I Want To Be Free (BxB)
SupremaNgBayan · 9 chapters · 10,801 words
I want o be free!
This story is a work of fiction, names, characters, business, events, and incidents are the product of author’s imagination.Any resemblance to actual persons, living or dead and actual events is purely coincidental.
Warning: Plagiarism is a crime do not copy, reproduce , transmit and distribute in any forms and by any means. Actuon taken above is punishable by law.
Jagger was looking on the mirror wearing a above knee long sleeves and a black suit with a same color of pants and white shoes. Makikita din sa kanyang kanang kamay ang isang mamahaling relo na agad din naman siyang tumingin dito at napamura.
“Damn”
Nagmadali siyang kunin ang kanyang cellphone na nakapatong sa kanyang kama saka ito inilagay sa kanyang bulsa. Pagkalabas ng kanyang kwarto ay agad na sumalubong sa kanya si Pod, isang canadian dog na nabili niya sa Canada ng minsang umattend siya sa business trip doon.
“behave buddy okay I’ll call my cousin to fetch you here” sabay tap nito sa ulo ni Pod na agad namang nagustuhan nito ang paghimas ng kanyang amo.
Habang papunta siya sa pintuan ay sumunod pa si Pod sabay wiggle nito ng buntot at sinabayan pa nito ng tahol. Mukhang mami miss nito ang pag alis ni Jagger. Nag squat ng upo si Jagger bago tinap ulit nito si Pod.
“Bye buddy i will miss you too”
tumayo na ito saka isinirado ang pinto ng kanyang condo.Narinig pa nito ang tahol ni Pod kaya napa buntong hininga na lang siya saka kinuha ang kanyang cellphone at tinawagan ang numero.
“Bro come to my condo take care of Pod.. yeah I need to go today is my flight.. yeah by the way thanks for advance . okay bye” at agad na pinatay nito ang cellphone at ibinalik sa bulsa.
Sa kanyang paglabas ng building ay nakaparada na ang kanyang sasakyan sa tapat at agad siyang sumakay sa loob sa may back seat.
“good morning sir” bati ng kanyang driver
“morning Tom” maikli nitong sagot.
Kaagad na din namang pinaandar ni Tom ang limousine saka bumyahe na papuntang airport.
Ngayon kase ang biyahe niya para sa isang business trip na naman at dahil na din sa personal niyang makausap at makita ang mga ka business partner niya doon para sa ipapatayong bagong gusali na mall.
Pagkarating sa airport ay agad siyang pinagbuksan ng pinto ng driver niya saka siya bumaba, inalagay nito ang black sun glasses saka agad na lumakad papuntang private plane.
Sumalubong sa kanya ang dalawang body guards at ang kanyang secretary na kasama niya sa kanyang business trip.
“Good morning sir!” sabay na bati nila tumango na lang si Jagger sa mga ito.
“Sir naka ready na po ang eroplano at nasa maayos din itong kondisyon, our flight might take a long atleast of an hours para makarating sa Cebu” sabi ni Ellen ang kanyang secretary.
“okay, then let’s go” saka ito umakyat at pumasok ng eroplano.
Agad naman na kinuha ng dalawang body guards ang bitbit ni Tom na isang bagahe saka ito inakyat sa loob ng eroplano.
Mean while, After Jacques receive a call from his cousin he immediately went to the bathroom to get a shower. Katatapos lang kasi nitong makipag sex sa isang babae na naka meet niya sa isang Bar kagabi.
Pagkatapos nitong maligo ay lumabas na ito habang nakatapis sa kanyang bewang ang puting tuwalya.
“Hi babe I’m enjoy your accompany last night, hope we do it again next time” sabi ng babae nakaupo na ito sa kama habang nakatabon dito ang makapal na kumot.
“Me too bitch but sorry there’s no next time again, after you wear your clothes get lost here already” sabi nito habang kumukuha ng masusuot.
mukhang hindi naman nagustuhan ng babae ang sinabi ni Jacques.
“how dare you to call me like that! pagkatapos kitang paligayahin yun lang yun how about us? akala ko ba..”
“Us? that i like you? c’mmon sweetie it’s just a sex no strings attached, kailangan pag balik ko wala ka na dito sa pamamahay ko” saka nito sinarado ang pinto.
“Arrghhh fuck you! bullshit!” sigaw ng babae napangisi na lang si Jacques pagkatapos itong marinig pagkasara niya ng pinto.
Pagkarating nito sa condo ni Jagger ay iniscan nito ang duplicate card ng condo ni Jagger para mabuksan ito . Pagkabukas niya ng pintuan ay nakita nito si Pod na nakahiga sa kanyang tulogan kaya dumiretso dito si Jacques saka hinimas ang mabalbon na si Pod. Dahil dito ay agad na nagising si Pod saka lumapit kay Jacques at dinilian nito ang mukha niya na parang naglalambing.
“Hey Pod nice seeing you again, sa ngayon ako muna ulit ang mag babantay sayo common let’s go home”
Jessie are watching a movie entitled All Of Us Are Dead on Netflix.
“shit takbo na cheong-san! geez! ang papangit ng mga zombie na to” komento nito habang nanonood kulang na lang ay pumasok siya sa TV para makipag laban at habulan sa mga zombie.
Tutok na tutok ito habang naonood sabay kain ng popcorn na siya mismo ang gumawa.
after an half of hour ay matatapos na niya ang episode 6 ng hindi nito sinasadyang matabig ang baso na nasa mesa ng kunin nito ang remote. Sa hindi maipaliwanag ay bigla siyang nakaramdam ng kaba ayon kase sa kwento ng matatanda ay kapag ang baso nahulog sadya man o di sinasadya ay may ibig sabihin. May isang miyembro sa pamilya mo ang maaksidente o maaring nasa panganib.
“gosh ang clumsy ko talaga hays favorite ko pa naman tong baso tsk”
tumayo ito saka kumuha ng walis tambo at dustpan para linisin ang bubog.
Ilang minuto lang ay biglang tumunog ang kanyang cellphone kaya itinigil nito ang paglilinis saka sinagotang tawag.
“Hello?” bati nito sa kausap.
“oh ikaw pala couz.. hey are you alright why are you shuttering.. couz what the hell are you talking about huh?.. that’s not true jacques! don’t kidding me!” sabay nabitawan nito ang hawak na cellphone.
Dali dali nitong kinuha ang Ipod saka binuksan ang kanyang social media account, bumungad sa kanya ang iba’t ibang page and user account na may mga kaparehong post about sa isang eroplano na na nag crashed. Nag iscroll pa ito at nakita niya ang isang post ng sikat na page na kung saan naka post dito ang picture ng kanyang kapatid.
“The famous businesses man and CEO of Arcada’s Realm company named Jagger Arcada has been on a private plane who got crashed when they’re on flight going to Cebu. Sadly the police and investigators didn’t recover his body on accident. We pray that hope they’ll find the body of Jagger Arcada as soon as possible. The police are investigating of what happened why the airplane was crashed, is this an accident or someone has an intention to kill Mr.Arcada?”
Pagkabasa niya ay agad siyang napaupo saka napaiyak .
“Kuya!! arghhh!” hagulhol nito.
Tumunog ulit ang cellphone nito at ang mom niya ang tumatawag.
“Mommy! mom si k-kuya! mom be strong okay.. don’t worry mom uuwi na ako dyan sa Pilipinas.. yes mom you too take care and tell me to dad i love you both.. bye mom”
Mabigat ang kanyang loob dahil sa nangyare sa kanyang kuya.At hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari.
Richard Madden as Jagger Arcada
Chapter 1
Jessie
Isang araw pagkauwi ko ng Pilipinas ay tuloy pa din ang investigation tungkol sa pagka aksidente ni kuya, kasalukuyan naming pinapakinggan ang mga police pagkatapos nilang maimbestigahan ang pag crash ng eroplano.
“Base sa aming imbestigasyon maaaring sinadya ang pagka aksidente ng eroplano na sinasakyan ng anak niyo madam, hanggang ngayon ay hindi tumitigil ang aming team para mahanap ang bangkay ni Mr.Arcada”
“bangkay?! hindi pa patay ang anak ko dahil… dahil nararamdaman kong buhay pa siya! kaya wag niyong sabihin na bangkay na siya ni hindi niyo pa nga nakikita ang katawan niya!” ang sigaw ni mommy. Lumapit ako sa kanya dahil baka himatayin na naman siya.
“mommy..”
“yaya please can you a get a glass of water” utos ko .
“okay po señorita” sagot nito at saka umalis.
“Mrs.Arcada pasensya po sa nasabi ko pero bilang imbestigador ay maaari ko itong maging konklusyon kung bakit hindi pa natatagpuan ang katawan ng anak niyo, bukas na bukas din ay pupunta kami sa mga location na malapit sa pinagbagsakan ng eroplano. Pero maaari din pong ligtas ang anak niyo kung sakali mang bago pa bumagsak ang eroplano ay nakatalon na siya para mailigtas ang kanyang sarili.” mahabang salaysay nito.
“señorita ito na po ang tubig” kinuha ko naman ito saka pinainom kay mommy.
“mommy inom ka muna ng tubig, sure ako na buhay pa si kuya bukas ay sasama ako sa kanila para sa paghahanap sa kanya”
inilagay ko ang baso sa katabing mesa bago kinausap si PO3. Arvin Del Azar.
“Sir sasama ako bukas sa paghahanap makakatulong din yun para makumpirma ko ang mga iba pang gamit ni kuya”
“Sige po ma’am kokontakin ko na lang po kayo bukas para sa pag alis.
Mrs.Arcada mauna na ho kami , Ma’am Jessie tutuloy na kami“ saka na ito tumayo kasama ang tatlo pa niyang kasamahan.
“sige po salamat sa pag update sa amin Sir Arvin”
pagka alis nila ay lumapit muli ako kay mommy dalawang araw pa lang simula ng aksidente ay pansin kong nagiging stress na si mommy.
“My, you look so stressed magpahinga ka muna kaya hindi magugustuhan ni kuya kapag nakita niya ang kalagayan mo”
“i’m sorry honey hindi ko lang maiwasang mag alala kay Jagger hanggat hindi natin siya natatagpuan paano kung patay na nga siya.. hindi ko kakakayin yun jessie” sabay iyak ulit nito.
Niyakap ko na lang si mommy.
“My.. wag mong sabihin yan hindi mamatay si kuya kasi malakas siya diba.. naniniwala pa din ako na buhay siya at makakasama din natin siya”
“Señorita ang daddy niyo po tumatawag” sambit ng isa naming katulong.
“mommy sasagutin ko lang yung tawag ni daddy at saka para ma update din siya”
“sige nak” tumayo ako saka inabot ang telepono.
“Hello dad”
“How’s your mom jessie?”
“I sighed heavily before answer him.
“she’s not okay dad muntik na naman siyang himatayin dahil sa balita”
“don’t leave your mom by her side okay, kamusta na nga pala ang imbestigasyon sa kuya mo anong sabi ng mga police?”
“Posible daw na baka patay na si kuya pero posible din naman daw na buhay pa siya at nakatalon pa bago bumagsak ang eroplano, tomorrow dad sasama ako sa kanila sa paghahanap kay kuya Jagger”
“I’m sorry kung wala ako sa tabi niyo ng mommy mo hindi ko din pwedeng pabayaan itong kompanya natin, just be careful of yourself tommorrow okay tawagan mo din ako para may update ako”
“yes dad I will. I understand dad hindi din madali ang pagpapatakbo sa kompanya natin lalo na at may chance na maging sanhi ito ng mga kalaban natin para pabagsakin tayo dahil wala si kuya”
“yun nga ang ikinababahala ko dahil ang kuya mo ang may pinaka maasahan natin pagdating dito, but I will do the best para hindi mapabayaan ang kompanya natin”
tumingin ako kay mommy habang yakap nito ang picture frame ni kuya.
“Don’t worry dad tutulong ako sa company natin sa susunod na mga araw para may katulong ka hangga’t hindi pa nahahanap si kuya para hindi ka mahirapan”
“anak kakarating mo pa lang magpahinga ka din kaya sobra na din kitang naaabala”
“no dad i’m okay mas kailangan niyo ako ni mommy ngayon,hindi kayo abala ni mom pageating da akin remember we’re family, sige na dad i love you take care.”
“mahal ko din kayo nak, sige na marami din akong gagawin dito sa office.”
Pagkatapos kong ibaba ang tawag ay pumunta ako sa may veranda para magpahangin. Sa dami ng nangyari ngayon mukhang mahihirapan akong mag adjust pero kailangan kong maging matatag para kina mommy at daddy. Kuya kung saan ka man ngayon sana ay ligtas ka at nasa mabuting kalagayan.
Arci
Madaling araw pa lang ay gising na ako usapan kasi namin ni Archie na sabay kaming papalaot ngayon para mangisda.
“magandang umaga po nay” bati ko kay inay habang hawak inilalapag nito sa mesa ang nilutong umagahan.
“Arci anak ipagtimpla mo muna ako ng kape masakit na talaga ang tiyan ko”sabi ni nanay habang nakahawak ito sa kanyang tiyan at dumiretso sa may likod ng bahay doon kasi ang palikuran namin.
Nilagyan ko ng nescafe ang baso na may konting asukal at saka ito nilagyan ng mainit na tubig galing sa luma pero matibay naming termos. At saka naman ako nag timpla ng kape na para sa akin.
Kumuha na din ako ng pinggan at saka nag sandok ng sinangag na may ulam na tuyo at pritong itlog.
“Oh siya bilisan mong kumain nandyan na si Archie mukhang papunta na dito, siya na ata iyong nakita kong naglalakad na may dalang ilaw papunta dito satin” ang sabi ni nanay saka umupo na din at sinabayan akong kumain.
Maya maya nga ay narinig na namin ang boses niya sa labas ng bahay.
“Arci!” tawag nito.
“huy istorbo ka ng mga natutulog pumasok ka na lang dito kumakain pa ako” sigaw ko.
“aray nay!” sabay himas ko sa braso dahil hinampas ako ni nanay.
“ang lakas ng boses mo mamaya baka magising na naman si Nanding at masigawan ka” sabi ni nanay.
Mababaw lang ang tulog ni mang Nanding kaya mabilis itong maagising kapag nakakarinig ng ingay. Nung nakaraang gabi ay nasigawan pa kami ni Archie at ng barkada nung minsang napadaan kami sa tapat ng bahay nila habang nag tatawanan .
“magandang umaga tol, nay Linda” bati nito sa amin.
“kumain kana ba Archie halika sabayan muna kami ni Arci”
“naku tamang tama nay Linda kape lang talaga ang inumagahan ko ngayon” saka ito mabilis na umupo sa isang upuan.
“naku basta talaga pagkain ang bilis mo, o’siya dalian mo na baka hindi tayo makahuli ngayon ng maraming isda baka maunahan na naman tayo ng iba doon”
“saglit lang tol eto na nga eh” napaubo pa ito ng sumubo ng pagkain.
“huy Arci nakita mong kumakain pa tong si Archie ayan tuloy nabulunan na dahil sa kakamadali… kumain ka pa Archie para may lakas ka mangisda” sabay dinagdagan pa ni nanay ng sinangag ang pinggan ni Archie.
“ako nay bakit wala?”
“may kamay ka naman diba kaya ikaw na ang sumandok”
“bakit si Archie may kamay din naman yan ah”
“malamang nahihiya yan dumagdag kaya ako na naglagay sige na bilisan niyo na kumain para marami kayong mahuling isda” sagot ni nanay.
“opo” sagot ko.
nakita ko pang napabungisngis si Archie kaya kumain na lang ako dahil malapit nang sumikat ang araw.
Kaya ganon na lang din kaasikaso si nanay kay Archie ay inaanak niya din ito at anak din siya ng matalik niyang kaibigan kaya nga pati halos pangalan namin ay magkatunog na at magkapareho. Sabay din kaming lumaki kaya halos kilala na talaga namin ang isa’t isa.
Froylan Gutierrez as Arci Ferrero
Chapter 2
Arci
Pinagtulongan namin ni Archie na itulak sa dagat ang bangka pagkatapos ay inilapag ko dito ang net na gagamitin namin at ang iba pang kagamitan sa pag huli ng isda.
“Nay Linda aalis na ho kami!” ang paalam ni Archie kay nanay.
“sige mag iingat kayo ha sana ay marami kayong mahuling isda”
“Nay aalis na kami wag kayong mag aalala tiyak na malalaking isda ang mahuhuli namin ngayon” sagot ko.
“oh sige nak Arci ingat kayo ha”
“opo nay” saka na ako sumakay sa bangka at pinaandar ang bangkang de motor, swerte at nabili ko ito sa suki namin kaso ay kinakailangan ko pang hulog hulogan bawat buwan dahil wala naman akong sapat na pera para bayaran ng buo. Hindi pa man nakakaalis ang bangka namin ay narinig pa namin ang tawag ni nanay.
“ay anak teka lang muntik ko na makalimutan ito pala yung pagkain at tubig niyo baka tanghaliin kayo sa laot” sabay abot sa amin ni nanay ng kawayang basket, kinuha ko naman ito saka inilapag sa bangka.
“salamat nay!/” sabay kaway ko dito.
“salamat sa pagkain nay Linda” Archie.
Pagkatapos ay si Archie na ang nagpaandar ng bangka.Halos mga bente minuto na din ng makalayo layo na kami kaya pinatay na niya ang makina ng bangka.
“Oh tol pakitulongan nga ako dito sa net” sabi ko kay Archie at saka naman ito ibinuka para maihagis sa dagat.
“ayos na ba to, ayan ayos na Arci kayang kaya na nitong makahuli ng mga isda”
“sige basta magbibilang ako ng tatlo tapos sabay nating ihahagis ha.. 1..2..3!..” sabay hagis namin nito .
pinatagal muna namin itong mababad ng 3 minuto.
“oh tara hilahin na natin baka marami na tayong nahuli niyan” sabi ko
“o sige”
Pagkatapos naming mahila papuntang bangka ay nakita namin na bumigat ang net at marami nga kaming nahuli na isda.
“tiyak pag nakita to nay Linda matutuwa yun kasi may maibebenta na naman siya sa palengke” sambit ni Archie.
“mukha nga tol marami pa namang suki yun si nanay” saka namin inilagay sa plangana ang mga isda.
Maya maya ay may narinig kaming sumabog sa malayo.
“ano yun?” tanong ni Archie sabay tingin sa paligid.
“naku baka yung ibang mga mangingisda yun gumamit na naman siguro ng dinamita kahit na bawal” sagot ko.
“kaya nga paano walang mahuli kaya dinadaan sa pagdadamita”
“oh ayusin na ulit natin to para marami ulit tayong mahuli”
saka ko inabot sa kanya ang dulo ng net.
“1…2…3! yah!” sabay hagis ulit sa dagat.
“uy tol pasyal ulit tayo sa plaza mamayang gabi sure ako marami na naman tayong makita dun na mga chix” sabi niya.
“puro ka chix eh ang torpe mo nga akala ko nga aamin kana dun sa babaeng na typan mo ayun tuloy naunahan ka” paalala ko sa kanya.
“eh sa nahihiya ako tol saka mukhang mataray si miss” sagot niya.
“sus ang sabihin mo torpe ka talaga hahaha” asar ko dito.
sinuntok naman ako nito ng mahina sa braso.
“gago eh bakit ikaw hanggang ngayon hindi mo pa nga napapasagot si Myra, sus ang hina mo pala tol.. sa tagal mong nanliligaw dun di ka pa din sinasagot”
“Alam mo naman na nag aaral pa yun saka sinabi niya naman sakin na sa oras na makapagtapos siya ng pag aaral ay sasagutin niya din ako” sagot ko .
“Sayang no kung hindi lang siguro nawala si tatay mo edi sana nag aaral ka pa din hanggang ngayon edi sana palagi mong nakakasabay at nakakasama si Myra sa eskwelahan”
Simula noong mawala si tatay dahil sa atake sa puso ay nahinto ako sa pag aaral para tulongan si nanay sa paghahanap buhay, kaya ito pangingisda ang naging paraan ko para makatulong sa pang araw araw naming pangangailangan.
“Hayaan mo na yun basta kapag nakaipon ako mag aaral ulit ako Archie”.
“ayos yan tol para makapag hanap ka ng magandang trabaho hindi habang buhay pangingisda na lang ang gagawin mo kaya nga ito pinagsasabay ko ang pag aaral at pangingisda mabuti na lang at suportado din ako ng mga kapatid ko”
“Mabuti ka pa nga mga kapatid mo ang nagpapa aral sayo ang swerte mo tol” minsan naiinggit din ako kay Archie dahil siya merong mga kapatid na nagpapa aral sa kanya, siguro kung may nakakatanda din akong kapatid nakakapag aral sana ako ngayon.
“tol alam mo hindi naman palagi swerte minsan ay minamalas din, saka sure ako na makakapag aral ka ulit sa susunod” sabay tapik niti sa balikat ko.
“ oo na.. uy tulongan moko dito“ saka namin hinatak ang net na mabigat na naman mas marami ang nahuli namin keysa kanina.
Hindi namin namalayan na maliwanag na kaya tiningnan ko ang luma kong relo sa kamay, 5:45 na pala ng umaga kaya naman inilibot ko ang tingin sa buong karagatan sobrang ganda. Nakita ko pa nga ang ilang mga pumapalaot sa malayo.
maya maya at tinapik ako ni Archie.
“tol! halika tingnan mo yun? may nakalutang sa dagat halika lapitan natin” tiningnan ko ang itinuturo niya hindi masyadong malinaw dahil medyo malayo kami. Inistart nito ang makina saka pinaandar ang bangka para lapitan ang bagay na nakalutang sa malayo.
Habang papalapit kami ay medyo naananigan na namin.Hindi pala bagay kundi tao..
“tol! tao yung nakalutang owshet!”
ako din ay nagulat at kinabahan ng makita ang lalaking nakalutang sa dagat.
“patay na kaya siya?” tanong ko.
“gago di ko alam dali lapitan natin”
nang makalapit kami ay sinabihan ako ni Archie na tulongang iahon ang lalaki.
“potek ang bigat naman niya” reklamo ko habang nahihirapang isampa sa bangka.
Kinapa pa ni Archie ang pulso nito.
“oh ano tol buhay pa ba o patay na?” tanong ko.
“may pulso pa tol ganito na lang mas mabuti pang bumalik na tayo sa pampang para madala natin siya sa ospital sa bayan”
“sige teka paano to hindi naman natin pwedeng ihiga dahil may planggana”
“edi isandal mo na lang sa katawan mo para maalalayan mo”
“ano?! tsk sige na nga bilis paandarin mo na ang bangka” sambit ko.
Grabe ang bigat niya inayos ko ito ng upo para makasandal sa akin.
“bilisan mo naman nangangalay na ako sa bigat”
“dami mo namang reklamo eto na nga oh” saka nito mas binilisan ang pag paandar.
Pagkatapos ng mahabang minuto ay nakarating din kami sa pampang mabuti na lang ay walang masyadong tao dahil di namin alam kung anong sasabihin.
“teka tol mabuti pa kaya ay dalhin muna natin siya sa bahay anong sasabihin natin kapag may ibang taong nakakita?” wika ko.
napakamot naman ito sa ulo.
“oo nga no dali alalayan na lang natin siya sa magkabilaang braso”
“sige mabuti pa nga” sagot ko.
Pagkarating namin sa tapat ng bahay ay kinatok ko ang pintuan namin.
“nay! nay buksan mo ang pinto” sigaw ko.
“Arci? bakit ang aga niyo namang makabalik mara– .. jusko anong nangyare! teka sino yan?” ang natatarantang sambit ni inay ng pagbuksan niya kami ng pinto kaya dali dali kaming pumasok at saka inihiga namin ang lalaki sa mahaba naming upuan na mala sofa.
“hoooh! ang bigat..” medyo nangalay ang balikat ko sa braso niya.
lumapit naman sa akin si nanay sabay palipat lipat ng tingin sa amin ni Archie at sa lalaking nakahiga.
“Arci, Archie magsalita nga kayo sino yang lalaki at saka bakit walang malay? may ginawa ba kayong masama sa kanya? ano ?!”
“Nay Linda naman ang OA niyo sa mukha naming to gagawa ng masama? ano ganito po kasi nakita namin siya sa may laot na palutang lutang kaya nga ho dinala namin dito sa bahay niyo” si Archie na ang nagpaliwanag.
“jusko!” sabay hawak nito sa dibdib, hay ang OA talaga ni nanay.
“Nay ano dalhin na ba natin siya sa ospital?” sabay tingin namin kay inay na sandaling napa isip din.
“S..sandali ako na lang ang pupunta ng ospital pupuntahan ko ang pinsan mo doon na si Alicia, mas makakabuti na dito na lang siya tingnan dahil wala naman tayong maipapambayad sa ospital”
“mabuti pa nga nay, sige ho kami na muna ang bahala sa kanya mukhang wala pa din siyang malay hanggang ngayon” sabi ko.
“sige teka kukuha lang ako ng damit para mapalitan natin ang damit niya basang basa siya” saka pumasok si nanay sa kwarto niya maya maya ay may dala na itong pamalit at mukhang damit iyon ni itay.
“ang damit na lang ng itay mo ang ipapalit natin hindi naman kakasya sakanya ang mga suot mo dahil ang laki ng katawan niya”
“opo nga nay Linda kanina pa nga nag rereklamo yan si Arci dahil ang bigat daw” Archie.
“sinabi pa talaga oh” sabay tingin ko sa kanya.
“oh kayo na ang magpalit sa kanya at ako’y aalis na kumuha ka muna pala ng tuwalya punasan mo ang katawan niya bago mo bihisan.. sige na at aalis na ako” saka ito kumuha ng wallet sa may aparador at lumabas ng pinto.
“uy pre ikaw na lang ang magpalit sa kanya uuwi muna ako ng bahay” paalam ni Archie.
pinigilan ko muna ito bago makaalis.
“uy tol teka lang sana wala kang pagsabihan tungkol dito ha”
“oo naman tol wag ka mag aalala dahil mamaya babalik din ako dito kakain lang ako sa bahay, paano nga pala yung mga nahuli nating isda?”
“oo nga pala ikaw na lang ang kumuha dun sa bangka mamaya na lang natin paghatian kapag nandito na si nanay”
“sige ba, basta tol balitaan mo na lang ako kung gaano kalaki at kahaba ha” sabi nito saka mabilis na lumabas ng pinto.
“gago ka talaga Archie!” sigaw ko narinig ko pa ang tawa nito. Napailing iling na lang ako sabay tingin sa lalaking nakahiga.
Chapter 3
Arci
Nakapagsaing na ako ng dumating sina nanay kasama si ate Alicia, ang third cousin ko ang nanay niya at tatay ko ay mag pinsan din.
“Halika Alicia pasok ka.. oh anak kuhaan mo muna ng tubig na maiinom ang pinsan mo”
“sige po nay, nakapag saing na din pala ako nay ulam na lang ang lulutuin” sabi ko habang nag lalagay ng tubig sa baso.
“mabuti naman o’siya ako na ang magluluto ng ulam tulongan mo na lang si Alicia doon”
Lumapit naman ako kay ate Alicia saka binigay ang baso na may tubig.
“Ate inom ka muna”
“salamat Arc” saka ito uminom ng konti.
Inilagay ko na ulit ang baso sa may lababo saka bumalik sa may sala. Nakita kong may kinuha si ate Alicia sa dala niyang bag.
“lilinisan ko muna yung mga sugat niya mabuti na lang ay mga gasgas lang ang iba” saka ito kumuha ng betadine at bulak saka idinampi sa may mga sugat sa katawan ng lalaki.
Itinaas din nito ang damit at nilisan din ang gasgas sa bandang tagiliran nito. Ngayon ko lang napansin na may abs pala siya hindi ko kase agad napansin kanina nung binihisan siya dahil sa taranta. Nilagyan niya din ito ng ointment at pantabon sa mga sugat at nilagyan ng puting tape para hindi ito matanggal.
“ayan nalinisan ko na yung mga sugat niya ngayon naman ay titingnan natin kung gaano kataas ang blood pressure niya, kinuha nito ang stethoscope at inilagay ito sa ang dalawang parang headset sa tenga niya saka ang ang dulo ay inilagay nito sa dibdib ng lalaki.
“tama lang ang tibok ng puso niya siguro mga isang araw ay baka gigising na din siya” pahayag ni ate Alicia.
“salamat ate ha pasensya na din kung naabala ka namin balak din sana namin siyang dalhin sa ospital kaso wala naman kaming ipapambayad doon”
Ibinalik na nito sa first aid kit bag niya ang mga gamit saka umupo.
“Naku wala yan saka hindi naman kayo abala sakin lalo na at kamag anak ko naman kayo ni Tita, oh paano hindi na ako mag tatagal kailangan ko na ding bumalik sa hospital”
“Alice mabuti kaya ay kumain ka muna bago umalis matatapos na din naman itong niluluto ko, oh kamusta na ang lagay niya?” sabay baling ng tingin sa lalaki
“maayos na siya nay nalinisan na ni ate ang mga sugat at galos niya”
“Tita salamat na lang po pero may kasabay po kasi akong kakain kaya hindi ko po kayo masasabayan ngayon, hayaan niyo bukas ay dadalaw ulit ako dito para tingnan ang lagay niya”
“ay ganon ba oh sige maraming salamat talaga Alice ha” sabay hawak nito sa kamay ni ate .
“wala po yun tita always welcome po, sige po Tita, Arc aalis na ako”
“sige ate Alicia ingat ka” ngumiti pa ito bago lumabas ng bahay.
Pagka balik ko sa upuan ay binuksan ko ang TV namin.
“Breaking news po mga kapuso sa nawawalang katawan ni Mr.Jagger Arcada, kanina nga kinumpirma na ng kanyang kapatid na patay na ang kanyang nakakatandang kapatid.Natagpuan na nila ang katawan ni Mr.Arcada sa isang magubat na parte hindi kalayuan sa pinagbagsakan ng sinasakyan nitong eroplano. Sa ngayon ay ayaw munang mag pa interview ni Ms. Arcada sapagkat-…”
Naputol ang balita dahil bigla na lang lumabo ang tv napakamot na lang ako sa ulo.
Tumayo ako saka ito hinampas sa likod ng mahina para luminaw luma na kasi ito kaya minsan ay nagloloko na.
“Ano ba yan Arci mas lalong masisira yang TV natin kung lagi mong hinahampas” ang galit na sambit ni nanay.
“matagal na tong sira nay hays hindi tuloy mapakinggan at mapanood yung balita kung lagi na lang nagloloko tong TV” sabi ko.
“anong magagawa natin wala naman tayong pera pambili ng bagong telebisyon sige na bunutin mo na lang yan sa saksakan at kakain na tayo”
Sinunod ko na lang ang sinabi ni nanay saka dumiretso sa lamesa.Hindi pa man ako nakakaupo ay bumukas ang aming pintuan at pumasok si Archie.
“hi nay linda, hi tol” bati nito
“alam mo ikaw lagi ka na lang saktong dumadating kapag kakain na kami ni nanay” sabi ko.
“halika na dito Archie umupo kana din sabayan mo na kami kumain wag mo na pansinin yang sinabi ng kinakapatid mo, ikaw Arci tumigil ka na diyan at kumain na lang”
“pasensya na tol hehe sabi ko naman kasi sayo babalik din ako, kamusta na nga pala malaki ba?” muntik na akong mapaubo nung sumubo ako ng pagkain.
“ano yung malaki Archie?” ang tanong ni nanay narinig niya pala iyon.
Uminom naman muna ako ng tubig.
“ha ? wala yun nay Linda ang ibig ko pong sabihin kung malaki ba yung natamong mga sugat nung lalaki” palusot nito.
“ah ganon ba, naku hindi naman malala mga galos at konting sugat lang naman hays ano kaya nangyari sa kanya no?”
“Nay hindi ba natin ito irereport sa mga police baka mamaya tumakas pala yan sa kulongan”
Pinalo naman ako ni nanay ng sandok sa ulo.
“aw nay naman!”
“ikaw ha napaka judgemental mo sa itsurang yan mukhang ex convict saka saan mo pala nilagay yung mga basa niyang damit?”
“doon po sa may planggana nay, saka iyong relo niya at cellphone nilagay ko jan sa aparador”
“wow maganda ba yung relo at cellphone niya tol?” ang mamanaghang tankng ni Archie.
“oo at ang mamahalin nung cellphone niya touch screen pa” sagot ko .
“baka mamaya mayaman pala yan tol, ano kaya kung isangla natin yung relo niya?”
“gago hindi sa atin yun uy, nay oh si Archie”
“Archie isa ka pa gusto mo bang isumbong kita sa mama mo? kayo ha kung ano ano yang mga kalokohan niyo kumain na kayo diyan”
“sorry po nay Linda nagbibiro lang naman po ako hehe”
Nagkatinginan pa kami ni Archie habang natatawa.
Jessie
Umaga pa lang ay gising na ako dumiretso ako sa banyo para makaligo. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na din ako saka nag ayos.
Bumaba na din ako at pumunta sa dining room,
“good morning po señorita Jessie” bati ng ilang katulong.
“good morning, yaya paki timpla ako ng kape pakilagyan ng white cream thank you”
“sige po señorita sandali lang po” saka ito pumunta sa kusina.
Kumuha na din ako ng tasty bread saka hotdog at ham saka kumain, hindi talaga ako sanay kumain ng rice pag umaga dahil tinitimbang ko pa din ang katawan ko sa pagda diet.
“heto na po ang kape niyo señorita” sabay lapag nito
“thanks yaya” saka ako humigop dito.
Maya maya ay tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko ito sa bag na nasa upuan.
Messages +63909*********
Good morning Ms.Arcada pinauna ko na yung ibang team sa location susnduin na lang kita jan sa inyo.
— Arvin De Azar.
Pagkatapos kong mabasa ay ibinalik ko na ito sa bag ko.
“Señorita nandyan na po sa labas si Sir Arvin”
Tumayo na ako sa uminom ng tubig.
“yaya pakisabi kay Mommy at Daddy na umalis na ako”.
“sige po señorita mag iingat po kayo”
tumango na lang ako saka lumakad palabas ng bahay.
“Sana hindi kana nag abala pa sir I have own car so yun na lang ang gagamitin ko”
“it’s okay Ms.Arcada sundan mo na lang ako”
Lumapit ako binuksan ang kotseng nakaparada at saka pumasok dito, inilapag ko sa katabing upuan ang bag ko.
Pinaandar ko na ito saka sinundan ang kotse niya.
Lily James as Alicia Conde
Chapter 4
Jessie
Pagkarating namin sa location ay pinatay ko na ang makina ng sasakyan saka lumbas, akala ko kami lang nag nnadito pero may mga ibang media pa pala na kasama.
Lumapit ako kay sir Arvin para tanungin ito.
“Sir akala ko ba tayo lang ang nandito pero bakit may mga media na kasama?” tanong ko.
“Ms.Arcada hindi din namin alam kung bakit nandito sila tara na po”
“ayun si Ms Arcada tara lapitan natin”
“Ms.Jessie pwede po ba namin kayong makapanayam”
“Ms.Jessie ano pong masasabi niyo na hanggang ngayon ay hindi pa rin natatagpuan si Mr.Jagger?”
Hinarang naman ito agad ng mga ibang police.
“no comment , excuse me .. let’s go” .
Sinamahan naman ako ni sir Arvin na makarating sa may helicopter, mas mainam na helicopterang gagamitin namin para makita kung saan bumagsak ang eroplano.
Pagkasakay namin ay sumenyas na si sir Arvin na palipadin na ito.
Habang nasa himpapawid ay makikita dito ang malaking damage na nangyari dahil sa pagbagsak ng eroplano. Nakita ko din ang iba pang mga part ng eroplano na nagkapira piraso sa malalayo.
“Sir pwede niyo bang ilapag tong helicopter kailangan naming makababa para sa paghahanap ng iba pang mga gamit ni Mr.Jagger” sabi ni sir Arvin sa piloto.
“copy sir” saka ito dahang dahang ibinaba ang helicopter sa isang espasyo sa may damuhan.
Naunang bumaba si sir Arvin saka inalalayan ako.
“thank you” sambit ko saka na kami nag lakad sa may kagubatan kasama nag iba pa niyang kasamahan na police.
Mabigat ang dibdib ko ng bumalik kami sa sasakyan namin kasunod namin ay ang bangkay ni Kuya na natagpuan sa may pampang sa malapit sa bangin sunog ang kalahating katawan nito. Nanginginig ang kamay ko at napayuko na lang sa manibela habang umiiyak sobrang sakit hindi ko alam kung paano ko sasabihin kina mommy pero sure ako na naibalita na ito ng mga media na nandito.
“Excuse me pwede bang huwag niyo munang istorbohin si Ms.Arcada she’s not feeling well kaya sana naman ay respetohin niyo siya at bigyan ng space , kailangan niya munang magpahinga ngayon kaya maari bang umalis muna kayo” rinig ko pa ang sambit ni sir Arvin sa mga media.
“Sir nais lang namin kumpirmahin kong katawan nga ni Jagger Arcada ang natagpuan niyo?”
“oo nga sir nais lang namin malaman kung siya nga”
“pasensya na hindi pa namin masasagot yan dahil ia autopsy pa namin ang katawan niya at para makuhaan din ng DNA test kaya wala kaming pruweba na bangkay niya nga iyon”
“K..kuya bakit nangayari to.. kuya!” hagulhol ko.
Arci
Sa gitna ng gabi ay nagising ako dahil naiihi ako kaya lumabas ako ng kwarto saka binuksan ang pintuan namin at pumunta sa likod sa may banyo.
Pagkabalik ko matapos isara ang pintuan ay nagulat ako ng makita ang isang lalaki na nakaupo.
“fucking shit!” sabay hawak ko sa dibdib. Agad kong kinapa ang switch ng ilaw nmin at binuksan ito bumungad sakin iyong lalaki na nakasandal sa dingding habang hawak nito ang ulo niya.
“I.. need w-wat–er..” may sinamsambit ito.
“Ha? ano po yun kuya? okay ka na ba?” tanong ko dito.
“wa..w–water..” sabi nito.
“ah tubig? gusto mo uminom ng tubig?” ang tanong ko tumango ito.
“y..yeah”
Mabilis naman akong pumunta sa kusina at naglagay ng tubig sa baso saka bumalik sa sala at binigay ito sa kanya.
“heto na ang tubig inom ka na muna” abot ko dito.Hahawakan na niya sana ito pero nanginginig pa ang kamay niya at mukhang nanghihina pa kaya ako na lang ang humawak ng baso at pinainom siya.
“ano kulang pa ba? kukuha pa ulit ako ng tubig” sabi ko.
Pero pinigilan niya ako at hinawakan sa kamay.
“No.. i’m okay.. Whe–re am I? what happened?” ang tanong nito.
Pansin ko na puro english ang gamit niyang salita pero hindi naman siya mukhang amerikano o banyaga.
Umupo ako sa katapat na upuan saka siya tiningnan.
“Uhm ano dinala ka namin dito sa bahay nakita kasi ka namin na nakalutang sa dagat” sabi ko.
“w..what? arrghh my head it hurts” sabay hawak ulit neto sa ulo. Mukhang ang ulo niya ata ang naapektuhan.
“mabuti pa magpahinga kana muna para makabawi ka ng lakas, matulog ka muna bukas ka na lang namin kakausapin ni nanay”
Inilalayan ko itong makahiga at saka siya kinumutan. Ka agad din naman itong nakatulog, kaya naman ay pinatay ko ulit ang ilaw at saka bumalik sa kwarto ko.
Kinaumagahan ay nagising ako dahil sa boses ni nanay.
“Arci! gumising kana diyan tanghali na!” rinig ko ang sigaw ni nanay kaya inis akong gumising.
“Nay gising na nga eh ang ingay mo naman ano ba yan” ang naiinis kong sambit saka tinabig ang kurtina na humaharang sa pinto ko. wala kase kaming pang gawa ng pintuan para sa kwarto ko.
“ano ba yan hindi ka man lang nahiya sa bisita natin sige na mag hilamos ka na doon” hindi ko alam kung ano yung sinasabi ni nanay wala naman akong natandaan na may bibisita sa amin.
Tinatanggal ko pa ang aking muta habang papunta sa lababo saka nag hilamos at nag toothbrush.Pagkatapos ay nag punas ako ng tuwalya sa mukha.
“anong bisita nay wala naman akong natandaan na may bibisita sa atin ah” sabi ko.
“ikaw! bakit hindi mo sinabi sa akin na may malay na pala iyong lalaki na dinala niyo dito”
“ho?” sabay agad kong sinilip ito sa may upuan na hinihigaan niya pero wala na ito doon.
“nay nasan na siya? bakit wala na siya dun?” ang tanong ko.
“nasa labas siya nagpapahangin sabi ko nga wag muna tumayo baka mahilo pa siya kaso nag pumilit eh sige na tawagin mo na at kakain na tayo ng umagahan”
Lumabas naman ako ng bahay at nakita ko itong nakaupo sa may bakanteng upuan habang nakatanaw sa dagat.
“uhm” di ko alam ang sasabihin kaya umupo ako katabi niya. Napatingin naman ako sa kanya mukhang malalim ang iniisip niya.Ngayon ko lang din napansin na gwapo pala siya wait pogi din naman ako ah.
“Why are you staring at me? may dumi ba ako sa mukha?” sabay lingon nito sa akin hindi agad ako nakapag salita ng sumalubong sa akin ang mga malalim niyang tingin.
“hey..” ulit pa nito.
“ha? ano nothing.. nanay said na balik na tayo sa bahay kakain na daw” sabi ko.
“it’s okay if you’re not comfortable to speak in english, don’t worry nakakaintindi ako at nakapag salita ng tagalog”
“uhm okay tara na..“napahiya naman ako ng konti saka napakamot sa batok niyaya ko na siya saka ako tumayo.Maya maya ay sumunod na din siya.
“Hali na kayo at kakain na”
“Nay Linda, Arci magandang.. umaga.. “ ang bungad ni Archie sa pintuan habang nakatingin ito sa lalaki na katabi ko.
“oh anak Archie pasok ka at sumabay na sa aming kumain”
“pambihira ka talaga Archie” sabay iling ko umupo din ito sa katabing upuan ni nanay.
Chapter 5
Arci
Pagkatapos naming kumain ay nandito kami sa sala para pag usapan ang tungkol sa lalaki.
“Ah iho anak, natatandaan mo ba kung ano yung nangayari? Kung bakit natagpuan ka ng anak ko at ni Archie sa dagat na nakalutang” ang tanong ni nanay.
“I’m sorry i don’t know what really happened, ang ibig kong sabihin wala akong matandaan kung ano ang nangyari sa akin” sagot nito nagkatinginan naman kaming tatlo nina nanay.
“Ah kuya ano po bang pangalan niyo?” ako naman ngayon ang nagtanong sa kanya. Napatitig ito sa akin bago sumagot.
“Even my name I don’t remember at all” sagot niya.
“anong sabi niya nak?” ang tanong ni nanay.
“hindi din daw niya maaala nay eh” sabi ko.
“hala tol baka nabagok ang ulo niya kaya nakalimot may tawag yun eh ano nga yun?..” Archie na mukhang nag iisip kung ano yun.
“Amnesia ang tawag don, kagabi nung magising siya masakit daw ang ulo niya baka yun ang dahilan kung bakit nagkaroon siya ng amnesia dahil na din sa nangyari sa kanya” paliwanag ko.
“eh paano kaya iyan anak, anong itatawag natin sa kanya kahit pangalan niya ay nakalimutan” sabi ni nanay.
“nay linda berto na lang ho hahaha” ang natatawang suhestiyon ni Archie.
binato ko naman ito ng unan na nasa likod ko.
“hoy gago wala ka talagang ambag puro kagaguhan lang nasa isip mo ang lolo naman pakinggan ng berto na pangalan..”
“ay alam ko na dati kasi may napag usapan kami ng tatay mo anak na kung sakaling magkaroon pa kami ng anak na lalaki ay Andrei ang ipapangalan namin”
“nay mukha ngang maganda nga ang Andrei na pangalan yun na lang kaya muna ipangalan natin sa kanya habang hindi pa bumabalik yung alaala niya”
“mabuti nga anak, ano iho ganito sa ngayon ay Andrei na lang muna ang ipapangalan namin sayo ha saka kapag may nagtanong na kapit bahay natin kung sino ka ang sabihin mo ay pamangkin kita.. Arci, Archie yun din ang sasabihin niyo ha para hindi na sila mag tanong tungkol kay Andrei”
“opo nay Linda/sige nay” sabay naming sagot .
“I understand po N..nay L–linda” sagot ni Andrei kaya napangiti na lang si nanay.
Inutusan ako ni nanay na bumili ng gulay sa talipapa kasama si Andrei sasama din sana si Archie kaso tinawag na siya ng mama niya. Malapit lang naman ang talipapa at naka pwesto ito sa gilid ng kalsada kaya pwede lang lakarin.
Habang naglalakad kami ay pansin kong napapatingin sa amin ang nakakasalubong namin. Siguro ay naga gwapohan sila sa kasama ko.Napalingon na lang ako sa kanya bigla din itong tumingin sa akin kaya binawe ko ang tingin at itinutok sa harap. Hays ang akward masydong tahimik ang atmosphere naming dalawa.
“Can I ask how old are you Arci?” ang biglang tanong nito.
“huh? ah 23 na ako bakit mo naitanong?”
“nothing.. I just want to know you more.. are you studying?”
Napailing naman ako bilang sagot.
“hindi ako nakapag aral ngayon simula nung mawala ang itay ko tumigil na ako sa pag aaral..”
“but why? pwede mo namang ipagpatuloy ang pag aaral mo”
Kung pwede lang sana eh.
“gusto ko pero walang tutulong kay nanay sa paghahanap buhay kaya alas kwatro pa lang ng umaga gumigising na ako para pumalaot kasama si Archie. Dahil yung isda na mahuhuli namin ay ibinibenta ni nanay sa mga suki niya sa palengke” mahaba kong sagot.
Nakita na namin ang mga hile hilerang nagtitinda ng nga gulay dito sa talipapa.
“ay gwapo naman! gwapo dito na kayo bumili sa akin murang mura lang at fresh pa ang mga gulay ko” sabi ng isang tindera.
“pogi! dito sa akin kayo bumili may libreng isda kapag bumili ka” sabi naman ng isda.
“naku ayaw talaga magpatalo nitong si Chameng! naku mga gwapong kuya dito na kayo sa akin bibigyan ko pa kayo ng discount” sabi ulit ng Ale na katapat namin.
“hindi wag kayo jan maniwala ibubudol lang kayo niyan, mas legit ang paninda ko bagong pitas lang ang mga gulay at ililibre ko oa kayo ng kalahating kilo na isda!” sabi ulit ng kabilang tindera.
“sa tingin mo san tayo bibili?” tanong ko kay Andrei.
“I think sa kanya na lang para may isda tayong iihawin”
“ah sige mas okay nga yan” kaya lumapit kami sa kabilang tindera.
“ano sa mga inyo pogi? pumili lang kayo wag kayong mag alala sariwa at bagong pitas lang itong mga gulay namin” sambit ng tindera.
Sinunod ko ang bilin ni nanay na bilhin ang mga gulay na sinabi niya sa amin kanina. Magluluto daw siya ng Sinigang na hipon kaya kailangan daw ng mga gulay na ipangsasahog dito. Tiningnan ko kung kumpleto na ito, kangkong,okra,kamatis,talong at siling mahaba na kulay berde.
“Magkano ho lahat ito?” tanong ko
Inilagay niya naman ito sa plastic .
“Dahil ang gwapo ng kasama mo iho 105 pesos na lang para sa inyong dalawa ay teka ito pala yung isda libre na iyan” kinuha naman namin ito at ibinigay ang bayad sa kanya.
“salamat ho Ale” sabi ko.
“walang anuman balik kayo ulit sa susunod mga pogi ha” pahabol pa nito ng maka alis na kami.
Pagkadating namin sa bahay nadatnan namin doon si nanay kausap si ate Alicia pagkapasok namin ay napatingin ang mga ito sa amin lalo na si ate Alicia nakatitig ito kay kuya Andrei.
“oh anak nandyan na pala kayo, oh teka san galing itong isda”
pansin nito ng ibigay ko sa kanya ang gulay habang si kuya Andrei naman ang may bitbit ng isda.
“ah libre daw ho yan sabi ng tindera na binilhan namin dyan sa talipapa” sagot ko.
“tamang tama dahil dito kakain ang ate Alicia mo, nga pala ano namang luto ang gagawin niyo dito sa isda?”
“Nay linda pwede pong ihawin ko na lang itong isda?” sabi ni Andrei.
“ay sige ba mabuti pa nga iho, ay siya nga pala Andrei si Alicia, Alice si Andrei pala” pakilala ni nanay sa dalawa.
“nice to meet you Andrei”
“same to you Alicia”
“ah si ate Alicia pala yung nag linis ng mga sugat at galos mo kahapon” pag singit ko.
“ah okay btw thank you for cleaning my wounds”
ngumiti lang si ate Alicia dito.
“your welcome, it’s my duty to help you as a nurse, ah tita gusto niyo tulongan ko na kayo sa pag hiwa ng mga gulay?”
sabay lapit nito sa mesa at tinanggal sa plastic ang mga gulay na binili namin.
“sige salamat Alice ha..”
Pagkatapos ay pumasok muna ako sa kwarto ko saka hinubad ang suot kong damit ang lagkit na kasi ng katawan ko kaya gusto ko munang maligo. Kinuha ko ang tuwalya at isinukbit ito sa balikat.Pagkalingon ko ay nagulat pa ako ng nandito sa loob sa kwarto si kuya Andrei.
“ah may kailangan ka ba kuya?” ang tanong ko dito
“what did you call me?” ang nakakunot na tanong nito.
“Kuya? kasi mas matanda ka sakin..” sabi ko. habang nakatitig ito sa akin ng malalim.
“uhh okay..” pagkatapos ay lumabas na ito ng kwarto ko.
“okay? anong nangyari dun?” sabi ko sa sarili ko. Lumabas na din ako ng kwarto nakita ko siyang nililinisan ang isda at saka na ako dumiretso sa likod ng bahay para maligo.
Chapter 6
Third
Person
Kinagabihan pagkatapos nilang kumain ay sinabihan ni Linda ang anak na doon sa kawarto niya papatulogin si Andrei total ay pareho naman silang lalaki kaya tabi na lang ang mga ito sa higaan.
“Nay sa kwarto ko talaga? tapos magkatabi kami matutulog?” ang di makapaniwala na tanong ni Arci sa ina.
“oo alangan namang dito sa sala natin siya papatulogin mahiya ka naman Arci, sige na kukunin ko lang sa kwarto ko yung bagong kumot na gagamitin niya at saka mga unan” sabi ni Linda saka bumalik sa kwarto nito para kunin ang mga unan.
“Nay linda it’s okay dito na lang ulit ako sa sala matutulog if Arci is not comfortable to sleep with me”
“hindi ako papayag, tabi kayo matutulog saka malawak naman iyong higaan ni Arci kaya kasyang kasya kayo don sige na pasok na” saka nito ibinigay kay Andrei ang unan.
“okay thank you nay linda have a good night po “ sagot nito tinanguan na lang siya ni Linda.
Habang si Arci naman ay napanguso na lang hindi naman sa ayaw niyang patulogin si Andrei sa kwarto niya,hindi lang talaga siya sanay na may katabing matulog. Napansin naman ni Andrei na kasimangot si Arci pero ngumiti na lang ito at saka pumasok sa loob sumunod na din si Arci .
Kumuha naman ng isang unan si Andrei at inilagay ito sa gitna ng higaan nila.
“I know your not comfortable to sleep beside me kaya lalagyan ko na lang ng harang para di ka mailang” paliwanag nito.
Napahiya tuloy si Arci dahil sa kaartehan nito.
“uh sorry hindi lang kasi ako sanay na may katabi matulog.. uhm sige matulog na tayo g-good night..” saka ito humiga sa kama pinatay muna ni Andrei ang switch ng ilaw saka humiga na din.
“good night too Arci”
Ilang minuto ay nakapikit na ang mga mata ni Andrei samantalang nakatingin naman sa kisame si Arci habang may iniisip. Napabaling ito ng tingin kay Andrei habang tinitingnan nito ang mukha ng binata, matangos ang mga ilong, makapal na kilay, mahabang pilik mata at mapupulang labi.
“Stop staring at me Arci” nagulat na lang ito ng mag salita si Andrei at iminulat ang mata saka lingon kay Arci. Bigla namang tumalikod ng higa si Arci dahil sa hiya.
“Hindi kita tinititigan no feeling mo din eh” sabi nito.
“if you say so..” sagot naman ng isa.
Sa kalagitnaan ng gabi habang sila ay mahimbing na natutulog ay hindi nila namalayan na magkayakap na pala silang natutulog, nakapatong ang mga binti ni Arci sa hita ni Andrei habang ang mga kamay niya ay nakapatong sa tiyan ng lalaki. Nang bigla itong nanaginip saka hinimas himas ang ang tiyan ni Andrei bigla namang napaungol ang binata dahil sa hatid nitong kiliti. Hanggang sa ipasok nga ni Arci ang kamay nito sa loob ng sando ni Andrei at ipinagapang sa dibdib nito.
“Uhmm myra…” ang nanaginip nitong sambit.
Marahil ay napanaginipan niya si Myra ang babaeng kanyang nililigawan ngunit hindi niya alam na kung saan saan na pala lunalakbay ang kamay niya sa katawan ni Andrei. Hanggang sa dumapo ito sa pina iingatang parte ng pagkalalaki ni Andrei bigla na lang itong hinawakan ni Arci at pinipisil pisil.
“ughh..” napa ungol na lang ulit si Andrei sa naramdaman nito.
“Ugh myra ang laki ng boobs mo uhmm” sabay ungol pa nito at saka muling pinisil ang bagay na kanyang hinahawakan.
“Fuck!” dahil dito ay nagising si Andrei at napaupo na lang sa kama inalis nito agad ang kamay ni Arci sa kanyang gitna na tayong tayo at naninigas.Napabaling ito kay Arci na wala pa ding kamalay malay sa ginawa nito habang sinasambit ang pangalan ni Myra.
“who’s that fucking myra huh?” sambit ni Andrei habang nakatingin dito, muli niyang ibinaling sa kanyang gitna ang tingin.
“damn! you little devil .. fuck..” sabay tayo nito at saka lumabas ng kwarto nila.
Lumabas ito ng bahay kahit na madilim pa at dumiretso sa likod ng bahay para mag banyo.
Kinaumagahan ay alas syete na ng magising si Andrei. Nasilaw pa ito sa liwanag ng araw na pumasok sa kanilang kwarto.Bumangon na din ito napansin niyang wala na sa tabi niya si Arci, naalala ulit nito ang nangyari kagabi lang.Binalewala niya na lang iyon at saka inayos ang pagtupi ng higaan nila.
“good morning nay linda” ang bati nito napalingon naman ang matanda sa kanya.
“oh gising ka na pala Andrei halika nakapag luto na ako ng umagahan umupo ka na diyan”
Dumiretso naman ito sa upuan saka umupo napansin niya namang wala si Arci.
“Nay nasaan ho si Arci?” ang tanong nito.
Pagkalapag ni Linda ng inuming tubig ay umupo na ito .
“naku maaga yung nagising kanina para pumalaot sana lang ay marami siyang mahuli na isda para may maibenta ako sa mga suki ko”
“kasama niya ho ba si Archie?”
“ siya lang mag isa , may pasok ngayon sa eskwelahan si Archie kaya tuwing lunes, martes at myerkules lang iyon nakakasama ni Arci pumalaot“
“Sana nay ginising niyo ho ako para nasamahan ko siya mangisda”
Napatingin naman si Linda dito.
“marunong ka ba mangisda?” ang tanong nito.
“Marunong naman nay Linda at madali naman akong matuto kung sakaling hindi ko alam, bukas ho nay pwedeng sumama ako sa kanya?”
“sigurado ka ba? sige ba anak dapat alas kwatro ay gumising kana ipapagising na lang kita kay Arci kung sakaling di ka agad nagising”
“sige ho nay…”
Nagpaalam si Andrei na pupunta lang ito sa dalampasigan at para na din hintayin si Arci. Naglakad ito hanggang sa makarating siya sa mahaba at mataas na bato sumampa siya at saka doon naupo. Nakatanaw siya dagat at pinagmamasdan nito ang mga alon na humahampas sa mga batuhan. Napa isip siya kung bakit wala siyang maalala sa pagkatao niya at kung paano siya napadpad sa lugar na ito at ang ipinagtataka niya ay kung bakit natagpuan siya nina Arci na palutang lutang sa dagat. Iniisip niya din kung may pamilya bang naghihintay sa pagbalik niya kung may girlfriend ba siya o asawa’t anak. Pilit niyang inaalala ang mga nangyare ngunit kumikirot lamang ang ulo niya kaya hindi niya muna pinilit, dahil isang araw ay maaalala niya din ang lahat.
Matapos ang isang oras na pag tambay niya sa may batuhan ay natanaw niya ang isang bangka na palapit sa pampang naananigan niya ang nakasakay dito si Arci. Bumaba na ito sa may batuhan at saka pumunta sa pampang para hintayin ang bangka mga ilang minuto ay nakalapit na din ang bangka na sinasakyan ni Arci.
“Kuya Andrei anong ginagawa mo dito?” salubong nito
“Hinihintay ka sabi kasi ni nay Linda na pumalaot ka sana ginising moko para masamahan kita” sagot ni Andrei.
Lumapit sa bangka si Andrei para tulongan na ibaba ang isang planggana punong puno ito ng mga isda yung iba ay buhay pa. Inilapag niya ito sa may buhangin.
Baba na sana si Arci ng nadulas ang paa nito mabuti na lang agad siyang naalalayan ni Andrei.
“Be careful..” ang wika nito habang nakahawak sa tagiliran ni Arci.
abot abot naman ang kaba na naramdaman ni Arci dahil dito.
“uhm sorry, salamat pala..” saka ito umayos ng tayo at bumaba ng bangka.
“your welcome..”
“ano tara na tiyak matutuwa si nanay dahil marami akong nahuli na mga isda” tumalikod ito saka nila pinagtulongan na buhatin ang planggana papunta sa harap ng kanilang bahay.
Chapter 7
Third Person
Dumaan ang mga araw at linggo ay napapadalas ang pagdalaw ni Alicia sa bahay nina Arci, kahit si Linda ay nagtataka na din at ayaw niyang bigyan ng kahulugan ang madalas na pag punta nito sa bahay nila. Samantala naagpatuloy ang mga gabi at para itong bangungot kay Andrei dahil tuwing gabi ay nagigising na lamang ito sa ginagawa ni Arci na wala pa ding malay kung ano ang hatid niting dulot para sa katabi ngunit nasanay na lamang siya at minsan ay yayakapin na lang niya ito para hindi pa lumikot ang mga kamay ng binata hanggang sa nakatulog ulit ito.
Nang mga araw na iyon ay kasama ni Arci si Myra upang mag date kahit walang kasiguraduhan ay tuloy pa din ang panliligaw ni Arci dito.
Nagising si Andrei na wala na naman sa tabi nito Arci baka ay maaga na naman itong nangisda at hindi na siya ginising nung nakaraang linggo nang sila ay mangisda muntik ng tumagilid ang bangka nila dahil sa pag iwas niya nang tunalsik ang isda sa muka niya pagkahuli niya.
Nadatnan nito si Linda na nagwawalis sa labas ng bahay nila .
“magandang umaga nay” bati nito.
halos magulat naman si linda sa pag sulpot ng binata.
“magandang umaga din anak kumain kana diyan nakapag luto na ako ng almusal” sambit nito.
“ah nay bakit wala po si Arci?” sabay tingin nito sa paligid.
“naku maag yun umalis may importanteng lakad daw”
“ah ganon ho ba, nay sabay na po tayo kumain” yaya nito.
“saglit lang anak tatapusin ko lang itong pagwawalis”
Samantala masaya namang naglalakad si Arci sa plaza kasama nito si Myra.
“kamusta pala ang pag aaral mo myra?” tanong ng lalaki.
“ayos lang top 1 pa din sa klase kaso minsan nahihirapan din ang dami kasi ng mga projects na pinapagawa samin bawat subject na lang may mga ipapagawa at assignment na ibinibigay pero kahit ganon tinitiis ko na lang para makapag tapos ako ng pag aaral”
“mabuti yan sigurado naman ako na cum laude o suma cum laude kang gagraduate..” ang puri nito sa dalaga.
“sus binobola mo naman ako.. kung sana nag aaral ka pa din ngayon edu sabay tayong ga graduate sa susunod na taon”
“halika upo tayo doon..” yaya nito at umupo sila sa bakanteng upuan na semento.
“oo nga kaso eto mahirap lang ako kaya natigil sa pag aaral” sagot ni Arci.
maya maya ay biglang tumahimik ang paligid. Pinapakinggan lang nila ang mga tunog ng sasakyan sa di kalayuang kalsada at ang mga tunog ng mga kalapati na lumilipad.
“Arci..” tawag ni myra lumingon naman si Arci dito, makikita sa mga mata ng babae ang lungkot at pagka guilt. “may sasabihin sana ako sayo wag ka sanang magagalit” dugtong nito .
“A-ano yun myra ikaw pinapakaba mo naman ako e” ang natatawang sambit ng lalaki.
Huminga ng malalim si Myra bago mag salita.
“Aal– uhm sa linggo pwede bang lumabas ulit tayo” ang wika nito, hindi niya masabi kay Arci ang totoo kaya sa susunod na linggo niya na lang ito sasabihin.
“yun lang pala e akala ko naman kung ano kinabahan tuloy ako myra.. oo naman gusto mo linggo linggo oa tayong lumabas e”
“thank you” ang nakangiting pahayag ng dalaga.
Masayang umuwi si Arci sa kanilang bahay pagkatapos nilang maglibot libot ni myra sa plaza at kumain ng ice cream. Pagkarating niya ng bahay ay naabutan niya ang nanay niya na mukhang may lakad din.
“oh nay san po kayo pupunta?” tanong ni Arci dito pagkapasok ng bahay.
“oh mabuti naman at nakauwi kana, yung suki ko kasi may sinabi sa akin yung dating amo niya daw ay naghahanap ng bagong kasambahay kaya pupuntahan daw namin ngayon para maipakilala ako”
“nay hindi niyo naman–” naputol ang kanyang sasabihin ng magsalita ulit ang nanay niya.
“anak hindi naman habang buhay aasa tayo sa pangingisda at saka ginagawa ko to para makatulong din sayo para makapag aral ka ulit ayokong tatanda ka na tambay lang, kaya anak payagan mo na ako kahit man lang sa pag aaral mo ay matulongan ka para magkaroon ka ng magandang trabaho”
medyo naiyak naman ai Arci sa sinabi ng nanay niya kaya nayakap niya ito bigla.
“s–salamat nay.. sana.. sana matanggap ka po nay” masayang sabi nito.
“sana nga anak, sige na aalis na ako may pagkain na diyan kumain na lang kayo ni Andrei ha..”
“si kuya Andrei po pala nasaan?” tanong nito ng palabas na si Linda.
“andyan lang yun sa tabi tabi kasama ang ate Alicia mo”
nagulat naman si Arci .
“Si ate Alicia po nandito? ulit?” tanong nito.
“oo magkasama sila ngayon.. sige na nak baka naghihintay na sila doon”
“ingat ka po nay!” ang pahabol na sigaw nito.
Pumunta muna ng kwarto si Arci upang magbihis saka ito lumabas ng bahay dahil wala na din naman siyang gagawin, sira din naman ang telibisyon nila kaya hindi siya makakapanood ng palabas. Naisipan nitong maglakad lakad nakita niya ang isang duyan sa may puno ng maliit na puno kaya lumapit siya doon at saka umupo. Wala naman siguro ang may ari kaya sumandal siya dito habang dinuduyan ang sarili saka tumingin sa kaharap na dagat.
Medyo maalon ang dagat ngayon mataas din ang sikat ng araw pero mahangin naman. Gusto niya sanang maligo pero saka na lang kapag hindi na maaraw.
Maya maya ay may dalawang tao siyang napansin si Andrei at Alicia. Naglalakad ang mga ito sa tabi ng buhanginan at masayang nag uusap may pahampas hamaps pa sa braso ang ate Alicia niya kay Andrei.
Bigla na lang niyang hindi nagustuhan ang nakikita, pakiramdam niya ay parang may sumakit sa bandang dibdib niya. Hindi niya na pang ito pinansin at saka pumikit na lang. Napapansin niya na simula nang gamutin ng kanyang pinsan ang mga sugat ni Andrei ay lagi na itong pumupunta sa bahay nila hindi naman siya manhid para hindi mahalata na may pag tingin ang pinsan niya sa lalaki. Ayaw niyang masaktan ang pinsan lalo na at hindi pa nila ito lubusang kilala at wala silang alam tungkol sa buhay nito.
Chapter 8
Jessie
Isang buwan na ang nakalipas mula ng ihatid namin sa libingan ang katawan ni kuya Jagger, marami ang nakiramay at nakilibing karamihan dito ay mga businessman at kapartner niya sa kompanya ang iba naman ay mga malalapit niyang kaibigan at kakilala pati na din ang iba pa naming mga kamag anak.
Naaawa ako kina mommy’t daddy dahil tanging si kuya lang pwedeng maging successor ng kompanyan namin pero ito wala na siya iyak ako ng iyak nun habang inaalala ang samahan namin ni kuya mula nung bata pa lang kami hanggang sa tumanda kami. Siya yung kuya na masasabi kong protective, maalaga at napag mahal na kuya higit sa lahat ay mabait.
“jes..jessie hey!” napaharap naman ako sa kausap ko.
“your spacing out are you okay?” atanong ni Jacques sa akin.
Nandito kami sa office ni dad sa dito kompanya sa ngayon ay si daddy ang pumalit sa pwesto ni kuya at ako naman ay tinutulongan si daddy dito.
“sorry jacq may iniisip lang .. ano ulit iyon?” ang tanong ko sa kanya.
huminga ito ng malalim habang nakasandal sa upuan na kaharap ko.
“you’re not paying attention about sa sinasabi ko iniisip mo pa din ba ngayon ang kuya Jagger mo? Jes I know mahirap ito sa inyo but we need to move on inaalala ko lang itong dito sa kompanya marami na ang nabago simula ng mawala ang kuya mo..” pahayag nito.
“I know di ko lang maisip na hindi isipin si kuya sana masaya siya kung saan man siya ngayon..” sabi ko habang nakatingin sa labas ng building at kita dito ang iba pang mga nagtataasang buildings.
“i know he’s happy now.. by the way malapit na pala ang start ng class nakapag enroll kana ba saka saan ka mag aaral ngayon?” tanong niya. Isa pa yun malapit na pala ang pasukan at isang taon na lang ay ga graduate na ako.
“I made a decision na doon na lang ako mag aaral sa school ni daddy it’s a good idea para may ambag naman ako sa pagpapatakbo ng eskwelahan na yun” sabi ko
“that’s good lalo na at kayo naman ang may ari nun kaya wala ka nang gagastusin pa..”
“yeah right..” tanging sagot ko na lang .
Araw ng lunes at ngayon ang simula ng klase sa school namin hindi naman ako nahirapan sa pag enroll dahil tinawagan na ni daddy ang staff doon para asikasuhin ang pag transfer ko saka sinabi ko na din kay daddy na apelyido ni mommy ang gagamitin ko dahil ayokong bigyan nila ako ng special treatment it’s so unfair para sa iba gusto naman maging normal student kahit ngayon lang. Pumayag naman si daddy at mommy sa desisyon ko.
“señorita gumising na po kayo baka ma late pa po kayo school niyo” dinig kong pagkatok at pag gising sakin ni yaya.
bumangon na din ako saka inayos ang kama ko.
“ya’ pakihanda na lang ho ng almusal ko..” sabi ko.
“opo señorita” saka ko nadinig ang paglakad nito pa alis.
Pumasok na din ako sa banyo para maligo pagkatapos kong maligo ay nag bihis na ako ng uniform at saka nag ayos ng mukha para naman maganda pa din akong tingnan.
Bumaba na din ako saka dumiretso sa dining room naabutan ko sina mommy at daddy na nakaupo na din doon kaya lumapit ako sa kanila para bumeso.
“good morning dad.. mom..” saka ako umupo.
“good morning anak/good morning swettie” sabay nilang bati.
Kumuha lang ako ng hotdog at ham saka toasted bread saka kumain.
“Anak what if sumabay ka na lang sa daddy mo total madadaanan niyo naman yung school mo” sambit ni mommy.
“kaya nga anak magpa sundo ka na lang mamaya sa driver ng mommy mo saka pagbigyan mo na ako, ngayon na lang ulit kita maihahatid sa school mo since nung first day of high school mo pa” wika ni dad.
“hay okay dad i know namiss niyo yung mga moments natin then the next day puro yung driver na ang naghahatid sa akin minsan kuya go to my school para lang sunduin ako at ihatid” I said
Nakita ko naman na tumahimik sila ng mabanggit ko si kuya
“sorry.. I just–..” naputol bigla ang sasabihin ko.
“it’s okay nak siguro nagkulang din ako kase hindi ko kayo nasasamahan sa school niyo sa paghatid”
“dad it’s okay hindi naman oo ako nagtatampo sa inyo dahil naiintindihan ko yung sitawasyon niyo and dad sana payagan niyo pa din akong tumulong sa kompanya every weekend” sabi ko.
“are you sure how about your time to do your assignments?” tanong niya.
“don’t worry dad madali lang yun basta gusto ko pag weekend nasa kompanya pa din ako to help you”
“I’m so lucky to have a daughter like you Jessie, I’m so proud of you and also your kuya..”
“thanks dad” saka ako ngumiti.
“okay kain na kayo at baka ma late pa kayo pareho” sabi naman ni mom.
Pagkahatid ni daddy sa akin sa school ay nag beso at nagpaalam muna ako dito saka lumabas ng kotse.
“take care! call your driver para masundo ka” pahabol ni dad.
“yes dad! bye!” sabi ko.

