasama kayo nang boss mo.” May alinlangang wika niya dito.
“Ikaw talaga umiral na naman iyang pagkaseloso mo. Mag-boss lang kami at hindi na lalagpas pa do’on huh.” Natatawang sagot niya.
“Sayo may tiwala ako, pero sa boss mo hayyy ’wag na nga lang kumain na lang tayo at ng maihatid na kita sa inyo.” May pilit na ngiting sabi nito sa kanya.
3rd pov
“AKO LANG!!! AKO LANG GRACE!!! AKIN KA LANG HAHAHA!!! akin ka lang hindi ba Grace, nangako tayo sa isa’t-isa ikaw at ako lamang. Kapag nakuha na kita itatago kita dito para wala nang makakaagaw sayo.” Tumatawa’t umiiyak na kausap nito sa sarili.
“Anton, ano nang gagawin natin sa kanya lalo siyang lumalala mula nang mamatay ang kanyang asawa.” Umiiyak na sabi niya sa esposo nang marinig mula sa lood nang k’warto ang sigaw at iyak nang nag-iisang anak.
“Shhh tama na gagaling din ang anak natin Helen, may awa ang Diyos.” Naaawang sagot nito sa esposa.
Pag-uwi ni Kira, nagtaka siya kung bakit patay ang lahat nang ilaw. Sa hindi malamang dahilan, bigla siyang kinabahan na hindi nangyayari kahit kailan.
“Nay, Tay, Edwin, Rica ’wag na ninyo akong surpresahin kayo talaga.” Tawag niya sa magulang at dalawang kapatid ngunit wala siyang nakuhang sagot kaya nagpasya na siyang buksan ang ilaw. Nanlaki ang kanya mga mata nang makita ang tila kulay pulang patak patungo sa kanilang kusina. At sinundan niya ito hanggang sa makita niya ang katawan nang apat na mahal niya sa buhay.
“Nay Tay Edwin Rica!!! sigaw niyang niyakap ang mga ito habang umiiyak.
“Nagustohan mo ba ang regalo ko sayo mahal?” tanung nang boses buhat sa kanya likuran. Dahan-dahan niya itong nilingon pero hindi maaninagan ang mukha nito.
“Si-sino ka? bakit mo nagawa ito? anong kasalanan namin sayo?” sunod-sunod na tanung niya dito.
“Hindi mo na ba ako natatandaan Grace, ako ito ang nag-iisang lalaking nagmamahal sa iyo.” Sagot nitong may lungkot sa boses.
“Hindi ako si Grace, Kira, Kira ang pangalan ko!!!” sigaw niya dito.
“Hindi ikaw si Grace, ang nag-iisang babaing pinakasalan ako sa kabila nang karamdaman ko!!!” balik sigaw nito sa kanya.
“Hindi nagkakamali ka!!!” muling sigaw niya dito at tumakbo siya ngunit naabot niyo ang buhok niya.
“Ahhh bitawan mo ako, saklolo tulungan ninyo ako parang awa mo na.” Umiiyak na pagmamakaawa niya dito.
“Grace mahal na mahal kita pinapangako kung magbabago na ako ’wag mo lang akong iwan ulit.” Nagmamakaawang sabi nito sa kanya.
“Hindi ako si Grace, bitawan mo ako!!!” sigaw ni Kira dito sabay tulak nang malakas at natumba ito patihaya nagulat siya nang makita ang mukha nito.
“Ikaw pero bakit?” tanung niyang nagugulohan.
“Grace, bumalik ka na sa’kin ewan mo na siya tayo ang nababagay.” Nagmamakaawang wika nito.
“Baliw ka!!! hindi ako si Grace at kahit kailan hindi ako magiging siya!!!” nanggigigil nitong sagot kay Arthur.
“Ikaw si Grace, ikaw ang asawa ko!!!” balik sigaw nitong niyugyug siya sa balikat ngunit bigla itong bumaligtad nang may malakas na pwersang sumuntok dito.
“Erick,” yakap niya sa nobyo.
“Sabi ko na nga ba hindi mapagkakatiwalaan ang boss mo.” Wika nitong nagpipigil sugurin ulit ito.
“Siya!!! siya ba ang gusto mo Grace, mas mayaman ako sa kanya kaya kung ibigay ang lahat sayo.” Galit na sigaw nito sa kanya.
“Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi ako si Grace, kung kamukha ko man siya ay hanggang do’on lang iyo, pero hindi ko kayang mahalin ang isang baliw na katulad mo!!!” durong sigaw niya dito.
“Maawa ka sa’kin Grace, bumalik ka na pero kung ayaw mo mas mabuti pang hindi ka rin mapunta sa kanya.” May diin na sabi nito sa kanila.
“Arthur, parang awa mo na bitawan mo iyan.” Nakikiusap na wika ni Kira sa amo.
“HINDI!!! hanggat hindi ka lumalapit sa akin.” Sigaw sa kanila nagkatinginan silang dalawa.
“Babe ’wag mong gagawin ang iniisip mo please.” Nakikiusap na wika ni Erick sa nobya.
“Kung ito lang ang paraan para mabuhay tayo gagawin ko.” Umiiyak na sagot niya sa nobyo. At unti-unti siyang lumapit kay Arthur, habang nakataas mga ang kamay. Bigla siyang hinablot nang makalapit siya dito.
“Huwag kang susunod sa amin kung hindi mamamatay siya.” Wika nitong intutok sa ulo ni Kira ang baril lumabas sila ng bahay. At sumakay sa kotseng nakaparada sa ’di kalayuan umiiyak naman si Kira, habang nasa byahe sila.
“Ma’am, sir.” Tawag ng katulong sa mga magulang ni Arthur.
“Bakit ano iyon Aling Cecilia?” humahagos sa pababa nang hagdan si Mrs. Dela Cruz.
“May mga pulis po sa labas at hinahanap si sir Arthur.” Wika nito.
“Ano pong kailangan nila?” kinakabahang tanung niya sa mga pulis.
“Ma’am ang inyong anak po ay nasasakot sa kasong kidnaping. At kung alam ninyo po kung nasaan siya at mas mabuti pa pong ituro na ninyo siya.” Wika nang isang pulis.
“Pakiusap po sabihin na ninyo nakikiusap po ako papatayin niya ang nobya ko. Dahil ang tingin niya dito ay si Grace.” Umiiyak na pakiusap ni Erick.
“May alam kami kung saan niya pwedeng dalhin ang nobya mo pero hindi kami sigurado kung do’on niya dinala.” Sagot nang Ginang.
“Grace, ako na lang ulit ang mahalin mo.” Umiiyak na pakiusap nito kay Kira.
“Arthur kailangan mong tanggapin na matagal ng patay si Grace.” May takot na sagot niya dito.
Arthur anak,“ tawag nang ina niya.
“Anong ginagawa ninyo dito hindi ninyo mailalayo si Grace, sa’kin. Akin lang siya!!!” sigaw nitong niyakap mula sa likod si Kira.
“Hindi anak hindi siya si Grace, magkaiba silang dalawa.” Naawang wika ni Mrs. Dela Cruz, sa anak ngunit bigla na lang itong bumagsak. Ang hindi pala nila alam ay sa iba dumaan si Erick.
“Babe ligtas ka na.” Wika niya sa nobya habang yakap ito dinampot naman si Arthur, upang dalhin sa mental hospital.
“PAKAWALAN NINYO AKO DITO KUKUNIN KO PA SI GRACE, AKIN LANG SI GRACE!!! AKIN KA LANG HINDI KA KAILAN MAN MAPUPUNTA SA KANYA.” Sigaw nito mula sa loob nang kwarto.
“Hayyy grabe ang ingay niya araw-araw.” Wika nito sa kasama.
Wakas
#CTTO
Dople Ganger
Sabi nila dople ganger daw ang tawag sa nanggagaya ng kataohan. Yung bang nakita mo ng umalis/umuwi yung tao tapos makikita mo ulet? Ang creepy Diba? At ito ang ikukuwento ko ngayon. Taong 2012 Tuwing alas 3 ng madaling araw umaalis ang parents ko para bumili ng paninda namin(tuwing madaling araw kasi ang bagsakan ng bilihin kaya ganung oras sila nabili. Madalas ang 2 kong nakakatandangkapatid at ako nalang ang natitira sa bahay pero sila ang ginigising para isara ang pintuan namin. Isang araw Naglalaro sa cellphone ang ate ko para antukin sa pagkakagising sakaniya ng biglang nagulat siya dahil nagising ako at sumigaw ng “Si Papa”(Madalas kasi kahit anong ingay hindi ako nagigising dahil tulog mantika daw ako at hindi ako tumatayo ng madaling araw para umihi o kung mag anu-ano.) Nagising ako dahil narinig kong tumatawag ang Papa ko kaya agad akong tumayo para buksan ang pinto. May gusto pa sanang sabihin ang kapatid ko pero hindi niya na nasabi dahil Mabilis akong nakarating sa pinto .Pagbukas ko humangin ng malakas naramdaman kong maykakaibang hangin ngunit hindi ko maipalinag at nakatingin si Papa saakin habang nagpapaalam pero may napansin ako sa mata niya dahil namumula ito. Gusto ko siyang tanungin kung bakit ito namumula ng biglang tinawag ako ng ate ko at Sinabi Niya na “bakit mo binuksan? kanina pa umalis sila Papa. Agad akong tumingin sa harap ko Pero tama nga ang ate ko dahil walang tao sa labas at napakahangin pa. Sinara ko ang pinto at tulalang iniisip ang hindi makapaniwala sa nangyaring ito. Ang mga matang namumula at ang kakaibang lamig na nadama sa pagbukas ko ng pinto. Takot na takot ako kaya sinabi ko ito sa mga kapatid ko at ang sabi inalimpungatan lang daw ako pero ayon sa nabasa ko dople ganger daw ang tawag Sa gumagaya sa kataohan ng isang tao. Nung una hindi ako naniwala pero nung nangyari ulet naniwala na ako. Sa pangalawang pagkakataon nakita ko naman ang teacher ko. 2 beses lang itong nangyari saakin at ayaw ko ng maranasan ulet ito. Nagpapasamat ako dahil hindi na nangyari ito saakin ule at patuloy na nagdadasal. Sa ngayon pala ang Papa ko ay wala na at ang teacher ko naman ay hanggang ngayon nagtuturo pa. .
#CTTO
Tikbalang
Naniniwala ba kayo sa mga multo, aswang, white lady, kapri, tikbalang at kung ano ano pa ??
Kasi ako ?? Ito lang lage ang sinasabi ko. “To see, is to believe”.
Year 2005, at Malabon City.
Nakasanayan naming 4 na magkakapatid na manuod ng horror bago matulog. Noong mga panahon na un. Bumisita ung mga pinsan kho. Mahihilig din sa horror ang mga un. Kaya nanuod na kami. Sigawan kami ng sigawan nuon. Dahil nga sa ginugulat kami ni papa tas tawanan na naman. Hanggang matapos ang palabas. Alas dose na, kaya di na pinauwi nina mama ang mga pinsan namin. Kaya ung kwarto namin ni kuya ang pinagamit sa kanila. At sa sala naman kami natog ni kuya.
Nangungupahan lang kami sa bahay na yun. Marami kaming mga kwento naririg tungkol sa bahay. My isang nagsabi na my white lady daw, my paring pugot, my mga diwindi at marami pang iba. At ang sabi nila dati daw ung simbahan. Napinagiba ng may ari dahil gagamitin ung lupa. Kaya daw my paring pugot doon. Sa next kuna ikekwento.
Ff. Nakahiga na kami ni kuya. Nakaharap sya sa pinto. Alam nyo ba ung pintong nakalutang sa sahig ?? Yung tipong pagmay dumaan eh makikita mo. Mga bandang ala’una na ng madaling araw ng bigla nalang akong pagsisikuhin ni kuya. “Ano ba.!! Inaantok nko, ang harot mo talaga.!!“galit kung sabi. “Pssssh!!! Wag ka maingay” madiin na bulong ni kuya. “Bkit ba??“mahina kung sagot. “May mga paa ng kabayo”.sabi nito. “Hah.!! Talaga?? Patingin”. Sunod sunod ngunit pabulong kung sabi. “Sandali,“bumangon sya. “Kukunin ko ung itak ni papa. Jan ka lang wag ka mag-iingay”. Sabi pa nito. Dahan dahan syang bumangon at naglakad patungung kusina. Ako naman dahan dahan din ang pagbangon ko. Pero ung mga mata ko, hindi ko tinanggal sa pagkakatitig sa paa ng kabayo. May pagka brown na my halong itim ung balahibo nya. At talagang dalawa lang. Hanggang sa dumating c kuya dala ang samurai ni papa. “Halika.!! Buksan mo ng dahan dahan ung pinto tas tataga-in ko”. Sabi ni kuya. Sinunud ko naman sya, dahan dahan kung pinihit ang door nub at mabilis na tinulak para di ako matamaan ng samurai. At laking gulat namin ng makita ito na nkatalikod habang papalayo . Napakalaki ng katawan, mala cobra ito na maitim, na ang ulo nya ay sa kabayo. Mablahibo din ang katwan at may buntot din ito na pangkabayo at dalawa lang ang paa. Kaya simula nuon ay naniniwala na akong totoo ang tikbalang.!!
-from Reader
#CTTO
Romblon Triangle
Center of mystery, destruction, and death.
This is how many describe a part of the ocean around the Romblon province where so many tragedies have taken place that have claimed the lives of thousands.
The Bermuda Triangle is known for its inexplicable stories of the sudden disappearance of many ships and planes passing by the area-the reason it was called ′′ The Devil’s Triangle.“
On a used basis many accidents recorded in the area, Romblonians named the so-called Romblon Triangle as the ′′ Bermuda Triangle of the Philippines.“
“WATERY GRAVE” The Romblon Triangle covers Tablas Strait and Sibuyan Sea.
In the shape of a triangle, the base between the islands of Dos Hermanos and Sibuyan in the south stands, while the tip or dulo hits the municipality of Concepcion in the north.
′′ So many ships have made the Romblon Triangle their final resting place,“ Lemuel Cipriano, Mayor of Sibale Island, Romblon, said in an interview with him by Manila Standard, published on February 3, 2014.
“They went down to their watery grave with thousands of people on board,” aniya.
The mayor has identified the most terrifying maritime disasters in the history of the Philippines that took place in the so-called Romblon Triangle.
ctto / jet hitosis / pep. ph
#CTTO
Puting Van
“ANNA, papasok kaba ngayon?”
Napahinto saglit si Anna sa pag-aayos sa bagpack niya nang masulyapan ang kaniyang inang dahan-dahang bumangon sa kawayang kama.
“Opo, nay. Papasok po ako,” marahang wika ni Anna nang isuot niya sa likuran ang bagpack na doble pa ang laki sa kaniya.
Sa araw na ito, ay grade four na si Anna, at excited na siyang pumasok ng paaralan, kahit may dinaramdam siya sa kaniyang sikmura.
Narinig ng kaniyang ina ang pagkulo ng tiyan ni Anna, na nagbigay balisa sa mukha ng kaniyang ina.
“Alam kong nagugutom kana? Ako na ang magha—”
“Wag na po nay. Ako nalang po ang maghahanap ng pagkain natin.” pangiting wika ni Anna, habang isinuot ang butas-butas niyang tsinilas.
Bumalik sa pagkakahiga ang kaniyang ina na nakangiti. “Mag-ingat ka. Madami akong nababalitaan ngayon na madaming nawawalang bata. Bumalik na naman ’yung sinasabi nilang puting van. Mag-ingat ka ha. Oh sige na malalate ka na. Alis na…”
Tumango si Anna at gumuhit sa labi nito ang matingkad na ngiti habang lumalabas ng kubong tinitirahan.
Nang marating ni Anna ang paaralan ay sinalubong agad siya ng kaniyang teacher at sinabi nitong bakit hapon na siya nakapasok.
Magsasalita sana si Anna, nang biglang kumulo ang kaniyang sikmura.
“Gusto mong kumain? Ibibili kita.” pangiting anyaya ng kaniyang teacher. Ngunit naglingo lamang si Anna bilang tugon.
Natapos ang nakakapagod na araw na gutom na gutom na si Anna. Pero nilakasan pa rin niya ang kaniyang loob. Inaalala niya ang kaniyang inang nakahiga sa kama, habang naghihintay sa dadalahin niyang pagkain.
Nag-aaway na ang dilim at liwanag sa kalangitan, habang binabaktas niya ang isang kalye.
Wala siyang kasamang naglalakad sa napakatahimik na kalsada, nang biglang may namataan siyang kulay puting van.
Nakahinto ito.
Nakabukas ang pinto ng puting van at wala ni isang tao sa loob nito.
Naglinga-linga si Anna sa paligid nang biglang may palad na dumampi sa kaniyang balikat.
“Nawawala kaba bata?”
Napalingon si Anna agad sa likuran at na aninagan ang dalawang lalaking matipuno ang pangangatawan at ma-aliwalas ang pagmumukha.
“H-hindi naman p-po.” Biglang kumulo na naman ang kaniyang sikmura.
Nagtinginan ang dalawang matatangkad na lalaki.
“Alam kong nagugutom kana bata. Halika, madami kaming candy at pagkain doon…”
Sinundan ng tingin ni Anna ang ininguso ng lalaki at napako ang tingin niya sa puting van.
Gumuhit ang malaking ngiti sa labi ni Anna na tila na excite siya sa sinabi ng lalaki.
“Sige po,” agad na wika ni Anna.
Nagtinginan ang dalawang lalaki at agad na hinablot ang braso ng bata.
Napatitig si Anna sa braso niya. Dahil ramdam niya ang matinding higpit ng pagkakapit nito.
Na alala niya ang bilin ng kaniyang ina, ngunit imbis na matakot at mangamba, ay ngumiti na lamang siya.
Wala namang mawawala kung susunod na lamang siya sa mga lalaki?
Dahil ang nasa isip niya ay makakakain na sila ngayon ng kaniyang ina. Dahil alam niyang madaming pagkaing naghihintay sa puting van na iyon.
Nang makapasok sila sa puting van ay agad agad ring isinirado ang pinto, at mabilis na tinutukan ng baril si Anna, sa noo nito.
Natulala si Anna, habang kumukulo na naman ang kaniyang sikmura.
“Papatayin ka namin pag pumalag ka!” Nagtinginan ang dalawang lalaki at napahagikhik ng tawa.
“Nagugutom na po ako. Saan na po ang pagkain?” marahang kampanting tanong ni Anna sa lalaking tumutok sa kaniya ng baril.
“Putang ina! Wag kang maingay bata ka! By the way, ano nga ang order ni Mr. Sy?”
Nagsuot ng surgical gloves ang lalaki. “Isang utak. Isang puso. Paris na mata at paris na kidney. Lahat ay dapat fresh.”
Tumango ang lalaki bilang hudyat na sisimulan na ang pagkatay sa walang muwang na bata.
Inihanda na ng lalaki ang lahat na gagamitin sa operasyon, nang biglang tumawa si Anna. Isang mala demonyong tawa.
“Malaking pasalamat ko sa Diyos. Dahil sa inyo ay may makakain na rin kami ni nanay sa wakas.”
Nagtinginan ang dalawang lalaki, at kasabay ng pagkunoot ng mga kilay nila, ang mabilis na pagpalit ng anyo ni Anna.
Pumula bigla ang buong mga mata ni Anna, kasabay ang paghaba at pagtulis ng mga kuko niya na tila isang wasiwas lamang ay gilit agad ang leeg ng ulo at wakwak ang katawan ng tao.
Sa isang tahimik na kalsada, pasado alas syete ng gabi, nag-iisang umaayog ang puting van sa kalagitnaan ng gabi. Habang umuugong sa loob nito ang nakakakilabot na sigaw ng kamatayan.
Isa isang tumatalsik sa bintana ng van ang mapupula at preskong dugo, na tila pinta ng isang mabangis na hayop, habang ang mga palahaw sa tindi ng sakit ng mga lalaki ay tila masarap na musika sa tenga ni Anna.
Pumatak ang sampung sigundo. Bumukas ang pinto ng van, at gumulong palabas sa kalsada ang dalawang pugot na ulo.
Lumundag papalabas sa van ang walang muwang na si Anna. Nagpahid siya ng kaniyang bibig na may mansa ng dugo gamit ang likod ng kaniyang kamay. Ni isang dugo sa damit at katawan niya ay walang masisilayan.
Mabilis siyang nakapagpalit sa dala niyang damit sa loob ng kaniyang bagpack.
Sumilay ang mala demonyong ngiti sa labi ni Anna. Habang inaayos niya sa pagkakasabit sa likuran ang kaniyang bagpack na napupuno ng laman loob ng tao, habang patalon talon siyang naglalakad sa tahimik na kalsada na walang kibo.
The End….
#FULL CREDITS TO:
©️2021. ItimNaTinta. All rights reserved.
Pink Shoes
ISANG ORAS nang nakatayo si Bella Donna sa harapan ng isang bagong bukas na ukay-ukay store ng mga sapatos.
Obsessed na obsessed kasi si Bella Donna pagdating sa mga high end fashion heels, dahil fashionista siyang babae at social climber na dalaga.
Kagagaling lang ni Bella sa simbahan at insaktong linggo wala siyang trabaho, at naisipan niya munang dumaan muna rito, upang magmasid sa bagong bukas na ukay-ukay.
Nang makapasok ang sopistikadang Bella Donna sa loob ng naturang tindahan, ay umakit agad sa paningin niya ang isang pink na pointed high heel shoes—tad-tad iyon ng mga kumikinang na silver glitters, kaya na love at first sight ang ate Bella Donna nyu.
Itinaas ni Bella Donna ang kaniyang kulay pula na antipara, at sumilay ang kumukutip-kutitap niyang mga mata na parang binudburan ng mga swarovski crystals, nang dahan dahan siyang papalapit sa naturang pink na pointed high heel shoes na iyon.
“Wow! Fantastic! Fabulous, Beautiful! Bloody hell!” bulalas na wika ni Bella Donna, habang nakangiti na halos nakikita na ang mga ngipin niya na hinaharangan ng mumurahing braces. Nangangatog ang kaniyang mga daliri nang haplosin niya ang high heel shoes na iyon.
“Maganda nga siya at pang high end fashion talaga.” Garalgal na boses ng isang dalagang biglang sumulpot sa tabi ni Bella Donna.
Napatitig agad si Bella Donna na taas ang isang kilay sa dalaga. Nakaupo lamang sa isang wheel chair ang dalaga, at sa hula ni Bella Donna’y magkasing edad lamang sila. Maputla ang balat ng dalaga at mahaba ang itim na buhok na abot hanggang beywag, at halos hindi na makita ang mga mata nito sa tuwid na bangs.
Naputol ang pagmamasid ni Bella Donna sa mukha ng dalaga nang mapunta siya sa ibabang bahagi nito. Putol ang dalawang binti ng dalaga. Napahagakhak nang tawa si Bella Donna, na tila nasurpresa siya sa anyo ng dalaga.
Nakatingin lamang ang dalaga kay Bella Donna na parang nagulat rin sa reaction niya.
“Did I question you, for this stuff? Duh, I know, hindi mo yan mabibili, at I know hindi mo ’yan masusuot,” wika ni Bella Donna sa dalaga na tumirik ang mga mata at agad na lumabas ng tindahan na tumatawa.
Walang imik ang mukha ng dalaga habang pinagmasdan si Bella Donna’ng sumakay ng trysikle.
KINABUKASAN, maagang bumalik si Bella Donna sa tindahan, upang bilihin na ang naturang heel shoes.
Pagkababa sa trysikle, ay naglinga-linga muna si Bella Donna sa kaliwa’t kanan. Wala siyang namamataang taong naghihintay sa pagbukas ng ukay-ukay, kundi siya lamang.
Sumilay ang ngiti sa labi niya na pininturahan nang yellow green at pumalakpak siya.
I hope na sa akin mapunta ang beautiful creature heels na iyon. Kung hindi magkakamatayan talaga! turan niya sa kaniyang isipan.
Nang buksan na ang tindahan, ay ura-urada siyang pumasok sa loob at dali-daling hinablot ang naturang pink na heel shoes.
“I will buy this, over my sexiest body! Bilis!” agad-agad na wika ni Bella Donna sa casher. May halong hambog at kaba ang tinig sa boses niya, na nagpabilog sa mga mata ng casher.
Saglit natulala ang casher sa asal ni Bella Donna.
“Sorry, dont mention it. Maganda talaga ako sa malapitan casher lady.”
“Ah…ang suwerte nyu po. Dahil ikaw pa mismo nakabili nito ma’am. Bagay na bagay talaga ’yan sa mga paa mo. Alam mo ba maam, na ang pink na high heel shoes na ito ay nakita lang din namin sa isang ukay-ukay rin. Binili namin ito, dahil sa angking ganda’t angas at ibininta rin namin dito sa tindahan namin nagbabakasakaling may bumili—” Tumawa nang mahina ang casher at agad na iniabot ang cellophane na laman ang sapatos kay Bella Donna.
“Duh?! Nevermind! Kahit ano paman ’yan kaya kong bilihin.”
Wala nang salitang lumabas pa sa bibig ni Bella Donna. At nang pagtalikod niya ay insaktong nabangga niya ang gulong ng wheel chair ng dalagang naka-usap niya kahapon.
“Tumingin tingin ka nga sa dinadaanan mo! Wala ka na ngang paa, bulag kapa!”
Nagsalungat ang mga kilay ni Bella Donna at nakapameywang pa, habang ang babae ay nakangiti lamang sa narinig niya.
“Congrats. Bagay na bagay talaga ’yan sa mga paa mo. Sana maganda ang paglaka—”
Hindi na natapos pa ang sinabi ng dalaga sa agad na paglabas ni Bella Donna sa tindahan.
INSAKTONG, alas dose na nang hating gabi sa wall clock at hindi pa rin dinadalaw ng antok si Bella Donna. Para siyang bulateng binudburan ng asin sa higaan. Hindi siya mapakali, nang hindi niya nasusukat ang bagong bili niyang pink na high heel shoes.
Bigla niyang na-alala ang isang bilin ng kaniyang close friends.
“Kapag may bagong bili ka na sapatos sa ukay ukay ay puwede kang humiling rito bago mo isuot. At dapat nakaharap ka mismo sa salamin sa pagtungtong ng hating gabi. Dahil sabi nila, na kapag humiling ka raw sa sapatos na iyon, ay one hundred percent tutuparin ng namayapang may-ari ng sapatos ang hiling mo.”
Dali-daling tumayo si Bella Donna at tumalon sa kama. Humarap siya sa malapad niyang salamin na nakapanty at naka bra lamang. Dahan-dahan niyang inilabas sa kahon ang sapatos.
Kumikinang-kinang ang mga silver glitters sa sapatos, nang matamaan ng liwanag na galing sa kaniyang bukas na lampshade sa drower.
Gamit ng dalawa niyang kamay, ini-angat niya ang sapatos na tila nagsusumamo siya ng isang ritwal sa diyosa. Napapikit siya at may ibinubulong sa hangin.
At nang matapos ang nasabing hiling, ay lumakas bigla ang kabog ng kaniyang puso, habang inaamoy niya ang bawat dulo ng heels ng sapatos. Napahinto siya saglit nang maka-amoy siya ng malansang dugo sa loob nito.
Imbis na magtaka ay, ikinibit balikat na lamang niya iyon. Huminga muna siya ng kay lalim at itinirik ang mga mata bago niya dahan-dahang sinuot ang sapatos sa kaniyang ma-ugat na paa.
At nang masuot na niya ang dalawang paris, ay laking gulat niya na nakaramdam siya ng biglang pag-gapang ng lamig sa buo niyang katawan. Nakakakilabot ang lamig. Parang sinabuyan siya ng isang balde na yelo. Nagtayuan ang mga balahibo niya sa batok at binti na nagpanibago sa kaniya.
Napatitig siya sa aircon.
Sa pagkakaupo sa sahig ay napatayo siya. Maya maya ay nakaramdam siya ng biglaang pagkirot ng kaniyang mga tuhod. Parang tinutusok iyon ng mga libu-libong karayom.
Ang libu-libong karayom ay parang naging chainsaw sa kaniyang pakiramdam. Parang chini-chainsaw na ang kaniyang mga tuhod. Hanggang sa napa-ungol siya sa tindi ng kirot at hapdi.
“Oh my! Arrrraaaayyy! A-ang sakiiiiiiiiit…..Tuloooong!”
Umalingaw-ngaw ang kaniyang sigaw sa buong apartment, habang pagulong-gulong sa sahig na hawak hawak ang magkibalang tuhod. Sinubukan niyang tumayo. Gusto niyang lumabas ng pinto ngunit hindi niya maigawa.
Tuluyan siyang binalot nang takot nang makita ng dalawang bilogan niyang mata ang kaniyang mga binting biglang nagkandaputol-putol habang tumatalsik ang mapulang preskong dugo nito.
“Ang wish ko ay sana, mapalitan ng mahabang binti ang mga paa ko!” Paulit-ulit na umaalingawngaw sa loob ng ulo ni Bella Donna ang hiniling niyang iyon sa harapan ng salamin.
The End…
#FULL CREDITS TO:
©️2021. ItimNaTinta. All rights reserved.
Bagong Bahay
NAPABUNTONG hininga si Roxana at napahigop ng kape. Ilang oras na kasi siyang nagpapakli sa dala niyang diyaryo. Nagbabakasakaling makahanap siya ng bagong paglilipatan niyang apartment. Dahil gusto na niyang lumipat sa bago niyang inuupahan.
Ang gusto ni Roxana ay malayo layo sa lugar kung saan siya namamalagi, ngunit hindi siya makatiyempo ng tamang apartment para rito.
Sa dalawang oras niyang paghahanap, ay ni isa wala siyang nakita. Hanggang sa pangatlong pakli niya, ay umakit sa kaniyang paningin ang isang paskil.
Bumilog ang kaniyang mga mata at gumuhit ang ngiti sa labi ni Roxana. Walang anu-anoy, tinext agad niya ang numerong naka-indicate, at ura-uradang pinuntahan agad ang address sa nasabing paskil.
Nang marating niya ang lugar na iyon, ay na abutan niya ang isang matandang babae na nakatayo sa labas ng naturang bahay. Sa tantya ni Roxana, ay nasa singkwenta na ang edad ng matanda, at nasa kaputian na rin ang mahabang buhok nito na abot hanggang beywang.
“Ah… Hello po. Ikaw po ba si, Aling Belen?”
Gumuhit ang ngiti sa labi ng matanda. “Oo ako nga, hija. Ako nga. Ikaw ba ’yung nag text sa apo ko, na naghahanap ng bahay na malilipatan?”
Tumango si Roxana. “Ah… Ako nga po. Naghahanap kasi ako ng bagong apartment. Kaso nakita ko po—”
“Ah…Oh!” Bumilog ang mata ng matanda. “Ito nga! Ito ’yung bahay na sinasabi mo.”
Napangisi si Roxana. Tila umayon sa kaniya ang suwerte. “Opo, ito nga po ’yun at bibilihin ko na. As in ngayon na.”
Walang pa tumpik-tumpik na iniabot ni Roxana ang sobre na dala niya sa matanda. ’Di gaanong makapal ang laman ng sobre. Madaling inabot iyon ng matanda at sumilay sa mukha nito ang tuwa at galak.
Sino ba naman ang hindi bibili sa naturang bahay na kasing halaga lamang ng anim na libo?
Kinuha na ni Roxana ang pagkakataon bago pa siya maunahan pa ng iba.
“Teka! Hali ka muna. Ililibot kita sa loob. Baka magbago pa ang isip mo…” anyaya ng matanda habang dahan-dahang itinulak ang pinto ng naturang bahay.
Pagkabukas, biglang humampas sa mukha ni Roxana ang isang masangsang na amoy sa hangin. Hindi niya mawari kung saan galing at hindi rin niya maipaliwanag ang amoy na iyon. Nag halo-halo iyon sa hangin. Parang patay na daga. Nabubulok na bagay at parang kinakalawang na bakal.
Napalunok ng laway si Roxana.
“Pagpasensyahan muna. Madami kasing mga daga dito. Baka namatay, dahil sa lason kong inilagay,”wari ng matandang napatabon ng ilong.
Nilibot nang tingin ni Roxana ang kabuhuan ng bahay. Malawak at ma-aliwalas, ngunit ma alikabok lamang.
Nang humakbang siya, ay umingit bigla ang sahig na yari sa kahoy.
Napatitig si Roxana sa matanda.
“Wag kang mag-alala, matibay iyan. Kahit na matagal na itong abandonado. Pinapatignan ko talaga kung okay pa ang lahat dito. Maayos panaman raw ang lahat. Tubig at kuryente ay gumagana pa…”
Nagsimula nang maglibot si Roxana. Una niyang pinuntahan ang nag-iisang palikuran at kasunod naman ang salas at kusina, at ang pinakahuli ang nag-iisang kuwarto.
Pagkabukas niya sa pinto ng kuwarto, ay sumalubong sa kaniyang paningin ang sinag ng araw na nanggagaling sa bukas na bintana. Inilibot niya ang kaniyang paningin. Maaliwalas at malawak rin ang kuwarto.
Ngunit ang pinagtataka niya, ay kung bakit may malapad na salaming nakadikit sa dingding at mismong nakaharap iyon sa paanan ng kama?
Bakit nga ba?
“Ah, ’yan. Sa pagkaka-alam ko na ang asawang nag-ngangalang, Magda na umuupa rito noong una’y mahilig kasi sa salamin. Siya ang nagpagawa niyan. Sopistikadang babae kasi iyon at palaging presentable dapat ang kasuotan kapag lumalabas at humaharap sa tao. Gusto kasi nung babae na kapag gumising ay ang unang makita ay ang repleksyon nito sa salamin. Wag kang mag-alala hija, hindi naman ’yan pangit. Wag kang maniwala sa mga kuwentong barbero na malas ang salaming nakaharap sa kama. Hindi iyon totoo…” pahayag ng matanda at tumawa ng mahina. “Kung gusto mo, ipatanggal nalang natin iyan.”
Napatitig si Roxana sa matanda. “Wag na po. Mahilig din kasi ako sa salamin. Ah… nasaan napo ba ang umuupa rito?”
“ Si Bogart ang umuupa rito noong una, hija at matagal na silang patay. Huli na nang malaman ko na may lahing satanista pala ang mag-asawang iyon, at mismo pa sa bahay na ito sila namatay. Sabi pa ng mga pulis na nag-imbestiga sa krimen ay kompermadong kasapi ang dalawa sa isang kulto. Ayon sa nag-imbestiga, na sa huling araw ng dalawa ay nagsagawa raw ito ng isang ritwal ng pag-aalay. Inalay raw nito ang kasintahang si Magda sa sinasamba nilang diyablo. Mahilig kasi raw yung babae sa mga heels na sapatos, kaya chop chop ang mga binti nito nang makita ang bangkay. Parang ang binti raw ng babae ay inalay sa kanilang sinasambang demonyo, at ’yung si Bogart naman ay nakita ang bangkay na nakahiwalay na ang ulo sa katawan. Pero hindi naman ako natakot nang kunin ang mga bankay nila rito. Sadyang mga sabog at adik lang talaga ang dalawa sa droga kaya sabay nagpatiwakal.”
Imbis na mangilabot sa narinig si Roxana, ay sumilay ang ngiti sa labi niya. Hindi mapaniwalain si Roxana sa mga ganoong bagay. Mga kulto, aswang at lalo na sa chismis, ay gawa gawa lamang ng malikot na isipan.
At sa araw ding iyon, napagdesisyonan na ni Roxana na kukunin na niya ang naturang bahay. Nag-usap na sila ng matanda tungkol sa bahay, at ibinigay ng matanda ang mga kaylangang papelis at titulo sa dalaga.
“Bukas po, babalik ako rito, at ililipat ko na rin po lahat ng gamit ko rito.”
KINABUKASAN maagang nagising si Roxana, at tumungo agad sa bago niyang bahay. Nang matapos niyang linisin ang lahat, ay agad din niyang ipinadeliver ang mga gamit niya. Wala gaanong appliances si Roxana, maliban sa ref at T.V.
Nang matapos maayos at malinis ni Roxana ang lahat. Saglit siyang napaupo sa kama. Ramdam niya ang pagod sa kaniyang batok at beywang sa buong araw na paglilinis.
Maya maya’y tumayo siya at lumapit sa salamin. Malinaw na ang salamin. ’Di gaya kahapon ay halos hindi niya makita ang kaniyang repleksyon, dahil sa tindi ng alikabok na nakakapit.
Tumitig siya sa salamin. Halos matagal siyang nakababad sa harap ng salamin. Hindi pa rin niya nasisilayan ang kaniyang kakambal na repleksyon sa salamin. Kinusot niya ang kaniyang mga mata at ngumiti.
Siguro pagod kalang Roxana, kaya anu-ano ang nakikita mo, turan niya sa kaniyang isipan.
Hanggang sa, hindi namalayan ni Roxana, na nag-aagaw na pala ang liwanag at dilim sa labas ng bintana.
Sa pagsapit ng gabi, sa gitna nang pagtulog ni Roxana, ay nagising siya sa biglang pag-ayog ng kaniyang kama. Malakas ang pag-ayog, kaya napabalikwas siya at napabangon.
Nang pagmasdan niya ang pink na heel shoes sa itaas ng kaniyang drower ay paunti-unting humina ang pag-ayog ng kaniyang kama. Hanggang sa biglang tumunog ang kaniyang cellphone na katabi lamang ng sapatos na iyon. Isang text ang rumehistro sa screen. Isang mensahe na may naganap na malakas na paglindol.
Pagkabasa niya sa kabuhuan ng mensahe ay agad niyang ibinalik ang kaniyang cellphone sa itaas ng drower, at pagkatapos kinusot ang mga matang humarap sa salamin.
Tumitig ulit siya sa pink na heel shoes sa itaas ng kaniyang drower. Hindi niya mawari kung kaninong pagmamay-ari ang sapatos na iyon, na nakita niya kanina sa ilalim ng kama noong naglilinis siya.
Nang babalik na siya sa pagkahiga, ay biglang nakarinig siya ng mahinang hagikhik na tawa ng isang babae. Hindi niya alam kung saan iyon nang-gagaling. Pasado alas tres na ng madaling araw sa kaniyang alarm clock nang tignan niya.
Maya maya, ang hagikhik na tawa ay sinundan ng tunog ng isang takong ng sapatos na tumatakbo sa isang semintadong sahig.
Hinanap niya ang pinanggagalingan ng tunog. Inilibot niya ang kaniyang mga mata. Ang tunog ay parang nasa loob ng isang drum na ume-echo at gumagapang iyon sa mga semintadong dingding.
Manapa’y umalis siya sa kama at dumapa. Idinikit niya ang kaniyang tenga sa kahoy na sahig. Nanggagaling ang tunog sa ilalim. Mga limang segundo ang lumipas, naglaho na parang kidlat ang tunog.
Napakunot ng noo si Roxana. Bumalik siya sa pagkakahiga habang takang-taka ang gumuhit sa kaniyang pagmumukha.
Hindi namalayan ni Roxana na nakabukas ang kaniyang bintana.
Ipinikit niya ang kaniyang mga mata at pinakiramdaman ang buong paligid. Hindi niya naramdaman na may katabi na pala siya sa kaniyang kama—at isang lalaki iyon. Nakangiti iyon na may hawak na matulis na kahoy. Walang anu-ano’y sinaksak si Roxana. Napa-ungol ang dalaga at nailabas ang matatalim na pangil. Naramdaman niya ang pagpunit ng kaniyang balat sa kaliwang dib-dib. Mabilis na hinugot ang nakabaong matulis na bagay sa puso ni Roxana. Tumalsik ang dugo. Isang pang madiin na baon. Napapitlag si Roxana at bago paman makapagpalit ng anyo ang dalaga ay dumilim na ang paligid.
“Sa wakas na patay na rin kita… Bampira!”
The END…
#FULL CREDITS TO:
©️2021. ItmNaTinta. All rights reserved.
The Red Lady
Itago nyo nalang po ako sa pangalang Dyna, isa po akong call center agent, at night shift ako…nung una sobrang hirap po kasi madalas alas 1:00 am nako umuuwi, wala nang mga sasakyan kaya minsan naglalakad nalang ako pauwi, isang sakayan lang naman ng jeep ang layo ng bahay namin mula sa call center na pinagtatrabahuan ko……..
Isang Gabi…mga 12:45 na , maaga pako nakatapos kaya, maaga rin makakauwi, Nasa labas nako nag aantay ng masasakyan, wala din kasi ako sa mood maglakad kasi nga alas 12….di ako naniniwala sa aswang at multo pero natatakot ako sa mga rapist at holdapers na nasa paligid lang,…kasi sabi nga nila, matakot daw sa buhay, wag sa patay…….
Mga 5 minutes, wala paring dumadaan….kaya naisipan kong maglakad lakad baka may dadaan…..sinecure kona ang wallet ko pati selpon ko, nilagay ko ang wallet sa sapatos ko, tapos yung selpon ko sa may bra ko, hehehe baka sakaling holdapin ako, ibigay konalng yung bag……….so…mga ilang metro na napuntahan ko wala pading sasakyan…….ipinagpatuloy konalang ang paglalakad, hanggang sa mga ilang kanto nalang nasa bahay nako, dumaan ako sa shortcut para mabilis pero isa itong masukal na daan kasi maisan ito at taniman ng tubo….kaya sobrang nakakatakot…….
So habang naglalakad, sa masukal na daan…may narinig akong may tumigil na sasakyan……kaya sa takot ko na baka mga holdaper ito ay nagtago ako sa isang sulok, nakita ko ang grupo ng mga kalalakihan na may hinahawakang isang babaeng nakapula, makikita sa mukha talaga nito ang kaputian at kagandahan, nakatakip ang bibig nito at nagpupumiglas sa hawak ng mga lalaki……..
Dinala nila ito sa gitna ng tubuhan, at parang gagahasain….gusto kong sumigaw sa oras na iyon, ngunit pinigilan ko ang aking sarili….
Nagtatawanan ang mga lalaki na parang nasisiyahan sa ginagawa nila…Mga RAPIST ito…..
Nanginginig ang mga tuhod ko pero nilakasan ko ang aking loob…gumapang ako para di nila ako makita…..gumapang ako ng gumapang para man lang makarating ako sa kanto at makatakbo…….
Nang makarating nako sa may kanto….tumakbo ako ng tumakbo na para bang hinahabol ng isang daang demonyo……
Nang makarating nako sa bahay, tulog na sila mama..kaya dumiretso nako sa kwarto ko…..di padin mawala ang kaba at takot sa dibdib ko….
Nasaksihan ko ang krimen na iyon…..alam ko ang totoong nangyari….at muntik nakong madamay……..
KINABUKASAN…
-nagising ako sa ingay sa baba ng bahay…..may meeting nanaman ang mga chismosa…….kaya bumaba ako baka tungkol ito kagabi…..
“Dyna! Anong oras ka umuwi kagabi?” sigaw ni mama sakin
“Mga 1:00 napo!” Sagot ko
“Naku saktong nangyari ang panggagahasa sa tubuhan!!” sigaw ni Aling Melly isa sa mga chismosa naming kapitbahay
-Tama! Yung nangyari nga kagabi ang topic nila.
“Ano po ang nangyari sa ginahasa?” Pagtataka kong tanong
“Ayun, natagpuang wala nang buhay, at maraming saksak sa katawan, at hinihinala pa ng barangay na may ibat ibang matulis na bagay ang pinasok sa ari nito!” sambit ni Aling Melly na nagpakaba sa kin
“San kaba dumaan kagabi Dyna?” Tanong ni mama
“Nagpahatid po ako sa kasama ko, sa highway po kmi dumaan” pagsisinungaling ko
-isinarili ko na lamang ang experience kong iyon….kahit isa ay wala akong nasabihan….
Mga ilang buwan ang nakakaraan….may balitang lumalabas na may babaeng nakapula raw ang nagmumulto sa may shortcut sa tubuhan……nagpapakita raw ito sa mga lalaking dumaraan rito……..
“nakita ko!!!! Nakita ko sya! Duguan sya nanghihingi sya ng tulong!” Sigaw ni Mang Naldo, may ari ng tubuhan…
HANGGANG NGAYON AY KINIKILABUTAN PADIN AKO SA PANGYAYARING IYON….AT NAG RENTA NARIN AKO NG BOARDING HOUSE NA MALAPIT SA CALL CENTER NA PINAGTATRABAHUAN KO….SA TAKOT KONG MAGPAKITA SAKIN ANG RED LADY! …. …
WAKAS..
#FULL CREDITS TO THE RIGHTFUL OWNER
CCTV
Isa akong security guard sa isang malaking grocery store. Graveyard ang laging tinotoka sakin dahil walang naglalakas loob ng pang gabi dahil may mga nagpaparamdam daw o mas masaklap nagpapakitang multo.
Pero balewala lang sakin yun dahil di ko pa naman naranasan, bukod kasi sa sanay nako sa pang gabi hindi rin ako paniwalain sa mga sabi sabi pero hanggang ako na mismo ang nakaranas.
Isang gabi ako at si Mike ang nakatoka, siya sa cctv ako naman ang taga patrol o yung nag iikot para icheck ang paligid. Bandang 2am biglang rumadyo si Mike sakin, rondahin ko daw yung sa stock room dahil may nakita siyang tao. Sa isip isip ko baka staff yun na hindi pa nakakauwi. Nung makarating ako ng stock sobrang tahimik, medyo mahina ang ilaw at masikip dahil puro kahon yung paligid. “Tao po? May tao pa ba dyan” sabi ko. Nag aantay akong may sumagot pero wala. Rumadyo ako kay Mike pabalik para sabihin na clear pero biglang siyang sumagot. “Bravo 1 pacheck ako bandang row 6 bandang dulo may staff pa, nakatayo lang”. Agad akong pumunta sa sinabi niyang pwesto pero walang tao. “Clear naman dito alpha 1” sabi ko kay mike. Pero di na siya sumagot.
Pagdating ko ng cctv room agad kong kinompronta si Mike para sabihin na wala naman talagang tao. Pero hindi siya umimik sakin, nakatingin lang siya at namumutla. Pinakita niya sakin yung replay ng cctv nung nagronda ako sa stock room. Sobra akong kinilabutan sa napanood ko. May tao ngang nakatayo sa sinabi ni Mike pero dinanaan ko lang, tumagos lang ako na parang wala siya dun. Kung ilalarawan siya kapareha niya yung uniform ng mga staff dito pero kung izozoom wala siyang mukha.
Credits to: Anonymous…
Ang krimen ni tito
Hi readers ako po si Paul ! Ang i-kwewwento ko po ay basi sa aking nasaksihan wayback 2015 at isa ito sa pinag usapan sa aming lugar at na i feature pa ito sa balita ng ABS-CBN . Ito po ay ang kahindik hindik na pag patay ni tito sa kanyang asawa. Tawagin na lang po natin yung tito ko as “ Jay“ at yung tita ko na “ Shane“
Sa aming lugar, 3 kaming mag kapamilya na naka tira sa isang compound. Masaya naman kaming namuhay na mag kakatabi ang mga bahay namin , minsan nag bibigayan pa ng ulam at pag may mga okasyon imbetado lahat ang mag anak.
Si Tito Jay maituturing ko siyang mabait at responsable sa pamilya niya. Madalas siya pa ang aking service papasok sa school. Itong si Tito Jay ay tahimik lang hindi pala kwento alam na naman yun ng pamilya dati pa. Si tita Shane naman, happy go lucky siya yung tipong joker ng aming pamilya pero siya ay matulungin minsan pa nga wayback elementary days ko siya pa ang nag tuturo sa mga assignments ko .Sila ay may 3 anak , Si Ace , Lezle , at Michelle. Sobrang maalaga sila sa pamilya nila yung tipong kung anu yung uso sa mga bata dati yun yung binibili nila .
Hindi din natin maikakaila na may mga pag-aaway sa mag asawa. Itong si Tito Jay naman pag nakakainom doon lang niya na i kwewkwento yung mga problema niya at yung malala yung mga kaibigan pa niya yung nakaka alam . Nang minsan daw nag kwento itong si tito Jay sa kaibigan niyang si Jose na papatayin niya daw yung tita ko pero pa bero lang niya itong sinabi ehh kesyo daw may ibang lalaki .
Minsan nag aaway sila pero panay sagutan lang ang ingay nga ehh abot sa bahay namin. Pero syempre, kapamilya din kami si Papa ko yung parang referree nila pag nag aaway sila yung taga awat sa kanila. Sila yung tipong nag away tapos kinabukasan parang wlang nangyari. Nakita ko pa yan sila na sweet kina umagahan yun bang wla na silang away sa isat isa .
Pero nung isang gabi yung akala namin na okay sila kasi sweet nga sa isat isa ehh hindi namin alam na yun na pala ang last na gabi ng tita ko .
Ito yung nangyari , Si tito Jay ay pumunta sa bukid upang tingnan ang kanilang mga alagang baboy doon daw siya muna mag stay kahit mga ilang oras lang tapos uuwi din daw yun yung sabi ng anak nila na si Lezle.
Ayun na nga bandang 12 pm na may narining kaming tumawag sa pangalan ng papa ko at agad naman namin na kilala na tita ko yun. Ang eksaktong sinabi ng tita ko ay “ ***** hindi ko na kaya“ Agad na bumangon si papa at pinuntahan yung bahay nila . Pag punta ng papa ko , naka lock yung pintuan. Tinawag niya yung mga anak nila kung anu nangyayari sa loob at saka upang buksan yung pinto. Sa trauma siguro hindi makapag salita yung mga anak kaya tinadyakan nalang ni papa yung pintuan .Pag bukas ni papa ng pintuan , nakita niya yung tito ko na nakasakay sa may tiyan ng tita ko at nanlilisik yung mga mata at marami ng dugo . Agad na kinuha ng papa ko yung tatlong mga anak nila at agad tumakbo palabas ng bahay . Agad naman akong tumawag ng mga police kasi wala kaming mahagilap na tanod sa brgy kaya dumuritso kami sa police station. Nakita namin yung tito ko na kumaripas sa takbo ang bilis parang ibang iba siya.
Mga 30 minutes pa siguro bago dumatimg yung mga police at ambulance . Pag dating ng mga police , ambulance at Soco wla na yung tita ko imagine may 50 plus na saksak sa katawan ng tita ko. Ang sabi ng Soco Linagyan daw ng Unan yung mukha ng tita ko parang wlang makarinig.
Ayun namatay yung tita ko at nakulong yung tito ko . Pero , Nag paparamdam parin yung tita ko sa bahay at sa mga anak nila hanggang sa ngayon .. Minsan may naririnig kaming umiiyak at tumatawag sa mga anak niya. Sa ngayon wala ng nakatira sa compond kasi after mangayari yun may mga pangyayari na hindi maganda . Namatay din yung isang pinsan ko dahil sa bangungut. Minsan napapanaginipan namin yung lola ko pinapaalis kami sa bahay kasi malas daw yun . Pinupuntahan naman namin minsan para linisan yung nga bahay doon pero wala ng nakatira .
Salamat sa pagbasa . Sana nagustuhan niyo . 😁
#CTTO
Anti-Animal
Naalala ko lang yung kapitbahay kong kakalibing lang last month. Natagpuan kasi syang patay na sa sarili nyang bahay. Ang pangalan nya ay Mang Dino. Kilala syang manginginom, sabungero at higit sa lahat galit sa mga hayop. Ewan ko kung anong dahilan nya at galit na galit sya tuwing may dadaan na aso o pusa sa bahay nya or kahit makasalubong nya ito ay hinahabol nya ito at sinasaktan. Napatawag na nga sya sa baranggay ng ilang beses dahil sa pananakit nya ng aso at pusa ng iba, ang dahilan nya? Daan ng daan daw sa tapat ng bahay nya.
Maraming galit sa kanya. Dahil sa mga ginagawa nya sa mga hayop. Sabi ng kaibigan kong Tambay samin(Si Kevin), isang beses daw ay umuwi si Mang Dino ng lasing sa bahay nya, habang naglalakad papunta sa bahay nya ay may nakasalubong daw itong mga tatlong malalaking aso at apat na pusa. Hindi daw pamilyar si Kevin sa mga pusa at aso na yun parang dayo lang daw dahil kilala nya daw lahat ng aso at pusa sa lugar namin. Nasa madilim na lugar si Kevin at doon nag-iML. Patuloy lang sya paglalaro dahil for sure hahabulin nanaman ni Mang Dino ang mga hayop tas sasaktan. Pero iba ang nangyari daw noong gabi, kinausap daw ni Mang Dino ang mga Aso at pusa nang “Di kayo tatabi? Gusto nyong mamamatay? Kakarnihin ko kayo. Nagugutom pa naman ako.” sabay tawa. Inangilan daw si Mang Dino ng mga aso at pusa at sabay sabay na tinahulan si Mang Dino, hindi daw ganun ang usual na nangyayari pag nakakasalubong si Mang Dino ng mga hayop, nagtatakbuhan lang ng mga ito habng umiiyak dahil sa takot sa kanya. Kaya nagulat daw noon si Kevin at napatayo dahil baka lapain si Mang Dino nung mga malalaking Aso. Nakaready nang lundagin si Mang Dino ng mga hayop nang maisipan ni Kevin na tawagin si Mang Dino at lapitan. “Mang Dino! Hatid ko na kayo sa inyo, mukhang di nyo na kaya eh.” nagsitakbuhan daw ang mga aso at pusa paglapit nya at hindi nya na alam kung saan ito nagsusuot. Tumawa lang daw si Mang Dino at nag sabi “nakatakot satin yung aso at pusa toy ah.” at hindi na sumagot si Kevin. Pagkahatid nya kay Mang Dino sa bahay nila ay umuwi na sya.
Kinabukasan nagtataka yung mga kapitbahay namin dahil napakabaho ng lugar namin, amoy tae ng aso at pusa. Noong tinunton nila kung saan galing ang amoy ng Tae ng mga aso at pusa ay sa bahay pala yun ni Mang Dino. Nagtaka talaga kaming lahat kasi hindi naman nag-aalaga ng aso at pusa si Mang Dino kaya paanong magkakatae ng Aso at Pusa ang bahay nya. Kinatok nila ng kinatok si Mang Dino pero walang sumasagot kaya nagpatawag sila ng Baranggay Tanod para buksan ang bahay at nagulat sila sa nakita nila, napakadaming tae ng aso at pusa na nagkalat sa loob ng bahay ni Mang Dino, sabi pa nung tanod na nakapasok talaga hanggang sa pinakaloob ng bahay ay buong bahay daw maraming tae ng aso at pusa. At isa pang kinagulat ng lahat ay patay na si Mang Dino. May malalim na kalmot ito sa leeg at iba pang parte ng katawan nya. Hinala ng mga kapitbahay namin ay mga aso at pusa ang pumatay kay Mang Dino dahil obvious naman daw sa mga sugat nito at sa sobrang galit nila ay nag iwan pa sila ng mga tae, simbolo ng mabahong ugali ni Mang Dino sa kanila.
Hindi naman pinaniwalaan ng Tanod ang mga sabi-sabi, sinabi nito na baka may taong galit kay Mang Dino at gumawa lang ito ng paraan para hindi malaman ng lahat kung sino ang pumatay kay Mang Dino at mapaniwala ang lahat na Aso at Pusa ang pumatay kay Mang Dino. Pero naniniwala ang mga tao samin na parusa iyon ng mga hayop kay Mang Dino.
Pagkatapos ng Libing ni Mang Dino ay may pagkakataong biglang nagsisitakbuhan ang mga aso at pusa pag natatapat sa bahay nya. Hinala ng mga tao samin na baka nakikita parin ng mga aso at pusa samin ang kaluluwa ni Mang Dino sa bahay nya at tinataboy sila o hinahabol parin.
- Taurus
#CTTO
ECQ
Hi it’s me again Tris. Isa pa din po ito sa mga kwento ng Hotel Accomodation while ECQ.
Here it goes, Wednesday or Thursday nag-start tong paramdam ng kung sino man. Pagbalik sa hotel nakaugalian kong maghot bath, kaya lang habang nagiipon ako ng tubig sa bathtub biglang may kumalabog sa pinto namin. Which is so unusual kasi may doorbell ako and di naman activated yung do not disturb. Pinatay ko yung music. Yung itsura ng room namin is pagpasok ng pinto nasa right side yung cr, next is walk in closet, then 2 single bed and sa left side tv and study table. So going back, pinatay ko muna yung gripo para icheck kung may nagdoorbell kasi baka di ko lang narinig kaya kinalabog yung pinto. Kaya lang wala akong narinig na any sound. Naulit pa for the 2nd time, this time nagtapis muna ako para lumabas ng cr and tumingin sa peep hole para malaman kung may tao. Since wala ako nakitang tao binuksan ko yung pinto to make sure kasi baka may isa sa kateam ko nagbibiro, pero wala talagang tao. Naligo na ulit ako, inisip ko baka si Marco nantritrip na naman, katapat ko lang kasi siya ng room. 3rd time nangyari ulit siya but this time hininaan ko lang yung gripo then slowly naglakad ako sa may pinto para pakinggan. Ang narinig ko is may nagtatalo parang galit na galit yung lalake, nangingibabaw yung boses ng lalake tas may naririnig ako mga kalabog sa labas ng cr. Bumalik ako sa bathtub para ituloy pagligo ko kasi parang nasense ko na di siya normal.
The next day naulit siya at may kasama ng kalabog sa furniture sa labas ng pinto, pero di ko na pinansin kasi baka nga sila Marco lang yun. After magshower pumunta ako sa kabilang room kina Mia, nagutom ako and nag-ask if may stocks sila ng food. Sabi ng roommate ni Mia which is Shane, “Tris mag isa ka lang jan noh? tuwing mag isa ka jan at wala roommate mo dito ka nga mag stay. Kasi tuwing mag isa ka ang ingay sa room mo ang daming kumakalabog. At di ako naniniwala na ikaw yun dahil sa hinhin mong gumalaw”. Oh? e akala ko nga sa inyo galing yung kalabog e. Ilang araw ko na kasi naririnig kumalabog sa wall sa pagitan ng room namin since magkahilera rooms namin. “Ate Shane naririnig nyo din ba yung kalabog sa may pinto ng room namin? ang lakas kasi”. Bigla kumatok si Marco, “Ui ate Shane dito muna ako wala pa kasama ko sa room naiwan ko yung card sa loob e”. Ako nagtataka dahil ang iniisip ko kanina pa siya dumating kasi may kumakalabog sa pinto, kala ko kasi pinagtritripan niya ko. Di ko na lang sinabi baka matakot.
Saturday, di ako pumunta ng SM para bumili ng stocks ko since hinintay ko dating ng housekeeper. Gusto kong itanong if may something ba na nangyare sa room kasi may kababalaghan. Sabi ni ate HK wala naman daw kasi normal lang daw sa kahit saang lugar yung mga paramdam, maglagay lang daw ako ng asin sa ilalim ng bed at asin at isang basong water sa table at pinto. Dahil di siya nagsasabi ng totoo ikinuwento ko yung nangyari sa previous days. Ayun halatang gulat siya, “talaga maam?!! alam niyo po ba may nangyari dati dito sa hotel. May magshotang nag aaway, nagsisigawan at rinig na rinig sa labas ng room yung ingay pati kalabugan sa loob ng room rinig namin. Iniwan siya ng jowa niya kaya yung lalake po nagpakamatay”. Ako naman tumatango tango lang. Biglang sabi niya, “ai maam hindi po yun dito sa room niyo ah, sa 23rd floor po yun. Promise maam hindi po talaga yun dito, baka yung kaluluwa nun naglilibot lang sa buong hotel”. Sa isip isip ko, so nagelevator ba sila o naghagdan papunta dito sa room namin. Di ko na lang inintindi, kasi alam ko kinabahan siya baka magreport kami pag nalaman namin yung ganong kwento at magpalipat ng room.
Ayun hinayaan ko na lang. And sa magtatanong kung pano nagpakamatay yung guy, hindi ko na po tinanong kasi baka maimagine ko lang.
#CTTO
Babae sa Balete
Hi matagal na po akong reader ng spookify and this is the first time sharing my story, sana po mapost admin thankyou.
Ako nga pala si Sam (diko tunay na pangalan) matagal na talaga akong nakakakita ng mga kung ano anong mythical creatures, Pero itong ikekwento ko sa inyo is true story base on my experience, Mahal na araw noon nasa bundok kami nagbabakasyon kasama family ko and also mga relatives ko. Ang bahay na tinutuluyan lang namin noon is kubo at nasa tuktok kami ng bundok sa Laguna, so ang style nung kubo na tinutuluyan namin is pagpasok ng pinto kwarto ang nasa left side pero walang pinto then isang bed dito sa right side at sa uluhan ng bed is pinto ulit then sa gilid ng bed is may upuang kahoy, so open area ang kubo na tinutuluyan namin but may hinaharang naman kami don na yerong malaki, so ito na nga that night naglalaro ng pusoy or tong its yung mga kamag anak ko then kami magpipinsan nandito kami sa bed, sa pinto sa uluhan namin is sarado na pero dito sa may main door is bukas pa wala ng tao sa labas non dahil dis oras na ng gabe yon mga 10 or 11pm na yata non.
Lumabas yung kapatid ko non galing kwarto tas pumunta samin kung saan kami nakaupo bali madadaanan niya yung pinto na bukas, huminto muna saglit yung kapatid ko sa tapat ng pinto then napatingin ako sa kapatid ko nakita ko na may nakaputing babae sa likod ng kapatid ko at nakalutang ito di nakita ng iba kong mga pinsan yon at ng mga mas nakakatanda pero ako kitang kita ko hanggang sa napasigaw nalang yung kapatid ko sa takot at ako naman ay napaiyak dahil kitang kita ko talaga na nasa likod siya ng kapatid ko. Nagulat yung mga tita at mama ko kung bakit nagiiyakan kami dito sa may labas at yon na nga sinabi ko, ang sabi naman ng tita ko na yung babae sa balete ang nakita ko dahil yon ang lagi nagpapakita tuwing may dayo sa kanila, so lumabas yung tita ko at nagalit sumigaw tita ko at sinabi niyang “MINSAN LANG DADAYO ANG MGA KAMAG ANAK KO WAG MO NAMANG TAKUTIN SILA, DI KA NAMAN NILA INAANO KAYA WAG KANG MANAKOT!” yan ang sabi ng tita ko habang sumisigaw na nakatapat sa balete tree, ang balete tree is malayo layo din naman sa kubo kung san kami tumutuloy siguro mga 2apartment ang pagitan if ibabase sa mga paupahang apartment. So ayun na nga after sumigaw ng tita ko sumunod naman ang kuya ko (pinsan ko) nagpaputok ng boga sa sobrang galit at sumigaw din na “WAG KANG MANANAKOT AT DIKA NAMAN INAANO NG MGA PINSAN KO” (in visaya accent) after paputukin ng kuya ko yung boga parang nagalit ata yung babae sa balete dahil yung mga kaldero sa labas ng kubo is nagkandahulog at nagkalampagan pati yung drum na malaki is natumba at gumulong, Kaya mas lalo kami natakot ng mga pinsan kong mas bata sakin dahil sa nangyare.
Kinaumagahan mga alas dos ng daling araw nagdatingan na ang mga tito ko at papa ko dahil galing silang sapa upang manghuli ng palakang bukid, nakwento namin sa kanila yung nangyare dahil nadatnan nilang gising lahat mga matatanda at kami ng kapatid ko, napagusapan nilang mga matatanda yung nangyare kanina at nagulat nalang sila nung nakita nilang may babae nga sa balete, ang papa ko ay marunong magtawas dahil namana niya din ito sa lola niya kaya inuna nilang gawin yon sa tawas at ang nakita sa tawas ay babae at may kasamang aso, dalawang beses nagtawas si papa isa sakin at isa sa kapatid ko, parehas na parehas ang lumabas sa tawas at yon na nga nakwento ng tito ko na yung nakita sa tawas e ang babae sa balete at yung aso ay alaga niya na namatay naman sa balon, ang babae na iyon ay nirape doon sa balon nung sinaunang panahon bago pa nila mabili ang bundok na iyon, nirape daw ng mga lalaking mangangaso ang dalaga habang naliligo sa balon kasama ang alagang aso, at doon na din namatay nilunod sa balon at simula non dina nanahimik ang babae at nanirahan sa balete.
Thankyou po sa pagbabasa, abangan niyopo ang susunod na kwentong spookify ng aking buhay.
-sam
#CTTO
Radio Factory
Isang Abandonadong Radio Factory ang makikita sa bayan ng Cavite . Taong 2007 umano ito inabandona ayon sa tagapagbantay ng lugar. Maaring totoo,base na din sa pinaka-latest na taon ng kalendaryo na nakita ko sa loob ng pabrika.
9 PM - Oras na para ikutin ko ang lugar. Bago ako pumasok napansin ko ang isang malaking puno sa gilid ng pabrika, sa di kalayuan merong mga maliliit na statue . Ngunit ang agaw pansin dito ay yung parang Chinese statue na nakatalikod , muka syang Budha o parang elf ?. Ang weird lang kasi bigla kaming napaurong pagkakita. Iba kasi ang pakiramdam pag titingnan mo , parang sinadya sya na italikod at isulok sa halaman. Madaming beses na kasi kami nakakita ng mga bagay na kagaya neto sa aming napupuntahan , minsan mga manika ang nakikita namin.
Ayaw namin hawakan kasi may mga pangyayari na nagkakasakit after hawakan o kaya iuwi . Meron pa ngang kwento na nag-uwi sila ng parang bagay na kagaya ng ganon sa kanilang Bahay at ang nangyari ay parang nag-iba na yung atmosphere sa paligid. May nakapag kwento Kasi sakin na after daw mag-uwi ng kaibigan nila ng bagay galing sa abandonadong lugar, ay nagkaroon na ng mga apparition sa kanilang Bahay. Nagsumbong kasi ang kapitbahay nila na may nakita umano syang batang mahaba ang buhok na bumababa ng hagdan sa oras ng ika-3 ng Umaga.
Pagpasok ko dito , namangha ako sa lugar dahil sa mga gamit na naiwan dito , Nostalgia kung tatawagin dahil makaluma ang mga gamit na aking nakita. Maaring yung iba dito ay may mga sentimental value na. Mula taong 1996 hanggang taong 2006 na mga kalendaryo , lumang computer , furnitures , disenyo ng mga pinto at marami pang iba .
Mag-isa akong nag-iikot sa unang kwarto sa ibabang bahagi ng pabrika, nagkalat ang mga papeles , mga sirang dingding at meron pang mga parte Ng sasakyan. Dito ko din nakita ang mga gamit sa pag-gawa Ng radyo. Habang nasa loob ako ng kwartong yun, may mga boses o ingay ako na naririnig ang weird kasi di ko maintindhan. Di ko na din namamalyan at habang nag-eedit ako ay may narinig akong naglalakad sa tabi ko . Ako lang nmn mag-isa dun , paglingon ko sa kbilang side habang papasok Ako ng Isa pang kwarto , Meron na nmng yapak akong narinig .
Sa doong bahagi din nakaramdam ang huling pumasok na si MGX , na experience nya kasi na parang binato sya ng stapler . Dali dali syang lumabas sa kwartong iyon , nagkasabit - sabit pa nga ang dala nyang bag sa pagmamadali na makalabas sa kwarto.
Nakapangigilabot ang pakiramdam sa iba pang palapag ng lugar , Lalo kapag mag-isa ka. Pakiramdam mo ay nakatingin at nakikiramdam lang sila sa paligid mo .
Imprints ang tawag sa mga naririnig nmin na mga weird sounds sa paligid , maari kasing dating masayang pabrika ito bago inabandona, maraming mga memories Ang naiwan SA Lugar noong itoy nag ooperate pa. Kaya may di kami maipaliwanag na mga boses ang naririnig.
Huling inakyat ko Ang pangalwang bahagi ng Lugar , namangha Ako sa mga nakita ko- mga lumang bote ng Ng soft drinks at kung Anu pa . Nakakamangha kasi kayamanan na ito at may mga halaga na ang mga lumang bote . Pinagpatuloy ko lang Ang pag-iikot at may humampas sa aaking hangin na nagdulott sakin Ng pagkakilabot , nasabi ko na ngang “nakakakilabot” . Parang may mga tumitingin sakin sa paligid. Idagdag pa yung biglang paghina Ng flashlight ko Kaya tinapos ko Yung pagiikot at baka maubusan ng laman ang flashlight ko at mahirapan ako bumaba at lumabas dahil sa sobrang dilim.
Makalipas ang ilang araw , nakapag-usap usap kami at nasabi Ng Isa nming kasma na parang may nang-gugulo sa knila , Yung parang may iba silang nararamdaman ngayon sa knilang bahay. Sinabi NGA ni MGX baka dahil sa huling pinuntahan Ng tao na iyon , sa sementeryo . Ngunit naalala nmin na humingi sya sa nagbabantay ng lumang bote , baka may naiwang alaala dun ng gumamit.
Sa nais mapanuod Ang full video Ng exploration na ito , click mo lang ang link : https://youtu.be/cM5UmyyvJVQ
#CTTO
Patay na Bundok Pt. 1
February 05, 2021 araw ng biernes habang naka quarantine parin ang ibang mga empleyado may mga empleyado naman na balik trabaho na di tulad ng dati na masyadong siksikan ang mga tao sa LRT station one set apart parin kapag kaunti ang tao. nasa J.ruiz staion ako noon at may naririnig akong mga kababaihang nag uusap sa wikang Ilonggo dahil hindi nila alam kung saan banda ang hinahanap nila sa cubao kaya nag presenta na lamang ako sa kadahilanang mga kababayan ko sila mula sentro ng kabisayaan sa negros. kahit sa Betty Go Belmonte station ang baba ko ay nagpaunlak na ako na tutulungan ko silang hanapin ang hinahanap nila sa cubao…
…at noong sa Gilmore station na napansin ko na parang familiar ang babae sa akin. ang boses nya at mga mata hindi madaling makilala dahil sa face mask at face shield pero alam ko sa sarili ko na kilala ko sya at sabi ko sa kanya na hawig nya sa mata ang dati kong kaibigan na si ivory. agad naman itong nagulantang sa sinabi ko pati narin ang dalawang kasama nito sa sinabi ko… “ivory ano ang apelyido?” wika ng babaeng naka face mask at naka face shield…”ivory camposano “ sabi ko…”what?!?!” saad ng tatlo na nagkasabay pa sa pagkasabi…
…”paano mo agad akong nakilala?!?! ako nga ito” saad nito at agad na bahagyang inalis ang face mask at face shield at nagulat ako sa nakita ko si ivory nga hindi parin nagbago ang maamo at maganda nitong mukha nababanaag parin ang natural na angking ganda ng labi at ilong kahit lumipas na ang mahabang panahon. kung hindi ako nagkakamali ay 15 years kaming hindi nagkita ni ivory at hindi ko rin sya nakita sa facebook dahil arabic name ang pagkasulat sa pangalan nya., napatda rin ako sa nakita ko “oh ikaw nga ivz!!!… kamusta kana tagal din natin di nagkita” saad ko sa kanya…
…”teka teka bakit parang hindi kita maalala?!?” sabi nito sa akin…”madali lang maaala ivz mabanggit lang ang salitang patay na bundok” wika ko sa kanya…
…“ay Oo nga…vincent ikaw ba yan?!?!” saad ni ivory… “Oo ako nga ivz at di ko inaasahan na magkikita pa tayo dito sa manila pagkalipas ng labing limang taon”. sabi ko sa kanya at doon ko narin nalaman na flight attendant pala ito sa etihad airways at pabalikbalik na ng Pilipinas…
…at sinabi ko narin sa kanya ang kalagayan ko dito sa manila ngayon at napag kwentohan namin ang mga nangyari sa patay na bundok habang nagbabalik tanaw kami sa nakaraan ay sya naman ang masusing pakikinig ng dalawang babaeng kasama ni ivory na tila ba manghang-mangha sa mga nangyayari…
…habang nagtatawanan ay pilit akong pina-pakwento ng isa sa kasama ni ivory at sinimulan ko ngang isalaysay sa kanila ang lahat para mas malinaw kung papaano kami nagkakilala ng kaibigan nilang si ivory at ito ang kwento namin ni ivory…………
…”april 2004 noong mag reunion kaming magkaka batch sa pribadong paaralan sa negros, tawagin nyu nalang akong vincent locsin garin Batch 2000 kami nag graduate ng high school. at pagkalipas ng apat na taon nagkitakita ulit kami dito sa ribadong school namin sa negros para sa isang school reunion. kakatapos lang naming mag graduate nun sa college at dahil sa parañaque ako nag college apat na taon din hindi kami nagkita kita nila owen, allen, paul at elmo sila ang mga tropang dikit ko nung high school. kanya kanyang kumpulan ang mga grupo ng mga batch namin habang nakikinig sa event sa aming school…
…kami namang lima naka upo sa ilalim ng malalaking punong acacia habang nag pla-plano sa lugar na pupuntahan namin. forestry ang club namin noong high school at nag tre-tree planting kami sa iba’t ibang lugar ng Bacolod. In short may mga karanasan kami sa outdoor. nabangit nga ni owen na may napaka gandang maliit daw na falls sa pupuntahan namin at wag kaming mag alala may kilala syang guide na makakasama namin. at hindi lang yun “virgin forest” daw ang pupuntahan naming lugar at wala pa raw may naka akyat sa bundok nayon kaya excited kaming lima…
…ang gustong mangyari ni paul ay isama pa ang mga babae naming mga ka batch para raw mas masaya at exciting kapag naliligo sa mini -falls na binibida ni owen sa amin. Kaya nag imbeta kami ng limang babae para partner partner kung sakali. at napag usapan naming magkita kita kami sa harap ng mcdonalds sa lacson street next week ng alas quatro ng hapon na may dalang mga flashlight o headlamp, rain gear, tent, tig isang kilong bigas, tubig, chi-chiria at alak…
…pagkalipas ng isang linggo, alas cinco ng hapon kaming lima naghihintay na sa mga babae naming kasamahan. pero di parin sila dumarating na txt na lahat lahat wala paring reply kaya inabot kami ng alas syete sa paghihintay sa kanila. ako, si owen, allen, paul at elmo kami lang desedido talaga na Indian kami ng mga ka-klase naming mga babae kaya nag desisyon kaming lumarga na. dahil alas syete na may dalawang option kami night trek or madaling araw na trek…
Take note: tatlong beses naming tong sinubukang akyatin at ito ang una (2004), pangalawa (2005), pangatlo (2006). …hindi ko na babangitin pa ang pinaka detalyadong lugar na ito bilang respeto sa mga mamayan ng lugar na ito. at para maiwasan ang pagkasira sa imahe ng lugar at sa mga taong naninirahan sa lugar na ito…
… sa paanan ng bundok doon namin nakilala si jr kung tawagin sya ay “jr lapad” dahil laging may tanduay na lapad sa bulsa kaya nabansagang “jr lapad” at sya ang magiging guide namin na tropa ni Owen kaya mag aalas dyes na ng umahon kami. para di kami makita ng mga tanod or locals na taga doon kasi nga pinag babawal umakyat sa taas nun dahil sa mga sabi-sabi at mga kwento kwento na marami na mga taga manilang umakyat dun at iba ay din a nakabalik at meron pang nabaliw nung bumaba at noong 1970’s may magsing- irog na foreigner na pumanhik sa taas pero din a naka baba pa…
…1970’s din na pumutok ang balitang may taga manilang mga mountaineer na umakyat doon at pitong araw na hindi naka baba. at nung naka baba na ang sabi ng mga mountaineer ay nag over night lang daw sila doon sa taas ng bundok., at isa yan na sumikat na kwento sa lugar nayon. ako personaly naniniwala sa ganun at sa salitang “Phenomenon”. at marami na raw na mga locals doon na umaakyat at hindi pa nakabalik pa. hindi namin alam kung tinatakot lang kami ng taga doon o kwentong kutsero lang para hindi kami tumuloy sa misteryosong bundok nayon…
…sanay si Owen sa night trek dahil sa baguio sya nag college mga ilang bundok narin mga na akyat nya tulad ng Mt. Pulag (Benguet), Mt. Timbak (Benguet), Mt.Tabayoc (Benguet), Mt.Ugo (Nueva Vizcaya), Mt.Palali (Nueva Vizcaya) at Mt. Amuyao (Ifugao). kaya sa aming anim sya ang may karanasan talaga kaya sya ang pinaka likod or sweeper kung tawagin at si Jr. lapad naman ang lead or guide. nung paakyat na kami dito ko natutunan ang tinatawag na “halik sa lupa” bilang isang respeto. ayun nga kay Jr lapad magpakumbaba tayo sa nagmamay-ari ng kalikasan di man natin sila nakikita atleast nagbigay tayo ng respeto. kaya first time naming yun na humalik sa lupa ng bundok. nagpatirapa kami at sabay-sabay na humalik sa lupa bilang pag bibigay galang sa lugar…
…pagkatpos nanalangin kami na pinamumunuan ni Owen after nun larga na kami pataas.,walang wala sa isip na mga kasama ko ang kababalghan sa lugar nayon ang tanging hangad lang talaga nila ay makita ang magandang mini falls na binibida ni Owen. at lingid sa kaalaman nila ang experienced ko sa manila tahimik lang ako at nagmamasid sa paligid. nakakaramdam ako kilabot lalo na at gabi at haunted ang bundok na pupuntahan namin kaya naka handa ako anytime ano man ang mangyari…
…si elmo ang pinaka maingay sa amin sa trail. salita ng salita na kahit na ano at panay ang tawa.,si paul ang pinaka matatakutin kaya sabay sila ni owen sa likod. kami naman ni allen ang sumusunod kay jr lapad.,sobrang dilim ng lugar tanging headlamp lang namin ang nagbibigay liwanag sa paligid. kung pagmamasdan mo ang paligid. maraming mga malalaking kahoy at may kahoy din na walang mga dahon kung isalarawan ay nag e-ekis ekis ang mga sanga ng kahoy,sobrang kapal ng mga lumot sa lugar ng mga kahoy nag papahiwatig na hindi talaga nadadaanan ng tao…
…kung pagmamasdan mo naman ang paligid. mga malalaking dahon ng halamang gabe ang makikita mo kumikintab ito dahil sa hamog at umaambon ambon ang paligid. pero pag tiningnan mo ang mga dahon sa taas ng naglalakihang mga puno hindi mapigilang tataas ang balahibo mo dahil hindi rin mapigilan na maglalaro sa isipan mo na kung halimbawang may magpakita sa taas o kung may tumalon bigla?!?! Baka mataranta kaming bigla… kaya iniiwasan naming lahat tumingin sa taas dahil nakakatakot ang klase ng punong nakikita naming kung tawagin ang mga puno na iyun ay “majestic almaciga tress” parang mga puno sa horror movies. kaya iniiwasan din naming wag masyadong malayo ang agwat sa isa’t isa. compact and rigid talaga kami as in dikit dikit…
…malayo na ang nilakbay namin. nakaramdam na kami ng pagod, hingal, gutom at pagka uhaw. nagpahinga kami sandali sa malalaking mga bato na pinalilibutan ng green na green na lumot at habang nagpapahinga sya naman ang walang tigil na paalala sa amin ni jr lapad wag na wag magkakalat,wag maingay, walang pipitas na kahit na anong bulaklak, wag sisipol at wag tuturo wag mapalayo sa kasama dahil ito na raw ang pinaka haunted na part ng bundok. at dahil walang dalang relo si jr lapad nag tanong sya ng oras sa amin ang sagot ko ay 1:45am at ang sagot ng mga kasama ko 2:30am,3:20am at 4:04 at sabi ni owen di na umander ang relo ko alas dyes parin…
(sa pangalawang akyat namin taong 2005 ganitong ganito rin ang nangyari tumigil ang mga relo namin)
…ang maingay na si elmo kanina ay naging maamong tupa at ang sabi nya “pre iba na to ah” parang kinikilabutan ako sa leeg. sabay sabi ko na feeling ko mag aalas dos palang talaga kung babasihan ang lakad natin maaring 2:30am pero hind maging 3:30am or 4:00am imposibly yun kako sa kanila.,at dahil nga sa takot lumapit na si allen at paul samin kaya shoulder to shoulder na kami. maliban kay jr lapad na nasa harap namin. at nagpasya si owen at jr lapad na maghahanap nalang kami ng patag na lugar at dito nalang muna kami magpapalipas ng gabi at kapag may araw na saka na ulit kami lalakad…
…dahil gutom na nag-luto narin kami ng noodles at nag kape at napag decisionan narin naming na sa isang tent nalang kami lahat matulog sa apatang taong tent na dala ni owen at kahit anim kami kasyang kasya kami doon sa loob ng tent ng dahil sa takot sa lugar. talagang kakaiba ang lugar feeling naming lahat may nagmamasid sa amin sa paligid lang di maikaila na hindi kami komportbly sa lugar. sobrang lamig ng lugar dahil sa ihip ng hangin na parang galing sa chiller at nag fo-fog ang lugar na iyon na sobrang kapal na para bang nasa paanan ka ng mt.kanlaon. at mararamdaman mo ang hampas ng malamig na hangin sa mukha mo at leeg mo na syang nagbibigay kilabot sayo…
…lights off nasa loob na kaming lahat ng tent tapos nang mag yosi at tapos naring umihi. sabi ni jr lapad bukas kapag may umihi sa inyo pag lumabas kayo dapat dala-dalawa kasi may nangagaya daw ng mukha sa mismong lugar na namin na iyun. nag time check ulit ako sa relo ko 1:50am nag taka ako at sinabi ko narin sa kanila na mga tol 1:50am palang pero ang dami na nating nagawa last time check ko is 1:45am nung nag tanong si jr lapad kako.,at sabi nga ni owen wala na napag laruan na kami or na katuwaan na tayo.,dahil sa takot nag talokbong nalang kami ng mga kumot namin. dala narin ng sobrang lamig at ang masaklap pa medyo lumakas ang ambon kanina na kanina lang ay kaunti palang ang patak…
…kaya ang maririnig mo sa loob ng tent mula sa labas ay ang patak ng ulan sa dahon, matining na ugong ng hangin, huni ng palaka, huni ng ibon o paniki, huni ng kuliglig at ugong…ugong na hindi naming lahat ma intindihan sounds like ugong ng eroplano. Pero hindi talaga tunog ng eroplano may kunting hawig lang., at ayun nga kay jr lapad maraming mga bagay bagay pa raw na pinaparamdam ang bundok na iyon at isa daw itong santuwaryo na hindi maipaliwanag na mga elemento. at dahil sa mga kwento ni jr lapad lalong nag baloktot mga katawan namin habang naka taklob ng kumot…
…doon ko napatunayan na nakaka hawa ang pagiging matatakutin kapag natakot narin ang mga kasama mo., pero kung di sila matatakot hindi karin magpapakita ng takot.,napansin naming lahat na mahaba ang gabi hindi kami maka tulog. panay ang bulungan namin at sabi ni paul pano nalang daw kung natuloy mga batch naming babae di durog na…sabi naman ni elmo mas okey daw yun kasi nga may kayakapan.,nabasag nalang ang bulungan namin ng nag sabi si allen “parang may kumakanta”…
…nagsiksikan kami lalo dahil sa sinabi ni allen…tas sabay sabi ni owen na “ tangina may kumakanta nga” sabay tanong ni owen kay jr lapad na may bahay bang malapit dito pre?!?!…sabi ni jr lapad “wala pre at impossibling magkaroon ng bahay dito” at doon na ako nakaramdam ng parang binuhosan ng isang balding nagyeyelong tubig sa kilabot ang buo kong katawan. At napa tiklop ng husto sa pag kakabaloktot ang katawan ko habang naka saklob ng kumot. At dahil sa magkabilang dulo kami ni owen si allen at paul sa gitna namin at sa paanan naman si elmo at jr.lapad at rinig na rinig namin ang mahinang mahinang tinig ng kanta ng carpenters na “solitaire” na boses na boses ni Karen carpenter…
(paki check nalang mamaya sa you tube ang solitaire ng carpenters kung di nyu alam ang kanta.)
…ang kilabot sa katawan ko di matapos tapos sa batok…sa baba…sa leeg…habang ang katabi ko naman alumpihit sa hinihigaan nila hindi mapakali habang naka baloktot ang katawan dahil sa lamig at basa ng ulan at ihip ng hangin na tumatagos sa tent namin. Kahit sabihin pang tadpole type tent ang tent namin.,
…nag ra-rhyme sa patak ng ulan…matining na ihip ng hangin…huni ng ibon o paniki at huni ng kuliglig sa mahinang mahinang boses ni karen carpenter na hindi namin alam kung saan ang pinangagalingan ng boses…anim na beses na paulit ulit ang kantang yun…
…para kaming mababaliw sa takot nung gabing yun…si jr lapad lang ang nagpapatibay ng loob namin na wag lang daw naming pansinin kung ano man ang mga naririnig namin dahil hindi daw yun totoo at illusion lang daw yun na syang nagpapahina sa loob namin. ang haba ng gabi hinintay namin mag umaga dahil hindi narin kami lahat maka tulog sa pakikinig ng mala engkantong kanta kaya nag talokbong nalang kaming lahat habang nag uusap para matapos na ang gabi at makapag larga na ulit kinabukasan…
…at di ko namalayan na naka tulog na pala ako at nung ma alimpungatan ako napansin ko na tulog na tulog na mga kasamhan ko. sa isip isp ko salamat at naka tulog din sila. Kahit may pag dududa sa oras na sinubukan ko paring silipin kung anong oras na sa relo ko 2:10am hindi parin talaga kami naka alis sa mundo ng illusion sa isip isp ko. Pinalakas ko nalang ang loob ko. dahil kung ako ang tatanungin sa lalim ng tulog ko maaring dalawa o tatlong oras akong nakatulog…
…hindi na ako naka tiis ginising ko na silang lahat si owen lang at ako ang gising ang hirap gisingin ng mga kasama ko hmmm…hmmm…hmmm…yan lang ang tugon. kaya sinabihan ako ni owen ng wisikan na natin ng tubig sa mukha at yun nga ang ginawa naming dalawa., nung na himasmasan na silang apat. napag pasyahan naming lumabas ng sabay sabay sa tadpole type tent…nagulat kaming lahat sa kapal ng fog o mist as in sobrang kapal at sa tantya ko mga nasa 5:45am mga bukang liwayway yun dahil lumalabas na ng kunti ang liwanag natatabunan lang ng usok ng fog o mist…
…sa sobrang kapal ng fog/mist kapag lumayo ka sa kasama mo ng dalawang dipa sapatos nya nalang ang makikita mo. Di kami makahanap ng water source ng dahil sa kapal ng fog at zero visibility ang paligid at isa ito sa mga delikadong nangyayari sa kabundukan na kong titingnan mo sa malayo ang isang bundok ay yumayakap ang ulap sa katawan nito. ito ang madalas na mangyari sa Mt.Iraya ng batanes at Mt. Mayon ng albay ayon sa lumang paniniwala kapag ganito ang nangyari automatic abort mission. may nag babadyang panganib kapag ganito ang nangyari sa kahit saang kabundukan sa Pilipinas…
…”ang patay na bundok ng negros bahagi ng Mt.Mandalagan mountain range mula sa silay city at dumudogtong sa don salvador benedicto. 105.3 Kilometers ang layo ng distance ng silay city sa don salvador at ayun sa mga nakakatandang mga mountaineers sa negros 30% palang ang naakyat sa Mt.Mandalagan mountain range at may 70% pang untouch na mga area sa kahabaan ng nasabing bundok.sa Silay City matatagpuan ang “tinagong dagat” isang tanyag na lugar sa mga hiker sa Bacolod dalawang oras pa mararating mo na ang “sulfatara” na tinatawag na land of sulfur na malapit sa campuestuhan “silay peak” at ang don Salvador naman ay “tonyos peak”, “jomax peak”, at “hiligaynon peak” bihira lang ang nakakaakyat dito. sa barangay patag naman doon ang “marapara peak” Sa kabilang ibayo naman makikita ang Mt. Kanlaon sa Canlaon City na makikita sa pagitan ng Negros Occidental at Negros Oriental at approximately 30 kilometers southeast ng Bacolod city…
…maya maya pa lumakas na naman ang ulan pumasok na kami sa loob ng tent habang nagkakape at nag no-noodles binuksan narin ang dala naming tanduay rhum para pangkontra sa lamig ng paligid. Naging paksa ulit naming ang kumakanta kagabi at agad kaming sinabihan ni elmo na wag nang ipaalala o bangitin pa kasi mas lalo lang daw naming tinatakot ang mga sarli namin. Maya maya pa’y nakisuyo si jr lapad na silipin sa pintuan ng tent kung foggy pa sa labas at dahil si paul ang pinaka malapit sya ang sumilip sa labas. Pag bukas na pag bukas ni paul ng zipper ng tent pinasok agad kami ng hangin na may halong putik at mga dahong maliliit at malalaki…
…na kung susuriin imposibleng mangyari kasi tadpole tent ang tent namin hindi yun basta basta pasukin ng hangin. Wala na kaming nagawa kundi pumikit nalang at dahil may mga dahon at putik narin ang kape at noodles namin di na kami kumain. at sabi ni jr. lapad kelangan na naming mag ligpit at bumaba dahil iba daw ang pakiramdam nya ngayon lang nangyari ang ganito na para bang pinag-kaitan kami ng panahon at tila bang pinagtatabuyan kami ng kalikasan…
…agad kaming nag ligpit sa pinaka mabilis na paraan na alam namin at pagkatapos naming mag ligpit nag tayo kami at nag Pray gaya ng dati si Owen ang nag lead at habang nag sasalita si owen naririnig na naman namin ang “solitaire” na kanta ni karen carpenter. napamulat kaming lima sabay sabay sa narinig.,tuloy tuloy lang si owen at hinabaan nya pa ang Panalangin na para bang nakikipag kumpetensya sa demonyo o kung anong elemento man ang naroroon sa mga oras nayon…
…ramdam ko ang takot ng mga kasamahan ko napatakip ng tenga si elmo sabi ni jr lapad wag mong takpan at labanan mo nong mag sambit na nang Amen si owen. Nag sabay sabay narin kaming mag Amen at sabi ni jr.lapad “halik sa lupa”…”halik sa lupa” agad kaming humalik sa lupa pag katapos naming humalik sa lupa.kanya kanya kaming larga pababa nag papabilisan na kaming bumaba ng dahil sa takot na baka mahuli ka or baka may biglang humawak sa paa mo., o di kaya’y may biglang hahawak sa braso mo na isa sa mga ugat ng puno., o di kaya’y may hahablot bigla sa backpack na dala mo habang bumababa., or else mas worst baka may mag aba sayo na ibang elemento…
…kahit sabihin bahagi ng isipan lang naming ang tumatakot sa amin sa trail hindi mo maiwasan matakot dahil rinig na rinig namin mismo ang kantang “solitaire” hindi lang isang beses kundi maraming beses at sinundan pa kami pababa…naligaw ligaw pa kami pababa ng dahil sa taranta at takot narin na hinaluan ng kaba at pag alala na baka mahuli ka.,kaya wala na kaming pakialam kung masugatan kami sa trail,kung madulas dulas kami sa trail, kung magasgasan ang mga paa at braso namain sa trail. Ang importante makatakas lang kami sa boses nayon at sa haunted na lugar nayon na tinatawag na “patay na bundok”…
…sa bundok kahit hindi namin nakita ang araw alam naming na dumaan ang umaga at tanghali kaya inaasahan naming na pag baba namin ay tanghali pero takip silim na sa taas ng bundok dahil nga siguro sa ulap na yumayakap sa bundok na ito kaya hindi naming makita ang liwanag ng araw na sya sana ang magbibigay ng pag-asa sa amin sa likod ng mga nangyari sa amin…tuyloy tuloy ang paglalakbay namin pababa walang pansinan, pabilisan at walang ng pakialaman kahit ihing ihi na ako., inihi ko nalang sa brief ko total umuulan naman. at ganun na nga ang nagyari bumababa ako sa trail ng umiihi habang umuulan mahirap na mapalayo sa kasama ng dahil sa kapal ng fog…
…sa paanan na kami ng bundok yung kaninang takip silim na sa taas ng bundok ay dapit hapon palang sa ibaba ng bundok at doon naka hinga kami ng ng maluwag…humiga kami sa carabao grass at nag relaks nag sindi ng yosi at dinama ang sarap ng simoy ng hangin. nag apir sa mga kasamahan na ibig sabihin success ang pag-baba namin., hindi man namin narating ang magandang mini falls na sinasabi ni owen atleast nakita naming ang ganda ng fog sa o mist sa taas na doon ko lang unang nasaksihan ang ganun ka kapal na fog o mist sa boong buhay ko…
…napa ngite kami sa nangyari isang magandang karanasan nanaman na ang na experienced ko sa lugar ng negros at iipunin ko yun na parang treasure sa buhay ko…dahil hindi lahat at nakakaranas ng ganito…at hindi lahat nakakapag lakbay ng ganito…at doon ko napag tanto na ang mga karansan mo ang syang mag-tuturo sayo…
…hanggang sa sa makarating na kami sa bahay nila jr lapad may maliit itong tindhan at pagkatapos naming maligo at mag bihis doon namin tinuloy ang inuman at kwentohan kasama ang mga kapatid at pamangkin nya na tulala sa mga salaysalay naming sa isa’t isa ganun din ang amat at ina nya na syang nagpatuloy sa mga hindi pa maipaliwanag na bagay sa nasabing bundok…
…at doon na kami nagpalipas ng gabi…hanggang sa makauwi kami kinabukasan…madaling araw kami umalis at nangakong babalikan ulit namin ang “patay na bundok nayan” kaya pagkalipas ng isang taong taong 2005 saka naming binalikan ang mahiwagang bundok ng mt. mandalagan mountain range…
…AT IBANG MYSTERYO NAMAN ANG NAGHIHINTAY SA AMIN… 12 MONTHS LATER YEAR 2005
…taong 2005 taong 2005 tanging txt at friendster palang ang komunikasyon nun. Kaya sa txt at friendster lang kami nag uusap ng mga troopa at batch ko noong high school gaya ng dati nag kita kita uli kami sa Mcdonalds lacson St. Bacolod City at marami narin ang mga nag bago. Lampas Isang taon mula noong umakyat kami sa “patay na bundok” ng Negros. Marami na kami ngayon e kumpara sa nakaraang taon. Dahil nga hindi naniniwala ang mga babae naming isasama sana noon at sumama na sila ngayon. Pero dalawa lang sa batch naming babae ang sumama yung tatlo kaibigan nila sina ivory, hazel, at edraline or edz…
…at yung batch naming sumama sila michelle at Jennifer o Jen sila yung mga CAT (citizen army training) officers namin noong high school. sila ang mga malalakas ang loob na mga babaeng nakilala ko. Kaming mga lalaki naman ako si owen at si elmo nalang. nakapag trabaho na sa makati, Mmanila si allen noong time na yon at nakapag abroad naman na si paul sa singapore. at si jr lapad naman buhay pa at may sinamang dalawang malulupit na alalay na sina pokart at brian…
… sa paanan na kami ng bundok. sa pagkakataong ito bago ang battery ang relo namin ni owen at elmo kung sakali mang may phenomenon na dumating ulit. naka handa kami sa anomang manyari. bahala na si Lord yan ang nasa isip ko. kami lang nila owen, elmo at jr lapad ang talagang saksi sa lahat. sinabihan din namin ang dalawang batch namin pero hindi sila naniniwala at yung tatlong magagandang kaibigan nila hindi na namin sinabihan baka matakot at alam din nila pokart at brian kung ano ang meron sa “patay na bundok”.
…8:00am pagkapos naming manalangin humalik kami sa lupa gaya ng ng nakagawian namin at larga na agad kami pataas. Di katulad noong 2004 night trek kami kaya hindi naming masyado nakita ang angking ganda ng nasabing bundok. Pero ngayong umaga na mapapa wow ka sa green na green na mga dahon mga makakapal na lumot na yumayakap sa mga punong kahoy mossy forest ang makikita mo sa paligid at ang nagliliparang flying fox at flying lemurs sa taas ng mga puno. Dagdagan pa ng mga wild flowers na iba’t ibang uri ng orchids na syang nagbibigay pansin sa mga kasama naming kababaihan…
…at sa banda itaas pa doon mo naman masasaksihan ang mystical forest ng bundok hindi namin ito napansin nung gabing umakyat kaming dahil sa dilim. Ngayon lang namin nasaksihan ang kapal ng “fauna at flora” ang fauna ay naturally occurring indigenous native plants like fungie and algae. At ang fauna naman ay refers to the animals life. living in particular in geographical area like grassland, forest, flowering and non flowering plants and trees…
…kaming apat nila jr lapad, elmo, yoen at ako nagmamatyag sa oras para hindi kami malinlang gaya ng dati dadaan na kami sa mga punong walang mga dahon na kung tawagin sa wikang banyaga ay “majestic almaciga trees” ito ang punong walang dahon na nakikita lamang namin dati sa mga horror movies at tinatawag din itong flora trees. sa pagkakalam ko punong sinukuan ang tawag nito sa atin ang sinukuan ay isang katawagan sa punongkahoy sa kabundukan na may kahiwagaan (misteryo o himala). walang tiyakan kung anong uri o tawag sa kahoy na ito…
… ang palatandaan nito ay mapupunang nakayuko ang lahat ng halaman o punong kahoy na nakaturo sa kaniyang kinatatayuan. ayon sa mga mahilig sa mistisismo o lihim na mga karunungan, ang kahoy at dahon ng punong ito ay may bisa sa panggagamot sa di karaniwang karamdaman o gawa ng di nakikita. ayon din sa kanilang kabatiran, ang punong kahoy na ito ay mapanganib lapitan lalu na kapag may liwanag ng araw o buwan. ito ay sa dahilang ang anino nito ay makapangyarihan para maparalisa ang sinumang tamaan nito kaya malamang na mamatay….
… may balita na ito ay masusumpungan sa liblib ng Bundok Itim sa bicol, dito sa tagong bundok ng negros at ilang bahagi ng kagubatan sa mindanao. ang mga salaysay tungkol sa sinukuan sa katagalugan ay di mapatunayan dahil nangasira na ang lahat halos ng kagubatan sa nasabing rehiyon. mahirap man ipaliwanag at paniwalaan ito, ang kahoy na ito ay isang sagisag ng hiwaga at misteryo sa kabundkan at may kaibahan ng kalikasan…
…at dumating na nga ang kitakatakutan ko dumilim na ang paligid dahil hindi ito nasisikatan ng araw dahil kumukubli ito sa isa pang bundok sa likod nito. Pa unti unti nang lumalakad ang fog o mist sa lugar namin dahandahan naring pumapatak ang ambon at yumayakap narin ang malimig na hangin sa katawan namin. dito na kami nagkatinginang apat (ako,owen,elmo at jr lapad). habang tuwang tuwa ang kasama naming mga babae lalo na si ivory na tila bang ngayon lang naka kita ng fog sa buong buhay nya. at si hazel naman sa sobrang tuwa ay napasigaw ng “thank you Lord” na sya namang sinaway nila pokart at brian…
…kung sino pa ang nakakaalam sa lugar yun pa ang mga walang imik samantalang ang mga walang alam sya naman ang sigawan at tawanan na kahit anong pakiusap ng mga alalay ni jr lapad ay di paring maiwasang tumili at lumiyad na tila bang nag papahiwatig sa fog na sige pa yakapin mo ako. Dahil hindi nako naka tiis lumapit ako at bumulong kay hazel wag kayo masyadong maingay. Sabay sabi ni edz na baka naman ikaw ang gustong yumakap kay hazel???..napangite ako sa sinabi ni edz sabay sabi ko narin na “kung okey lang ba sa kanya ei di mas.lalong okey sakin”…
…sabay kantiyawan na mas lalong lumikha pa nga ng ingay sa paligid (honestly ang crush ko sa kanila si ivory dahil kamukha nya si Annie sa Shaider) sabay sabi ni hazel na “o sige kuya para matigil kalang yayakapin na kita”. Sabi ko naman na “wag ka magbiro ng ganyan baka mapalaban ka” hindi ko pa natatapos ang sasabihin yumakap na si hazel at… yun na nga nag yakapan na nga kaming dalawa na mas lalong lumikha ng ingay dahil sa hiyawan ng mga kasamahan naming animo’y ngayon lang nakakita ng babae at lalaking nag yakapan…
…at inangkla ang dalawang braso nya sa leeg ko at sabay sabing “ baka gusto mong halikan pa kita kuya???”hindi nako nakapag salita pa nahiya narin ako. Naririnig ko nalang sa likod ko na “wala ka pala eh”at dahil sa nagkahiyaan na napa tango nalang ako na ibig sabihin ay sumasang ayon ako. At naramdaman ko nalang ang malambot na labi ni hazel na dumampi sa labi ko at ganon na nga ang nangyari naghalikan kami ng labi sa labi na sya ring kinagulat ko dahil hindi ko expect na kakabigin nya ang leeg ko papunta sa labi nya. Aaminin ko masarap parang nanigas ang katawan ko. di ko mawari kung sa fog ba o sa mga halik ni hazel ako naninigas.at pakiramdam ko na parang naiihi-ihi ako sa kilig. Bumalik nalang ang ulirat ko nang napansin kong nakaka bingi na pala ang sigawan ng mga kasamahan ko sa likuran ko na mas kinilig pa kisa sa akin…
…parang bang umalis ako sa mundo sandali at bumalik pagkalipas ng ilang mga segundo…at iyon na nga… na ang tanging hagad ko lamang kanina ay katahimikan nabaliktad pa at nauwi sa hiyawan. At nagulat sila michelle, Jen, Ivory at edz sa nangyari na tila bang wala na kaming respeto sa kanila sa halikang ginawa namin kani-kanina lang. napa yuko nalang ako at nahiya sa kanila lalong lalo na kay ivory dahil sya naman talaga ang crush ko sa kanila. Ngayon at mababaliwala na dahil sa ginawa naming kanina na hindi katangap-tangap sa mga normal mag-isip. Sabay sabi ni Jen na guys pacencia na kayo sa kaibigan namin ha pilya talaga iyon…
…after naming mag lunch tuloy tuloy ulit kami sa paglalakad may napansin kaming maliit na falls pero hindi daw iyon ang mini falls na binibida sa amin ni owen sabi ni jr lapad bukas pa raw namin mararating iyon. Nagtatka ako bakit di naming nadaanan ang mga malalaking bato na napapalibutan ng mga lumot na pinag pahingahan naming nung nakaraang pag akyat namiin dito. Napakamot ng ulo si jr lapad at sabay sabing “naliligaw na naman ata tayo ah” nanaman kasi pag baba naming noong last year 2004 naligaw ligaw kami sa pagbaba kung saan saan kami lumusot. At ngayon heto nanaman naliligaw na naman kami kasi di namin nakita ang dalawang malaking batong malumot na dapat doon kami dadaan…
…habang nag uusap kaming apat di namin namalayan na yung tatlong magagandang babae naliligo na sa maliit na falls na iyon na hindi yun ang mini falls na ibig sabihin ni owen. Kaya nung tinanong sya ni michelle at jen napa Oo nalang si owen para hindi mapahiya at para hindi narin matakot pa mga kasamahan namin. Sa pagsasalarawan ni jr lapad sa mini falls na sinasabi nya ito ay napapa ikutan ng mga puno at mga malalaking bato paikot sobrang linaw ng tubig at pwedi kang manalamin sa linaw. at may magagandang bulaklak ng kangkong sa paligid, mga gumamelang pula at dilaw. at sa banda itaas naka dikit doon ang mga waling waling at ang parang Christmas treeng bulaklak ng ilang-ilang sa dalampasigan o pampang ng mini falls. Idagdag pa ang mabango at puting puting bulaklak ng dama de noche kaya para kang nasa paraiso sabi ni jr lapad…
…at doon narin inamin ni owen na hindi pa raw pala talaga sya nakarating doon. Ang pagka kwento nya kasi sa amin noong reunion naming nung 2004 ay narrating na raw nya ang mini falls at maganda nga dawn a para bang kinopya nya lang ang sinabi ni jr lapad. Agad na pumunta kami doon sa mga kasamahan namin samahan narin sa paliligo. Pero bago ako naligo pinag masdan ko muna ang paligid habang naka higa sa bato ng naka de quatro at naka taas ang kaliwang kamay sa noo.,maganda naman sya hindi nga lang kasing ganda ng pagkakasabi ni jr.lapad. wala ang mga bulaklak ng waling waling, wala rin ang bulalak ng mga kangkong, walang din ang magagandang bulaklak ng ilang-ilang, at kahit gumamela man lang o di kaya’y kahit isang dama de noche man lang sana…
…pero isang magandang tanawin din ang naka tambad sa akin ngayon isang payak na mini falls na may mga magagandang mga babae na para bang isang sining o art sa pananaw ko dahil sa mga angking ganda nila na masarap sa mata. Mga ngite sa labi na kalianman man di mo ipagpapalit sa waling-waling, mga katawang hinubog ng panahon na kailanman hindi mo ipagpapalit sa gumamela, mga mapuputi at makikinis na kutis na kailanman hindi mo ipagpapalit sa dama de noche, mga maamong mukha na kailanman hindi mo ipagpapalit sa ilang-ilang. Isang sining o art na uukit sa sulok ng isipan mo na kahit dumaan pa ang mahabang panahon ay nananatiling naka ukit sa pinaka sulok ng isipan mo…
…naputol ang imagination ko nang sumigaw si ivory nang may demonyo…may demonyo…may demonyo sa tubig ang magandang muni muni ko kani-kanina lang ay napalitan ng kilabot ng mapansin naming lahat na iba ang reflection ni hazel sa tubig. Pati si hazel mismo ay napasigaw sa sariling nyang reflection. Isa itong maitim na anino na walang mukha pero kapansin pansin ang sungay nito sa ulo na syang nakabigay ng pansin sa amin. nung una akala namin may demonyo sa ilalim ng tubig yun pala ay reflection nga ito ni hazel. Agad syang tinakbo at hinatak ni elmo sa bewang para mapalayo sa tubig. Ang kani-kanina lng namasasayang naliligo ay napalitan ng maiingay na iyakan at malalakas na pag tangis ang buong paligid…
…ang buong akala naming apat (ako, owen,jr lapad,at elmo) ay tinantanan na kami ng masamang elemento ay hindi pa pala . agad na inikutan naming si hazel baka kung anong elemento pa ang magpakita o lumabas ay nakahanda kami. Wala nang magawa ang mga kasama naming babae kundi umiyak na lamang. agad naming nilisan ang lugar nayon para mailayo sa kung ano mang kapahamakan ang naghihintay kay hazel. masyadong mabilis ang pagtakip silim sa bundok naiyon kaya nag camp agad kami bago pa kumagat ang dilim sa paligid.,nag camp kami sa pinakamabilis naming paraang na pag latag ng mga tent apat na tent ang nalatag namin isang tent para kanila jr lapad at sa kasama nyang sina pokart at brian at ang panglawang tent para samin nila owen,ako at elmo, ang pangatlo kay michelle at jen.,at pang apat ang kanila ivory, hazel at edz…
…para mawala ang takot at lamig nag tagay kami ng tanduay rhum. Hindi narin namin iniisip ang masamang nangyari sa amin kanina at noong nakaraang taon lalong lalo na hindi narin namin ginawang paksa pa sa mga kwentohan. at pagkatapos kumain ay umupo kaming paikot sa apat na flashlight ng naka Indian set maliban sa dalawang alalay ni jr lapad na naka sandal sa isang ugat ng malaking puno. tanging ang apat na ilaw ng flashlight ang nagbibigay liwanag sa amin na naka upong paikot. at tuloy ang tagay ng tanduay na may halong orange juice na sa sachet. Pilit naming iniiwas kay hazel ang masamang nangyari kanina sa maliit na falls. Pero hindi nakatakas kay hazel ang panay panay sulyap ko kay ivory kaya nagsabi si hazel na “oyyy kayo ha something fishy ang mga tinginan nyu ha” napangiti at napayuko si ivory… at hindi naman ako nagpahalata at nagkunwari akong di ko alam ang sinasabi nya…
…at tinanong ni edz si elmo kung sino daw ba ang crush nya sa mga kasama naming mga babae at sagot ni elmo “ikaw” si edz nga daw…sabay tuksuhan na…si owen naman ang tinanong sabi nya si Jen daw napangiti naman si jen…at tinanong si jr lapad sino daw crush nya ngumiti lang ito at umiling nag papahiwatig na ayaw nyang sagutin ang tanong…lumipat naman kay pokart ang tanong sabi nya si ivory nga daw…at tinanong kung bakit…mahinhin daw ito at mahiyain hindi masyadong nagsasalita at pa ngiti ngiti lamang (which is isa rin sa mga personality na gustong gusto ko sa isang babae) si brian naman ang tinanong ni edz.,si hazel naman ang gusto at tinanong ni edz kung bakit sexy daw ito at maputi napayuko ito sa hiya dahil narin cguro sa akin. dahil nga kaninang tanghali lang ay kahalikan ko ito…
…at nung ako na ang tinanong napatingin ako kay ivory at sabi ni hazel ”sabi ko na nga ba eh may something tong dalawa na to eh” yan ang tanong ni edz na hindi ko na kailangan sagutin pa dahil nakikita naman sa aming mga mata. at sabi nga ng matatanda sa…”mata makikita ang ating mga damdamin”. dahil nasisinagan sya ng liwanag ng flashlight mapapansin na namumula sya. agad namang tinakpan ni ivory ang mukha nya ng palad nya dahil siguro nahihiya sya sa mga nagyayri. Habang nagtutuksuhan ang mga kasama ko palihim akong tumingin ng oras 10pm sabi ko parang mabilis ang oras ah at pasalamat ako di tumigil ang relo ko… …medyo tumatama na ang esperito ng alak sa amin sumasayaw na si hazel sa gitna namin habang kumakanta ng “Don’t cha” by pussycat dolls at dahil tolero na kami sa alak sya naman ang sabay sa indak ng mga palad namin habang sumasayaw si hazel. Hindi ito isang palakpak kundi parang palakpak na sumasabay sa rhythm ng kanta ni hazel sa “dont cha”. Pa hot ito ng hot na parang si owen ang sinasayawan sa harap habang naka upo. Panay naman ang giling ni hazel at pa lower ng pa lower. Isang sayaw na kung tawagin ay “dirty dancing” dahil sa retmo ng sayaw nito na tila ba’y nang aakit ng isang lalaki. Na kulang nalang na ipag dutdutan nya ang sarili nya kay owen…
… napa takip ng bibig si ivory sa inasta ni hazel at dahan dahang hinubad nito ni hazel ang pang itaas na damit kaya tumambad sa amin ang malulusog na dib-dib nito na nababalutan ng putting bulaklaking bra. Tumambling sa pagkakasandal sa ugat ng puno si brian sa nakita nya.,hindi dahil sa naka bra lang ng bulaklakin si hazel., kundi tinuro nito ang anino ni hazel. At nung tiningnan namin ang tinuturo ni brian na anino isang anino ng demonyo na may sungay at bilog ang ulo na mahaba ang leeg kung e kukumpara sa normal na tao demonyong demonyo talaga ang hitsura ng anino…
…sa nakita namin agad kaming nag atrasan kay hazel at agad kong nilapitan si ivory at niyakap dahil halatang halata sa hitsura nya ang pagka-sindak .Tumayo ang balahibo ko sa batok at likod pati narin sa braso sa nasasaksihan ko., lahat kami hindi maka kibo natutulala, hindi malaman kung ano ang susunod na gagawin. Habang sumasayaw naka hawak ang dalawang kamay nya sa buhok nya habang winawasiwas ang ulo nya. Dahan dahan namang umaatras ng paupo si owen dahil alam nyang hindi na ito si hazel. at ang boses babae kanina na kumakanta ng “don’t cha” may halong boses lalaki na. doon na nangatal ang balat ko sa kilabot dahil boses demonyo na ang lumalabas sa bibig nya…
…sumisenyas si jr lapad pero di ko ma intindihan dahil na toon ang atensyon ko kay hazel naghihintay sa susunod nyang gagawin. at dahil napa subsob na sa dibdib ko si ivory ng dahil sa takot habang umiiyak.(na syang gustong gusto ko naman). pero hindi yun ang pangunahing iniisip ko ang iniisip ko kung papanong pipigilan si hazel kapag nag wala na ito ng tuluyan. at inikot ikot ni hazel ang ulo nya habang nakahawak ang dalawang kamay nya sa ulo nya…at maya maya pa’y nag tanggal na ito ng bra. Tuluyan na ngang nawala na sa sarili. at mabuti alert si elmo agad nitong hinagis ang isa nitong dalang t-shirt para hindi tuluyang mabuyangyang ang kahubaran nito pang itaas…
…agad nitong sinalo ang hinagis na damit at pasimpleng dinamitan si hazel tumulong narin si jr lapad para madamitan si hazel. gusto ko rin sanang tumulong pero hindi ako maka-alis dahil sa alanganing higa at alanganing upo kong position habang naka yakap kay ivory. Pinatayo ko si ivory at pinapasok sa tent pero ayaw nito habang umiiyak at naginginig ito. pinaalalayan ko nalang kanila jen, edz at michelle si ivory. malapit na sanang maissusuot ang t-shirt ng bigla itong pumiglas ng malakas. punit ang damit ni owen at jr lapad ng pumiglas ito na naka hawak sa damit nila pareho…
…panakaw ulit akong tumingin sa oras alas dose ng hating gabi. “Dyos ko paano kaya naming malalampasan ito sa isip isip ko” yung kantang “Don’t Cha” kanina napalitan na ng tawa…tawa ng isa Diablo na may dalawang tinig o boses…boses ng isang lalaki at boses ng isang babae…at gumapang si hazel at lumakad ng parang isang unggoy na habang lumalakad ng naka yuko at naka sayad sa lupa ang mga kamay ni hazel. Nag simulang mag senyasan si elmo, owen at jr lapad na talian ng paracord si hazel. Kaya mabilis nila itong natalian ng paikot sa tulong narin nila pokart at brian. At agad na pinahiga nila si hazel at dinamitan ng maayos at tinanong ni owen kung sino sya at kung ano ang pangalan nya???sabay hiyaw ng malakas at nagsasabing ako si “ bathsheba”ako si “lilith” ang asawa ni “beelzebub” ako rin si “serim” at si “sedim” hindi na namin ma intindihan pa ang mga sumunod na sinabi ni hazel dahil sa mga katagang hindi ma naming naririnig pero feeling ko tunog latin at greek ang mga salitang lumalabas sa bibig ni hazel…
…at doon na tuluyang nagwawala si hazel habang naka higa paulit ulit nyang sinabi ang mga pangalan ng mga nilalang na hindi namin kilala. lalong lalo na ang “batsheba” at “Beelzebub” na kahit anong gawin namin hindi namin kayang pa kalmahin at nag bibilang sya uno-dos-tres-quatro-cinco-sais sabay tatawa ng malakas.nung nag simula nang kaming manalangin sumasabay din sya sa our father kaya sabi namin kay owen manalangin sya ng galing sa puso hindi memorize na panalangin.,tawa lang ang tugon ng demonyong sa loob ng katawan ni hazel at mga lugar naman ang mga binanggit nya tulad ng egypt, tibet, babylonia, mesopotamia, macedonia at eutopia di ko na matandaan pa ang ibang lugar.,habang hawak hawak ng mga babae si hazel habang nagdadasal si michelle.,nag meeting naman kaming mga lalaki kung sino ang bababa sa amin at kailngang may tatlong bumaba para humingi ng tulong sa albularo…
… tamang tama na may kilalang mananawas at albularyo si jr lapad na taga doon lang sa paanan ng bundok. kaya kahit alanganing oras bababa sila ni owen at pokart.. habang kami ang maiiwan nila elmo at brian at mga kababaihan dito. Mabuti nalang at kumpleto kami sa headlamp at flashlight dahil hindi pa nakakalayo sila owen, jr lapad,at pokart. biglang lumamlam ang ilaw ng flashlight na gamit namin kanina habang nagtitipon tipon. At bigla itong namatay.,Na sya namang ikinagulat namin. dahil pag patay ng ilaw may tatlong aninong tumakbo palabas ng tent ng tent nila jr lapad kitang kita naming lahat ang tumakbong anino dahil doon naka tutok ang headlamp na ginagamit ni michelle na syang nagdadasal kay hazel…
…nanindig ang balahibo ko lalong lalo na sa parting likuran ko pataas sa leeg. nagdikit dikit na kaming lahat sobrang takot narin si bon brian dahil bata pa at first time nyang makaranas ng ganito. at first time naming lahat makaranas ng ganito yung sapi or exorcism. hinubad ko ang dalawang gloves ko at binalot sa panyo at pinakagat kay hazel para hindi na naming marinig ang mga katagang lumalabas sa bibig nya. Pansamanta lang itong natatakpan dahil natatangal sa pagsasalita nya ng kung ano ano. namamaos narin ito sa kakasalita,wala naring luha na lumalabas sa mata nito,ganun din si michelle,jen,edz at ivory na wala ng magawa kundi umiyak nalang din sa nangyayari sa kaibigan nila…
…lumalalim na ang gabi estimate ko alas dos y medya or alas tres na.,dahil huminto na naman sa alas dose ang relo ko at nagsasalita parin si hazel hindi na gaano maintindihandahil paulit ulit na pinapasak ni edz ang busal sa bibig nya. Si ivory naman inaayos ang buhok dahil sa pagkakagulo nito kami nila elmo at brian nag mistulang gwardiya sa kanila. Gwardiya sa mga aninong alam naming nagmamasid lang sa amin. At ang hindi ko inaasahan sa lahat ay ang fog at ang panaka nakang ambon. Isa pang nakapag tataka sobrang bigat ni hazel hindi naming kayang hilahin papunta sa tent gayong kumalma na ito at umiiyak. tanging ang pagsasalita nalang ang problema naming di ayaw tumigil sa pagsasalita at tinanong ko sa kanila guys anong oras na sa inyo??? Para-pareho kami tumigil ang relo namin.marahil siguro sa hamog o sa kakaibang energy sa paligd namin…
…kung saan na malapit nang maipasok si hazel sa tent saka naman itong nag pupumiglas ulit nagwawala at sa pagkakataon nayon hindi na naming kayang controlin pa ang lakas nya hanggang sa gumulong gulong kasama ng tent kasama ang tatlo pang babae sa loob na sina ivory, michelle, at edz., at sya naman ang habol namin sa gumugulong na tent. At nang maabutan ni elmo agad itong hinawakan sa kamay ako sa paa at si brian na ang nag ayos ng.buhol buhol na paracord na syang ginamit kanina na panali sa katawan ni hazel at sinikap naming syang hilahin papunta sa gitna ng campsite.,at nung malapit na kami sa campsite may tatlong aninong tumatakbo na naman kaming nakita galing na naman sa loob ng tent nila jr lapad…
…napasigaw si ivory at napaupo sabay takip ng mukha ibig sabihin nun ayaw na nya sa mga nakikita nya., sinabihan ko nalang na mas mataas na uri na nilalang tayo kisa sa kanila, sa panahon nayon hindi na kami takot ni elmo kami nalang ang inaasahan ng mga babae naming kasama, hinila nalang naming anim ang tent kung saan sira sira na ito.,pa bugso bugso ang atake kay hazel hindi parin sya bumalik sa dati. nag sasalita parin ito ng batsheba at Beelzebub ng paulit ulit at ng uno,dos,tres, hanggang sais at tatawa ng bahagya at bibilang ulit. Ganun lang paulit ulit. Kay ivory at edz ako naawa dahil wala narin silang luha na mailuluha pa.,sina michelle at jen ang di pinapanghinaan ng loob tuloy parin ang pag usal ng panalangin at dasal na mahinang tinig…
…hindi naming kayang buhatin si hazel dahil sa sobrang bigat kaya hinila nalang namin papunta sa gitna at habang hindi pa inaatake tinali namin ang kamay at paa para din a lumayo pa napansin kung ang dami ng sugat ni hazel na kahapon lang sa maliit na falls ay napaka kinis. Nanghihinayang ako sa mga galos nya sa katawan at sa mga sugat nya sa tuhod at siko. Nakakaawang tingnan na ang isang kwela at bibong dalaga nag hihirap ng dahil sa lamang lupa o kung anong elemento ang meron doon kung demonyo man yun o masamang espiritu…
…naka idlip ang mga kasama naming babae habang naka yakap kay hazel kaming tatlong lalaki naman naghiihntay nalang sa umaga. Isang pagsisi rin na dinali namin ang mga babae sa lugar na ito. Na ang buong akala namin ay wala na ang ganitong elemento. na ang akala namin at maayos na ang lahat, at dahil ang akala namin kwento-kwento lang ang mga hiwagang nangyayari sa lugar na ito. Na noo’y di pa naming alam kung anong bundok ang tawag dito…
…di ko napansin na naka idlip narin ako habang naka upo at pag mulat ng mata ko medyo mataas narin ang araw naka tulog kaming lahat dahil sa position namin na naka upong pabaluktot. Kunting nasiyahan ako dahil nakapag pahinga rin ang mga kababaihan naming kasama kahit papaano. Nagtataka ako wala pa sina owen, pokart, at jr lapad na kung tutuusin sila ang pinaka mabilis sa lakaran at madalang mapagod. Kaya naisip ko na baka hinintay pa nila ang albularyo kung anong oras magising ito…
…pag time check ko alas dose parin sa relo ibig ibig sabihin tumigil nga sya talaga dahil basa sa moist?, dahil ba sa hamog o fog?, o dahil sa kunting ulan?, o dahil may something na ibang entity sa lugar???…maya maya pa narinig na naming sila owen, jr lapad, pokart at esidro…si esidro ang pangalan ng albularyo. at agad syang nag alala at nilapitan si hazel. At nagising narin ang mga kasma naming mga babae at tila bang alala-alala rin kanila owen.,bago nag usal ng sariling dasal si esidro nabangit nya sa amin na nung paakyat daw sila dito may anim na demonyong pumigil sa kanila…
…at ang sabi namin sa kanila na baka yun ang mga aninong itim na nakita namin sa na lumabas sa tent ni jr lapad kagabi na dalawang beses.,unang tatlo at sinundan ng tatlo pa ulit., at saka nag dipa ito at humalik sa lupa saka binigkas ang mga katagang sya lamang ang nakakalaam at hinawakan ng dalawang kamay nya ang talampakan ni hazel at agad namang umigkas ang katawan ni hazel na para bang namilipit sa sakit. Sabi ni esidro hindi pa silang tuluyang lumalabas.at kinuha nya ang apat na mga balahibo ng buntot ng manok at inipit sa pagitan ng mga daliri ng mga paa ni hazel…
…biglang sigaw ni hazel na parang baboy na kinakatay sa iyak at bigla itong sumuka ng sumuka ng napaka lapot na suka at sobrang sang sang ng amoy. At ang sabi ni esidro sinubukan daw na bahayan ng mga demonic spirits o evil entity na nag exist pa noong unang mga panahon. Pinili daw nila ang lugar na ito para manahimik at ang bilang nila sabi ni esidro na naka tira sa bundok nayon kasama na ang nasa katawan ni hazel ay two hundred sixteen na mga evil spirits, two hundred sixteen na mga demonic elements…at nahismasmasan si hazel iyak ng iyak at uhaw na uhaw. Hindi maka paniwala sa mga nangyari pagod na pagod na halos hindi na maka tayo. Pinakain naming sya bago kami tuluyan ng bumaba ng bundok at bago kami bumaba ng bundok may binaon si esidro doon ng isang butil ng buto ng mustasa at nag dipa habang nag usal ng orasyon o panalangin at dahan dahan itong dumapa…
…habang naka dapa dumakot ang dalawang kamay nya ng lupa na sya namang pinahid sa talampakan ni hazel habang kumakain ng tinapay na may palaman na ladies choice at sinabi ni esidro na ang kalahati ng tinapay mong kinakain itapon mo sa lupa at humalik ka sa lupa., at dahil yun ang sinabi ni esidro agad naman itong sinunonod ni hazel., at humalik narin kaming lahat sa lupa pagkatapos nun nag gayak na kaming pababa. Walang sagabal ang pag baba namin walang kahit na anong hadlang., nag fo-fog man pero hindi na talaga ganun ka kapal at hanggang naka baba kami ng maayos at matiwasay…
…ginamot ni esidro ang mga sugat ni hazel at binigyan sya ng pangontra sa mga masasamang elemento na hindi nakikita ng tao. Pinauna na naming pinauwi ang mga kasama naming babae sila Jen, michelle, edz, ivory at hazel pagkatapos naming mananghalian kanila jr lapad. tamang tama pupunta rin ng bayan sila esidro at jr lapad, pokart at bon brian kaya sasabay nalang sila sa kanila habang kami naman ni elmo at owen ay magpapaiwan pa., marami pa kaming pag uusapan tungkol sa nangyari kagabi…
…at bago tuluyang umalis na ang limang babae at apat na lalaki… saka ko niyakap ko si ivory at bumulong ako sa kanya ng “sana magkita ulit tayo at sana hindi ka magbago”…
…wala syang tugon nun pero napangiti sya ng patago na patakip sya ng palad sa mukha para mi-ikubli kung anoman ang nararamdaman nya at saka na sila umalis habang lumalakad sa isang makitid na daan papuntang labasan at kaming tatlo naman ay naka tanaw mula sa malayo habang pinag mamasdan ang pag layo nila…at sa isip ko lang “ kapag lumingon ka ivory alam ko na” at bago pa mawala sa paningin ko si ivory agad naman itong…….
…dahan dahang lumingon at nag wave sa akin si ivory na nababalutan ng matatamis na ngiti at sa paningin ko ay mas lalo syang gumaganda habang lumilipad sa ihip ng hangin ang buhok nya habang naka lingon sa akin mula sa malayo.…at napangiti ako…at iyun na ang una at huling pagkikita namin ni ivory…
To be continued…
Patay na Bundok Pt. 2
12 Months Later Year 2006
…mabilis na lumipas ang isang taon mula ng umakyat kami ng dating mga kasama namin sa “patay na bundok” na iyon. taong 2005 ang huling akyat namin sa bundok na iyon at ngayong 2006 aakyatin naming muli kasama ang mga iba’t ibang mountaineers ng negros mountaineers club dahil sa tree planting project ng isang groupong manlalakbay sa kabundukan sa parte ng negros Ooccidental. si owen nalang ang kasama ko sa panahon na ito dahil isa si owen sa mga active sa association ng mountaineering society sa central at western visayas noong taong 2006…
… wala narin akong balita sa kanila hazel, ivory, at edraline (Edz), iyon na ang una at huli naming pagkikita at si michelle naman ay naging customer service sa isang tanyag na department store sa bacolod city at si jennifer (Jen) naman ay naging secretary sa tanyag din na Llaw firm sa bacolod city. at si elmo ay naka luwas na ng taiwan at kalaunan ay nalipat sya sa singapore si owen naman ay may sariling Iinternet shop noong panahon nayon. at ako naman ay naging pioneer repair and maintenance manager sa ljollibee lacson branch sa bacolod city…
…si junior lapad , pokart at brian ay naging busy narin sa kanilang mga trabaho bilang mga “Kar Taps” o tinatawag na “Karga Tapas” sila yung mga pumuputol ng mga tubo o sugarcane at isasalansan sa malaking truck ang mga naputol nila. kaya hindi narin namin sila nakita o naka usap man lang sa aming pag balik sa lugar na iyon. Sa katunayan gusto din namin silang makita, makamusta at maka usap man lang pero hindi kami nabigyan ng pagkakataon na makapag usap-usap muli…
… at heto kami ni owen ngayon sabay na nangangarap sa kahapong nagdaan sa aming buhay. Binabalik tanaw ang mga ala-ala nila noong kasama pa naming sila noong nakaraang taon, binabalik ang mga masasayang pangyayari bago pa lamang kaming umakyat, binabalik tanaw ang tawanan, tuksuhan at biruan, sinasariwa ang mga magagandang pangyayari na kasama sila sa aming pag lalagbay. dahil para sa amin ni owen. sila ang mga simbolo ng mga babaeng palaban at hindi sumusuko sa masamang elemento. at simbolo ng isang magandang pagkakaibigan na walang iwanan kahit isang masamang espiritu, engkanto at kung demonyo man ang humadlang…
… at muli kong nilingon ang daan kung saan huli kong nakita si ivory, doon sa makitid na daan nayon nakikita ko sa balintataw ko ang matamis na ngiti ni ivory noong huli kaming magkita. Na tila bang buhay na buhay sya sa isipan ko para bang sa isang iglap bumalik lahat sa isipan ko ang magagandang alaala na naiwan ni ivory. Mula ng una kaming magkita sa sasakyan hanggang sa trail ng “patay na bundok” hanggang sa huling tanaw ko sa kanya sa makitid na daan na iyon. ganun paman nanatiling buhay ang alaala ni ivory mula sa sulok ng isipan ko. At tinanong ko ang sarili ko na “ ivory magkikita pa kaya ulit tayo”?!?!?…
…naputol ang pagbubulay-bulay ko sa kahapon nang umambon pahiwatig na sumama ang panahon. may nagbabadyang masamang panahon noong mga oras nayon. madilim ang kalangitan. Ako at si Owen lang ang magkadaupang palad noon. Napag usapan na namin na suntok sa buwan na ma summit ang bundok na iyon kasama pa ang mga groupong nature trekker. Bagong groupo ang mga kasama naming ngayon. galling pa sa iba’t ibang probensya ng Negros at mga may mga karanasan na. sa larangan sa akyatan ng bundok na kong tawagin sa panahon ngayon ay mga “Harkor” or Hard Core…
…isa sa mga nakilala namin ni Owen ay si Anton Sabino. O “Master Sabino” kung tawagin sya ng mga kasamahan nya at isang malupit at Experienciadong Mountaineer daw na galing pa sa Parte ng Victorias, Negros Occidental. medyo maangas ito kung magsalita. May kayabangan ika nga. Maganda ang pigura ng katawan nito naalagaan ng gym ang hubog ng pangangatawan ni “Master Sabino”. Idagdag pa ang tsinito nitong mga mata at maputing balat kung kaya’t nagbibigay ito ng mataas na self confidence sa kanya…
…every woman’s desire, fantasy and dream ika nga…. itong si “Master Sabino”. mataas nga lang ang believe nito sa sarili. Dahil siguro marami na itong mahihirap na bundok na naakyat kung kaya’t ganun nalang kung makapag yabang si “Master Sabino”. Pero kung sabagay may ipagmamayabang nga naman sya. Dahil hindi biro ang mga naakyat nya na bundok ayon sa kanyang kwento naakyat nya na ang mga Mt. Guiting-Guiting ng Romblon, Mt. Mantalingajan ng Palawan, Mt. Sicapoo ng Ilocos, Mt. Halcon ng Mindoro, Mt. Kitanglad at Mt.Dulang-dulang ng Bukidnon, Mt. Baloy Dako ng Panay, Mt. Kanlaon ng Negros, Mt. Piapayungan ng Lanao Del Sur, Mt.Madjaas ng Antique at ang pinaka mahirap nya daw na inakyat ay ang Mt. Pandadagsaan ng Compostela Valley o tinatawag na “White Peak”…
…dahil daw ito ang pinaka nakakatakot sa lahat ng bundok sa Pilipinas Sangtuaryo daw ito ng mga engkanto at masasamang elemento pero hindi daw sya natatakot dito dahil may angking lakas daw sya na sya lamang ang nakaka alam. Kaya tinanong nya kami kung sino na ang nakaka akyat sa bundok na ito ang Mt.Pandadagsaan dahil luluhod daw sya sa naka akyat na dito at mag papatirapa sa harap ng taong naka akyat na sa nasabing bundok. sa kadahilanang kinatatakutan daw ito ng mga mountaineer at ng mga taga roon sa lugar nayon at pero naakyat daw nila ito na matiwasay kahit sobrang hirap daw ng trail at sadyang nakakatakot daw talaga ang bundok na iyon pero hindi umubra sa mga panguntra nya…
…dahil sa angking lakas ng kanyang pwersa sa kalikasan takot daw ang mga engkanto sa kanya lalo na ang mga masasamang espirito. dahil ang angking lakas daw ng kanyang fighting spirit ang bahala pagdating sa mga ganyang usapin. Nagkatinginan lamang kami ni Owen sa kanyang mga sinabi siguro ay talagang may angking galing itong si Master Sabino kung kayat napupuntahan nya ang mga nakaktakot na mga bundok sa Pilipinas. Dahil ayon pa sa kanya wala daw sa katiting ang Mt.makiling ng Laguna, Mt. Cristobal ng Quezon Province at Mt. Banahaw ng Laguna/Quezon Province. Kung engkanto lang ang pag uusapan kaya nga daw wala na syang kinakakatakutan kahit anong bundok pa ang aakyatin…
…napa nga-nga na lamang kami sa mga sinasabi ni Master Sabino dahil noong mga panahon nayon wala pa akong experience sa matataas na mga kabundukan. Kaya nakikinig na lamang ako sa mga nakakatakot daw na mga bundok na isinalarawan nya sa aming lahat. At doon ko narinig ang mga salitang “Sea of Clouds”, “Traverse”, “Assault Trail”, at “Night Trek”. Hanggang nagtanong ang isang miembro ni master sabino na kung meron bang nagpaparamdam daw ba sa bundok na ito?!?!?!
…nag sagot si Master Sabino na ”wag kayong matatakot dahil nandito ako…walang sinumang makakagalaw sa inyo…“ako pa…Master to…Master to”… yun ang palaging bukang bibig ni Master Sabino yung nag se-self proclaim sya na isa syang master pag dating sa larangan ng kabundukan. Hindi na kami nag interfere pa ni Owen n sa mga binibitawang salita ng leader nilang si Master Sabino. Protective naman si Master Sabino sa kanyang mga miembro lalo na’t safety first at leave no trace ang lagi nyang pinapaalala sa mga miembro nya. At dahil nag undergo naman sila ng seminar at nag training…
…lalo nat nakapag BMC sila (Basic Mountaineering Course) kaya may kakayahan silang makipag-sabayan kahit sa sa survival mode. Nagsimula na kaming mag lakbay sa “patay na bundok” at tuluyan na kaming binalot ng makapal na hamog dahil narin sa masama ang panahon mas lalong maitim ang kalangitan ngayon kisa sa dati naming pag akyat. Nagtataka ako sa groupong ito bakit hindi kami kumuha ng guide at hindi rin kami nanalangin bago umakyat at lalong lalo na hindi kami humalik sa lupa gaya ng ginawa namin nila Jr lapad sa 2004 at 2005 naming pag akyat…
… bumulong ako kay Owen na hindi maganda ang kutob ko dahil hindi kami sumunod sa pamahiin at sa lumang kaugalian na minana pa ni Jr lapad sa mga nakakatandang kamag anakan nya bilang isang respeto sa kabundukan. at hindi pa kami tuluyang nakakalayo may matandang balbasin kaming naka salubong. May dala dala itong mga gulay at isang malaking piling ng saging. At sinabihan nga ang groupo ni Master Sabino na wag ng daw itong tumuloy dahil nga masama ang panahon at hindi daw katalinuhan ang akyatin ito sa ganitong panahon…
…sa sinabi ng matandang may dalang gulay at saging., agad naman itong sinagot ni master sabino na “lolo mawalang galang napo sa inyo isa po akong mountaineer at hindi napo mabilang ang bundok na naakyat ko.,sino po ba kayo lolo para pigilan kami?!?! Mountaineer ka po ba lo”?!?! hindi na nag sagot ang matanda sa halip binasbasan pa kami nito sa pamamagitan ng kamay nya at kunting usal ng dasal o panalangin o orasyon. Kung ano man ang ginagawa ng matanda sigurado akong para ito sa kabutihan namin…
…pero mapilit ang groupong sinamahan namin kahit na kinausap sila ni Owen na wag nalang ituloy ang pag akyat dahil sa nagbabadya ang isang napakalakas na ulan na mababanaag sa kulimlim ng kalangitan. At ayon naman kay Master Sabino kilala nya raw ang lahat ng mga ugali ng mga kabundukan dito sa Pilipinas. At hindi ito lamang ang mag papatayo sa kanyang balahibo. Wag daw ang karuwagan ang pa iralin sa halip ay ang talas ng pakiramdam at lakas ng fighting spirit at hindi na raw kami mga bata pa para matakot sa isang bagay na hindi nakikita…
…bumulong si Owen sa akin na wag na kaming sumama dahil bad omen nga daw at agad naman akong sumang ayon sa kanya at nilapitan nga ni Owen si Master Sabino upang ipaalam na hindi na kami sasama sa halip ay magpapaiwan na lamang kami. At na e kwento na rin ni Owen kay Master Sabino tungkol sa kasama naming babaeng sinaniban ng demonyo isang taon mahigit na ang nakakaraan. at ang sabi ni master sabino ay “babae pala eh!!! Puro naman tayong lalaki lahat dito at sinabi pang masyado naman kayong duwag at nagpapaniwala sa mga matatanda at nag papaniwala din kayo sa dati nyung guide na si Jr lapad kaya nahawaan kayo ng kaduwagan nya para kayong hindi mga tunay na lalaki” yan ang mga katagang nasambit ni master sabino sa bad trip…
…agad na umalis na sila master sabino kasama ang mga miembro nya ng may halong pagka inis sa aming dalawa ni Owen dahil nga hindi na kami sumama sa kanila. Sa halip ay tinulungan namin si lolo na bumaba pinag salit-salitan naming buhatin ang malaking piling ng saging saba papunta sa paanan ng bundok. At habang bumababa kami nagkwe-kwento si lolo tungkol sa hiwaga ng bundok na kanilang tatahakin nag kunwari kami ni Owen na wala kaming alam para mailabas ni lolo lahat na nalalaman nya sa mahiwagang “patay na bundok” na iyon. at habang paba kami sa kabudukan patungo sa bahay nila panay ang payo nya sa amin bilang respeto sa pwersa ng kalikasan…
…nakarating kami sa bahay nila lolo dala ang mga gulay at piling ng saging na saba. sya naman ang bagsak ng malakas na ulan na kanina pang nagbabadyang bumuhos na tila bang parang isang galit na likha ng kalikasan at habang nagka-kape sa bahay ni lolo sinalaysay nya sa amin kung ano talaga ang misteryong nakabalot dito. Na noong araw na binata pa sya at ganito ang pag kakasalaysay ni lolo sa patay na bundok…
…“noong 1957 at 26 taong gulang palang ako noon nag karoon ako ng kasintahan na ang pangalan ay Faye at ang naging tagpuan namin ang malaking puno ng anunang sa gitna ng kakahuyan ng gubat na napapalibutan ng lawa at ang mga nag laglagang dahon at bulaklak ng gumamelang lumulutang habang sumusunod sa agos ng ng tubig…
…at ang makakapal na lumot na yumayakap sa mga sanga ng punong anunang na wala ng mga dahon ang syang saksi sa sumpaan ng pagmamhalan namin noon ni Faye. Doon kami laging nagkikita tuwing sasapit ang araw ng sabado at myerkules. Doon nabuo ang aming sumpaan sa isa’t isa. At doon ko narin binigay ang gintong singsing na aking pinag ipunan sa loob ng mahabang panahon. Tanda ng tunay na pagmamahal ko sa kanya. Doon ko sya hinahagkan sa labi at niyayakap ng mahigpit. At doon ko rin sya binibigyan ng mga pulang gumamelang bulaklak na nagpapahiwatig na wagas ang pagmamahal ko sa kanya…
…at sa aming pagmamahalan na iyon ang tanging piping saksi lamang ay ang malinis na lawa ang mga gumamelang bulaklak at ang matamis na salitang “I love you Faye 1957” na inukit ko sa punong anunang na niyayakapan ng makakapal na lumot ang mga sanga nitong walang dahon. noong araw na naging magkasintahan na kami. Punong puno ng pangarap at pag-asa. Ang aming relasyonn Na akala ko ay wala ng katapusan pa, na akala ko ay hindi magbabago ang lahat, na akala ko ay magsasama kami hanggang sa pagtanda. Pero di ko namalayan na lumipas na ang panahon at ang mahal kong si faye ay nagbago na…..nagbago na sya…..at ang pag ibig namin ngayon ay parang naging isang libingan ng mga patay…
… at ang puno ng anunang, at ang lawa, an gang mga gumamelang mga lanta ay syang mga piping saksi at noong binalik nya ang pinag ipunan kong sing sing sa kanya.,para akong tinusok ng isang daang libong karayom sa puso noong mga panahon nayon. Na para bang hinati sa dalawa ang puso ko mula sa gitna sa pamamagitan ng double blade. Lumipas pa ang mga araw hindi na si faye nagpakita sa akin naghihintay ako sa aming tagpuan halos araw araw ng aking buhay pero walang faye na dumating…
… dumating ang araw na ang punong anunang na iyon ay tinitingnan tingnan ko nalang mula sa malayo na syang nagbibigay alaala sa akin kay faye. Ngunit nabalitaan ko nalang sa isa kong kaibigan na sumama na pala si faye sa ibang lalaki at mayaman daw ito may magarang sasakyan at mestizo. Para akong sinakluban ng langit at lupa sa nabalitaan ko na akala ko hindi sya masisilaw sa yaman, na akala ko ay ibang babae sya sa lahat ng nakilala ko, na akala ko ay tutuparin nya ang mga pangako nya sakin at ang sabi pa nya ay ipaglalaban nya ang pag-iibigan namin pero kasinungalingan lamang pala ang lahat…
…lumipas pa ang ilan pang mga taon di na kami nagkita at wala narin akong balita sa kanya at muli kong binalikan ang punong anunang na niyayakapan dati ng green na green na lumot pero ngayon ay natumba na ito dulot ng mga malalakas na bagyong dumaan sa mga lumipas na mga taon. patay narin ang punong gumamelang dati ay mataba ang mga mapupula nitong mga bulaklak. Kulay itim narin ang tubig sa lawa na dati ay kulay asol…
…pero sa loob ng mahabang panahon nababanaag ko parin ang salitang inukit kong “I love you faye 1957” sa naka tumbang puno ng anunang na syang saksi ng lahat sa naging pag iibigan namin. na naging libingan lamang ng mga patay ang aming mga damdamin…at ang sangang lanta na ay syang nagbibigay buhay sa namatay naming pag iibigan at ang inukit kong “I love you faye 1957” ang syang nanatiling buhay lahat ng pinag samahan namin…pero patay na ang damdamin ko para sa kanya at isa narin syang patay para sa akin”…
…napa tulo ang luha ni lolo habang kwene-kwento nya sa amin ang karanasan nya noon na tila bang sumasabay ang agos ng mga luha nya sa lakas ng ulan sa labas na para bang nakiki-sang ayon ang kalikasan sa bigat ng dinadala nya at sa mga karansan nya. at naitanong ni Owen kung nag kita paba sila ni faye?!?! At naitanong ko rin na kung sakaling bumalik pa ang babae sa kanya ay kung tatangapin pa nya at kung mamahalin pa nya?!?!?
…at ang sabi ni lolo sa tanong ni owen ay “hindi na kami nagkita pa dahil sumama na sya sa isang Engkanto na kampon ng mga Demonyo na nagpasilaw ng kayamanan sa kanya. O kung anong uri man ng hayop ang sinamahan nya at kung sakaling bumalik sya sa akin ay hindi ko na sya tatangapin pa dahil sinayang nya lang ang tunay kong pag-ibig na nilaan ko sa kanya”…
…at naitanong namin ni owen kung bakit nasabi nyang demonyo o engkanto ang sinimahan nya at ang sagot ni lolo ay “minsan na akong naka punta sa kaharian ng lalaki sobra sobra ang yaman nito at ang lagusan ng bahay nila ay sa pagitan ng dalawang bato na syang madadanan ng mga kasama nyung mountaineer kanina. Maraming pagkain ang lugar nila at ang kanin nila ay gumagalaw wala kang makikita doon kundi mga ginto at pilak na syang magpapasilaw sa mata ng tao…
…walang totoong pag ibig sa lugar nayon, walang hinanakit, walang pagka gutom, walang pasakit, walang mahihirap, walang may nagkakasakit, walang umiiyak, walang tumutulong luha, walang madudumi lahat ay malilinis pero ang lahat ng iyan ang peke. gaya ng damdamin ni faye na peke o huwad na pag-ibig. Na nagbabalat kayo lamang sa magandang mukha pero basura ang laman ng puso gaya ng mga demonyo o engkanto na mga sinungaling, mga mapanlinlang, nagbabalat kayo sa mga ginto at pilak gayong mga peke at basura naman ang mga puso nito”…
…nalungkot kami sa kwento ni lolo at hindi na nga nakapag asawa si lolo sa halip pinapasyalan na lamang sya ng kanyang mga pamankin at kapatid., at maya maya pa ay na paalam na kaming matulog dahil sa sobrang lakas ng ulan hindi na kami masyadong magkarinigan at masarap matulog kapag ganong kalamig ang paligid lalo na’t sobrang lakas ng ulan. sinikap naming matulog ng maaga para maka bawi at maka uwi narin kami kinabukasan. Pero hindi maalis sa isipan nami ang mga mountaineer na kasama namin dahil sa sobrang lakas ng ulan at kung ano na kaya ang nangyari sa kanila?!?!?…
…kinabukasan ambon nalang ang natira sa sobrang lakas ng ulan kagabi at nakita namin na may mga binababang mga mountaineer ang mga tanod at mga taong taga roon. At napag alaman namin na grupo pala nila master sabino ang nagsibabaan. May mga galos at sugat sila sa kanilang mga braso, siko, tuhod, at mukha na para bang lumaban sa digmaan. At nilapitan ni owen si master sabino kung ano ang nangyari hindi ito nagsalita at tumngin lang ito sa lupa na para bang hiyang hiyang…
…kung ano man ang nangyari sa kanila sa taas ng “patay na bundok” ay wala kaming alam. Pero alam ko at ni owen at ni lolo kung anong bagay ang sumubok sa kanila kung Demonyo ba ito o isang engkanto. Walang may gustong magsalita sa kanila kahit isang miembro. ganun paman marahil nabawasan ng kunti ang kayabangan ni master sabino na hindi lahat ng bundok ay kilala nya at hindi lahat ng kaalaman nya ay tama dahil ang taong tingin nya sa iba at walang alam ay sya pa ang nagmumukhang walang alam. At kahit ano pa karami ang kaalaman mo kung sobrang itim ng budhi mo wala kang pinag kaiba sa basurang tinutukoy ni lolo sa kanyang kwento…
…habang nakikipag usap si owen sa iba pang mga miembro ni master sabino pilit kong tinatanong ang isang lalaking nanghiram ng lighter at naki-sindi sa akin ng sigarilyo at pabulong kong tinanong kung ano ba talaga ang nangyari…at sabi nito sa napaka hinang tinig ”anim ang miembro naming sinapian ng maligno sa itaas at si master sabino pa ang unang natakot at nataranta sa aming lahat na akala namin ay napaka tapang nya., pero sya pa ang unang pumuslit paibaba ng bundok at hinabol sya ng isa sa mga sinaniban ng masamang espiritu at umiiyak ito na parang bata habang kinaladkad ang katawan nya paitaas ng “patay na bundok”…
…at habang papauwi sila ay sya naman ang salaysay ko kayu owen tungkol sa sinabi ng isang miembrong nakisindi sa akin ng sigarilyo at sabi ni Owen “ganyan ang napapala ng mga taong sobrang yabang sobrang believe sa sarili na kala mo’y alam na lahat at tingin lahat sa mga kasamahan nya ay mang-mang ngayon sino kaya ang nag mukhang mang-mang? Hindi nga ba’t sya…pinahiya nya lamang ang kanyang pangalan at pagkatao sa kanyang mga kayabangan”…
…mga ilan pang sandali sumabay narin kami sa kanila pauwi at nagpasalamat kami kay lolo kung hindi dahil sa kanya napahamak kami at kung hindi dahil sa kanya hindi naming malalaman na may mga babae palang madaling masilaw sa ginto at pilak. At may mga babae pala talagang na sadyang peke kung umibig na nag babalat kayo lamang sa maganda nitong mukha pero basura ang loob ng kanyang puso…
…labing apat na taon na mula ngayon ang karanasan naming ito pero tulad ng inukit ni lolo na salita sa puno ng anunang ay sya rin naka ukit sa puso namin ni Owen ang pangaral ni lolo at napatunayan naming iyon sa loob ng mahabang panahon na naka ukit parin ang mga kwento nya sa amin dahil hanggang ngayon sa mga oras na ito isa kana sa mga piping saksi kasama ng mga natumbang punong anunang na iyon at mga karanasan ni lolo ay magsisilbing aral hanggang kami ay nabubuhay…
…sana maglikha din ito ng ukit sa puso nyu gaya ng pag ukit ni lolo sa puno ng anunang ang kanilang pag iibigan., na kahit huwad o peke man ay nanatili parin ito sa kanyang puso at sa kanyang isipan. Batid ko ang hirap ni lolo sa kanyang buhay at kasama nya itong pasakit na ito hanggang sa kanyang pag tanda o maaring hanggang sa kanyang libingan kaya wag tayong matakot na umibig at mabigo…matakot kana kung hindi kana iibig pang muli…
…at sana dumating ang araw na magkita kaming muli ni ivory sa tamang pagkakataon at sa tamang panahon kung saan man sya naroroon ngayon sana nasa mabuti syang mga kamay. at sana Malaya din syang katulad ko dahil ang katotohanan ay umaasa parin akong magkita kaming muli at sana maalala nya pa ako sa araw ng pagkikita namin…at sana hindi pa huli ang lahat…at sana hindi mawala ng sumisibol na damdaming naka tago lamang sa sulok ng puso nya kahit maraming taon man ang lumipas”…
…naputol na lamang ang magandang ala-alang iyun ng napansin kong nasa santolan station na pala kami at pabalik na pala ang LRT 2 sa recto station. nagkatawanan nalang kaming apat sa nangyari dahil sa pakikinig sa kwento namin ni ivory hindi namin namalayan na lumampas na pala kami ng ilang station. naka ngiti naman si ivory na napapatingin sa akin habang kinikilig naman ang dalawa nitong kasama sa love story namin ni ivory…”oh hayan narinig nyu na ang kwento namin ni vincent baka naman lumapas pa ulit tayo pabalik” wika ni ivory at nagkatawanan na kaming apat…
… at magbuhat nun lagi na kaming nag uusap ni ivory sa messanger at facebook. at sana ito na ang simula ng magandang istorya ng pag-iibigan namin. sa likod ng mahabang panahon na paghahanap sa kanya at sa mahabang panahong wala akong balita sa kanya sana ang mga alaalang ito ay magsilbing susi at makapag bukas sa pintuan ng sarado pa niyang puso…at sana nitong february 14, 2021 ay magkita pa kaming muli bago siya umalis ng Pilipinas….sana…sana…at maghihintay ako sa kanyang pagbabalik…
The End
Full Credits to the Rightful Owner
#Ang Manlalakbay na Manunulat
Note: Hindi po ako Ang may akda lahat ng mga kuwento na nakapaloob sa librong ito. Sana naintindihan niyo. Hindi ko naman ito inaangkin at gusto ko lamang ibahagi sa inyo. Maraming salamat
Lakbay Diwa
pagkalipas ng mahaba-habang panahon ay binista ko ang aking ina dito sa kalibo,aklan. ilang taon din na hindi ko nakita ng personal ang aking ina, at ilang taon din na hindi kami nagkasama. nasa tantiya ko ay sampo hanggang labin dalawang taon na. ilang pasko at bagong taon din kaming hindi nagkasama, ilang kaarawan nya rin na hindi ko sya nakapiling at ilang “mothers day” rin na hindi ko siya nababati? napakarami na. kaya nang makita ko siya sa ospital ay agad ko siyang niyakap ng mahigpit kahit hindi na niya ako kilala. patuloy na dumadaloy sa aking mga pisnge ang luhang kanina pang namumuo sa aking mga mata. habang paulit-ulit kong sinasabi ang salitang “sorry”. nakatitig lamang ito sa akin na tila ba hindi alam ang mga nangyayari. at maya maya pa’y bumuka ang bibig nito at napa ngiti na lamang ako ng bangitin nya sa akin ang katagang “lyka anak kamusta kana at kamusta na ang papa mo?”. sa halip na magsalita ay napangiti na lamang ako kasabay ng pagtulo ng mga luha ako…
…muling bumalik sa alaala ko kung paano kami iniwan ni mama noon. nasa trabaho si papa at ako naman ay iniwan ni ni mama sa aming kapitbahay dahil sumama sya sa lalaking pinalit niya kay papa. nagmamakaawa ako nun na wag niya kaming iwan ni itay. na halos gumugulong na ako sa lupa sa kaiiyak pero hindi nakinig si mama sa akin at tuluyan kaming nilisan ni papa kasama ang kapatid kong bunso na lalaki. tulala ako sa mga nangyari na halos nailabas ko na ang lahat ng luha ko sa maghapon napag-iyak hanggang sa dumating si papa. at nakikinig na lamang ako sa pag uusap nila ng aming kapitbahay noon pero para bang bingi ang mga tenga ko sa kanilang pinag uusapan at tila ba bulag ang mga mata ko sa aking mga natatanaw at nagmistulang walang silbi ang dila ko dahil ayuko ko ng magsalita. masakit napakasakit ng ginawa sa amin ni mama noon. walang wala sa isip ko na isang araw ay iiwan kami ni mama…
…kaya noong mabasa ni papa ang sulat galing kay mama ay napa luha na lamang ito at hindi na nagsalita pa ng kahit na anong masasakit na salita laban kay mama. sa mura kong edad ramdam ko ang sakit na nararmdaman ni papa pero mabilis niya itong tinangap bilang pagkatalo. pero sa akin bilang isang anak ay umuukit ng malalim sa puso ko ang sakit ng dulot nito. dahil ilang araw, lingo, buwan at taon kong tiniis ang pagkawala niya. naputol na lamang ang alaalang iyun nang magsalitang muli si mama nang “ang laki-laki muna anak mula ng huli kitang makita at ang ganda ganda muna kamukha mo ang papa lester mo” saad nito…
…at nag tugon naman ako nang ”salamat ma nagmana lang naman ako sa inyo ni papa at sya nga pala ma…happy mothers day” sabay abot ng tatlong blouse na binili ko kay mama galing ng maynila at sabay yakap sa kanya. muling tumulo ang mga luha ko nang bangitin muli nito ang katagang “salamat anak ko” para bang may kumukurot sa puso dahil nararamdaman ko ang tunay na pagibig ng isang ina. oo kahit iniwan niya kami noon ng aking ama pero nararamdama ko parin ang wagas na pag-ibig mula sa aking ina kahit iniwan niya kami noon. at tuluyan nang umagos ang mababaw na luha ko ng marinig ko sa mahinang salita ang “patawarin mo ako anak ko sana sa pag panaw ko dito sa mundo ay mapatawad ninyo ako” saad nito habang naghahagulgol sa pag iyak at parang tinutusok ang puso sa tuwing sisinok-sinok ito at baka lumala pa ang sakit niya…
…dahil sa sakit na schizophrenia o may sakit sa pag iisip na dapat malunasan ang eksaktong mga sanhi ng schizophrenia ay hindi pa alam. ang pananaliksik ay nagpapahiwatig ng isang kumbinasyon ng mga kadahilanan sa pisikal, genetiko, sikolohikal at pangkapaligiran ay maaaring dahilan kun kaya’t nagkakaroon ang tao ng ganitong klasengkaramdaman o kundisyon. ang ilang mga tao ay maaaring madaling kapitan ng sakit sa schizophrenia, at ang isang nakaka-stress o pang-emosyonal na pangyayari sa buhay ay maaaring magpalitaw ng isang psychotic na abiledad. Yan ang sakit ng aking mama kong pag babasahina natin ang syensyao agham pero ayon sa mga kwento ay na “yanggaw” si mama isang salitang hiligaynon na walang katumbas na salita sa wikang filipino. sa maka tuwid baga’y sya nahawaan ng pagiging aswang yan ay ayun sa mga albularyo dito sa aklan…
…dahil ang lalaking sinamahan ni mama ay may lahing aswang kung bakit nagagawa ng mga ito pumatay at kumain ng mga manok, baboy at kambingna hilaw at minsan pa raw ay tao ang ilang paliwanag naman ukol sa pagiging schizophrenia ay tinatawag itong x- linked dystonia parkinsonism o lubag syndrome. Sa malalim nap ag aaral ng syensya ay sakit sa isipan. ang dystonia ay isang kundisyon na nailalarawan sa pamamagitan ng hindi sinasadya, matagal na pag-urong ng kalamnan. ang parkinsonism ay maaaring magsama ng panginginig, hindi pangkaraniwang mabagal o napabilis na paggalaw (bradykinesia), tigas, isang kawalan ng kakayahang hawakan ang katawan patayo at balanseng (postural kawalang-tatag), at isang shuffling lakad na maaaring maging sanhi ng paulit-ulit na pagbagsak hanggang sa itoy gagapang na lamang. iyan ang paliwanag ng ospital sa sakitni mama pero kaming mag-anak ay naniniwalang nahawaan siya ng pagiging aswang at nakuha niya ito sa lalaking kinakasama niya dati…
…alas dyes y medya nang gabi nang humiling si mama sa akin habang nakahiga at nagpapahinga gusto niya raw na kwentohan ko sya tungkol kay papa noong mga panahong umalis na sia sa buhay namin at tamang tama naman na may na e kwento si papa sa akin noong nakaraang pasko at iyun ang kwento nila ni tita mavic. tuwang tuwa naman si mama noong marinig niya mula sa akin na e kwe-kwento ko ang buhay ni papa at ni tita mavic. at agad naman itong umayos ng higa at humawak sa aking mga kamay habang sinusuklay pa ng kanang kamay nya ang buhok ko. at bumulong ito na sige na anak simulan muna…….at ito na nga ang naging kwento nila…………
…”taong 1990 habang nag-aaral sa pamantasan ng lungsod ng maynila na matatagpuan sa general luna, corner muralla st. intramuros, manila. habang nagbabanat ako ng buto sa gabi sa pagtitinda ng palamig, shake, balut, hotcake, softdrinks at kung mga ano ano pang mga pagkaing mapagkikitaan. pati narin mga sigarilyo ay nabebenta kami tulad ng mga evergreen, hope, liberty, champion, more, philip at marlboro. pati ang pag-papa arkila ng komiks ay sinamantala na naming mag ina. para may pangtustos din sa pag aaral ko at kapag sa umaga naman kung saan may mga fiestahan nag sa-sideline ako ng operator sa mga tsubibo o “ferris wheel” sa salitang banyaga. at ngayong taon ay pansamantala muna akong huminto sa pag-aaral para makapag ipon sa susunod na pasukan. kung kaya’t kinakagat ko kahit anong trabahao makapag ipon lamang. pero dito sa pag ooperate ng ferris wheel nauubos ang oras ko kung mahina naman nag sa-sideline ako sa mga talyer ng mga kilala ko…
…tawagin nyo na lamang akong lester quijano dela merced sabi ng mga ka-klase ko may hitsura daw ako at hindi raw mukhang mahirap ang hitsura ko kapag naayusan at nadamitan ng bago kung kaya’t noong bata palang ako tinatawag nila akong “boy tisoy” kamukha ko raw kasi si ian veneracion. dahil may taas din akong 5’7” at noong mga panahong iyun ay kasikatan din ni ian veneracion. sa mga millinials na hindi pa nakakakilala kay ian veneracion siya ay sumikat sa pelikulang “bukas tatakpan ka ng dyaryo”, “boy praning utak pulbura”, ”armadong hudas”, “kanto boy 2 (anak ni totoy gwapo)” at “ben balasador”. sa katunayan marami kaming benta sa pwesto namin kapag ako ang nagbabantay sa tindahan namin ni inay. hindi naman sa pagbubuhat sa sariling bangko ay talaga namang maraming nagka crush sa akin noong mga panahong iyon mula sa freshmen hanggang sa mga seniors…
…enero taong 1992 noon nag sideline ako sa ferris wheel operator para makapag ipon ng kaunti para sa pang matrikula sa skwela sa sunod na pasukan. marami at sunod-sunod din ang mga schedule naming sa bawat barangay. enero 20 nasa barangay mayao crossing kami at sa enero trentay uno sa barangay barra naman at ang mga sumunod pa ay pebrero 11 sa barangay ibabang iyam. sa probensya ng quezon province sa lucena city at doon ko din nakilala si maria victoria villacorta aragon o tawagin nalang natin syang sa pangalang “mavic” at doon kami unang nag kita sa kanilang skwelahan sa lucena city national high school (LCNHS). sa barangay ibabang dupay, maharlika highway sa elvira razon aranilla compound. doon unang nagtama ang mga mata namin ni mavic. na tila bang nagpapahiwatg ng mga kataga ang mga mata naming dalawa na kahit hindi sabihin ng mga dila ay nabibigkas naman ng mga mata. at dahil malapit doon ang aming tinutuluyang boarding house sa skwelahan hindi maiiwasang palagi kaming magkita at sa tuwing magkatama ang aming mga mata ay batid ko na sa mga mata makikita ang aming mga damdamin…
…at sa mga sumunod na araw ay talagang inaabangan ko siya at pinagmamasdan ang kanyang magandang mukha habang naka tingin ako mula sa malayo at talaga namang naakit ang pihikan kong puso. hanggang sa dumating ang araw na palagi na lamang akong balisa at lihim na umiibig kay mavic. minsan sinabi ko sa sarili ko ano kaya ang gagawin ko sa mga utos ng aking damdamin para itong isang malakas na hangin na talaga namang napaka hirap pigilin. sa natural na ganda ni mavic ay walang sinumang lalaki ang may karapatang tumanggi dahil hindi naglalayo ang personalidad, mukha, kilos at galaw niya sa actress na si mikee cojuanco na talaga namang maganda sa natural na paraan at hindi makabasag pinggan kung kumilos na syang nagustuhan ko sa personalidad ni mavic at nararamdaman ko kapag tumatama ang aming mga mata may “magic” sa aming dalawa…
…isang makulimlim na dapit hapon ng pebrero dose habang nag aayos o nag a-assemble ng mga parts ng tsubibo sa di inaasahang pagkakataon naka tanggap ako ng sulat mula sa di kilalang tao at ini-abot lamang sa akin ng isang batang babae na nasa sampong taon gulang at ang naka saad sa sulat…
Date: february 12, 1992
“jimmy please say you’ll wait for me, I’ll grow up someday you’ll see. savin’ all my kisses just for you, signed with love forever true. joni was the girl who lived next door. i’ve known her I guess 10 years or more. joni wrote me a note one day. and this is what she had to say. jimmy please say you’ll wait for me. i’ll grow up someday you’ll see. savin’ all my kisses just for you. signed with love forever true…
…slowly I read her note once more. then i went over to the house next door. her teardrops fell like rain that day. when I told Joni what I had to say. joni, joni, please don’t cry. you’ll forget me by and by. you’re just fifteen i’m twenty two. joni I just can’t wait for you. soon i left our little home town. got me a job and tried to settle down…but her words kept haunting my…”
…hindi ko pa natatapos basahin ang lyrics ng kanta ay agad namang nag salita ang batang babae na “paki sulat daw po ng name mo kuya sa likod ng papel” at nang binaliktad ko ang papel saka ko lamang na napansin ang nakasulat doon na “from: mavz (joni)” at agad ko namang sinulat ang pangalan ko sa bandang ibaba na “hello mavz from lester(jimmy)” at agad ko na iyun iniabot sa batang babae na syang nag abot din sa kin ng sulat at lingid sa kaalaman ng bata at patago ko siyang sinusundan at hanggang sa makarating sya sa loob ng campus ng LCNHS at laking gulat ko na ang babaeng palagi kong nakikita sa tuwing uuwi ako ay siya rin ang babaeng nagpadala ng lyrics ng kanta at doon ko lang nalaman na mavz ang pangalan nya at sumapit ang pebrero 13 kumuha ako ng palara ng sigarilyo at sinulat ko doon ang salita “dear mavz (joni), pwedi ba tayo magkita sa labas ng school nyu bukas mga banda alas sinko y medya ng hapon” –lester (jimmy)…
…kinabukasan nagkita nga kami ni mavic at doon ko nalaman ang tunay nyang pangalan nya at doon din nagsimula ang maganda naming pagmamahalan. hanggang dumating ang pebrero katorse at iyun ang pinakasarap na nangyari sa aking buhay saksi ang malaking punong acacia na malapit sa sa skwelahan ng lucena city national high school (LCNHS). sa aming pag iibigan ni mavic…mga unang yakap na syang nag bibigay ng kilabot sa aming dalawa ni mavic,..mga tamis ng unang halik na pumupukaw sa ulirat ng hindi maipaliwanag na damdamin,.. mga unang haplos na nagbibigay ng deliryo sa aming mga mata,..mga sensasyon na walang salitang makapag paliwanag pa…hindi ako makapaniwala sa una…at hindi rin sya makapaniwala pero……it happens…..at nangyari nga ang bagay na ginagawa lamang ng magkabiyak o magsing-irog. at magmula noon palagi ko na syang kasama sa tuwing may mga fiestahan sa mga karatig barangay tulad sa barangay ransohan na fiesta sa ika 25 ng pebrero kung kaya’t masaya akong kasama sya sa aking pagtra-trabaho. kahit sa kakaunting panahon lamang ay masaya na kami…
…dumating din ang araw na pinag tapat namin ito sa kanyang pamilya pero sa kasawiang palad “des gusto” ang pamilya ni mavic sa akin. maaring dahil isa lamang akong kapos palad at napakalayo ang agwat sa kanilang pamumuhay at lingid sa aking kaalaman na ganun pala kayaman ang aking kasintahan. di ko lubos akalain na isang malaking up and down ang kanilang bahay at hindi ang karangyaan sa pamumuhay ang habol ko sa kanya kundi ang natatangi niyang ganda., ganda ng kalooban at ganda ng panglabas na kaanyuan. binalaan ako ng kanyang ama na wag nang makipag kita kay mavic pero sadyang mapag-gawa ako ng paraan kung kaya’t nagkikita kami ng patago at muling naulit pa ang matatamis naming pagmamahalan. naulit ng maraming beses. dahil sa labis naming pagmamahalan. hanggang sa dumating ang araw na nagbunga ang aming ginagawa at nabuntis ko na nga si mavic…
…hanggang isang araw natagpuan ko nalang ang sarili ko na binubogbog ng kanyang ama kasama ng kanilang family driver sa loob ng kanilang pamamahay habang binibista ko ang aking katipan at paulit ulit na sinasabi sa akin na walang puwang ang mga patay gutom na hampas lupang latak ng lipunan sa kanilang pamamahay. magmula noon tinatak ko sa isipan ko na magtatapos ako ng pag-aaral sa kolehiyo ng sa ganun may mukha na akong maihaharap sa mga magulang ng mahal ko at sa magiging anak ko. at mabilis na lumipas ang apat na taon (1996) nakapag tapos ako ng four year course sa automotive at nag tra-trabaho ng marangal sa toyota makati branch pero hindi parin sapat para sa mga magulang ng katipan ko. at apat na taon narin ang aming anak na babae na sa tuwing araw ng pasko ko lamang nasisilayan ang kanyang cute na mukha na hawig sa akin at sa aking mahal na katipan na si mavic. doon ko lang nalaman na walang kasing pait pala ang ipagkait sayo ng biyanan mong hilaw ang sarili mong anak…
…disyembre 24 ng taong 1996 muli akong bumalik sa lucena city para dalawin ang mag ina ko dahil sobrang sabik na ako sa kanila. gaya ng dati nasa hardin lamang kami ni mavic kasama ang anak naming si hailey. habang naka tingin mula sa malayo ang ama ni mavic. mabuti na ito sabi ko sa sarili ko atleast hindi ako pinag tabuyan gaya ng nakaraang mga taon. at pagkalipas ng dalawang oras nagingilid ang mga luha kong nagpapaalam sa kanila habang niyayakap ko ang mag-iina ko at nangakong babalik ako sa susunod na taon. at muli kong hinagkan sa labi ang mahal kong asawa at muling pinagmasdan ko ang maamong mukha ng aking anak dahil sa susunod na naman na taon muli ko silang masilayan…
…mag aalas syete na ng gabi ng pabaliik na ako sa maynila. dahil sa kalungkutan hind maiwasan na muling gumilid ang mga luha sa aking mga mata. habang naglalakad sa kalsada unti-unting nararamdaman ko ang malamig na samyo ng hangin sa aking pisnge. at isa isa kong pinagmamasadan ang bawat magkasintahan sa daan na di mo mailarawan ang saya dahil kasama ang mga kabiyak nila. samantalang ako hindi maipinta ang nadarama. at habang pinagmamasadan ko ang mga magkakasintahan. naalala ko na naman ang mga kahapong nagdaan namin ni mavic noong kaming bago pa lamang na punong puno ng pagmamahalan. pero ngayon wala ako sa piling nya. hanggang kailan kaya ako maghihintay at hanggang kailan kaya ako magtitiis?!?!? mga katanungang walang katiyakan ang kasagutan…
…ika 22 ng buwan ng marso taong 1997 nakapag abroad ako sa shuangxi, new taipei city, taiwan. para makapag ipon ng kaunting pera para sa kinabukasan ng aming anak na si hailey at para makuha ko narin ang aking mag-ina sa puder ng kanyang mga magulang. at higit sa lahat para naman hindi ako matahin ng mga mata pobre niyang ama. umalis ako na hindi lamang nasilayan ang aking mag-ina datapwat ang kanilang litrato lamang sa wallet at ang kanilang mga alaala ang tanging baon ko. gaya ng mga normal na OFW nakaranas din ako ng homesick at talagang nangulila sa pamilya. dahil noong mga panahon na iyon ay telegrama pa alamang ang aming komunikasyon ni mavic at talaga namang napaka hirap ng aming sitwasyon…
…mabilis na lumipas ang tatlong taon (2000). nakapag ipon narin ako ng sobra sa inaakala ko at minsan dahil sa labis na kita di ko namamalayan na nagwawaldas na pala ako ng malaking halaga sa inuman na hindi ko naransan noong nasa pilipinas ako. kung kaya’t panay ang punta namin ng bar kasama ang mga katrabaho ko mapa babae man o lalaki. dahil sa pangungulila sa aking mag-ina naging takbuhan ko ang isang bar sa taiwan na malapit sa pinagtratrabahuhan namin. ika 22 ng disyembre taong 2000 nagpasya akong magbakasyon at umuwi ng pilipinas. at ang sabi ko sa sarili ko na nag bunga narin ang aking pagtitiis at babalikan kong muli ang ating lupang sinilangan. matagal na panahon din akong napalayo sa kadahilanang mahango ko sila sa kalupitan ng buhay…
…sa loob ng eroplano, doon ko napagtanto na napakaraming araw at gabi din akong nagtiis bilang isang OFW at ang mag-ina ko lamang ang nagpalakas ng aking loob at napagtanto ko narin na napakabilis ng panahon parang kailan lang heto ako ngayon pabalik na muli ng pilipinas. “ napakabilis talaga ng oras” yan nalang ang nasabi ko sa aking sarili. habang unti-unting umaalis ang eroplano pabalik ng pilipinas. sya naman ang palakas ng palakas ang tibok ng puso ko dahil sa excitement na nararamdaman ko. wala akong ginawa sa loob ng eroplano kundi ang tumingin sa bintana na masilayan ang nagagandahang mga ilaw ng syudad ng taiwan. at di makapaniwala na sa loob ng dalawa at kalahating oras ay nasa pilipinas na ako after 3 years…
…at hindi ko namalayan na naka idlip na pala ako. nagising na lamang ako nang marinig ko ang sabi ng stewardess na “sir malapit na po tayo sa pilipinas paki tuwid na lamang po ng inyong upuan”…at muli kong sinilip ang bintana ng eroplano at ang sarap ng pakiramdam na masilayan muli ang lupang sinilangan… at pabilis ng pabilis ang tibok ng aking dibdib…habang ang sinasakyan naming eroplano ay palapit ng palapit sa bayan kong kay tagal na panahon din na hindi ko nasilayan…
….at ngayon ay muli ko na itong mapagmasdan lalo na ang nagagandahang mga parol….christmas lights….christmas tree…at mapakingan muli ang mga OPM christmas songs…
…at unti unting na ngang bumababa itong eroplanong aming sinasakyan at nag sabi ulit ang stewardess na “sir paki tuwid nalang po ulit ng inyong upuan dahil lalapag na ang eroplano sa ating inang bayan”…ang sarap sa pakiramdam at kakaiba ang aking nadarama walang eksaktong salita na makapag paliwanag sa naramdamang kong galak na makita ko muli si mavic at hailey ang aking mag-ina…
…paglapag ng eroplano sa NAIA (ninoy aquino international airport). wala na akong inaksayahang oras at dumerecho na agad ako sa aking mag-ina sa quezon province sa lucena city para maibigay narin ang mga pasalubong ko. kaya tatlong oras pa ang byahe papuntang lucena sa bus. at alas dyes y medya ng gabi nang nakarating ako sa malaking bahay nila mavic at agad naman akong pinapasok ng katulong at agad kong tinanong kung saan si hailey at mavic at ang sagot nya “pasok po kayo sir at sino po kayo sir para masagot kop o agad ang katanungan ninyo sir”…at sinabi ko na ako ang ama ni hailey at agad na humingi ng paumanhin ang kasambahay at pumasok sa loob para ipaalam kung sino ang bisita…
…at maya maya pa ay iniluwa ng pintuan si mavic at agad ko itong tinakbo at niyakap pero isang malutong na sampal ang sumalubong sa akin na syang ikina-gulantang ko at hindi mawari ng isipan ko kung bakit ako sinampal ni mavic at napatanong na lamang ako ng “bakit?” at pagkasabi nun agad nitong ibinato sa akin ang mga larawan na kuha sa kodak na kamera at nakalarawan doon ang mga babaeng nakasama ko sa bar sa taiwan. at agad kong pinag tanggol ang aking sarili na walang nangyari at mga guest relation officer lamang sila o (GRO) at sinabi ko na hindi ako gumalaw ng kahit sinong babae sa taiwan dahil mahal na mahal ko silang mag-ina. pero hindi nya ako pinaniwalaan at hindi nya ako pinakinggan…
…sa halip sinabi pa nya na ito na ang huli naming pagkikita at hinding hindi ko na raw makikita pa si hailey dahil nakakahiya raw ipakilala ang isang amang sinungaling. pinag tulakan ako ng mga tao doon…itinaboy na parang isang asong galisin…habang naka tanaw sa mga magulang ni mavic mula sa terrace ng kanilang bahay. walang akong magawa kundi ihakbang ang mabibigat kong paa papalayo sa kanilang bahay. nagsusumamo ako kay mavic na kahit 5mins. lang gusto kong makita si hailey pero sinigawan lamang ako nito na ang kapal ng mukha ko at wag na wag na raw akong umasa pa na masilayan pang muli ang aming anak…
…napaka bigat ng mga paa kong e-hakbang papalayo at papalabas ng kanilang bakuran. na ang buong akala ko ang pag aabroad ko ang kasagutan sa lahat. tumutulo ang luha ko habang binabagtas ang daan papalabas sa kanilang tahanan. para akong batang paslit na umiiyak habang sinisipa papalabas ng kanilang bakuran…at hindi narin tinanggap ang mga christmas gift kong dala para sa kanila sa halip dalhin ko na lamang daw kisa itapon pa sa basura. naglalakad ako na hindi ko alam kung saan ako patungo at wala ako sa sarili habang tinatahak ang landas pabalik sa maynila habang tumutulo ang luha…
…madaling araw na ng disyembre 23 habang nakasakay ako sa bus ay sya naman ang tugtog ng kantang……
”pasko na sinta ko…hanap-hanap kita…bakit magtatampo’t…nilisan ako…kung mawawala ka…sa piling ko sinta…paano ang pasko…inulila mo?!?!…sayang sinta ang sinumpaanat pagtitinginang tunay…nais mo bang kalimutang ganap…ang ating suyuan at galak…kung mawawala ka…sa piling ko sinta…paano ang pasko…inulila mo?!?!
…sayang sinta ang sinumpaan…at pagtitinginang tunay…nais mo bang kalimutang ganap…ang ating suyuan at galak”… habang patuloy ang pagkanta ay sya naman ang patuloy na pag agos ng mga luha ko sa loob ng bus na iyun…saksi ang pampasaherong bus na iyun at ang kantang iyan sa sakit ng naramdaman ko noong madaling araw na iyon…
…naging wala nang saysay ang pasko at bagong taon para sa akin magmula noon. kung kaya’t nagpasya akong bumalik agad ng taiwan noong enero syete taong 2001. para makalimot sa bigat ng aking naramdaman. at pagdating ko ng taiwan nilunod ko ang sarili ko sa alak at babae. sa alak lang ako dati nalulong hindi sa babae pero dahil sa inakusahan narin lang akong nambabae kaya gagawin ko nalang total sira narin naman ang aking pamilya…
…hanggang patuloy na lumakad ang panahon…patuloy din akong lasing…hanggang isang araw ng aking kalasingan may naawa sa akin at inuwi nya ako sa kanyang tinutuluyang apartment at ito nga ay si rose o mary rose javier hortaleza na tubong kalibo, aklan. at sya ang tumulong sa duguan kong puso. hanggang sa napag desisyunan na naming magsama at kalaunan at nag desisyon narin kaming umuwi na lamang sa pilipinas at doon kami magsimulang muli gamit ang medyo malaki naming ipon mula sa pag aabroad . perpekto si rose sa loob ng bahay. napaka linis ni rose sa loob ng tahanan…masyado siyang masipag sa loob ng bahay…masyadong organize at prim and proper ang bawat bagay…maasikasong kapareha at masarap magmahal na inaasawa o ka live-in partner. at ang sabi pa ng mga dati kong kaibigan kung kamukha daw ni mikee si mavic mala jennifer mendoza naman daw itong si rose at sobrang maalaga pa…
…hanggang sa lumipas ang limang taon (2006) nabiyayaan kami ng dalawang anak isang babae at isang lalaki at wala ng pasko na malungkot sa piling ni rose…lahat ay masaya sa piling nya…
…pero tulad ng mga kasabihan ng mga matatanda na sa buhay natin ay hindi araw araw ay pasko. dumarating din ang dagok ng buhay…kung kaya’t dahan dahang nagbago si rose. dahan dahan nanlamig ang pakikitungo nya sa akin. hindi nya man aminin ay nararamdaman ko. pero hinayaan ko na lamang iyon dahil para sa akin ang pagmamahalan ay kalayaan. malaya syang magpasya sa kanyang damdamin. dahil nauso na ang mga cellphone noon naramdaman ko nang mayroon na syang ibang pinagkakaabalahan. o maaring may iba na syang minamahal na ayaw nya lang sabihin sa akin pero tulad ng babae ang lalaki ay may human instinct din. mararamdaman din naming mga lalaki kapag nagpapaligaw na ang kapareha namin…
…hanggang sa dumating ang isang araw na iniwan na lamang ni rose sa aming kapit bahay ang panganay naming anak. at ang sabi pa ng kapit bahay sinama nya raw ang bunso at may dalang mga bag at agad akong umuwi ng bahay. galing pa ako sa trabaho noong raw na iyun at nabigla ako ng mabasa ko ang sulat na… “lester, hindi ko alam kung papaano ko sasabihin sayo ang totoo. na realize ko na mas mahal ko pala kaysa sayo ang kababata kong si jake sana maunawaan mo ako. im sorry” – rose
…nanginig ang katawan ko nung nabasa ko ang sulat na iyon na halos hindi ko lubos akalain na ipagpapalit nya ang aming dalawang anak sa isang kababata lamang at kung ano man ang dahilan siya lang ang nakakaalam at wala akong karapatan na husgahan siya sa katunayan ako ang may utang na loob sa kanya dahil pinulot nya lang din naman ako sa putik. noong mga araw ng kabiguan ko tangan nga lamang at nagkaroon kami ng anak…at sayang lamang at minahal ko na sya…pero kailangan tangapin ang katotohanan na may hangganan din ang lahat at kailangan magpatuloy ang buhay…
…limang taon pa ang mabilis na lumipas malaki na si lyka ang panganay naming anak ni rose siyam na taong gulang narin sya gaya ng mama nya maganda, maputi, tisay at matalinong bata din si lyka. at habang tinuturuan ko ng pagpipinta ng mga kabundukan ay may narinig kaming nag sasalita ng “tao po” sa labas ng bahay. at agad kong sinabi kay lyka na tingnan nya at papasukin kung sino ang nag tatao po sa labas… maya maya pa ay pumasok ang babaeng naka belo…hindi ko ma mukhaan kung sino dahil natatakpan ito ng itim na tela sa mukha…
…at noong inalis na nya ang belo nagulat at nabigla ako dahil biglang tumanda at namayat si rose hindi na sya gaya ng dati na maalaga pa sa mukha at katawan. ngayon halatang napabayaan na pero nababanaag parin sa mukha niya ang dugong meztisa at agad ko syang tinanong na “galit kaba sakin mahal ko, buong pagmamahal ko siyang tiningnan nabigla siya sa tanong ko pagkakuway biglang napahikbi……umiling siya…
…hindi na ako nakatiis niyakap ko ang aking asawa. at sabi nya ay “sorry din mahal ko patawarin mo ako… huhuhu patawarin mo ako. paulit ulit na sabi nya habang yakap yakap ko ito…
…at naka kunot noo naman na nakatitig sa amin si lyka…
…sinabi nya sa akin na lahat ng ginawa ni jake sa kanya …
…tinanong nya rin ako kung bakit hindi nagbago ang pagmamahal ko sa kanya at ang sabi ko…”noong nakita mo ako sa bar na lasing na lasing sampong taon na ang nakalipas ay wala nang saysay pa ang buhay ko nun at gusto ko nang mamatay dahil wala na akong pamilyang babalikan at wala na akong pangarap dahil pinagkait na sa akin ang lahat pero noong tinulungan mo ako binigyan mo ng direction ang buhay ko. binuhay mo akong muli…tinuruan mangarap…at tinuruan magmahal…at tinuruang magpatawad…
…ngayon ikaw naman ang nangangailangan ng tulong…tama lang na tulungan kita dahil minsan sa buhay natin ay nagtulungan at nagmahalan tayo…minsan sa buhay ko ay inahon mo ang katawan ko sa putik ngayon ikaw naman ang tutulungan kong umahon sa putik…
…at kulang pa ang buhay ko para mabayaran ka sa lahat ng ginawa mo sa akin lalo na noong panahong down na down ako na halos wala na akong makapitang tao. at isa pa alam kong babalik rin ang dating rose na minahal ko sa tulong ng panahon…mahal na mahal kita rose…
“sorry mahal ko…. sana mapapatawad mo pa ako ng marami pang beses wika nito…at sabi ko kahit ulitin mo pa ng maraming beses ay tatangapin kita ng marami pang beses…sino ako para ipagtabuyan ka…kung ang Diyos nga ay nagpapatawad akong tao pa kaya at naranasan kona sa buhay ko na ipagtabuyan at ayaw kong maranasan iyon ng tao… lalo na sa taong mahal ko …pero hangga’t maari ay wag mo nang ulitin pa…dahil mapagpatawad man ako pero may hangganan din”…sabi ko sa kanya at ngumiti ito….
…at agad kaming nagyakapan at kunting katahimikan ang namayani sa aming bahay at ito na ang anak natin si lyka dalaga na sya…agad namang lumapit si lyka sa amin at niyakap kaming dalawa at naitanong ko ang bunso naming doon daw sa kanila sa aklan sa kapatid nya at nasa mabuting kalagayan naman daw…
… at inamin nya sa amin ni lyka na may sakit sya… at ayon sa mga psychologist tinatawag itong schizophrenia o may sakit sa pag iisip na dapat malunasan kung bakit nagagawa ng mga ito pumatay at kumain ng tao ang ilang paliwanag naman ukol sa pagiging schizophrenia ay tinatawag itong x- linked dystonia parkinsonism o lubag syndrome isa itong sex-linked genetic progressive movement disorder at kalimitan sa babaeng mahilig sa sex ito nakikita at iyan ang sinasabi ng medical reports pero hindi nya ito pinaniniwalaan sa halip ay…
…isa itong “yanggaw” daw siya sa kanilang lugar sa aklan . ang yanggaw ay isang pagkahawa ng pagiging isang aswang. ginagawa ito kapag natutulog ang isang tao at lalawayan ng aswang ang kanyang tenga o di kaya sa isang pagkain na lalagyan ng laway o mutya ng isang aswang…
…pinagamot ko si rose sa isang eksperto sa sa mga ganyang bagay sa kanilang lugar sa aklan at pinag bakasyon ko muna sya doon ng mahaba-habang panahon para ma proteksyunan ang anak naming si lyka at patuloy naman ang mga kapatid niya sa pag obserba sa kanyang kondisyon…
…hanggang sa nag high school na si lyka at naisipan kong sa lucena manirahan pansamantala at doon nag aral ng high school si lyka sa lucena city national high school (LCNHS). at muling nagbalik tanaw ako sa aking nakaraan…muling naglakbay ang aking diwa. bumalik sa balintataw k kung saan ko hinihintay noon si mavic ang punong acacia na saksi noon sa pagmamahalan namin at ang hirap ng karanasan ko noong ferris wheel operator pa lamang ako. napakasayang pamilya sana ang naghihintay sa amin ni mavic kung pinaglaban nya lamang ako sa isang napaka liit na pagkakamali…
…hindi rin ako nagsisi dahil binigyan ako ng isang maganda at matalinong anak na si lyka…pero ang totoo hindi parin mawaglit sa isipan ko ang aking panganay na si hailey at ang dati kong katipan na si mavic na andoon lamang sila sa apat na sulok na bahagi ng aking isipan…
…nagbabasakaling makita ko silang muli ng di inaasahan sa lugar na ito at ayaw ko nang bumalik sa bahay nila sa kabila ng ginawa nila sa akin…ganon paman naniniwala ako na isang araw ay makikita ko rin ang dati kong katipan na si mavic at ang panganay kong si hailey…
“kamusta na kaya sila…sana nasa mabuti silang kalagayan” …nasabi ko na lamang sa aking sarili.
…”madali lang naman pala tumanggap at magpatawad pero bakit parang napaka hirap sa kanila?!?! mga katanungang walang katiyakan ang mga kasagutan…
…lumipas ang limang buwan mula ng pumasok na sa skwela si lyka buwan ng disyiembre nun. dahil hinahatid at sinusundo ko sya may napansin akong kotse na laging nagbaba ng kanyang car window sa tuwing napapatayo ako sa harapan ng punong acacia habang naghihintay kay lyka. pero agad naman itong itinataas hindi ito una o pangalwang beses nangyari mga apat na beses na nangyari…
…isang araw hindi ko nasundo si lyka…at humahangos itong pauwi ng bahay at may ikwe-kwento daw sya sa akin may babae daw na nag tanong kung ano ang pangalan nya at ang sabi nya “lyka rose dela merced po ang sabi ko sa kanya papa” …“tinanong ko rin po siya kung ano po ang name nya ang sabi nya po ay sya daw si joni….at may binigay po sya sa akin na papel papa”…
…at agad ko namang binuklat ang papel at nagulat ako sa nakasulat…
Date: february 12, 1992
“jimmy please say you’ll wait for me, I’ll grow up someday you’ll see. savin’ all my kisses just for you, signed with love forever true. joni was the girl who lived next door. i’ve known her I guess 10 years or more. joni wrote me a note one day. and this is what she had to say. jimmy please say you’ll wait for me. i’ll grow up someday you’ll see. savin’ all my kisses just for you. signed with love forever true…
…slowly I read her note once more. then i went over to the house next door. her teardrops fell like rain that day. when I told Joni what I had to say. joni, joni, please don’t cry. you’ll forget me by and by. you’re just fifteen i’m twenty two. joni I just can’t wait for you. soon i left our little home town. got me a job and tried to settle down…but her words kept haunting my memory the words that joni said to me. jimmy please say you’ll wait for me i’ll grow up someday you’ll see. savin’ all my kisses just for you. signed with love forever true…
…i packed my clothes and I caught a plane. i had to see Joni, I had to explain. how my heart was filled with her memory. and ask my Joni if she’d marry me. i ran all the way to the house next door.but things weren’t like they were before. my teardrops fell like rain that day. when I heard what Joni had to say…jimmy jimmy please don’t cry…you’ll forget me by and by. it’s been five years since you’ve been gone…jimmy i married your best friend john”…
…sa wakas natapos ko rin ang lyrics ng kantang iyun at doon ko napagtanto na hindi pala yun happy ending at muli kong tiningnan ang likod ng papel nakasulat parin doon ang…“from: mavz (joni)” at sa bandang ibaba na “hello mavz from lester(jimmy)”
…at kinabukasan sinamahan ko na si lyka sa skwelahan at habang papunta kami sinasalaysay ko sa kanya ang mga pangyayari at napapangiti lamang ito sa mga kwento ko….hanggang sa hinatid ko na sya sa gate ng skwelahan nila at pag lingon ko nagkita ulit kami ni mavic…nagka titigan ang aming mga mata… hindi maitatanggi na maganda parin sya pagkalipas ng mahabang panmahon…walang salita ang lumabas sa aming bibig pareho kaming nabigla…paraho kaming tulala…tila bang tumigil ang oras ng magkatinginan ang aming mga mata…na para bang nag slow motion ang mga galaw nya habang tinititigan ko sya…
…aaminin ko kay tagal na panahong hinintay ko na makita syang muli dahil sa sulok ng puso ko alam kong mahal ko parin sya tangan nga lamang na may anak din kami ni rose at napatawad ko na sya…nabasag ang katahimikan ng halos sabay kaming nagsabi na “kamusta kana” at nautal na kaming dalawa at nagkatawanan pa…kaya ang sabi ko ay sya nalang ang maunang magsalita at ang sabi nya nga ay kamusta na ako at ang sabi ko nga ay “heto natuto na sa mga pagkakamali ko” …ikaw?!?!? balik na tanong ko sa kanya…
…”matagal kitang hinanahap at matagal na kitang pinatawad kaya noong nabalitaan kong may kinakasama kana kusa na akong lumayo. ayaw kong masira ang pagsasama ninyo” saad nito sa akin ni mavic…
…at sinabi ko sa kanya ang totoo na may isang babaeng tumulong sa akin noong mga panahong lugmok at depress ako at malaki ang utang na loob ko sa kanya hanggang sa napamahal narin ako dahil kung wala sya baka sa kangkungan ako pupulutin maaring hindi na tayo magkita pa ngayon…
…”im so sorry for all the things that i’ve done… i know the heartaches you’ve been through…sorry”
…kunting katahimikan ang namagitan sa amin habang naka tingin sa mga mata nya na nababanag ko ang kanyang sinsiridad sa kanyang mga sinabi at nag salita ako mahinang paraan na …
”apology accepted”
…at niyakap ko sya at dahil sa bugso ng damdamin ay nahalikan kong muli ang mga labi nya na kay tagal na panahon kong hinintay at di ko akalin na mangyayari pang muli…
…napansin na lamang namin na may naka tingin na sa amin at maya maya lumapit ang may katangkarang magandang batang babae at nagsabi na “whos that guy momy?” at agad ko naman narinig ang sinabi ni mavic na “he’s your dad hailey”
“dad” sabi ni hailey
…parang matunaw ang puso ko sa galak ng tawagin akong dad ni hailey at napaluha ako at niyakap ko sya ng napaka higpit kay tagal na panahong hinintay ko ang pagkakataong ito ang mayakap ko ang panganay kong anak…sabay sabi nyang “dad why did you leave us? ”…
…nagkatinginan kami ni mavic sa sinabi ni hailey at sinabi ko nalang na “time will come hailey…you will understand everything…oneday hailey….one day…”
…mga ilang sandali pa ay lumabas narin si lyka at agad kong pinakilala sila sa isa’t isa pareho silang maputi at maganda yun nga lang at mas kamukha ko si hailey at mas matangkad ganun paman pareho ko silang anak at pareho ko silang mahal… sabay sabi ni mavic “kay gandang bata sigurado akong maganda din ang kanyang ina” napangiti na lamang ako at sabay yakap sa akin sa bewang ni lyka sa bandang kaliwa at sinundan naman ni hailey sa kanan at inakbayan ni mavic sa balikat lyka habang naglalakad kami. hindi maiwasang magkatinginan kami ni mavic at nakikita ko sa mga mata nya ang pag-asa…
…at tuluyan na nga kaming papalayo ng skwelahan. at naglakad kami habang naglalaglagan ang kulay dilaw na dahon ng golden wattle tree at sumasayaw pa ang mga dilaw na bulaklak nito sa ihip ng hangin. at yumuyuko ang mga damo sa aming madaraanan . habang naririnig na naman namin ang mga OPM christmas songs sa daan. at sabi ko sa kanilang tatlo na “alam nyu bang 12 years ago naglalakad ako sa lugar na ito ng gabi at lumuluha pero sinabi ko sa sarili ko maglalakad ulit ako sa daan na ito at may ngiti na sa mga labi at saksi kayong tatlo”…sabay nagkatawanan kaming apat (ako, si lyka, si hailey at si mavic)”
…at di naglaon ay nagkabalikan kaming muli ni mavic at ang dati kong kinakasamang si rose ay nasa pangangalaga ng kanyang mga kapatid at magulang kasama ng aking bunsong anak na lalaki. masaya ang nagging buhay naming ni mavic pero hindi parin maalis sa apat na sulok ng isipan ko si rose kung nasa mabuting kalagayan ba sya o hindi. sa ngayon ay isang masayang pamilya kami nila mavic lyka at hailey nagsasama ng matiwasay ilang pasko at bagong taon din kaming lagging makasama at ilang valentines day at mothers day din ang mga masasayang lumipas sa piling ni mavic. at ang mga masasayang hinaharap pa na dapat naming pagsaluhan na magkasama sa hirap at ginhawa”…
…naputol na lamang ang ang pag kwe-kwento kong iyon ng malaglag ang mga kamay ni mama sa aking mga kamay at para bang nag “slow motion” ang lahat napasigaw ako ng malakas pero walang boses na lumalabas hanggang sa lumapit na ang nurse at doctor at agad itong ni revive gamit ang electric shock…pero umiling na lamang ang nurse at doctor at napasigaw ako ng malakas…kaya noong madaling araw ng araw na iyun ay nalagutan ng buhay ang aking ina na nag luwal sa akin sa mundong ibabaw na ito…muling bumalik sa balintataw ko ang pag-aalagasa nya sa akin noong bata pa ako…
…ang pagtitiis mo ng siyam na buwan para lamang mailabas ako…
…ang mga gabing pag hihirap mo dahil masakit ang tiyan mo pero ni minsan ay hindi ka nagreklamo dahil gusto mong maipanganak ako…
…mga araw ng paghihirap mo noong sa sinapupunan pa lamang ako…
…pagkatapos ay pinagmasdan mo ang pamamaga at pamamanas ng mga paa mo dahil gusto mong mabuhay ako…
…ang mga balat mong umunat at mga gabing lumuluha ka dahil sa sakit ng tiyan mong dulot ng pagpupumiglas ko sa loob ng tiyan mo…
…mga pasakit mo sa iyong balakanag sa tuwing aakyat ka ng hagdan…
…mga gabing kinakapos ka sa paghinga dahil sa sakit nang nadarama mo dulot ko…
…tiniis mo ang maraming gabi na walang tulog at dumaan ka sa sobrang sakit upang maihatid lamang ako sa mundong ibabaw na ito….kaya mama (inay) marmaing salamat sayo…at muli happy mothers day sayo…
…iyan na lamang ang nasabi ko bago ko lisanin ang kwartong iyon ng aking ina…
…pagkalipas ng syam na araw ay bumalik narin ako sa maynila kasama ang aking kapatid na lalaki at masaya kaming nagsama-sama kasama sina tita mavic at hailey…
The End
Full Credits to Ang Manlalakbay na Manunulat.
Ang madilim na lihim ng San Esteban
disyembre 27 taong 2020 dahil sa modernong panahon at dahil narin sa kumakalat na virus o sakit kung kaya’t ang mga reunion na dati’y ginagawa ng personal na pagkikita ngayo’y virtual na ang gamit. tulad ng application na zoom kung kaya’t nabuksang muli ang paksa tungkol sa madilim na lihim ng paaralan namin sa san esteban. at doon ko mismo na kompirma sa mga ka-batch at mga ka-klase ko na si mr.delgado at mam mediavilla ay nagkaroon nga ng relasyon at nag bunga ang kanilang pagmamahalan. pero dahil bawal ang kanilang pag-iibigan itinago nila ito sa kapwa nilang guro…
…at ang masaklap pa ay nagbunga ang kanilang pag-iibigan. nagbunga ng isang batang lalaki na pilit itinago sa lipunan dahil si mr.delgado ay may asawa na’t anak bagay na isang malaking kahihiyan lalo na’t kung ika’y isang guro o teacher. dahil iyan ang ikasisira ng inyong buhay at tahanan. at ayun pa sa kwento masyadong malihim itong si mr.delgado kung kaya’t nalinlang nya si mam mediavilla sa kanyang mabulaklak na pananalita at sa misteryosong pagkatao nito. ano nga ba ang madilim na lihim ng san esteban?!?!… at ano kaya ang lihim ni mr.delgadoat mam mediavilla?!? heto at magbabalik-tanaw tayo sa nakaraan at isasalaysay ko na namang muli sa inyo…
…taong 1993 sa mababang paaralan ng san esteban ako nag aral nun sa isang lugar sa negros na ang capital city ay bacolod o tinatawag na city of smile ditto naganap ang karanasang hindi ko makakalimutan .tawagin nyu na lamang akong si Rodel Paterno. (hindi ko na babangitin ang kumpletong address ng mga skwelahan para ma protektahan at hindi madungisan ang kanilang mga pangalan)…
… transferee ako noon mula sa mababang paaralan ng san jose occ. mindoro kung ihahambing natin ang dalawang mababang paaralan masyadong marami ang pagkakaiba katulad nalang sa ambiance at environment ng lugar ang sa mindoro kung skwelahan ay open field na paaralan malawak, masayahin ang mga ka-klase at wala masyadong kwento tungkol sa mga kaluluwang ligaw, maraming puno na maaliwalas malamig ang simoy ng hangin. dahil tabing dagat ang likod ng paaralanl namin sa mindoro….
…ang school naman namin sa san esteban ay parang compound na building na hinati sa tatlo may phase 1, phase 2 at phase 3., ang phase 1 yung ang mula nursery hanggang grade 2 at dito rin ang flag pole at ang stage, ang phase 2 naman ay grade 3 to grade 5 isang liblib na lugar na malapit sa ilog at lumang simbahan. ito ang tipong kapag mag isa ka lang maiiwan sa lugar mapapatakbo ka dahil sa dilim ng paligid na napapalibutan ng malalaking ibat’t ibang puno…
…at ang phase 3 naman doon ang grade 6, library, comfort room, canteen, H.E.,historical room, music room at antique room.,nakaktakot din dito kapag mag-isa ka nalang lalong lalo na sa musical room dahil sikat ang usap-usapan ng mga grade 6 na tumutunog ang piano tuwing alas tress tres ng madaling araw. marami nang nagpatotoo mula pa raw noong 1980’s at mga boy scouts at mga drummer sa “drums in bugle” na mga studyanteng nag stay ng mga overnight ang mga nag papatotoo…
…nobyemre noon 1993 prayer vigil ng mga YMC club member nun at dahil nga transferee ako nakipag salamuha narin ako sa mga bago kong ka-klase medyo mahirap pa kami magka intindihan nun nga mga ka-klase ko kasi nga ilonggo sila at tagalong naman ang salita ko. Pero alam kong ang topic nila ay tungkol sa madreng nagpapakita sa section 4 na room sa phase 2 na walang ulo, ang tunog daw ng mga sundalong hapon na nag mamartsa tuwing madaling araw, ang iyak ng isang batang lalaking pinahirapan daw ng isang teacher noong 1980’s hanggang sa mabawian ng buhay ,ang paring walang ulo na may hila-hilang kadena sa lumang simbahan,at ang mga iyak ng mga babae sa ilog sa likod ng grade 4,dagdagan pa ng mga lapidang naka dikit sa mga pader sa likod ng grade 5 dahil isa itong sementeryo noong araw pang panahon ng mga kastila at nagging taguan ng mga kababaihan noong panahon ng hapon…
…mag a-alas dos na ng medaling araw natapos ang prayer vigil at ang sabi ng moderator after daw naming kumain magpahinga na kami at magpapahinga narin daw sya sa room nila sa phase 3 at agad na sinarado na ang pintuan ng room nung nagpaalam na ang moderator dahil nga na haunted ang school naming yun sa negros.,at habang nag aayus ng iba ng higaan ang iba naman nag kwe-kwentuhan parin tungol sa mga kasindak-sindak na mga istorya sa school naming iyun meron daw teacher doon na ang pangalan ay modesto delgado na nagpapakita sa room sa harapan ng dalawang punong niyog na naka locked hindi daw yun binubuksan mula noong pang 1980 dahil doon daw yun nagpakamatay mismo sa loob ng room na iyun at sumasanib ang kaluluwa nya sa mga babaeng studyante…
…kapansin pansin ang namumukod tanging room na iyun na may apat na locked at makakapal na kadena at may naka ekes na dalawang tablang malaki.,kahit ilonggo ang salita nila naiintindihan ko at kinikilabutan ako sa black history ng school naming iyun.,kaya pinayuhan ako ng mga ka-klase ko na wag daw lumapit sa saradong room na iyun dahil minsan pa raw pag uwian na ng 6pm na medyo nag tatakip silim na ang paligid lalo na’t cleaners pa siya bumababa raw ang gawa sa kahoy na bintana ng room na iyun at sumisilip si mr. modesto delgado sa lumang bintana. at ganun na lamang ang paglaro sa isipan ko na kaya pala naka sarado ang room yun dahil may hindi magandang ala-ala sa likod ng nakaraan ng silid aralan na iyon…
…hanggang sa nag ipon ipon na kaming lahat magka-klase may nahiga na, may mga naka upo, at meron naka sandal. babae man o lalaki basta ipon ipon kami at nagkakaisa sa topic ng misteryosong teacher na si mr.delgado at ng room na iyun at may sumingit pang isa nag kwento na binuksan daw yun dati taong 1978-1979 kwento daw yun ng mga studyanteng mas nauna pa sa amin na naging room pa raw yun ni mam mediavilla kaya lang daw may batang nagpakamatay doon sa loob ng nasabing room. at marami ring haka-haka na ito raw ay nalunod sa ilog at ang iba naman ay nagsasabing ito raw ay nag bigti at may nakitang naka sulat sa blackboard na “happy birthday mam mediavilla” –Glenn…
…after daw nun bumalik ulit ang mga sunod sunod napag sanib sa mga estudyante na dati‘y si mr. modesto delgado lang sumasanib sa kabataang babae at ngayon ay dalawa o higit pang kaluluwa na sumasanib sa mga studyante at dahil sa pangyayaring iyun pinalipat si mam mediavilla sa grade 6 sa phase 3. at ayun sa mga studyante malupit daw si mam mediavilla sa math subject nang uuntog daw ng mga studyante sa blackboard pag di mo alam ang sagot sa subject na mathematics. at may usap-usapan pang sya rin daw ang pumatay sa sarili nyang anak na lalaki. anak nya daw ito sa pagkadalaga at dahil tamad ito mag aaral mula umaga,tanghali at gabi itong pinapaluhod sa monggo na may asin at naka patong ang kwaderno sa ulo kapag nalaglag ang mga kwadernong nakapatong dito isang malupit na hagupit ang ihahataw sa batang lalaki at syang ikinamatay nito kalaunan at ang masaklap doon lang inilibing sa loob ng bahay sa isang munting hardin ang bangkay nito…(iyan ay mga aligasyon at haka-haka lamang ng mga studyanteng nag-aaral doon na walang sapat na basihan at ebidensya sa madaling salita at kwentong kutsero lamag.)…
…agad naman komuntra ang isang ka-klase naming lalaki na wala naman kayong ebedinsya bakit nyu pinagbibitangan si mam ng ganun at ang sagot naman ng nagsasalaysay ay kapag mayroong usok may apoy at alam na alam daw yan ng mga na-unang studyanteng mga nakapag tapos sa mababang paaralan ng san esteban. nakikinig lang ako sa mga kwentohan nilang yun na tila bang nagmamasid sa hiwagang bumabalot sa bago kong pinapasukan., hiwagang nagdudulot ng kilabot sa akin at sa aming lahat dahil hindi maitatangi na malungkot talaga ang ambiance ng school naming iyun. pagkatapos naming mag kwentohan naka tulog naman kami ng maayos wala kaming naramdaman nung gabing iyun ang kagandahan ay may nalaman akong sekreto sa school naming binabalutan ng hiwaga at kababalaghan. hindi rin mawala sa ulirat ko ang kwento ng mahiwagang mga teacher na yon sina mr. delgado at mam mediavilla kaya pala ganun nalang ang iwas ng mga studyante sa saradong room na iyun dahil may naka tago palang lihim sa likod ng kwento ng silid aralang iyun na ang tanging piping saksi ay ang mga pader at kisame ng mahiwagang silid aralang nabanggit…
…mabilis na lumipas ang mga taon grade VI na ako at sa phase 3 compound na nga ako ng school at sa hindi inaasahang palad naging adviser ko pa si mam mediavilla mukhang matalino si mam, mukhang matapang at talagang magaling sya sa mathematics at magaling din magsalita sa wikang banyaga o english. iba-iba ang templa ni mam minsan pala tawa o ma-kwela, minsan di umiimik, minsan naka tulala, minsan nagsasalita mag-isa, minsan naman ma drama at minsan naman ay parang problemadong tao., kapansin pansin din ang mga paintings sa room na ayun sa mga studyante sya ang may gawa at napapalibutan ng mga bulalak sa paso ang apat na sulok ng room.,at ang isa pang kapansin-pansin ang fresh na bulaklak na gumamela sa base ng kanyang lamisa …
…sa totoo lang hanggang ngayon isa sya sa mga hinahangaan kong teacher kung galing sa pagtuturo lang ang pag uusapan at higit sa lahat buhay na buhay din sya mag kwento ng mga pangyayari sa history dahil sya din ang teacher namin sa history subject. kapag nag kwento si mam tungkol sa mga español at mga hapon para bang andoon ka rin sa pangyayari tila bang ikaw ang bida sa kwento nya at napag alaman kong magaling din si mam sa pag-guhit tulad ng mga free hand na paintings, water color painting, acrylic painting, oil pastel, charcoal at iba pa, magaling din sa larangan ng musika. syan din ang head ng “drums in bugle” at ang piano na tumutunog sa musical room ay sya rin ang nag aalaga, at sya din pala ang nag compose ng alma matter at graduation songs namin since 1968 na hanggang sa kasalukuyan ay ito parin ang ginagamit. ibig sabihin mula 1968 nagtuturo na si mam noon at 1996 naman ang batch namin sa makatuwid baga’y 28 years na syang nagtuturo sa panahon namin o baka sobra pa…
…november 5 taong 1995 jamboree namin sa boy scout nun dahil doon ang meeting place namin papuntang dumaguete city at alas quatro ng madaling araw ang alis minabuti ng teacher incharge na 9:00pm nlng kmi magkita kita sa school at doon nalang kami matulog o magpaabot ng umaga. sa count off namin 47 ang last number plus dalawang teacher incharge 49 kami at doon kami sa room ng H.E. nag ipon-ipon ang taas nun ay library at ang nasa ilalim naman ay musical room madilim ang building na ito at palikong pakanan sa tapat ng library andoon ang historical pictures ng school sa wall mga black and white na pictures at mga compilations ng sari-saring documents…
…agaw pansin doon ang group pictures ng mga teachers na black in white ang isa nakasabit sa wall ang isa naman naka talikod naka sandal sa makinang ginagamit sa pananahi…kinuha ng isa naming kasamang boy scout at sinabing walang ulo ang isang teacher na ito tiningnan namin ang lumang picture wala ngang ulo ang isang teachers doon kaya siguro hindi sinabit. kinuha ng isang kasama namin ang picture na nakasabit sa wall at meron naman yung ulo. Dinala namin sa dalawang teacher incharge ang dalawang black and white group pictures na nka picture frame at tinanong kung sino ang walang ulo nayon.,hindi rin daw nila alam at baguhan lng daw silang teacher doon at dahil may year na naka sulat sa kanang ibaba picture ang nakalagay mababang paaralan ng san esteban faculty and staff 1968…
…hinanap namin ang yearbook o pioneer ng 1968 kasama namin sa pag hahanap ang mga bagong teacher incharge at doon namin napag alaman na si mr. delgado pala ang walang ulo na yun at nung nakita namin ang hisura nya sa picture ng yearbook may hawig ito sa actor na si Penn Medina at ayun sa isang boyscout na taga ibang section mahilig daw ito sa piano at nagkaroon daw ng relasyon si modesto delgado kay mam a mediavilla. at nakita din namin ang ichura ni mam mediavilla noong kabataan pa may hawig ito sa actress na si gina alajar noong kabataan pa at marami pa kaming nakitang mga black ang white na pictures noong mga oras na iyun at may mga nakasulat sa likod nito na mga petsa at kumpletong mga pangalan kung sino ang ansa larawan…
…sa dami ng mga pictures na tiningnan namin di namin namalayan ang bilis ng takbo ng oras alas dose y medya na ng madaling araw kaya sinabihan kami ng dalawang teachers incharge na magpahinga na., magkakatabi kaming lahat matulog dahil sa mga hiwagang mga nangyayari. mayamaya may isa kaming kasamang boy scout mula din sa ibang section na nagsabing may nakita daw syang batang lalaki na hindi naka uniforme ng boyscout sa lumang kabinet na may salamin sa sulog ng library habang busy kami sa pagtingin ng mga lumang pictures.,at sinabi pa na may ESP daw sya (extra sensory perception) isang uri ng kakayahang makakita, makapag-usap at makaramdam ng mga hindi ordinaryong tao, hindi rin ito nalalayo sa third eye, six sense, or tenth door. ang magandang kaibahan nito sa third eye ay bago pa mangyari ang isang pangyayari ay na se-sense na ng taong may angking kakayahan nito ang mangyayari. at ang taong may angking kakayahan nito ay pinanganak na talaga na ganito no tinatawag na inborn. hindi katulad ng third eye. lahat tayo’y pinanganak na may third eye pero hindi lahat ay may kakayahang buksan o gamitin ito at kelangan pang e-open at e-develop dahil kapag hindi tiyak na kapahamakan lamang ang dulot nito…
…at ayun nga sa kasama naming boyscout na may ESP nakita nya nga raw ang isang batang lalaki na lumuluha, malungkot ang mukha at marumi ang katawan…nangilabot kami sa sinabi ng kasama naming boyscout na may ESP., at sinabi pa nya na may isang kaluluwang nagalit daw sa ginawa naming pag-kalkal sa mga lumang larawan nung tinanong ng incharge teacher kung saan ang galit na kaluluwa ang sagot ng kasama naming boyscout ay naka upo sya sa may lumang piano sa music room., nag tanong ulit ang isang incharge teacher paano mo nalaman na nakaupo sa lumang piano bumaba kaba doon?!?!?! sagot ng ng boyscout naming kasama “hindi pero naramdaman ko sya na doon ang presensya nya” at kapag pinipikit nya ang mata nya doon nya nakikita sa may musical na nakaupo…
…dahil sa sinabi nayon ng kasama naming boyscout parang hindi naniniwala ang dalawang incharge teacher at pinahiga na kami at pinatulog. hindi ako makatulog nung mga oras na yun at pati narin yung kaliwa’t kanan kong katabi dahil panay ang balikwas nila. maya maya pa’y naramdaman kong naka idlip ako nagising ako sa tunog ng piano at narinig kong may isang boy scout na nagsabing naririnig nyu ba yun?!?! karamihan sa knila Oo ang sagot at akala ko ako lang din ang nakarinig.,mahina ang tunog na nangagaling sa underground ng school sa may musical room. nung nag time check ako sa relo ko alas tres ng madaling araw at sabi ng boy scout naming kasama na may ESP madami daw sila lalong lalo doon sa may lumang kabinet na may salamin marami raw kaluluwang sumisigaw pero hindi marinig ang kanilang mga boses dahil na trap daw ito sa loob ng kabinet at doon na naniwala ang dalawang incharge teacher sa boyscout na may ESP matagal ang tunog ng piano mga 16 minutes tamang tama 3:29am sa relo ko , at nawala ang tunog nayon at agad kaming pinalabas ng mga incharge teacher doon nalang daw kaming mag ayos ng mga gamit sa labas hanggang sa dumating ang bus…nakapag jamboree kami ng maayos sa dumaguete at nakabalik ng payapa pero hind parin maalis sa loob ng bus ang mga kwentohan tungkol sa piano sa musical room. at ang mga mahihiwagang kwentong yan ang topic namin papunta at pabalik sa san esteban…
…mabilis na lumipas ang ilang buwan malapit na kaming mag graduate sa elementary nun matagal naming hinintay na maganda ang mood ni mam mediavilla at tinanong namin ang tungkol sa musical room, tungkol sa pianong tumutunog tuwing alas tres trese ng madaling araw at ang tungkol sa batang malungkot na umiiyak sa salamin ng kabinet….napa isip ng malalim si mam mediavilla at napangiti ng kunti at sinimulan nya nang isalaysay ang mga hiwaga at misteryo ng na bumabalot sa paaralang yun at ganito ang kanyang pag salaysay…
…“taong 1978 unang araw palang ng klase habang natuturo ako doon sa phase 2 sa grade 4 ay nakita kong itinulak at binugbog ang batang si julius at nasaktan nga at umiiyak tinulungan ko syang bumangon…
…pagkatapos nun ay pinaghahapas ko ng patpat ang mga tumulak at bakit nyu pinagtutulak tong ka klase nyu kasi mam amoy isda yang si julius ang lansa, mabaho na nakakadiri pa grade 4 na di parin marunong maglinis ng sarili.,at bigla akong natigilan sa sinabing iyun ng mga bata “glenn” sabi ko sa isip at saglit lang iyon muli’y strikto kong hinarap ang mga pilyong bata at piningot ko ang knilang mga tenga at sinabing kong huwag nyu nang uulitin yun ha, kung hindi babalian ko kayo buto…, humingi kayo ng sorry sa kanya nag chorus ang tatlo sa pag hingi ng sorry kay julius..humikbing tumango lang si julius…
…sinabihan ko ang buong klase na Class huwag kayong manulak o mamugbog ng ka-klase dahil hindi maganda yun minsan din akong namugbog ng studyante noon., sa halip pagbutihin nyu ang pag-aaral nyu., isang araw recess yun tanging si julius lang ang natitirang studyante sa classroom at tinanong ko na bakit dito ka julius di kpa mag meryenda sa labas? Hindi maka tingin sakin ang bata nka tingin lang ito sa ibaba at kinukubli ang sarili sabay sabing wala po akong pera., malungkot at nahihiyang tugon nito., at iyun nga talaga ang dahilan. nagtanong lang ako bilang panimulang usapan.gusto ko syang maka usap nang masinsinan at makilala ng lubusan…
…halika, may baon ako…sayo nalang to ang dalawang sandwhich na gawa ko. tumanggi ang bata pero pinilit ko. Halatang gutom na gutom sya habang kumakain.sunod-sunod ang subo nya na para bang wala ng bukas at maya-maya’y nagsimula na syang mag kwento. “alam nyu po ba mam palagi akong sinasaktan at tinutukso simula pa noong grade one., “marumi daw po ako, amoy isda at mahirap pa raw kami sa daga” ah ganun ba“, “opo sobra po…sobra po kung apihin nila ako ginugulpi pa po nila ako minsan. Parang gusto ko na po tuloy huminto sa pag aaral. Pero paano po ako makakapag trabaho ng maganda kung hindi ako mag aaral? Patay na po ang tatay ko at ang mga kuya at ate ko na aksidente po kasi sila sa tricycle. Dalawa nalang kami ng inay ko. at tinutulungan ko po sya sa paglalako ng isda tuwing madaling araw bago po ako papasok dito sa school naawa na po ako kay inay pagod na pagod na po sya at lagi nyang na mi-miss sila itay,ate at kuya. dahil mula nung maaksidente sila malungkot na po ang bahay at buhay namin”…sumungaw ang mga luha sa mga mata ni julius habang sinasalaysay ang mga pangyayari…
…parang matanda kung makipag usap si julius kinukurot ang puso ko sa bawat salita nya. para talaga syang si…………….
…si glenn….Oo si glenn ….parang kidlat na bumalik sa alaala ko ang nakaraang buhay ni glenn…1972 noon napasukan ko noon sa classroom na umiiyak din si glenn pinagkaisahan din sya ng mga ka-klase nya tinutokso at tinutulak mabaho daw at di naglilinis ng sarili…Quiiiieet…sigaw ko…biglang tumahimik si glenn ay pinukol ko ng masamang tingin. noon ay inis na inis ako kay glenn at sa mga katulad nya. kasalanan mo! Sigaw ko sa kanya…ilang beses ko nang sinabi sayo mag ayos ka ng sarili. hindi mo nman ako sinusunod hindi kaba inaasikaso ng magulang mo o tinuturuan man kang mag ayos ng sarili?!? huminto ka nalang kaya sa pag aaral para walang gulo. namuo ang luha sa mga mata ni glenn. “ayoko pong huminto mam! pangarap ko pong makatapos para maka ahon sa hirap”… kung ganun, umayos ka!…at minsan ay kinausap ako ng co-teacher ko tungkol kay glenn “kapitbahay namin sina glen” sabi nito…nag iisa syang anak walang trabaho ang adik nyang ama kundi magsugal at mag lasing ang ina naman walang inatupag kundi pagsusugal din at paglalasing, at rinig ko pagtutulak lang ng bawal na gamot ang ikinabubuhay ng mga magulang nyan., at si glenn ang gumagawa ng lahat ng gawaing bahay. at sya rin ang naghahanapbuhay…
…sa umaga bago siya pumasok sa skwela naglalako muna ito ng pandesal. At sa gabi nman napupuyat sa pag tinda ng balut. Kaya sana naman mam unawain nyu ng kunti ang bata“ pero ewan ko ba kung bakit mainit ang dugo ko kay glenn. Palagi kasing walang assignment, araw araw pang late at di naglilinis ng katawan at may di magandang amoy., lagi ko syang sinisigawan at kapag di makasagot inuuntog ko sa blackboard ang ulo nya, madalas ko ring paluhorin sa monggo “ganyan ka hanggang sa matapos ang klase” sabi ko sa kanya habang nakaluhod sya at nakadipa.may patong pang libro sa ulo at sa magkabilang kamay., “ buti nga sayo glenn kambing!“ sabi pa ng ilang ka klase…
…february 14, 1972 VALENTINES DAY noon at birthday ko lahat ng estudyante at kani-kanilang parents ay kumbidado pwera lang kay glenn at parents nya….
…magiliw ang salubong ko sa mga tao at hinahatiran ko pa ng pagkain ang ibang kilalang pamilya sa barangay namin…alas syete y medya ng gabi, biglang sumungit ang panahon maya maya lumapit sa akin ang aking kasambahay. “Mam may naghahanap sa inyong batang lalake. Basa po sya ng ulan sa labas at parang pulubi. Papasukin ko po ba mam”?!?! Sumilip ako sa pintuan kahit na may kadiliman at malakas ang ulan ay nasigurado ko kung sino ang nasa labas ng gate…si glenn!…at sa kung anong bugso ng damdamin, kumuha ako ng payong at mabilis na pinagbuksan ng gate si glenn…
…“glenn basang basa kana ng ulan at nanginginig kna dyan tara dito sa loob at kumain ka muna” malamlam ang mga mata ngunit nanunuot sa kalooban ang mga titig ni glenn…
…“huwag na po mam ibibigay ko lang po sa inyo ang mga bulaklak na tong mga gumamela alam ko pong paborito nyo to” …
…parang kinurot ang puso ko sa sinabi ni glenn. At iniabot nya sakin ang kumpol kumpol ng mga bulaklak ng gumamela…napangite ako “naku naman maraming salamat dito sa regalo mo glenn”…
…inabot ko ang bulaklak pakiramdam ko parang iyun na ang pinaka makabuluhang regalong natangap ko.nakaramdam ako ng hiya pagkatapos ng mga pagmamalupit ko sa kanya ay nagawa pa niya akong alalahanin, pahalagahan at bigla nawala ang inis ko sa bata…
…“halika glenn pumasok ka baka magkasakit ka”…“ay hindi na po talaga mam aalis na po ako”…“ basta pumasok ka,kumain ka muna. Marami akong handa“…
…biglang tumakbo si glenn…“glenn sandali!”…pilit kong hinabol si glenn pero mabilis syang nakalayo hanggang sa kainin na ng dilim. Namlumo ako. Pagpasok ko ng bahay nagbukod ako ng mga pagkain para ibigay kay glenn kinabukasan….
…pero kinabukasan ay walang glenn na sumipot sa klase. nag aalala ako baka nagkasakit sya dahil sa pagkakababad sa ulan. Nag uumpisa na ako sa pag tuturo nang hangos na pumasok sa classroom ang co-teacher ko…“mam echiveria si glenn”!!…bakit anong nangyari kay glenn?!?!? Alalang tanong ko…
…“patay na sya kahapon pa” natulala ako…nagtungo agad ako sa barung-barong nina glenn…nakita kong tabla lang ang kabaong nya kung hindi pa ako dumating walang maitutulos na kandila. kinalabutan ako. Pagkahulog sa pader ang kinamatay ni glenn habang hawak hawak ang bulaklak ng gumamela at ayon sa mga kaibigan ni glenn pinilit nya daw inaabot ang bulaklak ng gumamela habang naka patong sa mataas na pader at ang oras ay alas singko ng hapon…
…“panong nangyari yun tanong ko sa sarili. pasado alas syete ay nasa bahay namin si glenn at binigyan pa nya ako ng bulaklak”…maliwanag na multo na lang niya ang kausap ko noong gabi ng birthday ko. kinilabutan ako binalot ng lamig ang buo kong pagkatao…
…mabigat ang mga paang lumapit ako sa kabaong ni glenn para siyang inosenteng batang natutulog…alam kong pagod na pagod na si glenn sa mga pagsubok ng buhay…
…pumatak ang luha ko…ito ba ang batang si glenn ang hindi ko magawang unawain?…ang batang dapat ko bang kainisan?…at sambit ko sa sarili ko “kahit nasa kabilang buhay kana, ipinadama mo parin sa akin ang kahalagahan ko sayo” bulong ko…
…“pakakaiingatan ko ang regalo mo sa akin glenn…habang ako’y nabubuhay”…isa akong guro na dapat ay ehemplo ng kagandahang asal. pero tao rin lang ako na minsa’y nagkakamali at patawad…patawad glenn…
…walang pinagkaiba ang buhay ni glenn at ni julius namatay din si julius noong September 06, 1978 sa isang ilog sa likod ng grade 4 sa phase 2.,Nalunod ito habang naliligo ayon sa mga saksi may kalaro daw syang bata sa ilog na hindi nila nkikita basta nagsasalita lang sya ng mag isa at tumatawa hanggang sa di nila namalayan ay nalunod na at tingin ko kinuha ni glenn si julius dahil dahil narin siguro nararamdaman nya ang hirap nito sa buhay parehong pangyayari sa magkaibang taon 1972 at 1978…sina glenn at julius ang nag turo ng tunay na pagmamahal sa puso ko nagpapasalamat ako sa kanila at hinding hindi ko sila makakalimutan“…
…at sabi pa ng mga co-teachers ko noon., nakikita daw nila ang kaluluwa ni glenn at ni julius kasama si mr. Modesto Delgado na sumisilip sa bintana ng saradong room sa grade 4 section 4 kung ano ang dahilan ay hindi ko alam at ang nagmumulto sa musical room na babae na tumutugtog ng piano ay dati ko ring studyante nagpakamatay doon sa library natagpuan nalang sa loob ng Kabinet na may salamin kung ano ang dahilan ng pagkamatay nya ay hindi ko na inalam pa“…
…“at nakikita at nakakausap ko sila patuloy ni mam Mediavilla at ng dahil sa kanila nabuksan ang tenth door ko, six senses, at third eye ko at sila ang tunay na guro dahil tinuruan nila ako kung paano maging aktibo ang kakayahan na meron ako…tinatanong ko sila pero hindi sila nagsasalita naka tingin lang, lalo na yung babaeng tumutogtog ng piano wala itong reaction pag tinatanong pati ang maraming kaluluwa sa salamin ng kabinet nagsasalita ito pero hindi marinig at ang hindi matahimik na kaluluwa ni mr. modesto delgado ay mananatiling lihim hangga’t nakatayo ang paaralang ito minsan na akong binigyan ng rosas ni mr.delgado pero hanggang doon nalang yun at hindi ko pweding e kwento sa inyo at ang hiwaga na bumabalot sa buhay ni mr.delgado ay mananatiling lihim sapagkat may mga bagay bagay dito sa mundo na hindi kayang ipaliwanag kung ang pagbabasihan ay kwento lamang at may mga bagay sa mundo na tanging panahon lamang ang makapag sasabi”…
…naputol ang alaala ni mam Mediavilla nang tumunog ang bell ibig sabihin alas singko na ng hapon. hudyat na para mag uuwian na ang mga studyante…class bago kayo umalis “nakikita nyu ba yun”?…tinuro ni mam Mediavilla ang flower base sa table nya sabi namin “yes mam” tapos sabi ni mam “may naglalagay ng bulaklak dyan tuwing umaga minsan gumamela at minsan ay rosas”… nangilabot kaming lahat habang papauwi ng bahay…habang nagalalakad akong pauwi marami paring katanungan ang naglalaro sa isipan ko…ano ang nangyari sa namatay na anak ni mam echiveria?!?.., bakit ayaw parin buksan ang nakasaradong room na iyon hanggang ngayon?!?!,,,bakit hindi matahimik ang mga kaluluwa sa lumang kabinet na may salamin?!?!…bakit hindi matahimik ang kaluluwa ni mr.delgado?!?!?…bakit ayaw e kwento ni mam echiveria ang buhay ni mr.delgado?!?!…nagkaroon ba ng relasyon ang dalawa?!?!
…Bakit lumitaw ang bali-balitang ang babaeng nagmumulto sa musical room ay ne-rape daw ni Mr.Modesto Delgado?!?!? kaya hindi ito matahimik at sumasanib sa iba pang studyante sa grade 4.
…At napag-alaman naming magka-klase na ang piano at ang lumang Kabinet na may salamin ay doon galling sa nakasardong kwarto sa grade 4…
may ibig sabihin ba ang november 05, 1995.?!?!? 11+5+1+9+9+5 =40 at 4+0=4 (Grade 4)
47 boy scouts + 2 teachers incharge = 49 at 4+9=13 at 1+3 =4 (Grade 4)
at ang September 06, 1978?!?!… 9+6+1+9+7+8 = 40 at 4+0=4 (Grade 4) (petsa ng pagkamatay ni Julius)
…Mga tanong na hanggang ngayon ay wala paring kasagutan. at hindi lahat ng mga katanungan ay merong kasaugatn…
…minsan ang tanong ay nanatiling tanong nalang dahil hindi ma-arok ng ating limitadong ispan ang tunay na mga kasugat…
…kaya hanggang ngayong halos biente años na ang mga nakalipas ang mga tanong na iyon sa akin ay nanatiling tanong parin hanggang sa kasalukyan…
…kaya mas maganda pang ang tanong ay mananatili nalang na isang tanong…
at ang balita ko kay mam mediavilla ay may sarili na itong private school sa bahay nya sa isang mamahaling subd. sa negros occidental na hindi naman nalalayo sa mababang paaralan ng san esteban., at sa harap ng private school ni imam mediavilla ay meron itong magaganda, mapupula at makakapal na gumamelang bulaklak na syang nag bibibgay buhay sa private school na iyon at nag papaalala sa madilim na lihim ng san esteban….
The End
Full Credits to Ang Manlalakbay na Manunulat.
Ang Bahay na isinumpa ng Panahon
sa magandang bayan ng silay, negros occidental taong 1900-1914. ang silay noon ang isa sa pinaka mayaman sa western visayas at ang silay ang pinaka kabisera noong panahon ng mga español. at napaka layo na noon ng narating ng ekonomiya ng silay at ng ilo-ilo kung ihalintulad sa ibang mga lugar sa kabisayaan. napapalibutan pa lamang ng mga tanim ng tubo ang bacolod noon na “Bacolod City” na ngayon. ay napaka yaman na ng bayan ng silay sa imprastraktura at agrikultura na hindi nagkakalayo sa bayan ng ilo-ilo noong panahon mg mga kastila. napakaraming mayayamang español noon ang dumadayo sa lugar ng silay gamit ang de layag na barko na nagmumula sa ilo-ilo, manila at cebu. dahil isa din ang lugar ng silay sa may malalaking pantalan noon ng mga barkong galleon. bago paman dadalhin sa acapulco, mexico ang mga “raw materials” bababa at mamamasyal muna dito ang mga “alta sa syudad” na mga panauhin na galing pa ang iba sa kanila sa bansang mexico at españa. at ang lugar ng silay ay isa sa mga narating ng magiting na explorer na si sebastian elcano…
…ito ang mga panahon na katatapos lamang ng kaguluhan sa luzon dahil sa mga americano , español at mga kapwa nating Pilipino. pero dito sa lugar namin sa silay ay di gaano alintana ang mga kaguluhan pero umaabot parin dito ang mga pahayagan o peryodiko na sumusulong sa pag aalsa ng Pilipinas lalo na’t noong taong 1890-1896. na sobrang laganap noon ang organisasyong “La Solidaridad” at mga batikang manunulat tulad nila kalipulaku, taga-ilog, diego laura, plaridel, graciano lopez-jaena, laong laan at dimasalang. dumating din ang makasaysayang rebolusyon sa aming lugar dito sa silay sa pagsiklab ng rebolusyon ng 1896 ay dumating ang isang paghahati sa pagitan ng mga nagtatanim ng tubo ng silay at ng klero. ang ilang mga nagtatanim at klero ay suportado ang mga rebelde habang ang iba naman ay laban sa rebolusyon. noong nobyembre 5 ng 1898, bandang alas dos y medya ng hapon, ang mga residente ng silay ay nagtipon sa kanto ng kalye na kilala ngayon bilang “cinco de noviembre street” at mula doon ay nagtungo sila sa garison ng espanya malapit sa simbahang katoliko…
… walang dugo ang engkwentro. ang kumander ng guwardiya sibil ng espanya na si Lt. maximiano correa, ay tumanggi na sumuko. matapos ang negosasyon kasama ang mga rebolusyonaryo na pinamagitan ni juan viaplana, isang lokal na espanyol, sumuko na ang garison ng espanya. ang watawat ng Pilipinas ay itinaas sa kauna-unahang pagkakataon sa plaza ng silay sa isang makulimlim na dapit hapon. si leandro locsin ay naging pansamantalang pangulo ng samahan noon matapos ang paglagda sa mga tuntunin ng pagsuko. pagkatapos ay nagmartsa sa timog si timoteo unson at ang pangkat ng mga residente ng silay upang makiisa sa ilang residente ng talisay para sa isang malawakang pag-atake sa bacolod, ang kabisera. at sa kabutihang palad ay nakuha o nabawi ang bacolod sa isang makasaysayang labanan at sa tulong ng mga talisaynon at mga silaynon. kung kaya’t isa ito sa mga pinagmamalaki ng mga taga silay na minsan sila ay tumulong sa kabisera. at hindi ito alam ng karamihan sa mga taga Bacolod. dahil ang katotohanan ang mga silaynon ay may dugong mandirigma tulad ng isang prinsesang kinilala na si kansilay at ayon sa alamat dito nakuha ang pangalang silay. sinasabing noong mga araw ng mga datu at rajah, doon nakatira ang isang prinsesa na nagngangalang kansilay. ang isang pag-atake sa pag-areglo ng mga pirata ay napigilan nang matapang na pinamunuan ng prinsesa ang mga tao sa depensa ng nayon. ang prinsesa ay nakipaglaban tulad ng isang bihasang mandirigma…
… ang mga mural na dating pinapaburan ang ilang mga pampublikong gusali ng lungsod ay naglalarawan sa kanya bilang isang mabangis na manlalaban o mandirigma na gumagamit ng isang malaking talibong, isang maikling katutubong ispada na talim. ang mga pirata ay itinuro, ngunit sa halaga ng buhay ng prinsesa. dumating ang kanyang “paramour” sa oras upang makita siyang mamatay. Sa kalungkutan, maibiging inilibing siya ng mga tao. nagulat sila, isang puno ang tumubo sa ibabaw mismo ng kanyang libingan, ang unang puno ng kansilay, isang pangwakas na regalo mula sa matapang na prinsesa. mula noon tinawag ang lugar na ito na kansilay na sa kalaunan ay naging silay. napakaganda noon ng bayan ng silay. maraming naglalakihang mga bahay na gawa sa magagandang desinyo at arkitekto. pero ang iba sa kanila’y nasira sa paglakad ng mahabang panahon. ang iilan nalang sa mga magandang natitira ay ang bahay nila bernandino jalandoni ancestral house na kilala rin bilang “Pinkhouse”, ay isa sa mga museo sa lungsod.,ang hofileña ancestral house na isa sa napakalumang bahay sa lugar ng silay. at ang di matatawarang ganda ng bahay ni Dr. jose corteza locsin heritage house na pag-aari ng dating senador jose locsin…
…hindi rin magpapahuli ang napaka gandang bahay ng gaston residence na kahit ilang dekada na ang nakaraan ay bagong bago parin na tila bang may nag aalaga dito. ang isa sa pinaka landmark ng silay ang balay negrense, ang pinakapasyalan ng lahat. ang bahay ng mga ninuno sa lungsod. at ang isa sa pinaka matandang bahay sa silay na napakaraming kwento sa likod nito. kwentong nababalot ng sari-saring ganda at hiwaga. dahil sa mga napakaraming mga bakasyonista na ang pumapasyal dito at kumukuha ng kani-kanilang mga lirtrato. at minsan pa’y may sumasama sa kanilang larawan na nilalang na walang mukha. pero itong bahay namin ngayon ay hindi malaman kung kailan nga ba itinayo. kung sino ang nagpatayo at kung ano ang nakaraan nito. basta ang alam ko pinatira kami dito ng mga pareng dominiko. mula sa marumi na bahay hanggang sa gumanda ito at naging kaakit-akit na malinis na tahanan. (hindi ko na babangitin ang eksaktong lugar nito).basta ang alam ko dito namin tinatag mag asawa ang aming buhay kahit sa hirap man at ginhawa. sumama ako sa aking asawa na isang payak lamang ang pamumuhay kung kaya’t “des gusto” ang aking mga magulang sa kanya. itago na lamang natin sya sa pangalang dominador hison gamboa. tahimik, mahaba ang pasensya at mabait ang aking asawa…
…at itago nyu na lamang ako sa pangalang leticia leonora ledesma villalobos. isa akong meztisa Filipina sa makatuwid bagay’ may lahing kastila. na umibig sa isang “indio” kung tawagin noong araw. pero pinagmamalaki ko ang salitang iyun. dahil nakikita ko ang kasipagan at wagas na pagmamahal ng mga indio kung ikumpara sa tulad namin na pinanganak na may gintong kutsara sa bibig. kung kaya’t pinili kong mamuhay ng payak kasama ng aking katipan na si dominador hanggang sa kalaunan ay itinuring ko na nga siyang tunay na asawa. naging masaya ang unang limang taong pagsasama namin ni dominador sa lumang bahay na iyon. at doon umiikot ang mundo namin sa araw at gabi. ang maka kain ng tatlong beses sa isang araw ay sapat na makasama lang namin ang isa’t isa. ang tamis damhin ng pagmamahal na sa darating ito’y may dala itong pasalubong na puto’t kutsinta at minsan pa ay spanish bread na may isang platong pancit guisado at tsa-a na syang nag papakumpleto sa payak naming pamumuhay…
…hindi rin sya nakakalimot sa tuwang araw ng anibersaryo namin, kaarawan ko , araw ng mga puso, pasko at bagong taon. alam kong kahit hirap na sa pagtratrabaho sa kakaputol ng tubo ang aking asawa ay nagagawa parin nya akong ipasyal sa maliit at magandang bayan ng silay lalo na sa may san diego parish church (na ngayon ay tinatawag ng san diego pro-cathedral). sa tuwing araw ng linggo. at dito din kami palagi nagsisimbang gabi kapag malapit na ang araw ng pasko at kapag “misa de gallo”. dahil masyadong abala sa pagtatrabaho ang aking asawa. nililibang ko naman ang sarili ko sa pagbabasa ng mga peryodiko noon na syang tanging libangan noong mga panahon iyon. at madaling araw naka pila na ako sa bilihan ng peryodiko para masubaybayan ang aking binabasa sa pahayagang iyon. hanggang sa nakilala ko na si mr. golez na napaka bait sa akin at minsan pa’y sya na ang nag bibigay ng mga peryodiko sa aming bahay na libre…
…kung kaya’t di naglaon dahil narin siguro sa murang kong edad na biente sais ay nahulog narin ako kay mr. golez ang loob ko. na lingid sa kaalaman ng aking asawa. na kahit na may edad na ito na tingin ko ay nasa kurenta’y syete mababanaag parin dito ang tikas ng pangangatawan. hindi nakakalayo ang hitsura nito sa mga kabataang nasa edad trenta pataas. kasalanan man ang aking ginawang palihim na nagmamahal sa may edad pero tao lamang ako na nagkakasala at hindi banal. dumating pa ang isang umaga na kakaalis lamang ng aking asawa papuntang trabaho naka abang na pala si mr.golez sa labasan namin at agad syang pumasok sa bahay namin nang makalayo na ang aking asawa at dahil naka suot lamang ako ng manipis na duster na pantulog at saplot pang ibaba. agad nya akong hinagkan sa labi na para bang nagmamadali. at dahil sa sarap ng sensasyong iyon tinaas ko narin ang aking kamay para malayang maitaas niya ang suot kong duster. at nang maitaas na nga ay agad nyang hinagkan ang aking dibdib na syang nagpa arko at nagpaliyad ng aking katawan at nagpalabas ng impit na ungol habang napapa kagat labi ako…
…at agad nya akong binuhat at inihiga sa kama naming mag asawa. at sa bilis ng pangyayari ay di ko na alam na nakahubad na kaming dalawa at ginagawa na nya ang ginagawa sa akin ng aking asawa. na ang buong akala ko lang ang aking asawa lamang ang makakagawa ng ganito sa aking katawan. napasigaw ako sa sarap ng ginagawa ni mr. golez. para syang asong nauulol na kumakain sa aking pagkababae na para bang gutom na gutom na nilalang. at nagpaubaya na lamang ako habang nilalasap ang sarap ng ginagawa ni mr.golez hanggang sa sumasayaw na kami pareho sa retmo ng pagtatalik. maghapon namin ginawa ang ganoong eksena ng paulit-uli na paulit ulit. hanggang sa lumuluha na ako dahil ni minsan hindi ako ginaganito ng aking asawa na pakiramdam ko ay nabababoy na ako pero inamin ni mr.golez sa akin na mahal nya ako. at di ko maitanggi na napamahal narin ako kay mr.golez. namamangka ako sa dalawang ilog sa aking ginagawa. isang bawal na pagmamahal na alam kong makakasira sa aming buhay pero nasilaw ako sa sarap at pagmamahal ni mr. golez. isang pagmamahal na may pagnanasa kung kaya mas lalong nabuhay ang natutulog kong damdamin sa makikipag romansa. para akong ibong nakawala sa hawla na minsan pa nga’y ako pa ang sumusundo sa kanya sa bilihan ng peryodiko para gawin ang mga bagay na hindi namin dapat ginagawa dahil may asawa na ako…
…napakaraming beses namin ito ginawa sa cr, sa lababo, sa sofa, sa lamisa, sa bintana, sa pintuan, sa labas naman kapag sa gabi na wala pa ang aking asawa ay sa damuhan sa ilalim ng puno at kung saan pang may pagkakataon. hanggang sa isang araw tulad ng nakagawian pag alis ng aking asawa papuntang trabahao ay pumasok ulit si mr.golez at agad kaming nag halikan at inihiga muli sa aming kama. nag dedeliryo ako kapag si mr. golez ang nag roromansa sa akin na para bang mapuputol ang aking hininga at pikit na pikit ako sa kanyang ginagawa. grabe ang pintig ng puso ko at hingal ko sa ginagawa nya at pikit na pikit ang mga mata ko at narinig ko pa ang sinasabi sa akin ni mr. golez na “I love you leticia ang sarap sarap mo ahhh” at nag tugon naman ako sa kanya ng “I love you too mr. golez ang sarap sarap mo rin…ohhh mas masarap kapa sa asawa ko” nabangit ko ang mga katagang iyon habang nasasarapan sa ginagawa ni mr. golez habang nag dededeliryo ako sa sarap at dahan dahan kong minulat ang aking mga mata. laking gulat ko nang makita ko na nakatayo sa likod ni mr. golez ang aking asawang si dominador…
… nakatingin lamang ito sa amin na hindi makapaniwala sa mga nangyari. agad kong nahila ang kumot sa pagkagulat dahil sa kahihiyan sa aking kahubaran at sa kahihiyan ng aming ginagawa. at tarantang tumakbo naman palabas ng aming bahay si mr.golez. habang umiiyak ako sa isang sulok. wala paring salita na lumalabas sa bibig ng aking asawa hindi ito nagsasalita habang nakatitig sa kawalan. nanginginig ako sa takot na baka kung ano ang gagawin nya sa akin. pero nanatili parin itong walang kibo hanggang sumapit na ang gabi. at magdamag akong umiiyak at pinag sisihan ang aking mga ginawa. at kinaumagahan naghanda ako ng pagkain para maihain sa hapag kainan. nagsusumamo lumapit sa asawang ko pero wala parin itong tugon at uminum lamang ito ng isang basong tubig at umalis nang walang tulog at hindi pa nakakain. maghapong hindi umuwi ang aking asawa at hinintay ko ang kanyang pagbabalik pero hindi sya dumating hanggang sa nakatulog na ako. at noong mga bandang madaling araw na nakarinig ako ng mga kaluskos sa kusina pero hinayaan ko nalang dahil baka ang asawa kong si dominador ang nasa kusina ang nagutom at kumain at dahil sa sobrang antok ko natulog ulit ako para makabawi sa puyat sa paghihinaty ko sa kanya kagabi…
…at pag-gising ko nakita kong nag pipinta ang asawa ko sa isang malaking canvas na hindi ko alam na marunong pala ito sa pag-pipinta. at nakalarawan doon ang babaeng neroromansa ng isang lalaki na naka liyad ang babae. na gui-guilty ako sa mga pinipinta ng aking asawa at paglipas ng tatlong araw ay napag alaman ko nalang na umalis na pala ito sa kanyang trabaho at ang kunting ipon namin yun na lamang ang ginagamit namin sa pang araw-araw. at tatlong araw ito na tuloy tuloy na nagpipinta ang aking asawa naluluha na ako sa mga ginagawa nya dahil hindi na ito kumakain at natutulog. hindi ako pinapansin na tila bang wala itong naririnig. alam kong may dinadala syang bigat sa kanyang puso at alam ko rin na hindi iyon madaling kalimutan at hindi ganun kadali mag patawad. pero sana naman ay kumain sya at matulog kung kaya’t nag mamakaawa na ako sa kanya na kumain sya at matulog pero nagmistula itong bingi ito ang pipi. dumaan ang apat at limang araw marami ng nagagwang pinta ang aking asawa walang ibang makikita sa larawan kundi babaeng naka hubad na niroromansa ng isang lalaking naka hubad na isinalarawan sa iba’t ibang position. na syang nagpapatulo sa luha ko sa tuwing makikita ko ang mga larawang iyon. na kokonsensya ako sa mga kasalanan kong ginawa. naiipon lamang ang platong nilalagyan ko ng pagkain na hindi naman ginagalaw ng aking asawa. hanggang sa niyakap ko na sya sa likod at nagmamakaawa na bumalik na sya sa dati. pero tulad ng dati wala parin itong naririnig at hindi nagsasalita at tuloy tuloy lamang sa pagpipinta. wala akong magawa kundi ang umiyak lamang ng umiyak…
…sa ika anim na araw nakikita kong nanghihina na ang aking asawa at patuloy ko syang kinakausap habang nag pipinta at habang nagsasalita tuloy-tuloy ang daloy ng aking luha. nahihiya man pero paulit ulit akong humingi sa kanya ng tawad. dahil alam kong isang napaka bigat ang kasalan ang aking ginawa kung kaya’t lumuhod ako sa harap nya at nagmamakaawa at sisikapin muli naming magbagong buhay muli. na maibalik sa dati ang lahat at maisakatuparan ang aming mga pangarap. mga pangarap na alam kong ako din ang sumira. at dahil hindi na ako makatiis pa humarap ako sa kanya at tinanong ko sya kung mahal nya parin ba ako? hindi ito nagsalita pero tumango ito ng Oo walang tugon mula sa bibig pero sapat na para maintindihan ang pagsang ayon nito at agad na tumulo ang luha ko habang niyakakap ng mahigpit ang aking pinakamamahal na asawa. at sa pagkatanggal sa pagkakayakap ay tumingin ako sa kanyang mga mata at nagsabing “yo te amo mi amor” na ang ibig sabihin ay I love you mahal. tumingin din sa aking mga mata ang aking pinakamamahal na asawa at nagsabing “yo también te quiero” na ang ibig sabihin ay i love you too…
…at pinilit ko itong patulugin pero umiiling ito at patuloy parin sa kanyang ginagawa kung kaya’t nauna nalang akong natulog dahil sa malalim na ang gabi. kinaumagahan tinanghali ako ng gising dahil sa panatag na ang aking kalooban. di ko alintana na alas onse y medya na pala ng tanghali.magluluto na sana ako nang makita ko ang mga nagagandang mga frame na may kulay na nakasabit sa palibot ng bahay namin. hindi ko ito nagustuhan dahil hubad na babae at lalaki ang nakasalarawan dito.at pag punta ko ng kusina napa ngite ako dahil naka tulog din pala ang aking asawa. pero nagtataka ako dahil maputla na ito at nakita ko mula sa kaliwang kamay nya ang malaking butas na at naka halo ang dugo sa pinturang ginagamit nya sa pagpinta…
… napasigaw na lamang ako nang makompirma ng mga kapit bahay kong patay na nga ang aking asawa at napayakap na lamang ako sa mga nakikiramay sa akin. at doon ko rin sa kanila nabalitaan na patay narin pala si mr. golez at natagpuan daw ang bangkay nito na walang dugo sa isang bakanteng lote sa isang barangay sa guinhalaran. at bigla kong naisip na ang mga naka sabit sa aming bahay na frame na may picture ay dugo ni mr. golez at dugo ng aking asawang si dominador. at habang inalalayan ako ng ibang mga kapit bahay ko papasok aming sala ay di maiiwasang mapa hanga sila sa mga makukulay na mga painting na naroon. araw ng pagkaburol ng aking asawang si dominador. maraming nagpupuyat doon na nagsasabing tila bang gumagalaw ang mga paintings na nakasabit sa aming sala sa bilang ko ay nasa doseng paintings lahat ang nagawa ng aking namatay na asawa at ang nakasabit ay syam, tatlo sa aming kwarto at anim sa sala at may tatlo pang di nakakabit dahil ito ang kasalukuyan nyang ginagawa noong araw na namatay sya. at pagkatapos ng libing ng aking asawa pinag bili ko ang mga paintings nito sa mababang halaga. dahil naririnig ko mismo ang panaghoy sa apat na sulok ng aming kwarto…
…at naririnig ko rin mismo ang aking ungol tuwing sasapit ang alas tres ng madaling araw. at may mga pagkakataon pang kusa na lamang sumisindi ang lamparang nasa kusina at kapag tinitingnan mo ang mga paintings na naka sabit sa wall ng aming sala ay tila bang gumagalaw ang mga ito na para bang sumasang ayon ang babae at lalaki sa kanilang ginagawa sa larawan. at ito ang nagpapatayo sa aking balahibo tuwing gabi kung kaya’t hindi na ako nag dalawang isip pa na ebenta ang mga ito. mabilis na lumipas ang limang taon nakapag asawa ako ng isa ring balo na kagaya ko isa lamang payak na tao at nabibiyayaan kami ng tatlong mga anak na babae. at ang bahay namin ni dominador ay hindi parin matahimik kahit lumipas pa ang mahabang panahon may mga nagrerenta dito na nagsasabing may dumadagadan daw sa dibdib nila sa tuwing alas tres ng madaling araw at hindi naman nalalayo sa mga karanasan ko noon.at may kung anong klaseng anino ang humukay sa tuwing alas dose ng hating gabi sa may kusina at kalaunan pa nga nauwi pa sa pagkamatay ng atake sa puso ng isa sa mga lalaking tumira doon…
… hanggang sa ibang pamilya na naman ang nag renta dito at ang karanasan naman nila ay may nakikita silang lalaking nag pipintura sa pader ng bahay sa tuwing hating gabi. at nagtataka sila na ang buong akala nila ay pinadala namin para mag pintura pero laking gulat nalang ng babaeng nag renta doon na na nag salita ito ng “yo también te quiero” at dahan dahang nawala ang lalaki. yan ang sumbong sa akin ng babae nakatira doon sa harap ng lalaking asawa nya habang naniningil ng mababang renta sa kanila. at sinabi ko na lamang na wala namang ganyang pangyayari noong ako pa dito ang nakatira. pagsisinungaling ko sa kanila para hindi na umalis pa at pagkalipas ng tatlong buwan buhat ng umalis ang mag asawa may isang pamilya naman ang nag renta dito na may apat na anak. at ang sabi ng mga mabait daw ang lalaking multo nagpapakita galit lang daw sa kanilang ama kung kaya’t palaging nagkakasakit ang lalaking ama ng mga bata. Hindi naman naniniwala ang kanilang ina sa mga kwento ng mga bata kung kaya’t medyo tumagal ang pamilyang ito. na sya naman unting unting panghihina ng asawa nito na unti-unting namamayat sa hindi maipaliwanag na dahilan sa noong panahon noon limitado pa lamang ang kakayayahan ng mga dalubhasa sa pang gagamot…
…hanggang dumating narin sa huling hantungan ang kinahinatnan ng lalaking may apat na anak. dahil sa pangyayaring iyon na konsesnsya narin ako. at idagdag pa ang mga sinasabi sa kanila ng kapit bahay na ang lalaking nagmumulto walang iba kundi ang namatay kong asawa. na sya namang panay ang tanggi ko kapag nagtatanong sila sa akin. buhat ng umalis ang pamilyang iyon nahirapan na kami makpag hanap pang muli ng magrerenta dahil ang mga kapit bahay na mismo ang nagsasabi na may nagmumulto sa aming lumang bahay ni dominador. hindi ko magawang ibenta ang nasabing bahay dahil ito na lamang ang yaman na meron ako isa pa bigay lamang ito sa amin noon ni dominador ng mga pareng dominiko kaya isang lapastangan kung ibebenta ko ito. hannggang isang araw namatay naman sa bangongot ang lalaking asawa ng babaeng nagrerenta kung kaya’t nabakante ito ng halong dalwang taon. at pina bendisyunan ko ulit. pinalinis, pinaganda, at pininturahan para mag mukhang bago ulit. inalayan ng itim na manok at itim na baboy para lumayas ang masamang elemento…
…pero ang espiritista mismo ang nagsabi hindi na mawawala ang presensya ng isang naghihinagpis na kaluluwa na naninirahan sa bahay na ito at habang buhay na raw itong naka kulong sa apat na sulok na bahay na ito. at nararamdaman ko ang bigat ng nararamdaman nya sabi pa ng espiritista at nagulat ako nang sabihin nya na may babaeng naka hubad dito banda na halinghing. habang naka patong ang isang lalaki sa kanya at may sinabi ang babae na hindi ko maintindihan sabi ng espiritista. pilitin mong alamin ang sinabi ng babae please sabi ko sa espiritista.nagulat ako sa reaction ng espiritista habang naka hawak sa dibdib. at ang sabi nya ay …”ang sakit ng nararamdan ko at narinig ko na ang sinabi ng babae nakikita ko sila” ano ang nakikita mo tanong ko sa kanya at ano ang sinasabi ng babae sabihin mo kung ano ang naririnig at nakikita mo sabi ko…at ang sabi ng espirista ang mga naririnig ko ay mga panaghoy at ang salitang “I love you leticia ang sarap sarap mo ahhh”…. “I love you too mr. golez ang sarap sarap mo rin…ohhh mas masarap kapa sa asawa ko” sa narinig ko nangilabot ako at dahan dahan akong humahakbang ng paatras na papalayo sa espiritista at biglang lumingon ang espirista sa akin at nagsalita ito sa boses lalaki na “kamusta kana mahal ko?”…
…sa narinig ko para akong “di magkamayaw” ang katawanh lupa at espiritu ko sa takot at pagkabigla. hindi ako magkanda-ugaga sa pagtatakbo para makalayo sa bahay na iyon. bahay na punong puno kababalaghan at sumpa. isang wagas sana na pag-ibig kung hindi lamang ako natukso sa maling pag-ibig. Isang bahay na magiging isang masayang tahanan sana kung nagkaanak kami noon ng dating kong asawang dominador. at ang alam ko ay mahilig ito sa mga bata. pero dahil sa dagok ng buhay at sa biro ng kapalaran at sa kasalanang walang kapatawaran ay nasira nga ang mga pangarap na iyon na humantong sa kamatayan at paghihimagsik. hanggang sa mga taong 1930’s ….1940’s…1950’s…at 1960’s patuloy ang pagpaparamdan ng isang bahay na isinumpa ng panahon. kahit sinong manirahan dito kailanman hinding hindi mananahimik. at kung maibalik ko lang sana ang pagmamahalan namin noon ng namatay kong asawang si dominador. aayusin ko ang aking pagkakamali mamuhay na kontento sa kung anong meron ako. pero hindi na maibalik ang kahapon wala na si dominador at wala kaming anak. kung kaya’t nagpapasalamat narin ako sa aking asawa ngayon kahit. kahit paminsan minsan napag bubuhatan nya ako ng kamay at tanggap ko ang mga pambabae nya. dahil isa lang din akong putik na minsang gumawa ng di katangap tangap na gawain ng isang babae…
…ang aking mga anak ngayon ang aking kayaman at ang aking magiging mga apo at ang kanilang mga kinabukasan. pilit ko nang iwawaksi ang alaala ng kahapon. ang kahapon na nagbibigay sa akin ng isang masaya at malungkot na alaala. lumipas na ang napaka habang panahon. namatay narin ang ama ng mga anak ko at nasa edad na ako ngayon na 80 pero ang alaala ni dominador ay hindi ko parin nakakalimutan. nag mistulang tunay na multo sa aking puso’t isipan. ang tunay na multo na magpapramdam sa akin habang nabubuhay ako dito sa mundo…
-nagmamahal ……leticia leonora ledesma villalobos…..lagda…..taon 1968…
“ito ang naka sulat sa diary ng ina ng aking lola at apo ako sa tuhod ni lola Leticia. Ito ang nakasaad sa diary nya bago sya namatay noong 1969 sa edad na 81. at ang bahay na isinumpa ng panahon na iyon ay isa nang sikat na pamilihan na ngayon. na pag-aari na ng isa sa mayamang negosyante na taga roon sa silay. at may mga balita parin akong may nagpapakita at nagpaparamdam parin sa lugar na iyun lalong lalo na ang multo ng yumaong si dominador.” -Veronica (ang apo sa tuhod ni lola Leticia).
The End
Full Credits to Ang Manlalakbay na Manunulat
Madilim na Kahapon
tawagin nyo na lamang akong george michael janairo. noong mga panahong 2003 ay nag aaral ako sa university of baguio. at noong mga panahon din na iyon ay biktima ako ng isang kasinungalingan. kasinungalingang dulot ng walang kwentang pag-ibig na sa una lang ang tamis pero punong puno ng pait, pighati at kasinungalingan lamang ang lahat. noong una ay nakakapit ako sa mga pagmamahal at pangako. pero tulad ng isang tanso kumupas din ito sa napaka pangit na paraan. at doon ko napagtanto na hindi lahat ng kumikinang ay ginto.,at hindi lahat ginto ay kumikinang. at doon ko rin na intindihan na hindi lahat ng sinasabi ni babae na Oo ay totoo. minsan nakatago dito ang mga mapanglinlang pangako. pangakong yuyurak sa iyong pagkatao at sisira sa iyong isipan at balintataw…
…taong 2003 sa unang araw ng disyiembre, umuulan ng mga araw na iyon tila ba nagsusumamo ang kalangitan kasabay ng pag patak ng mga luha kong di parin makalimot sa tatlong taon ang kalahati naming relasyon ni cherryl. na kong saan na malapit na ang pasko, valentines day at graduation namin ay saka nya naman inamin sa akin na may mahal na syang iba. samantalang noong araw ang bukambibig nya palagi ay makapag tapos sa pag aaral at maisakatuparan ang lahat ng pangarap ng mama nya. at hinding hindi nya raw ito bibiguin, pero minsan sadyang mapagbiro ang tadhana. dahil kung ano ang mga lumalabas sa kanyang bibig noon ay nagbago na ngayon. ang mga magagandang pangarap dati’y naririnig ko pang binibida nya sa kanyang ina na kahit ano daw ang mangyari ay hinding hindi raw magmamamaliw at itaga pa raw sa bato ang kanyang mga sinabi…
…pero ngayon naglaho na dahil limang buwang buntis na sya kay anthony at iyon ay lingid sa aking kaalaman dahil ang buong akala ko ako ang katipan ni cherryl. sa una ay hindi pa ako makapaniwala sa mga kabarkada nya hanggang sa kanya ko na mismo na komperma na buntis nga daw sya kay anthony at ang masakit pa ay sa akin pa sinisi ang lahat. sa kadahilanang napagod na sya sa aming tatlong taong relasyon kung kaya’t nagawa nya ang mamangka sa dalawang ilog. bagay na dinamdam ko dahil sa halip na ako ang magalit sa kanya. ay sa akin pa nasisi ang lahat dahil nagpabaya daw ako, hindi ko raw sya nabibigyan ng tamang atensyon, hindi na raw sya masaya sa aming relasyon, punong puno na raw sya sa mga pagkukulang ko at pagod na raw sya sa pagtitimpi., nakikinig na lamang ako sa mga paliwanag nya at hindi na ako nagsalita pa.,at iyun ang huli naming pag uusap…
…pilit kong pinag laban ang karapan ko bilang katipan pero pinagtulakan lamang ako sa kanilang tahanan. doon ko narin napag tanto na kaya pala lagi kaming nag-aaway ay naghahanap nalang pala sya ng dahilan. at kahit sya pa ang may kasalanan ako palagi ang nag sasabi ng “sorry” o laging nag papakumbaba. bagay na ikinagagalit nya sa akin pero hinahangaan naman ng iba sa akin. at hindi narin siya ganun kasipag mag padala ng mga text messages di gaya ng dati na halos araw-araw at gabi-gabi. at unti-unting bumubuo ang mga konklusyon sa isipan ko na hindi niya nga talaga ako mahal. dahil napaka bilis nang kanyang pagpapasya. ni hindi niya sa akin napaliwanag ng husto, ni hindi niya man lang inayos, at ang masakit sa lahat napaka dali para sa kanya e give-up. kaya napakalinaw para sakin na hindi nya ako minahal. O kung minahal man ay ningas kugon lamang ang lahat…
…habang naglalakad sa kahabaan ng session road street ng baguio, habang nagkikislapan ang magagandang parol at christmas lights at naririnig ang mga christmas songs sa daan hindi maiiwasan na mapatulo ang aking luha lalo na noong tumunog sa isang FM radio ng pampasaherong jeep ang kanta ni jose marie chan na syang kinakanta namin ng tatlong taon sa tuwing sasapit ang araw ng pasko…” my idea of a perfect christmas is to spend it with you. in a party or dinner for two. anywhere would do. celebrating the yuletide season. always lights up our lives. simple pleasures are made special too. when they’re shared with you. looking through some old photographs. faces and friends we’ll always remember. watching busy shoppers rushing about. in the cool breeze of december. sparkling lights all over town. children’s carols in the air by the christmas tree. a shower of stardust on your hair. i can’t think of a better christmas. than my wish coming true. and my wish is that you’d let me spend. my whole life with you. looking through some old photographs. faces and friends we’ll always remember. watching busy shoppers rushing about. in the……
…naputol na lamang ang kantang iyon nang di ko namalayan na umalis na pala ang pampasaherong jeep na pinang-gagalingan ng magandang musika at doon narin naputol ang aming magagandang alaala. hanggang sa dumating na ang araw ng pasko na pilit kong dinadala ang bigat ng aking nararamdaman. nag reunion kami kasama ang mga family friends ng aming mga pinsan at doon ko rin nakilala ang mga malalayo kong kamag anak at mga dikit sa aming mga pamilya. Tamang tama lang sa amin ang ganda ng paligid ng the farmer’s daughter restaurant sa tam-awan village sa baguio at doon ko nakilala si christine na isa sa anak ng family friend namin hanggang sa nagbigayan kami ng number ng cellphone at tamang tama kakabili nya palang ang 3310 nyang cellphone noon kung kaya’t binigyan ko sya ng magagandang ring tone, magagadang text message quotes. hanggang sa sumapit na nga ang bagong taon si christine lang ang nag papaikot ng aking mundo. at sa kanya ko binuhos ang panahon ko…
…Enero a sinko taong 2004 nakatangap ako ng text message sa 3210 kong cellphone galing kay christine na nagsasabing “I may not know your story, but with utmost hope and deepest prayers. I know you can survive it. tayo ka ulit george at ipagpatuloy ang buhay mo. GOD will be a friend through these hard times.” at dito na nagsimula ang aming malawak na pag uusap nalaman nya mula sa isang kaibigan ang nangyari sa akin kaya nabangit nya ang mga bagay na iyon sa text messages. hindi nag laon lumalim pa lalo ang aming ugnayan sa isa’t isa hanggang umabot na kami sa isang matamis na magkatipan at ito’y nangyari noong ika 14 ng pebrero taong 2004 sa isang mensahe ni christine na kay sarap damhin lalo na alam mong totoo at galing sa puso at nag sasabing “wow, i never thought that i am that very special to you. you have said it enough.. and it had warmed up my heart. thank you for giving me that special place in your heart.. thank you for loving me in your special kind of way..and thank you for the inspiration that you gave me..can’t give back enough the love that you have shown me..but im very grateful of having you…I love you too.”…
…marso 26, 2004 graduation na namin sa kolehiyo isa sa pinaka masayang araw sa buhay ko ang makapag tapos bilang bachelor of science in environmental and sanitary engineering (BSESE). dahil ito ang pangarap ng mga magulang ko para sa akin at ang araw na pinaka hihintay ng bawat mag aaral sa aming skwelahan at ang araw ding ito ang luwas ni christine papuntang singapore kung kaya’t napaka memorable nito para sa akin. malayo at malawak ang mga pangarap namin ni christine suntok sa buwan kung maituturing. ganun paman hindi kami sumuko kahit long distance ang relasyon namin. marami ang nagsasabing mahihirapan daw kami dahil magkaiba ang aming mundong ginagalawan. pero dahil ulit sa isang pangako kaya ako nanindigan. sumugal na ako sa pangako kahit alam kong damdamin ko ang naka pusta dito. hanggang sa lumipas ang anim na buwan mula ng lumuwas si christine. pagkatapoas kong basahin ang huling message nya sa 3210 kong cellphone na nagsasabing…
…”happy 7th monthsary, thank you for being very patient with me. i know most of the time i always want to get things my way and I want it to be in my terms, and you just let it be…sometimes I ask myself, do i deserved you?!?!? or can we last long?!?!?…most of the time kasi may mga things na we can’t agree on…maybe dahil we came from different family upbringings, different lifestyles, different mindset and of the age gap…I know mahirap din ang pinag daanan mo, just like what i had; but you had come through with it diba?!?! And that’s more important…just be the person you can be…
… i don’t want to predict what will happen to us…I am just praying that thing will just work good for us both…there may be ups and downs or may have different ways of coping with our distance…sana we can work this out…we are more bigger than this struggles we had…we can make it diba?!?! please always remember that i love you…i may be quiet and unresponsive sometimes. but i love you dearly…i just want the best of you…that you are good always…to my dearest george michael janairo happy to love you…looking forward to be with you…muwah!.”… -Christine
…”hanggang isang araw ay tumigil na nga sa pakikipag communicate si christine. inabot na ng isang linggo, hanggang umabot na nang isang buwan hanggang sa patuloy na lumakbay ang aking diwa kasabay ng paglakbay ng panahon. hanggang umabot na sa buwan ng desyiembre taong 2004 papasok na naman ang araw ng pasko. at naririnig ko na naman ang magagandang christmas carol sa mga FM radio. lalo na sa loob ng SM baguio na naging tambayan namin ni christine noong hindi pa siya pumunta ng singapore bilang dentist. inisip ko na lamang na busy siya sa kanyang trabaho at kailangan nyang mag pahinga after work. ganun paman hindi parin maalis sa akin ang mabalisa sa tuwing gabi na wala akong hinihintay kundi ang mga text messages nya habang naka upo sa labas ng bahay namin na nasisilungan makakapal na punong kawayan….
…hanggang sa sumapit na ang simbang gabi at wala akong sinayang na pagkakataon at tinapos ko iyon dahil ang hangad ko ay matupad ang mga wishes ko para sa amin ni christine kahit hindi na siya nagparamdam. kaya pagkatapos ng simbang gabi habang naglalakad na ang mga magsing irog pauwi sa kani-kanilang mga bahay. ako heto naka upo sa upuang gawa sa marmol .gaya ng dati nangungulila ako sa presesnya nya kahit man lang sana tumawag sya o mag text man lang. pero sadyang wala at hindi ko rin alam kung nababasa niya ang mga text messages ko sa kanya dahil halos punong puno na ang mga sent items ko sa cellphone ko. hanggang sa sumapit na nga ang araw ng pasko. isang taon na nang huli kaming magkita ni christine pero ngayon nasa bahay lang kami nag noche buena. di katulad noong nakaraang taon na kasama ko pa syang nag tatawanan habang pinapasahan ng mga text quotes at ring tones. ang bilis lang ng panahon sabi ko sa sarili ko. parang kailan lang nangyari ang lahat…
…hanggang sa dumating na ang bagong taon disyiembre 31, 2005…pero wala na…wala nang christine na nagparamdam pa unattended narin ang numerong ginagamit nya. at parang naramdaman na ng puso ko na wala ng pag-asa at kalaunan tinanggap ko narin ang katotohanang tapos na ang aming relasyon. i was heartbroken again. wala na akong magawa kundi tanggapin ang lahat. kusang tumutulo ang mga luha ko gabi gabi habang binabasa ang mga old love messages namin ni christine. mga taong, nagsisimula pa lamang ako sa buhay dahil nga fresh graduate pa lamang ako nun at isang taong hindi nakapag trabaho subalit tumutulong lamang ako sa mumunting negosyo ng aking mga magulang sa pag aangkat ng mga lettuce mula sa benguet papuntang maynila…
…pebrero 14 taong 2005 isang taon na sana kami ni christine kung hindi naputol ang aming komunikasyon. pero kailangan ko na syang kalimutan isa lamang siyang parte ng aking kahapon at magsisimula akong muli sa pagkakataong ito hindi na ako takot mag simulang muli. sapagkat hindi ako magsisimula sa wala, kundi mag sisimula akong muli na matatag at may experienced. kung kaya’t pagsapit ng marso 13 taong 2005 nag impake ako ng mga gamit at magbabasakali ako sa kapalaran ko sa maynila at mag re-review narin para sa environmental planners board exam. habang suma-sideline ng trabaho sa ford otis branch bilang sales agent. at sa may malate ako pansamantalang nag rent ng room sa may mabini malapit sa harrison plaza…
…ginawa ko to para narin makalimot sa madilim na kahapon. at para narin sa aking sarili para mabigyan ng saysay ang aking kinabukasan at hindi na ako aasa kailanman sa mga walang kwentang mga pangako. “promises are sweet nothings” yan na lamang ang nasabi ko sa sarili ko. naputol nalang ang pagbubulaybulay ko sa kahapon ng mapansin kong may kalumaan na pala itong nererentahan ko at ang sabi pa ng care taker ay naging ospital pa raw ito noong panahon ng hapon. hindi naman ako matatakuting tao pero di maiwasan ang mga malalaking rebulto na kasing laki ng tao sa altar na tila ban aka titig sayo. at napansin kong may kadiliman ang loob ng sala pero di ko na iyon pinansin pa at ng dahil sa pagod nahiga ako sa kama habang naka patong ang kaliwang kamay ko sa noo. hindi ko sigurado kung guni-guni ko ba o panaginip ang mga naririnig ko na tila bang may nagbubulong sa tenga ko na nagsasabing “nararamdaman ko ang nararamdaman mo”…
…bigla akong napabalikwas sa narinig ko. sigurado akong isang boses babae ang nagsalita sa kanang bahagi ng tenga ko. ang hindi ko lang masigurado kung ito’y panaginip o guni-guni ko lamang. tumayo ako at pumanhik ng lababo para mag hilamos. habang naka pikit at nagsasabon ng safeguard sa mukha may naramdaman akong may kasabay ako sa lababo dahil malapad naman ito. at naramdaman ko pang nasagi nya ang siko ko kaya umusod ako ng kunti pakanan para bigyan sya espasyo. at pagkatapos kong mag hilamos wala palang tao. napa isip ako kasi naramdaman ko pa ang siko nya na sumagi sa akin. di ko nalang pinansin at pag katapos kong magbihis ay napag pasyahan kong matulog na lamang. ito ang unang gabi ko sa apartment. at pag switch off ko ng ilaw may napansin akong imahe ng babae na naka higa sa higaan ko. kitang kita ko ang banaag ng liwanag na nagmumula sa poste sa labas ng bintana…
…mahaba at tuwid ang buhok nito na naka talikod sa akin. naninigas ang katawan ko dahil nag tayuan ang mga balahibo ko hindi pa kasi ako naka-experience ng ganito. ang lakas ng kaba ko dahil sigurado akong multo ang nakikita ko. muli kong pinasindi ang ilaw. at wala namang babae sa higaan ko kundi isang unan at puting kumot at puting bed sheets ang nakikita ko. napakamot ako sa ulo ko pero nagingilabot ako. at dahan dahan kong sinilip ang ilalim ng higaan ko baka sakaling doon napunta ang babae. isang papel ang na naka tupi sa ilalim ng kama ang nakita ko at nababalutan na ito ng makapal na alikabok. inabot ko ito at inihipan para maalis ang alikabok at noong binuklat ko isang address ang nakalagay sa papel …lakeside farms, san buenaventura, san pablo city, laguna…
…napa kunot ang noo ko dahil bakit may ganitong address na naiwan dito. naisip ko na baka sa dating nag rent dito sa room na ito. kaya tinago ko ang address at pinatay ko na rin ang ilaw para matulog pero sa sulok ng kwarto sa banda kaliwa may nakita akong babaeng naka upo at naka tabon ang buhok sa kanyang mukha na tila bang umiiyak kung titingnan. nagingilabot ako habang tinitingnan kaya iniwas ko ang tingin dito at agad akong nahiga ng naka talikod sa babae at dahan dahan kong tinakpan ang sarili ko ng kumot. at maya maya pa’y naramdaman kong parang may umupong tao sa higaan ko dahil bumigat ng bahagya ang kutson na hinihigaan ko. di ko na lamang pinansin at di ko na alintana ang lamig sa paligid hanggang sa nakatulog na ako…
…kinabukasan nagtanong ako sa care taker kung meron ba ditongnag rent na babae noon at agad naman nitong sinabi na meron isang pharmacist daw. at nag suicide daw ito doon sa kwartong tinutuluyan ko. sa kadahilanang iniwan sya ng kanyang kasintahan at noong hindi nya naipasa ang board exam kung kaya’t nag dulot ito ng depression hanggang sa nauwi sa pagpapakamatay. matagal na raw iyon hindi nagpaparamdam at ngayon na lang ulit. dahil siguro may bigat kang dinadala sabi ng care taker sa akin. dahil daw nagpapramdam lamang ito sa taong may dinaramdam. Ayaw sabihin ng caretaker ang pangalan ng babaeng nagpaparamdam kung kaya’t pinangalanan namin siyang si “pharmacist” dahil sayang daw ang babaeng ito bukod sa maganda ay mabait pa. hindi kinaya ang pag iwan ng kanyang boyfriend at ang pagkabagsak sa examination kung kaya’t maagang sumuko sa buhay…
…panagalawang gabi sa room ko, humiga na naman ako para mag relax muna at nagbabasa ng mga old text messages sa cellphone ko nang may narinig akong salitang “puntahan mo” agad akong napa balikwas na parang ibinulong lang sa akin ang mga kataga. sa pagkakataong iyon hindi na ako natakot sa halip ay napa isip at agad kong kinuha ang address na nakita ko kahapon sa ilalim ng kama. at sabi ko sa sarili ko “hindi kaya ito ang lugar na gusto niyang puntahan ko?!?!” tanong ko sa aking sarili. kung hindi ito ano ang nais niyang ipaabot. Para malinawan ako pinatay ko ang ilaw para makita siya gaya ng ginawa niya kahapon. pero nung pag switch off ko ng ilaw isang malamig na samyo ng hangin lamang na nagmumula sa bintana ang sumalubong sa akin. at nahiga na ako at nagpahinga…
…kinabukasan, maaga akong nagising naisipan kong maglinis ng kwarto at maglaba ng mga damit sa di inaasahan pagkakataon may papel na naman akong nakita sa ilalim ng kama ko gaya ng dati naka tupi ito at nababalutan ng makakapal na alikabok at isang cellphone number ang naka sulat dito. nagtaka na naman ako kung kaya’t sinubukan kong tawagan ang number na naka sulat sa papel at nag ring naman ito at may isang babaeng sumagot pero hindi ko na kinausap pa agad kong kinansel ang call. sabi ko sa sarili ko “may tamang oras para rito at pagtutuunan ko ng pansin at panahon yan” at pagkatapos ko maglaba at maglinis natulog ulit ako maghapon bumawi ako ng pahinga at sa pangatlong gabi nahirapan na akong gumawa ng tulog dahil siguro maghapaon akong natulog…
…muli kong sinilip ang ilalim ng higaan ko baka sakaling may papel na naman pero wala akong nakita. hanggang inabot na ako ng madaling araw, at apat na araw, limang araw hanggang sa matapos na ang buwan ng marso wala na akong may nakita pang papel sa ilalim ng kamang iyon hindi narin nagpramdam ang babaeng nakita kong umiiyak. hanggang sa sumapit na ang unang araw ng buwan ng abril 2005, muli akong naglinis ng kwarto at sa ilalim ng kama may nakita akong nakatuping papel at agad ko itong inabot at excited akong tingnan na naman ang nakasulat dahil iniipon ang mga papel na nakikita ko dito. at nung binuksan ko isang malaking na letrang C ang nakasulat. nagtataka man ay agad ko itong nilagay sa isang zip lock kasabay ng mga na una pang mga papel…
…at buong araw ng buwan ng abril sa bawat pagising ko sa umaga ay sinisilip ko ang ilalim ng higaan ko baka may sulat na naman sa ilalim nito pero nabigo ako. sa halip sa unang araw ng buwan ng mayo may papel na naman akong nakita at nang binuklat ko ay letrang H…hangang sa unang araw ng hunyo ay letrang R…hulyo naman ay letrang I…agosto ay letrang S…septiembre ay letrang T….octobre letrang I…nobiembre ay letrang N….at disyiembre ay letrang E…hanggang sa mabuo ang salitang CHRISTINE. agad akong nangilabot agad kong naisip ang dati kong kasintahan na si christine. patay na kaya ito kaya nagmumulto mga tanong ko sa sarili ko na walang kasiguraduhan. agad kong tinawagan ang numerong nakita ko dito dati sa ilalim ng kama at nag ri-ring parin at babae ang sumagot…
…”hello paumanhin po kung nakaka abala po ako sa inyo may gusto lamang po akong itanong” sabi ko sa kabilang linya at sumagot naman ito na “wala po kayong dapat ihingi ng ng paumanhin sir ano po ba ang maipaglilikod ko” saad ng nasa kabilang linya…at pinaliwanag ko sa kanya ang lahat mula sa unang araw at kung papaano ko nakita ang numero nya sa ilalim ng higaan ko at tinanong ko ang pangalan nya pero ayaw niyang sabihin at agad akong binabaan ng cellphone kung pionilit ko syang kausapin sa pamamagitan ng mag send ng message sa text. at sinabi niyang bago daw itong numero nya mag dadalawang taon palang dahil ang dating numero nya ay hindi nya na ginagamit sa kadahilanang may iniiwasan sya. at himingi narin ako ng paumanhin para itanong kung bakit may iniiwasan syang tao at doon nya inamin na nahulog daw sya pag-ibig sa isang lalaki na taga baguio mag dadalawang taon na ang nakakaraan…
…pero may mga pangyayaring kailangan nya itong iwan may isang dahilan daw siya kaya pinilit nya raw itong kalimutan at ang sabi ko sa kanya “sa totoo lang kako ay dumaan din ako sa katulad ng bagay na iyan at mas worse pa….at sinalaysay ko narin sa kanya lahat ng kabiguan ko mula sa una kong kasintahan at sa pangalawa mula noong nagkakilala kami noong disyiembre 24, 2003 hanggang sa naging kami noong pebrero 14, 2004 hanggang sa bigla na lamang siyang nawala na parang bola”…
…at ang reply nya sa akin nana “ay talaga….pwedi ko ba malaman ang pangalan nya”
….at nag reply agad ako sa kanya ng “CHRISTINE”
…matagal hindi nakapag reply ang kabilang linya…umabot na ng isang oras….tatlong oras…limang oras …..hanggang sa hindi na nga ito nag reply…
…kinabukasan nag handa ako para puntahan ang address na nakuha ko sa ilalim ng higaan ko ang address sa san pablo city sa laguna sa lugar ng lakeside farms, san buenaventura…
…at hindi na ako nag aksaya ng panahon agad kong tinunton ang address at pag dating ko doon ay agad akong kumatok sa isang malaking gate at isang kasambahay ang nagbukas ng pintuan at agad kong naitanong kung dito ba nakatira si christine at maya maya pa nakita ko si christine papalabas ng gate….nagulat si christine sa akin at hindi na ako nag tanong pa….agad ko siyang niyakap nang mahigpit…at habang nakayakap ng mahigpit naibulong ko sa kanya na…“bakit mo ako iniwan?”…
…sumagot naman ito nang “na aksidente ako sa sasakyan na ospital ako ng halos limang buwan at naparalisa ako ng halos isang taon…ang buong akala nila ay mamatay na ako mag iisang taon palang akong naka recover” garalgal na salita habang tumutulo ang luhang tugon ni christine…
…”salamat sa Diyos at buhay ka mahal ko” yan na lamang ang salitang lumabas sa bibig ko at hindi na ako nag tanong nang kahit na ano pa basta maliwanag na sa akin ang lahat…
…”salamat at tanggap mo ako kahit napakaraming galos na ng katawan ko at medyo pilay pa ako salamat din na tinaggap mo ako kahit matagal na panahon akong hindi nag paramdam sayo” wika ni Christine…
…”maging sino kaman mahal ko tatangapin kita” ganyan kalalim ang pagmamahal ko sayo…
…”ang importante buhay ka mahal ko at hanggat may buhay may pag-asa” yan ang huling mga katagang nasabi ko kay christine bago kumalas sa pagkakayakap…
…pasko ng disyiembre 2005 ito na ang pinaka masayang pasko na nangyari sa buhay ko dahil magkasama kami ni christine na ang buong akala ko hindi na mangyayari pa ang ganitong bagay sa buhay ko at nag papasalamat din ako sa multong “pharmacist” kung hindi dahil sa kanya hindi mangyayari ang lahat ng ito…
…at nag paalam narin kami sa parents nya na magpapaksal kami sa darating na february 14, 2006…
…mabilis na lumipas ang apat na taon buwan ng disyiembre taong 2010…habang hawak hawak ko ang panganay namin si Clyde at naka sukbit naman sa kaliwang siko ko ang mabait at maganda kong asawang si christine habang naglalakad sa session road ng baguio sa di inaasahang pagkakataon ay nasalubong namin sa cherryl. at medyo nagulat pa kami sa isa’t isa at di maiwasan na magkailangan pero nagkamustahan kami at pina-kilala ko sa kanya ang aking asawang si christine at agad naman itong nginitian ng aking asawa at pinakilala ko narin ang aming anak na si clyde…
…at malaki narin ang anak ni cherryl kay anthony na isang lalaki at babae at naitanong ko sa kanya kung kamusta na si anthony at doon ko nalaman na naghiwalay pala silang dalawa. sumama daw sa ibang babae kung kaya’t nagsisi daw sya sa mga nangyari sa buhay niya at ang babaeng anak nya ay hindi nya anak kay athony kundi sa ibang lalaki na hindi ko na kilala pa…
…at di narin nag tagal ay nag paalam narin si cherryl at ang mga anak nya at nag wave naman kaming mag asawa sa knila habang humahakbang silang papalayo…
…napangiti na lamang ako sa aking madilim na kahapon dahil napaka liwanag na sa akin ang mga pangyayari ngayon…
…at pag pasok namin sa SM baguio habang naka akbay sa aking asawang si christine ay sya naman ang hawak nito sa bisig ko. habang karga ko ang anak naming si clyde ay muli na naman tumugtog ang magandang musikang pamasko…“my idea of a perfect christmas is to spend it with you. in a party or dinner for two. anywhere would do. celebrating the yuletide season. always lights up our lives. simple pleasures are made special too. when they’re shared with you. looking through some old photographs. faces and friends we’ll always remember. watching busy shoppers rushing about. in the cool breeze of december. sparkling lights all over town”……….
The End
Full Credits to Ang Manlalakbay na Manunulat
Mt. Cristobal (“Devil’s Mountain)
marso trese taong 1987 umakyat kami ng Mt.Cristobal sa dolores, quezon kasama ko ang grupong berdeng dahon mountaineer society. (binago ko ang pangalan para protektahan ang nasabing grupo). hindi ko pa alam na tinaguriang devils mountain ang nasabing bundok na iyun. at hindi ko rin alam na marami na pala ang nawala na mga outdoor enthusiast o mga hikers na nawala sa nasabing bundok at isa pa laking syudad ako dito sa makati. kung kaya’t mahirap para sa akin ang mapag paniwala sa mga kababalaghan lalo na’t walang matibay na ebidensya. to see is to believe akong tao at ang reference ko palagi sa buhay ay ang syensya o agham. at sayanag naman ang mataas na pinag aralan ko kung maniniwala agad ako sa mga sabi-sabi at sa mga kwentong bayan o urban legends na walang sapat na katibayan…
…tawagin nyu na lamang ako sa pangalang Premitivo Calderon at noong mga taong 1987 hindi pa ganun ka tunog o ganun kasikat ang mga mountaineers. hindi katulad sa makabagong panahon ngayon na sobrang laganap ang mga outdoor enthusiast. ang ibig kong sabihin ay kakaunti pa lamang ang nakaka panhik ng mga kabundukan noon o tinatawag na mga ka-ahon at hindi pa ganun kalawak ang kaalaman ng mga hikers tungkol kay “tumao” ang kwentong maalamat mula noon hanggang sa panahon ngayon ng mt.cristobal. noong panahon namin wala pang tinatawag na “tumao” at hindi pa namin naririnig ang salitang “devils mountain” dahil sa impluwensya ng internet ngayon masyadong lumaganap ang kwento tungkol sa mt.cristobal…
…lalo na nang umusbong ang taong 2010 dahil marami ang mga mountaineers na umahon sa mt. cristobal at ang ilan sa kanila ay na-aaksidente dahil may trail dito na “face the wall”. (sikat ang salitang face the wall sa mt. guiting-guiting ng romblon) na may matarik na bangin ang madadaanan mo at talagang malalaglag ka kapag nagkamali ka ng kunti sa pag akyat. at may mga matunog na bali-balitang na may tumutulak daw dito kung kaya’t marami ang naaksidente. dahil ayun sa mga taga rito meron espiritong nagbabantay sa bundok na ito. at ayon sa mga taga visayas at mindanao na mga mountaineers talagang nababalot ito ng hiwaga, mga misteryo, mga kababalaghan, kasindak sindak at mga ka kilakilabot na mga kwento….
…at bawat manlalakbay mula sa kabisayaan at mindanao ay may mga kanyang kanyang kwento kung kaya’t akong taga Luzon ito ang aking kwento na syang mag bubukas ng mga pintuan ng katotohanan sa maalamat na bundok ng Cristobal. At bago ko isalarawan ang kakaibang karanasan ko sa dito hayaan nyu muna akong e-kwento ang iilan sa mga katotohanan at iilan din sa mga urban legends ng bundok na ito. na noong panahon ng himagsikang pilipino sa ilalim ng kolonyal na pamamahala ng Espanya, pinamunuan ni apolinario dela cruz ang isang pag-aalsa noong 1839 na tinawag na “confradia de san jose revolt”, na may mga tagasunod na may bilang na libu-libo na armado ng mga rifle at bolos. ang fraternity na ito ay sumasalamin sa mga lokal na hangarin sa relihiyon at pagkabigo ng mga Pilipino…
…kung kaya’t dumanak ang napakaraming dugo sa kabundukang ito. libo libong mga Pilipino ang mga pinatay sa bundok ng san cristobal isang malagim na kahapon na pilit nating kinakalimutan dahil sa masakit na katotohanan. nagmistulang ilog ang dugo dito noong panahong 1839 dahil sa walang awang pag-paslang sa mga taong naninirahan sa paanan ng kabundukang ito . at ang mga kalululwa ng iba’y marahil naiiwan pang naka kulong sa malagim na kahapon. pagkalipas ng dalwang taon si apolinario dela cruz ay dinakip at pinatay noong nobyembre 5, 1841. ang mga nakaligtas sa pagbuhos ng dugo ay naging mga remontado, o yaong mga bumalik sa bundok, naiwan sa kanilang mga nayon upang manirahan sa mga dalisdis ng bulkanic mt. san cristobal at mt. banahaw…
…ang reputasyon ng mt. cristobal bilang “devil’s mountain” at ang mga panginginig at supernatural na kwento na nakapalibot dito ay ginagawang mas kapana-panabik ang pag-akyat. ito ay tulad ng isang hindi pangkaraniwang, pag-akyat sa sa bundok na maraming galang espiritu. ang kagubatan ng mt.cristobal kasama ang mga lumang puno na natakpan ng lumot na binabalutan ng nakakatakot na hamog ay magbibigay sa iyo ng tamang epekto sa pagtaas ng buhok, gayunpaman, ang aking pakikipagsapalaran upang maranasan ang higit sa karaniwan ay humantong sa akin sa isang nakapagpapaliwanag na pagsasakatuparan tungkol sa bundok ng demonyo…
…sa kabilang banda naman, sa pamayanan ng bundok, ito ay ayun sa pagka alam naming mga mountaineers ay kumukuha ng mga dayunan itong mahiwagang bundok ng cristobal. ang isang laganap na kuwento ay ang isang mag-asawa na nagpunta sa isang night trek at hindi na bumalik. Ito’y nangyari noong taong 1978 isa ito sa mga sikat na alamat na magpapatotoo sa kwento ng mag-asawang foreigner na umakyat sa maalamat na bundok na mt. cristobal ng hating gabi . makapal ang hamog nung panahon na iyun at umaambon ambon pa at nagbabadya pa ang animo’y isang napakalakas na ulan at naligaw nga sila nang aksidenteng dumaan sa isang hindi pangkaraniwang daanan papunta sa campsite…
…kahit na nagbabanta ang panahon dahil sa isang bagyo at nagkaroon ng zero-visibility, nagpatuloy pa rin sila sa kanilang paglalakad. dumating sila sa isang punto kung saan tinidor ang daanan at lumiko sila sa kaliwa nang dapat silang lumiko sa kanan. ang kaliwa ay isang nakamamatay na daanan, kaya’t hindi nila ito napunta sa campsite. ayon sa mga lokal na tao, ang dalawa ay hindi pa natagpuan hanggang ngayon. kung kaya pagkatapos ng insidenteng iyun doon na nagsimula ang mga sabi-sabing nag mumulto ang mag-asawa sa mt. cristobal at ito rin ang dahilan kung bakit may mga mountaineers nang nawawala sa mahiwagang bundok na ito…
…isa pang alamat na kwento galing sa mga mountaineers forum noong 1997 isang pangkat ng mga kaibigan ang umakyat sa bundok at sinundan nila ang na unang magsing irog sa daanan. sinundan nila ang magkasintahan sa pinaniniwalaang sila ay may karanasan sa mga pag akyat ng kabundukan. sa ilang mga punto, nawala ang dalawa at natagpuan na lamang ng grupo ang isa sa kanilang ay nakabitin sa isang bangin ito ay ang lalaking kasama ng babae kanina. mabuti na lang at naligtas siya. at ang babae naman ay naka dapa sa isang liblib na bahagi ng mt.cristobal. at ayun sa pagsasalaysay ng lalaki ay tinulak daw sya ng isang maitim na anino papunta sa bangin….
…ang nakatagpo ng lalaki ay isang nilalang na kilala bilang si ” Tumao”…,ito ay isang uri ng malignong espiritu, na katulad ng “West’s Big Foot” ay sinabi ng mga local doon na taga-bantay ng mt.cristobal para sa kanilang sangtuwaryo. marami rin ang nagpapatunay nito mula 1997 hanggang 2007 mga grupong nakaranas ng kakaibang karansan. tulad na lamang ng pagkabaliw ng ibang mga miembro ng grupo. at ang iba naman ay nagkakasakit pagkatapos umakyat sa bundok ng cristobal at naging dahilan ng kanilang kamatayan., at may isang grupong nagsabing maglakad o umakyat ka sa mt.cristobal ng gabi o night trek at kapag nakarating kana sa bulwagan saddle ng mt.cristobal kumuha ka ng salamin at doon mo silipin sa reflection ng salamin ang mga nilulumot na puno sa bulwagan saddle ng alas dose hanggang alas tres ng madaling araw at doon magpaparamdam sayo si “Tumao” …
…sinasabi na ang mt.cristobal ay tahanan ng masasamang elemento at sangtuwaryo ng mga demonyo dahil umano sa multo at nature spirits na nagpapakita dito na aakayin ka sa maling daan. dahil maraming mga mountaineers dito na nagpapatotoo na nakikita nila ang magkasintahan na tinuturo nila ang maling daan. at ang daan na iyun ay patungong karimlan. at ito lamang ang bukod tanging bundok na napaka rami nang mga news casters, paranormal experts at mga “medium” or mediumship. ang mediumship is the practice of purportedly mediating communication between spirits of the dead and living human beings. practitioners are known as “mediums” or “spirit mediums”. (there are different types of mediumship or spirit channelling, including seánce tables, trance, and Ouija.) na umakyat at para lamang imbestigahan ang mga hiwaga at kababalaghan sa nasabing bundok…
…ganun paman totoo man o hindi ay i-respeto natin ang mga kwentong bayan at kwentong may nagpapatunay na merong negative energy nga ang bundok na ito dahil ayun sa mga chineses experts ito ay isang perpektong halimbawa ng “yin at yang” In ancient chinese philosophy, yin and yang is a concept of dualism, describing how seemingly opposite or contrary forces may actually be complementary, interconnected, and interdependent in the natural world, and how they may give rise to each other as they interrelate to one another. at ito nga ang mt. banahaw na binansagang holy mountain at ang mt. cristobal na devils mountain. at ayaw na ayaw na marinig ng mga locals ng mga taga Dolores quezon ang salitang devils mountain dahil isa itong offensive na salita para sa kanila. nererespeto ko ang kaalaman ng mga eksperto pati narin ang mga paniniwala ng mountaineers at paniniwala ng mga locals sa mt.cristobal…
…pero ayun sa aking experienced sa mt. banahaw at sa mt.cristobal dahil pareho ko silang inakyat noong taong 1987. para sa akin mas nakakatakot ang mt.banahaw dahil dito ako nakakita ng babaeng walang itim ang mata.kitang kita ko sa napaka linaw ng reflection ng tubig bukal na babaeng mulat ang mata pero walang eyeballs ang mata at pag lingon ko ay wala akong nakitang kahit na ano. hindi pa ako nakakaramdam ng takot nun. dahil sarap na sarap ako sa paliligo sa tubig ng malinis na bukal. at may isang aso doon na tahol ng tahol pero hindi sa akin naka tingin kundi doon sa likod ko. at bago pa ako naka lingon may babaeng bumulong sa tenga ko na ibang lingwahe hindi ko maintindihan at doon na ako kinilabutan at nagtayuan ang balahibo ko sa batok hanggang leeg at baba….
…at agad akong umahon sa bukal habang panay ang tahol ng aso at nong pag lingon ko apat na ang bakas ng paa ang nakikita ko sa mga bato pero ako lang naman ang mag-isang umahon at naliligo at mas mahaba ang dalawang bakas o bakat ng paang nakita ko. ibig sabihin may kasama akong umahon na ibang nilalang kaya pala panay ang tahol ng aso na naka tingin sa bandang likuran ko. kung kaya’t ang buong akala ko noon ay mas nakakatakot ang mt.banahaw dahil naka dalawang akyat na ako sa mt. cristobal ay walang nagparamdam sa akin. pero dito sa mt. banahaw isang beses palang may nag paramdam na. pero nung pangatlong akyat ko “devils mountain”…iyun na….at dito palang magsisimula ang aking kwento…
…at ito naman ang aking kwento sa mt. cristobal tatlong beses ko itong inakyat. sa una at pangalawa ay wala akong naramdaman o naranasang kakaiba pero sa pangatlo dito na ako nakaranas ng kakaibang karanasan. taong 1987 sa timog ng luzon kung saan naka himlay ang maganda at misteryosong bundok ng cristobal nasasakopan ito ng probensya ng quezon at luguna. naka handa na ang lahat, excited ang lahat at masaya ang lahat kasama ko nga ang berdeng dahon mountaineer society. night trek kami dahil para sa amin night trek ang pinaka exciting sa lahat ng akyatan sa kabundukan lalo na kapag ang bundok ay mahiwaga tulad nga ng mt.cristobal, mt.banahaw at mt. makiling. at palaging night trek ang akyatan namin at marami rami narin kaming umaakyat na kabundukan tulad ng mt.isarog, mt.bulusan, mt.makiling, mt. sicapoo,mt. banahaw, mt. mayon at marami pang ibang mga magagandang bundok ng pilipinas…
…alas nuwebe na nang gabi ng umahon kami kampante ako sa trail kasi dalawang beses ko na itong naakyat at ito nga ang pangatlo. ang mga kamera ko pa noon ay kodak na de film na mayroon lamang na 24 shots. kung kaya’t kinuha ko ito sa bag at nag request ako isang unang shot sa madilim sa trail. at pagkuha sa akin ang sabi ng nag shot sa akin ay “pre nung pag kuha ko sayo ng picture kanina may nakita akong isang itim na lalaki na sumilip mula sa lukuran ng ulo mo”. Hindi pa ako naniwala nun kasi naka dalawang balik na ako ng mt.cristobal at sa pag intindi ko nag jo-joke lang ang kasama kong kumuha ng litrato sa akin noon…
…hating gabi na ako ang pinaka huli sa grupo dahil ako ang “sweeper” nun. sweeper ang tawag sa kapag ikaw ang laging nahuhuli taga check kung may natitira pang miembero na naiiwan at dapat sweeper lagi ang nasa hulihan. at habang nag lalakad naka suot pa ako ng earphone ng pang walk-man na “de cassette tape” (ito pa kasi ang uso noon). at pinapatogtog ko ang paborito kong mga kanta ng asin o nila cesar bañares at lolita carbon. kung kaya’t walang wala sa isip ko nang makita ko ang ibang mga mountaineers nalumalakad sa banda kaliwa. napa kunot ang noo ko nun dahil kabisadong kabisado ko ang mt. cristobal at naitanong ko sa sarili ko bakit doon sila dumaan na ang akala ko pa noong mga oras na iyun ay ang mga kasamahan ko…
…natigilan ako ng kunti at nag isip wala sa isip ko ang matakot hindi ako matatakuting tao at wala sa bokularyo ko ang tumakbo. at sinigawan ko sila na hindi dyan ang daan kundi dito sa kanan dahil meron talagang ligaw sa daanan na iyun. hindi nila ako naririnig gayong malakas na ang boses ko at pakiramdam ko nakaka istorbo na ako sa kagubatan sa des oras ng gabi. at sabi ko pa sa sarili ko bakit may orange na rain cover akong nakita at babae pa ang nagdadala?!?. dahil sa pag kakaalam ko lalaki kaming lahat na syam at walang may naka orange na bag or rain cover sa amin. dahil noong 1987 swiss army bag pa ang uso noon ang bag na merong dalawang bulsa sa likuran at lahat kami naka ganun dahil mas mura yun at ma-porma noong araw…
…naguguluhan man ako pero sinubukan kong sundan dahil ang nasa isip ko ay may isang grupong sumunod sa amin yun ang pagkakalam ko para sana sabihan sila mali ang daan na tinatahak nila. dahil hindi nila ako marinig tumakbo nalang ako kahit may kabigatan ang bag ko para mahabol sila at sabihan na walang daan dyan at sa ibang lugar yan papunta. naka sentro ang tingin ko sa babaeng naka orange kasi sya ang nahuhuli at sinusundan nya ang naka dilaw at naka yellow green na bag. pinagmasdan ko ng mabuti ang kanilang buhok parehong pareho ang kanilang buhok tanging kulay lang ng mga bag nila ang naiiba at sabi ko sa sarili ko siguro triplets ito kasi pareho ang taas at perehong pareho din ang pangangatawan…
…”missssss walang daan dyan” sabi ko na nang pasigaw dahil hindi nila ako naririnig tinangka kong hawakan ang balikan ng babae at nabigla ako dahil sabay-sabay silang tatlong lumingon at tumingin sa akin at ang ikinabigla ko pa lalo nang makita ko silang tatllo na walang mukha. nandiri ako dahil butas ang kanilang mukha…Oo isang malaking butas…na shocked at napaupo ako sa gulat …namilog ang ulo ko sa kilabot….pakiramdam ko lumaki ang ulo ko nun at tulala ako sa nakita ko nandiri ako sa nakita ko hindi ako naka sigaw… at sobrang lakas ng tibok ng puso ko….at hinihingal ako…basta ang alam ko nakakadiri ang nakita ko… binutas ang kanilang mga mukha…at naglalakad sila at buhay sila yan ang mga tanong na paulit ulit sa utak ko ni hindi ko man lang naisip nun kung kung multo ba sila o kung anong klaseng tao ba sila…
…at maya maya pa’y may naririnig akong sumisigaw at tawag tawag ang panagalan ko. yun pala ay hinahanap na nila ako at ang sabi pa nila bakit daw ako naririto at ano raw ba ang ginagawa ko rito. at ang sabi ko naman may nakita akong tatlong babaeng dumaan dito at sinundan ko para sabihin sana na walang daan dito pero nung lumingon sila akin lahat sila walang mukha para bang binutas ang mukha nila at nakikita ko pa ang mga utak nila sa loob nandidiri ako sa nakita ko sabi ko sa mga kasama ko…at nagkatinginan silang lahat. kilala nila ako hindi ako mapag birong tao at hindi ako mapag gawa-gawang kwentong tao. nererespeto nila ako bilang sweeper ng grupo kaya tinulungan nila akong maka bangon at siguro naman mababanaag nila sa reaction ng katawan ko na may shocked pa at sa hichura kong may bahid pa ng takot at panginginig…
…at nung makarating na kami ng campsite agad naman kaming nag tayo ng aming tent . pero tahimik ako dahil sa mga nangyari na tila ba hindi ako mapakali at ayaw kong lumayo sa mga kasama ko. at napansin ko na sobrang tahimik din nila at wala ngang halos nagsasalita sa kanila. napaisip din ako na baka natatakot din sila sa nangyari sa akin kani-kanila lang. dahil ramdam ko mula nang itinayo nila ako doon sa pagkakaupo ko wala nang halos may nagsasalita sa mga kasamahan ko. naninibago ako sa ganito dahil makwela ang mga kasamahan ko at hindi matatakutin kahit man lang sana papaano ay tinanong nila ako hindi yung ako ang kusang magkwe-kwento kung ano ang nangyari sa akin. kaya hindi maalis sa isipan ko na baka pinag dududahan ako ng mga ito na gumagawa gawa lang ng kwento…
…para mawala ang takot iniisip ko na lamang ang ganda ng bulwagan saddle at ang mga mossy forest nito at pagkatapos namin magtayo ng kanya kanya naming tent nagpahinga muna ako sa loob at nahiga ng kunti para makapag relaks dahil sa halos limang oras din na lakaran ang nilakad namin. at ang estimate ko mga alas dos y medya yun ng madaling araw. at maingay sa labas sabi ko parang nagluluto na sila at nagtatawanan pa siguro tumatagay na at maya maya narinig ko ang zipper ng tent ko na binaba at sabi sa akin na “pre tara na kain na tayo naka handa na ang pagkain”. sabi ko naman Oo na lalabas na ako mga five minutes kako stretch ko lang ng kunti ang katawan ko sabi ko dun sa tumawag…napaisip ako ng isang saglit… sino kaya ang tumawag hindi ko nabosesan ah…sabi ko sa isip ko…
… dahil sa pagkakabukas ng tent pumasok na ang malamig na hangin sa loob kaya tumayo nalang ako parang nagkakasiyahan narin kasi sila at nakikita ko narin sa mula sa loob ng tent. A type tent palang ang gamit naming tent noon kung kaya’t banaag mo talaga ang ilaw sa labas kasi manipis pa ang A type tent at di pa ganun kakapal kung kaya’t tagos na tagos ang liwanag ng kani-kanilang mga flashlight. (flashlight palang ang gamit namin noon medyo may kamahalan pa ang headlight/headlamp.) at agad kong kinuha ang flashlight ko at maya maya pa’y bumangon narin ako para makipag salamuha sa kanila…
…paglabas ko ng tent walang ni isang ilaw akong nakita….at ang nakapagtataka pa wala ring mga tent… tanging tent ko lang ang naka tayo….at palinga-linga ako at umikot walang tao sa palibot ko kundi ako lang….sobrang nagtataka na ako…nasaan na ang liwanag ng flashlight kanina na nababanaag ko sa loob ng tent ko?!?!? at nasaan na ang tumawag sa akin na kakain na?!?! yung mga maiingay na naririnig ko kanina habang naka higa nasaan na!?!?…halos mawalan ako ng ulirat dahil buong kadiliman ang bumabalot sa aking paligid….unti unting nakaramdam ako nang pangingilabot mula sa leeg ko papuntang batok…na maligno yata ako yan ang bulong ko sa sarili ko…ano ba ang nangyayari sa akin tanong ko sa sarili ko?!?!? nasaan na kaya sila?!?!?….para akong maiyak na hindi ko maintindihan…at habang nag fla-flashlight ako may napansin akong may aninong tumatakbo…nanindig na naman ang balahibo ko dahil sa mga aninong tumatakbo nakikita at natatamaan ng ilaw ng flash light…
…agad na akong pumasok ng tent para doon ikubli ang aking sarili. pero imbis na maibsan ang takot ko ay mas lalo pa akong natakot dahil kapag sa loob ako ng tent mas nararamdaman ko pa lalo na maraming tao ang nasa labas ng tent. makikita mo na gumagalaw ang mga flashlight na nagmumula sa labas… may mga nag uusap sa di kalyuan may nagtatawanan at may nagluluto naririnig ko na parang may gumigisa sa labas…sa takot ko sinarado ko ng sagad ang buong tent parang sasabog ang ulo ko sa kilabot at dahan dahan kong sinilip sa maliit na bintana ng tent kung sino ang mga nasa labas baka sakaling maaninag ko kung sino ang nasa labas. at dahan dahan akong gumapang papunta sa maliit na bintana ng tent. takot na takot man akong gumagapang pilit kong pinaglalabanan at dahan dahan kong sinilip ng kaliwang mata ang butas sa maliit ng bintana ng tent at laking gulat ko sa nakita ko dahil isang mata din ang nakikita ko at nagka titigan pa kami. napaatras ako at napaupo sa takot sa nakita ko. halos panawan ako ng bait sa matang nakita ko…
…kung may sakit lang ako sa puso baka inatake na ako sa nakita ko sobrang hinihingal ako at sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. para akong maiiyak sa takot at naalala kong may dala-dala pala akong tanduay rhum ESQ sa bag kaya sa takot nilaklak ko ito ng nilaklak para mawala ang takot ko. “Dyos ko sabi ko ano ba itong nangyayari sa akin” halos hindi ako makapaniwala sa mga pangyayring iyun habang tuloy tuloy ang tawanan ng mga boses sa labas at ang kislapan ng mga flashlight sya din ang laklak ko sa tanduay para malasing ako at malaban ang isang libo’t isang takot na namuo sa katawan ko. na halos umiiyak na ako sa takot habang umiinum ng alak. at hinding hindi pa nangyari sa buhay ko ang ganito nawala ang tapang ko sa katawan. Espirito ng alak nalang ang nagbibigay sa akin lakas ng loob…at di ko na namalayan na naubos ko na pala ang isang boteng tanduay…hanggang sa naka tulog na ako…..
…kinabukasan na alimpungatan ako ng may gumigising sa akin nag pupumiglas ako at nagwawala at nag mumura sabi ko put@ang ina nyu hindi ako natatakot sa inyo mga demonyo kayo. kala nyu matatakot nyu ako ng ganun ganun lang. halos lahat sila pinigilan ako dahil nagwawala ako at umiiyak mugto ang mata na pulang pula sa kaiiyak sa nangyari sa akin kagabi at paulit ulit kong sinisigaw ang mga put@ng ina nyu hindi ako natatakot sa inyo mga put@ng ina nyu sige lumapit kayo at magkakamatayan tayo at hanggang natagpuan ko nalang ang aking sarili na nakagapos na ang kamay ko ng duct tape mula sa likod pati ang paa ko at sinabi ng leader ng groupo na……
”nakita ka namin kagabi na sumama sa tatlong babae kaya sinundan namin kayo pero hindi ka namin nakita kaya nag pasya ang tatlong kasama natin sa groupo na bumalik sa ibaba at humingi ng tulong at kami naman ay sikaping mahanap ka at nakita ka nga namin dito para sana tanungin kung ano ang nagyari…
…pero nagwawala ka naisip ko na baka mapapabilang ka sa mga mountaineers na umakyat dito sa bundok ng cristobal at naging baliw na nung bumaba. pero kilala kita isang palaban na tao ka at hindi basta basta malilinlang ng mga di pang karaniwang mga nilalang kaya kung ano man ang nasa isip mo sabihin mo at mag usap tayo wag mo kaming murahin at pagtulakan dahil matagal na tayong magkakasama sa grupong ito. kung ano man ang problema mo pag-usapan natin”…yan ang nasabi ng aming leadeng sa berdeng dahon mountaineer…
…at pinaliwanag ko din sa kanila ang mga nakita ko kagabi habang umiiyak at sabi ko takot na takot ako nanginginig ang katawan ko sa takot habang sinasalaysay sa kanila ang nangyari sa akin kagabi habang patuloy ang agos ng mga luha ko at parang batang sini sinok sinok sa kakaiyak., at dahan dahan inalis ang duct tape sa paa at kamay ko para kumalma ako dahil ramdam nila ang takot ko. at aaminin ko sa buong buhay ko hindi pa ako umiyak ng ganun mula gabi hanggang umaga at hindi pa ako natakot ng ganun doon palang sa mt. cristobal at inalalayan nila akong maka tayo pinakain ng biscuit pina inom ng tubig at inalalayan ulit hanggang sa maka baba ng “devils mountain”…
…at maya maya pa ay sumalubong na ang mga taga barangay sa amin at ang dalawang pulis na pinag hingan ng tulong ng tatlo pa naming kasama at mga taong malalapit sa bundok na iyun habang nanghihina ako na akay-akay pababa. at doon sa ibaba ng bundok ay sinalaysay kong muli ang mga nangyari sa akin sa harap ng mga tao doon…sa harap ng mga taga barangay doon at sa harap ng dalawang pulis naandoon at sa harap ng mga kasamahan ko…
…at iisa lang ang sabi nila pasalamat daw ako at hindi ako nabaliw tulad ng iba pang mga mountaineers na nababaliw pag baba sa bundok nayan at ang iba pa nga’y hindi pa nakikitang bumalik magpasa hanggang ngayon at pasalamat din ako sa espirito ng alak kung hindi dahil sa alak baka nabaliw na ako…at nagpapasalamat din sa mga kasamahan ko na hindi nila ako iniwan sa pinaka worst na nangyari sa buhay ko at lalo na sa Dyos na lumikha ng sanlibutan…
…dahil hindi nya ako pinabayaan sa likod ng mababaw ko pang kaisipan kung hindi dahil sa Dyos na nagbigay sa akin ng matinong pag iisip baka siguro ay baliw na ako ngayon. dahil kung mahina lang ang pag iisip ko malamang ay nasa mental hospital ako nagpapagaling ngayon.,at dahil sa malakas na pananalig sa Dyos binigyan ako ng pangalawang buhay at sa kasalukuyang buhay ko dito ako sa bansang singapore ngayon nag tra-trabaho kasama ang asawa at dalawang anak na babae at nagtratrabaho bilang isang electrical engineer sa isang pribadong kumpanya…
The End
Full Credits to Ang Manlalakbay na Manunulat.
Barrio Obrero
papasok ang buwan ng septiembre taong 1984 sa isang maliit na barrio sa barrio obrero sa maliit na distrito ng lapuz. at ang lapuz ay isa sa pitong distrito ng lungsod ng Iloilo, sa lalawigan ng Pilipinas ng Iloilo, sa isla ng panay, sa kanlurang kabisayaan. habang abala ang lahat ng mga taga barrio sa nalalapit na bagyong nitang abala ang lahat sa pag iimbak ng mga pagkain, tubig at ga-as para sa lampara na gagamtin kung sakaling mawalan ng kuryente. at ang iba naman ay naghahanda ng mga de bateryang flashlights at petromax o tinatawag na “paraffin lamp” at tinatawag din itong coleman lamp…
…habang pinapanood ko ang mga taga roon na kanya kanyang lagay ng mga hollow blocks at sirang gulong sa kanilang mga bubungan. para hindi liparin ng paparating na malakas na bagyong nitang. at patuloy din ako sa pagkukumpuni ng sarili naming tahanan ni nimfa na aking asawa na kapanganakan na ngayong buwan ng disyiembre. ako naman ay itago nyu nalang sa pangalang rex espinosa arevalo isa dating citizen armed force geographical unit (CAFGU). nag pasya akong mag retiro dahil sa pag dadalang tao ng aking misis na si nimfa. dahil maselan ang pagdadalang tao nito kaya nag pasya akong tumigil na sa serbisyo. at tinatawag ako sa barrio namin na sarhento dahil nga ex-military ako…
…hirap na hirap naman si mang teofimo sa kakatulak ng kanyang kariton na punong puno ng tubig habang naka baon sa putik ang nilulumot ng gulong nito. ganito ang hanap buhay ni mang teofimo ay taga deliver ng mga tubig dito sa barrio obrero na gamit ang isang dipa at kalahating kariton na yari sa kahoy na may tig dalawang dobleng gulong sa likod at isa sa harap na kasing laki lamang ng platito. na gumigiwang giwang pa sa bigat ng karga nito. at agad kong nilapitan at tinulungan ang may kaedaran ng si mang teofimo. at nagpasalamat naman ito at inabutan ko narin ng limang peso para sa kanyang pananghalian agad naman itong tumanggi at nagsabi na ”ang pagtulong mo sa pagkaka ahon ng gulong ko ay sapat na sarhento kalabisan na kung tatangapin ko pa ang limang peso na binibigay mo”…
…pero mapilit ako at agad ko itong sinuksok sa kanyang bulsa at umiling nalang ito at nagsabing “salamat sarhento napaka buti mong tao”. at sinabi ko mang teofimo na “mas mabuti siguro kung ang bubungan nalang ng bahay nyu ang una ninyong ayusin dahil may paparating na malakas na bagyo mamayang hating gabi”. sabi ko kay mang teofimo na nag pangiti-ngiti lamang ito at tumango-tango sa akin at kumaway pa na nag-papahiwatig na aalis na ito at magdedeliver pa ng mga tubig sa container na dala dala nya…
…”ang sipag talaga ng taong iyon” sabi ko sa aking maganda at mahinhing asawa habang hinihimas himas ang tiyan nito. “Oo naman at hindi nag rereklamo kahit minsan ay minamadali pa ng ibang mga nagpapa deliver sa kanya”. naputol ang pagkwe-kwentohan ng mag asawa ng biglang sunod sunod ang pagkulog at kidlat. hudyat na bubuhos na ang napakalakas na ulan. at bago paman bumuhos ang malakas na ulan ay dali daling kong itinali ang apat na matatalim at matatalas na gulok sa apat na sulok ng bubungan ng aming kubo na ayon sa mga matatandang paniniwala pangontra ito sa mata ng bagyo. dahil ang talim at tulis daw nito ang syang mag papalihis sa mata ng bagyo at ipo-ipong dala nito…
…dapit hapon na pero wala pang ulan sa halip madilim na kalingan ang lumokob sa buong baryo habang abala ang mga tao sa pakikinig ng bombo radio ilo-ilo sa kani-kanilang transistor. at nakita ko na naman si mang teofimo na nagtutulak ng kariton na may dalang tubig. “tama nayan mang teofimo babagsak na ang bagyo baka mapaano kana nyan”. ngumiti lamang ito sa akin at tumango tango. at habang sinusundan ko ang kanal na dinadaluyan ng tubig kung malinis ba o barado para kung sakaling tumaas man ang tubig mamayang gabi. maya maya pa’y may narinig akong iyakan sa kabilang kanto na di naman kalayuan sa aming bahay….
…dahil hindi naman ako nakaka gawi masyado sa lugar nato kaya naki usyuso narin ako. at napag alaman kong may patay pala dito at kakamatay lang daw kaninang umaga ayon sa salaysay ng isang babae na naririnig ko habang kausap naman ang isang matandang babae. at hindi na ako nakapag-tiis pa at agad kong tinanong kung anong nangyari sa namatayan. sabi ng matandang babae na bawat taon daw may namamatay dito kung hindi dalawa ay tatlong mga babaeng buntis at sinasabay ito tuwing sasapit ang bagyo. agad kong naisip ang mag ina ko. at inusisa ko naman kung sino ang pumapatay?!?! bumulong sa akin ang isang babae na…”amamarang”…
…”amamarang?!?” paulit kong salitang patanong habang naka tanga sa matandang babaeng kausap ko at saad pa nito’y “Oo amamarang isang salot yan doon sa aming bayan sa parte roxas noong pang dekada setenta. lumalakad ito ng naka upo sa daan habang ginagamit ang kamay sa panimbang nito sa kanilang katawan at natatabunan ng makapal na buhok ang kanilang mukha para hindi makilala sa unang tingin mapagkakamalan mo itong isang baliw. pero lingid sa kaalaman ng isang tao isang mabangis na ahas ang dila nito. na kasing haba ng isang dipa kung susukatin at walang pinag kaiba ito sa aswang yun nga lang may kakayahan ang buhok nitong gumapang sa lupa”…
…”teka, taga saan kaba ginoo? bakit parang hindi mo yata naririnig sa lugar na ito ang amamarang?” wika ng matandang babae pagkatapos mag kwento tungkol sa amamarang at naninibago sa akin. at sinabi ko naman na dyan lamang ako sa kabilang kanto kakarating ko lang noong isang linggo dahil nag retiro na ako sa trabaho. at masyadong mausisa ang matandang babae at agad naman akong tinanong ng sunod sunod. “bakit ka nag retiro? ano ba ang trabaho mo? at ngayon lang kita nakita dito.” dati po akong CAFGU at nagpasya na akong pumirmi na dito sa kadahilanang nagdadalang tao narin ang aking asawa…
…at tamang tama kasi umuwi narin sa guimaras ang kapatid at ina ng aking asawa na silang nagbabantay sa asawa ko habang wala pa ako dati dito sa barrio obrero. pagpapaliwanag ko sa matandang babae. at bumulong ulit ito sa akin na “ingatan mo ang asawa mong buntis dahil buntis din ang namatay dyan sa loob at pangalawang buntis na syang namamatay dito sa barrio obrero”. napa tiim bagang ako sa sinabi ng matanda at sumibol ang pagka suklam ko sa mga amamarang na kahit hindi ko pa sila nakikita at sa katunayan ay ngayon ko lang din narinig ang salitang amamarang…
…at agad namang sumabat ang isa pang babae na may katabaan na di ko alam na nakikinig pala sa usapan namin ng matandang babae kanina. at akay akay nito ang isa pang bakla na marami ring alam na kwento at nag salita ang matabang babae na “sa tingin ko ang amamarang iyong matandang mahaba ang buhok na nagtitinda ng isda” yan din ang suspetsa ko sabi ng matandang babae at sagot naman ng bakla “hindi kaya yung matandang lalaki na nagtutulak ng tubig kasi tuwing gabi at madaling araw ay gising yun at nakapag tataka na hindi sya napapagod”…
…”isa din yan sa hinala ko” sabay na sabi ng babaeng mataba at babaeng matanda na nag chorus pa sila ng pagsasalita. kung ganun kailangan pala natin talaga maghanda hindi lamang sa bagyong paparating kundi sa isang amamarang na pumapatay ng mga buntis sa barrio natin. at pagkasabi ko nito nag paalam narin ako sa mga nakausap ko. at ngimiti naman ang mga ito sa akin at sabay sabing ingat daw ako sa pag uwi. pagdating ko sa bahay agad kong binalita kay nimfa ang mga nasagap kong balita sa kalsada kanina at sinalaysay ko rin sa kanya kung sino ang pweding paghinalaan sa mga nabangit…
…at bigla nitong sinabi na “sa tingin ko ang babaeng matandang nag titinda ng isda kasi naka tingin ito parati sa namimilog kong tiyan at lagi nitong tinatanong na kabuwanan mo na? at sabi ko hindi pa po lola sa disyiembre pa po”. dahil sa narinig ko nagkaroon ako ng lihim na pagka suklam doon sa babaeng matandang nagtitinda ng isda. at sinabi ko kay nimfa na wag na wag na siyang bumili doon. at kung si mang teofimo naman ang panghihinalaan ay may posibelidad din dahil sa tanda nito hanggang gabi at madaling araw ang pagbabanat ng buto nito na halos hindi na natutulog…
…”baka may iba kapang pinang hihinalaan?” tanong ko sa mabait at maganda kong asawa. “pwedi rin paghinalaan ang bagong lipat doon na mag asawang matanda na nakatira sa malapit sa dagat sa malapit sa may mga malalaking truck”. nag sindi ako ng isang stick ng sigarilyong hope habang nag-iisip at habang naka tukod ang dalawang kamay sa may bintana. napapabuntong hininga ako habang kumukulog at kumikidlat at sinabayan na nga ng malakas na hangin at malakas na ulan na kanina pang nagpupupimilit na kumawala sa kalangitan…
…humampas ang malalakas na hangin, malalakas na ulan, at sunod sunod na kulog at kidlat na syang nagpataas ng tubig sa aming barrio. at tulyan naring sinakop ng kadiliman ang buong paligid dahil sa pagkawala ng kuryente na sya namang inaasahan na namin bago paman sumalakay ang bagyong ito. naka handa narin ang lampara at petromax namin ni nimfa. sa lakas ng ugong ng bagyo. sumisipol ang hangin sa kapaligiran at tila ba gumagalaw narin ang munting bahay namin sa lakas ng hangin. at sumilip ako sa may bintana sa likuran ng bahay namin. kitang kita kong nagsasayawan ang mga dahon ng puno sa sobrang lakas ng hangin…
…pumunta naman ako sa bintana sa kwarto namin at sinilip ko naman ang mga puno. pero may na aninag akong anino sa taas ng puno ng santol. dalawang punong santol ang magkatabi at isang caimito at isang acacia. Pero kitang kita ko na may tumalon doon sa may santol. pilit kong hinabol ng sinag ng flashlight pero tumago ito at di ko na makita. kaya bumaba ako dala ang maliit na palakol kung sakaling makipaglaban man ay di sya sasantohin ng palakol ko. halos mag iisang oras na akong naka tingala ay hindi na talaga nagpakita ang anino na nakita ko kanina noong nasa bintana ako…
…halos namamaos na sa kakasigaw ang aking asawa at tuluyan naring namatay ang ilaw ng flashlight kong dala at nangangawit narin ang leeg ko sa kakatingala habang basang basa na ng malakas na ulan ay hindi parin ako tumigil kahit halos hindi ko na maibuka ang mata ko sa lakas ng mga patak ng ulan na tumatama dito. bumalik nalang ako ng namamanhid na ang leeg ko sa kakatingala sa punong yun. “ano ba ang nangyayari sayo ano ang ginagawa mo sa puno at ano ang hinahanap mo?” medyo galit na patanong ng mahal kong asawa. sabi ko may nakita akong tao at hindi hayop ang lumundag sa taas punong santol galing sa bububungan ng bahay natin. at may hinala akong amamarang iyon dahil nalaman siguro na buntis ka…
…”pero buntis din naman si nenita ang sa kapit bahay natin” sabi pa ng asawa ko. at agad naman akong sumang ayon. hindi naman kasi lumalabas si ninita di tulad mo minsan namamalingke kapa. at ang bahay nila ay semintado di tulad ng sa atin na gawa lamang sa kahoy at pawid ang bubongan. malamang sa malamang tayo ang punterya ng amamarang dahil madali tayong salakayin. at baka naman naghihitay na masira ang bahay natin saka ito aatake kapag wala ng bubong. sabi ko sa asawa ko wag na wag syang lumabas ng bahay kahit anong mangyari. dahil pagkalipas nitong bagyo bukas na bukas din ay ipagtatanong ko ulit ang tungkol sa amamarang nayan…
…kinabukasan ng madaling araw hindi pa lumalabas ang araw at umaambon ambon parin. binuksan ko muna ang radyong transistor at nakinig ng bombo radio. habang nakikinig ng balita ay nagkakape naman ako at nagsindi ulit ng isang stick nang sigarilyong hope at binalita nga doon ang mga nasalanta ng bagyong nitang mga casualties at mga nawawala. at napa kunot noo ako nang binalita na may babaeng buntis daw na nilapa ng isang hayop sa kasagsagan ng bagyo kagabi. isang di pangkaraniwang balita na nakapag alarma sa akin dahil sigurado akong hindi hayop ang lumapa doon. kundi isang amamarang…
…alas nuwebe palang ng umaga di pa ako nakapag linis ay pinag tanong tanong ko sa mga taga roon ang tungkol sa amamarang. tulad ng sinabi ng karamihan ay hindi rin nila alam ang kung sino ang may kagagawan ng pagkamatay ng mga babaeng buntis sa barrio naming iyon. lahat sila ay kibit balikat at tamang hinala lamang. walang kasiguradohan ang mga sinasabi pero isang lalaki ang nagsabi na buhat ng tumira daw ang matandang mag-asawa na malapit sa dagat sa may mga malalaking truck. sunod sunod na raw ang pagkamatay ng mga buntis sa barrio nato…
…at gumawa ako ng isang malawakang pagmanman sa mag asawang matanda gamit ang kaalaman ko sa pagiging isang ex-military. napag pasyahan ko na gagamitin ko ang kaalaman ko na pagiging isang jungle warfare noong ako’y nasa CAFGU pa. at susugurin ko sila ng pagapang mamayang madaling araw at agad ko itong pinaalam sa aking mahal na asawa pagdating ko ng bahay. at binawalan ako nito dahil napaka delikado raw ng gagawin ko. pero sabi ko sanay na ako sa ganitong eksena at sayang din ang pagkakataong ito at para mawala narin ang salot dito sa ating barrio. pagpapaliwanag ko sa asawa kong si nimfa…
…at alas tres ng madaling araw. minamanmanan ko ang bahay ng mag asawang matandang dayuhan at pilit kong inaalam kung ano ang pinagagawa nila sa loob. at dahan dahan kong binutasan ang kwarto ng dalawang matandang dayuhan . hindi ko masyado makita ang loob dahil wala paring kuryente dulot ng bagyo. pero pabor din ito sakin para hindi rin ako makita. bumalik ako sa bahay namin ni nimfa na walang nasagap na balita. wala akong narinig at nasagap na balita kako kay nimfa.”magpahinga kana at para maka bawi ka bukas halos di kana natutulog buhat ng maaninag mo ang amamarang na iyan” wika ni nimfa. na may tunong pagtatampo…
…alas syete ng gabi dahil wala paring kuryente ang mga lampara at petromax ang namayani sa kalye ng barrio obrero. paikot ikot lang ako doon ng paikot baka sakaling may marinig na mga kwentong kalye. hanggang sa nakita ako ni pareng baldo na lasingero sa lugar namin. at hindi na ako nakapag tanggi pa sa binigay nitong gin na may halong kalamansi. hanggang sa nagka amats na kami kasama ang dalawa pa nitong tropa na talagang makikita mo sa hitsura na manginginom talaga sa kalye…
…at napatingin ako sa tindihan nila aling lydia at di ko maiwasan ang mga horror komiks na naka bitin doon na pinapa-arkilahan nila. agad kong naalala ang amamarang sa tulong ng mga horror komiks na nakasabit doon dahil sa mga larawan nito. at tinanong ko si pareng baldo kung may alam sya sa amamarang at agad nitong sinabi na “yung babaeng nagtitinda dito ng isda na lusok ang mata iyun ang amamarang” saad nito. “hindiiii……” sabat naman ng isang payatot na kasama ni pareng baldo na panay ang kagat kagat sa toothpick na tila ba’ng may tamis ito na sinisipsip-sipsip pa. “ang amamarang ay si mang teofimo dahil kitang kita ko mismo na kinain nito ang manok na hilaw” sabi nito…
…at ang isa namang lalaki na halos pumipikit na sa kalasingan ay nagsalita din “basta ako marang lang ang kinakain ko kahit amoy marang kinakain ko pero di pa talaga ako naka kita ng amamarang…marang lang” sagot naman nito. sabay nagkatawanan sina pareng baldo at kasama nitong panay ang sipsip sa toothpick. dahil may amats na ako agad narin akong nagpaalam kanila pareng baldo dahil lumalalim narin ang gabi at isa pa wala pang kuryente. panay naman ang pigil nila pareng baldo na mamaya na raw minsan lang naman daw ito…
…dahil ayaw talaga magpapigil ang tatlo napasubo na ako. at natapos kami ng mag aalas dose na ng hating gabi. at natutuwa ako dahil may nasagap akong inpormasyon galing sa kanila. at pag uwi ko panay ang katok ko ayaw akong buksan ng aking asawa dahil siguro’y nagtatampo dahil hindi ako nag paalam na pupunta ako ng inuman. ganyan naman ang mga babae eh, magpaalam kaman o hindi basta galing ka sa lakwatsa at inuman magagalit at magagalit parin sabi ko nalang sa sarili ko…
…at dahil ayaw talaga ako pagbuksan ng mahal kong asawa dahil siguro sa sobrang tampo kung kaya’t sa likod ng bahay nalang ako dumaan at pilit kong inaabot ang lock sa likuran ng pinto na may kalaliman din pala ang paglagay ko doon kaya hirap akong maabot. at pagpasok ko sa kwarto para halikan ang aking asawa…
nagulantang ako sa aking nakita…nakahandusay sa sahig ang mahal kong asawang si nimfa…
habang hawak hawak nito ang gulok…
at kumalat ang mga dugo doon sa sahig…
at nakita kong labas ang lamang loob ng asawa ko. nagkalat ang bituka nito sa sahig na yari sa kawayan…
napaluhod ako sa nakita ko…
panay ang pag tangis at pagsusumamo ko na sana patawarin nya ako…
…hindi sana nangyari ito kung hindi ako nakipag inuman kanila pareng baldo. napasigaw ako sa galit sa amamarang at agad kong kinuha ang pala at hinukay ang binaon kong M16 assault rifle o kilala sa salitang armalite at isang thompson sub-machinegun o kilala sa salitang “de plato”sa ilalim ng silong nitong aming bahay. at wala pang isang oras na paghuhukay agad kong nahukay ang baul na pinaglagyan ko. at hinanda ko ang mga bala nito at sinigurong loaded ang magazine ng mga ito. sa kanang kamay ay hawak ko ang M16 o armalite at sa kaliwa naman ang thompson o “de plato”. at agad kong binaybay ang daan papunta sa mga dayuhang matandang mag asawa…
…at bigla kong sinipa ang pintuan ng bahay ng mga ito at lumabas ang matandang lalaki at nagsalita pa nang “anong maipag lingkod namin sa iyo amang” di paman natatapos ang sasabihin nito ay agad kong niratrat ng M16 at Thompson ang dibdib nito…bulagta ang sa sahig ang matandang lalaki at tinakbo ito ng asawang matandang babae at nagsisigaw na “asawa ko huhuhu….bakit mo ginawa sa amin ito ginoo???…bakit???” sa halip na magsalita pa ako tunog ng mga de kalibreng baril ang namayani sa loob ng pamamahay ng mga ito…
…iniwan ko ng walang buhay ang dalawang dayuhang matandang mag asawa. habang nagmamadaling maka uwi dahil naglalabasan na ang mga tao sa paligid. at pagkauwi ko, muli kong binaon ang mga de kalibre kong armas sa pinaka mabilis na paraan at agad inasikaso ang bangkay ng aking asawa. at nilinis ang sandamakmak na dugong kumalat sa aming tahanan. napakasakit sa akin ang pagkawala ni nimfa at ng magiging anak ko parang wala nang saysay ang mabuhay pa sa mundo…
…binaon ko ang asawa kong si nimfa sa ilalim ng silong katabi ng baol. hindi ko na binurol pa dahil hindi ko kayang tingnan ang wasak-wasak na katawan ng aking mahal na asawa. at isa pa para hindi malaman ng taga rito na wala na si nimfa dahil may pinatay din akong mga tao baka ako ang pag hinalaan at kinabukasan nag telegrama na lamang ako sa ina ni nimfa sa guimaras para ipaalam sa kanila na namatay na si nimfa at ang magiging apo nila…
…sinabi ko narin sa telegrama kung ano talagang nangyari kay nimfa at sa bata… iyon kung maniniwala sila…basta ang importante naiparating ko sa kanila…
…napakunot ang noo ko ng may nabalitaan na naman ako mula sa kanila pareng baldo na may nabiktima na naman daw ang amamarang kagabi doon sa kabilang barrio. sa isip-isip ko pinatay ko na ang mga amamarang na iyon ah. buntis daw talaga ang target nito sabi ni pareng baldo at pinaiingatan pa ang mag ina ko baka daw madali pa ng amamarang. agad naman nagsalita si boy toothpick na “kagabi nga lang may pinatay din doon sa tabing dagat ang mag asawang matanda na bagong lipat doon kawawa tinadtad ng bala walang puso ang gumawa sa kanila ang babait pa naman ng mag asawang iyon at dating mananahi sa villa ang matandang babae at ang lalaki naman taga tahi ng sapatos sa la paz kilala ko ang mga iyun eh” wika ng lalaking sumisipsip ng toothpick…
…nanlumo naman ako sa narinig mali pala ang impormasyon na nasagap ko. sa narinig agad akong nagpaalam kanila pareng baldo na kahit anong pilit nilang manatili muna ako dito sa inuman ay di na ako pumayag. at nag pasya akong bukas ng umaga aabangan ko ang isang matandang babaeng nagtitinda ng isda malamang ito ang amamarang. dahil minsan pa’y nabangit narin ng asawa kong si nimfa nagtatanong ito kung ka buwanan nya na raw ba. ibig sabihin interesado ito sa isip isip ko…
…isang umaga pasimply kong sinusundan ang isang matandang nagtitinda ng isda at agad ko namang natuntun kung saan ang bahay nito. kaya pag balik ko ng bahay agad kong hinukay ang dalawa kong armas at nilinis. dahil sigurado na akong mabibigyan ko narin ng hustisya ang pagkamatay ng aking mag-ina. gaya ng dati hinintay ko mag ala una ng madaling araw para tuntunin ang bahay ng matandang babaeng nagtitinda ng isda. para ipalasap ko sa kanya ang bagsik ng aking pagkatao…
…at agad kong tinunton ang bahay ng matandang babaeng nagtitinda ng isda at dahil looban ang bahay nito na napapaligiran pa maliliit na eskinita kung kaya’t pinag aralan ko muna ng mabuti kung saan ako lulusot pagkatapos kong patayin ang amamarang na ito. at pagdating ko sa pinto agad kong sinipa ang pintuan ng mga ito at nadatnan ko itong kumakain kasama ang dalawang batang babae na nasa edad apat at anim taong gulang. sa pagka gulat agad itong yumakap at umiiyak sa matanda. umalis kayo diyan sabi ko sa dalawang bata kung hindi mamatay kayo kasama ng matandang salot na iyan…
…dahil may katigasan ang mga ulo ng mga bata. hinila ko nalang ang mga ito para hindi na madamay pa. at nagsalita ang matanda na “ano mang oras ngayon pwedi mo akong patayin iho basta ipangako mo lang na alagaan mo ang mga apo ko. at kung iniisip mo na ako ang salot dito ay nagkakamalli ka iho. hindi ko kayang gawin ang mga parata……. ” hindi pa natatapos ang sinasabi ng matanda ay agad ko itong tinadtad ng bala sa dibdib. dahilan para mawalan ito ng buhay at iniwan ko itong niyayakap ng dalawa niyang apo habang umiiyak. at agad ko namang nilagay sa bayong ang dala kong armas at lumakad na para bang walang nangyari at unti-unti narin naglabasan ang mga kapit bahay nila sa lugar na iyon…
…gaya ng dati pagkadating ko bahay agad ko itong nilagay muli sa baul at nilibing sa lupa para walang ebidensya. at maghapong natulog at sa pagsapit ng dilim pupunta naman ako kanila pareng baldo para maki balita at maki-tsismis sa mga pangyayri sa bawat araw. at pagdating ko nga doon ay naka ngiting inabot ni boy toothpick ang basong may laman na gin at kalamansi at pinatagay sa akin. sabay sabing “ alam mo ba sarge patay na ang matandang babaeng nagtitinda ng isda, ibig sabihin patay na ang amamarang, wala nang salot kaya kahit hanggang umaga tayo dito ngayon ay okey lang sigurado naman tayong ligtas na ang misis mo” nagkautal-utal na sabi ni boy toothpick. “tamaaaaa “ dagdag naman nitong isa pa nilang kasamang gatong lang sa usapan ang alam na halos hindi na maka tingin ng maayos dahil sa pamumungay ng mga mata dulot ng alak…
…dumating nga ang alas kwatro ng umaga si pareng baldo at ako lang ang natira tulog sa upuan sina boy toothpick at ang uhugin nitong kasama at habang naglalakad pauwi napansin ko ang bahay nila nenita na bukas at maraming mga tao naki usyoso ako sa mga tao at tinanong ko kung ano ang nangyari at sabi ng kapatid ni nenita “sinipsip ng aswang o ng amamarang ang tiyan ni ate kaya’t tuyo ang katawan ni ate nenita nang matagpuan namin sa kwarto nya wala itong dugo at kipis ang tiyan sigurado patay ang bata at si ate”…
…nagulat ako sa sinabi ng kapatid ni nenita na akala ko’y napatay ko na ang amamarang. umuwi ako at nagnakaw ng kunting tulog pagka gising ko binalikan ko ang bahay ng matandang nagtitinda ng isda sa palihim na paraan. at naitanong ko rin sa may tindahan kung anong klase ng tao ang matandang babaeng nagtitinda ng isda at ayun sa tindera ay… “napaka bait daw ng matandang namatay at ang anak daw nitong babae ay namatay din last year dahil nasagasaan daw ng pang pasaherong jeep. kung kaya’t kahit hirap sa paglalako ng isda ay pinilit ng matanda para mabuhay lamang ang kanyang mga apo”…
…nalungkot naman ako sa balitang iyon nagkamali na naman ako sa aking pinatay isa nalang ang natitira at sigurado akong sya na si mang teofimo. at agad akong umuwi pagkatapos kumain at maglaba bumawi ako ng mahabang tulog dahil sosorpresahin ko si mang teofimo sa aking pag gising. at pagkatapos ng halos syam na oras na pagkatulog. hinanda ko ulit ang bayong at ang dalawa kong armas at tinalunton ko ang bahay ni mang teofimo. at pagkarating sa bahay nila ay agad kong sinipa ang pintuan dahilan para lumabas ito at sumilip mula sa barong barong nitong kwarto…
…”oh iho ikaw pala ginulat mo naman ako” sambit nito sa akin. pumunta ako dito mang teofimo para maningil ng pautang. “ah ganun ba teka sandali at magbabayad ako” sabi nito habang papalabas sa barong barong nitong kwarto at ini-abot sa akin ang limang peso. “ito pala ang utang ko sa iyo iho sa katunayan nga eh yan pa yung pera na binigay mo sa akin bago pa mag bagyo” hindi ko talaga iyan ginastos. sabu nito. habang iniabot sa akin ang limang peso binunot ko naman ang dalawang de kalibreng armas sa bayong at pinaputukan ang dalawang paa ni mang teofimo dahilan para maputol ito…
…”bakit iho?!?!?….bakit?!?!” pagapang na nagsasalitang patanong si mang teofimo habang naka angat parin ang kanang kamay nito para abutin ko ang limang peso at umiiyak sa sakit ng pagkaputol ng mga paa nito…
…hinayaan kong mawalan ng buhay si mang teofimo sa ganoong paraang habang binibigkas nito ang salitang “mag babayad naman ako sa iyo bakit kailangan mo pang gawin ang ganito”
…hindi na ako nagsalita pa sa halip hinayaan ko syang magdusa ng ganito mamatay na mawalan ng dugo para mabayaran ang mga kasalanang ginawa nya…
…nagmamadali akong maka labas ng lugar na iyon dahil naka rinig na ako ng wang wang marahil naka tunog na ang mga pulis sa mga patayang nagaganap dito sa aming barrio kung kaya’t ganun nalang ang pag patrolya ng mga ito…
…gaya ng dati binaon at nilabhan ko ng mabuti ang lahat ng gamit ko para walang makitang ebidensya laban sa akin. at kahit kunting hinala man lang ay ayaw kong mangyari sa akin dahil ayaw ko nang nasisilipan ng butas…
…alas dyes na ng gabi ng ako’y magising at agad akong pumunta sa tindhan nila aling lydia baka sakaling doon pa ang mga lasingerong tropa ni pareng baldo. at hindi nga ako nagkamali paglapit ko palang hindi magkanda ugaga sa pag bibida si boy toothpick sa kanyang sasabihin. halos mautal nitong binibida na pinatay daw si mang teofimo ng isang mahiwang anino na pumatay dito sa barrio obrero. at bilib na bilib daw sya sa mahiwagang anino na ito dahil sikat na sikat daw ito kahit pa sa kabilang barrio…
…at may sabi sabi na sayang daw ang galing nitong gunman na ito dahil imbis na amamarang ang pinapatay mga inosenteng mamamayan ang binabatan. at sabi ko ay “bakit hindi ba’t amamarang si mang teofimo?!?!” napa yuko si boy toothpick at nagsabing “hindi eh akala ko rin noong una dahil kinain agad nito ang manok na nakasalang pa sa uling na may baga habang iniihaw kinain nya lang daw iyon dahil gutom na gutom na sya” sabi ni boy toothpick….
… “dahil kahapon ay dumaan dito at tinanong ko ng harap harapan baka sya ang napapabalitang bantog na amamarang dito sa barrio obrero at agad nitong sinabi na aba’y porket baga’y kinakain ko ang manok na hilaw dahil sa gutom na gutom ako aba’y amamarang na agad sagot nya sa akin” sa pag sasasalaysay ni pareng baldo…
…”at di namin akalain ay patay na sya ngayon at grabe ang pagkamatay sarge putol ang paa hanggang binti at ubos ang dugo” dagdag pa ni boy tootpick habang naka tanga naman sa kawalan ang kasama nitong uhugin na animo’y lumilipad ang utak…
…at bigla akong nagpaalam at sabi ko napadaan lamang ako. pagdating ko sa bahay napayuko ako sa lamisa at napaiyak sa aking ginawa dahil hindi rin pala si mang teofimo ang amamarang at hindi ko namalayan na naka tulog na pala ako sa lamisa hanggang umaga sa kakaisip kung sino ang salarin sa pagpatay sa aking mag-ina…
…kinabukasan habang naglalakad lakad may napansin na naman akong maraming tao medyo may kalayuan na ito sa aming barrio pero batid ko na may pinatay dito at di nga ako nagkamali isang amamarang na naman ang napabalitang pumatay ng isang buntis at ka buwanan pa nito at nakita ko na anaman ang matandang babae na nagsabi sa akin datin na amamarang ang pumapatay sa mga buntis…
…ito ang matandang babaeng nakita ko bago paman manalasa ang bagyong nitang sa aming barrio at naitanong ko sa isang babae roon kung sino ang matandang babaeng iyon at ang sabi nito’y ito raw ay manghihilot o taga hilot. agad naman akong nagmasalamat at lumayo ng kaunti para magmasid sa paligid at para malaya kong masundan ang matandang babaeng manghihilot…
…at nakita ko rin kung saan umuuwi itong babaeng ito at papahirapan ko muna ito bago ko papatayinmamayang madaling araw sabi ko sa sarili ko. pag uwi ko ng bahay bumawi ulit ako ng tulog at pagsapit ng ala una ng madaling araw ay agad akong umalis dala ulit ang isang bayong na may laman na de kalibreng armas. Gaya ng dati kapag mumapasok ako ay sinisipa ko ang pintuan ng mga ito. at pagkasipa ko ng pintuan kitang kita ko sa akto ang sariwang fetus na naka hain sa ibabaw ng lamisa na naka patong pa sa plato na halos masuka ako sa napaka bahong amoy…
…”put@ng ina mong matanda ka ikaw lang pala ang amamarang ang dami mo pang dinamay na maraming tao at nagpangap kapa na manghihilot para marami kang maluko”. sa pagka sindak hindi agad naka kibo ang amamarang at nagulat dahil natuklasan ko ang sekreto nito at sinabi ko pa na “ikaw pala ang pumatay sa sa mag ina ko kaya ngayon dudurugin ko ng paunti unti yang katawan mo” sa pagkasabi ko ng katagang iyun. ay agad itong umamin at sabi nya ay Oo ako nga at mula pa noong dekada setenta sa lugar ng roxas ay ginagawa na namin ito dahil ito ang lahi namin…
…sa narinig ko ay mabilis kong binonot ang de kalibre kong armas sa bayong at agad itong lumundag sa bintana pero bago pa sya naka lundag. walang humpay sa pagkalabit ang kaliwa’t kanan kong daliri sa gatilyo ng dala dala kong armas…
…bagsak sa sahig ang amamarang na luray-luray ang katawan nito. butas butas ang katawan ng amamarang sa bala ng dala kong armas at sa kasawiang palad ay hindi na ako nakatakas pa sa kamay ng batas nasalubong ko na agad sa isang eskinita ang mga pulis at hindi na ako nanlaban pa…
…at sa kasamaang palad ni hindi ako pinaniwalaan sa korte suprema. sinabihan pa ako na gumagawa gawa lamang ako ng kwento tungkol sa amamarang at nasa isip ko lamang daw ang lahat ng iyon. at napagkamalan pa akong may sakit sa isipan at ang masaklap pa sa akin pa binentang ang pagkamatay ng aking asawa at anak…
…ganon naman talaga ang masyadong matalinong tao hindi naniniwala sa mga aswang at amamarang dahil para sa kanila wala kang alam at sila ay meron lalong lalo na ang mga doctor na naka basi lamang sa libro at syensya. sunod dyan ang judge na sumusunod din sa mga libro ng article at batas. kung sabagay ano nga ba ang alam ng doctor at judge sa amamarang?!?! dahil matataasang kanilang pinag aralan tingin nila sa atin ay mga taong mapag gawa-gawa ng kwento…
…pero para sa akin sila ang baliw at walang alam dahil hindi nila nakita ang mga nakita ko at hindi nila naranasan ang mga naranasan ko. ang pagkakamali ko lang ay naniniwala ako sa sabi sabi ng ibang tao kaya marami akong inosenteng napatay at doon ko napatunayan na ang taong naniniwala sa sabi sabi ay walang bait sa sarili. sa makatuwid kasama ko ang doctor at judge na walang bait sa sarili…
…ako na naniniwala sa sabi sabi pero hindi pala totoo kaya marami akong napatay at sila naman at hindi naniniwala sa sabi-sabi pero totoo kaya sila ang mang mang at walang alam…
…at kung sino man sa inyo ang taga ilo-ilo at nakarinig sa bantog na kwento tungkol sa mahiwagang anino noong dekada ochenta walang iba iyun kundi ako…
…at pagkatapos ng lahat nakulong ako sa ilo-ilo provincial jail mula 1984 hanggang 2006. bente dos anyos ako sa ilo-ilo provincial jail hanggang sa nalipat ako sa iwahig prison and penal farm noong taong 2007 sa lugar ng puerto princesa city sa palawan under bureau of corrections at nakalaya ako noong 2010…
…under former president gloria macapagal arroyo at kasalukyang namumuhay dito sa palawan kasama ang pangalawa kong asawa at isa kong anak na lalaki sa edad na 63 years old…
The End
Full Credits to Ang Manlalakbay na Manunulat.
Ang Mission (Aswang Real Encounter)
nag-aral ako noong taong 1994 ng scout ranger sa camp tecson, san miguel bulacan.(SRTS) at nalipat ako ng camp capinpin sa tanay rizal noong taong 1996. sampong buwan lang talaga ang training ng scout ranger dahil sa hirap at sa dami ng malulupit,matitindi at mababangis na mga training napaka swerte mo bilang isang sundalo na makapasa. dahil isa ang scout ranger na elite fighter na maituturing dito sa pilipinas . dahil dedikado akong maging isang matinik na sundalo kahit mahirap at pabalikbalik man ako ng training ay hinding hindi ako mananawa dahil nasa puso ko ang pagiging isang magiting na sundalo. kahit sampong beses man akong mabagsak, sampong beses ko parin itong babalikan para matapos ang kursong pinapangarap ko…
…kaya nung nag graduate ako proud na proud ako sa sarili ko at proud din ang pamilya ko sa akin kasi ang sabi nila ang scout ranger daw ay the most elite large-scale fighting force the army has to offer. their mission, depending on the operation, can range from airfield seizure to special reconnaissance to direct action raids on select targets and individuals, and they have a rich operational history. at may pagkakaiba din ang mga scout ranger kung ikukumpara sa mga special forces ng pilipinas. at ang pagkakaiba nila ay ang special forces(SF) soldiers are trained for unconventional warfare and direct action missions. direct action missions are what ranger specialize. and well trained in the jungle and mossy forest. while the special forces (SF) mission of Internal foreign defense (training foreign soldiers) is something that the rangers would never do…
…kung kaya’t mula taong 1994-1996 napakaraming bundok na pinag trainingan at mga inakyat namin o ako dahil dalawang beses akong umulit at sa pangatlong ulit pa ako nakapasa at hindi ko iyun ikinahihiya bagkos proud ako doon. na halos hindi ko na ma bilang pa ang mga bundok na naakyat ko mag-mula pa sa sierra madre mountain range, sa mga kabundukan ng cordillera, kalinga apayao, benguet at ifugao sa lugar ng luzon at sa visayas naman ay ang mga matataas na bundok ng kanlaon ng negros, matatayog na kabundukan sa panay na madjaas, nangtud at. baloy dako range.at sa mindanao naman ay ang mga magugubat na mga kabundukan ng. kitanglad, dulang-dulang, talomo, kalatungan, ragang, maagnaw at piapayungan mountain range. bilang isang ganap na scout ranger normal nalang sa amin ang pag akyat sa ibat-ibang kabundukan para mahasa ang kaalaman namin sa terrain at sa assault trail ng kabunsukan…
…bago ko ipagpatuloy ang maalamat kong kwento sa aming training. itago nyu na lamang ako sa alyas o code name na “alamat ng lawin” dahil hindi pweding ilantad ang aking pangalan. at dahil labag ito sa military secrecy o labag sa standard operating procedure (SOP) number 6. “what you see, what you hear, what you feel, when you leave, leave it here.” sa makatuwid kung ano man ang pinag daanan namin ay bawal na bawal na ipag kwento sa hindi kapwa sundalo. pero ang karansan kong ito’y kailangan kong i-kwento sa inyo. dahil hindi ito pangkaraniwan. bibihira na lamang ang nakakaranas ng ganito. sa makatuwid baga’y nabibilang na lamang sa ating mga daliri sa kamay ang nakakaranas ng ganito…
…taong 1996 summer noon nag undergo training kami at seminar for 15 days sa isang unibersidad sa sibalom, antique at sa lugar ng hamtic (university of antique,hamtic campus). dahil bagong salta nga kami dito sa lugar hindi namin maiwasang mag liwaliw pa muna. At kaming anim ay gumala muna sakay ng isang owner type jeep. dahil sa pagkakaalam ko ang hamtic ay isa sa pinaka lumang town ng antique at ito ang pinakaunang kabisera ng antique bago pa ang san jose de buenavista na pinalitan lamang noong 1802. at malilito ka sa mga tao dito lalo na sa kanilang pananalita dahil ito lamang ang town na mayroong tatlong dialect o lengwahe. ang pananalitang hamtikanon, pananalitang karay-a at hiligaynon. kung kaya’t nung unang salta namin dito ay nahirapan kami sa pakikipag usap sa mga taga rito…
… bago kagatin ng dilim ang paligid pinag masdan muna namin ang magagandang lugar sa hamtic. lalo na doon sa lugar na may lumang simbahan ng anini-y. at di namin napansin na napadpad na kami sa isang barangay sa pagkakaalalam ko ay barangay pamandayan o bot-bot kung kung tawagin ng mga taga roon at may isang babaeng matanda ang nagbigay ng paalala sa amin na umuwi na raw kami bago paman kumagat ang dilim dahil delikado daw ang mga dayo o dayuhan na mga katulad namin. nagtataka ako bakit kami’y delikado gayong naka soot kami ng type A uniform ng pang sundalo.(dahil noong mga taong iyon pwedi pang gumala ang mga sundalong naka uniporme.)…(ang pamandayan o (bot-bot) sa lugar ng hamtic ay matatagpuan sa latitude: 10.65 North -Longitude: 122.04 East- Altitude: 412.00m/1351.71 ft. sa lalawigan ng antique. sa panay island sa bansang pilipinas.)…
…at bago paman kami nakapag salita ng bakit? ay agad nang umalis ang matanda na tila bang nagmamadali ito o kala mo’y may humahabol dito. sa di mawari ay hinabol namin sya sakay ng owner type jeep at sapilitang tinanong kung bakit parang takot na takot sya at para alamin kung may mga bandido ba o masasamang loob sa lugar na ito at ang sagot nya ay “wala naman po mga sir”. at bumaba ako ng sasakyan at tinitigan ko sya sa mata at mahinahon ko ulit na tinanong kung bakit dahil alam ko kako na mayroon syang alam na hindi namin alam., sa pabulong nyang sinabi sa tenga ko na “may gumagalang aswang sa lugar na ito”…
…at agad akong nagpasalamat sa sinabi ng may edad ng babae. at agad akong tinanong ng isang kasama ko kung ano ang sinabi ng babae at ang sinabi ko lamang ay delikado daw ang lugar na ito at kailngan na nating umuwi. kinagabihan habang naka patong ang kaliwang kamay ko sa taas ng noo ko. hindi ko maiwasang mag-isip tungkol sa sinabi sa akin ng babae at bakit pabulong?!?! at bakit takot na takot sya?!?!?nararamdaman ko totoo ang sinasabi nya malakas ang kutob kong may naninirahang aswang sa lugar na iyon. hindi ko man nakita pero bago pa ako pumunta dito sa antique. marami na akong naririnig na mga kwento-kwento lalo na sa kaibigan kong taga san joaquin sa lugar ng ilo-ilo. na isa sa mga nagpapatotoo na meron nga talagang aswang dahil nakaranas na sya nito noong 1988 doon sa kanilang barangay sa guibongan bayunan…
…dumayo daw sila ng pinsan nya sa isang fiestahan o “baylehan” doon sa nasabing barangay at nang pauwi na sila ay inatake raw sila ng hubo’t hubad na babae sa isang maliit at madilim na tulay at doon sila nakipagbuno mabuti nalang daw at may maliit na kutsilyong dala ang pinsan nya. na naka ipit sa medyas kung kaya’t inundayan ito ng saksak at biglang tumalon sa mayabong na taniman ng saging. at mula nun kinalat nila sa kanilang baryo ang karanasang iyon. at di pa iyon natapos nasundan pa raw iyon ng taong 1990 sa baryo ng igbinangon. gaya ng dati dumayo nanaman sila ng mga kaibigan at pinsan nya para sa isang fiestahan o baylehan. dahil nga sa baryo baryo ang lugar doon hindi pa maiwasan ang mga kakaibang pormahan doon. kung kaya’t naka agaw pansin ang pulang sapatos ng isang babaeng may edad na at itim na damit na panay ang tingin sa kanila…
…at noong pauwi na sila nagkahiwa-hiwalay na sila ng mga direction magkakaibigan. maliban nalang doon sa magpinsan na iisa lang ang daan at doon daw nakita ng kaibigan ko at ng pinsan nya ang isang malaking itim na baboy na naka soot ng kulay pulang sapatos na ito ang sapatos na tinitingnan nya kanina na suot- suot ng matanda sa fiestahan. dahil sa nakita ay agad silang tumakbo pabalik sa lugar kung saan ginaganap ang fiestahan at pinagsasabi nila sa mga taga doon na may nakita daw silang baboy na naka soot ng sapatos. At sabi ng mga taga doon ay “binagat” daw sila. ang salitang bagat ay salitang hiligaynon. ginagamit lamang ang salitang ito kapag naka kita ka ng aswang. at ayon sa hiligaynon dictionary ang bagat ay… a kind of monster/vampires believed in by the superstitious. it is supposed to appear in various strange shapes…
… at sa malalim na kahulugan ng salitang karay-a dictionary ay… change, transmutation, transformation, metamorphosis; to transform-, change-, turn-,pig into dog, cats into birds, old man/woman into young man/woman, etc. a superstitious belief has it, that “aswang”. sa kwento ng aking kaibigang taga san joaquin ay kumbinsido na ako kahit noong mga panahon na iyun ay hindi pa ako nakakakita ng aswang. malakas naman ang pakiramdam ko o human instinct ko kung kaya’t naniniwala ako sa mga nilalang na ganito. at nanniwala ako na hindi lamang tayong mga tao ang naninirahan sa mahiwagang mundo ng ating ginagalawan kaya may mga salitang hiwaga, misteryo, kababalaghan, o tinatawag na phenomenon…
…kinabukasan maaga akong nagising at tuloy ang aming training o seminar sa tactics and assault. at gaya ng dati pagkatapos ng training namin sa hapon ay agad na naman kaming namasyal sa magandang lugar ng antique at naka abot nga kami sa sibalom, antique at doon ko nakita ang isang babaeng maganda pero kapag tiningnan mo sa side mirror ng sasakyan ay matanda ang kanyang mukha. hindi pa ako nag pahalata nung una kasi parang naguguluhan ako. ganun naman talaga tayong mga tao kapag may kakaiba sa paningin natin hindi tayo mapakali at kailangan nating siguraduhin ang mga nakikita natin. at tinitigan ko nga itong muli na tila bang pinag aaralan ko ang kanyang hitsura…
…sa pagkakataong ito hindi na ako mapakali. nagtataka na talaga ako habang naka sakay sa owner type jeep (ang typical na jeep ng mga sundalo) kitang kita ko na sobrang ganda talaga ng babae parang si isabel granada ang mukha nya pero nung tinitigan kong muli sya sa side mirror,…matandang babae talaga ang nakikita ko at pangit na kulo-kulobot na balat nya sa mukha, sa braso at sa leeg. at nangilabot ako sa nakita ko para bang nakakaramdam ako ng pangangatog ng tuhod at pakiramdam ko ay lumaki ang ulo ko sa kilabot na nakita ko. hindi lang ako sigurado kung nakita din ng mga kasamahan ko o hindi dahil wala naman akong narinig mula sa kanila. kung kaya’t tahimik nalang ako habang naguguluhan…
…. at noong pauwi na kami sa school ng hamtic doon sa tinutuluyan namin. sa kahabaan ng byahe biglang may tumawid na matanda sa daan naka talikod ang matanda at nung humarap siya laking gulat ko na sya ang matandang nakita ko sa side mirror ng sasakyan kanina sa sibalom at napa mura ako ng malakas sa nakita ko na syang ikinagulat ng mga kasamahan ko. at doon ko pinag tapat sa kanila na ang babaeng maganda na nakita natin sa sibalom ay sya rin ang matandang tumawid kanina sa daan. at doon na nakaramdam ng takot ang mga kasamahn ko at naging alerto sila sa kina uupuan nila. lahat naman ng kasama ko ay naniwala sa salaysay ko sa kanina at hindi porke sundalo ay hindi naniniwala sa aswang o sa kung ano pang nilalang. naniniwala kami dahil pinapag aralan din namin ang mga bagay na ganyan…
…mabilis na lumipas ang labing dalawang araw at natapos na nga aming basic training at seminar. pero may isa kaming final training o unang mission bilang isang scout ranger. at ayun sa officer namin dito masusukat ang galing namin sa terrain at jungle fighter kung kaya’t tinawag ang mission na ito na “operation red orchestra” kung anuman ang ibig sabihin nyan ay kami na lamang ang nakakalaam…
…ang magiging set-up ay hahanapin namin ang maliit na red flag sa gitna ng bundok ng dueñas sa ilo-ilo na kung tawagin ito’y mt.bayoso. dito itinago ng mga opisyal ang mga maliliit na kulay pulang mga flag na saktong sakto lamang sa bilang naming mga scout rangers na umattend ng seminar/ training. ang sinuman na hindi makarating ng hamtic campus sa loob ng pitong araw galing ng mt. bayoso sa dueñas ay consider itong mission failed. o kung makarating kaman ng hamtic campus pero wala ka namang dalang maliit na red flag ay mission failed parin. dapat kumpleto before 7 days na may dalang maliit na red flag na syang hahanapin mo sa masukal na kabundukan ng mt.bayoso. at kung sino man ang mauuna at doon nakasalalay ang performance mo bilang isang sundalo…
…at dito kami iniwan lahat sa lugar ng sibucao at sumandig. ang kalahati sa amin ay sa lugar ng sibucao at ang kalahati naman at sa lugar ng sumandig at doon kami magtatagpo lahat sa mt. bayoso. doon namin hahanapin ang red flag na tinago ng mga opisyal naming scout rangers. ang tanging dala lang namin noong araw ng mission ay barangay clearance bawat isa sa amin. dog tag, combat shoes kasama na ang medyas, identification card, jungle knife, camouflage na pants, t-shirt na kulay army green na may tatak na army sa harap at sa likod naman ang apelyido namin at kung anong company kami napapabilang., naka sombrero ng pang military, relo sa kaliwang kamay, compass at isang military penlights na noong 1996 ay de battery pa ang mga pen lights. kung kaya’t limitado ang pag gamit ng penlights sa gabi. wala kaming kahit isang centavo sa bulsa. kung kaya’t diskarte namin kung ano ang kakainin namin …
…wala kaming kahit na anong tubig na dala at malalayo ang pagitan ng bawat isa kapag binababa kami para siguro maiwasan magkasama sa pag akyat ng bundok. o maaring dito ma test ang kaalaman namin bawat individual sa pag basa ng sitwasyon at pag basa narin ng terrain ng kabuindukan at higit sa lahat sa pagbasa ng compass. maya maya pa’y untu-unti nang kumakagat ang gabi. alas sinco y medya ng hapon ng binaba kami isa isa doon sa lugar ng sumandig. maaga pa pero madilim na ang paligid. unang batch kaming binaba pero iba iba ang lugar na pinagbabaan ng bawat isa sa amin.ang pangalawang batch naman ay sa sibucao naman na lugar….
…simula alas sais ng hapon hanggang alas dyes ng gabi ang pag lalakbay ko paakyat sa masukal na kabundukan ng dueñas. hanggang sa marating ko ang lampas paanan ng mt.bayoso ang hindi ko inaasahan na mangyari ay nangyari nga sa makakapal na mga puno ng saging ng mt.bayoso sa dueñas. at doon ko nakita ang isang babaeng baliw sa masukal na kabundukang iyon. at agad ko itong nilapitan at titingnan o tutulungan sana dahil akala ko’y isang baliw lang. kaya nung nilapitan ko at tanungin kung bakit gabing gabi na dito pa sya sa masukal na kabundukang lugar na ito….
…at pag lapit ko napa mura ako ng put@ng ina dahil sinunggaban nya agad ako. sa gulat ko napaatras ako ng bahagya pero palaban ang atras ko agad kong nabunot ang jungle knife ko sa kaliwang kamay at sinalubong naman nang suntok ang nguso nya ng kanan kong kamao at ang nguso nya ay naka punterya sa direction ko. kahit nasuntok ko ang nguso nya pero tuloy-tuloy parin ang “saroso” ng baliw. saroso ang tawag sa hiligaynon nang isang nilalang na parang asong na uulol na gustong mangagat na ayaw mag-paawat. kung kaya’t tuloy-tuloy ang saroso nito at doon na ako nakapag isip-isip na hindi na baliw ang nilalang na ito kundi isang ASWANG…
…inuulit kong wala kaming baril na dala kung kaya’t nakipag laban ako sa aswang ng mano-mano madulas ang katawan nya na para bang naliligo siya ng mantika. ni hindi ko mahawakan ang braso nya dahil sa sobrang dulas at may mga likido na lumalabas sa bibig nya na sobrang sangsang ang amoy kung kaya’t nahirapan din akong huminga dahil amoy basura ang amoy ng lumalabas sa bibig nya. kayang kaya ko ang lakas nya pero hirap na hirap akong controlin ang laban dahil sobrang dulas din ng leeg nya na pilit kong nilalayo ang bibig nya sa leeg ko at nasusugatan ang mga braso ko at dibdib ko sa matatalim nitong mga kuko…
… hindi ko talaga kayang pigilan ang kanyang mga kamay kung kaya’t nagawa nyang sirain ang damit ko sira-sira ang inabot ng damit ko. nanghihina ako sa amoy ng hininga nya doon talaga ako nawawalan ng lakas dahil mas mabaho pa sa bulok na hasang ng isda ang amoy ng kanyang hininga. nasusuka ako habang nakikipagbuno sa aswang. matagal ang labanan namin pero hindi nya ako magawang kagatin. nagawa nya lamang na tusukin ako ng matatalim nyang mga kuko. habang naka baon ang matatalim nyang mga kuko sa braso at dibdib ko binabaon ko rin ang jungle knife sa kanang braso nya habang ang kanang kamay ko naman ay naka pigil sa leeg nya para maiwasan ang pangangagat nya…
…sa lakas ng aswang ako ang unang nanghina sa aming labanan. kung kayat napahiga ako at nagpahinga ng kunting segundo para bumawi ng lakas. habang ulol na ulol ang nguso nyang pilit inaabot ang leeg ko at baon na baon ang mga kuko nya sa magkabilang braso ko. na naka tukod naman ang kanan kong kamay sa kanyang leeg habang naka tukod ang jungle knife sa kanan nyang braso ang kaliwa kong kamay. na kapag lumalapit ang katawan nya sa akin ay sya naman ang baon ng jungle knife ko sa kanang braso nya kung kaya’t hindi din sya maka galaw sa aming position. at sinabi ko sa sarili ko noong panahong iyon na bahala na si Lord sa buhay ko. at isa iyon sa pinaka mahirap na sitwasyon sa buong buhay ko nasa bingit ako ng kamatayan o tinatawag na between life and death…
…halos mga kinse minutos din kaming nakipagbuno sa isa’t –isa at inipon ko ang lahat ng lakas ko para bumalikwas at iwasiwas ang patalim kong dala dahil hinding hindi ako papayag na isang babaeng tulad nito lang ang papatay sa tulad kong sundalo. kung kaya’t malaking insulto para sa akin kung mamatay ako dito sa bundok na ito. hindi maaari sabi ko sa sarili ko….hindi maari na mamatay ako sa nilalang na ito…at papatunayan kong kayang kaya ng isang sundalo ang isang aswang…hindi basta basta sumusuko ang tatak scout ranger sa kahit anong laban…lalaban kami ng patayan hanggang sa huli naming hininga at hindi kami susuko basta basta…
…habang nakikipaglaban sa aswang sinisigaw ko ang aming “oath of ranger” para lumakas ang aking loob na hindi kami basta basta mawawalan ng lakas ng loob ang mga katagang ito ang paulit ulit kong sinisigaw habang halos mawalan na ako ng pag-asang makipag laban sa isang aswang “ ako ay isang ranger mga kalalakihan lamang na may determinasyong bakal …kwalipikadong maging isa…sanay ako tulad ng isang panther…katahimikan, matulin, walang takot…ang pagkakaroon ko lang…nagyeyelo sa dugo ng mga kaaway…hindi ako matatalo sa kanya…hanggang sa huling mga segundo ng kanyang buhay…namumuno ako sa bundok, sumisiksik ako sa gubat…araw o kadiliman, kalmado o bagyo…walang pagod sa pamamaril, mabangis sa laban…ako ay isang ranger…ang pinakamasamang bangungot sa guerillas…natupad……TANOD-GUBAT!!!!!!!
…hindi nya akong nagawang kagatin pero marami akong kalmot sa pamamagitan ng kanyang matutulis na mga kuko sa gigil kong maka ganti sa kanya habang sinisigaw ang mga kataga ng “oath of ranger” sinaksak ko ng sinaksak ang kanang braso nya gusto kong putulin sa gigil para mawalan sya ng lakas na pigilan ang mga braso ko dahil baon na baon narin ang kanyang mga kuko. hindi ko tinantanan ang saksak sa braso nya. sobrang gigil ako sa braso nya dahil masakit na ang pagkakabaon ng kanyang kuko. kung kaya’t di ko na tinantanan ng saksak. ng dahil sa gigil nag sisigaw na ako dahil gusto kong matapos na ang labanan naming iyon. gusto kong magkaalaman na kaming dalawa kung sino ang matibay sa amin. matira na ang matibay sabi ko sa sarili ko. laking pasalamat ko sa jungle knife na dala ko kung hindi dahil sa matalim na jungle knife na ito. maaring patay na ako ngayon…
…dahil nga hindi ko na tinantanan ng pagsasaksak sa braso nya agad itong tumalon sa masukal na bahagi ng mga punong saging habang naiwan naman ang kanang kamay nya na hindi ko man lang namalayan na putol na pala hanggang sa may bandang siko. naka hinga ako ng maginhawa ng mawala ang aswang harapan ko at ang masangsang na amoy nito. habang patuloy na tumutulo ang mga dugo mula sa braso at dibdib ko dulot ng pagkakabaon ng matutulis at matatalim niyang mga kuko. at agad akong naghanap ng dahon ng malunggay para magamot ang mga sugat ko. sa kasamaang palad dahil sa masukal na ako ng parte ng bundok wala akong makitang puno ng malunggay kung kaya’t dahon ng mayana ang pinang-gamot ko sa mga malalalim kong sugat…
…hindi na ako naka tulog noong gabing iyon tuloy tuloy ako sa pag aakyat habang tuloy tuloy din ang pag gamot ko at minsan pa’y naka kita ako ng punong bayabas kung kaya’t nginata ko ang mga dahon nito at dinura ang katas sa mga sugat ko para kahit papaano ay magamot. kahit mahirap ang kabundukang ito pilit ko itong inakyat habang kinakanta ang “ ranger song” para pampalakas ng aking loob…
”we strike tayo ay masasaya at malaya; mga ibon ng parehong balahibo, magkakasabay kaming nag-flutter; scout rangers ng kapalaran tayo. kami ay umaawit, binabati ang gabi ng isang kanta; tumatawa sa panganib na nakikipaglaban tulad ng isang panther, at lupigin ang paghihirap palagi. mga anino upang maitago kami at mga maliliwanag na bituin upang gabayan kami sa gabing gumala kami, walang sinuman ang makakahanap sa amin kung saan man natin pipiliin na gumala. sumakay, nagmamartsa, gumagapang, gumagapang, tahimik sa gubat. scout rangers ng kapalaran tayo naghahanap at nakikipaglaban at tumatawa at mapagmahal scout rangers ng kapalaran tayo“…
…pasuray-suray akong umaakyat sa kabundukang iyon habang paulit ulit kong kinakanta ang mga katagang iyan. at noong nasa taas na ako ng bundok na iyon medyo nahirapan din akong maghanap ng red flag kaya inabot din ako ng mga ilang oras sa paghahanap. at pagkalipas ng apat hanggang limang oras ay nakita ko rin ang isa sa mga red flag na naka tusok sa puso ng saging. tanging mga bungang kahoy lang ang kinakain ko tulad ng mga ligaw na bungang bayabas, wild berries, tino-tino, kamachili, hilaw na mga saging, hilaw na gabe, hilaw na kamoteng kahoy at kung ano ano pang mga halaman o bungang kahoy na pweding kainin. laman din ng sikmura., aaminin ko mahina na ako pero sa ngalan ng mission ay kailangan ko itong tapusin at naniniwala ako sa kasabihang “ duty first before anything else”…
…nanghihina man pinilit kong makababa sa masukal na kabundukang iyon. bitbit ang isang braso ng aswang na syang naputol ko sa pakikipagbuno ko sa kanya. kailangan kong maireport ito sa barangay para malaman nila na may aswang na gumagala sa baryo nila. at bumalik nga ako doon sa bayan ng sumandig nereport ko sa barangay ang nakita kong aswang kagabi dala ko pa ang kamay ng aswang. gulat na gulat ang mga tao sa barangay pag lapag ko ng putol na kamay sa lamisa.at sinabi kong yan ang sumira sa suot kong army na t-shirt. yan mismong kamay nayan sabi ko doon sa barangay kapitan…
…di makahulugang karayon ang lugar nila ng malaman ng ibang mga taga roon na naka encounter ako ng aswang at naputol ko pa ang kamay nito. na akala mo’y may fiestahan. (ganoon naman palagi sa mga barrio barrio eh maraming tao kapag may fiestahan.) at nagmistula’ng isang artista o action star ako sa paningin ng mga taga roon at agad naman akong nilapitan at tinulungan ng mga tao doon lalo na ang kapitan ng kanilang baryo. at agad agad nilang ginamot ang mga sugat ko, pinakain ako at pinaliguan. gusto pa sana nilang palitan at labhan ang mga suot kong damit pero sinalaysay ko sa kanila na under mission ako hindi ko kailangan magpalit ng damit at gumamit ng sasakyan. pwedi nila akong ihatid sa malapit na short-cut papuntang hamtic at pakainin ng kunting pagkain para makabawi ng lakas at kaunting tulog ay malaking tulong na at hanggang doon lang…
…dahil labag sa rules namin na gumamit ng sasakyan. pwedi naman kung patago at kasama sa dikarte yun wag lang magpapahuli para hindi masayang ang lahat ng pinag hirapan. bumawi talaga ako ng tulog at nag pagaling ng sugat inabot din ako ng tatlong araw sa kanila. at pinaliwanag ko rin sa kanila na wag nang ipa blotter sa pulis hanggat dito pa ako. na hindi pa nakaka alis dito. dahil baka kunin pa ang pangalan ko at malalaman na nag stay ako ng tatlong araw dito. mawawalan ng saysay ang mission ko. sinabihan ko nalang sila na sabihin sa pulis na may mangangasong naka encounter ng aswang at naputol nito ang kamay ng aswang. at wag na wag bangitin na may napadpad na sundalo sa lugar na ito at ganoon nga ang ginawa ng kapitan at pinag sabihan narin ang mga chismoso’t chismosang mga taga roon…
…pagkalipas ng limang araw nakarating ako sa hamtic ng lakad lang nag short cut ako sa mga kabundukan ng panay na may layo ng 136km mula dueñas ilo-ilo to hamtic sa antique. na suot suot ang sira sirang t-shirt. at nakarating nga ako ng hamtic sa antique dala ang red flag na nagpapatunay na mission accomplished ang unang mission na binigay sa akin. proud ako dahil halos kalahati lang ang nakapasa sa amin dahil ang iba ay naligaw sa taas ng bundok, nag collapse sa gutom, na dehydrate, kinagat ng aso, nabugbog, napagkamalang magnanakaw, may napagkakamalang baliw, at may nag stay na lang sa bundok dahil hindi makita-kita ang red flag kung saan matatagpuan sa taas ng masukal na bundok na iyon….
…iba’t ibang karanasan ang sinapit namin at alam namin na balang araw ang mga karanasang ito ay magagamit din namin sa aming buhay, at sa tamang panahon at sa pang araw araw nang aming pamumuhay. kung kaya’t humahanga ako sa mga kasamahan kong nag “por sige” sa pag aaral na ganito. dahil para sa amin para kaming isang magaspang na kahoy at ang training namin ang syang papel de liha. na habang hinahasa kami ay lalo kaming kumikinang at gumaganda…
…at pagkalipas ng ilan pang mga araw pumunta ang isa sa mga kagawad ni kapitan doon sa sumandig na kamustahin ako at nalaman ko mula sa kanya na may isang babaeng naputulan ng kamay doon sa baryo ng sumandig at nalaman nga ng mga taga roon kung sino nga ang aswang sa kanilang baryo. at iyun ay nanatiling lihim sa hanggang ngayon kung sino ang mahiwagang lalaki na minsan ng napadpad sa lugar nila at nilabanan ang isang salot sa kanilang baryo na syang kinatatakutan ng mga taga roon noong mga panahon na iyon…
…at pinaabot daw ng kapitan ng baryo nila ang pasasalamat sa akin dahil kung hindi sa akin hindi nila nalaman ang isang pamilyang aswang sa lugar nila sa sumandig, dueñas sa parte ng ilo-ilo. napakalaking tulong lalo na sa mga nagdadalang tao sa lugar, sa mga kabataan, at lalo na sa mga turista o dayuhang pumapasyal doon. at hindi rin nagtagal ay nalaman din ito ng officer ko noong ni rescue na nila ang ibang mga kasama naming naiwan doon sa bundok ng bayoso. at ang ilan sa mga kasama namin ay nabaliw ng dahil sa gutom. salamat naman sa Diyos dahil walang nasawi sa amin at dahil doon kinausap ako ng opisyal namin sa nangyari…
… at ang sabi nya ay proud nga daw sya sa akin kasi naka balik parin ako ng buhay sa kampo dun nga sa ng hamtic.(kampo ang tawag namin doon). sa kabila ng lahat., sa kabila ng na experienced ko sa aswang proud daw sya kasi bibihira lang ang nakakaligtas sa ganoong klaseng engkwentro. at may natulungan pang barangay. higit sa lahat ay hindi ko nakalimutan ang training ko bilang scout ranger. hindi ko man daw sabihin ay nararamdaman nya kung gaano kahirap ang makipagbuno sa aswang dahil narinig nya narin daw ito sa mga kwento ng mga tyuhin nya sa parte ng carles sa ilo-ilo…
…at pagkalipas ng dalawang taon after na nangyari ang insedenting iyon ay nakapag asawa ako ng isang antiqueña at nag sama kami ng halos walong taon sa valderama, antique pero sa kasawiang palad nagkahiwalay din kami. hanggang sa napadpad ako sa parte ng kabankalan sa negros at nanirahan din ng mga limang taon at limang taon din sa dauin sa lugar ng dumaguete at tatlong taon sa malaybalay, bukidnon…
…at ngayon dito na ako sa sa parte ng samar at kakahiwalay ulit sa aking inaasawa pero patuloy parin ang pagtutulong ng aming samahan sa mga kapos palad tulad ng mga nasalanta ng bagyo, baha o lindol at ngayon may pandemic ay patuloy parin ang operation namin. sa katunayan nga meron kaming operation kamakailan lang ang 19th infantry battalion joins brigada eskwela 2020 the 19th Infantry (COMMANDO) battalion headed by LTC Jasper Justito M Pecson INF (GSC) PA, the acting commanding officer provides assistance during the brigada eskwela 2020 of the department of education (deped) amidst covid-19 pandemic…
…armed with cleaning tools, troops of 19IB together with the parents and faculties of three (3) participating schools namely san jorge national high school, san jorge elementary school and rosalim integrated school all san jorge, samar conducted clean-up drive, minor repair of school facilities and disinfection of vicinities in preparation to the opening of classes through blended learning and in compliance of protocols set by deped and DOH…
…we 19th infantry battalion emphasized that the AFP’s support to our stakeholders particularly the deped will not be hampered by any pandemic. we will remain committed in assisting our partners in peace to ensure that basic services will be delivered to our constituents. bilang sundalo ipagpatuloy nyu nlang ang pag-popor sige sa buhay tulad nyu ako rin ay naghirap din o baka sobra pa sa mga naranasan nyu ang sakit na naranasan ko…
…sana mag silbi itong aral para sa inyo o katulad ng isang papel de liha ang kwentong ito para sa inyo na habang nasasaktan sa buhay. na kapag kiniskis ng papel de liha ay mas lalong gumaganda at kumikinang. at sana kuminang kayo ng husto sa inyong pang araw-araw na buhay…salamat po sa inyong pag basa sa aking maalamat na istorya . kung kaya’t tawagin nyu na lamang akong “ Ang Alamat ng Lawin” …
The End
Full Credits to Ang Manlalakbay na Manunulat.
Ang Mandirigma
taong 1979 sa mga berde at luntiang bulubundukin ng kalinga-apayao ay dumanak ang dugo sa pagitan ng mga sundalo at rebeldeng grupo lalo na sa lugar ng kabugao, kalinga apayao.,kung narinig nyu na ang digmaan sa mindanao kailangang marinig din ninyo ang matinding digmaan sa kailinga-apayao. dahil isa ito sa tinaguriang madugong digmaan sa pilipinas pagkatapos ng WWII. ito ay nahahanay sa mga madudugong digmaan tulad ng ‘’sigaw ng pugad lawin” (1896) “labanan sa pasong tirad” (1899), “siege of baler” (1899), at “battle of bataan (1942). sapagkat libo-libong sundalong Pilipino ang nag buwis ng buhay sa lugar na ito. laban sa iba’t ibang tribu ng mga kalinga.,dahil mayroong 31 subtribe ng kalinga ethnolinguistic group na naipamahagi sa walong munisipalidad ng lalawigan at ang kanilang ipinaglalaban ay ang katutubong pamumuhay. at idagdag mo pa ang mga NPA (New Peoples Army). sa makatuwid baga’y mahihirapan ang mga sundalo dito dahil mga civilian ang kanilang mga kalaban. dahil sa pananakop ng gobyerno sa kanilang malawak na lupain. lalong-lalo na ang cordillera mountain range at sa malalawak na bulubundukin ng kalinga-apayao…
… ano nga ba ang kalinga-apayao?!? ang kalinga-apayao ay isang lalawigan ng Pilipinas sa cordillera isa itong administratibong rehiyon sa isla ng luzon. nahati ito sa dalawang lalawigan ng kalinga at apayao sa pagpasa ng batas republika ng Pilipinas blg. 7878 noong pebrero 14, 1995 ay nahati ito., pero noong 1970’s-1980’s ito ay tinatawag pa na kalinga-apayao sa kadahilanang hindi pa nahahati ang lugar na ito. at noong taong 1986 dito sumikat ang pangalang kumander balweg . si kumander balweg ay isang pari na ipinaglaban ang karapatan ng mga mamamayan ng mga taga cordillera. na humantong sa paglikha ng cordillera administratibong rehiyon. at namuno sa labanan laban sa mga mananakop na gobyerno sa kanilang malawak at mayaman na lupain. sa isa pang malalim na dahilan sa pag lapastangan sa mata ng Dyos at ng tao. dahil pagdating ng mga puwersang militar, pinilit ng mga militar na palabasin si father balweg (conrado balweg) sa kanyang parokya at pinagtabuyan sa kabundukan ng cordillera. kung saan kalaunan ay naging isa siya sa pinaka magaling, pinaka tanyag, at pinaka charismatic na pinuno ng NPA, hinahangaan ng masa ngunit kinamumuhian naman ng mga puwersa ng gobyerno. at dito sumikat ang salitang kumander balweg “the rebel priest”…
(Storyline Inspired by: Dr./Capt. Jaime de Leon “Ang Dalubhasa”)
…sa kabilang dako, dito naman magsisimula ang istorya ng buhay ko itago nyu na lamang ako sa pangalang first lieutenant jaime renante del prado de leon isa akong sundalo na nadistino sa magandang lugar ng kalinga-apayao. pagkatapos kong makapagtapos ng PMA (philippine military academy) noong 1978 sa kalinga-apayao na agad ako napasabak ng samo’t saring labanan. dahil sa sobrang dami nila at sa di mahapayang gatang na lakas ng pwersa ng kalaban. nag mistulang mga basang sisiw kaming mga baguhan sa loob ng aming kampo at sa kalaunan ay lumaban narin kami gamit ang aming mga pinag-aralan sa PMA. sinabi ko na lamang sa sarili ko na kapag namatay ako sa labanang ito maaring ito na siguro ang iginuhit ng tadhana sa akin. ilang gabi, araw,linggo pa ang lumipas paulit-ulit ang digmaan dito mismo sa outpost namin. na napapalibutan ng mga sakong may buhangin o tinatawag na sandbag. sa awa ng Dyos matagumpay naman namin itong nadepensahan sa mga tribung kalinga at sa mga NPA. dahil ayun sa pakiwari ko kaming mga sundalo dito ang kontra-bida. dahil kami ang tinatawag nilang “ibong mandaragit” o mananakop ng mga lupa. basta sa panig ka ng gobyerno ay kalaban ang tingin nila sayo (ng mga taga kalinga-apayao)…
…mabilis na lumipas ang siyam na buwan taong 1979 nagpasya kaming magpakasal ng aking katipan na si juliet. at kalaunan ay binibisita nya narin ako sa aming kampo dito sa kalinga. kahit na binabawalan ko sya dahil paminsan minsan nagkakaroon parin ng mga matitinding mga engkwentro dito. kahit sabihin nating di tulad ng dati na halos gabi-gabi ang labanan ay di parin masisiguro ang mga posibilidad na ibibigay ng panahon.,hanggang sa isang gabi habang naghahalikan kami ni juliet dito mismo sa loob ng kwarto ng aming kampo. nagulat nalang ako na bigla syang hinatak ng isang malaking tao na punong puno ng makakapal na balahibo ang kamay at paa ng lalaki. di ko masyado maaninag ang hitsura dahil naka suot ito ng kulay itim na hood. tanging ang kamay at paa lamang ang makikita. sa pagkabigla ko agad kong kinuha ag palakol na nakasabit sa likod ng pintuan para panlaban sa mga mapang abusong mga NPA pero nagkamali ako. hindi NPA ang lumusob sa aming kampo kundi mga kulto ng mga satanismo. hindi ko napansin patay na pala lahat ang biente quarto kong mga kasaman ng wala man lang nalikhang ingay at ang kalunos lunos pa ay butas ang kanilang mga bituka at para bang tinanggalan pa ng dugo…
…napatay ko ang apat na mga miembro ng kulto sa pamamagitan ng palakol bago pa ako tuluyang maigapos ng iba pa nilang mga kasapi at doon ko napansin na may pahid ng uling ang kanilang mga mukha at dahan dahang hinubad ang saplot ng katipan kong si juliet habang pa unti-unti ring tinatangal ng lalaki ang kanyang suot na black robe at doon ko nakita ang tattoo nitong malaking pentagram sa dibdib. kakaiba ang hitsura ng taong ito tila ba may pangil at tumutulo ang laway. hindi na makasigaw pa ang katipan kong si Juliet dahil sa nilagyan na ito ng busal sa bibig kung kaya’t tanging impit at ungol na lamang ang naririnig ko habang panay ang labas masok ng pagkalalaki nito sa pagkababae ng aking asawa na para bang asong ulol na hayok na hayok sa laman. napasigaw ako ng malakas habang pinagsasamantalahan ng taong iyon ang aking asawa. napakasakit makita na ginagahasa ang aking asawa sa aking harapan habang nagdadasal ng salitang latin ang mga kasamahan nito na para bang may sa demonyong ritual. at habang papalapit ng papalapit ng makaraos ang aking asawa at ang demonyong lalaki ay sya naman na palakas ng palakas ang mga boses ng mga nagdarasal…
…at maya-maya pa ay nanginig ang katawan ng dalawa at napasigaw ang aking asawa habang nakaliyad ito sa lalaking mala demonyo ang mukha. sabay sipsip sa dibdib nito. napasigaw na lamang ako sa aking nakita. pilit ko mang kumawala sa alambreng nakatali sa akin ay wala akong sapat na lakas na kumawala at walang kasing pait na makitang paulit ulit ginagahasa ang iyong mahal na asawa at nang manawa ito ay agad nitong dinampot ang dala ko kaninang palakol at walang pag alinlangang pinalakol ang leeg ng asawa ko. sa pagkagulat ay natulala ako at na”shock” sa mabilis na pangyayari. hindi ako makapaniwala na ang aking asawa na kahalikan ko lang kanina ay wala ng buhay at ang masaklap pa ay putol na ang ulo nito…
…at doon ko unti-unting nakita ang pag-iba ng anyo ng mala-demonyong lalaking iyon habang patuloy ang usal ng panalanging latin ang mga kasamahan nito ay sya naman ang kamot nito sa katawan na para bang nasasaktan dahil naka higa na sa lupa ang katawan nito na para bang may epilepsy. (ang epilepsy ay isang gitnang sistema ng nerbiyos (neurological disorder) o karamdaman kung saan ang aktibidad ng utak ay naging abnormal, na nagdudulot ng mga seizure o panahon ng hindi pangkaraniwang pag-uugali, sensasyon, at kung minsan nawalan ng kamalayan). at dahil sa sinapit ng demonyong iyon umatungal ito ng para bang asong kinakatay at agad na sinakmal ang pinagputulan ng leeg ng aking asawa at sinipsip nya ito na animo’y uhaw na uhaw. at ang mala-demonyong hitsura nito ay napalitan ng isang malaking aso o isang halimaw…
…halos panawan ako ng ulirat sa mga nakita ko, hindi ako maka paniwala na may ganitong uri ng tao sa mundong ibabaw na ito. at ang akala ko ay sa nobela at pelikula lang ang mga ito makikita pero nagkamali ako dahil kitang kita ko mismo kung papaano nag iba ng paunti-unti anyo ang nilalang na ito mula sa mabalahibong tao hanggang sa mabangis na hayop o halimaw. napakahirap paniwalaan sa mga hindi pa nakakakita at napaka hirap naman ipaliwanag sa mga taong tulad kong nakakita na ng tulad ng ganito. at habang nangyayari ang pagbabagong ito ay sinamantala ko naman ang pagkakatangal ng nakataling alambre sa paa ko. pero ang sa kamay ko ay sadyang napaka higpit kung kaya’t bigo akong matangal ito. sa pamamagitan ng kaalaman ko sa basic taekwondo doon ko pinabagsak isa isa ang mga nagdarasal ng latin na nakasuot ng black robe na nag-uusal ng ritual sa mabangis na halimaw na siyang nag bibigay ng lakas nito. sa mga kumbinasyon na mga frontal kick, axe kick, crescent kick, reverse roundhouse at butterfly kick combo strikes isa-isa kong napabagsak ang mga nag-uusal ng dasal sa halimaw…
…pagkatapos kong tamaan ng malakas na hook kick ang natirang alipores nito ay laking gulat kong sinunggaban agad ako ng halimaw na parang isang malaking asong ulol. kitang kita ko ang paparating na malaking bibig nito. kaya bago pa nakalapit ang mabangis na hayop na iyon ay agad ko nang nagawa ang malakas na counter wallop elbow strike. sapol sa nguso ang mabangis na hayop o halimaw kung kaya’t hindi nya akong nagawang sakmalin pero dahil sa sobrang lakas ng buwelo nito bumanga parin ito sa katawan ko na syang nagpa tilapon sa akin sa putikan. hindi ko na maalala pa kung ilang oras ako sa ganoong puwesto ang sigurado lang ay naka tulog ako o nawalan ng malay. at ang malinaw lang sa aking balintataw ay ang tunog ng helicopter, mga nag–mamartsang mga sundalo, mga alingaw-ngaw ng truck at mga sigaw ng kapwa kong sundalo at pag mulat ko ng mga mata ko tama ang lahat ng nasa balintataw ko dumating nga ang reinforcement naming mga sundalo napa-ngiti ako ng bahagya at agad na sumagi sa isipan ko ang asawa kong si juliet at ang mabangis na hayop kagabi at maya maya pa’y naramdaman ko nalang na inaakyat na ako sa helicopter at hanggang sa nakatulog na lamang ako…
…nagising na lamang ako sa isang pribadong ospital sa mariano marcos memorial hospital and medical center dito sa ilocos norte. at doon ko narin nakilala sa ospital na iyun si doctora vina jimena dinglasan isang magandang doktora na hiwalay sa asawa na may isang anak na babae na nasa limang taong gulang ang edad. at doon ko na kwento sa kanya na minsan ay nag-aral din ako ng medisina. at nahabag na lamang ito sa akin ng malaman nya ang nangyari sa aking asawang si Juliet. at agad na bumalik sa alaala ko ang mga nangyari sa kalinga-apayao. at agad kong tinanong ang isa sa dalawang gwardyang sundalong itinalaga sa pagbabantay sa akin at ayun sa kanya ay sinalakay kami ng mga pangkat ng kulto na kung tawagin ay ”tinagong pulong” isang uri daw ito ng kulto na kayang bumuhay ng mga patay at kayang magpa-iba ng anyo ng sangkatauhan na gawing mabangis na hayop sa pamamagitan ng ritual at dasal. at ang masaklap pa dito ay ginagamit ang salita ng Dyos sa kanilang madilim na mga adhikain. at ayun pa sa sundalong gwardyang pinag tanungan ko ay ako lamang daw ang nabuhay sa kampo naming iyon sa kalinga-apayao. kung kaya’t andito sila nagbabantay sa akin para sa masusing imbestigasyon at pinadala narin doon ang sangkatutak na mga sundalo para mahanap ang grupong “tinagong pulong” at tinawag ang operasyong iyun na “atake sa norte” sa kasamaang palad walang malinaw na resulta sa imbestigasyon at sa nangyaring operasyon…
…walong buwan ang mabilis na lumipas mula ng na ospital ako taong 1980 napag desisyunan ko at ng aking pamilya na mag-retiro na lamang sa serbisyo at bago paman ako mag retiro ay naparangalan naman ako bilang isang captain masakit man sa loob pero kailangang gawin para a bagong landas ng aking buhay sa halip ay ipagpapatuloy ko na lamang ang di ko natapos sa kursong medisina at ipagpatuloy na lamang ang pagiging cardiologist dahil ito ang gusto ng aking ina. (ang cardiology ay isang sangay ng medisina na tumatalakay sa mga karamdaman sa puso pati na rin sa ilang bahagi ng sistema nito kasama sa larangan ang medikal na pagsusuri at pagamot ng mga depekto sa puso, sakit sa coronary artery, valvular heart disease at electrophysiology.) kung kayat pagkalipas ng limang taon (1985) ay isa na akong ganap na doctor sa puso o tinatawag nilang heart specialist o cardiologist. ang pinag kaiba ng cardiologist sa heart specialist ay ang cardiologist ay maaari silang magsagawa ng mga catheterization sa puso, angioplasty, pagpapasok ng pacemaker, at iba pang mga pamamaraan. ang isang cardiologist ay nahuhulog sa loob ng mas malawak na term ng isang espesyalista sa cardiovascular. ibig sabihin, maraming uri ng mga espesyalista sa cardiovascular pero ang cardiologist ay iisa lamang…
…lingid sa kaalaman ng lahat ay limang taon narin kaming magka-relasyon ni doctora vina jimena dinglasan at sya ang naging inspirasyon ko kung bakit ako naging isang ganap na magaling na doctor sa katunayan ako ang napusuan ng kanyang ama na mamahala sa ipapatayong heart center dito sa ilocos norte pero di ko pa ito napag pasyahan hanggat hindi pa napapawalang bisa (annulment) ang kasal ni jimena sa dati niyang asawa. dahil paminsan minsan ay dumadalaw parin ito sa kanilang anak na si princess. at si princess ay napalapit narin sa puso ko at nakasama ko narin sa loob ng limang taon at talaga namang napaka lambing na bata si princess. na kahit sinong ama sa mundo ay sadya namang matutuwa sa makwela at malambing nitong personalidad. kaya nga kapag dumadalaw ang ama nito ay hindi maitatago na nakakaramdam ako ng inggit na sana ako na lamang ang tunay na ama ni princess. isang araw ay napansin na lamang namin ni jimena na nahihirapan huminga itong si princess na tila bang nagkakaroon ng “shortness of breath” kung kaya’t agad ko itong chenek-up. at napag alaman ko na mayroon itong sakit na “left ventricular hypertrophy” o sakit sa kaliwang bahagi ng puso…
…at kinakailangan itong ma-operahan sa lalong madaling panahon o malagyan ng cardiac pacemaker. ang cardiac pacemaker, ay isang medikal na aparato na bumubuo ng mga elektrikal na naihahatid ng mga electrode upang maging malakas ang muscle chambers ng kalamnan ng puso at samakatuwid baga’y magbobomba ng dugo sa pamamagitan nito ay pinapalitan at kinokontrol ng aparatong ito ang pagpapaandar ng sistemang pagpapadaloy ng kuryente ng puso. at sa awa ng Dyos ay matagumpay kong natapos ang operasyon. pagkalabas na pagkalabas ko ng operating room ay agad kong niyakap si jimena na ang ibig sabihin ay matagumpay kong naisagawa ang operasyon ni princess. napayakap din ito ng mahigpit sa akin at napaluha. lingid sa kaalaman ni jimena ay may nakatitig sa aming lalaki sa di kalayuan nababanaag ko sa gilid ng aking mga mata o tinatawag na peripheral vision napapansin kong may isang doctor na palihim na naka tingin sa amin ni jimena mula sa di kalayuan…
…kinabukasan nagulantang ako sa isang napakasamang balita galing sa kabilang linya ng telepono at unsuccessful daw ang nangyaring operasyon ko kay princess. bumigay daw ang puso nito noong alas tres ng madaling araw. nagtataka ako dahil iniwan ko itong may ejection fraction na 60% na nangangahulugan na 60 porsyento ng kabuuang halaga ng dugo sa left ventricle ay itinulak sa bawat tibok ng puso na ang ibig sabihin ay normal ito., nakapagtataka man ay kailangan kong tanggapin ang masakit na katotohan at nabigo ako sa isang pinaka mamahal ko pang step daughter.at ang hindi ko pa inaasahan ay sa akin pa sinisi ni jimena at ng kanyang ama ang lahat ng mga nangyari at pinag sarhan ako ng pinto ng dumalaw ako sa ospital at hindi ko na nakita pa ang pinaka mamahal kong step daughter na si princess at ganun na lamang ang kahihiyan na inabot ko sa ospital na iyon dahil sa mga maanghang na salita mula sa tunay na ama ni princess at gayun din kay jimena na tila bang ako pa ang naging kontrabida sa kanilang dalawa. sa nangyaring ito nagpasya akong mag retiro bilang isang doctor sa puso at napag isipan kong mag-bakasyon muna sa manila para makalimot…
…habang nagpapalamig dito sa manila natagpuan ko na lamang ang sarili ko na palaging lasing sa isang bar dito sa tondo, manila. ganito naman tayong mga lalaki para makalimot sa isang problema kailangan natin ng espirito ng alak. at madalas akong napapaaway dahil sa sobrang kalasingan madalas kong nasasagi ang mga nag-iinuman sa bar kaya’t nauuwi ito sa pambubogbog sa akin. at minsan pa sa sobrang kalasingan ay inuwi na lamang ako ng isang bouncer na si nestor dahil naawa narin siguro sa akin. at kinabukasan habanag naka higa sa kanilang sofa narinig ko nalang ang sinabi ni nestor na “mabait naman ito kung uminon at tahimik pero sadya lang talagang kursunadahin dahil sa bukod na mukhang mayaman ay mukha pang may pinag aralan nakikita naman sa mga kilos at pananalita ng tao” ……”bakit kaya nagkakaganyan sya kuya” sabi ng babaeng kapatid ni nestor…”aba’y kung nagkakaganyan man siya tiyak na may malalim na dahilan at kung ano man iyun ay wala na tayong pakialam doon pero sinisigurado ko sa inyo na mabait na tayo yan may pinag dadaanan lang” sagot ng bouncer na si nestor. at patuloy nalang ako sa pagtutulog-tulugan. at maya-maya pa ay may narinig na lamang akong kumakatok at agad kong nabosesan kung sino ang nasa labas ng pinto nila nestor at iyoun ay si mang fidel…
…sa katunayan nahihiya narin ako kay mang fidel dahil sa bukod na nakikituloy ako sa kanya ay nasisira ko pa ag pangalan nya dito sa tondo. si mang fidel ang ama ng matalik kong kaibigan na namatay sa engkwentro sa kalinga-apayao. at noong nag nag-aaral palang kami ng matalik kong kaibigan sa PMA dito sa kanilang bahay ang aming tambayan kapag bakasyon. kung kaya’t hindi na ibang tao si mang fidel sa akin at tinuring ko narin syang pangalawang ama at alam nito ang lahat na nangyari sa aking buhay at bukod pa doon ay hinabilin sya sa akin ng matalik kong kaibigan na si warren bago pa ito lagutan ng hininga sa engkwentro….
…at pagkatapos kong magpasalamat kay nestor at sa kapatid nitong babae ay agad naman akong nagpaalam at tumango-tango naman silang naka ngiti sa akin…
…sa paglalagi ko dito sa tondo napagtanto ko ang sarap at hirap ng buhay dito pero ang higit sa lahat nagtutulungan ang mga tao dito at hindi din makakaila na may kaguluhan ngang nagaganap sa lugar na ito lalo na kapag may dumadayo dito na taga kabilang barangay. at minsan pa’y habang nagkakape ako sa tindahan nila aling erlinda naririnig ko ang mga pang aabuso ng mga tambay dito at kinukutungan pa nila ang mga jeepney at taxi drivers. masyadong talamak ang paghahari-harian ng mga gang dito lalo na ang anak ng hepe na taga rito na akala mo hindi tinatablahan ng patalim ang katawan kung umasta. ang masakit pa ang pangungunsinti ng ama nitong pulis na walang ginawa kundi mag bulag bulagan sa mga ginagawa ng anak niyang pangongotong at pang-aabuso sa mga taga rito…
…isang araw napadaan ako sa lugar nila nestor ang bouncer sa club na tumulong sa akin noong palagi pa akong lasing ay may napansin akong nagkukumpulan ang mga tao at doon ko nalaman na nag-aaway na naman ang magkabilang grupo. walang alagad ng batas ang nakaka pasok sa lugar na ito kung kaya’t malaya ang dalawang panig na maglaban sa bawat isa. bilang dating alagad ng batas o sundalo hindi pweding hahayaan ko na lamang ang ganitong pangyayari. gamit ang kaalaman ko sa basic taekwondo, judo, aikido at arnis ay isa-sa kong pinataob ang mga nakasalubong ko wala akong paki-alam kung taga dito sa barangay nila o hindi. ang tanging hangad ko lang ay matigil ang kaguluhang ito. gamit ang dalawang 28 inches na arnis stick ay pinataob ko isa-isa ang mahigit kumulang na trenta katao., nakipag laban ako ng mano-mano kahit patalim pa ang gamit ng kalaba. kung kaya’t naka tangap din ako ng apat na mababaw na saksak sa kanang tagiliran. at mga hiwa sa magkabilang braso…
…napansin ko rin na kasama pala dito ang mga nambogbog sa akin sa club noong ako’y palagi pang lasing at hindi sila maka paniwala sa mga ginawa ko. at ang buong akala nila ay isa lamang akong pipityoging tao na umiinom sa club. at nakita lahat ng mga taga roon sa lugar na iyun ang ginawa ko at nagmistula akong isang action star sa pagpapalakpak ng mga taong naka saksi doon. at nakita din lahat iyon ng bouncer na si nestor at ng kanyang kapatid na babae ang lahat ng pangyayari. agad naman akong inalalayan ng kapatid nitong babae para mapigilan ang mga umaagos na dugo na lumalabas sa tagiliran at braso ko likha ng mga saksak ng kutsilyo…
…at agad akong dinala nila nestor sa kanilang bahay at agad din naman akong ginamot ng kanyang kapatid na babae at napag-alaman ko narin na graduate pala ng nursing itong kapatid ni nestor na si amber. maganda si amber nahahawig sya sa yumaong artistang si isabel granada. at napag alaman ko rin na nag boboluntaryo pala ito sa barangay clinic tuwing martes, huwebes at sabado at nagtratrabaho sa isang pribadong ospital tuwing araw naman ng lunes,miyerkules at biernes at . at mag mula noon ay naging magkaibigan kami ni amber at madalas din namin napag kwentuhan ang mga bagay bagay na nagyayari dito sa tondo. at ang tumatak sa mga kwento ni amber ay ang isang malaking aso na umatake dito sa barangay nila anim na taon na ang nakakaraan. at doon ako napaisip ng mabuti dahil anim na taon narin ang nakaraan buhat ng maka engkwentro ako ng isang nilalang na alanganing tao, alanganing hayop, alanganing halimaw at alanganing demonyo sa kalinga-apayao. madaling araw na ako naka tulog dahil sa kakaisip tungkol sa halimaw na iyon. nagising na lamang ako ng may narinig akong nagsisigawan na mga tao labas at ang narinig kong mga sigaw ay…”binaril daw si kap ng dalawang beses”…
…sa narinig ko ay agad kong tinakbo ang barangay hall kahit maraming tao ay pinilit kong maka singit dahil alam ko sa sarili ko na may magagawa pa ako kung makikitaan ko pa ng pag-asa ang kapitan. at naabutan ko pa na nakahandusay sa lupa si kap habang umiiyak sila amber at mga kasamahan nito sa barangay. agad kong binuhat si kap at pinasok sa clinic at agad kong tinanong si amber kung may mga surgical scissors, forceps,clamps,scalpels,retractors at blade with numeric prefix sila. napa tingin si amber sa akin na may halong pagtataka. at agad kong sinabi kung ano nalang ang meron. at sa halip ay pina-hanap ko nalang ang medical record ni kap para malaman kung anong blood type ang dugo nito para magawan na agad ng paraan para mahanapan. at pagkalipas ng dalawang oras ay matagumpay na naalis ang dalawang bala sa katawan ni kap at napayakap na lamang sa akin si amber na tumutulo ang luha at nagsabing “salamat” at bumulong ako sa kanya na “mabuti nalang at hindi sa vital organ tulad ng puso, baga,bato, at atay tumama ang bala…mabuti nalang sa mga small at large intestine lang”…agad na tumingala si amber sa akin na tila ba nagtatanong ang kanyang mga mata at agad din itong yumuko at dahan dahang kumawala sa pagkakayakap…
…at magmula nun nagboluntaryo na akong mang-gamot sa clinic ng barangay kasama si amber at ang dalawa pang nagboluntaryong nurses. magbuhat nun ay palagi na kaming magkasama ni amber pauwi pagkagaling ng barangay clinic at minsan pa ay naitanong kong muli ang tungkol sa malaking asong sumalakay sa lugar na ito anim na taon na ang nakaraan. at sinabi nito na “masyadong delikado pag-usapan ang bagay na iyan lalo pa’t napakaselan ang paksang iyan” bakit naman maselan tanong kong muli kay amber. at sumagot ito ng pabulong na “ang malaking asong sinasabi ko ay ayon sa mga matatandang taga rito ay kapatid daw iyon ni mang fidel” at nagulat ako sa binulong na iyon ni amber kahit sabihin pa na hindi sya sigurado pero naniniwala ako na kapag may usok may apoy. at pagkatapos kong maihatid si amber ay kumuha naman ako ng magandang pagkakataon para matanong ko si mang fidel tungkol sa kanyang kapatid…
…at pagdating ko sa bahay ay naghain ako ng haponan namin ni mang fidel at habang kumakain ay naitanong ko sa kanya ang tungkol sa kapatid nya at tama ang lahat na sinabi ni amber. inamin sa akin ni mang fidel na naging miembro nga ito ng kultong “tinagong pulong” at sinalaysay nito ang lahat at ang sabi pa ay “isang tapat na miembro ang aking kapatid sa kulto kalaunan ay naging obsessed nga ito sa samahan kung kaya’t inusal nito ang mga pinagbabawal na ritual sa lebretang itim. at ang lebretang itim na iyon ay kinuha ng iyong matalik na kaibigan na si warren na aking anak. kung kaya’t sinundan ito ng aking kapatid sa kalinga-apayao para bawiin ang lebretang itim. dahil kung saan man naroroon ang lebretang itim at tyak na susundan at susundan niya ito”. napatiim-bagang ako sa narinig dahil na malinaw na sa akin na kaya pala kami sinalakay sa kalinga-apayao dahil sa lebretag itim. at ang lebretang itim na iyon ay nasa bahay namin sa ilocos naka tago sa baol kasama ng mga armas ko noong sundalo pa ako. at ibinigay sa akin ni warren iyon bago paman ito lagutan ng hininga sa engkwentro kasabay ng habilin niya kay mang fidel dahil siguro kahit ano mang oras ay babalikan ng halimaw na iyon si mang fidel…
…agad akong nagpasalamat sa mga sinalaysay ni mang fidel at ngayon ay malinaw na ang lahat sa akin at nagpasya akong bumalik muna sa amin sa ilocos norte para kunin ang lebretang itim na iyon at nag-aalala din ako sa mga pamilya ko dahil baka sila ang balikan ng halimaw na iyon. at nagpaalam ako kay mang fidel na after 3 days ay babalik muna ako sa amin sa ilocos para asikasuhin ang dapat asikasuhin at agad naman itong tumango at nagpaalam narin para magpahinga dahil lumalalim narin ang gabi. tulad ng dati madaling araw na naman ako naka tulog dahil sa kakaisip at nagising nanaman ako dahil sa ingay sa labas ng bahay na tila ba may binubogbog sa labas at naririnig ko pa ang sinasabi ng may-ari ng boses na “pvtang ina mo magbibigay kaba o hindi” umiiyak naman na nagmamakaawa ang lalaking binubogbog. susuntukin pa sana pero natigil ng sinabihan ko na “tama nayan wala ng kalaban laban ang tao at maawa kayo sa sitwasyon nyang iyan halos di na makatayo pinagtutulungan nyu pa” sambit ko sa kanila…
…agad naman nagsalita ang leader nilang sa pakiwari ko ay ito ang anak ng pulis na konsentidor na nangongotong at nang-aabuso sa mga taga rito. at ang sabi nito “sino ang nagsalita na iyon? at tuturuan ko ng leksyon. nawawala na ang respeto nyu sa akin dito ah baka gusto ninyong ipatikim ko ulit ang bagsik ko dito sa lugar nyo. ipaparamdam ko sa kanya ang ang damdaming kailanman ay hindi nya pa nararamdaman sa tanang buhay nyat” sigaw nito na hindi alam kung sino ang tinutukoy…
…lalapit na sana ako biglang pinigilan ako ni amber na hindi ko napansin na kanina pa pala sa likuran ko. at sabi nito na “wag mo ng patulan ang mga iyan walang hanap-buhay ang mga yan kundi basag-ulo” papasok na sana kami ni amber sa loob ng bahay nang napansin kong isa-isa nitong pinag-hahampas ng base ball bat ang mga nanonood sa kanila at hindi na ako nakapag pigil at sinabi ko muna kay amber na ”teka lang sandali lang ito tuturuan ko lang ito ng magandang asal” at nag-alala naman itong tumingin sa akin na nagsasabing mag-iingat ka.,at agad kong sinabi na ”brad tama nayan nakakasakit na kayo ng tao at walang kalaban laban ang mga taga rito sa inyo” at agad nagsalita ang isang kasama nito na “iyan yata ang nagsalita kanina eh kaboses nya ayaw umamin kasi natakot sa atin hahaha” at nagsalita naman ang isa pang kasama nito na “hindi ka yata kabisado justin hindi yata alam ng taong ito na apat na ang pinagapang mo sa lugar na ito” …”baka gusto nyang maging pang lima” sagot pa ng isang kasama nila…
…dumagdag naman ang isa pang kasama nila na “bigat nyan tol ah gusto pa yatang kumasa baka hindi yata alam ng taong yan na walong tao na ang napapatay ng erpat mong parak dito”…”kaya nga eh teka at tuturuan ko muna ng leksyon itong paki-alamerong ito” pagkatapos na sinabi iyon ng kanilang leader na si justin. ay agad kong pinakawalan ang reverse elbow strike sa kanang tenga nito at sinundan ko ng dalawang side slash sa magkabilang leeg, at hinawakan ko ang buhok nito sa likod at binigyan ng isang malakas elbow strike sa ilong basag ang nasal bone nya sa ilong kaya’t lumabas sa ilong nito ang napakaraming dugo at sinabayan ko pa ng isang malakas na ikot ng roundhouse kick sa mukha para tuluyan ng gumapang sa lupa kasabay ng pagkawala ng kanyang malay sana mawala narin ang kayabangan kasabay ng pagkabasag ng kanyang nasal bone sa ilong. at isa-isa kong pinatikim sa mga kasama nito ang five hits combo sa pamamagitan ng reverse elbow, cross elbow at uppercut elbow, left and right hooks at ang pang huling naka tayo ay binigyan ko ng isang malakas na uppercut para hindi nila makalimutan na mali ang kanilang ginagawa. sigawan at palakpakan ang mga taong taga roon dahil naturuan din ng tamang asal ang hambog at mapang abusong ugaling tulad ni justin at mga kasama nito…
…kinabukasan sabado ng umaga sa clinic ng barangay. gaya ng inaasahan ko ay babalik at babalik ang justin na iyun at tama nga ako at sa pagkakataong ito kasama na ang tatay nya at ang buong barangay nila. at parang batang itunuro ako sa tatay nya at ang sabi nya ay “yan ang nambugbog at bumasag sa ilong ko dad” agad akong pinag mumura ng tatay nito at sinabi pang “hindi mo ba ako kilala sa lugar nato? ka bago-bago mo dito sa lugar namin nagpapasikat kana. alam mo bang may pinaglalagyan ang mga pasikat na dayuhang tulad mo. ngayon mismo pweding pwedi kitang itumba dito” dahil sa narinig ko nagpanting ang aking tenga at sinabi ko na “bakit hindi mo subukan sir nang magkaalaman tayo dito” pagkasabi kong iyon ay agad nitong binunot ang kalibre 45 nitong baril…
…hindi paman nakalabas sa pistol pouch holstering ang kanyang baril ay agad ko na itong na counter grip and twist ang kamay nya kaya mabilis kong naagaw ang pistol nito at dahan dahan kong kinuha ang nakatago kong maliit na semmerling LM4 american pistol na naka tago lamang sa kanang bahagi ng medyas ko sa paa. sabay sabi sa kanya na “lagi akong nakahanda sa ganitong mga bagay sir at kung alam mo lang hindi tayo talo ang pinagkaiba lang natin ay ginampanan ko ang sinumpaan kong tungkulin hindi katulad mo na binasura ang tungkulin at pinalaki ang anak sa kabaluktutan”. natahimik ito habang naka nga-nga ang bibig sa pagka gulat. halatang nagulantang sa mga nangyari habang naka tutok ang dalawang pistol sa pagmumukha nya. wala itong nagawa kundi ang lumunok ng laway at dahan dahang lumayo na parang basang sisiw kasama ng mga alipores nyang mga bahag ang buntot…
…sa nangyaring iyon ay sinundan ako ng tingin ni amber na salubong ang mga kilay at may halong pagtataka at pagtatanong sa kanyang mga mata. ganun paman batid ko na naguguluhan si amber sa mga nangyayari pero sa tamang panahon ay malalaman nya rin ang lahat. sa ngayon ang iniisip ko ay ang lebretang itim kung kaya’t sa makalawa ay luluwas na ako at kailangan ko kunting pahinga para sa mahaba habang byahe. kinabukasan nagising na naman ako sa malalakas na sigawan ng mga tao at maya maya pa kumatok na si amber sa pinto namin at agad naman itong pinag buksan ni mang fidel habang humahangos na umiiyak si amber at sinabi nito na tinamaan ng indian target si nestor habang umaawat sa riot…
…agad naming dinala sa barangay clinic si nestor at inoperahan ko ang naka tarak na indian target sa kanang bahagi ng kanyang abdomen at pagkalipas ng isang oras ay matagumpay itong natangal at ganun nalang ang ngiti sa mga labi ni amber at maya-maya pa ay may kumatok sa pintuan at pag bukas ko ay ang ama ni justin na hambog naman na pulis ang tinamaan ng indian target dahil sa riot dahil umaawat din raw ito at ang masaklap pa ay tatlong beses itong tinamaan ng indian target. nagmamakaawa ang asawa nito na baka may maitutulong ako dahil hindi na makalabas sa labasan dahil sa riot. at hindi na ako nag dalawang isip pa. inabot din ng tatlong oras ang pag tanggal ko sa mga indian targets sa katawan ng pulis dahil tumama ang isa dito sa vital organ ng pulis pero ngayon ay nasa mabuti na syang kalagayan…
…pagkatapos ng riot ay hinatid ko na si amber sa kanilang bahay habang nagpapagaling naman ang kanyang kuya na si nestor at ang pulis sa clinic ng barangay. at sinabi ko kay amber na uuwi ako kinabukasan sa ilocos norte at nakita ko sa mga mata nito ang kalungkutan at agad ko naman iyun nabasa sa kanyang mga mata at di ko namalayan na unti-unti na palang lumalapat ang aming mga labi sa isat-isa. dulot ng lihim na pagmamahal ko kay amer at ganun din sya sa akin ay nabigyan ng laya noong gabing iyon ang mga naka kulong naming damdamin sa isa’t isa., at magkasama kaming sumayaw sa retmo ng pag-big. si amber ang pangatlong babaeng nagbukas ng pintuan sa puso ko at hinding hindi ko sya bibiguin…
…pag dating ko sa ilocos norte ay agad akong sinalubong ng aking pamilya. sa gate palang ay agad na binalita sa akin na ang pagkamatay daw ni princess ay hindi ko kasalanan bagkos isa itong tinatawag na “professional jealousy” hindi raw nakayanan ng konsensya ng isang doctor ang lahat kung kaya’t umamin na ito sa pag poison kay princess pati narin ang lihim na pagtingin nito kay jimena. at ang kagustuhan nitong makuha ang position ko noon bilang cardiologist at ngayon ko lang napagtanto kaya pala may matatalim na mga matang nakatitig sa akin noong niyayakap ko si jimena pagkatapos ng operasyon. yun pala ang doctor na iyun ang mahiwagang mga mata na naka tingin mula sa malayo …
…at agad kong hinanap ang baol sa basement at binuksan ito. at andito parin ang lebretang itim na ayun kay mang fidel ay ito raw ang hinahanap ng kanyang kapatid na halimaw at ito rin ang dahilan ng pagkamatay ng bestfriend kong si warren at ngayon ay dadalhin ko ulit ito sa manila kasama ng paborito kong magnum .357 revolver., pilit akong tinatanong ni momy kung saan daw ba ako sa manila para naman kung may mangyaring masama dito ay maipapaalam daw sa akin dahil buhat ng umalis ako dito sa bahay ay napapansin daw nila na panay-panay ang alolong ang mga aso dito sa bayan namin senyales daw kasi iyun ng hindi magandang pangitain. ang nasabi ko na lamang ay sasabihin ko rin sa tamang panahon sabay halik sa kanyang pisnge.,hindi paman ako nakalabas ng bahay ay nagulat akong nasa gate na agad si jimena at ayaw akong paalisin at nagkamali daw sya ng akala sa akin noon at mahal nya parin daw ako at magsimula daw kaming muli. hindi na ako nagsalita o lumingon pa tuloy tuloy parin ako sa pag alis hanggang sa nagmakaawa itong niyakap ako mula sa likod. pero hindi ako natinag at hinayaan ko lang ito at noong lmuwag na ang pagkakayakap ay saka na ako umalis …
…pagbalik ko sa manila agad akong sinalubong ni amber at hinalikan sa labi at doon ko sinalaysay sa kanya ang puno’t dulo ng istorya ng lebretang itim pati narin sa aking unang asawang si juliet at at pati narin kay jimena at lalong lalo na pati narin sa halimaw na sumira ng buhay ko. at agad namin iyun pinaalam kay mang fidel at ayun kay mang fidel darating ito pagkalipas ng alas dose ng hating gabi at tinitiyak ni mang fidel na dito na sya sa lugar namin at siguradong nasundan ako dahil ang lebretang itim at ang halimaw ay magkarugtong ang bituka. dahil isa ito sa mabisang makatalo o di kaya’y makapagbigay ng matinding kahinaan sa kanya at ayun pa kay mang fidel bukod sa lebretang itim nayan ang tulis ng murang kawayan ay isang mabisa rin panglaban sa kanila lalo na’t bagong tapyas ang mga ito…
…kinagabihan habang nag iinuman ang iilang mga siga sa lugar namin ay hindi nga nagkamali si mang fidel ay sumalakay ito. naka suot daw ito ng itim na robe na naka tabon ang hood sa ulo nito at naka yapak lamang. tanging ang mahahaba nitong balahibo at tulis ng kuko sa kamay ang makikita dito ayun sa salaysay ni mang fidel…
…ilang sandali pa ay nagsigawan na ang mga tao ng “magnanakaw”…’magnanakaw”…at ang iba naman ay nag susumigaw na “may aswang …may aswang”at ang iba naman ay “may gumagalang halimaw” kaya noong gabing iyun nagsama -sama ang lahat ng mga siga sa lugar namin pati narin ang sa kabilang barangay ay nakitulong narin at sama samang hinanap ang mabagsik na halimaw na tumatago sa kadiliman ng bawat sulok sa lugar naming iyun. habang naka tingin kami nila nestor, amber at mang fidel sa taas ng bubong ng kanilang bahay. habang hawak sa magkabilang kamay namin ang tulis ng murang edad na kawayan. panlaban narin sa mabagsik na halimaw. ay sya naman ang hanapan ng mga ito sa bawat silong ng bawat bahay doon sa aming barangay…
…sa bilis ng kilos ng halimaw hindi na alam ng mga tao na unti unti na silang nilalagas ng halimaw ng hindi nila napapansin. at nang umatungal nang malakas ang halimaw na iyon ay lumaganap sa buong lugar ang tuno na “awwwwoooooooooooooooooohhhhhh” tunog ng isang alolong ng aso . ang kanina na akala mo’y mga mandirigmang matatapang ay nagsipag takbuhan ng makitang tumatakbo papunta sa direction nila ang halimaw sa halip na makipag laban ng sabayan. ay nagmistulang mga takbuhin manok ito na nagkalat sa daan at pauwi sa kani-kanilang mga tahanan. kahit na ang may baril dito sa amin ni isa ay walang nagpaputok ni hindi nila kayang paulanan ng indian target gaya ng ginawa nila noong nakaraang araw lang. ang ginawa lamang nila ay sumilip sa kani-kanilang mga bintana at nag sarado ng pinto…
…habang papalapit na dito sa amin ang mabagsik na halimaw ay hinanda ko na ang dalawang matatalim na itak sa kaliwa’t kanang kamay ko at ang dalawang manipis na murang kawayan na na naka ekis sa likuran ko at ang gasolinang laman ng bottled water ko at ang magnum .357 na naka tago sa bandang likuran ng bewang ko at tumalon ako mula sa bubungang iyun para harapin ang mabagsik na halimaw . walang duda ito nga ang halimaw na nakasagupa ko sa kalinga-apayao anim na taon na ang nakaraan. at natatandan ko parin ang tattoo nitong pentagram sa dibdib ata ng balahibo nito. sa tingin ko ay isa itong transpormasyon na hindi natapos kung kaya’t ganito ang hitsura nito na alanganing tao at alanganing aso. kaya siguro ganun na lamang ka sabik nito gustong makuha ang lebretang itim para maisakatuparan ang anyo nito…
…at pagkakita nito sa akin agad itong tumakbo patungo sa direction ko agad itong tumalon papunta sa akin. matagal ko nang napag handaan ang ganitong klase ng atake ng halimaw kung kaya’t isang counter flash kick ang ginawa ko sa kanya at pagbagsak namin sa lupa para kaming mga pang sabong na manok na lumalaban sa isa’t-isa nagpalitan kami ng apag atake ang mga matutulis nitong mga kuko laban sa matatalim kong itak. minsan nakaka iwas pa ako at gumawang makapag tumbling sa mga atake nya pero di ko parin maiwasan na tamaan sa likod, braso, dibdib, bewang at batok., at sya naman ang puntirka ko ay ang kanyang paa maputol ko lang ang isa nyang paa ay ayos na pero sadyang makunat ang mga ito na parang bang gulong ng truck na mahirap taga-in ng taga-in…at palihim akong sumipsip ng gasolina mula sa dala kong bottled water at agad kong binugahan ang itim na robe nito at noong naka amoy na ito ng gasolina agad kong binugahan muli ang mukha nito at sapagkakataong ito may lighter nang naka sindi bago ko pa ibinuga kaya ang nangyari ay para syang tinamaan ng flame thrower…
…sunog ang halimaw na iyon sa aking ginawa, nagsisigaw sa init ng apoy, umatungal sa hapding nararamdaman at muli ito nag alolong ng ng matagal. at sa pagkakataong iyon sinamantala ko na ang sunod sunod na pag taga sa mga paa nya kaya naputol ang isa dito. at sabay hugot ng dala kong kawayan at ibinaon sa parte ng puso nya at sinundan ko pa ng isa at hinugot ko narin ang dala kong magnum .357 at sunod sunod na pinaputukan ang bungo nito at bago pa sya tuluyang mawalan ng buhay ay sinabi ko na “salamat sayo hayop ka nilabas mo sa katawan ko ang pagiging isang mandirigma” sabay frontal kick ko sa dibdib nito para tuluyan ng humiga sa lupa habang nasusunog. at uni-unti ng naglabasan ang mga tao. at nilapin narin ako ni amber at hinawakan sa braso at pabulong nyang sinabi na “salamat sa pagdating mo sa lugar namin”…
…at may isang matandang lumapit sa akin at nagsabing “alam mo ba iho ang pinakita mong katapangan sa amin ngayon ay magiging alamat na lamang pagdating ng panahon pero hindi namin makakalimutan ang ginawa mo. darating ang araw na alalahanin ka ng mga taga rito tulad ng mga alaala nila asiong salonga, totoy golem, pepeng hapon, valentine zapanta alyas “ninong”, viray, erning tootpick, turong pajo at pretty boy.” at ang tanging nasabi ko lamang ay salamat sa alaala lolo pero ginawa ko lang ang dapat kong gawin at hindi ko hangad na tumatak ang pangalan ko sa mga taga rito” at agad na sumagot ang matanda na “pwedi ko bang malaman ang pangalan mo iho para maekwento kapa namin sa mga apo namin at sa magiging ka apo-apohan pa nila” at sumagot naman ako nang…
… “tawagin nyu na lamang po akong ang mandirigma” at agad nalumapit sa mang fidel sa akin kasama ang kapitan ng barangay atsi nestor at sabi ni kap “akala ko noong una ay chamba lang ang pag gamot mo sa akin doctor ka pala” napangiti na lamang ako sa sinabi ni kap at may-isa pang grupo ang lumapit sa akin at sabay sabing “akala namin isa kalang dayuhang lasingero doon sa club kaya ganun na lang kung kaya-kayanin ka namin di namin alam na doctor ka pala”… at dumagdag pa si mang fidel na “kapitan din sa sundalo yan bago nag retiro” sabay hawak ni mang fidel sa balikat ko na nagsasabing proud ako na naging matalik kang kaibigan ng anak ko…
…kinabukasan ay ako ang usap-usapan sa aming lugar akala daw nila ay isang hamak na lasingero lang daw ako at di raw nila akalain na isa daw akong doctor at sundalo…
…at nang sumunod na mga araw mga ay nagpaalam narin ako kay mang fidel na umuwi na muna sa amin sa ilocos norte na sya namang ayaw ni amber at gusto nitong dito na muna ako mag stay sa kanilang lugar pero sabi ko may kilangan lang akong tapusin sa amin at linawin babalik ako at babalikan kita…agad nman itong tumango at nagsabing “yes po doc at hihintayin naman kita” at sabi ko “wag mo akong tawaging doc masyadong mataas ang titulong iyan”
….”so anong gusto mong itawag ko sayo” saad ni amber….
…“tawagin mo nalang ang mandirigma” sabi ko sa kanya…
…” o sige na ginoong mandirigma” sabi nito….
…at kinabukasan ay bumalik din ako sa amin sa ilocos. inayos ang mga dapat ayusin at linawin ang mga dapat linawin at ngayong maayos na ang lahat kilangan ko na naman ulit bumalik ng maynila…
…mabilis na lumipas ang tatlong buwan, muli kong binalikan si amber sa tondo at niyayang manirahan na lamang doon sa amin sa ilocos norte at hindi ako nabigo sa kanyang decision at noong taong 1987 ay nagpakasal kami at nabiyayaan ng dalawang anak na lalaki at nakabalik narin ako sa dati kong trabaho bilang isang cardiologist at si amber naman ay naging isang mabuting asawa at ina sa aming dalawang anak….at namuhay kami ng payapa at masaya kasama ng aking mga pamilya dito sa ilocos norte…
The End
Full Credits to Ang Manlalakbay na Manunulat.
Aswang sa Sultan Kudarat (Dayuhan)
Taong 1989 sa Tacurong, Sultan Kudarat…bagong dating lang ako sa lugar nayon na kung tawagin ay “dayuhan”.,O dayo lamang sa isang lib-lib na bayan sa sultan kudarat. Bago ko simulan ang karanasan ko sa aswang magpapakilala muna ako sa inyo.,ako nga pala si Stacy Mondragon limang buwang buntis sa murang edad na dese-syete ay agad akong nabuntis mahirap man ang kalagayan ko pero kailangang tangapin. Bunga ng pagmamahalan namin ng boyfriend ko. dahil narin sa kapusukan at dala ng kabataan nag-bunga ang aming pagmamahalan…
…ang sabi pa nga ng iba ay sayang daw ako kasi nabuntis agad sa murang edad na dese-syete, ayun sa mga kamag anak ko malayo pa raw sana ang mararating ko dahil may etchura daw ako. Kung hindi lang daw sana ako nabuntis ng maaga na e angat ko pa sana sa kahirapan ng mga magulang ko. tangan nga lamang at nabuntis ako. 5’8 ang taas ko maputi at mahaba ang buhok maganda rin ang hubog ng katawan kaya hindi na ako pinakawalan ng boyfriend ko…
…at ayon pa sa kanila may hawig daw ako sa artistang si Jennifer Mendoza hindi lamang isa ang nakapag sabi nyan kundi marami sila pati nga ang mga teacher ko noong elementary at high school iyan ang sinasabi at pati narin sila ay nang hihinayang sa akin dahil kung hindi top 1 ay top 2 ako sa klase at kung hindi president muse din ako brain and beauty sabi nga nila…
…kaya naman hindi na ako talaga hiniwalayan ng boyfriend ko., ang kabuhayan naman nila ay medyo nakaka angat kung e kukumpara sa payak na pamumuhay ng bawat mga Pilipino . kaya ang kanyang magulang ay hindi pabor sa akin dahil ako’y isang payak na mamayan lamang at para sa kanila ay suntok sa buwan ako para sa kanilang “unico hijo” ibig sabihin may pagka mata pobre ang pamilya ng aking boyfriend dahil siguro nga na mayaman sila at nakaka angat sa karamihan sa amin sa lugar nayon…
…hanggang sa isang araw habang nag uusap kami ng kaibigan kong isang babae at dalawang bakla ay may kumatok sa pintuan ng boarding house namin. at pagbukas ng tropa naming bakla ay agad na natumba ito sa pagkakatulak.,nagulat na lamang ako na ang momy ng boyfriend ko ang nasa harap ng pintuan at agad akong pinag mumura at kung mga mapapait na salitang hindi makain…
…hindi raw ang katulad kong klase ng babae lamang ang pinangarap nyang maging manugang. Napa tulo ang luha ko sa narinig at di pa nakuntento ay agad pang hinila ang buhok ko at saba’y sabi ng pabulong na “hiwalayan mo ang anak ko., hindi ka nababagay sa kanya…layuan mo sya para sa kahihiyan mo di kana nahiya ?!?!…ang kapal ng mukha mong babae ka!!! Basahan kang hampas lupa ka” at sabay tinusok ng payong ang limang buwang tiyan kong buntis…
…sunod sunod ang singhal at sigaw ng momy ng boyfriend ko sa akin ang mga katagang di ko makalimutan nung sabihin nayang…”hinding hindi mag aasenso ang anak ko sayo…wala akong nakikitang pag aasenso sa mukha mo…para kang isang maruming langaw na pilit pumatong sa likod ng kalabaw para tumaas at isa ka lang mababang uri ng babae na pagala-gala lang sa kalye mga ugaling squater at wala akong pakialam kung buntis kapa…ambisyosa”…
…at doon na ako napahagulgol ng iyak at nag pasyang iwanan na lamang ang aking boyfriend sa inoopahan naming bahay. Lingid sa kaalaman ng mga magulang nya ay nagsasama kami ng boyfriend ko ng patago dahil sa mahal ko sya at mahal nya rin ako ginawa namin ang mga bagay na nagpapasaya sa amin.,at dahil nga sa nangyaring iyon agad akong nag impake ng gamit at dahil nga wala akong bag na mapaglalagyan ng gamit ko yung karton nalang ang pinaglagyan ko ng mga gamit ko. hindi ko pa napansin na nag kabaligtaran ang kulay ng mga tsinelas ko at wala pa akong kapera-pera kung ano lang ang inabot sa akin ng barkada kong dalawang bakla at isang babae yun lang ang tanging dala ko…
…nagpasya akong pumunta sa ate ko at sa bayaw ko para magtapat ng kalagayan ko kasi ang totoo hirap na hirap narin ako lalong lalo na sa pera at sa kalagayan ko. sinabi ko nalang sa isip ko na ito na ang pinaka mahirap na nangyari sa buhay ko ang panahon na ito na walang wala ako at hinamak pa ang pagkatao ko ng ina ng boyfriend ko. isang matinding hamon sa buhay ko na dapat kong malampasan. Sa ngayon wala akong sandata kundi ang lumuha at tumimpi dahil wala akong kalaban laban…
…para lamang akong isang basang inakay na ibon na hindi kayang lumipad ng matayog.,na habag ako sa sarili ko feeling ko ang napaka babang uri ako na klase ng babae.,kinukurot ang puso sa tuwing naalala ko ang mga ma-a-anghang na salita at mapapait na katagang lumalabas sa bibig ng ina ng butihin kong nobyo., na kong masamang babae lamang ako baka lumaban ako sa maguylang nya pero ng dahil sa respeto tumahimik na lamang ako at tinanggap ang masasakit na salita…
…at habang nasa loob na ako ng pampasaherong bus pupuntang tacurong, sultan kudarat napansin ko na para bang kakaiba ang mga tingin ng mga tao kapag sumisilip ako sa bintana ng bus. At naririnig ko sa loob ng bus ang mga kwento kwento sa aswang lalo na’t sabi ng isang ale na ingatan ko raw ang pinagbubuntis ko napa tiim bagang na lamang ako sa sinabi ng ale na nanlilisik ang kanyang mga mata sa akin., hindi ako mapakali sa sinasakyan ko bus noon at kabado ako isa pa nakapa liblib ng lugar nayon at ibang iba talaga ang mga tao doon kung tumingin…at naitanong ko sa driver na bakit dito po tayo dumaan?!?!..saabi ng driver kasi bawal kaming mga muslim dumaan sa katico papatayin kasi ng mga ilokano mga muslim na dumadaan doon. Pero sige subukan natin para mas mabilis tayo sabi ng driver…
…naka hinga lng ako ng maluwag ng malapit na ako doon sa kanila ate.gutom na gutom na ako at naramdaman ko na palubog ng palubog na ang araw…
…mula sa boarding house sa south cot, marbel sa bayan namin aabot ng isa hanggang dalawang oras ang byahe sa katiko sa probensya ng maguindanao short cut na itong daan na tinatahak namin. at kapag hindi short cut sa bayan ng buluan sa probensya ng maguindanao po ang daan namin aabutin kami ng dalawang hanggang tatlong oras…
…pagkarating ko sa lugar nayon ng mga alas cinco na ng hapon lahat ng mga tao naka titig sa akin dahil siguro na karton lamang ang dala dala ko at hindi ko naayos ang sarili ko o baka dahil maputi at maganda at matangakd ako?!?! O baka naman dahil buntis ako?!?!…o baka dahil isa lamang akong dayuhan sa lugar dito sa lugar nila kung kaya’t ganoon na lamang ang tingin nila sa akin…
…ang instruction ng ate ko baba daw ako sa palengke ng SK pendatun sa maguindanao doon daw ako bababa at doon nag-aabang ang parents ng bayaw ko. matagal tagal din akong naghinntay natatakot ako at hindi ako mapakali, sobrang kakaiba ng pakiramdam., hindi ako mawari kung napapaihi ba ako o nilalamig sa nararamdaman ko.,o baka dahil sa gutom dahil hindi pa ako nakaka kain ng panang halian bago umalis at di parin ako nakaka inum ng tubig.,at never pa ako nakaranas ng ganito na pakiramdam ko ibang iba ako sa mga tao na naroon o baka pakiramdam ko lamang ng dahil sa gutom…
…at nung nagkita kami ng parents ng bayaw ni ate ay agad nya akong tinabunan ng balabal para daw hindi ako mapansin ng tao at nag bulong sya sa tenga ko na “sana sa umaga ka pumunta dahil delikado ang lugar na ito kapag mga ganitong oras na” …
…nagtataka ako at sabi ko “bakit po tiyang”?!?!? at sabi ni tiyang e kwe-kwento nya nalang daw pag dating namin sa bahay sa napaka babang boses na halos hindi ko marinig ang kanyang bulong sa tenga ko…at may isang matandang babae rin na lumapit sa amin ni tiyang at nagsabi na “ang bango bango mo naman hija” sabay ngite at kitang kita ko ang ngipin nito na na may mga kulay itim sa gilid ng mga puting ngipin…kulay itim narin ang gilagid ng matandang ito na nakakatakot ang hitsura kung ngumisi…
…agad na napasabi si tiyang na “ pamangkin ko ito mula sa bayan gusto magbakasyon dito ng mga ilang araw lola sonya kaya ko sinundo dahil iniingatan ko sa mga aswang napapabalita dito sa lugar natin lola sonya”
…agad na tumawa ng malakas ang matandang si lola sonya na parang nang aasar na halakhak…
…agad na bumulong si tiyang na “bilisan natin paglakad dahil mag aalas sais na at kapag alas cinco na dito wag na wag kanang lumabas ng bahay at kapag nag banyo ka bukas dapat alas kwatro palang nag hapon naka bawas kana at naka ligo at wag na wag kanang lumabas ng bahay na iintindihan mo ba ako hija”?!?!?!?
…halos madapa ako sa pagkakalakad namin ng mabilis. Hinihingal ako habang nakikinig sa mga payo ni tiyang at Medyo-malayo pa ang bahay ng ate ko at masukal din ang daan maraming mais at african tree papasuk sa bahay nila ate…
..di mo akalain may mga kabahayan pala sa gitna ng kakahuyan kasi sa daan kapag tingnan mo wala ka talaga makitang bahay pero pag dumertso ka papasok sa mga african tree my isang compound pala at may moske din. Habangmabilis ang paglalakad namin tuloy parin ang payo ni tiyang at binalaan ako ni tiyang ng paulit ulit na huwag na huwag daw akong mag cr pag patak ng alas sais dapat alas kwatro o alas cinco palang talaga naka ayos nako at bawal din sambitin ang salitang aswang ewan ko ba kung bakit…baka siguro dahil sa pamahiin ng mga muslim…
…maya maya pa’y dumating ang ate at sinalubong kami ng tiyang o ng kanyang byanan. Sa loob ng bahay na e kwento sa akin lahat nila ate at tiyang ang mga gumagalang aswang dito sa lugar nila. Kaya pala ganun na lamang ang pagsasara ng mga bintana ng mga tao dito kapag dapit hapon na wala ng mga tao sa labasan kapag malapit na ang takip silim…
…unang gabi ko kanila at tiyang habang naghahapunan kami ang topic parin namin ay aswang at nakaka-rinig kami ng sunod sunod na huni ng tik-tik…alolong ng aso at pagaspas ng tila bang napaka laki-laking ibon sa bubungan ng bahay…panay naman ang mura ni tiyang na sinasabi na “kilala kitang aswang ka bukas na bukas ay pupuntahan kitang aswang ka” at pagkalipas ng mga halos kalahating oras ay wala na kaming narinig na kakaiba pa kung kaya’t tuloy tuloy lamang ang pag uusap namin nila ate at tiyang…
…at bandang alas otso y medya na ng gabi dumating si bayaw may dalang isda nagluto nadin si ate at mga alas nwebe ng gabi ay kumain na kami yung bahay ng ate ko bahay kubo lang pero may kalakihan na klase ng pagka kubo., pag pasok mo sa bahay walang upuan sa sala at sa kwarto kami kumakain kasi my papag doon ,at nung kakain na kmi biglaang sumakit ang tiyan ko naninigas at halata talaga ang hugis ng bata kasi payat ako masyado noong araw nag bubuntis pa ako…
…umiyak ako ng umiiyak di ko maintindihan ang sakit ng tiyan ko parang may tumutusok sa pusod ko na parang my lalabas sa pwerta ko nun nataranta ung ate ko at bayaw ko at ang tiyang kasi malayo talaga sa kabihasnan ang lugar nila sabi ni ate lagyan ko ng haplas yung tiyan ko pero di na ako maka galaw nun at nag iba nadin ang kulay ng mga kuko ko naging violet na para na akong mawawalan ng hininga non para akong sinasakal…
…sobrang manhid na ng katawan ko at ang pawis ko ay napakarami na mainit na pakiramdam ko nun kaya di na nag aksaya ng panahon ang bayaw ko lumabas sya tumingin sa paligid wlaa naman syang may nakita nagsunog nalang sya ng sanga ng africantree nung lumaki yung apoy may narinig sya prang baboy sa gilid ng halamang gabi/(gabe) o halamang bajang o taro kung tawagin sa amin…
…nakita nya naka tuwad na parang hayop na malaki pero my buhok inilawan nya ng flashlight nagulat si bayaw sa nakita nyang nang-lilisik ang mata ng aswang at madulas na maitin ang katawan…
…minura ni bayaw ng minura pero ayaw umalis kaya kumuha si bayaw ng gulong ng motor at inilagay sa apoy…
…nagalit yong aswang pangit pakinggan ung huni nya parang iihawin na baboy na parang aso na naipit na nagsisigaw na hindi mo maintindihan ang iyak at sobrang lakas ng sigaw ng aswang at kitang kita namin na biglang tumalon ang napakalaking baboy sa harap mismo ni bayaw…natakot si bayaw at nataranta kung saan pupunta para bang gusto syang labanan ng napakalaking baboy…
…agad na kumuha ng sanggot si bayaw sanggot ang tawag sa amin sa pa letter C na malaking kutsilyo na kasinlaki ng pang gapas sa palay na kutsilyo o karit…
…pumasok sa isang bahagi ng silong ng bahay nila ate ang baboy nag sigawan kami ni ate at ni tiyang malawak ang bahay na gawa sa kubo pero hindi kami safe kapag sa silong na ang baboy dahil hindi namin Makita ang kanyang direction…
…magkahalo ang takot at galit ang namutawi sa mga mata ni bayaw na tila bang umaapaw na ang galit sa kanyang mga katawan na kani-kaninla lang ay nasasakluban sya ng takot…ngayon ay handa na syang mamatay at pumatay…
…pinasok ni bayaw ang isang parte ng ilalim ng kubo nila ate kubo man kung maturingan pero may kunting kalakihan…at naririnig nalang namin ang sigaw at iyak ng malaking baboy magkahalong boses ng baboy at iyak ng babae na ang naririnig naming tatlo sa taas ng kwaro habang hinahanap kung saan parte ng silong sila nakikipag buno…
… naririnig din namin ang paulit ulit na mura ni bayaw ng p#t@ng inamong aswang ka kami pa na taga rito ang tinalo p#t@ang inamong hayo ka…parang nakaikipag saksakan si bayaw sa kalye noong panahon na iyon at ako naman halos mamatay na dahil hindi na talaga ako maka hinga parang panawan na ako ng bait at feeling ko mawawalan na ako ng ulirat sa mga nangyayari sa silong namin…
…dahil nga muslim si bayaw nag sisigaw ito ng “Bismillah er Rahman er Raheem” …”Allah huuuu Akbar”…at naririnig ko rin ang sigaw nyang “Jehaaaaaad” at paulit ulit na “Allah hu Akbar” umiiyak at naka yakap na si ate sa akin at ganun narin si tiyang ang katagang Jehad at ginagamit lang naming mga muslim kapag handa kanang mamatay at pumatay at ang “Allah Hu Akbar” ay ang Dyos ang pinaka Dakila at pinaka mataas at isa rin itong uri ng panalangin o pagdarasal…
…malalakas na kalabog…sigawan at iyakan ng kababaihan…baboy na naipit sa sigaw…sigaw ni bayaw ang mga ingay na lumilikha sa buong paligid…nabibingi ako sa iyakan at sigawan at atungal…kunti na lang at mawawalan na ako ng hininga…
…habang nilalagyan ni ate ang pusod ko ng pang haplas sya naman ang panalangin ni tiyang sa panalangin ng isang muslim nagpa tirapa ito at nanalangin at maingay parin ang namumutawi sa ilalamin ng bahay para bang di makahulugang karayon ang mga taong nandoon na wari mo ay may digmaang nangyayri sa ilalim ng silong namin., naninigas na ang katawan ko…
…manhid na ang tyan ko…nabangit ko nalang sa ate ko na parang mamatay na ako…pumapatak na ang luha ng ate ko sa mukha ko…hirap na akong huminga…at ang huling nabangit ko na lamang na “ate ikaw na ang bahalang mag paliwanag kanila mama” at hindi na ako naka hinga mahina ang tibiok ng puso ko at nawalan na ako ng malay…
… kinabukasan alas dyes ng umaga na ako nagkamalay.,na e kwento nalang sa akin ng ate at tiyang ang nangyari kagabi napatay nga ni bayaw ang baboy kagabi na aswang iniwan nya sa silong ang bangkay ng baboy dahil sa bigat…
…at mahina narin sya dahil sa pagod at mga sugat na natamo sa pakikibaka sa aswang kagabi.,hindi na niya mahila pailabas ng silong kaya sabi daw nya sa sarili nya ay bukas nalang daw…
…pero nung madaling araw ay wala na ito sa silong at nabalitaan din namin mula sa may mga kalayuan naming kapit bahay na namatay narin si lola sonya…
…kaya pinasya na lamang daw ng pamilya na ilibing nalang kaagad ang bangkay ni lola sonya dahil hindi daw nila matangap ang pagkamatay ng nasabing matanda.,nadulas daw ito sa batohan sa ilog nung madaling araw kaya nabasag ang mukha masakit daw ang pag kaka aksidente na iyon ni lola sonya sabi ng kanilang pamilya…
…napa-iling na lamang ang bayaw ko sa mga bali-balitang iyun mas okey narin yun kisa naman malaman pa ng ibang tao na sya ang nakapatay sa aswang baka sakaling makulong pa sya.,ang mahalaga nalaman naming mga muslim na may aswang pala talaga sa mundong ibabaw na ito na dati ay hindi kami naniniwala sa aswang.,lingid sa aking kaalaman. pagbalik ko sa tacurong, sultan kudarat pagkatapos ng halos dalawang buwan. nakakaramdam ako na may mga matang laging nakamasid sa akin, alam kong sinusundan ako ng isa sa mga pamilya ng aswang at doon na ako humingi ng tulong sa mga kaibigan ko at naikwento ko din sa kanila ang lahat lahat at alam ko noong panahon nayon ay pagala-gala ang isa sa mga lahi ng aswang sa tacurong, sultan kudarat na laging nagmamasid sa lugar namin…
…at akala talaga namin ang aswang ay kwentong bayan lamang at pananakot sa mga bata tuwing pagsapit ng gabi…nagkakamali pala ako…nagkakamali kami…at malamang nagkakamali din sila…totoo pala talaga sila…at marami sila…angkan sila..at pami-pamilya sila…
…at ngayon dito na ako sa nova scotia sa canada nag tra-trabaho bilang isang caregiver at meron naring maayos na pamumuhay at tanggap narin ako ng momy ng boyfriend ko na asawa ko na sya ngayon at byanan ko narin ang kanyang momy., napatawad ko narin sya sa paghahamak nya sa akin noon. At sino ba ako para hindi sya patawarin…
…lahat naman ay nag babago at ngayon magkasama na kami dito at ako na ang nag aalaga sa kanya at sya naman nag aalaga sa mga apo nya sa amin ng asawa ko…
…thirty one years narin ang mabilis na nakalipas pero parang kahapon lang ang mga nangyari sa akin tungkol sa aswang sa tacurong, sultan kudarat marami pa akong karanasan.,isa lamang ito sa pinaka una kong naranasan sa kababalaghan sa edad na dese-syete., minabuti kong ipasulat kay sir Giovanni ang aking karanasan dahil nabasa ko ang kanyang mga karanasan sa isang group sa facebook na kung tawagin ay “sa daigdig ng sindak at lagim”…
The End
Full Credits to Ang Manlalakbay na Manunulat.
Ang Paglisan ni Itay
taong 1995 sa palo, leyte. biente anyos lamang ako noon ng namumuhay ng payapa sa probensya ng palo,leyte ako pala si maria gracia clemencia lacuesta hindi ko na lamang babangitin ang pinaka detalye ng aming lugar bilang respeto sa aking mga kababayan. noong mga ganitong taon. isang lib-lib din ang lugar namin sa palo,leyte.,mahirap ang buhay sa aming nayon. malalayo ang mga bahay at napaka lungkot kung ikukumpara sa modernong buhay ngayon…
…madaling araw pa lamang ay gising na kami sa umaga maganda ang mga tanawin lalo na ang mga bulaklak kung kaya nagdidilig kami ng nanay ko at ng kapatid ko ng mga halaman at nag iigib ng tubig sa balon at sa tanghali naman ay masagana lalo na’t kung ika’y may makakain galing sa aming munting hardin., sa dapit hapon naman ay naka upo lamang kami ng nanay ko at kapatid ko sa aming munting upuan na gawa sa tabla sa ilalim ng punong aratiles habang pinag mamasdan ang papalubog ng araw sa kabundukan at sa gabi ay mapayapa kung mahal sa buhay ang kapiling mo lalo na’t buo ang inyo pamilya at sama sama…
… pero dumating din ang dagok sa aming pamilya dahil isang sundalo ang tatay ko kung saan saan ito nadidistino kung kaya’t hindi mapakali ang aking nanay sa tuwing pupunta ng mission ang tatay ko., kaya isang araw may isang mabigat na mission ang tatay ko sa sa parte ng Mt.Aminduen o tinatawag na alto peak. kaya ganun na lamang ang lungkot ng aking nanay ng umalis si itay at madidistino sa lugar na sobrang gulo at maraming bandido at mapapasabak sa matinding digmaan at away…
…at habang sya’y papalayo di maiiwasang mapapalingon-lingon sya sa amin na sobrang bigat ng kanyang kalooban….at tumakbo ang nanay ko papalapit sa tatay ko at tinanong kung saan at kailan sya babalik sa amin…lumuluha ang nanay ko at yayapos sa kanyang kabiyak at nagsasabing “mag-ingat ka…mahal ko”
… at patakbong bumalik ang tatay ko at paluhod na niyakap nya kami ng kapatid ko at sya’y mag papayo sa amin na magpakabait lang daw kami at wag mag pabaya sa aming mga sarili at alagaan ko raw ang kapatid kong si yash…at isang mahigpit na yakap at halik sa aming pisnge bago siya lumisan ng bahay…
…lumipas ang mga araw………linggo……….buwan……nag-iisip, napupuyat, nag-hihintay ang aming nanay sa may bintana…lagi na lamang balisa ang aming ina…inaalala si itay at ang kanyang kalagayan kaya habang nag-iisip ang aming inay sa bintana… ay bigla na lamang may dumating isang mensaheng madilim galing sa kampo ni tatay….ang naka saad sa sulat….wag daw kaming mabibigla sapagkat pumanaw na ang tatay….at ang naka baril daw sa kanya’y isang rebeldeng sundalo na kapwa nya ring Pilipino…
…kaya ganun na lamang ang pag susumamo at panglulumo na aming nanay.,lumipas ang isang taon na wala kaming balita kay itay at hindi kami naniniwala na patay na sya hindi ganun kadali mamatay ang itay. kilala kong matapang ang itay at gagawin nya ang lahat para mabuhay pa sa amin nila inay at ng aking kapatid…
…isang taon pa ang mabilis na lumipas habang namamalengke ako sa bayan namin sa palo,leyte nagulat ako sa aking nakita isang matikas na lalaki na na hawig na hawig sa aking itay…tanong ko sa sarili ko na totoo ba ito?!?!?…
…dahil parang si itay talaga ang nakita ko kasama ng di kilalang babae agad ko itong sinundan kung saan man sila pupunta ng di kilalang babaeng iyon.,nahiwagaan ako sa mga nangyayari…si itay bayon?!?!?paulit ulit kong tanong sa sarili….buhay nga si itay…buhay si itay at dito pa mismo sa palengke ng bayan…
…sinundan ko kung saan sila umuuwi…sinundan ko sila at hindi ako nag pahalata at medyo malayo ang distancia ko sa kanila para hindi ako mapansin ng kasama nyang babae….at panay naman ang palingon lingon ng babae sa kaliwa at kanan na para bang hindi mapakali…palinga linga …hanggang sa maka abot sila sa isang sitio sa aming lugar….
…at nagulat ako na dahil ang sitio na pinuntahan nila ay isang bantog sa lugar namin na maraming aswang ang sitiong iyon. agad naman akong kinilabutan nung mabasa ko ang sitiong pinuntahan nila ng mahiwagang babaeng iyon., pero hindi ako nag patinag sunundan ko parin sila hanggang umabot ako sa pinaka liblib na lugar ng sitiong iyon…
… dahan-dahan kong hinahawi ang mga matataas na talahib habang binabagtas ang kanilang direksyon., sa pagkakataong ito medyo nahirapan ako dahil sa mga talahib kilangan kong bilisan para maka habol sa kanila para maabutan ko sila. Pero bigla akong nagulat ng sinalubong ako ng babaeng kasama ni itay at sabay sabing “sinusundan mo ba kami”?!?!…
…muntik na akong mapa ihi sa panty ko nung sinalubong ako ng babaeng naka belo…sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko para bang naginginig ang buo kong katawan…para akong matutumba at nahilo ako sa nerbyos…agad naman na inabot ng babae ang kanyang mga palad., at agad ko naman itong inabot at sinabing nyang “ano ba ang sadya mo dito sa lugar namin ining”?!?!?
…at sabi ko ang ita’y ko po….at agad nya akong dinala sa bahay nila na yari lamang sa kawayan at tanging sila lamang ang naka tira sa lugar nayon…
…at sinalaysay sa akin ni tita Nellie ang mga pangyayari na nakita nya raw ang itay dalawang taon na ang naka lipas sa liblib na lugar sa kabundukan ng Mt.Aminduen duguan daw ang itay at halos wala ng buhay dahil siguro sa rebeldeng na encounter nila sa lugar na iyon sa paanan ng Mt.Amiduen noong mga taong iyon…
…agad ko naman nilapitan ang itay…tumutulo ang luha ko habang hinahawakn ang pisnge nya at sabi ko itay buhay ka itay…at napahagulgol ako ng sobra sa aking pinakamamahal na ama na halos mag ta’tatlong taon ko ring hindi nakita “nasambit ko na lamang na “matutuwa ang inay pag nalaman nya ito”…
…sumablit parang naka tulala lamang ang itay at pilit na inaalala ang lahat at unti-unti nyang naalala ang nakaraan sa kanya at parang pautal-utal narin syang magsalita. At sa wakas nasambit nya ang “gracia anak ko” at agad akong napahagulgol at yumakap sa ama ko…”itay huhu kay tagal naming hinintay ni inay at ni yash ang pagbabalik mo itay huhuhu” halos masinok ako habang binibigkas ko ang mga katagang iyon…
…at sabi ni tita nillie ay mas mabuti pa raw na umuwi na muna ako at mag-pahinga at bukas na bukas daw ay dalhin ko ang inay dito sa bahay nila para naman daw makita nya ang sitwasyon ng itay at para naman daw makapag usap sila…
…mabait si tita nillie sobrang bait nya na para bang ang gaan gaan ng loob ko sa kanya. wala syang ibang inuunang kapakanan kundi ang kapakanan naming pamilya. na noong una ay akala ko’y masama syang babae…akala ko’y isa syang mangkukulam…na akala ko’y isa syang mambabarang…aswang…o di kaya’y bruha…nagkakamali pala ako…
…kinabukasan dinala ko ang aking inay at si yash sa bahay nila tita nillie…napa hikbi ang inay ko habang papalapit sa aking itay…iyak ito ng iyak habang nakayakap sa aking ama…ganoon narin ang bunso kung kapatid napa hikbi din ang mukha nito at dahan dahan umiyak sa pangungulila sa aming ama na nawalay sa mahabang panahon…
…nangingnig ang aking inay habang yakap yakap ang aking ama….at paulit-ulit nyang binabangit ang katagang….”sobrang na miss kita mahal ko….kay tagal kong hinintay ang pagkakataon na ito…kay tagal kong nangulila sayo…kay tagal kitang hinantay mahal ko….para na akong mababaliw sa kakaisip kong nasaan kana mahal ko…..alam ko……alam ko na buhay ka….nararamdaman ko iyon….at iyon ang sinisigaw ng damdamin ko na buhay ka…sabik na sabik na akong makita at mayakap ka mahal ko”…
… pero walang tugon ang aking itay…na tila bang naguguluhan sa mga pangyayari at kahit na pautal utal kong makapag salita at kahit papano nakakabigkas sya ng mga salita…at nabangit nya sa inay ko ang salitang “mahal ko na miss din kita mahal” at agad na napakagat labi ang inay ko at pikit na pikit habang naka yakap sa aming ama at tuloy-tuloy ang daloy ng mga luha sa kanyang mga mata…”nasambit nalang ni inay na wag kanang aalis mahal ko ha…at andito na kami para sayo ”…napatulo narin ang luha ko at napayakap kaming mag ina at magkapatid sa aming ama…
…at napa tingin naman ako kay tita nillie at agad naman itong ngumite at dahan-dahan ding tumutulo ang mga luha sa kanyang mga mata hanggang sa pumatak na nga ito sa kanyang mga pisnge at agad nyang ikinubli para hindi na namin makita na kahit siya man ay nasasaktan din…
… at muling sinalaysay ni tita nillie kay inay ang mga pangyayaring nangyari noon…pero ngaun ay nabangit na ni tita nillie na…na mild stroke daw ang itay kung kaya gayon na lamang ang kanyang response sa amin ni inay…
…kaya mas minabuti na dito na lamang daw ang itay baka manibago si itay sa amin doon sa bahay at agad namang nagkasundo si inay at tita nillie sa kanilang napag usapan. kahit dito si itay sa piling ni tita nillie o kung anoman ang relasyon nila ay wala na kaming paki alam ang importante ay buhay ang itay at masaya na kami doon…
… mabilis na lumipas muli ang isang taon biente tres años na ako noon…at sa di inaasahang palad ay nabuntis ako ng aking boyfriend. galit nag alit si inay noong mga panahon na iyon sa akin dahil ako pa naman ang inaasahan ng aking itay tapos mabubuntis pa ako sa di inaasahang pagkakataon ng dahil sa kahihiyan pinag pasya namin ni inay na doon muna ako kanila tita Nellie mag tago habang di pa gaano kalakihan ang aking tiyan na mag aapat na buwan pa lamang…
…at dahil sa kahihiyan at dahil narin sa mga chismosa naming mga kamag anak at kapit bahay mas mabuti na ngang umiwas at magtago muna pansamantala dahil halos walang makapaniwala na nabuntis ako sa edad na biente tres dahil mahinhin ang aking pagkatao. di makabasag pinggan kung turingan ako sa aming barangay. kung kaya nakakahiya kapag nalaman nilang buntis pala ako sa di inaasahang panahon…
…tag-sibol na ng kawayan nun buwan ng hulyo yumayabong na ang kawayan sa aming lugar lalo na ang “bambusa vulgaris” ito ang kawayan na kapag tag-sibol ay napaka-kati ang mga gilik nito., kung kaya nagbibigay ito ng lilim sa bahay nila tita nillie at dito muna ako tatago pansamantala habang nagdadalang tao. Para umiwas sa mga chismosa at mapang husgang bibig sa aming nayon…
…at dito na nga ako sa bahay nila itay at tita nillie at sa kabutihang palad ay bumalik na ang dating lakas ng itay mula sa mild stroke mas malakas na sya kisa sa dati at talagang alagang-alaga sya ni tita nillie. at tanggap narin namin nila inay at kapatid kong bunso na merong relayon sila itay at tita nillie dahil si tita nillie nga ang nag sagip kay itay sa madugong trahedya sa paanan ng Mt .Aminduen. at pati ako ay alagang alaga din ni tita nillie mas sobra pa sa pag aalaga ng akin ng inay kaya naman nakaka-panibago kasi bibihira lamang ako nakakaranas ng ganito…
…kabilugan ng buwan sa bahay nila itay unang gabi ko palang doon sa kanila naninibago ako…hindi ako makatulog….naninibago ba ako!?!?! namamahay ba ako?!?!? at may narinig ako ng alolong ng aso……kaluskos….may naririnig akong yabag….hirap na hirap talaga ako makatulog noong gabing iyon…gabi na mga nasa ala una y medya na ng hating gabi tulog na ang lahat maliban sa akin…
…matutulog na sana ako dahil dinapuan narin ako ng antok ng sumakit ang tiyan ko at nakarinig ako ng baboy na umiiyak pero mahina lang to….kaluskus sa bubungan medyo mahina din pero talagang maririnig at maririnig mo sa sobrang tahimik ng gabi…
…natatakot na ako na parang may nakamasid sakin babae hindi ko pina pansin dahil madilim at natatkpan ng kulambo. at noong inaninag ko at nilapitan para masiguro kong tao nga ba o hugis tao lamang na anino…nagulat akong si tita nillie pala ang naka ngiting naka titig sa akin ng harap harapan at mga isang dangkal lang ang pagitan ng mga mukha namin…
…nagulantang ako sa pangyayari at napa-urong ang dila ko tanging kulambo lamang ang nagbibigay ng proteksyon sa akin. hindi ako nakapag salita at tumayo na ang balahibo ko sa batok at tuluyan ng umurong ang dila ko ng tumawa ito ng aaaaahihhhhhiiiiii-ikkkkkkk-ikkkkk-ikkkkk-ikkkkkk-ikkkkk…
…kitang kita ng dalawang mata ko na umiba ang mukha ni tita nillie kumapal ang kilay nito, gulo gulo ng buhok na naka buhaghag at sumingkit ang kanyang mga mata at lumaki ang bunga-nga at humaba ang dila nya na kasing haba ng isang ruler…
…napako ako sa aking nakita hinding hindi ako maka paniwala…lalong lalo na nang tumawa ito ng mahinang mahina ahehehe-ikkkkkkkk-ikkkkkk-ikkkkkkk….ahhehehehe-ikkkk-ikkkk-ikkkkk-ikkkkkk….naninigas sa kilabot ang buo kong katawan habang nagtitigan kaming dalawa ni tita Nellie na aswang…tanging kulambo lang ang pagitan namin kung kaya’t laking pasasalamat ko sa kulambo noong mga panahon nayon., kung hindi dahil sa kulambo baka sinipsip na ng aswang ang bumibilog kong tiyan…
…agad na tumalon ang aswang na si tita nellie sa bintana at nagsusumigaw ito ng ahiiii-ikkkkk-ikkkk-ikkkkkk
…matagal din nanlamig ang katawan ko habang naka upo feeling ko lumaki ang ulo ko sa kilabot hindi talaga ako makapaniwala sa mga nakita ko…hindi kasi ako naniniwala sa aswang mula pagkabata kaya hindi ako natatakot at natutulala ako…nung gumapang ako kanila itay sa higaan nila nagulat ako kasi dalawa parin ang naka higa doon…sino kaya ang isang naka higa doon?!?!? Yan ang tanong ko sa sarili ko gayong nakita ko na si tita nilie at isang aswang at tatlo lang kami doon si tita nillie…ako at…si itay …sigurado akong si itay ang naka higa at ang isa ay hindi ko makilala dahil natatakpan ng kumot ang buo nyang katawan…
…unti unti kong kong nilapitan……unti-unti akong lumabas sa kulambo at alamin kung sino pa ang isang naka higa doon dahil naguguluhan ako hindi matahimik ang isipan ko sa palaisipang iyon., hindi ako mapakali at kailanagan kong masilip kong sino ang taong tinatakpan ng kumot na iyon., lumapit at lumakad akong naka luhod papalapit sa hinihigaan ni ita’y at para silipin ko kung sino ang nasa ilalim ng kumot na iyon…
…dahan-dahan kong hinila ang kumot paibaba para hindi magising kung sino man ang natutulog dito dahil ang alam ko talaga ay tatlo lamang kami nila itay at tita nillie ang naka tira sa kubong ito…at nung nanga-ngalahati na ang kumot bigla itong bumangon sa gulat ko napa atras ako at si tita nillie naka ngite sakin ng naka titig…………………..
titig na titig na tila bang magkahalo ang galit at titig…
…nakahawak na ako kay itay at tulog mantika ang itay…kinukurot ko na si itay…at nagising ito at sinabing bakit mo ako kinukurot ang sarap ng tulog ko eh at sinabi ko itay may aswang dito…yung kumot kanina na parang may naka talukbong na tao ay biglang kumipis at nabagsak sa katre nila na parang walang laman. At dahan dahan kong kinapa wala ngang laman….
…nag tanong si itay na ano ba iyon nak?!?!? biglang lumabas si tita Nellie sa pintuan ng cr… natulala ako ng makita ko si nellie galing sa c.r….
… na buong akala ko nakakulompot o naka talukbong ng kumot na natutulog….naguluhan ako sa mga nangyayari…gulong-gulo ako at……sabi ko kay itay wala po iyun itay pahinga na po ulit kayo…
….kinaumagahan nagalit sa akin si tita nellie ang inaasawa ni itay ng sabihin ko may aswang kagabi, sinabi ni tita nellie “nakaka-tatlong anak na ako pero wala naman nangangaswang sakin noon….at sinabi ko doon nalang muna ako kay mama….Pero nag-makaawa itong si tita nellie, nagalit lang daw sya sa sinabi kong may aswang…kasi wala naman daw talaga…naninibago lang daw ako sa unang gabi or namamahay…normal lang daw yun sa nagdadalang taong tulad ko…
… Pero ng umalis sila papuntang palengke di ako nagdalawang isip na umalis pabalik kay mama, lahat na nangyari sinabi ko kay mama. ng malaman nya nilabas nya ang pangontra at nag handa sila ng pinsan kong lalaki ng itak at yung nakabaliktad na walis tingting ta likod ng pintuan. Kaya ng sumapit na ng gabi nakakarinig na kami ng kaluskus sa bubungan….
…at mahinang huni ng ik-ik. nagmura si kuya na pinsan ko at sabi, hayop kang aswang na Nellie ka gusto mo pang aswangin ang buntis kong pinsan pupuntahan kita bukas na bukas sa bahay nyo at kapag pumasok ka dito sigurado kong hindi ka makalabas ng buhay…
…pero tumawa lang ito nanakakairitang tawa….gabi gabi akong inaaswang hanggang nanganak ako ganun pa din. ginawa ni kuya na pinsan ko ay pumunta sya sa bahay nila papa at tita nellie at sabay sabi pag di daw tigilan na aswangin ang pinsan nya (ako nga) pati ang pamangkin nya raw sa pinsan. ay papatayin daw nya ito dahil alam na ng karamihan kung sino ang aswang sa lugar na ito dahil ipinag kalat ko na sa lugar namin…
…lumipas pa ang isa pang taong nailabas ko na ang aking panganay…biente kwatro na ako noon…napag alaman namin na ang nakasagupa o ang na-engkwentro ni itay sa mt.aminduen ay hindi mga taong labas o NPA , o MNLF/MILF o di kaya’ CPP kundi isang aswang walang iba kundi iyon ay si tita Nellie at buwan ng hulyo din ng mga panahon nayon.buwan na naglalabasan ang mga aswang dahil tag-sibol ng mga kawayan kaya kating-kati na naman ang mga aswang na mag hasik ng lagim sa mga inosenteng tao dito sa mundo sa pamamagitan ng pag-babalatkayo. Nagtatago sa maamong mukha na akala mo ay mabait na tulad sa puting tupa.,.ngunit isa palang mapag samantalang aswang…
…dumating ang araw na nataohan din ang aking itay at nagkahiwalay din sila ni nillie na isang aswang dahil napatunayan mismo ng itay na isang aswang nga ang kanyang na engkwentro sa paanan ng bunok na iyon…bumalik na sa kanyang ala-ala ang lahat na pangyayari at hindi totoong na stroke sya kundi kagagawan iyon ni nillie na tila bang kung anong ginawa nya para makalimot ang aking itay at kung anong klaseng gayuma ang ginawa nya…
…napag alaman namin na si tita nillie pala ay galing ng pototan isa sa probensya ng ilo-ilo., at pina-uwi na nga ito ng barangay doon sa kanilang sitio na tinutuluyan nila dati ni itay., dahil napag alaman narin ng taga sitio doon na isang aswang nga ito namimiktema ng mga alagang manok na sabungin ng mga taga roon…nagmistulang isang salot sa kanilang nayon…kung kaya’t pinauwi ito ng kanilang barangay kapitan sa lugar nila at binigyan ng pamasahe pauwi ng ilo-ilo….
…sobrang galak sa tuwa ang aking inay nang bumalik na ang itay sa tahanan namin kasama ang aking anak at ang aking kapatid na si yash…buo na ulit ang pamilya namin…naibalik na muli ang mga ginagawa namin sa umaga o ang trabaho sa madaling araw pa lamang ay gising na kami sa umaga maganda ang mga tanawin lalo na ang mga bulaklak kung kaya nagdidilig kami ng nanay ko…ng kapatid ko…at nang anak ko ng mga halaman at nag iigib ng tubig sa balon…
…at sa tanghali naman ay masagana lalo na’t kung ika’y may makakain galing sa aming munting hardin., sa dapit hapon naman ay naka upo lamang kami ng nanay ko…kapatid ko…anak ko at si itay sa aming munting upuan na gawa sa tabla sa ilalim ng punong aratiles habang pinag mamasdan ang papalubog ng araw sa kabundukan at sa gabi ay mapayapa kung mahal sa buhay ang kapiling mo lalo na’t buo ang inyo pamilya at sama sama…
The End
Full Credits to Ang Manlalakbay na Manunulat.
Samar Tour: Biringan Shocking Story
Me and my friends are from Manila. Last 2019 ay nagdecide kami na magbakasyon sa Samar. Yung isang friend kasi namin ay doon ang hometown nya at gusto nya kaming isama. So nag travel na nga kami at nakarating sa Calbayog City. Doon kasi ang hometown ng friend namin, so direcho kami sa bahay nila. That night napag usapan namin ang tungkol sa Biringan City na isang sikat na phantom city sa Samar. Pero nagulat kami na mismong friend namin ang nagsabi na hindi naman daw sikat sa buong Samar ang tungkol sa Biringan! Ayon pa sa kanya sikat lang daw ang Biringan sa bayan ng Pagsanghan pero sa ibang mga bayan sa Samar ay hindi naman kilala ng mga tao ang kwento ng Biringan City.
Meron daw sa Samar na isang bayan na ang name ay Borongan. Yan daw talagang legit na bayan.
Sabi pa ng friend namin na si Chard sa tingin daw nya pinasikat lang ng mga taga Pagsanghan ang kwento about sa Biringan para pagusapan ang bayan nila kasi nga di naman sila masyado dinarayo ng mga turista. Nagkataon lang daw na kumalat sa social media.
Mula pagkabata sa Samar na lumaki at nag aral si Chard. Lumipat lang sya sa Manila para mag trabaho after college.
“Kung gusto nyo dumayo tayo sa Pagsanghan magtanong tanong tayo don, pasyal na rin.” Sabi ni Chard. Pumayag naman kami sa sinabi nya.
On our 4th day sa Samar, maaga kaming umalis ng Calbayog at nagbyahe papuntang Pagsanghan. Pagdating namin don kumain muna kami sa isang karinderya at nagtanong tanong about sa Biringan City.
Karamihan sa mga nakausap namin ayaw magkwento about sa Biringan at tila natatakot pa. Sabi namin kung totoong maganda ang Biringan City at sagana sa mga pagkain, resources at technology bakit natatakot ang mga tao sa Pagsanghan na pag usapan yon. Bakit sila mismo ayaw na makapunta sa Biringan? Kasi daw natatakot sila na baka hindi ka sila makauwi. Nangunguha daw kasi ng mga tao ang taga Biringan at hindi na nakakauwi ang mga kinukuha nila!
Actually mismong mga taga Pagsanghan pala ay takot na makatapak sa Biringan dahil takot sila sa mga engkanto na nakatira doon. Aakitin ka ng mga engkanto sa maganda nilang city pero di ka na makakalabas pa. Pag natipuhan ka dw ng mga taga Biringan gagawa sila ng paraan para makuha ka.
Kung sa mga YouTube videos ay parang inaakit pa tayo ng mga youtubers about sa hiwaga ng Biringan city. Ibahin ninyo ang mga taga Pagsanghan sa Samar dahil sila mismo na nakakaalam sa mga kwento ng Biringan ay natatakot na tumapak man lang sa syudad na yon.
May natuklasan pa kami na isang kwento. About sa isang babaeng turista na nakapangasawa ng taga Samar. Isang araw daw natagpuan ang magandang babae na walang buhay sa bahay nila. Pero wala siyang galos at sugat man lang at parang natutulog lang. At ang asawa nya ay natagpuan sa kakahuyan wala ring buhay pero walang bakas na sinaktan ito. Lumipas ang isang araw at nagkamalay ang mag asawa. Ayon sa kanila dinala raw sila ng mga engkanto sa Biringan City. Natipuhan daw yung babae kasi nga maganda.
At makalipas ang ilang araw may nangyaring kalunos lunos. Natagpuang duguan ang mag asawa. Pinatay silang dalawa. Ayon sa mga kapitbahay ay pinatay ng mga engkanto ng Biringan ang mag asawa. Malamang ay may hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng mag asawa at ng mga engkanto ng Biringan kaya sila pinatay.
Naalala ko yung mga times na nanonood ako ng mga contents about Biringan at nagbabasa ng mga stories, sobrang namamangha ako. Para akong inaakit na makapunta doon. Pero iba pala pag nakausap mo na ang mga tao na nagpasikat sa alamat ng Biringan City. Hindi pagkamangha kundi kilabot ang mababakas sa mga mukha nila pag nagkukwento sila about sa lugar na yon.
After namin maglibot libot sa Pagsanghan ay bumyahe na kami pabalik sa Calbayog.
Mula noon nagbago na ang pananaw namin about sa Biringan City. Hindi siya isang fantasy city na papangarapin mong mapuntahan. Lugar ito ng mga itim na engkanto base mismo sa kwento ng mga taga Pagsanghan.
Ayon pa sa mga taga Pagsanghan dahil daw kumalat na ang kwento ng Biringan, may mga dumadayo raw sa bayan nila para hanapin ito. Pero sabi ng mga tao sa amin:
“Ang mga kampon ng Biringan city ay nasa paligid. Inaakit ang mga tao gamit ang maling impormasyon. Mag ingat kayo at baka isama nila kayo at di na kayo makikita ng pamilya ninyo.”
Mismong mga tao doon nagsabi samin na mag ingat kami at wag maniwala sa mga kwentong nagpapabango sa pangalan ng Biringan city dahil isa lang daw itong panlilinlang.
Thanks sa pagbasa!
- N∆MELESS
Ang Amaranhig sa Valderrama, Antique
bago ko isilarawan at isalaysay sa inyo ang karanasan ko sa “maranhig” hayaan nyu’t magbalik tanaw muna tayo sa magandang lugar ng valderrama, antique kasama ang mga magagandang alaala nito. itago nyu na lamang ako sa pangalang demetria posadas untaran na taga barangay igma sandig ng valderama, antique. hindi ko layunin na sirain ang magandang imahe ng ating magandang bayan at lalawigan ang aking layunin ay ipaalam sa mga mambabasa na mayroong taong hindi agad namamatay at kung ano ang misteryo sa likod ng kwentong ito ay iyun ang dapat nating alamin. alamin ang dako pa roon sa buhay nila dahil ako mismo ay nakaranas nang umibig sa isang “amaranhig” itago na lamang natin siya sa pangalang rogelio hernaez ogatis isang mayamang pamilya noon dito sa amin sa valderrama, antique at bago ko pa ipag-patuloy ang aming kasaysayan. halina’t balikan muna natin ang kasaysayan ng aming lalawigan dito sa valderrama, antique…
…ang tribo ng iraynon-bukidnon ay orihinal na naninirahan sa mga lugar sa itaas na malalim na nakapaloob sa mga makapal na kagubatan ng Mt.Baloy at Mt. Madjaas Mountain Ranges. ang mga katutubo ay nagsasagawa ng isang paraan ng pamumuhay at kultura na kakaiba sa kanila at mayroon silang sariling natatanging sistema ng paniniwala, kultura at edukasyon. ang mga ”gimpanan” ay ang mga orihinal na naninirahan sa munisipalidad na na-trace ang kanilang mga ugat sa mga katutubo ng mga hinterlands ng lambunao at calinog. tinukoy ng gimpanan ang lugar ng pag-areglo ng highland sa ilog ng cangaranan at cadian rivers. tinawag silang “iraynon” bilang term na ipinahiwatig na nakatira sa upstream, o “iraya” sa lokal na diyalekto na kaiba sa “ilawod” na nangangahulugang sa ilog. ang gimpanan, na kasalukuyang tinatawag na barangay san agustin, ay nananatiling sentro ng mga katutubong ito na nabigyan ng sertipiko ng pamagat ng ancestral domain…
…ang kasalukuyang sentro ng lunsod ng bayan ay dating bahagi ng baryo ng munisipalidad ng bugasong, na tinatawag na caberi-an dahil sa kasaganaan ng mga shrub ng beri. ang trenta na pamilya na naninirahan sa baybayin ng bugasong ay lumipat pasilangan kasunod ng tabing ilog ng cangaranan river hanggang sa makarating sila sa caberi-an, isang lugar na kanilang nalinis, tinapik at tinitirhan. dahil sa malawak na mayamang lupang agrikultura na sapat na natubigan ng tubig ng cangaranan river, ang pamayanan ay umunlad at umakit ng maraming mga naninirahan mula sa inang bayan. sa paglipas ng panahon, naramdaman ng naitatag na pamayanan ang pangangailangan na magkaroon ng kanilang sariling mga hanay ng mga opisyal upang pamahalaan ang kanilang sarili nang nakapag-iisa mula sa pueblo ng bugasong…
…ang caberi-an ay naging isang hiwalay at independiyenteng munisipalidad noong 1865 sa pamamagitan ng pagsisikap ng isang opisyal na espanyol na apelyido Valderrama. dahil sa labis na pasasalamat ng mga tao sa opisyal ng espanya, si caberi-an bilang isang bagong pueblo ay pinangalanang valderrama sa kanyang karangalan. ang opisyal na espanyol na ito ay nagtagal sa ranggo at kalaunan ay naging pansamantalang gobernador-heneral ng Pilipinas, señor manuel blanco valderrama (1873-1874). pagkalipas ng mahabang panahon mahigit kumulang sa otchenta’y cinco años ang lumipas (85 years) taong 1959 si Carlos P. Garcia ang pangulo ng Pilipinas noong mga panahong iyun at ang aking katipang si rogelio naman ay alagad ng batas o isang magiting na sundalo na nakipaglaban sa ating bansa noong mga taong 1941-1954 at miembro siya ng (USAFFE) united states army forces far east. O ang mga puwersa ng estados unidos na malakas sa silangan…
…sa banta ng giyera sa nalalapit na hapon, noong hulyo 26, 1941, isang bagong utos sa malayong silangan ang nilikha, na kilalanin bilang united states army forces far east (USAFFE) na tumawag sa philippine commonwealth army sa serbisyo ng armed forces ng estados unidos. at ayun sa kanya hindi na niya mabilang pa sa kanyang mga daliri ang gyerang napag daanan niya laban sa mga malulupit na hapon at sa kabutihang palad ay buhay parin siya at minsan at pinakita niya akin ang mga tama ng bala sa kanyang kanang dibdib, sa likod, sa hita, sa tagiliran at sa braso. at ang mga katagang nasambit ko na lamang sa kanya ay “mabuti hindi ka namatay mahal ko?” at agad naman niyang sinabi na “may pamanang binigay sa akin ang lolo ko bago pa siya namatay dito sa mundo” at pinakita niya sa akin ang telang pula na may naka sulat na “ non habeo mortem, nos tibi semper hic revertetur ad terram et promissa” mahabang mga salita pang mga kasunod nyan pero yang mga katagang iyan lamang ang aking naalala. kung ano man ang ibig sabihin niyan ay hindi ko alam…
…minsan pa’y sinabi ko kay rogelio na mag retiro na sa kanyang propesyon at pumirmi na lamang dito sa amin sa kabisayaan at kalimutan ang pagsusundalo. bukod sa malayo siya sa akin ay napaka delikado ng kanyang mga misyon pero hindi siya pumayag gusto kong mangyari at sinasabi pa niya na “kailanman ay hindi ako mamatay mahal kong demetria, nasa lahi na namin iyun. tingnan mo si lolo isang daan at dalamput walo na siya bago ito namatay. hindi pa nga sana siya mamatay kung hindi niya binigay kay papang ang batong mutya at kung hindi niya binigay sa akin ang panyong pulang ito na nagbibigay ng lakas at pwersa sa akin sa araw-araw” wika nito sa akin habang naka titig sa aking mga mata., hindi ko man maintindihan ng malinaw ang nais niyang ipabatid sa akin ang mga katagang sinabi niya at ang karanasan niya sa pakikipagdigma ay sapat na para maintindihan ko ang nais niyang sabihin sa akin…
…pero lumipas ang mahabang panahon wala na akong balita kay rogelio pero ang alam ko ay nasa parte lamang siya ng luzon kung hindi ako nagkakamali ay sa parte ng nueva vizcaya. araw araw at gabi gabi akong naghihintay sa aming bintana sa pagbabalik ni rogelio. inaalala ang mga matatamis na kahapong nagdaan, mga patagong pagkikita namin sa punong siniguelas, mga matatamis na halik sa lilim ng punong bayabas at mga sumpaan na saksi ang mga bituin at ang buwan. unti-unting pumapatak ang mga tubig ng paghihinagpis sa aking mga mata dulot ng pagkasabik sa irog kong si rogelio. inaamin kong nangungulila ako sa kanya at sabik na sabik na akong masilayan siya…
…ngunit lumipas ang mahabang panahon , marami ng tubig ang dumaan sa ilalaim ng mga tulay at maraming dapit hapon narin na ako’y naghihintay sa aming bintana. ganun paman hindi parin ako nawawalan ng pag asa at tatangapin ko kung ano man ang nangyari kay rogelio. at patuloy akong maghintay at patuloy din akong aasa. minsan sa aking pag iisa naiisip ko na lamang na marahil ay limot na niya ang aming mga matatamis na alaala. alaalang ako na lamang yata ang siyang nakahawak at patuloy na nananalig na ang aming pag ibig ay magkakaroon pa ng katuparan. lumipas pa ang ilan pang mga taon…isang taon…dalawang taon…tatlong taon… hangang sa umabot hanggang limang taon na mahabang paghihintay pero walang nangyari…
… walang rogeliong dumating…wala din akong balita sa kanya at walang gabing hindi ako nananalangin na sana ay ligtas sya at patuloy akong napupuyat sa kanyang pagbabalik. minsan nasasabi ko na lang sa sarili ko na sana ”dito ka nalang sa aking piling”. ang kanyang mga pangako at pag ibig ang nagbibigay buhay sa aking pusong naghihintay at umaasa. nasabi ko na lamang sa aking sarili na “ganito pala ang pakiramdam ng naghihintay sa taong iniibig mo” alumpihit ka sa bawat araw na tila ba’y di ka mapakali sa bawat sandali. at nasabi ko na lamang sa kawalan ang katagang “kay tagal rogelio…kay tagal para na akong mababaliw”…
…hulyo 4, 1946 tapos na ang digmaan, bagaman at may banta pa sa pananatili ng kalayaan ng Pilipinas ay mayroon nang pansamantalang kapayapaan, kundi man lubos pa ang kasarinlan. ngunit sa ilalim ng pamahalaang commonwealth, ang bansa ay patuloy pa rin na napapailalim sa kapangyarihan ng estados unidos . minsan ng na gawi ako ng bayan o tinatawag ngayon na “trade town” may mga usap-usapan doon ang tungkol sa alitan ng mga sundalong Pilipino at amerikano. at ayun sa kwento ng mga taga roon ay…….
“minsan ay mayroong grupo ng mga sundalong amerikano ang nagkaroon ng alitan sa isang tropa ng mga dating sundalong pilipino na lumaban sa panahon ng digmaang hapon. sa pagtatalo ay nagkainitan ang dalawang grupo…
…ang mga amerikano, palibahasa naniniwalang higit silang magaling ang kanilang lahi kung kaya’t nagbunot ng kanilang mga sandata. nagkaroon ng sagupaan at nakita na lamang na ang tropa ng mga pilipino ay isa isang humandusay sa lupa. patay lahat ang mga ito. sa panig naman ng mga sundalong amerikano, may ilang sugatan ngunit hindi malubha. walang awang iniwan ng mga ito ang mga nakasagupa na pawang walang buhay na humalik sa lupang kanilang minamahal”…
…nakaramdam ako ng habag noong marinig ko ang balitang iyun, naawa ako sa mga kababayan nating walang kalaban laban. gaya ng dati pagkarating ko galing ng bayan agad akong naupo sa aming bintana na kung saan matatanaw mo ang lahat ng taong dumadaan sa aming lugar. kung kaya’y hindi naka ligtas sa aking paningin sila aling Oryang ang katulong nila rogelio at halos hindi magkanda ugaga sa paglalakad nito na may dala-dalang pang papel…
…at sa di inaasahang pagkakaton ay sa bahay pala namin ang sadya niya at sabay inabot sa akin ang isang sulat at ang naka saad sa sulat wag daw akong mabibigla pagkat pumanaw na si rogelio at ang nakabaril daw sa kanya’y isang amerikanong sundalo na kasama nya din sa iba’t ibang digmaan, nabaril daw siya sa ulo dahil lamang sa di pagkaka-unawaan…
…ang balitang nakarating sa akin ay tila isang bombang tumapos at pumatay sa aking mga pag asa. hindi ko matanggap ang balitang iyon ng bukal sa kalooban. waring nagsisikip ang aking dibdib. nasaan na ang bisa ng sinasabi nitong proteksyon? anong naging saysay ng tela nitong kinatititikan ng mga katagang hindi ko maintindihan, bakit nawala ang bisa ng panyong pamana ng kaniyang lolo?!?!?
…ito ang mga katanungang nagsumiksik sa aking isipan. Ito ang pinaka masakit na paraan ng pag iwan. sapagkat sa ganito, ay hindi ka na maaring umasa na mayroong magbabalik. nakarating din sa aming bayan ang balita na ang mga sundalong amerikano na nakasagupa at nakapatay sa tropa nina rogelio ay sinalakay ng mga taong hindi nakikilala. isa ang nakasaksi na pinalad na di nasawi sa nasabing pagsalakay ang nagsabing itoy gawa ng mga nilalang na di namamatay sa tama ng bala. ang kumalat na balita ay pinaniwalaan ng marami sa amin sapagkat ang mga bangkay ay tila mga namatay sa pagkaubos ng dugo….
…sa mga pagkakataong iyon ay nagkakaroon ng mangilangilang ganoong pangyayari. dahilan upang lalong makilala ang mga nilalang na itong tinawag ng mga tao na mga “amaranhig”. na nagmula pa raw sa nueva viscaya sa luzon kung saan ito nagkaroon ng unang pananalakay ay nakarating ito sa amin sa dito sa Panay lalong-lalo na dito sa antique. hindi naman naging isang banta ang mga tinatawag na amaranhig sa amin sapagkat tila mga mapagmahal sa bayang tinubuan ang mga ito. sa halip nga ay nagiging taga pagtanggol pa ito ng mga mamamayan sa amin dito sa antique laban sa mga pang aabuso paminsan minsan ng ilang sundalong napapapadpad sa aming lugar. maging sa mga masasamang loob na mga kapwa pilipino na namumundok gamit ang idelohiyang liberal ngunit nanamantala ng kapwa pilipino mga pilipinong traidor sa sariling bayan at kapwa pilipino….
…nagpatuloy ang buhay ko at tanggap ko na wala na si rogelio. subalit ang pag ibig na patuloy na nag diringas sa aking puso ay nanatili ang alab. nanatili ang isang espasyo sa aking puso para sa kanya. isang bahaging sa kanya lamang at sa aming mga matatamis na alaala…
…unti-unting umuusad ang mga panahon na para bang hinihila ng pagkakataon at dumating din ang araw na napag pasyahan kong sagutin ang isa sa aking manliligaw, itago na lamang natin siya sa pangalang lucas benitez javier. Isang mayamang binatang anak ng mga pulutiko dito sa bayan namin. sa kaniyang masugid at matiyagang panliligaw ay unti unti akong nakakalaya sa kalungkutan sa pagkawala ni rogelio. araw, linggo at buwan din ang nag daan at dumating na nga ang oras na nagpakasal kami ni lucas at nagsama sa ipinatayong bahay sa sentro ng bayan ng antique sa san jose, de buenavista. masaya na kami sa munti naming tahanan. nang isang kalatas ang aking natanggap. isang liham ng pagbati mula sa dati at inaakala kong patay nang kasintahang si rogelio…
…hindi ako naniwala kayat tinanong ko sa nag abot sa akin ng sulat kung nakita niya ang nagpapabigay nito. kilala ko ang nagbigay nito demetria. pareho nating kilala. Ito ang sagot na nakuha ko mula sa lalaking kapwa namin kaibigan ni rogelio. nang gabing iyon ay binalot ako ng agam agam at napakaraming katanungan ang naglalaro sa aking isipan. malinaw noon ang balita. patay na at inilibing na si rogelio sa isang lupaing naging kampo at tahanan na rin ng kiniyang mga kasama o tinatawag na libingan ng mga bayaning sundalo. hindi iniuwi ang bangkay nito sa antique sa kagustuhan na rin ng kaniyang pamilya…
ngunit ngayon ay buhay ito?!?!?….papaano?!?!….mga katanungang walang mga kasagutan…
…ang gabing iyon ay kabilugan ng buwan ng mayo. nakatanaw ako sa aming bintana habang ang aking asawang si lucas ay mahimbing ng natutulog. natanaw ko sa maliwanag na sinag ng buwan ang isang anino ng lalake sa ilalim ng puno ng mga siniguelas sa labas ng aming bakuran….
…si rogelio!!!…
…mabilis akong bumaba upang tiyakin ang aking sapantaha. si rogelio nga! at buhay na buhay!…
…hindi ako makapaniwala!…
…sa hitsura nitong naka damit na pang sundalo at butas butas ng bala ang mga saplot na nakatabon sa katawan nito at unti unti rin nangangayat ang kanyang mukha na maihahalintulad sa naagnas na nilalang habang nakatali sa noo nito ang panyong pula na may mga letrang nakasulat sa iba’t-ibang wika. niyakap niya ako at niyakap ko rin siya pero di ko maiwasang masulasok sa kakaibang amoy na naaamoy ko sa kanya at may mga uod na lumalabas sa kanyang mga tenga’t mata. ganun paman ay hinding hindi ako nandiri sa kanya dahil mahal ko siya tangan nga lamang at may asawa na akong iba at iyun ay si lucas…
…at muli niya akong hinalikan sa huling pagkakataon at sabi niya sa akin…
…“naalala mo paba ang sabi ko sa iyo noon na hindi ako mamatay lalo na ang pag-ibig ko sayo demetria pero may mga bagay bagay dito sa mundo na hindi maipaliwang ng iilan at pero ako napatunayan ko na. sana ipagmalaki mo ako hindi lamang sa inyong anak ng iyong asawa kundi sa mga taong bayan na may isang katulad kong lumaban sa bansang Pilipinas hanggang sa huli kong hininga kung alam mo lang ang digmaan na naranasan ko demetria…kung alam mo lang sana. at kung magkaanak kayo ng iyong asawa kung maaring pangalanan mo siya ng vergelio kung lalaki at vergelia naman kapag babae at ibigay mo sa kanila ang panyong pulang ito para maging proteksyon nila “…
…hindi ko napigil ang luha na namalisbis sa aking mga mata. ngunit bakit mo ako hinayaang mag hintay? maghintay at mabigo. masaktan na malamang wala ka na iyon pala naman ay buhay ka.!?!?ang tanong kong may kaunting hinanakit. at ang sabi niya ay “sapagkat nais ko ang buhay na normal para sa iyo. sapagkat mahal kita”…
…sagot na lalong nagpa antak sa sakit na nadarama ko at nagpa antig sa aking damdamin .Oo aaminin kong mahal ko pa si rogelio at doon lamang siya naka tago sa sulok ng aking puso…
…isang amaranhig si rogelio, ito ang kaniyang inamin. siya at ang mga kasama niya ang may kagagawan ng mga balitang pagpaslang sa mga taong may masasamang tangka sa kapayapaan sa antique. ang mutya, ang bato at telang pula ay di lamang proteksyon sa kaniya. Itoy kinapapalooban ng isang sumpa sa kaniyang angkan. “non habeo mortem nos tibi” Isang sumpa ng walang kamatayan. “semper hic revertetur ad terram et promissa”. at magbabalik sa lupang pinangako. Iyon ang mga katagang nakatitik sa tela. nais ni rogelio na sa kaniya na magtapos ang sumpa. matutupad iyon kung akoy iiwan niya.
…agad akong nagpasalamat kay rogelio sa iniabot nitong panyong pula na siyang nagbibigay galing at determinasyon sa kanyang pakikipag laban sa mga hapon at amerikano isang dakilang matapang na sundalo si rogelio kaya’t ni minsan ay hindi nawala ang pagmamahal ko sa kanya. at unti-unting tumalikod ito sa akin at bago pa siya mag laho sa dilim ay lumingon ito sa akin at nagsabi ng mga huling katagang “hindi lahat ng nagmamahalan ay nagkakatuluyan demetria at hindi lahat ng nagkakatuluyan ay totoong nagmamahalan” at iyun ang mga huling katagang nabangit ni rogelio bago pa ito nilamon ng dilim…
…marami pang mga naganap sa buhay ko pagkatapos ng aming pag uusap na iyon. nagkaanak kami ni lucas ng lalaki at tinawag nga iyong vergelio at isa na siya sa mabibilis na mananakbo sa mga palarong pambansa dito sa atin sa Pilipinas. sa kabilang dako naman patuloy sila rogelio sa kanilang buhay sa dilim. hanggang sa muli itong sumulpot sa antique noong 1978 bilang isang matandang tinawag nilang si “Roger Militante De Silva” at nag pakita ng mga ka gila-gilalas na mga gawain sa kanyang bayang nasasakupan at kalaunan ay namatay ito at inilibing ng nakadapa sa kabaong sa loob ng kaniyang sariling bakuran. iilan lang ang nakakaalam kung sino si Roger Militante de Silva at ang lihim sa kaniyang totoong pagkatao at kamatayan. dahil ang toto niyang pangalan at pagkatao ay si Rogelio Hernaez Ogatis ang magiting na sundalong amaranhig ng valderrama, antique.,dahil ang totoo nyan ay hindi siya mamamatay. ninais na niyang magpahinga nang pang habang buhay…
…sa ngayon masaya kaming nagsasama ni lucas at nakapag trabaho pa siya sa 76 liner at ceres liner bago nag retiro at ako naman at naging isang tagapag turo sa kolehiyo sa isang tanyag na paaralan ng st. anthony’s college (SAC) bago pa mag retiro sa edad kong siyam naput apat ay naaalala ko pa si rogelio, ang kaniyang pag ibig sa akin na mapagparaya at dakila. bibihira lamang ang taong katulad ni rogelio na dumating sa buhay natin para ipag tanggol ang ating inang bayan sa mga mananakop na mga dayuhan at doon ko napag tanto na ang pagmamahal sa sariling bayan ang pinaka dakila sa lahat ng uri ng pagmamahal…
…kung saan kaman ngayon rogelio isa kang bayani sa aking puso, isa kang dakilang mandirigma at dakilang mang-iibig. kung saan kaman ngayon rogelio hindi ka namin malilimutan kasama ng iyong mga kababayang alam ang lihim ng iyong pagkatao at pinagmamalaki ka namin dito…dito sa aming mga puso…
The End
Credits to Ang Manlalakbay na Manunulat.
Ang Berbalangs
CIRCA 1762 dumating sa Pilipinas ang walong battle ships na may lulan ng 6,500 mahigit na mga sundalo. lumakbay papuntang manila bay galing ng madras na pinamumunuan nina brigadier-general william draper at rear admiral samuel cornish. Ito ang tinatawag na “Batalla de Manila” o labanan sa manila taong Briton/Britsh laban sa Español. tumagal ang labanan mula septiembre 24 hanggang octobre 6 taong taong 1762. kaya ang naging resulta ay ang pagkapanalo ng mga sundalong Briton kontra Español at nakuha ng mga Briton ang Manila sa mga kamay ng mga Español noong 1762 hanggang 1764. yan ang isa sa mga kahihiyan ng mga Español.(Britain ruled Philippines 1762-1764 the story of 18th century British invasion of the Philippines during Spanish Colonization.) at nabawi nga muli ito ng mga Español noong taong 1765….
…taong 1890 may isang platoon na mga sundalong Briton na missing in action sa isla ng “Cagayan de Sulu” o tanyag sa tinatawag ngayong Mapun Island. na pinamumunuan ni Lieutenant-Commander Rupert Thomas Gould. Kung nawalan si Lt. R.T. Gould ng isang platoon ibig sabihin 30 hanggang 40 katao ang nawala sa kanya dahil tatlo hanggang apat na squad para mabuo ang isang platoon. dahil sa bawat squad ay may sampong katao at ayun sa pagsasalaysay ng aming mga ninuno. tanging si Lt. R.T.Gould lamang ang nabuhay pagkatapos nilang lakbayin ang isla ng “Cagayan de sulu” sampo ng kanyang mga kasamahang mga brirish marines. kung ano ang dahilan ay sya lamang ang nakakalaam. Tikom ang bibig nito na hindi na nakapag salita pa ng maaayos dahil sa pagka sindak. At pagkatapos ng isang taon nakapag sulat ito libro tungkol sa mga “Berbalangs” sa Pilipinas na matatagpuan sa isla ng “Cagayan de sulu”.(Mapun Island)…
… at dahil sa librong isinulat nito. naging interesado naman ang isang beteranong journalist army na si Lt. Ethelbert forbes skertchly dahil nabasa nito ang ”the remarkable story of berbalangs of cagayan de sulu at the center of the island in a small village of the Philippines.” Kaya bumuo agad ito ng mga malulupit na mga mandirigmang pangkat o tinawag na mga “Elite Squad” na merong pang close combat at meron ding pang long range na mga gamit at karamihan sa groupo ay mga jungle fighter may mga dala itong springfield krag sniper rifle 1890’s model, swedish mauser 1894 model, british crete 1896 model, madsen M1 garand 1895 model, carbine krag rifle 1895 model, double barrel muskret shutgun 1890’s model at mauser pistol C96. at samahan pa ng mga handmade na mga grenades at matatalim na mga hunting knife at jungle bolo. Lahat ng mga kagamitan na nabangit ay malalakas na armas noong 1896. at mga latest model sa panahong iyon. at kung tawagin ang group nila ay “ Royal Armoured Corps Regiments Cavalry”…
…taong 1896 lahat ng mga kasama ni Lt. Forbes ay mga naka full battle gear naka camouflage na uniforme at may mga pahid na war paint ang kanilang mga mukha na may kumbinasyon na kulay green at black. at suot-suot ang kanilang mga battle gear. 12 sundalo silang lahat kasama na si Lt. Forbes bawat sundalo may kanya kanyang galing. galing sa sniper, galing sa martial arts, galing sa terrain ng mga kabundukan, galing sa mga close combat gaya ng pagamit ng mga hunting knife at jungle bolo, at higit sa lahat sa magaling sa survival. mula Borneo nag byahe ang platoon nila Lt. Forbes papuntang “Cagayan de sulu” o tinatawag ngayong maput island (tawi-tawi).an Island in the southern Philippines, about eighty miles from Borneo or approximately 757km, close to Malaysia than to the most of the rest of the Philippines. Kasagsagan din ng pagsakop ng mga Portuguese at Briton noon sa isla ng Borneo, Macau at Malaysia. Kaya sinamantala ng mga groupo nila Lt. Forbes ang special mission na iyon…
…isang madaling araw ng taong 1896 nakalapag ang grupo nila Lt. Forbes sa isla ng “Cagayan de sulu” dahan dahan nilang inikot ang masukal na kagubatan ng isla at may distansya silang 5 meters away sa bawat isa at naglalakad ng walang ingay o sounds. maingat nilang sinuri ang lahat ng madadaanan nila sa isla. dito nila nakita ang kakaibang klase ng mga kagubatan na sa kahit anong oras ay may naghihintay na kapahamakan sa platoon nila. dahil nararamdaman nila na meron nagmamasid sa kanilang paligid. hindi maitatangi dahil mga well trained elite fighter ang mga kasamahan ni Lt. Forbes. unti-unti na nilang nagagalugad ang islang yun at umabot na sila sa pinaka gitna ng isla nang may napansin ang isa sa mga kasamahan ni Lt. Forbes na kabundok na mga kalansay sa at mga naagnas pang mga katawan na natatabunan ng masukal na kagubatan., at ang bawat isa ay sinusuri kung papano pinatay ang mga naagnas na mga bangkay dahil kapansin pansin ang mga wak-wak na butas sa tiyan ng mga biktima., at kapansin pansin din na namatay ito na sumisigaw dahil naka buka ang kanilang mga bibig o bunganga…
…ang mga tagpong iyon ang nagbigay ng isang malalim na palaisipan sa groupo ni Lt. Forbes at sinabi nya sa kanyang mga kasamahan na “malupit na mga nilalang ang kalaban natin. Kaya maghanda kayo maari itong sumalakay sa kahit ano mang oras”. agad nag suggest ang isa sa magaling na kasama ni Lt.Forbes na si “Kraven” isang code name na binigay ng kanilang traineer dahil sa hindi matatawarang galing nito tactics and assault. According sa urban dictionary “Kraven” means the hunter., at sinabi nga nito na hatiin sa dalwa ang 12 na mga elite fighters. Ang anim ay pamumunuan ni Lt. Forbes at sa Kraven naman ang sa natirang anim pa. unang gabi sa isla ng “Cagayan de sulu” o mapun island. habang maingat na nag hahanap ng matutulugan sa masukal na kagubatan ang isa sa mga pangkat ni Lt. Forbes ay agad itong hinila sa paa ng di kilalang nilalang at agad ito nag-paputok ng dalang double barrel muskret shutgun sa direction na humihila sa kanya. pero hindi maaninag ang humihila at dahil sa bilis ng pagkahila sa kanya hindi sya maka kuha ng tamang pwesto para marilin ang humihila dahil matatamaan ang paa nya., kung kaya’t medyo pataas ang direction ng pag baril nya…
…agad naman tinakbo ni kraven ang isa sa mga kasamahan pero dahil sa bilis ng humihila hindi nya ito kayang abutan. Mag uumaga na ng matagpuan nila ang bangkay ng kanilang kasamahang hinila sa paa. tuyot ang katawan nito na tila bang sinipsip ang dugo at ang parte ng kanyang ulo ay parang binalatan. Kung kaya nag mistulang mga bagito ang mga elite fighter ng mga Briton. Hindi maka paniwala sa kanilang nakita. Pero hindi natinag ang kanilang katatagan at mas lalo pa silang naging determinadong Makita ng harapan ang kanilang kalaban. lima na lamang ang pangkat nila Lt. Forbes at anim parin ang kay Kraven. Ibig sabihin 11 na lamang sila dahil nalagasan sila ng isa. at habang naglalakad na nagmamasid sila sa paligid may naramdaman si kraven at ang sabi nya ay ”ginagamit nya ang puno para magmasid sa atin nararamdaman ko ang presensya nya” at sumagot naman ang isa sa mga kasamahan nila na “Oo may nakita ako kanina sa gilid na aking mga mata at gumagamit nga sya ng mga puno para sundan tayo”…
…agad silang nag hold ng position at masusing pinag matyagan ang lugar., nag kubli sila sa mga nag lalakihang mga dahon ng kagubatan ng isla. tanging senyas lamang ng mga kamay ang kanilang mga kumunikasyon para maiwasan ang ingay sa paligid at para madali nila mapansin ang lokasyon ng mahiwaga nilang kalaban at hindi nga sila nag kamali nag senyas ang dalawang miembro nila na may gamit ng springfield krag sniper rifle. Kitang kita ng isang kasama nilang sniper na nagmumula sa silangang direction ang isang nilalang na may pak-pak ng paniki, hitsurang nalalagas ang buhok, naka usli ang mga malalaking mga ngipin nito, matatalim din ang mga kuko nito at may mata na parang sa pusa. yan ang pagsalarawan ng isang sniper na nagmumula sa silangang direction sa pamamagitan ng pag senyas ng kamay.,at ang description naman ng sniper na nagmumula kanlurang direction ay may balat daw itong tulad ng sa boots na sapatos, hindi ito nakaklipad pero lumulundag sa mga puno gamit ang pakpak para panimbang, at napaka liksi kung kumilos…
…kaya gapang o “commando crawl” nalang ang ginagawa nila at iniiwasan nila’ng lumika ng kahit ng kahit na anong ingay. Para hindi mapukaw ang atensyon ng mga kakaibang nilalang na iyon. at nag senyas narin si kraven na mag regroup ang team para mapag usapan ang kanilang gagawin dahil hindi biro ang nilalang na ganito na ngayon lamang nila na encounter. Na ang tanging nakakaalam lamang ay si Lt. forbes pero hindi nya na ito kwenento pa sa mga kasamahan para makumpirma nya mismo sa sarili nya na kung totoo nga ba ang “Berbalang” na nabasa nya na ang may akda ay si Rupert Thomas Gould. at ngayon kumpirmado na nakita nya mismo sa malayuan ang mga “Berbalangs” ng Pilipinas. na ito pala ay hindi isang alamat lamang gaya ng sinasabi ng mga lumang kwentong naririnig nya sa mga kasamhan nya sa navy at marines. at hindi gawa gawa lang ang nakita ni R.T. Gould., agad nag sagawa ng mga traps and zaps ang goupo ni Kraven habang nagmamasid sa paligid ang mga ka groupo ni Lt. Forbes…
…merong naka dapa sa damuhan gamit ang carbine krag rifle, may naka upo sa maalaking dahon gamit ang madsen M1 garand rifle, at ang sa kabilang direction ay naka upo sa mga malalaking ugat ng puno habang naka handa ang Swedish mauser, at nasa taas naman ng isang madahong puno ang sniper na may hawak na springfield krag sniper rifle. At si Lt. forbes naman ay naka sandal sa malaking bato na napapalibutan ng makapal na lumot habang naka asinta ang hawak hawak na british crete rifle sa direction ng “berbalangs”. habang nagbabantay ang lima sya naman ang mabilis at limitado ang ingay na pagawa ng mga trap ang groupo nila Kraven. Lahat ng mga diskarte nila sa trap ay ginawa na nila dito para mahuli o masugatan man lang ang kakaibang nilalang na kanilang nakita at malaman nila kung meron bas a likod nila o wala., habang gumagawa ng trap kitang kita ni kraven ang isang nilalang na lumundag sa direction ng naka sniper rifle na naka steady post sa taas ng malagong puno. Hindi ito nakita ng sniper dahil sa likod ang atake nito…
…tanging si kraven lang ang naka kita dahil sa direction nya ito. kaya bago paman nakalingon ang sniper sa puno kinubkob na ng nilalang na ito ang kanyang likod hanggang sa lumabas ang spinal cord nito at backbone. Sa bilis ng kain sa likod nito gamit ang matatalim na kuko at matutulis na ngipin nag-mistulang kalansay ang likod ng may hawak ng sniper rifle.,tinangka pa itong habulin ni kraven sa taas ng puno pero masyado itong mabilis tumalon para lumipat sa kabilang puno. Kaya hindi na nito kayang ipag tanggol pa ang kasamahan. hanggang sa unti-unting napuputol ang katawan ng kasamahan nilang sniper na naka-masid sa taas ng puno na agad namang ang sigaw ni Lt. Forbes ng open fire…pero wala na…hindi na alam ang direction ng mabagsik na nilalang na iyon…na halos di nila lubos maisip na makikita ng nilalang na iyon ang tagong tagong pwesto ng kanilang sniper sa taas ng puno. Bukod kasi sa makapal ang dahon naka suot pa ito ng ghillie suit…ano nga ba ang ghillie suit? ghillie suit is a type of camouflage clothing designed to resemble the background environment such as foliage, leaf , grass wood and sand. may katagalan din ang open fire ng groupo pero nung mag search operation sila after ng open fire ay walang traces…walang dugo…walang signs na may tinamaan sila…walang kahit na anong palatandaan na meron silang nadaplisang nilalang., at nagka tinginan silang sampo….tinginan na patanong kung paano lulupigin ang kakaibang nilalang na nakita nila. at nabangit na lamang ni Lt. Forbes ang salitang “berbalangs”. yan ang mga berbalangs na kinatatakutan mga marines na Briton dito sa Pilipinas” sabi nito sa wikang banyaga…
…at dahil doon ipinaliwanag na ni Lt. Forbes kung anong klaseng uri na nilalang itong berbalangs sa kanyang mga kasamahan. Para makapag handa ito ng maayos sa pagbabalik ng berbalangs. At dahil dito ginamita nila ito ng iba’t ibang uri ng patibong tulad ng hukay na mula sa lupa at nilalagyan ng matutulis na bagay na mula sa mga kahoy. pinaglalagyan nila ito ng mga flaire lights para kung sakaling umataki sa gabi madali nila itong makita o mapansin man lamang. inabot sila ng takip silim sa pagawa ng iba’t ibang uri ng patibong. at nagmatyag at naghintay sa pagsalakay ng “berbalangs”umabot na sa kalaliman ng gabi ang kanilang pagmamanman. hanggang sa naka tulugan na lamang nila ang pagmamasid sa paligid. at maya maya pa’y biglang biglang nag spark ang flaire light na isa sa patibong na ginawa nila na nagpapahiwatig na meron nilalang sa paligid. at sya naman ang pagkagulat nila ng makita ang isang nilalang na may malapad na pak-pak na animo’y parang isang malaking paniki at dahil nasagi pa nito ang isa pang trap isang malaking fish net ang humatak sa nilalang na iyun paitaas ng puno at panandaliang hindi ito naka galaw pero dahil sa talim ng mga kuko nito mabilisang naputol nito ang matibay na fish net na humatak sa kanya paitaas., habang nag-oopen fire ang mga “elite forces” na kasama ni Lt. Forbes. at agad namang tinakbo ni Kraven ang halimaw na kong tawagin ay “berbalangs” habang binibunot ang kanyang jungle bolo ng kanyang kanang kamay habang ang kaliwang kamay naman ay naka senyas ng hold sa sa pamamagitan ng pag sarado ng kamao nito…
… at tinalon ni Kraven ito na akala mo’y isang ninja habang naka slide slash na paghambalos sa berbalangs. dahil sa angking bilis at lakas ng berbalangs nakuha nitong maka ilag ng kaunti habang naka counter attack sa slide slash ni Kraven. sa pamamagitan ng left hook ng berbalangs gamit ang tulis ng kanyang pakpak na hugis pak-pak ng isang paniki. Baliktad si Kraven sa lupa habang tumalon namang humihiyaw itong halimaw na berbalangs na akala mo’y isang asong baboy na umiiyak ang boses na umalingaw-ngaw sa buong paligid ng kagubatan ng “Cagayan de sulu”. habang ginagamot ng isang medic na kasamahan nila Lt.Forbes si kraven. nagpapahinga naman ang iba pang mga kasamahan para sa malawakang operasyon nila mamayang hapon dahil pipilitin nilang ma trace ang direction ng dugo ng bebalangs baka sakaling matunton nila ang kinaroroonan nito. Hindi naman ganun ka critical ang sugat ni kraven dulot ng counter left hook ng berbalangs. pero sinisigurado ni kraven na malalim ang pagka slide slash nya sa berbalangs kung kaya’t sasamantalahin nila ang kahinaan nito dahil sa sugat nito dulot ng isang matalim na jungle bolo. bandang dapit hapon habang binabaybay ng mga pangkat nila Lt. Forbes ang ilog at habang pilit na tina-trak naman ng pangkat nila kraven ang dugo ng berbalangs. at biglang nakarinig ang dalawang pangkat ng isang mahabanag alolong na pinag halong boses ng aso, pusa, tao at baboy na hindi pangkaraniwang boses ng isang nilalang na sya’ng nagbibigay ingay sa buong paligid nagmumula sa isang mataas na lugar. na nagpapahiwatig na ito’y galit na galit at gigil na gigil. dahil siguro sa sugat na dulot ng jungle bolo na dulot ka kraven…
…sa masukal na kagubatan isa isang nalalagas ang taohan na Lt. Forbes ng hindi nya nalalaman dahil may agwat silang 5 meters away sa isa’t isa at walang ingay kung kumilos kung kaya sa likod ang atake ng berbalangs at isa isa nitong hinihila ang paa ng mga elite forces habang kinakagat nito ang mga bibig ng biktima para hindi na maka sigaw pa. at madali nitong nilagas ang pangkat ni Lt. Forbes ng walang ka ingay ingay. hanggang sa napansin na lamang ni Lt. Forbes na nag iisa na lamang sya. Kung kaya’t binaon nito ang sarili sa putik para maitago ang sarili sa mapanganib na nilalang na iyon. sa kabilang dako sa pwesto naman nila kraven natunton nila ang kweba na binabahayan ng berbalangs at dito nila nakita ang kabundok na mga kalansay ng tao at hayop. at dito rin nila naamoy kakaibang lansa ng paligid na pinag halong amoy ng nabubulok na mga lamang loob ng tao. mga dugo, utak, at mga nabubulok ng parte ng katawan ng tao., at doon nila nilagyan ng mga pampasabog na mga traps na gawa sa mga homemade grenades nila na may mga halong shrapnel at pinalibutan nila ito ng mga nylon traps na may mga malalakas na granada…
…sa matataas at malalaking punong kakahuyan, nilalantakan ng berbalangs ang mga katawan ng mga nabihag na mga kasama ni Lt. Forbes. na para bang gutom na gutom ito sa dugo ng tao, laman at utak ng tao. at pagkatapos nitong lantakan ang mga laman dadalhin naman nito ang mga kalansay at mga bungo nito sa kweba kung saan andoon ang pangkat ni Kraven. at tuloy din ang pag manman ni Lt. Forbes sa paligid na ang akala nito ay sya na lamang ang natitira sa kanila at habang papasok ang berbalangs sa masangsang at mabahong kweba alam na nito na may tao sa loob ng tahanan nya dahil sa lakas ng pang amoy nito sa tao. at isa isang naghiyawan ang mga kasamahan ni Kraven sa loob ng kweba sa hindi malamang dahilan kung bakit bigla-bigla na lamang silang hinihila gayong naka pwesto naman sila ng maayos sa madidillim na parte ng kweba. ang hindi nila alam na mas malinaw ang mata ng berbalangs sa madidilim na lugar. at napag isip isip ni kraven na wala syang laban sa berbalangs sa madilim na lugar kung kaya’t pinilit nitong makalabas ng kweba at sa pagtataka kraven ni hindi man lamang na nagalaw ng berbalangs ang mga traps nila na gawa sa nylon at homemade grenades…
…at bago pa nakalabas si kraven sa kweba bigla itong nilundagan ng berbalangs na animo’y isang gagambang nakikipag buno sa kapwa gagamba kung makipag away habang naka takip ang malalapad na pak-pak nito sa katawan ni kraven. at dahil sa bilis ni kraven bumunot ng jungle bolo sa kanang kamay at hunting knife naman sa kaliwang kamay nasugatan nya ng malubha ang berbalangs. pero hindi rin nakaligtas sa berbalangs ang kaliwa’t kanang braso nya sa kuko ng berbalangs dahil ito ang pumipigil sa kamay nya para hindi maituloy ang sunod sunod na rapidong saksak ni kraven. sa galit inihagis ito ng berbalangs sa ilog. Dahil siguro hindi nya makayanan ang sunod sunod na rapidong saksak ni kraven sa kili-kili ng berbalangs. kung kaya’t nagsisigaw ito ng nagsisigaw ng galit na galit. at sa di kalayuan nagmamasid lang si Lt. Forbes sa kanila habang kumukuha ng tyempo para mailigtas si kraven at nagpasalamat narin ito na buhay ang isang kasamahan nya na inaakala nyang inubos na sila at sya lamang ang natitira at dahan dahang lumapit ito kay kraven at sabay senyas na dito ang daan para maka takas at inalalayan nito si kraven na may malalalim na sugat sa magkabilaang braso. at pagapang nilang nilisan ang masukal na lugar na iyun sa maingat na paraan na walang kaluskos na maririnig. ang dati’y sila ang nag tutugis sa berbalangs ngayon sila naman ang tinutugis o hina-hunting nito. dahil alam ni Lt. Forbes na matalas ang pang amoy ng halimaw na iyon. agad nitong ginawan na paraan na magamot ang sugat ni kraven sa lalong madaling panahon…
…at sa ilog sila dumaan para hindi masundan ng barbalangs ang kanilang amoy. lalo na ang amoy ng kanilang dugo. patuloy nilang binabagtas ang kahabaan ng ilog patungong evacuation point. gamit ang kanilang training sa survival mode. kung kaya’t ginamit nila ang masukal na kagubatan at sinamantala nila ang pagkakataon ang advantages ng ilog at nilubog nila ang sarili nila sa putik para hindi sila makita agad agad ng halimaw na berbalangs at alam na alam din nila na dahil sa nasugatan din ng malubha ang berbalangs kung kaya’t bumagal din ito sa kaka-hunting sa kanila. at simantala naman nila ito upang maka takas pero sadyang mas malakas ang barbalangs sa tao kung kaya’t kahit may sugat ito pilit sila nitong hinahanap. hinding hindi sila nito tatantanan hangga’t di sila nauubos. hindi biro ang ganitong klaseng halimaw na kailanman ay hindi pa na encounter nina Lt. Forbes at kraven na kahit anong bangis nila sa jungle fighting skills ay walang wala silang panapat sa bangis ng isang berbalangs. inabot na sila ng ilang oras sa pag-gagapang. naramdaman narin nila na medyo nakakalayo na sila sa halimaw. kung kaya’t tumayo na sila at akay-akay ang isa’t isa. pipilitan nilang maka alis sa lugar na iyon na tanging kamatayan lang ang dulot na kung tawagin pa ni kraven ang lugar na ito ay “the land of the valley of death”…
… tuloy-tuloy ang kanilang pagtakas sa lugar na iyon habang binabagtas ang direction papuntang evacuation point ay nakaramdam sila na pra bang may sumusunod sa kanila dahil sa alam na alam na nil ang estilo ng berbalangs sa pagtatalon sa mga puno. hirap man si kraven dahil sa natamo nitong sugat mula sa berbalangs ay pilit nitong binibilisan ang paglakad dahil ayaw narin niyang makatapat ang ganoong kalakas na nilalang., ni minsan sa buhay nya ay wala syang inuurungang mga laban lalo na’t kung pag uusapan ang martial arts or hand to hand combat/ close combat. pero ngayon aminado sya na mas mahirap at mas malakas itong di pangkaraniwang nilalang na ito na tanging sa pilipinas lamang matatagpuan. at habang akay-akay sya ni Lt. Forbes nasabi nya dito na “kisapmata sa bilis itong halimaw na berbalangs, at kapit-tuko ito kung maka hawak sa tao kaya talagang mahirap labanan”. Napapapikit si kraven habang nagbabalik tanaw sa labanan nila at dagdag pa nito na…”hindi ko akalain na sa bansang pilipinas ko matatagpuan ang aking katapat sa duwelo at hindi pa isang tao kundi isang berbalangs”…
…napngiti na lamang si Lt.Forbes kasi alam din nito ang kalibre ng kasamang si kraven pag-dating sa mga labanan dahil ilang beses narin itong nakasama sa lalo na noong panahon pananakop nila sa india, afghanistan, Bangladesh at Nepal. O tinatawag noon na Hindustan. At alam din nito ang galing sa eskrema dahil nagpaka dalubhasa ito sa patalim sa loob ng 20 anyos. Pero ngayon para itong batang nagsusumamo na kailangan nilang makalayo kung talagang gusto pa nilang mabuhay pa at naalala pa ni Lt. Forbes na noong magkasama pa sila ni kraven sa isang mission sa kerala, india. na kayang kaya nitong tibagin ang maraming kalaban na gamit ang dilim ng gabi, putik, at jungle knife at meron pang pagkakataon na i-rescue nila sa isang retrieval arc mission. ang isang american journalist na babae, 5 british na mga nurses at 7 christian missionaries., mission accomplished ito na hindi man lang nagalusan ng malubha ang mga bihag at natibag nila ang isang battalion at sila ay limang platoon lamang. pag sinabing battalion binubuo ito ng apat hanggang anim na companies so approximately 1,000 sundalo ang isang battalion…
…at ang limang platoon naman ay inaabot ito ng approximately 200 hanggang 250 na mga sundalo. At umabot ang kanilang labanan sa loob ng syam oras na hindi man lang nagalusan si kraven. at ang pinaka matindi nilang karanasan ay sa bansang Gibraltar na dalawa lamang sila ang natira mula din sa limang platoon kontra o laban sa daan-daang mga sundalo bansang Gibraltar na matatagpuan sa Iberian Peninsula. ang Gibraltar ay panlabas na teritoryo ng United Kingdom sa ibayong dagat. matatagpuan ito sa katimogang bahagi ng Tangway ng Iberia sa Kipot ng Gibraltar na nag-uugnay sa Karagatang Atlantiko at dagat mediterranean at matatagpuan sa pagitan ng Europa at Aprika. pero ngayon halatadong hirap ito kahit iisa lamang ang kanilang kalaban. naputol na lamang ang alaala ni Lt.forbes ng biglang may tumalon sa kaliwang bahagi ng mga matataas at masusukal na puno. sa direction ni kraven. dahil mabilis din kumilos si kraven sinalubong nya ito ng frontal double high kick. at agad namang binaril ni Lt. Forbes ang nasabing halimaw pero mabilis itong tumakbo sa mayabong na mga kakahuyan at sa masukal na kagubatan. bagsak na patihaya si kraven na iniinda ang sakit dulot ng pagka bagsak dahil sa double kick sa halimaw. tuloy ang pagtakas ng dalawa. Takbo lakad na ang ginawa nila para maka-survive pa sa pinauna na ni Lt. forbes si kraven habang sya ang umaalalay sa likod nito at kaliwa’t kanang direction habang naka tutok ang dalang armas nitong british crete rifle sa masusukal na mga kagubatan ng isla ng “Cagayan de sulu”.
…inabot na sila ng gabi,inabot narin ng malakas na ulan, inabot narin ng matinding gutom. mahina narin ang stamina at durability nila ng dahil sa gutom at puyat. Idagdag pa na maraming dugo narin ang nawala kay kraven at may sugat pa. hingal na hingal, pagod na pagod at gutom na gutom at tanging tubig na lamang ng ilog at tubig ng maliliit na talon na lamang ang kanilang iniinom para maka survive sa lugar na kung tawagin ni kraven ay “ang lupain ng lambak ng kamatayan”dahil nararamdam na ni kraven na dito na sila mamamatay ni Lt. Forbes…
…malapit na sila…Oo malapit na sila sa evacuation point ng makarinig sila ng isang parang galit na galit na aso na ang tunog ay… …Grrrrrrrrrrrrrrrrrr……..Grrrrrrrrrrrrrrrr………grrrrrrrrrrrrrr……..grrrrrrrrrrrrr………
…napalingon na silang dalawa dahil malapit lang talaga sa kanila kung sakaling atakihin sila ngayon na mismo ay siguradong hindi na nila makakaya dahil mahina na sila. at nagamit na ang kanilang lakas sa mahabang lakaran papuntang evacuation point. ang tanging hangad na lamang nila ngayon ay mabuhay wala ng iba pa ”hindi na natin kailngan ng honor sa labanan ang kailangan natin ngayon ang maka survive” yan ang tanging nasabi ni kraven kay Lt.forbes bago nila takbuhin ng mabilis na sabay ang malapit at abot tanaw ng evacuation point. mahina man sinisikap nilang maka takbo ng mabilis para mabuhay pa sa halimaw. pa lingon lingon si Lt. forbes ay pa linga linga pakaliwa’t pakanan dahil ano mang oras ay aatake ang halimaw na berbalangs. at hindi nga sya nagkamali kitang kita nya sa masusukal mga puno ang pagtatalon nito na may palapad na pak-pak na nasa tantya nya ay nasa 7 feet ang haba kapag bumuka ng husto ang mga ito pero palagi itong naka tiklop na sakop ang buong katawan na nagmimistulang parang kumot ito sa katawan ng berbalangs kapag naka tiklop. kapag bumuka naman ay napakalapad na akala mo’y isang higanteng paniki…
…kunting kunti nalang nasa evacuation point na sila ng biglang sumaroso ito o umatake ito sa direction ni kraven, si kraven ang gustong gusto ng halmaw na berbalangs dahil sa angking tapang nito na gusto rin niya’ng tapatan ng galing at bangis sa larangan hand to hand combat. Hinang hina man pinilit paring bunutin ni kraven ang hunting knife at jungle bolo nito at habang naka upong naka luhod ang isang tuhod na umaasinta si Lt. forbes sa berbalangs habang papalapit kay kraven at bago paman nakalapit ang mabangis na halimaw kay kraven ay pinaputukan na ito ni Lt. Forbes gamit ang armas na british crete rifle. pero nag pang abot parin ang dalawa dahil a lakas ng bwelo ng mabangis na halimaw. nagmistulang nagyakapan ang mabangis na halimaw at si kraven habang gumulong-gulong sa lupa. Hindi maka tyempo ng clean shot si Lt. Forbes dahil baka tamaan si kraven…
…binunot rin ni Lt. Forbes ang jungle bolong dala nito at tumakbong papalapit sa dalawang nag lalabanan at napasigaw si kraven sa mga tusok ng matatalim na mga kuko at ngipin nito ang kanyang kaliwang binti. Habang panay naman ang reverse stab ni kraven sa kanyang braso. at doon napag tanto ni kraven na matigas pala ang balat nito na parang balat ng isang kalabaw na makunat kapag sinasaksak. at maya maya pa’y isang malakas na tomahawk slash ang binigay ni Lt. Forbes sa likod ng mabangis na halimaw. at umalingawngaw ito sa buong isla ang sakit ng dulot ng lakas ng paghampas ng tomahawk slash ni Lt.Forbes. kung kaya’t nakapagbigay ito ng atensyon sa mga Muslim na tausog na mga nangangaso doon na alam din nila na meron mabangis na hayop doon at “salot” kung kanilang tawagin. Salot na hayop ang tawag pa nila noon sa berbalangs wala pa itong pagka kilanlan noong mga panahong iyon sa mga tausog. at mabilis na tinunton nila kung saan nagmumula ang malakas na ingay na iyun. At doon nila natagpuan ang pakikipagbunuan ng dalawang tao sa isang mabangis na halimaw…
…at agad nila itong neresbakan ng matatalim na sibat na gawa sa matutulis na kawayan at mga itak na yari sa matitibay na bakal na kung tawagin ay “kris sword at kris dagger”. Pahirapang pakikipag labanan o pakikipag tungali pa ang nangyari bago napaluhod ang mabangis na halimaw na kung tawagin ay berbalangs. at sunod-sunod ang tusok ng mga matatalim na kawayan sa dibdib nito. Sabayan pa ng matatalim na mga kris sword ng mga tausug na Muslim. luhod sa lupa ang halimaw habang naka arko ang katawan na naka tingala paitaas ang ulo nito at tadtad ng mga sibat na kawayan ang malapad na dibdib nito. at dahan-dahang tinulungan ang dalawang banyagang manlalakbay na mandirigma. hindi man nagkakaintidihan sa wika batid ng mga banyagang Briton ang kagandahan loob na pinakita ng mga Pilipinong Tausog na Muslim ang pinakitang pagtulong sa kanila. At bilang respeto nakipag palitan pa si Lt. forbes at kraven ng patalim sa kanila ang mga Jungle bolo nito kapalit ng mga kris sword ng mga tausog bilang alaala na minsan nag-tulungan para magapi ang isang salot o mabangis na halimaw na berbalangs…
… at nagpakilala na nga ang aking ninuno na sya si Makhdum Mhukarim o kilala sa bansag na “Datu Sitangkai Putih” sa lugar ng tawi-tawi. at doon lahat sinalaysay nina Lt.Forbes at Kraven ang karansan nila sa barangay namin (hindi ko na babangitin kung saang lugar pa). habang ginagamot sila ng mga kapwa naming mga tausog na Muslim ay sya naman ang pag kwe-kwento ng dalawang banyagang mandirigma at patuloy parin nabubuhay ang kwentong ito hangga’t may nabubuhay sa angkan ng aming mga ninuno. Isang kwento na napakahirap paniwalaan dahil sa paglipas ng mahabang panahon, mahirap paniwalaan kahit na maraming naka saksi at maraming naka kita at maraming nakakalaam…
… at para sa iilan ay ito ay ka-hangalan lamang. pero sa aming mga Muslim ito ay isang ginintuang kwento na hinding hindi mo makikita sa kahit ano mang libro. at habang patuloy ang aming lahi patuloy din na lalaganap ang kwentong ito na hindi isang likhang isip. bagkos isang katotohanan na nangyari sa Bansang Pilipinas. Na hindi umabot sa Luzon at visayas dahil pinaka iingatan ito ng aming mga ninuno.at iilan na lamang sa aming lahi ang nakaka alam nito kaya’t napag desisyunan naming ibahagi ang kwentong ito bago paman maubos ang aming lahi. isa ako sa mga lahi ni Datu Sitangkai Putih na kung tawagin ay Omar Abdullah Mukharim…
The End
Full Credits to Ang Manlalakbay na Manunulat.
Mt. Arayat
Mt.Arayat Isinulat Ni: Giovanni Pido YouTube Channel: Ang Manlalakbay Na Manunulat YouTube Link: https://youtube.com/channel/UCEzg0Q-f3P4sZbQsuX8n78w
Ang Mt. Arayat ang pinaka mataas na bundok sa Pampanga at tinatawag din itong Bundok Mariang Sinukuan. Isa din itong potensyal na aktibong bulkan.
Ang naturang bulkan ay makikita sa patag na munisipalidad ng arayat Patungong kanluran ay ang lungsod ng Angeles sa lalawigan ng Pampanga sa pulo ng Luzon. na may layong sampung milya.
Itinuturing ang bundok na ito bilang isang mahiwagang bundok, ang mala-alamat na tahanan ng diwatang si Mariang Sinukuan batay iyan sa mga alamat ng mga kabundukan dito sa Pilipinas.
at sa mga hindi pa nakakaalam ang unang pangalan ng bundok na ito ay bundok kalaya at ang ibang katutubo ang tawag dito ay bundok Alaya at kalaunan pagkalipas ng mahabang panahon ay naging bundok arayat O Mt.Arayat.
lumipas ang mga panahon naging tahanan din ito ng mga sinaunang Pilipino na nainirahan sa nasabing bundok. at 1970’s May ilang ulit na ring pag-tatanggi sa mga balak ng pagtatayo ng antena ng radyo sa tuktok ng bundok. kaya nagdulot din ito ng munting kaguluhan noon.
at mayroon ding mga lumaganap na balita noong pang 1980’s na pagkatapos putulin ang Isang malaking puno doon ay namatay sa aksidente ang grupong pumutol sa puno na malapit sa paanan ng mt.arayat.
at noong taong 1986 buwan pebrero petsa biente sais ay inakyat namin ang bundok na ito kasama ang mga grupong Anak pawis at grupong karapatan. katatapos lamang ng EDSA Rebolusyon noon at naisipan naming magpalamig muna sa kabundukan ng pampanga.
namalagi kami dito ng dalawang linggo gamit ang mga tolda at Luna na syang pansamantala naming tahanan sa bundok arayat at kampo ang tawag namin dito dalawa ang tahanan O kampo namin na itinayo dito.
Isa sa South peak at Isa naman ay nasa north peak dahil ang mt.arayat ay Mayroong dalawang tugatog ito ang hilagang tugatog at timog na tugatog.
at dito nga kami naka pwesto sa hilagang tugatog ng bundok O north peak at sa unang limang araw namin ay may naririnig ang mga kasamahan ko sa grupo na di pang karaniwang ingay.
tunog ito ng Isang hayop Pero hindi matiyak kung anong Uri ng hayop ang tunog nito. at noong pang anim na araw ay namatay ang Isang miembro namin nagulat nalang kami Isang Umaga na naka handusay na lamang ito sa lupa at may sugat sa leeg at wala na itong dugo na Tila ba sinipsip ang lahat ng dugo nito.
na alarma ang leader ng dalawang grupo kung ano at sino ang may kagagawan nito agad naming pinaalam sa naka kampo doon sa mga taga timog O South peak.
at agad naming pinatibay ang mga tolda at mga Luna at tent na gamit namin at palagi narin kaming may naka handa na patalim baka sakaling umatake na naman ang hayop na iyun.
sa ikapitong araw ay halos hindi kami natulog sa kakaabang sa susunod na mangyayari. may mga kasamahan kaming naka masid sa taas ng mga puno meron din naka masid sa loob ng tent at naka silip sa maliit na bintana nito.
at ako naman ay nasa parteng taas ng malaking bato. sa tulong ng maliwanag na buwan ay kitang kita ko ang Isang hayop na alanganing kambing, alanganing pusa at alanganing aso. nasindak ako sa nakita ko at nagimbal sa hitsura nito na naka Yuko ang ulo sa lupa na para bang ulo ng ahas na gumagapang at nakaka lakad ito ng Mabilis ng nakaharap at nang pabaliktad.
at hindi lamang ako ang naka kita nito saksi ang apat pang kasamahan ko sa grupo at kinabukasan ay nagimbal kami sa balita dahil dalawang katao ang sinipsip nito sa leeg at ubos ang dugo doon sa kampo ng tugatog ng timog o south peak.
nag usap usap kaming lahat kung mamalagi Parin ba kami dito sa Mt.arayat o babalik na sa Maynila hanggang sa napag pasyahan namin na manatili muna dito ng ilang pang mga araw.
at ang Sabi ng nakakataas sa amin ay kailangang mailibing ang mga Bangkay ng mga namatay na at dapat walang bakas na maiiwan at napag kaalaman naming lahat na ang nilalang pala na sumisipsip ng dugo ay walang Iba kundi ay Isang SIGBIN.
Ang Sigbin ay isang nilalang sa mitolohiya ng Pilipinas na sinasabing lumalabas sa gabi upang sipsipin ang dugo ng mga biktima mula sa kanilang mga anino. Sinasabing lumalakad ito nang paatras na nakababa ang ulo sa pagitan ng mga hita nito, at may kakayahang maging invisible sa paningin ng ibang mga nilalang, lalo na ng mga tao.
at Mabilis na sumapit ang Ika labing dalawang araw muling bumalik ang SIGBIN at sa pagkakataong ito ay naka handa na kaming lahat at habang nagmamasid ito sa tuwing alanganing oras ng Gabi at sa tuwing kabilugan ng buwan.
habang nagmamasid at gumagapang ito sa palibot ng tent ay hinagisan ito ng leader namin ng kulambo na Mayroong pabigat na bato sa apat na sulok at mahabang tali. pagkabagsak ng kulambo Mabilis na inapuhap ng mga kasamahan ko ang apat na dulo ng kulambo para hindi na maka alpas pa ang sigbin at Hawak ko naman ang Isang gulok at agad ko itong tinalon at sabay hinampas ko ng dalawang sunod.
Isang may kalakihang bato naman ang hinampas ng Isang kasamahan namin kaya’t naka nga-nga ang nguso nitong naka handusay sa lupa at dahan dahan namin itong pinag masdan.
malinaw na sigbin nga ito. at ang hitsura ng mukha nito ay parang sa pusa na may mahabang pangil at ang katawan nito ay mukha ng isang kambing at pwedi ding katawan ng Isang aso at ang balat nito ay parang balat ng baboy.
may kahabaan ang leeg nito ikumpara sa ibang mga hayop at ang mga paa nito ay parang mga paa ng tao at ang Kamay nito ay parang Kamay din ng tao.nakakakilabot Kong titigan mo ng husto. at talagang tatayo ang malahibo mo sa hitsura nitong may kulubot pa sa noo na animo’y parang Isang tao na mukhang pusa. at Isa ako sa magpapatunay na totoo ang Sigbin at hindi ito Isang alamat lamang…kundi Isang katotohanan…
ang Inyong lingkod Aurelio Costales Lagman.
Wakas
©Ang manlalakbay na manunulat
-PLAGIARISM is a CRIME-
Kwentong Takipsilim sa Mt. Manalmon
Kwentong Takipsilim sa Mt.Manalmon Isinulat Ni: Giovanni Pido YouTube Channel: Ang Manlalakbay Na Manunulat YouTube Link: https://youtube.com/channel/UCEzg0Q-f3P4sZbQsuX8n78w
…taong 1997 nang umakyat kami ng Dahong Talahib Mountaineers sa Mt.Manalmon. ang Mt. Manalmon ay makikita sa San Miguel, Bulacan. Bagama’t isang burol lamang ito ay nagtataglay ng mga magagandang tanawin Lalo na ang magandang kweba na meron dito tulad ng Madlum River, na ang mga pormasyon ng bato ay katumbas ng Isang matibay na gusali at kapansin-pansing ang tahimil at madilim nitong kapaligiran…
…gayundin ang kalapit na kweba nito tulad ng Bayukbok Caves. at dito nakaranas ng kababalaghan ang pinsang kong si Diego noong kabataan nya at palagi nya itong kwene-kwento sa amin ang karanasan nya noon at palagi nya din kaming pinaaalahanan na wag na wag naming puntahan mag-isa ang bundok ng manalmon, dahil minsan na syang pinaglaruan dito….
…ang pag-akyat namin sa summit ay talagang matarik ngunit ito ay napaka-manageable kahit para sa mga baguhang mga Manlalakbay. at ang madadaanan mo dito ay mga nakatambak na bato at putik na may mga ugat na paminsan-minsan ay nakausli. umaabot ito ng mahigit isang kilometro ang haba. minor climb lamang kung turingan ang Mt. manalmon Pero madulas ang mga daan paakyat dito…
…pagkatapos ng may kahabaang Pag akyat makikita mo dito magandang tanawin at ang “view deck”na nag-aalok ng malawak na tanawin ng lambak at mga kalapit na taluktok mga bundok. at ito ang pinaka highlight ng trekking ang marating ang taas nito, pwedi ring mag kamping pagkatapos masilayan ang magandang kweba at magandang ilog dito at mag picture taking sa summit Lalo na sa tuktok ng Mt. Manalmon…
…at sa tuktok ng Mt. Manalmon ay makikita mo ang hanay ng Sierra Madre sa silangan, at Mt Arayat sa hilaga. gayunpaman, ang mga mabatong pormasyon ng ilog na mula pang noong 18 century na kuweba ang hindi malilimutang pakikipagsapalaran ng bawat manlalakbay sa Mt.Manalmon. dahil hindi lamang ito basta bundok, ito ay mayroong kweba at may ilog din…
…ako si Stella Lucero Gallenero at ang e kwe-kwento ko sa Inyo ay karanasan ko mismo sa Mt.manalmon…
… mag tatakipsilim na ng umakyat kami ng Mt.manalon. apat lang kami na purong mga Babae. miembro kami ng grupong Dahong Talahib Mountaineer dito Maynila at kaming apat ay marami-rami nating bundok na naakyat at nakapag attend narin ng BMC o basic mountaineering course…
…may mga hitsura kaming apat mga balingkinitan ang mga pangangatawan namin at Mapuputi kami idagdag pa blonde ang mga buhok namin kung kaya’t agad pansin kaming apat sa lugar na iyun noong paakyan palang kami ng dapit hapon…
…noong Taong 1997 walkman na Casette tape palang ang gamit namin at ang tent namin ay A type na style ng tent kung kaya’t kung may ingay man sa labas ay maririnig mo talaga ng malinaw…
…nasilayan namin ang ganda ng tanawin sa taas ng bundok ng manalmon Habang nakikinig ng musika sa walkman na casette tape at pinagmamasdan ang ganda ng Takip Silim sa taas nito…
Sabi pa ng kasama Kong si Vivian ay…
“wow ang ganda ng sunset”
talaga maganda Lalo na humahalo ang itim sa kulay kahel at idagdag mo pa ang kulay Lila ng ulap na yumayakap sa mga bundok na natatanaw mo roon…
…at kumakagat na ang dilim nun sa campsite at naka loud speaker naman ang walkman casette tape ko at nangilabot ako sa narinig sa sounds ng walkman dahil nahaluan ng kanta ni Julie vega na pinamagatang somewhere in my past…
“ I met you just tonight but i keep wonderin’ why
It seems i’ve always known you all my life I held you only once but ikeep wonderin’ why It seems i’ve held you forever.
Can’t it be true, could i be wrong That somewhere in my past i fell in love with you.
Can’t it be true, could i be wrong That somewhere in my past there was also me and you. “
…si julie vega ay Isang singer at actress na namatay na nang matagal ng panahong. pero bakit kaya lumabas sa walkman casette tape ko ang boses nito? gayong wala naman akong tape ng mga Kanta nya at sumasbay pa ito sa Kanta na tumutunog doon sa walkman ko…
…natahimik kaming apat nangilabot kami agad kaming natulog ng maaga noong gabing iyun dahil sa kakaibang karanasang iyun…
…sa isang malaking A type tent kaming apat na tulog na iyun pa ang usong using tent noong panahong yun. at pinag usapan nga naming ang nakakakilabot na kumanta kanina sa walkman dahil hindi pangkaraniwan ang pangyayaring iyun…
…naka tulog na nag tatlo kong kasama pero ko tulog mnok lang ibig sabihin gising ang diwa ko….
sa sobrang tahimik ng gabi ay parang may musika akong naririnig at sa pagkakataong ito ay palakas ng palakas…
…may malapit ba nag kokonsyerto dito? tanong ko sa sarili ko at dahil hindi ako mapakali binuksan ko ang tent at lumabas ako at sinundan ko kung saan nag mula ang musika iyun…
…tama nga ang hinala ko sa Ibaba banda ng Mt. manalmon ay may fiestahan at matingkad at nakakasilaw ang mga ilaw dito. pinilit kong makita kung sino ang mga panaohing pandangal…
nagulat ako nang nakita ko ang magsasalita sa entablado ay si Julie vega…
napa atras ako nang makitang nagsasalita si Julie vega at nangilabot ako.
dahil matagal ng patay si julie vega noong pang taong 1985 at paanong nangyari na ito? tanong ko sa sarili ko.
napa atras ko at nabangga ko ang babae sa likuran ko at agad naman bumulong ito sa tenga ko nang…
“Iha bakit parang natatakot ka?”
sa narinig ay mas Lalo pang lumakas ang kilabot ko sa katawan.
…at aalis na Sana ako at nang makita ko ang babae sa likuran ko na nag tanong kanina ay nasindak ako dahil Isang matandang mukha ni julie vega ang nakita ko harap harapan…
tumakbo ako pabalik sa tent namin pero hindi ko na alam kung saan ang daan pabalik sa tent sa taranta ko di ko na alam kung saang direksyon ang patutunguhan ko sa takot…
…hanggang sa kalaliman ng gabi ay wala na akong makita kung ang kadiliman lang at umupo na lamang ako at umiyak ng umiyak…
…kinabukasan nagulat na lamang ako ng ginigising ako ng mga kasamahan ko at may kasma na silang mga taong taga roon. at umiyak akong yumakap sa mga kasamahan ko Habang umiiyak na sinasalaysay ng mga pangyayari kagabi sa kanila…
…at sabi ng tatlong kasama ko ay bukang liwayway palang ng mapansin nilang Wala na ako sa loob ng tent at pinilit nilang tatlong bumaba at humingi ng tulong sa mga taong malapit na nakatira doon…
at sabi pa ng mga taga doon na paminsan minsan daw ay talagang nagppakita sa mt.manalmon at karamihan sa nagsasabi ay si julie vega nga ang nagpapakita dito sa Mt.manalmon. dahil kinuha nga daw ito ng mga engkanto noong panahong nag shooting sya sa Isang lumang bahay sa paanan ng bundok na ito…
…at sa nangyari sa akin ay malinaw na na-engkanto nga daw ako. ayun sa mga taong nakatira dito malapit sa Mt manalmon at dapit hapon na nang makita nila akong naka handusay sa Isang malayong masukal na lugar at malayo iyun sa campsite namin kung saan naka tayo ang tent namin….
…at pagkabalik sa campsite agad kaming nagligpit at naglinis ng aming mga kalat at magtatakipsilim na nung lisanin namin ang mahiwagang bundok na iyun…
…magmula noon ako naman ang nag kwe-kwento sa mga pinsan ko lalong-lalo na sa pinsan kong si diego na minsan narin akong pinag laruan sa bundok na ito at patuloy ko pang ibabahagi ang nakakarimarim na karanasan kong ito at ito ang aking kwentong takipsilim sa Mt.manalmon…
Wakas
©Ang manlalakbay na manunulat
Aswang Sa Mt. Palali
Aswang sa Mt.Palali Isinulat Ni: Giovanni Pido YouTube Channel: Ang Manlalakbay Na Manunulat YouTube Link: https://youtube.com/channel/UCEzg0Q-f3P4sZbQsuX8n78w
…isa akong hiker, climber o mountaineer O mas tanyag sa salitang Manlalakbay sa kabundukan ng norte. halos lahat ng kabundukan dito sa parte ng Norte ay naakyat na ng aming grupo. tawagin nyu na lamang akong Nik O Nicholas Castillo Padilla.
…taga barrio Villaverde, Nueva Vizcaya ako at Isa ito sa mga karanasan Kong kailanman ay hindi ko makakalimutan. bago ko isalaysay ang mga kakaibang nangyari sa akin sa mt. Palali hayaan ninyo muna akong isalarawan sa Inyo ang magandang bundok na ito ng luzon.
…taong 2011 nang umahon kami ng matalik Kong kaibigan ko sa Mt.Palali. miembro din ito ng Atake sa Norte Mountaineering Society. palaging madaling araw kung aakyat kami ng mga kabundukan dito sa Norte. pero ngayon night trek kaming umakyat ni Wilmer ang matalik Kong kaibigan at kasangga ko sa akyatan.
…ang Mt. Palali Ay matatagpuan sa Barrio ng Maddiangat sa lungsod ng Quezon sa lalawigan ng Nueva Vizcaya.
…tanyag ang mt.palali sa mga mountaineers ng Nueva Vizcaya Lalo na ang magaspang na kalsada ang madadaanan mo paakyat sa bundok na ito at ang kagubatan nitong mayaman sa ibat ibang Uri ng magagandang mga ibon.
…at tulad ng sa maraming bundok ang Mt. Palali ay nagbibigay daan sa isang magandang tanawin ng Pilipinas Lalo na ang malawak na kagubatan nito.
…Ang masukal na kagubatan na ito ay idineklara kamakailan lamang bilang isang ‘protektadong lugar’ at dapat na igalang Pati narin ang mga hayop sa bundok na ito Lalong Lalo na ang mga ibon kasama narin ang iba pang mga ligaw na hayop.
…ang kagubatan ng Mt. Palali ng Nueva Vizcaya ay Isa pinaka mayamang gubat dito sa luzon Lalo Lalo na dito sa Norte at ang Iba pang parte ng bundok na ito ay hindi pa naaakyat ng mga Manlalakbay O Mountaineer.
…at may tinatawag ditong “haring bato” kapag maabot na ang halos Kalahati ng mt. Palali Pagkatapos ng mahabang lakaran mararating dito ang landmark na kilala bilang “Haring Bato”.
…at ang “haring bato” ang syang nagbibigay alamat sa magandang bundok na ito ng Nueva Vizcaya. at kaming mga mountaineer dito sa Norte ay malaki ang respeto sa haring bato ng Mt.Palali.
…pero Isang Gabi noong nag night trek kami ni Wilmer ay naikwento pa nito ang nangyaring pananalakay ng Aswang sa barrio Villaverde. nagulat ako sa Kwento ni Wilmer na iyun dahil hindi ko Alam ang Kwentong aswang na sinasabi nya sa akin gayong taga Villaverde naman ako. at sinabi pa nito na…
“maraming taga Villaverde ang naka kita bro. Lalo na doon sa ating nayon. Isang babaeng naka Sabit sa Sanga ng punong caimito ang kanilang namataan at ang mahaba nitong buhok ay nakatabon sa mukha nito kaya di makilala Pero may suspetsa na ang mga Taga roon na ang babaeng Dayo daw ang aswang”
Kwento nito sa akin at agad naman akong nag tanong sa kanya na…
“pre ang sinasabi mo bang Dayo yung nagbebenta ng hipon at alimango sa Daan sa labasan?” kung sya nga pre nakipag usap pa ako sa kanya kanina at tinanong pa nga ako kung saan ang bakasyon ko. tapos ang Sabi ko nga ay magpapahangin lang dito sa bundok ng Palali. sigurado Kang aswang Yung Babae na iyun pre?“
agad naman itong nagsalita na…
“Oo pre siguradong sigurado ako yan nga dapat nag e kwe-kwento ko sayo sa taas ng bundok Pero nasabi mo na nakipag usap kapa sa babaeng yun maaring may pakay sayo Yun”
…sabi sa akin ni Wilmer habang binabagtas ang kahabaan ng trail ng Mt.Palali at habang naglalakad paakyat nakaramdam ako ng kilabot ng may marinig kaming mga ibon na parang huni ng tik-tik.
“pare narinig mo yun?”
Sabi ko Kay Wilmer na nangingilabot. agad naman itong nagsalita na
“bro aswang nga ang tunog na iyan. tunog ng Isang tiktik yan bro. ibig sabihin nasundan tayo dito sa bundok”
Sabi ni Wilmer sa akin na syang nagpakilabot sa Batok at leeg ko.
“hindi kaya huni lang ng ibon ang mga ganyang tunog pre?”
…tanong ko ulit sa kanya Pero ang totoo ay nakaramdam na ako ng kilabot sa Batok ko.
at bigla itong nag Sabi na……
“bro patayin natin ang headlamp natin at humiga tayong nakatihaya sa lupa tapos Iwan nating nakatayo ang back pack natin at pakiramdam natin ang paligid”
…agad naman akong sumang ayon sa sinabi ni Wilmer at sabay kaming tumihayang dalawa at pagkalipas ng mga kinse minutos ay may nakita kaming malaking itim na ibon at dumapo doon sa banda paanan namin sa may di kalayuan at Maya Maya pa ay dumapo ito sa backpack naming dalawa palipat lipat at nagpa linga-linga.
…sa nakita ko ay tumayo ang balahibo ko at nanigas ang katawan ko hindi man ito literal na aswang Pero ang tiktik ay Isang alaga ng mga Aswang at ito ang mata at tainga ng mga aswang malakas din ang pang Amoy nito at higit sa lahat ito ang nagbibigay signal sa mga aswang kung nasaan ang pwesto ng bibiktimahin o kung may panganib ba o wala.
…mula alas onse ng Gabi hanggang alas tres ng madaling araw ay pa ikot ikot lang sa paglipad ang ibong tiktik na iyun at hindi na kami natulog nakiramdam nalang kami sa buong magdamag. at sa may di kalayuan ay may naririnig kami na parang malamim na pag hingal Pero di namin matukoy kung saan nagmumula.
…wala kaming ibang ginawa kundi ng nanalangin sa isip at kung sakali Mang sumalakay ang lumilikha ng tunog na iyun wala kaming magagawa kundi ang lumaban . Pero ngayong nakahiga lang kami wala kaming magawa kundi ang hinihintayin ang Pag sikat ng araw hindi na kami kumibo pa. patago naming sinisilip ang relo namin at tanging liwanag ng Bilog na buwan at Bituin ang nagbibigay ilaw sa aming paligid.
…at pagsapit ng alas sinko y medya ng madaling araw ay Mabilis naming binagtas ng Mt.palali pababa ng dahil sa takot at ng dahil narin sa naranasan namin kagbi.
…pagdating namin sa barrio namin sa Villaverde ay agad naming pinagkalat sa mga ka kilala namin mga mountaineers at mga taga doon na “Inaswang” kami kagabi Mayroong mga naniniwala sa amin at mayroon din namang Tamang hinala lang Pero sigurado ako at Si Wilmer na aswang nag naKita naming dalawa.
…lumipas ang dalawang taon March 28,2013 naibalita sa 24 Oras sa GMA news na may namataang aswang sa aming barrio doon sa villaverde sa lalawigan ng Nueva Vizcaya sa parte ng Luzon sa bandang Norte…..
Wakas
yours truly,
Nik Padilla ng Norte.
©Ang manlalakbay na manunulat
Ang Misteryo sa Mt. Banahaw
Ang Misteryo sa Mt.Banahaw Isinulat Ni: Giovanni Pido YouTube Channel: Ang Manlalakbay Na Manunulat YouTube Link: https://youtube.com/channel/UCEzg0Q-f3P4sZbQsuX8n78w
…taong 1996 nang una kaming umakyat sa Mt. Banahaw kasama ang mga kabarkada ko noon lahat sila ay lalaki at ako lamang ang nag iisang babae. ang Mt. Banahaw ay matatagpuan sa boundary ng laguna at Quezon province Isa itong tanyag na bundok sa mga mangagamot dahil ang mga albularyo ay pumupunta dito kapag mahal na araw…
..tawagin nyu na lamang akong Rhennah o “Reyna” dahil Reyna nga ang tawag nila sa akin dahil narin sa pangalan Kong “Rhennah” o Rhennah Nicole Balladares sa tunay na pangalan. masaya naman ang adventure namin noon ng mga kasamahan o mga kabarkada ko hanggang sa nagkahiwalay na kami noong school. hanggang sa nagkaroon kami ng mutual understanding ni Dave at naputol na lamang ang aming kominikasyon noong nag aral na ito sa estados Unidos ng dalawang taon…
…Mabilis na lumipas ang dalawang taon… taong 1998 noon Nasa harap kami ng school sa Santa Rosa science and technology highschool dito sa laguna. kasama ang mga kabarkada ko at nag uusap kami tungkol sa Isang pang malakasang adventure ulit sa Mt.banahaw.
…naakyatin nga raw namin muli iyun. at agad namang sumang ayun lahat sa napag usapang plano hangang sa natigilan na lamang kami ng may pumaradang itim na van sa gilid malapit sa isang malaking punong ipil-ipil…
…hinabol ko ng tingin ang isang lalaking kahit likod niya ay kilalang kilala ko, nadagdagan nga lamang ng tikas na hiram sa kung saang bansa siya nagmula dahil halata sa estilo ng kanyang kasuotan.
“Dave… Si Dave yun ah mas lalong nagkalaman ang braso nito at nadagdagan pa ng masel at tumangkad na siya ngayon”
Bulong ko sa aking sarili. Na medyo ikinubli ang aking mukha sa pagbaba ng kaunti sa aking sobrero dahil medyo nakaramdam ako ng hiya sa mga oras na yon.
Nakita kong tumingin siya sa dereksyon ko kaya naalarma ako lalo na noong kumaway siya. HIndi ko alam kong kakaway ako o tatalikod , napagpasyahan kong sagutin sana ang kaway niya ng nagsalita siya…
“Guys Kumusta na kayo “ sabi niya sa dalawa naming kabarkada sa likod ko at nilampasan ako . At yong naka handang kaway sana na igagawad ko ay unti unti kong ibinaba dahil sa lubos na pagkapahiya….
Narinig ko na lang na sinabi ng dalawa naming kabarkadang lalaki na
“ahh si Rhenna ba kamo? Hayon oh! Nilampasan mo ! Hindi mo ba nakita ?” Natigilan ako sa narinig ko at para akong mauupos na sa hiya.
Paandarin ko sana ang motorbike ko noong tawagin ako ni Dave
“ hello Rhennah ! Ikaw pala yan sorry! Di kita namukhaan, halika rito .“
Tawag sa akin ni Dave
…lumapit ako sa kanila at medyo nahiyang ngumiti at ngumiti din si Dave. Napansin yata niyang namula ang aking pisngi dahil hinaplos niya ito at sabay sabing“ oh namumula kana agad Reyna ko“
Sabay lahat nagtawan lalo na si Oscar ang lakas ng kantyaw.
“ oh saang simbahan at ihahatid na namin kayo?“ Wika ni Oscar“
“ kung gusto nyo ganapin ang kasalang yan mas maganda sa Mt.Banahaw. doon mismo sa ilog o batis ba ang tawag doon “ Suhestyon ni Oscar
…Nakaramdam ako ng lamig sa buo kung katawan ng banggitin ni Oscar ang Mt.Banahaw Parang kumalam.ang sikmura ko sa takot ng maalala ko ang nangyari sa akin noong 1996 dahil lingid sa kaalaman nila ay may nakita Akong babaeng kulay itim lahat ng mata at nakipag titigan pa ito sa akin doon sa ilog Pero sinarili ko na lamang at hindi ko na pinagsabi pa…
“ Ako.gusto kong subuking muli ang pag akyat dahil gusto kong marating yong magandang ilog at batis, diba Oscar?“
Wika ni Dave na nakangiti sa akin.
“ Sure ka ba Dave gusto mo ulit makarating sa bundok na iyon?“ Tanong ko.
“ Oo at palaging Oo basta nasa tabi kita.“ Sagot niya na kumindat pa.
…nagbago na siya , nabawasan na ang pagiging mahiyain nito pero bakas parin ang kababaan ng loob niya na kahit pa sabihin nating nabahiran ng ugaling kanluranin ang ugali ay nasa puso parin nito ang typical na mapagpakumbaba.
“ Kailan ninyo balak umakyat?“ Tanong ko.
…ang sagot ni Victor at oscar ay sa susunod na linggo raw sakto naman na wala kaming lakad lahat at sinasamantala mam ang bakasyon…
…araw ng sabado lahat kami ay handa na , nakasuot ako ng leggings longs sleeves na blue green shades at sobretong beige. nagdala din ako ng habak, luyang dilaw at mga coins sa bulsa dahil ayun sa matandang Paniniwala ay mabisa ang mga ito laban sa masasamang Elemento..
…lumakad na kami habang panay naman ang paalala ni Victor sa amin na wag masyadong maingay “Mariit” daw ang lugar “Mariit” ang tawag sa lugar na maraming nakatirang mga masasamang Elemento tulad ng maligno meron din namang mabuti Pero bihira lamang ito…
…si Victor at taga Bacolod City kaya marami din itong Alam tungkol sa mga lamang lupa dahil “Mariit” din daw ang mga kabundukan sa Bacolod city…
…noong nasa paanan na kami ng Mt.Banahaw ay nakaramdam ako na parang may sumama sa amin na mga anino .dahil nakaramdam ako ng panlalamig. sa aking katawan Pero sinawalang bahala ko na lamang iyun…
…sa paanan ng bundok Sabi ni Victor medyo mahamog nga daw ang bundik na ito ngaun pero hindi naman lahat ng parte ay may fog kaya wag kaming humiwalay sa bawat isa para hindi kami malayo. apat lang naman kami ako at sila Dave, Oscar at Dave at ako lang ang Babae. medyo boyish pa kasi ako nung panahong iyun magdasal muna tayo sabi ni Victor at si Oscar na nga ang nanalangin bilang tanda ng paggalang sa mga nandoong mga elemento at sa nagmamay ari ng teritoryong iyon….
…Biglag humawak sa aking kamay si dave ramdam ko yong lambot ng kanyang palad at tila may mumunting karayom na tumutusok tusok sa aking dibdib dahil sa tuwa at kaba o tinatawag din itong kilig sa pabalbal na salita Gusto ko ang pakiramdam na iyun Pero hindi ko gusto ang pakiramdam sa mt.banahaw..
…dahil para bang may nagmamasid sa aming paligid. nauuna sina Oscar at Victor ako at Si dave ang magkasama. pagkalipas ng tatlong oras na lakaran nag Sabi agad so Victor na…
“guys merong hindi Tama sa lugar na ito may nakita Akong karo na kulay puti na dumadaan sa banda doon…doon mismo sa kakahuyang iyun”
…sa sinabi ni Victor ay agad Kong Kwento sa kanila ang babaeng kulay itim ang mata na nakita ko noong pang 1996 na hanggang ngayon ay hindi ko Parin nakakalimutan at doon ko yun nakita sa may ilog at bukal.
…at inamin din ni Oscar na may nakita syang hugis kamatayan na anino Pero hindi Rin Niya iyun inamin sa amin para hindi kami matakot pero ngayong naisatinig na ang lahat nakaramdam na ako at ang Bawat isa sa amin ng kilabot…
…hindi na kami tumuloy pa at napag pasyahan na naming bumaba na ng Mt. Banahaw at nagimbal kami sa mga sumunod na nangyari.
…dahil ang una naming nakita ay ang malaking aninong naka sakay sa kabayo. agad kaming natigilan sa nakita at ang pangalawa naming nakita ay ang Karong puti na dumadaan mismo sa harapan namin at naguluhan ako sa mga pangyayari dahil paano nagkaroon ng dasakyan ng patay sa lugar na ito at ito rin ang sinasabi ni Victor kanina na nakita nya sa taas ng bundok.
…tumayo ang balahibo ko sa Batok sa nakita. pagkababa namin ay iyan at iyan lamang ang naging paksa namin mula sa karenderia na pinagkainan namin hanggang sa maka uwi kami ng bahay namin.
…pagkalipas ng tatlong araw nabalitaan nalang namin na namatay na si Dave nakita na lamang na nakadapa ito sa kanyang kwarto at wala nang buhay at ayun sa pamilya nya ay binangongot ito o tinatawag na pancreatic deceased sa medical terminology.
…sobrang nag Luksa ako at ang mga kabarkada namin sa nangyari dahil kung di kami punta ng Mt. Banahaw marahil hindi nangyari ang ganito.
…at ngayong taong twenty twenty two…. twenty four years na ang lumipas ang mga Alaala ni Dave ay nanatiling buhay sa aming magbabarkada kahit nabawasan kami ng Isa ay solido Parin kami at kapag nagkikita kita kami sa Pilipinas ay pinapasyalan namin ang puntod nya.
…ngayon Isa na akong head nurse dito sa Toronto, Ontario Canada at kapag nababangit ang pangalang Mt.Banahaw ay naalala ko si Dave at sya ang nag iisa Kong hari.
Wakas
yours truly,
Rhennah o “Reyna” ng Canada
©Ang manlalakbay na manunulat

