loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
I Watched Him Fall For Someone Else (COMPLETED)

I Watched Him Fall For Someone Else (COMPLETED)

beeyotch · 35 chapters · 14,265 words

Beginning

Sabi nila, every great love story ends in tragedy. Kasi ’di ba, the best way to become immemorial is to cause pain tragic enough to etch a mark for eternity? ’Yong tipong taon na ang nakalilipas, hindi mo pa rin malimutan ’yong nangyari, kasi ramdam mo pa rin ’yong sakit?

Parang sina Isolde at Tristan.

Parang sina Count Vronsky at Anna Karenina.

Parang sina Heathcliff at Cathy.

Parang sina Romeo at Juliet.

Kaya siguro ganoon ang nangyari sa amin ni Benny.

Kaya siguro ganoon kasakit.

Siguro… great love ko siya.

Siguro.

Pero baka naman may better na darating kaya nagkaganito. Iyong tao na magpapa-realize sa akin kung bakit hindi naging kami ni Benny… kasi siya pala talaga.

Na lahat ng nangyari, lahat ng sakit na naramdaman ko, worth it naman pala. Kasi siya pala ’yong kapalit.

Naaalala ko pa tuloy ’yong dati.

Nakaupo lang ako habang hinihintay ko si Benny. Katatapos lang kasi ng university graduation namin kaya nagutom ako. Tatlong oras ba naman kaming nakabilad sa araw tapos ni tubig, nakalimutan ko pang bumili. Ayan tuloy, halos dehydrated na ako nang masabi n’ong speaker iyong huling salita ng speech niya.

But still, Padayon! Laban lang! Ilang taon kong ginapang ’to, ngayon pa ba ako susuko?

“Babe, same order?” tanong sa akin ni Benny habang nakapila siya. He would always volunteer to buy, even the smallest stuff for me. Minsan nga, tinutukso na ako na baldado raw ako kasi lahat na lang, si Benny ang gumagawa. E, hindi ko naman siya pinipilit.

Sabi niya lang, it’s his way of spoiling me. Hindi pa raw kasi kaya ngayon. Wala pa raw siyang budget para ma-spoil ako sa materyal na bagay dahil pareho pa kaming nag-aaral… kaya dinadaan niya sa effort.

I nodded. He smiled.

But somehow, something felt weird…

Pagbalik niya sa lamesa, dala niya iyong order namin. Iyong usual pa rin naman. Italian deepdish pizza para sa akin at saka lasagna para sa kanya. Gano’n pa rin naman. Wala namang pinagbago sa dati naming kinakain. Ito pa rin naman ’yong nakagawian namin.

“Congrats, babe!” sabi niya at saka may inabot sa akin.

“Gift again?”

Umiling siya.

“Bigay ni Mama,” he said and beamed. “Sobrang sorry daw na hindi siya nakapunta sa grad nating dalawa. Sana pala lagi na lang nakokonsensya si Mama! Ang galante, e!” sabi niya na natatawa pa. Hindi kasi nakarating si Tita dahil hindi na-approve iyong vacation leave niya. Na-curious tuloy ako dahil hindi naman talaga mahilig magbigay si Tita ng regalo. Kuripot kaya ’yon kahit na head nurse na sa hospital sa Canada. Mag-nanay talaga sila ni Benny. Sobrang maingat sa pera.

Madali kong binuksan iyong box. Itinaas ko iyong susi na nakalagay sa loob.

“Ano ’to?”

Ngumisi lang si Benny.

Wala akong nakuhang sagot, but for some reasons, nagsimulang kumabog ang dibdib ko.

Parang… may mali.

“Ubusin mo muna ’yan tapos punta tayo after,” he said at saka inagaw sa kamay ko iyong susi at saka binalik sa box. Napatungo na lang ako at saka pinagpatuloy iyong pagkain. Pero nawalan na ako ng gana sa pizza ko.

After a few minutes, natapos na rin kami sa pagkain. Hindi ko masyadong nagalaw iyong pagkain. Weird talaga, e, paborito ko naman ’yon.

At saka, may mali sa pakiramdam ko.

Hindi ko masabi kung ano dahil ayoko nang masira iyong mood. Graduation namin, e. Dapat masaya lang kami, kasi ilang taon naming ginapang para makarating kami sa punto na ’to.

Gusto kong kapag inalala namin ’yong nangyari ngayon, masaya ang maaalala namin.

“May mali ba? Iba ba ’yong sauce ng pizza mo?” Benny asked habang kinuha iyong tinidor ko at saka tinikman iyong deepdish ko.

“Okay naman…” I answered, not wanting to make a bigger deal of what I was feeling. Baka ako lang. Baka nasobrahan lang ako sa init.

“Bakit ’di mo naubos? Masarap naman.”

I shrugged. Hindi ko rin alam, e. Baka isa ito sa mga unanswerable questions sa buhay ko. Ewan.

Lumabas na kami mula sa resto at saka sumakay sa sasakyan niya. Sobrang excited ni Benny. I kinda felt bad because I couldn’t share his excitement. Ang weird ko naman kasi ngayon! Cum Laude naman ako sa Interior Design tapos si Benny, Magna Cum Laude pa sa Civil Engineering! Dapat nga masaya ako ngayon, e!

Anong meron sa araw na ’to?

Benny was humming to his favorite song. Iyong Pangarap Lang Kita ng Parokya ni Edgar. Sugo talaga ni Chito Miranda si Benny.

“Ang saya mo ngayon, ’no?”

He beamed.

“S’yempre naman. After four years, tapos na tayo. Sino ba naman ang hindi magiging masaya? E halos igapang na natin ’yong last year natin sa UP.”

I laughed. Thank God, medyo gumagaan na ’yong pakiramdam ko. Ayoko naman na mahila si Benny sa mood ko.

“Tss. Ako lang ’yong gumapang, Benny. Lumipad ka kaya,” I said and then he laughed, too. Dapat kaya five years ang degree niya pero dahil matalino talaga si Benny at suki ng summer class at overload, nasabayan niya akong gumraduate.

“Sinamahan kitang magpuyat, grabe ’to!”

“Clingy ka kasi,” I rebutted. “Kahit tapos ka na sa plates mo, nagpupuyat ka pa rin para bantayan ako.”

“E baka kasi bigla kang magutom. Sino magluluto ng pagkain mo? Wala ka pa namang kwenta sa kusina,” he said and I snarked at him. He just laughed heartily and then kissed my knuckle.

Halos matapos namin iyong album ng PNE nang makarating kami sa isang subdivision. Nagsimulang kumabog iyong puso ko.

“Hi, boss! Siya ba?” tanong n’ong guard na parang close sila. Medyo nagtaka ako since hindi naman taga-rito si Benny. Sure ako na wala rin silang bahay rito kasi alam ko naman lahat ng property nina Benny. Ang tagal na namin, e. Pakiramdam ko, kilalang-kilala ko na siya.

Iyon bang sa sobrang tagal n’yo, pakiramdam mo, mas kilala mo na siya kaysa sa sarili mo?

“Oo, boss. Ganda, ’no?” sabi naman ni Benny. Nag-thumbs up iyong guard at saka kami pinatuloy papasok sa subdivision.

Ewan ko pero napakapit ako sa seatbelt ng inuupuan ko. Maya-maya, huminto kami sa tapat ng isang bahay. Wala pang pintura. Wala pang masyadong nakalagay. Halos skeleton pa nga lang, e.

Pero dahil do’n, sobrang lumakas iyong tibok ng puso ko.

“Benny…”

Tiningnan ko siya. Nakatingin siya sa akin. Nakangiti siya.

“Skeleton pa lang naman ’to kaya kung may gusto ka pang ipabago, p’wede pang baguhin. Ibibigay ko ’yong blue print sa ’yo bukas para makapag-isip ka na rin kung ano ang design na gusto mo para sa bahay. Ideally, siguro five rooms ang kasya rito. Master’s bedroom para sa ating dalawa tapos dalawang room naman para sa magiging anak natin. Isang guest room dahil sigurado akong palaging makiki-sleep over dito iyong best friend mo, e mas clingy pa sa akin iyon pagdating sa ’yo. Tapos iyong isa naman, maid’s quarter,” mahabang paliwanag niya.

“Don’t worry, si Mama naman ang magbabayad ng lahat ng gagastusin. Gustong-gusto ka talaga n’on, e! Iyon kaya ang pinakanatuwa no’ng sinabi ko na magpo-propose ako sa ’yo! Kaya nga sa akin ibinigay iyong family heirloom imbes na kay ate, e,” sabi niya na natatawa pa.

“Kung hindi rin daw ikaw ang pakakasalan ko, ’di raw siya a-attend. Tingnan mo? Mahal na mahal ka talaga ni Mama.”

Parang natuyo bigla ang labi ko. It felt like my whole life flashed in front of me.

Suddenly, I felt afraid.

I was 21. I just got out of college. I wanted to explore the world. I wanted to go to the US and to experience being lost in Europe. And maybe live in Thailand for a year or two. Tapos kumain ng mga exotic food. I wanted to work three jobs at a time. I wanted to live in a crappy apartment. I wanted to adopt a dog and complain because I couldn’t take care of it.

I wanted to do so many things in my life.

Ang dami pa.

“Benny…”

Tiningnan niya ako. Parang hindi ko masabi iyong mga gusto kong sabihin. Paano ko sasaktan ang lalaki na ’to? He had done nothing but to love me.

Pero…

Paano kung hindi pa ako handa?

Paano naman ’yong gusto ko?

“Hmm? Ayaw mo ba sa bahay? Plan pa lang naman ’to. P’wede mo pang baguhin, promise. Ako naman ang engineer dito. Alam mo naman na ikaw palagi ang sinusunod ko,” sabi niya tapos kinurot niya ang pisngi ko.

Kinagat ko iyong ibabang labi ko. I sighed. Napansin niya nang seryoso ako.

“Babe…”

I looked at him. My insides were churning.

“Benny…”

Paulit-ulit ko lang sinasabi iyong pangalan niya. Iyon lang kasi ang kaya kong sabihin. I couldn’t verbalize the thoughts in my head. I didn’t want to verbalize those. Ayaw ko kasing saktan siya…

I knew he felt it, too. Ramdam niya na may mali. But instead of shouting at me, he held my hand.

“Iyong kanina, alam ko na ’yong mali.”

“Iyong alin?”

“Iyong sa pizza… Alam ko na ’yong mali.”

Tiningnan niya ako na parang naguguluhan sa mga sinasabi ko.

“Iyong pizza, iyon pa rin naman ’yong kinakain ko. Nasanay na ako roon. Masarap naman. Pero Benny… Nakakasawa rin pala. Na kahit paborito ko siya, darating iyong araw na magsasawa rin ako. Gusto ko ng bagong flavor. Baka hindi ko na pala gusto iyong Italian… Baka maanghang na pala iyong gusto ko pero hindi ko lang alam dahil nasanay na ako na iyon lang ang palaging order ko.”

Humigpit iyong hawak niya sa kamay ko.

“Gusto mo ng ibang flavor?” sabi niya at saka binuksan iyong makina ng sasakyan. “Tara, balik tayo sa resto.”

Hinawakan ko iyong kamay niya.

Ramdam ko ’yong panlalamig.

It was like he knew.

Ayaw niya lang paniwalaan.

“Benny naman…”

Sumikip iyong dibdib ko nang makita kong nangingilid iyong luha sa mga mata niya.

“Ikakasal na tayo. ’Di ba iyon ’yong plano? Pagkatapos ng graduation, magpapagawa muna tayo ng bahay tapos magpapakasal na tayo? Tapos sabay tayong magtatrabaho hanggang makaipon kasi gusto nating financially stable tayo bago magkapamilya? ’Di ba ’yon ang plano?”

I nodded.

“Bakit mo ginagawa ’to?” he asked. Namumula ’yong mata niya. Ayoko siyang tingnan. Ayoko na ganyan siya. Pero ayoko rin na magsinungaling tungkol sa nararamdaman ko.

Ang bilis.

Sobrang bilis.

Tumulo na rin ’yong luha ko.

“Hindi naman sa gano’n, Benny… Gusto ko rin naman iyong iniisip mo. I want that big house, too. Gusto ko rin iyong dalawang anak natin sa future. Gusto ko rin naman… pero hindi pa sa ngayon. Ang dami ko pang gustong gawin…”

“Hindi naman kita pinipigilan, ’di ba? Supportive naman ako sa lahat ng gusto mong gawin.”

I nodded.

“E bakit ganito? Bakit mo tayo ginaganito?”

I smiled at him.

“Hindi pa ako ready, Benny…”

That was all I said. Because that was the only answer I could offer.

Hinubad ko iyong singsing ko. Inabot ko sa kanya iyon. And then I hugged him as he cried. I cried for us, too. I cried because I wasn’t ready yet…

Still, I asked him to wait. That maybe after a year or two, we could talk about it again. It was selfish of me, alam ko… Pero baka kasi sa panahon na ’yon, nagawa ko na lahat ng gusto kong gawin. Tapos p’wede na kami.

But two years, seven days, three hours, five minutes, and thirty seconds later, I was in a church.

I watched him get married to someone else.

Chapter 1

“Nari, gising na…”

Biling.

Ikot sa kama.

Talukbong ng kumot.

“Five minutes pa…”

Ikot ulit.

“Mag-a-apply ka pa ng passport, ’di ba? Gising na at baka ’di ka pa umabot sa appointment mo.”

Hinatak ko pabalik iyong kumot.

“Five minutes pa, Benny… Wait lang…”

Ayan. Sa wakas, tumigil na rin siya sa pangungulit. Akala ko, matatahimik na rin ako pero may narinig akong bulungan sa paligid ko. I tried to tune it out but my ears wouldn’t let me.

“Ate—”

“Sshh. Natutulog pa ang ate mo.”

“Pero—”

“Mamaya na. Puyat ’yan. Hayaan mong matulog muna.”

“Umiyak na naman si ate? Ilang buwan na ’yan, Ma…”

“E ewan ko ba r’yan sa ate mo… Ang ayos-ayos ng Kuya Benny mo tapos iiwan. Tapos ngayon, iiyak-iyak. Naku e, napagod na akong subukang intindihin kaya pabayaan na natin ang ate mo.”

Kung p’wede lang talagang i-shut off ang tainga, ginawa ko na. Hindi naman kasi ’to tulad ng mga mata na kapag pinikit mo, hindi mo na makikita. Ang tainga, kahit pilitin mo na ’wag marinig, maririnig mo pa rin. Kahit takpan mo ng kamay mo, alam mo na naririnig mo pa rin. Niloloko mo lang ang sarili mo kung sasabihin mo na wala ka talagang naririnig.

Kung sabagay… forte naman yata ng mga tao na lokohin ang sarili nila. To make them feel better.

Pero bakit ako…

Hay naku, Nari. Tama na. Stop na.

Dahil wala na rin naman ako sa mood na matulog, gumising na ako. Naghilamos at toothbrush muna ako bago ako dumiretso sa baba. Habang nakatingin ako sa salamin, hindi ko maiwasan na kausapin ang sarili ko. Routine ko na yata ’to kada buwan. Na i-remind ang sarili ko na panindigan ang desisyon ko.

“Okay lang ’yan, Nari. Two months pa lang naman. ’Di ba nga sabi ni Popoy, three months rule? Malay mo, pagkatapos ng isang buwan pa, hindi ka na iiyak kada gabi kasi alam mo ’yon? Stressful. Isa ka ng eyebags na tinubuan ng tao. Paano ka tatanggapin sa trabaho kung mukha kang adik? Paano ka ipapasa ng embassy sa interview kung mukha kang pusher? Kaya stop na, ha? Tama na muna… Kahit one week lang. ’Wag munang umiyak.”

Dalawang buwan ko na rin ’tong sinasabi sa sarili ko. Kabisado ko na nga, e. Kulang na lang, isulat ko para script na talaga. Pero sino nga naman ba ang niloloko ko? I miss him. I fucking miss him. Every second of the day, nami-miss ko siya.

Sobrang lala ko na talaga.

Pagbaba ko, kitang-kita ko na nakatingin na agad sa akin sina Mama at Sari. Hindi ko na lang pinansin iyong tingin nila dahil ayoko talaga na kinaaawaan ako. Sawa na ako. No’ng nag-break kami ni Benny, lahat sila, sa akin awang-awa. Wala man lang naawa kay Benny! Ako talaga iyong nawalan! Hindi raw ako kawalan! Mga shet talaga ang mga kaibigan ko!

…pero tama naman sila.

’Di ba? Kasi ang ipokrita ko naman kung sasabihin ko na mali sila.

Kasi tama, e. Sapul na sapul. Miss na miss ko na si Benny.

“Bilisan mo r’yan at baka ma-late ka sa pupuntahan mo,” sabi ni Mama habang nilalagyan ng fried rice iyong plato ko.

“Mamaya pa namang alas-dos ’yong appointment ko, Ma,” sagot ko tapos naglagay naman ako ng itlog at bacon. “At saka malapit lang naman.”

“Naku, ang daming dahilan ng batang ’to. Basta’t bilisan mo r’yan at tumungo ka na ro’n. Mas maigi nang maaga ka kaysa late.”

At nagsimula na si Mama na manermon. Pinakinggan ko na lang dahil simula nang mawala si Papa, naging hobby niya na talaga na pakialaman ang buhay ko. Nakakaasar, oo, pero mas okay na kaysa naman ma-depress si Mama.

“Ate, pa’no kapag na-approve iyong passport mo? Pupunta ka nga sa ibang bansa?”

“Malamang.”

Ilang taon kaya akong gutom para lang makapunta sa ibang bansa.

“Daya naman! Sama mo naman ako!”

“Mag-ipon ka.”

“Bakit dati, sinasama n’yo naman—”

Hindi niya natapos iyong sasabihin niya dahil hinampas siya ni Mama. Kasi dati, sinasama namin siya. Close kasi siya kay Benny kaya spoiled. Ngayong wala na si Benny, wala na rin siyang out of town trips. Kaya hindi lang talaga sa akin humiwalay si Benny. Pati sa pamilya ko, nakipag-break siya.

“Aray naman, Ma! Bakit mo ko hinampas?!” sabi ni Sari.

“Kung ano-ano kasi ang sinasabi. Kumain ka na nga lang d’yan.”

“Tss. Kaya hindi nakaka-move on ’yang si ate kasi palaging iniiwasan na topic si Kuya Benny. Ano? Taboo na ba pati pangalan ni Kuya Benny? Siya na ba ang pumalit kay Lord Voldy bilang he who must not be named?”

Inangilan siya ni Mama.

“Okay na nga ako.”

“Paanong okay, ate? Umiiyak ka gabi-gabi. At ’wag mong i-deny dahil naririnig ko. Manipis lang ang dingding, for your info.”

“Masama bang umiyak? Anong gusto mo? Kimkimin ko hanggang sa sumabog ako?”

Hindi ko na alam kung saan ako lulugar. Kapag tahimik ako, pinipilit akong magsalita para sabihin ang problema ko… Kapag naman umiiyak ako, may masasabi pa rin sila. Ano bang dapat kong gawin? Sabihin nila sa akin para naman may clue ako kasi hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam… Para akong baby na dinala sa gitna ng gubat. I was forced to fend for myself. I was forced to become independent.

Siguro nga kasalanan ni Benny ’to. Sinanay niya ako na lahat ng kailangan ko, siya ang gagawa.

Tapos…

Biglang wala.

Poof.

Sige, tama ’yan, Nari. Isisi natin lahat kay Benny. Baka mabawasan ’yang kirot sa puso mo. Hindi naman niya malalaman na siya ang sinisisi mo, e.

“Ay, kayong dalawa naman talaga, oo! Siya na. Ikaw, Nari, maligo na at umalis na. Ikaw naman, Sari, ’wag mo ngang pakialaman ang ate mo at mag-aral ka ng bata ka! Kapag ako’y nakakita na naman ng palakol sa card mo, e malilintikan ka talagang bata ka!”


Kapag nga naman minamalas ka, oo! Bakit ba traffic sa ’Pinas?! Bakit?! At bakit hindi ako nakinig kay Mama kanina?! E ’di sana, hindi ako stressed ngayon! Hindi ako p’wedeng ma-late kasi kapag hindi ko napuntahan iyong appointment ko, after six months pa ulit iyong available na appointment sa DFA!

“Taxi!”

Kanina pa ako sigaw nang sigaw pero walang humihintong taxi.

“Magdadagdag ako ng fifty pesos, isakay n’yo lang ako, please!”

Siguro mukha na akong tanga. Kung nandito si Benny, malamang sinundo pa ako n’on sa bahay tapos dadaan muna kami sa drive thru para may pagkain ako. Thoughtful kasi ’yon. Ayaw na nagugutom ako kaya nga palaging backpack ang bag n’on no’ng college. Aakalain mo na gamit sa school ang laman pero sa totoo lang, puro pagkain para sa akin.

’Sige, reminisce pa, Nari. Kaya ‘di makausad, e,’ sabi ng isip ko.

Tss. Paano mo nga ba , iyong tao na ang daming binigay na ala-ala sa ’yo? E ultimo sidewalk nga e naaalala ko si Benny. Kahit fishball ay may memories kami. Ultimo tissue, kaya ko siyang i-connect. Kaya paano?!

Paano ba mag-move on?! Wala akong clue!

“Miss, sa’n kayo?”

Oh, my goodness!

“Manong, sa may ano—”

“Asian Hospital.” Aba’t!

“Excuse me?” taas-kilay na tanong ko roon sa lalaki na biglang humarang at kinausap iyong driver. “Nauna po ako, kuya!” sabi ko. Magalang ako kahit na naiinis na ako. Halos one hour na akong nasa ilalim ng initan kahihintay ng sasakyan tapos bigla akong aagawan ng Pontio Pilato na ’to?!

“Emergency lang, miss,” sabi niya.

“Emergency rin ako, kuya,” sabi ko at saka inagaw sa kanya iyong pinto ng taxi. “Kuya, sa Galle po.”

“I’ll add five hundred, manong. Just please take me to St. Luke’s,” sabi ni kuya.

“Hala siya! Don’t use money to influence manong, kuya! Fight fair and square naman!”

Ano ba, Lord? Alam ko naman na super tanga ko no’ng pinakawalan ko iyong perfect guy pero kailangan pa ba ng extra na parusa? Hindi ba p’wede na matiwasay na makarating ako sa DFA? Na ma-approve iyong application ko for passport at baka nasa ibang bansa talaga ang peace of mind na iniisip ko?

“Miss, pasensya na, hano?” sabi ni manong. “Medyo gipit lang din.”

At saka pumasok na iyong lalaki sa loob ng taxi. Sinubukan ko na kumatok, pero tiningnan lang ako at kinunutan ng noo! Aba nga naman!

At hindi pa natinag si kuya! Talagang sumenyas pa kay manong na mag-drive na! Talaga namang napaawang na lang ang labi ko sa mga nangyari!

“Wow,” I uttered to myself.

Anong year na pero bakit may mga tao pa rin na walang manners? Hindi na ba ’yon tinuturo sa school? Masyado na bang extinct?

“Makakarma ka rin,” sabi ko habang nakatingin sa papalayong sasakyan. Nagsimula na akong maglakad para maghanap ng mas magandang pwesto para kumuha ng taxi pero kapag sinuswerte ka nga naman!

“Manners naman!” sigaw ko sa sasakyan na humarurot at dumaan sa puddle kaya naman basang sisiw ang bagsak ko!

Ugh! ’Wag lang talaga kaming magkita ulit n’ong mang-aagaw ng taxi na ’yon dahil sinasabi ko! Lintik lang ang walang ganti dahil hindi ako makakaabot sa appointment ko dahil sa kanya! ’Wag na talaga siyang magpakita! Ugh!

Chapter 2

Naniniwala talaga ako sa chain of events. Simula nang maghiwalay kami ni Benny, naging malungkot ako, oo… Umiyak ako, sobra. Namaga ang mata ko, grabe… Pero hindi ako minalas. Pero simula nang makasalubong ko iyong antipatikong lalaking ’yon, nagsimula na rin ang kamalasan sa buhay ko! It was as if he activated the chains of unfortunate events in my life! Sobrang nakaka-shit siya!

Six months na akong minamalas. Six months! Hindi ko alam kung hanggang saan ang aabutin ng pasensya ko.

“Nari, ’yong revisions daw.”

Napabuntonghininga ako.

Napakapit sa batok ko dahil sa stress.

“Hala, ’di pa tapos,” I said, because that was the truth. Iyong napag-meeting-an namin, sinunod ko naman lahat. Down to the dot, I followed everything… pero ang magaling na client, nang ipakita ko iyong design, nagbago ang isip! Kesyo may napanood daw siya na ganito at iyon daw ang gusto na peg!

Aba, ang sarap tanggalan ng TV! Kung ano-ano ang gustong gayahin!

Umakto pa siya na parang puputulan ako ng ulo.

“Bahala ka. VIP client pa naman ’yon. Yari ka kay boss ’pag ’di umabot sa deadline ’yan,” sabi sa akin ni Troy, ka-work ko.

Sabi ko nga, nagsimula na ang mga kamalasan sa buhay ko. Kasi, dapat one year akong magta-travel. Marami akong ipon dahil pinanganak yata akong nagtitipid. Pati si Benny, never akong pinagbayad ng kahit ano no’ng kami pa… Tapos naman, bago mamatay si Papa ay may insurance siya kaya okay na si Mama. Si Sari naman, may educational plan naman ’yong batang ’yon kaya ’di ko na kailangang alalahanin pa.

Ako na lang talaga. Sabi nga ni Mama, kung saan ako masaya, doon ako… Kaso nga ayun, iniwan ko.

Haaay, Nari. Paano makaka-move on kung tuwi na lang, kay Benny at Benny ka babalik?

Dahil hindi natupad iyong travel plans ko, napilitan akong magwork na. Hindi naman kasi ako makapagtravel dito sa Pilipinas dahil lahat na ng sulok ng Pilipinas ay napuntahan namin ni Benny. Alam mo ’yon? Kahit saan ka lumingon, may memories. Kaya minsan nate-tempt ako na mag-abroad na, e. Doon ko yata makakamit ang clean slate na pinapangarap ko.

Kasi dito? Hindi. Malabo. Natatakan na ni Benny lahat… Walang-wala na akong pag-asang makabangon…

Pero kasalanan ko rin naman.

Hindi natupad iyong one year break ko. Hindi pa available iyong gusto kong position sa kumpanya na gusto ko. Nag-apply ako sa lugar na hindi ko gusto. May two-years contract ako kaya hindi ako makaalis…

At ang pinakamasakit, parang nauwi lang sa wala lahat ng g-in-ive up ko.

“Uy, girl! Tulaley ka na naman!” sabi ni Venice, iyong workmate ko na hanggang ngayon, hindi pa rin ako sure kung babae ba siya o bakla. Ang dami niya kasing makukulay na accessories. Hindi ko naman matanong kasi baka ma-offend. Pero curious lang talaga ako.

“Ano, jinijisip na naman si ex? Nako, girl! Wit tayo aabante ’pag laging hashtag throwback Thursday ang peg !” sabi niya habang nag-chu-chew pa ng gum. Akala mo hindi pa nabibigyan ng memo kung makanguya, e.

“Tss. Hindi, ’no. Iniisip ko lang kung paano ko aayusin ’yong project.”

“Truly?”

Tumango ako.

“Truly.”

She nodded, finally naniwala na rin siya sa akin dahil wala na talaga akong energy na makipagkulitan sa kanya. Naubos na ng work iyong energy ko. The only thing that kept me going was the fact that after a hard day’s work, I get to go home and have a good night’s sleep.

Iyon na lang talaga.

Just… to sleep.

Na wala ng panahon pa para mag-isip ng kung ano-ano. Iyang mga pesteng what ifs na ’yan.

Sobrang hassle, jusko .

Nang makaalis na si Venice, agad ko nang sinimulan iyong revisions. Hindi ko na mabilang kung pang-ilang revision na ’to. Pamangkin kasi n’ong pinaka-boss iyong nagpapagawa ng bahay kaya sobrang big deal. Hindi ko rin naman kasi alam kung bakit nakita niya iyong portfolio ko tapos sa akin agad binigay iyong project… Kaso nga lang, ang daming revisions. Sobrang hassle tuloy.

Bandang alas-nueve na no’ng natapos ako.

“Sir,” sabi ko pagkatapos kong kumatok. “I’m done with the revisions.”

“Miss Miranda,” sabi niya. “Mr. de Marco wants to meet with you tomorrow. Is it alright with you?”

Napaawang iyong labi ko. Bukas na iyong re-sched ko ng passport appointment ko, e!

“P-po?”

“As you know, he’s the nephew of the president of the firm. Bukas lang kasi ang free time niya at minamadali iyong project. Okay lang naman sa ’yo, ’di ba?”

Nagpaalam ako. Two months prior, nagsabi na ako na magli-leave ako bukas. Kasi nga ’di ba kailangan nagpapaalam nang maaga? Ginawa ko naman lahat. Sinunod ko lahat ng protocol pero bakit nangyayari sa akin ’to? Ang hirap naman talagang maging ordinaryong empleyado. Wala kang magawa. Kapag sinabi ng boss na OT, OT ka agad. Kapag sinabi na pumunta, punta agad kesahodang may appointment ka na kailangan mo ring puntahan.

I felt so abused! Wala ba ’to sa labor’s code?!

“Ah… sige po.”

Shit talaga. Ibig sabihin ba nito, mabubulok na talaga ako sa Pilipinas?


Agad kong tinawagan si Venice pagkalabas ko ng building. Gusto kong uminom. Gusto kong maglasing—iyon bang tipong gagapang ako at ang tanging problema na aalalahanin ko na lang ay kung paano ako uuwi?

“Sa’n kayo?” I asked.

“Timog, girl.”

“Ha? Ang layo naman!”

Tinawanan pa ako.

“Girl, sawang-sawa na kami sa BGC. New environment naman para pak pak pak para sa ekonomiya! At saka para ibang set of cute guys naman!” sabi niya tapos humagikgik pa ang luka.

Tiningnan ko iyong relo ko. 10 P.M. na.

“Anyway highway, bakit ka nga pala tumawag? G ka na rin ba? Daming alak here! Nanlibre si Joshy baby at iniwan pala ng jowa niya! So hurt hurt for him but fun fun for me and my liver!”

Habang nagsasalita pa si Venice, medyo bumalik ako sa building namin para makasagap ulit ng Wi-Fi. Sa Makati ako nagtatrabaho at masyadong malayo ang Timog. Masyadong delikadong mag-taxi kaya magbu-book na lang ako ng Uber. Hindi naman na masyadong mahal dahil lagpas na sa rush hour at hindi naman Friday ngayon.

A few minutes later, sabi sa app, anumang oras ay nandito na ang SUV. Kaya naman nang may huminto na itim na sasakyan ay lumapit agad ako at binuksan. Sandali lang iyong byahe dahil wala ngang masyadong traffic. Pagdating ko sa Timog, bumaba na agad ako sa bar na sinabi ni Venice. And true enough, ang dami ngang alak!

“Giiiiirl! I missed you!” sabi ni Venice habang yakap-yakap ako.

“Lasing ka na,” I pointed out.

Ngumiti siya. Pulang-pula na iyong mukha niya.

“Hehehehe. Daming alak! Tara, inom!” sabi niya at saka hinatak ako papasok. Pagdating namin sa loob, lasing na iyong karamihan sa mga katrabaho namin. Some were just drinking moderately, iyong iba, lasing talaga… Couldn’t blame them, though. Sa sobrang stressful ng trabaho namin dahil sa rami ng revisions ng clients, minsan talaga, kailangan naming mag-relax. Dahil kung hindi? Paano kami tatagal?

“Beer or hard drinks?”

“Hard.”

“Roger that, ma’am,” she said and then got us a bottle of tequila. Nilapit niya sa akin iyong platito na may asin pati ’yong may lemon. I took the initiative to pour myself a shot glass of tequila.

“Aba, ate girl, lavarn lang agad?” she asked.

“Stressed na ako,” I said.

“Truly. Feels kasi ni Sir, e one million yata ang sweldo natin kaya kung makapag-utos. Nakakaloka lang talaga!” she whined. “Kaya dahil d’yan, tara let’s drink ’til our livers complain!” she said and then cheered with me.

And a few minutes later, I was bawling myself out.

“Hindi ko naman ginusto, e! Hindi naman sa hindi ko na siya mahal… Hindi pa lang talaga ako ready magpakasal. Twenty-one lang ako no’n! Twenty-one tapos ikakasal na ako?! ’Di ba legit naman na natakot ako?!” I said… well, more like cried. “I mean, kahit ngayon nga na twenty-two na ako, ayoko pa rin!”

Tumango si Venice.

“Oo, okay lang ’yan,” sabi niya at niyakap ako. “Hindi ka na makaiyak kaya iiyak ako para sa ’yo, Ate Girl. Dead inside ka na yata dahil sa sobrang tindi ng pain!” sabi niya bago siya nagsimulang umiyak nang malakas.

Diretso lang kami. Hindi ko na nga sure kung ano ang iniinom ko. Basta kapag inabot sa akin, iniinom ko agad.

“Gusto kong tawagan si Benny…”

“Go, Ate Girl. Cheer kita,” sabi ni Venice. “Go, Nari! Go, Nari!” At literal na ch-in-eer niya ako.

Kinuha ko iyong cellphone ko. Pinindot ko iyong number one. Siya pa rin naman kasi iyong nasa speed dial ko… Wala namang nagbago kahit mahigit one year na ang nakalipas… Para ngang mas lumala lang.

Ringing…

The person you are calling is currently unavailable. Please try your call later.

Tumulo iyong luha. Kaya ko pa palang umiyak. Akala ko, namanhid na ako. Kasi dati… dati isang tawag ko lang sa kanya, sumasagot agad siya. Kahit ano ang ginagawa niya, sasagot talaga agad siya.

Kasi ako ’yong tumatawag.

Pero ngayon…

Sobrang nasaktan ba kita, Benny? Galit ka ba sa ’kin?

“Akin na nga!” sabi ni Venice at saka siya ang tumawag. “Ay, pinatayan ako! Ang sungit naman ni ex!”

Mapakla akong ngumiti.

Baka ako na lang pala ’yong umaasa… Kasi hindi naman niya sinabi na hihintayin niya ako. At saka… kasi ako naman ’yong nang-iwan. Iniwan ko siya kahit hindi naman kailangan. Iniwan ko siya kahit binigay niya naman lahat ng kailangan ko.

Kaya bakit ako nasasaktan? Wala akong karapatang masaktan.

“Alis na ko, ha?” sabi ko at saka kinuha iyong mga gamit ko.

“Paano ka uuwi? Lasing ka na rin kaya.”

“Uber,” I said. “Pakisabi sa kanila umuwi na ako,” I continued though I doubted if they’d notice that I left already. Lasing na rin silang lahat.

Paglabas ko, naupo muna ako sa gutter habang hinihintay iyong sasakyan. My head was pounding and I wanted to vomit and cry and love Benny all at once. Miss na miss ko na siya. Shit siya. Bakit kailangan niya akong mahalin nang sobra? Iyong tipo na hindi ko na kayang magmahal ng iba kasi sobra na iyong pinakita niya sa akin?

Why did he destroy me in such a beautiful way?

I couldn’t love anyone but him… Sobra siya. Ang sama niya.

I whipped my phone out and texted him. I would regret this the day after, but I needed this for my sanity. I wanted to tell him what I was feeling… kung gaano kasakit. Kasi sabi niya, kahit maghiwalay kami, friends daw… Hindi siya maghihintay pero friends daw… Tanginang friendship ’yan. Posible ba? Posible ba na bumalik lang kami sa pagiging friends? Kasi minahal ko siya. Mahal na mahal ko pa nga siya, e… Kaya paanong friends? Paano iyong tanginang friendship na sinasabi niya sa akin?! P’wede bang pakibigyan ako ng instruction kung paano ko gagawing kaibigan iyong tao na mahal ko?! Kasi litong-lito na ako!

Parang tanga lang ako na umiiyak habang ginagawa iyong message para kay Benny. Hindi ko na makita nang maayos iyong screen dahil sa patak ng luha ko. Tapos biglang dumating na iyong Uber .

“Good evening po,” bati ko sa driver nang makapasok na ako. Muntik pa akong mahulog kasi hindi na ako makakita ng tuwid. What the fuck did Venice make me drink?

“What the fuck are you doing?”

Napatingin agad ako.

“Hala, manong, bakit mo ako minumura? Ibabagsak ko ’yong rating mo!”

Wala na ba talagang manners ang drivers ng Uber ? Totoo ba ang mga nababasa ko sa Facebook tungkol sa kanila? Tsk. Wala na yata talagang mapagkakatiwalaan sa mundo. Lahat na lang talaga ng lalaki! Wala nang matino! Kahit si Benny, hindi na siya matino!

“What are you talking about? Bakit ka ba sumakay sa sasakyan ko?” sabi n’ong driver na tunog iritable. Aba, bakit pa siya nag-driver kung ayaw niyang ipagmaneho ang mga tao?!

“Ay bakit ka huminto? ’Di ba Uber ka?”

Biglang bumukas iyong ilaw.

Nanlaki iyong mata ko. S-siya iyong—

“Ikaw?!”

“What?!” sigaw niya pabalik sa akin. “Jesus! Bakit ka ba sigaw nang sigaw?!”

At siya pa! Siya pa talaga ang may ganang magalit sa akin pagkatapos niyang sirain ang buhay ko! Nang dahil sa kanya, hindi ako agad nakarating sa appointment ko. Hindi natuloy iyong one year break ko to heal myself. Napilitan akong magtrabaho sa lugar na hindi ko gusto. Tapos hindi na naman ako makakapunta sa appointment dahil sa lintik na pamangkin ng boss ko.

Tapos makikita ko na naman siya?! Ano ba, universe?! Ano ba ang gusto mong ipahiwatig?! Lasing na nga ako, umiiyak, tapos mukha pa n’ong shit na ’yon ang makikita ko?! Hindi ba p’wedeng mukha na lang ni Benny para naman makapag-heart to heart talk kami?!

“Shit! Why are you hitting me?!” sabi niya no’ng hinampas ko siya ng bag.

“Shit ka! Isa ka ring malaking shit! Kung hindi mo ako inagawan ng taxi no’ng araw na ’yon, hindi ako mamalasin nang ganito! Pinangako ko sa sarili ko na kapag nakita ko ’yang pagmumukha mong shit ka, sasaktan talaga kita!” sabi ko habang patuloy ko pa rin siyang hinahampas ng bag. May nakalagay yata na measuring device sa bag ko kaya sigurado ako na masakit ang bawat palo. Mabuti nga sa kanya!

Pero dahil lalaki siya at biologically superior, napigilan niya rin ako… but not after inflicting damage. Sana kailanganin niya ng MRI dahil hinampas ko talaga iyong bungo niya!

“What the fuck are you talking about! Hindi kita kilala!”

“Puro ka fuck! Hindi ka ba tinuruan ng manners ng nanay mo?!”

Pero hindi na siya sumagot at saka niya binuksan iyong pintuan sa side ko at saka tinulak ako palabas. Aba’t! Wala talagang manners ’tong shit na ’to!

“Walangya ka! Bakit ’di mo na lang ako pababain?! Kailangan bang itulak ako?!”

Pakiramdam ko, nabalian ako ng buto dahil tumama iyong pwet ko sa pavement. Huhubarin ko na sana iyong sapatos ko at ibabato ko roon sa shit nang biglang may magsalita sa likod.

“Kuya? What’s happening?”

Napalingon ako sa nagsalita. Hindi ko sigurado kung dahil ba lasing ako o talagang sobrang ganda niya at mukha na siyang anghel sa paningin ko.

“Nothing, Imo. Let’s go,” sabi n’ong shit.

“Are you sure?” sabi n’ong anghel at saka bumaling sa akin. “Miss, are you alright?”

Umiling ako. I felt a stinging sensation on my knee. I scraped it when that shitty human being pushed me! Grabe! Walang manners!

“Tinulak ako n’ong kasama mo!”

“Kuya, bakit mo siya tinulak? Susumbong kita kay Papa!” sabi n’ong babae. Tinulungan niya naman akong tumayo. Ang bango niya. Ang perfect naman ng babae na ’to masyado. “Are you hurt? Do you want us to bring you to the hospital?”

Umiling ako. Marami pa akong kailangang tapusin. Kahit lasing ako, trabaho pa rin ang nasa utak ko.

“Uuwi na ako,” sabi ko.

“Oh. Okay… How about we drive you home?”

“Imo!” angal n’ong kampon ng kasamaan.

“As a way of saying sorry, kuya. Why did you push her? She’s a girl!”

“She attacked me first!”

“Kahit na, kuya. You should be a gentleman. ’Wag kang nanunulak basta,” she calmly said. Bakit nakikipag-usap ang angel sa demonyo? “Anyway, saan ka po namin ihahatid?”

Sinasabi ko iyong address ko pero pakiramdam ko, hindi ko siya natapos sabihin kasi antok na antok na talaga ako… at nasusuka.

Pero kahit nasusuka na ako, alam ko kung nasaan ako.

And because I was sure I was in the asshole’s car, tinodo ko talaga ang suka. Kung p’wede lang pati ’yong breakfast ko last week ay ilabas ko—kasama ng lahat ng dumi ng katawan ko—nilabas ko na talaga.

Chapter 3

‘Gosh! I’m never going to drink again! Hindi na talaga!’ I thought to myself habang kumikirot ang ulo ko. Pakiramdam ko ay pinupukpok ako ng sampung martilyo nang sabay-sabay at wala akong magawa. I reached for the blanket dahil sobrang lamig. Pero bakit—

Napamulat ako ng mga mata ko at nakita ko na wala ako sa sarili kong kwarto. Agad kong tiningnan kung may damit ba ako at mas lalong nanlaki ang mga mata ko nang mapansin ko na iba na ang suot ko. Oh, my God! Anong ginawa sa akin n’ong pesteng lalaking ’yon?!

I was wearing an oversized white shirt at hindi na ako nagbalak na tingnan pa kung may underwear ako. Gosh! Agad akong tumayo at hinanap ang mga damit ko. Paikot-ikot ako pero wala akong makita. Lumabas ako sa pinto at laking gulat ko nang may makasalubong akong lalaki.

“Good mor—”

“Sino ka?!” I asked. Why was I in another guy’s room?! At bakit hindi naman ito iyong pesteng lalaki?! Did he leave me with some stranger?! Talaga bang sagad ang kasamaan n’ong lalaki na ’yon?! I mean, yes, we’re strangers to one another pero hindi naman yata tama na iwanan niya ako sa lalaki na literal na ngayon ko lang nakilala!

Pero imbes na sagutin ang tanong ko, he raised a mug and handed it to me. “Preston told me you’re probably hung-over. Drink up,” sabi niya sa akin. I eyed him carefully. He looked decent—actually, mukha siyang mabait. But I didn’t trust anyone dahil lang mukha silang mabait! I never judge a book by its cover! Mamaya kasi maganda lang ang cover pero pangit naman ang plot.

“Sino ka muna?” I asked again.

“I’m Benj.”

“At bakit ako napunta rito?”

“Preston brought you here,” sabi niya.

“Sino si Preston?”

“You don’t know him?” he asked. I shook my head. Sino ba iyong Preston na ’yon? “Is he picking up random strangers now?” he murmured pero narinig ko naman. He looked at me and then smiled a little. “Uhh… mamaya ko na sasabihin kung sino si Preston. Want to eat first?”

I was about to say no nang biglang tumunog ang tiyan ko. This guy in front of me was smiling. Mukha naman talaga siyang harmless. At isa pa, sigurado naman ako na pagagalitan na ako ni Mama dahil sa ibang bahay ako natulog nang walang paalam. E ’di sagarin ko na rin.

After I finished the mug he gave me, umupo na ako sa upuan. He began to serve food and I was quite mesmerized. Bihira lang kasi ang lalaki na sanay magluto. Si Benny, hindi naman talaga sanay ’yon. Nasanay lang ’yon dahil matakaw ako. Siya naman talaga ang nag-aadjust sa aming dalawa.

Haaaay. Another day, another regret.

“I hope you’re not vegetarian?” he said as he served a plateful of bacon, fried rice, and eggs. Gosh. Mas lalo kong naramdaman ang gutom. Inabot ko iyong plato at nagsalin. I began to eat nang mapansin ko na nakatingin lang sa akin iyong lalaki.

“Uh… ano nga ulit ang pangalan mo?” I asked, wincing a little. Mabilis kasi akong makalimot ng pangalan. Nahihirapan kasi akong tandaan lalo na kung alam ko na once ko lang naman makikita. Kaya bakit pa ako mag-e-effort na tandaan, ’di ba?

“Benj—short for Benjamin,” he said. “Ikaw?”

Nilunok ko muna iyong pagkain. “Nari,” I replied. “At saka… sino nga ulit iyong Preston na sinasabi mo?”

Habang nagsasalita siya, kumuha ako ng baso ng tubig. Hindi na ako nahiya kasi pinakakain niya na rin naman ako so sulitin ko na. At saka ang kapal ko naman kung siya pa ang kukuha ng tubig para sa akin.

“Si Preston?” he asked and I nodded. According sa kanya ay si Preston daw kasi ang nagdala sa akin. Wala naman akong maalala na Preston. Wala akong kilala na ganoon ang pangalan. Pero parang nagkaroon ako ng panaginip kagabi na may nakita raw akong angel. “He brought you here last night. Sabi niya, nakita ka raw niya sa labas ng bar tapos pinilit siya ni Imo na ihatid ka pero hindi mo naman nasabi kung sa’n ka nakatira.”

At sino naman iyong Imo? Bakit ang dami kong pangalan na naririnig ngayon?

“At bakit niya ako dito dinala?” I asked. Not to offend him pero hindi ko naman kasi siya kilala! Mukhang may sira sa ulo iyong Preston na ’yon!

“You didn’t tell him where you live.”

“He could’ve looked for my ID. May address naman ako ro’n,” I said.

He wrinkled his nose. “He really doesn’t like touching other people’s things.”

“Ang arte!” I said and then Benj laughed a little. “E bakit sa condo mo niya ako dinala?”

“He said that if he brought you to a hotel, you might drown in your barf. Ayaw niyang makonsensya kapag namatay ka. And bringing you at his house wasn’t an option. Mahigpit kasi si Tita,” he explained.

“At talagang dito niya ako dinala?! Wala ba siyang friend na babae? Nakakaloka ’yang Preston na ’yan!”

Benj shook his head. “Preston’s friends are mostly guys. And he brought you here because I don’t live with my parents.”

“Nasa’n parents mo?” I asked. Tutal marami na rin akong tinatanong, itodo ko na.

“Cebu,” he replied. “I’m just here to study,” he continued. “Anyway, we didn’t do anything to you, I swear. We called the cleaning lady and asked her to change your clothes dahil nasuka ka kagabi.”

Nanlaki ang mga mata ko. Nasuka ako? Gosh! Nakakahiya! Bakit naman kasi ang dami kong nainom kagabi? Akala ko, e medyo umaabante na ako pero dahil sa mga kaganapan kagabi, sure ako na stuck pa rin ako sa nakaraan. Hindi na yata talaga ako makakausad.

Tumayo si Benj at may kinuha. Maya-maya, bumalik siya at may inabot sa akin na paper bag. “I had your clothes washed. You can use the bathroom tapos hatid na lang kita,” he said with a smile. Ang bait niya naman! In fairness, good choice naman iyong Preston na ’yon na dalhin ako dito kay Benj. Pero grabe pa rin iyong mga rason niya para dito ako dalhin! Kahit ’di ko pa siya kilala, feeling ko masamang nilalang iyong Preston na ’yon, e.

I excused myself and took a really quick bath. Sobrang gumaan iyong pakiramdam ko pagkatapos kong maligo. Good thing I had my makeup kit with me dahil hindi talaga ako disente tingnan kapag bare face. My lips were chapped, sobrang laki ng eyebags ko, may blemishes din ako. Normal na tao ba. I mean, hindi naman ako sobrang ganda. Sakto lang. Hindi rin ako panget. Sakto lang. Pero matalino naman ako! Cum Laude akong g-um-raduate!

Upon making sure that I looked presentable enough, I went outside. Benj was sitting on his couch and watching TV. Nang makita niya ako, he smiled and asked kung ready na ba ako. See? Nothing special sa reaction ni Benj. Hindi naman kasi ako artistahin talaga. At saka masyadong gwapo ’tong Benj na ’to para pag-isipan pa ako nang masama. Mga ganyang mukha, madaling makakuha ng babae. Naniniwala kasi ako na maraming babae ang desperado magkaroon ng boyfriend. Sa rami ba naman ng mga nagpaparinig sa Facebook newsfeed ko na mga babae na gustong magkaroon ng lovelife? Parang 1:5 ang ratio ng lalaking available sa babaeng gusto ng lovelife. Ganoon kalala.

Habang pababa kami, I thanked him. Ang bait niya naman kasi kahit na strangers naman talaga kami.

“Where will I drop you off?” he asked.

“Ah, sa Makati na lang. May work pa kasi ako,” I said.

“You’re working na? I thought we’re of the same age.”

“Ha? Ilang taon ka na ba?”

“Twenty,” he replied. Nanlaki ang mga mata ko. What the hell?! Twenty lang siya?! Gods! Bakit biglang ang dirty ng pakiramdam ko?! His forehead creased upon seeing my reaction. “Is there something wrong?” he asked.

“Wala…” Pakiramdam ko lang, ang cradle snatcher ko kahit wala naman akong ginawa talaga.

“Ilang taon ka na ba?”

“Twenty-three…” I almost whispered. Gosh. I felt so old. He just nodded.

Wala na bang ibibilis pa ’tong elevator na ’to? Pagdating namin sa basement, he clicked his key fob at tumunog iyong isang sasakyan. I stopped myself from gaping. Ang ganda ng sasakyan niya! Iyan ’yong dream car ni Benny, e! Palagi niyang tinitingnan sa mga magazines tapos palagi niyang sinasabi na kapag successful na kaming dalawa at saka siya bibili. Ang priority niya kasi ay bahay muna namin. S’yempre bago kami maghiwalay. Baka iba na rin ang priorities niya…

Pumasok kami sa loob. He revved the engine to life and then began to drive. Since Benj lived in BGC, sandali lang naman iyong drive pabalik sa Makati. At isa pa, Saturday morning naman. Walang awa lang talaga iyong boss ko kaya pinagtatrabaho ako kahit Saturday!

“Thank you!” I said when we arrived.

“No prob,” he replied with a smile. “Work hard, Nari,” patuloy pa niya at saka nag-roger sign.

I smiled awkwardly and went inside the building. Gosh. Bakit ba napasama ako sa mga bata?


Pag-uwi ko sa bahay, nakataas agad ang kilay ni Sari sa akin. Akala ko, e si Mama ang maaabutan ko. Nag-prepare na kaya ako ng mahabang paliwanag! Alam ko naman kasi na sermon ang abot ko, e. Bigla na lang akong ’di umuuwi! S’yempre, gets ko naman kung sasabunin ako ni Mama.

“At saan ka galing?” she asked, her brows still arched. “Uwi ba ’to ng matinong babae?”

“Kuha mo nga akong tubig,” sabi ko sa kanya pagka-upo ko sa sofa.

Pagbalik ni Sari, may dala na siyang tubig. Agad kong inubos iyon. Ang dami naman kasing revisions na pinagawa n’ong Mr. de Marco na ’yon! Daming alam! Hindi lang ako makaangal dahil pamangkin ng may-ari ng pinagtatrabahuhan ko kaya ang lakas maka-powertrip.

“Saan ka nga galing, ate?”

“Hindi ba ako hinahanap ni Mama?”

She shook her head. “Nang maramdaman ko na ’di ka uuwi, nagsinungaling ako kay Mama. Sabi ko sa kanya, nag-text ka sa akin na do’n ka matutulog kina Ate Venice. Muntik na ngang atakihin si Mama kasi ang dinig niya sa Venice ay Benny! Alam mo naman si Mama, fangirl ni Kuya Benny!” sabi ni Sari na mas lalo lang nagpasakit sa ulo ko.

Gosh. Everyday na lang ba, may role si Benny sa buhay ko? Fair ba na sa araw-araw na ginawa ng Diyos, lagi ko siyang naaalala tapos siya, mukhang tuluyan na akong kinalimutan?

“Kaya dahil pinagtakpan kita, ate, maging honest ka naman! Saan ka nga galing?” I eyed Sari. Alam ko na hindi niya ako titigilan. Makulit na bata ’to, e. Lahat, gustong malaman.

“Uminom lang kami kagabi…”

“Tapos?” she asked. “Gosh, Ate! Don’t tell me magkakaroon na ako ng pamangkin after nine months?!”

Binatukan ko siya. “Kung ano-ano ang naiisip mong bata ka! Magsimba ka mamaya, ha!”

“E kasi naman, ate! Ganoon ang uso ngayon. One night stand, gano’n! Malay ko ba kung sa sobrang pagka-depressed mo kay Kuya Benny, doon ka mapunta? At saka sobrang weak mo kaya uminom! Bilis mo kayang malasing. ’Di mo ba alam na nagkaka-British accent ka kapag lasing? Nakakaloka ka talaga, ate!”

Alam ko naman na sobrang bilis akong malasing at usually, wala talaga akong naaalala. Kaya nga si Benny, hindi ako pinapayagang uminom dahil sobrang lala ko raw talaga. Or if iinom ako, kailangan kasama ko siya para safe ako.

“Pero kung makikipag-one night stand ka, ate, dapat sa mayaman at saka gwapo para naman hindi ka lugi!”

“Ikaw, masasakal na talaga kita, ha! Anong tingin mo sa akin? Malandi? ’Tong batang ’to!”

Imbes na makapagpahinga ako, ginulo lang ako ni Sari. Bandang gabi, nakapagpahinga na ako, finally. May pasok na naman bukas dahil sa boss ko. Walang awa kahit Sunday. Ang malas ko talaga. Kasalanan talaga ’to n’ong shit na nilalang na nang-agaw ng taxi sa akin. Naku! Makita ko lang talaga ’yon!

I woke up around 2 A.M. dahil nakaramdam ako ng gutom. While eating, binuksan ko iyong Wi-Fi ng phone ko dahil nagtext iyong isang orgmate ko no’ng college na nasa group chat daw iyong details para sa kasal niya. Invited kasi ako.

My Wedding

Cristine:

Guys! RSVP na kayo, okay? Para may headcount na!

Maricris:

Okay, madam! Anyway, pwede ba magdala ng date?

Cristine

: Sure but pakisabi maaga para maayos yung seatplan

Maricris:

Yay! Paki-reserve ako ng isa.

Angge:

Ako rin! May lovelife na ako sa wakas! Pakilala ko kayo pero wag nyo aagawin!

Maricris:

Asa ka naman! Nakita ko na si forever ko!

Cristine:

Ay, may chika pala ako!

Angge:

Ano? Spill!

Cristine:

Nag RSVP na kasi kanina si Benny! Tapos may date daw siya!

Maricris:

Weh?! Sila na ba ulit ni Nari?!

Angge:

Pagkatapos siyang iwan ni Nari, tanga ba si Benny na babalik? Benny can do better, no.

Cristine:

Malay nyo naman… We knew them naman, di ba? They were great together.

Angge:

Agreed. Pero nag-expire na yung greatness nila. We all saw Benny nung iniwan ni Nari. Kita mo kung paano na-depress si Benny, di ba? Masisisi mo ba ako if I’m rooting for Benny to find someone else? Iyong hindi siya bigla na lang bibitiwan sa ere. Di niya kasi deserve yun.

Sobrang sumakit iyong puso ko sa mga nabasa ko. Naglasang maalat na iyong sandwich ko dahil sa mga patak ng luha. Ganito ba ang tingin nilang lahat sa akin? Na deserve ko lahat ng sakit na nararamdaman ko? Hindi ba p’wedeng natakot lang din ako? Na nabigla? Na nalito? Hindi ba p’wedeng magbago? Hindi ba p’wedeng magsisi? Bakit ganito sila? Why did they keep on judging me as if they knew my pain?

Nari Miranda left the group.

Chapter 4

If not for Ate Jenny’s nagging, hindi naman talaga ako a-attend sa kasal ni Cristine. After what happened to the group chat? No, thanks, ’no! Alam ko naman na kasalanan ko… but I thought they were my friends. Tatlong taon kaming magkakasama sa isang organization. I expected better from them. Kung gusto man sana nila akong sisihin at ipamukha na sobrang tanga ko dahil sa ginawa kong pang-iiwan kay Benny, sana gawin nila sa harap ko mismo. I’d rather them do it straight to my face kaysa iyong pinagchi-chismisan nila ako. Parang hindi kami naging magkakaibigan.

“Sigurado ka, ’te? As in sure na sure na? 100%? Walang atrasan na itechibells ?” tanong sa akin ni Venice. Tinawagan ko kasi siya para manghiram ng isusuot ko sana sa kasal ni Cristine. May color requirement kasi, e, unfortunately, wala akong dress na ganoon ang kulay.

“Nakapagsabi na ako na pupunta ako…”

“P’wede namang bigla kang nagkasakit sa araw ng kasal!”

“Tss. Halata naman na umiiwas ako,” I replied. Nasabi ko na rin kasi kay Venice iyong nangyari. I felt good pouring out my problems. Kahit naman on a daily basis yatang pinapaalala ni Venice na tanga ako para iwan si Benny, at least open minded naman siya. She listened to my reasons and told me I had a reason to be scared. Hindi naman kasi lahat ng tao, magtatatalon sa tuwa kapag inalok ng kasal.

“E umiiwas ka naman talaga! Ewan ko ba sa ’yo. Kung sa akin ginawa ’yon? Naku, FO na! Tegi na sila sa akin for life!”

Hindi pala kasi nila alam na member ako n’ong group chat kaya ganoon sila makapag-usap about sa amin ni Benny. But that wasn’t the point naman. Ang point, they were backstabbing me. Kaya kahit na nag-sorry sila sa akin, ewan ko… Parang may nag-iba na sa relasyon namin ng mga orgmates ko.

Words are powerful. Kahit mag-sorry, kapag nasabi na, wala ka nang magagawa.

“Sige, ha. Daanan ko na lang bukas ’yong damit. Salamat talaga,” I said and then ended the call. Goodness. I didn’t even know why I was doing this to myself. Tama naman si Venice. I could’ve said no. Madali lang naman sabihin na may gagawin ako… o kung anumang walang kwentang dahilan para hindi ako umattend sa kasal ni Cristine. But why was I doing this?

‘Kasi gusto mong makita si Benny,’ a voice inside me whispered.

E ano naman kung gusto kong makita? It had been months!

‘Kasi curious ka sa ka-date niya,’ sabi na naman ng epal kong konsensya.

So? Ano naman kung curious ako? Lahat naman siguro ng babae, curious sa ipapalit sa kanila ng ex nila! Hindi naman siguro ako ang ganito lang! S’yempre kahit na ano ang mangyari, curious ka… kung mas maganda ba, mas matalino ba… or mas pa sa ibang aspeto. Natural lang naman ’to!

Kung ano-anong imahe n’ong ka-date ni Benny ang nabuo sa isip ko. Lahat sila maganda. Lahat sila matalino. Lahat sila mas bagay nang sobra kay Benny para sa akin. Kaya pagkagising ko, mukha akong panda sa sobrang laki ng eye bags ko.

“Girl, ganyan kang pupunta sa kasal kung saan makikita mo ang ex mo na mahal mo pa rin?” bungad sa akin ni Venice nang pagbuksan niya ako ng pinto ng apartment niya.

“Good morning din,” sabi ko. “Okay naman ang itsura ko.”

Nag-effort naman akong maglagay ng concealer para hindi ako mukhang panda masyado. Nag-conditioner din ako para hindi naman mukhang tingting ang buhok ko. At nag-lipstick pa ako!

“’Te, hindi ganyan ang itsura kapag magkikita ng ex for the very first time. Dapat pak na pak ang arrive! Kabog!” sabi niya at saka hinatak ako papasok sa apartment niya. I didn’t even fight back. Wala na talaga akong energy. Nanghihina ako every time na iniisip ko kung gaano ka-mas sa akin iyong ka-date ni Benny. Goodness. Paano kung ayain niya rin iyong magpakasal? Paano kung hindi tanga iyong babae at um-oo?

“Tingin ka sa taas para ’di ka masyadong maiyak sa eyeliner,” sabi ni Venice. I pretended that I was teary because of what she was doing and not because the thought of Benny being married to someone else was clenching my heart.

If I said yes, ano na kaya kami ngayon? Sigurado ako na masaya pa rin kami kasi palagi naman kaming masaya ni Benny. He made sure that I was always happy. My happiness was his priority. Mas gusto niya na masaya ako, never mind his own happiness. Ganoon kasi magmahal ’yon, e. Binibigay lahat. Walang tinitira sa sarili niya.

“’Te, hindi ko naman sinundot ’yang mata mo. OA umiyak!”

Kinuha ko iyong inabot niya na tissue at marahan na pinunasan iyong mata ko. “Hindi kasi ako sanay.” Na may ibang mahal si Benny bukod sa akin.

“Okay lang ’yan. At least kapag nakita si ex, hindi ka mukhang nawawalang miyembro ng ISIS.”

Saglit akong napatawa dahil sa sinabi niya. Nilagyan niya ako ng nude na lipstick. I was thankful to have a friend like Venice. Kung tutuusin, sandali pa lang naman kaming magkakilala dahil sa work ko lang naman siya nakilala. Pero ganoon siguro talaga. Hindi sa tagal ng pagkakaibigan nasusukat ang depth. Iyong mga matagal mo ng kakilala, sila pa iyong mas walang tiwala sa ’yo… Sila pa iyong unang magda-doubt sa ’yo.

“Basta, Nari, kapag nakita mo iyong si Benny, ’wag kang iiyak,” she said as she continued to apply coats of lipstick on my lips. “Cool ka lang, girl. Smile at him. Kung may ka-date, mag-smile ka rin sa ka-date niya.”

I gently dabbed my lips together. “Paano kung gusto ko siyang kausapin?”

“E ’di, kausapin mo. Ask him. Kapag ayaw kang kausap, e ’di kiber . Ganoon talaga.”

“Hindi ko pipilitin?”

She shook her head. “’Te, gets ko na scaredsung ang peg mo no’ng nag-propose si ex. Gets ko. Pero kung ayaw ka niyang kausapin dahil sa ginawa mo, i-gets mo rin sana. May feelings din ’yong si ex mo. For sure nasaktan ’yon sa rejection na ginawa mo—at triple pa siguro since kumalat pala sa mga friendships n’yo na ni-reject mo siya. Durog na durog ’yon, beshy. Kaya give him whatever he needed to heal.”

“Gusto ko lang naman mag-sorry…”

“Pero, Nari, walang magagawa ang sorry mo. Nag-sorry ka na dati, ’di ba?”

I nodded. Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong nag-sorry kay Benny. All my sorry was replied with it’s okay. But we both knew it was a lie. We weren’t the same after that. He promised we’d stay as friends… Kalokohan. He ignored me. He pretended like I didn’t exist in his world. And I couldn’t blame him for that… but he couldn’t blame me for feeling this way, too. Masakit, e.

“Sinaktan mo. If he acts hostile around you, intindihin mo na lang. Lahat naman ng nasasaktan, nagiging asshole kahit papaano. After all, we have different ways to deal with pain. Ngayon, kung ano ang gusto niyang gawin sa buhay niya, hayaan mo. Kasi no’ng tinanggihan mo siya, tinanggihan mo rin ’yong karapatan mo sa buhay niya.”

I smiled and thanked her. But if Benny did all the things she said, I knew I wouldn’t get hurt. I would get crushed.


I didn’t even bother to attend the wedding ceremony. Dumiretso ako sa reception. Nando’n ako sa isang gilid—malayo sa lahat ng kakilala ko. Goodness. Why was I even here? Masokista nga siguro ako. Kasi kahit alam ko naman na lahat sila ay nasa side ni Benny, pumunta pa rin ako.

“Benny!”

Automatic na pumunta ang tingin ko sa pinanggalingan ng boses. And there he was…

“Gosh! You’re here nga! Akala namin, nagtatago ka!” sabi nila sa kanya. He was smiling at them. Na parang walang problema. Na parang walang nangyari.

“Hindi naman,” he replied with the same gentle smile on his face. “Medyo late na pala ako.”

“Okay lang, ’no! Dito na rin kami sa reception dumiretso!” And then they all turned their gaze at the woman beside Benny. “So… papakilala mo ba kami?”

Benny smiled and then placed his hand on his nape. Ginagawa niya iyon kapag nahihiya siya. Was he shy to introduce his new girl? Bakit naman? Maganda iyong kasama niyang babae. Brown iyong buhok na hanggang balikat. Maamo ang maliit na mukha. Mukhang matalino. Mukhang bagay sila.

Agad kong inabot iyong dala n’ong waiter na champagne. This really was a freaking bad idea.

“Dri, my college orgmates. Guys, si Drianna, family friend.”

And they teased them. Benny was just smiling timidly habang iyong Drianna, pulang-pula na iyong mukha. Alam kaya nila na nandito ako? Kasi kung alam nila, did they hate me that much para tuksuhin si Benny sa ibang babae? Kasi nando’n sila, e. They saw all those years I spent with Benny. They saw our ups and downs. They saw us fight for our love. And I knew I made a mistake… but did they really need to do this in front of me?

Na parang bigla na lang akong nawalan ng karapatang masaktan?

Maybe I deserved this. But it still hurt so fucking bad.

I lost count of the champagne I drank. Weddings are supposed to be a celebration of love but all I could feel was pain in my stupid, stupid heart. Hindi na dapat ako pumunta. I should’ve stayed at home and wallowed on my own.

Tumayo ako para maghanap ng CR. I drank too much. My vision was starting to get real blurry.

“Are you okay?”

I stilled when I heard his voice.

“Yeah… Nakakapagod lang but I’m okay.”

“You sure? Maiintindihan naman nila kung aalis na tayo.”

“I’m fine, Benny. Besides, I enjoy talking to your friends. They seem fun.”

Why was I even here? Why was I even listening to them talk? Hindi pa ba sapat iyong nararamdaman ko? Must I add salt to the already open wound?

“Okay. But if you want to go home, sabihin mo lang sa akin.”

“Yes po, Benny.”

“Kulit mo talaga, Dri.”

I bit my lower lip. Pinunasan ko iyong luha na tumakas sa mga mata ko. I turned and faced them. Benny seemed stunned. His lips parted upon seeing my face.

What was he feeling? Did he long for me, too? Did he cry for us, too? Did he regret our parting like I did? I wanted to ask him all these questions but I couldn’t even voice out how sorry I was for everything.

I couldn’t even tell him that I wanted to be the one by his side. That I wanted to be the reason for his smiles. That I wanted to be the center of his attention.

I hated seeing him with someone else. Ako dapat ’yon. Sa ’kin dapat siya.

“Hi,” I said. “Can we talk?”

Seconds passed. Hindi siya nakasagot.

“Kahit five minutes lang…” I croaked. I just wanted to be with him. Kahit sandali lang.

“I’ll… just leave,” Drianna said. She looked at me. “Nice meeting you,” she said and then excused herself.

I looked at her as she was leaving. Why was she nice? Couldn’t she be vengeful? Bitchy? Couldn’t she give me more reasons to hate her aside from the fact that she replaced me in Benny’s life?

“What do you want?” he asked. Mas bumilis lang iyong pagtulo ng luha ko. This wasn’t how he used to talk to me. He had always been sweet. But I couldn’t sense any of that anymore. He couldn’t even look at me the same way he did.

“K-kumusta ka na?”

“I’m fine,” he replied. “May sasabihin ka ba?”

Alam ko naman na dapat lang lahat ng natatanggap ko mula sa kanya. I asked for this. I rejected him. But this hurt so bad… Hearing him talk to me like this was ripping my heart. I couldn’t stop the tears from flowing.

“Is she…” I trailed. I couldn’t even compose the right words. I was afraid of the answer. I was afraid to hear that I had been replaced. Because I still wanted my place in his life. That was mine. I took care of that place for years… I didn’t want to be replaced and forgotten. “Your girlfriend?”

The word tasted so bitter in my mouth. Girlfriend na ba siya ni Benny?

He shook his head. Nakahinga ako nang maluwag.

“But that doesn’t concern you anymore, Nari.”

“Benny naman…”

I tried to hold on to him but he peeled me off of him. Akala ko masakit na. May mas masakit pa pala. Kasi dati, gusto niya kapag hinahawakan ko siya. Pero ngayon, parang diring-diri siya na malapit ako sa kanya.

“Iniwan mo ako, Nari. ’Di ba gusto mo ’to? Bakit ka umiiyak ngayon?”

Tuluy-tuloy lang iyong agos ng luha ko. Walang pagtigil. Ayokong tumigil. Baka kasi mapansin niya na nasasaktan din ako.

“Natakot lang naman ako…” I croaked.

“Did marrying me scare you that much? Did the thought of being my wife disgusted you that you lied about going out of the country?” he said, his jaw clenching. “You could’ve explained, Nari, maiintindihan ko naman. Pero tinakbuhan mo ako. You kept on saying sorry without explaining what you really feel. Your lack of explanation gave me the reason to explain your reason to myself. Inisip ko kung saan ba ako nagkulang, kung saan ba ako nagkamali. I thought about everything, Nari. You made me regret everything I did kasi akala ko, nagkamali ako. Because if I did everything right, then you wouldn’t have left saying nothing.”

He was calm. But his voice was laced with the pain I caused him.

“I’m sorry,” I whispered. I didn’t have the words to say. I didn’t have the right words that would take away the pain I caused him.

He smiled. “Ayan ka na naman sa sorry mo,” sabi niya at saka tinalikuran ako.

“Do you love her?” I asked. I wanted to hear it. I wanted to hear that he had already forgotten me. Baka kasi… baka kasi makatulong. Kasi nando’n pa rin ako. Kasi hindi pa rin ako nakaaandar. At pakiramdam ko, patuloy lang akong aasa na magiging maayos pa rin kami.

Kasi ilang buwan pa lang… ang bilis naman.

“No. But I want to,” he replied. “Ang sakit mong mahalin, Nari.”


I didn’t know where I was. Ang alam ko lang, gusto kong umalis. My heart hurt so badly. Pakiramdam ko ay kinuha ni Benny iyong puso ko mula sa dibdib ko at saka niya dinurog. Masakit akong mahalin? Pakiramdam niya ba, siya lang ang nasasaktan? Hindi ba niya alam na mahal ko rin siya? Na hindi lang siya ang nasasaktan? Na kahit ako iyong may kasalanan, nakararamdam din naman ako ng sakit?

Was he regretting giving me his love? Ganoon na ba kami kababaw? Just because we got hurt, we didn’t want the love we built all these years?

Hindi ko na alam. Ang sakit niya rin kasing mahalin.

All I know was that I wanted to drink. Sabi kasi nila, nakakalimutan daw ang problema kapag lasing. And I just wanted one night without these thoughts haunting me. I just wanted to free myself from him. Kahit isang gabi lang.

Naglakad ako hanggang sa makarating ako sa isang club. I was about to walk inside nang mabangga ako ng isang grupo ng mga lalaki.

“I’m so— Nari?”

My eyes were blurry from all the crying.

“Ha?”

“It’s me, Benj,” the guy said. I opened my eyes more. “Saw you again.”

“Ah… oo nga,” I merely replied. My spirit was its lowest. “Nandito ka rin pala.”

He smiled. He’s always smiling. Mabuti pa siya, palaging masaya. I missed that feeling. Paano nga ba maging masaya? It had been too long. Pakiramdam ko ay nalimutan ko na ang pakiramdam ng pagiging masaya.

“Yeah… Our team won so we’re celebrating,” he replied. “You? Meeting friends?”

Umiling ako. “I don’t have friends.”

“Sama ka na lang sa ’min,” he offered.

“Ang bata n’yo pa.” That was only a thought but I must’ve said it loudly. Natawa siya.

“Maybe, but we’re fun. Tara, pakilala kita sa kanila,” he said and then guided me inside. He must’ve known the owner of the place dahil diretso lang kaming naglakad papasok. I didn’t give it too much thought. I just wanted to drink. I just wanted to drown myself para bukas, iyong sakit ng ulo na lang ang iisipin ko. That’s better than wallowing in my own misery.

Pagpasok namin, ramdam ko ang taas ng enerhiya ng mga tao. College students. They’re full of energy. Mauubos din ’yan kapag nakapagtapos kayo. By then, you’d face the world. You’d feel the pressure from everyone to prove yourselves. You’d be expected to figure everything out. Being an adult sucks.

“Bakit ang daming tao?” I couldn’t help but ask. The place was packed.

“Overall champion ’yong school namin. Basketball team and soccer team are both here kaya maraming tao,” he explained. “Also, 20th birthday celebration ni—” he said, but it seemed na ’di niya makita ’yong celebrant. Instead, huminto kami sa harap ng isang lamesa. “Guys, she’ll be joining us,” Benj said. “Nari, si Jackson, Parker, and Jasmine. Guys, si Nari.”

“Hi,” I politely said. The two guys just waved their hand, looking passive. Iyong babae ang nakangiti sa akin. They seemed okay. Mukha lang kaming magkaka-edad. Ganito na ba talaga ang mga kabataan ngayon? And they’re freakishly tall!

“Si Preston?” Benj asked. Ayun na naman iyong pangalan na ’yon.

The guy, Jackson, shrugged. “Saw him talking to Austin earlier. Hindi ko lang alam ngayon.”

All my thoughts were taken away from him as alcohol was served. The table was never empty. Tuwing mauubos na iyong laman ng bote, palaging may dumadating na bago. The people around me were talking but my attention was solely on the liquor. And my mission was to empty every bottle served.

And a few bottles of JD later, my mind was officially in haze.

“Who’s this?”

“Nari.”

“Nari who?”

“Gago, siya ’yong dinala mo sa condo ko!”

“Ha? Sino ’yon?”

I reached for another bottle. I couldn’t even feel the taste of the alcohol anymore. Pati yata panlasa ko ay namanhid na sa sobrang sakit.

“Anyway, sa’n ka galing?”

“Talking to Austin. There’s another race.”

“Ah. E bakit nandito ka na ulit?”

“Dumating si Saint, e. Epal kaya n’on.”

“Sabihin mo, irita ka lang kay Saint kasi alam mong may crush kay Imo.”

“Tss. Bakit wala ng inumin? Inubos n’yo?”

Gosh. Bakit ang ingay nila? At wala na bang inumin?

“Hindi ka pa ba uminom do’n? Namumula na kaya ’yong mukha mo.”

“Nah. I still want to drink.”

“Badtrip ka na naman?”

“Shut up, mom.”

“Fuck you, Preston. Bahala ka r’yan. Labas muna kami.”

Silence reigned between the two of us… o dalawa lang ba kami? I wasn’t sure. My sole attention was on my drinks. Masarap pala ’to? I never thought I could drink this much. Pakiramdam ko, busog na busog na ako sa rami ng iniinom ko.

“So… ikaw si Preston?” I asked as I downed another glass.

“Yeah. Ikaw si Nari?”

I nodded and then offered my hand but sa mukha niya tumama iyong mukha ko. I chuckled. “Oops.”

“You’re drunk,” he said as he poured himself a glass.

“Yeah… I think I’m drunk,” I replied and then giggled. “Preston…” I said, my words slurry. “Your names makes me hungry.” Why was he named after a biscuit? Adik ba ang nanay niya?

“Baliw,” he murmured.

“I heard that! Hindi ako baliw! Heartbroken lang ako!” I argued and then drank some more. “Lalaki ka, ’di ba?”

“I think so,” he replied. I looked at him and I didn’t know if it’s because of the lights but he looked red. Or maybe he’s as drunk as I was. Maybe this was better. Sabi kasi nila, drunk words are sober thoughts. And I just wanted some honest thoughts… Kung sa perspective ba ng lalaki, dapat na talaga akong kalimutan ni Benny. If I really crushed his ego enough for him to forget me and replace me.

Gusto ko lang marinig para mas masaktan ako. Baka kasi tigilan ko na talaga kapag sobrang sakit na.

“I have this friend…” I trailed.

“Sure, friend,” he said and then downed a glass.

I ignored his sarcasm and continued. “Kung iniwan ka ba ng girlfriend mo kapag nag-propose ka, magagalit ka?”

He played with his glass for a while before answering. “Depends… Is there a reason?”

“Yeah, of course meron!” I said. “The girl’s afraid. She’s just twenty-one. She didn’t want to get married yet.”

“Did the guy say that they’d get married? There’s this thing called long engagement,” he said and then drank. Goodness. Was this night called the night of harsh truths?!

Inabot ko iyong bote at saka tinungga na. I couldn’t feel the liquor anymore. It didn’t taste disgusting anymore. I just welcomed the stupor I was feeling.

I tried to stand up para humanap ng iinumin nang matumba ako. And I didn’t want to hear any more truths. I had enough for the night… Nang tumayo ako, I heard glass breaking but my eyes really couldn’t focus on anything. Wala na talaga akong maintindihan. All I knew was that I wanted to drink some more.

“Sorry,” I said, my words sounded slurry. I tried to reach for a napkin para punasan iyong pants niya.

“Holy sh—”

I continued wiping the wet part of his pants. I couldn’t see clearly. Sobrang labo na ng mata ko tapos madilim pa… tapos hilong-hilo na talaga ako sa rami ng nainom ko. I didn’t even dare to stand up again because I knew I’d just end up falling… Ganoon naman talaga palagi, ’di ba? Kapag akala mo kaya mo nang mag-isa, bigla na namang mahuhulog.

“It’s not coming off…” I said as I stared. I pulled him up and brought him with me. The club was packed. I could feel gyrating bodies against my skin. Mas lalo lang akong nahilo dahil sa sikip.

“Saan mo ba ako dadalhin?” he asked as I continued to drag him. I didn’t know, as well. Hindi ko alam kung saan kami papunta. All I knew was that I wanted some peace and quiet time. Naglakad kami nang naglakad hanggang sa makarating kami sa third floor. I opened the doors. I didn’t even know why there were rooms here. “Ano bang hinahanap mo?”

“CR.”

“And why are you bringing me with you?” he asked.

“I don’t know…” We were holding hands. It felt nice. It had been too long since I held someone’s hands. Goodness. Nami-miss ko na naman si Benny. Bigla akong napaupo at niyakap ang mga binti ko. “I miss you…” I said and tears began to fall. Tuloy-tuloy. Walang paghinto.

I felt Preston crouching beside me. “You’re ugly when you cry.”

“Ang gwapo mo, e,” sabi ko. Napakalaitero talaga ng taong ’to. Nasaan ba si Benj? I needed him and his comforting words! Hindi ko alam kung bakit naiwan ako kasama itong Preston na ’to!

“You’ll get over him,” he said.

“Hindi. Forever na akong stuck. Tanggap ko naman.”

“Walang forever. Makaka-move on ka rin,” he said.

“What do you know? Bata ka pa,” I said and then patted his head. He swatted my hand away. “Bastos na batang ’to. Igalang mo ako. Mas matanda ako sa ’yo,” I said and then attempted to pat his head again.

“You may be older but you look stupid,” he said. “And will you please stop crying?”

“Inaano ka ba ng luha ko?”

May inabot siya sa akin na panyo. “I’m tired of seeing people cry. It tires me. This is why I don’t want to fall in love. Ayokong umiyak.”

“Hindi ka pa nai-in love?” I asked him. Okay naman ang itsura niya. I mean, not bad… o dahil lang madilim dito sa club? Baka kapag maliwanag ay panget ’tong si Preston? But ano bang pakialam ko? As if naman magkikita pa kami pagkatapos ng gabing ’to.

“Nah,” he said. Sabay kaming naupo sa sahig. We were both wasted. Our eyes were lazy. “People around me aren’t exactly making falling in love seem fun.”

“Bakit naman?” I asked. Even if Benny and I were hurting, I still wouldn’t deny that the years I spent with him would arguably be the best years of my life. He made me really happy.

“My mom’s still in love with her ex who’s been dead for so long… then my sister’s hopelessly in love with my best friend who’s with someone else,” he explained. “You see? I really don’t want that for myself.”

I tapped his shoulder. “Kawawa ka naman.”

“Tss,” he said and then inalis niya iyong kamay ko sa kanya. Ayaw niya talaga ng hinahawakan. Ang arte. “Let’s just drink.”

I wouldn’t be surprised if we’d end up having alcohol poisoning because of everything we’re drinking. We sat down and drank and drank until we’re both really, really wasted. We talked about things that didn’t even make sense. Actually, hindi ko na alam kung ano ang pinag-uusapan namin. But I remembered giggling a lot.

“If I’ll fall in love again, sana hindi niya ako saktan…” I said and then hiccupped. “Kasi kapag nasaktan ulit ako, baka matakot na talaga akong ma-in love. Tapos baka maging nega na ako kagaya mo…” And then I hiccupped again.

“Stop your hiccup. It’s annoying.”

“It’s not as if—” Another hiccup. “I can stop.” And then another one.

“Just hold your breath and it’ll stop,” he said.

“Ha?” Another hiccup. And another one.

“Stop your hiccup.”

“I’m trying to—”

But my hiccup finally stopped when I felt his lips on mine.

Chapter 5

This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.

Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 6

This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.

Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 7

This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.

Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 8

This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.

Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 9

This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.

Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 10

This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.

Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 11

This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.

Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 12

This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.

Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 13

This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.

Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 14

This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.

Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 15

This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.

Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 16

This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.

Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 17

This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.

Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 18

This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.

Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 19

This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.

Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 20

This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.

Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 21

This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.

Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 22

This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.

Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 23

This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.

Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 24

This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.

Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 25

This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.

Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 26

This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.

Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 27

This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.

Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 28

This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.

Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 29

This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.

Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 30

This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.

Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Special Chapter # 1

This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.

Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Special Chapter # 2

This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.

Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Special Chapter # 3

This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.

Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Special Chapter # 4

This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.

Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.