Idol of My Heart
Mishjazz · 7 chapters · 19,376 words
Idol of my Heart
Disclaimer:
This is a Filipino (Taglish) Story This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author’s imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Warning:
BL Mature Content | R-18 Some or most chapters in this story within are intended for adults only and may include scenes of sexual content or inappropriate language. Reader discretion is advised.
Author’s Note:
Hello! I hope you enjoy this story. Thank you so much! ♡
Playlist
Coming Down
The Weeknd
So Anxious
Ginuwine
Tila
Tala
Syd Hartha
Bahala Na -
Kenaniah
Nahuhulog
Jed Baruelo
Adore You
Miley Cyrus
I Wanna Be Yours
Arctic Monkeys
Panalangin
APO Hiking Society
Bawat
Piyesa
Munimuni
Stay
Cueshé
Midnight Rain -
Taylor Swift
Babydoll
Dominic Fike
Bumalik Ka Na Sa’kin
Silent Sanctuary
I Need You More Today —
Caleb Santos
Ikaw Lang -
Nobita
Mastermind
Taylor Swift
Pasilyo
Sunkissed Lola
Lover
Taylor Swift
Muli
Ace Banzuelo
Prologue
“Mabuhay! Welcome to Philippine Airlines. Please remain seated with your seatbelt fastened until the aircraft has come to a complete stop…”
I heaved a sigh and looked outside of the window.
I’m finally back.
After so many years of staying in the States, I’m finally back in the Philippines.
Nang tuluyang huminto ang eroplano ay nagsitayuan na ang ibang mga pasahero at inasikaso ang kani-kanilang mga gamit. Ganoon na rin ang ginawa ko at sinusuklian din ng ngiti ang mga flight attendants nang makapasok na kami sa airport. Patuloy lamang ako sa paglalakad at hinahanap ang magsusundo sa akin habang may dalang isang maleta.
Now that I’m inside the airport, I’m surrounded by a typical whirlwind of emotions and expressions.
May mga masaya dahil nakauwi na sa wakas ang kanilang mga mahal sa buhay, may mga malungkot dahil lilisan na sila sa bansang ito, at mayroon din namang mag-isa lamang katulad ko na walang kaemo-emosyon sa paglalakad na parang isang trabaho lang ang pagpunta sa bansang ito.
Well, totally same for me.
Sa totoo lang ay wala na akong balak bumalik pa sa bansang ito kung hindi lang dahil sa utos ng mga magulang ko at ng nakakatanda kong kapatid.
I’m here because they temporarily appointed me as the Vice Chairman of our company in this country. My older brother, who is the Chairman, technically assigned me.
Parang hindi naman niya kailangan talaga ng Vice Chairman sa kompanya namin, mukhang ginawa lang nila ito para tuluyan akong mapauwi sa Pilipinas.
My father said that this will also serve as my training? I don’t even know what they really want me to do at this point.
Sa limang taon kong nagtre-training sa kompanya namin sa States, masasabi ko namang there’s no need for me to be here. But my mother insisted that I at least should also treat this as a vacation. Habang ang Kuya ko naman ay nagmamakaawang tulungan ko raw siya sa kompanya at marami siyang inaasikasong trabaho sa businesses namin sa iba pang bansa.
At dahil tatlo na silang walang sawang nangungulit sa akin, napauwi tuloy ako ’di oras dito.
But I know that I’m not going to stay here for that long.
“KUYA RIYUU!”
Agad ako nagising sa iniisip nang marinig kong umaalingawngaw ang boses ng nakakabata kong kapatid na lalake.
Hindi naman ako nahirapang hanapin ang pwesto nila dahil sa laki ng banner ng panagalan ko na hawak-hawak nila ni Mama habang may mga kasama silang bodyguards sa likod nila.
Napangiti ako rito at mabilis na naglakad papunta sa direksyon nila.
Halos matawa pa ako sa makulay na banner na paniguradong gawa ng kapatid ko na may nakasulat pa na
‘WELCOME HOME KUYA RIYUU! PASALUBONG?’
Hindi na ako nagdalawang isip pa na yakapin silang dalawa ni Mama.
“Welcome back, anak,” my Mama said as she held my face and gave me kisses on my cheeks.
Marahan ko naman siyang tinulak. “Mama, stop that already. I’m already 28 years old. I’m not a baby anymore,” reklamo ko rito.
Kinurot niya ako sa pisnge at hindi ko naman maiwasan ang mapa-aray dito. “Kahit mamuti pa ’yang mga buhok niyong magkakapatid, habang buhay kayo baby ni Mama,” she said with a bright smile as she lets go of my cheek.
“Nako Kuya, wala kang laban diyan kay Mama. Hindi marunong magpatalo ’yan,” bulong ng bunso kong kapatid.
Natawa na lang ako dito nang tumingin si Mama sa kaniya. “Ano sabi mo, Ruruu? ’Yang mga kapatid mo ay matatanda na, pero ikaw pwede ka pa malagot sa akin.”
“Mama naman parang ’di mabiro ih,” sagot ni Ruruu na may halong panglalambing pa na siyang ikinatawa na lang din ni Mama. “Oh ano Kuya, nagustuhan mo ba ’tong gawa kong banner? May bayad ’tong pasalubong ah,” pagmamayabang niya sa akin.
“Oo, cool nga. Halatang hindi ako mawawala sa laki ng banner niyo,” I chuckled and messed up his hair. “And don’t worry, nandito sa maleta ko pasalubong mo.”
He give me a toothy grin. And starts boasting to our Mama how his art helped me find them.
Kinuha na ng guard na kasama nila Mama ang dala kong maleta at lahat kami ay sabay-sabay na naglakad palabas ng airport.
May iilang mga tao na namumukhaan si Mama at nagpapapicture pa ang mga ito dito.
Did I forget to mention that she’s a famous actress back in her day?
Tumigil lang siya sa trabaho nang maipanganak niya si Ruruu at nag-decide na maging full time mom sa aming magkakapatid.
My Mama is really friendly towards her fans, and I think that’s why even when she retires from acting, her fans still can’t help but continue to admire her.
Buti nga ay hindi kami dinumog ng mga ito at nirespeto ang space namin hanggang sa makarating na kami sa aming sasakyan.
“Wala pa ring kakupas kupas si Mama noh, Kuya? Hanggang ngayon marami pa ring humahanga sa kaniya,” sabi ni Ruruu sa akin na siyang ikinatango at sinang-ayunan ko.
“Aysus, may kailangan ka ba Ruruu at nambobola ka diyan?” Natatawang tanong ni Mama mula sa passenger seat.
My brother pouted. “Wala kaya, Mama,” then a shy smile peaks on his lips. “Your famous yema cake lang back at home hehe.”
My Mama gasped. “Bakit mo sinabi? It’s supposed to be a surprise for your Kuya Riyuu.”
Napatingin naman sa akin si Ruruu. “Surprise, Kuya?” Pa-inosenteng sabi nito sa akin.
Hindi ko na naiwasang matawa sa kaniya at kinurot ang pisnge nito.
“Manong tara na sa bahay. Mukhang nakakatakam nga ang yema cake na sinasabi nitong kapatid ko,” I directly said to our driver.
“Masusunod po, Sir Riyuu,” nakangiting sabi nito. “At welcome back po ulit.”
Napangiti na lamang ako rito at tumingin sa bintana ng sasakyan nang tuluyan na umandar ito.
I guess it’s not that bad to be back.
“Oh anak, bakit bihis na bihis ka?” Tanong ni Mama nang makalabas ako sa kwarto na naka-black suit. “Aalis ka ba? Kakarating mo lang kaninang umaga ah. Dapat nagpapahinga ka na muna,” paratang niya sa akin habang sabay kaming bumaba ng hagdan papunta sa sala.
I gave my Mama a reassuring smile. “It’s okay, Ma. Celebrity Fest po ngayon at kailangan ako ni Kuya doon as his representative para mameet iyong mga ibang Directors, Producers, at Shareholders doon.”
Naabutan naman naming naglalaro ng Xbox si bunso at mukhang narinig na nito ang usapan namin kaya napatingin din siya sa gawi namin.
“Tsaka Mama, kaya naman talaga ako nandito para sa trabaho. So don’t worry too much,” I said as I try to fix my necktie.
“Ngayon na pala ’yong Celebrity Fest na ’yan? For sure maraming tao doon. ’Di ba may meet and greet muna iyon mga artista at fans bago ang pinaka-celebration kasama kayong mga VIPs? Hindi kaya mahilo ka roon sa dami ng tao? Hindi ka ba jetlag?” Sunod-sunod na tanong niya, marahang hinawi ang kamay ko para siya na mag-ayos ng necktie ko.
“Yes, meet and greet muna ng mga artista at fans, pero sa ibang venue gaganapin iyon. Then after that mag-aayos na sila para sa after party and awarding with the VIPs,” I gently patted her hand when she finished fixing my tie. “And I’m really okay, Mama. Tsaka hindi naman ako gaano magtatagal doon. Kapag na-meet ko na ang mga taong kailangan kong i-meet, aalis na rin ako doon.”
She sighed and stared at me for a moment. “But, anak…”
Kita ko ang pag-aalala sa mga mata niya at alam ko naman kung ano ang ikinakaalala nito.
“Celebrity Fest, Kuya?” Rinig naming pag-singit ni Ruruu at tuluyan na nito iniwan ang paglalaro niya nang tumayo ito sa tabi ko. “Edi nandodoon po si Kuya—hmpp!”
Bago pa matuloy nito ang sasabihin ay agad na tinakpan ni Mama ang bibig nito at hinila papunta sa harap niya.
“Gusto mo pa ba ng yema cake, Ruu? Meron pa sa fridge, magmeryenda ka na muna,” sabi ni Mama dito.
Inalis naman ni Ruruu ang kamay ni Mama sa bibig niya at may nakaukit na ngiti sa mga labi niya. “Talaga po? Papayagan niyo po ako kumain ng cake bago mag-dinner?”
Tumango na lang si Mama, pero halatang hindi siya sang-ayon sa ideyang iyon. “Oo, ngayon lang ’to kaya sige na.”
Napa-‘Yes’ naman ang bunso namin tsaka nagmamadaling tumakbo papuntang kusina.
Natawa na lang ako dito habang napapabuntong hininga naman si Mama. Humarap ulit ito sa akin at buhok ko naman ang binibigyang pansin ng mga kamay niya.
“Just take care,” sabi na lamang niya at marahang tinapik ang balikat ko.
“I will, Mama,” then I gave her a hug. “Alis na po ako. Ipaalam niyo na lang ako kay Ruu at mukhang busy siya sa meryenda niya ngayon.”
Napairap naman si Mama at napatango na lamang sa gawi ko.
Nang makasakay na ako sa sasakyan ay kita kong nandoon na ang driver namin pati na rin ang secretary ni Kuya na si Benji.
“Good afternoon, Mr. Riyuu, and welcome back to the Philippines,” bati niya sa akin na may propesyonalismo sa tono nito nang tuluyan akong makatabi sa kaniya sa backseat ng sasakyan namin.
“Thank you, Benji. And it’s nice to see you again,” bati ko pabalik dito.
He gave me a small smile. “Likewise, Mr. Riyuu.”
Then he starts to give me his Ipad to let me study the course of the event. Pinaalala niya rin sa akin ang mga taong kailangan kong i-meet at ang mga dapat kong gawin doon.
Well, I’m not there to celebrate or have fun anyway.
I’m the son of the famous Chairman and Chief Executive Officer of R.M. Entertainment, and a retired actress who is not only famous here in the Philippines, but also in the different parts of the world.
Of course I’ll be busy. Always been.
Napabuntong hininga na lamang ako at napatingin sa bintana ng kotse. Pero agad din naman ako napaiwas ng tingin doon nang may madaanan kaming billboard kung saan nakapaskil ang mukha ng taong isa sa dahilan kung bakit wala akong balak bumalik sa bansang ito.
Ang taong halos limang taon ko ng iniiwasan, at hinihiling ko na ngayon pa lang sa buong may kapal na sana hindi ko siya makita mamaya.
Ito ’yong kinakaalala ni Mama kanina. Na baka magkita kami ng taong iyon dahil sigurado namang nandodoon siya sa event na iyon.
Isa ba naman itong sikat at ganap na artista ngayon, imposibleng wala siya doon. Kaya kahit anong puspusang dasal ang gawin ko, paniguradong wala ring silbi iyon.
But I guess we’re still not sure about that, right? Maraming tao mamaya kaya imposible ring magkita kami doon.
At ano naman kung magkita kami? We should be civil to each other and act like professionals.
Yeah, that’s right. Katulad nga ng sinabi ko, halos limang taon na ang lumipas, at sigurado akong naisantabi na rin niya sa nakalipas ang mga pinagsamahan namin.
That’s it…
I should keep it cool and be professional.
“Mr. Riyuu,” halos mapapitlag pa ako nang tawagin ako ni Benji. “We’re here.”
Doon ko lang tuluyang napansin na pansamantalang nakahinto ang sasakyan malapit sa entrance ng venue kung saan may mga naghihintay na fans at paparazzi sa labas at nakapaligid ang mga ito sa red carpet.
“Kailangan ko ba talaga dumaan dito?” Tanong ko kay Benji, marahang umandar ang sasakyan nang umabante na ang kotseng nasa harapan namin.
Inaayos naman ni Benji ang mga kagamitan namin bago ito sumagot. “Yes, Mr. Riyuu. The reporters have already been informed about your arrival in the event,” bahagya ito napasilip din sa labas. “They’re pretty much looking forward to see you, according to your brother.”
I knew my Kuya would do something grand about my arrival in this country.
Pero kailangan ba talagang ipaalam pa sa madla ang pagdating ko? That guy really knows how to attract attention or something.
Wala na ako nagawa kung hindi ang mapahilot na lamang sa ulo at tinatatak sa isipan na tatawagan ko ang magaling kong kapatid mamaya para ipaalala na last na niya ’tong gagawin sa akin.
Agad nawala ang inis ko nang marinig ko ang sinisigaw na pangalan sa labas.
“ANDIYAN NA SIYA!”
“SHIRO PAPICTURE KAMI, KYAAAAHHHH!”
“MR. VERDIGRA, THIS WAY PLEASE!”
“PLEASE LOOK AT THIS CAMERA!”
“ANG POGI GRABE!”
“POSE FOR THE CAMERA, MR. VERDIGRA!”
“SHIRO! SHIRO! SHIRO!”
“MR. VERDIGRA!”
Oh no.
He’s really here.
Malinaw pa sa buwan ngayon ang kaliwa’t kanang sigaw ng mga tao sa pangalan niya para lang makuha ang atensyon nito.
Nasa gilid pa kami mismo ng babaan at maraming nakaharang sa red carpet kaya hindi ko siya nakita o napansin man lang.
Agad ako napatingin sa harapan namin at isang kotse na lang ang pagitan namin sa babaan ng pinaka-entrance sa red carpet.
Kapag bumaba ako roon, malamang ay makikita niya ako. Malalaman niyang nandito na ulit ako sa Pilipinas.
Fucking hell.
Hinawakan ko ang braso ng katabi ko at nagulat pa ito sa ginawa ko. “Get me out of here. I don’t care what my brother says. Hanapan niyo ako ng ibang daanan papasok sa venue, huwag lang dito,” mariin kong utos kay Benji na siyang ikinalito niya.
“Pero Mr. Riyuu kailangan kang makuhanan ng mga paparazzi para maging mas madali kang mapansin ng mga—”
“I don’t care!” Diin kong sabi rito at binitawan na ito.
Pfft, act professional my ass.
Napabuntong hininga na lang ako at unti-unting binababa ang sarili sa inuupuan para makatago sa mga tao mula sa labas, kahit na heavy tinted ang kotse, ginawa ko pa rin dahil ayaw ko ring makita ang taong iyon.
What a great way to spend the first night in this country.
“Bakit nandito siya? Hindi ba ay dapat nasa meet and greet venue pa ang mga artista?” Bulong ko sa sarili.
“Umm…” Rinig kong pagkuha ni Benji sa atensyon ko. “Nang makaalis tayo kanina ay saktong kakatapos lang din ng meet and greet ng mga artists with their fans. And given na mas malapit ang venue no’n dito, kaya siguro mas nauna silang dumating kesa sa atin.”
I groan and close my eyes as I massage my forehead again. “Right,” sagot ko na lamang at naramdaman ko muli ang pag-abante ng sinasakyan namin hanggang sa huminto ulit ito.
“Mr. Riyuu, kailangan niyo na pong bumaba,” paalala sa akin ni Benji na siyang mas lalo kong kinakaba.
Parang ngayon ko na ata mararamdaman ang jetlag na sinasabi ni Mama kanina. Siguro nga ay dapat nagpahinga na lang ako. May ‘I’m okay’ pa akong nalalaman. I definitely feel like I’m going to throw up any moment now.
“Please, Benji,” sabay tingin ko muli dito.
I put on my most pitiful and cringeworthy puppy eyes, hoping to persuade him to get the car moving.
“Ako na bahala magpaliwanag kay Kuya. Promise, hinding hindi ka mananagot sa kaniya.”
Tinignan pa niya ako saglit bago muli tumingin sa labas. Napabuntong hininga ito at muli nilipat ang tingin sa akin.
“Basta papasok ka pa rin sa loob at gagawin ang trabaho mo. May mga reporters naman din doon, make sure that they’ll have the chance to interview you.”
Agad ako napaupo nang maayos at napatango-tango sa sinabi niya. “Yes, I will. I will do my very best, I swear.”
He just slump his shoulders and turn to the driver. “Manong, pakidaan ang sasakyan sa parking lot mismo. Doon na lang kami bababa.”
Agad naman sumunod ang driver at pinaandar na muli ang sasakyan. Nang masulyapan ko ang mga tao sa labas, kita ang pagtataka sa mga mukha nila kung bakit walang bumaba sa sasakyang ilang segundong nakatigil sa harap.
Nakakahiya man ’yon, but I think they’ll never know that it’s me, right? I mean I hope so.
Ayaw ko namang lumabas ang pangalan ko sa tabloids as a weird shy person na ayaw magpakita sa iisang tao… I mean sa madla.
But who am I kidding. I don’t think being here in this event is a good idea to begin with. And I don’t think seeing him right now is a good idea at all.
Pero katulad nga ulit ng sinabi ko kanina, maraming tao mamaya sa party. Magiging busy din ako, kaya sa tingin ko ay hindi naman magbabangga ang landas namin.
O kung sakali na magkita man kami sa loob, hindi naman siguro kami magpapansinan? O hindi naman niya ako mapapansin?
Damn it, I don’t know what to do right now.
“Mr. Riyuu, this is Mr. and Mrs. Weston, isa sa mga shareholders ng R.M. Entertainment Philippines,” pagpapakilala ni Benji sa dalawang nakakatandang lalake at babae na halos kasabay lang namin pumasok.
Nilabas ko naman ang propesyonal kong ngiti at nakipagkamayan sa kanila na siyang kinakagalak naman nilang ginawa rin sa akin.
“Ikaw na ba ang pangalawang anak nila Rakuu at Athena? Nako isa ka ring lumaking gwapong binata. Halatang may pinag-manahan talaga kayong magkakapatid,” sabi ni Mrs. Weston sa akin na siyang dinamayan ko ng tawa at ikinapasalamat ko na lang ang puri nito.
“Ang Kuya mo ba nasaan?” Tanong ni Mr. Weston.
“Nasa Japan po siya ngayon at may inaayos na mga papeles,” sagot ko rito.
“Kung sabagay ay balak din ng ama mo ang magtayo ng kompanya doon. Napaka-busy na tao rin ang kapatid mo, manang mana na sa ama niyo,” ani ni Mr. Weston.
Medyo hindi ako sang-ayon sa huling sinabi nito pero hindi ko na lang ito binigyang pansin.
“Mabuti at nandito ka na sa Pilipinas. Mukhang pati ikaw ay madadamay na rin sa pagiging pala trabaho,” biro nito sa akin.
“Kailangan po ni Kuya ng tulong ko. Kaya mukhang ganoon na rin nga po ang mangyayare,” pakikipagsabayan ko rito na ikinatuwa naman niya.
“Oh siya tama na nga iyan at halika iho, samahan ka naming ipakilala sa ibang directors, producers, at mga Chairman ng iba’t ibang Entertainments na present ngayon,” sabi ni Mrs. Weston at hindi naman kami tumanggi dito si Benji.
Hindi ko alam kung ilang tao na ang naipakilala nila sa akin at alam kong marami na iyon dahil sumasakit na rin ang panga ko sa kakangiti sa mga ito.
Medyo sumasakit na nga rin ang ulo ko dahil patuloy nila ako binibigyan ng alak. Hindi naman ako makatanggi dahil mga importanteng tao ito sa kompanya namin.
Buti na lang ay nandiyan si Benji para pasimpleng kukunin sa akin ang mga inumin na iyon at tinatabi para hindi ako tuluyang malasing.
May mga reporters na rin na nag-interview sa akin na mukhang ikinaganda ng mood ni Benji. Mayroon rin akong nakilalang mga sikat na artista. Ang iba pa nga ay ang mga kasabayan ni Mama sa pag-aartista niya noon kaya agad nila akong nilapitan at pinakamusta ang kalagayan nila Mama.
It’s really been a long night.
Pasalamat ko na lang ay hindi ko pa nakakasalubong ang taong pinaka-iniiwasan ko ngayong gabi. Mukhang matatapos ko naman ang event na ito nang hindi siya nakikita.
Thank goodness.
“Good evening, everyone!”
Lahat kami ay halos napatigil sa pag-uusap nang magsalita ang emcee sa harapan.
“Please, ladies and gentlemen, settle down for a moment for the giving of awards,” sabi nito sa amin.
Sumama naman ako kela Mr. at Mrs. Weston kasama ang iba pang mga Directors at Producers. Medyo malapit sa harapan ang table na pinag-upuan namin kaya kitang kita namin ang entablado mula dito.
Nang mukhang nakapag-settle na ang marami sa kani-kanilang mga table ay sinimulan na ng emcee na i-announce ang iba’t ibang award sa iba’t ibang mga Directors at Producers ng mga pelikulang ginawa nila, at pati na rin sa mga artistang na-nominate.
May ilang mga taong na-awardan na galing sa kompanya namin na siyang ikinatuwa at ikinagalak ko. Mukhang matutuwa rin ang kapatid ko rito. Lagi pa namang nagyayabang iyon sa akin tuwing nananalo ng award ang mga tao sa kompanya niya. Maliit man ito o malaki, he’s very much appreciative of it.
“Now let’s move to the award that you’re all been waiting for,” panimula muli ng emcee. “The Idol of the Year.”
Nagpalakpakan naman kami at pinalabas sa big screen ang ilang clips ng pelikula ng mga nanominate na mga artista.
Napa-inom naman ako ng wine ’di oras kahit kumikirot na ang ulo ko nang makita ko ang mukha niya sa screen.
He was nominated and I’m glad for him.
Pero sana hindi muna siya ang manalo? Pwede bang bawi na lang siya next year? Sa oras na umakyat siya sa stage na iyan, alam kong magtatama ang tingin namin.
Marahan akong lumapit kay Benji nang mailapag ko na sa mesa ang iniinom kong wine.
“Pwede ba ako mag-CR muna?”
Kumunot naman ang noo nito at halata rin namang nakukulitan na ito sa akin. Siguro nga ay sa isip-isip nito ay hinihiling na niya ang pagbabalik ng Kuya ko sa lalong madaling panahon kesa magtiis sa akin.
“Mr. Riyuu, hindi mo ba muna mapipigilan ang pantog mo o kung ano pa man pansamantala? May ilan sa mga artista natin ang na-nominate sa award na ito. And for your information, it’s the biggest award for any artist here in the Philippines. So I want you to please sit down and support our artists,” pasimpleng panenermon nito sa akin.
Hindi naman ako sumagot dito at napatango na lamang dahil ramdam ko na ang stress niya sa akin.
I just sighed and took a glass of water. Iyon na lang ang ininom ko para mahimasmasan naman ako.
Nang matapos na ipalabas ang mga pelikulang pinanggalingan ng mga artista ay muling nagsalita ang emcee.
“Let’s give a round of applause to our amazing artists.”
Nagpalakpakan naman kaming lahat habang binubuksan ng emcee ang hawak niyang envelope.
“And our Idol of the Year is…”
Then the drum rolls started, to add more intensity. Pero parang pati ata pagtibok ng puso ko ay nakikisabay sa bawat beat ng drum roll na iyon.
State a different name.
Just say any name of one of our artists.
Or any artists will do.
Huwag lang siya.
Please.
Please.
Please…
“…Shiro Verdigra of The Golden Hour Movie.”
Biglang umingay ang mga tao sa paligid at todo suporta ang mga ito sa pangalang natawag.
Hindi ko na maiwasan ang lumingon sa likod at doon ko siya nakitang nakikipagkamayan sa iilang mga kasama niya sa table niya bago tuluyang umalis doon at naglakad patungo sa entablado.
Bago pa lumapat ang tingin niya sa pwesto namin ay agad na ako napaharap ng tingin. Mariin akong napapikit nang makadaan na siya sa table namin.
“Are you okay, Mr. Riyuu?” Rinig kong tanong ni Benji pero hindi ko na masyado binigyang pansin ito dahil sinusubukan kong pakalmahin ang sarili.
C’mon Riyuu, maliwanag masyado ang mga spotlights sa taas ng stage. He won’t see you.
Unti-unti ko namang minulat ang mga mata ko at agad na nilipat ang tingin sa taong papaakyat sa entablado.
Agad siya nakipag-kamayan sa mga tao doon nang binigay sa kaniya ang trophy.
I took a deep breath as he took the place of the emcee and preparing for his short speech.
He’s wearing a designer black tuxedo with his jet black hair brushed back. He’s standing there oozing with confidence that will surely make any other male artists jealous and female artists drooling.
He’s literally the star of the night.
Bagay na bagay sa kaniya ang award na nakuha niya.
Literally the idol of all.
“I really need to go,” sambit ko habang nakatingin pa rin sa stage.
“Do you feel sick?” Muling tanong sa akin ni Benji.
Napalingon naman ako sa kaniya saglit at sasagutin sana ang tanong nito nang marinig ko ang mahinang boses ng emcee.
Dahil medyo malapit kami sa stage ay hindi naman mahirap intindihin ang sinasabi nito.
“Mr. Verdigra, your speech please? They’re waiting.”
Muli akong lumingon sa entablado at parang pinagsisihan ko rin agad iyon nang matagpuan ang mga mata ng lalakeng iyon na nakatingin sa akin.
Hindi niya ata binibigyang pansin ang emcee at nasa akin lamang ang atensyon nito. Sa tingin ko ay wala siyang balak na putulin ang pagtititigan namin kaya ako na lamang ang unang napaiwas dito.
What the hell! He saw me. He freaking saw me.
“I really need to go,” agad kong sabi nang lumingon ako kay Benji.
Alam kong nakatingin pa rin ang taong iyon sa gawi ko kaya parang pinagpapawisan ako ng malamig dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko ngayon.
Kahit nalilito na sa nangyayare ay napatango na lamang si Benji. Marahil nakita ang pagkabalisa ko. “Gusto mo bang samahan na kita sa labas?”
Agad akong umiling dito. “No, stay here. Balitaan mo na lang ako sa mangyayare on the rest of the event. Ikaw na munang bahala na ipaalam ako sa mga kasama natin. I’m so sorry.”
Sabay tumayo na ako sa inuupuan at sinusubukang medyo bilisan ang paglalakad habang sinusubukang hindi pukawin ang atensyon ng iba.
“Sorry about that.” Rinig kong pagsasalita niya sa wakas sa entablado nang malapit na ako sa exit.
It’s been years since I’ve heard his voice in person.
Kaya napatigil ako doon at napalingon sa gawi niya.
He’s still staring at me. He’s looking at me with those intense dark eyes.
Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip nito nang makita niya ako ngayon. At pakiramdam ko ay ayaw ko rin malaman pa iyon.
“I’m just really surprised right now…”
I move my feet to turn my back on him as I walk out of the venue.
Chapter 1
10 years ago
“Shot! Shot! Shot!”
Napangiwi ako sa sobrang pait ng alak na tinungga ko. Ikinahiyaw naman iyon sa tuwa ng mga taong nasa paligid ko. Pakiramdam ko ay umiikot ang mundo ko sa sobrang dami ng ininom, lalo na’t purong alak ang huling tinungga ko, walang yelo o chaser man lang.
“Namumula ka na, Riyuu!” Natatawang turo sa akin ng mga kaibigan kong babae.
Sinilayan ko lang sila ng ngisi habang tumayo ako at pasuray-suray na lumakad papuntang dancefloor.
“Do you like the way I flick my tongue or nah? (Or nah). You can ride my face until you’re
drippin
’ cum (
Drippin
’ cum). Can you lick the tip then throat the dick or nah? (Can you do it baby). Can you let me stretch that pussy out or nah? (Or nah, or nah).“
Napapikit ako habang mahinahon lang ang paggalaw ko sa aking bewang. Kahit nahihilo ay hindi ko pa rin maiwasang makisabay sa musika na pinapatugtog ng DJ. Hindi ko rin masyado pinapansin ang mga malalagkit na tingin na binabato sa akin ng mga nakapaligid at mas tinuon ang pokus sa daloy ng alak sa katawan ko.
I move my body with precision and grace. The lights danced across my light and flush complexion. Namumungay kong idinilat ang mga mata ko nang makaramdam ako ng mainit na palad sa aking bewang.
“Hey,” the attractive mestizo guy said as he smiled and simply checked me out. “You’re the famous Riyuu Jedd Min, right?”
Natawa ako at ipinatong ang dalawang kamay ko sa kaniyang balikat. “The one and only.”
He bit his lower lip as we dance sensually. Ramdam ko ang paggala ng kamay niya sa katawan ko. Hinayaan ko lang siya dahil feel na feel ko pa ang pagsayaw at tama ng alak.
Sa sobrang kalasingan ay hindi ko na pinapansin ang mga camerang nakaharap sa akin. Paniguradong ipopost na naman ng mga tao ang katarantaduhang ginagawa ko sa social media.
The hell I care.
Hindi naman sikreto sa madla na bisexual ang pangalawang anak ng mga pinakama-impluwensyang tao dito sa Pilipinas.
The mestizo guy leaned in close. “Do you want to get out of here?” His breath warm against my ear as he spoke softly.
Makahulugan ko itong tinignan bago ako muling natawa nang mahina. Kitang kita sa mga mata nito ang pagnanasa habang pinapasadahan ako ng tingin.
Bago pa man ako makasagot ay may marahas na humila sa braso ko at nilayo ako sa lalakeng kasayaw ko. Papalag na sana ako sa taong iyon nang maramdaman kong medyo mahigpit ang pagkakahawak nito sa akin.
“You’re in fucking trouble, Yuu!” Nagpokus ang tingin ko sa nakakatanda kong kapatid.
“Kuya?” Wala sa sariling tanong ko habang kinakaladkad niya ako papalabas ng club.
Nagsitayuan ang ilan sa mga kaibigan ko nang makita ang nangyayare. Sinenyasan ko naman sila na ayos lang ako, at mukhang namukhaan din nilang kapatid ko ang sumundo sa akin kaya hindi na sila umapila pa.
“Get in,” mariing utos sa akin ni Kuya Rikuu nang makarating kami sa sasakyan niya.
I shrugged and get in the passenger seat.
Sumakay naman siya agad sa driver’s seat habang nakasandal ako sa kinauupuan at bahagyang nahihilo pa rin.
“Why are you out at this hour? Riyuu alas-dos na ng madaling araw at nagpaparty ka pa rin?” Inis na panenermon nito sa akin habang nagdradrive.
“I’m already eighteen, Kuya,” reklamo ko sa kaniya.
“You’re barely an adult! I can’t believe you,” iling nito. “Ang palusot mo kay Mama mag-oovernight ka sa bahay ng kaklase mo para sa school welcoming dance na naka-assign kamo sa inyo. Tapos makikita ko sa social media ng mga kaibigan mo na nandito ka sa club?”
“Malay mo rito namin naisipang magpractice ng sayaw,” natatawang sagot ko pero agad din ako natahimik nang samaan niya ako ng tingin.
“Kapag ito nakarating kay Appa, paniguradong hindi matutuwa iyon.”
That made me shut up.
Hindi ko na ito pinansin at napapikit na lamang. Palibhasa ay nakikita niya palagi ang ama namin dahil lagi niya ito nakakasama sa ibang bansa. Nitong nakaraang Linggo lang siya dumating sa Pinas para sa trabaho. Ganda nga ng pasalubong niya, imported na sermon.
Pakiramdam ko tumitibok pa rin sa sakit ang ulo ko nang magising ako. Dagdag mo pa na sermon din ang almusal ko ngayong umaga.
“Ay, d
ios mío ! Partying at 2am in the morning?! My god, Riyuu! Paano kung may mangyare sayong masama doon?“
My face stays emotionless as my Mama lectures me. Si Kuya ay nasa tabi lamang. Habang ang manager ni Mama ay nakaupo sa sofa at hindi rin maganda ang tingin sa akin.
“And you should also think about your mother’s reputation, iho. Kalat sa social media ang pagkakalat mo kaninang madaling araw,” sabat ng manager niya na siyang ikinasimangot ko lalo.
My Mama is currently one of the most famous celebrities here in the Philippines. Binansagan pa nga siyang ‘The Radiant Rose of Philippine Films’.
Big name huh.
Should I feel pressure?
Maganda si Mama, may halong Latina ito kaya hindi surpresa sa marami na naging artista at modelo siya. Kahit na ngayong may anak at asawa na siya, ay wala pa rin itong kakupas kupas sa showbiz industry.
Hindi lang iyan…
“Hintayin mong makarating ito kay Appa niyo,” naiinis na sabi ni Mama. “You know that he’ll be furious, Yuu.”
My father owns an entertainment company in South Korea. He also owns multiple businesses in different countries, pero mas sikat at kilala ang kumpanya nito sa South Korea. Hanggang dito sa Pinas ay talamak ang pangalan niya. Marami nga nagsasabi na dapat magtayo rin siya ng entertainment company dito.
Now, I should feel the pressure.
Of course, apektado rin ang reputasyon niya sa mga pinaggagagawa ko, malamang magagalit talaga iyon.
Reputation.
It’s all about their reputation.
Wala na ako nagawa kung hindi ang umupo at pakinggan ang mga litanya nila.
Pasok sa isang tenga, labas sa kabila.
Ilang beses naman na ito nangyayare, kaya pati ako ay nasanay na lang din.
“Simula nang mag-Eighteen ka mas lumala iyang pagbabarkada mo, Riyuu Jedd,” ramdam ko ang inis ni Mama, lalo na’t banggitin niya ang buong pangalan ko.
“I’m sorry, Mama,” sabi ko na lamang.
Napahilot siya sa kaniyang noo. “Hindi ka magtitino rito sa Manila? Pwes, I’m going to call your Ninang Seah. Doon ka sa Zambales magpakatino!”
“Zambales?” Kumunot ang noo ko rito. “You can’t be serious, Mama.”
“Oh bakit?” Taas kilay nito. “Kapag pinadala kita sa States, paniguradong mas lalala ang ugali mo roon. Minsan kitang pinadala sa South Korea, lagi ka ring nagpaparty sa labas. You’re even using fake IDs makapasok lang sa mga clubs. Hala sige, doon ka sa probinsya. Tutal nandoon din naman sila Abuela mo.”
Pinasadahan ko ng kamay ang aking buhok at napatingin kay Kuya Rikuu.
Napatango naman siya at sumang-ayon sa plano ni Mama. “It’s for the best, Riyuu.”
Mapakla ako natawa at tumayo sa kinauupuan. “Paano pag-aaral ko?”
“Doon ka mag-aaral.”
“Malapit na ang pasukan, Ma. May tumatanggap pa ba ng estudyante doon?” Pati ako ay nawawalan na ng pasensya sa pinag-uusapan namin.
“Your Ninang Seah will handle it.”
I scoffed and found myself loss for words.
Nakipagtitigan pa siya sa akin nang ilang segundo bago siya bumuntong hininga at lumapit sa akin. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko.
“Please, Riyuu. Kahit ito lang, pagbigyan mo ako. It also hurts me when people talk about my son. So please, anak. Para kay Mama, parang awa mo na ayusin mo ang buhay mo. I know you’re still young, but don’t take advantage of it too much.”
I stared at my Mama’s hazel eyes, which are the same as mine. She seems tired. Mukhang kakagaling lang sa trabaho, at alam ko once na matapos ang pag-uusap namin, doon din siya babalik.
Nag-iwas ako ng tingin. “Fine.”
Kita kong matipid ito ngumiti. “Thank you, mijo ,” tsaka tinapik ang balikat ko.
Ano pa nga ba ang magagawa ko? Kahit na aminadong nagrerebelde ako, hindi ko pa rin matiis ang mga magulang ko kapag may request sila sa akin.
“Zambales, huh?” Napasimsim naman si Harper sa kaniyang kape.
Wala akong ganang hinahalo ang inumin ko at tumango na lang sa kaibigan ko. Nakipagkita kasi ang mga ito sa isang café dito sa BGC at gusto mangamusta tungkol sa pangkakaladkad sa akin ni Kuya palabas ng club.
Sinabi pa ng mga ito na pinagpiye-piyestahan ako sa social media. Hindi ko na lang masyadong pinansin iyon at wala rin naman akong pake sa mga sinasabi sa akin ng mga tao.
Those people simply don’t have anything to do in their lives, kaya nangengealam sila ng buhay ng iba.
“Saang school ka naman daw lilipat?” Tanong ni Abigail habang pinagtutuunan niya ng pansin ang inorder niyang cake.
“Basta sa private university daw. Sabi ni Mama doon daw sila grumaduate nila Ninang ko noong college sila. May Senior High School naman doon kaya doon na ako maggre-Grade 12.” I shrugged.
“Oh, sa La Inmaculada University?” tanong ni Lucas tsaka pinakita sa akin ang phone niya kung saan talagang hinanap niya ang university kung saan grumaduate si Mama sa Zambales.
Since artista si Mama, hindi naman mahirap hanapin kung saan siya nag-aral noon. Isang search lang ng ‘Athena Jenn Min’ sa internet maraming impormasyon na ang lalabas.
I nodded as a confirmation.
“Naka-enroll ka na ba?” Sunod na tanong ni Oliver.
Napabuntong hininga ako. “Oo raw, sabi ng Ninang ko. Next week pa naman daw start ng pasukan. Kaya naihabol niya ako. May iilang documents na lang ako ipapasa.”
“Awe, mamimiss ka namin, Riyuu,” sabay sandal ng ulo ni Harper sa balikat ko. Ganoon din ang ginawa ni Abigail na siyang ikinatawa ko na lang.
“Magbabakasyon ka naman siguro dito?” Aniya ni Lucas.
Napailing ako. “Wala rin naman ako maaabutan dito sa bakasyon. Alam ko namang may kaniya-kaniya kayong pinupuntahan. Si Mama naman nasa trabaho for sure. Same as Kuya. Sayang lang ang pagod ko bumyahe.”
“Edi kami ang pupunta sa’yo sa bakasyon kapag may time pa!” Sabi ni Abi.
Napatango naman si Oliver. “Maraming magagandang beaches sa Zambales. Perfect din for summer. Ano Tara?”
Nagsipagsang-ayunan naman sila at nagsimula ng magplano para sa summer vacay kahit ang layo pa nito. Nagse-search pa sila sa internet ng magandang beach kung sakaling matuloy nga sila roon. Sinabihan pa ako na magtanong-tanong na rin doon ng magandang resorts para ako maging personal tour guide nila.
Binigyan pa nga ako ng trabaho ng mga walangya.
“Alam na ba ni Sam na aalis ka?” Pag-singit ni Oliver sa usapan.
Kumunot ang noo ko rito nang banggitin niya ang pangalan ng ex boyfriend ko. “Hindi. Kailangan ko ba magpaalam sa kaniya?”
Nagkibit balikat siya.
Napailing na lang ako. “Kayo na magsabi.”
Samuel Matthews and I broke up in good terms. Wala naman ako issue pa rito at ganoon din siya sa akin. Pero syempre medyo awkward pa rin tuwing nagsasama kami. Lalo na’t iisa lang ang circle of friends namin. But we still tried our best to be civil.
Wala akong inatupag sa mga nakalipas na araw kung hindi asikasuhin pa ang ibang mga papers ko sa dati kong school. Nagsimula na rin ang pasukan dito kaya naman I took the opportunity to say goodbye sa iilan kong mga kaklase at teachers.
Pinagtatawanan pa ako nila Harper sa reaksyon ko nang may mga babae at iilang mga lalake na sunod-sunod na nag-confess sa akin. Halos iisang linya lang ang sagot ko sa kanila at ako na lang ang napapakamot sa batok dahil sa hiya.
I flirt with strangers when I’m in the club, knowing there’s a possibility we won’t meet again. Kaya ibang usapan na kapag sa mga kaibigan o kaklase ko na. I tend to feel awkward when the relationship doesn’t work, katulad na lang kay Sam.
“Aalis ka, without saying goodbye?” Sam leaned a bit with his right hand on the wall, where I am also leaning back.
I rolled my eyes at him. “Bye, then?”
He chuckled as he tilted his head. “Baka naman pagdating mo doon may mahanap ka ng iba? Should I transfer schools as well?”
I frowned and push his hard chest. “Pag-aaral pinunta ko doon, hindi kalandian.”
He hummed. “Okay,” then he smiles. “Gusto mo bang ihatid kita doon?”
Samuel has always been the epitome of charm, his rugged good looks turning heads wherever he goes. Hindi rin naman siya mahirap magustuhan. I find myself drawn to his maturity and the effortless way he carries himself. Though for some reason we just didn’t work.
Pero kahit na naghiwalay na kami, lagi pa rin siya gumagawa ng paraan para magkalapit ulit kami.
“Yabang mo porket kakakuha mo lang ng driver’s license mo,” natatawang sabi ko.
“Isa naman iyon sa purpose kung bakit ako kumuha ng driver’s license,” inalis naman niya ang iilang hibla ng buhok na tumatakip sa aking noo. “Para mahatid sundo ka.”
“No, thank you,” sabi ko na lang, obvious na iniilagan ang mga banat nito sa akin.
“Call me whenever you need anything, Riyuu. I’ll be there,” and he gave me a kiss on my cheek.
Nagsimula na ako mag-impake habang katawagan si Kuya. Umalis na kasi ito ng bansa at pumunta na sa States para asikasuhin ang mga businesses namin doon.
“Behave there, Riyuu. Huwag mo bigyan ng sakit ng ulo sila Ninang Seah. And also don’t forget to visit Abuela,” paalala nito sa akin.
“Yes, Kuya.”
“Kapag may problema, chat or call me, okay? May gusto ka bang ipabili sa sunod na uwi ko diyan sa Pilipinas?”
I smile at my Kuya through video call. Kahit na napapagalitan ako nito, alam kong madali rin ito makonsensya. Kaya iyang pagbili niya ng mga gusto ko ang ginagawa niyang pambawi.
“Wala pa ako maisip, Kuya. Sabihan kita.”
Kita kong tumango siya.
“Appa also wanted to remind you to take care,” pahabol nito.
Napatigil ako nang bahagya sa pagtutupi ng damit. Alam ko namang walang sinabing ganoon ang ama namin. As far as I know, I’m invisible to that man.
“I already left, Ma.”
Napabuntong hininga ako habang nakapangalumbabang nakatingin sa bintana ng kotse.
“Huh? Bakit? Saan ang punta mo?” Rinig kong takang tanong ni Mama.
“Zambales,” maikling sagot ko. “Pasukan na namin bukas.”
“What?! Bukas na ba ang pasok niyo?” Sabay tinawag ang Personal Assistant (PA) niya para ipatingin ang schedule.
Alam kong nasa trabaho ito. I mean, lagi naman silang nasa trabaho ni Appa, wala naman bago roon. Rinig ko kasi ang ingay sa background niya kaya alam kong nasa set ito.
“Ma’am Athena, five minutes po bago ulit kayo isalang,” rinig kong sabi ng staff sa kaniya.
“Yes, wait lang,” bumuntong hinga siya bago ulit ituon ang atensyon sa akin. “I’m sorry, Yuu. I kind of forgot na ngayon pala tayo mag-aayos sa dorm mo. Medyo hectic kasi ang sched ko ngayon.”
“It’s okay, Ma. I understand,” as I always said whenever they forget things when they’re too busy. “I just called para magpaalam.”
“Ma’am Athena, it’s your turn!” Rinig kong tawag sa kaniya ng staff.
“I have to go, Yuu. I’ll call you again after this, okay? Be safe. I love you.”
Hindi pa ako nakakasagot sa kaniya ay pinatay na niya ang tawag. Itinago ko na lang ang cellphone ko sa bulsa at tinuloy ang pagtingin sa mga nadadaanan naming mga puno sa labas.
Ibang iba ito tuwing bumabyahe ako sa Manila. Kung doon bawat gilid ng kalsada ay may malalaking mga gusali, dito naman ay puro puno at malawak na mga lupain ang masisilayan.
Kahit na ganoon, it doesn’t really peak my interest. Mas gugustuhin ko pang magstay sa bahay namin sa siyudad kesa bumyahe sa lugar na hindi ako ganoon kapamilyar.
But I have no choice.
“Boring,” mahinang sabi ko sa sarili habang tinitignan ang mga maliliit na bahay na nadadaanan namin.
I wonder if may mga clubs din dito? Kapag stress ako iyon pa naman ang takbuhan ko. Sana nga mayroon, iyong malapit lang at kinuha rin nila Mama ang susi ng kotse ko. Para raw hindi ako makadayo basta-basta sa ibang lugar.
Hindi nagtagal ay nakarating na rin kami sa wakas. Naka-shades akong bumaba sa sasakyan habang may sukbit na bag sa balikat.
“Riyuu!” Masayang bati sa akin ni Ninang Seah.
Nagbeso ako rito. “Hi, Ninang. Long time no see.”
“Nako, grabe talaga ang lahi nila Athena at Rakuu. Napaka-poging bata mo naman! Siguro marami kang pinaiyak sa Manila kaya ka pinadala ng Mama mo rito,” biro nito na ikinatawa ko.
Ka-batchmate ni Mama noong kolehiyo itong si Ninang Seah. Simula noon pa man ay close na talaga sila, kaya kahit nang grumaduate at nag-artista si Mama, hindi nagbago ang pagkakaibigan nila.
Minsan ko lang ito makita, tuwing nagawi lang kami dito sa Zambales kapag binibisita si Abuela. Pero walang palya ito nagpapadala ng mga regalo tuwing may okasyon.
“Oh siya, tara na sa loob. Ako na ang tutulong sa’yo mag-ayos. Ibinilin ka na sa akin ni Athena.”
Sumunod naman ako rito habang nasa likod ko ang mga guwardiya namin at tinulungan akong magbuhat ng mga gamit ko.
Nasabi sa akin ni Ninang na kalapit lang nitong dorm ang papasukan ko. Iyong university rin kasi ang may-ari nito. Kaya kahit lakarin ko lang ang campus ay wala ako magiging problema.
Dumiretso na kami sa kwarto ko nang makilala ko ang Resident Director at nakakuha ng copy ng rules and guidelines. Pang-dalawahan ang bawat kwarto rito. Gusto pa nga nila sanang i-offer na mag-solo ako, pero tinanggihan ko iyon lalo na’t baka makaabot sa iba na may special treatment agad ako rito.
Pare-parehas kami ng mga estudyante na nagbabayad ng tuition at fees dito. I don’t want them to get the impression that they’re being treated unfairly.
Wala ako masyadong ginawa maghapon kundi ang mag-ayos ng gamit. Umuwi na rin si Ninang Seah nang matapos kami maglunch kaya ako na lang mag-isa dito sa kwarto.
Kalagitnaan ng paglalagay ko ng damit sa kabinet ay narinig ko ang pagbukas ng pintuan. Nakasalubungan ko ng tingin ang lalakeng sumilip. Mukhang nagulat ito na may tao na sa loob kaya napasara agad siya ng pintuan.
I sighed and walked towards the door.
“Gagi may tao na pala.”
“Malamang, roommate mo ’yon eh. Magulat ka kung unggoy nasa loob.”
Binuksan ko naman ang pintuan kaya naputol ang pag-uusap nila.
“Hi?” I awkwardly greeted the two boys in front of me. “I assume you’re my roommate. Come in,” at mas niluwagan ang siwang ng pintuan.
Pansin kong bahagya pa sila natulala at nag-aalinlangang pumasok. Napasimangot naman ako rito, iniwan ko na lang na nakabukas ang pintuan. Pinagpatuloy ko na lang ang pag-aayos ng damitan ko at hinayaan sila.
Kita ko pa sa peripheral vision ko na nagsisikuhan sila at bahagyang nagtutulakan papasok. Napailing na lang ako sa mga ito.
Nagsimula na rin sila mag-ayos ng gamit. Pero napansin ko ang pagsulyap nila sa akin habang nakaupo na lang ako sa study table ko at nagcecellphone.
They’re making it too obvious. Kaya binaba ko ang phone ko at tinignan sila.
“May problema ba?” I asked calmly. Baka sabihin naghahamon ako ng away.
Parehas sila napatigil sa ginagawa at umiling. “Wala naman,” halos sabay pa nilang sabi.
Napangalumbaba naman ako sa aking kamay habang nakapatong ang siko sa lamesa. “My name’s Riyuu.”
“Gabriel. Gab na lang,” nahihiya pa ito lumapit at nakipagkamayan. “Ako pala roommate mo. Pasensya na medyo nahihiya lang kami,” he says as he sheepishly smiles. “Iyang kulot sa gilid huwag mo na pansinin. Hindi naman importante iyan.”
“Sahol mo,” sabat ng isa at bumato ito ng unan na sinalo naman ni Gab. “Emilio nga pala, pre,” kaway na lang nito at hindi na umalis sa pwesto.
Tinanguan ko naman sila. “Huwag na kayo mahiya sa akin. Pati ako mahihiya niyan,” pagkibit balikat ko.
“Hindi ba ikaw ’yong anak ng artista?” Tanong ni Emilio, kita ko pang sinuway siya ni Gab. “Bakit? Nagtatanong lang ’yong tao tapos pinapalo mo,” irap pa nito.
Natawa na lang ako dito kaya napatingin ulit sila sa akin. “Sinong artista ba iyan?”
“Sino nga ulit ’yon, pre? Iyong may lahing Latina?”
“Si Athena Jenn,” sagot ni Gab.
Napahampas pa sa higaan si Emilio. “Ayun nga!”
“Yeah, that’s me,” prenteng sagot ko.
Napatayo naman si Emilio at nilahad ang kamay kay Gab. “Oh akin na bente ko.”
“Hoy mahiya ka naman kay Riyuu.”
“Wala ah. Tatakas ka sa pusta natin—Aray! Bakit ka ba palo ng palo?!”
Bago pa siya gantihan ni Emilio ay tinulak na ni Gab ang bente pesos sa mukha nito. “Oh ayan na, lamutakin mo pa. Mukhang pera.”
“Talaga,” masayang sagot ni Emilio habang tinatago sa bulsa ang pera.
Hindi ko maiwasang matawa sa kakulitan nila. Kay laking mga tao pero parang mga bata kung magsagutan.
Wala na sila masyadong tinanong pa tungkol sa pamilya ko. Lagi naman ako trending online, kaya mukhang may ideya naman sila sa nangyayare.
They’re nice to hangout with. Sinamahan na nila ako magdinner sa malapit na fastfood restaurant. Marami naman silang kinekwento sa akin patungkol sa school. Sinasabi pa nila kung sinong teacher ang mabait at terror.
Nalaman ko rin na mga varsity pala itong dalawa. Si Emilio sa basketball, si Gab naman sa volleyball. Kaya siguro ganoon na lang ang daing ni Emilio tuwing namamalo si Gab.
“Nasa taas na palapag pa ’yong kwarto ko. Kasama ko doon ’yong tropa rin namin,” sabi ni Emilio nang nasa dorm kami.
“Sayang at wala pa iyon dito. Baka mamayang madaling araw pa dating no’n tapos diretso pasok na siya,” pagsingit ni Gab.
Tahimik lang naman ako at napapatango sa sinasabi nila kahit hindi ko naman iyon tinatanong.
Kinabukasan ay magkakasabay na kami pumunta sa school. Doon ko na lang din natanong kung nasaan iyong isang tropa na sinasabi nila. Nauna na raw ito pumasok at President pala iyon ng Student Council.
Pagpasok pa lang ng gate kita ang pagkalat ng maraming estudyante sa paligid. Ang iba ay nagkakamustahan at magkakilala na, may iba rin na bagong salta katulad ko.
Maingay ang paligid. Puno ng tawanan at usapan ang maririnig. Kaya naman napahigpit ako ng hawak sa strap ng bag ko nang mapansing humihina ang ingay na nadatnan ko.
Their eyes widened with recognition, and a wave of excitement swept through the students as they discreetly nudged each other, trying to contain their awe and curiosity as we passed by.
“Bakla, totoo ang chismis! Dito nga talaga mag-aaral iyong anak ni Athena Jenn.”
“Shet, ang pogi be.”
“Mukhang manika, grabe ang kinis!”
“Okay, another inspiration.”
“Feeling ko sisipagin ako pumasok everyday. Everyday?!”
“Hindi ba bakla ’yan?”
“Kalat ata sa socmed na pumapatol iyan sa lalake.”
“Mukhang nasa itsura naman niya.”
I maintain my pokerface as I hear multiple comments about me. Sanay na ako doon kaya napapabuntong hininga na lamang ako.
Some stole glances, while others couldn’t resist stealing a quick picture. May iba na nagsisiksikan para lang makita kung sino ang pinag-uusapan ng marami.
“Grabe pre, naging bodyguards tayo ’di oras,” sabi ni Emilio.
Umakto nga itong guwardiya at hinarang ang kamay sa harapan ko habang naglalakad kami.
“No pictures! No pictures!” Kunyareng saway niya sa mga estudyante.
Natawa naman si Gab at pati siya ay nakisabay sa trip ni Emilio. May paghawak pa sila sa tenga na para bang kunyare may suot silang earpiece.
Kahit ako ay napailing na lang sa kalokohan nila. Medyo gumaan naman ang pakiramdam ko dahil doon. Patuloy lang sila sa biruan hanggang sa makapasok kami sa loob ng auditorium para sa orientation.
“Una na kami, Riyuu. Varsity eh,” paalam ni Gab.
“Kung gusto mo sama ka ulit sa amin mamaya pagkatapos nito?” Yaya ni Emilio.
Tumango naman ako. “Kapag nakita ko ulit kayo.”
Umalis na sila habang ako ay umupo na sa dulong upuan kung saan nakapwesto ang mga Grade 12. Muling nagbulungan ang mga estudyante nang awtomatiko silang napatingin sa akin. Ang iba ay kinikilig, at meron namang iba na kakaiba ang tingin sa akin, parang jinajudge na ang buong pagkatao ko.
I choose to ignore and keep myself busy by scrolling through my social media. Pinagla-like ko lang ang mga posts ng mga kaibigan ko. I discreetly took a photo of the front of the auditorium and posted it to my account.
Marami agad nakakita at naglikes. May iilan ding nagcocomment na hindi ko masyado pinansin. Kita ko pa napalingon sa akin ang iba habang hawak ang cellphone nila. Mukhang nakita rin nila ang post ko.
Hindi nagtagal ay nagsimula na rin ang orientation. Halos lahat kami ng mga estudyante ay inaantok sa mga speech ng principal at ilang faculty staff. Boring…
Napaangat naman ako ng tingin nang marinig ko biglang nabuhayan ang mga estudyante sa loob ng auditorium.
“Good morning, Inmaculadians.”
Napataas ang kilay ko nang magiliw na sumagot ng ‘Good morning’ ang mga kababaihan na siyang bahagyang nagpatawa sa lalakeng estudyante na nasa harapan.
In the spotlight, I couldn’t look away from the student. He stood tall, his sun-kissed tan skin radiating a warm glow under the lights. His jet-black hair highlighted his strong features, making his intense dark eyes appear mysterious.
Mas lalo pa kinilig ang mga kababaihan nang ngumiti ito. A dimple appeared on his right cheek, making him even more charming and captivating.
“I am Shian Rogers Verdigra. Your Student Council President…”
Chapter 2
Big dog energy.
Sabi ko sa sarili ko habang pinapanood ang Student Council President ng school na nagbibigay ng kaniyang speech sa stage ng auditorium.
What’s his name again?
Shian Rogers Verdigra?
Karamihan sa mga estudyanteng inaantok kanina ay parang nabuhayan nang makita nila itong umakyat sa stage. Tutok na tutok pa nga ang mga ito na nakikinig sa kaniya. Like all the words on his speech matter to them. Patango-tango pa nga na parang ang attentive nila sa kung anuman ang sinasabi nito.
Ipinatong ko ang kaliwang siko ko sa armrest ng upuan at isinandal lamang ang gilid ng ulo ko sa nakayukom kong kamay habang pinapanood ang lalake sa stage.
His presence is magnetic, drawing everyone’s attention effortlessly. The way he commands the stage, it’s clear he’s in his element.
Despite having fierce features, his attitude tells the opposite. He’s practically glowing. Halos maningkit ang mga mata ko sa nakakasilaw na personalidad na pinapakita nito ngayon. He’s a ball of energy, that’s the right way to describe him.
He’s like…
A golden retriever type of guy? The kind who exudes warmth and enthusiasm, making everyone around him feel appreciated and alive.
Marami na akong nakilalang mga aktor. They have a presence that mirrors his own. Kumbaga sa unang tingin, kung isa akong scout ng mga artista, baka kanina ko pa ito na-recruit. Lalo na’t may itsura at katangkaran ito.
Ganoon kalakas ang dating niya na kahit sa dulo ako nakaupo, ramdam ko ang karisma at appeal niya.
“…I believe in each and every one of you, and I am confident that together, we will make this year one to remember. Thank you, and let us make this year the best one yet!”
Napairap na lang ako sa kawalan nang magsitayuan ang mga estudyante. May iba pa na sumisipol at malakas ang cheer na akala mo mage-enjoy nga sila ngayong pasukan. Kita kong natawa doon iyong SC President nang makatanggap siya ng standing ovation sa mga babae at binabae.
Hindi ko maiwasan na sundan ito ng tingin hanggang sa maharangan na siya ng ibang tao sa entablado.
Well, obvious naman kung bakit siya ang nanalo bilang Student Council President.
Kalaunan ay pinakilala na rin nila ang mga iba’t ibang clubs o extracurricular activities na pwedeng salihan ng mga estudyante.
Umakyat din ng stage sila Gab at Emilio nang ipakilala ang mga varsity ng bawat sports. Napailing na lang ako nang makitang seryoso at maangas ang mga tindig nito na siyang nagpabaliw sa marami.
Kumikindat pa si Emilio sa mga girls na tumatawag ang pangalan niya. Nang si Gab naman ang chinicheer ay hiyang ngiti ang binibigay nito, which made the girls awe.
Pinigilan ko na lang ang sarili ko na humikab habang nagpapakilala at nagbibigay ng kaniya-kaniyang speech ang mga Presidents ng bawat clubs at org. Wala naman akong balak sumali sa mga ito kaya mas naging interesado ako muli sa pagkalikot ng phone ko.
Kita kong napapatingin sa akin ang mga teachers at ibang mga estudyante habang abala lang ako sa paglalaro. May iba na nagbubulungan pa, pero naririnig ko naman. Halos lahat ng galaw ko ay may napupuna sila. Halo-halo ang maganda at pangit na puri ng mga ito.
Alam kong alam ng marami na hindi ako mabait na tao katulad ni Mama. Some even say wala akong respeto at bulakbol sa bar lang ang inaatupag dahil sa mga videos ko na nagtretrending tuwing nagpaparty ako. May iba pa nagsabi na sa aming dalawa ni Kuya, ako raw ang walang mararating sa buhay at aasa na lang sa yaman ng pamilya ko.
Kaya hindi na bago sa pandinig ko ang samu’t saring bulungan nila tungkol sa akin.
I just do my own thing and didn’t care about my surroundings. As long as wala naman akong iniistorbo at tinatapakang tao, they should mind their own business.
Hindi nagtagal ay natapos na rin ang orientation at sinabihan na kaming dumeretso sa mga rooms kung saan naka-assign ang mga sections namin.
Tinignan ko naman ang kopya ko kung saan nakalagay doon ang section ko at room number nito. Nandoon na rin ang sched ng mga klase ko para ngayong semester.
“Riyuu!”
Napalingon ako nang marinig ang boses ni Gab habang naglalakad na ako palabas. Pati ang mga ilang nakarinig sa kaniya ay nilingon siya na may gulat sa mga mukha nila.
“Oh?” Tanong ko rito nang makalapit ito at hindi pinansin ang mga mapanghusgang tingin ng iba.
“Sabay ka na sa amin maghanap ng mga rooms,” yaya nito.
Napatingin naman ako sa likod nito at pansin kong kasunod niya si Emilio.
“Saan ’yong Shian?”
Bahagyang kumunot ang noo nito. “Shian?”
I frown. “Iyong SC President? ’Di ba iyon ’yong tropa na sinasabi niyong roommate ni Emilio?” Sabay tango ko sa direksyon ni Emilio nang tumabi ito kay Gab.
Humalakhak si Emilio na siyang ikinataka ko. “Si Shiro ba?”
“Ah! Si Shiro. Wala kasing tumatawag ng Shian sa kaniya kaya hindi kami sanay,” sabi ni Gab habang napahawak sa batok niya. “Busy pa ’yon. May meeting pa silang mga SC.”
Napatango na lang ako at sinundan na sila palabas ng auditorium. Pasimple pa ako tumingin sa stage para masulyapan kung nandoon ’yong Shiro.
Ewan ba, kahit na nakakasilaw siya, gusto ko ulit siyang makita. I somehow want to meet him properly. Nang makita kong wala ng tao doon ay iwinaglit ko na rin siya sa isip ko.
Pinagkumpara namin nila Gab at Emilio ang mga kopya namin at nalaman kong magkakaiba kami ng Strands na kinuha.
Si Gab sa Accountancy, Business, and Management (ABM), at si Emilio naman sa Science, Technology, Engineering, and Mathematics (STEM), parehas daw sila ni Shiro. Habang ako naman ay General Academic Strand (GAS) ang kinuha.
Pero may mga klase na kasama ko ang section nila Emilio, katulad ng PE at Practical Research.
“Sabay ka na rin sa amin mag-lunch, Riyuu,” siniko naman ni Gab si Emilio dahil sa pagyaya nito. Marahil ay nahihiya sa pag-feeling close nito sa akin.
Nagkibit balikat ako. “Sige.”
Kesa naman sa mag-isa lang ako mamaya. Mas mainam na ring may kasama ako para maaliw ako. Baka mamaya maisipan ko na lang na umuwi sa dorm at matulog.
“After lunch mangha-hunting na nga pala ’yong mga clubs ng mga new members,” pag-imporma ni Gab. “Karamihan naman ay mga freshman at ilang transferee hinahakot namin.”
“Sali ka kayang basketball, Riyuu. Mag-tryout ka. Medyo may katangkaran ka rin naman,” sabay sinusukat nito ang height ko sa pamamagitan ng pagtantsa niya kung hanggang saan niya ako. “6’2 ft ako. Bale siguro mga nasa 5’7 ka?”
“5’8,” maikling sagot ko. “Hindi naman ako mahilig diyan.”
“Volleyball kaya?” Tanong ni Gab.
Umiling naman ako rito bilang sagot. “Wala akong sasalihan.”
“Oh? Bakit? Sayang naman. Kanina pa lang doon sa stage nag-uusap na ’yong ilang mga presidents ng clubs at org kung paano ka hihingkayating sumali. Lagot ka niyan mamaya,” halakhak ni Emilio.
“Edi uwi na lang pala ako.”
Problema ba iyon? Wala naman palang masyadong ganap mamaya. Uwian na pala.
“Huwag muna! Ililibot ka pa namin dito,” pagpigil sa akin ni Emilio.
“Kahit iyong theater club, ayaw mo? Goods doon, tropa rin namin President doon.”
“Dagdag gawain lang iyan,” sagot ko kay Gab.
Natawa naman sila pareho doon.
“Kung sabagay. Hirap din mag-maintain ng grades para lang makasali pa rin sa varsity,” sabi ulit ni Gab na ikinatango ni Emilio.
“Buti na lang kaklase ko ulit si Shiro. Sure na gragraduate ako nito.”
“Matalino ba ’yon?” Kuryosong tanong ko.
Tumango-tango naman si Emilio. “With highest iyon, Riyuu. Sobrang talino as in.”
“Kaya dapat pala dalawang diploma ibigay kay Shiro kung bubuhatin ka lang niya buong taon,” sarkastikong banat ni Gab kay Emilio.
“Luh, magpapatulong lang ako siyempre.”
“Magpapatulong o magpapakopya?” Tanong ni Gab habang tumatawa. “Baka pati sa PE, si Shiro na rin ang tatakbo para sa’yo.”
At nagtuloy lang ang pagtatalo nila hanggang sa makarating na ako sa room ng section ko. Parang hinatid lang talaga ako ng dalawa at nakita kong nagkaniya-kaniyang daan na sila nang papasok na ako sa silid.
As usual, every first day of school may introduce yourself na naganap. Wala namang masyadong bago roon. Pinili ko nga ulit umupo sa pinakalikuran para hindi ako masyadong mapansin. Pero ramdam ko pa rin ang tingin at bawat pag-lingon ng iba sa akin.
Hanggang doon lang naman nagagawa nila. Wala ni isang lumapit o kumausap sa akin katulad ng ginagawa nila Gab at Emilio.
“Masungit ka kasing tignan,” prangkang sabi ni Emilio nang nabanggit ko walang masyadong kumausap sa akin sa section ko kanina nang magtanong sila tungkol sa klase ko.
Parang ’yong mga tao sa tabing table namin ang natakot sa mga sinabi niya sa akin.
Napakibit balikat lang ako dahil matagal ko namang alam iyon. Ilang tao na rin nakapagsabi niyan sa akin kaya hindi naman iyon nakaka-offend.
It’s an advantage to be ‘mukhang masungit’. Tamad ako kumausap ng ibang tao, kaya mas maganda rin iyon.
“Intimidated lang sila, Riyuu. Ganoon talaga, anak ka ng sikat na artista,” sabat ni Gab at binigyan ako ng tray nito habang nakapila kami sa cafeteria.
“I know,” sagot ko na lamang at inabala ang sarili na kumuha ng pagkain.
“Alam mo nakita ko na rin ’yong kabaligtaran ni Shiro,” lingong sabi ni Emilio kay Gab habang nakaturo pa sa akin ang tinidor na hawak niya. “Si Shiro kasi natural na nakaka-intimida ’yong itsura. Ang laking tao, pero ang ugali parang tuta, friendly at makulit.”
“Paanong ako ’yong kabaligtaran?” Kunot noong tanong ko.
“Maamo mukha mo,” then he sheepishly smiles. “Pero parang kang itim na pusa, ’yong mabagsik. Iyong nakakatakot lapitan kasi baka nangangalmot.”
Naging pusa pa nga.
Tumawa naman si Gab sa naging reaksyon ko sa sinabi ni Emilio. “Parang baliktad sila ng ugali ganoon?”
Inilingan ko na lang ang mga ito at mas nagpokus sa pagkain. Tinigilan din naman nila ako at ngayon ay nakikinig na lamang ako sa usapan nila. Paminsan akong nakikisali kapag tinatanong nila ako.
They’re loud and sociable. Ibang iba sa mga friends ko sa Manila. But I don’t mind since I’m low-key having a good time hanging out with them.
Sa kalagitnaan ng pagsubo ko ng kanin at ulam, may tray ng pagkain ang pumatong sa mesa namin.
Hindi ko maiwasang pagmasdan ang mga kamay at bisig ng may-ari ng tray na iyon. May mga ugat na mahinahong sumusundot sa kanyang mga braso. Suot nito ang panloob na puting polo ng uniporme ng school. Nakatupi ang mga sleeves nito hanggang sa kaniyang siko.
Mabilis ko lang tinignan ang mukha ng lalakeng bagong dating na nasa gilid ko. Nang naabutan kong nakatingin ito sa akin ay pasimple kong binaba ang tingin sa sariling tray at tinuloy ang pagkain.
It’s him.
The golden retriever guy.
“Uy, Shiro! Akala ba namin kasama mo mga SC officers mo mag-lunch?” Bati ni Emilio sa bagong dating.
“Ayaw ko ’yong ulam na binili nila,” rinig kong sagot nito.
“Huh? Kailan ka pa naging mapili sa pagkain—”
“Excuse me?” Nakaramdam ako ng marahang kalabit sa balikat ko.
Kaswal kong inangat ang tingin ko at bumungad sa akin ang mukha ng SC President. Kahit hindi ganoon kalawak ang ngiti nito ngayon, pansin ko pa rin ang dimple na lumalabas sa pisnge niya.
“Okay lang ba sa’yo na umupo ako rito?” Sabay turo sa tabing upuan ko.
Dinig ko pa ang pagtigil ng mga tao sa kalapit na table namin sa kanilang mga ginagawa. Kita ko pa na bumagal o napapa-tigil sa paglalakad ang iba. May ibang mga kababaihan na tinuturo si Shiro at naghahampasan sa kilig.
It’s too much attention.
Binalik ko na lang ulit ang tingin sa pagkain ko. “Ikaw bahala. Nandiyan ka na.”
Alangan paalisin ko siya, edi mas lalo akong pag-initan dito.
Pagkasabi ko nito ay agad na siyang umupo sa tabi ko. Nang sulyapan ko ito, nakapaskil pa rin ang ngiti sa kaniyang mga labi.
“I’m Shiro, by the way,” sabay lahad ng kamay.
“Riyuu, Mr. President,” tsaka tinanggap ang kamay nito para nakipag-handshake.
Lumawak ang ngiti nito bago bahagyang natawa. “Shiro na lang.”
Tumango ako at binitawan na siya. Medyo ramdam ko pa rin ang init ng kamay niya sa akin kahit na binitawan ko iyon. I just shake the feeling off.
“Tawag pa nga niya sa’yo kanina Shian eh,” biglang sabi ni Emilio. “Nasabi na namin na Shiro ang tawag sa’yo dito.”
“Talaga?” He casually draped his arms across the table, leaning in with an air of relaxed confidence. “Kung gusto mo Shian na lang itawag mo sa akin. Okay lang naman iyon.”
“Pero noong tayo nagtawag sa kaniya ng ganiyan, nairita siya kasi pangbabae raw pakinggan,” bulong ni Emilio kay Gab.
Agad naman siyang napa-‘aray’ nang bahagyang gumalaw ang lamesa namin na para bang may sumipa sa ilalim.
Hindi ko naman masyado narinig iyong bulungan nila kaya hinayaan ko na lang ang dalawa sa harapan namin.
“Shiro na lang. Iyon na tawag sa’yo ng marami,” sagot ko at sumubo ulit ng pagkain.
Tumango-tango naman ito tsaka humarap kela Gab at Emilio.
Pasimple ako sumusulyap sa katabi ko habang masaya itong nakikipag-usap sa mga kaibigan niya. He literally lit up the room with his presence, his bright smile and confident demeanor casting a warm glow over everyone. Mayroong nagnanakaw ng tingin sa kaniya katulad ko. Ang iba nga ay palihim na inaayos ang kanilang tindig at sinusubukang mahuli ang kanyang tingin.
“Riyuu, mamaya nga pala sama ka kay Shiro,” rinig kong sabi ni Gab.
Pag-angat ko ng tingin ay siya ring pag-angat ng kilay ko. “Bakit?”
“Samahan ka niya maglibot-libot mamaya. Malay mo may magustuhan kang salihan na club. Sakto maglilibot itong si Shiro.”
Tuluyan ako napatingin sa katabi ko. Nang magtama ang tingin namin ay agad na sumilay ang ngiti sa mga labi niya. Mabilis ako napatingin sa dimple niya bago mag-iwas ng tingin.
“Bakit kayo? Akala ko ba kayo ang maglilibot sa akin?”
“Varsity. Need kami sa court mamaya,” sagot ni Emilio.
“Wala naman akong sasalihan,” I frowned at the two. “Uuwi na lang ako sa dorm.”
“But it’s your first day,” lumingon ulit ako sa katabi ko. “Uuwi ka na agad?”
Hindi ko alam kung guni-guni ko lang, pero parang lumungkot bigla ang ekspresyon nito.
“Wala ka bang clubs na sinalihan?” Tanong ko pabalik.
Agad siyang umiling. “Wala.”
“Baka naman may kailangan ka pang gawin sa student council. Maistorbo pa kita,” I shrugged.
“Hindi ka magiging istorbo.” He mumbled.
Taka ko itong tinignan. Kapag nakangiti siya, damay pati mata sa kasiyahan. Ganoon din kapag malungkot siya. Katulad ngayon, hanggang sa mga mata niya ay bakas ang kalungkutan niya.
Para siyang tutang maiiwan ng amo.
Usually, I won’t care about it. Tuwing nagpapaawa ang mga kaibigan ko ay deadma lang iyon sa akin lalo na’t kapag tinatamad ako, which is all the time.
Kanina ko pa talaga gusto umuwi at matulog na lang sa dorm. Plano ko nga sanang takasan na lang sila Gab at Emilio.
Pero…
I sigh and mess up Shiro’s hair as I pat his head. I just have the urge to do it, para mawala ang lungkot sa mukha nito. “Fine, kapag nabored ako uuwi na ako.”
Kita kong napaawang ang bibig nito pero kalaunan ay napangiti rin at tumango. “Don’t worry, you won’t get bored kapag kasama mo ako.”
I hummed and drank my soda. “Sabi mo eh.”
He chuckled, his smile returning to its usual brilliance. “That’s a promise.”
The rest of the lunch period passed by quickly. Shiro’s presence seemed to put everyone at ease, natagpuan ko na lang ang sarili na parang mas naging kalmado at relax kumpara kanina. Sinakop nitong katabi ko ang atensyon ko kaya hindi ko na masyado napansin ang mga tingin at bulungan ng mga tao sa paligid.
Nang palabas kami ng cafeteria ay nagpaalam na rin sa amin ang dalawa. Pinanood ko ang likod nila Gab at Emilio habang tinatantsa itong kasama ko.
Now that it’s just us two, medyo nag-aalala ako na baka maging awkward lang ako sa kaniya. Kanina kasi ay natatakpan kami ng ingay nilang magtrotropa. Ngayon na umalis na ang dalawa, baka mas maganda nga ang ideya na umuwi na lang kesa ipahiya ko ang sarili ko…
What the hell? Kelan pa ako nahiya ng ganito sa isang tao?
“Tara?” Masayang yaya ni Shiro.
Sa paglalakad namin sa hallway, napansin ko kung paano likas na nahihikayat ang mga tao sa kaniya. It was like he had his own gravitational pull, effortlessly drawing others into his orbit.
Kapag may bumabati sa kaniya ay agad niya itong binabalingan ng ngiti o binabati rin pabalik. Naging mas malinaw naman sa akin na gusto talaga siya ng marami, estudyante man o mga guro.
Tama nga sila Emilio. He’s literally the complete opposite of me. Kapag may tumitingin sa akin at binabalik ko ang tingin nila, karamihan ay napapaiwas lamang at parang takot banggain ang mga tingin ko.
Tahimik lang ako sa tabi niya habang naglalakad kami. Tinuturo niya pa ang iilang rooms at buildings na parang personal tour guide ko ito.
Malaki naman itong school at katabi lang din namin ang college department. Parang may nakikita pa nga akong mga college students na bumabati sa kasama ko.
Bahagya na siya natahimik nang dumaan kami sa school park. Ang hangin ay malamig, at ang mga dahon ng mga puno ay sumasayaw sa bawat ihip.
“So…”
Nilingon ko si Shiro nang magsalita ulit siya.
“Ilang taon ka na ulit?” He asked randomly.
“18.”
Tumango-tango ito at napamulsa. Kita kong medyo napaisip ulit ito. Parang nga ito kinakabahan nang tumahimik ang paligid namin.
Bumuntong hininga ako. “Ikaw?”
Agad na sumilay ang ngiti nang tanungin ko ito pabalik.
He seems cute , I thought to myself. His awkwardness was endearing, and there was something about his shy smile that made my heart skip a beat.
Napailing ako at inignora iyon.
“19.”
Nagkatitigan kami ng ilang segundo, parang may kakaibang koneksyon sa amin na hindi ko malaman. Nang gumala ang tingin ko sa mukha niya, napansin ko ang kaunting pamumula sa kaniyang tenga.
“Bakit ka natatawa?” Tanong niya, napapansin ang hindi ko mapigilang ngiti.
“Wala lang,” sagot ko, sabay tawa nang mahina. “Ang awkward mo kasi.”
Ngumiti siya nang mas malawak, parang nawala ang kaniyang kaba. “Ikaw din naman.”
Natawa ako nang mahina dito. “Huwag mo sabihin pati ikaw nahihiya na rin sa akin? Samantalang iyong dalawang kaibigan mo sinabihan akong mukhang masungit at itim na pusa.”
Kumunot ang noo niya at nawala ang ngiti sa labi niya. “Mukhang masungit? Itim na pusa?”
Napangisi ako roon. “Totoo naman ’yon. Marami na nagsabi sa akin niyan kahit noon pa. Well, except for the black cat part.”
Bahagya siyang napakamot sa gilid ng ulo niya.
“Hindi ka naman mukhang masungit.”
Tinaasan ko ito ng kilay. “Oh?”
Tumango siya at nag-iwas ng tingin. “You’re just too handsome.”
I could see his ears turning a shade pinker as he looked away. Natahimik ulit ito at pansin kong hindi siya mapakali nang pasadahan niya ng kamay ang kaniyang itim na buhok.
The compliment did caught me off guard. Bahagya lang ako napahawak sa aking pisnge dahil sa tingin ko ay nag-iinit iyon sa kapulahan.
A lot of people complimented me before, but hearing him calling me handsome, I felt a subtle fluttery in my stomach.
Hindi ko maiwasan ang mapangiti. I don’t know why, but this makes me excited.
“Is that so?” My tone laced with a hint of playfulness.
He cleared his throat, regaining his composure. “Yeah. Hindi mo ba pansin na tuwing may bumabati sa akin, ikaw ang sadya? It’s just my observation.”
“Observation, huh? Seems like you’ve been paying quite a bit of attention.”
His jaw tensed slightly, a flicker of vulnerability crossing his features before he masked it with a smirk of his own.
Again, cute.
Napatingin ulit ako sa dimple niya. Mapaglarong ngisi ang binibigay niya sa akin ngayin. Hindi iyong mala-friendly na ngiti na lagi niya pinapakita.
It’s definitely a playful one. And it definitely sparks my interest even more.
“Maybe I have, Riyuu.”
Chapter 3
“Hey, Shiro!”
Napakrus na lamang ako sa aking dibdib nang makarating kami sa pwesto ng mga club booths. They were lined up in the quadrangle, boasting its own display to showcase the offerings of their respective clubs and organizations.
Parang gusto kong umatras at umuwi na lang dahil sa dami ng mga estudyante ngayon. Labas pa naman ito ng building, kaya kahit may silong naman, ramdam pa rin ang init ng panahon ngayon.
Mabuti nga at hindi pa kami nirerequire mag-uniform. Dahil panigurado mahihilo ako ngayon sa init, parang suit pa naman iyon. Itong kasama ko naka-uniform dahil sa speech niya kanina, pero panloob na polo na lang ang suot niya ngayon.
“Sali ka na sa club namin oh. Last year naman na,” yaya ng isang lalakeng tumawag sa kasama ko.
Bahagya na ako lumapit dito sa unang booth na bumungad sa amin. Hindi ko pinansin ang kalabitan at pasimpleng turo ng mga nagbabantay doon nang mapansin nila kami.
Gourmet Creations
Iyon ang nakasulat sa taas, puno ng fruit carvings ang nakadisplay doon. Mukhang sila rin ang nagmimistulang food booth din dahil kita kong may mga estudyanteng bumibili sa kanila.
“Hindi na, Raff. Kapag sumali ako sa luto-luto na iyan, baka lalo akong sumarap,” sabay pasada ng kamay sa kaniyang buhok.
I scoffed at what I heard and just busy myself looking at the carvings.
Rinig kong natawa iyong Raff sa kaniya. “Grabe naman, Pres. Hindi kita kinakaya.”
“Pres, gusto mo drinks?” Biglang singit ng isang babaeng naka-net ang buhok.
“Libre ba iyan?”
“Oo ba. Basta ikaw,” humagikhik ito at kita kong nagsisimula ng gumawa ng drinks.
“Kaya tayo nalulugi,” reklamo ni Raff sa babae.
“Si Shiro lang naman. Lalagyan ko nga ng gayuma ito para sumali na sa atin.”
“Anong si Shiro lang? Kada poging makikita niyo, nililibre niyo.”
Bigla lumipat ang atensyon ko sa kaniya nang maramdaman ko ang paglapat ng kamay niya sa balikat ko.
“Libre niyo rin ito ah,” sabi niya.
Siniko ko siya at ako na lang ang nahiya sa sinabi nito. Parang napatigil ang mga kausap niya at napatitig sa akin.
Agad ako umiling. “No, don’t worry. I’ll pay.”
Maya-maya ay impit na napatili ang babaeng gumagawa ng drinks. Tuluyan nito iniwan ang ginagawa at tumakbo papalapit sa akin. Bago pa man niya ako abutin ay humarang na si Shiro.
Natatawa ito nang hampasin siya ng babae. “Ano ka, bodyguard niya?”
“Parang ka kasing mananakit,” tumatawang sagot niya hanggang sa tulakin siya paalis sa harap ko.
Malawak ang ngiti ng babae nang makarating siya sa harapan ko. Bahagyang inaayos pa ang kaniyang buhok tsaka pinunasan ang kaniyang kamay sa apron.
“Hi, my name’s Sofia the first,” kumunot ang noo ko tsaka ito natawa. “Charot lang! Sofia Rose Sanchez, taga diyan lang sa kabilang barangay. Sabihin mo lang sa tricycle driver na ihatid ka kela Kapitan Soriano Sanchez,” sabay hayag ng kamay nito sa akin.
“Anong klaseng pagpapakilala ’yan?” Singit ni Raff.
“Malay mo gusto niya ako puntahan, ’di ba?” Pag-irap nito sa kasama.
Tuluyan ako napangiti at natawa rin sa pagiging kalog nito. Tinanggap ko ang kamay niya.
“Riyuu, Ms. Sofia,” pagpapakilala ko.
“Ihhh,” napatakip pa ito ng bibig. “Sofie na lang, Riyuu. Masyado naman iyang Miss, baka ako ma-miss mo niyan sige ka.”
I chuckled and nodded.
Pumunta naman si Raff sa likod nito at binatukan siya. “Bitawan mo na, namimihasa ka.”
Napanguso naman si Sofie sa kaniya at binitawan na nga ako nito habang hinihimas niya ang parteng binatukan ni Raff.
Tumingin naman sa akin ang isa at nilahad din ang kamay niya “Rafael nga pala. Raff na lang.”
Tumango ako at nakipagkamayan. “Riyuu.”
Kita ko ang ibang miyembro ng club niya sa loob ng booth ay nakatingin sa amin. Kaya naman napatingin din siya roon.
“Papakilala rin kayo?” Nagsitanguan naman ang mga ito nang lumapit siya sa kanila. “Huwag na, ’di naman kayo importante.”
Agad nagsipag-apila ang mga ito. Kita ko pang pinagbabato siya ng mga pinagbalatang prutas habang nagrereklamo sa kaniya.
Tumabi na ulit sa akin si Shiro. Napatingin ako rito nang ilagay niya sa likod ko ang kamay niya at tsaka ako marahang tinulak papalapit sa counter ng booth.
“Ano nga pala sa’yo, Riyuu? Libre ko na, huwag ka na magbayad ah,” ngiting sabi ni Sofie habang abala na gumagawa ng inumin ni Shiro.
“Sigurado ka?”
“Naman! Pang-welcome na rin sa’yo dito sa school,” sabay abot sa akin ng kopya ng menu nila.
“Ilang estudyante na na-welcome mo, Sofie. Mahiya ka naman,” singit ni Raff.
“Hoy, para nga sumali sila sa club natin at para may kasama ka ng lalake dito. Strategy tawag doon,” sagot ng isa. “Para naman may inspirasyon kami kapag papasok sa club. Kakaasiwa ka na kayang tignan.”
Tuloy lang ang bangayan nila habang nagtitingin ako sa menu.
Ramdam ko ang paglapit ni Shiro sa gilid ko. Halos magkadikit na ang mga mukha namin dahil nakikitingin din ito sa hawak ko.
“Ano sa’yo?” Tanong ko sa kaniya.
He shrugged. “Classic milktea lang naman lagi nirerequest ko dito kaya alam na nila agad iyon.”
Napasimangot naman ako. “So bakit ka pa nakikitingin?”
Nilingon ko siya kaya kaunti na lang ang space ng mga mukha namin. Bahagyang gumalaw ang labi niya at agad napukaw ng atensyon ko ang dimple niya. Kahit habang nagsasalita siya ay lumilitaw ito.
“Wala lang,” napatayo siya nang maayos at napaismid. “Gusto ko lang makita iyong menu nila,” sabay bahagyang napahawak sa kaniyang batok. “Tsaka gusto ko malaman anong gusto mo,” bulong nito pero narinig ko naman.
Matagal ko ito tinignan at pansin kong bumabalik sa pagkapula ang tenga niya. Binalik ko ang tingin sa menu at tinuro ko ang gusto kong inumin.
Pinakita ko iyon sa kaniya. “Iyan ang paborito ko.”
Bahagyang umawang ang kaniyang bibig, para bang hindi inaasahan ang ginawa ko. Kalaunan ay napatango-tango siya na parang batang sinabihan na bibilihan ng laruan.
“Iced Matcha Latte, Sofie,” tsaka binigay ang menu.
Tumango ito at bumalik sa pagtitimpla ng mga drinks. Kalaunan ay nagsipaglapitan na rin sa akin ang ibang mga miyembro ng club at nagpakilala. Pinagsusuway pa nga ito nila Raff at Sofie dahil medyo nagiging crowded ang harapan ng booth.
“Balik kayo ah!” Kaway ni Sofie.
“Riyuu, sali ka sa club namin kapag nagbago isip mo!” Sabi ni Raff nang malaman nito na wala akong club na sasalihan.
“Kapag sumali ka bubusugin ka namin ng pagkain!” Sambit ng isa nilang miyembro.
“At pagmamahal!” Dagdag ni Sofie kaya rinig ang hiyawan sa booth nila.
Natawa na lang ako at kumaway sa kanila habang dala ang ginawa nilang drinks.
Ilang booths din ang pinuntahan namin ni Shiro. Halos lahat nga ay hinihikayat siyang sumali pero lagi niya lang nirarason sa mga ito na busy siya sa SC. Ang iba ay niyayaya rin akong sumali pero tinanggihan ko lang din sila.
Style Savvy
Club
“Shiro,” bati ng isang babaeng chinita sa katabi ko.
Katulad ng lagi kong ginagawa ay hinahayaan ko siya makipag-usap sa mga miyembro ng clubs habang ako ay tinitignan ang booths nila.
Puno ng mga damit na nakasuot sa mannequins ang booth. May mga nakadisplay pang mga manika na may suot ng iba’t ibang dress at outfits na mukhang tahi ng mga estudyante.
“Sali ka na sa amin, Pres,” pagyaya ng isa pang babae kay Shiro.
“Kaya nga magaling ka pa naman magdrawing.”
“O kahit hindi ka na gumalaw o gumawa ng kahit na ano. Maging model ka na lang namin.”
Sunod-sunod ang panghihikayat sa kaniya ng mga kababaihan. Napailing na lamang ako at tinignan ang mga manikang nakadisplay.
Tumaas ang kilay ko nang may makita akong pamilyar na manika at kinuha iyon.
“Hello.” Umangat ang tingin ko sa babaeng chinita na kausap ni Shiro kanina.
Napatingin ako kay Shiro na pinapagitnaan pa rin ng mga kababaihan.
I gave her a small smile.
“You find something that peaks your interest?” Her eyes pertains to the doll.
“Oh,” binalik ko naman ang manika. “Pamilyar lang.”
Tumango siya. “I’m Meika, by the way.”
“Riyuu.”
She smiles. “Well, kapag mas naging interesado ka pa sa club namin, tawagin mo lang ako.”
Nagpaalam na ito at pinagpatuloy ang pag-aasikaso sa ibang estudyante na bumisita sa booth nila.
“Hey,” rinig kong tawag sa akin ni Shiro.
Medyo natawa ako dito dahil sa pagtulo ng pawis niya sa noo. Nang tignan ko ang pinanggalingan niya ay kinakausap na ni Meiko ang mga kababaihan kaya siguro nakatakas na itong isa.
“Nakita ko kanina na hawak mo iyang manika.” Tsaka tinuro iyon.
“Adora baby doll,” sabi ko. “Pamilyar lang sa akin kasi maraming ganiyan si Mama dati.”
Napatango naman siya. “She collects it?”
“Noong pinagbubuntis niya raw ako, nangongolekta siya niyan,” bahagya ako napangiti. “Diyan niya raw kasi ako pinaglihi.”
I don’t normally open up like this to anyone. Even with Sam and my other friends, I keep that to myself. But inexplicably, I feel compelled to confide in Shiro about everything. Parang gusto kong ipaalam sa kaniya ang lahat ng tungkol sa akin.
Siguro dahil sa nakakagaang awra nito kaya ganoon na lang ako magkwento tungkol sa sarili.
“Really?” Tumaas ang dalawang kilay niya.
Kinuha niya ang manika at tinitigan iyon bago ulit tumingin sa akin. Tinapat pa niya iyon sa tabi ng mukha ko. Napailing ako sa kaniya at marahang hinawi ang manika.
“Kaya pala mukha kang baby doll,” he murmured as he looked at the doll.
Natawa ako nang mahina. “Pinagsasabi mo?”
Tumingin siya sa akin at agad iyon iniwas nang makitang pinapanood ko siya.
Curiosity mingled with awe in his voice. “Your flawless skin, those rosy cheeks, and those captivating hazel eyes…”
Napalunok naman ako sa sinabi nito. His words really have a different effect on me. They make me uneasy, but in a giddy way. I can sense a blush heating up my cheeks.
“Tara na. Para makauwi na rin ako, medyo pagod na ako,” pag-iiba ko ng usapan at nauna na maglakad sa kaniya.
Rinig ko itong madaling nagpaalam kay Meiko bago mabilis na sumunod. Nakapamulsa itong tumabi sa akin.
“Kapag ba tinawag kitang baby doll, magagalit ka?”
Sinamaan ko ito ng tingin. “Ginagago mo ako?”
Agad siyang napataas ng mga kamay na para bang sumusuko. Mabilis itong umiling-iling. “No, of course not.”
May kunot sa kaniyang noo na para bang nag-aalala ito nang magmura ako sa kaniya. Doon ko lang din napansin na kahit matangkad siya, talagang yumuko ito para lang itanong iyon at ako lamang ang makakarinig.
It looks like he’s genuinely asking.
Bumuntong hininga ako. “Kapag narinig iyan ng iba baka asarin pa ako.”
Sobrang bait niya, friendly, mukhang napaka-studious base sa mga sinabi ng mga kaibigan niya, at SC President ng school. Ayaw kong masira iyon dahil lang sa kakaganiyan niya. Kahit sabihing walang malisya, iba pa rin mag-isip ang tao.
Lalo na’t maraming mata ang nagmamasid sa akin. Wala naman sa akin kung bibigyan niya ako ng nickname since some of my friends do that stuff. At mas lalong wala akong pake kung siraan ako ng mga tao dahil open naman ako sa sexuality ko.
Pero inaalala ko lang ang image niya. Baka mamaya ay magalit ito sa akin kapag nachismis siya. Mukhang siya ’yong tipo na ayaw mo makitang magalit dahil sa sobrang kabaitan nito.
“Kapag ba hindi maririnig ng iba, ayos lang?” Nag-relax ang ekspresyon nito at napangiti.
Iniwasan ko siya ng tingin. Pakiramdam ko ay nasisilaw ako sa kaniya kapag nginitian niya ako ng ganiyan.
“Hindi. Huwag mo na balakin, baka ma-issue ka pa.”
“Basta ba hindi maririnig ng iba, ’di ba?” Pag-ulit niya.
Hindi ko muna ito sinagot. Ramdam kong pinagpapawisan ang mga kamay ko dahil sa nararamdamang kakaibang kaba. Parang hindi ako mapakali at kung anong may kiliti akong nararamdaman sa tiyan at puso ko.
“Bakit ba gusto mo ako bigyan ng nickname?” I asked curiously.
Bahagya napanguso ito. “Gusto ko lang. Hindi ako makamove on doon sa manikang kamukha mo,” umayos naman ito ng pustura. “And we’re friends, right? I mean, we can be friends, right?”
I can’t help but chuckle at his awkwardness. “Ibig sabihin may palayaw ka rin sa iba mong mga kaibigan?”
Umiling siya. “Ikaw lang.”
Muntik pa ako mapatigil sa paglalakad nang marinig ang sagot niya. Dahil doon ay hindi ko napansin ang grupo ng mga estudyante na papasalubong sa amin.
Bago pa ako mabangga ng mga ito ay agad na hinapit ni Shiro ang bewang ko at inilapit sa kaniya.
“Okay ka lang?” Mahinahong tanong nito sa akin.
“Umm…” Iniwasan ko ito ng tingin at humiwalay na sa hawak niya. “Ayos lang.”
“Hoy, Shiro!”
Napatingin kami sa ’di kalayuang booth. May kumakaway na babae sa kaniya at malaki ang ngiti nito sa amin.
“Tara?” Pagyaya sa akin ni Shiro tsaka ko ito sinundan papunta sa pwesto ng babae.
“Akala ko hindi ka na dadaan dito,” sabay hampas nito ng hawak niyang pamaypay kay Shiro.
“May choice ba ako?”
Muli siyang hinampas ng babae na siyang ikinatawa niya. Agad namang napako sa akin ang tingin nito kaya awtomatiko ko itong nginitian nang maliit.
Kita ko ang pagsiko at kalabit niya kay Shiro. “Pakilala mo ako, dali.”
Napakamot ulo na lang ang isa. “Riyuu, si Annie. Annie, si Riyuu Jedd Min.”
“Ay? Sa kaniya complete name, kapag sa akin hindi?” Taas kilay na tanong ni Annie.
“Edi ikaw magsabi ng buong pangalan mo,” sabay kuha ng pamaypay na hawak nito.
Napairap na lang si Annie at masayang nilahad ang kamay sa akin. “Annie Angeli Santos.”
Nakipagkamayan ako rito at pasimpleng tinignan ang booth na nasa tabi niya.
Napansin naman niya iyon kaya bahagya siya tumabi para makita ko ang kabuuan ng pwesto ng club nila.
“Welcome to Thespian Troupe! Kami ’yong Theater club ng school. I’m the Club President, and also the director kapag may mga plays kami.”
Napatango ako at naalala ang sinabi ni Gab na kaibigan nila ang President ng Theater club, mukhang si Annie nga iyon.
“Gusto mo sumali sa club namin?” Nangningning ang mga mata niya sa saya. “Promise aalagaan ka namin. Gagawin ka naming star, kahit alam kong may pagkag-star ka na.”
I smile and shake my head. “I’m not interested, sorry.”
“Aw,” she pouts.
Hinampas naman ni Shiro ang nguso nito gamit ang pamaypay na kinuha niya. “Ayaw niya nga sumali.”
Inis na hinawi ni Annie ang pamaypay. “Hindi ko naman siya pinipilit. Ikaw na lang kaya sumali para may ambag ka naman sa buhay ko?”
“May ambag na ako ah.”
“Oh ano?”
“Pagiging gwapo mong kaibigan.”
Hindi ko naman napigilang matawa nang mapanganga sa kaniya si Annie.
“Kapit ka, Riyuu. Baka matangay ka ng hangin diyan,” sabi ni Annie na mas lalo lang nagpatawa sa akin.
“Sus, nagsasabi lang ng totoo,” tsaka ako pasimpleng pinaypayan nito.
Hindi nagtagal ay pinasyal na ako ni Annie sa booth nila. Agad namang nagsipagkilala ang iilang miyembro doon. Pansin ko ngang mga nakaayos at naka-make up ang mga miyembro na nakaupo sa counter ng booth. Pangpahakot daw ito ng mga bagong miyembro ayon kay Annie.
Lumipas ang hapon na puro gala at foodtrip lang ang nagawa namin ngayong hapon. Yayayain pa sana ako ni Shiro pumunta sa court kung nasaan sila Gab at Emilio, pero tinanggihan ko na at gusto ko na lang umuwi sa dorm.
“Hatid na kita.”
“Huh? Huwag na,” tanggi ko rito.
Hindi pa ba ito nababagot na samahan ako? Halos wala naman akong imik dito unless kapag may mga tanong siya. Siya nga lang nagdadala ng usapan namin para lang hindi mapanis laway naming dalawa.
He tilted his head in confusion. “Bakit? May pupuntahan ka pa ba?”
“Wala naman.”
“Edi hatid na kita,” nakangiting sabi nito at nauna na maglakad papalabas ng campus.
Bumuntong hininga na lang ako at sumunod na ulit sa kaniya. Pag dating sa lalakeng ito parang hindi ako makaapila. Paano ba namang aapila kung bigla agad aalis at gagawin ang gusto niya.
Tahimik kaming naglalakad papuntang dorm. Medyo rinig ko pa rin ang kasiyahan na nagaganap sa campus kahit na nakalayo na kami doon.
“Did you have fun?” He finally spoke.
Napaisip naman ako doon. Kalaunan ay napakibit balikat ako. “It wasn’t bad.”
Kita kong napatango siya. “Pero hindi ka namang nagsisisi na hindi ka umuwi sa dorm kanina?”
I can sense the hopefulness in his tone. As I looked into his eyes, I felt a wave of tenderness wash over me. How could I possibly turn down someone who puts in their best effort to ensure I had a good time?
I smile and pat his head. “Hindi ako nagsisi.”
Parang ito nabunutan ng tinik sa puso at ngumiti na rin habang tinatahak ang dinaraanan namin.
Nang makarating kami sa building ay binati kami ng guard na nagbabantay. Tahimik lang ulit kami hanggang sa makarating na kami sa dorm room namin ni Gab.
“I’ll get going. Babalik pa ako roon,” paalam nito.
Napasimangot ako. “Sabi sa’yo huwag mo na ako ihatid.”
Natawa siya nang mahina at nahihiyang ngumiti. “May kukunin din naman ako sa kwarto ko kaya ayos lang iyon.”
Tumango ako at pinihit na pabukas ang pintuan. “See you at school, Shiro.”
“Hmm,” bahagya pa siyang kumaway. “See you, baby doll.”
Chapter 4
“If you were here, Yuu. Baka mamatay ka rin kakatawa, ’cause it’s so funny!” Kwento ni Harper sa akin tungkol sa mga nangyare sa dating school ko sa Manila.
Napagpasyahan kasi ng mga kaibigan ko na mag-Skype kami para magkamustahan at makapag-update lang din sa mga nangyayare sa amin.
Kaka-join ko pa nga lang sa kanila ay agad na nagkwento si Harper ng kung ano-anong mga nangyayare sa kanila. Natatawa na lang ako kapag minsang inaasar siya nila Oliver at Lucas na sumisingit habang nagkwekwento siya.
“Maraming magaganda diyan sa Zambales, Yuu?” Tanong ni Oliver nang matapos magkwento si Harper.
Nagkibit-balikat naman ako bilang sagot. Babaero talaga ’to. Iyon ba naman agad ang unang tinanong sa akin.
“Tumigil ka diyan. Hindi ba’t may chicks ka pa kamo sa Cebu?” Sabat ni Abi habang nagcrocrochet.
“Wala na iyon noh. Syempre malay niyo nasa Zambales lang si The One,” depensa ng isa.
“Nakaabot nga iyang kalandian mo sa kabilang dako ng mundo kakahanap mo sa The One na sinasabi mo,” natatawang sabi ni Lucas.
Pati ako ay hindi napigilang mapahalakhak dahil sa nakakalokong ngiti ni Oliver. Mahilig kasi itong gumamit ng mga dating apps, kaya kung saan-saang parte ng mundo ito may nakakausap na babae. Kaya minsan kapag nagkwekwento siya ng mga babae niya, lugar ang sinasabi niya sa amin, hindi pangalan.
“Si Viviane ’yong taga-Cebu, ’di ba? She’s really pretty! Paanong wala na ’yon?” Kunot noong tanong ni Harper.
Kita kong napakibit balikat lang din si Oliver. “Clingy masyado.”
“Eh si Pampanga?” Tanong ni Abi.
“Selosa, tapos gusto minu-minuto i-update ko siya. Ultimo pagpunta ko sa CR, kailangan ipaalam ko pa. Wala naman kaming label.”
“Gusto kasi ni Oliver ’yong mukhang aapak-apakan lang siya,” natatawa kong sabi. “Iyong mga walang pake sa kaniya.”
“Strong, independent women are making me feel something, bro,” ngising sagot nito.
“Ew,” sagot ni Harper at halata ang pandidiri sa mukha nito. “You’re doing that manyak face again, stop it.”
Natawa kaming lahat doon at bahagya ako napatigil nang marinig kong bumukas ang pintuan tsaka pumasok si Gab. Tumango naman ito sa akin. Dumeretso ito sa kabinet niya at pumasok sa banyo.
“How’s school so far, Yuu? May pogi ba diyan?” Tanong ni Abi.
Natawa ako roon. “Isa ka rin.”
Humagikhik ito at pinakita ang kino-crochet niya. “I’m making a cardigan for you. Padala ko sa’yo pagkatapos.”
Napangiti ako sa kaniya. It’s one of her hobbies. “Pistachio, my fave. Thank you, Abi. Oo na, hahanap ako ng poging irereto sa’yo.”
“Pistachio pala tawag sa kulay na ’yan? Green lang turo sa amin noong elementary,” biro ni Lucas.
Napairap naman si Abi. “Duh, shade ng green iyan. Manahimik ka nga Lucas, iyang buhok mo ang icrocrochet ko sa susunod.”
Napanguso naman ang isa habang napahawak sa medyo may kahabaan niyang buhok.
“Bakit kay Abi may irereto ka? Sa akin wala?” Singit bigla ni Oliver.
“Zip it, Olive oil,” sabi ni Harper habang abala na itong nagcu-cutics ng kaniyang kuko sa daliri.
Sumimangot naman doon si Oliver na siyang nagpatawa sa amin. Kahit corny mang-asar si Harper, ayaw pa rin ni Oliver na tinatawag siyang ganoon.
Tuloy lang ang pag-uusap namin hanggang sa lumabas na si Gab sa banyo na mukhang bagong ligo. Agad niya sinalampak ang sarili sa kama. Mukhang napansin naman nito na may kausap ako kaya tahimik lang siyang nagcecellphone sa kama niya.
Hindi nagtagal ay nagpaalam na ako sa kanila. Nang maibaba ko na ang laptop ko, pansin kong napatingin sa akin si Gab.
“Mga friends mo?” He asked.
“Oo, nangangamusta,” maikling sagot ko tsaka napascroll sa sariling cellphone.
Kita kong maraming notifications iyon at maraming mga taga-Inmaculada ang nagsipag-add sa akin. Pinagcoconfirm ko lang iilan sa mga nakilala ko, kasama na roon ang roommate ko. Kahit Emilio ay in-accept ko ang request, pati sila Annie.
Wala naman na ako gustong i-accept pa pero hindi ko alam kung bakit scroll pa rin ako ng scroll sa mga friend requests ko. Para bang may hinahanap pa ako na pangalan.
Huminto lamang ako nang may lumabas na chathead sa cellphone ko. Mukhang GC iyon dahil sa kumpulan na mga profiles sa chathead.
Gab-Gab Nofable added you.
EJ Montemayor: Thanks sa pag-accept, lods Riyuu! 🫶
Gab-Gab Nofable: (2)
Annie Angeli Santos: (3)
Sofie Sanchez: (4)
Rafael Cedric Escudero: (5)
Meiko Elysa Hartley: (6)
EJ Montemayor: Mga walang originality! 👊
Rafael Cedric Escudero: ’Kala ko attendance hehe.
Gab-Gab Nofable: (2)
Annie Angeli Santos: (3)
Sofie Sanchez: (4)
Meiko Elysa Hartley: (5)
Napatingin ako sa natatawang Gab habang nakatutok ang tingin niya sa screen ng phone.
“In-add kita,” sabi niya na parang hindi ko pa ito nakita.
“Pansin ko nga,” napailing na lang ako dito nang suklian niya lang ako ng ngisi.
Nagsend lang ako ng like sa kanila tsaka tinignan ang mga members ng GC. Halos mga Presidents ito ng mga ilang clubs na napuntahan ko noong first day of school. Pansin ko namang magtrotropa talaga ang mga ito dahil sila-sila nakikita ko magkakasama tuwing break time.
Napatigil ako nang makita ko ang pangalan na hinahanap ko kanina sa friend requests ko.
Shiro Verdigra
Pasimple akong tumingin kay Gab na mukhang abala na sa panonood ng anime.
Pinindot ko ang pangalan ni Shiro at binisita ang account nito.
Hindi ko alam kung bakit ako napasimangot nang makitang hindi talaga ako in-add nito. It shouldn’t be a big deal. Pero siguro ang weird lang dahil sinabi nito na friends kami at feeling close na agad ito sa akin, kumbaga siya ang inaasahan kong unang magsesend ng friend request sa kanilang lahat.
Malaki ang ngiti nito sa profile picture niya habang may hawak na trophy. Naka-uniform pa ito at mukhang nasa event siya ng school dahil sa background niya.
Katulad ko ay nakapublic ang account niya. Iilan lang ang mga friends niya sa FB pero marami-rami rin siyang followers.
Gusto ko pa sana gumala sa profile niya pero pinigilan ko na ang sarili at pinakealaman na lang ang sariling account.
Pfft, I’m acting like a stalker. So not me.
Matagal na rin kami hindi nag-uusap nito. Pagkatapos ng unang araw ko sa University, iyon din ang huling pag-uusap naming dalawa. Isang Linggo na rin ang nakalipas simula no’n. Siguro ay naging abala ito bago tuluyan magsimula ang mga klase.
Though I really shouldn’t be thinking about him. Wala lang dapat sa akin kung abala siya at hindi kami masyado nagkikita. Pero ewan ba. Hindi nakokompleto ang araw kung hindi siya dadaan sa isip ko ng isang beses.
Lumipas ang weekends at pasukan na ulit. Tinatamad man akong bumangon, ay pinilit ko pa rin ang sarili. Dapat talaga tatlong araw walang pasok. Parang kumurap lang ako nitong Sabado at Linggo tapos nasa campus na ulit ako.
“Sabay ka sa amin mayang lunch, Riyuu?” Tanong ni Emilio nang makasalubong ko sila sa corridors paglabas ko ng room.
Bahagya ako napatigil nang makitang kompleto silang magtrotropa. Kumaway sa akin sila Annie at Sofie na siyang sinuklian ko ng ngiti. Ang iba naman ay napatango at ngumiti lang din sa gawi ko. Pero agad napukaw ng atensyon ko sa lalakeng nasa likod nila.
“Bakit? Anong meron?” Tanong ko.
“Kapag niyayaya ka maglunch kailangan may okasyon muna?” Natatawang balik ni Emilio.
Napakibit balikat ako. “Kompleto kayo. Malay ko bang may okasyon nga.”
“Ah, may mga klase na kasi, kaya hindi pa ulit gaano busy sa mga clubs,” singit ni Annie.
“Sama ka, Riyuu. Hindi mo ba ako namimiss?” Pagnguso ni Sofie pero agad naman itong napayuko nang batukan siya ni Raff.
“Feeling mo.”
“Batok ng batok, kapag ako nabobo “ iritang sabi ni Sofie.
“Okay lang iyan. Matagal ka naman ng bobo. You got nothing to lose ba,” natatawang sabi ni Raff.
Hinampas naman siya at nag bangayan na sila sa gilid.
“Hoy, Shiro,” tawag ni Gab sa likod. “Ikaw kaya magyaya dito kay Riyuu.”
Kita kong napatigil siya sa pag-uusap nila ni Meiko sa likod na siyang ikinataas ko lang ng kilay. Napakamot ulo pa ito bago lumapit sa akin.
It’s him. The guy who has been constantly bugging my mind this past week.
Nang nasa harapan ko na siya ay magsasalita na sana ito nang may biglang umakbay sa akin.
“Sa amin sasabay si Riyuu,” ngising sabi ng kaklase kong si Arlo.
Madalas mga lalake ang tumatambay sa likod ng room, lalo na’t wala pa naman kaming seating arrangement. Itong grupo nila Arlo madalas ang dumadaldal sa akin kapag wala naman kaming ginagawa.
Sa totoo nga lang ay pumapasok lang kami para sa attendance nitong nakaraang Linggo. Well, mostly ako. Kasi ’yong iba busy sa mga clubs na sinalihan nila. Sila Arlo varsity din.
Kahit na tamad akong pumasok, mas tamad naman akong mag-community service kapag umabsent ako.
Sila Arlo madalas ko kasabay kapag break time at lunch. Wala naman akong choice kung hindi sumabay sa kanila dahil sila mismo ang sumusunod sa akin kung saan ko mapagtripang kumain at tumambay.
“Kami una nagyaya, pre,” maangas na pagtango ni Emilio.
Natawa naman ang katabi ko doon. “Walang captain captain sa labas ng court, EJ.”
“Aba, tumatapang!” Nagkunwari pang aambahan nito si Arlo habang natatawa naman siyang pinipigilan nila Gab.
Gusto ko man makisabay sa biruan nila, pero hindi ko magawa dahil may nararamdaman akong matalim na tingin sa akin. Nang tumingin ako sa kaharap ko, kita ko ang seryosong tingin nito na direkta sa kamay ng naka-akbay sa akin.
That’s new. I never thought this puppy would have a different expression than being the Mr. Congeniality that he is.
Pati tuloy ako parang hindi na rin naging komportable sa pag-akbay ni Arlo kaya pasimple kong hinawi ang kamay nito.
Napatingin na ulit sa akin si Shiro. Nang makitang nakatingin din ako sa kaniya ay parang lumuwag ang ekspresyon sa mukha niya. Unti-unti nawala ang talim sa kaniyang mga mata at kunot sa kaniyang noo.
“Join us, Riyuu,” sabat ni Meiko sa gitna ng ingay.
Bumuntong hininga ako nang makita rin ang tingin ni Shiro sa akin. It’s like a hopeful look. Pakiramdam ko kapag tumanggi ako ay malulungkot ito, at parang ayaw kong makita iyon.
I shake the thought and nod. “Kita na lang tayo mamaya.”
“Hala Riyuu, paano kami?” Reklamo ni Arlo.
“Sawa na ako sa mukha niyo,” sagot ko na lang na siyang kinaapila niya.
Bago ako tumalikod ay hindi naman nakalagpas sa tingin ko ang pag-ngiti ni Shiro. Tipong ngiti na parang tuluyan lumuwag ang pakiramdam nito.
Hindi ko alam kung bakit hindi ako mapakali sa last subject namin bago mag-lunch break. Oras-oras ako napapatingin sa wristwatch ko at okyupado lang ang utak habang nagdidiscuss ng syllabus ang guro sa harapan.
Ito na naman ang nararamdaman kong kaba. Pero hindi ito ’yong kaba na parang ninenerbyos. Kumbaga mukhang excited pa nga ako na ’di malaman.
I never felt something like this before. Magkakasakit ba ako?
“Class dismissed,” sabi ng guro nang marinig namin ang bell.
Agad kaming nagsipagtayuan at nag-aayos ng mga gamit. Nagpaalam na sa akin sila Arlo nang mauna na silang lumabas.
Medyo mabagal pa ang kilos ko dahil pinapakiramdaman ko pa ang sarili. Habang papalabas ng room ay iniisip ko pa kung dapat ba ako bumili ng gamot. Ayaw ko pa naman sa lahat ay magkasakit ako, hassle masyado.
Natigil naman ako sa kinatatayuan nang makita si Shiro na naghihintay sa tapat ng room namin. Kita kong napapatingin ang iba sa gawi niya dahil sa katangkaran at kakisigan ng katawan nito kahit na naka-uniform.
Nang mapansin niya ako ay napatayo ito nang maayos at ngumiti. Huminga lamang ako nang malalim bago lumapit sa kaniya.
“Saan sila?” Bungad ko dahil siya lamang mag-isa dito ngayon.
“Nandoon na sa labas naghihintay,” sagot niya.
Napatango lamang ako at maglalakad na sana nang may iabot siya sa aking nakaplastig bag. Mapagtanong ko ito tinignan at hinayag lamang niya na tignan ko ang loob nito.
Iyon nga ang ginawa ko. Bahagya nanlaki ang mga mata ko at nilabas ang inumin na laman ng bag.
“Iced Matcha Latte,” sabi niya.
“Para sa akin?”
Tumango ito at napaiwas ng tingin.
“You don’t have to,” I said slowly as I didn’t really know what to say.
“Napaaga ’yong labas namin nila Emilio. Nagkataon din na niyaya kami nila Sofie at Raff na pumunta sa bagong bukas na café malapit dito.” Napahawak siya sa kaniyang batok. “At sabi mo iyan ang paborito mo kaya…” Tumango na lamang siya sa inumin na hawak ko.
Kung kanina ay parang ako lalagnatin, ngayon ay sigurado akong umiinit na nga ang mukha ko dahil sa kapulahan nito. Mahina pa akong napatawa dahil dama ko rin ang pagkahiya nito. Parang nakakaramdam pa ako ng pagkalabog ng mga paru-paro sa tiyan ko habang pinagmamasdan ang hawak kong inumin.
He remembers.
“Thank you, Shiro,” ngiti ko rito.
Medyo napaawang ang bibig niya at nakatingin lamang sa akin. Napaismid siya tsaka nakabawi at napangiti rin sa akin.
“You’re welcome, baby doll.”
Napailing na lang ako rito. “Talagang papanindigan mo iyan?”
“Papanindigan naman talaga kita.” Bulong nito na ’di ko masyado narinig dahil nauuna na itong maglakad.
“Ano?”
“Sabi ko tara na.”
Hindi ko na siya masyadong kinulit pa at kita kong namumula na naman ang tenga niya. Habang ako ay napainom na lang sa binigay niyang inumin para maibsan ang kakaibang kaba na nararamdaman at para mawala ang mga paru-paro sa aking sikmura.
“Ante Gina!” Tawag ni Sofie pagkarating namin sa isang karinderya. “Ante Gina, lumabas ka diyan. Huwag mo kami taguan!”
Ilang saglit pa ay may lumabas na isang babaeng may edad na. “Gaga ka talagang bata ka. Iyang bunganga mo ang ingay. Kung makatawag ka akala tuloy ng mga tao may atraso ako sa’yo.”
“Nagugutom na po kasi kami,” hagikhik ni Sofie.
“Aba kompleto kayo ah, at…” Napatingin ang matanda sa gawi ko kaya bahagya ko ito nginitian. Napatakip pa ito ng bibig at tinuro ako. “Ay hala, si Athena Jenn ba iyan?!”
Humupa ang ngiti ko sabay napabuntong hininga sa sinabi nito. Medyo nahiya ako sa kalakasan ng boses ng matanda dahil napatingin ang ilang kumakain sa karinderya nila. Kita ko pang naglabas ng phone ang iba at kinukuhanan na ako ng litrato. Iyong iba nga ay may flash pa habang nagpi-picture.
I squirm uncomfortably where I stand.
Pasimple namang tumabi si Shiro sa akin. Dahil sa tangkad nito ay natatakpan niya ako sa ibang customers. Kahit si Gab ay pumwesto sa likod ko habang si Emilio ay nasa isang tabi ko.
“Iyang bunganga mo Ante ang maingay,” balik ni Sofie sa kaniya habang nagtitingin ng ulam.
Natawa naman si Annie. “Ano ba, Ante? Ang labo na ng mga mata niyo. Nasa Manila si Athena Jenn. Kakanood niyo iyan ng teleserye.”
Si Meiko ay tumayo sa harapan ko habang nagtitingin din ng ulam pero hindi na siya umalis doon nang may mga tindera ring tinatapatan ako ng phone. May katangkaran din itong si Meiko, kaya alam kong natatakpan niya ako mula sa mga camera sa harap.
Napahinga ako nang malalim nang mapansin ko ang pag-aligid nila sa akin. Kunot ang noo ng ibang tao dahil hindi na nila ako makuhanan nang maigi.
“Pero—”
“Ante Gina, sa loob na kami kakain ah,” singit ni Raff tsaka lumingon sa amin at sinenyasan na kaming pumasok.
Sumunod naman kami sa kaniya habang tulala pa rin sa akin ang matandang babae. Nang nakapasok kami ay doon ko lang napagtanto na bahay na pala itong pinasukan namin.
“Ako na bahala kumuha ng mga ulam, guys,” sabi ni Raff at agad na sinabi ng iba ang mga orders nila.
“Hindi ba ito ’yong bahay noong Ante Gina? Okay lang ba na dito tayo kumain?” Takang tanong ko kay Shiro na tumabi sa akin.
Literal na nasa dining area kami at katapat lang namin ang sala. Kita ko pa nga ang hagdanan na papunta ata sa ilang mga kwarto.
“Pamangkin ni Ante Gina si Sofie. Kaya tuwing kumakain kami sa karinderya niya, madalas dito kami dumederetso,” sagot niya.
Napatango naman ako habang tinitignan ulit ang palagid. Kaya pala ganoon nila iyon biruin at kausapin.
Dinig ko ang samu’t saring ulam na sinasabi nila kay Raff. Pati tuloy ako napaisip na rin kung anong kakainin. Hindi ko pa naman nakita iyong mga nakahain sa labas.
“Ikaw, Riyuu? Ano gusto mo?” Tanong ni Shiro.
“Ikaw?” Tanong ko pabalik habang kuryosong nakatingin sa mga malaking tinidor at kutsara na kawayan na naka-display.
“Ha?”
Tinignan ko ito na parang nagulat siya sa sinabi ko. Ano ba sabi ko?
“Ikaw, anong gusto mo?” Pag-ulit ko.
Napahinga ito nang malalim. “Ah,” natawa siya nang mahina. “Menudo.”
“Iyon na lang din sa akin,” I shrugged.
Tumango ito at lumingon kay Raff para sabihin ang order namin. Pansin kong namumula na naman ang tenga nito. Kahit leeg niya ay bahagyang namumula. Dahil ata sa init?
Nilabas ko sa bag ang mini fan ko at binuksan iyon. Napansin niya ata ang munting hangin nang itinapat ko iyon sa kaniya.
Binigyan niya ako ng mapagtanong na ekspresyon.
“Naiinitan ka ata.” Sabay turo sa tenga at leeg niya. “Namumula ka.”
Medyo nanlaki ang mga mata niya at umiling. “Hindi. Okay lang ako. Sa’yo mo na lang itapat iyan, pinagpapawisan ka na.”
Sabay pahid sa gilid ng noo ko at pinakita niya ang palad niyang may pawis ko. Saglit lang iyon, pero parang tumagal ang pakiramdam ng hawak niya sa akin. I’m going insane.
Napatango na lamang ako at sumandal sa kinauupuan. Umiwas na ako ng tingin dito at tinapat ko na sa sarili ang mini fan.
Nagawi ang tingin ko kay Meiko. Nakataas ang kilay nito habang lumilipat ang tingin sa akin at kay Shiro. Ngumisi lang siya tsaka sumabay na sa usapan nila Annie at Sofie.
Nawaglit din ang pagtataka ko roon nang dumating na rin ang mga pagkain namin. Dahil nasa dulo ako, si Shiro ang nag-aabot sa akin ng mga kailangan ko.
“Tubig?” Mahinang tanong niya nang mapansing paubos na ang inumin ko.
“Ako na lang kukuha.”
Umiling siya. “Magrerefill din ako ng akin,” tsaka tumayo na papunta sa water dispenser habang hawak ang baso naming dalawa.
Napangalumbaba pa ako dahil kita kong puno naman ang baso niya. Kunot noo pa ito nang mapansin na niyang may laman pa nga iyon habang lalagyan niya na sana ito ng tubig. I can’t help but smile.
On the outside, he exudes a commanding presence, but beneath that, he’s truly a bundle of awkwardness.
Cute puppy.
“Huwag mo titigan masyado,” Napalingon ako kay Meiko. “Nawawala sa sarili eh.”
Tinaasan ko ito ng kilay.
She chuckles. “Just saying.”
Meiko seems very observant. Napansin ko itong napapatingin sa gawi namin tuwing inaasikaso ako ni Shiro. Sinisilayan naman niya ako ng ngisi tuwing napapatingin ako sa kaniya. Para bang binibigyan niya kami ng makahulugang tingin. I don’t know if I should start to feel worried about it or not?
“Anak ka pala ni Athena Jenn, pasensya na talaga,” sabi ni Ante Gina nang lumapit na ito sa amin.
“Ayos lang po,” ngiti ko sa kaniya
“Kahawig mo kasi si Mama mo. Ganiyan na ganiyan ang itsura rin noong nagsisimula pa lang siya mag-artista.”
“Fan na fan ni mudra mo si Ante Gina, Yuu,” sabi ni Sofie.
“Oh? Hindi halata ah,” sabat ni Emilio at hinampas naman siya sa balikat ni Ante Gina.
“Galing kasi ni Mama mo umarte. Nako, inaabangan ko nga iyong bago niyang teleserye. Kahit kontrabida siya doon, siya kakampihan ko,” magiliw na sabi nito.
Natawa na lamang ako at tumatango sa bawat kwento niya.
“Pero si Mama mo morena. Ikaw maputi noh,” sabay turo sa balat ko. “Mana ka sa ama mo. ’Di ba Koreano iyon?”
“Opo. Iyon lang ata namana ko sa kaniya,” sagot ko na lang dito at pinagsiklop ko ang dalawa kong kamay.
I’m not really in the mood to talk about my father.
“Ante Gina, ang sarap ata ng luto niyo ngayon?” Pag-iiba ni Shiro ng usapan.
“Paanong hindi sasarap? Nakita ko iyan binigyan ni Manong Tomas ng sampaguita nang napadaan ako rito,” asar ni Annie kaya siya naman ang nakurot ni Ante Gina.
“Hala, si Ante. Feeling may asim pa,” N/natatawang sabat ni Gab.
“Mga sira talaga kayo,” pati si Ante Gina ay natatawa na lang din sa asar ng mga ’to.
Tumingin ako kay Shiro at napatingin naman siya sa akin tsaka ako kinindatan. I smile and give him a gentle nudge, expressing my gratitude for rescuing me from having to continue discussing my father.
I think he really did pay more attention than I expected. Hindi ko alam, pero parang masaya ako sa ideyang may taong nakakapansin ng mga ganitong maliliit na bagay tungkol sa akin. I felt lighter and more at ease around him, despite the fluttery feeling in my stomach. Shiro had a way of making things better.
Huh, that’s a first for me.
Ante Gina is very nice. Parang bagets pa nga ito gumalaw kahit may edad na. Medyo natawa pa nga ako nang ilabas niya pa ang ilang posters ni Mama. Nahihiya pa ito nang kantyawin siya nila Sofie na magpa-autograph ako kay Mama para sa kaniya. Maliit na bagay naman iyon kaya why not, right?
“Nandiyan na kaya teacher natin sa PR1?” Inaantok na tanong ni Arlo.
Nang humikab siya ay tinapunan siya ni Evan ng maliit na papel sa bunganga.
“Shoot, 3 points,” ngisi nito.
Dinura naman ni Arlo ang papel papunta kay Evan at agad itong napatayo para maiwasan iyon.
“Guys! Tara daw sa building ng STEM!” Sabi ng class president namin.
Halos lahat ay napaungol sa inis at walang ganang inayos ang mga gamit nila. Pero may iba naman na halos nakukuryente sa kilig at sinasabing nandoon daw ang mga crush nila.
Pumintig pa nga ang tenga ko nang marinig ko ang pangalan ni Shiro sa usapan nila. Napailing na lang ako doon. Kaklase nga pala namin section nila.
“Bakit kailangan tayo ’yong lumipat?” Nababagot na reklamo ni Arlo.
“Mas malaki ata space ng room nila,” sagot ko.
Pumalatak naman ito. “Lalabas pa tuloy tayo. Ang init-init pa naman.”
“Sorry ah,” mayabang na sabat ni Evan na ikinasimangot ni Arlo.
“Kaya pala mainit, nandito kasi anak ni satanas,” mataray na sagot ng kaklase naming si Mia.
Pati ako ay napahalakhak doon hanggang sa napuno na ng asaran ang paglalakad. Hindi nagtagal ay nakarating na kami sa designated room at nandoon na rin ang mga STEM na makakasama namin. Nang makapasok ang iba kong mga kaklase ay mas umingay ang silid dahil kakilala nila ang iba roon.
Humigpit na lang ako ng hawak sa strap ng aking bag nang makapasok ako. Natahimik ang iba, agad na sa akin napunta ang atensyon ng mga STEM students. Sinubukan kong ignorahin ang mga ’yon at nagtingin ng mauupuan.
“Yo, Riyuu!” Taas kamay ni Emilio sa bandang likod.
Nagkibit balikat ako at doon na lang din pumunta kesa sa tumayo lang ako sa harap. Pansin kong nawala na rin sa tabi ko sila Arlo dahil kausap nila ang ilang mga kakilala nila.
Napatingin naman ako kay Shiro kung saan nasa likod lamang ni Emilio. Nang magtama ang tingin namin ay umayos ito ng upo.
“Dito ka,” sabay tapik sa upuan na nasa tabi niya.
Sinunod ko na lang iyon dahil wala naman akong reklamo sa pwesto ko. Malapit ako sa bintana at tanaw ko ang field sa labas, tsaka tago sa mga mata ng iba kahit papaano.
Tinignan ko ang wristwatch ko at medyo maaga pa naman bago magstart ang klase.
Kinalabit ko sa Shiro.
“Hmm?” Sabay tingin agad sa akin.
“Gisingin mo ako kapag nandiyan na si Sir.”
Hindi ko na siya hinintay sumagot at yumuko na agad sa lamesa. Ginawa kong unan ang bag ko habang nakaharap ang mukha sa bintana. Agad ko naman nakuha ang antok ko kaya pagkapikit ko pa lang ay naka-idlip na agad ako.
Kung hindi nagpaparty, tulog ang hilig kong gawin. Nakasanayan na ata ng katawan ko ang matulog nang matulog dahil at least kapag tulog ako, wala akong iniisip na kung ano. Same as partying.
Hindi ko alam kung ilang minuto akong naka-idlip. Nakaramdam lang ata ang katawan ko na malapit na mag-time kaya kusa na akong nagising.
Inaasahan ko na bintana ang bubungad sa akin, pero isang librong nakabuklat at nakaharang sa paningin ko ang una kong nakita.
Napatingin ako sa katabi ko na may hawak ng libro. Nakadantay ang kaniyang siko sa sandalan ng upuan ko. Nakataas ang librong nakabuklat sa mukha ko at nang medyo umangat ang tingin ko, doon ko napagtanto kung bakit niya ginagawa iyon.
“Naiinitan ka ba?” Alalang tanong nito nang mapansing nagising ako. “Sinubukan kong harangan ’yong sinag ng araw, para hindi ka magising.”
Pakiramdam ko ay natuyo ang lalamunan ko at hindi malaman ang sasabihin. Madalas kapag kakagising ko lang ay lutang pa dapat ang isipan. Pero sa lakas ng tibok ng puso ko ngayon, parang tuluyan nagising ang diwa ko.
Bago pa man ako makapagsalita ay may tumatakbong estudyante papasok sa room.
“Andiyan na si Sir!” Anunsyo nito.
The sudden intrusion shattered the fragile bubble of tension that had enveloped us. Napaupo ako nang maayos at maliit na nginitian si Shiro. Napatango lang ito nilagay na ang libro sa mesa.
Tumahimik naman ang lahat at umayos na sa kani-kanilang mga upuan nang pumasok ang guro namin. Saglit itong nagpakilala at nag-attendance na agad. Kada banggit niya ng pangalan ay tinitignan niya maigi ang estudyanteng magtataas ng kamay. Mas ayos na rin ito kesa sa mahaba-habang introduce yourself naming lahat.
Nakapangalumbaba lamang ako habang nakatingin sa harapan. Medyo dama ko na ang sinag ng araw sa mukha ko pero hindi ko muna masyado pinansin iyon at hindi pa naman masakit sa balat.
I was so engrossed in the teacher’s discussion that I remained oblivious to the fleeting glances and curious stares from those around me. Napansin ko lang ang mga iyon nang paluin ng guro ang kamay niya sa whiteboard.
“Boys and girls at the front! Kulang na lang umikot iyang mga ulo niyo kakalingon sa likod. Nasa harapan pa man din kayo,” sermon ni Sir. “Sino ba tinitignan niyo diyan? Si Mr. Min?”
Pasimple ako sumandal sa inuupuan at mas ibinaba ang sarili dahil sa hiya.
Nice, may special mention agad.
Bakit ako? Baka naman itong katabi ko ang tinitignan. Mas nakakasilaw pa nga ito kumpara sa akin. Kahit ako ay mapapatingin sa kaniya.
“Nagtabi raw po kasi ’yong dalawang pogi, Sir,” hagikhik ng isang babae sa harap.
Nagsipagsang-ayunan naman ang karamihan sa mga kababaihan. Ang mga lalake naman ay napapailing lamang. May iba pa nga na bumabanat na sila din daw ay pogi, isa na sila Emilio at Arlo doon, pero tinatarayan lang sila ng iba dahil sa kahanginan nila.
Tinignan ko ang katabi ko. Tuloy lang siya sa pagkopya ng notes sa whiteboard at hindi masyado pinapansin ang ingay sa paligid.
“Kung maghiwalay na lang kaya kayo ng upuan, Mr. Verdigra at Mr. Min?” Taas kilay na sabi sa amin ni Sir.
Sa lahat ng nasabi, doon lang inalis ni Shiro ang tingin sa notes niya. Kunot ang noo nito tinignan ang guro.
Agad naman umapila ang mga kababaihan.
“Huwag na, Sir!”
“Kaya nga, Sir. Hayaan mo po sila magkatabi para iisang pwesto lang tinitignan namin, ’di ba?”
“Agreeana Grande.”
“Sige ka, Sir. Kapag pinaghiwalay mo sila…”
“Oh ano?” Tanong ng guro.
“Wala lang sad lang kami.”
Nagtuloy lang ang pangungumbinsi ng ilang mga kaklase namin. Kita kong kunot pa rin ang noo ni Shiro habang mariing pinapanood ang nangyayare.
Parang kanina lang ay wala itong pakealam sa paligid. Is he upset?
Mukhang magsasalita na sana siya nang pinangunahan na siya ng giro namin.
“Oo na. Oo na,” natatawang sabi ni Sir. “Makinig na pala kayo at mamaya niyo na sila tunawin ng mga tingin niyo.”
Kita kong napahinga nang malalim ang katabi ko. Bumaling ito sa akin at ngumiti.
Oh, the puppy is back again.
“Bakit?” I tilt my head.
“Wala lang,” sabay balik sa pagsusulat. “Gusto kasi kita katabi.”

