I Fell Inlove With My Bestfriend! (Bromance)
YorTzekai · 4 chapters · 4,091 words
I Fell Inlove With My Bestfriend! (Bromance)
Nagkakilala sina Kyso at Finn sa isang aksidente noong grade school pa lamang sila. Mula ng araw na iyon ay kinilala na nilang matalik na magkaibigan ang bawat isa. Walang makapag hiwalay sa kanila,walang bagay ang hindi nila ibabahagi sa bawat isa. Nang umabot sila sa High school ay mas naging matibay pa ang pagkakaibigan nila,lahat ng kakulitan at kapilyuhan ay ginagawa nila ng magkasama. Ngunit noong nag kolehiyo na sila at may kanya kanya ng karelasyon ay may nag iba. Kikilalanin ba nila ang damdaming ito o hahayaang manatili silang magkaibigan? Bukot sa pareho silang straight ay pareho nilang mahal ang mga girlfriends nila. Ano na ngayon ang gagawin nila?
COPYRIGHT. Alrights reserved by me. June 15,2014.
TEASER!
It was a very sunny day. At lahat ng mag aaral sa paaralang iyon ay masaya at excited. Ito kasi ang araw ng Field trip nila kaya lahat ay magulo at hindi na makapag hintay.
“Students! Please,huwag magulo at pasaway. Dahil sa hindi kasama ang mga parents nyo ay kami ang naatangang bantayan kayo!” sabi ng isang guro. Nasa field sila at tinipon ang lahat ng Grade six. Ang mga grade one to grade five ay tapos na ang field trip kahapon lamang.
“May isip na kayo,alam nyo na ang tama at mali.” sabi ng punong guro.
“Section one and section two sa unang bus kayo. Section three at section four sa ikalawang bus.”
Nagmamadali na ang lahat na makasakay ng bus. Swimming kasi ang Field trip na iyon kaya ganon na lamang ang Adrenaline rush ng lahat.
Sa section one ay kabilang si Kyso. Isa sa pinaka mayamang estudyante. Sa section two ay nandun naman si Finn,isa sa pinakatahamik ngunit matalinong bata.
Bumiyahe na ang kanilang bus. Nagkakantahan pa sila,ang bawat isa ay mayroong kakwentuhan.
“Kyso! Bakit kaya hindi natin kaklase si Finn eh ang talino nya?” tanong ng isang estudyante.
“Dahil mahirap sya.” ang simpleng sagot ni Kyso. Nadinig ito ni Finn na nasa unahan lamang nila.
Masakit iyon para sa kanya ngunit kailangan nyang balewalain. Pagka graduate naman ng grade six ay hindi na nya makikita pa ang mga ito.
Nasa kasagsagan ng byahe ng biglang may malakas na busina silang narinig. Huli na ang lahat para iiwas ng driver ang bus. Bumagsak ang bus sa isang hindi naman masyadong malalim na bangin.
Mga ungol at iyak ang maririnig sa bawat isa. Mga humihingi ng saklolo.
“Ilabas na natin ang mga bata!” ani ng driver. Mabuti na lamang at walang binawian ng buhay sa kanila. Puro lamang sila sugatan.
Ang mga sakay ng ibang bus ay tumulong na din.
“Ugh! Ang paa ko!” mahinang sabi ni Kyso na naipit pala kaya hindi nakita at naisama sa mga nailigtas.
Nadinig iyon ng papalabas na sana at i-ika ikang si Finn. Bumalik sya sa loob ng bus para tulungan si Kyso.
“Finn! Baka sumabog na ang bus!” sigaw ng teacher ng section two.
Umuusok na nga ang bus na nakatagilid. Ngunit mahalaga kay Finn ang buhay ng kapwa nya estudyante. Kahit mahirap gumalaw sa nakatagilid na bus ay nilapitan nya si Kyso.
“Tutulungan kita. Baka sumabog na ang bus.” aniya habang itinutulak ang dumagang upuan kay Kyso.
“Maraming salamat!” ani Kyso ng tuluyan ng matanggal ang pagkakadagan ng upuan sa kanya.
“Kailangan na nating lumabas!” bulalas ni Finn. Nagliyab ang unahan ng bus at nadinig nila ang mga sigawan sa di kalayuan.
“Hindi na tayo makakalabas dito! Ang sakit ng paa ko!” inda ni Kyso. Mabilis na nakapag isip si Finn.
At sa isang iglap ay sumabog na ang bus.
AN/ YAN PO ANG SIMULA NG PAGKAKA KILANLAN NILA. ABANGAN ANG MGA SUSUNOD NA CHAPTER :)
BF wan!
Nagising ako sa malalakas na katok sa pinto ng kwarto ko. Pagmulat ko ay agad kong tiningnan ang oras sa phone ko,past 3AM na.
Sino naman kaya itong istorbo na kumakatok?
Agad akong tumayo at binuksan ang pinto para malaman kung sino ito.
Napagbuksan ko ang isa sa mga katulong namin na namumutla na.
“Anong nangyari at namumutla ka?” taka kong tanong kanina.
“Eh kasi Sir,papatayin ko na sana ang lahat ng ilaw ng maalimpungatan ako. Pero,nasa sofa pala nakatulog si sir Finn.” agad nitong sabi. Nagsalubong ang mga kilay ko.
Akala ko nakauwi na ang mokong na iyon?
“Oh? Anong problema dun? Alam nyo namang may karapatan sya sa bahay na ito dahil bestfriend ko siya.” ang agad ko ding sabi.
“Sir! Binabangungot sya! Ginigising namin pero hindi magising!” ang maiyak iyak nitong sabi.
“Shit!” para akong natuyuan ng dugo sa narinig. Agad akong nanakbo pababa sa living room. Pinapalibutan si Finn ng mga maids namin. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko,natatakot ako.
Lagi syang nagkakaganyan pag nakatulog ng pagod,binabangungot sya ng nakaraan namin.
“Wui! Finn! Gising!” tapik ko sa pisngi nya pero panay ungol lang sya. Kinabahan na ako ng husto.
“Kukuha akong posporo!” sabi ng boy namin at agad umalis,ng bumalik ito’y binigyan ako ng isang palito ng posporo.
“Hawakan nyo sya,” sabi ko. Hinawakan ko ang isang paa ni Finn,inilagay ko sa pagitan ng hinlalaki nya at ikatlong daliri ang palito.
“Aray!!” sigaw nya at napabalikwas ng bangon. Saka nya kami isa-isang tiningnan. “Dito na pala ako nakatulog.”
Agad ko syang tinabihan at binatukan. “Sa susunod,kung hindi mo kayang umuwi at inaantok ka,tumabi ka na lang sa akin ulit,paano kung bangungutin ka na naman? Buti na lang naalimpungatan si Mary.”
“Pasensya na. Inantok na talaga ako. Hindi ko naman alam na dadalawin na naman ako ng panaginip na yon.” sagot nya. Bumuntong hininga ako at sumenyas sa mga kasambahay na matulog na sila.
“Haay! Lagi mo akong tinatakot at pinapakaba. Tara na sa kwarto.” ani ko at tumayo na,tumayo na din sya,inakbayan at hinalikan ako sa pisngi. Kung iba makakita iisiping bakla kami,pero normal na iyon sa aming dalawa,we do things na hindi normal sa iba.
“Mahal mo talaga ako Kyso! Ang swerte ko sayo.” aniya.
“Lul! Nambobromance ka na naman. Tara na,antok pa ako.”
Nang makahiga na kami sa kama ko ay agad nakatulog si Finn. Ako naman ay gising na gising at binabantayan sya.
Mula ng mailigtas ako ni Finn dati sa pagsabog ng bus,naging malapit na kami. Malaki ang naging puwang nya sa puso ko habang lumalaki kami. Don’t get me wrong,ang ibig kong sabihin ay attached na ako sa kanya,mahal ko sya not in a romantic way,he’s my hero. Mahal sya ng parents ko at ganon din ang parents nya sa akin.
Hindi ko nga akalain na pwede kang ma attached ng ganung katindi sa pareho mong kasarian. Pero ganon talaga,malalim ang pinagsamahan namin,kaya nga kami bestfriend eh.
Naalala ko pa kung paano nya ako itulak nun sa bintana ng bus kahit may pilay ako,tas tumalon din sya at hinila ako palayo ng biglang sumabog ang bus nun. Nadulas sya at pareho kaming nagpagulong gulong sa isang pang bangin.
Nawalan kami ng malay,at ng magising kami ay gabi na. Pareho kaming nalungkot dahil walang nakakita sa amin,inakala siguro nila na kasama kami sa sumabog na bus. Pero sadyang matapang si Finn at malakas ang loob. Naghanap kami ng maayos na daan para maka alis sa bangin. Tinalunton namin ang ilog kahit ika ika akong maglakad. Hanggang sa nakarating kami sa gilid ng kalsada,swerteng may dumaang truck,naawa sila sa amin at dinala kami sa ospital,dun na namin pinatawagan ang mga magulang namin.
Hindi ko akalain na kahit gaano katapang si Finn ay dala dala nya ang pangyayaring iyon hanggang sa paglaki namin.
Tiningnan ko sya na mahimbing na natutulog. Niyakap ko sya at niyakap din nya ako unconciously. Hinalikan ko sya sa noo.
“Good night bespren.” at pumikit na din ako para makatulog na.
Nagising na lang ako na may kakaiba akong nararamdamang sensasyon. Pagmulat ko ng mga mata ko ay bumungad sa akin ang naka ngising si Finn na hinihimas ang alaga ko.
“Akala ko hindi ka magigising bespren eh!”
“Tarantado,umalis ka nga dyan!” pero patuloy pa din nyang hinimas ang akin. Isa ito sa mga ginagawa namin na hindi normal. Ganito kami pag nag a-activate ang pagka bromance namin. Pero syempre trip lang,ganito naman talaga ang ibang magtotropang lalaki.
“Haha! Ang tigas na!” aniya at binitawan ito.
“Palambutin mo yan!” nakangisi kong sabi. Pero bumangon sya at aktong lalabas na sa kwarto. Agad akong tumayo at hinila sya,ihinagis ko sya sa kama at hinawakan ko din ang kanya. “Ulol! Mas matigas ang sayo!”
“Bilisan na natin bespren. May pasok pa tayo!” aniya. Kaya ayon,nilaro ko ang kanya at nilaro nya ang akin. Pagkatapos nun ay umuwi na sya.
Ako naman ay naligo na at nagbihis. Sa iisang university lang kami pumapasok ni Finn,scholar sya ni Mama at Papa,hindi kasi ako pumayag na mahiwalay sya sa akin. Meron bang bespren na naghihiwalay? Wala naman diba?
Pagdating sa school ay ang dami ko na namang nasasagap na usapan. Ganito talaga siguro ang mga tao,hilig pag usapan ang iba.
“Tol!” sabi ng isang boses,paglingon ko ay si Chase pala.
“Oh? Anong meron?” taka kong tanong. Si Chase ang pinakamalapit sa amin ni Finn sa mga tropa namin dito,kumbaga parang sya ang pangatlo sa aming mag bestfriend.
“Narinig mo na ba yung pag diskarte ni Kipp Castillo dun sa beki na si Nicolai? Nagkakagulo daw sila,nagalit yung mga bestfriend nung Nicolai.” anito. Matunog nga ang mga pangalan nila sa campus namin.
“Ano naman? Masama bang diskartihan ang isang bading?”
“Ang ganda ng baklang yon tol. Binabakuran ng mga bestfriend nyang sina Bless at Keez. Parang babae,taob ang mga tunay na babae.” sabi pa nito na nakangisi.
“Kahit naman ako magka bestfriend ng ganon,babakuran ko sa mga taong wala akong tiwala.” ang sagot ko naman habang naglalakad pa din kami.
“Edi babakuran mo si Finn?” aniya. Bigla tuloy akong napaisip. Babakuran ko nga ba? Paano kung magka girlfriend na sya? Matatanggap ko ba na nasa iba na ang atensyon ng bestfriend ko?
“Syempre hindi! Iba naman ang kaso naming dalawa ni Finn. Pareho kaming lalaki,hindi gaya nung Nicolai na parang babae kaya binabakuran ng dalawa nyang bestfriend.” pagkuwa’y sagot ko na lang.
“Sa bagay. Teka nasan nga pala yon?”
“Baka nasa kanila pa.” sagot ko. “Ikaw? Daldal ka ng daldal,wala ka bang klase?”
“Wala ang prof namin kaya makiki seat in ako sa block nyo.”
Pagdating sa room ay ang dami na agad bumati sa amin. Syempre,ganon talaga pag gwapo,what would you expect?
“Kyso,pwede mo ba akong turuan dito sa trigo?” sabi ng kaklase kong babae at inilapit pa ang dibdib nya sa braso ko.
“Second year college palang pinag aralan na natin yan. Maìna ako dyan kaya hintayin mo na lang si Finn at sa kanya ka magpaturo.” ang agad ko namang sagot.
“Ay oo nga pala. Sige kwentuhan muna tayo habang hinihintay sya.” sabi nito. Nakisali na din si Chase at ipinakilala ko sya sa mga kaklase ko na nakisali sa umpukan namin.
“Hayup na traffic!” boses ni Finn kaya napalingon kami lahat sa kanya. Naglapitan ang mga kaklase naming babae bitbit ang mga notebooks nila at dinumog si Finn.
“Smart guy talaga si loko.” komento ni Chase sa likuran ko.
“Kaya nga sya Valedictorian ng batch namin nung elementary,salutatorian pa nung high school.” ang proud ko namang sagot. Maaaring mahirap si Finn,pero mayaman sya sa kaalaman. Pag may mga hindi talaga ako maintindihan ay tinutulungan at tinuturuan nya ako.
Kaya naman in return ay tinuruan ko sya ng basketball,kaya nga nagpagawa ako ng basketball court sa bakuran namin eh.
Natigil lang sila sa pagdumog kay Finn ng dumating ang prof namin. Magaling si Finn sa mga academic,samantalang ako naman ay sa sports,kumbaga magkabaliktad kami.
Habang nagle-lecture ang prof namin ay nagtetake down notes ako ng mga hindi ko maintindihan. Magpapaturo ako kay Finn mamaya sa bahay.
“Shit naman dre!” ang bulalas ni Chase sa likod ko. Napatingin sa kanya ang lahat pati ang prof namin. Nilingon ko sya,may nilalaro syang game sa ipad mini nya.
“Can you please get out? Alam kong nakiki sit in ka lang.” sabi ng prof namin kay Chase. Si Chase naman ay parang wala lang na lumabas.
Paglingon ko kay Finn ay nagpipigil sya ng tawa.
Bakit tumatawa ang isang ito?
Nang matapos na ang klase ay lumabas na kami ni Finn at nilapitan si Chase.
“Tol,nadead ang character ko dahil sayo!” ani Chase kay Finn.
“Seryoso ka kasi,kaya tinadtad kita ng message sa facebook dahil alam kong lalabas ang notification nun sa screen ng ipad mini mo.” natatawang sagot ni Finn kaya napangiti na din ako.
“Itapon mo na yang phone mo tol. Touchscreen na ang uso pero nagtatyaga ka pa dyan sa N95 mo.”
“Alam mong wala akong pambili. Ang mahalaga nakakatext ko kayo,ang pamilya ko at si Kyso.” sagot ni Finn.
Sa nadinig ko sa kanya ay may kung anong parang tumibok sa dibdib ko.
“Tama na yan. Gutom na ako,tara na.” sabi ko sa dalawa at naglakad na kami papunta sa cafeteria.
Pagdating dun ay pumila na kami. Nang makabili na ng pagkain ay saka ko lang napansin na hindi pumila si Finn,nakita ko syang naka upo at naghihintay sa amin.
“Hindi ka kakain?” taka kong tanong ng makaupo na.
“Mamaya na lang pag uwi. Wala akong pera ngayon. Yung allowance na binigay ni Mama mo ay binigay ko kay kuya para sa pag a-apply nya sa trabaho.
Napabuntong hininga ako at nainis. Ito ang nakakainis sa kanya,pwede naman syang magsabi sa akin para mailibre ko sya,pero hindi,nananahimik lang sya.
“Nako tol. Masama ang nagpapalipas ng gutom.” ang sabi dito ni Chase na nagsisimula ng kumain. “Maki share ka na lang sa amin ni Kyso.”
“Huwag na. Hindi pa naman ako gutom.” sagot nya.
Dahil nainis ako sa inasta nyang hindi pagsasabi agad na wala syang pera ay hindi ko na sya pinansin. Itinulak ko ang pagkain ko sa harapan nya at tumayo na ako.
“Kainin mo yan. Mauna na ako sa next class ko.” sabi ko at naglakad na. Pero nadinig kong tumayo din sya.
“Shit!” sabi nya na ikinalingon ko. “Sira na.” aniya at lumuhod,pinulot ang nagkahiwa-hiwalay nyang cellphone.
Pero dahil inis pa din ako ay muli akong tumalikod at naglakad na palabas ng cafeteria.
BF tuu!
Kahit walang usapan ay ugali na ni Finn na dumiretso muna sa bahay ko pag uwian kasi mag meryenda kami at magdadala sya sa pamilya nya. Pero ngayon hindi sya dumating at hindi ko alam kung bakit.
Ilang beses ko syang tinawagan pero cannot be reached na sya kaya si Chase ang tinawagan ko.
“Kasama mo ba si Finn,bro?” ang agad kong bungad.
“Hindi eh. Nakita ko lang sya nung dissmisal,nagmamadali. Bakit?” ang sagot ni Chase.
“Wala sya dito at hindi nya sinasagot ang tawag ko.” frustrated kong sabi,pero tumawa lang si Chase sa kabilang linya. “Bakit ka tumatawa?”
“Baka nakalimutan mo yung nangyari sa cafeteria. Kung hindi ka umalis,hindi ka sana susundan ni Finn at hindi mahuhulog ang phone nyang niluma na ng panahon. Ayon! Sira.”
“Gago ka! Sige,salamat!” at pinutol ko na ang tawag.
Oo nga pala,nalaglag ang phone nya at nasira. Paano ko makocontact ang mokong na iyon?
Hindi na ako nag isip pa,bumiyahe na agad ako papunta kina Finn para mapuntahan sya. Gusto kong mag sorry sa inasal ko,hindi talaga ako sanay na may tampuhan kaming dalawa.
“Oh anak? Napadalaw ka?” sabi ni Nanay Fe ng makita ako sa tapat ng bahay nila.
“Hinahanap ko po si Finn eh!” ang sagot ko naman at lumabas ang kuya nya,si kuya Alvior.
“Umalis sya kanina,may kasamang babae,bakit?” ani kuya Alvior.
“Hindi ko macontact kuya.” ani ko. Sino yung babaeng kasama ni Finn? Imbis na mag aral ay inuuna pa nya ang babae.
“Sira ang phone nya,iniwan nga nya sa loob,yung sim card naman nya nawala daw sa bulsa nya kanina.”
“Hintayin mo na lang sya anak.” sabi ni Nanay Fe.
“Ganon po ba? Hindi na po Nay. Sige kuya at Nay,uwi na ako,pakisabi na lang dumaan ako dito.” ani ko at laglag balikat na sumakay sa aking kotse.
Nasaan kaya yon? Sinong babae ang kasama nya? Nakakainis naman yung gagong yon eh.
Pagbalik sa bahay ay gumawa ako ng mga homeworks. Nakakainis si Finn,hindi na ba nya kailangan ang tulong ko?
Pagkatapos gumawa ng mga homework ay nag facebook na ako. Busy ako sa pag likes sa mga post sa newsfeed ng mag update ito at lumabas ang pangalan ni Beloved Mcguirre. Isa sa pinaka maganda sa campus namin.
Twenty new photos ang inupload nya na parang nasa isang handaan sila. Ang pumukaw sa atensyon ko ay ang picture nilang dalawa ni Finn na sobrang sweet.
Nanliligaw ba si Finn kay Beloved? Bakit hindi ko alam? I should have known,Im his bestfriend.
Hay! Bahala na sila. Makapag Clash of Clan na nga lang,tutal ay wala na akong ginagawa. Masyado akong nawili at hindi ko na namalayang gabi na pala.
Kinatok ako ng katulong pero sinabi kong mauna na silang kumain,bababa na lamang ako pag nakaramdam ng gutom.
Pero hindi na din ako nakakain kasi nakatulog na ako. Kinabukasan ay maaga akong gumayak sa school.
Pagdating sa campus ay nakita ko sa baba ng building namin si Finn,kausap si Beloved kaya agad akong lumapit.
“Hi Kyso?! Bakit wala ka kahapon?” ang sabi ni Beloved.
“Wala kasing nagsabi sa akin.” at bumaling ako kay Finn. “Kahapon pa kita tinatawagan.”
“Pasensya na! Alam mo namang nasira ang phone kahapon kaya wala akong phone ngayon.” sagot sa akin ni Finn.
“Malapit na ang first class ko,ihahatid mo pa ba ako?” ani Beloved kay Finn.
“Oo naman!” bumaling sya sa akin. “Hatid ko lang sya best,mauna ka na sa room.”
“Sige.” sagot ko lang at naglakad na papunta sa building. Nagmadali akong umakyat sa hagdan at dumiretso sa room.
Nadivert ang atensyon ko sa mga kaklase naming makulit. Kaya gustong gusto ko ang section namin eh. Kumpleto rekado’s kumbaga.
Dumating si Finn bago mag start ang first class. Hindi matanggal tanggal ang ngiti nya,parang hindi sya nasiraan ng phone ah?
Nang sumapit ang lunch break ay agad syang lumapit.
“Best,hindi ako makaka sabay sayo. Sa lalabas kami kakain ni ’Love.”
“Ganon ba? Sige,si Chase na lang isasama ko.”
Habang naglalakad papuntang cafeteria ay hindi ko maiwasang mapaisip. Nagkakaroon na ng sariling mundo ang bestfriend ko,nababaling na ang atensyon nya kay Beloved. Ayoko mang aminin pero nakakaramdam ako ng selos at inis dahil wala ng oras sa akin ang bestfriend ko.
Paniguradong yung isa nyang ipon ang ipang gagastos nya. Paano pa sya makaka ipon nyan?
“Yo! What’s with the blank face?!” ang agad na bungad ni Chase.
“Wala naman. Medyo wala lang ako sa mood” sagot ko dito. “Naka order ka na?” ang dagdag ko pa.
“Hindi pa,hinihintay ko kayo ni Finn eh. Teka?! Nasaan ang kulugo na yon?”
“Sa labas daw sila kakain ni Beloved. Tara bro,pila na tayo.” tumayo na ako para pumila.
“Tsk tsk. Pag may babae nga naman. Nakakalimutan na ang mga bestfriends.” ani Chase. Ha! Ganon din ang iniisip ko pero ayoko husgahan ang bestfriend ko.
Nung dissmissal ay sinadya ko talagang sundan si Finn,nagmamadali syang sumakay ng jeep. Hanggang sa bumaba sya sa mga tyanggehan. Yung mga nagtitinda ng fake at imitation na kung anu-ano.
Pumunta sya sa stall ng mga cellphones at tumingin.
“Magkano ho itong 3315 kuya?” aniya.
The fuck? Yun ang bibilhin nya? Pagtatawanan lang sya ng mga makakakita sa phone nya.
“Matagal ng phase out yan. Pero ibebenta ko sayo ng P150.”
“Talaga po? May kasamang charger? Pabili na din ng sim!” masayang sabi ni Finn. Napailing ako,ang babaw talaga ng kaligayahan ng bestfriend ko.
“Marami kaming imitation ng iphone at mga android phones,hindi na uso yan,pagtatawanan ka.” ang sabi ng tindero habang iniaabot ang naka kahon ng phone.
“Ayos lang yun Manong. Hindi ko kailangan ng mga ganong phone. Ang importante,may contact ako sa bestfriend ko.” nakangiting sagot ni Finn at nagbayad.
Sa narinig ko ay napasigok ako. Parang may kung anong bumara sa lalamunan ko at parang may mainit na humaplos sa puso ko.
Agad akong naglakad palayo at tinungo ang kotse ko. Kasalanan ko kung bakit wala syang phone,kaya dapat gumawa ako ng paraan.
Nagtungo ako sa pinaka malapit na Mall,naalala ko pa dati,ng makabili ako ng iphone six plus binibigay ko kay Finn ang luma kong iphone 5S pero ayaw nya kaya ipinadala ko na lang sa pinsan ko sa probinsya.
Kung bibili ulit ako ng iphone ngayon ay paniguradong hindi nya tatanggapin. Dumiretso ako sa store ng Samsung at nagtanong kung ano ang latest Android phone nila,at agad ko din itong binili.
Ang problema,hindi ko alam kung papaano ko ibibigay sa kanya. Nahihiya akong pumunta sa kanila kaya sya na lang ang papupuntahin ko sa bahay.
Agad kong tinext si kuya Alvior at nakisuyo na papuntahin sa bahay si Finn. Nagreply naman ito na nasabi na daw nya at papunta na si Finn.
Nagpahanda ako ng meryenda at sinabi ko na pag dumating si Finn ay padiretsuhin ito sa kwarto ko at isunod nila ang meryenda.
Pag hindi tinanggap ni Finn ito,sasapakin ko talaga syang gago sya.
Pagkalipas ng kalahating oras ay pumasok na sa kwarto ko si Finn,kasunod ang dalawang kasambahay na may dalang meryenda. Ipinatong ng mga ito sa lamesa sa terrace ang meryenda at lumabas na.
“Anong meron?” ani Finn ng sundan ako sa may terrace.
“Wala lang. May isa akong homework sa isa kong subject at nahihirapan talaga ako.” umupo ako at umupo din sya. Agad nyang kinuha ang isang bananaQue at kinain,that’s he’s favorite.
“Yun lang pala! Akin na,tutulungan kita! Makikipagkita pa ako kay ’Love mamaya eh.” nakangiti nyang sabi pagkatapos ngumuya at lumunok.
“Mamaya na lang. Kain muna tayo. Teka,nililigawan mo ba si Beloved?”
“Matagal ko na syang gusto,hindi ko lang sinasabi sayo kasi nahihiya ako na baka mabasted nya ako. Nung party lang ako nagkaroon ng lakas ng loob.” nakangiti nyang sabi.
“Mukha namang gusto ka nya. Edi go,court her.” ang sabi ko na lamang dahil wala naman akong masabi.
“Oo nga eh. Ay teka best! May bago na akong phone at bago na din ang number ko.” at inilabas nya ang kanyang 3310. “Sobrang luma na,pero mura. At importante ay may contact na ulit tayong dalawa.”
Ito na naman. Parang hinaplos na naman ang puso ko. Bumibilis ang tibok. Why do I feel this?
“Ibigay mo na lang yan ke Nanay. I bought you a new phone. Ako ang may kasalanan bakit nasira ang phone mo. Subukan mong tumanggi at kalimutan mo ng mag bestfriend tayo.” mahaba kong sabi at inabot sa kanya ang box.
Kitang kita ko na nanlaki ang mga mata nya at kuminang. Saka sya tumingin sa akin. Biglang tumayo at niyakap ako.
“Salamat Kyso! Hindi kita tatanggihan! Salamat talaga! Napaka swerte ko sayo!” aniya habang yakap ako ng mahigpit.
“Ulol! Ang drama mo!” sabi ko at tinapik ang likod ko.
“Latest model to ng Samsung na Android v4 diba? Salamat talaga!” aniya ng buksan ang box. Kinuha ang phone at binuksan saka nilagay ang sim nya.
“Oo,alam ko namang ayaw mo ng iphone. Bilisan mong kumain at mag movie marathon pa tayo.” ang sabi ko naman.
“Teka,itetext ko lang si ’Love na ikaw ang kasama ko.” aniya at excited na ginamit ang bago nyang phone.
I know he would still choose me over anything,except syempre sa pamilya nya.
Dito sya natulog kaya sabay kaming pumasok.
Naglalakad na kami papunta sa unang klase na magkaklase kami ng magsalita sya.
“Teka,naiihi ako!”
“Ako din! Cr muna tayo.” ang pag aya ko sa kanya.
Kaming dalawa lang ang nasa Cr kaya umandar ang pagkapilyo ko.
“Ang lungkot ng sayo!” sabay turo ko sa ari nya.
“Mas malungkot ang sayo. Walang buhay!”
“Edi pasayahin at buhayin natin sila.” naka ngisi kong sabi.
Una nyang hinawakan ang akin,tapos hinawakan ko na din ang kanya at nilaro,nag activate na naman ang pagka bromance naming dalawa.
Biglang bumukas ang pinto na ikinagulat naming dalawa pero huli na para bawiin namin ang aming mga kamay.
It was Lai. Yung magandang bakla na pinopormahan daw ni Kipp Castillo.
Napalunok ako at napatingin kay Finn. Tulad ko ay hindi din nya alam ang gagawin.
Nakatingin sa amin si Lai na parang nagtataka.
- HAY! MASABAW NA UPDATE :/ BTW,SI LAI PO ANG BIDA SA “HE’S DATING A BEKI,TOO!” may ganyang eksena din dun pero hindi ko lang matandaan kung anong chapter.
BTW again,ang dami na naman nagdedemand ng update daw agad agad. Yung totoo? Hindi kayo nagbabasa ng Author’s note at Mga Post ko sa Message board ko? Nakakapagod na po magpaliwanag kung bakit hindi na madalas ang update ko. Ayoko na pong ma stress :(
sa mga bago pong readers,ugaliin po magbasa ng author’s note at ng mga pinopost ko sa Message board ko. Thank you! =)

