loading

storieschaptersauthorsgenresstories
HUSBAND DIARIES (ManxMan)

HUSBAND DIARIES (ManxMan)

totskievon · 4 chapters · 5,101 words

Cover

HUSBAND DIARIES

WESTON&TYCON~

Dalawang magkaiba ang buhay na mayroon ngunit iisa ang tinahak na tadhana.

Weston is a good and ideal husband. Wala na atang maipipintas sa kaniya. Dahil bukod sa pagiging mabait nitong haligi ng tahanan ay biniyayaan rin ito ng aking ganda ng itsura. Hindi siya maituturing na gwapo o hot manly look. Anghel, iyan ang pwedeng mai-describe sa kaniyang itsura. Mayroong napaka among mukha at malambit na feature look. Minsan nagpapakamalan pa itong babae o anghel dahil sa napaka angelic na mukha nito para sa isang lalake. Sa kabila ng katangiang iyon ay hindi parin pala ito sapat para manatili sa kaniya ang mga mahal niya sa buhay. Ang kaniyang mahal na asawa ay nakuha pang magtaksil at sumama sa ibang lalake. Walang itinira sa kaniya pati ang dalawang kambal na babae niyang anak ay sinama din ng taksil nitong asawa.

Para siyang pinagsakluban ng langit at lupa. Para siyang mababaliw sa mga nangyayari. Hindi niya maiisip na kaya siyang gawan ng ganung kasalan ng asawa. Sa eight years nilang pagsasama ay parang baliwala itong sumama sa ibang lalake.

Dahil ba sa itsura niya? Sobrang bait naman niya, masipag, at higit sa lahat mapag mahal. Pero bakit sa kabila ng katangiang mayroon siya ay nakuha parin siyang iwan ng mag-iina niya.

Baka siguro hindi na nakayanan ng asawa niya dahil sa insecurities? Bakit naman ganun? Well let see.

Tycon a handsome and hot daddy. Dahil sa aking kagwapuhan nito ay walang babae o binabae ang hindi luluhod dito para tikman siya. Pero dahil isa siyang husband material at loyal pa ay hindi niya nalang pinapansin ang mga nahuhumaling sa kaniya. Nahuhumaling lang naman sila dahil sa panlabas nitong anyo at idagdag pa ang yaman nito. Complete package ika nga. Kuntento na siya sa kung ano ang mayroon siya. Mayroon siyang maganda at mapag-alagang asawa at biniyayaan din sila ng lalakeng anak. Dahil sa nagka problema ang misis niya sa obaryo ay tanging isa lamang ang kanilang nabuo. Pero minsan talaga mapagbiro ang tadhana may mga pangyayari talaga sa buhay na bigla nalang dadating at magiging sanhi ito ng pighati.

Sa kasamaang palad bigla nalang kinuha ng langit ang kaniyang pinakamamahal na asawa. May kung sino kaseng nakasagasa rito at hindi naman ito pinalad at binawian agad ng buhay.

Hindi siya makapaniwala sa mga nangyari. Para siyang mawawala sa katinuan sa mga oras na iyon. Ang pinakamammahal niyang asawa ay binawain na ng buhay. Parang nawalan siya ng kanang paa at mabuhay. Pero bigla nalang siyang natuahan dahil hindi parin naman siya nag-iisa. Andyaan pa ang kaniyang unico ijo. Kaya kahit mahirap at masakit ay kailangan niyang mag move on at ituon nalang ang atensyan sa kaniyang anak.

Paano kaya kung magtagpo ang kanilang landas? Ang mga nasawing mga puso at iniwan ng kanilang asawa. Magkakasundo kaya sila o magkakaroon ng kasunduan para mapunan ang sawi nilang mga puso.

HD-1

Halos manlumo si weston ng madatnan niya ang buong kabahaynan na wala ang kaniyang mag-iina. Hinalughog niya na lahat kahit ang mga damit ay wala na doon sa mga kabinet nila. Nanghihina siyang napaluhod sa malamig na sahig. Ang kaninang nangigilid niyang luha ay tuluyan ng tumulo. Para siyang bata na umiiyak at hanggang sa naging hagulhol nito. Parang nilalamukos sa sakit ang kaniyang puso sa mga oras na iyon.

He didn’t know kung saan siya nagkulang. Hindi naman siya tanga eh. Alam niya na may ibang lalake ang asawa niya pero ipinagsawalang bahala niya lang iyon dahil naniniwala siyang dadating ang oras na marerealize nito ang ginagawa. Hinayaan niya lang iyon dahil isa din sa raso ay ang dalawang kambal niyang anak. Kahit masakit ang ginagawa ng asawa niya ay nagawa niya paring magbulag-bulagan.

He did everything para tigilan na ng asawa niya ang pakikipagkita sa lalake nito pero lahat ng mga ginagawa niya ay parang baliwala lamang. Nagpapanggap siyang hindi nasasaktan. Para sa mga anak niya.

“Chilsea ginawa ko naman lahat. Mahal na mahal ko kayo. Please bumalik kayo sa akin” ang nagsusumamong hagulhol ni weston. Inuuntog niya ang kainyang noo sa sahig.

Malamig na buon palikid sa loob ng tahanan ang saksi sa kaniyang pighati at hagulhol. Paulit-ulit niyang tinatanong sa sarili niya kung may kulang pa ba? Hindi ba siya naging mabuti para ipagkait sa kaniya ng tadhana ang maging masaya. He just want to have a home. Yung totoong tahanan na kahit sino ay pinapangarap ito. Ang pamilyang binuo niya simula umpisa.

Sa kaniyang trenta anyos na pamumuhay sa mundo, ito ang kauna-unahang pighati ang nararamdaman niya. Maliban nalang sa pagiging tanga, martyr, o pagbulag-bulagan sa lahat na nangyayari.

Ang akala ng lahat babae lang ang kadalasang martyr kung tawagin pagdating sa pag-ibig. Isa siya sa patunay na may mga lalaki ring martyr at handang gawin ang lahat wag lang iwan ng minamahal. Pero at the end of the his sacrifices ay nauwi lang sa sakit na nadarama.

Mahigit tatlong oras bago tumayo ang lumuluha paring si weston. Para siyang lantang gulay sa mga oras na iyon patungo sa kusina nila. Uminom siya ng tubig at inisang lagukan niya lang iyon. Masyadong na drain ang lalamunan niya sa kakaiyak.

Inilapag niya ang babasaging baso at tumungo sa island chair para umupo. Napasapo nalang siya sa kaniyang ulo at paulit-ulit itong binabatukan. Para siyang nababaliw sa mga oras na iyon at patuloy na lumuluha. Wala man lang siyang naramdaman na sakit sa ginagawa niya sa sarili niya.

Ika nga nila ilabas mo lang iyan, iiyak mo lang ang lahat ng sakit. Paniguradong mababawasan kahit papaano ang sakit na nadarama. Pero sa kaso ni weston ngayon ay parang nakabaon na sa kaniya ang isang patalim na paulit-ulit tinutusok kahit anong luha ang ilabbas ay hindi kayang mabawasan man lang ang sakit.

“Kahit ang mga anak ko nalang chilsea. Kahit sila nalang, kahit yung mga anak ko lang ang iniwan mo. Mas matatanggap ko pa na ikaw lang sumama sa lalaki mo pero bakit pati anak ko!” ang singhal at hagulhop na sambit ni weston sa gitna ng sakit na iniinda ng puso niya.

He slammed the table so hard. Pangatlong beses niyang inulit iyon at parang wala man lang siyang naramadamang sakit doon. This is his first time to let hi anger out. Nga lang mabait parin siyang tingnan.

He keep on crying and shouting. Parang doon niya na inilabas ang lahat ng sama ng loob niya. Lahat ng pagkimkim at pagbulag-bulagan sa kataksilan ng asawa niya.

“Babawiin ko ang mga anak ko chilsea” Ang huling sabi ng kawawang si weston bago ito nawalan ng malay.

SA KABILANG BANDA~

“Hon mamaya pa ako makaka-uwi. May emergency pa kase dito sa botique eh. Mauna na kayong matulog ni conrad” ang malambing sabi ng asawa sa kausap na si tycon. Medyo nag-alala agad ang lalaking asawa at sinabi dito na baka may maitutulong siya.

Ngunit…

“Ano ka ba hon. Kunting aberya lang naman. Tyaka alam kong napagod ka rin sa buisness meeting mo kanina” ang pagtutol sa asawang si tycon.

Wala namang nagawa si tycon at sumang-ayon nalang sa magandang asawa nito na si irish. Isa itong retired super model at nagmamay-ari ng maraming botique sa buong luzon.

“Sige na hon. I just message you later if nasa byahe na ako” Ang huling sabi ng asawa sa kabilang linya at bigla nalang itong naputol.

Medyo nagtaka si tycon dahil hindi naman iyon ginagawa ng asawa ang pagputol agad sa tawag hanggat hindi pa ito nag a-I love you.

Ipinagsawalang bahala niya nalang iyon at inilagay ang cellphone sa table. Napahilot siya sa kaniyang sentido dahil medyo sumakit ang ulo niya. Apat na investor kase ang naka-usap niya kanina at hindi basta-basta ang mga ito. They are big catch to their company kaya sinunggaban niya na.

Niluwagan niya ang kaniyang nicktie at tuluyang tinanggal pati narin ang kaniyang office jacket. Hinubad niya rin ang ang suot na slocks at tanging hapit na boxer brief nalang ang natira nun.

Bakat na bakat ang ang malambot ngunit malaking pag-aari nito. Lastly he take off his shirt. Tanging boxer brief na lamang ang natitira.

Kung sino man ang makakita sa adonis na daddy’ng ito ay tiyak na luluhod agad at sasamba sa katawan nito na parang nililok ng batikang sculpture.

Tumungo sa closet at kumuha ng maisusuot. He just picked sando and board short. After he wore it ay tumungo siya sa kwarto ng anak. Naabutan niya itong naglalaro ng computer.

Hindi niya muna ito inisturbo sa paglalaro at hinayaan sa ginagawa. Parang bigla nalang nawala lahat ng pagod niya sa katawan ng masilayan ang anak. Naka side view ito mula sa kaniyang kinatatayuan. Nasa hamba kase siya ng pintuan at bahagayang nakasanding doon. Hihintayin niya nalang na mapansin siya ng kaniyang anak. Marahil buisy ito sa kaniyang nilalaro kaya ay hindi agad siya napansin.

A small smile formed in his lips.

“Daddy? Kanina ka pa po ba dyan?” Atlast ay napansin din siya.

Ngumiti siya sa anak at nilapitan ito. Agad namang tumayo ang bata at niyapos ang bewang nito.

“How are you you boy?” agad na tanong niya sa anak.

Humiwalay agad ang anak sa yapos sa kaniya at bahagyang tumingala.

“Okay naman po daddy. Maaga po kameng nag dissmiss kanina sa school. Tyaka daddy sa susunod na buwan na po pala yung family day namin. Dapat andun po kayo ni mommy” ang wika ng bata. Kumurap-kurap ng tatlong beses ang mapupungay nitong nga mata.

“Ofcourse son. Pupunta kami ng mommy mo. At kailan ba kami umabsent sa mga ganoong okasyon” aniya sa anak.

Tumungo ang bata sa kama nito at tumalon. Sumunod naman agad siya.

“Matulog na tayo conrad. Your mom will be go home late na. Tayo nalang muna ang magtatabi”

Napatango nalang ang batang si conrad. Pero nagtanong agad ito kung bakit malilate ito ng uwi. Mommy’s boy pa naman ang anak niya. Lage ang mommy ang katabi sa pagtulog. Kaya minsan nalang sila nagkakaroon ng time ng asawa niya pagdating sa bagay na tanging ginagawa lamang ng mag-asawa. Pareho din kaseng buisy ng asawa niya pero hindi naman nila hinahayaan na mawawalan sila ng time sa nag-iisang anak.

“No more question conrad. Dadating ang mommy mamaya. Sleep na nay school ka pa tomorrow” pag-utos niya dito. Medyo may pagka strikto kase siya kaya agad naman siyang sinunod ng anak.

“Good night daddy. I love you and tell later to mom pag dumating siya” ang humihikab na salita ng bata.

Pinatakan na lamang ni tycon ng halik ang anak sa ulo nito. Kahit kailan talaga hindi makakalimutan ang mommy nito. Hindi kase ito pwedeng matulog hanggat hindi ito nag iloveyou sa kanilang dalawang mag-asawa lalong-lalo na sa asawa nitong si iris.

Medyo strikto kase talaga si tycon kaya hindi siya masyadong close sa anak at sa asawang si irish ito mas close. Lalo pa at spoiled ito sa ina. Lalong-lalo na sa mga lolo at lola ng mga ito.

Ilang minuto bago nakatulog ng maayos ang anak at hanggang sa pagsapit ng alas dyes ng gabe ay gising parin siya. Hinihintay niya ang asawa dahil sabi mag mimisage daw ito kapag nasa byahe na ito. Pero hanggang sa mag alas onse na g gabe ay hindi parin ito nagmimessage. Kaya napagpasyahan niya nalang na tawagan ito.

“The number you have dialed…

Naka limang tawag niya ngunit iyon parin ang sumasagot. Nakapatay ang phone nito. Napakunot ang kaniyang noo.

“Na lowbat ata siya” ang mabigat niyang sabi sa sarili.

Napag pasyahan niya nalang na lumabas ng kwarto ng anak at bumaba. Tumungo siya sa kusina at kumuha ng canned beer.

Umupo muna siya sa island chair at ininom ang laman ng hawak niya.

“Haaa, wala paring kupas sobrang sarap parin nito” aniya. Magdadalawawang linggo na kase siyang hindi nakaka inom ng alak or beer man lang dahil sa buisy sched niya.

Panay tingin lamang siya sa kaniyang relo at umiinom ng hawak niyang canned beer. Exactly midnight pero wala parin ang asawa. Kaya medyo may namumuong pag-alala sa kaniyang dibdib ng mga oras na iyon.

“Saan kana ba hon” aniya nalang at hinintay nalang ang misis baka hindi lang emergency ang nangyari sa botique nito.

HD-2

WESTON POINT OF VIEW~

Halos higupin ko na ang lahat ng hangin bago ako nagising ng tuluyan. Babangon na sana ako ngunit bigla nalang akong napigik sa sakit ng aking likod at dalawang siko. Naramdaman ko rin ang mahapdi sa aking noo.

Nang tuluyan ko ng imulat ang aking mata ay doon ko nalang napagtanto kung nasaan ako ngayon. Gusto kong bumalikwas ng tayo pero hindi kaya ng katawan ko. Anong nangyari sa akin? Bakit ako nadidito sa puro puting kwarto.

Napatingin ako sa kabuuhan ng kwarto. Hanggang sa makita ko ang oxygn tank. Napadako naman pagkatapos ang aking mata sa swero na naka kabit sa aking kanang kamay.

Doon ko muling napagtanto ng tuluyan na naririto ako sa ospital. Bakit ako napunta dito? How come? Ang naalala ko ay nasa bahay lang ako at naka tulugan ang ang aking pag-iyak at pighati dahil iniwan na ako ng taksil kong asawa kasama ang dalawang kong anak.

So how come na napunta ako dito. Pilit kong inaalala kung bakit talaga ako napunta dito pero kumikirot lamang ang aking ulo at tanging blanko lang ito.

Napatingin naman agad ng bumukas ang pintuan at pumasok ang isang nurse at doctor. Medyo may edad na ang doctor pero makikitaan mo parin ng kakisigan ng katawan.

“Gising kana pala. Kamusta na ang iyong pakiramdam?” Ang panlalakeng tono na tanong nito.

Matagal akong nakasagot dahil hindi ko maibuka ng maayos ang aking bibig pero kalaunay naisabi ko naman ang dapat kong sabihin.

“Bakit po ako nandito? Paano ako napunta dito?” ang namamalat kong tanong. Imbes na sagutin ang tanong niya ay tanong agad ang sinabi ko sa doktor.

“So wala kang maalala. Ako ang nagdala sayo dito. Naaksidenti ang sinasayan mong kotse mabuti nalang ay nandodoon ako sa pangyayaring iyon. You seems like drunk that day baised sa investigation nitong nakaraan. And to tell ypu honestly mag dadalawang linggo kanang nakaratay dyan” Ang pagsasalaysay nito.

Huh? Naaksidente? How come? Tapos ako nalasing? For petesake hindi ako nalasing. As what I have said erlier nakatulog ako sa loob ng bahay sa kaiiyak. Tapos paano nangyari iyong sinasabi niya.

Wala akong maalala.

“Ang ipinapahiwatig ng iyong ikspresyon ay hindi mo alam kung bakit ka nakaratay dito. You don’t know also why did you got accident right?” ang tumpak na sabi nitong doktor. I don’t need to say what I’m going to ask kase nasagot niya na.

“I think you have a temporary amnesia. At sa case mo ngayon ay ang natatandaan mo lang iyong mga oras na pangyayari bago nangyari pa ang aksidente” He said.

Nanlumo ako sa aking kinahihigaan ngayon. Para akong matutuliro sa mga nangyayari. Ako may temporary amnesia? Pero bakit iyong aksidente lang ang hindi maalala bagkus iyong mga pangayayari lamang na naubutan ko ang bahay namin na wala na ang asawa at mga anak ko. Then I fell asleep because of the tiredness in pain?

“Paki check ang kaniyang vitals nurse erise as well as his bruises. Ako na ang mag checheck ng pangkalahatan” utos nito sa nurse sa gilid ko na nakatayo habang nakikinig sa sinasabi ng doktor.

“Copy dok”

After the nurse did what the doktors said ay may kung ano siyang isinulat sa kung saan kadalasang ginagamit ng nurse.

“You can go back to your area nurse erise. Ako na ang bahala dito” utos nito na agad namang sinunod nung nurse erise. Pinakikiramdaman ko lang ang atmosphere na nakapalibot sa buong room. I even felt my bruises anching especially in my head. I think sariwa pa ang mga sugat ko samantalang mag dadalawang linggo na akong nakaratay sa kwartong ito.

Napabaling muli ang aking tiningin sa doktor na bahagyang naglakad patungo sa bakal na upuan. He just cross his legs when he sat.

Ibinalik kong muli ang aking paningin sa seiling nitong kawarto.

“Pilitin mong maka recover agad sa lalong madaling panahon” ang salita nito sa gitna ng katahimikan.

“W-wala talaga akong maalala” ang bulong ko na lamang.

Ipinikit ko ng bahagya ang aking mata baka o nagbababakasakaling isa lamang itong panaginip. Pero sa ilang minuto kong pagpikit sa aking mata ay ramdam ko parin ang mga iniinda ko sa aking katawan.

The tears began to flow out in my eyes. Gusto kong tumayo at umalis na sa kinahihigaan ko pero hindi pa maaari. I need to gain my strenght as soon as possible as what this doctor said also.

“You are here in my own hospital. By the way I’m Doctor Mason Cuison. And baised sa nakalap kong impormasyon your full name is weston abadiano” Pagsasalita ng kasama ko pala dito sa loob ng kwarto.

Napamulat ako sa aking mata kasabay ng pagtulo sa luha na kanina gustong kumawala. Medyo tumagilid ako ng tingin para matingna siya. Yun nga lang medyo napaigik ako ng maipit ang braso kong nakabenda.

I saw in the doctor eyes the worried look but it goes back again to his serious look. Para siyang familiar sa akin. Pero hindi ko maalala kong saan ko siya nakita.

“Why are you doing this?” ang hindi ko mapigilang tanong.

Seryuso lamang ako nitong tiningnan bago sinagot ang aking tanong.

“You will know soon. But at this moment you need to rest your body and mental stability. Bawal sa kalagayan mo ang makaramdam na labis na emosyon lalo pa at hindi ka pa fully recover” Ang sensero nitong sabi. His manly voice is soothing in ears.

Hindi ko mapigilang mapatitig ng bahagya sa kaniyang itsura. He looks like in mids 30’s pero ika ko nga kanina makisig ang pangangatawan nito at may itsura ito lalo pa at misteso ang kulay ng balat nito.

He stood up and said “Maiiwan na muna kita. Just do what I have said. Sa susunod na linggo na kita bibisitahin. I have a lot things to do” Paalam nito at naglakad patungong pintuan.

Before he vanish he just gave me a worried look bago tuluyang nawala at narinig ko nalang ang pagsarado ng pintuan.

Jusko tulungan nyo po ako. Hindi ko po alam kung ano ang nangyayari at kung bakit ako narito. Kahit sabihin na nating nasabi na ng doktor na iyon ang rason kung bakit ako nakaratay dito ay hindi ko parin maiwasang mapaisip. Masyadong mabilis ang pangyayari. Basta ang naalala ko lang ay yung nakatulog ako sa sobrang iyak at sakit na nadarama.

I’m thankful na hindi ako inatake ng sakit ko.

××××××××

TYCON CUISON POINT OF VIEW~

HANGGANG ngayon hindi parin ako makapaniwala sa mga nangyayari. Nakatingin parin ako sa kawalan at mas sinisink-in ang mga bagay-bagay.

Nakuyom ko bigla ang aking kamay. Wala paring resulta sa pag-iimbestiga kung sino ang taong iyon. Ipinapangako ko sayo iris bibigyan ko ang hustisya ang pagkamatay mo. Mahal na mahal kita hon.

Nangangati na ang aking kamao para patayin ang taong iyon na naging dahilan ng pagkamatay ni iris. Fuck! Halos mabaliw ako nitong nakaraang linggo ng malaman ko na nasagasaan ang asawa ko. Kaya pala iba na anag kutob ko ng gabeng iyon kung bakit hindi parin siya nakaka-uwi.

Hindi ako umiyak sa harapan nilang lahat. Natulala at parang natutuliro lamang ako. Hanggang sa nilamon na ng sakit at galit ang akong dibdib. Pinahanap ko agad ang nnakasagasa sa aking asawa pero nakaka puting×na! lang talaga at hindi nahanap ang taong iyon. Dahil naaksidenti rin ang taong iyon kasabay ng pagkabangga nito sa aking asawa.

Ang ipinagtataka ko rin hanggang ngayon ay bakit walang katawan ang nakuha sa kotse nitong yupi. Ang laki ng damage ng kotse.

Akala ng mga magulang at beyanan ko na okay lang sa akin o parang wala lang sa akin ang pagkawala ng asawa ko. Porket ba hindi umiyak at maglumpasay ay wala ng pakealam? For petesake! She is my wife, so bakit hindi ako masasaktan. Damn! Galit na galit ako at hindi ako titigil hanggat hindi ko mahanap ang taong iyon.

Based narin sa private invistigator ko ay baka tumakas daw ito o di kaya naman ay patay narin. Sa tinamo ba naman sa kotse nito ay siguradong kritikal ang lagay nito o baka wala na din ito.

I wish na namatay nalang din siya. Dahil kapag nabuhay siya sisiguraduhin kong hahanapin ko siya. At kapag nakita ko na ay papatayin ko din siya. Uunti-untiin ko ang paglamatay niya sa kamay ko. Hindi ko siya ipapakulong. Sa kamay ko ilalagay ang batas kapag nahanap ko siya.

“I’m sorry hon. Pero papatayin ko siya. Kinuha ka niya sa amin ng anak mo dapat buhay niya rin ang kapalit” ang nanginginig sa galit kong saad sa kawalan. Nilagok ko agad ngmabilisan ang alak. Mag dadalawang bote na ako pero hindi parin ako nalalasing.

“Ahhhhhhh!!” ang sigaw ko at malakas na ibinato ang baso sa pader.

I swear papatayin kita kung sino kang hayop ka. Pagbabayari kita ng higit pa sa inaakala mo.

Just wish na wala kang pamilya at mga anak dahil sisiguraduhin kong idadamay ko sila.

HD-3

SORRY SA TYPOS AND GRAMMAR ERRORS. I-EDIT KO NALANG SIYA.

AFTER ONE WEEK

Napailing nalang ang doktor habang binabasa ang mga nasa papel. Ang mga pictures ng mga pangayayari na hawak niya din ngayon. Mabuti nalang at nabura niya agad lahat ang mga kuha lalong-lalo na ang kuha ng lalakeng iniligtas niya. No other than Weston Abadiano.

“Patawarin mo ako mahal kong pinsan. Hindi mo siya pwedeng mahuli. I will protect him with all cost” Ang seryusong bulong ng doktor na si Mason Cuison.

Itinago niya agad ang mga litrato at documents sa brown envilope. Inilagay niya ito sa may kalakihang box. He stood up and go to his secret room. Dito niya inilalagaya ang mga importanteng papeles at dokumento. Tanging siya lamang nakakapasok dito dahil bukod sa code at tumb print ang kailangan bago ka makakapasok dito.

Sinarado niya na agad ang pintuan ng secret room ng makalabas siya dito.

Napahawak siya sa kaniyang batok dahil medyo kumikirot ng bahagya ito. Suddenly the image of a guy pop-up on his mind. Agad niya namang iniling ang kaniyang ulo.

“Damn!” he cursed then grabbed the wisky at the top of table bar. Kinuha niya ang babasaging baso sa itaas ng kabinet at isinalin ang alak sa baso.

Sobrang na buisy din siya nitong mga nakaraang araw. Mahirap din talaga magpatakbo ng ospital lalo pa at doktor pa siya. He need to rest at uminom.

“Ahhhh”

Lumukob sa kaniyang lalamunan ang matapang na lasa ng alak pero hindi na iyon bago sa kaniya. Mas nabuhay bigla ang mga nerves nito ng mailagok ang alak.

Hindi siya nagkakamali sa taong tinulungan niya. At sigurado siya ang taing iyon ang hinahanap niya. Napasandal nalang pagka upo niya sa pahabang sofa at lumagok muli ng alak. Matapang ang alcohol na dumaloy sa lalamunan niya kaya bahagya siyang napahawak sa kaniyang leeg.

“Marites nahanap ko na siya. At gaya ng ipinangako ko sayo ay tutulungan ko siyang bumangon muli” Ang sabi niya sa kawalan at inaalala ang yumaong asawa at kung ano mga hinabilin nito sa kaniya bago ito binawian ng buhay.

Sigurado siyang malaki ang magiging consequences na kapalit ng pagtulong niya sa lalaki at pagtakip sa nagawa nitong kasalanan. Kahit ang makakalaban niya pa ay ang kaniyang pinsan na itinuring niya na ring kapatid.

Mahal na mahal niya ang yumao niyang asawa kaya susundin niya ng buong puso ang mga hinabilin nito bago ito bawian ng buhay. Hindi niya rin maiwasang maawa sa kaniyang brother inlaw. Oo bayaw niya ito dahil kapatid ito ni marites sa yumao niyang asawa.

Bahagya nalang siyang nabalik sa realidad ng mapagtanto niyang isang linggo na pala ang lumipas at hindi niya pa nakakamusta at natingnan ang bayaw. Nangako kase siya dito na babalik siya makalipas ang linggo. Kaya napatayo nalang siya at inilapag ang babasaging baso sa fiber glass na lamesa.

Tiningnan niya muna ang wrist watch niya at sakto lang ay mag aalas dos na ng hapon. Umalis siya sa sarili niyang office na mula sa pangatlong palapag ng sarili niyang ospital. Private ang kaniyang ospital at halos may mga kaya at mayayaman lamang ang afford na magpa confine dito. Pero every three months mayroon siyang itinalaga para sa mga libreng check-up at libreng gamot sa mga nangangailangan at kapos sa pera. May sarili din siyang foundation na anim na taon na nilang itinayo ng asawa niyang yumao.

Nang marating siya sa pangawalang palapag ay tumungo muna siya sa may counter kung saan katabi lang nito ang opisina ni erise na assistant niya. Naabutan niya namab itong may inaayos na mga folder na naglalamang ng mg information ng mga pasyente.

“Good Afternoon erise. Kamusta si weston?” Ang bungad na tanong niya sa babae. Napatingin naman ang babae sa kakapasok na doktor. Mesyo nagulat siya kase hindi man lang kumatok ito.

“Dok naman katoktok din nu! Nakakagulat ka naman” ang napahawak sa dibdib na si erise at ibinalik ang box na pinalalamanan ng mga folder.

“Hahaha I’m sorry. By the way yung lagay ni weston kamusta na?” ang medyo natawang pag-uumanhin nito. Kasunod nun ang tanong sa pangalawang beses.

“So far dok medyo gumagaling ang mga sugat niya. At nakakatayo na siya ng maayos. Ang gwapo-gwapo naman ng pasyente nyo dok hehehe. Tapos mukhang femine pa ng mukha!” ang sagot nito at nag sabi ng mga complement about kay weston. Napailing nalang si mason at hindi nalang pinansin ang paghagikhik nito.

“Sige mauna na ako. Pupuntahan ko muna siya” After mason said that he left the room and his assistant. Baka saan pa umabot ang mga sasabihin nito kapag hindi siya lumabas. Nung unang hire niya nito as assistant nurse ay masasabi niyang may okay naman ito at maganda ang babae. Hindi ito tulad ng iba niyang naging assistant dati na lagi siyang inaakit kaya hangga’t maaga pa ay sinisisanti niya ito. Baka ito pa ang maging sanhi ng pagtatalo ng nila ng kaniyang asawa nung nabubuhay pa ito.

MAAYOS NA ang pakiramdam ni weston at nakakatayo narin siya kung siya mag ccr para maglinis at libutin ang buong may kalakihang room. Kahit papaano ay hindi naman siya nababagot dahil may malaking flat screen tv naman sa loob at may naka konekta pa ditong wifi kaya ang oag nenetflix lamang ang pinagkaka abalahan niya habang siya ay nagpapagaling. May sarili ring mini ref at small kitchen sa loob. Ang kwartong pinag confaynan niya ay isa sa mga expensive room sa ospital ni mason.

Matapos niyang magbawas ng dumi sa katawan at maglinis narin sa kaniyang katawan dahil kahit papaano ay naigagalaw niya naman ang kaniyang braso. Although my mga sugat pa siya na hindi pa masyadong magaling at kailangan pa lapatan ng lunas na laging ginagawa naman ng nurse na dumadalaw sa kaniya araw-araw.

He sat on the ospital bed at bahagyang isinandig ang likuran sa head rest ng kama. Hindi niya maiwasang mapatingin sa ceilling at isipin ang mga nangyari sa kaniya. Kapag iniisip niya kase ang mga pangayayari kung paano siya na aksidente ay bahagya lamang na kumikirot ang kaniyang ulo kaya iniiwasan niya nalang ang pag-iisip sa mga iyon. Hihintayin niya nalang kung kailan maalala ng utak niya kung paano siya na aksidente. Basta ang huling ala-ala na natatandaan niya ay nakatulog siya sa island counter ng kusina ng bahay niya dahil sa matinding pag-iyak at pagkalasing niya nun.

Pero ang ipinagtataka niya ay kung bakit hindi na siya makaramdam ng sakit sa dibdib. Kapag inaalala niya kung bakit iniwan siya ng asawa niya at dinala ang kambal nilang anak ay parang wala siyang makapang sakit doon. Maliban nalang kapag pag-uusapan na anak nila. Doon siya nakakaramdam ng pagkahabag at sakit sa dibdib dahil hindi niya makikita ang mahal niyang dalawang magkambal niya. Daddy’s boy and girl pa naman ang kambal niya.

Sa malalim ng kaniyang pag-iisip ay naputol iyon ng bumukas ang pintuan ng at iniluwa ang maskuladong doktor na isang linggo na ring hindi niya nakikita. Napaayos siya ng upo at napatingin sa doktor na may maliit na ngiti sa labi nito.

“Kamusta ang pakiramdam mo ngayon?” Ang agad na tanong ng doktor kay weston. Nag cross arms and doktor at matiim sa kaniyang tumingin at naghihintay sa sagot niya.

“So far okay naman yung pakiramdam ko dok. Medyo may iba pa akong mga sugat na sariwa at medyo may kirot pa ang kaliwa kong braso” Ang honest na paglalahad at sagot nito sa doktor.

“Maganda naman kung ganun. At based narin sa aura mo ngayon ay mukhang okay kana nga maliban nalang sa mga sugat mo. Mag stay ka muna dito ng isa pang linggo para sa totally na paggaling ng braso mo at matanggal narin ang benda dyan. Then we will talk seriously about what happened at kung bakit kita tinutulungan” Ang may kahabaang litanya ng doktor sa nakikinig na si weston. Napatango nalang ito at bahagyang na curious din sa pag-uusapan nila ng doktor.

“If you need anything just press the entercom at sabihin mo ang kailangan mo at ibibagay sayo ng assistant ko. Pumunta lamang ako dito para tingnan at kamustahin ka. Iyon lang naman ang sadya. Sige aalis na ako. Rest your well you body para maaga kang ma discharge” Ang turan ni mason sa innosenteng tingin na ipinupukol sa kaniya ni weston.

“Noted dok! And thank you. Sa lahat” Ang bahagyang sabi nito at napangiti sa doktor. Napaiwas naman ng tingin si mason dahil naaala niya ang ngiti ni westo sa yumaong asawa nito. Magkapatid nga talaga ang asawa niyang si marites at ang bayaw niyang naka tingin sa kaniya para bang hinigop ang kaniyang katinuan kaya bago siya mawala sa katinuan ay iniwan niya ang bayaw.

Bumalik sa pagkasandal sa head rest ng kama si weston at bahagyang ipinikit ang kaniyang mata. Inaalala niya kase kung saan niya nakita ang doktor dahil tulad nga sa unang pagkita niya dito nung nakaraang linggo ay familiar ito sa kaniya. He don’t know kung saan niya ito na nikata pero he is really sure nakita niya ito pero tanging isang malabong memorya lamang ang mga naaalala niya.

Ipinagsawalang bahala niya lang ang mga isipang iyon at napag pasyahang manood ng drama series sa netflix. Hindi niya pa kase natatapos ang turkish drama series na pinapanood niya simula nung isang araw.

A/N: Ayan na po sa mga nag rerequest ng ud hehe. Pero pasensya na din talaga kase hindi muna ito ang priority ko ngayon. Tatapusin ko muna ang tatlong daddy series bago ko ito pagtuunan ng pansin. Yun lang naman.

Thank you and Stay Safe guys!

  1. HUSBAND DIARIES
  2. HD-1
  3. HD-2
  4. HD-3