I Love The Way You Hate Me
SimoyX · 6 chapters · 6,707 words
Chapter 1
Chapter 1
Achilles POV
Nandito ako ngayon sa mini forest ng paaralan hinihintay ko ang babaeng gustong gusto kong makita araw araw. Although magkatabi Lang ang classroom namin at kaklase ko siya sa chemistry 2s pero di ko maiwasang sundan siya o abangan siya.
Ako nga pala si achilles Ortez, dalawangput isang taong gulang at kasalukuyang kumukuha ng BS education major in chemistry. Di ko maitatanging gwapo ako dahil napabilang ako sa Mr. Popular sa school kung saan ihinihanay ang mga makikisig at popular na lalaki. Rank 2 ako ngayong month sa Mr. Popular minsan nagrarank 1 din pero ang mas consistent talaga ay si Hero O’klein. Pangmayaman ang name niya at mukhang mabait, Oo mayaman nga sila pero yung mabait? Ewan ko lang. leader kasi sya sa isang sikat na fraternity dito sa lungsod.
Isa rin ako sa mga excellent student dito sa paaralan dahil matalino ako. Mayaman din naman ang pamilya ko dahil may negosyo ang parent ko at ang papa ko ay doktor si mama naman ay high school teacher.
Makalipas ang ilang sandali na paghihintay ay sa wakas nandiyan na rin ang hinihintay ko ngunit may isang asungot na kasama walang iba kundi si Hero. Pero bahala siya nanliligaw pa rin naman siya Kay ashley ganun din ako at makikipaglaban ako ng patas sa kanya.
“Hi ashley” bati ko rito
“Hello Achilles” nakangiting bati nito sa akin. Hayst Napakaganda talaga ng babaeng ito.
“Flowers for you” sabi ko sabay bigay ng roses na ibat iba ang kulay.
“Wow ganda ng nito ahh. Salamat achi” tugon nito kaya napangiti ako ngunit ng tingnan ko ang kasama niya ay di mawari ang mukha nito parang gustong lumapa ng buhay na tao. Sorry nalang Hero di Moko masisindak diyan sa tingin mo.
“Sige Achi una na kami” tugon ni ashley kaya tumango nalang ako at sinundan sila ng tingin.
“Achi, tol! Hintay” sigaw ng lalaki sa aking likuran
“Oh, lei bat hingal na hingal ka?” Tanong ko sa bestfriend kong si Nicolei
“Eh kasi tinatawag Kita kanina pa kaso naka earphone ka.“tugon nito
“Ahh ok bakit ano bang sadya mo?” Tugon nito
“Manghihiram sana ako ng libro mo sa chemistry” tugon niya
“Ahh yun Lang ba? Sige bigay ko sayo bukas” tugon ko sabay lakad ulit
“Oh bat nakasunod kapa? Wala ka bang klase dahil ako uuwi na” tugon ko
“Hehe sasama ako. Magpapaturo ako last lesson natin di kasi ako pumasok kahapon” tugon niya
“Ahh sure” tugon ko at sabay kaming pumunta sa bahay
Si nicolei sarmiento “lei” for short ang bestfriend ko simula 1st year ko dito sa school nagkahiwalay Lang kami ngayong 3rd year na dahil sa ilang subject na di niya naipasa. Gwapo din tong bestfriend Kong ito at Kasama din siya sa Mr. Popular pang rank 9 siya. Matangkad, matangos ang ilong, Mapula ang labi, mapupungay ang mata, makinis at Maputi na balat dagdagan pa ng kanyang matipunong pangangatawan ngunit ang isang disadvantage sa kanya ay di siya gaanong matalino pero talentado tong bestfriend Kong ito.
Pagdating sa bahay ay agad akong nagbihis at kahit nasaharapan ko si lei ay di ako Naiilang na maghubad sa kanyang harapan. Pagkatapos magbihis ay bumaba kami ni lei upang magmeryenda muna.
“Oh lei buti napadalaw ka dito. Matagaltagal na rin nung huli mong punta dito.” Tugon ni mama na kasalukuyang nagbebake ng cookies
“Oo nga po tita eh sayang nga at di kami magkaklase ni bespres boring tuloy sa school” tugon nito
“Hay buti pa kumain muna kayo dito kaluluto pa lang nitong mga cookies” tugon ni mommy
Pagkatapos magmeryenda ay pumunta ulit kami ni lei sa kwarto para turuan siya sa chemistry.
Habang busy akong nagtuturo ay diko maiwasang maisip si Ashley. Ano kaya ang ginagawa niya ngayon? Baka sinagot na niya si Hero. No! Hindi pwede dapat sa akin mapunta si Ashley
Bigla akong napatingin sa kasama ko at tingnan mo nga naman tulog na ang mokong kaya ang ginawa ko ay hinampas siya ng unan.
“Hoy kala ko ba magpapaturo ka bat ka natutulog” tugon ko at walang tigil na hinampas ng unan
“Argg tigil na” angal nito
“Ayaw mo talaga ha” tugon niya at kinuha ang isang unan at nagpillow fight kami nung napagod na kami ay humiga kami sa kama.
“Achi nangliligaw ka na ba Kay Ashley?” Tanong nito
“Magsisimula na akong magparamdam sa kanya pero hindi pa talaga ako official na nangliligaw baka bukas sisimulan ko na ang panliligaw” tugon ko
“Buti naman kala ko torpe tong bespren ko eh” tugon nito sabay yakap sa akin at ginulo ang buhok ko
“Dito ako matutulog ha na miss ko yung bespren ko eh” masayang tugon ni lei
“Ano pa nga ba magagawa ko” tugon ko
“Pahiram ng towel maliligo ako” tugon nito
“Nandoon sa cabinet at kumuha ka nalang din ng damit, short at brief doon” tugon ko
Agad na naligo si lei at ako naman ay kinuha ko ang laptop at nag open ng facebook. Titingnan ko Lang ang timeline ni ashley baka sinagot na niya si Hero. Sa kalagitnaan ng pang-iistalk ko Kay ashley ay bumukas din ang banyo at lumabas si lei. Ang sexy talaga tingnan nitong bespren ko lalo na kapag gumagapang ang butil ng tubig sa kanyang katawan.
Ako ang sumunod na naligo pagkatapos ay nagbihis at tumabi Kay lei na busy kakalaro ng ML (Mobile Legend)
“Lei dapat pagtuonan mo ng pansin yung mga lessons mo lalo pat pangalawang beses mo nang binalikan ang chemistry” tugon ko
“Sana nga magkaklase nalang tayo para meron akong makopyahan iba kasi yung utak mo di tulad ng akin puro kabubuhan ang laman” tugon nito
“Walang bobo kung nag-aaral Lang ng mabuti” tugon ko
“Ang sarap siguro maging matalino” tugon nito
“Oo naman kaya dapat mag-aral ka” tugon ko sabay balibag ng libro sa kanya
“Sige na nga napapasunod mo talaga ako achi sa kahit ano” tugon nito
“Ayan very good” tugon ko
Agad na nagbasa si lei pero wala pang isang oras at ayun humihilik na. Ito Talagang bespren ko napaka tamad. Kaya kinumutan ko nalang at tumabi sa kanya. Pagkahiga ko at niyakap ako nito kaya niyakap ko rin siya sanay naman ako sa ganyanan eh parang kapatid na ang turing ko rito sa bespren kong ito kaya mahal na mahal ko to lalo pat ako Lang ang nag-iisang Anak nila mommy at daddy.
Itutuloy…..
Chapter 2
Achilles POV
Friday ngayon aT dahil alas otso ang klase ko kailangan Kong magmadali palagi pa naman akong late. Pagdating ko sa department ay bigla kong nafeel na baka meron akong naiwan sa bahay pero di ko maalala. Nang pumasok ako sa klasroom ay busy ang lahat at may librong binabasa. Shitttt!! May book review nga pala kami ngayon. Hindi ko nadala yung book na hiniram ko Kay papa , yun pala yung naiwan ko. kaya no choice ako kundi ang manghiram sa library. Pagpasok ko doon ay agad akong pumunta sa myth and legend section. Hindi ko feel magbasa ngayon ng literature or romance. Mas gusto ko yung pinapagana yung imahenasyon.
Hanap ako ng hanap nang libro na gusto ko ng makita ko ang pulang libro. Kukunin ko na sana ito ng biglang may taong kumuha nito. At nag-agawan kami.
“Ako nauna nito brad” tugon ko sa lalaking pinakakina-iinisan ko.
“I got it first so fuck off” tugon nito. Aba! Wag na wag niya akong mafuck off fuck off kung ayaw niyang dumugo yung ilong niya.
“But I saw it first” tugon ko
“Tsk slow hands” tugon nito at agad na hinila yung libro sabay lakad palayo. Bwesit talaga tong hero nato. Ibang iba yung Ugali niya doon sa pangalan niya.
Imbes na magwala ay naghanap nalang ako ng ibang libro na pwede gamitin.
“Ito nalang “US” kahit hindi myth ito ngunit thrilled naman kaya okay nato“ tugon ko sa sarili.
Pagbaba ko ay nakita ko si hero kaharap ang isang babae at binigay yung libro na inigaw niya sa akin. Abay tangina niya. Nakikipaglandian siya sa iba tapos nililigawan niya si ashley. Agad kong nilapitan ito at agad na sinuntok.
“Tangina mo! Nililigawan mo si Ashley tapos nakikipaglandian ka sa iba” sigaw ko rito at nakita kong napatawa yung babae. Aba tinatawa-tawa niya diyan baka gusto niyang pusunan ko siya para malaman.
“What’s wrong with you dude!! Why did you do that??? Hindi ako nakikipaglandian sa kanya she’s my little sister.” tugon nito. Shit! Kapatid niya to? Oo nga medyo ka mukha niya. Ang tanga ko at shit nakakahiya.
“You’re an asshole” tugon ni hero at binangga ako. “Hindi pa tayo tapos” pabulong na Sabi nito at agad na umalis
“That was awesome!!!!!” Sigaw ng babae. May tupak Yata to eh.
“What’s your name cutie?” Tanong nito
“Mmm Achilles?” Tugon ko
“Thea by the way and nice to meet you” tugon niya
“And again salamat sa pagsuntok Kay kuya. First time may sumuntok sa kanya” tugon nito at nagtatalon. Baliw Yata ito eh
“Bye Achi see around. “ pagpapaalam niya kaya kinawayan ko siya
“Woah that was epic” sigaw nito habang papalayo. Makaalis na nga dito ayoko kong maalala yung kahihiyang dinulot ko sa sarili ko.
Pagdating sa classroom ay siya namang pagdating ng aming guro. Nag discuss muna siya kung paano gumawa ng movie review pagkatapos ay pinagawa na niya kami. Pagkatapos ng mahigit tatlong oras ay natapos din itong letcheng movie review na ito.
Alas kwarto ng hapon noong lumabas ako ng classroom ngunit dahil gutom ako ay pumunta muna ako sa cafeteria at nagparelax doon ng mahigit isang oras. Nung nakaramdam ako ng pagkaumay ay tumayo ako at nagpasyang umuwi. Pagkarating sa gate ay naalala ko na may project pala akong gagawin at kailangan ko ng dynamo buti nalang may alam akong junk shop sa unahan ngunit nasa lib lib na lugar ito. Lalakasan ko nalang yung loob ko dahil para sa grades ito.
Lumakad ako papuntang junk shop ng biglang may humablot sa akin at idinikit ako sa dingding.
“Oh hi stupid one. Dito ka pa talaga napadpad sa compound namin. Are you looking for me to ask forgiveness? Well pity for you because I dont forgive” tugon nito. Sobrang lapit ng kanyang mukha at amoy na Amoy ko ay kanyang hininga ang yung mata niyang nanlilisik.
“Hindi ako nagpunta rito para sayo. And kung tungkol ito kanina I’m sorry” tugon ko
“Kala mo ganun Lang kadali yun pwes–” hindi niya natuloy ng biglang may nagsuntukan sa unahan.
“Shit!” Ang tanging narinig ko dito at agad na nagpunta doon sa mga nag-aaway. Wow joiner? Kala mo kung sinong matapang. Ilang sadali pa at nakita ko na dihado na sila kaya agad akong tumulong, syempre helpful kaya to. Kumuha ako ng kahoy na pamalo at agad na pinagpapalo yung mga adik na kaaway nila. Agad din namang tumakbo yung mga ungas kaya napaupo ako. Nakakapagod din pala ang makipag-away. Habang nasa ganoong posisyon ng biglang may tumumbang tao sa likuran ko kaya agad akong napalingon. Shit! Si hero hinimatay kaya agad akong tumayo at tinulungan ito.
“Hero!!! Dude gising!!shit!” Tugon ko at agad na hinawakan ang gilid ng may nakita akong dugo. Tangina nasaksak siya. Binuhat ko siya kahit mabigat ito. Naggygym ako kaya kaya ko siyang buhatin.
Pagdating sa highway ay pumara kaagad ako ng taxi. Sa bahay ko nalang ito iuuwi paniguradong nandoon na si papa kayang kaya niyang gamutin itong chonggong ito. Ilang minuto Lang ay nakarating na kami sa bahay. Nagpatulong ako sa Kay mang ambo sa pag buhat Kay hero kasi sobrang bigat talaga parang katumbas ito ng tatlong sakong bigas. Dinala ko sa clinic pagkatapos ay hinanap ko si papa.
“Paaa!!!!!!!!!!” Sigaw ko
“Ohh bakit ka sigaw ng sigaw????” Tanong nito habang pababa ng hagdan.
“Kasi yung kaibigan ko nasaksak kaya dinala ko siya dito para magamot mo!” Malumanay kong sagot
“Abay bat di mo dinala sa hospital baka ma pano yang kaibigan mo? Asan siya????” Tarantang tanong nito
“Nasa clinic po” tugon ko at agad itong tumakbo ako naman ay sumunod Lang sa kanya.
Pagpasok sa room ay wala pa ring malay si hero. Kahit na medyo naiinis ako sa kanya at karibal ko pa ay di ko maiwasang kabahan. Baka kasi mamatay ito tapos ako ang sisihin tapos makukulong ako tapos madedepress ako tapos di ako kakain tapos magkakasakit ako tapos mamatay ako. Ayokong mamatay sa ganoong paraan.
Bago Ginamot ni papa si hero ay pinalabas muna ako nito. Naghintay ako ng ilang minuto pa ng biglang bumukas ang pinto.
“Ok na siya anak kunting pahinga lang at magigising na siya. Ikuha mo siya ng damit at short tapos ay bihisan mo” tugon ni papa tapos ay umalis din kaagad. Umakyat ako sa kwarto para kumuha ng damit pagkatapos ay bumalik din kaagad.
Itutuloy……
Chapter 3
ACHILLES POV
Pagbalik ko ay nakahiga pa rin si hero. May bundahe ang katawan nito kaya nilapag ko Na ang timba na may lamang tubig at bimbo. Agad kong pinunasan ang kanyang katawan. Sinimulan ko sa kanyang leeg, kamay at dibdib. Brusko ang katawan ni hero at makinis. Ibang iba ito sa mga katawan na nakita ko sa gym o kahit sa telebisyon kasi malaki ito ngunit walang ugat na lumalabas. Maputi din ito at makinis, yung tipong alagang alaga.
Ng matapos ko ang kanyang katawan ay nagtungo naman ako sa babang parte ng kanyang katawan. Hinubad ko ang kanyang sapatos tapos ang kanyang pantalon. Nakaboxer siya at nakabukol ang kanyang kalakihan. Halatang may lahi kasi kahit tulog ang kanyang pagkalalaki ay malaki ito. Sinimulan kong punasan ang kanyang binti pati ang kanyang paa. Ng matapos ay napatingin ako sa kanyang umbok.
“Lilinisan ko pa ba yan?” Bulong ko sa sarili ko. “Nako wag na Hindi naman babaho yan eh kahit isang linggo pa yan Hindi maligo.” Tugon ko sa sarili.
Kinuha ko ang damit at short na dala ko at sinuot sa kanya. Medyo nahirapan pa ako kasi mabigat ito. Ng matapos ako ay nahiga muna ako sa sofa at hinintay siya na magising, yun din kasi ang utos ni daddy kaya pinikit ko muna ang mga mata ko. Alas syete na naman din kaya pwede akong umidlip muna.
Paggising ko ay umaga na at paglingon ko sa kama ay nakita ko si hero na nakaupo at nakatingin sa akin.
“Buti at buhay ka pa!” Bati ko dito ngunit nakatitig Lang ito sa akin.
“Gutom ka ba? O nauuhaw?” Tanong ko dito ngunit nanatili itong nakatitig sa akin. Baliw ba tong isang to? O baka nagkaamnesia? Eh Hindi naman utak niya ang nasaksak ah.
“Hoy gutom ka ba?” Tanong ko ulit at tumango naman ito.
“Sandali Lang kukuha ako ng pagkain” tugon ko
Pagdating sa kusina ay nandoon si papat nagbabasa ng dyaryo.
“Oh wala ka pong pasok?” Tanong ko dito at nagmano.
“May meeting kami mamayang tanghali kaya wala akong pasok ngayong umaga” tugon nito
“Ahhh ganun ba Sige kukuha Lang ako ng pagkain. Gising na kasi si hero” tugon ko
“Nagpahanda ako ng lugaw diyan at pinalagyan ko Na din ng kanyang gamot kaya yun na ang ipakain mo” tugon nito kaya kinuha ko yung mangkok na lugaw at bumalik sa clinic.
“Ito na yung pagkain mo. Binigyan sana Kita ng Raw meat kaso ito daw ang ipapakain ko sayo Sabi ni papa” tugon ko dito ngunit nakatingin Lang ito sa pagkain.
“Doktor ang papa ko kaya wag kang mag alala” dagdag ko ngunit bumaling Lang ang tingin nito sa akin at tumitig. Abay baliw na yata tong isang to.
“Sige subuan nalang Kita!” Tugon kot kinuha ang kutsara at sumandok ng lugaw. Sinubuan ko siya.
“Instant baby sitter pala ako ngayon eh” tugon ko
“I can’t move my hands” biglang salita nito. Ayon nagsalita na din ang hinayupak.
“Bakit baldado ka na ba?” Tanong ko dito ngunit tinaas niya ang kanyang mga kamay at nakadikit ito sa kama. Kaya pala. Ngunit bakit Hindi ko to napansin noong pinunasan ko siya?
“Aww” tanging nasambit ko at kinalasan siya.
“Oh wala ka ng posas” tugon ko. Ngumanga ito hudyat na nagpapasubo ito.
“Eto ahhh. Sandali wala ka ng Posas. Subuan mo yang sarili mo abosado karin no?” Tugon ko at binigay ang mangkok sa kanya.
“Aray ahhh shit may pasa ako jan” tugon nito at namimilipit sa sakit.
“Sorry sorry patingin” nag aalala kong tugon ko at hinihipan ang kanyang kamay.
“Dito din banda ohh” tugon nito at ngumuso.
“Gusto mo paduguin ko yan” banta ko at bigla naman itong sumubo ng gulay.
“Ubusin mo yan at ilagay jan sa lamesa yang mangkok pagkatapos. maliligo muna ako.” Tugon ko
Agad akong umakyat sa taas at pumunta sa banyot naligo. Pagkatapos ay nagbihis na akot bumalik sa clinic. Pagkarating ko sa clinic ay nakita kong nakatayo si hero at nakahubot hubad.
“Holy shit” biglang tugon ko at humarap ito at doon ko nakita ang kanyang alaga na mala Ahas sa laki.
“Bakit ka nakahubad?” Taka kong tanong habang tinakpan ang mga mata ko.
“Uuwi na ako. Kumuha ako ng damit jan sa cabinet isasauli ko nalang.” Tugon nito at parang normal Lang sa kanya ang nakahubad habang may nanunuod.
“Hindi pa magaling yang sugat mo diba?” Tanong ko
“I’m ok” tugon ko
“Ikaw bahala. Basta kong mapano ka labas na ako jan” tugon ko at nakapikit pa rin.
“You can now open your eyes. Tapos na akong magbihis” tugon nito kaya binuksan ko Na ang mata ko.
“Uuwi ka na ba talaga?” Tanong ko
“Bakit mamimiss mo ko?” Tanong nito
“Utot mo! Nagtatanong Lang para ipahahatid Kita sa driver ko” tugon ko
“No thanks.” Tugon nito at lumabas ng kwarto. Abay bwesit din tong lalaking to parang walang utang na loob.
Lalabas na rin sana ako ng bumukas ulit ang pintuan.
“Oh akala ko ba uuwi ka na?” Tanong ko
“Ahmm pwede manghiram ng pera?” Tanong nito
“Hehe may kakapalan din pala yang mukha mo noh?” Tugon nito
“I’ll pay for it” tugon nito kaya kinuha ko ang pitaka kot dumukot ng isang libo.
“Two thousand na yan pagbalik ha” tugon ko at umalis ito kaagad. Tangina talaga Yung lalaking yun.
Bumalik ako sa kusina at naghanap ng makakain. At dahil love ako ng magulang ko ay nandoon ang paborito kong pagkain ang pizza.agad ko itong kinuha at dinala sa kwarto ko. Sabado naman ngayon kaya walang klase. Boring talaga pag ganitong araw. Ang tanging gagawin ko Lang ay manuod ng movies o di kaya ay maglaro ng online games. Lately nga naglalaro ako ng pinakasikat na online game ngayon, ang Mobile Legends. Medyo Hindi pa ako magaling sa larong ito pero nakakasabay naman ako. Best hero ko si Lesley. Ang lakas kasi ng kanyang critical damage kaya gustong gusto ko siya. Nasa kalagitnaan ako ng paglalaro ng biglang tumawag si nicolie.
“Naglalaro pa ako!!!” Sigaw ko dito
“Sorry emergency kasi eh” tugon nito
“Bakit na naman?” Tanong ko
“Pwede magpa tutor?” Tugon nito
“Anong emergency dun eh araw araw ka namang nagpapatutor sa akin.” Tugon ko
“Bagsak na naman ako sa physics” tugon nito
“Grabe Ilang beses na tayong nagreview jan bagsak ka parin” bulyaw ko dito
“Sorry mahina kasi talaga yung kukute ko” tugon nito
“Oh sha aha pumunta ka nalang dito!” Tugon ko
“Nandito na ako sa sala niyo baba ka na dito” tugon nito. Kagaling din naman talaga nitong taong ito.
Itutuloy………
Chapter 4
ACHILLES POV
Maaga akong nagising dahil maaga ang pasok ko ngayon. Medyo matamlay nga ako ngayon dahil masakit ang ulo ko at medyo nilalagnat. Hindi na ako naligo at agad na nagbihis ng uniporme. Hindi na rin ako kumain dahil busog pa naman ako saka may hahanapin pa ako sa library.
Nagpahatid ako sa driver ni papa papuntang paaralan. Alas sais pa naman kaya may oras pa ako para maghanap ng libro Na gagamitin ko para turuan si lei. Mahigit isang oras din akong naghahanap ng libro. Ng makita ko ito ay agad ko itong hiniram sa librarian.
Paglabas ng library ay umupo muna ako sa mini forest. Alas nueve pa naman ang klase ko kaya may oras pa ako magpahinga. Agad akong umupo at binasa ang librong hiniram ko ng biglang may tumawag sa akin.
“Hi achi!!!” Boses ng babae kaya agad ko itong nilingon.
“A-Ashley. Hi ahmm may kailangan ka ba?” Tanong ko at ngumiti ito.
“Wala naman. I just saw you there kaya nilapitan kita!” Tugon nito
“Ahh binabasa ko Lang tong physics 2 para Kay lei!” Tugon ko at biglang lumapit ito saka hinawakan ang noo ko.
“Nilalagnat ka ba?” Tanong nito at biglang may umakbay sa kanya. Tsk ang tsonggong hero na naman.
“Ahh masakit Lang ang ulo ko pero kaya ko naman hindi naman siya malala” tugon ko
“Dapat Hindi ka na pumasok baka mabinat ka!” Tugon nito at tumingin ako Kay hero na seryosong nakatingin sa akin.
“Okay lang naman pala eh. Tara tayo Na” biglang singit ng ungas na hero.
“O-okay Lang talaga ako. Salamat nalang sa pag aalala.” Tugon ko dito.
“Oh Sige mauna Na kami at uminom ka ng gamot para Hindi yan lumala” tugon ni ashley at umalis na kasama si hero. Shit kinilig ako sa sinabi ni Ashley. Nag aalala siya sa akin!!!!
Bumalik ako sa pagbabasa ng makaramdam ako ng antok kaya natulog ako habang nakayuko sa mesa. Nasa kalagitnaan ako ng pagtulog ng biglang may tumapik sa akin.
“Arggg” tugon ko at idinilat ang aking mga mata at doon bumungad si hero.
“At Ano naman ang kailangan mo?” Tanong ko at inabot nito ang plastic bag na dala nito. “Ano naman ito?” Tugon ko sa sarili habang binubuksan ito at nakita ko ang gamot at Gatorade sa loob.
“Inumin mo yan para gumaling ka!” Tugon nito saka agad na umalis.
“Wow nag aalala din? Oh Baka nagpapasikat?” Tugon ko sa sarili. Siguro ay bumabawi Lang ito kasi niligtas ko siya.
Ng sumapit ang alas nueve ay pumasok na ako sa room. Bago yun ay ininom ko ang gamot Na bigay ni hero. Pagkatapos ng klase ay lumabas na ako ng paaralan. Tinawagan ko si manong at ang sabi nito Medyo matatagalan daw siya bago masundo ako at sinabi kong okay lang at mag cocommute nalang ako.
Habang naghihintay ng taxi ay biglang may huminto Na sports car sa harap.
“Sakay!” Biglang tugon ni hero habang naka eyeshades.
“No thanks! Magcocommute nalang ako!” Sagot ko dito.
“Sakay!!” Medyo may kataasan ang pagkasabi nito habang nakatingin Na ito sa akin. Ewan ko ba parang natakot ako sa boses niya at agad na sumakay.
“Nilalagnat ka pa ba?” Tanong nito at hinawakan ang leeg ko.
“Diba sabi ko masakit Lang ang ulo ko! Mag focus ka Na nga Lang jan sa pagmamaniho mo’t mababangga tayo jan sa ginagawa mo.” Tugon ko dito. At hindi Na ito umimik.
Ilang sandali Lang ay bigla niyang niliko ang daan.
“Hoy Hindi dito ang daan papunta sa bahay namin ahhh!” Tugon ko dito ngunit hindi naman ito sumagot.
“Hoy Gago ka! Saan mo ko dadalhin??” Sigaw ko dito. Baka ipapasalvage ako ng isang to or worst baka rapen ako nito.
“Get off!! Dadaan Lang tayo sa fast food chain. Nagugutom ako!” Bulyaw nito kaya napahinto naman ako at inayos ang pagkaupo. Jeez Kala ko may gagawin siyang masama sa akin.
Ilang sandali Lang ay huminto kami sa hindi masyadong kilalang fast food chain kasi ngayon Ko Lang nakita ang fast food chain na ito.
“Hurry up at nagugutom Na ako!” Tugon nito at agad na lumabas sa sasakyan. Pagpasok sa loob ay parang usual Lang na kainan Na katulad ng makikita mo sa ibang fast food chain. Medyo maraming tao kaya maingay. Pinahanap ako ni hero ng table na gagamitin para Hindi daw mabilis.
Ilang sandali Lang ay bumalik ito. Pinalipat pa niya ako sa mas malaking table. Kala mo naman Masami ang oorderin niya.
Ilang minuto din ang hinintay namin at sa wakas ay dumating din ang order namin. May fries ito as usual, burger, may lumpia, may slice ng pizza, drinks, bucket ng chicken leg, bake mac, at dalawang plates ng spaghetti.
“May balak ka bang magpafiesta?” Tanong ko dito
“Ganito talaga karami ang kumakain ko specially when I’m really starving” tugon nito
“Jeez! Buti Hindi katumaba!” Tugon ko dito
“I know how to balance my diet but I treat my self once a month. I eat all that I want in one day” tugon nito.
“Alam mo. Ibang iba ka kapag nasa campus ka. Mayabang ka kapag naglalakad ka sa hallway, hindi ka namamansin lalo na sa mga humahanga sayo at palagi Lang seryoso at galit!” Tugon ko dito
“Tsk! It’s my only way para respetuhin at galangin ako ng tao!” Tugon nito
“Ang pangit ng way mo! Ginagalang naman ako kahit hindi ako nagsusungit ahh” tugon ko
“Please shut your mouth! I can’t focus while eating” tugon nito at panay subo ng spaghetti.
“Sometimes I wonder? Anong purpose niyo bat gumagawa Kayo ng frat? Para manakot ng ibang tao?” Tanong ko at napahinto naman ito sa pagkain at pinunasan ang bibig.
“You don’t know about fraternity! We help a lot. We have charities na tinutulungan and most of our donation ay napupunta sa mga paaralan sa lalo na sa mga liblib Na lugar.” Tugon nito
“Mmmmm at saan niyo naman kinukuha ang mga income niyo?” Tanong ko
“Marami kaming pwedeng kunan ng incomes. Besides sa mga donations kinukuha din kaming bodyguard kapag may sikat Na taong pumupunta dito. Another one ay mga booth namin every year na kumikita ng hundred of thousands” tugon nito
“Huwaw! Anong booth yan? Tindahan ng dyamante?” Pang-aasar ko
“Tsk. Sa frat ko bawal sumali ang mga walang ibubuga pag dating sa pisikal Na anyo dapat ay gwapings ka. Pangalawa ay dapat mapera ka. Pangatlo ay dapat may utak! Pang apat dapat maganda ang katawan mo! At dahil dyan sa mga katangian Na yan ay nakakalikom kami ng malaking pera!” Tugon nito
“Huh? Ano naman ang koneksiyon nun?” Taka kong tanong.
“Hayst! Ganito yun. May pa Booth kami every year. hug, kiss, date or even one night stand. May presyo ang bawat isa at depende din sa taong Gagawa.” Tugon nito
“Ang laswa niyo!” Tugon nito
“Just eat your fucking food! Tanong ka ng Tanong eh” bulyaw nito kaya kumain nalang ako.
Pagkatapos kumain ay hinatid Na niya ako pauwi. Medyo malayo din kasi ang pinuntahan namin sa bahay namin.
“Thank for the rides!” Tugon ko at tinanggal ang seat belt pero hindi ito matanggal.
“What’s wrong?” Tanong nito
“Hindi ko makalas yung belt” sagot ko kaya lumapit ito sa akin at inabot ang belt. Natanggal ito ngunit bigla itong tumingin sa akin kaya tumama ang tingin niya sa akin at nagkatitigan kami. Medyo malapit din ang mukha namin dahil nararamdaman ko ang hininga niya.
“Uhmm I need to go?” Basag ko kaya napaayos naman ito ng posisyon at bumalik sa kanyang upuan.
“Ok. Thank you for coming with me” tugon nito at napatango Lang ako sabay Sara ng pinto.
Itutuloy…………
For all my silent readers please leave a comment 😂
And don’t forget to vote and follow 😊❤️
Chapter 5
ACHILLES POV
“Ganito yan, kunin mo Lang yung LCD nito at edivide mo sa numbers. Kung variables naman ay deretso mo nalang isulat.” Paliwanag ko Kay lei.
“Hoy! Inaantok ka Na naman! Palagi ka nalang ganyan. Pag ikaw talaga bumagsak pa rito hinding hindi na talaga Kita tuturuan!” Bulyaw ko dito
“Eh kasi naman kasi! Mas mag eenjoy pa ako kung kayakap kita buong araw kesa mag solve ng mga lintik Na numbers na yan” tugon nito
“Naku kung di Lang talaga ako concern sayo di ko talaga poproblemahin Yang grades mo! Kahit 10 years ka nang paulit ulit mag aral!” Bulyaw ko rito.
“Pumuputak Na naman yung bunganga ng bestfriend ko!!!! Yakapin mo nalang kasi ako para mas maintindihan ko!” Tugon nito
“Andami mong request hinayupak ka! Ako na nga nagtuturo may extra service ka pa!” Tugon ko
“Sige na kasi!” Pamimilit nito
“Okay ganito nalang! Diba sabi mo ipapakasal ka sa babaeng di mo kilala? Tapos gusto mo ipapakilala ako sa magulang mo bilang boyfriend mo para Hindi ka ipakasal dun sa babaeng yun?” Tanong ko
“Oo. Bakit?” Tanong naman nito
“Papayag ako kung maipasa mo yang physics 2.” Tugon ko
“TALAGA??? Yessss!!! Tinkyu Achi love you so much!!!” Sigaw nito habang hinahalikan yung pisngi ko
“Stop stop stop…kadiri ka yung laway mo!” Tugon ko habang pinapahiran ko yung pisngi ko.
“Promise gagalingan ko Na para makapasa ako!” Tugon nito
“Siguraduhin mo Lang!!” Tugon ko at biglang nagring ang cp ko.
“Hello?”
“Hello, Achi!” Boses ng babae sa Linya
“Sino po sila?” Tanong ko
“Si ashley to!” Sagot naman nito
“A-Ashley? Napatawag ka? Midnight Na ahhh?” Tanong ko dito
“Yun Na nga eh! Andito ako ngayon sa school at nasira yung kotse ko. Hindi ko naman macontact si hero kaya ikaw ang tinawagan ko.” Tugon nito
“Sige pupuntahan kita dyan. Pumasok ka sa kotse at baka mapano ka!” Utos ko rito.
“Thank you Achi!” Tugon naman nito
“Mm Sige hintayin mo nalang ako jan” tugon ko at binaba Na ang tawag.
“Sino yun?” Tanong ni lei.
“Si Ashley nagpapasundo!” Sagot ko
“Huh? Eh hating gabi Na ahh” tugon nito
“Yun Na nga eh kailangan ko syang puntahan baka mapano siya sa daan” tugon ko
“Sama ako!” Bulontaryo nito
“Nako dito ka nalang. Aralin mo yang pinapagawa ko sayo!” Bulyaw ko rito.
“Ok po master!” Wala sa ganang tugon nito
Agad akong bumaba at pumunta sa kwarto nila mama.
“Dad???” Katok ko sa pintuan nila.
“Mmm gabi pa magpatulog ka muna!” Sagot ni papa.
“Kailangan ko yung susi ng sasakyan.” Tugon ko
“Kunin mo nalang sa cabinet” utos nito kaya pumasok ako at hinanap ko ang susi sa kabinet. Nahanap ko rin naman ito kaya agad akong pumunta sa kwarto nila manong ng maalala ko n day off nga pala nila ngayon kaya no choice ako kundi ang magdrive.
Ilang minuto din akong nagdrive at dahil hindi naman traffic ay derederetso ang takbo ko.
“Ashley??” Katok ko sa bintana ng kotse Na nakagarahe sa labas ng paaralan.
“Good thing that you’re here Achi!” Tugon nito at lumabas ng sasakyan sabay yakap sakin.
“Halika na at ihahatid Kita sa bahay niyo.” Tugon ko
“Mmm sige!” Tugon nito at inalalayan ko ito papunta sa sasakyan ko.
“Asan nga pala si hero?” Tanong ko
“Yun Na nga ang pinagtataka ko eh madalas naman kapag tumatawag ako nasasagot niya kaagad” tugon nito. Hayst alaws talagang paki yung taong yun.
“Buti nalang alam mo yung number ko?” Tanong ko rito
“Oo may number kasi si hero sayo kaya kinuha ko” tugon nito
“San nga ulit bahay niyo?” Tanong ko
“Ahh dyan sa unahang subdivision Lang.” Tugon nito
“Yang mamahalin Na subdivision jan ka nakatira?” Tanong ko
“Mm mm “ sagot nito
“Yaman ahh… masyadong mahal yang bahay jan eh” tugon ko
“My grandpa gave me that house.” Tugon nito
“Ahhh. Nandito Na pala tayo sa tapat ng subdivision” tugon ko at nag aabang Na buksan ang gate.
“Dito nalang ako Achi! Malapit Lang naman ang bahay ko rito eh. Thank you very much. I owe you for this” tugon nito at niyakap ako sabay halik sa pisngi ng biglang may humila sa kanya at sinuntok ako.
“How dare you to kiss my girlfriend” sigaw nito at napahawak naman ako sa bibig ko.
“Hero stop it! Nagpahatid Lang ako sa kanya kasi Hindi kita macontact!” Tugon nito
“I’ve been here for almost three hours! Nawala ang phone ko kaya Hindi mo ko macontact tapos yun lang nakikipaglandian ka na sa iba??” Sigaw ni hero.
“I was just trying to help” tugon ko at akmang susugurin ulit ito ng harangan ito ni Ashley.
“Stop this shit hero! Ikaw Na nga ang pinili ko tapos bibigyan mo pa rin ng malisya si Achi!” Tugon ni Ashley. Shit Hindi ko alam na sila Na pala! Mas masakit pa sa suntok ni hero ang katutuhanang magjowa Na sila huhuhu.
“You! Stay away from Ashley!” Bulyaw nito at agad na tumalikod.
“Sorry Achi!” Paghingi ng tawad ni Ashley kaya napatango Lang ako.
Agad akong umuwi at deretsong pumasok sa kwarto.
“Oh ang bilis mo yata!?” Tanong ni lei pero hindi ko siya tinugunan at nahiga nalang sa kama.
“Hoy! Bakit parang Wala ka sa mood… wait Anong nangyari jan sa bibig mo?” Tanong nito
“Wala yan” tanging sagot ko
“Naghalikan ba kayo?” Tanong nito
“Ulol! Sinuntok yan ni hero!” Tugon ko at hinampas ito ng unan.
“ bakit ka naman sinuntok ng gagong yun?“ Tanong nito
“Nakita niya kami ni Ashley na magkayakap” tugon ko
“Yun Lang pala kala niya naman girlfriend niya si ashley kung makapagreact siya ng ganun” tugon nito
“Yun Na nga ang masakit eh. Ngayon ko Lang nalaman Na sila Na pala huhuhu” tugon ko at napayakap sa kanya.
“Tahan na! Ihahanap nalang kita ng kaparehong mukha ni Ashley” tugon nito
“Iba si ashley!” Tugon ko
“Magparetoke nalang ako ng parehong mukha ni Ashley” tugon nito
“Gago! Mas gusto ko yang mukha mo!” Tugon ko
“G-gusto mo ko?” Tanong nito
“Nag iisang bestfriend Kita lei kaya concern at mas gusto ko na ikaw ay ikaw” tugon ko at napangisi naman ito
“Drama mo! Matulog ka Na nga!” Tugon nito at tinulak ako kaya napahiga ako sa kama.
Hayst. Masakit para malaman Na may jowa Na ang nagugustuhan mo. Ngayon ko Lang masasabi Na hindi Lang basta sakit ang broken-hearted, mas masakit ito sa kahit Anong sakit kasi emosyon ang kalaban mo.
Itutuloy……
Ito na ang next iuupdate ko kasi nareport ang Alexander the slave 😭😭😭😭😭😭
Mamatay sana yung nagreport nun 😭😭😭😭😭
Please vote and leave a comment 😊
Chapter 6
ACHILLES POV
Ito ang araw Na wala akong ganang pumasok. Kung Hindi Lang talaga examination day ngayon ay wala akong balak lumabas ng kwarto ngunit dahil grade conscious nga ako ay kailangang present ako lalo na sa exam. Halos nakatulala Lang ang ginawa ko. Sa pagkain, sa pagligo, sa pagsipilyo at kahit sa paglalakad ay nakatulala Lang ako. Ganito pala ang epekto ng sinasabi bilang broken-hearted, grabe halos mabaliw ako kakaisip kung bakit Wala man lang silang abiso galing sakin (di ka nila tatay achi) - epal Na sagot ng aking isipan.
Natapos ang lahat ng exam ko ngayong umaga at masasabi kong nakasagot naman ako ngunit hindi ako sigurado kung malaki ang scores ko dahil kahit sa pag-iisip ng sagot ay tanging pangalan ni ashley ang lumalabas dito. Buti nalang talaga at may panindang ice cream sa food court atleast may pampagood mood ako.
“Psst” biglang may tumatawag sakin mula sa likuran ngunit hindi ko nalang ito pinansin baka siya pa ang mapagbuntungan ng galit ko’t mahampas ko siya ng silya.
“Psst!” Tawag ulit nito ngunit nagpatay malisya nalang ako
“Psst!” Tawag ulit nito kaya hinarap ko na ito ng biglang tinapon nito ang dalang plastic bag sa akin.
“Ay put––” di ko na naituloy ng makita ko si hero at agad naman itong tumalikod. Ng biglang bangain siya ni lei na tumatakbo Na halatang masaya.
“Achi! Achi!” Sigaw nito at wala siyang pakialam kahit natamaan niya si hero.
“Ang ingay mo!!” Turan ko
“Eh kasi masaya ako!” Tugon nito at may kinuha sa bag niya.
“Anong hinahanap mo jan?” Tanong ko ngunit nagpatuloy Lang ito sa paghahanap ng bigla niyang itinaas ang papel.
“Pasado ako sa physics 2!!!” Sigaw nito at niyakap ako.
“Hayst buti naman at nakapasa kana. Ikahihiya talaga Kita pag nabagsak ka pa” tugon ko
“Ooops yung pangako mo na magiging boyfriend Kita!” Paalala nito
“Hep hep hep ang sa––” Di ko Na ituloy ng biglang sumingit si hero.
“Pare sa susunod mag-ingat ka ng hindi ka nakakasagi ng iba” tugon ni hero ngunit nagbingi bingihan si lei at niyakap ulit ako. Halata rin sa mukha ni hero na iritado siya sa presensiya ni lei dahil ang sama ng tingin nito.
“Lei Tama Na yakapin mo nalang ako mamaya sa bahay. Wag dito sa school” tugon ko at napatingin Kay hero na nanglalaki ang mata.
“Sige see you soon. At yung promise mo sakin hah! Nakapasa ako remember?” Pang aasar nito at agad na umalis.
“Tsk I thought gusto mo si ashley. Lalaki pala ang gusto mo! O Baka naman lumalapit ka sa GIRLFRIEND ko dahil gusto mo ko? Sorry but I don’t like faggots” pang iinsulto nito at agad na umalis.
Ano daw? Ako faggot? Abay sinaulo ding tong taong ito ah!!! At ang kapal ng mukha para isipin Na may gusto ako sa kanya! Sa ugali niya palang kahit siguro hayop hinding hindi magkakagusto sa kanya.
“Hoy, hoy, hoy hindi ako bakla at lalong hinding hindi ako magkakagusto sayo!!!! Period!!!” Sigaw ko dito ngunit parang wala itong narinig at nagpatuloy sa paglalakad.
Dahil sa inis ay agad akong umalis at nagpasundo Kay manong. Total ay exempted naman ako sa exam mamaya kaya free na ako Na gumala o magliwaliw. Pinili ko nalang mag stay sa bahay kasi hindi ko naman kinahiligan ang gumala. Pagkapasok ko palang sa kwarto ay agad kong ibinagsak ang sarili ko sa kama at tiningnan ang cellphone ko. Doon ay may isang text.
“Faggot” laman ng mensahe at dahil naiinis Na talaga ako ay blinock ko ito at agad na tumayo para magbihis.
Kakahubad ko palang ng pantalon ko ng biglang bumakas ang pinto kaya nataranta akot biglang tinakpan ang katawan ko.
“Ano ba naman lei! Di ka man lang kumakatok kapag papasok!” Bulyaw ko dito
“Aww sorry. Hindi ko naman Alam Na nagbibihis ka. At isa pa pareho naman tayong lalaki at nakita ko Na rin yan Ilang beses na” tugon nito at nagpipigil ng Tawa.
“Eh Ano naman ang ngini-ngisi ngisi mo?” Tanong ko
“Naalala ko Lang yung alaga mo! Ahahah” tugon nito at humagalpak ka katawa.
“Dumagdag ka rin sa pangbubwesit sakin no? Baka gusto mo e cancel ko yung promise ko?” Tanong ko dito
“Promise is a promise” sagot nito
“But promise meant to be broken” sagot ko naman at tumalikod.
“Wag ka Na nga mahiya. Nacucutan nga ako sa alaga mo eh kahit hindi ka tinutubuan ng bolbol hahahha” tugon nito at tumawa Na naman.
“Isa pa talaga nicolei at mahahampas ko Na sayo tong upuan” pagbabanta ko ngunit hindi pa rin ito tumitigil sa pang-aasar.
“At tsaka ikaw Lang siguro yung may bayag Na kulay pink parang binalatan hahaha” pang aasar nito kaya kinuha ko Na ang tsenelas sa paa ko at tinampas sa kanya.
“Aray bayolente naman neto” reklamo nito ngunit inirapan ko Lang ito.
“Sorry na! Ang cute mo kasing asarin para kang bata” paliwanag nito at niyakap ako.
“Ulol! Yung alaga mo sumasagi sa pwetan ko! Tumabi ka Na nga at magbibihis Na ako” turan ko dito at nagsuot ng damit.
“Oh anong plano doon sa problema mo?” Tanong ko dito habang nakahiga ito sa kama ko.
“Bukas may dinner kami with my parents. Dadalhin Kita” sagot nito
“Siguraduhin mo Lang Hindi ako mapapaaway ha? Pag ako nasaktan doon hahatawin talaga kita ng silya” tugon ko
“Akong bahala sayo” sagot nito ng biglang may kumatok.
“Sir magmeryenda daw muna kayo sa baba” turan ng kasambahay kaya bumaba na kami.
“Mom! Buti at Hindi kayo busy ngayon” tugon ko dito
“Hayst nagleave muna ako ngayon hanggang sa linggo kasi maghahanda ako sa anniversary ng daddy mo this Sunday” tugon nito
“Nako sundan niyo na kasi ako para naman hindi boring tong bahay nato” tugon ko
“Try namin nak” sagot nito
“Oh kain muna Kayo. Nandito ka pala lei! Halika at nagluto ako ng turon at banana cue” tugon nito
“Wow ang tagal ko ng hindi nakakain nito. Da best ka talaga tita” sagot ni lei at agad na nilantakan ang tiluto ni mommy.
Medyo matagal tagal din ang kwentuhan namin. Nag asaran pa kami. Pagkatapos ng kwelang kwentuhan namin ay bumalik Na kami ni lei sa taas at naglaro ng paborito namin laro ang mobile legend. Hindi naman ako fan ng mga mobile games pero noong tinuruan ako ko lei sa larong ito ay nakahiligan ko Na. Halos araw araw ay hindi ko nakakaligtaan ang paglalaro nito. Minsan panalo minsan talo. Pero kapag gusto kong tumaas ang rank ko ay nagpapatylong ako Kay lei dahil sobrang galing niya sa kahit Na anong hero ang gamitin. Ako kasi ay Panay mage ang ginagamit katulad ni vexana o kaya ay kadita.
Itutuloy………..
Hi sa mga mlbb players jan 👋👋👋
Anong best pick hero niyo?
Please vote at comment kayo for support 😊😊😊

