ILLICIT AFFAIR (YOONMIN)
Brictorique · 47 chapters · 102,926 words
ILLICIT AFFAIR (BL)
ILLICIT AFFAIR
w
ritten by BRICTORIQUE.
Hi sa magiging readers and/or followers ng kwentong ito.
Kung ikaw ay hindi kumportable na magbasa ng pagmamahalan sa pagitan ng parehas na kasarian ay mangyari lamang na iyong lisanin ang aking likha at maghanap ng iba na aayon sa iyong panlasa. At, kung ikaw naman ay nakapagbasa na ng ilan sa aking mga nagawang kwento ay ako na ang magsasabi na iba ito sa mga nagawa ko nuon dahil ito ay isang fan fiction.
Rated SPG kaya bahala kayo kung gusto ninyo itong subaybayan. Tungkol sa titulo, hinango ko ito mula sa kantang Illicit Affair ni Taylor Swift. Ito ang unang beses na magtatangka akong gumawa ng ganitong genre. Hindi ko alam kung susubukan ko ulit gumawa ng panibago kapag natapos ang kwentong ito pero sana ay inyong magustahan ang aking handog sa inyo, aking mga pinakamamahal na magbabasa.
I strongly believe that there is no limitations when it comes to love whether it is economic status, race, intelligence, or gender.
Lastly, this story is a work of fiction. The names, characters, incidents and places are the products of my imagination as the author, and are not to be construed as real. Any resemblance to persons living or dead or to an another story is entirely coincidental and unintentional. I hardly advised not to copy my work as all people have different mindset and ways of imaginations that they wished are real so please, create your own story line.
ILLICIT AFFAIR 1
JIMIN POV
“Alis muna ako!” paalam ko sa ka roommate ko bago ako umalis. Baka kasi magulat ito na nawawala ako at wala akong paalam. Mamaya biglang tumawag sa 911. Hahaha. Baka lang naman.
“Hoy! Anong oras na lalabas ka pa?! Hindi mo ba narinig yung mga bali-balita nitong nakaraan?” nagaalalang tugon nito.
“Ha?” anong bali-balita sinasabi nito? Ang alam ko lang maraming magagandang club dito sa amin kaya dinarayo itong lugar namin.
“Nasakop na daw ng mga drug lord itong lugar natin! Mamaya may kung ano pang mangyari sa iyo d’yan kapag lumabas ka ng ganitong oras! Mamaya ma bugbog ka, manakawan, mapagbintangang nagda drugs or worst, magahasa ka!”
Hindi ko naman napigilan na mapatawa dahil sobra naman sa pagka OA ang naiisip nitong ka roommate ko.
“Hay naku. Kaya hindi makulay life mo kasi masyado kang nega. Relax. Sa club ang diretso ko at dito ang uwi ko. Besides, ineenjoy ko na ang after graduation life bago ako magtrabaho.”
Nailing nalang ito sa akin at bago ako tuluyang makalabas ng pinto ay saka siya nagsalita, “Bahala ka. Basta tandaan mo huwag kang hihingi ng tulong sa akin dahil siguradong tulog na ako kapag may nangyaring hindi maganda sa iyo mamaya.”
Tinawanan ko nalang ang sinabi niya at tuluyan ng umalis papuntang club. Masyado siyang nega. Palibhasa hindi pa niya narerealize na boring ang pagtatrabaho lalo na kung hindi ayon sa iyo ang tadhana at syempre pati ang kinuha mong kurso sa kolehiyo.
Business related kasi ang kinuha kong course kaya nga lang, kinuha ko iyon hindi dahil gusto ng parents ko o gusto ko. Kinuha ko iyon dahil sa naging highschool crush ko. Nalaman kong iyon ang gusto niyang course kaso hindi umayon ang tadhana sa akin. Sinundan ko siya sa napili niyang pasukan na university at course (dahil ganuon ako kapatay sa crush ko) pero bukod sa hindi ko siya naging kaklase ay pagkatapos ng first semester nag migrate sila ng pamilya niya abroad kaya imbis na mag shift pa ako eh itinuloy ko nalang at inenjoy ang naging course ko kaso sa sobrang enjoy naman pakiramdam ko wala akong natutunan.
Dahil hindi naman ako nagmamadaling makapunta ng club, naglakad nalang ako papunta duon. As if namang may mangyayari sa aking masama eh simula ng mag college ako natuto na akong pumarty tho hindi ko naman pinababayaan ang pagaaral ko.
Pagdating ko ng club ay agad akong umupo sa counter dahil wala pa ako sa level kung saan gusto ko magwala este sumayaw sa dance floor. Isa pa, hindi agad dumarating ang mga magaganda at gwapo sa ganito. Madalas huli silang dumarating kung saan karamihan ay hulas na ang mukha.
Tumingin-tingin ako sa paligid bago ako umorder ng maiinom.
“Blue heaven martini.”
Saglit akong tinignan ng bartender at lihim na ngumiti bago gawin ang inorder kong drink.
Problema nito? Masama bang umorder ng blue heaven martini? Dahil ba sa considered siya na ladies drink bawal na siyang inumin ng gaya ko? Kung sabagay, hindi ko naman siya masisisi dahil kahit ang mga nakasama ko sa bar ay nagtaka din. Eh sa mababa ang tolerance ko sa alak.
Pagkakuha ko sa drink ko ay agad ko itong sinimsim at minabuting ilibot ang tingin ko sa mga ibang customers na nasa luob. Ang daming magagandang babae pero ang unti ng mga gwapong lalaki. Napabusangot ako dahil duon.
Sa mga hindi nakakaalam, I’m gay. Not a closet or cross-dresser type of gay. Just gay. Hindi ko nga alam paano nangyari iyon eh sa may naging crush akong mga babae pero namalayan ko nalang na unti-unti na akong nagkakagusto sa isang lalaki ng libangin ko ang sarili ko sa lungkot ng mawala ang naging crush ko nuon na siyang sinundan ko pa sa naging university ko.
I didn’t try to hide my feminine side kaya hindi rin naging mahirap sa mga naging kaibigan ko na tanggapin ang sexualidad ko tho ’yung iba nang hihinayang kasi ang gwapo ko pa naman daw. As if namang magiging kakulangan ng pagkatao ko ang sexualidad ko.
Nagsisimula ng lumakas ang mga kalabog ng tugtog na pinapatugtog ng DJ na nasa itaas na bahagi ng club at dumarami na rin ang mga tao pero hindi pa rin ako umaalis sa pwesto ko at naka tatlong order na ng iniinom ko.
Hindi ko alam kung tipsy na ba ako dahil nagsisimula na akong matulala sa kawalan kaya para labanan ito, tumayo na ako sa pwesto ko at pumunta sa gitna para sumabay sa alon ng mga kapwa ko party goer sa kanilang pagsayaw. Wala naman akong magiging problema kung pagsasayaw ang paguusapan. Miyembro ako sa isang dance group ng highschool at college.
[ Now Playing: Martini Blue by DPR Live ]
Nagsimulang sumabay ang katawan ko sa mga nagsasayaw at pakiramdam ko, sa sandaling oras, wala ako realidad lalo pa’t nagsisimula ng maglaro pati ang mga ilaw kaya hindi na ako nag atubiling makipag sayaw sa kung sino gustong makipagsayaw sa akin.
Wala pa sana ako balak na tumigil sa pagsasayaw kung hindi ko lang namalayan na muntik ko ng mahalikan ang babaeng kasayaw ko na nakapulupot na ang mga kamay sa leeg ko.
“Hey, wait.” nanghihinyang at gulat na tawag nito sa akin ng bigla akong kumalas sa kanya.
Shit. That was close. I haven’t had any romantic relationship before that’s why I don’t want to loose my first kiss from a stranger I just met.
Hindi ko ito nilingon at nagpatuloy lang sa paglalakad hanggang sa makalabas ako sa dance floor kung saan nakipagsiksikan pa ako at dahil duon nakaramdam ako ng pagkahilo.
Okay, Jimin. Oras na para umuwi.
Habang pinapatili kong nakabukas ang mga mata kong nagsisimula ng manlabo dahil sa tama ng alak at pagsasayaw, sinubukan kong pumunta ng cr para maghilamos ng mukha para tumagal ang ulirat ko ng may mabangga ako.
Aish. Ano ba iyan. May tama na rin ba itong nakabanggaan ko?
“Master Min, ayos lang po ba kayo?”
Hindi ko masyadong maintindihan ang narinig kong ingay malapit sa akin dahil nafocus ang nanlalabo kong mga mata sa taong nilingon ko — napatingin ako sa singsing na nasa palasingsingan nito. Napangisi ako sa isip ko. Anong ginagawa ng gaya niyang may asawa na sa ganitong lugar? Sinundo niya ba ang asawa niya? O ang kabit niya? O baka naman, wala sa dalawa kong nasabi dahil siya ang may ari nitong lugar na ito?
At bakit nakatayo pa rin sila sa harap ko? Wala ba silang balak na umalis? Ah, alam ko na!
“P-p-pasensya. .” hindi ko halos mabuo ang salitang gusto kong sabihin basta ang alam ko yumuko ako para humingi ng paumanhin sa nangyari at ng makapunta na ako ng cr kaso naramdaman kong hinila ng kung sino ang kwelyo ng damit ko at dahil sa biglang paghila sa akin ay hindi ko na napigilang masuka.
“You’ll regret this.” nagngingitngit na sabi nito at nagsimula ng dumilim ang paningin ko.
A/N:
Date Published: April 11, 2021 at 03:13 AM
Oh hello. Hindi ako sure kung okay itong simula ng kwento. As I said nga, ngayon palang ako naka experience gumawa ng fan fiction. I actually made this as an appreciation story kasi I noticed most of you mukhang mga ARMY so iyon lang naman. Hahaha.
Kitakits sa sunod na update mga ka meow meow. Ichi ni san nyaa arigato!
ILLICIT AFFAIR 2
“Tsk.” turan ko habang nakaupo sa kama. Kagigising ko lang at nagising ako hindi dahil maingay kundi dahil nauuhaw ako.
Nagtataka nga ako kung bakit masyadong tahimik. Mukhang hindi yata nagbabad sa paglalaro ng computer games ’yung ka roommate ko. Buti naman. Mas okay iyon kesa naman magising akong may galit na galit na parang gustong pumatay tapos pagiche check ko iyong game lang pala na nilalaro ang dahilan.
Saglit kong pinakiramdaman ang higaan at nagtaka ako. Teka, bakit parang sobrang lambot naman yata ng kutson ko ngayon?
At bakit nga ba ang dilim? Teka nga.
Paglapat ng paa ko sa sahig ay nagulantang ako. Bakit sobrang lamig? Parang yelo! Speaking of yelo, bakit ang lamig dito sa kwarto ko? Electric fan lang naman gamit ko at hindi pa BER months para lumamig ng ganito ang panahon.
Tiniis ko ang malamig na sahig at kinapa ang dingding para hanapin ang switch kaso nagtaka ako kung bakit parang ang lawak naman masyado ng kwarto ko ngayon.
Hindi naman na ako lasing! Gusto ko lang naman uminom ng tubig!
Dahil sa pagpupursige kong mangapa ay sa wakas! Nahanap ko rin ang switch at agad in-on ang ilaw at napasigaw ako sa gulat ng makitang nag iba ang hitsura ng kwarto ko.
“Oh my gosh, Jimin! Nananaginip ka lang! Impossibleng magkaruon ka ng ganitong kwarto!” sabi ko habang sinasampal ang sarili ko.
And then, the slap to my face hit me. Like, not just literally ng may maalala ako. Oh gosh!
Namilog ang mga mata ko sa takot at hiya na saktong sinabayan pa ng pagtunog ng seradura ng kwarto kung nasaan ako at iluwa nun ang isang nakakamatay sa unang tingin na nilalang. Napalunok ako.
Sinundan ko ito ng tingin ng lumakad ito sa luob at namalayan na nakatayo na siya sa harap ko at pinupukol ako ng masamang tingin ng marinig kong sumara ang pinto ng kwarto.
“H-hi? M-magkakilala ba tayo? Ehehe.” kinakabahan ngunit nakangiting tanong ko sa kanya.
Mahirap ng tarayan ko ito eh mukhang naninikmura itong lalaking ito.
“No, but you owe me something.” poker face niyang tugon.
“Ow–wow? Aww aww?”
“Are you stupid?” napalunok ako at napaatras ng mapansin ko sa boses niya ang pagkainis pero yung mukha niya ganuon pa rin. Poker.
Napakamot ako bigla sa ulo ko at nilihis ang tingin ko sa ibang direksyon.
Anong problema ba nito?
Ayos ayos ng kausap ko kaso parang may regla kung sumagot.
At saka, anong owe? Wala akong maalala na may inutangan ako at mas lalong hindi ko pa nakikita iyang gwapo niyang mukha. Ehehe. Gwapo naman kasi talaga siya pero iyon nga lang parang may regla.
Wala akong ibang maalala sa mga nangyari kagabi bukod sa uminom ako, nakipag sayaw, may muntik ng mahalikan na kung sino tapos yung kamay na may singsing.
Muli kong hinarap ’yung lalaking nasa harapan ko at ayun. Para siyang estatwa na hindi pa rin nagalaw at nakatitig sa akin. Wow. Talent niya ba ito? Ang galing ah.
“Sabi mo, I owe you something ’di ba? Pera ba? Magkano? Alam mo kasi kung nautangan man kita pwede naman kita bayaran kasi hindi ko sadya iyon. Dala lang siguro ng kalasingan and for your information, hindi ako stupid ’no.” saad ko at pinagdiinan ko talaga yung huli kong sinabi with matching eye roll pa.
Napa “unbelievable” face ito at umiling-iling bago muling tumingin sa akin.
“Do I look poor? Stupid.”
Tignan mo ito. Tinawag na naman akong stupid. Upakan ko na kaya ito?
“Eh kung hindi naman pala about sa pera ito, anong dina drama mo?”
“Are you sure you don’t remember? Then let me remind you, stupid Smidge. You made me cancel an important transaction and I’m not letting you get away from it.”
Smidge? Sino si Smidge? Hindi naman iyon ang pangalan ko. At saka, important transaction? Na cancel ng dahil sa akin? Hala. Ano bang ginawa ko? Hindi ko maalala. Naku naman.
“Hindi Smidge ang pangalan ko no. At saka, paano naman ako naging dahilan para macancel iyang transaction mo? Saan ba tayo nagkita? Sa club ba?”
Sumimpleng tingin ako sa lalaking nasa harapan ko and I figure out na mukhang maling tao ang nabangga ko. Mukhang pwede akong ipa salvage nito anytime soon. Napalunok ako sa isipin na iyon.
“You fucking puke on my fucking clothes.” nanggigigil niyang sagot.
Bahagya ako napaatras palayo sa kanya. Paano kasi ’yung pagkakasabi niya parang ngayon, as in ngayon ko mismo ginawa sa kanya yung pagsukang ginawa ko sa damit niya kagabi.
Naku, patay. Nakakahiya. Sinukahan ko pala ’yung damit niya.
Mukhang hindi nga biro yung ginawa ko kagabi. Nakakahiya talaga. Shit.
“A-ah, eh, sorry kung nasukahan man kita. Pwede namang labahan iyon, di ba?” I gave him my most sweet smile which cross fingers sana ay gumana sa kanya, “Kung gusto mo ako mismo maglalaba. Magaling ako maglaba.”
Tinaasan niya ako ng kilay, “I already threw it away.”
“Ha? Bakit? Anong klase ba damit mo at tinapon mo? Hindi ba nalalabahan iyon?”
“Do you think I’ll still be wearing something that has already been puked?”
Natameme ako sa sinabi niya. Hindi dahil hindi ko alam ang isasagot pero dahil iniisip ko kung ako yung nasa kalagayan niya at lumaki akong mayaman eh baka nga gawin ko rin ’yung ginawa niya. Alam ninyo naman ang mga mayayaman ( I mean, not all but mostly ) maaarte.
“Ano ba brand nu’n? Papalitan ko nalang.” muli akong ngumiti. So much of me being optimistic. Pero syempre kung pabayaran man niya, mukhang magmamadali akong maghanap ng trabaho para mabilhan siya ng kapalit ng nasukahan ko. Hindi naman siguro ganuon kamahal ’yung damit niya kagabi.
“You think you can pay?” ngumisi siya na medyo kinainis ko deep inside. Tingin naman nito sa akin nuknukan ng kahirapan. Sakalin ko ito eh. Hahaha. Joke.
“Oo. Pero pangungunahan na kita. Medyo matatagalan pero mababayaran kita. Pangako iyan.”
Tumitig siya sa akin. Hindi ko alam kung gaano katagal pero kalaunan ay iniwas niya ang tingin niya sa akin at napalunok. Huh? Weird.
“Pay me $2690 and I’ll let you go.”
“H-Huh? Magkano? $2690?” ramdam ko ang literal na pag jaw drop ko ng sinabi niya sa akin ang bayarin ko sa kanya. “Bakit ganyan ’yung presyo? Ginu-good time mo yata ako eh.”
Muli siyang ngumisi and lumakad palapit sa akin. “Rich people wear expensive things. Kung tutuusin, swerte ka pa dahil ’yung pinaka mura sa wardrobe ko ang nasukahan mo. Anyway, it was just Saint Laurent. A Black Slim-Fit Wool and Silk-Blend Jacquard Blazer. So, when will you pay me?”
Parang akong na confused math woman meme ng marealize ko kung magkano ’yung babayaran ko at ’yung impact ng ginawa kong pag inom kagabi. Aish. Paano na? Eh kung icoconvert ko iyon sobrang mahal nun. Kakailanganin ko ng high paying job para mabayaran siya agad.
And again, ngumisi siya sa akin.
“Do you realize now how much trouble you had caused me? If you can’t pay me, you only have two options. One, work for me or two. .” sinenyas niya ang kamay niya na parang baril at tinutok sa sentido ko, “. . die.” bulong niya sa tenga ko at lumakad palayo.
Holy cow. Pakiramdam ko nagtaasan ang mga balahibo ko sa ginawa niyang iyon at uminit ang magkabilang pisngi ko. Peste na iyan.
“So?” pagtawag niya sa pansin ko kaya napatingin ako sa kanya na siyang nakaupo sa dulo ng kama at nakabukaka sa akin. ’Yung tingin niya parang naiinip na at gusto ng manlapa kahit na may kalakihan ang pagitan naming dalawa.
“’Yung one nalang tutal ’yung sasahurin ko yung magiging pambayad ko sa utang ko sa iyo.” alanganin kong sagot. Takte kasi. Ibig sabihin magtatrabaho ako na mukhang free kasi wala akong makukuhang sahod eh kaya ka nga nagtrabaho para may sahurin panggastos. Pfft.
“Good. You may start today.” nakangisi na naman niyang tugon at tumayo sa kinauupuan niya.
“H-huh? Today? As in now na agad?”
Dumiretso lang siya ng lakad niya papunta sa pintuan na parang hindi narinig ang tinanong ko at bago tuluyang makalabas ay nagsalita siya, “Try to make amends to Mr. Jung about yesterday for me. Got it?”
At tuluyan ng sumara ang pinto at naiwan ako mag isa sa kwartong hindi ako pamilyar.
What the? Tama ba ang naging desisyon ko na magtrabaho sa kanya?
At sino si Mr. Jung? Ugh.
A/N:
Posted: April 20, 2021 at 12:21 AM
Hello, my dear readers. Nagbabalik si author para mag update. Medyo nabusy kaya hindi agad nakapagparamdam mula ng huling post. Kamusta ang lahat? Excited na ba sa kasunod na chapter? Lol. Anyway, stay safe and eat healthy food, okay?
Kitakits sa sunod na update mga ka meow meow. Ichi ni san nyaa arigato!
ILLICIT AFFAIR 3
Napanganga ako sa laki ng walk-in closet na pinasukan namin ng secretary ng magiging boss ko starting today. Wow! Totoo pala talagang may mga ganitong kalaki na walk-in closet. Akala ko sa mga tv segment or movies lang ako makaka kita ng ganito.
Pero teka nga.
Hindi ko pa alam ’yung pangalan ng boss ko na iyon. Hindi naman kasi siya nagpakilala sa akin at mas lalong hindi rin ako nagpakilala sa kanya!
Eh kung tanungin ko kaya itong secretary ng boss ko ngayon na nasa likuran ko at naghihintay sa akin na magbihis ako sa harap niya? Charot lang. Hahaha.
“A-ah. .” shit. Anong sasabihin ko?
“Yes, Mr. Park?” nakangiting tugon nito at lumapit sa tabi ko.
“Kilala mo ako?!” feeling ko mukha akong tanga sa hitsura ko ngayon dahil nagulat ako ng tawagin niya ako sa apelyido ko. Shookdt!
Tumingin ito sa akin ng may pagtataka at nagpakawala ng isang weirdong ngiti, “Yes, Mr. Park. Tinawag ko na po kayo sa pangalan ninyo kanina pero mukhang ngayon lang nag sink in sa inyo.”
Automatic akong napa flashback sa mga nangyari kanina after lumabas ng boss ko sa kwarto at siya naman ang pumasok makaraan ang ilang minuto.
Lutang na lutang siguro ako kanina kaya hindi ko napansin yung ginawa niyang pagtawag sa pangalan ko.
Pero teka nga.
Paano niya nalaman ang pangalan ko? Wala akong maalalang nagsasabi ako ng pangalan ko kung kani-kanino lang.
“A-ah, matanong ko lang, anong klaseng tao si Mr. Jung?” tanong ko habang sinisipat ang mga damit na nakahilera.
Parang nagulat na naman yung secretary ng boss ko sa tanong ko.
Weird ba itong mga tinatanong ko sa kanya? Eh sa nabigla ako sa mga nangyayari ngayon. Hindi ko naman inexpect na malalagay ko ang sarili ko sa ganitong sitwasyon.
“Mr. Park, sa tingin ko mas maganda kung pumili ka na ng isusuot mo at kitain mo na agad si Mr. Jung dahil hindi maganda kung sa pangalawang pagkakataon madelay ang transaction nila ni Master Min.”
Napalunok naman ako sa napaka straight forward na sagot sa akin ng secretary ng boss ko. Hmmppfff!!! Ang sungit. Ganito ba talaga kapag mga secretary? Gosh!
Dahil no choice naman ako, ginawa ko na ’yung sinabi ng secretary sa akin. Humanap ako ng sa tingin ko formal pero kumportable akong dalhin na damit.
Habang tinitignan at inaayusan ko ang sarili ko sa salamin ay hindi ko maiwasang mapahanga sa mukha ko. Heh! Excuse me! I have the rights. Ang gwapo ko kaya. I can snatch hearts here and there. Charot.
Hmm. . so Master Min, huh? Iyon ang pangalan ng boss ko?
Min. .
Jimin. .
Min Jimin?
Charot! Ugh. Ano ba itong naiisip ko?!
Kung sabagay, kapag naaalala ko ’yung mukha niya kanina, well, hindi ko maitatanggi na gwapo siya at mas something pa sa awra niya na kung anong mas nagpapalakas ng karisma niya kapag natitigan mo siya.
Pagkalabas ko ng walk-in closet, napalingon sa akin yung secretary pero agad ding umiwas. Heh. Akala siguro nito hindi ko napansin na namula pisngi niya ah.
“Ito ’yung files tungkol kay Mr. Jung at sa transaction nila ni Master Min. After ng meeting ninyo ni Mr. Jung, didiretso ka sa Min Company para mag report kay Master Min at. .” huminto siya kaya napahinto din ako at nagtaka ako ng may iniabot siya sa akin na susi, “. . Ito yung susi sa magiging office mo.”
Office ko?
Magtatanong sana ako para saan yung susi sa sinasabi niyang office ko ng marealized kong may naka abang ng itim na mamahaling kotse sa harapan namin. Teka paano ito. .? Saan nanggaling ito?
Binuksan ng secretary ang pinto ng backseat kaya agad akong pumasok ng hindi siya pinapauna hindi dahil hindi ako gentleman pero dahil sinenyasan niya akong pumasok na sa luob.
“Good luck, secretary Park.” sabi nito pagkasara niya ng pinto at yumuko sa umaandar ng kotse.
Wait, what?!
Secretary Park ba ang sinabi niya?!
Hindi siya ang secretary?!
Half an hour later. . .
Nakatayo ako sa harap ng mataas na building na siyang pinagbabaan sa akin kanina at feeling ko nakatitig na sa akin yung mga security guard mula sa luob dahil ilang minuto na rin akong parang tangang nakatayo dito na hindi alam kung papasok ba o mananatiling estatwa nalang.
Hindi pa rin kasi nagsisink in sa akin yung sinabi ng babae kanina.
Secretary Park?
Ibig sabihin ba nun secretary ako ng boss ko? Eh paano nangyari iyon? Wala ba siyang secretary bago ako napunta sa posisyong ito? Wala akong kaide-ideya sa pagiging secretary ’no maliban sa napapanuod ko sa mga palabas sa tv na taga ayos sila ng schedule ng mga boss and bla bla bla. Whew. What now, Park Jimin?
Kaso bigla ako bumalik sa realidad ng maalala ko kung bakit ako napunta sa sitwasyong ito at iyon ay dahil sa katangahan na nagawa ko dahil sa pagiinom. Tsk.
Starting today hindi na ako iinom o magpa party. Tama na ’yung isang beses na nadali ako ng katangahan ko.
Napatingin ako sa relos na suot ko at 9 A.M na. Shit. Walang sinabing oras sa akin yung babae kanina sa oras ng meeting kay Mr. Jung maliban sa parehas sila ng boss ko na dapat asikasuhin ko yung nangyaring cancel ng transaction kagabi.
Napabuntung-hininga ako at inayos ang suot kong damit bago lumakad patungo sa luob ng building na kanina ko pa tinayuan.
Okay, kalma ka lang. You can do this! Para lang itong job interview na sana good ang kalabasan at hindi fail dahil kung hindi, baka deads ako ng wala sa oras sa kamay ng boss ko.
“Sir, saan po tayo?” tanong sa akin ng dalawang security guard na hinarang ako sa entrada ng building. Agad napalingon sa akin ’yung ibang papasok at nasa luob na. Shit. Kumabog ng malakas ang dibdib ko sa kaba.
“I have a meeting with Mr. Jung. I’m Mr. Park. Mr. Min’s secretary.” with confidence kong sagot pero sa totoo lang deep inside natataranta at naka cross fingers na ako na hindi ako mapahiya sa ginagawa kong ito ngayon.
Nagtaka ako bakit parang biglang namutla yung dalawang bantay sa sinabi ko at agad na napayuko.
“P-pasensiya na po, Mr. Park. Hindi namin sinasadya.” paumanhin nila.
Huh?
“O-okay lang. By the way, nasaan ngayon si Mr. Jung? Nasa office niya na ba siya?”
“Yes, Sir. Kakarating lang niya ilang minuto ng nakakaraan. Nasa top floor po siya.” sagot nito sa akin na ginayak pa ako papunta sa elevator na walang nakapilang mga empleyado.
Napatingin ako sa mga nakapilang empleyado na nakatingin sa akin habang hindi pa sumasara ng tuluyan yung pinto. Bakit sila nagbubulungan? May dumi ba ako sa mukha?
Habang hinihintay kong dumating sa top floor ang elevator kung saan kitang-kita ko ang sarili ko sa nakapalibot na salamin ay hindi ko maiwasang hindi makailangang beses na mapa buntung-hininga. Nabasa ko naman na kung ano yung transaction nila na nacancel dahil sa akin pero hindi ko maiwasang hindi kabahan dahil baka mainit ang ulo nito sa nangyari kagabi.
Hindi ko na mapigilan ang mapalunok ng sunud-sunod ng sa wakas dumating na ako sa harapan ng office ni Mr. Jung. Oh shit. Ito na.
Huminga ako ng malalim bago kumatok ng tatlong beses at magsalita.
“Mr. Jung?”
“Come in.” napalunok ako ng marinig ko ang malalim na boses nito mula sa luob. Yikes! Mukhang mapapalaban ang beauty ko. Shit.
Pagpasok ko ay agad ko itong sinalubong ng ngiti. Shit. Poker face lang ito pero hindi ko matanggal ang ngiti sa labi ko dahil ang gwapo niya.
“You are Mr. Min’s new secretary?” naka taas kilay nitong tanong sa akin.
“Yes.” tipid kong sagot at saka tumango.
Shit. Umuurong ng kusa ang dila ko. Bakit naman kasi ang gwapo ni Mr. Jung. Ganito yung mga tipo ng style na gusto ko sa lalaki. Yung nakikita yung nuo. Ugh.
Jimin, focus!!! Nandito ka para makipag areglo sa nacancel na transaction at hindi kumarengkeng!!!
“So, what brings you here?” tanong niya na tumayo sa desk niya at pumunta sa isang part ng office at nag salin ng kung ano.
Dahil hindi ko makita ang sinasalin niya ay inabala ko nalang ang sarili ko sa pagsagot ng tanong niya.
“Mr. Min sent me here to make amends for last night’s cancelled transaction.”
Hindi siya sumagot sa sinabi ko kaya kinabahan akong bigla. Shit. Ito na. Baka ipakaladkad niya ako palabas ng office niya or worse, ng building na ito.
Humarap siya at lumakad papunta sa pwesto ko para iabot ang isang basong may lamang inumin at umupo sa couch na kaharap ng akin.
Pinagmasdan ko munang maigi yung likidong nakasalin baka mamaya may lason ito eh. Mukhang bumubula pa!
Ano ito?
Sparkling water?
Dahan-dahan kong nilapit sa labi ko yung baso para tikman yung inumin. Napatingin ako kay Mr. Jung na nakatingin din sa akin habang iniinom yung kanya.
“Sprite?” gulat kong tanong sa sarili ko.
“I love sprite.” nakangiting tugon niya sa akin. Dahil duon kumalma na ako.
Marunong naman pala siyang ngumiti akala ko hindi eh. Sana lang hanggang sa matapos itong usapan namin nakangiti pa rin siya sa akin.
“Weird. I didn’t know na nagpalit si Yoongi ng secretary at lalaki ang ipinalit niya. Akala ko si Ms. Manoban pa rin but anyway, since you’re his new secretary, care to introduce yourself?” umupo ito na mapresko habang nakatitig sa akin.
Huh? So ibig sabihin never pang nagkaruon ng lalaking secretary yung boss ko? Kung sabagay, ako nga rin nagulat na naging secretary ako kasi sanay ako babae ang nagiging secretary at hindi lalaki.
Oohhh and so, Miss Manoban pala ang pangalan ng dati niyang secretarty. Ano kaya hitsura niya? Don’t tell me siya yung babae kanina na tumulong sa akin bago ako magpunta dito kasi ang ganda niya para matanggal bilang secretary tho may pagka mataray nga lang siya.
“I’m Park Jimin.” tipid ko na namang tugon dahil hindi ko alam kung ano pa bang dapat kong sabihin. Dapat ko bang sabihin na by accident ko lang nakuha itong position na ito sa kanya?
“Park Jimin. Hmm. .” ulit nito sa pangalan ko ng hindi man lang inaalis ang tingin niya sa akin, “Have we met before?”
Agad akong umiling dahil never ko pa siyang nakita except now na nasa harapan ko na siya.
“I see. I must have mistaken you as someone else. Anyway, about the cancelled transaction, tell him that its okay. May emergency din ako kagabi kaya hindi rin ako nakatuloy sa meeting place dapat namin and mukhang hindi kayo agad nanotify ng secretary ko so there’s no need for you to apologize or anything.”
Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya at hindi ko napigilan ang mapayuko ng ilang ulit habang nakangiti sa tuwa.
Yes! Ligtas ako on my very first day sa trabaho sa kapalpakan! Ang lakas ko naman kay Susej! Woohoo!
“You seems so happy, Mr. Park. I have the feeling na mukhang isang paa mo ang nasa hukay kanina dahil sa nangyari kagabi, am I right?” nakangiting tanong nito.
Nahihiyang tumango ako dahil totoo naman talaga.
Ngumisi ito sa akin at saka nagsalita, “What a lucky person you are, Mr. Park. Anyway, do you think what happened today was a coincidence?”
“U-uh, maybe?”
Biglang naputol ang usapan namin ng pumasok ang secretary niya at ipaalala ang tungkol sa meeting niya.
“Resched my transaction to him tomorrow night and I expect you to be there, Mr. Park.” inayos nito ang damit niya at kumindat sa akin bago tuluyang lumabas ng office niya kung saan hinihintay siya ng secretary niya.
Napabuga ako ng hangin at salampak sa couch dahil hindi pa rin ako makapaniwala na hindi ako pumalpak sa unang araw ko sa trabaho. Grabe. Ang swerte ko sa kanya.
Napatingin ako sa relos ko at shit. Mag 11 A.M na! Bakit ganuon kabilis lumakad yung oras eh parang saglit palang ako dito?! Anyway, makaalis na nga at pupuntahan ko pa yung kompanya ng boss ko. I just remembered na ako yung bagong secretary niya. Whew!
Sinwerte nga ako kay Mr. Jung pero hindi ako sigurado sa mismong boss ko.
A/N:
Posted: April 24, 2021 at 12:00 AM
Hello, everyone. Kamusta ang lahat? Okay ba tayo? Anyway, sa mga matagal ko ng magbabasa at tagasubaybay ng mga gawa ko, gusto ko lang sabihin na maraming-maraming salamat sa pagbabasa ng mga likha kong kwento dahil kung hindi dahil sa inyo hindi makakaabot ng 100k reads ang isa sa mga kwento ko. Iyon lang naman.
Kitakits sa sunod na update mga ka meow meow. Ichi ni san nyaa arigato!
ILLICIT AFFAIR 4
Humahangos akong nakarating sa tapat ng pinto ng office ng boss ko. Pagbabang-pagbaba ko kasi daig ko pa ang rush hour sa pagmamadaling makarating dito dahil ayaw kong maabutan ng lunch break. For sure kasi baka umalis yung boss ko na iyon at hindi kami magpang abot.
So ngayong nandito na ako sa tapat ng office niya, papasok na ba ako?
Napalunok ako at cinompose muna ang sarili ko bago kumatok.
Ay teka, ano palang itatawag ko sa kanya?
Duon ako biglang napaatras sa balak kong pagpasok sa office niya matapos kong kumatok.
Naalala ko kasi ang tinawag sa kanya ng babae kanina Master Min samantalang si Mr. Jung naman Yoongi ang itinawag sa kanya so, ano dapat ang itawag ko sa kanya? Master or Mr. Min? O baka naman Boss Min dahil siya ang Boss ko? Halaaa!!!
Hindi ko napansin gaano na ako katagal nakatayo duon sa labas pero napansin kong walang umik akong narinig mula sa luob. Nandyan kaya siya sa luob? May ginagawa? O baka naman wala?
Dahan-dahan kong binuksan yung pinto para sumilip sa luob ng marealized kong nakatingin ako sa nakakamatay na titig ng boss ko. Hindi ko magawang gumalaw para isara yung pinto pabalik dahil pakiramdam ko naestatwa ako sa nangyari.
“When do you plan to close the door?” baritonong tanong nito at saka ko palang nagawang maigalaw ang katawan ko sa taranta at agad na sinara ng malakas ang pinto ng office niya. Whew.
Agad akong napahawak sa dibdib ko at damang-dama ko ang nagkakarerang pagtibok ng puso ko. Peste!
Ihahakbang ko na sana ang paa ko para umalis sa kinatatayuan ko ng biglang. . .
“PARK JIMIN!!!” dumagundong ang galit na boses niya sa luob ng office na umecho hanggang sa labas.
Hala! Ano na naman bang ginawa ko?
Sa taranta ko nagmadali akong pumasok sa luob ng office niya kahit walang kasiguraduhan na makakalabas ako ng buhay.
“B-Boss! B-Bakit boss?!” nangangatog ang mga paa kong tanong. Nakatungo lang ako mula sa kinatatayuan sa tabi ng pinto at walang balak na mag angat ng tingin sa kanya.
“Why did you do that?” inis niyang tanong, “Did I ask you to leave?!”
Kung anong positive vibes ko kanina kay Mr. Jung, siya namang negative vibes ko dito sa boss ko na ito. Kung sabagay, ng gumising ako kanina negative vibes na rin naman kasi siya ang bumungad sa akin.
Napaisip tuloy ako kung bakit this time kumuha siya ng lalaking secretary which is ako. Dahil kaya sa walang nagtatagal sa kanya kapag babae dahil sa ugali niyang ito o dahil naiinlove sa kanya? Again, kagaya ng sinabi ko sa inyo at hindi ko naman itatanggi, gwapo siya eh. Pang dominant playboy datingan niya. Ganun! Kaya impossibleng hindi magkagusto sa kanya ang mga naging secretary niyang babae.
“Mr. Park Jimin!” muli niyang pagtawag sa akin kaya this time, napa angat na ako ng tingin ko at kinakabahang umiling sa kanya.
“N-No, Boss. You did not.” muli kong binaba ang tingin ko sa sahig pero hindi nakaligtas sa akin yung singsing na suot-suot niya.
Bigla akong may naalala. Tama! Naalala ko na! Bago ako mawalan ng malay kagabi sa bar, ang huli kong natatandaan may nakita akong kamay na may suot na singsing! Oh shit. So totoo nga siguro yung sinabi niya sa akin na nasukahan ko siya dahil naalala ko yung singsing na iyon kagabi at parehas iyon ng suot niya.
Shocks! Naalala ko yung singsing pero hindi yung nagawa kong pagsuka sa kanya?! Aish!
Hmm. . So, married na pala siya? Not that nanghihinayang ako pero surprising lang dahil ganyan ang attitude niya. Para kasing nasa andropause stage siya. Joke lang!
Baka mamaya iba ang behavior niya towards sa family niya kaya titigilan ko na ang pangju judge kahit na nacucurious ako. Hahaha.
“Stupid.” dinig kong bulong niya. Actually hindi ko alam kung bulong nga ba talaga kasi nadinig ko eh. I just rolled my eyes on him nalang deep inside.
“Were you able to talk to Mr. Jung?”
Tumango ako.
“Yes, Boss. He requested the transaction to be rescheduled tomorrow night.”
Nakayuko pa rin ako pero alam kong nakatingin siya sa akin.
“Good. Now leave.” mas malamig pa sa yelo niyang tugon sa akin.
Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil makakalabas na ako ng office niya o maiinis kasi hindi man lang siya nag compliment sa nagawa ko sa unang araw ko sa pagtatrabaho ko sa kanya. Whew.
Palabas na ako ng office niya ng marinig ko siyang muling magsalita.
Akala ko pupurihin niya na ako dahil sa nagawa kong makahingi ng second chance sa important transaction niya with Mr. Jung pero nagkamali ako.
“Send me the files I was asking my previous secretary to send me. I need that today.”
What the?! How am I supposed to know anong files iyon?
“It should be in the computer. If you can’t find it, it’s not my problem you don’t know how to use a computer or generate work as a secretary.”
Seriously?! This boss?! Ugh!
“Yes, Boss. I will send it today.” gigil akong ngumiti sa kanya at inis na lumabas ng office niya.
Kung may pambayad lang ako duon sa blazer niya na nasukahan ko, binayaran ko na siya ng hindi ako nagdudusa ngayon on my first day of work under him. Wait, what?!
Oh jusko, Jimin. Naiistress ka na nga sa ugali ng boss mo nakakapag pasok ka pa ng kabastusan sa utak mo!
A/N:
Posted: April 24, 2021 at 01:30 AM
Hello. Second update for today. Surprising ’no? Anyway, stay safe and eat healthy foods, okay?
Kitakits sa sunod na update mga ka meow meow. Ichi ni san nyaa arigato!
ILLICIT AFFAIR 5
Napasalampak ako ng katawan ko sa desk ko sa office sa pagod ngayon araw. Mula ng pumasok ako dito kanina hindi na ako nakalabas para mag break man lang. Nakakaloka naman kasi ’yung previous secretary. Ewan ko ba duon. Ang daming tambak na trabahong hindi nagawa kaya yung hinihingi na important file ng boss ko rush kong ginawa with the help of Mr. Google.
Napatingin ako sa mga nakapatong na folders sa gilid ng desk ko. Parang gusto ko ng maiyak. Alam ko sa sarili ko na kailangan ko itong tapusin dahil at any given moment pwedeng may hingiin sa akin yung boss ko na trabahong pinagawa niya nuon sa dating secretary na hindi pa nito naibibigay sa kanya
As much as gusto ko ng umuwi ay susubukan ko nalang pauntiin ang trabahong gagawin ko bukas kasi baka madagdagan na naman ng panibago at mas lalo akong matambakan ng gawain.
Biglang sumagi sa isip ko ang kagustuhan kong pumarty sa club habang abala ako sa ginagawa kong trabaho pero ng maalala ko ang dahilan kung bakit ako hindi makapunta sa mga oras na ito ngayon ay agad na nagbago ang isip ko.
Wala akong balak na dagdagan ang paghihirap ko. Mamaya magkautang na naman ako kapag may nasukahan akong kung sino.
Hindi ko pa sana mapapansing mageeleven na ng gabi kung hindi ako nakaramdam ng pinaghalong antok at gutom. Muli akong napatingin sa mga gawain ko at bahagyang napangiti. At least, tama ang desisyon kong mag stay ng matagal sa office dahil bukas unti nalang ang trabahong natengga na gagawin ko.
Iika-ika akong naglakad palabas ng office dahil sa pamumulikat ng paa ko. Pero dahil wala ng tao sa paligid maliban sa akin at nakakabingi ang katahimikan ay nagmamadali akong pumasok ng elevator.
Papikit na sana ako ng mga mata ko ng makita kong pasara na ang elevator ng biglang may lumitaw na kamay out of nowhere.
“Aaahhh! Putangina!!!” sigaw ko sa gulat dahil akala ko may multo ng balak akong dalhin kay Susej kaso napalitan ang takot ko ng hiya ng makitang ang boss ko pala ang pumigil ng elevator.
Shit! Bakit nandito pa siya sa office? Hindi ba dapat kanina pa siya umalis dito? At saka hindi ko siya napansin na nakasunod sa akin! Saan siya dumaan?
Sa sobrang hiya ko agad akong tumungo at hindi makapagsalita para ipagtanggol ang sarili ko sa kahihiyan na nagawa ko pero kahit papaano ay nawala ang pakiramdam ko na iyon ng makita ko ang reflection niya sa salamin ng elevator na poker face.
Like, hindi man lang ba siya nagtaka sa nagawa ko? Hindi ba siya natakot, nagulat o natatawa dahil sa nangyari sa akin? Wala rin kasi ako makitang signs na nagpipigil siya na matawa.
Hanggang sa makababa kami ng elevator ay hindi kami nag imikan. Wala siyang sinabi o tinanong man lang bakit nasa office pa rin ako kahit ganitong oras gayong kabago-bago ko palang na nagtatrabaho sa kanya.
Sinaluduhan kami ng mga bantay na security guard ng makita nila kami kaso humiwalay ng landas sa akin si boss. Papunta sigurong parking lot samantalang ako papunta ng entrance/exit ng building para mag bus pauwi.
Sa pagod ko ay dumiretso sakay na ako ng bus at bumili ng nilalakong pagkain sa luob para lang mapawi ang gutom ko.
Muntikan na sana akong lumampas kung hindi lang sumigaw yung konduktor kaya susuray-suray akong bumaba at naglakad pauwi ng apartment ko kung saan pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang natataranta ko ng ka roommate na mukhang palabas naman.
Pagkakita nito sa akin ay para itong tumama sa lotto at agad akong niyakap.
“Gago! Putangina ka! Buti at naisipan mo ding umuwi! Akala ko nakidnap ka na papunta na sana ako sa police station para ireport na kagabi ka pa nawawala!” parang maiiyak niyang sabi sa akin.
Natouch naman ako dahil duon. Akala ko kasi wala talaga itong paki sa akin dahil sa sinabi niya bago ako umalis kagabi. Hahaha. Mukhang nagalala talaga siya sa akin kasi ito nga at nagawa ko siyang mapamura. Hindi kasi nagmumura ito maliban nalang kung katulad ng ganitong sitwasyon.
“Sorry! Hindi ko sadyang pagalalahin ka. Ang dami lang kasi nangyari kagabi at ngayong araw.” sincere kong paghingi ng paumanhin.
Tumingin ito sa akin at inakbayan ako matapos niyang isara ang pinto.
“Mukha nga kasi iba iyang suot mo ngayon sa suot mo kagabi.” naiintriga niyang sabi.
“Uh, kasi, well, to make it short, may trabaho na ako. Kakasimula ko lang kanina.” I tried to sound enthusiastic pero yung pagod ko nakikipaglaban sa akin.
“Huh? Talaga? Paano nangyari iyon? Eh kagabi lang nagpunta ka pa ng club para mag party kasi sabi mo sa akin ieenjoy mo muna yung after college grad life bago ka mag boring adult life? Tapos ngayon, may trabaho ka na? Kailan ka nag apply? Anong trabaho mo? Saan?” sunud-sunod niyang tanong habang ako pumasok ng cr para magpalit ng damit.
“First of all, isa-isa lang ang tanong. Mahina ang kalaban. Pagod ako on my first day of work. Second, ako nga rin hindi makapaniwala na magkakatrabaho agad. Pangatlo at huli kong sasagutin, sa Min Company ako nagtatrabaho bilang isang secretary.”
Sinundan ko ang mga paa kong tinutungo na ang higaan ko at agad na sumalampak sa kama.
“What?! Sa Min Company?! Teka! Top global company iyon ah! Nakapasok ka duon?! Talaga ba? At isang secretary? How? Teach me senpai! Alam mo bang ang hirap makapasok duon! Tapos ikaw, heto at parang wala lang?! At saka, hoy! Tulog ka na ba? Hindi ka pa kumakain! Jimin!”
Namalayan ko nalang na nakatulugan ko na pala ang ka roommate ko kagabi dahil nagising akong nakanganga at may tumatamang sikat ng araw sa mukha ko.
Napabangon ako at napahilamos sa mukha ko. Shit! Ang bigat ng katawan ko. Muli akong sumalampak sa kama at matutulog na ulit sana ng mapatingin ako sa orasan na nasa side table.
09 A.M palang pala.
Matagal akong tumitig sa orasan hanggang sa may marealized ako na kinabilog ng mga mata ko.
Shit!
Late na ako sa trabaho ko!
Madulas-dulas akong nagmamadaling lumabas ng kwarto para mag asikaso ng sinalubong ako ng ka roommate ko na may pagtataka sa kanyang mukha.
“Excuse me! Male late na ako!”
“Huh? Male late saan?”
“Sa trabaho ko!” papasok na ako ng cr para maligo ng. . .
“Huh? May trabaho ka ng sabado?”
Napahinto ako sa tanong niya at napatingin sa kanya ng may pagtataka.
“Huh?” tugon ko.
“Sabado ngayon, Jimin. Don’t tell me nakalimutan mong sabado ngayon? O hindi mo alam ang schedule mo bilang secretary?”
Nang marealized ko ang sinabi niya ay napatampal ako sa nuo ko.
Una, dahil sa kashungaan ko sa paglimot ng araw at pangalawa, dahil bilang secretary ng boss ko hindi ko alam ang schedule ko sa kanya dahil wala naman kaming pinirmahang kontrata! Ugh!
Umupo ako sa dining table katapat ng ka roommate ko na chill lang na kumakain ng morning cereal niya habang nagbabasa ng kung ano sa phone niya.
“Nga pala, Jimin. Sa Min Company ka kamo nagtatrabaho sabi mo kagabi ’di ba? Buti pumayag yung boss mo na may kulay iyang buhok mo?”
“Huh? Bakit? Bawal ba iyon? Alam ko sa school lang bawal may kulay ang buhok ah!”
“Hindi naman sa ganuon pero kasi syempre parang stabilo iyang buhok mo eh ang mga cliente ng company mo mga bigatin na tao. Pili ka naman ng disenteng kulay tutal hindi ka naman kutis mahirap!”
Napaisip ako sa sinabi niya at oo nga. Naalala ko ’yung mga nakasalubong ko kahapon sa dalawang companies at sina Mr. Jung at Boss. Walang kulay mga buhok nila. Plain black lang. Sobrang professional nila kung tutuusin sa unang kita mo palang.
Pero hindi naman kasi ako sinita ni Boss or baka dahil hindi pa sa ngayon? Pero kasi! Ayaw ko din naman na plain black lang ang kulay ng buhok ko kasi. . . kasi ano eh. . . basta! Saka ko nalang sasabihin sa inyo.
“Eh di maghahanap nalang ako ng ibang kulay na babagay ’yung hindi ako mukhang stabilo sa paningin mo.”
Natawa siya sa sinabi ko kaya napatawa na rin ako.
Pero oo nga ’no? Anong kulay naman kaya ang ipapagawa ko? Anong kulay ang ipapalit ko dito sa martini blue hair ko? Hmm. . .
“If that’s the case, tutulungan at sasamahan kita kaya mag ready ka dahil magpapa salon tayo!” excited na turan niya.
“Himala at gusto mong mag gala. Wala kang klase?”
“Wala syempre! Kaya asikaso na tayo!”
Hindi ko alam pero bigla akong naexcite pero at the same time, parang may nakakalimutan ako na dapat kong gawin?
Hayaan na nga. Maaalala ko naman siguro iyon mamaya.
A/N:
Posted: May 03, 2021 at 12:12 AM
Hello. Nagbabalik muli para mag update. Sa mga nagbabasa ng iba kong on-going stories, stay tune lang kasi isang bagsakan yung gagawin kong update para sa mga iyon. Iyon lang.
Kitakits sa sunod na update mga ka meow meow. Ichi ni san nyaa arigato!
ILLICIT AFFAIR 6
“Tangina, Jimin! Muntik na kitang hindi makilala! Ang kabog ng datingan mo!” manghang-manghang sabi ng ka roommate ko sa akin pagkabalik niya mula sa kung saan.
“Talaga ba? Hindi ba ako weird tignan?” tanong ko at sabay kaming naglakad palabas ng salon.
Hindi ko maiwasang hindi mailang sa mga tinginan na binibigay ng mga nakakasalubong namin sa akin. Paano ba naman kasi may bulungan pa. Mamaya ako lang pala nakaka appreciate ng bagong kulay ng buhok ko. Hindi ko nga rin alam bakit iyon ang naisip kong kulay na gusto ko. Barbie lang ang peg?
“Saan banda ang weird d’yan? Eh mas lalo ka ngang nag mukhang high maintenance! Kung alam ko lang nag gown ako para masabayan ko iyang bonggang look mo. Tignan mo oh. Nasa iyo ang atensyon ng lahat tapos ako, mukhang muchacha!” natatawa niyang maktol.
“Loko! Grabe ka sa muchacha! Teka, samahan mo ako bibili ako ng damit.”
“Ha? Para saan? Don’t tell me mag clubbing ka na naman mamaya?”
“Well. .” nangiti kong tugon.
“Make sure uuwi ka mamaya ha! Mamaya mag panic na naman ako sa kung saang lupalop ka na napunta. Also, again and again, mag iingat ka sa mga labas-labas mo na iyan, Jimin.”
Hindi ko na namalayan ang oras dahil sobra kami nag enjoy ng ka roommate ko sa paggagala namin. Like, bihira ko lang din naman kasi siya maka bonding ng ganito.
And well, about sa pagpunta ko ng club mamaya, pang unwind. Nakakaloka naman kasi. Unang araw ko palang kahapon pero pakiramdam ko isang taon na akong nagtatrabaho duon sa inabot kong stress at pagod.
Pagkauwi namin ng bahay humilata muna ako sa sofa at tumingala sa kisame.
Ano kaya ’yung hindi ko maalala na dapat naaalala ko sa mga oras na ito?
HOSEOK POV
Dumating ako at ng mga tauhan ko sa club na sinabi sa akin ni Yoongi na kitaan namin at nasa pintuan palang ako ay agad na akong napangisi.
Hindi ka talaga mahihirapang hanapin ang taong ito dahil sa laki ng awang ng mga tao kung saan siya nakapwesto.
Kung tatanungin ninyo ako ano meron at dito namin napiling magkita, well, more of like business transaction. Hindi kasi namin hilig yung kitaan sa resto or magpunta sa office ng bawat isa. We are more of like casual and chill vibes.
“Yoongi-ah!” bati ko sa kanya ng makarating ako sa pwesto niya kung saan nakaupo siya na parang hindi nageexist ang kahit na ano sa paligid.
“J-Hooooope!!!” ngumisi siya at nilahad ang palad niya para makapag handshake kami but not the typical business one. Ngayon parang aware na siya sa paligid sa pagdating ko.
“I’m your hope. You’re my hope. I’m J-hope at your service.” biro ko at umupo katapat niya.
Agad kong nilibot ang tingin ko sa mga kasama niya at agad na napataas ang kilay ko.
“Where’s your secretary?”
“Who? Ah! I fired her.” casual niyang sagot.
Napa eye roll naman ako sa sinabi niya. Idiot. Of course, I know.
“Not that one. Your new secretary.”
Parang nagulat siya sa tanong ko dahil hindi agad siya nakapagsalita pero hindi mo iyon mababakas sa mukha niya dahil naka poker face siya.
“Why? Did he do something stupid?” agad na kumunot ang nuo niya at tatawagin na sana ang isa sa mga tauhan niya ng pigilan ko siya.
Seriously? How heartless.
“I asked him to join us tonight.”
Hindi siya umimik sa sinabi ko kaya tinuloy ko ang gusto kong sabihin sa kanya.
“Hmm?”
“If he’s not here, I’m not going to agree to any of our transaction tonight.”
“You can’t do that.” ngumisi ito na hindi makapaniwala sa sinabi ko.
“Yes, I can.” matiim kong tugon.
Napa buntung-hininga siya at tinawag ang isa sa mga tauhan niya.
“Are you interested to my secretary?”
“I am.”
“Oh, I didn’t know you’re also into men.” makahulugan niyang sabi.
Of course, I know what he is referring to. It was his older half-brother who had a relationship with the same sex. I see no problem with that but nah, my heart doesn’t skip a beat to his secretary.
“I’m just curious why you hired him.”
“Oh. I didn’t.”
“Huh?”
“He’s in debt with me.”
Oh now that explains it. Kaya pala ganuon nalang yung kaba niya kahapon ng magkita kami. He thought he’s dead if I decline to resched.
Biglang lumapit yung tauhan na inutusan niya kanina at may sinabi sa kanya. Mukhang hindi ito nagustuhan ni Yoongi kaya agad napayuko sa takot ang tauhan niya.
“So?” tawag pansin ko sa kanya.
“They can’t contact him.”
“Oohh. I see.”
“C’mon, Hoseok!” kahit pokerface ang hitsura niya ramdam ko ang frustration sa tono ng pananalita niya.
Ngumisi ako habang tinitignan siya.
“You know, that’s exactly why I think she filed a divorce towards your marriage.”
Kita ko kung paano kumunot ang nuo niya sinabi ko. Asarin ko nga muna bago kami mag usap about business matters. Heh.
“Hoseok.”
Oh wow. Look how cute this Yoongi is infront of me. Biglang sumeryoso ah.
“You should learn how not to push anything you want to a person to get want you want. I know how irritating this can be to someone like you who is impatient but. .”
“For fucks sake, please. I don’t want to talk about it. Not here.” galit niyang sabi kaya napailing nalang ako.
To be honest, wala namang problema si Yoongi. I think he’s perfect like me (kidding!). Ang problema ay yung napangasawa niya and that’s what turned Yoongi to this person I’m seeing right now infront of me.
Iniwas ko muna ang tingin ko sa kanya at nilibot ang tingin ko sa paligid ng club kung saan maraming nagkakasiyahang nagiinuman at sayawan and then. .
Para bang may humila sa akin sa pagkakasalampak ko sa couch at napa ayos ako ng upo. Pakiramdam ko nga naka nganga pa ako.
Is that. .?!
Naramdaman kong napatingin na rin si Yoongi sa tinitignan ko.
“Leave him.” dinig kong sabi ni Yoongi sa mga tauhan niya kaya napabalik ako sa realidad.
“He looks untouchable.” nakangising sabi ko kay Yoongi na tinapunan ko na ulit ng tingin.
Mukhang pati siya nagulat na nandito ang secretary niya. Ibang-iba ang hitsura at awra nito ngayon kesa sa kahapon na parehas namin siya huling nakita.
Bakas sa mukha ni Yoongi ang pagtataka sa biglang pagsulpot ng secretary niya dito sa club kung nasaan kami. Mukhang pati siya hindi niya inaasahan na makikita niya ito ngayon.
Call it exaggerated but that secretary of his was able to turn heads of all people here in this club but he don’t seem to care kahit na parang slow-mo ang dating niya sa karamihan na na hypnotize niya dahil dire-diretso lang itong umakyat sa second floor.
“Yoongi.” nakangisi kong sabi habang prenteng nakasandal ang ulo ko sa couch at nilagok ang whiskey na nasa baso.
Look whose jaw drop for the first time.
A/N:
Posted: May 03, 2021 at 01:00 AM
Jaran. Another update because why not? Thank you sa mga nagbabasa at nagvovote for this story. As what I said before, this is my first time doing fanfiction and I’m happy that some of you enjoy this. Iyon lang.
Kitakits sa sunod na update mga ka meow meow. Ichi ni san nyaa arigato!
ILLICIT AFFAIR 7
JIMIN POV
Nakahinga ako ng maluwag matapos kong mabasa ang mga comment at nakuha kong heart reacts sa mga social media friends ko sa pinost kong selfie kagabi. Grabe. Tuwang -tuwa ang mga loko at todo ang papuri sa akin. Kesyo mukha daw akong anghel na bumaba sa langit to bring chaos to their hearts and sexuality.
Uhuh. Like, well! Iba talaga ang nabiyayaan ng good genes. Joke! Hahaha.
Nailang nga ako kagabi sa pinuntahan kong bar kasi parang karamihan nakatingin sa akin na para bang may dumi ako sa mukha. Buti nalang at kasama ko ang iba kong friends ng college na siyang nagpicture sa akin na hindi ko pa pinopost sa socmed account ko. Ehehe. Baka kasi atakihin na sa puso mga socmed friends ko kapag nag post ako ng more than one selfie.
Tuwang-tuwa nga sa akin mga college friends ko dahil nagka trabaho ako agad and on top of it, sa Min Company pa. Sabi kasi ng isa kong friend na nag try mag apply duon, initial interview palang mapapa backout ka na sa pagaapply.
Hindi na nga lang ako masyadong nagkwento ng ibang detalye paano ako nakapasok sa kompanyang iyon. Syempre hindi ko rin kinwento sa kanila na secretary ako mismo ng may ari ng kompanyang iyon. Baka lalong magulantang sila kapag nalaman nila.
Sa kanila ko nga nalaman na ’yung mismong boss ko ang CEO ng Min Company dahil nga naging hot topic agad at nagpakita pa sila sa akin ng pictures at mga issues na na link sa boss ko dahil sa pagkakaruon nito ng good looking genes. Hay nako. Kung alam lang nila. Kung anong ganda ng genes niya siyang panget ng ugali niya.
“Jimin!” nagulat naman ako ng biglang sumulpot ang ka roommate ko sa pinto ng kwarto ko at pasigaw pa ang naging pagtawag sa akin.
“Bakit? Ano meron?” tanong ko habang hindi pa rin inaalis ang tingin ko sa cellphone ko.
“May bisita ka!” natataranta niyang sabi na pinagtaka ko.
“Bisita?”
“Oo! Bilisan mo! Nandyan siya sa labas!” naguluhan ako dahil mukhang kinakabahan siya na kinikilig.
Sino naman kaya iyang bisita na iyan?
“Ito na! Kalma ka lang.” natatawa kong turan at bumangon sa kama. Sinundan ko ang ka roommate ko papunta sa sala na walang pakielam kung anong suot o hitsura ko.
“Hello po. Sorry sa paghihintay nandi–!” bati niya sa bisitang prenteng nakaupo sa maliit na couch.
“Boss!” hiyaw ko at napatago sa likuran ng ka roommate ko.
Binatukan naman ako ng ka roommate ko dahil nagulat siya ginawa kong paghiyaw.
“Pagpasensyahan ninyo na po siya. Bagong gising lang kasi. Ehehe.” nakatinging sabi ng karoommate ko sa akin sabay tulak sa akin sa harapan ng boss ko.
Binigayan ko siya ng saan-ka-pupunta look pero ang walang hiya, hindi man lang nakaramdam at lumabas ng apartment namin. Saan siya pupunta?
Bumalik ang ulirat ko ng marinig kong may tumikhim kaya muli akong napatingin sa taong nasa harapan ko. Oo nga pala. Nandito ’yung boss ko. Teka nga, ano bang ginagawa niya dito at paano niya nahanap itong tinutuluyan ko? Wala pa naman akong binibigay na impormasyon sa kanya.
“A-anong meron boss at nandito ka?” naiilang kong tanong sabay tingin sa dalawang tauhan na nasa gilid niya. Kailan pa sila nandyan? Hindi ko sila napansin ah.
Bakit hindi ko sila napansin kung katabi lang sila ng boss? Ibig sabihin ba nu’n masyado akong naka focus kay boss? Impossible.
Hindi niya sinagot ang tanong ko bagkus lumingon siya sa dalawang tauhan niya na siya namang lumapit ang isa sa akin at inabot sa akin ang isang folder. Ano ito?
Naglipat-lipat ang tingin ko kay boss at sa dalawang tauhan niya. Napabuntung-hininga ako ng marealized kong wala silang balak sabihin kung ano itong nasa luob ng folder.
Masyado yatang naapektuhan ng kantang Poker Face ni Lady Gaga ang mga taong ito. Hay.
Nakasimangot kong binuksan ang folder at tumambad sa akin ang isang papeles na naglalaman ng kontrata ko sa pagtatrabaho ko sa Min Company bilang secretary ng mismong CEO. Napalunok ako. Parang kahapon lang iniisip kong hindi ako official secretary ng boss ko dahil wala naman akong pinirmahang kontrata at nagtatrabaho lang ako sa kanya para mabayaran ang pagkakautang ko pero heto ako ngayon at may hawak na kontrata mula sa kanya.
“Uhm, a-ano. . b-bakit. .?” hindi ko mabuo ang salitang gusto kong sabihin sa pagkagulat sa hawak ko ngayon.
“Just sign it for fucks sake.” naiinip at bored na sagot ng boss ko at sinenyasan ang isa sa mga tauhan niya na abutan ako ng pen. Nanginginig ang kamay kong inabot ang ipangpipirma ko dahil never in my life na inisip kong makakahawak ako ng mamahaling pang pirma. It wasn’t just any ordinary signing pen!
Hindi ako pwedeng magkamali. Nakita ko na ito sa internet before bilang ang pinaka mahal na pen na naibenta and I’m pretty sure na hindi ito replika dahil holy shit! Ang ganda nito sa personal!
Shit. Shit. Shit! Huwag kang gagawa ng katangahan, Jimin! Dahil kapag ito ang nabitawan mo at nasira, kulang pa ang buong buhay na pagtatrabaho sa boss mo para mabayaran ito.
Sa sobrang focus ko na huwag malaglag ang pen na ibinigay sa akin, hindi ko na nabasang maigi ang kontrata at agad nalang na pumirma. Well, bakit ko pa iintindihim eh for sure for formality lang ito at I’m pretty sure may naka indicate duon na once mabayaran ko na ang pagkakautang ko sa kanya pwede na akong umexit sa kompanya niya.
Nanlalamig ang mga kamay kong iniabot sa mga tauhan ng boss ko ang pinirmahan kong kontrata at ang mamahaling pangpirma.
Napaatras ako ng tumayo si boss at lumakad papunta sa pinto habang ang dalawa namang tauhan niya ay hindi gumalaw sa kanilang mga pwesto.
Huh? Hindi ba dapat sinusundan nila siya? Anong nangyayari?
“Park, hurry up or I’ll drag you downstairs.” naiinip niyang sabi at binuksan ang pinto kung saan nakatayo ang ka roommate ko. Huh? Kanina pa ba siya nand’yan?
Nang makalagpas sa karoommate ko si boss ay siya namang senyas sa akin nito sa akin na sundan ito.
“Bakit ko siya susundan?” tanong ko pagkalapit ko sa karoommate ko.
“Duh? I don’t know! Basta sundan mo nalang siya dahil mukhang sinundo ka niya dito to do something somewhere. O’ sya lumakad na kayo! Ingat!” agad siyang pumasok sa luob leaving dumbfounded with these two bodyguards ng boss ko na nakasunod na pala sa akin. Napabuntung-hininga ako. Hay buhay!
Naguguluhan pero marahan akong umupo sa tabi ng boss ko sa backseat ng kanyang kotse.
Awkward silence.
Buti nalang at tatlo kami dito sa luob ng sasakyan. Nandito kasi ang driver niya at kung itatanong ninyo saan napunta yung dalawang nakasunod na bodyguards niya sa akin kanina, ayun. Nakasunod ang kotse nila sa amin.
Saan naman kaya kami pupunta nito? Don’t tell me sa office? Sunday na sunday ngayon ah! Not to mention na mukha akong tanga sa hitsuta ko ngayon dahil naka pajamas pa ako at mukhang bagong gising.
Marahan kong inayos ang buhok ko at isiniksik ang katawan ko sa gilid ng kotse. To be honest, ang laki ng awang sa pagitan namin. I mean, dulo to dulo ng upuan ang pwestuhan namin.
Bigla akong nahiya sa hitsura ko ng marealized kong sa mall ang punta namin. Nakapang bahay lang kasi ako and to make it worse, wala pa akong ligo at kain. My gosh! Mukha pang mga maaarte ang mga tao dito sa mall na pinuntahan namin at hindi ako belong.
Umakto nalang ako ng normal kahit na sobrang conscious na ako sa mga tingin ng nakakasalubong namin sa akin. Itong boss ko naman parang walang pakialam sa mundo basta lakad dito, lakad duon at bili dito at bili duon ang ginawa namin.
Eh nagtataka naman ako sa kanya dahil kung gusto lang naman niyang bumili, bakit niya pa ako sinama?! Nang iinggit lang ba siya o gusto niyang ipamukha sa akin na hindi siya nagsusuot ng cheap kaya dapat sa susunod huwag kong ulitin yung ginawa ko sa damit niya na nagsisimula na akong bayaran sa kanya?
Matapos ang halos isang oras ay natapos din kami sa pamimili. Looking forward sana ako na kakain kami kaso hindi. Narealized kong pabalik na kami ng apartment ko matapos kaming mag shopping. Buti na nga lang at mga bodyguards niya nagdala ng mga pinamili niya dahil sobrang dami nu’n!
Ano ba iyan! Wala man lang pakunswelo na sinamahan ko siya mamili. Gutom na kaya ako! Grrr!!!
“See you tomorrow, Park.” dinig kong sabi ni boss bago sumara ang pinto ng kotse niya pagkalabas ko at umandar paalis.
Napabuntung-hininga ako. Hmmp! Nakakainis talaga! Hindi man lang ako pinakain! Pinagmasdan ko ’yung sasakyan niya hanggang sa hindi ko na ito makita.
Kung wala lang talaga ako pagkakautang sa kanya at hindi ko siya boss ay naku! Baka na-attitudean ko na siya dahil kinaladkad niya ako papunta ng mall at hindi pinakain. Not to mention na kinuha niya rin ang ilang oras ng relaxation ko. Hay naku talaga!
“Hala! Bakit nandito iyang mga iyan?!” gulat kong tanong pagpasok ko ng apartment at sumalubong sa akin ang karoommate ko na nakatayo sa gilid ng sala kung saan nakahilera ang mga pinamili ng boss ko.
“Huh? Anong sinasabi mo d’yan? Eh mga tauhan nga ng boss mo ang nagdala n’yan dito at nagsabing sa iyo lahat iyang mga iyan.”
“Huh? Hindi! Impossible! Paanong sa akin? Eh si boss yung bumili n’yan kanina at alam ko para sa kanya iyan!” pilit ko at lumapit sa isa sa mga nakahilerang paper bag at kumuha ng isa para ipakita ang laman nu’n sa kanya, “Oh tignan mo!”
Marahan naman niya itong kinuha sa akin at binuklat sa harap ko at may kung ano siyang ginagawa habang hawak ito at nakatingin sa akin.
“Nah. Ang slow mo, Jimin! Mukhang sa iyo itong mga pinamili ninyo. Tignan mo oh. Sukat mo ito eh.” saad niya at inabot sa akin yung hawak niyang damit na siyang kinuha ko at nagtatakang pumunta sa kwarto ko para humarap sa salamin na hawak iyon.
Saglit kong pinagmasdan ang sarili ko at oo nga ’no? Kasukat ko nga itong pinamili niya. Pero bakit niya ako pinag shopping? May utang pa ako sa kanya ah? And more importantly, paano niya nalaman ang sukat ko eh mas malaki ng di hamak ang katawan niya sa akin?
“Oh kitams. Para sa iyo iyang mga pinamili ninyo. Bakit naman hindi mo napansin iyon, Jimin? Lutang ka ba habang namimili kayo? Anyway, kung pinag shopping ka niya malamang para iyan may magamit ka sa trabaho mo sa kanya. Alalahanin mo, hindi pipityuging company ang pinagtatrabahuan mo. So, uhm, maiwan na kita d’yan. May mga tatapusin pa akong projects. Enjoyin mo ’yung pinamili sa iyo ng sugar daddy mo. Hahaha!”
Ewan ko ba kung bakit pero bigla akong nakaramdam ng hiya sa huling sinabi ng karoommate ko kaya agad ko itong binato ng nadampot kong unan na kinatawa lang niya at lumakad na paalis.
Sugar daddy ang putek!
A/N:
Posted: May 07, 2021 at 12:00 AM
Hello, everyone! Kamusta ang lahat? Ngayon lang ulit nakapag update si author after a while. Pasensya na. Hahaha. Sa mga nakapanuod na ng new single ng BTS na Butter, aware na ba kayo sa Hotter, Sweeter at Cooler remixes? Ano mas bet ninyo? Ako ’yung Hotter! Also, may tropical remix na ’yung Dynamite. Uhuhu. Iyon lang.
Kitakits sa sunod na update mga ka meow meow. Ichi ni san nyaa arigato!
ILLICIT AFFAIR 8
“Damn! You look expensive bitch!” nakanganga na puri ng karoommate ko sa akin pagkalabas ko ng kwarto ko suot ang pinamiling damit sa akin ng boss ko kahapon.
I mean, can’t shrug that fact off my shoulder. I really do look expensive.
“Sana kapag nagtrabaho ako ganyan din boss ko! ’Yung bibilhan ako ng gaya sa iyo. Hmmppfff!”
“Alam mo, may binabagayan din ang mga mamahaling gamit.” sabi ko at binigyan siya ng makahulugang tingin.
“Fuck you! Eh di ikaw na maganda genes!” natatawang sagot nito sa akin, “Pero maiba tayo. Type ka ba ng boss mo?”
“Ha?” gulat kong sigaw. Parang tanga kasi. Paano ako magiging type nu’n eh may asawang tao siya? Thou ayon sa issue na nalink sa kanya na nabasa ko, nagfile ng divorce yung asawa niya. Malamang dahil sa ugali niya. Pero kung mukha at pera lang naman ang paguusapan, malamang mapapalitan niya agad ’yung asawa niya. Sa dami ba namang babae nagkakandarapa sa kanya eh. Madali lang iyon.
“Mukha kasing type ka ng boss mo. First time in real life ko lang maka on-hand experience na pinuntahan ng boss ang empleyado niya sa tinutuluyan nito. Akala ko sa mga drama lang ’yung ganuon. Not to mention pa na pinag shopping ka pa niya at kasama ka niya ng ginawa niya iyon. I mean, sure, pinag shopping ka niya ng damit para disente ka tignan sa opisina ninyo pero pwede ka naman niya bigyan nalang ng cheke at ikaw ang mamili.” sabi nito habang kumakain ng breakfast na siyang sinabayan ko.
“Baka wala siyang tiwala sa mga bibilhin ko kaya sinamahan ako mamili. Ikaw talaga. At saka, may asawa iyon ’no. Gagawin mo pa akong home wrecker.”
“So? Nag file ng divorce ’yung asawa niya sa kanya. I’m sure there’s a reason behind it. Malay mo nadiscover niyang hindi hetero ’yung pinakasalan niya.”
“O baka naman, may something sa ugali ng boss ko na ayaw niya at nagsawa na siyang pakisamahan ito.”
“Ano naman meron sa ugali ng boss mo na hindi magugustuhan ng asawa niya? Sure, mukha siyang cold hearted but hindi ko siya nakikita na masama ugali. But anyway, bago pa tayo maiba ng topic, again, feeling ko type ka ng boss mo.” nagtaas-baba pa ang kilay niya para iemphasize ang huli niyang sinabi.
Hay naku. Kung alam lang nitong karoommate ko ang ugali ng boss ko, for sure hindi niya na ito ipagtatanggol pa.
Tumayo ako at nilagay sa sink ang pinagkainan ko para hugasan bago ako lumakad pabalik ng kwarto para humarap sa dresser at maglagay ng lip balm. Can’t forget to take good care of my plump limps. You never know kailan ka makakahalik ng gwapo. Char!
“Ingat sa work! Stay fresh! Baka biglang may sumulpot na pogi!” natatawang biro ng karoommate ko na naghuhugas ng pinagkainan niya sa sink.
“Magdilang anghel ka sana!” paalam ko at lumabas na ng bahay.
Pagdating ko ng office ay sinalubong ako ng mga katulad kong empleyado ng may kislap sa kanilang mga mata at laway sa kanilang mga labi. Char! Makatitig naman kasi sa akin akala mo nakakita ng artista. Ako lang kaya ito.
Park Jimin, the CEO’s secretary, at your service. Oha!
Pumila ako sa elevator para makaakyat sa office ko bilang secretary at sa haba ng pila ay nilabas ko muna ang cellphone ko at nagtingin sa social media account ko ng hindi ko mamalayang wala na pala ’yung mga kasama ko sa pila. Huh? Nasaan na sila?
Apat kasi ang elevator na nandito at lahat may mga nakapila samantalang nasa unang elevator naman ako.
Luminga ako sa paligid, at saktong nakita ko sila na nasa iisang gilid ko at nakahilera at nakayuko. Nagtaka pa ako kung bakit hanggang sa. .
“Looking good, Park.” bati ng kung sino at agad akong napayuko sa taong pumuri sa akin.
Shocks! Oh my god! Ramdam na ramdam kong namumula ako ngayon. Bakit naman kasi walang pasabi na nand’yan na siya?!
“G-good morning, boss!”
“Why are you lined up there? Tsk. Follow me.”
Parang robot naman na sumunod ang katawan ko sa inutos niya at sinundan siya papunta sa elevator na walang nakapila. Hala! Bakit hindi ko napansin ito? Bale, lima pala lahat ng elevator dito? Pero mukhang espesyal ang isang ito dahil bukod sa hindi pansinin at walang nakapila, ay halata sa mga empleyado na nakatingin sa amin ang gulat ng makasakay ako sa espesyal na elevator na ito. Luh. Wala pa bang ibang nakakasakay dito bukod sa CEO?
Dahil iniwan na si boss ng kasama niyang bodyguards pagpasok namin ng elevator ay ako na ang pumindot ng floor button. Awkward nga kasi bukod sa malaki itong elevator at dalawa lang kaming nandito ay wala din ni isa sa amin ang nagsasalita.
How did I end up here again?
“Have a good day, boss!” paalam ko at yumuko bago tuluyang lumabas sa floor kung nasaan ang office ko.
Hindi siya nagsalita ng kahit na ano hanggang sa makalabas ako kaya hinayaan ko nalang. Tutal, ano bang pwede niyang sabihin sa sinabi ko?
May mga iilan-ilan na mga kapwa ko empleyado ang nakatingin sa akin pagdating ko sa floor namin, ’yung iba duon ay nakita ko yung pagsakay ko sa espesyal na elevator ng boss namin pero bago pa man ako matawag at machika ay binilisan ko ang lakad ko at agad na pumasok sa office ko at sinara ang pinto.
Malamang nasa office niya na si boss. Nasa ibaba lang naman kasi ako ng floor kung nasaan ang office niya.
Pero pinagtataka ko pa rin yung nangyari ng gabi na nagkasabay kami ng sakay sa elevator. Paanong nandito siya sa floor ko at hindi ko man lang siya napansin? Anong ginawa niya ng mga oras na iyon kung yung office niya eh nanduon sa itaas?
Kesa maubos ang oras ka sa mga nonsense na bagay ay sinimulan ko ng gawin ang trabaho ko bilang secretary.
Hindi ko alam ilang oras na akong nagtatrabaho pero natigil ako ng magulat ako sa biglang pagpasok ng isang. . anghel?! Wait, what? Pero shocks. Ang gwapo ng lalaking nasa harap ko.
Kung ganito ang mga anghel sa langit, jusko! Kunin ninyo ako! Hahaha!
“Secretary?” oh shit. Deep voice! Ugh!
“Secretary?” naguguluhan kong tugon sa kanya. Paano kasi tumingin siya sa luob ng office ko na parang may hinahanap na hindi ako.
“I’ll stay here.” umupo siya sa upuan na katapat ng desk ko at nagsimulang buklatin ang ilang folder na tapos ko ng gawin.
The heck? Sino ba ito? At anong ginagawa niya dito? Ang bratty naman nitong angel looking na ito!
“Uhm, I–!”
“Kim Taehyung.” pakilala niya sa sarili niya at binigyang ako ng isang boxy smile at naglahad ng kamay niya sa akin.
“Park Jimin.” inabot ko ito at nakipag shake hands sa kanya. Oh god! Ang manly ng kamay niya compare sa kamay ko na pang baby! Ugh!
“Lovely hands.” puri nito sa kamay ko ng magbitaw kami, “So, where’s the bitch?”
“Bitch?” ulit ko sa tanong niya. Sinong bitch? May nakikita ba siya na hindi ko nakikita?
“Bitch.” with conviction niyang sagot.
Sinong bitch ba tinutukoy nito? Bago lang ako dito kaya hindi ko pa sigurado ’yung tinutukoy niya. Hindi kaya. .
“You mean the secretary?” baka yung dating secretary yung tinutukoy niya.
“Yes. Who else do you think?” sagot nito na nakatingin pa rin sa mga folder na binubuklat niya na obvious namang hindi niya binabasa ang nakasulat. Basta binubuksan lang niya.
“She already left the company.” well, iyon ang alam ko dahil ako na yung bago eh. Hindi ko nga lang alam kung nag resign ba siya, o nalipat lang sa ibang branch, or worst, fired.
“Who are you then?!” bigla itong napatigil sa ginagawa niya at tinignan ako with shock expression na para bang masama tao ako.
Seriously? Is this person smoking crack? Anong usok ba nalanghap nito sa langit at parang sabog itong nasa harapan ko?
“Park Jimin. The new secretary.” binigyan ko ito ng isang convincing smile pero ang walang hiya, nag eye roll lang sa akin.
“You could’ve said it earlier that you’re the new secretary. No need for repeating your name. Anyway, I’ll be going now. Bye!” pinagpagan nito ang damit niya at lumabas na ng office ko.
Luh. Iyon na iyon? Ano iyon? Commercial break? Heck, it’s weird!
Bumalik ako ulit sa ginagawa kong pagtatrabaho pero ilang minuto palang ang nakakalipas ay narinig ko ang boses ng boss ko sa linya ng telepono na naka connect sa office niya at inuutusan akong magtimpla ng kape.
Napa irap nalang ako at dali-daling lumabas ng office ko para puntaham siya sa office niya at pagtimplahan siya ng kape.
Kung bakit naman kasi nakakabit na sa role ng isang secretary ang pagtitimpla ng kape para sa boss niya? Wala ba siyanh coffee maker? Or hindi ba siya marunong magtimpla ng kape? Gosh!
Inayos ko muna ang pagka poker ng mukha ko bago ako kumatok sa office ng boss ko at pumasok sa luob.
Dalawang guest ang nakita kong nakaupo sa couch at kausap ang boss ko. Nang una, wala akong pakialam kung sino ang mga ito dahil ang balak ko lang ay magtimpla ng kape, iabot ito sa boss ko at umalis at bumalik sa office ko para magtrabaho hanggang sa habang nagbubuhos ako ng kape mula sa coffee maker ay isang pamilyar na boses ang narinig ko.
Nilapag ko sa tabi ng boss ko ang kape niya at lumakad sa lamesa na katapat ng mga guest para iabot ang sa kanila.
Saglit lang ang tingin na ginawa ko pero pakiramdam ko, mahihimatay ako sa ginawa ko. Shit! Another gwapo! Pero this time, hindi angel kundi devil looking naman.
The heck! Nagdilang anghel talaga ang karoommate ko sa akin! Mabilhan nga ng pasalubong iyon mamaya paguwi ko.
“Your new secretary?” tanong ng devil looking man sa boss ko.
Uy, si Taehyung kanina.
Hindi ko narinig sumagot ang boss ko pero muling nagsalita yung nasa gilid ko.
“Hi, new secretary. I’m Jeon Jungkook.” pakilala nito at kinindatan pa ako.
What the fuck?!
“Yah, Jeon!” sita sa kanya ni Taehyung at tinignan siya ng masama at pati na rin ako. Hala! Anong ginawa ko?
Iniwas ko ang tingin ko at sumalubong naman sa akin sa kabila ang tingin ng boss ko na parang mamasamain ako sa kanya. Ano bang nangyayari?
“Leave.” madiin na utos nito kaya muli, para akong robot na nasunod sa kanya at agad na nagmamadaling lumabas ng office niya.
Hawak-hawak ko ang dibdib ko ng buhay akong makalabas at ngayon ay nakasakay na sa luob ng elevator.
Ano ’yung nangyaring iyon? Gosh!
A/N:
Posted: June 08, 2021 at 12:00 AM
Oh, hi! New update mga friends. So, uhm, I just want you let you know na dito muna ako maguupdate, mga few chapters lang naman then I’ll go back to AMW. Also, if you look into it. May mga dinagdag lang akong pictures per update para naman may idea kayo sa mga navivisual kong dinedescribe ko.
Kitakits sa sunod na update mga ka meow meow. Ichi ni san nyaa arigato!
ILLICIT AFFAIR 9
Oras na ng afternoon snack ng makaramdam ako ng gutom. Meaning, nakalimutan kong kumain ng lunch. Paano ba naman kasi sobra akong nastress sa nangyari kanina kaya heto at nagpakagugol ako sa trabaho pagkalabas ko ng office ni boss. Buti na nga lang at hindi niya na ako tinawag ulit. Siguro na busy na din siya. Nakaalis na kaya yung dalawa kanina?
Tumayo ako mula sa desk ko at lumabas papuntang cafeteria para duon kumain ng late lunch at snack. Siguradong mapaparami ang kain ko nito. Hay! Ayaw ko pa naman ’yung feeling na mataba ako.
Pagka order ko ng pagkain ko ay pumwesto ako sa dulong bahagi ng kainan at nagbukas ng social media account ko habang kumakain.
Tahimik account ko ngayon ah. Paingayin ko nga. Naghanap ako sa gallery ko ng pictures ko kahapon habang nasusukat ako ng mga damit na kasya pa sa akin at ipapamigay ko na.
Alright. Ito nalang ang ipopost ko. Ang cute ko kaya dito! Hahaha. Baka madagdagan followers ko kapag nakita nila akong cute at fresh sa feeds nila.
Pagkatapos kong kumain ay bumalik na ako ulit sa office ko para ipagpatuloy ang pagtatrabaho. Sakto ako sa oras nakapag out gaya ng ibang empleyado kaya para masulit ko ang pahinga ko dahil bukas magtatrabaho akong muli ay nagmadali akong makalabas ng building namin at sumakay ng sasakyan pauwi.
Kasabay kong nag dinner ang karoommate ko at ng matapos kami ay tumambay muna ako sa sala namin para magpababa ng kinain at para icheck ang update sa pinost ko kanina.
Nice! Ang daming nag heart react at retweet ah! Buti nalang talaga at hindi naka private ang account ko kundi sayang yung 200 thousand plus na nagheart react.
Matiwasay akong nagbabasa ng mga comments sa picture ko ng mga kakilala at hindi ko kakilala hanggang sa may makita akong pangalan na gumulantang sa akin.
“Holy shit!” hala?! Seryoso ba ito?
The heck?! Jeon Jungkook?!
Legit ba ito? Siya ba talaga itong nag comment?! ’Yung si devil looking man na nginisian ako?! Oh my god!
Cnlick ko yung pangalan niya at shit.
Legit na account nga niya! OMG!
Paano niya nahanap itong account ko? I mean, ’di hamak naman na mas marami siyang followers kesa sa akin.
And the heck is with his bio? Banana milk? Posion apple? May anak na ba siya? O sabog lang siya?
Vibing talaga sila ni angel looking man. Sabog din ’yung isang iyon eh. Ano babg hangin ang nalalanghap nila?
But shit! Rereplyan ko ba siya sa cinomment niya? Oh my gosh! Nakakaloka pa naman ’yung cinomment niya. For sure, may mag memessage na sa akin na mga kakilala ko tungkol sa cinomment niya. Fuck.
Habang nagiisip ako kung magrereply ba ako o hindi kay Jungkook, sakto namang may napasadahan ako sa feed ko na naka yellow outfit din kaya agad ko itong cnlick. Muli na naman akong nagulantang sa nakita ko.
“Fucking shit!”
Si angel looking man! Teka, bakit ganito post niya? I mean, bukod sa naka yellow siya at yung caption niya? Weird. Para tuloy kaming nag twinning kung personal kaming magkakilala at magkaibigan. Macheck nga, kung legit account ito.
Oh fuck! Legit account nga din itong sa kanya. Pero teka, coincidence lang ba itong mga nangyari ngayong araw?
Chineck ko ang profile ko kung may follow request ba akong natanggap mula sa dalawa pero wala naman. Puro sa ibang tao lang na nakakita siguro ng post ko kanina ang naka request kaya naman inaccept ko nalang kesa matengga. Sayang din. Pandagdag followers! Hahaha.
“Oh? Bakit nasa profile ka ni Taehyung?” nagulat ako ng magsalita ang karoommate ko na umupo na pala sa tabi ko. Kanina pa ba siya d’yan?
“Kilala mo siya?” takang tanong ko.
“Oo! Hindi mo ba siya kilala?”
Inilingan ko siya at halos parang hindi naman siya makapaniwala sa naging sagot ko sa tanong niya.
“Oh god! Are you being serious right now? Hindi mo talaga kilala si Taehyung? As in ‘Kim Taehyung’?!”
“Hindi nga! Parang tanga! Ulitin ko ba ulit na hindi! Hindi ko siya kilala!”
Napailing sa akin ang karoommate ko at napatampal sa nuo niya.
“Park Jimin, every fucking person in this world na kilala si Kim Taehyung ay magkakandarapa mahawakan lang kahit dulo ng daliri niya. He’s somewhat like your boss. Ganuon siya kakilala lalo na sa mundo ng fashion! He’s a goddamn fashion icon!”
“O-oh really? Uhm, what if sabihin kong nakausap ko siya sa office ko kanina kasi nasa company namin siya?”
“Huh, you’re kidding right?”
“Uhm, no.”
Literal na napa jawdrop ang karoommate ko at agad akong niyugyog na parang nagpapanic.
“Shit! Please tell me hindi ka gumawa ng katangahan sa harapan niya like hindi mo sinabing hindi mo siya kilala?!”
“Uhm, hindi. Pero bakit naman ganyan ka OA iyang response mo sa akin?” nagtataka kong sabi at inalis ang kamay niya sa balikat ko.
“Because everyone who knows Kim Taehyung knows that he hates not being recognized especially and most importantly pagdating kay Jungkook! Oh my god! Sasamain ka talaga kung makilala at makipag harutan ka kay Jungkook ng hindi siya inaalala! Trust me, you wouldn’t like it kapag tinawag ka niyang bitch gaya ng ibang nagtangkang lumapit at humarot sa Jungkook niya!”
“Wait, what?! Jungkook? As in Jeon Jungkook? Why? Ano meron?”
“Duh?! Jungkook is his! Thou slow lang ’yung isa or talagang hindi niya lang bet si Taehyung. I don’t know. Wala naman kasing official statement from the two na officially dating na sila. Basta kapag nakita mo ’yung dalawa na magkasama, umiwas ka mapunta sa spotlight kundi naku!”
“Uhm. .”
“What?”
“What if. .” bigla kong naalala yung post ko na cinommentan ni Jungkook at pagkatapos nu’n ay nakita ko yung post naman ni Taehyung.
“Oh god! Don’t tell me. .?!” hindi ko pa nasasabi ng buo ang sasabihin ko ay nakita ko na kung paano kabahan at manlaki ang mata ng karoommate ko sa akin.
Shit! Parang alam ko na saan ang punta ko nito. Napatampal na ako sa nuo ko ng marealized ko ang mga nangyari.
A/N:
Posted: June 08, 2021 at 12:30 AM
Nagbabalik para mag update uli ng isa pang chapter! Hahaha! So, ano na kayang mangyayari sa mochi natin?
Kitakits sa sunod na update mga ka meow meow. Ichi ni san nyaa arigato!
ILLICIT AFFAIR 10
TAEHYUNG POV
Nasa office na ako matapos kong samahan si Jungkook sa company ni Yoongi kanina at dahil masaya ako, gumawa muna ako ng few sketches na gagamitin ko para sa magiging fashion show ko next month.
Buti at pinatalsik na ni Yoongi yung dati niyang secretary kasi kung hindi, ako mismo ang gagawa ng paraan para matanggal siya sa trabaho niya.
Huh! Hindi ko pa rin nakakalimutan ’yung ginawa niyang pakikipag harutan kay Jungkook.
Sure, they were just talking according to him but according to my eyes, it’s the other way around. Lalo na ’yung way pa ng pagtitig ng maharot na babae na iyon sa kanya. Ugh!
Why are you so naive, Jungkook?!
Kung sabagay, knowing him, hindi pa talaga siya handang pumasok sa isang relationship. At kahit naman na pwede ako mag confess sa kanya, hindi ko rin naman magawa dahil natatakot ako na baka masira ang friendship namin. Heck, I don’t what that to happen lalo pa’t pahirapan ang naging start namin dahil ang kuya ko talaga ang una niyang naging kaibigan at mas close siya duon compare sa akin.
Para mawala ang stress ko sa pagiisip about my complicated love life, nag check ako ng social media but to my surprise, isang familiar human being ang lumabas sa feeds ko.
Wait, where did I. . Oh! Yoongi’s new secretary! To be honest, I didn’t expect him to get a male secretary.
I was cool really habang binabasa ang mga comments sa kanya ng followers niya hanggang sa madako ang tingin ko sa isang pamilyar na account and that made my eyebrow raise.
Really? Lovely, huh?
Cnlick ko yung profile ng secretary ni Yoongi just to check if Jungkook is already following him because if he does. . .
I didn’t give a fuck kahit na 13k ang followers niya because for me that is small compare to mine and thank god Jungkook hasn’t followed him yet!
But hey, I noticed that cover photo and bio. Hmm. . so, is he also gay? I mean, if he is, then I should send him a warning. Like, hindi ko naman din nakalimutan ’yung nangyari kanina sa office ni Yoongi. Yeah, I better send him a warning so he keep his hands away from what is mine.
Pumunta ako sa walk-in closet ko at naghanap ng yellow outfit na maisusuot ko para sa post na gagawin ko. For sure, kapag nakita niya ito malalaman niyang para sa kanya ang warning post ko because well, for sure kilala niya rin ako and my connection to Jungkook.
After I did my outfit and take a photo of myself with my warning caption to him ay ipinost ko na ito.
Binasa ko uli ang caption ko and bigla akong napaisip.
Does it look like a warning at all?
Sakto namang bigla kong naalala ’yung pagkikita namin kanina sa secretary’s office. Oh fuck! How could I forget?!
He didn’t seem to be surprise about my presence at all aside sa ginawa kong bigla pagpasok sa office niya and on top of it, ako pa mismo ang nagpakilala sa sarili ko. Oh god! How did I missed that detail about him?
I was contemplating about my post kung buburahin ko ito or I let it stay in my account ng tumunog ang notification bell na kanina pa naman tumutunog pero gusto ko lang din tignan ang mga comments na nakuha ko. Nakangiti ako ng makita kong nag react at comment si Jungkook pero agad din iyon napalitan ng busangot ng mabasa ko ang cinomment niya.
Really?! Twin?!
Argh! I’m your freakin’ soon to be boyfriend Jungkook! Not your twin!
Nakakainis! Ang ganda ng comment niya duon sa secretary tapos pagdating sa akin. .!!!! Argh!!! Naiinis ako!!!
Sa inis ko, sumalampak ako ng pagkakaupo ko sa recliner at tinext ang kuya ko para makipagkita sa akin.
Napangiti ako ng makita kong pumayag siya kaya inayos ko ang mga gamit ko at lumabas na ng office ko.
I need to relive my stress!
I’ll deal with that secretary later.
A/N:
Posted: June 08, 2021 at 05:22 AM
And another one. Hala naku po! Mukhang mayayari si mochi natin kay tiger. Lol. Anyway, any request dito sa story since I can do that naman siguro dahil fan fiction ito. If you have, just kindly comment below. Hahaha.
Kitakits sa sunod na update mga ka meow meow. Ichi ni san nyaa arigato!
ILLICIT AFFAIR 11
TAEHYUNG POV
Nauna akong dumating kay kuya sa napagusapan namin place and I’m loving the interior design of this whole cafè. The place was cozy and comforting for me. For sure kung mapupuntahan ito ni Yoongi magugustuhan din niya itong lugar na ito. I wonder paano nalaman ni kuya ang lugar na ito.
I choose the spot near the glass windows because why not? Eh kaya nga ako nandito at inaya si kuya lumabas is because I want to relieve my stress.
It’s nice kasi unti lang ang customer unlike sa ibang cafè na crowded. And as part of the elite, I don’t like crowded places except during fashion shows.
“Hyung, here!” tawag ko sa kanya pagpasok palang niya sa pinto at kinawayan siya.
Tignan mo nga naman similar pa kami ng napiling top outfit. Turtle neck paired with long coat. Heh! We’re really brothers!
“Gosh! I’m sorry late ako. ’Yung taxi kasing sinakyan ko kung nasaan yung traffic duon dumaan!” bungad ni kuya sa akin at hinalikan ako sa nuo.
“No, it’s okay. Kakarating ko lang din naman.”
Lumapit sa amin ang isang waiter at kinuha ang order namin at pagkatapos ay muling umalis para gawin ang inorder namin.
“So? Anong sa atin at bigla kang nag aya makipagkita?” panimula niyang tanong.
“Wala naman. Gusto ko lang makipag hangout sa iyo.”
“Oh my gosh, Taehyung! What an excuse! I could’ve believe you kung hindi tayo magkakilala however, we aren’t. I am your brother so I know if there’s something bothering you. So what is it?”
Napabuntung-hininga ako.
“Well, it’s about Jungkook.”
“Again?!” exaggerated na tugon niya at nag eye roll pa with matching paypay ng kamay niya sa kanyang sarili, “How many times did I tell you already to just confess your feelings to him para hindi ka napa-praning kapag may dumidikit sa kanya.”
Now, its my time to do an eyeroll to him, “Easy for you to say kasi positive ang naging outcome sa iyo ng umamin ka kay Namjoon. Eh ’yung sa akin? Baka maging negative ang kalabasan kapag nag confess ako.”
Napatigil si kuya sa balak niyang sabihin ng binalikan kami ng waiter dala ang mga inorder namin. Pagkaalis nito ay saka nagsalita si kuya.
“And who is the bitch this time?”
Well, I have this habit of calling bitch whoever tries to catch Jungkook’s attention. I mean, I don’t care and I’m not ashamed of what I do.
Kung pwede lang sana maging kagaya ni kuya na swerte sa love life niya kahit na gaya ko siyang gay. Hay!
“Yoongi’s secretary. I mean, I’m not yet sure if he will be, but maybe soon.” sagot ko sabay sip sa inorder kong fruity drink. Ayaw ko kasi ang lasa ng coffee to be honest.
“Wait, what? But isn’t she already?”
“Uhm, no. Yoongi has a new secretary and by the way, it’s not a she but a he.”
Hindi agad nagreact si kuya sa sinabi not until after a minute or two.
“Yoongi has a new secretary? And its a male?! How come I didn’t know about this? Walang nakwento sa akin si Namjoon tungkol dito.”
“Really? Well, baka nitong nakaraan lang siya hinire ni Yoongi. But, I must tell you, this one has the looks. Like, I can sense that he can somehow snatch Jungkook away from me! Plus, the fact that uhm, I think he’s also gay.”
“Oohh! Tea time!” makahalugang sabi ni kuya sabay higop sa kape niyang nasa tasa.
Tumingin ako sa labas ng cafè habang nagiisip ng kung anu-ano na pwedeng mangyari about Jungkook and that secretary kung papabayaan ko lang when I was suddenly cupped by my chin by my brother.
“Hey, don’t think too much. You’re beautiful than that secretary especially because you’re my brother and also a Kim. Wala sa genes natin ang panget. And about Jungkook, well, just wait. Malay natin isang araw, mag confess din iyan sa iyo.”
“T-Thank you, hyung.” I replied smiling with watery eyes.
“No need. I’m just spilling facts! Anyway, I wonder bakit naisipan ni Yoongi na kumuha ng lalaking secretary.”
“Maybe it has something to do with the divorce na finile ng asawa niya?”
Nag pout si kuya at muling nag eyeroll.
“The audacity of that ungrateful bitch! I was expecting nga na si Yoongi ang magfa file ng divorce nila but oh well. Shit happens. Nakakainis lang na wala siyang utang na luob matapos siyang pakasalan ni Yoongi kahit na hindi bukal sa luob nito nuon and now, just look to what she’s doing.”
“Yeah. Kahit hindi sabihin o aminin ni Yoongi sa atin, halata namang apektado siya sa nangyayaring ito ngayon sa kanya.”
Yoongi was the first in our circle of friends na naikasal pero hindi gaya ng iba, hindi masaya ’yung kanya dahil arranged marriage iyon. Nagulat na nga lang kami na kalaunan ay minahal ni Yoongi yung asawa niya kahit na yung mismong asawa niya mukhang hindi naman siya mahal. Tapos ngayon, ito na nga. Matatapos din ng hindi masaya ang naging pagsasama nila ng ilang taon.
Gusto ko sana sabihin sa kanya na kung sana gumaya nalang siya sa kapatid niya eh di sana hindi siya nagsa suffer ng ganito ganito but oh well, hindi rin naman masaya ang buhay ng gaya ko. Swertihan lang din pagdating sa love life.
But then again, bigla akong napaisip. If his secretary was gay, alam kaya niya ang tungkol dito? Malaki kasi ang chances na lagi silang magkakasama kaya naman, may chance kaya na magkagustuhan sila sa isa’t-isa? I mean, for sure, impossibleng hindi magkagusto ang secretary niya sa kanya pero siya kaya? Possible kaya siyang magkagusto sa secretary niya?
What if I make a way para ma fall silang dalawa sa isa’t-isa? So that in that way, hindi ko na magiging kaagawa ang secretary na iyon kay Jungkook at nabigyan ko pa ng bagong love life si Yoongi!
“What’s the name pala of Yoongi’s new secretary?” bumalik ako sa ulirat ng marinig ko ang tanong ni kuya.
“Uhm, wait. Let me think.” inalala ko ’yung pangalan niya na sinabi niya sa akin kanina at ng maalala ko iyon ay agad kong sinabi kay kuya, “Park! Park Jimin ang pangalan niya.”
“Park Jimin?” ulit ni kuya na hindi ko alam kung nagtatanong ba or what.
“Yup. Why?”
“Parang I’ve heard that name before.” tugon niya at para bang may inaalala na kung ano.
“Well, Park is a common surname and so thus, Jimin. Not to mention na unisex ang pangalan na iyon. So that must be the reason why you think you’ve heard it before.”
“Siguro nga.” ang tanging nasabi nalang niya bago maiba ang topic na pinaguusapan namin.
A/N:
Posted: June 08, 2021 at 05:25 AM
And that’s it for today. Sana nag enjoy kayo sa four chapter updates ko. I hope all is well and safe from the virus. Don’t forget the incoming FESTA event!
Kitakits sa sunod na update mga ka meow meow. Ichi ni san nyaa arigato!
ILLICIT AFFAIR 12
Jimin POV
After ko ikwento sa karoommate ko ang nangyari sa office kung saan involved sina Taehyung at Jungkook, ay kinabahan na ako sa maaari naming sunod na pagkikita. Like, hindi ko naman kasi alam kung sino yung mga iyon eh.
Anyway, ilang araw na rin naman ang nakalipas after ng insidenteng iyon. Wala naman akong narinig na kung ano sa boss ko kaya nakahinga ako ng maluwag.
And speaking of my boss, papunta ako ngayon sa office niya dahil may mga pinapapasa siya sa akin na files na kailangan niyang mabasa on the spot kaya heto ako at nakasakay sa elevator dala ang naka file ng maayos na mga folders.
Marahan akong kumatok sa pinto pagdating ko sa tapat ng office niya bago pumasok.
“Good morning, boss.” nakangiting bati ko at lumakad papunta sa desk niya at ibinaba ang dala ko at nagbigay ng isang folder sa kanya para mabasa niya, “Coffee?”
Tumango siya sa akin kaya I take that as a yes at tumungo papunta sa mini counter na nasa office kung saan may mga nakahilerang alak at panggawa ng coffee.
Nagtaka ako ng hindi ko makita ’yung coffee maker na ginamit ko ng nakaraang punta ko dito. Nasaan na iyon? Palingon palang sana ako kay boss para tanungin kung nasaan iyon ng magsalita siya.
“I got rid of it. It’s fine if you don’t know how to make coffee without coffee maker.” may bakas ng disappointment sa tono ng pananalita niya.
Eh? Anong tingin nito sa akin? Hindi marunong magtimpla ng manu-mano porket marunong akong gumamit ng coffee maker?
Wow! Grabeng pag underestimate naman sa akin. Pakitaan ko nga! Mukhang hindi alam nitong boss ko kung gaano siya kaswerte sa nakuha niyang secretary. Heh!
Dahil occupied siya sa pagbabasa ng mga dinala kong files na naka folder, hindi nito napansin kung gaano ako katagal na tumayo dito sa counter para gawin ang kape niya. For sure magugulat ito sa ibibigay ko sa kanya.
Well, kung hindi ninyo natatanong, ng highschool kasi ako nag part-time ako sa maliit na cafè na pagmamay-ari ng tita ko na siyang nagpalaki sa akin after mamatay ng parents ko kaya naman, confident akong masarap itong kape na manu-mano kong ginawa. Tignan nalang natin kung hindi siya magpatimpla sa akin ng coffee everyday. Napangisi ako sa isiping iyon.
“Boss, coffee.” nakangiting tawag ko sa kanya at inilapag sa tabi niya ang ginawa kong iced americano. Hopefully magustuhan niya.
“O-oh, thanks.” parang nagulat pa siya sa kapeng ginawa ko para sa kanya kaya bigla akong kinabahan.
Was he expecting a hot coffee?
“Iced americano?” tanong niya bago lumapat ang labi niya sa straw at sipsipin ang inuming gawa ko.
Marahan akong tumango habang hinihintay ang magiging verdict niya.
“I-It was good! Where did you learn how to make this?” nakahinga ako ng maluwag ng makita kong uplifted ang mood niya. Rare lang ang ganitong pagkakataon kaya susulitin ko na.
“S-sa tita ko po.” nahihiyang tugon ko ngunit nakangiti.
Hindi na ulit siya nagsalita at nag focus sa ginagawa niya habang ako, nakatayo pa rin dito sa gilid niya at naghihintay ng ipaguutos niya.
Dahil naiinip na ako sa pagtayo ko, nilibang ko nalang ang sarili ko sa pamamagitan ng pagtingin sa boss ko.
Una kong tinignan ang kabuuan niya. Sunod naman ’yung mukha niya. Napangiti ako sa isip ko. Maamo palang tignan ang mukha niya kung hindi siya magsusungit. Ang ganda ng pagkaka korte at buhaghag ng buhok ng kilay niya, ’yung mga pilik mata niya maganda rin na bumabagay sa hugis ng mga mata niya at ’yung ilong niya matangos na parang ang sarap pisilin ang nose bridge tapos yung labi niya. . Oh god! Manipis pero kissable tignan. Ilang labi na kaya ang nakalapat sa labi niya? Ang sarap siguro nu’n kung malapatan. Ang ganda din ng kutis niya. Pang porcelain doll. Pinaglihi ba siya kay snow white? At ’yung built ng katawan niya. . Gaano kaya siya katagal maglagi sa luob ng gym?
“Park, do I have any scheduled meeting today?” bumalik ako ulirat ng marinig ko ang boses ni boss. The heck? Did I just drift off thinking how beautiful this man is infront of me? Shit. This can’t be. This really can’t! May asawa siyang tao, Jimin! And even thou nag file ng divorce ang asawa niya, you can’t! Dahil ’yung mga ganitong tipo, babae ang hanap so stop day dreaming nonsense!
“Wala po kayong naka schedule na meeting today.
“Alright. Leave.” utos niya kaya yumuko na ako sa kanya at lumabas ng office niya. Psh. Ang cold ng treatment ah!
Saktong pagpasok ko ng elevator ay siya namang pagbukas ng elevator sa kabilang side at lumabas ang isang matangkad na lalaki. Teka, nakita ko na ba siya before? He somewhat looks familiar?
Pagsara ng pinto ng elevator kung saan ako nakasakay, pinindot ko na ang floor button ko para bumalik sa office ko. Not long after that, tumunog ang cellphone ko. Nagulat pa ako dahil sa ringtone kong lajibolala remix ng tiktok. Don’t judge, okay? Maganda siya!
Pagpasok ko ng office ko bigla akong may naalalang mahalaga na hindi ko naisip kanina. Fuck!
Bisita ba ’yung dumating kanina?
Oh gosh! No way! No! Sabi ko pa naman kay boss wala siyang kahit na anong naka schedule today! Shit! Yari ako nito panigurado!
Namjoon POV
For sure, my brother will be surprise sa pagdating ko. I didn’t call his secretary na darating ako nor texted Yoongi ’coz why bother? It’s not like may scene ako na hindi ko pwedeng makita sa office ng kapatid ko.
I dragged my feet out of the elevator and as I was walking towards my brother’s office, I felt someone stared at me but I shrug it off kasi baka guni-guni ko lang iyon.
Binuksan ko ang pinto ng walang katuk-katok and I didn’t notice that I opened it hard until I heard my little brother annoyed voice. I chuckled.
“Didn’t I tell you to leave and why the fuck–! Oh!” gulat at napatayo ito sa upuan niya at lumakad papalapit sa akin para yakapin ako, “I didn’t know na darating ka. My secretary. .”
“Sshh. I didn’t notify your secretary because I want this to be a surprise. And by the looks of it, mukhang na surprise ka naman.”
“Yeah, I did. Happy?” sarkastikong tugon nito at muling bumalik sa desk niya at pinagpatuloy ang naudlot niyang ginagawa.
Umupo ako sa gilid ng desk niya. I earned a glare but I didn’t bother to move.
“Isn’t it too early for an iced coffee?” tanong ko ng mapansin ang kape na nasa tabi ng laptop niya and I was about to take a sip ng hampasin niya ang kamay ko palayo. Damn, selfish!
“Its iced americano not iced coffee! And no, it’s not too early for an iced americano. Besides, it is not all the time you’re lucky enough to have one without going to a coffee shop.”
“What do you mean? Did you have that delivered through a food app?”
“No. My secretary made it for me.”
“Oohh! I didn’t know she can make one.” totoo naman. Akala ko puro paganda lang alam ng secretary niyang iyon.
“You haven’t met Hoseok yet?” nagtaka naman ako dahil sa naging tugon niya.
“Uh, no. Why? You see, kakauwi ko lang today from states to close some deals.”
“Oh, I see. Well, I have a new secretary. He just started recently.”
“Wait, what? Did you just say, ‘he’?!” nagulat ako dahil hindi ko inexpect na kukuha siya ng lalaking secretary. Not in my wildest dream na naisip kong gagawin niya iyon, “What happened to the previous one?”
“I fired her.”
Napabuntung-hininga ako ng hindi niya sinagot ang unang tanong ko but nevermind. At least, alam kong hindi na nagtatrabaho sa kanya yung dati niyang secretary. I would be lying kung sasabihin kong natuwa kami sa kanya na mga kaibigan ng kapatid ko duon sa previous. I mean, sa mga nauna pa mula duon sa previous na walang ibang alam gawin kundi magpa impress sa kapatid ko.
“Not gonna lie but you had me surprise sa pagkakaruon mo ng lalaking secretary. So how was it?”
“Uhm, fine? Why do you ask?”
“Wala naman. I’m just happy that y’know, you tried to have a male secretary which also helps you to win the divorce that your wife filed against your marriage.”
Alam ninyo kasi, nasa kalagitnaan ng divorce ang kapatid ko and I’ll be lying kung sasabihin kong hindi affected ito sa mga nangyayari not to mention na naiipit ’yung anak nila sa bagay na ito.
I know he wants to win the case. I simply know Yoongi. Hindi siya papayag na makipag divorce ang asawa niya sa kanya lalo pa at alam niyang may anak silang dalawa. He’s stubborn.
“Thank you for that encouraging statement, brother. I hope I win the case. I love her and our children as well. I mean, we started rough but we made it good after so, I’m really hoping she change her mind.”
“And if not, we will still be here to support you and your children. We all know that they love you more than their mother.”
“Hey, don’t say that. Our children loves us equally.”
“Yeah, right.” I replied sarcastically, “Anyway, has Jin already told you?”
“Told me what?”
“Oh he haven’t? Well then, let’s have dinner in our house tonight and he’ll be the one to tell you.”
Tumayo na ako sa kinauupuan ko at tinapik ang balikat niya.
“Alright.”
“See you, brother.” bago ako tuluyang makalayo sa desk niya, kinuha ko yung iniinom niya at inubos iyon.
“Did you just–?! Fuck you!” sinubukan niya akong habulin pero nakalabas na ako ng office niya at agad na sumakay sa elevator. Hah! Akala niya ah.
He must be really annoyed right now sa ginawa ko. I know how much he loves coffee especially an iced americano but here I am, being a jerk and finish it. Oh well, pwede naman siyang gawaan ulit ng new secretary niya. I wonder what that secretary looks like. Should I go see him? Nah. Baka makarating pa ito kay Jin at mayari ako. Ayaw kong mahampas ng frying pan ng wala sa oras.
Oh god! I miss my husband! Let me go pay him a surprise visit sa company niya and I’m pretty sure he’ll be happy. Especially after my one week business trip makakasama ko na ulit siya.
A/N:
Posted: June 10, 2021 at 12:00 AM
Hi, my dear reader friends! I’m back for another update. How’s everyone? I hope you are all safe and happy wherever you are and if not, I hope reading helps you to cope up.
Kitakits sa sunod na update mga ka meow meow. Ichi ni san nyaa arigato!
ILLICIT AFFAIR 13
JIN POV
Oh hi everyone! I’m worldwide handsome and the one and only husband of Kim Namjoon(ie) and brother of Kim Taehyung.
Sa mga nagtataka kung anong ginagawa ko, well nagluluto lang naman ako ng dinner namin for tonight at katulong ko sa pagluluto si Yoongi. Ang brother-in-law ko. Ewan ko ba dito at hindi sinama ang mga pamangkin ko eh pwedeng-pwede naman niya sila isama dito dahil bukas ang tahanan namin para sa lahat.
Pero nagpapasalamat na rin ako dahil nakarating itong lalaki na ito dito dahil kung hindi, susugurin ko siya sa office niya at hahatawin nitong pan na pinaglulutuan ko ngayon. Masyado kasi siyang workaholic kaya heto ngayon at nakikipag divorce ang asawa niya sa kanya. Pero syempre joke lang. Hindi naman dahil sa pagiging workaholic niya ang dahilan ng pakikipag hiwalay nito. Kung ako nga lang ang masusunod, mas okay pang maghiwalay sila ng asawa niya at sa kanya mapunta ang anak nila kesa duon sa bruhilda na kung alam lang ni Yoongi. . hay naku!
“Jin, baka mabutas na iyang kawali kakatusok mo.” nakangising sita sa akin ng katabi ko habang nagluluto sa sarili niyang kaldero.
“Bakit pala hindi mo sinama yung mga pamangkin ko?”
“Maaga natutulog ang mga anak ko, Jin. Hindi sila pwedeng magpuyat.”
Inirapan ko siya at nagpatuloy sa pagluluto.
“Buti nakapunta ka. Akala ko ididitch mo na naman ang makipag dinner kasama kami.” may tono ng pagtatampo kong sabi. Totoo naman. Bihira lang kasi makasipot iyan sa mga family dinner mula ng mag asawa siya.
“Well, first of all, sinabi sa akin ni Joon na may sasabihin ka sa akin na hindi ko alam bakit hindi mo nalang sabihin sa text o tawag and second, ng inaya ako kanina ang alam ko tatlo lang tayo. Hindi ko naman alam na kumpleto tayong anim.”
“So? Kung kumpleto pala tayo hindi ka pupunta?” biglang tumaas ang boses ko sa sinabi niya.
“N-no! Hindi iyon ang ibig kong sabihin, okay? I mean, hindi lang ako nainform. Eh di sana mas inagahan ko ang punta dito para hindi naghihintay sila Jungkook na mukhang gutom na sa sala.” depensa niya kaya napangisi nalang ako. Wow. Nailusot niya ah.
Magsasalita na sana ako pero napatigil ako ng may pumasok sa luob ng kusina at sumandal sa may pintuan. Nakakunot nuo itong pinagmasdan ng katabi ko.
“Darling, what’s happening here? Narinig kong sumigaw ka?”
“Wala, Joon. Akala ko nahawa na ako sa iyo at nakasira ako ng gamit.” nakangising sabi ko at napakamot naman siya sa ulo niya samantalang nagpipigil naman ng tawa si Yoongi.
Alam ninyo kasi, inside joke iyon sa asawa ko. Ewan ko ba anong kamay meron siya at madalas ’yung mga nahahawakan niya nasisira niya. Buti na nga lang itong relasyon namin hindi niya nasira. Kung sabagay, sa akin siya nakapares eh. I’m worldwide handsome ika nga kaya subukan lang niya, hahalik mukha niya dito sa pwetan ng kawaling hawak ko.
“Aish!” lumapit siya sa amin at tinignan ’yung ibang luto ng pagkain, “Pwede ko na ba itong dalhin sa labas ng maiayos na namin sa hapag nila Taehyung?”
“Oo, sige.” napatingin ako sa balak sanang dalawang putahe ang dalhin ni Joon at bigla akong kinabahan, “Saglit, Joon. Taehyung!!!” tawag ko sa kapatid ko na nasa sala.
“Yes, my brothaaaaa?!” energetic na bungad ng kapatid ko pagsilip niya sa pinto ng kusina. Teka, ang bilis naman niya yatang nakapunta dito galing sala? Tumakbo ba siya o kanina pa siya nandyan?
“Kanina ka pa nandyan?” usisa ko habang siya naman ay naglalakad palapit sa asawa ko.
“Kararating lang. Lumabas kasi si Jungkook eh kasama si Hoseok. May binili.”
“Huh? Iniwan ka ni Jungkook? Ano naman ang bibilhin nila?”
“Excuse me! Hindi niya ako iniwan ’no! Bibili lang daw sila ng soju!” depensa nito na kinatawa naming tatlo sabay kuha ng isang lutong chicken sa plato para kainin.
“Ganuon ba? O’sya. Tulungan mo itong si Joon magdala ng mga pagkain na nandito sa labas at malapit na kaming matapos. Paki set na rin yung stove na paglulutuan ng samgyup.” utos ko.
“Masusunod, kamahalan!” biro ng kapatid ko na kasabay si Joon maglakad palabas dala ang mga naluto ng pagkain.
“So, kailan balak umamin ng kapatid mo kay Jungkook?” tanong ng katabi ko. Alam ko ang pinupunto nito dahil maging siya alam ang tungkol sa pagkakaruon ng feelings ng kapatid ko duon sa isa. Pero gaya ko, wala siyang balak makialam sa dalawa.
“Ewan ko duon. Nakailang beses na sabi naman na ako sa kanya na sabihin niya na ng magkaalaman sila ng nararamdaman ng bawat isa kaso ayun. Naduduwag ang kapatid ko.”
“Tsk, tsk. Mahirap iyan. Baka lalong lumala kapraningan niya.”
“And speaking of kapraningan ng kapatid ko, what is this about I heard from him na may bago ka daw na secretary? And a male, huh? Really?”
Gusto kong matawa ng makita ko ang disgust expression sa mukha niya but I try not to.
“Why was this a big deal to you guys?”
“Well, has this something to do with your divorce case with your wife?”
“No! To be frank with you, dahil mukhang hindi pa naichismis sa iyo ni Hoseok, kaya lang ako nagkaruon ng lalaking secretary ay dahil sa pagkakautang nito sa akin.”
“Oh! So, si Hoseok pala ang unang nakaalam sa amin about your new secretary?”
“Well, yeah. Wait, enough about my new secretary. What is this about that my brother said you want to tell me?”
“About that. . I’ll tell you guys later habang kumakain tayo.” I said, while cleaning the used utensils and kitchenware before we head out to the dining table.
“Finally! Makakain na rin! Kanina pa ako nagugutom eh!” masayang reklamo ni Hoseok na nauna pang maupo sa amin sa dining table.
“Kung mapagkakatiwalaan lang sana kayo sa kusina bukod dito kay Yoongi eh di sana kanina pa tayo nakakain.” tugon ko kay Hoseok. Hindi umalma si Joon sa sinabi ko dahil totoo naman at inalalayan ako sa pag upo ko. Hay! Ang swerte ko talaga sa asawa ko. Napaka gentleman.
“Pwede naman kami tumulong sa kitchen ah! Minimal nga lang!” nakangusong sabi nito.
“Have you guys forgot what happened last time ng tumulong kayo sa amin ni Yoongi?” tumatangu-tango kong sabi sa sarili ko habang nakangisi at nakatingin sa katabi ko na nakangisi rin pala.
“Taehyung literally just put sauce in a cute saucer and said that what he did was a big help even thou there’s no dish that needs sauce while Jungkook tried to make a sweet potato dish but it got stuck on the plate and lastly, Hoseok made a soup that is super salty that you’re like eating salt but in liquid form. Not to mention that my brother sliced carrot the wrong way.” mahabang litanya ni Yoongi na pati yung asawa ko na kapatid niya hindi niya pinalampas kaya hindi na ako nakapagpigil at natawa ako.
Napuno ng asaran, kwentuhan at tawanan ang pagkain namin ng dinner and oh how I missed this so much with them. Sa kalagitnaan ng pagkain namin ay bigla kong naalala yung gusto kong sabihin sa kanila.
“Guys, I have something to tell you.” excited kong sabi.
Sabay-sabay sila napatigil sa pagkain at ang unang oa na nagreact ay si Hoseok na napa oh my god expression with matching pagtayo pa sa kinauupuan niya at takip ng bibig niya.
“Are you pregnant?!”
“Bitch, what?!” pati ako nagulat sa sinabi niya.
“Darling, are you?” bakas naman ang gulat at excitement sa mukha ng asawa ko. I wish I could say yes but no. I don’t want to give false hope and saan ba nakuha ng Hoseok na ito ang ideyang buntis ako? What kind of crack is he smoking?
“Hala! Congratulations hyung!” bati sa akin ng kapatid ko at agad na humarap kay Jungkook at hinawakan ang magkabilang balikat nito, “Magiging tito na tayo! Yehey!”
Napatigil naman ang komosyon ng marinig naming tumatawa si Yoongi. Ugh! Ang sarap sa ears ng tawa ng lokong ito. Bihira lang kasi naming makita na genuinely happy ang taong ito at magiging masaya kami para sa kanya kung makakahanap siya ng taong araw-araw siyang pasasayahin at ilalabas ang gummy smile niya.
“You guys do know that Jin is a male, right? Ano bang tinitira mo ngayon Hoseok bukod sa sprite at naisip mong buntis iyang si Jin?!”
“Yeah, Yoongi states facts! Paano ako mabubuntis eh lalaki ako. And Joon, don’t be sad, we’ll bangbang later.” pilyo kong sabi at kinindatan pa siya na kinaexcite niya. Loko talaga.
“Eww! What the fuck, hyung! Gross!” nandidiring sabi ng kapatid ko.
“Gross where? Bitch, just confess already to your longtime love and get married ng hindi ka naiinggit sa amin ni Joon. Right, darling?”
“Right.” nakangiting tugon ng asawa ko at makahulugang tumingin sa magkatabing sina Taehyung at Jungkook na nasa harapan namin.
“Huh? Longtime love? Sino iyon, Tae?” curious na tanong ni Jungkook and I’d be lying kung sasabihin kung hindi kami napatampal mentally sa mga nuo namin nila Hoseok, Yoongi at Joon.
“Anyway, going back to what I was trying to say earlier, I’m happy to announce na going good yung company ko. Thanks to my supportive husband and nagsisimula na itong makilala.”
Jin Hit Music ang pangalan ng company ko and from the name itself, nasa industriya ako ng pagpo produce ng mga soon to be well known idols. And I’m proud to say na ang kompanya ko ang first to treat trainees good not to mention na masarap ang steak na sineserve namin! Of course! Steak is life! Who doesn’t love steak, right?
Nagpalakpakan ang mga kaibigan ko at ang asawa ko na proud sa akin.
“And because, unti-unti ng narerecognize ang company ko, gusto ko sanang maghanap ng mga bagong it-train and I heard from Joon na may aattendan kang school preformance sa isa sa mga school na shareholder ka?”
“About that, it will be next week. I was invited since ’yung ibang magpeperform sa kanila ay under ng scholarship program ko.”
“Oohh. Since when did you have scholars, Yoongi?” nagtatakang tanong ni Hoseok.
Actually kahit ako nagulat dahil never niya itong nabanggit sa amin.
“Two years ago? But anyway, yeah. I’ll be attending their performance and I guess, you want to look for a person or persons to be your new trainees?”
“Exactly. So, may I join you next week?”
“Sure. No problem.”
“When next week? I wanna join too!” excited na sabi ni Hoseok.
“Uh, thursday? On the thirteenth?”
“Ako din! I want to watch the performance!” sabi ni Taehyung na nakatingin kay Jungkook at naghihintay ng reaksyon mula dito kung gusto din nito sumama.
“Why don’t we all just go? I mean, if we’re all free that day.” suggestion ni Joon kaya ang ending, lahat kami pupunta next week sa nasabing school performance sa eskwelahang shareholder si Yoongi.
Excited na ako magkaruon ng bagong it-train! I can’t wait!
A/N:
Posted: June 10, 2021 at 12:30 AM
Alright! JinHit Entertainment for you guys! Lol! Anyway, nagutom ako sa paggawa ng update kaya sana kayo rin. Sabayan ninyo ako mag midnight snack. Hahaha!
Kitakits sa sunod na update mga ka meow meow. Ichi ni san nyaa arigato!
ILLICIT AFFAIR 14
JIMIN POV
Nakauwi na ako ng apartment ng maka receive ako ng text message mula sa dance teacher ko ng high school na si Miss Amber at gusto nitong makipagkita sa akin para makipag usap about sa hindi ko pa alam kung ano. Ayaw niya kasi sabihin sa text kaya heto ako at papunta sa dance studio nila ng long time girlfriend niya na si Miss Luna.
Nakakagulat nga kasi nacontact niya ako. Hindi naman sa nagtatago ako or what pero hindi rin naman kasi ako nagpalit ng number ko. ’Yung number ko, yung dati ko pang number ng high school.
At nakakatawa rin na naging sila ng una kong dance instructor na si Miss Luna. Paano ko nasabi?
Well, dalawang beses kasi akong lumipat ng school ng high school. Not that ginusto ko or ng Tita ko na nagpalaki sa akin pero kasi napromote siya nu’n at kinailangan namin lumipat ng bahay na mas malapit sa trabaho niya kaya ayun.
Pagdating ko sa building kung nasaan ’yung dance studio ni Miss Amber umakyat na agad ako para makita siya.
Anong oras na rin kaya hindi na ako nagulat ng pagpasok ko sa mismong studio wala na akong nakikitang nagpapractice. So, nasaan si Miss Amber?
Para hindi ako mabored, humila ako ng mauupuan at tumapat sa malaking salamin para mag mirrorfie para ipost sa social media account ko.
Hay! Pinagmasdan ko ang buong studio and it sends shivers to my spine. Parang kailan lang, parang bahay ko ang dance studio. Napailing ako habang nakangiti. Nakakamiss din palang sumayaw. I remember grumaduate ako na kilala bilang star dancer ng school namin. May mga nag offer nga sa akin para maging idol pero naisip ko na wala akong kakayahan na sumabay sa strict standard ng music industry kaya nagtuloy ako ng college. Isa pa, ’yung naging crush ko rin kasi talaga nuon ang isa pa sa dahilan.
Taimtim akong nagbabasa ng mga comments sa post ko ng biglang may tumapik sa balikat ko.
“Jimin!” nakangiting bati sa akin ng taong hinihintay ko.
“Miss Luna!” sa sobrang saya ko na makita siya agad kong tumayo sa kinauupuan ko at niyakap siya.
“Woah, easy! Baka magselos girlfriend ko sa iyo.” pagkalma niya sa akin dahil muntik na kaming matumba sa pwersa ng naging pagyakap ko sa kanya.
“So, nasaan po si Miss Amber?”
“Nandito!” sigaw niya mula sa pintuan at may dalang paper bag. Anong laman nu’n?
Lumapit kami sa kanya sa gilid ng studio kung saan niya nilapag yung dala niyang paper bag na may kabigatan at nilabas ang mga laman nu’n na pagkain.
Bigla akong nakaramdam ng gutom. Shit. Hindi pa nga pala ako kumakain ng dinner.
“Kumain muna tayo at sasabihin ko nalang habang kumakain.” tugon ni Miss Amber. Tama nga naman siya. Kain muna. Mamaya na iyang sasabihin niya.
Kakapalan nalang talaga ng mukha ang sumanib sa akin at dumiretso kain na ako na kinatawa ng dalawa. Hindi ko nalang ito pinansin kasi gutom na talaga ako.
“So, kamusta? Nagaaral ka pa rin ba?” tanong ni Miss Amber.
“Luh, graduate na ako!” proud ko pang sabi at may pa hampas-hampas pa sa dibdib ko na akala mo si Tarzan ako.
“Nice! May trabaho na?” tanong naman ni Miss Luna.
“Oo! Sa office ako nagtatrabaho ’no!”
“Ano ba iyan! Akala ko naman related sa passion mo ang kinuha mong course o kahit yung trabaho mo man lang!” nakangusong sabi ni Miss Luna.
“Naku kung ganuon pala mukhang mahihirapan ako sa ipapakiusap ko sa iyo.” napakamot sa batok na sabi ni Miss Amber.
“Huh? Ano bang ipapakiusap mo, Miss Amber?”
“Uhm. .” mukhang nagdadalawang isip pa si Miss Amber kung sasabihin niya sa akin dahil nakita ko kung paano niya tignan ng alanganin si Miss Luna.
“Sabihin mo na! Para makahanap tayo ng papayag kung hindi siya pwede.” saad ni Miss Luna.
“Kasi. . balak sana kitang kuhain na replacement ng isa sa mga dancer sa magiging dance performance next week. Ikaw ang naisip ko kasi ikaw ang star dancer ng grumaduate ka kaya alam kong mabilis mong makukuha yung mga steps lalo pa mabilis lang naman din yung magiging exposure mo sa stage.” naka pray position pa si Miss Amber habang nakayuko sa akin na para bang nagmamakaawang pumayag ako sa request niya.
“Huh? Pwede ba iyon? Hindi ba dapat performance iyon ng mga current students sa school? Saka anong nangyari duon sa dapat na magpeperform?”
“Oo. Naipaalam ko na ito sa principal. Pumayag siya lalo na ng malaman niyang yung dating star dancer ng school ang kukunin ko. About naman sa original performer, naaksidente siya kahapon. Nadulas siya sa hagdan.”
“Oh fuck.” napatakip ako sa bibig ko at kinilabutan. Naiimagine ko yung pagtunog ng mga buto niya sa nangyaring pagkakahulog niya sa hagdan.
“So, uh, payag ka ba? Ikaw yung kukunin kong replacement?”
“Hindi ko alam kung kasing galing pa ako ng dati lalo pa tumigil na ako magsayaw pagtungtong ko ng college at magiging short period lang ang practice ko pero sige. Payag ako. Ayaw ko naman masayang ’yung paghahanda ninyo para sa school performance.”
Sa sobrang tuwa ni Miss Amber tumayo siya sa kinauupuan niya at binuhat ako para yakapin habang umiikot samantalang nakangiting pumapalakpak lang si Miss Luna sa gilid.
“Isa ka talagang hulog ng langit, Jimin! Isa kang anghel na pinababa dito sa earth!” saad ni Miss Amber.
“So, kailan tayo magsisimula mag rehearse?” tanong ko.
“Ngayon na.” nakangising sabi ni Miss Luna.
“Ha?!” sigaw ko sa gulat.
“Sad to say pero meron ka nalang six days bago yung performance, Jimin.” saad ni Miss Amber at tinapik ako sa balikat, “And not to pressure you, kahit alam kong ikaw ang star dancer dati, maraming manunuod sa performance na iyon. May mga imbitado din kasing malalaking personalidad.”
“Oh shit. Pwede nag backout?” biro ko na may alanganing ngiti.
“JIMIN!!!” sabay na sigaw ng dalawa kong dating dance instructor na kinatawa ko.
Kinabukasan, matapos ang naging paguusap namin ng dati kong dance instructors, heto ako at nasa studio nila para dito mag rehearse ng ipeperform ko next week. Shit. ’Yung dapat na practice ko kagabi hindi natuloy dahil na rin sa pakiusap ko so five days nalang ang meron ako.
Buti na nga lang at weekend ngayon kaya wala ako magiging problema sa pagpa pratice not until mag lunes dahil siguradong pagod ako nito kasi tuwing pag uwi ko lang ako makakapag practice. Shit.
“Okay! One! Two! Three!” bilang ni Miss Luna habang sinusundan ko ang tinuturo niyang steps sa akin.
“Matanong ko lang, bakit ganito yung kanta? Ito ba talaga yung tugtog sa sasayawin ko?” tanong ko habang patuloy na sinasabayan ang pagsasayaw ni Miss Luna.
“Unfortunately, yes.” sagot ni Miss Amber na nasa harapan namin at pinapanuod kami.
“Weh? Parang narinig ko na nga itong kanta na ito before eh. Teka, pang ilan ba ako sa naka line up na magpeperform?”
“Second to the last ka. Meaning, ikaw ang pampagising sa mga audience bago ang main group at bago sila tuluyang makatulog sa mga upuan nila sa dami ng mga magpeperform.” biro ni Miss Amber.
“Ah kaya pala ganito yung steps!” natatawang sabi ko. Ang sexy kasi ng concept eh! Bakit ba?! “Pero hindi ba awkward ito kasi ako ang gagawa imbis na babae?”
“Huh? Baka nakakalimutan mo ang epekto mo sa audience, Jimin!” amused na sabi ni Miss Luna.
Inilingan ko nalang sila at nagpatuloy sa pagpapractice hanggang sa makabisado ko ng tuluyan ang sayaw pero syempre hindi ako kuntento kahit na narinig ko ang mga papuri ng mga dati kong dance instructor. Hindi pwede ang pwede na sa mga manunuod. I need to entertain them.
“Shit, Jimin! Hindi halatang huminto ka sa pagsasayaw!” saad ni Miss Luna.
“Oo nga! Napaka graceful mo pa rin sumayaw! Tama ngang ikaw ang naging star dancer ng school dati.” dagdag ni Miss Amber.
Nagpatuloy lang ako sa pagpa practice hanggang sa muli kong narinig sina Miss Amber at Miss Luna.
“Jimin, hindi ka sasabay ng uwi?”
“Hindi na. Mauna na po kayo. Ako ng bahala dito.” nakangiting sabi ko sa kanila at ng makaalis sila ay muli kong pinagpatuloy ang pagsasayaw hanggang sa hindi ko na namalayan ang oras na lumipas.
A/N:
Posted: June 10, 2021 at 01:00 AM
And damn! Excited na ako sa magiging next update. Sana kayo rin. Aaahhh!!! Anyway, magpapahinga na muna si author dahil medyo nanghihina na siya so yeah.
Kitakits sa susunod na update mga ka meow meow. Ichi ni san nyaa arigato!
ILLICIT AFFAIR 15
HOSEOK POV
Ewan ko but for some reason my friends ended up having this kinda like matchy-matchy outfit.
Wala namang problema sa akin dahil I find it fun and understandable naman duon sa mag asawa na sina Namjoon at Jin pero sina Taehyung at Jungkook? Bakit sila parehas eh hindi pa nga sila? Thou alam naming may feelings itong si Taehyung kay Jungkook at si Jungkook naman well, hindi man niya sabihin eh halata namang may gusto din siya kay Taehyung.
Samantalang kami ni Yoongi halatang walang dress code or matchy outfit na sinusunod.
Napansin namin si Jin ng kumpleto na kami na parang may hinahanap.
“May inimbitada ka bang iba, darling bukod sa atin?” tanong ni Namjoon.
“Wala. Akala ko kasi isasama ni Yoongi ’yung bago niyang secretary.” makahulugang sagot ni Jin.
Aba, oo nga ’no. Madalas sinasama ni Yoongi ang mga naging secretary niya sa kahit na anong event na pinupuntahan niya except family dinners so why didn’t he do it this time?
“Baka kawawain lang ni Taehyung iyon kung sinama ko.” nakangising tugon ni Yoongi na tinignan si Taehyung na siyang nakanguso, “Besides, hindi ko na siya naabutan sa office niya ng dumaan ako kaninang uwian.”
“Huh? Bakit hindi? Mas nauuna bang umuwi sa end shift time ang secretary mo?” usisa ni Jungkook.
“Hindi. Mas nauuna lang talaga siya makalabas ng office niya kapag uwian. Well, that’s what the other employees says about him.” kibit-balikat na sabi nito.
“Eh ’yung mga anak mo? Bakit hindi mo sinama?” tanong ko. For sure naman matutuwa ’yung mga iyon dito sa papanuorin namin.
“Nah. Maybe next time if hindi evening ’yung event.”
And from that, lumakad na kami papasok sa venue. Nakipag kamay pa kami sa mga nakasalubong naming ibang guests na naka pwesto din gaya namin sa harap na may full and good access sa mga magpe-perform.
Ilang minuto din ang lumipas bago may host na umakyat sa stage at nagbigay ng short speech, hudyat na magsisimula na ang program.
JIMIN POV
“Oh wow! Angel ka ba Jimin? Kumikinang ka sa suot mo ah! Nasisilaw ako! Aahh!!!” puri ni Miss Amber sa akin pagpasok niya sa dressing room kung saan personal akong inaayusan ni Miss Luna.
“Hay naku, Miss Amber! Tigilan mo ako! Hahaha! Bigyan mo nalang muna ako ng makakain ng kumalma ang sistema ko bago ako mag perform!” natatawang sabi ko. Totoo naman kasi. Gutom na ako! Pag out ko sa office, nagmamadali akong dumiretso dito sa venue namin sa school para makapag prepare at kaunting warm up.
“O’sya. Ito lang mabibigay ko. Mamaya na ’yung bonggang kainan pagtapos ng performance kaya huwag ka agad uuwi.” banta niya at iniabot sa akin ang pagkain ko.
“Yehey! Thank you!” masayang sabi ko at pinicturean ang binigay niyang pagkain sa akin at ipinost sa social media bago ko itong sinimulang kainin. Gutom na talaga ako!
Pagtapos kong kumain at ng ako nalang mag isa ang nasa dressing room, sinuot ko ang dala kong earphones at pinakinggan ’yung tugtog sa sasayawin ko mamaya sa stage. Nakakatawa nga dahil pakiramdam ko talaga narinig ko na itong kantang ito dati tapos sakto namang sinabi sa akin ni Miss Luna na cinompose iyon ng isa sa mga popular student sa school na una kong pinasukan kaso nga lang daw, ginawa talaga ang kantang iyon na pangsali sa isang contest pero hindi nanalo.
Nagtaka nga ako bakit hindi ipinapanalo eh ang ganda ng tugtugin na iyon. Not to mention na hindi pa rin nawawala sa isipin ko na mas okay sana kung babae talaga ang sasayaw nito pero katulad ng sabi nina Miss Amber at Miss Luna ay genderless ang music at tingin nila bumagay ang kanta sa akin na again, hindi pa rin ako sigurado kung totoo nga. Tho yung pinractice namin na sayaw ng first day na sexy concept medyo napilitan ng ilang pagbabago para sumwak sa piyesa ng tugtog na wala namang problema sa akin. Actually, mas nagustuhan ko itong napolished namin na dance step pero hindi pa rin mawala ang kaba ko kahit na malapit na akong mag perform sa stage. Ito ang dahilan siguro kung bakit kahit matunog ang pangalan ko ng high school na may chance maging isang idol eh hindi nangyari dahil bukod sa mahiyain ako, mabilis akong kainin ng kaba. Hahaha.
Napatingin ako sa wall clock at napabuntung-hininga. Malapit na. Kailangan ko ng mag destress dahil kung hindi, baka makagawa ako ng kahihiyan sa stage na pinaka ayaw kong mangyari.
Bago ako tuluyang irelax ang sarili ko bago ang solo performance ko, naghanap muna ako ng old picture ko ng highschool at pinost ito sa social media account ko.
HOSEOK POV
Nagpalakpakan kami after ng hindi ko na mabilang kung pang ilan na ’yung nag perform ng magsalita si Jin.
“Malapit na bang matapos?” bulong niya sa akin.
“Siguro? Bakit? Ang gagaling naman ng mga nagperform ah.” tugon ko.
“Wala pa rin akong mapili na offeran ng contract.” nakapout na sabi nito at inislide ang katawan niya sa pagkakaupo sa upuan niya.
“Hintayin mo lang may dalawa pang magpeperform bago matapos yung program. Baka nga itong susunod magustuhan mo eh.”
“Paano mo nasabi?” tanong niya in a sarcastic way. Inilingan ko lang siya.
“Well, kanina kasi narinig ko sa mga ibang guest na nandito eh yung star dancer daw before ng school na ito ang isa sa mga magpeperform. Sabi nila, mataas ang chance nito na maging isang idol kung pinursue lang nito.”
Well, not sure kung totoo iyon pero marami-rami akong narinig na positive sa mga kapwa namin guests at audience na siguro ay naging kabatch nuon ng sinasabi nilang star dancer na kinamayan namin kanina. Hindi ko nga lang nakuha ang pangalan ng taong iyon.
Sabay-sabay kaming napalingon sa isa’t-isa nila Namjoon at Yoongi ng marinig namin ang piyesang tumutugtog. Teka, paanong?!
“Hindi ba iyan yung piyesa na ginawa mo, Yoongi?” tanong ni Namjoon.
“Huh? Talaga?” tanong ni Jin na hindi makapaniwala na sinabayan pa ng jaw drop faces nina Taehyung at Jungkook.
“Oo nga! Bakit tumutugtog iyan? ’Di ba ipinangsali mo iyan duon sa contest na hindi ka naman nanalo?” dagdag ko.
“The prinicipal in this school heard me playing this piece before by accident and he liked it and asked me if I can lend him the chords which I did and I didn’t expect that I will be hearing this today in a school performance.” nakangiti niyang sabi at halata ang pagka proud sa kanya, “I should get credits for this. If not, I’ll sue that principal.”
Kung sabagay, sino bang hindi magiging proud eh ang ganda ng piyesang ito. Ewan ko ba duon sa mga judges dati ng shitty contest na sinalihan niya sa school at hindi iyon naappreciate. Buti at yung principal na ito nagustuhan ang piyesa niya at ito nga, ginamit pa sa school performance.
We, I mean, almost all the audience here lean back to their seats and wait for the next performer to arrive on stage as soon as we saw two men on opposite sides holding a big and long fabric which covers the person hiding behind, waiting to be unleased.
https://www.youtube.com/watch?v=FpAAwkLfsmg
Wait! Holy, wait!
Are my eyes playing tricks on me?
I’m sure, pretty sure na kilala ko itong mukhang anghel na sumasayaw ngayon sa stage and it was no other than, Yoongi’s new secretary!
It’s Park Jimin!
Paanong?!
I can feel my jaw drop from start to finish of his dance. It was smooth and charismatic. Like a flower petal gliding in the air with a look of an angel that went down to earth.
Ramdam ko ang pag angat ng balahibo ko sa katawan sa intense vibe ng performance niya at ang pagkabog ng dibdib ko at ang saglit na pagtigil ng paghinga ko (in my perspective).
I was both mesmerized and hypnotized at the same time!
Namalayan ko nalang na tapos na ang performance niya ng may marinig akong malakas na palakpakan at hiyawan.
Nilingon ko ang mga katabi ko at parehas ng naging reaksyon ko ang naging reaksyon nila lalo na sina Yoongi at Jin na naka jaw drop pa rin.
“T-that was absolutely gorgeous!” sabi ni Jin.
Samantalang si Yoongi, ayun. Out of words kaya naman hindi ko na naman napigilan na mapangisi.
Look whose jaw drop again for the second time.
A/N :
Posted: June 26, 2021 at 12:00 AM
Hello! Author is back to post another update. How’s everyone? Mga nakapagpa vaccine na ba? I hope you’re all safe and healthy.
Kitakits sa susunod na update mga ka meow meow. Ichi ni san nyaa arigato!
ILLICT AFFAIR 16
JIMIN POV
“Sure ka ba talaga na hindi ka pupunta duon sa pakain party ng mga organizers? For sure, matutuwa sila na makita ka. Daming naamazed sa performance mo.” saad ni Miss Amber habang naglalakad kami papunta sa isang night market.
“Hindi talaga pwede, Miss Amber. May pasok pa ako bukas. Hindi ako pwedeng gabihin baka mahirapan ako gumising eh. Nakakatakot ma-late sa office.” sagot ko. Eh sa totoo naman eh lalo na kung ang boss mo ay katulad ng boss ko. Pfft.
“O’sya, sige. Ililibre ka nalang namin ng dinner nitong si Amber bago ka umuwi para diretso pahinga ka nalang pagkauwi mo sa inyo.” saad ni Miss Luna.
Pagdating namin sa night market ay agad kong kinuha sa bulsa ng pants ko ang cellphone ko at pinicturean ang lugar kung nasaan kami para may maipost sa social media.
Hindi nagtagal ay kumakain na kami ng mga binili naming pagkain pero mas marami ang akin dahil na rin sa pupunta pa sila sa pakain party ng mga organizers sa performance kanina.
Hindi ko nga alam gaano karami at sinu-sino ang mga dumalo kanina pero sapat na sa akin ang malaman na maraming manunuod na nagustuhan ang naging pagsayaw ko. Matagal din kasi akong tumigil.
Pagtapos naming kumain ay hinatid pa nila ako sa sakayan ng bus pauwi. Nakaramdam na ako ng antok ilang minuto mula ng makaupo ako kaya naman pagdating ko ng bahay dumiretso tulog na ako. Mukhang tulog na rin naman na ang karoommate ko dahil pagdating ko walang nagsermon sa akin sa late kong pag uwi.
HOSEOK POV
Nasa isang kilalang restaurant kami matapos ang performance pero lahat kami na nakakita na sa bagong secretary ni Yoongi na si Jimin eh hindi pa rin makapaniwala na siya yung nag perform sa stage kanina. Hindi ko nga naimagine na marunong o magaling sumayaw ang secretary niya na iyon.
“Ibig sabihin hindi mo man lang siya pina background check bago mo siya kinuhang secretary mo? Gosh, Yoongi! That’s a very irresponsible move! Paano kung murderer yung nakuha mo ba secretary?” sermon ni Jin habang kumakain kami.
“But he isn’t, right?” maikling tugon ni Yoongi sa kanya.
Napangiti ako ng maalala ko ’yung kuha ko sa kanya kanina. Nakakatawa na nakaka amazed. Simula kasi ng nagka asawa siya hindi na namin siya madalas makita na nagpapakita ng ibang emosyon maliban sa galit, ngisi at kaunting ngiti, well, maliban kung kasama niya ang kambal eh napaka lawak ng ngiti n’yan sa labi niya but that is just that.
Ngayon ko lang siya nakita na najaw drop at na curious/amazed tumingin sa bago niyang secretary. Hindi siya ganyan sa nakararami.
Kinuha ko sa bulsa ng pantalon ko ang cellphone ko at ipinost sa social media ang kuha ko kay Yoongi kanina. Hopefully, hindi siya mag open ng account niya. Kung sabagay, bihira naman siya mag online.
Sasabihin niya kaya sa secretary niya na napanuod namin siya ngayon bukas? Hmm. .
Speaking of secretary Jimin. .
May social media ba iyon? Masearch nga. Hindi ako nahirapan na hanapin agad ang account niya dahil pag type ko palang ay lumabas na agad ang mukha niya sa search box results.
Mag follow back kaya siya kapag finollow ko siya?
JIMIN POV
Laking pasalamat ko ng maaga akong nagising dahilan para may enough time pa akong makapag post sa social media ng picture ko kagabi. Syempre gotta keep my followers updated ’no!
Ilang minuto pa ako nag check ng feeds sa social media ko bago ko naisipan na mag asikaso sa pagpasok ko.
Hindi ko naabutan ang karoommate ko sa dining area. Siguro tulog pa. Kaya ako nalang ang kumain mag isa ng breakfast ko na quaker oats at coffee.
Pag alis ko ng apartment namin ay nagmadali akong makasakay ng bus papasok ng trabaho at habang nasa biyahe ako ay bigla kong naisip na tignan kung may social media account ba ang boss ko kasi hello? Kilala siya na businessman. Kaya iyon ang ginawa ko at sinearch siya sa twitter. Hindi naman ako nabigo sa ginawa kong pag search dahil agad na lumabas ang mukha niya kaya agad ko itong inistalk kaso puro about business lang ang nakalagay. Puro retweets lang!
Hindi ko napigilan na hindi macurious ng makita kong limang tao lang ang pina follow niya sa account niya. Sinong itong mga ito?
Pero bago ko tignan kung sino sila ay tinitigan ko muna ng ilang minuto ang mukha ng boss ko na nasa profile. Hindi ko alam kung bakit pero habang tumatagal ang pagtitig ko sa picture ay may nararamdaman akong kakaiba. Ang lakas ng kalabog ng dibdib ko.
Hindi ko alam kung swerte ba o hindi ang asawa niya sa kanya pero sa maamong mukha niya, sinong hindi magkakagusto sa kanya?
Nang makakuha ako ng sapat na lakas ay tinignan ko na kung sino yung lima niyang finafollow.
Oohh. Kilala ko ang dalawang ito. Sila yung nagpunta dati sa office. Kinakabahan nga akong makatagpo ulit ang dalawang ito ng dahil kay Taehyung. Hindi ko kasi alam kung totoo ba yung sinabi nuon ng karoommate ko sa akin pero better be safe kesa mapa away ako sa kanya.
Oohh. Si Mr. Jung! Siya ang una kong na-meet sa first day of work ko bilang secretary ni boss. Ang aesthetic ng account niya. Infairness!
Mag asawa ba silang dalawa? Not that I’m judging kasi ang cute nila pero bakit parang pakiramdam ko kilala ko sila? Lalo na itong Seokjin. Parang nakita ko na siya before? O baka coincidence lang?
Nakarating ako sa office ko ng matiwasay at ng hindi nakakasalubong si boss kata talagang good ang araw ko. Baka kasi alam ninyo na? Masaktuhan ko na naman ’yung panget na ugali niya at pati ako madamay pumanget ang mood ko sa buong maghapon.
Tahimik akong nagtatrabaho sa hindi ko alam ilang oras ko ng ginagawa ng biglang tumunog ang telepono na nasa desk ko at ng sagutin ko iyon ay inuutusan ako ng boss ko na pumunta sa office niya. Ano kayang ipapagawa sa akin nito na hindi niya kayang iemail or sabihin nalang sa telepono?
Laking pagtataka ko ng makapasok ako sa office niya ay agad niya akong inutusan na gawaan siya ng kape at dahil naalala ko yung naging reaksyon niya ng nakaraan ng ginawaan ko siya ng coffee ay muli ko yung ginawa ulit.
Wala naman akong idea anong klaseng coffee ang gusto niya pero base sa naging feedback niya ng nakaraan, I can sense na gusto niya ang iced americcano. Sana lang ay okay lang sa kanya na ito ulit ang ginawa ko para sa kanya.
Lumapit ako sa kanya dala ang ginawa kong kape at inilapag ito sa tabi niya.
Hindi ko alam kung tama ba ang nakita ko pero parabg nagningning ang mga mata niya sa ginawa ko. Makakakuha ba ako ng bonus sa sahod ko? Hahaha.
“Anything else you want me to do, Boss?” tanong ko habang iniinom niya ang ginawa ko para sa kanya.
“Yeah, have a seat.”
Nagtaka naman ako sa sinabi niya.
Have a seat? Akala ko ba may ipapagawa siya?
Pero syempre hindi ako umalma sa inutos niya at sinunod siya. Hindi ko tuloy maiwasan na laruin ang daliri ko sa kamay sa kaba. Hindi kasi siya nagsalita after kong makaupo. Bagkus abala siya sa paglasap ng kape niya.
Makaraan ang ilang minutong paghihintay ay nagsalita siya.
“My brother will have a family dinner tomorrow night at their place and I want you to join us.”
Halos umawang naman ang bibig ko sa gulat sa sinabi niya. Family dinner? Join them? Bakit? Ano meron? Bakit kailangan ko siyang samahan kung family dinner iyon?
“You’re dismissed. See you later.”
Para akong robot na tumalima sa sinabi niya at agad na lumabas ng office niya.
Family dinner. .
Join them. .
Bakit?! Para saan?!
Buong maghapon ay trabaho ang inatupag ko para lang makalimutan ang sinabi ng boss ko kanina. Kasi naman, hello? Out of nowhere? Bakit niya ako gustong isama? Outside work affairs iyon eh! Hindi ba dapat walang ganuon between Boss and Secretary sa work? Hindi pa counted duon na weekend bukas!
Hanggang sa makauwi ako ay iniisip ko pa rin ang sinabi sa akin na family dinner na kailangan kong puntahan kasama ang boss ko. Hindi naman sa malisyoso ako ’no pero kasi! Argh!
Sakto namang tumunog ang cellphone ko at napangiti ako sa nakita kong nag message. Buhay na naman ang group chat namin. Malamang heartbroken ang isa kaya nagaaya ng gala. Hahaha.
Tutal wala naman akong choice kundi ang samahan ang boss ko dahil baka topakin ang isang iyon kapag hindi ako sumama eh pumayag na rin ako makipagkita sa tatlo kong best of the bestfriends ko na ito bukas ng hapon.
Excited ako dahil makikita ko din sa wakas ang mga kauri kong rainbow puffs. Delikado kapag kami ang nagsama-sama. Madalas na epic ang nangyayari. Hahaha.
Hay, excited na tuloy ako bukas!
A/N:
Posted: July 20, 2021 at 12:00 AM
Hello, kabayan! Nagbabalik ang inyong author para mag update. Hahaha. Kamusta ang lahat? Magpa vaccine na kayo at siguraduhin na kumakain ng maayos at may maayos na tulog. Mahal ang magkasakit at dapat ang sakit hindi minamahal kundi ang ating sarili muna. Hahaha. Charot.
Kitakits sa susunod na update mga ka meow meow. Ichi ni san nyaa arigato!
ILLICIT AFFAIR 17
JIMIN POV
Napa awang nalang ang bibig ko sa gulat pagdating ko sa sinabi nilang place ng kitaan namin.
Seryoso ba ito? Mukha kaming dumb, dumber, dumbest, dumbiest sa hitsura namin. Minsan na nga lang kami magkita tapos ganito pa mga hitsurahan namin.
“Ano ba iyan! Pati ikaw?! Quadruplets ba tayo bakit pare-parehas tayo ng kulay ng buhok?!” reklamo ni Taemin ng makatabi-tabi kaming apat.
“Gosh! Feeling ko talaga kayo ang gumaya sa buhok ko ng nakita ninyo yung post ko eh!” maarte kong sabi at inirapan sila.
“Ay excuse me ha? Ako yata ang original dito kasi model ako at madalas akong nasa ibang bansa para sa mga shoots ko at in demand at mas bagay sa akin ang blonde!” nakahalukipkip na sabi ni Holland.
“Impossible namang gayahin ko kayo kasi DJ ako sa malaking club so that means kailangan lagi akong presentable and hot!” nakataas kilay na sabi ni Hyungwon at nagflip pa ng invisible long hair niya.
“Eh ikaw? Anong rason mo at blonde hair ka?” sabay-sabay naming tanong kay Taemin.
“Post break up look.” mataray niyang sabi at naunang lumakad sa amin na kumekendeng.
Kung sakali mang nagtataka kayo sa anong mga hitsura namin, well. . .
Syempre, alam naman nating ako ang original na blonde sa amin kahit hindi nila aminin na ginaya lang nila ako at syempre ang pinaka maganda sa kanila. Hah! Huwag kalimutan na-invite pa ang mukhang ito sa isang ‘family dinner’ ng kanyang boss. Ehem.
Ito si Taemin. Ang hyung namin sa grupo. Ang extrovert. Ito feeling ko, ginaya talaga ako lalo pa at galing siya sa break up. Syempre kailangan fresh looking para makapasok ulit sa bagong relationship.
Magaling din iyang sumayaw gaya ko. Sa tingin ko nga, siya ang dapat na ininvite sa program ng isang gabi at hindi ako kasi sumunod lang naman ako sa kanya sa galing sumayaw. Nauna lang kasi siya grumaduate ng high school kaya naiwan akong sumunod sa yapak niya na sikat na dancer sa school.
Ito naman si Holland. Ang middle child sa grupo. Madalas may sariling mundo lalo na kapag nakakarinig siya ng magandang kanta, gumagawa iyan ng music video sa utak niya na siya ang bida. Introvert pero kalog kapag kasama kami.
Gaya ng sinabi niya kanina, isa siyang model kaya madalas nasa ibang bansa siya. Sabay kami nitong grumaduate ng college kaya naman pakiramdam ko magka level lang kami ng posisyon sa grupo, iyon nga lang madalas ako ang pasaway at siya ’yung mabait. Kami ’yung tipo ng Yin Yang na middle child.
At syempre, huwag kalimutan ang maknae sa grupo na si Hyungwon. Baka biglang mag attitude kapag nakalimutan namin siya. Hahaha.
Naalala ko ng highschool sikat siya sa school dahil sa mga face reactions niya na pang meme kaya namin siya nakilala nina Taemin at Holland. Iyan naman ang kaparehas ko sa ugali. Ambivert. Minsan tahimik, minsan sabog. Kaya siguro natanggap siya sa pagiging DJ sa club? Hahaha.
“So, bakit kayo nag break?” maintrigang tanong ko habang nilalantakan ang inorder kong cake slice sa coffee shop na tinatambayan namin ngayon.
“Tigilan ninyo ang love life kong nasira! Ayaw ko ng pag usapan iyon dahil tapos na.” banta niya sabay tingin isa-isa sa amin, “Bakit hindi yung inyo ang pag usapan natin ng kiligin naman ako?”
“Focus ako sa work.” mabilisang tugon ni Hyungwon.
“Weh? Eh halos gabi-gabi may mga gwapong nagpupunta sa club tapos wala?” usisa ko.
“Eh sa wala eh. Ikaw ba, Holland? Meron ka? Ay bakit nga ba ako nagtatanong, ikaw yung laging may suitor pero binabasted on the spot.”
“Grabe ka naman sa binabasted. Nagsasabi lang naman ako ng totoo kesa paasahin yung tao. Eh anong magagawa ko kung walang spark sa unang meeting palang?” mahinhin na sagot nito at inilapag ang iniinom niyang coffee.
“Eh di kuryentihin mo, problema ba iyon!” sabay-sabay naming tugon nina Taemin at Hyungwon na tumatawa.
“Spark pala gusto mo eh!” dagdag pa ni Hyungwon.
“Mga sira! Hmp!” inirapan lang niya kami at bumalik sa paginom niya ng kape.
Bigla namang nawala ang ngiti sa labi ko ng mapansin ko ang pagtitig sa akin nina Taemin at Hyungwon.
“Eh ikaw, Jimin?” malisyosong panimula ni Hyungwon.
“Huh? W-wala ah! Busy ako sa trabaho ko ’no!” hindi ko maintindihan kung bakit biglang sumagi sa isip ko ang mukha ng boss ko na dahilan kung bakit ako nautal.
“Weh? For real? So totoo ’yung nabalitaan ko sa common friend natin na nagtatrabaho ka ngayon sa Min Company? Balita ko gwapo ang CEO nu’n ah! Nagkita na ba kayo?” usisa ni Taemin.
“Tanungin ninyo muna kung anong trabaho niya duon bago ninyo tanungin kung nakita niya na yung CEO. Balita ko mataas ang qualification para makapasok sa kompanyang iyon eh.” saad ni Holland.
“Oo nga pala! Paano mo nagawang makapasok duon? May backer ka?” muling usisa ni Taemin.
Maniniwala kaya itong mga ito kapag kinwento ko sa kanila ang totoo kung paano at bakit ako nakapasok sa kompanya ng boss ko?
“Oh, wag ka ng mag isip ng isisinungaling mo sa amin, Jimin! Magsabi ka ng totoo. Paano ka nakapasok sa company na iyon?” mataray na sabi ni Hyungwon.
Bumuntung-hininga ako bago ko sila sinenyasan na lumapit ng husto sa akin at mahina ang boses ko na kinwento sa kanila in-detail ang mga pangyayari sa akin nitong mga nakaraan at ng matapos ako ay sabay-sabay silang napa awang ang mga bibig at napahawak sa dibdib nila para damhin ang heartbeat nila.
“So boss mo mismo ang CEO at araw-araw mong nakikita ang gwapo niyang mukha?!” saad ni Taemin.
“Ang swerte mo na sana Jimin kaso may asawa’t anak na iyan eh so hanggang tingin ka nalang. Tandaan, wala sa bokabularyo nating mga magagandang bakla ang maging home wrecker!” paalala naman ni Holland.
“Pero alam mo, lately madalas maspotan iyang si Mr. Min sa mga clubs ayon sa chismis na nasagap ko bukod sa nakita ko siya in person one time sa mismong club kung saan ako nagwowork kasama si Mr. Jung.” dagdag ni Hyungwon.
“Kilala mo si Mr. Jung?”
“Oo naman. Parokyano siya ng mga night clubs eh. Bakit? Nameet mo na rin ba siya? Kung sabagay, balita ko bestfriend nila ang isa’t-isa.”
Oohhh. Hindi ko alam na mahilig pala si Mr. Jung sa mga nightclubs pero si boss? Talaga ba? Wala sa hitsura niya.
“Pero di ba meron ding issue about d’yan sa boss mo na dumadaan sila ngayon ng asawa niya sa divorce?” tanong ni Taemin sa akin na para bang alam ko ang issue na well, alam ko din naman dahil kinwento sa akin.
“Oo nga. Narinig ko din iyang chismis ba iyan. Kawawa naman ’yung anak nila kapag nagkataon.” dagdag ni Holland.
“Ang tanong, kanino sasama yung anak nila? Kambal iyon di ba?” usisa ni Hyungwon.
Huh? May anak pala siya? At kambal? Kaparehas niya kaya sila ng ugali? Hala! Sana naman hindi! Kawawa naman ’yung mga bata kapag nagkataon.
“Pero type mo ang boss mo ’no?” nagulat ako kung paano biglang nagbago ang takbo ng usapan namin dahil sa sinabi ni Taemin.
Hindi naman nakaligtas sa akin ang pag init ng mukha ko sa sinabi nito.
“T-type ka d’yan! Ang sama-sama nga ng ugali nu’n!” sumbong ko pero ang mga loka imbis na damayan ako sabay-sabay pang nag impit na tilian at apir sa harap ko.
“Swerte mo ’te! Pang k-drama ang peg ninyo ng boss mo! Balitaan mo kami kapag ikaw na ’yung bago ng boss mo once na divorce na sila ng asawa niya.” excited na sabi ni Hyungwon.
“K-drama ka d’yan! Sinong matinong tao magkakagusto sa masama ang ugali? Isa pa, kahit divorce na sila ng asawa niya, wala akong pakialam! Hindi ko siya gusto at may anak siya na dapat asikasuhin. For sure, hindi gugustuhin ng mga anak niya na magkaruon ng step mother.” tugon ko.
“Well, hindi ka sure sa bagay na iyan at hindi ka rin sure na hindi ka magkakagusto sa boss mo sooner or later.” saad ni Holland na nagtaas-baba pa ng kilay niya.
“Ah basta! Hindi! Hindi ako magkakagusto sa kanya!”
“Pero siya may possibility na magkagusto sa iyo.” nakangising saad namin ni Taemin at siniko ako.
“Ewan ko sa inyo! Huwag ninyong pakialamanan love life ko ah! Busy ako! May utang ako na dapat bayaran!”
Nasa kalagitnaan pa rin kami ng paguusap ng makatanggap ako ng message galing sa boss ko. Napakunot ang nuo ng nabasa ko ang tinext niya .
Kailan niya pa nalaman ang phone number ko? Biglang sumagi sa isip ko ’yung contract at kung baka pina background check niya ako dahil ganuon naman ang mga mayayamang tulad niya.
“Uh mga baklang magaganda, mukhang mauuna akong umalis sa inyo.” paalam ko.
“Ay bakit? Sinusundo ka na ng soon-to-be boyfriend mo?” malisyoso nilang tanong.
“Mga sira ulo! Hindi ko nga siya magiging boyfriend!”
“Eh di asawa nalang! Problema ba iyon?!” mataray na sabi ni Taemin.
“Ewan ko sa inyo! Bahala kayo d’yan!” sabi ko habang inaayos ang sarili ko.
“Uhm, aba! Nagpapaka presentable ah? Kailan ba namin makikita in person iyang si Mr. Min?” nakangising tanong ni Hyungwon.
“Wala! Not gonna gappen!”
“You know what? Samahan ka nalang namin. Kahit duon lang kami sa malayo.” excited na sabi ni Holland.
“Mga sira! Huwag na!” tumayo na ako at nagsimulang maglakad ng maramdaman kong may umakbay sa akin at pagtingin ko si Hyungwon ito kasabay sina Holland at Taemin. Napabuntung-hininga nalang ako.
“Okay, bahala na kayo sa trip ninyo basta huwag na huwag ninyo siyang kakausapin! Hanggang tingin lang kayo!” babala ko na kinatawa naman nila.
“Wow! May pagbakod na agad ah?!” pangaasar ni Taemin.
Saktong paglabas namin ng coffee shop na pinagtambayan namin ay sakto ding may umagaw ng pansin ko na lumalakad papunta sa direksyon naming apat.
“Oh my god! Si Mir. Min Yoongi na ba iyan? Gosh, bakla! Dito siya nakatingin sa atin! Mukhang siya na nga iyan!” impit na kilig ni Taemin sabay pisil sa braso ko.
“Ang lakas ng dating niya! Palit nga tayo ng work kahit one day lang, Jimin!” sabi ni Holland.
“Sinasabi ko sa iyo, bakla! Kung hindi mo type iyang boss mo, baka siya ang may type sa iyo! Tignan mo lumabas pa ng kotse niya para sunduin ka! Not to mention match pa kayo ng outfit.” bulong ni Hyungwon.
Pero wala akong maintindihan sa mga pinagsasasabi nila dahil awang lang ang bibig ko at ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Tanging ang boss ko lang ang nakikita ko. Ang dahan-dahan niyang paglapit sa amin, ang titig niyang hindi umaalis sa akin, ang pagtaas-baba ng paghinga niya.
Bakit ganito? Ngayon lang nangyari sa akin ito. Uh-oh. Hindi! Hindi pwede!
Hindi ako pwedeng magkagusto sa kanya. Hindi talaga.
A/N:
Posted: July 21, 2021 at 12:00 AM
Another update ulit, my reader friends! Dito muna ako maguupdate kasi need ko munang lumayo sa AMW para hindi ako magka sepanx kapag natapos na siya. Hahaha. Ayan, so dito na magiistart yung kilig moments. Char!
Kitakits sa susunod na update mga ka meow meow. Ichi ni san nyaa arigato!
ILLICIT AFFAIR 18
JIMIN POV
“Sorry if I have to fetch you early. I just need someone to look after my twins. I’ll be on a business meeting later but you’re not required to be there.”
Business meeting? On a weekend?
Tinanguan ko nalang siya bilang tugon at muling tumingin sa labas ng bintana. Kasalukuyang kaming nakaupo sa backseat sa kotseng pagmamay-ari niya na minamaneho ng driver niya. Nasa magkabilang dulo kami nakapwesto at ramdam ko talaga ang tensyon sa pagitan namin. Hindi ko nga maintindihan kung bakit ganito nalang ang kaba habang sumisipleng tingin sa kanya na abala din sa pagtingin sa labas ng bintana.
Dahil ba ito sa mga sinabi ng tatlo kong best of bestfriends kanina? O dahil sa magbabantay ako ng kambal niyang anak na hindi dapat kasama sa trabaho ko bilang secretary niya? Like, outside office affairs talaga ito eh. Tama ba ito?
Pero syempre wala naman akong magagawa dahil boss ko siya.
Teka nga! Bakit kailangan niya ng titingin sa anak niya? Wala ba siyang katulong sa bahay nila? Nasaan ’yung asawa niya? Hindi niya ba mautusan iyon? Anak naman nila iyon ah!
Sa dami ng gumugulo sa isip ko, hindi ko namalayan na dumating na pala kami sa bahay niya o nila ng asawa niya?
Wow! Ang laki ng bahay! Iba talaga kapag mayaman parang palasyo!
“We’re here.” dinig kong sabi niya kaya gaya niya ay lumabas na din ako ng kotse. Ang pinagkaiba lang yung drivee niya ay pinagbuksan siya, ako, ako lang ang nagbukas para sa sarili ko.
Inamoy ko ang simoy ng hangin at grabe ang goosebumps ko! Ngayon lang ako makakapasok sa bahay ng taong saksakan ng yaman! Never in my life kong inakalang maeexperience ko ito.
Sinundan ko siya papasok ng bahay niya at napa igik ako ng bigla nalang may sumigaw at ng marealized ko kung ano o sino ang mga iyon ay napangiti ako lalo na ng sugurin nila ang tatay nila ng isang mahigpit na yakap.
“Appa! You’re back!” masayang sabi ng kambal. Grabe! Ang cute nila!
Bigla akong nakaramdam ng hindi maipaliwanag sa nakikita ng mga mata ko ngayon. Para din kasing nag iba ang awra ng masungit kong boss. Ngumingiti siya! At infairness, ang ganda ng ngiti niya! Mana sa kanya ang mga anak niya. Gummy smile. Hay, sana araw-araw nalang siyang nakangiti mas bagay sa kanya.
Bumalik ako sa wisyo ng marinig ko ang tanong ng isa sa kambal.
“Appa, who is she?” hindi ko itatanggi na nag init ang mukha ko sa tanong na iyon at nailang bigla. ‘She’?! Mukha ba akong babae tignan?
“Hey, you say sorry! He is not a ‘she’!” pagtatama ng kambal niya sa kanya.
Napatakip naman ng bibig yung isa kanina sa kambal na nagsalita at mahinang nagsabi ng sorry sa akin ng nakayuko. Ugh! My heart! Ang cute!
“N-no, its okay.” sabi ko ng lumuhod ako para makalevel ang batang naka yuko at pinat ang ulo niya. Aba, malay ko ba baka biglang umiyak ito eh, “What’s your name?”
“Yeonki Min.” sagot ng lalaki.
“Yoonji Min.” sagot naman ng babae.
Napangiti ako dahil sa magkatunog nilang pangalan. Sinong nakaisip ng pangalan nila? Ang cute eh!
“Kids, Appa will go now. I’ll leave you for a while with Jimin hyung.”
Hindi na sumagot pa ang mga bata sa sinabi niya pero halata sa mukha nila ang lungkot. Hinalikan niya ang kambal sa nuo nila at nakaramdam ako ng kakaiba ng tumitig siya sa akin.
Shit. Makakatanggap din ba ako ng kiss? Teka! Teka lang! Hindi ako ready.
“Take care of my twins, if something happens. .” babala niya at sinamaan ako ng tingin.
“O-oo boss! Akong bahala!” kinakabahan kong tugon at nakahinga ako ng maluwag ng tuluyan na siyang makaalis ng bahay. Whew. Akala ko pati ako may kiss eh. . Aba, teka nga! Saan ba nanggaling ang isiping hahalikan niya rin ako eh may asawa siyang tao? Geez!
Humarap ako sa kambal na nakatitig sa akin na may ningning sa kanilang mga mata. Nginitian ko sila bilang tugon.
“So, what do you want to do, twins?”
“Rodeo!” sabay nilang sagot at nagulat ako ng hatakin nila ako kaya napayuko ako kaso pagyuko ko, sinimplihan ako ng isa sa kambal na sakyan ang likod ko. Aish! Ganito ba itong kambal? Hindi sila naiilang kahit kakakilala lang nila?
Nag physical games kami pampalipas oras. Takbo dito, takbo duon. Tago duon, tago dito. Nanuod din kami ng mga short funny clips at nakakatuwang pakinggan ang tawa ng kambal. Nakakahawa. Napatingin ako sa oras na nasa cellphone ko at dalawang oras na mula ng umalis si boss para sa meeting niya. Ang tagal naman matapos nu’n!
“I’m hungry!”
“Me too!”
Sabay silang tumingin sa akin with their puppy eyes at syempre dahil bata ito, hindi ko sila pwedeng tanggihan. Ganda pa naman ng mga ngiti nila kapag nakukuha nila ang gusto nila.
Sa tagal naming magkasama mula pa kanina, napansin ko na walang katulong sa bahay na ito. Tanging mga security guards lang na ilang milya ang layo mula sa bahay nila. Naawa tuloy ako dito sa kambal dahil mukhang sila lang madalas ang magkasama.
“You two wash first and take a nap. I’ll wake you once I’m done cooking, deal?”
Nagkatinginan ang kambal at ngumiti.
“Yehey!” hinatak nila ako dahilan para muli akong mapayukod sa kanila at sabay nila akong hinalikan sa magkabilang pisngi at tumakbo paakyat sa mga kwarto nila.
“Hey, be careful!” sigaw ko at napailing nalang. Inabot ko ang tablet na nasa lamesa na gamit namin kanina ng naglaro kami ng mobile game para magsearch ng pwedeng iluto sa bata.
Natawa pa ako ng muling lumabas sa search engine yung paghahanap namin kanina ni Yoonji na hairstyle na itatali ko sa kanya. Halatang kulang sila sa affection ng parents dahil maliit na bagay lang ang saya-saya na nila.
Nang makahanap na ako ng lulutuin ko ay tumayo na ako sa pwesto at saglit na nag unat ng katawan. Marunong naman ako magluto kaya walang problema sa akin yung nahanap kong lulutuin ko. Ang problema ay kung magustuhan ng kambal. Mula kasi ng grumaduate ako nitong nakaraan at nagtrabaho, hindi na ako nakakaluto. Tanging yung karoommate ko na ang gumagawa nu’n at kung wala man siyang maluto eh bumibili nalang ako sa labas o sa labas ako mismo kumakain.
Muli akong napatingin sa oras na nasa cellphone ko habang nagluluto at nagtaka. Ang tagal naman ng meeting na iyon ni boss! Akala ko ba may family dinner kami na pupuntahan?
Patapos na ako sa ginagawa kong dessert ng kambal ng paglingon ko ay curious silang pinapanuod ako sa ginagawa ko. Gising na sila?
“Almost done, twins.” nakangiti kong sabi at ng matapos ako ay agad silang tumakbo papuntang dining area at hinintay na ilapag ko ang niluto kong meal para sa kanila at ang ginawa kong dessert. Nakahinga naman ako ng maluwag ng makita kong nagniningning ang mga mata nila sa ginawa kong pagkain para sa kanila.
“I wish you can be our eomma.” bulong na sabi ni Yeonki pero hindi iyon hadlang para marinig ko ang sinabi niya.
“But Jimin Hyung is a male.” nakangiti kong tugon pero hindi ko maintindihan bakit may kirot ako naramdaman sa sinabi kong iyon eh sa totoo lang naman ang sinabi ko.
“And? But you’re like an eomma!” dagdag ni Yoonji na may kagat-kagat na na dessert habang kinakain niya yung meal kaya nailing nalang ako. Pasaway na bata ito.
Hindi ko alam kung maweweirduhan ako sa kambal o matutuwa dahil nakaka overwhelm yung sinabi nila. I mean, naririnig ko naman na iyang mga ganyang bagay sa iba pero iba kapag sa bata nanggaling.
“Will you also be here tomorrow?”
“Why?”
“We will miss you! Also. .”
“Also?”
“. . We want to have lunches like this at school.”
Tuluyan ng lumawak ang ngiti ko sa narinig ko. Awww!
“Your Appa will be the one to decide if I can still go here after today.”
Sabay na nag pout ang kambal at inubos ang niluto ko na may ngiti sa kanilang mga labi.
Maya-maya nagsimula ng humikab ang kambal. “I think you guys should sleep now.”
“But. “
“Appa isn’t here yet.”
Oo nga pala. Saan ba kasi nagpunta ’yung boss ko na iyon? Nakalimutan ba niyang may mga anak siya? Naiinis tuloy ako sa kanya. Kung pwede lang dumito ako para lang mabantayan ko sila pero hindi. Hindi ito kasama sa trabaho ko bilang secretary.
Aish, Jimin! Masyado kang nake carried away dahil sa mga anak niya.
“I’m sure your Appa will be here soon, he’s just quite busy.”
“He always is.”
“Yeah, but our Eomma isn’t but she’s always not here with us.”
“Where is she then?” tanong ko habang naglalakad kami paakyat ng hagdan.
“She’s always out with friends! She don’t have time for us!”
“She always go shopping! She acts like she don’t have kids!”
Napalunok ako sa takot ng makita ko kung paano magalit ang kambal. Dapat pala hindi nalang ako nagtanong pero anong klaseng magulang nga naman iyon? Iiwanan mo ang mga anak mo na para bang kaya na nila ang sarili nila.
Isa-isa ko silang ginayak sa mga kwarto nila at pinatulog at hinalikan sila sa mga nuo nila. Habang naglalakad ako ng hagdan ay napabuntung-hininga ako. Siguro nga ito ang dahilan kung bakit dumadaan yung mag asawa ngayon sa divorce kaya nga lang dahil bata pa ang kambal, malamang sa nanay nila siya mapupunta eh kaso mukhang mas okay pa kung kay boss sila mapupunta. Naiistress akong pakinggan yung sinabi ng kambal tungkol sa nanay nila. Hay!
Sakto namang bumukas ang pinto at inakala kong si boss na ito pero hindi. Isang magandang babae ang iniluwa nito. Grabe! Kung straight lang ako, liligawan ko agad ito eh. Pero teka, sino ba ito?
“Who are you at anong ginagawa mo sa bahay ko?” mataray na tanong nito at may pagka eskandalosa ang boses. Yikes! Baka magising yung kambal sa kanya.
Pero sinabi ba niyang ‘bahay ko’?
Ibig sabihin. .?!
“Ikaw ang asawa ni boss?!” tanong ko.
Tinaasan ako ng kilay nito, “You didn’t answer my question.” Lumingon ito sa likuran at biglang sumigaw, “Guard! May nakapasok na trespasser sa pamamahay ko!”
Ano? Trespasser? Hala! Sobra naman yata itong babaeng ito! Kahit maganda siya at kung siya nga ang asawa ni boss, aba! Papatulan ko siya!
“Excuse me, Miss. Hindi ako trespasser. Itong mukha ito? Trespasser? Hah! Kung sabagay, tignan mo nga naman iyang sarili mo, kung umasta parang walang anak na dapat alagaan.” maanghang kong sagot at tinaasan din siya ng kilay.
Napa awang naman ang bibig niya sa sinabi ko at balak pa sanang sumagot ng biglang bumukas ang pinto. Sabay kaming napatingin. Akala ko nga ’yung guard na tinawag niya kanina pero hindi. Si boss ang dumating! Yikes!
“Park.” tawag niya sa akin. Parang kanina lang tinawag niya ako sa first name ko ah?
Napatingin naman siya sa katabi ko, “Irene.” casual na tawag niya dito at lumapit sa amin. Inakbayan niya ito at hahalikan sana kaso umiwas yung maldita niyang asawa at tinignan kami ng masama lalo na ako.
“Next time, huwag kang magdadala ng hindi kilalang tao dito sa bahay lalo na kung matabil ang dila. Excuse me.”
Did she just. .?! Argh! Ang sarap sabunutan ng babaeng iyon ah. Pinagmasdan ko siya hanggang sa tuluyan ko na siyanh hindi makita. Pagharap ko ay nakita ko ang poker face na mukha ni boss pero I know better of course, alam kong galit ito.
“What did you do?”
“Wala, boss! Siya nga itong bigla nalang nagsungit sa akin eh!”
Umiling-iling ito at bumuntung-hininga.
“Leave.” sabi nito at lumakad na palayo sa akin.
Leave?! Tama ba ang narinig ko?
Sa hindi ko malaman na dahilan ay bigla akong nainis sa kanya.
“Akala ko ba may pupuntahan tayong family dinner boss?”
“It’s cancelled. I cancelled it. Now leave.”
The heck?! Sa inis ko ay nagmadali akong lumabas ng bahay niya at hindi ko kinalimutan na isara ng malakas ang pintuan paglabas ko. Bwisit!
Hindi man lang nag thank you sa pagbabantay ko sa anak nila ng malditang babae na iyon at mukhang inisip niya pa na inaway ko ang asawa niya eh yung bruhilda naman na iyon ang nagsimula! Argh!
A/N:
Posted: July 21, 2021 at 12:10 AM
And another update for you, my lovelies! So anong masasabi ninyo sa asawa ni Yoongi? At sa naging reaksyon ni Jimin? Appropriate ba iyon thinking na secretary lang siya?
Kitakits sa susunod na update mga ka meow meow. Ichi ni san nyaa arigato!
ILLICIT AFFAIR 19
JIMIN POV
Dahil hindi pa rin ako maka get over sa nangyari kagabi ay inaya kong lumabas ulit ang aking best of bestfriends at buti nalang ay pumayag sila at ngayon ay papunta ako sa bahay ni Taemin para duon maglabas ng sama ng luob at makikain. Hahaha.
“Sigurado ka? Baka hindi ka makauwi sa apartment mo?” nagaalalang tanong ni Taemin habang sinasalinan niya ng red wine ang isa pang baso ko. Binigyan niya na kasi ako ng white wine pero ewan ko ba parang hindi sapat yung isang wine sa akin. Kaya ang ending dalawang klase ng wine ang iinumin ko habang yung tatlo pare-parehas na white wine.
“Buti nalang hindi ka nagpatalo! Bruhilda pala iyang asawa ng boss mo eh! Tama lang na mag divorce sila!” naiinis na komento ni Hyungwon matapos kong ikwento sa kanila ang mga nangyari kagabi.
“Hyungwon! Baka nakakalimutan mo may anak sila! Huwag kang ganyan. Kawawa yung mga bata kapag nafinalized na yung divorce nila.” sita ni Holland.
“Pero hindi mo masisisi si Hyungwon, Holland. Nakita mo naman anong naging ending ni Jimin kagabi.” saad ni Taemin habang kumakain ng grapes.
“Naaawa tuloy ako sa kambal. Ang bait at masiyahin pa naman nila pero yung mga magulang nila? Argh! Bwisit!” sabi ko sabay isang diretsong lagok sa red wine ko at isinunod ko naman ang white wine.
“Eh ano ng mangyayari bukas?” tanong ni Holland.
Oo nga pala. Lunes na naman bukas. Meaning may pasok na naman ako ulit at makikita ko ang nakakainis na pagmumukha ng boss ko. Tsk. Pero bakit paulit-ulit kong nakikita sa memorya ko ang nakangiting mukha niya kasama ang kambal?!
“Wala naman akong choice kundi pumasok.” naka pout kong sagot.
“Pero sabi mo gusto ko ng kambal di ba?”
“Oo. Bakit?”
“Sayang naman kung ganuon. May chance kasi na hindi mo na sila ulit makita kasi di ba sabi ng bruhilda indirectly sa asawa niya na ayaw ka na niyang makatapak ulit sa bahay nila.”
“Tsk. Akala mo naman naaalagaan niya yung mga anak niya. Puro shopping lang naman ginagawa.” inis kong sabi.
Ang tagal din namin nag usap ng kung anu-ano at nakakailang baso na rin ako ng wine. May tama na nga sina Hyungwon at Holland eh. Si Taemin naman tipsy na ako malapit na maging tipsy. Unting inom pa. Hahaha.
Natatawa nalang ako sa pwesto ko habang nagsho-showdown sina Hyungwon at Taemin samantalang si Holland bumibida na sa music video na nasa utak niya. At ako? Ninanamnam ang wine ko habang nagiiscroll sa socmed.
“Guys, gusto ninyo mag mall?” tanong ko ng may makita akong event sa mall.
“Huh? Ano meron?” tanong ni Holland.
“May audition daw kasi itong Jin Hit Entertainment. Gusto ninyo mag try?”
“Mga naiisip mo talaga kapag nakainom eh! Pero sige G!” sabi ni Taemin at dumiretso ng cr para, malay ko! Mag bihis? Umihi? Hahaha.
“Mga sira kayo! Anong gagawin ninyo kapag natanggap kayo?” tanong ni Holland.
“Huh? Hindi ka sasali?” tanong ko habang inaayusan namin ang isa’t-isa nina Hyungwon at Taemin.
“Hindi. Pipicturean ko nalang kayo at vivideohan ng may pruweba ako kung sakaling makalimutan ninyo pinag gagagawa ninyo ngayon bukas.” nakangiting sabi niya.
Ilang minuto pa ang nakalipas at lahat kami lulan na ng taxi papuntang mall kung saan yung may audition para sa mga hopeful idols. Hindi ko nga alam anong naisip ko at sasali ako basta gusto ko lang alisin ang inis ko sa nangyari kagabi.
Habang naglalakad kami sa luob ng mall papunta sa location ng audition napansin namin si Holland na nagpipigil ng tawa.
“Oy anong nangyayari sa iyo?” tanong ni Hyungwon, “Tumatawa ka d’yan mag isa!”
“S-sorry, yung pfft! Hahaha! ’Yung hitsura ninyo kasi. . Hahaha! Para kayong grupo na sasali.”
“Huh?” nagkatinginan kaming tatlo nina Hyungwon at Taemin sa isa’t-isa at saka namin narealized na pare-parehas na nga kami ng kulay ng buhok pati ba naman sa kulay ng damit?!
“Oh god! Hindi tayo sunud-sunod sa listahan ng pangalan ah!” maarteng sabi ni Hyungwon at nauna sa amin lumakad papunta sa pila.
Nasa likuran kami ng stage kung saan may nagpeperform na ng bigla kong marinig ang boses ng host. Ewan ko ba pero bigla akong nakaramdam ng kaba.
“Okay ka lang?” tanong ni Taemin sa unahan ng kasunod ko.
Ang ginawa kasi namin ay alternate ang pila namin sa isa’t-isa para hindi halatang magkakasama kami.
Bale si Hyungwon ang pinaka una tapos may sumunod sa kanya then sumunod si Taemin then isa pa ulit na kapwa magaaudition at ako na.
Samantalang si Holland, nasa harapan kasama ng ibang manunuod.
Dahil trip-trip lang naman ang pagsali namin sa audition na ito, ngayon palang ako magiisip ng kakantahin ko.
Nagpipigil ako ng tawa ng turn na ni Hyungwon at bigla nalang nagtititili si Holland. Hahaha. Shit. Dinig na dinig namin siya ni Taemin kung paano siya full energy na mag cheer.
“GO HYUNGWON! GO MEME LORD!!!”
Kinanta ni Hyungwon ang kantang Fake Love at sumayaw din siya ng How Long ni Charlie Puth.
Si Taemin naman nagsisimula ng mag internalize ng ipeperform niya ako wala chill lang. Iniisip pa rin yung nangyari kagabi. Hindi ko nga maintindihan ang sarili ko kung bakit hindi iyon agad mawala sa sistema ko hindi gaya ng ibang kinainisan ko nuon.
Pagtapos ni Hyungwon ay agad niya kaming niyakap ni Taemin pero parang excited siya na kinikilig kahit tapos na ang performance niya. Don’t tell me ineexpect niya ng makapasok siya sa audition na ito? Thou malaki naman ang chance na makuha silang dalawa ni Taemin.
“Oh bakit? May gwapo ba at ganyan ang reaksyon mo?” takang tanong ni Taemin sa kanya.
Nagtaka ako ng tumingin sa akin si Hyungwon ng kakaiba at may binulong kay Taemin at kapwa sila parang naexcite at kinilig.
“Hello? Nandito po ako. Baka naman gusto mo ding ishare sa akin ang sinabi mo kay Taemin.”
“Sus, malalaman mo rin naman mamaya! Masisira ’yung surprise kaya mabuting ikaw nalang mismo ang makaalam ng sinabi ko kay Taemin.”
Hindi ko alam pero kinabahan ako bigla sa sinabi niyang iyon. May makikita ba akong hindi ko dapat makita? Hala!
Sunod na nag perform si Taemin at ipinerform niya ang kantang Criminal.
Narinig ko na naman si Holland na nagchi cheer ng all out kaya muli akong napangiti at iling.
“GO TAEMIN! GO KING!!!”
Loko talaga.
Nagpakawala ako ng isang malalim na buntung-hininga ng turn ko na. Shit. Bakit ba ako kinakabahan? Hindi naman ako ganito kanina.
Nilingon ko sina Taemin at Hyungwon na nakangiti sa akin at nag thumbs up pa. Nginitian ko lang sila pabalik at lumakad na papunta stage.
“And our next person to audition is Ji–!” kapwa kami nagulat ni Mr. Jung sa isa’t-isa, na muli pang tinignan ang hawak niyang card na sa tingin ko ay may mga pangalan naming mga contestant. Don’t tell me siya ang host? “Jimin!” nakangiti niyang tuloy sa pangalan ko at inakbayan ako ng nakalapit ako sa kanya.
“Siguradong matutuwa si Jin sa pag audition mo ngayon.” bulong niya sa akin. Huh? Sino si Jin?
“So what are you going to perform to us today, Jimin?”
Saglit akong tumingin sa audience na hindi ko inexpect na ang dami pala! Shit. Ngayon kinakabahan na tuloy ako.
“I-I’ll sing ‘serendipity’.”
“Alright! Without further ado, ladies and gentlemen, Jimin!” at lumakad paalis ng stage si Mr. Jung.
Shit! Nanginginig ang mga kamay kong humawak sa mic at habang kinukuha ko ang tiempo para magsimulang kumanta ay narinig kong nagcheer para sa akin si Holland. Dahilan para mapangiti ako.
“GO JIMIN! I LOVE YOU, ANGEL!”
Nakangiti ako at iiling-iling na tumingin kay Holland bago ako nagpasya simulan na ang kakantahin ko. Pinikit ko ang mga mata ko para damhin ang kinakanta ko para mawala ang natitirang kaba sa dibdib ko dahil sa mga nanunuod sa akin.
Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit habang kumakanta ako eh ang mukha ng boss ko na si Min Yoongi ang nakikita ko sa isip ko. Malala na ito. Kaya nga ako sumali dito para mawala ang bwisit ko sa kanya. Pati ang pag aya ko kila Taemin pero bakit hindi nawawala sa isipan ko ang mukha niya? Hindi kaya. .?! Naku, hindi! Hindi pwede, Jimin! Jusko.
Nang matapos ako sa pagkanta ko ay agad akong lumayo sa mic at yumuko sa mga manunuod at laking gulat ko ng makita kung sino ang mga sa tingin ko ay evaluator sa mga nagaaudition.
Muli akong yumuko sa huling pagkakataon at patakbong bumalik sa backstage kung saan sinalubong ako ng mga excited at kinikilig na sina Taemin at Hyungwon.
“Mga sira kayo! Bakit hindi ninyo sinabi sa akin na nandito yung taong kinaiinisan ko?” nagpapanic kong sabi.
“Aahh!!! Jimin!!! Kung nakita mo lang hitsura niya kanina!!! Jusko!!!” sabay pang nag apir ang dalawa pero hindi ko na iyon pinansin at agad na hinila sila paalis sa lugar na iyon at kinita si Holland sa isang store na malapit sa venue ng audition.
“Hindi ninyo na hinintay yung result kung pasok kayo o hindi.” reklamo ni Holland habang hinihintay naming dumating yung taxi na binook niya.
“Eh hindi naman talaga kasi tayo magaaudition eh! Isa pa, ayaw ko ng magtagal duon. Nanduon yung–!”
“Yung crush mo?” pangaasar ni Hyungwon.
“’Yung kinaiinisan ko.” pagtatama ko at inirapan siya.
“Sus! In denial ka lang. Siguro may crush ka na talaga sa kanya ayaw mo lang aminin kasi baka mauwi pa sa mas malalim iyan at ikaw ang masaktan sa huli kasi pamilyado siyang tao.” saad ni Taemin.
Hindi ko nalang sila pinansin at naunang sumakay ng dumating ang taxi namin.
Pagkatapos ng nangyari nitong weekend sa akin ay pumasok ako ng office na parang walang nangyari. Kailangan kong ilayo ang personal sa work. Oo, tama. Tandaan, Jimin. Nandito ka para magtrabaho para mabayaran ang pagkakautang mo.
Habang abala ako sa pagtatrabaho narinig kong may kumatok at pagkatapos ay bumukas ang pinto. Agad akong nag angat ng tingin para tignan kung sino ito at na starstruck ako gwapong nasa harapan ko. Napalunok ako.
Wait, bakit pamilyar ang mukha niya sa akin? Saan ko nga ba. .?
Nagulat naman ako ng bigla itong nag flying kiss sa akin. Para saan iyon?
“Hi, I’m Jin. I’m worldwide handsome, you know.” huh? Sinabi niya bang Jin? Teka. . Tama! Siya ’yung pangalan na sinabi sa akin ni Mr. Jung at siya din yung isa sa mga pina follow ni boss.
Agad akong tumayo at yumuko sa kanya.
“Good morning, Mr. Kim.” hindi ko alam kung tama ang natandaan kong surname niya, sana tama, “Do you have any appointment with Mr. Min?”
“No, and hindi si Yoongi ang pinunta ko dito kundi ikaw.” tugon niya ng may kasamang pag kindat. Ugh! Cute! Kaya lang sa pagkakatanda ko may asawa na siya eh.
Pero teka, ako? Ako ang ipinunta niya?
Hindi kaya dahil ito duon sa kalokohan naming pagsali sa audition? Hala!
“U-uhm, ano pong meron sa akin Mr. Kim at dinayo ninyo pa ako dito?” maangan kong tanong.
“Kung iniisip mo na nandito ako dahil sa pag audition mo kahapon, iba pa ito duon. So, can we talk somewhere we’re both comfortable?”
So, alam niya pala? Kung sabagay, mukhang nanduon nga siya kahapon. Hindi ko lang siguro siya napansin dahil kay boss.
“Don’t worry, ako ang bahala kumausap kay Yoongi kapag pinagalitan ka niya sa pag alis natin.”
Pumasok kami sa isang cafè at bumili ng makakain habang naguusap. Ako sana ang magbabayad ng pinili kong food kaso nag insist siya na siya ang magbabayad. Kinakabahan tuloy ako lalo sa paguusapan namin.
“I’m sorry, Mr. Park.” muntik akong mahulog sa kinauupuan ko sa gulat ng biglang humingi ng pasensya at yumuko si Jin sa harapan ko. Hala? Wala naman akong naaalalang kasalanan niya sa akin. In fact, ito nga ang unang beses na nagkita at nagkakilala kami.
“M-Mr. Kim! Anong ginagawa ninyo? Bakit kayo nagso-sorry? Wala naman kayong kasalanan sa akin.” sabi ko at nilapitan siya para iangat ang katawan niya. Napatingin din kasi sa kanya yung ibang customers sa ginawa niya.
“Yes, I don’t but my brother-in-law has. Nakausap ko ’yung mga pamangkin ko kaninang umaga dahil ang asawa ko ang naghatid sa kanila sa school at nalaman namin ang nangyari ng nakaraang araw dahil sa kanila.”
“H-huh?”
“The twins told us na inaway ka ng bruhilda nilang nanay at pinalayas ka ni Yoongi sa bahay nila dahil lang mas kinampihan niya yung asawa niya. I asked them kasi kanina kung bakit hindi nakapunta ang tatay nila sa family dinner namin at nakwento ng kambal na dapat pupunta kayo kaso hindi na natuloy.”
Napatango lang ako sa sinabi niya.
“Bakit ninyo pala ako iniinvite sa family dinner ninyo, Mr. Kim?”
“About that, nabanggit ko kasi sa kanya na gusto kita makita at makakwentuhan in person after namin mapanuod ang performance mo sa school kung saan shareholder siya at nagulat nga ako dahil sinabi niya na isasama ka nalang niya sa family dinner namin kaya pumayag ako sa gusto niya kaso hindi rin natuloy dahil nga sa alam mo na. . Sa nangyari na, again. Ako na ang humihingi ng sorry sa kasalanan niya.” muli siyang yumuko at muli ko din siyang pina angat kasi hindi naman siya dapat ang gumagawa nito eh. Nahihiya tuloy ako.
Pero sinabi ba niyang napanuod nila ako mag perform? Sa school kung saan shareholder si boss? Eh sa pagkakatanda ko ang school lang na sinayawan ko recently ay yung dati kong school. . Teka. . Don’t tell me. .?!
“Here, if incase hindi mo alam anong performance mo ang tinutukoy ko.” inabot niya sa akin ang cellphone niya kung saan may record ng performance ko na pinakiusap sa akin nina Miss Amber at Miss Luna. Oh gosh! So nanduon pala sila nuon? Oh my, my!
Nahihiyang inabot ko pabalik ang phone niya at nakita ko siyang nakangiti sa akin.
“Nandito din ako para sabihin na pumasa ka sa audition mo kahapon. You got a perfect score from the three of us. Nagulat nga ako dahil ang maximum lang na binibigay ni Yoongi sa mga nag audition kahapon ay eight out of ten pero ng ikaw ang nag perform sinagad niyang ten ang ibigay sa iyo. Halatang nagulat din siguro siya na magaling ka din kumanta hindi lang sumayaw.”
Hindi ko napigilan na pamulahan sa sinabi niyam na flatter naman ako pero syempre kailangan kong sabihin sa kanya ang tugon ko.
“Uhm, thank you, Mr. Kim kaso nga lang, uhm ano eh, uh. . Hindi ko kayang tanggapin yung opporunity para maging trainee ng Jin Hit Entertainment. Ano kasi, trip lang namin ng mga kaibigan ko ’yung pagsaling ginawa namin na iyon.” nakayukonh sabi ko at pinaglalaruang ang mga daliri ko.
Nagulat naman akon ng bigla siyang tumawa. Windshield laugh? Oh, I see.
“Don’t worry, Mr. Park, hindi naman kita mamadaliin kung ayaw mo pa. I just want to let you know na may future ka maging isang ‘idol’ and hindi rin naman pumayag si Yoongi ng biniro ko siyang gagawin kitang trainee ko. He said, sa kanya ka lang daw at hindi kita pwedeng agawin.”
Lalo akong namula ng marinig ko ang huling sinabi niya. Sinabi ba talaga ni boss iyon sa kanya? Aish! Malamang kasi dahil hindi pa ako bayad sa utang ko. Nothing more than that.
“Anyway, we’ll have another family dinner this week sana makapunta ka na, kayo ni Yoongi. Nice to meet you again, Mr. Park.”
And with that, naghiwalay na kami ni Jin. I mean, sabay kaming bumalik ng company pero dumiretso siya sa office ni boss. Siguro ay dahil may paguusapan pa sila. Hindi naman niya siguro sesermonan si boss dahil sa ginawa nito sa akin di ba?! Di ba?!
A/N:
Posted: July 21, 2021 at 12:30AM
And this is going to be my last update for today. Sana naligayan kayo dahil three chapters ang ginawa kong update. Hahaha. So, sesermunan nga kaya ni Jin si Yoongi after ng ginawang pagsusumbong ng kambal sa kanila ni Namjoon? Syempre abangan sa susunod na mga update. Hahaha.
Kitakits sa susunod na update mga ka meow meow. Ichi ni san nyaa arigato!
ILLICIT AFFAIR 20
JIMIN POV
So, hindi ko alam kung paano nangyari ito pero heto ako at nasa isang restaurant ka-family dinner ang mga Kims, Min, Jeon at Jung. The heck! Akala ko nga hindi na kami tuloy dahil napostponed ulit nitong nakaraan kasi sabi ni Jin weekday daw kaso niresched nila to weekend kung saan abala ako manuod ng One Piece episodes kanina ng bigla nalang sumulpot si boss at inaya akong umalis. Hindi sana ako sasama kasi ang awkward, given the fact na simula ng lunes hanggang biyernes hindi kami nag usap ng personal. Hanggang email lang. Pure work. Hindi ko tuloy alam kung pinagalitan siya ni Jin sa nangyari ng nakaraang sabado. Hay. Hindi rin kasi kami nagkikibuan sa kotse kanina.
Nailang nga ako at hindi ko alam kung bakit ng pagitnaan ako nina Mr. Jung at boss habang nasa harap naman namin yung mag asawang Kim at sina Taehyung at Jungkook. Awkward din ng una kasi panay ang titig sa akin ni Taehyung probably dahil sa nangyari ng last meeting namin. Si Jungkook, ganuon din panay ang tingin sa amin, sa akin. Hindi ko tuloy kung may dumi ako sa mukha.
Si Jin naman panay ang pag monitor kay Namjoon dahil dalawang beses siyang naka minor accident. Minor lang daw iyon ayon sa kanila at sanay na sila. Nakabasag kasi siya ng baso at ng bote ng alak ng hindi sadya kaya medyo may nangyaring sermon session pa kanina.
Si Mr. Jung naman panay ang kwento ng kung anu-ano. Si boss naman, ewan ko ba, sinusubukan kong gawing normal ang lahat para hindi ako magmukhang kahina-hinala pero kasi hindi ko din maiwasan na hindi mapa panay ang tingin at ma amazed dahil iba ang awra niya ngayon. Ang daldal din niya. Pakiramdam ko hindi din siya laging ganito sa family dinner kasi halata kila Jin na pati sila nagugulat sa kanya pero in a good way. Siguro dala na rin ng kanina niya pa pag inom ng alak. Naisip ko tuloy bigla ng hindi sadya yung kambal. Sino kaya ang bantay nila ngayon? Kasama kaya nila ngayon ang nanay nila? Bakit hindi sila sinama ni boss dito? Pero kung sabagay, nagiinuman na rin kasi ang ilan sa amin kaya siguro hindi niya sila sinama para hindi nila makita at matutong uminom ng maaga.
“So, Jimin, kakilala mo ba yung nag cheer sa iyo kahapon? ’Yung nag i love you sa iyo?” maintrigang tanong ni Mr. Jung. Bigla akong namula sa sinabi niya. Aish! Akala ko hindi mabi bring up sa usapan yung nangyari ng nakaraang linggo. Sira kasi ’yung si Holland. May pa-I love you pang nalalaman. Ayan tuloy na hotseat ako dahil duon.
Napansin ko naman na biglang nag hiyawan ang mga kasama ko. Ewan ko ba bakit biglang ayaw kong tumingin kay boss kahit na alam kong nakatingin siya sa akin.
JIN POV
Masaya ako dahil natuloy ang family dinner namin na kasama si Jimin. Ewan ko ba. Pakiramdam ko talaga kilala ko siya.
Panay ang ngiti ko at simpleng sikuhan namin ni Namjoon ng mapansin namin si Yoongi na kumikilos ng kakaiba. Sinusubukan naming isipin na baka kaya lang siya ganito ngayon ay dahil tina try niyang gawing comfortable sa dinner table si Jimin pero hindi eh dahil pati sila Hoseok napansin din ang kakaibang kilos niya. Panay din ang pag dikit ni Yoongi kay Jimin kahit na magkatabi lang naman sila ng upuan. Panay din ang tingin niya at ang mas nakakagulat, umiinom sila Yoongi na hindi naman niya kadalasan ginagawa sa mga naging family dinner namin.
Mukhang nagpapa impress siya kay Jimin dahil mukhang sanay itong si Jimin uminom samantalang itong si Yoongi mapagpanggap. Baka nga tipsy na ito eh.
Tuwang-tuwa akong pinagmamasdan yung dalawa. Halata kasi yung tensyon sa kanilang dalawa.
Ngayon, naka focus ng maigi si Yoongi kay Jimin ng marinig niya ’yung tinanong ni Hoseok sa kanya. Oo nga ’no? Nakalimutan ko ang tungkol duon pero ngayong itinanong niya iyon ay naalala ko na. Napansin ko kasi ang pagiiba sa ekspresyon nuon ni Yoongi ng may marinig siya sumigaw ng I love you kay Jimin at tinawag pa siyang angel. Kung nakakamatay lang ang tingin ng mha oras na iyon pakiramdam ko dead on the spot na ang nagsabi nu’n kay Jimin.
“A-ah! Kaibigan ko iyon. Si Holland.” nahihiya niyang sagot sabay abot ng makakain.
Lumipat ang tingin ko kay Yoongi na tumatangu-tango at nagustuhan ang sagot ni Jimin.
“Akala namin nila Jin boyfriend mo iyon eh.” nakangising tugon ni Hoseok sabay simpleng tingin kay Yoongi.
“Pero in a relationship ka ba ngayon, Jimin?” tanong naman ni Taehyung. Naalala ko tuloy yung naging usapan namin nuon. Malamang dahil ito kay Jungkook kaya niya inaalam.
“Ah naku, hindi. Wala. Wala akong balak. Umiiwas nga ako eh.”
Sabay-sabay kaming nagka tinginan nila Jungkook sa isa’t-isa kay Yoongi. Napansin namin kung paano ito prenteng sumandal sa upuan niya at nagpang labi. Mukhang hindi nito nagustuhan ang sagot ni Jimin. Ewan ko ha? Hindi naman sa iniisip kong may gusto itong si Yoongi sa kanya dahil pamilyadong tao pa rin siya hanggat hindi pa natatapos ang divorce sa pagitan nila ng bruhilda niyang asawa pero bakit ganito siya kung kumilos? Napatingin na rin tuloy sa kanya si Jimin.
“Boss? Okay ka lang?”
Lahat kami naghihintay ng sisasagot sa kanya ni Yoongi pero ang loko tumitig lang kay Jimin na para bang silang dalawa lang ang nakakaalam kung anong sinagot nito sa kanya.
Anong oras na rin kami nakaalis sa restaurant dahil hindi gaya ng ibang mga naging family dinner namin ay mas masaya yung ngayon lalo pa at nakakatuwang pagmasdan ang asaran nina Yoongi at Jimin na para bang isang old married couple.
“Naku, mukhang nalasing na nga talaga iyang si Yoongi.” nakangisi at mapang asar na sabi ni Hoseok na nakatingin sa nakaakbay na Yoongi kay Jimin na mukhang nabibigatan sa kanya pero inaalalayan pa rin.
“Sumabay nalang kayong dalawa sa amin ni Joon. Mahihirapan na kayong makakuha ng taxi-ng sasakyan. Anong oras na rin oh. Tara na ng makapag pahinga kayo. Mukhang may tama ka na rin kasi Jimin.” saad ko.
“U-uh, hindi. Kaya ko pa naman. Si boss nalang ang isabay ninyo. Okay lang sa akin maghintay saka kung wala talagang masakyan, maglalakad nalang ako pauwi.” nahihiyang tugon nito pero syempre hindi ako papayag na hindi siya sumama sa amin.
Napangisi ako sa isip ko sa naisip kong plano. Hindi ko lang sigurado kung bukas ba ng umaga eh magiging awkward sila sa isa’t-isa but it doesn’t hurt to try, right?
“Naku, Jimin, hindi. Delikado! Naka inom ka din eh. Sumabay ka na dito kina hyung. Sige na.” nagaalalang sabi ni Taehyung sabay tingin sa akin ng makahulugan.
“Eh kung ihatid nalang namin si Jimin ni Taehyung?” volunteer ni Jungkook at napa tampal ako mentally sa nuo ko dahil sa ginawa niya. Naku, patay!
“Yah! Jungkook! Maaga pa tayo bukas sa pupuntahan natin, di ba? Kailangan na natin makauwi agad!” naka pout na sabi ni Taehyung na ikinakamot naman ng ulo ni Jungkook.
“Eh ikaw Mr. Jung? Pwedeng sa iyo nalang ako sumabay? May lakad ka ba bukas na kailangan din maaga ka?”
Sasagot na sana si Hoseok ng biglang sumigaw si Yoongi na ikinagulat naming lahat.
“J-Jiminnie!!! Jiminnie!!!” sabay dikit pa lalo ng katawan niya kay Jimin na ngayon ay para ng poste pero isang namumulang poste dahil sa ginawa ng lasing na si Yoongi.
“Uhm, gusto ko sana, Jimin kaso mukhang mas kailangan ka ni Yoongi kaya sige na. Sumabay ka na kina Jin at duon ka nalang din sa kanila magpahinga. Bukas ka na umuwi sa inyo.” sagot ni Hoseok ng nakangiti.
Napangiti ako ng lihim ng nahihiyang tumingin sa akin si Jimin. Yes! A sign of defeat!
“S-sige. Sasabay na ako sa inyo.”
At iyon nga ang nangyari. Nasa biyahe na kami pauwi ng bahay at ng lingunin ko sila ay kapwa na silang tulog sa backseat at nakasandal sa isa’t-isa.
“Joonie, tignan mo oh. Ang cute ng kapatid mo at ni Jimin.” kinikilig na sabi ko.
Isang mabilisang lingon ang ginawa ng asawa ko dahil nagda drive siya at pati siya ay napangiti sa nakita.
“Alam mo kanina, hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko kilala ko iyang si Jimin at hindi ko rin maintindihan kung bakit nakikita kong bagay sila ni Yoongi.”
“Ikaw din? Pamilyar sa iyo si Jimin?” gulat kong tanong.
“U-uh, oo. Hindi ko alam kung nakita ko na ba siya somewhere before bukod ng linggo at kanina.”
Muli kong nilingon ang dalawa at napatitig kay Jimin. Bakit kaya pamilyar siya sa amin ni Joon?
JIMIN POV
Nagising ako ng parang umuga ang sinasakyan namin at narealized ko na nakarating na kami sa bahay ng mag asawa kaso narealized ko rin na nahihirapan na akong makakilos hindi lang dahil nakasandal sa akin si boss kundi dahil na rin sa umepekto na ang ininom kong alak kanina.
Pero gosh! Sobrang lapit ng mukha sa akin ni boss at ang lakas din ng kabog ng dibdib ko. Ewan ko ba pero nanduon yung urge ko na titigan pa siya kaso nga lang narinig ko ang mahinang sermon ni Jin kay Namjoon. Siguro dahil sa nangyaring pag uga kanina na kung hindi ako nagkakamali ay dahil sa biglang pag preno niya.
“Oh gising ka na pala, Jimin. Tara na sa luob?” nakangiting sabi ni Jin.
“Teka, ako ng magdadala sa kapatid ko sa guest room. Baka hindi mo na kayanin itong si Yoongi. Mukhang may tama ka na rin.” sabi ni Namjoon na pumunta sa backseat at kinuha si boss sa tabi ko para dalhin sa gueat room.
Inalalayan ako ni Jin papuntang guest room paglabas namin ng kotse.
“O’sya. Maiwan na namin kayo ni Joon. Huwag kang magdalawang isip na sipain si Yoongi kapag may ginawa siyang kalokohan habang tulog.” saad ni Jin ng may pagkindat bago sila tuluyang umalis ni Namjoon na naka akbay sa kanya.
Napalingon ako sa boss ko na mahimbing na natutulog sa kama at napa buntung-hininga. Dahil isa lang ang guest room dito, tabi kaming matutulog ni boss. Ayaw ko sana dahil baka katakot-takot na bulyaw ang matanggap ko sa kanya bukas ng umaga kapag gumising siya at nagrequest pa ako na sa couch nalang matutulog kasi hindi pumayag ’yung mag asawa at sinabing sila bahala kapag inaway ako ni Yoongi.
Pumasok na ako sa luob ng kwarto at sinara ang pinto. Maliligo muna ako bago matulog. Buti nalang at may spare silang bathrobe dito na pwede kong gamitin pang tulog. Wala naman sigurong masama sa gagawin ko kasi parehas naman kaming lalaki technically at pamilyado siyang tao.
Pinagmasdan ko muna ang buong guest room. Parang hindi guestroom. Parang kwarto siya ng kung sino. May mga alak din kasi na naka display at may personal computer. Wala naman sigurong masama kung iinom ako ng champagne bago matulog di ba? Pang alis kaba lang na hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan.
Kumakanta-kanta pa ako habang naliligo kasi masarap kumanta sa luob ng banyo. Para kang may mini concert na imaginary ang audience mo.
Paglabas ko ng banyo suot ang bathrobe ay muntik na akong pumasok pabalik sa luob ng cr ng makita ko, with my very own eyes, na gising ang boss ko at nakaharap sa computer at umiinom ng whiskey?! Teka lang! ’Di ba kanina lasing siya? Alam ko at alam naming lahat hanggang sa pag punta namin dito eh lasing siya kaya paanong. .?!
Mukhang naramdaman niya ang prisensya ko kaya agad niya akong nilingon. Napalunok ako at nakaramdam ng kakaiba ng tignan niya ako mula ulo hanggang paa at pagkatapos ay bumalik ulit sa ginagawa niya.
“U-uh, gising ka na pala boss. Okay na ba pakiramdam mo? Hindi ka na lasing or nahihilo?” nagtataka ngunit nagaalala kong tanong.
“Do I look like drunk to you?” nakangisi niyang tugon.
“P-pero. . Kanina lang. .?!”
Hindi ko na tinuloy pa ang balak kong sabihin at kinuha nalang ang damit na suot ko kanina. Uuwi na ako. Mukhang okay naman na siya. Magbo book nalang ako ng taxi pauwi.
“Where are you going, Park?” tanong nito bago ako muling pumasok sa cr dala ang mga damit ko.
“Uuwi na, boss. Magbibihis lang ako at magpapaalam kina Mr. Kims.”
“And why is that?” inikot niya ang recliner niya paharap sa akin.
“Kasi boss, uuwi naman talaga ako dapat sa amin eh kaya lang mukha kang lasing kanina kaya napasama ako dito nina Mr. Kims para siguro may mag asikaso sa iyo kasi lasing ka.”
Ewan ko ba dito. Kung hindi naman pala siya lasing bakit hindi siya kumilos ng maayos kanina pero baka naman may ganuong klase ng lasing? Yung kapag nakainom at nakatulog saglit pagkagising okay na sila ulit? May ganuon ba?
“I see, then why do you still want to go home if you’re already here? It’s dangerous to go home at this hour of the night. Are you perhaps thinking that I’m more dangerous than others?”
Awang ang bibig ko sa sinabi niya. Huh? Well, siguro? Tho hindi naman ito ang unang beses na matutulog ako kasama ang isang lalaki dahil nakapag sleepover na ako kasama ang mga kaibigan kong babae at bakla pero syempre iba ito. Ngayon yung unang beses na matutulog akong may kasamang straight! Oo nga. Tama. Ito siguro ang dahilan kung bakit ako kinakabahan kasi baka mayakap ko siya habang natutulog ako or something tapos mandiri siya sa akin.
“H-hindi, boss!”
“Good, stay then. Ihahatid nalang kita bukas ng umaga sa apartment mo.”
“S-sige, boss.” naiilang kong tugon at lumakad pabalik ng higaan at inilagay sa gilid ang hawak kong mga damit.
“And stop calling me boss whenever we’re outside. Just call me Yoongi.”
“S-sige bo–, I mean Y-Y-Yoongi!” grabe ang goosebumps ko ng banggitin ko ang pangalan niya.
Narinig ko ang mahina niyang pag tawa at lumakad siya sa hilera ng mga nakadisplay na alak.
“Drink?”
Tumango ako bilang tugon.
“Like mine or . .?”
“C-Champagne bo-, Y-Yoongi. Okay na ako sa champagne.” pakiramdam ko pulang-pula na siguro ang mukha ko. Sana hindi siya mag isip ng kakaiba sa hitsura ko ngayon.
“Here, Jimin.” inabot niya sa akin ang nirequest kong inumin at bumalik sa pwesto niya habang nakaharap pa rin sa akin, “Cheers.”
“Cheers.” tugon ko at parehas naming inangat ang mga inumin namin sa ere dahil sa distansya namin sa isa’t-isa.
Ewan ko ba kung normal lang ba sa boss ko ang manitig at nagpapaka malisyoso lang ako pero tahimik lang akong magiiscroll dito sa socmed ko ng pasimple kong napansin ang pagtitig niyang maigi sa akin habang umiinom.
Bakit ba siya nakatitig sa akin?
Pasimple kong tinignan ang sarili ko at shit. Para akong babaeng nangaakit sa hitsura ko. Oh gosh! Baka isipin ni boss inaakit ko siya! Este ni Yoongi!
“Jimin.” tawag niya sa baritonong boses kaya hindi ko naiwasan na pangilabutan pero hindi dahil sa takot.
“B-Bakit, Yoongi?” aish! Bakit ganito ang tibok ng puso ko? Parang lalabas na ng katawan ko.
“Have you ever been in a relationship?”
Huh? Nagiistart ba siya ng conversation namin? Parang ibang tao itong nasa harap ko ngayon at hindi yung boss na nakakasama ko sa trabaho. Pero ang awkward naman ng naisip niyang convo starter.
“H-hindi pa. Like I said kanina ng nasa restaurant tayo, ayaw ko kaya umiiwas din ako.”
“Why?” bakit ba ang hirap sagutin ng tanong na ‘why’?
“Hindi ko din alam eh.” at hindi ko din alam kung paanong may sumagi na memorya sa isip kong bata pa ako pero hindi ko mamukaan kung sino ang kalaro ko.
“Don’t you want to try?”
“Try? Ang makipag date o pumasok sa isang relationship?” natatawa ngunit naiilang kong tanong.
“Both.”
“Uhm, wala naman sigurong masama kung try, di ba? Oo siguro pero hindi ngayon.”
“When then?” nagtaka ako ng bigla siyang tumayo at lumakad papalapit sa akin.
“Y-Yoongi?”
“If I ask you to try it with me, will you?”
“H-huh? Anong sinasabi mo, Yoongi? Hahaha! Lasing ka na yata ulit? Alam mo matulog na tayo.” kinakabahan kong sabi sabay lapag ng baso ko sa side table ng biglang pangibabawan niya ako at sa bilis ng pangyayari namalayan ko nalang na sobrang lapit na ng mga mukha namin sa isa’t-isa at amoy ko ang natural scent at alak sa kanya. Napalunok ako at parang tumigil ang aking paghinga ng magkatitigan kami.
Lasing na siya, Jimin! Lasing na siya! Itulak mo na siya bago pa mahuli ang lahat. Hindi niya alam ang mga sinasabi niya ngayon sa iyo.
“Y-Yoongi. .” tawag ko habang sinusubukan siyang ilayo sa akin pero para lang akong tumutulak ng pader.
“Jimin. .”
“Lasing ka na.”
“Will I do this if I’m drunk?”
“Do what?” bago ko pa malaman kung anong tinutukoy niya ay nakalapat na ang labi namin sa isa’t-isa.
Holy shit, Jimin.
You’re kissing Min Yoongi!
Your boss who has a family!
A/N:
Posted: July 22, 2021 at 12:00 AM
I’m back for another update. Hinabaan ko na dahil not sure if makakapag update ako ulit bukas or sa susunod na gabi dahil magiging busy ako. I have life outside wattpad and I hope you guys understand. Iyon lang. Ehehe.
Kitakits sa susunod na update mga ka meow meow. Ichi ni san nyaa arigato!
ILLICIT AFFAIR 21
JIMIN POV
Maaga ako nagising. Ay mali. Hindi pala kasi ako nakatulog ng maayos kagabi mula ng halikan ako ng boss ko. Este ni Yoongi. At ang loko, pagkatapos akong halikan parang wala lang sa kanya at dumiretso tulog. Lasing nga siguro siya at baka hindi niya maalala yung ginawa niya sa akin kagabi pero ako? Hinding-hindi! First kiss ko iyon eh at siya ang kumuha nu’n!
Nakasabay ko nag breakfast ang mag asawang Kim at buti nalang hindi sila nagtaka o nagtanong pa ng magpaalam akong uuwi na ng hindi nagpapahatid sa kanila o kay Yoongi.
Like, hello?! Hindi ko pa siya kayang harapin dahil sa nangyari kasi paulit-ulit na umuulit sa isip ko ang halikan namin. ’Yung malambot niyang labi na nakalapat sa akin. Halatang sanay na sanay siyang humalik. I wonder kung ’yung asawa lang niya ang nahalikan niya o baka naman dati siyang playboy kaya ganuon?
Pagkadating ko ng apartment ay binati ko ang karoommate ko na nanunuod ng kung ano sa cellphone niya at agad na nagpaalam na magpapahinga kahit na alam kong nagtataka siya bakit ngayon lang ako umuwi. Mamaya nalang ako magpapaliwanag. Sa ngayon gusto ko lang muna matulog.
“Kanino ito?” tanong ko sa karoommate ko at tinuro ang isang cute na balloon boquet na may fairy lights at isang pirasong red rose sa luob. Wala naman sa aming dalawa ang mageeffort na bumili nig ganito at mas lalong parehas kaming walang time mag entertain ng possible lover. Agad akong umiling-iling nagbabaka sakaling mawala sa isip ko ang mukha ni Yoongi na bigla na lamang rumehistro sa isip ko. Aish! Mahirap ito, ugh!
“Sa iyo.” nakangisi niyang tugon at tinuloy ang pagkain biya ng dinner.
Oo, dinner na ako gumising. Nakatulog ako ng halos buong araw kaya naman sobrang energized ako ngayon.
“Huh? Anong trip mo at naisipan mo akong bilhan n’yan? Oh god! May gusto ka ba sa akin ng hindi ko alam?” gulat kong tanong at napahawak pa sa dibdib ko na parang na touch.
“What the fuck, Jimin?! Seriously?” tanong niya na parang nandidiri, “Alam mo gusto kita bilang karoommate kahit bigla-bigla ka nalang hindi umuuwi ng walang pasabi pero c’mon! Sa boss mo galing iyan. Kay Mr. Min Yoongi hindi sa akin.”
Umawang ang bibig ko sa gulat.
“What?! Galing siya dito?” nagpapanic kong tanong. Bakit hindi man lang ako ginising nito? Sumilip kaya si Yoongi sa kwarto ko? Nakita niya ako matulog?
“Oo and chill. Hanggang labas lang siya hindi siya pumasok dito sa luob. Hitsura mo! Pulang-pula ha?” mapang asar niyang saad, “Nag confess na ba siya ng feelings niya o kayo na agad?”
“A-anong namumula ka d’yan! Hindi ah! At saka anong confess-confess iyang pinagsasasabi mo? Walang ganuon!” saad ko at naiilang na tinitigan yung balloon boquet na nasa harapan ko. Hindi ko alam kung kukinin ko ba ito at ilalagay sa kwarto ko. Ang ganda kasi! Maniwala man kayo o hindi, mahilig ako sa mga bulaklak kaya naman hindi ko maipaliwanag ang saya ko ng makatanggap ako nito ngayon kaso to think na galing siya kay Yoongi matapos ng nangyari sa pagitan naming dalawa kagabi. . Ugh!
“Mukha nga,” nakangising tugon nito at niligpit ang pinagkainan niya, “S’ya nga pala pinapasabi niya na susunduin ka niya bukas ng umaga. May pupuntahan daw kayo.”
“H-ha? Kami? Saan naman kami pupunta?” natataranta na talaga ako.
“Aba hindi ko alam. Wala naman siyang sinabi bukod sa para sa iyo iyang binigay niya at susunduin ka niya dito bukas. O’sya, good night na. Matutulog na ako.”
Isang malalim na buntung-hininga ang pinakawalan ko ng ako nalang ang maiwan sa dining table mag isa. Ilang minuto ko pang tinitigan ang bigay ni Yoongi bago ko napagpasyahan na dalhin ito sa kwarto ko. Bakit niya ako binigyan nito? Peace offering sa ginawa niya sa akin? Ibig sabihin naaalala niya?! Naaalala niya yunh halikan namin?! Nandidiri na ba siya sa mga oras na ito dahil sa ginawa niya? Paano ko tuloy siya nito haharapin matapos ang nangyari?
Buti nalang at nakatulog ako ng matiwasay kahit na puro si Yoongi lang ang laman ng isip ko kagabi. Hindi pa nangyayari sa akin iyon kahit na ’yung crush ko dati, hindi ko naman madalas maisip. Hay! Is this the Min Yoongi effect? Aish!
Magtatanghali na pero wala pa ring kumakatok sa labas ng apartment namin. Malamang nagbago ang isip niya last minute sa dapat na pupuntahan namin lalo pa at maulan ngayon sa labas. Nope, hindi siya ang dahilan kung bakit ganito ang ayos ko ngayon. Like I said, malamig sa labas dahil maulan. At saka, itong kulay ng suot ko? Wala ito. Sinuot ko lang ito kasi bigay ito ng Tita ko sa akin. Kamusta na kaya siya ngayon? Tagal na rin pala kaming hindi naguusap. Kung sabagay, ako kasi ang umalis sa puder niya kasi. . . Basta!
Kinuha ko ang chocolate bar ko na galing sa ref at abala sa paghahanap ng anggulo ko sa camera ng phone ko para mag selfie ng biglang may kumatok. Aish! Sino naman kaya ito? Panira naman ng selfie time!
“Saglit lang!” sigaw ko sa kung sino na nasa labas at kumakatok ng walang tigil. Akala mo naman hindi siya pagbubuksan!
“Anong kaila–! Boss?!” muntik ko ng isara ulit ang pinto sa gulat ng makita siya. Aish! Paano ko nakalimutan na susunduin niya pala ako today dahil may pupuntahan daw kami.
Mabilis niyang napigilan ang balak kong pagsara ng pinto at ngumisi palapit sa akin. Shit! ’Yung kabog ng dibdib ko! Parang lalabas na puso ko!
“You look good, Jimin.”
Hindi ko na kailangan pang isipin kung namumula ang mukha ko sa ginawa niya dahil ramdam na ramdam ko ang hiya sa sistema ko.
“U-Uh, anong ginagawa mo dito, boss?”
Tinaasan niya ako ng kilay. Yikes!
“It’s Yoongi, Jimin. Didn’t I told you to call me that if we’re out in the office?”
“U-uh kasi. .”
“C’mon. Let’s go now. The twins are waiting in the car.”
Ha? “Ha? Kasama mo sila?”
“Did I stutter?”
Hindi na ako umimik pa dahil baka mainis siya at masira ang mood niya sa pupuntahan namin. Pero talaga bang kasama niya ang kambal? For real?
“Tela lang, magpapaalam ako sa karoommate ko.” saad ko pero bago pa ako makatalikod ay narinig ko ang boses nito.
“Sige na. Alis na kayong dalawa. Ingat kayo!” nakangiting saad nito. Teka, kanina pa ba siya nand’yan? Nakita niya ba yung ginawa ni Yoongi sa akin?
Bago pa ako maka react ay hinawakan na ni Yoongi ang kamay ko at lumakad na kami papunta sa nagaabang niyang kotse sa ibaba ng apartment namin. Hindi ko maintindihan kung anong mararamdaman ko sa magkahawak naming kamay.
“Hello, twins!” masayang bati ko ng makapasok kami sa backseat ni Yoongi kung nasaan ang kambal na agad akong niyakap at pumwesto sa magkabilang gilid namin.
Dumating kami sa mall kung saan niya ako pinamili ng mga damit ko before. Magsho shopping ba kami? I mean, sila ng kambal? Bakit kailangan nila akong isama?
Habang nagiikot kami at nagiisip kung anong store ang una naming papasukan ay biglang nag ring ang cellphone ni Yoongi. Nang una wala siyang balak sagutin ito hanggang sa nainis na siya dahil mukhang walang balak tumigil ang tumatawag sa kanya hanggang sa sagutin niya ito kaya nagpaalam siya sa amin saglit para sagutin ang tawag.
“You want to drink something sweet?” nakangiting tanong ko sa kambal. Agad naman silang um-oo kaya pumunta kami sa malapit na stall na nagtitinda ng pastel colored shakes. Sana okay lang kay Yoongi na mag ganito ang kambal. Ayaw ko kasi maghintay ang kambal ng matagal kaya naisipan kong idistract muna sila sa pagbili sa kanila ng sweets.
“Your eomma?” nakangiting tanong ng tindera sa kambal habang iniaabot sa akin ang binili kong shakes para sa kanila. Agad naman akong namula sa tanong niya. Hindi ba niya napansin na lalaki ako at wala akong dede?
“Yeah! He’s our eomma.” sabay na tugon ng kambal.
“Hey, I’m not! Your eomma will be mad if she hears you say that.” sita ko at inabot ang shakes nila sa kanila.
“She won’t! She shouldn’t care like how she don’t care for us.” maanghang na saad ni Yoonji. Kalokang bata ito!
“And you’re prettier than her! You look so much good beside Appa than our own eomma.” dagdag pa ni Yeonki.
“Hoy, kayo talaga!” abut-abot na ang pamumula ko sa sinabi ng kambal.
“Hindi nagsisinungaling ang mga bata, Sir. Maganda ka nga talaga para sa isang lalaki.” saad ng tindera sa akin at kumindat pa ito.
Nagpaalam na kami sa tindera ng marinig namin ang boses ni Yoongi na tinatawag kami. Tinitigan niya ang hawak ng kambal pero wala naman siyang sinabi na kahit ano.
“Jimin, just take whatever you want.” saad niya habang namimili ang kambal ng gusto nilang bilhin.
What, again?
“H-huwag na! Okay lang. Hindi na kailangan!” natataranta kong tugon.
“I insist.”
“N-no! Seryoso, hindi na kailangan. Huwag na talaga.” hindi ko maiwasan na pamulahan. Ang kulit niya kasi. Alam naman niyang hindi ko la bayad yung utang ko sa kanya ng nakaraan at hindi ko natanggihan yung unang bigay niya sa akin ng pinag shopping niya ako kasi wala akong ideya na akin pala ang mga iyon.
Nagtaka ako ng bigla siyang lumakad palayo sa amin. Teka, saan siya pupunta? Pero buti nalang hindi kami iniwan ng mga bantay niya.
Nagalala ako bigla ng mapansin kong hindi malaman ng kambal anong klaseng stuff toy ang gusto nilang bilhin.
“I think this one is cuter than those you both are holding. Look how puffy its cheeks are! It resembles you two.” nakangiting sabi ko habang hawak ang stuff toys. Bumungisngis ang kambal at nabigla ako ng yumakap sila sa akin.
“Okay, then that’s what we’re going to buy right, Yeonki?”
Kumuha sila ng dalawang piraso ng magkaparehas na stuff toy at pagkatapos ay sinamahan ko sila sa countet para magbayad. Nanlaki ang mga mata ko ng mag abot si Yoonji ng black card. The heck? May card na siya o silang dalawa ni Yeonki? And on top of it, black card? Nahilo ako bigla sa nakita ko. Whew.
Teka, nasaan na ba si Yoongi?
“Appa!” tili ng kambal ng bumalik sa kung saan si Yoongi at agad siyang niyakap. Hindi ko mapigilan na hindi mapangiti sa nakita. Ang cute talaga!
Pagkatapos bilhin ng kambal ang stuff toy ay iniwan muna namin sila sa isang outdoor playground sa luob ng mall kasama ang ilan sa mga security guard samantalang dumiretso naman kami sa isang coffee shop na hindi gaanong matao. Kinakabahan tuloy ako at naiilang kasi kaming dalawa lang.
“Jimin. .” tawag niya sa akin dahil nakayuko lang ako mula ng makaupo kami sa pwesto namin.
“Y-yes?”
“Naiilang ka ba sa akin?” nanlaki ang mata ko dahil sa gulat. Hindi siya ’yung usual na nageenglish na nakasanayan ko. Bukod pa duon ay dahil sa tanong niya. Halata ba? Aish, malamang!
“Uhm, medyo. Ay hindi! Actually, oo!” nilakasan ko na ang luob ko sa pagsasabi ng totoo. Nagbabaka sakaling mabawasan ang awkwardness ko sa kanya after ng nangyari. Syempre araw-araw kaming magkikita sa trabaho.
“Jimin. . What I said and I did to you that night, it was all true and I was serious about it.”
Umawang ang bibig ko sa gulat sa sinabi niya. So. .?!
“Mawalang galang na sa iyo Yoongi pero, sira na ba ulo mo?! Ano nalang sasabihin sa iyo ng ibang tao? Ano nalang mararamdaman ng kambal lalo na ng asawa mo? Paano kung iatras niya yung divorce at malaman niya yung sa atin? Ayaw kong makaladkad ang pangalan ko ng dahil lang duon!” may inis sa tono kong sabi.
“Then, I only have one rule for you. Don’t let anyone know about us. Got it?”
“Huh?! Aish! Hindi ko alam anong tumatakbo d’yan sa isip mo, Yoongi. Masyadong komplikado ang gusto mo kasi una palang alam na nating hindi pwede. May asawa at anak ka, ako? Ako, empleyado mo ako dahil may kailangan akong bayarang utang sa iyo. Aish! Isa pa, never kong pinangarap na magkaruon ng lihim na relasyon dahil alam kong mali. Ayaw kong maging home wrecker ’no! Please lang. Hindi ako sang ayon sa balak mo.”
Tahimik lang siyang nakatitig sa akin. Maya-maya ay nagsalita na ulit siya.
“If you don’t want to, I’ll just double your debt then.”
“What?!” may kalakasan kong react. Alam kong may mga napatingin sa table namin at wala akong balak na lingunin sila dahil aware akong nakakahiya ang ginawa ko.
“Jimin, I’m giving you an option.” kalmado niyang sabi bago nito inumin ang kape niya habang nakatitig sa akin.
“Option?! What option? This is clearly a threat! Harrassment! Or whatever you can call this shit you’re putting up with me!” inis kong tugon.
“Jimin, let’s just try what I told you. One month. If you’re really not comfortable with it then so be it. Let’s remain the boss and secretary relationship.”
“One month?! Hindi ba masyadong matagal iyon? One day?! Para marealize mong hindi talaga?”
“One month, Jimin.”
Napabuga ako ng hangin sa inis sa sinabi niya. Ewan ko ba kung bakit may kakaiba akong nararamdaman bukod sa inis sa pinipilit niya. Paano kung ma fall ako sa kanya sa mga panahon na iyon? Paano naman ako kapag natapos na yung one month at hindi na finalized ang divorce nila ng asawa niya? Paano naman ako?! Maiiwan akong sawi, luhaan at duguan? Joke!
“Let me think about it first, Yoongi. Hindi madali ang gusto mo.”
“Okay. I’ll expect for an answer later at 12 midnight.”
“What?! Sobrang bilis nu’n! Kailangan ko ng, like, one week para pag isipan iyon maigi!”
“I’ll wait for an answer later, Jimin.”
Napahawak nalang ako sa ulo ko sa stress sa kanya. Walang hiyang lalaki ito! Narinig ko siyang tumawa ng mahina kaya napa eye roll nalang ako kahit nakapikit ako. Hindi naman niya malalaman eh. Hmmp!
Binalikan namin ang kambal sa playground at agad nila kaming niyakap pagkakita sa amin.
“Where do you want eat, kids?”
Nag suggest ang kambal ng mga gusto nilang kainan pero gusto ni Yoongi na mag decide sila ng kainan na parehas at hindi magkaiba.
“Jiminnie hyung! What’s your favorite restaurant?” tanong ni Yoonji na karga-karga ko at nakayakap sa leeg ko.
“Restaurant? Uhm, I love mcdonalds. Why?” nakangiting tugon ko.
“Ooohhh! Appa, Yeonki and I want mcdonalds!” nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Yoonji na agad namang sinang ayunan ni Yeonki.
“Hey! Pick a better restaurant! The fooda there aren’t that healthy!” nagaalalang sabi ko, hoping na babaguhin nila ang gusto nilang kainan. Jusko! Bakit ba kasi hindi ko naisip na gugustuhin nila duon kumain! Aish!
“If they are not healthy, why are you eating there?” tugon naman ni Yeonki.
Ewan ko ba bakit tinignan ko si Yoongi na parang humihingi ng tulong magpaliwanag sa dalawa pero ang loko ngumiti lang.
“Because the food there are really good even if it’s not healthy, so just this once I’ll let you eat there so you know what’s his favorite restaurant serves.” kininditan niya ang kambal kaya nagbunyi ang mga ito.
At wala na nga akong nagawa dahil ng nasa luob na kami ng mcdonalds at nasa harap namin ang not so healthy foods na inorder mismo ni Yoongi. May mga napapatingin sa amin dahil halatang mayaman itong mag-aama pero ’yung tatlo parang walang pakialam sa mundo. Ang cute nga nila tignan eh. Este, yung kambal lang pala.
I feel weird habang inaasikaso ko ang kambal dahil alam kong hindi lang ang mga bata ang nakatingin sa akin kundi pati na rin ang tatay nila na para bang may dumi ako sa mukha. Anong problema ng mga ito?
“Jiminnie hyung, you’re really like an eomma! So caring!” saad ni Yeonki.
“Can you be our eomma?!” excited na tanong ni Yoonji at muntikan na akong mahulog sa kinauupuan ko sa tanong niya. The heck?!
Matapos naming kumain ay umuwi na kami. Hinatid nila ako sa apartment and let me tell you, iba ang pagod ko ngayon sa pagod ko sa trabaho sa office. Nakakaloka! Totoo ba lahat ng nangyari kanina?
Narealized kong wala sa apartment ang karoommate ko kaya dumiretso na ako sa room ko para magpahinga but to my surprise, naabutan kong may mga shopping bags sa ibabaw ng higaan ko at may note duon na nakalagay.
Allow me to spoil you, Jimin.
Napaupo nalang ako sa sahig habang nakatitig sa mga pinamili niya para sa akin na may kutob akong kanina niya ginawa ng humiwalay siya sa amin ng kambal. Hawak ko rin ang note na may sulat kamay niya at ang puso ko na sobrang lakas ng kabog.
Ugh, Yoongi! Ano ba itong ginagawa mo sa akin?!
A/N:
Posted: July 28, 2021 at 12:00 AM
Hi, everyone. Nagbabalik ang inyong author. Share ko lang na nakapagpa vaccine na ako! Yehey! Sana kayo rin. At alam ninyo ba na ginagawa ko rin ang update nito kaninang madaling araw habang nakapila kami? 4 AM palang kasi nakapila na kami sa site ng vaccination. Hahaha. Sana hindi nakita ng kung sino man sa likuran ko ang ginawa kong update kasi gosh! Hahaha.
Kitakits sa susunod na update mga ka meow meow. Ichi ni san nyaa arigato!
ILLICIT AFFAIR 22
JIMIN POV
Hindi na ako nakatulog mula ng makauwi ako kanina dahil gustuhin ko man, paulit-ulit na nagrereplay sa utak ko ang mga nangyari sa akin nitong mga nagdaan. Simula sa malasing ako sa bar, makabanggaan ko si Yoongi, nagtrabaho ako sa kanya para mabayaran ang utang ko tapos fast forward na sa nakilala ko na yung kambal niyang anak pati yung bruhilda niyang asawa at nakasama na rin ako sa family dinner nila ng kapatid at malalapit niyang kaibigan at brother-in-law. Whew! Sobrang bilis ng pangyayari hindi ako makapaniwala na nangyari lahat ng iyon and more importantly yung nirequest niya sa akin after ng naging kiss namin.
Akala niya ba ganuon kadali mag decide? Pero ang sabi kasi niya dadagdagan niya ang pagkakautang ko sa kanya which means tatagal ako sa pagtatrabaho sa kanya. Wala sanang problema given na pwede kong mailagay iyon sa resumè ko but knowing anong klaseng tao siya. . . Hay! Natatakot ako hindi lang para sa sarili ko at kay Yoongi pero more on sa kambal. Paano nalang kung mabully sila ng dahil sa amin ng tatay nila?
Hay. .
Napatingin ako sa wall clock ko at malapit na mag 12 midnight. Malapit na yung pagsabi konng desisyon ko. Kung bakit naman kasi rush! Ang hindi ko pa maintindihan eh paano ko iyon sasabihin sa kanya? Tatawagan ko ba siya o siya tatawag sa akin? At saka. .
Bakit ganito ang nararamdaman ko? Hindi lang ako basta kinakabahan. Naeexcite din ako for some reason. I mean, excitement saan? Sa isasagot ko? Eh sa hindi rin talaga ako sigurado pero sabi niya kung pumayag ako one month lang naman. Sa luob ng one month na iyon pwede ko siyang ireject ng paulit-ulit kaso hindi ba ako harsh nu’n sa kanya kung gagawin ko iyon? Pero kung sabagay pinilit niya ako na um-oo! I have no other choice kung hindi mag oo sa gusto niya. Nakakatakot kasi, kung ngayon palang kung anu-ano na pinagbibibili niya for me kahit hindi ko gusto, what more pa kapag naging kami na? Shit. Sinabi ko bang kapag naging kami na? Erase-erase! Whew. Pero kasi di ba? Ano nalang iisipin ng ibang tao sa akin. Iisipin nila pineperahan ko siya kahit na hindi naman talaga. Ewan ko ba bakit kung sino pa yung hindi mo kilala sila pala yung mahilig mangialam sa buhay mo at magsabi ng kung anu-ano tungkol sa iyo na hindi naman totoo.
Sinubukan kong ikalma ag sarili ko habang may oras pa kaso bigla nalang nag ring ang cellphone ko and to my surprise, si Yoongi iyon! Gustong makipag video call. Kaloka! Anong pakulo nito? Di bale na nga! Sasagutin ko na! Agad kong pinress ang accept button at parang tanga naman dahil hindi ko rin alam kung bakit ay ngumiti ako. Shit.
“H-Hi.”
“Jimin-ah!” bati niya na mukhang nagpapa cute. Hala?! Akala naman niya effective iyan sa akin matapos ng ginawa niya kanina. Hmmp!
“Hmm? Bakit ang aga mo naman yata tumawag? Wala pang 12.” tugon ko.
“You shouldn’t have answer if you don’t want to, but since you did, I’ll just wait until 12 to know your decision.”
Oo nga naman may point siya. May option nga naman kasi ako na hindi sagutin pero sinagot ko.
“And in the meantime?”
“I’ll just stare at your beautiful face.” nakangising sagot niya at hindi nilalayo ang tingin niya sa akin. Magsisinungaling ako kung sabihin kong hindi ako nakaramdam ng pagka flatter sa sinabi niya at pinamulahan ng mukha. Ugh! Fair white, skin white problems! Halatang-halata kapag nagblush. Teka, ako nagblush? Aish! Nababaliw na yata ako dahil sa lalaking ito. Ano ba kasi nakita niya sa akin at ako ang napagtripan niya?
Hindi ko nalang muna siya binigyan pansin sa ginagawa niyang pagtitig sa akin ng nakakalusaw habang ako natataranta na at kinakabahan sa maaaring mangyari dahil sa magiging sagot ko sa kanya sa mga natitirang minuto bago ang nakataldang oras ng pagnigay ko sa kanya ng kasagutan ko.
Hindi naman siguro magiging ganuon kaseryoso ang relationship namin kung sakali mang pumayag ako, di ba? Like, bakit naman niya gagawin iyon eh may asawa pa rin siya at ako ’yung illegal at kabit? Ayaw ko sanang gamitin ’yung word na iyon pero there’s no better way to call me than that kasi makikihati ako sa dapat na sa asawa lang niya ang meron. Siguro nga, iyon ang dahilan kung bakit sinabi ni Yoongi sa akin kanina na much better na walang makaalam ng tungkol sa amin para maiwas din ako sa mga issue.
Pero paano namin iwo-workout ’yung nasabing lihim na relasyon namin sa luob ng one month ng walang nakakaalam? Magkikita lang ba kami tuwing weekends? ’Di bale, wala pala kaming ganuon na intimate connection which is good but on the other side, matatawag ba na relationship iyon kung ganuon ang sistema?
“Jimin, it’s 12.” saad ni Yoongi na nagpabalik sa akin sa realidad at hinarap siya ng may awkward smile sa aking labi. Shoot! Anong desisyon ko?!
“Uh, aba oo nga ’no? Hahaha.” naiilang at kinakabahan kong sabi habang pinipilit na pagaanin ang awra sa pagitan namin. Whew. Ano ng isasagot ko sa kanya?
“Jimin.” ulit niya sa pangalan ko at napabuntung-hininga nalang ako. Atat na atat? Joke. Ano ba mabebenefit niya sa ideya niyang maging ‘kami’ sa luob ng isang buwan? Hindi ba dapat ’yung divorce niya yung inaasikaso niya?
Saglit akong pumikit at nagpakawala ng malalim na buntung-hininga.
“Okay. Payag ako na ako sa gusto mo. 1 month, Yoongi. 1 month lang. Ayaw ko rin na may makakaalam ng tungkol sa atin. Ayaw kong maissue tayo parehas ng dahil lang dito sa ideya mong ito.” tugon ko na may halong pagbabanta.
“I understand, Jimin. Thank you.” ngumiti siya sa akin at hindi ko alam kung bakit pero lumakas ang kabog ng dibsib ko dahil duon at para akong lumulutang sa kinauupuan ko dahil duon. Ano bang nangyayari sa iyo, Jimin? 1 month lang kayo tandaan mo at hindi mo ito pwede seryosohin dahil ikaw ang talo sa huli!
“Can we meet?”
“Huh? Para saan? Madaling araw na, Yoongi! Saan mo pa balak pumunta?”
“Please, Jiminnie?” nagulat pa ako ng bigla siyang mag aegyo sa harapan ko kaya syempre ewan ko rin ba bakit ang bait ko ng mga oras na iyon at pumayag ako makipagkita.
Hindi na ako nagpalit pa ng damit dahil mabilis lang naman kami (hopefully!). Dahan-dahan akong lumabas ng apartment at paglabas ko ay nakita ko si Yoongi na naka casual clothes. The heck?! Paano siya nakapagpalit ng ganuon kabilis?
Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit habang lumalakad ako palapit sa kanya ay kinailangan kong huminga ng malalim at pansinin ang mga bagay-bagay na nuon naman hindi ko pinapansin.
“Hey.”
“H-Hi, Yoongi.” bati ko at nginitian siya.
“Let’s go?”
Tumango ako at pinagbuksan niya ako ng pintuan at pinaunang pumasok sa luob. Saan kaya kami nito pupunta?
“Saan pala tayo pupunta, Yoongi? May pasok pa tayo mamaya ah?” tanong ko habang nililibot ang tingin ko sa luob ng sasakyan.
Imbis na sagutin ako ay ngumiti lang siya at hinawakan ang kamay ko. Kinagulat ko iyon at muntik ko ng alisin dahil baka makita ng driver niya sa rearview mirror pero ang loko, parang wala lang sa kanya at hinigpitan pa ang hawak sa akin.
Tahimik ang naging biyahe namin hanggang sa makarating kami sa isang night market. Wait, what?!
Agad kong nilingon ang katabi ko, “Gutom ka?”
“Maybe? Or, maybe because I want to stroll with you. It’s our first day anyway of being a couple.”
Halos umawang ang bibig ko sa sinabi niya. Did he just. .?!
Bago pa ako makapag react ay hinila niya na ako palabas ng sasakyan at nakihalo kami sa ibang mga tao na nandito sa night market. Lumingon ako para tignan kung may kasama kami pero wala. Kaming dalawa lang ang naglalakad ngayon dito sa night market kasama ang ibang, uh, ‘couples’.
Nakakadagdag pa sa pressure na magkatabi kami at naghahati sa iisang payong. Bahagyang umaambon kasi. Ewan ko ba. Namula ang mukha ko sa isiping iyon.
Pero makalipas ang kalahating oras ay nawala na ang awkwardness sa pagitan namin dahil sa pagkukwentuhan namin habang nagfu-foodtrip at tumatawa sa kung anong corny na jokes meron kami sa isa’t-isa.
Nakakagulat nga kasi hindi ko inexpect na makikita ko ang ibang side ni Yoongi. Ibang-ibang ito sa nakasanayan kong ugali niya kapag nasa office kami. Hindi ko tuloy lubos maisip bakit sila magdidivorce ng asawa niya kung ganito ka-okay ang napangasawa ni Irene Min? Like, hello? Oo nga at masungit siya sa karamihan pero hindi ba niya nakikita kung gaano siya kaswerte na may ganitong side ang asawa niya? At sigurado ako sa sarili ko na kapag natapos ang 1 month ay babalik ang lahat sa dati sa pagitan namin ni Yoongi at mami-miss ko itong mga ganitong moments namin.
“I hope I didn’t bore you.” saad ni Yoongi na may impit na ngiti habang nakaupo kami sa isang bench malayo sa night market at magka holding hands. Hindi na nagtuloy pa sa ulan ang ambon kanina. Ayaw ko din sana na magholding hands kamk kanina dahil baka may makakilala sa kanya o sa akin at dahil hello? Hindi naman lahat ng tao open-minded pagdating sa sexualidad pero wala akong nagawa dahil hinigpitan nito ang pagkaka hawak niya sa akin.
“Hindi ah! Nag enjoy nga ako eh!” nakangiti kong tugon at nagkatitigan kaming dalawa. Napalunok ako dahil may hindi ako mawari ng mapatingin ako sa mga mata niya. Parang may kung anong pwersa na humihila sa akin palapit sa kanya, “Uhm, anong oras pala tayo uuwi, Yoongi? May pasok pa tayo mamaya. Anong oras na oh? Past 4 AM na.”
“We’re taking our offs.”
“Huh?! Off? You mean hindi ako, tayo papasok sa office?”
“Yeah.” tumayo siya at pinagpagan ang likuran niya at ngumiti sa akin, “C’mon, let’s go home.”
Akala ko iuuwi niya na ako sa apartment pero hindi. Isang bahay na ngayon ko lang nakita ang hinintuan namin. Teka, kanino ito? Don’t tell me sa kanya ito bukod duon sa dati ko ng napuntahan?!
Magkahawak ang kamay naming tinungo ang luob ng bahay at agad kong binitawan ang kamay niya ng may marinig kong pamilyar na mga tili na papalapit sa amin.
“Appa!!!”
“Eomma!!!”
Agad akong luminga sa paligid para hanapin yung bruhildang asawa ni Yoongi pero hindi ko ito nakita. Huh?
“Hey, why are you both early today?” nakangiting tanong ni Yoongi sa kambal na nakayakap sa bawat isa sa amin. Hindi pa rin nawawala sa isip ko kung bakit sila tumili ng eomma kung wala naman dito yung nanay nila?
“Appa! We have school today, remember?” nakangusong tugon ni Yeonki ng buhatin siya ni Yoongi.
Napalingon naman ako kay Yoonji ng maramdaman kong hinihili nito ang dulo ng damit ko at magrequest na buhatin ko din siya which I gladly obliged.
“Will you pack us lunch?” tanong ni Yoonji na nagpapa cute.
“You want to?” nakangiting tugon ko sa kambal at sabay silang tumangu-tango at halata ang excitement sa kanilang mga mukha, “Alright, I’ll go prepare your lunches. You go with Appa now, Yoonji.” ibababa ko na sana si Yoonji pero agad kinuha ni Yoongi sa akin ang bata kaya ngayon ngingiti-ngiti akong nakatingin sa kanilang tatlo dahil nagmukhang puno ang tatay nila at silang kambal ang koala na naka kapit sa puno.
Tinuro nila sa akin kung nasaan ang kitchen na siyang agad kong tinungo para makapagluto.
Teka, nasaan nga pala ’yung si Irene? Bakit hindi nila siya kasama? Hindi pa naman sila totally divorce ah?
Hindi bale na nga. Bakit ko ba iniisip yung tao na wala naman dito.
Makalipas ang isang oras tinawag ko na yung magaama para kumain ng breakfast. Nginingitian ko nalang yung kambal dahil panay tingin din nila sa amin ni Yoongi. Bakit kaya?
Nagulat ako at hindi pa sana ako papayag ng mag offer si Yoongi na siya na ang maghuhugas ng pinagkainan namin. Late ko na naman kasi narealized na walang maid dito sa bahay nila na ito. Kung sabagay, kahit duon sa unang bahay nila na napuntahan ko, wala din.
“Woah! It’s so cute!” tili ng kambal sa sobrang pagka amaze nila sa ginawa kong lunch nila para mamaya sa school.
“Appa!” tili ng kambal ng makalapit sa amin si Yoongi na mukhang tapos na sa paghuhugas ng plato. Para akong naestatwa ng ipatong niya ang baba niya sa balikat ko at hawakan ang kanang braso ko.
“Kumamon, huh?” nakangi niyang tanong at agad akong napayuko dahil sa hiya na namumula ako. Ramdam ko kasi ang paghinga niya sa tenga ko.
“Yes, Appa! Isn’t that your favorite cartoon character?” bungisngis na tanong ni Yoonji.
Bago pa makasagot si Yoongi ay lumapit sa amin ang isa sa mga bodyguard niya at pinaalalahan ang kambal sa oras ng pasok nila.
Hindi ko napigilan na mapangiti ng makita kong ngumuso ang kambal at yumakap sa amin ni Yoongi.
“You go now. You shouldn’t practice being late at school.” paalala ni Yoongi sa kanila at hinalikan sila sa nuo nila.
“You’ll still be here right once we get home?” tanong sa akin ni Yoonji.
Tumingin ako kay Yoongi dahil hindi ko alam ang isasagot sa tanong ni Yoonji.
“Yes, he’ll still be here. Now you two go now so we can rest.”
“Yehey!” masayang tugon ng kambal at hinila ako payuko para mahalikan nila ako sa magkabilang pisngi ko na siyang sinuklian ko rin ng halik sa nuo.
“Bye Appa!”
“Bye Eomma!”
This time, nagets ko na kung sino yung Eomma na tinatawag ng kambal at walang iba iyon kundi ako at hindi rin nakatulong ang ngisi ni Yoongi ng lingunin ko siya. For sure, kamukha ko na ang kamatis sa pamumula ngayon ng mukha ko. Wala pang ilang oras ito ah mula ng sinagot ko siya!
A/N:
Posted: August 3, 2021 at 12:00 AM
Hi, author’s back. After couple of days na walang paramdam ’coz nagpahinga ako. Nagkaruon kasi ako ng minor side effects from the vaccine at kinailangan kong mag rest in the meantime. Anyway, kamusta ang lahat? Lapit na naman mag ECQ. Pesteng yawa hindi na naman makagala at foodtrip with friends and loved ones. Tsk talaga!
Kitakits sa susunod na update mga ka meow meow. Ichi ni san nyaa arigato!
ILLICIT AFFAIR 23
JIMIN POV
Pag alis ng kambal dumiretso tulog kami ni Yoongi. Sa guest room ako dapat matutulog pero dahil makulit siya, we ended up sleeping together sa kwarto niya ng again, magkatabi. Ayaw ko sana dahil naiilang ako but I have no choice dahil sa pagiging makulit niya at isa pa, inaantok na din talaga ako kaya hindi na ako nakipagtalo pa sa kanya.
Magaala-una na ng magising ako sa bisig ni Yoongi. Nakaunan ang ulo ko sa braso niya at nakayakap kami sa isa’t-isa. Hindi ko tuloy napigilan ang pagkalabog ng puso ko. Ramdam ko din ang pamumula ng mukha ko dahil sobrang lapit ng mukha niya sa akin. Sobrang amo ng mukha niya. Ibang-iba kapag gising siya at nasa office. Napangisi ako dahil duon. Pinagmasdan ko maigi ang mukha niya habang pinapakinggan ang marahan niyang paghinga. Hindi ko alam paano pero kusang gumalaw ang kamay ko para haplusin ang mukha niya na napunta sa pagkatuwa ko sa paghawak sa kilay at tenga niya kaya hindi kataka-taka kung magising siya dahil sa ginawa kong iyon.
“Jiminnie.” tawag niya sa pangalan ko gamit ang kanyang ‘bedroom’ voice. Napalunok ako dahil bigla akong may naramdamang kakaiba sa sistema ko.
“Hi, Yoongi.” malumanay kong tugon at nginitian siya.
Naestatwa ako ng bigla niyang ilapit ng husto ang katawan niya sa akin at pagkatapos ay namalayan ko nalang na magkadikit na ang mga labi namin. Paglayo niya sa akin ay nakita ko siyang nakangisi kaya sa inis ko ay hinampas ko ang braso niya.
“Jimin-ah!” nanlaki ang mga mata niyang banta sa akin.
“Bakit ka nanghalik?! Sira ulo ka ah!” tugon ko at naiinis na umalis sa kama para magpunta ng cr at ayusin ang sarili ko.
“Can you blame me? Your boyfriend, Jiminnie? Blame your pouty lips instead! That lips of yours keeps on teasing me, that’s why I kissed it!” protesta niya at tumayo na rin ng kama para sundan ako.
Hindi ko nalang siya pinansin at naghilamos ng mukha ko. Ugh, I need this. Baka sakaling mawala yung kakaibang pakiramdam ko dahil sa ginawa niya.
“There’s a spare toothbrush there inside the cabinet, use it if you want. Meet me downstairs once you’re done. We’ll go out.”
“Huh? Saan tayo pupunta?”
“Anywhere we want, baby.”
Nang makalabas siya ng kwarto niya ay saka lang ako bumalik sa realidad. Duon ko lang nagawang iikot ang tingin ko sa kabuuan ng kwarto niya at ng pinasukan kong cr sa luob ng kwarto niya. Duon ko lang natitigan ang repleksyon ng mukha ko sa salamin. Wala namang nagbago. Iyon pa rin naman ang mukha ko pero sa relasyon namin ni Yoongi na siyang boss at pinagkakautangan ko ay meron.
Ayaw ko man aminin dahil parang hindi totoo pero oo, magkarelasyon na kami. Malungkot nga lang isipin na mabilis lang matatapos ang relasyong ito na si Yoongi ang initial na may gusto na mangyari ito.
Napabuntung-hininga ako.
Hindi bale. Sisikapin ko nalang na ienjoy ang ganitong set up namin hanggat nandito pa ako sa so-called ‘relationship’ namin na ito at maglalagay ako ng boundary sa amin para hindi ako tuluyang mahulog at masaktan sa huling araw naming dalawa bilang kami.
Sana din ay magkaayos sila ng bruhilda niyang asawa dahil mas makakabuti iyon sa kanila ni Yoongi at sa kambal nilang anak at mas madali akong makaka get over kapag nakita kong masaya na silang pamilya dahil ipapaalala nu’n sa akin na hindi ako dapat magmahal ng taong alam kong pagmamay-ari ng iba. Sana nga lang talaga ay walang ibang makaalam ng tungkol sa amin. Desisyon ko na pasukin itong ganitong relasyon kaya dapat tanggapin ko kung ano man ang mangyari sa huli kahit gaano pa masakit pero sana hindi ganuon kasakit kasi pipilitin kong hindi mahulog ng lubos sa kanya.
Hay! Feeling ko talaga nababaliw na ako ng dahil kay Yoongi mula ng unang pagtatapo naming dalawa. Ugh!
Matapos akong mag ayos ay bumaba na ako ng living room kung saan naabutan ko si Yoongi na abala sa kanyang cellphone. Bago pa ako tuluyang makalapit at tawagin siya ay para bang naramdaman na nito ang prisensya ko at tumigil sa ginagawa niya at tinago ang cellphone niya sa bulsa niya at nakangiting lumapit sa akin.
“Hi, baby. You’re so pretty.” nakangiting bati niya sa akin at pinag intertwine ang kamay namin sa isa’t-isa.
“T-Thank you and uhm, you’re handsome too.” nahihiya kong tugon at napansin ko ang paglawak ng ngiti niya. Uh-oh.
“Really? You think I’m handsome? That’s good. You deserve to have a handsome boyfriend with that pretty face.”
Inilingan ko nalang siya sa sinabi niya at sumakay kami sa kotse niya at siya ang nag drive nito papunta sa isang mall na hindi pa namin napupuntahan.
Akala ko mag wiwindow shopping lang kami ni Yoongi pero nakalimutan ko na wala pala iyon sa bokabularyo niya kahit parehas kaming naka casual clothes at mukhang walang pambili. Hahaha.
“Just get anything you want, Jimin.” saad nito habang magkahawak ang aming mga kamay. Again, ayaw ko sana na magholding hands kami pero siya wala siyang pakialam kung sino man ang makakita sa amin. Kung sabagay, ang layo ng hitsura niya din ngayon sa nakasanayan ko na hitsura niya kapag nasa labas kami.
Bago pa siya makahanap ng mahal na pwedeng bilhin sa akin ay mabilis akong nagkalkal sa mga nakahanger na damit at sakto namang nakakuha ako ng isang cute na kulay blue na sweater na may mukha ni Mona Lisa. I don’t know why but I find this cute kaya agad kong pinakita kay Yoongi. Syempre siniguradong kong mura lang yung pinili ko para hindi siya mapagastos ng sobra.
“Yoongi-ah! Lookie!” excited na sabi ko at pinakita sa kanya ang nakita kong sweater.
Matagal niya itong pinagmasdan bago siya nagsalita, “Are you sure, Jimin? There are much. .”
Agad akong tumangu-tango at hindi na hinintay matapos ang sasabihin niya, “Sure na! Gusto ko ito.”
Ngumisi siya at bumuntung-hininga, “Okay, if you say so, baby.”
Agad akong pinamulahan ng pisngi sa sinabi niya. Ugh, takteng endearment kasi iyan. Mukha ba akong baby? Alam kong maliit ako pero hindi iyon dahilan para tawagin akong baby. Hmmp!
“I’m not a baby!” nakangusong sabi ko habang sinusundan siya papunta sa counter para bayaran ang gusto kong sweater.
“Yes, you are.” nakangiti biyang sabi at inabot ang credit card niya sa cashier na mukhang nagulat pa dahil sa kulay na binigay niya. Like, hello? Sino bang hindi magugulat kung once in your lifetime may mag abot sa iyo ng black card di ba?
Pagtapos bayaran ni Yoongi ’yung sweater ay agad akong nagtungo sa malapit na cr para suotin ang binili niya sa akin.
“Tadaaa!” sabi ko at pinakita sa kanya kung gaano ka cute yung sweater sa akin kahit mumurahin lang ito.
“This is exactly why you deserve to be called a baby because you look one right now.” nakangiting sabi niya at walang kaabog-abog na hinalikan ako sa nuo ko at hinili ako palabas ng cr kung saan may naiwan na mga nagulat na nasa luob pa.
“Are you hungry, Jimin?” tanong niya habang nililibot namin ang garden area ng mall. Nahihiya man pero tumango ako sa tanong niya. Sino bang hindi magugutom kung napapaligiran ka ng mga stalls na may mga pagkain na masasarap, “Saan mo gusto kumain?”
Nilibot ko ang tingin ko sa malalapit na stalls sa amin na nagooffer ng mukhang masarap sa paningin at sa tiyan na pagkain, “Uhm, ayun oh. Gusto mo ba duon?” hindi ko kasi sure kung gusto kumain ni Yoongi ng tinuro ko pero kasi ang cute ng hitsura niya at mukha ding masarap.
“Alright, let’s eat there.” nakangiti niyang sabi at bigla siyang tumakbo kaya pati ako napatakbo na rin.
“Yoongi!” natatawang sita ko sa pagitan ng pagtakbo namin palapit sa stall na tinuro ko. Hindi ko alam pero napangiti ako dahil duon at may kung anong kiliti sa luob ko ang naramdaman ko.
Naglalaway kong tinignan ang inorder namin na soufflè pancakes at pagkaupo namin ay hindi na ako nagdalawang isip na lantakan yung akin. Habang abala ako sa pag nguya ay napatingin ako kay Yoongi na nakatitig lang sa akin at nakangiti na hindi ginagalaw ang kanya. Namula ako dahil duon at nakaramdam ng kaunting hiya.
“B-Bakit di ka pa kumakain d’yan?”
“’Coz I’m still staring at you and I think I’m not hungry anymore.” nakangisi niyang sabi. Napanguso ako sa pagiging corny niya at sinubuan siya ng pancake niya na kinagulat niya ng gawin ko pero sinubo rin naman niya.
“Kumain ka. Huwag ka magpagutom. Mamaya sabihin ng mga tao sa paligid inaabuso kita dahil ako lang kumakain habang ikaw nakatitig.” saad ko at tinuloy ang pagkain ko. Narinig ko siyang nagpipigil ng tawa at kalaunan ay kumain na rin ng kanya.
Pagtapos kong kumain ay inabot ko yung inumin na nasa tabi namin at nakakalahati na ako ng nainom ng mapansin kong isang inumin lang ang nasa table namin.
“Nasaan yung iyo, Yoongi?” nagpapanic kong tanong sa kanya na siyang patapos na sa pagkain niya.
Ngumisi siya at kinuha sa kamay ko ang iniinom ko at may kung anong hinanap sa gilid hanggang sa marealized ko kung ano iyon ng sinimulan niya ng ubusin ang inumin. Did he just. .?!
“Yes, I planned for an indirect kiss between us.” nakangiti niyang sabi at tumayo matapos naming kumain at nilahad ang kamay niya na siya namang automatic na inabot ng kamay ko.
Naglibut-libot kami ulit ng mall hanggang sa this time, si Yoongi ang nag alok na muli kaming kumain at pumasok kami sa isang cafè. Feeling ko tataba ako nito sa luob ng one month namin ni Yoongi kakakain namin. Natawa ako sa isip ko dahil magmumukha akong ‘mochi’ ulit na tawag sa akin nuon ng highschool ako.
Nagningning ang mga mata ko ng ilapag ng waiter sa table namin ang inorder ni Yoongi kanina sa counter. Ugh! Strawberries! Favorite ko ito! Napatingin ako sa inorder ni Yoongi na drink niya at nagtaka ako ng hindi kape ang nakita ko. Hmm, mahilig din ba siya sa sweets? Hindi halata ah.
Hindi ko alam gaano kami katagal na tumambay sa cafè ni Yoongi at nagkwentuhan ng kung anong random na maisip namin without getting his wife into the conversation. Siguro mas okay na rin iyon kesa maspoil yung mood.
Paglabas namin ay saktong sunset na kaya naman kakaiba din sa pakiramdam ang hatid nito. Nilingon ko si Yoongi at napangiti ng lihim. Sana ganito nalang kami.
“Jimin! Jimin!” excited na tawag niya sabay turo niya sa kung saan na siyang sinundan ko. Anong tinuturo niya? ’Yung ulap?
“Bakit? Ano meron?” takang tanong ko habang nililipat ang tingin ko sa kanya at sa tinuturo niya.
“Jimin! Dali, tignan mo!” ulit niya kaya this time nilapit ko ng husto ang sarili ko sa kanya para hanapin ang tinuturo niya na hindi ko makita.
“Saan ba? Pinagtitripan mo na–!” hindi ko na natuloy ang sinasabi ko ng bigla niya akong halikan. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya at binalak siyang itulak palayo dahil alam ko may mga nakatingin sa amin ngayon pero lalo lang humigpit ang hawak niya sa akin.
Paglayo ng labi namin sa isa’t-isa ay nanduon yung signature na ngisi siya, “Thank you, Jimin. Thank you.”
Agad akong napayuko sa hiya at nilaro ang darili ko sa kamay bago niya ito hablutin at ipagintertwined sa kamay niyan
“P-Para saan?”
“For making me feel this nostalgic feeling of being happy again with someone.” sentimental niyang sabi at hindi na ako naka tugon pa after niyang sabihin iyon dahil nakaramdam ako ng saya at sakit sa mga salitang iyon na binitiwan niya
Pag uwi namin ng bahay ay agad kaming sinalubong ng kambal na mukhang kanina pa nakauwi. Sinunggaban nila kami ng yakap na siyang sinuklian naman namin ni Yoongi ng pagbuhat sa tig isa sa kanila at lambing. Nasa kanya si Yeonki samantalang nasa akin naman si Yoonji.
“Where did you two went?” tanong ni Yoonji.
“You Appa and I went to the mall and stroll.” nakangiti kong tugon.
“Ooohh!” react ni Yeonki na nagtakip pa ng bibig niya, “You had a date!” kinikilig niyang tili. Nanlaki naman ang mata ko sa naisip niyang ginawa namin ng tatay nila.
“Yeah, we did.” nakangiting tugon ni Yoongi sa kanila at kumindat sa akin.
Nagtaka naman ako dahil very open niya lang itong sinasabi sa kambal. Teka, hindi niya dapat sinasabi ito dahil baka mabanggit ng kambal sa nanay nila ang tungkol dito. Isa pa, mali din itong ganitong practice sa mata ng mga bata.
“Aww! Not fair! We also want to spend time with Eomma!” nakangusong sabi ni Yoonji at siniksik ang ulo niya sa leeg ko.
Naiilang naman ako na napangiti sa sinabi niya, “Then, Jiminnie hyung will spend his time with the twins, is that okay now?”
“Jiminnie hyung? Why hyung? You’re our Eomma!” nakangusong tugon ni Yeonki.
Oh gosh! Ito na nga ba sinasabi ko. Dapat klaruhin ko sa kanila na mali yung pagtawag nila sa akin ng Eomma.
“Yeonki, Yoonji, I am not your Eomma. You have your own Eomma and Jiminnie hyung is a male. A male can’t be an Eomma.”
“But you’re like an Eomma!”
“And you’re also pretty for a male!”
Kinabahan ako ng magprotesta ang kambal at mukha pang iiyak pero dapat nila maintindihan na hindi ako pwedeng maging yung gusto nila kasi mali iyon.
“Jimin, just let them call you their Eomma.” saad ni Yoongi na may lungkot sa kanyang mga mata kaya syempre ano pa nga ba, wala akong nagawa.
“Okay, okay. You can call me your Eomma.” tugon ko na may pilit na ngiti at kinatuwa iyon ng kambal.
Habang nagdidinner kaming apat ay hindi pa rin mawala sa isip ko ’yung pagtawag sa akin ng kambal bilang kanilang Eomma. Ano nalang iisipin ng ibang tao kapag nalaman nila ang tungkol dito at sa akin dahil pumayag ako dito kahit mali? At nasaan nga ba yung bruhilda Irene na iyon at hindi ko siya nakikita sa bahay na ito? Not that I’m wishing na makita siya pero hindi ko maiwasan na hindi macruious. Don’t tell me naghiwalay na sila ng bahay ngayon at na kay Yoongi ang mga anak nila at hindi man lang ito pinaglaban ng nanay nila na mapunta sa kanya? Whew.
Pagtapos naming mag dinner ay nagtungo kami ni Yeonki sa kwarto niya para iset-up ang gusto niyang ipagawa sa akin na tent namin para mamaya kung saan ko sila babasahan ni Yoonji ng bedtime stories. Nang matapos kami ay sakto namang pumasok sina Yoongi at Yoonji.
“Woah! Fortress!” excited na tili ni Yoonji at tumakbo papasok sa luob ng tent kung saan naghihintay ang kakabal niya at inenjoy ang luob. Napangiti naman ako sa nakita ko.
“Hanap ka ng book na babasahin natin sa kanila. Magaasikaso lang ako ng night snack.” nakangiti kong sabi bago lumabas ng kwarto at asikasuhin ang sinabi ko.
Pagbalik ko dala ng inasikaso ko ay binabasahan na sila ni Yoongi kaya marahan kong inilapag sa gilid ang food tray at umupo sa tabi ni Yoongi kung saan nasa magkabilang gilid namin ang kambal at sumisimpleng nguya na ng dala kong pagkain.
Nakailang palitan pa kami ni Yoongi sa pagbabasa sa kanila ng bedtime stories hanggang sa marinig ko nalang na humihilik na ang magaama. Napangiti nalang ako at hinalikan ang kambal sa nuo nila at matagal kong pinagisipan kung hahalikan ko rin ba si Yoongi at sa huli ay ginawa kong halikan siya hindi sa nuo pero sa kanyang labi. Hinila ko ang kumot na nasa gilid at itinakip sa aming apat.
Sana ganito nalang kami. Sana pwedeng mangyari ang ganito sa amin ng wala akong inaagawang tao sa posisyon niya.
A/N:
Posted: August 4, 2021 at 12:00 AM
Alright, nakakaramdam na si Jiminnie ng guilt at hope sa first day palang ng one month relationship agreement nila ni Yoongles. Magkakaruon kaya ng magandang outcome ang relasyon nila sa huling araw ng pagiging ‘sila’? Anyway, hindi ko sure kung may mga nakatikim na sa inyo ng soufflè pancake pero sinama ko siya dito ’coz it’s one of my favorite sweets. Sa mga nagaabang ng update ng AMW, bukas po ako ng gabi maguupdate. Kalma lang po tayo. Iyon lang.
Kitakits sa susunod na update mga ka meow meow. Ichi ni san nyaa arigato!
ILLICIT AFFAIR 24
TAEHYUNG POV
“Para kanino ba itong pinabibili mo sa akin hyung ng ganitong oras? Nasa school yung kambal tapos wala naman dito sa bansa iyang asawa mo at mas lalong hindi ka mahilig sa strawberries kaya tell me, para kanino ba ito?” dire-diretso kong tanong habang nagda drive papunta sa company ni Yoongi.
My curiosity is killing me and this is very unlikely of my hyung. Never siyang tumawag sa akin ng ganito kaaga para lang pabilhin ako ng strawberry cake na pwede niyang ipautos sa mga tauhan niya na gawin. Sa akin pa talaga! Alam naman niyang busy din ako sa work ko. Tho, I admit mas alam ko anong bakery ang nagooffer ng pinaka masarap na strawberry cake sa siyudad na ito.
“Just bring that damn cake to me and I’ll pay you.” tugon niya at ag hang up na. Argh! Nakakainis itong lalaking ito! Lalo tuloy akong nacurious.
Wala naman kasi ako maisip na taong pwede niyang pagbigyan nito dahil parehas sila ni Irene na hindi fan ng strawberries at yung kambal naman ang favorite na fruit is blueberries kaya kanino itong pinabibili niya sa akin? Hindi naman ugali ni Yoongi na magbigay ng ganito sa mga kasamahan niya sa business industry. Kaya sino?
Pagdating ko sa company niya ay agad kong pinark ang sasakyan ko sa parking lot at saktong pagpasok ko ng elevator ay may nakasabay akong may dalang boquet of flowers. Pagtingin ko kung sino ito ay muntik ko ng mabitawan ang hawak kong cake.
“H-Hyung?! What are you doing here? At bakit may dala kang boquet? Sa iyo ba iyan? Bigay ni Namjoon hyung?” maintriga kong tanong at tinaasan pa siya ng kilay.
“I should be asking the same question too. What are you doing here and what is that that you’re holding?”
“Uhm, ito? Inutusan ako ni Yoongi na bumili ng strawberry cake at sa tingin ko hindi ito para sa kanya.”
Napansin ko ang agad na pagkunot ng nuo niya na parang malalim ang iniisip.
“Funny because inutusan niya rin ako na bumili ng boquet. Tinanong ko pa nga siya kanina kung para kanino ito pero hindi niya ako sinagot.”
Nagkatinginan kami ni kuya at para bang alam namin ang binabalak ng isa’t-isa at ngumisi.
“We need to investigate.” sabay naming sabi kasabay ng pagtunog ng elevator na nagsasabing dumating na kami sa floor kung nasaan ang office ni Yoongi.
JIMIN POV
Late na ako ng isang oras sa work ng makarating ako sa company building namin. Umuwi kasi ako kaninang madaling araw sa apartment ko dahil mas prefer ko na ganuon ang gawin dahil bukod sa nanduon ang damit ko pang pasok ay para malaman din ng karoommate ko na nakauwi na ako. Baka mamaya magpanic na naman siya kapag narealized niyang hindi pa rin ako umuuwi mula sa kung saan.
Pagpasok ko ng office ko ay nagulantang ako sa nakita.
Kanino galing itong mga ito?
Agad kong sinara ang pinto ng office ko at nilapitan ang nakapatong sa lamesa ko. Wow! Ang gaganda naman ng mga ito! Mahal siguro itong mga ito?
Sino naman kaya ang magaabala na bumili ng ganito sa akin at. . .
Don’t tell me kay Yoongi galing itong mga ito?! Siya lang naman ang kilala ko na pwedeng magbigay ng ganito sa akin at makapasok ng office ko maliban sa akin dahil may access siya.
Nagdalawang isip tuloy ako kung kakainin ko yung cake na nasa harapan ko kasi hello?! Strawberries! Tapos ang ganda din ng flowers! Baby blue roses na may mixed ng sunflowers! Napangiti naman ako at nag init ang pakiramdam ko sa sobrang pagka overwhelm sa ginawang ito ni Yoongi.
Bago mag lunch ay tinawagan ako ni Yoongi para sabihin sa akin na sabay kaming magla lunch na siya ngang nangyari at nakalimutan ko na nasa work pala kami dahil muntikan ko na siyang iholding hands. Shit! Buti nalang nagawaan ko na paraan kanina na pagmukain na ‘nabangga’ ko lang siya ng hindi sinasadya. Kinabahan ako dahil may mga napatingin sa amin.
“Uhm, thank you sa mga binigay mo sa akin kanina pagdating ko ng office. Uhm, hindi ko inexpect.” nakangiti kong sabi habang kumakain kami at pinipigilan ang sarili ko na makagawa ng kashungaan dahil baka mapahiya ko siya o ang sarili ko sa public.
Impit lang siyang ngumiti at tumangu-tango. Ewan ko ba. Parang medyo nadisappoint ako sa reaksyon niya. Akala ko kasi sobra siyang matutuwa dahil na appreciate ko yung ginawa niyang surprise sa akin.
Paglabas namin ng restaurant ay dumiretso kami sa isang dessert shop dahil tinanong niya ako kung may iba pa akong gustong puntahan namin bago kami bumalik ng office.
Lihim akong napangiti ng mapansin ko na muntik na rin niya akong iholding hands habang hinihintay namin ang inorder naming ice cream na may mochi sa ibabaw.
“Jimin.” tawag niya sa akin kaya agad akong napatingin sa kanya.
“Bakit?” tanong ko pero hindi siya umimik sa halip ay nagtitigan lang kami hanggang sa tawagin kami ng nasa cashier at ibigay ang orders namin at bayaran niya.
Pagbalik namin ng office ay inutusan niya akong samahan muna siya sa office niya na siya namang sinunod ko dahil baka may ipagawa siya sa akin na work related kaso laking gulat ko ng malapit na kami sa office niya ay bigla niya akong hinatak ng marahas papasok at isandal sa likod ng pinto na siyang narinig ko ang pag ‘click’ hudyat na ni-lock niya ito.
“Y-Yoongi?” gulat at kinakabahan kong tawag sa kanya habang nakatitig siya sa akin. Hindi siya sumagot bagkus ay pinagdikit niya ang mga labi namin at hinalikan ako na para bang gutom na gutom at may kung anong hinahanap sa luob ng bibig ko dahilan para saglit kong maisipan na patigilin siya kaso unti-unting nanghina ang katawan ko at namalayan ko nalang na napahawak na ako sa braso niya para kumuha ng lakas na hindi mahulog sa bisig niya at isang ungol ang kumawala sa akin ng ilipat niya ang labi niya sa leeg ko at iyon naman ang kanyang pagdiskitahan. Uh, fuck!
How did we end up like this?
“Y-Y-Yoongi! Ugh! . . Mmhh!” ungol ko habang patuloy niyang nililipat-lipat ang labi niya sa labi at leeg ko habang marahang hinihimas ng malaya niyang kamay ang tagiliran ko pababa sa pang upo ko na kinapula ko ng husto at nakaramdam ako ng kakaibang init sa katawan ko sa ginawa niya.
“Jimin.” bulong niya sa tenga ko at halos manghina ako ng maramdaman kong laruin ng labi, dila at ngipin niya ang tenga ko. Kinagat ko ang labi ko sa pagpipigil na makagawa pa ulit ng isa pang pag ungol at ng pakiramdam ko ay hindi ko na kaya pang pigilan ang sarili ko ay sakto namang may kumatok na nagpabalik sa amin sa realidad ni Yoongi. Pero hindi nakaligtas sa akin ang pagka inis sa mukha ni Yoongi sa kung sino man ang sumira sa momentum niya dahil para sa akin ay pinagpapasalamat ko iyon.
Paano nalang kung wala itong kumakatok ngayon? Ano na kaya ang nagawa naming dalawa? Ni Yoongi sa akin?
Agad akong lumayo sa kanya at inayos ang sarili ko at ganuon din siya. Pumunta siya sa kanyang desk para umupo na para bang wala kaming ginawang kung ano kani-kanina lang.
Napabuntung-hininga ako at muling inayos ang sarili ko bago ko buksan ang pinto at batiin ang nasa labas.
“Good afternoon–?!” nanlaki ang mga mata ko ng mapagtanto kung sino ang bisita ni Yoongi. Si Mr. Kim Seokjin!
Tumingin siya sa akin at ngumiti sabay nilipat ang tingin kay Yoongi na busy na sa kung ano mang ginagawa na niya.
“I’ll go ahead, Boss. Nice to see you, Mr. Kim.” casual kong sabi at hindi ko na hinintay pa na mag respond siya at nagmamadaling umalis na ng office niya. Shit! Nakakahiya!
Narinig kaya ni Mr. Kim ’yung kanina? Gaano na kaya siya katagal na nakatayo duon bago siya kumatok? Oh fuck! Ano nalang iisipin niya sa akin? At kay Yoongi?! Ugh!
JIN POV
Katulad ng napag usapan namin kaninang umaga ni Taehyung ay bumalik kami ng office ni Yoongi para kulitin siya at paaminin kung para kanino yung pinabili niya sa amin. Nakaka curious nga naman kasi talaga kung para kanino iyon.
Pagbalik namin sa company ni Yoongi ay saglit na humiwalay sa akin si Taehyung para magpunta sa cr samantalang dumiretso na ako sa office ni Yoongi at binalak ng pumasok ng hindi man lang kumakatok pero laking gulat ko ng naka lock ito.
Wala akong marinig na kahit na anong ingay mula sa luob kaya hindi ko alam kung may kasama siya o sadyang busy lang siya sa pagtatrabaho pero knowing Yoongi, parang ngayon ko lang naexperience sa kanya na naglock siya ng pinto dito sa office niya which seems suspicious.
Hindi pa kasama duon yung kinwento sa akin ni Hoseok na nagpahanap si Yoongi ng nakaraang linggo ng magsa soundproof ng office niya. Hindi ko nga alam kung nagawa na yung kinwento sa akin ng isang iyon.
Bago pa ako mainip sa paghihintay dito sa labas ng office ni Yoongi ay kinatok ko na ito ng malakas pero wala akong narinig na kung anong paggalaw mula sa luob ng ilapit ko ang tenga ko sa pinto para pakinggang kung palapit na si Yoongi. Weird.
Don’t tell me nasa meeting siya ngayon? Oh well, I guess pupuntahan nalang namin si Jimin para tanungin kung nasaan siya ng biglang bumukas ang pinto at bumungad sa akin si Jimin.
Hindi ko napigilan na mapangiti ng may sumaging kalokohan sa isip ko. But it may be too early to conclude besides knowing Yoongi, malamang may takot itong si Jimin sa kanya dahil sa naging trato nito sa kanya ng una.
“I’ll go ahead, Boss. Nice to see you, Mri. Kim.” hindi nakaligtas sa akin ang namumutla ang nagmamadaling umalis na si Jimin. Anong nangyari sa kanya? Hindi kaya. . ?!
“Yoongi! Pinagalitan mo na naman ba si Jimin?” may inis kong tanong at agad na pumamewang. Kawawa naman ’yung taong iyon napagiinitan nitong isang ito.
“Why do you mind?” wala sa mood niyang tugon na hindi man lang ako tinignan. Argh!
Magsasalita na sana ako ng biglang sumulpot si Taehyung out of nowhere.
“Yoongi hyung! Pwede ko bang mahiram si Jimin this weekend?”
“Huh? What for?” ako ang sumagot sa tanong ng kapatid ko. Wala naman siyang nakwento sa akin na kung ano para bigla niyang hiramin si Jimin. At wait, am I hearing this right? Ipinapaalam niya si Jimin na ng una eh kinaiinisan niya? What the hell is happening here?
“Oh, uhm, I need another model kasi na magsusuot ng bagong design ko na ilalabas sa market and I want him to be my model. Is that okay, Yoongi hyung?”
Napatingin akonkay Yoongi na busy pa rin sa ginagawa niya.
“No.”
“Why?” maktol ni Taehyung at nilapitan siya para yugyugin, “Please! Jimin can be a model, you know that with his looks! Isa pa, I’m just letting you know and it doesn’t matter kung pumayag ka or hindi, ako nalang mismo ang magsasabi kay Jimin!”
“No, you will not to that!” buong diin na sabi ni Yoongi na ngayon ay na kay Taehyung na ang atensyon niya.
“Bakit ba ayaw mo? Knowing you eh wala ka namang pakialam sa mga naging dati mong secretary?” mataray na tanong ng kapatid ko.
“Because he’s different! He’s not like the others na nageenjoy sa atensyon ng marami and besides, alam kong inis ka sa kanya because of Jungkook. What if you do something horrible to him? I cannot afford to have another secretary na kasing tino niya kapag bigla nalang siyang nag resign.” kita ko kung paano ma frustrate si Yoongi for the first time in a while. He got a point tho.
“But Yoongi, he has a debt to you, right? So bakit natatakot ka na magreresign siya sa iyo if let’s say my brother really do something horrible to him? You can just get a hold of him, right? You’re damn rich. It’s like you’re not the Yoongi I knew.” nakangisi kong sabi.
Isang malalim na buntung-hininga ang pinakawalan niya, “You know what? I’m busy right now and I don’t have time to argue with this matter. I’ll just ask Jimin later and if he agrees then he’ll be there on your photoshoot for your product, Taehyung. If not then go look for another one. Now, you two leave before I call your boys to drag you out of my office. Shoo!”
Hindi na kami nagmatigas pa ni Taehyung at umalis na ng company niya. Habang nasa luob kami ng sasakyan na minamaneho ng kapatid ko ay hindi ko maiwasan na ungkatin yung nangyari kanina.
“Taehyung, anong kalokohan ang nasa isip mo at bigla mong naisipan na kunin si Jimin bilang model sa bagong product mo? Wala ka naman sigurong binabalak na masama sa kanya?”
“What? No! Why would I harm him? Besides, he really has the looks of a model. And to make things clear, hindi na ako inis or galit sa kanya.”
“And do you have anything na makakapagpatunay sa sinasabi mo?”
Ngumisi siya, “Of course, hyung! Just wait. I know Jimin is a kind person kaya papayag siya na maging model ko and the rest of my katibayan will be on the day of the photoshoot.”
Tinignan ko siya ng kakaiba at hindi na ako umimik pa. Uhm, okay. If he says so then I’ll wait and see for myself.
JIMIN POV
Dalawang araw na ang nakalipas mula ng nangyari ang nakakahiyang bagay sa buhay ko sa office ni Yoongi. Jusko! Buti nalang at after nu’n ay hindi muna kami nag usap na dalawa kasi hindi ko rin alam anong mukha ang ihaharap ko sa kanya matapos ng nangyaring iyon.
Kaya ngayon abala ako sa pagtatrabaho bago ko pa maalala ulit yung nangyari ng araw na iyon. Ewan ko rin ba sa tuwing maaalala ko iyo eh may kung anong kakaiba akong nararamdaman sa katawan ko. Ang hirap din kasi wala akong mapagsabihan ng mga nangyayaring ito sa akin. Like, baka kasi ijudge ako ng mga kaibigan ko kapag sinabi ko sa kanila ang tungkol sa amin ni Yoongi at isa pa one month lang naman kaming magiging ‘kami’.
Dahil naging abala ako sa trabaho ko ay hindi ko napansin ang prisensya ni Yoongi na pumasok na pala sa luob ng office ko at umupo sa harapan ko.
“Jimin.” tawag niya sa akin at muntikan ng mahulog sa kinauupuan ko sa gulat.
“B-Boss!”
“It’s Yoongi, Jimin.” nakangisi niyang sabi at inabot ang kamay ko at hinalikan ito na siyang kinapula ko.
“A-ah eh, uhm, n-nasa trabaho tayo, Boss! Ano, uhm. .” hindi ko mawari ang sasabihin at binawi pabalik ang kamay ko at mukhang hindi niya iyon nagustuhan.
“Are you still mad to what had happened? Are you mad at me?”
“H-hindi! Hindi! Ano kasi. . Nasa trabaho pa tayo. Nasa trabaho tayo.” paglilinaw ko at napansin ko ang pag kunot ng nuo niya na maya-maya ay napalitan ng pag ngisi niya.
“Jimin, do you know what time is it already?”
Duon ko lang nagets ang sinabi ng makita ko ang oras na naka rehistro sa wall clock. Oh shit. 10 pm na pala! Kaninang 6 pa ang uwian naming mga empleyado.
“Let’s go?” tanong niya at automatic na nagligpit ako kaagad ng gamit ko at kinuha ang nakalahad niyang kamay sa akin.
“Taehyung wants you to be his model for his new product, I told him that I will need your consent first, so would you like to be his model?”
Nagulat naman ako sa sinabi niya. Si Taehyung? Gusto akong kuhaing model? Talaga ba? Hmm, matagal ko ng gusto mag try maging model katulad ng work ni Holland at dahil naalala kong not in good terms kami nuon ni Taehyung, siguro naman pwede kong gawing good na ang relationship namin after ng request niya di ba?
“Uhm, sure. Okay lang sa akin.” nakangiti kong tugon.
“Really? Are you sure?” parang hindi makapaniwala niyang tanong.
“Oo? Bakit?”
“Nothing. I’ll just go with you then to make sure.”
“Huh? Make sure of what?”
“That only I will catch your attention.” tugon niya at hinila ako papasok ng elevator and you guess it right. He kissed me rough but this time, I’m sure no one will be able to disturb us like the last time.
A/N:
Posted: August 5, 2021 at 12:00 AM
Dadum! Kakasimula palang ng relationship mukhang may makakabisto agad sa dalawa. Ano kayang kalokohan ang naisip ni Taehyung sa tingin ninyo? Is it good or bad? At grabe naman din ano si Yoongi ’no po? Well, hindi natin siya masisisi. Strong ang ‘Jimin effect’.
Kitakits sa susunod na update mga ka meow meow. Ichi ni san nyaa arigato!
ILLICIT AFFAIR 25
JIMIN POV
Pagdating ko ng office ay agad kong sinalampak ang sarili ko sa upuan at saglit na pumikit. Shit. Inaantok pa ako.
Kung nagtataka kayo kung bakit puyat ako, iyon ay dahil hindi ako nakatulog ng maayos kakaisip ng nangyari sa pagitan namin ni Yoongi. ’Yung alam ninyo na, ‘kiss’ namin sa elevator na continuation sa naudlot naming kiss ng monday dahil dumating si Mr. Kim Seokjin. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala na maeexperience ko iyon at mangyayari ulit ’yung ganuong klaseng halikan naming dalawa. Hindi ko din maintindihan kung bakit may side akong hinahanap-hanap ’yung ginawa namin na iyon ni Yoongi kahit na pilit kong sinasabi sa sarili ko na mali ’yung ginagawa namin. ’Di bale, I’ll endure nalang ang natitirang 3 weeks tutal malapit na kaming mag 1 week mula ng pumayag akong maging kami. Hopefully, pagdating sa last day ay maging okay lang ang lahat sa amin at hindi maging awkward pagkatapos.
Pagkatapos ng isang buong araw na pagtatrabaho na luckily ay kinaya ko, sinundo ako ni Yoongi sa office ko para sabay kami na umuwi. Kung iniisip ninyo na uuwi ako sa apartment ko ay nagkakamali kayo. Sa bahay ako ni Yoongi matutulog ngayon ayon na rin sa napag usapan dahil bukas yung photoshoot ng kay Taehyung.
Pagdating namin sa bahay ni Yoongi which is yung official ko ng tinatawag na ‘second house’ niya ay sinalubong kami ng kambal. Actually nagtataka nga ako dahil hindi ko nakikita ’yung bruhilda niyang asawa na si Irene dito kaya nacucurious tuloy ako kung hiwalay na ba sila or in the process pa rin pero syempre ayaw ko namang ungkatin dahil baka mag away pa kami. Wala din namang akong karapatan na magtanong sa kanya tungkol sa asawa niya dahil masyadong personal ’yung bagay na iyon sa tingin ko para sa kanya.
After namin mag dinner ay tinulungan ako ni Yoonji na gumawa ng pizza na gusto niya at after iyon maluto ay dumiretso kami sa kwarto niya kung nasaan sina Yoongi at Yeonki na naghaharutan. Napangiti ako sa nakita ko at tumabi kami ni Yoonji sa kanila bago pa tuluyang magsimula ang papanuorin naming movie na nirequest ng kambal. Kung nagtataka kayo anong movie ang pinapanuod namin, well, Tom and Jerry The Movie ’yung 1992 film. It was kind of awkward at first dahil again, kami ang nakapagitna sa kambal but then habang lumilipas ang bawat minuto ay nagugustuhan ko na ang posisyon naming dalawa lalo pa’t naka akbay siya akin at nakayakap sa amin ang kambal.
“Good night, Yeonki and Yoonji.” sabay naming sabi ni Yoongi at hinalikan ang kambal sa nuo at pisngi nila at saka inayos ang pagkakatakip ng kumot nila sa kanila para makatulog sila ng maayos.
Paglabas namin ay dumiretso na kami sa kwarto ni Yoongi. Syempre hindi ko sasabihin ‘namin’ no katulad ng ineexpect ninyo. Pagpasok namin sa luob ay agad na umagaw ng pansin ko ang mala boquet na pink shiny chocolate na nakapatong sa drawer. Ang ganda naman nito! Mas maganda pala ito sa personal kesa sa picture lang na nakikita ko sa internet.
“I’m happy that you liked it.” dinig kong sabi ni Yoongi na niyakap ako mula sa aking likuran.
“H-huh? Akin ba ito? Talaga ba?” hindi makapaniwalang pagkumpirma ko.
“Yes. Who else do you think I’m going to give it to?” nakangisi niyang tugon.
Nanginginig ang mga kamay kong kinuha ang bigay niya sa akin chocolate boquest at kumuha ng isa at lumawak ang ngiti ko ng sa unang kagat ko ay napagtanto kong isa itong strawberry covered in pink chocolate. Aww.
“Yoongi. .” sabi ko na nakanguso at parang maiiyak. Wala lang. Ang sweet kasi. Hindi ko inexpect na maeexperience ko ’yung mga ganito na sa palabas o babasahin ko lang nakikita.
“You deserve to be spoiled, Jimin.” saad niya at kumuha ng isang strawberry at isinubo sa akin iyon. Marahan ko iyon na nginuya habang nakatitig siya sa akin which somehow made me embarassed but not until bigla nalang niya akong halikan. Hindi na ako nakaalma dahil at some point, hinanap ng sistema ko ang paghalik na ginawa niya sa akin nitong mga nakaraan but this time, it was a little gentler.
JIN POV
Nagkakasikuhan kaming dalawa ni Hoseok habang nakatingin sa magkatabing sina Yoongi at Jimin na abala sa pagpili ng susuotin nilang accessories para sa photoshoot naming pito. Ewan ko ha? Pero iba ang pakiramdam ko dito kay Yoongi ngayon. Masyado siyang madikit kay Jimin at alam kong iyon din ang napapansin nitong si Hoseok. Samantalang ’yung kapatid ko hindi aware sa napapansin namin dahil abala siya sa pag asikaso sa ibang models na kinuha niya at si Joonie at Jungkook naman abala sa paghaharutan nila na parang mag tatay.
“Alam mo may naisip akong gawin.” dinig kong sabi ni Hoseok kaya agad ko siyang nilingon.
“At ano naman iyon? Please lang kung kalokohan iyang iniisip mo, huwag na. Baka magkaruon pa ng gulo dito sa photoshoot ng kapatid ko.” banta ko sa kung ano mang kalokohan na balak niyang gawin.
“Hindi! Hindi kalokohan ito. Teka ha.” nagtaka ako ng lumakad si Hoseok papunta sa direksyon nina Joonie at Jungkook at may sinabing kung ano sa nakababata na siyang sinunod nito. Sinundan ko ng tingin si Jungkook na ngayon ay papunta na kina Yoongi at Jimin. Bigla akong kinabahan dahil baka makita ito ng kapatid ko. Well, alam ninyo naman na siguro kung bakit ganito ang kaba ko.
“Hoy! Anong inutos mo duon kay Jungkook? Baka makita ni Taehyung na kausap ni Jungkook ’yang si Jimin. Alam mo naman na lahat ng lumapit at kumausap duon sa isa pinagseselosan niya kahit hindi naman sila.”
“Basta! May gusto lang akong maconclude. At saka kung magalit man ang kapatid mo, ako ang bahala para hindi siya magalit kanino man duon sa dalawa.” confident niyang sabi at pinagmasdan namin ’yung tatlo kung saan napapagitnaan si Jimin nina Jungkook at Yoongi. Maya-maya ay sabay kaming umawang ang bibig ni Hoseok ng makita namin na lumipat ng pwesto si Yoongi at siya ang pumalit sa pwesto kanina ni Jimin.
Narinig kong nagpipigil ng tawa si Hoseok, “Confirmed! Lover boy mode on si Yoongi!”
“Kanino? Kay Jimin?”
“Oo! Nakita mo naman ’di ba?”
Lumapit sa amin si Jungkook na nakanguso, “Pinalayas ako ni Yoongi duon! Nanggugulo daw ako sa kanila ni Jimin dahil hindi makahanap si Jimin ng isusuot niyang earrings kasi dinadaldal ko!”
“Ano ba kasing ginawa mo duon at sinabihan ka ni Yoongi na lumayas?” usisa ko.
“Siya kasi!” turo nito kay Hoseok, “Inutusan ako na kausapin si Jimin eh mukhang abala ’yung dalawa kanina pa at hindi sila umaalis duon.” tugon nito. Nagulat naman ako dahil pati siya aware din pala sa nangyayari magmula pa kanina.
Sakto namang lumapit sa amin sina Taehyung at Joonie na nilingkis ang kamay niya sa bewang ko at ipinatong ang baba niya sa balikat ko.
“Anong nangyayari dito?” tanong ng asawa ko.
“Tapos na ba ’yung dalawa duon pumili ng isusuot nila? Kanina pa sila duon ah.” nakangising saad ni Taehyung.
Kahit nga ako nagtataka kasi ang tagal nilang pumili ng isusuot nila. Hindi naman ganuon kahirap pumili ng earrings na isusuot eh. Maya-maya ay tinawag na kami ng photographer para sa pictorial naming pito at pumwesto sa magkabilang dulo sina Yoongi at Jimin. Akala ko magtatabi sila dahil magiisip na talaga ako ng iba kaso nga lang. . .
Dumukwang si Hoseok sa kanan ko para hindi marinig ni Jimin ang kung ano mang ibubulong niya sa akin na pinagtaka ko.
“Share ko lang, magkaparehas ng pangluob ’yung dalawa pati ’yung earrings nila almost alike.” automatic akong sumimpleng tingin kina Yoongi at Jimin at oo nga, tama si Hoseok. Nilingon ko ang kapatid ko na siyang nakatingin sa amin ni Hoseok at nagkibit-balikat na may kasamang ngisi. Teka lang, don’t tell me may alam itong kapatid ko na hindi sinasabi sa akin? Ugh. Lagot siya sa akin mamaya. Hindi ako titigil hanggat hindi ko nalalaman ang chismis na alam niya.
“Okay, mga Sir. Tingin sa camera, serious look lahat in 3,2,1. .” at narinig namin ang pag click ng camera ng photographer sa amin.
JIMIN POV
Kakatapos lang ng unang shoot namin para sa bagong product na mga damit na ilalabas ni Taehyung. Nagulat nga ako kanina ng pagdating namin ay sinalubong niya agad kami ng may ngiti sa labi at niyakap pa ako kaso sinamaan siya ng tingin ni Yoongi kaya bago pa masira ang mood ng isa ay lumayo na ako. Nagulat din akong makita sila Jin, Namjoon, Hoseok at Jungkook na nandito dahil akala ko mga model lang ang makakasama ko ngayon. Kaya ang ending ay pito kaming magkakasama sa naging photoshoot. Naiilang nga ako kanina kay Yoongi dahil panay ang dikit niya sa akin kahit anong sita ko na baka mahalata kami ng mga kaibigan at kapatid niya dahil sa kinikilos niya. Imagine, ang tagal namin pumili ng accessories dahil lang sa gusto niya magkaparehas kami. Ewan ko ba duon sa isang iyon. Kanina rin ng paalis kami, sinabihan niya ako ng magparehas kami ng pangluob na damit na syempre hindi ko naman tinanggihan kasi wala naman sigurong magbi big deal sa bagay na iyon.
Ngayon ay inaayusan na ako ng stylist para sa separate shoot ko and I’m not gonna lie, mukha akong babae sa ayos ko. Naiilang tuloy ako dahil panay ang tingin sa akin ni Yoongi kahit na nasa kabilang dulo siya naka pwesto. Nagulat ako ng mismong si Taehyung ang kukuha ng litrato sa akin. Hindi ko kasi expected na kaya niya rin pala mag photographer kaya para hindi naman siya mahirapan sa pagkuha sa akin ay ginawa ko talaga ang best ko at ng matapos kami ay agad siyang lumapit sa pwesto nila Jin kung saan nakapwesto din si Yoongi katapat mismo ang laptop at mukhang pinagpilian nila aling picture ko ang gagamitin. Sabi ni Taehyung sa akin ay hindi ko kailangang magalala dahil hindi naman dito sa bansa namin irerelease ang naging photoshoot kundi outside the country. Buti naman dahil wala akong balak mahanap ng Tita ko kundi yari ako. Hindi pa ako handang harapin siya mula ng umalis ako sa puder niya. Nahihiya pa rin kasi ako sa ginawa kong iyon sa kanya.
After ng photoshoot ay nag aya si Taehyung na magsi kain muna kami bago umuwi na syempre pinagbigyan namin kasi ‘free foods’. Hello? Sinong tatanggi duon? Magtatabi sana kami ni Yoongi gaya ng gusto niya kaso bigla akong hinila ni Taehyung at Jin na siyang ako ang naka pagitna sa kanila samantalang nasa harap naman namin sila Jungkook, Namjoon, Yoongi at Hoseok. I suddenly felt awkward for some reason lalo pa at panay ang physical touch sa akin ninTaehyung pero ng tignan ko si Yoongi ay parang wala lang ito sa kanya. Siguro nga nagiisip lang ako ng kung ano.
Matapos ang libreng pakain sa amin ni Taehyung ay agad na kaming umuwi ni Yoongi pero hindi sa bahay niya kundi nagpahatid ako sa apartment ko. Ayaw pa niya ng una pero nagpumilit ako at sinabing walang kasama ang karoommate ko at kinukulit ako nito na umuwi na kaya wala siyang nagawa kundi sumang ayon sa gusto ko pero syempre hindi totoo na kinukulit ako ng karoommate ko na umuwi dahil ang totoo ay nagpaalam ito na uuwi muna sa kanila kaya ako lang ang pansamantalang maiiwan sa apartment at magagawa ko ang plano kong suprise kay Yoongi para bukas. Naisip ko kasi ang dami niya ng naibigay sa akin pero ni isa wala pa akong nabigay sa kanya. Sana nga lang magustuhan niya ’yung surprise ko sa kanya bukas. Not to mention na isang linggo na rin ang nakalipas mula ng pumayag ako sa gusto niyang maging kami.
“Jimin.” nilingon ko si Yoongi bago ako tuluyang lumabas ng kotse niya.
“Bakit?”
“Are you really sure you don’t want to stay the night with us?”
“Yoongi. .”
“Don’t worry. I’m just checking if you change your mind and might want to spend the night at my place.” may himig ng lungkot niyang sabi at para hindi na ito mag drama na ayaw kong makita ay mabilisan ko siyang hinalikan sa kanyang labi na halatang kinagular niya pero kalaunan ay ngumisi.
“Bukas kung hindi hindi ka pa rin makatiis na hindi ako makita, pumunta ka dito. Magsabi ka lang ng oras, okay?”
Tumango siya at ng makalabas ako ay muli siyang nagsalita, “I love you.”
Pero bago pa man ako maka respond ay humarurot na siya paalis.
Napabuntung-hininga ako at nagpasya ng pumasok sa apartment ng makapagpalit ng damit at search sa internet ng simple but romantic indoor date ideas.
TAEHYUNG POV
“Sigurado ka ba d’yan sa sinasabi mo?” sabay na tanong nina Jin hyung at Hobi hyung. Nandito kami ngayon nakatambay sa bahay ng mag asawa sa veranda samantalang sina Jungkook at Namjoon hyung ay nasa entertainment area at naglalaro ng table tennis.
“Oo nga! Hindi ko lang alam kung ‘sila’ ba o nililigawan niya si Jimin.” pagkaklaro ko sa sinabi ko sa nalalaman ko.
“Ako, honestly hindi ako against kung magkaruon ng uhm ‘mistress’ si Yoongi dahil nuon pa talaga hindi ko na gusto si Irene sa kanya at alam naman natin sigurong lahat iyon pero hindi ba nakapagtataka naman na biglang may change of hearts siya sa secretary niya? I mean, hindi siya naging ganuon kailanman sa mga naging secretary niya. Dito lang kay Jimin and what I’m also curious is bakit ito ginagawa ni Yoongi eh nasa kalagitnaan siya ng divorce niya kay Irene eh parang ng kailan lang ng nagkausap kami ayaw niyang maghiwalay sila ng asawa niyang iyon.” saad ni Hobi hyung.
“Isa din iyan sa bumabagabag sa akin Hoseok kung talaga ngang nililigawan ni Yoongi si Jimin or worse is ‘sila’ na, what Yoongi’s doing is so fucking messed up. Kawawa naman si Jimin lalo na kung pinilit niya lang ’yung tao na maging sila tapos in the end, kung ma-fall naman si Jimin sa kanya, sinong sasalo duon sa isa?! Alam naman niyang pamilyadong tao siya at hindi pa finalized ang divorce nila.”
And yes, pinaguusapan naming tatlo ang tungkol kina Yoongi hyung at Jimin. Alam ninyo kasi kaya ako naging suspicious sa dalawa is dahil ng nakaraang Monday inutusan ako ni Yoongi hyung na bumili ng strawberry cake na never niyang ginawa kahit sa bruhilda niyang asawa dahil simula’t sapul na kinasal sila, hinahayaan niya lang ito na bilhin ni Irene ang ano man naisin nito kaya nga nagulat ako ng utusan niya or humingi siya ng tulong sa akin na hanapan ko siya ng strawberry cake at not to mention na inutusan niya rin si Jin hyung na tulungan siya sa pagpili ng boquet na pinadala niya sa kanya ng mismong araw na magkatagpo kami ni hyung sa elevator.
Hindi ko pinagsisisihan na nag decide akong dalawin si Jimin sa office niya dahil ng dahil duon nalaman ko para kanino ’yung mga inutos niya sa amin. Hindi pa kasama duon na naabutan daw ni hyung na lumabas si Jimin sa office ni Yoongi hyung na namumutla. I bet something happened pero syempre hindi ko macoconfirm kung tama o hindi ang hinala ko dahil feeling ko wala sa kanilang dalawa ang aamin kung magtanong man ako sa kanila. Hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang magkaparehas nilang panluob sa photoshoot naming pito kanina pati ’yung halos magkaprehas nilang suot na earrings at ’yung solo shoot ni Jimin kanina? Akala ba ni Yoongi hyung hindi ko malalaman na kumuha siya ng kopya nu’n? Tsk, tsk.
Aminin man o hindi ni Yoongi hyung sa akin o sa amin, halatang may pagtingin siya kay Jimin kaya nga lang tama si Jin hyung at Hobi hyung sa mga sinabi nila ngayun-ngayon lang. Sa kanilang dalawa, si Jimin ang talo dahil walang sasalo sa kanya kapag tuluyan na siyang nahulog kay Yoongi dahil paano nalang kung magbago ang isip ni Irene at hindi niya na ituloy ang divorce nila? Kilala ko ’yung bruhildang asawa na iyon ni Yoongi, alam kong palalabasin niya na si Jimin ang may kasalanan ng lahat kahit na alam kong hindi kasi kailan lang napagtanto ko, ibang-iba ang trato ni Yoongi kay Jimin kahit na naiilang ’yung isa sa kanya sa mga ginagawa niya at ewan ko ba, tuwing titignan ko silang dalawa na magkasam pakiramdam ko, sobrang bagay nila sa isa’t-isa, na para bang tadhana na magkakilala sila.
“Basta ano man ang mangyari, we need to keep an eye on them, take care of them and make sure no one will harm any of them.” saad ko.
A/N:
Posted: August 5, 2021 at 12:10 AM
Jaraan! Two updates para sa araw na ito. Sana nagalak kayo. Hahaha. Hatd working ako today ah! Ang dami kong updates. Nakakaloka. So dahil pagod na si author, bukas na ulit. Sana mahintay ninyo ng busog kayo kasi ako, lagi akong gutom. O’sya, stay safe everyone!
Kitakits sa susunod na update mga ka meow meow. Ichi ni san nyaa arigato!
ILLICIT AFFAIR 26
JIMIN POV
Kakatapos ko lang maligo at nakabihis na ako ng pantulog ng biglang mag ring ang cellphone ko at ng sagutin ko iyon ay narinig ko ang boses ni Holland sa kabilang linya na kitain ko siya ngayon dahil kababalik lang niya ulit galing ng ibang bansa at kapag hindi ko siya pinuntahan ay siya ang pupunta sa apartment ko para bulabugin ako. Syempre, hindi ko matanggihan yung isa dahil baka makita pa nu’n yung mga binigay ni Yoongi sa akin sa kwarto ko at katakut-takot na interrogation ang mangyari sa akin.
Hindi daw kami magtatagal kaya pag uwi ko nalang ulit mamaya ako magche check ng indoor date ideas para sa surprise ko duon sa isa. Hahaha. Hindi naman siguro ganuon kahirap makakuha ng ideya sa balak ko di ba?
Agad ako nagpalit ng casual clothes at saka umalis para kitain si Holland sa isang coffee shop. Hindi ko alam kung alam na ng dalawa pang kasapi ng rainbow puffs na nakauwi na ’yung isa dahil kung kasama niya sila, dapat narinig ko na ingay nila sa background.
“Greetings from Holland!” bungad niya sa akin habang papalapit ako sa entrance. Natawa ako dahil may pa posing pa siyang nalalaman.
“Aba, laki ng kargada natin ah. Meron ba ako d’yan?” biro ko at sabay kaming pumasok sa luob.
“Meron, binilhan kita isang box ng condom.” saad nito at tinapik-tapik ako sa balikat ko na siyang kinagulat at kinapula ng mukha ko.
“Gaga! Pinagsasasabi mo d’yan!” nahihiyang sabi ko at umaktong normal kahit na may mga napatingin sa aming dalawa na ibang customers.
Tinungo namin ang dulong bahagi ng coffee shop at pagdating namin sa table kung saan ko sinundan si Holland ay bumungad sa akin ang magkatabing sina Taemin at Hyungwon.
“Akala namin hindi ka darating eh. Muntik ka na naming iunfollow sa blue bird app.” saad ni Taemin na siyang tinaasan ko ng kilay. Uh-oh. Here we go again. Ewan ko ba kung anong meron sa aming apat pero feeling ko we share the same braincells. ’Yung outfit na naman namin halos matchy!
Mukhang narealized namin ito after naming magkatinginan na apat.
“Ah basta ako, ito yung feel na color ko today!” mataray na sabi ni Hyungwon sabay higop sa drink niya.
“Ay, ako naman need ko ng casual clothes kasi nakakasawa na magsuot ng mga mamahaling damit.” dagdag ni Holland.
“Oh ikaw, bakit ganyan ang suot mo?” naka crossarms kong tanong pag upo ko katapat nila na siya namang tinabihan ako ni Holland.
“Ikaw nga dapat kong tanungin n’yan kasi gabing-gabi nakasalamin ka. Ako kanina ko pang outfit ito.” depense ni Taemin at nag hairflip pa.
“Eh porket ba gabi hindi na pwedeng umawra?” tugon ko pabalik.
Kung nagtataka kayo bakit ko nasabing matchy na naman kami ng team rainbow puffs, ehem, well, see for yourself nalang.
Huwag ninyo na akong tanungin kung bakit ako nakasalamin ngayong gabi. Awrabels ko ito, okay? Kung may dapat man kayong tanungin, si Taemin iyon na walang boyfriend. Oopss! ’Wag ninyo akong isumbong! Sumbong ko din kayo ng Yoongi, sige kayo! Joke.
Speaking of Yoongi, shocks! Hindi ako nagsabi sa kanya na lalabas ako. Teka, bakit kailangan kong magpaalam sa kanya? Nees ko bang ipaalam sa kanya saan ako pupunta eh nagsabi naman na ako na magkikita kami bukas.
Gaya ng sinabi ko sa inyo kani-kanina lang, tanungin ninyo itong si Taemin bakit siya nakikigaya siya ng awrahan ko. Obvious naman na ginaya niya ako kahit magkaiba ang kulay ng salamin namin at saka pati ba naman sa tee shirt? Oh my gosh talaga! Copy cat!
Na syempre joke lang. Love ko iyan, hoy! Huwag kayong gumawa ng issue d’yan sa aming dalawa.
And here we have Hyungwon na naka white like Holland na ayaw bitawan ang bag niya. Feeling niya siguro may magnanakaw ng gamit niya dito sa coffee shop. Buti nalang cute siya kaya hindi ko nalang iisipin kung bakit kasama namin siya ngayon na dapat ay nasa club siya at nagtatrabaho.
“So anong agenda nitong get together ng samahan natin today?” tanong ko ng makaalis yung waiter na nilapag ang inorder nilang drink para sa akin habang hinihintay nila ako dumating kanina.
“C’mon, Jimin! Don’t tell me hindi mo alam? Tungkol sa iyo syempre! Kaya nga kita binilhan ng imported condoms!” excited na sabi ni Holland na may pagtakip pa ng bibig niya.
Huh? “Anong sinasabi mo? Anong tungkol sa akin?”
Naglipat-lipat ang tingin ko sa tatlo at bigla akong kinabahan ng makita ko ang famous ‘sips tea’ mannerism ni Hyungwon kapag may nalaman siyang chismis. Don’t tell me. .?! Impossible!
Nag eye roll si Taemin, “Hay naku, ito oh. Para sa iyo, kasi mukhang wala kang balak sabihin sa amin.”
I have this nervous smile plastered on my face habang hinihila palapit sa akin ang nilapag ni Taemin na kung ano. Napalunok ako at ng buksan ko iyon ay halos mawalan ako ng oxygen sa katawan. Feeling ko hihimatayin ako.
“What the fu–?! Hoy! Anong kalokohan ito?” tanong ko, trying to hide my embarassment kasi hindi ko inexpect na bibigyan nila ako ng ganito, knowing na nakailang ulit ako sa kanila nuon na hate ko si Yoongi.
Pagtingin ko sa tatlo ay sabay-sabay silang nag ‘sips tea’ and right at that moment, I knew I fucked up.
Sabay-sabay nila akong minimic na para bang pinagusapan nila ang gagawin nila sa akin na pag hotseat.
“Hindi ako magkakagusto sa kanya!” pangunguna ni Taemin.
“Ang sama-sama nga ng ugali nu’n!” sunod ni Holland .
“Hindi ko nga siya magiging boyfriend!” dagdag ni Hyungwon na may pag eye roll, “Neknek mo, Jimin! Kitang-kita ko kayong dalawa ng ‘hindi ko nga siya magiging boyfriend’ mo na sweet na sweet at magka holding hands pa na nagde date sa night market. Hay naku! Hindi ko talaga pinagsisihan na pumunta ako duon ng break ko.”
“So, anong nangyari sa pinaglalaban natin ng nakaraan?” nakangising tanong ni Taemin.
“Uhm, bakla, napag isipan mo ba ng husto ang magiging consequences ng kalandian ninyong dalawa ni Mr. Min?” nakataas kilay na tanong ni Holland sa akin. Siya pa naman ’yung panay sabi na wala sa bokabularyo namin ang pagiging homewrecker pero look what I’ve done. Ugh, blame the Min Yoongi personality! I’ve become his mistress. Pfft!
“Okay, gentle gays, here’s the thing. Makinig kayong maigi dahil isang beses ko lang ikukwento ang tungkol dito at wala na sanang ibang makaalam pa sa nalaman ninyo na ito, okay?” panimula ko sa sasabihin ko. Yari ako nito kapag nalaman ni Yoongi na may nakaalam ng tungkol sa amin. Ang usapan pa naman namin walang makakaalam ng kahit na sino maliban sa aming dalawa.
“Swear on the name of haters!” sabay-sabay nilang sabi at isang malalim na buntung-hininga muna ang pinakawalan ko bago ko ikinwento ang lahat sa kanila ng walang labis at walang kulang kaya napatagal ang usapan namin dahil panay sila drama queen reactions in between ng pagkukwento ko. Sarap nilang ipa sign up for mental institution vacation.
“So dahil iniispoil ka ng iyong sugar daddy, ikaw na sugar baby niya balak siyang isurprise tomorrow for an indoor romantic date?” kinikilig at pumalakpak pa na tanong ni Hyungwon.
“Again, hindi siya ‘sugar daddy’ okay at mas lalong hindi ako ‘sugar baby’. Nahihiya lang kasi ako hindi ko alam paano ko ireteturn yung mga binibigay niya sa akin.”
“Eh di mag third base na kayo! For sure sobra pa sa sapat ang gagawin ninyo na iyon at baka nga makalimutan niya na ’yung utang mo sa kanya tapos mag decide siya na idivorce na ’yung bruhilda niyang asawa tapos yehey! One big happy family na kayo kasama ng kambal niyang anak na mas prefer ka kesa sa totoong nanay nila.” saad ni Hyungwon at napatampal ako sa nuo ko dahil sa sinabi niya.
“Hyungwon!” sita sa kanya ni Holland sabay tingin nito sa akin, “Jimin, hindi kita masisisi kung pumayag ka sa gusto ni Mr. Min kahit one month lang iyon pero tandaan mo, oo nga at pina alalahanan kita nuon about home wrecker stuff pero mas importante sa akin na hindi ka masasaktan kapag natapos ang lahat sa inyo. Jimin, sa ating tatlo ikaw ang walang karanasan sa pag ibig at relationship at natatandaan mo naman siguro ang simula ninyo ng boss mo na iyon, huwag mong kalimutan na unahin ang sarili mo bago siya dahil siya, pamilyado at hindi pa sigurado kung magdidivorce sila eh ikaw? Paano ka kapag wala na siya? Hmm?”
Ang sinabing iyon ni Holland ang tumatak sa akin hanggang sa makauwi ako ng 1 AM. Syempre hindi ako nakatanggi sa condom na bigay niya kahit na anong sabi ko na hindi ko tatanggapin kasi walang hiya naman! Nakakahiya nasa labas pa kami duon niya pa napiling ibigay sa akin!
Tapos kinailangan ko pang pilitin ang sarili ko na maantok dahil nagsink in sa akin ang sinabi niya. Tama siya. One month lang naman kami ni Yoongi kaya dapat huwag kong kalimutan na maglagay ng limitation dahil aaminin ko, isang linggo palang pero may kaunting side na ako na natutuwa sa mga nangyayari knowing na may naaagrabyado akong isang tao na totoong nagmamay-ari kay Yoongi na nakikihati ako ng pansamantala.
Kinabukasan ay nag decide nalang ako na magluto at bumili ng wine sa convenience store bilang surprise ko kay Yoongi na pupunta dito sa apartment mamayang hapon after ng meeting niya with a client. Sana lang magustuhan niya itong surprise ko sa kanya kahit na mukhang ewan lang.
“J-Jimin. .” naka awang ang labi na tawag sa akin ni Yoongi at halata ang pagka speechless sa kanya. Somehow I was proud that I made him that way. Hindi sayang ang pagod ko sa pag prepare ng surprise ko sa kanya.
“Woah, Yoongi! Chill!” natatawang sabi ko habang marahang hinahaplos ang likod niya ng bigla niya akong yakapin.
“Thank you.” bulong niya habang pinapapak ng halik ang mukha ko at leeg ko kaya bago pa mauwi sa kung saan ang lahat ay tinapik ko na siya para ayain siyang kumain na.
After naming kumain ay may kinuha siya sa bulsa ng damit niya. Pagtingin ko, isang blue velvet box ang hawak niya at hindi naman sa nagpapaka advance thinking ako pero nanlaki ang mga mata ko sa isipin na baka singsing ang laman nu’n at magpo-propose siya sa akin. Shocks! Anong gagawin ko kung iyon nga ang la–?!
“Jimin!” may kalasan niyang tawag sa akin kaya bumalik ako sa realidad at pagtingin ko sa hawak niya ay magkapares na earrings ang laman nu’n. Nakahinga ako ng maluwag pero at the same time ay may side ako na nadisappoint. Teka, bakit?
“Happy one week to us, Jimin.” nakangiting sabi ni Yoongi at kinuha ang isa sa dalawa at sinuot sa tenga ko.
Pinagmasdan niya ako at nailang ako ng hindi pa rin siya kumikilos pero ng marealized kong para sa kanya yung natitira ay agad ko itong kinuha at sinuot sa kanya.
“Now we don’t have to tire ourselves looking for the same earrings and it suits you by the way, baby.” bago pa ako makaalma sa binabalik niya ay nagawa niya ng iapgdikit ang mga labi naming dalawa at ng tignan ko siya sa kanyang mga mata matapos ang halik ba iyon ay alam ko sa sarili ko na wala na akong kawala sa mga matang iyo.
Hulog na ako. Hulog na ako kay Yoongi kahit walang kasiguraduhan ang sitwasyon ko ngayon sa kanya.
A/N:
Posted: August 6, 2021 at 01:30 AM
Dadum! ECQ Day 1 update! So anong masasabi natin sa team rainbow puffs? May conspiracy bang nangyayari? At ano ang maipapayo ninyo kay Jimin? Sang ayon ba kayo sa sinabi ni Holland? O mas prefer ninyo mag advice ng kalokohan like Taemin and Hyungwon? Let me know through your comments and stay safe everyone.
Kitakits sa susunod na update mga ka meow meow. Ichi ni san nyaa arigato!
ILLICIT AFFAIR 27
JIMIN POV
Today’s Monday and the start of my week 2 relationship with my boss a.k.a Min Yoongi. After niyang umuwi kahapon from our indoor ‘date’ kung matatawag mang date iyon dahil para sa akin surprise iyon eh pinag isipan ko ng maigi ang mga naging usapan namin ng mga kaibigan ko sa rainbow puffs especially yung sinabi ni Holland. I admit. he really has his good and realistic point and I know kahit maghilig magsabi ng kalokohan sina Taemin at Hyunwon, alam kong maging sila nagaalala din sa akin. They were actually right kung saan sila concern regarding my relationship with Yoongi. He’s my first ‘boyfriend’ and I’ve never been into a relationship. Yes, I admit na naexperience kong maging super ‘inlove’ sa naging crush ko nuon na dahilan pa nga kung bakit ako pumasok sa university kung saan akala ko magbubunga ng maganda ang ginawa ko and at some point naisip ko rin na baka kung hindi umalis ang babaeng iyon ay baka nagkaruon ako ng courage na ligawan siya and baka naging ‘kami’ pa na hindi malabong mangyari dahil alam kong kilala ako ng naging crush ko na iyon dahil medyo popular nga ako nuong high school.
Aware naman ako na mali ang ginawa ko na pagpayag sa kanya sa gusto niyang mangyari knowing na may asawa siya and in the end, ako ’yung ika nga ng mga mangja-judge sa akin mas may kakayahan para lumayo sa tukso pero hindi ko ginawa. I mean, I don’t know, hindi naman dahil sa ‘crush’ ko siya kung bakit ako pumayag talaga. Oops. I know what you’re thinking. Don’t mimic my friends and tell me na ang dami kong sinabing hindi magaganda about Yoongi but I must admit, that man is really handsome and maybe, just maybe, if he wasn’t married and doesn’t have kids, I would have probably taken a liking on him on the very first place that we met. But going back to the topic, the reason why pumayag ako was because of the said debt na idodoble niya kapag hindi ako pumayag sa gusto niya knowing na hindi pa bayad ’yung original na reason kung bakit ako nagtatrabaho sa kanya ngayon plus the fact na hindi ko alam kung nasabi ko na ito nuon sa inyo, he’s somewhat giving me this ‘I know, You know’ vibes to me and ’yung sinabi pa nuon ni Mr. Jung sa akin ng una kaming nagkakilala is not helping. Remember what he told me?
“What a lucky person you are, Mr. Park. Anyway do you think what happened today was a coincidence?”
Like, I don’t know. Pakiramdam ko nagkita na kami ni Yoongi before. At some point, I think everything that had happened is no coincidence. O baka ako lang ang nagiisip nu’n? Pero hindi eh kasi ng makilala ko ang family ang friends niya, ’yung dalawa na pinaka malapit sa kanya para bang kilala ko rin at kilala din nila ako base sa mga tingin na binibigay nila sa akin ng una kaming magkita especially si Jin. But whatever is it, coincidence or not, ayaw kong makasira ang pamilyang nabuo na ni Yoongi with Irene kahit gaano ko pa ka-hate ’yung babaeng iyon dahil ayaw kong mag suffer ang kambal ng dahil sa kasalanang ginagawa namin ngayon ng Appa nila. Hay. Sana matapos na agad ang one month na ito. Ayaw ko na ng isipin. At gaya ng una kong plano nuon, mabayaran ko lang ang pagkakautang ko sa kanya ay magreresign na agad ako sa kompanya niyang ito para maging mabilis lang ang lahat sa akin na kalimutan siya.
Napabuntung-hininga ako habang inaayos ang sarili ko sa harapan ng salamin. Kailangan ko ng puntahan si Yoongi sa office niya at malapit na ’yung conference meeting para sa mga tulad niyang business man na kailangan naming puntahan. Hectic ang schedule namin this week kaya probably hindi rin kami gaanong magkakaruon ng moments na dalawa which is good lalo na sa akin lalo pa at aware na ako na hulog na ako kay Yoongi, mas magiging mahirap sa akin kung lagi kaming magkakaruon ng moments na dalawa ng magkasama dahil after ng one month babalik din naman kami sa dati at ayaw kong magmukhang desperadong ex kapag nangyari iyon na humihiling na maibalik yung atensyon ibinibigay niya sa akin ngayon.
Pagdating namin sa venue kung saan magaganap ang conference meeting ay maraming mga mata ang nakasunod sa amin especially kay Yoongi dahil na rin sa position niya sa society at sa ethreal looks niya. Hindi ko nga maiwasan mapa irap sa tuwing may makikita ako na titingin sa kanya na parang hinuhuburan siya sa isip nila. Alam kong gwapo siya peri respeto naman sa akin na katabi niya ’no! Hello? Nandito ako at maganda din physical features ko. Grrr! Kaasar!
Hindi ako naiinggit or nagseselos, okay? I’m just saying na wapa dapat hanito dito dahil mga professional kaming mga nandito ngayon sa conference. Whew.
The next day, may pinuntahan naman kaming event ni Yoongi kung saan guest din ang mag asawang Kim. Isa ito sa mga eskwelahan kung saan shareholder siya samantalang as usual, naghahanap si Jin ng perspective trainee niya para sa company niya.
Nasa magkabilang dulo sa bandang itaas ang pwesto ni Yoongi, bale kung iisipin medyo magkatapat kami, ilang distansya nga lang ang layo. Nagpaalam kasi ako na magc-cr kaso pagbalik ko nagsisimula na ’yung program at dahil ayaw ko namang makaabala sa ibang manunuod ay umupo nalang ako ngayon dito sa pwesto ko. Suot ko ngayon ’yung niregalo sa akin ni Yoongi ng linggo dahil napansin niya kahapon na hindi ko iyon suot kaya dahil masunurin ako eh di sinuot ko ngayon kaso hindi naman niya suot yung kanya.
Matapos ang ilan sa mga naunang nag perform, habang hindi pa lumalabas mula sa likod ng kurtina ang susunod ay nag unat muna ako. Saglit na binuksan ang mga ilaw dahil may sasabihin yata ang host at para bang automatic na hinanap agad ng mga mata ko si Yoongi at pagkakita ko sa kanya ay nakatitig lang ito sa akin or should I say parang nakatulala sa akin. Anong nangyari sa kanya? Okay lang ba siya?
JIN POV
Nasa isa kaming event ngayon kung saan unexpectedly ay nagkita kami ni Yoongi na kasama ang kanyang secretary na si Jimin. Hindi ko mapigilang hindi makita silang dalawa.
Kinwento ko kay Joonie ang napansin namin nina Hoseok at Taehyung kina Yoongi at Jimin at ang walang hiyang asawa ko pinagalitan pa ako dahil masyado kong pinapansin ang kilos ng dalawa. Kesyo hayaan ko nalang daw na mangyari ang mga bagay-bagay sa dalawa kung meron man at huwag ko nalang ito bigyan ng masyadong pansin dahil maudlot pa. Eh saan naman niya kaya nakuha ’yung ganuong thinking?
Anyway, nasa likuran kami ni Yoongi naka pwesto at hah! My husband’s eating his own words ng siya mismo ang unang magsalita sa amin dahil sa weirdong kinikilos ni Yoongi ngayon. Hindi pa kasi bumabalik si Jimin magmula kanina ng nagpaalam itong magc-cr. Para bang hindi ito mapakali.
“Tignan mo hitsura ng kapatid mo.” natatawang sabi ko dahil para siyang computer na bigla nag hang ang system. As if namang hindi ko agad nalaman kung bakit.
“Ngayon ko lang siyang nakitang ganyan. Masama pala tama kay Yoongi kapag nalalayo sa kanya si Jimin.” nakangiting tugon sa akin ni Joonie.
Hanggang sa matapos ang program ay kina Yoongi at Jimin lang ako naka focus. Paano ba naman mas entertaining pa sila panuorin at mas nalala excite kesa sa k-drama kung makita ninyo lang paano sila magtinginan kahit nasa malayo.
Sobrang flirty vibes! Naalala ko tuloy ’yung sa amin ni Joonie nuon. Hay. Napangiti nalang ako ng malungkot habang iniisip na siguro kung hindi kasal si Yoongi kay Irene, may future silang dalawa kasi bagay sila eh!
JIMIN POV
On the third day, isa na namang event ang pinuntahan namin and this time para ito sa pagpapalakas ng turismo para mas maraming mahikayat na mag invest lalo na sa businesses na meron si Yoongi. Nagulat nga ako dahil hindi ko inexpect na pati ako pasusuotin ng Hanbok. Hindi sa ayaw ko pero nakakailang lang dahil ang daming mga matang nakatingin sa amin pero this time parang more on sa akin. Siguro dahil pink ’yung binigay sa akin ng nagaassist na stylist kanina.
Lalo akong nailang dahil panay ang tingin ni Yoongi sa akin kahit hindi naman ako ’yung nagiinterview sa kanya kundi yung katabi ko. Aish! Kaya para maalis ang pagkailang ko ay panay ngiti at tawa nalang ang ginawa ko sa buong duration ng event.
Nakahinga ako ng maluwag ng balik office works kami ni Yoongi. Mas nakakapagod pala kapag punta dito, punta duon kesa sa magtype buong magdamag at sumagot ng mga tawag.
Papunta ako ngayon sa office ni Yoongi para iabot sa kanya ng personal ang isang folder na naglalaman ng mga papeles tungkol sa kompanya at naabutan ko siyang abala sa pagbabasa ng ilan sa mga office works niya.
Napahingang malalim ako at kagat labi na lumapit sa desk niya para ilapag duon ang dala ko. Halata masi busy siya at ayaw ko naman siya gambalain sa ginagawa niya.
“Jimin.”
“Anything else you want me to do, Boss?” casual kong tanong habang nakatayo sa naka half open na ang pinto ng office niya.
Tumitig siya sa akin at saka tinapik ang bakanteng espasyo sa tabi ng couch.
“Lock the door.” utos niya na siya namang sinunod ko pero nanginginig ang mga tuhod kong tumabi sa kanya at napalunok. May paguusapan ba kaming seryoso? Tatapusin na ba namin agad ’yung usapan naming relasyong dalawa for one month?
Dapat masaya ako pero bakit may part sa akin na kumikirot? May sakit ba ako sa puso? Oh gosh! Kailan pa?
“Here.” nagulat akonng abutan niya ako ng isang pack ng strawberries na siyang kinaningning ng mga mata ko. Hala! Saan niya ito nakuha? Kanina pa ba ito nakatabi sa kanya? Bakit hindi ko ito agad napansin?
Dahil naexcite akong tikman ay hindi na ako nag dalawang isip pa na kumain ng ilang strawberriea at pagtingin ko kay Yoongi ay nakatitig lang siya sa akin at naka ngiti. Nahiya naman ako ng marealized kong hindi pa pala ako nagpapasalamat sa kanya.
“T-Thank you dito, Yoongi.” nakangiting sabi ko at hinaplos niya ng marahan ang mukha ko.
“Anything for you, baby.” saad niya at walang pasabing hinalikan ako. Syempre hindi na ako umalma. Para saan pa? Isa pa, nasabi ko na bang masarap humalik si Yoongi?
Paglayo niya sa akin ay nakita ko ang ngisi sa labi niya. Uh-oh.
“Finish all your works for today. We’ll have date later, okay?”
Tumango ako sa sinabi niya at maya-maya ay nagpaalam na para bumalik sa office ko dala ang bigay niyang strawberries sa akin.
And true enough, pagdating ng uwian, pinuntahan ako ni Yoongi sa office ko para sunduin at pumunta kami sa isang coffee shop para duon mag date at magkwentuhan na naman ng kung anu-ano na hindi related sa work. Nakakatuwa nga dahil ’yung binili sa akin na drink ay yung limited edition na sakura blossom. Akala ko nagbibiro lang siya na iyon ang bibilhin niya sa akin pero hindi. After namin sa coffee ahop ay pumunta naman kami sa isang dessert shop at bumili ng mochi na pinaghatian namin. Nakakatawa bga dahil pagkasabi niya sa akin na kamukha ko ’yung cartoon character na si Kirby ay sinabi ko rin na mochi ang madalas na tawag sa akin ng high school na kinatuwa niya ng husto dahil hanggang sa makaalis kami sa lugar na iyon ay tinatawag niya akong mochi sabay pang gigigilan ang pisngi ko.
“Jimin.” tawag sa akin ni Yoongi habang hinahaplos ang kamay ko na hawak niya habang nagdadrive.
As if namang hindi ko alam ang dahilan kung bakit siya naglalambing ng ganito.
“Yoongi. .”
“Please?” and there it goes. My weakness. ’Yung mga mata niya na nagmamakaawa and so I sigh in defeat.
“Okay, pero ngayon lang. Bukas hindi na ulit pwede. Magtataka na yung karoommate ko na iyon sa akin, sa atin. You know. .”
Bumuntung-hininga siya, “I know.” at hinalikan ang kamay ko at tinahak na namin ang direksyon papunta sa secons house niya. Nanduon kaya ’yung kambal? Gising pa kaya sila? Sayang kung hindi kasi binilhan pa namin sila ni Yoongi ng pasalubong na mochi na gaya ng sa kinain namin.
A/N:
Posted: August 9, 2021 at 03:08 AM
Henlo everyone. Author is back! So dahil nag update ako ng SAS eh naisipan ko na rin mag update dito ’coz why not? So, just cherish the sweet moments hanggat meron pa kasi y’know, i know. . Charot!
Kitakits sa susunod na update mga ka meow meow. Ichi ni san nyaa arigato!
ILLICIT AFFAIR 28
JIMIN POV
Pagdating namin ng bahay ay walang kambal na sumalubong sa amin ni Yoongi dahil ng chineck namin sila sa kani-kanilang mga kwarto ay tulug na tulog ang mga ito. Napagod siguro sa mga activities nila sa school. Nag offer si Yoongi na siya na ang maglalagay sa fridge ng dala naming pasalubong sa kambal na bukas na nila makakain, kaya nagpasya akong maligo na ng makapagluto na ako ng dinner namin at makapagpahinga na kami ni Yoongi.
Syempre hindi ko kinalimutan na mag selfie bago ako nagbihis matapos kong maligo. Nagiisip nga ako kung magkukulay na ba ako ulit ng buhok dahil nagfe-fade na ang pagka blonde nito.
Pagbaba ko ay nakita ko si Yoongi sa may living room na abala sa pagta type sa harap ng laptop niya. May mga hindi pa siguro siya natatapos na trabaho kanina sa office kaya hanggang dito ginagawa niya. Saglit ko siyang pinagmasdan mula sa pwesto ko at napa buntung-hininga. Hindi man niya sabihin sa akin, halata ko namang pagod siya. Napaisip tuloy ako, bakit naisipan ni Irene na idivorce si Yoongi? Oo nga at aminado ako nuon na kaya ko inisip na nakikipag hiwalay ang asawa niya sa kanya ay dahil sa ugali niya nuon ng una kaming magkakilala pero habang tumatagal ay narealized kong mabait si Yoongi at masipag at maalaga kaya bakit pa siya gustong iwanan ng babaeng iyon? Hindi ba niya nakikita lahat ng effort ng asawa niya para sa kanila na pamilya niya?
Bago pa ako lumagpas sa dapat na katayuan ko bilang ehem aminin na natin, ‘mistress’ ni Yoongi eh umalis na ako at tinungo ang kusina para magluto ng dinner namin. Malamang gutom na siya dahil gutom na rin ako. Hindi naman nakakabusog yung kinain namin duon sa coffee shop. Agad kong tinawag si Yoongi after kong maluto ang dinner namin at mukhang nagulat pa siya dahil napansin kong pupungay-pungay na ang mga mata niya habang patuloy siya sa pagtatrabaho.
“Akala ko nagpahinga ka na.” nakangiting sabi niya at umupo katapat ko.
“Paano ako magpapahinga kung nagtatrabaho ka pa.” naiiling kong tugon at ewan ko ba. Maaaring normal ito para sa iba pero hindi ko maiwasang makaramdam ng saya sa ginagawa naming pagbibigayan ng side dishes ni Yoongi habang nasa gitna kami ng pagkain. Walang nagsasalita sa amin pero panay ang ngiti namin sa isa’t-isa. Naisip ko tuloy, mami-miss niya kaya itong mga ganitong sandali namin kapag natapos na kaming dalawa? Kasi ako, hindi.
“Ako na ang d’yan, Yoongi. Maligo ka na duon. Mabilis lang naman ito.” saad ko ng balak niya sanang siya na ang maghugas ng pinagkainan namin na syempre pinigil ko. Alam kong pagod na talaga siya kapag dapat na siyang mag asikaso para matulog.
Akala ko nakaalis na siya ng magsimula akong hugasan ’yung mga plato pero napapitlag ako ng bigla niya akong yakapin mula sa likuran.
“Y-Yoongi?”
“Hmm?” hindi siya kumikilos. Nanatili siyang nakayakap sa akin. Dama ko ang mainit niyang hininga sa tenga ko na nagbibigay ng kakaibang pakiramdam sa akin.
“Thank you.”
“Huh? Para saan? Okay ka lang ba? May masakit ba sa iyo?” agad kong humugot ng tissue na nasa gilid ng sink at pinunasan ang kamay ko. Hinarap ko siya at nilapat ang likod ng kamay ko sa nuo niya. Wala naman siyang sakit?
Natawa siya sa ginawa ko at bago pa ako makapagsalita muli ay hinila niya ako palapit sa kanya at hinalikan sa labi. Napahawak ako sa braso niya habang humigpit naman ang pagkakayakap niya sa bewang ko. Nang maghiwalay ang mga labi namin sa isa’t-isa ay nanatili kami sa posisyon namin at magkatitigan. Walang sino man sa amin ang balak na magsalita. At ng mapagpasyahan ko ng magsalita ay muli niya akong pinigil gamit ang halik at ngumiti.
“I’ll wait for you upstairs.” ng makaalis siya ay saka palang ako muling nagkaruon ng lakas para kumilos at tapusin ang ginagawa kong paghuhugas ng pinggan.
Napangiti ako ng mapait sa sarili ko.
One month lang ba talaga?
Aish. Napatampal ako sa nuo ko dahil alam kong masama na ang tama ko kay Yoongi. Hindi ko tuloy maiwasang hindi isipin kung ganito din ba gaya ng sa akin ang nararamdaman niya o baka naman. . . Impossible!
May asawa pa rin siya. Panandalian lang niya ako gaya ng relasyon namin. Hindi niya ako dapat investan ng emosyon gaya ng kay Irene.
Kinabukasan ay kasabay naming nag breakfast ang kambal at pinabaon ko nalang sa kanila ’yung dinala naming pasalubong kagabi ni Yoongi kasama ng ginawa kong cookies para sa kanila dahil maaga akong nagising para mag prepare ng agahan namin.
Kami pa mismo ni Yoongi ang naghatid sa kanila at nakakatuwang makita ’yung kambal na excited pumasok sa eskwelahan. Gaya din ba nila ako ng bata ako kapag hinahatid ako ng mga magulang ko?
Pagdating namin sa trabaho ni Yoongi ay sinalubong kami sa entrance ni Jungkook. Automatic akong napatingin sa gilid niya at wala akong Taehyung na nakita. Teka, siya lang mag isa?
“Hyung!” bati ni Jungkook kay Yoongi, “Oh hi, Jimin.” nakangiting bati niya sa akin ng mapansin niya ako sa likuran ni Yoongi. Hindi kasi ako sumasabay ng lakad sa kanya kapag pumapasok kami sa trabaho ng magkasabay para walang makahalata ng kung ano man sa amin.
“Good morning, Mr. Jeon.” nakangiting tugon ko samantalang si Yoongi poker face lang sa kanya, “What are you doing here?” sungit talaga nitong lalaking ito.
“Uh kasi Hyung may ipapakiu–.”
“No.”
Awang ang bibig kong nakasunod sa kanilang dalawa. Grabe itong si Yoongi hindi man lang pinatapos ang sasabihin ni Jungkook sa kanya at agad na nag ‘no’. Paano kung importante pala ’yung sasabihin nitong isa?
“Hyung!!!” naka nguso ng paawa effect ni Jungkook na hinawakan pa siya sa braso.
“Jeon Jungkook!” banta ni Yoongi sa kanya pero hindi nagpatinag ’yung isa. Hanggang sa makarating ako sa floor kung nasaan ang office ko ay hindi pa rin tumitigil si Jungkook sa pangungulit sa kanya. Ano kaya ’yung ipapakiusap sa kanya ng isang iyon at ayaw nitong tumigil hanggat hindi nito nakukuha ang gusto niyang marinig na sagot mula kay Yoongi.
Nasa kalagitnaan ako ng pagtatrabaho ng may marinig akong kumatok at bago pa ako makatugon sa katok na iyon ay pumasok na ’yung tao na nasa labas. Nagulat ako ng makitang si Jungkook iyon. Hindi pa rin pala siya nakaka alis.
“Mr. Jeon.” bati ko pagkatayo ko mula sa kinauupuan ko.
“Jungkook will be much appreciated.” nakangiting sabi niya at umupo sa bakanteng upuan, “So, dahil ayaw pumayag ni Yoongi, ikaw nalang ang pakikiusapan ko.”
“Huh? Tungkol saan?” nagtaka naman ako dahil bakit sa akin siya makikiusap? As if namang may magagawa ako kung ayaw ni Yoongi sa pinakiusap niya sa kanya?
“Tulungan mo ako maghanap ng pwede ipang peace offering.” diretso niyang sagot sa tanong ko. Peace offering?
“Para kanino?”
“Kay Taehyung. Uhm, nag away kasi kami and two days niya na akong hindi kinukulit.” nagpipigil ako ng ngiti ng mapansin kong mamula ang mukha niya habang nakahawak siya sa batok niya na para bang batang nahihiya sa sinabi niyang problema sa akin.
Bigla ko tuloy naalala ’yung kinwento sa akin nuon ng karoommate ko. Mukhang hindi naman pala dense itong si Jungkook kay Taehyung pero bakit hindi pa maging ‘sila’? Don’t tell me parehas mataas ang pride ng dalawang ito at walang balak na umamin sa kanila? Tsk, tsk.
“Bakit hindi mo nalang siya puntahan diretso sa office niya at mag usap kayong dalawa kesa may peace offering ka pang nalalaman? Hindi ko alam kung anong pinag awayan ninyo pero sa tingin ko madadaan naman iyon sa usapan. Mag usap kayo na hindi nagtatalo. ’Yung iniintindi ninyo ang isa’t-isa.” sabi ko at bumalik sa ginagawa kong trabaho ng muli siyang magsalita.
“Hindi kasi ganuon kadaling gawin ’yung sinabi ninyo ni Yoongi sa akin.”
“Huh? ’Yung sinabi ko ang sinabi din ni Yoongi sa iyo?”
Tumango siya, “Si Hobi hyung kasi ng nakausap ko tungkol sa naging away namin ni Taehyung sinuggest sa akin na bumili ng pang peace offering duon sa isa kaya iyon ang naisip ko na gawin kaso hindi ako masamahan ni Hobi hyung dahil parehas silang nasa labas ng bansa ni Namjoon hyung. Ayaw ko namang magtanong o magpatulong kay Jin hyung dahil baka kalbuhin ako nu’n kapag nalaman niyang nag away kami ng kapatid niya kaya pumunta ako dito para sana magpasama kay Yoongi hyung kaso pfft. Ayaw naman ng isa kaya ikaw ang pinuntahan ko dahil alam kong mabait ka at tutulungan mo ako at hindi magagalit sa iyo si Yoongi kahit na umalis ka pa sa kalagitnaan ng trabaho mo.”
“At paano mo naman nasabi na dahil mabait ako tutulungan kita at hindi magagalit sa akin si Yoongi kahit na umalis ako, aber? Jungkook, boss ko siya at sekretarya niya ako at bilang isang empleyado ng Min Company hindi magandang makita ang isang tulad ko na pepetiks-petiks sa trabaho. Baka mamaya ano nalang isipin sa aming mga nagtatrabaho dito ng ibang tao.”
Nagtaka naman ako dahil nakatitig lang siya at nakangiti sa akin. Anong problema nito?
“W-woah?! Woah! Anong ginagawa mo?” natataranta kong tanong ng bigla niya akong hilain palabas ng office ko.
“Sasamahan mo akong bumili ng pang peace offering ko para kay Taehyung sa ayaw mo man o gusto kaya lets go.” excited niya akong kinaladkad palabas ng company building namin at sumakay sa mamahalin niyang kotse. Yikes. Hindi ako nakapagpaalam kay Yoongi. Paano nalang kung bigla akong kailanganin ng isang iyon?
“Don’t worry, Jimin. Akong bahala sa iyo kay Yoongi for sure hindi niya magagawang magalit sa iyo. Ako lang ang mayayari sa kanya.”
And without further ado, umalis na kami ni Jungkook para sa operation peace offering gift niya for Taehyung.
Pagdating namin ng mall ay hindi na ako nakatiis pa na hindi tanungin kung bakit siya kating-kati na magkabati sila ni Taehyung dahil kung titignan mukha namang hindi kayang magalit ni Taehyung sa kanya ng matagal na panahon.
“So bakit nga?” pangungulit ko.
Napabuntung-hininga siya.
“Naexperience mo na bang ma-in love sa bestfriend mo?”
Nagulat naman ako kung sinagot niya ako ng tanong pero nevermind. Umiling ako sa kanya bilang tugon.
“Because I have.”
Umawang ang bibig ko sa sinabi niya. For real? Akala ko ng una, one sided love ang meron sa kanila ni Taehyung but what is this? I’m shookdt!
JUNGKOOK POV
As expected, of course hindi pa. Bihira mangyari ang ganuon na mafa-fall ka sa bestfriend mo. Anong magagawa ko? Simula pagkabata magkasama na kami ni Taehyung. Kulang nalang magkapalit na kami ng mukha sa halos araw-araw kaming magkasama.
Naalala ko pa nu’n, madalas kaming napagkakamalang magkamag-anak ng mga bata kamo at ng nag high school naman kami, madalas kaming tuksuhin ng iilan sa mga kaklase namin dahil hindi maitatangging mahinhin kumilos si Taehyung at ako lang ang lalaking kasundo niya dahil the rest ng lalaki sa school ay ayaw niyang nilalapitan siya maliban nalang kung kailangan niya talagang makipag interact sa kanila.
Hindi din maitatangging nasa lahi kami ng mga magaganda ang mukha at katangian na gusto ng karamihan kaya normal na sa amin ang maraming nagkakagusto sa amin at ang pagiging popular. Sa totoo lang hindi ko ma matandaan kailan nagsimula na umiba ang tingin ko sa kanya.
Iyon kaya ’yung time na may unang lalaking nag confess ng feelings para sa kanya at ang nakakatawa ay excited niya pang kinwento sa akin iyon? O ’yung pinagtapat niya sa akin na nagkakagusto siya sa mga lalaki? O dahil baka ng una palang gusto ko na talaga siya pero hindi ko inaamin sa sarili ko dahil ayaw kong masira ang pagkakaibigan namin kung sakali mang hindi parehas ng pagtingin ko sa kanya ang pagtingin niya sa akin?
“What?! So matagal ka ng aware na may gusto sa iyo si Taehyung pero iniignore mo lang?!” bulong niya ng may kalakasan. Bakit may feeling ako na kung nakilala lang ni Taehyung si Jimin ng mad maaga-aga, sila ang magiging mag best friend at hindi kami? Para kasing inis na inis siya sa akin kahit na kailan lang naman sila naging close ni Taehyung at handa siyang ipagtanggol ito kahit kanino.
“Gaya ng sinabi ko kanina, oo. Aware ako pero nanduon ’yung takot ko mula pa nuon na paano kung magtapat ako sa kanya at hindi pala kami parehas ng nararamdaman? At kung parehas man, paano kung hindi kami magtagal? Paano kung hindi na namin maibalik ’yung nabuo naming pagkakaibigan sa oras na maghiwalay kami bilang ‘kami’? Jimin, hindi ko kaya iyon. All my life, si Taehyung ang nakasama at laging nand’yan para sa akin.”
“So, ano bang pinag awayan ninyo at nagpapanic ka na baka hindi ka na kausapin ni Taehyung?”
Isang malalim na buntung-hininga ang pinakawalan ko.
“It was a fucked up misunderstanding between us, I think. Nang nakaraan kasi may pinuntahang fashion show si Taehyung which ako dapat ang kasama niya kaso last minute kinancel niya iyon at sinabing siya nalang mag isa ang pupunta. Syempre hinayaan ko nalang din dahil nagkataong may meeting ako tapos malaman-laman ko sa nabasa kong news may kasama siyang lalaki ng araw na iyon na hindi ko kilala at mukhang ang saya pa nila. Nang tinanong ko siya tungkol duon sabi niya sa akin kaibigan niya lang daw iyon at nagkataon na nanduon din sa pinuntahan niya at napicturean sila na magkasama sila so tinanggap ko yung reasong niyang iyon kaso. .”
“Kaso? Wait, may kopya ka ba ng kuha nila na iyon? Patingin nga kung gaya ng nakita mo ng nga oras na iyon ang sinabi mo o baka nagseselos ka lang at naiinis dahil akala mo nagsinungaling sa iyo si Taehyung para makasama ’yung taong akala mo pinalit niya sa iyo. Patingin nga.”
“I-search mo nalang online. Lalabas iyon.” wala sa mood kong sabi habang patuloy kaming naghahanap ng bibilhin ko para kay Taehyung.
“Sige mamaya. So, ano naman ang drama sa iyo dahil tapos na ’yung kay Taehyung?”
Isang buntung-hininga ulit ang pinakawalan ko “May pinuntahan kasi kaming party ni Taehyung bago yung naging away namin and sa party na iyon lumapit sa akin yung anak ng ka-business partner ko at uhm, inakala ni Taehyung na kinalimutan ko na kasama ko siya at nakipag flirt ako duon sa babae pero ang toto hindi and Taehyung really did took it personally and binring up niya yung sa pinuntahan niyang fashion show at sinabi na binabawian ko ba siya and stuffs happened hanggang nauwi sa pagcoconfess niya sa akin but my stupid ass straight up rejected him at iniwan siyang mag isa sa party ng umiiyak without giving him a reason kung bakit ko siya nireject and after that sinubukan ko siyang tawagan kinabukasan para mag sorry pero hindi niya ako pinapansin and I also tried going to his office pero ayaw niya akong makita o makipag usap man lang and I’m not going to lie. I’m going crazy already dahil sa nangyayaring ito ngayon sa amin.”
Paglingon ko kay Jimin after ng mga sinabi ko ay napa awang ang bibig ko. Narinig niya ba yung mga sinabi ko? Tinignan ko kung ano ’yung inaabala niya sa cellphone niya dahil baka si Yoongi hyung iyon pero hindi. Bagkus yung news tungkol sa kinwento ko sa kanya aboit kay Taehyung pero parang hindi duon ang dahilan ng pagkagulat niya. Anong meron?
Pero speaking of Yoongi hyung. .
Ngumisi ako ng nakakaloko sa naisip ko. Alam kong may something sa kanila ni Jimin at gusto kong makita kung hanggang saan kayang magbago ni hyung para sa kanya dahil nakikita kong may ‘future’ silang dalawa.
Hopefully, hindi niya isend itong gagawin ko o sabihin kay Taehyung.
“Jimin-ssi!”
“Huh?” napatingin siya sa akin ng may pagtataka at nilabas ko ang cellphone ko at nakiusap sa isang saleslady na kuhaan kami ng picture, “Para saan iyan?”
“Remembrance na tinulungan mo ako.” sagot ko at kininditan siya.
After ko makuha ang nais ko ay agad kong sinend kay hyung ang kuha namin. Tsk, tsk. Yari ako nito. Hahaha.
Nanlaki ang mga mata ko sa gulat at bigla akong kinabahan ng agad mag seen si hyung sa sinend ko. Fuck!
Sorry, Jimin!!!
A/N:
Posted: August 11, 2021 at 12:00 AM
Whew! Ang haba ng inupdate ko ah. Kaloka! Anyway, hahaba na rin talaga ’yung mga update kaya sana kahit mahaba hindi kayo maboring basahin. So, magkakabati kaya ang TaeKook? O magaaway din ang Yoonmin?
Kitakits sa susunod na update mga ka meow meow. Ichi ni san nyaa arigato!
ILLICIT AFFAIR 29
JIMIN POV
Narinig ko naman ’yung kinukwento ni Jungkook sa akin about sa situation nila ni Taehyung at ’yung dahilan ng pagaaway nila pero dahil curious ako duon sa pinagseselosan ni Jungkook ay hindi na ako nakapaghintay pa at agad na hinanap ’yung lalaki na kasama ni Taehyung at agad na lumabas sa search result ko sa twitter ang isang old post mula sa KNN.
Wow! Nag trending pala ito pero hindi ko alam? Heh. Busy yata ako ng mga panahon na ito at hindi ako nakakapag social media. Alam ninyo naman. Pagod sa trabaho kaya diretso tulog na kapag nakakauwi sa apartment.
Pagkakita ko sa tinutukoy ni Jungkook ay napangiti ako. Ang cute naman ni Taehyung dito. Mukhang bungisngis at oo nga ’no? Mukhang ang saya-saya niya pati ’yung katabi niya. Hmm, Park Seo Joon? Napailing ako dahil magka apelyido pa kami pero wala naman akong nakitang kakaiba sa picture na ito. Nakangiti lang sila pero mukhang wala namang iba pa bukod duon. Siguro dahil lang din sa caption ng KNN at umandar lang ang pagiging seloso ni Jungkook kaya kung anu-ano naisip ng makita niya itong picture ng dalawa.
And for for some unknown reason, bigla kong naisipan na magbasa ng mga comments ng ibang tao tungkol sa post na ito at laking gulat ko ng makita ang tatlo kong walang hiyang mga kaibigan. Napatampal ako sa nuo ko mentally. Tsk, tsk. Mga sira ulo talaga.
Matapos kong ibalik sa bulsa ko ang cellphone ko ay binalik ko ang atensyon ko kay Jungkook at napansin ko na para siyang namumutla, “Ayos ka lang?”
Para siyang nagvivibrate sa bilis ng tango niya sa akin bilang tugon. Anong nangyari sa kanya?
Maya-maya ay nakahanap na rin kami ng regalo para kay Taehyung at nanlula ako sa binili sa kanya ni Jungkook. Ganito ba talaga ang mga mayayaman? Jusmiyo.
“Sandali. Samahan mo muna ako bumili ng bulaklak. Pagtapos natin dito ihahatid na kita pabalik kay Yoongi hyung.” nakangising sabi niya pero halatang kinakabahan siya.
“Pabalik kay Mr. Min ka d’yan! Sa office hindi sa kanya mismo.” naiilang kong tawa at agad na nag iwas ng tingin. Mamaya kasi kung ano pang mapansin nito sa akin. Wala ng ibang pwedeng makaalam ng tungkol sa amin ni Yoongi maliban duon sa tatlong lokaret kang mga kaibigan. Buti nga at hindi pa nalalaman ng karoommate ko ang tungkol sa amin ni Yoongi eh pero kung sabagay mukhang nabusy din siya ngayon sa mga classes niya.
After namin makabili ng bulaklak para kay Taehyung ay laking gulat ko paglabas namin ng flower boutique ay bumungad sa amin ang nakatayo at nakapamulsang si Yoongi. Bigla akong parang naubusan ng hangin sa katawan. Agad kong nilingon ’yung katabi ko para sana magtago ako sa likuran niya dahil ang sama ng tinginan ni Yoongi kaso ang walang hiya nakatago na sa likuran ko. Ugh! Akala ko ba siya ang bahala sa akin?
“B-Boss?!” nakangiwi kong bati sa kanya ng makalapit kami at laking gulat ko ng bigla niya akong hablutin at maglakad kami palayo kay Jungkook ng hindi man lang ito hinihintay na makasunod sa amin.
“B-Boss?! . . J-Jungkook?!” pero ang walang hiya kumaway lang at nagmamadaling tumakbo papunta sa ibang direksyon. Dahan-dahan kong nilingon si Yoongi at hindi ko mawari ang emosyon sa mukha niya.
Wala sa amin ang nagsalita hanggang sa makabalik kami ng office.
Malamang galit ito dahil hindi ako nagpaalam sa kanya at baka may inutos siyang urgent na hindi ko nagawa at pagpunta niya sa office ko ay hindi niya ako nakita. Pero teka, paano niya nalaman saang specific mall kami naruon ni Jungkook? Hmm. .
Pagdating namin sa luob ng office niya ay narinig kong ni-lock niya ito at kinabahan na ako. Shit. Mukhang mabubulyawan ako nito dahil sa nangyari. Pero nagtaka ako ng huminto kami duon sa isa pang pintuan na nasa luob ng office niya. Hindi ko alam kung anong meron sa luob nito dahil never pa akong nakapasok duon. Hindi gaya ng naunang pinto, keyless ang pinto nito. Meaning kailangan ng passcode para makapasok ka.
Pag input ni Yoongi ng passcode ay agad kaming pumasok sa luob nu’n at nanlaki ang mata ko ng malamang may kama sa luob nito. The heck? Bakit may ganito sa office niya!
Bago pa ako makapagtanong ng kung ano sa isip ko ay hinila ako papunta ni Yoongi sa kama at sapilitang pinaupo at dumukwang siya papalapit sa akin kaya napalunok ako sa takot. Shit.
“Jimin.” tawag niya sa akin pero may kakaiba sa tono ng boses niya.
“B-Bakit Yoongi?” nauutal kong tugon habang marahang nilalayo ang sarili ko sa kanya. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Parang any moment lalabas puso ko sa katawan ko.
Para akong naestatwa ng daganan ng isang kamay niya ang kamay ko at haplusin ang mukha ko. Ngumisi siya at napapitlag ako ng halikan niya ang leeg ko.
“Y-Yoongi! binalak ko siyang pigilan sa balak niya kaso dahil nakadagan yung isang kamay niya sa kamay ko ay nahirapan ako. Ang ending, mas malala. Napahiga ako sa kama at naka ibabaw siya sa akin. Hindi rin nakatulong na sobrang dikit ng katawan namin sa isa’t-isa at muli niya akong hinalikan sa leeg ko at hindi ko mapigilang hindi mapaungol lalo na ng buong leeg ko na ang pinagdiskitahan niyang halikan at dilaan. Shit. Biglang nagliyab ang kung ano sa luob ko at pinagpapawisan ako sa init.
“Jimin. .” dinig kong bulong ni Yoongi sa tenga ko, “. . You should know that I don’t like sharing what is mine and since you know that we’re on a relationship, I don’t like to share you with anyone else regardless if it’s my friend, do you understand that?”
Saglit siyang lumayo sa tenga ko at tumitig sa akin. Agad akong tumango habang nakatitig sa mga mata niya. Para ako nitong hinihigop at wala akong kawala sa kanya.
“In words, Jimin.”
“Y-Yes, I understand.”
Muling bumalik si Yoongi sa pagte-tease sa leeg ko at this time pati tenga ko pinagdiskitahan na rin niya. Napapahawak ako sa likod ni Yoongi sa tuwing kakagatin niya ng marahan ang gilid ng tenga ko at hindi ko talaga mapigilan na hindi mapaungol sa tuwing didilaan niya rin iyon. Para akong kakapusin sa hangin. Nararamdaman ko na rin na nagsasatubig ang mga mata ko.
“Y-Yoongi. .”
“Hmm? Tell me, Jimin. Why did you fucking lean on someone else’s shoulder other than mine?”
“H-Huh?. . Aahh.” nabigla ako ng maramdaman kong dumako ang kamay niya sa kaselanan ko.
Shit.
“Answer me, Jimin.” napakapit ng husto ang kamay ko sa balikat niya at napapikit ako ng himasin niya ng makailang ulit ang ibaba ko.Shit. Shit. This is bad - really bad.
Ano bang sinasabi niya? Anong lean?
Sinubukang labanan ng utak ko ang inaakto ng katawan ko sa ginagawa ni Yoongi at pilit na iniisip ang tanong nito sa akin. Shit. Ano ba kasi iyon? Anong–?!
Agad akong napadilat ng marealized ko kung anong tinutukoy niya.
Paano niya nalaman ’yung tungkol duon? Don’t tell me nakita niya?
Kanina ba siya nanduon sa mall? O baka naman. . Sinend ni Jungkook sa kanya ’yung picture namin kanina? Oh fuck - well, quite literally dahil medyo diniinan ni Yoongi ang pagkakahimas niya at napa cloud nine ako dahil duon.
“I-I. .”
“Hmm?” hindi ko na alam paano ang gagawin ko sa sitwasyon na ito because clearly, I have already lost control of my body to Yoongi.
“I-I don’t know, Yoongi. N-nag aya lang si J-Jungkook kanina mag picture -kami at hindi ko alam bakit ko nagawa iyon.” tugon ko in between my suppressed moans.
“I see.” nagulat ako at parang bigla akong nilamig ng bumangon siya at lumakad palayo sa akin, “Stay here. I still need to do a lot of work.” walang emosyon niyang sabi at lumakad paalis ng kwarto. What the hell?! Is he serious?! Napatingin ako sa ibaba ko at fuck!!!
Kahit mahirap ay sinubukan ko nalang pahupain ang ginawa ni Yoongi sa akin sa pamamagitan ng pagtulog. I hope this works.
Agad kong hinarang ang mata ko pagdilat ko dahil sa sinag ng araw na tumatama sa akin. Ilang minuto pa ang lumipas bago ko na realized na shit. Dito ako nakatulog buong magdamag? Hindi ako ginising ni Yoongi?
Babangon na sana ako kaso nakita kong may kamay na nakalingkis sa akin at pagtingin ko, kamay iyon ni Yoongi na nakayakap sa akin. Huh? Dito din siya natulog? Hindi siya umuwi? Naku po. Sino kasama ng kambal kagabi? Aish. Pagkagising ni Yoongi ay nag decide siya na umuwi kami saglit sa bahay niya para duon maligo at magpalit ng damit namin bago kami muling bumalik ng office para sa kanya-kanyang mga trabaho. Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi na binring up pa ni Yoongi ’yung nangyari kahapon thou awkward pa rin.
Hapon na at abala pa rin ako sa pagtatrabaho ng bigla nalang bumukas ang pintuan ng office ko at bumungad sa akin ang mukha ni Taehyung. The heck? Anong ginagawa niya dito? Magkabati na ba sila ni Jungkook? Or baka naman nalaman niya na magkasama kami ng isa kahapon? Shit.
“T-Taehyung este Mr. Kim!” agad akong napatayo sa kinauupuan ko at yumuko sa kanya. Nagulat ako ng paglapit niya sa akin ay bigla niya akong niyakap. Woah? Anong nangyayari?
“Just let me, I’m just so happy.” sabi niya at sinunod ko ang sinabi niya at marahang hinaplos ang likod niya. Huwag lang sanang pumasok dito si Yoongi dahil shit. Hindi ko na alam ang mangyayari sa akin kapag nakita niya akong kayakap itong si Taehyung, “Thank you for helping Jungkook out yesterday. Kayo ni Yoongi.”
“Uhm, welcome? Pero wala iyon.” naka ngiting tugon ko ng humiwalay siya sa akin.
“No, thank you, really. Lalo ng sinamahan mo si Jungkook at tulungan siyang maghanap ng pang peace offering para sa akin kahit na mukhang nagalit sa iyo si Yoongi. I’m sorry. Me and Jungkook are very sorry. Huwag kang magalala. Nandito ako ngayon para kausapin si Yoongi tungkol sa nangyari kahapon.”
Bago pa ako makatugon sa sinabi niya ay lumakad na siya papunta sa pintuan at bago siya tuluyang umalis papunta sa office ni Yoongi, “Kami na, Jimin.” kumindat ito at tuluyan ng umalis. Wait, what? Nanlaki ang mga mata ko ng marealized ang sinabi niya at napangiti.
Abala na ulit ako sa pagtatrabaho at hindi ko na napansin ang oras ng muli na namang sumulpot si Taehyung sa luob ng office ko at sinabihan akong magligpit na ng gamit ko at sumama sa kanya. Nagtaka naman ako pero ang sabi niya ay pinaalam niya na ako kay Yoongi at susunod nalang daw ’yung isa mamaya para sa family dinner sa bahay nila Jin. Hindi ko maiwasang hindi magalala dahil late na naman makauwi si Yoongi sa kanila. Nag decide kasi ako na uuwi muna sa apartment dahil baka hinahanap na ako ng karoommate ko. Malamang miss na ng kambal ang Appa nila. Hay, na-miss ko na yung kambal. Kailan ko kaya sila ulit makikita?
“Don’t worry, Jimin. Nanduon sina Yeonki at Yoonji mamaya. Si Namjoon hyung ang susundo sa kanila.” nakangiting sabi ni Taehyung habang nagdadrive. Huh? Paano niya nalaman na ’yung kambal ang iniisip ko? Ngumiti ako sa kanya bilang tugon na siyang sinuklian niya.
Pagdating namin ng bahay ng mag asawang Kim ay agad akong ginayak ni Taehyung papunta sa ‘guest room’ kung saan kami nuon natulog ng magkatabi ni Yoongi at kung saan nangyari ang unang first kiss namin at puno’t dulo ng relasyon namin ngayon. Pero nagtaka ako ng pumunta kami sa isang hallway ng bahay na maraming pinto at binuksan niya ang isa duon na hindi ’yung guest room namin nuon. Kunot ang nuo kong pumasok sa luob at sinundan si Taehyung na binuksan ang cabinet at may kinalkal na kung ano duon.
“Okay ka lang, Jimin?” nagaalalang tanong sa akin ni Taehyung at inabot sa akin ang isang set ng nightwear.
“Uhm, nirenovate ba itong place nila Mr. Kim? Kasi hindi ito yung guest room kung saan kami natulog nuon ni Yoongi.”
“Ah!” tugon niya ng ma-gets ang tinutukoy ko, “Ang totoo n’yan wala talagang guest room dito.”
“Ha? Wala?” may kalakasan kong react sa gulat sa sinabi niya.
Tumango siya, “Oo. Walang guest room dito thou iyon ang naging tawag na namin dahil minsanan nalang kami kung tumambay dito kila Jin hyung. Ang totoo n’yan bawat isa sa amin magkakaibigan may kwarto sa bahay na ito. Baka ’yung kwarto ni Yoongi hyung yung tinutukoy mong tinulugan ninyo dati. Ito kasing pinasukan natin ngayon ay akin.”
Oh now I get it. Kaya pala ’yung kwartong iyon may vibes akong kwarto ng kung sino. Iyon pala ay dahil kwarto siya ni Yoongi.
Pagtapos naming magpalit ni Taehyung ng damit ay nag aya siya na matulog muna kaya syempre sino ba ako para tumanggi? Inaantok din naman ako.
Nagising ako ng may marinig kong pamilyar na boses at ganuon din si Taehyung at ng tignan namin kung kaninong boses galing iyon at napaatras kami sa gulat. Like, hello? Sino bang hindi magugulat sa hitsura ni Jin na nasuot ng damit ng babae. The heck? Anong trip niya?
“Bumaba na kayo duon! Nag order na sila Joonie ng ididinner natin. Parating na din si Yoongi.”
Agad akong tumalima sa sinabi ni Jin ng marinig ko ang sinabi niya at naghanap ng pamalit na damit dahil ayaw ko namang bumaba na naka pantulog ng maalala ko na baka nandito na ’yung kambal and true enough pagbaba ko papuntang living room ay naabutan ko ang kambal na busy na kinukulit si Mr. Jung pero ng makita nila ako ay bigla nalang nitong iniwanan ’yung isa at sinalubong ako ng yakap.
Saktong dati ni Yoongi ay dumating na ’yung pinadeliver na dinner namin. Magsisinungaling ako kung hindi nanikip ang dibdib ko ng umakto siya na para bang walang kami sa harap ng mga kaibigan niya. Tsk, nag expect din kasi ako na yayakap siya sa akin or what. Whew. Pero syempre hinayaan ko nalang dahil wala namang alam ang mga kaibigan niya tungkol sa amin o maging ’yung kambal dahil may tunay na Eomma pa rin sila at hindi ako iyon. Sa buong duration ng dinner namin ay panay ang kambal ang inaasikaso ko at mukhang wala namang problema duon lalo pa at nakagitna sila sa amin ni Yoongi.
Thirty minutes matapos naming kumain ay nag decide na si Yoongi na patulugin ang kambal lalo pa at nagaaya ng uminom ng alak sina Jin, Namjoon at Hoseok. Gusto ko sana tumanggi kaso alam kong aalam sina Taehyung, Jin at Hoseok sa akin kapag ginawa ko iyon.
Pagbalik ni Yoongi ay lumipat kami sa entertainment room dahil soundproof ang lugar na iyon ayon sa mag asawa kaya pwedeng mag ingay kapag may mga tama na ang ilan sa amin ng alak. Bigla akong napailing ng maalala ko ’yung unang beses kong umattend ng family dinner nila Jin at nag inuman din nu’n at nalasing si Yoongi. Shit! Hindi naman siguro siya malalasing ulit ngayon ’di ba?
Nang mga unang kalahating oras mula ng makalipat kami ng entertainment room ay normal pa ang lahat dahil usap-usap lang habang may tumutugtog sa background kaso ng dumating na ’yung mga soju na binili nina Hoseok at Jungkook at makainom kami ay nagsimula ng maging magulo ang lahat. Ang cute nina Taehyung at Jungkook kasi nagsasayaw silang dalawa at kulitan samantalang si Hoseok naman kung anu-anong random ang kinukwento sa amin na puro kalokohan at ’yung mag asawang Jin panay tawa lang lalo na si Jin. At kami ni Yoongi? Uhm, nasa magkabilang dulo kami ng couch nakaupo dahil tumabi ako kay Hoseok para makaiwas sa kung ano mang pwedeng mangyari if ‘malasing’ ulit si Yoongi. Naiilang nga ako dahil panay ang tingin niya sa akin. Baka mahalata ’yung mga tao dito sa ginagawa niya.
Maya-maya, hindi ko alam paano nangyari pero nag aagawan na sina Taehyung, Hoseok at Jin sa tablet para maghanap ng kantang kakantahin nila.
“Hoy, kanino ito? Euphoria?” may kalakasan at parang barumbado na tanong ni Hoseok habang hawak ang mic sa kamay niya.
“Akin iyan! Akin na ’yung mic! Bilis!” hinablot ni Jungkook ’yung mic mula kay Hoseok at hindi ko mapigilang hindi matawa at mapangiti sa ‘new couple’ na sina Jungkook at Taehyung habang vina-vibe ’yung kantang pinili ni Jungkook.
“Oh, Mikrosmos. Sa iyo ito, Taehyung ’di ba?” tanong ni Hoseok at inabot ni Jungkook kay Taehyung ang mic na feel na feel ang entry niya. Nakakatawa nga dahil pinakanta pa niya sa amin ni Jin ang ilan sa mga lyrics sa kantang iyon.
Natawa ako dahil ng lumabas ang sunod na kanta, kakantahin iyon sana ni Namjoon kaso inagaw agad ni Hoseok ’yung mic kay Taehyung, “Akin iyan! Kanta ko iyang Just One Day.”
Nailing nalang si Namjoon at humanap ng kakantahin niya sa tablet at pagkatapos niya ay inabot niya ito sa akin, “Bawal hindi kumanta, Jimin.”
Natawa nalang ako at bago ko ituon ang atensyon ko sa tablet ay napatingin ako sa titulo ng kantang rumehistro sa malaking tv screen - Coffee. Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong napatingin kay Yoongi na sakto namang inabot sa kanya ni Hoseok ’yung mic.
Hindi ko mapigilang hindi mapahanga sa boses ni Yoongi pero hindi ko rin mapigilan na hindi malungkot sa kantang napili niyang kantahin. Para ba kay Irene ang kantang ito? Bago ko pa maisipang sagutin ang sarili kong tanong ay pina enter ko kay Taehyung ’yung napili kong kanta.
Muli akong napatingin sa title na rumehistor sa titulo ng kantang napili ni Namjoon - Magic Shop. Tahimik na inabot ni Yoongi sa kanya ’yung mic at for some unknown reason ay nagkatinginan kami at bigla siyang tumango kaya tumango din ako sa again, hindi ko alam na dahilan.
Pagtapos ni Namjoon ay inabot nito sa akin ang mic dahil alam niyang ako sunod sa kanya. Nang makita ko ang titulo ng kantang kakantahin ko ay bigla akong napangiti ng bahagya. Nakakatawa dahil hindi ko inakalang darating ang panahon na kakantahin ko ulit ito. Kinanta ko ito ng broken hearted ako dahil umalis ’yung crush ko papuntang ibang bansa at ngayon kakantahin ko siya ulit dahil. . .
Pagtapos ko sa kanta ko ay nagtaka ako sa weird looks nila sa akin maliban kay Yoongi. Nakatitig lang siya na may mga matang nangungusap pero agad kong nilayo ang tingin ko sa kanya ng maalalang hindi pa kumakanta si Jin.
“Alright, time to shine like the Moon at night!” masayang sabi ni Jin dahil Moon mismo ang titulo ng kantang kakantahin niya.
Matapos ang hindi ko alam gaano katagal kami naglagi sa luob ng entertainment room ay oras na para magsi tulog kami at syempre, gusto ko mang umiwas at huwag muna sanang tumabi kay Yoongi ay wala akong magagawa dahil hinatak niya ako papunta sa ‘kwarto’ niya dito kung saan kanina pang natutulog ang kambal. Wala siyang ibang sinabi maliban sa natulog kaming pinagigitnaan ng kambal.
A/N:
Posted: August 11, 2021 at 03:15 AM
And another long update and probably my last for this week, I think? Magiging busy kasi ako for the next few days and I don’t know how soon ako makakapag post ng panibagong chapter but anyways I hope nagustuhan ninyo yung line up ng kanta and please don’t come after me! Alam kong kay Jungkook yung kantang Only Then pero naisip ko kasi na maiaapply ko siya somehow for Jimin’s situation, okay?
Kitakits sa susunod na update mga ka meow meow. Ichi ni san nyaa arigato!
ILLICIT AFFAIR 30
JIMIN POV
Nagising akong nakayakap kay Yoongi. Ilang minuto din akong nakatitig sa kanya bago ko narealized na wala ’yung kambal sa tabi namin. Teka, nasaan na ’yung mga iyon? Marahan akong umupo sa kama at inabot ang cellphone ko na nasa ibabaw ng lamesa para tignan anong oras na. Oohh. 8 AM.
Tinignan ko si Yoongi na masarap pa rin ang tulog at hindi ko mapigilang hindi mapangiti. Bago pa niya ako maabutang nakatitig sa kanya ay bumangon na ako at naligo. Kumuha ako ng damit na nasa cabinet at napili kong magsuot ng long sleeve na black and white stripes na long sleeve at maong na shorts.
Lumabas na ako ng kwarto at nag decide na hanapin ang kambal kung saan dinala ako ng mga paa ko sa kusina. I guess, kakain muna ako.
“Good morning, Jimin.” nakangiting bati sa akin ni Mr. Jung este Hoseok.
“Good morning,” tugon ko, “Nasaan pala yung kambal?”
“Nasa labas. Kalaro sina Taehyung at Jin sa may garden. Si Yoongi? Gising na?”
“Tulog pa.” naiilang kong sabi. Alam kaya niya na nagtabi kami matulog?
“Napagod?” tanong niya at ewan ko ba bakit naalala ko ’yung nangyari sa amin ng isang araw. Shit
“H-Huh?” hindi ko man kita pero ramdam kong namumula ang mukha ko ngayon sa hiya lalo pa at nakita ko siyang ngumisi sa akin.
“Good morning, Yoongi hyung!” energetic na bati ni Hoseok kay Yoongi. Huh? Gising na siya? Napatigil ako sa pagaasikaso ng breakfast ko at nilingon ang binati ni Hoseok. Gising na nga siya. But, did Hoseok just called Yoongi, ‘hyung’? Shit. All along akala ko magka edad sila or si Hoseok ang mas matanda but I was stand corrected.
Duon ko na realized ng ilapag ko sa lamesa ang breakfast na ginawa ko ang dahilan kung bakit hindi inaalis ni Yoongi ang tingin niya sa akin. Iyon ay dahil halos magkaparehas ang suot naming damit. Ang pinagkaiba lang, tee shitrt yung kanya at naka white pants siya. Uhm, hindi kami nag gayahan ng damit, okay? Hindi namin ito pinlano or anything. Pure coincidence lang ang lahat.
“Mukhang hindi ninyo pinag isapan iyang suot ninyo ah.” pang aasar na bati sa amin ni Jin na kakapasok lang ng kusina at nakangising nakatingin sa amin ni Yoongi. Shit.
Dahil nakapag almusal na sila Jin kami nalang ni Yoongi ang nagsalo at naiwan sa kusina. For some reason, the air between us was kind of awkward. Or baka ako lang ang naa-awkwardan dahil sa nangyari kagabi na deep inside ay binibig deal ko.
“Finally! Dumating din kayo!” saad ni Namjoon ng makarating kami ni Yoongi sa garden kung nasaan sila.
“Huh? Anong meron?” tanong ko.
“Bihira tayong makumpleto kaya tara na dito! Magfa-family picture tayo!” excited na sabi ni Jin at pumalakpak pa.
Hindi ko naiwasang mapayuko at pamulahan ng mukha sa sinabi niya.
Hinila ako ng kambal papunta sa pwesto ni Yoongi at tumabi sila kay Hoseok na kinatuwa naman ng isa.
Isang oras pa ang lumipas bago nagpaalam si Yoongi na uuwi na kami. Ayaw pa ngang pumayag nila Hoseok at ng kambal kaso hindi nagpa under si Yoongi at ngayon ay kakarating ko lang sa apartment.
“H-Hi.” bati ko na may alanganing ngiti sa aking labi.
“Jimin, explain.” saad niya ng hindi gumagalaw sa kinauupuan niya at abala sa pagdutdot ng cellphone niya.
“Uhm, kasi. . Ano. . Natambakan kami–!” napapitlag ako ng isampa niya ang dalawa niyang paa sa lamesa at ibaba ang cellphone niya.
“Three days, Jimin. Three days kang wala dito sa apartment. Grabe namang trabaho iyan at duon ka yata nag oovernight sa office mo or should I say, sa bahay ng boss mo? Hmm?” binigyan niya ako ng makahulugang tingin at agad kong nilayo ang tingin ko sa kanya sa takot na baka malaman niya kung anong tinatago ko, “May relasyon ba kayo ng boss mo?”
Naubo ako sa sinabi niya, “W-What?! Anong sinasabi mo d’yan?!”
“Hmm, defensive. So meron nga? Kailan pa?”
“Tigilan mo ako ah! Kakabasa mo ng kung anu-ano iyan kaya pati ako dinadamay mo d’yan sa kalokohan mo.” tugon ko at papasok na sana ng kwartp ng muli siyang magsalita.
“Jimin! Mas gugustuhin ko pang marinig ang sagot sa iyo kesa sa boss mo kapag tinanong ko siya!” banta niya.
“Hell no! Hindi mo gagawin iyan!”
“Try me.” nakangising tugon niya at tinaasan pa ako ng kilay.
Inilingan ko nalang siya at tuluyan ng pumasok sa kwarto pero muli na naman siyang nagsalita.
“S’ya nga pala, may lalaking nagpunta dito ng isang araw at tinatanong kung dito ka nakatira.”
Huh? “Huh? Bakit daw?”
“Aba, hindi ko na tinanong kay ayaw din niyang ibigay sa akin ang pangalan niya dahil hindi ko sinagot yung tanong niya sa akin pero balita ko sa mga katabing unit natin, ilang beses na daw nilang namataang umaaligid yung taong naghahanap sa iyo dito sa atin kaya Jimin, mag iingat ka. Hindi tayo sigurado sino yung taong iyon at anong kailangan niya sa iyo.”
Tumango ako kahit na hindi nakita ng karoommate ko ang ginawa ko sa nakasarado kong kwarto. Agad akong humiga at nag isip sino kaya ’yung taong maaaring naghahanap sa akin. Ang creepy kasi umaaligid siya dito sa apartment namin ng wala akong kaalam-alam. Dapat ko ba ’yung sabihin kay Yoongi? Baka naman may nakakita sa amin na kakilala niya na not-in-good terms niya at balak siyang siraan gamit ako? Oh fuck.
Sa kaiisip ko hindi ko namalayan na naka idlip na pala ako. Nagising nalang ako na kinakatok ng paulit-ulit ng karoommate ko ang kwarto ko.
“Jimin! Gumising ka na d’yan!”
Ginulo-gulo ko ang magulo ko ng buhok sa frustration dahil kinailangan kong gumising at bumangon dahil sa karoommate ko na hindi ko alam anong kailangan sa akin.
“Ano ba iyon?” naka pikit ko pang tanong ng buksan ko ang pinto. Hindi ko napansin na may bisita palang nakaupo sa couch.
“May bisita ka.”
“Bisita?” automatic na binuksan ko ang mga mata ko at agad na tumambad sa akin si Yoongi na muntikan ko ng hindi makilala. Siya ba talaga ito? Aww. He looks so fluffy!
“Oh ngayong alam mo na kung sino bisita mo, mag asikaso ka na at sinusundo ka nito. Aalis daw kayo. Bilis! Kanina pa siya naghihintay sa iyo na gumising ka.”
Huh?! Wala na akong inaksayang panahon at agad na tumalima sa inutos ng karoommate ko.
Teka nga lang, parang kanina lang hinatid niya ako tapos ngayon aalis ulit kami? Saan kami pupunta?
“Wow! Matching ’yung suot ninyo ah? Bagay na bagay!” saad ng karoommate ko, “. .Para sa isa’t-isa.” agad ko siyang pinaningkitan ng tingin sa pagaakala niyang hindi ko narinig yung binulong niya. Loko talaga! Mamaya isipin ni Yoongi hindi ako sumunod sa usapan at sinabi ko kung kani-kanino ang tungkol sa amin.
Habang nasa biyahe kami papunta sa kung saan ay hindi ako mapakali sa pwesto ko. Kaya bago pa ako tuluyang hindi maka idlip ay tinanong ko siya.
“Saan ang punta natin, Yoongi?”
“To our date.” casual niyang tugon at pinagsalikop ang mga kamay namin.
“D-Date?” paglilinaw ko.
“Did I stutter?”
Napabuntung-hininga nalang ako at bago pa ako mag isip na naman ng kung anu-ano ay pinilit ko ang sarili ko na maka idlip sa tabi niya.
“Y-Yoongi, nasaan tayo?” tanong ko ng makalabas kami ng kotse at pinagmamasdan ang paligid. Hindi ang pagiging malayo sa Seoul ang problema ko kundi ang. . .
“Busan.”
“B-Busan?!” hindi ko napigilang hindi biglang maparanoid. Shit.
Tumango siya at hinawakan ang kamay ko. Hindi ko maiwasan na hindi tignan ang mukha nt bawat isang makakasalubong namin. Kung alam ko lang saan ang punta namin. Sana nagpanggap nalang ako kanina na masama ang pakiramdam ko.
“Why? You don’t like it here?”
“U-Uh, ano kasi. . Akala ko sa uhm. .” shit, anong sasabihin ko na hindi magmumukhang suspicious sa kanya?
“Hmm?”
“Akala ko nasa Daegu tayo.”
Tumingin siya sa akin na parang nagulat siya sa sinabi ko. Huh? Bakit kaya? Baka naweirduhan siya sa akin?
“You know what? That’s actually where I originally want us to go to, pero naisip ko na baka hindi mo gusto duon kasi mainit duon ngayon.”
“Wow, did you just judged me?”
He just shrugged his shoulders at me at tinawagan ang driver para sunduin kami at pumunta ng Daegu. Nakahinga ako ng maluwag ng makapasok kami sa luob ng kotse. Yes! Muntikan na. Hindi pa ako comfortable na umikot-ikot sa Busan dahil baka may makakita sa akin na kakilala ko. Whew.
Pagdating namin ni Yoongi ng Daegu ay parang automatic sa kanya na hahawakan ang kamay ko at wala siyang pakialam kung may makakita man sa amin. Thou medyo malayo ang mukha ni Yoongi kapag nasa office niya hindi malayong may makakilala pa rin sa kanya at hindi ba siya natatakot na baka may makakita sa aming dalawa?
Gaya ng sinabi sa akin ni Yoongi kanina, date namin ito kaya naman kumain kami sa isang cafè na hindi matao para ma enjoy namin ang company ng isa’t-isa habang panay ang kwento niya sa akin ng high school memories niya. Nagulat nga ako dahil ibang-iba talaga ang Yoongi na kaharap ko ngayon compare kapag nasa office kami at mas lalo yung unang beses kaming magkakilala.
“Daechebolga, Daechebolga. .” kanta ko out of nowhere habang naglalakad kami at nagulat ako ng biglang huminto si Yoongi sa paglalakad kaya pati ako nadamay. Huh? “
Okay ka lang, Yoongi?“
“S-Saan mo narinig iyang kantang iyan?” halata ang pagtataka sa kanya.
“Uhm, hindi ko matandaan kung saan pero hindi ko makalimutan ’yung kantang iyon eh. Ang ganda kasi.” Totoo naman. Hindi ko nga alam ang title nu’n kasi narinig ko lang iyon ng hindi sadya dati sa kung saan tapos hindi na natanggal sa isip ko.
Saglit pa akong tinitigan ni Yoongi bago kami naglakad muli papunta sa kung saan. Tahimik lang siya at malalim ang iniisip. Teka, iniisip ba niya kung anong title ng kinanta ko kasi familiar din sa kanya? Oo nga ’no? Siguro nga.
Hindi ko alam pero sobra akong nasiyahan ng mag rent-a-bike kami ni Yoongi at magbike kaming dalawa. Para kaming mga high school na nagkukulita at nagtatawanan. Somehow nawala ang mga bumabagabag sa akin at mukhang masaya din si Yoongi dahil nga, ang kulit-kulit niya. Malayo sa Min Yoongi na nakilala ko.
Hindi nawala ang pagsho-shopping namin ni Yoongi pero this time ay napapayag ko siya na hindi kami sa mall pumunta at mamili kundi sa mga maliliit lang na boutiques na nadaanan namin at nakabili ako ng isang mumurahing gray na jacket na siyang nagustuhan ko samantalang bumili naman si Yoongi ng magkapares na sumbrero para sa aming dalawa. Natawa nalang ako dahil hindi ko rin magets ang fashion sense ni Yoongi at pati ako dinadamay.
Habang hinihintay namin dumating ang sundo namin ay nakakita ako ng isang mataba at kulay orange na pusa at hindi ko napigilan na i-pet ito. Aww. Gusto ko tuloy ng pusa.
Gabi na ng maihatid ako pauwi ni Yoongi sa apartment at bago siya umalis ay hinalikan niya ako sa labi ko na kinakaba ko dahil baka makita kami ng karoommate ko. Duon ba naman kasi mismo ng tapat ng pintuan namin niya ginawa. Loko talaga.
Abala ako sa pagkain ng midnight snack ko na tinawag kong cookies and milk cereal ng tumunog ang cellphone ko at pagtingin ko ay inaaya ako ng mga walang hiya kong kaibigan na lumabas bukas ng gabi. Wow! Makapag aya akala mo mga wala kaming pasok kinabukasan. Pero syempre, magka ganuon man um-oo pa rin ako. Hahaha.
Patapos na ako sa kinakain ko at panunuod ng One Piece: Stampede ng muling tumunog ang phone ko at pagtingin ko ay isang message mula kay Yoongi na nagsasabing lalabas kami ulit bukas ng umaga. What the?!
Pero dahil wala namang magagawa ang pag alma ko ay pagkatapos ng palabas agad na akong natulog. Saan na naman kaya ako dadalhin ng lalaking ito? Whew.
Maaga akong sinundo ni Yoongi sa apartment dahil sasakay daw kami ng private helicopter niya na pinagtaka ko. Hindi ko alam saan ang punta namin pero inassure niya naman ako na hindi kami lalabas ng bansa at iuuwi niya ako mamaya para hindi ako ulit masermunan ng karoommate ko dahil sa madalas kong hindi pag uwi sa amin. Hindi ko pa rin nga nasabi sa kanya ’yung tungkol duon sa umaaligid sa apartment namin dahil hindi ko alam kung kailangan pa ba niyang malaman ang tungkol duon.
Unexpectedly and coincidentally, gaya ng nangyari kahapon ay halos similar ulit ang suot naming dalawa ngayon na hindi naman namin pinag usapan tho maliban sa sumbrero na pinasuot sa akin ni Yoongi na siyang binili niya kahapon ng nasa Daegu kami.
Halos lumuwa ang mata ko ng makita ang isla na sabi ni Yoongi ay nabili niya sa murang halaga. Antokwa! Hindi naman mukhang mura ang presyo nitong isla na ito sa lawak niya!
Pagpasok namin sa bahay ni Yoongi ay para akong hihimatayin dahil kahit mukhang simple ang ayos ay mamahalin ang mga gamit na nandito. Nakakatakot makabasag ng gamit dito at ayaw kong dagdagan ang utang ko sa kanya. Hindi pa nga ako fully paid duon sa una eh!
Ginayak ako ni Yoongi sa isang malaking kwarto at saka ko lang narealized na walang ibang kwarto ang nanduon bukod dito sa pinasukan namin. Don’t tell me makakatabi ko siya matulog kapag naisipan kong umidlip ngayon? Alam ninyo kasi inaantok pa ako eh.
“Jimin, c’mon. Let’s rest.” tawag ni Yoongi sa akin at pinagpag ang kamay niya sa bakanteng espasyo sa tabi niya.
Oh, Dear . . .
Hindi na tirik ang araw ng magising kami ni Yoongi at napagpasyahan namin na mag picnic by the beach. Buti nalang at may dala kaming pagkain kanina bagonkami pumunta dito.
Hinayaan lang muna ako maglaro ni Yoongi sa dagat habang abala siya sa pagdutdot ng cellphone niya. I wonder kung anong pinagkaka abalahan niya.
Nang mapagod ako ay saka lang ako umupo sa tabi niya at tinigil niya na ang pag gamit sa cellphone niya at tumingin sa akin na may ngiti sa kanyang mga labi.
“So, uhm, bakit pala tayo nagpunta dito?” tanong ko sabay kuha sa cherry tomatoes. Saglit ko itong tinitigan bago ko kinain.
“Happy second week, baby!” saad niya at hindi na ako naka iwas pa ng halikan niya ang labi ko.
Oh shoot. Naka 2 weeks na agad kami? Nakaramdam ako ng hindi maipaliwanag na kirot ng marealized kong another 2 weeks nalang bago matapos ang lahat sa amin.
“And here’s a present to us.” napatingin ako sa kinuha niya sa gilid niya at napa awang ang bibig ko sa gulat.
Ito yung. . .
“Yoongi. .” hindi ko maexplain kung anong nararamdaman ko ngayon. Ito yung tinitignan ko kahapon na bracelet na kung tawagin ay ‘Red String of Fate’. Matagal ko itong tinitigan kahapon sa isa sa mga botique na pinasukan namin dahil curious ako kung totoo ba ’yung ganitong klase ng bracelet at kung may supernatural effect ba siya sa dalawang taong magsusuot. Hindi ko inexpect na bibilhin siya ni Yoongi.
“Nakita kita kahapon na nakatitig dito kaya naisip ko na baka gusto mong bilhin kaya binili ko ng hindi mo alam. Did you like it?” tanong niya matapos niyang isuot sa akin yung pulang bracelet.
“O-Oo. Uhm, Yoongi, alam mo ba kung bakit ko ito tinitignan kahapon? Alam mo ba ang tawag dito?” naiilang kong tanong habang sinusuot sa kanya yung itim na bracelet.
“Red string of fate, right?”
Tumango ako, “Eh, uhm, bakit mo binili kung alam mo pala kung ano ito?”
“What do you mean, baby? Of course, I’ll buy what you want. I’m your boyfriend, remember?”
“Uhm. .” hindi ko nalang tinuloy ang gusto kong sabihin dahil baka kung saan pa mapunta ang usapan. I don’t know. Maybe I was expecting a different answer from him but then again, I realized baka iniisip niya na hindi ito totoo at nakakatuwa lang yung concept dahil by the end of the day, I wasn’t the one destined to be with him but Irene. Nakikihati nga lang pala ako sa kung anong meron siya.
That made me a bit sad while looking at our bracelet but pretended I was happy.
Because I should when it was my choice in the first place to be in this kind of relationship with Min Yoongi.
A/N:
Posted: August 14, 2021 at 2:30 AM
Hello, everyone. Here’s an update for you. I channel my roller coaster emotion sa chapter na ito and I hope it did not bother you in any kind of way. So, uhm, bakit kaya sa tingin ninyo naparanoid bigla si Jimin ng nasa Busan sila and weird yung naging reaction ni Yoongi ng marinig niya yung kinanta ni Jimin? And yes, that was Tony Montana because I live for the Yoonmin version and still hope for another collaboration of them.
Kitakits sa susunod na update mga ka meow meow. Ichi ni san nyaa arigato!
ILLICIT AFFAIR 31
JIMIN POV
Bandang ala singko na ng maihatid ako ni Yoongi sa apartment at pagka alis niya ay agad akong naligo at nagpalit ng damit para tumungo sa malapit na salon at magpakulay ng buhok. Walang ibang nakakaalam ng balak ko maliban sa akin. Malamang lahat ng nakakakilala sa akin magugulat kapag nakita nila ang bagong kulay ng buhok ko. Sana nga lang hindi ako mapagalitan ni Yoongi sa gagawin ko. Eh kasi naman! Ayaw ko ng mag mukang quadruplets kaming apat nila Taemin. Hahaha.
So habang papunta ako ng salon ay iniisip ko anong kulay ng buhok ang magmumukha akong stand out at sakto namang ng makarating ako sa salon ay naisip ko na anong gusto kong kulay.
Makalipas ang ilang oras ko na pagkakaupo sa luob ng salon ay sa wakas! Natapos din ang pagbabagong anyo este kulay ng buhok ko.
Paglabas ko ng salon ay feeling proud ako sa sarili ko lalo pa at ang daming napapatingin sa akin. Aba, dapat lang. Powerful color yata ang pinili ko and for sure magugulantang ’yung tatlo sa akin kapag nakita nila ako sa malayo palang. Huehuehue!
Magtetext palang ako kila Holland kung nasaan na sila ng magtext si Taemin na siya ang nauna sa place ng kitaan namin at hinihintay na niya kami kaya binilisan ko ang lakad ko para makarating sa destinasyon ko.
“Woah!” parehas naming reaksyon ni Taemin sa isa’t-isa pagdating ko sa coffee shop ba meeting place namin.
I have no words. I mean, hindi ko inexpect na nagpakulay na rin ng iba si Taemin. Akala ko sila ang masusurprise ko pero ako din pala. In fairness naman. Bagay sa kanyaa. Hindi na kami parehas ng kulay ng buhok.
“Strawberry or poison apple ni evil stepmother?” nakataas kilay at ngising tanong ni Taemin pagkaupo ko katapat niya at tinititigan ang new look niya.
“I’ll go with fire nation.” naka look at my nails kong respond with matching pag labas dila pa ala WAP.
“Kabog! Ako grim reaper! Sinusundo ko mga taong sawi sa pag ibig.”
Sa kalagitnaan ng pagchichismisan namin dahil sa paghihintay sa dalawa pa naming kaibigan ay bigla kaming napatigil or should I say, si Taemin sa kinukwento niya ng may makita siya mula sa likuran ko kaya syempre, nilingon ko ang nakita niya at. .
“Ikaw din?!” gulat kong tanong sa nakalapit ng si Hyungwon sa table namin.
“What the–?!” jaw drop siyang tumingin sa amin ni Taemin.
“So, I think it’s fair to say na ikaw ang gumaya sa akin Hyungwon?” mataray na saad ni Taemin pagkatabi sa akin ni Hyungwon na halata pa rin ang pagka shock sa kanya.
“Akala ko kayo ang magugulat ko sa ginawa kong pag change color tapos iyon pala. . Anyway! Excuse me, hindi kita ginaya ng hair color ’no! Naubusan lang kasi ng gusto kong kulay duon sa pinuntahan kong salon kanina kaya nag opt to black nalang ako kesa mag orange. Ayaw kong mag mukhang tangerine ’no!” paliwanag ni Hyungwon.
Habang nagbabangayan sina Taemin at Hyungwon dahil sa parehas nilang hair color ay si tawa lang ako sa gilid. Grabeng coincidence. Nagkaparehas pa sila ng new hair color nila. Para tuloy silang magkakambal. Siguro naman blonde hair pa rin si Holland kasi bihira lang naman magpakulay ng buhok iyon hindi gaya namin ni Hyungwon na hindi mapakali kahit kakapakulay lang namin na gusto ulit ng bago ulit na kulay. Buti nga alagang conditioner ang buhok ko kaya hindi nagda dry at nagmumukhang lifeless.
Napatigil ako sa pagdudutdot ng cellphone ko ng biglang marinig ko sina Taemin at Hyungwon na nagpipigil ng tawa at mukhang puffer fish na sasabog na anytime at bubuga ng laway nila sa isa’t-isa. Anong nangyari sa mga ito?
“Alam ninyo minsan naiisip ko, siguro quadruplets tayo ng past life natin?” dinig kong sabi ni Hyungwon.
“Huh? Paano mo nam–?!” hindi ko na natuloy ang balak ko sanang sabihin ng mapatingin ako sa taong nakatayo sa harapan namin, “H-Holland?!” namimilog ang mga mata ko at may kalakasab kong tawag sa pangalan niya na para bang isa siyang patay na nabuhay. Anak ng–?!
Kung kanina pinagtatawanan ko sina Taemin at Hyungwon dahil sa bangayan nila sa new hair color nila, ngayon sila na ang tumawa sa amin ni Holland dahil sa magkaparehas naming new hair color.
“J-Jimin?!” napa mic drop movement ito at napasalampak sa pag upo niya sa tabi ni Taemin, “Just so you know, hindi kita ginaya at cherry on top ako, ’kay?”
Kung curious kayo, sa new hair color namin na hindi na masasabing ‘new’ dahil nag pair kami ng kulay na again, coincidence dahil walang gustong umamin sino ang nang gaya ay well, here you go. Kayo na ang humusga.
Nakakaloka! Feeling ko tama si Hyungwon sa sinabi niya kanina. Hindi nga kaya quadruplets kami ng past life namin kaya ganito ang mga nangyayaring coincidence namin? Laging may napaparehas.
Makalipas ang tatlong oras naming get together ay napagpasyahan na naming magsi uwi sa kanya-kanya naming mga bahay at habang nasa luob kami ng sasakyan ni Taemin dahil ako ang una nilang ihahatid ay nagulat ako ng bigla nalang itong magsalita direkta sa akin.
“Jimin, after ng week na ito, isang week nalang tapos over na yung sa inyo ni Mr. Min di ba?” biglang nanikip ang dibdib ko sa tanong na iyon pero agad ko ding inalis sa sistema ko.
“Uhm-hmm.” tugon ko, “Bakit?”
“Laging libre ang oras ko kaya kung kailangan mo ng makakausap, itext o tawagan mo lang ako.” napatingin ako sa rearview ng hindi ko namamalayan at napansin ko ang mga mata ni Taemin sa akin na nangungusap.
“Ako din, Jimin. Kung sakaling hindi mo magamit yung box ng condom na binili ko sa iyo, ibenta mo nalang para kumita ka pa.” dagdag ni Holland.
“At kung kailangan mo ng lugar na saglit mong makakalimutan ang problema mo, bukas ang pinagtatrabahuan kong club para sa iyo.” saad ni Hyungwon at hinawakan pa ang kamay ko.
Hindi ko maintindihan kung bakit lalong sumikip ang dibdib ko sa mga narinig kong sinabi nila.
“Mga loko! Anong pinagsasasabi ninyo d’yan? Okay lang ako, ano ba kayo? Saka sino bang mafa-fall sa luob ng one month sa taong pamilyado na?” naiilang ngunit natatawa kong sabi.
Saglit na katahimikan ang namayani sa luob ng sasakyan kasabay ng paghinto nito. Nandito na pala kami sa place ko.
“Ikaw.” sabay nilang tugon.
“Hala, paano ninyo nasabi? Hindi ah!”
“Naku, wag kami Jimin. Una sa lahat, ikaw lang ang walang experience sa atin sa pakikipag fling kahit na halos ikiskis na sa iyo ng iba ang pagmumukha nila mapansin mo sila. Eh much more pa sa love life kaya kahit mukhang pinagtitripan kita at okay lang sa akin ang lahat ng malaman kong sa wakas nagka love life ka na pero sa isang Min Yoongi, nagaalala ako sa iyo pero hindi ko pinapahalata iyon dahil ayaw ko ng dagdagan pa ang worry mo dahil gusto kong ma enjoy mo ang experience na ito kahit saglit lang pero Jimin, ingatan mo ang puso mo. Masyado kang maganda para umiyak sa break up or end contract in Min’s term sa kasunduan ninyo.”
“Tama si Taemin, Jimin. After mo kay Mr. Min, huwag kang mag alala. Ihahanap kita ng mas higit pa sa kanya na mas deserving pa maging kabilang dulo ng thread of fate mo.” saad ni Holland na nakatitig sa kamay ko kung saan nakasuot yung binigay sa akin ni Yoongi kanina. Saglit akong nagulat pero agad ko din tinakpan iyon gamit ang isa kong kamay. Hoping na ilayo ni Holland ang tingin niya duon.
“If all else fails, tutulungan kitang hanapin si Suga. Malay mo siya pala yung talagang nakatadhana sa iyo.” saad ni Hyungwon na kumindat pa sa akin. Huh? Anong sinasabi niya?
“Sino iyang Suga na iyan?” tanong ni Taemin.
“Bakit ngayon ko lang narinig ang pangalan na iyan?” dagdag ni Holland.
“S-Suga?” tanong ko at sinubukan alalahanin ang taong sinasabi niya pero imbis na magka idea ako kung sino iyon ay kumirot lang ang ulo ko.
“Huh? Dinedeny mo si Suga o hindi mo siya maalala?” tanong ni Hyungwon sa akin. Bago pa ako makasagot ay si Holland ang gumawa nito para sa akin.
“Teka, sino ba iyang Suga na iyan at ikaw lang ang may alam sa amin?”
Bumuntung-hinga si Hyungwon at tumingin sa akin ng makahulugan, “Narinig kong binanggit ni Jimin ang pangalan na iyon dati. Tinatawag niya para maglaro sila so I assume kababata iyon ni Jimin.”
Dail hindi ko talaga maalala kung sino yung Suga na binabanggit ni Hyungwon na sabi niya eh nabanggit ko dati, nagpaalam na ako sa kanila para makapasok ng ako ng apartment at makapagpahinga.
Suga? Sino si Suga?
Hanggang sa makatulog ako yung pangalan na iyon ang nasa isip ko.
Kinabukasan, pagpasok ko ng office ay abala ang lahat dahil sa pagaayos ng mga papeles na dapat matapos dahil naka six months na, which means next week na ang first anticipated company party. I don’t know what that is and if that even exists dahil alam ko isang beses lang nagaganap ang anniversary party but then again hindi naman daw ito anniversary party kundi party lang.
Nawala sa isip ko na bagong kulay ang buhok ko sa sobrang busy. Naalala ko lang ang tungkol duon ng magka salubong kami ni Yoongi at kapwa kami may mga dalang naka file na papers at napansin ko ang pagka estatwa niya ng makita niya ako.
“Is that. .? When did. .? Seriously?” tanong niya sa akin na hindi niya mabuo-buo ang gusto niyang sabihin.
“A-ah, eh, hindi ba pwede ito? Hindi ba bagay? P-pwede ko namang pakulayan ulit.” naiilang kong sabi at hindi ko alam saan ako titingin dahil naiilang ako sa pagtitig niya sa akin.
“N-no!” tugon niya at nag kagat labi, “You actually look hot.” bulong niya sa huling bahagi ng sinabi niya at hindi ko ito narinig ng maayos.
“Huh?”
Nawala sa isip ko na papunta pala ako sa office niya kaya ng pumasok siya sa luob ng elevator kung nasaan ako ay napa buntung-hininga nalang ako. Saan kaya ang punta nito? Hayaan ko muna siyang makapunta sa floor na pupuntahan niya saka ko babalik sa floor ng office niya para dalhin itong mga dala ko.
“Jimin.” agad akong napatingin ng tawagin niya ang pangalan ko.
“Yes, Sir? I-I mean, Yoongi?”
Nagulat at nagtaka ako ng agawin niya ang hawak ko at walang pakundangan itapon iyon sa gilid ng elevator kung nasaan nakalagay ang hawak niya kanina. Teka, anong meron? Bakit duon niya inilagay ’yung mga iyon?
Bago pa ako makakuha ng sagot sa tanong ko ay marahas akong hinatak ni Yoongi palapit sa kanya at hinalikan ang labi ko. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. Shit! Nasa luob kami ng elevator! Sobrang risky nitong ginagawa namin!
Sinubukan ko siyang itulak palayo ngunit lalo lang niyang hinigpitan ang pagkakalingkis ng kaliwang kamay niya sa bewang ko samantalang naka pin ang kaliwang kamay ko gamit ang kanang kamay niya.
“Yoo–?! Aahh!. . Hhnngg!” ungol ko sa pagitan ng halikan namin na lalo niyang pinapalalim at bigla akong nakaramdam ng kakaiba ngunit pamilyar na pakiramdam sa akin ng himasin niya ang pang upo ko. Para akong mauubusan ng hangin sa katawan ko.
Sa lakas ni Yoongi ay napaatras ako hanggang sa ma corner ako sa isang dulo ng elevator at duon wala na akong nagawa kundi magpatiagos sa gusto niyang mangyari. Naghalikan kami na parang nasa isa’t-isa ang source ng hangin namin. Walang sino man ang balak na huminto sa ginagawa naming makasalanang bagay. Sana lang hindi bumukas ang pinto ng elevatpr dahil naku! Hindi ko alam ang maaaring kahinatnatan naming dalawa kapag may ibang nakaalam ng tungkol sa amin. Pero at the same time, nanduon ako sa thinking ko na sana hindi matapos ang sandali naming ito.
“Jimin. .” tawag nito sa akin matapos niyang idireksyon ang basa niyang dila pataas, patungo sa tenga ko at saka umihip ng kaunting hangin na nagpataas ng balahibo ko.
“Y-Yoongi. .” tawag ko at mas hinigpitan ang kapit ko dahil pakiramdam ko anytime bibigay na ako sa kanya.
“Let’s go back to work.”
Nang marinig ko ang sinabi niya ay agad akong bumalik sa realidad na nasa trabaho kami kaya agad ko siyang tinulak palayo sa akin at inayos ang damit ko. Hindi naman siya nagreact sa ginawa ko at sa halip ay may pinindot sa buttons ng elevator and before I know it, nakalabas na si Yoongi samantalang naiwan ako para bumalik sa office niya at inilapag ang mga dala kong files.
Ginugol ko ang natitirang oras ko sa pag focus sa trabaho kahit na mahirap dahil bumabalik sa akin yung nangyari kanina sa elevator at hindi nakatulong duon ang pagpilit ko na hindi pansinin ang paninikip ng pantalon ko. Dahil ng sinubukan kong hawakan iyon sa pagaakalang mawawala ang kakaibang init sa katawan ko ay mas lalo akong nakaramdam ng hindi tama dahil bumalik sa ala-ala ko yung nangyari nuon sa office ni Yoongi.
Nasa kalagitnaan ako ng pagtatrabaho ng makarinig ako ng katok kaya hinintay kong pumasok ang taong nasa labas at magsalita ng hindi man lang ito tinatapunan ng tingin dahil, again, abala ako sa pagtatrabaho.
“Jimin.” automatic akong napa angat ng tingin ng makilala ko ang boses ng nagsalita.
“Y-Yoongi.”
“Let’s go home.” huh? Home? Tumingin ako sa wall clock at napagtantong uwian na pala namin kaya dali-dali akong nagligpit at sabay kaming lumakad ni Yoongi papunta sa parking lot kung saan naghihintay ang kotse niya sa amin.
Habang nasa luob kami ng sasakyan at may mahinang tugtugin mula sa radyo ang maririnig ay bigla nalang may maliliit na patak ng tubig ang dumikit sa harapan ng sasakyan and before I know it, bumuhos na ang malakas na ulan sa labas.
Impit akong napangiti habang sinasabayan ng pag hum ko ang isang pamilyar na tugtugin - Serendipity. ’Yung kantang kinanta ko nuon sa kalokohan naming pagsali sa audition nina Taemin at Hyungwon.
Dahil nasa kalagitnaan kami ng traffic na biyahe ay tinuon ko ang atensyon ko sa labas para mawala yung awkwardness sa akin sa tension na nandito sa luob ng sasakyan. Sa tagal ng tingin ko sa labas, isang bagay ang naka agaw sa atensyon ko.
“Yoongi! Ihinto mo itong sasakyan!” utos ko na halos pasigaw sa taranta.
“What?” sigaw niya pabalik at halata ang pagka inis sa tono niya, “It’s raining outside Jimin! What are–?!”
“Stop the damn car, Yoongi!” nagulat din ako sa naging reaksyon ko dahil alam kong pinandilatan ko din ito ng mata. The heck? Are we like having an argument right now? Like yung sa mga k-drama? Oh wow.
Nagulat din siya sa naging reaksyon konat kahit hesistant siya wala siyang nagawa kundi ihinto ang sasakyan.
“Hey, Jimin are you mad because of what I. .?! Jimin! What the hell?!” hindi ko na pinatapos ang gusto niyang sabihin at nagmamadali akong lumabas ng kotse niya at tumakbo sa ulanan para kuhain ’yung kuting na basa ng ulan at nanginginig na sa lamig. Mukhang nahiwalay siya sa pamilya niya. Kawawa naman.
“Sshhh. . Kawawa ka naman. Halika dito, iuuwi kita. Baka magkasakit ka pa kapag tumagal ka dito sa labas.” marahan kong sabi at dahan-dahang kinuha ang kuting na nakasiksik sa pwestong hindi naman siya nasisilungan.
“Jimin!” dinig kong tawag sa akin ni Yoongi at paglingon ko ay nasa likuran ko na siya at hinubad niya ang suot niyang suit para ipatong ito sa ulo ko.
“Yoongi! Anong ginagawa mo?”
“I should be the one asking you that question. Tsk.” inis niyang tugon pero magkahawak kamay kaming bumalik sa luob ng sasakyan dala ang kuting na kinuha ko sa gilid ng kalsada.
Wala ng isa ang umiimik sa amin sa biyahe hanggang sa makarating kami sa apartment.
“Uhm, sorry.” panimula ko, “Sumama ka muna sa akin sa luob. Magpatuyo ka muna. Baka magkasakit ka ng dahil sa akin.”
Tumingin siya sa akin at hindi agad na nagsalita pero makaraan ang ilang sandali ay lumapit siya sa akin at marahang hinalikan ang labi ko.
“I should be the one saying sorry not you.”
“Huh?”
Umiling siya at bago ko pa mamalayan, parehas na kaming nasa luob ng apartment. Tinawag ko ang karoommate ko pero walang sumasagot maliban sa nakakita ako ng note na nakadikit sa pintuan ng fridge na nagsasabing magoovernight siya sa ka group niya sa thesis. So, kami lang pala ni Yoongi este ako lang pala mag isa ngayon dito sa apartment namin.
“Jimin?” dinig kong tawag ni Yoongi sa CR kaya agad akong lumapit para marinig ang sasabihin niya sa akin.
“Yes, Yoongi?”
“Uhm, I don’t have a towel with me.” hindi ko alam bakit bigla akong nahiya sa sinabi niya. Shit. Oo nga pala.
Dali-dali akong pumasok sa kwarto ko para kuhain siya ng bagong towel ng mapatingin ako sa bintana sa labas. Lalong lumalakas yung ulan.
“Jimin?” muli kong dinig na tawag sa akin ni Yoongi kaya magmadali akong bumalik sa tapat ng cr at nakatagilid na inabot sa kanya yung towel na kinuha ko at napalunok ako at napahinga ng malalim ng maramdaman ko ang basa niyang kamay sa kamay ko.
Habang abala si Yoongi sa pagpapatuyo ng katawan niya ay kinuha ko yung nabasa niyang damit para patuyuin sa dryer samantalang hinayaan ko muna yung sa akin sa basket.
Dahil mukhang nasa luob pa namannng CR si Yoongi ay sumimpleng amoy ako sa damit niya. Shit. Ang bango talaga. Mami-miss ko ang amoy na ito for sure. Napa iling ako sa isipin na iyon at isang mapait na ngiti ang gumuhit sa labi ko.
“Uh, Jimin.” muling tawag sa akin ni Yoongi kaya dali-dali akong lumingon kaso hindi ako nakapag handa sa makikita ko.
“Ano iyon Yoo–?! Oh shit! S-Sorry! Sorry! Hindi ko sinasadya! Unti lang nakita ko!” namumulang pag hingi ko paumanhin sa kanya. Nakatalikod naman na ako pero tinatakpan ko pa rin ng kamay ko ang mga mata ko.
Jusko naman! Hindi naman kasi ininform na naka topless siya at naka twalya lang. My gosh! Nakita ko tuloy yung namumutok niyang muscles at abs! Actually ang sarap ngang hawakan pero mukhang may mas nangangailangan na pansin duon sa bandang ibaba este! Shit! Ano ba itong mga naiisip ko?! Mali, mali! Erase!
Narinig ko siyang tumawa at lumakad palapit sa akin. Nagpanic na namanako lalo tuloy.
“H-Huwag kang lalapit!” banta ko at humarap na sa kanya na naka defense pose pero pikit pa rin ang mga mata ko.
“Relax. I’m just going to ask for a pair of dry clothes that I can wear.”
“Oh! Uhm, wait. Hanapan kita.” nagmamadali akong tumakbo pabalik ng kwarto ko ng hindi man lang siya tinatapunan ng tingin. After kong makahanap ng damit na sa tingin ko ay magkakasya sa kanya ay pabalik na sana ako kung saan alam kong naghihintay siya sa akin ng pagtingin ko sa kama ko ay nakaupo siya duon at nakabukaka at abala sa pagdutdot sa cellphone niya.
Napalunok ako sa nakita kong hitsura niya. Mukhang napansin niyang nakatingin ako sa kanya at tumingin na rin siya sa akin.
“I just texted the people at my house that I won’t be home.” casual niyang sabi na para bang walang problema sa akin kung hindi siya makauwi.
“Huh? Bakit hindi ka uuwi? Sino bantay ng kambal? Umuwi ka, Yoongi! Malapit naman na matuyo yung damit mo.” sermon ko at lumakad papunta sa kusina kung saan nanduon yung kuting na inuwi ko galing sa labasan. Gising na siya. Iniwan ko kasi muna siyang nakabalot sa tuyong towel pagkarating namin dahil nakatulog siya sa biyahe.
“No. I’ll stay here. Maraming bantay sa bahay para kina Yoonji at Yeonki, ikaw dito wala. Besides, malakas ang ulan sa labas. Ayaw kong mabasa ulit. Nakaligo na ako.” sagot niya ng makalabas na siya ng kwarto suot ang damit na pinili ko para sa kanya.
Hindi ko nalang ito pinansin. Bahala siya d’yan. Sa sofa ko siya patutulugin.
Tinignan ko ang kuting na sa akin na mula sa araw na ito at napangiti ng agad niyang lantakan yung binigay kong gatas para sa kanya.
“Hi, ako si Jimin at ako na ang magaalaga sa iyo mula ngayon at ikaw naman si uhm, hmm. . Tama! Ikaw si Suga. Suga, the ’lil meow meow.” nakangiti kong sabi at naka boses bata.
So, hindi ko alam bakit iyon ang naisip kong pangalan. Siguro dahil sa sinabi sa akin ni Hyungwon o baka dahil na rin sa kababata ko talaga iyon na nakalimutan ko pero mukha namang okay sa kanya ang pangalan na iyon dahil narinig ko siyang mag respond.
“Aba, mukhang gusto mo yung pangalan na Suga ah?” saad ko at pinagmamasdan siya na dilaan ang sarili niya at umunat. Maya-maya ay lumakad siya palapit kay Yoongi at siniksik ang sarili niya sa paanan nito at duon natulog. Hala?!
Napatingin ako kay Yoongi na akala ko maiinis sa nangyari pero hindi. Nakatitig lang siya sa amin ng pusa. Hindi ko maexplain kung anong tumatakbo sa isip niya dahil poker face lang siya hanggang sa magsalita siya.
“S-Suga?” tanong niya sa akin at bago pa ako makasagot sa kanya dahil napansin ko ang pagkunot ng nuo niya ay sakto namang nag brown out.
A/N:
Posted: August 25, 2021 at 12:00 AM
Hello, everyone. Nagbabalik ang inyong author para sa isa na namang update. So, hindi ako nakapag update ng nakaraan ’coz naging busy ako sa real world and also, nakapag second dose na rin ako kanina and medyo hinabaan ko yung update today kasi hindi ako sure kung makakapag update ulit ako bukas dahil as early as kanina ramdam ko agad yung side effects.
Kitakits sa susunod na update mga ka meow meow. Ichi ni san nyaa arigato!
ILLICIT AFFAIR 32
JIMIN POV
“S-Sorry! Hindi ko sinasadya! Uhm, takot kasi ako sa dilim.” saad ko habang nakayakap ng mahigpit kay Yoongi. Ewan ko ba. Takot ako sa dilim at hindi ko alam o maalala kung bakit.
Marahan niyang hinaplos ang buhok ko at hinalikan ang nuo ko. Napangiti ako kahit papaano at nawala ang takot ko sa ginawa niyang iyon.
Lumalakas ang ulan sa labas at may pangilan-ngilang kulog din ang maririnig kaya lalong humihigpit ang hawak ko sa kanya at ng oras na hindi ko na alam ang gagawin ko para mawala ang takot ko ay niyaya niya ako pumunta sa kwarto ko habang hawak niya si Suga at ginaguide kami ng ilaw ng cellphone niya.
“I don’t know if this will help but do you want to do what my twins does everytime they’re afraid of the storm?”
Nagaalangan man ngunit tumango pa rin ako. Malay ko ba kung effective.
Binigay ko sa kanya ang flashlight na pinapakuha niya sa akin at makalipas ang ilang oras ay tuluyan ng nawala ang takot ko at panay na ang tawa ko. Nagpapaligsahan kami ni Yoongi sa paggawa ng animal shadows at kung minsan ay may pahapyaw na pag boses bata pa kami at kaunting describe kung sino o anong ginagawa ng napili naming ishadow na hayop.
Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko nangyari na ito dati.
“Deer!” hula ni Yoongi sa shinape ko na shadow.
“Engk! Mali!” natatawa kong tugon.
“What? That’s a deer!” hindi makapaniwalang saad nito.
“No, it isn’t! This is a moose, Yoongi. Moose!” bigay diin ko habang tumatawa. Sa sobrang hindi siya makapaniwala sinearch niya yung hayop na sinasabi ko at muling tumingin sa kamay kong naka korte pa rin para sa shadow at bumuntung-hininga.
“Fine! You win!” nakanguso niyang sabi at tinapik ang bakanteng space sa tabi niya at agad akong tumabi duon. Kapwa kaming nakatingin kay Suga na tulog na tulog sa tabi ng cabinet ko.
“That was fun.” nakangiti kong sabi habang nakasandal sa kanya.
“I’m happy that you aren’t scared anymore.” saad niya habang hinahaplos ang buhok ko, “Since when the storm made you afraid of it?”
“Hmm, I don’t know. . Ikaw ba? Hindi ka takot sa ulan or kulog? Or may kinakatakutan kang iba?” tanong ko.
“Hmm. . I’m afraid of the buses.” sagot niya kasabay ang isang malalim na buntung-hininga. Agad akong napatingin sa kanya.
“Bus? Bakit ka takot sa bus?”
“It happened on sixth grade. We were on a fieldtrip and unluckily my bus got hit by a truck and that made me almost died at a young age. According to my parents and my brother, I spent like what, uhm almost three months in the hospital so yeah.”
“Kamusta yung mga naging classmates mo naman nu’n?”
“Well, three didn’t survived out of 30 students and there were seven of us who were severely injured and I’m one of them while the others were lucky they didn’t have any physical injury but I think they had an emotional or mental injury because of the accident that happened.”
“Grabe sigurong inabot mong trauma dahil duon pero mabuti nalang at kinaya mo at ngayon heto ka, alive and surviving! Nakapag asawa ka pa nga at nagka anak!” nakangiti kong sabi habang hinahaplos ang mukha niya.
“But I will be divorce soon.” tugon niya ng may mapait na ngiti sa labi.
Nanikip ang dibdib ko dahil sa sinabi niya. Ayaw ko mang sabihin ang sasabihin ko ngayon pero ayaw kong maging selfish. Tama na yung kahit saglit lang naramdaman at naranasan ko paano magmahal at maging in relationship. Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang sarili kong maiyak.
Sana sa next life, umayon naman sa amin ang tadhana.
Tumingin ako sa magkaparehas naming suot na bracelet bago nagsalita.
“Hindi pa huli ang lahat Yoongi. Pwede mo pang maayos ang pamilya ninyo ni Irene. Alam mo, sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit naisip mong makipag relasyon sa gaya ko kahit na alam mong pamilyado ka ng tao pero hindi kita masisisi kung gusto mo lang ng panandalian na distraction, pero alam mo? Mas mabuti kung ititigil na natin ito kasi hindi mo man aminin, deep inside alam kong gusto mong magkaayos kami ni Irene at hindi ako siya kaya imbis na ituon mo sa akin ang dapat sana ay kay Irene, gawin mo na kung ano ang dapat. Alam kong mas matimbang pa rin siya sa iyo kesa ako.”
“Jimin. .” tawag niya sa akin at balak sana niya akong hawakan kaso pinigilan ko siya.
“Yoongi, simula palang alam nating mali na itong ginagawa natin at ayaw ko ng patagalin pa ito. Let’s go back to being a boss and secretary relationship and not this kind of illicit affair.”
Matagal na akong may pagaalinlangan sa relasyon na ito mula sa simula palang ngunit sinusubukan kong hindi ito pansinin pero dahil sa mga sinasabi ng kaibigan kong nag aalala sa akin at sa naririnig kong masasakit na salita tungkol sa amin na hindi alam ni Yoongi mula sa ibang tao sa tuwing nasa labas kami para mag date, alam ko kailangan ko ng itigil ang kaligayan ko. Hindi deserve ng isang gaya ko ang maging masaya lalo na kung hinihiram ko lang siya mula sa tunay na nagmamay-ari sa kanya - ang pamilya niya.
Hindi siya umimik. Matagal na katahimikan ang namayani sa pagitan namin. Walang ni isang ingay ang maririnig bukod sa paghinga namin.
“It’s supposed to be one month but I understand of you’re having doubts about our relationship. I can’t blame you for that but can we please finish it until the end of the week? Please?”
Nang tumingin ako sa mga mata niya. Alam kong talo na naman ako dahil wala akong magagawa kundi pumayag.
“Thank you and I’m sorry for making you feel this way but I just want to let you know, hindi ka panandaliang distraction para sa akin.” iyon ang huli niyang sinabi bago kami nagpasyang matulog na dahil may pasok pa kami kinabukasan.
I’m a hundred percent sure na nananaginip ako dahil sa panaginip ko nasa lake side ako at mukhang sa panaginip ko ay nandito ang kambal. Nakakita ako ng picnic set up sa gilid ng lake kung saan sa hindi kalayuan ay may nagtatakbuhan na dalawang bata. Hindi ko maaninag ang mukha nila pero napagtanto kong hindi iyon yung kambal ng marealized kong parehas na lalaki ang dalawang batang nagkakasayahan.
Teka, kaninong panaginip ito at nandito ako?
“Chim! Get back here!” sigaw ng isa sa kanila.
“No way! You must chase after me, right?” tugon ng isa na halatang humahangos na kakatakbo niya.
“You win, Chim. Now get back here and I’ll show you something.”
“If you say so, Suga!”
Huh? Suga? Agad akong lumingon sa paligid dahil naisip ko yung kuting na inampon ko pero hindi ko siya makita sa kung saan. Don’t tell me, ’yung pangalan ng batang kalaro ng Chim is Suga ang pangalan? So does that mean, napapanaginipan ko ang isa sa mga moments konng bata ako?
Lumapit ako sa direksyon ng dalawang bata pero ang hindi ko maintindihan eh bakit hindi ko nakikita ang mga mukha nila? Nasa horror ba ako?
“This is for you.” sabi ng Suga at inipit ang isang pirasong daisy sa tenga ng kanyang kalaro na ang pangalan at Chim. Hmmm, bakit hindi ko maalalang naging nickname ko ito nuon? Weird.
“And you should have one too so that we match.” natatawang sabi ng Chim at kumuha din ng isang pirasong daisy at sinuot iyon sa tenga ni Suga, “Now we’re even! Uhm, you know. .”
Dahil hindi ko kita ang mukha nila ay hinulaan kong magkatitigan ang dalawang batang lalaki na ito ngayon.
“I know. Forever?” nakita kong nag pinky promise si Suga na siyang tinugon ni Chim.
“And ever, together.”
Pagkatapos nu’n ay biglang dumilim ang lahat sa paligid ko at nagising ako dahil sa malakas na tunog na hindi ko alam kung saan galing.
Pagdilat ko ng mga mata ko ay halos masilaw ako sa liwanag ng ilaw. Bumalik na pala ang kuryente.
Napahawak ako sa dibdib ko na malakas ang pag kabog dahil sa nakakalokang panaginip ko. Hindi rin nakakatuwa na sumakit ng sobra ang ulo ko after ko magising.
Tinungo ko ang kusina para uminom ng tubig at gamot sa sakit ng ulo at matapos nito ay pinatay ko na ang mga ilaw na hindi naman na kailangang naka bukas dahil alas tres palang ng umaga at may oras pa para matulog.
Pagbalik ko ng kwarto ay nakita ko si Yoongi na mukhang binabangungot kaya sa pagaalala ay agad ko siyang niyugyog upang magising na thankfully ay nangyari naman kaso bago ko pa siya matanong tungkol sa kung anong panaginip niya ay agad niya akong niyakap ng mahigpit hanggang sa muli kaming makatulog na dalawa.
Kinabukasan, dahil maulan pa rin ay nagpasya akong ibaon nalang ang suit ko para hindi ito madumihan pagpasok ko. Bandang ala sais umuwi si Yoongi sa kanila para duon na mag breakfast at mag asikaso sa pagpasok niya.
Iniisip ko ngang magpalit na ng kulay ng buhok kahit na ng isang araw lang ako nagpakulay dahil sa masyadong agaw pansin sa mga nakakasalubong ko ang kulay ng buhok ko at hindi ako kumportable sa mga tingin na nakukuha ko. Whew.
Hmm, magpakulay kaya ako ng hmm, pink? Ano sa tingin ninyo? Bagay kaya?
Pagdating ko ng office ay agad kong sinara ang pinto pati ang venetian blinds. Dito ko kasi naisipan na magpalit ng damit. Late ko ng narealized na may nakapatong pala sa ibabaw ng desk ko.
Hindi ko na kailangan pang hulaan kanino galing ito. Obvious naman ang sagot. Syempre kay Yoongi.
Napangiti ako sa nakita ko. Siguradong after ng linggong ito, dahil tapos na kami sa ‘relationship’ namin eh mami-miss ko ito. Inamoy ko ang bulaklak at saka kumuha ng isang doughnut para kainin. Nagutom ako bigla dahil nakakatakam ang hitsura.
Nagsimula na ako sa pagtatrabaho ng bigla akong mapatingin sa maliit na calendar na nasa tabi ng telepono ko at makita ang araw bukas na nakabilog. Oo nga pala. Naka leave ako bukas.
Great opportunity para magpakulay ulit ng buhok. Siguro I’ll go with pink nalang para hindi gaanong mahirapan yung magkukulay sa buhok ko.
Mabilis na lumipas ang oras dahil na rin siguro sa busy ako at namalayan kong uwian na. Syempre, as usual, hinatid ako ni Yoongi sa tapat ng apartment at pagpasok ko sa luob ng apartment ay sinalubong ako ng karoommate ko na abala sa pagta type niya sa kanyang laptop.
“Hi! Anong oras ka umuwi kanina?” tanong ko bago pumasok sa luob ng kwarto ko at magpalit ng damit.
“Hapon na ako naka uwi. Ikaw ah? May hindi ka sinasabi sa akin.”
“Huh? Anong sinasabi mo?”
“Sus! Alam mo ang sinasabi ko. Hindi naman ako manhid o bulag para hindi ko malaman na may ‘something’ sa inyo ng Boss mo. So, gaano na kayo katagal?”
Natigilan ako sa paglapit sa kanya ng marinig ko ang sinabi niya.
“H-Huh?”
“Hay naku, Jimin! Huwag mo akong mai-‘huh’? d’yan! Hindi iyan uubra sa akin. So, gaano na kayo katagal?”
“Uhm,” shit. May isa na namang nakaalam ng tungkol sa amin. Napakamot ako sa batok ko kahit na hindi ito makati, “Wala pa kaming one month thou malapit na rin naman kami matapos. Next week wala na kami. Ano kasi, uh, dare lang naman yung sa amin. Ehehe!”
Tinignan niya ako maigi at saka tinaasan ng kilay, “Dare lang ba talaga? Eh bakit may pa flowers? Kung dare lang iyon, bakit mageeffort iyang Boss mo na bigyan ka ng boquet. Not to mention pa na pamilyadong tao iyan.”
“Hay naku, wag ka na ngang maraming tanong! Basta! Wala na kami next week so huwag mo ng masyadong bigyang pansin iyang nakita mo.” paglilihis ko ng usapan.
“Okay, sabi mo eh!” saad niya at nag eye roll pa, “Anyway, kaya ko natanong is because may nagpunta na naman dito na lalaki at tinatanong kung dito ka nakatira. Nagaalala ako kasi baka tauhan iyon ng kung sino at alam yung tungkol sa inyo ng Boss mo.”
“Ulit? Nakuha mo yung pangalan?” bumalik yung kaba ko sa sinabi niya.
“Hindi eh. Ayaw magpakilala. Pero alam mo? Ang gwapo ng naghahanap sa iyo ’te! Pero feeling ko nasa 40s na iyon.”
Kumunot ang nuo ko sa sinabi niya at kinabahan. Shit. Dapat ko na ba itong ipaalam kay Yoongi?
Hanggang sa makatulog ako ay iyon ang tumatakbo sa isip ko. Sino yung naghahanap sa akin?
Kinabukasan pagka gising ko dahil naka leave ako ay pagtapos ko mag breakfast nag tungo ako agad sa pinaka malapit na salon para duon magpakulay ng panibago sa buhok ko.
Syempre, yes. You guessed it right. Pink.
Habang abala ako sa pagdutdot sa cellphone ko dahil pinapakapit yung kemikal na dahilan ng pag pink ng buhok ko mamaya ay nakatanggap ako ng message kay Yoongi na nagsasabing magkita kami. Specifically, mag date.
The heck?! Ano nalang magiging reaksyon niya kapag nakita niyang bago na naman ang kulay ng buhok ko?
Hayaan na nga.
At katulad ng inaasahan, ng sunduin ako ni Yoongi mula sa Salon na pinuntahan ko ay nagulat siya ng makita ang bagong kulay kong buhok.
“Saan tayo pupunta pala, Yoongi?” tanong ko habang nasa luob kami ng sasakyan at nakatitig siya sa pink hair ko. Naiilang tuloy ako. Hindi ko alam kung natutuwa siya o napapangitan siya. Pfft.
“Somewhere only us will know.” nakangiti niyang sagot at marahang pinagsalikop ang kamay namin.
Pagbaba namin sa sinasabi niyang lugar ay agad akong nag picture. Pag isipan ko pa kung ipopost ko ito sa social media account ko.
Syempre,huwag na kayo magtaka sino yung nasa likuran ko dahil si Yoongi iyan. Teka, pakita ko sa inyo yung kuha ko sa kanya kanina ng sinundo niya ako sa salon.
“Malapit na ba tayo duon sa pupuntahan natin? Eh parang maliligaw na tayo dito sa kagubatan!” maktol ko habang naglalakad kami.
“Jimin, shut up. I told you, didn’t I? Just wait and we will get there eventually.”
Napanguso nalang ako at hinayaan siyang iguide ako sa pupuntahan namin dahil siya naman ang naka isip nito at hindi ako. Hindi ko lang talaga inexpect na nandito yung gusto niyang puntahan. ’Yung gusto niyang maging dating place namin.
“And we’re here.” masayang sabi ni Yoongi at halos lumuwa ang mata ko sa nakita ko at makailang beses akong napa kurap. Totoo ba ito?
“Y-Yoongi. .”
“You don’t like it?” nakita ko ang agad na paglungkot ng mukha niya kaya nataranta ako.
“N-no! No! It’s actually pretty! Very pretty! I didn’t expect na ang ganda ng naisip mong dating spot natin.”
Indeed. It’s so pretty and yet, it made me shiver in puzzlement. How come na ito yung nasa panaginip ko kahapon ang pupuntan namin? Coincidence, maybe?
“How did you know this place?” tanong ko.
“Uhm, good question. I actually can’t remeber how I knew this place but everytime I’m here, it gives me a nostalgic feeling of my younger years.”
Yep, maybe this is just a coincidence.
A/N:
Posted: August 29, 2021 at 12:00 AM
And yes. Author is back. So, hmm! Sino kaya yung naghahanap kay Jimin? Aware na kaya si Irene sa relationship ng dalawa? Anyway, dito muna ako maguupdate for a while. Saka ko na iuupdate yung SAS ’coz gusto ko isang bagsakan lang kapag nag update ako duon like three chapters ganuon. Teehee.
Kitakits sa susunod na update mga ka meow meow. Ichi ni san nyaa arigato!
ILLICIT AFFAIR 33
JIMIN POV
“Hey, don’t you not like it here?” dinig kong tanong ni Yoongi at agad ko siyang nilingon. Umiling ako at ngumiti.
“No, I actually really like it.” totoo naman. Ang ganda nitong dating spot na pinagdalhan niya sa akin. It’s just that may kung ano lang na bumabagabag sa akin.
“Why are you quiet then?”
Hindi ako agad naka imik sa sinabi niya. Kahit ako rin ay nagugulat. Madalas kasi kapag kaming dalawa lang at nasa “date” kami ay maingay ako. Not that annoying type of partner pero ’yung masayang kasama na partner dahil mukhang walang paki sa ibang tao maliban sa other half niya.
“I’m just, I don’t know, sad maybe? ’Coz this will be our last before we go back to normal.” true to my feelings kong sabi. Mami-miss ko ito. I’m not gonna lie. It hurts me somehow na ako din ang humiling na ito but I know this is for the best. Lalo ko lang sasaktan ang sarili ko kung patatagalin ko pa ng isa pang linggo bago tapusin ang lahat sa amin at ayaw kong may iba pang maka alam ng tungkol sa amin maliban sa mga taong alam kong may alam na ng tungkol sa amin.
“Then let’s not end this until next week or so?”
Literal na na jawdrop ako sa sinabi niya. Is he being serious right now?
“Are you being serious, Yoongi?”
I thought he’s going to say no but I was wrong because he nodded to my question.
“Why? Do you think this is just a game? Yoongi, aware ka ba sa mga nangyayari ngayon? Sa ginagawa mo ngayon? You have a family. Yes, you’re going in to a divorce but damn, I know you don’t want to end your marriage with your wife. Irene? She’s a very beautiful woman. Yes, our first meeting might not be good but you know her more than I do and she’s the mother of your twins. You should know better, Yoongi. That keeping your family is way better than to be with me. I rather end things right away even if “us” makes me happy in a way because in the first place, malinaw kong sinabi sa iyo na I don’t want to be a home wrecker and any issues na masisira ang image nating dalawa lalo na ang pamilya mo at ng kambal mong anak. So, why? Why, Yoongi?“ dire-diretso kong sabi habang pinipigilan ang sarili ko ng maiyak sa harapan niya. I don’t want him to see me crying. I don’t want to be weak infront of him because I know he wouldn’t care.
Ilang minuto ang lumipas na wala sa amin ang umiimik matapos akong maglabas ng thoughts ko about the matter. I don’t want to ruin this date pero hindi rin naman ako papayag na sabayan pa ang sinabi ni Yoongi na para bang laro lang ang lahat sa kanya.
I guessed I really fell in love with the wrong man and in the wrong time.
“I’m sorry if you feel that way, Jimin. If only you knew.” dinig kong sabi niya pero yung dulong part halos pabulong na kaya hindi ko na ito naintindihan.
But we didn’t let that small argument take over our last date together. We enjoyed each other’s company talking a lot of random things. Feeling content that we somehow ended up meeting each other and be able to be like this.
“Jimin.”
“Hmm?”
“Can you sing a song to me?”
Hindi ko itatangging nagulat ako sa ni-request niya.
“Why?”
“Because I love your voice.”
Ewan ko ba pero hindi ko itatangging lumakas ang tibok ng puso ko sa sinabi niya.
Dalawang beses lang naman niya ako narinig kumanta. ’Yung duon sa audition saka sa naging family gathering sa bahay ng kapatid niyang si Namjoon kasama ang asawa at kapatid nito at mga kaibigan. Hindi ko alam bakit pero bakit parang naiilang ako ngayon na kumanta. Siguro dahil hindi ko freewill ang pagkanta at inuutos iyon ngayon sa akin?
“It’s okay if you don’t want to.” napa buntung-hininga na sabi ni Yoongi at agad akong nataranta ng makita ko ang lungkot sa mukha niya.
No. I don’t want to end this seeing his sad face with such small request that I know I can do.
I want to see him smile on our last days kasi alam kong hindi ko na iyon masisilayan muli next week.
“N-no. I’ll sing for you. Let me just think of a song, okay?” I replied, smiling. Assuring him na maririnig niya akong kumanta as per his request.
Ano nga ba ang pwedeng kantahin ko para sa kanya?
Napangiti ako ng sa wakas ay may naisip na akong kakantahin para sa kanya. Magkatabi lang namin ang upuan namin pero mas lalo kong nilapit ang upuan at sarili ko sa kanya. Humarap ako sa kanya at bahagyang pinikit ang mga ko at pinakinggan sa isip ko magsimula ang beat ng kakantahin ko at sa oras na simulan ko ng banggitin ang mga lyrics ay naka ngiti kong pinagmamasdan ang mukha niya. Walang ibang tumatakbo sa isip ko kundi ang mga sandaling nagkasama kami bilang kami.
Lalo akong naging kumportable sa naging pagkanta ko dahil nakatitig lang sa akin si Yoongi at tahimik at nakangiting nakikinig sa kinakanta ko.
Lumalakas ang hangin sa paligid at iyon dahil hindi sa uulan pero dahil na rin siguro malapit ng dumilim kung nasaan kami pero ewan ko ba. Sobrang perfect ng sandali na ito na may pagka nostalgic sa akin. Nangyari na ba ito nuon o napanuod o baka naman nabasa ko lang sa isang kwento? Hahaha. Hindi ko alam basta eenjoyin ko nalang ang moment naming ito na dalawa.
At dumating na sa paborito kong huling parte ng kanta ang kinakanta ko.
Ije naege yaksokhae oh-oh harue myeoccbeonssik oh-oh
Honjorado neukkyojyeodo oh-oh neol beorijinuen ma neol oh-oh
At sa huling linya ng kinanta ko ay napangiti ako ng pinag intertwined ni Yoongi ang pinky fingers namin at maya-maya ay ang buo na naming kamay at hinalikan ang likod ng palad ko.
Yeogijamkkam meomchwoseo saekkisongarak geolgo
Ije nege yagsoghae oh-oh
“Thank you.” halos pabulong na sabi ni Yoongi sa akin at bago pa ako makatugon ay agad siyang dumukwang palapit sa akin at hinalikan ako sa labi ko na nagtagal ng ilang minuto.
Promise me, Yoongi. Hindi mo ako kakalimutan at ang naging saglit na relasyon natin dahil magiging ganuon din ako sa iyo. Pangako iyan.
Matapos ang naging date namin ni Yoongi ay hinatid ako nito sa apartment at ng gabing iyon, aaminin ko. Hindi ako nakatulog. Hindi dahil masaya ako kundi dahil nasasaktan ako. Pakiramdam ko pinakawalan ko ang isang tao hindi ko dapat pinakawalan pero iyon naman ang tama di ba? Hindi kami para sa isa’t-isa.
Nang sumunod na mga araw ay tinuon ko nalang ang sarili ko sa trabaho at saka lang binibigyan pansin si Yoongi kapag dumating na ang uwian dahil iyon yung oras na magkakasama kaming dalawa. Sinusulit ko ang mga sandling iyon kahit saglit lang dahil alam kong malapit ng matapos ang lahat sa amin. Sobrang conflicted ako na gusto ko na agad makapag move on pero nanduon ako sa gusto ko pang pahabain yung oras na magkasama kami dahil ayaw ko iyon matapos.
Ganito siguro ako dahil first love kong lalaki na si Yoongi.
Kahit saglit lang ang naging relasyon namin pakiramdam ko matagal na kaming magkakilala. Bakit ganuon?
Tumingala ako sa kisame ko at itinaas ang kanang kamay ko kung saan nakasuot sa akin ’yung kapares ng bracelet na binigay sa akin ni Yoongi. Napangiti ako ng mapait at namalayan ko nalang na umiiyak na naman pala ako.
Sabado ngayon at ayaw ko man hindi ako makatanggi sa sinet na camping ng mag asawang Namjoon at Seokjin Kim kasama ang mga kaibigan at kapatid niya at syempre walang iba kundi ako at si Yoongi at ang kambal.
Kasalukuyan akong nakaupo ngayon sa shotgun seat habang pinapakinggan ang kambal na sumasabay sa kantang tumutugtog sa speaker ng kotse na minamaneho ni Yoongi. Nakakatawa nga dahil One Last Time ni Ariana Grande ang tumutugtog ngayon. Very perfect sa situation namin. One last time na lalabas ako kasama nila ng Appa nila.
Pagdating namin sa napag usapang campsite ay nanduon na ang mag asawang Kims at kami nila ang pangalawang dumating kaya naman tinulungan ko si Jin na mag asikaso sa magiging camping namin bago pa dumating ang iba. Tumulong din sa amin sina Namjoon at Yoongi habang hinayaan namin na mag explore ang kambal sa hindi kalayuan kung nasaan kami.
Syempre hindi nakaligtaang hindi pansinin ang bagong kulay ko na buhok. Ikaw ba naman mag kulay ng cotton pink sa buhok e hindi ka mapansin ng kahit na sino. Hahaha.
Bago tuluyang lumubog ang araw ay nakumpleto na kami at nai set-up na bonfire ni Jungkook. Naka atas kasi talaga kay Namjoon ang paggawa ng bonfire kaso nga lang, muntik ng maging bahay ng beaver ang ginawa niya kaya inutos na ni Jin kay Jungkook na siyang tinulungan naman ni Hoseok. Samantalang inaasikaso naman ni Yoongi ang kambal at hindi ko mapigilang hindi mapangiti mula sa pwesto ko kung saan ko tinutulungan si Jin na magluto. Habang si Taehyung ay abala naman sa pagmo-model ng OOTD niya na siyang kinukuhaan naman ni Namjoon matapos ang ilang beses na pangungumbinsi nito sa kanya.
“Alam mo, masaya talaga ako at nakilala ka ni Yoongi.” agad akong napalingon ng marinig ko ang sinabi ni Jin. Hindi ko tuloy napigilan ang sarili ko na huwag pamulahan ng mukha sa sinabi niya.
“B-Bakit naman?”
“Hmm, mula kasi ng dumating ka may nagbago sa kanya. Alam mo bang mula ng mag asawa iyan, hindi na iyan basta-basta sumasama sa mga family dinner namin? Hindi na din siya ganuon kasayahing tao kaya nga masya kami ng dumating ka kasi parang bumalik siya sa dati naming kilala na ‘Yoongi’ bago alam mo na, naging pamilyadong tao siya at salamat din sa iyo dahil mas madalas na naming nakakasama ’yung kambal.”
“U-uh, wala iyon. At saka, baka nagkataon lang iyon, Jin-hyung. Huwag kang magpasalamat sa akin. Uhm, magiging sobrang busy na pala kami next week, I mean, ako pala kaya baka hindi na ako makasama sa mga magiging family dinner ninyo.” pagsisinungaling ko. Kung alam lang nila kung bakit hindi na ako makakasama. Hay. Mami-miss ko itong pagsama-sama ko sa kanila.
Bigla namang lumungkot ang mukha ni Jin.
“Ganuon ba?”
Ilang minutong katahimikan ang namayani sa pagitan namin bago siya muling nagsalita.
“Naniniwala ka pala sa red thread of fate?” muli kong nilingon si Jin at nakita ko ang nakangiti niyang mukha na nakatingin sa suot kong bracelet.
“Uhm, oo.” nahihiya kong tugon.
“Ako din. Sa tingin ko nga, hindi coincidence na nagkakilala kayo ni Yoongi. Hindi coincidence na nakilala mo kami. Pakiramdam ko kasi kilala kita.”
“Huh? A-anong ibig mong sabihin Jin-hyung?”
Nagkibit-balikat ito bilang tugon sabay sabing, “Gaya ng pagkaka parehas ng style ng damit ninyo ni Yoongi, feeling ko hindi din iyan coincidence.” nakangiting tinapik niya ako sa balikat bago tinawag ang atensyon ng lahat para magsimula na kaming pumaikot sa bonfire at simulan ang essence ng camping na ito.
Shit. Napansin niya iyon?
A/N:
Posted: September 13, 2021 at 12:40 AM
Hi. Author is back after being MIA for a couple of weeks I think? Anyway, just want to let you know na birth month nina Jungkook and RM ang September so Happy Birthday to them! Borahae! Also, nasabi ko naman na sa inyo ng nakaraan bakit hindi ako nakapag update and it is because of personal things and dahil sa umorder ako ng de USB na keyboard which I really am enjoying to the fullest ’coz ehehe ASMR. At bago ko tapusin ang aking note for today, I just want to let you know na malapit ng mag end ang kwentong ito. Yeah, I know. Sad but don’t you worry I still have other on-going stories and I’m still thinking if gagawa pa ako ng ibang fan fiction like Taekook or Namjin. So yeah. Stay safe and healthy y’all.
Kitakits sa susunod na update mga ka meow meow. Ichi ni san nyaa arigato!
ILLICIT AFFAIR 34
JIMIN POV
Nagising akong naka unan ang ulo ko sa braso ni Yoongi samantalang nakayakap sa akin si Yoonji at si Yeonki naman ay kay Yoongi. Napangiti ako sa scenario na iyon pero agad ding naglaho ng maalala kong hanggang ngayong araw nalang pala maeexperience ito dahil simula bukas wala ng “kami” ni Yoongi. Balak na kami sa dati bilang boss-secretary relationship and no more beyond that pero alam ko namang hindi ko siya maiiwasan sa matagal na panhon dahil bukod sa magaganap na ’yung party na pinaghahandaan namin ng nakaraan this week eh hindi pa rin tapos ang pagbabayad utang ko sa kanya. Kailangan ko lang talaga maka isip ng paraan kung paano ko isisiksik sa utak ko ang isiping hindi na pwedeng maging more than what we’re supposed to kami ni Yoongi kasi tapos na ang lahat sa amin at ako rin naman ang pumilit na mangyari iyon.
Hindi ko alam gaano ako katagal na natulala dahil sa mga iniisip ko ng maisipan kong muling tumingin kay Yoongi para sana mapagmasdan ko ang mukha niya sa huling pagkakataon ng muntik na akong mapapitlag ng marealized na gising na siya at nakatingin siya sa akin. Napalunok ako at hindi ko mapatigil ang puso ko sa pagtibok ng sobrang bilis. Daig ko pa ’yung uminom ng matapang na kape. Pero hindi ako nagpatinag sa pagtitig niya sa akin. Bagkus ay ginawa ako ang kanina ko palang balak at pinagmasdan ang mukha niya. Napangiti ako ng mapait. Mami-miss ko ito. Itong mga sandaling ganito ako kalapit sa kanya. ’Yung natititigan ko siya ng hindi siya nagagalit sa akin. Ewan ko ba para akong maiiyak pero may something din sa mga mata niya na pakiramdam ko gaya ko ang nararamdaman niya. Na nalulungkot din siya.
After namin magpaalamanan sa isa’t-isa ay hinatid muna ni Yoongi ang kambal sa bahay nila. No, hindi ito yung tinatawag kong ‘second’ house niya bagkus ay duon sa bahay kung saan niya ako unang dinala at saan ko rin unang nakatagpo si Irene. Nanikip ang dibdib ko sa hindi ko malaman na dahilan. Dahil ba sa nasasaktan ako dahil sa realidad na alam ko namang papasukin ko una palang? O dahil sa inggit ko na hindi ako babae o si Irene na pipiliin niya sa huli? Hay, ewan. Ayaw ko ng pakiramdam na ito. Dapat nga masaya ako dahil matatapos na ang lahat sa amin pero bakit ganito? Bakit sobra akong nasasaktan sa sandaling panahon na nakilala ko si Yoongi at napalapit ako sa kanya? Bakit pakiramdam ko nakumpleto ako ng makilala ko siya?
Napangiti akong pilit ng magpaalam ako sa kambal at yakapin sila ng mahigpit. Nagtaka pa sila bakit ganuon ang inakto ko pero kung alam lang nila, ito na ang huling beses na magkakasama kami. Agad akong pumasok sa luob ng kotse ni Yoongi habang may sinasabi siya sa kambal at pilit na pinapakalma ang sarili ko upang hindi maiyak kahit na nagbabasa naman na ang mga mata ko at siyang pinupunasan ko ngayon.
Hay. Ano bang nangyayari sa iyo, Jimin? Pero huwag kang mag alala. Ngayon lang iyan. After ng ilang araw o linggo magiging okay ka na ulit.
“Uhm, Yoongi hindi ito ang daan papunta sa apartment ko.” saad ko ng mapansin na hindi sa apartment ko ang punta namin ngunit hindi siya umimik. Wala akong lakas na makipag away sa kanya dahil sa nararamdaman ko ngayon kaya hinayaan ko nalang siya kung saan niya ako o kami balak na pumunta tutal last day na rin naman na pwede kaming maging ganito.
Laking gulat ko nalang ng mapagtanto ko na dinala niya ako sa office niya at nandito kami sa silid kung saan niya ako dinala nuon na nakatulog kami parehas. Hindi ko na tuloy alam kung anong mararamdaman ko ngayon. Naalala ko na naman kasi ’yung ginawa niya dito sa akin.
Narinig ko ang pagpakawala niya ng isang malalim na buntung-hininga habang nakaupo sa mamahalin na couch. Hindi ko alam kung mananatili ba akong nakatayo sa pwesto ko o uupo ako sa gilid ng kama na nandito. Pero syempre dahil ayaw ko namang mag mukhang tanga na naka tayo dito at dahil ko alam kung gaano katagal niya balak na iignore ang presence ko habang nakatingin sa kawalan sa labas eh umupo ako sa gilid ng kama.
Honestly, hindi ko alam bakit nandito kami. Kung bakit dinala niya ako dito. Kung anong iniisip niya, wala akong alam duon pero isa lang ang malinaw sa akin, gusto kong hawakan sa huling pagkakataon ang mga kamay niya.
Pakiwari ko ay ala singko na ng hapon at naka idlip na rin ako pero hindi ko nakitang gumalaw si Yoongi mula sa pwesto niya magmula pa ng pumasok kami dito sa luob. Naging estatwa na ba siya ng hindi ko nalalaman?
Kaya syempre sa pagaalala ko na baka tama ang naiisip ko ay marahan akong lumakad at lumapit sa kanya but to my surprise ay gising siya at nakatingin pa rin sa kawalan. Minabuti ko nalang na bumalik sa pwesto ko kanina ng bigla siyang magsalita.
“Do you mind staying here with me for one last time?” ewan ko ba kung imagination ko lang iyon pero bakit may himig ng kalungkutan sa pagkakatanong niya?
Ayaw ko namang mag assume pero you know one once you experience one ika nga nila.
“N-no. Not at all.” tugon ko mula sa kinatatayuan ko at pinagmamasdan ang likuran niya.
Hindi ko alam if my eyes are just playing tricks on me pero ng iniharap niya sa akin ang upuan niya ay may nabakas akong kaunting pag ngiti sa kanyang mga labi. Lumakad siya papunta sa isang maliit na cabinet na katabi ng kama kung saan ako naka pwesto at laking gulat ko ng pag bukas niya y tumambad sa akin ang mga mamahalin na alak at baso. Woah.
Pero teka, magiinuman ba kami?
Agad na nasagot ang tanong sa isip ko ng makita kong kumuha siya ng dalawang baso at magsali duon ng red wine. Napangisi ako. Akala ko ’yung isang bote ang kukunin eh kasi hindi ko alam kung makakatagal ako duon.
Nagulat ako ng patayin niya ang ilaw sa kwarto kung nasaan kami. Tanging ang lampshade lang ang naiiwang may liwanag at ang reflect ng natitirang araw sa labas na maya-maya ay lulubog na dahil sa pagsapit ng gabi. Napausod ako sa pwesto ko ng umupo siya sa kama at sinenyasan ako ng lumapit sa kanya. Inabot niya sa akin ang isa sa dalawang baso na hawak niya at maya-maya ay may pinindot siya sa maliit na remote na hawak niya at inilapag iyon sa ibabaw ng lamesa. Napangiti ako ng makarinig ako ng mahinang tugtugin na pamilyar sa akin. Ang kantang Wine ng singer na si Suran ft Changmo.
“Y-Yoongi. .”
“I know.” nakangiting sabi niya sa akin at inakbayan ako habang kapwa kaming nakasandal sa headboard ng kama hawak ang mga inumin namin at pinagmamasdan ang tuluyang paglubog ng araw sa labas. Ang romantic ng scenery para sa last farewell ng isang maling relasyon. Tsk.
Sseugo apeujiman
Du nune gaeduk dama
Heureuneun daero neol bonaejulge
Na neoege chwihae
Nan i bam chwihae
Niga mojilge haessdeon geu gieok soge
Geu chueoge hemae neol chajgo isseo
Geunyang ijeullae
Neoui mamdo algo sipeo boy
Geunyang ijeojwo
Baby, please don’t go
Akala ko ako lang ang nakakaalam ng kantang tumutugtog dahil sa naging pagsabay ko dito pero laking gulat ko ng biglang sabayan ni Yoongi ’yung rap part sa kanta. Literal na nilingon ko siya sa gulat at pagkamangha. Ang ganda ng boses niya. Hindi ko inexpect. Pero bakit pamilyar din sa akin ang boses niya ng kumanta siya? Parang narinig ko na ’yang ganyang klaseng boses before pero hindi ko lang matandaan kung saan.
Lumipas pa ang kalahating oras at namalayan ko nalang na ako nalang sa aming dalawa ang umiinom ng red wine dahil lumipat siya sa pag inom ng whiskey. Wala sa amin ang ni isang nagsasalita tungkol sa sitwasyon namin. Siguro ay parehas na din kaming aware na ito na ang huli sa napag usapan naming relasyon na pinasok namin.
Pero kung akala ninyo boring ito o walang kwenta, big deal na itong sandali naming ito ngayon. Kuntento na ako na nandyan siya ngayon katabi ko at kasama ko kahit na hindi kami naguusap.
Habang patuloy na lumilipas ang mga sandali na magkasama kami ay mas lalong ayaw kong matapos ang gabi na kasama siya. Bakit? Bakit ganito ang nararamdaman ko?
Nilibang ko ang sarili ko sa pagtingin sa kabuuan ng silid na hanggang ngayon ko nalang makikita ng may mapansin akong isang bagay na hindi ko napansin agad kanina sa laki nito.
Kailan pa nagkaruon n’yan dito?
Kung sabagay, kung iisipin, parang nakakita na rin ako ng ganyan sa bahay ni Yoongi at maging duon sa bahay ng mag asawang Kim. Pandisplay ba ng mayayaman ’yung ganito?
“Uhm, Yoongi?”
“Hmm?” mabilis pa sa alas kwatro niyang tugon at tumitig sa akin.
“U-uh, kailan pa nagkaruon ng piano dito?” usisa ko.
Isang kibit-balikat ang tinugon niya sa akin pero maya-maya ay kumilos siya upang tumayo at umupo katapat ng piano.
“Do you want to play for you?”
“Marunong ka?” parang tanga kong tanong sa kanya. Aish.
Malamang marunong siya, Jimin. Hindi naman siguro siya magtatanong kung hindi ’di ba?
“Well, I used to. I even made a a piece for a person that only exists in my imagination.”
“T-Talaga?” namalayan ko nalang na umupo ako katabi niya sa harapan ng piano, pinakatitigan ko siya at kita ko sa mga mata niya ang pinaghalong saya at lungkot, “Pwede mo bang. .?”
Tumango siya bilang tugon, “I didn’t know the feeling that I used to feel way back then to my imaginary person will be applicable to what it is in front of me now. So, yes. I will play for you, Jimin and I’m sure you will immediately recognize this song I will play for you.”
Huminga ako ng malalim para iprepare ang sarili ko sa piyesang tutugtugin niya na sinabi niya na for sure marerecognize ko din. I mean, no offense pero paano ko marerecognize iyon kung. . .
Nanlaki ang mga mata ko ng sa unang dalawang segundo palang ng paglapat ng mga daliri niya sa piano ay nakilala ko na agad ang tinutugtog niya. Teka, impossible. Paanong?
Ito ’yung tugtug na sinayaw ko duon sa dati kong pinapasukan ng high school. ’Yung magandang tugtog na nagbigay sa akin ng kakaiba at hindi ko mawaring kilabot sa sistema ko.
Halos tangayin ako ng piyesang tinutugtog ni Yoongi ngayon sa akin sa isang mundong hindi nageexist ngunit kaming dalawa lang ang nanduon na magkasama at magkahawak ang kamay kaya hindi ko namalayan agad na tapos na pala ang pagtugtog niya.
Napalunok ako ng makita ang paraan ng pagtingin niya sa aking mga mata.
Para akong malulunod at hindi makahinga.
Tanging siya lang ay makapagliligtas at bigay buhay sa akin.
“A-Ang ganda. Ngayon ko lang napakinggan ng buo ang piyesang iyon.”
“I’m glad you like my one and only piece that I wrote for a person that doesn’t exist.”
“A-anong ibig mong sabihin? At saka ano bang title ng piyesa mo na iyon?”
“It’s for the person I think and feel is real but the people around me says otherwise. That’s why I gave that piece the title. “I need you”. Because I need that person to be with me and make me feel I belong in this world and that I deserve to be loved and be happy and content but right now, do you know what else made play that song to another person aside from a person that doesn’t exist after so many years?“
Umiling ako bilang tugon. Hindi ko mawari bakit ganito ang nararamdaman ko sa sinasabi niya ngayon sa akin? I mean, may ineexpect ba akong sabihin niya na patungkol sa akin? Kailangan ko bang umasa sa sasabihin niyang iyon? Kasi kung ganuon. . .
“Because I need you, Jimin. I need you.” sagot niya sabay lapat ng labi niya sa akin na sabik na kanyang mahalikan.
At ng mga sandaling iyon, alam ko at nakapag desisyon na ako, susulitin ko ang gabing ito na huli ko siyang makakasama bilang lalaking nagpa ibig sa akin bilang siya na minahal ko na si Yoongi at hindi ang pinagkakautangan o ang boss ko o ang asawa ng iba na nakikihati ako.
I need you too, Yoongi. I need you because I love you.
A/N:
Posted: September 14, 2021 at 02:20 AM
Yehey. Another update from author. Iyan ha? Mahaba-haba ’yung update ko today and sana nagustuhan ninyo kahit hindi man kayo naging emosyonal sa chapter na ito. And yes, eklabu lang ’yung pinagsasasabi d’yan ni Yoongi about sa piyesa niya na ‘I Need U’. Gusto ko lang talaga maging ma-drama itong chapter na ito. Hahaha. And sa mga diehard Yoonminions d’yan slash MiniMini eh alam ninyo siguro yung mga speculation ng nakakarami na about Yoonmin daw ’yung kantang Wine ni Suran ft Changmo kaya ayun. Nilagay ko din d’yan. Mema lang ganuon. Anyway, stay safe kayong lahat at huwag kalimutan na mag comment ng inyong saluobin. Binabasa ko po iyan, kaibigan. Hahaha.
Kitakits sa susunod na update mga ka meow meow. Ichi ni san nyaa arigato!
ILLICIT AFFAIR 35
JIMIN POV
“Y-Yoongi. .” nakatitig lang ako sa mga mata niya. Hindi ako magpapaka banal pero hindi naman din sigurong masamang isipin na baka kahit ngayon lang, kahit sa huling araw man lang, mahiram ko ng buo si Yoongi. What I mean is, maramdaman ko din siya physically kahit na alam kong impossibleng mangyari dahil mukhang sa babae lang kayang ibigay ni Yoongi ang sarili niya. Sumikip ang dibdib ko sa isipin iyon. Hindi ko namalayan na nagsasatubig na pala ang mga mata ko at may luhang babadya ng tumulo.
Bago ko pa man mapunasan ang mga papatulo ko ng luha o makaiwas man lang sa balak na paghawak sa kanya ay hinili niya palapit sa kanya at siniil ng halik. Hindi ko siya tinulak palayo dahil ito naman ang gusto ko. Ang maramdaman ng buo ang taong minahal ko.
“Can’t we just not end this tonight and continue the way I want it?” tanong niya sa maliit na pagitan sa aming mga labi. Bulong lang iyon pero ramdam ko ang pagsusumamo niya duon. Para itong sumisigaw pero pinipilit kong gawing bingi ang sarili ko para sa ikakatahimik ng konsensya ko, konsensya namin sa mga taong nakapaligid sa amin na hindi alam ang tungkol sa sitwasyon at relasyon namin.
Umiling ako at duon, hindi ko napigilang hindi mapaluha. Ramdam ko ang pag uga ng katawan ko dahil sa aking pag iyak. Masakit. Nasasaktan ako pero ginusto ko rin naman kahit na alam kong mali. Kasalanan ko ito at tama lang na akuin ang consequences ng ginawa ko sa sarili ko.
“N-No. . We can’t.”
“But. .”
“Yoongi, we already talked about this. Ayaw ko ng patagalin pa itong relasyon na ikaw naman talaga ang may idea sa simula palang and there’s no one to blame that I fall for you in that short amount of time when we’re together kasi sinang ayunan ko rin naman itong bagay na ito kahit na alam kong mali and I know it’s not good to take it any further. For pete’s sake, Yoongi. You’re married and I’m practically a mistress, your mistress. An illicit affair behind your wife’s back and I can’t continue this anymore. Nakokonsensya na ako sa maling gawain na nagugustahan ko.”
“I’m sorry.”
Napa angat ako ng mukha ko sa kalagitnaan ng pag iyak ko ng marinig ko ang sinabi niya. Para kasing nagpantig ang tenga ko sa sinabi niyang iyon.
Sorry? He’s sorry? Yeah, right but maybe I should too but with his wife and twins.
“I didn’t mean to hurt you in this kind of way. To be honest, I just want to feel how to be happy and alive again with someone other than Irene and you just happened to be in the right time when I needed someone and for some reason, you did quite good with the job when I choose you to be with me in this fucked up idea of being in a relationship with me. I thought this won’t bother you but somehow it did and now that I’m seeing you this kind of way, crying in front of me, I know for a fact that I had been selfish towards you, Jimin and for that I’m really sorry but know that still, I need you, not because I see you as past time for my on-going divorce or an illicit affair behind her back as you said but because there’s something in me when I’m with you that makes me complete for years that I felt was missing.”
Kahit na blurred ang paningin ko dahil na rin sa aking pag iyak at sa hindi maliwanag na silid kung nasaan kami ni Yoongi, kita ko sa mga mata niya na nasasaktan din siya gaya ko kaya mas lalo akong nakaramdam ng sakit. Ngumingiti siyang pilit pero alam ko paraan niya iyon para pigilan ang sarili niya huwag maiyak gaya ko.
Parang gusto ko tuloy bawiin ang sinabi ko, ang naging desisyon ko pero hindi. Hindi ako pwedeng magpatalo ng dahil lang sa nakikita at sinabi niya sa akin. Kailangan kong magpakatatag dahil para ito sa ikabubuti ng lahat at namin.
“Make me feel like you feel the same feelings towards me as I have with you tonight and let’s pretend our relationship didn’t happen starting tomorrow.”
“No, I can’t, Jimin. And no, you don’t have to say that sounding as if you’re pleading me to love you back because I did loved you and I don’t think I didn’t mentioned to you that before. I’ll make you feel my love tonight but know that I can’t just pretend that something didn’t happened between us. I can’t do that because I don’t want to hurt you more that I already have.”
Naramdaman ko na muli niyang nilapat ang labi niya sa akin na siyang dinama at tinugunan ko. Pinunasan niya ang mga luha ko sa pagitan ng halikan namin hanggang sa maramdaman ko ang malambot na kama sa aking likuran at duon ko napagtanto na nakapa ibabaw na siya sa akin habang nasa ilalim ako ng kanyang mga titig.
“If this will really be our last, then allow me to fulfill your wish even if it hurts me too.” bulong niya sa tenga ko na nagbigay ng kilabot sa akin but in a warm and nostalgic feeling, bago ko naramdaman ang labi at dila niya na nilalaro ang tenga ko na dahilan ng mahinang ungol ko pero mukhang dahil duon ay may kung anong nabuhay sa amin ni Yoongi — pagnanasa.
Naglakbay ang malaya niyang kaliwang kamay sa katawan ko habang ang kanan naman ay nakahawak sa kaliwang kamay ko na nasa itaas naman ng ulo samantalang ang kanan ko naman ay nakahawak sa balikat niya upang ireserba ang natitira kong lakas sa katawan.
Dala marahil ng nainom namin ay wala ng ibang tumatakbo sa isip ko ngayon kundi ang maramdaman ang nagaalab naming mga katawan sa isa’t-isa at maging iisa sa gabing ito.
“Y-Yoongi, uhm. . uhm. . haa. .” ungol ko ng marealized kong naialis niya na ang damit ko pang itaas at kasalukuyang sinisipsip ang aking dibdib na parang batang uhaw sa gatas ng ina.
Ramdam ko ang hiya at pagka turn on ko dahil habang ginagawa iyon ni Yoongi ay nakatitig siya sa akin. Para nitong sinasabi sa akin na hindi lang basta ang katawan ko ang napailalim niya kundi ang buong pagkatao ko. Puso, isip, katawan at kaluluwa ko, lahat ng iyon ay sa kanya.
“I love you, Jimin. I hope someday you’ll know what I said is true.”
At ng gabing iyon sa pagitan ng makasalanang bagay na ginawa namin, nagpasya ako na sa susunod kong buhay, sisiguraduhin kong kami ni Yoongi ang nakalaan para sa isa’t-isa pero sa buhay na ito, kailangan muna naming masaktan.
Bago ako tuluyang makatulog dala pinaghalong pagod kong emosyon at katawan ay tinitigan ko maigi ang mukha ng mahimbing ng natutulog na si Yoongi at napangiti ng mapait.
Sakto namang tumugtog ang isang pamilyar na kanta na siyang mauling nagpaluha sa akin.
I love you too, Yoongi.
Iyon sana ang gusto kong isagot sa kanya ng una niyang sabihin ang katagang I love You sa akin pero nagpakaduwag ako dahil natakot ako sa ano man ang pwedeng mangyari kung tugunan ko iyon pero anu’t-ano pa man mukhang hindi rin naman talaga magiging maganda ang ending namin kaya tama lang na ako lang ang nakakaalam at hindi niya marinig ito mula sa akin dahil sa huli, wala namang magbabago. Hindi ako mananalo sa sitwasyong pinasukan ko.
A/N:
Posted: September 15, 2021 at 12:00 AM
Henlo. Sana okay lang sa inyo na hindi ko dinetalye ang ‘bond’ na ginawa nila thou I think nagets ninyo naman yung point na ginawa nila iyon sa chapter na ito dala na rin marahil ng emosyon nila at ng alak at hindi lang dahil sa ‘last day’ na nila bilang sila. And kung curious kayo ano ’yung kanta na narinig ni Jimin bago siya tuluyang makatulog ay ’yung The One That Got Away ni Katy Perry iyon which nilagay ko ’yung link above pero instrumental version syempre ’coz why not? Also, hindi ko talaga forte ang bed scene lalo na kung alam kong hindi imaginary ’yung characters. Nakakaramdam ako ng pagka ilang and I hope you guys understand. Anyway, like I said, malapit ng matapos ang kwentong ito so sana hanggang dulo nand’yan kayo at makapag comment naman kahit papaano para aware akong nasa tamang daan ako ng paggawa ng fan fiction. Hahaha.
Kitakits sa susunod na update mga ka meow meow. Ichi ni san nyaa arigato!
ILLICIT AFFAIR 36
JIMIN POV
Matapos ’yung nangyari sa amin ni Yoongi ng linggo at ng napag usapan namin, bumalik lahat sa dati na parang hindi naging kami. Aaminin ko naninikip ang dibdib ko sa isiping parang ako lang ang nasasaktan dahil para bang ang bilis ni Yoongi maka get over pero naalala ko na ako din pala ang nagpumilit na gawin ito pero syempre kasi naaalala ko ’yung mga sinabi niya sa akin ng gabing iyon kaya mahirap man ay pinipigilan ko talaga ang sarili ko na hindi maiyak sa trabaho at ang hirap. Sobrang hirap.
Ayaw ko na nga sanang pumasok sa trabaho pero naalala kong may utang pa pala ako sa kanya na hindi pa bayad. Tsk. Buti na nga lang at kapag may ipapatrabaho siya sa akin ay dinadaan nalang niya muli sa e-mail at kung may ipapakuha man siya sa akin sa office niya ay sisiguraduhin niyang hindi kami magkikita tho syempre kapag nanduon ako sa office niya hindi ko maiwasang hindi maamoy yung naiwan niyang pabango and damn. How I miss to be with him. To hold his hand and hug him but I know I can’t and this is for the good.
Hindi ko nga alam kung tutuloy pa ako duon sa magaganap na party this coming friday. After work iyon didiretso kami sa isang high-end hotel na nirentahan ng company namin and for sure, baka makita ko duon ’yung mag asawang Kims not sure nga lang if nanduon din si Hoseok or sina Taehyung at Jungkook to keep me company for awhile. Baka kasi ma out of place ako kahit na ako ’yung so-called ‘secretary’ ni Yoongi and to make it worse, bukas na ’yung party na iyon at wala pa akong maisip na isusuot. I mean, syempre party iyon so I should be more presentable than I am kapag nasa work ’di ba?
Bago ako tuluyang dalawin ng antok sa sobrang dami kong ginawang trabaho sa office today ay nag message ako sa group chat namin nila Taemin at inaya sila na lumabas this weekend. Pumayag naman sila and hopefully, sa paglabas namin na iyon, makalimutan ko itong sakit na nararamdaman ko kahit panandalian lang. Malay ninyo makahanap ako ng mas higit kay Yoongi. ’Yung hindi ko kailangan masaktan ng ganito ng dahil sa pagmamahal kaso sa dulo ng utak ko, alam ko, walang makakapalit kay Yoongi dahil siya ang first love ko.
Kinabukasan, after ng nakakapagod na pagtatrabaho ay namalayan ko nalang na may kumakatok sa pintuan ko na employee para ipaalala sa akin ang tungkol sa party ngayong gabi. Isang malalim na buntung-hininga ang pinakawalan ko. Aish! Oo nga pala. ’Yung party. Pwede bang hindi nalang ako tumuloy? Eh kung sabihin ko nalang na sumama yung pakiramdam ko? Acceptable at kapani-paniwala naman na excuse iyon ’di ba?
Pero bago pa ako makapagsabi ng excuse ko na iyon kay Yoongi ay muling bumukas ang pintuan ng office ko at iniluwa nu’n ang taong kinasasabikan kong makita nitong mga nagdaang araw. Ngingiti sana ako pero pinigilan ko ang sarili ko lalo na ng makita ko ang seryoso niyang mukha na nakatitig sa akin. Napalunok ako ng dahan-dahan siyang lumapit papunta sa desk ko.
“Aren’t you done yet, Mr. Park?”
Bago pa ako makasagot ay agad na akong kinain ng pagsikip ng dibdib ko.
Really? Mr. Park?
Oo nga pala. Mr. Park naman talaga ang tinatawag niya sa akin nuon o Park lang. Aish, bakit ako nagexpect na tatawagin niya ako sa pangalan ko na Jimin?
“A-Actually. .”
“Never mind. I’ll see you at the party.” agad na siyang lumakad palabas ng office ko kaya nawala na sa isip ko na sabihin ’yung excuse na naisip ko kanina.
This is bad. Should I really go to that party?
Namalayan ko nalang ang sarili ko na binabati ng mga staff sa hotel ng makarating ako. Nag book ako ng taxi para lang makarating dito dahil well, obvious naman sigurong hindi ako isasabay ni Yoongi dahil I’m just his secretary. I’m not his lover but I was his ex-mistress.
“Jimin!” napalingon ako sa tumawag sa akin at agad na napangiti ng makita ang papalit na si Hoseok. Teka, siya lang ang nandito?
“Mr. Jung!” nakangiti kong bati sa kanya.
“Aish, drop the formalities. Para namang hindi tayo nagkasama outside work. Anyway, ikaw lang mag isa ang pumunta dito? Where’s Yoongi?”
“Actually hindi kami sabay pero alam ko nauna siyang umalis sa akin eh. Uhm, ikaw? Ikaw lang mag isa?” gustung-gusto ko tanungin kung dumating na ba si Yoongi sa kanya pero obvious namang hindi pa at ayaw ko namang mag tunog desperado ang boses ko kapag tinanong ko siya about duon. Mahirap na.
“Oh no. Kasama ko sila Namjoon. Nagpapa picture lang sila sa mga photographer na nandito ngayon. Alam mo na. Publicity purposes.” nakangiting sabi nito at inakbayan ako papunta sa kung nasaan ang mga kasama niya. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng pagka ilang. Kinakabahan marahil dahil baka makita kami ni Yoongi. . teka nga. Bakit naman ako kakabahan kung makita niya ako na may kasamang iba? Wala naman na kami.
“Oh, Jimin! You’re looking good!” nakangiting bati sa akin ni Taehyung.
“T-Thank you. Ikaw din.” nahihiyang tugon ko.
“Where’s Yoongi?” dinig kong tanong ni Jin.
“Hindi sila sabay nitong si Jimin pero baka papunta na iyon dito.” sagot ni Hoseok para sa akin.
“Ganuon ba?” malungkot na tugon ni Jin.
“Bakit Jin-hyung? Parang nalungkot ka bigla d’yan ah.” pangaasar ni Jungkook ng mapansin din ang pagbabago sa eskpresyon ni Jin.
“Nasanay lang kasi itong isa na sa tuwing nand’yan si Jimin nandito na rin si Yoongi. ’Di ba, Jimin?” nakangiting sabi ni Namjoon pero may kakaiba sa way ng pagtingin niya sa akin na kinailang ko. May alam ba siya about sa amin ni Yoongi?
“Ah ano kasi, naging busy kami nitong mga nakaraan kaya madalas kinailangan din talaga namin na laging magkasama. Pinag effortan kasi talaga ni Yoongi itong party para ma-enjoy ng lahat.” pagsisinungaling ko.
Syempre bago kami tuluyang makapasok sa venue hall kung nasaan na ang karamihan ay hindi ako nakaligtas sa mga mata ng photographer kaya kinailangan ko din na magpapicture sa kanila. Sana naman ’yung maayos ang ipost nila kung iupload nila ito sa social media.
Umupo kami sa harapan nila Namjoon. Sa isang pabilog na table kung saan kaming anim lang ang naka ukupa. Hindi pa man nagsisimula ang party eh inabot ko na agad ’yung naka serve na glass ng white wine. I need this. Baka sakaling kapag na-tipsy ako mawawala ako sa focus na hanapin si Yoongi kung dumating na ba siya. Yes, oo. Hinahanap ko siya at hindi ko alam kung bakit ko iyon ginagawa at naiinis ako sa sarili ko dahil sa ginagawa ko.
“Jimin, okay ka lang ba?” nagaalalang tanong sa akin ni Jin na nakita kong nakatitig sa akin.
Tumango ako, “Yeah. I’m okay. Why?”
Ngumiti siya at umiling bilang tugon. Pero bakit parang may lungkot sa kanyang mukha?
Nakaka limang baso na ako ng wine ng magsimula ng umakyat sa stage ang dalawang host ng party na ito and oh god. How I wish na sana hindi ko nalang inalis ang atensyon ko sa kanila dahil ng makita ko ang dalawang pamilyar na pigura sa hindi kalayuan na dumating ay agad kong hinigpitan ang hawak sa baso ko na para bang duon nakasalalay ang paghinga ko.
“Y-Yoongi. .” halos pabulong kong tawag sa pangalan niya na para bang maririnig niya ako.
“Yoongi?” mukhang narinig ni Jungkook ang sinabi ko dahil agad niya itong hinanap at ng makita niya ito, “Oh nandito na pala si Yoongi eh at kasama niya si–?”
Agad na naglingunan ang iba ko pang kasama sa direksyon kung nasaan si Yoongi samantalang ako naka yuko lang ako at pinagdadasal na sana hindi tumulo ang luha ko sa nakita ko.
“Why is he with that bitch?” mataray at puno ng inis na tanong ni Jin sa amin na para bang meron sa amin ang nakakaalam ng sagot.
“Oh? Irene’s here?” halata ang pagkagulat sa boses ni Hoseok, “Since when did they got back?”
How I wish may access ako sa invinsibility cloak ni Harry Potter para maitago ko ang existence ko ng lumapit ’yung dalawa sa table kung nasaan kami. Oh shit.
Please, don’t make them sit here with us. I know this might sound bitchy but please, understand why I’m wishing what I am wishing.
But it did not happen.
Ang nakaka inis pa, hindi lang sila basta naki upo sa table kung nasaan kami, tumabi pa mismo sa akin ang dalawa. Yoongi was supposed to sit beside me but Irene suggested na gusto niya akong makatabi and that send shivers down my spine. Why would she want to sit beside me? But again, I was kind of relief in some way na hindi si Yoongi ang katabi ko. Baka kasi mapadalas ang paglingon ko sa kanya and that might confuse the others around us.
Pero syempre kahit hindi ko katabi si Yoongi eh napadalas pa rin ang paglingon ko sa kanya. What I mean is, sa kanilang dalawa ni Irene. Hindi ko alam kung sinasadya ni Irene o nilang dalawa but they’re so sickenly being sweet with each other and to my surprise, it isn’t just me na mukhang naiinis sa dalawang ito ngayon and for that I’m relieved.
“Jimin.” nilingon ko si Hoseok na siyang katabi ko pa rin dahil hindi naman niya kinailangang mag adjust kanina ng nag decide itong dalawang dumating na maki upo sa table namin.
Nabigla man pero hinayaan ko lang si Hoseok na hilain ako palapit sa kanya at akbayan ako. Naiilang man ay bahagya akong yumuko sa kanya dahil may ibubulong siya sa akin.
“Can you please smile for me, Jimin?”
“Huh? B–?” lilingunin ko sana siya kaso pinigilan niya ako.
“Just smile and laugh a little.” muli niyang utos and I ended up doing it. Sa totoo lang nagtataka ako bakit niya ito pinapagawa sa akin. Bakit nga ba?
“May kasabay ka bang umuwi mamaya?”
“W-wala. Bakit?” this time nilingon ko na siya at sobrang lapit ng mukha niya sa akin and of course who am I to neglect his handsome face. I mean, ng una palang kami magkita aware naman na ako pero ngayon ko lang na inspect ng malapitan ang mukha niya.
“Sasabay ka sa akin pag uwi, okay?”
Bago pa ako maka-oo sa usapan namin ay sabay-sabay kaming napalingon sa direksyon ng mga katabi ko. Nag react kasi si Irene ng napaka OA ng matumba ni Yoongi ang baso niyang may wine. Agad na lumapit sa table namin ang mga waiter para linisan ang naging kalat at ikuha ng panibagong wine glass si Yoongi kahit na hindi naman ito nabasag. Sadyang tumilapon lang sa table ang laman ng wine ng matumba ang baso pero paano natumba yung baso niya? Stable naman itong table namin?
Napalunok ako ng makita ang nagtatagis na bagang ni Yoongi. Teka, okay lang ba siya? Bakit parang galit siya? Ah siguro dahil sa natapos ’yung alak na nasa baso niya. Teka, bakit ko ba ito pinproblema?
Napalunok ako ng magtama ang mga mata naming dalawa. Para ako nitong hinuhubaran at pinapaluhod sa harapan niya. Agad kong nilayo ang tingin sa kanya at inisang inom ang wine na nasa baso ko. Whew.
“Looks like all of us here are already in a relationship, yeah?” ayaw man naming bigyan pansin si Irene na nakakapit sa braso ni Yoongi na parang ahas eh no choice kami. Ayaw naming maging bastos sa kanya, “Look at you, Taehyung. You’re with Jungkook already. I thought hindi matutulad kay Jin ang love life mo. So, who confessed? Tell me, it isn’t you?”
Kita ko kung paano mag ngitngit si Jin sa galit at bago pa siya makapagsalita ay naunahan na siya ni Jungkook dahil si Taheyung halatang walang balak na patulan siya.
“Does it matter who confessed?” tugon ni Jungkook sa kanya pero halata sa tingin at sa tono ng pananalita nito ang gusto niyang iparating kay Irene. Hinawakan pa niya si Taehyung sa kamay na siyang hinayaan lang na gawin ng isa at nginitian siya bilang tugon.
Dahil mukhang hindi umubra ang pangba-badtrip niya kina Jungkook at Taehyung ay sina Jin at Namjoon naman ang pinuntirya niya. Seriously? May maganda bang lumalabas sa bibig ng babaeng ito? I wonder why nagustuhan siya ni Yoongi? Ugh.
“So, how’s the married life of you two? Wala pa rin ba kayong anak?” she asked, more like yung dulo ng tanong niya ay nakatuon kay Jin. Kita ko kung paano niya ito tarayan pero knowing Jin mukhang hindi siya papayag na matapakan ng babaeng ito.
“We’re doing good and to be honest, we’re both currently busy with our career kaya hindi pa namin naiisipan na mag anak kasi come to think of it, ang pangit naman kung mag anak kami tapos hindi namin maalagaan, right, Joonie?” tugon ni Jin na yumakap sa braso ni Namjoon at ngumiti ng pagkatamis-tamis kay Irene. Oh god. I know better behind those smiles than Irene.
Tumikhim si Irene at saka tumingin sa amin ni Hoseok. Tumaas ang kilay niya pero nagpakatatag ako sa poker face ko. Wow. Habit niya bang manira ng pagkatao ng iba?
“How about you Hoseok? You’re with Yoongi’s secretary? Not that I mind since matagal ka na rin namang single and it’s good you have someone with you already. No, actually, you know what? It’s a relief, really for me na makitang kayong dalawa. You two look a great couple.”
“Thanks.” was all the reply of Hoseok samantalang ako tahimik lang sa kinauupuan ko.
Ugh. Hindi pa ba matatapos itong party na ito?
Gusto ko ng umalis.
Gusto ko ng makalayo sa lugar na ito kung saan walang Irene o Yoongi.
Napangisi ako ng may pumasok sa akin na isipin.
Mukhang ganuon lang talaga kabilis kalimutan ni Yoongi ang tungkol sa amin.
Umasa ako sa wala. Mali pala akong isipin na minahal niya rin ako gaya ng sinabi niya.
A/N:
Posted: September 16, 2021 at 12:00 AM
Jaran. Update. Hahaha. Feeling ko kung dire-diretso ang update ko dito sa kwentong ito eh baka bago matapos ang buwan na ito tapos na itong kwentong ito kasi sobrang lapit na talaga natin sa ending. Anyway, kamusta ang lahat? Nagustuhan ninyo ba ang update? May maisusuggest ba kayo d’yan na gusto niyang makita sa kwento na ito other than bed scene? Comment or suggest down below binabasa ko mga comments ninyo kahit hindi specific sa kwento na ito. Teehee.
Kitakits sa susunod na update mga ka meow meow. Ichi ni san nyaa arigato!
ILLICIT AFFAIR 37
JIMIN POV
“Oh, saan ka pupunta ka, Jimin?” tanong ni Namjoon ng tumayo ako sa pwesto ko.
“Magsi-cr lang ako.” tugon ko at agad na lumabas ng venue para hanapin ang pinaka malapit na cr. I want to breath! Hindi ako makahinga sa luob. Nasu-suffocate ako sa nakikita ko.
Sumaglit akong daan sa cr. Nagde-debate pa ako kung babalik pa ako sa luob ng venue o hindi na. Nakita naman na kasi ng karamihan ang presence ko duon at saka may access na ako dito sa labas para makauwi.
“Oh look who I bumped with.” napa angat ako ng tingin ko ng makilala ko ang may ari ng nakaka iritang boses na iyon.
“Miss Irene.” yumuko ako bilang respeto pero kung hindi ko lang ito nirerespeto bilang asawa ni Yoongi, dinaanan ko lang ito.
Now that I saw her again infront of me after everything that had happened between me and Yoongi makes my heart ache so bad. I felt guilty.
“That’s Mrs. Min to you, Mr. Secretary or should I say, ‘Mistress’?” nakangisi niyang tugon sa akin.
Para akong na estatwa sa sinabi niya. Oh god! Did she just. .?! How come did she. .? And then that’s where I remember yung sinabi sa akin ng ka roommate ko na may pumupuntang lalaki na naghahanap sa akin. Don’t tell me inalam niya ang tungkol sa akin at kay Yoongi? Oh shit.
“What are you talking about?” I asked, swallowing the hard lump in my throat.
“Oh c’mon, you know exactly what I am talking about. So, how’s being with my husband? Did you have fun to what is mine? Thou I don’t recall sharing him to anyone especially to a man or should I say, gay ?”
So, she really knows about us. Alam na kaya ni Yoongi na alam ni Irene ang tungkol sa naging relasyon namin? Alam din niya kaya yung ginawa namin ng linggo ng gabi?
Tumikhim ako, “Mrs. Min, I don’t know what you’re talking about. To what I can recall, I’m his secretary so I would be with him during work hours.”
Bakit hindi ko masabi ang totoo sa kanya? Bakit ko pinagtatakpan ang tungkol sa naging sa amin ni Yoongi? Dahil ba ito sa letseng rule na sinabi niya nuon o dahil ayaw kong makitang mag break down si Irene sa harapan ko? Oh god. I don’t know what to do in this confrontation!
“Yeah, right. ‘Work’ hours, my ass.” nagtaka ako ng buksan niya ang clutch na hawak niya at may kunin duon na kung ano at iabot iyon sa akin and believe me when I say na umawang ang bibig ko sa gulat sa binigay niya sa akin. It was a picture of me and Yoongi to what I believe is from one of our dates ng kami pa.
“Get your ass off away from my husband! He’s mine and if you think he loved you more than me, think again. He’s head over heels for me and we have kids unlike you whose desperate for rich man with big dicks and cars. You’re gay, for goodness sake. What will you give him, huh? He likes breasts and pussies and if I’m being honest, you might have just been his past time while I was away for almost a month.”
Napakuyom ang kamao ko sa galit. Siguro ay dahil tama siya pero ’yung sabihan niya akong bakla sa paraan na iniinsulto niya ang pagkatao ko? I just can’t! Ang hirap mag pigil ng galit lalo na ng ipamukha niya sa akin na hindi talaga ako minahal ni Yoongi gaya ng sinabi niya sa akin at ng mga pinakita niya. Kapag hindi pa umalis sa harapan ko ang babaeng ito paniguradong iiyak na ako sa harapan niya and no! I will never stand that and forget this humiliation kind of humilation to me.
“Get lost, mistress! He’ll never see you the way he sees me and oh! Did he tell you? We’re not going to divorce anymore. We will be a happy, perfect family.” ngumiti siya ng pagka tamis-tamis sa akin at tumawa habang lumalakad pabalik ng venue.
And when I was about to fall onto my knees, bigla namang sumulpot sila Jin, Taehyung at Hoseok. Teka, kanina pa ba sila nandito? Narinig ba nila ang usapan namin ni Irene? Oh god, please tell me kakarating lang nila! Please!
“Hey, are you alright, Jimin?” bungad agad ni Jin ng makita niya ko and I tried my best to put on a happy face. .
“Uhm yeah, actually pabalik na nga ako sa venue.” no, liar ! You know you don’t want to go back after what happened!
“Akala namin kung ano ng nangyari sa iyo. Nagalala kaya kami!” sabi ni Taehyung na agad akong niyakap. It was a warm hug and I could cry at any moment but still trying hard not to. Hindi nila pwedeng malaman ang tungkol sa problema ko. Ano nalang ire-react nila kapag nalaman nila? Paano kung kamuhian nila ako dahil sa ginawa ko? Ginawa namin ni Yoongi?
“Umihi lang naman ako saka nagliwaliw. Ang ganda pala dito ’no? Uhm, bakit pala kayo nandito sa labas? Pupunta kayong cr?”
Nagkatinginan silang tatlo.
“Hinanap ka talaga namin, Jimin kasi uhm. . ano kasi. .” tugon ni Hoseok at nagpalipat-lipat ang tingin niya kina Taehyung at Jin.
“K-kasi? May nangyari ba habang wala ako?” shit. Napalitan ng pagda-drama ko ng kaba.
“Kasi ni–!” hindi natuloy ang pagsagot ni Jin sa tanong ko ng may isa na namang pamilyar na boses ang tumawag sa akin at ng mapagtanto ko kung sino iyon ng lingunin naming apat ay muling kumirot ang puso ko.
“Mr. Min.” bati ko at agad na yumuko sa kanya.
“Come with me.” walang emosyon niyang utos.
“Huh? Saan kayo pupunta?” tanong ni Taehyung sa kanya.
Oo nga. Saan kami pupunta? Para saan at bakit? Don’t tell me alam na niyang alam ni Irene ang tungkol sa naging relasyon namin at isisisi niya iyon sa akin kung bakit nalaman ng asawa niya? Oh god! Bakit puro ako lang ang may kasalanan ng lahat?
“I’ll wait for you there, Mr. Park.” sabi niya sa akin at tinuro ang isang spot kung saan nakita ko ang mga photographers kanina bago kami pumasok ng venue. Nakahinga ako ng maluwag ng marealized kong hindi pala ang iniisip ko ang dahilan ng paglapit niya sa akin. Whew.
“Jimin.” nilingon ko si Hoseok na humawak sa kamay ko bago ko tuluyang sundan si Yoongi.
“Uhm, yes?”
“We’re just here.” makahulugan niyang sabi at tinignan ko silang tatlo at ngumiti.
“Thank you.”
Isang malalim na buntung-hininga ang pinakawalan ko ng makalapit ako sa kung nasaan si Yoongi na naghihintay sa akin.
“Uhm, anong meron, Mr. Min?” ang weird sa pakiramdam na tawagin siyang Mr. Min talaga. Dati kasi ‘Boss’ ang tawag ko sa kanya pero for the sake of reminding myself na we’re not more than what we used to eh tinatawag ko na siyang Mr. Min.
Pero teka nga, bakit ba kami nandito? Para saan ba ito? Don’t tell me magpapa picture kami? I mean, why? Hindi naman ako ’yung asawa niya na kani-kanina lang ay sinabihan ako ng masasakit na salita at mas lalong hindi naman ako ang vice president ng company so what for ang pagpapa picture namin? Enlighten me, please!
At napagtanto kong tama nga ang hula ko ng lumapit sa amin ang ilan sa mga photographers at pinakuhaan niya kaming dalawa kahit nag protesta ako at sinabing may kuha na ako kanina ng dumating ako pero parang bingi siya na hindi narinig ang sinabi ko.
“Okay, last one po mga Sir.” sabi ng photographer na nasa harap namin. Nakahinga ako ng maluwag ng malamang last na iyon at makaka alis na ako sa tabi niya. Sobranf lapit niya kasi ngayon sa akin at naa-awkwardan ako sa totoo lang after ng mga nangyari sa amin at kani-kanina lang.
I was being serious on this last pic. Pretending that I’m a professional model ng biglang naramdaman ko ang mukha ni Yoongi na sobrang lapit sa akin and my breath hitched into that. Balak ko pa sanang mag iba ng pose at lumayo but it was too late! Nakuhaan na ng photographer yung eksena namin na iyon.
The heck did he just did?!
What was that for?
Pagtapos ng last pic na iyon na sabi ng photographer ay agad na akong nagpaalam at tumakbo palayo sa kanila and I was relieved ng makita kong nakatayo at hinihintay pa rin ako ng tatlo duon sa pintuan ng venue.
“Uhm, Jimin, I know this is kind of sudden but we want you to know na ikaw na ’yung sunod na magpe-perform duon sa stage.” nagaalalang sabi ni Jin sa akin ng makalapit ako.
“Hu-What?! Anong perform ang sinasabi ninyo?!” muli na namang bumalik ang kaba sa sistema ko.
Antokwa! Roller coaster na ang emosyon ko sa mga nangyayari tonight! Alam ba nila iyon ha?
“Sorry, Jimin! Sorry talaga! Ni-register ka kasi namin ni hyung ng nagtanong kanina yung host kung may meron sa amin marunong kumanta or sumayaw para naman mabuhay ng husto ang audience at syempre ikaw agad ang pumasok sa isip namin!” nakayuko at mabilis na paliwanag ni Taehyung sa akin.
What the. .?!
And syempre, you know what happened next. Nakipag debate ako sa kanila pero syempre in the end, wala akong nagawa kundi pumayag. Oh god! Anong kakantahin ko? I’m emotionally hurting! Makaka kanta ba ako ng happy love song? Shit!
And here I am, now standing at the side of the stage waiting for the current performer to finish her performance while I stare at the most annoying couple of the century. Kung nakakapatay lang ang tingin malamang kanina pa nakabulgta at pinaglalamayan ang dalawang ito dito.
Nang sa wakas ay matapos na ang kumakanta kanina bago ako na syempre hindi ko naman nalaman anong genre ang kinakanta niya dahil aminado akong wala ang focus ko sa kanya eh nabuo ang desisyon ko na pagkatapos kong mag perform ay aalis na ako. Kesehodang gusto na ni Hoseok din na umuwi o hindi, uuwi ako.
Hindi ko na talagang tumagal pa dito.
Humigpit ang hawak ko sa mic ng nasa gitna na ako ng stage at nakahinga ako ng maluwag ng nag dim ang lights sa venue gaya ng nirequest ko. Maya-maya pa ay narinig ko ng tumugtog ang instrumental ng kakantahin ko.
Napangiti ako habang nakapikit bago ko sinimulang ibuka ang bibig ko upang kumanta. It was more like a bittersweet smile and I’m gonna keep my eyes shut until I don’t feel like crying and making a mess of myself sa stage kung saan lahat ng mga mata ng nandito ay sa akin nakatuon.
Make sure nobody sees you leave
Hood over your head, keep your eyes down
Tell your friends you’re out for a run
You’ll be flushed when you return
Take the road less traveled by
Tell yourself you can always stop
What started in beautiful rooms
Ends with meetings in parking lots
And that’s the thing about illicit affairs
And clandestine meetings and longing stares
It’s born from just one single glance
But it dies, and it dies, and it dies
A million little times
Leave the perfume on the shelf
That you picked out just for him
So you leave no trace behind
Like you don’t even exist
Take the words for what they are
A dwindling, mercurial high
A drug that only worked
The first few hundred times
And that’s the thing about illicit affairs
And clandestine meetings and stolen stares
They show their truth one single time
But they lie, and they lie, and they lie
A million little times
And you wanna scream
Don’t call me “kid”, don’t call me “baby”
Look at this godforsaken mess that you made me
You showed me colors you know I can’t see with anyone else
Don’t call me “kid”, don’t call me “baby”
Look at this idiotic fool that you made me
You taught me a secret language I can’t speak with anyone else
And you know damn well
For you I would ruin myself
A million little times
Buti nalang at dim ang venue kaya hindi ko kita ang mga audience at kabilang na duon si Yoongi kaya ng matapos ako sa pagkanta ay agad akong yumuko bilang pasalamat at tumakbo pababa ng stage, palabas ng venue, palabas ng hotel at agad na pumara ng taxi na nakita ko sa pagitan ng pag blurred ng mga mata ko dahil sa mga luha kong umaagos na mula sa mga mata ko.
Ang sakit! Ang sakit-sakit magmahal!
Ang sakit mong mahalin, Yoongi.
A/N:
Posted: September 16, 2021 at 12:10 AM
Henlo. Kamusta kayo? Finally! Nagamit ko din itong kantang ito and sana ramdam ninyo yung bigat ng chapter na ito kapag pinakinggan ninyo yung kanta and itry ninyong iimagine ’yung mga nangyari between Yoonmin tapos ’yung duon sa party and ayun, sana makatulog kayo mahimbing. Hahaha. Love kayo ni author, okay? Tara at magsi kain tayo ng twister fries! Yehey!
Kitakits sa susunod na update mga ka meow meow. Ichi ni san nyaa arigato!
ILLICIT AFFAIR 38
JIMIN POV
Nakaka dalawang katok palang ako sa tapat ng pintuan ng bigla itong bumukas.
“Ano iyo–? Jimin?! Anong gina–?! Woah?!” naguguluhang tugon ni Taemin sa akin sa biglaan kong pagsulpot sa labas ng bahay niya. Hindi ko na siya pinatapos sa gusto niyang sabihin o itanong at agad ko nalang siyang niyakap ng mahigpit at umiyak.
Umiyak ako na parang wala ng bukas habang inaalalayan niya ako papasok at pinaupo sa couch.
Mukhang nasa kalagitnaan siya ng ‘me’ session dahil may scented candles ako na nakita at meditating mat habang may mahinang tugtugin na nakaka relax ang maririnig sa background.
“S-Sorry! Nasira ko yata me time mo.” paghingi ko ng paumanhin habang sumisinghot.
Ngumiti siya sa akin at inabot ang isang baso na may lamang tsaa na ginawa niya sa kusina wala pang ilang minuto ang nakakaraan. Nakatingin lang siya sa akin ng malamlam habang hinahagod ang likod ko dahil hindi ko mapatahan ang sarili ko.
“Hindi mo ba ako tatanungin kung bakit nandito ako ngayon ng walang pasabi at umiiyak?” tanong ko sa kanya pero umiling lang siya.
“Kailangan ko pa bang tanungin kung alam ko na ang sagot? Isa pa, napagdaanan ko rin iyang ganyang stage. Actually, maka ilang beses pa nga.”
Niyakap niya ako na siyang tinugunan ko.
“T-Thank you.” halos pabulong kong sabi.
“Para saan? Dahil pinapasok kita at inentertain ang pagda-drama mo? Tsk. Nakalimutan mo yata na magka ibigan tayo kaya obligasyon kong damayan ka sa kahit ano pa man na pinagdadaanan mo.” nakangiti niyang sabi at hinaplos ang buhok ko.
“Eh kung kaibigan mo ako, kami nina Hyungwon at Holland, bakit ng heart broken ka hindi mo sinabi sa amin? Hindi mo hinayaan na damayan ka namin?” nakanguso kong tanong.
Naalala ninyo naman siguro ’yung unang beses na pinakilala ko sila sa inyo ’di ba? Kakagaling lang ni Taemin sa heart break nu’n at hindi niya dinetalye sa amin ang dahilan kung bakit.
“Kasi Jimin, ako ang pinaka matanda sa ating tatlo at gusto ko hindi masira ang tingin ninyo sa akin bilang ang ‘strong’ at ‘ate’ ng grupo kaya dineal ko mag isa ang heart break, isa pa, kasalanan ko din naman kung bakit ako na heart broken nu’n but that’s all in the past. Let’s stop talking about me. Let’s talk about you. Well, are you okay to talk about it now or hihintayin nalang natin na dumating ’yung dalawa?”
“Sinong dalawa?”
“Eh ’di sina Hyungwon at Holland.”
“H-ha? Pero bukas pa tayo magkikita-kita ah?”
Bago pa makasagot si Taemin sa sinabi ko at sunud-sunod na doorbell ang umalingawngaw sa luob ng bahay at agad na tumayo si Taemin para tignan kung sino ’yung nasa labas.
Agad akong bumalik sa ulirat mula sa pagkakatulala ko sa kawalan ng isang pamilyar na boses ang bigla nalang sumigaw.
“Shutanggala, Jimin! Anong nangyari sa iyo?” madramang sabi ni Hyungwon at agad akong sinunggaban ng yakap.
“Uy ’te, mahaba-habang kwentuhan ang magaganap so I hope you don’t mind na bumili kami ni Hyungwon nito while on our way here.” sabi ni Holland habang binababa sa lamesa ang dala nilang Soju.
Ilang saglit pa magkakatabi na kaming nakaupo sa couch habang nakabalot kami ng iisang kumot na pinaghahatian naming apat. Nakalatag sa lamesa ang inorder ni Hyungwon na pizza kanina, ’yung binila nila na Soju ni Holland, at ’yung ginawang popcorn ni Taemin. Para kaming may ‘gay night’ na apat pero obviously hindi. Sine-set lang nila ’yung mood para hindi ako gaanong umiyak mamaya kapag nag start na ako magkwento ng mga nangyari sa akin nitong nakaraang linggo pati na rin yung kanina sa party. Kasalukuyan kaming nanunuod ngayon ng BL na movie na ang pamagat ay In Between Seasons.
Pagtapos ng pinapanuod naming movie nila Taemin ay nagkalakas na rin ako ng luob na ikwento sa kanila ang nangyari at syempre halu-halo ang nakuha kong reaksyon sa kanila. Nand’yan ’yung may nangangaral, may nakaka relate at may sige kain lang at tangu-tango sa entire duration ng kwento-numan namin ng rainbow puffs. Sa dami ng ininom namin ay wala sa amin ang naging ‘last gay’ standing. Lahat kami bagsak.
Kinabukasan, nagising ako dahil sa walang tigil na pag tunog ng cellphone ko. Anong nangyayari? Bakit sunud-sunod naman yata ang nakukuha kong notifications eh wala naman akong pinost sa social media? Weird.
Pero hindi kaya nag drunk post ako kagabi dala ng kalasingan? Oh shit!
Pupungas-pungas kong binuksan ang cellphone ko at nawindang ako sa dami ng notifications na lumabas sa screen. Shuta?! Ugh, kinakabahan na talaga ako! Dali-dali akong nagpunta ng twitter app dahil mula duon ang mga nakukuha kong notifications at halos lumuwa ang mata ko sa nakita ko.
Anak ng–?!
Ang mga walang hiya kong kaibigan binenta ako sa social media?! My gosh!
“MGA SIRA ULO TALAGA KAYO! AAAHHHH!!!” sigaw ko sa inis sabay siksik ng mukha ko sa unan habang patuloy sa pagsigaw na parang tanga.
Shit! Ang daming nag comment, retweet at reacts! Hindi pa kasama duon ’yung sumasabog ko ng DMs ngayon dahil sa kalokohan ng tatlong ito! My gosh! Paano nalang kung makita ito nila Jin? Hindi impossible iyon sa dami ba naman ng nag reacts! Paano kung makita ito ni Yoongi? Ano nalang iisipin nu’n? Aaaahhhh!!!
“Oh my god, Jimin! What the he–?!”
“Shut up! Kasalanan ninyo ito!” halos maiiyak ko sa inis na sabi kay Hyungwon. Agad namang kumunot ang nuo niya sa sinabi ko.
Gising na rin sina Taemin at Holland dahil sa lakas ng boses ko.
“Anong sinasabi mo?” tanong ni Taemin.
“Oo nga! Anong kasalanan namin at umagang-umaga nagsisisigaw ka na parang alarm clock, my gosh!” dagdag ni Holland.
“Anong kasalanan ninyo?! Anong kasalanan ninyo? Tinanong ninyo?! Binenta ninyo lang naman ako kagabi sa twitter! My god! Grabe kayong tatlo! Ano ng mukhang ihaharap ko paglabas natin d’yan sa pinto? Paano kapag may nakakilala sa akin at bigla nalang akong lapitan ng kung sinong weird na nilalang at akalaing desperado ako magka love life? Aaahhhh! Hay nako kayo talaga!”
Pero imbis na makonsensya sa ginawa nila ang mga ito nagtinginan pa na parang tagumpay ang ginawa nila at maya-maya ay mga nagsi-apir pa.
“So, ilan na nagmessage sa iyo?”
“Kamusta? Pinili ko ng husto ’yung pinost kong picture mo ah!”
“Sus, kunwari ka pa! Patingin nga ng mga nag message sa iyo. Ano? Meron ka na bang type sa kanila? Patingin!”
Tignan mo ang mga walang hiyang ito talaga oh! Inuna pa kung successful ’yung ginawa nilang pangbubugaw sa akin online. Hay naku talaga! Bakit at paano ko ba naging kaibigan ang mga ito? Tsk tsk.
Inairplane mode ko nalang ang cellphone ko buong araw at hindi ako nagbukas ng kahit na anong apps para sa peace of mind sa mga makukuha ko pang notifications. Somehow, panandalian kong nakalimutan ang tungkol sa nangyari kagabi sa party at ’yung sa amin ni Yoongi dahil na rin sa letseng kalokohan ng tatlo kong kaibigan and for that, I’m thankful na ginawa nila iyon pero huwag ninyo nalang sabihin sa kanila at baka ulitin nila ulit sa susunod. Mahirap na.
Buong maghapon kaming nasa bahay nila Taemin at nagpapahinga ng magkakasama habang nanunuod ng random na movies na sina suggest sa amin ng Netflix na panuorin.
Ala siyete na ng gabi at kakatapos lang namin mag early dinner ng mag suggest si Hyungwon na rumampa kami sa labas which means, gusto niyang gumala kami na syempre sinang ayunan namin dahil weekend naman at wala naman akong plano bukod sa magmukmok sa apartment pagka uwi ko sa amin. Mabuti na rin ito ng mapagod ako at dumiretso tulog mamaya pagtapos namin.
Halos isang oras at kalahati din kaming nag night stroll na apat bago kami napadpad sa isang restaurant dahil inatake kami ng gutom. Wala sa plano na magiinuman kami pero shit happens and here we are at nag iinom kami ngayon. Hahaha.
Nasa kasarapan kami ng pagkukwentuhan at inuman ng biglang may tumawag sa pangalan ko. Akala ko ng una, namamali lang ako ng dinig but not until i-call out na nila Taemin ang atensyon ko at halos ma estatwa ako sa gulat sa taong nasa harapan ko ngayon.
“Mr. Park. Sa wakas nagkita din tayo.”
Anong ginagawa dito ni Mr. Lee?!
A/N:
Posted: September 17, 2021 at 12:40 AM
And another character has been unlocked! Ano kaya ang role dito ni Mr. Lee sa kwentong ito? Isa kaya siyang grim reaper? Charot! Anyway kung may heart broken ba kayo na friend gaya ni Jimin, gagawin ninyo rin ba ang ginawa ng mga kaibigan niya sa kanya? Asking for a friend. Hahaha.
Kitakits sa susunod na update mga ka meow meow. Ichi ni san nyaa arigato!
ILLICIT AFFAIR 39
JIMIN POV
Ayaw ko man sumama kay Mr. Lee eh wala naman akong nagawa dahil magalang niya akong ipinaalam kila Taemin kaso bago ako o kami nakaalis eh sinenyasan nila ako na itext o tawagan sila kung sakali mang kailanganin ko ng rescue. Natawa naman ako dahil paano ako irerescue ng mga iyon kung tipsy na sila at hindi sila aware kung saan ba ako balak dalhin nito ni Mr. Lee na kasalukuyang abala sa pagmamaneho niya. Hindi ko kasi siya magawang tanungin dahil naiilang ako. Ilang taon din kami nitong hindi nagkita. Ang alam ko lang nagtatrabaho siya sa Tita ko bilang taga deliver nuon ng mga cakes na ginagawa sa cafe nuon na nakwento ko sa inyo bilang business at siyang bumubuhay sa amin ng Tita ko. Kaya laking gulat ko kanina ng paglabas namin, isang mamahaling sasakyan ang bumungad sa akin kung saan ako nakasakay ngayon habang naghihintay na makarating sa pupuntahan namin.
“Mr. Park.” namalayan ko nalang na dumating na kami sa pinagdalhan niya sa akin at siyang pinagbuksan ako ng pintuan ng kotse. Bahagya akong yumuko bilang pasalamat.
Hindi ko alam kung bakit pagkakita ko sa bahay na pinagdalhan niya sa akin, nakaramdam ako ng kakaiba. Na-goosebumps ako at parang naninikip ang dibdib ko at may kung ano na dahilan ng biglang pagsakit ng ulo ko. Nasaan ba ako?
“Mr. Park?”
“A-Ayos lang ako. Nasaan ba tayo?” tanong ko habang sinusundan siya papasok ng bahay. Hindi ko naman kasi maalalang ganito ’yung bahay namin ni Tita. Maliit na apartment lang iyon eh. Teka nga, umasenso na ba siya ng hindi ko alam? Pero, four years lang naman este four years and a half lang naman ang lumipas ah? Grabeng lakas naman ng cafe ni Tita at nakabili na siya ng mansion? Mapapa sana all ka nalang talaga.
Kumatok ng tatlong beses si Mr. Lee sa isang pinto bago kami tuluyang pumasok ng hindi man lang hinihintay ang response ng nasa luob. Nilibot ko ang tingin ko sa buong opisina at lalo akong hindi makahinga. Para akong nasu-suffocate.
“Mrs. Kim, nahanap ko na po ang pamangkin ninyong si Mr. Park.”
Agad hinanap ng mga mata ko ang kinaruruonan ng Tita at ng magtama ang mga mata namin ay agad siyang tumayo sa kanyang swivel chair at patakbong lumapit sa akin at agad akong niyakap ng mahigpit.
“Oh my god, Jimin! Ikaw nga! Oh my god! Ang pinaka mamahal kong pamangkin!” halos maiiyak at puno ng pagaalalang sabi niya habang pinagmamasdan ang kabuuan ko at hinahaplos ang ulo at mukha ko.
“T-Tita. .” parang umurong ang dila ko sa balak kong sabihin sa kanya ng makita ko ang reaksyon niya sa muli naming pagkikita. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Mukhang pinagalala ko talaga ng husto si Tita. Ang sama kong pamangkin sa kanya and yet, ako pa rin ang pinakamamahal niya. Kung sabagay, ang alam ko kasi ako lang din talaga ang nagiisa niyang pamangkin. Hehehe.
“Sshh, Jimin. Bait ka umiiyak? Hindi ako galit sa iyo kung iyon man ang iniisip mo. Hindi ako galit ng lumayas ka sa atin. Hindi! Nagalala lang talaga ako kasi hindi ko alam kung saan ka pumunta o kung nakakakain ka ba ng maayos o kung napasali ka na sa mga gang pero ngayong nandito ka na sa harap ko at nakikita kong maayos ka, kampante na ako na naging maayos ka.”
“Na-miss ko rin po kayo, Tita. Sorry talaga kung lumayas ako nuon at pinagalala ko kayo.” saad ko at mahigpit siyang niyakap na parang mawawala siya sa akin. Narinig ko naman ang mahina niyang pagtawa at gumaan ang luob ko dahil duon.
Ilang saglit pa ay namalayan ko nalang na nasa luob na kami ng dining area at nagluluto ang Tita ko para sa akin habang magkaharap kami ni Mr. Lee sa lamesa at hinihintay na maluto ang pagkain. Hindi naman ako inabot ng ganuon katagal bago ko narealized na si Mr. Lee ang kasa-kasama ni Tita dito sa bahay. Not that iniisip kong in relationship sila but who knows? Bagay naman sila. Hahaha.
“Alam mo bang nahirapan akong hanapin ka sa dami ng Park Jimin sa South Korea.” sabi ni Mr. Lee sa akin pagbaba niya ng tasa niya ng tsaa at tumingin sa akin.
“T-Talaga po? Kailan ninyo pa po ba akong sinimulang hanapin?”
“Mula ng umalis ka sa apartment ninyo ni Mrs. Kim.”
Alam ko kanina pa kayo nagtataka kung bakit ‘Kim’ ang apelyido ng Tita ko. Let me explain. Nakatatandang kapatid ng Appa ko si Tita at syempre dahil mas nakakatanda siya, maaga siyang nag asawa, iyon nga lang three years after ng marriage nila, ’yung taon kung kailan ako pinanganak eh namatay ang asawa niya sa sakit na leukemia and after that, hindi na siya muling nag asawa pa o naghanap ng magiging boyfriend. Iyon ang alam ko dahil ikinwento iyon sa akin ni Tita nuon ng natanong ko siya isang beses ng bata ko bakit hindi kami magkaparehas ng apelyido and now you know. Nakakatawa nga dahil kaapelyido niya ’yung mag asawang Kim kung saan kapatid ni Namjoon si Yoongi.
Muli na namang sumikip ang dibdib ko ng maalala ko si Yoongi. Ano kayang ginagawa ng isang iyon ngayon? Kasama niya kaya si Irene at ’yung kambal nilang anak? Aish. Bakit ko ba iniisip ang lalaking iyon. Wala naman na kami. Tapos na kami. Over.
“Ganuon katagal?”
“Oo. Ganuon katagal at sa Seoul lang pala kita mahahanap. Nahirapan din ako sa pagdedescribe sa iyo sa mga pinagtatanungan ko dahil hindi ko inakalang magpapa kulay ka ng buhok mo.”
Napakamot naman at bahagyang nahiya sa sinabi niya at hindi ko alam kung bakit.
“But don’t worry, Jimin. Bagay sa iyo ang kulay ng buhok mo.” sabat ni Tita at inilapag sa lamesa ang niluto niyang pagkain at pinagsaluhan namin iyong tatlo.
Masaya akong nakipag kwentuhan sa kanilang dalawa for the first time after four and a half years na nawala ako sa tabi nila and to be honest I’m quite complete again. Na-miss ko ito.
“Paano ka nga pala nakabili ng ganitong kalaking bahay, Tita? Siguro sobrang laki na ng kinita mo sa cafe na tinayo mo ’no? In fairness ah. Mahal ang pabahay dito sa Seoul.” oo, nasa Seoul pa rin kami at hindi sa Busan na nuong pinuntahan namin ni Yoongi ay abut-abot ang kaba ko dahil akala ko magkikita kami duon ni Tita pero hindi. Dito pala kami sa Seoul magkikita ng dahil sa paghahanap sa akin ni Mr. Lee.
Bigla naman akong kinabahan ng naningkit ang mata ni Tita sa akin at magtinginan sila ni Mr. Lee sa isa’t-isa. May mali ba sa tinanong ko?
Oh gosh! Hindi kaya bahay ito ni Mr. Lee?
O baka naman nag asawa na ulit si Tita ng hindi ko alam? Hala!
“Jimin. .” hinawakan ni Tita ang kamay ko at tumitig sa akin, “Hindi mo ba naaalala itong bahay na ito? Or should I say, bahay ninyo ng Appa at Eomma mo?”
“P-Po? Anong sinasabi ninyo? Hindi naman gani–” bigla nalang may kung ano sa luob ng ulo ko ang pumitik at napahawak ako sa ulo ko. Ang sakit! Ano iyon? Habang pilit kong inaalala ang dati naming bahay na dapat naaalala ko dahil alam kong lumaki akong kasama sila bago ako napunta sa pangangalaga ng Tita ko eh lalong sumasakit ang ulo ko.
“Jimin? Oh my god! Mr. Lee, tulungan mo akong dalhin siya sa kwarto niya.”
“Mukhang hindi pa ito ang tamang oras para ipaalala sa kanya ang mga nangyari, Mrs. Kim.”
Iyon ang huli kong mga salitang narinig bago ako tuluyang mawalan ng malay dahil sa sobrang pagsakit ng ulo ko. Ano bang nangyayari sa akin? May malalang sakit ba ako?
-
- *
JIN POV
“Just call me kapag magpapasundo ka na, okay?” saad ni Namjoon mula sa driver’s seat pagkalabas ko ng kotse namin. Syempre hindi ko kinalimutang bigyan siya ng isang sweet kiss sa magkabilang pisngi niya at fiery kiss sa lips niya.
“Yes, Joonie, my love. Mag iingat ka, okay?” pa cute kong sabi.
“Yes, my love. Sige na, aalis na ako at baka mawalan na ako ng will pumasok at samahan ka nalang dito kapag nagtagal pa ako. Pakisabi nalang kila Eomma na kinakamusta ko sila.”
Binigyan ko siya ng napakaraming flying kisses hanggang sa hindi ko na makita ang kotse namin sa paningin ko. Napabuntung-hinga ako at agad na nag doorbell sa bahay namin. Naisipan ko kasi na mag unwind sa pamamagitan ng pagbisita sa parents ko. Naistress kasi ako sa party kagabi at nakita ko duon ’yung nakakainis na Irene na iyon. Akala ko talaga madi-divorce na sila but I was wrong. Pfft. I was rooting pa naman for Jimin tobe Yoongi’s new love kaso argh. Hindi ko talaga alam paano nangyaring ang sweet ng babaeng iyon kagabi kay Yoongi na parang walang nangyari. Na parang hindi siya ang nag file ng divorce sa marriage nila. Ano kayang nakain ng babaeng iyon at biglang nag iba ang ihip ng hangin sa kanya?
“Appa! Eomma!” nakangiti kong bati sa kanila at agad silang niyakap.
“Oh, Jin, anak! Kamusta? Napa bisita ka? Nasaan si Namjoon? Eh ang kapatid mo?”
“Working po si Namjoon. Si Taehyung naman po may date kasama si Jungkook.”
“Ay sila na bang dalawa?” nakangiting sabi ni Eomma at pumalakpak, “Naku, mabuti naman. Akala ko forever single na iyang kapatid mo na iyan.”
“At buti nalang si Jungkook ang boyfriend niya. Panatag kami duon ng Eomma mo.”
“Ako rin po.”
Matapos naming mag catch up nila Eomma ay nagpaalam ako na magbe-beauty rest muna kaso pagpasok ko sa dati kong kwarto eh nasira ang plano ko dahil nalibang ako sa paghahalungkat ng mga kung anu-anong abubot na naitago ko nuon ng dito pa ako kila Eomma nakatira.
Hindi ko namalayan ang oras na lumipas sa sobrang saya ko sa pag reminisce dahil sa mga nakita kong remembrance na naitago ko hanggang sa manlaki ang mga mata ko sa sunod na nakita kong mga pictures nuon ng high school. Oh gosh!
Tell me, this isn’t real because if it isn’t then I, now surely and strongly believe in fate.
How did I forget about these?
Ito ’yung sinamahan ko si Yoongi at ’yung basketball team niya sa laro nila sa Busan High School nuon. Senior na si Yoongi nu’n at syempre nasa college naman kami ni Namjoon pero dahil ako ’yung may free time eh ako ’yung sumama at hindi si Namjoon para isupport siya sa laro nila. Nakakatawa nga dahil ang layo-layo ng mukha ni Yoongi nuon sa hitsura niya ngayon and to think about it, ganuon din si Jimin. Putok pa pisngi niya dito. Parang mochi!
At kung tama ’yung natatandaan ko, iyon din marahil siguro ang dahilan kung bakit ng muli ko siyang makita ay alam kong pamilyar siya sa akin dahil, sa sandaling panahon na nagkakilala sila o kami ng araw na iyon bilang si Jimin ang nag tour guide sa amin pagdating namin sa eskwelahan nila ay siya din ’yung nag cheer ng pagkalakas-lakas kay Yoongi sa kalagitnaan ng laro ng team nila versus sa team ni Yoongi. Forgetting na school niya dapat ang sinusupport niya. Hahaha. Ngayon naalala ko na at nakakatawa ang ala-ala na iyon. Freshmen pa yata si Jimin ng mga panahon na iyon.
Napangiti ako. Kung hindi dahil sa mga pictures na ito ay siguro hanggang ngayon iniisip ko pa rin bakit pamilyar sa akin si Jimin. Buti nalang at naitabi ko pa itong mga ito. Malamang kapag pinakita ko ito kay Jimin eh magulat siya o kaya kay Namjoon kasi sabi niya pamilyar din sa kanya si Jimin o baka naman kaya pamilyar sa kanya ay dahil nakita niya rin dati itong mga pictures na ito?
Pero anyway, ngayon iniisip ko paano ko ito mapapakita kay Jimin at kung matutuwa ba siya na makita ito? Alam ninyo kasi nagising ako kaninang umaga na mine-message ako nina Taehyung at Hoseok para ipaalam at ipakita sa akin ’yung tungkol kay Jimin na pinost ng mga kaibigan niya at kung pagtatagpiin ’yung nangyari kagabi sa party ni Yoongi eh sigurado akong naghiwalay na nga ang dalawa at hindi maganda ang resulta nu’n kay Jimin. Alam ko rin na may ideya na si Irene sa naging relasyon nila at impossibleng hindi siya nito sinabihan ng hindi magagandang salita kaya naman umalis agad si Jimin after ng performance niya ng walang paalam sa amin. Whew.
Muli akong napatingin sa hawak ko na mga litrato.
Wala na ba talagang pag asa na sila ang magkatuluyan?
Hindi ba gagawa ng paraan si Yoongi para magkaayos sila ni Jimin at tuluyan niya ng iwan si Irene? Hindi sa nanghihimasok ako at gusto ko talaga silang paghiwalayin pero alam ko ang nakita ko sa mga mata ni Yoongi ng nakasama at naging sila ni Jimin. May kung anong nag iba sa kanya na hindi ko makita kapag magkasama sila ng asawa niyang bruhilda.
JIMIN POV
Agad akong napahawak sa ulo ko pag gising ko at nanduon pa rin ’yung kirot na naramdaman ko bago ako nawalan ng malay. Ano bang nangyari sa akin?
Marahan akong bumangon at napatingin sa digital clock na nasa ibabaw ng lamesa. Nagulat ako ng ma-realized kong halos kalahating araw akong tulog. Hapon na kasi. Alas tres to be exact.
Nilibot ko ang tingin ko sa kabuuan ng kwarto at nanduon na naman ’yung goosebumps at paninikip ng dibdib ko. Bakit ganito ’yung nararamdaman ko mula ng dumating ako sa bahay na ito? Weird. Thou muntik ko ng akalain na nasa kwarto ako ni Yeonki. Teka, kaninong kwarto ba ito at mukhang bata ang may ari nito? Don’t tell me may bata talagang nakatira dito?
Sakto namang bumukas ang pintuan ng kwarto at iniluwa nu’n si Tita na agad na ngumiti sa akin at umupo sa tabi ko.
“Mabuti naman gising ka na! Ano? Ayos na ba ang pakiramdam mo o may masakit pa sa iyo?”
“Medyo masakit lang ulo ko, Tita pero baka dahil lang ito sa pag inom ko kagabi. Nagiinuman kasi kami ng mga friends ko bago ako nakita ni Mr. Lee at dalhin dito.”
Ngumiti lang siya sa akin bilang tugon. Pero parang may gustong sabihin sa akin si Tita?
“Uhm, Tita, matanong ko lang, kaninong kwarto ito? Kasi halatang kwarto ng bata eh. Pero in fairness ah? Ang ganda. Kung bata lang siguro ako, ganitong kwarto ang gusto ko.”
“Jimin, uhm. .”
“Bakit Tita?”
“Ang totoo n’yan sa iyo ang kwarto na ito.”
“Huh? Anong sinasabi mo, Tita? Hindi ko naman maalala na. .” iyan na naman. Kumikirot na naman ’yung ulo ko kapag tina-try kong alalahanin ’yung childhood ko.
“Hindi mo talaga maaalala dahil mukhang hindi mo pa talaga naaalala ang mga nangyari nuon, Jimin but I guess kakailanganin ko na iyon na ipaalala sa iyo para maalala mo because we’re running out of time, iho.”
“Po?” halos pahiyaw kong tugon. Pakiramdam ko nahulog ako sa kinauupuan ko ngayon. Ano bang nangyayari? Anong sinasabi nito ni Tita? Anong hindi ko naaalala?
“Ikaw ang susi para mapapanagot ang pumatay sa parents mo at ang muntikan ng pagpatay sa iyo. The reason why itinago kita at pilit na hinihigpitan bago ka magpasyang maglayas is because I want to keep you safe. Ayaw kong malaman nila na buhay ka pa at balikan para patayin. You’re the only remaining family I have and as your Tita, it is my duty to protect you and after everything that Mr. Lee told me last night, I think this is the right time na maalala mo ang lahat at bawiin ang talagang dapat na sa iyo.”
“What do you mean, Tita? Naguguluhan ako sa sinasabi ninyo sa akin.” ano ba talagang nangyayari? Anong witness, murder ang sinasabi niya? Wala akong maintindihan.
“Ang Appa ng boss mo na si Yoongi ay best friend ng tatay mo Jimin at nagkaruon sila ng kasunduan nuon na regardless sa magiging gender ng unang anak nila ay ipapakasal nila iyon sa isa’t-isa. Mabilis kayong nag click ni Yoongi for some reason and everything was going smoothly not until mangyari ang hindi dapat mangyari at ang pangyayari na iyon ay ng ipaligpit kayo ng isang pamilya na gahaman sa kayamanan ng mga Min at iyon ay walang iba kundi ang pamilya ng asawa ngayon ni Yoongi - ang pamilya ni Irene. Gusto kong ipaghiganti mo ang mga magulang mo at bawiin mo ang dapat na sa iyo dahil alam kong sa kabila ng mga nangyari, kayo ni Yoongi ang nakatadhana sa isa’t-isa. Bawiin mo si Yoongi mula kay Irene.”
Kahit hindi ko pa masyadong nakukuha ang mga sinasabi ni Tita ay iisa lang ang pumasok sa utak ko nu’n — si Yoongi, at ’yung mga ngiti niya habang magkahawak ang kamay namin.
A/N:
Posted: September 18, 2021 at 12:30 AM
There you go. Kaabang-abang na ba ang mga susunod na mangyayari? Hahaha. Paano kaya babawiin ni Jimin si Yoongi? May laban kaya siya against Irene? Are we going to see a much fiercer Jimin sa mga susunod at nalalabing chapters? Comment down below. By the way, gusto niya bang gumawa ako ulit ng isa pang Yoonmin FanFic o gusto ninyo na either Taekook or Namjin naman? I need suggestions.
Kitakits sa susunod na update mga ka meow meow. Ichi ni san nyaa arigato!
ILLICIT AFFAIR 40
JIMIN POV
Labag man sa luob ni Tita eh umuwi pa rin ako sa apartment ko para duon intindihin ang mga sinabi niya sa akin. Sabi niya kababata ko si Yoongi at naka arranged marriage kami ng dahil sa mga tatay namin na mag bestfriend at dahil mas mayaman ang pamilyang Min kesa sa amin ay maraming gustong makihati sa yaman na meron sila at ang isa sa mga iyon ay nainggit ng malamang sa pamilya namin - pamilyang Park mapupunta iyon kaya gumawa ang naiinggit na pamilya ng paraan para idispatsya kami at ang pamilyang iyon ay ang pamilya ni Irene.
Hindi ko maintindihan kung bakit ng dahil sa yaman ay nagiging gahaman ang isang tao at naiisip nito na pumatay ng mga inosenteng tao - inosenteng pamilya. Maswerte ako kung tutuusin dahil nabuhay ako pero dahil sa nangyari eh nawala ang ala-ala ng kabataan ko - sa nakaraan. Hindi ko alam kung dapat ko ba ’yon ikatuwa dahil hindi ko maalala ang malagim na nangyari sa mga magulang ko pero ang sabi sa akin ni Tita ay kailangan ko iyon maalala. Kailangan dahil ako lang ang susi para mabigyang hustisya ang pagkamatay ng mga magulang ko. Sinubukan na kasi nuon na ilaban ni Tita ang kaso ng mga magulang ko ngunit natalo sila sa korte dahil sa kakulangan ng ebidensya at witness kaya naman agad na napawalang sala ang may kinalaman sa krimen sa pamilya namin.
Kaya ganuon-ganuon nalang ang pagaalaga at pagtatago na ginawa sa akin ni Tita ng maka survive ako mula sa kamatayan. Tanging si Tita at Mr. Lee lang ang nakakaalam na buhay pa ako dahil hinayaan niyang isipin ng lahat na tuluyang nawala ang pamilyang Park ng dahil sa isang malagim na pangyayari. Nakakatawa dahil hindi inakala ni Tita na magtatagpo muli ang landas namin ng kababata at dapat na asawa ko na ngayon na si Yoongi. Kaya pala ganuon-ganuon nalang din ang mga nakukuha kong salita nuon kina Hoseok at Jin. Madalas nilang tinatanong o sinasabi sa akin kung coincidence bang nagkakilala kami ni Yoongi. I mean, wala naman siguro silang alam sa totoong pagkatao ko, ’di ba?
Isa pa, ang pinagtataka ko rin, kung magkababata kami ni Yoongi, hindi ba dapat ng malaman niya ang pangalan ko ay nagtaka na siya? I mean, syempre kahit gaano katagal na panahon na ang nakalipas, dahil ako ’yung kababata at dapat na asawa niya ngayon eh makilala niya ako sa pangalan palang pero hindi ko siya nakitaan ng kahit na anong pagdududa sa pagkatao ko maliban sa inofferan niya nga ako na maging magka relasyon kami na hanggang ngayon pinagtataka ko pa rin bakit niya naisip iyon. Hindi kaya gaya nina Jin at Hoseok eh naramdaman niya na parang kilala niya rin ako? Pero hindi talaga eh. Kasi kung iisipin, nuknukan ng yaman si Yoongi impossibleng hindi niya ako pina background check not unless hindi niya iyon binigyang importansya nuon dahil sino ba naman ako para gawin niya iyon kundi isang hamak lang na lasing na sinukahan siya sa bar kaya ako nagka utang at nagtatrabaho sa kanya para mabayaran iyon. Whew.
Ewan ko ba. Nawiwindang pa rin ako sa mga nangyari at naguguluhan. Bakit sa akin nangyari ang ganitong bagay? Bakit hindi nalang sa iba? Psh.
Gusto ko din maiyak dahil sa nalaman ko na pinatay ang mga magulang ko pero hindi ko magawa dahil wala akong maalala na memory tungkol sa kanila kahit na nakita ko ’yung picture nila duon sa dati naming bahay. Hindi ko tuloy alam kung masama ba akong anak ng dahil lang sa hindi ko magawang maging emosyonal para sa kanila.
Ayon kay Tita nabagok daw ang ulo ko kaya nawala ang ala-ala ko. Malakas ang naging impact ng pag gulung-gulong ko mula sa mataas na hagdan namin sa bahay. Ang speculation nila Tita ay narinig ko marahil ang nangyayaring kaguluhan sa sala ng mga oras na pinapatay ang mga magulang ko at dahil bata ako at nakita ko ang ginagawa sa magulang ko ay tinangka kong iligtas sila pero nagkamali ako ng tapak sa hagdan and ayun. Natagpuan kasi kami ng mga awtoridad na nakahandusay na tatlo sa sala. Nabalita pa nga sa newspaper iyon at merong kopya nu’n si Tita na balak niya pa sanang ipakita sa akin pero minabuti ko na huwag muna. Baka kasi muling sumakit ang ulo ko kapag pinilit kong alalahanin ang mga nangyari ng gabing iyon.
And on top of sa mga nalaman ko, naiistress pa ako dahil gusto ng ipasa sa akin ni Tita ang pagiging CEO ng kompanya ng pamilya namin na hinawakan niya pansamantala para lang hindi ito mawala. I mean, wala namang problema kung siya na ang maging CEO ng kompanya na hinawakan nuon ni Appa, ng Hal Ah Bhu Jee ko kasi to be honest, hindi ko kakayanin na magpatakbo ng company na katulad ng nagawa ni Tita ng hindi ko pa alam na tagapagmana pala ako ng isang kompanya. Mas prefer ko pang maging secretary nalang kesa gawin ’yung katulad ng mga ginagawa ni Yoongi. Para lang iyon sa mga born to be a leader gaya na rin nila Namjoon pero ako? Hindi ko kaya.
“Jimin.” bumalik ako sa ulirat ng marinig kong tawagin ako ng karoommate ko at agad na napatingin sa pintuan ng kwarto kung saan siya nakasandal at naka cross arms habang nakatingin sa akin na nakataas ang kilay, “Gusto mo akong samahang uminom?”
“Huh? Umiinom ka?” napangon ako sa gulat ng marinig ko ang tanong niya sa akin. Hindi ko kasi inexpect na marunong uminom itong karoommate ko na ito.
“Anong tingin mo sa akin, banal? Of course, umiinom ako pero once in a blue moon lang so, uhm, ano? Gusto mo bang uminom tayo?”
Mas mabilis pa kay The Flash ang ginawa kong pag asikaso at ng matapos ako ay lumabas kami ng apartment para pumunta sa isang open spaced bar na malapit sa highway. Pero syempre nasa second floor kami ng establishment na pinasukan namin at agad siyang umorder ng red wine. Napangisi na nga lang ako kasi akala ko Soju ang oorderin niya para sa amin. Syempre split the bill kami kahit siya ang nag ayang uminom kami.

Napabuntung-hininga ako at napatingin sa madilim na ulap na siyang pinaliliwanag ng mga bituin sa kalangitan. Ang lamig din ng simoy ng hangin at kakaunti nalang ang mga taong nakikita kong naglalakad sa kalsada. May kanya-kanya ding pinaguusapan ang mga customers na nandito ngayon kung nasaan kami kasabay ng hindi gaanong kalakasan na kantang tumutugtog sa background. Anong buwan na nga ba ulit ngayon?

Agad kong sinalinan ng alak ang baso ko pagdating nu’n sa table namin at napangisi ako dahil after ko lagukin ang iniinom ko ay tumutugtog ang isang kanta na hindi ko alam kung inaasar ako or what.
You can pretend you don’t miss me
You can pretend you don’t care
All you wanna do is kiss me
Oh what a shame I’m not there
Isang malalim na buntung-hininga ang muli kong pinakawalan bago ko napansin na nakatitig sa akin ang karoommate ko.
“Bakit?” taka kong tanong sa kanya. May dumi ba ako sa mukha?
“Jimin, okay ka lang ba?” nagulat naman ako sa tanong niya kaya tinignan ko siya maigi para malaman kung seryoso ba siya sa tanong niya sa akin.
“O-oo? Bakit?”
“Ah hindi? Bakit? Got your heart broken by someone?” muli niyang tanong. This time, nakapatong na ang baba niya sa likod ng nakasalikod niyang palad.
“W-What? Anong sinasabi mo? Broken hearted? Ako? Hindi ah!” inabot ko ang baso ko na may laman pang alak at agad na nilagok ang natitirang laman nu’n at tumingin sa ibang direksyon. Ang awkward naman nito.
“Naku, Jimin. H’wag ako. Sa tagal nating magka roommate impossibleng hindi ko makabisado ang kilos mo at malaman kung anong emosyon ang nararamdaman mo sa kinikilos mo at ’yang ginagawa mo ngayon na nauutal ka sa tanong ko at hindi ka makatingin sa akin, alam kong may something na bumabagabag sa iyo. Hindi pa kasama dito ’yung mga nakaraang araw na nakita kita na parang wala kang kabuhay-buhay. Ngayon sabihin mo sa akin kung hindi tama ang mga sinabi ko ngayun-ngayon lang?”
Napalunok ako sa sinabi niya. Ganuon ba ako kabilis basahin? Ganuon ba ako ka-obvious? Napa slouch ako sa kinauupuan ko at nakangusong muling tumingin sa karoommate ko.
“Ano? Tama ako ’no?” nbakangisi niyang sabi, “So what happened? Do you want to tell me para gumaan ang luob at isipin mo o hindi mo pa kaya na ikwento?”
“Kaya mo ba ako niyayang uminom ngayong gabi ay dahil pakiramdam mo heart broken ako?”
“Bingo!” kumindat siya sa akin at napangisi ako dahil duon.
Tinitigan ko ang karoommate ko at sa tagal naming nagsama sa iisang apartment ay mukhang ngayon lang ako makakapag open up sa kanya ng tungkol sa akin. Siya kasi ’yung tipo ng roommate na nagkukwento sa akin ng nangyayari sa kanya magtanong ako o hindi, o kung may paki man ako o wala sa sinasabi niya.

“Hyuna. .” tawag ko sa pangalan niya at muling bumuntung-hininga. Nakaramdam ako ng goosebumps ng banggitin ko ang pangalan niya once in a bluemoon ko lang kung gawin.
“I’m all ears, Jimin.” nakangiting tugon niya sa akin.
Hindi ko alam kung gaano katagal kong kinwento sa kanya ang tungkol sa akin pero ni isang beses hindi ko man lang nakita sa kanyang mukha ang hindi pagiging interesado sa kinukwento ko. Para pa ngang nagningning ang mga mata niya. Ewan ko ba.
“So anong plano mo?”
“Hindi ko alam.” nakasimangot kong sabi at mahinang inuntog ang ulo ko sa lamesa. Nagbabaka sakaling bumalik ang ala-ala ko at ganuon lang kadaling maka decide kung anong gagawin ko sa lahat ng mga nangyayaring ito ngayon.
“Are you sure na hindi mo alam o may ideya ka na pero natatakot ka na baka hindi mag work? Saan ka ba natatakot, Jimin? ’Yung part na baka hindi mo mabigyang hustisya ang ginawang pagpatay sa parents mo o ’yung part na hindi mo mabawi si Yoongi kay Irene dahil sa huli si Irene pa rin ang mas matimbang sa puso niya kesa sa iyo sa kabila ng ginawa ng pamilya niya sa pamilya mo?”
“Parehas. Hindi pa kasama duon ang gusto ng Tita ko na patakbuhin ko ’yung kompanya na dapat naman talaga ako ang nagpapatakbo at hindi siya.”
Saglit na katahimikan ang namayani sa pagitan namin ng karoommate ko bago siya muling nagsalita.
“Sa tingin ko, mas takot ka sa isiping isipin ni Yoongi na pinagbibintangan mo lang ang pamilya ni Irene at sinisiraan ang asawa niya para bumalik siya sa iyo.”
“S-Siguro.” agad kong kinagat ang ibabang labi ko sa sinabi niya dahil ang totoo n’yan, tama siya sa sinabi niya. Iyon talaga ang kinakatakot ko after kong malaman ang mga nalaman ko kagabi at kaninang umaga.
Mahal ko si Yoongi at ayaw kong kamuhian niya ako sa isiping nagiging desperado na ako sa kanya. Mahal ko siya kaya naman kahit masakit sa akin pinakawalan ko siya kahit na alam ko sa sarili ko na siya lang ang gusto ko. Kasi ang totoo n’yan, natatakot ako na sabihin niya ang totoo sa akin na hindi niya talaga ako mahal, na pinaglaruan niya lang ang damdamin ko.
“Siya ang first love mo?” tanong niya na siyang tinanguan ko, “Malamang may dahilan kung bakit sa kabila ng mga nangyari, pinagtagpo kayo ulit. I can’t say na magiging happy ang ending ninyo pero Jimin, magpakatatag ka. Kung ako sa iyo, subukan mo munang lumayo sa kanya gaya ng ginagawa niya sa iyo. Kung sakaling magkita pa rin kayo sa kabila ng pilit ninyong pag iwas sa isa’t-isa ay malamang may nakaplano na ang tadhana na mangyari para sa inyong dalawa na sa tingin ko hindi ninyo na dapat pang labanan.”
Ang sinabi na iyon ng karoommate ko ang paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko hanggang sa makauwi kami. Nakatanaw ako sa mga bituin sa langit at marahang pinunasan ang mga luha ko na tumutulo mula sa mga mata ko habang nakikinig sa kantang The Truth Untold na tumutugtog sa earphones ko.
“ And I still want you. . “ sabay ko sa huling parte ng kanta na siyang lalong nagpa iyak sa akin. Niyakap ko ang mga tuhod ko at winish na sana katabi ko si Yoongi para masandalan ko pero hindi. Tanging ako lang mag isa ang nasa kwarto ko kung saan napapalibutan ako ng mga bagay na nagpapa alala sa kanya at sa naging relasyon namin.
Tumingin ako sa bracelet na suot ko at isang malalim na buntung hininga ang pinakawalan ko kasabay ng isang desisyon na sana hindi ko pagsisihan.
NAMJOON POV
Papunta ako ngayon sa office ng kapatid ko para kamustahin siya after ng nangyari sa party ng company niya ng sabado ng gabi. Hindi kasi kami nagka usap ng maayos dahil bukod sa kasama niya si Irene na kinaiinisan ni Jin eh umalis na din kami agad ng asawa ko ng hindi bumalik si Jimin sa table namin after ng naging performance niya.
Alam ko na rin ang dahilan kung bakit ganuon nalang din ang naging reaksyon nila Jin, Taehyung at Hoseok ng makita nilang magkasama ulit at sweet na sweet si Irene kay Yoongi na para bang hindi siya nag file ng divorce sa kasal nila ay dahil may naging relasyon si Yoongi at Jimin na siyang si Taehyung mismo ang unang nakaalam. Syempre napansin ko na rin nuon at ni Jungkook ang kakaibang pagkilos ng kapatid ko kapag nandyan si Jimin pero hindi ko inexpect na talaga ngang may relasyon ang dalawa.
Kung hindi lang kasal ang kapatid ko ay alam kong bagay sila ng sekretarya niya. May kung ano kasi kay Jimin na hindi ko mawari. Basta alam ko pamilyar siya sa akin o ang pangalan niya. Parang narinig ko na iyon sa usapan ng Appa ni Yoongi at ng kaibigan niya nuong bata ako.
Oo nga pala, hindi ko naikwento ito nuon sa inyo pero magkapatid kami ni Yoongi sa Eomma. Unang naging nobyo ng Eomma namin ang Appa ko pero dahil anak lang ang habol ng aking Appa ay kinuha niya ako mula sa aking Eomma at dahil minsanan lang kami kung magkita at dahil sa lungkot ay nakilala niya ang Appa ni Yoongi at kinasal sila at jaran. Nagka instant younger brother ako. Kalaunan ay nakuha din ni Eomma ang rights niya sa akin at tumira ako kasama nila. Masaya ako sa pamilyang Min dahil itinuring din akong tunay na anak ng Appa ni Yoongi pero syempre paminsan-minsan ay dinadalaw ko pa rin ang aking Appa na tinuturing pa rin akong anak at tanging nagiisang anak lang niya. Masaya ako dahil tinanggap pa rin niya ako kahit na isang lalaki ang naging kabiyak ko.
Nasa company building na ako ng kapatid ko ng maisipan kong bisitahin na rin si Jimin. Gusto ko kasing malaman kung okay lang ba siya after ng nangyari ng sabado at nagtaka ako ng hindi ko siya naabutan sa office niya. Agad akong napatingin sa relos ko at sa wall clock na nasa office niya. Weird. Ganitong oras nasa trabaho na dapat siya. Nagkibit-balikat ako. Baka naka coffee break siya?
Malapit na ako sa office ng kapatid ko ng makaramdam ako ng kakaiba. Parang may mali. Hindi ko magawang buksan agad ang pintuan ng office niya.
Ano itong nararamdaman ko?
Bumuntung-hininga ako at pinihit ang pinto para buksan ito. Masyado ko lang inii-stress ang sarili ko para sa wala. Muntikan akong maestatwa sa kinatatayuan ko ng makitang sobrang gulo ng luob ng office niya at makitang parang wala siya sa kanyang sarili.
“Y-Yoongi?” tawag ko pero hindi siya natinag sa ginawa ko kaya nilapitan ko siya at duon ko nakitang mugto ang mga mata niya at may mga galos ang kamao niya at nakainom siya.
Teka, anong nangyayari? Hindi ito ang Yoongi na kilala ko kapag nasa office.
“Y-Yoongi? Anong nangyari dito? Anong nangyari sa iyo?” kinakabahan kong tanong at hinawakan siya para tignan kung may sakit ba siya or what pero magkahalong lakas ngunit wala gana niya akong tinulak palayo sa kanya.
Oh shit! Don’t tell me nakipag divorce na ng tuluyan sa kanya si Irene? Pero paano? Ng sabado lang magkasama sila at nakaka lagnat ’yung pagka madikit sa kanya ni Irene ng gabing iyon kaya paano ito nagawa ni Irene sa kanya?
Pero hindi ko inasahan ang mga sumunod na nangyari.
Bigla nalang tumawa si Yoongi at wala pang ilang segundo ay nagsimula na itong umiyak. Inabot nito ang baso niya na I assume may lamang alak at inisang lagok ito. Bigla siyang sumigaw at hinagis ang baso sa pader na siyang nabasag sa lakas ng impact ng pagbatong ginawa niya. Muntik pa ako mapalundag sa gulat sa ginawa niya.
“JIMIN!!!” ang pangalan na sinigaw niya na kinabigla ko. Jimin? Si Jimin?! Anong kinalaman ni Jimin sa sitwasyong ito ngayon ni Yoongi?
“Y-Yoongi. . Ano bang–?”
Sumusuray na lumakad papunta sa akin ang kapatid ko at hinawakan ako ang kwelyo ko, “W-Wala na siya, Hyung! Wala na siya!”
“A-Ano bang sinasabi mo, Yoongi? Sinong wala? Si Jimin? Paano siya mawawala eh siya ang secretary mo, ’di ba?”
Tumitig sa akin ang mga mata niyang muli na namang napaluha at mukhang alam ko na ang sagot sa tanong ko.
“I-Iniwan niya na ako, Hyung!. . . Wala na si Jimin!. . . Iniwan niya na ako!. . . H-Hindi ito totoo! Sabihin mong hindi ito totoo!. . . Babalik siya, ’di ba?”
Hindi ko siya agad nasalo ng bigla siyang lumuhod sa akin na para bang nagmamaka-awa na ibalik ko sa kanya si Jimin.
“Sabi niya mahal niya ako pero bakit?!. . . B-Bakit niya ako iniwan ng ganito?!. . H-Hindi ko kaya, Hyung! Ibalik mo sa akin si Jimin!. . Si Jimin! Kailangan ko Jimin kasi. . Kasi. . . Kasi mahal ko siya! M-Mahal ko siya higit kay Irene! Please, Hyung!” pagsusumamo niya sa akin habang patuloy siyang umiiyak hanggang sa bumagsak ang katawan niya ng dalhin sa kalasingan at pagod mula sa kaiiyak.
Napahilamos ako sa mukha ko matapos ko siyang ihiga sa couch at agad na dinial ang asawa ko para tulungan akong asikasuhin ang kapatid ko dahil pati ako hindi ko alam paano siya matutulungan na bumalik sa kanya si Jimin gayong alam ko na sa mata ng lahat mali ang ginawa niyang ito dahil pamilyado siya.
Sana nga lang panandalian lang ito pero alam kong hindi dahil ngayon ko lang nakitang nagkaganito ang kapatid ko ng dahil sa pagmamahal.
A/N:
Posted: September 20, 2021 at 12:00 AM
So, uhm, hindi ko alam kung anong mafe-feel ko sa update ko na ito. Nakakaloka! Anyway, few chapters more to go. May happy ending kaya? And finally! Na unlocked ko na rin ’yung character ng roommate. Akalain ninyo ’yon kung kailan matatapos na ’yung kwento saka ko siya pinakilala pero better late than never. Sabay-sabay tayo mag breakdown sa linyang, “I still want you.”.
Kitakits sa susunod na update mga ka meow meow. Ichi ni san nyaa arigato!
ILLICIT AFFAIR 41
JIMIN POV
“Sigurado ka na ba d’yan sa gusto mong gawin, Jimin?” muling tanong ni Taemin sa akin.
Nandito ang rainbow puffs ngayon sa apartment pati ang karoommate ko.
Isang malalim na buntung-hininga ang pinakawalan ko, “Oo. Sigurado na ako dito. ’Yung napag usapan natin ah? Huwag ninyo iyon kalimutan.” paalala ko sa kanila. Nakiusap kasi ako sa kanila na kung sakali mang may magtanong ng tungkol sa akin na kakilala namin eh sabihin nilang hindi nila alam kung nasaan ako at ang alam lang nila ay umalis ako.
Last day ko na kasi ngayon dito sa Seoul. Bukas maaga akong susunduin nina Mr. Lee at Tita papuntang airport.
“Mami-miss ka talaga namin.” malungkot na saad ni Hyungwon.
“Hindi ka ba talaga namin pwedeng puntahan duon? I mean ako kasi, nakaka punta naman ako sa ibang bansa as part of my work kaya pwede tayong magkita.” dagdag ni Holland.
“Guys, ano ba? Ilang months lang naman mawawala si Jimin. Babalik din naman siya after.” nakangusong paalala ni Hyuna.
After ng so-called despedida nila para sa akin ay agad na silang nakatulog dahil pinipilit nila na sumama sa akin bukas sa aiport. Mga ayaw paawat!
“Yes, Mr. Lee?” sagot ko sa kabilang linya. Tumawag kasi siya kung kailan patulog na ako.
“Nandito na ako sa napag usapang lugar.” pagkarinig ko nu’n ay dali-dali akong bumangon at nag asikaso para lumabas ng bahay.
“Give me ten to fifteen minutes. Papunta na ako.”
And true enough, agad akong nakarating sa napag usapan naming lugar. Sana nga lang ay hindi ako mamukaan ng mga nandito.

Nakita ko ang rason ng pagpunta ko dito. Ang iniutos ko kay Mr. Lee na gawin niya para sa akin ng hindi ipinapaalam sa Tita ko. Mukhang hindi naman ako nakaagaw ng pansin kahit na naka mask ako at shades kahit na ehem, gabi na sa labas nitong hotel na pinasukan namin.
Parang may bumara sa lalamunan ko na hindi ko magawang lunukin mula sa kinatatayuan ko at kinuyom ang kamao ko sa kinikimkim kong galit at isang malalim na buntung-hininga ang pinakawalan ko.
JIN POV
“Yoongi! Tama na iyan!” sita ko sa kanya sabay hablot ng alak mula sa kamay niya, “Ayusin mo nga iyang sarili mo! Parang wala kang mga anak na uuwian ah? Hindi ka nila pwedeng makitang ganyan! Ano nalang mararamdaman nila ha, Yoongi?”
Isang malalim na buntung-hininga ang pinakawalan ko habang inis na nakatingin sa kanya. Halos isang linggo na siyang wala sa sarili. Hindi siya makatrabaho ng maayos at panay ang pagiinom niya. Ngayon ko lang siya nakitang nagka ganito at hindi ko inexpect na magkaka ganyan siya ng dahil kay Jimin at hindi kay Irene.
Para siyang namatayan ng mahal sa buhay kung umasta. Tsk.
Hindi ko masisi si Jimin kung tuluyan na itong lumayo for good after ng nakita niya duon sa party pero si Yoongi. . .
Nasasaktan akong makitang nagkaka ganito siya. Sinubukan naming hanapin si Jimin nitong mga nakaraang araw sa kanila pero wala kaming Jimin na naaabutan at wala din duon ’yung karoommate niya na kasa-kasama niya na sinabi sa amin ni Yoongi.
Hindi tuloy namin alam kung paano namin siya hahanapin dahil pati sa tawag or texts or maging sa social media niya hindi siya nagrereply, seen or post ng kahit na ano. Para bang hindi siya nag exist sa mga buhay namin kaya heto, halos mabaliw na si Yoongi dahil sa pagkawala ni Jimin.
I’m sure kung nakikita ni Jimin ang sitwasyon ni Yoongi, masasaktan siya at magaalala para sa kanya.
Nasaan ka ba Jimin?
Bakit biglaan ang naging pagalis mo sa buhay ni Yoongi? Ang masakit na break up lang ba ang dahilan o may iba pa?
JIMIN POV
“Sure ka bang ayaw mo talagang icontact ka namin in any way, Jimin habang nanduon ka?” nagaalalang tanong ni Tita habang hinahaplos ang mukha ko.
Tumango ako, “Opo, Tita. Pasensya na. Kailangan ko iyon para makapag focus akonat mabilis kong matutunan ang mga dapat na matutunan bago ko akuin ang posisyon ninyo bilanh CEO.”
Oo, tama kayo ng nabasa. Aakuin ko na ang posisyon ng Tita ko bilang CEO sa kompanya namin.
“Mag iingat ka duon ha? Kakain ka ng maayos at matutulog sa oras. Kung sakali mang pakiramdam mo hindi mo na kaya, tumawag ka o magtext, okay?”
Muli akong tumango at niyakap siya ng may impit na ngiti sa aking labi. Napatingin naman ako kay Mr. Lee na nakatingin din sa akin. Halata sa kanya ang lungkot pero nginitian pa rin niya ako.
“Sa susunod na pagkikita natin, sana hindi na ikaw yung batang iyakin.” biro niya kaya agad ko siyang binelatan.
Pagkalas ko sa yakapan namin ni Tita ay binaling ko ang tingin ko sa apat pa naming kasama - ang mga kaibigan ko.
Lahat sila halata na malungkot pero pinipilit din nilang ngumiti para sa akin. Naninikip tuloy ang dibdib ko sa nakikita ko.
Pwede bang hindi nalang ako tumuloy?
“Jimin, babalik ka ha? Subukan mong hindi ha-huntingin kita kung saang lupalop ka man nanduon at sasambunutan kita!” banta ni Hyungwon at pumamewang pa.
“Kung sakali mang mag change of heart ka at gusto mo na ng pempem kesa sa talong, tanggap ka pa rin naming mga kaibigan mo at sana huwag mo kaming itakwil kapag nangyari iyon.” saad ni Holland at may papunas pa sa luhang pinipigilan niya na tumulo.
“At kung straight gay ka pa rin pagbalik, huwag mong kalimutan na kwentuhan kami sa mga sexventures mo sa mga foreigner eh. In details dapat!” dagdag ni Taemin na nagpipigil ng tawa kaya agad ko itong sinambunutan, “Aray naman ’te! Biro lang eh! Sorry po Mrs. Kim and Mr. Lee, sadyang ganito lang kami mag usap ng pamangkin ninyo.”
“Jimin, mag iingat ka duon. Hihintayin namin ang pagbalik mo. Sana kahit ikaw na ang CEO sa time na iyon makabisita ka pa rin sa dati nating apartment kasi mami-miss talaga kita.” saad ni Hyuna na niyakap ako at bahagyang ginulo ang buhok ko.
“Huwag kayong magalala. Babalik ako. Sa pagbalik ko, kayo agad ang unang hahanapin ko at sana hindi ninyo ako gaanong ma-miss. Iingatan ninyo rin ang mga sarili ninyo, okay?”
Pagtapos namin magbigayan ng huling farewell sa isa’t-isa ay agad na akong tumalikod mula sa kanila at lumakad palayo. Isang malalim na buntung-hininga ang pinakawalan ko. Sa bawat paglakad ko palayo sa kanila, ay nanduon ’yung isipin sa akin na sana, may tumawag sa pangalan ko para huminto ako at hindi ko na kailanganin pang umalis pero wala.
Siguro hindi pa ito ang tamang oras o panahon para sa amin at hindi ko iyon pipilitin.

Pagdating ko ng Amerika, parang gusto ko na ulit bumalik ng Korea pero alam kong hindi pwede. Ako ang may gusto nito dahil kailangan ko ito.
Kailangan ko itong gawin para mabawi ko ang para sa akin kaya kahit gaano kahirap ay kakayanin ko.
Naglalakad na ako palabas ng airport mag isa at dahil hindi naman ingles ang native language ko at naghanap nalang ako ng pakiramdam ko ay kalaki ko.
“Uhm, hey, Miss! Excuse me!” tawag ko sa isang babae na asian din gaya ko. Shit, hearing myself speaking in english parang ang awkward pakinggan pero ’di bale na kailangan ko ng tulong eh.
“Yes?” tugon nito na napahinto pa sa kanyang paglalakad. Shit! Mukhang sanay yata ito mag ingles. Maintindihan kaya ako nito?
“Uhm, do you know. .?”
At duon nagsimula ang conversation ko kay Seulgi na taga Korea din pala at nandito lang siya sa amerika para sa isang business deal. Akalain mo nga naman ang pagkakataon. Mabait pa rin pala sa akin ang nasa itaas.

It’s been a six months mula ng magsimula ako sa mababang posisyon dito sa company namin na nandito sa amerika at syempre walang kahit na sinong nakakaalam na ako ang magiging CEO nila in the near future.
So far, kahit mahirap ng una ay na-enjoy ko naman ang pagtatrabaho ko dito atmnd right now, manager na ako. Laking pasalamat ko nalang na gumagaling na ako sa pagsasalita ng ingles at maganda ang communication skills ko siguro dahil na rin sa naging secretary ako nuon ng CEO na si Min Yoongi na siyang naging. . . naging boyfriend ko, na ngayon ay ex ko na.
Nakaramdam na naman ako ng goosebumps sa pagalala ko kay Yoongi. Kamusta na kaya siya? Kumakain ba siya ng maayos? Eh ’yung mga trabaho niya? Nagagawa niya ba lahat on time? ’Yung kambal? Kamusta na sila? Nami-miss kaya nila ako? May bago na kaya siyang secretary? Lalaki ba ulit kinuha niya? Este, ’yung tunay na lalaki na at hindi gaya ko? O kumuha siya ulit ng babae? Masaya. . . Masaya kaya siya ngayon kasama si Irene?
And speaking of Irene. . .
Napailing nalang ako ng may maalala ko kung saan damay ang pamilya niya at bumigat na naman ang pakiramdam ko. Whew. Not now, Jimin. Not now. Marami ka pang dapat na tapusing trabaho at hindi ka dapat mawala sa focus.
Kinuha ko saglit sa bulsa ng pantalon ko ang cellphone ko para tignan ang oras ng makita ang isang notification na consistent na narereceive ko mula sa taong kinasasabikan kong muling makita.
Napangiti ako ng mapait. Hindi pa rin siya tumitigil.
[ Hi, Jimin. It’s my twins birthday. I hope you’re doing well and wish that you could celebrate here with us right now. I miss you, Jimin. I love you. ]
Hindi ka pa rin ba napapagod, Yoongi?
Oo, tama kayo ng nababasa. Araw-araw ako kung itext ni Yoongi kahit na hindi ko siya nirereplyan o sinasagot ang mga tawag niya gaya ng sa iba thou may mga times na muntikan na akong bumigay pero hindi pwede. Hindi pa ito ang tamang oras para magkausap kaming muli. Hindi pa.
Pero sana, ipapanalangin ko na sana, sa oras na magkita at magkausap kaming muli ay hindi niya ako kamuhian dahil gaano man katagal siyang wala sa tabi ko o ako sa kanya, nasa kanya lang ang puso at isip ko.
A/N:
Posted: September 20, 2021 at 12:20 AM
Hay naku! Ano na kayang mangyayari sa susunod na chapter? Any idea? Charot! Anyway, gusto ninyo ba ng POV ni Yoongi? Asking for a friend. Friend is me. Hahaha. Comment down below friendships. I’m reading all of your comments. Mukha lang hindi but I see and read those.
Kitakits sa susunod na update mga ka meow meow. Ichi ni san nyaa arigato!
ILLICIT AFFAIR 42
YOONGI POV
“Appa?” I turned to my son, Yeonki.
“Hmm? Why are you still awake, son?”
“You miss him, don’t you?” he asks, shrugging with a faint smile on his lips.
I looked sadly at him and at the photo flashing on my phone screen. It was Jimin’s photo that I had on my phone for a long time now. I actually had a lot of photos of him it’s just that this is one of my favorites that I’m staring at.
“Yes, I miss him. I miss him so much, son.” I replied and was surprised when he hugged me and bury his head on my chest, “Me too, Appa. Me and Yoonji missed him. Isn’t he coming back yet?”
I stroked his hair and smiled, “I don’t know but I hope he misses us too like how we are to him.”
I suddenly felt my son fallen asleep on my thigh so I picked him up and laid him on his bed.
Again, I was left alone and realized that I was staring at Jimin’s photo. It’s been one year since he left with no trace of his whereabouts. I did try reaching out to his friends and his roommate but they won’t tell me where he is. I also tried looking him up with the help of a private investigator but again, no trace of him of anything. It’s like he didn’t exist in Korea.
I tried hiring a tracker but failed again because the tracker can’t also seem to tracked him even though I can message his phone number and call but with no response from him. I’m getting frustrated to be honest and it’s not good. I feel like I’m becoming delusional for a person who doesn’t seem to exist if only I had no pictures of him and my twins and brother and friends wasn’t able to met him then a lot of people would really think I’m out of my mind. I’m just lucky I didn’t go crazy for the first couple of months when he left even when I was extremely sad and had no appetite to eat or sleep.
I was so affected by Jimin’s sudden disappearance that I learned how to smoke even though I didn’t want to do that except for drinking, and also learned how to gamble just to past time so that I don’t remember Jimin that much but in the end, I still does because everywhere I look, I’m being reminded of him.
Because I got used to having only my twins spend time with me even when I got home late from work, I forgot that I was also married. I really thought I was a single father and also that I was going through a divorce because honestly, our wedding? Yes, I was happy on my wedding day because I had to, but I knew that a part of me was missing and not right because at that time we were just forced by our parents to get married or her parents actually and we accept with no questions, thinking that we might fall in love with each other one day to which I did at some point but not her. I don’t know why.
I tried to be the best husband and father to our twins but she just can’t with me and I didn’t force her on anything as long as we stay married then I’m good with it but not until he filed a divorce on our marriage to which hurt me. I felt like I wasn’t giving her enough and that I was the one to be blamed even though my brother and friends told me it was her and not me.
Maybe the actual reason I was hurt and afraid of the divorce is because either I won’t be able to be with the twins until they reach their legal age or they will live and be bullied for at school for having a broken family to which I do not want to happen to them.
However, for some odd reason, while I was going through our divorce, an ethereal beauty caught my eye.
No, it wasn’t a woman but a man like me. It was the first time someone caught my attention without even trying. If he wasn’t just wearing a man’s clothes I wouldn’t know he is one.
He acts and sounds so feminine. I bet he also smell sweet. He has midnight blue hair and a height almost same as mine. His complexion was like snow white (so white and pure) with small oval face that matched his angel-like features. What caught me the most was his tantalizing, enigmatic eyes and plump pink lips along with his small fingers that makes me want to hold him close and treat him good more than I had treated my wife. Yes, I know I shouldn’t be thinking or saying things like that but with a beauty like his, I think mine is justified, right?
And that is how I found myself visiting the same club at the exact spot where I first saw him. Hoping that I would see him again without him knowing that I exist.
He gets everyone’s attention much to my dismay but who am I to get upset if he has the kind of beauty everyone envied for?
I really don’t know what has gotten into me but I think my heart skipped a beat and before I knew it, I almost become a regular customer to that club for one and half months before our world finally collided again and all thanks to my decision to look for him around that place and cancelling my ‘supposed’ transaction with Hobi and then blaming all of that to Jimin the next day but it was worth it. He immediately became mine without his knowledge aside from the fact that I made him my secretary but of course, I knew as well I was a bit harsh on him at first but I slowly change (in my opinion) and spoiled him to anything I could give.
I didn’t even expect that he will get along with my twins which made me fall in love to him more and my twins teasing him didn’t get unnoticed, that is why as crazy as it might sound, I offered him to get into a relationship with me.
Of course, he didn’t like the idea at first but I threatened him on increasing his debt to which thankfully worked. God, I was so happy when he said yes! I was more than happy to that than when Irene said, ‘I do’ at our wedding day. It is just that whenever I’m with Jimin everything seems right and I’m complete. But with all the happiness I’m feeling while we’re together, I wasn’t aware that he was hurting. Our relationship was supposed to be for a month but it went down to three weeks only because he begged for us to stop to which I obliged even when I do not want to. I did try to convince him though to not end it yet but I guess we just really can’t be together in this lifetime. And so, on our last day of being together, I offered him not only my heart and mind but also my body. I gave it all to him. Something which Irene had taken granted for not until I met Jimin but instead, I was the one who hurt him.
I was looking at the contract to which Jimin had signed before when he became my secretary when I heard a knock at my door. I’m currently inside my office in this part of our house.
“Why are you still up?” asks Irene, flashing her sickening smile to me. I used to somehow love this smile of hers but now? I don’t like it anymore. It annoys me.
I don’t know what’s with her but all of sudden after Jimin’s disappearance she became sweet and more of a wife and mother figure in this house. It wasn’t that long until she went back to her usual single life like attitude to which I’m curious as to why she acted that way a couple of months ago.
It’s like something isn’t right. Not that I give a shit but I rather not have her act like sweet and all because right now, what I was thinking and planning is for her to just go on again with the divorce and I’ll fight for my rights to my twins so that they’ll be with me. If I can’t have Jimin back then I rather just be a single father of twins that remain married to her because I still think that she really has something to do with Jimin leaving me and I hate to admit to myself that it could be true.
How could she act as my wife at all when she barely doesn’t know a lot of things about me like what I hate and like to things and people?
“Work.” I replied using my monotone voice and putting back inside the drawer the contract I was holding minutes ago. I didn’t even glance at her and just continue what I told her I was doing even though I already finished it two hours ago.
I sighed when I saw again the file about his Appa’s company going bankrupcy. I can’t let this one slip again nor help him without getting back anything in return.
“I was wondering if we could. .” she began talking and went beside me to massage my shoulders but my ears and head went black. I couldn’t understand what she was saying until she said the words ‘lunch with my parents tomorrow’ to which I agreed right away so that she could leave me alone after but that didn’t happen when she tried to kiss me which I almost puke but thankfully I just got irritated and softly shoved her away from me.
“Irene, I had a lot of work to finish so if you could just leave and let me do this so I can rest after for tomorrow.” I said, not waiting for her response and began typing on my laptop to make her believe that I’m really busy.
I sighed in relief when she left the office fuming and saying things which again, I wasn’t able to understand and maybe because I just don’t give a fuck to her anymore.
After she left, I immediately took my phone out again and scan through my phone album showing pictures of my parents, my brother and friends, my twins and most especially Jimin and I.
I smiled when I saw the photo of me and Jimin that Jin sent to me a month ago. It was during our high school years and I didn’t know that we actually had already met before without this photos that Jin took as a remembrance from before. Was it just coincidence or are we meant to be together somehow?
Oh how I wish I know the answer.
I went to my message box to check and see if Jimin replied to what I had text him today but just like yesterday and the other days, I still got no reply from him. I frowned.
I badly want to see Jimin right now and hold him and hug him tight and kiss him and tell him that I am really sorry for being such a dickhead and that I really love him and that. . . And that. . .
Jimin, just please, allow me to meet you again. Please, my love?
I need you because I love you and that I might die from heart break but I hope you wouldn’t hate me the next time we meet because when that happens, I am not going to let you get away from me again.
If I have to threaten you like the last I did, I would just to make you mine.
A/N:
Posted: September 23, 2021 at 03:40 AM
Late update but here you go. A Yoongi POV just like what was requested and I hope you enjoyed. Wala na ako masyadong gusto pang sabihin kasi na drain na ako sa english. Char! Stay safe everyone and drink your coffee.
Kitakits sa susunod na update mga ka meow meow. Ichi ni san nyaa arigato!
ILLICIT AFFAIR 43
JIMIN POV
“I’m finally back, South Korea!” nakangiting bulong ko sa sarili ko pagtapak ko sa labas ng airport.
Finally! After one year and a half, I’m back. I never thought this day will come but here I am.
Napalunok ako sa realization kung saan ako dapat unang dumiretso ngayong nakabalik na ako. If sa bahay ba namin, sa apartment or makipag meet ako sa isang restaurant or cafè sa kanila?
Wala naman kasing nakakaalam na ngayon ang uwi ko. Na ngayon ako babalik dahil hello?! Gaya ng napag usapan nuon wala akong cinontact na kahit na sino sa kanila habang nasa amerika ako and now that I’m back, hindi ko alam paano ko iyon ipapaalam sa kanila ng hindi ako masesermunan. Lumagpas din kasi ako sa napag usapan eh. Sabi ko sa kanila ilang months lang akong magtatagal duon pero hindi iyon ang nangyari.
Wala ding nagbago sa lugar na ito mula ng umalis ako gaya ng feelings ko para kay Yoongi thou alam kong may nabago sa akin maliban sa kulay ng buhok ko.
Sa katunayan nga n’yan habang nasa amerika ako ay maraming nagkagusto sa akin and believe it or not, sila pa mismo ang nanligaw sa akin mapa babae o lalaki kaso nga lang, ginayuma yata ako ni Yoongi at hindi pa rin nawe-wear off ang pag gayuma niya sa akin dahil ni isa sa kanila wala akong nagustuhan. Tanging si Yoongi lang ang lagi kong nakikita sa kanila at hinahanap-hanap. Whew. Ganito ba talaga kapag na-inlove ka sa first love mo? Hindi mo siya magawang makalimutan?
Wala na akong inaksayang panahon at agad na pumara ng taxi mula sa kinatatayuan ko at agad na tinungo ang kompanya na plano kong pabaksakin. Ito ang magiging ganti ko sa pamilyang sumira sa pamilya ko. Napalunok ako at ramdam ko ang pagtambol ng puso ko sa kaba but then I remembered na hindi ako ang dapat na kabahan kundi sila. Sisiguraduhin ko na sa gagawin ko ay maging ang pamilyang Min ay hindi sila tutulungan oras na lumabas ang katotohanan sa nakaraan. Babawiin ko ang dapat na sa amin - sa akin.
“This way, Mr. Park.” sinundan ko ang secretary na siyang naka atas sa pagdating ko.
And yes, nasa plano ko ang pagpunta dito hindi ko nga lang inexpect na mapapa aga sa napag usapan namin ng nasa amerika ako. Akala talaga ng CEO nitong kompanyang ito ay isa lang akong hamak na manager na nautusan ng CEO para makipag deal sa kanya. Ang hindi niya alam, ako mismo ang CEO na nakausap at hinihingian niya ng tulong para isalba ang pabagsak nitong kompanya. Syempre, hindi niya iyon alam dahil ang pangalan pa rin ng nakalagay na CEO eh ang pangalan ng Tita ko at hindi sa akin but soon, mapupunta na rin sa akin ang titulong iyon.
Nginitian ko ang secretary ng pagbuksan niya ako ng pinto sa office ng CEO na siyang tinugunan naman nito. Napahinga ako ng malalim.
Smooth like a snake, Jimin. Smooth like a snake. You’re prey is already right infront of you.
“Mr. Park.” nakangiting bati sa akin ng CEO at agad na nilahad ang kamay niya na siyang agad kong tinugunan. Hindi ko naiwasang higpitan ang pagkakahawak ko duon. Buti nalang at napigilan ko ang sarili ko na ipitin ang kamay niya sa pagkakahawak ko dahil hindi ko mapigilang hindi umakyat ang dugo ko sa kinikimkim kong galit sa kanya.
Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa at napangisi sa isip ko. Umupo ako sa couch na katapat ng kanyang desk at nilibot ang tingin ko sa kabuuan ng office niya. Syempre hindi nakatakas sa pang amoy ko ang amoy ng upos na sigarilyo. Muli akong napangisi sa isip ko. Really? Hindi niya talaga pinalampas na huwag munang manigarilyo sa araw na ito knowing na may darating na bisita or wala talaga siyang pakialam sa pagdating ko unless he’s talking with the CEO? Tsk. Such a double face person, I see. Akala siya siguro porket hindi kataasan ang posisyon ay hindi ipapaalam ng gaya kong ‘manager’ ang tungkol sa na-observe ko sa kanya at sa luob ng office niya? Hmm.
“I believe my arrival has been notified to you by my company, yes?”
“Yes.” saglit siyang tumingin sa akin, “I don’t want to sound rude, Mr. Park but will there be a chance where I can personally speak to the CEO? You see, I don’t know why she sent you here when we can just talk directly instead of sending someone here from America.”
“That is also what I’m curious of, Mr. Bae but probably the CEO wants to know first what type of person she’ll be dealing with.” tugon ko na may ngiti sa aking labi not knowing na sa susunod naming pagkikita hindi na ako ’yung nakilala niyang manager na halatang hindi siya interesado kausap.
Hindi naman lingid sa kaalamanan ko na kailangan na kailangan ng pera ng kompanya niya dahil kung hindi mapapasara talaga ito. I wonder kung bakit mukhang hindi siya tinutulungan ni Yoongi kung hanggang ngayon ay mag asawa pa rin sila ni Irene. Is there any other reason why?
Hindi sa nangju-judge ako ng tao pero halata talaga sa mukha nitong kaharap ko na may atraso sa akin na isa siyang gahaman sa pera at lahat gagawin niya para lang sa pera at muli akong nag ngitngit sa galit dahil duon pero syempre tinimpi ko ang sarili ko.
“I won’t be long, Mr. Bae. I’ll be going now. I just really went to see the status of your company so I can let my Boss know and hopefully one of these days, you’ll be able to talk to the CEO.”
Tumalikod na ako at lumakad palayo. Palabas na ako ng office niya ng muli siyang magsalita.
“Mr. Park, just a question?”
“Yes, Mr. Bae?”
“Have we met before? I don’t know, your name seems familiar to me.”
Binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti, “Does my name ring a bell to you?” makahulugan kong tugon sa kanya. Bistado na ba agad ako?
Ilang minutong katahimikan ang namayani sa pagitan namin bago ako muling nagsalita, “Don’t worry, I’m not scaring you or anything. In fact, I had a lot of people also asking the same question as yours. Telling me that I seem familiar to them but there’s a lot of people with the same names and I don’t think that I’m the one who you could be referring to especially if they’re already dead, right?”
Ngumisi siya. Halatang nakumportable sa naging sagot ko, “Right. You’re probably not that kid who died along with his parents.”
Nahigit ko ang pag hinga ko. Gusto kong lumunok dahil parang may bumara sa lalamunan ko but I know better. Hindi ako dapat magpakita ng kahit na anong kakaibang reaksyon sa kanya o mabubulilyaso ang plano ko. Not now, Jimin. Ngayon pa na malapit mo ng magawa ang paghihiganti mo. Unting tiis nalang. Thou sa isip ko, sinakal ko na siya at hinulog sa top floor nitong building kung nasaan kami. Tsk.
“What do you mean? Was he a relative or something?”
“They’re not. Don’t stress your self too much to what I had said, Mr. Park. They’re nothing. You should get going now.”
Really? My family whom you killed was just nothing?
“You’re right. See you soon then.” yumuko na ako at agad na lumabas ng opisina niya. Dumiretso ako sa luob ng comfort room at agad na pumasok sa isa sa mga bakanteng cubicle at duon nagkulong para walang makakita ng pag iyak ko. Really?! Nothing?! Sinira mo, ninyo ng pamilya mo ang pamilya ko tapos sasabihin mong wala lang sila o ang ginawa ninyo sa amin?! Maaga akong nawalan ng magulang dahil sa kagagawan mo? Sa pagiging gahaman ninyo sa pera tapos wala lang lahat ng ’yon sa inyo ng pamilya mo?
Fuckin’ devils!
Hindi ko na inintindi pa kung ilang oras ako lumagi sa luob ng cr nila bago ko napakalma ang sarili ko pero ang mas hindi ko maintindihan eh ang sarili ko. Namalayan kong nasa luob na ako ng kompanya ng Min.
Really, Jimin? You really miss him that much, huh?
Buti nga at ng pumasok ako dito ay hindi ako hinarang ng guard like what the f?! Hindi naman ’yung dating guard dito ang security pero hindi man lang nila ako sinita or napaghinalaan na hindi nagtatrabaho dito or nagaapply?
Ano nga ba ang ginagawa ko dito?
Baka mamaya may makakilala sa akin dito. Like, meron nga ba? Nandito pa rin kaya ’yung mga dating empleyado sa kompanyang ito?
Anyway, dapat siguro ay umalis na ako dito. Hindi ako dapat nandito eh kasi wala naman akong dapat na gawin dito. Ewan ko nga ba kasi sa sarili ko bakit ako napunta dito. Tsk, tsk.
Naglalakad na ako patungong elevator ng makarinig ako ng sunud-sunod na yabag ng high heels na tumatama sa sahig.
Paglingon ko ay isang pamilyar na mukha ang bumungad sa akin. Teka, bakit parang nakita ko na siya dati? Halatang nagmamadali siya at maraming hawak na papeles.
“Hey, uhm. . “ taka akong napatingin sa kanya ng huminto siya sa harapan ko at halatang nagulat siya ng matignan ako ng malapitan, “. . Are you new here? You seem familiar?”
Woah! Akala ko ako lang ang may pakiramdam na kilala ko siya.
“Uh. .” bago pa ako makasagot ay inabot niya sa akin ang kalahati ng mga papeles na hawak niya. Shit! Mauutusan pa yata ako?
“I’m sorry but can you put this on Mr. Min’s office? He’s currently in a meeting and I also had one with one of his clients and I’m running late. Sorry about that and uh, if incase Mr. Min asked why were you in his office tell him that I was the one who asks you to do it and my name is Ms. Manoban, his secretary, if incase you don’t know. Thank you and bye!”
Bago ko pa maprocess ang sinabi niya na halos nagra-rap na sa bilis ay nakapasok na siya sa kakasara lang na elevator. Nice! What a good way to start my first day sa pagbalik ko ng South Korea. Pfft. Ganito ba talaga kaloko ang tadhana pagdating sa akin? Ipapaharap ninyo agad sa akin si Yoongi?
Pero teka nga, sabi ng babaeng iyon kanina ay nasa meeting si Yoongi so kung pupunta na ako ngayon sa office niya ay may chance na hindi kami magpang abot so, off I go.
Ramdam ko ang pagtaas ng balahibo ko habang naglalakad ako papunta sa office niya dala ang mga papeles na inuutos sa akin ng secretary niya. Oo, akala ninyo siguro nakaligtaan ng pandinig ko ang sinabi ng babaeng iyon na siya ang sekretarya niya. Napa iling nalang ako. So, gaano na kaya katagal ang babae na iyon na secretary niya? Kumuha pala siya ng babae na secretary. Kailan pa? After ba ng iwan ko siya ay kumuha na agad siya ng kapalit ko? Kung sabagay, kailangan niya iyon dahil sa hectic ang schedule niya pero hindi ko lang inexpect na babae ang kukunin niya gaya ng dati bago ako dumating. Kung sabagay, hindi ko naman hawak ang pagiisip niya. Isa pa, kesa naman kumuha pa siya ulit ng lalaki. Mamaya ’yung makuha niya eh gaya ko ulit eh ’di baka. . Baka iyon naman ang napaikot niya este naka relasyon niya. Teka nga, bakit biglang nanikip ang dibdib ko sa isiping iyon? Aish, ’di bale na nga.
Pero bakit kaya pamilyar sa akin ’yung mukha at pangalan ng secretary niya ngayon?
Nahigit ko ang hininga ko ng muli akong nakapasok ng office ni Yoongi after one and a half year. Grabe! Walang pinagbago ang office niya maliban sa bahagya itong umaliwalas.
Agad kong binaba ang inutos sa akin ng sekretarya niya na gawin ko pero imbis na lumabas na agad ng opisina ay parang may kung ano na pumipigil sa akin. Isang malalim na buntung-hininga ang pinakawalan ko habang nililibot ko ang tingin ko sa kabuuan ng kanyang office. Marahan ko rin hinaplos ang ilan sa mga gamit na nanduon. Napatingin ako sa counter kung saan ko nuon ginagawaan ng inumin niya si Yoongi. Naalala ko rin ’yung eksena dito nuon nina Taehyung at Jungkook. ’Yung mga ginawa namin ni Yoongi ng naging kami na at automatic akong napatingin sa pinto kung saan nanduon ’yung kumbaga ‘hidden bedroom’ niya dito sa office.
Nagagamit niya kaya iyon hanggang ngayon? Siya lang ba gumagamit mag isa o may kasama siya? Sino kaya ’yung kasama niya? Si Irene kaya o ’yung sekretarya niya? O baka naman ibang tao na hindi konektado sa kompanya niya? Hay! Teka nga, bakit ko ba iyon pinoproblema eh tapos naman na kami ah? Isa pa, after kong gawin ang paghihiganti ko hindi naman ako sigurado kung tatanggapin ako ni Yoongi o ’yung katotohanan na ako ’yung dati niyang kababata na dapat ay asawa niya na ngayon. Baka isipin nu’n nababaliw na ako!
Thou hindi ko alam kung bakit patuloy pa rin niya akong kinukulit. Like, hindi ba siya nagsasawa? Baka naman trip lang talaga niya ako at hindi naman talaga niya ako miss o mahal gaya ng sinasabi niya sa mga texts na pinapadala niya sa akin o voice messages kapag nalalasing siya? Hay! Ewan ko ba sa kanya.
Bago ako tuluyang magpasyang umalis ay naisipan kong gawan si Yoongi ng iced americano. Naalala ko kasi na ng nagde-date pa kami nuon ay nasabi niyang paborito niyang kape iyon at madalas niya din iyon na orderin kapag nasa coffee shop kami kaya kahit hindi ko alam kung iinumin niya itong gagawin ko dahil hindi naman niya alam na ako ang may gawa eh gagawin ko pa rin. Para naman mag lighten ang mood niya kung sakali mang stress siya after niya sa meeting niya.
Napangiti ako sa sarili ko habang naiisip kung gaano ko nami-miss ang maging secretary niya.
Mangyayari pa kaya ulit iyon?
Habang ginagawa ko ang kape niya ay hindi ko maiwasang hindi mapa hum sa kantang Hold On ng Chord Overstreet. Naalala ko ng nasa amerika ako, ng una kong marinig ang chorus part nito eh si Yoongi ang naisip ko and syempre, alam ninyo na ang sunod na nangyari, umiyak ako. Thou hindi applicable sa amin ang literal na sinasabi sa kanta kasi wala namang nagpakamatay. Kung meron mang namatay eh iyon ’yung pagmamahalan namin sa isa’t-isa na kailangan naming gawin para hindi na kami magkasakitan pa at wala ng ibang masaktan pa ng dahil sa mali naming pagmamahalan at relasyon.
Hold on, I still want you
Come back, I still need you
Let me take your hand, I’ll make it right
I swear to love you all my life
Hold on, I still need you
Tuluyan ko ng pagkanta sa hina-hum ko kaya hindi ko namalayan na may pumasok na pala sa luob ng office at bago pa ako makatakbo palayo ay agad ako nitong sinalubong ng yakap.
“You came back!” ramdam ko ang panginginig ng katawan ko ng marinig ko ang boses ng taong kinasasabikan kong makita at ng magtama ang mga mata namin ay gustuhin ko man, pero pinigilan ko ang mapaluha sa harapan niya.
Pinilit kong kumawala sa pagkaka yakap niya pero hinigpitan niya lang lalo iyon.
“M-Mr. Min. .” was the only thing I was able to say. No, hindi ko pa kayang banggitin ulit mula sa bibig ko ang pangalan niya.
Pero sa likod ng isip ko ng mapagmasdan ko siya, nothing has changed. Walang nabago sa pisikal na anyo niya tho halata sa kanya na mas lalo pa yata siyang naging seryosong tao. Probably dahil sa dami ng gawain niya bilang CEO kaya ganuon.
“Jimin. .” hinaplos niya ang mukha ko pero iniiwas ko iyon sa kanya. No, no! Hindi pa ito ang oras.
Dapat pala hindi na ako nagtagal pa dito at umalis na agad pagkagawa ko ng inutos sa akin ng sekretarya niya. Mamaya kung sino pang pumasok dito at makakita sa amin.
Hindi pwedeng may makaalam ng tungkol sa amin ni Yoongi. Hindi, dahil hindi ko pa naisasagawa ng tuluyan ang paghihiganti ko.
“I-I’m sorry, I have to go!” muli ko na namang pinilit kumala at muntikan na ako makaalis sa bisig niya kung hindi lang niya ako agad nahila pabalik at isandal sa counter.
“No, you’re not going anywhere, Jimin! You’re here! You’re finally here in front of me and I’m not going to let you get away from me again. I want you to stay here right beside me.” saad niya bago ako siilin ng halik na hindi ko magawang tanggihan. Oh how I missed his lips on mine! I tried not to respond but how could I if his lips are being persuasive? “Now tell me, why are you here if you’re just going to hide from me, hmm? You know you miss me too, baby.”
Bago pa ako makasagot ay muli niya akong hinalikan. Bago pa ako tuluyang malunod sa ginagawa naming dalawa ay mabilisan ko siyang tinulak palayo sa akin. Gulat siyang napatingin sa akin at bago pa niya ako ulit mahila palapit sa kanya ay agad ko ng tinungo ang pintuan ng office niya upang makalabas kaso laking gulat ko ng pagikot ko ng doorknob ay hindi ito bumubukas. Shit! Paanong–?! Makailang ulit ko pa itong pinilit buksan pero no luck.
Galit kong nilingon si Yoongi na prenteng nakasandal sa pader at nakangisi sa akin at halukipkip.
“What? Didn’t I told you I’m not letting you get away from me again, hmm?”
Walang hiya ’yan! Kailan pa nagkaruon ng automatic lock itong pinto ng office niya? Gosh!
Para akong isang sisiw na pumasok sa territoryo ng pusa! Very deadly!
“The hell, Yoongi?! Open the damn door! I need to go somewhere!”
’Yung kaninang ngisi niya naging malawak na ngiti. Damn! That smirk that suddenly turns to a smile gives me shivers and goosebumps at the same time. Hindi ko maiwasang mapalunok dahil duon. Whew.
“Go where, baby?” dahan-dahan siyang lumalakad papunta sa akin samantalang humahakbang naman ako palayo sa kanya. Uh-oh, this isn’t good! I knew I shouldn’t came here but here I am. Ano bang nasinghot nitong lalaking ito at ako ang trip?
“Out of here!” halos pasigaw kong tugon ng muntikan niya na akong mahawakan na buti nalang ay agad akong naiwasan.
“Out of here, you say? Then what made you come here in the first place? C’mon, baby just tell me that you missed me and we’ll kiss again.” saad niya na binasa pa ang ibabang labi niya. Shit!
“Fuck you!” inis kong saad at binigyan siya ng middle finger, “Buksan mo na nga lang ’yung pinto ng makaalis ako!”
“You’re exactly how I first met you. It’s been a long time and still, nothing’s changed aside from the color of your hair. Your voice, your smell, how you taste, they’re all exactly the same. The one that I had fallen in love with.” sa bilis ng pangyayari ay nasa harapan ko na siya at muli niya akong na-corner, this time ay sa pader na, “And yes, baby. I’ll gladly fuck you if you say so.”
“You’re crazy!”
“Yeah. You’re making me crazy. Crazy for you.”
Napailing ako at ngisi, “Hindi mo ako madadala sa ganyan, Yoongi kaya if I were you, buksan mo na ’yang pinto ng office mo ng maka alis ako! Kailangan ko ng umalis! Tapos ko ng gawin ang inutos ng secretary mo sa akin.” I don’t know why pero hindi nakaligtas sa akin ang ginawa kong pagdiin ng banggitin ko ang word na secretary sa kanya. Uh-oh.
“You’re jealous of her?” ngumisi siya, “You don’t have to. You’re still the best secretary I had especially that you’re my lover, right? Besides, I’m not going to let you go right away not until you fulfill what we agreed on before.”
“What are you talking about?” may halong inis sa tanong ko, “Hindi ba binayaran ko na ’yung pagkaka utang ko nu’n sa iyo sa damit mo? Cheque pa iyon at hindi iyon talbog ’no!”
Oh god! Don’t tell me hindi niya nakuha ’yung cheque? ’Yung note lang?
Pero about sa sinabi ko, totoo iyon. Bago ako umalis, binayaran ko ng cheque ’yung utang ko sa damit sa kanya na nasukahan ko na pinabayaran niya sa akin thru pagtatrabaho ko sa kanya kasama ang isang goodbye letter kaya anong sinasabi niya ngayon na kailangan kong i-fulfill na napag usapan namin? Sabihin ninyo nga sa akin, ano bang tinitira ng lalaking ito? Nakakaloka ah!
Ngumisi siya at lumakad palayo sa akin. May kinuha siya sa desk niya at saglit na tinignan ito bago muling lumapit sa akin at iabot iyon. Inis ko itong kinuha at binasa and to my surprise, nanduon ang pirma ko at araw kung kailan ko ito pinirmahan.
Pirma ko nga ito at. . the heck?! Bakit hindi ko maalala na ganito ’yung contract na pinirmahan ko? Thou alam kong may pinirmahan akong kontrata nuon pero. .
“Pwede bang palagpasin mo nalang ito? Tutal matagal na rin naman mula ng umalis ako dito sa kompanya mo.” stress kong pakiusap.
Ngumisi siya at umiling, “Jimin, baby, you know how contracts work, right?” tanong nito sa malambing na boses but to me it sounds seductive. Oh god, Jimin! Not here and not now.
Kababalik ko nga lang ng renewed (or so I thought?) tapos ganito agad ang mangyayari sa akin?
Bakit naman kasi hindi ko binasa ang contract na pinirmahan ko nuon? Tsk. Now I regret kung bakit hindi ko binasa nuon ang mga pinipirmahan ko.
Kung nagtataka kayo, anong contract itong napirmahan ko, well, uhm. . hindi naman siya ganuon na nakakaloka sobra maliban nalang sa nakalagay dito na kailangan kong maging secretary niya sa luob ng 2 years. Oo, two years at teka nga!
“Hoy! Bakit pala 2 years ang nakalagay dito sa contract? Sa laki ng sahod na nakuha ko sa iyo dati parang halos three months lang mababayaran ko na ang utang ko sa iyo ah! Sabi mo dati kailangan ko lang mag work sa iyo para mabayaran utang ko!” reklamo ko.
Totoo iyon. Malaki ang sahod ko sa kanya kaya nga kung hindi lang ako agad na umalis ay malamang nabayaran ko ng buo at sakto sa napag usapan namin na hindi pa nuon nakalagay sa contract ang utang ko sa kanya pero grabe naman! Bakit 2 years ang nakalagay dito?! Wala iyon sa naging usapan namin.
Nag kibit-balikat lang siya, “Was it two years?” ngumisa siya, “Anyway, fulfill what we agreed on and I may not sue you for not following what is in the contract that you signed because if I sue you, I’m not going to accept money as payment. You know what I want, right? And that is you. Be my secretary again.”
Napa buntung-hininga ako. Hindi niya ako pwedeng i-sue kasi kapag nangyari iyon, mayayari ako sa Tita ko. ’Yung reputasyon ko bilang susunod na CEO maa-alanganin and besides, malaking eskandalo kapag nagkataon na malaman na ni Yoongi na ako ’yung dapat niyang asawa ngayon at hindi si Irene. Hay buhay oh! Lakas mang trip!
Imagine, kung naging mag asawa kami tapos may issue na nag pang abot kami sa korte dahil lang sa isang business contract? Oh my gosh! Nakakahiya!
“Let me think about it first.” tugon ko na may kasamang buntung-hininga.
“Alright. Think about it now and then tell me your decision.”
Ilang minutong nag loading ang utak ko bago ko naintindihan ang sinabi niya. The heck? Eh parang halos parehas lang kami. Hindi rin naman siya nagbago. Ganitong-ganito din ’yung naging approach niya sa akin ng inoffer niyang maging kami.
Oh no! I’m not falling for this again.
“No! Let me think about it. Paalisin mo muna ako. Pauwiin mo ako at saka ko pagiisipan itong gusto mo mangyari.” buong tapang kong sabi sa kanya.
Ngumisi siya at bahagyang napayuko at kinamot ang kilay niya saka tumingin sa akin.
“Just say yes, baby and I’ll let you go home. Simple as that.”
Napabuga ako ng hangin sa frustration. Talaga nga naman itong lalaking ito!
Saan ba ito pinaglihi at ganito siya?
Ilang minuto kaming nagtitigan hanggang sa napabuntung-hininga ako. Bakit ba ganito ako kabilis tumiklop sa kanya?
Mukhang wala kong kawala sa lalaking ito kahit anong gawin ko. Ano ba kasing naisip ng tadhana at kami ang naisipan niyang ipares sa isa’t-isa?
“Fine! I’ll fulfill what we agreed on. I’ll be your secretary again .” saad ko sabay irap sa kanya. Naalala ko tuloy ’yung secretary niya ngayon. Shit! Nang dahil sa akin mawawalan pa tuloy siya ng trabaho. Bwisit kasi itong lalaking ito eh! Dapat dito sinusunog ng buhay eh!
Pero napatampal din ako sa nuo ko sa isip ko dahil parang kanina lang hindi ko nami-miss na maging secretary niya tapos ngayong inoffer niya sa akin nag iinarte ako. Whew.
“That’s exactly what I want you hear from you, baby.” lumapit siya sa akin at akmang hahalikan ako ulit kaso hinarang ko ang palad ko sa mukha niya. Aba! Sumu sobra na sa pantsa-tsansing itong lalaking ito sa akin ah! Masyado na niyang inaabuso ang labi ko. Huhuhu!
“Stop calling me baby ’coz I’m not! Be professional, Yoongi! We’re no longer in a relationship. We’re simply going to be and should be in a secretary-boss relationship and no more than that, understand?”
“You’re not one to decide, Jimin. I’m your ‘Boss’, remember? And oh, one more thing, you called me Yoongi, you cursed at me and also told me to fuck you awhile ago and that’s no way of acting professional, baby. “ isang mabilis na halik ang dinampi niya sa labi ko kasabay ng pagbukas ng pintuan ng office niya.
Ilang saglit akong naistatwa sa pwesto ko at dinigest ang sinabi niya. Shit! Oo nga! Kanina hindi ko magawang sabihin ang pangalan niya peri dahil sa inis ko kung anu-ano nga nasabi ko!
Kinuha ko ang pagkakataon na iyon para agad na makalayo sa kanya at tumakbo palabas ng office niya. Bago ako tuluyang makalayo ay narinig ko pa ang sinabi niya, “My driver’s already waiting for you outside the building. He’ll be the one to drive you home and I’ll fetch you tomorrow morning at your place. I love you, baby.”
“ I hate you!“ sigaw ko pabalik at sumakay na ng elevator.
Pagsara ng elevator ay agad akong napasandal.
What the hell did just happened?
Kinapa ko ang dibdib ko at ang lakas ng tibok ng puso ko. Para itong kakawala sa luob ng katawan ko and then, a sudden realization hit me. It was Yoongi’s effect on me and it’s stronger than ever! In addition, magtatrabaho na ako ulit ako sa kanya bilang sekretarya niya na siyang inalisan ko before. Takteng buhay naman ito oh!
A/N:
Posted: September 26, 2021 at 02:30 AM
And that was 4313 words for an update for you guys. So, expected ninyo ba na ganito ang mangyayari sa update na ito? Kaloka ’no? Kababalik lang ni Jimin-ssi, balik secretary din ulit siya kay Yoongi akala ko naman mapo-promote to CEO na. Taray talaga ni Yoongi ’no? Maparaan. Anyway, in the works na ’yung sunod na fan fiction story so yeah. I just want to update you guys about that. Teehee.
Kitakits sa susunod na update mga ka meow meow. Ichi ni san nyaa arigato!
ILLICIT AFFAIR 44
JIMIN’S POV
Agad akong napabuga ng hangin pagka pasok ko sa luob ng apartment. Walang hiya ’yan! Sa bahay ako dapat namin ni Tita didiretso pero dahil ayaw ko itong ipaalam sa driver ni Yoongi na tiyak kong ipapaalam sa kanya ay dito nalang ako nagpa diretso tutal mukhang ito pa rin ’yung driver niya dati dahil agad akong nginitian nito ng makita ako.
“Oh, hi, Suga! Ang laki mo na ah? Kilala mo pa ba ako?” nakangiting bati ko sa pusa na siyang kuting lang ng mga panahong ampunin ko siya at tandang-tanda ko pa ang senaryo ng gabing iyon. Hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng kakaibang kiliti sa sistema ko ng lumapit ito sa akin at bahagyang umakto na nagpapabuhat na siyang maligaya kong ginawa.
Tahimik akong naglakad papunta sa dati kong kwarto ng may sumigaw ng pangalan ko. Muntik ko ng makalimutan na dito pa rin pala nakatira ang roommate kong si Hyuna. Akala ko nga ako lang at si Suga ang nandito dahil sa tahimik ng apartment pero nagkamali ako. Malamang may ginagawa siya kanina kaya hindi ko siya napansin o narinig na nagiingay at nagulantang siya sa biglang pagdating ko kaya napasigaw siya sa gulat at saya.
Agad niya akong sinalubong ng mahigpit na yakap at buti nalang ay hindi naipit si Suga sa ginawa niya. Sobrang saya niya kasi na makita ako. Well, ganuon din naman ako. Sino bang hindi? Ang tagal kaya namin nagkasama nito at sa halos isang taon at kalahati ko sa ibang bansa ay hindi ako nakaligtas sa pagka homesick. Hindi na ako nagulat ng bigla niyang hilain ang buhok ko sa inis sa realization sa hindi ko pagtupad sa naging usapan nuon bago ako umalis kaya hinayaan ko nalang siya na litanyahan ako hanggang sa ilang oras ang nakalipas ay dumating naman ang rainbow puffs na gaya ni Hyuna ay masayang nakita ako ngunit agad din akong nilitanyahan ng ipaalala sa kanila ni Hyuna ang naging usapan nuon na syempre hinayaan ko nalang din kasi ako naman ang may mali.
Eleven o’ clock na ng gabi at laking pasalamat ko ng nakauwi na ang mga kaibigan ko samantalang nagpapahinga na si Hyuna dahil may pasok pa siya bukas sa school. Graduating na kasi siya sa wakas at believe it or not ay sa kompanya namin siya nago-OJT.
Patulog na ako ng maalala ko ang naging usapan namin ni Yoongi kaya napatampal ako sa nuo ko. Shit. Wala pa pala akong napag kwentuhan tungkol sa nangyaring iyon sa akin kanina at kung may meron man na dapat makaalam nu’n ay walang iba kundi ang Tita ko. For sure, by now baka alam na ni Tita o ni Mr. Lee na nakauwi na ako dahil paniguradong magpo-post sa social media ’yung mga kaibigan ko na iyon na nandito kanina. Ang saya nila eh not to mention bahagya silang naweirded out na nag decide akong ipa-black ang buhok ko gaya ng buhok ko ng high school.
Kinuha ko ang laptop sa luob ng dala kong bag - yes, bag at hindi maleta. Bakit hindi maleta ang dala ko? Simple lang naman ang dahilan. Dinala ko lang ang mga importanteng gamit at ’yung mga gamit na naiwan sa apartment ko sa Amerika ay pwede ko namang ipadala nalang dito, iyon ay kung may kailanganin ako.
Pag open ko ng laptop ko ay hinanap ko agad ang zoom app at vinideo call ang tita ko sa pamamagitan nu’n. At tama nga ang hinala ko, alam na ng Tita ko ang naging pagdating ko. Syempre sinermunan ako ng Tita ko kung bakit kahit pagsundo lang sa akin sa airport ay hindi ako nagpasabi pero inexplain ko naman sa kanya ang dahilan kung bakit at kung anong nangyari sa akin ngayong araw. Halata sa kanya ang shock ng malaman niya ang ginawa ko pero much more ng nagpunta ako sa Min Company out of nowehere.
“So, hindi ko pala agad sa iyo maipapasa ang title ng pagiging CEO kung magtatrabaho ka ulit bilang secretary ni Yoongi.”
“Opo, Tita. Sorry talaga. This is not part of the plan and miski ako nagulat dahil naitago niya pa pala ’yung contract ko sa kanya kahit na one and a half year na ang nakalipas lalo pa at ang nakalagay duon ay kailangan kong magtrabaho sa kanya in a span of two years.” stress kong sabi kasabay ang isang buntung-hininga.
“But you know what, Jimin? I think this is the best time to execute your plan. You see, you’re going to be Yoongi’s secretary again. That means you can spend more time with him at kuhain ang luob niya so that once you introduce yourself as the Park Jimin , the child that was supposed to be dead with his parents a long time ago sa pumatay sa kanila, they will all be shock at hindi sila makakapalag lalo na kapag pumanig sa side mo si Yoongi.”
“But Tita, we’re not sure kung papanig si Yoongi sa akin. I was his ex-mistress. Hindi pa rin nawawala ’yung fact na kasal sila ni Irene at may anak sila. Wouldn’t I sound desperate kapag bigla ko nalang in-out ang totoong pagkatao ko sa kanila? Sa kanya?”
Agad na umiling si Tita at tumawa sa sinabi ko, “You? Desperate? I don’t think so, iho. Besides, ang tagal ng tiniis mo sa ibang bansa para lang i-upgrade ang sarili mo and I’m not dumb not to know that you also took your time para sa muling pagkikita ninyo ni Yoongi and believe me when I say, it’s actually Yoongi who is desperate for you. Your supposed to be husband by now, darling. He’s so desperate that this time, he actually was the one who filed a divorce against his wife. I’m sure you already saw the file about Bae’s company and that Yoongi is not trying to help them in anyway.”
“W-What?!” halata sa tono ng pagkakatanong ko ang gulat. Did Yoongi really did that? I mean, why? What’s the reason behind it?
“Yes, iho. He filed a divorce against Irene. Ang tagal mo kasing hindi nagpapa contact sa amin kaya hindi mo nalaman agad ang chismis dito. I think the divorce he filed has something to do with what Namjoon might have told him and that’s what Mr. Lee and I are trying to figure out.”
Nasa state of surprise pa rin ako dahil sa nalaman ko like, what the hell? Hindi ko alam ang tungkol duon kahit na araw-araw ako mine-message ni Yoongi o kung minsan pa nga ay voice message. Wala siyang nabanggit sa akin tungkol duon kaya hindi ko alam kung maiinis ako sa kanya or ehem, matutuwa? But then again, may anak sila so I guess being happy isn’t an appropriate reaction to this matter.
“Jimin, I’m sorry if this might sound rush but two months from now, tuluyan ng isasara ang murder case tungkol sa pamilya mo. That means, hindi mo na siya pwedeng iapela pa sa korte and I want you na panagutin na ang mga may sala sa pagkamatay ng parents mo and I’m sure you want that too to happen. We need to move fast, iho. Just make amends to Yoongi kapag pinasa ko na sa iyo ang pagiging CEO lalo pa’t mukhang hindi basta papayag ang isang iyon na malayo ka ulit sa kanya.” may himig ng kaseryosohan at pangaasar sa akin na sabi ni Tita na dahilan ng pag nguso ko sa hiya.
Matapos ang halos isang oras na paguusap namin ay nagpaalam na ako para makapag pahinga para sa muli kong pagpasok bukas bilang sekretarya ni Yoongi pero ang totoo nakatitig lang ako nuon sa kisame ko at iniisip paano ko ipapakilala ang tunay na pagkatao ko at kuhain ang hustisyang nararapat para sa mga magulang ako and on top of that, kung ano ’yung maaaring sinabi ni Namjoon hyung kay Yoongi na nagpa decide duon sa isa na mag file ng divorce against Irene.
Kinabukasan, maaga akong nagising at nag asikaso sa pagpasok ko bilang secretary ni Yoongi and to my surprise, wala na ang alam kong dating office ko sa floor kung nasaan ako ngayon kaya taka akong napalakad patungo sa office ni Yoongi na sinalubong akong busy sa pagtatype niya sa kanyang laptop. Nagulat pa ako at napatingin sa relos ko dahil sa aga niyang nandito sa office. Dati pa ba siyang maaga pumapasok?
“Good morning, Mr. Min.” bati ko pagpasok ko ng office niya. Nahigit ko ang pag hinga ko ng mapagmasdan ko ang seryosong awra niya. Hindi ko rin naiwasan na hindi mapatingin sa kanyang suot at sa maamo niyang mukha na talagang na-miss ko ng nasa ibang bansa pa ako. Parang gusto ko tuloy lapitan siya ngayon at yakapin pero syempre kinastigo ko ang sarili ko. Baka maweirduhan siya sa akin at kailangan ko munang mag dahan-dahan sa kilos ko sa kanya lalo pa at alam niyang iniiwasan ko siya.
Naka focus pa rin siya sa ginagawa niya sa harapan ng kanyang laptop hanggang sa makalapit ako sa harapan niya, “Did you have breakfast already?” tanong niya na hindi tumitingin sa akin.
“Not yet but–!” hindi ko natapos ang sasabihin ko ng ituro niya sa akin ang counter at pagtingin ko duon ay may nakahanda ng pagkain. Teka, para sa akin ba iyon?
Napakagat ako sa ibabang labi ko para pigilan ang sarili ko na kiligin sa ginawa niya. Ewan kung bakit pero ng nasa Amerika kasi ako bahagya kong nakalimutan ang pagkain ng breakfast sa umaga.
“Eat and once you’re done, come back here and I’ll give you your work for today.”
Agad akong tumalima sa sinabi niya lalo pa at mukhang masarap ’yung pagkain na nakalatag. Halos maglaway ako ng makitang waffle pancake iyon na may bacon at egg na may nakapatong na butter at may nakahanda din na maple syrup na pwedeng ipang drizzle on top. Gusto ko sana strawberry pero there’s no use naman na mag inarte ako lalo pa at may coffee din na kasama. Besides, mukhang hinanda ito ni Yoongi for me.

Nakakaisang subo palang ako sa pagkain ko ng bigla akong may maalalang itanong sa kanya.
“Kumain ka na ba?” tanong ko.
Umiling siya, “It’s yours so don’t mind me. I can eat later after my meeting.”
Agad na nagsalubong ang kilay ko sa sagot niya. Bago ko pa marealized ang ginawa ko ay nakalapit na ako sa kanya dala ang hinandang breakfast para sa akin. Sumandal ako sa gilid ng desk niya at inoffer sa kanya ang pagkain ko na tinanggihan niya na ewan ko ba, nagpa inis sa akin.
At dahil nga inis ako, ay sinubukan kong subuan siya ng pagkain ko para lang kumain siya. Halatang nagulat siya sa ginawa ko pero hindi ako nagpatinag at napangiting tagumpay ako ng kainin niya iyon. Nagpatuloy ako sa pag spoonfeed sa kanya hanggang sa namalayan kong pinaghahatian na naming dalawa ’yung breakfast ko na akin lang dapat. Hindi ko tuloy maiwasan na hindi makaramdam ng fulfillment sa ginawa ko pero pinipigilan ko ang sarili ko na mapangiti dahil abala din ako sa pagtitig sa kanya habang busy’ng busy siya sa ginagawa niyang trabaho.
“Coffee?” tanong ko ng isubo ko ang huling slice ng waffles.
Tumango siya kaya agad kong ginawa ang paborito niyang kape habang iniinom ang akin. Napangiti ako ng palihim dahil pakiramdam ko hindi lang ako parang basta secretary niya.
Pagbalik ko sa pwesto niya dala ang kape niya ay pinaupo niya ako sa recliner na katabi ng kanya at inilapag sa harap ko ang laptop at ilang files, “Here’s your work for today, baby. You can start now and thank you for the coffee.” sinimsim niya agad ang kapeng ginawa ko samantalang ako naman ay nasa state of surprise ng maalala kong hindi ko pa alam kung nasaan ang office ko and hindi rin nakatakas sa pandinig ko ang pagtawag niya sa akin ng baby. My gosh! Umagang-umaga nagwawala ang puso ko hindi dahil sa kaba sa first day ko as his secretary kundi dahil sa inaakto niya sa akin.
“Oh, I forgot to mention, starting today, my office is now yours too.”
Two weeks na ang nakalipas mula ng magtrabaho ako uli sa kanya bilang secretary niya and to be honest, wala naman masyadong nagbago mula sa mga ginagawa ko dati maliban sa mas gamay ko na ito ngayon and not mention na sabay kaming nagtatrabaho ni Yoongi dahil gaya nga ng sinabi niya, ang office niya ay naging office ko na rin kaya ang ending halos magkasama kami buong araw unlike before.
May mga times din na kapag napapagod siya ay inaasikaso ko siya at ganuon din siya sa akin. Hindi nasagi sa usapan namin ang tungkol sa mga kaibigan namin o si Irene maliban sa kambal na sina Yoonji at Yeonki na sinasabi niyang miss na akong makita kaya naman after much thinking dahil nami-miss ko na rin sila ay pumayag akong lumabas kaming apat.
At ngayon nga ay papunta kami sa island na pagmamay-ari ni Yoongi na siyang pinagdausan namin ng second weeksary namin nuon ng kami pa. Naalala ko tuloy bigla ’yung mga nangyari dito lalo na ’yung binigay niya sa akin na red thread of fate na bracelet na siyang nasa akin pa at lagi kong suot. Ewan ko nalang sa kanya. Pero kung sabagay, hindi niya siguro alam na nasa akin pa ito at lagi kong suot dahil lagi kaming naka suit at lampas lagi ng wristline ko ang sinusuot kong suit kaya hindi at wala talagang makakapansin na may suot akong bracelet o relos.
“We really missed you, Eomma especially Appa.” malungkot na sabi ni Yoonji sa akin habang nakayakap sa tagiliran ko.
“Yeah, that’s why we’re really happy when we saw Appa smiling again and when he told us that you’re back.” dagdag ni Yeonki.
“And you know what, Eomma? Birthday wishes really do come true.”
“Why? What was your wish?”
“For you to be our Eomma who will stay and celebrate special occassions with us just like now.”
“We love you, Eomma.” sabay na sabi ng kambal at hinila ako pababa para mahalikan nila ako sa magkabilang pisngi ko. Wait, what? For me to be their Eomma who will stay? At anong special occassions? Hala, anong meron ngayong araw?
Sakto namang ng magtatanong na ako kung anong meron ngayong araw ay biglang sumulpot si Yoongi na dahilan ng masayang pagtili ng kambal sa kanya.
“Stop bothering your Eomma for a while, Yoonji and Yeonki. The movie that you’re requesting to watch is about to start so better hurry up and go to the living room.”
Masaya namang nagtakbuhan palabas ang kambal kaya nakahinga ako ng maluwag at pinagpatuloy ang pagluluto ko na nirequest nila sa akin. Naramdaman ko ang pagyakap ni Yoongi sa bewang ko pero hindi na ako nag effort pa na alisin iyon.
“Uhm, Yoongi?”
“Yes, baby?” okay, so nasasanay na akong tawagin niya ng baby dahil for almost two weeks ng pagtatrabaho sa kanya ay madalas niya akong sabihan n’yan at kahit anong alma ko na huwag niya akong tawagin ng ganyan ay hindi niya binabago ang tawag sa akin. Pfft. Para lang din siyang ’yung kambal dahil kahit matagal akong nawala sa mga buhay nila Eomma pa rin ang tawag sa akin. Hindi ko naman masita dahil para silang iiyak kapag tina-try kong icorrect ang tawag nila sa akin.
“Anong meron ngayong araw?”
“Oh, didn’t I tell you? It’s their birthday today.”
Halos mabitawan ko sa gulat ang hawak kong sandok sa sinabi niya.
The heck?!
NAMJOON’S POV
“He’s back, Hyung! Jimin’s back and I’m going to make sure we’ll end up together forever this time.”
Napangiti ako ng maalala ang sinabi ng kapatid ko ng araw na bumisita ako sa office niya. Kakaalis lang ni Jimin nu’n at naabutan ko ang sobra pa sa good na mood niya. Nagulat pa nga ako dahil sa ginawang iyon ni Jimin. Mukhang hindi niya rin natiis si Yoongi. Kung sabagay, ang tagal niya rin sa Amerika.
Kung nagtataka kayo kung bakit alam kong nasa Amerika siya, well, nasa isang business meeting ako ng mga panahon na iyon at sakto namang nakita ko siya na papalabas sa isang hospital. Hindi ako agad nakauwi pabalik ng South Korea dahil after ko siyang makita ay sinundan ko siya kung saan siya nakatira at napag alaman ko na nagtatrabaho siya sa kompanya na pagmamay-ari ng CEO na si Mrs. Kim dito sa bansa.
Nagtaka naman ako kung bakit kinailangan niya pang lumipad patungong ibang bansa imbis na dito nalang magtrabaho but then I soon understand the reason why ng ako mismo ang mag imbistiga ng mga bagay-bagay na siyang umayon sa akin.
Tanda ko pa ng gabing nakabalik ako ng bansa isang buwan after kong makita si Jimin sa Amerika. Nasa dinner ako nu’n kasama ang parents namin ni Yoongi ng maisipan kong i-open ang topic na matagal ng hindi napaguusapan. Pakiramdam ko kasi kilala ko talaga si Jimin hindi lang dahil sa mga litrato na pinakita sa akin ni Jin na coincidentally ay meron sila ni Yoongi. There’s something about his name that rings a bell to me.
“Appa, I know this is kind of weird for me to ask but I’m just curious since you know about the divorce thing going on with Yoongi and Irene, may nababanggit kayo nuon lalo na si Yoongi na dapat fiancè niya at sa pagkakatanda ko hindi si Irene iyon, tama ba?” tanong ko at nagkatinginan sila sa akin.
“Why are you suddenly asking that, son? May nabanggit ba sa iyo si Yoongi lately na naaalala niya from the past?”
If incase you’re wondering bakit ganyan ang naging tugon ni Appa, Yoongi got into an accident before sa isang fieldtrip and that caused him forgetting about his childhood memories.
“Nah, I was just thinking kasi kung iyon bang dapat niya talagang mapangasawa ang asawa niya ngayon, he may not have to go all through this trouble of divorce. Nang una si Irene ang nag file pero inatras niya rin kalaunan and now, its Yoongi. That’s why I was wondering about his original fiancè.”
Muling nagkatinginan ang magulang ko sa isa’t-isa at napabuntung-hinga ng hawakan ni Eomma ang kamay ni Appa which somehow made me smile.
“Promise me, Joon, Yoongi will not know any of these since hindi na rin niya dapat malaman lalo pa at baka maweirded out siya sa amin ng iyong Appa.”
“What do you mean, Eomma?”
Ininom ni Appa ang wine na nasa baso niya bago sagutin ang tanong ko, “I had a childhood bestfriend before and were so close to each other to the point na para na kaming magkapatid and along the way, we had a deal that regardless sa magiging gender ng unang anak namin, ipapakasal namin sila sa isa’t-isa. That’s how much we value each other as brother-like and as you know, Yoongi is my son by blood, my first son. Nagkataon naman na ang anak ng bestfriend ko ay lalaki din so to make things not awkward kapag lumaki sila at malaman nila ang tungkol sa usapan namin ng aking bestfriend, we introduced them to each other to which they immediately clicked. It’s like they know na magiging mag asawa sila in the near future because we saw home much they love and care for one another but not until my bestfriend’s family got murdered. Walang nakaalam sino ang tunay na may gawa ng krimen sa kanila. I tried my best to help my bestfriend and his family to get the justice they deserve pero kulang ang ebidensya at walang witness. Kung meron mang pwedeng mag witness, iyon ay isa sa tatlo sa kanilang pamilya pero lahat sila namatay.”
“At dahil duon, Joon, dinibdib ng kapatid mong si Yoongi ang pagkawala ni Chim. We were all actually in panicked ng mawala ang pagiging sociable ng kapatid mo at hindi siya makausap ng kahit na sino and then suddenly, we don’t know if it was a disguise, nangyari ’yung aksidente sa kapatid mo at nawala ang ala-ala niya. We were somehow relieved dahil hindi niya na naaalala si Chim but that also saddened us kasi may part sa kanya na alam namin lalo na ako, bilang nanay ninyo na hindi buo sa pagkatao niya. That’s why muling nawala ang worry namin sa kanya ng Appa mo ng makita naming magkaruon siya ng interes kay Irene at napagpasyahan namin na ipakasal sila to which we regret doing. Of course, alam namin na Yoongi tried to get Irene love him pero wala. Hindi siya magustuhan nito and that killed us emotionally. Minsan naiisip namin, dapat hinayaan nalang namin na sabihin sa kanya ’yung tungkol kay Chim ng mawala ang ala-ala niya at baka that way, kahit hindi siya kasal ngayon, hindi siya nasasaktan sa sitwasyon niya regarding his divorce.”
“And the fact na, late namin nalaman na isa pala sa mga naakusahan nuon sa pagkamatay ng pamilya ng bestfriend ko ang pamilya ni Irene. I don’t know how hindi ko nalaman ang tungkol duon but I was surprised na may nagtangka palang magkaso sa kanila. It pains my heart na pinakasal ko ang anak ko sa pamilyang naakusahan na may kinalaman sa pagkamatay ng pamilya ng bestfriend ko but I cannot undo what was already done that is why I am just hoping na pirmahan nalang ni Irene ang divorce papers na finile ni Yoongi. Anyway, alam naman nating walang ‘love’ involve sa naging pagsasama nila and we’re not dumb not to know na kaya inatras ni Irene ang finile niya nuon ay dahil sa nagsisimulang pagkalugi ng kompanya ng pamilya niya.”
“Uhm, ’yung bestfriend ba na sinasabi mo Appa is ’yung pumunta dito dati na ang pangalan ay Park? I’m not sure if I got it right pero iyon kasi ang natatandaan kong pangalan niya. So, does that mean na ang pangalan dapat ng fiancè ng kapatid ko is Park Chim? Wow! That was some kind of unusual name.”
Natawa naman si Eomma sa sinabi ko, “No, Joon. His name is actually not Chim. It’s a cute pet name that Yoongi gave to him and his real name was actually a common name here in oir country. It’s Park Jimin.”
Halos magpantig ang tenga ko sa narinig kong pangalan na sinabi ni Eomma. Park Jimin?!
At duon ako nagsimulang alamin ang pagkatao ni Jimin. Ang dahilan kung bakit nasa ibang bansa siya at nagtatrabaho sa kompanyang ang main ay dito sa South Korea, ang koneksyon niya marahil sa kasalukuyang CEO ng kompanya, ang dahilan kung bakit nakita ko siyang lumabas ng hospital sa Amerika, at ang naging pagpunta niya sa kompanya na pagmamay ari ng pamilya ni Irene bago siya dumiretso sa kompanya ni Yoongi.
I know this might sound absurd, but I’m willing to help my brother be with his fated lover.
Tama na ang paggamit sa amin ng pamilya ni Irene. Oras na para sumaya ang kapatid ko at ang mga pamangkin ko sa tunay na taong may karapatan sa Appa nila nuong una palang. Deserve din ni Jimin na sumaya sa piling ng kapatid ko. I’m sure bumalik siya hindi lang para ipaghiganti ang nangyari sa mga magulang niya kundi para na din kay Yoongi.
Napatigil ako sa pagtatype sa harapan ng laptop ko ng marinig ko ang boses ni Hobi na nakapasok na pala sa luob ng office ko at nakangisi.
“Better make sure ’yang pag ngisi mo good news ang dala mo.” bungad ko.
“Syempre naman. Alam kong half inis ka pa rin kay Yoongi dahil hindi natin macecelebrate ang birthday ng kambal kasama tayo dahil kasama nila ngayon si Jimin but let me give you this ng ma-good mood ka.” sabay lapag ng brown envelope sa desk ko na siyang kinuha ko at kinuha ang laman sa luob, “So, kailan natin ipapaalam kay Yoongi ang tungkol dito?”
“As soon as he gets back. Hopefully, he will be able to hand this to them sa darating na conference kung saan maraming dadalong attendees. I’m sure, babagsak ng tuluyan ang company nila Irene and she will be force to sign the divorce documents.”
JIMIN’S POV
Matapos ang birthday celebration namin ng kambal na mind you, ako ang nagluto at nag bake ng cake nila ay nasuklian naman iyon ng happiness dahil nakita kong nag enjoy ng sobra ang kambal kahit na apat lang kami at ganuon din si Yoongi.
Para ngang hindi ako nawala sa tabi nila at parang normal lang ang lahat sa amin. Para kaming mag asawa ni Yoongi at anak namin ang kambal. Saglit kong nakalimutan na kasal pa rin siya but also naalala ko ’yung tungkol sa sinabi sa akin ni Tita na going into a divorce sila ulit at this time ay si Yoongi na ang nag file nito.
Tulog na ang kambal sa kwarto nila samantalang magkatabi kaming nakatambay ni Yoongi dito sa veranda at pinagmamasdan ang view ng dagat sa gabi.
To be honest, ang romantic nito lalo pa at naka akbay si Yoongi sa akin at nakasandal ang ulo ko sa balikat niya. Parang wala ngang iyakan at sakitan na nangyari sa amin sa totoo lang. Is this because things are suddenly going in our way or because nagpapaka civil nalang kami dahil tanggap naming wala na talagang kapupuntahan itong naging relasyon namin?
“Jimin, why are you still wearing our bracelet?” agad akong napatingin sa kamay kong suot ang tinutukoy niya. Napabuntung-hininga ako. Anong isasagot ko?
“Uhm, kasi. . . Kasi ano. . .” shit. Anong sasabihin ko?
“I wear mine because I don’t want to break the connection I made with you. Because if you still remember what I said before, there’s something about you that makes me complete.” saad niya at pinakita sa akin ang kamay niyang suot ang kapares ng bracelet na suot ko.
“Yoongi. .”
“Hmm?”
“Is it true? You filed a divorce with Irene? I thought you love her?”
“It’s true that I loved her but that was before I met you. There’s something about you that pulls me to look back and stay even when I should be walking away knowing I am married.”
“Yoongi. .” muli kong tawag sa kanya. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kanya ang nalalaman ko. Ganito pa rin kaya ang sabihin niya kapag nalaman niya ang totoong pagkatao ko?
“I love you, Jimin. I always have and I’ll always will. I’m setting myself free so I can be with you.”
Napangiti ako ng mapait sa sinabi niya, “I hope you say the same, Yoongi. I really hope.”
“What do you mean, Jimin?”
Umiling ako at bago pa ako maging emosyonal ay nilapit ko ang mukha ko sa kanya at hinalikan ang labi niya na siyang tinugunan niya.
Habang lumalapit ang araw na ibubunyag ko sa lahat ang katotohanan ay natatakot ako. Natatakot ako na baka magbago ang lahat at tuluyang mawala sa akin si Yoongi.
A/N:
Posted: September 30, 2021 at 12:10 AM
Ayan na! Malapit ng magka bunyagan! At ano kaya ’yung binigay ni Hobi kay Namjoon? Nacu-curious tuloy ako. And oh, by the way, today is one of my happiest days of 2021. Bakit? Well, nakabili lang naman ako ng YoonMin figurine sa BTS Pop-Up Store with my twin boy na bumili naman ng mousepad ng Taekook. Sibling goals. Hahaha. Ayun, share lang. Hahaha.
Kitakits sa susunod na update mga ka meow meow. Ichi ni san nyaa arigato!
ILLICIT AFFAIR 45
JIMIN POV
Sa susunod na araw na ang conference na dadaluhan ng iba’t-iba at naglalakihang mga kompanya at ayon kay Tita ay pupunta ang pamilya ni Irene duon para maghanap ng tutulong sa pagsalba ng kompanya nila.
Nalaman ko kay Mr. Lee na hindi na umuuwi si Yoongi at ang kambal sa main house nila dahil nga sa inihaing divorce ni Yoongi kay Irene. Ibig sabihin, hindi siya nakakausap ni Irene para magpatulong na isalba ang kompanya nila ng mga magulang niya.
Naka leave ako ngayon sa trabaho kaya mag isa lang ngayon si Yoongi sa office. Buti nga at pumayag siya at hindi na nagtanong kung bakit ako magle-leave. Ang alam ko lang ay busy din siya dahil may inaasikaso silang dalawa ni Namjoon. Kung ano man iyon ay wala akong ideya.
“Ngayon palang mangyayari sa history na magiging private ang paglipat ng title sa sunod na CEO.” nakangiting sabi ni Tita habang may mga papel na pinipirmahan.
“Alam ninyo naman po ang dahilan kung bakit kailangan ganito natin siya gawin, Tita. Don’t worry, pwede naman nating ulitin ulit sa susunod. ’Yung naka public announcement na para alam ng lahat.” nakatawa kong sabi sa kanya.
Pagsapit ng three o’ clock ay ganap ng inilipat sa akin ni Tita ang titulo bilang CEO ng company. Hindi pa rin ako makapaniwala na nangyayari ito pero sino ba ako para tanggihan ang nakatadhana sa akin? Isa pa, sobra na ang nagawang tulong ni Tita sa akin at para suklian iyon ay ako na ang gagawa ng mga trabahong dapat nuon ko pa ginagawa para naman ma-enjoy niya pa ang buhay niya hindi ’yung puro ako o kompanya nalang ang inaalala niya. This time, sarili naman niya dapat ang isipin niya.
Buti nalang at nag pay off ang pagpunta ko ng Amerika. Natutuhan ko ang mga dapat matutuhan sa pagpapatakbo ng kompanya mula sa maliit na posisyon at ang pagbalik ng mga ala-ala ko mula sa nakaraan sa tulong na rin ng therapy sessions na inaattendan ko. Kahit walang kasiguraduhan ang naging desisyon ko na iyon ay laking pasalamat ko na ngayon ay pakiramdam ko nasa tamang direksyon na ako upang makamit ang paghihiganti ko sa pamilyang sumira sa pamilya namin at hindi na ako makapag hintay na makita sa mga mata nila ang kanilang tuluyang pagbagsak.
“Gaya ng nasa plano, dadalo din ako sa nasabing conference at aakalain ng Appa ni Irene na ako pa rin ang CEO ng kompanyang ito na magsasalba sa kanila sa kanilang pagbagsak lalo pa at karamihan sa mga kasama natin na dadalo ay tinanggihan na sila dahil sa sitwasyon ng kompanya nila. Iniisip siguro ng Appa ni Irene na sa oras na makipag partnership tayo sa kanila ay makakakuha na rin sila ng ibang partnership sa pamamagitan natin. Nakikita mo ba, Jimin? Ito ang resulta ng magandang pagpapatakbo ng kompanya natin. Kagaya ng kompanya ng pamilyang Min, reliable ang mga hakbang natin sa mga company owners na sumusunod sa yapak natin.”
“Naiintindihan ko, Tita. Huwag kang mag alala. Pananatilihin ko ang reputasyon ng kompanya natin at pangangalagaan ang mga empleyado sa abot ng aking makakaya.” nakangiting sabi ko at mahigpit siyang niyakap.
Kinabukasan, pabalik na ako sa office namin ni Yoongi dala ang binili kong mga merienda ng makasalubong ko ang kalalabas lang na si Namjoon.
Agad ko siyang nginitan, “Good afternoon, Namjoon hyung.”
“Jimin! It’s nice to see you back.” tugon nito at pinat ang ulo ko ng ilang beses at saka ngumiti, “Aayon na rin sa inyo ni Yoongi ang tadhana.”
“Hyung?” taka ko siyang tinignan.
Pero hindi niya ako sinagot at kumaway nalang sa akin habang lumalakad patungong elevator.
Huh? Anong ibig niyang sabihin?
Pagpasok ko sa luob ng office ay agad akong nginitian ni Yoongi.
“Tama na muna ’yan. Tara, kain tayo.” aya ko sa kanya na siyang tumalima sa sinabi ko.
Habang kumakain kami ay napansin ko ang pagtitig niya sa akin kaya kunot-nuo ko siyang tinignan pabalik, “May dumi ba sa mukha ko at nakatitig ka?”
Nakangiti siyang umiling sa akin at nakaramdam ako ng kilig ng haplusin niya ang pisngi ko.
“Jimin, if I wasn’t married to Irene or to anyone, will you marry me if I asks you to?”
Laking pasalamat ko at walang pagkain o inumin ang nasa bibig ko dahil kung hindi, malamang sa malamang ay naibuga ko na iyon sa gulat sa tanong niya. Anong trip niya?
“B-Bakit mo natanong?”
“Just answer my question.” naka ngisi niyang tugon.
Napaiwas ako sa kanya ng tingin. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko namumula ako lalo na ng isipin kong maigi ang tanong niya. Hindi ako magpapaka banal syempre. Kung sakali mang isang single father o single talaga si Yoongi, sino bang nilalang ang tatanggi sa kanya? I mean, oo nga at masungit siya sa una, ’yung tipong gugustuhin mo na malayo sa kanya as much as possible gaya ko ng una pero kalaunan kapag tumagal at nakilala mo siya, isa siyang maalaga at sweet na lalaki. Gagawin niya ’yung mga bagay na hindi mo ineexpect na gagawin niya para lang sa iyo. Kaya syempre ang sagot ko sa tanong niya sa akin ay simple lang at iyon ay oo.
“Oo. Bakit? Magpo-propose ka?” natatawang biro ko sa kanya.
“Yes.”
“Hahaha! Yes ka d’yan. Loko, kasal ka pa nga kaya hindi ka pa– Oy, oy! Anong ginagawa mo?!” nataranta ako ng biglang lumuhod si Yoongi sa harapan ko at may kuhain sa bulsa ng blazer niya. Oh shit. Don’t tell me magpo-propose siya sa akin? Aba’y sira na yata ulo nito ni Yoongi! Nakalimutan ba niyang kasal pa sila ni Irene? Isa pa, hindi niya pa alam ang totoong pagkatao ko!
“Whether you like it or not, and even if I’m not yet divorce to Irene which I know will happen soon enough to which I honestly don’t care about but will be thankful for because I will now have the chance to be with you, and since you said ‘Yes’ awhile ago, you’re now my fiancè. Thank you.”
Habang pina-process ng utak ko ang mga sinabi niya ay nakita ko nalang na sinusuot niya na sa daliri ko ang napakagandang diamond ring.
Hindi pa siya nakuntento at sinamantala niya ang pagkakataon na iyon upang halikan ako na kalaunan ay tinugunan ko at namalayan ko nalang na naiiyak ako sa saya. Ewan ko, weird. Ang bilis! Sobrang bilis ng mga nangyayari sa pagitan namin pero pakiramdam ko unti-unti ng umaayon sa amin ang lahat.
Pagka uwi ko ng apartment ay umupo ako sa sulok ng kwarto ko habang tinatanaw mula sa binata ang mga bituin sa langit. Bigla akong napangiti. Parang ganito din ’yung eksena ko nuon bago ako umalis pa Amerika pero ang pinagkaiba lang ay sobrang malungkot ako nu’n at ngayon naman ay masaya ako pero hindi ko alam kung hanggang kailan dahil sa maaaring mangyari bukas kapag nalaman ni Yoongi ang totoo. Hinawakan ko ang singsing na nakasuot sa palad ko at hinalikan iyon at kalaunan ay napa buntung-hininga ako.
At dumating na nga ang araw na kinatatakutan ko - ang araw na baka magbago ang lahat lalo na ang pagtingin sa akin ni Yoongi.
Ang araw na baka pagsisihan niya na nakilala niya ako. Oo, alam ko ang OA ko marahil dahil sa naiisip ko pero kasi hello? Kahit kasi na sinabi niya sa akin na ako ang mas mahal niya kesa kay Irene ay nanduon pa rin sa akin ’yung isipin na mas matimbang pa rin si Irene sa kanya dahil siya ang mas naunang minahal kesa sa akin.
“Baby, where are you going?” pabulong na tanong sa akin ni Yoongi ng magpaalam ako sa kanya na aalis saglit. Kasama din namin ngayon sila Jin hyung dahil well, obviously may mga company sila na mina-manage.
“Mag c-cr lang ako.”
Tinignan niya ako maigi at saka pinisil ang kamay ko sa ilalim ng table.
“Alright. Be fast. The conference is about to end.
Yumuko din ako kila Jin bago tuluyang lumabas ng conference hall para hanapin ang Tita ko at si Mr. Lee na kasalukuyan na ngayong kausap si Mr. Bae sa isa sa mga bakanteng rooms na nandito.
Kinakabahan ako. Ang lakas ng pintig ng puso ko sa mga maaaring mangyayari. Kakayanin ko kaya? Syempre! Para ito kina Appa at Eomma — at kay Yoongi.
Sana nga lang ay hindi siya magtaka sa akin kung bakit ang tagal kong bumalik.
Saktong nasa kalagitnaan ako ng paghahanap sa room kung nasaan sila Tita ay nakasalubong ko si Irene kasama ang kanyang Eomma. And by the looks of it, mukhang kilala ako ng Eomma niya dahil agad ako nitong tinaasan ng kilay ng makita ako samantalang halata kay Irene ang pagkagulat. Hindi niya siguro inexpect na makikita niya ako dito ngayon.
“And what’s a person like you doing here? Nagtatrabaho ka na ba sa ibang boss na nilalandi mo rin kahit na may asawa gaya ng sa manugang ko?”
“O baka naman nandito ka dahil alam mong pupunta ang asawa ko dito?” nakangising tanong ni Irene sa akin.
Tinignan ko sila mag-ina and oh god! Totoo nga ang kasabihan na kung ano ang puno siya ang bunga. Grabe itong dalawang ito!
Hindi ba pwedeng magbago ang isang tao o magkamali? Paano kung ibang tao ako at nagbago na ako ng pananaw sa buhay at nananahimik na ako tapos sasalitan nila ako ng ganyan? Tsk.
But then, I remembered, bakit ko sila hahayaan na maliitin ako dahil sa nagawa kong iyon? I know much more from them why Yoongi decided to do what we did together. Kasalanan ko bang magustuhan niya ako? Na mas gusto ako ng kambal kesa sa Eomma nila? Na mas gusto ako ng kapatid, bayaw at malalapit na kaibigan ni Yoongi kesa sa kanya? With that attitude, at sa ginawa nila sa pamilya ko, tingin ninyo magpapatalo ako?
This might be the last na papatol ako sa kanya, sa vabaeng tulad nila at sisiguraduhin kong mawawala ang ngiti sa mga labi nila. This is my sweet revenge to theirs and they should forever remember this day.
Tinignan ko sila mula ulo hanggang paa at napangisi, more like pinipigilan ko ang sarili ko na huwag matawa sa harapan nila.
Una akong tumugon sa Eomma ni Irene, “Mrs. Bae, mawalang gala na pero hindi ba dapat kesa gumagala ka dito kasama ang anak mo ay kasama ka ng asawa mo ngayon? And what’s with you kung nandito ako ngayon? Is there any reason to be threatened? Hindi naman ’yung asawa mo ang naka relasyon at kung sakali man na hanggang ngayon ay ginagawa ko ang sinasabi mo sa akin na pakikipag harutan sa kung sino, I wouldn’t dare to be with a murderer like your husband.”
Nanlaki ang mga mata niyang tumingin sa akin. Halatang nagulat siya sa sinabi ko pero hindi pa ako duon tumigil, tumingin naman ako kay Irene na any moment eh sasampalin na ako dahil sa sinabi ko sa kanyang Eomma at tungkol sa kanyang Appa.
“At kung nandito man ako ngayon maliban sa trabaho ay malamang nga pumunta ako dito para kay Mr. Min and wanna know why?” ngumisi ako at saka halos seductive tone na tinuloy ang pang iinis ko, “Because he asked me to, rather than to be with his wife and I wonder why ako ang hinahabol ng asawa mo at hindi ikaw, hmm?”
“You fucking bitch!“akma niyang sasampalin ang mukha ko pero agad ko itong napigilan at tinignan siya na halos tutuklawin gaya ng sa ahas, syempre hindi ko din nakaligtaan na pigilan ang Eomma niya na gusto sana ituloy ang naunsyaming pagsampal sa akin ng anak niya.
“Oh yes, I am that bitch! The bitch who fucked your husband and oh god! Your husband is so fucking good in bed that makes me want to be his mistress for a long time that’ll make your nerves twitch in anger. And if you were just there, you’ll be jealous on how many times he said my name unlike you who he didn’t even want to share the same bed as yours. Actually napapa isip nga ako kung anak ba talaga ni Mr. Min ang kambal niya sa iyo, buti nalang at may features niya na nakuha ang dalawa dahil kung hindi baka isipin kong you fucked a random stranger at pinasa mo lang ang obligasyon mo sa kanya ’coz you’ve never been a mother to them.”
“Aba’t sumosobra na ang pagiging makati ng dila mong bakla ka!” sigaw sa galit ng Eomma ni Irene. Bago pa sila makapiglas sa akin ay binitawan ko na ang mga kamay nila kaya ang ending napa upo sila sahig.
“And you expect that I’ll be hurt sa pagtawag mo sa akin ng bakla, Mrs. Bae? I rather acknowledge that and be proud of it kesa matawag na mamamatay tao ako o ang pamilya ko gaya ng pamilya ninyo at ng asawa mo.” ngumisi ako at kinuha ang panyo sa luob ng suit ko at pinunas iyon sa magkabilang kamay ko na pinanghawak sa kanila at inihagis iyon sa direksyon nila ng matapos ako, “Now if you don’t mind, I still need to put your family in the right place which is away from my face and away from the riches. Your time is finally up.”
Nilagpasan ko silang dalawa at mabilis na lumakad palayo kahit na dinig na dinig ko ang pagtawag nila sa akin and I know, hinahabol nila ako para siguro makipag sabunutan sa kanila but of course, I don’t have time for that not unless masira nila ang hitsura ko. Nakakahiya naman kay Mr. Bae na makitang gusgusin ang CEO na gaya ko pero mas nakakahiya na makita niya ang asawa at anak niya na parang mga hayop na nakawala sa hawla kung umasta. Tsk.
I finally felt relieved ng mahanap ko ang silid kung nasaan si Tita at Mr. Lee kasama si Mr. Bae na halatang nagulat sa bigla kong pagdating. I smiled sweetly at him at lumakad palapit sa Tita ko.
“Sorry, I’m late. I ran over some familiar faces. Is everything alright?”
Hindi nakatakas sa paningin ko ang tensyon sa pagitan ni Tita at ni Mr. Bae. Malamang dahil ito sa topic about sa parents ko na pilit pa rin niyang tinatanggi.
“What is he doing here? Is he someone important? Just sign the papers, Kim. There’s no use of you pushing things to me na hindi ko naman ginawa at wala akong kinalaman. Besides, we’re strictly business here and no personal issues involve, right?”
Nagkatinginan kaming tatlo ni Tita at Mr. Lee. Napangisi ako ng tumango si Tita sa akin at tumayo sa pwesto niya para tumabi kay Mr. Lee habang ako naman ay umupo sa pwesto ni Tita kanina at nakangiting tinignan si Mr. Bae.
“Wait! What’s happening here?” naguguluhan at kinakabahan niyang tanong habang naglilipat-lipat ang tingin niya sa amin.
“My apologies, Mr. Bae but I think I haven’t introduce myself yet the first time that we met. I’m Park Jimin. The CEO of the company that you would like to partnership with. I’m also Mrs. Kim’s one and only niece. The one who lost his parents when he was seven years old on the night of April. I was that kid who you ordered to one of your men to also kill just because of your greed for money and power. Yes, it is me, Mr. Bae. I am the Park Jimin that you referred to when we first talked and if you’re smart enough to want me to sign on those papers to take partnership with my company to save yours, you better be on your knees and take responsibility to what you did to my parents, my family!”
Nanlaki ang mga mata niya sa narinig niyang sinabi ko. Para siyang nakakita ng multo sa pagkamutla niya. Uh-oh.
“H-hah!” tumayo siya sa kinauupuan niya at biglang tumawa na kinataka ko, “What kind of lame plan is this, Kim?” tumingin siya kay Tita at saka muling bumaling sa akin, “You? You’re that kid you said who died on the news a long time ago? Magkano ba binayad sa iyo ng babaeng ito para magpanggap na ikaw ang batang iyon? Patay na ang batang pinagpa panggapan mo at mas lalong patay na ang mga magulang nu’n. If they died, that was probably because siningil na sila sa mga nakuha nila sa buhay. Ano ba naman ang magagawa ko kung sila ang gahaman at hindi ako? Isa pa, wala kayong sapat na ebidensya para ibintang sa akin iyan at mas lalong wala kayong witness, sinong maniniwala sa inyo?”
Natawa ako ng mapkla sa narinig kong sinabi niya. Kinagat ko ang labi ko at isang malalim na buntung-hininga ang pinakawalan habang pinipigilan ko ang nakakuyom kong kamao na huwag sapakin ang lalaking nasa harapan ko.
Tinignan ko si Mr. Bae ng masama at tumayo na din para maka level siya.
“Mr. Bae, deny all you want but we all know the truth especially you and I. Mahirap man alalahanin ang mga nangyari ng gabing iyon but I was thankful na natandaan ko ang demonyong pumatay mismo sa mga magulang ko. Pinatay mo ang walang kalaban-laban sa iyo na mga tao. Itinuring kang kaibigan ng magulang ko at hindi lang bilang isang business partner at anong iginanti mo sa kanila? Ang patayin sila? Nanduon ako ng gabing nagmakaawa at lumuhod sila sa harapan ninyo ng mga kasama mo to spare their fucking life! To spare their sons life! But guess what? You mocked them infront of me thinking na bata ako at wala akong magagawa kundi panuorin na patayin ninyo sila sa harapan ko! We were never a threat to your family but you are with us! Akala mo siguro ng gabing iyon mamamatay ako kasama ng mga magulang ko at maisasakatuparan mo ang malinis mong plano but no! May ibang plano sa akin ang tadhana at iyon ay ang tuluyang pabagsakin ang kompanyang iniingatan mo at pinagmamalaki ng isang tulad mo sa lahat ng tao at iyon ang kukuhain ko sa inyo ng pamilya mo. Ibabalik ko lahat sa inyo ang sakit na mawalan ng bagay na kinasanayan ninyo sa komportable at masaya ninyong pamumuhay. Kukunin ko ang dapat na matagal ng nasa akin.”
Tumingin siya sa akin na parang hindi makapaniwala sa mga sinabi ko at lumapit sa akin. Muntik ng humarang si Mr. Lee pero sinenyasan ko siya na huwag itong gawin at nakipag tagisan ako ng titig sa kanya.
“Kung ikaw nga ang batang iyon na pinatay ko ang mga magulang sa harap niya, sa tingin mo may maniniwala sa iyo kahit na sabihin kong ako nga pumatay sa kanila? Matagal ng panahon ang lumipas at wala ng maniniwala sa iyo ngayon pa at malapit ng isara ang kaso sa mga magulang mo. Dapat nuon ka pa lumabas, mas mataas pa ang tsansa ninyong manalo sa kaso.”
Bu-bwelo na ako para sapakin siya ng mapatigil ako dahil sa narinig kong pagtawa ni Tita. Puno ng galit at hinanakit ang pagtawa niyang iyon.
Tsk, ang walang hiyang lalaking ito, umamin na lahat-lahat sa kasalanang ginawa niya nakuha niya pang ipagsa walang bahala iyon dahil lang sa isipin na walang maniniwala sa akin.
Pero bakit nga ba tumatawa si Tita?
“Anong tinatawa mo d’yan, Kim?” nagtatakang tanong ni Mr. Bae na nilagpasan ako at balak sanang lapitan si Tita kaso agad siyang hinarang ni Mr. Lee.
“At sino nagsabing walang maniniwala sa ginawa mong pag amin sa pamangkin ko?” Lumakad palayo si Tita kay Mr. Lee papunta sa malaking table na napapalamutian ng mga gamit na greek ang tema at hinawakan ang isang head statue na nakalapag duon. Ngumisi siyang hinihimas iyon at tumingin kay Mr. Bae, “You didn’t just confess what you did to my brother and his wife to us but to all of the person here and watching us today.”
Kapwa kami na-estatwa ni Mr. Bae sa kinatatayuan namin.
What the hell?
Ibig sabihin pinanunuod ng lahat ng nandito ang naging usapan namin? Wala ito sa plano namin ni Tita pero mukhang tama lang din ang ginawa niya dahil kung wala ito ay maaaring itanggi niya pa rin ang ginawa niya sa mga magulang ko sa korte kapag muli namin itong inapel. Ngunit sa mga oras din na ito, malamang napapanuod na ito nila Yoongi. Shit. Hindi ko na tuloy alam paano ko sila haharapin. Baka isipin ni Yoongi na pinlano ko mapalapit sa kanya para makapag higanti sa pamilya ni Irene which is not true at all.
No, hindi ko magagawang gamitin si Yoongi o ang kahit na sino para lang makapag higanti pero mukhang paglabas ko sa silid na ito wala na akong mukhang maihaharap sa kanila.
Sakto namang marahas na bumukas ang pinto at pumasok ang galit na galit na sina Irene at kanyang Eomma.
“Honey!”
“Appa!”
Agad na yumakap si Irene kay Mr. Bae samantalang ang Eomma naman niya ay sinugod si Tita at sinambunutan ito na kinagulat ni Tita kaya agad kaming napatakbo sa direksyon nila.
“Ikaw na babae ka! Salot ka talaga sa pamilya namin! Dapat ng una palang na pinagbintangan mo ang asawa ko ay pinapatay ka na rin ng manahimik ka pang habang-buhay!”
“B-Bitiwan mo nga ako! Get your dirty hands away from me!” habang pilit na kumakawala si Tita ay siya namang pag tulak ni Mr. Lee kay Mrs. Bae.
“Aba, sino ka at ang lakas ng luob mong itulak ako? Hindi mo ba ako kilala? Away namin ito ng mangkukulan na babae na iyan kaya tumabi ka d’yan! Hayaan mo kami maglaban babae sa babae!” akma siyang susugod ulit pero pati ako humarang na.
“Tumigil ka na, Mrs. Bae! Imbis na saktan mo ang Tita ko bakit hindi nalang kayo umalis ng pamilya mo at nag aabang na ang pulis sa paglabas ninyo sa building na ito!”
“Ikaw?! Hah! Talagang ginagalit mo ako na bakla ka? Bakit hindi ka nalang namatay ng tuluyan ng pinatay kayo ng pamilya ninyo? Akala mo may magmamahal sa gaya mo? Hah! Sisiguraduhin kong hindi ninyo kami mapapabagsak ng pamilya ko. Baka nakakalimutan mo, kasal pa rin ang anak ko sa pamilya ng Min at hindi sila papayag na masangkot ang pamilya nila sa ganitong klase ng issue.”
“Tama si Eomma! Kaya kung ako sa iyo, baklang kabit ng asawa ko, bakit hindi nalang kayo ang umalis sa harapan namin dahil nagsasayang lang kayo ng oras sa mga ginagawa ninyong paninira sa amin.” pagsabi na iyon ni Irene sa akin ay siyang pagtulak niya sa balikat ko at muntikan na akong ma out of balance kundi lang ako naalalayan nina Tita at Mr. Lee.
Napausod kaming tatlo nila Tita ng pati si Mr. Bae ay lumapit na rin sa amin at mukhang galit na galit na ito dahil sa ginawa namin sa kanila ng pamilya niya. Sakto naman ng sasaktan niya na ako o si Tita ay biglang may nagsalita na siyang nagpatigil sa amin.
“Enough!”
Nilingon namin ito at agad naming napansin ang relief sa mga mukha ng pamilyang Bae ng dalawang kasing edad nila Tita ang sumulpot. Para bang may nahahawigan ako sa kanila.
“Balae! Buti at dumating kayo!” masaya at nakangiting bati ni Mrs. Bae sa kanila at duon ko napagtanto na sila ang mga magulang nina Yoongi at Namjoon hyung. Napalunok ako ng mapatingin sila sa aming tatlo nila Tita at saka binaling ang tingin sa pamilyang Bae.
“Are you. . Are you really Park Jimin? The son of Won-Young and Tae Ran Park?” tanong nito sa akin na sa tingin ko ay si Mr. Min, ang tatay nina Yoongi at Namjoon hyung.
Isang buntung-hininga ang pinakawalan ko at yumuko sa kanila. Hindi ko alam kung bakit pero para akong biglang naging emosyonal na makita sila. Siguro dahil na rin sa paraan ng pagtitig nila sa amin.
“Yes, Mr. Min. I am Park Jimin, the son of Won-Young and Tae Ran Park.”
“O-Oh god!” halos pabulong na sabi ni Mrs. Min pero dinig pa rin namin ang naging reaksyon niya. Maluha-luha siyang tumakbo sa direksyon namin at sinalubong ako ng mahigpit na yakap. Sa gulat ko ay hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin kaya tinugunan ko nalang ito kesa hindi. Nakakahiya naman kung hindi, ’di ba?
“Se-Ah.” dinig kong tawag ni Tita sa kanya.
“Seo-hyung.” naramdaman kong ngumiti siya kay Tita at pagkakalas niya sa yakapan namin ay muli siyang tumingin sa akin at hinaplos ng marahan ang mukha ko, “Malamang sa mga oras na ito, proud na proud sa iyo ang mga magulang mo. Look at you, lumaki kang maayos despite of everything that happened and we’re very sorry kung hindi namin kayo naprotektahan sa kanila.”
“O-okay lang po, Mrs. Min. Hindi ninyo po kailangang humingi ng tawad. Matagal na panahon na po iyon at saka sa tingin ko po ay hindi kayo dapat sisihin sa mga nangyari. Tumulong pa po kayo nuon na mapapanagot ang inakala ninyong may sala. Marami pong salamat sa ginawa n’yong iyon.” saad ko habang pinipigilan ang sarili ko na maluha.
Ngumiti siya at pinunasan ang luha sa mga mata niya, “Mabait kang bata, Jimin. Masaya ako at hindi ka nagbago kahit ilang taon na ang nakalipas. Manang-mana ka sa katapangan ng magulang mo.” humarap siya sa direksyon ng pamilyang Bae kung saan nakatayo pa rin ang asawa niya bago niya ito tawagin, “Joon-ho.”
Lumakad ito papunta sa amin at tumabi sa kanyang asawa. Bale sa kanan ko ay nanduon ang mag asawang Min at sa kaliwa ko naman ay sina Tita at Mr. Lee.
Kita sa mukha ng pamilyang Bae na hindi sila makapaniwala na nasa panig na namin ang mag asawang Min.
“T-Teka, Joon-ho? Se-Ah? Anong ibig sabihin nito? Bakit kayo nasa panig nila? Kami ang agrabyado dito! Pinaglalaruan lang kayo ng mga iyan lalo na iyang si Seo!” galit at dinuduro si Tita na sabi ni Mr. Bae.
“Tama siya! At iyang katabi ninyo, iyang nagpapa kilalang Park Jimin, hah! Iyan ang malanding bakla na hinaharot ang anak ninyong si Yoongi. Kawawa naman si Irene kapag hinayaan ninyo lang ang anak ninyo sa mali niyang pakikipag relasyon sa kanya.” dagdag ni Mrs. Bae.
Automatic na napatingin sa akin ang mag asawang Mins sa sinabi ni Mrs. Bae. Patay.
“T-Totoo ba ang sinasabi niya, Jimin?” tanong ni Mr. Min.
Shit. Anong sasabihin ko? “U-Uh, ano po kasi. . .” saktong habang iniisip ko kung anong dapat na isagot sa kanila ay may isa pang boses ang umalingawngaw sa silid at lahat kami napatingin sa nagsalitang iyon at laking gulat ko ng makitang si Yoongi iyon kasama sila Namjoon, Jin, Hobi, Taehyung at Jungkook.
“Don’t you dare insult him in front of my parents or me and my friends. You don’t know who he is other than calling him my mistress. To make things clear, it was actually I who offered him to be in a relationship with me ng mga panahong si Irene ang naghain ng divorce sa marriage namin but he was never just a simple gay or past time to me. Iyang taong iniinsulto mo ang taong minahal ako at nakita kung sino talaga ako and in fact, I rather be with him than be with your daughter acting like she’s all innocent when in reality, alam ninyo ang tungkol sa matagal niya ng karelasyon bago pa kami ikinasal at kaya ninyo lang pinakasal siya sa akin ay para magamit ninyo ang pera ng pamilya namin and there’s no way I or my parents will still allow that to happen.”
Gulat akong napatingin kay Irene dahil sa sinabi ni Yoongi at maging si Irene at ang mga magulang niya ay nagulat din sa rebelasyong sinabi nito.
“Y-Yoongi, honey, what are you talking about? Saan mo nakuha iyang akusasyon mo na iyan sa akin? Sa kanila ba? Sa kirida mo?” agad na lumingin ito sa akin at akmang susugurin na naman ako kaso pinigilan siya nina Jin hyung at Taehyung na kinagulat ng mga magulang nito.
“Don’t call me honey. It doesn’t sound sweet coming from your mouth. And no, Irene. It didn’t come from them or Jimin. It’s from my brother and Hobi. In fact, I have some pictures with me to show you and how dare you let him step his foot in my house? Nakita na pala siya nuon ng mga anak ko pero tinakot mo sila na huwag sabihin sa akin ang tungkol dito. Akala mo ba maitatago mo ng matagal ang sikreto mo?” sabay pakita ni Yoongi ng dalawang litrato na kinuha niya mula sa suot niyang suit at lumakad palapit sa pwesto namin.
Halos mahigit ko ang hininga ko ng tumabi siya sa akin at hawakan ang kamay ko at halikan iyon, “Irene, I felt bad to that guy you just denied having no relationship with after how many years and I hope after this, pirmahan mo na ’yung divorce papers na hinihintay kong pirmahan mo kasi ayaw kong hainan ka ng kaso. I still respect you as my ex-wife and as the mother of my children but that is just that and no, kung iniisip mong mababalik mo sa akin ang ikakaso ko sa iyo let me tell you na walang batas for same sex adultery.”
“T-This is impossible! No, you’re not doing this!” hindi makapaniwalang sabi ni Irene at halos mapaluhod ito habang umiiyak na siyang dinaluhan ng kanyang magulang para patahanin.
Sa sumunod na pangyayari ay nakita ko nalang na galit na pinapaalis ng Appa nina Namjoon hyung ang pamilyang Bae sa harapan namin habang mahigpit na hawak ni Yoongi ang kamay ko at nakatitig sa akin na may ngiti sa kanyang mga labi na nagsasabing, “It’s over now. We can finally be together.”
Isang taon matapos ang mga nangyari sa pagitan ng pamilya namin, ng Min at ng Bae ay finally, nakuha na ng mga magulang ko ang hustisya na nararapat para sa kanila.
Nakulong si Mr. Bae bilang pangunahing suspect na pumatay sa mga magulang ko at ganuon din si Mrs. Bae dahil aware pala ito sa ginawa ng kanyang asawa ngunit hindi nito sinuplong sa awtoridad. Si Irene naman ay hindi nakulong dahil sinunod nito ang gusto ni Yoongi na pirmahan nalang ang divorce papers nila. Nawala ang yaman ng pamilyang Bae at ngayon, wala ng nakakaalam sa amin kung nasaan si Irene pero sa isip-isip nila Namjoon ay nagpaka layu-layo ito kasama ang kasintahan niya nuon pa man bago sila ikinasal ni Yoongi. Malamang hindi nito alam ang tungkol sa ginawang pagtanggi sa kanya ni Irene nuon ng nabisto siya ni Yoongi at aaminin ko, nasaktan ako sa part na iyon para sa lalaking iyon.
Maraming nangyari last year pero heto ako at standing strong pa rin. Bumalik na sa akin ang dapat na para sa akin gaya ng gusto ni Tita at masasabi kong masaya na siya para sa akin at si Mr. Lee. At kung curious kayo kung ano ng lagay namin ni Yoongi, well, heto lang naman ako at kasalukuyang naglalakad sa aisle at sinusundan ang kambal na siyang flower boy at flower girl sa kasal namin.
Oo, ikakasal na kami. Tuluyan na kaming magsasama ng lalaking dapat nuon ko pa naging asawa kundi lang nangyari ang mga nangyari but that’s already all in the past. Ang importante ay yung kasalukuyan at ang hinaharap.
Nakangiti kong tinignan ang mga bisita namin sa kasal at hindi ko mapigilan na hindi mapangiti ng makita ko ang rainbow puffs na masayang nagchi-cheer sa akin kasama si Hyuna na karga-karga si Suga. Sunod naman sa kanila ay sina Namjoon hyung at Jin hyung na katabi si Hobi na panay ang kuha ng litrato sa kambal samantalang sina Taehyung at Jungkook naman ayun. Parang may sariling mundo na abala sa harutan nila pero hayaan na natin. Ikakasal na din kasi sila months from now so baka excited lang sila ngayon pa at nasa isang kasalan sila.
Grabe! Hindi pa rin ako makapaniwala na magiging asawa ko na ang lalaking nagaabang sa akin sa kabilang dulo nitong simbahan.
Nakakatawa nga dahil isa pala si Namjoon hyung at Hobi hyung sa tumulong para magkaruon kami ng happy ending and believe it or not, talagang nakatadhana kami sa isa’t-isa dahil ilang beses kaming pinagtagpo ng tadhana. Sadyang ginawa lang k-drama ang istorya ng pagiibigan namin. Hindi na bumalik ang mga ala-alang nawala nuon ni Yoongi dahil sa nangyaring aksidente pero ayos lang dahil alam niya sa puso niya na ako lang ang nakaka kumpleto sa kanya. Sabi nga nila kung anong nakalimutan ng isip ay siyang hindi magagawa ng puso.
“Jimin ah, ’yung mga pinaalala ko sa iyo.” naiiyak na sabi ni Tita na katabi kong naglalakad. Paano kasi ang dami niyang pinayo sa akin kagabi na dapat kong gawin at alalahanin dahil nga ikakasal na ako kay Yoongi.
“Oo nga at iwas-iwasan mo na rin ang pagiging sociable mo sa mga empleyado sa kompanya. Alam mo naman si Yoongi. Baka mas lumala pagiging seloso nu’n kahit mag asawa na kayo.” natatawang dagdag ni Mr. Lee na nasa kaliwa ko.
“Oo, huwag kayong magalala. Tatandaan ko iyang mga sinabi ninyo sa akin at Mr. Lee, ’di ba dapat mabawasan na ang pagiging seloso niya kasi mag asawa na kami?” natatawang sabi ko at ilang sandali pa nakarating din kami sa pwesto nila Yoongi kung saan katabi niya ang kanyang mga magulang na sinalubong kami na may ngiti sa kanilang labi.
“Finally! Magiging manugang ka na namin!” nakangiti at sabay na sabi ng mag asawang Min’s na kinangiti ko.
“Oo nga po eh! Napadali pa nga po ito kasi itong anak ninyo sobrang seloso. Gustung-gusto na ako itali sa kanya!” biro kong sabi na kinatawa nila samantalang napanguso naman si Yoongi sa pwesto niya.
“Aba, bakit ayaw mo pa magpatali sa akin? Siguro crush mo talaga ’yung secretary mo na si Jennie Kim ’no?!” sabi nito at napaikot ng 360 degrees ang mata ko sa kanya.
“Wow, ako pa talaga? Baka ikaw dahil ng nawala ako kinuha mo ulit na secretary si Lisa Manoban, hmm?” pangaasar kong ganito sa kanya.
“O’sya! Tumigil na kayong dalawa at ’yung pinagaawayan ninyong mga secretary ninyo kasal na sa isa’t-isa kaya kung ako sa inyo, pumunta na kayo duon sa tapat ng magkakasal sa inyo ng matigil na kayo sa kaseselos ninyo sa kung sinu-sino.” natatawang sabi ni Tita na siyang sinunod namin.
Marahang hinawakan ni Yoongi ang mga kamay ko at maayos namin nairaos ang seremonyas na may ngiti sa aming mga labi at laking pasalamat ko na napigilan ko na maiyak kasi hello, sayang makeup ko na nilagay nina Taehyung at Jin hyung kaso itong si Yoongi, ayun! Daig pa nanalo sa lotto sa pagiging emosyonal na nabawi naman ng parang nasa perya ang mga attendees namin sa kasal ng sabay-sabay silang sumigaw ng, “KISS! KISS! WOO! KISS NA IYAN!”.
Kinagabihan, after ng kasal namin at sa reception, magkatabi kaming nakaupo sa sahig at nakatanaw sa mga bituin sa kwarto namin dito sa bahay habang magka hawak ang aming mga kamay na kapwa ng may suot na singsing, tanda na kasal na kami sa isa’t-isa. Napangiti ako sa isiping iyon.
“Sigurado ka ba talagang ayaw mong mag hone–!” bago pa maituloy ni Yoongi ang gusto niyang sabihin ay agad ko na siyang pinigil gamit ang daliri ko na nilapat sa kanyang labi.
“Bago pa tayo ikasal halos araw-araw na natin ginagawa iyon at saka pwede naman nating gawin mamaya. Huwag muna ngayon. Gusto ko lang i-sink in natin sa mga sarili natin na sa dami ng mga nangyari sa atin ay akalain mong sa huli tayo pa rin pala.” saad ko at isinandal ang ulo ko sa balikat niya.
“Yeah. Who would’ve have thought that we will end with ’til death do us part vows when we started with an illicit affair? But thanks to that because we were able to unravel all the truth that were almost forgotten and fight for our love for one another. And for that, I’m thankful for having you because you didn’t give up on loving me even when I only caused you pain.”
“But that’s all in the past, love. We’re now more than an illicit affair and we’ll always be by each other’s side as husbands and a family.”
“I love you.” sabay naming sabi sa isa’t-isa bago nagdikit ang mga labi namin.
Sa lahat ng mga nangyari sa akin, sa amin ni Yoongi, wala ako ni isang pinagsisihan duon dahil ang mahalin siya at mahalin niya ako ay walang katumbas na ano mang bagay sa mundong ito.
And this is the end of my love story. Min Jimin and Min Yoongi signing off.
A/N:
Date Ended: October 1, 2021 at 12:00AM
Tadaaa!!! After almost six months natapos ko din itong first ever fan fiction ko. Finally! Sana nagustuhan ninyo ang kwento at kung nabitin kayo pasensya na. Babawi nalang ako sa susunod na kwento nila. Huehuehue.
Kitakits sa susunod na update mga ka meow meow. Ichi ni san nyaa arigato!
ILLICIT AFFAIR (BL)
DISCLAIMER:
This story is a work of fiction. The names, characters, incidents and places are the products of my imagination as the author, and are not to be construed as real. Any resemblance to persons living or dead or to an another story is entirely coincidental and unintentional.
FROM THE AUTHOR:
Taos puso ang aking pasasalamat sa pagbibigay ninyo ng oras sa pagbasa ng aking ika-sampung BxB na aking pinublished this 2021 and yes, first Fanfiction genre ko po ito.
Anyway, hindi ko alam kung nabitin ba kayo sa kwento or what gaya ng nasabi ko sa huling chapter pero sana nagustuhan ninyo o nabigyang hustisya ko ang theme ng kwento lalo pa at ang tinaguriang married couple ng BTS ang Yoonmin na siyang naisipan kong gawan ng kwento pero masaya ako dahil nagawa ninyong maglaan ng oras upang basahin ito. As I said before, this is my first time writing this type of genre. Sinubukan ko lang naman kung kaya kong magsulat and I actually enjoyed it.
So, sa mga naka follow sa akin, meron akong next BTS Fanfiction entitled TRINITY which will feature the three major ships: Namjin, Yoonmin and Taekook. I’ll try and make sure na may equal parts sa kwentong iyon ang bawat ships kaya sana magustuhan ninyo rin kapag binasa ninyo.
And before I end this napaka haba ko ng note sa inyo, muli, maraming salamat sa pagsama kina Min Yoongi at Min-Park Jimin.
Hanggang sa muli.
Salamat sa pagbabahagi ng iyong kaweirduhan, Brictorique.

