loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
I Caught Feelings With You (COMPLETED)

I Caught Feelings With You (COMPLETED)

AmorevolousEncres · 13 chapters · 14,034 words

I CAUGHT FEELINGS WITH YOU

This book is a work of fiction. Names, places, incidents are produced by the author’s imagination and are used fictitiously. Any resemblance to persons, living or dead, events and locales are extremely coincidental.

All rights reserved. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical, including, photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system, without the written permission of the author, except where permitted by law.

©AMore2025

Posted: November 2, 2025 Completed: November 2, 2025

>>>>>>>>>>*>

This is Harem and Alli’s story, characters from Owned By A Mafia Boss (Lorcan & Clayton’s story).

PROLOGUE

Prologue

“J-Jeremy, hindi kita maintindihan. B-Bakit ganito?” Naguguluhan kong tanong kay Jeremy nang maabutan ko siya sa condo namin na naghahakot na sa kanyang gamit.

Akin lang pala itong condo dahil ako naman ang nagbabayad nito at wala siyang ambag kahit na piso. At kahit magbigay siya ng piso ay hindi ko tatanggapin iyon. Anong magagawa ng piso niya sa taas nang bilihin at gastusin ngayon?

Inilibot ko ang aking mata sa buong silid namin at nanginginig ako dahil sa pagtataka sa ginagawa niya.

Halos mag-isang taon na kami ni Jeremy. Hindi ko siya nakuwento kay Clayton, ang best friend kong pinagpala sa lahat ng bakla—dahil ayaw kong ma-jinx itong relasyon ko kay Jeremy. Malas kasi ako sa relasyon, kung hindi ako gino-ghost, niloloko naman, at kung hindi ako niloloko ginagamit lang o pini-pera-an.

Kahit na lagi akong sawi pagdating sa lovelife. Hindi naman ako nawawalan ng pag-asa kasi saksi ako sa naging lovelife ng kaibigan ko— ni Clayton! Ilang beses binaba at dinurog ng pagkakataon at panahon ang kaibigan ko, pero ngayon waging-wagi naman siya. Ang akala ko—namin noon na wala na ay muling nagpakita kay Clayton.

Kaya kahit na ilang heart break pa ang pagdaanan ko, naniniwala akong may tao talagang para sa akin. Kailangan ko lang na ipaglaban ito at hindi sukuan kagaya ng lovestory ni Clayton at Lorcan!

“Let’s break up, Harem.” Si Jeremy at tila nabingi ako sa kanyang sinabi. Parang may dumaang matalis na tunog sa tenga ko at humampas nang malakas ang aking puso.

Naibagsak ko ang aking bag sa sahig. Ni hindi pa ako nakakapagbihis galing sa trabaho ko. At hindi pa nga ako nakakaupo pero ito kaagad ang bungad ni Jeremy sa akin!

H-how dare he?!

“Jeremy, a-anong nagawa ko?” tanong ko sa kanya dahil wala talaga akong ideya sa kanyang pinagsasabi ngayon!

Inilibot ko ang aking mata sa buong kwarto at sinimulan kong halungkatin ang bawat sulok ng kwarto namin.

Jeremy is a vlogger, kakasimula niya pa lang at nakita ko naman na may one hundred thousand or more na siyang followers.

Baka pina-prank niya lang ako ngayon. Baka may nakatagong camera ngayon dito sa kwarto. Usong-uso pa naman ang prank-prank ngayon.

But then, hindi pa ako nafeature o nakita kahit kailan sa kanyang mga vlogs. Laging ako lang ang nasa behind the scenes or camera. Ako ang taga-ayos ng camera niya, ako ang taga-ayos sa kanya kapag may nagpapa-promote sa kanya. Sa simpleng salita, ako ang kanyang assistant! Pero hindi ko iyon iniisip kasi mahal ko si Jeremy. Boyfriend ko siya!

“Nasaan ang camera? Saan mo tinago ang camera, Jeremy?!” paghihisterya habang hinahalughog ang buong silid.

Malakas ang kabog ng dibdib ko at para na akong lalagnatin! Tang ina! Nasaan ang putang inang camera?!

“Tumigil ka na, Harem!” sigaw ni Jeremy sa likod ko.

Tamang hawak ko ang naka-display na vase sa tabi ng flat screen TV ng kwarto. Humigpit ang pagkakahawak ko sa flower vase. The corners of my eyes begin to burn, warmth pooling as I fight the urge to cry.

Yumuko ako at nanlabo ang mga paningin ko dahil sa mga luhang nagbabayad! Luha pa ba ito? Ang init ng nararamdaman ko ngayon. Anytime parang sasabog na ako!

“Walang camera, Harem! Kahit baliktarin mo pa itong kwarto mo ay wala kang makikita kaya tumigil ka na!” Muling singhal ni Jeremy!

Unti-unti akong humarap sa kanya at nag-uunahan na ang mga luha ko sa pag-agos. Jusko naman! Walang contest sa palakasang umiyak pero ang mga luha ko parang takot na matalo!

“Jeremy… h-hindi magandang biro ito.” Nauutal kong sabi dahil umiiyak na ko.

Marahas na tinapon ni Jeremy ang kanyang hawak na damit doon sa kama. Bumaling ako sa kama at nakita ko ang mga damit niya doon. Mukhang malapit na siyang matapos sa pagligpit niya sa kanyang mga damit. Mukhang wala na rin siyang tinira!

“Wala na akong feelings sa’yo, Harem, kaya itigil na natin ito. Mas masasaktan ka kung magtatagal tayo,” aniya.

Napamaang ako at pinalis ko ang aking luha gamit ang likod ng kamay ko na may hawak na vase.

Hindi ko mawari ang kabog ng dibdib ko ngayon. Para siyang sinisipa ng malakas at nalalagutan ako ng hininga.

Shit! Pagod ako galing sa trabaho! Tapos ito ang aabutan ko?

“You don’t love me a-anymore? Nawala na ang feelings mo sa akin, Jeremy?” Natatawa kong tanong sa kanya pero umiiyak ako.

Tamad lang na nakatingin sa akin si Jeremy. Tila bored na bored siya sa akin. Akala niya nagda-drama lang ako rito sa harap niya!

“Oo nga, Harem! Ang kulit mo!” Banas niyang wika at tumalikod sa akin upang balikan ang kanyang pag-iimpake!

Nanginig ang mga kamay ko at naramdaman ko ang pag-akyat ng dugo ko sa aking ulo hanggang sa sumabog na ito!

Dahan-dahan kong itinaas ang kamay ko kung saan hawak ko ang base at saka ko ito binato sa dingding ng malakas!

Napatalon si Jeremy mula doon sa kama. Hindi siya makapaniwalang napabaling sa akin. Sumugat ang gulat at takot sa kanyang mukha.

“Akala mo ba naglalaro ako rito, Jeremy?! Ganon mo na lang ba itatapon ang mga pagsasama natin? Really? Putangina, halos isang taon din tayo, Jeremy!” Bulyaw ko sa kanya.

“Puta, anong hindi mo maintindihan sa sinabi ko, Harem? Bawal bang ma-fall out of love?”

Marahas kong hinilamos ang aking kamay sa mukha ko at bumuga ng isang malalim na hininga mula sa aking bibig.

“Fall out of love? Bigla-bigla ba, Jeremy? Putangina mo, kanina maayos pa tayo! Maayos tayong naghiwalay kanina para sa kanya-kanya nating hanapbuhay pero ito ang dadatnan ko sa’yo? Na-fall out of love ka ba talaga? Tangina naman ng rason mo, Jeremy!”

“Ano bang gusto mong iparating, Harem? Na may third party? Na may iba ako kaya kita gustong hiwalayan? Oh, sige, paniwalaan mo ang gusto mong paniwalaan! Puta, ang drama mo! Akala mo naman babae!”

Doon ako natigalgal at hindi makagalaw sa sinabi ni Jeremy. That’s it. Hindi ko na siya pilit pang magpaliwanag sa akin dahil lumabas na sa bibig niya ang pinaka-ayaw kong marinig.

Fuck! Ito ba talaga ang lalaking minahal ko? Ito ba talaga ang lalaking iniyakan ko? Shit! Ang kitid ng utak! No, wala yatang utak!

“Jeremy, mahal mo ba talaga ako o… ginamit mo lang ako?”

Napatigil si Jeremy sa pagbaba niya sa kanyang maleta sa sahig pero kalaunan ay nagpatuloy siya hanggang sa makarating siya sa pinto ng silid.

“Ayaw na kitang makita, Harem. Sana hindi magkrus ang landas natin.” sabi niya bago lumabas ng kwarto!

Napaupo ako sa sahig at humagulhol ng iyak. Inabot ko ang aking bag sa sahig at kinuha ko ang aking telepono.

Hinanap ko sa aking contacts ang numero ni Clayton at tatawagan ko na sana siya kaso naisip ko na ki-bago-bago palang mula nang magkaayos sila ni Lorcan. Ayaw ko siyang bigyan ngayon ng drama ko.

Matapos kong iniyak ang lahat ng galit ko kay Jeremy, tumayo ako at nilinis ko ang basag na vase. Naligo na rin ako at nagbihis ng bagong damit.

Bumuntong hininga ako dahil naninikip ang dibdib ko sa bawat lingon ko sa kama. Ilang malamig na gabi rin ang pinagsamahan namin ni Jeremy sa kama ko.

Si Mommy at Daddy ay tutol talaga dito sa pagbukod ko sa amin. Pero dahil kay Jeremy, umalis ako sa bahay. Pinaglaban ko talaga ang gusto ko at si Jeremy. Akala ko kasi siya na eh.

Mukhang kailangan ng make-over ng condo ko. Ayaw kong may maalala ako kay Jeremy!

With my relationship history, nasanay na ako na lagi akong nasasaktan. Oo masakit pero alangan naman pakamatayan ko sila, di ba? Edi, dehado ako!

I drove to the nearest bar near my condo building. Mabuti at niregaluhan ako ni Mom at Dad ng kotse pagka-graduate ko nang college. Akala kasi nila di ako makakatapos. At sa sobrang tuwa nila na nakapagtapos ako, napabili sila ng kotse!

Kilala na ako ng bouncer sa bar na aking pinasukan kung kaya’t di na ako nag-abala pa na kunin ang aking ID sa aking itim na sling bag.

“One martini, please!” sabi ko kaagad sa bartender pagka-upo ko sa isang metal high chair ng counter.

Tumango ang bartender sa akin. Kukunin ko na sana ang phone ko upang kumuha ng larawan nang may biglang mabigat na kamay na lumagapak sa aking balikat!

“Bakla? Harem?” Maangas na tawag ng isang babae sa akin. Makapal ang boses ng babae at nagtutunog lalaki nga ang kanyang boses sa kapal! At isa lang ang babae na kilala kong ganon ang boses!

Nilingon ko si Alli or si Allison, ang personal aider ni Tita Ellen, ang ina ng kaibigan kong si Clayton! Napatakip si Alli sa kanyang bibig na parang gulat sa presensya ko.

Inirapan ko si Alli at hindi pinansin kaso magaslaw siyang umupo sa tabi ko.

“Libre naman d’yan!” Feeling close niyang sabi.

“Ayoko! Wala akong pera! Ikaw dapat manlibre sa akin dahil ikaw ang mas may malaking sweldo sa atin!”

“Psh! Mayaman ka.”

“Mas mayaman ka, Alli!”

Ngumiwi siya sa akin at nag-order ng drinks.

Natulala ako habang nakatingin sa baso ko, bigla kasing pumasok sa isip ko ang eksena doon sa condo ko. Kaso kaagad ding naputol nang sikuhin ako ni Allison! Walang hiya talaga ang babaeng ito! Magd-drama pa sana ako!

Allergic ako sa tulad ni Allison at sa katunayan nga ay kaaway ko ito kaso ngayon drain pa ako mula sa away at hiwalayan namin ni Jeremy. I can’t handle another disaster, especially if it involves Alli.

“Mukhang malaki ang problema, ah.”

Nag-side eye lang ako sa kanya. “Talagang malaki!”

“Hihi! Broken hearted ka?”

Bumuntong hininga ako dahil naninikip na naman ang dibdib ko. Masakit talaga. Kahit ilang beses na akong nasaktan ng mga lalaki. Hindi pa rin talaga sanay ang puso ko!

Tiningnan ko si Alli. Naka-jeans siya, white inner shirt na pinatungan ng isang itim na leather jacket at boots! Feeling talaga ang babaeng ito! Pero gumanda siya.

“My boyfriend just dumped me. He fell out of love for almost one year naming relationship at maglive-in!” I must be drunk, because here I am telling all this to Alli—the very person I’ve considered my nemesis ever since I met her through Clayton.

“Ay malaking gago ang ex mo! Mabuti at naghiwalay rin kayo!”

Inikutan ulit siya sa mata ko. Allison brushed her long, wavy black hair back over her shoulders.

“Inom na lang natin ’yan! Postponed muna ang away natin, ha. Damayan muna kita d’yan sa pagka-broken mo. Nakakaawa ka eh.” Allison said as she slid another glass of liquor toward me.


This story is already

COMPLETED

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 1

Chapter 1

HAREM’S POV

Inis kong pinalis ang luha ko habang nag-iimpake sa aking mga gamit. Wala na akong balak pang mag-stay sa condo na ito. Ayaw kong may maalala ako kay Jeremy. Akala ko makakaya kong baguhin ang design ng bahay at furniture. Kaso kahit anong sulok, nakikita ko pa rin ang hayop na pagmumukha ng lalaking iyon.

Nasasaktan ako pero hindi ako magpapalubog sa sakit. Ilang boyfriend na naman ang dumaan sa akin. Ilang beses na akong nasaktan pero nakaka-recover naman ako. Two weeks or one month, makakalimutan ko na ang Jeremy na iyon.

Kapag naka-move on ako. Gagawa talaga ako ng dump account at ibabash ko siya. But on the other side, I won’t stoop myself that low. Hahayaan ko na lang ang karma na babalik sa kanya.

Ngayon maghahanap muna ako ng condo na malilipatan. Babalitaan ko na lang ang mga magulang ko sa new condo ko kapag nakahanap na.

Ngayon palang mai-imagine ko na ang mukha ni Mommy. Masesermonan na naman ako no’n about kay Jeremy. Hindi niya kasi ito bet. Kaso nga… lintik na ’yan. Nagustuhan ko pa rin.

Bwesit talaga! Pinaglaban ko pa naman at nakipaglive-in pa!

Huminga ako ng malalim kasi naninikip na naman ang dibdib ko. Shuta! Kahit na gago si Jeremy nasasaktan pa rin ako! Minahal ko kasi. Nakakagalit lang ang rason niya sa ’kin. Tapos maririnig ko pa sa bibig niya ang ‘akala mo naman babae’.

Makakahanap pa ako ng mas macho, hot, at may EQ na jojowain.

“Akala ko ba naiyak mo na ang lahat?”

Mabilis kong pinalis ang luha nang marinig ko ang padaskol na boses ni Allison. Jusko! Ano ba kasing nakain ko at tinanggap ko ang offer nito na tulungan ako sa paglilipat ko?

“Hindi mo kasi alam ang mahiwalayan!” Asik ko rito. Kakabalik niya lang dahil hinatid niya ang isang box na gamit ko sa kotse na nasa basement.

Umupo siya sa sofa. Pinahid niya sa kanyang pawis noo ang kulay cream na knitted crop top jacket. Alli wore baggy jeans, a pink sleeveless top layered with a cream knitted cropped jacket, and a pair of sneakers.

Kahit walang ginagawa itong babae na ito, may umuusbong talaga na inis sa ’kin. Para kaming aso’t pusa nitong si Alii nang bago palang kaming magkakilala. Minsan pa nga umaabot kami sa sabunutan.

At ngayon, ang mortal kong kaaway ay kasama ko. Umiyak pa ako sa kanya kagabi at sinaysay ang nangyari sa amin ni Jeremy.

Umismid lang siya sa akin.

“Aalis ka na rito kaya, sige. Iyak ka na. Umiiyak ka nang umiyak!” Parang nag-uutos lang na saad niya.

Nilagay ko ang box ang huling bagay na gamit ko sa kwarto— ang dildo! Eme!

“Hindi ako makakaiyak kasi nandito ka. Tingnan mo, nang dumating ka tumigil kaagad ang luha ko!”

Talagang hindi makaiyak kasi nairita na ako sa merlat na ’to. But right now, I can’t bring myself to push her away. I feel too vulnerable, and somehow, I need her here.

When I said my tears stopped the moment I heard her voice, I meant it as a joke, but maybe there’s some truth to it. As much as she irritates me, I actually like her company. She’s blunt, straightforward, and never bothers to sugarcoat her words.

“Taray mo naman, bakla! Pasalamat ka talaga ka talaga ngayon kasi pinagbibigyan kita. Iniwan ka kasi ng gago mong boyfriend—”

“Ex na iyon!” Mabilis kong sabad sa kanya.

Siguro kaya iba ang sakit na nararamdaman ko ngayon kasi si Jeremy ang pinakamatagal kong boyfriend. Kaya nga inakala ko talagang siya na. Because we even planned our future together, we talked about what we would be like years from now. The part of my heart that belonged to Jeremy left a deep wound in my chest. That’s why it hurts so much… and why I feel even more miserable.

Pero nasaan na iyon. He left me. He said, he fell out of love. Ginawa niya naman akong tanga sa part na ’yon. Maayos kami sa no’ng araw na iyon, tapos biglang pag-uwi ko gano’n na.

“Sabi ko nga ex mo!” si Alli. “Nagugutom na ako. Hindi mo ba ako paglulutuan?”

Nagusot ko ang mukha ko kay Alli. Nakapamaywang akong tumayo sa kanyang harapan.

“Wala akong pwedeng lutuin ngayon dito. ’Di pa kasi ako nakakapag-grocery kaya ano naman ang ihahanda ko sa’yo? Iyong underwear ni Jeremy na naiwan sa banyo?”

Pinulot ni Alli ang throw pillow sa tabi at binato sa akin. Sumentro pa iyon sa mukha ko.  At dahil ayaw ko namang magpautang sa merlat, nagkaroon pa kami ng pillow fight sa kwarto.

Infairness kay Allison, ang lakas ng mga hampas niya sa akin parang naalog ang utak ko. Sana pati puso alugin din niya para mawala itong sakit.

“Pakainin mo naman ako! Gutom na gutom na iyong tao, oh!” Reklamo niya matapos ng throw pillow fight namin. “Ako kaya ang naghakot ng gamit mo sa baba!”

Sinusuklay na niya ang buhok na gulong-gulong, animo’y dinaanan ng bagyo. Dinampot ko na lang ang cellphone ko at nag-order ng makakain. Kino-konsensya pa ako ng merlat na ’to!

“Oo na po! Sa susunod hindi na kita isasama o tatanggap ng kahit anong tulong mula sa’yo. Ang galing mong manumbat!”

Nakatalikod pa rin siya sa akin at nagsusuklay sa buhok gamit ang daliri.

“Talaga lang kasi ito rin ang first at last tulong ko sa’yo!”

Umirap na lang ako. Naghanap ako ng suklay sa gamit ko at walang awang hinila ang buhok niya.

“Ahh! Aray ko! Tang inang bakla ka!” Masakit niyang tili. “Siraulo ka talagang bakla ka. Paano kung nahila mo pati anit ko?” Malakas niyang sinampal ang hita ko! At dahil naka shorts lang ako, deretso ang mabigat niyang kamay sa balat ko!

“Aray ko! Bwesit ka ring tomboy ka!”

Sinimulan ko nang suklayin ang kanyang magulong buhok.

“Magkaibigan nga kayo ni Clayton! Tomboy nang tomboy sa ’kin!”

Tinulak ko ang ulo niya at napasigaw na naman siya.

“Bakit hindi ba?”

“Oo nga! Gusto mo bang buklatin ko pa puki ko sa’yo?”

“Ughh!” Pagdadrama ko na parang nasusuka sa kanyang sinabi.

Nanindig lahat ng balahibo ko sa katawan dahil sa kapangahasan ng babaeng ito!

“Baliw! Sarilihin mo ’yang pechay mo, Allison! Kakadiri ang mga tahong! Saur eww!”

“Hindi ka lang nakakatikim eh!”

Halos mahilo na ako sa mga sinasabi ni Alli. Nasusuka ako na ewan. Kinikilabutan ako!

“Gumuho man ang mundo, Allison. Never! Never akong titikim ng tahong! Sapat na sa akin ang talong!”

Muli niyang sinampal ang hita ko pero this time sa kabila naman. At dahil hindi naman ako nagpapa-utang. Inalog ko ang ulo niya.

“Maalat-alat na talong kamo!”

Natawa na lang kaming dalawa. Magsuntukan man kami ni Alli at lahat-lahat. Sa huli nagtatawanan pa rin kami!


This story is already

COMPLETED

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 2

Chapter 2

HAREM’S POV

Ang merlat na si Alli ay sobrang natuwa nang dumating ang pagkain. Nagpasalamat din ako na dumating na iyong lunch namin dahil kung saan-saan na umabot ang aming mga pinagtatalunan. Umabot na kami sa titi at puki.

Kapag magkasama ni Alli, napaka-imposible talagang hindi kami mag-away, magsakitan, at magbangayan. Though, kahit ganyan kami. We still see each other as friends. Parang mga baliw talaga kami.

“Saan ba si Tita Ellen ngayon? May lakad ulit?” usisa ko kay Alli habang kinakarga namin ang mga box sa kotse ko.

Pumunta si Alli rito sa condo ko na dala ang sasakyan niya kaya magagamit ko rin iyon. Hindi kasi kasya sa kotse ko iyong ibang box. Ford ranger ang kotse niya tapos sa akin naman honda civic. Kaya naman may malaking espasyo sa kotse niya para sa mga box ko.

“Oo, tingin ko magho-Hong Kong na naman sila Ate Ellen kasama sila Ma’am Hilda.”

Napatango ako. Ang swerte talaga ni Clayton. May mayaman, macho, at pogi siyang boylet samantalang ako. Ito. Niloloko pa rin.

“Taray naman ni Tita Ellen. Bakit hindi ka sumama?”

Nilapag niya muna ang isang karton bago ako sinagot.

“Sabi kasi ni Ma’am Hilda hindi na raw kailangan. Isa pa naka-ilang balik na kami ng Hong Kong. Kapag kasama si Ma’am Hilda, shopping lang ang gagawin nila. Bukas na bukas uuwi rin ang mga ’yon!”

Apaka-swerte talaga ni Mareng Clayton. Swerte sa lalaki, swerte rin sa mga manugang.

Ako ang malakas lumandi no’ng college namin ni Clay. Si Clayton, ang best friend ko, allergic siya sa mga ganyan. Hindi siya lumandi noon kahit sa mga babae. Kaso nang mag-2nd year college na kami, doon na siya kumiringking sa kanyang boylet ngayon.

Ako sana itong mahilig sa lalaki pero si Clayton ang binigyan ng lalaki. Jusko! Huwag naman sanang magkatotoo iyong sinabi niya noon sa ’kin. Bigla nalang pumasok iyon isip ko.

Naur! Maling-mali si Clay nang sabihin niya sa akin na babae ang makakatuluyan ko. Hindi ko ’yan matatangap. Never even in my wildest nightmare!

Sa tulong ni Alli, kahit labag ito sa loob ko kasi tinuturing ko siyang mortal enemy, nakahanap ako ng bagong condo. Doon lang din sa condo kung saan siya nakatira.

“Yie! May kapitbahay na rin ako!” Tuwang-tuwa saad ni Alli.

Oo, kung minamalas pa ay magkapitbahay kaming dalawa.

“Siguraduhin mo lang na kung may bago kang boylet, hindi kayo mag-iingay. Malakas pa naman ako magreklamo sa management!” Talak niya.

“Gaga! Kakagaling ko palang sa break-up ’no! Focus muna ako sa paghi-heal ng self ko!” Madrama kong niyakap ang sarili.

Ngumiwi naman si Allison sa akin.

“Talaga? Baka makakita ka lang ng pogi d’yan, bibigay ka kaagad. Or worse, balikan ka ng ex mo.”

“Heh! Ayoko na ’no!”

Pagkarating namin sa condo. Tinulungan pa rin ako ni Alli sa pag-akyat ng mga gamit ko. Nasa ika-apat na palapag lang naman kami kaya mabilis lang din ang paghahakot ng gamit.

Sa huling dalawang carton na nasa kotse ko, hindi ko na pinababa si Allison. Maliliit lang naman iyon at kaya ko na. Kaya naman magpapahinga lang daw siya sa condo niya, pinagod ko raw siya.

Shuta niya! Iba ang dating sa ’kin no’ng salitang ‘pinagod ko siya’.

Ang kagandahan sa condominium na nilipatan ko ay dahil may malapit itong convenience store, mall, at may malaking park pa. Kaya bago ako nag-diskarga sa mga gamit ko, namili muna ako. Naisipan ko ring gawan ng hapunan si Allison kasi ang dami niyang naitulong sa ’kin ngayon.

Habang namimili ako ng sangkap para sa aking lulutuin tumunog naman ang cellphone ko. Nang tingnan ko ito, tumatawag sa akin si Clayton! Ang baklang pinagpala ng lubos!

“Harem?” si Clayton nang sagutin ko ang tawag.

“Yes?”

“Magkasama kayo ni Allison?”

Tumaas ang kilay ko. “Ha? Hindi.”

Nasa grocery store ako. Si Alli nasa condo niya. Iyan ang alam ko.

“Eh, sabi niya magkasama raw kayo. Sinamahan ka niyang lumipat? Saan ka naglipat?” Bumahid ang ka-lituhan sa boses ni Mareng Clayton. Char! Kapag sa personal hindi ko ito natatawag na Mare. Baka tumama ang kamao no’n sa expensive kong mukha! Expensive ang skin care!

Napairap ako. Jusko naman talaga! Ang bibig ng merlat na iyon ay kung ano-ano na ang pinuputak dito sa kaibigan ko.

“Ah, oo. Lumipat lang kasi na-bore ako roon sa dating condo ko eh.”

“Harem,”

Mariin akong napapikit nang sumeryoso ang boses ng kaibigan ko.

“Harem, busy ako pero kapag kailangan mo ako nandito lang naman ako. Noong walang-wala ako, ikaw ang nasa tabi ko, Harem. Bago ko nakilala itong mga kaibigan ko ngayon. Ikaw ang una kong kaibigan, ang naging kasangga ko. Kaya ’wag mo sanang isipin na nag-iisa ka, ha. Alam ko naman na nand’yan ang parents mo sa’yo. Pero gusto ko lang din na nalaman mo na nandito ako. Handa rin akong makinig sa’yo.”

Napanguso ako. Naging emosyonal na ang bakla dahil sa kanyang kaibigan.

“Alam ko, Clay. Let’s catch up sometime. Sa susunod kong day off.”

“Hmm!”

Pagkatapos ng tawagan namin ni Clay ay sunod ko rin tinapos ang aking pamimili. Nang makarating sa condo. Hinugasan ko ang mga prutas at gulay na binili. Hinanda ko rin ang mga sangkap sa lulutuin kong chicken adobo at escabetche. Bobonggahan ko ang ulam ng dinner ko tonight since ito rin ang first time kong magluto sa bago kong condo.

“Alli! Allison!” Panay ang pindot ko sa doorbell ng bahay nito pero walang sumasagot. Dala ko pa naman ang dalawang baunan ng ulam.

Ayaw ko namang iwan ang ulam sa labas ng pinto nito. At nang akmang aalis na ako, narinig ko ang pagbukas ng pinto. Malaki ang ngiti kong lumingon dito. Kaso nawala ang ngiti ko nang makita ko si Allison.

Magulo ang buhok, may panis na laway, naka-oversized tshirt at… ang merlat walang bra! Nanunusok ang nipples niya!

“Ang ingay mo bakla ka!” Reklamo niya, nagkamot sa ulo at mas lalong nagulo ang buhok niya. Para na siyang bruha ngayon!

Walang alingan akong pumasok sa bahay niya at deretsong hinanap ang kusina niya. Rinig ko naman ang pagsunod niya sa akin.

“May ulam akong dala. Kumain ka na,” saad ko at nilapag sa mesa niya ang baunan.

Ngisi-ngisi siyang lumapit sa akin.

“Ayiie! Salamat neighbor. Sana palagi ito!”

“Tse!” Asik ko sa kanya. Sinamaan ko siya ng tingin. “’Tsaka, kapag lumabas ka ayusin mo naman ang hitsura mo! At mas lalong magsuot ka ng bra kapag lumabas ka! Huwag kang basta-basta na lang magbubukas ng pinto na wala kang bra!”

Gulat siyang napayakap sa sarili.

“Oi, bakla! Binubusuhan mo ba ako?”

“Baliw! Kilabutan ka nga d’yan sa pinagsasabi mo! Eww!” Napahimas ako sa braso ko nang namindig ang balahibo ko sa katawan!

Humalakhak naman ang gaga sa ’kin! Akmang yayakapin niya ako kaso tumakbo na ako palayo. Jusko ang lalaki ng watermelon ng merlat!

CHAPTER 3

Chapter 3

ALLISON’S POV

“Ano ba ’yan mas chuma-chaka ang mukha ko kakaiyak nito!” Angil ni Harem sa kanyang sarili.

Kakauwi ko lang galing sa bahay nila Clayton kasi ako ang nag-aasikaso kay Tita Ellen. May room na naman ako roon sa bahay nila kaso minsan inuuwi ko rin itong condo ko. Ayoko ko kayang pamahayan ito ng ibang elemento.

Ngayon nga ay dumadalas ang uwi ko rito kasi may kapitbahay ako, si Harem— ang baklang best friend ni Clayton na siyang kaibigan slash kaaway ko.

Pumait ang mukha ko habang nakatingin kay Harem. Naliligo ang pisngi niya sa luha. Parang naghalo na nga ang luha at sipon nito eh. Naabutan ko siya roon sa labas ng condo ko. Umiiyak na animo’y namatayan.

“Ang shakit-shakit kashi!” Nagkabuhol-buhol na ang dila niya dahil sa kalasingan. Pinupukpok niya pa ang dibdib niya at humangos na naman.

Gusto ko nang magbihis at manood ng movie pero heto ako’t sinasamahan itong kaibigan slash kaaway ko na nagre-relapse. Nandito kami sa sala ng condo niya. Bukas ang flat-screen TV niya at umaalingawngaw ang kanta doon na Pusong Ligaw yata ang title.

“Tama na kasi kakainom mong bakla ka! Hindi ikaw ang inaalagaan ko, ha. Paalala ko lang sa’yo na si Tita Ellen ang alaga ko.” Wika ko naman. Kinuha ko ang bote ng alak mula sa kanya kaso hinawakan niya ang leeg no’ng bote at inagaw sa akin. Tumungga siya roon.

“Gusto ko lang umiyak ngayon para mawala na ito. Hindi ko deserve ito. I deserve better. More handsome, richer, at may malaking talong.”

Tumango-tango ako. Uminom na rin ako upang tulungan siyang ubusin iyong mga alak. Tangi! Ang dami niyang stock na alak sa ref.

“Ito inom pa. Ito ang gusto mo, ’di ba? Sige, inom pa!” Sulsol ko na rito at binuksan ang mga alak.

Papainumin ko na lang siya ng todo para matapos na ito. Gusto ko na kasing magrelax. Nanahimik si Harem kaya sinipat ko ito.

Nakayuko siya at tumataas-baba ang balikat. Hawak niya iyong bagong bukas ko na alak. Panghuling bote na iyon. Medyo may tama na nga rin ako ng alak dahil nilaklak ko rin ito.

“Harem, okay ka lang? Gusto mo bang ihatid kita sa kwarto mo?” tanong ko rito at hinawakan ang balikat ni bakla.

Maingay ang hikbi niya. Bigla tuloy pumasok sa isip ko si Clayton. Noon kasi may malaking dagok din na sumubok sa pagmamahalan nila ni Sir Lorcan. Nakita ko rin kung papaano halos mawalan ng bait si Clayton. Pero ang astig lang kasi naging sila pa rin ni Sir Lorcan sa huli.

“Allison, bakit kaya ako ang laging iniiwan?” Ani Harem sa mababang boses. Halos hindi ko na siya marinig kasi malakas ng volume no’ng TV. “Maayos naman akong karelasyon. Totoo naman ang feelings ko. Loyal ako sa mga partners ko. Pero, bakit ako ang laging luhaan sa huli? Sa ganda kong ito, ako ang laging umiiyak. Ang laging naiiwan ng mga nobyo!”

Napabuga ako ng malalim na hininga. Tumungga muna ako ng alak at nagpahid sa labi gamit ang likod ng palad ko. Nakapatong ang isang siko ko sa tuhod at hawak ng kamay ang bote ng alak. Ang isa ko namang kamay ay nasa sofa. Nandito kasi kami ni Harem sa sahig nakaupo.

“Aba’y malay ko!”

Nag-angat ng tingin si Harem sa akin. Inikutan niya ako sa mata. Pulang-pula na siya at ang dungis tingnan. Ngayon ko lang napansin na hindi rin pala siya nakapagbihis.

“Wala ka talagang silbi sa buhay ko, ’no? Kahit plastic na comfort hindi mo maibigay!”

Umamba akong sisikuhin siya.

“Pasalamat ka talagang bakla ka na lasing ka ngayon at broken-hearted.”

“Ang mean mo kasi sa akin!”

“Ikaw din naman ah!”

Nagsisigawan na naman kaming dalawa na para bang hindi magkaharap sa isa’t isa. 

“Don’t rush yourself kasi! Hanap ka nang hanap ng lalaki. Tuka ka nang tuka ng kung sinong lalaki kaya ka nasasaktan ng ganyan! Hindi eksperiment ang ganyan, Harem. Siguro nga may trial and error sa buhay pero dapat kilalanin mo ang taong pagbibigyan mo ng damdamin mo. Hindi iyong basta’t basta mo na lang isusugal ang damdamin mo na parang candy ang presyo.” Pahayag ko. Natulala sa akin ang bakla.

“We’re only human, we get hurt because we have feelings, because we know how to love. Those two always come together, they’re  indispensable. That’s why you need to truly know the person you’re entrusting your heart to. And always remember to keep a part of yourself for you. Never give a hundred and one percent— huwag mong ibigay lahat. Talagang mauubos ka d’yan.”

Nagulat na lang ako nang bigla akong dambahin ng yakap ni Harem.

“I love you and I hate you, Allison. Thank you for being my enemy and my friend!”

Nandidiri ko itong tinulak kaso hinigpitan ni bakla ang pagkakayakap sa akin! Baliw talaga ito!

Hindi man kami laging nagkakasama ni Harem at minsan lang magkita pero nakikita ko ang pagbabago niya. Naging blooming na rin ang bakla at mas naging pogi!

Pogi!

Muntik na akong masuka sa sariling naisip. Si Harem pogi? Punyemas!

Nagkikita kami ni Harem kapag pumupunta siya sa bahay ni Clayton at nakikikain din sa bahay. Nakakalibre kasi kami sa masarap na luto ni Clayton dito sa bahay nila.

“Oi, may development kayong dalawa ha!” Tukso ni Tita Ellen sa amin nang makita kaming dalawa ni Harem na magkatabi sa sofa. Nanonood kami ng movie dito sa living area.

Si Harem prenteng nakaupo at ako naman nakasandal sa arm rest ng sofa at nakabuka ang hita. Ayos lang naman kahit na bumukaka ako rito kasi naka-pants naman ako.

“Errr! Like eww, Tita Ellen. Wala lang akong choice sa merlat ito!” ani Harem na kinasama ng mukha ko.

“Errr! Like eww rin ang mukha mo, Harem!” Panggagaya ko sa kanya at nagmi-make face sa kanya. Dahil asar talo rin itong si Harem kagaya ni Clayton sinampal niya ang mukha ko gamit ang throw pillow. At dahil hindi rin ako nagpapautang sa baklang ito. Nagkarambola kami sa living area. Si Tita Ellen naman ay tuwang-tuwa sa amin.

“Dios ko! Kung hindi lang talaga bakla itong Harem. Masasabi ko talagang bagay kayong dalawa!”

Para kaming sinamento ni Harem sa aming posisyon. Naantala ang kamay namin na kapwa may hawak na unan. Nakahiga ako sa sofa at si Harem naman nakasakay na sa baywang ko.

Napatili ako sabay tulak kaya Harem. Kaya naman ang bakla nahulog sa sahig.

Sa sumunod na gabi kahit na away-bati kami ni Harem. Magkasama kami sa isang bar. Nag-aya siyang uminom pasasalamat niya dahil sinamahan ko raw siya sa paglulugsa niya roon sa kanyang ex-boyfriend.

Aba! Sino ba naman ako pata tumanggi sa grasya?

Masaya kaming nag-iinuman ni Harem at tinutukso ko siya sa cute na bartender sa harap namin nang bigla siyang natulala sa bagong dating na lalaki at may kalingkis sa braso nito. Isang babae na bob-cut ang buhok at pandak!

“J-Jeremy?”

Punyemas! Ang ex niya!

CHAPTER 4

Chapter 4

ALLISON’S POV

Pusang gala! Kung kailan pa kami nagkakasayahan ni Harem dahil naka-move on na raw siya sa ex-boyfriend niyang si Jeremy. Ngayon pa talaga sumulpot ang ex niya sa harapan ni Harem. Ilang linggo na ang lumipas at mukhang ngayon lang sila nagkaharap dalawa matapos ng madugo nilang hiwalayan.

Kidding! Hindi naman naging madugo ang hiwalayan nila. Ang puso lang ni Harem ang nagdurugo sa break-up nila.

“Bitiwan mo akong gago ka! Manloloko! Cheater! User!” Malakas na sigaw ni Harem at bwelong inagaw ang kamay mula kay Jeremy.

Nandito kami sa gilid ng bar. Hindi ko rin alam kung bakit ako sumunod dito nang hatakin ni Jeremy si Harem palabas. Iyong babaeng kasama rin ni Jeremy ay nandito. Lito rin ang rumehistro sa mukha ni girl!

She had been desperately calling Jeremy’s name earlier, but he was too preoccupied with Harem. Sumugod kasi si Harem kanina sa kanila. Sumigaw na si Harem at akala ko magkaka-eskandalo na kaso hinatak siya ni Jeremy dito sa labas.

Nakikilala ko itong Jeremy. Vlogger ito at content creator. Ngayon ko lang din napagtanto na itong kasama niyang babae ay ang on-screen loveteam niya yata? Ewan ko kung content lang nila iyong mga nasa social media o ano. Ang korni kasi ng content nila.

“Bakit takot na takot ka? Takot kang kumalat sa social media ang katarantaduhan mo? Nakakasuka ka, Jeremy!” Dinuduro ni Harem si Jeremy.

“Ikaw, Harem? Hindi ka pa rin ba maka-move on hanggang ngayon sa ’kin? Patay na patay ka pa rin?”

Mapaismid ako. Kung siguro no’ng mga naunang week ito nangyari, masasabi kong patay na patay itong si Harem kay Jeremy. Kaso ngayon, malabo na. Kaso ewan ko rin kung bakit ito sinugod ni Harem.

“Naririnig mo ba ang sinasabi mo, Jeremy? Pasalamat na lang talaga ako na naghiwalay tayo! Wala kang kasing toxic na boyfriend!” Nanggagalaiting sigaw ni Harem sa pagmumukha ni Jeremy.

“J-Jeremy,  babe, sino siya? Bakit…?” Ani no’ng babae ni Jeremy.

Tumuon ang mata ni Harem sa babae ni Jeremy.

“Ahh, babe. Ito na ang girlfriend mo ngayon?” Mapaklang saad ni Harem at tinuro ang babae. “Itong si Risie?”

“Excuse me? Sino ka ba? Ikaw itong sumusugod sa boyfriend ko. And for your information, Jeremy and I are dating for six months already!”

Napahilamos ako sa aking palad. Tangi! Wala pa ngang three months bago naghiwalay si Jeremy at Harem!

Parang nababaliw na tumawa si Harem. Napasinghap ako nang sinampal niya si Jeremy.

“Fuck you kang, ulol ka! Manggagamit! Cheater! Two-timer! Pwe!”

“W-what?!” Garalgal ni Risie.

Harem’s perfectly shaped eyebrows arched mockingly at Risie. He then crossed his arms over his chest, lifting his chin with smug confidence. Taas kilay niya pang tiningnan si Risie mula ulo hanggang sa paa.

“For your more information lang din, Ms. Risie! Itong boyfriend mo…” dumiin ang pagkakakasabi ni Harem sa salitang ‘boyfriend’ at nanlilisik ang mga matang bumaling kay Jeremy bago muling binalik ang mata kay Risie. “… ay boyfriend ko lang din sa loob ng mahigit isang taon! And to tell you, wala pang tatlong buwan simula nang maghiwalay kami!”

Ngumisi si Harem. “Well, thank you na rin dahil nagising na ako sa katotohanan. Ang akin lang, kaya ako sumugod sa kupal na ’to ay dahil nag-iwan siya ng utang sa ’kin! Bwesit ka!” Singhal ni Harem kay Jeremy! “Maghunos dili ka, Jeremy! Akala mo ba maghahabol ako sa tulad mo? Ano ba ang pinagmamalaki mo sa ’kin? Iyang hundred thousand mong followers  sa Facebook? Iyang titi mo na pinagtiyagaan ko? Gago ka! Malaki pa ang ipon ko kaysa followers at titi mo!”

“Tama na, Harem!” Galit na singahal ni Jeremy at malakas na tinulak si Harem sa dingding.

Mabilis akong umeksena at tinulungan si Harem. Tinulak ko si Jeremy.

“Ano ba, pare?! Ang lakas mong mang alaska tapos ikaw naman pala ang nang-iwan ng utang dito kay Harem? Ang kapal naman ng pagmumukha mo!”

Susugod na sana sa ’kin si Jeremy nang unahan na ito ni Harem at tinulak bago pa ito makalapit sa ’kin.

“Tama na, Jeremy! ’Wag kang mandamay ng ibang tao!” Asik ni Harem kay Jeremy.

Ngumisi si Jeremy. Iyong Risie naman ay umiiyak na sa tabi.

“Sino ka ba? Sino ang hilaw na tomboy na ’to, Harem? Ito na ba ang pinalit mo sa ’kin? Wala ka na bang mabingwit na lalaki kaya namamangka ka na naman sa ibang ilog? Babae na tipo ngayon—”

“Bobo! Anong akala mo sa sexuality ko? At saka, kaibigan ko itong si Allison. Maganda at sexy ang merlat na ito pero hindi ako pumapatol sa kaibigan!” Humingang malalim si Harem. “Anyways, tutal naman kinaladkad mo na ako rito. Ang bayad mo. Akin na. Ginamit mo pa ang pangalan ko para makapanghiram ng pera sa mga ka-trabaho ko ha!”

Harem extended his hand. Kita kong nanggagalaiti na si Jeremy sa galit pero hindi niya ito mailabas. Kinuha ni Jeremy ang wallet at pabagsak na nilagay sa palad ni Harem ang ilang libo.

“Salamat naman at may hiya ka.” Umiirap na saad ni Harem kay Jeremy, ’tapos ay bumaling siya kay Risie. “Ikaw naman, miss, kilalanin mong mabuti itong nobyo mo. Sige ka, mangagamit ’yan, manloloko, hindi marunong maglaba ng underwear at mama’s boy.” Saysay ni Harem at nagkibit balikat. Nag-flipped pa ito sa kanyang imaginary long hair!

Iniwan namin ni Harem si Jeremy at iyong Risie na nagtatalo dahil kinaladkad na ako ni Harem palayo. Umuwi kami sa condo.

“Ibili natin itong binayad ni Jeremy sa ’kin. Iinom tayo ngayon, Allison. Bawal ang humindi. Mabubuntis kapag tumanggi!”

Sinapak ko ang ulo ni Harem at tama namang nakapasok kami sa loob ng convenience store, which is nasa baba lang din ng condo namin.

“Punyeta ka, bakla! Bakla ka, wala kang matres, ako meron! Kaya ako lang ang mabubuntis sa ’tin! Bwesit ka, ha!”

Hinila ni Harem ang buhok ko kaya napa-aray ako.

“Gaga! Kaya bawal ka tumanggi kundi, majujuntis ka talaga!”

Doon kami sa condo ni Harem nag-inuman. Nag-Netflix na rin kami at sumasarap na ang aming inuman

“Akalain mho ’yon! Ang galing niyang shumubo sha talong ko pero sisisip din pala ng tahong! Five out of ten siya sha ’kin sa kama kashi ang bilis mapagod kapag shiya ang top! Hindi pa mahaba ang titi!”

Naduduling na ako habang nakikinig kay Harem. Yakap ko ang bote ng alak at tango lang ako nang tango sa kanya.

“Allishon… masharap ba talaga ang tahong? Bhakit lagi akong pinapalitan ng babae?”

Sobrang lapit na ng mukha ni Harem sa ’kin. Tinapon ko ang alak at kinulong ko ang mukha ni Harem. Nagiging dalawa na siya sa paningin ko.

“Gushto mong subukan?”

“Err! Eww!”

Hindi ko rin alam kung ano ang sumagi sa katawan nang sunggaban ko ang labi ni Harem na putak nang putak!

“Bah,” pinakawalan ko ang labi niya at itutulak ko na sana ang mukha niya nang kabigin ni Harem ang leeg ko at hagkan ako!

“H-Harem!”

“Nagpu-focus ako bakla ka,” aniya.

“Ahh! Harem!” Hiyaw ko nang bigla niyang itaas ang tshirt ko at nilamas ang dibdib ko!

“Bakla ka, ang laki naman nitong suso mo,” alingaw pang saad ni Harem at mariing minasahe ang dibdib ko na animo’y stress balls!

“Punyeta kang bakla ka! Ayokong mabuntis!”

“Edi, hindi natin ipuputok sa loob?!”

Seryoso ba siya?

“Gaga ka?” Para akong nahimasmasan.

“Try lang naman?”

Tinitigan ko si Harem. Aliw niyang pinipiga ang dibdib ko na parang laruan.

“Psh! Gaga! Basta ’wag mong iputok!” ani ko dala ng kalasingan!

CHAPTER 5

Chapter 5

ALLISON’S POV

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha. Sobrang sinag nito kaya naman tinakpan ko ang aking mukha gamit ang palad ko. Kaso lang tuluyang nagising ang diwa ko nang may marinig akong hilik—hilik ng isang tao!

Dumagundong ang dibdib ko. Wala naman akong katabi. Mag-isa lang ako sa condo ko. Sa takot na may multo kahit umagang-umaga, nagmulat ako ng mata. Kaso ganon na lang ang kinalaki ng mga mata ko nang makita ko si Harem!

Anak ng… si Harem! Ang baklang kaibigan ni Clayton! Nakadapa siya sa kama, namumugto ang mga mata, magulo ang buhok, at… walang pang-itaas.

Napalunok ako. Nilibot ko ang aking mata sa silid at doon ko lang napagtanto na wala ako sa aking kwarto! Ibang kwarto itong tinulugan ko!

I was about to jump out of bed when it suddenly hit me, I wasn’t wearing anything. I was completely naked beneath the sheets!

“Punyeta talaga!” Mura ko at hinila ang kumot mula kay Harem! Thankfully may boxers naman siya! Tinapis ko sa katawan ang kumot at isa isa kong pinulot sa sahig ang mga damit ko.

Dumating ako sa sala ng condo ni Harem at doon ko nakita ang kalat na naiwan namin kagabi! Hindi ko na inintindi pa ang magulong condo ni Harem at pumunta sa condo ko.

Naghubad kaagad ako at nagpailalim sa shower. Pilit kong inaalala ang mga nagyari kagabi.

Pumunta kaming bar. Nakita namin ang ex-boyfriend niya at nagkasagutan sila. After that… umuwi kaming condo, uminom, nalasing at…

Napukpok ko ang ulo sa tiles ng banyo nang mapagtanto ko ang kabobohang nagawa namin ni Harem.

Utang na loob naman! Ginawa ba talaga namin ni Harem iyon? Talaga? Nag-sex kami? Ako at si Harem na kaaway-kaibigan ko? Nag-sex?

“Ahhh! Bwesit! Ang baklang iyon! Arghh!” Inis kong sinabunutan ang buhok ko.

Bakit ako bumigay? Bakit ako pumayag? Nabaliw na yata ako! Gusto ko mang kumbinsihin ang sarili ko na guni-guni ko lang o bangungot iyong nangyari sa amin ni Harem, ngunit ang pananakit ng balakang ko, kalmot, at pulang marka sa katawan ko ay ebidensyang hindi ko maitatanggi! My breasts have also been slightly sore since earlier.

Punyeta! Kung ano-ano kasi ang ginawa ni Harem sa dibdib ko! Tuwang-tuwa siya! Akala niya stress balls!

Poging Anak ni Tita Ellen: Clay, absent muna ako ngayon ha. May lalakarin kasi akong importante! Sorry if ngayon lang ako nakapagtext. Biglaan kasi eh.

Text ko kay Clayton. Wala naman talaga akong lakad, palusot ko na lang iyon kay Clayton. At saka sino ba ang gustong maglakad-lakad kapag naisip mo na ang isang bakla mong kaibigan ay makasiping mo!

The main issue here isn’t that Harem is gay! What bothers me is that he’s both my friend and my enemy!

Sinabunutan ko ang aking buhok! Litseng alak!

From Clayton: Okay lang, Alli. Ingats ka!

Nagtulakbong na lang ako ng kumot. Papaano ko ngayon haharapin si Harem? At iyong baklang ’yon, gising na kaya?

Wala sana akong balak na tumayo kaso lang nagrereklamo na ang bulate ko. Gutom na raw sila.

HAREM’S POV

“Ahhhh!” My internal scream when I woke up and realized I was completely naked on top of my bed! Eme lang! May boxers pa pala ako.

Bumangon ako at nilibot ko ang tingin sa buong kwarto ko. Pakiramdam ko may kulang. Pakiramdam ko may nawawala sa silid ko kahit… kompleto naman ang lahat ng kagamitan ko sa bahay!

Napahawak naman ako sa sentido ko dahil sa tindi ng aking headache. My nostrils flared as I caught a scent, something sweet and cool in the air.

Pambabae naman ang amoy ko pero iba ang naamoy ko ngayon. Hanggang sa dumapo ang mata ko sa tabi ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong may ilang hibla ng buhok doon at doon nanggagaling ang amoy.

Namutla ako nang biglang bumuhos sa isipan ko ang lahat ng nangyari kagabi. Mas lalo akong tinakasan ng dugo nang makita ko ang kulay pulang mantsa sa puti kong bedding.

“Hala! Jusko!” Lumipad ang dalawang kamay ko sa aking bibig na para bang virginity ko ang nawala.

“Baliw ka, Harem! Gaga kang bakla ka!” Sermon ko sa sarili ko bang nakatingin sa pulang mantsa.

I just took my friend’s virginity! Nababaliw na nga talaga ako!

“No, I need to talk to Allison. Mababaliw din ang merlat iyon.”

Naglinis ako sa buong condo ko at nagluto ako.  Dinamihan ko na rin para kay Allison kaso walang nagbubukas ng pinto sa condo niya. I think nasa bahay siya nila Clayton.


Nagkita kami ni Clayton sa isang coffee shop. Ang bakla blooming na blooming na ulit ang awrahan. Syempre, bumalik na kasi ang daddylicious niya, si Lorcan Lavoisier!

Natatawang binaba ni Clayton ang aming inorder na kape.

“Ano bang nangyari sa’yo, Harem?” Nagpipigil ang kanyang tawa.

Inirapan ko siya.

“Wala!”

“Ang halata masyado sa mukha mo, Harem. Sabihin mo na. Para kang pinagsakluban ng langit at lupa d’yan!” Puna niya sa akin.

Huminga ako ng malalim.

“W-wala naman talaga akong problema. I-iyong kasamahan ko lang kasi sa trabaho.”

Nangunot naman ang kanyang noo. Sumipsip siya sa kape.

“Bakit anong meron? Bakit ikaw ang namumublema sa kanya?”

“Ano kasi… may n-nagawa siyang malaking kasalanan sa kaibigan niya.”

Mas sumama ang mukha ni Clayton.

“Gaano ba kalaking problema ’yan na pati ikaw iniisip mo?”

“Iyong klaseng problema na… hindi na pwedeng ibalik pa. Hindi na pwedeng mabawi o ano.”

Pinagkrus ni Clayton ang braso sa isa’t isa at sinandal ang katawan sa sandalan ng silya.

“Mas mabuting mag-usap iyang kaibigan mo at doon sa kaibigan niyang nagawan niya ng kasalanan. Sila lang din ang makaka-fix sa problema nila.”

Ngumuso ako kay Clayton.

“D-Do you think so?”

“Oo nga. Teka nga, kumusta ka na ba? Bakit ba iyang kaibigan mo ang pinag-uusapan natin?”

Pilit akong ngumiti sa kanya.

“O-okay lang naman ako. Masaya ako sa trabaho ko at… same pala kami ni A-Allison ng condo. Magkapitbahay kami.”

“Talaga? Mabuti naman. Pero sana hindi kayo magkarambula ha. Para pa naman kayong aso’t pusa na hindi pwedeng ipagtabi dahil talagang may disaster na mangyayari!”

Bumagsak ang balikat ko.

May disaster na ngang nangyari! Shutang buhay ito! Ini-isnob na nga ako no’ng babaitang iyon!

However, sino ba naman kasi ang hindi magagalit sa ginawa ko? Baka pati iyon sinisisi ang sarili sa nangyari sa amin.

CHAPTER 6

Chapter 6

HAREM’S POV

It’s been a week since I last saw her. What’s wrong with me? Why can’t I stop thinking about her? Why do I feel so worried about her? Eh, tingin ko nga mas lalaki pa ang babaeng iyon sa ’kin!

Minsan natutulala na ako sa trabaho ko dahil sa kanya. Minsan pa namamalikmata na ako, akala ko siya na iyong nakikita ko pero hindi naman pala siya.

And now, thinking about her, her shamelessness toward me, our silly arguments, our little fights, and those quiet moments we shared, stirs something inside me that I can’t quite describe. Maybe there are no exact words for this strange feeling that’s beginning to grow within me.

“Happy birthday, mother!” Salubong ko kay Mommy at niyakap ito ng mahigpit.

Nagulat pa yata si Mommy sa ginawa ko kaya nabato siya saglit sa kanyang kinatatayuan. Pero ilang saglit lang ay yumakap na rin siya sa ’kin.

Ewan ko ba pero parang nagiging emosyonal ako sa yakap ni Mommy ngayon. Lahat ng iniisip ko the past days ay parang bumagsak ngayon lahat sa ’kin at wala akong ibang paraan para i-release ito kung hindi ang umiyak!

“Harem? Harem, anong nangyayari sa’yo?” Pagtataka ni Mommy at itutulak na sana ako kaso hinigpitan ko lang ang pagkakayakap ko sa kanya.

“Mommy!” Humagulhol na lang ako bigla sa gitna ng yakapan namin.

“Harem, anong nangyayari? Niloko ka na naman ba no’ng boyfriend mo?”

Tumango na lang ako kahit na hindi naman talaga iyon ang dahilan kung bakit ako ganito.

“Sinasabi ko naman sa’yo. Una palang sinabi ko na walang magandang idudulot sa’yo ang lalaking iyon! Tingnan mo, umiiyak ka na naman dahil sa lalaki!” saad ni Mommy pero hinahagod niya rin ang likod ko.

“Baka nga kasi hindi talaga lalaki ang para sa’yo, Harem.” Sabat naman ni Daddy na siyang kararating lang sa dining area namin!

Mas ngumuwa ako.

“Tumahimik ka d’yan, Hon! Kita mo namang may dinaramdam itong anak mo. Sinasabayan mo pa d’yan ng panloloko!”

“Come on, Hon! Ilang beses na bang umiyak si Harem dahil sa lalaki? Baka sa susunod na magdala ’yan ng lalaki rito baril na ang sasalubong sa kanila dito!”

Kumalas ako sa yakap ni Mommy at umupo kami. Ganito talaga kapag may birthday sa amin, bago ang official party may moments pa kami together na kami lang. Bukas talaga ang malaking party ni Mommy sa birthday n’ya.

“Daddy naman,” untag ko at nagpunas ng luha.

“You’re living together. Don’t tell me magkasama pa kayo until now?” Istrikto nang wika ni Daddy. Seryoso na siya ngayon.

“Hindi na, dad.” Grabe naman itong pudra ko sa ’kin! “Lumipat na ako ng ibang condo.”

Nagsimula na kaming kumain at iyong paglipat ko pa rin sa ibang condo ang topic namin.

“Kumusta ka naman doon sa bago mong condo? Komportable ka ba roon? Or may suspicious ka bang neighbors? Tell us, Harem.” si Daddy.

Extra na ang care at pag-aalala ni Daddy at Mommy sa ’kin simula no’ng nabugbog ako before. Psh! Iyon na yata ang pinaka-traumatic na na-experience ko sa buong buhay ko. Doon lang din ako naka-witness first hand ng isang kidnapping at super duper akong na stun sa oras na iyon. Sinubukan ko pang iligtas no’n si Clayton pero kebir naman ang lakas ko sa mga dumakip kay Clay.

“I’m fine sa bagong condo ko, dad. Very demure and cutesy naman ang place. Gusto ko siya.”

“Naniniguro lang kami, Harem. Pwede ka naman kasing umuwi na lang dito sa bahay.” ani Mommy. “Anyways, bukas imbitahin mo si Clayton at iyong iba mong kaibigan sa party ha.”

Bigla namang pumasok ko si Allison. Akala ko pa naman kahit ngayon lang patatahimikin ako ng babaeng iyon kaso hindi. Matindi na yata itong kagagahan ko.

ALLISON’S POV

Nakatulala ako habang nanonood kami ni Ate Ellen ng drama. May himala dahil wala silang lakad ni Ma’am Hilda ngayon! Ito ang kinagigiliwan namin ni Ate Ellen dito sa bahay at minsan naman namamasyal kami sa mall o kundi naman sa restaurant ni Clayton.

Bumuntong-hininga ako. Sa pagkakatulala ko hindi ko na nasundan ang mga pangyayari sa pinapanood namin ni Ate. Thai series ito pero hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa mga bida.

“Alli, hija, okay ka lang ba?”

Ang tapik ni Ate Ellen sa aking balikat ang nagpabalik sa aking ulirat. Nilingon ko si Ate.

“Ate? May kailangan po kayo? Ano ang nararamdaman ninyo?”

Nang akmang tatayo na ako ay pinigilan ako ni Ate Ellen. Pinabalik niya ako sa kinauupuan ko.

Tinungkod ni Ate ang siko sa sandalan ng sofa.

“May problema ka ba, hija? Nakailang buntong-hininga ka na d’yan.” Puna ni Ate.

Bumagsak ang balikat ko. Ngumuso ako kay Ate Ellen.

“May konting iniisip lang, Ate.”

“Talaga? Kung komportable ka, pwede mo naman iyang i-share sa ’kin. Handa akong makinig, hija.”

Umiling ako. Ang litseng si Harem lang naman itong iniisip ko. Sa di ko malaman na kadahilanan, hindi ako pinapatahimik ng kanyang mukha! Punyemas!

Nang sasagutin ko na si Ate Ellen ay bigla namang nagring ang cellphone ko. Nag-excuse ako kay Ate Ellen nang makita kong si Mama ang tumatawag sa ’kin.

Lumabas ako at sumandal sa barandilya ng veranda.

“Ma,” sagot ko sa tawag.

“Allison, hindi pa ba tapos ang kontrata mo d’yan sa binabantayan mo?”

Nakayuko ako. Ito na naman si Mama. Every time na tatawag siya ito ang laging binubusisi niya!

“Hindi pa, Ma.” Tugon ko naman.

Marahas ang naging hinga nito sa kabilang linya.

“Kailangan ka ba susunod sa amin dito?”

“Ewan ko po.”

“Hay, naku, Allison. Wala na kaming balak umuwi d’yan sa Pilipinas! Lalo na ngayon na ang rampant ng korapsyon! Kung alam mo lang talaga na kalat na rin dito ang isyu ng korapsyon d’yan sa Pinas!”

“Mama naman.” Reklamo ko. Hindi naman kasi ako korap! “Baka po ako na lang ang dadalaw d’yan  sa inyo. Pero hindi po ako mangangako. Ang ganda na po ng trabaho ko rito eh, malaki ang sahod at hindi stressful!”

“Ay, naku! Ewan ko sa’yo, Alli! Baka uuwi lang kami d’yan sa Pinas kapag nagka-asawa ka na at nabuntis na!”

Bigla akong napahawak sa aking sinapupunan! Ngunit nang makabawi ay kaagad ko ring kinuha ang kamay ko na parang napapaso.

“Mama, ’wag naman po kayo magsalita ng ganyan! Nakakatakot naman po!”

“Aba’y matanda ka na rin naman. Mag-asawa ka na!”

“Hay, sige na, Ma. Bu-bye na po!”

Pinatay ko na lang ang tawag namin ni Mama dahil nahuhulaan ko na ang susunod nitong sasabihin! Ipagkakasundo na naman ako nito sa kung sinong anak ng amiga n’ya  rito!

Tumingin ako sa labas ng bahay at ganon na lang ang lakas ng sipa ng puso ko nang makita ko si Harem. Parang sasabog na ang ribcage  ko sa lakas ng kabog ng puso ko. Nakatingin siya sa akin ng deretso at ako naman ay parang nilagnat sa biglaang pag-init ng mukha ko.

CHAPTER 7

Chapter 7

ALLISON’S POV

Hindi ko alam kung kailan ako naging assume-ra pero inaakala ko talagang ako ang pinunta ni Harem sa bahay nila Clayton!

Punyemas! Walang kasing kapal nga naman itong pagmumukha ko. Sino ba naman ako para puntahan ni Harem? Sino ba ako para dalawin niya?

Pumunta lang pala siya sa bahay nila Clayton upang imbitahin sila Ate Ellen para sa birthday  ng kanyang ina. Pero ewan ko rin ba, no’ng nakita ko ang pagmumukha ni Harem, may kung anong sumikdo sa loob ng aking katawan. Ewan ko kung ano iyon, natatakot akong pangalanan siya!

“Birthday ng mama mo?” si Ate Ellen.

Nakikinig lang ako sa kanila habang nag-uusap. Kunwari ay nanonood ako ng series dito sa television pero ang totoo, nasa kanilang usapan ang tainga ko.

“Opo, tita. Sana po makapunta kayo. Inaasahan po kayo ni mudra,” ani naman ni Harem.

“Ay, wala namang kaso sa ’kin iyan, Harem. Hindi na rin naman kayo iba sa amin. Sige, sasabihan ko iyong si Clayton pagkauwi no’n ha.”

“Sige po, tita. Thank you po!”

Gumalaw si Harem kaya napatingin ako sa kanya.

“Teka, aalis ka na ba?” tanong ni Ate Ellen kay Harem.

“Ah, oo, Tita. Hindi na rin po ako magtatagal.”

“Naku, maghapunan ka muna rito. Minsan ka lang makadalaw dito sa bahay eh!” Pagpigil ni Ate Ellen kay Harem sa balak nitong pag-alis.

“Thank you na lang, tita, pero maghahanda pa rin po kasi ako for tomorrow.”

“Hay, s’ya sige. Ingat ka.”

At nagpaalam na nga ito kay Ate Ellen.

“Alli, ihatid mo naman itong si Harem sa labas.” Utos ni Ate Ellen.

“Sige po,” magalang kong sambit.

Bumeso pa si Harem kay Ate Ellen bago sumunod sa ’kin sa labas. Tahimik lang kaming dalawa ni Harem hanggang sa may gate.

After no’ng may mangyari sa ’min ni Harem, hindi na kami nakapag-usap. Ultimo chat o text wala na rin. Tapos hindi pa kami nagkikita, kagaya nga medyo nagulat din ako sa pagsulpot niya kanina.

Akala ko dederetso na siya sa kanyang sasakyan. Umikot siya, humarap sa ’kin.

“Allison,” tawag ni Harem.

Lumukso naman bigla ang damdamin ko nang tawagin niya ako. Gulat ako pero hindi ko iyon pinahalata kay Harem.

Shit! Anong nangyayari sa damdamin ko?

“I’m sorry.” Yumuko siya.

“Harem,”

“Naiintindihan ko kung galit ka ngayon sa ’kin. Sino ba naman ang hindi magugulat sa ginawa ko, ’di ba?”

Huminga ako ng malalim. After no’ng may mangyari sa aming dalawa, alam ko na pumunta siya sa condo ko. Alam kong gusto niya akong kausapin sa puntong iyon. Kaso ako ang duwag.

“Pareho tayong… tinamaan ng alak no’n, Harem. Hindi rin naman iyon mangyayari kung hindi tayo nakainom. So, ’wag mo nang isipin iyon.”

Mas nagulat ako nang lumapit siya sa ’kin at hinawakan ang magkabilang braso ko. Bilog ang mata niya at bakas sa mukha ang tuwa!

“Hindi ka galit sa ’kin?” Bulaslas niya.

“Hindi nga!”

“Oh my gosh!” Eksaherado niya.

Inikutan ko siya sa mata ko. Hinayaan ko itong alugin ako. Habang nakatitig ako sa kanyang mga mata ramdam ko ang pagwawala ng dibdib ko.

Gwapo si Harem. Maputi, makinis, mabango, bagay na bagay sa kanya ang light makeup at kulay pink na lipstick. Punyemas! Babae pa si Harem kung gumalaw sa akin pero bakit ganito ang damdamin ko? Dapat ay naiinis na ako rito! Dapat sinapak ko na siya!

Kagaya ngayon na niyayakap niya ako, dapat ay sinapak ko na siya kaso hindi ko magawa. Ngayon gusto ko munang damhin ang yakap niya sa ’kin.

“Dapat pumunta ka sa birthday ng mudra ko later ha. Hahanapin kita!”

Kinagabihan ay pumunta nga kami nina Clayton at Ate Ellen sa birthday ng mama ni Harem. Kasama namin si Sir Lorcan na halos hindi pakawalan si Clayton.

Suot ko ang isang dress na kulay itim, hanggang sa gitna lang ito ng hita at saka medyo nakaluwa ang dibdib ko. ’Tapos three inches heels. Hindi ito ang usual kong get-up, pero ewan ko. Ngayon gusto ko munang maiba. At dahil doon panay ang hila ko sa laylayan mg dress ko. Umaangat kasi! Bwesit!

Hindi ako nagulat sa laki ng bahay ni Harem. Sa datingan niya palang kasi masasabi ko na talagang mayaman siya. Itong bahay nila Harem, malaki lang ng konti sa bahay namin. Two-storey siya tapos may malawak na garden.

Pagkatapos naming batiin ang mama ni Harem ay umupo na rin kami at kumain. Medyo madami ang bisita kaya kaliwa’t kanan ang bumabati sa ina ni Harem.

“Banyo lang ako saglit, ate Ellen.” Bulong ko kay Ate Ellen, nagpunas ako sa bibig gamit ang table napkin.

“Sige, sige,” tugon naman ni Ate Ellen. Si Clayton naman at si sir Lorcan sa tabi ay parang may sariling mundo! Hay!

Nag-excuse ako sa kanila at naghanap ng banyo. Nakarating ako sa loob ng bahay kakahanap ng banyo hanggang sa may biglang humila sa kamay ko.

“Aray ko!” Pagalit kong untag.

Napakurap-kurap ako nang mapagtanto kong si Harem ang humila sa ’kin.

“H-Harem?”

Dinala niya ako sa kusina ng bahay. Walang tao roon at medyo madilim. Talagang sa labas lang kasi ang party.

“N-naiihi ako bakla ka.” Asik ko rito. Gusto niya bang pumutok itong pantog ko rito?

Bigla naman akong na-conscious nang pasadahan niya ng tingin ang buo kong katawan. Nanliit ang mata niya at naging marahas ang pagbuga ng hininga.

“Bakit ba ganito ang suot mo?”

Tumaas naman ang kilay ko sa kanya.

“What’s wrong? Hindi namam ako overdressed.”

Malalim ang lunok niya. Bigla niyang hinubad ang suot na coat at pinasuot sa ’kin. Sa pagkabigla ko, hindi ako nakapagprotesta sa kanyang ginawa. Hinayaan ko lang siyang isuot ang coat niya sa akin. Sinarado niya pa ang lahat ng butones no’ng coat!

“H-Harem… ang init nito!” Angil ko.

“Mas nag-iinit ako!” May diin niyang untag.

Napakurap-kurap ako. “Ano?”

“Ibig k-kong sabihin, mas mainit sa mata ng iba ang suot mo! Bakit ba kasi masyadong low cut iyang dress mo? Halos makita ko ang dibdib mo!”

“Gaga ka!” Sinampal ko ang dibdib niya. “Dibdib ko lang ba ang tinitingnan mo?”

“Mas gaga ka, Alli! N-naiinggit lang ako sa dibdib mo, ’no!”

“Teka nga! Magbabanyo pa ako!” Sabi ko sabay tulak kay Harem.

Tinuro niya sa akin ang banyo dito sa loob ng bahay at kaagad akong pumasok doon. Napaupo ako sa toilet bowl dahil sa panghihina ng tuhod ko.

Gagang bakla ka talaga, Harem! Wala pang ginagawa si Harem pero bakit nanginginig na ang tuhod ko?

CHAPTER 8

Chapter 8

HAREM’S POV

Natulala naman ako habang nakatingin sa pintuang pinasukan ni Allison. Tingin ko naiwan pa sa kamay ko ang bango niya. Ramdam ko pa rin ang balat niya sa palad ko.

At kailan pa naging maganda si Allison sa paningin ko? Siguro dahil nag-ayos ngayon ang merlat iyon?

Iniling ko ang ulo dahil baka nakainom lang ako.

Bumuntong-hininga ako at umalis para asikasuhin ang ibang bisita ni mother earth. Nang makita ko ang grupo ng mga pinsan ko na pinag-uusapan kung gaano kaganda si Allison kanina ay bigla namang uminit ang ulo ko.

Nang mapansin nila ako ay hinila nila ako sa table nila. Pilit nila akong pinapainom kaya tinanggap ko na lang ang baso. Simula no’ng may nangyari sa amin ni Alli, iniiwasan ko na talaga ang alak. Iba kasi ang epekto nito sa ’kin eh.

“Harem, kilala mo iyong babae kanina na naka-black dress, di ba? Baka naman pwede mo kaming ipakilala roon.” Kilabit naman ng isang pinsan ko.

Kakaupo ko palang at iyon kaagad ang tanong nila sa ’kin.

“Ano?” Banas kong untag.

“Iyong babae na sinundan mo sa loob ng bahay. Kaibigan mo iyon, right?” Sumabad naman iyong isa kong pinsan.

Napalagok ako sa alak na iniiwasan ko lately.

“Tigilan n’yo ’yan. ’Di kayo ang tipo no’n!” ani ko.

“Ipakilala mo lang kami, Harem. I-reto ka rin naman sa mga barkada namin. Crush mo si Norman, ’di ba? Ipakilala ka namin do’n!”

Inirapan ko sila. “Ayoko! ’Tsaka hindi ko na rin matandaan kung sino iyang Norman-Norman na ’yan!”

Inubos ko ang alak na binigay nila sa ’kin at umalis na ako. Umiinit lang lalo ang ulo ko eh.

For some reason, the following days seemed to go surprisingly well for me. Bumalik na iyong dating samahan namin ni Alli, iyong away-bati na relasyon naming dalawa. Nakasanayan ko na rin na lutuan siya kapag umuuwi siya sa kanyang condo. Siguro dahil nalinaw na namin sa isa’t isa iyong nangyari sa condo ko kaya gano’n. Komportable na ulit kami sa isa’t isa.

To Bruhildang Kapitbahay: hello, mhiemasuar! nasa condo ka ba? nagluluto ako ng kaldereta. baka want mo.

Maaga akong dumating sa condo kaya nakapagluto ako ng hapunan.

From Bruhildang Kapitbahay: wala. lumabas kami nina Clayton eh. Tirhan mo na lang ako d’yan, beks.

Napanguso naman ako. Kapag sa text ‘beks’ talaga ang tawag nito sa ’kin. Kaso kapag nag-uusap kami o kundi naman ay nag-aaway, iba-iba na ang tawag niya sa ganda ko.

To Bruhildang Kapitbahay: okiee! saan ba kayo?

Ewan ko kung kailan nagsimula na ganito na kami ni Alli. Binabati na namin ang isa’t isa sa umaga, nagtatanong kung saan ang isa’t isa, anong ginagawa, anong kinakain at kung ano-ano pa.

Ewan ko rin pero parang hindi na buo ang araw ko kapag hindi nakakapag-text sa merlat ito. Minsan ang random na lang ng text ko sa kanya para lang ma-text ko siya.

From Bruhildang Kapitbahay: sa lugar na wala ang tulad mong asungot at pangit!

Gumuhit naman ang ngiti sa labi ko. Nag-angat ako ng tingin at nang makita ko ang reflection ko sa refrigerator ay halos mabitiwan ko ang cellphone ko.

Sobrang lawak ng ngiti ko! Oh my gosh!

ALLISON’S POV

Nanghihina kong inabot ang cellphone ko sa bedside table. Kailangan kong i-text si Clayton. I don’t think na kaya kong pumunta ngayon sa bahay nila. Pagod na pagod ang katawan ko at nahihilo ako. Naglalaway din ako ’tapos kanina nagduduwal ako.

To Poging Anak ni Tita Ellen: clay, gd am! sorry kung di ako makapunta d’yan sa inyo ngayon. masama ang pakiramdam ko eh.

From Poging Anak ni Tita Ellen: hala, sige. magpagaling ka, alli. uminom ka ng gamot. masakit ba ang t’yan mo? may nakain ka ba kagabi na masama?

Kumunot ang noo ko. Wala naman talaga kaming gala kagabi ni Ate Ellen. Doon lang kami pumunta ni Ate Ellen sa restaurant ni Clayton. Pilit kong inaalala ang kinain ko kagabi pero mga paborito ko ang kinain ko.

To Poging Anak ni Tita Ellen: wala naman, clay.

From Poging Anak ni Tita Ellen: sige. magpahinga ka lang muna.

Sinikap kong tumayo at upang makapagluto ako ng agahan para sa sarili ko. Hindi na ako nag-abalang magsuot ng bra, naghilamos lang at tinali ang buhok.

Patungo akong kusina nang may nagdoorbell. Kumunot naman ang noo ko. Ang aga-aga naman!

“Sino ba ang isturbong ito?” Nagsasalubong ang kilay ko nang buksan ko ang pinto.

At ganon na lang ang kinalaki ng mata ko nang makita ko si Harem. Malaki ang ngiti niya at nakataas ang dalawang kamay na may hawak na baunan.

“Good mor—”

“Ano ’yan?” Pasigaw kong putol sa kanya.

“Gaga! Sabi mo tirhan kita sa niluto ko kagabi! Ito kaldereta!”

Punyemas! Oo nga pala!

“Umuyin mo ito. Amoy palang masarap na! Ano na lang kung matikman mo? I’m sure titirik pati mata mo!” Satsat nito at binuksan sa harap ko ang buanan.

Nang malanghap ko ang amoy ng kaldereta ay kaagad akong napahawak sa bibig ko nang bumaliktad ang sikmura ko.

Shit!

“Allison!” Tawag ni Harem sa ’kin nang tumakbo na ako tungo sa banyo.

Narinig ko na lang ang pagsara nito sa pinto at ako naman ay dumeretso sa banyo at doon dumuwal nang dumuwal. Naluluha na ako kakasuka sa sink.

Naramdaman ko na may humagod sa likod ko.

“Ano ba ang nangyayari sa’yo?” May pag-aalalang tanong ni Harem sa ’kin.

Sinapo niya ng mabuti ang buhok ko at hinahagod ang likod ko.

“May nakain ka bang masama? Gosh! Hindi naman panis iyong kaldereta. Ininit ko iyon kanina at iyon ang kinain ko.”

Pagod na pagod ako matapos kong sumuka na puro lang yata laway. Nandito pa rin sa lalamunan ko ang pandidiri sa kaldereta nang maamoy ko ito.

Sumandal ako sa sink at kahit na hindi ko inutusan si Harem. Siya ang nagpunas sa mukha ko at inayos ang pagkakatali ng buhok ko.

“Ayos ka lang?” Sinapo niya ang mukha ko.

Nagdidikit ang kilay niya sa pag-aalala sa kalagayan ko.

“Harem… pinutok mo naman talaga iyon sa labas, ’di ba?” Nanghihina kong tanong sa bakla.

Siya naman ngayon ang namutla ng husto. Lumalim din ang kanyang paghinga.

“Shuta ka, bakla ka. Ano bang sinasabi mo? K-kinakabahan ako s-sa’yo!”

“W-wala,” ani ko na lang.

CHAPTER 9

Chapter 9

ALLISON’S POV

“Nasaan ka ngayon?”

Ganon na lang ang pagsasalubong ng kilay ko nang marinig ko ang tanong ni Harem sa ’kin.

Nginitian ko ang lalaki sa tapat ko, si Erick. Ang lalaking anak ng kaibigan ni Mama. Isa rin siyang nurse tulad ko. Actually, ayaw ko naman talaga sa blind date, blind date na ’to kaso kung hindi ko susundin ang sinabi ni Mama. Hindi no’n titigilan ang cellphone. Rarat-ratin ako no’n. Kesyo ganito, ganyan!

Hindi ko na mabilang kung pang ilang blind date ko na ’to kaso wala talagang amor sa ’kin ang mga nakikilala ko. Dagdag lang sila sa contact lists ko.

Itong si Erick, gwapo, kaka-thirty niya lang daw at nag-iisang anak lang din siya tulad ko. Tulad ko rin pini-pressure na siya ng parents niyang mag-asawa kaya kumagat na rin sa blind date na ’to.

“Nasa restaurant!” Pabulong ngunit may diin kong sagot kay Harem.

Lately, nasasanay na ako na biglang tumatawag sa ’kin ang baklang ito. Bigla-bigla rin siyang nagti-text at nagri-reply naman ako since siya lang ang nagpapa-ingay nitong cellphone ko maliban kay Mama.

“Restaurant? Restaurant ni Clayton ba?” Busisi pa nito.

Napabuntong-hininga naman ako.

“Hindi. Ibang restaurant!”

Naku kung sa restaurant lang din naman ni Clayton ang blind date, mas mabuting mabungangaan ako ni Mama. Sure kasi ako na malalaman ni Clayton at kapag nalaman ni Clayton malalaman ni Ate Ellen.

“Ano namang ginagawa mo d’yan?”

Ay, gagi itong si Bakla!

“Ano pa nga ba ang ginagawa sa restaurant, bakla ka? Nagsu-swimming?”

“Aba malay ko!”

Ngumiwi ako nang marinig ko ang maarte at ipit nitong boses.

“May blind date ako. Sige na. Isturbo ka eh!” Supi ko na rito.

Dahil hindi na nagsalita si Harem sa kabilang linya, nagpaalam na ako sa kanya. Tinaob ko ang cellphone sa mesa at humingi ng paumanhin kay Erick.

“Pasensya ka na, ha. Kaibigan ko kasi ang kulit!”

Ngumisi si Erick at umiling. “Okay lang. Order na tayo?”

“Sure, sure!”

Nagsimula na akong maghanap ng gusto kong kainin. Kanina ay muntik na akong hindi matuloy sa blind date na ’to dahil nagsusuka na naman ako. Kumakain ako ng breakfast at nang maamoy ko iyong amoy ng ketchup ay bigla na lang akong naduwal sa amoy no’n.

Una sa kaldereta, tapos ngayon ketchup na naman. Ewan ko talaga, hindi na mabuti itong nararamdaman ko.

Nag-order kami ni Erick at kumain. Nag-uusap kami tungkol sa pinagtatrabahuan niyang ospital. Tapos nakwento ko rin sa kanya ang trabaho ko. Namangha siya nang sinabi ko na dati akong nurse sa LCL, iyong ospital na pag-aari ni Sir Lorcan, ang boyfriend ni Clayton.

“Sorry talaga, Erick, ha. Wala pa rin kasi talaga sa i-isip ko ang pumasok sa isang relasyon.” Wika ko.

Napatango-tango naman si Erick. “It’s fine, Allison. Naiintindihan kita at saka masaya akong nakilala kita. Hindi ako nagsisisi na sumipot dito.”

Napangiti na lang din ako. “Ako rin naman, Erick. Masaya akong nakilala ka.”

Nag-exchange pa rin kami ni Erick ng numbers at nagpaalam na kami sa isa’t isa kaso nang malaman niya na wala akong dalang kotse, nagboluntaryo siyang ihatid ako. Though it’s the first time na nagkakilala at nagkakita kaming dalawa, may tiwala naman ako sa kanya. Hindi naman din siguro ako ipapahamak ng Mama ko.

“Salamat, Erick! Ingat ka sa byahe ha.” saad ko rito nang makarating na kami.

“Goodbye, Allison, and goodnight!”

Tumango ako sa kanya at kumaway.

Malaki ang ngiti ko nang tingnan ko ang sasakyan ni Erick papalayo. Not bad. May naging kaibigan na naman ako. So far din si Erick ang tingin ko pinakamatinong lalaki na nakilala ko sa mga blind date, blind date!

“Ahh! Baklang kabayo ka!” Halos lumuwa ang puso ko sa gulat nang pag-ikot ko bumungad sa akin ang mukha ni Harem!

“Gaga ka!” Sinugod ko ang bakla at sinapak!

Sino ba ang matinong tao ang lalabas na naka-mask na ang mukha?

“Akala ko multo na!” Dagdag ko at sinapak ulit siya kaso lang sinangga na niya ang kamay ko. Tinanggal niya ang face mask sa mukha.

Inis kong binawi sa kanya ang kamay ko. Nagtagpo ang kilay ko nang makita ko si Harem na seryosong-seryoso. Usually kapag binubungangaan ko siya gaganti rin siya kaso ngayon, kakaiba ang pananahimik niya.

“Harem, hoi!” Kinurot ko ang maputi nitong braso. Ganda talaga ng kutis nitong bakla na ’to! Parang laging binababad sa gatas.

“Sino iyon?”

Tinaasan ko siya sa kilay ko.

“Ha?”

“Iyong naghatid sa’yo. I saw it. Lalaki ang naghatid sa’yo,” aniya.

Napalingon naman ako sa daang tinahak ng sasakyan ni Erick. Muli kong binalingan si Harem.

“Ah, iyon!” Tinaas ko ang isang kamay at gamit ang thumb ko kinumpas ko iyon sa direksyon na dinaanan ni Erick. “Si Erick iyon.”

“Iyon ang ka-blind date mo?”

I pouted. “Oo, gwapo ’no?” Tukso ko sa kanya. Biro ko pa itong sinundot. “Type mo?”

Umirap siya, kamuntikan pang mawala ang eyeballs niya.

“Hindi ko type! Hindi rin gwapo!” Maarte niyang sambit bago ako iniwang mag-isa.

Nalaglag ang panga ako sa inasta ni Harem.

Anong nangyari doon? May nagawa ba ako? Sanay naman kami sa biruan namin ah!


Nasa loob ako ng banyo. Nandito ako sa bahay nila Clayton kasi nandito si Ate Ellen, syempre nagtatrabaho pa rin ang taong ito. Though for the past years, maayos na naman si Ate Ellen pero hindi pa naman ako pinapatigil nina Clayton at sir Lorcan sa trabaho ko.

Ramdam ko ang pagyanig ng mundo ko. Halos hindi ako makalunok kahit laway nang makita ko ang pregnancy test sa aking palad. Dalawa at pareho ang resulta! Positive!

Ilang araw ko na rin kasing napapansin ang kakaibang nangyayari sa katawan ko. No’ng una binabalewala ko, kaso lang habang dumadaan ang araw mas lalo akong nagtataka sa mga kakaibang pinapahiwatig ng katawan ko.

Nurse ako, hindi ako boba pagdating sa mga ganitong bagay. That’s why I’ve been carrying these test kits for days at ngayon ko lang siya nagamit dahil nagsusuka na naman ako. Actually, nasa labas si Ate Ellen, naghihintay kay Clayton kasi aalis na naman siya. Si sir Lorcan naman ay nasa likod ng bahay, may inaayos na tubo kasi may tumatagas doon.

“Putchang bakla ka, Harem! Akala ko hindi mo pinutok sa loob? Gaga talaga!” Litanya ko.

Kinapa ko ang cellphone sa bulsa ko at tinext si Harem. Nag-uumapaw ako ngayon sa samo’t saring emosyon!

To Bruhildang Kapitbahay: gaga ka! maglalakad ka talagang wala nang titi dahil sa ginawa mo! you made me pregnant, harem!

CHAPTER 10

Chapter 10

ALLISON’S POV

Halos patayin ko na sa aking isipan si Harem. Ang tang inang bakla! Ang galing! Punyemas ang galing niya! Isang beses lang may nangyari sa amin pero napunlaan kaagad ako.

Naiiyak ako. Gusto kong magmura kaso kasama ko si Tita Ellen sa sala. Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa paligid ko. Ang inaalala ko lang ay ang sitwasyon ko ngayon.

Saglit kong nilingon ang pinto nang bumukas ito. Nakauwi na si Clayton. Nag-iwas din ako ng tingin sa kanya at muling inalala ang aking sitwasyon ngayon. Inaalala ko pa na hindi nagreply ang litseng bakla sa ’kin!

Ano na ang gagawin  ko ngayon? Ano ang gagawin ko rito sa pinagbubuntis ko? Argh! Harem! Mapapatay talaga kitang bakla ka! Ahhh!

“Hoy!” Panggugulat ni Clayton sa akin!

Napatalon ako sa kanyang ginawa kaya naman napabulaslas ako ng wala sa sarili.

“Pisteng baklang kabayo!” sambit ko.

Napakurap ako nang makita ko si Clayton na napa-atras. Hawak niya ang dibdib at napakurap-kurap din.

Nang muling bumalik sa reyalidad ang aking katinuan ay bigla naman akong tinamaan ng hiya.

“Ay! Clayton, ikaw pala ’yan,” saad ko sabay ngiwi kay Clayton.

Inirapan niya naman ako. “Ano ba’ng nangyayari  sa’yo? Ba’t ang lalim ng iniisip mo?”

Namigat ang aking mga balikat at yumuko ako. May naisip naman akong kalokohan upang itago ang aking pagkabahala sa aking sitwasyon.

“Clayton… ano’ng gagawin ko? Nabuntis mo ’ko.”

“Ano?” gulat niyang saad.

“Alli, umayos ka d’yan,” singit ni Ate Ellen, may pambabanta sa kanyang tono.

Hilaw akong ngumisi sa kanila at nag-peace sign ako sa kanila.

“Alli, ’wag ka ngang magbiro ng ganyan. Kahit kailan hindi nga kita nakatabi, e. Saka hindi ako pumapatol sa babae.” Litanya ni Clayton.

Tumahimik lang ako. Maranas ang naging buga ko ng hininga dahil sana lang talaga biro lang ito. Sana lang talaga prank lang ito. Humugot ako ng isang mahabang hininga bago nagsalita.

“B-Buntis po talaga ’ko, Tita Ellen, Clayton,” pahayag ko.

Tumingin ako sa kanila at kita ko ang panlalaki ng mata ni Ate Ellen.

“Hindi na ba biro ’yan?” May dudang tugon ni Clayton.

Bumagsak ang balikat ko. “Sana nga, e. Sana nga biro ko lang ’to, Clayton. Pero putanginang, bakla, binuntis ako!” Humasa ang ngipin ko.

“Huh? Sino—” Naputol si Clayton nang padarag na bumukas ang pinto.

Nagulat ako nang pumasok sa bahay si Harem na hinihingal at medyo magulo pa ang kanyang buhok. Walang alinlangan na lumapit si Harem sa ’kin kaso ang sapak ko ang sumalubong sa kanya.

“Buwisit kang bakla ka. Gago ka! Bakit mo pinutok sa loob, gago ka?!” Walang habas kong pinaghahampas si Harem. However, sa oras na iyon hindi nanlaban sa akin si Harem. Hinayaan niya akong saktan siya hanggang sa magsawa na ’ko.

“Halika, mag-usap tayo.” Hinawakan ni Harem ang kamay ko at bumaling siya kina Clayton at Tita Ellen. “Tita, Clay, hihiramin ko po muna ’to.”

Laglag ang panga nilang dalawa at para silang robot na tumango na lang kay Harem. Sinakay lang ako ni Harem sa kanyang kotse at pinatakbo ang kotse. Hindi ko alam kung saan kami patungo pero nagpaubaya lang ako sa kanya.

Tiningnan ko si Harem habang nagmamaneho. Seryosong-seryoso siyang nagmamaneho at nakatingin lang siya sa unahan. Kita ko rin ang pamumuti ng kanyang mga kamao dahil sa higpit ng kanyang pagkakahawak doon sa steering wheel.

Pinikit ko ang aking mata. Pilit kong kinakalma ang aking sarili. Harem and I are both consenting adults, we’re supposed to handle this in a mature way. ’Tapos mas matanda pa ako sa baklang ito ng dalawang taon.

Tumigil kami ni Harem sa kahabaan ng coastal road. Tinabi ni Harem ang sasakyan at lumabas ng kotse. Pinagbuksan niya rin ako at saka kami humarap sa malawak na dapat sa aming harapan.

Humahampas ang alon sa baba at sumasampal sa amin ang maalat-alat na simoy ng dagat. Ang araw naman ay malapit na rin lumubog at nagkukulay kahel na kaya hindi na masakit ang sinag ng araw.

Simula nang maka-sakay ako sa kotse ni Harem, walang nagsasalita sa amin. Para bang pinapakiramdaman muna namin ang isa’t isa. At para bang hinayaan namin ang isa’t isa na i-absorb ang balitang yumanig sa aming dalawa.

Tiningnan ko si Harem, umaalon ang kanyang medyo kulot na buhok. He had a striking side profile, with a sharp nose and long, thick, gracefully curved eyelashes. Parang kuminang ang kanyang kulay kapeng mata. Bumaba ang mata ko sa kanyang suot. Napansin kong suot niya pa rin ang uniform niya sa pagtatrabaho bilang isang concierge. His hair was tousled, yet he still looked effortlessly gorgeous.

Bumaling siya sa ’kin. “Alli.”

“Harem.” Sabay pa naming saad.

Nanggilid ang luha ko habang nakatitig kay Harem. Without saying a word, Harem wrapped his arms around me. Hindi ko rin alam kung anong nangyayari ngayon sa ’kin kasi sobrang sensitive ko ngayon. Konting kilabit lang naiiyak na ako.

Una akong kumalas sa aming yakapan. Ilang inches ang taas ni Harem sa akin kaya naman niyuko niya ako. Baklang ito, kung sasali siya sa mga pageant-pageant sigurado akong hindi ito mabubokya.

“B-buntis ako…”

Pinalis niya ang mga luha ko gamit ang kanyang hinlalaki. Tinatango-tango niya rin ang ulo habang nakikinig sa ’kin.

“Nabasa ko ang text mo. I know.”

“Ano ang gagawin natin ngayon, Harem? Hindi ko pa alam kung anong gagawin ko kasi… unplanned ito. Pero isa lang ang sigurado ako ngayon, ayaw kong ipakuha ang bata panagutan mo man ito o hindi.”

Sinuklay niya ang buhok ko na ginugulo ng hangin.

Naiiyak siya. “Gaga ka talaga. Kahit gulat na gulat ako sa text mo. Hindi rin pumasok sa isip ko na ipalaglag mo iyang magiging junakis natin. Bubuhayin natin ’yan, okay?”

“H-Harem.”

“I truly cared for you, Alli. I don’t know…” napapailing siya. Ngumuso. “I don’t know when I started catching feelings for you, but yeah… I think I’m in love with you, merlat!”

Umiiyak ako pero ngumingisi ang labi ko. Sinapak ko si Harem.

“Tang ina mo rin! I’ve caught feelings for you too! Bakla ka man o ano… pero tingin ko rin… mahal na rin kita, Harem.”

Humalakhak siya.

“K-kakayanin kaya natin ito?” Kinakabahan kong wika sa kanya.

“Kakayanin natin merlat ka. Magiging momma-daddy ako para sa baby natin!”

Nakangiti ako. Gumaan ang pakiramdam ko dahil sa kanyang sinabi.

“Alli, pareho nating hindi inaasahan ito. Pero susubukan natin. We’ll be better for our baby, and for each other. Alam kong marami pa tayong dapat matutunan at malalaman sa isa’t isa, but I hope kasama kita sa bagong kabanata ng buhay natin.”

Tumango ako, sinisinok. “Susubukan natin.”

“Perfect! Dapat lang!” aniya sa matalis na boses.

“Gaga ka talaga!”

“At oo nga pala,” bigla siyang nagtaray sa akin. “’Wag ka ngang makikipagtika sa ibang lalaki especially doon sa Erick na iyon.”

I grinned. “Nagseselos ka ba?”

“Err! Eww! But yeah nagselos ako… natakot ako roon. Pakiramdam ko threat ang maton na iyon!”

Humagikhik ako. “Don’t worry. Ikaw pa rin naman ang tipo ko.”

“Tipo mo?” Maldita niyang saad, tinaas ang kilay.

“Hmm, tipo ko iyong tulad mo— caring, gentleman, palaban, at may resilience.”

Ngumisi siya ng malawak. Hahalikan na sana siya sa akin nang mapatigil siya.

“Alli, saan pala kita hahalikan?”

Sinampal ko ang dibdib niya. Napa-aray tuloy siya.

“Kahit saan mo gusto gaga to!”

And he kissed my forehead. “Tipo ko rin ang tulad mo, Alli. Hehehe! Iyong amazona at bungangera!”

Nasipa ko naman ito dahil sa pang-aasar niya.

EPILOGUE

Epilogue

HAREM’S POV

Iyong akala ko na shallow feelings ko lang kay Allison, ang amazona ng buhay ko, ang pinakamaingay na babaeng nakilala ko, ang kaaway ko at lahat-lahat na yata sa buhay ko, ay hindi pala. Mas malalim pala ang pagtingin ko sa kanya. Higit pa pala siya sa inaakala ko.

All those times I was searching for love in a man, I found my peace and calm in her instead. Through all my struggles, she appeared like a flower blooming amid a field of weeds. Despite Allison’s dominant, alpha demeanor, she became my sense of stillness.

And now, as I watch her sleeping beside me, I can’t help but admire her. She’s the most beautiful pregnant woman I’ve ever seen. Siguro ang babaitang ito na rin ang pinaka-moody na kilala ko. Gaga ito. Mabuti at mahal ko!

Siya ang buntis, siya ang naghihirap sa pagdadalang tao pero ako ang naka-unan sa braso niya. Gusto niya rin kasi ang ganon.

Gumalaw ako kaso niyakap niya ako.

“’Wag kang aalis bakla ka.” Mariin niyang untag, parang may pagbabanta roon.

Umasim ang mukha ko sa kanya. “Gaga, baka lang mangalay ang braso mo.”

“Sasapakin lang kita kapag nangalay na ako.” Pang-aalaska niya.

“Alli,” tawag ko sa kanya. Nakapikit na siya. Hinaplos ko ang kanyang t’yan na bilog na bilog na. Nine months na ang t’yan niya at anytime, mangangak na siya. Kaya nga ngayon, nasa bahay kami.

When my parent’s learned about us, halos mawalan ng malay si Mommy, si Daddy naman ay halos atakehin. Hindi kasi sila makapaniwala na ang kanilang Disney Princess ay nakabuntis ng isang amazonang babae!

Pinakilala rin ako ni Alli sa kanyang pamilya via videocall at nang malaman ng mga ’to na buntis si Allison, napauwi sila ng wala sa oras dito sa Pilipinas. Gusto nilang i-confirm kung totoo ba talagang buntis ang anak. Ayaw kasi nilang maniwala na ako ang tatay kasi mas babae pa raw ako kaysa kay Allison!

“Matulog na tayo, Harem. Kapag nagsalita ka pa d’yan baka manganak na ako!”

Ngumiwi ako. Nakatingala lang ako sa kanyang mukha na gusot na gusot, nakapikit na rin siya kasi matutulog na kami. Kahit na hindi pa lumalabas ang baby namin, nararamdaman ko na na ang ganda niya! Maganda kasi ako, si Alli naman bungangera lang! Charing!

“After mo manganak, Allison. Papakasalan na kita ha.”

Doon siya ng nagmulat.

Napangiti naman ako ng makita ko ang kanyang nagkukulay abo na mga mata.

Nilahad niya ang kamay sa akin.

“Singsing? Nasaan na?”

Napakurap-kurap ako. “Papayag ka talaga?”

Kinapa ko ang bulsa ko kung saan nakalagay iyong singsing na binili ko para sa kanya. Kaso lang bigla niya namang piningot ang ilong ko.

“Aray! Ano ba, Allison?!”

“Gaga ka! Saka mo ako yayain magpakasal kung may singsing ka na— ah…” natigilan siya at humawak sa kanyang sinapupunan. “Ahh, ahh! Bakla, manganganak na yata ako!” Singhal niya kaya naman napabalikwas ako ng bangon.

Wah! Magpo-propose lang sana eh!

“A-ano?”

“Manganganak na yata ako! Aray! A-aray!!!”

Mabilis akong bumaba ng kama at natatarantang naghagilap sa gamit namin. Of course prepared na ang lahat ng kailangan sa panganganak ni Allison.

“Oh my gosh! Oh my god!” Sambit ko habang nangangarag nang biglang sumapol sa mukha ko ang isang unan.

“Harem, tawagin mo sina Tita at Tito!”

At doon lang nagsink sa akin na humingi ng tulong kina Mommy at Daddy. Lumabas ako ng kwarto at sumigaw ng saklolo kina Mommy at Daddy na nasa kabilang room lang.

Hindi ko alam kung ano ang nangyari pero nabuhat si Allison gamit ang barbie arms ko hanggang sa kotse. Naiiyak din ako sa sitwasyon ni Allison at nanginginig kaya naman si Daddy na ang nag-drive ng kotse.

“Punyetang bakla ka!” Ere ni Allison at kinagat ang aking braso!

“Ahhh!”

“Harem!”

“Allison, ang sakit!”

Narinig ko ang iyak ng anak namin pero nandilim naman ang paningin ko. Nawawalan na rin ako ng hangin at lakas kakasigaw.

Sa muli kong pagmulat gising na si Allison. Nakatayo ang gaga at buhat ang anak namin tapos ako nandito sa kama, nakahiga na para bang ako ang umere sa aming anak!

Kinuha nina Mommy ang bata kay Allison. Bumangon ako at bumaba sa kama. Lumapit ako kay Allison at kinuha ko na ang singsing na dapat ay kanina ko lang binigay sa kanya.

Taas noo siyang nakatingin sa akin at may  nakakalokong ngisi ang labi. Alam kong aasarin na niya naman ako kaya naman bago niya ako asarin, inagaw ko na ang isa niyang kamay nang makalapit siya.

Naka-hospital gown pa siya at ako naman ay naka-shorts lang at simpleng puting tshirt.

“Akin ka na gaga ka,” saad ko sabay suot ng singsing sa kanya. Tumingin ako sa kanyang mga mata. “Wala nang atrasan ito.”

Tinaas niya ang kamay na sinuotan ko ng singsing.

Ngumisi lang si Allison. Maangas niyang kinabig ang aking ulo bago siniil ang labi ko nang isang malalim na halik.

“’Wag mo akong tinatakot d’yan, Harem. Dahil kahit hindi mo ako tanungin, itatali rin kita sa ’kin! Gano’n kita kamahal ngayon, beks!”

“Gaga talaga! I love you more, too.” bulong ko sa kanya.

“Mas gaga ka!” Tawa niya.

Akmang hahalikan ulit ako ni Allison nang bigla namang umiyak ng malakas ang aming baby girl na si baby Hallie.


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.