loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
I Wanna Be Loved By You

I Wanna Be Loved By You

valfeeds · 42 chapters · 61,290 words

NOTE

Hello dear Ceans!

The story plot is purely my wide imagination, time, places, and names of the characters.

The story contains boy x boy content, so if this is not your preference, feel free to skip it. I apologize in advance for any grammatical errors, and the story will be updated two times a week, although the exact days are not certain.

This story will include mentions of vulgar language, homophobia, offensive content, stereotyping, and other sensitive scenes. I will be providing more warnings if needed to keep everyone informed.

Your concerns is well appreciated.

Thank you!

00

ESTRADA
.

Ang init sa loob ng classroom, si Ma’am Lourdes ang nagtuturo sa amin. As usual, boring talaga siya magturo—kaantok.

Nabaling ang atensyon ko nang may binato siyang estudyante. It was the troublemaker.

Radio Grant Fajardo III—ito yung lahat ng estudyante inaaway, palaging naghahamon ng away. Sa akin siya tinabi dahil baka raw tumino man lang.

Unfortunately, ay kaaway ko rin ito. “Fajardo, why are you sleeping in my class again?” tanong ni Ma’am sa kanya, pero wala siyang pake, hindi pa rin nagigising.

“Fajardo!” Ma’am Lourdes shouted, her eyebrow knitted together, yung mukha niya halos hindi mo na maipinta. Lalapit na sana siya sa upuan nitong si Radio nang sipain ko ang upuan niya.

Muntik pa siyang mabuwal sa upuan niya—nalakasan ko ata. “What the fuck, bro,” aniya at tiningnan ako nang masama.

Binato siya ni Ma’am ng eraser at natamaan siya sa mukha. Deserve.
“Come to the principal’s office now,” utos niya sa kanya. Sinamaan niya pa ako ng tingin bago tumayo.

Deserve. Patulog-tulog pa kasi sa klase. We are both in our Grade 10 year. Syempre, kakasimula pa lang naman ng class one week ago, marami pa rin ang students na nag-aadjust.

After our class, syempre break time na. Nagkita-kita kami nila Centi, Cisco, kasama nila si Exis sa may gazebo.

“San si kupal?” tanong ni Centi sa akin. “Nasa principal’s office,” natatawa kong sabi.

“Grabe, akala ko si Centi at Percival lang laman ng principal’s office, si Dio rin pala,” halakhak ni Cisco kaya tumawa kami ni Exis.

“Malamig ba?” kantyaw niya kay Centi, kaya binatukan siya nito.”Gusto mo ba isunod kita kay Dio sa loob?” taas-kilay na sagot ni Centi sa kanya.

“Nag-cutting classes kayong dalawa no?” tanong ko. They looked at each other at kamot-ulong napangiwi sa akin.

Exis is in the same grade as mine and Dio. Centi and Cisco are already in their Grade 11, they’re just ahead of us ng isang taon lang.

Napaisip rin ako kung bakit dito nag-aral yang dalawa. Their parents can afford to let them study abroad or in famous schools here, pero mas pinili pa dito sa public school.

Gusto ata nila may thrill—sabi nila, para ma-experience daw nila. Di ako naniniwala. Centi and Cisco are both friends since their elementary days. Centi and Exis are cousins, so nagkakilala ang dalawa. Ako naman parang sampid lang dito.

Just kidding—Exis and I are both neighbors, kababata ko ‘yan siya. As for Dio, Centi is the closest to him—mga basagulero kasi, at wala nang bago pa ‘don.

“Tatakbo ka ba kapag Grade 11 ka na as president of school?” Centi asked habang naglalakad kami papunta sa likod ng school.

I hummed in response habang sinisipa yung bato sa daan. “Sayang wala na kami dito nun sa school, ako sana campaign manager mo ng mga kapartido mo,” Centi chuckled at tumingala sa langit.

Pagdating namin doon, ay nandoon pala si Radio, naghihintay sa amin—nakatalungko pa siya habang may sigarilyo sa bibig niya. Lumapit ako, kinuha ‘yon sa kanya, inapakan.

He was startled by it kaya tumayo siya at kinwelyuhan ako. “The fuck is your problem?” taas-kilay niyang tanong. He gritted his teeth and looked at me intensely. I stared at him too, unbothered.

“What?” I asked. Inambahan niya ako ng suntok pero di naman natuloy. Namumula ang tainga niya—halata na naiinis ito sa akin.

“Go ahead, Radio. Daanin mo sa sakitan ang lahat. Tutal diyan ka lang naman magaling—solve the problem by doing a fist fight. Magsusuntukan tayo dito,” paghahamon ko sa kanya. Akala siguro nitong gago na ‘to ay di ko siya papatulan.

He is taller than me, pero kaunti lang naman. Medyo brusko din ang katawan nito, pero wala akong pake.

“Hey guys, stop it. Naga-away na naman kayo,” pag-aawat sa amin ni Centi. Pilit niya kaming pinaghihiwalay, but Radio is still holding my collar tightly—sigurado lukot na ito.

“Don’t stop him, Centi. Let him be,” I uttered, fueling the fire even more. Di na siya nakapagpigil at sinuntok ako. Napaatras ako kaya sinuntok ko rin siya kaagad—natamaan siya.

Sumakit ang panga ko, pero nakareact din naman ako kaagad. Ramdam ko na dumugo ang labi ko dahil nalalasahan ko ito.

I should have done this before. Lumapit si Centi at Exis kay Radio bago ako sugurin ulit. Si Cisco naman ay nasa likod ko.

“Tama na nga ‘yan, Syd, Dio. Para kayong mga bata,” suway sa amin ni Cisco. “Kung nandito lang yung dalawa, di kayo magkakaganyan,” dagdag niya pa at hinarap ako, napalingon kay Dio.

Tinanggal niya ang pagkakahawak nila Centi sa kanya. He brushed his hair off, kita ang sugat sa labi niya—mas ako ata ang napuruhan.

He spat his saliva before he walked away. He bumped into me. Sinundan siya ni Centi pero di ko na lang siya pinansin pa.

Di na ako pumasok sa dalawa ko pang subjects dahil baka parehas kaming mapunta sa principal’s office.

Naglalakad ako pauwi, kasabay sila Centi. Don muna sila sa bahay—makikitulog.

My mom is there naman so okay lang sa kanya. Habang naglalakad kami, nag-aasaran si Cisco at Centi.

“Last night, I dreamed I wa swimming in an ocean of orange soda,” he stopped then looked at us. Katabi ko nga si Dio na naglalakad na walang pake sa mundo.

“But it was just Fanta sea,” he added, laughed his ass off. Me and Exis looked at each other—it’s not funny.

“Grabe, tatay ka na ba at ganyan ka magbiro?” ani Exis at tumawa. Inakbayan ni Exis si Cisco at Centi na nasa harapan namin.

Tahimik lang kami ni Radio sa daan. Gusto ko sanang magsorry sa pagsuntok ko sa kanya, but I think he deserves it dahil mas nauna siya sa akin.

I just don’t like it when he smokes because I knew that it was bad for his health. He is a heavy smoker—nagsimula ‘yan nung Grade 9 kami. I don’t know what happened to him.

Tumingin ako sa kanya. He didn’t treat his wounds—gusto pa may gagawa para sa kanya. Akala siguro nito ay may utusan siya. Magsasalita na sana ako kaso naunahan niya ako.

“Let’s ditch them. I’ll tell tita that you are with me,” he whispered. Hinila niya ako—nagpatianod sa hila niya.

Narinig ko pa si Cisco, “Nawala sila. Mamaya nagsuntukan pa ‘yan ah,” rinig kong sabi niya.

“Let’s eat. I knew some store where we can eat bulalo,” he said. Habang naglalakad kami, di ko maiwasang kalabitin siya.

“Why?” he asked while paying attention on his phone. “Sorry about earlier,” I whispered at itinuon ang atensyon sa iba.

He hummed. “That’s fine. I think I deserve it. Besides, your punch sent me chills,” he said and laughed.
“And I should be the one saying sorry about it. I burst out my anger on you,” sabi niya sa akin at inakbayan ako.

“We’re okay now, right?” he asked and looked at me smiling. Tumango ako.
“Itagalog mo nga yang sinabi mo,” sabi ko sa kanya.

He understands tagalog pero bulol ito sa magtagalog—laking ibang bansa kasi. “O-okey na tayo?” sabi niya kaya tinawanan ko siya.

Wala naman siyang magawa. Radio is the second closest friend to me. Asaran lang namin yung kanina, but I know it was somehow serious.

He is my enemy slash friend.

01

ESTRADA
.

Pauwi na kami, may dala-dala pa akong isang supot nito, baka raw gusto ni Mommy. Ewan ko ba dito kay Radio at gustong kumain ng ganito. I mean, favorite niya na favorite ko rin, pero ang sudden naman kasi.

Pagdating namin sa bahay, si Exis na lang ang gising pa at naglalaro. Nagulat pa siya sa aming dalawa. “Bati na kayo?” tanong niya habang may dinudutdot sa cellphone niya.

Hindi namin siya sinagot at nagpatuloy sa pagpasok. “Pauwi na raw si Chico,” aniya at napakamot sa ulo. “Namatay na naman,” reklamo niya at nilapag ang cellphone sa center table. “I’ll just shower,” paalam ni Dio at umakyat sa taas.

“Nako nako Syd, ayan ka na naman,” sambit ni Exis at umiling-iling sa harapan ko. “Ano na naman ’yon, Exis?” kunot-noo kong tanong. Di ko naman maiwasang tanungin siya dahil parang may ipinahihiwatig siya sa sinasabi niya.

“Crush mo pa rin ang gagong ’yon, no?” he asked. Napahinto naman ako at tiningnan siya. “I don’t,” I responded at tumayo sa kinauupuan.

“Fine, keep telling that to yourself. Syd Estrada, I knew you have feelings for him, hindi mo lang ma-admit,” he sighed and stood up, leaving me dumbfounded.

Wala naman akong gusto sa kanya. Why would Exis think that way? I walked up to my room. Hihiga na sana ako, kaso ay napansin kong may nakahiga.

It’s Dio, lying on my bed. Sinipa ko siya sa likod kaya nalaglag siya. Napadaing siya pero hinayaan ko lang at humiga sa kama ko kahit nakat-shirt pa ako.

“Bakit nandito ka sa kwarto ko?” tanong ko sa kanya nung tumayo na siya sa pagkakalaglag. “In the other room, it’s crowded in there. The bed is full,” he complained. Ang arte.

He pushed me slightly at hinila ang kumot sa akin. Sinipa ko siya ulit.
“Sa lapag ka don sa kwarto nila Exis matulog, wag dito,” sabi ko sa kanya at pinapalabas siya.

“No, I’ll sleep here beside you,” sabi niya sa akin at pinausog ulit ako. Nung sisipain ko na siya ulit, hinawakan niya paanan ko, dinantayan niya ako. Ang bigat.

Bwisit.

“Sleep now,” he said while his eyes were closed. Magsasalita na sana ako, kaso tinakpan niya ang bibig ko.
“Sleep now,” he muttered. Nakatingin lang ako sa mukha niya. His manly face is very visible, maangas ang mukha niya.

Napansin kong nakatitig na ako sa kanya kaya tinanggal ko ang kamay niya sa bibig ko. Fucker. Napansin ko na maayos na rin ang sugat niya. Ginamot niya na.

“Your bruise, how was it?” he asked at hinarap ako. I confusedly looked at him. Hinawakan ko ’yung pasa ko sa mukha at masakit pa rin.

“Fine,” I responded at tinalikuran siya. He didn’t respond. Tahimik na kami. Ramdam kong gumalaw ang kama. I think he is facing the other side now.

“Good night, Dio,” bulong ko at ipinikit ang mata ko.

Dumating kami sa airport para sunduin si Chico. Dito na raw kasi siya magka-college. Si Abel naman ay di pa makakauwi, next year pa.

“Chico, my dear friend,” Cisco hysterically said and went to hug him, pero nilagpasan niya ito at nakipag-fist bump sa amin.

“Ang sakit mo, Chico my friend. Porket alam mong may makakayakap kang pogi, nilagpasan mo ako,” sabi niya at nilingon kami. Chico didn’t pay attention to him at inakbayan kaming dalawa ni Dio paalis.

“Ay, tangina, di ako pinansin. Ano ako dito, display?” sabi niya pa na parang bang nah-hurt siya sa ginawa ni Chico sa kanya.

Di na lang namin siya pinansin. “Nalaman ko na nagsuntukan daw kayo. Chismis sa akin nung dalawa. Is that true?” he asked. Di kami nagsalitang dalawa.

“We’re just teasing each other, Chico,” he said. “Asaran lang? Bakit kwento sa akin nung dalawa, nagpapatayan na raw kayo,” he said, not believing us.

“Sinungaling yung dalawa ’yon. Don’t worry, kokotongan ko ’yon para matauhan,” sabi ko at tiningnan ng masama ’yung dalawa.

Bwisit na dalawang ’yon. Nagsinungaling pa talaga. I mean, medyo totoo naman ’yon, pero ang OA na masyado nung ‘nagpapatayan kami.

“Hoy, chikana, pasalubong ko,” tawag ni Cisco habang nakasimangot. May kinuha sa bag si Chico na ewan ko kung ano ba ’yon.

“Oh ayan, suyod. Magsuyod ka para matanggal lahat ng kuto mo diyan sa ulo mo,” sabi niya at ibinigay kay Cisco.

Nagtawanan kami nila Exis.
“Pasalubong pala hanap mo, ah,” Exis teased, still laughing.

“Anong kuto? Mas malala nga snow diyan sa ulo mo, di naman ako nagreklamo,” Cisco responded back. Ayaw patalo.

“Porket mahaba lang buhok ko ginaganyan niyo na ako,” nagtataray niyang sabi at sinusuklay ang may kulay niyang buhok.

“Mga bully. Akala mo di mga kaibigan eh,” reklamo niya pa at naglakad palayo sa amin. “Yari ka, chikana. Nagtampo na si kano. Hirap pa naman suyuin ’yon,” banta ni Centi sa kanya.

Naghiwa-hiwalay kami nila Chico nung malapit na siya sa condo niya.

“Punta kami diyan mamaya, one week kaming walang pasok,” sabi ko. Tinanguan lang kami ni Chico.

Habang naglalakad kami ni Dio, may sinasabi siya sa akin. I don’t know what to feel or how to react kasi normal na rin naman na sabihin niya sa akin ’yon.

“Syd, I like someone right now.” I tensed up by it. I hope it’s not her.

“Sino?” tanong kaagad sa kanya, but it wasn’t so obvious na interested ako sa kung sino man ’yon.

“It’s Esme.” Nang binanggit niya ang pangalang ’yon ay parang binagsakan ako ng langit at lupa. I wasn’t jealous of her, pero siya talaga ang nakakainis — na para bang pa-queen bee ito sa school.

She got everything she wanted — fame o mapa-lalaki man ’yan. She was rumored na marami itong lalaki. I don’t know, maybe some flings? Iba-iba ata kasama nung babae na ’yon na lalaki every week.

I’m afraid he will get hurt. And I don’t know if he knows about her. Tanggap ko pa kung si Morgan ang maging crush niya. I’ll gladly accept ito.

“Ayaw ko sa kanya,” sabi ko at binilisan maglakad. “Why?” tanong niya at hinawakan ako sa balikat.

Nagtanong pa talaga siya sa akin kung bakit. “She is the worst girl you will like, trust me. It’s better to like Morgan more than Esme,” sabi ko. I feel like na para bang ina-ano ko siya na iba ang gustuhin, ’wag lang ’yon.

“Okay,” he said, kaya tiningnan ko siya. “Bakit, ayaw mo na ngayon?” tanong ko sa kanya. He shrugged and responded.

“Because you said so. I’ll listen to you. Magpa-president ka, right? So you know about people,” he explained. Wow, ginawa pa akong personal niya na tiga-inform.

“Marami ka lang talaga pinopormahan,” sabi ko sa kanya. “They’re the ones who are coming to me, not me. It’s not my fault that I was handsome, okay,” he said proudly and grinned.

Inakbayan niya ako at hinila. Pag-uwi ko sa bahay at nakita ko si Mama na inaayos ’yung sofa. “Mommy!” tawag ko, kaya napalingon siya.

“Hi, anak. Kamusta?” she asked and kissed my cheeks. “It’s fine! Kasama ko po sila Radio maghapon po,” I happily said.

She smiled and nodded in response.
“Nak?” she called out. I hummed in response. She guided me to sit on the sofa.

“Wala ka bang nagugustuhan sa ngayon?” she asked. Nakatingin lang ako sa kanya, nagtataka. Sino bang gugustuhin ko?

“Bakit mo natanong, Ma?” tanong ko sa kanya. “Wala lang. Don’t you like Radio, anak?” biglaan niyang tanong.

Crush ko ba ang kaibigan ko? For sure, no. Kaya inilingan ko si Mama. There is that feeling na para bang naa-ano kapag sinasabi kong wala akong gusto.

I might be crazy for real.

“Hindi po, Ma. Kaibigan ko lang po si Dio,” sabi ko at ngumiti sa kanya para di na magtanong sa akin. Pero these past months, I’ve been really confused about it. Ang hirap hanapin nung sagot kapag di mo alam ang tanong.

02

ESTRADA
.

Patakbo akong pumunta sa likod ng building namin kung saan kami tumatambay nila Cisco. May nakapagsabi sa akin na nag-aaway raw sila Centi at Percival.

Sumiksik ako sa maraming estudyanteng nagkukumpulan na paikot. Nakita kong nakahiga sa sahig si Percival at si Centi ay nakapatong sa kanya at sumusuntok. Nakakaganti naman itong si Percival sa kanya.

“Centi!” I shouted, pero di pa rin ito matinag. Baliw talaga ang lalaking ‘to. Nakita ko sila Cisco na sumisigaw pa na para bang nasisiyahan sa nakikita niya.

“Cisco!” sigaw ko. Nang makalapit sa kanya, nagulat pa siya sa akin at agad na hinawakan sa braso si Centi at hinila siya. Tsaka lang aawatin kapag andito na ako.

“Bro, tama na ‘yan,” I heard Cisco say. Yung mga estudyante naman, nakatingin lang at nagbubulungan.
“Umalis na kayo dito!” sigaw ko sa kanila, pero yung iba di pa rin ako naririnig.

“Alis na, nakikieksena pa kayo dito,” sigaw ko ulit at pinaalis sila. Yung iba ay tinutulak ko nang dahan-dahan para paalisin.

“Exis, hilain niyo nga ‘yan si Centi,” utos ko. Nang maialis nila si Centi sa ibabaw, humarap ako sa kanya.

“What happened, Centi?” I asked. He brushed his hair off at tiningnan ako. His left cheek had a bruise. May pasa rin siya sa magkabilang pisngi at black eye sa mata.

Napailing ako sa nakikita ko. “That f-fucker, he told me I was gay,” he muttered while running out of breath.

“Naniwala ka naman,” sabi ko sa kanya. Di siya nagsalita. Nilingon ko si Percival. Ngayon they both have the same bruises on their face.

“Percival, you know how hot-headed Centi is. Nagpakita ka pa talaga sa kanya. What were you thinking? Naghahamon ka na naman ng away,” sabi ko sa kanya.

“He came up to me first, not me. He thinks I was the one who posted that fucking thing he was talking about,” he said, collecting his posture again.

Nagulat na lang kami nang dumating yung principal. Damn, I didn’t expect this.
“What is happening here?” tanong ni Mr. Principal. Wala kaming maisagot sa kanya.

“Principal’s office, now. Mr. Atienza and Mr. Mallari,” he ordered. Tinanggal ni Centi ang pagkakahawak sa kanya nina Exis at Cisco. Binangga pa niya si Percival.

Nang makaalis sila sa harapan namin, tiningnan ko yung dalawa na kamot-ulo at di maibaling ang tingin sa akin.

“Mga kupal talaga kayo,” ‘yan na lang ang nasabi ko at tinalikuran sila. I didn’t expect that to happen. Nakikipagsuntukan din naman ako pero di naman ganyan kalala.

Nakaupo ako ngayon sa bench dito sa school at nagpapahangin, nang may tumabi sa akin. Ramdam kong may dumapo sa pisngi ko na malamig na inumin.

I looked up to Radio. He gestured me to take it. He sat beside me. “Stress about those three?” he asked, parang siya di ako ini-stress. Napailing ako at walang masabi sa kanya.

“Let them be. They are already old enough to deal with their problems,” he said at nilagok yung dala niyang Gatorade.

“After class, come with me sa beach. I want someone to accompany me there and I’ll try my new bike,” aya niya sa akin at ngumiti.

When he did that, there is that feeling again. It was uneasy and it feels like it’s wrong to have this kind of feeling.

Sa sobrang tagal, ang dami ko nang tanong sa utak ko na hindi ko pa rin masagot. Hindi ko alam kung sino ba dapat ang kwentuhan ko nito.

Ilang months na din akong nakikiramdam. I don’t know if nafi-feel din ‘yon ni Radio. Sa past months na dumaan, parang nag-iba siya. Ako palagi ang gusto niyang kasama.

He’s always really there. Ako ang inaaya niya sa mga lakad niya imbes na si Centi. Ganito ba talaga siya?

Sa akin lang ba siya ganito, or ganito rin siya sa iba? So confusing. He is helping me in everything, makes me smile a lot pero hindi ko pa rin mapagtanto.

Those things that he did for me— I just found out that I smiled without me knowing at all.

Ano bang sagot sa tanong sa utak ko na “Gusto ko ba si Radio?” O baka nararamdaman ko lang ito kasi kaibigan ko lang siya. It’s hard to answer this question.

Sa lahat ng tanong sa test paper, sa tanong lang na ito ako nahirapang sagutan.

Umuwi ako sa bahay na puno ng katanungan. Sinabi ko kay Radio na uuwi muna ako at magpapalit ng damit. Naiinis kasi si Mama dahil madumi ako magdamit.

I was preparing myself dahil siya na raw ang susundo sa akin. Sinabi ko na ako na lang pupunta sa kanya pero sabi niya siya na raw. Wala naman ako magawa.

“Syd, andito na si Radio, hinahanap ka na,” rinig kong sigaw ni Mama sa baba. “Opo Ma, pababa na ako!” sigaw ko pabalik.

Pagbaba ko, nakita ko si Dio sa sala. Nakaporma pa ito tapos ako mukhang pulubi sa suot. Nang makita niya ako, abot ang ngiti niya sa labi.

Ito na naman, that kind of feeling.
“Ma, alis na kami,” paalam ko. Paglabas namin ng gate, hinila niya ako papunta don sa bike niya.

“Di ako sasakay diyan,” sabi ko nang makita ko ito. Nakakatakot din kasi sumakay sa bike na ganyan tapos siya pa magpepedal.

“Come on, I won’t be fast naman, I promise. Just hold me,” he said, convincing me. I sighed at pumayag na. Di ko matiis, baka lumuhod pa ‘to eh nakakahiya.

Sumakay ako at umangkas sa likod ng bike. Nag-aalangan pa ako sumakay dahil medyo natatakot ako.

Hinila niya ang kamay ko at pinahawak ‘yon sa magkabilang gilid ng damit niya. “Wag ka kiligin,” he chuckled and looked at the road.

“Di ako bakla,” mahina kong sagot. I don’t know if he heard it pero nasabi ko ‘yon. I wasn’t sure if I was gay, pero I like girls too. Di ako sure.

Hindi ko masabi kay Radio dahil hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon niya. He is straight as a ruler at never naman kami nag-usap about sa mga ganitong usapan.

I let the wind touch my face. Medyo malamig pero masarap sa pakiramdam. I feel free. Bumaba ako sa bisikleta niya kasabay niya. Naglakad kami papunta sa dagat. Hapon na kaya maganda na yung araw.

Tahimik lang kami nung nakaupo kami. Si Dio, binabato niya yung dagat. Ako, nakatingin lang. Napansin ko na pormang-porma siya eh sa dagat lang naman kami pupunta.

“Bakit bihis na bihis ka?” tanong ko sa kanya. “Nothing, the girl that I was supposed to date today ditched me,” he said normally. Wala naman siyang pakialam don kung di siya siputin.

“Kung alam mo palang di ka niya sisiputin, eh bakit nagbihis ka pa?” sunod kong tanong sa kanya. “Because I don’t have time to change my clothes. And besides, I wanted you to meet her,” he explained at tiningnan ako.

Yung mata niya. Mas gumaganda kapag nakatingin sa akin. Iwinaksi ko kaagad yung naisip ko na ‘yon at binaling ang tingin sa ibang direksyon.

“Syd, thank you for accompanying me today,” aniya, at ako naman tumango lang.

May naisip ako na itanong sa kanya, baka may advice siya sa akin. “Hey, Dio… minsan ba, kapag may tao ka na like, hindi mo gusto pero you feel something na super unsure ka sa nararamdaman mo?” tanong ko sa kanya.

He stopped for a moment at tinawanan niya ako. I furrowed my eyebrows at him. “Why? Do you like someone right now?” he asked. Yung adam’s apple niya umaalon rin kasabay ng tawa niya.

Ito na naman yung pumapasok sa isip ko. Yumuko ako at inantay siyang sagutin ang tanong ko.

I heard him sigh. “I felt that way before, but for me it feels wrong to feel that way to someone,” aniya.

“If you like someone right now and you are unsure of it, figure it out before it’s too late. If you found out the answer to your questions, then that’s the sign,” he explained and smiled.

His answer made me feel different emotions again. Ito na naman yung nararamdaman ko na di ko maipaliwanag.

But when I’m with him, nararamdaman ko ito. Ano ba talaga ang kasagutan sa tanong ko?

“Thank you,” I shortly replied. “No, I should be the one thanking you today,” sambit niya kaya naman nagtaka ako.

“Bakit?” I asked. “Because you are with me right now. I have this problem but it’s not all about the girl who ditched me,” he explained. Ramdam ko na may mali pero di ko mapagtanto kung ano ‘yon.

“Thank you for making me happy every day that we are with each other,” sabi niya.
Nung sinabi niya ‘yon, parang ang special ko sa buhay niya.

Sobrang special. At ito na naman yung nararamdaman kong feeling.
The last thing he said shattered my heart into pieces— and that’s when I realized that I liked him more than just a friend.

03

ESTRADA

Years passed just in the blink of an eye—we are already in our graduating year. Tumakbo ako bilang presidente ng school at nanalo naman ako.

I have many responsibilities pero kaya ko naman. Cisco and Centi are already in their freshman year sa school na pinag-aaralan nila.

Pagod akong naglalakad sa may corridor papuntang faculty sa building ng mga Junior High School. Nadaanan ko yung mga kapwa ko na kasama ko sa pagha-handle ng school.

“Hello, Pres!” bati sa akin ni Jamaica. She is the secretary, maganda ito at mabait pa. Down to earth ito. Kung wala lang akong gusto, ay ito ang gusto ko.

Just like my type. “Hello, Jam,” bati ko at nginitian siya. Sabay kaming naglakad papunta sa faculty. Hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya. Maliit lang din, hanggang balikat ko lang.

Sa pagkakatanda ko, siya yung babae na maraming manliligaw pero ni-isa wala siyang sinagot.

Kahit si Radio ay crush na crush si jam. Hinahabol pa nga niya ito eh, at di ko alam kung bakit ayaw patulan ni Jam. “Pres,” she called out. Napatingin naman ako sa kanya.

“Kain tayo sa labas,” she whispered and tucked her hair at the back of her ear. Wala naman sigurong meaning yung pag-aya niya, atsaka we are friends naman. Isama ko na lang siguro yung iba pang member dahil ayaw kong ma-issue, and Radio likes her.

“Ayain na lang natin ibang member so we could unwind naman dahil ang dami din nating responsibilities,” sabi ko at ngumiti. Magsasalita na sana siya kaso nanahimik ito. Di ko na tinanong kung ano ‘yon dahil nasa tapat na kami ng faculty.

“I’ll just see you later after class, Jam. Bye,” paalam ko and I smiled at her sweetly. Di ko alam kung blush niya lang ba ‘yon o namumula lang siya. Baka guni-guni ko lang. Hinayaan ko na lang siya at tumalikod.

“Good morning po,” bati ko pagpasok ko sa loob. Inabot ko kay Ma’am Imelda yung dala-dala kong files na pinapakuha niya sa akin.

“Hello, Syd. Thank you, you are such a big help. Keep it up,” she said and smiled brightly at me, which I gladly returned.

Lumabas ako sa faculty at nakita kong nakaabang si Radio. Nagulat ako sa kanya.

“Papatayin mo ba ako, Radio, sa gulat?” iritado kong tanong sa kanya. He laughed a bit at hinila ako.

“Bakit mo kasama si Jam?” bungad niyang tanong sa akin. He is curious about her. Tinanggal ko ang kamay niya na nakahawak sa balikat ko.

“Wow ha, di mo man lang ako kinamusta. Ako, kaibigan mo, oh,” ani ko na may pagka-OA. I sighed and answered him seriously, “Because she is the secretary of the SSG and she is one of my friends,” I explained to him. Di siya nagsalita pa.

“Ilakad mo ako sa kanya,” sabi niya sa akin. He looked at me with hopeful eyes. Ito yung kahinaan ko eh. Yung ganitong titig niya.

Tangina, Radio. Bakit ba siya ang gusto mo? Bakit hindi na lang ako?

“Do it yourself,” ani ko at naglakad. Hinabol niya pa ako para pilitin lang ako, kaso di ko na lang siya pinansin pa.

Pagkatapos ng isa kong class, ay diretso kaagad ako sa gazebo kung saan ako hinihintay ng mga ka-member ko. They waved their hands at me when they saw me walking toward them.

“Ang gwapo pa rin kahit stress,” sabi ni Roy na P.O. namin. “Nambola ka pa,” sagot ko sa kanya. Lumapit sa akin si Jam at tinabihan ako. Narinig ko pang inaasar nila si Jam sa di ko alam na dahilan kaya kunot-noo akong tumingin sa kanila, pero di naman sa akin pinapaliwanag.

“San niyo ba gusto kumain?” tanong ko sa kanila. “Samgyup tayo,” sagot ni Zoe. She is our P.I.O.


Samgyup.”

“Samgyup!”

Sigaw nila. Ako naman ay napa-oo na lang. Mahilig talaga sila sa samgyup. Bakit ba ayaw nila sa karinderya na lang? Naisip ko tuloy yung kinakainan namin palagi ni Radio kapag stress siya.

Lumabas kami ng school at naghintay ng jeep sa may kanto. Pagsakay namin sa jeep ay kami lang naman yung nakasakay. Yung iba, mga matatanda na.

Habang nagtatawanan kami ay parang may ginagawang trend sina Roy at Rebreb. Siya yung Grade 8 representative, kikay ito at isa sa mga nakshie ni Lebron, captain ng volleyball team sa school.

“Bayad nga po, isang masikip,” ani niya. Nakavideo pa ‘yon kaya nagtatawanan kami.

“Grabe, Rebreb. Malaki ka na talaga,” natatawang pagkakasabi ni Zoe. “Gayang-gaya mo si Lebron,” dagdag niya.

“Para po kuya, diyan lang sa tabi po,” tawag ko sa driver. Pero ang mga kasama ko ay nilalaro lang yung pagpapara.

“Kuya, diyan lang sa tabi. Baba ang mga masisikip,” sabi ni Rebreb kaya nagsibabaan kami. Tumabi sa akin si Rebreb kaya inakbayan ko siya. Kapag lumaki ito, gwapo at maganda ito.

Nang makaupo kami sa table kung saan kami kakain, ay nag-order kami ng unli. Yung samgyup nila dito pero 200 per head ang bayad. Hindi ako ang pinapabayad, siya na lang daw. Tumanggi ako kaso nagpumilit ito.

Hinayaan ko na lang din siya. Habang nagsisimula kami kumain, di ko naman maiwasang matawa sa asaran nila. Kaso ay napunta ‘yon sa akin.

“Pres, bakit wala ka pa ring girlfriend? Ang gwapo at talino pa,” sabi ni Michael. Kaya naman napangiti ako at binaling ang tingin sa kanya.

“Wala pa sa utak ko ‘yan. I have so many responsibilities. Besides, graduating na rin ako,” sagot ko sa kanya, pero di naman sila naniniwala.

“Pero Pres, bagay kayo ni Jamaica,” Zoe said. Kaya napahinto ako sa pagkain at napalingon ako kay Jam na katabi ko ngayon.

She smiled. It’s visible na para bang nahihiya ito. Kinantiyawan siya ng mga ito. She tucked her hair again. Ganyan siya kapag nakikita niya ako, at di ko alam kung bakit.

“Tama na nga ‘yan at kumain na tayo. Madami namang manliligaw ‘yan si Jam,” sabi ko na lang at kumuha ng kimchi at kinain ‘yon.

Wala na naman silang masabi kaya nanahimik lang din ako. Nang matapos kami ay pumunta muna ako sa hugasan ng kamay. Kaso naramdaman kong may sumunod sa akin. Paglingon ko ay si Jam ‘yon.

Nginitian ko ito. “Jam, una ka,” sabi ko. Pero tinanggihan niya ‘yon. Di na ako nagpumilit pa kaya naghugas na ako ng kamay.

“May sasabihin ka ba?” tanong ko. Ewan ko kung bakit ko natanong ‘yon.

“Wala,” sagot niya sa akin. Kaya tumango na lang ako. Nung paalis na ako ay hinawakan niya ako sa palapulsuhan kaya nilingon ko siya.

“Teka, may sasabihin ako,” she said. I hummed in response. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin niya pero parang meron talagang seryoso dahil ito na naman yung mukha na namumula.


Syd
…” she called.

“Gusto kita. Matagal na,” dagdag niya. Di naman ako makapaniwala sa sinabi niya. I was shocked. Ni hindi ako makasagot sa sinabi niyang ‘yon.

Bakit ako? Bakit hindi na lang iba?

I sighed. Tumingala ako at pumikit before I looked at her. She is looking at me with hopeful eyes. Hindi ko nahalata na ako ang gusto niya dahil wala naman akong pakialam doon.

“Sorry, Jamaica, but I can’t accept your confession. But I won’t stop your feelings for me. But to inform you, may gusto akong iba and I don’t think na kaya kong magkagusto sa iba. I’m sorry, Jam,” I explained. Nawala yung ngiti niya at napalitan ‘yon ng lungkot.

“Hindi ba talaga pwede?” tanong niya sa akin. Wala akong masagot. “Sorry, wala talaga, Jam. May gusto akong iba,” sagot ko sa kanya ulit.

Hindi ko masabi kung sino ‘yon pero nasasaktan ako dahil sa inaasta ko ngayon. Radio likes her. I like Radio. But she likes me. I feel like I would betray Radio just because of this.

“Matagal na kitang gusto. Pwede bang ako na lang?” tanong niya pa. Yumuko ako. Nahahalata kong maiiyak na siya.

“Sorry, Jam. I like someone else.”
Ayan ang huli kong sinabi bago siya tinalikuran.


You are heartless, Syd.”

Siguro totoo nga. Maybe I was heartless to reject her. I will never understand her pain because I’ve never been in her situation.

04

ESTRADA
.

Umuwi ako sa bahay na nalulungkot at hindi ko alam kung bakit. I should be satisfied because I didn’t let jam na umasa sa akin.

“Syd, bakit?” tanong sa akin ni Mama. I hugged her so tight and cried in her arms. “Ma, there is a girl who confessed her feelings to me,” ani ko.

“Then why are you crying?” she asked. Sinabi ko sa kanya kung ano ba ang nangyari kanina.

“Anak, it’s normal to feel that way, but the thing you did is right. It’s better to reject the girl kaysa paasahin mo sa wala. Mas masakit ‘yon kapag nalaman niya na pinilit mo ang sarili mong gustuhin siya pabalik. We can’t control things, Syd, and we also can’t force things to work out if it’s not meant to happen,” she explained. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko.

“Don’t think too much about it. She’ll be fine. I’ve seen Jamaica, I think she is going to be fine,” she added, assuring me even more.

“Nagluto ako ng favorite mo,” sagot niya sa akin at hinaplos ang buhok ko. She looked at me the same way she always does—whether I’m sad or happy.

Only child ako. Walang kapatid, walang papa, walang ibang kamag-anak. It’s just me and my mom. We are not poor pero may kaya si Mama, and I’m glad that her friends are somehow helping her.

Si Mama ang ma-describe kong mabuting ina. She did everything to provide everything I needed. She never let me experience lahat ng paghihirap niya noon. She gave the world to me so I could live the life she wanted before.

She is a strong woman. Totoo talaga na kayang gawin ng ina lahat ng bagay para sa minamahal nilang anak. Before, every occasion na pumupunta kami ni Mama sa bahay or invited kami, si Mama ang ginagawa nilang tagahugas o utusan sa bahay kasi wala kaming pambambag, at masakit makita ‘yon na gano’n nila itrato si Mama.

My other titas laughing on the sofa while her, just there, washing dishes. Taga-ligpit kasama niya ‘yung ibang mga katulong sa bahay ng tita ko. I felt bad knowing that they treated her like that because she was poor before. They looked down on her as if she was not part of the family.

Nung lumaki na ako, doon ko narealize lahat ng paghihirap ni Mama. Kaya noon, kinumbinsi ko si Mama na huwag na siyang sumama o makisalamuha sa gano’ng pamilya. Nagtanong ako sa Mama ko noon.


Ma, hindi ka ba nalulungkot?”

Wala siyang maisagot sa akin pero iniyakan niya ako. Hindi ko alam kung ano bang nararamdaman niya sa panahong umiiyak siya. Kaya nangako ako sa sarili ko na never kong ipa-experience sa Mama ko ulit ‘yon o sa ibang pamilya ko na nagdadaan sa hirap.

I know that somewhere, in some household, they experience things like this—and it’s sad to know about it.

“Kain na,” aya ni Mama sa akin. Habang kumakain kami ay may kumatok sa pintuan. Tatayo na sana si Mama kaso ako na ang tumayo.

“Ma, ako na.”Ani ko.

Pagbukas ko ng pinto namin, si Radio ang bumungad sa harapan ko basang-basa ng ulan. “Dio, anong ginagawa mo dito?” kunot-noo kong tanong. He looked up to me. The sadness in his eyes was visible.

“Ang tagal mo naman, anak,” rinig kong sabi ni Mama, papalapit sa amin. Gulat siyang napatingin sa amin ni Dio.

“Naku, Dio, bakit basang-basa ka? Halika, pumasok ka muna,” sabi ni Mama at pinapasok siya.

Pinaligo muna siya ni Mama at kumuha ako ng damit niya sa kwarto ko. Pati damit niya iniiwan niya dito, parang akala mo sariling kwarto niya eh.

Kumuha ako ng isang sando at shorts niya, pati underwear niya. Kumuha din ako ng panibagong tuwalya para sa kanya.

Pumunta ako sa banyo para ibigay sa kanya ang mga gamit niya. “Dio, ang damit mo andito sa labas,” sabi ko at inilapag sa may gilid ng upuan. Aalis na sana ako kaso binuksan niya naman ang pintuan ng banyo at bumungad sa akin ang katawan niya. He was shirtless pero may towel na nakapalupot sa waist niya.

“Ano ‘yon?” tanong ko sa kanya.

“I’ll sleep in your room,” he said. Tumango na lang ako at tinalikuran siya. Umupo ulit ako sa hapag para ubusin ang kinakain ko.

“Dio, halika, samahan mo kaming kumain dito,” rinig kong aya niya kay Dio na ngayon ay nakatayo at nakatingin sa amin. Tumabi siya sa amin pero umusog.

I distanced myself from him. Ititigil ko na lang ang nararamdaman ko para sa kanya dahil nakakasakit ako ng damdamin ng iba.

Ramdam siguro ni Dio ‘yon kaya umusog pa siya at binulungan ako,
“Okay ka lang?” tanong niya.  Tumango lang ako, ‘di na siya pinansin.

I should be the one asking him that dahil para siyang tanga na magpapaulan sa labas nang walang dahilan.

Pagkatapos naming kumain ay sinabi ko kay Mama na ako na ang mag-aasikaso sa mga hugasin, ay ligpitin, at magpahinga na siya.

Habang naghuhugas ako ng plato, hinarap ako ni Dio. He crossed his arms in front of me while leaning on the sink.

“Why are you so silent? Kanina ka pa ganyan. Is it because I wanted you na ilakad mo ako kay Jam?” he asked. Itinigil ko ang ginagawa ko at tiningnan siya.

I sighed. “It’s not it,” I replied, para tigilan na niya ako dahil ang dami niyang tinatanong sa akin.

“Ano bang meron? Iniiwasan mo ba ako?” he asked.

Oo, iniiwasan kita kasi ayaw ko nang palalimin kung ano man ang nararamdaman ko para sa’yo. Ako ang naiipit dahil gusto kita at nakakasakit ako ng damdamin ng iba.

But those words didn’t come out on my lips. I stayed silent as if there is a zipper on my lips.

Oo, gusto ko si Radio—totoo ‘yon. Gusto ko ako ang piliin niya at gustuhin niya, pero ayaw ko nang mas palalimin ‘yon. Alam kong wala akong pag-asa, pero sa inaasta niya ngayon, para siyang baliw na gustong malaman kung ano ba ang meron sa akin.

“Pinapansin naman kita,” sabi ko na lang. “Clearly there is a problem,” he said, pero tinalikuran ko siya para kunin ‘yung plato sa lamesa.

“Matulog ka na, Dio.” Ayan ang naging sagot ko. Padabog siyang umalis sa harapan ko. Sinundan ko ang galaw niya.

Inilapag ko ulit ang plato at yumuko. Wala akong mailuha sa ngayon dahil ‘di ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman.

Kung alam mo lang, Dio, kung ano ang dahilan, baka sakaling maintindihan mo ako. Pero unfortunately, you are not that kind of person. You will hate me forever for sure.

Wala na akong magawa at tinapos ko na lang ‘yung hugasin ko. Pagkatapos, tiningnan ko kung nakalock na ba ang mga pintuan at bintana. After kong masigurado, pumasok na ako sa kwarto ko. Pagdating ko roon ay nakahiga na sa kama si Radio, nakapikit siya. ‘Di ko alam kung tulog ba ito o hindi.

Sumampa ako sa kama at pinatay ang lampshade na katabi ko. I sighed before I closed my eyes.

“Syd,” he called out, pero ‘di ko minulat ang mata ko. I could only hear the aircon making sound.
“Sorry sa kung ano man ang nagawa ko,” ani niya. Ramdam ko ang paggalaw ng kama. Alam kong nakatagilid siya, nakatingin sa akin.

Wala akong sinagot sa kanya pero ramdam ko na sincere ‘yung sinabi niya. “You know, Syd, I have a problem and I can’t solve it. ‘Di ko alam kung ano dapat kong gawin. It’s so stressful.” Kwento niya sa akin. Nakikinig lang ako sa kanya.

“Could you give me some advice when you are free?” he asked. Ni hindi ko alam kung alam niyang naririnig ko siya.

Namulat ko ang mata ko pero ‘di ko siya tiningnan. “I will. ‘Wag lang ngayon,” sambit ko. I looked at the ceiling. Gumalaw ulit ang kama at nakita ko na nakatingin din siya sa kisame.

“Syd, kung babae ka lang, magugustuhan kita,” he said.

Those words that came from his mouth made my heart go crazy. Hindi ko siya nilingon.

Totoo ba ‘yan? Kasi kung oo, baka mas lalo akong mahulog at ‘di ko alam kung kaya mo ba akong saluhin.

“Gusto ko si Jam. Nakikita ko siya sa’yo, pero hindi ka kasi babae para gustuhin ko,” sabi niya. Feel siguro ng lalaking ‘to ay hindi ako nasasaktan.

I don’t think he knows that I’m bi, kaya siguro nasasabi niya ‘yan. May gusto akong itanong sa kanya:

If I were her, would you like me for real? But this question remained unanswered.

“If you were her, do you think you would like me?” he asked. Kinabahan ako sa tanong niya. Natatakot ako na baka mandiri siya sa akin.

“Hindi. Because you don’t like women stepping on your ego. Nasasaktan ka at ‘di mo kayang tanggapin ‘yon,” sagot ko sa kanya.

He laughed. “Totoo,” he replied. Tanggap niya ‘yon at ‘di siya nasasaktan.

“Sana ikaw na lang siya, Syd. Pwede bang ikaw na lang gumawa ng paraan para magkaroon kami ng thing?” tanong niya sa akin.

Para akong sinasaksak ng milyong-milyong kutsilyo ngayon. Ang sakit, ha, Radio. Sobrang sakit.

“Build me so she could like me,” he said. Ginawa niya pa akong trial card niya. It’s such a big opportunity. Tatanggapin ko ba ito?

I shed tears. Tangina, ang sakit.

I was like building a man for another

woman
.

05

ESTRADA
.

“Seryoso ka, Syd?” Exis asked and scoffed. Nakayuko lang ako habang sinesermonan niya ako.

“Tinanggap mo talaga yung offer ni Radio na ‘yon sa’yo? Antanga mo naman,” Exis said. Oo na, tanggap ko naman, antanga-tanga ko dahil pumayag ako sa gusto niya.

“You know him very well, mas tarantado pa ‘yon sa tarantado. Di ka ba nag-iisip? Masasaktan ka lang, tandaan mo ‘yan,” he added, tumabi siya sa akin.

“Oo, alam ko naman eh, masasaktan ako. Ginusto ko naman ‘to at wala akong magawa, gusto ko eh,” mahina kong sabi sa kanya.

“Kapag nalaman ni Radio lahat ng nararamdaman mo, you will end up with nothing,” he said again. Nakikinig lang ako sa pinagsasabi niya.

“He can’t give you the same feelings you’re feeling about him. Gano’n si Dio, wala kang pag-asa sa kanya. Kahit anong gawin mo—luhuran o sambahin mo man siya—nothing will change. He thinks of you as a friend only,” he explained, halatang galit pa rin ito.

Gusto ko si Dio. Gagawin ko ang lahat para maging masaya lang siya, even if it means hurting myself even more o ipaubaya siya sa iba. I know nothing will change, but I’m still hoping that destiny will change everything.

I know I am just a friend—‘yon lang ang lugar ko sa buhay niya at wala nang iba. I’m someone still hoping, yet making him happy in a way that I’m hurting myself.

“You will lose him because of that stupid feeling of yours, Syd,” he said. Nasaktan ako, pero ‘yon ang totoo.

“How could I lose someone I’ve never had in the first place, Exis,” ani ko. Ang luha ko ay nagbabadya nang bumagsak.

“You will lose him as a friend, Syd,” he said. Oo nga, mawawala siya bilang kaibigan ko. ‘Yan ba ang kapalit ng pagmamahal ko sa kanya?

Am I ready to sacrifice our friendship because of this stupid feeling? Ready ba ako o hindi?

Bahala na ang tadhana sa kung anong mangyayari. Hanggat kaya kong ilihim, ililihim ko—for the sake of our friendship. Nung nakaraan lang I was ready to let this feeling go, pero nung sinabi niya ‘yon, wala na akong magawa. It’s just that I wanted to help because I needed to.

“You are on your own now, Syd. Kapag nasaktan ka, kasalanan mo na ‘yan,” Exis said and walked away. Naiwan akong mag-isa dito sa park malapit sa school kung saan ako nag-entrance exam.

Naiyak na lang ako bigla dahil sa bigat ng nararamdaman ko. Ni hindi ‘yon alam ni Mama sa kung ano ang nangyari nung gabing ‘yon. I’ll just do my best not to disappoint him.

I put both of my hands on my face, crying even more, but it was a silent cry. Naramdaman kong may nakatayo sa harapan ko kaya minulat ko ang mga mata ko.

It was a handkerchief offered by someone I don’t know. “Take this,” he said at inilapit pa ‘yon sa akin. Tiningala ko siya. I don’t know who it is, but base sa uniform niya, dito siya nag-aaral kung saan ako nag-entrance exam.

“Who hurt you? Yung kaibigan mo ba kanina? Sorry for eavesdropping on your conversation, but I didn’t hear all the things he said and you said,” he explained and raised his hands up as a sign of surrendering.

“It’s fine,” I said.

“Take this. Wala kang panyo. Ibalik mo na lang sa akin kapag nagkita tayo ulit—or maybe never,” he chuckled. He has dimples—kita ‘yon kapag ngumingiti siya.

Ang puti niya at ang pogi niya sa puti niyang uniform na bagay na bagay sa mukha at postura niya.

Bagay din ito kay Radio.

Kinuha ko ang panyo sa kamay niya at nagpasalamat. “I need to go. I still have classes eh. Btw, you look like a puppy when you cry,” he complimented. Ewan ko kung dapat ba akong ma-offend sa sinabi niya, but I did let it pass.

We separated our ways. Ibabalik ko na lang ito kung sakaling magkita ulit kami. Amoy baby ang panyo niya at mabango ito. Natatawa ako dahil parang baby cologne ang pabango niya.

A college student wearing a cologne like this is the funniest thing that I’ve encountered today.

Pagbalik ko sa bahay ay naka-abang sa gate namin si Dio. Hinihintay niya ata ako dahil may plano siyang dalhin ako sa mall para kumain. Kasama na ata doon yung pagte-train ko sa kanya kung paano makipag-date.

Tinanggap ko lang naman ang offer niya dahil gusto ko siyang makasama. I don’t know about these things like dates. For sure, I don’t have any idea how courting works. Nag-search pa ako sa Google na parang tanga.

“First stop is Jollibee. Do you want to eat there?” he asked nang makalapit ako sa kanya.

“Teka lang, Dio. Kakarating ko lang, magbibihis muna ako,” sagot ko sa kanya at pumasok sa gate namin. He waited outside our door until matapos akong mag-ayos.

I should look presentable in front of him—baka magbago isip niya, biro lang. Nginitian ko siya at inaya ng umalis.

Pagdating namin sa mall ay pinagtitinginan kami ng mga tao. Yung tingin na parang bang may meaning. Binalewala ko na lang yung mga tingin na ‘yon at nag-focus sa responsibility ko.

Hindi pa kami nakakatagal sa paglalakad ay may sumulpot sa likod namin. It was Cisco.

I rolled my eyes. Istorbo talaga ang lalaking ‘to kahit kailan.

“Hello, everyone! May date kayo?” tanong niya at inakbayan kami parehas. We glared at him.

“Ang sama niyo makatitig. Di niyo ba ako na-miss?” he asked. Di namin siya sinagot at nagpatuloy sa paglalakad.

“Grabe. Okay, ganyan kayo kapag ako, tapos kapag kayo todo pansin ako sa inyo,” reklamo niya at nagpapadyak pa ng paa.

“Mukha kang tanga. Isip-bata ka ba? What are you, eleven years old? Stomping your feet in front of your parents for not getting the toys you want?” Dio said sarcastically and rolled his eyes at him.

“Ang sungit. Parehas kayo ni Centi—palagi akong sinusungitan. Kala mo mga binabae,” sabi niya pa, napangiwi na lang siya.

“Saan ka ba pupunta at bakit andito ka?” tanong ko sa kanya. “I’m meeting some of my friends,” he said. “Oh, pumunta ka na don,” sabi ni Dio.

He pushed him away at di na pinagsalita pa. Nang mawala sa paningin namin si Cisco, ay nagpatuloy na kami sa paglalakad papunta don sa Jollibee.

Ewan ko ba kung bakit kailangan dito pa kami kumain. Wala naman akong magawa kasi treat niya naman. Nang makapasok kami sa loob, ay umupo kami don sa dalawahan lang ang upuan.

“Hey Dio, first of all, it’s better na magkatabi kumain kaysa magkaharap kayo, and dapat pinaghihila mo ng upuan. First step ‘yan kapag kakain kayo sa labas,” sabi ko sa kanya. Napahinto naman siya sa sinabi ko at wala namang nagawa.

Sinunod niya ang sinabi ko pero ako na ang umupo sa sarili kong upuan. “Ano order mo?” he asked.

“As usual,” mabilis kong sagot pero mukhang nagtaka pa siya sa sinasabi ko. Did he forget?

“Fried chicken with fries and Coke Float, Dio,” sagot ko na lang sa kanya.

“Okay, got it,” aniya at naglakad papunta sa counter. Habang naghihintay ako, di ko pa rin lubos maisip kung paano ako napunta sa sitwasyon na ‘to. I should be happy na kasama ko siya, yet there is a hint of regret.

Dahil parang niloloko ko lang siya. I was doing it because I like him, not because I was his friend. I mean, may part naman na ginagawa ko ‘to bilang kaibigan, but mas matimbang pa rin yung pagkakagusto ko sa kanya.

Nang matapos siya mag-order, dala-dala na niya yung pagkain namin. Mabilis lang din ang serving nila dito kaya di hassle.

Habang kumakain kami, ay nagtatanong siya ng mga bagay-bagay about sa entrance exam ko, pero may isang tanong siya na di ko pa rin masagot.


Wala ka bang nagugustuhan?”

Paano ko ba masasagot ito? Ang tagal na niya itong tanong pero iniiwasan kong sagutin. Wala naman akong magawa dahil binabalik niya ulit yung tanong sa akin na para bang may gusto siyang malaman.

“Meron,” sabi ko sa kanya. “Sino?” tanong niya.

Ikaw
.

“Someone you knew, Dio,” I said. Nagku-curious talaga siya kung sino.

“You’ll find out soon,” sabi ko sa kanya. Huminto naman siya magtanong sa akin kaya hinayaan ko na lang din.

Habang naglalakad kami papunta sa mga shop na gusto niyang pagbilan ng bulaklak, I can’t help but admire him while he was walking.

He is handsome in every angle. Hindi ako magsasawang titigan siya ng ganito. “What are her favorite flowers?” he asked. Nabalik naman ako sa realidad.

“She loves peonies,” I replied.

Ayan din ang gusto kong bulaklak. It was beautiful—favorite din kasi ito ni Mama. I’m admiring how beautiful these flowers are.

If I become successful someday, I’ll visit the flower fields. “Do you think she will like this?” he asked, kaya naman tumango ako at ngumiti.

I can only imagine these things—like he is giving me flowers—yet it’s just going to be a dream. I was just going to swim in my own fantasies.

Kung ako lang ang nililigawan mo, Dio, hindi mo na kailangang maghintay para mapasagot ako. Di mo pa ako tinatanong, oo na kaagad ang sagot ko.

06

ESTRADA

Ilang buwan din ang lumipas at practice na rin ng graduation namin. Sa loob ng ilang buwan ng pagtulong ko kay Dio, he improved a lot because of my guidance.

Ngayon, nandito kami sa tapat ng bahay ni Jam. Ni hindi ko alam kung bakit isinama pa ako ni Dio eh ayaw ko naman talagang sumama dahil baka malaman ni Jam.

Wala pa rin sagot si Jam sa panliligaw ni Dio. Hindi ko alam kung bakit hindi niya pa rin ito sinasagot. She doesn’t know that I was helping Radio. Basta palagi ko lang binabanggit pangalan niya kay Jam, nagmumukha akong engot kapag sinasabi ‘yon — eh ako ang gusto ni Jam.

Radio doesn’t know about it. Si Exis lang ang may alam. I don’t think he needs to know about it. Andami ko nang sikreto and I feel like I was using Jam to be with Radio.

Pagbukas ng gate ni Jam, gulat siya at napatingin sa aming dalawa. She didn’t expect na kasama ako. Si Dio ay abot-tenga ang ngiti, samantalang ako naman ay hindi makatingin. Kaya naisip kong umuwi na lang.

I should give them privacy. “Hoy Radio, uuwi na ako, bahala ka na diyan,” sabi ko at tumalikod.

Tinawag niya pa ang pangalan ko pero hindi ko na siya nilingon. Naghintay ako ng jeep. Pagpasok ko sa jeep ay kaunti lang naman ang mga tao.

Hindi ko alam kung bakit naluluha ako ngayon. I feel hurt, na para bang pinaubaya ko sa iba yung taong gusto ko para sa sarili ko.

“It’s you again,” someone spoke, nakangiti ito sa akin — it’s the guy from the park. Tumabi siya sa akin.

I remembered the handkerchief he handed me a couple of months ago.

“Wala sa akin ‘yung panyo mo, nasa bahay, so hindi ko pa maisasauli,” sabi ko sa kanya. Natawa naman siya.

“You don’t have to. Sayo na ‘yon, so every time you cry may pamunas ka na,” sabi niya sa akin habang natatawa. Hindi ko naman siya inimik at hinayaan na lang.

“You know, I don’t know if it’s coincidence — every time na makikita kita, umiiyak ka,” dagdag niya. Andami niyang sinasabi, kumbaga, ang daldal niya.

Tiningnan ko siya at tumango. “Bakit di ka nagsasalita? Gusto mo ice cream tayo? Treat ko na,” sabi niya sa akin.

Hindi naman ako naiinis sa kanya dahil dinadaldal niya ako. Kung sina Cisco at Centi kaharap ko ngayon, kanina ko pa binungangaan ‘to.

“Hindi ako sumasama sa di ko kilala,” tipid kong sagot na para bang nagsusungit sa kanya. Natawa naman siya.

“Seth,” he said at inilahad ang kamay niya sa harapan ko.

“Syd,” I said and shook his hand. Malambot ang kamay niya. Ngumiti siya sa akin.

“Now we’re not strangers. You know my name now,” he said at pumara. Hinila niya ako pababa pero wala naman akong magawa.

I was fine with it. Magaan naman ang loob ko sa kanya. Tumigil kami sa 7/11 at pumasok doon. Nakasunod lang ako sa kanya.

“Ano gusto mo? Pili ka na,” tanong niya sa akin. Binuksan ‘yung freezer, kinuha ko ‘yung dark chocolate na ice cream. Kumuha din siya ng mint chocolate kaya napangiwi ako.

Ang pangit kaya ng lasa niyan.

“What?” he asked when he saw my reaction.

“Don’t look at me like that, masarap kaya ‘to,” mayabang niyang sabi sa akin at hinarap ang ice cream sa mukha ko. Hinawi ko ang kamay niya.

“Di masarap ‘yan,” sabi ko pabalik at nilagpasan siya. Binaba ko sa counter yung ice cream na binili ko at kukuha na sana ako ng pera sa wallet ko, kaso pinigilan niya ako.

“My treat,” pag-uulit niya. A-alma na sana ako kaso ay nagsalita yung cashier na babae,

“Mga kuya, respeto naman sa walang jowa dito. Kung maglalandian kayo, pwede naman sa motel,” sabi nung babae na medyo kinikilig pa.

Aligaga kong sinabi na walang meron sa amin at kaibigan ko lang si Seth. Si Seth, wala namang sinasabi — tinatawanan niya lang ako.

“Sus kuya, kaibigan lang ba talaga o ka-ibigan?” she whispered while lifting her eyebrow. I glared at Seth nang tumawa pa siya.

“Kuya Seth, galit na sa’yo kasama mo, yari ka talaga,” sabi nung babae kaya napalingon ulit ako sa kanya.

“Don’t mind her, Syd,” sabi niya sa akin at inaya na akong lumabas. Tumambay kami sa bench sa labas ng 7/11.

“Magkakilala kayo?” tanong ko. He hummed in response habang binubuksan ‘yung ice cream niya.

“Tambay kasi ako dito kaya kilala niya ako. Every night before ako pumunta sa apartment ko, dito na ako kumakain,” sabi niya sa akin kaya tumango-tango lang ako.

“You are a grade 12 student, right?” he asked. Tumango naman ako sa kanya at tinanong ko kung anong year na niya.

“I’m already at my sophomore era, polsci student ako,” sabi niya sa akin.
“How about you? Ano bang kukunin mong course?” he asked.

“Archi,” I said. He didn’t reply. Nagtagal ang katahimikan naming dalawa. Di rin naman siya nagsasalita kaya ako rin hindi.

Until he spoke and asked what happened to me. Kung bakit daw ako umiiyak. I said nothing. Hindi niya ako inusisa. Ayaw ko rin namang sabihin sa kanya.

I don’t know what kind of person he is. I just don’t like trusting people I don’t really know. Nabalik ako sa realidad nang may tumawag sa akin.

It was Dio. I looked at Seth who was also looking at the phone, kaya sinagot ko ‘yon kaagad.

“Bakit?” tanong ko.

“Puntahan mo ako dito sa karinderya,” he said. I felt that something was wrong kaya agaran akong tumayo.

“Where are you going?” Seth asked, pero di ko siya sinagot. “Hatid na kita,” nag-insist siya.

“No need, just finish your ice cream,” sabi ko na lang sa kanya. Nang tinalikuran ko siya, may sinabi pa siya pero di ko na rin naman siya narinig pa kaya dali-dali akong sumakay sa jeep nang may dumaan.

Ano kayang nangyari sa lalaking ‘yon? Did he get rejected? Did I fail?

Pagdating ko don sa karinderya na sinasabi niya ay nakita ko na nandoon din sila Cisco. Nagtatawanan pa, halatang inaasar si Radio.

Napailing na lang ako. Ito na naman sila. “Alam mo Dio, nagdaan din ako sa ganyan. Like, na-reject din ako pero di pa rin ako tumigil — naghanap na lang ako ng iba,” sabi ni Exis kaya binatukan ko siya.

“Tumigil ka nga diyan, Exis. Broken na nga isa mong tropa, ginagatungan mo pa,” sagot ko sa kanya at tumabi kay Radio na may hawak na beer sa kamay.

“Ate Mercy, isang gin bilog nga po,” sabi ni Cisco na natatawa. “Hoy gago, wag mo lasingin ‘yan si Radio — may practice pa ‘yan,” natatawang sabi ni Centi.

May kinuha si Exis sa bag niya na di ko alam kung ano ‘yon. It was a speaker, napakunot ang noo ko.

“Alam mo Dio, pakinggan mo ‘to para dama mo ‘yung sakit talaga,” ani niya at nilakasan ang volume ng speaker.

“Ako ay lumuha dahil, ‘di ko kaya nalimutan ka. Naiwan ka dahil ikaw lang talaga.” sabi sa kanta, sinasabayan pa ni Exis at may pa-action pa.

Ito ata yung broken. Expected ko na nakakalungkot na kanta, jeje song pala ang gusto.

“Ako’y nagmahal ng todo, pero ako’y niloko Sana ngayon ay mahalin at ‘wag lokohin please ‘yung bago mo.”

“Hoy tangina mo Exis, di naman ikaw ‘yung broken — ikaw ‘yung umiiyak, tarantado ampota,” mura ni Cisco sa kanya.

“B-bakit ba? Hindi ba pwedeng relate din ako? Parehas kami ni Radio na broken kaya i-comfort niyo din ako,” nauutal niyang sinabi kaya sinipa siya ni Centi.

“Umayos ka nga, susuntok-suntukin kita diyan, tamo,” he said and raised his fist at him.

“Fuck you,” Exis mouthed.

“Nyeh-nyeh, fucker,” he said back and raised his middle finger at him.

I sighed and closed my eyes because I’m with these two. Isama mo pa si Cisco na nakikipagasaran din sa dalawa.

“Okay jejemon, itigil mo na ‘yang kanta. Ako na pipili para kay Radio,” Cisco said and took Exis’ phone.

“Iniisip ko ang bakit ganito ang langit,
Nilayo ako sa’yo, hindi ko matanggap,
ang hirap magpanggapna ako’y hindi bigo…”

Kanta nilang tatlo sa harapan ni Radio.

“Ngunit di ko rin inaasahang mangyayari ‘to, Kung ikaw ay alaala na lang, paano na ako,” dagdag nila at napahawak pa sa dibdib, may ginagawa pa silang actions na parang OA tingnan.

“Mga iho, wala pa yung gin bilog — lasing na ata kayo,” singit ni Ate Mercy kaya nagulat yung tatlo.

“Ate Mercy, mamatay talaga kami ng wala sa oras niyan. Alam mo ba, Ate Mercy, broken kasi itong tropa naming si Radio dahil rejected siya ng nililigawan niya,” sabi ni Exis habang nginunguya yung chicharon na hawak niya.

“Naku Radio, marami pang iba diyan, babae. Wag mo na iyakan ‘yon,” sabi ni Ate Mercy. Pero si Radio wala namang reaksyon — he was staring into the void, ni hindi siya natutuwa sa mga pinaggagawa nung tatlo.

Wala rin naman akong magawa dahil hindi naman puwedeng ilayo ko siya dito. Pero hinila niya ako at binulungan:

“Let’s go home,” he whispered. Kinilabutan ako sa ginawa niyang ‘yon. It made my heart race — ni hindi ko alam kung naririnig niya ba ‘yon.

Tumayo kami parehas at kinuha niya yung bag niya.

“Luh, saan kayo pupunta?” tanong ni Cisco. “Hoy Radio, bayaran mo yung gin bilog! Pinapunta mo kami dito para pagbayarin lang ng mga beer mo? Pinagod mo pa kami!” reklamo ni Exis.

“Oo nga, binigyan ka pa namin ng concert tapos di mo pa babayaran ‘to!” reklamo ni Centi.

Di na namin sila pinakinggan pa at umuwi na lang.

07

ESTRADA
.

Nang makauwi kami sa bahay ko, wala si Mama. Ngayon sabi niya ay overnight daw siya sa shift niya, kaya ako lang mag-isa.

Lasing pala si Radio, nakailang beer at gin ba ang lalaking ‘to? Baliw kasi sila Cisco eh. Napailing na lang ako at umupo sa sofa, katabi niya.

“Radio, tumayo ka na diyan at maligo para mahimasmasan ka,” sabi ko sa kanya, pero wala siyang sagot sa akin.

“Dio,” tawag ko sa pangalan niya. I cupped his face to steady it. Di pa siya nakapikit pero halatang naiiyak na.

“Syd…” he called out, tearing up. Tiningnan ko lang siya. I was admiring him. I’ve never seen him like this except nung Grade 9 pa kami.

Namumula yung ilong niya. Nagulat ako nang ipinatong niya ang ulo niya sa balikat ko.

“Syd, ang sakit,” sabi niya. Wala naman akong magawa. It was his choice in the first place. Is it my fault?

Ilang minuto lang din siyang nakaganon. Sa tingin ko ay nakatulog na siya, kaya inihiga ko siya sa sofa. Kumuha ako ng towel at binasa ‘yon para punasan siya.

Habang pinupunasan ko siya, he kept mumbling things. Ni hindi ko ‘yon maintindihan. I stopped in my tracks when he grabbed my hand.

Medyo umupo siya. He kissed me so suddenly. It wasn’t compassionate, yet it made my heart skip a beat.

My heart was beating like crazy. Iba yung pakiramdam pero napaluha na lang ako ng wala sa oras. It is something I cannot comprehend and accept. Nakakabingi na marinig ‘yon.

“Ako na lang, Jam,” he said.

Parang gumuho ang mundo ko. He kissed me, yet he thinks of her. Tuluyan na akong naiyak. It feels heavy. I was crying hard. I remembered him saying na parang ako si Jam.

He thinks that I was Jam, pero di niya alam ako si Syd, kaibigan niyang gustong-gusto siya.

Yung sakit na ilang buwan kong tiniis para sa kanya, it came crashing down as if there was an earthquake.

Why did I expect to think it was me he was thinking of while kissing me? Gano’n ako katanga.

Pumasok ako sa school ng luhaan, may eyebags ang mata, walang ganang kumain at walang ganang makisalamuha sa mga tao. Para akong binagsakan ng langit at lupa ngayon.

Not until Jam stood up in front of me, stopping me. “Syd,” she called out. Tiningnan ko siya at naisip ko na naman yung nangyari kagabi.

Hinila niya ako sa malilim na lugar at doon niya ako kinausap. “You helped, don’t you?” she asked. Wala akong maisagot dahil ayaw kong magsinungaling.

“You liked Radio, right?” she said kaya napatingala ako sa kanya. “I knew it from the start, ‘wag ka na magkaila pa,” she said. Di ako nagsalita pero umagos ang luha ko.

“You are such a brave man, Syd. Hindi kaya ‘yang ginawa mo,” she chuckled. “Pinaubaya mo siya sa akin ng gano’n gano’n lang. Kung ako ikaw, di ko hahayaan na mahalin ng iba ang taong gusto ko,” dagdag niya na natatawa.

“I knew it from the start that you liked him. Halata na sa’yo ‘yon, Syd. Hindi ako umimik, pero alam kong gusto mo siya noon pa man. Umasa pa rin ako at nagbabakasakaling gugustuhin mo rin ako. Yet your feelings for him didn’t change. Nakakatawa nga eh na nagustuhan mo yung basagulero’ng lalaking ‘yon. That man is a pussy,” she said, laughing.

“Kaya ayaw ko sa kanya dahil ikaw ang gusto ko. Pero ngayon, wala na ‘yon, kasi alam ko na you will never change your mind. Pero advice ko lang sa’yo, Syd, ‘wag mo saktan masyado ang puso mo dahil sa kaibigan mong ‘yon,” she said and tapped my back.

“For me, try to fight for him. Malay mo, nagustuhan ka rin niya. Take the risk or lose the chance, Syd. Hindi maling umasa, pero masayang umasa kahit hindi mo alam kung ano ba ang susunod na mangyayari,” she explained.

Ako, nakikinig lang habang umiiyak sa harapan niya. I was a coward man. Di talaga ako matapang. Ako ‘to eh.

Ako pa rin si Syd na balat-sibuyas.

“I wasn’t mad, Syd, that you chose to help him to get me. Galit ako sa’yo dahil hinayaan mo ang sarili mong masaktan para lang sa kanya,” sabi niya sa akin.

Oo nga eh. Hinayaan ko na i-settle ang sarili ko sa lalaking alam kong wala akong pag-asa.

“Gusto ko siya eh. Gano’n siguro kapag gusto mo, gagawin mo ang lahat kahit kapalit non ay ang masaktan ka,” sagot ko sa kanya.

“Tangina, Jam, ang sakit pala,” mura ko as I gripped my hair.

“You chose that way so face the consequences,” she said. Wala na akong masabi pa, iniyakan ko na lang.

“Kailan mo balak umamin?” tanong niya. Inilingan ko lang siya.

“Wala, Jam. Hindi ko pa kaya,” sambit ko.

“Malalaman at malalaman pa rin ‘yan ni Dio, pero hindi pa ngayon. What would you do then?” she asked. I shrugged it off.

Hindi ko alam. Ano bang dapat kong gawin kapag nangyari ‘yon? For sure, lalayuan niya ako.

“Mag-isip ka, Syd. Btw, alis na ako, may class pa ako eh,” sabi niya at nagpaalam sa akin.

Lahat ng sinabi ni Jam ay parang sirang plaka sa utak ko. It was like playing in a loop. Next week ay graduation na namin. Ano ba ang dapat kong gawin?

“Bitawan mo ako, Exis,” rinig kong boses. It was Radio.

“Stop it, Radio!” sigaw ni Exis. Nakita ko siya, he was in rage. Nakasunod sa kanya sila Centi at Cisco.

Tatayo pa lang ako ay nasuntok na niya ako. Napahawak ako sa panga ko at nahilo ako bigla.

“Damn you, Syd! You are such a freak,” he said. He was looking at me and I was staring in his eyes. His eyes were full of anger.

Parang di ko na siya makilala. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari.

“Akala mo hindi ko alam? You fucking liked me. You used Jam so you could be with me. Nakakadiri ka,” nang sinabi niya ‘yon, parang sinasaksak ulit ako ng kutsilyo ng paulit-ulit.

“Nakakadiri ka, Syd.” ‘Yan ang huli niyang sinabi sa akin bago ako tinalikuran. I burst out into tears, I fell into my knees. I was crying so hard. Si Exis naman ay pinuntahan ako.

“Sorry, Syd. I didn’t know that he was listening,” I heard him apologize. Hindi ako galit kay Exis dahil doon. I was mad at myself.

“I know you didn’t use Jam. You just did it for Radio because he said so. You were blinded by love,” Exis explained, pero parang nabibingi ako sa pinagsasabi niya.

Tumakbo ako palayo sa school na ‘yon. Ewan ko kung saan ako papunta, di ko alam. Pero ngayon, andito ako sa tapat ng 7/11 kung saan ako sinamahan ni Seth.

Pagpasok ko sa loob, bumungad siya sa harapan ko. “Oyy, Sy—” tawag niya pero naputol ‘yon.

“Bakit umiiyak ka?” alalang tanong niya, pero di naman ako nagsalita at inilingan ko lang siya.

Sobrang sakit talaga. The friend I knew since junior high school told me that I was disgusting. I was hurt as hell, to the point that it makes me want to die right now.

Tinabihan lang ako ni Seth. Binigyan niya ako ng tubig at tinanggap ko naman ‘yon. “You are crying again,” he sighed. Hinagod niya ang likod ko at ibinigay niya sa akin yung panyo niya.

“Huhulaan ko, it was all about love?” he asked kaya napatingin ako sa kanya at pinunasan ko ang luha ko.

“Just like I thought,” he said.

“Bakit mo alam?” tanong ko sa kanya.

“Halata sa’yo,” sagot niya at natawa. “I’ve heard your friend na binungangaan ka, remember?” he asked as he leaned in his chair.

“I feel you. Nagdaan din ako diyan—sa hindi ako gusto ng tropa ko,” umiling-iling siya, napangiti.

“I’ve cried, but I moved on,” he added.

Ayaw ko mag-move on. Hindi ko kaya sa ngayon. Gusto ko ayusin yung pagkakaibigan namin pero paano ‘yon?

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Ayaw ko sumuko pero ayaw ko rin naman masira yung pagkakaibigan naming dalawa.

Gusto ko sumugal pero ayaw kong matalo. Ang hirap sumugal sa bagay na alam kong simula pa lang, talo na ako.

08

ESTRADA.

“Salamat, graduate na, pero sa kanya hindi pa,” may saya at lungkot na sambit ni Exis na katabi ko ngayon.

“Anong graduate ka na? Wala pa ‘yang paghihirap mo sa Senior High School. Sa college, mag-isip ka naman,” rinig kong sabi ni Cisco.

Natawa naman ako. Oo nga naman, wala pa sa kuko ang paghihirap naming mga graduate na sa Senior High School. Lalo na ako. Sino ba mga bumoto sa akin? Ayan tuloy, nagsuffer ako nang wala sa oras.

Napabuntong-hininga ako. “Yari talaga kayo kay kinis kintab sa college. Lalo ka na, Exis, course mo pa talaga MedTech. Magsu-suffer ka talaga nang wala sa oras,” pananakot ni Centi sa kanya.

“Magaganda naman araw-araw masisilayan ko,” natatawa niyang sabi. Di ko naman nagawang makisali sa biruan nila dahil may hinahanap ako.

“Di ‘yon a-attend. Kupal kasi ‘yon si Radio. Gusto pa ata private celebration ang graduation niya. Allergy pamilya n’on sa mga tao. Kala mo bampira,” natatawang pagkakasabi ni Cisco kaya natawa kami.

“Bruh, naalala ko nung nadulas si Chico sa tiles nila dahil may basa. Sabi nung nanay ni Dio, ‘Mabasag tiles namin, pababayarin kita n’yan!’” he imitated Dio’s mother’s voice.

“Tangina, konti na lang ibuga ko ‘yung kanin na nasa bunganga ko that time.” We laughed even more.

Dumating si Abel kasama si Chico. Nag-fist bump kami at nagyakapan.
“Congrats, Exis and Syd,” bati ni Abel.

Grabe, ang laki na rin ng pinagbago nitong si Abel. “Hello papa G, baka mamaya maging katulad mo na rin si Kinis Kintab. Baka di ka na namin makilala sa dahil d’yan sa buhok mo,” pang-aasar ni Cisco sa kanya.

Sumilay ang ngiti sa labi ni Abel at kinotongan siya. “Kapag ikaw sinakal ko d’yan, Exis, tanggal ulo mo sa akin.”

Natawa naman ako. Dahil sa mga kaibigan ko, kahit papaano eh nawala ‘yung pakiramdam na lungkot at pagsisisi.

I miss Radio. The last time I saw him was nung sinuntok niya ako sa mukha. Yung suntok niya na ‘yon, ‘yon yung hindi ko malilimutan sa lahat. Because I knew that punch was a serious one.

“Wag mo na isipin ‘yon si Dio. He wouldn’t come. Trust me, di pumayag pamilya n’on,” sabi ni Chico sa akin.

“Sino bang nagsabing hinahanap ko ‘yon?” ani ko at tiningnan sila nang masama.

“Ako,” taas-kamay ni Centi, kaya binato ko siya ng hawak kong pamaypay.

Nang mabato ko siya, dinampot niya ‘yung pamaypay at binalik sa akin. Nakita niya kasi si Mama na nasa likod ko.

“Hi Tita, bully ‘yang anak niyo po. Tingnan n’yo po, binato ako ng pamaypay. Muntik na mabasag bumbunan ko,” paawa niyang sabi at hinawakan ang ulo niya.

Inambahan ko ulit siya na paluin ng pamaypay pero umatras siya.
“See, Tita, your son is a monster.”

“Hoy umayos ka nga, para kang nakawalang aso sa kulungan,” sambit ni Exis.

“Mga iho, sa bahay na lang kayo kumain. Naghanda ako,” aya ni Mama sa kanila. Ito namang si Cisco ay tumabi kay Mama.

“Alam mo, Tita, tara na. Nagugutom na ako,” sabi niya at hinawakan ang tiyan niya.

Itong lalaking ‘to ang matatawag kong patay-gutom sa lahat. Siguro kahit basurahan sa gabi ay kinakalkal niya makahanap lang ng pagkain.

“Hindi po ako makakasama, Tita. Family dinner po namin later eh,” paalam ni Exis kay Mama.

“Sus, kikitain mo lang shota mo eh,” asar ni Cisco sa kanya. Ito namang si Exis ay gagantihan sana kaso tinawag na siya ng mga magulang niya.

Exis’ life is different.

Napakamasiyahin nitong lalaki. Kahit gago siya, masasabi kong mahal na mahal niya ang mga magulang niya. I’ve seen it dati pa, dahil kapitbahay lang namin sila. But unfortunately, lumipat sila ng bahay kaya di na gano’n ka-close mga parents namin. But they know that Exis is sleeping in our house.

Sa aming lahat, si Exis lang ang may pinaka-maayos na pamilya kaya naiinggit ako sa kanya. Pero despite of that, palagi naman siyang sawi sa pag-ibig. Siya ‘yung tipo ng lalaki na lahat laro-laro. Sana mahanap na niya ‘yung katapat niya.

Ako na siguro ang pinakamasayang tao sa mundo.

“I’ll see you guys tomorrow, gala tayo!” sigaw niya at nagpaalam na sa amin habang tumakbo palapit sa magulang niya.

“You can have my parents if you want,” bulong ni Centi habang natatawa sa sinabi niya.

“Sayo na ‘yang pamilya mo,” sagot ko sa kanya kaya natawa siya lalo. Mas gugustuhin ko pang walang magulang kesa maging magulang ang magulang ni Centi eh.

Dumating kami sa bahay. Mas nauna pang pumasok sa akin ang mga kupal, akala mo wala ‘yung may-ari eh.

Habang naghahain si Mama, inaya ako ni Abel manigarilyo sa labas, pero di naman ako naninigarilyo.

“Parehas kayo ni Radio, mahilig manigarilyo. What’s so important about inhaling that thing?” I asked.

Naalala ko tuloy kung ilang kaha ang nauubos nitong si Radio sa isang linggo.

Cisco, Centi, Chico, Radio, including Abel, are heavy smokers. Si Exis ay di naman gano’n. Ang pinakabisyo ng baliw na ‘yon ay mga babae niya.

“Stress reliever. Heavy smoker like us is dealing with something heavy in life. Hindi ba nagku-kwento sa’yo si Dio about his family?” he asked and inhaled the cigarette.

He blew it into the thin air, creating a gray smoke. “He did, pero ang alam ko lang is he has abusive parents,” I said. I tapped my shoes on the floor.

Ngumisi siya, kaya napatingin ako sa kanya. “That man is a pussy.”

Ayan ang huli niyang sinabi bago niya itapon ang upos ng sigarilyo sa sahig.

“Kaya kung ako sa’yo, Syd, kausapin mo si Dio. Nagulat lang ‘yon,” he said and tapped my shoulder before he walked back inside the house.

Napaisip naman ako bigla, pero ayaw kong baliwalain ang sinabi sa akin ni Seth. May sense naman ang mga pinagsasabi niya sa akin, at may sense din naman ang mga pinagsasabi ng mga tropa ko.

Sino bang mas tama? Nakaka-stress. Tapos na nga ako ma-stress sa school, ngayon pati ba naman kung sinong advice ang i-take ko ay na-stress na rin ako.

I rolled my eyes at pumasok sa loob ng bahay. Nakita kong may pinagkakaguluhan sila Cisco sa lamesa.

“Hoy, wag mo kunin ‘yung taba. Akin ‘yan!” I heard Cisco’s voice.

“No way, akin ‘yan,” it was Centi’s voice. Maya-maya lumapit ako sa kanila at pinaghiwalay silang dalawa.

“Ano ba ‘yan, Cisco, Centi? Pati ba naman taba ng baboy pinag-aagawan n’yo?” iritado kong sabi. Kinuha ko ang kutsilyo at binigay sa kanila parehas.

“Sige, magpatayan na lang kayo,” seryoso kong sabi dahil naiinis ako kapag gumaganyan sila sa harapan ko.

Hindi sila nakuha parehas sa isang salita. Gusto pa madaming beses. Inilapag nila parehas ‘yung kutsilyo at umayos ng upo kaya lahat kami umupo na sa upuan.

Nagpipigil pa ng tawa sina Abel at Chico na katabi ko sa upuan kaya tiningnan ko sila nang masama.

They both fake coughed and started to eat. Hindi naman nagtagal ‘yung inis ko at nakipagkwentuhan na rin ako sa kanila.

“How was your life with Percival now, Centi?” Chico asked. Napalingon naman ako kay Centi na walang pakialam sa tanong niya.

Percival is already in his sophomore year, I think, dahil nung Grade 11 si Cisco at Centi, ay Grade 12 na siya.

“Wag mong banggitin pangalan ni Percival. They didn’t end well,” mahinang sabi ni Centi kaya lahat kami tumahimik.

Napangiwi naman si Chico. Ang alam ko kasi sa nangyari sa kanila ni Percival ay nag-guidance silang dalawa at naglinis sila parehas ng cafeteria. Then after noon may naging isa pa silang away. It was so damn serious to the point na isa na sa kanila mamamatay.

“Change topic. Anong course kinuha mo, Abel?” I asked.

“Med,” he said kaya tumango-tango ako. “Ikaw?”

“Archi,” sagot ko sa kanya. We fell in silence. Bukod-tanging kutsara lang na tumatama sa plato ang maririnig mo. Not until Chico asked Cisco what course he did take in college.

“PolSci,” tipid niyang sagot.

“Eh hindi naman ‘yan ang gusto mo ah?”

“Kailangan ko gustuhin. This is what my family wants for me. Kilala mo mga magulang ko, they are in politics. Gusto nila sundan ko ang yabag nila,” sambit niya, halatang naiinis.

“Di ko iboboto pamilya mo sa darating na eleksyon. Nangungupal eh,” natatawang sabi ni Centi.

Kami ay wala naman masabi. Di ko rin naman alam kung ano ba dapat ang i-react ko.

Cisco’s life is also different. Siya ang may pinaka-worst na pamilya sa amin. His life doesn’t have privacy. Sikat na sikat sa lahat. He was the son of the governor here, I think?

He is in a family na puro politiko. Ang pinaka-worst pa is hindi siya pwedeng magkaroon ng opinion o magsalita laban sa pamilya. But—

He is Cisco Neil Arrelano. He will do everything he wants to do, kahit ano pa ‘yan. Wala siyang pakialam kahit lahat ng pinaggagawa niya ay maibalita.

Naalala ko noon, siniraan niya ang pamilya niya sa mga tao. Ayaw niya talaga sa pamilya niya. Ayaw niyang pumasok sa politika.

Cisco loves films. He wants to be a filmmaker pero hindi niya maabot ‘yung pangarap niya na ‘yon dahil sa magulang niya.

Tarantado lang si Cisco pero malaki ang dinadala niyang problema sa araw-araw.

Nabalik lang ako sa huwisyo nang may nag-pop na message sa akin. It was Seth. Paano niya kaya nakuha ang facebook account ko?


Let’s meet up later.”

Hindi ko muna ‘yon pinansin. After our encounter last week, we didn’t see each other. Ngayon pa lang ulit.

09

ESTRADA
.

Pagdating ko sa 7/11, bungad sa akin si Seth na naglalaro sa cellphone niya, nagmumura pa ito.

“Antanga,” iritado niyang sabi at binagsak ang mamahalin niyang cellphone.

Grabe, naka-iPhone 16 Pro Max—ay, wala pa palang ganyan sa panahon ngayon. Cellphone ko nga na samsung, di ko maibagsak kasi mamahalin, tapos sa kanya binabagsak lang.

Napahilamos siya sa mukha. He is wearing a hoodie dahil maulan ngayon, tapos ako naka-t-shirt lang at short.

Si Seth kahit saan mo tingnan, ang gwapo eh, tapos kapag katabi ko siya, nagmumukha akong hampaslupa.

Nang tumingin siya sa akin, nagulat pa siya at napatayo sa upuan niya. Kunot-noo ko siyang tiningnan.

Pinaupo niya ako sa tabi niya, tinago niya ang cellphone niya sa bulsa ng hoodie niya at tiningnan ako.

“May gusto ka ba?” tanong niya sa akin. Inilingan ko siya. “Congrats pala, future archi.”

He smiled. Wala pa nga, excited agad.

“Thanks,” sagot ko sa kanya. “Sure ka wala kang gusto? Beer, you want?” he asked, at tinanguan ko lang siya.

Umalis siya sa upuan at kumuha sa freezer ng dalawang beer, kumuha pa siya ng chichirya. Ni hindi ko alam kung binayaran niya ‘yon. Basta-basta niya na lang binuksan.

“Don’t worry, kami naman may-ari nitong 7/11,” natatawa niyang pagkakasabi.

Wow, swerte naman ng magiging jowa nitong lalaking ‘to. Kahit di ka na maggrocery o magbaon, kuha ka na lang—may pagkain ka na, libre pa.

“Bakit mo ba ako gustong makita?” walang alinlangan kong tanong.
“Nothing, gusto ko lang makita ka.”

Bwisit na kupal ‘to, nagsayang lang ako ng pamasahe sa wala.

“Ibalik mo pamasahe ko,” sagot ko sa kanya. Tumawa siya. Tanginang tawa ‘yan, sarap sa ears. Tapos kapag si Cisco kapag tumawa parang shokoy.

May kinuha siya sa bulsa niya. “It’s your lego. Ibabalik ko lang, naiwan mo ‘yan nung nilibre kita ng ice cream,” sabi niya at inabot sa akin yung lego na bulaklak.

Hinawakan ko ‘yon. Kaya pala di ko mahanap, na kay Seth pala. It was a gift galing kay Radio. Kamusta na kaya siya? Ni wala kaming contact sa kanya. Ayaw sagutin mga tawag namin.

“Syd, kamusta kayo ng tropa mo?” tanong niya. Tumikhim ako bago siya sagutin.

“I have no contact with him. Ni hindi rin siya umattend sa graduation namin. Yung pamilya kasi n’on, mga bampira,” pagbibiro ko sa dulo ng sabi ko.

Natawa naman siya. “Nga pala, watch our game. Kalaban namin ‘yung school ng mga tropa mo,” aya niya sa akin. Tanging sagot ko lang ay pagtango.

Wala naman ako masabi. “By the way, tell your friend Cisco Neil that I knew he dated my sister. Tarantado kamo siya,” he chuckled.

Nagulat naman ako sa sinabi niya. Baliw talaga si Cisco. Kung sino-sino pinapatulan. Kapag hunting talaga ni Seth si Cisco, wala talagang kawala ang gagong ‘yon.

“Baliw talaga ang kupal na ‘yon. Lahat na lang pinapatos, kahit saan-saan nilalabas sandata niya,” natatawa kong sabi. He laughed even more kaya halos magdikit ang kilay ko sa asta niya ngayon.

“Why are you laughing?” sita ko sa kanya at tiningnan siya na parang gusto kong mainis siya kay Cisco dahil sinaktan ang kapatid niya.

“Your reaction is funny as hell,” he said, still laughing his ass off in front of me.

“That’s my sister’s choice. Besides, she is already old enough to handle everything. As long as nothing bad happens to her, I won’t step in,” he explained and sighed.

Ngumiti siya. Yung dimple niya lumalabas. May dimples din naman si Cisco pero di naman ganyan kagwapo katulad ni Seth.

On the other side. “Tanginang ‘yan, sino na naman bumabanggit ng pangalan ko? Mapuputol na dila ko sa kakagat ko.”

“Tanga, anim na demonyo ‘yan na nakasampa sa likod mo,” asar ni Centi sa kanya.

Back to reality. Tumango-tango ako sa sinabi niyang ‘yon. Habang nagkwekwentuhan kami, hindi ako mapakali sa kakatingin sa cellphone ko. Nagbabakasakali na baka tumawag siya at kailanganin niya ako.

Kaso nawala lahat ng ‘yon nang mapatingin ako sa labas. It was Radio, looking at us directly. Tanging hoodie lang ang suot niya, hindi ko makita ang mukha niya pero I knew it was him. Katawan pa lang niya, alam ko na.

Nagpapaulan siya, para tuloy siyang nasa music video. Iniwan ko si Seth at tumakbo palabas para habulin si Radio kaso naglakad ito palayo sa akin.

Kahit basang-basa na ako, lakad-takbo ang ginawa ko. Narinig kong ang sigaw ni Seth sa likod, pero bukod-tanging gusto ko lang marinig ay ang boses niya.

Hindi ko alam kung ano ang ginagawa ko. Gusto ko mag-usap kami, gusto ko sabihin niya na bawiin niya ang sinabi niya.

Tumigil siya sa isang iskinita, madilim dito. At syempre, ako naman ay nakatingin lang sa kanya na hingal na hingal.

“Dio,” hingal kong sabi. I felt like I was about to faint this time, pero inayos ko ang sarili ko at hinarap siya, lumapit ako hanggang sa kaharap ko na siya.

Radio’s body became bigger this time. Hinubad niya ang hoodie niya at bumungad sa akin ang tattoo niya sa braso.

Hinaplos ko ‘yon. Hindi naman ganoon katangkad si Dio sa akin. I mean, he is 6’2 at the age of nineteen, tapos ako 5’9 lang.

Nakita ko rin ang pasa sa gilid ng labi niya. He is shivering in the cold. May pasa rin siya sa braso niya—his parents did this to him. Halos manlumo ako sa nakita ko.

He looked at me in different emotions yung mata niya na palagi kong tinititigan ay ngayon ay puno ng lungkot at pagsisisi.

Niyakap niya ako. Iniyakan niya ako sa ulan. Kahit nilalamig ako dahil sa ulan, pero bale-wala lang ‘yon sa akin. What matters right now is he is here in front of me. Ako ang tinakbuhan niya kahit meron naman siyang ibang kaibigan.

Lahat ng mga sinabi niya sa akin last week, it vanished because of this hug. Parang kinalimutan ko at walang nangyari.


Syd, I’m sorry.”

That word made me forget all the pain I’ve been feeling for the past three years—parang sirang plaka ‘yon na paulit-ulit.

I waited for this to come out of his mouth. “Okay lang,” sagot ko. I don’t know if he heard it.

But again, gusto ko magpalamon sa lupa ngayon dahil sa sunod niyang sinabi.


Forget your feelings about me, Syd. I’ll forget everything that happened. I want us to be back at being friends.”

Wala akong maiprotesta, pero ang sagot ko.


Oo, pangako.”

Nung sinabi ko ‘yan, I knew that I would regret saying those words. I was fine with it kung maibabalik nito ang pagkakaibigan namin. Okay lang sa akin kung ang kapalit nito ay ang pagtatago ko ng nararamdaman para sa kanya—even if it means hurting myself even more.

Binalewala ko lahat ng sinabi ni Seth. Kinalimutan ko lahat ‘yon dahil ayokong makinig sa kanya. He is my friend, but what matters the most is how I feel and how I want it to happen.

Pagod lang siguro si Radio kaya nasabi niya ‘yon. I should understand because we have our own problems and different families.

We grew up in different environments.

His parents are abusive, tapos ako, walang pamilya—bukod-tangi ang mama ko lang ang kasama ko.

But still, I can’t help but think about what he said. Sana hindi niya lang ako ginagamit dahil gusto niya lang ako gawing takbuhan. Dahil may kailangan siya sa akin. Dahil ako lang available.

I hope he will never take advantage of my feelings for him. Sana di siya umabuso. I’ll accept what he said right now. Tatanggapin ko, basta sumaya lang siya at bumalik lang ang pagkakaibigan namin.

Basa pa rin kaming parehas sa ulan. Nag-abang ako ng taxi. Ni wala akong dalang wallet—si Radio lang ang meron. Naiwan ko ata lahat sa 7/11.

Kinuha ko ang wallet niya sa bulsa ng pantalon niya. Mabuti at leather ‘yung wallet niya kaya di nabasa ‘yung loob.

Nilalagnat siya dahil malamig ang aircon. Kahit ako, nanginginig na rin dito sa loob, pero lahat ng ‘yon ay binalewala ko. Binigay ko ang address ni Dio sa driver para doon niya kami dalhin. Inakay ko si Dio hanggang sa makasakay kami sa elevator.

Ang bigat niya, sobra. “Anong pin mo?” tanong ko sa kanya. Binanggit niya ‘yung birthday niya. Pagpasok ko pa lang, bungad ang makalat niyang sala. Sa lababo may mga nabasag na bote ng beer, baso, at plato. May dugo pa sa sahig.

Pumunta kami sa kwarto niya. Kumuha ako sa damitan niya ng mga damit niya pangtulog. Nilabhan ko ‘yung isang towel niya para ipamunas sa kanya.

Habang pinupunasan ko siya, di ko maiwasang tingnan ang mukha niya. He is peacefully sleeping kahit na magkasalubong ang makakapal niyang kilay.

Tiningnan ko ang braso niya. May mga scars ‘yon pero pinalagyan niya ng tattoo. He’s insecure about this kaya pinaganyan niya.

“Dio, what did you do to yourself,” bulong ko. Hinaplos ko ang mukha niya. This will be the last time I’ll touch his face. Last na ‘to.

Binihisan ko siya at pinatulog. Naglagay ako ng towel sa ulo niya at bago ko siya patulugin, pinainom ko muna siya ng gamot.

Pagkatapos ay naligo ako at nagbihis ng damit na galing sa closet niya. Lilinisin ko pa ‘yung apartment niya.

Napahilamos ako sa mga nakikita ko ngayon. His family is a raging beast. Palaging mga galit—akala mo mga sinasapian ng masasamang espiritu.

Nilinis ko lahat ng ‘yon. Ala-una na ako natapos. Inaantok na ako at medyo masama na ang pakiramdam ko. Hindi ko naman matawagan si Mama dahil wala ang cellphone ko sa akin.

Nakatulog ako sa sofa. Lumalim ang gabi at pagtulog. I hope tomorrow it will go back to normal again.

10

ESTRADA
.

Totoo nga, we are already back to the normal ways, parang wala lang nangyari. Andito kami ngayon sa isang park malapit sa amin.

Habang naglalakad kami, hindi ko maiwasang mapatingin kay Radio. Napangiti na lang ako at napailing—he is laughing and the sun is kissing his face while wearing a cap.

“Antanga mo, Exis. Ano ‘yon, pang-date mo sa future shota mo, tusok-tusok lang? Kuripot, amputa,” ani ni Cisco.

Natawa ako sa sinabi niya. “Ikaw nga eh, sa SOGO mo dinadala mga kalandian mo. Nagrereklamo ba ako? Ikaw na nga ‘tong pinakamayaman, imbes na ipag-five star hotel mo mga kabit mo, dinadala mo sa SOGO. Ano ‘yan, sex sooo gooood?” buwelta ni Exis sa kanya.

“Ayan lang afford ko eh, sa mga kabit ko. Eh hayaan mo, sa 5-star hotel ko naman dinadala yung original,” natatawa niyang sabi at tiningnan si Centi ng malagkit na tingin, na tahimik lang na nakikitawa sa kanila while sipping on his straw.

Nahalata niyang nakatingin sa kanya si Cisco, nawala yung ngiti niya at binato si Cisco ng maliit na bato sa tabi.

“Di ako bakla. Kapag ikaw, nilunod ko diyan sa dagat, yari ka sa akin, tanga,” banta niya kay Cisco, pero tinawanan lang ng kupal.

Ewan ko ba kung totoo yung mga pinagsasabi ni Cisco na ‘yan. Parang may meaning kasi yung mga titig niya sa kanya. Kinindatan pa siya ni Cisco.

Pero si Centi acted as if he was throwing up. “Tumigil ka na nga, di tayo talo, bro,” at binangga si Cisco.

“Hoy, baka mamaya seryoso na ‘yang pinagsasabi mo, Cisco ha. Delikado na kaming lahat sa’yo,” sagot ni Exis.

“Mamaya naninilip ka na, di namin alam,” segunda ni Abel. “Mag-isip nga kayong dalawa. Bakit ko pa kayo sisilipan, eh meron naman ako ng kung anong meron sa inyo,” duro ni Cisco sa kanila.

“Ang tatanda niyo na talaga, you can’t even take a joke now,” he scoffed.

Natawa naman ako sa sinabi niya.

“Alam mo, Cisco, di naman kami nagrereklamo na galing sa TikTok University ‘yang mga joke mo. Place yourself in our place. Tinitiis na nga lang namin ‘yang corny mong jokes dahil tropa ka namin,” ani Chico at natatawang inapakan yung sigarilyo niya.

“Grabe kayo ah, parang sinasabi niyo na kalait-lait mga jokes ko ah,” naluluha niyang sambit. Mukha siyang tanga ngayon, sineseryoso niya masyado.

“Grabe kayo mang-insulto. Parang di niyo ako ginawang clown nung birthday ng kapatid ni Exis,” sumbat niya sa amin.

Bagay naman sa kanya kung tutuusin—nakakatawa naman talaga siya, pero minsan lang, hindi araw-araw. Kasi ang corny ng jokes niya.

Parang siyang si Exis, iba lang ang font nilang dalawa. I’m not a funny person, ni hindi ko alam kung paano mag-joke. But still, kahit papaano, di gano’n kacorny katulad ng kay Cisco na di mo malaman kung saang lupalop niya nakuha.

Habang nagtatawanan kami, nakita kong may mga babaeng lumapit kay Radio at Centi. Nagtutulakan pa yung mga babae—halatang kinikilig.

“Hi,” malambing na sabi nung babae. Maganda, ayos ang kutis niya, mahaba ang buhok, at may hinaharap talaga.

They chuckled, lalo na yung tatlong kupal. “Damn, that’s the body I want,” rinig kong bulong ni Centi.

“Centi,” he introduced himself doon sa kulay brown ang buhok. Morena ito.
“Sachi,” sabi nung babae at nakipagkamayan sa kanya.

The girl immediately got shy by the sudden gesture. Inakbayan pa ni Centi ‘to.

“Akala ko ba tropa time? Centi, sumama ka lang pala sa gala natin para maghanap ng babae. Ano ka, mangingisda na naghahanap ng huli para sa ulam ngayong gabi?” ani ni Exis na nakatingin sa kanila.

“We’ve seen each other yesterday, Exis. Bigyan mo naman ako ng pagkakataon para naman masilayan ni Mariposa yung hatdog ko,” nakangisi niyang sabi.

Ang balahura talaga ng bibig ni Centi. Akala mo nasa private place kami, kung anu-ano ang sinasabi.

Natawa sila—except sa akin.

Napailing na lang ako. This is what I deal with everyday. Mga babaerong naglalaro lang.

Umawang ang bibig ko nang pati si Abel ay umalis kasama yung babaeng chinita. Siraulo, nakabingwit pa ng Chinese. Konti na lang, baka sa bawat kontinente ng Earth, patusin na nilang lima, eh, except sa amin ni Chico.

“I can’t tonight, I have a date,” I heard Radio say to the girl who was hitting on him. Iba rin ang lalaki ‘to—lakas ng sex appeal, lapitin ng mga babae kahit di niya lapitan.

Nagbibiro lang ako, pero di porket nagbibiro ako ay di na ako nasasaktan. Hindi ko na lang sila tiningnan, pero parang mestulang magnet itong si Radio—nilapitan ako at inakbayan.

Napatingin ako kila Exis na parang nakakita ng multo. Mas nagulat pa sila sa akin. “This friend of mine will accompany me today para makita ka-date ko,” sabi niya at ngumiti.

Baliw ba siya? Does he think I will go with him? Napakunot ang noo ko ng wala sa oras.

“Right, Syd?” he asked me. Pero awkward lang akong natawa sa harapan niya. Di ko alam ang gagawin ko.

Hindi kami nagpaalam sa mga kaibigan namin dahil hinila niya na ako palayo. “Wala ka naman nang nararamdaman sa akin, no? Kaya normal naman na siguro ‘to. You promised, Syd. Don’t break it,” sambit niya.

Oo nga pala, muntik ko nang makalimutan ‘yon. Ang hirap magpanggap, tangina. Ano ‘to, napapanood ko yung crush ko na makipag-meet up sa crush niya? Edi nagmukha akong engot non.

Tumango na lang ako at ngumiti ng mapait sa harapan niya. Para akong lumulunok ng gamot.

Sabi niya sa akin, may date raw siya sa mall, manonood sila ng sine nung babae niya.

Pinabili niya naman ako ng pagkain nila. Ginawa pa akong utusan. Bakit ko ba na-take ‘to?

Ayaw ko kasing isipin ni Radio na gusto ko pa rin siya, dahil masisira yung pagkakaibigan namin.

Kaya titiisin ko na lang kahit masakit. This is the pill that is hard to swallow for me.

Nung nakabili na ako sa Turks, hinintay ko siya don sa labas ng Jollibee. Doon ko nakita kung sino ang kasama niya. Ni hindi ko kilala kung sino ‘yon.

Kinuha niya sa akin yung pinabili niya. “You can go home now. Thank you, Syd, for accompanying me,” he thanked me at tinalikuran ako.

Habang ako naman, walang masabi. Ginawa niya lang akong utusan. He didn’t even ask me kung gusto ko bang sumama sa sine since nandito na rin naman ako.

That made my heart shrink. Nanlumo ako, pero di naman ako umiyak. Umuwi ako sa bahay, nakita ko sila Exis at Centi na naglalaro sa sala namin. Anong ginagawa ng mga kupal na ‘to sa bahay namin?

“Akala ko ba may didiligan kayo ngayong gabi?” sambit ko sa kanilang dalawa na ngayon ay nagmumurahan na.

“Pabigat naman, ako pa unang namantay,” nakasimangot na sabi ni Exis at napasabunot sa buhok niya. Kumuha ako sa ref ng juice.

“Akala ko ba kasama mo si Radio? Bakit ikaw lang mag-isa umuwi? Atsaka ang bilis mo naman ata?” tanong ni Centi na mabilis ding dinudutdot yung cellphone niya—halos parang mababasag na.

Kunot-noo pa siyang nagmumura at muntik niya pang ihagis yung cellphone niya.

“Ginawa lang akong utusan,” mahina kong sabi at nilagok yung tubig. Natawa si Centi at nagsalita:

“Pumayag ka naman, gawin kang utusan ng lalaking ‘yon,” sabi niya at nilapag ang cellphone niya. Pati tubig ko, inagaw niya.

I sighed. “Wala eh, gano’n talaga,” tipid kong sabi. Gano’n siguro talaga. Di ko naman matiis si Dio.

“Wag ka magpakatanga diyan kay Dio. Wala kang mapapala. Kung ako sa’yo, mambabae ka na lang. Less hassle pa,” sagot niya sa akin. Binigay niya yung cellphone niya sa akin.

Kunot-noo ko siyang tiningnan.
“Choose the one that you like,” aniya, at mapaglarong ngiti ang sumilay sa labi niyang mapupula.

Inano ko sa kanya yung cellphone niya sa dibdib niya at sinalo niya ‘yon.

“Ikaw rin, bahala ka. Baka magsisi ka na di mo gina-grab ‘yung opportunity.”

I rolled my eyes at him at binato sa kanya yung unan na nasa sofa.

“Babaero,” sabi ko at tumakbo paakyat sa kwarto ko.

Humiga ako sa kama ko at ginawang unan ang sarili kong braso. I couldn’t help but to think kung anong ganap sa kanila nung kasama niya sa sine.

Ayaw ko naman mangialam dahil alam ni Dio na wala na talaga, dahil nangako ako. Once na sinabi mong promise, ay totoo-hanin niya ‘yon—literal.

Si Dio yung tipo ng tao na kailangan mong totoohanin yung pangakong binitiwan mo. Or else, gaganti siya sa’yo—doble yung karma na babalik sa’yo.

That’s him, and no one could change him. Mas matigas pa sa bato ang puso ng gago na ‘yon. Hindi mo mababasa ang susunod niyang galaw.

Kapag naapakan ang ego niya, nasasaktan siya. Kapag nilait mo siya, mas kalait-lait ka na sa paningin niya.

Percival and Dio have the same font.

11

ESTRADA
.

“Bilis naman ng bakasyon, parang pumikit lang ako tapos may pasok na naman,” rinig kong reklamo ni Cisco. Same school lang kami ng pinapasukan.

Di kase ako nakapasa sa isang school na nag-entrance exam ako, ang taas kase ng standard, di ko mareach.

Habang nagtatawanan kami nila Cisco, may nilabas siyang notebook na kulay red na may design na Batman.

“Ano ‘yan?” taka kong tanong. Hinarap niya sa akin yung notebook na ‘yon at binasa.

“Girl’s choice,” I mouthed at napangiwi ako sa nabasa kong ‘yon. Kinuha ko yung notebook na ‘yon at hinampas ko sa ulo niya.

“Aray ha! Baka literal na maging tanga na ako diyan dahil sa ginagawa mo,” sumimangot ulit siya. Uulitin ko sana yung ginawa ko kaso na-shield niya na yung sarili niya. Dumating sila Chico at Abel, nagbanggaan kami ng braso at mabilis din umupo.

“Sup,” bati ni Abel at umupo sa tabi ni Cisco. He curiously looked at the notebook in front of me, kinuha niya ‘yon at natawa.

“I didn’t know you have this kind of list, Syd,” he chuckled kaya binato ko siya ng tissue na hawak ko.

Sa tingin ba nitong si Abel ay kaya kong mambabae? Di naman ako tulad ng mga ‘yon. Akala mo di makahinga nang walang babae sa buhay nila eh.

In-open ni Cisco yung notebook. “Kapag kailangan niyo ng girls, ito, may listahan ako. Bibigay ko sa inyo notebook ko pero wag niyo punitin ha. Ang hirap magsulat,” reklamo niya at medyo napataas sa dulo yung boses niya.

“Oh ito, Chelsea Zoe Marquez, tourism student. Ito, number: 09*********,” natatawa niyang banggit. May index card pang kasama.

“Binibigyan nila ako ng index card nila para daw anytime I’m free eh I can call them. Basta kung broken kayo, gusto ng thrill at ready maging kabit, lapit lang kayo sa akin. I am very free,” sabi niya pa at halatang natutuwa sa mga pinaggagawa niya.

Di naman ako interesado sa mga pinagsasabi nitong si Centi. I don’t even want to have someone right now, focus ko lang ay kay Dio ngayon. Nagulat kami kay Exis na kakadating lang na nakabusangot, hindi maipinta yung mukha.

“Oh, ang aga-aga, sino na namang kaaway mo?” bungad na tanong ni Chico sa kanya. Padabog niyang nilapag yung bag niya sa may upuan.

“That boy! Muntik ko na siyang mabangga dahil di siya tumitingin sa dinadaanan niya. Akala mo siya may-ari ng daan, sa akin pa nagalit,” reklamo niya, napahilamos siya sa mukha niya.

“Siya pa ang nagsungit sa akin. Sinungitan ko rin. Akala niya siguro mananalo siya sa akin.”

“Ang aga, Exis. Inis na inis ka naman. Di bagay sa’yo, mukha kang elepante na nagagalit,” reklamo ni Centi sa kanya. Sinamaan niya lang ‘yon ng tingin.

Napailing na lang ako. Pagpasok ko sa room ay wala pa mga prof namin. First day pa lang naman kaya wala pang gaanong pumasok. Halos idukdok ko na yung mukha ko sa desk ko dahil ang boring.

I decided to open my social media. Bungad ang post ni Radio na nagba-boxing. Ewan ko pero kinahiligan niya na ito, nagpapalaki ng katawan. Di ko alam kung ano purpose nun eh. I mean ayos naman katawan ko, toned naman pero masaya naman ako. Nagbubuhat pa rin naman ‘ko pero sa bahay lang ako.

Nabalik ako sa wisyo nang makita ko kung sino yung katabi ko. Namangha ako sa ganda niya.

“Hello,” bati niya kaya binati ko rin.

“I’m Coreen, by the way,” she said smiling kaya tumango ako.

“Syd,” bored kong sabi at sa iba ko itinuloy yung atensyon ko.

Lumabas ako sa campus at dumiretso sa isang tindahan. Nakita ko si Radio na may kasamang ‘di ko kilala. They were kissing each other. Parang may kung anong kumirot sa puso ko. They were smiling at each other.

“I’ll see you tonight,” he said and waved his hand at her. Napadaan ako non pero tinawag din ako ni Radio matapos niyang magpaalam don sa babae.

“Syd! Tapos na class mo?” he asked. Tinanguan ko lang. Naging awkward na dahil sa nakita ko kanina.

Napaigtad ako nang akbayan niya ako pero wala akong magawa dahil gusto ko rin naman siya.

“Pumili ka ng gusto mo, my treat,” sabi niya pero inilingan ko at sinabing ayaw ko. Pero nag-insist siya. Why the hell is he acting up like this? Nababanas ako sa mga pinagagawa niya ngayon.

Wala naman akong nagawa dahil i-aabot ko pa lang yung bayad, iniabot niya na yung pera niya. Sinabayan niya pa ako pabalik sa campus habang naninigarilyo.

“Bawal ‘yan,” pag-aalala ko sa kanya.

“Alam ko.”

Hinayaan ko na lang siya, binilisan ko maglakad.

“Bakit ka ba nagmamadali?” tanong niya at hinila yung likod ng damit ko.

“Wala. Atsaka bakit ba sinusundan mo ako? Bakit di mo samahan mga jowa mo?” mahina kong sabi sa dulo. Di ko na lang siya pinansin.

Para siyang langaw na sumusunod sa akin ngayon. Tiningnan ko siya ng masama at pumunta sa isang bench na may silong at kinain yung binili ni Radio sa akin.

Tumabi pa siya sa akin at walang ka-sense sense yung mga tanong niya.

“Who is the guy that you were with the last time?” he asked kaya nagtaka ako kung sino ang tinutukoy niya. Inisip ko kung sino ba ‘yon.

Until I realized he was talking about Seth. Ang tagal na rin pala naming di nag-uusap ni Seth. He was nowhere to be found. Antagal din naming di nagkita.

Hindi ko pinansin si Dio at kinain na lang yung pagkain ko. Ngayon nagtatanong siya kung sino ‘yon, para siyang nababaliw.

“Samahan mo ako bukas,” sabi niya at tiningnan ako.

“Saan?” I asked.

“Sa kabilang bayan,” sabi niya. Inaya niya pa talaga ako, tapos may kasama naman siyang iba. Ano kayang ka-sense sense. Ewan ko ba dito sa lalaking ‘to ilang araw na siyang ganyan, para nang nababaliw.

Bakit di niya ayain mga babae niya? Tutal andami naman nun. Ako pa inaya niya. Teka nga, bakit ba ako nagrereact ng ganito?

Nagseselos ba ako? Ay ewan, parang di naman ako nagseselos. Normal lang siguro mainis. Tinanguan ko na lang siya at tumayo.

“I’ll see you. Dalhin ko motor ko bukas,” rinig kong sabi niya pero di ko na lang pinansin. Banas din talaga ako sa kanya.

Dumating yung umaga. Wala naman kaming pasok ngayon. MWF lang ang pasok ko. May Saturday classes din ako minsan.

Na-excite naman ako dahil aalis kaming dalawa ngayon ni Dio, na kami lang dalawa. Kahapon lang, naiinis ako pero ngayon hindi na. Nadala lang siguro ako sa inis ko kahapon.

Pero excited talaga ako. Nakaporma pa ako at bumili pa ako ng bagong damit. I was waiting for him dito sa isang shop malapit sa school. Sabi ni Dio, 7:00 AM daw kami. Hinintay ko siya. Habang naghihintay ako, umorder ako ng pagkain at kape dahil nagugutom ako.

Kaso ilang oras ang lumipas, wala pa rin siya. Ni anino niya, wala akong nakita. Baka nalate lang siguro. Go lang Syd, i-gaslight mo ang sarili mo.

I’ve waited for so long at nakatulog na ako sa desk dito sa coffee shop. Pagmulat ng mata ko, gabi na ata. Wala na masyadong tao sa coffee shop. It’s already 7:00 PM. Twelve hours akong naghintay dito sa loob, nilalamig at nakaporma pa.

Uuwi na lang ako. Sinayang ko lang ang oras ko sa wala. Akala ko dadating siya, ‘yon pala hindi niya ako sinipot.

Nasaktan ako don. Sobra. Kase expected ko aalis kami ngayon. Gumising ako ng umaga para lang dito.

Expected ko uuwi ako ng masaya, pero parang hindi. Uuwi ako ng nagluluksa dahil lang sa gala na hindi natuloy.

Pagbukas ko ng Instagram ko, nakita kong may story si Dio. Kaya pinindot ko na lang. Napatakip ako sa bibig ko at naluluha na.

He was with the girl. Kasama niya umalis. Nakamotor pa sila. It hurts as hell. Ni hindi man lang ako sinabihan. Nagmukha akong tanga sa loob ng coffee shop.

Akala ko ako ang kasama? Bakit hindi ako? Umasa ako don.

Habang naglalakad ako ng wala sa sarili, muntik pa akong mabangga ng kotse kaya nagulat ako.

“Hala, okay ka lan—Syd?” sabi nung lalaki na muntik makabangga sa akin.

It’s Seth. Napayakap na lang ako sa kanya bigla at iniyakan ko siya na parang bata. Okay lang kahit magmukha akong tanga sa harapan niya, pero di ko na kaya.

Sobrang sakit eh. Umasa ako.

12

ESTRADA
.

Binigyan ako ni Seth ng tubig sa loob ng sasakyan niya, ininom ko ‘yon, binigyan niya rin ako ng panyo. Kinuha ko ‘yon sa kanya.

Nanahimik lang siya habang nagda-drive. Ganda ng kotse niya, yayamanin. Tapos sa likod ng kotse niya ay nakahanger yung uniform niya at jersey niya.

“Do you want to eat anything?” he asked. Umiling naman ako, nawalan ako ng ganang kumain. Napapansin kong tumitingin siya sa akin kaya tinanong ko siya kung bakit.

“Where do you want to go?” sambit niya. Kahit saan, basta malayo sa lugar na ‘to. Kahit alam kong may pasok ako bukas, parang ayaw ko pumasok at makita ang pagmumukha ni Radio.

Naf-frustrate ako. Ginusto ko naman ‘to, ‘di ba? Yung bumalik kami sa pagkakaibigan namin, pero ‘di ako umaaktong gano’n.

“Kahit saan,” tipid kong sagot.

Sumandal ako sa bintana ng kotse niya at pinagmamasdan yung dinaraanan namin. Madilim na, ‘di ko alam kung saan kami pupunta.

Nalulutang ako ngayon. Naiinis ako kasi nalulutang ako sa mga bagay-bagay.

Why can’t I act like one of his friends again?

Nababanas ako sa sarili ko. Parang kasi ang awkward na. I like Radio, that’s for sure, pero naiisip ko kasi na alam niya, siyempre.

Then he’s just chill with it, na parang akala mo ‘di ko siya gusto.

I mean, he believes that I don’t like him anymore dahil nangako ako. Sa tingin niya ba gano’n lang kadali ‘yon?

Ang mawalan ng nararamdaman sa taong matagal mo nang gusto, tapos palagi mo pang nakikita?

Nababanas talaga ako sa mga nararamdaman ko. I hate myself more than anything. Halos pukpukin ko na ang ulo ko ng martilyo dahil sumasakit na ang ulo ko sa stress.

“Syd,” he softly called out, kaya nabaling ang atensyon ko sa kanya.

“What’s wrong? Kanina pa kita tinatawag,” sabi niya. Masyado akong nalunod sa mga iniisip ko.

Umiling ako at bumaba sa sasakyan niya. Tumatama ang malamig na simoy ng hangin sa mukha ko. I closed my eyes.

“Hoodie?” alok niya, kaya kinuha ko. Isinuot ko ‘yon. Hindi naman ito kalakihan, ka-body build ko rin naman si Seth pero medyo malaki ang kanya, at yung height difference namin ay ‘di naman gano’n kalayuan.

Amoy na amoy ko yung lemon na pabango niya—bagay sa personality niya.

“Feel better?” he asked. He put both his hands in his pockets. Medyo malayo siya sa akin konti.

Nandito kami ngayon sa isang bridge. ‘Di ko alam bakit niya ako dinala dito, pero gumaan naman pakiramdam ko.

“Salamat, Seth.”

Tumango siya at binaling ulit ang atensyon sa iba. ‘Di ko alam, pero kahit papaano ay gumaan talaga ang pakiramdam ko.

Feel ko parang every time na nalulungkot ako eh siya ang nakakatagpo ko kahit saan, umiyak man ako o maging malungkot.

Coincidence lang siguro.

Tapos ‘di ko pa pinakinggan yung advice niya sa akin na mas may point kaysa sa mga kaibigan ko.

Huminga ako nang malalim. Konti na lang, pati lamok eh masinghot ko na. Inabutan ako ni Seth ng beer na kaagad kong tinanggap.

“You really like beer a lot, no?” Natawa siya sa naging tanong ko at bahagyang napayuko. Tumango siya.

“Yeah, kaysa naman manigarilyo ako,” sambit niya at ininom yung beer niya.

“Kamusta ka?” tanong niya sa akin.

“Good. ‘Wag mo na pansinin yung kanina. Nothing happened serious,” sabi ko sa kanya dahil baka magtanong.

Ayaw ko na pa-problemahin si Seth about doon. Ayaw ko magpaburden sa kanya dahil sa problema ko.

Nakakahiya kasi binigyan niya ako ng advice pero ‘di ko mai-apply. Nahalata niya kaagad na ayaw ko pag-usapan ‘yon kaya ‘di na siya nagtanong pa.

Ang observant niya naman.

Umuwi ako sa bahay namin at nadatnan ko si Mama na may tinitipa sa cellphone niya. Hindi siguro niya ako pinansin.

Niyakap ko siya sa likod. “Ma, gabi na, bakit gising ka pa?” tanong ko sa kanya.

“Oh anak, andito ka na pala,” sabi niya at hinalikan ako. Tiningnan ko ang buhok ni Mama—may puti na rin ‘yon.

I can’t help but think that one day she’ll grow old. Si Mama na lang ang pamilya ko. Ayaw ko siyang mawala.

Tinabihan ko si Mama at niyakap ko siya. Hinaplos niya ang buhok ko. Si Mama maliit lang, tapos ako parang halimaw. Kahit na gano’n, baby pa rin ako sa paningin niya.

Natatawa nga ako kay Mama. Kahit alam niyang may abs ako, sasabihin niya lang ay nawawala rin ‘yon kapag nagkataon.

“Bakit, malungkot ka ba, anak?” tanong niya sa akin habang ang mata ay nasa screen pa rin. Umiling ako.

Ayaw ko na ma-stress si Mama sa mga happenings sa buhay ko. Si Mama lang ang nagwo-work sa amin. Gusto ko siyang tulungan kaso ayaw niya. Siya na raw bahala doon.

Masyado akong masunurin, pero mga kaibigan ni Mama ang nagregalo sa akin ng kotse at rest house nung nag-eighteen ako.

Masyadong OA nga. Dapat twenty-one ‘yon kasi lalaki ako, ‘di naman babae.

“Anak, gusto mo ba makita Papa mo?” biglaang tanong ni Mama sa akin, kaya napatingin ako sa kanya na nagtataka.

Aminado naman ako na naglo-longing ako sa father figure pero sapat na si Mama for me. Kaya ayaw ko siyang makita.

“Ayaw ko, Ma. Ikaw lang sapat na,” sagot ko sa kanya.

“Nak, paano kung mawala ako tapos wala nang mag-aalaga sa’yo?” biglaan niyang sabi, kaya naman tiningnan ko siya at tinanggal ang pagkakayakap ko sa kanya.

“Ma naman, ‘wag mo nga sabihin ‘yan. ‘Di ka pa mawawala,” sabi ko sa kanya, pero mistulang napaisip ako doon.

Ayaw ko mag-isip ng mga negative thoughts because it feels wrong to feel that way.

Pagdating ko sa school, nakita ko sila Dio na magkakasama sa iisang bench. I should act like I wasn’t bothered by it. Ayaw ko magpahalata na masyado akong apektado doon.

Nakipag-fist bump ako kina Cisco. Nakatingin pa nga sila sa cellphone nila eh.

“Naiinis ako sa classmate ko sa isang minor subject naman. Grabe ako laitin, akala mo, ‘di siya kalait-lait,” reklamo ni Exis. Halatang naiinis ito dahil pati tainga namumula.

“I just want to remove that smug look on his face, pati yung eyeshadow niyang kulay pink,” sabi niya at pinakita yung kamao niya. Nagtinginan kami nila Abel.

Baliw talaga ang isang ‘to. Wala namang kinakausap, inangat pa kamao niya.

“Kainis, naapakan ego ko. Feel ko tuloy yung mga babae sa room namin eh ginawa akong hot topic nila. I mean, I like the attention, ‘di ko naman ipagkakaila.”

Binato siya ni Centi na kakarating lang. “Ang yabang,” sagot niya dito at umupo sa tabi ko.

Kinuha niya ang cellphone ni Cisco at siya ang naglaro.

“Everytime na mangyayari ‘yan na may nanglalait sayo, isipin mo nalang na totoo kase totoo naman. Atsaka totoo namang kalait-lait ka,” buwelta ni Cisco.

Nainis naman itong isa halos magdikit na ang dalawa niyang kilay.

“Ang init sa Pilipinas. Gusto ko na bumalik sa New York,” reklamo niya at ginawang pamaypay yung hawak niyang papers.

“Pinili mo dito, ‘di ba? Magdusa ka,” Dio scoffed and drank from his water bottle. Hindi ko naman maiwasang mapatingin sa kanya.

Nawala yung galit ko nang tumingin siya sa akin at ngumiti. Pero kahit gano’n, gusto ko pa rin siyang humingi ng sorry sa akin.

Yung hiling ko, parang ang laki, at alam kong ‘di niya ibibigay ‘yon because last na yung nakaraan.

Gano’n kaming magtotropa. Walang taniman ng galit. Walang sorry-sorry kapag gano’n, unless it did hurt their feelings. Minsan ginagawa pa nilang biro yung pagso-sorry.

May lumapit sa amin at si Coreen ‘yon—kaibigan ko na nga ito eh dahil siya nagpahiram sa akin ng notes nung nakaraang linggo.

Mabait si Coreen, maganda pa at top notcher, katulad ko. Kaya close kami at talagang ma-topic siya. ’

Di ako attracted sa kanya. Siguro kung ako yung high school na Syd, ay talagang magugustuhan ko siya. Kaso magkaibigan lang kami.

Napatingin sa amin si Centi at Cisco, isama mo pa si Exis, na gulat na gulat. Akala mo first time na may babaeng lumapit sa akin.

“Syd,” she called out. Ramdam ko yung tingin ni Radio sa amin pero ‘di naman ako sinaksak.

“Hi Coreen, bakit?” tanong ko sa kanya at hinarap siya.

“Pinapatawag ka na nila Marcus. Kailangan daw statement mo,” sabi niya.

Napatingin siya sa mga kasama ko pero wala siyang pake. Pero nahalata ‘ko ang tingin niya kay Abel.

Yung titig na ‘yon, iba talaga.

“Grabe Syd, ‘di namin alam may girlfriend ka na,” rinig kong sabi ni Cisco, kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Tinikom niya naman ang bibig niya at binalik ang tingin sa nilalaro niya.

“Tara na ba?” sambit ni Coreen at nginitian ako. Tumango ako at binitbit yung mga gamit ko.

Nagpaalam na ako kina Exis at tumingin ako for the last time kay Radio, na ngayon ay may kasamang babae sa tabi niya.

Napayuko ako at sa inalis ang tingin sa kanila. Ano pa bang inexpect ko?

Palagi naman.

13

ESTRADA
.

Ilang buwan din ang lumipas. Wala pa ring nagbago. Yung sa amin ni Dio, di naman na ganon ka-awkward.

Minsan napapaisip nga ako na parang okay na lang ako sa ganon, pero parang hindi ko kaya.

I want something more than that. Iniisip ko na baka sakaling magbago ang isip at nararamdaman niya, pero parang hindi.

Minsan, kapag kunwari may iba akong kasama, iba ang inaasta nung lalaking ‘yon. Kumbaga, ang talim niya tumitig—konti na lang, mabutas na ang likod ko at ng kausap ko.

Minsan naman umaasta siyang parang akala mo disease ako. Minsan mabait. Para siyang bipolar na lalaki na kailangan ng dalhin sa mental hospital.

I rolled my eyes at him. Masyado niya na akong tinititigan ng matalim. Dahil ba kay Coreen na ginawa niyang ka-FUBU?

Di ko alam kung anong pinuputok ng buchi niya. Nakuha naman niya gusto niya. Di ko naman inagaw sa kanya si Coreen. Ilang araw ko din hindi inimik ang baliw na lalaking ‘yan sa inis ko sa kanya.

Sarap suntukin ‘yung pagmumukha. Di ko alam kung ano kinakagalit niya. Sinigawan niya ako na parang ako pa ang may kasalanan kung bakit di natuloy yung date nila. Natasha—or Atasha ata ‘yon… ay ewan, pake ko ba don.

Inis pa rin ako sa kanya. Tumayo ako sa kinauupuan ko dito sa coffee shop.

“Oh Syd, san ka pupunta? Mamaya pa class mo, diba?” tanong ni Cisco na may dinudutdot na naman sa cellphone niya.

Di ko siya pinansin at kinuha yung dala-dala kong gamit. Nakita ko sa peripheral vision ko si Dio—na ang lamig kung makatingin sa akin—kaso dinaanan ko lang siya na para bang wala akong nakita.

Porket gusto ko siya, akala siguro ng lalaking ‘to ay bibigay kaagad ako. Ulo niya no.

I scoffed in annoyance, kaso nang makalagpas ako ay hinila niya ang bag ko kaya tiningnan ko siya.

“Ano bang problema mo?” taas-kilay kong tanong, halatang naiirita.

Ayan na naman siya sa tingin niyang di mo alam kung pinapatay ka na niya sa isip niya o pinagmumura.

“Why are you avoiding me?”

Nagtanong pa talaga. Akala mo di niya alam ginagawa niya eh, no? Mga lalaki talaga, kung makaasta akala mo hawak nila buhay mo.

“Syd,” may diin niyang sabi, pero padabog kong tinanggal ang kamay niya sa bag ko.

Banas na banas talaga ako sa pagmumukha niya ngayong araw. Lumabas ako ng coffee shop nang nahihilo dahil sa stress sa kanya.

Habang nandito kami sa Distrito Dos, may gig daw kase itong si Chico ngayong gabi.

Tiningnan ko ang cellphone ko dahil may nag-message. Si Dio na lahat pinopormahan. Tiningnan ko ang message niya.

Bipolar: “I need you, Syd.”

Kunot-noo kong di pinansin ‘yon. Medyo galit pa rin ako sa kanya. As in sobrang lakas ng tugtog dito. Nakita ko si Cisco na may kahalikang babae sa isang sulok. Wala talagang hiya.

Vibrate nang vibrate ang cellphone ko kaya pinatay ko. “Puro tawag, kainis.”

Nakita ko sila Jordan at Marcus na nandito ngayon, nakikipagsiyahan. Nakipagkamayan ako sa kanila.

“Hey bro,” tawag sa akin ni Marcus at tinapik ang braso ko. Tumango ako.

“Do you want some fun? I can get you girls— even boys,” mapangloko niyang sabi sa akin at ngumiti.

Kaya tinakpan ko ang mukha niya ng kamay ko para patigilin sa nonsense niyang sinasabi.

Ayaw ko. Aware naman ako na both attracted ako sa babae at lalaki, pero not to the point na kailangan kong makipag-anuhan sa kanila. Uso ngayon sakit.

Kinilabutan tuloy ako sa iniisip ko.

Ilang oras din ang nakalipas, napaisip tuloy ako kaya binuksan ko ang cellphone ko.

Ilang missed calls na ‘yon galing kay Dio at messages, kaya binuksan ko.

Bungad kaagad—what shocked me even more is may picture pa.

Agaran akong tumayo at nakipagsiksikan sa dagat ng mga tao. May tumatawag pa sa pangalan ko pero wala na rin akong pake.

I need to see him. Lakad-takbo ang ginawa ko papunta sa kotse ko. Pagdating ko sa apartment ni Dio, agaran ko rin binuksan ‘yon.

Ang bigat ng atmosphere—sa sobrang bigat, di ako makahinga.

Nagkalat lahat ng baso sa sahig na basag, babasaging vase, picture frame, yung mga libro ni Dio ay nagkalat kung saan-saan dito sa loob ng apartment niya.

Nakita ko si Dio sa balcony, nakaupo habang may hawak na alak sa kaliwang kamay niya.

His face is full of bruises, dumudugo pa ang noo niya dahil may sugat ‘yon.

Tumakbo ako palapit sa kanya kahit ramdam kong masakit ang paa ko dahil sa bubog na naapakan ko.

Lumuhod ako sa harapan niya at tiningnan niya ako ng malalim. Halata sa mata niya na puno ng lungkot.

“You came so late,” he whispered. Wala akong masabi. Ang bukod-tangi kong sagot ay ang katahimikan.

“Ayaw ko na, Syd. I just wanted to end everything. Pwede ba ‘yon?” tanong niya sa akin at yumuko.

Ang hirap na makitang ganito ang lalaking ‘to. The last time I saw him like this ay nung araw na masakit marinig yung mga sinabi niya sa akin.

Ayaw ko na tapusin niya ang lahat nang di lumalaban. I know his family is abusing him.

His family never treated him as their own child, pero lahat ng luho ay ibinigay sa kanya.

But not the love and care he wanted. ‘Yon ang pamilya niya. Their family is full of mystery.

Maraming kapatid si Dio, pero hindi lang si Dio ang nakakaranas nito. Ang bunso niya ring kapatid.

Hindi na menor de edad si Dio, he can do whatever he wants to do, yet he can’t do it.

Duwag si Dio, at totoo ‘yon. Ayaw niyang lumaban kase alam niyang una pa lang, talo na siya.

Kaya ayaw niyang naapakan ang ego niya kase nasasaktan talaga siya.

“Ang duwag ko kase kahit kailan di ko natutunan na lumaban,” imik niya at tinungga yung alak na hawak niya.

“Tanginang buhay ‘to. Isang beses na nga lang mabuhay, ito pa naranasan ko,” dagdag niya.

Hindi umiiyak si Dio, bukod-tanging malumanay at mahinang boses niya lang ‘yon.

“Everything has a purpose,” sabi ko sa kanya at napatingin siya sa akin.

“Talaga?” tanong niya at tiningnan ako. Napahinto ako at napatingin rin sa mata niya.

Ramdam ko na may kung anong kumikiliti sa tiyan ko. Ang seryoso ng nangyari pero heto na naman kami.

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. “Yeah, lahat naman ng bagay may purpose. May purpose ‘yan kung bakit nangyayari ‘yan,” sabi ko.

“Pero alam mo Dio, lumaban ka para sa sarili mo. Hindi mo ‘yon gagawin dahil gusto mong bastusin ang pamilya mo. You are doing it because of yourself, not them.”

Tumikhim ako.

“Ipanalo mo ang laban mo. Wag mo sukuan. Paano ka mananalo kung di ka susubok? Sa buhay natin minsan talo talaga tayo, pero sa dulo naman, kapag palagi kang sumusubok, mananalo ka rin,” paliwanag ko na may laman.

Totoo naman. Madapa ka man, tumayo ka para magpatuloy. Parang sa mga atleta—kapag natalo o nadapa sila, tumatayo pa rin sila para magpatuloy kahit di nila alam kung mananalo ba sila sa huli.

“My family won’t let me,” he muttered.

Family? He called that his family? Pamilya nga ba?

Family should let you strive for your dreams. A family is a home. Pero para sa akin, ang pamilya ni Dio ay di matatawag na tahanan.

A home should be your safe place, pahinga mo sa nakakapagod na mundo.

A home should be warm and full of happiness. Ang tahanan ay dapat pinoprotektahan ka sa mapanghusgang mundo.

Your family should be your ally.

Pero ni-isa doon, walang naramdaman si Dio.

“So? Kung ayaw nila, bakit di mo subukan? Wag ka matakot sa pamilya mo, Dio. Strive. Make them see na nagsa-strive ka sa buhay. Wag mo ipakita sa kanila na mahina ka, Dio. Show them who you really are. That’s the real weapon.”

Dio’s family’s weakest spot is seeing their children not being scared of them anymore.

Kapag alam nilang di na takot ang mga anak nila sa kanila, natatakot sila dahil alam nilang di na nila mahahawakan sa leeg ang mga anak nila.

14

ESTRADA
.

Matapos ang gabing ‘yon, mistulang naglaho na lang si Radio sa aming lahat. Di ko alam kung nasaan siya. We looked for him — wala siya sa apartment niya, di rin pumasok sa iba niyang subjects.

“Nasaan na kaya si Radio?” Centi boredly said as he rested his face on the desk in front of us.

“Kahit baliw ang lalaking ‘yon, eh tropa pa rin naman natin siya.”

Abel hit him on the head. Centi glared at him at napahawak sa ulo niya kung saan siya natamaan. Para kaming mga bata na nalulungkot dahil walang nanay.

Kita kong si Exis ay nakatitig lang kung saan, kaya tiningnan ko kung sino ang  tinitingnan niya— he is glaring at someone.

Kita ko yung lalaki, maputi ito at may katangkaran? I think same height lang kami, but his body figure is slim. May kasama rin itong babae ba ‘to or lalaki?

Hindi ko mawari dahil may kahabaan ang buhok. Exis scoffed.

“Akala mo ang ganda,” I heard him whisper and rolled his eyes in the air. Di naman pangit, ah.

Ang ganda nga eh, siya lang ‘to kung makareact, akala mo saksakan ng kagwapuhan.

Umalis ako sa bench at pumunta sa room ko dahil oras na naman para sa another session ng class namin.

Ito na namang si Prof Kalbo ang andito at nagtuturo. Bigla ba namang nagpa-quiz, 30 items, di naman nagdi-discuss. Akala mo para kaming robot eh.

Ito namang si Marcus na katabi ko, kung ano-ano ang isinusulat sa papel niya.

Di ko naman siya mapakopya dahil baka mayari kami kay Kalbo — talas pa naman ng mata, kaya kineep ko na lang ang sagot ko sa sarili ko.

Madali lang naman yung quiz, about lang naman ‘yon sa past lessons namin, pero pahirapan pa rin talaga makakuha ng perfect score.

Palakad-lakad lang ako dito sa school hanggang sa may nakabanggaan akong lalaking naka-yellow jersey, number zero.

Agad naman akong nagsorry at pinulot yung nalaglag niyang notebook na kulay blue. Pag-angat ko ng tingin, bumungad ang mukha ni Seth.

Magulo ang buhok nito, parang bagong ligo lang tapos di na nakapagsuklay sa kakamadali. Napangiti siya at binati ako.

“Anong ginagawa mo dito?” taka kong tanong sa kanya habang inaabot sa kanya yung notebook.

Kamot-ulo siyang di makatingin sa akin. “May practice kami diyan sa court niyo,” sabi niya at di makatingin sa akin, kaya hinuhuli ko ang tingin niya.

Tumango-tango na lang ako dahil parang ayaw niya rin akong tingnan, pero bago pa man ako magsalita ay may sinabi pa siya, tumakbo at naglakad palayo sa akin.

Napatanga naman ako. Anong problema nun? Napanguso tuloy ako sa pag-iisip.

Pumunta ako sa isang tindahan at nakashorts lang ako, kakauwi ko lang, at kailangan ko ata mahimasmasan ng kaunti dahil sa init.

“Ate, isang RC po,” sabi ko sa tindera habang sinasalin niya sa plastic. Dinagdagan ko na rin ng isang V-cut at umupo dito sa upuan nilang kawayan.

Habang kumakain ako, di ko maiwasang tumingin sa daanan — baka kasi biglang sumulpot si Dio dito.

Ilang segundo lang akong nakingat, may humigop na sa straw ng RC ko, kaya napalingon ako. Lumakas ang kabog ng puso ko.

Our faces are inches away from each other, parang konting galaw ko lang ay mahahalikan ko na siya.

His eyes are locked into mine, para bang sinusuri niya kung ano ang magiging reaksyon ko.

Nang marealize ko ang mga nangyayari, medyo tinulak ko siya.

“Bumili ka kaya ng iyo, Dio,” iritado kong sambit pero tinawanan lang ako ng kupal.

Ngayon ko lang siya ulit nakita, pero ang bungad ko agad na sabi ay ‘yon.

Gulat kasi ako sa ginawa niya. Pinagpapawisan pa rin ako sa kaba at halo-halong emosyon, but I didn’t let them show because I knew if I did, mahahalata niya ‘yon kaya sa iba na lang ako tumingin.

“Ate, Mighty Red isa lang,” rinig kong sabi niya. Mahirap na ba siya at ngayon Mighty Red na lang ang binibili niya?

Sobranie Black Russian ang sigarilyo niya. Baka nga kinukupit niya pa ‘yon sa tatay niyang naninigarilyo din.

“Naghihirap ka na ba at Mighty Red na ngayon ang sigarilyo mo?” tanong ko sa kanya habang sinisindihan niya ‘yon.

Tinawanan niya lang ako. “No, of course, gusto ko lang i-try. Besides, umay na umay na ako sa Black Marlboro ni Abel,” inilagay niya ang sigarilyo sa pagitan ng mga labi niya.

Tiningnan ko lang siya — perfect nose, perfect jawline, parang nahiya ata pagmumukha ko sa kinis ng mukha niya.

Nagulat ako nang tumingin siya bigla, kaya iniwas ko agad ang tingin ko. Muntik na sana di niya nakita ‘yon.

“Kasama mo si Abel?” taka kong tanong. Tumango siya.

Bwisit na lalaking ‘yon, ilang beses kami nagtanong sa kanya kung nasaan si Radio. Ang sinagot niya lang sa amin: di rin daw niya alam.

He sighed, which I did also. Sabay pa kami kaya nagkatinginan kaming dalawa at medyo natawa.

Kailan nga ulit yung ganito — na usapan na walang awkward scene na nangyayari? It’s been a long time.

“Come with me sa rest house next week, you don’t have any classes, so bawal ka tumanggi,” he retorted and inhaled the smoke from his cigarette.

“Tapos pag-iintayin mo na naman ako ng matagal,” bulong ko at yumuko. Hindi ko pa rin makalimutan ‘yon, parang natrauma na ako.

“What?” he confusedly asked while a frown on his face was evident. “Wala. Ang sabi ko, sige.”

Nagulat naman ako sa sinabi ko dahil di naman dapat ako papayag. Kaso parang di ko kayang bawiin, dahil alam kong naka-schedule na ‘yon.

I should give him a second chance, pero gusto ko magpaliwanag si Dio kung bakit di niya ako sinipot. Pero parang wala akong lakas ng loob kasi alam kong wala akong karapatang magtanong.

Andito kami ngayon sa front desk ng isang hotel.

Di ko alam kung anong pakulo ni Cisco at Centi at talagang nagpahotel pa talaga.

“What the fuck is happening, Centi? Cisco? You woke me up just because of this?” Rinig kong singhal ni Abel sa kanila na ngayon ay namumula na ang tainga sa inis.

“You better be explaining now, Cisco, Centi. Nababanas na ako sa inyong dalawa,” iritadong sabi ni Chico sa kanila.

Yung dalawa naman di makapagsalita. Napahilot na lang ako sa sentido ko, pati tulog ko naudlot dahil sa dalawang ‘to.

“Just wait, okay,” sabi nila parehas. Pumasok kami sa elevator. Siksikan kami ngayong pito dito at di ko alam bakit dito pa talaga nila naisipang mag-ano sa hotel.

Nagkatinginan pa silang dalawa ni Cisco. Nakita kong si Centi ay namumutla na ngayon at parang kinakabahan, kaya taas-kilay ko silang tiningnan dalawa pero iniwas nila ang tingin sa akin.

Tiningnan ko sila Abel na ngayon ay naiinis na dahil sobrang tagal magsalita nung dalawa.

Nagulat naman kami nung lumuhod yung dalawa sa amin.

“The fuck is happening?” Medyo napasigaw si Radio kaya pati ako nagulat.

“Ano kasi…”

“Huy ikaw na.”

Nagsisikuhan pa sila sa harapan namin at nagtuturuan kung sino ang magsasalita sa kanilang dalawa. Lumapit si Radio at Exis sa kanila at parehas silang kwinelyuhan.

Aligaga ang mga mata nilang dalawa sa kaba. Kaya lumapit na ako.

“Exis, Dio, stop it,” banggit ko pero matalim nila akong tinitigan kaya pati rin ako ay tinitigan sila ng matalim.

Binitiwan nila sila Cisco na medyo patulak.


Nakabuntis si Centi.”

We were so speechless. Ano raw? Nakabuntis si Centi? Ayan — imbis na yung nasa taas na ulo ang pagganahin, nasa ibaba ang pinagana.

Lahat kami ay nainis dahil doon.

“Seriously, Centi? Just because of this you called us here? Tanginang ‘yan, deal with your own problem, nandamay ka pa,” buwelta ni Chico.

“It’s a prank,” sabay nilang sabi kaya kami napatanga rin kami.

“Gulat kayo no? Gotcha! Mga mukha niyo parang sasabog na!”

Tuwang-tuwa silang dalawa sa kalokohan nila, nangasar pa si Cisco at nag-apir pa sila ni Centi.

“We are both practicing sex safe, so don’t worry,” mayabang na magkakasabi ni Cisco habang natatawa.

“Tanga, safe sex ‘yon.”

Halos di na maipinta ang mukha ng mga kasama kong naistorbo ang tulog.

Si Abel at Chico ay halos malukot na ang mukha dahil sa kalokohan nung dalawa.

Nagkatinginan si Exis at Radio at nagtanguan.

Hinabol nila silang dalawa at kinorner sa sulok at nagbanat buto.

“Since you both disturbed my sleep and time, face the consequences,” pagkakarinig kong sabi ni Chico.

Ako naman, tawang-tawa sa ginagawa nila ngayon sa dalawa.

“Tulong, bwisit! Gusto ko lang naman i-celebrate yung anniversary nating magtotropa, bakit napunta sa ganito?!” sigaw ni Cisco habang kinikiliti siya nitong si Chico.

Kami naman nila Dio, humagalpakan lang ng tawa. Mga kupal kasi eh.

Ayan ang mga napapala ng mga taong mahilig mag-joke pero di naman nakakatawa.

15

ESTRADA
.

Dio is the one who’s driving. Ewan ko kung ano na namang pakulo ng lalaking ‘to—sabi magmomotor daw kami, ngayon magkakotse? May saltik ata ang lalaking ‘to.

Pero thankful naman ako kasi akala ko i-diditch na naman niya ako at paghihintayin ng matagal. Kung paghihintayin niya ako, sasapaksapakin ko talaga ang pagmumukha niya.

“May gusto ka bang kainin?” he asked while looking at the road. The veins in his hand are visible—grabe, is that even real? It must be goo— the heck, ano bang iniisip ko? Iwinaksi ko ‘yon sa isipan ko at nag-isip na lang ng iba.

“Hindi,” sabi ko na lang, pero parang binetray ako ng sarili kong tiyan kaya halos ipalamon ko ang sarili ko sa sasakyan na ‘to.

He chuckled at niliko yung sasakyan. Nahiya ako, sarap tanggalin ng tiyan ko dahil sa tunog na ‘yon.

Namula ako sa totoo lang. Why the hell am I getting shy? Tinatarantado na naman ako ng buhay ko. Nag-drive thru na lang kami sa mcdo.

Nang makarating kami sa rest house niya, nakakamangha naman talaga—maganda eh. “Where did you get this from?” I asked.

“A gift from my older brother, kay Kuya Darius,” he boredly said as he took his backpack from his trunk. Tumikhim na lang ako at kinuha yung mga gamit ko sa trunk ng kotse niya.

“Matutulog muna ako,” ayan ang sagot niya sa akin bago nagdirediretso sa kwarto niya. Iniwan lang ako dito—bwisit na ‘yan. After ko ayusin lahat ng gamit ko naisipan ko munang maglakad-lakad dito sa rest house niya. In fairness, maganda rin.

First time ko lang din here sa LU. Ang dami kong nakikitang spot dito na magaganda.

Gigisingin ko sana si Dio para magpaalam, kaso pagod siya eh, kaya ako na lang din mag-isa. Nilock ko yung gate at naghanap ng taxi. Sa isang coffee shop ako pumunta—here sa La Union, best shop daw nila dito eh.

Ganda rin ng interior design, parang pangarap ko na tulog magkape. Tumambay muna ako at nagpicture ng aesthetic, pang-myday lang muna. Wala pa atang ilang minuto ay binulabog na ako sa GC ng mga kupal.

GC ng kupal

Chisco: San ka, Syd? Di nagaya!

Exiden: Sarap naman, gusto ko coffee, pwede pa-order? Next week ko bayaran.

Censin: Wag mo bilhan ‘yan si Exis. Yung utang niyang limang libo para sa parts ng speakers niya, di niya binalik.

Exiden: Edi wow. Sana manahimik yung isa diyan na akala mo mauubusan ng pera dahil lang sa limang libo. 🙄

I replied to Cisco’s message.

Dusy: La Union.

Chisco: Di nagaya! Sino kasama mo? Punta kami, three hours drive lang naman ‘yan, diba?

Censin: Eleksyon na, tanga. Kailangan mo na gawan tarpaulin pamilya mo gamit pera ng bayan.

Tinawanan ko yung chat nila na ‘yon. Kaso ay papatayin ko pa lang cellphone ko, may tumawag na agad sa akin.

Sinagot ko naman.

“San ka?” he asked in his raspy voice—halatang kakagising lang.

Di ko naman siya sinagot at nanahimik. Ayaw ko siyang papuntahin dito, mambabae lang eh.

“Syd?” he called out again, kaya nagsalita na ako.

“Coffee shop, I’ll send the loc,” I said. Mukhang narinig niya naman, kaso pinatayan lang ako ng tawag kaya napailing na lang ako.

Habang naghihintay ako sa kanya, may mga babae akong napapansin na tumitingin sa table namin. Di ko na lang tinitingnan, baka sabihin may meaning.

I’m here in LU for vacation, para mawala ang stress—not to look for girls. Kung sila Exis ‘to, baka di pa tumitingin yung mga babae, naka-score na sila.

Ayaw ko sanang pumunta dito si Dio. Gusto ko siyang i-gatekeep pero parang mali.

Mali ba ang inaasta ko? I feel like gusto ko siyang solohin kahit isang linggo lang.

Lumabas ako ng coffee shop at chinat siya na wag akong puntahan doon dahil nasa park na ako. Sinunod niya naman ako.

Wala pa sigurong limang minuto, nasa harap na siya ng park—may dalang pagkain. Binigay niya sa akin ‘yon kaya tiningnan ko ang laman.

Pinapanood ko siyang kainin ang pagkain niya. Yung katahimikan namin, nakakabingi masyado. Kahit nandito siya, parang may kulang. Gusto ko siyang kausapin.

Tinitigan ko lang siya—ganito pala kagwapo ang lalaking ‘to. His hair looks better on him—bagong gupit. His strong perfume invading my nostrils.

Bigla na namang may kung ano sa tiyan ko, same as dati. Nararamdaman ko, di na ata ‘to normal.

Binaling ko na lang ang atensyon ko sa iba. Pumunta ako sa isang duyan at doon umupo. Nahalata niya ata ako kaya sinundan niya rin ako.

I’m swinging myself habang siya, unbothered sa kung ano man. Galit ba siya? Magtatanong pa sana ako sa kanya kaso nagsalita na siya.

“Do you want to come with me sa near beach dito?” salita niya nang di tumitingin sa direksyon ko. Hininto ko yung duyan at nagsalita.

“Sige, kahit saan.”

Basta kasama kita. Gusto ko sanang idagdag ‘yon kaso wala akong courage para sabihin ‘yon, kaya binalewala ko na lang.

Kaya ko bang ilihim pa ito? Kaya ko bang indahin lahat ng pagpipigil ko na wag sabihin ang lahat?

Gusto ko mahalin ako ni Dio katulad ng pagmamahal ko para sa kanya, pero kaibigan lang talaga ako sa paningin niya.

Mali bang mahalin ko ang lalaking nasa gilid ko ngayon na hindi ako mahal? Bakit iniisip kong mahal ko siya, eh gusto ko lang naman siya?

Dapat ba kapag gusto mo, mahal mo na kaagad? Di ko mapagtanto—normal lang ba na sabihin ko na mahal ko siya?

Magkaiba ba ang gusto sa mahal mo na?

Habang naglalakad kami sa dalampasigan, di ako makatingin sa kanya. Ang layo ng distansya naming dalawa sa isa’t isa, but his presence makes me calm even more.

“Ang ganda ng sunset no?” he asked, kaya napatingin ako sa kanya.

“Oo nga eh, ang ganda,” I softly looked at him. I agreed at ibinaling na lang ang atensyon sa iba.

Kung alam mo lang, Dio, gusto ko na panoorin natin magkasama ang paglubog ng araw. Because if the sun sets down, there will be a night and a new day to start with.

Kasi kapag palubog na ang araw, para sa akin, hindi pa tapos ‘yon dahil magliliwanag pa rin siya kinabukasan.

I still hope that I will be your sunset—not your day, nor your night—because I want to be the one who shines brightly in your life.

Tanginang pangarap ‘yan, Syd. Parang hanggang panaginip na lang.

Napangiti ako ng mapait sa sarili ko. Ang hirap pala kapag di ka sigurado—hindi mo alam kung yung susugalan mo ba ay siguradong panalo ka.

Mahal ko siguro si Dio, kaya nangangarap ako nang di niya alam. Mali bang pangarapin na makasama ko siya? Minsan na nga lang matupad ang pangarap, bakit di ko pa taasan?

“Syd, gusto ko na magseryoso.” Nabaling ang atensyon ko, pero parang sinasaksak naman ako ng ilang kutsilyo sa puso ko.

Nervousness were all visible in my eyes.

“Ha?”

“Gusto ko na magseryoso. Do you know Abel’s sister, si Ate Aya? Talagang nahulog na ako sa kanya. Gusto kong pagsikapan ang ‘
oo
’ niya.” I saw his smile—it’s a genuine and sincere smile.

Habang sinasabi niya ‘yon, gusto ko umiyak, tumakbo, umalis at magtago palayo sa kanya—yet I couldn’t even do it. Tanging sagot ko lang ay:

“Grab the chance.”

Tangina, papaubaya na naman ako? Kailan ba matatamasa ang isang radyo sa buhay ko?

If I were a girl, would you like me also, Dio?

Gusto ko itanong ‘yan pero parang mali. Sa akin pa talaga niya sinabi ‘yon? Sa akin pa—na mahal na mahal siya.

Tanginang pagmamahal ‘to. Ang sakit naman. Ang sakit mo naman mahalin, Dio.

Kailan ba magiging ako? I thought I was okay being your friend right now, yet I wish something more than that.

16

ESTRADA
.

Tinatawanan ako ni Exis ngayon na nasa harapan ko, na para bang akala mo ang laki ng kasalanan ko sa kanya. Binato ko siya ng dala kong notebook.

“Ayan, tanga ka kasi. ‘Yan tuloy, may nililigawan na. Suko ka na, Syd. Wala na, seryoso na ‘yon sa kapatid ni Abel,” natatawa niyang sabi habang tinatapik ang balikat ko.

Ilang araw din akong walang imik sa mga kaibigan ko, lalo na kay Radio. Tahimik lang din akong pumapasok sa room namin.

Iniiwasan na rin ako ni Coreen, ni hindi ko nga alam kung anong problema, pero hinayaan ko na lang din.

Magmo-move on na ba ako? Pero parang ayaw ko. Paano ba? Baka may pag-asa pa ako, since Abel’s sister is into girls.

Mas mukha pa atang mananapak ‘yon kaysa kay Radio.

I sighed. Andito ako ngayon sa 7/11 para magpalamig. Ang init kasi sa labas kahit gabi. Nakaharap ako mismo sa glass wall nitong convenience store.

May dumamping malamig sa pisngi ko. When I looked up, it was Seth smiling from ear to ear.

“Hi,” he greeted me. Namumula pa nga ito, di ko alam, baka may sakit ang lalaking ‘to.

“Beer?” alok niya at inabot sa akin. Kinuha ko ‘yon at nagpasalamat. “Sorry, Syd ha, kung di kita nakausap nung nakaraan at tinakbuhan lang kita.”

Ngumiti ako at nag-thumbs up, “Okay lang.”

“Sorry talaga, Syd ha,” sabi niya pa kaya tiningnan ko na siya ng masama. Hay nako, puro sorry, nababanas na ako.

I drank the liquid from its can. The bitter taste of it made my nose scrunch. Sa sobrang tagal kong di nakainom ng ganito, iba na ang lasa.

“Can you come with me? Nature trip?” bigla niyang sabi. “Do you have any plans for your vacation? I can adjust my schedule for you,” sunod niya pang tanong.

Sasama ba ako? Nature trip kasama si Seth? Hindi ba weird ‘yon? Magkaibigan naman kami, kaya okay lang siguro.

“I’ll check my schedule,” I uttered and smiled, at nginitian rin niya ako. Yung presence ni Seth ay nakakalma talaga. Ewan, kapag kasama ko si Seth, komportable ako.

He is such a good friend.

Padabog akong hinarap nila Centi at Exis ngayon. Mga nakabusangot, parang akala mo may mga kaaway. Magkasalubong ang kilay nila parehas.

“Wag niyong harapin ako ng ganyang itsura niyo. Pati ako nababadtrip,” sabi ko sa kanila ng walang alinlangan.

“Banas talaga yung kupal na ‘yon. Porket alam niya na naibagsak ko isa kong subject, ginaganyan niya na ako. Ang tanga ko raw,” Exis uttered.

Halos di mo maipinta ang mukha niya, parang anytime mananapak na siya.

“Tanga ka naman talaga, nasasaktan ka kasi totoo,” natatawang sabi ni Centi at pabirong sinuntok ang braso niya. “Malay mo, maging kayo.”

Pagbibiro niya, yung isa naman akala mo diring-diri eh, “I’m straight,” depensa niya.

“Mamaya makita ka namin iniiyakan mo ‘yon,” natatawa kong sabi sa kanya.

“Whatever, that guy isn’t funny at all,” he said, rolling his eyes.

“Any plans for our vacation?” tanong ni Cisco, kaka-rating lang.

“Well, me and Radio are going to our hometown. Pinatawagan kasi siya ng tatay niyang baliw,” ani ni Centi.

“Ikaw, Cisco?” I asked.

“Well, election is coming up. I need to help my family,” he sighed. Labag talaga sa loob niya ‘yon. Nakakasira pa ng image niya yung pagiging parte ng pamilya ng Mallari.

Nang magbakasyon, tambay lang muna ako sa bahay. May pasok pa kasi si Seth. Chat na lang daw niya ako.

Lumabas ako ng bahay nang gabi na. Nagugutom kasi talaga ako, parang gusto ko ng lemon square. Ang dilim pa dito sa dinaraanan ko.

Sisigaw na sana ako nang may humila sa akin, tinakpan ang bibig ko. Gulat akong tumingin kung sino ‘yon.

“Chico?” I whispered. “What the heck are you doing? Hinila mo pa talaga ako!” pasigaw kong sabi pero mahina lang.

“Sorry. Help me. Kailangan ko magtago,” aligaga niyang sabi at tumitingin sa daanan.

“What? Ano na namang ginawa mo?” worried kong sabi sa kanya.

“Sumali ako ng gang.”

Gang? Confused kong tanong sa sarili. Si Chico sasali sa gang? Baliw ba ang lalaking ‘to?

“Gang?” taka kong tanong, halatang naiirita na ako.

“Gang… kaibigan lang,” natatawa niyang sabi. Tinulak ko siya nang naiinis. Tarantado talaga ang lalaking ‘to.

“Tangina mo,” mura ko sa kanya at masama siyang tiningnan. Natatawa pa siya sa kabaliwan niyang ginawa.

Nabaling naman ang atensyon ko dahil may narinig akong kumakaluskos sa damuhan.

“WAH!” panggugulat ni Centi. Sumigaw si Cisco kaya lahat sila lumabas.

“Ano ba ‘yan, panira sa prank si Cisco,” kamot-ulo na naiinis na buwelta ni Abel.

Lahat sa kanya nakatitig ng masama.

“Sorry, natakot ako. Pati ako na-prank,” nauutal niyang pagkakasabi.

“Exciting part na ‘yon eh, panira ka talaga ng trip,” pagrereklamo ni Exis na napakamot sa ulo dahil sa inis.

“Pinractice na natin ‘to kanina, yung prank natin, diba? Di mo pa rin nagawa. Dapat ikaw tinatakot eh.”

Lahat sila napakamot sa ulo. They sighed in unison. Ako naman, nakatingin sa kanila nang naiinis.

“Ano na naman mga pakulo niyo?” I crossed my arms at them. Naghilera-hilera sila sa harapan ko. Nakabusangot ko silang tingnan.

Nawala gutom ko. Buwisit.

Lumapit sa akin si Centi at inakbayan ako ng nakangisi, “We just wanted to celebrate.”

Celebrate? Para saan? Wala namang okasyon. Atsaka di ko naman birthday. Did I forget something?

“Para saan?” kunot-noo kong tanong sa kanila.

“We’ve been stressing you out for almost a month now. I think we need to make it up to you. So let’s have a drink at your house,” Chico replied.

Buti alam nila na nas-stress ako sa mga kabaliwan nila.

Ako ang pinapaproblema nila sa problema nila. I rolled my eyes at them. Wala man lang apology na maayos.

“Father of the group ka namin eh—I mean, mother of the group. You look like my mom, putak nang putak everyday,” Exis teased, kaya kinuha ko ang tsinelas ko at inambahan siyang batuhin.

This brat. Magtago siya sa likod ni Abel.

“Fine, tara na sa bahay,” sabi ko sa kanila at tinalikuran sila.

Mga lalaking ‘to. Mabuti at aware sila na nababanas ako araw-araw dahil sa kanila.

“WALWALAN NA!” pasigaw na sabi ni Cisco kaya halos mabulabog mga kapitbahay ko. Baliw talaga, parang akala mo walang delikadesa.

Pansin kong si Radio ay nasa gilid lang, nanahimik pero minsan nakikitawa lang.

Nahuli niya ang tingin ko. He raised both of his eyebrows at me at umiwas sa tingin ko.

Wala naman kaming problema sa isa’t isa, right? So we should be fine. Ako lang ata ang may problema sa aming dalawa dahil di ko matanggap.

Pagdating namin sa bahay, ngayon ko lang napansin na may mga dala silang mamahaling alak. Gusto ata talaga magsunugan ng atay.

Kapag ganito kasi na marami silang dala, may celebration. Parang ano na namin ‘to—gawain na talaga, routine na every year.

Sinindihan ko yung lights dito sa may likod ng bahay namin, yung pailaw na medyo brown. At mga chairs, sila Cisco naghahanda at nagluluto ng barbecue. Nagtatalo pa sila ni Exis kung luto na ba o sunog—eh parehas naman silang di marunong magluto.

Di ko pa rin maiwasan na mapatingin kay Radio. His outfit kinda suits him. Bagay na bagay sa kanya.

He is just wearing a simple compressed sando, gray sweatpants, and a gray beanie. His veiny arms are showing off at yung tattoo niya sa isang braso.

“Malusaw ‘yan,” bulong ni Abel na natatawa kaya binato ko siya ng basahan at natamaan siya.

Nakasimangot tuloy ako hanggang sa makaupo kami. Sari-saring alak ata ang nasa harapan ko.

Yayamanin talaga mga tropa ko. Pwede na makabuhay ng sampung henerasyon.

“Kailan ba tayo nagsama ng ganito ulit?” tanong ni Chico habang nilalagok yung alak na kinuha niya.

Natawa kami, “It’s been a long time,” Chico replied.

Oo nga. Ang tagal din nito bago ulit mangyari. Kung di lang humiwalay yung dalawa, baka taon-taon may ganito.

“Cisco, punong braso tayo,” aya ni Radio sa kanya.

“Tanga, di kita papatulan. Kalaki mong tao eh,” depensa niya at umiling.

“Si Centi na lang,” turo ni Cisco.

“Luh, papansin ka. Laki mong tao, natatakot ka kay Dio,” reklamo ni Centi.

“Damay-damay mo pa ako diyan eh ikaw naman tong takot sa kanya.”

Natatawa ako at nagbabangayan sila ng ganito. I love the way we talk like this. Sana di matapos.

“Suntukan na lang,” natatawang sabi ni Exis.

“Centi, deal with Dio. Tutal parehas naman kayo mahilig makipagsuntukan nung high school,” sabi ni Exis, g na g naman siya sa kalokohan na gagawin nila.

17

ESTRADA
.

Lasing na lasing na sila Cisco na katabi ko ngayon, si Exis ay sumusuka doon sa gilid, tapos ako paglilinisin—ako lang ata ang hindi lasing dito.

“Tumayo na kayo diyan,” sabi ko at hinila si Cisco, pero ungot lang ang narinig ko sa kanya.

Ayaw ko sanang akayin papasok sa loob ang mga kupal na ‘to. I was struggling to stand up because of the dizziness I was feeling.

I’m definitely aware of my surroundings, hindi ko lang talaga masteady ang paningin ko.

Hinanda ko na rin naman yung higaan sa may sala para di na kami aakyat sa taas—ang hassle masyado. I walked towards the main door para makapunta sa lababo namin.

Ramdam ko talaga yung hilo kanina pa, pero di naman ako ganon kalasing—sadyang tinamaan lang ata ako. After I washed my face, I came towards the foam in the living room at doon sinalampak ang sarili ko.

Mamaya susunod na yung iba para humiga. Mataas naman talaga tolerance ng mga ‘yan, mamaya mahihimasmasan din ‘yan. Nakatulog lang ako ng nakasando at boxer shorts.

Sobrang init naman kase. Dumapa ako habang nakahiga, kase komportable.

I was startled when my phone rang. I was half asleep, yung mata ko ay nakapikit pa habang sinasagot ang tawag.

“Hello, good morning Syd. Alis tayo later, hapon. My class already ended,” he said on the other line. Wala pa ako sa huwisyo kaya pinatay ko ang tawag at chinat na lang siya na sige, maghahanda na ako.

Bakit ba ang bigat ng nakapatong sa akin? Tsaka ko lang narealize nang minulat ko ang mata ko—I was startled with the arms full of tattoos wrapped around me. It’s definitely Dio, his face is a few inches away from my nape.

Ang init ng bawat pinapakawalan niyang hininga. I became flustered by it, pinamulahan ako at halatang nahiya medyo. But I like the feeling.

Wala naman sigurong malisya kapag sa kanya, pero kapag sa akin, meron—may meaning na. I stayed there until I became satisfied. I looked at him, admiring his sleeping face.

His tall nose bridge, thick eyebrows, a mole in the left eye, full lips. His black undercut hair. Ang gwapo ng katabi ko.

I touched his face, tracing every inch of it with my index finger until it traveled to his tall nose. Yung kaba na nararamdaman ko kanina ay napalitan ng saya.

Napansin kong gumalaw ang mata niya kaya agad ko ring inalis ang kamay ko at pumikit.

I held my breath—parang kapag gumalaw ako, mahuhuli niya ako.

He moved a bit, at siguro nakamulat na ang mata niya. It became seconds until it became minutes, pero tumayo na rin siya after non.

Nakahinga ako ng maluwag at minulat ang mata ko. Sobrang lakas ng kabog ng puso ko, kunti na lang at baka lumabas na.

I closed my eyes tightly, calming myself down. I let myself drown in thoughts. Tangina, muntik na.

Umalis na sila Cisco dahil kailangan na niyang mag-asikaso. Si Abel aalis na papuntang Paris. Radio and Centi are going back to their province. Then Exis will be celebrating his parents’ birthday in Cebu.

Ako lang ata ang naiwan dito. Habang inihahanda ko ang mga gamit ko para mamaya, I looked at the picture frame of our group—it was our first picture nung nagkita kami somewhere in camp.

It was a great experience I’ll never forget. Kinuha ko lahat ng essentials na magagamit ko, sabi sa akin ni Seth, one week daw kami sa pupuntahan namin.

We are going to hike, try new places, eat food at marami pang iba. Hindi ko alam bakit ako ang sinama niya.

Wala ba siyang girlfriend?

Habang naghihintay ako sa labas ng bahay namin, ilang minuto rin akong naghintay kay Seth bago siya dumating.

He is wearing a plain Oxygn white t-shirt, denim pants, and an Omega watch. He is wearing a backwards cap.

Bagay na bagay sa kanya, sa totoo lang. Tinawag niya ang pangalan ko kaya nabalik ulit ako sa realidad. I stared at him too much.

Napakamot ako sa pisngi ko at pumasok sa kotse niya. “Coffee?” he offered, which I gladly accepted. I smiled and gave him a thanks.

Habang nasa biyahe kami, tinanong ko kung saan kami pupunta. Sa Tarlac daw—mahaba-haba atang biyahe. Kinakausap ko lang siya baka kase makatulog.

Gusto ko nga siyang palitan sa pagda-drive, kaso baka masira ko kotse niya. Tiningnan ko lang siya.

“Nagugutom ka ba? We can stop over naman,” he said while looking at the road. Nag-agree naman ako kase ramdam ko na yung gutom.

Huminto kami tapos bumaba sa sasakyan. I wore my jacket dahil gabi na. “Where do you want to eat? Steakhouse?” he asked while standing next to me.

“Ikaw, saan mo ba gusto?” I asked. He laughed a bit at sinabing steakhouse na lang daw, kaya doon kami kumain. Ang mahal nga dito. Afford ko naman, pero bakit dito pa?

While we were sitting and waiting for our order, nagtatanungan kami sa isa’t isa hanggang sa dumako ‘yon kay Dio.

“Kamusta kayo?” he asked.

“Ni?”

“Dio.”

“Ah, okay naman. Magtropa naman at may nililigawan na,” mapait kong sabi. Parang may bara ang lalamunan ko habang sinasabi ko ‘yon.

Tumikhim siya.

Dumating yung order namin pero habang kumakain kami, nabalot na naman kami ng katahimikan. Hindi awkward yung katahimikan—komportable lang.

“Where do you want to sleep? One bed lang kase nakuha ko, they said it’s full,” he said when he came out from the bathroom, just wearing boxer shorts and a white sando.

“I’ll sleep on the couch,” I responded and took the blanket and one pillow.

Aalis na sana ako pero hinila niya ako sa palapulsuhan ko. We both looked at each other when he did that, at napatingin ako sa pagkakahawak niya sa akin. Pero binitawan niya rin ‘yon.

He coughed kaya nagtanong na ako, “Bakit?”

“Let’s share a bed,” sabi niya habang di makatingin sa akin. Sure ba siya na gusto niya akong tabihan? Malikot pa naman ako matulog.

Pero nag-agree na lang din ako—mananakit din kase likod ko eh. When I lay beside him, we were both facing the ceiling. The aircon was the only thing making sound.

Hindi pa ako inaantok. Parang may gusto akong gawin pero di ko alam kung ano ‘yon.

“Syd,” he called out, kaya napatingin ako sa kanya. Di ko alam pero yung tingin niya ay iba talaga—may laman. Maybe nag-o-overthink lang ako, kaya di ko na lang pinansin.

“Is there any possibility that you will fall in love again after him?” bungad niyang tanong.

Yung tanong niya halatang seryoso. Iibig ba ako after ni Radio? Kanino naman?

I wasn’t even moving on right now—still waiting for the right time na ako naman ang  gustuhin niya. I sighed.

“I don’t know. I haven’t figured it out yet.”

Di siya umimik kaya ako ang nagtanong, “Do you have someone right now? A girlfriend?”

He laughed, “I don’t have one, but I like someone right now.” I could observe his voice—it sounded disappointed.

Bakit kaya? Rejected ba siya?

“But he likes someone,” he added. That’s why I tilted my head on him and he was looking at me directly.

Kumabog ang puso ko. I can’t control it. Kung ano-ano na ang pumapasok sa isip ko. Tangina. Ano ‘to?

Bakit siya ganyan makatingin? Nag-o-overthink lang siguro ako, binaling ko na lang ang atensyon ko sa iba.

Maybe I was hallucinating.

18

ESTRADA
.

“Syd, wake up. We need to go now,” rinig kong sabi sa akin ni Seth at ramdam kong tumayo na siya sa kama.

Sumunod naman ako, kinalimutan ko na rin yung tungkol kagabi because it’s so unnecessary to think about. Pinagiisipan ko ng gano’n si Seth kahit hindi naman dapat.

I took a warm shower dahil sobrang lamig pa. It’s already 5:00 AM in the morning, we will start hiking at 5:30. May mga kasama naman kami.

“Did you forget your beanie?” he asked, fixing his shoes. I nodded in response. “I’ll lend mine.”

He took off his beanie and gave it to me. Di naman ako marunong mag-hike, sinama niya pa ako.

Wala naman na akong magawa kaya hinayaan ko na lang. Di niya naman ako papabayaan.

When we arrived at Iba Mountain, di pa ata kami nagsisimula ay natatakot na akong tumuloy.

Sino ba namang taong maayos ang isip ang gugustuhing pumunta sa ganito?

“Hey, are you okay? Pwede naman natin ‘to ‘wag ituloy,” I heard Seth’s voice. Umiling ako.

Nakakahiya naman, ayaw ko na ihinto niya lang ito dahil sa takot ko. “I can do it.”

“Sure ka?” he asked one more time kaya tango na lang ang naging response ko sa kanya.

Inilalayan niya ako habang nauuna ako sa kanya. Sabi niya sa likod niya lang ako, in case na may mangyari. Habang paakyat kami, gano’n din kalala ang kaba ko at takot na baka bigla akong magpagulong-gulong.

He gave me a stick that I could use to support myself. Nahihirapan ako sa bawat apak na ginagawa ko.

He walked beside me, nakatingin sa akin nang nagaalala.

Nag-thumbs up lang ako sa kanya, ayaw ko na mag-worry pa siya don. Wala pa atang sampung minuto, natapilok na naman ako.

I was ready to roll down from this height, yet I didn’t even feel the ground hit my body.

Hindi ko maimulat ang mga mata ko sa takot pero mahigpit ang hawak ko sa taong sumalo sa akin.

Tsaka ko lang narealize ang lahat ng ‘yon nang tinawag niya ang pangalan ko, kaya napamulat ako.

Namula ako bigla kaya medyo tinulak ko siya para makawala sa hawak niya.

Yung mga kasama namin ay napatingin sa amin, kaya tuloy-tuloy ang lakad ko, nauna kay Seth. I’m so embarrassed for what I did. Ayaw ko na.

Ilang minuto rin bago kami nakaakyat sa mismong tuktok. A smile made its way to my lips. Ang ganda.

I took my time to admire how beautiful the nature is.

Ang ganda. “Do you like it?” he asked, kaya napatingin ako sa kanya at tumango.

We smiled at each other at binaling ang tingin ulit sa view sa harapan namin.

“I’ll take a picture,” paalam niya sa akin kaya pumayag ako. Pwede na ’to pang new update sa IG.

We both took a picture, also a groupie. We stayed there for almost two hours before deciding to get down.

It was fine. Sobrang mahangin at nakakalula. At first, I was really scared to look down pero na-encourage talaga ako ng mga kasama ko.

Gusto ko rin pumunta ulit dito, pero kasama ko na mga friends ko.

Pagod akong pumasok sa sasakyan. I let out a sigh.

“Did you have fun?” he muttered at ngumiti ako dahil sa saya.

It was fun. Really fun! “Salamat, Seth. Nagenjoy ako sa hiking na ’yon kahit at first natatakot ako,” paliwanag ko sa kanya. I smiled really genuinely at gano’n rin ang binigay niya.

“Do you want to come with me sa flower field tomorrow?” he asked again, and I willingly agreed.

Masaya talaga kasama si Seth. It was a great day, as in.

Swerte talaga ng magiging jowa nitong lalaking ’to. Ang yaman pa at sobrang pogi. Kung babae ako, crush na crush ko siya.

Seth looked at me with those eyes again. Naramdaman ko na naman yung pagtataka.

Ganito ba talaga siya makatingin? Nagiwas rin siya ng tingin sa akin.

Kaya umayos ako ng upo. This feels like heaven. Yung katahimikan namin is di gano’n kabigat—just a comfy silence.

Gusto kong magpatugtog kaya kinalikot ko yung player niya sa harap. It was Falling In Love by CAS.

Papatayin ko na sana ‘yon kaso nagsalita siya. “Don’t. That’s my favorite.”

Umupo ako nang maayos. The song played. I knew this song, yet it’s not my favorite.

When I hold you close to me
I could always see a house by the ocean. He sang this part. Ang ganda ng boses niya.

Last night I could hear the waves.

As I heard you say,

‘All that I want is to be yours’

Falling in love

Falling in love

Deeper than I’ve felt it before with you, baby

I feel I’m falling in love with all my heart

The song made its way to my head. I could hear every word the singer sang—including his voice.

The way Seth sang the song, it left a mark on my head. All I could think of was the way I and Radio got so close, how we spent our free time together. In my busiest days, he was there.

Falling in love

Falling in love

Deeper than I’ve felt it before with you, baby

I feel I’m falling in love with all my heart

I miss him already. Tangina kasi ng puso ko eh. Minahal kasi masyado ang kaibigan na dapat kaibigan lang. I should have known it in the first place.

Mahal ko talaga ang lalaking ‘yon—hindi nga lang bilang kaibigan.

I zoned out, kaya di ko na namalayan na nakatulog na pala ako. Di ko na kinaya ang antok na nararamdaman ko.

Pagising ko na lang ay nasa kama na ako. I don’t know where Seth went pero nandito pa rin ako sa kama at nag-iisip ng mga nangyari kahapon.

Iba rin ang experience na ‘yon, talaga. Di ko akalain na mae-experience ko siya.

Lumabas ng banyo si Seth, he was topless. Only the towel is wrapped around his waist. I can see how well his body is built.

I was amazed. Kung ganito lang katawan ko, ilalantad ko ’to sa mga tao araw-araw.

“You’re drooling.”

Nabalik naman ako sa realidad nang sabihin niya ’yon. Ako naglalaglag sa kanya? As if. No.

Kung ano-ano talaga pumapasok sa isip ng ganyang lalaki. Hindi ba pwedeng na-amaze lang?

“What a show-off,” I scoffed. I rolled my eyes at him and got up from the bed.

I heard him laughing behind me before I entered the bathroom.

May sira na talaga ang ulo ng lalaking ’yan. Pumasok ako sa banyo at naligo. I think I need a cold shower.

I looked at the mirror in front of me. Grabe, ang gwapo ko pala talaga. Sumilay ang mapaglarong ngisi sa labi ko.

Walang binatbat ang kagwapuhan ni Exis sa akin. Kung ano-ano na naman pumapasok sa utak ko.

Paglabas ko ay nakabihis na si Seth. He is wearing a white t-shirt partnered with khaki pants and also a brown cap.

He is also wearing a silver necklace. Napansin ko rin ang nunal niya sa batok niya.

Naramdaman niya siguro ang presensya ko kaya nilingon niya ako.

Nagtama ang paningin naming dalawa pero umiwas rin ako.

Nagbihis na lang ako. I wore black long shorts, Vans partnered with white Nike socks, and also a blue hoodie.

Di ko alam kung anong klaseng outfit itong sinuot ko pero pwede na ’to.

I ruffled my own hair and let out a sigh. I saw Seth took his keys.

“Let’s go,” he muttered. Inakbayan niya ako palabas. His strong perfume again invaded my nostrils.

Hinayaan ko lang siya sa gusto niya. Okay lang naman. I’m comfortable with him doing this.

19

ESTRADA
.

While we are here at the feild, ang daming bulaklak dito — they are so beautiful. Mangiyak-ngiyak ako noong hinawakan ko ‘yon.

Seth is just there, moving some pots in their places. Napag-utusan kasi ng matandang babae. He is willing to help so it’s not a bother to him.

I was startled when Seth whispered in my ear. Kinilabutan ako sa ginawa niya, “what’s your favorite flower?”


Peonies
.”

Umalis siya sa harapan ko at naglakad palayo.

I didn’t pay much attention to it and just went back to what I was doing earlier.

Minutes passed at bumalik siya na may dalang bulaklak at ibinigay ‘yon sa akin. Napatulala pa ako sa ginawa niya.

“What’s this?” I asked in confusion.


Flowers for you.”

Nahihiya niyang sabi at tinakpan ang mukha niya gamit ang bouquet ng flowers.

Nakikita kong namumula siya — dahil ba sa init ‘yon? Eh hindi naman mainit ah.

Kinuha ko ‘yon sa kanya. I smelled it, ang bango. “Thank you, Seth,” I said genuinely pero di naman ito makatingin sa akin.

I decided to take a picture of him on my phone.

“Hold this,” atsaka ko ibinigay sa kanya. Confusion is written all over his face.

Mas lalo pa siyang namula — iisipin ko talaga na baliw ang lalaking ‘to.

Nang matapos ‘yon, tinanong niya ako kung nagustuhan ko raw ba. Ako naman, sinagot ko siya ng oo.

Pero in fairness, ang ganda talaga dito sa lugar na ito.

Pwedeng pang tourist spot kung mahilig kayo sa mga bulaklak. Grabe, tapos pwede rin bumisita sa mga farms nila dito.

I’m amazed. Parang gusto ko na tuloy tumira dito — ang ganda.

We lost track of time, medyo maghahapon na pala. My stomach is already growling because I’m starving.

I let out a sigh as I tugged Seth’s shirt na ngayon ay focused sa kung ano man ang ginagawa niya. “You hungry?”

Tumango ako. Iniwan niya yung ginagawa niya at naghugas ng kamay bago kunin ang mga gamit ko.

Nag-insist ako na huwag na pero mapilit talaga siya — ayaw niya paawat. Hinayaan ko na lang siya sa gusto niyang gawin.

We ate at the resto he suggested. Lahat ng expenses ko ay siya lahat ang gumastos.

Tangina, nakakahiya na nga eh — gusto ko ako naman sana ang gagastos, pero wala, yung pera ko binabalik niya lang din sa akin.

I let out a sigh of relief nang busog na busog na ako sa kakain.

I think my stomach is bloated from it. Natatawa niya akong tiningnan kaya nakasimangot ako sa kanya.

Tinawanan lang din ako — grabe mang-asar ang lalaking ‘to.

Days passed and it’s our last day from our one-week vacation here in Tarlac. It was a great experience talaga for me.

Grabe yung saya, naglibot kami kung saan-saan, naligo sa dagat at nagpa-spa.

Lahat ng problema ko nawala kahit papaano. I need a break like this all the time.

Andito kami ngayon sa camping site, kami lang dalawa — just watching the river flowing. It was clear and I can see fish swimming there.

The sun set high in the sky, it’s reflecting and all the trees were being blown by the wind.

I can hear the birds chirping around. Ang peaceful.

We are just taking a moment to let ourselves drown in the sight in front of us.

Ngayon ko lang narealize na gusto pala nitong si Seth ang nature. Nature person pala talaga. He loves beautiful places — especially this kind of place. Siguro tumira siya dati sa bundok.

He spoke. There is a gap between us but he filled it with his body — he closed the gap.

Wala naman akong problema doon, besides there is nothing between us.

“How’s the experience?”

“It’s a fun experience, Seth. Thank you talaga sa pagdala mo sa akin. Kahit papaano ay lahat ng problema ko nawala, nakalimutan ko na nga eh,” natatawa kong paliwanag.

“I’m glad to hear that.” He muttered and smiled.

He looked at me again with the same admiring eyes of his. Ito na naman yung tingin niya kaya nag-iwas na ako.

“Hinahanap ka na ba nila Dio?” tanong niya sa akin. I was moved by the sudden question, di ko nasagot. I forgot about Radio’s existence for the meantime because of Seth’s presence.

“I think I know your answer,” he chuckled and bowed his head a bit.

Oo nga no, bakit ko nakalimutan yung lalaking ‘yon? Because of the happy experience Seth gave me.

Iniisip ko pa rin hanggang ngayon kung para saan ba ang lahat ng ‘to. Seth has friends that he can ask to accompany him in this kind of trip, yet he asked me.

Mukhang nahulaan niya ata ang tanong ko.

“Do you know ba kung bakit dinala kita dito?” he asked.

Yung mga mata niya na nakatitig sa akin, hindi ko maiwasan ang mga mata ko sa kanya — na kung makatingin ay malaman ‘yon.

The expression in his eyes can say all the things he wanted to say to me, yet I didn’t jump to conclusions.

The world stopped for a moment. My heart beat so fast na para bang anytime na lang ay malalaglag na ‘to.

My breath became rapid.

“Kasi gusto kong makalimutan mo siya. Grabe ang selfish ko na gusto kong kalimutan mo yung lalaking gusto mo,” he uttered. Binaling niya ang atensyon niya sa iba.

“Ang pangit ng timing na ‘to, wala akong magandang preparations pero ‘wag ka sanang magalit.”

Kumabog ang puso ko. Ano bang ibig niyang sabihin? Gusto ko talagang marinig, pero tama ba na marinig ko ‘to?

Huminga siya ng malalim bago niya pakawalan ulit ‘yon. The next thing he said made my heart feel uneasy.


Gusto kita, Syd.”

Napayuko siya. I can see the tears flowing down his cheeks.

“I know I will never be in your life, pero gustuhin ko man, alam kong ayaw mo. Sorry for being selfish because I wanted you to stop your feelings for him.”

“Bakit nag-a-advice ka pa rin kung alam mong gusto mo pala ako?” tanong ko sa kanya.

“Kasi gusto kong maging masaya ka. I didn’t know if ina-apply mo ba yung mga advice ko. I became the man to put everything behind so you could be happy. Pero nung nalaman ko ang mga ginagawa niya sa’yo, doon ko lang narealize na I should protect you from him. Pero paano? Kaya sa ganitong paraan ko ginagawa — maybe small things like this made you forget all the pain you’ve gone through with him.”

“Nasasaktan ako sa tuwing nasasaktan ka. I want you to be happy at least. Pero maybe I think I’m just doing this because I wanted you to fall for me — hindi dahil gusto kong kalimutan mo siya,” pagpapatuloy niya.

“Sorry for being so selfish. Iniisip ko lang ang magiging kasiyahan ko kaysa sa kasiyahan mo,” he said while still crying.

Hinarap niya ako, may sipon pa siya. He is crying badly.

“Selos na selos ako sa tuwing kasama mo siya pero wala akong magawa. Ano bang karapatan ko?” He even choked on his own words.

My heart softened by his words. Paano ba ‘to?

Anong gagawin ko? I cupped his face, wiping his tears with my thumb. He is crying so badly.

“Seth, alam mo namang si Radio ang gusto ko, hindi ba? Ayaw kong sukuan si Radio, Seth. Kasi parang may pag-asa pa ako,” sabi ko sa kanya.

He nodded.

“I’m sorry if I can’t reciprocate your feelings for me. I’m really sorry,” I said.

I mean those words, yet while saying them, alam kong nasasaktan ako.

He is such a good friend to me. Ayun lang siya. Tumayo ako para iwanan siya doon, yet he grabbed my wrist.

“Don’t leave, please,” pagmamakaawa niya sa akin. I didn’t look at him. Ayaw ko naman talaga pero mali eh.

“I can be someone useful to you to get his attention — just please don’t leave me.” Sa sinabi niyang ‘yon, doon ako napatingin sa kanya.

I grabbed both his arms, “Baliw ka ba?”

Ayan ang lumabas na kataga sa bibig ko. I will never do that to him. Ayaw kong gamitin si Seth para lang makuha ang atensyon ni Radio.

Ayaw ko.

20

ESTRADA

I made my way out of his car. After nung kahapon na nangyari, hindi kami nag-iimikan.

He tried to approach me yet I distanced myself from him. Ayaw ko sa mga sinabi niya.

Hindi ko mapapatawad ang sarili ko na masaktan siya just because of my feelings for Radio.

He is such a genuine person, he doesn’t deserve to be treated that way.

Pagpasok ko sa bahay, I met a silent house. Si Mama wala na naman sa bahay, nasa trabaho na naman. I flopped on the sofa and opened my phone to see any notifications.

Tadtad lahat ‘yon ng chats sa akin ng mga tropa ko.

I ignored those messages, andami nilang tanong kung sino kasama ko. Even Radio seems interested.

Pinatay ko ang cellphone ko at natulog sa sofa. Tinatarantado na naman ako ng mundo.

Kung anu-anong pumapasok sa utak ko. I kinda think of Seth—totoo ba yung mga nararamdaman niya?

Dalawang buwan ang lumipas. Next week, pasukan na naman. Sophomore era is waving.

Inaya ako ni Exis at Cisco na lumabas. Di ko alam pero nag-iba itsura nitong si Exis, may bigote na. Malakas talaga trip ng lalaking ‘to.

“What do you think of my new look? See, ang astig ko, diba?”

Mayabang niya pagkakasabi at tinango-tango niya ang ulo niya sa harapan namin.

Feelingero talaga, di naman bagay. Mukha nga siyang nagbundok eh.

“Hindi bagay,” sabay naming sabi ni Cisco. He was dumbfounded. Di naman niya papakinggan mga pinagsasabi namin sa kanya na masasakit.

Natural, di niya papakinggan ‘yon, wala siyang pake sa opinyon namin. Alam niya raw mas bagay sa kanya.

“Since we are here naman na, care to tell me who is that boy you were with nung nature trip mo?” natatawang tanong ni Cisco sa akin. Ang lakas pa ng boses niya kaya siniko ko siya.

“It’s none of your business.”

I rolled my eyes at him. Ang daming gustong malaman, chismoso talaga.

“Di naman namin ipagsasabi eh, promise,” he said and even zipped his parted lips at tiningnan ako ng mga paawa niyang mata. Di naman cute.

Boang.

“Ayoko.”

Tinalikuran ko siya at naglakad. Nagsisigaw pa siya, ang ingay, nakakahiya. Ayaw talaga niya itikom yung bibig niya.

When we arrived at the place, akala ko kakain kaming tatlo. Dinala ako sa bar ng mga gago. Napangiwi ako.

Inakbayan nila ako parehas nang tatalikuran ko na yung entrance ng bar. Ang bigat ng mga braso nila, para akong dinadagan.

When did they get bigger?

Pumasok kami sa loob. We were met by the blinding lights, ang daming kulay, sumasakit mata ko. Binitiwan ako nila Cisco at inakay sa kung saan.

“Move on na tayo. Mambabae ka naman o manlalake, may mga magagandang lalake dito,” natatawang sabi ni Cisco kaya binatukan ko siya.

Gusto ko nang umuwi, tinatarantado lang ako ng dalawang ‘to. Nasa sulok lang ako, nagmamasid sa kanila. Yung dalawa naman, nakabantay sa akin.

Uminom na lang ako dito sa may counter kung nasaan yung bartender.

I let myself drown in alcohol. I don’t even know what time or how many hours had passed.

Ang alam ko lang, ramdam ko na yung hilo ko. The sight in front of me is wobbling. Tarantado din kasi, iniwan ako nung dalawa.

Napahawak ako sa ulo ko. My head is throbbing as fuck. Nakapikit ako sa sakit. I groaned.

I was busy figuring out how to let myself calm down.

When someone spoke, the manly scent mixed with the bad odor of alcohol made my stomach churn. Lalong sumakit ang ulo ko.

Ramdam ko ang pagdikit niya sa akin pero tinulak ko lang din siya. What the fuck is this man doing?

I pushed him slightly again when he tried. Nasaan na ba ang mga kasama ko?

Ramdam ko na dumapo ang kamay niya sa hita ko. It was an old man, I guess, because of how his hand was built.

Ang dami na palang pedo ngayon. Tinanggal ko ang kamay niyang ‘yon at sinubukan kong tumayo, kaso bumagsak lang ako sa sahig.

I groaned in pain when my head hit the floor hard.

Someone grabbed my arms forcefully. Ang higpit ng hawak, parang anytime matatanggal ang braso ko.

“The fuck is your problem, man?” iritado kong sabi at tinulak siya. Napabitaw siya ng hawak sa akin. My head throbbed again. Di ko na kaya.

My sight became even more blurry. Lalapit na sana yung lalaki ulit sa akin nang may humila sa braso ko.

When I looked up, it was Seth. His eyes softened when he looked at me.

I stayed there standing beside him. His jaw was clenching. I could see his veins popping out on his neck. He let out a sigh as he approached the man.

Hindi ko na nakita ang ginawa niya dahil sa hilo ko. Inakay niya ako palabas hanggang nasa kotse niya na kami.

I let myself down there. Parang kailangan ko ata ng kape.

Binigyan ako ni Seth ng kape sa compartment ng sasakyan niya. Medyo nahimasmasan na ako sa paglasing ko.

Ilang minuto rin akong nakatingin lang, tulala, parang ang layo ng tingin ko. Seth fake-coughed and asked me.

“Anong ginagawa mo don?” I looked at him, namumungay rin ang mga mata niya.

“I should be the one asking you that.” Yumuko siya bahagya at tumingin ulit sa akin. “To forget everything.”

Malalaman mong may bahid ‘yon ng lungkot.

Di naman lasing ata ‘to. Yari talaga kami kapag nahuling nagda-drive ‘to nang lasing. I mean, sober na rin naman siguro siya.

Di na ako tumingin sa kanya at nanahimik. Hindi ko alam kung saan kami pupunta, but I just want him to decide where we should go.

Huminto kami sa isang building. I think mamahalin talaga dito, kita ko naman dahil condo units ito.

Sabay kaming bumaba. Medyo nahihilo pa rin ako pero kaya ko pa naman.

I’ll never drink again, for sure. We rode an elevator.

Sobrang siksikan. Gabi na ah, dapat wala nang tao sa elevator. Siksik na siksik na ako, dikit na ang likod ko sa metal dito.

Seth is in front of me. Ramdam ko ang kabog ng dibdib ko dahil sobrang dikit siya. I can smell his cologne mixed with faded alcohol scent.

Nakahinga ako nang maluwag nung wala nang tao sa loob ng elevator. Dahil lang siguro ‘to sa alak.

When we arrived at his condo, sumalampak kaagad ako sa sofa niya at doon humiga.

I put my arms over my face to cover my eyes because of the light. Ang sakit sa mata.

I didn’t know where Seth went pero pagbalik niya may dala na siyang lugaw.

“Hey, mawawala hangover mo dito,” he called out and tapped my shoulder. I sat up and took the porridge from the center table in his condo.

Inorder niya lang ata ‘to eh. Inubos ko ‘yon. Kaso si Seth ay nakatingin lang sa akin. Naiilang ako sa titig niya. Kumunot ang noo ko.

“What are you looking at?” I asked as I fed myself once more. Busog na ako pero nawala naman na yung ramdam kong hilo.

Umiwas ng tingin si Seth at tumayo doon sa harap ko at uminom ng tubig. Di ko na lang siya pinansin pa. Sumandal ako sa sofa at pumikit.

Di naman na masakit ulo ko pero konti pa lang. Parang tatawagin ata ako ng kalikasan sa araw na ‘to.

I closed my eyes even more. Di ko alam pero kinakabahan ako. I feel like something will happen at di ko alam kung ano ba ‘yon.

I let myself drown once again in my own thoughts.

Naramdaman kong tumabi sa akin si Seth pero di ko na lang pinansin pa.

“Hey,” he called out kaya minulat ko na ang mata ko at tiningnan siya.

“Yes?”

“Okay ka na ba?” tanong niya sa akin. Ang random nung tanong pero di ko na pinansin ‘yon. I nodded in response.

Humarap ako sa kanya dahil mukhang may sasabihin pa ‘to sa akin. Titig na titig siya sa akin kaya kunot-noo akong napatingin sa kanya.

Nabigla ako sa ginawa niyang galaw. He put his thumb on the side of my lips.

“You have dirt on your lips,” he said, still looking at me in the eye. Ewan ko pero parang may iba.

I traveled my eyes again until it stopped on his lips.

I just thought of something unholy. Ayoko, ayoko, bakit ko ba iniisip yung ganoon na bagay?

I saw his eyes also fixed on my lips, then suddenly bigla na lang niya akong hinalikan. I couldn’t move. My eyes were open yet his eyes were closed.

His plump, full lips collided with mine. I’m still shocked yet something feels wrong.

When I realized what just happened, I pushed him away at tumayo. Nanlamig ang mata ko pero di ko ‘yon ipinakita.

“Mali ‘to, Seth,” napasabunot kong sabi sa buhok ko. Aalis na sana ako pero hinawakan niya ako sa braso.

“W-wait, I didn’t mea—” Di ko na siya pinatapos pa at lumabas na kaagad sa condo niya. Gulong gulo ang utak ko. I’m in a state of shock.

Habang naglalakad ako, napahinto ako. Radio is standing in front of me. Medyo malayo siya pero alam kong siya ‘yon.

“Radio…”

21

ESTRADA
.

Lalapit sana ako kay Radio kaso narinig ko na tinatawag ako ni Seth. He was running behind until he stopped to catch his breath.

“Syd…” he called out. Napatingin ulit ako kay Radio na ngayon ay papalapit sa aming dalawa, masama ang tingin sa amin ni Seth.

I know this face and this aura.

Hinarangan ko kaagad si Seth. He stopped on his tracks.

He faced me, jawline clenching—alam mong nagagalit ito.

“Let’s go home.”

Ayan ang sinabi niya kaya napakunot ang noo ko. Inuutosan niya ba ako na sumama sa kanya?

“Ayaw ko.”

“Don’t be stubborn. Come with me,” he said irritably at hinawakan ako sa braso nang sobrang higpit.

Ano ba ‘yan? Buong araw ata ito gusto ng mga tao ginagawa sa akin.

“Aray, ano ba? Nasasaktan ako,” sabi ko at pilit na tinatanggal ‘yung kamay niya sa braso ko.

But he won’t budge. Not until I saw Seth stand and hinawakan ang kamay ni Dio.

“Dude, nasasaktan siya. Baliw ka ba?” iritado niyang sabi. Tiningnan siya ni Dio.

They were both staring at each other intensely. Their eyes locked on each other.

“Who are you? Boyfriend mo ba ‘to, Syd?” Nakatingin na tingin sa akin si Dio at mas lalong humigpit ang hawak niya sa akin. Aray, tangina, nasasaktan ako.

“So? Ano bang pake mo? Kaibigan ka lang niya, so back off now.” Singhal ni Seth sa kanya. Hindi niya ako pinasagot.

Boyfriend? Hibang na ata ang lalaking ‘to. Ano na naman gagawin niya next, asawa na?

Ayaw ko rin naman sumama kay Dio dahil alam kong maga-away lang kami kapag sumama ako sa kanya.

“Ikaw ba ang kausap ko?” Dio asked kaya ako na ang sumagot.

“Y-yes…”

Kahit labag sa loob ko na sabihin sa kanya ‘yon, natatakot ako sa kanya. This is not Radio.

Alam kong aggressive siya, pero ‘yung ganito? Iba na ‘to. Mas lalong nagdilim ang mukha niya, his hands tightened even more. I winced in pain.

“D-Dio, aray, masakit na,” daing ko at pilit na tinatanggal ang kamay niya sa braso ko.

“Come with me,” at pilit akong hinihila. Tangina na ng lalaking ‘to. Di ko na napigilan at sinigawan ko na siya.

“Ano ba, Dio? Ayaw ko nga sumama sa’yo, diba? Ano bang problema mo? Stop acting like we have something. Di mo pwedeng hihilahin mo na lang ako nang walang dahilan. Stop pretending like you own me. Walang meron sa atin. I get to choose what I want to do in my life,” nataasan ko siya ng boses.

Gusto ko nang maiyak pero mas lalo lang akong nagagalit.

“What?” he scoffed.

“Dahil ba diyan sa lalaking ‘yan kaya nagkakaganyan ka? Your thinking changed, Syd. Dahil ba diyan?” he pointed at Seth.

“Ikaw ang nagbago, Radio. Stop trying to make yourself right when you’re even wrong. Atsaka bakit mo ba dinadamay si Seth?” tanong ko sa kanya. Nagbu-burst out na ang galit ko dahil sa sinasabi niya.

Di niya ako sinagot at napayuko, pero ‘yung galit ko talaga eh, kaya nagsalita ulit ako.

“Stop acting like there is something between us. Ang mixed signal mo, alam mo ba ‘yon? Okay ka minsan, you are showing affection. Ako naman, hulog na hulog sa’yo. Minsan, ewan ko, para bang diring-diri ka sa akin. I don’t know if you are just pitying me because I am your friend. Nakakainis kaya. Alam mo ba ‘yon? Parang nagmumukhang tanga ako. Ay oo nga pala, tanga nga pala ako,” I scoffed.

Tanga pala ako na nahulog ako sa’yo.
“Alam mo ba kung gaano kahirap para sa akin na maging kaibigan mo habang gusto kita? Alam mo ba ‘yon? Masakit kaya, because no matter how much I try to resist everything, bumabalik pa rin—kasi nandiyan ka eh. Wala akong magawa kasi mahal na kita,” I choked on my own tears. I let myself cry out in front of him.

“Ang gago mo rin eh, no?” I pushed him again and again. I punched his chest as I cried even more.

“Asang-asa ako sa’yo tapos di mo man lang sabihin sa akin na ayaw mo na gustuhin kita. Tangina naman, Radio, nakakasawa na. Ang sakit-sakit kaya,” sabi ko at umatras palayo sa kanya.

Kuyom ang kamao niya, halatang nagpipigil. I can’t see his face clearly because of his hair falling down on his face.

“So just stop making me feel like you like me. Ayaw ko na mag-expect.”

Huminga ako nang malalim at tiningnan ko siya sa mata.

His eyes don’t show any emotions. He was just staring me dead in the eye.

“How do we expect to be anything when we don’t try to be anything?”

Those words came out from my mouth.

“Ayaw mo, Dio eh. Ayaw mong i-try sa akin. Wala eh, hulog na hulog ako pero wala ka naman para saluhin ako.” Ayan ang mga katagang lumabas sa bibig ko.

Ang sakit kaya, ‘yung mahulog tapos ang bagsak mo sa lupa.

My heart feels like it’s bleeding right now. I think I’ll regret saying these words to him, but I don’t care. This is how I feel.

Bakit kasi di na lang ako? Bakit? Ano bang kulang sa akin? I cried out even more. Seth is behind me, holding both of my arms.

“May tanong ako sa’yo, Dio.” Mahinahon kong sabi. I hiccuped. He looked at me once again.

“If I were a woman, would you like me too?”

Bumulong sa akin si Seth pero wala akong pakialam. Kapag sinabi niyang hindi, I’ll just stop my feelings.

Last na ‘to. Ayaw ko na. Pero mahal na mahal ko siya eh, parang di gano’n kadali na pakawalan si Dio eh.

He didn’t answer me. Di siya makasagot sa tanong na ‘yon. But there is a little hope that arose in my heart and my mind—baka meron pa?

But I’ll just hurt myself even more.

“Can we just go back to being friends?”

Tanong niya sa akin. Kaibigan? Kaya ba namin ibalik sa dati? We’ve been friends while I still like him—but it’s not the same.

He looked at me again, pretending that I didn’t shout at him earlier. The look in his eyes showed sincerity.

Gusto ko tanggihan kasi nasasaktan ako. Gusto ko pero ayaw ko. Ano ba naman, di ako makapagdesisyon.

Tinalikuran ko si Radio. I never looked back at him. I can’t answer his question right now. Hindi ko pa kaya.

Ayaw ko magpadalos-dalos sa desisyon ko ulit.

Seth leaves me alone when I entered the guest room. I curled up, crying again.

All the memories Radio and I built—vanished.

Bakit kasi ako nainlove sa tropa ko?

When the first day of school arrived again, may addition sa grupo namin. It was Conan, pinsan nitong si Chico.

Radio is also with us pero ‘yun nga lang, may distansiya na kami sa isa’t isa.

Pretending that there’s nothing wrong at walang nangyari nung nakaraan.

I want to forget about it as much as possible.

Gusto ko munang makalimot kahit saglit. Aasa pa rin ako pero di na magiging tanga.

May napag-usapan kami ni Seth. I just don’t think I can accept it right now. I don’t want him to prioritize my feelings over his.

Lunod na lunod ako sa sarili kong pag-iisip. I rest my head at the bench table, just looking at the students walking around.

Nakasilong ako sa isang puno. There is a butterfly flying around me until it stopped on my fingernails.

I smiled.

Hindi nagtagal ay umalis rin ‘yon dahil may taong huminto sa harapan ko. Napataray na lang ako sa ere nang walang dahilan.

It was him again—this sinigang mixed boy.

22

ESTRADA
.

Tumayo ako at aalis na sana. “Talk to me,” sabi niya sa akin. Gusto pala makipag-usap sa akin kaso ayaw ko naman, neknek niya.

“Ayaw ko makipag-usap sa’yo. Mixed signal boy dapat ‘yan talaga nickname mo, bagay na bagay,” sarkastiko kong sabi sa kanya at tinarayan siya.

Nababanas talaga ako sa pagmumukha ng lalaking ‘to.

Tinalikuran ko siya at umalis doon. Ayaw ko muna. Tsaka na. After niya akong gano’n-gano’nin last time, gaganituhin niya ako?

Nadaanan ko sila Centi at Exis na nagbabangayan sa gilid. Di ko alam kung ano na namang pinagtatalunan nila kaya lumapit ako.

“Ayaw ko nga, ang kulit mo,” usual ni Exis. Nagulat pa siya nang makita niya ako kaya parehas silang natahimik.

I furrowed my eyebrows at them.

“Anong nangyayari?”

“Ito kasing si Centi, sabi ko ayaw ko nga mambabae, ang kulit, nagbigay pa ng listahan sa akin,” sabi niya at may kinuha sa bag niya, iniharap niya sa akin ang buong bond paper. “Tingnan mo oh.”

Tiningnan ko si Centi. “What? I’m just suggesting, okay? Ewan ko sa lalaking ‘yan, nagbago na,” turo niya pa kay Exis na ngayon ay nilalamukos na yung papel.

“Bagong buhay na ako, tol. Napana na ako ni Kupido eh,” natatawa niyang sabi at umakting na parang literal na natamaan siya ni Kupido.

We looked at him, dismayed, not wanting to see him doing that kind of thing.

Napailing na lang ako. Nasa lover boy era na ata ang nursing student na ito.

Ilang buwan din ang lumipas eh nagkakaganyan na siya. Nung nakaraan puro babae at alak ata ang inaatupag niya, pero ngayon, iba na ata.

Tinalikuran ko sila pero bumuntot sila sa akin. Ako naman puro lakad pero ayaw akong tantanan nung dalawa kaya napikon na ako.

“Ano ba ‘yon?”

“Kamusta kayo ni Radio, ha?” bungad na tanong ni Centi. Wala man lang pakundangan.

Halatang curious siya sa buhay ng iba. Imbes na atupagin niya yung pag-aaral niya, sumasagap ng chismis.

“Wala na kami,” sagot ko at lumakad ulit. “Wala naman kayo, ‘di ba? Paano ‘yon?” Ayan na yung pinakatangang sinabi ni Exis sa buong buhay niya.

I glared at him pero nag-peace sign siya sa akin.

“Alam mo, Syd, wag na ‘yan si Radio. Red flag pa, tapos mixed signal,” Centi muttered, parang nagaangas ang boses niya.

Akala mo hindi siya red flag. Magbilangan pa sila ni Radio ng red flags, panalong-panalo si Centi.

“Sarili mong kaibigan, binabackstab mo,” ani ni Exis sa kanya at siniko.

“Gago, that’s normal. Besides, I’m just telling the truth. If he heard it, I don’t care,” he shrugged his shoulders.

Di talaga nagbago ang lalaking ‘to. All his opinions matter more than anything else.

Wala talaga siyang pake kung may masaktan siya—because that’s the truth.

Napailing na lang ako. Para akong may mga langaw na sumusunod sa akin.

“What do I do?” I asked.

“Maghanap ka. Gawin mong rebound para makamove-on ka kay Dio. That’s the only way,” Centi suggested kaya nabatukan ko siya.

“Ayan na siguro ang pinakatangang naisip mong sabihin sa araw na ‘to.”

“What? I’m suggesting, okay? But that’s the easiest way,” he said, not caring about his words anymore. Baliw talaga.

Mabboang na talaga ako. I can’t focus. Di ko na alam ano bang i-dedesisyon ko sa buhay ko.

Napasandal ako sa headboard ng kamay ko, scrolling on my gallery. Andami ko nang pictures.

Tiningnan ko ang pictures namin ni Seth nung gumala kami last time.

I put my arms to cover my eyes. I put down my phone. Ang bigat ng paghinga ko.

I’m still thinking about his offer pero ayaw kong tanggapin. Ang sama ko ng tao kung gagawin ko ‘yon.

Nakapikit lang ako at bumangon ulit para magbihis. I’ll go out to find some food—kumukulo talaga ang tiyan ko.

I used my car para pumunta sa isang malapit na store at bumili ng gusto kong kainin.

After that, I went to my hiding place. Away from people who want to disturb me. Away from chaos.

I sighed as I sat down at the green grass in front of the river. I just wore shorts, slippers with white socks, and a black hoodie.

Ang calming ng view ko dito. Sa kabilang dulo may mga ilaw na nagrereflect sa mismong tubig.

I closed my eyes as I inhaled the faint grassy scent of the atmosphere.

Kapag nas-stress ako o gulong-gulo ako sa mga bagay, eh talagang dito ako pumupunta just to calm my raging mind.

Because of my own thoughts minsan, because of too much things I have on my hands, ay di ko na kinakaya.  At nagbe-breakdown na ako. Dito talaga ang gusto kong puntahan.

I rest my head on both my knees and played with the rocks surrounding me.

Wala akong maisip na iba. Di ako makapag-isip. Ang gulo.

Parang sunod-sunod ang problema ko. About kay Seth, about sa mga kaibigan ko, school, at kay Dio.

Napasabunot na lang ako sa ulo ko. I tugged my hair even more.

Nagulat na lang ako nang may humawak sa dalawa kong balikat kaya napalingon ako. It was Radio. Kaya napatayo ako sa gulat.

“Anong ginagawa mo dito?” tanong ko at lumayo sa kanya.

“I’m just here to say sorry.”

Sorry? Ngayon pa talaga kung kailan gulong-gulo utak ko?

“I don’t want to hear your excuses right now,” sabi ko sa kanya.

Kahit masakit lahat ‘yon na sabihin sa kanya, ay kailangan niya tanggapin ‘yon.

“Umalis ka na,” sabi ko sa kanya at umupo ulit. “Ayaw ko.”

“Just go. Stop ruining my private time,” I coldly said. Just stop ruining everything.

I couldn’t say that sentence anymore dahil baka masaktan siya.

I feel like wanting to say bad words to him until he can’t anymore at iwan niya na ako—period.

Di ko naman magawa. Di pa rin siya umaalis sa kinatatayuan niya kaya nagsalita ako.

I plead at him.

“Please, just leave me alone. This isn’t the time for this kind of talk. Just please… Radio, wag ka munang magpakita sa akin. Lumayo ka muna while I’m still figuring out something.”

I looked at him again. He didn’t say anything. He just turned and walked away from me.

I hate it when I hurt him. But does he hate it when he says something that hurts me?

Masakit magsabi ng ganyang mga salita sa kanya because I never wanted to say something like this to him—kahit ilang beses niya akong pinagtabuyan.

He is still my friend even though his mood changes every time.

Ilang linggo may pasok. As usual talaga, gano’n pa rin.

Magkakasama kami ngayon nila Exis, Cisco, at Conan. Wala si Kade, sila Chico, at kami lang ang may vacant time.

“So Conan, ano masasabi mo, ha? Ang gwapo ko ba?” I hear Cisco said habang tinataas-baba niya ang kilay niya.

“No,” Conan boredly said. Natameme naman yung isa kaya humagikgik kami ni Exis pero si Cisco ay disappointed na nakatingin lang kay Conan.

“What? It’s true,” sunod niya pang sabi kaya humalakhak kami ng tawa.

“Tangina niyong dalawa ha, tawa kayo ng tawa diyan. Yari kayo sa akin, makakaganti rin ako. Akala niyo di masakit ‘yon?” naiiyak niyang pagkukunwaring pagkakasabi at dinuduro pa kami.

Ewan ko pero natawa ako sa sinabi ni Conan. Kahit biro lang ‘yon, natawa pa rin kami. Sineryoso talaga ni Cisco yung sinabi ni Conan.

Conan is definitely not saying the truth.

Cisco has a face of an American. Natural, mas malakas pa ata ang naging lahi ng tatay niya kesa mama niya.

He likes gambling a lot. Pumupunta pa ito sa casino para magsugal. Ayan siguro pampawala ng stress niya. Nakakaubos siya ng milyon sa isang upuan lang.

Duet sila ni Chico sa pagsusugal. Kahit sa sabong ay nagtataya rin sila. They bet but they always win.

Si Exis ngayon, mukhang tatay na dahil sa bigote niya. Di ko alam kung ano ang pumasok sa utak niya at naglagay siya ng ganyan.

He looks like a typical Filipino mestizo boy with a mustache na malaki ang katawan.

Para siyang tiktoker na sikat na sikat sa mga babae—pero sa totoo lang, di naman sikat ‘yan sa TikTok.

“Anong pumasok sa kokote mo at naglagay ka niyan?” tanong ni Cisco kay Exis at hinawakan yung nakahulma niyang bigote.

“It’s a trend, okay? Atsaka bagay naman sa akin, ‘di ba?” he said and looked at his phone na ginawa niyang salamin.

“Tanga, mukha kang si Chef Skinner.”

Humalakhak kaming tatlo nila Conan ng tawa nang sinabi ‘yon ni Cisco. Chef Skinner.

Kahawig nga niya eh. Tanggalin niya na lang yung kapal nung bigote niya—babansagan talaga siyang gano’n.

23

ESTRADA

Nagkayayaan kami sa El Nido, Palawan. Sumama naman ako kasi wala naman akong magagawa, tapos kagabi pa ako hindi makatulog dahil kay Cisco na sobrang likot kung matulog.

Ako ang magda-drive ngayon, kasama ko sa sasakyan si Conan. I heard him cough kaya napalingon ako sa kanya.

“Do you want some water? Yari talaga ako kay Abel kapag namatay ka dahil sa akin,” pagbibiro ko sa kanya.

“OA lang ‘yon.” Natawa pa siya sa sinabi niya kaya pati ako natawa rin.

Nabaling ang atensyon ko sa kanya saglit at binaling ulit ang atensyon ko sa kalsada.

“You like Radio, right?”

Nagulat naman ako sa kanya kasi alam niya. Sinabi ba ni Abel?

“Did Abel tell you?” I asked pero umiling lang siya.

“You are so halata kaya. I’ve been there so I can tell kung gaano mo siya kagusto. I saw how your eyes glisten because you admire him, yet I can still feel the sadness.”

I sighed. That’s true. Hindi ako nagsalita.

“Ayaw mo bang mag-move on?” tanong niya sa akin.

“Radio is definitely not into guys.”

Yeah, he isn’t. Di ko rin maisip kung gusto ko na bang mag-move on. Wala pa akong balak at di ko pa napag-iisipan.

Tumikhim ako at nagsalita while my eyes were still on the road.

“He gives me mixed signals, okay? Minsan he is acting as if he likes me, then minsan hindi siya gano’n. I don’t get it, Conan. Kaya siguro may hope pa rin sa puso ko na baka gustuhin niya rin ako.”

Iniangat niya ang kamay ko at hinagod ang likod ko, “I’ll be honest with you. Radio doesn’t like you because if a person likes you, they would never give mixed emotions. If he is giving mixed signals, then that’s the sign.”

Para akong napana sa puso. It bleeds kahit na alam kong totoo. Do truth words really hurt this much to bear?

Hindi ako nagsalita pero hinayaan ko na lang. Di ko naman maiyak dahil ayaw kong magpaapekto.

When we arrived at the pier, hindi ako nagsasalita. Nagsasalita naman ako, pero wala lang gana.

Napadaan ako sa may dulo nitong yacht ni Cisco.

I saw Radio talking to Abel. Ayaw ko naman sanang makinig pero nakinig pa rin ako.

“Eh bakit sa kanya ayaw mo?” rinig kong tanong ni Abel.

My heart became faster, napahawak na ako dito kaya pati ang suot kong damit ay nalukot na.

“Hindi ko trip. You know na hindi ko kaya sa tropa.”

Oo nga naman. Ano bang ini-expect ko? Pero bakit gano’n? Tama na nga na sinabi niya ‘yon.

He says it casually, alam mong walang bahid ng pagsisinungaling.

“Try to explore, Dio. Wala namang masama. You are still young, have a lot of time to explore things you want,” aniya ni Abel at tiningnan siya.

He sighed. “Gustuhin ko man pero hindi ko kaya. I’m straight, and I can’t see myself having a man by my side. It’s too off for me. Sorry for the word, but I just can’t,” Radio explained and sighed.

He puts his cigarette between his lips. Parang sinasaksak na naman ako.
Bakit ba ako nage-expect? He just wanted us to be friends.

Mag-move on na ba ako? But it takes time. Gusto ko madaliin para mawala na ‘yung sakit na nararamdaman ko.

Umalis ako doon, nagmukmok dito sa kwarto. I’ll let my tears drown me for a moment.

Kaibigan nga lang talaga ang gusto niya. Pero bakit di niya sinagot ‘yung tanong ko sa kanya last time?

Sumasakit ang ulo ko dahil dito, pero hinayaan ko na lang. Lumabas ako ng cabin, kasabay ko si Conan.

We are just wearing shorts and a sando. Lumapit ako kina Cisco na topless at ready na tumalon sa dagat.

Hindi ko dinala ang cellphone ko dito sa labas kasi natatakot ako baka malaglag bigla. Humiga ako sa may taas at nag-shades.

Kahit alam kong humahapdi ang balat ko dahil sa init, ay hindi ako nagpatinag kaya lumapit na sa akin si Exis.

“Gusto mo ata mamatay kaagad sa init,” sabi niya pa at hinila ako. He crouched down and took one of his ointments.

“If you want to feel pain, don’t do this. Saksakin mo na lang ang sarili mo.”

When he said that, ibinigay niya sa akin ang ointment niya at tinalikuran ako. Kahit ganyan si Exis, he still cares for me.

Siyempre mag-tropa kami niyan eh. Bumalik ulit sa harapan ko si Exis at may sinabi:

“If he is going to hurt you again, ako na ang babangga sa mukha niya. Trust me, I’ll break his neck for real this time,” pagbabanta niya at tinalikuran niya ako.

He isn’t joking. Ramdam ko.

Nakakatakot rin pala ang lalaking ‘yan kahit nakakatawa siya at puro biruan ang gusto sa lahat ng bagay.

Nang makarating kami sa hacienda, kumain na kami kaagad. Bagsak ako kaagad pag higa ko pa lang sa kama.

Conan and I are sharing rooms pero wala naman problema ‘yon sa akin.

I brought some of my scented candles at inilagay ‘yon sa table dito. “You like them?” Conan asked at tumango ako sa kanya.

“Nakapag-isip ka na ba?” tanong niya kaya napatingin ako sa kanya.

I put my arms behind my head. Muntik ko na makalimutan ‘yon.

“Hmm.”

Lumabas si Conan ng kwarto at ako naman natulog na lang ulit. I have so much to face tomorrow.

Ilang days rin ang lumipas, dumating dito yung kaibigan dati ni Abel na si Leora pati si Ate Aya.

Maganda rin yung kaibigan nitong si Abel, simple lang.

Nag-aya sila mag-inuman. Ako naman eh nakisama na lang pero tahimik.

I saw Radio looked at me pero nag-iwas rin ng tingin sa akin. Nahahalata ko na siya sa totoo lang.

Ilang araw siyang grabe makatingin sa akin. Di ko alam kung nagagalit ba siya o ano eh.

I-uumpog ko talaga ang ulo niya, sa totoo lang.

Desdemona came into the story—joke, I mean, dumating siya kasama yung dalawa niyang kaibigan na babae. Jowa ni Desdemona yung pinsan ni Exis na si Erin.

I’ll bet Radio will have sex with someone here later. Inasahan ko na ‘yon.

What did I expect, right? Uminom lang ako ng konti pero di naman ako lasing.

Conan and Abel are asleep already. Si Exis, tulog na dito, he is mumbling something di ko naman maintindihan.

Nawala si Radio pati yung isang babae na maikli ang buhok.

Naisipan kong umihi dahil naiihi ako. Kahit medyo nahihilo ako, pinilit kong makapunta sa bathroom. Sasabog na talaga pantog ko.

Napadaan ako sa isang kwarto. Parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Sumilip ako and that’s what I expected—humahalinghing yung babae sa ilalim ni Radio.

Napatakip ako sa bibig ko while my tears were falling down my cheeks. Parang may bara sa lalamunan ko na ewan ko at di ko matanggal.

Umurong ang ihi ko. Pumasok ako sa isang bakanteng kwarto dito.

I let myself fall down behind the door. Dumausdos ako roon at umiyak.

How many times do I have to endure this pain? Ayaw ko na talaga. Nakakasawa na.

Sawang-sawa na ako. Ang dami kong expectation sa buhay.

I expected too much from him—that maybe, somewhere, somehow, he would be able to tell me that he likes me too.

Nakakasawa at nakakapagod pala. Totoo ‘yon—nakakapagod. Hindi ko alam, pero pagod na pagod ako sa buhay.

Nakakapagod magmahal ng tropa. Tama nga sila—kapag kaibigan lang, kaibigan lang.

Tumayo ako at tumingin sa bintana. The moon shines so brightly.

Naramdaman kong may yumakap sa likod ko. I know who it is. I know this scent and this body.

This is the first time. Ramdam ko ang mabigat na paghinga niya sa likod ng batok ko.

“Bakit, Radio? Saan ba ako nagkulang?” tanong ko sa kanya at dahan-dahan kong kinalas ang pagkakayakap niya sa akin.

“Don’t do this to me. Stop acting like you care for me kahit hindi naman talaga, kasi masakit dito oh,” sabi ko at tinuro sa kanya ang puso ko na malaki na ang sugat dahil sa lahat ng nararamdaman kong sakit.

“Ayaw ko na, Dio. Tama na. Ayaw ko nang maghabol. Ayaw ko nang umasa kasi nakakapagod na. If I can’t be your lover, then we can’t be friends.”

“Just stop acting like you ever liked me. Don’t give me mixed signals. At saka ang sagot ko sa tanong mo: ayaw ko nang maging kaibigan mo.”

I sobbed so hard because of this. Kahit ayaw kong sabihin, sinabi ko pa rin dahil ‘yon lang ang bukod-tanging paraan.

I still want to be his friend, but I don’t think we could go back to being friends because every time he looks at me, he pretends that we never became friends for so long.

I came to my own senses.

He put both of his hands on my arms and looked at me directly.

“I’m just saving our friendship, Syd.”

24

ESTRADA
.

“Di mo ba maintindihan? I’m trying to save this friendship, just stop it,” may diin niyang sabi sa akin.

“Just stop your delusions. Nothing will change, everything will not change,” he said and sighed.

Naiiyak lang ako sa harapan niya. Bakit mo ako pinaasa? Ay, di niya pala ako pinaasa. Ako lang ‘tong umasa sa kanya.

Nakakainis eh, parang kasalanan ko pa na umasa ako, eh siya naman ‘tong mixed signals sa akin.

Tinatarantado ata ako ng lalaking ‘to.

“Inisip mo man lang ba yung pagkakaibigan natin, Syd? Hindi, ‘di ba? Because you are selfish. I was the one who saved this friendship over and over again.” Aniya at tumingin sa akin ng seryoso.

“I cared for you because you are my friend, pero anong ginawa mo? You thought something else. It’s your fault,” he said frustratedly.

Tiningnan ko siya. I was just looking at him. Sobrang nasaktan ako sa mga pinagsasabi niya.

“Bakit, eh alam mo namang gusto kita, ah? Bakit, sinabi ko ba na i-save mo yung pagkakaibigan natin? Hindi, ‘di ba? ‘Wag mong isisi ang lahat sa akin, Radio.” I closed my eyes and took a deep breath.

“If you really cared for me as a friend, matagal mo nang sinabi sa akin na layuan kita. What did you expect me to do? Pigilan ang lahat ng nararamdaman ko?” I stop for a moment to catch my breath.

“You told me you wanted me to be your friend again. Sa tingin mo madali ‘yon para sa akin, ha? Nakalimutan ang lahat at tanggapin ang lahat?”

Tanong ko sa kanya, yung boses ko ay gumagaralgal na dahil sa galit na lumalabas na ngayon.

“Kaibigan kita, Dio, eh. Tinanggap ko kahit labag sa loob ko. ‘Di ako sumuko. Akala mo ba ikaw lang ang nagsa-save ng friendship natin? Hindi lang ikaw, kasi all this time ako lang ang umiintindi diyan sa kagustuhan mo. Mali ba ako?”

“I chose to be there for you because I knew no one else is there to be with you.” I hiccuped.

Si Dio nakatingin lang sa akin; the look in his eyes suddenly softened.

“Kasi Dio, hindi lang kaibigan ang turing ko sa’yo. Pero Dio, noong kailangan kita, wala ka. Noong pinaasa mo ako noon, ‘di ka nag-explain. Pinagmukha mo akong tanga. Is it my fault that you are like that?”

Mali mang sumbat, pero ‘di naman ako nanunumbat.

Nagsasabi lang ako ng totoo sa kanya. I don’t want to lie about everything.

“Alam mo ba kung gaano kasakit ‘yon para sa akin? Every time you looked at me in the eye, there was something in there.”

“Kung ayaw mo talaga, Radio, ayaw ko na rin. I’ll stop everything between us, our friendship. Okay na. Ayaw ko na. Tapos na. Pagod na ako.”

Iyak ko sa harapan niya. Yung galit na nararamdaman ko nawala lahat ng ‘yon dahil nailabas ko na.

Andami ko pang gustong sabihin, ipamukha sa kanya, pero tama na. I’ll just keep it to myself.

I walked out just like I always do. Masakit ‘yon pero tinanggap ko. Maybe parte ‘yon ng buhay talaga.

I walked away just like I always do, brokenhearted sa kanya as always.

Sa tuwing magkikita kami, walang magandang nangyayari.

Ganito ba ang way niya para palayuin niya ako sa kanya? Is this his way to hurt me?

Hindi na ako nag-isip pa. Lumakad ako palayo doon.

‘Di ko alam kung saan ako papunta, gusto ko lang lumayo sa kanya.

I need my mom. I need her. I always do because I know she is the only one who will understand me.

I can’t wait to go home.

The days passed at nakauwi na kami. I was met with a silent house. ‘Di ata ako nag-inform.

Na wala si Mama. I sat down at the sofa. Sa bakasyon na ‘yon puro stress lang ang naramdaman ko.

I need to talk to Seth. I’ll accept his offer.

Syd:

Let’s talk.

Delivered yung message ko, at nag-reply siya kaagad. We met at the nearest store around the city.

Nagbago ang style ng buhok niya, o mas magandang sabihing bagong gupit siya, which emphasizes his face more.

Mas naging malinis siyang tingnan. ‘Di ko naman sinasabing pangit tingnan si Seth dati sa gupit niya, pero ngayon eh mas umaliwalas ang mukha niya.

We sat next to each other, holding our own beers—our best drink together. I smiled at him.

“You changed your mind?” he asked as he opened his legs, dahil nangangawit ata siya.

Tumango ako.

“Then payag ka na? We could help each other. May benefit ka, at ako rin. Wouldn’t you agree?” he asked seriously.

‘Di ko naman alam sasabihin ko. Medyo baliw rin ata ang lalaking ‘to.

Masasaktan siya sa gagawin naming dalawa.

Mas ako ang magbe-benefit sa kanya. In the end, he will lose the game we both agreed to play.

Uuwi siyang luhaan.

“Gawin mo akong rebound mo, Syd.”

Tanga ata ang lalaking ‘to. I never entered a relationship.

I mean, I really don’t. Kaya ‘di ko alam bakit sinuggest ng lalaki na ‘to ‘yon.

“Seryoso ka?” tanong ko sa kanya. I’m still confused.

“Hmm, it’s still the same. Okay, just comprehend it, have common sense,” he said and clicked his tongue.

“Whatever. The rule here is lahat ng gagawin natin scripted, at saka panakip-butas ka lang from my past, pampalipas oras.

Wala kang hahabulin sa akin sa huli. You get me, Seth?” I explained sincerely. Totoo naman sinasabi ko.

Kahit masakit sabihin at labag sa loob kong gagawin ‘to, nasasaktan ako sa thoughts na in the end pagsisisihan ko na gagawin ko ‘to sa kanya—but he still insisted.

“I get it. Gagawin mo lang akong panakip-butas habang nagmo-move on ka.”

His voice cracked a bit at umiwas ng tingin sa akin at nilagok ang beer niya.

Mukha namang nagkakaintindihan kami. “But I have a question, Syd?” he said, looking at me suspiciously.

Bakit nga ba pinasok ko ‘to? Ay oo nga pala—ang makalimot kay Radio.

Dahil totoo, kahit ngayon masakit pa rin. ‘Di naman gano’n kadaling maghilom, eh. It takes time. Besides, gagamitin ko naman si Seth.

We both agree on this naman. Alam ko namang mali ‘to, but this is the only way. Kapag nalaman pa ‘to nila Exis, ako ang mayayari.

“To move on, Seth. Come to think of it, ‘di naman ako papayag kung ayaw ko mag-move on,” ani ko at tumingin sa labas nitong glass wall na maraming taong naglalakad.

I sighed and drank all the beer inside the can. We fell into silence. It’s not that awkward.

“Manood ka sa laban namin nila Percival sa susunod na araw. That should be the start, right?” he asked while still looking at the glass wall.

Kapag rebound ba kailangan sweet pa rin kayo? Rebound nga eh. Kailangan ba aware na maging rebound yung isang tao?

Masyado ko lang siguro ino-overthink. Yumuko ako, tugged my hair a little bit harder. Sumasakit na naman ang ulo ko sa kakaisip.

I looked at my phone to see any post on my Instagram.

I saw the story of Radio on his account, kaya agaran kong pinindot ‘yon. It was a clip of him punching a sandbag. Nasa gym ata siya.

His arms were exposed, revealing his full arm tattoo. Black and white din yung filter noon. Kahit ganyan, gwapo pa rin as always.

“Still looking at him. Paano ka makakamove on niyan?” Seth chuckled beside me and opened another can of beer.

“Kailangan ba kapag rebound, pinagbabawalan pa rin yung tao na tingnan yung pictures?” Kuryuso kong tanong sa kanya, kahit ako ‘di alam.

Natawa siya at yumuko. Medyo lumakas yung tawa niya kaya sinipa ko ang upuan niya.

Stupid ass. I rolled my eyes at him at pinatay ang cellphone ko.

May mga tao pala talagang literal na baliw.

25

ESTRADA
.

Di naman ako marunong mag-basketball pero di ko alam kung bakit ako napadpad dito.

Di ko rin maintindihan ang sinasabi nung batang announcer sa gilid.

Tumabi sa akin si Exis na sigaw nang sigaw sa tabi ko, nagpustahan sila kung sino raw ang mananalo.

I crossed my legs and leaned on my palm, looking at the players, but my eyes were glued only across the court.

Hulaan niyo kung sino, pero umiwas din ako ng tingin.

Ay oo nga pala, nagmu-move on na nga pala ako.

Bakit di ko naisip ‘yon? Nawala ang atensyon ko sa iniisip ko dahil nasa harapan ko na ngayon si Seth.

Alam mong mabango pa rin kahit pawisan. I gave him the towel and the water I brought for him today.

“Kayo na?” Kyuryosong tanong sa akin ni Exis at siniko pa ako.

Ang lakas ng pagkakasabi niya, kahit bulong lang ‘yon ay narinig ni Seth na nilalagok yung tubig niya.

He stopped for a moment and smiled at Exis.

“No, I’m hitting on him. Besides, no one will get mad, right?” Namuo ang malaking ngisi sa labi nitong si Seth.

Di ko alam, pero parang may laman yung sinasabi niya. Ay ewan. We are just pretending kaya baka iniisip ko lang ‘to.

Napanganga naman ‘tong si Exis na katabi ko na hindi makapaniwala sa pinagsasabi ni Seth.

“Pasukan ng langaw ‘yan,” natatawang kantyaw ni Seth sa kanya.

“Tarantado, ipanalo mo yung laro ha, sa’yo ako pumusta. Talunin mo yang si Percival!” Pasigaw niyang sabi kaya lahat kami napatingin sa kanya pero natawa lang si Seth at ibinigay sa akin yung towel at bottle niya.

But the next thing he did made my heart skip for a moment—naistatwa ako sa ginawa niyang paghalik sa pisngi ko.

Namula ako sa kahihiyang nararamdaman ko. Napasimangot ako pero tinawanan lang ako ng lokong lalaking ‘to.

I felt his plump lips collide with my soft cheeks kaya napahawak ako ro’n, pero napatingin ako kung may nakakita ba.

Pero what the heck, mabuti na lang at nasa iba ang atensyon nila at wala sa amin ni Seth.

Tinulak ko na lang si Seth palayo sa akin. Tumawa lang siya pero naramdaman ko na may nakatitig sa akin.

I felt it, kase may uneasy feeling akong nararamdaman.

I erased all the unnecessary things on my mind and just focused on the game.

I can’t stand the noisy person next to me—halos mabasag ang eardrums ko dahil sa kakasigaw niya. Para bang siya ang coach.

Last quarter na at lamang ang grupo nila Seth ng tatlong puntos. I saw his wet hair—dahil sa pawis nito, dumidikit yung ibang strands ng hair niya sa noo niya.

He became handsome in my eyes.
Kaso dumapo ang tingin ko kay Radio na nasa bench namin.

He always catches my attention, as always.

Para sa akin, si Radio pa rin ang gwapo sa paningin ko.

A small smile crept into my thin lips, pero mapait na ngiti ‘yon. Ibinaling ko ang atensyon ko muli sa laro nila Seth.

Bakit ko ba iniisip si Radio? Nagmu-move on na dapat ako.

Besides, Seth is here.

I looked at Seth once again, dominating the game effortlessly.

Ayaw kong ipakita kay Seth na I was just pretending everything—he deserves to be treated real. Kahit nagp-pretend lang kaming merin sa aming meron.

Our gazes met in a constant speed sa panahong ‘yon lumaki ang ngiti ko sa kanya and I mumbled,

“You got this.”

Ngumiti siya sa akin—mahahalata mong hindi peke ‘yon. I want him to win, as always.

When he shot the last ball in the last seconds, pati ako napatayo—I cheered with him.

Imbes na sa mga ka-teammates niya siya pumunta, sa akin siya dumiretso. He hugged me kahit pawisan ito. I hugged him back.

“I’ll treat you tonight.”

When I told him that, his eyes sparkled in amusement. Kaya natawa naman ako—katakawan talaga ng lalaking ‘to.

“Wait lang, I’ll just greet my team,” paalam niya sa akin at tumakbo palayo.

Tumingin ako sa paligid—sila Exis nagpapasahan ng pera nila, mga kupal talaga. Napalingon ako kay Seth na masamang nakatingin sa akin.

Ano’ng problema ng lalaking ‘to?
I didn’t pay attention to him and just waited for Seth to come back.

I saw Seth coming to my group of friends kaya lumapit ako sa kanila, dala-dala ko yung water at towel ni Seth.

Nang makalapit ako sa kanila, panay reklamo nitong si Cisco kase di nanalo yung team na sinuportahan niya. I heard Seth respond,

“Wow, the youngest businessman has no money in his pocket. Hindi ka mawawalan ng pera kahit tarantado ka.”

“Yayabang na naman ‘yang si Exis,” sagot ni Cisco.

Tiningnan niya si Exis na parang baliw na ginawang pamaypay ang pera. Cisco raised his middle finger in front of Exis.

Kaya natawa naman ako. Yabang talaga eh—barya lang ‘yan kay Exis.

“Nagpapalakas ‘yan,” singit ko. Kakakarating ko lang din sa harapan nila.

My eyes drifted to Radio, sitting with both his arms crossed.

“Oh,” I simply said and gave the towel and the drink to Seth.

“Thank you, Syd,” he replied, smiling.

“Magkakilala kayo?” Cisco asked, shockingly.

I nodded in response. Yung reaksyon ni Cisco parang akala mo first na first time ko magkaroon ng bagong kaibigan.

“Bakit?” I raised an eyebrow.

“Wala lang, nagtatanong lang,” Cisco replied in amusement and changed the topic.

“Dapat ‘yung nanalo nagpapainom eh,” kantyaw niya kaya binatukan siya ni Abel. Napangiwi naman siya at tiningnan si Abel ng masama.

“Aray!” reklamo niya.

“Kapag nasira kulot wave ng buhok ko, ipapasalon mo ‘to!” he said, brushing his hair with his hand, fixing it.

“Baka akala mo pinakulay ko ‘yan, natural hair ko ‘yan. Kapag talagang nasira ‘yan, ako sisira sa mukha mo,” sagot pa niya at dinuro-duro si Abel.

“Yeah, I will. Punta kayo sa YOLO later. I’ll treat you guys and the new friend of yours,” Seth smiled and pointed at Conan, who was talking to Chico.

Nagulat ako sa ginawang pag-akbay sa akin ni Seth. Agad akong napayuko dahil nahihiya ako. Siraulo ata ang lalaking ‘to—wala man lang pasabi sa akin.

Sumimangot ako.

“Alis na kami,” rinig kong paalam niya sa mga tropa ko at naglakad kami palayo sa kanila.

I heard Cisco asking curiously,
“Oy, oy, saan kayo?”

“He is going with me. He is treating me to dinner tonight. See ya!” Seth bid goodbye to them pero ako, wala lang—dedma lang dahil nahihiya pa rin ako.

I once again looked at Radio na ngayon ay masama pa ring nakatingin sa amin.

Bakit ba ganyan mukha niya? Kapag nahanginan ‘yan baka maging ganyan na talaga mukha niya.

“Stop looking at him. Paano ka makakaget over sa kanya niyan?”
He said, then put his hand on my face, leading it to look at him.

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya.
“Ako kasama mo pero sa iba ang tingin mo.”

He mumbled. Di niya siguro alam na narinig ko ang sinabi niya. Pinasok naman ako ng kahihiyan.

Kahit naman pretend lang ‘to, may puso pa rin at pakiramdam pa rin ako.

I wasn’t that heartless at all. Tumawa siya at sinabing biro lang ‘yon—but I can hear in his voice that it wasn’t even a joke.

Aware ako na he likes me, but I didn’t clear it with him.

Paano ko ba sasabihin sa kanya ‘yon? Ayaw kong dagdagan yung sakit na nararamdaman niya because I didn’t want him to be my rebound. But he wants it too.

Ayaw kong umasa si Seth sa wala—because I know how it feels like to be like that.

Seth is such a good person, you can see it in his personality.

Lumalim ang pag-iisip ko ro’n hanggang sa makarating kami sa isang resto na pina-reserve ko, so we could have a private time.

Sana magkacourage na ako sabihin sa kanya. But I don’t want to tell him, kase baka madagdagan yung sakit na nararamdaman niya.

I’m sorry, Seth.

26

ESTRADA
.

Umupo kami sa table malapit dito sa bintana. Ewan, this is the best view for me.

“Treat ko ha, mamaya ikaw na naman magbabayad,” sabi ko sa kanya habang may kinukuha ako sa bag ko. Natawa siya at kamot-ulong tumingin sa akin.

Pakiramdam ko ngayon ay siguro masaya? Pero kasi parang may mangyayari na namang di inaasahan.

Uneasy feeling again—yung para bang merong mangyayaring di maganda sa araw na ‘to kahit wala naman talaga.

“Hey, you okay?” Seth asked. Napatulala na pala ako sa kakaisip don, tumango na lang ako bilang tugon sa tanong niya.

Heavy meals ang kakainin ko pero siya, ayaw niya—may ini-aim kasi siyang body weight kaya hinayaan ko na lang siya.

Ganyan ba talaga kapag nag-gym? Kailangan talaga consistent, lalo na kapag atleta.

Student athlete siya, ang angas non kahit pwede siyang maging scholar at hindi niya grinab ‘yon.

Ibinigay niya yung scholarship na para sa kanya sa iba. Nagtanong ako sa kanya pero ang sabi niya.

“They deserve it more than me. Marami na akong pribilehiyo dito sa Pilipinas, kaya bakit hindi ko ibibigay sa walang pribilehiyo na magkaroon ng scholarship?”

Don pa lang, alam mong hindi puro sarili niya ang iniisip niya. Scholar lang naman ako dahil kahit papaano, ayaw kong magpabigat kay Mama sa mga bayarin.

Kaya ito na lang ang bagay na kaya kong gawin para sa Mama ko. She is already in her late 40s.

Dumating ang order namin kaya ibinigay ko yung card ko don sa waiter at nagpasalamat sa kanya.

Seafood resto ‘to, wala naman daw siyang allergies kaya okay lang daw.

He let me choose the resto today. Habang kumakain kami, nagtataka talaga ang tingin naming dalawa pero ang tahimik lang namin.

I can only hear the people talking around us—na parang mga langaw sa tunog.

“May ibibigay ako sa’yo,” biglaan niyang sabi kaya napatingin ako sa kanya habang may nginunguya.

May inilahad siya mula sa duffle bag niya na isang box at iniabot ‘yon sa akin.

“For you.” Natameme pa ako konti at tinuro ko pa ang sarili ko kung para sa akin ba ‘yon.

“Yeah, open it,” he said eagerly and put both of his palms on his thighs.

Ano kaya ‘to? Nakaka-excite pero parang mamahalin. Pagbukas ko non, inilabas ko yung bagong collection ng Lego.

Bagong labas pa lang at di pa available sa Pilipinas—it’s The Simpsons: Krusty Burger. Saan niya nabili ‘to?

“Hala, thank you, Seth,” I excitedly said and stood from my seat to hug him.

Nagulat pa siya sa ginawa ko kaya pati ako rin. That’s when I realized what I did. Kaya napalayo ako sa kanya at bumalik sa upuan ko.

Nakakahiya. Namula ako at gumapang yon sa batok ko. “It’s okay, sana nagustuhan mo,” he assured me.

Kaya nagtanong na ako kung saan niya nabili ‘to.

“I personally bought it in Los Angeles just for you because I know how you love Legos,” he said casually pero halatang nahihiya siyang sabihin sa akin.

Siya pa pumunta sa LA para lang dito sa lego ko.

“Alam mo, dapat di mo na ginawa ‘yon,” sabi ko sa kanya at napakamot sa ulo ko.

“It’s okay, Syd. Don’t worry, di ko naman papabayaran sa’yo ‘yan. Kung iniisip mo na sayang sa pera. No, it’s actually pricey, pero barya lang sa akin ‘yan,” natatawa niya pang sabi, na para bang ayos lang sa kanya kumaltas ng gano’n kalaking pera sa loob lang ng tatlong araw.

“Okay ka lang? Lakas mo talaga, mamaya maubusan ka na ng pera,” pagbibiro ko sa kanya. He shook his head.

“Of course not. May sarili akong trabaho, I get paid. Besides, my parents still give me money,” ani niya at nagkibit-balikat sa harapan ko.

Grabe ha. Ganyan ba talaga kapag mayayaman?

PolSci student pa siya at taga-UST. Ang mamahalin pa ng apartment niya.

Nanahimik kami for a moment lang naman, di naman gano’n katagal—not until he told me I should come with him tonight kasi manlilibre daw siya sa mga tropa ko. Akala ko biro niya lang ‘yon.

Mga tropa ko naman kasi akala mo mababaliw na kapag di nakatikim ng alak. Tumango na lang ako sa kanya.

Pumunta kami sa apartment niya muna, magbibihis muna raw siya. I called Cisco to get ready, nakaready na raw siya—tinutotoo nga talaga niya.

Humiga ako dito sa sofa para umidlip saglit kasi inaantok nga talaga ako. For some time, ginising na ako ni Seth—nakaready na pala.

Ako lang ata walang palit-palit ng damit pero ayos lang para di madami labahin ko.

Seth is wearing a fitted sando partnered with black baggy pants, labas pa yung CK niyang boxer.

He is always wearing black Jordans. May dala din siyang jacket na black—ang init-init sa club, naka-jacket pa.

Samantalang ako parang pulubi na naka-black t-shirt at wide leg pants. Wala man lang akong bihis-bihis.

I sighed and stood up. Inakbayan niya ako habang inaayos niya ang t-shirt ko. I put one arm around his waist. It’s not that bad to do this, right?

Pumunta ako sa gilid nitong bar kung nasaan yung bartender.

I sat at the stool, di ko alam kung nasaan si Seth at ang mga kaibigan ko.

May tumabi sa akin—si Cisco.

“Hey, bro,” bati niya at nakipag-fist bump sa akin. He gestured the bartender for two drinks.

“Magsusugal ka?” tanong ko dahil may dala-dala siyang chips sa kamay.

Umiling siya,

“Mamaya pa, may pupuntahan akong casino sa Distrito Sais,” banggit niya at yumuko.

“Hindi ba illegal ‘yon?” tanong ko sa kanya. Tinawanan niya ako.

I glared at him. Imbis na sa background music ako mainis, sa kanya ako naiinis.

“Tarantado, di illegal ‘yon,” sabi niya at ibinigay sa akin yung drink kaya tinanggap ko naman.

“Naninibago ako kay Radio,” panimula niya ulit kaya napatingin ako sa kanya.

“Ang tahimik niya, tapos ang dami niyang kinain na chicken wings. Alam mo ba, busog na busog kami kanina nila Exis dahil don,” natatawa niyang sabi at napahawak sa tiyan.

“Pagselosin mo araw-araw para libre pagkain ko,” natatawa niyang sabi as he tapped my shoulder. Napatanga naman ako sa sinabi niya.

Pinagsasabi niya? Pagselosin saan? Hinayaan ko na lang—baka gumagawa lang ng kwento si Cisco.

Sa pagsisinungaling niyan, ipapaskil na naman sa newspaper ang pagmumukha niya.

I rolled my eyes again, not wanting to think of it anymore, pero di ko naman maikwaksi sa isipan ko ‘yon. Ibig sabihin ba nagseselos siya? Pero saan?

Ayaw naman sa akin ni Radio, diba? So anong rason para pagselosin siya? Baka guni-guni lang nila Cisco ‘yon.

Naramdaman kong may humaplos sa ulo ko. It was Seth, bringing food. Kailan pa nagkaroon ng pagkain dito?

I opened my legs dahil nangangawit ang binti ko dahil naka-cross legs ako. Naiinitan ako dahil sa sobrang daming tao at yung ilaw—sobrang sakit sa mata.

Bago siya umupo, hinalikan niya ako sa pisngi. Di naman ako umalma don dahil parang ginawa na niya ‘tong routine simula kanina.

Namula at nahiya ako konti, pero wala namang pakialam sa amin ang mga tao dito sa bar so I think it will be okay.

“Eat.”

Tumango ako sa kanya. Magsisimula pa lang sana ako kumain kaso may humila sa akin kaya medyo natumba ako. Tumingin ako kung sino ‘yon.

It was Radio. His eyes are bloodshot. Napangiwi ako dahil malalaman mong lasing ito at wala medyo sa sarili.

Triny kong tanggalin ang kamay niya sa braso ko, but his fingers around my arms became tighter even more.

“Let’s go,” may diin niyang sabi.

“Baliw ka ba?” tanong ko sa kanya at tinanggal na ang kamay niya sa braso ko.

“Ano na namang problema mo?” kunot-noo kong tanong.

Kahit ano talaga iwas ko sa lalaking ‘to, siya talaga ang lumalapit sa akin. Nakakainis talaga.

27

ESTRADA
.

Tinulak ko siya nang susubukan niya akong lapitan ulit. “Lasing ka na, Radio. Umuwi ka na,” sigaw ko sa mukha niya.

The music stopped and all the people were looking at us—yung iba nagvi-video pa.

“Come with me,” he said. Alam mong wala ito sa sarili, nakakahiya talaga. Naiinis na naman ako sa kanya.

“Dio, stop it, nakakahiya,” rinig kong bulong ni Centi.

“Bitawan mo ako, Centi,” bulyaw ko dito pero hindi nagpatinag si Centi.

“Umuwi ka na, bro. Lasing ka na,” I heard Seth spoke behind me. Kaso ay sinugod siya ni Radio at sinuntok siya.

Muntik pa akong matamaan. Pumunta ako sa likod ni Seth nang mahila nila Centi si Radio.

“Tangina, bro. Tama na, nakakahiya na sa mga tao dito. Why are you acting up like that again?” I heard Abel told him that.

Nanlilisik ang mata niyang nakatingin sa akin. Ganito ba siya noon? Hindi naman ah. Ako ha, ang nagbago o siya?

Sa galit ko ay tumayo ako at lumapit sa kanya.

“Bakit ba nanggugulo ka? Ano na namang problema mo? Imbes na ayusin mo yung problema, you are just fixing it by fist fight again,” sabi ko sa kanya.

Mata sa mata kaming nagtitigan, walang palya.

“Ano ba talagang gusto mo? We ended things up, right? Di kita pinapansin, di kita nilalapitan. You didn’t say anything the last time we talked.” Huminga ako saglit at pumikit, just to calm myself down.

“If you want to save this friendship badly, let it go. Maghilom ka diyan sa kung ano mang inaano mo, Dio. Ako ang napapagod sa’yo eh at di ko na alam kung ano bang gagawin ko.” Hindi ako makaiyak dahil alam kong walang papatunguhan.

“Kahit anong gawin ko, Dio, hindi ka mawala-wala sa isipan ko. Gusto ko na mag-move on kaya tama na. Stop entering my life anymore. Stop hurting me like this—‘yon na nga lang eh di mo pa magawa,” sigaw ko sa kanya na may halong galit.

Ito na naman yung mata niyang nakatitig sa akin na animo’y iba ang laman no’n.

He walked away just like that, padarag niyang iwinaksi ang kamay nila Centi at Abel.

I saw Conan standing, dumbfounded, looking at me with worry. Lumapit siya at naramdaman ko ang yakap niya at hinagod ang likod ko.

“It’s okay,” he soothed me. Kumawala siya sa akin at umalis na palayo.

Naiinis ako sa sarili ko dahil yung mga ayaw kong lumabas sa bibig ko ay lumalabas dahil sa galit at poot na nararamdaman ko para dito.

Bakit ba ayaw niya akong tigilan sa ganito?

Ayaw niya naman sa akin ha? Ayaw niya naman talaga simula pa noong una.

Di na nga siya mawala sa isip ko, tapos ganito pa siya.

Paano ako makaka-move on kung lapit siya nang lapit sa akin?

Layo ako nang layo pero siya, lapit nang lapit.

Hindi ko alam kung ano bang gusto niya mangyari sa buhay niya.

Yung mga tao sa paligid namin ay nagbubulungan dahil sa scenario na nangyari ngayon-ngayon lang.

When I looked at them and glared, nagsialisan sila at nagsimula ulit ang sigawan at sayawan dito sa bar na para bang walang nangyari.

Seth hugged me from behind, putting his arms around my chest.

“It’s okay. Don’t regret saying those words to him. He deserves it. He does,” he said as he put his nose on my neck.

Wala akong maramdaman pero ang bukod-tangi kong iniisip, yung mga mata ni Dio na nakatingin sa akin—every time I tell those things to him, his eyes softened a bit pero nawawala rin ‘yon.

Kailan ba mawawala ‘to? I clutched on my shirt tightly as if it can ease the pain I’ve been feeling in my heart.

I need my mama.

Inihatid ako ni Seth sa bahay namin. Ni hindi ako nakapagpaalam sa kanya dahil dumiretso ako sa gate namin at pumasok.

I feel like my eyes are going to fall out because of exhaustion dahil sa mga nangyari ngayong araw.

I saw my mother again, sitting at the sofa, scrolling through her phone while wearing glasses.

She was watching silly videos again on her phone.

Niyakap ko siya. I miss my mother so much. Siya lang talaga ang kailangan ko. I never opened up with my friends but they are kinda aware of it. Sa lahat talaga ng pinagkwekwentuhan ko ng buhay ko, ang mama ko.

She was my first listener kahit noong bata pa ako. Kahit sobrang simple at unnecessary lang ang pinagsasabi ko, nandiyan siya at nakikinig sa akin.

“Ma, miss na kita. Ang dami kong problema, Ma,” I whispered at tuluyan na akong umiyak. Hinaplos niya ang braso ko.

“Ano ‘yon, nak?”

I sat beside her and lay down on her. Hinahaplos niya ulit ang buhok ko katulad noon.

“Ma, si Radio… di ko siya maintindihan,” panimula ko.

“He is always angry at me pero minsan hindi. Lumalayo na ako sa kanya, Ma, pero siya ‘tong lapit nang lapit sa akin. He causes so much trouble,” I said as I wiped the tears at the corner of my eye.

“Ma, gusto ko si Dio matagal na, pero gusto ko na mag-move on sa kanya. Pero ngayon na sumusubok ako, tila ba ayaw niya akong mag-move on,” iyak ko sa kanya.

I sniffled and choked on my tears.

“Hindi ko maintindihan si Dio, Ma. Gusto ko si Dio, mahal na mahal ko siya, Ma. Pero every time na I try to show him about it before, he neglects it. Kasi kaibigan niya lang raw ako.”

Ang sakit talaga maging kaibigan niya. Sobra. It hurts to be rejected by your first friend.

“Ma, kanina sa bar, nag-cause siya ng trouble. He said na sumama raw ako sa kanya pero ayaw ko. Lasing siya, Mama, kaya baka niloloko niya lang ako. I said so many hurtful words to him. Then his eyes looked at me, softened, pero saglit lang ‘yon. Di ko siya maintindihan, Mama. Ano gagawin ko?”

That’s when I stopped talking. She hummed and sighed a bit.

“Nak, wala man ako sa posisyon mo para maintindihan ka, pero gusto kong malaman mo, anak, na kahit pakiramdam mo panggulo sa buhay mo si Radio, ay huwag mong isipin ‘yan. Hindi ako kampi kay Radio, nak, pero galit ako sa kanya.” tugon niya sa sinabi ko.

“Minsan sa buhay natin, nak, may mga tao tayong di natin maintindihan dahil sa inaakto nila. But sometimes, their actions hurt people—just like you. Nasasaktan ako, anak, kasi nasasaktan ka ni Radio. Pero mas masakit para sa akin na nagmo-move on ka tapos pinipilit lang.”

I roamed my eyes around our living room and spotted the picture Radio and I took in our high school days.

It pained me that we became strangers because of these feelings.

“Nak, let it flow normally. Huwag mong ipilit. Radio is as confused as you are kaya nangyayari ‘yan. I know he hurt you, pero dapat ba saktan mo rin siya? Remember this, anak: the best revenge is no revenge.”

Alam ko, naiintindihan ko si Mama sa mga sinasabi niya.

Gusto ko talagang intindihin si Radio—kung bakit niya ba ginagawa ‘yon, ano bang meron—pero di siya nagsasalita. Wala siyang imik sa akin tungkol do’n.

“Nak, ask him again. Alam kong masakit talagang maging kaibigan lang. Dahil ako rin eh—I once became a friend of your father, yet we didn’t end up together. Sinaktan rin ako ng papa mo. Noong una hindi ko maintindihan. But later on, I understood why—may mga bagay at taong pumipigil sa kanya.”

Mapait niya ‘yon sinabi sa akin. Mahahalata mong hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin siya sa mga ‘yon.

Her past still haunts her.

“Syd, take your time to heal from it. Huwag mong ipilit mag-move on. Go with the flow. Makakamit mo rin ‘yung inaasam mo na mawala ‘yung nararamdaman mo para kay Dio.”

‘Ayon ang naging huli naming usapan ni Mama tungkol do’n. I did understand what she was pointing out. Sa susunod na makita ko ulit si Radio, I’ll ask him myself.

Takot akong harapin siya pero mas takot ako na baka mahuli ako sa malaman ang mga rason niya.

28

ESTRADA
.

Dumating yung araw na may gig si Chico, nagyaya kasi sila, tutugtog kasi yung Dandelions ngayong gabi.

Kasama ko si Seth pero iba ang hinahanap ko.

I haven’t seen Radio simula nung nangyari ‘yon, hanap-hanap pa rin siya ng puso ko, ng isip ko sa araw-araw.

Nakita ko si Exis na papunta sa akin kaya sinalubong ko na.

“Nandon sila sa isang table malapit sa stage,” Exis whispered in my ear but he eyed Seth.

“Kasama siya?” he asked kaya tumango ako, palagi ko naman siyang kasama.

“I’ll wait for you here,” he said, gesturing me na umalis na, kasama si Exis.

We arrived at the table, rinig kong may sinambit si Conan at pinaupo niya pa ako sa tabi.

Sa lakas ng tugtog ay di ko na marinig ang sinasabi niya.

Tumingin ako sa table namin, nasa kabilang dulo si Radio, katabi si Cisco. He is laughing with him.

Nagtama ang mata namin pero ako na ang umiwas, kumabog ang puso ko.

“Are you still mad at him?” Conan whispered. Kanino ba? Tiningnan ko kung sino ang tinutukoy niya.

Ah, si Dio. Umiling ako bilang tugon. Bakit naman ako magagalit?

Di na ako galit. Hindi ako nagpapatagal ng galit sa puso ko.

Baka si Dio ang galit.

“Sure ka? Nagkwento ‘yan sa akin si Dio, OA pala siya,” he chuckled in amusement habang ang atensyon ay nasa stage.

Hindi ko na pinansin yung sinabi niya. When the Dandelions arrived at the stage, tumayo ako para medyo makalapit.

Radio did the same after me. I didn’t see Seth.

The people are shouting at the top of their lungs, mentioning their names. Yung isa, feeling ko nawawalan ng boses.

Si River ang main vocalist nila at si Chico, bass guitar at sub-vocalist.

“Na-miss namin kayo!” River shouted in his accent. Englishero kasi, laking ibang bansa.

“Since The Dandelions are back on stage, syempre may request song na kakantahin namin,” ani ni Chico at ngumiti sa harap ng mga tao.

The crowd went wild when he said that. Crush na crush talaga si Chico ng bayan.

Sa ilang taon kong hindi nakita si Chico sa stage ay na-amaze talaga ako sa kanya.

Chico is definitely famous among women, but I don’t think he is into them.

“Special request for someone na kaibigan lang daw,” Chico reads, and the crowd just seems to be sad in a joking way.

“Sana all tropa lang. Ako rin eh!” I heard someone shout. May mga taong humalakhak pero ako, wala lang. Napatingin ako kay Radio na ilang metro lang ang layo sa akin.

He crosses his arms. He looked at the stage. He seems so entertained.

“‘Balang Araw’ by I Belong to the Zoo,” River reads. Napatingin ako sa mga kaibigan ko na napatingin sa akin.

I wasn’t the one who requested that song.

It’s definitely not me.

“I’ll let you sing this, Chico,” River said, giving the center stage to Chico and the mic also.

“Sa anonymous na ‘yan at sa mga taong hanggang kaibigan lang, para sa inyo ‘to,” he said on mic as he smiled and started to strum his guitar.

I was looking at them fondly, pero nung nagsimula si Chico kumanta, nakaramdam ako ng kirot sa puso ko.

“Parang tangang,” he sang, starting to strum the guitar.

“Kausap ang tala at buwan.
Naghihintay ng mayroon sa gitna ng kawalan.” He closed his eyes, feeling the song.

Pero heto ako, nakatingin sa ibang direksyon.

Hindi ako ang kumanta pero damang-dama ko kung anong mensahe ng kantang ‘yon.

“Natutong lumipad kahit pagod at sugatan. Pag-ahon ko sa lupa’y iiwanan lang naman,” he added, singing.

“Walang nag-iba, talo na naman tayo. Gano’n talaga. Nadala na lang sa puro pangako.”

When Chico sang that part, I  automatically looked at Radio.

He is looking somewhere else, not on me.

Nasaktan ako pero nasanay na lang. Wala na ba talaga? Kasi kung wala na, tatapusin ko na.

I’ll be focusing on someone that is not him.

I want to feel him beside me kahit panandalian lang.

Gusto ko humiling pero ang laki para may gusto akong biruin na makuha pero di ko maabot.

It’s so far away to the point that even though I give up everything, I still wouldn’t be able to reach for it.

“‘Pag kaibigan lang kasi, kaibigan lang.”

I heard Chico. Kaibigan lang ba talaga? Wala na ba talaga?

Napayuko ako at ito na naman yung luhang nagbabadyang tumulo sa pisngi ko. I was a manly man.

A man shouldn’t cry, yet I don’t care about it. Naramdaman kong may yumakap sa akin.

The soft hands wrapped around me. Embracing me.

Kung si Dio lang si Seth, hindi ako magsa-suffer ng ganito. Bakit ko ba siya kinukumpara kay Radio?

Ayaw ko pero mistula ko na lamang ‘yon naiisip. I hugged Seth back. Ayaw ko na saktan si Seth ng ganito.

Hindi ko pa siya nasasaktan verbally, pero nasasaktan ko na siya sa mga iniisip ko.

I cried in his arms, but people don’t seem to care for us right now. Wala rin naman akong pake.

“Seth,” I called out between our hug. I raised my head.

“I need to talk to him.”

Lumuwag ang pagkakayakap niya sa akin. I looked at him in the eye, may kung anong visible na kalungkutan roon.

He was hesitant at first pero sa dulo ay tumango siya sa akin.

“I’ll be back,” sabi ko bago tumakbo palayo sa kanya at papunta kay Radio na ngayon ay pasakay na sa motorsiklo niya.

Hingal akong lumapit sa kanya.

Ramdam ko ang pawis na tumatagaktak sa noo ko dahil sa init at pagtakbo ko.

“Radio…” I called out softly. He removed his helmet.

He looked at me with no emotion in his eyes, but the moment I departed my eyes from him then got back, his eyes began to soften.

“Kaibigan lang ba talaga?” tanong kong muli.

Bumaba siya sa motor niya at he cupped my face so suddenly.

He kissed me softly, his eyes were closed but my eyes were wide open. Sa gulat ko ay hindi ako nag-respond sa ginawa niyang ‘yon.

Inilayo niya ang mukha niya sa akin at unti-unting minulat ang mga mata niya, his hands still on my face.

Namula ako nang ma-realize ko kung ano ang nangyari.

Sa laki kong tao ay namumula ako dahil lang doon.

Pero ayaw ko umasa. Baka kissing lang ‘to at nagkakaganyan siya sa harapan ko.

Baka nanaginip lang talaga ako ng gising. I woke up from my deep slumber.

Panaginip nga lang. Gusto ko iuntog ang ulo ko sa pader nitong kwarto ko. Napasabunot ako sa ulo ko.

Tangina talaga. Kinakalimutan ko na nga yung tao tapos napapanaginipan ko pa. Sumama tuloy ang timpla ng umaga ko.

I saw Seth lying beside me, nakadapa ito matulog as always.

I’m wearing a loose t-shirt tapos siya walang damit pang-itaas. How did we end up in this kind of situation?

Wala namang nangyari sa amin kagabi, that’s for sure. Di naman ako lasing.

Siya ata ‘yon. Di ko alam kung bakit siya naglasing kahapon, kaya hirap na hirap akong iuwi siya sa condo niya.

Humiga ulit ako. I admired his face. How can this man be so handsome pero inuuna ang ibang tao kesa sarili niya?

Kinuha ko ang cellphone ko dahil nagv-vibrate ‘yon. Andaming mention sa akin nila Cisco.

Pagbukas ko ng messages nila, tadtad ‘yon ng chats at nag-backread ako.

I saw a picture of me and Seth sleeping together. I was snuggling to him tapos siya nakatingin sa camera.

Natatabunan ang kalahati ng mukha ko dahil sa kumot. Siya naman, namumula ang pisngi dahil sa kalasingan.

Napanganga ako. Nakita ko ang mga tropa kong nag-seen sa GC.

Namula ako dahil sa kahihiyan kaya hinampas ko si Seth na natutulog na ngayon ay natawa dahil sa ginawa ko.

Nakakainis talaga.

29

ESTRADA
.

Habang nagsusulat ako dito sa coffee shop, gabi na. Naghihintay na lang ako ng oras bago ako umalis. May kailangan pa akong tapusin.

I let out a sigh when I stopped writing because I’m done.

Kinusot ko ang mata ko dahil nanlalabo ito. I drank the last coffee on my table.

Tiningnan ko ang cellphone ko na nagv-vibrate. I quickly answered it.

Kinabahan naman ako dahil doon, di naman kasi usually tumatawag sila tita sa akin.

“Hello tita, Lucy,” I said on the other line.

Naramdaman ko ang bigat sa puso ko nang mag-respond ito sa akin.

She sobs, narinig ko ‘yon kaya naman mas lalo akong kinabahan.

“Ang mama mo, Syd.”

Nang marinig ko lang ‘yon, agaran akong nagligpit ng gamit ko at lumabas sa coffee shop habang ang cellphone ko ay hawak ko pa rin nang mahigpit.

Si mama? Bakit? Ano bang meron? I let out a deep breath. Naramdaman ko ang bawat paghinga ko na mabibigat.

I think negatively kaya mas lalong nagwala ang utak ko sa possible na mangyari.

“Tita, anong nangyari kay mama?” May pag-aalala sa boses ko.

“Pumunta ka na lang dito sa hospital, Syd. Your mother needs you right now,” she said and sniffled.

Dali-dali akong pumunta sa ospital kung saan naka-confine si mama. Tinapon ko ang bag ko kung saan.

I saw Tita Lucy in the corner, sitting on the bench, face is drowned in her own tears.

Pumasok ako sa loob ng ward at nakita ko si mama na nakahiga habang ini-examine siya ng isang doctor.

Lumapit kaagad ako, nagtanong, “Doc, what happened po?” I worriedly asked, my voice pleading to the doctor.

“You must be her child, Syd, isn’t it?” the doctor asked, eyeing me kaya tumango ako.

“Your mother has cancer. Hindi niya ba nasabi ito sa’yo? Mas lalong lumala ang sakit niya. The symptoms showed up so late,” panimula niya.

Gulat akong napatingin kay mama. Cancer? Bakit wala akong alam?

“Stage four cancer, Syd. Wala… di na siya magtatagal, I guess? Kung kinakailangan, she needs to undergo chemo but it’s a lifetime, Mr. Estrada. But unfortunately, I told you earlier your mom won’t last long kaya ang mabuti mong gawin ay samahan mo siya,” paliwanag niya. Ako naman, gulat na gulat sa kung ano mang sinabi ng doctor.

The doctor left me dumbfounded. Bakit ngayon lang?

Kung kailan malala na? Bakit ngayon na mas kailangan ko siya, saka siya nagkakaganito?

I looked at my mom sleeping, madami nang nakatusok sa kanya. I felt bad for not knowing anything about it.

Hindi ako makaiyak. Instead, I kinda realized na bakit ngayon ko lang narealize yung mga bagay na ganito—that my mom is sick, but she doesn’t show it.

I was focused on something else. But my mom is always focused on me, providing everything I needed in life, to live the best life as much as she can provide.

I sat in the chair next to her bed. Kinuha ko ang kamay niya, hinawakan ko ’yon at inilapit sa mukha ko.

Napayuko na lang ako. I can feel my mom’s hard, not-so-delicate hands. It’s been so long. I cried pero mahina lang.

Bakit ngayon lang? Kung kailan madami na akong plano para sa amin ni mama?

Ayaw ko mawala si mama. She is the only family I have in this world.

I once again feel like the world is against me. My life is ruined as always.

Bakit ba ako pinapahirapan ng ganito? Ganoon na ba ako kasama para maranasan ‘to?

Naramdaman kong may pumasok sa loob ng ward, but I didn’t pay attention to it. Nakayuko pa rin ako.

Ang bilis lang, ah. Noong nakaraan lang, iniiyakan ko si mama dahil sa mga nangyayari. May yumakap sa akin.

Naramdaman ko ang mahigpit nitong yakap sa akin.

“Syd…” he called out. Na-miss ko ang boses niya. Na-miss ko lahat sa kanya.

“I’m sorry because you are experiencing this kind of thing,” aniya habang nakayakap pa rin sa akin.

Ito na namang lalaking ‘to. Hindi ko naman siya tinawag pero andito siya, kasama ko. I cried out even more.

“Seth, kailan ba matatapos? Ayaw ko na kasi eh. Tapos ganito pa ang nangyari kay mama,” I whispered, my voice is hoarse. Namumula na siguro ang ilong ko sa kakaiyak.

“It will end soon. Just hold on, Syd. Hindi magiging masaya si tita na makikitang umiiyak ka lang. I heard the doctor. Instead of crying, let’s have a plan,” he said kaya napatingala ako sa kanya.

“What plan?” I asked between my tears flowing down.

“Yung mga gustong gawin ng mama mo, what she wants to do. Let’s make her last moments happy and full of experience. It’s on me, Syd.”

Ayaw ko man, pero pumayag ako. Kahit sa ganitong paraan man lang, mapasaya ko ang mama ko. Gusto ko rin siyang makasama pa.

Alam kong mahirap pa ring tanggapin para sa akin lahat, pero ganoon pa rin eh.

My mother called my name, her eyes looked at me, tears also flowing.

“Ma, anong pakiramdam mo?” Alala kong tanong sa kanya. She smiled and cupped my face, wiping my tears.

“Bakit umiiyak ka? I’m fine, anak,” she said, still smiling, parang akala mo wala siyang iniinda.

Iniwan kami ni Seth, kaming dalawa ni mama.

“Ma, bakit di ka nagsabi?” tanong ko. Ayaw kong magalit pero may galit pa rin akong naramdaman dahil sa hindi niya pagsabi sa akin.

“Anak, pasensya na ha kung nagkaganito na ako. Alam ko na talaga anak, matagal na. Pinabayaan ko lang dahil ayaw kong huminto ka para alagaan ako sa ganito. I want you to continue your study so you could fulfill everything,” she said. Nang sinabi niya ‘yon, may kung anong kumirot sa puso ko.

She always puts me first in everything.

“Gusto ko anak, kahit mawala ako, at least nabigyan kita ng buhay na hindi ko naranasan noon,” she said between her cries, still cupping my face.

“Ma naman eh, ayaw pa kita mawala. Ang dami ko pang pangarap para sa ating dalawa,” I said as tears flowed down in my eyes again.

“Death is always with us anytime, Syd. We couldn’t run when death comes,” paliwanag niya.

I hate this kind of conversation.

Ito na siguro ang topic na ayaw kong pag-usapan sa lahat ng pwedeng pag-usapan.

Ayaw ko tanggapin kaagad—may miracle naman, ‘di ba?

“Ma, magt-trabaho ako. Baka may paraan pa. Ma, I’ll do anything,” may panik sa sarili kong saad.

“Nak, grant me some wishes. Kaya mo naman ‘yon anak, ‘di ba?” she asked, making me still in my chair.

Gusto kong makipagtalo kay mama dahil doon. Ayaw kong sumuko because my mother never gave up on me.

“Tuparin mo ang pangarap mo, anak,” she said. Nagpaiyak naman ako sa sinabi niyang ‘yon.

Ay, feeling ko nagpapaalam na siya sa akin. Ayaw kong magpaalam si mama pagdating sa ganyan.

Nang matapos ang usapan namin, napagdesisyunan nila mama na huwag na siyang Aipaconfine sa hospital because she doesn’t want to. Kaya nag-decide kami nila Seth na tuparin lahat ng kagustuhan niya.

Labag sa loob ko, pero ginawa ko dahil ‘yon ang kahilingan ni mama.

Narinig ko ang mga boses ng mga bubuyog sa labas habang naghahain ako ng pagkain ni mama dito sa lamesa.

“Tangina mo Cisco, s-susuntukin ko talaga yang pagmumukha mo, sinasabi ko sa’yo,” I heard Centi threatening Cisco again.

Napataray ako nang wala sa oras. Pumasok sila sa loob ng bahay na akala mo sila ang may-ari, ‘di man lang ako binati at dumiretso kay mama.

They asked her kung okay na ba siya. Nakikipagbiruan pa sila mama sa kanila kaya natutuwa naman ako na masaya siya.

I saw Radio also laughing with my mother.

Akala ko ba galit si mama sa kanya? Confused na lamang akong napatingin sa kanya.

I saw Seth also entering the house kaya lumapit ako sa kanya kaagad dahil may dala itong mga pagkain. He is still wearing his jersey.

Niyakap ako ni Seth. Namula naman ako dahil alam kong nakita ‘yon ng mga tropa ko at kinantyawan na naman nila ako.

“Grabe ang hirap talaga kapag single,” reklamo ni Cisco na para bang nalulungkot siya, na ewan.

“Sige lang. Kapag ako nagkashota, makikilala niyo talaga mga binabangga niyo,” duro niya sa amin.

I let out a soft laugh and hit him on the head.

He groaned and glared at me, pero tinawanan ko lang.

I saw Radio looking at us with no emotion. When his eyes locked into mine, there is that again. His eyes softened.

30

ESTRADA.

Andito kaming lahat sa may skydiving, isa ‘yon sa wishlist ni Mother Earth.

Sila Abel at Conan lang ang wala dahil may pupuntahan daw sila.

Hawak ko ang bag ni Mama at nakapulupot ang kamay niya sa braso ko.

Tiningnan ko si Mama, her smile grew larger and larger dahil sa mga nakikita niya at amaze siya.

She took out her phone and gestured to me. “Picturan kita, Nak, dito oh,” utos niya sa akin.

Para akong ‘yung bata dati na kapag aalis kami ni Mama kung saan-saan niya ako pinipicturan tapos ang post ko may peace sign.

I let out a soft laugh and smiled at the camera, raising my hands and making a peace sign.

“Tita, picturan ko din po kayo ni Syd,” I heard Seth say at ngumiti siya sa kanya. Natuwa naman si Mama at agaran akong tinabihan.

Cisco also took a picture. I smiled brightly, ayaw ko nang matapos ‘tong araw na ‘to. I want to spend more time with her.

I smiled to the camera one more time, putting my arms on her shoulder.

Nag-skydive kami sabay ni Mama. Gusto ko ganito si Mama — ‘yung masaya lang siya.

Gusto pa raw mag-try ni Mama ng isa kaya inasikaso siya ni Cisco.

“Aren’t you going to be sad, Syd?” I heard Exis ask. Taka akong tumingin sa kanya. I don’t know what he is talking about.

“Para saan? May dapat ba akong ikalungkot?” tanong ko sa kanya at umiwas ng tingin sa mga matatalas niyang mata na may suspisyon sa akin.

“I can tell just by looking at you. You can’t fool me, asshole,” he whispered at ibinaling ang tingin kina Cisco at Mama.

“Wag mo muna isipin ‘yan, Syd. Spend happy times with your mother. Wag mo isipin na huli na ang lahat para maging masaya kayong parehas,” he sighed and tapped my shoulder.

“A mother can feel their children’s sadness, remember that?” he said one last time and walked away from me.

Gusto ko mang magsaya pero parang ayaw ko dahil sa ganito na ang iniisip ko.

I’m still thinking that I know maybe today, tomorrow, or the next day, or after a week, she will be gone and vanish from my life completely.

Anong gagawin ko kapag wala na si Mama?

Bumalik lang ako sa wisyo ng tawagin ni Mama ang pangalan ko. “Nak, picturan mo ako dito,” she ordered me happily.

She smiled. Gusto ko palagi kong nakikitang masaya si Mama.

Nang mag-skydive siya ay hinayaan ko na lang muna siya at lumapit kay Seth na ngayon ay may dalang tubig para sa akin. Kinuha ko ‘yon at nagpasalamat sa kanya.

“Feeling better?” he asked, fixing the strand of my hair. Tumango ako sa kanya at ngumiti.

Hindi ko pa pala nasasabi kay Seth ‘yung gusto kong sabihin sa kanya.

I forgot about it dahil sa mga ganitong bagay.

As for Radio, hindi ko pa rin makalimutan ‘yung panaginip ko last time. Laman pa rin siya ng puso at isip ko.

Hindi ko pa rin mapigilan kung ano ba talaga ang nararamdaman ko para sa kanya. Move on na, move on na ako — oh kailan ba?

Pero mistulang pinaglalaruan ako ng tadhana, dahil sa puso ko may nabubuhay na naman na pag-asa.

He invades my inner self, including my heart, as always. The way he looked at me made my heart flutter again.

Tangina kasi eh, traydor din ‘tong puso ko eh. Gustong-gusto si Radio pero ayaw ko sundin ito.

It’s better for me to focus on how to move on from him. Ayaw ko magpadala sa mga tingin niya na hindi mo maintindihan kung ano ba ‘yon.

Hapon na nung makarating kami sa hotel. Tinabihan ko muna si mama matulog para makatulog siya, dahil hindi ito natutulog nang walang kasama.

After a while, I got out of the bed para lumabas ulit, to refresh my mind, baka sakaling kumalma ako sa pag-iisip.

Tumingin ulit ako sa kwarto at binaling ang atensyon ko kay Seth na natutulog sa sofa.

Pagsarado ko ng pinto, bungad sa akin ang mukha ni Radio.

Namumula ito at nakabenda pa ang dalawang kamay, galing siguro ‘to sa gym.

Grabe, gabi na, nag-eehersisyo pa. Hindi ba siya napapagod?

Ay oo nga pala, paano siya mapapagod eh hindi nga siya napapagod saktan ang damdamin ko palagi.

Hindi ko siya pinansin at nilagpasan na lamang siya kahit ramdam ko ang titig niya at ramdam ko rin ang puso ko na namang nawawala sa kung ano na namang bagay na ‘yon.

He called my name again and again kaya iritado na akong napatingin sa kanya.

“Let’s talk,” he said and held one of my hands.

“Ano na naman gusto mong pag-usapan? Ayaw ko na nga, ‘di ba?” pagalit kong sabi sa kanya.

Napabitaw siya sa akin kaya tinalikuran ko siya.

Gusto ko mag-usap kami. Gusto ko kausapin siya.

Gustong-gusto ko talaga pero may kung anong pumipigil sa akin.

May biglang yumakap sa akin. ‘Yung bigat ng katawan ni Radio ay parang nakadagan sa akin at parang madudurog pati buto ko.

“Let’s talk, I miss you,” he said softly. I can feel his hot breath on my shoulder.

Sinungaling ang lalaking ‘to pero parang totoo dahil ramdam kong may pagka-sincere ‘yon.

“Sinasabi mo lang ‘yan para saktan ako ulit, Radio. Pero ‘di uubra ‘yan sa akin,” sagot ko sa kanya.

Mabuti at walang nakatingin sa amin dito sa may parking lot.

Sinundan niya talaga kami para dito.
“No, Syd, I’m telling the truth.” Mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin.

“Paano ako maniniwala sa’yo, Radio, eh ilang beses ka nang nagsinungaling sa akin? You’ve always been like that to me,” sagot ko muli sa kanya.

He sighed at mas lalong isinuksok ang mukha niya sa leeg ko. Nakaramdam ako ng pagwawala sa tiyan ko.

Ayaw ko maniwala sa lalaking ‘to. May mga lalaking pa naman talagang sinungaling sa totoo lang — kasama na siya doon.

“I’m sorry, Syd. Please, let’s just talk,” he pleaded even more.

Nararamdaman ko na ang luha niya sa balikat ko.

“P-paano kung ayaw ko?” I stuttered a bit, not wanting to let out a sad voice.

Lumuwag ang pagkakayakap niya pero ganoon pa rin ang posisyon namin.

Hindi ko mawari kung bakit di ko siya mapaalis sa ganitong posisyon.

“Ipipilit ko. Kausapin mo lang ako. Susundan kita kahit saan. I’ll pester you until you give in,” he explained. Kumawala ako sa kanya at hinarap siya.

Nakaramdam ako ng gulo sa isip ko, ‘yung para bang ayaw ko na siyang paniwalaan.

“If you are just saying that because you know that I will give in easily dahil gusto kita — nagkakamali ka, Radio. Don’t even try,” I explained at muli siyang tinalikuran.

Kahit masakit sabihin sa pagmumukha niya ‘yon ay nasabi ko pa rin naman.

He deserves to hear it. Pero makulit talaga siya. Hinawakan niya ulit ako sa braso.

Bungad ang namumula niyang mata at ang mahaba niyang pilik-mata.

“Hindi ganoon ‘yon.”

I sighed at medyo napayuko, at tiningala siyang muli.

“Radio, nasasaktan na ako sa totoo lang. Di ko alam kung bakit nagkakaganyan ka na naman. Alam mo bang masakit para sa akin na mag-assume palagi dahil sa mga actions mo?” buwelta ko sa kanya. Napahinto siya at tiningnan ako sa mata.

“You always push me away from your life and now you miss me? Ano na namang kabaliwan ang pumapasok diyan sa maliit mong utak, ha?” dagdag ko at medyo napataas na ang boses ko dahil doon.

Yumuko siyang muli. Our gazes met again, at ‘yung mata niya ay nag-iba ang emosyon.

It was full of regrets, I guess? O baka guni-guni ko lang.

“Sa pinapakita mong ‘yan, masama talagang side yang pinapakita mo. Your actions speak louder than words. Maling actions nga lang,” sagot ko sa kanya. I balled my fist dahil sa panggigigil sa kanya.

Wala naman siyang masabi. Nakatingin lang siya sa akin nang may emosyon. Anong gagawin ko diyan?

Masasagot ba niyan lahat ng katanungan sa isipan ko? Hindi naman, ‘di ba?

I put my hands on each side of my waist at napabuga ng hangin.

Umiling-iling ako dahil sa frustration na nararamdaman ko.

“Gusto kita.”

31

ESTRADA

Napatanga ako sa sinabi niyang ‘yon. Hindi ko ma-comprehend ang pinagsasabi niya. Gusto niya raw ako?

Baliw ba siya? Niloloko na naman ako ng lalaking ‘to.

Ano ‘yon, ni hindi nga siya nag-sorry sa akin nung sinaktan niya ako, tapos biglaan siyang mag-gaganyan sa harapan ko?

Umiling-iling ako sa kanya. “I’ll never believe what you say, Radio,” malamig kong sabi at dinuro ko ang dibdib niya.

I scoffed. Gusto kong maniwala pero nangingibabaw ang pagdududa ko.

He once hurt me and made me feel like he likes me—so what am I supposed to believe, right? It was all a lie.

“Yeah… don’t believe it. I was just testing you,” he said with a hint of regret in his voice.

“I’ll never like you anyway…” he said. I can feel the pained expression he showed while looking at me.

He walked out again, nag-iwan na naman siya ng tanong sa isipan ko na hindi ko mawari kung ano ba ‘yon.

Days passed. Nandito kami ngayon sa Cloud 9 dito sa Antipolo. It was a good view for me.

The breeze touched my fair skin. The scent of grassy air invaded my nostrils.

Sa dami ng araw na dumaan, nasa isip ko pa rin yung nangyari sa parking lot.

How can he say those words as if he meant them, yet take them back and regret doing so after?

Ano ba talaga, Dio? Hindi kita maintindihan. Asang-asa na naman ako na totoo talaga ‘yon

I closed my eyes for a moment  and erased all the stressful events that happened to me these past few days.

May kung anong malamig na bagay na dumampi sa pisngi ko. I looked to see who it was—si Seth na naman. Kapag talaga malungkot ako, timing ang lalaking ‘to.

I took the canned beer from his hands and opened it.

“You okay?” he asked worriedly. Ramdam niya talaga kung nalulungkot ako o may problema ako.

Ngumiti ako sa kanya at tumango. Okay naman talaga ako—nagre-react lang ako masyado—pero nagtanong na rin ako sa kanya.

“Kapag ba binawi ng isang tao na gusto ka nila, is it a lie or true?” Ang random nung tanong ko, pero pwede na ‘yan. Wala namang mawawala kung magtanong ako, ‘di ba?

His shoulders slumped a bit and he put his arms on the rails, leaning a bit while still holding the beer.

“Maybe it’s a lie. Kasi kapag may gusto ka sa isang tao, bakit mo babawiin ‘yon? May rason ba para bawiin ‘yon—unless may valid reason,” he responded well.

Napayuko naman ako.

So it was all a lie then. Bakit ba muntik na akong maniwala sa kanya?

Tumalikod ako sa rails at sumandal dito. I leaned, putting my elbow there.

I hummed in response, not wanting to answer or talk about that again.

“Bakit mo natanong?” taka niyang tanong kaya napatingin ako saglit sa kanya at binaling ang atensyon sa iba.

Medyo natense din ako, pero nawala rin ‘yon nang may sinabi siya.

“It was Radio, isn’t it?” he asked. It made my heart hurt quite a bit, pero iwinaksi ko ‘yon.

Di ako nagrespond sa sinabi niya, pero siguro naramdaman niya at alam niya.

“Syd, how will you move on if you are always thinking about him?”

Hindi ko alam kung papaano. Sa totoo lang, Seth cannot fill the missing pieces in my heart kahit alam kong gusto niya ako.

I tried to like him, yet my heart still beats for Radio.

Siya pa rin talaga, eh. Wala nang iba.

“Magagalit ka ba kung sasabihin kong hindi ko kaya at ginagamit lang kita, at pinipilit ko lang ang sarili ko sa ganitong set-up na hindi ko naman gusto?” tanong ko sa kanya.

Malungkot ako nung lumabas ‘yon sa bibig ko, but I don’t really regret saying those words.

Kasi kahit papaano ay nagiging totoo ako sa kanya kahit sa ganitong paraan man lang.

“Hindi. Mas okay na ‘yan kesa walang mangyari sa pagkakagusto ko sa’yo. Use me until you get tired. Ubusin mo lang ako hanggang sa umayaw na lang ako,” he calmly said. Sincere ‘yon at mahahalatang walang biro ‘yon.

“Bakit mo ba ginagawa ‘to para sa akin, Seth? In fact, why would you settle for something like this kung pwede ka namang makaranas ng pagmamahal na hindi ganito?” pagtatanong ko sa kanya. I want him to give me a satisfactory answer.

“Kasi mahal kita. If I need to settle for this, then it should be you. If I can be hurt just by this, I want you to be the one to hurt me. Kasi doon, kapag mag-move on ako, isahan na lang,” he sighed and drank all the beer once and for all.

I can still feel the way he sincerely said it. Walang palya.

Why do we need to fill up someone’s hurt kung hindi naman tayo ang dapat gumawa nun para sa kanila?

“I know you understand me—magkaiba nga lang tayo—because I know if Radio would ask you for something like this, I know you would accept it without thinking,” he added. Doon pa lang ay medyo alam ko nang natatamaan ako sa sinabi niya.

It was true. Gagawin ko ‘yon kung sakaling ‘yon lang ang paraan para makasama ko siya at ma-feel ko ang pagmamahal niya sa akin kahit hindi totoo.

Hindi ako umimik pero tumabi ako sa kanya at sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya.

Sana balang araw, Seth would find someone who will cherish him forever at mamahalin siya katulad ng pagmamahal niya sa taong ‘yon.

Sorry, Seth, if I couldn’t like you as much as I like Radio.

Nakita ko si Mama na lumapit sa akin galing kay Radio.

Ano na namang pinag-uusapan nila? Mukha kasing masaya si Mama.

“Ma, akala ko ha, galit ka kay Radio?” taka kong tanong sa kanya at muling sinilip si Radio na kausap na ngayon sila Cisco.

Abot-tainga ang ngiti nito habang tumatawa sa kung ano man. “Nagusap lang kami saglit,” she said, smiling, assuring me.

We sat on the bench. Nakangiti habang nakatingin kami sa magandang view kung saan kami naka-west. We are already in the hotel, nasa rooftop lang kami.

I looked at the view also. I held my mother’s hand, intertwining it. Noong bata ako, ganito niya ako hawakan kapag sinasama niya ako kung saan.

Nasanay na lang din ako doon. Inayos ko ang scarf sa leeg ni Mama dahil malamig na.

“Syd,” she called out.

Napatingin ako sa kanya. “Maging masaya ka ha. Ayaw ko nang maging malungkot ka,” she said and smiled fondly at me.

Tumango ako at ngumiti rin. Alam ko na kung saan papunta ‘to, but still I listened carefully to her.

“Alagaan mo ang puso mo at sarili mo, anak. Let your heart always win and choose who the best person is for you. Alam ko, anak, si Radio pa rin ang nandiyan. Seth cannot replace him.” Sa pagkakasabi niyang ‘yon, kumabog ang puso ko at tinuro ang puso ko.

“Kapag nawala ako, anak, maging masaya ka dahil you know that I will never suffer again. Ako pa rin ang kakampi mo, anak, sa bawat araw at oras. Sorry, anak, kung iiwan kita pero sana malaman mo na mahal na mahal kita. Tuparin mo lahat ng pangarap mo, anak, para sa akin,” she said. Hindi umiiyak si Mama pero ako, heto, umiiyak na.

Hindi ko mapunasan. Patuloy lang ako sa pagluha, pero masakit para sa akin ‘yon—sobra. Di ko alam kung anong sasabihin ko kay Mama.

“Mahal kita, anak, at sana sa ilang taon na kasama kita ay sana never mong naisip na inabandona kita. Sa buong buhay ko, anak, ikaw lang ang pinakamagandang nangyari. Kasi alam ko, sa oras na pinanganak ka, nagbago ang buhay ko. Kaya anak, sana huwag mong sisihin ang sarili mo kung bakit ako mawawala sa tabi mo.”

“Dahil ito ang naging desisyon ko. I will always be your mother and you will always be my son. You will always live in here… in my heart. Kaya anak, kung di ko man masabi lahat sa’yo, hayaan mo, anak, sa ilang taon kitang nakasama—doon pa lang naiparamdam ko na sa’yo kung anong tunay na pagmamahal ng isang ina,” she said and put her head on my shoulder.

Umiiyak pa rin ako. Tila ba ay ayaw na itong huminto. Namamaalam na ba sa akin si Mama? Hindi naman siguro, ‘di ba?

Hindi ko pa matanggap, eh. Kaya pwede naman siguro ako muna ang magsinungaling sa sarili ko na okay lang ang lahat.

“Ma, salamat sa lahat…” sabi ko habang humihikbi. Humigpit ang hawak ko sa kamay ni Mama.

“Mahal na mahal kita, Ma—my forever kakampi,” I said for the last time before closing my eyes and letting all the tears flow down my cheeks.

My mother will always be the first woman in my life. My mom is such a great woman—a hardworking and loving mother.

Sa loob ng taon na nabuhay ako, siya ang sumama sa akin at naging kakampi ko sa magulong mundo.

Si Mama ang superhero ng buhay ko.

I’m scared to lose her, yet I knew I’ll be losing her one day—and it’s today.

Si Mama ang buhay ko, kaya nandito pa ako sa mundo.

For the one last time, I hugged my mother, embracing her tightly.

Her heart may stop, but I hope in her last seven minutes, all the best memories she had in her life play in her head.

32

ESTRADA.

Masakit para sa akin ang lahat at totoo ‘yon — sobra pa sa sobra ang sakit ng nararamdaman ko ngayon.

Every time I see her in her white coffin, ramdam ko lahat ng bigat, lungkot, at pasakit.

Mabuti na lang andito ang mga kaibigan ko, kasama ko.

Nakayakap sa akin si Tita Tracy, isa sa mga kaibigan ni Mama. My eyes are bloodshot, sa totoo lang.

Wala pa akong tulog. Kung minsan, thirty minutes lang ang tulog ko dahil nananaginip ako palagi ng masama.

“Nak, matulog ka muna. Wala ka pang tulog,” she whispered. Ayaw ko matulog, gusto ko magbantay. Hindi ko sinagot si Tita at nanatiling walang imik.

“Hindi matutuwa ang Mama mo, Syd, na hindi mo inaalagaan ang sarili mo,” she whispered again.

Inaalagaan ko naman ang sarili ko pero gusto ko kahit papaano ipakita na inaalagaan ko si Mama bilang pagbabantay sa kanya.

“Ta, gusto ko alagaan si Mama,” mahina kong sabi at nakatingin pa rin sa kabaong ni Mama sa harapan ko.

“Syd, wala na ang Mama mo, kaya hindi mo na siya maalagaan.

Kaya alagaan mo ang sarili mo — ‘yan ang bilin ng Mama mo sa’yo,” narinig ko na umiiyak siya kaya mistulang napaiyak rin ako.

Miss na miss ko na si Mama. Sobra.

“Tuparin mo ang kagustuhan ng Mama mo para sa’yo,” dagdag niya. Kaya napilitan akong tumayo at pumunta sa kwarto ko sa itaas.

Dinaanan ko lang sila Cisco na nag-uusap sa isang tabi malapit sa guest room kung saan sila natutulog.

When I sat down on my bed, I looked at the picture I and Mom took when I was a kid.

I traced every inch of it at habang ginagawa ko ‘yon, hindi ko maiwasang pumatak ang luha ko doon.

Ma-miss na miss nakita. Humiga ako at niyakap ko ‘yon. I closed my eyes while tears were still streaming down my face.

Sana ako na lang ang kinuha, hindi si Mama. If I would suffer in this world, sana sumunod na lang din ako.

Nakaramdam ako ng may humiga sa kama ko.

Gumaan ang pakiramdam ko ng panandalian dahil alam kong makakatulog ako ng maayos.

It was Radio, who always lays beside me every time I sleep, kasi nakakatulog talaga ako.

Kahit ramdam ko ang inis ko sa kanya, ay hindi ko na lang siya pinagtulakan.

His presence invaded me once again. Hindi ko lubusang maisip na hahantong ulit kami sa ganito.

I prayed for this for so long — that maybe someday he’ll be back and embrace me once again just like before.

Niyakap niya ako pero nanatili lamang akong hindi gumagalaw. Mas okay na ‘to, at least makakatulog ako ng mahaba.

Kahit papaano makakapagpahinga ako at makakalimot.

Maybe tomorrow will not be bad again. Maybe tomorrow the shine of the sun will be shining throughout the sky.

Nang magising ako dahil sa sikat ng araw sa bintana ko, doon na lamang ako napabangon.

Wala na si Radio sa tabi ko, pero pakiramdam ko andito pa rin siya. Pero ngayon lang nagsink-in sa akin lahat — na tinabihan talaga niya ako kagabi sa pagtulog.

Hinawakan ko ang dalawa kong pisngi dahil doon.

Gusto ko magwala dahil parang ang bilis ko lang mag-give in sa lahat, pero nakakapagtaka naman na tinabihan talaga niya ako.

Pwede naman si Cisco, o di kaya si Exis, pero bakit siya pa? Pero ngayong araw, wala rin. Wala akong panaginip na masama.

Ginulo ko ang buhok ko at dali-daling lumabas. Nadatnan ko sila sa baba. Bakit parang ang daming tao sa baba?

Bumaba ako para tingnan kung sino ang mga nandoon. Ang mga kapatid ni Mama? Bakit andito sila?

Nang makita nila ako, may ngiti sa kanilang mga labi pero alam mong peke.

Nakita ko sila Tita na hinahainan sila ng pagkain. Bilang respeto, lumapit ako kahit na ganoon — they are still my mom’s family.

Umupo ako sa harapan nila, pero ang mas kinainis ko sa lahat — o mas gusto kong sabihin, ang nagpagalit sa akin — ay wala man lang silang “kamusta” bago sila magtanong sa akin ng mga bagay-bagay.

“Ngayon pa talaga nawala ang nanay mo, Syd. Masyado ka kasing pinamper ng nanay mo kaya humantong sa ganito,” she casually said.

Nakaramdam ako ng guilt doon, pero bakit parang kasalanan ko pa?

“After all, it’s her choice kaya namatay. Besides, wala na rin naman siyang matutulong sa pamilya natin,” Tita Erma said — may pagka-arte at sarkastiko niyang pagkakasabi na para bang wala ako dito sa harapan nila.

“I should have known in the first place na mawawala din ng  pakinabang ang nanay mo, Syd,” dagdag niya pa. Confused akong tumingin sa kanya.

Natawa siya sa harapan ko na para bang pinagmumukha niya akong wala.

“So your mother didn’t tell you? Alam mo ba na ginagastusan kami ng nanay mo because she owes us something? Wala din talagang hiya ang nanay mo, Estrada. She didn’t even finish paying all of her debts,” sambit niya sa akin at tumingin.

Magkano ba ang halaga nun at ganyan siya makapagsalita sa Mama ko? Huminga ako ng malalim.

“Now that your mom is gone, Syd, wala na siyang silbi. Ang nanay mo, Syd, nakakandakayod matustusan ka lang, tapos ikaw wala namang kaalam-alam,” she scoffed, annoying me even more.

Umiinit talaga ang ulo ko sa tuwing nakakarinig ako ng mga ganyang salita na sinasabi nila sa Ina ko.

Tumayo ako at yumuko, nanggigil ako sa galit at ang kamao ko ay pinagsiklop ko.

“What now, Syd? You are gonna hit us? Wala na talagang ginawang tama ang Mama mo,” she said, provoking me even more. Pero bago pa man ako lumapit, sinampal na siya ni Tita Lucy.

“Wag mong pagsalitaan ng ganyan si Sonya! Umalis na kayo dito at wag na kayo manggulo. Imbis na magkaroon kayo ng respeto, talagang nandito pa kayo para mang-insulto. Ni hindi niyo nga kinamusta ang anak niya tapos gaganyan pa kayo ng salita,” pagalit niyang sabi at dinuro-duro ito.

Sasampalin niya sana si Tita Lucy kaso napigilan niya ito.

“Subukan mo lang ulit. Magkakaroon talaga ng patayan dito sa burol na ‘to. Kaya lumayas na kayo,” sambit niya ulit.

Mahahalata mong hindi siya nagbibiro, kaya padabog na kinuha ni Ate Erma ang kamay niya at kinuha ang bag niya.

“You owe us, Syd,” banta niya pa sa akin at dinuro ako.

“Magkano ba?” singit ni Cisco sa tabi ko. Kunot ang noo niya at magkasalubong ang kulay brown niyang kilay.

“At sino ka naman? Karelasyon nitong si Syd?” taas-kilay na tanong ni Tita Erma.

Matapang din talaga siya at binangga niya pa talaga si Cisco.

“No. I’ll be the one who will put you in jail. Gusto mo basahan pa kita ng batas dito ngayon mismo?” Cisco asked na parang iritado na talaga at kaunti na lang, sasabog na sa inis.

Tinarayan na lang siya ni Tita at nagsalita,

“Syd owes us 30 million cash.”
Sa pagkakasabi niyang ‘yon ay napanganga ako.

Thirty million pesos? Ganoon kalaki? Paano at bakit?

May kinuha si Cisco sa maluwag niyang pants at kinuha ang libo-libong nakapile doon at nilapag sa lamesa. Napatalon naman ako saglit.

“Oh ayan, forty million. Isampal mo sa mukha mo. Umalis na kayo dito bago pa mag-init ang ulo ko,” sabi ni Cisco at inayos ang nagulo niyang buhok.

Their eyes lit up in amusement — not because of Cisco, but the money in front of them. Dali-dali nilang kinuha ‘yon at umalis sa harapan namin.

Mga mukhang pera.

Umupo ako at huminga ng malalim. Hinilot ko ang sentido ko dahil sumasama na naman ang timpla ko.

“Na-stress ko bangs ko,” I heard Cisco said as he fixed his hair in front of me.
“Kailangan ko na magpa-salon talaga.”

I heard he sighed at natawa si Exis na katabi niya.

“Lakas ng tama mo. Ilang milyon ‘yon ha? Para kang nagwaldas ng pera ng isang minuto lang.”

I heard them chuckle for a moment.
“Nakaw ba ‘yan?” Centi asked.

“Bobo ka ba? Galing ‘yan sa sugal. Well, I guess I’m lucky last night,” ngisi niya sa harapan namin at para bang masaya sa nangyari kagabi.

“Bida-bida ka talaga. May pasabi-sabi ka pang babasahan ng batas. Baliw, amputa,” Centi said at natawa sa sinabi niya.

“Well, I am.” Kibit-balikat niya at nag-unat.

“Wag mo na bayaran, Syd. Barya lang ‘yon,” natatawa niyang sabi at sumipol-sipol sa harapan namin bago umalis sa pwesto niya.

Good mood ata siya pero mamaya, nagrereklamo ‘yon na naubusan siya ng thirty million sa isang lapagan lang, pero di niya naman ako sisingilin.

This chapter is dedicated to
hahatangaaaa

catshiii

Aleexyappie_123

33

ESTRADA.

Months passed and it happened like yesterday, visiting my mother’s tomb feels like a dream.

Nakatulala lang ako buong klase, kaya pati teacher ay napapagalitan na ako. I can’t even focus, para akong mababaliw sa totoo lang.

I walked out of the class as if nothing happened in the room before dismissal.

Mababaliw na talaga ako sa kakaisip, sa lungkot na nararamdaman ko, paano ba ‘to mawawala.

Dumating ako sa coffee shop kung saan kami magmi-meet up nila Cisco, nag-aaya na naman sila. Akala mo mga nagtatae ng pera.

“Hi, my friend,” bungad ni Cisco. Ang lakas talaga ng boses niya kahit kailan.

Nilagpasan ko lang siya at umupo sa tabi ni Exis na nakabusangot.

Kapag nakikita ko mukha niyang ganyan, pati ako nadadamay kaya parehas na kaming mga nakabusangot.

“Magkambal siguro kayo nung past life niyo no?” ani Centi na kakadating lang. Napansin kong namumula ang tainga niya.

Hindi namin siya pinansin, kaya nagtitigan silang lahat sa harapan namin.

“Walwalan na lang tayo mamayang gabi,” sigaw ni Cisco at talagang tumayo pa sa harapan namin. Napatakip na lang ako sa mukha dahil sa kahihiyan.

Hindi ko ‘yan tropa, itatakwil ko talaga ang baliw na ‘yan.

May pagkahyper din siya.

“Wag na kayo malungkotz, ayaw niyo ba magsaya man lang, muni-muni,” sabi niya at pumagitna sa amin ni Exis at parehas kaming inakbayan.

Siniko ko siya kaya napadaing siya nung matamaan yung dibdib niya. Di ko alam kung umaacting na naman ang isang ‘to.

“Alam mo Exis, sagot lang diyan sa problema mo—walwalan, babae, ganon. Break up with him. Besides, nakakasakal naman siya,” he said, leaning on Exis kaya binatukan ko na siya.

He glared at me at napahawak sa ulo niya. “Ire-report na talaga kita ng child abuse,” duro niya sa akin.

“Bad influence ka talaga kaya nilalayuan ka na ni Exis eh. May jowa na ‘yan, nakatali na ‘yan. Alam mo naman ‘yan so stop being a bad influence. Bubugbugin ka ng mga kuya no’n, tanga,” singit ni Centi at sumandal sa sofa.

“So what? I can fight,” mayabang na sabi niya. Bida-bida talaga. Kapag namatay ‘yan sa bugbog, ewan ko na lang.

Pagdating namin sa may bar sa Distrito Sais, ang dami na kaagad tao. Usually mga schoolmates talaga namin at ibang taga-school.

I spotted them at the VIP section kaya nakiupo na lang din ako. Si Exis, inom nang inom.

Nagpadala ng sampung case ng Ginebra, may rum pa at kung anu-anong alak.

Si Cisco, akala mo nakahithit dahil sumasayaw na sa dagat ng mga tao, swaying as if there is no tomorrow.

Gusto ko makipagsabayan pero ayaw ko pala, my mind was occupied by something else.

Wala si Radio ngayon sa ganito. Minsan lang um-absent ‘yon, madalang lang.

Bakit ko nga ba siya naiisip? He didn’t show to me these last few months, walang sign ni anino niya.

Nagtanong ako kila Abel, sabi nila di raw nila alam kung nasaan.

Sa program niya wala rin siya. Di na raw pumapasok.

Baka sa susunod na magtatanong ako, drop out na siya.

Gusto ko siyang kamustahin, gusto kong magtanong ulit sa kanya, baka sakaling mahanap ko lahat ng sagot sa isip ko.

Parang masasagot na ngayong gabi. My phone rang at kita ko kaagad ang caller ID—it was Radio calling me.

I dived in the sea of people, hungry for bodies, intoxicated by the liquor, and all hungry for something who can fill them up.

Amoy ng yosi nalalanghap ko na rin. Sa daanan, bawat sulok kutang kita ko lahat ng taong nagma-make out ng tahimik lang.

Nang makalabas ako ay pinapagpag ko ang damit ko at sinagot ang tawag niya, but I couldn’t hear his voice.

Tumingala ako at nakita siyang nakasandal sa motor niya, wearing a silver necklace, white fitted sando, and black wide-leg pants.

His one hand holding the handlebar while his other hand’s holding his newly bought iPhone.

And his eyes directly staring into mine. His face was full of bruises again—one on his lips and on the side of his cheeks.

Unti-unti kong binaba ang cellphone ko. I called out his name pero heto siya, nakatingin lang sa akin. His deep eyes staring into mine, not moving.

Nang makalapit ako, doon pa lang ay niyakap na niya ako. Ramdam kong basa na ang damit ko dahil umiiyak pala siya.

Humigpit ang yakap niya, ni ayaw niya na akong bitawan. I couldn’t even hug him back because of the sudden hug.

I tried to wriggle out of his hold but he whispered something between his cries.

I could hear his manly voice and feel his hot breath contacting with my bare skin.

“Please, let’s be like this for a while.”

Humigpit ang hawak niya sa akin. We stayed there for a while, na para bang walang tao na nakatingin sa amin.

Lumuwag ang yakap niya hanggang sa ulo na lang niya ang nakapatong sa balikat ko.

“I’m sorry for everything,” he whispered.

“Sorry for hurting and being selfish to you. Sorry for the things I did to you, Syd,” he pleaded.

Tears welled up in his eyes again, ako na estatwa lang.

Is he saying sorry? Bingi na ba ako or baka guni-guni ko lang? Isa na naman siguro ito sa mga pakulo niya.

“Sorry kung di ko magawang mahalin ka,” he said once again.

Nasaktan ako doon. Alam ko naman eh, bakit kailangan mo pang ulitin?

Wala rin talagang preno ‘yang bibig mo, Radio Grant.

Napataray ako nang wala sa oras pero kahit gano’n, malakas ang kabog ng puso ko na tila ba malalaglag na ‘yon.

Baka may mabuting loob diyan na pulutin kung sakaling malaglag.

“Are you saying that because you needed me once again?” I coldly said, saliwa ang sinabi ko sa nararamdaman ko at sa gusto ko talagang sabihin sa kanya.

Tanggap ko ang sorry niya pero may pagdududa at takot akong nararamdaman—na baka hindi totoo ‘yon, na baka sinasabi niya lang ‘yon dahil kailangan na naman niya ako.

“No, Syd. I’m saying this because I’m really sorry for everything. I hope you know what I’ve been through just to see you tonight,” he whispered once again.

Natulala na ako sa sinabi niya. Ano raw? May tuktok na ata ito sa ulo.

Kaya ba may pasa na naman siya? Ang gulo rin talaga niya, eh no?

Nung nakaraan bigla siyang umamin, tapos ngayon ito na naman.

Tapos babawiin na naman niya. Di mo siya magets, eh. Para siyang may system na reset.

Ang gulo-gulo niya pero pansin ko ngayon, hindi na siya distant sa akin.

Okay na ang pakikitungo niya sa akin. He doesn’t treat me as if I am a disease.

Is it a good thing or a bad thing?

“Ang gulo mo, Radio. Hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan kung ano ba ang iniisip mo. Ganyan ka ba talaga? You tend to make people overthink things and let them predict what you really feel?” I asked.

Feeling annoyed pero kahit gano’n, I mustered up all of my courage just to ask that freaking question.

“Ang gulo mo kasi, Radio, eh. Ang dami ko nang tanong sa’yo pero ni isa doon, wala ka man lang masagot,” I added back. I heard him sigh.

Iniangat niya ang ulo niya sa akin at tiningnan akong muli. His eyes are puffed out because he cried.

“Because you never asked in the first place,” he calmly said, binasa niya ang labi niya at umiwas ng tingin.

I scoffed. Ako pa talaga may kasalanan? Eh ako nga ‘tong ilang beses na nagtanong sa kanya at magparamdam. Siya lang ‘tong ayaw sumagot.

“I asked multiple times pero di ka sumasagot. Pinagmumukha mo ba akong tanga, Radio?” Taas-kilay kong tanong at pumamewang sa harapan niya.

“I answered but you never listened or even paid attention to them,” mahina niyang sabi pero halos hindi marinig.

“Tanga ka ba o sinto-sinto talaga? I listened. Atsaka anong pinagsasabi mong paid attention? Timang ka ba?” Iritado kong sabi sa kanya.

Hindi ko alam kung saan na papunta ang usapan naming dalawa.

“I did. You are just too blind to see, Syd. Might as well wear glasses like Centi,” he said casually. Alam niya na nga na naiinis na ako, nagawa niya pang magbiro.

Tumawa ako ng peke sa kanya. It was more like mimicking a laugh in a rude way.

“Kung pinaramdam mo lang ng tama edi malalaman ko ng maayos. You are just making up some stupid excuses again. Pinagmumukha mo na naman akong tanga. Masaya ka na naman,” napataas ang boses ko pero wala itong epektibo sa kanya.

“If you want to be happy so bad because you’re making me feel stupid again, do something na magpapaniwala sa akin,” sabi ko sa kanya.

“Bakit ba ayaw mong maniwala sa sinasabi ko?” Iritado niya’ng sabi at magkasalubong na ang kilay.

My face made an expression again. I can’t hold it anymore.

“Because you broke my trust every fucking time. You gave me so much trauma to the point I can’t even believe anything you say even though I can feel it’s sincere.” I said calmly but tears welled up in my eyes kaya pinunasan ko kaagad.

“Stop crying. Come with me,” he said and held my hand at pinasakay ako sa motor niya. Wala naman akong magawa dahil sa ginawa niyang ‘yon.

Tarantado kasi ‘tong lalaking ‘to. Paasa masyado. Tapos ngayon dadalhin niya ako kung saan.

Hirap na talaga pagkatiwalaan ng mga lalaki ngayon.

Nagsa-sorry pero di naman mine-mean parang nagsisinungaling lang para matawag na mabait.

34

ESTRADA
.

“Do you see that?” he asked while pointing at his family in their backyard, enjoying the food they were sharing.

Ano namang konek nito sa pinag-uusapan namin kanina? Confused, I looked at him. He dragged me once again palayo doon.

Binawi ko ang braso ko sa kanya at tiningnan ko siya nang masama.

“They are the reason why I can’t be with you, they are the reason why I’m like this,” he said at yumuko. Ang kamao niya ay pinagsiklop niya.

“Do you understand me now?” he asked. Napatulala naman ako. Hindi ko talaga magets yung pinagsasabi niya.

Paano magiging rason ang pamilya niya? It was his choice in the first place. He dragged me all the way here just to say these things.

“Hindi kita maintindihan,” ‘yan ang naging sagot ko sa kanya. Napatingin siya sa akin at umiwas ng tingin.

Ginugulo na naman niya ang utak ko.

“Paano kita maiintindihan kung hindi mo pinapaintindi sa akin? How could I understand you kung sa nararamdaman mo pa lang, ‘di mo na masabi sa akin? Sa totoo lang, ang dami ko nang tanong sa’yo pero ni isa doon, ‘di mo man lang masagot,” buwelta ko sa kanya.

“Sorry,” he mumbled under his breath. Sorry na naman. Puro sorry. Ano bang magagawa ng sorry niya?

“Make me understand,” I ordered. Napatingin siya sa akin, his eyes showed uneasiness.

He was about to speak but he stopped, as if there was something preventing him from speaking.

“You’ll never understand, Syd,” he spoke. Napatingin ako sa kanya.

I was disappointed once again ano pa bang inexpect ko. Tumalikod na ako. Tutal wala naman akong mapapala sa kanya.

I sighed, pero curious pa rin ako sa pinagsasabi niya kahit ‘di ko alam kung totoo ba.

I knew Radio has abusive parents but how could he say that they are the reason why he couldn’t love me?

Talo na nga ako, pinatalo pa ako lalo.

Hinila niya ang braso ko pero binawi ko rin ‘yon sa kanya at naglakad palayo. Kung ganito lang din naman, huwag na kaming mag-usap.

“Talk to me please, Syd. Just stay with me for a while,” he pleaded once more. Konti na lang at luluhuran niya ako sa harapan ko ngayon.

I’ve had enough. Tiningnan ko na siya nang masama. “If you won’t say anything, wala tayong dapat pag-usapan.”

“Please, just wait for me to tell you things. Just please be patient,” Radio said and grabbed both of my hands, holding them.

“Pagod na akong maghintay, Grant. Pagod na akong maghintay sa wala. How could you say those things when you don’t even mean it?” tanong ko sa kanya na may galit.

“Limang taon na akong naghihintay. Limang taon na kitang mahal. Hindi pa ba sapat ‘yon, Radio?”

I was asking this question because I wanted to know. I wanted him to tell me.

“Paano ko ititigil ang nararamdaman ko para sa’yo kung ganyan ka? Asa’ng asa na naman ako sa wala, eh,” pumiyok pa ako nang sinabi ko ‘yan.

Masakit para sa akin. Doble yung sakit na nararamdaman ko sa tuwing sasabihin ko at naiisip ko.

“Sana man lang, Radio, inisip mo rin kung gaano mo na ako nasasaktan sa mga pakulo mong ‘yan. Kaya tama na, please. Kung wala ka rin namang sasabihin, aalis na ako,” I pleaded as I let my hands slip from his warm hands.

I looked so vulnerable every time I’m with him. Ang hina ko.

Sa tuwing gusto ko na siyang talikuran, heto siya—palagi siyang nasa harapan ko para lang magmakaawa.

Napayuko na lang at napailing. “If you can’t love me, just say it,” I said and looked at him, staring deep into his eyes while tears were rolling down my cheeks.

He did stare at me, yet I could see how much longing and regret showed in his eyes.

I was hella confused by this, palagi na lang. “Tangina, ayan na naman tayo, Radio. Sa tingin mo, I don’t get it? You looked at me as if you have been longing for me for a long time,” I scoffed.

“I love you,” he said.

Inulit niya pa ‘yon sa harapan ko ulit. My eyes did look at him but his attention diverted away from me.

Kumabog na naman ang puso ko, as if it would come out of my chest.

How come mahal niya ako kung sinasaktan niya ako palagi?

“Don’t say that if you are just going to regret it, Grant,” may diin kong sabi. I wasn’t even joking. It was true.

Ayaw kong maniwala, pero sa totoo lang, the hope in my heart increased once again. Kuha na naman niya ako. Palagi na lang.

“I mean it. Believe me, please,” he pleaded.

“Please, just this once,” hinawakan niya ang kamay ko at lumuhod siya sa harapan ko. Iniyakan niya ako pero ‘di ako makatingin sa kanya.

“I’m sorry for everything. Please believe me,” he said and pleaded once more.

“Radio, tumayo ka diyan,” sambit ko at pinunasan ko ang sarili kong luha nang ‘di tumitingin sa kanya.

Umiling siya. “Ayaw ko hangga’t ‘di mo ako pinapaniwalaan,” matigas niyang ulong sambit sa akin. Hinawakan ko ang braso niya at pilit siyang pinapatayo.

Ang bigat niya. Sobra. ‘Di kaya ng lakas ko. “Dio, tumayo ka na diyan. Nakakahiya,” sambit ko sa kanya muli pero ayaw niyang papigil sa akin.

“Ayaw ko. ‘Di ako tatayo dito. Hindi ako mahihiyang magmakaawa. Kulang pa ‘to sa lahat ng ginawa ko sa’yo noon,” aniya muli sa akin.

He cried. His tears flowed down on his cheeks. Pulang-pula ang ilong niya, mas lalo ang mata niya.

Bruises showed more and a clearer vision of it came to my mind.

“Radi—” naputol ako nang sumigaw ang tatay ni Radio.

His wife was holding him back, pilit siyang pinapahinto because he was walking faster than her.

His dad’s eyes reflected madness. Kuha ni Radio ang mata ng tatay niya at ang expression nito sa mukha at mata.

Radio is his carbon copy.

Parehas kaming napalingon, sabay pa kami. He did stand up pero hinarangan niya ako, pinunasan niya ang luha niya.

Hinaharangan niya ako hanggang sa katapat na niya ang papa niya. Their aura sent chills down my spine.

I gulped so hard, pero si Radio ito—nakatingin lang sa kanya. I couldn’t see his face but I knew he was mad.

Why the hell is he protecting me from his family?

“Hindi ka na talaga nagtanda, no?” I heard his father’s thundering voice echo.

Nakakatakot talaga siya. Sobra.

Hinawakan ng papa ni Radio ang braso niya. His dad’s name is Rudolf.

Ang mama niya, si Dianna, ay walang magawa. She was just staring at her son and her husband.

“Umuwi na tayo, Grant. Hindi ka pa siguro nagsasawa sa bugbog ko sa’yo,” Tito Rudolf said. Kaya naman hinarap ko ito pero ‘di pa ako nagsasalita, tiningnan na ako ni Radio.

He was signaling me to back away and not to meddle with their business.

Nang hinila siya ni Tito Rudolf, hinawakan ko si Radio sa braso niya at umiling.

Bakit? Ayaw niya bang lumaban sa papa niya?

He can defeat his father. Bakit ayaw niya ba?

Naramdaman kong hinawakan ako ni Tita Dianna sa braso. Her nails were digging into my bare skin.

Mag-iiwan talaga ito ng sugat sa akin.

Wala akong magawa nang hinila si Radio ng papa niya. He didn’t look back. He was just there, doing what his dad wanted him to do.

Napatingin ako sa mga kapatid ni Radio. They were looking at me with pity. Their mother looked at me as if I were a disease.

Sobrang sakit ng hawak niya sa akin. Mababalatan na ata ako ng buhay nito.

“You disgust me. Ikaw ang dahilan kung bakit naging ganyan ang anak ko. Kasalanan mo kung anong dinadanas niya ngayon,” aniya nang may diin.

“Layuan mo ang anak ko, Estrada, if you don’t want anything to happen to you,” she added, threatening me.

“Kayo talagang mga bakla ang nagdadala ng malas sa pamilya namin,” she blurted out.

Kami pa talaga ang may kasalanan, samantalang choice nila ang mga ginagawa nila.

Padabog niyang binitawan ang braso ko. She walked away with confidence, not even glancing back at me.

Tinawagan ko kaagad sila Exis dahil sobrang nag-aalala ako kay Radio. Baka kung anong mangyari sa kanya. I wanted him to stand for himself.

Kailangan ata niya ng backup. Ni isa sa kanila, walang sumasagot.

Hindi pa naman siguro sila lasing—mataas naman tolerance nila sa alak.

Conan answered his phone. “Conan, si Radio. Tell Exis please. I’ll send the location. Alam na nila gagawin. Just tell them that Radio needs help,” I said on the other line.

Nanginginig na nga ang kamay ko dahil sa takot at pag-aalala.

Nakita ko pa lang kanina ang mukha niya—those cuts were fresh kaya alam mong nabugbog na naman ito.

I was panicking so hard, to the point I was tugging at my hair now.

Sana pinigilan ko pala. Ako ang dahilan kung bakit nand’on siya sa sitwasyon na ‘yon.

I never wanted him to be in that situation.

35

FAJARDO.

Life isn’t all about happiness. I live as a person who never experienced it—unless the person I was with makes me happy.

Being a tough guy wasn’t part of my plan, but I was built for it. I never did experience so many things in my life, yet people who became my family made me experience them. But there is someone special in my life.

“Build me she could like me,” that’s what I said in front of him. Gusto ko si Jam, or I was just forcing myself to like her because I have this kind of feeling na may kulang sa buhay ko.

Who can fulfill those things? I let myself drown in women, maybe…

Maybe one of them could fill up the hole that was engraved in my heart, but no one did. I was looking for it in the wrong person.

Nasa harapan ko na, tinanggihan ko pa nang paulit-ulit.

“Syd, I’m sorry.” These words came out from my mouth willingly.

I regret things so much, yet it feels like I don’t want to.

Nakayakap ako sa kanya, mahigpit ang yakap ko. He was shivering from the cold.

I hate to admit it, but I hate it when he’s with another man—pero ayaw ko maramdaman ‘yon.

Di naman ako bakla. Maybe I care for him because I was his friend. Siya na lang ang kaibigan ko.

Kahit makirot ang katawan ko, I still stayed in the rain, embracing him.

But these words came out from my mouth.

“Forget your feelings about me, Syd. I’ll forget everything that happened. I want us to be back at being friends.”

Gusto ko maging kaibigan ulit si Syd. I want us to be back at being friends.

I don’t want to lose him as a friend. I’ll try my best to save our friendship.

“Oo, pangako.” Those words came out from my mouth, yet I felt something different—more like I didn’t want him to say that.

Nung nalaman ko na gusto niya ako, nanlumo ako. All the emotions I’ve been feeling were showing.

Galit ako sa kanya, at di ko mapigilan ‘yon kaya nasuntok ko siya.

I didn’t mean to say things na nandidiri ako sa kanya dahil bakla siya.

I really wasn’t—but those words came out from my mouth, at alam mong nasaktan siya sa sinabi ko.

I screwed up. Coreen, his friend—we did a few things, but it didn’t satisfy me.

Nakita ko si Seth na may kasamang lalaki. It was that again. I hate it when he makes him happy.

Until my parents knew about Seth—they knew.

Nagplano ako na samahan ako ni Syd na umalis. Gusto ko bumawi sa kanya.

I wanted to make it up to him, kahit di halata sa akin na gusto kong makipag-ayos.

Pero ‘yon lang ang paraan para ma-show ko sa kanya na mahalaga siya para sa akin.

Yet things happened unexpectedly. They knew about Syd—that he likes me, at ang plano ko na siya ang isasama ko sa gala namin.

My parents threatened me—na kapag di ko sila sinunod sa gusto nila, si Syd ang mapapahamak.

I did what they said kahit labag sa loob ko, kahit nasaktan ko siya.

I ditched him. I brought a woman I didn’t want to be with there, pero gumawa ako ng paraan—I really did—because gusto ko pa rin bumawi sa kanya.

Nag-away kaming dalawa. Masama ang titig ko sa kanya dahil kay Seth na sumama sa kanya.

Ewan ko, pero naiinis ako sa tuwing nakakasama niya ‘yon.

But everything felt heavy when I came home to my apartment. My dad was waiting for me.

The sudden atmosphere made me shiver, but then again, I was a tough guy—I was raised to be like that.

I saw how his hand threw out the cigarette in front of him, looking directly at me. “Do you think I didn’t know?” he asked and stood up.

Nakatingin lang ako sa kanya. May takot pa rin ako. Duwag pa rin ako. Ako ‘to eh. Mahina pa rin.

“How can you do this to me? You are still talking to that guy?” he asked once more. I didn’t answer. I stayed still—but then his punch made me stumble.

It hurts as hell—but it doesn’t hurt me at all more than everything they did to me.

He abused me. I was living in hell. Bangungot ko ang pamilya ko. Takot ako sa kanila pero mas takot akong mapahamak si Syd dahil sa akin.

He threw punches, binasag niya ‘yung mga plato, lahat na.

He turned the whole apartment upside down. Yet he left me there bleeding—as always.

Pagod sa lahat. I wanted to end this life. I didn’t want to be here. I was a burden. There is one thing he always said to me before leaving:

“Wag kang gagaya sa kuya mong bakla at naging salot sa lipunan.”

It hurts as hell. Why do I have to suffer for something I didn’t even commit?.

Bakit ba ayaw nila sa ganon? Is there something wrong with being gay?

I don’t understand. Everything is heavy. Hinayaan ko ang sarili ko na huwag pansinin ang masakit na sugat sa katawan ko. I grabbed some liquor to make myself calm.

There is only one person I wanted to be with right now—Syd. Wala na ang tatay ko. It should be fine. He did come, but so late.

He made me realize things—always. Ganon siya.

Pero sa totoo lang, habang tumatawag siya, nakakaramdam na ako ng mga bagay sa kanya pero ayaw kong aminin sa sarili ko.

Ayaw ko siyang mapahamak—that’s why I changed things. I tried to push him away, yet he always comes back. Ang hirap, nahihirapan ako. Ang mixed signals ko sa kanya.

After that night, nagtago ako. I vanished into thin air. Nakila Abel ako. Naging tambay ako dahil ayaw ko lumabas. I skipped many classes—but I didn’t care. Na-burn out ako sa mga nangyayari.

It was stressing me out, not until inaya ko na si Syd lumabas. Hindi ko naman talaga gusto si Ate Aya—pakulo ko lang ‘yon. Baka sakaling itigil niya ang nararamdaman niya para sa akin.

Ayaw ko siyang mapahamak dahil sa akin, kasi alam ko kung gaano ka-capable ang pamilya ko. I knew it from the start.

I pushed him so hard, pero matigas ang ulo niya.

May paninindigan siya sa buhay, at ‘yon ang wala ako hanggang ngayon. It’s sad to say, but it was true.

Nagtago ako kila Abel. I decided to skip school. Sinabi ko kay Abel ang lahat.

He gave some advice for my life. So I showed up once again to Syd. Pumayat siya, siguro dahil sa stress.

Nung nagkayayaan na mag-inuman at natulog kami sa sala, sinadya ko na tabihan siya.

Hindi ko alam kung bakit ko ginawa ‘yon, pero ang totoo niyan, mas gusto ko siyang katabi dahil nakakatulog ako ng maayos.

And these past few months, I started to get new feelings which I didn’t know where they came from. Pakiramdam ko may kakaiba sa akin—na-stress ako dahil totoo ‘yon.

I started to miss him. Tama bang ma-feel ‘yon o maling na-feel ‘yon dahil di ko naman siya gusto? Ang dami kong tanong pero di ko alam kung ano sagot sa tanong na ‘yon.

I didn’t observe things yet until I realized na to not feel this way, baka kapag mas lalo kong dine-deny ay mawala siya. I said things I did regret saying.

Then one time I found out that he and Seth went on vacation somewhere.

Nung nakita ko ‘yon, nakaramdam ako ng kirot. Di ko alam kung paano ko ipapaliwanag.

It made me mad even more, kaya nung nakita ko siyang kasama ‘yung lalaking ‘yon, pinuntahan ko siya sa apartment ni Seth.

I saw them together. I burst out, kaya nasaktan ko siya—which I regret doing so.

“Ano ba, Dio? Ayaw ko nga sumama sa’yo, ‘di ba? Ano bang problema mo? Stop acting like we have something. Di mo pwedeng hihilahin mo na lang ako nang walang dahilan. Stop pretending like you own me. Walang meron sa atin. I get to choose what I want to do in my life,” sagot niya sa akin.

“What?” I scoffed.

“Dahil ba diyan sa lalaking ‘yan kaya nagkakaganyan ka? Your thinking changed, Syd. Dahil ba diyan?” I asked, pointing at Seth.

Naiinis ako pero hindi ko mailabas. I wanted to punch that guy’s face until it bled.

“Ikaw ang nagbago, Radio. Stop trying to make yourself right when you’re even wrong. Atsaka bakit mo ba dinadamay si Seth?” he asked. Nagbu-burst out na ang galit niya dahil sa sinabi ko.

Ako ba talaga ang nagbago—o siya?

Di ako makasagot. Yumuko na lang ako. Feeling ko ay totoo ‘yon. Napa-overthink ako. Maybe I’ve changed, but he changed more.

He became something I didn’t want him to become.

“Stop acting like there is something between us. Ang mixed signal mo, alam mo ba ‘yon? Okay ka minsan, you are showing affection. Ako naman, hulog na hulog sa’yo. Minsan, ewan ko, para bang diring-diri ka sa akin. I don’t know if you are just pitying me because I am your friend. Nakakainis kaya. Alam mo ba ‘yon? Parang nagmumukhang tanga ako. Ay oo nga pala, tanga nga pala ako,” I heard him scoffed.

Nakaramdam ako ng sakit sa puso—o mas magandang sabihing tama ako sa sinabi niyang ‘yon. It pierced into my heart.

Pero wala akong maisagot. Anong isasagot ko kung totoo naman lahat ng sinasabi niya?

“Alam mo ba kung gaano kahirap para sa akin na maging kaibigan mo habang gusto kita? Alam mo ba ‘yon? Masakit kaya, because no matter how much I try to resist everything, bumabalik pa rin—kasi nandiyan ka eh. Wala akong magawa kasi mahal na kita,” he choked in his own tears.

Naririnig ko pa lang ang sinasabi niya at alam kong totoo. He loves me. Pero bakit di ko magawa na mahalin man lang siya katulad ng pagmamahal niya sa akin? Di ko matanggap. Ayaw ko.

Lumapit siya sa akin. He pushed me but I stood still. Gusto ko tumigil na siya.

“Ang gago mo rin eh, no?” He punched my chest and crumpled my shirt as he cried even more.

Tangina, nasasaktan na ako. Hindi dahil sa suntok niya pero sa kung gaano siya nasasaktan—dahil sa akin.

“Asang-asa ako sa’yo tapos di mo man lang sabihin sa akin na ayaw mo na gustuhin kita. Tangina naman, Radio, nakakasawa na. Ang sakit-sakit kaya,” he blurted out as he stepped back away from me.

Kumuyom ang kamao ko at nagpipigil na huwag siyang yakapin. My hair was covering my face.

“So just stop making me feel like you like me. Ayaw ko na mag-expect.”

I looked up at him. He stared at me too—his eyes showed sadness and madness. But me, I just stared at him dead in the eye—showing no emotion.

Baka kapag nagpakita ako ng emotion, mas umasa siya sa akin. Pero ako na sigurong ang tanga sa lahat ng tanga.

“How do we expect to be anything when we don’t try to be anything?” Aniya niya sa akin.

“Ayaw mo, Dio eh. Ayaw mong i-try sa akin. Wala eh, hulog na hulog ako pero wala ka naman para saluhin ako.”

Nasaktan rin ako para kay Syd—sobra. Di ko siya masalo dahil baka kapag ginawa ko, mawala rin siya sa buhay ko kapag nagkataon.

“May tanong ako sa’yo, Dio.” He hiccuped and his eyes were swollen because of crying.

“If I were a woman, would you like me too?”

Wala akong maisagot. Kung alam mo lang, kahit ano pa ‘yan, gustong-gusto kita—sobra pa sa sobra—pero I’d rather save our friendship than be your lover.

“Can we just go back to being friends?”

I looked at him softly. I’m sincere. Gusto ko na paniwalaan niya ako. I want him to do that.

36

FAJARDO
.

Kahit ako, nagtaka sa sinabi kong ‘yon. Bakit nga ba gusto ko pa ring magbalik kami sa dati? May rason pa ba para doon?

Tama ba yung rason ko o hindi? Nakakalito pala talaga. It was all mixed up.

Tumakas ako nung gabi dahil gusto kong humingi ng sorry sa kanya. Kahit masakit ang katawan ko, I still stood up just to say sorry, kahit masama ang pakiramdam ko.

When I came closer to him, nakita ko siyang nakaupo lang pero gusto ko pa ring humingi ng sorry, but he pushed me away again.

I am the reason behind everything — his sadness, his stress — yet I didn’t do anything about it. May pumipigil sa akin na gumawa ng paraan.

Gumawa ulit ako ng ikakasakit ng damdamin niya. I knew how much Syd is stressed, drained because of me. Nakakalito rin ako eh, pero mas nakakalito yung nararamdaman ko.

I tried everything. I’d rather hurt him than let my family hurt him even more. Nakakulong lang ako, bawal ako umalis, pero hindi kaya ng konsensya ko kaya tumakas ako.

I just knew if I went home now, I will face hell again.

“You met, isn’t it?” my dad asked when I entered the front door. I just looked unfazed, not wanting to enter any more words. I’m so done.

Nakakapagod na. If I could just die right now, I’ll be happy.

Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa braso nang mahigpit na padabog ako. This is nothing compared to the things I faced when I was a kid.

Then the vacation started again. Nagyayaan kami sa El Nido. Guess what? Before I even came here, nangako ako sa magulang ko kahit ayaw ko.

They threatened me na tatanggalan nila ng scholarship si Seth kapag hindi ako tumigil at gumawa ng paraan para mawala ang nararamdaman niya — but I just can’t.

But for him, ayaw kong matanggalan siya ng scholarship kaya ginawa ko ang dapat kong gawin. Every word that escaped from my lips — I regret it.

Gumawa ako ng paraan, tyumempo ako ng tamang oras. Kita ko siya sa peripheral vision ko.

I let the smoke out from my mouth. I took a deep breath before answering Dio.

“Try to explore, Dio. Wala namang masama. You are still young, have a lot of time to explore things you want,” aniya ni Abel at tiningnan ako.

“Gustuhin ko man pero hindi ko kaya. I’m straight, and I can’t see myself having a man by my side. It’s too off for me. Sorry for the word, but I just can’t,” I muttered, showing no emotion at all, so he could feel it.

I put my cigarette between my lips, inhaling the menthol until it enters my lungs and blowing it off in the cold breeze.

Bakit ba sumusunod ako sa kagustuhan ng magulang ko para sa akin? They are controlling me — how I think and how I decide.

How could I back away from this hell? I wanted to be free. I wanted to stop hurting him.

Sa buong araw na nagdaan dito sa El Nido, ang inaalala ko ay siya. He is avoiding me — which is what I wanted him to do — yet my heart feels heavy when he was doing it.

I want his presence beside me and I couldn’t do anything. I looked at him softly when he was talking to someone. Ngayon ko lang mapagtanto na the person who cared for me the most is slowly fading away from my life.

I slowly walked towards him. He was facing the glass window. I hugged him from behind, feeling his scent. Ewan ko kung bakit ko ginawa, but I feel like I just wanted to soothe his feelings.

“Bakit, Radio? Saan ba ako nagkulang?” tanong niya. Yung boses niya ay halata nang paiyak na siya. Kinalas niya ang pagkakahawak ko sa kanya kaya lumayo ako.

Hinarap niya ako, “Don’t do this to me. Stop acting like you care for me kahit hindi naman talaga, kasi masakit dito oh,” aniya at tinuro ang puso niya. I know what it means. Wala akong magawa.

I’m sorry, sorry sa lahat, but none of it came out from my mouth — it was like sealed.

“Ayaw ko na, Dio. Tama na. Ayaw ko nang maghabol. Ayaw ko nang umasa kasi nakakapagod na. If I can’t be your lover, then we can’t be friends.”

Humikbi na siya. Ayaw ko rin na paasahan ka, Syd. Ayaw ko. I’m just doing this so you could be safe.

“Just stop acting like you ever liked me. Don’t give me mixed signals. At saka ang sagot ko sa tanong mo: ayaw ko nang maging kaibigan mo,” he blurted out. Sinagot niya ang tanong ko noon.

Nasaktan ako because the person I used to be so close with vanished like ash in the wind.

He sobbed so hard because of the feelings he keeps. It hurts as hell but I still composed myself, pretending that it doesn’t affect me at all.

I put both of my hands on his arms and looked at him directly. I closed my eyes and sighed.

“I’m just saving our friendship, Syd.”

“Di mo ba maintindihan? I’m trying to save this friendship. Just stop it,” may diin kong sabi sa kanya. I’m not mad but I had to show it.

“Just stop your delusions. Nothing will change. Everything will not change,” I said and sighed.

He cried more hearing me say those words. I hated it when he cried because of me, but I had to — even if it hurt the both of us.

I really cared for him for so long. Hindi ko man maipakita, but I’m trying my best to let him feel it.

I was heartless.

“Inisip mo man lang ba yung pagkakaibigan natin, Syd? Hindi, ‘di ba? Because you are selfish. I was the one who saved this friendship over and over again,” ani ko nang seryoso. Saying these words made my heart shrink.

“I cared for you because you are my friend. Pero anong ginawa mo? You thought something else. It’s your fault,” I said frustratedly. I had to act like it’s something so serious.

Sana mapatawad mo ako, Syd, sa lahat ng ginawa ko para sa’yo. I truly care for you. I did, and I always will. But caring for you makes you suffer more than I am.

“Bakit, eh alam mo namang gusto kita, ‘di ba? Bakit, sinabi ko ba na i-save mo yung pagkakaibigan natin? Hindi, ‘di ba? ‘Wag mong isisi ang lahat sa akin, Radio.” He closed his eyes and inhaled deeply.

“If you really cared for me as a friend, matagal mo nang sinabi sa akin na layuan kita. What did you expect me to do? Pigilan ang lahat ng nararamdaman ko?” he stopped for a moment.

“You told me you wanted me to be your friend again. Sa tingin mo madali ‘yon para sa akin, ha? Nakalimutan ang lahat at tanggapin ang lahat?”

He was mad at me. Magalit ka lang kasi deserve kong magalit ka sa akin dahil sa lahat ng ginawa ko sa’yo.

“Kaibigan kita, Dio, eh. Tinanggap ko kahit labag sa loob ko. ‘Di ako sumuko. Akala mo ba ikaw lang ang nagsa-save ng friendship natin? Hindi lang ikaw, kasi all this time ako lang ang umiintindi diyan sa kagustuhan mo. Mali ba ako?”

Natamaan ako sa sinabi niya. Napaisip ako. All this time, he was the one who understood me and never left my side.

“I chose to be there for you because I knew no one else is there to be with you.” He hiccuped. It made my heart shatter. I realized things, yet this one made my heart cry out in pain and regrets.

My eyes softened when I looked at him.

“Kasi Dio, hindi lang kaibigan ang turing ko sa’yo. Pero Dio, noong kailangan kita, wala ka. Noong pinaasa mo ako noon, ‘di ka nag-explain. Pinagmukha mo akong tanga. Is it my fault that you are like that?”

Wala akong nasabi, pero totoo na nasaktan ko siya. I was doing it for you, Syd.

“Alam mo ba kung gaano kasakit ‘yon para sa akin? Every time you looked at me in the eye, there was something in there.”

“Kung ayaw mo talaga, Radio, ayaw ko na rin. I’ll stop everything between us — our friendship. Okay na. Ayaw ko na. Tapos na. Pagod na ako.”

He walked away saying those things in front of me. He left me behind, making me feel vulnerable and full of regrets.

Gusto kong lumaban pero anong laban ko? Matatalo lang ako. Nung nakauwi kami galing El Nido.

Malungkot pa rin ako at masakit pa rin ang puso ko sa mga nangyari, pero it was nothing compared to all of the pain he was feeling back then. Tanga na kung tanga ako.

Nag-usap-usap kami nila Exis after nung laro nila Seth. He was with Syd. Kakain raw sila sa labas. Nasasaktan ako kapag kasama niya yung lalaking ‘yon, but I couldn’t do anything.

I was jealous, I really was. Kumain ako ng chicken wings nung araw na ‘yon. I let myself choke on my own food.

Nagsabi ako kila Exis pero ang natanggap ko ay ang suntok niya — which I think I deserved. I hurt his precious friend.

Nung makarating kami sa bar nung araw na ‘yon, alam kong nagseselos ako, watching him laughing with the man I hated.

I was jealous, and I’m sure I was. It wasn’t a joke. I drank all of the liquor I had in my glass, wishing for another one.

Hindi ko na kinaya lahat, that’s why lumapit na ako sa kanila. I didn’t mean to hurt him that way, but my madness and frustration became visible.

Then just like that, I burst out — and he did also, leaving me once again hurt and full of questions.

I walked away, leaving him behind. I watched him fade away from my life. Lumayo ulit ako sa buhay niya.

I didn’t show up. Tsaka lang ako nagpakita nung time na may gig si Chico. He sang something related to Syd’s life. I know how the message showed something.

I didn’t look at him because of course, when I did, I just knew. I would realize many things in life — at ayaw kong mangyari ‘yon.

By doing so, I found myself feeling emptiness in my heart. Nagkasakit ang mama niya kaya sumama kami para tuparin ang kahilingan ng mama niya.

Nung nasa hotel kami, nakita ko siyang palabas kaya sinundan ko na lang din siya.

“Let’s talk,” I said and held one of his hands.

“Ano na namang gusto mong pag-usapan? Ayaw ko na nga, ’di ba?” pagalit niyang sabi sa ’kin.

Napabitaw ako sa kanya at tinalikuran niya ako. Gusto ko siyang kausapin. I want to realize how these feelings grew inside me. Baka sa kanya ko lang talaga mahanap.

Pero dala ko ang sakit niya. Niyakap ko siya nang mahigpit, ang hawak ko, ayaw ko siyang pakawalan.

“Let’s talk. I miss you,” I said softly, closing my eyes just to feel his presence more.

“Sinasabi mo lang ’yan para saktan ako ulit, Radio. Pero ’di uubra ’yan sa akin,” he answered in a provoking way.

“No, Syd. I’m telling the truth,” I responded. I really do miss him, I really do. Sobrang na-miss ko siya — but I don’t know how to express it.

“Paano ako maniniwala sa’yo, Radio, eh ilang beses ka nang nagsinungaling sa akin? You’ve always been like that to me,” he added. I could feel how his voice changed.

I sighed at mas lalong siniksik ang mukha ko sa leeg niya. I don’t know the reason why I’m doing this, but it feels calming.

“I’m sorry, Syd. Please, let’s just talk,” I pleaded even more. Ang tagal ko siyang hindi kinausap, umiwas ako, kaya hanggang tingin lang ako sa kanya.

That’s why I cried.

“P-paano kung ayaw ko?” he stuttered a bit.

Lumuwag ang pagkakayakap ko. We stayed that way. I don’t want to be away from him.

“Ipipilit ko. Kausapin mo lang ako. Susundan kita kahit saan. I’ll pester you until you give in,” I explained. I’ll do it no matter what. I just want him to come back.

“If you’re just saying that because you know that I will give in easily dahil gusto kita — nagkakamali ka, Radio. Don’t even try,” he said. Kaya heto ako, hahabulin na naman siya nang walang katapusan.

Gusto ko siyang kausapin. Wala akong pake sa mga masasakit na salitang sinasabi niya. I just want him to know what I’m feeling — but I don’t know how to express it.

“Hindi gano’n ’yon,” sabi ko sa kanya, may pagmamakaawa sa boses ko.

“Radio, nasasaktan na ako, sa totoo lang. ’Di ko alam kung bakit nagkakaganyan ka na naman. Alam mo bang masakit para sa akin na mag-assume palagi dahil sa mga actions mo?” buwelta niya sa akin. Napahinto ako at tiningnan ko siya sa mata.

“You always push me away from your life, and now you miss me? Ano na namang kabaliwan ang pumapasok diyan sa maliit mong utak, ha?”

Yumuko ako. I can’t see how his eyes feel so disappointed in me. Our gazes met again. I was full of regrets.

“Sa pinapakita mong ’yan, masama talagang side yang pinapakita mo. Your actions speak louder than words — maling actions nga lang,” sagot niya sa akin.

I want him to understand me. Gusto kong ipaliwanag sa kanya ang lahat — pero paano? Paano ko gagawin? What if he doesn’t listen to me?

I want him, I really do. I want to cross borders just to see him always. I wanted to fight for my feelings for him — but I don’t have the courage to do so because I’m just a coward, scared of my own family.

I wanted to realize many things — and now I’ve realized one thing in my life.

“Gusto kita.”

Ang hirap paniwalaan, pero totoo. Sa lahat ng sinabi niya, that’s when I realized things — what I really feel.

To all women I loved before, in this person I found what true love is.

37

FAJARDO
.

I don’t know why he didn’t believe me at all, but still, I decided to take back the words I’ve said because I regretted doing so. Alam ko na kung ano ang patutunguhan nito.

Kinabukasan ng hapon, his mother approached me, she talked to me.

“Dio, halika, nak,” she called out softly, which I did what she told me to do. Hinarap ko ang mama ni Syd.

“Ano bang gusto mo sa anak ko?” she asked. The worriedness in her eyes was visible.

Gusto ko po ang anak niyo. Ang hirap paniwalaan pero totoo, it’s been a long time before I realized I fell so hard on him.

Kaya ko naman siyang saluhin eh, ‘di ko lang magawa dahil hindi ko naman siya kayang ipaglaban sa pamilya ko.

“I want us to be back in being friends po,” I lied. I lied about it. She sighed in response.

“You don’t need to hide it. I can see it. It may be hard for you to admit, but I knew you like him,” she said, sending chills down my spine.

It was true, but I need to hide it in case something happens. Hindi ako makasagot sa sinabi ni Tita.

“I don’t know why you’re doing this to Syd. You’re making him confused. It makes my heart a bit sad as his mother. He is hurt, Radio. Wala ka namang magawa para mapagaan ‘yon,” she said.

Ginagawa ko lang ‘to. This is the best choice I have to make. There is nothing else.

Hindi ko siya gustong saktan, pero kailangan ko. I’m doing this for his own safety.

“Sorry po, Tita. Alam ko nasaktan ko si Syd at pinagsisihan ko ‘yon. Wala po akong magawa sa kanya ngayon because I’m still locked in my own family,” I explained.

She held my hands, caressing them softly. Why did she hold my hands this way? She should hate me for what I did to her son.

“Radio, nagkwento ang anak ko sa akin. Galit ako sa’yo dahil nasaktan mo siya, pero ‘di ko alam ang rason kung bakit nagkakaganyan ka. Gusto ko sana, kung ano man ‘yan, talk to him and make him understand things. He will understand,” she looked at me. Kamukhang-kamukha ni Syd ang mama niya.

“Ayaw ko mapunta ang anak ko sa ibang lalaki. Please take care of him. Kausapin mo ang anak ko. Ipagkakatiwala ko ang anak ko sa’yo. Don’t hurt him now that I am gone,” she said. Di naman ako tumango.

How can I do that?

Tinalikuran ako ng mama niya. Bakit ako? Parang hindi ko kaya. Masasaktan ko lang din naman siya.

I put my lipstick on my thin lips while wearing a long dress from my mother’s wardrobe. Looks so good to me.

I check myself out in the mirror, mirroring every move she ever made every time she walks or the way she presents herself.

Those fancy gestures she always does. Nawala ang pagpapantasya ko sa buhay nang bumukas ang pinto ng kwarto ni Mama.

Nagulat ako at agarang binura ang lipstick ko. I haven’t undressed myself yet nang sumigaw na siya.

Her voice echoed into the room, sending me into fear, nervousness.

“What are you doing, Grant?” she asked, her voice high-pitched. My mom looked at me in disgust, letting me know that I was such a disgrace to this family.

Hinila niya ako palabas ng kwarto niya, dragging me with force.

“Mommy, it hurts,” I cried out, forcing her hands off me.

“Mommy, please, don’t tell Dad,” I pleaded, crying my heart out. Why did I do this to myself?

“Bakla ka pala talaga, Grant. Ayan pa ang natutunan mo sa Kuya Charles mo?” she furiously asked, dragging me to the dining table. I saw my dad reading his newspaper while sipping coffee.

“Your son, Rodulf,” she said in an authoritative voice and let me face my dad. I scaredly looked at him.

His eyes met mine. Taas-kilay niya akong tiningnan. He sighed and stood up.

I looked at him. He was just calm, yet his eyes probably raged in fire. He grabbed my arms, gripping them so tightly to the point they would leave bruises.

“Ito ba ang tinuturo sa’yo ng Kuya mo, ha?” he said, eyes still locked on mine. I was scared.

They locked me away and kept telling me to change. How can I change? Paano ako magbabago kung wala namang mali sa akin?

Is there something wrong with me? I kept my head low, hugging my shivering body in the dark room. I kept crying, and my head hurt.

I just wore a dress because it’s pretty. How could that be wrong?

They made me kneel countless times so I could remember how being gay is the dirtiest thing in this world.

So I changed — not because they told me to, but because I was scared of them.

I was scared I’d be like Kuya Charlie — away from us. I don’t want to be alone.

I hate myself for not doing what is right. I hate myself for not standing up for myself or even standing up for Syd.

They hurt me physically and mentally. I thought family should be my home, but I found it somewhere else. And I hate to admit that I got so close to them.

I grew up changing how I act and how I talked. I showed my family that I wasn’t like that anymore.

I hid it so they wouldn’t know, but unfortunately, it’s impossible.

Seeing how worried, how hurt Syd is, I think it’s time to protect him — and what’s right for me. I want to get my freedom now.

I want my freedom so I could move and leave this life behind.

“Dad,” I called out in an authoritative voice. His eyes locked into mine. We were staring at each other — the same look he gave me when I was a kid. I got flashbacks.

Andami kong dinanas sa buhay, but I chose to stay quiet — but right now, I don’t want to.

“I want my freedom,” I said in a shaky voice. Kumunot ang noo niya at masamang tumingin sa akin.

“Hindi pa ba sapat lahat ng ito, Grant? You have freedom. Kaya anong pinagsasabi mong ‘freedom, freedom’?” pagalit niyang sabi sa akin. He didn’t understand. Gano’n talaga kakitid ang utak ng tatay ko.

“I’m done being locked in by you. I’m done with this life,” hinubad ko ang damit ko. I showed them my tattoos. My family was looking at me.

“You see this?” turo ko sa braso kong punô ng tattoo. “I let the ink penetrate my skin maybe because I wanted to feel pain — but no, I let this tattoo be here because I want to cover the scars you made.” Hindi ako naiiyak, bagkus puro galit ang nararamdaman ko.

“Anong nangyari sa’yo, ha? Bumalik ka na naman sa dati mong ikaw?” he shouted — but for me, it’s nothing now. I want to stand up and never be scared of him.

“You made me like this, Dad. You did this to me. So I want my freedom back. I want to have the freedom to love someone. I wanted to love in the first place. I want to be freed in this life — because I was always locked away from reality. I don’t want to be your pet anymore. I’ll choose my own path,” I said, making them remember it word for word.

I want this life back. Ending my life would make them happy — so I’ll take it from them.

My dad approached me, his eyes raging like always. He came to me — I thought he would send me a punch, but it didn’t come because I stopped it.

“Go ahead, Dad. Punch me like you always do because you think everything will change and have a solution through violence,” I said, mocking him even more.

“You’ve been so harsh to us, but you’re even harsher to me. I never wanted you to be my dad. If I could choose a father, then I wouldn’t choose you,” I said, declaring it with my mouth. I meant those words.

“Mamatay ka na. Gago ka. Wala akong anak na bastos,” he said and walked away from me.

“Then if I die, I’ll see you in hell, Dad. That’s where we both belong — because we are bad people,” I said for the last time and walked away from them.

They didn’t say anything. Maybe they’re done. Maybe they’re tired of trying to change me. Maybe because they can’t control me anymore.

A smile crept onto my lips. I know maghihirap ako dahil magiging mag-isa na lang ako — but I know I can do it. I’ll live my life to the fullest.

I’ll choose my happiness. My freedom. I’ll be a musician. I’ll sing a song. And I’ll share my story with the world.

Every living thing deserves freedom. Everyone has the freedom to love, to be kind, and to be who they are. It’s not because they need to do it, but because they want to.

I saw my friends running toward me — but nothing mattered to me when I looked at someone I’ve been hurting for the past years. I hurt the person who truly cares for me.

The person who was there through my ups and downs. The person who never gave up on me, even though he was tired.

Marami akong narealize pero masasabi kong hindi sa amin ang panahon na ‘to. Maybe one day, we’ll see each other again.

For now, we’ll live our life away from each other. Then when the time is right, we’ll live next to each other, sharing new memories.

Because I’ve always wanted to spend my life with him.

38

ESTRADA
.

Days passed as if nothing happened. Tahimik lang kami, lay lowing, ni hindi kami nagkikita ng mga kaibigan ko.

I plopped on the soft sofa here in the coffee shop, mas lalong sumasama ang pakiramdam ko dahil sa mga gawain na hindi ko pa natatapos.

Pumikit ako at sinandal ang ulo ko, my thoughts were running around my head, not until someone spoke in front of me.

“Are you Syd?” she called out. I opened my eyes and saw an unfamiliar face. Maganda ito, makinis, at higit sa lahat, long wavy hair ‘to.

“Sino ka?” I asked. I felt something off dahil medyo kakaiba ito, may kamukha siya pero ‘di ko alam kung sino.

“I’m Charlie, Radio’s older brother,” she blurted out. Napatanga ako sa sinabi niya. Kuya ni Radio? When did he have a brother like this?

“I know you’re confused. I’m trans, alam mo na kung ano ibig kong sabihin,” she added. Napatango naman ako. Kaya pala kahawig niya, pero paano naging ganito siya? I haven’t even seen him before.

“I’m here because I wanted to know who you are in Radio’s life. Baliw na baliw ang kapatid ko sa’yo,” aniya. Pinagsasabi nito?

“What?” I confusedly asked.

“Hindi ko na papahabain pa. Balikan mo si Radio, because he really loves you. Madami na siyang sinakripisyo para sa’yo,” she said.

“Now that he is free, maybe for once you’ll know him once again. Maybe this time, you are for each other,” she said. Each word she said made my heart feel a bit off.

Kumirot ‘yon, hindi dahil masaya ako, kundi sa kadahilanang para bang she’s considering her brother’s feelings when she didn’t even know what Radio did to me in the past.

I felt passed by. I felt unseen. And I think my feelings aren’t valid because of it. Gano’n ba kadali na bumalik sa taong minsang nanakit sa’yo?

It’s not my fault that he became like that. It wasn’t my choice. “Ayaw ko po,” ‘yon ang naging sagot ko.

Ayaw ko na bumalik kami sa dati. Ang hirap sabihin pero totoo, because we will never go back to what we had before. Because once a paper is crumpled, it cannot go back to the way it was.

You can’t fix a broken glass.

“Paanong ayaw mo?” she asked, a bit confused by my answer.

“Hindi ko na mahal si Radio and there’s nothing I can do about it po,” I said, feeling hurt a bit.

Masakit sa akin ‘yon because I felt like I was ignoring my feelings just because I care for Radio more than I care for myself.

I knew it wasn’t my fault that he’s in that situation, but still, I don’t want us to happen again.

“Radio just did those things to protect you from his parents. He was scared and sad doing those things to you. He really cared for you,” she said. Her eyes were knitted together, trying to please me.

“He did it for himself, not for me. Because if he truly cared for me, he would’ve protected me,” I said, not backing out or admitting that those words hurt me.

“Hindi mo alam ang pinagdaanan niya,” she said, giving up now. Maybe I didn’t know.

Maybe I don’t know his reasons, but I want him to tell me everything—maybe in that way, I’ll change my mind.

‘Di na ako nagsalita. I just looked at her, telling her not to force me. She just sighed.

“For you to know, he didn’t regret loving you, but he regrets hurting you,” she muttered and stood up from her seat.

“If you want to see him, he’s in my house. Syd, you are a good person. I can see it in you, and I hope you never change,” she said with a smile, walking away.

Ako, mabait? I really wasn’t.

Nagsisinungaling ako sa sarili ko kung ‘di ko aaminin na namimiss ko ang presensya niya.

I was the problem. Gusto ko siyang makita pero mas minabuti ko nang hindi.

His past remains locked in him. I cannot even find any answers on my own, because I know he’s the one who can answer me.

I have to move on and move forward. I need to clear myself and start from the beginning.

I’ve been hurt, felttired, and I’m still in pain because of what happened to my mother.

I’m still healing and I just cannot bear seeing myself letting someone in my life for now. For now, I’ll just remain like this—away from everybody, away from him.

My eyes became blurry as I let my tears roll down my cheeks, looking at the top view here in the hotel.

Dumilim ang paligid. May tumawag sa pangalan ko, labing-isang palapag.

Tinanong kung okay lang ako,

sabay abot ng baso. May naghihintay.

At bakit ba ‘pag nagsawa na ako Biglang ayoko na.

Bakit ba humantong sa ganito. Humantong sa ayaw ko na. Nung una kaya ko pa, pero inayawan ko na lang bigla.

At ngayon, ‘di pa rin alam kung ba’t tayo nandito. Puwede bang itigil muna ang pag-ikot ng mundo?

Noon, kaibigan lang — ngayon, wala na. I can’t even feel the same spark I felt with him before. Siguro tinanggap ko na lang din.

Kahit alam kong may gusto siya sa akin, hinayaan ko na lang. Maybe those words are true, but I felt it wasn’t enough to make me come back to him.

Kwento ko, pero ako ang talo.

I never win the war in my life.
I never won him over. Then I never got to make my mom alive again.

I lost the battle I was leading, and it stabbed like a thousand sharp knives.
It makes me sad to know that anything I desire is like a star that I cannot even reach.

Maybe this isn’t the ending. There will be a next chapter, but with different people.

As for Seth, he deserves better. We weren’t really for each other —
we were just the product of our own desire and wants for each other.

Hurting him is like hunting me.
Ano pang pinagkaiba ko sa lalaking minahal ko at sinaktan ako, kung sinaktan ko rin ang taong nagmahal sa akin?

Kung magmamahal man ako ulit,
I wouldn’t even try.

May kung anong malamig sa pisngi ko ang dumapo. My eyes flew open, seeing Seth smiling with sadness in his eyes.

He knew this is the end.

“You wanna end things now?” he asked in his hoarse voice. Hindi ako masagot. I just opened the canned beer in my hand.

“For the past months we spent together, it feels like just one minute to me,” he chuckled and sipped his beer. “Because I didn’t know that it could happen in the middle of my life,” he added and bowed his head —
kita pa rin ang ngisi sa kanyang mga labi.

“Kung sana ako lang ang ginusto mo, edi sana ngayon tayo na. Ang hirap mangarap ‘no kapag alam mong hindi mo rin naman makakamit,” he said and looked at me.

It’s true. It’s very true. Ang sakit marinig mula sa kanya ‘yung mga katagang ‘yan.

“I lost the person I love the most because I didn’t let myself fight for it.
Maybe because I knew I’d lose.”

“Ay oo nga pala — you can’t lose someone you’ve never had,”
ngisi niya na may lungkot sa tono.

Kung pwede lang saluhin kita, gagawin ko. Pero wala naman akong magawa para doon. I can’t just force myself to love someone I don’t love.

“Gusto kita pero wala man lang magawa ang gobyerno natin para gustuhin mo ako pabalik,” natatawa niyang sabi, kaya natawa rin ako kahit papaano — para kahit konti ay maibsan ‘yung nararamdaman niya.

“Walang silbi ‘yung 3 points ko sa basketball kung ‘di ka rin naman magiging akin,” biro niya pa, kaya hinampas ko na siya sa likod niya.

He never failed to make me laugh.
Masaya ako na napapasaya niya ako,
pero sana kaya kong ibalik ‘yon sa kanya.

“If this is the end, end it — para uusad na lang din ako. Pero masaya ako dahil nagdesisyon ka na, and I hope you never regret your choices,” he said with a smile on his face.

“I hope you find the answer you were looking for in the first place. Sana makausad ka na at gumaling ang sugat diyan sa puso mo. Alagaan mo na ‘yan.”

Sa lahat ng sinabi niya, wala akong masabi — ni-isa. Feeling ko, wala akong karapatang sumagot.

“No words can describe how much I want you to win in life.
Kapag kailangan mo ako, andito lang ako — but I will never be here like before,” he added.

Nakakaramdam ako ng lungkot,
pero ‘di ko pinahahalata sa kanya.

Sorry sa lahat, Seth. Sorry talaga.

“Mahal kita, Syd.”

Sa sinabi niyang ‘yon, tumulo na ang luhang nagbabadya na tumulo kanina pa. I hugged him tight. Embracing him even more.

“It’s time to say goodbye,” I whispered in his ear.

“It’s never goodbye,” he said.

Kumawala ako sa yakap niya. I kissed his left cheek, I closed my eyes and let my lips connect to his clear skin.

Then, I walked away, never looking back.

It was never a goodbye. I’ll just remain who I am — like him.

Nakakatakot pala talagang magmahal, parang nagsusugal ka. ‘Di mo alam kung mananalo ka.

39

ESTRADA
.

I know this would happen, but I didn’t know it would be this time. I thought I was strong enough to face this, but I guess not.

As I continue to love him, I guess I fell out of love. It was sudden. Pagising ko na lang, narealize ko na.

Hindi ko na siya mahal. That scared me because I thought I could love him forever, but I decided not to.

He was my best friend, pero hanggang doon na lang ‘yon. I always wished we could be something else.

Napaisip din ako, kung babae ba ako, may pag-asa ba ako?

“Syd, let’s talk,” he spoke up when I entered the living room, kakarating lang namin ni Conan galing sa labas.

Gumala kami parehas. Hindi ako umimik nang tinawag ako ni Radio, ayaw ko lang siyang kausapin, hindi dahil galit pa rin ako.

Mas minabuti ko lang na huwag na, dahil alam kong may pag-aawayan lang namin ulit ang nakaraan. I want to move on.

Hinawakan niya ang braso ko para pigilan ako na umakyat sa taas, “Syd, sige na please, usap na tayo,” he pleaded.

The look in his eyes, na para bang may sasabihin siyang importante sa akin, pero ayaw ko pa rin, baka masaktan lang ako.

Pero mapilit talaga siya, kaya bumigay na ako. I rolled my eyes in annoyance pero hindi ko na lang pinansin pa.

I was on the couch, bowing my head and facing the shiny white tiles in Radio’s room here in his rest house.

Nasa labas ang mga kaibigan namin, enjoying Conan’s birthday. I sobbed, knowing it’s the end.

“Mahal mo pa rin ba ako?” he said softly as he stood in front of me, both hands on his waist. I couldn’t look at him with the same admiring eyes, but I knew kung titingnan ko siya ngayon…

Babalik na
naman
. Ayaw ko na. Nasaktan na ako kaya puwede na rin ‘yon maging aral para sa akin.

‘Di na rin naman babalik sa dati, kaya ano pang dahilan para bumalik ako sa kanya?

All the memories we both made were all going to be just pictures in our minds.

Masaya na ako doon. Hindi man ako ang piniling mahalin, at least alam ko na mas pinili niyang maging malaya.

He chose the freedom to love someone he wants to love. ‘Yon pa lang ay panalo na ako.

Talo man ako, at least panalo ako na malaya siyang nagmamahal, he is free from his family.

“Hindi na… Hindi na kita mahal,” when those words came out from my mouth, I burst out in tears.

What an odd thing to say. Before, I told myself that I would love him forever, pero ngayon, ayaw ko na.

He came forward, kneeling in front of me. He held my hands so I could face him. He looked at me with those brown eyes. They were full of worry, guilt, and regret.

This is the first time I saw this again. Matagal na nung huli ko itong nakita. What a flashback.

“I’m sorry,” he apologized and bowed his head, feeling sorry. Those words are the only thing I wanted to hear from him once again.

Alam kong nakailang ulit na siyang sabihin ‘yan sa akin pero ngayon pa lang ako naniwala, siguro dahil sincere na ‘yon.

“Okay lang,” I shortly replied.

“Sorry, Syd, kung nasaktan kita. Sorry sa lahat. Sorry that I couldn’t love you the way you love me. Sorry kung kaibigan lang talaga ang tingin ko sa’yo noon,” he explained, and tears formed in his eyes.

Ito ‘yon eh, ito yung masakit na part sa buong buhay ko, sabi na hindi talaga totoo na gusto niya ako.

Nagsinungaling na naman siya sa akin, palagi na lang.

“Syd. I’m sorry.”

Sorry na naman, parang nakakasawa na pakinggan, kasi wala rin naman magagawa ‘yung sorry niya.


Bakit nagsosorry ka? Wala ka namang ginagawang masama.”

Tahimik lang si Dio na kaharap ko ngayon, still his eyes are teary.

Huminga ako nang malalim bago muling nagbitaw ng salita.


Hindi mo naman kasalanang hindi mo ‘ko mahal.”

Nanahimik siya. Nang masabi ko ‘yon, parang sinasaksak na naman ako. Silence means yes. Hindi niya talaga ako mahal.

If he truly loves me, he would oppose me, yet he stayed silent. Doon na ako napaluha.

“Alam ko ayaw mo na, pero puwede bang isang beses mo na lang sabihin na mahal mo ako?” he muttered.

Different emotions stirred in my stomach, giving me a churn. Bakit ngayon gusto niya na marinig, ngayong ayaw ko nang sabihin sa kanya ‘yon?

Nakakainis pero sa totoo lang, bakit ko kailangang sabihin ‘yon kung hindi niya naman talaga ako mahal, anong purpose ‘non?

Kahit labag sa loob ko, sinabi ko pa rin.

“Mahal kita, Dio,” I whispered. Akala ko hindi ko na masasabi ‘yon, pero hiniling niya. Ano bang karapatan ko para tumanggi?

When I said those words, he stood up and went to the cabinet. I saw him opening it and taking out a box.

He came towards me and handed the box to me. I looked at it and traced it with my hands.

“Open this after you graduate from college and see it for yourself. Please, just do it, okay? I trust you,” he said, as he wiped his tears away.

“Syd, aalis na ako. I’m going back to Canada to continue my studies,” he announced.

I looked at him, shocked. “Babalik ka pa?” I asked in my hoarse voice. I don’t want him to leave. Kahit nasasaktan ako, I still want to see him.

“I don’t know. I’ll be there for good,” he said and played with the bracelet I gave him when we were in high school.

He wore it as if ‘yon na ang pinakamagandang bagay na naisuot niya.

“So take your time to move on while I’m away,” he added.

Tama ba na umalis siya para maka-move on na ako? I think it’s a good decision, kasi ayaw ko na rin naman.

“I will,” I shortly replied.

Sana maging masaya ka, Dio. Siguro hindi pa ito ang tamang panahon para sa atin. Sana kung puwede na, puwede pa.

I’m happy to see him free. Free from darkness. This is the last time I will see him again. I’ll forever be grateful to have him as my friend.

Nasaktan man niya ako, makakalimot rin ako. Forgetting the things that hurt you is the best feeling ever.

Tsaka na lang tayo magkitang muli, Radio, kapag parehas na tayong magaling ang sugat sa puso.

Lumabas ako ng kwarto niya pero hindi ko na siya makita pa, pinaligiran ako nila Cisco na parang may gusto na naman malaman sa akin.

“Bakit umalis si Radio?” bungad na tanong ni Exis sa akin. I didn’t answer him and just ignored the question.

I left them behind, I just want some peace. Lumabas ako ng rest house at pumunta sa kung saan man na alam kong nagpapakalma sa damdamin ko.

I questioned myself once again, kung nag-iba ba ang desisyon ko, puwede pa ba kaming bumalik sa dati? But looking back at what we had before, nasasaktan ako — nasaktan ako, parehas kami.

I looked at my phone, opened my gallery. It has been years since we last took photos together. Maybe those are just memories that I cannot bring back. Baka nga hanggang doon lang talaga.

Ang tagal ko palang naghahabol sa wala, kasi akala ko totoo ‘yung mga inamin niya sa akin. Nagsinungaling na naman siya na gusto niya ako.

Asang-asa na naman ako sa kanya, palagi na lang. As the cold breeze hit my bare skin, hindi ko maiwasang isipin lahat ng bagay na makakapagpasakit sa akin.

Wala na ang mama ko, there is no one who will advise me in everything. I looked at the star, thinking that one of the brightest stars in the sky is her.

“Ma, kailangan kita,” tawag ko sa mama ko pero wala akong natanggap na sagot. Masakit pa rin sa akin hanggang ngayon pero wala naman akong magawa.

Iniyak ko lang lahat ng sakit na nararamdaman ko, baka sakaling mawala ‘yung sakit pero parang ‘di pa sapat.

Sana bumalik siya at sabihin sa akin na nagsinungaling lang siya. I want him to come back and confess again, baka sakaling matauhan ako.

I waited and waited but no one showed up in front of me. Maybe because I knew he is gone forever in me.

I’ll miss
him
for sure.

40

ESTRADA
.

In just a blink of an eye, ito na, graduate na ako. Pero sa kanya, graduate na ba ako?
I was, I really am.

Masamang magsinungaling pero pakiramdam ko ‘yon na ‘yon, we never contacted each other, I haven’t heard a thing coming from him.
Maybe because he deleted all of his accounts, blocked my number o magandang sabihin lahat kami ay blinock niya. We don’t know where he is.

He was remembered as the guy who ran away, ran away from all of the things he experienced. Pero ako, heto, facing all the difficulties in life.

“Estrada, Duxe Syd, Magna Cum Laude,” I heard my name called by the MC. Bumalik ako sa realidad sa kakaisip, I heard the claps of the students especially ang mga kupal kong kaibigan na akala mo ngayon lang nakakita ng nakagraduate.
As I walked up to the stage at isinabit sa akin ang medalya, I wish my mom witnessed my graduation.

Ma, para sa’yo ‘to.

Nang matapos ang ceremony, I walked to my friends greeting them, nagtatawanan pa kami, pero sa totoo lang alam kong may kulang.
May kulang sa grupo, it will never be 3CESRA without Radio.

“Snapped out of it, Syd, iniisip mo na naman siya, move on na graduate ka na oh,” natatawang sabi ni Cisco kaya binatukan ko sa kanya ang pamaypay na nadadala ko.

“Ikaw, kailan ka titigil kakahabol sa kanya? Baka mamaya maging aso ka na ah,” kantyaw ko sa kanya. The smile on his face vanished. Di na siya umimik pa.

“We should have a dinner tonight, right?” Chico said, checking his phone.

“Ang yaman mo naman para sabihin na magd-dinner tayo,” Centi overreactingly said.

“Ikaw lang naman ang kuripot sa atin eh, kaya bakit kung makareact ka parang ikaw gagastos lahat,” singit ni Exis. He smiled at me and tapped my back.

Iba din ang lalaking ‘to, ngayon lang susulpot kung kailan may pinag-uusapan na about sa pagkain.

“Wow, mahiya ka naman sa balat mo Exis Aiden, makikisali ka pa sa amin eh kasama mo mag-dinner yung shota mong saksakan ng kaartehan,” Centi bluntly said, as if there is a beef between Exis’s boyfriend and him.

“Come on, don’t bring him up here,” he said, eyebrows knitted together. Centi stopped then just unwillingly accepted his defeat. Madalas na rin sila magkainitan ni Centi because of Exis’s boyfriend’s brother.

“7:00 PM, ano g?” Chico said and we just nodded in agreement. We bid our goodbyes because we are going somewhere, mga busy rin sila, but later naman magkikita pa rin kami.

I went home, and once again I was met with an empty home. No one is here except me. I was met with silence, no laughter echoing around the corner of the house.

I flopped down to the sofa, closed my eyes for a moment, shedding tears once again. Kailan ba makakausad? Kailan ba matatapos?

I opened my eyes, went upstairs, sat beside my bed just looking at the white walls, full of frames, paintings and something just caught my attention—it was a frame, picture namin ni Dio nung high school pa kami. I grabbed it and traced it with my fingers.

Kamusta na kaya siya? May bago na kaya siya? Is he happy now?

Before I even put the frame to the table, the box he gave me before he left—I didn’t really open it but I think it’s time to open it.

Graduate na ako eh.

Kinuha ko yung box at pinagbagan dahil maalikabok na. I sat on the floor and opened the sealed box. Bungad sa akin yung picture ko, di ko alam kung what time ito tinake but I know na high school pa lang ako nito.
I smiled.

I saw a bracelet, a small boxing gloves keychain—it was my gift to him on his birthday. Ibinabalik niya na ba ito sa akin? But when I grabbed those, something fell.

It was a necklace, di ko alam kung kanino but it has a name on it. Letter R. Nagfa-fade na yung kulay nito, siguro dahil matagal na sa box. I saw some stickers, a band-aid, something we once shared.

Things that are memorable not just for him but also for me—the memories we once shared with each other. Memories that I wouldn’t be able to forget not until I came at the last part.

It made me tear up, not because I miss him but because he kept those in a box, giving it back to me. I don’t know the reason but still I want to know.

A letter. I’m not a fan of letters but for him, I’ll read it.

“Hi, Syd, now that you’ve seen the gift, how was it? How are you feeling right now? Are you happy or sad? But I want to say congratulations on your graduation. Ang tagal din no? Ang tagal din na nawala ako sa buhay mo? Naka-move on ka na ba? This is my question because I know you will keep your promise to me.”

Wala pa sa gitna but I smiled a little bit.

Ako, di ko alam kung okay na ba ako now but I know I wasn’t. Sorry for leaving you behind, sorry for leaving and not fighting with you when all your life you’ve been fighting with me. Kasama mo ako na lumalaban pero di ko magawa na samahan ka sa laban mo. Ang duwag ko no? I’m a big guy yet I was coward facing the problems that are in front of me. Thank you, Syd, I really am. And I wish you are happy now without me. Thank you for choosing yourself over me, I’m so proud of you, I hope you always know that. I love you. Mahal kita. Sorry, I’m not a fan of doing letters but I still did one. :)

From: D.

I felt my heart crushed more than everything, ganito pala yung feeling—the feeling that your heart is not strong enough to read a letter.
Ang simple nung letter, di ko alam kung iniisipun niya ba ‘to pero parang oo naman. I sighed and put down the letter.

Ito na naman ako, malungkot na naman ako. He is a coward, anduwag nang lalaking ‘yon. Ayaw ko na lumaban siya kasama ko sa laban ko, gusto ko lumaban siya para sa laban niya.

I never wished na si Dio ang magiging kasama ko sa sarili kong bangungot, pero siya, di ko alam kung hiniling niya ba na samahan ko siya. He was scared, but I am more scared than him.

If I didn’t choose to stay with him, I’ll lose him forever. But choosing him made me realize, did I regret it? I don’t think so. I broke down in tears and just let myself fall asleep because of exhaustion.

My phone rang uncontrollably, that’s why I woke from my sleep. They are calling me now. Ako ang nalate so I decided to get ready.

I just wore a simple white polo and washed jeans paired with sneakers, and also wore a wristwatch.
Bagay pala talaga sa akin kapag nakaputi.

I didn’t cut my hair for so long kaya ang haba na nito—why would I, right? They said hair holds memories.

Ako lang ata ang tao na naniniwala don. I drove my car to the location that Chico sent. I don’t know if it’s his treat or not. When I parked my car in the parking lot, dumiretso ako sa loob ng restobar.

I looked at the stage then someone was singing the song Burnout by Sugarfree, déjà vu. This song made me remember all the past years na ginusto ko ang tropa ko.

Umangat ang gilid ng labi ko and I just bowed my head a bit and shook it, remembering those years na para bang di totoong nangyari.

Just when I lifted up my head, I met someone very familiar—this is where the drama begins.

My world stopped as if it stopped for a while, my heart beat fast, which made my chest tighten at the sudden encounter with him.

Our eyes met, his eyes softened na para bang nangungusap sa akin. This man that I’ve been thinking of for years, the man na na-miss ko—he suddenly showed up in front of me. His hair is curly now, may kulay na ito, a dark brown.

He is still handsome, ganon pa rin. His aura makes my heart skip a bit. Ngayon ko lang ulit ito naramdaman, siguro dahil ang tagal simula nung huli ko siyang makita.

But the world came back to time when Cisco spoke, “Tangina, Radio ikaw ba ‘yan?” Sobrang laki ng ngiti ng lalaki dahil nakita niya na ulit si Radio. He smiled and hugged him.

“Kamusta ka na?” he asked suddenly, but Radio just smiled. Inakbayan siya ni Cisco at pinapunta sa table namin. My friends greeted him at nakipag-fist bump sa kanila.

He gloomed, his eyes are happy now. Wala na yung mga mata niyang parang napapagod sa lahat.

His smile came back now. I missed those. I sat beside Exis, eating silently, pabaya ang tingin sa phone na para bang may iniintay.

Ang ingay ng table namin. Centi is still joking around. “Gago ka, Dio you never contacted us after you went to another country, akala ko mamatay ka na.”

“Shut up bro, I want to live a peaceful life away from this country. Atsaka kasawa na kayo kausap kaya block ko muna kayo,” I heard him say and laughed.

Kupal talaga. Umiling ako and just ate my food, but yet I couldn’t stop myself from looking at him. Then suddenly, once again, our eyes met. Kaya agaran akong umiwas.

Kumabog muli ang puso ko as if it will come out anytime, tumindig ang balahibo ko nang binulungan ako ni Exis, “You still like him, don’t you?” Kaya nasiko ko siya.

“Shut up,” I mouthed. Gusto ko pa ba siya? Maybe no. Na-miss ko lang siguro kaya ganito. Why would I like someone again na sinaktan ako, diba?

Besides, we both wanted to heal before loving someone again. Kaya heto, mas gugustuhin ko na lang umayaw sa kanya.

“Hello, mic test, mic test,” we looked up at the stage and saw Chico smiling from ear to ear.

“Tonight, as we are here, my friends and I, there is a song that I wanted to sing. It’s not for me but it’s for those people na umibig, nasaktan kase hanggang kaibigan lang, or hindi sa ganitong sitwasyon. It’s a song called Bes I Ever Had by Paraluman.”

He strummed the guitar. I can’t help but wonder—kapag ba di siya umalis, ano kaya kami ngayon? Ganon pa rin kaya kami?

Hanggang kaibigan pa rin kaya ako? Hanggang don na lang ba kami?

“Namumugto ang iyong mata, di alam ang gagawin. Kung pwede lang naman sana, ako na lang ang mahalin.”

I can’t help but think more. While Chico was singing, I stood up from my seat, just wanting to inhale fresh air. Huminga ako ng malalim, the cold breeze hit my skin which made me shiver a bit.

I walked down the street, I just wanted to look up at the big city under us. When I got there, I inhaled the grassy smell that was combined with salty air.

I closed my eyes, just forgetting all the things that I’ve been thinking for a while, then I was interrupted once again.

“Hi.”

A simple hi made me look at him and do the same. I was shocked to see him, did he follow me? Why?

“You look better now, Syd. The last time I saw you, your eyes were full of sadness, fear, and regret,” he said softly and looked in a different direction.

“No, you look happier and better than mine,” I chuckled just to ease the tension that was building in the thin air, there was a gap between us.

“I wasn’t. I should be saying that line to you, Syd, you are better and look happier without me,” he added, my heart sank.

Why would he say that? I wasn’t happy when you left me behind, I didn’t become better when you were away. That’s what I realized throughout the years.

“Why? Did you become better when you left me?” I asked. He spoke and looked at me.

“I couldn’t answer that but you know what, when I left this city, I’ve been better, I healed, pinagaling ko ang sarili ko, inayos ko yung sarili ko, para pagbalik ko pwede na. I didn’t become better when I left you. You are the reason I became better and happy because I know that all of the things I did were for you.”

I was speechless, kaya ibinaling ko ang atensyon ko sa iba. How could he say those words as if he meant it?

“Do you mean those words or are you just going to hurt me once more?” I asked firmly, parang di kase kapanipaniwala.

“Babalik ba ako dito kung di ako nagsasabi ng totoo,” he said, “parang naging walang kwenta lang ako pagbalik ko kung sasaktan lang kita.”

Totoo ba yang mga pinagsasabi niya or he is just making it up?

“I came back kase may naiwan ako dito, may naiwan akong babalikan, may naiwan akong special na bagay na minsan ko nang kinalimutan.”

I looked at him, those eyes again, they looked different—it was softer, more teary, and more sincere. Kaya di ko na kinaya pa siyang titigan.

Looking back to all those years, it felt different, parang kinalimutan ko na naman. Pumikit lang ako bigla, ito na naman ako, mahuhulog na naman.

Kailan ba matuto ang puso ko na tumigil na mahalin ang lalaking ‘to?
Ilang masasakit pa na katotohanan ang kailangan kong harapin para tumigil na ang puso kong tumibok para sa kanya.

“Syd,” he called softly. Hindi ko siya nilingon because I was drowning in my own thoughts.

“Syd, look at me for once, please,” he pleaded and held my hands softly. “Kailangan ko pa bang lumuhod para maniwala ka sa akin?” he said, at luluhod nga siya sa harapan ko pero pinatayo ko siya.

Baliw ata ang lalaking ‘to. “Kinalimutan mo na atang kapag bumalik ka, may babalikan ka pa,” those words came out from my mouth.

“Diyan ka magaling, Dio, ang paikutin ang damdamin ko. You will always stir something inside my stomach and make my chest tighten because of different emotions, champion ka diyan eh,” sabi ko na para bang nagbibiro ako pero totoo naman ‘yon lahat.

“Ako lang siguro ang tanga na naniwala na pwede tayo dati. Gago ka rin eh, no? Naghanap ka pa ng iba eh nandito na ako matagal na,” I added. I teared up saying those words.

Ako lang siguro ang nagpakatanga sa lalaking ‘to.

“I’m sorry,” ayan lang ang sinabi niya, pero matagal ko na siyang pinatawad. Simula nung wala na siya sa buhay ko, pinatawad ko na siya.

I waited and waited for his return, but right now he is here. Di ako napagod maghintay na bumalik siya. I didn’t give up. Because I always believed that there is always a chance between us.

I always thought that if we would be together, I’d lose him as a lover, and the worst part is I’d lose him as a friend.

But it’s me, I wasn’t scared of those things because I know it wasn’t true. I still believed in him.

“Can we start over?”

Ganito naman palagi eh, magsisimula muna sa una bago magtapos. If this is the start again, I would love to start it with him.

“I’ll promise to stay and make you happy now,” he added.

“I love you,” these are the words that I always wanted to hear from him.

Kaya ko na ba ulit, kaya ko na ba na harapin ang lalaki na minsan nang nakit sa akin, ang lalaking minahal ko ng ilang taon?

Tumango ako, “Yeah, we will start over again.”

Ipagkakatiwala ko na naman sa lalaking ‘to ang puso ko, sana’y alagaan niya.

We once shared painful memories but we will leave them behind and we will now make memorable, happy memories.

Di ko alam ang naiisip niya pero ramdam ko na willing siyang magsimula kaya bakit ako tatanggi.

Panahon ko na, panahon na namin. Nasa tamang oras na, pero nasa tamang tao na ba ako? Pero sana siya na yung tamang tao para sa akin.

Friends from enemies to strangers.
Strangers to friends once again.
Tapos na sa hanggang kaibigan na lang.

Sometimes kaibigan lang talaga tayo pero may iba naman na hindi lang hanggang kaibigan lang.

Hindi masamang umasa kung may chance ka, pero mas masakit umasa kung wala kang kasiguraduhan.

Akala ko graduate na, hindi pa pala.


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.50.274
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.