loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
HOW LONG WILL LANCE ALCARAZ STAY?

HOW LONG WILL LANCE ALCARAZ STAY?

Aboutfictionx · 2 chapters · 1,637 words

Warning:

This story revolves around a gay-to-straight-male relationship. If you are not comfortable with this type of story, you are free to exit.

Additionally, this story contains strong language, instances of harassment, discussions about HIV, and sexual content that may not be suitable for all readers.

Warning: This story is intended for mature audiences. It tackles sensitive themes such as HIV, discrimination, emotional trauma, and relationships. Reader discretion is advised.

• Grammatical errors may be present. Please respect the writer’s decisions regarding the story’s flow, ending, and character development.

• Allow the characters to express themselves fully-their emotions, attitudes, flaws, and imperfections are part of their journey.

• This story aims to raise awareness and understanding about HIV while telling a fictional story. Any medical information presented should not replace professional medical advice.

NOTICE: I do not own the photos featured in this story. Credit goes to their rightful owners. All images used are not mine.

HOW LONG WILL LANCE

ALCARAZ

STAY?

A

BL

Story

BY: ABOUTFICTIONX

Date Started: June 24, 2026

Date Finished:



HOW LONG WILL LANCE

ALCARAZ

STAY?

by

Aboutfictionx

Boys’ Love Story

Gusto lang maging tahimik at maayos ang huling semestre sa kolehiyo ni Sid Jimenez, ngunit naging mas mahirap ito kaysa sa inaasahan niya. Hindi niya akalaing haharap siya sa mga sitwasyong magpapabago ng takbo ng kanyang buhay.

Enter Lance Alcaraz-ang kaklase ni Sid na tila walang ibang ginawa kundi ang bantayan at samahan siya palagi. Ngunit hindi ito ikinatutuwa ni Sid dahil sa isang dahilan na pilit niyang itinatago.

Habang lumilipas ang mga araw, nahihirapan si Sid sa mga pagbabagong nangyayari sa kanya. Naging masungit siya, madalas makalimot, at unti-unting nagiging ibang tao sa paningin ng mga nakapaligid sa kanya. Ngunit wala siyang magawa kundi tanggapin ang mga pagbabagong ito.

Sa kabila ng lahat, patuloy pa ring nananatili si Lance sa kanyang tabi. Ngunit kapag hindi na maintindihan ni Lance ang mga kilos at ugali ni Sid, hanggang kailan niya ito matitiis? Mananatili pa rin ba siya kapag nalaman niya ang tunay na sitwasyon ni Sid?

How long will Lance

Alcaraz

stay, despite everything?

Chapter 1:

Sid Jimenez’s POV

Gusto ko mang tumanggi kay Vhia, pero hindi ko magawa. Sinama kasi niya ako sa canteen dahil bibili raw siya ng lumpiang gulay at baka maubusan. Ako naman, naduduwal dahil sa amoy ng pagkain. Tatlong araw na itong nangyayari sa’kin at wala talaga akong gana kumain. Nakakaramdam din ako ng pagkapagod, siguro dahil sa pag-akyat-baba ko sa iba’t ibang room. Palipat-lipat kasi kami ng section dahil 40 minutes lang naman ang oras nila sa subject ko.

Currently, I’m taking my internship at the nearby junior high school para kaunti na lang ang lalakarin ko kapag may pasok ako ng 6:00 ng gabi.

“Tulala ka na naman. Kumain ka kaya diyan.” Bumalik ako sa sarili ko nang marinig ko ang maingay na boses ni Vhia.

“Wala akong gana. Tsaka pagod ako.”

“Pagod ka? E ’di kumain ka.” Sabay subo niya ng lumpiang hawak niya. “Sigurado ka bang hindi ka bibili? Para makabalik na tayo sa faculty.”

Tumango na lang ako bilang sagot.

Naglakad na kami pabalik sa faculty at, habang naglalakad kami, pakiramdam ko ay hinihingal ako. Pero siguro ganoon talaga kapag mabigat ang backpack dahil may dala akong laptop para sa pag-present ng lesson at iba pang online na gawain.

“Okay ka lang ba?” muling tanong ni Vhia habang patuloy pa ring isinasawsaw ang lumpia niya sa basong may suka. Lalo akong naduduwal sa amoy nito.

“Oo, medyo hingal lang dahil marami akong gamit sa bag.”

“Sabi ko kasi sa’yo, iwan mo na lang ang gamit mo sa faculty. Hindi naman mawawala.”

Inikutan niya ako ng mata.

“Ayokong iniisip na may mawawala sa gamit ko, kaya dadalhin ko talaga ’to.”

“Sabagay, kahit ako ganiyan minsan. Pero dahil tamad ako, hindi ko na lang dinadala ang gamit ko.”

Naduduwal talaga ako sa amoy ng suka na hawak ni Vhia, kaya hindi ko magawang lingunin siya habang kausap ko.

“Hello there!”

Napalingon ako nang marinig ko na naman ang pamilyar na boses.

“Hi,  Kuya Lance!” masayang sigaw ni Vhia.

Nasa pinto si Lance, nakangiting maliwalas. Napangiti rin ako nang makita siya. Lumapit siya at tumabi sa’min ni Vhia. Mabuti na lang at walang teacher sa faculty ngayon, kaya kahit medyo malakas ang boses namin, wala kaming maaabala.

“I bought something for you-lugaw. Narinig kong naghahanap ka nito kahapon sa canteen, so here. Kainin mo habang mainit pa.”

Weird, pero natuwa ang puso ko sa ginawa ni Lance.

“Ligaw-ay, lugaw pala ang gusto mo, Sid. Kaya pala ayaw mong bumili kanina.”

Parang kinikilig pa si Vhia habang nang-aasar.

“Thank you, Lance.”

Binuksan ko ang container. May kasama na rin itong spoon. Kumpleto rin sa toppings-spring onions, fried garlic, fried tokwa, boiled egg, at may manok pa.

Madalas gawin ni Lance ’to. Kung anu-ano ang ibinibigay niya sa’kin. Madalas din ang acts of service niya na talagang nagpapangiti sa’kin.

“Ang sarap naman nito,” mahina kong bulong, pero mukhang narinig nila.

“I hope it comforts you.”

Muling ngumiti si Lance.

“Do you still have class, Sid?”

Binalingan ko siya ng tingin.

“Wala na kuya. Nagpa-excuse sila dahil magpa-practice raw sila para sa performance task nila sa isang subject.”

“Bakit mo naitanong?”

“Do you want to go somewhere? I mean, tomorrow is Saturday. Walang pasok.”

Grabe ang ngiti nitong si Lance. Parang crew sa fast food na napakalapad kung ngumiti. Yung tipong kung bebentahan ka niya ng 32-inch flat-screen TV, mapapabili ka kahit may TV na kayo sa bahay.

“Walang gagawin si Sisid. Paniguradong tapos na ang mga gawain niya. Oo kuya, gusto naming gumala.”

Sabat na naman ni Vhia.

Ayan na naman siya sa pa-nickname niya. Kapag talaga ginaya ’to ng iba naming kaibigan, ewan ko na lang.

“Sige, game ako. Pero hintayin na natin sina Kazel at Patricia. Isama na natin sila.”

“No problem. Sakay na lang kayo sa sasakyan ko.”

Parang walang problema si Lance. Palagi lang siyang nakangiti.

Itong si Vhia naman, parang bulate sa sobrang pagkakilig. Nagre-retouch na agad na para bang male-late sa lakad.

Hapon na rin kaya medyo makulimlim na. Hinintay muna namin matapos ang gawain nina Kazel at Patricia bago kami tuluyang umalis sa faculty.

“Parang gusto ko ng samgyupsal o kaya iced coffee. Parang ubos na ubos ang energy ko dahil sa buong linggo ng pagtuturo.”

Reklamo ni Patricia kaya napatawa kaming lahat sa loob ng 6-seater na sasakyan ni Lance.

“Teka, saan ba tayo pupunta? Hindi ko na alam ang lugar na ’to.”

“Sa Capital Town tayo. May malaking fast-food restaurant doon at may coffee shop din. My treat.”

Kahit si Lance ang nanlibre, siya pa rin ang pinakamasayang nakangiti habang halos magsabunutan sa saya ang mga kaibigan ko sa likod.

“Ay, nako. Tama na ’yan. Nagmamaneho si Lance. Huwag kayong malikot.”

Tumigil naman sila at nag-retouch na lang ulit. Yung iba, nag-check pa ng quiz ng mga estudyante nila. Si Kazel naman, nagvi-video sa labas ng bintana.

Malayo-layo pa ang biyahe. Nakapunta na ako roon noon, pero naka-single na motor lang ako kaya talagang nangawit ang puwitan ko.

“Sid, are you okay? Do you need anything? Do you want to use the restroom or buy something?”

Parang bigla akong bumalik sa sarili ko nang marinig ang boses ni Lance.

“I’m okay, Lance. I don’t need anything. I’ll let you know if I need something.”

Ngumiti ako pabalik sa kanya. Nakangiti pa rin siya kahit nakatutok ang tingin niya sa kalsada.

“Okay. Just tell me, and I’ll stop the car for you.”

“Hoy, Lance! Yung ngiti mo at tingin mo kay Sid, parang nakahanap ka na ng asawa mo. In love na in love ka, ’nak!”

Lakas talaga ng boses ni Vhia.

“Totoo! Ganiyang-ganiyan din makatingin sa’kin ang boyfriend ko noon.”

Dinagdagan pa talaga ni Kazel.

“Tantanan n’yo si Lance. Baka maabala siya sa pagda-drive. He’s just happy because we’re bonding.”

“Okay, sir,” sabay-sabay nilang sagot.

Hindi ko namalayan, nakatulog na pala ako sa biyahe. Pagmulat ko ng mata, 7:24 na pala. Akala ko ako lang ang nakatulog, pero bagsak din pala ang tatlong student teacher sa likod.

“Maghahanap lang ako ng mapaparadahan, Sid.”

“Sure. Gigisingin ko lang ’tong tatlo.”

Ginising ko sina Patricia, Vhia, at Kazel. Automatic na gumalaw ang mga kamay nila papunta sa bag nila para hanapin ang pang-retouch.

Ay, nako. Parang walang nangyari. Parang hindi sila natulog sa biyahe.

Mula sa kinauupuan ko, tanaw ko ang mataas na gusali ng fast-food restaurant. Mukhang masarap umupo sa labas. Tama nga si Lance dahil may hiwalay itong counter para sa hot at iced coffee.

“Let’s sit outside. Masarap ang hangin dito, lalo na’t gabi na.”

Sabi ni Lance habang hinihila ang upuan para sa’kin.

Napaka-gentleman talaga nito.

“G!” sigaw ng tatlo.

“Vhia, bakit hindi ka pa umuupo?” tanong ni Kazel.

“Gusto ko rin sanang ipaghila ako ng upuan ni kuya Lance. Charot!”

Tsaka lang siya tuluyang umupo.

Nagtawanan naman kaming lahat.

Nakaalis na pala si Lance para umorder. Panigurado, hindi na naman namin mauubos ang pagkain dahil wala talaga siyang kontrol kapag umo-order. Laging may sobra. Minsan nga, may takeout pa kami.

While waiting for Lance, chineck ko ang sarili ko. Parang wala na naman akong gana kumain. Naiisip ko pa lang na may pagkain, nawawalan na agad ako ng gana.

“Let’s just wait for the order. They will serve it.”

Tumango na lang ako habang nakangiti. Siguro drinks na lang ang iinumin ko. Wala talaga akong gana.

Maya-maya, dumating na ang mga inorder ni Lance. Tulad nga ng sabi ko, napakarami. Amoy na amoy ko ang patties ng mga burger kaya lalo akong naduduwal.

Nilagyan ako ni Lance ng pagkain sa harap ko, kaya nagpasalamat ako. Uminom muna ako ng soft drink at sinubukan kong kumain ng burger, pero hindi ko na napigilan.

Naduwal na talaga ako.

“Sorry.”

Ayan na lang ang nasabi ko sa kanila.


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.