loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Im not Maria Esther (BXB Mystery)

Im not Maria Esther (BXB Mystery)

Hffmanfirefly · 53 chapters · 134,572 words

Prologue

Isang babaeng taga Sitio Sampaguita ang nagngangalang Maria Esther.Sa malapurselana nyang kutis at mala anghel nyang mukha ang nag pabihag sa mga mata ng binata roon.Sa kagandahang taglay isang gwapong binata na taga maynila ang nahulog sa dalagang si Maria.

Sa pagsibol ng pagmamahalan,isang inggit ang hindi inaasahan.Si Sebyo,ang matalik na kaibigan ni Maria.Di inaasahang gagawa ng kasalanan na mag mimitya sa buhay ng dalagang kay rangal.

Dadanak ang pagtataksil

Tiwalay masisira

Mapagbibintangan ang walang sala.

Isisilang ang bagong henerasyon,

KAHAWIG ba ito ng  kahapon?

Nabuo man sa kasalanan ang batang hindi inaasahan.Sisibol parin ba ang kapayapaan?

Kayo’y humanda sa kanyang pagbabalik.

Sisingilin nyo ba sya? o sya ang maninigil?

Sya nga ba si Maria Esther?

O ipipilit nyang itangge ang pangalang nagbigay mitya sa kanyang buhay.

“Im not Maria Esther”

Casting

Gabay na mukha sa inyong paglalakbay.

Title:I’am not Maria Esther [BL Story]

Casting:Baifern as Maria Esther                  Saint Suppapong as Esme                  Mario Maurer as Juanillo                  Mew Suppasit as Sebyo

MARIA ESTHER

Esme

Juanillo

Sebyo

This is only a fanfiction.Kredit sa may ari ng mga larawan.

Ang inyong lingkod.HffmanFirefly

CHAPTER 1

Hindi madali ang buhay sa Stio Sampaguita .Para kase sa mga nakatira doon tanging pagtitinda lamang ng suman,mangga at kasoy ang pangunahing kabuhayan nila doon.Si Aling Pasing kasama ang magandang anak na si Maria ay nagtutolungan upang maibenta ang tindang mga kasoy at suman sa merkado.

Sa tuwing nagpupunta ang mag-ina sa palengke,sanay na ang mga ito tignan at purihin ng mga tao doon.Labis kase ang taglay na kagandahan ni Maria Esther,ang binansagang prinsesa ng SuMaKa sa merkado.Ang mga binatang nagtitinda din roon ay hindi maitago ang mga tingin sa dalagita,maging ang kapwa dalaga ni Maria ay labis din ang atensyong naibibigay sa kanya.

Marahil itoy kinaiinggitan,madalas purihin,nababagay ang malaanghel na mukha nito sa kanyang pag-uugali.Nanatiling mapagkumbaba si Maria,sing hinhin ng isang birhen.Marahil ang likas nitong paguugali ang mas lalo pang nagpatibok sa puso ng mga binata roon.Ang mala pursilena nyang kutis at maganda nitong ngiti ang nagpapaganda ng umaga ng lahat sa palengkeng iyun.

Si Maria Esther ay nagiisang anak ni Aling Pasing,dalawa nalamang sila sa buhay nang iwan sila ng kanyang ama na isang half Australiano at half pilipino.Nakilala ito ng kanyang ina at ito ang kauna unahang lalaki na nagpatibok sa puso nito.Sa kasamaang palad ang nasabing Australiano ay may iba pa palang pamilya,umuwi ito sa kanila.Naiwan si Aling Pasing kasama si Maria hindi ito nakita ng bata kaya lumaki sya sa pangungulila sa ama.

Ngunit kahit ganun,natutugunan naman lahat ni Aling Pasing ang pangangailangan ng kanyang magandang anak.Pinagpala ito dahil sa ganda ng mukha na iniwan ng ama nito sa kanya.

“Sus,half Autraliano half pilipino lang naman yan si Maria Esther.Sigurado ako na kung naging pure pilipino yan,same lang yan ng ganda ko ngayon” sambit ng isang dalaga sa kabilang tindahan.Sanay na si Maria sa parinig nito sa kanya.kung kayat hindi na nya ito pinapansin pa.

“Hayst…Pamu” buntong hininga ng binata sa gilid “kahit maging half Australiano kapa,hindi ka magiging singganda nitong si Maria.Eh,sa singhaba panaman ng mangga yang baba mo may ibubuga kaba?”

Nagtawanan ang lahat ng nakarinig,natameme si Pamu na ibinaling nalang ang pansin sa inaayos na paninda.Tanging ngiti nalang ang ginanti ni Maria sa lahat,taimtim itong nagayos ng kanyang paninda.

“Tinutukso ka nanaman ba nitong sila Pamu?” tanong ng isang binata sa kanyang likudan.Mas lumawak pa ang ngiti ni Maria ng marinig nya ang boses ng binata,nilingon nya ito tsaka pabirong hinampas sa braso “ikaw Sebyo huh’ kanina kapa namin hinihintay ni nanay.Akala ko ba nangako kang tutulong samin na magayos ng tindahan?”

Hindi na nakasagot pa si Sebyo sa sinabi ni Maria,nahiya na ito at pakamot na hinawakan nalang ang kanyang batok.“kaya nga nandidito na ako e,tutulongan kita dyan” inagaw nito ang hawak na paninda kay Maria tsaka sya na ang nagayos.

“Sebyo,hindi kaba hinahanap ng tatay mo sa inyong pwesto?” Tanong ni Aling Pasing na bahagyang nagulat sa binata.

“Hindi po Aling Pasing,tapos na po ang mga gawain ko roon.Inagahan ko napo ang pagaayos roon upang makatulong dito” napalingo nalang ang ale sa sinabe ng binata.Sa mga kinikilos nito mukhang hindi lang pagkakaibigan ang nais nito sa kanyang anak.Hindi na magugulat si Pasing kung magpapaalam na ito sa kanya manligaw kay Maria.

“Paano ba maging isang Sebyo?” Tanong ng kaninang binata sa kabilang tindahan.Lumapit ito sa harapan nila Maria na kapwa abala sa pagaayos ng paninda.“Paano maging isang makisig at masipag na binata na maaring mag patibok sa puso ng isang dilag na kayganda” kahit na alam ng dalawa na biro lang ito ng binata,hindi parin nila maiwasang mailang.“Sana ako nalang ikaw Sebyo,para kaya ko ring hawakan ang braso o ang kamay ng dalaga sa tabi mo” dugtong pa nito tsaka ito tumawa.

“Magkaibigan lang kami ni Sebyo Kiko,parang kapatid ko na tong si Sebyo e.Labis ang pasasalamat ko dahil si Sebyo ang tumatayong lalaki sa pamilya namin kahit hindi namin sya kamag anak” ngumiti si Maria sa binata na kanyang katabi.Gumanti nalang din ito sa ngiti sa dalaga.

“Awts,mag dahan dahan kanaman Maria,mukhang nasasaktan tong si Sebyo sa mga pananalita mo” pabiro itong sabi ni kiko sa dalaga.

“Sa ano namang paraan?” takang tanong ni Maria.

Ngumisi ang pilyong binata at binalingan ang kinakabahang si Sebyo “Kung hindi mo nalalaman,itong si Sebyo ay may li-” natigilan ito ng batuhin sya ni Sebyo ng suman.Tumawa nalang ito atsaka umalis sa harapan ng dalawa.

“W-wag mong pansinin yun si Kiko,kilala mo naman yung loko nayun,mapagbiro hindi ba?”

Ngumiti ng maamo si Maria sa kinakabahang si Sebyo.Sa isip isip ng dalaga,maaring may gusto sa kanya ang binata ngunit hindi nya ito maaring patulan.Sa ngayon kase,tanging pag aaral lamang ang kanyang nasa isipan.

“Oo na,sanay na sanay na ako sa mokong nayun.” Sagot nalang ni Maria na muling ibinaling ang pansin sa pagaayos.Naramdaman pa ni Maria na bumontong hininga ang binata sa gilid nya.Mukhang may pahabol pa itong sasabihin,kung kaya pa lihim nya itong hinintay.

“Maria…” Pabuntong hininga ni Sebyo bago nya ituon ang paningin sa dalaga.Lumipas pa ang ilang segundo bago ito nadugtungan.“Kung iyong mamarapatin,matagal tagal narin akong tangkang manligaw sa iyo…pero-”

“Sebyo,iho” natigilan ang binata dahil sa pagsingit ni Aling Pasing.Inilapag nito ang hawak na paninda tsaka binalingan ang binata “Pinapatawag ka ata ni Mang karyo sa plasa.Kasama ka ata sa pagaayos ng mga bandiritas roon para sa gaganaping pista ng SuMaKa dito sa Stio.Sampaguita” bahagya pang nagtaka si Sebyo sa sinabi ng ale.

Hindi nya alam kung maiinis sya dahil sa pagsingit nito sa kanyang tangkang pagamin o maiinis sya dahil magaayos nanaman sya sa Pista kasama ang tatay nya.

“G-ganon po ba” sagot ni Sebyo bago ito napatingin sa gawi ni Maria.Tinignan nya ang reaksyon ng dalaga sa paudlot na sasabihin nya kanina.“M-Maria mukhang kailangan ako sa plasa e,pwedei bang doon muna ako tutulongan ko lang si tatay mag ayos” baling nito sa dalaga.

Ngumiti nalang asi Maria “Oo naman,sige.Hindi mo kailangang mag paalam saakin Sebyo.”

Bago pa umalis si Sebyo binalingan nyang muli ang dalaga “Baka hindi din ako makadalaw dito kanibukasan.Kinagabihan na kase ang pista e.Hindi na tayo magkikita bukas” bahagyang natawa si Maria sa sinabe ni Sebyo.

Sa tono ng pag sasalita nito,parang malungkot itong mawawalay sa dalaga.

“Ano kaba Sebyo,sabi ko hindi mo na kailangang magpaalam saakin hindi ba? Ok lang kahit hindi ka na tumulong sa pag aayos dito.Kami nalang bahala ni nanay dito bukas.Hindi na kita aantayin” akala ng dalaga ay aalis na si Sebyo,ngunit nagtaka ito ng ilang segundo pa itong tumitig sa kanya.

“Maari bang ayain kita sumayaw sa araw ng pista…Maria?”

Itutuloy…

CHAPTER 2

“Maari bang ayain kita sumayaw sa araw ng pista…Maria?”

Tila hindi naintindihan ni Maria ang sinabe ni Sebyo sa kanya.Hindi ito sumagot dahil hindi nya alam kung papayagan ba sya ng kanyang ina na dumalo sa ganung kasiyahan.Isa pa hindi sya marunong sumayaw kung kayat parang naipit ang kanyang dila upang hindi makapagsalita.

Nang ilang segundo hindi sumagot ang dalaga,napatingin si Sebyo kay Aling Pasing na narinig pala ang kanyang tanong.“Kung magpapaalam ka sakin na ilabas ang aking anak sa araw ng pista” saglit itong tumigil at tuminigin kay Maria.

“Pagiisipan ko iho….”

Napalundag ng kaunti si Sebyo dahil sa sinabe ni Aling Pasing.Sa halos tatlong taon kase na niyayaya nito ang dalaga,ngayon lang ito nag isip kung papayagan ba ang anak.Sa mga taong nagaganap ang kapistahan ng sumaka,laging hindi ang kanyang naririnig sa ale.Ngayon tuloy naiisip nya ang galak ni Maria dahil sa sinabi ni Aling Pasing.

Pagkaalis ni Sebyo,napatanong kaagaad si Maria dahil sa pagdidisesyon ng kanyang ina “Totoo po bang papayagan nyo ho talaga ako nay?”

Nangiti naman ang ale “Ang sabi pagiisipan ko pa,pero kung aayusin mo ang pagtitinda bukas,maari kitang payagan sa pista ng gabi”

Dahil siguro sa galak bahagyang napayakap ang dalaga sa kanyang ina.Sa tanan ng kanyang pagiging dalaga,ngayon lamang sya nagkaroon ng pagkakataon para makapunta sa pista ng gabi ng SuMaKa .

Madalas itong hindi pinapayagan dahil sa babae ito.Alam ni aleng Pasing na maraming nagkakainteres sa dalaga kung kayat ganun nalamang nya pag-ingatan ang anak.Maari kasing maging mitya pa ito ng kapahamakan ni Maria sa gabi ng puno ng kasiyahan.

KUNG ang Stio.Sampaguita ay isang paraiso kung titignan sa mga matang nakatira doon.Para naman sa isang binatang si Juanillo ay isa itong lugar ng pagpaparusa.Si Juanillo Montefalco ay isang anak ng dating gobernador na si Eduardo Montefalco sa Stio.Sampagauita.Natapos ang termino nito kung kayat umuwi na ito sa maynila kasama ang pamilya.Kaya ganun na lamang kahalaga sa pamilyang Montefalco ang makapunta sa pista ng SuMaKa rito.Bilang pag mamalasakit narin sa bayan na pinamunuan.

Kung ang ama ng binatang si Juanillo ay masayang umuuwi sa bayang ito,ibang iba naman sa pananaw na binata.Laki si Juanillo sa maynila,kahit taon taon na syang umuuwi sa probinsyang ito hindi parin sya sanay.Marahil hindi nya gusto ang napakainit na klima dito at sa mapunong lugar,ganun din sa sistema ng pamumuhay rito.Napaka payak at parang kay simple ng buhay dito.

Kung minsan ay kay hirap ng signal at kuryente.

Walang ganang sumulyap sa bintana ng kotse si Juanillo habang pinagmamasdan ang plasa na inaayusan na ng dekorasyon,magp-fiesta na sa bayang ito.Kasiyahan para sa lahat,ngunit hindi para sa binata.Saglit nyang isinandal ang ulo nya sa likod ng inuupuan sa loob ng kotse.Pumikit ito at tinangkang matulog.

Pagkaraan ng ilang segundong pag pikit nagsalita ang kanyang ama katabi nya sa kaliwang gawi ng upuan.“May gusto kabang bilhen anak nandito na tayo sa Merkado” kumunot ang noo nya sa pagtanong ng kanyang ama.Saglit syang sumilip sa bintana na ng kotse.Bumungad sa kanya ang magulong palengke na may maiingay na tao.Nakita nya dito ang ibat ibang uri ng paninda.

Suman,mangga,at kasoy ang pangunahing produkto sa Stio na ito.Ito ngayon ang ise celebrate nila kanibukasan kung kayat ito ang pinagkakaabalahan ng lahat.

Inilibot ni Juanillo ang kanyang mga mata sa paligid.Kay dami ngang tao at mamimili sa lugar na ito.

Subalit ang kaguluhan at ingay ng lahat ang nagpa tila nag paangat sa kagandahan ng dalagang si Maria.Sa dami ng tao at ingay ng mga ito,waglit na nahagip ng mata ng binata ang dalagang nagtitinda sa bandang dulo di kalayuan.

Abala ito sa paganyaya ng mga mamimili,nakangiti itong nakikipagusap sa mga tao at mabilis ang mga kilos nito.Sa taglay na kagandahan ng dalaga,hindi inaasahan ni Juanillo ang kasipagan ng isang babae nasilayan nya sa dalagang si Maria.

Pinagmasdan nya ang malapurselana nitong kutis,makinis nitong balat at malaanghel nitong mukha na tila nagpabilis din naman ng tibok ng kanyang puso.Hindi nya maintindihan ang nararamdaman,bakit ganun nalamang.

“Anak ano…may bibilhen kaba may gusto kabang kainin?” tanong ng kanyang ama na nagpagising sa kanyang pagpapantasya.

Hindi nya alam kung ano ang nasa isip,parang may bigla syang gustong bilhen na sa mismong pwesto ng dalaga ito kunin.Hindi sya nakasagot at hindi namamalayang hawak nya na ang pihitan ng pintuan upang itoy buksan.

“Ah,huwag ka ng lumabas si Manong Dante nalang bibile para sayo” suhestyon ng ama ng mapansin ang galaw nya.

“Ako nalamang ho Sr.Juanillo” Singit ng driver.

Takang napatingin si Juanillo sa ama at driver na nakatingin din sa gawi nya.Agad syang napabitaw sa pihitan ng pintuan ng kotse at pakunot noong sumandal sa upuan.

“Wala kong kailangang bilhen,wala kong gusto dyan.” walang ganang sagot nito sa dalawa.Napailing pa ito ng wala sa sarili “What am I doing?…crazy.” Bulong pa nya sa sarili.

“Ok,sige manong Dante diretsyo na po sa mansyon”

“ANAK,gusto mo ba ang isang to?” Bungad ni Aling Pasing kay Maria ng pumasok ito sa kwarto.

Nanlaki naman ang mata ng dalaga ng makita ang hawak ng ina.Isa itong bulaklaking daster na offshoulder ang tema.Mukha itong babagay sa dalaga kung kayat ito ang pinili ni aling Pasing.

Lihim itong binili ni aling Pasing sa tindahan ng mga damit pagkauwi rin nila kanina lamang.Hindi nya ito ipinaalam sa anak kung kayat labis ang saya nito ng ipakita nya.

“Nay! Ang ganda po nito..” galak nitong kumento,kinuha ito ni Maria sa kamay ng ina.Ipinatong nya ito sa suot na damit tsaka sya humarap sa salamin “Ibig sabihin po ba nito,pinapayagan nyo na ho ako sa pista?” Tumingin ito sa mukha ng ina upang makita ang ekspresyon nito.

Nakangiti naman ang matanda,tumango at lumapit kay Maria kasabay ng halik nito sa noo ng dalaga.

Kapwa sila nakatingin sa salamin at pinagmamasdan ang mga sarili.

“Tingin ko…malaki na ang baby ko,kaya ngayon gusto ko na syang payagan sa mga gantong kasiyahan.”

Napangiti at bahagang napayakap si Maria sa kanyang ina.“Salamat po nay,salamat po sa tiwala.Alam ko naman pong iniingatan nyo lang ho ako kung kayat hindi nyo po ako pinapayagan sa mga gantong okasyon e.Pero po sa ngayon inay,iingatan ko po ang tiwala na ibininigay nyo sakin.”

Bahagyang natawa si pasing sa malambing na anak “Ang tiwala kasi…iniipon yan anak.Ikaw nalang ang mayroon ako.Iniwan na tayo ng tatay mo,wala narin ang lolot’lola mo.Tayong dalawa nalang sa mundo.Kaya sana maintindihan mo na ganun nalamang ako kahigpit sayo….iniingatan ko ang kayamanan ko at ikaw yun Maria” hinimas nito ang buhok ng kanyang anak.

“Maria Esther…ang maganda kong bulaklak”

Pagkatapos ng paguusap nila,kapwa sila nagtawanan.Pabiro pang umiikot si Maria sukat ang daster na damit sa kanyang katawan.Tumatawa naman si Aling pasing sa kagiliwan ng dalaga.

Itutuloy…

CHAPTER 3

Sobre’

Maagang ngang nagising ang magina upang pumunta sa pamilihan.Madaming tao ngayon roon dahil gabi ang kaganapan ng pista ng SuMaKa.Nagdedisyon silang magtinda ng maaga upang maaga ding kumita at makauwi.Hindi man kase sabihin ni Aling Pasing sa kanyang anak,naeexcite ito para sa dalaga.Una nyang makikita magayos ang kanyang anak para daluhan ang kasiyahan.Alam nyang maganda na ito ngunit mas gaganda pa ito kung itoy maaayusan pa.

Hanggat nakikita nyang masaya si Maria,ay masaya narin sya rito.“Nay,naihanda ko na po ang lahat ng dadalhin sa pagtitinda.Nilabas ko napo ang mga kasoy sa plastic para pagdating dun ilalagay nalang natin” bungad ni Maria pagkalabas ng Kwarto.Hindi pa nito naaayos ang sarili,gulo gulo pa ang pagkakaipit ng buhok nito.Pero handa na agad ito sumabak sa maagang trabaho.

“O sya sige,ipabuhat nalang natin ang iba sa mga lalaki dyan sa labas” sabi ng ina na abala din sa pagaayos ng mga panindang dadalhin.“teka teka Maria…“pigil nito sa dalaga ng makitang bubuhatin nito ang isang timba na puno ng mangga.“Wag kang magbubuhat ng mabibigat anak..Sa hinhin at payat mo nyang mabubuhat mo bayang timba”.Binatawan naman agad saglit ng dalaga ang hawakan ng timba.

“E,nay sanay naman na po ako.Diba nga kailangan ko ng matutong magbuhat ng mga gantong kabibigat.Wala naman po tayong lalaki sa pamilya e.Si Sebyo naman po hindi makakadating kase maaga din pong magaayos sa plaza.”

Napabuntong hininga si Pasing dahil sa kapursigihan ng kanyang anak.Nilapitan nya ito upang hawakan sa kabilang pisngi at ayusin ang magulo gulo nitong buhok.Hindi nya maitatangging kahit maagang mahagard ang kanyang anak.Kay ganda parin nitong tignan dahil sa simpleng ayos nito sa katawan “Anak,e hindi mo naman na trabaho yan e.Panlalaki kase ang pagbubuhat hindi ba?Kayang kaya kong ipabuhat yan sa mga brusko dyan sa labas.Hindi mo kailangan ma hagard ang aga aga e”sagot ni Pasing na pabiro pang kinurot sa pisngi si Maria “at tsaka ikaw, disesyete kana.Mag didise otyo kana sa susunod pang mga buwan.Pwede ba anak na matuto ka ng magayos ng sarili mo.Ang dami daming nakakakita sayo sa merkado.Sige ka sa kahagardan mong nyan hindi kana nila babansagang prinsesa ng SuMaKa”

Bahagyang na tawa si Maria sa sinabi ng ina “Wala po sakin yun nay,sila nga lang po nag mamatyag nun sakin e.Maganda ako kase mana po ako sa inyo”

“Hay nako nanlalambing pa” sagot ni Pasing na ikinatawa nilang pareha.


“Mang Dante,pleas set up the Car.Gagamitin ko” utos ni Juanillo pagkalabas nito ng hardin.Saktong nagkakape roon ang kanilang driver na si Dante kung kayat inutusan nya agad ito.

“Ang aga pa po Sr.ah.Alas sais palang po,may pupuntahan po ba kayo?” Tanong ng driver pagkatayo nito.

“Wala kang pake ok.Basta,may gusto akong puntahan” sa sarkastikong sagot ni Juanillo,mabilis kumilos si Mang Dante upang kunin ang kotse sa garahian.Saglit nya itong inantay pagkalabas nito ng gate.

“Sr,san po ba destinasyon nyo” tanong nito sa binata pagkapara nya sa harapan nito“Get out…ako ang mag d-drive” utos ni Juanillo na ipinagtaka naman ng driver.

“A-ano ho Sr?” Tanong nito.

“I said baba…ako ang magmamaneho,ako lang ang aalis” bahagyang pasigaw namang sagot ng binata na ikinataranta naman ni Mang Dante.

“E,Sr magagalit ho ang daddy nyo.Pinagbilin nya pong huwag kayong pagagamitin ng kotse sa baryong ito Sr”Halos magboses makaawa na si Mang Dante dahil sa pakiusap nito sa binata.Ngunit hindi sya nito pinakinggan.Pagkababa ng matanda sa kotse ay agad naman ng sumakay si Juanillo.Mabilis nitong pinaharurot ang kotse at naiwan ang driver na may pagaalala sa mukha dahil mukhang pagagalitan nanaman sya ng kanyang amo.

Tikhim na napangiti si Juanillo dahil sa paglabag “Taon taon nya akong pilit pinapasama sa pesteng Stio o baryo na ito.Ngayon..tiisin nya ang katigasan ng ulo ko”


Mukhang nabigla ang magina sa dami ng tao sa merkado.Mabilis ang nga kilos nito.Agad na inayos ni Maria ang paninda,pinantay na agad ito sa kani kanilang hanay.Halos mabingi na ang kanyang tenga sa ingay ng mga tao roon.

Madiskarte syang pumwesto sa mismong harap ng kanilang paninda at masiglang inanyanyahan ang mga tao sa paligid.Kung minsan sumisigaw pa ito upang mapansin sya ng mga mamimili.

“Mukhang wala asungot mo ah” bungad ni Kiko na ikinatigil naman ni Maria sa pag anyaya.Kulot noo nitong nilingon ang binata “Sino naman asungot?”

“Asus,parang hindi mo pa alam.Si Sebyo ang tinutukoy ko.Diba karaniwang gantong oras nandito nayun?”

Napa roll eyes nalamang si Maria sa biro ng binata “kala ko naman kung sinong asungot.Wala talaga yun,nagsabi kase sya sakin abala sila ni Mang karyo sa pagaayos ng plaza.Kailangan sya don”

“Dimo ba sya namimis?” Bahagyang nagulat si Maria sa banat muli ni kiko.Hindi nya tuloy maiwasan na hampasin ito sa braso.“Joke lang ito naman.May pinapasabi kase yun utos nya sakin”

“Ano naman yun?” Biglang naging interesado agad ang tono ng boses ni Maria

“Kung sakaling hindi raw kayo magkita ngayon.Mamayang gabi nya nalang daw aaminin ang tungkol sa inyo”

“Huh? Ano namang aaminin nya? Isang yun talaga,napakaduwag kahit kailan.Para syang hindi lalaki hindi nya pa sakin maisabi ng diretsyo”

“Yun na nga e natatakot kase syang-” biglang naputol ang sasabihin ni kiko ng sumingit si Aling pasing

“Maria anak, halika may iaabot ako sayo…” Sigaw ni Aling Pasing sa anak.Agad namang lumapit ang dalaga.“Ano po yun ina” tanong ni Maria.May nilabas itong puting sobre mula sa maliit na bag nito.Nang tatangkain na nyang iabot ito sa anak.May pesteng biglang umagaw dito.

Napabalikwas ito sa gulat “Magnanakaw! Anak Magnanakaw yun” binalingan nito si Maria “Naglalaman yun ng pera na kinita natin kahapon at ngayong umaga”

“Ano po!” Sigaw na sagot ng dalaga.Nagulat din ito sa nangyare,sa labis na pagkataranta.Naihabig nya sa tabi si Kiko at sya na mismo ang humabol sa lalaking magnanakaw na iyun.

Mukhang si Maria Esther ay hindi talaga pang karaniwang babae sa balat ng lupa.Na mangha ang ina sa ikinilos ng anak.Sa mahinhin at taglay nitong ganda,hindi pala kaartihan ang maaring iparil ng ugali nito.

Kaya nya ring humabol ng maliksing magnanakaw.

Mabilis tumakbo ang magnanakaw.Matalino ito dahil mabilis nyang naiikot ang bawat kanto ng mga tindahan.Pero para sa isang dalagang si Maria,ang pera ay mahalga.Pinaghihirapan ito kung kayat hindi sya makakapayag na basta nalang ito kunin sa kamay nila.

Mabilis ding tumakbo ang dalaga.Hindi iniisip kung magagasgasan ba ang kanyang malapurseranang balat.Sa kasamang palad nawala ang magnanakaw sa kanyang paningin.Hinanap nya ito sa paligid ngunit hindi nya ito nakita.

Nilingo lingo nya pa ang kanyang paningin ngunit wala na syang napansin.Kinakabahan na ang dalaga dahil malaking pera ang mawawala sa kanila kung sakaling makatakas ito.

Mawawalan na sana sya ng pagasa ng makarinig sya ng malakas na kalabog.Agad nya itong tinunton sa paligid at ng makita ito.Napansin nyang nakahandusay na sa sahig ang magnanakaw na kaninay kanyang hinahabol.

Kung pagmamasdan pa ito,wala na itong malay dahil sa pagbagsak na natamo.

Inilibot nya pa ang kanyang paningin.Napadako ang dilag sa lalaking nakatayo kaharap ang nakahandusay na magnanakaw.Kita nyang nakatitig ito sa kanya gamit ang walang ekspresyong mata.

Nang makita ng dalaga na hawak ng lalaki ang sobre.Agad nya itong nilapitan at tinangkang agawin dito.Aabutin na sana nya kaso pabiro nitong itinaas ang kamay upang hindi ito maabot ni Maria.

Napakunot noo naman ang dalaga.Tinitigan nya ng masama ang lalaki “Anong problema mo?” Tanong nito.

“How I can make sure na sayo nga ang sobreng ito?” Sabi ng lalaki na ikinainis ni Maria “hindi ko na kailangang patunayan yun dahil halos mamatay nako sa kakahabol para lang makuha yan,amina nga yan!” Sagot ng dalaga at pinilit agawin ang sobre sa binata.

“Sabihin mo muna kung kanino to?” Muling tanong ng binata.Pero ngayon may halo na itong kapilyuhan.“Ibigay mo na nga! Sakin nga yan e” sagot ulit ni Maria.

“Patunayan mo muna…”

Mukhang naubos na ang pasensya ng dalaga kaya umamba itong sisipain sa tagiliran.Naudlot lang ito ng maunahan sya ng isang basket na tumama sa mukha ng binata “Hoyy! Ikaw,ibalik mo ang pera namin.” Nilingon ito ni Maria at napagtanto nya na ang kanyang ina pala ang humagis sa basket na iyon.

Napabalikwas ang binata ng tatangkain itong suntukin ng ina.Mabuti nalamang ay agad itong pinigilan ng dalaga.

“Excuse me maam,Wag ako ang bugbugin nyo.Hindi ako ang nag nakaw sa sobre nyo.Actually tumulong pa nga ako e”

Natauhan ang ale dahil sa sinabe ng binata.Napabaling ang mata nito kay Maria. “Totoo po iyon inay,tinulungan nya po ako”

Mukhang naniwala naman agad si Aling Pasing sa sinabe ng anak.Inagaw na nito ang sobre at ginantihan ito na busangot na mukha.

Napatawa nalamang ang binata sa inasal ng ale.“Thank you huh?! Sa pagtulong ko” sarkastiko nitong saad bago pa umalis ang mag ina.

Napabuntong hininga nalamang si Maria.Naisip nya ding magpasalamat sa lalaki dahil hindi nya matataimtim ng kanyang damdamin na hindi ito pasalamatan.

“salamat Sr…” Mahinahon nitong sabi.Mukhang hindi ito pinansin ng binata dahil nag simula na itong maglakad.

“Salamat ho,Sr.Ginoo…” Muling sambit ni Maria.Ngunit hindi parin sya nito nilingon

“Hayst…“buntong hininga ng dalaga “Sr,Salamat ho.Maari ko bang malaman ang pangalan nyo?” Pabiro lang ito ng dalaga pero mukhang gumana.Nilingon na sya nito habang nakangiti.

“I am Juanillo” sagot nito kasabay ng isang kindat.

“Juanillo Montefalco”

CHAPTER 4

’Stio Hangganan

“Juanillo Montefalco?” Sambit ni Kiko kay Maria ng mawala ito sa kanilang paningin “Kilala mo sya?” Tanong naman ng dalaga.

“Naku,binato ko pa sya ng basket at pinagbintangang magnanakaw.Tapos isa pala syang Montefalco?“nilingon ni Maria ang ina,nakaramdam sya ng pagaalala sa boses nito “Bakit po nay,ano naman po kung isa syang Montefalco? Sino po ba sya?” Inosenteng tanong ng dalaga.Nagpakawala nalang ang ina ng buntong hininga “Anak sya ng dating gobernador dito sa Stio Sampaguita.Ginagalang ang pamilya nila,nirerespeto.Sa dami panamang naitulong ng pamilyang yan dito sa baryo natin,titingalain talaga sila ng mga tao”

Napaisip si Maria sa sinabe ng ina.Nagalala ito marahil sa kung sino pala ang tao ang binangga nila.Nakunsensya rin ang dalaga dahil hindi nila ito pinasalamatan “Nay,hindi po natin sya napasalamatan ng maayos” pagaalala sa boses ni Maria.

“Kaya nga e,hindi ko tuloy alam kung paano ko sya muling mapapasalamatan” saad ng ina.“Nay hawakan nyo po itong basket at bag ko” sabi ni Maria kasabay ng pagabot sa kanyang nanay ng mga gamit na dala nya.“E aba,anong gagawin?” Takang tanong ng ina.

“Hahabulin ko po ang Montefalco nayun.Kailangan ho nating magpasalamat ng maayos.Bihira sa mayamang katulad nya ang tumulong ng ganun sa mga kagaya natin” pagkatapos ng letanya ng dalaga,mabilis itong tumakbo upang habulin ang binatang Montefalco.Mula sa kanto ng Merkado,tinakbo ito ng dalaga patungo pa sa isang kanto.Laking pasalamat nya ng makitang muli ang binata.Nagmadali pa ito dahil saktong sasakay na ito sa kanyang kotse.

“Sandale!” Sigaw ng dalaga.

Mukhang hindi pa ito narinig ng binata kung kayat mas nilakasan nya pa ang boses “Sandale po! Mr.Montefalco!”.

Sa pagkakataong ito,nilingon na sya ng binata habang nakakunot noo itong napatingin sa dalagang takbo paparating sa kanya.“Sandali po…” Hingal na hagpos ng dalaga pagkarating nya sa harapan ng binata.

“Anong kailangan mo?“Tanong nito kay Maria “Na-nais ko lamang pong magpasalamat Sr….” Sagot ng dalaga.

“At para saan naman? Dalaga? Hindi ba pinagbintangan nyo ako na magnanakaw sa halip na pasalamatan pa sa tulong ko” sa sarkastikong pagkakasaad nito,natauhan si Maria.Mukhang mahihiya pa ata sya sa mismong harap ng binata “k-kaya nga po hinabol ko po kayo,Sr…nanghihingi narin po ako ng dispensa sa pagbintang sa inyo ng nanay ko.Maraming salamat rin po sa pagtulong nyo sakin”

“Paano kung diko tanggapin” saad ng binata na may tawang kasunod.Nagumpisa tuloy kabahan si Maria na baka mas mahirapan pa syang suyuin ang binata sa harapan nya“Do you know who I am? Kilala mo ba kung sino ako dito?” Hindi alam ni Maria kung nagyayabang ba ang tanong nito,gusto sana nyang sagutin ng pabalagbag kung hindi lang sya naghihingi ng dispensa.

“Opo Sr…k-kilala kopo kayo.” Sagot nalamang ng dalaga “kayo po ang anak ng Montefalco.Anak ng dating gobernador na si Mr.Montefalco dito sa Stio Sampaguita.” Dugtong nya pa.

“Kung ganun kilala mo nga ako.So dahil dyan,kailangan mong pagbayaran ang mamahiyang ginawa nyo sakin.Kayo ng nanay mo” kumunot nag noo ni Maria sa pagtataka dahil sa sinabe ng binata.“Pero Sr, tingin ko hindi naman po ganung ka bigdeal samin ang nangyare.Hindi po sinasadya iyun ng nanay ko,hindi nyo po alam kung gano kahalaga samin ang pera na ninakaw saamin” tinignan ni Maria ang mukha ng binata na nakangiti lamang ng nakakaloko “ano po bang gustong ibayad namin? Manganga tulong ako sa mansyon nyo ganun?” Dugtong ni Maria at nagkunwari itong natawa “Hindi po ito isang teleserye na aapihin nyo ang mga taong nakagawa sa inyo ng mali.Hindi naman po ganun ka bigdeal yun hindi ba? Mayaman kayo tapos kami mahirap lang,ano ibig sabihin banon matatapakan nyo na kami ng basta basta..”

“Can you pleas just shut up.” napalingo ang ulo ng binata dahil sa lintanya ni Maria sa harap nya “Mahilig ka ata sa teleserye e,aapihin ng mayaman dahil may pagkakautang kayo? Tapos ano….maiinlove ang amo sa mga katulong naka gaya nyo?” Sarkastiko ito tumawa “It will never happen.May taste kaming mayayaman”

“Parang ikaw naman po ang mahilig sa teleserye Sr,pinangunahan nyo na yung mangyayare” tumawa si Maria dahil sa sinabe nya.

“Ang oa mo naman kase dalaga,syempre hindi ako ganun kaimural kagaya ng iniisp mo.Simple lang naman ang gustong kong ibayad mo” tumingin ang binata sa dalaga mula sa paa ni Maria papataas sa mukha nito.

Napansin ito ni Maria kung kayat napahawak ito sa kanyang dibdib na parang pinoprotektahan nya ito.Nakita ito ng binata na ikinatawa naman nya.“Seriously?… Ayan talaga ang iniisp mo?”

“E sa titig nyo naman po parang may interest kayo sakin.Wag po ako Sr,iba nalamang po dahil nakareserve po ang katawan ko sa lalaking mamahalin ko habang buhay”

“Kagaya ng sinabe ko,dalaga.Hindi ako kagaya ng iniisip mo.Simple lang naman ang hiling ko” humilig ang binata sa pintuan ng kotse.

“Ano po ba kase yun Sr?”

“Take me to the nearest attraction here in Stio Sampaguita.I-tour moko dun bago pako tuluyang mabagot sa baryong ito”

Napangiti ang dalaga at agad nadin itong sumangayon “Sige po Sr,kung yan ang gusto nyo.Dadalhin po kita sa magandang attraction dito sa baryo namin” ngumiti ang binata at dinamalayang pinagbuksan ito ng pinto ng kotse.Bahagya pang nagulat ang dalaga ngunit agad nadin itong pumasok sa loob.


Ang Stio Sampaguita ay may isang pantalan katabi ng dagat.Ang tawag nila dito ay Stio hangganan.Nasa dulo na kase ito ng baryo na may taglay na katahimikan.Atraksyon ito para sa mga turista kaya gusto ni Maria na dalhin dito ang binatang Montefalco.

Ang katahimikan nito ay siguradong makakapgarelax sa binata.

“Sr,dyan nalang po sa gilid nyo iparada” Sambit ni Maria at nauna na itong bumaba sa kotse.Sumalubong sa kanya ang malakas at malamig na hangin na nagmumula sa dagat.Kay sarap nito sa pakiramdam kung kaya napapikit nalamang sya.

“Its nice here huh,nakakarelaz dito” sambit ng binata habang nakatingin din sa dalampasigan pagkasunod sa dalaga.“Sa tagal ko ng pabalik balik dito,ngayon ko lang nalaman ang lugar nato.Dapat pala dito ako nag pupunta kapag stress ako…” napatingin ang dalaga sa binata na mukhang may malalim na iniisip.

“Dito rin po ako nagpupunta kapag stress ako Sr, masarap tambayan to kapag mabigat ang loob mo.Ang pantalang ito ang nagpapaalala na may hangganan ang kalungkutan.” Sabi ni Maria habang titig ang mukha ng binata “kaya kung meron kaman hinanaing sa buhay Sr.Dito mo lang dalhin,sigurado ako na dadamayan ka ng pantalan nato”dugtong pa nya.

“Kaya ba tinawag tong Stio Hangganan? Dahil it explaining itself na may hangganan ang problems mo?” Napangiti ang dalaga dahil sa sinabi ng binata “Yes po,Sr.Tama ho kayo dyan” nagbuntong hininga si Maria bago ito muling tumingin sa binata “alam kong makapal na ang mukha ko pero…ano po ba kasing pinagdadaanan nyo Sr? Mukhang mabigat po ang problema na dinadala nyo ah”

Ilang saglit tumikhim ang binata ilang segundo syang tumahimik.Mukhang pinagiisipan ang isasagot nito.Kasabay ng katahimikan,tanging alon lang ang naririnig sa paligid.Kay tiwasay ng lahat na lalong nagpalalim ng nararamdaman ng binata.

Bumitaw ito ng malalim na hininga “Iniwan ako….” Napalingon muli sa kanya si Maria “Iniwan ako ng taong akala ko makakasama ko habang buhay..Akala ko ok lang ang lahat para sa kanya.Kaya ayokong bumabalik sa Sitio na to e,bumabalik rin sakin ang lahat ng sakit”

May sasabihin pa sana ang dalaga ngunit dahil sa bigat ng litanya ng binata.Mas pinili nyang baguhin ang topic.

“Sr…nakalimutan ko pa po na may tindahan pa po akong binabantayan.Baka hinahanap narin po ako ni Nanay” napatawa ng mahina ang binata “sandali pa nga lang tayo dito nagyayaya ka ng umuwi” Napansin nya atang binago ng dalaga ang kanilang pinaguusapan.

“Pasensya kana po Sr…sa susunod nalang po ako babawi” Pagpapaumanhin ni Maria “Nope,gusto ko mamaya din” kumunot ang noo ng dalaga dahil sa sinabe ng binata.“Diba may sayawan daw mamayang gabi sa plaza? Gusto kong pumunta don at ikaw…” Nauna mag lakaad ang binata kay Maria bago nya ito lingunin

“Gusto kong sumayaw tayong dalawa”

Napaawang nalamang ang bibig ni Maria dahil sa sinabe ng binata.Hindi sana sya papayag dahil alam nya ding isasayaw sya ni Sebyo,ngunit pakiramdam nya.

Hindi ito isang pakiusap,kundi isang utos mula sa binatang Montefalco.

CHAPTER 5

’Sebyo

Madali lang ang trabaho para sa isang Sebyo na masipag gumawa para sa pera.Abala sya sa pagdedekorasyon sa plaza sa umagang ito.Kahit ayaw man nyang sundin ang Tiyo karyo nya,wala itong magagawa.Malaki ang malasakit nito sa tiyo kaya hindi nya ma-hindian ang utos.

Sa binatang si Sebyo,makisig ang pangangatawan nito sa edad na disen nuebe.Tampulan din ito ng pansin sa Stio,maraming babae ang nahuhulog sa karisma nito.Ngunit gayon paman,madami mang dalagita ang nahuhumaling sa kanya.Isang babae lamang ang nagpapatibok sa kanyang puso.Ito ay si Maria Esther,kababata nya pa ito mula pa noon at sa simulat simula palamang ay malalim na ang kanyang nararamdaman sa dalaga.

Kahit ilang beses nya ng tangkaing aminin sa dalaga ang lihim na pagibig,parang tadhana na ang pumipigil na mangyare ito.Kaya hanggang ngayon,ang binatang si Sebyo ay tago parin sa kanyang loob ang lihim na pagmamahal sa dalaga.

Masigla sigla ng kumikilos si Sebyo sa huling ikakabit na banderitas sa poste.Ito na kase ang huling banderitas na ikakabit nya,maari na kaseng syang magpaalam magmiryenda sa kanyang Tiyo.Baka sa pagkakataong ito madadalaw nya saglit ang dalaga.Kabababa lamang nya sa mahabang hagdan ng marinig nya ang dalawang dalagita na naguusap sa kanyang likudan.

“Madalang lang lumabas ang binatang yun sa kanilang mansyon.Ngayon ko nga lang sya nakita sa merkado e,ano naman kayang ginagawa ng isang Montefalco dun?” Saad ng isang dalaga.

“Alam mo sa gwapo nya,mukhang may katapat na tong si Sebyo.Naglalaban ang mga mukha nila sa kagwapuhan dito sa Stio ah,sana kahit isa man lang makasayaw ko sa kanila mamayang gabi”Sagot naman ng isa pang dalaga katabi nito.

“Uyy Sebyo…sino pala ang isasayaw mo mamayang gabi?” Napalingon ang abalang binata sa unang dalagang nagtanong.“mamayang gabi na ang sayawan hindi ba? Sana hindi kapa pagod nun”

“ah,pasensya na.Hindi ko nga alam kung makakapunta pa ako e.Marami pa kaseng trabaho” pagdadahilan nito nasa katotohanay pinaghandaan na nya ang gabing ito “Sayang naman…edi mukhang walang kakumpitensya tong si Juanillo sa sayawan.Baka lahat ng babae sa Stio maisayaw nya dahil wala ka” Biro ng dalaga na ipinagtaka ng Sebyo.

“Si Juanillo?…yung Montefalco?Bakit umuwi naba ulit yun dito? Hindi naman lumalabas ng bahay yun kahit taon taon yan nandito ah” pagtatakang tanong ng binata.

Napatikhim ng tawa ang dalaga “iba na ngayon…mukha kasing may kaibigan na ang gwapo e.Kaninang umaga kase kasama nya ang magandang anak ni Aling Pasing sa Stio hangganan.Akala nga namin kaibigan nya mula sa maynila.Si Maria Esther lang pala,iba rin kase ang ganda ng babaeng yun” napalingo pa ito “pati ang kagwapuhan ng Juanillo Montefalco nayun,nabibihag nya”

“Tumpak! Sigurado ako na mamayang gabi sila ang magiging tourist attraction sa sayawan.” Singit ng isa pang dalaga sa tabi.

“Teka..si Maria? Paano naman nya nakilala yun? Hindi ba abala sa pagtitinda yun ngayong umaga” bahagyang gulat na tanong ni Sebyo sa dalawa.

“Mahabang kwento” singit ng ikalawang dalaga “Nagmistulang Nightshining armor nya tong si Juanillo kanina e,pinigilan pa man ng Montefalco nayun ang magnanakaw na umagaw ng sobre sa kamay ni Aling Pasing.Abay! Parang teleserye ano?”

Naguguluhang kumunot ang noo ni Sebyo sa sunod sunod na balita na narinig nya sa dalawang chismosa.Hindi nya alam kung san sya magtutuon.Sa tangkang nanakawan ba sila Maria ng pera,o sa nakakainis na parte na nakilala na ng dalaga si Juanillo.Ang binatang ubod sa gwapo.

“Hoyy,ano kaba Sebyo chika lang namin yun.“kalabit ng unang dalaga sa binata ng hjndi ito nakaimik ng ilang segundo”May katotohanan…pero alam mo naman kami,nahagip lang din namin ang balita nayun“

“Hayst…kung sakali mang ayaw na sayo ni Maria,pwedeng sakin kanalang?” Biro pa ng pangalawang dalaga.

Hindi magawang makatawa ni Sebyo sa biro ng dalaga,tumanim agad sa isip nya ang pagkakataong nagkakilala na ang dalawa.Inisip pa nito ang sandaling magkasama ang dalawa sa Stio hangganan.Sa advance nitong magisip marahil nagkamabutihan na ang dalawa.

Kilala na ni Sebyo ang binatang si Juanillo.Minsan na silang nagkita subalit ni hindi manlang sila nagkausap,hindi nya alam pero noon paman sa tuwing nagbabakasyon ang binata sa Stio.Nakakaramdam sya ng kakaibang kompetisyon sa pagitan nilang dalawa.

Marahil madalas na nitong marinig ang pagkukumpara ng iba sa kagwapohan nilang dalawa.Nakatanim sa kanya ang panghihigit sa binata.Mayaman lamang ang binata,pero sa karisma nito ay hinding hindi magpapatalo si Sebyo.

Sa ngayon,nararamdaman ng binata ang pagaalala sa dalagang si Maria.Hindi nito hahayaang maagaw sa kanya ang dalaga,lalo na sa unang pagkakataon nitong sumayaw sa gabi ng pista.Ipinangako na kase ni Sebyo sa kanyang sarili na sya ang unang makakasayaw sa dalaga.Sya ang unang magpapaexperience dito kung gano kasaya ang sumayaw sa gabi ng pista habang naka kapit ito sa bisig nya.

“Mukhang malalim ang iniisip ah” komento ni Kiko “si dalgang Maria bayan?” Dugtong pa nito.Natauhan si Sebyo mula sa malalim na pagiisip,ni hindi nya namalayang nasa harapan na pala ang kaibigan.

Umiling ang binata bilang sagot.“Ano kaba? Hindi lang naman si Maria ang lamang ng isip ko”

Umupo si kiko sa tabi ni Sebyo.Kasalukuyan silang nasa creck ng bay upang tanawin ang malawak na dagat. “Siguro hindi si Maria ang laging nasa isipan mo” tumikhim ito “kundi dyan sa puso mo” sabay turo sa dibdib ng binata.

“Kailan sila nag kakilala..” malamig na tanong ni Sebyo sa kaibigan.Bahagya itong natawa “Magaling kase tong Montefalco e,akala ko kilos mayaman.Mahinhin at maarte.Hindi ko alam na kaya nyang ibalibag yung bruskong magnanakaw nayun.Muntik na manakaw ang pera nila Maria,kita yun nila kahapon at ngayong umaga.Malaki laking pera yun kung sakali”

“Parang yun lang…nagkasundo kagad sila ni Maria? Di sya makakatagal sa dalaga nayun,matigas yun e” sabi ni Sebyo na may halong tawa.

“Nagseselos kaba?” Tanong ni Kiko na ikinagulat naman ng binata.“Huh? Hindi ah,kilala ko si Maria,hindi nya ganun kabilis magustuhan ang isang lalake.Ako nga lang tumagal sa bubay nya e”

“Hindi ko hahayaang sa iba sya mahulog,sisiguraduhin ko ako ang mauuna sa puso nya….May plano ako”

CHAPTER 6

Sanay na siguro pagalitan ng isang Eduardo Montefalco ang kanyang uniko ihong anak na si Junaillo.Sa halip kase nasermonan nya ito sa paggamit ng kanyang sasakyan ng walang paalam,natuwa pa ito sa ginawa.

“If you expecting na sermon ang hapunan mo ngayon galing sakin,I will not do that” bungad ng ama pagkapasok ni Juanillo sa sala.Naabutan nitong nakaupo ang ama at nagbabasa ng dyaryo.“Masaya pa ako ngayon dahil you already get out in your comfort zone,kala ko habang buhay kang magiging introvert”

Bahagyang natawa si Juanillo “So,do you want to spoil me if gumawa ako ng kalokohan dito sa Sitio Sampaguita? I can do that para naman may pagkaablaahan ako at dumami ang kaibigan ko” malamig nitong sagot,medyo nagulat pa ang ama sa sinabi ng binata,hindi nya lamang ito ipinahata sa halip ay ngumiti pa ito sa anak.

“Hmm…you can do that” napa smirk ito “I know naman how I descipline your spoiled brat attitude kung sakali.At bilang isa sigurong parusa,you will stay here a few months left”

“Are you joking right?” Tanong ni Juanillo “you know na hindi ko kayang tumagal sa baryong to Dad.I can spend more time in my lolas house in california, but not here”

“Thats why Im happy for you… Ipakita mo lamang sakin ang improvement in your social life,hindi kana mahihirapan sa baryong ito.” Naka isip ng isang Idea si Eduardo “I want to make deal with you son”

Napaisip si Juanillo sa gustong mangyare ng ama “E ano naman yun,Dad?” Tanong nito.

“Kailangan may ipakita ka sakin kahit isang kaibigan bago matapos ang linggong ito.Babae man o lalaki tatangapin ko,I want you to live with other people and Interact them kahit minsan” kinuha nito ang isang basong tubig sa tabi nitong lamesa at ininom ito “I wont you to be alone forever Juanillo,live the past and move on…”

Pagkatapos sabihin ng ama ang deal kay Juanillo.Nagdesisyon ng umalis ang binata sa harap nito.Pero bago pa sya makaakyat sa hagdan muli nitong nilingon ang ama “I agree to you dad,sige aattend ako ng pista ngayong gabi.And I will bring a friend in front of you”

Mahalaga para kay Eduardo ang magkaroon kahit papano ng kaibigan ang anak na si Juanillo.Sa mura nitong edad ay madame na itong napagdaanan.Hindi normal para sa mga kagaya nitong kabataan.

Masakit mawalan ng mahal sa buhay,masakit mawalan ng ilaw sa isang tahanan.Ang nagbibigay kulay ng buhay nyo at ang liwanag na gagabay sa paghubog ng isang tao sa kanya sarili.Siguro doble pa ang sakit na naranasan ng isang binatang si Juanillo,simula ng mawala ng kanyang ina,nagbago na ang pakikitungo nito sa mga tao.

Laging mapagisa at laging galit sa karamihan.Nagbago din ang ugali nito,ang mabait at masunuring si Juanillo ay naging matigas ang ulo.Napapatawag sa ekwelahan ang kanyang ama,nababalitang nananakit ito ng kaklase.Hindi makontrol ang emosyon.Ang kinatatakutan ng ama’y ayaw ng muli pang maulit.Sa pagkakataon nito,nawalan man sa bagong parte ng kanilang buhay ang kanyang asawa huhubugin nya ang anak sa mabuting tao.

At isa sa susi rito ang pagkakaroon ng bagong tao sa buhay nito.Ang pagkakaroon ng kaibigan ni Juanillo.


Lugay ang mahaba at malambot na buhok ni Maria.Pinakulot ang ibaba nito.Sinuot ang gintong kwintas ng dalaga,pinarisan ng bulaklaking daster na hangganan ay tuhod lamang.Labas ang mga braso nito,kita rin ang makinis at maputi nitong dibdib na halatang makakaakit sa mga tao.

Hindi nakakabastos ang pag susuot ng offshoulder na daster para sa isang dalagang si Maria.Kay ganda nitong pagmasdan.Halos maluwa naman ang inang si Pasing ng makitang suot ito ng dalaga,sa ganda nitong taglay.Isa na itong ganap na dalagang pilipina.

“Nay,hindi naman po kasal ang aking pupuntahan.Aatend lang po ako ng sayawan” Saway ng dalaga sa maluha luha nitong ina.

“Natutuwa lang ako anak,parang dati kase.Sukbit sukbit pa kita sa mga bisig ko nung maliit kapa…” Lumapit si Pasing sa dalaga “Ngayon..dalaga kana.Hindi ko na kontrol ang pagkatao mo.Napakaganda mo pa”

Tanging ngiti at mahigpit na yakap nalang ang naisagot ni Maria sa kanyang ina.Pagkatapos nito,dagli na syang nagayos ng sarili.Hindi sya sanay maglagay ng kulerete sa mukha kaya mukhang tutulungan pa ito ng kanyang ina.

“Ano anak? Handa kana ba?” Muling tanong ni Aling Pasing.Isang matamis na ngiti ang pinakawalan ng dalaga at tumongo pa ito bilang pagsang ayon

“Hihintayin ko nalang po ngayon si Sebyo para sunduin ako,sya po ang una kong makakasayaw sa gabing ito Nay,”

“Osige,ipagbibilin ko din na sya narin ang mag uwi sayo rito sa bahay bukas ng umaga”

Sumangayon nalang ang dalaga kalaunay may narinig ng katok ang dalawa.Si Maria na ang nagbukas ng pinto,pero bahagya pa syang nagulat ng hindi si Sebyo ang bumungad sa kanya.“Oh,Kiko.Bakit nandito ka? Nasan si Sebyo?”

Ngumisi ang binata kay Maria,kumamot pa ito sa kanyang batok bago mag salita “Mukhang bababa ang mga anghel sa tala dahil sa kagandahan mo Maria”

Bahagyang hinampas ng dalaga ang biro ni Kiko.Batid nyang nagandahan din sa kanya ngayon ang kaibigan “Bolero ka talaga…nahihiya tuloy akong lumabas.E ano nga? Nasan ba si Sebyo,bakit hindi sya ang nagsundo sakin dito ngayon”

“May inaasikaso lang,katunayan pinapasundo ka nya sakin.Ako nalang raw ang magdala sayo sa sayawan at doon nalang raw kayo magkita”

Mukhang wala ng magagawa ang dalagat sumangayon nalamang ito sa kaibigan.Muli nitong nilingon ang ina at nagpaalam na.

Sa kanilang pagbaba sa munting hagdanan ng bahay,bahagyang nanlaki ang mga mata ni Maria ng may naka park na magarang sasakyan sa kanilang harapan.Nagkatinginan pa sila ni Kiko na parehas rin ang expresyon ng binata.

Ilang saglit nilang inantay ang pagpatay ng ilaw sa harap at makina ng kotse.Nakaramdam pa si Maria ng kaunting pagtataka ng may magbukas ng pinto at lumabas ang gwapong lalaki.

“Mukhang handa kana sa pista Maria?” Tanong ng binata pagkababa nito.

“Juanillo? Ikaw pala,pano mo nalaman ang bahay ko?” Takang tanong ni Maria ng mapagtanto nya na si Juanillo pala ang lalaki sa kotse.

CHAPTER 7

’Badside

Bahagya lang itong natawa “Nagtanong tanong ako..hindi naman madaling hagilapin ang bahay nyo e” tumingin ito kay kiko,napagtanto nitong may nauna na palang sumundo sa dalaga

“So..paano? Maari ko bang ihatid sa sayawan ang munting dalaga?” Sambit nito pagkalaunay tinungo ang mata kay Maria.

Hindi alam ng dalaga ang isasagot.Alam nitong may naghihintay sa kanya sa pista “wag kang magalala,he can with us.Pwede natin sya isabay pagpunta don” suhesyon ni Juanillo ng ilang segundong pananahimik ang lumipas.

“M-malapit lang naman ang pistahan Sr Montefalco.

Makakapaglakad naman kami ni Maria“ sagot ni Kiko na mukhang hindi nagugustohan ang kinikilos ng binata sa harap nya.

“Maglalakad? Ganyang kagandang dalaga ay paglalakadin mo?” Tanong ni Juanillo kasunod ang malokong tawa.Bumaling ito sa dalaga “Maria,Im sorry kung nanbigla ako sayo rito.Naisip kase kitang sundoin gayong pupunta din naman ako sa pista.Nabanggit mo din kase kaninang umaga napupunta ka hindi ba?”

“Nabanggit ko nga sayo.Nakakahiya din naman kung tatangge ako,pero inaantay ako ng kaibigan ko sa sayawan ngayon e” bumaling ito kay Kiko “oo nga,kiko.Halika sumabay nadin tayo kay Junaillo.Sigurado naman akong magkikita kami ni Sebyo dun hindi ba?”

Hindi sumagot ang binata.Kumamot pa ito sa kanyang ulo “e kase…”

“Ano tara?” Tanong ulit nito.

“Yes kiko right? You can ride with us.Isasabay kanadin namin” singit pa ni Juanillo.

Hindi alam ni kiko ang isasagot.Marahil may iba itong plano sa dalaga kung kayat ayaw nitong payagan sumakay sa kotse.Nakakaramdam sya ng pagaalala sa kaibigang si Sebyo kung hindi nito madadala ang dalaga sa kanya “So-sorry din Maria.Pero may inaantay din kase akong tao e.Sige mukang magkikita din naman kayo ni Sebyo sa pistahan,maaring mauna kana doon”

“Huh? E pano ka.Pwede kanaman sumabay hindi ba?” Pagtataka ni Maria

“Hindi ok lang,may nagaantay din ata sakin.Promise pupunta ako dun susunod kami ni Sebyo”

Mukhang wala ng nagawa si Maria sa dahilan ng kaibigan.Hindi naman maipaliwanag ang ngiti ng binatang si Juanillo na mukhang makakasama nya ang dalaga buong gabi.


Kaygandang pag masdan ang sitio hangganan dahil sa palamuti nitong maliliit na ilaw.Sa pinaka gitna ng mahabang daan nito ay may nakapwesto na bilog na lamesa.May dalawang upuan para sa dalawang tao.

May pulang sapin ito at may bulaklak sa gitna na pangdesenyo.Mukhang mamahalin ang pagkakaayos nito dahil sa idea ni Sebyo.

Handa na ang binata para sa gagawin.Isi net up nya itong lahat para sa kaisa isang dalaga sa puso nya,si Maria.Sa gabi kasing ito,araw ng pista ay magtatapat ng damdamin ang binatang si Sebyo sa kaibigan.Naisip nyang paghandaan ito ng magarbong date area sa gitna ng mahabang daan dito sa sitio hangganan.Buong hapon nya ito inihanda,pinagisipan ang bawat detalye,pinag handa ang mismong sarili para sa gagawin.

Ngayon,aaminin na nya ang lihim na pagtingin sa dalaga.Marahil iniisip nitong masisira ang kanilang pagkakaibigan,sawa na sya sa pagtago ng katotohanan dito.

Kabog ng dibdib at pagalon ng dagat ang tanging maririnig.Nagdoble pa ang kaba ng mahunihan na nya ang kaibigang si Kiko,ang sumundo kay Maria.Imbis na ngiti ang nakita sa kaibigan,nakasimangot ito at kamot ang likudan ng ulo.

“Asan si Maria?” Takang tanong nito.“wag mong sabihin,hindi nanaman sya pinayagan ni Aling Pasing?” Bakas ang pagkadismaya sa boses.

“Yuna nga e,nasundo ko na sya.Kung hindi lang umepal tong anak ng Montefalco” bakas din sa boses nito ang pagkadismaya.

Naginit ang tenga ni Sebyo sa pangalang binanggit ng kaibigan.Mukhang tama ang naiisip nya,marahil nahulog din ang loob ng binatang iyun sa dalaga.Ito lamang ang kinatatakutan ni Sebyo,wala syang magagawa kung sa mayamang binata nayun mahulog ang loob ni Maria.

“Naka kotse sya boy e,ang gara nun.Isa pa napakaganda ng soot nya,halatang mamahalin at lumabas ang kagwapuhan nya.Mayaman nga talaga ang mokong” dugtong ni Kiko,ng hindi magsalita si Sebyo.

“Lumalabas kamo ang pagkamayabang nya” tanging sambit nalamang nya.Tsaka nagpakawala ng malalim na hininga.Pinapakalma ang sarili.

Narinig nyang bumuntong hininga rin si Kiko bago ito muling nagsalita “Hindi ko alam kung anong nakita ni Maria sa lalaking yun.Oo alam kong mayaman ang Montefalco nayun,pero hindi nya ba iniisip na may pinagsamahan kayo.Hindi man lang sya nahiya sayo na nagaantay.Inuna nya pa talaga yung taong yun na bago nya lang nakilala.kung ako sakanya,ikaw ang pipiliin ko”

Muling bumuntong hininga si Sebyo dahil sa reyalesasyon ng kaibigan.Marahil matagal na silang nagkakakilala,pero ni hindi man inisip ng dalaga ang nararamdaman nya.Magkaibigan sila,matagal na,pero kahit kailan hindi nagpakita ang dalaga ng nararamdaman katulad nya.

Ayaw man maramdaman ni Sebyo ang galit,pero namumuo na ito sa kanyang dibdib. Wag kang papadala sa galit mo sebyo,si maria…kaibigan mo sya.Dapat irespeto mo sya….mahal mo sya hindi ba?–

“ Sana lang hindi mahulog ang loob ni Maria sa lalaking yun.Sa karisma kase nitong Montefalco mapapaibig nya talaga ang dalagang si Maria“ akala nya titigil na ang kaibigan sa pagpapabor kay Juanillo at Maria.Pero lalo lang nagpintig ang kanyang tenga.

Malamnay itong nagtanong kay Kiko “t-tingin mo ba?…bagay silang dalawa?”

Natawa pa ang binata “diko din alam e,alam mo kase.Maganda si Maria,gwapo yung montefalco.Gwapo kadin naman,kaso parang slot yan si Maria e…iisa nalang kaya kailangan mag unahan”

“Tingin mo ba?… Paginuhan ko na sya? Mapapasakin si Maria?” muling tanong nito.Sa pagkakaton nato nagtaka na si Kiko.Kilala nya ang kaibigan si Sebyo,mabait ito ngunit masama itong magalit.

Parang nawawala ito sa kanyang sarili at kung hindi kapani paniwala.

Kaya nitong pumatay…

Kaya nakaramdaman ng konting kaba ang binata dahil baka atakihin ng sakit na bipolar si Sebyo.Nagsisi tuloy ang binata sa mga sinabe nito.

“Hehe’ uyy Seb baka atakihin kananaman ng sakit mo ah.ok lang yan..alam naman nya na magkikita kayo sa Pisatahan e” pagaalala ni Kiko dahil sa kakaibang kilos ni Sebyo.Lumapit na ito kay sebyo tsaka tinapik ang braso nito.Sinubukan nyang pakalmahin ang binata.

“Sagutin mo nalang ang tanong ko! Paginunahan ko ba ang Montefalcong yun mapapasakin na si Maria?”

“Sebyo..baka hindi mo nanaman makontrol ang galit mo.Baka atakihin ka nanaman ng bipolar deseas mo” suhestyon nalang ni kiko.Ngunit mukhang kinain na kagad ng galit ang binatang si Sebyo.

Naramdaman nitong umaakyat ang dugo nya mula sa taas ng ulo.Hindi na nya nakontrol ang sarilit tuluyan na ngang inatake ng kanyang sakit.

Pigil ni Kiko ang galit na si Sebyo,subukan man maibsan ng galit ibinaling ito sa mga inahandang gamit.Winasak at itinapon.Ang dating ganda ng date area nagmukhang desaster ang dating.

Napasapo nalamang si Kiko…mali ang pagsangayon na kanyang ginawa.

Nakalimutan nyang may sakit si Sebyo.At hindi maganda ito para sa Bipolar na kaibigan.

“Pagpasyensyahan mo sana ako kanina ha” basag sa katahimikan ni Juanillo sa loob ng kotse.Kasalukuyan na nilang binabagtas ang daanan patungo sa parke kung saan gaganapin ang SuMaKa (suman mangga kasoy)

_

____ .

“ Pasensya para saan naman?“ Inosente namang tanong ng dalaga,habang ang matay naka tingin parin sa daan.

Bahagyang tumawa si Juanillo “Pakiramdam ko kase…inagaw kita sa ka date mo ngayong gabi e.Baka magselos yun pag nakita tayong magkasama mamaya sa pista”

“Ah si Sebyo ba ang tinutukoy mo? Hindi ko naman iniisip na kadate ko yung mokong nayun.Kaibigan ko lang sya ano kaba?Niyaya nya lang ako para makapagsaya sa pista.Atsaka,magkikita naman kami nun” Paliwanag ni Maria na ikinatawa nya rin.

“Sebyo ba ang pangalan ng kasama mo Kanina? akala ko kiko” Muling tanong ng binata.

“Yung kanina, bestfriend yun ni Sebyo mula bata pa sya,si kiko.Sinundo nya lang ako dahil busy daw si Sebyo ngayon para sa paghahanda”

Lumingo si Juanillo habang pigil ang ngisi.Dahil dito napatingin sa kanya ang dalaga “Akala ko naman,mga kagaya nya ang nanliligaw sayo.Lumakas tuloy ang loob ko” paliwanag nito.

“Kaibigan ko lang naman yun si Kiko,mabait at nakakatawa yung tao nayun.Mukhang hindi naman nya ko liligawan dahil may nobya na ata yang loko nayun”

“E yung Sebyo…nanliligaw ba sayo yun?” Siguroy inosenteng tanong lamang ito ni Juanillo pero bahagyang nagulat si Maria dahil dito.

Pinilit nyang tumawa,alam kase ng dalaga na may nararamdaman na sa kanya ang kaibigang si Sebyo.Hindi din nito sigurado kung manliligaw pa ito.Minsan na kase nya itong binasted.

“ahm…si Sebyo matalik na kaibigan ko yun.Mabait din ang taong yun,lagi kaming tinutulungan ni Nanay sa pagaayos ng paninda.Sobrang maasahan yun kaya naman bilib ako dun at malaki ang pasasalamat” nagpakawala ng malalim na hininga si Maria bago ibinaling ang paningin sa labas ng kotse.“Mabuti ang tao nayun,isa rin siguro sa dahilan kung bakit hindi na sya sinusumpong sa sakit nya.Nagpapasalamat ako dahil gumaling na sya…”

“So you really into him na talaga no?Kilalang kilala mo na talaaga yung sebyo.”

Napatingin naman ang dalaga sa gawi ni Juanillo,saglit pang inayos ang damit dahil sa hindi komportableng nararamdaman.

“Nilalamig kana ba? Im sorry diko napatay ang aircon”Biglang na bodered ang binata.

“H-hindi ok la–”

Hindi na naituloy pa ni Maria ang sasabihin sa biglang paglapit sa gawi nya si Juanillo.Gamit ang kanang kamay inabot nito ang aircon para patayin.

Hindi sinasadya nitong matabig ang dibdib ni Maria.Hindi ito napansin ni Maria,sa saglit na pagkakataong ito,mga mata ng dalawa ay nagtagpo.Hindi maipaliwanag ang nararamdaman pero mabilis na tibok ng puso ang biglang naramdaman ni Maria.

Si Juanillo nama’y ganun din ang naramdaman,mabilis nyang iniwas ang tingin at ibinalik ang sarili sa dating pwesto.

“S-sorry..sana hindi ka nailang sa ginawa ko.Hindi ko sinasadya” sambit ng binata pagkabalik nito sa drive sit.

“H-huh? Anong ginawa,ok lang naman Juanillo.Saglit naman na marating  ang Parke,dapat nga hindi mo na pinatay e.”

Mukhang hindi nga naramdaman ni Maria ang di sinasadyang pagtabig kanina.Nakahinga naman ng maluwag si Juanillo sa pagaalala na baka nabastos na nya ang dalaga.

Ilang segundo ang katahimikan.Katagalay binasag nanaman ito ni Juanillo “So…Sebyo courting on you?”

Hindi agad nakasagot si Maria sa tanong ng binata.Nanatili itong tahimik.

“Ehem…Tatanungin sana kita kung nanliligaw na sayo si Sebyo”

Saglit itong tumikhim

“Ma-manliligaw sana kase ako…”

CHAPTER 8

AN :Pleas read it simula umpisa para hindi kayo maligaw.Sa tagal nang di ko pag update dito,pwedeng mawala na kayo sa wisyo.

So hi! Hehe,this is me again.Hffmanfirefly at muli.Welcome sa bagong storya na na-hold lang dahil sa pagtapos ko sa novel ko.Hindi ko maipapangako ang palagiang update dito kasi hanggang ngayon, kinakapa ko pa ang kwento.Sorry kasi ngayon lang,wala rin kasi ako sa sariling isulat to dahil baka nga masira ko lang.

Pero hindi ko pa naman sya ipinapangakong maganda kasi kayo ang magsasabi nun.Just stay tuned fireflys ✨.Muli tandaan,wag umasa may palagiang update. Tamad akong author pero nang-gugulat ako.Sana lang may magbasa pa nito hehe.Salamat! And…

Happy reading 💕

₩₩₩₩₩₩

Napatingin sa malayo si Maria ng mahunian ang sinabi ni Juanillo sa kanya.Para syang binuhusan ng malamig na tubig.Tila kasi napakabilis ng binata gayung pagpapakilala pa lamang nila kaninang umaga.

Hindi nya alam ang isasagot,kayat nanatili syang tahimik.Hanggang sa narinig nyang umikhim ang binata upang magsalita.

“Im sorry” ani nito “N-nabigla ka yata” napatingin sya dito “Alam ko ng kaibigan lang kayo nung Sebyo,at hindi sya nanliligaw sayo.Pero mukhang may nararamdaman kana yata sa kanya?” Bahagya itong natawa kapag kuwan ay naging siryoso “Dont worry,ihahatid nalang kita sa pista.Tapos uuwi narin ako”

Kumunot ang noo nya dahil sa sinabi ng binata “Ano? Bakit naman?” Takang tanong nya “Bago ka lang dito,at unang beses palang ako makakapunta sa pistang gabi.Parehas tayong wala sa mga gantong bagay,kaya iiwan moko?”

Saglit na natigilan ang binata “Ahm,no” ani nito “D-diba naghihintay sayo si Sebyo? Im sure Ii-accommodate ka nya” mahinang itong tumawa “Ayoko namang mao-pi dun sa sayawan.Lalo nat” napansin nyang bahagya itong tumingin sa kanya kapagkuwan ay muling ibinalik ang tingin sa daanan “W-wala akong ka date”

“Ganun ba?..” Ani nya at napabuga ng hininga. Napaisip sya sa binatang si Sebyo “Sa palagay ko kasi, maraming makikisayaw kay Sebyo ngayong gabi.Sikat yun dito sa stio Sampaguita e,baka maiwan nya ako mamaya dahil busy na sya sa mga kaibigan nya”

Umikhim ang binata “kaya ba kailangan mo ko para dika mao-pi?” Tanong nito na ikinatigil nya.Hindi sya naka sagot,dahil  mukhang tama ang binata.Ito lang kasi ang bago nyang kaibigan kagya nya walang kaibigan dito ang binata.Maari syang makabuo ng company dito para hindi sya ma-out of place sa pistang hindi naman nya alam kung paano makipag kaibigan sa iba.Sa binatang ito,maaring makausap nya sa gitna ng ingay ng lahat kahit papano.

Narinig nyang napabuga ng malalim ang binata.Halata mula dito ang pagdadalwang isip na ipinagtaka naman nya “Ok” ani nito kapag kuwan ay mahinang natawa “Kita mo,nabasted na ako ng babae,na friendzone pa ako.Buti nalang may kasunduan kami ni Dad”

“Kasunduan?” Tanong nya sa huling sinabe ng binata.

Tumango ito sa kanya “Yeah” sagot nito “Ang sabi kasi sakin ni dad e,sa oras na magkaroon ako ng kaibigan dito sa Stio.Kahit isa lang,hindi na nya ako pananatilihin sa boring na lugar nato.Uuwi na kaagad ako sa manila.” He tsked “kaya I grab this oppurtunity” natigilan sya ng maglahad ng kamay ang binata na bahagya nyang ikinatigil.“Lets be friend?” Tanong nito.Tinignan nya ang isang kamay nitong nakalahad sa kanya bago nya dahan dahang tinanggap.

Nakita nya ang maikling ngiti sa binata ng maglapat ang kanilang mga palad.Sa pagkakataong ito,hindi nya alam pero nakaramdam sya ng kasiyahan makita ang binata na may saya sa mukha nito.Tila kasi,natulungan nya ito maalis kahit saglit ang lungkot nito na nakikita nya sa mata ng binata.

Hindi nya alam pero,kagaya ng nasabi sa kanya nito kanina sa sitio hangganan. Nawalan na ito ng isa sa mahal sa buhay.

Maaring maoffer nya ang isang pagkakaibigang hinihiling nito.

Kahit kaibigan lang…

“Yes” nakangiting sagot nya “Lets be friend”

ISANG maliwanag at nagkikislapang ilaw ang bumugad sa kanila ni Juanillo.Narating na nila ang plasa kung saan pagdadausan ng pista.Manghang mangha sya sa mga nakikita,mula sa ibat ibang kulay ng bandiritas.

Napaka-gandang desenyo ng arko na dadaanan mo bago ka makapasok sa masaya at makulay na kasiyahan. Nakasulat sa taas nito ang pangalan ng kanilang ipinagdiriwang ’SuMaKa Festival.

Natutuwa sya na mahal na mahal ng simpleng baryong ito ang kanilang prudoktong Suman,mangga at kasoy.Sa prudokto din kasi ito nabubuhay ang mga tao sa baryong ito.Ito din kasi ang dahilan kung bakit dinarayo ng mga turista ang lugar nila.Bukod din kasi sa prudokto nila,may mga kakanin,handymade tulad ng bayong,pamaypay at ibat iba pang mga kagamitan.Masusi itong ginagawa sa pamamagitan ng pagtatahi, kaya naman worth it ito kung bibilhen ng kung sino man.

Sa kanilang pagmamasid masid,hindi na nila namalayang malapit na sila sa pinaka sentro ng parke.Sa gitna nito,may nakatayong apat ka haliging pinapatungan ng magarbong bubong.May ilaw na nakadisensyo na nagpapaganda ng bagay naiyun.Kaya naman tila nakakaenganyong sumayaw sa gitna nun kasama ang kapartner mo.Dito sumasayaw ang mga magkakapartner ngayong gabi.Kasabay ng magandang tugtog at malamig na simoy ng hangin,masayang makasama ang taong makakasayaw mo dito,na kahit parehas siguro kaliwa ang inyong mga paa ay walang magiging problema.

Napalingon sya sa binata katabi nya na wala pang imik mula kanina.Katulad nya, kapwa din itong namamangha sa mga nakikita nya sa pistang ito.

“A-ayos lang ba kung dito tayo pe-pwesto?” Ani nya na ang tinutukoy ay ang gawi nila ng binata mula sa gilid ng plasa.

Tumango ito sa kanya “Nasan naba yung binatang ka date mo?” Tanong nito “Masamang pinaghihintay ang babae pagka gantong kasiyahan”

Napatitig sya sa binata ng ilang segundo.Kasya lang sumagi sa isip nya na oo ngat isasayaw sya ni Sebyo ngayong gabi.Kaya naman napalingo ang ulo nya na tila may hinahanap kung saan.Sa gulo si siguro ng mga tao at sa malilikot na galaw ng mga nagsasayaw sa buong plaza.Malabo nya atang makita ang binata.

“Aantayin ko nalang sya” nakangiting ani nya.Biglang sumagi sa isip nya ang binitawang pangako sa kaibigang si Sebyo.Ito ang laging nag-yayaya sa kanya upang dumalo sa pista.Pero dahil never syang pinapayagan hindi sya nakakapunta.Kita nya sa mukha nito ang lungkot sa tuwing nabibigo ito,kaya naman bilang isa syang mabuting kaibigan.

Nangako sya sa binatang ito ang kauna unahang magsasayaw sa kanya sa oras na payagan man sya ng ina sa pista.

Kaya heto sya,masiglang magaantay sa binata “Ayaw mo bang malibang ang sarili mo?” Tanong ng binata ng ilang segundo na silang tahimik sa kinatatayuan.

“Hindi,nalilibang naman ako sa mga tao.” Sagot nya “Tsaka masayang panoodin ang mga nagsasayaw diba? Nakakalibang nayan kahit nakatayo lang tayo dito” ani nya bahagya syang tumawa.

Saglit nyang tinignan ang binatang katabi.Kasya nya nahunian ang pagtitinig nito sa kanya na kalaunay naging mahinang tawa na ipinagtaka maman nya “I dont know how to dance” ani nito “But I dont think for those girls whos responsible waiting for theire partner to dance with them” ngumiti ito sa kanya kapag kuwan ay inilahad nito ang kanang kamay sa kanya “Can I dance with you Maria?”

Hindi nya alam ang isasagot dahil sa pagkagulat.Napatitig lang sya dahil hindi nya alam kung paano irereject ang alok ng binata.Hindi nya alam kung bakit pero sa oras na makipag sayaw sya dito.

Maaring masira nya ang pangako mula sa matalik na kaibigang si Sebyo. Panigurado kasing si Juanillo na ang unang nyang makakasayaw sa gabing ito.

“T-tina tanggihan mo nanaman ba ako?” Nakangiwing ani nito.

Dahil sa sinabi ng binata. Napangiwi din sya at dahan dahang tumango para sagutin ito.

“Ouch…” Natatawang ani nito “Nakaka ilang puntos na yung Sebyo nayun ah.Biruin mo,ni-reject mo ako sa panliligaw.Tapos sa pagsayaw ayaw modin” kumamot ito sa ulo na parang pumalpak sa plano.Maria cant stop but she’s find that cute “Kahit hindi mo aminin Maria,you probably inlove for that man right?”

“Hindi no” mabilis na dipensa nya sa huling sinabi ng binata “Ano kasi e,m-may pangako lang talaga ako sa kanya” naiilang ani nya. Napansin nyang bahagyang kumunot ang ulo ng binata pero hindi na ito nagsalita “Madalas kasi nya akong yayain sa pista simula ng maging teenager kami.

Laging hindi ako pinapayagan ni Ina dahil sa pag aa-lala sakin.Kaya pinangako ko sa kanya na sa oras na payagan man ako,sisiguraduhin kong sya  ang unang makakasayaw sakin.Gaya ngayong gabi,gusto kong tupadin ang pangakong yun“

Natango nalamang ang binata dahil sa sinabe nya.Palihim nalamang syang nagpasalamat dahil kita nya dito na hindi ito napahiya sa ginawa nya.Sana lang at hindi ito gawing bigdeal ng mga babaeng nakatingin at napapasulyap kay Juanillo kanina pa.Sigurado kasing pagtsi-chismisan nanaman sya ng mga ito sa oras na kumalat na tinanggihan nya ang isang Montifalco sa pag sasayaw.

“Sa dami ng tao dito,mukhang hindi ka nya makikita” ani ng binata pagkaraan ng ilang segundo “Gusto mo ba? Hanapin na natin sila?”

Umaliwalas ang mukha nya dahil sa suhestsyon nito kaya naman pumayag na sya.Tahimik lang silang tumalima sa gawi nila.At binagtas ang daan.Ngunit hindi pa man sila nakakalayo,natigilan sila ng isang babae ang lumapit sa kanila ni Juanillo.Kapwa sila nagtaka ng makita mula sa matanda ang kislap sa mga mata nito kasiyahan.

“Maria Esther…” Ani nito kapagkuwan ay hinawakan sya sa kaliwang kamay at sa kanang kamay naman si Juanillo “Matagal ko ng hinintay ang pagkakataong ito.Ang maging ganap kang dalaga at makita ka dito sa kasiyahan” saglit nitong pinasadahan ng tingin ang binatang katabi nya.At mula dito,nakita nya pang mas lumawak ang ngiti ng matanda “Mukhang ibang binata ang kasama mo Iha” saad nito “Pero alam ko sa binata ito ka mas liligaya. Masaya akong makitang magkasama kayo.Dahil sa ngayong gabi,masisilayan ng baryong ito ang Prinsipe at Prinsesa ng SuMaka”

Hindi na nya nakayanan ang mga sinasabi nya at dahan dahan nyang inagaw ang kamag sa matanda.Kapwa silang taka ni Juanillo ng sandaling magkatinginan sila.“S-sandali po” ani nya sa matanda “Sa katunayan po kasi e,nagmamadali kami. Hinahanap po kasi namin yung isa pa naming kaibi-”

“Tusing!” Tawag ng matanda na nag patigil sa sasabihin nya.Maya maya lumapit sa kanya ang medgo may katabaang babae na may kulot na buhok.Kagaya ng matanda,may kislap sa mga mata nito ng makita silang magkasama ni Juanillo.

“Sila naba yun ina?” Ani ng babae

“Oo,magmadali ka’t bigyan mo sila ng maskara” sagot ng matanda “Kailangan makita ng buong baryo ang pinagmamalaki nating prinsipe at prinsesa ng gabing ito”

Hindi na sila nakapag reklamo pa at dagli na silang hinatak ng babae’t matanda kung saan.Hindi nya alam kung saan na sya napadpad kaya binalot na sya ng kaba ng mawala sa tabi nya ang binata.Hindi na nya itong nagawang hanapin pa dahil namalayan na nyang pinapasok sya ng dalawa sa isang tent na gawa sa trapal.

Mabibilis ang mga kilos ng mga ito kung kayat hindi na sya nakapag tanong pa.Basta kung ano ano nalamang ang nilagay sa kanyang mukha ng matanda habang inaayusan naman sya ng buhok ng babae,nakalugay parin ito pero hindi katulad ng dati.Mas malambot at matingkad na.Hindi nya alam kung ano na ang itsura nya ngayon pero alam nya na hindi sya kumportable dito.Mabuti nalang at hindi na sya pinalitan ng damit ng dalawa dahil mukhang gagawin nya ang lahat para lang makatakas sa mga susunod na mangyayari.

Hindi nya mapigilang mag-alala sa binatang kasama kung saan na napadpad yun.Kaya naman naglakas na syang magtanong sa dalawa.Pero bago nya pa nagawa yun,natigilan sya ng may iniabot sa kanya ang matanda na isang bagay.

Isa itong maskara.

“Suotin mo yan bilang iyung pagkilala sa lahat iha” ani nito na ikinakunot nanaman ng noo nya “Halos ilang dekada nayan sinusuot ng mga dalagang napipili namin ni Marikit bilang isang prinsesang tanglaw sa gabing ito”

“Alam mo bang bata palang ako gusto ko nayan masuot pagnasa wastong edad na ako” saad ng babae na ang pangalan ay Marikit ayun sa kanyang ina “Pero hindi ako binayayaan ng angking ganda katulad mo Maria. Kaya wala akong karapatan suotin ang bagay nayan”

Dahan dahan syang napatingin sa hawak na maskara.Sa sandaling iyun,dito nya nahunian nakay ganda pala ng maskarang hawak nya.Kung hindi sya nagmamalik mata,bahagya pa itong tumitingkad na tila binalutan ng maliliit at tunay na alahas.

“Bakit po ako?” Takang tanong nya sa dalawa. Naramdaman nyang lumapit sa kanya ang matanda kapagkuwan ay hinawakan sa balikat.

“Sapagkat sa taglay mong kaigandahan.May buhay na magdudusa sa pagdating ng bagong henerasyon” ani nito na bahagya naman nyang ikina kaba.“Sa buhay,kung may isang maganda,may kapangitan ang kalalabasan sa pagdating ng bagong buhay.Hindi man sa pisikal,ngunit sa para rin sa karanasan”

“Kaya sa pagsapit ng isang taon nanamang kasiyahan” singit ng Marikit “Ipinapahiram namin yan sa isang dalaga na nagtataglay ng kagandahan tulad mo.Isang proteksyon para sa isang buhay sa susunod na henerasyon.Isang paggabay dahil kahit ano pa ang kanyang maranasan sa buhay,mapait man ito o matamis.Mananatili parin syang matatag”

Sandaling binalot sila ng katahimikan.Hindi nya maabasorb ang mga sinasabe ng magina.

“Hindi ko kayo maintindihan” ani nya “L-lahat ba ng binigyan nyo nito,masama ang mararanasan ng bagong henerasyo nila?”

Lumingo ang matanda sa tanong nya “Hindi” sagot nito “Minsan,sila narin ang nakakaranas ng pait ng kapalaran dahil sa angking kagandahan nila,maipapasa lang sa bagong henerasyon nila ang karangyaan.Pero may iba naman ding may kamalasan.Mararanasan na kasi nila ang pait ng kapalaran,pero mararasan din ito ng bagong henerasyon”

“Ano naman ang dapat kong gawin para mapigilan ko ang mga yun” hindi nya mapigilang tanong ulit.

“Wala” sagot ni Marikit “kailangan mo lang suotin ang maskarang iyan at sa susunod pang mangyayari sa iyung buhay mo pa malalaman kung may kabutihan ngang mangyayari.Baka sayo,o baka sa magiging anak mo”

Dahil sa mga narinig,nabalot sya ng kaba at alinlangan. Tila ang mga kamay nya mismo ang pumipigil na hindi masuot ang maskarang ipapahiram sa kanya.

“H-hindi ko na kayo maintindihan” ani nya “kung ano ano ng pinagaasabi nyo” inuwestra nito ang maskara sa dalawa at magbabadyang umalis na.Pero wala man sa mga ito ang tumanggap.

“Ikaw si Maria Esther Castriel” saad ng matanda “Sa gabing ito makikidiwang ka sa lahat.Pero pagkatapos ng gabing ito.Kasya mo lang mararanasan ang iyung tunay na kapalaran.Ikaw lang ang may karapatang magsuot nyan ngayong gabi”

“Kailangan mo yan suotin” saad ni Marikit “Alang alang sa kapalaran ng bagong mong henerasyon.Mabuti man ito o masama”

CHAPTER 9

Ipag paumanhin ang mga wrong spelling at grammar na mababasa nyo dito.Marahil wala lang time si Author upang iedit ang chapter na ito.Salamat sa nagbabasa at sa mga nakakaintindi.Lubos kong kinasisiya ang bagay na iyun.

Happy reading 💕

₩₩₩₩₩₩

B

inabalot ng malamig na pawis si Maria nung oras na lumabas sya mula sa isang pintuan.Bumungad sa kanya ang maliwanag na ilaw,mga ingay ng tao at malamig na simoy ng hangin. Nakamulatan nyang papasok na sya sa bukana ng plaza.

Dito nakapila sa dalawang helera ang mga babae’t lalaki na magkakatapat.Lahat sila ay naka suot barong at saya.Sinauang kasuotan ng mga pilipino.Sa kanyang tapat,tila binibigyan sya ng daanan sa gitna.Dito sya lalakad upang tunguin ang pinaka sentro.Sa apat na haliging nakatayo sa gitna,napapatungan ng magarbong bubong.Hindi nya alam na isa sya sa sasayaw dito.Hindi nya alam na kung mamalasin at sya pa ang tila magdadala ng lahat.

Dito nya naramdaman ang isang malaking paghahanda sa pistang ito.Sa kasamaang palad,hindi nya inaasahan na kasama sya sa pagdadausang sayawan na sya pa ang mamumuno.

Hindi sya marunong sumayaw.Sa kanyang palagay parehas ata kaliwa ang kanyang mga paa.Pero bakit nga ba sya nandidito? Bakit sya ang tila sentro ng sayawang ito?

’Dahil ikaw ang natatangi,may angking kagandahan.Kapalit ay kadusahan.

Hindi nya ito hiningi.Sa itsura nyang taglay hindi nya ito hiniling kanino man.Pero sapat naba ang kagandahan na hindi nya hiniling kailan man ay kapalit ang pagdurusa.Pero bakit sya? Bakit sya ang makakaranas ng hinagpis ng mundo.Dahil ba sa maganda sya?

Isa lamang siguro ang kanyang napagtanto sa gabing iyun,tila isang kamalasan ang magkaroon ng kagandahang mukha.

Nagsimula ang magandang tugtog sa paligid.Ang kaninang babae’t lalaking nakahelera sa gilid nya ay nag-kanya kanyang hinarap ang mga kapareha.Pero sya, nanatili sa gitna ng nakatayong apat na haligi na may magarbong bubong.Hinihintay ang mga mangyayare.Hanggang sa isang lalaki ang lumapit mula sa harap nya.

Katulad nya,naka maskara ito,kalahati ng mukha nito ay nababalot.Ilang segundo nyang pinagmasdan ang binatang nakatayo sa harap nya.Kasya nya lang nahunian kung sino ang nilalang na ito. ’Si

Juanillo. Kahit siguro maliit na butas lang ang nagtatakip sa mata ng binata.Kita nya parin ang ganda ng mga ito.

It cant’ help but he felt something different sa lalaking iyun.Tila tumatalbog ang puso nya sa dibdib dahil nagagandahang syang makita ang binata habang may suot itong maskara.

’Parang isang mystery prince ang nasa kanyang harapan.

Naramdaman nya ang paglapit nito sa kanya.“Maria,a-anong nangyayari?” Ani nito na ikinangisi nya sa loob.Siguro ngat katulad nya ang binata na walang alam sa lahat ng nangyayari sa kanila.

Mukhang nadamay din ito sa pakulo ng dalawang babae na kanyang nakausap kanina.

“Hindi ko alam?” Sagot nya “Pero sa tingin ko kailangan may gawin tayo”

“Ano yun?” Tanong ng binata.

“Kailangan nating makisama” sagot nya “Maraming nanunuod satin.Sa ngayon,sa atin pinapaubaya ang gabing ito.Kailan nating sumayaw kagaya ng iba.Ang kaso lang,parehas kaliwa ang mga paa ko”

Tinignan nya ang binata sa labi dahil sa bahagyang pagtawa nito.

“Osige wag kang mag alala” ani nito at bigla nalang sya nitong hinwakan sa magkabilang bewang dahilan upang mapalapit pa sya sa katawan nito.“Ako ang bahala,I know how to dance….kahit papano”

Hindi na sya nag reklamo.Basta sinunod nya nalang ang binata ng sabihin nitong hawakan nya ito sa magkabilang balikat.Pagkatapos ay unti unti nilang sinabayan ang tugtog sa buong paligid.

Sa mga sandaling iyun,tila agad na nawaglit ang kaba nya sa dibdib.Ang buong lakas nya ay pinaubaya nya sa binata na parang simple lang ito kung paano sya dalhin.

Napatitig nalamang sya sa mga labi nito na kayang abutin ng butas ng maskara nya.Hindi nya alam pero hindi sya mapadako ang paningin sa mata ng binata.Hindi nya kasi masisigurong hindi nya agad maaalis ang titig nya dito.

“Sino sila?” Tanong nito pagkaraan ng ilang pang segundo.Ang tinutukoy siguro nito ay ang dalawang mag-ina na basta nalang sya hinatak kung saan.

“Hindi ko din alam e” sagot nya at inilihis ang paningin sa mga nagsasayaw sa paligid nila ng binata.Dahil siguro sa kabang nararamdaman kanina,kasya nya lang napansin na sila lang pala ang tao sa loob ng apat na haliging nayun.Ibig sabihin,ngayon mga segundo sa pagsasayaw nila. Nakatingin ang lahat at makikita ang kahit ano mang hibla ng galaw nila. “K-kinakabahan ako” ani nya pa “Hindi dahil sa sayaw na to”

“Para san naman?” Tanong ng binata.

“Hindi ko alam pero dahil siguro sa mga sinabi ng magina sakin kanina”

Bago pa sumagot ang binata.Sandali sya nitong inilayo sa katawan nito,pero magkahawak parin ang kanilang mga kamay.

Kaya naman sa oras na pagbalik,nya patalikod syang umikot kung kayat lumapat sa likudan nya ang matikas na dibdib ng binata.

“Wag kang matakot…” Ani nito nung oras na sumintro sa likod ng tenga nya ang bibig nito.Muli nitong pinaglayo ang mga katawan pero sa pagkakataong ito,nung oras na lumapit sya.

Hinawakan na sya nito sa likudan at dahan dahang lumapit paharap sa binata.“Andito ako,you can tell me what they told you.May sinabe ba sila?” muling saad nito nung magtapat ang kanilang mga mukha.

Agad syang napaiwas ng ulo.Alam nyang wala ito sa binata kaya naman hindi nya maintindihan ang sarili kung bakit tila naapektuhan sya samyo nito.Ang lalaking lalaking amoy ng binata ay tila nakakahumaling sa kanyang ilong.Hindi nya ito naramdaman kay Sebyo kailan man pero sa binatang ito.Nakaramdam sya ng pagkatakam.

“M-Madami” sagot nya “Yung iba hindi ko na naintindihan”

Bumalik sila sa pwesto kanina kung saan nakawahawak lang sya sa balikat ng binata.Hindi nya alam na pinagmamasdan na pala sya nito sa mukha ng hindi nya namamalayan.

“May problema ba?” Tanong nito “bakit ka ba talaga kinakabahan?”

Napahinga sya ng malalim “Para siguro sa lahat masayang ikaw ang maging sentro ng kapistahang ito” sagot nya “Pero may dahilan kung bakit ako pinili ng mag inang yun”

Hindi nya man makita sa suot na maskara ng binata.Pero alam nyang kumunot ang noo nito “Ikaw pinili kasi,ikaw ang pinaka maganda sa baryong ito” saad nito.

“Hindi lang yun” ani nya “Juanillo may kahaharapin akong sularinin pagdating ng araw.Ayun sa sinabi ng mag-ina.Ang pakikisayaw ko sa sentro ng lahat.Ay parang ritwal upang maalis kahit isa samin ang lahat ng kamalasang mangyayari”

“Saamin?” Tanong ulit ng binata “Sino yung isa? At ano yung suliranin na sinasabi mo?” Bakas sa binata ang pagtataka sa mga tanong nito.

“Kami ng magiging anak ko” sagot nya “Ang ginagawa nating pagsayaw ay isang ritwal upang magpaalis ng kamalasan kahit isa lang saamin ng magiging anak ko in the future.Kung hindi sa magiging anak ko mapupunta ang malas.Maaring sakin”

Ilang segundo hindi nakasagot ang binata kaya sya ulit ang nagsalita.

“Naniniwala ka naman diba?” Tanong nya.“Halos bawat henerasyon daw nangyayari ang mga ganto.Ang hindi ko alam kung bakit sa mga magagandang pagmumukha lang nangyayari ang suliranin na sinasabi ng magina” sa pagkakataong iyun,lakas loob syang tumitig sa mata ng binata.

Nakatingin din ito sa kanya na punong puno ang mga katanungan sa isip “Kasalanan bang biyayaan ka ng magandang pagmumukha?” Ani nya “Hindi ko to hiniling Juanillo.Mas gugustohin kong maging simpleng tao na hindi napapansin ng lahat kung ano man ang itsura”

“Mga sumpa?” Tanong ng binata “Suliranin? Kamalasan? Pero bakit ikaw naman? Alam kong may hindi kagandahan ang ilang mukha ng mga tao.Pero tao padin sila? Bakit kayo lang na may binayayaan ng mukha ang makakaranas ng mga suliranin?”

“Hindi ko alam” ani nya at napaisip sa isang bagay “Pero alam ko may lumang kwento ang baryong ito.Isa sa mga kwento ng isang dalagang walang mukha”

Saglit silang binalot ng katahimikan dahil sa huli nyang sinabi.Sa mga pagkakataong iyun,tinulungan sya ng binata na gawin pa ang ilang step sa pagsasayaw nila.At nang muli silang bumalik sa pwesto kung saan nakahawak sya sa balikat nito.Bahagya syang natigilan ng ilapit nito ang bibig sa tenga nya.

“Hawakan mo ako sa kamay” ani nito na ipinagtaka nya.Pero bago pa sya makasagot ay mabibilis ang galaw nito.

Hindi na sya nakapagreklamo dahil gamit ang lakas ng binata.Tumakbo sila sa gitna ng mga nagsasayaw na nakapalibot sa kanila.Nabangga nila ang ilan pang mga tao pero wala na silang paki doon.

Tumakas sila sa lahat na takang nakatingin ang direksyon sa kanila.Tumakbo lang sila ng ilan pang kilometro hanggang sa dinala sila ng kanilang mga paa sa isang tahimik at medyo may kadilimang lugar.

“Bakit mo ginawa yun?” Habol hininga nyang tanong sa binata “Baka nasira natin ang sayawan? Loko kaba?”

Pinakalma nito ang sarili habang natatawang sinagot sya nito “Hindi kaba nagtataka?” Ani nito “You say that they are alway do that for theire tradition.Pagsasayaw para maprotektahan ka sa mga suliranin? Hell,f*cking crazy Maria.Hindi totoo ang mga yun”

“Anong hindi toto” tanong nya habang napahawak pa sa noo nya.Kita nya sa binata na hindi ito seryoso sa mga sinabi nya dito “Juanillo totoo ang mga sinasabi nila.Alam mo kung hindi mo naman pala ako paniniwalaan dapat sana tinapos nalang natin ang sayaw para hindi nakakabastos sa kanila”

“Nanininwala naman ako e” ani nito “At totoo,they just a f*cking crazy women”

“Juanillo-”

“Its just my opinion” bahagyang pinutol ng binata ang mga sasabihin nya “Kaya kita tinakbo sa ritwal na sayawan na sinasabi mo.Para putulin ang tradition.Kung ang sinasabi nila sayo ay halos ilang henerasyon nayun nangyayari,dapat putulin na”

“Paano naman?” Tanong nya.

“Edi wag kang makiisa sa ritwal” sagot nito “Kung traditon na ang pagsasayaw bilang pagprotekta sa kamalasan na mga nakatakdang tao.Maaring mabago yun kung sakaling sawayin mo”

“Pero kami naman ang magbebenifits ng tradition na yun kung sakali” ani nya “Maari kasing baka kahit isa saamin ng anak ko ay guminahawa ang buhay kung sakaling susunod ako sa pinapagawa nila.Pinaguusapan natin dito at ang buhay at kamalasan Juanillo.At ako,o yung anak sa susunod na henerasyon ang maaring makaranas ng pait ng buhay”

Napatingin sa malayo ang binata dahil sa sinabe nya.Binalot sila ng katahimikan habang tinangay ng malimig na hangin ang kaunting buhok nito sa noo.Napaka gwapo nitong tignan.

“Isa lang siguro ang nais ituro sayo ng maginang yun” ani nito “Ang maniwala ka sana sa tadhana”

“Tadhana…” Saad nya.

“Siguro nakatadhana na ang pagkawala ng pinakamamahal kong babae sa mundo” napatingin sya sa mukha ng binata ng mahimigan nya ang lungkot sa boses nito “My mother was died,at kahit siguro ano ring gawin kong pagsasayaw para mapigilan ang suliranin sa buhay ko.Mangyayari at mangyayari parin ang bahagay nayun” saglit itong tumigil kapag kuwan ay napabuga ng malalim na hininga “Nakatadhana nayun Maria.Nakatakda ng mamatay ang mommy ko nung araw nayun upang maging matatag akong tao sa ngayon”

Hindi na sya nagsalita.Nakatitig nalamang sila ng binata sa muka ng bawat isa.“Hindi ko sinasabing wag kang maniwala sa mga suliraning sinasabi ng magina” saad nito “Dahil lahat ng tao,pangit man o maganda nakakaranas ng kamalasan at suliranin sa buhay.Pinapatatag nila ang loob mo,pinapalakas ang puso mo.Kaya siguro kung ano man ang mangyayari kanibukasan.Hayaan mo lang,dahil siguro ayun ang nakatadhana…”

Hindi nya nakontrol ang sarili at dahan dahan inilapot ang sarili sa binata.Kapagkuwan ay niayakap nya ito mula sa leeg na ikinatigil naman nito.

“Natakot lang ako…” Ani nya “Mabilis akong maniwala sa mga bagay dahil wala pa naman akong alam sa mga iyun.Ayoko lang kasi talagang may mangyari masama saamin.O kahit sa magiging anak ko pagdating ng bagong henerasyon”

Naramdaman nya ang unti unti ring paghagkan sa kanya ng binata.Pero bago pa man nya ito matugunan ng mas maayos.May naramdaman na syang nilalang mula sa paligid kaya naman utomatiko para sa kanya ang bumitaw mula sa pagkaka akap sa binata.

“S-Sebyo…”

CHAPTER 10

Ipag paumanhin ang mga wrong spelling at grammar na mababasa nyo dito.Marahil wala lang time si Author upang iedit ang chapter na ito.Salamat sa nagbabasa at sa mga nakakaintindi.Lubos kong kinasisiya ang bagay na iyun.

Happy reading 💕

₩₩₩₩₩₩

“S-Sebyo…” Saad nya.Kita nya na madilim ang mga mata nitong nakatitig sa kanilang dalawa.

“Maria” ani nito kapagkuwan ay dumako ang tingin nito kay Junaillo na tila hindi man lang nagulat sa prisensya ng binata.

Medyo naiinis pa sya sa nararamdaman nya nagyon dahil tila pinagtaksilan nya ito. ’Bakit nga ba? E hindi naman kami magkarelasyon ni Sebyo hindi ba?

Tinignan nya lang ang susunod na gagawin ni Sebyo na ineexpect na nyang lumapit sa kanya.

Hinawakan nito ang kamay nya kapagkuwan ay may pwersa sya nitong inilayo kay Juanillo.

Nakaramdam sya ng autoridad mula sa binata na sadyang ikinakaba nya.

“Ipinag paalam kita kay Aling Pasing” ani nito,walang emosyon ang boses “kaya ako ang dapat mag uwi sayo sa bahay nyo” muli nitong pinasadahan ng tingin si Juanillo.Pero ni hindi man lang ito naintimitado kay Sebyo.

“Pwede ko din naman iuwi si Maria” ani Juanillo “Sa katunayan nga sumayaw kami sa plaza kanina.Kami ang napili bilang Prinsipe at Prinsesa ngayong araw ng pis-”

“Alam ko” sagot ni Sebyo na nagpatigil sa iba pang sasabihin ni Juanillo “Kaya nga nagtataka ako kung bakit nandito na kayo sa tahimik, walang tao,at may kadilimang lugar gayong kayo pala ang naatasang mag lead ng sayawan”

Hindi na nakasagot pa si Juanillo dahil sa sinabe ni Sebyo.Hindi narin nya nagawa pang magsalita dahil basta nalang sya kinaladkad ng binata paalis.May kalakasan ang braso nito kung kayat hindi nya magawang makapalag.

Aaminin nya sa sarili na tila wala syang magawa sa pagkakaroon ng Utoridad ng binata gayong wala naman silang relasyon.

Kaya naman hindi na nya hinayaan ito at hindi pa man sila nakakalayo kay Juanillo ay pwersahan na nyang inigaw ang kamay sa binata.“Hindi pa tapos ang kasiyahan Sebyo” ani nya nung hinarap sya ng binata “Nagpaalam din ako kay ina.Ayoko munang umuwi dahil tatapusin pa natin ang kasiyahan diba?”

Napansin nyang bahagyang natawa ang binata sa sinabi nya “Natin?” Tanong nito “Tatapusin natin ang kasiyahan e mukhang masaya ka naman sa Juanillo mo diba?”

Natigilan sya “Hinintay kita pangako” ani nya “Pero may dalawang matanda lang na nag aya samin ni Juanillo kaya napa-”

“Nangako ka sakin Maria” ani nito na ikinaputol ng sasabihin nya “Sabi mo kahit na anong mangyari ako ang unang mong makakasayaw sa oras na pinayagan ka na sa taunang pista.Pero anong nangyari? Bakit si Junaillo ang kasama mo.At tsaka ano bayan suot mong maskara huh?” kumunot ang noo nitong mapansin na suot nya parin pala hanggang ngayon ang maskara na gamit nya.Hinawakan ito ng binata sa gilid at bahagya syang nagulat ng pwersahan nito itong tinanggal mula sa kanyang mukha.

Napasinghap sya’t napahawak sa mukha dahil sa sakit.Kasya nya lang nahuniang nasira ang maskara ng itapon ito ng binata sa sahig.

“Ano bang problema mo?!” Galit na sigaw nya.Dito nya naramdam sa gilid ang prisensya ni Juanillo.

Mukhang nakita nito ang ginawa sa kanya ni Sebyo.

“Ano bang problem mo?” Tanong din ni Juanillo mula sa kanyang likudan “Nasaktan mo na sya pari”

Hindi sumagot si Sebyo sa kanilang dalawa.Salitan nito silang tinignan kapagkuwan pagkaraan ng ilang segundo ay tumawa ito na ipinagtaka naman nila.

“Ako nananakit?” Tanong nito at muling sumiryeso ang mukha.Mabilis nagbago ang emosyon “Hindi ako ang nanakit kasi ako ang nasasaktan ngayon” binalingan sya ng binata “So totoo nga ang sinasabi ng iba.Parang ilang oras pa lang kayo nagkakilala ng lalaking to pero malapit na kagad kayo sa isat isa.Ano pag saakin pag aaral ang uunahin mo pero pagsakanya nililigawa ka kagad”

“Ano bang sinasabi mo?” Tanong muli nya dahil hindi nya kinakaya ang mga naririnig sa binata “Hindi sya nanliligaw sakin ok.At tama ka,kaninang umaga lang kami nagkakilala kaya magkaibigan lang kami”

Muli itong natawa “Magkaibigan din tayo Maria” ani nito “Pero gusto kong manligaw sayo dahil may nararamdaman ako sayo.Kaya ngayon kita tatanungin.” Pinasadahan nito ng tingin ang binata kapag kuwan ay tumingin ito sa kanya “Sinong pinipili mo saming dalawa.Yung lalaking bayan o ako?”

Hindi agad sya nakasagot dahil buo ang pagtataka nya sa binata kung bakit ito nagkakaganito.

“Sebyo” tawag ni Juanillo kaya napatingin sya dito.Hawak na nito ang maskara na kaninang suot nito.“Pare,hindi kailangan mamili ni Maria.Kaibigan nya lang talaga ako.At alam mong kaibigan kalang din nya diba?”

Nakita nya na nag-igiting ang panga ni Sebyo dahil sa narinig kay Juanillo kaya nagsalita na sya “Saan ba ng gagaling ang lahat ng yan Sebyo?” Malumanay na tanong nya “Alam mo na may tiwala ako sayo.Hindi naman kailangang umabot sa ganito diba?”

“So nakipili kana?” Balik na tanong ng binata,wala itong emosyon at walang sigla ang boses nito.Napansin nya pang inihilamos nito ang dalawang palad sa mukha na parang pagod na ito sa isang bagay “Mahal kita Maria, pero hindi ko kaya yung sakit nito” ani nito at itinuro pa ng daliri ang bandang puso nito.

Hindi na sya nakasagot pa,tumalikod na kasi ang binata at nag lakad papaalis patungo sa madilim na parte ng daan.Dahil sa nakitang akto ni Maria kay Sebyo.Tila kinurot ang puso nya,kahit kasi hindi nya maintindihan ang mga kinikilos nito.Alam nyang importante sya dito at mahalaga para sa binata ang pangako nya at samahan nilang tila masisira na.Isa pa naalala nya na may dinadalang lihim na karamdaman ito.

Kaya bilang mabait na kaibigan,nag aalala sya na kusang lumakad ang mga paa nya upang sundan ang bulto nito.

“Maria” ani Juanillo nang hindi pa sya nakakalayo “He need space.Baka pagod lang sya dahil sa trabaho.At baka nga importante sa kanya ang gabi ng pagsayaw nyong dalawa” nahimigan nya ang lungkot sa boses ng binata “Kaya siguro masakit ito para sa kanya,makakabuti sigurong bigyan mo na muna sya ng space para makapag-isip sya ng maaayos”

Napaisip sya sa sinabe ni Juanillo,pero dahil agam agam sa kanya ang sakit ng binata.Hindi nya agad ito kayang mapagbigyan “Hindi iba sakin si Sebyo” ani nya “Kailangan ko syang alalayan,dahil may iba pa syang pinagdadaanan kumpara sa pagkabigo nya sakin”

Dahan dahan nyang inagaw ang braso na bahagyang kinapitan ng binata.Kapag kuwan ay tahimik nya lang sinundan si Sebyo na patungo sa mas madilim pang bahagi ng daanan.Saglit nyang nilingon si Juanillo mula sa gawi nito pero mukhang wala na ito sa kaninang pwesto.Isa pa at malayo layo narin siguro ang nilakad nya kaya mukhang hindi na nya ito makikita pa.

Muli nya lang nilakad ang daan at itinuon ang pansin sa binatang nauuna sa kanya. Pero bahagya syang natigilan ng mawala na ito sa kanyang paningin.Kasya nya lang napagtanto na nagiisa nalang pala sya sa madilim na daanan.Kinabahan sya dahil mukhang mabilis maglakad si Sebyo at hindi nito alam na sinundan nya ito.Kaya naman baka nauna na ito sa paglalakad kung kayat nagiisa sya.

Napayakap sya sa kanyang dalawang braso ng mahawian ang malamig na simoy ng hangin.

Ngayon,pinagsi-sisihin nya tuloy na sumunod pa sa binata dahil naiwan lang sya magisa.

Nagdesisyon na syang bumalik.Dahil hindi na maganda ang kanyang pakiramdam.Pero bago pa man nya maihakbang ang mga paa paabanti,may dumungga na sa kanya mula sa likudan.Nagulat sya ng hagkan sya nito mula sa likod at pilit tinatakpan ang kanyang bibig.Pero dahil maagap sya,siniko nya ang nilalang na iyun.Nakawala naman sya agad at agad na tumakbo.

Hindi nya alam kung san sya dadalhin ng paa.Pero naramdaman nyang humahabol sa kanya ang nilalang.Hindi nya ito makilala at maanigan man lang dahil sa kadiliman.Pero ayun sa malalaking braso nito,nasisiguro syang lalaki iyun.Isa lang ang balak nun sa kanya bilang isa syang babae.Kaya naman hindi nya hahayaan ang bagay nayun na mangyari sa kanya.

Wala syang pagpipilian kundi ang lumihis ng daan.Sa takot na maabutan ng humahabol sa kanya,dinala sya ng kanyang paa sa madamo pero malamig na simoy ng hangin.Dito nya nahuniang malapit na sya sa dagat kung saan unti nya pang tinakbo ang daan at nasa buhangin na sya ng dalampigan.

Hindi sya makampanti,dahil mukhang nawawala na sya.

Madilim ang daan kaya kahit kabisado nya ang buong Sitio Sampaguita hindi nya alam kung nasaan na sya ngayon.Kaya naman inilibot nya lang ang paningin.Sa pagkakataong iyun,dito nya napansin ang isang lumang pantalan.Kaya naman bahagyang lumakas ang kanyang loob dahil nasa stio hangganan na sya.Ang pinaka dulo ng Stio Sampaguita.

Ramdam nya ang pananakit ng paa dahil sa pagtakbo. Hindi maganda sa pagsusuot nya ng sandals na may takong.Kaya naman hinubad nya ito sa mga paa nya. Bahagya na nya inayos ang sarili.Hindi alam kung saan pupunta at hindi na nya alam kung nasan na ang humahabol sa kanya.Kaya naman patakbong lakad syang umalis sa kinalulunlan.

“Paano ako makakabalik?” Ani nya.Habang nililingon ang daan at pasimpleng hinahanap ang lalaking humahabol sa kanya.

“Gusto ko ng umuwi,baka nagaabang pa sakin yung lalaking yun.Suguradong nagaalala nasakin si ina”

Parang sumakit ang ulo nya nang maalala ang ina.Hindi nya alam kung anong magiging reaksyon nito kung sakaling malaman nito na may humahabol sa kanya na kung sino.Hindi man nya gustong makita ang pagaalala nayun,kailangan nyang makita ang ina.Kung makakaligtas pa sya ngayong gabi.

Hindi na sya nag atubiling mag madali sa daang hindi nya alam kung saan na patungo.Pero natigilan sya ng galaw ng mapansin ang nakatayong lalaki di kalayuan sa kanya. Napahinto sya sa paglakad takbo at otomatiko para sa kanya upang umabanti at tumakbo pabalik sa kaninang daang tinahak nya.

“Saan ka pupunta?!” Sigaw na tanong ng lalaki.Hindi sya tumigil at hindi man lang nilingon yung sumigaw.“Ano lalayuan mo nanaman ba ako? Nagbago na ang isip mong sundan ako kasi pinipili mo na yung Juanillo nayun”

Malapit na sya sa madamong daan ng marinig nya ang huling sinabi ng binata. Napahinto sya at biglang naramdaman kakaiba sa lalaking iyun.

’Sebyo…

“Ganun ba ako kahirap piliin Maria?” Saad pa nito at sa pagkakataong iyun, dahandahan na nyang nilingon ang binata kahit puno ng kaba ang kanyang dibdib.“Natatakot kaba sakin?”

Hindi sya sumagot.Hanggang sa nakalapit na sa kanya ang bulto nito “Natatakot ka siguro sakin kasi may sakit ako” ani pa nito “N-na kaya kong pumatay ng tao dahil sa disorder ko.Tama ba Maria?”

Napatingin sya sa malayo.Hindi nya talaga alam ang isasagot sa binata. Kaya naman hindi nya inaasahan ang susunod nitong ginawa na nakapagpatigil sa kanya. Hinawakan sya nito sa dalawang braso ng mahigpit at hinarap ang buong mukha nya dito.

“Sumagot ka Maria!” Sigaw nito “Natatakot ka sakin kasi may Bipolar ako at kaya kong pumatay dahil sa sobrang galit diba?”

“S-sebyo” takot na ani nya.Kitang kita nya sa binata ang madilim na matang nakatirik sa mukha nya.

“Maria kung hindi ka magiging saakin” ani nito “Hindi karin magiging sa kanya.Walang pwedeng may magmay-ari sayo!”

Sa huling natitirang pagkakataon na may tiwala sya sa binata.Iniisip nya parin ang sakit nito.Na nagkakaganito lamang ang binata dahil sa dinadaal nitong disorder.Na baka kung normal lang itong tao,hinding hindi nito magagawa ang saktan sya.

Dahil sa sinabi ng binata tuluyan na nga syang kinain ng takot nya.Oo ngat tama sya ng iniisip sa binata. Mukhang inaatake na ito ng sakit nya na dahilan upang makapagpahamak sa kanya ngayon.Napaka bait at buti nitong lalaki,pero sa oras na sumpungin ito.Hindi nya ito nakikilala na tila isa nang demonyo dahil sa galit.

“S-Sebyo!” Pumapalag sya “Nasasaktan ako! Ano ba bitawan mo ako”

Hindi nakinig sa kanya ang binata,basta sya nito kinaladkad mula sa braso at dinala sa lumang pantalan katabi ng dagat.Kung ano ano ang pumasok sa isip nya habang pinagmamasdan ang madilim na dulo ng daungan. Baka kasi basta nalang syang itulak nito sa tubig at doon sya mamatay.

“Kita moto!” Ani ng binata at inuwestra ang isang kamay sa lupa.Nahunian nyang,mga kagamitan ito,lamesa at upuang nakatumba at isang telang pula na may nasabuyan ng mga natapong pagkain “Inihanda ko sayo lahat yan para surprisahin ka.Ngayon ko ulit susubukan sa pang-isang daang beses ang nararamdam ko.Aamin ako sayona mahal kita at liligawan kita”

Natigilan sya at napatitig lang sa binata “Gusto kitang pasiyahin ngayong gabi.Gusto kong mag karoon tayo ng masinsinang paguusap,pero dahil sa muling pagdating ng Juanillo’ng yun.Naitsupwera nanaman ako,ang malala pa nangyari na ang kinatatakutan ko. Napapalapit ka na sa kanya”

“Sebyo hindi totoo yan” sagot nya at binuga ang malalim na hininga.Umaasang baka mapakalma ang binata “Magkaibigan lang kami ni Juanillo maniwala ka.Patawad kung sya ang nakasayaw ko pero gusto ko talagang tupadin ang pangako ko sayo maniwala ka”

“Tama na” walang emosyon nitong ani “Kung hindi kita makukuha sa masinsinang usapan.Hayaan mong gawin ko sayo to” natigilan sya ng pwersahan syang itumba ni Sebyo sa sahig.Naramdaman nya mula sa likod ang tela na nakita nyang nasa lapag kanina.

Malakas ang binata dahil hindi na sya makapalag.Pero kahit ganun,nilalaban nya parin ito kahit sa huling lakas nya “Sebyo ano ba?” Naiiyak na ani nya “Bakit mo to ginagawa? Pleas itigil mo nato.Alam kong sinusumpong kalang ng sakit mo pleas!Baka pagsisihan mo lang to!” Kahit anong gawin nyang paghampas sa binat ay walang itong pakialam.

Tila wala itong naririnig sa mga sinasabi nya.Lalo na nung lumapit ang mukha nito sa pisngi nya.Hinalikan sya nito ng buong pagnanasa “Patawarin mo ako Maria” ani nito,hindi alam kung naaawa ba ito o kinakain nato ng pagnanasa “K-kailangan ko tong gawin…para tuluyan ka ng maging akin”

Siguro kaya nya pang intindihin ang pagbabago bago ng emosyon at ugali ng isang taong may Bipolar diseas.Pero ayun sa nakikita nya kay Sebyo,baka hindi na talaga ito dahil sa disorder nito,kundi puno na ito ng pagnanasa.Tuluyan na talagang naputol ang pising hinahawakan nya sa tiwala sa kaibigan.Kinain na sya ng pagkamuhi dito lalo pa nung para syang binaboy at pinunit ang manipis nyang daster ng ina.

Lumantad sa binata ang dibdib nya,kaya alam nyang lalo na itong nagnasa sa kanya.Sumisigaw sya, pumapalag at umiiyak. Pero wala syang ibang nakita sa binatang nasa ibabaw nya kundi ang pagnanasa at pakagutom.

Hinuhubad nadin nito ang suot nitong pangibaba.Handa na syang kainin ng buo.Kaya siguro kahit sa kahuli hulihang pagkakataon ng lakas nya.Ibinigay na nya sa binata at sinampal nya ito.Pero gaya kanina wala itong pakialam at sa pagkakataong yun sinuntok na sya ng binata sa sikmura dahilan ng pagkaigtang nya.

Naramdaman nya ang sobrang sakit,pagkalabo ng paningin at pamimililipit ng sikmura.Yung sikmurang dumoble pa ang sakit sa pagkapasok ng isang bagay mula sa kanyang kalooban.

Inangkin na sya ng binata…

Sa gabing ito….

Dumanak ang pagtataksil.

Nasira ang tiwala.

Nasira na ang kanyang pagkababae at ang buhay nya.Panghabang buhay nya itong pagsisihan,panghabang buhay syang masasaktan.

Pakiramdam nya tinaksil sya,sinira,niloko at binaboy.

Matalik na kaibigan,o baliw na nilalang.Wala na…

Wala na si Sebyo…

Wala narin ang dangal…

Pero hindi nawala ang isang lumang kwento ng Stio Sampaguita sa alala nya. Lumuluha ang kanyang mga mata habang bumalik sa kanya ang kwento ng ina.

“Naalala mo yung lumang kwento ng Sitio Sampaguita anak?” Ani ng kanyang ina.

“Hmm.opo Nay!” Ani nya.

“Ang isang babaeng walang mukha.Naiinggit sa kagandahan ng iba” saad ng ina “Kaya naman dahil sa panglalait ng maraming tao sa kanya.Isinumpa nya ang baryong ito”

“Ano naman pong sumpa nay” takang tanong nya.

“Sumpa sa mga kababaihang mabubuhay dito” sagot ng ina “Sabi nya ’sa oras na may babaeng ipinanganak na maganda ang mukha sa baryong ito,ay makakaranas ng malas at suliranin sa buhay.Wala silang magagawa kundi

tanggapin ang lahat ng masamang nagyayari sa kanila“

“E ano pong nangyari sa babaeng walang mukha inay?” Tanong nyang muli.

“Nagpakamatay sya,yun ang ang sabi ng iba” sagot ng ina “pero hindi malinaw dahil mukhang ginahasa sya bago patayin ng sino man.Kung ano man ang nangyari walang nakakaalam ng tunay”

“Ayoko ng maging si Maria Esther” ani nya sa buod ng kaisipan “Isang may magandang mukha pero binababoy ng matalik na kaibigan.Nabubuhay sa chismis at inggit ng iba.Hindi ako tunay na masaya”

’I dont want to be Maria Esther…

Im not Maria Esther.

CHAPTER 11

(ESME HERMOSA)

“Sampaguita po!” Ani Esme sa mga dumadaang tao sa plaza.

“Sampaguita po ma’am Ser,sampong piso lang po ang isa” pagsuyo nya pa sa mag asawang may dalang maliit na anak pag daan sa harap nya.

Tinignan nya ang magkakahawak na mga kamay nito.Nasa gitna ang bata habang nakangiting nakatingin sa mga magulang na kapwa din masaya.Kahit hindi sya pinansin,matamis parin nya itong nginitian upang magbigay paumanhin. Ganto na sya noon pa,labing tatlong taong gulang pa lamang sya nang magsimulang magtinda ng Sampaguita sa plaza Retoka.Kahit alam nya na hindi na bagay sa kanya ang pagtitinda ng gantong bagay dahil sa edad nya nang dise-otso.Hindi sya nahihiyang gawin ito.Sa palagay nya kasi,ang pagtitinda lang ng sampaguita ang mabilis kitain kahit mababa ang pera dito.Kaya naman hindi nya ito mabitaw bitawan.

Pinag-masdan nya lang ang papalayong pamilya sa gawi nya.

Tila ang magkakahawak na kamay ng mga ito ang nagpakirot sa puso nya.Nakaramdam sya ng kaunting inggit.Sanggol palang sya,hindi na nya nasilayan o nahawakan pa ang mukha ng kanyang mga magulang.Hindi nya rin kilala ang mga pangalan nito o kahit mga litrato man lang.

Basta,nakamulatan nya ang Tiya at tiyo nyang mag-asawa na nagalaga sa kanya.Sampong taong gulang nya nalaman na hindi talaga sya tunay na anak ng mga ito.Kaya kahit hindi pa nya masyadong naiintindihan alam nyang may iba at may kulang.

Noon kasi may nararamdaman na sya na hindi na nya ikinagulat.Tila iba kasi ang trato ng mga ito sa kanya.Kundi mabigat,malamig.

Malayo sa mga magulang ng kaklase nya kung magasikaso sa anak ay maganda.

Minsan napapaisip sya,nasan na kaya ang mga ito.Bakit iniwan sya? Maiintindihan nya sana ang sitwasyon kung kahit sana ay may isang natira sa kanya.Kung kasama nya sana ang nanay nya o kahit ang tatay.Pero wala e,naiwan sya magisa.Iniwan sya sa mga tsuhing nagmamalupit sa kanya.

Mabuti nalang,mabait sa kanya ang tyahing si Rita.Ito ang nagpoprotekta sa mapangabuso nyang tsuhing si Kiko.Isang palainum,at pala sugal na asawa ng kanyang tsahin.Mabait at maalalahanin para sa asawang may masamang habit at pag uugali.

Minsan nga iisip nya din kung bakit natitiis ng tyahin nya ang ugali ng asawa nito.Pero wala syang makuwang ibang sagot dahil laging tugon nito na mahal nito ang asawa.Marter kung tatawagin,pero wala syang magagawa.Ayaw nya din naman kasing umalis nang tuluyan ang tsahin dahil paniguradong maiiwan sya sa kamay ng tsuhin nya.Kapatid daw ito ng tatay nya so basically nandito ang custody nya.Baka lalong magalusan at mabangasan lang sya gayong wala ng tao ang poprotekta sa kanya sa loob ng bahay.

Sa ngayon,tinitiis nila ang lahat.Ang hirap,ang minsanang gutom.At syempre ang tsuhing mapanakit.Pero pinapangako nya sa sarili na may hangganan ang lahat ng to.Gusto nyang makapagtapos ng pag-aaral at magkaroon ng magandang trabaho.Alam nyang malapit na iyun dahil mag ti-third year na sya sa kolehiyo.Sa kinuwang kurso,nais nyang maging accountant in the future.Pero magagawa nya lang yun pagka nagsumikap sya.

Kaya naman kahit nasa limang daan lang ang kinikita sa maghapong pag titinda.Hindi na ito masama.Kalahati kasi dito ay ang baon nya sa iskwela,at ang iba ay panggastos nila sa bahay bilang ambag nya.

Bago lumubog ang araw ay paubos na ang tinda ni Esme.

Maganda ito para maaga sya makauwi.Kagaya ng routine,uuwi sya para magbigay ng pera sa ina.Tumulong magluto ng pagkain,magaral pagatapos kumain at matulog.

Akala nya magiging normal na para sa kanya ang araw na ito.Pero hindi pagkatapos ng ilang segundo.Busy sya sa pagaayos ng Sampaguitang hawak nang may lalaking biglang dumaan sa tagiliran nya.Agad nya itong namalayan dahil lagi syang mapagmasid kapag nasa gitna sya ng mga tao.Inagaw nito ang maliit na bag na nasa braso nya,at agad na tumakbo ng mabilis.Sumigaw sya at nataranta.Syempre bilang marangal na nagnenegosyo,

hindi nya hahayaang may mga taong lumapastangan ng kanyang trabaho. Naglalaman ng pera at cellphone ang maliit na bag na iyun kaya naman hindi nya hahayaang may umagaw nun ng kahit sino man.

Mabibilis ang kilos,pero doble ang bilis ng hinahabol nyang tarantadong lalaki.Kaya kahit may ilan-ilan na syang nababanggang mga tao ay wala syang paki at tuloy sa paghabol.Hindi nya inalis ang mata sa lalaki at matindi ang konsintrasyon nyang mahabol ito.Hanggang sa di nya namamalayang dinala na pala sya ng mga paa sa highway kung saan madame dami ng dumadaang kotse dito.Matindi ang kunsintrasyon nya,takbo dito,takbo dyan.

Kaya nang maabutan nya ang binata hindi nila sinasadyang mapunta sa gilid ng highway dahilan upang businahan sila ng kotseng napatigil dahil sa kanila.

Wala ditong paki-alam si Esme basta ginawa nya ang lahat upang maagaw ang bag.Alam nyang hindi rin sya malakas pero nagawa nya paring sikuhin at sipain ang lalaki kaya natalo ito.Muling napasakanya ang bag at laking ginhawa nya rito.

Ngayon,haharapin naman nya ang kotseng kanina pa busina ng busina sa harapan nila.

“Sa kalye ba talaga kayo magpapatayan huh?” Ani ng driver.Gumilid na sya at tumapat sa bintana ng kotse upang salubungin ang mukha ng nagaapoy sa galit na driver.Pero hindi nya alam,dahil hindi sya direktang makatingin sa mukha nito.Tila wala syang maiharap na pagmumukha sa mayamang lalaki“Kung gusto nyo magpatayan wag nyo akong idamay.Dahil hindi ko gustong sumagasa ng tao”

“P-pasensya na po” paumanhin nya.Hindi na sya tumitingin sa mukha ng driver dahil sa hiya “inagaw ko lang po yung bag mula sa magnanakaw.Hindi ko po sinasadya” kahit alam nyang hindi nya gustong may madamay.Wala syang magawa kundi ang humingi ng paumanhin dito.

Ayun kasi sa istado nilang dalawa sa buhay,mukha lamang syang lamok sa harap nito.Dahil alam nya mayaman ang lalaki.Ilang segundo syang bahagyang nakatungo upang magbigay galang sa lalaki.Pero nagtaka sya ng tumahimik na ito at hindi na muling bumwelta pa.

Dahan dahan nya lang iniiangat ang ulo upang salubungin ang mukha nito.Akala nya galit itong nakatingin sa kanya pero kabaligtaran ang kanyang nakita.Nakaawang ang mga labi nito na tila nahihiwagaan sa kanya, salubong ang kilay na parang kinikilatis sa kanyang nakikita.

“P-pasensya na po ulit Sr” muling ani nya at tumalikod na para lumakad.Pero hindi pa man sya nakaka hakbang ng magsalita muli ito.

“A-anong pangalan mo?” Tanong nito na ikinatigil nya.

Dahan dahan muli syang humarap dito na kahit hesitant ay sinagot nya padin “A-ako po si Esme” ani nya “Esme Hermosa po”

Akala nya aalis na ang lalaki,pero laking gulat nya ng lumabas pa ito sa driver sit at lumapit ito sa kanya.Medyo may kakaiba syang naramdaman kaya naman utomatiko para sa kanya ang bahagyang umatras.Nakatitig lang sa kanya ang lalaki na parang manghang mangha sa nakikita.

Hindi nya maintindihan,at hindi malabo ang kanyang mga mata upang hindi makita ang nanunubig nitong mga mata.

’Sino ba to? Umiiyak ba sya?

… tanong nya sa isipan.

Napalunok sya ng laway hindi dahil sa takot.Kundi bigla kasi itong lumapit sa gawi nya at masuyo sya nitong hinawakan mula sa magkabilang balikat.

“Maria Esther…” Mahinang ani nito pero sapat para marinig nya.

Natigilan sya.

’Maria Esther? Anong sinabi nya? Sino naman ang pangalan nayun? -muling ani nya sa isip.

“Kaninong anak ka?” Tanong nito “Sinong mga magulang mo?”

Hindi nya alam ang isasagot lalo na nung humigpit pa ang hawak nito sa balikat nya.“S-sr” ani nya.Bahagya syang uminda dahil naramdaman nyang tila humihigpit ang hawak nito sa kanya.

Nang mapansin naman ito ng lalaki,agad itong bumitaw na tila natauhan sa ginawa. “P-pasensya na” ani nito.Titig na titig parin ito sa kanya.Pero this time, namumula na ang mga mata.Hindi nya maintindihan ang mga kinikilos nito,kung bakit namumugtong ang mga mata nito habang nakatitig sa kanya.

Ano bang meron sya?

“O-ok lang po Sr” naiilang na sagot nya at inayos ang sarili at mabilis tumalikod sa lalaki.

“Maria Esther” muling tawag nito bago pa sya makalayo.

Nilingon nya ito.

“Hindi po ako si Maria Esther” sagot nya “Hindi po ako ang babaeng hinahanap nyo.Lalong lalo na at hindi ako babae.Pasensya na po”

Pagkasabi nya nito ay mabilis nyang inihakbang ang mga paa.Pero bago pa sya makalayo sa lalaki.Muli nya itong nilingon,saglit nyang pinasadahan ang kotseng nasa likod nito.

Nakabukas na ang bintana sa likudan niyun habang nakadungaw na ang isa pang lalaking nasa likod.

’Kye Mendoza?…

“Bakla?!” Galalas ng isang boses mula sa likod nya.

Mabilis ang lakad nya paalis kaya siguro hindi nya napansin ang tumatawag sa kanya.

“Bakla,andito ka pa?” Muling ani nito kaya hinarap na nya ito.

“Ahm oo” ani nya kapagkuwan ay inuwestra nya ang bag na naputol na ang strap at ang braso nyang may galos.Dahil ito sa pag-agaw nya kanina.

“Anong nangyari sayo?” Tanong nito.“Bakit kanaman may sugat? Wag mong sabihing…” napatakip ito ng bibig habang parang gulat na gulat sa naiisip sa kanya.

“Oo,Rosaine” bagot na sagot nya “muntik na ako manakawan” bahagya nyang itinaas ang bag at pinakita ulit sa Rosaine.Ang babaeng may angelic face na bestfriend nya since Grade school “Muntik ng mawala sakin ang limang daang kita ko sa maghapon.At kung nagkataon.Siguradong malalagot nanaman ako kay Tiyo Kiko” 

Dahang dahang nalukot ang mukha ng dalaga na tila naawa sa kalagayan nya.Ito nanaman ang bestfriend nya,the always carrying buddy.Lumapit ito sa kanya at mahigpit sya nitong niyakap hanggang hindi na sya makahinga.Kaya naman kumalas sya dito habang natatawa.“Ano kaba? Hindi kapaba sanay?” Nangingiting tanong nya,tinatago ang pagka-kaba mula kanina. “Ilang beses ko na ba to naranasan?Tatlo diba?Pang-apat nato.Buti nga sa dalawang beses nayun nakapalag ako hindi ba?” Lumawak ang ngiti nya kapagkuwan ay kinindatan ang dalaga “Pero ako ang nanalo ngayon.Nakuha ko ang bag,kaya may maiuuwi akong pera”

Hindi parin nawawala ang kunot ng mukha ng dalaga,pero alam nyang bahagya na itong kumalma “Bakit kasi mas pinipili mo pang magtrabaho sa kalye Esme e” bahagyang inis nitong ani “Sabi ko naman kasi sayo,may ma-aaplyan ka pang mga cafe’ o pwede ka maging crew sa mga fastfood,Ayoko ng magtitiis ka pa dito,hindi sanay yang katawan mong makipagbakbakan lagi sa mga bruskong magnanakaw sa kalye diba?”

“Ano kaba? Hindi ko naman to pwede basta basta iwan e” sagot nya “mabilis kumita dito,kailangan lang may tyaga”

Napahinga ng malalim ang dalaga kapagkuwan ay hinawakan sya nito sa braso na may sugat “May tsaga” ani nito “kita mo nga tong galos mo.Napaka pat patin mo kasi,napaka hinhin mo pa.Kaya siguro nanalo ka minsan sa suntukan e tsumatyamba ka lang.Alam mo mas babae ka pa tignan sakin,kaya sinasabi ko sayo hindi ka bagay dito sa kalye.Mag cafe ka nalang muna o kahit anong trabaho na wala sa kalye.I will help you Esme.Ok”

Ayun sa pananalita ng dalaga.Mukhang buo na ang disisyong nitong matulungan sya mailayo lang sa kalye kung saan marami ang masasama ang loob.Totoo naman kasi e,he look likes fragile.Sa patpatin nyang katawan,may kahinhinan syang taglay na kung susumahin ay para syang babae.Isa pa,marame din ang nagsasabi sa kanya na hindi bagay sa kanya ang pagtitinda ng gantong bagay.Sa kutis nya kasing maputi at makinis.Minsan mapagkakamalan mo talaga syang mayaman. Kabaligtaran ng totoong buhay nya paguwi sa kanyang tahanan.

Naiisip nya tuloy minsan.Sana nagkakapera sya sa mga papuri ng ibang tao.Maganda daw syang lalaki,parang pambabae daw ang katawan nya na malayo sa totoo nyang sekssuwalidad,na isang binatang lalaki.Kasi kung pera lang sana ang mga papuri ng mga ito,mayaman na sya.Mayaman na sila.

Ngunit kahit ganun,marami man nakakapansin ng kagandahan nya.Malungkot parin sya dahil sa buhay na meron sya na gusto nyang matakasan.Naiisip nya,hindi nya kailangan ng magandang pagmumukha.Ang gusto nya lang ay maayos na buhay.Yung masaya.

Kaya kahit papano, nagkakaroon sya ng kagaanan ng loob dahil sa matalik na kaibigang si Rosaine.He’s very lovely slash parang ateng bestfriend nya.Grabi ito kung mag-alala na kung minsan ay parang papaluin na sya sa pwet dahil sa mga katigasan ng ulo nya.Yung katigasan ng ulo dahil gusto nyang maging masipag para magkapera. Alam nyang kinaaawaan sya nito dahil sa buhay na meron sya.

Kabaligtaran sa buhay nitong may magandang pamilya at maperang mga magulang.

Hindi sya naiinggit sa kung anong meron ang kaibigan. Pero minsan,nagnanais din sya sa gantong klaseng buhay.

Inilabas ng dalaga ang isang libo na ikinakunot ng noo nya “Para san nanaman yan?” Ani nya.

“Para sayo” sagot nito “alam kong kulang nanaman yan para bukas dahil halos ibigay mo na lahat sa tyahin mo.Pang baon mo bukas para di mo kana mag alala ng pamasahe sa dyip bukas ok”

Napabuntong hininga sya dahil sa offer ng kaibigan.Ito nanaman kasi ito e,laging nagbibigay ng kalakihang halaga dahil sa pag aalala sa kanya.Pero as always, tatanggihan nay ito.

“Alam mo namang hindi ko matatanggap yan hindi ba?” Ani nya.Bakas sa boses ang pakiusap “Ayokong tumatanggap ng pera na libre.Ayokong may masabi ang ibang tao na parang binubuhay mo na ako.Pagsisikapan ko lahat Rosaine.Ayoko talaga ng binibigyan”

Tumahimik ang dalaga.Ilang segundo din sya nitong pinagmasdan bago muling yakapin sya ng mahigpit. “Gagawa ako ng paraan Esme” ani nito sa gilid ng ulo nya “Sisiguraduhin kong malaki laki na ang kikitain mo.Ayokong nagtitiis ka sa init tapos limang daan lang ang maiuuwi mo”

Bumitaw sya sa pagkakaakap at pabirong inakbayan ang dalaga sa leeg nito inaya nya ito na lumakad.Hindi nya pinakita sa dalagang nanubig ang kanyang mata dahil sa pinakikita nitong pagaalala. Ikinubli nya ang nararamdamang pagkaawa sa sarili.

“Salamat bestfriend” ani nya na bahagyang tumawa upang mawala ang nag crack na boses dahil sa pagluha “Kaya sige,magtatrabaho na po ako sa cafe na inoofer mo”

Napansin nyang ngumiti na ang dalaga at nagtuloy na sa paglakad.Sabay nilang binaktas ang papadilim na plaza dahil sa papalubog na araw.Masaya sya dahil nandidito ang kaibigan upang magalala sa kanya.Pero hindi nya maitatangging kinaaawan sya ng dalaga.Kaya ang pangako nya sa sarili.Sya mismo ang tatapos sa paghihirap nyang ito.

NAG-hiwalay sila ng dalaga sa isang kalye.Binagtas nya ang may kadilimang street ng Stio.Marka at maduming daan nito dahil sa napunong basurahan na nasa gilid ng daan.Nausukan din sya ni Aling Mirna na nagiihaw ihaw habang may mga bruskong tatay na lasing at nagiinuman sa harap nito.

Nabangga sya ng ilang bata na nagtataya tayaan sa daan kahit madilim na.Kinahol sya ng aso na nakatali sa isang puno sa gilid.At syempre, hindi nya mababaktasan ang lahat ng iyun hanggat walang sinumang lalaki ang sisipulan sya bago makarating sa tapat ng bahay nila.Isang may kaliitan at tagpi tagping bahay na isang lamok nalang ang pipirma para gumiba ito.

This is he’s life.Isang kain at tuka siguro.Pero kahit ganun,walang hiningi.May hiniling pero wala syang ninais na labis na hindi nila kayang abutin.Kaya nagsisikap sya magtrabaho sa dilekadong kalye at plaza ng baryo nila.Para matapaos lahat ang paghihirap na ito.

Ngayon,inihanda nya ang limang daang peso na ibibigay sa tyahin.

Nasa kusina ito na kasalukuyang nagluluto na ng pagkain.Katulad ng nakasanayan.Hinati nya ang pera.Kalahati para sa baon kanibukasan,kalahati para sa budget ng bahay.Masaya silang naguusap ng tyahin habang naghahain sa lamesa.

Pero kapwa sila natigilan ng may malakas na tunog ang nanggaling sa sala.Tila nabasag nito ang paboritong flower base ng tyahin katabi lang ng tukador nito malapit sa pintuan.Kaya naman sabay silang nagtungo sa sala.Nakita nila ang kanyang tsuhing langong lango na nakatumba sa sahig.Katulad ng parati,lasing ito na umouwi sa tahanan nila.Kaya naman utomatiko para sa tyahin ang daluyan ito at maingat na itayo mula sa pagkakatumba.

Lumapit din sya sa tyuhin upang tulungan ang nahihirapang tyahin sa pagayos ng tayo nito.Pero mabilis ang kamay ng tyuhin upang itaboy sya at mapalayo mula rito.Sanay na sya na pagtabuyan sya nito.Pero kahit ganun,hindi sya sanay sa sakit kung anong rason ng galit sa kanya ng tsuhin.

“Lumayo ka sakin” tila isang ngongo nitong ani dahil sa tama ng alak.Bahagya pa itong tumawa ng pumwesto sya sa harap nito habang walang ekspresyon ang mukha nya.Wala syang gustong ipakitang takot mula sa tsuhin kahit ang totoo’y nanginginig na sya sa kalooban.Mukhang sya nanaman kasi ang pagiinitan nito.

“Sabihin mo?! Sino yung lalaking kasama mo kanina huh? Lalaki mo nanaman bayun bakla ka?” Tanong nito na ikinatigil nya.Hindi nya alam ang isasagot dahil hindi nya matandaan kung sino yung kasama nya.Tanging si Rosaine lang ang pumapasok sa isip nya “Kala mo ba hindi kita nakita? Dumaan ako kila Pareng Tirso sa bayan. Nadaanan ko ang plaza, saktong nakita kitang may kasamang nakakotseng lalaki” lalapitan sana sya nito pero dahil lasing at tutumtumba ito.Mabilis itong napigilan ng tyahin “Sino yun huh? Sugar daddy mo? Bakit balak mo din bang lumandi sa mga Montefalco?”

Montefalco?

Dahil sa mga sinabi ng tsuhin,naalala nya yung lalaking lumapit sa kanya pagkatapos makipag agawan ng bag sa magnanakaw.

Hindi nya parin alam ang isasagot dahil tila na naipit ang dila nyang magdahilan sa tyuhin.

Kitang kita nya ang pag-igting ng panga nito habang nanlilisik na nakatingin sa gawi nya.Hindi nya alam kung bakit nagkakaganito ang tsuhin,at kung bakit kilala nito ang mga Montefalco.

“Bakla ka lang Esme” ani nito “Sa tingin mo ba,papatulan ka ng Montefalco nayun” tumaas ang kabilang gilid ng labi nito “Ito ang tatandaan mo.Wag na wag mong gagayahin ang nanay mo,dahil pagnaulit ang nakaraan.Sisiguraduhin kong mas labis pang paghihirap ang mararanasan mo”

CHAPTER 12

(Ang madilim na pantalan at ang silid ng ungol)

Wala syang ibang bagay na naririnig tungkol sa ina.Subalit ng marinig nya ang mga sinabi ng tsuhin,tila rumihistro sa utak nya na maaaring may alam ito sa kung anong buhay ang meron ang mga magulang noon.

Oo,kahit kailan hindi sya nagtanong,hindi sya nagtangkang malaman ang tungkol sa mga magulang. Hindi din ng mga itong tinangkang magkwento sa kanya.Pero alam nya,kahit nanahimik ang lahat. Imposibleng walang alam ito sa nakaraan ng magulang. Lalo na’t kapatid ng tsuhin ang tatay nya.

Pinipigilan nya ang sariling magkaroon ng tanong paukol sa mga magulang nya.Pero nang marinig sa tsuhin ang tungkol sa nanay nya.Hindi nya napigilang magbuka ng bibig.

“Anong alam mo sa nanay ko?” Matapang na tanong nya.“P-paano sya na involve sa mga Montefalco? Nagsisinungaling po ba kayo na wala kayong alam kay Nanay?” Medyo lumakas ang boses nya nun “Ngayon ko lang po gusto mag tanong sa inyo tiyo.Sana po sagutin nyo ako.Ano po bang alam nyo sa nanay ko?”

“Tama nayan” ang tyahin ang sumagot.

Napansin nyang tila nataranta ito dahil sa inakto nya.Kaya naman dagli lang nitong hinigpitan ang pagkakahawak nito sa kanyang tsuhin dahil baka bigla itong pumiglas upang sugudin sya “k-kumain na tayo.Lalamig na ang pagkain natin” ani pa nito.

Wala namang umimik sa kanila ng tsuhin.Nakatitig lamang sila sa isat isa na parang inaantay kung sino ang magsasabi ng totoo.At ang nais nyang marinig ay ang buong katotoohan lamang sa tsuhin.

“Wala kang alam” malamig na sambit nito “Habang buhay kong pinagdudusahan ang mga nangyari noon. Nasira dahil sa nanay mong malandi.Nais kong kalimutan ang mga nangyari noon Esme.Pero hanggat nakikita ko yang pagmumukha mo!” Nanlilisik ang mata nitong nakatitig sa kanya kapag kuwan ay dinuro sya nito “Naaalala ko ang lahat, naaalala ko ang sakit at mga walang kahiyaan ng nanay mo! Dahil sa kanya kung bakit ganito ang buhay ko ngayon! dahil sa kanya!”

Naramdman nyang nanikip ang dibdib nya.Hindi nya napigilang mapaluha dahil sa mga narinig.Oo,at hindi nya kilala ang nanay.Pero alam nya kahit na wala syang alam sa pangyayari noon.At kung naging miserable ba ang lahat.Hindi nya magawang sisihin ang ina. Kahit sa huling pag-asa,kahit sa dulo sana ng pisi ng manipis na sinulid.Nais nyang marinig ang side ng nanay kung paano ba nagsimula ang lahat.

Napabuga sya ng malalim na hininga.Pinatapang ang sarili.

“Bago nyo po sana husgahan ang nanay ko” ani nya “Gusto kong malaman ang totoo. Kung sino ba talaga sya.Kung ano ba talaga ang kasalanan nya sa inyo”

Napansin nyang bahagya lang tumawa ang tsuhin bago ito nagsalita “Gusto mong malaman?” Sarkastiko nitong ani “Tanungin mo sa mga Montifalco.Sila ang makakapagsabi kung sino yang nanay mong malandi”

Malandi?

“Pwede po bang wag nyong pagsalitaan ang nanay ko ng ganyan?!” Ani nya na nagpatigil sa tsuhin.Kahit papano kasi,ang salitang malandi na binabato nito sa ina ay hindi nya matanggap tanggap.Katulad ng sinabi nya.Nais nya munang makilala kung sino ba talaga ang tunay na pagkatao ng ina “Kahit siguro may kasalanan sa inyo ang nanay ko,ayoko pong naririnig ang mga salita nayan sa kanya.Wala po kayong karapatan pagsalitaan ng ganyan ang nanay ko”

“Anong sabi mo?!”

Ilang segundo nakatayo pa sya sa harapan ng tsuhin,sa gitna ng sala.Pero ngayon naiipit na sya sa isang matigas na dingding at sa kamay ng tsuhing sumasakal sa leeg nya.Tila siguro ang bahagyang pagmamataas nya ang nagpagalit dito kung kayat mabilis sya nitong ipinilig sa pader.Gusto na ata sya nitong malagutan ng hininga dahil sa pagsakal.

Napansin nya ang tyahing umaawat sa ginagawa sa kanya ng tsuhin.Pero sya parang walang pakialam sa nangyayari.

Nahihirapan syang huminga,pero tila walang ekspresyon ang mukha nyang nakatitig lamang sa tsuhing nang gigilaite sa galit.

“Nagmamataas kana ba Esme?!” Bulyaw nito “Para sabihin ko sayo,kulang pa ang mga sinasabi ko sa nanay mo para mapagbayaran nya ang mga ginawa nya.Kaya oo! May karapatan ako kung ano man ang nais kong sabihin sa nanay mong malandi!. Malandi ang nanay mo!”

Hindi sya umimik. Kinakayang tiisin ang pagsikip ng lalamunan dahil sa pagsakal nito sa kanya.

“Porke ba nilalapitan kana ng Montefalco nayun nag mamataas kana huh?” Hindi pa ito tumitigil “Akala mo ba matutulungan ka ng Montefalco nayun para makaalis ka sa pesteng buhay nato?” Naaramdaman nyang lumapit ang bibig nito sa tenga nya,hindi bumibitaw sa pagkakahawak sa leeg nya “Tandaan mo, hanggat nabubuhay ako. Hindi ka makakaalis sa mga kamay ko.Akin ka,kabayaran ka sa lahat ng kapestihang dinulot ng nanay mo sakin natatandaan mo ba huh?”

Dahil sa mga sinabi nito,muli lang umagos ang mga luha nya.Hindi na nya naririnig ang sigaw ng tsahing natataranta sa pagsakal sa kanya.Nanlabo narin ang kanyang paningin kapag kuwan ay nanghina na ang mga tuhod nya.

Nawalan na sya ng malay…

“MARIA ESTHER!” Sigaw ng nilalang sa paligid.

Malamig ang daan.Basa ang lupa.Ang talampakan nya ay nagkakaron na ng sugat dahil sa pagtakbo.

Sa pagtakbo?

Bakit nga ba sya tumatakabo?

Para kanino sya tumatakbo?

Sino ang tinatakasan nya?

Isang madilim na lugar. Malamig na kapaligiran. Binabagtas nya ang isang daan,hindi nya alam kung saan ang patutunguhan.kung saan nga ba ang hangganan nito.

“Maria Esther!” Muling sigaw ng nilalang sa paligid.Buong buo ito,nang-gagalit.Hindi nya alam kung bakit sya natatakot pero tumatakbo sya.

H-hindi ako si Maria Esther.Hindi ako ang babaeng tinutukoy nya.

Tumakbo lang sya ng tumakbo hanggang sa makakita sya ng dalampasigan.May madamo syang parte nito ang madadaanan.Hindi ininda kung may matatapakan ba sya sa mga talahib nito pero, sumuong sya.Kusang gumalaw ang mga paang tumapak sa damong iyun patungo sa mabuhanging parte ng dalampasigan.

Hingal na hingal syang napatungkod sa dalawang tuhod.Kinain sya ng katahimikan habang pagaspas lang ng dagat ang maririnig nya.Kay lakas din tumibok ang puso nya sa loob ng dibdib nya na tila gustong makawala nito.

Pinakalma nya ang sarili, wala na syang naririnig ng pangalan ng isang babae. Pero hindi sya mapalagay dahil alam nyang nasa paligid lang ito.Ilang segundo syang nakamasid sa kung saang lugar na nga ba sya naroroon.

Dito nya nahunian na malapit na pala sya sa isang pantalan.Ang lugar nila ay hindi napupuntahan ng barko.Malayo ang bayan sa kanila,kung saan nalalapit ang dagat.Pero itong pantalan.

Bakit may pantalan?

Sa itsura nito,luma na, nilulumot na.Hindi nya alam kung matibay pa ang mga haliging sumusuporta dito. Pero alam nya,matagal na itong nakatayo dito.

Hindi nya namalayan ang mga paa nyang humahakbang papalapit dito.Hindi nya mapigilan ang sarili,may kakaibang nararamdaman sya.

Ilang segundo,nakatayo na sya sa gitna ng mahabang daan ng lugar na iyun. Nakatanga syang nakatingin sa dulo nito kahit wala syang makita dahil sa kadiliman.

Maya maya pa,lumalakas bigla ang tibok ng puso nya.May naririnig ulit sya.

Pero hindi na ito isang pangalan.Kundi isang sigaw.Sigaw ng nahihirapang nilalang.Sigaw ng paghihinagpis at pagluha. Yung sigaw ng pagtakas, paglayo,ngunit hindi nya magawa.

S-sino ka? A-anong pangalan mo?

“Maria Esther…” Sagot mula ng nasa likod.Bigla syang napalingon dito,pero huli na ng mahawakan na sya nito mula sa braso.

“Bitawan nyo ako!” Sigaw nya habang inaagaw ang kamay “Hindi ako si Maria Esther! Bitawan nyo ako”

Tanging kamay lang nito ang tanging nakikita nya dahil sa kadiliman ng lugar.Pero sana hiniling na lamang nya na hindi na makita ang mukha nito.Dahil nung oras na sadyain nyang agawan muli ang braso.Napalapit ito sa gawi nya.Sa pagkakataong iyun.Dumangaw sa kanya ang isang babae.Alam nyang babae ito dahil sa haba ng buhok nito.Pero ang ikinagulat nya,wala itong mukha.Walang makikitang mata,kilay at ilong.Tanging bibig lang.Ang labi nito ay dumudugo,parang sinapak o pinaso ng kung ano at sino man.

Muli nya lang inagaw ang braso pagkatapos sya kainin ng takot.Ginawa nya ang lahat makalayo lang hanggang sa kusa na itong bumitaw dahilan para matumba sya sahig.

Muli nya lang ulit narinig ang iyak ng babae, nanghihingi na ito ng tulong.Kasabay ng pagkawala ng isa pang babaeng walang mukha. Nabaling ang pansin nya sa gawi ng babaeng umiiyak.Sa pagkakataong iyun,naglawa ang mata nya sa nakita.

Nakahiga ito habang nakadagan ang isang lalaking hayok sa pagahalik dito.Nagpupumiglas ito,umiiyak,humihingi ng tulong sa kanya.Napako ang tingin nya dito,nagulat sa nakita’t hindi alam ang gagawin.Hanggang sa mapadako ang mata nito sa kanya.

Nagkatitigan sila habang kita nya dito ang sakit dahil sa nararanasan.

Maria Esther… Anang ani nya sa isipan na tila sigurado sya na ito ang pangalan ng babaeng iyun.

“H-Hindi ako si Maria Esther” ani nito na ikinatigil nya.Hindi inaasahan ang pagkausap nito sa kanya sa gitna ng ginagawa ng lalaki.“Hindi ako si Maria Eshter!” Sigaw na nito “Ayokong maging si Maria Esther!”

Hindi nya alam pero tila umalingawngaw sa paligid ang malakas nitong sigaw.Pero kahit ganun, nagpatuloy lamang ito,hindi ininda ang lakas ng boses.

“Hindi ako si Maria Esther!” Ani nito at napatakip na sya ng tenga dahil sa lakas “Hindi ako si Maria Esther! Ayokong maging si Maria Esther!”

Sunod sunod na itong sumigaw.

Hindi na ito tumigil pa na tila mababasag na ang kanyang tenga.

“HINDI AKO SI MARIA ESTHER!!”

“Esme!”

Bigla syang napabalikwas dahil sa malakas na sampal na naramdaman mula sa kanyang pisngi.Habol ang kanyang hininga habang napa upo mula sa kamang hinihigaan.

Agad syang nagising sa diwa at mabilis na pinagmasdan ang buong paligid.Nasa sarili syang silid.Kasama ang tyahin habang nasa harap nito alalang alala sa nangyayari sa kanya.

’Panaginip lang pala.

“Ano bang nangyayari sayo?” Tanong ng tyahin pagkatapos sya hagudin sa ulo at iabot ang isang basong tubig “Binabangungot ka”

Tinanggap nya ang baso at ininum nya ito.Kapagkuwan ay ibinigay nya ito sa tyahin at inilagay sa isang lamesang nasa gilid ng higaan nila.

Hindi sya sumagot sa tanong ng tyahin.Bumuga na lamang sya ng malalim na hininga pagkatapos ay napayakap sa katawan ng nagaalalang tyahin.

“H-hindi ako si Maria Esther” ani nya bago magcrack ang boses at sunod sunod na napaluha.

Hinayaan lang syang nakayakap dito ng ilan pang segundo bago ito magtanong.

“Sinong Maria Esther?” Tanong ng tyahin pagkatapos bumitaw sa yakap nya dito.

Bumuga sya ng malalim na hininga habang malungkot na nabaling ang tingin sa malayo “Yung babae po sa pantalan…” Sagot nya “Humihingi po sya ng tulong, tinatawag ang pangalan nya ng isang nilalang sa paligid pero hindi ko po alam kung bakit ako yung tumatakbo. Tapos po…” napalunok sya ng laway “Tapos nakita ko pa yung isang babaeng walang mukha.Hinawakan nya po ako pero pumiglas ako,tapos natumba ako.Dun ko sya nakita na nakahiga sa dulo ng lumang pantalan. N-nire-rape po sya tiya” hindi nya napigilan ang sariling maiyak dahil sa ikinu-kwento.Agad naman syang dinaluyan ng tyahin upang kumalma kapag kuwan ay nagpatuloy sa pag-sasalita “Nasambit ko po yung pangalan ng Maria Esther sa isip ko.Pero narinig nya parin po yun.Pagkatapos nun,tinatanggi nya yung pangalang binanggit ko. Hindi daw po sya si Maria Esther.” Bahagya nya sineryoso ang mukha at matamang tumitig sa tyahin “Ayaw nya daw pong maging si Maria Esther”

Hindi na sumagot ang tyahin sa sinabi nya.Taimtim sya nitong niyakap at hinagod mula sa likod.Dama nya ang takot at halata ang bahagyang panginginig ng katawan dahil sa panaginip. Nalaman nya na nahimatay sya sa pagsakal ng kanyang tsuhin sa leeg nya.At dahil wala naman daw silang pang pa hospital.Sinigurado ng tyahin na magiging maayos ang lagay nya kahit nawalan na sya ng malay.Ito siguro ang dahilan ng mahaba haba nyang pagkahimlay na nauwi sa masamang panaginip.

’Panaginip na ayoko ng balikan.

Ngayon,dahil na sa wisyo na ang kanyang utak.Nagtaka sya kung bakit katabi nya ang tyahin sa silid na kinalulunlan.Naisabi nito na dapat magkatabi na silang matutulog nito mula ngayon dahil sa masamang pangyayari.Habang ang tyuhin naman ay nasa isa pang silid kung saan ang mga ito natutulog noon.

Dama nya din ang pagaalala ng tyahin sa nangyari sa kanya.Kaya naman masaya sya kahit papano dahil naririto ang tyahin sa tabi nya palagi at hindi sya pinababayaan.Isa na itong ina para sa kanya kaya dito sya lubos na mas malapit.

Pagkatapos ng ilan pang paalala ng matanda sa kanya.Bumalik na sila sa pagtulog.Ilang minuto nya muna hinanap ang antok sa utak dahil hindi kaagad na waglit sa kanya ang masamang panaginip.Pero hindi man lang sya dalawin nito hanggang sa nakatulog na ang ginang sa tabi nya. Ilang pwesto na ang sinubukan nya sa paghiga pero hindi na sya inantok pang muli.

Kaya naman napagdisisyunan nya ng tumayo sa higaan.Tinignan nyang muli ang baso na may tubig na kalahati nalang ang laman.Hindi na ito malamig kagaya kanina.Namalat nanaman kasi ang kanyang lalamunan kung kayat gusto nyang uminom ng tubig.

Napagdisesyunan nyang lumabas ng kwarto at magtungo sa kusina.Pero bago pa man sya makarating sa daungan niyun ay madadaanan nya muna ang silid ng magasawa na ngayon ay ang tsuhin lang ang natutulog duon.

Hindi naman nya sinasadyang mapasadahan ng tingin ang pintuan ng silid nayun kaya nakita nyang bahagya itong nakabukas.

Tahimik ang buong paligid dahil madaling araw palang ng umaga pero nahiwagaan sya ng marinig ang kakaibang tunog na nagmumula sa silid naiyun.

Ang kaninang kaba dahil sa takot ay nawala.Pero ngayon naramdaman nya ulit ang kaba ngunit hindi na kagaya ng takot kanina.Kundi yung kaba na iyun ay maaaring may iba syang makita sa silid kung saan natutulog ang kanyang tiyo.

Matindi ang kanyang kunsintrasyon sa naririnig. Isang ungot ng impit na boses na tila naiipit o di kaya nasasarapan sa isang bagay. Hindi nya namalayang kusa na palang humakbang ang kanyang mga paa.Habang papalapit sya dito,lumalakas ang ungol.

Dahan dahan syang dumukhang sa naka-awang na pinto.Upang makita ang sana’y hindi nya na sana nakita pa.

Nakahiga ang kanyang tiyo sa isang kamang naroroon. Nakababa ang short nito hanggang tuhod habang padaskol nitong minamasahe ang Ari nito.

’T-tito?…

Dahil sa paglapit nya naririnig na nya ang sinasabi nito.Pero laking gulat nya na isang pangalan binabanggit nito.

“S-sebyo…” Paungol nitong ani “Ugh!…Sebyo…H-hayop ka talaga…”

’ Sebyo?

Tila isang pangalan ng lalaki.

CHAPTER 13

(Ang sticky note)

Agad syang napa atras dahil sa nakita.Napatakip sya ng labi at bahagya pang nanlaki ang mga mata.Hindi nya lubos maisip na makikita nya ang sinaryo nayun sa tsuhin.Hindi nya malimutan ang korte ng mukha nito habang nasasarapan.Ang buong buo nitong boses habang umuungol at binabanggit ang isang pangalan.

’Sino nanamang Sebyo?

Isang bagong pangalan ang kanyang nalaman.At sa kanyang palagay,ang pangalan na iyun ay ginagamit lamang ng isang lalaki.

Pero bakit ang pangalan na iyun ang sinasaad ng tsuhin sa gitna ng pagpapaligaya nito sa sarili.

Sino si Sebyo?

Lalaki ba ito o babae?

Hindi nya maisip na baka nagnanasa ang tsuhin sa kapwa nito lalaki.Hindi sya nagduda sa pagkatao nito.Pero kahit kailan,hindi nya ito nakitaan ng kakaiba sa paggalaw nito.Maging sa mga hilig nito. Ang pagbabasketball sa maliit na kort sa harap ng bahay nila ang pangunahing libangan ng tsuhin.Sa edad nitong trenta y’ syete ay mabilis pa itong gumalaw at may kagisigan pa.

Brusko pa ito kung matatawag na kahit hindi man ganun kalaki ang katawan ay masasabi mong may laman.Hindi nya lang maisip kung bakit ganun ang tsuhin.Alam nyang natural sa pag lalaro ng sarili ang mga lalaki.Ngunit sa pagbanggit ng isang pangalan na kung hindi pangalan ng babae,bakit naman isang pangalan ng lalaki.

Hindi na sya bago sa mga discreet na binabae.Aaminin nya isa sya sa mga ito.Isang bihis lalaki,pero kung gumalaw ay tila isang malambot na gulay.Kung ikukumpara ang tsuhin sa mga taong ganun.Malayo ito sa kanila,dahil ang tsuhin ay lalaking lalaki gumalaw at may asawa pa ito.Hindi ito maikukumpara sa kanyang sarili,na kahit isa ring discreet na binabae ay may kalambutang taglay.

Ikinalma nya ang sarili.Iwinaglit saglit ang sinaryong nakita nya sa kanyang tsuhin.Maari kasing may pangalan itong binanggit.Kung Sebyo man ito,o baka mali lang ang kanyang pagkakarinig.

Sana nga tama sya,na mali sya sa narinig na pangalan. Dahil oo,hindi sya kumbinsido na ang tsuhin ay may lihim na pagkatao.

Huminga sya ng malalim at pinagtibay ang loob.Hind na nya magagawa pang ibalik ang sarili sa pinto nayun upang tignan kung ano na ang ginagawa ng tsuhin.

Kaya naman humakbang na sya upang magtungo sa kusina.

Pero hindi nya ata napansin na nanginginig parin pala ang kamay kaya dahil dito ay nabitawan nya ang basong hawak.

Nakagawa ito ng ingay sa paligid.

Nagkalat ang mga bubog nito mula sa sahig.Hindi agad sya nakahakbang dahil baka mabubog sya.Hindi nya rin alam ang gagawin dahil sigurado syang narinig ito ng tsuhin.Kaya naman muli nya lang ulit kinalma ang sarili.Dahan dahan nyang kinuha ang walis at dustpan upang sana pulutin ang mga bubog na nagkalat.Wala syang ginawang ingay sa mga galaw nya ngunit sadyang ikinagulat nya ang paglawak ng bukas ng pinto sa harap nya.

Inuluwa nito ang tsuhing na may pagtatakang nakatingin sa kanya.

Bumaling ang mata nito mula sa basag na baso sa sahig kasya ito muling tumingin sa kanya.

Bigla syang kinabahan.Kilala nya ang tsuhin.Kahit kaunti lang ang maling nagawa nya.Magagalit na ito at hindi ito magdadalwang isip na pagbuhatan sya ng kamay.

Mabilis syang lumuhod sa sahig upang asikasuhin ang bubog.

Nanginginig parin habang maingat na inilalagay ang mga bubog sa dustpan na hawak.Hindi rin sya mapakali dahil nasa harap nya lang ang tsuhin na pinagmamasdan lang sya nito sa ginagawa nya.

“Bakit nabasag ang baso nayan?” Malamig na tanong nito kaya bahagya syang natigilan.

Hindi sya sumagot at dahan-dahang ini-angat ang paningin kung saan nakatayo ang tsuhin.Nakahubad ang pangitaas na damit nito,lantad ang medyo matipuno nitong katawan.Suot na nito ang short na kanina nakababa lang hanggang sa kalahating tuhod nito habang ginagawa ang bagay nayun.

Bigla syang naginit sa alaalang nakita kanina. Pakiramdam nya namumula sya dahil sa hiya’t kabang nararamdaman ngayon.

“At ano naman ang ginagawa mo sa labas ng kwarto mo sa disoras ng gabi?” Tanong ani ulit nito.Napansin nya bahagya nitong nilingon ang loob ng silid kasya sya muling tinignan “I-ikaw ba? ay may ibang nakita?” Naiilang nitong ani dahilan ng ikinaiwas ng paningin nya mula dito.

“W-wala po” sagot nya “Iinom po sana ako ng tubig.P-pero po nabitawan ko yung yung baso kaya nabasag”

Hindi nya alam kung nagunihan lang sya pero tila mahinang natawa ang tsuhin dahil sa sinabi nya.“Sa harap ng kwarto ko?” Natatawang ani nito “Nasa kabila ang pintuan ng kusina.Katapat lang ng pintuan ko.Bakit naman sa mismong harap pa ng kwarto ko nabasag ang basong hawak mo?” Hindi sya nakaimik dahil sa kuryosidad ng tsuhin. Naramdaman nyang lumuhod din ito sa harap nya,katapat ng pwesto nya na parang nasisiyahan ito sa kung anong pamumula ng mukha nya “Sabihin mo Esme” ani nito “May nakita ka pabang iba? O sadyang mali lang ng pintuan ang pinasukan mo.Baka nahihilo kapa dahil sa nangyari sayo kanina”

Napalunok sya ng laway “Sorry po” ani nya.

“Sorry?” Tanong ng tyuhin “Sorry kasi may nakita ka? Ikwento mo nga sakin kung anong nakita mo?”

Dahil sa huling sinaad ng tsuhin.

Para namang tumalbong ang puso sa dibdib nya.Sa ngayon,hindi nya maitatangging alam na nito na nakita nyang nakadungaw sya sa pinto.Kaya naman mabilis ang kilos nyang iniligpit ang bubog mula sa dustpan.Para makaalis sa harapan ng tsuhin.Pero siguro napansin ito ng matanda,kaya naman bigla sya nitong hinawakan sa kamay dahilan na ikinatigil nya.

“Masusugatan ka sa ginagawa mo,nagmamadali kaba?” ani nito na ipinagtaka nya.Tila kasi naging maamong tupa ito habang nakahawak sa kamay nya.Hindi nya alam pero mabilis nya itong inigaw na ikinatawa naman nito “Wag ka mag alala” mahinahong ani nito “Hindi naman magagalit si Tito dahil sa nabasag mo e.Basta ba,ikwento mo lang sakin ang lahat ng nakita mo”

“I-ilalagay ko na po to sa basurahan” pag iibang paksang ani nya.Mabuti nalang at naubos na lahat ng bubog sa sahig kung kayat mabilis syang nakatayo.

Naiwan padin ang tsuhin sa harap nya habang nakaluhod itong nakatingin sa kanya “Pasensyo na po tiyo.P-papalitan ko nalang po ang baso bukas”

Mabilis syang tumalima sa pwesto.Agad nyang inilagay sa basurahan ang nabasag na baso at pumasok na ulit sa silid nila ng tyahin.Hindi nya alam ang gagawin.Pero isa lang ang naiisip nya,bagamat kasi umamo sa ganong sitwasyon ang tsuhin.Hindi nya padin mapigilang maisip na may kakaiba itong pakay sa kanya.

Sa mga sandaling iyun.

Nararamdaman nya,nasa masamang kamay na sya at hindi na ata talaga maganda ang lagay nya sa bahay na ito.

’Please po ina…nais ko po kayong maramdaman kahit ngayon lang.

MAY sikat na ng araw ng mapabalikwas sya mula sa hinihigaan.Agad nyang tinignan ang orasan mula sa gilid ng lamesa sa higaan nya.Dahilan ito upang magmadali sya sa pagaasikaso ng gamit para sa skwelahan.

Tinanghali sya ng gising dahil anong oras na sya nakatulog kagabi.Mula ng managinip kasi sya ng masama,hindi na sya dinalaw ng antok.Oo,tama. Nanaginip nga sya kagabi,mula sa madilim na pantalan hanggang sa babaeng ginagahasa sa dulo nito.Hindi nya man gustong balikan ang mga alaala nayun pakiramdam nya kailangan.Kasya naman kasi maalala nya pa ang ikalawang pangyayari sa tanan ng gabing dumaan sa buhay nya.Ang makita nya ang ginagawa ng kanyang tsuhin.

Pinilit nyang iwaglit sa isip ang pangyayari ukol sa nakita nya.Pinalitan nya iyun ng panaginip nya na kahit masama ay mas ok parin dahil alam nyang panaginip lamang ito.Hindi katulad ng nasaksihan na totoong scenario at mukhang habang buhay nyang maalala.

Huminga sya ng malalim bago lumabas ng kusina.Tapos na syang makapagtootbrush at magmumog.

Ang masama hindi na sya nakaligo,dahil kakain ito ng mas malaking oras.Kaya naman,naghilamos at nagpunas nalang sya ng katawan.Nagpalit na rin sya ng damit na kumportableng suotin pagpasok sa skwelahan.

Pagkatapos gawin mabilisang bagay nayun sa sarili.Nagtungo na sya sa sala kung saan doon nagsadyang kumain ang magasawa. Nabaling ang pansin ng dalawa sa paglabas nya.Ewan pero hindi na nya nagawang tumingin pa sa tyuhin na alam nyang may tinatagong kakaibang ngiti sa mga labi.Hindi nalang nya ito pinansin kapagkuwan ay binalingan nalang ang tyahing nagtataka sa pagmamadali nya.

“Hindi ka na ba kakain?” Tanong nito.

“T-tanghali napo ako Tiya” sagot nya.

Kumunot naman ang noo ng tyahin dahil sa sinabi nya “Papasok kaba talaga ngayon?” Tanong ulit nito.“Anak,baka hindi kapa ok,baka mahilo ka pa nyan.Mas mabuting magpahinga ka na muna.Sinadya ko na hindi ka gisingin ng maaga.Baka kasi masama pa ang pakiramdam mo”

Dama nya ang pagaalala sa boses ng tyahin ngunit mas makakabuti sa kanya ang ideya ng pagpasok nya ngayon.Para siguro makalimot sya kagabi ukol sa kanyang tsuhin.“O-ok na po tiya” sagot nya.“Week day po kasi ng faculty namin e,m-marami pong activity”

Napansin nyang umikhim ang tiyo nya “Pero mas mabuti naman atang mag-pahinga ka muna.Alam kong nahilo ka pa kagabi dahil sa-”

“Hindi po” agad na putol nya dito kapagkuwan ay napalunok sya ng laway “Ok lang po talaga ako T-tiyo,tiya.Marami lang po talaga akong kailangan tapusin” ani nya kapagkuwan ay mabilis na tumalima paalis.

Hindi na nya inisip kung magtataka ba ang dalawa dahil sa ikinilos nya.Sa ngayon kasi,mas gugustohin nya munang mag palamig malayo sa bahay nato.At lalong lalo na sa tiyo nyang kanina pa may malokong ngiting tinatago sa kanya.

Hindi na nya namalayang nakatapak na pala sya sa skwelahan nya dahil sa pagmamadali.Mula kasi sa bahay nila ay sasakay sya ng isang trycicle papuntang kanto ng street Mariposa. Pagdating dito ay sasakay muli sya ng isa pang dyip pahatid naman sa mismong tapat ng kanilang skwelehan. Ang Marka Maskara University (M.M University). Ang kauna unahang unibersidad sa kanilang baryo na itinayo pa noong matapos ang pananakop ng kastila at amerika sa pilipinas.

Ang unibersidad na ito ay sikat.Kaya maging ang mayayaman sa baryo nila.Kagaya na lamang ng mga Montefalco ay dito nag-aaral.Isang prebilihiyo para kay Esme na makapasok sa gantong klase ng paaaralan sa kanilang baryo.Kaya naman ang pagiging scholar ang tanging paraan kaya sya nakapasok dito at ngayon ay nakuha nya na ang kanyang pinapangarap.

Pagkapasok na pagkapasok nya palamang sa gate ng unibirisidad.

Sumalubong na kaagad sa kanya ang naghuhumangos na kaibigan.Si Rosaine.Tila kasi nakakita ito ng isang himala ng masilayan sya nito.Agad lamang sya nito hinawakan sa kaliwang braso at hinila kung saan.

“San ka ba nang galing?” Tanong nito habang habol parin ang hininga “Bakit ka late? Kanina kapa inaantay ng buong faculty.May problema ang booth natin”

Bahagya syang napaigtang dahil sa balita ng kaibigan.Pero pinili nya paring kumalma para maintindihan ang masamang balita nito.“May kumakalat na balita tungkol sayo” patuloy ng dalaga “At nagagalit si Dean dahil naaapektuhan daw ang booth natin dahil sa chismiss nayun”

“Huh? Anong chismiss naman?” Ani nya.Hindi sila tumigil sa pagmamadaling lakad takbo hanggang makarating sila sa booth na kinalulunlan.

Hindi na sumagot pa ang dalaga.Inuwestra nya nalang ang kanilang booth na nakatayo sa pagitan ng dalawa pang booth na pag-aari ng ibang faculty.Napakunot noo sya dahil punong puno ito ng sticky not na kulay greean.Buong tela na bumabalot sa booth nila ay nadidikitan ng sticky note na ipinagtataka nya talaga.

“Ano naman ang mga yan?” Ani nya.

Rosaine smirk,bago kumuha ng isa sa mga stickynote nayun at ipinabasa sa kanya.

“ Maria Esther…o Maria Magdalena na mababa ang lipad.Sino kaba talaga Esme? Sino si Maria Esther?“

Agad na naginit ang mukha nya dahil sa nabasa.Saglit nyang tinignan ang ilan pang mga nakadikit na stickynote doon.At halos lahat ay ganun ang nakasulat.

“S-sino ang may gawa nito” tanging ani nalang nya.

Bago sila makaramdam ng mga ilang grupo ng tao na dumating mula sa likudan nila.Nilingon nya na ang grupo na iyun at hindi nga sya nagkamali sa hinala.

Si Kye Montefalco.Kasama ang apat pa nitong kaibigan.

Hindi na sya nakagalaw pa sa kinatatayuan.Hindi narin nya namalayang lumapit na pala sa gawi nya ang apat na kasama ng binata.Mabilis ang kilos nitong dinikitan sya ng stickynote mula sa kanyang suot na damit.Halos mapuno ito kaya para syang standy na dinikitan ng kung ano ano sa katawan.

Hindi sya umimik, magkatitigan lamang sila ng binata habang napupuno ng stickynote ang kanyang katawan.Hindi nya alam,pero pakiramdam nya namumugtong na ang kanyang mga mata dahil sa pamamahiyang ginawa sa kanya ng binata.

Hindi sya umimik,mas piniling tikom ang kanyang bibig.

“Hi,Esme Hermosa” ani nito pagkaalis ng apat na dinidikitan sya sa damit. Napansin nyang tumaas pa ang kabilang gilid ng bibig nito “Can you introduce yourself to us? Tell me,are you Maria Esther? Ang babaeng mababa ang lipad”

CHAPTER 14

(Ang kambal na Montefalco)

“Im not Maria Esther!” Singhal na sagot nya sa binata.Wala na syang paki kung nakaka kuha na sya ng iba pang atensyon.

Napipikon na sya and its really offended,him.Kung ano man ang nangyayari ngayon “Hindi ako si Maria Esther at lalong lalo na hindi ako isang kalapating mababa ang lipad!” Ani nya pa bago tumalikod at lumakad papalayo.

Hindi na nya napigilang maibuhos ang luha.Alam nyang pinagtitinginan sya ng iba pang mga studyante.Pero wala na syang pakialam dito.Gusto nya lang magtago dahil sa kahihiyahang ginawa sa kanya ng binata.

Hindi na nya alam kung saan na sya dinala ng mga paa.Basta namalayan nya nalang na nasa isang balite tree na sya dito parin sa loob ng university.Sadyang pinaganda lang ng mga staff and teacher ang balite na ito para hindi mukhang nakakatakot at mapagtambayan pa ng mga studyante ng MMU.

Dito ata napili ng mga paa nyang kusang magtungo. Dahil siguro kahit ang mismong katawan nya ay alam kung paano makakahanap ng tahimik at tiwasay na lugar sa skwelahang ito.

“Esme…” Tawag ni Rosaine sa kanya na alam nya ding nakasunod ito san man sya magpunta.

Nilingon nya ang dalaga at naupo sa isang bench na naliliman ng puno ng balite.

“Wag mong tatanungin kung ok lang ako” ani nya sa dalaga “kasi hindi.Hindi ko alam kung san nya nakuha ang Idea nayun.Hindi ko rin alam kung bakit ako naman ngayon ang pinagti-tripan ng Kye Montefalco nayan”

Narinig nyang napabuntong hininga ang dalaga “Ano ba kasing problema ng Montefalco nayun?” Takang tanong nito “Esme aminin mo nga,kilala mo si Kye sa pagiging spoiled dito sa M.M.U.Basically dahil sya siguro ang anak ng mayaman dito sa baryo.Kalahati ng school o baka itong buong paaralan natin kayang kaya nyang bilhen.Marami na syang napagti-tripang studyante.Bago ka paman magsimula sa pag aaral dito.Kilala mo na sya noon palang Esme.Kaya tatanungin kita.May ginawa kabang hindi nya nagustuhan?”

Natigilan sya dahil sa lintanya ng dalaga.Nawala bigla ang pagiyak nya at napalitan ito ng pagtataka.“Ano bang ibig mong sabihin?” Tanong nya.“Na ako pa ang may kasalanan kung bakit nangyayari sakin lahat ng to” pagak syang natawa “Rosaine alam mong napaka lowkey lang ng profile ko sa unibersidad nato.Ni malabo nga akong mapansin ng spoiled brat na Montefalco nayun.Kaya ako rin,nagtataka kung bakit ako yung trip nya.Wala akong kinalaman”

Napatitig sa kanya ang dalaga.“Esme,sa tingin ko kailangan mo syang kausapin” ani nito na may diin ang boses “Dahil pag ako ang kumausap sa lalaking yun.Hindi ko mapipigilan ang sarili kong sapakin yun.Kaya pleas,kausapin mo sya.Dahil hindi ko hahayaang sirain nya ang pangalan mo sa paaralan natin.Isa pa,kuleheyo na sya.Inshort matanda na.Wala na tayo sa mga teenfiction kung saan uso ang mga bully”

Napabuntong hininga sya “Paano ko naman gagawin yun?” Malungkot na ani nya “Montefalco ang binatang yun.Sa tingin mo ba may palag ako na isa lang scholar sa paaaralang ito?”

“Ako hindi ako scholar” matapang na ani ng dalaga “Dito ako nag junior high kaya ilang taon na ako dito.Kilala ko na yang Kye at Kyst Montefalco nayan.Gusto mo ba ako nalang ang bumanat sa kanila?”

Tipid syang ngumiti ng marinig ito sa dalaga.Kahit kailan kasi,hindi sya nito hinahayaang masaktan ng kahit sino.Ang pagiging ate ng dalaga sa kanya ay ang labis na gusto nya dito.

Pero palagay nya,hindi naman dapat laging ganto.Dapat may gawin sya.

“Salamat Rosaine” ani nya.“Pero tama ka.Dapat kausapin ko sya.Hindi ko to patatagalin.Aayusin ko to agad.Hindi ko sya hahayaang gawin nya lang lahat ng gusto nya” saglit syang natigilan at napaisip sa isang bagay.

Napansin naman agad ito ng dalaga kaya agad itong nagtanong.“Anong problema?”

Napaisip sya bago sumagot.“Dun sa plaza” ani nya ng maalala ang isang lalaki sa naturang lugar. “M-may isang lalaki ang lumapit sakin”

“Tapos?” Tanong ulit ng dalaga.

Napatingin sya sa mata ng kausap “Tapos tinawag nya rin akong Maria Esther” sagot nya “Hindi ko sya kilala.Ngayon ko lang din sya nakita.Kaya nagtataka ako,dahil kung paano nya kasi ako tignan ay parang kilalang kilala na nya ako noon pa.”

“Ano namang pangalan ng lalaking yun?”

“Hindi ko alam e” ani nya “Pero pakiramdam ko may kakaiba sa lalaking yun.” Saglit syang natawa ng mahina “Nakakatwa na nanunubig pa yung mga mata nya habang nakatingin sakin.Para bang m-miss na miss nya na yung pangalang tinawag nya sakin.Hindi ko alam”

Hindi nagsalita ang dalaga sa harap nya.Nagkatitigan lang sila na parang pina-process ang lahat “Tapos lumayo ako sa kanya ng kapitan nya ako sa balikat” saad nya “Natakot ako,kaya siguro hindi ko na sya pina kinggan at mabilis na lumayo sa kanya.Pero bago yun” saglit syang tumigil at napatingin lang sa kawalan “Mabilis akong umalis papalayo sa lalaking yun.Pero nilingon ko sya ulit sa malayo at yun”

“At yun? Anong yun?” Tanong ng dalaga.

“Nakita ko si Kye sakay ng kotse ng lalaking yun” sagot nya “Nakatingin sya sakin habang nanlilisik ang mga mata”

Napansin nyang napabuga ng malalim ang dalaga na parang nagaalala sa kanya.Tila kasi may na-alala itong hindi maganda ukol sa sinabe nya.

“Sabihin mo nga Esme.Gaano kaba talaga ka lowkey para hindi makilala ang mga magulang ng kambal na Montelfaco?” Tanong ng dalaga na hindi naman nya sinagot “Alam kong hindi ka dito nag Junior high sa university.Hindi karin dito nag senior dahil hindi naman tayo naabutan ng Kto12 program ng government.Isa pa-”

“Ano bang gusto mong sabihin?” Kunot noo nya nalang tanong sa dalaga dahilan matigilan ito.

Muli nalang itong bumuntong hininga “Alam ko na kung bakit nag aalburoto tong Kye Montefalco” saad ng dalaga na ikinakunot nanaman ng noo nya.Hindi sya sumagot “Tatay nya kasi yung lalaking lumapit sayo sa plaza.Tatay nya yung tumawag sayong Maria Esther”

“S-sino?” Tanong nya.

“Si Juanillo Montefalco” sagot ng dalaga “Ang ama ng kambal na si Kye at Kyst Montefalco.Na alam ko pagiinitan ka narin ng babaitang kambal ng Kye na yun dahil sa nalaman nya”

“Pero mali naman sila ng inaakala ah” ani nya “Hindi ako ang kabit ng tatay nila.Hindi ako si Maria Esther.Isa pa,hindi naman siguro bakla yang tatay nila para pumatol din sa baklang katulad ko diba?” Pagak syang natawa dahil sa naisip “Ganun ba kakitid ang utak ng Kye nayun para pagbintangan akong kabit? Gaano ba sya ka close minded-”

“So,ikaw si Maria Esther?” Natigilan sila ni Rosaine ng may babaeng pumwesto sa harapan nya.Napatabi naman ng wala sa oras ang dalaga na gulat dahil sa hindi inaasahang dadating.

Speaking of the devil.Kyst Montefalco.Ang babaeng kambal ni Kye Montefalco,na sa ngayon ay mukhang pagiinitan narin sya dahil sa maling haka haka ng binata.

Pagak itong tumawa habang sinusuri sya mula ulo hanggang paa.Tila ang pagtingin nito sa katawan nya ay indikasyon na hindi nya ka level ang dalaga.

“Hindi ko akalain na papatol si Daddy sa isang kagaya mo” tiim nitong ani.

Kumalma sya at muling napabuga ng malalim.Sa oras na ito,kailangan nyang harapin ang problema nya “Mali ka ng iniisip. nagkakamali lan-”

“Talaga ba?” Saad ng dalaga dahilan upang ikaputol ng iba pa nyang sasabihin “So sinasabi mong mali ang kambal ko?” Kyst smirk to him “So sino ba talaga si Maria Esther? Bakit ka tinawag na Maria Esther ng daddy ko? Code name mo bayun para maattract sayo ang daddy ko? Sabihin mo” bahagya itong lumapit sa gawi nya habang nag-iigting ang panga nitong nakatitig sa kanya “Kabit kaba ng daddy ko?”

Tinignan nya ang dalaga,mata sa mata na parang tinatago ang intimitadong dating ng dalaga sa kanya.

“Hindi ko alam ang sinasabi mo” ani nya “Hindi ko nga alam ang pangalan ng daddy mo e.Hindi ko sya kilala”

Narinig nyang pagak na natawa ang dalaga dahil sa sinabi nya.

“Oh,c’mon” sarkastikong ani nito “E,bakit kilala ka nya? Bakit tinatawag ka nya sa pangalang Maria Esther? Sino si Maria Esther?” Natigilan sya at hindi nakasagot.Kaya nag patuloy ang dalaga “Kung nakita mo lang ang mga mata nya na punong puno ng pagmamahal sa pangalan nayun.Kung nakita mo lang sana kung paano sya humikbi tuwing gabi pagkatapos mapanaginipan ang laging binabanggit na pangalan ng babaeng yun.Mararamdaman mo din ang nararamdaman kong galit.Nahihirapan si Daddy at wala kaming magawa.Im sure na ikaw si Maria Esther.O,di kaya, nagpapanggap kang si Maria Esther” Hindi nya kinakaya ang mga sinasabi ng dalaga.

Hindi nya alam kung anong dapat sabihin dito.Hindi sya makapaniwalang may kakaiba palang nangyayari sa tatay ng kambal na Montefalco na ito dahil sa pangalang Maria Esther na hindi nya din kilala.

“Kaya sabihin mo sakin” pagpapatuloy ng dalaga “Sino kaba talaga?”

Dahan dahan syang umatras upang magkaroon ng ispasyo ang pagitan nila ng dalaga.Sa mga sinasabi nito,tila habol ang hininga nya at hindi sya makahinga “H-Hindi ako si Maria Esther” matapang na sagot nya “Uulitin ko,hindi ko kilala ang tatay  nyo maging ang babaeng tinutukoy nya.Bago lang ako dito sa MMU.Tatlong taon palang. Pero sa tanan ng buhay ko.I never meet your father”

“Ayokong ng paulit ulit” saad ng dalaga.“Wina-warningan lang kita.Kung si Maria Esther kaba o kung sino mang nilalang.Lumayo ka na sa daddy ko.May mga problema din kaming kinakaharap ngayon kaya wag ka ng dumagdag pa.Dahil ako” napansin nyang muling nagigting ang panga ng dalaga “Hindi mo gugustohin mambully sayo,college man na tayo o hindi.Basta pagdating sa pamilya ko,wala akong kinatatakutan.Haharapin ko lahat at handa akong sumira ng buhay”

Kitang kita nya kung paano umikot ang malabilugang mata ng dalaga.Tinarayan sya nito,bago ito tumalikod sa kanya paalis.Hindi na sya nakapagpaliwanag pa ng maayos.Dahil tila sarado ang isip ng babaeng iyun para pakinggan sya.

Hindi nya lubos na maisip,na sa halos tatlong taon nya dito sa MMU.Makakalaban nya ang magkambal na Montefalco.Si Kye and Kyst Montefalco.Ang tinaguriang power twins ng university. Pero alam nya,kahit ano pa ang mangyari,hindi sya dapat sumuko.Kailangan linisin nya ang pangalan nya.

Hinding hindi pwedeng mabansagan syang kalapating mababa ang lipad sa paaralang ito.Ang kasabihan nayun ay para sa mga babaeng pumapatol sa ibat ibang lalaki.Para ito sa mga kabit na pumapatol sa lalaking kasal na sa asawa.Hindi sya isa sa mga iyun.Dahil oo,bakla sya.At hindi nya hahayaang matapakan pa ang pagkatao nya sa maling paratang ng binata sa kanya.Mali na ang tingin ng mga tao sa pagiging bakla.Kaya hindi nya hahayang madumihan pa ang pagiging sya sa pinapakita nya sa lipunan.

Piniling pumasok ni Rosaine sa klase.At sya,mas piniling magasikaso sa booth nila.Upang kahit papano ay makabawi sila sa goal nilang makabenta ng kung ano anong merch sa week nila.Ito ang goal nila ngayon,ang maabot ang standard na binigay sa kanila ng Dean nila.At ang goal nayun ay makabenta ng mga lumang gamit na paki-pakinabang parin.

Pero sa gulo na ginawa nung Kye nayun.Ang goal nila ay mukhang hindi maaabot sa araw nato.Dahil yun sa paninira ng binata at dahil sa kapangyarihang mapasunod nito ang lahat ng studyanteng wag bumili sa booth nila ng kung ano-ano.

At syempre,yung dean nila.Nagagalit,nagagalit sa kanya kaya kahit papano gusto nyang gumawa ng paraan.

“Pano nayan?,pano natong week fest ninyo? Wala tayong mapapala” reklamo ng dean sa tabi habang inaayos ang mga binebenta nilang lumang mga kagamitan “Bakit mo pa kasi kinalaban ang Kye Montefalco nayun e.Bakit ba kasi lumandi ka pa sa daddy nya”

Natigilan sya sa huling binanggit ng Dean sa kanya.Kaya naman hindi nya naiwasang maidabong papalapag sa mesa ang hawak nyang libro na ikinagulat naman ng dean sa tabi.

Nagigting ang panga nya “Profesor ka dito” ani nito “Basically studyante mo ang Kye nayun.Alam mo ang maling ginagawa nya.Ginigipit nya ang booth natin.Pero ikaw wala kang magawa kahit mas mataas pa ang katungkulan mo sa kanya.Pwede mo naman po ata syang ireklamo sa committee dahil sa ginagawa nya diba? Bakit hindi nyo po gawin”

“At bakit hindi ikaw ang gumawa?” Tiim na sagot ng propesor “sayo din naman nagsimula ang gulo diba.Isa pa,akala mo madali lang para sa studyanteng malaki ang shares sa paaaralan nato.Madali lang ireklamo ang studyanteng kayang bilhen ang buong school nato at kayang magpatalsik ng guro?” Pagak itong natawa “Mas papakinggan pa ng committee ang Kye nayan kaysa sakin.E,pinapasahod lang naman ako dito bilang tagapagturo sa mga studyanteng matitigas ang ulo”

Napahinga nalamang sya ng malalim.Umalis ang propesor sa tabi nya at nagpunta sa kung saan.Kasya narealize ang isang bagay.Week pala ng faculty nila.Basically ang halos labing limang booth na nakatayo sa buong unibersity ay magkakakumpitensya.

Pagnanalo,may plus sa midterm exam at may exempted pa sa finals.Kaya naman,kahit nakakahiya, pumwesto sya sa harap ng sarili nilang booth at inihahanda ang sarili na mag engganyo sa mga studyanteng dumadaan para bumili ng merch nila.

Pinalakas na nya ang loob dahil hindi nya hahayaang matalo.Pero bago pa sya makapagsimula ng pagyaya sa mga customer,bigla nalang sumulpot sa harap nya ang isang binata.

Speaking of,its Kye.

Kye Montefalco.

“Are you pathetic?” Cool na ani nito.Nilingon nya ang binata at saglit na napahinga ng malalim dahil sa naudlot na gagawin.“Sa tingin mo ba? Mananalo parin kayo sa gitna ng competition? Nasa sakin ang kapalaran ng faculty mo hindi mo ba alam?”

Hindi sya nag pakita ng kahinaan sa binata. Matapang nya lamang itong tinitigan.“Alam ko” ani nya “At para sabihin ko sayo,this is not fair.Pinapalabas mo lang na isip bata ka. Nagbibintang ka ng mga kung ano ano at sinisira mo ang pangalan ng isang tao.Hindi mo kayang lumaban ng patas”

Hindi nya napigilan ang sarili.

Kitang kita nya kung paano nag-igting ang panga ng binata sa harap nya. Namalayan nalang nya na hawak na sya nito sa kwelyo ng kanyang damit at galit na galit at nanlilisik ang mga mata.

And then he realize.

’Im dead…

CHAPTER 15

(Si Tally at ang Math problem)

Naaamoy na ni Esme ang hininga ng binatang naka-kapit sa kwelyo nya.Hindi ito mabaho o amoy sigarilyo tulad ng mga kabataan na natututong i-explore ang bisyo.Mabango ito,amoy menthol,amoy hininga ng mayaman.

Pero hindi ito ang issue.Kitang kita nyang nag-iigting ang panga ng binata habang hawak sya.At alam nya kung bakit ganto ito,may nasabi syang mali.Napikon ang binata.

“Wag na wag mo akong sasabihang isip bata!” singhal nito sa kanya.“Hindi mo alam kung bakit ako nagkakaganito.Hindi mo alam kung bakit ako ganto ka dispirado!”

Hindi sya umimik.Natakot sya sa nakikita sa binata.Pero unti unti syang napapaisip na kung ano nga ba ang punot dulo ng ginawa nito sa kanya.

Ano nga ba kasi ang ginawa nito?

Nagkalat ng sticky note sa buong Booth nila.Na sya din ang nagtanggal.Dinikitan sya  ng mga kaibigan nito ng sticky note sa damit at sa katawan.Parang pinapamukha kasi ng binata kung ano ang ibinibintang nito sa kanya.At ang gantong gawain.Isa lamang sa mga pambubully.Ka imatturan at un-reasonable na ideya.

Kaya naman ayaw nyang magpakita ng takot sa binata.Kailangan nyang malaman ang pinagmumulan ng hugot nito.

“Narinig mo naman lahat ng sinabi ni Kyst diba?” Ani nito at padabog syang binatawan mula kwelyo “My Dad,is misserable.At dahil sayo yun.Sino kaba talaga? Sino si Maria Esther?”

Napipikon na sya sa pauli ulit na tanong ng magkambal na Montefalco sa kanya.Naiinis sya sa pangalang ’Maria Eshter dahil tila nakaka kabit ang pangalan nito sa kanya kaya sya napapahamak.

Inayos nya ang sarili,matapang paring tinitigan si Kye.Na kahit alam nya ay wala syang lakas kung sakaling makipagsuntukan ito.

“Uulitin ko” malamig nyang ani “Hindi ako si Maria Esther.Hindi ko kilala ang tatay nyo.Kaya tigilan nyo na ako.Wala akong alam sa mga pinasasabi nyo”

“Si Dad” sagot nito “Alam ko,ramdam ko.Mahal na mahal nya yung pangalan ng babaeng binanggit nya.Na ewan ko ngayon kung babae ba talaga” tinignan sya nito mula ulo hanggang paa.Parang minamaliit sya nito na isa lang syang hamak na bakla.“Hindi ko alam kung paano pinatulan ni Dad ang isang kagaya mo”

“At hindi ko alam kung bakit pinipilit mo ang bagay nayan” ani nya “Kye,three years na ako sa MMU.Ngayon nga lang kita nakausap ng ganito.Kalapit.Pero ngayon mo pa iisipin na kabit ako ng daddy mo gayong magka-college na tayo noon pa?” Pagak syang natawa “Kye uulitin ko sayo.Hindi ako si Maria Esther.Hindi ako ang kabit ng daddy mo.Kaya sana,sana lang,itigil mo na to.Nagmumukha ka ng…”

“Nagmumukhang ano?” Tanong ng binata na ikinatigil nya.Kasya rin itong pagak na natawa “Na pathetic?” Hindi sya sumagot “Pasensya na huh? Kasi dispirado lang ako e.Kasi nagsasawa na ako” nakita nya kung paano lumambot ang mukya ng binata na parang napapagod na ito. “Nahihirapan na ako,kami.Na makita si Dad na laging umiiyak sa gabi.Nawala nayun e,natapos na.Pero nung nagpakita ka.Bumalik lahat.Nagsimula ulit.Hindi ko alam kung bakit pero malaki ang impact sayo ni Daddy.Kaya kita tinatanong? Sino kaba talaga?”

Tuluyan na syang hindi naka imik sa sinasabi ng binata.Tama kasi sya ng na iniisip.Si Kye ang nakita nyang nakaupo sa likod ng kotseng muntik na sila masagaan ng magnanakaw. Tatay nya yung lalaking may kakaibang tingin sa kanya.Yung lalaking may lungkot at saya ng makita sya.Yung lalaking namumugtong ang mga mata.Yung lalaking kinapitan sya sa dalawang braso,na para bang ayaw sya nitong mawala.Hindi nya maipaliwanag.

Pero tulad ng sasabihin nya sa binata.Hindi nya ito kilala.Hindi nya kilala ang babaeng binabanggit nito.At lalong lalo na hindi sya isang kabit.

Base sa mga narinig nya sa binata.Sincere ito,pagod,at malungkot.Hindi nya na nga namalayan na umalis na ito sa kanyang harapan e.Naiwan syang nakatanga,malalim ang iniisip.

Isa lang ang tanong nya.Bakit ang ama ng magkambal na Montefalco nayun.Malaki ang epekto ng pangalang Maria Esther.Sino ba talaga si Maria Esther sa buhay nito.Bakit sya pagkakamalang si Maria Esther.

’Sino kaba talaga?…

Isang bagay lang ang umiikot sa utak nya.Kung sino man ang misteryosong dalagang iyun.Nais nyang malaman.Nais nyang kilatisin.Nais nyang buklatin ang kwento nito.

Nakaramdam sya ng pananahimik.Namalayan nya,nakatayo sya sa gitna ng daan.Sa harap parin ng booth ng faculty nila.Pero parang may kakaiba. Nakaramdam sya ng lamig,ng hangin.Hinawi nito ang malabot nyang buhok.At ang hangin na ito ay dumampi sa balat nya.May sinasabi,may pinaparamdam.

Kasya nya lang inilibot ang paningin sa buong paligid. Sobrang tahimik.Nawala ang mga ingay ng sari-saring boses ng mga studyanteng nag-aalok sa customer ng kanilang mga paninda sa booth nito.Nawala ang ingay ng mga yabag ng mga studyante sa paligid.Ang tawanan ng mga ito.Ang mga daldalan.

Tila sa oras nayun,nawalan sya ng pandinig.Nawala ang ingay ng paligid.Pero hindi naman sya bingi,parang may nararamdaman lamang syang iba.Sobrang kakaiba.Hanggang sa nasilayan nya mula sa kumpol na mga tao.Isang babae,nakatingin sa kanya.Hindi nakangiti,hindi nakasimangot.Walang emosyon,nakatingin lang sa kanya.Papalapit.Hindi na nya nagawang agawin ang paningin sa dalagang iyun.Lumalakad ito papalapit sa kanya ni hindi nadidistract sa mga studyanteng naglalakad din sa paligid nya.Tila sya lang ang focus nito.Kasya nya nahunihan,nakadaster ito.Hindi lalampas sa tuhod.Maikli.Ang balikat nito ay nakalabas.

Natatakpan ang bandang dibdib.Offshoulder.Ang kasuotan ng babae ay ipinagbabawal ng eskwelahan.Pero nakapasok.Paano ito nakapaglakad sa gitna ng university.Walang pakialam.

Hanggang sa nahunian nya ang isang bagay.

’A-ako to Ah?

  • gulat na ani nya sa isipan ’Kamukha ko sya? Kamukha ko yung babae….

Hindi sya makagalaw.Nanlalaki ang mga mata.Namalayan nya nalang na ilang metro nalang ang layo nila.Nakatitig nalang ito sa kanya.Walang sinasabi,walang imik na nakasamasid.

Hindi nya maikakaila. Kamukha nya ang dalaga.Maganda,pero kamukha nya.Hindi nya alam kung ilang segundo na sila magkatitigan.Basta,unti unting bomuka ang bibig nito.Parang may gustong sabihin.

Hanggang sa.

“MARIA ESTHER!” Sigaw sa paligid dahilan upang mapabalikwas sya ng tayo.

Medyo nahilo sya sa biglang galaw pero agad nya ding binawi ang sarili.Inilibot nya ang panigin.

Bumungad sa kanya ang isang lalaki.Ito ang dean nya kanina na nagsermon sa kanya.Na ngayon mukhang sesermonan nanaman sya.

“Bet na bet yung pangalan?” Tila nang-aasar na ani nito.Napatingin sya sa dean “Yung sinisigawan kita mula sa pagkakatulog gamit ang pangalan mo.Hindi ka nagising.Pero nung Maria magdalena na,parang kalapati ka na kung lumipad? Bet mo?”

Napakunot noo sya sa sinabi ng guro.Nakatulog? Paano? Tinignan nya ang pwesto kanina sa harap ng booth ayun sa pagkakatanda nya.Nakatayo sya dun,habang nabibingi.Tapos may babae,lumapit sa kanya…na kamukha nya tapos.

“Nakatulog ako?” Tanong nya sa guro na tila nagpupuyos na sa galit.

“Abir Oo!” Singhal nito sa kanya “Ang sarap ng tungo mo dyan sa mesa habang humihilik pa ata e.Paano tayo makakabawi sa booth natin nyan.Imbes kasi na bumawi sa gulong ginawa mo.E natutulog ka pa”

Hindi nya maintindihan ang mga sinasabi ng guro.“P-pero,kanina” ani nya at napatingin sa harap ng booth kung saan sya nakapwesto.“Nakatayo ako,t-tapos”

“Tapos ano?” Putol nito sa sabihin nya “Tapos kinausap ka ng Montefalco nayun? Ni Kye,na nakita kong inambahan ka pa.Na alam kong mas ginigil mo pa.Kaya ito ka ngayon,dahil wala ka ng pag-asa makabawi sa boothe natin.Natutulog ka nalang”

Hindi sya nakasagot. Tinignan nya lang ang guro na kung guro paba kung maituturing dahil sa pagpupuyos nitong galit.Para kasi itong nanay kung makatalak at makipag away sa mga chismosa.

Kaya tuluyan nalang syang nanahimik.Wala syang mapapala kung makikipagtalo sya.

“Mag-lulunch na Esme” saad ng guro.Bahid ang inis nito sa kanya “Wala pang bawas yang mga antic na gamit mo? Itong libro?” Tinuro nito ang itim na libro.This is math book.Naglalaman ng mga solving na may kinalaman sa numbers.Binbenta nya.Para sa nais matuto ng nasabing asignatura “Iyan lang ang kapaki pakinabang sa lahat e.Sa tingin mo bibilhen pa yang mga lumang gamit ng mga studyante dito? Bakit kasi hindi ka nalang nagbenta ng mas kapaki pakinaba-”

“Antic ba ang mga ito?” Natigilan sa pagsasalita ang guro ng may babaeng sumingit sa usapan.

Kapwa sila napatingin sa babaeng iyun.

“Oo,baby girl.Thats a real Antic” ang guro ang sumagot.Mabilis nawala ang galit nitong mukha na parang naging maamong tupa.“Galing pa ata yan sa mga ninuno nito ni Esme.Kaya mas mukhang luma” napansin nyang saglit syang tinignan ng guro.Parang naiinsulto.Kaya hindi sya umimik.

“I love this one” saad ng dalaga,nasa tingin nya ay mas matanda lang ata sya ng dalawang taon.Tinuro nito ang itim na libro ng Math.Its too old.Pero theres so much information.

“Saang faculty ka baby girl?” Tanong ng guro.

Ngumiti naman ang dalaga “Im grade 11 student here po.Kakapasok ko lang ngayong taon”

“Oww” reaksyon ng guro.“So your new here.Welcome to MMU nga pala iha” muli syang tinignan ng guro.Pero yung tingin nito,tila nag-baba bala.“By the way,I can’t accommodate you iha.Nandito naman ang studyante ko para i-intertain ka” ani ng guro.Pagkatapos ay nagexcuse ito,at umalis na.

“Ito ba ang gusto mo?” Tanong nya sa dalaga.Iniiangat nya ang librong tinuro nito kapagkuwan ay nginitian nya ito.“Maganda ito para sa mga student na kagaya mong nagsisimula palang dito sa MMU.Alam ko kasi,marami rami na kayong Math problem diba?”

Tipid na ngumiti ang dalaga sa kanya.Tinitigan lang nito ang libro na hawak nya na tila naiilang na ewan.“Pasensya na ha” pagpapaumanhin nya.Sa palagay nya kasi,masyado na luma ang libro kaya nagalangan ata itong bilhen ng dalaga.“Mukha lang naman itong luma,pero I promise,

marami ka ditong matutunan ukol sa math.Hindi ka na mahihirapang i-solve ang mga Math probelms mo pagnapag aralan mo to“

Tahimik lang dalaga kaya hindi napigilang magtanong.“May problema ba?”

Umikhim ito “Oo e” pag amin ng dalaga “Ang problema kasi,h-hindi ako magaling sa math.Hindi ako kagaya ng ate at kuya kong tila minamani lang nila ang math problem dahil sa madali ito para sa kanila”

Natigilan sya.Parang may hugit kasi ang bigat ng mga salita nito.

“Hindi totoo yan” pag kontra nya sa sinasabi ng dalaga. “Ikaw,posible ka naman talaga matuto.Sabihin na natin,hindi ka magaling,hindi naman kailangan yun e.Ang importante,marunog ka.Nakakakasabay ka”

“Pero,sila ate at kuya kasi…” Nagaalangan nitong ani.Tinignan nya lang ito “Magagaling sila.Napapasaya nila si Daddy.At ako,gusto ko ding mapasaya ang daddy ko.Alam kong nahihirapan sya ngayon.D-dahil sa isang tao.Kaya naman kahit sana matuto ako ng math kagaya nila.Sa pamamagitan nun.Mapapasaya ko si Dad.Mapapabilib ko ang mga kapatid ko”

Nakaramdam sya ng awa sa dalaga.Kita nya ang pag-aalangan at pressure nito sa subject na nahihirapan ang lahat.Kaya naman para gumaan ang pakiramdam nito.Hinawakan nya ito sa kamay at matamay na ngumiti.

“Wag kang mag alala” ani nya sa dalaga “Pag napasayo ang libro nato.Sisiguraduhin kong matututo ka” napansin nyang nagliwanag ang mukha ng dalaga dahil sa sinabi nya “Pwede pa kitang i-tutor kung gusto mo.Punta ka lang sakin pag may free time ako,at kung pwede ka”

“Talaga…” Ani ng dalaga kita ang saya sa mukha nito.“Salamat! Salamat talaga! I need someone” mahigpit sya nitong hinawakan sa dalawang kamay,mahina itong pinisil “Someone who can help.Kaya oo,I try.I tell my dad na mag papatutor ako sayo. Babayadan kita”

Natigilan sya sa bilis ng dalaga.Napaisip sya sa offer nito.Pag-tu-tutor? Pagkakakitaan?

Extra job.

Tatanungin nya sana ang dalaga kung available talaga ang ino-offer nito.Hindi sya makapaniwala.Pero dahil tumunog ang bell sa buong paligid.

Nagmumula ito sa isang building.

Kung saan siguro naroroon ang room ng dalaga.Tapos na ang break ng mga senior high.

Masigla itong kumaway sa kanya upang magpaalam,palakad takbo itong lumalayo sa kanya.

Pero bago paman naalala nyang hindi nya naitanong ang pangalan nito kaya nagmadali sya.

“Anong pangalan mo?!” Sigaw nya sa malayo. Kumakaway parin ito habang nakangiti.

“Tally!” Sagot ng dalaga.Sapat para marinig nya.Pero ang mga sumunod.“Tally Mon-krhoiglbh” hindi na nya naintindihan dahil natakpan na ito ng ingay ng paligid.

’Tally…Tally Mon-…

Hindi na nila magawang makabawi sa paunang araw ng kumpitisyon.Ang mga antic na bracelet,relo,libro at maging necklace ay hindi man lang nabawasan. Mukhang tama nga ang guro nya sa sinasabi nito.Hindi na kapaki-pakinabang ang mga lumang gamit sa harap nya.

Dapat mas nag-isip sila ng mas patok na pagtyatyagaan ng mga studyante ng MMU.Na magagamit nila sa pag-aaral.Sino ba kasi ang bibili ng mga lumang relo na laos na sa uso.Sino naman din ang magbabasa ng mga librong pang encyclopedia ang kapal.Mas madali na maghalughog ng sagot sa google gamit ang smart phone.

Walang kwenta na ang sinayang nyang panahon para sa pagkumbinsi sa lahat ng mga kagrupo para magbenta ng lumang gamit.Wala e,old school kasi sya.

Tila kasi ang mismong sarili ay pinapahalgahan ang nakaraan.

Yung luma pero may kasaysayang dala sa kanibukasan.

Pero kailangan nyang magpatuloy kahit na pina galitan sya ng guro bago umuwi.Kailangan nyang magpatuloy kahit na ang ilang ka groupmates nya ay sinisisi sya ukol sa iskandalong ginawa ng Kye Montefalco.Kahit sya ang biktima at na bully.Tila sya parin ang may kasalanan.

Kaya naman,bagsak ang mga balikat nyang umuwi sa kanilang bahay.Kasama ang magulong lugar,sumasabay sa pagkabwisit ng buhay nya.

Nasa harap na sya ng pinto ng bahay nila ng may marinig syang kalabog mula sa loob.Sigawan siguro,o pagbasag ng mga gamit.Sigurado sya,ang tiyo nanaman nya ito na mukhang dadagdag pa sa bigat ng nararamdaman nya.

Binuksan nya ang pinto,pumasok.

Dito sya nakadama ng kaba ng marinig ang yabag ng mag-asawa na nang galing sa loob ng isang silid.Tumingin sya sa tsuhin.Ganun padin ito,nagpupuyos sa galit.

Pero ang ikinagulat nya,bigla sya nitong hinawakan sa kwelyo.Muling isiniig sa pader at pinandilatan ng mata.

“Walang hiya kang bata ka” ani nito “Pati ba naman sa iskwelahan,nagkakalat ka ng landi mo? Sabihin mo!” Singhal pa ng tsuhin “Si Esme ka pa ba o isang kalapating mababa ang lipad?”

CHAPTER 16

(Ang latigo ni Tiyo)

Mababa ang lipad?

Nakakasawa.

Sana na nga lang naging totoo syang kalapati.Kahit mababa minsan ang lipad.Atlis nakakalayo,malaya.Pero ngayon,nasa matipunong bisig nanaman sya ng tsuhin.Kaharap nanaman nya ang ang nag-iigting nitong panga.Ang nalilisik nitong mga mata ay tila tinutunaw nanaman sya sa takot.

Alam nya,nasa paligid lang nya ang Tyahin.Pero para lamang itong nakapaskil na piraso ng papel sa ding ding.Walang pumapansin. Alam nyang kahit nandyan ang presensya nito.Walang magagawa ang tyahin para pigilan ang tsuhin nasaktan sya.Na ngayon,oo mangyayari na.

Nasanay na sya,kailangang masanay.Dahil kung hindi,mamatay sya sa sakit.Mamatay sya sa lungkot.

“Bakit mo to ginagawa?!” Sigaw ng tsuhin na umalingawngaw sa paligid.

Hindi sya sumagot. Pina-process sa utak kung ano nga ba ang tinutukoy nito.

“May natanggap kami mula school nyo” ani pa nito “Gusto kaming makausap ng principal mo dahil sa kumakalat na humor.Ano kaba talaga ni Montefalco?”

Isang tao ang pumasok sa utak nya.Hindi ito ang lalaki na nakita nya sa plaza.Yung hinawakan sya sa braso na tila kilalang kilala na sya nito.Kundi si Kye.Ang anak ng misteryosong lalaki.

Isa lamang kasi ang ibig sabihin ng tinutukoy ng Tsuhin nya.

Mukhang pina-alam na nito sa mga prof ang haka haka nya.Pero isa lang tanong nya.

Bakit ganun kabilis?

Bakit ganun ka bigdeal?

Hindi nya lubos maisip na dahil lang sa maling intrepasyon.Na dahil lamang sa mga sticky note.Pwedeng malagay sa piligro ang pag-aaral nya sa MMU.Isang taon,ga-graduate na sya.Pero mukhang mauudlot pa ata.

“Pwede kang maexpel sa paaralang iyun Esme” diing ani ng tsuhin.“May nagsumbong sa committee. Na isang studyante daw ay maaaring magulo ng pamilya dahil sa nilalandi ang tatay nila” naramdaman nyang mas diniin pa sya sa pader na sinasandalan nya.Masakit.Pero parang hindi nya kayang umiyak.Walang lumalabas.Naubos na “Ano bang ginagawa mo? Nilalandi mo ang tatay ng kapwa mo studyante.Nagrereklamo sila dahil baka masira ang pamilyang iniingatan nila” bahagyang natawa ang tsuhin.Nangiinsulto “Pinataunayan mo lang na parehas kayong malandi ng nanay mo.Opurtunista”

Opurtunista?

Kalapating mababa ang lipad?

Malandi?

Kahit isa wala pa syang nagagawang ganun.Hindi sya ganung tao pero kung husgahan sya ng lahat.Maduming tao sya.Laging naka-kabit sa nakaraan ng kanyang ina.Ang pangalan nya.Ang buong pagkatao nya.

Kaya siguro tama na.Napapagod na sya.

“Ano bang pakialam mo?” Ani nya,walang emosyon ang boses.Hindi mabasa ang tunay na nilalaman ng mata.Natigilan ang tsuhin kaya nagpatuloy sya.“Pagod na akong magpaliwanag. Pagod na akong intindihin ang mga bintang na hindi ko naman ginagawa” bahagya syang natawa “Dahil sa lalaking yun.Nasira ang pangalan ko.Nasira ang pangalan ko sa MMU.Dahil sa binatang yun,bubugbogin mo ako.Sasaktan.Hindi naman sya sigurado sa mga pinagsasabi nya.Pero kung makabintang sya,parang totoo na”

“Hindi kaba talaga nag-aalala?” Tanong ng tsuhin.“Mawawala sayo ang scholar mo.Masisira ang pag-aaral mo? Bakit mo ba to ginagawa?”

“Ikaw po ba?” Malamig paring ani nya sa tsuhin “may paki kapo ba? Natatakot ka rin po bang masira ang pagaaral ko?” Napansin nyang natigilan muli ang tsuhin “Simula’t sapol po.Ako ang nagpapa-aral sa sarili ko.Ako ang nagtataguyod makapasok lang ako sa kulehiyo.Ginagapang ko ang pag-aaral ko.E ikaw poba?” tumikhim sya at kagaya kanina wala parin syang emosyon sa mga mata “Wag kayong magkunwaring may paki kayo.Kasi,alam ko,gusto nyo tong nangyayari.Ang maging miserable ang buhay ko…”

“Anong sinabi mo?!” Sigaw ng tsuhin.Umalingaw ngaw ang katahimikan.Yung kaninang galit na nakikita nya sa mata nito.Tila dumoble,nagapoy.Tapos naramdaman nya,bigla nalang syang tumilapon.

Bumagsak sya sa sahig,naramdaman nya pang bahagyang umikot ang paningin nya.Pero bago pa sya makabawi,sumampa na ang tsuhin sa ibabaw nya.Napansin nya ang tsahin na taranta dahil alam nya,sa ilang segundong dadaanan.Malalatayan nanaman ng pasa ang buo nyang katawan.

Napaigtang sya ng dampian ng makapal na palad ang pisngis nya.Para syang binuhusan ng kumukulong mantika ng maramdaman ang pwersa nun.Pagkatapos,hindi pa man nakakabawi sa kanang pisngi.Naramdaman nyang muli ang mabigat na pagdampi sa kabila.Naging sunod sunod ito,hanggang sa kusa nya nang iniharang ang dalawang braso upang maprotektahan ang mukha.

Pinagsasampal sya ng tsuhin.Kaliwat kanan sa kanyang pisngi.Bawat sampal.Ibinabato nito ang hindi lang sakit sa pisikal.

Kundi ang sakit pang emosyonal dahil sarit-saring mura ang natatanggap nya.Nanlalabo ang mata nya dahil sa naiipong mga luha sa mata.Tila nangangapal naman ang pisngi dahil sa salitang pagsampal ng tsuhin dito.

Hindi sya makagalaw dahil ang buong bigat ng lalaki ay nasa ibabaw nya.Tanging mga masasakit na salita lamang ang kanyang naririnig at ang iyak ng tsahin sa tabi na kahit walang lakas ay pilit inaawat ang tsuhin.

“Tama na!” Sigaw ng tsahin “Tama na pakiusap. Pamangkin mo sya kiko pakiusap”

“Hindi!” Singhal naman tsuhin “Dapat sa kanya to.Nagmamalaki na ang batang to.Mayabang na sya” ito ang huling salitang narinig nya bago ito tumayo sa katawan nya.Kitang kita nya ang nanlilisik nitong mata habang nakatayo sa harap nya.

Pagkatapos ay nakaramdam sya ng pananakit ng sikmura.Sunod sunod na iyun hanggang sa ibat ibang parte na ng katawan nya ang nanakit.Sa binti,likod, braso,bandang pangupo at sa tuhod.Galit na galit syang sinipa ng tsuhin saan man parte ng katawan sya tamaan.

Napaisip sya,habang patuloy sa pagbagsak ng mga luha sa nanghahapding pisngi nya.

Para sa maling paratang,at maling maling intrepasyon ng mga mata.Para sa di inaasahang pagkikita nila ng lalaking hindi nya nakilala kailan man.

Naranasan nyang muli ang sakit ng katawan.Hindi na ito bago,pero sa katawan nya,mukhang mapupuno muli ng mapupulang pasa na dadalhin nya buong linggo.

“Tama na!” Narinig nya ang boses ng tyahin.Patuloy parin sa pagpigil sa tsuhin sa ginagawa nito.“Baka mahimatay nanaman sya.Pag nangyari yun hindi ko na alam kung ano ang magagawa ko sa-”

“Magagawa mo sakin?” Tanong ng tsuhin dahilan upang matigilan ang tsahin.Saglit ding namayapa ang kanyang katawan sa pagtigil ng lalaki “kaya mas lumalaki ang ulo ng batang ito dahil kinukunsinte mo.Hayaan mo akong patikimin to ng mga gantong parusa.Dahil baka balang araw baka tayo na ang mapahamak kapag lumaban na ito”

Napansin nyang umalis sa kinatatayuan ang tsuhin.Tumungo ito sa isang bahagi ng bahay.

Tinignan nya ito at nahunian nya ang isang bagay na kinukuha nito.Isang makapal na kawayan.Alam nya na kung para saan ito.Kaya naman napansin nya ang tsahin mabilis syang dinaluyan sa pagkakahiga mula sa sahig.

Pinatayo sya nito “Umalis kana muna dito” ani tsahin.“Tumakbo kana,ako na ang bahala sa tsuhin mo.Bilis”

Naramdaman nya ang pagaalala ng tsahin sa boses nito.Hirap syang ibangon at igalaw ng maayos ang katawan.Pero pinilit nyang kinaya dahil papalapit na ang tsuhin sa gawi nya upang hampasin sya ng hawak nitong kawayan.Kitang kita nya kung paano pigilan ng kanyang tyahin ang tiyo nya.Sa pagkakataong iyun,ninais nyang tumakas dahil sa sakripisyong ginawa sa kanya nito.

Hindi nya na alam kung paano na nagsimula ang lahat ng ito.Pero natagpuan nalang nya ang sarili na iika ikang lumalabas ng pinto ng bahay nila.Tumatakas sya sa tsuhin,tumatakas sa sakit ng kapalaran na kaya pala talaga syang patayin ng tsuhin sa bugbog.

Hindi nya alam kung saan na sya napadpad.Pero nadaanan nya ang iskinita,mga tao,mga itsura ng daan,umuusok na daan dahil sa ihaw ihaw.Mga nagiinumang lalaki,mga batang naglalaro ng habulan.Hindi na nya alam kung saan na sya madadala ng mga paang walang sapin.Sa kamamadali,hindi na nyang nagawang makapag-suot ng tsinelas o kahit ano mang sapin sa paa.

Hanggang sa namalayan nalang nyang tumatakbo na sya sa tabi ng kalsada. Malapit sa mga umaandar na sasakyan.Hindi nya alam pero sa bawat linga sa paligid,tila umiikot ang paningin nya.Nahihilo na sya.Duon,sa mga sigundong tumatakbo,habang unti unting nakakalayo sa tsuhing salbahe.Unti unti nading nawawala ang kamalayan.Ang tanging malay nalang nya may isang kanto,lumiko sya don.Pagkatapos may kotse,itim.Ilang segundo,natumba sya.

Nawalan ng malay.

“I founde her–I mean him” ani ng boses sa paligid.Alam nyang lalaki ito dahil buo ang boses.“Yeah-what? No,not a hotel.She will be ok later–what?–I mean him.He will be ok” narinig nya ang hesitent sa boses nito.Alam nyang may kinakausap ito kung sino sa isang telepono “I-i’Il take care of him”

Hindi nya alam kung ilang minuto o oras na syang nawalan ng malay.Basta namulat nalamang sya.Isang madilim na daan ang bumungad sa kanya.Umaandar na paligid ang namulatan nya.Kasya nya lang nahunian ang sarili.Nakasakay sya sa isang kotse.Hindi nya alam pero bigla syang kinabahan.Kaya mabilis nya lang sinapat kung sino ang nagmamaneho ng kotseng iyun.

Pero bago pa sya makapagtanong nagsalita na ito.“Are you ok? N-nahihilo kapa ba?” Tanong nito na ikinakunot ng noo nya.

Paano ang lalaking ito mismo ang kasama nya.Ang kanina tuloy na kaba ay napalitan ng pagkainis.“Ibaba mo ako” ani nya.Mahinahon pero dama dito ang pagbabanta.“Itigil mo ang kotse,bababa ako” utos nya.

Halata namang hindi nakinig ang lalaking nagda-drive dahil hindi nito tinigil ang sasakyan.“Pleas,Mr.Montefalco.Ibaba nyo nalang po ako.Uuwi na po ako” ani nya.

“I want to help you” saad ng binata halata sa boses nito ang sincere pero labis nya itong kinakainis.

“Help me?” Takang tanong nya.

Saglit syang pinasadahan ng tingin ng binata bago muling tumingin sa daan.Napansin nya namang habang tumatagal patahimik na patahimik ang daang binabaktas nila.Hindi nya alam kung dala lang sa gabing ito pero pakiramdam nya,may kalibliban na ang lugar.

“Yes,Hayaan mo akong tulungan kita” ani ng binata “I saw you.Youre unconscious.Kaya Im here,I will help you”

“Hindi ko kailangan ang tulong mo pwede ba” tiim na sagot nya “nagawa mo na ang gusto mo.Nakaganti ka na.Nasaktan na ako”

“What do you mean?” Tanong ng binata.

“I know you know” sagot nya “Binugbog ako ng tito ko.Dahil sa mga bintang mo.Marami na akong pasa.Putok na ang labi ko,namamaga ang pisngi ko.Hindi paba sapat yun? Nakaganti kana sakin”

Napansin nyang saglit ulit na tinapunan sya ng tingin ng binata.Bago nagsalita “H-hindi ko alam ang sinasabi mo”

“Pwes alam mo na” saad nya.Naramdaman nyang pumatak ang mga luha nya sa pisngi bago tumingin sa daan.Bumigat ang loob nya dahil sa inis sa taong nasa tabi nya “Nalaman ni tito na nilalandi ko daw ang isa sa mga Montefalco.Ang daddy mo?Hindi ko alam pero kilala kayo ng tito ko.At dahil kumalat ang humor. Binugbug nya ako” pagak syang natawa,kapag kuwan ay nagumpisa ulit pumatak ang mga luha sa pisngi nya na kanina ay pinunasan nya na “Sinasaktan nya naman ako dati pa.Dapat sanay na ako.Hindi lang ata ngayon kasi hindi ko matanggap ang dahilan.Pinagbintangan lang naman ako e,hindi ko alam pero binubug na ako ng hindi man lang nakakapagpaliwanag”

Saglit silang kinain ng katahimikan.Nakatingin sa kanya ang binata,bago basagin nito ang payapa ng paligid “Im sorry” ani ng binata na punong puno ng simpatya.

“Wag ka mag sorry” sagot nya “pero congrats huh? Nakaganti kana”

Namalayan nyang tumigil ang sasakyan sa isang gilid.Naisip nyang ito na ang pagkakataon para lumabas na sa kotse.Pero bago pa man sya makalabas,bigla syang hinawakan ng binata sa isang braso.Natigilan sya at napadaing dahil sa sakit na naramdaman.Tsaka nya naalalang maging sa braso nya ay may pasa sya.

“Pasensya na” mabilis na bawi ng binata dahil sa inda nya.

Nangbitawan sya nito,ito na ang pagkakataon nyang tuluyan ng lumabas.

Mabilis syang lumakad sa daan kahit nakapaa.Pero hindi pa sya nakakalayo naramdaman nanaman nya ang prisensya ng binata mula sa likod nya.Ramdam nyang hahawakan syang muli nito kung kayat galit nya itong hinarap.

“Ok na ako Montefalco” diing ani nya “ok na tayo.Nakaganti ka na kaya hayaan mo na ako ok”

“Sorry talaga” saad ng binata.Dama nya dito ang sincer at ang…pagsisisi?

“Sorry?..” Ani nya “sorry dahil ba binugbug ako ni tito? O sorry dahil sa binintang mo sakin?”

“Sorry sa lahat” saad ng binata “sa mga nangyari sayo.Hindi ko alam na ganun na ako ka dispirado para makuha ang gusto ko.Im sorry”

Muling tumulo ang luha nya.“Alam mo ba Kye?” Ani nya Kapagkuwan ay nagcrack ang boses nya sa pagsasalita “Hindi mo alam kung sino ako.Hindi mo ako kilala,ang buong pagkatao ko.Pero mabilis mo lang akong hinusgahan kasi nagkaron ka ng haka haka sa utak mo ukol sa ming dalawa ng daddy mo” Esme snorted “Hindi ako kagaya ng ibang iniisip mo.Hindi ako opurtunista at lalong lalo na hindi malandi para maging kabit.Bakla lang ako Kye.Pero disente akong tao.Pleas pakitandaan mo yan”

Hindi umiik ang binata.Napahinga nalamang sya ng malalim kapagkuwan ay nilayo ang tingin sa binatang kaharap nya.Pakiramdam nya,sasabog ang dibdib nya.Kaya minabuti nyang ikalma ang sarili sa kakaiyak.Pinigil nya ang mga luha at inayos ang sarili.Nakatitig parin ito sa kanya.

“Gusto ko sanang siguraduhin mo muna ang mga bagay na hinahaka haka mo lang Montefalco” ani nya “Siguraduhin mo muna ang mga bagay na iniisip mo palang dahil ito” itinuro nya ang mukha na may bangas “at tsaka ito” ibinaba nya ang hintuturo sa dibdib kung nasaan ang puso “May pisikal at emotional na sakit.At parehong nangyayari sakin yun.Gusto kong maintindihan mo kung ano ibig sabihin nun.Be matured enough Kye.Para wala ka ng ibang tao pang masaktan dahil dyan sa humor mo,ok? Think before you say and do actions”

Ani nya,kahit punong puno ng luha ang pisngi,nagawa nyang ngumiti sa binata.Pinaparating nya na ok na muna ang lahat.Pero alam nya hindi nya pa ito napapatawad.Masakit pa ang ginawa nito.

“Babawi ako” saad ng binata.Ikinatigil naman nya ito “Aaminin ko.May mali akong ginawa.Pero pleas.Hayaan mo sanang tulungan kita”

“Hindi ko kailangan ang tulong mo” saad nya “Lumayo ka nalang sakin.Lilinisin ko ang pangalan ko kaya lumayo kana muna sakin.Hindi ko alam kung pinapatawad na ba talaga kita pero sa ngayon,pleas.Lumayo ka na muna sakin”

Tumalikod sya hinarap ang may kadilimang paligid.Parang ngayon lang tuloy sya nagising.

Nasaan na pala sya?

“Lalayo kana sakin? Pero hindi mo alam kung san ka pupunta?” Tanong ng binata.

Galit nya itong hinarap.“San mo ako dinala? Nasan tayo?” Tanong nya.

Huminga ng malalim ang binata.Bago iginala ang mga mata.

“Were here” ani nito “Nasa boundary tayo ng Stio Marka at Stio Sampaguita” tipid itong ngumiti “Were here in the calssic pantalan ever.Ang stio Hangganan”

CHAPTER 17

(A girl with a red dress)

“Were here” ani nito “Nasa boundary tayo ng Stio Marka at Stio Sampaguita” tipid itong ngumiti “Were here in the calssic pantalan ever.Ang stio Hangganan”

Stio Hangganan?

Stio Hangganan.

Tinignan nya ang may kadilimang paligid. Nakaramdam sya ng lamig sa buong katawan.Pero yung lamig na hindi nanggaling sa katabing dagat ng dalampasigan.Kundi yung lamig na tila ba may kung ano nalang ang may pumasok sa katawan nya na isang bagay.

Tila ba kinalibutan sya,nakaramdam sya ng matinding kaba at panghihina ng tuhod ng marinig ang pangalan ng lugar.

Stio Hangganan.Isang lugar kung saan pinakadulo na ng dalawang magkapit bahay na mga stio.Ang Stio Marka kung saan sya na nakatira.At sa Stio Sampaguita.Ang lumang baryo daw na isinumpa ayon sa sabi sabi ng matatanda.

Dito nya lang nahunian na kanina pa pala sya nakakaramdam ng kakaiba sa katawan.Yung tipong,ayaw nya sa isang lugar,pero tila hinahatak syang mapunta dito.Hindi nya maikubli ang sarili,kinakabahan syat tila nangangatog ang kalamnan.Napalunok nalang sya ng laway at binaliwala ang kakaibang nararamdaman.

“Ayos ka lang?” Tanong ng binata sa kanya na tila napansin ang kakaiba nyang kinikilos.

Hindi nya alam sa sarili pero kusa nyang inilapit ang katawan sa katawan nito.Pinagmasdan nya ang paligid.Nakakatakot,pero sapat ang liwanag ng buwan upang makita ang buong paligid.Hindi nga lang sapat para maikubli ang masasamang nararamdaman ukol sa lugar.

“Bakit mo ako dinala dito?” Tanong nya.“H-hindi mo man lang sinabi na dito tayo pupunta.May plano kaba sakin?”

Napansin nyang medyo nagulat ang binata dahil sa sinabi nya.Pero agad lamang itong bumawi.“Wala,walang kahit ano” sagot nito “Pero,sinadya talaga kitang dalhin sa Stio hangganan nato”

Kumunot ang noo nya “Bakit? Para san naman?” Tanong nya.

“Nakita kita” sagot ng binata “Tumatakbo ka,natatakot,hinihingal.Alam kong may tinatakasan ka.Yayain kitang sumakay sa kotse kung sakaling mapansin mo ako sa daan.Pero nahimatay ka kayat dinala na kita.”

“Nahimatay ako” ani nya “Pero imbis na sa hospital mo ako dalhin.Sa Stio Hangganan nato mo ako dinala? Yan ba ang walang masamang mutibo?”

“Sa tingin mo may motibo talaga ako sayo” natigilan sya sa saad ng binata.

Oo nga,sino nga ba ang magkakaron ng motibo sa isang baklang katulad nya.Lalong lalo na ang isang binatang Montefalco.Kung hindi kasi ito Straight. Malamang takot ito sa mga bakla dahil siguradong homophobic ito sa mga kagaya nya.

“Pasensya na” sagot nya “Sa panahon kasi ngayon,mahirap ng magtiwala sa mga tao.Lalong lalo na sayo”

“Pasensya nadin” saad ng binata.Inilayo nito ang paningin sa kanya.Na alam nyang nagets ng binata ang sinabi nya “Pero wala akong choice.Alam kong mahihimasmasan ka pagkatapos ng pagkahimatay mo.Sinadya lang talaga kitang dalhin sa Stio Hanggan na ito dahil mahalaga ang lugar nato sa mga kagaya mo”

Napatingin sya sa binata dahil sa huling sinabi nito.Nakita nya sa mata nito ang tila sincere ayon sa pagtingin nito sa kanya.Alam nyang kataka taka ito pero ito ang nasisilayan nya sa binata.

“Ito ang tamang lugar na pwedeng puntahan para sa mga taong nasasaktan at nalulungkot” patuloy ng binata.Nang hindi sya nakapagsalita,nakatitig ito sa kanya.Na parang sersyoso ito sa sinasabing impormasyon sa kanya “Ito ang tamang lugar para sayo.Dahil malungkot ka.Punong puno ka ng problema.At nasasaktan ka.Sa lugar nato,ang hangganan ng lahat.Kaya nga tinawag na hangganan diba? Kasi lahat daw ng mga taong pupunta dito,pinapaalala na may hangganan ang lahat ng problema nila.May katapusan,at may happy ending”

“Hindi totoo ang happy Ending” mabilis na saad nya.Napasirsyoso ang mukha nya.Hindi nya maintindihan ang sarili pero nagiging seryoso para sa kanya ang salitang ’Happy Ending kapag naririnig ito.

“Hindi ka naniniwala sa happy Ending?” Tanong ng binata.

Muli nyang itinuon ang paningin sa malayo “Oo” mahinang sagot nya “Dahil kung may happy Ending,hindi dapat ako ganto kalungkot ngayon.Dapat may masayang alaala ako sa mga magulang ko.Dapat masaya ang buhay ko ngayon”

“Baka hindi pa ikaw ang katapusan” kumento ng binata sa sinasabi nya.Napatingin syang muli rito “Baka ikaw palang ang simula”

Napatitig lamang sya dito na tila iniisip ang sinabi nito “Simula saan?” Ani nya “Simula ng paghihirap? Pagkapuot? Galit?”

“Hindi sa ganun Esme” saad ng binata “May kanya kanya tayong happy Ending.Yung sayo,magsisimula palang.Gagawa ng sarili mong katapusan para sa kwento mo”

Bahagya syang natawa dahil sa sinabi ng binata “Kwento?” Tanong nya “Sa tingin mo ba may masaya pang katapusan ang kwento ko?”

Hindi umimik ang binata.

“Sa tingin mo ba? May masaya pa bang kwento ang buhay ko?” Tanong nyang muli “Nakaka kabit na ang malas sakin Kye.Yung kwento ng nanay ko.Ni hindi ko man lang alam ang pangalan pero pakiramdam ko nakaka kabit na sakin. Pakiramdam ko,nakadugtong ang buhay nya sakin. Nagpapatuloy.Nakakabit ang malas.Kaya sa tingin mo ba? May happy Ending pa ba ako?”

Hindi nya alam na muli na palang pumatak ang mga luha nya sa psingi. Namalayan nya nalang ito at tila nabuhusan sya ng malamig.Naramdaman kasi nya ang pagdampi ng malambot na kamay ng binata sa pisngi nya. Pinunasan ang mga luhang pumapatak mula sa mga mata nya.

“Kung ang kwento ng nanay mo ay nakakabit sayo” kumento ng binata “Maaaring ikaw ang magpatuloy nun.Gagawa ka ng happy ending para sa inyong dalawa”

Dahan dahan nyang inilayo ang mukha sa binata.Nang mahunian naman ang ginawa nya.Tila nagising ang binata sa ginagawa.Natigilan ito.

“Ang malas ko” ani nya at muling inilayo ang paningin sa kausap “Bakit ako pa? Bakit ako yung kailangang makaranas ng kamalasan na baka karugtong ng mga magulang ko.Ng nanay ko.Hindi ko to ginusto.Hindi ko nga ninanis na mabuhay ako sa mundo e.Pero nagising ako.Sa malungkot at magulong buhay”

Muli nyang naramdaman ang pagpatak ng luha sa pisngi nya.Pero sa pagkakataong ito,sya na ang nagpunas gamit ang palad nya.Hindi na nya hinayaan na muling gawin ito ng binata dahil hindi sa unang pagkakataon,nakaramdam sya ng kakaiba sa binata.Yung pakiramdam na ayaw nya talagang maramdaman sa isang tao.

“Esme,may hangganan ang lahat” saad ng binata “wag mong sisihin ang kamalasan na dumarating sa buhay mo.Bagkus isipin mong isa iyong pagsubok.Na malalampasan mo.Pagdating ng araw,magiging masaya ka”

Hindi na sya umimik sa sinabi ng binata.Hindi narin sya nakagalaw pa dahil bigla nalamang sya nitong hinawakan sa kanang kamay.Tila basta nalang sya nitong hinila at wala syang nagawa kundi ang magpadala sa binata.

Naglakad sila,hindi naman kalayuan pero alam nyang nakailang hakbang din sila kung san sila naroroon.Hanggang isang pantalan na ang unti unti nyang nasisilayan.Habang inihahakbang nilang ang mga paa papalapit sa pantalan naiyun.Tila mas bumibigat ang pakiramdam nya,tila nakikisama ang hangin sa paligid na lumalakas at sinasaboy sa kanila ito.

Hindi sya kumportable sa binata habang magkahawak ang kamay nilang dalawa.Pero mas hindi sya kumportable sa isang lugar.Kaya mas pipiliin nyang mapayakap sa binatang katabi na muntik nya na ngang gawin.

Kusa syang tumigil sa paglalakad.Napahawak sa dibdib at napatitig lamang sa pantalang hindi na kalayuan sa kanila.

“U-umuwi na tayo” ani nya “A-ayoko dito.Ayoko na dito.Pwede bang umuwi na tayo?”

Napatingin lamang sa kanya ang binata.Nagtataka ito “May problema ba?”

Salitan nyang binato ng tingin ang pantalan at ang binata.“s-sumama lang ang pakiramdam ko” saad nya “N-nahihilo pa ata kasi ako e”

WALANG imikan silang dalawa nakasakay sa kotse.Pabalik na sila mula sa Stio Hangganan kung saan sila nanggaling.Nakatingin lamang sya sa daan.Tahimik at wala silang imikang dalawa ng binatang kasama nya.

“Sorry,I felt you uncomfortable” ani Kye basag sa kumokibkib na katahimikan sa loob ng kotse.“May gusto pa sana akong ipakita sa iyo e”

Tinignan nya ang binata “Im sure napakita mo na sakin yun kye” ani nya “wala namang importante sa lugar nayun hindi ba?”

“Meron” saad ng binata “Yung pantalan”

Napakunot noo sya “Pantalan,yung madilim na lugar nayun”

“Hindi sya madilim actually” kumento ng binata “Maliwanag ang buwan right? Kung lalapit pa tayo sa dulo ipapakita ko sana sayo yung kintab ng dagat na nasisinagan ng buwan.Napakaganda nun,kumkintab”

Saglit syang natigilan. Napaisip sa sinabi ng binata sa kanya “Bakit mo naman gustong ipakita ang bagay nayun?” Hindi nya napigilqng magtanong “Hindi ko naman hiniling.Pwede mong isama yung isa sa mga…kaibigan mo”

“Ikaw ang gusto kong dalhin dun” saad ng binata.Muli. Natigilan nanaman sya “Ikaw ang may kailangan ng ganda ng bagay nayun.Ang pinaka highlight ng stio hangganan ay ang pantalan nayun.Luma na pero maraming kwento ang tinatago”

Napabuga sya ng hininga.Napaisip sa pantalang iyun.Pakiramdam nya,ang lugar na naturan ng binata ay tila nakita na nya noon.Pamilyar sa kanya ang itsura nun.Maging ang pakiramdam na ayaw nya ng maramdaman muli.

“Pasensya na” ani nya “Pero ayoko dun”

Natigilan ang binata dahil sa sinabi nya.Alam nyang hindi ito ang dapat marinig ng kausap pero ayaw nyang magsinungaling.Ang pantalan kasi na iyun ay sadyang kakaiba para sa kanya.

“Kanina napansin din kita e” ani ng binata “Medyo h-hindi ka kumportable.May problema ba?”

“Hindi ko alam kung dapat kobang sabihin sayo ito” saad nya “Pero oo,hindi maganda ang pakiramdam ko sa lugar nayun.Mabigat.Hindi ko gusto”

Saglit na tumahimik ang binata.Sinakop muli ng katahimikan ang buong paligid.Pero ang katahimikan na bumabalot sa kanilang dalawa,hindi nila inaasahang mababasag.

Bigla nalang kasi nailiko ng binata ang kotse kung saan.Malakas ang pagkaka-kambyo nito kung kayat kapwa sila napaigtang sa loob.Naipreno ng binata ang sasakyan sa gilid,nahinto ang kanilang kinalulunlan sa kawalan.Sa gitna ng kadiliaman.

“Bakit ano bang nangyari?” Takang tanong nya sa binata.

Hindi ito agad na nakasagot kung kayat napatingin sya sa mukha nito na kasalukuyang nakatanga sa harap ng daan.

“I saw someone…” Saad ng binata pagkaraan ng ilang segundo.

“Some one?” Tanong nya.

“A girl” sambit nito “wearing a red dress”

Hindi sya sumagot. Napatingin lamang sya sa kausap.Nagtataka.

“Hindi mo bayun nakita?” Tanong binata.“Bigla syang nag appear.Sa harap ng kotse,kaya agad ko itong nailiko.Agad akong nagpreno”

“H-hindi ko nakita” ani nya.Hindi nya maintindihan ang kausap,dahil sa totoo.Wala talaga syang nakita.Kundi kadiliman lang.Pero alam nya,may nararamdaman sya sa kadilimang iyun.

“Pero nakita ko sya…” Kumento ng binata “Hindi ko alam kung san sya nanggaling pero nakita ko sya.Nandyan sya sa hara-”

Hindi nya na pinatapos pa sa pagsasalita ng binata dahil hinawakan nya ito sa kanang malayang kamay.Natigilan ito sa pagsasalita at napatingin sa kanya.

“Wag mo ng isipin yun” kalmado nyang ani “Nasa dulo parin naman tayo ng Stio Marka hindi ba? Hindi pa tayo nakakalayo sa pantalan”

Napatitig sa kanya ang binata na tila kinikilatis sya nito.Kalmado kasi sya,na parang wala lang para sa kanya ang kapwa nilang kaba at ang hinalang nakita ng binata.

“Nakita mo rin ba?” Tanong nito.

Iniwas nya ang kanyang tingin bago nya ito sagutin “Hindi ko nakita” sagot nya.“Naramdaman ko.Kanina pa”

“Yun ba ang tinutukoy mo sa pantalan?” Tanong ng binata “Yung kakaiba mong nararamdaman mula pa kanina”

“Hindi ko alam e” sagot nya “Hindi ako sigurado.Pero oo,tama ka.May nararamdaman pa ako mula pa kanina”

“Sa tingin mo ba?” Tanong ng binata “Yung babaeng naka red dress.Konektado sya sa pantalan? Well,Im not sure kung ano yung nakita ko.Hindi ako naniniwala sa mga paranormal pero nakita ko e.She’s wearing a red dress.Nag appear sya sa harap natin pero nawala din kagaad”

“Yung pantalan” saad nya,kapagkuwan ay napatingin sa kausap “May kakaiba sa pantalan.Ayoko sa lugar nayun pero parang hinahatak nya ako.Parang may pinaparamdam ito sakin.May sinasabi.At oo,pakiramdam ko yung nakita mong babae,konektado sa pantalan nayun”

Napahinga sya ng malalim bago muling tumingin sa daan.Sinalubong ang kadiliman sa kanilang harapan.

“kung ano man ang may roon sa lugar nayun.May gusto syang sabihin” ani nya kapagkuwan ay napalunok ng laway “Ano ba talaga ang meron sa pantalan? Sino ang babaeng nakapula?”

CHAPTER 18

I dont know if kaya kong pahabain ang INME.Mas prepared ko ngayon ang oneshot story.But sana kahit papano makareach ako ng 30+ chapter para kahit papano magbasa kayo ng may kahabaan.(kung prepared din kayo sa matagalan) For now kasi,mas bet ko ang oneshot story.Pero mabagal din talaga ako mag update.

Kaya guys,thank you sa mga nagbabasa huh.Sorry kasi malayo talaga ang genre nato sa mga prevoius story ko dito sa watty.Kinakain lang kasi talaga ako ng Mystery Thriller at reincarnate churba hehe.

Anyway! Enjoy reading 💕

(Ang lihim na pagtingin)

Wala ng nagsalita sa kanila ni Kye sa loob ng sasakyan.Nabasag lang ang katahimikang nabuo nilang dalawa ng itigil na ng binata sa isang tabi ang sasakyan.

Namalayan nyang nakarating na sila sa lugar nya.Sa kanto kung saan din sya natagpuan ng binata.

Tinignan nya lang ito,tipid syang ngumiti.Walang salitang lumabas sa labi nya.Tinanggal nya lang ang seatbelt sa katawan.

Tatangkain nya na sanang buksan ang pinto upang lumabas na sa kinalulunlan nang pigilan sya ng binata.

Bahagya syang natigilan.

“Im sorry ulit” ani nito.Habang kunot noo syang nakatingin dito.Halata sa mukha ng binata ang nahihiyang ekspresyon nito.“sorry kasi,hindi ko inisip ang ipekto sayo ng ginawa ko.Hindi ko intensyong saktan ka ng tito mo.Patawarin mo sana ako”

Ilang segundo syang napatingin sa binata.Maging sya rin kasi,hindi alam kung sa mga oras nato.Kaya nyang patawadin ang binata sa ginawa nito.

“Naiintindihan ko kung hindi mo pa kayang tanggapin ang sorry ko” saad ng binata ng hindi sya nagsalita “Wala rin akong karapatang hingiin yun.Siguro hayaan mo nalang munang makabawi ako sayo”

Natigilan sya sa huling saad nito.Alam na nya ang gusto nitong gawin.Pero ang hindi lang maintindihan.Ang sinsero ng binata, pakiramdam nya nagiiba ang pagkakakilala nya dito.Isang spoiled brat boy na matigas ang ulo.Pero sa inaakto nito,ibang iba sa inaakala nya.

“Hindi mo kailangang gawin yun” ani nya.Kapagkuwan ay napatingin sa malayo “L-lumayo ka lang sakin,ok na ako”

Napansin nyang natigilan din ang binata.Para namang may bara sa lalamunan nya ng sabihin nya ang salitang iyun.Pero siguro,pakiramdam nya.Ayun ang tamang desisyon.Maaari kasing magulo ang tahimik nyang buhay pag napalapit sya dito.Bukod sa isa itong Montefalco,alam nyang kilala ng kanyang tiyo ang pamilya nito.Hindi maaaring mapalapit sya,dahil binalaan na sya ng kanyang tsuhin.Ukol sa ama nito mismo.

Wala na syang imik ng lumabas sa sasakyan. Ramdam nya ang lamig ng lupa.Nahunian nyang wala pala syang suot na sapin sa paa.Na tila nakalimutan nya na mula kanina.Tinungo nya lang ang kalye kung saan patungo sa kanilang bahay.Hindi nya alam kung ilang milya na ang layo ng nilakad nya.Hindi nya rin alam kung nakalayo na nga ba talaga sya.Sa iika ika nya kasing lakad,sa natatapang mga bato.Masakit ito kung tatapakan.

Alam nyang may ilan ilan ng sugat ang paa.Dahil sa pagtakbo nya kanina.Pero ngayon nya lang naramdaman ang sakit ng mahimas masan na sya sa takot dulot ng tsuhin.Ngayon,maingat ang mga hakbang nyang lumalakad.Hindi nya namalayan ang milya ng layo ng nilakad nya.Pero sadya syang natigilan ng may tumawag sa pangalan nya.

“Esme” ani nito.Dahan dahan nyang nilingon ang nilalang nayun.Kung hindi sya nag kakamali ang binata ito.

Si Kye Montefalco.

“A-ano pang kailangan mo Kye?” Kunot noo nyang tanong kasya nya pinagmasdan ang binata.

Pawis ito at may hingal sa paghinga na ipinagtaka nya.

Umikhim ang binata at bahagya pang kinamot ang likod ng ulo nito.Tila naiilang sa gusto nitong sabihin.

“Tumakbo kaba?” Tanong nya.Sa tingin nya kasi,isang kalye na ang layo ng nilakad nya.Sa palagay nya mukhang hinabol sya ng binata na ipinagtaka naman nya.

“Ahm,ang bilis mo palang maglakad” ani nito.

“Ano pa bang kailangan mo?” Muling tanong nya kapagkuwan ay tinignan ang hawak ng binata.Isa itong itim na eko bag.

“I brought you this” sagot nito at inuwestra ang hawak.“I-its a slippers.Gamit ko na to,pero isang beses palang.Gusto ko sanang ibigay sayo”

Tinignan nya lang ang binata.At ang hawak nito.Nagtataka sya sa inaakto nito kaya hindi sya nakapagsalita.

“Sorry” saad ng binata “Ang bilis mo kasing maglakad e.Hinabol kita para sana ibigay to.Kasi wala ka-”

“May tsinelas ako” sagot nya na ikinatigil ng binata sa pagsasalita “Nasa bahay yun.Naiwan ko.Tumakbo kasi ako e,pero meron akong tsinelas.Hindi ko na kailangan yan”

“Pleas” saad ng binata “I brought you this talaga.Umalis ka kasi agad.Dapat ibibigay ko nasayo to sa kotse palang pero ang bilis mo maglakad.Kaya hinabol pa kita”

“Peace offering bayan?” Tanong nya.Napansin naman nyang napakamot muli ang binata.Hindi ito nakaimik “Ok na ako,Kye.Bati na tayo.Patatawarin naman kita pag natapos na ang isue ko sa school e.Pero sa ngayon,wag mo munang ipilit ang sorry mo.Kasi hindi ko alam kung matatanggap ko yan ngayon”

Tumitig sa kanya ang binata.

Matagal,hindi nya alam pero sa sandaling pagkakatitig nito sa kanya.Nakaramdam sya ng inimitidong tingin.Tila mabilis ang pagbago ng ekspresyon nito na kanina ay maamong mukha ang nakikita nya.Ngayon,tila bumalik ang pagka-jerk nito.The spoiled one.

“Ibibigay ko sayo to” malamig na ani ng binata.“Hindi dahil sa kailangan mo.Kundi gusto ko” dumukwang ito paluhod.Inilabas ang tsinelas sa loob ng eko bag at inilagay ito sa tapat ng mga paa nya “Ang pinaka ayoko.Yung nageefort ako tapos tinatanggihan.Tumakbo ako para habulin ka tapos irereject mo yung ibibigay ko.” Kye smirk.Tumaas ang kabilang labi nito kapagkuwan ay tumayo.“Isuot mo yan.Sugat sugat na ang paa mo magiinarte ka pa”

Nabigla sya sa mga sinabi ng binata.Ilang segundo siguro syang natigilan sa pagiisip sa sinabi ng nito.Nagising lang sya ng tumalikod na ito sa kanya para lumakad papalayo.

“You turning into a brat one para mapasunod ako?” Ani nya habang mahinang natatawa.“Huy,may kasalanan ka sakin.Hindi mo kailangang mapilitan magbait baitan para lang makuha ang pagpapatawad ko.Dahil siguro,hindi ko na tatanggapin ngayon ang sorr-”

“Isuot mo yan” saad muli ng binata nang lingunin sya nito. “Bukas,kung papasok ka.Mag-sosorry ulit ako.Magsosorry ako hanggang sa tanggapin mo.Isuot mo yan.Wag kang maarte”

Hindi na nya nagawa pang umapela.Dire diretsyo na ang binata sa pag lalakad kung kayat naiwan syang nakatanga dito.Hindi nya maintindihan ang mabilis na pagbabago ng ugali nito sa loob lang ng ilang minuto.

Wala na syang nagawa,tinignan nya ang tsinelas sa harap nya.

Sinuot nya iyun at nakadama sya ng kaginhawaan.Hindi na masama,dahil kung maglalakad nga sya ng nakapaa.Baka madagdagan pa ang mga sugat nya.

Tahimik syang nakarating sa bahay nila.Sarado na ang pinto,pero hindi ito naka lock ng tangkain nyang pumasok.

Nakapatay na ang ilaw sa loob.Tahimik na kung kayat tahimik nyang tinungo ang silid kung saan sya matutulog.Taimtim nyang pinagdadasal na sana tulog na ang tsuhin.Dahil kung hindi,maaaring malatayan nanaman sya.

Pagpasok nya sa silid.Isang gasera ang nakabukas mula sa gilid ng kama.Nakapatong sa lamesa.Paglapit nya sa higaan.

Kasya nya lang napansin ang taong nakahiga sa kabilang side ng kama.Nakatalikod ito,nakatalokbong ng kumot.

Hindi nya nalang ito pinansin pa.Alam nya ang tsahin nya ito,katabi matulog.Kaya dahan dahan nalang sya sa pagkilos bago humiga.Dahil siguro sa sakit ng katawan,sa pagod at hapdi ng talampakan.Unti unting bumabagsak ang kanyang katawan.Unti unting nanghihina ang talukap ng mga mata. Nakakaramdam na sya ng antok kung kayat hindi na nya ito nalabanan pa.Kinain na sya ng pagod sa katawan.Hanggang sa tuluyan na syang nakatulog.

“SO,ano nang balak mo?” Tanong ng kaibigan nya pagkatapos ng ilang minutong katahimikan sa loob ng silid na kinalulunlan.

Pagkatapos nyang maghatid kay Esme,napili nyang dumiritsyo sa bahay nito.Ang bahay ng kaibigang si Jodan.Pinakamalapit nyang kaibigan na malalapitan nya rin tuwing pakiramdam nya ay kailangan nya ng payo.Pang pamilya man o pagibig.

“I dont know” matamlay na sagot nya “Pakiramdam ko,hindi ko na mahihingi ang sorry ko sa kanya.Malaki ata ang kasalanang ginawa ko”

“Anong ata?” Tanong ng kaibigan.“Tanggalin mo na ang ata.Dahil malaki talaga.Biruin mo,dahil sa bintang mo sa kanya,pwedeng matanggal yung scholar na iniingatan nya mula ng magaral sya sa MMU.Ano ba kasing pumasok dyan sa isip mo? Bakit kasi daddy mo pa ang napagselosan mo kay Esme”

Hindi nya sinasadyang batuhin ng unan ang kaibigan dahil sa sinabi nito.Nabigla sya sa walang preno nitong bunganga na alam nya,totoo.Maling mali na mag selos sya kay Esme at sa ama nyang walang alam sa nangyayari.

“Bro,kung hindi mo gustong ipakitang may interest ka kay Esme.Wag mo naman sanang ipahamak yung tao” dugtong ng kaibigan pagkatapos nitong makailag sa unang binato nya.“Bakit hindi mo kasi aminin na nagselos ka ng isang beses kay Esme.Ang matindi pa dun pa sa daddy mo.Maling mali bro”

Napabuntong hininga na lamang sya at napasalampak sa kamang inuupuan nya.Napaisip sya,baka nga na itinatanggi nya nalamang sa sarili na nagseselos sya.Nasasaktan sya na baka sakali,kalaunan,may magkagusto nga kay Esmeng ibang lalaki.At ang masama,hindi sya ito.

“Nainis ako e” ani nya “Bakit kasi si Dad pa.Bakit sya nayakap na nya yung taong gusto ko.

Nahawakan at natitigan nya na yung taong lihim kong gusto noon pa.Im not gay bro alam mo yan.

Pero pagdating kay Esme“ inihilamos nya ang dalawang kamay sa mukha at muling umupo sa dulo ng kama “Hindi ko makontrol ang sarili ko.Pakiramdam ko,isa syang babae.Alam kong gay sya,pero nakikita ko yung sarili nya na parang isang babae.Piling ko,noon babae sya sa pastlife nya.Na nagkakilala na kami tapos nainlove kami sa isat isa.Ang kaso lang,tragic ang buhay na kinahantungan namin.Hindi masaya”

“Nagbabasa kaba ng mga fanfic novel?” Kunot noong tanong ng  kaibigan.“Grabe yung imagination mo e”

Natawa lang sya.

“Pero alam mo bro” ani ulit ng kaibigan “Bilib ako sayo.Sa ilang taon nating nagaaral sa MMU.Simula ng magaral din dun si Esme three years ago.Hindi kana nag girlfriend.Talaga palang nainlove ka sa kanya.Ang tibay ng pagmamahal mo ah”

Tipid syang ngumiti dahil sa saad ng kaibigan.Hindi nya maiwasang mapatingin sa kawalan bago magsalita “Pero hindi nya alam yun” ani nya “Sa tatlong taon nya sa MMU.Simula ng tanggapin ko sa sarili ko na gusto ko sya.Hindi nya nalaman.Ang pangit lang,nakikita nya ako bilang isang jerk.Isang matigas ang ulo.Isang pasaway”

May saya sa puso nya ng bumalik sa ala ala nya kung paano nakilala ang binata.Isang mahinhin,pino at tahimik na isang binatang nakilala nya.Malayo sa ibang lalaki kung paano ito gumalaw.Maayos ito,pino at tila isang babae kung paano ang kahinhinan.Yung mga bagay nayun ay simple lang.Pero para sa kanya,sobrang nagpapabago sa pagtingin nya para sa isnag pagkatao ng isang binatang lalaki.Nakakahulog ng loob.

“I never talk to him” dugtong nya “I never intertain him.Hindi ako gumawa ng paraan para magkakilala kami.Para manlang maging magkaibigan.Sa loob ng mga taong yun,binaliwala ko sya.Hinayaang ligawan ng peke at mayabang barsity boy sa university natin.Mabuti nalang hindi in-enteratain ni Esme yung bugok nayun.Kung sakali kasi,baka wala na akong pagasa”

“Sa tingin mo ba sa ginawa mo may pagasa kapa?” Tanong ng kaibigan “hindi mo ba nakita kung paano sya tahimik na umiiyak habang dinidikitan mo ng sticky note sa katawan.Pinapalabas na madumi syang tao dahil lang sa maling akala mo sa daddy mo at sa kanya”

Napabuga sya ng hininga.

Napasabunot sya ng buhok habang ang dalawang siko ay ipinatong sa dalawang tuhod nya.Sising-sisi sa ginawa nya noon.

“Nagkakilala nga kayo” dugtong pa ng kaibigan “Sa loob ng tatlong taon.Hindi mo sya pinansin.Ni hi o hello,wala.At ngayon, nagkakilala na kayo.Sa maling pagkakataon pa.Dun pa sa paraang nasira mo sya”

“Nabigla lang ako” ani nya “Naiinis ako sa fact na tinawag pa syang Maria Esther ni Dad.Alam mo ba yung pangalan nayun? Yun yung laging binabanggit ni Dad sa tuwing mananaginip sya sa gabi.Sa tuwing iiyak sya sa madaling araw.Na hanggang ngayon,yung multo ng babaeng yun sa nakaraan.Nandito parin sa kasalukuyan.Sinasaktan parin sya”

Hindi umimik ang kaibigan dahil sa sinabe nya.

“Narinig ko,tinawag sya ni Dad sa pangalan nayun.Kaya inakala kong sya yung babaeng tinutukoy ni Dad” ani nya “Nagalit ako Jodan,nainis.Kaya kahit hindi ako sigurado sa narinig ko.Nag assume ako.Sinira ko sya”

“At ngayon sa unang pagkakataong nagkakilala na kayo” dinuktungan ni Jodan ang sinabe nya “Pinagbintangan mo pa sya ng masama.Tama nga siguro ang sinabi mo,sinira mo sya.Pinahamak mo ang isang taong inosente imbes na manligaw ka nalang at aminin kung gaano mo sya kagusto noon pa”

Muli,napabuntong hininga sya sa sinabe ng kaibigan.Hindi umimik at nanatiling nakatanga sa kawalan.

“Uulitin ko ang tanong ko” tanong muli ni Jodan “Anong plano mo?Bukod sa dinala mo na sya sa Stio hangganan.Nag fail kang ipakita ang ganda ng dagat doon.Susunod mo bang kidnapin sya para lang madala sa isang date?”

“Hindi pa ako dispirado” sagot nya “Hindi ko din sinabe sa kanya kung ano ba talaga ang balak ko kung bakit ako napunta sa lugar nila e.Kung bakit saktong nakita ko sya na tumatakbo,takot na takot.Na para bang may tinatakasan”

“E ano nga ba kasi yung ginagawa mo sa Squater area nayun?” Tanong ng kaibigan.Napatingin naman sya dito.

“Gusto ko syang kausapin” sagot nya “Gusto ko sanang manghingi ng tawad kung sakali.Pero huli na pala lahat.Binugbog na sya ng tsuhin nya,dahil lang sa maling haka haka ko.Hindi sapat na dinala ko sya sa pantalan nayun na para lang siguro,pagaanin ang loob nya.Hindi sapat para patawarin nya ako”

“So ngayon?” Tanong muli ng kaibigan.

Napabuntong hininga sya.

Napatingin muli sa kawalan “Tutulongan ko sya” sagot nya “Tutulungan ko syang linisin ang pangalan nya sa school.Kung patatawarin nya ako.Liligawan ko sya. Liligawan ko na si Esme”

ISANG ungot,isang maliit na galaw.Isang pagkakahigpit na hawak.

Maliit na ingay,mainit na palad na tila mahigpit na nakakapit sa balakang nya.Ito ang nag pagising sa mahimbing na pagkakatulog nya.Pakiramdam nya,nakakabit ang katawan nya sa isang bagay.Mainit ito,mabigat at tila isang presensya.

Ang mahinang ungot na naririnig.Napalitan yun ng isang ungol.Yung ungol na malalim,tila pinipigilan. Bumibilis ang tibok ng puso nya.Hindi nya alam kung bakit tila hindi sya makagalaw.Sinubukan nyang umayos ng pwesto,pero nang tangkain nyang bawiin ang katawan.Dito sya natigilan.

Wala pa sya sa diwa,pero alam nya,ramdam nya.Tila may isang nilalang ang nasa likod nya.Isang nilalang na kahit kailan hindi nya naisip na nasa tabi nya.Natakot sya,kinabahan.Pero hindi sya gumalaw sa kinalulunlan.

Pinagpanggap ang sarili na walang alam sa nangyayari.

Dahan dahan nyang pinroseso ang lahat.Kasya nya nahunian.May malaking kamay ang nakakapit sa balakang nya.Mahigpit iyun,hindi nya kayang tanggalin.Yung tunog ng ungol.Hindi nya mawari,tila nasasarapan.Yung katawan nyang nakatagilid, nakatalikod sa nilalang nayun.May kakaibang nararamdaman.Tila ba may isang matigas na bagay na bumubunggo sa ibaba nya.Ang masama sa pangupo nya ito.Matigas iyun,malaki…mainit.

Gusto nyang makawala nang mahunian ang bagay naiyun.Tila kusang nanubig ang mga mata nya.Hindi makapaniwala sa isang bagay na magagawa ng isang tao.Natakot sya,takot na takot.Pero natigilan sya nang sa unang pagkakataon narinig nya itong magsalita.Dito,kumpirmado nya na kung sinong nilalang na nasa likod.Kung sino ang bumubunggo sa likod nya gamit ang matigas na bagay na iyun.

“S-Sebyo…” Mahina pero buong buo nitong boses “ugh…sebyo.Patawarin mo ako,pinapangako ko.A-aalagaan ko si Esme.Pangako”

Napatakip labi sya nang maramdaman nya pang mas diniin ng nilalang nayun ang matigas na bagay sa pangupo nya.Hindi ito pumapasok, kumikis kis lamang sa pagitan ng pangupo nya.

Kinain na sya ng kaba. Pagkadiri sa katawan.Pero isang lamang ang nasisiguro nya.Isang nilalang ang di nya mapapatawad.

’T-tito…Tito Kiko…

CHAPTER 19

(The worst thing happen)

Napatakip labi sya nang maramdaman nya pang mas diniin ng nilalang nayun ang matigas na bagay sa pangupo nya.Hindi ito pumapasok,kumikis kis lamang sa pagitan ng pangupo nya.

Kinain na sya ng kaba.Pagkadiri sa katawan.Pero isa lamang ang nasisiguro nya.Isang nilalang ang di nya mapapatawad.

’T-tito…Tito Kiko…

Hindi nya alam ang gagawin.Lalo na nung maramdaman na nya ang mainit na hininga mula sa likod ng kanyang tenga.Kasunod nun,ay ang malambot na labi na bumaba sa kanyang leeg.Patungo sa pisngi.Tila,sa mga oras na iyun,nagtayuan ang kanyang mga balahibo.Nanigas ang kanyang katawan. Kinalibutan sya sa naramdaman.Gusto nya sanang gumalaw.Pero kinabahan sya,baka sa oras na pumalag sya sa kung anong posisyon nya.Muli syang saktan ng tsuhin. Naaalala nya kung paano sya walang awa nitong hatawin sa katawan.

Sa pagkakataong ito,alam nya,wala ng kaluluwa ang tsuhin sa ginagawa nito sa kanya.Hindi nya magawang bawiin ang katawan.Dahil baka ngayong gabi,hindi lang bugbog ang matanggap nya.Kundi isang kamatayan.

“Wag ka ng mag-maang maangan” natigilan sya ng magsalita ito mula sa likod nya.Buko na sya,alam na nitong nagtutulog tulogan sya.Nagmamaang-maangan sa bagay na ginagawa sa kanya “Doon ko pinatulog ang tsahin mo sa kwarto namin.Dito ako sa tabi mo ngayong gabi.Paparusahan kita dahil sa pagsagot at paglaban mo sakin” hindi na nya nagawang makasagot dahil kasunod nito ay ang pagdiin pa ng matigas na bagay nito sa likudan nya.Ang kaninang pagkakapit lang ng tsuhin sa balakang nya ay payakap na sa buo nyang tsan.Pinipilig nito ang buo nitong katawan na tila inaangkin sya nitong ng buong buo.

“T-tito…” Mahinag sambit nya.“Wag po ako tito pakiusap…”

“Bakit naman hindi ikaw?” Tanong nito sa kanya “Tandaan mo,akin ka.Akin yang katawan mo.Pag-aari kita.Lahat ng bagay sayo,pagaari ko.Kaya wala kang magagawa kung gawin ko sayo ang bagay na ito”

Hindi na sya muli pang nakagalaw ng patiyahain sya ng tsuhin mula sa pagkakahiga.Mabilis ipinilig nito ang dalawang kamay sa taas ng kanyang ulunan.Mas nilapit pa nito ang bibig sa kanyang pisngi.

Na kalaunay muling dumako sa kanyang leeg.Hindi na sya nakatiis pa,hindi na nya masikmura pa ang mga nangyayari kung kayat pumalag na sya.

Buong pwersa nyang inagaw ang kamay mula sa taas ng ulunan.

Kapag kuwan ay ipinilit nyang ibinangon ang sarili mula sa pagkakadagan ng tsuhin sa kanya.Akala nya makakatayo na sya mula sa pagkakahimlay ng pagnanasa.Ngunit bago pa man nya magawa yun.Naramdama nya ang isang sakit mula sa sikmura.Napaimpit sya at namilipit.

Isang matigas na kamao ang sumuntok sa kanyang tsan.

Dahil siguro sa lakas nun,hindi na nya alam ang nangyari.Unti unting lumabo ang paningin nya,nanghina ang buo nyang katawan.

At ang tanging natatandaan nya ay ang mukha ng isang nakakatakot na nilalang. Punong puno ng pagnanasa at ano mang oras.Handa ng kainin ang nakahain nyang katawan.

“ESME!”

Napabalikwas sya mula sa pagkakahiga nang marinig ang malakas na pagtawag sa kanyang pangalan.Naupo sya sa papag at mabilis na pinagmasdan ang buong paligid ng silid.Wala sya sa sariling napakawak sa dibdib.

Inaasahang may kakaiba sa kanyang katawan.Hanggang sa mapadako ang tingin nya sa tyahin.Nakaupo ito sa gilid ng kama,habang taimtim sya nitong pinagmamasdan.

“A-ayos kana ba?” Tanong ng tyahin kapagkuwan ay hinaplos sya nito mula sa gilid ng kanyang ulo.“Nananaginip ka nanaman ba?”

Hindi sya nakasagot.

Hindi nya alam kung bakit tila habol ang kanyang paghinga.

Napatitig nalang din sya sa tyahin nang di kalaunay sunod sunod na pumatak ang mga luha nya.Agad syang dinaluyan nito at niyakap. Ang pagkakataon nayun ay ginamit nya upang ibuhos ang pagiyak mula sa balikat ng tyahin.Yung iyak ng takot,pagsisisi at pagkamuhi sa isang tao.

“Shhh…” Pagpapatahan sa kanya ng tsahin “Kung ano man yan.Pleas,sabihin mo sakin.Gusto kong gumaan ang pakiramdam mo” giit na dugtong nito.

Bahagya syang kumalas sa tyahin at muling pinakatitigan ito.Napaisip sa huli nitong sinaad.“M-may magagawa po ba kayo?” Ani nya.“Hindi ko po alam pero sana.Panaginip nalang yun.Sana hindi nalang totoo.Natatakot po kasi ako”

“Paano kaba nakauwi kagabi?” Tanong ng tsahin “Hanggang kaya ko kasi Esme.Poprotektahan kita. Kahit anong mangyari. Kahit mahina ako,gagawin ko ang lahat para hindi ka masaktan”

“Pero wala ka nanaman pong nagawa” ani nya.“Tapos na po akong matakot sa mga latay ni Tito.May mas malaki pa po akong kinatatakutan ngayon.Ayoko na pong maulit yun”

Napansin nya,napa siryoso ang mukha ng tyahin dahil sa laman ng sinabi nya.Hindi nya alam pero maghihinala at maghihinala talaga ito.

“Ano pa bang nangyari kagabi?” Siryosong tanong nito “Bukod sa sinaktan ka ng tito mo,ano pang nangyari kagabi?”

Saglit syang natigilan. Napaisip kung sigurado nga ba sya sa nangyari kagabi.Ayon kasi sa lagay nya ngayong umaga.

Nakabihis parin sya ng damit.Walang masakit sa katawan nya maging ang sikmura nya.

Pero paano at sino?

“N-natulog po ba si Tito sa kwarto nyo?” Tanong nya “Saan po sya natulog kagabi?”

Napansin nyang kumunot ang noo ng tsahin.“Ano bang ibig mong sabihin?” Balik na tanong nito “S-syempre sa kwarto namin.Sa kwarto nya”

Hindi nya maintindihan.Tila nakaramdam sya ng pagtataka sa tyahin pero pilit nya padin pinroseso ang lahat.Hindi pe-pwedeng maghinala.Kaya para malinawan ang sarili agad syang tumayo sa pagkakaupo sa kama.Tinungo nya ang pintuan pero bago pa sya makalabas.

Doon nya naramdaman ang pagkirot ng sikmura na kanina,hindi nya naramdaman.

Napadaing sya sa sakit at dahan dahang napabaling sa tyahin na ngayon ay napatayo narin para daluyan sya.

“Ikaw po ba?” Muli nyang ani “S-saan ka po ba natulog kagabi?”

Kita nya na natigilan ang tyahin.Nagtataka ito sa mga kinikilos nya.Pero ang tanging gusto nya lang ay ang katotohan mula sa pang yayari mula kinagabihan.

“Ano bang sinasabi mo?” Ani ng tyahin.“M-malamang dito.Katabi mo ako”

Confirmed.

“Nagsisinungaling kapo” ani nya na muling ikinakunot ng noo nito.Hindi nya ito pinansin pa at tuluyan ng lumabas sa silid.Taimtim nyang ipinagdasal na sana.Hindi nya masalubong ang demonyo nyang tsuhin pero sa kasamaang palad.

“Ok naba ang lagay mo?” Tanong nito sa kanya mula sa sala.Kasalukuyan na itong nakaupo habang may kakaibang ngiti sa mga labi na ikinainit ng ulo nya.

“Saan ka natulog kagabi?” Diritsyahan nyang tanong dito.

Naramdaman nya ang tsahin na nasa tabi nya na.Pero ang kinainis nya ang pagtitinginan ng dalawa. Yung tingin na tila may iniingatang bagay.

“Ano bang pinagsasabi mo Esme” sagot nito sa kanya.“Malamang sa kwarto ko.Doon naman talaga ako natutulog diba? Kung saan mo din ako nahuli nung nakaraan”

“Sinungaling!” Bahagya nyang napataas ng boses.Naiinis sa fact na pinaglalaruan ng tyuhin ang sitwasyon.

“Esme…huminahon ka” saad ng tyahin na dinaluyan sya.

Nakaramdam sya ng pagkainis dahil sa tila pagpapanggap nito.Tila katulad narin ito ng tyuhin na magaling magpanggap para lang maitago ang katotohan.

Ang masakit,tila pinagkakaisahan sya ng mga ito.

“Ano bang nangyayari sayo?” Muling tanong ng tyahin sa kanya.“May problema ba?”

“Tama na po” mahinang sagot nya kapagkuwan ay dahan dahang lumayo rito.“Si tito…ikaw” hindi nya napigilang mapaluha dahil sa pagtatagpi ng katotohanan.

“Parehas kayong dalawa.Nagsisinungaling kayo sakin.Lalo kana po.Pinagkaisahan nyo po ako”

“Ano bang sinasabi mo?” Tanong muli ng tsahin. Nangingilid narin ang mga luha nito pero patuloy parin sa pagsisinungaling.“Esme hindi kita maintindihan”

“Si Tito yung tumabi sakin kagabi” giit na saad nya. Dahilan upang matigilan ang tsahin “Hindi ako nananginip alam ko yun.At lalong lalong hindi ako tanga.Masakit ang tyan ko.Sinuntok nya to kagabi” saglit syang tumigil at muling napahawak sa puson.Nakaramdam syang muli ng sakit dito.Na hindi nya maintindihan.Para itong sumasabay sa mga katotohanang binabato sa kanya.

“G-ginalaw nya po ako”

Kitang kita nya kung paano nagulat ang dalawa sa sinabi nya.Na kahit sa huling pagkakataon.Nagpapanggap parin ang mga ito na walang alam sa gabing pinandidirian nya habang buhay.

Napansin nyang napatayo mula sa pagkakaupo ang tyuhin kapagkuwan ay binalingan sya nito.“Ano bang pinagsasabi mo Esme?!” Singhal nito.“Naririnig mo bang ang sinasabi mo?”

“Oo!” Singhal nya din.“Naririnig ko ang sinasabi ko,at sawang sawa na akong magbingbingihan at magbulag bulagan sa nangyayari”

Nawala ang takot nya sa tyuhin.Kita nya ang nanlilisik na galit nitong mata.Yung matang ayaw nyang makita dahil latay ang kasunod ng panlilisik na iyun.Sa ngayon,tila wala na syang takot dito.Napalitan ng pagkamuhi.

“Bakit nyo po ito ginagawa sakin?” Ani nya,habang nararamdaman nyang patuloy sa pagagos ang mga luha sa mata “Ito po ba ang kabayaran ng mga kasalanan sa inyo ng nanay ko? Paano ko po ba yun mababayaran ng hindi sa gantong paraan? Huh?” Napahikbi sya at muling napahawak sa puson naramdaman nya ang sakit at pagkirot nito.Pero ang malala pa,tila may naramdaman syang kakaiba sa kanyang pangupo.Tila humapdi,may tumulo.Kaya nang kapain nya ito.Parang hihiwalay ang kaluluwa nya sa kanyang katawan ng makitang may pumahid sa daliri nyang dugo.

Sa pagkakataong iyun,hindi nya lang nakumpirmang pinagnasahan lang sya ng tsuhin kagabi bago mawalan ng malay.Kundi sinira din ang pagkatao tao nya.

Takot at galit nyang itinapat sa sarili ang daliring nabahidan ng dugo mula sa likod ng short nya.“Ito?…” Mahina pero giit nyang saad “Tama na po ba ang kabayaran nato sa ginawa ni nanay sa inyo? Ginahasa mo po ako”

Nakita nyang papalapit sa kanya ang tsahin para daluyan sya.Pero parang takot ang namutawi dito,utomatiko syang napaatras na tila natakot sya sa mga kasama.

Hindi na sya nakapagsalita.

“Anak Esme” saad ng tyahin “Dyos ko,patawarin mo ako.Halika,gagamutin natin yan”

“Wag po kayong lumapit saakin” mapait nyang ani “Hindi na po ito magagamot. Sinira nyo napo ang pagkatao ko,sana sapat na ginawa saakin ito ng sarili kong tsuhin.Sana sapat na sinira nyo ang pagkatao ko,na handa din kayong magsinungaling para lang mapagtakpan ang kasinungalingan ni tito.Sorry Tiya,pero hindi ko alam kung paano ko kayo mapapatawad”

Hindi na nya binigyan pa ng pagkakataon makapagsalita ang tsahin,maging ang tsuhin.

Kagaya nung gabing binugbog sya ng tsuhin.Tumakbo sya papalabas ng bahay.Ang kaibahan lang,umaga na.Kita na nya ang lahat,ang buong paligid.Kita narin ng lahat kung paano sya kaduming tao.Kung paano sya nababoy ng sariling kadugo.

Tumakbo sya,hindi mabilis pero sapat para hindi sya mahabol ng bangungot.Sana nga mabubungot nalang ang lahat.Kasi oo,gusto nya ng gumising.Gusto nyang magising sa realidad na sana isa lamang syang fanfic character na pinaglalaruan ng author ng kwento.Pero mukhang totoo talaga ang lahat.Katibayan na ang daang tinatahak nya ay walang pinagbago.Walang pinagkaiba sa madilim na daang saksi ng pagtakbo nya sa bangungot.

Parehas na daan kung saan masusugatan ang kanyang mga paa mula sa matutulis na bato.

Na ngayon,mukhang hindi na hahapdi ang mga paa.Dahil nakasuot na sya ng tsinelas.Isang sapin sa paa,na binigay ng isang nilalang.Hindi nya alam kung sinagip sya nito,na sana sa muling pagkasira ng mundo nya,makita nya muli ang nilalang nayun.Yung tao na sana magpaparamdam sa kanya ng isang ligtas na mundo.

“KAILANGAN nyo pong pagpahingahin ang pasyente” saad ng mahinhin na boses sa paligid “Sobrang dry po ang katawan nya.Kulang sa tubig,at mukhang na dehydrated po talaga.Ganyan po talaga kung sa unang pagkakataon nya naranasan ang bagay nayun.Ang masama pa,na damage po ang tissue nya mula sa pang upo.Mukhang pinwersa po yung isang bagay na pumasok sa kanya.Papainumin nalang po natin sya ng gamot upang tumigil po ang pagdudugo ng bahaging iyun”

“Hindi ko po kayo maintindihan” saad ng isa namang baritone na boses.“Ano po ba talaga ang kalagayan ng pasyente?”

Saglit na tumigil ang malambing na boses ngunit maya maya ay nagpatuloy din ito.

“Nagkaroon po sya ng sex intercore.At yun yung dahilan kung bakit nanghihina ang katawan nya ngayon.Nagkadamage ang tissue nya mula sa pang-upo.Kaya naman imomonetor namin ang kalagayan nya,wag po kayong mag alala.Magiging maayos po ang lagay ng pasyente.Pagnapainum na po sya ng gamot at nakapagpahinga.Kahit mamaya ay pwede na syang madis-charged”

Narinig nyang napabuga ng hininga ang kausap nito.“Ok Thank you” ani ng isang boses “I can take all the expensses.Ibigay nyo lang lahat ng mga kailangan nya”

“Ok sr,leave that to us,thank you po” sagot ng nilalang na hinihinalang nyang doctor.

Unti unti,nagkaroon sya ng lakas.Sinadya nyang hindi na muna kumibo mula sa pagkakahiga upang bigyan ng daan ang dalawang naguusap sa paligid.Pero napaisip sya sa boritone voice na narinig nya.Tila kilala sya nito na ipinagtaka nya,kaya naman nais nyang makilala kung sino iyun.

Iminulat nya ang mga mata upang makita ang lalaking iyun.Pero natigilan sya ng wala ng tao sa silid.Inilibot nya lang ang mga mata bago napagtanto kung nasaan na nga ba talaga sya.Nasa isang kwarto sya,at kung susumahin.Halata na ang silid na iyun ay pang hospital dahil sa mga kagamitang nasa loob nun.Pero ang hindi nya maisip,paano sya nakarating dito.Hindi nya matandaan ang mga nangyari,ang huli nalang pumasok sa alaala nya.Ay nang lumabas sya sa kanilang bahay.

Inayos nya ang sarili, nakaramdam sya ng pananakit ng bantog kung kayat naisip nyang pumunta ng banyo.Pero bago paman sya makabangon sa hinihigaan,pumasok ang isang nurse upang ata asikasuhin sya.

“Inom na muna po kayo ng gamot sr” mahinahong ani nito kapagkuwan ay iniabot sa kanya ang isang tray ng tubig at dalawang tableta ng gamot.

Kinuha nya ito,pero bago pa man nya inumin.Hindi nya mapigilang magtanong sa nurse.“Ms,s-sino po ba yung taong naghatid sakin sa hospital nato?” Ani nya “Nahingi nyo po ba ang pangalan nya?”

Tinignan lang sya ng nurse kapagkuwan ay nagisip “Ahm,si Nurse Gia po ata ang nakausap nya Sr” sagot nito,mukhang ang nurse na ito ay hindi ang boses na narinig nya na kausap ng isnag baritone na boses “Ako lang po yung magpapainum ng gamot sayo.Pero ang alam ko isa ata iyun sa mga Montefalco?.Hindi rin po ako sigurado e”

Montefalco? Sino naman sa mga Montefalco?…

Napapaisip sya kung sino ang nilalang nayun.

“Ganun po ba?” Mahinang sagot nya nalang bago kunin ang gamot at tubig upang inumin.

“Bakit po sr? Nagaalala po kayo sa expensses dito?” Tanong ng nurse matapos sya sa ginagawa “Wag po kayong magalala.Full paid na po kayo,katunayan nga po,bibigyan nalang po namin kayo ng reseta at pagpapahingahin ng ilang oras para madischarged na kayo mamaya”

Tinanguan nya nalang ang nurse at hindi na nagtangkang magsalita.

Nakatingin lang sya sa nurse na kasalukyan nang nililigpit ang gamot na ininum nya.Napaisip sya,hindi lang sa kung sino yung taong sumagot ng lahat dito sa hospital.Naaalala nya kasi na wala na pala syang mauuwian kung sakali mang madischarged sya.Ayaw na nyang bumalik pa sa tahanang tinakbuhan nya dahil pakiramdam nya masasakal syang muli sa mga kasinungalingan at kasamaan doon.

Nanatili syang tahimik kahit nakaalis na ang nurse. Inaalala na kung sino man sa mga Montefalco ang tumulong sa kanya,lubos syang nagpapasalamat dito.

Isang bagay lang ang pumapasok sa isip nya ngayon.At mukhang dininig ng dyos ang taimtim na dasal nya bago mawala ang malay nya.Kung sakaling totoo yun,yung tao sigurong natagpuan nya nung gabing tumatakbo sya.Maaring yung tao ding nagdala sa kanya ngayon sa hospital.

At speaking of.

Natigilan sya ng makita ang binata na pumasok sa pintuan.Nagtataka man sa ekspresyon nito,kitang kita nya ang pag aalala sa mukha nito.

“Anong nangyari sayo?” Tanong ng binata “Ayos ka lang ba? Are you feeling well right now?”

He cant say but a nod.Isa lang ang nakupirma nya,si Kye Montefalco ang nagdala sa kanya sa hospital.At ito nanaman ang natagpuan nya sa ikalawang beses ng kailangan nya ng tulong.

“I dont know what happen to you” pagpapatuloy nito “But can I ask if why you here? Sinong kasama mo dito? Sino nagdala sayo dito sa hospital”

Natigilan sya sa huling saad ng binata.Mukhang mali sya ng inaakala.

“Hindi ikaw ang nagdala sakin dito?” Takang tanong nya.

Umiling naman ang binata “No,pinuntahan kita dito may nakapagsabi sakin.Nag aalala ako” saad nito “Bakit? Sino ba ang nagdala sayo dito?”

Hindi na sya nakasagot pa sa tanong ng binata.Natigilan sya ng maalala ang isang bagay.

Kung hindi si Kye ang nagdala sa kanya.Isa lang ito sa mga Montefalco.

Is that…Juanillo Montefalco? But how?

And why?

CHAPTER 20

(I hate that faggot)

“Hey,are you ok?” Pukaw sa kanya ng binata.Hindi nya namalayang natigilan na pala sya kung kayat tila nag taka na ito.

“Im sorry if I say na pumunta ulit ako sa lugar nyo” sambit muli ng binata.Dahil dito,napatingin sya sa gawi nito na kasalukuyang kumuha ng upuan at umupo sa kabilang gilid ng kama kaharap nya.“Like what I said.Magso-sorry ako sayo.At balak kitang sunduin sa bahay nyo.So I asking someone your address” huminga ito ng malalim bago magpatuloy “I want to help you Esme.And I mean it, really.Kaya gusto ko sanang sunduin kita sa bahay nyo,para sana” napansin nya ang pagkamot nito sa batok nito na bahagya namang pinagtaka nya.Tila kasi nahihiya ito “…sunduin ka,sabay tayo papasok.I will help you to clean your mess–I mean,my mess that I made to you”

Hindi nya alam kung ilang segundo nanaman syang natigilan.Sa mga oras kasi nato,he cant take all the things that he heard from this man.Ibang iba na talaga ang pagkataong nakilala nya.Malayo sa pagiging spoiled brat na madalas nakikita nya lang nagpapasaway sa loob ng university.

Malayo sa ugali nya.Kaya malabong magcross ang path nilang dalawa.

“Bakit kailangan mong gawin yon?” Tanong nalang nya “Sabi ko naman sayo diba? Kaya kong linisin ang pangalan ko.Nalusutan ko na ang lahat ng problema ko.Simple nalang lahat ang paglinis ko ng pangalan sa university.Hindi ko naman hahayaang mawala ang scholar ko no” napabuntong hininga sya at napaiwas ng tingin sa binata.“Yun nalang ang tanging meron ako e,hindi ko hahayaang pati yun.Mawala”

“Im sorry” saad nalamang ng binata.Ramdam nya sa sarili ang lungkot ng boses nya.Kaya alam nyang naramdaman ito ng binata.Kaya para mailiko ang usapan nagtanong nalamang sya dito.

“B-bakit ka pala napunta dito?” Tanong nya.“Paano mo nalamang nasa hospital ako”

“Like what I said” sagot ng binata “Nagtanong ako ng address mo,but she said is not your address,but the bad happen to you.Sabi ng napagtanungan ko,nakita ka nyang nahimatay sa daan,madameng tutulong sayo pero mas pinaubaya ka daw nya sa isang lalaki.Naka kotse daw at ito ang nagdala sayo sa hospital” tinignan sya ng binata.“By the way,sino nga pala ang nagdala sayo dito?”

It cant help,but he keep his self to silent.Hind nya alam ang isasagot o ang tamang sasabihin.Hindi nya alam kung bakit tila ayaw nyang sabihin dito na ang tatay nito mismo ang naghatid sa kanya sa hospital.Maari kasing maghinala ito,na kahit wala silang ginagawang masama ay natatakot sya.

“H-hindi ko din alam e” mahinang ani nya.Nagsisinungaling din sya sa binata.“Pero…kung sino man sya,nagpapasalamat ako sa kanya.Napaka buti nyang tao.Hindi yun sapat na pagbintangan nalang sya ng kung ano ano lalo na kung malapit pa na kamaganak nya.Masama yun”

Napatitig sa kanya ang binata dahil sa sinabi nya.“Kilala mo ba yung taong tumulong sayo?” Tanong nito “Ano naman ang binibintang sa kanya?”

“W-wala” nautal nyang sagot.Mukhang wala talagang alam ang binata na ang tatay nito ang tinutukoy nya “Hindi ko sya kilala.B-baka may naalala lang ako”

Hindi nila alam kung ilang minuto na silang tahimik ng binata.Natigilan lang sila sa pagpasok ng dalaga.Kapwa sila napatingin sa bagong dating na natigilan din pala nang makita ang binata.

Buong pagtataka ang pinukol nito kay Esme na handa namang magpaliwanag.

“Ayos na ako Rosaine” saad ni Esme “Pasensya na at hindi na kita nasabihan.Biglaan din lang kasi ang lahat,nawalan ako ng malay kayat paggising ko nandito na ako sa hospital”

“Pinuntahan kita sa bahay nyo para sunduin kana” ani ng dalaga “Kilala mo naman ako diba? Ilang oras ka lang nalate pumasok nag aalala na ako sayo.Ngayon pang nalaman ko din sa mga tsismosang kapitbahay mo dun na dinala ka daw ng na nakakotseng lalaki nang mahimatay ka sa daan” napansin nyang saglit na pinukol ng pansin ng dalaga si Kye na tahimik lang na nakaupo.

Inaakala din nito na ang binata ang nagdala sa kanya sa hospital.Kung kayat hindi na sya umimik at pinagpatuloy lang ang dalaga.

“Ano ba kasing nangyari Esme?” Punong puno ng pag-aalala ang boses nito “Dehydrate kaba? Kulang sa tulog? O kulang sa tubig? Baka naman binugbog ka nanaman ng tito mo.Alam mo namang mabigat ang kamay nun sayo diba?”

Napatingin sya sa dalaga kapagkuwan ay tumingin sya sa binata.“Iwan mo muna kami Kye pleas,” ani nya.

“Tama,iwan mo muna kami” ani naman ng dalaga na halata ang inis sa tinuran nito “At oo nga,bakit nandito ka Kye? Kahit ikaw pa ang nagdala sa kaibigan ko sa hospital nato.Ikaw ang punot dulo ng paghihirap nya nitong mga nakaraang linggo” pagak itong tumawa “Alam mo ba na ikaw ang dahilan kung bakit siguro sya binugbog ng tito nya? Siguro sinumbong mo sya tungkol sa binibintang mo na nilalandi nya ang tatay mo.Alam mo naman na hindi yun totoo diba? Tigna mo,lugmok sa hospital nang dahil sa-”

“Tama na Rosaine” putol na nya sa iba pang sasabihin ng dalaga.Muli syang tumuon sa binata “Sige na Kye,maguusap pa kami ng kaibigan ko”

Tahimik na umalis ang binata at mabilis na lumisan sa silid nayun.Taka naman syang pinukol ng pansin na dalaga “Ano yun Esme?” Anang tanong nito “Hindi ka galit sa kanya? Hindi mo man lang sya paghihingiin ng tawad sa pagbibintang nya sayo.Sya ang dahilan kung bakit siguro binugbog ka nanaman ng tito mo.Sya ang dahilan kung bakit napapahamak ka e”

Napabuntong hininga syat napatitig nalang sa dalaga. “Pinatawad ko na sya” mahinang ani nya na ikinagulat naman ng kausap.

“What?!” Singhal nito “Are you kidding me right? Esme sya ang dahilan kung bakit nasa hospital ka at dahil din sa demonyo mong tyuhin tapos.Pinatawad mo na sya? Ganun lang?”

“Rosaine” sambit nya sa pangalan nito kapag kuwan ay umayos ng upo mula sa kama.Napatitig lang sa kanya ang dalaga na tila nagtataka lalo ng may pumatak na hula sa pisngi nya.“Kailangan ko ang tulong mo..” Ani nya na wala sa oras na nagpaayos ng tayo ang dalaga at buong simpatsya syang tinignan.

“Alam mo naman nandito ako palagi diba?” Ani nito “Ano ba kasing talagang nangyari sayo?”

“Nagkausap na kami ni Kye tungkol sa nangyari” ani nya “oo,tama ka.Binugbog nga ako ni Tito.Hindi mo magugustuhan pang malaman ang mga nangyari pero si Kye,nawalan na ako ng malay nun at sya yung taong tumulong sakin, nagsorry na sya,pinatawad ko na sya”

“Pinatawad mo sya,tapos ok na kayo” ani ng dalaga,halata sa boses nito ang pagkadismaya sa kanya “Paano na yung scholar mo? Nalaman na ng mga teacher ang humor na appear mo sa daddy ng magkambal na Montefalco.Maaayos mo paba yun kung sakaling magdicision na ang Committee?”

“Wag kang magalala” saad nya “hindi ibig sabihin na ok na kami,ok narin ako. Aayusin ko ang gusot na ginawa nya.At tutulong sya sakin.Pinangako nya yun kaya kahit wala akong tiwala sa kanya,kailangan.Ayokong mawala ang scholar ko.Kailangan kong makapagtapos alam mo yun”

Napabuntong nalamang ng hininga ang dalaga “Buti naman dinala ka nya sa hospital.Dahil sa kagaguhan nya” ani ng dalaga “Sobrang nabugbog ka ba ng demonyo mong tito kaya kailangan mo pang ma-hospital dito? Kamusta naba ang lagay mo?”

Hindi nya muling napigilang mapaluha ng maalala ang totoong nangyari sa kanya bago sya mahospital.Sa tingin nya,kung hindi man kayanin ng dalaga,kailangan nya parin itong mailabas.Ang dalaga lang ang tangi nyang mapagsasabihan sa mga gantong kasiryosong mga bagay.

“Sa totoo nyan” panimula nya “Unang beses lang yun na binugbog ako ni Tito.Nawalan din ako ng malay at si Kye nga ang tinutukoy kong nagdala sakin pero hindi sa hospital” umikhim sya bago magpatuloy “Dinalaw nya nalang ako dito.Sa totoo kasi nyan,si Juanillo Montefalco, yung tatay nya ata mismo ang nagdala sakin dito sa hospital”

Kita nya kung paano nanlaki ang mata ng dalaga dahil sa sinabi nya.Tama syang magugulat ito “Si Juanillo Montefalco?” Sambit nito “Pero paano? At bakit?”

Huminga sya ng malalim bago muling nagsalita “Hindi ko din alam” ani nya “ang natatandaan ko lang kasi bago pa ako mawalan ng malay.May nalaman akong katotohanan” muli syang napa buga ng hininga. Sinusubukang hindi maluha sa naalala nya nang gabing pinakamumuhian nya sa lahat.“Hindi ko na kayang makasama pa si tita at tito sa iisang bahay Rosaine.Dapat noon sinunod na kita,dapat umalis na ako sa pamamahay nayun”

Nakita nyang dumoble pa ang pagaalala sa mukha ng dalaga.Masuyo itong umupo sa ispasyo ng kama katabi nya at buong pagaalala syang tinitigan.Nagtatanong ang mga mata nito kung ano paba ang nangyari.

Mabilis nya lang inilayo ang paningin sa dalaga.Hindi nya kayang tumingin sa isang tao kung paano nya ikwento ang pambababoy sa kanya.

“Pinagkaisahan nila ako” ani nya “Si tita,na akala ko kakampi ko pero hindi pala.Nagsinungaling din sya sakin,sinubukan nyang pagtakpan si tito.Mabuti nalang naramdaman ko,naalala ko”

“May ibang nangyari paba sayo?..” Taimtim na tanong ng dalaga.

Tumango sya “G-ginahasa ako ni tito Rosaine” sagot nya kapagkuwan ay nagtuloy tuloy ang mga luha sa mata nya “Sinuntok nya ako sa tsan,nawalan ako ng malay at doon.Ginawa nya ang gusto nya sakin.Sinamantala nya ako”

“BY THE end of this month maglalabas na nag new list of ranking ang faculty natin” ani ni Ceil ang isa sa mga kaibigan nya na parang tangang susunod sunod kung san man sya magpunta “Matatapos na ang semester,magsisimula na ang bago.E ikaw Kyst what your plan bukod sa agawin ang rank one kay Esme? Gusto mo bang magbakasyon after semester?”

Hindi nya alam kung nainsulto sya sa sinabe ng dalaga o sadyang nairita lang sya ng marinig ang pangalang kinaiinisan nya.

Inis nyang hinarap ang dalaga na nasa likod nya “Get lost Ceil” ani nya “Nakakairita kang sunod ng sunod sakin,e ipapaalala mo lang pala kung gano ka bida bida yang Esme nayan”

“Uy, hindi ah” sabat ng dalaga na pinantayan na sya sa paglalakad ng talikudan nyang muli ito “Syempre,this past few months hindi nagbabago ang ranking system natin…laging si Esme ang rank one sa buong faculty natin.Baka kasi,sya na ang makakuha ng MMU award.Alam mo namang napaka prestigious yun diba? Alam mo naman ang mga benefits nun kung sakali”

Napabuga sya ng hangin at piniling tumigil sa paglalakad.Nagiigting ang panga nyang hinarap ang dalaga sa tabi nya “Sa tingin mo hindi ko kayang agawin at pagbagsakin kung nasaan man yang Esme nayan?” Ani nya kapagkuwan ay pagak na tumawa “Tandaan mo Ceil,I can do all I want. Immature man ang utak ko kahit nasa third year na tayo.Pag ginusto ko makukuha ko.Yang Esme nayan,hindi matatapos ang semester na to,sigurado akong mawawala na sya sa top ten ranking.Ako ang magiging number one. Pinapangako ko yan”

Tinignan nya ang dalaga na napakamot pa sa ulo.“Ilang beses mo ng sinabi yan e” naiilang na ani nito “Pero within three years,napaka competeting parin ni Esme.He always number at ikaw?”

“Number two” pagpapatuloy nya na ikinasangayon naman ng kaibigan “Kaya nga,at nagsasawa na ako sa title nayan.I want to be a top number one.Gagawin ko ang lahat para makuha yun kay Esme.Ang totoo hindi ko naman kailangan ng benefits na ibibigay ng school e.I can afford that.Pero exposure? Yung title holder yun yung gusto ko.At aagawin ko yun sa kanya”

“E paano mo naman magagawa yun?” Tanong ng kaibigan “Edi ba? Ilang subok mo nayan.Yung kambal mo pa nga si Kye kahit tarantado sa university,kontento na sya sa pagiging rank ten e.He cant demand unlike you”

“Yeah,he cant” sagot nya “Kambal lang kami nun pero hindi kami parehong dalawa.Magkaiba kami in any aspect.Kung sya kuntento sa pagiging top ten,ako I can be more than that.I can be a number one” tumingin sya sa malayo bago muling nagsalita “Speaking of my Kambal.Maganda ang ginawa nya huh,at dahil dun pwedeng bumaba sa pwesto yang Esme nayan.And the worse,mawalan pa ng scholar and then,mawala sa university”

Tumingin sa kanya ang dalaga na tila may iniisip sa kanya “Sabihin mo nga sakin Kyst” ani nito “Plinano nyo ba yung kumalat na humor para lang masira si Esme? Ganun ba talaga kayo kagalit sa kanya? Ano bang kasalan ang nagawa nya sa inyo kung para gumanti kayo ng ganyan ng kambal mo?”

Napatitig sya sa dalaga kapagkuwan ay natawa “Ano kaba?” Ani nya “Its too childish huh,pero kasalanan? Yeah,may kasalanan nga sya.At yun yung paglalandi nya kay Daddy.Ang kambal ko na ang nakakita nun. Dalawang mata.Niyakap ni Dad yung Esme nayun.At alam mo ba? Simula ng encounter nayun,si Dad,lagi syang umiiyak tuwing bago matulog.Nanaginip tuwing madaling araw.Yung pangalang lagi nyang binabanggit.Tila minumulto sya,bumabalik mula sa nakaraan.Iniiyakan nya parin ang multo ng kung sino mang nagmamay ari ng pangalan nayun”

“Pero bakit si Esme yung pinagbibintangan nyo?” Sambit ng kaibigan.“I know naman na hindi naman malabo ang mata nyo para hindi malinaw na lalaki si Esme.Lalaki yun,bakla, siguro.Nakasisigurado na ba kayo na may appear talaga yung dad mo,kay Esme? Dahil lang sa nakita ng kapatid mo?”

Kyst give Ceil a lopsided smile “Saan ka ba talaga kumakampi?” Tanong nito “Kay Esme? O sakin? Kasi oo,tama ka.Nagtitiwala ako sa kapatid ko.Kung ano ang nakita nya.Ganun kami ka dispirado malaman kung ano ang dahilan ng muling pagkalugmok ng dad namin.Ginagawa lang namin ang lahat para magampanan ang pagiging anak namin.At isa nadun ay ang tulungan sya,alisin ang mga peste sa buhay namin.Isa dun si Esme”

Napansin nyang magsasalita pa sana ang dalaga pero napigilan nya na ito.Nakuha na kasi ang pansin nya ng isang kotse na kakapasok lang mula sa gate ng university.Kilala nya kung kanino ang sasakyan na iyung kung kayat pinagmasdan nya lang na pumarada ito malapait sa parking lot sa kanilang dalawa ng kaibigan.

Hindi nga sya nag kamali.Nakita nyang lumabas mula sa kotseng iyun ang kakambal nya kung kayat madali nya itong nilapitan upang alamin ang isang bagay.

“Ano? Nakita mo na ba yung Esme?” Tanong nya nang makalapit sa kapatid. Tumuloy lang ito sa paglakad kung kayat sinabayan nya nalang ito “Ngayon ang hearing nya sa committee? Nasan na sya?”

“Hindi sya papasok” casual lang na sagot ng binata na ikinainis nya naman.

“Hindi papasok?” Tanong nya “God,parang ang kapal naman ng mukha ng Esme nayun.Ngayon sya kakausapin ng committe.He so unprofessional.Bakit may tinatakasan ba sya? Baka totoo yung hinala natin. Nilalandi nya talaga si Dad,ang kapal ng mukha nya magtatago pa talaga sya”

“Nasa hospital sya ngayon” ani ng binata na ikinatigil nya “He look so misserable, hindi sya pumasok kasi inaayos nya ang sarili nya.Wag kang magalala, haharap sya sa committee”

“E kailan?” Iritang tanong nya “Ang kapal ng mukha nya na pagantayin ang buong committe.Sya na nga tong malandi e”

“Kyst pwede ba?” Hinarap sya ng binata.Dito nya lang napansin na tila naiinis na pala ito “Im sorry,pero hindi ako sigurado sa nakita ko.Kasalanan ko to,sinisira ko ang reputasyon ng kapwa nating studyante.At dahil those teacher treating us like were special,kahit ako ang nambully.Pinagmumukha pa nilang kasalanan ni Esme.Na handa lang silang pumanig satin kahit labas sa university ang issue.Hindi naman talaga nasisira ni Esme ang reputasyon ng paaralan na to e.Walang ganun kasi nagsinungaling ako sa lahat.Maging sayo, hindi totoo at hindi ako sigurado na nilalandi nga ni Esme si Dad.Im sorry”

Napabuga sya ng malalim bago magsalita “God,Kye” ani nya “How dare you huh? Alam mo, it is time na.Ituloy na natin to,mapapahiya ka sa buong university pagnangyari yun.Save your self.Isipin mo si Daddy.Ano ang mga iniiyak nya tungkol sa Maria Esther nayun? Bakit si Daddy,nagbago nang makita si Esme? Hindi paba obvious na baka si Esme talaga yung tinutukoy ni Dad na si Maria Esther? Kye magisip ka,hindi mo na pwedeng bawiin ang sinabe mo ok”

“Hindi” ani ng binata na bahagya nyang ikinatigil “Si dad,naisip mo ba na baka may sariling issue talaga sya? Na baka pagkakataon lang ng makita nya si Esme and his embrasing to Maria Esther.Na baka nga totoo yung in a seven billion people in the world.May isa don,o pito din na kamukha mo.I know its impossible Kyst” bahagya syang nilapitan ng binata at masuyong sinapo nito ang buhok nya.

“But we need to investigate if we want to help our dad.Kailangan nating malaman kung sino nga ba talaga si Maria Esther sa buhay nya.We need to know more about her”

CHAPTER 21

(A tears From nowhere)

“…and he say,we can investigate whos Maria Esther is.Nang hindi nadadamay si Esme” ani Kyst “Do you think its weird? Why he is protecting that faggot huh? Sino bayang Esme nayan sa buhay nya”

Kinuha ni Ceil ang softdrings nya at ito na ang nagbukas para sa kanya.Kasalikuyan silang nasa canteen ngayon,at kasama nya parin ang baliw nyang kaibigan na parang wala ng choice at ito nalang ang makakausap nya.

“He is gay from nowhere” walang ganang sagot ng kaibigan na kinairita nya.“Ano na ngayon ang iniisip mo? I mean sunod mong gagawin kay Esme? Lagi ka nalang nauungusan huh? Ngayon,yung malapit na ang plano mo mabubulyaso pa”

“Nakakainis…” ani nya sa kawalan.Napaisip sa anong hirap ang mga ginawa nya para lang sa kagustuhan.“Si Esme,noon pa man,hindi na sya napapansin.Wala man lang syang ginagawa just to know by everybody,pero alam mo sa oras na masugatan o masaktan man sya.Yung mga taong malapit sa kanya sa university.Grabe ang alalay sa kanya,na para bang silang lahat takot na masaktan ang prinsesa” napabuga sya ng hininga bago muling nagsalita “Dati pa man,number one na sya.Laging napapabilang sa kinseng faculty na nag stand out sa university nato.Laging top one.Standing from all.Alam mo kung hindi naman kami parehas ng faculting pinapasukan.Mag ii-stand out din ako.Magiging number one din ako.Pero parang nilagay talaga kami ni Esme sa iisang mundo e.Na kailangan kaming dalawa ang maglalaban para sa number one slot.Pero ito,lagi akong talo.Ginawa ko na lahat para maging number one pero sa loob ng tatlong taon.Sya parin.Sya ang laging nangunguna”

“Ang galing mong magpanggap” kapagkuwan ay saad ng dalaga na ikinatigil nya nanaman. “In three years nayun,mula ng pumasok dito si Esme sa university,yeah he always number one.Pero I never see you na naiinggit ka or anything.Akala ko,sa tuwing nakikita natin ang pangalan mong naka sulat sa number two slot.Ok ka na,masaya ka na.Pero bakit ngayon lang? Bakit ngayon ka lang nainggit sa kanya?”

“Kasi kagaya ng sinabi ko” saad nya kapagkuwan ay napatingin sa malayo “Bumalik ang dating ugali ni Daddy.Na iniiyakan yung nakaraan,na nanaginip sa pagsapit ng gabi.Babanggitin yung pangalang ayoko ng marinig kahit kailan.Im just a kid Ceil.But I remember how the pain for my mom.Na kahit sya yung nandyan,yung babae parin nayun mula sa nakaraan ang hinahanap hanap ni Daddy.Na baka yung pagsasama nila ay napipilitan lang dahil may mga anak sila.Na ginamit lang ni Dad si mom to move on from that woman pero hindi sinasadyang mabuo kami ng mga kapatid ko.Do you know how hurt it is?” Tinignan nya ang dalaga na kasalukuyang nagaabot ng panyo sa kanya.Hindi nya namalayang may luha na pala sya sa pisngi.Naiyak na pala sya sa pagkekwento.

“Mabait naman si Esme e,no doubts really” ani nyang muli “Nung makita ko palang sya,magaan na ang pakiramdam ko.Pero unti unti yun nagbago.Na habang tumatagal parang nagiging ka kumpitensya ko na sya.Kaya naman,I never try to be friends with him.Ayoko.Hindi ko nalang sya pinansin mula noon.Kaya hindi ko namalayan at nabigla talaga ako nang magkwento sakin si Kye.He already find who Maria Esther is.At nasa katawan daw yung ng isang lalaki.

“Nagulat daw sya kasi,yung lowkey.Tahimik at mahinhin na lalaking yun.Ay maririnig nyang tawaging Maria Esther ni Dad.Alam mo yun,matagal na kaming confuse kung sino si Maria Esther.Ang hindi namin alam ay nasa katauhan pala sya ni Esme.Sya daw pala si Maria”

“Pero inamin din ng kakambal mo na mali sya” saad ng kaibigan. “sabi nya diba nag hinala lang sya noon.At dispirado pa kayo dati na mahuli kung sino si Maria Esther.Na umaasa kayo dahil umiiyak parin ang daddy nyo sa gabi kaya iniisip nyong buhay payong babae nayun.”

“Masakit kasi e” saad nya “Kinalimutan ko na si Esme,yung inggit ko sa kanya.Pati yung Maria Esther gusto ko ng makalimutan. Pero kasabay ng paglimut ko sa kanila,pumutok naman ka agad yung balita.Na lalo akong nainis kay Esme dahil malalaman kong sya pala yung babaeng hinahanap namin dati pa.Nasa katawan pala ng isang lalaki. Nagpapanggap na babae para lang maakit ang daddy ko.You know Ceil,nung malaman ko yun.Its hurt kasi na kay Esme na nga lahat ng gusto.Pati si Dad inaagaw nya.Pati si Dad,gusto nyang kunin samin kaya nilalandi nya.Kaya nagpapakilala na sya Maria Esther ganun?”

“Pero naisip morin ba?” Bahagya syang tumigil nang magtanong ang kaibigan “Sa tingin mo ba? Na hindi talaga karelasyon ng daddy mo yang si Esme nayan?”

Napakunot noo sya dahil sa sinabi nito.Pero nanatili syang nakikinig “You know,ang hirap lang kasing isipin na what if matagal ng hinahanap ng daddy mo si Maria Esther kasi baka may anak sila.Ang hirap kasing isipin na si Esme and yung daddy mo like ’ ting! Nagclick sila na halos kaidaran nyo lang naman sya.Na bakit noon hinahanap hanap na ng daddy mo yung babae nya na pinagkamalang si Esme e kadiri namang isipin na pumapatol si Tito sa mas bata sa kanya.

“Like you know,na baka nga nagkaanak si Tito at si Maria Esther.Na mula noon pa pala hinahanap na nya yung bata.Tapos nang makita nya,si Esme nayun and he is embracing in that woman to Esme.Na anak pala talaga”

Bigla syang napatayo dahil sa saad ng kaibigan.Hindi nya kinaya at hindi nya naisip ang bagay nayun kaya labis nyang ikinagulat.

“What the hell are you thinking?” Singhal nya “What do you mean? Na kapatid ko yang si Esme sa labas? Na anak pala sya ng daddy ko mula sa Maria Esther nayun,ganun ba?”

WALANG salita ang lumabas sa bibig ni Esme at ni Rosaine.

Tahimik sila habang nakayakap sa isat isa.Inaalalayan at sinosuportahan ang mga problema sa hapag nila.

Malaki ang pasasalamat ni Esme dahil sa taong kasama nya ngayon.He can say na kung wala ka ngang kapatid na mismong inuluwal din ng magulang mo.Nandito ang matalik mong kaibigan upang antabayanan ka.Magsisilbing kapatid mo.Hindi ka iiwan habang lugmok ka sa isang bagay,nasa tabi mo lamang sila at handa kang alalayan.

Malaki ang pasasalamat nya kay Rosaine.Nasabi nya na ang lahat dito at naramdaman nyang parang lumuwag kahit papano ang loob nya.Alam nya na ang taong ito ay ang kaisa isang taong hindi sya huhusgahan.

Tahimik din ito at nakikisabay sa pagpapaagos nya ng mga luha.Nakikisama sa lungkot nya na tila hindi na ata matatapos pa.

“H-hindi ko alam k-kung anong sasabihin ko” nauutal na wika ng dalaga. Humiwalay na ito sa kanya at kasalukuyan nang tinutuyo ang mga luha sa pisngi na hindi na ata matapos tapos.“Esme demonyo sila.Lalong lalo na yung tito mo.Demonyo sya,masahol pa ata sya don” saglit itong nagpakawala ng malalim na hininga “I swear. Tutulongan kita,gagawin ko ang lahat para maparusahan ang hayop nayun”

“Hindi na muna siguro” ani nya,alam nyang magugulat nanaman ang dalaga sa sinabi nya kung kayat mabilis nya lang itong pinigilan.“May dapat pa akong ayusin.Yung scholar mawawala sya kung sakali.Ngayon araw nga ang litis ng committee e.Pero nandito ako,nakahiga. Nanghihina” napabuntong hininga sya “May tamang araw at oras ang tito kong yun Rosaine.Gagawin ko din ang lahat para maparusahan sya.Pero sa ngayon muna, lilinisin ko muna ang pangalan ko sa university. Dignidad nalang ang meron ako e,kahit yun man lang ang matira sakin.Ayoko nang masira pa sa iba”

Naramdaman nyang hinawakan sya sa kamay ng dalaga at marahan itong pinisil.Tila nakikisimpatsya sa kanya “Kung may award lang pagiging api” biro nito “Ikaw na ang may hawak ng korona.Ikaw na ang panalo. Biruin mo,mula pagkabata mo nagsisinungaling na sila.Malaki ka ng malaman mong hindi ka pala talaga nila tunay na anak.Isa pa,minamaltrato kapa.Tapos malalaman mong hindi sila ang mga tunay mong mga magulang.

“Sinungaling na sila noon palang Esme.Pinaparusahan ka na nila pagkalabas mo palang ata sa mundo.Ni hindi nga nila sinasabi yung pangalan ng mga magulang mo.Wala silang rason kung bakit ibinigay ka nalang basta sa kanila at nararanasan mo ngayon yang pang aapi ng tito mong demonyo”

Kita nya ang lungkot at sakit sa mukha ng dalaga.Na para bang ito pa ang nakakaranas sa buhay nya kung kayat doble ang sakit na makikita sa mukha nito.Muli, kinaaawaan nanaman sya ng matalik nyang kaibigan.Tipid nalang syang ngumiti sa dalaga,nais nyang iparamdam dito na kahit masakit.Ayos sya,magiging maayos sya.

“Sana pwede akong magalit kagaya ng galit mo” ani nya na ang tinutukoy ay ang nanggagalaiteng mukha ng dalaga “Sana pwede ko silang sisihin,pwede ko silang itaboy o sumabatan man lang.Pero wala akong karapatan gawin ang lahat ng yun” wala sya sa sariling napatitig sa kawalan “Utang ko parin kasi sa kanila ang lahat e,wala ako sa mundong ito kung pinabayaan nila ako.Na kahit mahirap ata para sa kanilang tanggapin ako,dahil galing ako sa mga taong kinamumuhian nila. Inalagaan,pinakaain at binihisan parin nila ako”

“At binugbog ka nila” sabat ng dalaga “Habang nabubuhay ka, pinagbabayaran muna sa mga latay ng tito mo ang kung ano mang kasalanan ng magulang mo sa kanila.Sapat nayun,para mag bayad ka.Hindi man tama pero para lang matapos ang galit.Sobra sobra nayun.Ni hindi ka nga ata talaga nila minahal e”

Napatingin sya sa mata ng dalaga,at muli,ngumiti nanaman sya ng tipid “Wala na akong karapatan pang mag demand Rosaine” ani nya “Siguro,hindi nga talaga nahihingi ang pagmamahal. Naiipon yun,pero aarti paba ako? Pinalaki na nila ako,binigyan nila ako ng karapatang mabuhay kahit may pagkakataong pwede nila akong pabayaan.Hindi na ako pwede pang magdemand at manghingi pa Rosaine.Naibigay na nila ang mga kaya nilang ibigay saakin.Siguro hindi lang talaga ang pagmamahal na hinahanap ko”

“Bakit ka kasi ganyan Esme e” ani ng dalaga kapag kuwan ay muli sya nitong niyakap “Napaka buti mo,sa kabila ng mga pagpapahihirap nila.Nagpapasalamat ka parin sa mga ginawa nila sayo.Kahit na saang anggulo tignan ay may mali sila”

Kumalas sya pagkakaakap at muling pinakatitigan ang dalaga “Ganyan ang buhay Rosaine” ani nya “Kung salat ka sa pagkain.Maaapreciate mo ang katiting at kahit konting palay sa hapag mo.At oo,pinapahalagahan ko parin ang mga mabubuting ginawa ng tita at tito ko sa kabila ng mga masamang nangyari sakin sa kamay nila. Nagpapasalamat parin ako na inalagaan at binihisan nila ako.Hindi na ako magdedemand pa ng pagmamahal as long na binigyan parin nila ako ng karapatang mabuhay sa mundo”

Nagtaka sya na napalitan ng tawa ng umakto ang dalaga na tila may pinapatong sa kanya.“Isang korona” biro nito “Para sa mga taong martir,at handang masaktan para lang sa pagmamahal. Ulirang anak awards to.Esme Hermosa,ang baklang hilaw ng Stio Marka”

Pagkatapos ng ginawa sa kanya ng dalaga ay kapwa silang natawa ng malakas.Sa sandaling iyun,kahit sa mga segundo siguro.Napasaya sya ng dalaga.Nawala saglit ang bigat ng dibdib nya.

“Salamat huh” anang ani nya ng mapagod sila sa pagtawa.Tila mabilis napawi ang kasiyahan at napasiryoso ang mukha nya “Kahit isang biro lang yun.Naapriciate ko parin dahil ikaw yun.Bestfriend slash ate na ang turing ko sayo.Thank you for making me happy kahit nasa pinakamahirap na problema ako ngayon”

“Wala yun sakin ano kaba?” Saad ng dalaga “Basta ikaw,walang kaso sakin yun.Ano na nga palang plano mo? Saan kana ngayon?”

“Wala talaga akong plano e” ani nya “Pero sa pagalis ko sa bahay nayun,gusto ko parin ipagpatuloy ang buhay ko.Magaaral ako,magtatapos ako,magtatrabaho at aayusin ko ang scholar ko sa university” tumingin sya sa dalaga na tila dito makikita ang sagot sa naiisip nya “Pero habang ginagawa ko ang lahat ng mga yun.Gusto kong malaman kung sino ang mga magulang ko.Gusto ko silang makilala”

“Sigurado ka ba?” Tanong ng dalaga “Pero paano? Saan ka naman magsisimula.Alam mo naman na yung tito at tita mo lang ata ang nakakaalam kung sino sila diba?”

Sasagot na sana sya ng pumasok ang nurse sa silid na kinalulunlan nila.

“Hello Sr” bati nito.Ito ang nurse na kaninang nagasikaso sa kanya “Kamusta na po ang lagay nyo,wala na po ba kayong nararamdaman?” Tanong nito.Umalis ang kaibigan mula sa pagkakaupo nito sa gilid ng kama.Sya naman ay bahagyang umupo upang harapin ang nurse at pakinggan lamang ito.

“Bibigyan nalang po namin kayo ng reseta para sa mga gamot na iinum nyo” patuloy nito “Within this week magiging maayos na po ang lagay nyo.Kaya pwede na po namin kayo idischarged ngayon”

Kapwa sila napangiti ng dalaga ng marinig ang magandang balita.Sya nama’y tinanggap lang ang mga paalala ng nurse sa kanya at ang mga gamot na iinumin nito.Ngayong hapon din,nag asikaso na sya upang makaalis na sa hospital na kinalulunlan.

Masaya syang magiging maayos na ang lagay nya.Ngunit natigilan din sya ng maalala kung saan na nga ba talaga sya tutuloy gayong ayaw nya ng umuwi sa kanilang tahanan.

“I dont think so if still a good idea kung uuwi kana sa inyo Esme” sambit ng dalaga habang naglalakad na sila sa hallway palabas ng hospital.Tumahimik lang sya na tila hindi alam ang isasagot dito “Tignan mo,sa itsura mo palang wala ka ng ka idea idea kung san ka tutuloy,sigurado kaba talang aalis kadon sa bahay nyo?”

“Oo Rosaine” saad nya “siguro kahit saan ako mapadpad basta  maayos lang ang lagay ko.Ok na ako dun”

Napansin nyang napahinga ng malalim ang dalaga.Sa ilang pagkakataon, kinaaawaan nanaman sya nito.Pero sanay na sya,sa kalagayan nya ngayon. Nakakaawa naman talaga sya.

Bahagya sya nitong hinarap at pinakatitigan.Tila may iniisip na kung ano.

“Ok,matitiis ba kita?” Saad nito “Nag txt na ako kila mom,they already know what happen to you.But dont worry hindi ko naman sinabi yung nangyari sayo.Sating dalawa lang yun.I protect that”

“Salamat…” Saad nya.

“Sa ngayon,saamin kana muna titira.Dun kana muna manunoluyan” napatingin sya mata ng dalaga at bahagya pang napaawang ang bibig nya.Inaasahan nya na ito ngunit hindi parin nya ma fathom kung gaano nga ba kabuti ang kaibigan.“Ako ng bahala kumuha ng mga gamit mo sa bahay nyo dun.Ayoko ng makita mo pa sila at baka maapektuhan ka nanaman,maliwanag?”

Tumango sya kapagkuwan ay masuyong niyakap ang dalaga.Hindi nya napansin na tumulo nalang ang mga luha.Sobra sobra na ang kanyang pasasalamat sa taong ito.

“Dont worry Esme” saad ng dalaga ng kumalas na ito “Im here,my dad and mom will help you ok.Wag ka mag-alala.I just want to know lang kung ano pa ang mga plano mo.Para matulungan kita”

Pinunasan nya ang mga luha at inayos ang sarili bago magsalita “Ganun parin” ani nya “Aalamin ko kung sino ang mga magulang ko,gusto ko silang makikilala.Gusto kong malaman kung sino nga ba talaga sila”

Sasagot sana ang dalaga nang biglang bumukas ang main door ng hospital.Kapwa sila natigilan dun at napatingin sa iniluwang nilalang ng pintuan.Hindi nya alam pero,tila sa ilang segundo bumagal ang mundo nya,napatitig sa nilalang papalapit sa gawi nilang dalawa ng dalaga.

Hindi sya nakagalaw.Tila na stock up sa kinatatayuan, hindi nya alam kung ano na ang nangyari sa kanya dahil namalayan nya nalang naka akap na pala sa kanya ang taong yun.

He dont know,but the tears comes from his eyes and fall it to his chicks.Hindi nya alam kung ano ang dahilan kung bakit sya naiiyak.Pero sa pagkakataong iyun.Para bang nasagot ang lahat ng kanyang mga tanong.

M-Mr.Juanillo…Juanillo Montefalco?

CHAPTER 22

AN: Dalawang update ako ngayon.Nahiya ako sa mga nagbabasa nito.Antagal nanaman nabinbin.

He dont know,but the tears comes from his eyes and fall it to his chicks.Hindi nya alam kung ano ang dahilan kung bakit sya naiiyak.Pero sa pagkakataong iyun.Para bang nasagot ang lahat ng kanyang mga tanong.

M-Mr.Juanillo…Juanillo Montefalco?

“My Maria Esther…” Sambit nito,dahilan upang matauhan sya.

Madali syang kumalas mula sa pagkakaap dito at bahagyang nilayo ang sarili.Inayos nya ang sarili at pinunasan ang mga luha.Napaisip sa di namalayang ginagawa nya.

“Im not Maria Esther” pagtatama nya dito kapagkuwan ay napahinga syang muli ng malalim.“Pero para malaman nyo narin ang pangalan ko” matapang nyang inilihad ang kamay nya at inofer ito sa lalaki “Ako si Esme,Esme Hermosa”

Natigilan ang lalaki dahil sa ginawa nya.

Akala nya tatanggapin nito ang kamay nya,pero tila na statwa rin ito sa kinatatayuan.Imbis kasi na tumingin sa kamay na nakalahad dito,nakatitig lang ang lalaki.Dito nya nakita ang namumugtong mga mata nito.Nanunubig at handa ng pumatak ang luha ilan mang segundo.

“Para sakin,ikaw si Maria” saad nito pagkaraan ng ilang segundo.“My Maria Esther”

Umiwas sya ng tingin dito,hindi nya alam kung naiilang o nahiya sya sa lalaking kaharap.Hindi nya kasi maintindihan ang dibdib na iba ang kabog nang makita ang lalaki.Tila hindi ito nakikisama sa pagkakataon.

“Wag nyo po akong tawaging sa pangalan nayan Sr” saad nya “I swear po, napapahamak po kasi ako e”

Hindi nya nakitang sumangayon ang binata.Pero napansin nyang inayos nito ang sarili bago muling magsalita “Maayos kana ba?” Tanong nito sa kanya“ Nahihilo ka pa? May masakit paba sayo? Ano pabang kailangan mo? I can help Mari– Esme.I can help you“

Hindi sya sumagot sa halip ay ang dalagang si Rosaine ang nagsalita para sa kanya.“Ayos na po sya Sr” ani nito,kapagkuwan ay tinapunan sya ng pansin “Sa katunayan po,discharge na po sya.Pwede na po syang makalabas.At tingin ko,hindi na po nya kailangan ang tulong mo.I can provide for him.I can help him too”

Tumitig lang sa kanya ang binata.It cant help pero napatitig nalamang sya ulit dito.Wala silang sinasabi sa isat isa,na para bang naguusap lamang sila sa kanilang mga mata.

“Excuse me po” basag ng dalaga sa nabubuong katahimikan.Kapagkuwan ay binalingan syang muli nito.“Tara na Esme? Uwi na tayo,my dad and my mom waiting at home.Nagluto daw sila ng pagkain para saatin”

Hindi nya nagawa pang agawin ang kamay ng hawakan ito ng dalaga.Kapag kuwan ay lumakad sila at nilampasan nila ang lalaki.Pakiramdam nya bumibigat ang dibdib nya sa mga segundong lumalayo sya sa lalaking iyun,kaya naman bago pa sya makalayo ng tuluyan dito nilingon nya ito.

“S-sr…” Sambit nya.Nakaharap narin ito sa kanya,kita ang liwanag sa mata ng muli nyang tawagin.O nagiililusyon lamang sya.Huminga sya ng malalim bago muling nagsalita “Salamat po,s-sa pagtulog sakin.Salamat kasi dinala nyo po ako dito sa hospital.Gagawa po ako ng paraan para po makabawi sa inyo”

“Hindi mo na kailangan gawin yun” sagot nito, kapagkuwan ay inilahad din ang kamay nito sa kanya. “Sapat na para makabawi ka sakin.Gusto ko lang makipagkaibigan,ayun nalang ang ibayad mo,pwede bayun?”

Hindi nya alam kung tatanggapin nya ang kamay ng lalaki.Para bang kanina lang sya ang nakikipagkamay dito pero hindi para makipagkaibigan. Kundi makipagkakilala lang at malaman man lang ng binata ang kanyang pangalan.Sa ilang segundong yun,marame na ang pumasok sa isip nya.Maari kasi na sa oras na tanggapin nya ang kamay nito,maaari ring pinapapasok nya na ang binata sa buhay nya.At baka sa oras nayun,mas maging kumplikado.Mas maging magulo.

“SO ito na” saad ni Rosaine ng makapasok sila sa isang silid.Kasalukuyan na silang nasa bahay nito at kagaya ng pinangako ng dalaga pinatuloy sya sa tahanan nito.Hindi bilang isang bisita,kundi bilang isang miyembro ng pamilya.Kaya naman para makabawi kahit papano,utomatiko na para sa kanya ang kumilos sa bahay na ito.Tulad ng paghuhugas ng plato na ginawa nya din pagkatapos nila kumain. Maglalaba din sya at maglilinis ng bahay sa oras na maging kumportable na sya sa lugar na kinalulunlan. Sa ngayon, pasasalamat lang muna ang maibabayad nya sa pamilyang ito.Walang wala sya sa ngayon,pero dahil sa bait ng mga magulang ni Rosaine.Hindi nya na alam kung paano pa makakabayad.Ang importante kahit sa maliit man lang na bagay ay magawa nya para sa pamilyang ito.

“This is our guest room,but I give to you now” dugtong ng dalaga “Hindi ko narin to tatawaging ’ guest dahil nga hindi ka na bisita para samin.Pamilya kana”

Nagtuloy lang sya sa loob at naupo sa gilid ng kama. Tahimik sya walang masabi na pansin kaagad ng dalaga na kakaiba ang kinikilos nya “Ayos ka lang ba Esme?” Tanong na nito.

“Oo,siguro” sagot nya na ikinakunot naman ng noo ng dalaga.

“Alam mo,hindi ka magaling mag-sinungalingan” saad nito “Iniisip mo parin ba kanina si Mr.Juanillo Montefalco?”

Tumingin sya dalaga kapagkuwan ay unti unting tumango bilang sagot.

“Oo e” saad nya “Pakiramdam ko kasi…napahiya ko sya”

“Napahiya saang part naman?” Tanong ng dalaga.

“E diba,hindi ko tinanggap yung kamay nya” sagot nya “Nagulohan kasi ako e.Kinabahan ng hindi ko alam ang dahilan.Pero promise,hindi ko sya gustong hiyain”

“Pero gusto mo syang kaibiganin” dugtong ng dalaga na ikinatigil nya “Hayst Esme,mas magandang layuan mo ang lalaking yun.Ang mga Montefalco. Dahil oo,delikado sila,hindi mo gugustohing banggain ang mag kambal hindi ba? Lalo na si Kye? That guy na naabutan ko sa kwarto mo”

Biglang pumasok sa isip nya ang binata.Bahagya syang natigilan dahil dito.

“Oo nga pala” sambit pa ng dalaga “Kailan pa kayo naging magkaibigan at dinalaw ka nya sa hospital.Wag mong sabihin na sya pa ang nagbayad ng Payment mo dun para makalabas ka,hindi naman diba? It is impossible”

“Hindi” mabilis na sagot nya “Hindi sya,y-yung daddy nya”

“Si Sr Juanillo?” Kunot noong sambit ng dalaga.Umupo ito sa tabi nya at tila wala ito sa sarili na pinakatitigan sya “Yeah,bakit ko pa nga tinatanong e sinabi mo na nga pala sakin kanina.Medyo nagugulat lang ako pag naeenvolve yung pangalan nayun sayo.Pero sabihin mo nga Esme.Ano bang meron sa inyo ng Sr.Juanillo nayan at ginawa nya yun”

“Hindi ko din alam Rosaine” iniwas nya ang paningin sa dalaga “…at hindi ko rin maintindihan ang sarili ko.Basta,masaya kong nakita ko sya.Masaya akong kahit ni katiting manlang,nakapag provide sya sakin.Hindi na ako magsisinungaling pa sayo”

Napansin nyang nanlaki ang mata ng dalaga na para bang may iniisip sa kanya.Kaya naman agad nyang binali ito.

“Hindi ito gaya ng iniisip mo ah” saad nya “Si Sr.Juanillo,aaminin ko.Magaan ang loob ko sa kanya.Pero hanggang doon lang yun.Hindi ko alam pero,parang nasasagot nya kasi lahat ng tanong ko e,pakiramdam ko malaki ang maitutulong nya sakin.Para bang may dapat akong malaman sa kanya.”

It is still a detail Scenario.

Parang nasa sinehan ako pag naalala ko yung pangyayari nayun.Yung apoy,yung ingay ng mga tao,yung sigaw nya.Its all clear,parang isang bangungot.Pero alam ko nangyari ang lahat ng yun.Gusto ko lang kalimutan.Gusto ko lang makatakas sa sakit nayun.

Mga huling salita na narinig ko,punong puno ng galit.Gusto nyang maghiganti,gusto nyang lumaban.

‘Mga hayop kayo! Mga walang hiya!…wala akong kasalanan.Wala akong ginagawang masama! Hindi ako masamang tao…hindi ko kayang pumatay!’

Lahat natataranta,lahat may gustong gawin.Pero tila isa syang palabas.Mga manunuod hindi makagalaw kung san man sila naroroon.Pinapanood kung paano sya lamunin ng apoy,kung paano sya sumisigaw ng katarungan.

‘Sinira nyo ako!…sinira nyo ang pamilya ko!…wala na sakin ang lahat.Kinuha nyo ang lahat sakin…wala nang natitira!…’

Lumalaki ang apoy,at kunti kunti syang kinakain.Pero patuloy sya sa pagsasalita,na kahit hindi na maintindihan,tila malinaw

parin saakin.

’Isinusumpa ko! Babalik ako sa baryo na ito! Babalikan ko kayong lahat! Maniningil ako!…iisa isahin ko kayo! Luluhod kayo sa harap ko at magmamakaawa.Pero huli na ang lahat! Dahil sa pagbabalik ko! Ipinapangako ko! Magsisisi kayo! Gaganti ako! Itutumba kayo! Ako si Maria Esther…at babalik ako para maningil hindi ng utang…kundi ng buhay…

“Bro,tissue” sabat ng isang boses kaya agad syang natigilan.Nagtataka syang napatingin sa tissue nitong hawak at prina-cess ang mga nangyayari.

“Nanaginip ka nanaman ng gising” sambit pa ng kausap kapagkuwan ay umupo ito sa upuan kaharap ng work desk nya “Buti kilala na kita,hindi na kita pagkakamaling nababaliw dahil umiiyak ka nanaman habang nakatanga sa kawalan”

Nang marinig nya ang ’umiiyak sa sinabi ng kausap,agad syang napabaling sa kanyang pisngi.

Totoo ngat basa nanaman ito ng luha.Tulad ng dati,walang pinagbago.Hindi nya nanaman namamalayang umiiyak sya.

Iniiyakan ang nakaraan. Napabaling nalang sya sa kaibigang nagngangalang Revi,ang lalaking laging nandyan para antabayanan sya sa halos ilang araw nya nang drama sa buhay.

Ay hindi,hindi lang araw-araw,kundi ilang taon.Taon taon ng drama sa buhay.

“Are you sure you still ok?” Tanong ulit ng lalaking nagngangalang Revi “Bro it almost a week right? As I know,huli mong naranasan yan.Buhay pa ang asawa mo.Bata pa ang mga anak mo” napabuga ng malalim ang lalaki “Bakit ngayon? Nagkakaganyan ka nanaman? Bakit bumabalik ka nanaman sa dating ikaw?”

Ilang segundo syang tumahimik bago tugunan ang kaibigan.

“I dont know too bro” mariin nyang saad.“Hindi ko naman sa sinisisi ko sya,pero mula nung nagkross ang landas namin,bumalik nanaman ang dating ako.Kasabay ng pagbabalik ng mga alaala nya”

“Is this that boy?” Tanong ng kaibigan.“Or that Maria Esther?”

Mahina syang tumango “Parehas” sagot nya kapagkuwan ay unti unting napangiti na ikinakunot naman ng noo ng kausap.

“Ang creepy mo bro” saad nito “kanina lang,para kang nalugi sa negosyo. Samantalang ngayon, ngumingiti ka dyan na ewan.Tell me,is that Maria Esther,or that boy again”

“Parehas” sagot nya.“You know.Maria Esther is my past at aaminin ko,malungkot ako sa tuwing naaalala ko sya.But that boy,Esme.Is in the present” tinapanganan nya ang sarili at pinakatitigan ang kaibigan.“Hindi ko itatangging masaya akong natagpuan ko sya…”

“Whoow…whoow…”

Nagtaka sya nang umakto ang kaibigan na para bang pinipigilan sya nito na kung ano.Napakunot naman sya ng noo dahil dito.

“Dont tell me bro” saad nito “Nagkakaroon ka ng special feelings for that boy huh? Sasabihin ko sayo to.That was really a difficult one,mapapahamak ka sa kung ano man yang nararamdaman mo”

Tumahimik lamang sya at hindi na nagsalita.

“Bro,I know,pero tatanungin kita” seryosong ani ng kaibigan “Nakikita mo ba yang Esme as Maria Esther? Hanggang ngayon parin ba iniisip mo na yang si Maria Esther.Ay nasa katawan ng batang yun?”

Unti unti syang tumingin sa mukha ng kaibigan bago sumagot “Hindi lang sa iniisip” saad nya “kundi pinapangarap ko” saglit syang huminga ng malalim at bahagyang hinilot ang sentido “Call me crazy but yes,I really admired him as my Maria.Alam mo yun,yung itsura nya,hulma ng mukha.Yung balingkinitan nyang katawan.Kung anong meron si Maria,kung anong tamang description sa kanya.May pagkakahawig kay Esme.Bro,kamukhang kamukha nya si Maria.Para bang sya yung lalaking version ng babaeng yun” mahinang syang natawa dahil sa naisip “Hindi pala lalaki,a gay version of my Maria”

Natigilan sya ng sakupin sila ng katahimikan sa loob ng opisina.Nagtaka sya ng hindi na magsalita pang muli ang kaibigan nya.

“Masisisi mo ba ako Bro?” Saad nya “I really miss her,hindi pa kami tapos.Ni hindi nga ata kami nagsimula e.Pero nawala na sya sakin kaagad”

“Kaya nakikita mo sya sa Esmeng yun?” Tanong ng kaibigan “You know naman Juanillo right? You should be move on.It is all in your past.That was eighteen years ago.Naka move on na lahat pero ikaw,nananatili kapa din sa nakaraan”

“Hindi totoo yan” malamig nyang ani sa kaibigan “Ako,totoo,hindi pa talaga ako nakakamove on.At ayokong mag move on.Kasama ko sila.Hindi rin sila nakakamove on mula sa nakaraan”

Napansin nyang nakikinig lang sa kanya ang kaibigan.Nagtataka sa mga sinasabi nya.

“Alam ko,hindi na kailan man,makakalimot sa pangyayaring yun ang Stio Sampaguita.Natatakot na baka isang araw,balikan sila ng bangungot nila.Balikan sila ni Maria Esther at ang baryong yun.Sisingilin sila,hindi ng utang.Kundi ng buhay.At si Esme,malaki ang magiging papel nya”

Hindi nya napansin ang pagtayo ng kaibigan mula sa inuupuan nito.Ipinagtaka nya naman yun.Tahimik nya itong pinagmasdan na patungo sa pintuan palabas sa opisina nya.Pero bago pa man ito makalabas.Muli sya nitong nilingon habang punong puno ng dissapointment ang mukha nito.

“You know bro” sambit ng kaibigan “akala ko ok ka na e,a year after.After marriage I guest.You already move on from that girl.And now,that a college boy name Esme? Ayoko na” napabuga ito ng malalim na hininga “Mag pa check up kana.Huling sabi ko na sayo to.Maria Esther is not Esme.And Esme is not Maria Esther.Magkaibang tao sila,from the different world.And for the different generation.Move on,pleas move on”

Hindi na nya nagawa pang makapagsalita.Muli napatanga nanaman sya sa kawalan habang nakatitig sa pintuang nilabasan ng kaibigan.Dahan dahan,nararamdaman nya nanaman ang unti unting pagpatak ng luha nya sa mata.

He cant be like this in any longer.Maraming maapektuhan,baka masaktan din ang mga anak nya pagnagkataon.Kaya isa lang ang sumagi sa isip nya,ang layuan si Esme.At iwan sa nakaraan si Maria Esther.But he guest,is all in the process.Healing from that pain is always in the process.May tamang oras at pagkakataon ang lahat.

’Pakawalan mo na ako my Maria,I want to move on.Not for loving you.But from the pain because of you….

Ilang oras ang lumipas mula sa kanyang opisina.Hindi nya namalayang nakatulog na pala sya sa desk work nya at nang magising,gabi na.Kita nya na ang nagkikislapang mga gusali mula sa labas ng glass wall sa opisina nya.Ang pagdilim ng paligid ay ang dahilan kung bakit sya nagmadaling magasikaso sa sarili.

Nais nyang makauwi sa kanilang bahay at makasabay ang mga bata sa hapunan.Pero ilang minutong byahe ang binagtas nya mula sa kumpanyang pinapasukan hanggang sa kanilang bahay.Pag pasok nya don,madilim na ang sala.Tahimik na ang buong kabayanan na mukhang nagpapahinga na ang kanyang mga anak sa sari-sariling silid.

The saddeness in his face cant deny.Paanong hindi sya malulungkot na sa tuwing uuwi sya sa bahay nila.Wala na syang madadatnang tao.Gusto nyang may sumalubong sa kanyang ngiti kahit isa man sa kanyang mga anak.Hahalikan sya sa pisngi at kakamustahin.Na kahit boring ang naging araw nya sa opisina. Magsisinungaling sya na naging masaya naman kahit papano.

Gusto nyang may yumakap man lang sa kanya pagpasok nya sa kabahayan.Upang maalis ang kanyang pagod.Na alam nya,not physically but in mentally.

’Yung yakap… -sambit nya.

Parang kusa syang natigilan ng maalala ang isang yakap.Mahigpit at mainit na yakap na hindi nanggaling sa mga anak nya.Kundi sa isang tao,kay Esme Hermosa.

Dama nya parin hanggang ngayon ang init ng mga braso ni Esme mula sa pagkakaakap nito sa kanyang leeg.Pero ang pinagtaka nya,bakit nga ba sya niyakap ng batang yun.At bakit nga ba sya nakaramdam ng kaginhawaan dahil dito.

’Ano bang meron sayo Esme…sino kaba talaga?…

Imbis na isipin pa ang binata.Nagpatuloy sya sa paglakad,nais nya nalang magpahinga mula sa kwarto slash pangalawang opisina nya narin sa bahay.Pero bago pa man sya makaakyat sa ikalawang palapag.Napansin nya na ang isang tao mula sa harap ng pinto ng kwarto nya.Tila binubuksan ito o kung ano kung kayat nagmadali syang umakyat sa hagdanan.

It cant help pero kinakabahan sya.Walang sino man ang nais nyang makasapasok sa sariling silid.Maging mga anak nya man kung kayat parang inisang hakbang nya lang ang taas ng ikalawang palapag upang makarating dito.

Magrereak na sana sya ng bahagyang matigilan. Nagtaka sya sa taong nakita.

“Tally..” Mahinahong tawag nya sa bunsong anak nya “what are you doing?”

Para itong nakuryente sa kinakatayuan ng maramdaman ang presensya nya.Buong gulat itong hinarap sya na may hiya sa mga mata.

“Im sorry dad…” Ani ng dalaga “I was just checking y-you inside”

Hindi nya nalang pinansin ang anak at dali nalang nagtungo sa doornob upang icheck kung nabuksan ito.

“Ano bang kailangan mo?” Mahinahong ani nya padin sa anak “Do you need some money? Or Any thing? Tally you can ask me.Ayokong lang talagang binubuksan ang kwarto ko diba?”

Dahan dahang tumango ang dalaga bilang sagot. Kapagkuwan ay may iniabot itong papel sa kanya na ngayon nya lang ata napansing hawak ng dalaga.

“What are this for?” Tanong nya.Napansin nyang bahagyang umaliwalas ang mukha nito na ipinagtaka naman nya.

“Pumapayag na po ako sa gusto nyo dad” masiglang ani nito “Magpapa tutor na po ako.And I find someone who can fit for that job”

“And whos that person?” Tanong nya nalang.

“His name is Esme” sagot nito “Esme Hermosa”

Parang humiwalay ang kaluluwa nya sa katawan ng marinig ang pamilyar na pangalan.

Esme…Esme Hermosa,bakit sya? Bakit sya pa?

CHAPTER 23

Tila may roong malaking tambol ang nasa loob ng kanyang dibdib.

Malakas itong kumakabog na tila sasabog na dahil sa kanyang kaba ngayon.Habang lumalakad sya papasok ng MMU,para syang lumilitaw sa lupa.Alam nya kung san nanggagaling ang kaba nya ngayon.

Ito kasi ang araw ng paglilitis ng Committee ukol sa kumakalat na humor nya sa loob ng university.At oo,hindi nga talaga yun isang biro.Kundi para sa maaarteng teacher ng unibersidad nila,para sa mga anak ng mga mayayaman,mga studyante ng school na ito.Isang malaking kahihiyan ang binibintang sa kanya.Na kahit hindi pa napapatunayan ay parang hinuhusgahan na sya ng lahat.

’Opurtunista…

’Malanding bakla,talagang tatay pa ng studyante dito sa MMU ang tinirada nya.

’pumapatol sa sugar dad? What the heck?

’Gold digger.Hindi na ako magtataka kung bakit nakapasok yan sa MMU.

’Malamang,may nagbabayad ng tuition.Yung sugar daddy nya.

’Maria Esther pa ang code name nya? What the heck? Its weird…

Sawa na syang makarinig na maliliit na boses mula sa kanyang paligid.Kaya ngayong araw din,nais nya ng ayusin ang lahat.Tatapusin nya na ang gulong sinimulan ng lalaking never nya naman naging kaibigan,kakilala o nakausap man lang.Pero di aakalaing makapag bibigay sa kanya ng malaking problema.

Paliko palang sya sa isang hallway kung saan nandodoon ang office ng committee nang bahagya na syang natigilan.Kung ano man kasi ang mangyayari na makaharap nya ang taong ito,wala si Rosaine para resbakan sya.Kasalukuyan na itong nasa room nito upang kumuha ng quiz sa teacher nitong lumiban ng isang araw.

Aaminin nyang nanlalamig ang kanyang mga kamay dahil sa kaba.Pero kahit anong mangyari,hindi nya pwedeng ipakita sa taong ito ang tunay nyang nararamdaman.Hindi pwede dahil alam nya,lalo lang itong matutuwa habang nakikita syang miserable.

“Hindi na ako magtataka kung bakit may lakas ka pa ng loob pumasok sa MMU” Ani nito nang salubungin sya sa isang daan.Hindi na nito kasama ang iba pa nitong alopores tuwing palakad lakad ng university.Sa halip isa na lamang ang lagi nitong kasama na mas malapit ata dito.“Sa dami ng chismis sayo,sa halos ilang linggong ikaw ang laman ng board of campus.Hindi na nga ako magtataka na hindi ka na nahihiya.Ang kapal na kasi ng mukha mo”

Umikhim ang katabi nitong babae na tila nagustuhan ang sinabi nito.

“So anong balak mo?” Tanong pa ulit nito “Handa mo parin ayusin ang scholar mo sa dami ng chismiss mo dito? Ganyan na ba talaga ka-kapal ang mukha mo”

Saglit syang napahinga ng malalim bago magsalita. Kahit papano kasi,gusto nyang pigilan ang inis na namumuo sa taong kaharap nya ngayon.

“Sabi mo nga diba?” Ani nya “Chismis.Chismis lang yun.Ibig sabihin,walang kasiguraduhang may katotohanan.Kaya tinatawag paring chismis”

Narinig nyang natawa ng pagak ang dalaga sa harap nya.

“Hanggang ngayon parin ba paniniwalain mo ang lahat na chismis parin ang ginagawa mo kay dad?” Anas na ani nito na bahagya nya ding ikinatawa.“wag mong lokohin ang sarili mo.At ang lahat.Alam mo ang totoo na may affair kayo ng daddy ko”

“Alam mo Kyst” saad nya “Involve ang papa mo dito.Ibig sabihin kasama ka.Kayong dalawa ng kambal mo.Uunahin mo parin ba ang pagbintangan ako kesya alamin ang katotohanan sa likod ng mga humor dito sa university.Wala ka ba talagang malasakit sa tatay mo na nasisira din ang pangalan dahil sa ibinibintang nyo?”

“Yun na nga e” anas muli ng dalaga “Involve na kami dito,akala mo ikaw lang ang nakakaranas ng chismis huh? Kagaya ng sinabi mo,this is all about of my dad.Dahil nilandi mo sya.Nadamay kami ng kambal ko kahit kayo ang pinaka sentro ng storya kasi oo,tatay namin sya.Tatay namin ang nilandi mo”

“Bakit Kyst?” Ani nya sa dalaga “sino ba ang nagsimula nito? Sino ba ang nagpakalat ng chismis sa skwelahan nato.Nanahimik ako,pero sa kakitidan ng utak nyong magkapatid nadamay ako.Naglabas kayo ng maling paratang sa pagkatao ko.Dinumihan nyo ang pangalan ko”

“Kasi madumi ka naman talaga” saad ng dalaga “Madumi ka kagaya ng mga kasama mo sa squater area.Squat gay ka! Madumi!-”

“Mas madumi ka” ani nya sa dalaga kaya bahagya itong natigilan “Madumi yang isip mo,yang pang unawa mo at yang utak mo”

Kitang kita nya ang pagigting ng panga ng dalaga dahil sa sinabi nya.Sa bilis ng pangyayari,hindi nya namalayang umamba na ito upang sampalin sya.Kaya naman inaasahan nya ng may dadampi na isang mainit na palad mula sa kanyang pisngi,napapikit lang sya at inantay ang sakit nito.Pero ilang segundo ang nakalipas,wala syang naramdaman.Nagtaka sya dahil sobrang tahimik ng lahat.Kaya ng tangka nyang idilat ang mga mata.Isang binata ang bumugad sa kanyang harapan.

Hawak ang kamay ng dalagang sasampalin sana sya ilang segundong ang nakalipas.

“Enough Kyst” saad ni Kye ng mapagtanto nya ito “We will fix this mess remember?”

Inagaw ng dalaga ang kamay na hawak ng kambal nito kasya sya binalingan.Hindi pinansin ang binatang nasa tabi nito.

“Remember this too Esme” igting na saad nito “Kung naloko mo na ang kakambal ko dahil dyan sa bait baitan mo.Pwes ako hindi” nanlisik ang mata nito at bahagya pa syang nilapitan “Im gonna sure with you na sa oras na lumabas ka sa committe room nayan.Diretsyo gate kana.Kick out kana sa university nato.Maliwanag ba?”

Tumaas lamang ang kabilang gilid ng labi nya.Gusto nya sanang sumagot pero natigilan na sya ng hawakan ng binata ang kamay nya at hilahin sya nito.

“Tara na Esme,like what I said.I will fix my mess”

Nagulat sya sa paghawak ng binata sa kamay nya.Pero wala na syang nagawa pa.

Napatanga syang napasunod nalang sa binata habang pansin nya ang dalagang si Kyst naman ay nanlalaki ang mga mata dahil sa ginawa ng kapatid nya.

“THIS is a big accusasion Mr.Montefalco” ani ng isang guro,matapos ang malaking discussion sa tatlo na teacher na kaharap nila.Kasalukuyan na silang nasa silid kung saan nandidito ang buong committee.Magkatabi silang tahimik na nakatayo sa harapan ng mga gurong iyon habang nakikinig sa mga sinasabi nito.

“Alam mong major offense ang ginawa mo.Nilagay mo sa kapahamakan ang isa sa mga kamag-aral mo dito sa MMU.Isa pa,masisira pa ang pangalan ng paaaralan nato kung sakaling malaman sa labas ang humor na ibinibintang mo kay Mr.Hermosa.I dont know,kung ano nga ba ang masasabi sayo ni Mr.Hermosa gayung sira na ata sya sa buong university.Nasira na ang pangalan nya”

Natigilan sya ng muli syang tuunan ng mga tingin ng guro sa kanyang harapan.Pero ang sadyang nakapukaw ng kabog ng dibdib nya,ang pagtitig sa kanya ni Kye mula sa kanyang tabi.Hindi nya nakikita ang pagmamayabang dito,kundi ang mga matang may hiya at tila nakikiusap na sana patawarin nya ito sa kabila ng mga ginawa nito sa kanya.

“But wait…” Isa sa tatlong guro ang sumingit sa pagsagot nya sana “Mr.Hermosa was scholar here right? So basically pwede syang matanggalan ng scholar dahil sa issue.Malamang yan,dahil sinasabi ni Mr.Montefalco na labas ang usaping ito sa lahat.Na silang dalawa lang ang involve.Maaring silang dalawa din ang maparusahan.Nag cost ito ng gulo sa university,a humor rather.So silang dalawa ang malalagot dito”

“E ano po ba ang pinupunto nyo?” Saad naman ng isang guro na napapagitnaan din ng mga ito.

“Ang akin lang,tatangalan natin ng scholar itong si Mr.Hermosa.Habang si Mr.Montefalco ay masusupend ng two weeks dito sa paaaralan plus,community service ng isang linggo sa buong university”

Nakita nyang nanlaki ang mga mata ng dalawa pang guro na katabi nito.Hindi nya kinaya ang mga sinasabi ng gurong iyun kung kayat aalma na sya.Subalit magsasalita na sana sya ng singitan sya ni Kye na nagigting din pala ang panga dahil sa narinig.

“Ako ang punot dulo ng chismiss nayun.Mrs Cao” ani ng binata sa gurong iyun “Basically,ako ang nanbully,ako ang dapat na parusahan.Wala pong alam dito sa Esme.Kaya ako lang dapat ang parusahan nyo”

“Woow…” Sambit ng isa pang guro mula sa dulo “Ikaw paba yan Mr.Montefalco? Ang binatang spoiled brat? Umaako ng kasalanan?” Narinig nyang natawa ang gurong iyun na tila ba nakikipag biruan sa binata “E ano ba ang ipaparusa namin sayo? Isang buwang suspended? O paghuhugas ng mga pinggan sa canteen?”

“Mas mabuting ako nalang po tanggalin nyo sa school na ito,Mrs.Reyes” nanlaki ang mata nya ng marinig iyun sa binata.Kaya agad syang napabaling sa mga guro na ganun din pala ang reaksyon.

“You know we cant do that” ani ng isa pang guro mula sa gitna ni Mrs.Cao at ni Mrs.Reyes “Malaki ang shares nyo sa paaralang ito.I mean halos kalahati ng MMU,kabayaran nyo na ata.Kaya posible naman na isa sa mga anak ng mayayamang studyante dito,ay mawawala sa paaralan nato.Tatanggalin namin”

“Exactly Mrs,Marquez” malamig na ani ni Kye sa gurong iyun“Nakikita ko,na hindi pantay ang tingin nyo samin ni Esme.Dahil sya,scholar lang.Habang ako,anak ng may pinakamalaking ambag sa paaralan na ito.So you can treat me as an special one.Hindi patas,samantalang si Esme” saglit syang tinapunan ng pansin ng binata bago ito nagpatuloy “Wala sa hustisyang tatangalan nyo ng scholar na ako naman mismo ang nagsimula ng gulo? Habang ang parusa ko,dalawang linggong suspendido, community service ng isang linggo.Si Esme ano? Hindi na sya makakabalik sa school nato.Masasayang lahat ng pinaghirapan nya”

“Well my punto ka” si Mrs.Cao ang sumagot “So ano na ang mangyayari? Inaamin mo na ikaw ang may kasalanan sa lahat ng ginawa mo” napansin nyang binalingan sya ng gurong ito kaya bahagya syang natigilan “Na kay Mr.Hermosa na ang disisyon kung ano man ang mapagkakasunduang parusa mo.Sa puntong ito,napagisip isip namin na ikaw nalang ang mapaparusahan.Labas na dito si Mr.Hermosa.So what your decision”

Hindi agad sya nakasagot nang tuunan sya ni Mrs.Cao sa kanyang disisyon. Subalit,napako ang tingin nya kay Kye na hindi man lang din makatingin sa kanya.

“Kayo nalang po ang magbigay ng parusa maam” ani nya pagkalipas ng ilang segundo “Pakibigay nalang po ang parusa na nakasaad dyan sa Rule book ng MMU.Hindi po kasi ako makapagdesisyon ngayon.Ang importante po sakin ngayon,ay hindi matatanggal ang scholar ko.Importante po kasi sakin yun e”

“ESME!” Tawag ng isang pamilyar na boses sa likod nya.Kanina pa sya naka labas sa committee room nayun.Kasalukuyan na syang naglalakad sa isang hallway upang sana kamustahin ang booth nilang nakabinbin na nang tatlong araw.Alam nyang talo na sila sa kumpitisyon.Pero nais nya parin makipag partipasyon ngayong week ng faculty nila.

“So,kamusta?” Saad muli ng boses nayun kapagkuwan ay sumabay na iyun sa paglakad nya “Anong desisyon ng committe?”

Tipid syang ngumiti dito bago sumagot “Ok na Rosaine…” Mahinang ani nya “Hindi na ako matatanggalan ng scholar.Isa pa,hindi na ako mapaparusahan”

“Really?!…” Sambit ng dalaga.Kita nya ang saya sa mukha ng kaibigan.Bahagya pa sya nitong niyakap na tila sobrang ligaya sa binalita nya.“Congratulation,ngayon need mo nalang linisin ang pangalan mo dito.And then magsisimula tayong muli,kailangan mong mapanatili ang rank one mo sa faculty natin.Hindi ko hahayaang masira yun ng dahil sa Kye nayun.Buset sya”

Bahagya syang natigilan ng maalala ang binata.Pumasok sa isipan nya ang ginawa nitong pagtatanggol sa kanya mula kanina.Hindi nya alam na may pantay na pagtingin pala ang binata sa mga katulad nyang scholar lang sa paaaralan nayun.Hindi nya tuloy mapigilan ang munting kasiyahan sa puso nya.Baka totoo nga kasing malayo na ang binata sa dating pagkakakilala nya dito.Isang spoiled brat boy,na ngayon,kaya pala syang ipagtanggol sa ganung usapin.

’Teka,ano bang ginagawa ko.E diba sya nga ang dahilan kung bakit ako natanggalan ng scholar.So bakit ako umaakto ng ganto? Bakit parang…

Natigilan sya sa pagiisip ng pwersahan syang iliko ng kaibigan sa isang pang hallway.Taka naman syang napabaling dito.

“Wag kang lilingon” mahinang ani ng dalaga “Nandyan ang lalaking sumira sa pagkatao mo dito sa MMU” kumunot ang noo nya dahil dito.

Pero dahil curious sya,sinilip nya ang tinutukoy ng kaibigan mula sa gilid ng mata nya.Bahagya nanaman syang natigilan ng mahunian kung sino ang sumusunod sa kanila.

Walang iba kundi si Kye.

“Esme!…” Nakatingiting tawag nito sa kanya nang mapansin ang paglingon nya dito.Ito yung ngiti na hindi nya nakikita sa binata.Yung ngiti na sana parati nyang masilayan.

“Sabi kong wag lilingon e” reklamo naman ng kaibigan habang bumabaling sila dito.

“So ano pang kailangan mo?” Si Rosaine ang tumugon sa binata “Tapos ka na sa kaibigan ko.Maayos na ulit ang scholar nya.At ikaw,pwede ka ng lumayo layo sa kanya maliwanag”

Tinignan nya lang ang mukha ng binata.Nakatingin lang ito sa kanya na tila may gustong ipabatid sa kanya.

“T-tama si Rosaine” saad nya dito “Tapos na to,ok na ako.Kaya pwede na ulit tayong hindi magpansinan kagaya ng dati”

“Ayoko” matigas na ani ng binata na ikinatigil nilang dalawa ng kaibigan.“Diba sabi ko,I want to say sorry.Magso-sorry ako sayo ng magso-sorry sayo kahit ayaw mo.Pero may iba akong gustong gawin” saglit silang nagkatinginan ni Rosaine na tila naguguluhan.

Kapagkuwan ay namalayan nya nalang na hawak hawak na ng binata ang kanang kamay nya.Naglalakad na sila sa isang hallway sa isang dulo ng pasilidad nayun.Maya maya pa,nahunian nya na patungo na sila sa isang storage room.Isang kwarto na puro kagamitan ng school ang laman.Walang nagpupunta dito kundi ang mga staff lang pero sa palagay nya ngayon,wala sa oras silang papasok dito na hindi nya alam ang dahilan.

“Ipapakita ko sayo Esme” saad ng binata “Na ganto mag-sorry ang isang Montefalco”

CHAPTER 24

Hindi nya alam kung anong balak sa kanya ng binata.Pero nanatili syang nakatanga,nagpapadala sa ginagawa nito.Kasalukyan na silang nasa lugar nayun,sa dulo ng hallway mula sa building na kinalulunlan nila.Walang tao,walang sino man ang palakad lakad,tanging dalawa lamang sila.Hindi nya alam kung anong mangyayari,pasimple nya ding sinapit si Rosaine na kanina lamang ay nasa likod nya pero ngayon,wala na.Talagang sila nalang ng binata ang naroroon na kasalukuyan ng tumigil sa paglalakad mula sa tapat ng isang pinto.

Ito ang storage room ng MMU.At wala syang kaide-ideya kung ano ang ginagawa ng binata ng buksan ang pinto nito at tignan sya ng kakaiba na ipinagtaka naman nya.

“A-ano bang gagawin mo?” Tanong nya sa binata.Hindi ito sumagot at pinakatitigan lamang sya.Pero pagkalipas ng ilan pang segundo.Kita nya na natawa na ito dahil sa ekspresyon nya ngayon. Hindi nya napigilan ang pamumula ng mukha na ninais nya ng magpakain sa lupa dahil sa hiya.“Ano ba kasing kailangan mo dyan?” Iritang tanong nya dito.

Pinihit nito ang pinto para buksan.Iniwan sya ng binata mula sa labas ng silid nayun.At inantay nya ng ilang minuto bago ito muling lumabas.

“Bakit ano bang iniisip mo?” sagot ng binata sa kaninang tanong nya.Napansin nyang may dala na itong dalawang Megaphone na ipinagtaka naman nya.“May pumapasok ba dyan sa utak mo na kakaiba?”

Umiwas sya ng tingin dito na parang inabala ang mata sa paligid.“Tayong dalawa lang kasi dito” mahinang ani nya “Hindi na kasi napupuntahan ng mga studyante ang lugar na to pwera sa mga staff.Kaya nagtataka ako kung bakit dito mo ako dinala”

Narinig nyang natawa ang binata pero hindi nya ito pinansin.

Natigilan lang sya ng hawakan nito ang kanang kamay nya na ikinatigil nanaman nya.“Kung ano ano iniisip mo” saad ng binata kapagkuwan ay iniabot sa kanya ang isa pang hawak nitong megaphone “Kung ano man yun,hindi ko gagawin.Hindi pwede at hindi ko kaya.Maliwanag? Take this”

“Para san naman to?” Tanong nya ng tuunan nya ang megaphone.

Tinignan nya ang binata na nagtaas lang ng gilid ng labi “like what I said” saad nito “Lilinisin natin ang pangalan mo.I will make sure na tatanim sa utak nila na hindi ka ganung tao.Im sorry,ako nagsimula ng lahat ng ito Esme.Sinira kita kaya ako ang magaayos sayo”

Hindi nya alam kung anong problema sa dibdib nya.Pero naramdaman nya ang kakaibang tibok mula dito.Kinabahan sya na-naexcite but at the same time,natuwa sya.Natuwa sya sa bagong Kye na nakilala nya ngayon.

PIGIL nya ang sarili mapabitaw sa kamay ng binata na mahigpit na nakakapit sa kaliwang kamay nya.Oo,hawak hawak ng binata ang kamay nya habang nililibot nila ang buong university.Sa kanyang palagay halos kalahati na ng lugar nato ang naikot nila.At sa halos lahat ng pagkakataong yun,may hawak ang binata na isang megaphone.Nakatutok ito sa bibig nito habang sinasabi ang nais ipaintindi sa mga studyanteng nakikinig at nakaka kita sa kanila.

“Mula ngayon,ayoko ng maririnig na pinaguusapan nyo ang lalaki sa tabi ko” ani ng binata sa tabi nya “The humor,is just a humor. Walang katotohanan ang lahat ng mga maling balitang kumalat sa paaralang ito.Kaya ngayon,ayoko ng pinaguusapan ang lahat ng yun maliwanag ba?!”

Kita nyang nagbubulong bulungan ang lahat sa paligid ng hallway na dinadaanan nila.Wala syang magawa kundi mapatiklop hindi dahil sa kahihiyan.Kundi ilan sa mga naririnig nya ay ang tungkol sa kanilang dalawa ni Kye.

Karamihan dito,ay ang bulungan nito ukol sa kanilang dalawa.

’A lover?…hell no.

He realize something habang naglalakad sila sa hallway nato.Karamihan sa mga studyante,sinasabing bagay sila sa isat isa na mabilis nya namang tinututulan sa kanyang isipan.

“Ayos kalang?” Saad ng binata ng saglit sya nitong lingunin “Bakit hindi mo gamitin yang megaphone mo.Express your feeling to everyone.Sabihin mo sa lahat na hindi ka maduming lalaki kagaya ng chismis na kumakalat” Ngumiti sa kanya ang binata “Nandito ako sa tabi mo.Hindi kita pababayaan”

Napahinga sya ng malalim bago magsalita “Hindi naman iyun ang iniisip ko e” saad nya sa binata “Dahil kasi sa ginagawa natin makakagawa nanaman sila ng chismis”

Kumunot ang noo ng binata dahil sa sinabi nya.

“Ngayon,issue na natin tong dalawa,hindi na sa daddy mo” ani nya ulit kapagkuwan ay tinuon ang pansin sa magkahawak nilang mga kamay “They think that were both-”

“Hayaan mo sila” putol ng binata sa iba pa nyang sasabihin.Ngumisi ito sa kanya na tila nasisiyahan sa kung anong posisyon nila ngayon “I-indure mo nalang,masanay ka na sa chismis.At masanay kana sakin,sating dalawa”

Bahagya nyang inagaw ang kamay ng marinig ito mula sa binata.Gusto nyang mainis dito pero tila iba ang tigon ng kakaibang tibok mula sa dibdib nya.Dito sya mas naiirita.

“Gusto mo talagang pinagtsi-chismisan tayo no” singhal nya sa binata na muli lang ngumiti.“Akala ko ba magsosorry ka lang sakin. Hindi yang ganyan”

Napansin nyang napakamot ng batok ang binata.Umakto pa itong tila inosente sa sinasabi nya.

“Alin ba?” Maang maangan nito habang nagpa-pouted pa ang mukha.And Esme found out that Kye was cute while doing that “Wag mong sabihing kinikilig ko sa pasimpleng banat nayun.Im not consider nga na banat yun kung hindi kapa kinilig e”

“Huy,hindi ako kinilig ah” inis nyang ani sa binata “kapal mo,kanina pa kasi kita napapansin e.Hawak ka ng hawak sa kamay ko.Pagmagso-sorry ka,sorry lang.Wag yung may kasamang landi”

Natawa lang ang binata dahil sa sinabi nya.Kapagkuwan ay may ngisi itong dala na ipinagtaka nya.

“Papatawarin mo na ba ako?” Tanong nito sa kanya. Kumunot ang noo nya.Sya lang ba o talagang napansin nyang may lambing sa boses ng binata.“Tatanggapin mo na ba ang sorry ko?”

“Stop this” anas nya.

Hindi na sya pinansin ng binata,basta nanlaki nalang ang mata nya ng muli nitong hawakan ang kamay nya.Kapagkuwan ay inuwestra nito ang megaphone na hawak nito,itinapat sa bibig bago magsalita.

“Everyone” muling tawag ng binata sa lahat “This is Esme,Esme Hermosa.Naka gawa ako ng malaking kasalanan sa kanya.At sa ngayon,sa harap ninyong lahat.Gusto kong manghingi ng sorry sa kanya dahil sa kasalanan ko” parang hihiwalay ang kaluluwa nya mula sa kanyang katawan ng mabilis lumuhod ang binata sa harap nya.Hawak nito ang kamay nya,malakas ang pagsasalita sa megaphone at ngayon.Nasa harap sya nito,nakaluhod at nanghihingi ng tawad.

“Esme Hermosa” ani nito sa buong nya pangalan,gamit parin ang megaphone.Rinig ng lahat ang bawat salita nito.

“Pleas,sorry,patawarin mo na ako.Malaki ang kasalanan ko sayo,sinisira kita sa ibang tao.Kaya sorry,sorry talaga.I will do everything just to get your forgiveness for me.Pleas”

Hindi nya alam ang gagawin,kaya pilit nyang itinayo ang binata mula sa pagkakaluhod nito.Kita nya ang pagiging persistent ng binata.Hindi nya alam pero awa ang nakita nya dito.Kita nya ang pagsisisi sa mukha nito.

“Hindi mo kailangang gawin yun ano kaba” ani nya “Oo,kung sorry lang,pinapatawad na kita.Diba nga sabi ko sayo,sa oras na maayos na ang kalagayan ko dito sa university papatawarin naman kita.Hindi mo kailangan magpaka baba”

Huminga ng malalim ang binata at pinakatitigan sya nito.Hindi nya magawang makatingin sa mata nito.Pero alam nya,ramdam nya.Hindi nya lang maintindihan kung bakit tila namumugtong mga mata nito.Nagtataka sya dahil dito.

“Ok na siguro to?” Pagiiba nya ng usapan “Bumalik na tayo sa klase natin,oo nga pala.May booth pa akong kailangang ayusin.See you next day Kye”

Aakmang mauuna na sana syang maglakad ng pigilan sya ng binata.

“Esme,ito na ang huli kong pasok ngayong linggo” sambit nito na kinakunot naman ng noo nya.

“Bakit ano bang desisyon ng committee?” Medyo nagaalala nyang tanong.Inisip nya agad na baka tinanggal ito sa university dahil sa issue.

“H-hindi ito kagaya ng iniisip mo” sagot ng binata “What I mean is,dalawang linggo akong mawawala.Parusa yun.Gusto ko lang kasing” napansin nya bahagyang napakamot sa batok ang binata bago ito magpatuloy “Gusto ko makasama ka muna kahit sa huling araw nato.Aayain sana kitang lumabas kung ok lang sayo”

Napahinga sya ng malalim dahil sa sinabi ng binata.Hindi nya talaga naiintindihan ang mga binabalak nito sa kanya kaya tila wala syang maisagot.

“Sorry kung niyayaya kitang mag cut out” muling saad ng binata ng hindi sya nagsalita “Pero ito lang ang naiisip kong paraan para makasama pa kita.Pagkatapos kasi ng mga nangyari hindi ko na ulit alam kung paano pa kita makakausap.Wala naman na akong business sayo para lapitan kapa”

Hindi nya alam kung ilang segundo syang napatitig sa binata pero isa lang ang tumatakbo sa isip nya.Hindi sya sa nagiilusyon pero ramdam nya at alam nya,may kakaibang pakikitungo sa kanya ang binata.At ito siguro ang dahilan ng kakaibang pagtibok ng puso nya.

“Bakit mo to ginagawa?” Tanong nya.

“I dont know” saad naman ng binata “Basta gusto ko lang,kahit sana sa huli ata nating pagkakataon. Mapagbigyan mo ako”

“Im not sure about this Kye” saad nya “Alam mo namang may hinahabol ako ngayon diba,isa pa absent ako ng isang araw.Baka kasi-”

“Hindi kaba pumapayag?” Putol ng binata sa iba pa nyang sasabihin.Hindi nya alam pero pansin nya ang lungkot sa boses nito na ikinabahala naman nya.“ayos lang Esme,sino ba naman ako para magdemand pa diba? Malaki na ang pagkakasala ko sayo so I know,hindi mo na ako mapagbibigyan”

“S-sandali…” Pigil nya sa binata ng magsisimula na sana tong maglakad. Lumingon ito sa kanya habang sya naman ay napahinga ng malalim bago magisip ng isang disisyon “Sige,kung ano man ang tawag mo sa paglabas natin.Pumapayag ako.Labas tayo mamaya after class”

Napansin nyang nagliwanag ang mukha nito dahil sa sinabi nya.Siguro nadala lang to ng lumapit ito sa kanya,kapagkuwan ay mabilis sya nitong hinalikan sa noo.

Mabilis lang yun but Esme think, ’its a sweet one?…hell no.

Iniwanan sya ng matamis na ngiti ng binata bago ito maglakad papalayo sa kanya.Inisip nya na sana sa pagkakataong pumayag sya sa request nito,ay hindi sya nagkamali.Tila kasi na binibigyan nya ng pagkakataong makapasok sa buhay nya ang mga Montefalco.Lalong lalo na si Kye na iba ang pakikitungo sa kanya.Yung pakikitungo na dahilan kung bakit kakaiba ang kabog ng dibdib nya

Ayaw nya ang nararamdaman na iyun.

Pero tila hahanap hanapin nya sa tuwina.

SIGURO sumasangayon sa kanya ang araw.Hindi na sya mawawalan ng scholar,hindi narin sya naparusahan dahil sa kumalat ka chismis.Isa pa,naka alis na sya sa miserableng buhay nya sa kamay ng kanyang tiyo at tiya.May natitirhan narin sya.Natuwa din sya ng malamang kahit nasa huli na ng araw ang kumpitensyon ng faculty nila.Naubos nila ang merch nila sa booth,at dahil ito sa tulong ng mga kaibigan ni Kye na bilang pambawe sa kanya.Ang mga kaibigan nito ay nagalok,nag lako sa lahat ng mga kakilala nitong studyante sa MMU.Its a little bit shock dahil ang mga kilalang notorious gangster sa university ay nagkukumahog para lang tulungan sila.Si Kye ang dahilan nun,nakikita nya na talaga sa binata na bumabawi ito sa kanya.At ito ang dahilan nanaman ng muling pagtibok ng dibdib nya na ayaw nyang maramdaman mula sa binata.

Parang nakakatakot kasi e,at isa pa nakakapanibago.Para sa kanya,hindi maganda ang maidudulot.

Hindi nya alam kung paano ipapaliwanag kay Rosaine na hindi sya sasabay sa paguwi dito.Ayaw nya naman kasing sabihin na sa paguwi nila,ay sasama sya kay Kye.Ang taong kinaaayawan ng dalaga.Magiging malaking katanungan ito para sa kaibigan pero dahil nagtitiwala parin ito sa kanya.Wala na itong sinabi,wala na itong imik na ikinakaba naman nya.Dahil sa oras na umuwi sya sa tahanan nito.Katakot takot nanaman ang sermong aabutin nya mula sa dalaga.

Hindi nya alam kung ilang minuto na syang nakatayo sa tapat ng MMU. Oo,kasalukuyan syang nasa harap ng paaralang ito,kinakabahan at tila nanlalamig pa ang mga paa.Nagsabi kasi sa kanya na ilang minuto,may titigil sa harap nya na isang van.Ito na raw ang binata,sinusundo sya para sa isang date ngayong gabi.

Kung ’ date na nga ba ang tawag ng binata dito.

Sinunod nya naman lahat ng sinabit nito.Kahit parang tanga syang ilang minuto na nakatayo sa isang gilid, masuyo syang nagantay. Hanggang sa isang van nga ang tumigil sa harap nya. Nagtanim sya ng tipid na ngiti dahil alam nya na ang binata ito,pero hindi gaya ng inaasahan.

Isang dalaga ang lumabas mula sa shut gun sit. Napakunot ang noo nya dito pero agad nyang nahunihan kung sino ang taong ito.

“Hello po Esme..” Masiglang saad ng dalaga.Hindi nya nagawang bawiin ang ngiti dahil sa aliwalas ng ngiti ng dalaga.Masayahin itong tignan na parang excited syang makita.“Do you remember me po?” Tanong nito pagkababa sa kotse at ngayon,nasa harapan nya na.

“Ahm,yeah” ani nya,pilit pri-nases kung saan nya nga ba na meet ang dalaga. Hanggang sa maalala nya ito sa booth nila nung nakaraan. “I-ikaw si Tally,a grade 11 student here right?”

Masayang tinanguan sya ng dalaga dahil sa sinabi nya.

Kapagkuwan ay hinawakan sya nito sa kamay at muling nilingon ang sasakyan.Mula dito,lumabas pa ang isang nilalang at dahil nahunian nya ang taong yun.Hindi nya alam ang gagawin.Dumoble ang kaba nya mula kanina at malaking katanungan para sa kanya kung bakit kasama ito ng dalaga.

“Nga po pala” saad ng dalaga “Si dad po,sinama ko na para sa paguusapan sana natin. Sya po kasi ang consent ko para makakuha ng tutor e”

Kumunot ang noo nya dahil sa sinabi ng dalaga.Agad syang napabaling sa lalaking papalapit sa kanila.Tulad ng nakaraan,hindi mabasa ang ekspresyon nito.Hindi malaman kung masaya nga ba o malungkot.

“Pasensya kana Esme kay Tally” saad nito sa kanya “Shes a little bit excited na mai-introduced ka sakin.She’s really want you to be her tutor”

Napahinga sya ng malalim bago muling balingan ang dalaga.Nakangiti ito sa kanya na parang kinokunsider ang pagsagot nya.“ahm,actually hindi pa po malinaw yun e” nahihiyang saad nya “Hindi pa po namin napaguusapan ni Tally ng maayos yung tungkol sa tutor ko sa kanya”

“Pero you told me na malalapitan kita kahit anong oras diba” ang dalaga ang sumagot,halata sa boses ang lungkot nito “at sinabi ko naman sayo ang tungkol sa tutor tingey’. I know you need this job.And I see that you are the perfect person para sa trabaho nato” saglit na tinapunan ng dalaga ang ama nitong katabi.Tila nanghihingi ito ng tulong para mapapayag sya.

Nagkatinginan naman sila ng lalaki,na parang hindi alam ang mga sasabihin.

“Ahm,I guest so” saad nalang ng ama ng dalaga “K-kung papayag talaga si Eseme,we need to consider his decision before, baby”

Napansin nyang nalukot ang mukha ng dalaga dahil sa sinabi ng daddy nito.Maging sya kasi,hindi nya alam ang magiging desisyon dahil biglaan ang pagsulpot sa kanya ng trabahong iyun.

“Pero,pwede pa naman natin tong pagusapan right?” Saad ng dalaga “So lets have dinner na muna para makapagusap tayo ng maayos.I really want Esme to be my tutor,but I want din naman na magkapag- desisyon sya ng maaayos”

Hindi nya ulit alam ang isasagot.Tila kasi buo na ang desisyon ng dalaga na imbitahan sya para sa isang dinner.Pero paano naman ang binatang susundoin sya.Hindi nya alam kung ano ang ipapaliwanag dito.Lalo na’t pinagbuksan pa sya ng dalaga ng pinto.Masigla sya nitong tinuran para pumasok.

Nakangiwi nyang pinag- masdan ang mga ngiti nitong masigla na tila hindi mata- tanggihan ng sino man.

And after,he realize.

’ This girl,is one of the Montefalco’s? Ibang iba sya sa paguugali ng magkambal.Lalong lalo na si Kyst.

Now I know her more,ang bunsong anak ni Sr.Junaillo Montefalco,Tally Montefalco.

Namalayan nya nalang na nasa loob na pala sya ng sasakyan.Kasama ang mag-ama,napapaisip sa isang bagay.

’What about kye?!

CHAPTER 25

Halos madapa na sa pagtagpo si Kye ng salubungin ito ng isa sa apat nyang kaibigan.Buong pagtataka sya nitong tinignan dahil sa kakaiba nyang ikinikilos.

“Gevs” sambit nya “C-can I borrow your key?”

“What key?” Kunot noong sagot ng binata.“My motorcycle?”

“What? Motor cycle lang dala mo?” Tanong nya.

Bahagya itong napakamot sa batok nito “Yeah” nagtataka nitong ani “My dad dont give me a permission to use his car.Baka daw magasgas ko pa,ok na daw yung mukha ko magasgas ko wag lang car nya.Kaya binilhan nya ako ng motor”

Napabuga nalamang sya ng marahas na hininga’t napasapo pa sa noo.Napapatanong kung bakit ba nangyayari sa kanya ang lahat ng ito.

“Ano ba kasing problema? Bakit nagmamadali ka?” Tanong ulit ng kabigan.

“S-si Esme” naiilang na ani nya “He’s waiting for me outside this school,w-we have a date”

“A date?” Napakunot noo na saad ng kaibigan “Magde-date kayo ni Esme? How?”

“Basta mahabang kwento” iritang paliwanag nya dito “Kailangan ko lang ng car.Kahit kanino sa inyong apat”

“E nasan ba kasi yung kotse mo?”

Napa- ‘tsk’ sya dahil sa naalala “I dont know kung bakit pa ngayon nangyari to” saad nya “sa pinaka special na araw pa ng buhay ko kasya pa naflat ang gulong nun, bwiset”

“Kawawa ka naman bro” sabi ng isang boses mula sa likod.Agad naman syang napalingon dahil dito.It his friend,Jacoda “Mukhang naunahan ka na ng magarang sasakyan sa labas.And ayon sa nakita ko,kinakausap nya na ngayon yang Esme mo”

“What?” Medyo Over react nyang singhal.Naramdaman nya agad ang paginit ng ulo nya dahil sa narinig.And the way kung paano ito sinabi ng kaibigan nya.Tila nangangasar.

He dont have a choice kaya nagmadali syang maglakad papalabas ng gate.Siguro huli na dahil sadya syang natigilan.

Seing Esme,papasakay na ito sa isang itim na kotse.Sadya nyang ikinatigil ito dahil sa dad nyang pagaari iyun.Kasabay pa ang bunso nyang kapatid na si Tally.Hindi nya tuloy naiwasang mag isip ng kung ano ano dahil sa nakita.

’Why my dad? Taking Esme from school?

And my little Sis? Tally,they seems so close base sa pakikitungo nya kay Esme.Why? Why my Dad Esme!

Hindi nya alam kung ano ang magiging reaksyon sa nakita nya.Hanggat maaari kasi ayaw nyang magbigay ng conclusion,ayaw nyang magisip na may kakaiba ngang kwento sa kabila ng pagsundo ng dad nya kay Esme.Tapos na sya sa stage nayun,dahil ayos na sila ni Esme.Ayaw nya ng magkaroon man ng galit dito dahil pinapangako nya hindi man sa sarili,kundi sa binata na magiging mabuti na sya dito.

Pero mukhang mapaglaro ang panahon.Hindi nya alam kung bakit sya kinabahan ng masipat sa isang tabi ang mukha ng kapatid.Tulad ng dati,suot nito ang mataray na mata na kinatatakutan ng lahat.At nasisiguro syang nakita nyang ang pagsakay ni Esme mula sa kotse ng kanyang ama.

Kung susumahin kasi,para sa kanya ipapaintindi nya sa sarili na wala lang ang nakita.Pero para sa kakambal nya,ang nakita nito ay nakita na.May mali man o tama sa mga ito.

“Hey Kyst!” Tawag nya sa kapatid ng magsimula na itong maglakad papalayo.

Walang gana sya nitong nilingon na tila hindi man lang nagulat na nandito rin sya.Na iisa lang ang nakita nilang dalawa.

“Y-you see that?” Tanong nya.

“Yeah,I see everything” walang gana nitong sagot sa kanya.Habang naka-cross pa ang dalawang braso sa dibdib nito.

“W-wala lang yun” ani nya “its just a business,kasama naman si Tally e” hindi nya alam pero nasa side nya pading gustong ipagtanggol si Esme.Na alam nya,masama nanaman para sa dalaga.

“Yeah right” ani nito “si Esme,and our little siz,with our dad? Get together bayun? As family? Nang di tayo kasama” narinig nyang mahina itong natawa sa sinabe.

“Wala lang yun” sagot nya “Tatanongin ko si Dad mamaya”

“Magsisinungaling lang sya sayo” saad ng dalaga “kagaya ngayon,sinundo nya na ang faggot nayun kasama pa ang kapatid natin.I dont usually stick to what I see,pero matatanggi mo parin ba?”

“Alam mo tama na Kyst” pagod nyang saad sa dalaga “Wala lang yun,ano kaba.We need a further research katulad ng ginagawa natin kay Maria.We still find that girl,at pwede din nating malaman ang hinihinala mo kila dad at k-kay Esme”

Napansin nyang napakunot ng noo ang kapatid dahil sa tinuran nya bago magsalita “Bakit mo ba laging pinagtatanggol yang Esme sakin” saad nito “Alam mo kanina ka pa e,alam ko ang mga ginawa mo kanina sa buong university.Your so pathetic pagdating dyan kay Esme.At ngayon,nagbubulagbulagan kapa na baka nga may relasyon yang Esme at si Dad”

“Enough” singhal nya dito “Ilang beses ko bang sasabihin sayo na si Esme at si Dad ay hindi magkarelasyon kagaya ng iniisip mo.We need to further our research at pinatunayan ko yun.Esme is an innocent,talaga bang iniisip mong papatol si Dad sa dobleng taong bata sa kanya.Sa halos kaidaran ng mga anak nya?Stop this accusasion Kyst.Hindi kabit ni Dad si Esme maliwanag ba?!”

“Sabihin na nating hindi kabit” saad ng dalaga “Sabihin na nating hindi love affair ang namamagitan sa kanilang dalawa ni Dad.Pero magkarelasyon parin sila as an father and son”

“Ano bang pinagsasabi mo?”

“Im sure for what Im saying” ani ng dalaga “Na baka nga,malapit talaga si Dad kay Esme hindi dahil isa syang kabit.Na nakikita nya si Maria sa faggot nayun.Kundi kapatid natin sya,na baka sya ang nawawalang anak ni Dad kay Maria Esther”

“What are you saying?!” Singhal nya sa kapatid.Hindi makapaniwala sa mga sinasabi nito.“are you out of your mind?”

“Ikaw?!” Ganti ng dalaga “Are you out of your mind? Nababaliw kana ba to the point na naiisip kong ikaw talaga ang may gusto sa Esmeng yun?” Bahagya syang natigilan sa sinabi ng kapatid.Pero napansin ito ng dalaga “kita mo,hindi nga ako nag kakamali.Na nahulog kadin sa faggot nayun kaya kakaiba ang treatment mo sa kanya.Na baka may gusto ka nga kaya mo sya pinagtatanggol.May gusto ka sa kapatid natin”

“Stop this Kyst” saad nya “saan mo naman nalaman ang balitang yan.How it is possible na related satin si Esme?”

“Like what you said” saad ng dalaga “We need to further our research.Diba nga Tita at tito nalang ang nag aalaga kay Esme.Isa pa,ni hindi nya nga alam kung sino ang mga magulang nya e.Alam mo kung gaano tayo ka despirado sa paghahanap sa Maria Esther nayan.At ito na,si Dad na mismo nag hahain saatin.Kinu conclude nya na nakikita nya si Esme as Maria.At ito,ang dahilan na maaring anak nga sya ni Dad mula sa babaeng yun”

“Kyst,in a 7 billion people in the world” saad nya “Naniniwala ako na may pito ka daw na kamukha sa buong mundo,related ka man o hindi.Maaaring may pagkakahawig nga si Esme at si Maria.Pero hindi ibig sabihin magkamag anak na silang dalawa.Isa pa walang nababanggit si Dad satin.Wala syang sinasabi satin”

“Ofcourse magsisinungaling sya, kagaya ng pagsisinungaling mo dyan sa sarili mo” para syang sinampal dahil sa sinabi ng dalaga.“Nilulusutan mo lang lahat ng kong-clusion ko Kye.Dahil hindi mo matanggap na baka may gusto ka sa Esme nayun.Na baka nga nag kagusto ka sa kapatid natin.”

Hindi nya nagawa pang makapagsalita.Basta nalang sya iniwan ng kapatid sa daan habang nakatangang pinagmamasdan papalayo ito sa kanya.

Hindi sya makapaniwala na sinasampal sya ng mga sinasabi ng dalaga.Wala pang katotohanan ang lahat ng yun pero tila tumatagos na sa puso nya.

’Who are you Esme? Sino kaba talaga? And you Maria? Sino ba talaga kayo? Bakit hanggang ngayon,ginugulo nyo parin ang lahat sa kasalukuyan.Bakit hindi nalang kayo maiwan sa nakaraan.

Si Esme…bakit si Esme pa…

“WHAT the heck Esme?! Bakit mo naman kailangan tumira don?” Saad ni Rosaine pagkatapos nyang ikwento ang lahat ng nangyari.“Are you out of your mind? Kanina pinayagan lang kitang sumama sa Kye nayan and then ito na?”

“N-no Rosaine” mahinang saad nya sa dalaga “Kailangan ko to,I really need this job at wala na akong choice dahil malaki ang maitutulong nya sakin.Lalong lalo na sa financial”

“Naiintindihan kita Esme” tiim na saad ng dalaga “Pero are you sure na titira ka talaga sa mga Montefalco just to do your job? Like what the heck?,nagbibiro ba talaga ang tadhana.Pwede ka namang mag-tutor ng uwian.Hindi yung kailangan mo pang tumira sa mansion nayun”

“Intindihin mo naman ako oh” ani nya “Sa totoo ayaw ko talaga.Kahit anong mangyari sana hindi ako papayag.Pero si Tally”

Natigilan ang dalaga at napatitig sa kanya ng magbanggit sya ng pangalan.Pero pilit nya pading itinuloy “s-she’s really persistent.Kwento nya pa sakin marame na syang pinagdaanan dahil sa paniniwalang kakulangan nya.Kaya ng makita nya ako,naramdaman nya na ako daw yung perfect person para makapag tutor sa kanya ng maayos.She really need my help kaya hindi ko talaga matanggihan”

“Naisip mo pa yung batang yun kaysa sa bestfriend mo” saad ng dalaga na bahagya nyang ikinatigil.May lungkot kase sa boses nito “Pilit kitang inilalayo sa pamilyang yun,kahit anong mangyari.Pero parang ikaw pa mismo ang lumalapit sa kanila para lang mapahamak ka”

“Rosaine hindi yun,hindi ganun” ani nya “may rason ang lahat,hindi ko lang alam pero naisip ko din kasi na ito na yung tamang pagkakataon pa-”

“Para malaman mo kung sino kaba talaga?” Bahagyang naputol ang sasabihin nya ng sumabat ang dalaga “Ano naman ang kinalaman ng mga Montefalco sa nakaraan mo? Ano namang kinalaman ni Sr.Juanillo kung sino ka?”

Saglit syang nagpahinga ng malalim bago sagutin ang dalaga “D-dati syang residente ng Stio Sampaguita” saad nya “Baka lang,kahit sa kakakirampot na impormasyon may masabi sya sakin”

Nakita nyang inihilamos ng dalaga ang mga kamay nito sa mukha nito.Sa pagkakataong ito,mukhang napapagod na sa kanya ang dalaga.“Esme alam mo kung gusto mong malaman kung saan ka nag mula…” saad nito “Sa tito at tita mo ka lumapit.Hindi kay Sr.Juanillo na dati lang namang residente ng Stio.Sampaguita nayan.Hindi kita maintindihan kung bakit kailangan mong lumapit pa sa lalaking yan e alam mo naman kumplikado diba?”

Hindi nya alam ang isasagot sa dalaga.Basta hindi nya nalang napigilan ang labishis ng kanyang luha pababa sa kanyang pisngi.Hindi nya narin mapigilang mapahawak sa kanyang dibdib na bahagya atang nanakit dahil sa pagiyak nya.

“Hindi ko alam Rosaine…” ani nya habang patuloy parin ang pagluha “Ang sakit sakit kasi dito oh” bahagya nyang inuwestra sa dibdib ang banda ng puso nya “Hindi ko alam,pero pagdating kay Sr.Juanillo.Parang gusto kong sumandal.Parang may bumabalik saking sakit kaya kailangan ko syang sandalan.Hindi ko maintindihan Rosaine pero pakiramdam ko,matagal na kaming magkakilala…”

Hindi umimik ang dalaga na pinakatitigan lang sya “Pakiram ko,may gusto kong ituloy kami na kahit kailan hindi namin nasimulan” ani nya “May mga lungkot sa mga mata nya Rosaine. Nakikita ko yun,kaya naman hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit gusto kong alisin ang lungkot nayun sa kanya”

“So basically iba talaga ang balak mo” walang emosyong saad ng dalaga “Na hindi lang pagtutor sa batang yun ang balak mo sa mga Montefalco.Kundi mapalapit ka kay Sr.Juanillo”

Ilang segundo syang napatigil bago muling nagsalita “Hindi ko maintindihan ang sarili ko” ani nya “Tinatago ko lang,itinatanggi ko lang sa sarili ko,nagsisinungaling lang ako.Pero hindi ko na maitatanggi,may iba akong nararamdaman kay Sr.Juanillo.Gusto ko yung malaman.Yung weird feelings,para bang may kailangan akong gawin para sa kanya.Para bang may kailangan kaming tapusing dalawa”

“Ano naman yun?” Tanong ng dalaga.

“Hindi ko alam Rosaine” sagot nya “Gusto kong malaman yun.Kaya gagawin ko to.Papasok sa buhay ng mga Montefalco”

“DADDY…” Sambit ng malambing na boses mula sa gilid nya.

Kasalukyan na nilang binabagtas ang daan patungo sa kanilang bahay.Kakatapos lamang ng paguusap nilang tatlo,kasama ang binata.Hindi nya maintindihan pero ang paguusap nayun ay tila pagbubukas ng bagong kabanata.Ang kabanatang gugulo sa kanilang lahat pag-nagkataon.

“Yes baby…” Saad nya dito.It his baby Tally,ang bunsong anak nya na mas malapit sa kanya kaysa sa magkambal na Kye and Kyst.“May hihilingin kapa ba?”

“No dad” ani ng dalaga “Sobra sobra na po yun,Im very thankfull kasi pumayag po kayo na maging tutor si Esme”

“Hindi parin tayo sure anak” ani nya dito “Diba pagiisipan nya pa nga.Mabilis kasi para sa kanya to e,mukhang nagulat sya sa suhestyon mo”

“Yeah mukha nga” ani ng dalaga “Pero sana pumayag na talaga sya no,I really want him,sobra”

Bahagya napakunot ang noo nya dahil sa naisip “Nak,bakit hindi ka nalang kasi kumuha ng ibang tutor?” Saad nya sa anak “Mas maganda yung may experience na,mas matuturuan ka pa ng maayos”

“No” mabilis namang anas ng dalaga “I want Esme lang,si Esme ang gusto ko.Kahit anong ireto nyong magagaling na tutor galing sa ibat ibang school.I only want Esme.Kay Esme lang ako magpapaturo” saglit itong napabuntong hininga bago tumingin sa labas ng bintana “I dont know kasi kung anong meron sa kanya e.Basta,when I first saw him.Para bang ang gaan na ng pakiramdam ko sa kanya.I really love who he was” napansin nyang tinignan sya ng dalaga mula sa driver sit “Para bang matagal ko na syang kakilala.Ang lapit na kaagad ng loob ko sa kanya dad”

Hindi nya alam kung anong isasagot sa dalaga.Natigilan sya ng marinig ito at ilang segundo bago sya makapag salita. “ahm,yeah” ani nya “I-its wierd.I feel that to him too”

Napansin nyang tila nagliwanag ang mukha ng dalaga dahil sa sinabi nya “Really dad?” Masayang ani nito “Na feel nyo rin po ba na parang dati,nakita mo na sya sa past life nyo.And nakilala nyo na sya o kaya naging maging magkaibigan pa.Para bang kilalang kilala mo na yung taong yun noon pa” napahinga ng malalim ang dalaga at nakangiti itong sumandal sa kinauupuan nito “Hayst…its a very wierd feeling,but I really love that feeling though.Gusto ko yung pakiramdam na parang sya yung mama ko.Its genuine and a lovable feelings”

“What baby?” Tanong nya ng marinig ito sa dalaga.

“Yeah” nakangiting sagot nito “Esme is a different person.Kung babae nga lang sya,I want to be his daughter.And I want him to be my mom.I miss my mom because of him…sa kanya ko nararamdaman ang pagmamahal ng isang ina kahit pa isa pa syang lalaki”

CHAPTER 26

AN: Dapat kahapon ko pa to ia-update e.Kaso nakalimutan ko.As in buong araw hindi ko  talaga to naalala.Haha,

sorry po talaga.

“Stop all your accusasion Kyst” singhal ni Kye kay Kyst “Stop all of this pleas.Stop all your humor.Wala ka namang pinagbasihang katotohanan e,lahat ng yan haka haka mo lang”

“Bakit ikaw?” Sagot naman ng dalaga “Nanahimik ako dati,I want just to study to be number one in our whole faculty pero ikaw ang unang nagbigay sakin ng dahilan para may paghinalaan ako.Ikaw ang dahilan kung bakit ko kailangan maghinala sa mga bagay na pinagbibintang mo sa faggot nayun.Ikaw nga ang nagkalat ng humor about Esme right?”

“Kyst alam mo gusto ko lang namang linawin lahat e” ani naman ng binata “Nasabi ko lahat ng yun dahil nakita ko.Parang sinampal ako ng katotohanan kaya agad agad ako naghinala.Yung sayo, sobrang imposible.Bakit mo naman kasi naiisip ang bagay nayan?”

Narinig nya pang napabuntong hininga ang dalaga bago ito magsalita “fine,kahit ano sigurong sabihin ko sayo hindi ka maniniwala” saad nito “Gusto mo ng pwereba,we need to come up the DNA.Yun lang ang makakasagot ng lahat ng tanong natin.Para matigil ka nadin dyan sa kahibangan mong yan”

“Hindi sya isang kahibangan kyst” anas ng binata “He so important to me,that faggot your saying was special to me.Kaya oo,aaminin ko,hindi ako basta maniniwala sa mga sinasabi mo.Hindi kailan man at ayoko Kyst”

Napansin nyang natawa ang dalaga dahil sa sinaad ni Kye “like what you said,we need a research for that case diba?” ani nito “Kaya buo narin ang desisyon ko.Ako ang gagawa ng paraan para mapatunayan ang hinala ko.Ipapa-DNA ko silang dalawa”

“Sinong ipapa-DNA?” Hindi nya na natiis at sumabat na sya sa magkambal. Kakapasok nya palang sa mansion ng marinig ang dalawang anak sa pagtatalo nito.Lahat ng yun,wala syang naintindihan.Nagkaroon lang sya ng katanungan ukol sa mga pinaguusapan ng mga ito.Kaya nanatili syang tahimik at nakinig.Sa tanan ng buhay nya,ngayon nya lang nakitang nagtatalo ang magkapatid.Kinabahala nya ito lalo pa’t wala sa mga pinagusapan nito ang mga naintindihan nya.

“Whats all about the DNA?” Muling tanong nya sa mag kapatid na parehas na tahimik.Hindi nito namalayan ang presensya nya pagpasok nya sa sala ng mansion.“Sinong ipapa DNA nyo?”

“W-wala po dad” ang dalaga ang sumagot.Pero hindi maitago nito ang pagkagulat sa kanya.Kaya naman bumaling sya sa binata na parehas lamang ang ekspresyon ng mukha sa dalaga.

Napabuntong hininga nalamang sya bago muling nagsalita “May hindi ba ako nalalaman?” Tanong nya ulit “C’mon tell me”

Wala parin sumagot sa mga ito.Nagkatinginan lamang ang dalawa na tila pinagiisipan ang mga sasabihin.

“Whats the commotion all about?” Sabay sabay silang tatlo napalingon sa nag-salita.Its Tally kakapasok lamang dahil nahuli ito sa pagbaba ng sasakyan “Ang bigat ng ambiance nyo ah,why? Is there something wrong?”

“Baby,akyat ka na muna sa taas” ani nya kay Tally “We have something to talk ng kuya at ate mo ok?”

Tumango ang dalaga pero bago tumuloy sa paglakad. Hinalikan na muna sya nito sa pisngi “Thank you dad” ani ulit nito “Pagbubutihin ko pa po ang study ko lalo na’t may tutor na ako”

Nginitian nya ang dalaga ngunit magsasalita na sana sya ng sumingit naman si Kyst sa usapan. “A Tutor?” Tanong nito sa bunsong kapatid “Sinong tutor?”

Napansin nyang bumaling ang bunso sa ate nito at masiglang ngumiti “Yes Ate” sagot nito “I have a tutor na po.Hes good,and I will make sure na matuto ako sa kanya”

“Kailan ka pa nagplanong kumuha ng tutor ha?” Tanong muli ni Kyst na salitang silang tinignan nito ng bunsong anak “Wala kang nababanggit samin”

“Ahm yeah” saad ng dalaga “I decided nung last week pa.Nang makilala ko po si Esme”

“Esme?!” Hindi nya alam o nagunihan lamang ba sya dahil sabay itong binanggit ng magkambal nyang anak.Napakunot naman sya ng noo dahil dito.

“Oh my god…” Sambit ni Kyst habang si Kye naman ay napasapo ng noo.Wala syang maintindihan sa mga kinikilos ng mga ito kaya magtatanong na sana sya nang magsalita ang bunsong anak.

“Whats the problem?” Kunot noong tanong nito sa mga kapatid.“Ang wierd nyo”

“Stop that tutor ’tingey Tally” saad ng dalaga “Kumuha ka ng ibang magtutor sayo or kahit kami ni Kye tutulongan ka namin.Wag lang talaga yang faggot nayan,pleas”

“Yeah baby” sambit naman ng binata “Pleas marami pa naman atang ibang choice. Wag lang si Esme”

Napansin nyang tumahimik ang bunsong anak at pinakatitigan ang mga kapatid.Hindi nya alam kung anong tumatakbo sa isipan nito pero pakiramdam nya.Galit ito sa magkambal.

“Ano bang problema nyo kay Esme?” Walang emosyong ani nito.“Lahat kayo ayaw kay Esme,ano bang problema nyo sa kanya.Mabuti syang tao,at nagtitiwala ako sa kanya”

“Wala kaming problema don” ang binata ang sumagot “Ang amin lang,you can get a true tutor from the popular school in manila.Mas magaling pa yun.Mas matuturuan ka ng maaayos”

“Hell no” anas na sagot ng bunso.“I want Esme.Si Esme lang ang gusto ko at sa kanya lang ako ang papaturo maliwanag” aalis na sana ito sa kinatatayuan ng magsalita ang dalaga nitong kapatid.

“No,susunod ka samin ng kuya mo ok?” Gagad nito kay Tally. “Humanap ka ng ibang tutor wag lang si Esme, maliwanag?”

“Sino kaba para magdisisyon ng ganyan ate?” Saad ni Tally.Bakas na dito ang pagkainis sa mga kapatid “Pati sa pagkuha ko ng tutor nangengealam kayo.Dapat matuwa nga kayo kasi magpo-focus na ako sa school e.Ang gusto ko lang ang mag patutor at si Esme ang napili ko para turuan ako”

“Tally you know?” saad ng dalaga “marami pa naman iba,ang amin lang wag si Esme.Pleas wag sya”

“Ano ba kasi talagang problema nyo sa tao? Huh?” Tanong nito,kapagkuwan ay mabilis nitong binago ang ekspresyon ng mukha na tila natutuwa sa ate nito. “Yeah,I remember.Ayaw mo nga pala kay Esme dahil lagi ka nyang nangungusuan.Lagi syang number while you,number two at never man lang nakalagpas sa kanya.That why you hate him diba?”

“How dare you!” Singhal ng dalaga sa kapatid at inamba na ang palad upang sana sampalin ito pero mabuti nalang at napiligilan agad ni Kye.Sya naman ay aawat sana ng muling magsalita ang bunsong anak.

“I know what you done ate” ani pa nito “Esme is a famous person din sa MMU.Pero napaka lowkey nyang tao,napaka humble nya sa lahat.Kaya oo,sya ang kukunin kong tutor dahil may ugali syang gusto ko.Hindi katulad mo,spoiled brat and bitch girl”

Sabay sabay silang nagulat dahil sa binatawang salita ng bunsong anak.Kaya naman hindi nya na napigilang mamagitan sa mga ito. “Tally,stop this” anas nya sa anak.“Tama na,wag mong sasagutin ng ganyang ang ate mo.Pinagusapan na natin to hindi ba?”

“Why dad totoo naman diba?” Ani nito “May ugali talaga si Ate na kahit ikaw hindi gusto.Ako,minsan lang ako humiling pero pinipigilan nya pa.Pinipigilan nyong lahat.Labas dito ang mga personal na issue nyo kay Esme,o kung ano pa man yan.kaya pinipili ko sya bilang tutor ko.Yun ang gusto ko!”

“baby pleas…” Naging maamo na ang boses nya.Pagod na sya para makipag talo pa sa mga anak “Paguusapan ulit natin ok? S-siguro your ate and kuya was right.Kumuha tayo ng mas magaling na tutor”

Hindi nya alam kung tama ba ang sinabi nya pero ito lang ang naiisip nya.Para hindi narin makaroon ng problema pa mula sa dalawa nya pang anak.

“Ikaw din dad?” Kunot noong saad ng bunso “akala ok na kayo kanina.Pero bakit parang mas pinapaburan mo sila ate huh?”

“No baby”

“No din Dad” sagot ng anak  “Alam mo ba kung ano yung pinagdadaanan ko” napansin nyang nagcrack na ang boses nito at nagsimula ng umiyak “Ang hirap hirap makipag kumpitisyon sa mga kapatid ko.Sila,laging may Achiement na nauuwi sa bahay while me.Wala,laging tatangap ng diploma pero ni medal wala.Gusto ko rin pong maging katulad nila,gusto ko din balang araw umakyat ka sa stage at sabitan mo ako ng parangal katulad ni Ate at kuya.Thats why Im doing this.I need a tutor,at si Esme ang gusto ko.Sana naman po mapagbigyan nyo ako sa gusto kong to.Ito nalang po yung nakikita kong paraan para makahabol ako e.Hayaan nyo pong tulongan ako ni Esme.I promise po,magiging magaling na ako.I will be a top natcher din like my kuya and ate”

“Baby hindi mo kailangang humabol samin” si Kye na ang sumagot sa bunso nitong kapatid “Hindi namin alam ang mga pinagdadaanan mo.Pero you know naman na malalapitan mo kami.Ako,si kuya malalapitan mo.I can teach you”

“Yun na nga e” umiiyak na ani parin nito “Ikaw,kahit matigas ang ulo mo.Kahit lagi kang nasa guidance. Nagagawa mo parin makabawi kasi matalino ka.Y-yung mga exams mo kahit hindi mo napag aralan napapasa mo pa.Top ten ka nga sa rank nyo pero parang wala ka namang paki.Samantalang ako,kahit anong gawin kong pag-aaral.Ni top wala man lang” tumingin ito sa mga kapatid kapag kuwan ay bumaling sa kanya “Kaya sige na po.Nakikiusap po ako sa inyong lahat.Gusto ko po talagang mag patutor at si Esme po ang napili ko.I really want him dad.Really…”

Hindi nya nagawang umangal pa sa bunsong anak.Sa halip ay marahan nya nalang itong niyakap at hinalikan sa noo para maipadama ang pagsuporta ng dito.He dont have a choice,kita nya kay Tally ang persistent at pakikiusap ng mga mata nito.Yun ang kahinaan nya at hindi nya kayang matanggihan.Sa pagiging ama,kahit gaano kapa kalakas.Mapapahina ka din ng nanghihina mong anak.At gagawin mo ang lahat kahit mahirap, mapasaya lamang ang mga ito.

“Akyat ka na baby” malambing na ani nya kay Tally “Magpahinga kana,I will settle everything tomorrow ok?”

Tumango nalamang ito at nagtungo na sa hagdan upang umakyat sa silid nito.Para namang may dumaang anghel sa paligid ng maiwan silang tatlo ng magkambal na anak sa salas.Hindi nila alam kung sino ang unang magsasalita hanggang sa tumikhim si Kyst para basagin ang nabubuong katahimikan.

“Bakit si Esme dad…” Walang buhay nitong ani na kinatigil nya naman “of all student in MMU.Bakit yung taong payun ang napili ni Tally”

“Gusto sya ng kapatid mo-”

“Kaya gusto nyo rin po sya dad?” Ang binata ang nagtuloy sa pagputol ng iba pa nyang sasabihin.

Hindi nya alam pero nahiwagaan sya sa tanong ng binatang ito.

“E-esme is a good person” sagot nya.

“Yeah” saad ng binata.“And it seems na you know him well”

NAGISING si Kye mula sa malalim na pagkakatulog. Hindi nya alam kung anong oras na pero sa kanyang palagay,hating gabi na at tulog na ang lahat sa kabahayan.

Nakaramdam sya ng pamamalat ng lalamunan.Pinilit nya ang sarili na bumangon mula sa higaan upang lumabas ng sariling silid.Tutungo sya sa kusina upang kumha ng tubig para inomin.Pero bago yun,madadaanan nya muna ang dalawang silid ng mga babaeng kapatid.

Ang una ay sa bunso nilang si Tally,sarado narin ang pinto nito at tahimik mula sa loob.Ang pangalawa naman ay sa kambal nyang si Kyst.Medyo nagtaka lamang sya sa pintuan nito.Medyo umuuwang ang liwanag mula sa loob dahil bahagyang nakabukas ang pinto nito.Dahil doon,na-curious syang tignan mula sa maliit na uwang ang loob.Ngunit nagtaka sya na walang makitang tao sa loob at walang nakahiga mula sa kama.

Hindi nya na nagawa pang pumasok dahil na isip nya kung saan mahahanap ang dalaga.Kaya naman bahagya nyang pang binagtas ang daan upang makarating sa pinto na gawa sa glass.Ito ang pintuan mula sa balkonahe,at alam nyang nandidito ang dalagang hinahanap nya dahil pagpasok nya dito ay nakita nya na ito.

“Hindi ka makatulog?” Anang tanong nya pagkatabi nya sa pwesto nito.Matamay nilang pinagmasdan ang may kadiliman paligid mula sa baba nila.Mapayapa ang gabi ngunit hindi sa katabi nyang dalaga.Alam nya,umiiyak ito base sa mahina nitong paghikbi.

“Why are you crying?” Mahinahon nyang tanong “Mabigat nanaman ba yang loob mo?”

“Are you insulting me?” anas na tanong ng dalaga “Ofcourse I am,mabigat ang loob ko”

“Wag mo ng pansinin si Tally” ani nya na parang alam nya na ang dahilan ng paghikbi ng dalaga “She was too young,16 years old was still an imature di katulad natin 19 sooner to be twenty”

“Hindi naman si Tally ang iniiyak ko e” sagot ng dalaga “Yeah,may ambag sya sa luha nato.Pero hindi ito dahil sa kanya,kundi dahil sa faggot nayun”

“Kay Esme nanaman” malungkot na saad nya.

Nilingon sya ng dalaga bago magpunas ng mga luha sa pisingi “yeah,sya naman talaga e” saad nito “biruin mo,nagawa akong sagutin ng ganun ni Tally dahil lang sa pagtatanggol sa Esme nayan.Lahat nalang sa buhay ko may kinalaman sa faggot nayan.Ano paba ang kukunin nya bukod sa pagiging rank 1 sa faculty natin huh? Kinuha nya na si Tally,tapos malapit lapit na si Dad” tinignan sya ng dalaga bago magpatuloy sa pagsasalita “And then you,lagi mo syang pinagtatanggol.Tapos kanina I discovered na nagkakagusto ka nga sa kanya.Like what the hell?,I dont know na that my twins are gay.Ano ba kasing meron sa Esme nayan para buong pamilya ko maatached sa kanya huh?”

Tumingin sya sa malayo,pinakatitigan ang madilim na paligid na tanging liwanag ng buwan lamang ang nagbibigay sigla dito.Kapagkuwan ay napabuga ng malalim na hininga bago magpasyang sagutin ang nagaalboruto nyang kakambal.

“Yung pagiging rank 1 ni Esme sa faculty natin.Hindi nya kinuha” saad nya “Pinagsikapan nya yun,pati ang pagaaral nya sa MMU.Sinisikap nya kahit pa ginawan ko sya ng issue para lang masira ang pangalan nya,dahilan din para mawala ang scholar nya” matapang nyang tinignan ang dalaga sa tabi nya “Kyst,walang ginagawang masama sayo si Esme.Kahit ako,pinagsisihan ko ang mga ginawa ko sa kanya.Na dumating sa point na nabugbog pa sya ng tsuhin nya dahil sa kumalat na balita.Pinagsisihan ko yun.Gusto ko sya Kyst,inaamin ko na.Pero hindi ko hahayaang masira nya ang pamilya natin”

“Hindi ko alam kung kanino ka samin kakampi” saad ng dalaga.“Ikaw nalang ang nakakaunawa sakin Kye.I need you”

“Yeah” sagot nya “Wala akong kinakampihan sa inyo,pero nakikita kong nagiging miserable ang kambal ko dahil sa kanya.Gagawin ko ang lahat para mapatunayan ang mga sinasabi mo Kyst.” Muli syang napa buga ng malalim na hininga dahil sa naisip “Kung kapatid man natin sya,o kung totoong may affair sila ni Daddy,I need to figure out.Papatunayan ko sayo isa man doon ang totoo nangangako ako”

…at kung may katotohanan nga ang isa man don,ititigil ko na ang nararamdaman ko para kay Esme…

CHAPTER 27

…at kung may katotohanan nga ang isa man don,ititigil ko na ang nararamdaman ko para kay Esme…

Matagal silang napatahimik ng dalaga pagkatapos nyang magsalita.Naramdaman nya nalang itong lumapit sa kanya upang itanday ang ulo sa kanyang kanang dibdib. Habang ang isa nyang kamay ay nakaikot sa balikat nito. Matiwasay lang nilang pinagmasdan ang madilim na gabi at ang payapang katahimikan nito.Dinadama ang lamig ng simoy ng hangin kahit punong puno ng problema ang kanikanilang mga puso.

“I miss mom…” Saad ng dalaga na nagpabasag sa kanilang katahimikan “Im miss her so much”

Hindi sya sumagot at inantay lang ang kapatid sa iba pa nitong sasabihin.

“Do you think?” Tanong nito “Hindi tayo magiging ganto kung buhay pa sya?”

Napaisip sya bago magsalita.

“Hindi ko alam Kyst” sagot nya “Pero sana hindi nalang sya nawala”

“Bakit ba tayo umabot sa ganto?” Tanong ng dalaga “Dahil sa pagkawala ni mommy,nauuhaw tayo sa impormasyon ng babaeng yun”

“Si Maria Esther” anang ani nya,naalala ang dahilan ng problema nila ngayon.

“Malaki ang epekto ng babaeng yun sa buhay ni daddy” saad ng dalaga “At si Esme,mula ng makita sya ni dad.Bumalik nanaman ang dating ugali nya.He cant move on from the past, iniiyakan nya padin yung babaeng yun.At dahil yun sa pagpapakita ni Esme sa kanya.Ano ba kasing meron sa faggot nayun at malaki ang epekto nya satin”

“Siguro sumobra lang tayo” ani nya.

Napa ayos muli ng tayo ang dalaga dahil sa sinabi nya kapagkuwan ay tinuonan sya nito “Sumobra saan kye?” Tanong nito.

Napatingin sya sa malayo bago ito sagutin “Sumobra sa paghahanap ng katotohanan kay Maria Esther” sagot nya “Nauhaw tayo sa dahilan na baka malaman natin kung sino sya.Na baka makatulong tayo kung ano nga ba ang pinagdadaanan ni Daddy. Pero hindi natin naisip na aabot tayo sa ganto”

“Hindi ko pinagsisihan kung ano man ang nangyari kay Esme ngayon” matapang na saad ng dalaga “Sa palagay ko,malaki ang kauganayan ni Maria Esther sa Esme nayan.At hangga’t nakikita ko si Daddy na miserable dahil sa kanilang dalawa,maghahanap ako ng katotohanan.Sisiguraduhin kong malalaman ko ang totoong pagkatao ng faggot nayun.Sapat na ang paghihirap ni Dad kay Maria Esther.Ako ang tatapos sa lahat ng sinimulan nilang dalawa sa daddy ko”

Hindi na nakasagot pa si Kye sa tinuran ni Kyst.Kapwa kasi sila natigilan ng mapansin ang isa sa mga guard nila na binubuksan ang gate,kitang kita nila ito mula sa taas ng balkonahe. Kapag kuwan ay napansin nila ang isang itim na kotse na papalabas mula rito.Saglit silang nagkatinginan ng kakambal dahil sa pagtataka.

Naisip kung sino nga ba ang laman ng kotse nayun na lumabas sa gantong hating gabi.

“Si Daddy” sambit nya.

“E san naman sya pupunta sa gantong oras?” Tanong ng dalaga.

Hindi nya na ito sinagot pa,kapagkuwan ay mabilis na lumabas sa balkunahe kasunod ang dalaga.Nais nilang malaman ang pupuntahan ng ama kung kaya’t tatanongin nila ang guard.Nagbabasakaling may masasabi itong sagot.

Ba-baba na sana sila sa hagdanan nang bahagyang matigilan sa paglalakad ng mapansin ang isang pinto.Medyo nakaawang ang bukas nito kaya lumalabas doon ang maliit na liwanag mula sa silid.Kapwa sila napukaw ng pansin nito at nagsimulang magtaka.Never in theire life,simula ng mamatay ang kanilang ina ay hindi na sila nakakapasok pa sa silid ng kanilang ama.Kaya malaki ang kaisipan kung bakit sa pagkakataong ito ay naiwan nitong hindi naka lock ang pinto at bahagyang nakabukas pa.

Hind nila namamalayang naglalakad na pala sila papasok dito imbis sa hagdanan na katapat lamang ng pintong ito tumungo.Pinasok nila ang silid nayun at ayun sa pagmamatyag nilang dalawa.Malayo ito sa pangkaraniwang silid na naiisip.

Theres a sala set na nakapwesta sa gitna.May mga mamahaling furniture,antic ang magandang nakapwesto sa mga kinalalagyan nito. Walang lumalabas sa mga bibig nila ng dalaga.Pagka amaze’ at paglawa lang ng mga mata ang kanilang nagagawa.Ngayon nasasagot na sa tanong nila kung bakit hindi sila nakakapasok sa silid ng sarili nilang ama.

May sarili itong mundo,at ang silid nito ay parang maliit na tahanan na nandito na ang lahat ng kakailanganin ng ama.

To surprising,pinagmasdan nalang nila ang mga painting and portrait sa nakasabit sa dingding.Masaya sila na ganto ang ama,may alam sa mga bagay na gusto din nila para sa sarili.Ang pagdedesenyo sa sariling silid.Pero bago pa sila kainin ng malaking tuwa,kapwa na sila natigilan ng dalaga ng mapansin ang isang malaking litrato.Nakasabit ito sa isa pang dingding,walang kasamang mga pinta o portrait.Ito lamang ang nakasabit na para bang special sa lahat ng larawan na nandoon.Sa istura nito,may mga bulaklak sa gilid,maganda ang mga pagkakapwesto.

Pero pinagmasdan nya ang larawan,naka red dress ang suot niyon na para bang may pumapasok sa alaala nya.

’That night in pantalan,the girl accidentally affair in my eyes.The girl wearing a red dress like this in the picture.

“Sino yan?” Tanong ng dalaga na nakakunot noo na sa pagmamasid dito.

“A girl wearing a red dress” kumento nya.Nakatingin lamang sya sa larawan na tila hindi nya maalis ang mga mata dito.

“S-si Esme?” Mahinang sambit ng dalaga na ikinatigil nya.

“No,she’s not” ani nya “She’s Maria Esther”

ISANG malakas na kalabog ng mga plato ang inalathala ni Minette sa lababo habang naghuhugas ng mga pinagkainan.Naramdaman nya na kasi ang presensya ng taong kinamumuhian nya.At gaya ng dati,uuwi ito ng lingo ang katawan dahil sa naininum na alak.Para sa araw araw na pamumuhay, wala na syang naramdaman kundi paghihirap at pasakit. Dahil sa asawa nya itong si Kiko o kung asawa pa nga ba ang maituturing nya dito.

“Ano bang problema mo?!” Singhal ng malakas na boses mula sa kanilang sala.

Sya naman ay pagak na natatawa dahil sa inaasal nito.Ito pa kasi ay may lakas na magalit sa kanya.

“Tinatanong mo paba yan?” Sarkastiko nyang tanong pakarating sa harapan ng asawa. “Kiko,sa araw araw parin ba? Magiging ganyan ka.Nakakasawa na”

“Wala ka ng magagawa,may pinagdadaanan ako” sagot naman ng asawa “Ganto na ako,at hindi ko na mababago pa ang sarili ko”

“Nakakasawa na kiko” saad nya “Lagi ka nalang lasing,hindi na kita makausap ng maayos.Hindi ko alam kung ano pang kwenta ng buhay mo kung lagi ka nalang ganyan”

Nakita nyang mabilis nag igting ang panga nito.Pero sa halip na saktan sya kagaya ng dati nitong ginagawa. Isinaboy lang nito ang mga gamit mula sa nakadisplay sa sala.Mukhang napikon sa mga sinabi nya.

“Ano bang pakialam mo? Huh?!” Singhal uli nito sa kanya “Pera ko ang ginagastos ko sa lahat ng alak ko.May sari sarili tayong mga trabaho at kung susumahin,mas malaki pa nga ang kita ko sayo.Wag mo kong pakialaman dahil hindi kita pakikialamanan sa buhay mo”

“Ano paba ako sayo Kiko?” Tanong nya “Ano bang rason ng pagsasama nato.Ano paba tayong dalawa?”

Nakita nyang natawa lang ang lalaki dahil sa sinabi nya “Bakit mo natatanong yan ngayon” ani nito sa kanya “Sa labing walong taon na ganito tayo sa isat isa,ngayon kapa nagtataka” bahagya itong lumapit sa kanya at pinakatitigan sya nito “Tandaan mo to Minette. Oo,may pinagsasaluhan tayo sa gabi.Na pupunan natin ang uhaw sa isat isa.Pero hindi tayo kasal,kaya hindi tayo mag-asawa.Wala tayong anak,kaya wala akong responsibilidad sayo”

“Pero Kiko” sambit nya,pilit pinipigilan ang mga luhang handang bumagsak sa pisngi nya. “Labing walong taon.Eighteen years magmula ng mapunta satin si Esme.Naging pamilya tayo kahit papano.Wala man lang bang halaga sayo yun? Ni hindi manlang ba pumasok dyan sa isip mo na kahit papano naging asawa ako sayo”

“Hindi ko hiniling yun” saad ng binata “Alam mo,kung bakit nandito tayo sa posisyong ito.Alam mo kung bakit kailangan nating magsama,nagpasakop ka sakin.Wala akong sinabi pero ginawa mo”

“Ginawa ko yun para pagtakpan ang lihim mo!” Napaluha na sya “Ginawa ko lahat ang gusto mo,sinunod kita.Kahit alam ko sa simula palang mali na ang lahat ng to.May sinira kang tao,at tinakasan mo ang lahat ng yun. dinamay mo ako.At nagmukha akong tanga dahil nasira ko din ang buhay ko kasama ka”

Hindi nagsalita ang asawa sa halip ay pinakatitigan lang sya nito.

“May sinira ka ng buhay noon” saad nya muli “Ngayon,sinama mo ako na ilubog ang sarili mo.Hindi lang yun,binago mo din ang buhay ng isang bata.Sinira mo ang pagkatao nya dahil dyan sa paghihiganti mo” sandali syang humikbi bago magpatuloy “Ano nalang ang gagawin ni Esme sayo pagnalaman nya ang katotohanan sa buong pagkatao nya.Kamumuhian ka nya,at sa malala, mabubulok ka sa kulungan”

“Sa tingin mo magagawa nya yun?” kalaunan tanong ng asawa “Bago mangyari yun,sisiguraduhin kong susunod na muna sya babaeng yun.Sisiguraduhin kong magsasama na sila sa kabilang buhay kapag kinanti nya ako”

“Hindi ka na ba talaga naaawa sa bata?” tanong nya “Wala ka na ba talagang pagmamahal sa kanya simula palang? Sinira mo ang buhay nya hindi pa ba yun sapat na kabayaran huh?”

Nakita nya kung paano ulit nagigting ang panga ng asawa dahil sa sinabi nya. Sa pagkakataong iyun, hinawakan na sya nito sa dalawang kwelyo at sinubokang i-angat mula sa ere.

“Kulang pa lahat ng dinanas sakin ng batang yan Manitte” anas nasaad nito “Kahit kailan,hinding hindi nya mababayaran ang buhay ng taong mahal ko.Sa tuwing nakikita ko ang pagmumukha ng batang yan,naaalala ko ang mukha ng babaeng kinamumuhian ko sa buong lupa ng Stio.Sampaguita” kahit bahagya na syang hindi makahinga sa pagka-kapit ng binata.Naramdaman nya pa ang lalong pag-angat nito sa kanya sa ere,na tila dulo nalang ng mga daliri nya sa paa ang tanging nai-aapak nya sa lupa.“Sana sya nalang ang nawala! Sana sya nalang ang nasaksak! Sana sya nalang ang nasunog don! Malas sya Manette! Malas ang batang yan!”

Malalakas na boses nalang ng asawa ang tanging narinig nya bago nya naramdaman ang pagbagsak nya sa sahig.

Habol ang kanyang hininga, tuloy tuloy lumuha ang kanyang mga mata,hindi dahil takot para sa sarili. Kundi alam nya,mas manganganib pa ang buhay ni Esme.Ng batang tinuturing nyang anak.

“P-pakiusap Kiko” ani nya ng buong lakas syang tumayo mula sa sahig. Nararamdaman nyang nanghihina ang buo nyang katawan pero pilit nyang pinalakas ang sarili “K-kailangan ko si Esme, kailangan ko ang anak ko.Mahal ko na ang batang yun.Gusto ko lang syang bumalik dito sa bahay,wag mo syang saktan nakikiusap ako sayo.Gusto ko lang ulit syang makasama”

“Iba karin talaga” ani ng asawa sa kanya “Sinasabi mong may pagmamahal ka sa batang yun.Pero nagawa mo syang ihain saakin.Anong klaseng ina ka” narinig nyang natawa ang asawa pero hindi nya ito pinansin.

Hinayaan nya nalang sampalin sya ng mga salita nito dahil sa katotohan.At ang katotohanan na iyun ay maging si Esme,ay nagawa nyang lokohin.

“Bakit? Natatakot kaba?” Tanong pa nito sa kanya “Na baka katulad ng mga taga Stio.Sampaguita. Natatakot ka na isang araw balikan kayo ng ligaw na kululuha na nang hihingi ng katarungan. Kaya kaba nagbabait baitan sa batang yon?”

“Totoo ang pagmamahal ko kay Esme” mariing saad nya “Kung sino man ang dapat matakot na balikan ng isang galit na kaluluha,ikaw yun. Dahil ikaw ang punot dulo ng lahat.Ikaw ang dahilan kung bakit ngayon,nabubuhay parin sa isang bangungot ang lugar ng Stio.Sampagui-”

“Natatakot sila na baka isang araw,bumalik sya” dugtong ng asawa sa iba pa nyang sasabihin. “Na baka bumalik ang kaluluha nayun at singilin silang lahat”

“Kasama ka” saad nya.

“Pero kasama karin” saad naman ng asawa “Ikaw,ang syang nakakita ng katoto- hanan.Pero nanahimik ka parin hanggang ngayon. Nagsisinungaling at tinatago ang buong katotohanan. Noon pa man nagsisi- nungalingkana sa kanya”

CHAPTER 28

AN: Sorry kung natagalan,wala kaso ako load para makapag wattpad kaya nag sulat lang muna ako.Kapit lang kayo dito guys! Huh! Hindi ko kasi porte ang mga ganto kaya nangangapa pa ako.Pasensya na sa mga errors heheh.

Love you,

and Happy reading 💕

Dumating sa iskwelahan si Esme,maaga pa sa kanyang pasok.Sinadya nyang maagap ngayon dahil may sadya talaga syang tao.Kagabi nya pa ito pinagiisapan,nagdadalwang isip sya kung bakit nga ba kailangan nyang magpaliwanag sa taong iyun.Na sa kabilang side naman ng utak nya ay pwede naman nyang hayaan.

Pero parang may sariling pagiisip ang puso nya.Dahil sa nagdaang gabing iyun ay binabagabag sya ng kung ano at ninais nyang kausapin ng maayos at masinsinan ang taong yun para sa kung anong nagawa nya.

Hindi kasi sya yung taong,nangangako o pumapayag sa isang bagay na hindi matutupad.Lalo na kung may kinalaman ito sa buhay ng taong tinutukoy nya.

He wants to explain everything about sa pang-iindyan nya kay Kye.At ang masama pa,dahil ito sa tatay ng binata na pinaghinalaan nito ng masama nung mga nakaraang araw lamang.Alam nya,na nakita na ito ng binata,o di kaya may nakapagsabi.Ayaw nya lang talagang muli nanaman itong maghinala ukol sa kanila ng ama nito.

Nakatingin lamang sya sa iba pang mga studyanting pumapasok sa gate ng university,karamihan may mga dalang sariling sasakyan,kaya naman masugid nyang tinututokan kung makikita nya talaga ang pakay nya.Nakatayo sya sa ilalim ng isang puno malapit sa gate nayun.Nung una unti lamang ang mga dumadating pero sa halos isang oras na nyang nagaantay sa pwesto nayun.Dumadami na ito hanggang mag appear sa paningin nya ang isang pamilyar na mukha.Lumapit ito sa kanya habang kita nya dito ang hindi nya mabasang emosyon na dagli naman nyang inihingi ng pagpapaumanhin.

“I hope you enjoy this day” ani nito “just tell me kung kelan ka aalis ng bahay at titira sa mansyong yun.Para maipagpaalam na kita kila mom and dad” Ramdam nya ang bigat ng pagsasalita nito kung kayat alam nyang may galit ito sa kanya.

“Im sorry Rosaine” ani nya “Kailangan ko lang talagang umalis ng maaga para makausap ko sya e.Hindi na ako nakapag paalam kila tita at tito”

Rosaine sighed before she speak.“Hindi iyun ang issue” ani nito “Wala yun kila mom,ang problema e,kita ko kung gaano ka ka persistent sa pamilyang yun.Nagugulohan lang talaga ako dahil akala ko si Sr.Juanillo lang ang kailangan mo,kundi si Kye din pala”

“Kailangan ko lang manghingi ng sorry sa kanya” saad nya,bahagya nya ding ikinatigil.Hindi nya kasi alam kung paano ipapaliwanag ang dahilan kung bakit nya kailangang manghingi ng tawad sa binata.

“Sorry,for what?” Tanong ng dalaga.

Hindi nya alam ang isasagot pero nagpapasalamat syang nahagip ng mata nya ang kanina nya pang hinahanap.Napatingin din si Rosaine sa tinuran nya at parehas nilang pinagmasdan ang papasok sa gate na binatang si Kye.

Wala itong sasakyang dala gaya ng iba.

Dahil siguro dun ay nagpaalam sa kanya ang kaibigan ng wala sa oras.Hindi nya na nagawa pang pigilan ito dahil may magiliw na boses ang bumati sa kanya.

Its Tally,with her energetic smiles.Na nagpapasigla ng lahat.Malayo kay Kye na hindi nya namalayang magkasabay palang pumasok ang magkapatid..

Nakasimangot at walang ekspresyon ang mukha.

“Esme…”

Nakangiting ani ng dalaga habang papalapit sa kanya.Kumportable nitong hinawakan ang kamay nya na para bang matagal na itong ginagawa ng dalaga sa kanya.

“I hope na nakapagdesisyon ka na right?” Saad pa nito na may halong pakikiusap.It means,this girl really wants him to tutor her.“Im sorry pala kung nagulat kita kahapon huh,Im just exaggerating you know.Ngayon alam mo na siguro kung gaano kita kagusto.Sana lang talaga pumayag kana”

Tinapunan nya muna ng pansin si Kye na katabi din nito.Wala itong emosyong nakatingin sa kanya na kina-ilang nyang sagutin ang parang pakiusap ng dalaga.

“But I dont forced you” dugtong nalang ng dalaga dahil sa pananahimik nya.“I give days or weeks.Tutal, kaka simula palang naman ng semester.Matagal tagal pa ulit ang exams.Gusto ko lang talagang ipaalala sayo,para narin buo ang desisyon mo”

Ilang segundo syang tumahimik bago magsalita “Pasensya na talaga ah” kapagkuwang ani nya pagkatapos nya magbitiw ng malalim na hininga “Kinu-consider ko rin kasi yung kaibigan ko.Sa ngayon kasi,sa kanila ako nakatira.Syempre kahit papano kailangan ko ring hihingiin ang opinyon nila sa mga desisyong gagawin ko.They are family to me now”

Totoo yun.Isa sa bumabagabag sa kanya nitong nakaraang gabi ay tungkol sa pagtutol ng kaibigan sa desisyon nya.

Hindi na kasi biro ang pagtira nya sa isang mansion kasama ang mga anak ng lalaking pinagbintangan syang kaluguyo nito.

Its weird.And its definetely tortur.Lalong lalo na para kay Kyst na isa sa mga kambal.

“Kahit matagal Esme” ani ng dalaga,kita nya ang lungkot sa mata nito.Pero kahit ganun tila umaasa parin ang dalaga sa desisyon nyang gagawin. “Hihintayin kita,Im sorry if Im so persistent.I was just want a tutor like you.Yun lang yun,kaya sorry”

“Dont say sorry Tally” ani nya nya na bahagyang pinatigil ang dalaga.

Pero bago muli syang magsalita,sumingit na ang binata.

“Yeah,baby” ani nito sa kapatid “Dont say sorry to him.Kung ayaw kasi ng tao,wag ng pilitin.Ang pinaka ayoko kasi,e yung pinipilit pero pag sa iba.Agad agad sasama”

Nagtaka sya sa sinabi ng binata.Para kasing may laman ang mga sinasabi nito na bahagya nya nanamang ikinatigil.Tsaka nya naalala ang sadya sa binata.Dahil agad syang nakaramdam ng kaba.

“Go on baby” muling ani nito sa kapatid “Pasok kana,I dont want you to be late”

Sumunod lang ang dalaga sa utos nito.Kapagkuwan ay naglakad na ang binata.Pero bago pa man makalayo ito sa kanya,sinobukan nya na itong pigilan.

“Sorry Kye” ani nya,kapagkuwan ay pilit sumabay sa mabilis nitong lakad.Na alam nya sinasadya ng binata “Sorry kung hindi natuloy yung balak natin.Biglaan kasi yung nangyari e.Hindi ko rin ine-expect”

Napansin nyang bahagyang humina ang paglalakad ng binata.Ito ang dahilan para lingunin sya nito.

“Why you say sorry?” Tanong nito na hindi nya alam kung bakit nauutal syang sagutin.

“K-kasi,inin-dyan kita” mahinang ani nya “H-hindi ko gawain yun kapag pumayag na ako sa isang trip.Ayokong may paasahing tao dahil hindi ako ganun”

“Hindi ka naman nangako” saad ng binata “Hiniling ko yun,at pumayag ka.Pero hindi ka naman nangako sakin kaya ok lang”

Hindi nya alam kung bakit nakukulangan sya sagot ng binata.Ramdam nya kasi ang tila panlalamig nito sa kanya.Na dati nama’y halos hindi sila nagpapansinan. Pero bakit parang ngayon iba,simula nung literal na nagpublic apology ito sa kanya.At maramdaman ang kakaibang tibok ng puso nya dito.

May iba na syang inaasahan sa binata.

Para kasing may kasalanan syang kailangan nya lang i-explain.Para magkaayos sila.

“Hindi sakin ok yun Kye” ani nya.

“Sakin ok lang” saad naman ng binata.Tumingin ito sa kanya habang patuloy parin sa paglalakad “Kung si Dad yun,magiging ok ako.Kung si dad yan” napansin nyang bahagya tiningnan nito ang kaliwang dibdib nya kung nasaan ang puso nya.

Para bang may sinasabi itong kung ano na bahagya nyang ikinakunot ng noo “Ok lang sakin,wag mo lang sana sirain ang pamilya ko.Masasaktan ang mga kapatid ko kung sakaling malaman nila-”

“Iniisip mo parin ba ang tungkol saamin ng daddy mo?” Putol nya sa iba pang sasabihin ng binata.

Hindi na ito sumagot kaya’t nagpatuloy sya.“Kye akala ko ba tapos na tayo don? Akala ko ba napatunayan mo na totoo ang sinasabi ko.Na hindi naman talaga ako kabit ng tatay mo”

“Akala ko din Esme” ani nito “pero hindi ko mapigilang magisip ng kung ano ano pagdating sa inyo ni Dad” napansin nyang tumingin ito sa malayo “Nasasaktan kasi ako e,hindi ko maintindihan salo salo ang nararamdaman ko.

Naiinggit ako kay Dad.Ang swerte kasi nya,ikaw kaya nyang lapitan.Madaling mayaya kung saan. Samantalang ako,nahihiya ako lagi,kinakabahan ako pagdating sayo…“

“Ano?” Sambit nya,hindi nya maintindihan ang mga sinasabi ng binata sa kanya. Hindi nya na ngarin na malayang kanina pa pala sila nakatigil sa mismong tapat ng building ng faculty nila.

“Oo Esme” saad muli ng binata “Nagseselos ako kay Dad.Naiinggit ako”

Magtatanong pa sana syang muli ng ’ Bakit pero naunahan na sya ng binata. Agad kasi sya nitong hinawakan sa kaliwang kamay at iginaya kung saan.

And to his surprise. Namalayan nya nalang na nandidito nanaman sila sa storage room kung saan walang studyante at ang staff lang ang tila may alam sa pinaka dulo ng gusaling ito.

“Hindi kita maintindihan Kye” kapagkuwan tanong nya pagkatapos ng malayong lakaran.“Bakit ba pagdating sakin,gustong gusto mong i-involve ang tatay mo.I swear Kye,mabuting tao si Sr.Juanillo.Hindi nya iisipin gawin ang pangangabit sa iba lalong lalo na sa bakla lang na kagaya ko”

“Youre different” saad ng binata na bahagya nyang ikinatigil. “Yeah,youre gay.But a different.Malalim ang pagkatao mo,parang lihim na kwento,a mystery rather.Pero dahil dun gusto kita.Dahil sa kakaiba mong pagkatao,nagustuhan kita”

Hindi nya alam ang sasabihin dahil sa biglaang nalaman sa binata.

“Kye,Im gay” sambit nya “Gusto mo ba ako dahil parang isa akong mystery? O dahil gusto mo ako kasi-”

“Kasi gusto kita” putol nito sa iba nyang sasabihin “Gusto kita kasi may nararamdaman ako sayo noon pa.Thats why I get jealous to my dad.Na akala ko kino-court ka nya.Thats is driving me crazy”

“What?” Kunot noo nyang tanong.Hindi nya na maintidihan ang iba pang impormasyong pumapasok sa utak nya kayat hindi nya alam kung ano pang sasabihin.

“Thats was three years ago,Esme” sambit ng binata “Noon pa yun pero hanggang ngayon hindi ko pa makalimutan ang mga nararamdaman ko sayo”

“Its impossible…”

“No” sambit ng binata “Its possible,sa loob ng tatlong taon.Masasabi kong posible yun”

“Pero paano?” Di nya makapaniwalang tanong “Hindi naman tayo magkakilala.O magkaibigan”

“Kaya nga e” sambit ng binata “Malayo ka sakin.Siguro kung hindi ka naging scholar ng MMU.You dont even know Im exist.Nakilala mo pa ako bilang jerk,bad boy? Or gangster.We never met Esme.Sa loob ng tatlong taon nayun ni hindi tayo nagkausap.Pero hindi mo alam,kahit nasa malayo ako,tinitignan kita. Pinagmamasdan”

Nanatili syang tahimik habang pina-process ang lahat ng mga nalalaman.

“Kaya naman laking galit at inis ko ng makita ko kayo” ani ng binata “Ni dad,sa plaza nung mga nakaraang linggo.Magkayakap kayo nun,at hindi ko alam kung bakit.Kaya naman hindi ako nagisip ng maayos.At oo,dispirado kaming mahanap si Maria Esther.Kaya ikaw ang pinaghinalaan ko.Sinabi ko sa lahat na ikaw si Maria Esther at ang kabit ng tatay ko,pero Esme pinagsisihan ko nayun.Patawarin mo ako sa nagawa ko.Yung pambubully ko,yun yung unang paguusap natin,pero sa masamang bagay pa nagsimula kung paano pa tayo nagkakilala” huminga ito ng malalim at inilayo ang paningin “Im so sorry Esme.Dapat mas niligawan nalang kita ng maayos.Dapat mas kinausap kita ng mas maayos na paraan”

“Mali parin ang ginawa mo” kapagkuwan ay saad nya “Pero alam ko nagsi-sisi ka.Kaya naman pinapatawad na kita hindi ba? Wala nasakin yun as long nasakin padin ang scholar ko”

Kita nya napahinga ng maayos ang binata.Sa sinabi nya,alam nyang napagusapan na nila ito.Pero hindi ang bagay na matagal na palang inililihim sa kanya ng binata.

Kaya hanggang ngayon,hindi nya alam kung anong magiging reaksyon nya para rito.

“Bakit ka nga pala nandito?” Kapagkuwang tanong nya,upang maiba ang usapan.“Diba ngayong araw na ang simula ng suspended mo? May kailangan ka pa bang gawin?”

“Oo” sagot ng binata “May pipirmahan pa ako at magko-consult sa Committees.Papakiusapan ko silang wag na sanang malaman pa ni Dad na may parusa ako.Isa pa,yung thing na….ikinalat ko sa university”

Saglit syang natigilan bago muling nagsalita “Sa palagay mo ba hindi yun malalaman ni Sr.Juanillo?” Tanong nya “I know na alam din yun ni Tally,hindi nya paba nasasabi?”

“I dont know” saad nito “Mukha namang wala syang nalalaman.Walang paki yung si Tally,puro bukang bibig nun tungkol sa tutor nya…ikaw”

Hindi nya napigilang magtanim ng kaunting ngiti dahil sa narinig.Pakiramdam nya kasi,napakabuti ng batang yun.At hindi nya lang mafathom na magaan pala ang loob talaga nito sa kanya.

“Mabuting bata si Tally…” Kumento nya “Siguro gusto nya lang magsikap para mapabuti ang grades nya.Thats why she need a tutor”

“Papayag kaba?” Kapagkuwang tanong nito na ikinatigil nya “I mean,you know,she really needs your help.Pero ikaw? Gusto mo bang pumayag.P-para narin kay Dad”

Napatingin sya dito dahil sa huling binanggit nito “L-labas naman dito ang daddy mo” saad nya “But yes,gusto kong tulungan si Tally”

“So pumapayag ka nga?” Tanong binata.

Hindi agad sya nakasagot dahil nahimigan nya ang lungkot sa boses nito.Hindi nya maintindihan kung bakit.

“Kailangan mo ba talagang gawin to?” Tanong ulit ng binata “Mas magkakasama pa kayo ni Dad.Sa araw araw,oras oras.Nasa iisang bubong pa kayo”

“Nagseselos ka ba sa daddy mo?” Kunot noo nyang tanong nya.

“No” matigas na ani nito “I dont know,pagdating kasi sayo.Hindi ko alam dahil wala akong sini-sino,kahit pa si Dad yun.Thats the real thing kung bakit gusto kita”

“Nagseselos ka nga sa daddy mo” kumento nya.

“Esme no” saad ng binata “Pleas,wag mong kunin ang offer nila.Wag ka ng pumayag.Wag mong hayaang pumasok ka sa buhay ng daddy ko”

“Nasasaktan ako Esme”

“WHAT?!” Singhal sa kanya ngayon ni Kyst dito sa balkunahe “Bakit hindi ko to alam? Bakit hindi mo sinabi sakin kagabi?”

Halos umusok ang ilong nito sa sobrang galit ng malaman ang pagkaka suspendido nya.At oo,totoong nagsinungaling sya dahil inilihim nya ito sa kakambal.

Ayaw nya na kasing madagdagan pa ang galit nito kay Esme dahil tulad ngayon. Ang binata nanaman ang sinisisi ng kapatid.

“Si Esme dapat ang suspended hindi ikaw” ani pa nito “Dapat sinama mo akong kausapin ang committee. Bakit kasi hindi mo ko sinama sa hearing nyo? Now look,ikaw pa ang dehado”

Bumuga nalang sya ng malalim na hininga.Kapag kuwan ay itinanday ang dalawang kamay sa humba ng balkunahe at tumitig sa kawalan.

Hindi nya alam kung kaya nya pang magpaliwanag sa kakambal.Kahit kasi anong gawin nya.Hindi nya matatanggal ang galit nito kay Esme.Dahilan ng pagkakabahala nya.

“Dapat dalawa kayong suspended” ani nito “Hindi lang ikaw,diba kayo namang dalawa ang involve don? Bakit ikaw lang ang may parusa.Bakit hindi kasama ang faggot nayun?” Narinig nyang bumuntong hininga ito bago magpatuloy “How about daddy? Hindi pa ba sya kinakausap ng mga dean.Hindi nya parin ba alam kung anong dahilan kung bakit ka na suspense?”

“Yun na nga e” malungkot na saad nya “Hindi pumayag ang committe,kailangan daw may consent ni Dad.Kailangan daw alam ng mga magulang ang mga nangyayari sa kanilang anak sa loob ng pesteng paaralang yun”

“At balak mong sohulan ang committee para diko malaman?” Isang baritone na boses ang sumagot mula sa likod nila ni Kyst.Sabay silang napalingon dito at hindi na sila nagulat na ang daddy nila ang nagsalita.

“Kailan pa to Kye?” Tanong nito “Ilang linggo mo ng ginagawa sakin to? Huh? Bakit may ganto kang alam laban sakin? Bakit mo iniisip ang mga bagay nayun”

Nagsimulang manginig ang kalamnan nya.Ramdam nya kasi ang matiim na boses ng ama.At alam nya,galit ito dahil sa nagawa nya.

“Im sorry dad” tipid nyang sagot.

“Sorry?” Patanong na saad ng ama “Hindi ko alam na andumi na pala ng tingin sakin ng iba dahil sa chismis na kinalat mo.Tapos maririnig ko sayo.Sorry?”

Hindi sya nakaamik.

“Kye all this time.Ang mama mo lang ang kinasama ko” saad nito “Dapat kinausap mo ako.Dapat nagsabi ka kasi hindi naman ako magsisinungaling sa inyo”

bumuntong hininga ito bago magpatuloy “May nadamay ka pang tao.Walang kinalaman sa lahat ng mga sinasabi mo pero dinamay nyo sya.Ano bang gusto nyong malaman? Bakit kayo nag kakaganyan? Ayokong mapalayo kayo sakin.Kaya ayokong magsinungaling. Sasabihin ko naman lahat e,magtanong lang kayo”

“Sino si Maria Esther?”

Wala sa isip nyang naitanong sa ama.Hindi nya napigilan ang bibig na mailabas ang mga salitang iyun.Kaya kitang kita nya kung paano ito natigilan.

“Ayaw nyo pong magsinungaling saamin hindi ba?” saad nya “So sino po si Maria Esther? Bakit ngayon,ginugulo nya padin kayo sa kasalukuyan kung isa na syang nakaraan? Sya po ba ang babae sa buhay nyo?”

“H-hindi ko alam ang sinasabi nyo” utal na sagot ng ama “Hindi ko alam a-ang babaeng tinutukoy nyo”

“Thats it” ang dalaga ang nagsalita.Halata na pala dito ang pagkainis mula kanina “Yan kayo dad. Magsisinungaling kayo samin dahil kahit kayo ayaw nyong mabuksan ang kwentong ng babaeng yun”

“Pero hindi yun sapat para gawin nyo sakin to-”

“Thats why we craving” saad parin ng dalaga,hindi pinansin ang sinasabi ng ama “Naghahabol kami sa impormasyon ng babaeng gumugulo sa buhay nyo. Hindi mo kami masisisi kung si Esme ang napagdiskitahan namin.Dahil mula ulo hanggang paa kamukhang kamukha nya si Maria Esther.Now tell me dad,who’s Maria Esther?”

“Paano nyo nalaman ang tungkol kay Maria at kay Esme?” Tanong ng ama.

“Yung picture nyo po sa kwarto nyo” ani nya “Si Maria po yun hindi ba?”

Nakita nya na bahagyang nanlaki ang mata ng ama dahil sa sinabi nya pero hindi nya ito pinansin.

“Kaya po ba ayaw nyo kaming papasukin sa silid nyo kasi tinatago nyo ang larawan ni Maria Esther?”

“Nasisiguro namin” singit ng dalaga “Na malaki ang kinalaman ni Esme sa babaeng yun bukod sa magkamukhang magkamukha sila.Hindi po ba? Kaya nais naming malaman ang kaugayan ng dalawang to sa buhay nyo”

“Tigilan nyo na si Esme” walang emosyong saad ng ama.Kapwa nila itong ikinatigil “Tigilan nyo na si Maria Esther.Tama na ang kabaliwang ito”

Hindi na ito umimik pa at nagsimula ng kumilos upang umalis sa harapan nila ng kapatid.

Pero maagap ang dalaga na hindi titigil hanggat hindi nalalamn ang buong katotohanan.

“Sino po ba si Esme sa buhay nyo” mabilis na tanong nito “Dad,sino po ba si Esme? Bakit po ba kayo nagkakaganyan pagdating sa kanya”

“Mahalaga sya sakin” medyo napalakas na sagot ng ama.“Hindi ko na kailangan pang ipaliwang pero si Esme,at si Maria Esther.Mahalaga sila sakin”

KINAIN sila ng katahimikan pagkaalis ng ama sa balkunaheng kinalulunlan nila.Hindi nya nga napansin na punong puno na pala ng mga luha ng mukha ng dalaga.

Nakita nya nalang ito ng mabilis sya nitong yakapin mula sa leeg At doon ito humagulgol sa pagiyak.Pati sya,hindi nya napigilang mapaluha.Sa pagkakataong kasing iyun,alam na nila ang katotohanan.

“Kapatid natin sya Kye” ani ng dalaga mula sa pagkakaakap nito sa kanya “Anak sya ni Maria at ni Daddy.Kaya kapatid natin si Esme”

Reality hits them.At sya ang kaunaunahang natamaan nito.

Kaya ngayon,alam nya nasa sarili,kung ano na ang sunod na dapat gagawin.

’Ititigil ko na kung ano man ang nararamdaman ko kay Esme…

CHAPTER 29

AN: Happy reading Guys 💕

Malakas na tunog ng cellphone ang nagpagising kay Esme sa umagang iyun.Kamot mata sya habang tinitignan kung sino ang tumatawag.Pero parang isang kidlat na kaagad syang napabalikwas sa hinihigaan ng mabasa ang pangalan niyun.

Its Juanillo Montefalco.

Ito ang kauna unahang pagtawag nito sa kanya.Kaya naman tila importante ito dahil alam nya na ang pakay ng ginoo.Sa kabilang banda,handa nya na itong sagutin dahil buo na ang kanyang desiyon.Pagsisihan nya man ito sa huli o baka may magandang maidudulot atlis napagisipan nya ito ng mabuti.

Wala syang sisisihing ibang tao kundi ang sarili nya lamang.

“Esme pleas…” ramdam nya ang pakikiusap sa boses nito na tila naman nagpapalambot ng kanyang dibdib.Pero kailangan nyang maging matigas,dahil buo na ang desisyon nya.“Sigurado ka na ba talaga? Esme I can offer you a big salary. Pumayag ka lang because Tally,she really needs you.Nahihirapan sya,she needs your help”

Napabuntong hininga sya.Basta kasi pagdating sa batang yun.Tila natatalo sya.Pero dahil buo na ang desisyon nya,hindi nya ito hahayaang maapektuhan.

“Im sorry po talaga sr” magalang na ani nya “Pero buo na po talaga ang desisyon ko.Hindi ko po matatanggap ang trabahong inaalok nyo.Hindi dahil may pera na po ako.Kundi kumplikado po.P-para narin po sa ating dalawa to”

Bumuntong hininga ang ginoo bago muling sumagot “How about Tally?” Tanong nito “I know hindi ko pa nasasabi to,pero mahalaga na ang tingin nya sayo.Kahit sa kaunting panahon,mabilis nahulog ang loob ng anak ko sayo.

Ginagawa ko lang to para sa kanya“

Ilang segundo syang hindi nakasagot dahil sa sinabi ng ginoo.Kahit medyo may kaingayan sa cafe’ na pinagkitaan nila,tila may dumaan paring anghel sa paligid upang kainin sila ng katahimikan.

“Esme…i need you” ani pa ng ginoo kapag kuwan ay hinawakan nito ang kamay nya.Dahilan upang hindi sya makaimik.“Its really bad because I need you.Im sorry kung ano mang ginawa sayo ng mga anak ko.Bata lang din sila katulad mo,kaya humihingi ako ng tawad.Kailangan lang talaga kita ngayon”

“B-bakit po kasi hindi nalang kayo kumuha ng ibang tutor?” Tanong nya habang inilalayo ang paningin sa ginoo.“May m-mas magaling pa po sakin,mas professional. Istudyante lang din ako Sr.Juanillo”

“Alam ko” sagot nito “Pero nakita ko ang persistents ng anak ko para mapa payag ka.May sinabi nga sya sakin nung nakaraan e” matapang itong tumitig sa kanya. “T-tally says you like her mother…she grow without Anastasia but I dont know,why she felt you like her mother”

“Sr…” Sambit nya pero hindi ito pinansin ng ginoo.

Nagpatuloy ito.

“H-Hindi lang sya magkakaron ng tutor Esme pagpumayag ka” sambit nito “Parang magkakaron narin sya ng ina na magtutoro sa kanya para matuto…she seing you like her mother,she really admired you”

Parang sumikip ang dibdib nya sa narinig.Kapagkuwan ay dahan dahan nyang inagaw ang kamay sa pagkakahawak ng ginoo.Hanggang ngayon parin pala,hindi nila namamalayang magkahawak parin ang kanilang mga kamay.

But he is already done.

Nakapagdesisyon na sya at ayaw nya ng mabago payun.Kaya naman hindi na sya umimik pa,tumayo na sya sa kinatatayuan at nagsimula ng tumalikod.

Pero bago pa man sya makaalis ng tuluyan sa pwesto.Muli nyang narinig ang ginoo.

“Maria…” Sambit nito.

Natigilan sya sa kinatatayuan.Dahil dito muli syang humarap sa ginoo.Hanggang ngayon, hindi talaga sya kumportableng tawagin sa pangalan ng taong kahit kailan ay hindi nya nakilala.

“Im not Maria Esther” mariing sagot nya bago muling bumalik sa kina-uupoan.Huminga sya ng malalim,at dito nais nya ng ipaliwanag ang lahat. “Sr,mabuting bata po si Tally.Na-appreciate ko po na gusto nya ako bilang isang tutor.Pero kasi…”

Hindi nya alam kung bakit sya natigilan.Parang basta nalang din kasi pumasok sa isipan nya ang binata.

At yung bagay na nalaman nya ukol dito.

“Pero ano Esme?” Tanong ng ginoo sa kanya.

Bahagya syang napakurap kurap bago muling nagsalita.

“N-nakapag-usap na po kasi kami” ani nya “Nangako narin po ako sa kanya na hindi ko tatanggapin ang offer nato dahil tutolungan nya ako.Hindi nya daw po ako pababayaan”

“Hindi rin naman kita pababayaan e” saad ng ginoo,napatingin sya dito “Esme kung sa usaping material I can provide you.I know you know who I am.I am Juanillo Montefalco.And I can assure you, na pagdating sa isang Montefalco, nakukuha ko ang lahat.Matutolungan kita sa mga bagay na gusto mo”

Hindi sya umimik ng ilang segundo.It cant help pero hinanda nya ang sarili para sa isang tanong na bibitawan nya.“You can help me Sr?” Ani nya.

Umiyos ang ginoo,at pinakatitigan sya sa mata “Anything na gusto mong tulong,I can provide”

He can provide Esme,he can help you to find who the real you are.

“K-kahit po ba imposible?” Pang tanga ang tanong nya pero nakita nya ang ginoo na nasisiyahan dahil nagiging intiresado na sya sa usapan.

“Yes Esme” sagot nito “I can help, kahit imposible”

Tila nag karoon sya ng pagasa sa sagot ng ginoo kaya naman hindi nya maitago ang kasiyahan sa kanyang mga mata.

Ito nayun,Esme…

“Magtulongan po tayo” siryosong saad nya “Tulongan mo po ako,gusto ko pong bumalik sa Stio Sampaguita.Kung saan po nagsimula ang lahat”

“ESME nagusap na tayo” ani Rosaine “Malinaw saatin ang lahat diba? Nangako ako sayo,kami.We promise na we can provide sa lahat ng pangangailangan mo.Dad and Mom want to help you wag ka lang mangatulong sa mga Montefalco nayun”

“Hindi naman ako mangangatulong e” saad nya dito “Magtuturo ako.Tutor ako ni Tally,at malaki ang ibibigay nila saakin. Makakatulong yun for my financial”

“Financial…” Saad ng dalaga “We said na walang problema sa mga pangangailangan mo dito diba? Tutolungan ka namin paulit ulit nalang”

“I know Rosaine” saad nya “Pero hindi ganun kadali yun.Kilala mo ako,ayokong basta basta nalang umaasa kung kani-kanino diba?” Napabuga sya ng malalim na hininga “May buhay ako,at oo naapriciate ko lahat ng tulong nila tito at tita pero kilala mo kung sino ako.Ayokong basta basta nalang umaasa”

“Wala naman samin yun e” saad ng dalaga “Alam mo yan,kung material lang ang paguusapan we can provide.Kahit yung tuition mo kayang kaya namin yun.Pero ito ka e” bahagya nitong inuwestra ang mga kamay patungo sa gawi nya “Maprinsipyo kang tao.Kaya oo Esme.Kilala nga kita,at yun ay hindi ka magpapapigil para lang magawa mo ang gusto mo”

Hindi sya umimik sa tinuran ng dalaga kaya nagpatuloy lang ito sa pagsasalita.

“Pumayag ka sa offer ni Sr.Juanillo kasi akala mo matutolungan ka nyang hanapin ang mga magulang mo diba?” Turan ng dalaga “Akala mo sya nalang ang taong makakatulong sayo para mahanap mo kung sino ka talaga.Hindi mo alam na naandito pa kami.Na totoong makakatulong sayo”

Tila bumagsak ang mga balikat nya dahil sa lungkot ng mukha ng kaibigan.Kita nya ang concerned nito sa kanya na kahit hindi nya hingiin kusa nitong ibinibigay.

“Rosain hindi yun” ani nya “Hindi ganun”

“E ano Esme?” Tanong ng dalaga “Bakit gusto mong sumama sa mga Montefalco nayun? Bakit mo pinipilit ang sarili mo sa kanila”

“Kasi…” Mahinang ani nya “He need my help”

“Kay Tally?” Kunot noong tanong ng dalaga.

“No” mariing saad nya dito “Kay Maria Esther”

Kita nya na nagulohan ang dalaga sa sinabi nya.Pero bago pa ito magtanong ay nagsalita na sya.

“Hindi ko alam pero he needs my help” pagpapatuloy nya “Hindi lang sa pagtutor sa anak nya pero para matapos ang issue nya kay Maria”

“Paano mo nasabi?” Tanong na ng dalaga “At sino si Maria Esther?”

“Hindi ko sya kilala” saad nya “Pero madalas nyang tinawag saakin yun katulad nalang kanina.Palagay ko,malaki ang kinalaman ng babaeng yun sa buhay ni Sr.Juanillo.At oo,gusto ko syang tulongan para matapos na ang issue nya sa taong yun”

“At ano namang plano mo?” Tanong ng dalaga.

Huminga sya ng malalim at tumingin sa malayo “Kung nakikita nya ako bilang si Maria Esther,I can be his Maria”

’Gusto kong malaman ang kwento nya.Gusto kong tulongan si Sr.Juanillo.At oo,hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit gusto kong tanggalin ang lungkot sa mga mata ng ginoong yun.Kung si Maria nga ang dahilan ng lahat ng ito,gusto kong malaman ang totoong kwento nya.

Parang mabilis lang lumipas ang mga araw sa buhay ni Esme.

Seconds,minute,hours and days.Naging week at dumating ang araw kung saan kailangan nyang magtungo sa isang mansyon gaya ng ipinangako.Kahit masakit,at mahirap para sa kaibigan nyang si Rosaine. Pilit nalamang to tinangap ng dalaga.

Hindi din ito madali para kay Esme.Pero disidido na syang matupad ang gusto nya.

Ang toruan si Tally sa pagaaral.

Ang kilalanin si Juanillo at ano ba ang sanhi ng lungkot nito.

At ang higit sa lahat,ang kilalanin kung sino nga ba sya.Kung ano ang totoo nyang pagkatao.Na sa pakiramdam nya,ang ginoo lamang ang makakatulong sa kanya.

Kung ano man ang dahilan ng yun.Hindi nya alam ang sagot.Nagugoluhan sya.

Nakakapanlula ng mata ang bumungad sa kanya.Isang malaking mansyon, magagandang marmol at matitibay na pader na pagaari lamang ng mayayaman,ang bumubuo sa malapalasyong bahay na iyun.Dito nya sisimulan ang lahat.

At ang ginoo lang ang tanging makakatulong sa kanya na gawin ang balak nya.

Dala nya ang dalawang malaking bag.Naglalaman ito ng mga damit nya,sukbit sa dalawa nyang balikat. Habang papasok sya sa isang malaking pintuan ng mansion.Nasa kalagitnaan pa sya sa pagpapantasya sa mga magagarang kagamitan sa paligid nang maramdaman nya ang isang presensya mula sa kanyang likudan.

Nang lumingon sya rito,hindi na sya nagulat.Dahil inaasahan nya naman ito una palang.

“Your here” ani nito “So totoo nga,pumayag kana”

“Kyst” sambit nya.

“Nais ko lang ipaalala sayo” saad pa nito “Na pangangatulong lang ang papel mo sa bahay nato,Esme”

“Tutor Kyst” pagtatama nya “Tutor ako ng kapatid mo”

“What ever” sambit nito “Para lang din malaman at malinaw sayo.Alamin mo kung sino ka lang dito.Kung tutor ka lang,pagtuturo lang ang aatupagin mo.Hindi ang pangengealam sa pamilya ko”

“Kyst ano bang sinasabi mo?” kunot noo nyang tanong. Hindi nya maintindihan ang mga sinasabi ng dalaga “Babayaran ako dito,hindi naman ako dito titira for nothing.Tutolungan ko lang ang kapatid mo”

“Kapatid…” Matiim na sambit nalang ng dalaga bago ito nagsimulang lumakad paalis.

Pinagmasdan nya lang ito habang paakyat sa hagdan patungo sa ikalawang palapag.Dito nahagip nya ang binata na nakatayo sa taas.Walang ekspresyon ang mukha nito habang nakatingin sa kanya na para bang hindi na nagulat sa pagdating nya dito sa mansyon.

“Kye…” Sambit nya.

Sinalubong ito ni Kyst pagkatapos ay sabay na itong umalis patungo kung saan.

’Bakit nga ba sya magugulat? Para saan pa?

Naiwan syang nakatanga sa dalawa,dito nya naramdaman ang bigat ng paligid.At siguro nga,sa pagpasok nya sa buhay ng mga Montefalco,hindi talaga magiging madali ang lahat.Pero kailangan nyang gawin ang plano nya,at tapusin ito sa lalong madaling panahon.

“Youre here!” Isang matilin na boses ang narinig nya mula sa pinto.Kasunod nito ay ang mahigpit na yakap mula dito.

Bahagya nya itong ikinangiti at kahit papano,nawala ang bigat ng ambiance na naramdaman nya mula kanina.

“Pero how po?” Di makapaniwalang sambit nito sa kanya.

“Surprise…” Sagot ng isa namang boses sa harap nila.

Its Juanillo,at malapad itong nakangiti sa kanilang dalawa ng dalaga.

“Dad? You made this?” Tanong nito sa ama. “Napapayag nyo po si Esme?”

“Yes” sagot nito “As I promise for my princess.Gagawin ko ang lahat para maging masaya kalang”

Inisang hakbang lang ng dalaga ang layo nilang mag-ama kapagkuwan ay yumakap ito ng mahigpit. Pinagmasdan nya lang ang mga ito,nang hindi namamalyang nakangiti na pala sya para dito.

Yung ngiting yun,mas malawak at mas masaya.

“I promise po daddy” sambit ng dalaga sa ama “Magaaral po ako ng maayos. Pagbubutihin ko po ngayon semester.Thank you po”

Nagkatinginan sila ng ginoo.Kapwa silang nakangiti na parang nasisiyahan sa kinilos ng dalaga.Pero hindi nya napansing bumitaw na pala ito mula sa pagkakaakap sa anak. Marahan itong lumalapit sa gawi nya kapagkuwan ay masuyo sya nitong niyakap na nagpatigil sa kanya.

“Thank you” sambit nito mula sa gilid ng ulo nya “Im so happy youre here.You are finally home.Welcome to my family,Maria…”

Nagkamali lang ba sya ng narinig? O dahil lang to sa pagbulong ng ginoo sa kanya.Gusto nya sanang magreak sa tinuran nito pero nang bumitaw na ito sa pagkakaakap sa kanya,ang dalaga naman ang muling lumapit sa kanya at agad na pinalibot nito ang kamay sa braso nya.

Agad sya nitong niyaya mula sa taas.Pero naiwan ang mata nyang nakatingin kay Juanillo,and to his shock,kita nya ang panunubig ng mata nito na agad lang pinunasan ng ginoo.

Hindi nya maintindihan kung anong ikinilos nito.Pero sa ngayon,kinakain sya ng pagtataka at mga tanong.

HINDI naging madali ang pagkain ng tanghalian para sa pamilyang Montefalco. Pero mas mahirap ito para kay Esme.Ang makasama sa iisang kainan ang magkambal na Kyst at Kye ay tila tinotorture.

Ramdam nya ang bigat ng hapag.Lalo na ang mga pagtatama nila ng tingin ng binata.Gusto nyang magexplain dito.Pero para saan paba? Pakiramdam nya,hindi na ito ang Kye na bago nyang nakilala.

Bumalik na ito sa dating ugali nito.

Walang emosyon ang mukha,tahimik,at kulang nalang ay pumatay dahil sa panlilisik ng mga mata nito.

Dapat sanay na sya,dahil ito ang una nyang pagkakakilala sa binata.Pero pinang hihinayangan nya ang isang bagay.Nabuksan nya na kasi ang kabilang ugali nito. Malayo sa tinuran sa spoiled brat boy na nakilala nya.Kaya naman gusto nya itong makausap.

Para ayusin kung ano mang gusot ang nagsisimulang mangyari sa pagitan nilang dalawa.

“Thank you for joining us” basag ni Juanillo sa namumuong katahimikan sa hapag.Sabay sabay naman silang napalingon dito,dahil pinag-gigitnaan nila ito sa lamesa.“Akala ko,bad mode parin ang mag kambal ko about sa set up natin”

“No were not” si Kyst ang sumagot.Nasa kabilang side lamang ito ng lamesa kaharap si Tally mula sa kaliwa nya katabi nya mismo,malapit sa tatay nito.Ngayon,kaharap nya si Kye.Walang imik na kumakain.

“Atsaka,thank you for what pala dad?” Tanong pa ng dalaga.

“Thank you kasi nagjoin kayo samin” sagot ng ama.

“You dont need to thank us” saad ng dalaga “Wala namang ukasyon.Hindi naman importante ang taong dumating diba?”

Medyo napalakas ata ang paggamit ng kutsyara kaya nakatunog ito ng medyo may kalakasan.Pero ang pinag-taka nya,kay Kye ito ng galing.

Ngumisi ang dalaga na bahagya nyang ikinatigil dahil lantarang tinuran sya nito.Alam nya,sa unang sinabi nito ay may laman.Nanatili lang syang tahimik.

“Im sorry Esme” sarkastikong ani nito “Kung hindi ka namin napaghandaan ng maayos para sa pagdating mo.Were just surprise at the sametime,wala kaming pake,dahil hindi ka naman importante”

“Kyst..” Natigilan ito ng sabay nagsalita si Kye at Juanillo.

“Stop this” tuloy ng ama nito.

“Why dad?” Tanong ng dalaga “Diba wala lang naman sya? Hindi naman ata sya yung nawawala naming kapatid para matuwa kami sa pagdating nya.O di kaya hindi naman ata sya yung bago mong ipapakilalang girlfriend saamin” medyo natawa ito dahil sa huling sinabi “So basically,he was nothing at all.Baby Sitter lang sya ng kapatid ko”

“San mo ba nakukuha ang lahat ng yan ate” napatingin sya sa gawi ni Tally ng magsalita ito. “Para kang kontrabida ng teleserye dahil sa inaasta mo e”

“Shut up Kyst” saad ng dalaga.Pero tumawa lang ang bata.

“Bakit ate?” Tanong nito sa kapatid “Naiintimidate kaba dahil kaharap mo ang top 1 sa rank ng faculty nyo”

“Shut.up.Kyst” muling ngangad nito sa bunsong kapatid.

“Why?” Tuloy parin ng bata “Hindi mo parin ba matanggap na tuturuan ako ng top 1 ng MMU.Thats why I dont hire you,kasi hindi ka naman top 1 katulad ni Esme.Number two ka lang,laging pangalawa”

“I said! Shut up!” Hindi na siguro napigilan ni Kyst na mapasigaw sa pagsaway sa nakakabatang kapatid dahil nainis na ito.Natahimik ang buong hapag habang ang dalaga naman ay padabog na umalis at umakyat sa mula sa taas.

Otomatiko naman para kay Kye na sumunod sa kakambal upang siguro pakalmahin ito.

“Tally bakit mo ginawa yun?” Kapag kuwang tanong nya ng silang tatlo nalamang sa lamesa.

“Nothing” tipid na sagot nito “Pinagtanggol lang kita” akala nya matatakot na ito sa inasal ng nakakatandang kapatid pero hindi nya akalaing nanatili ang tapang nito sa mukha.

“You dont need to do that” saad nyang muli.

“I want to do that” sagot ng dalaga “para sayo Esme,hindi ko hahayaang bastusin ka nalang ng ate ko sa harapan namin ni Dad.Your important for me.Hanggat nandito ako,walang gagalaw sayo sa bahay nato”

SA halos buong araw na pananatili nya sa mansyon. Ilang oras palang yun pero kahit ilang minuto hindi sya nagkaroon ng pagkakataong mapalagay.

Hindi nya tuloy alam kung tama nga ba ang ginawa nyang pagpayag sa trabahong iyun.

Nagsisisi sya sa kabilang banda,dahil nakikita nyang nagkakaroon ng alitan ang pamilyang ito.Hindi nya gustong manira,hindi sya ganun kasama para maisipang tibagin ang samahan ng pamilyang ito.

Pero alam nya na ano man ang mangyari,buo na ang desisyon nya sa oras na makatapak sya sa mansyon ng mga Montefalco.

Gusto nya lang talagang gawin ang kung ano mang idinidikta ng puso nya na hindi maintindihan ng utak nya.

Ang tulongan ang ginoo sa isang bagay.

“Kamusta ka dyan?”

Tanong ng kaibigan mula sa telepono.Kasalakuyan syang nasa balkunahe,at kahit papano,dahil malamig ang simoy ng hangin.

Nagkakaron sya ng katiwasayan at katahimikan.Tulog narin kasi ang mag-aama sa sarisarili nitong silid.At dahil sa guest room lang sya nanunuloyan.Sa balkunahe na sya napatambay dahil nasa ikalawang palapag din naman ito nakapwesto malapit sa kinalulunlan nya ngayon.

“May nangyari naba?” Tanong ulit ng kaibigan .“Nagkakainitan na ba kayo dyan?”

Napabuntong hininga na lamang sya dahil sa mga tanong nito.Tama kasi ang dalaga,kung literal lang kasing mainit ang tinutukoy nito,baka nasusunog na ang buong mansyon dahil sa tensyon kanina.

“Wag mong sabihing pinagsisihan mo na dapat hindi ka nalang tumuloy dyan?” Tanong ulit ng dalaga nang hindi sya nakapagsalita “Sabi ko naman sayo Esme diba? Hindi mo kailangang magtiis dyan para lang sa isang bagay.We can help para sa paghahanap mo ng totoo mong pagkatao…sa mga magulang mo”

“Rosaine…” Pagod nyang ani sa dalaga “Oo nandun na tayo,pero alam mo namang may iba pa akong balak kay Sr.Juanillo diba?” Napabuntong hininga sya bago magpatuloy “Naiinis ako sa sarili ko kasi parang tinatraydor ako ng katawan ko”

“Bakit naman?” Tanong ng dalaga “Ang weird mo nun Esme”

“Hindi kasi…” Saad nya “Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit gustong gusto ko matulongan si Sr.Juanillo.You know,dapat wala akong paki kung napapansin ko mang may lungkot sa mga mata nya dahil wala naman sya sakin e.Hindi ko sya kaano ano,pero para bang may dumdikta saaking tulongan sya.Na dapat may tapusin kaming dalawa upang matuldokan na ang lahat…para makalaya na sya…makalaya na sila sa sakit…”

“Esme iba nayan…” Saad ng dalaga na nagpatigil sa kanya.

“Sigurado ka ba na gusto mo talagang maging si Maria Esther?” Tanong pa nito “

Na ikaw ba talaga ang kailangang magtagal ng tinik sa puso ng juanillo nayun?“

Hindi sya sumagot.

“Hindi ko alam kung

dapat mong gawin to Esme“ dugtong pa nito “Sa palagay ko kasi,hindi na ito ang puerte mo.Kung may nakikita kamang lungkot at sakit sa mga mata ng ginoong yun.Hindi ikaw ang kailangang magtanggal nun,kundi ang maaaring babaeng makilala ni Sr.Juanillo,in the future.Ang babaeng magiging ina ng mga anak nya”

“Hindi mapapalitan si Maria Esther sa puso nya Rosaine” saad nya “Ramdam ko,kung hindi pa sya nakaka move on sa babaeng yun.Hindi nya ako magpapakamalang si Maria Esther.Hindi nya ako tatawagin sa pangalang iyun”

Kahit nasa kabilang telepono rinig nya kung paano ito napabuntong hininga,bago nagsalita.

“So deal nayan?” Tanong ng dalaga. “Gagampanan mo ang katauhan ni Maria Esther,para maalis mo ang sakit sa puso ni Sr.Juanillo ganun ba?”

“Im not Maria Esther” Matiim na ani nya “Pero gustong kong tulongan si Sr.Juanillo.Kaya gagawin ko pa din ang plano ko sa kanya”

“Anong plano mo?”

Halos mapabulantang sya sa kinatatayuan ng maramdaman ang presensya ng isang nilalang.Mabilis ang kilos nito’t naagaw kaagad sa kanya ang telepenong hawak nya.

Dahil dito wala syang nagawa kundi harapin ang nagiigting panga nito at nanlilisk na mata na nakatingin sa kanya.

“Anong plano mo huh?” Ulit nito sa tanong.

“Kye…” Sambit nya lang sa pangalan nito.

“Kaya ba nandito ka dahil may pinaplano ka?” Muling tanong lang ng binata “Gustong gusto mo atang makapasok sa pamilya ko dahil may balak ka”

“Kye hindi ganun” sabat nya sa binata.

“Diba pinakiusapan na kita” saad nito “wag mong abusuhin ang nararamdaman ko para sayo Esme.Dahil kapag naubos yun,hindi na ako makapagtitimpi”

Hindi sya nakagalaw ng bahagya lumapit sa kanya ang binata.Gaya kanina,nagiigting ang panga nito dahil siguro sa nabubuong galit

“Umalis ka na sa pamilya ko Esme,pakiusap.Lubayan mo na ang daddy ko.Dahil habang nararamdama ko sayo to.Hinding hindi kita maituturing na kapatid”

CHAPTER 30

Happy reading 💕

Kapwa silang natigilan ng magingay ang telepono. Naririnig dito ang boses ni Rosaine kaya naman umamba sya para kunin sa binata ang telepono nya.Ngunit ng aakma nya na itong agawin,hindi nya inaasahang itatapon ito ng binata sa baba ng balkunahe.

Sinundan nya pa ito ng tingin kung paano ito bumagsak sa sahig at mabilis na nagkalas at nawasak.Napatakip sya ng bibig dahil sa nakita.Tawagin man syang OA pero nanubig ang mga mata nya ng makitang sira na ang iniingatan nyang telepono.

“B-bakit mo ginawa yun?” Nanginginig ang boses nyang tanong sa binata ng harapin nya ito “Dapat pinatay mo nalang yung tawag.Bakit mo pa tinapon?”

Nakita nya na medyo naalarma ang binata.Pero iba sa inaasahan nya ang sasabihin nito.

“That cheap phone” ani nito “Mag pabili ka nalang kay Dad.Tutal sya naman magpo-provide sayo diba? Wag kang umarte na mahalaga sayo ang bagay nayun.Para kay dad,at para sa bagong miyembro ng pamilya.He can provide,ano man ang hilingin mo”

“Hindi lang basta basta yun” saad nya sa binata “Mahalaga yun sakin, pinagipunan yun ni Tita,ng nanay nanayan ko…”

“Mahalaga din sakin ang pamilya ko Esme” saad nito sa kanya “Kaya hindi ko hahayaang sirain mo sila.Ito lang ang hinihiling ko sayo,umalis ka na,umalis kana sa pamilya ko”

Hindi nya na napigilang magtuloy tuloy ang luha ng mawala sa harapan nya ang binata.Napagtanto nya,ganto nga siguro ang ugali ng isang Kye Montefalco.Walang sisinohin masunod lang ang gusto nito.

Pinakalma nya ang sarili at matiim na napabuga ng malalim na hininga.Naisipan nyang bumalik nalamang sa higaan at itulog ang sama ng loob na nararamdaman.Kung gusto nya kasing magawa ang ninanais nya,isa sa mga kailangan nyang pagpursigihin ay ang pasensya.Alam nyang kakalabanin sya ng magkambal sa oras na tumapak sya sa mansyong ito.Kaya naman handa syang magtiis sa lahat ng mangyayari.

Papaalis na sya sa balkunaheng kinalulunlan nang maalala nya ang isang bagay.

“Umalis ka na sa pamilya ko Esme,pakiusap.Lubayan mo na ang daddy ko.Dahil habang nararamdaman ko sayo to.Hinding hindi kita maituturing na kapatid”

’Hinding hindi kita maituturing na kapatid.

Kapatid?

“Bakit nya nasabing kapatid?” He mumbled “Bakit nya ako kailangang ituring na kapatid”

Wala syang maisip na dahilan sa mga narinig nya kanina.Kaya para hindi sya maubos,sinawalang bahala na lamang nya ang mga ito.Nagtuloy sya sa paglakad at tinungo ang silid kung saan sya nanunuloyan.Nang makita nya ang malambot na kama,pabagsak syang humiga dito at tila pagod na pinaubaya ang buong katawan sa kamang ito.

Maya maya lang nagsimula ng bumigat ang talukap ng kanyang mga mata.Naghikab na sya at nakaramdam na ng antok hanggang sa tuloyan na syang kainin ng kadiliman.

Nakatulog na sya.

‘Mga hayop kayo! Mga walang hiya!…wala akong kasalanan.Wala akong ginagawang masama! Hindi ako masamang tao…hindi ko kayang pumatay!’

Nalinga linga si Esme ng marinig ang mga salitang iyun.Hindi nya alam kung san yun ng galing.Kinabahan sya,at napuno ng pagtataka ang kanyang isipan.

Nasaan ako?

Bakit ako nandito?

Napahawak na lamang sya sa kanyang dibdib nang ilibot nya ang mata sa buong paligid.

Napagtanto nya,wala sya sa kanyang silid.

“Ito yun,yung lugar nato” sambit nya “Pero paano? Bakit ako napunta dito?”

Natigilan sya ng makaramdam ng malamig na simoy ng hangin.Hinawi nito ang malambot nyang buhok kasabay ng paglingon nya sa isang direksyon.

Nakaramdam sya ng takot,dahil isang malaking apoy ang bumungad sa kanya.Lumikha ito ng liwanag pero hindi ng init na kanyang inaasahan. Pambihira dahil lamig ang naramdaman nya dito.

Nakakapangilabot.

‘Sinira nyo ako!…sinira nyo ang pamilya ko!…wala na sakin ang lahat.Kinuha nyo ang lahat sakin…wala nang natitira!…’

Sa kawalan,muli nyang narinig ang boses nayun.At nanggagaling ito mula sa apoy na lumiliyab sa direksyong tinitignan nya.

Ang pantalan?

Nasusunog ang pantalan?

“Sino ka?!” Wala sa sariling tanong nya.

Nais nya may gawin,pero tila naistatwa sya sa kinatatayuan.

Walang ibang bagay ang pumasok sa isip nya kundi tulongan kung sino man ang taong nagsasalita.Mula sa nagliliyab na apoy.

’Isinusumpa ko! Babalik ako sa baryo na ito! Babalikan ko kayong lahat! Maniningil ako!

Muli nyang narinig ang boses nayun.At dahil sa bigat ng pagsasalita nito,kusa syang napaatras.

…iisa isahin ko kayo! Luluhod kayo sa harap ko at magmamakaawa.

Pero huli na ang lahat!

“Sino ka?!” Hindi nya mapigilang tanong.

Dahil sa pagbabalik ko! Ipinapangako ko! Magsisisi kayo!

“Sino kaba? Tama na!” Rindi nyang ani,kinakabahan na sya.Natataranta.

Dahil nakakatakot na ang boses,punong puno ito ng galit pero patuloy parin ito.

Gaganti ako! Itutumba kayo! Ako si Maria Esther..

.

at babalik ako para maningil hindi ng utang…kundi ng buhay…

“Kundi ng buhay?”

Maria Esther?

Sino kaba talaga Maria Esther?

Nagsimula syang makaramdam ng init.Yung init nayun,nakakapaso, nakakasunog.Kaya naman nataranta sya,at napamulat.

Napapalibutan na sya ng apoy,lumingon man sya kung saan sa paligid wala syang ibang nakikita kundi matatas na apoy.Habang tumatagal, mas lumalakas pa ito,at mas umiinit kaya hindi na nya napigilang magtawag ng tulong.

“Tulong!” Sigaw nya sa abot ng kanyang makakaya “Tulongan nyo ako! Tulong!”

Muli syang luminga linga,hanggang sa nakakita sya ng ilan ilang taong nanunuod sa kanya. Nagkaroon sya ng kaunting pag-asa.Pero nagtataka sya dahil muli syang nanghingi ng tulong pero walang sino man ang gumalaw sa mga ito.Nakatingin lamang sa kanya habang kinakain sya ng apoy.

“Tulong!” Natataranta na nyang sigaw “Pakiusap tulongan nyo ako!”

“Hindi ka nila tutolungan Esme” bahagya syang natigilan ng lumabas kung saan ang isang babae.Wala itong emosyong nakatingin sa kanya at tila walang paki sa mga apoy na nakapalibot sa kanila.

“S-sino ka?” Nanghihina na nyang tanong.

“Hindi ka nila tutulongan” sambit nito “kagaya ko,wala silang pakialam.Hahayaan ka nilang mamatay habang pinapanood ka lang nila”

“Sino kaba talaga?” Anas nya dito.

Pero imbis na sumagot. Tumaas lamang ang kabilang labi nito na parang nasisiyahan sa isang bagay.

“Tulongan mo ako Esme…” Saad nito.

“Tama na,tigilan mo na ako!”

“Esme…tulongan mo ako”

“Ayoko ng ganto” ani nya “tumigil ka na kung sino ka man tama na!”

“Esme”

“Tama na pleas” napatakip na sya ng kanyang mga tenga.

“Tulongan mo ako Esme…”

“Tama na! Ayoko na!”

“Esme!”

Hingal na hingal syang napabalikwas paupo. Napahawak sya sa kanyang dibdib ng maramdaman ang sakit dito.Namamasa ang kanyang noo, pinagpapawisan ang buo nyang katawan na ipinagtaka naman nya.

Muli nya lang inilibot ang paningin.At napagtanto nya,naririto sya sa kanyang silid.

Walang sunog.

Wala ding babae,pero pinagpapawisan sya.Namamalat ang kanyang lalamunan.

“Panaginip lang pala” sambit nya habang inaayos ang sarili.Hindi nya sinasadyang mapatingin sa pinto kaharap nya ng bahagya itong tumunog.

Hindi nakatakas sa mata nya ang pag appear ng isang mukha,nakatingin ito sa kanya pero ng magtama ang kanilang mga mata mabilis lang itong nawala dahilan ng pagtataka nya.

Utomatiko syang napatayo sa hinihigaan,at mabilis binuksan ang pinto.To his surprise,nakatayo parin ito sa harapan nya.

“S-sr Juanillo?” Medyo nagulat nyang tanong.

“My Maria…” Sambit nito kapagkuwan ay bumagsak ang mga luha sa mata nito.

Parang kinurot ang puso nya ng masilayan nya ito sa ginoo,kaya utomatiko naman nya itong niyakap mula sa leeg.

Hindi na sya nagtanong, tinigil nya rin ang pagtataka. Pero inihanda ang sariling antabayanan ang ginoo.

“P-patawarin mo ako…” Saad nito “Wala akong nagawa, kasalanan ko ang lahat, patawad,patawarin mo ako Maria”

Rinig na rinig nya kung paano nagcrack ang boses nito.Nagsimula na itong humagulhol at ibuhos ang mga luha na matagal na sigurong hinahawakan ng ginoo.Hinayaan nya ang lahat,nanatili ang mahigpit na pagkakayakap nya rito,ipinaparamdam nya na nakikisimpatsya sa pighating nararamdaman nito.

I will help you Sr.Juanillo,

tatanggalin natin ang sakit dyan sa puso mo.

“ ANONG kailangan mo?“ Masungit na tanong nito na alam nya,ito ang bungad sa kanya ng ginang.“Isa ka sa mga Montefalco diba? Ano ang kailangan mo sakin?”

Napabuga sya ng malalim na hininga bago muling nagsalita.Hindi nya lubos maisip na titiisin nya ang masikip at mabahong palengke upang puntahan lang ang babaeng ito sa harap nya.

Ang pagkaka-alam nya,mabait ang ginang,pero siguro dahil isa syang Montefalco.Natural na ang pagka masungit nito sa kanya.

“Im here for Esme” saad nya,napansin naman nyang natigilan ito.

“A-anong kailangan mo sa anak ko?” Tanong nito “Umalis na sya sa bahay,ilang linggo na.Kaya hindi ko sya mahaharap sayo dahil hindi ko alam kung nasaan na sya”

“I know where he was” saad nya na muling nagpatigil sa ginang “Nakatira sya ngayon sa mansion namin”

“Nangangatulong si Esme don?” Tanong nito sa kanya.

“No” saad nya “He was too smart for that job”

“Anong ibig mong sabihin?” Kunot noo nitong tanong “Wag mong sabihin na inisawa mo na ang anak ko.Bakit sya nasa puder nyo ngayon”

Hindi nya alam kung biro ito dahil hindi man lang ito ngumiti ng kahit na tipid lang.

Natawa lang sya dahil sa tinuran ng ginang.Pero kumunot din ang noo nya ng umakto itong parang nagiisip.

“Hayst,gets ko na” saad nito “Si Sr.Juanillo ba? At si Esme? Nagsasama na sila?”

“What?” Nanlaki ang mata nya dahil sa sinabi ng ginang.Hindi nya inaasahang maririnig nya ito mula sa matanda “Hell,no.Anong tingin mo sa daddy ko? Phedophile? Pumapatol sa bata”

Tumaas lang ang kabilang labi ng ginang bago ito nagsalita “Ano kaba?” Sambit nito “Sa ganda ng anak ko,kahit sinong may edad magkakagusto sa kanya kahit bakla lang yun.Kaya hindi na ako magugulat na ipakilala nya saakin si Sr.Juanillo bilang nobyo”

“Hell no!” Hindi nya napigilang magtaas ng boses dahil sa narinig.Maisip nya lang yun,para na syang mababaliw.Hindi nya man kasi aminin,kinakain sya ng selos at inggit.

“Hindi mo ba talaga kilala kung sino ang anak mo?” Sambit nyang muli “Hindi ako makapaniwala na wala ka man lang alam sa anak mo.Kung ano na ang nangyayari sa buhay nya”

“Tumigil kana” saad ng ginang “Wala kang alam sa pagpapalaki ko kay Esme.Kung sino at ano man syang tao ngayon,ako lang ang nakakaalam nun”

“Pwes sino ba talaga sya?” tanong nyang muli “Sino ba talaga si Esme? At sino ang totoo nyang mga magulang”

Nakita nyang saglit na tumigil ang ginang sa ginagawa.Inilapag nito ang hawak nitong gulay sa lamesa at pinakatitigan sya nito.

“Ano bang kailangan mo?” Tanong nito.“At bakit mo natatanong ang mga bagay nayan?”

“Yung tanong ko muna ang sagutin mo” saad nya “Sino ba talaga ang mga magulang ni Esme? Paano sya napunta sa puder nyo?”

Nakita nyang tila umusok ang ilong ng ginang.Tanda nito na naiinis na ito sa kanya.“Wala kang pakialan kung sino sya” singhal sa kanya nito “Hindi mo dapat pinang mamasukan ang buhay ng iba,bata.Matuto kang irespeto ang privacy ng ibang tao”

“Sabihin mo kaya yan sa anak mo” saad nya “Pakisabi sa kanya na umalis na sya sa pamilya ko.Dahil oo, napapasok nya na ang privacy namin.Dahil sa ginagawa nya,nagkakaroon ng alitan ang pamilya ko”

Nakita nyang huminahon ang mukha ng ginang bago ito nagtanong.“K-kamusta na ba ang anak ko don?” Tanong nito “Ano ba ang mga pinaggagawa nya kaya mo nasasabi ang mga bagay nayan”

“Hinahanap nya ang mga magulang nya” saad nya “Gusto nyang malaman kung sino ba talaga sya”

“At kay Juanillo sya lumapit?” Takang tanong nito “Anong kinalaman ni Juanillo doon?”

“I dont know” saad nya “Pero alam ko,may balak sya kay dad,magtutulongan sila para malutas ang mga gusto nilang gawin” hinayaan nya munang magisip ang ginang bago sya muling nagpatuloy “Ang gusto ko lang naman,ay umalis si Esme sa mansyon. Gusto kong layuan na  nya si Dad.At isa pa,gusto ko matahimik na sya sa paghahanap ng totoo nyang mga magulang,ikaw lang ang tanging makakatulong sa kanya.Sabihin mo na ang totoo sa kanya”

Hindi umimik ang ginang.

Nagpatuloy ito sa mga iniisip hanggang sa bumalik na ito sa ginagawa.Nagtaka sya dahil dito kaya naman muli nyang tinanong ito.

“Anong problema?” Tanong nya “I can help you to Esme,sabihin mo na sa kanya ang totoo para hindi na si Dad ang gugulohin nya”

“Tama sya” sambit ng ginang na nagpatigil sa kanya “Si Juanillo ang isa sa pwedeng makatulong sa kanya.Hindi ako sigurado pero pakiramdan ko,alam ni Juanillo kung sino nga ba ang batang yun.Hindi sya nag kamale ng nilapitan”

Tila bumagsak ang dalawang balikat nya dahil sa sinaad ng ginang.Hanggang ngayon, hindi nya parin kasi matanggap ang katotohanan kung sino ba si Esme.

“So its reall?” Sambit nya sa ginang “Isa syang Montefalco?”

Akala nya magrereak ito sa tinuran nya ngunit wala man lang itong emosyong nakatitig sa kanya “Gusto kong makausap si Esme” ani nito “Sasabihin ko na ang lahat ng katotohanan sa kanya”

Halos magdugo na ang kamao nya sa paulit ulit na pagsuntok sa matigas na pader.Halos magmakaawa naman ang kambal nya upang pigilan sya nito sa ginagawa nya.

Hindi nya parin kasi matanggap hanggang ngayon na yung taong lihim nyang minahal noon.Hindi na pwede kasi may posibilidad na kapatid nya ito.At alam nya kung ano nga ba ang role ng isang kapatid.

Ang mahalin lang sya bilang kuya nito.At hindi isang lalaking iibigin habang buhay.

“Alam nya Kyst!” Singhal nya sa kambal.Mabuti nalang at walang mga studyanting dumadaan sa hallway kung nasaan sila ngayon.

“Narinig ko lahat kagabi,pati yung kausap nya sa kabilang telepono.Alam ko na ang mga binabalak nya.Kilala nya si Maria Esther”

Hindi umimik ang dalaga at pinagpatuloy lamang sya sa pagsasalita.

“May plano sya kay Dad” ani nya “Gusto nyang mawala ang lungkot ni Dad na gawa ni Maria Esther noon pa man.Kaya naman nais nyang gampanan ang pagkatao ng babaeng yun para matulongan si Daddy.Ang hindi ko lang maintindihan, bakit si daddy parin ang may kinalaman sa totoo nyang pagkatao? Bakit parang si Daddy lang ang sagot sa lahat ng problema nya?”

“So its true” hindi makapaniwalang saad ng dalaga “Na pumasok talaga sya sa buhay natin para lang gampanan ang papel ng babaeng yun? Pero bakit? Why his gonna flirt our dad kung isa syang Montefalco? Kung anak din sya ni Daddy?”

“Maaari kasing maging sya hindi nya pa alam kung sino ba talaga sya” saad nya sa kapatid “At si Dad, hinahayaan nya lang na gawin sa kanya yun ni Esme.Kasi kahit ganun, naiibsan ang lungkot nya.Si Esme ang nagpapasaya sa kanya.Maaring hindi nya talaga nakikita ang binatang yun bilang isang anak.Kundi si Maria Esther,ibig sabihin ganun sya kabaliw sa babaeng yun.Kahit anak nya,kaya nyang patulan”

“No…” Tila hindi makapaniwalang saad ng dalaga “Magtatay sila,kung si Dad wala syang paki kung anak nya si Esme.Si Esme maaari pa,dapat malaman nya to.Dapat sabihin natin sa kanya na isa talaga syang Montefalco”

“E pano ka?” Tanong nya na may pagaalala sa kapatid.

“Wala na akong pakialam kye” saad nito “Wala akong pakialam kung tuloyang maging kapatid ko man si Esme.Mas hindi ko matatanggap na ang dalawang yun ay maaring may pagsaluhang init ng pagmamahal.That insane Kye! Kasalanan yun!”

Hindi nya lubos maisip na kayang gawin ng daddy nya ang bagay nayun.Para lamang sa pagmamahal sa isang babae,kaya nitong isakripisyo sa inosenteng anak nito ang lahat.

This is really bad,malaki talaga ang epekto ni Maria Esther sa buhay nilang mga Montefalco.Hanggang ngayon,minumulto parin sila ng babaeng ito.

Hindi sila pinapatahimik.

Hindi sila hinahayaang maging masaya.

CHAPTER 31

AN: Hi Guys! Ito na yung last update ko for this week.Paubos na ang load ko.Sa ngayon magsusulat pa ako ng mga chapters.Pero diko alam kung kelan ulit ang UD.Pasensya na talaga.Pasensya na sa mga pasikot sikot at kaartihan ng story nato.Hindi ko to porte.This is my first time na full drama ang ginagawa ko.Na may halong mystery and reimcarnate churba.Pero sana bare with me parin.Tatapusin ko to as I promise bago pa ako magproceed sa iba.

Pagalitan nyo ako,magtanong kayo.What have feels on this chapters.Kung nagugoluhan ba kayo.Handa ko tanggapin lahat yan basta maging ok lang kayo sa pagbabasa.

So yan,kitakits ulit for my next UD.Pagiisipan ko pa ng mabuti ang story nato.Thank you Guys! And…

Happy reading 💕

Isang gwapong mukha ang bumugad sa mga mata ni Esme ng umagang iyun. Nanlaki ang mga mata nya dahil nakasubsob pa ang mukha nito sa kanyang leeg.Hindi rin naging kumportable ang katawan nya dahil maging ang kaliwang braso nito ay nakaakap sa kanyang bewang.

Kumportableng ang ginoo sa pwesto nito na tila nahiya na syang gisingin dahil malalim pa ang pagkakatulog nito. Ngunit paano ba nauwi sa ganto ang lahat.Na ang ginoo,ay nakaakap na sa kanya na para bang matagal na nila itong ginagawa.

Kasya nya lang naalala ang lahat.Mula ng mangyari ang di nya inaasahan nung nagdaang gabi.

°°°°°°°°°°

Hinayaan nya lamang ikulong ang sarili sa malalaking braso ng ginoo.Nakasubsob ang mukha nito sa balikat nya habang patuloy ang pagluha ng mga mata.

Masuyo nya itong pinapakalma habang marahang hinihimas ang likudan nito.Kaya ng maayos na ang ginoo,pinatuloy nya ito sa loob ng kanyang silid at kapwa silang umupo sa gilid ng kama.

Sadya nya lang nilagyan ng awang ang pagitan nilang dalawa,kapagkuwan ay kinain na sila ng katahimikan.Walang nagsasalita sa kanilang dalawa,na para bang nabigla sila sa mga nangyari.

“P-pasensya na” mahinang ani ng ginoo.Hindi ito nakatingin sa kanya habang ang dalawang siko nito ay nakatanday sa dalawang tuhod.“I was just emotional.Hindi ko mapigilan ang sarili ko”

“A-ayos lang po” sagot nya “Wala po sakin yun.Palagay ko kasi,kailangan nyo po ng taong mapagsasabihan ng sama ng loob”

“And youre here para sakin?”

Bahagya syang natigilan dahil sa sinabi nito.

Muli lang silang binalot ng katahimikan hanggang sa basagin ito ng ginoo.

“Kamukha kamukha mo sya Esme” sambit nito “At dahil nakikita kita,sapat yun sakin para kahit papano mabawasan yung sakit.Kasi iniisip ko,kapiling ko parin sya hanggang ngayon.Kahit nasa ibang katawan na sya…kahit nasa katawan mo na sya” parang tumalbog ang puso nya sa dibdib ng unti unting lumapit sa kanya ang ginoo.Hindi nya nagawa pang iiwas ang mukha nya ng hawakan sya nito sa pisngi “Be my Maria Esme,kahit yun lang matanggal lang ang sakit nito”

Hindi sya kumibo,nanatili lang din ang mata nya sa ginoo.Ang namumugtong mata nito ay tila nangungusap sa kanya na pagbigyan ang munti nitong kahilingan.

Ito ang nais nya,gusto nyang tulungan ang ginoo.Pero sa kabilang banda ng utak nya,sumasagi ang binata.Tila sumisigaw na sana kahit sa unting hiling rin nito,ay pagbigyan nya.

“Umalis ka na sa pamilya ko Esme,pakiusap.Lubayan mo na ang daddy ko.Dahil habang nararamdaman ko sayo to.Hinding hindi kita maituturing na kapatid”

“Sr Juanillo” biglang sambit nya sa ginoo.

Inayos nito ang sarili at muling bumalik sa pwesto nito kanina.

Kinain naman silang muli ng katahimikan.Pakiramdam nya,napahiya ito kung kayat wala syang nagawa upang basagin ang katahimikang iyun.

“May tanong lang po ako” saad nya “M-may nawala na po ba kayong Anak?”

Napatitig sa kanya ang gino dahil sa kanyang tanong. Hindi nya rin alam pero nang maalala ang bagay na sinabi ng binata sa kanya.Ito ang lumabas sa kanyang bibig.

“Anong ibig mong sabihin?” Tanong nito “B-bakit mo naman nasasabi yan”

“W-wala lang po” saad nya “Natanong ko lang”

Muli nabalot nanaman sila ng katahimikan.Hanggang sa narinig nya ang ginoo na magbuntong hininga bago magsalita.

“Wala syang naiwang alaala sakin Esme” sambit nito “Nung huling gabi na nakita ko sya,its misserable.Yun yung naiwan nya sakin,yung masakit na pangyayari nayun na halos buong buhay ko ay dala dala ko na.Kahit nagkaron pa ako ng pamilya”

“Dinadalaw ka po nya sa panaginip?” Tanong nya.

“Oo” sagot nito “At paulit ulit ang mga napapanaginipan ko.Minsan,masaya.Minsan naman malungkot.Pero ngayong gabi,hindi ako nanaginip” lumingon ito sa kanya bago nag patuloy “Sa ilang linggo magmula ng bumalik ang bangungot ko,nasanay na akong magising ng hating gabi.Pero iba ang gabi na to Esme,dahil nagising ako ng dahil sayo”

“D-dahil sakin?” Nautal na tanong nya.

“Malakas ang pakiramdam ko Esme” saad nito “Na sa oras na tumapak ka sa mansyong ito.Kagaya ko,dadalawin ka nya, magpapakita sya sayo.Kahit sa panaginip”

Saglit na nagtaas baba ang lalamunan nya.Kinain sya ng pagtataka.“P-pero bakit ako?” tanong nya “Bakit kailangan ako pa ang pakitaan nya”

Saglit na tumikhim ang ginoo bago ito nag patuloy “Dahil siguro” saad nito “Nararamdaman nya din na iba ka sa lahat.Special ka sa kanya”

“Si Maria Esther?…” Sambit nya.

“Tulongan mo sya Esme” saad ng ginoo “Tulongan mo sya pakiusap.Tapusin natin to,sasamahan kita. Magtutolungan tayo”

Hindi nya magawang um-oo sa sinabi ng ginoo sa kanya. Sa una ang balak nya lang naman ay tulongang alisin ang lungkot nito.Ngunit hindi nya inaasahang pati ang babaeng yun ay papasok sa buhay nya,at maging ito ay nais manghingi ng tulong.

Ano ba kasing meron sa isang Esme? Bakit sya lang ang parang pwedeng tumulong sa mga taong… hindi pa tapos magmahal.

“Sr,Juanillo…” Sambit nya sa ginoo “Kailangan nyo na pong mag move on,kailangan nyo pong iwanan ang nakaraan”

Wala syang ibang maisip na dahilan.Sa ngayon kasi,ito lang ang alam nyang paraan.Ang makalimut ang ginoo.

Napansin nyang natigilan ito kung kayat kunot noo itong bumaling sa kanya “Gusto ko lang manghingi ng tulong Esme” ani nito “Madami syang pinagdaanan, kailangan nya ng hustisya.At ikaw ang pwedeng mag bigay nun sa kanya”

“Pero bakit po ako?” Saad nya “Hindi ko alam kung paano sya matutulongan.Ang nakaraan po,ay mananatili nalang nakaraan.Kaya mas mabuting mag-move on na po kayo.Iwanan nyo na po sya,tanggapin nyo nalang po ang mga nangyari noon.May buhay pa po kayong dapat gampanan.Isa ka pa pong ama”

“Madali lang para sayo sabihin ang mga yan” narinig nyang nag crack ang boses nito.Tila nagbabadyang muling lumuha.

“Hindi ikaw ang nakasaksi ng lahat.Wala kadun habang pinapanood ko syang mahirapan at unti unting bawian ng buhay.Dapat lang sa kanya magkaroon ng katarungan.Sa kabila ng mga ginawa sa kanya ng mga taong yun” seryoso itong tumitig sa kanya “Babalik sya,maniningil sya Esme…”

Pinanood nya lang kung paano nagtuloy ang mga luha sa pisngi ng ginoo.Dahil dito,napagtanto nyang sariwa pa nga ang lahat ng nangayari,hindi nya magawang basta husgahan ang ginoo.Kaya naman upang mapagaan ang kalooban,inilantad nya muli ang dalawang braso nya.At doon,muling sumobsub ang ginoo at iniyak ang lahat ng sakit.

“Hayaan mo muna ako dito Maria” bulong na saad ng ginoo,hindi na bago kung ano man ang itawag nitong pangalan sa kanya. “Kailangan ko ng masasandalan ngayon, kailangan kita”

Hindi na sya tumanggi,sa halip pinaayos nya ito ng pwesto.Kumportable silang nahiga sa kama habang ang ginoo ay parang batang takot na mawala sya dahil sa higpit na pagakap nito sa kanyang tagiliran.Kahit naiilang,hindi nya na ito sinaway pa lalo na ng isubsob pa nito ang mukha sa kanya leeg.

Hindi sya makagalaw ng maayos,pero hinayaan nya lang ang lahat.Kahit sa pagkakataong ito,mapagaan man lang nya ang kalooban ng ginoo.

°°°°°°°°°°

Sa ganoong posisyon sila naabutan ng binata.Kitang kita nya ang paglaki ng mata nito na para bang nakita nito ay isang kamalian.

Dito nagising ang ginoo,at kusot mata pang kinamot ang mata habang tinitignan din ang panganay na anak.

“D-dito ka po natulog?” Hindi sya nito pinansin sa halip ay binalingan ang ama “Pero paano po? Magkatabi kayo ni Esme buong gabi?”

Hindi nya alam kung bakit tila nahiya ang buo nyang katawan.Wala naman silang ginawang masama ng ginoo pero ang ekspresyon ng mukha ng binata sa harap nya ay hindi kaaya-aya.

Bakit nga ba tila nakokonsensya sya.

“Oo,katabi ko si Esme matulog” kasywal na sagot ng ginoo “Bakit? May masama ba dun?”

“Unbelivable” sambit ng binata,kapagkuwan ay binalingan sya nito “At hinayaan mo lang sya? Na buong gabi nakayakap sayo ang daddy ko?”

“Kye-”

“Whats wrong Kye?” Naputol ang sasabihin nya ng magtanong ang ginoong katabi nya.“Ginusto namin to,pinagiisipan mo ba kami ng masama? Parehas naman kaming lalaki diba?”

Napatitig lang ang binata sa ama nito kapag kuwan ay pagak na natawa na tila hindi makapaniwala.

“H-hindi mo nga kilala si Dad” turan nito sa kanya na ikinakunot naman ng kanyang noo.

“He knows me” saad muli ng ginoo.

“No” sambit ng binata “Hindi ka nya kilala.Hindi nya alam kung ano ka nga ba sa buhay nya”

Dito na nagusot ang utak ni Esme dahil sa makahulogang saad ng binata.Kaya naman magtatanong na sana sya pero lumabas na ang binata sa pintuan.

Utomatiko syang napatayo at hindi alam kung bakit kailangan nyang habulin ang binata na naabutan nya lang din sa hallway.

“Dont touch me Esme” sambit nito ng tangkain nya itong pigilan “Im very dissapointed to you.Hindi ko alam na ganyan ka pala ka easy”

“Wala kaming ginagawang masama” saad nya.

“Wala?” Ani ng binata “E ano yun? Kitang kita ko, nakaakap sayo si Daddy, kumportable syang nakasubsob sa leeg mo pero ikaw gusto mo naman”

“Wala lang yun” sambit nya “hindi ganun”

“Ganun yun Esme” sambit ng binata “Merong ganun,kasi ansakit sakit dito” bahagya nitong tinuro ang kabilang dibdib kung saan nakapwesto ang puso nito “Hindi ko alam kung bakit nararamdaman ko parin sayo to kahit alam ko na ang totoo.Naiinggit ako! Kasi ako dapat yun! Pero mali! Nagugolohan na ako Esme,gusto ko ng tanggalin tong nararamdaman ko sayo pero ayaw”

Napatakip sya ng labi ng mapansin pumapatak na ang luha ng binata sa pisngi nito.Umiyak na pala ito dahil siguro sa sama ng loob na dinadala.

“Hindi kita mainitidihan…” Sambit nya.

“Hindi mo ako maiintindihan” sagot ng binata “Kasi hindi mo alam ang totoo”

Saglit syang napabuga ng malalim na hininga bago magsalita.

“A-ano ba kasing totoo” tanong nya “Im so clueles Kye,sabihin mo naman sakin ang totoo”

Pinakatitigan sya ng binata bago sya hawakan nito sa kamay at may pwersang hilahin sya nito. Nakaramdam sya ng sakit dahil may kahigpitan ang hawak ng binata.Kaya naman pwersahan nya itong inaagaw pero hindi nya magawa makababa man sila sa hagdan palabas ng pinto.

“Gusto mong malaman ang totoo diba?” Saad ng binata habang papalabas sila ng bahay “Pwes dadalhin kita sa katotohanan”

“Kye nasasaktan ako” anas nya at pilit inaagaw ang kamay pero parang wala lang sa binata ang lahat.

“Mas masasaktan ka pa pag nalaman mo ang lahat” sambit nito “Im gonna tell you this Esme,dad is not the only way to find the truth. Ngayon,sinasabi ko na sayo to.Walang pakialam si Daddy sa kung ano ka man o kung sino ka.He was using you to be contented dahil kamukhang kamukha mo si Maria Esther”

“Ano bang sinasabi mo?” Anas nyang muli “Hindi kita maintindihan”

Hindi sya pinansin ng binata,mabilis ang mga kilos nitong isinakay sya sa shutgut set at nilagyan ng seatbelt.Kapagkuwan ay pumasok na ito sa sasakyan at nagsimulang magmaneho.

Mabilis ang mga pangyayari, namalayan nya nalang na nasa daan na sila.Tinatahak ang isang lugar na hindi nya alam kung saan.

“Saan mo ako dadalhin?” Hindi nya mapigilang magtanong.

Pero hindi sumagot ang binata na nakatingin lang sa daan at walang ekspresyon ang mukha.Nabalot sila ng katahimikan sa loob.

Wala syang masabi,wala syang maintindihan.

Kaya naman imbis ilabas ang sama ng loob.Iniyak nya nalang ito,tahimik na humihikbi habang mabilis pinupunasan ang mga luha upang hindi mapansin ng binata.

Wala syang lakas na makipag talo dito.Kaya naman nilihim nya lang ang inis dito,at iniyak lang ang lahat. Nagpatuloy lang iyun hanggang sa makarating sila sa isang istablisyemento. Hindi sya gumalaw hanggang sa ang binata na ang unang bumaba sa sasakyan at pinalabas sya sa kotse.

Wala parin silang imikan,hanggang sa pumasok sila sa loob.This is a cafe’,walang masyadong tao kaya naman mabilis nyang natanaw ang babae mula sa isang dulo ng mga lamesa.

Dahil dito,kumunot ang noo nya at muling nagtaka.Hindi pa huli ang lahat ng mapagtanto nya ang pakay ng binata kaya naman mabilis na syang lumabas sa cafe nayun pero alam nya susundan sya ng binata at ng babaeng iyun.

“Anak…” Sambit nito ng maabutan sya sa tabi ng kotse ng binata.

Nilingon nya ito at buong tapang na humarap. “Natatawag nyo pa po akong ganyan?” Saad nya dito habang nagsasalit salit ang kanyang mata sa binata at sa babaeng iyun “Ano to? Para saan to? Sinet up nyo ako?”

“Gusto ko lang makipag usap” saad nito sa kanya “hindi na ako magsisinungaling sayo Esme,sasabihin ko na ang lahat ng katotohanan”

“Paano ako napunta sa inyo?” Diritsyahang tanong nya dito “Sino ang mga magulang ko?”

“Sasabihin ko ang lahat” saad nito sa kanya “Pumasok muna tayo sa loob.Para makapagusap tayo ng maaayos”

“Dito na!” Napalakas na ani nya “Sabihin mo na ng sabay sabay dahil gulong gulo na ako.Gusto ko ng malaman ang totoo.Sino ba talaga ako? Sinong mga magulang ko?”

Natigilan ang kausap at napatingin ito sa binata.Tila nanghihingi ito ng tulog na ipinagtaka naman nya.

Hindi nya kasi alam kung ano mga kaugnayan ng dalawa sa harap nya.

“Hanapin mo ang mga Erschonen” Kapagkuwang sambit ng ginang.“Sila ang makapagsasabi kung sino ka talaga”

“Sinong Erschonen?” sabay nilang tanong ng binata na ikinatigil nya.

Wala din itong alam?

“Ano bang ibig mong sabihin?” Ang binata ang nagtuloy.

“Kung gusto nyang malaman kung sino ba talaga sya” sambit nito sa binata. “Kailangan nyang pumunta sa Stio Sampaguita.Doon nya mahahanap ang mga sagot”

“Sinong Erschonen?” Tanong nyang muli.Pero hindi ito sinagot dahil muling nagtanong ang binata

“Hindi sya isang Montefalco?” Napatingin sya dito.“Hindi sya anak ni Dad”

Ilang segundo syang tumitig sa kanyang harap. Kapagkuwan ay hindi man lang umimik ang ginang,sa halip ay paglingo lang nito ang tanging sagot sa binata.

“Pero ang sabi mo-”

“Kilala ni Juanillo ang mga Erschonen” sambit nito “Kaya inaakala ko, makakatulong sya para mahanap ang totoong pagkatao ng anak ko.Bakit ano bang inaakala mo?”

“I misinterpret” sambit ng binata kapag kuwan ay napabaling ito sa kanya “I misinterpret again”

Nagtaka sya nang magliwanag ang mukha nito kapagkuwan ay lumapit ito sa kanya at niyakap sya ng mahigpit.Wala nanaman syang maintindihan kaya naman nakakunot noo lamang syang napapatingin sa dalawa.

“Ano bang ibig mong sabihin?” Hindi nya mapigilang tanong ng bumitaw ito sa kanya.

“I thought kapatid kita Esme” napapangiti nitong ani “Akala ko isa kang Montefalco,nawawalang anak ni da-”

Napigilan nya ang binata sa pagsasalita ng sampalin nya ito.Nagulat ang mga kaharap nya dahil sa ginawa nya.

Pero sya,pagkainis ang naramdaman.Hindi nya din napigilan ang sariling kamay na mailapat sa pisngi ng binata.

He was realize something.

“Walang hiya ka” ani nya dito “Una,inakala mo na ako ang kabit ng tatay mo.Na easy ako.Ngayon,akala mo anak naman ako sa labas?”

“Esme hindi ganun”

“Bakit ang dumi dumi ng tingin mo sakin?!” Singhal nya sa binata.Hindi nya napigilang mapaluha dahil sa napagtanto.Kapagkuwan ay nilingon nya ang ginang sa tabi nya.“Ikaw,bakit hindi mo nalang sinabi ang totoo? Bakit pinapaikot mo pa ako? Ganun ba kadali paglaruan ang pagkatao ko? Masaya bang paglaruan kung sino ako? Gusto ko lang ng katotohanan.Bakit hindi nyo maibigay sakin yun? Hindi naman ako masamang tao.Hindi ako ganun katanga para paglaruan”

Ilang saglit tila nagiba ang tingin nya sa mga taong kaharap nya.

Ang binata,na laging nagkakamali.Hindi pinagiisipan ang mga gagawin.Laging na mi-misinterpret sa mga bagay.

Habang ang tiya nya,ang ginang na kaharap nya.Laging nagsisinungaling, hanggang ngayon,takot parin sabihin ang buong katotohanan sa kanya.

He wonder kung ano pa ba ang mga itinatago nito.

“Esme…” Sambit ng ginang,hinawakan sya nito sa braso upang paklmahin ngunit iniwas nya lang ito.

“Pleas anak” tila pagod na sambit nito “Bumalik ka sa Stio Sampaguita.Doon mo malalaman ang lahat, hinihintay ka na nila.Gawin mo ang lahat makamit mo lang ang hustisya”

“Hustisya?” Takang ani nya.

Hindi sumagot ang ginang sa halip ay inayos lang nito ang sarili at nag simula ng umalis.

Papunta kung saan.

“Tutulongan kita Esme” sambit ng binata ng silang dalawa nalamang.

Hindi sya sumagot, nakatanaw lamang sya sa bulto ng tiyahin habang papalayo ito sa kanya.Hindi nya namalayang pinagbukasan na pala sya ng pinto ng binata.

Pero iba ang nais nya dito.

“Anong karapatan mong pagharapin kami ng babaeng yun?” Sambit nya dito ng tangkain sya nitong papasukin sa loob.Pero hindi nya ito pinansin.

“Bakit mo ba hilig mangialam sa buhay ko Kye” sambit nya “Ang dumi dumi ng tingin mo sakin.Bakit kaba ganyan?”

“Im sorry” sambit nito.

“Hindi ko alam kung kanino ako magagalit” saad nya “sa itinuring na ina ko ba na laging nagsisinungaling sakin.Sayo,na laging may mali ang tingin sa pagkatao ko.O kay Sr.Juanillo,na pilit ililihim din ang katotohanan, at tignan ako bilang isang babaeng dati nyang minahal” napabuga sya ng malalim na hininga “Lahat kayo,parang pinaglalaruan ang pagkatao ko”

“Esme-”

“Ihatid mo ako sa mansion” utos nya sa binata “Kailangan ko ng ihanda ang lahat.Babalik ako sa Stio Sampaguita.Tatapusin ko na ang lahat ng ito”

ISANG mahigpit na yakap ang hindi nya nagawang tanggihan mula kay Tally pagdating nila sa mansion.

Nakita nya din na sabay bumaba mula sa hagdanan ang mag-amang si Kyst at Juanillo.

Taka ang mga mukha ng mga ito,kung bakit tila may nginingit ngit syang angas.Habang si Kye ay pinagbagsakan ng langit ang mukha.

“Saan kayo ng galing?” Tanong ng ginoo sa kanila.

Hindi nya ito sinagot.Sa halip ay tanong rin ang ibinalik nya rito.

“Sino ang mga Erschonen?” Tanong nya “Pati din ba ikaw nagsisinungaling kung sino ako?”

Nakita nyang bahagya natigilan ang ginoo.Parang nakakita ng multo sa harap nya.

“I-ikaw ang anak ni-?”

“Sabihin mo ang totoo” putol nya sa iba nitong sasabihin “May alam kaba kung sino ang mga magulang ko”

Matagal itong napatitig sa kanya.Hindi nya ito maintindihan dahil nakikita nya lang sa mukha nito ay ang pagkagulat at buong pagtataka.

“Sabihin mo ang totoo!” Singhal nya na dahil sa pananahimik lang ng ginoo “Sino ang mga Erschonen? Ano ang kinalaman nila sa buhay ko”

Nakatingin lamang sya sa nanlalambot na mukha ng ginoo sa harap nya.Hindi nya na nga namalayang sinapo na pala nito ang mukha nya at maluhang pinakatitigan sya.

“In eighteen years,totoo nga” naiiyak nitong ani “May anak nga sila,ikaw yun Esme. Nabuhay ka,buhay ka.Anak ka nya”

“Tama na” inawat nya ang ginoo at bahagyang lumayo sa gawi nito “Ang gusto ko ang katotohanan Sr.Juanillo. At may alam pala kayo sa buhay ko? bakit nyo to inilihim sakin?”

“Kasi hindi ako sigurado” ani nito “Hindi sapat ang mukhang yan para pagbatayan ko.Hindi lang ako makapaniwala na buhay ka.Sa kabila ng mga nangyari sa inyo,akala ko nawala ka nadin”

Mapait itong ngumiti at niyakap sya ng mahigpit, bago muli sya nitong harapin.At pakatitigan na tila may bagong pagasa.

“Gamitin mo ang pagkakataon na to Esme” saad nito “Ito na ang pagkakataon mong humugot ng lakas para humingi ng katarungan.Ipaghiganti mo sya….bumalik ka sa Stio.Sampaguita.

…singilin mo silang lahat“

CHAPTER 32

AN: Hi po dito,sana nandyan pa kayo.Sorry medyo matagal nawala,wala akong load e.Atsaka matagal tagal ko din pinagisipan ang mga susunod na mangyayari.Nawala ako sa wisyo sa pagsusulat dito.Ayoko namang masira kaya tinigil ko muna para makapag isip pa.

Sorry for the typo at wrong grammar.Hope na maintindihan nyo padin.

For now ito muna,enjoy guys!

Happy reading 💕

‘Mga hayop kayo! Mga walang hiya!…wala akong kasalanan.Wala akong ginagawang masama! Hindi ako masamang tao…hindi ko kayang pumatay!’

‘Sinira nyo ako!…sinira nyo ang pamilya ko!…wala na sakin ang lahat.Kinuha nyo ang lahat sakin…wala nang natitira!…’

’Isinusumpa ko! Babalik ako sa baryo na ito! Babalikan ko kayong lahat! Maniningil ako!…iisa isahin ko kayo! Luluhod kayo sa harap ko at magmamakaawa.Pero huli na ang lahat! Dahil sa pagbabalik ko! Ipinapangako ko! Magsisisi kayo! Gaganti ako! Itutumba kayo! Ako si Maria Esther…at babalik ako para maningil hindi ng utang…kundi ng buhay

!

arghhhhhhhhhhh

“Alam nyo ba ang kwento ng Stio hangganan?” Nakakapangilabot na saad ni Ysay sa mga kaibigang seryosong nakikinig sa kanya.Walang umimik sa mga ito,tila pinapatuloy sa kanyang kwento.

“Si Maria Esther,ang babaeng isinumpa ng kamalasan… namatay yun dahil sa sunog. Pero bago sya mawalan ng buhay sumisigaw sya ng katarungan.Sumisigaw sya ng hustisya.Pero walang nakinig sa kanya…pinanuod lang sya kung paano kainin ng malaking apoy,kung paano sya masunog.Kaya naman sa huling hininga, isunumpa nya ang baryo ng Stio.Sampaguita.Babalik sya,maniningil sya sa mga taong nagkasala sa kanya. Babalik sya upang maningil, pero hindi ng utang…kundi ng buhay”

Nabalot ng katahimikan ang buong paligid pagkatapos nyang magsalita.Pero para mawala ang tensyon sa paligid nagsimulang magingay ang tatlong kalalakihang kasama nya.Kanya kanyang hiyawan ang lima sa kanyang kaibigan.Ang dalawa  pa sa babae nyang kagrupo ay inaasar pa ng dalawa pa sa talong kalalakihan.Para naman itong mga nakakita ng totoong multo dahil sa takot.

“Pero its true na sinumpa ang town na to?” Maarting tanong sa kanya ni Imzy ng matapos itong maasar sa tatlo.“Ayun sa kwento ng tita ko,this town is really creepy.Lahat daw ng mga babaeng may magagandang mukha sa baryo nato is nakakaranas ng depression or anxiety?”

“At ang lahat ng magaganda sa lugar nato nagpapakamatay o di kaya may nangyayaring masama?” Dugtong pa ng pangalawa naman sa babae nyang kaibigang si Wen ang nagsalita “Wala naman atang patunay na noon pang panahon ng kastila ay isinumpa din to ng babaeng walang mukha diba”

Hindi sya sumagot dahil muling nagtanong ang isa pa.

“Bakit puro kamalasan ata ang nangyayari sa Baryong ito?” Puna ng isa sa tatlong lalaki na kaibigan nya.Si Rex “Biruin nyo,kung may kwento na dati ng panahon pa ng kastila tungkol sa babaeng walang mukha.Na nasinumpa narin pala ito noon.Posible na ilang dikadang nakalipas,yang Maria Esther na sinasabi mo ang nakaranas ng sumpa nya? Diba maganda naman si Maria Ether?”

“Bakit puro lang magaganda ang binibiktima ng kamalasan?” Tanong lang din ang narinig nya mula sa pangalawa pa nyang kaibigang lalaki sa grupo.Si Ivan “Ganun ba ka depress ang babaeng walang mukha kaya nya isinumpa ang baryo nato.Na aksidenteng tinamaan ng sumpa nayun si Maria Esther at sya naman ang nagpatuloy ng kamalasan sa baryo nato?”

“Nagiisip ba kayong lahat?” Sabay sabay silang napabaling sa nagsalita.Ang huli ito sa tatlong lalaking kaibigan nya,si Rigel.

Kanina pa ito tahimik na tila may iniisip at nakikinig sa tanungan nila.“Ang kwento ni Ysay,namatay si Maria Esther at isinumpang babalik sa baryo nato” saad ng binata “Isnumpa nya lang na babalik sya,pero not itself na ang buong baryo na ang isinumpa nya.Siguro, nangangako sya sa mga taong nakagawa sa kanya ng kasalanan na muli syang babalik upang maghiganti.”

“Pero how about sa babaeng walang mukha?” Sabat ni Imzy “Diba the decade past na nung sinumpa nya ang baryong ito.But accidentally, si Maria ang tinaman nun? Ganun?”

“Siguro…” Dugtong naman ni Ivan “Kasi sa lahat lahat.Tulad ng sinabi ni Wen.Walang patunay na panahon pa ng kastila totoo na yung babaeng walang mukha.Hindi naman lahat ng babae dito nagpapakamatay dahil sa depression right?”

“Yun ay dahil hindi sila maganda” biro ni Rex na munting na nilang ikinatawa. Buti nalang agad silang natahimik “Ibig sabihin,kung hindi ka depress o binabalak na magpakamatay.Hindi ka maganda.Kung walang mangyayari na masama sa inyo tulad ni Maria.Hindi kayo kagandahan para tamaan ng sumpa ng babaeng walang mukha”

Umaktong parang nasasaktan si Wen pagkatapos magsalita ni Rex.Kapwa silang napakunot noo ng mahunian parang tanga ang dalaga na kinatawa nilang lahat.

“Oh nasaktan na ko Rex” saad nito sa binata “Nadedepress narin ako,maganda na ba ako nun?”

Tumawa lang ang binata kapagkuwan ay napansin nyang napakamot sa ulo si Ivan na tila nagugoluhan kay Wen.Nagtuloy silang nagtawanan ng magsalita naman si Rigel na ikinatigil nila.Ang nagiisa lang atang matino mula sa kanilang grupo.

“Wag nyong gawin biro ito ok?” Saad nito sa kanila “Sabihin nanating sabi sabi lang ng mga matatanda ang sumpa ng babaeng walang mukha,pero how about Maria Esther?” Natigilan sya ng bigla syang pasadahan ng tingin ng binata “May katotohan ba ang lahat ng yun? Ano ba ang totoong kwento ni Maria Esther?”

Hindi sya nakasagot at napatingin lamang sa apoy na nasa gitna habang pinapalibutan nila ito ng kanilang magbabarkada. Hindi nya alam kung bakit natagpuan nalang nila ang mga sariling nakakumpol sa isang madilim na parke, habang pabilog na nakaupo sa gitna ng apoy.

Ang tanging alam nya lang,nagmatapang silang magkakagrupo na pumunta sa baryong ito para sa isang research project.Hindi nila namalayang kasama nila ang pagbubukas ng kwento ng isang kaluluwang ligaw na gustong maghiganti.

Naramdaman nya ang katahimikan at kai-langan sa paligid dahil halos lahat ng lima nyang kaibigan ay nakatingin sa kanya. Inaantay na muli nyang buksan ang kwento.

“H-hindi ko alam…” Nauutal na ani nya “Kwento din naman to ng lola ko e,sabi nya eighteen years ago.Fiesta yun ng sumaka,silebrasyon ng mga pangunahing prudokto nila sa baryong ito.Ang suman,mangga at kasoy.Nang gabing iyun,wala pa silang napipiling magiging reyna ng gabi.Si Maria ang hindi nila sinasadyang mapili.At doon sinabi ng lola ko ang tungkol sa malas at sumpa” saglit syang tumigil at isa isang napatingin sa mga kaibigan “Pero hindi naman daw nya alam na pwede palang mangyari iyun kay Maria e,binabalaan lang nila ang dalaga.Pero hindi nila alam,matapos ang gabing yun doon na magsisimula ang kalbaryo ng babaeng kayrangal.May nangyari kay Maria Esther sa dulo ng Stio.Sampaguita.Sa Stio hangganan.Hindi nila alam kung paano napunta don si Maria,at nagising kinaumagahan.Buong buhay na pala syang hahabulin ng kamalasan…

Hanggang sa namatay na sya,inaasahang babalik…upang maghiganti,upang kumuha ng buhay….at ito ang kwento nya“

NAG-MAMALABISBIS pababa ng kanyang mata ang mga luha.Hawak nya ang naninikip na dibdib habang tahimik na humihikbi. Nakatingin lamang sya sa kisame habang pilit na inaalala ang nangyari.

Teka…

Ano bang nangyari sa kanya?

Ano bang dahilan ng kanyang pagluha?

Bakit sya umiiyak?

Sino ang iniiyakan nya?

Para saan ang mga luha nya.

“Hindi ko to kaya ma…” Sambit nya sa Ina ng tumuon sya dito “A-ang sakit sa dibdib,umiiyak ako pero hindi ko alam ang dahilan.Gusto kong maalala ang nangyari.Bakit po ako nandito? Baki po ako nasa hospital”

Dumukhang ang ina para daluyan sya at sapuhin ang kanyang noo.Dito nya rin nahunian na basa rin pala ang mukha nito.Katulad nya umiiyak ang ina.

“Ayos lang anak” ani nito “Magiging ayos din ang lahat…”

“P-pero po wala akong maalala..” Saad nya “Ang sakit ng dibdib ko, nasasaktan ako pero hindi ko alam kung bakit.Wala po akong matandaan”

“Hindi mo kailangang matandaan anak” sambit nito “Gagawin ko ang lahat para sayo.Mabuti narin na wala kang maalala.Kasi pagsisihan ko lang ang nangyari sayo.Dapat hindi na kita pinayagan pa.Dapat mas pinaghigpitan nalang kita”

Tuloy tuloy na umagos ang mga luha nito.Ang makitang umiiyak ang ina ay tila mas dumoble pa ang sakit na nararamdaman nya.Hindi nya mawari ang sakit niyun kaya napahikbi narin sya hanggang sa yakapin na sya ng ina upang mapatahan sya nito.

“Pasensya na mama…” Saad nya “Nasasaktan po ako ng walang dahilan.G-gagawin ko po ang lahat para po maka alala ako.Para makwento ko sa inyo ang lahat”

Naramdaman nya ang paghagod ng ina sa kanyang noo bago mag salita “Hindi na kailangan” ani nito “Wag mo ng alalahanin.Umuwi nalang tayo satin. Magsisimula tayo ulit”

Muli syang napatingin sa kisami na para bang doon nya makikita ang sagot. Pinipilit na may mahanap na katotohanan hinggil sa sakit na nararamdaman. Anong nangyari sakin?…bakit ako nasa hospital…bakit ako nasasaktan ngayon…

Nasa ganun parin syang estado ng makarinig sila ng mahinang pagbukas ng pinto.Sabay silang napabaling ng ina dito.At doon,inuluwa palabas ang binata na hindi nya inaasahang dadating.Hindi nya rin alam kung bakit nandidito ito.

“Maria…” Sambit nito kapagkuwan ay lumapit ito sa kanya upang sapuhin ang kanyang noo “Ok ka na ba? May masakit paba sayo?”

Hindi nya alam pero kusang gumalaw ang kanyang kanang kamay at itinuro ang kanyang dibdib kung saan banda ang kanyang puso.Bahagya namang natawa ang binata dahil sa ginawa nya.

“Hayaan mo” sambit nito “Gagamutin ko yan.Nandito ako Maria,hindi na ulit kita pababayaan”

Hindi na sya nagsalita pa sa halip ay nginitian nya nalang ito ng tipid.Napansin naman nya ang kanyang ina na bahagyang lumapit sa binata para kausapin ito.

“Bakit ka nandito J-Juanillo?” Tanong ng ina “Kailan pa kayo naging magkaibigan ng anak ko?”

“Kagabi lang po” sagot nito kapagkuwan ay napatingin sa malayo.Bahagya syang nagtaka dahil nakita nyang nanubig din ang mata nito “Patawad po,ginang Pasing…wala po akong nagawa.Hindi po akong mabuting kaibigan sa anak nyo”

“Wag mong sabihin yan” sagot ng ina “Wala kang kasalanan.Yung hayop nayun ang dapat nating tanungin.Pero ngayon nawawala sya.San naman lumalop yun nagpunta”

Natigilan sya ng marinig sa ina ang sinabi nito. Napatatanong sya isipan kung sinong nawawala ang tinutukoy nito.

“Nawawala?..” Tanong nya “S-Sino naman pong nawawala?”

Sabay syang tinignan ng mga ito.Nahimigan nyang tila hindi nila alam ang isasagot kung kayat muli syang nagtanong.“Ma,Juanillo” ani nya sa mga pangalan nito “Sino pong nawawala? Bakit parang nagaalala kayo?”

“Si Sebyo” ang binata ang sumagot kapagkuwan ay muli itong napatingin ito sa malayo.“Nawawala si Sebyo nung nakaraang gabi pa.Hindi na sya makita”

“Ano?” Medyo may kagulatan nyang tanong.Habang inuupo ang sarili sa kama “P-paanong nawala? Bakit sya nawawala.Anong nangyari sa kanya huh?”

Hindi nya nanaman napigilang mabiyak ang boses at muling mapaiyak. Bahagya pa syang napahawak sa dibdib ng muling maramdaman ang sakit nun.

Pero hindi nya alam kung anong kalseng sakit ang nararamdaman nya.Kung lungkot ba para sa pagaalala? O lungkot dahil tila pakiramdam nya may nasira sa kanilang dalawa.

“Wag mo ng alalahanin yun anak” agad namang lumapit sa kanya ang ina at dinaluyan sya“Pinaghahanap na sya ngayon ng lahat.Baryo lang ito,hindi sya makakalayo”

“Mas mabuting magpahinga ka muna sa ngayon Maria” ang binata ang nagsalita “Makakabuti sayo yun para maging malakas kapa”

“Oo magpahinga ka,pero hindi dito” sambit naman ng ina “Uuwi na tayo, pakiramdam ko.Mas lalo ka lang magkakasakit sa hospital nato kaya uuwi na tayo sa bahay”

Napatango naman sya sa ina upang sangayunan ito. Kapagkuwan ay muling napabaling sa binata ng magsalita ito.

“Ako na po ang bahalang maghahatid sa inyo Maam” sambit nito sa ina “N-nagaantay po si Daddy sa baba,gusto nya daw pong makatulong”

“A-ano?” Medyo gulat na tanong ng ina.Maging sya din ay medyo nagulat dahil hindi nya ineexpect na magaabala pa sa kanila ang dating mayor ng bayang ito.“S-si Eduardo? N-nako nakaahiya naman,hindi nyo naman kailangan gawin to maliwanag?”

“Ok lang samin” sambit ng binata kapagkuwan ay napatingin ito sa kanya “Ok lang po sakin,basta po kay Maria.Wag po kayong mahihiya”

Nagkatingin sila ng ina.Bakas sa mata nila ang pagtataka pero wala narin silang nagawang dalawa dahil mukhang nakapaghanda na ang binata.Kumuha pa ito ng wheelchair upang gamitin nya palabas ng hospital.Ito rin ang nagtutulak sa kanya hanggang sa makarating sila sa lobby.

Hindi nya man gustong pansinin,pero nararamdaman nya ang extra caring nito sa kanya.Dahil dito kahit papano nawawala ng sakit na nararamdaman nya.Kahit kaunti,gumaan ang puso nya.

Sumakay sila sa itim na ban na pagaari ng maga amang montefalco.Ang ina ay sumakay sa shutgun sit katabi ang ama ng binata na itong nagda-drive ng kotse.Sya naman ay naupo sa likod kasama ang binata. Tahimik lang ang byahe pagkalipas ng ilang minuto nila sa daan.Walang nagtatanong at nagsasalita.

Nakatingin lang sya sa bintana ng kotseng iyun,pilit inaalala ang nangyari nung nagdaang gabi.Pero habang hinahalungkat nya iyun,tila mas tinatakpan pa ng kanyang isipan ang isang madilim na scenario.Ang hindi maganda,mas sumisikip lang ang kanyang dibdib at kusa nanamang nanunubig ang kanyang mata kapag pinipilit nya itong maalala.

Kaya naman nagpapasalamat sya ng makaramdam sya ng kaunting antok.Palagay nya dahil ito sa gamot na pinaunum sa kanya.Hindi nya tuloy napigilang maghikab at napansin ito ng binata.

“Isa’t kalahating oras pa ang byahe natin” mahinang ani nito “Matulog ka muna para makapagpahinga ka kahit nasa byahe pa tayo”

Sinangyungan nya naman ang suhestyon nito at aakmang pipikit na sana ang mata ng mapansin nyang inilantad ng binata ang isang brado nito sa kanya.

“Halika,dito ka matulog” ani nito na ikinatigil nya “Mas malambit ang braso ko kesa sa upuan ng kotse ok”

Ilang segundo syang napatitig sa mata ng binata.Wala syang choice dahil matamis ang ngiti nito sa kanya.Wala narin syang lakas para makipag argue pa kaya masuyo syang tumanday sa braso nito bago ipikit ang mga mata.

“Magpahinga ka muna my Maria…” Mahinang sambit nito “Sa ngayon,ito lang ang magagawa ko.Hayaan mo munang alalayan kita”

Yun lang yun bago sya sakupin ng dilim at tuluyan ng makatulog.

Siguro,mahigit isang oras din syang nahimbing. Naalimpungatan lang sya ng makarinig sya ng ingay mula sa labas.Paunti unti,iminulat nya ang kanyang mata upang makita ang nangyayari. Ganun na lamang ang gulat nya ng bumungad sa kanya ang ilang mga tao na nakatayo sa harap ng bahay nila.May nakaparada ding itim na ban na pinapalibutan din ng ilang taong iyun.Lahat ng mga ito ay nakatingin sa harap ng bahay nila na tila may inaantay na may lumabas don.

“Dito ka na muna anak,wag kang lalabas.Aalamin ko lang ang nangyayari” bilin ng ina kapagkuwan ay mabilis utang tumalima.

Tinignan nya lang ang gagawin nito kasama parin ang mag amang Montefalco sa loob ng kotse.Nakita nyang agad na naging interesado ang ilang taong nasa labas.Pero bahagya din syang natigilan ng makitang tila nagagalit ang ina ng may lumapit dito na isang may kaidarang lalaki.

Napakunot ang noo nya,at bahagyang kinabahan dahil tila malalakas ang mga usapan nito na hindi nya naririnig dahil nasa loob parin sya ng kotse.Nag alala sya sa ina,dahil sa buong buhay nya ngayon nya lang nakita kung paanong ganto itong magalit.Baka seryoso ang pinaguusapan ng mga ito kung kayat hindi nya napigilan ang sarili at dumukhang para buksan ang pinto.

Narinig nyang pinigilan sya ni Juanillo na lumabas pero wala syang pakialam at nag tuloy lang sa gawi ng ina.

“Hindi mo makukuha si Maria Eather!” Rinig nyang singhal ng ina ng bahagya syang makalapit dito “Akin lang ang anak,Miliano.Wala kang karapatang makuha sya sakin”

Sa halip na sumagot ang lalaki,napatingin ito sa paglapit nya kasabay ng kanyang ina na nakita nya lang na nagulat dahil nasa tabi na sya nito.

“Sabi kong wag kang lalabas sa kotse!” Singhal nito sa kanya.Pero hindi sya sumagot at napatingin lamang sa lalaking kaharap ng ina.

“S-sya na ba si Maria?” Medyo slang nitong saad na pinagtaka nya.Ngayon nya lang napansin na tila banyaga pala ang lalaking ito.“M-malaki na sya,dalaga na ang Maria Esther ko”

Nagugulohan syang napabaling sa ina na ngayon ay may inis at pagsisisi sa mukha nito.Lumihis ang tingin nito sa kanya at bumaling sa lalaking kaharap nila.

“S-sya si Miliano” saad nito “Miliano Erschonen.Ang tatay mo Maria”

CHAPTER 33

Hindi sya nakaimik dahil sa sinabi ng ina.Nagpapalitan lamang ang tingin nya dito at sa sinasabi nitong ama nya.Naghahalo ang emosyon at ang pagkagulat nya kaya walang pumapasok sa isipan nya ngayon.

“Pasesnya na Maliano” ani ng ina sa kanyang ama habang may pag aalalang nakatingin sa kanya.“Hindi maganda ang lagay ng anak ko ngayon. Hayaan mo muna syang ma kapagpahinga,Pwede ba?”

“Anong nangyari sa anak ko?” Saad nito.Kapwa rin nakatingin sa kanya “Sabihin mo sakin Pasing tutulongan ko kayo”

“Hind na kailangan” matiim na saad nito sa ama “Kaya nanamin ang mga sarili namin.Nabuhay kaming wala ka.Kaya kaya namin dalawa kahit mawala ka ulit.Hindi ka namin kailangan”

“Hindi mo maitatangging anak ko si Maria Pasing” saad nito sa ina “Mukha nya palang,alam mong hindi sya buong pilipino.Anak ko sya,dugo ko ang nalalantay sa kanya kaya akin sya”

“Wala kang karapatan!” Singhal nito sa ama,tila nagsisimula ng magalit “Wala akong pakialam kung may halo man sya ng lahi mong Germany.Pero anak ko sya at akin sya”

Hindi na hinayaan pang magsalita ng kanyang ina ang lalaking sinasabi nitong ama.Masuyo sya nitong hinawakan sa likod at hinawi papalakad sa kanilang bahay.Alam nyang naka sunod sa kanya ang ama pero akala nya pipigilan sila nito.Iba kasi ang dahilan ng kanilang pag hinto sa pag lakad.May isang babae kasing hindi pamilyar ang humarang sa kanilang dalawa ng ina.

Tila nanggaling ito sa ilan ilang taong nakapaligid sa kanila ngayon.Hindi nya alam kung bakit nandidito ang mga ito lalong lalo sa babaeg nasa harap nila ngayon at tila nagmumug tong ang mata habang nakatingin sa kanya.

“Ako ang ina ni Sebyo” saad nito sa kanya na ikinatigil nya “Nagtrabaho ako sa Maynila.Pero nabalitan kong nawawala ang anak ko.Sabi nila ikaw daw ang huling kasama ng anak sa pantalan? Pero ikaw lang daw ang nasagip nila” bahagya sya nitong nilapitan at hinawakan sa sa magka bilang braso “Nasan si Sebyo? Nasaan ang anak ko? Bakit hindi mo sya kasama? Bakit sya lang ang nawawala ngayon”

Hindi nya alam ang isasagot. Maging sya rin kasi ay hindi alam ang nangyari sa binata. Ni wala nga din syang maaalala sa nag daang gabing iyun.Tila may naalis na isang importanteng pangyayari sa isip nya dahilan ng kanyang pagkalimot dito.

Wala syang naibigay na sagot sa inang iyun kaya naram daman nya ang paghigpit ng paghawak nito sa braso nya.Mabuti nalang at agad na may dumaloy sa kanya na nahunian nyang ang kanyang ama pala.Kasabay ng kanyang ina.Naluluha nanaman sya habang nakatitig lang sa babaeng iyun.Pilit parin nitong hinahanap ang sagot sa kanya.

“Iha pakiusap” habol nitong ani sa kanya ng magsimula na silang maglakad patungo sa kanilang bahay “Kaibigan mo si Sebyo…kaibigan mo ang anak ko.Sabihin mo naman kung nasan sya oh”

Nararamdaman nya ang pagsikip nanaman ng kanyang dibdib naaawa sya sa ina.Kaya muli syang napatingin sa gawi nito And then he mouthed ’Im sorry…

’Anong bang nangyari kay Sebyo?…nasan sya ngayon?…

Anong bang nangyari sa aming dalawa sa pantalan?

Yun lang naisip nya bago muling bumaling sa ibang direksyon ang kanyang mata. Napadako sya ng tingin sa kotse ng magamang Monte falco.Nakita nya ang binata na nasa labas na ng kotse. Masuyo sya nitong tinitignan na tila sinasabing magiging ok lang ang lahat.

Napakagat labi sya,nagsabay sabay ang lahat ng pang yayari.Una ay hindi nya maa lala ang gabing nagdaan iyun.Nagising lang sya sa hospital na may bigat sa diddib na dinadala. Pangalawa ang biglaang pagsulpot ng kanyang ama na hindi nya alam kung tatanggapin nya ba ang katotohang iyun.Ang pangat lo,ay ang pagkawala ni Sebyo.Hindi nya alam kung nasan ito,nagtatanong sya sa isip at sana maalala na nya ang nawawalang pang yayaring iyun sa alaala nya.

Nasaan si Sebyo?…

Anong nangayari sakin?….

“Ayos kana ba anak?” Ang mukha ng ina ang bumungad sa pagmulat ng kanyang mga mata.Hindi nya alam kung anong sumunod na nang yari,namalayan nya nalang na nadito na sya sa sariling silid at nanghihinang naka higa nanaman sa kama. ““Nawalan ka ng malay pagkapasok na pagkapasok lang natin sa loob ng bahay” saglit itong tumingin sa lalaking nasa tabi nito.Ang kanyang ama pala “M-Mabuti nalang at nandito si Maliano at naalalayan ka pa.Ayos kana ba? Ok naba lagay mo?”

Hindi sya sumagot sa halip ay ang kanyang ama ang nagsalita habang nakatingin sa kanya “May mga pulis dito kanina anak” saad nito sa kanya “Pinagbawalan ko lang silang makapasok at gulohin ka dahil nagpapahinga ka pa.Sino ba si Sebyo? Bakit sayo sya hinahanap ng mga taong yun”

Muli,wala nanaman syang naibigay na sagot.Iniwas nya na lamang ang tingin dito bago ito nagpatuloy “Sumama kayo sakin ng nanay mo Maria” sambit nito “Binili ko pa ang isang Mansion sa baryong ito.Doon ako nakatira ngayon at kakalipat ko lamang. Pakiusap sumama na kayo saking dalawa.Mas mapo protektahan ko kayo dun” napansin syang napatingin ito sa ina na nasa tabi nya “Sige na Pasing,hayaan mong gawin ko to sa anak natin. Gusto ko lang syang protektahan sa lahat”

Matapos ang ilang araw na pagpapasya.Pinili nyang iprocess muna ang sunod sunod nangyayarinsa buhay nya.Minabuting pagisipan nya muna lahat ang mga nangyayari.Hinayaan ang sariling ama na mapalapit sa kanyang kalooban.Ang ina naman ay wala paring ekplinasyon sa lahat.Kung bakit hindi nya nakasama ang ina nung bata pa sya.Kung bakit ang mga ito ay naghiwalay.Hindi nya din nalaman kung bakit ngayon lang nagpakita sa kanya ang ama.Na dati ay pwede naman pala nilang makasama.

Mabilis nagbago ang kanyang buhay.Kuntento na sana sya sa kung anong merong stado ang buhay nila ngayon kasama ang ina.Pero ang ama na maganda pala ang katayuan sa buhay ay hindi sila hinayaan sa simpleng buhay lamang.Di kalaunan ay dinala na sila nito sa tinutukoy nitong mansion sa loob din ng baryong ito.Dati nya pa ito nakikita na hindi nya alam na isa pala syang makakatira dito at magsisilbing tahanan na nya.

Mabilis ang mga bagay na nagdaan sa kanya.Ang pagbabago ng takbo ng buhay nya na ngayon ay kabilang na pala sya sa mayayamang tao na nasa maliit na bayang ito.Ngayon, sa paglipas ng halos ilang araw nakatira na sya kasama ang ina at ama sa isang maganda at malaking mansion.Masaya na silang nagsasama dito na.

Hanggang sa isang iglap.May mga taong hindi nya inaa sahan ang dadating at gugulo ng lahat.

“Anak magpa check up ka na kaya” saad ng ina habang pababa sila ng hagdanan patungong kusina.“Ilang araw na yang pagsusuka mo tuwing umaga.Tapos nahi hilo ka pa.Ano bang nang yayari sayo? Nag aalala na ako sayo anak”

“Nay ayos lang po ako” saad nya “Wala lang to.Morning sickness lang naman ata to.Siguro naninibago lang ako ang katawan ko sa malaking bahay nato.Buong buhay ko nasanay tayo sa maliit na bahay natin sa kabilang barangay. Naninibago lang siguro ako”

Bahagya syang umubo at masuyong hinilot ang sintido.Tama ang ina,halos ilang araw nya ng nararam daman ang pagsakit ng ulo at ang madalas na pagsusuka nya.Pero hindi nya alam kung bakit ayaw nyang mag pacheck sa doctor dahil natatakot sya.Bigla naman kasing bumubuti ang lagay nya.Katunayan nga,tuwing umaga nya lamang nara ramdaman ang pagsama ng kanyang pakiramdam.Kaya binabaliwala nya lamang ito.

Nakarinig sya ng katiwa sayan sa ina habang inaa lalayan syang makababa sa hagdan.Ngunit hindi pa sila tuluyang nakaka baba sa  ng makarinig sila ng ingay mula sa pinto papasok sa loob.

“Anong ginagawa nyo dito?” Tanong ng ama nung oras na makapasok ito sa loob. Kasunod nito ang dalawa pang babae na tila naka kunot ang mga noong naka baling sa kanyang ama “Sabi ko naman sa inyo,may pamilya na ako ngayon at hindi na ako babalik sa maynila.May buhay na ako sa bayang ito”

Narinig nyang natawa ang isang babae na nauuna sa isa pang kasunod nito.Tila nasa edad itong midtherties “At sino ang pamilya mo dito?” Mataray nitong tanong “Yang anak mo sa labas? At yung babaeng inanakan mo at iniwanan mo din.Paano si Cadia sa Germany? Ano pagkatapos mamatay ng anak nyo iiwan mo nalang syang magisa at babalikan ang sampid mong magina”

“Tumigil kana Fresia” matiim saad ng ama.“Ayokong mari nig nila yang mga pinag sasa bi mo.Tapos na kami ni Cadia alam mo yan”

“Ikaw ang dapat manahimik” saad nito “Ano? Lahat ng yaman mo? Lahat ng ari arian mo,sa magina mong yan ibibigay? Paano si Cadia? Paano kami ni Chandra? Ibibigay mo lahat lahat sa kanila.Yaman din ito ng mga magulang natin.Anong matitira samin huh?”

“Yaman lang ba ang pinunta mo dito?” Singhal ng ama na nagpatigil sa babaeng iyun “Kung ano man nakikita mo dito ngayon.Mansion nato, mga lupaing yan at ang pera ko sa bangko.Lahat ng yan akin.At mapupunta yun sa anak kong si Maria.Wala ka ng karapatan sa lahat ng meron ako dahil pinalago ko na ang kalahating ipinamana sakin ng mga magulang natin.Yung sayo,hindi ka na dala at nakuntento.Gumasta ka kaya ayan! Nangaangkin kana.Pati yang anak mo sa-”

“Sa ano kuya?” Sabat na nito sa iba pang sasabihin ng ama “Sa anak sa labas? Kuya pamangkin mo sya.Isa din syang Erschonen and she deserve all of this,dapat mamumuhay din sya sa mga luxurying ito kagaya ko,mo at ng bastardo mo”

Nakita nyang inuwestra ng kanyang ama ang kanang kamay nito sa pinto “Lumabas kana Fresia” matiim na saad nito “Bago pa kita makalimutan bilang kapatid.Lumabas kana at wag na wag mong pagsa salitaan ng ganyang pamilya ko”

Tila galit na ang kanyang ama kung kayat niyaya nya na ang ina na tuluyan ng bumaba sa hadanan at tunguin ang gawi nito.Gulat ang magina sa harap nya at ang kanyang ama dahil sa biglang pagdating nilang dalawa.Mukhang dahil sa pagtatalo ng mga ito ay hindi nila napansin na kanina pa pala sila nasa hagdaanan habang nakikinig sa di dapat nilang marinig kanina.

Agad lang syang lumapit sa ama  upang pakalmahin naman ito.

“Hindi ko gusto ang tabas ng bibig mo babae ka” ang ina nagsalita at dinuro pa ang kaninang babae.Alam nyang kanina pa ito nagtitimpi pero pinipigilan nya lamang ito “Para sa kaalaman mo,kami ang niyaya ng kapatid sa mansiong ito.Gusto nyang mapanindigan ang pagiging ama sa anak ko.Kayat bina hay nya kami.Kung may problema ka man.Kumalma ka at iwasang magsalita ng kung ano ano dahil,kami ng Maria ko.Sanay kami sa adjustment.Kaya naming isaksak sa baga mo ang lahat ng yamang ito.Dahil sa una palang,hindi namin ito kailangan”

Nakita nyang tila natauhan ang babae at muling napa tingin sa kanyang ama katabi nya.Ang kaninang tamang nito ay tila naduwag at nanlambot.

“Wala na kaming tutoluyan kuya” sambit nito bago mag crack ang boses at nagsi mulang umiyak “Pinalayas na kami sa apartment na tinitirihan ko.Iniwan narin ako ng asawa ko,inubos ang natitira kong pera.Ikaw nalang ang malalapitan ko,wala na akong mapu punta kami ng pamang kin mo” nagulat sya ng bigla itong lumuhod sa harap nilang tatlo ng ama at ina nya.Ang babae namang kasama nito ay tila hindi alam ang gagawin dahil sa ginawa ng sariling ina.

“Pasensya na sa mga sinabi ko” sambit nito pagkatingin sa kanya at sa kanyang ina “Galit lang ako,malungkot at nangangamba kaya kinain ako ng puot sa dibdib ko.Kaya sana mapatawad nyo ako pakiusap” bumaling din ito sa kanyang ama “Kuya,pakiusap.Wala na kaming matutuloyan.Walang wala na kami ni Chandria. Ikaw nalang ang meron kami ngayon kaya pakiusap, tulongan mo kami”

Nakaramdam sya ng awa.Dahil oo,naranas din kasi nila ang mawalan.Kaya naman para mapakalma ang ama,masuyo nya itong hinawakan sa braso.Tila sinasabi na ok lang ang lahat.Ok na makasama nila ang maginang ito sa harap nya.

“Mabuting tao si Maria” saad ng ama sa dalawa “Hindi nya deserve na marinig ang mga sinabi mo.Pero ganun pa man dahil sa kanya pina payagan ko kayong mani rahan dito.Hahanap ako ng bahay nyo sa maynila pagkalipas lang ng ilang araw.Hindi ko hahayaang magtagal kayo dito”

Ito lang ang narinig nya sa ama bago ito iwanan silang apat na kababaihan sa gitna mismo ng mansion.Namuo ang katahimikan ang at ang tensiong sa pagitan nilang apat.Alam nya na ganto ang kakahantungan nila,dahil una palang hindi na maganda ang kutob nya sa magina.Pero mukhang magagaling umarte ang magina sa harap nya at tinatago ang ugaling kanina lamang ay nakita nya na.

“Nasan po ang silid namin?” Magalang na saad ng Chandra sa kanila matapos ibangon ang ina sa paglakaluhod nito. “M-magpapahinga na po kasi si mommy e.Mabilis po syang manghina kapag naso sobrahan sa galit”

Narinig nyang bahagyang natawa ang kanyang ina. Kaya pasimple nya lang itong sinaway upang hindi ito mahalata.Kapagkuwan ay tinawag din nito ang nagii sang katiwala nilang si Belen na kaidaran lang din ng kanyang ina.

“Yes po maam” saad nito sa kanyang ina.

“Pakidala sila sa guest room” sabi ng kanyang ina “Magpa pahinga na daw ang mag inang to”

Akala nila tuturan na ang dalawa ngunit nagsalita pa ang ina ng dalaga.

“Sa guest room” tanong nito kapagkuwan ay napatingin sa kanya at sa kanyang ina “Sa guestroom nyo kami patutuloyin”

“Bakit?” Tanong ng ina nya “Sabi ng kapatid mo,ilang araw lang kayo dito.Masama na ba sa inyo ang guest room? Pasalamat ka at may tutoluyan pa kayo”

Napansin nyang natawa ito ng bahagya.Pero agad naman itong sinupit ng anak nya at ito na ang sumagot.

“S-salamat po tita” saad nito “Sige tuloy na kami”

Yung lang at hinatid na sila ng katiwala nilang si Belen.Naiwan sila ng ina,habang nagkakatinginan. Bahagya silang nagyakapan, dahil alam nya sa pagdating ng dalawang ito sa buhay nila.May mangyayari,at dapat handa sila don.

“EWWW!!…mom” maarting rinig nyang reklamo ng anak nya.“Bakit kasi kailangan pa nating ipagsiksikan ang sarili natin dito? Maayos naman ang kalagayan natin sa Manila ah.Nagpapadala naman satin si Daddy.Pero bakit pa natin kaialangang tumira sa pangit na bayang ito.I miss my friends”

Nagtitiim ang bagang nyang naupo sa kama dito sa loob ng guest room na pinasukan nila,kapagkuwan ay tintitigan ang anak na nasa harap nya din.

“Tumigil ka sa kaartihan mo Chandra” sambit nya “Ginagawa ko to para sating dalawa.Hindi na natin maaa sahan ang daddy mo sa singa pore.May pamilya narin yung binubuhay.Kaya nan dito ako sa kapatid ko.Hindi ko hahayaan na ang dala wang sampid nayun ang makinabang sa milyones na ari arian ng mga magulang ko.Deserve din natin ang lahat ng to.You deserver all of this Chandra.Dahil isa kang Erschonen”

“Pero sinabi na sayo ni Uncle dad na sa kanya na ang yamang ito right?” Sambi ng anak “Tig kalahating yaman kayo ng pamana.Ang kabalig taran lang,nag sikap si Uncle dad na mapalago ang parte nya.Kaya ito na ang lahat ng yun.Pero yung sayo,nawala. Sinayang mo lang”

“Shut up Chandra,ok?” Reklamo nya na dito “Dinaya ako ni kuya.Nagtaka ako na 40% sa mana ko ay nawa wala.Nasakanya yun kaya naniniwala ako na may hati din ako sa lahat ng to.May pera ako sa lahat ng ari arian nato kaya nya pwedeng solohin lang ang lahat ng to.Tapos ibibigay nya lang sa anak nya sa labas”

“Mommy your so Immature” anang ani ng anak na ikina tigil nya “you dont have proof na ninakaw nga ni Uncle dad ang kalahati sa pera mo.Mang gugulo ka lang sa kanila e,bakit hindi nalang tayo bumalik sa maynila at ituloy ang buhay natin don”

Marahan syang tumayo sa gilid ng kama at nagiigting ang pangang lumapit sa anak at hinawakan ang panga nito.Kanina pa sya napipikon sa bunganga nito kaya hindi na nya napigilan ang sarili.

“Makinig ka Chandra, makinig sa nanay mo” matiim saad nito “Tandaan mo to,pupulutin tayo sa kangkungan kung hindi ako kikilos.Kailangan kong makuha ang 40% na mana ko sa kapatid ko.Dinaya nya ako at alam ko yun.Kaya naman ikaw.Ang tanging gagawin mo lang ay kumpitensyahan ang babaeng anak ng uncle dad mo.Kundi kukunin nya ang lahat at ikaw ako,tayong dalawa ay pupulotin sa kangkungan kagaya ng sinabi ko.Maliwanag?”

“What do you want me to do?” Naiirita nitong sagot.

“Sirain mo sya” sagot nya “dapat maging masama sya sa paningin ng uncle dad mo.Ilabas mo ang totoong baho nya”

CHAPTER 34

AN: Kamusta dito? Hehe.Sorry sa late update.Walang load e,sana may magbasa parin.

Any thoughts or comments.

By the way.

Happy reading 💕

Nang sumunod na araw, naramdaman nya nanaman ang weird feeling naiyun sa katawan nya.Biglang syang nagising sa mahimbing na pagkakatulog at tila umikot ang kanyang sikmura.Nang maramdaman nya ang pagakyat ng isang presensya sa lalamunan nya.Agad syang tumakbo sa cr upang sumuka.

Napapailing nalang sya dahil sa nararamdamang kaba.Kaya naman hinalamusan nya ang kanyang mukha pagkatapos ay taimtim na humarap sa salamin.Napalunok sya ng laway at wala sa sariling napahawak sa kanyang tiyan.Tila may pinapakiramdaman sya na kung anong bagay roon.

Ano ba tong nararamdaman ko? Saad nya sa isipan.

Hindi kaya may sakit ako? Dyos ko kung ano man to? Wag naman sanang may mangyaring masama sakin ngayon.Ngayon palang naaayos ang pamilya ko.Ayoko ng masira pa ang meron ako.

Natigilan sya sa malalim na pagiisip ng marahang nagbukas ang pinto ng cr nya.Nakita nya ito sa replika ng kaharap nya salamin sa banyo.Inaasahan nya na ang ina ang bubungad sa kanya dahil sa tuwing umaga,matsaga itong tutungo sa sariling silid upang kamustahin ang lagay nya.

“Naramdaman mo ulit?” Tanong nito,pagkatabi nito sa kanya “Nahihilo ka parin at nagsusuka”

Napalunok sya ng laway kapag kuwan ay sinagot nya ito sa pamamagitan ng pagtaas baba ng ulo niya.Napansin nya namang napahinga ito ng malalim na hininga bago muling nagsalita.

“Samahan mo ako sa clinic” saad nito sa kanya “Kailan nating magpa check up.Hindi maganda ang kutob ko dito Maria.Kaya kailangan nating malaman ang totoo”

Ilang beses nya ng pinagisipan ang bagay nayun.Isa lang naman ang nagiging sagot nya e,ayaw nya at hindi pwede dahil natatakot sya.Pero dahil sa halos dalawang linggo na ang nararanasang kalagayan.Mukhang wala syang choice kundi sundin ang ina.Mas makakabuti kasi na malaman nya ang kalagayan nya sa lalong madaling panahon. Upang makapag handa,na baka nga isang sakit ang dumapo sa kanya.

“Natatakot ako ma” sambit nya sa ina namg muli sya nitong sunduin sa sariling silid.Ngayon nakahanda na sya upang umalis.“B-baka po kasi anong resulta ang ibigay satin ng doctor e.Baka nga may sakit ako”

Matamay syang tinitigan ng ina.Sa tyan nya ito mismo nagfocus na tila ba kinikilatis ito na ewan. “Kung ano ang maging resulta” ani nito “kailangan natin yun tanggapin.Mas mabuti kasing malalaman na natin ang totoo para makapagingat na tayo ngayon palang” naramdaman nya ang paghimas nito sa kanyang ulunan na tila pinapakalma. Gumana yun dahil nginitian nila ang isat isa bago ito magpatuloy. “Hindi ko alam kung anong nangyari sayo nung gabing iyun Maria” sambit nito “Pero wala kabang natatandaan kahit isang bagay? Paano ka nakapunta sa sitio hangganan? Sinong kasama mo at bakit nandoon ka?”

Hindi agad sya nakasagot sa biglaang pagtanong ng ina sa kanya.Maging sya,hindi nya alam kung anong nangyari nung gabing iyun.Gusto nyang humanap ng sagot pero tila isang pangyayari ang sadyang nabura sa kanyang alaala.

“H-hindi ko po talaga alam ma” sambit nya “Basta po…natatakot po ako sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.Tas yun,wala na po talaga akong maalala.Nagising nalang po ako sa hospital.Hindi ko na alam ang nangyari”

Saglit pa syang tinitigan ng ina bago sya nito masuyong yakapin.

Kahit nagtataka sa kakaibang kinikolos nito,masuyo nya rin itong hinagkan. Pagkatapos ay muli sya nitong hinarap na punong puno ng pagaalala sa mga mata.

“Pasensya kana anak ha” ani pa nito “Patawadin mo ako, napabayaan kita.Kaya kung ano mang resulta nito,hindi ko alam kung mapapatawad ko pa ang sarili ko.Kaya sana kahit ikaw,magpakatatag ka.Kayanin mo ang lahat lahat”

Dama nya ang pinaghalong pakiusap at pagaalala sa mga salita nito.Kung kayat kahit may pagtataka man pilit nyang inabsorb ang lahat.Dahil aaminin nya,ang kaba na nararamdaman ay tila nililikob ang buong pagkatao nya.

“Ma…” Mahinang sambit nya dito “Magiging maayos po ang lahat.Kung ano man ang nangyari.Aalamin ko yun masakit man o nakakatakot. Anak nyo po ako,pinalaki nyo po akong matatag at matapang kaya kakayanin ko po ito”

Pilit nyang pinapakalma ang sarili.

Kahit ang totoo ay natatakot na din talaga sya.Pero dahil nakita nya na tila pinanghihinaan ang loob ang ina.Kailangan nyang kayanin.Kailangan nyang maging matatag sa ngayon.

Pagkatapos nila makapag usap ng masinsin ay tumayo na sya mula sa gilid ng kama upang lumabas.Aakmang bubuksan nya na sana ang pinto ng kusa itong bumukas at bumungad sa kanila ang katulong nilang si Belen.

May saya itong nakangiti sa kanya na tila may magandang ibabalita.“Maam Maria” sambit nito “Si Sr. Juanillo po.Nasa baba, hinihintay ho ata kayo”

Napakunot noo sya dito,pero sinundan nya parin ang paglakad nito mula sa pintuan,nakasunod sa kanila ang ina na kapwa din ang pagtataka.Tumungo sya sa railing ng hagdanan at tinanaw mula sa baba ang ineexpect nyang binata.

Nakatayo ito sa bungad ng pinto habang may magandang ngiti ang gawad sa kanya.May dala itong isang bouquet ng bulaklak at kapansin pansin ang saya mula sa mata nito habang nakatanaw sa kanya.

“Nanliligaw ba sayo ang binatang iyan?” Tanong ng ina mula sa kanyang gilid.

“Hind ko po alam ma” takang ani nya “N-nung nakaraang gabi lang po ata kami nag kakilala.Hindi ko alam na ganyan po ang balak nya”

Napatingin sya sa ina na tila nanghihingi ng permiso na babain ito.Bahagya naman itong ngumiti sa kanya na hudyat para harapin nya ang binata.Alam nyang nakasunod sa kanya ang ina na may hindi magandang paguukol sa binata.Pero upang hindi ito mapahiya, masuyo nyang tinanggap ang bulaklak na bigay nito.

“P-pasensya na” nautal nitong saad “H-hindi na ako nag paalam sayo.Wala na akong rason dahil sa pagharap ko lang sayo ngayon ay makapal na talaga ang mukha ko” matamis sya nitong nginitan na tila sayang sayang sa binigay nito “Sana nagustuhan mo,Im sorry wala akong paalam sayo”

“Ayos lang Juanillo” saad nya kapagkuwan ay bahagyang natawa “N-nagulat lang siguro.Hindi ka kasi talaga nagsabi”

“Pasensya na” sambit nalang nito bago bumaling sa ina na nasa likod nya.“Maam Pasing gusto ko lang pong magpaal-”

“Hindi na kailangan” putol na ng ina sa iba pa nitong sasabihin “Ang pagbibigay ng bulaklak sa isang babae. Hudyat yun ng panliligaw. Matapang ka kasi hinarap mo talaga ang anak ko sa bahay nato para lang dyan” nagtaka sya ng tignan sya ng ina mula sa gawi nya bago magpatuloy “Hindi ko lang alam sa anak kong to kung magpapaligaw na.Alam kong hindi nya rin ineexpect ang bagay nato diba?”

Tipid syang ngumiti kapag kuwan ay unti unting tumango bago balingan ang binata “Pero ayos lang Juanillo” sambit nya kapagkuwan ay inuwestra ulit ang hawaka na bulaklak “Masaya ako para dito,maraming salamat”

Sa ilang segundong iyun, napatitig sya sa binata.Hindi nya inaasahan ang mararamdaman dahil tila kusang tumibok ang dibdib nya.Ito yung kakaibang naramdaman nya sa kotse nung nakaraang araw.Pero pilit nya lang ipilinig ang isipan.Aaminin nya,nagulat man sya sa biglaan ginawa ng binata.Kahit papano naramdaman nya ang kasiyahan sa gitna ng kaba at takot nya.Hindi nya masabi pero kung ano man ang binabalak ng binata ay lubos nyang tatanggapin upang maibaling narin sa iba ang agam agam nya.

“Mariming salamat iho ha?” Sambit ng ina “Pero pasensya na muna kasi aalis kami ngayong araw e,pupunta kami sa clinic para magpacheck up”

Pinagmasdan nya lang mukha ng binata na tila naging concerns sa kanya bago ito magsalita “Ayos ka lang ba Maria?” Takang tanong nito “May nararamdaman kaba ngayon?”

“Ayos lang ako” sagot nya bago balingan ang ina “Magpapatingin lang talaga kami para sa concerned ni mama”

Hindi umimik ang binata kung kayat muling nagsalita ang ina para sa kanya.“o sya iho” sambit nito “Alam ko namang magaalala ka.Kaya sige,kung may kotse ka ngayon.Ikaw na ang maghatid saamin ni Maria”

Unti unti nagliwanag ang mukha ng binata dahil sa sinabi ng ina.Masaya itong hinatid sila sa labas ng pintuan upang timungo sa dala nitong kotse at mag punta sa clinice gaya ng sabi ng kanyang ina.

Suntok sa buwan ang inaasahang magandang resulta ng kanyang check up.Pero kung ano man ang findings ng doctor ay kailangan nya itong tanggapin.

“YEAH,pleas Mr.Jackson transfer all of four point five million on Ms.Fresia Ecount account immeditely.” Pause “remember the forty percent that I invest to your company two years ago?” Pause “yeah I need that now,transfer all of that to my sister” pause “thank you Mr.Jackson and goodmoring”

Sambit ng kilala nyang boses mula sa isang silid.Dito palang tila kusang nagtaasan ang balahibo nya dahil sa narinig.Kinain sya ng pagkainis at pagkagalit dahil sa nagtugma ang matagal na nyang agam agam.

Matagal nya ng hinihinala na ang kapatid nyang si Maliano ay lihim na kinuha ang forty percent na pamana nya mula sa kanilang mga magulang.It is the equivalent to four point five million dollars na nais nya sanang gamitin para sa pagsisimula ng bago nyang buhay.

Ngunit misteryosong nawala ang pursyento ng pera nyang iyun.Na ang kapatid lamang ang tanging mapagbibintangan.

Ngayon,gamit ang makapal na pinto na pumapagitan sa kanila dalawa.Rinig na rinig nya ang buong katotohanan. The forty percent of her share is on the hand of her beloved kuya.Niloko sya nito,nagsinungaling ito sa kanya at tila pinagnakawan pa.

Ngayon,naiinis syang ginamit sya nito na tila naging laruan lang sa kapatid ang lahat ng pinagdaanan nya.Kailangan nya ng pera,pero ang kapatid.Pinagmukha na muna syang kaawa awa at lumuhod sa harap nito bago ibigay ang nais nyang pera na dapat noon ay sa kanya pala talaga.

Kinalma nya ang sarili.Nagiigting ang mga panga nya sa naiisip na panloloko na iyun.

Kaya kahit nang hihina,mas pinili nyang ihakbang ang mga paa papalayo sa pintuang iyun.Tapos na sya dahil alam nya na ang katotohanan.Ngayon,ang nais nya lang ay maghiganti sa lahat ng panloloko ng sarili nyang kapatid.

“I know everything”

Sambit nya sa anak na kasalukuyang nasa railing ng hagdanan at nakatanaw sa sinaryo sa baba.Dito nakita nya ang magina na nakikipag usap sa isang binata.Kita kita nya ang kasiyahan na mga ito dahilan ng mas lalo pang pagigting ng kanyang panga.

“Your uncle Dad is a lier” ani nya pa “Is it true anak. Kinuha nya ang forty percent ng pamana ko kila mom and dad.Ninakawan nya tayo”

Inantay nya ang sagot ng anak ng ilang segundo bago ito magsalita.

“Is that so?” Sagot nito na hindi maalis ang tingin sa baba.Tila walang pakialam sa nangyayari sa kanila “Ano pa bang ginagawa mo? Edi kunin mo na dapat ang sayo.Tapos umalis na tayo dito.Ayoko na makita ang ka jologan ng mga tao sa baba.Nakakadiri”

Lihim nyang pinamilugan ng mata ang anak bago muling ituon ang pansin sa dalawang ina.“Hindi pa ako tapos anak” sambit nya habang matiim na nakamasid sa mga ito “Ngayong alam ko na ang panloloko sakin ng uncle dad mo.Mas malinaw na sakin na they dont deserve all this.Hindi sila ang dapat tumatamasa sa lahat ng mga yamang ito.Chandra”

Dahil sa binanggit nya.Dito na sya napagpasyahang lingunin ng anak “what do you mean mom?” Tela bagnot nitong tanong sa kanya “it is still you want to stay in this house in any much longer? Tapos na ang plano mo.Nalaman mo na ang totoo.Bawiin mo na ang four point five million kay uncle dad at umalis na tayo sa nakakasukang baryo na to.I dont want to say here ng matagal pang panahon ok?”

Kita nya ang inis ng anak pero mas naiinis sya ngayon kaya pasimple nya lang hinigit ang braso nito palapit sa kanya.Hindi nya hahayaan na sirain ng sariling anak ang mga plano nya ngayong malapit na sya sa katotohanan.

“Nahihibang kana ba?” Tiim nyang saad dito “Can’t you see na punong puno ng yaman ang bahay nato?” Tanong nya pa. “Hindi ako naniniwala na gamit lang ni kuya ang parte nya sa pagpapalawig ng buhay nya.May pera ako sa lahat ng to at napatunayan ko yun.Kaya hindi ko hahayaan na ibang tao ang makikinabang ng lahat ng ito kaysa sakin.Doble na ang yaman ng unlce dad mo kaysa sa meron tayo.The four point five million dollars? Is not enough.Barya lang yun sa kanila.Kaya hindi ko matatanggap na magsisimula lang ulit ako gamit ang ninakaw lang nilang pera.Kulang payun.Kulang na kulang Chandra.At alam mo yan dahil babawiin ko ang dapat na sakin”

Sa mga lintanya nyang ito,kita nya ang pagkainis ng anak.Pasadya nitong inagaw ang braso sa mga kamay nya.Alam nyang wala na itong magagawa pa sa mga planon.In the first place,ang anak din naman kasi ang makikinabang hanggang dulo.

“HAYAAN MO silang maging masaya sa ngayon anak” ito ang narinig nyang sambit sa ina pagkatapos nito magalit na parang tigre kanina. Ngayon,masuyo na sya nitong hinimas ang likudan ng kanyang buhok habang nakatingin sa nakakadiring scenaryo sa baba.“Pangako ko sayo,hindi mo na ulit masisilayan ang saya ng magina nayan pagnagawa ko na ang plano ko”

Hindi nya nalang pinagtuunan ng pansin ang sinabi ng ina.Sa halip ay tinuon nya ang paningin sa lubos na nakaagaw ng kanyang pansin.Ang binatang may hawak na mga bulaklak sa bisig nito.

“Whos that guy holding a flower mom?” Tanong nya habang nakatuon padin ang tingin dito “He look so cute.Ngayon ko lang sya nakita dito.Mukhang hindi taga baryo e”

Narinig nyang ngumisi ang ina bago magsalita “I think that the son of Eduardo” saad nito “Uniko iho ng mayor ng lugar nato dati.Binata na pala sya,hindi ko inaasahan na lalaki syang ganyang kagwapo kagaya ng daddy nya”

“Do you know his family mom?” Tanong nya.

“Yeah” sagot nito “His dad and your uncle Dad are bestfriends way back in Australia.Ngayon nasa pilipinas na silang dalawa.Kapwa nakapag asawa ng mga pilipina”

“Ang cheap” kumento nya ng ikinatawa naman ng sumunod “Nasa Australia na sila pero naghanap pa ng mga pilipinang mukhang pera.Poor tito Eduardo and unlce dad”

“Dont be so ridiculous anak” saway naman ng ina sa kanya “Tandaan mo,nahulog din ako sa Eduardong yun noon.Do you think Im cheap”

“No,hindi ka pilipina ma.Nakapagasawa kalang din ng pilipino” sagot nya “at buti nalang hindi kayo nagkatuluyan dahil ayokong maging kapatid ang natitipuhan kong lalaki” napabuga sya ng malalim na hininga bago mapabaling kay Maria na may hindi maitago ang ngiti.Suddenly,

hindi nya maitatangging nakaramdam sya ng kaunting inggit dito.“Anwerte ni Maria Esther” sambit nya pa “May gusto na sa kanya ang anak ng besfriend ng daddy nya.They can be together kahit anong oras.A perfect relationship will make for the two love birds.Ang swerte nya sa buhay,mayaman na si uncle dad.May magiging boyfriend pa syang gwapo.Swerte nya…malas ko”

Maya maya naramdama nyang hinalikan sya ng ina mula sa gilid ng ulo nya. Saglit syang nagi hawaan dito,bago nya ito narinig na magsalita.“Dont worry honey” sambit nito “I will make sure na kung ano mang meron sa babaeng yan ngayon.Magkakaroon kadin.Lahat ng meron sya.Magiging sayo yun wait ka lang”

She felt frustrated,naiinip sya at hindi mapakali. Pakiramdam nya kahit malaki ang bahay na ginagalawan nya ngayon ay tila napakasikip nito.Sobrang tahimik ng buong kabahayan.

Bukod kasi sa umalis ang magina kaninang umaga.Sumunod dito ang uncle dad nya.And her mom,dahil sa nakakainis nitong plano,sumunod ito sa uncle nya.Binabalot ng nakakabinging katahimikan ang buong paligid.Kung kayat hindi nya na napigilang lumabas ng sarili silid.

Dagli lang syang nagtuloy sa labas ng pinto at magtungo sa minie garden ng mansyong ito.Sa kamalas malasan.Naabutan nya ditong nagwawalis ang may katandaan ng katulong na katiwala ata ng bahya nato. Ayun ata sa natatandaan nya,Belen is her name.“Wala na ba kayong ibang katulong bukod sayo manang?” Bungad nya sa matanda na natigilan lang sa ginagawa “You know,wala kayong kusinera? Or tagalinis manlang.Tinignan ko yung gate nyo wala ring guard? Ano ba tong mansyon nato.May ari pa talaga ang magbubukas at maglalakd ng ilang milya papunta sa gate para lang pagbuksan yung gustong pumasok dito” napalingo sya at naibaling ang tingin sa iba “so cheap.This is called baryo nga siguro”

Narinig nyang tumikhim ang matanda sa harap nya kung kayat napatuon sya dito. “Maam Chandra” sambit nito “Ang mga tao po dito ay hindi na masyadong pinaglilingkuran.Si Maam Maria at si Maam Pasing,marunong na sa gawain yun.Hindi nanamin kinailangan pa ng katulong. Dahil sila mismo ang gagawa ng kailangan nilang gawin.Isa pa bago lang sila dito.Kami katunayan dahil magiisang buwan palang kaming tumitira sa mansyon.Hindi pa lahat kailangan ng mga kasambahay para lang sa mga gawain” tinitigan sya nito ng makahulugan na tila kinikinilatis sya “Bakit maam? Napapagod ka na ba sa mga gawain dito? Parang wala naman po ata kayong ginagawa e maghapon lang kayo sa guestroom”

Dahil sa narinig nya,hindi nya sinasadyang tarayan ito at taasan ng kilay “Do I need to work here ba?” Tanong nya “bisita ako dito,pero wag kayong magalala.Aalis narin kami in a week ago.Mommy will do something to get out of here”

“Ok” nakangisi saad ng matanda sa kanya.Inantay nya pa itong magsalita pero taka syang hindi na nito tinapos ang walisin sa tabi nya at tumalima na.

Dahil sa bahagyang pagkainis,umirap nalamang sya sa hangin kapagkuwan ay itinuon ang pansin sa garden na iyun.Bahagya na syang kumalma dahil sa tiwasay rin pala ang ambiance dito.Ang ikinatigil nya lang nang makarinig sya ng kalampag mula sa metal na bagay pagkatapos ng ilang segundo.

Sya nalang magisa sa kinalulunlan kung kaya bahagya syang natakot.Pero dahil patuloy lang sa pagkalampag ang bagay na iyun.Pasimple nya itong hinanap kung saan nanggagaling.Ganun nalang nang mahunihan nya ito sa kung saan nag sisimula.

Tinanaw nya ang gate na di kalayuan.Lihim syang kinabahan dahil mula sa gate na iyun.May isang lalaki na parang pilit dumudunugaw at sinisilip ang loob.Kasabay nun ang pagkalampag sa nagiingay na gate.

“Who the hell are you?!” Singhal nya mula sa malayo kung kayat napabaling sa kanya ang binata.“Manang Belen! Theres someone here” tawag nya sa katulong.

Pero dahil siguro malaki ang mansyon at nasa kalooban ang matanda hindi sya nito narinig.She dont have choice kasi kahit hindi nya na pinansin ang binata ng tawagin sya nito.Lumalakas ang pagkalampag ng gate na kinakaba nya.

“Hey miss!” Tawag nitong muli ng papasok na sana sya uli sa mansyon.“Sandali pleas may kailangan lang ako!”

“Who the hell are you?!” Singhal nyang muli mula sa malayo.Pinili nyang hindi lumapit sa gate dahil sa kinakabahan sya dito “Sino kaba at anong kailangan mo?”

“May gusto lang akong kausapin miss” sigaw na ani nito sa kanya “Gusto ko lang syang makausap pakiusap”

Ramdam nya ang pakiusap ng binata mula sa boses nito.Wala nanamang syang choice kung kayat minabuti nya ng lapitan ito.Dito nya lang napansin na nakasuot pala ito ng itim na jacket at itim na cap.May kaputian ang lalaki,gwapo din kung kayat hindi halata kung masamang tao ang isang to.

“Ano bang kailangan mo?” Muling tanong nya na tila ikinabuhay ng binata dahil sa bahagyang paglapit nya dito.

“Nakakabulahaw ka.Wala ang mga mayari ng bahay nato.Theres no guard here also kaya kung may gagawin ka man.Ipapapulis kita agad”

“H-hindi wala akong gagawin” agad nitong depensa “gusto ko lang talaga sya makausap.Gusto ko syang kamustahin”

“Sino bang tinutukoy mo?” Tanong nya ulit.

“Si Maria Esther” sagot nito “Kilala mo ba sya? balita ko kasi dito na sya nakatira. Kinuha na sya ng dad nya kaya dito ako nagtungo”

“Pinsan ko sya” saad nya “Umalis sila para magpacheck up.May sakit ata sya na ewan”

Kita nya na naging concerened agad ang mukha ng binata.Alam nyang magtatanong ito kung kayat inunahan nya na ito agad.

“Sabihin mo muna ang pangalan mo” saad nya “Hindi kita kilala at kung ano mang meron kayo ng cousin ko.Gusto ko malaman ang pangalan mo”

“Ako si Sebyo” sagot nito “Ano bang nangyari sa kanya? Bakit nya kailangan magpacheck up? Kamusta na sya”

Sasagot na sana sya nang muli syang matigilan. Napaatras sya sa gulat ng biglang maydumambang lalaki mula sa likod nung Sebyo.Tila nag away ito dahilan para pumalag ang binata.Hindi naman nya alam ang gagawin kung kayat kusa syang napapaatras.Naririnig nya narin ang pagkalampag muli ng gate dahil dito tumatama ang mga katawan ng mga kalalakihang yun.

“Halika na!” Sigaw nung lalaking dumating “Makikita nila tayo dito makukulong kapa!”

“Kailangan kong makausap si Maria!” Palag naman ng sebyo,at muli nanaman sya nitong binalingan kahit siklop ng lalaki sa braso nito ang leeg nito “Miss,nasaan si Maria gusto ko syang makausap!”

Nakita nyang nahihirapan ang binata.Kita nya ang pagpupursigi nito kahit bahagya na itong inilalayo ng lalaki mula sa gate.

“Miss pakiusap!” Muling sigaw nito sa malayo kung kayat wala syang nagawa dahil naawa na sya sa binata.

“Bukas ng gabi!” Wala sa sarili nyang ani,basta lang lumabas sa bibig nya. “Pumunta ka dito! Makikita mo sya! Nandito si Maria Esther!”

Maria Esther….

Sino si Sebyo?….

At bakit sya makukulong?…

CHAPTER 35

“NABABALIW kana ba?!” Singhal nya sa binata bago nya ito isangli sa isang matigas na pader.Narinig nya pang napadaing ito dahil sa naramdamang sakit pero wala syang pakialam.Galit at tampo lang nararamdaman nya dito ngayon dahil sa lahat ng ginawa nya. Kamumulatan nalang nya bigla na nandun nanaman sya sa babaeng iyun.Parang tangang nakikiusap  na mahalin sya nito pabalik na alam nyang hinding hindi mangyayari.

“Ilang beses ko na bang uulit ulitin sayo Sebyo” ani nya pa. “ikakapahamak mo ang paglabas labas mo sa lugar nato.Pinaghahanap ka ng batas ngayon intindihin mo naman ang sitwasyon”

“Kailangan ko si Maria” sagot nito “magpapaliwanag ako sa kanya…manghihingi ako ng tawad”

“Hindi!” Singhal nya pa dito “Hindi ka naman papakinggan ni Maria. Ipapakulong ka lang nya dahil sa ginawa mo”

Dahil siguro sa sinabi nya ay nagsimulang uminit ang ulo ng binata.Muli nya itong inawat ng tangkain nitong pagsusuntukin ang pader sa tabi nito.

“Kailangan ko si Maria!” Singhal nito “Pag nanghingi ako ng tawad baka mapatawad nya ako… papatawarin nya ako dahi alam kong mabuti syang tao!”

Ilang segundo nya pa itong inawat upang patigilan sa patuloy sa pag wawala.Kaya wala syang choice kundi saluhin ang katawan nito.Sa pagkakataong iyun,niyakap nya ito ng mahigpit.Yung higpit na hanggang sa binata na ang kusang tumigil at kumalma.Bago ito marahang kumalma at ito narin kumalas sa pagkakayakap nya.

Gumuhit sa kanya ang sakit.Dahil siguro sa gusto nyang pagaanin ang loob ng binata ngunit hindi sya ang kailangan nito.

Wala syang nagawa.

Pinagmasdan nya lang ito na unti unti ay lumambot ang mukha mula sa giit na makuha ang gusto nitong hiling.Kapagkuwan ay tila napagod itong sumandal sa pader  at unti unti bumabagsak paupo sa sahig.Inihilamos pa nito ang dalawang kamay sa mukha nito pagkatapos ay mariin itong tumungo mula sa tuhod nito.

Ilang segundo lang din ng marinig nya itong unti unting humikbi.Sa pagkakataong ito,parang pinipiga ang puso nya habang pinapanood ang binata.Isa lang ang naiisip nya ngayon.Ang pagmamahal nito sa Maria’ng iyun ay hindi mapapantayan ang sariling pagmamahal nya sa binata.

Oo,mahal nya si Sebyo.Hindi bilang turing na isang kapatid.Hindi bilang turing na isang kaibigan…kundi turing bilang isang ginoong minamahal.

Mahal nya ang matalik na kaibigan,higit pa sa lahat ng tingin nito sa kanya.Kaya naman kahit palihim syang nasasaktan.Pinipili nya pading tulungan ito sa abot ng kanyang makakaya.At ito ngayon ay ang itago ang binata.

Hindi lang dahil sa paghahanap ng mga batas dito kung sakali.

Kundi upang makasama nya ito ng mas matagal pa.

“Anong gusto mong gawin ko?…” Saad nito habang subsob padin ang mukha sa dalawa tuho. “Habambuhay naba akong magtatago? Tatakasan ang ginawa ko?” Saglit nitong iniiangat ang ulo upang tumingin sa kanya “Mahal ko si Maria Kiko…at handa akong harapin ang lahat ng kaparusahan ko mapatunayan ko lang iyun sa kanya”

Sa mga mata nito makikita ang purisigidong gustong gawin.Kung kayat natakot sya na baka magdisisyon na ang binata na isuko na nito ang sarili sa batas. Nasasaktan sya dahil kaya nitong gawin ang mga bagay na hinihiling nyang gawin din nito para sa kanya.Kaso lang hindi sya mahal ng binata.Kung may pagmamahal man ito para sa kanya.Yun ang pagiging magkaibigan nilang dalawa.

“Wag Sebyo…” Nagkrack na ang boses nya ng masuyo nyang hawakan ang dalawang kamay nito. Pinakatitigan nya ito na tila nakikiusap sa bulto ng binata.

“Masisira ang buhay mo.Wag mong sayangin ang kalayaan mo para sa babaeng iyun. Alam nating hindi ka nya mahal.Sisiguraduhin nyang didiretsyo ka sa kulungan pagnagkataon”

Hindi ito umimik.

Napatingin lang ang binata sa malayo na tila napapaisip. Sya naman ay masuyong hinagod ang gwapong mukha nito na tila hinahawi ang namumuong lungkot mula sa binata.Nakakatwang hindi na ito umiwas sa ginawa nya.

Walang pagtataka sa kinikilos nya kaya sa kakaunting pagkakataong iyun.Nagkaroon sya ng lakas ng loob.

Matagal nya na itong gustong sabihin.Natatakot lang sya,nagdadalwang isip na baka masira ang lahat.Pero wala naman talagang tamang panahon para mapaalam mo sa tao ang pagmamahal mo sa kanya.Kaya naman ito na ang oras para sabihin nya kung ano mang bumabagabag sa puso nya.

“Ako nalang muna Sebyo…” Ani nya pagkalipas ng ilang segundong pananahimik. Tulad ng inaasahan taka itong napatingin sa kanya. Pero nagdisisyong syang magpatuloy “Ibigay mo muna sakin ang pagmamahal nayan.Pangako,dadagdagan ko pa.Pagiingatan ko yan dahil deserve nyan ng kaligayahan.Wag mo syang ibigay sa maling tao sebyo. Akin na muna yan.Akin nalang pleas…”

Inaantay nyang magreact ang binata pero wala itong sinabing kahit ano.Nakatitig lamang ito sa kanya na walang emosyon ang mga mata.

“Mahal kita sebyo” ani nya ng buong tapang sa binata “Hindi bilang isang kapatid.O isang matalik na kaibigan. Mahal kita” masuyo nyang tinuro ang dibdib nya kung saan banda ang puso “Galing dito at totoo yun.Gusto kitang makasama habang buhay. Handa kong ibigay ang lahat sayo.Mahalin mo lang ako ng kahit konti lang”

Kinakabahan syang nananahimik lang ang binata ng ilang segundo.Nakatitig ito sa kanya at ganun padin.Hindi nya mabasa ang pinapakitang emosyon nito.

“Hindi mo kailangang magdisisyon agad” saad nya “Binibigyan pa kita ng tamang oras para mapakilala ang pagmamahal na meron ako sa-”

“Mahal ko si Maria Esther” sambit nito na nagpatigil sa kanya.

Sa sandaling iyun.Tila mabilis gumuho ang mundo nya.

“Mahal ko sya Kiko.Mahal ko ang babaeng iyun.Mahal ko ang lahat sa kanya” hindi sya nakaimik.Hinayaan nyang magpatuloy ang binata. Hinayaan nyang magpatuloy ang namumuong sakit sa binitawan nitong salita. “Pasensya kana Kiko.Itago mo nalang yang pagmamahal mo sa tamang pagkakataon.Tamang rason, at tamanag tao.Diserve mo din maging masaya.Tayong dalawa? Nagmamahal tayo ng mga taong hindi tayo mahal.Ikaw matatanggap mo yun.Ako hindi,kasi may gagawin ako…Kailangan may gawin ako”

Wala syang pakialam kung maging mahina man sya sa paningin ng binata.Sapat na kasi ang mga binitawang mga salita nito upang tumulo ang mga luha nya.Tila pinipiga ang puso nya sa sobrang sakit.Pero ito parin sya ngayon.Nakatitig lang sa binata habang bumubuhos ang mga luha nya.

“Mahal kita Sebyo…” Wala sa sarili nyang sambit at hindi nya napigilan pa ang sarili nya halikan ito mula sa mga labi.

Inaasahan nya na natutol ang binata ngunit unti unti ring gumalaw ang mga labi nito.Lumipas lang ang ilang segundo namalayan nya nalang na nakikipaghalikan na sya sa binata.Siguro kapwa sila sa matinong pagiisip ngayon dahil sa mga sakit.Pero alam nya sa sariling,masaya syang hinuhubadan ang binata habang inaantay ang patungo nila sa mainit na higaan.

Kung ito man ang unang at huling pagnanaog nila ng matalik na kaibigan.Marahil ito na ang pagkakataong para lubusin nya ito.

“KAMUSTA na kayo dito?” Tanong ni Minette sa kanya. Pagkatapos ay iniabot sa kanya ang tatlong supot ng grocery.Nagpapasalamat sya dahil malaki ang pakinabang ng kaibigan sa kanya.Sa ilang araw na nila sa isang bahay na tinutuloyan.Walang pagod si Minette na maghatid ng pagkain para sa kanilang dalawa ni Sebyo.Ngayon, minabuti nyang makipagusap dito para sa isang plano.Kasalukuyan silang nasa labas ng bahay upang hindi magising ang natutulog na binata sa paguusap nila.

“Nagaalala na sayo ang lolat lolo mo Kiko” dugtong nito “Nagtataka na sila kung bakit nawawala ka lagi.Saan kaba daw nag pupunta”

Saglit syang napabuga ng hininga bago sagutin ang dalaga.

“Maiintindihan naman nila e” saad nya “Hindi ko parin naman sila pababayaan. Nagtatrabaho parin naman ako kahit hati na ang atensyon ko sa kanila at kay Sebyo”

Narinig nya ding bumuntong hininga ang dalaga bago ito magsalita.“Hanggang kailan mo ba itatago ang Sebyo nayan?” Tanong nito “Pinaghahanap na sya ng mga pulis.Lalong lalo na ang nanay nya na umuwi pa galing manila para hanapin ang anak nya”

“Umuwi si Tita Rakel?” Medyo gulat nyang tanong. “Pambihira ngayon pa sya uuwi ngayon alam nyang may mangyayari sa anak nya na masama.Matagal na syang kailangan ni Sebyo pero ngayon pa sya nagpakita” ngumisi sya sa kawalan dahil sa naisip “Pakisabi sa babaeng yun.Aalagaan ko ang anak nya.Hindi nya na kailangang magalala dahil nasa mabuting kalagayan na ito kasama ko”

Muli narinig nya nanamang napabuntong hininga ang dalagang katabi na tila nabugnot sa pinahayag nya.

“Bakit?” Tanong nya “Ngayon pa ba ako susuko sa pagmamahal kay Sebyo? Ngayon pa bang inamin ko na sa kanya ang lahat”

“Sinabi mo na?” Medyo gulat na saad ng katabi “As in alam nya na nainlove sa kanya ang bestfriend nya? Ano namang sabi nya? Sa sitwasyon nya ngayon halatang nagugulohan sya”

“Mahal nya si Maria Esther” saad nya na ikinatigil ng dalaga “Pero may nangyari na samin.Kaya kahit mahal nya pa yung taong yun.May pang hahawakan na ako”

Saglit silang kinain ng katahimikan bago nagsalita ang dalaga upang basagin ito.

“Hindi ka nya mahal” sambit nito “Pero umaasa kaparin dahil may mangyari sa inyo? Confuse rin ba si Sebyo? O talagang ginamit nya ang pagkakataon para makalimutan ang sakit kaya ka nya pinatulan”

“Hindi” mabilis na saad nya “Yung pangyayari saming dalawa.Masaya kami don,feeling ko mahal nya ako dahil nagawa nyang patulan ang mga halik ko sa kanya”

“Pero alam mong straight sya” sambit ng dalaga na agad nyang ikinatigil “Ang staight na tao ay hindi kayang magmahal ng mga katulad mo Kiko.Natatakot lang kasi ako na baka lust lang ang naramdaman nya sayo kanina.Bugso ng laman,pero baka hindi pagmamahal na kagaya ng ninanais mo”

“Teka ano bang ibig mong sabihin?” Anas nya ng ani sa dalaga.Hindi nya maisip pero tila may pinutpunto ito “Ngayon ko lang naramdaman ang saya nato Minette.Oo, sinabi nyang hindi nya ako mahal.Pero bakit nya akong nagawang patulan? Isa pa kung straight talaga sya nung oras na hinalikan ko sya pumalag na sya at umiwa-”

“Nakita ko ang lahat” saad nito na nag patigil muli sa kanya “Kiko nakita kong ginahasa ni Sebyo si Maria nung gabing yun.Nandun ka,nanonood ka.Alam mong may sakit si Sebyo na bipolar disease.At sa oras na matapos ang ginagawa nya maypagsisi sya don.Pero alam mo ba kung anong nakita ko kay Sebyo dahil nya nagawa nya yun sa kaibigan?”

“Tama na…”

“Mahal nya si Maria Esther” sambit pa nito “Nagsosorry sya,buong pagsisisi nya sa sarili kung bakit nagawa nya yun sa taong mahal nya” hindi sya nakaimik ng hawakan sya nito sa kaliwang braso at masuyo sya nitong pinapakalma “Kiko alam mong gustong gawin ni Sebyo ang lahat para lang kay Maria. Tumakas pa nga sya kanina para lang makusap ang dalagang yun diba? Ibig sabihin handa syang magpakulong para lang mahingi ang tawad ni Maria”

“Tama na” putol nya na sa lintanya ng dalaga kapag kuwan ay kusang tumulo ang luha nya “umalis kana muna Minette pakiusap.Gusto kong mapagisa.Gusto ko mapagisip”

Kahit napipilitan ang dalaga, mukhang naintindihan naman nito ang nararamdaman nya kung kayat agad din itong tumalima.

Naiwan syang magisa sa bukana ng bahay na tinutuloyan nya.Wala sya sa wisyo ng mapatingin sa binata na mahimbing lang ang pagkakatulog.Dito unti unti nanaman pumatak ang mga luha nya.

’Kasalanan ni Maria Esther to Sebyo saad nya sa isipan ’kung minahal ka lang nya ng pabalik.

Hindi ka magiging ganyan ka miserable.Mahal na mahal kita Sebyo…kaya hindi ko hahayaang may manakit sayo.Humanda sya,dahil papatunayan ko sa kanya kung sinong taong sinayang nya na ninanais ng iba.Makikita nya.

“CONGRATULATIONS Mrs” sambit ng doctor “Buntis po ang anak nyo.Magiisang buwan na po ang bata. Magkaka apo na po kayo”

Hindi nya agad naabsorb ang mga sinabi ng doctor kung kayat literal na nanlambot ang mga tuhod nya.

“Nasan na po ba si Maam? Mrs” tanong nito sa kanya. Bigla syang kinabahan ng may pagtataka ang doctor nang maghanap ito sa kanyang anak.Kaya naman tipid nya itong nginitian para sigurong paalalahanan.

“Ahm doc” ani nya kapagkuwan ay tumingin sa labas ng pintuan kung nasaan ang anak na si Maria.Pinakaisupan nya itong lumabas muna pagkatapos ng examine nito kasama si Juanillo.Dahil una palang ay hindi na maganda ang kutob nya sa magiging resulta ng lahat “gusto ko po sanang wag na munang ipaalam sa anak ko ang resulta” pakiusap nya “May pinagdadaanan po sya ngayon ayoko naman pong mastress agad sya dahil dito”

“Bakit naman po?” Tanong naman ng doctor “Sya po ang magiging ina ng pinagbubuntis nya.Kailangan nya pong malaman na may dinadala po sya ngayon”

“Tingin ko po kasi Doc” ani nya “May nangyari sa anak ko na isang bagay.Pero po dahil hindi nya po matandaan.Nagdadalwang isip ako na ipaalam ito sa kanya.Buntis po sya ngayon doc,at ngayon alam ko na po ang dahilan ng lahat ng iyun”

Nakita nyang nagisip ang doctor habang nakatitig sa kanya bago sumagot “Tingin ko po maam ayun sa kaso ng anak mo” sambit nito “Meron si Maria na tinatawag na short term memory lost”

“Ano po yun doc?” Nagugulohan nyang tanong.

“Short term memory lost po” ani nito “Isang kaso sa memorya bilang pagkalimut. Maaaring yung bagay na nakalimutan ng anak mo ay ang bagay na nagbigay na labis na takot sa kanya.Na trauma sya dito at doon, sadyang kinalimutan ng utak nya ang masamang pangyayaring iyun.Kaya wala po syang matandaan” huminga ng malalim ang doctor bago pagpatuloy “Ano po bang nangyari kay Maria na mamaring nakalimutan nya?”

Muli syang napatingin sa pinto kung nasaan ang dalaga.“Hindi po ako sigurado doc” saad nya kapagkuwan ay nagtuloy tuloy ang luha sa pisngi nya “Pero sa tingin ko po,narape po ang anak ko…narape po sya nung gabing iyun”

Hapon na nang makabalik sila ni Maria mula sa mansion.Tulad kanina sa byahe,hindi nya alam kung anong sasabihin nya sa anak.Kung paano mapapaliwanag ang kalagayan nito.Kaya naman ng magkaroon sya ng pagkakataon upang makalayo sa dalaga,agad syang nagkulong sa silid nilang mag asawa.Doon para syang ewan na nangpabalik balik sa isang pwesto patungo sa isa pang pwesto.

Sari sari ang nararamdaman nya habang hawak nya ang resulta ng prenancy test paper.Halos malukot nya ito sa palad nya dahil halo ang nararamdaman nyang galit, lungkot at pagsisi nya sa sarili.

Tinatanong nya kung bakit nangyari ito sa sariling anak. Labis nya tuloy sinisisi ang sarili dahil nabayaan nya ang anak.Pakiramdam nya hindi sya naging mabuting anak dito.Kaya naman dahil sa labis na bigat ng dibdib. Unti unti ay napaupo sya sa gilid ng kama.Tahimik syang umiiyak habang iniisip kung bakit humantong sa ganito ang anak.

Wala syang magawa.

Wala na syang magagawa sa dahil nandito na ito.Ang kailangan nya lang ngayon ay maging matatag para sa anak.Kaya naman ng makabawi sya sa sarili.

Naglakas sya ng loob para lumabas sa pinto.

Hawak parin ang resulta, wala sa sarili nya itong itinapon sa basurahan sa isang pasilyo ng bahay nila.Tumungo sya sa kwarto ng dalaga at buong tapang nyang binuksan ang pinto nito upang sabihin ang lahat ng katotohanan.

NAKAHAWAK sya sa kanyang dibdib na para bang doon sya kumukuha ng lakas.Hindi agad sya nakabawi dahil sa sobrang kaba sa nakita kanina.

Ito ang unang pagkakataon nyang makakita ng dalawang naglalakihang katawan na nagaway sa harap nya mismo.Kaya naman dahil sa bahagyang pagkatrauma hindi na nya namalayang nagbukas na pala ang gate sa harap nya.

Pumasok doon ang dalawang itim na kotse,na tumigil lang sa isang tabi.Pagkatapos ay naramdaman nya nalang na nasa harap na nya ang ina at masuyo sya nitong kino-comfort.

“Bakit my princess?” pagaalala nito sa kanya “What happen Chandra? May nangyari ba?”

Hindi na muna sya sumagot dahil napatuon ang pansin nya mula sa dalawang kotse kung saan nanggaling ang ina.Sumunod na lumabas sa tigisang kotse nayun ay ang uncle dad nya.Sumunod ay ang may kaidarang lalaki na ngayon nya lang nakita.

Pero hindi na nya nagawa pang tuunan ng pansin ang bagong mukhang dumating dahil nasa harap nya ang ina.May pagaalalang nakatitig ito sa kanya.

“What happen chandra?” Tanong pa ulit nito “Ano bang nangyari bakit nandito ka sa labas?”

Huminga na muna sya ng malalim bago sumagot “This house need a security guard” saad nya “nagtitipid po ba sila uncle dad kaya walang masyadong tauhan sa mansion?”

Napakunot ang noo nito sa kanya.

“May nagtangka bang pumasok dito?” Diritsyong tanong ng ina bago sya muling mapatingin sa gate.

“Yeah,and he is so creepy” saad nya “Well,hindi naman sya ganun kasama.May hinahanap lang sya”

“Sino daw?” Tanong nito.

“Si Maria Esther” saad nya,at bahagyang nagisip kung sino nga ang binatang nakausap “I think yung name ng boy nayun is Sebyo?.Hindi ko alam kung anong kailangan nya kay caz,but he so persistent.May isang lalaki pa nga yung biglang dumating and then nagaway sila”

“Nagaway sila? Saan?”

“Sa harap mismo ng gate” sagot nya “Sabi ng lalaki, baka mapahamak daw yung sebyo pagnakita daw ito ni Maria Esther.May sinabi pa nga syang baka sa kulungan daw ang bagsak nung Sebyo pagpinilit nyang makita si Maria”

Nakita nyang ilang segundo natigilan ang ina dahil sa sinabi nya.Tila nagisip ito ng kung ano.“Yang mag ina nayan” saad nito “Sobrang makahulogan nilang dalawa,ang hirap nilang basahin e,alam mo yun? Pakiramdam ko,may malaking itinago ang mga sampid nayan sa uncle dad mo”

Kumunot ang noo nya “Ano naman po yun?” Tanong nya.

“Isang bagay” sagot ng ina “Isang bagay na maaaring makasira nila sa kapatid ko.Isang kahihiyan na maaaring magpabagsak sa Tito Maliano mo.Your uncle dad is the very influencer business man.Alam mo ba kung anong nalaman ko?”

Hindi sya sumagot at inantay lang ang sasabihin ng ina.

“May pinaplano ang uncle dad mo ukol kay Maria at Juanillo” saad nito “Para mapalawig pa ang business nya.Nakipagusap sya kay Eduardo ukol sa isang bagay”

“Eduardo?” Tanong nya “Yun yung daddy ni Juanillo right?”

“Yes” sagot nito “Yung lalaking nakita mong kasama ng uncle dad mo ngayon.Yun yung daddy ni Juanillo.At ang plano nilang dalawa ay ikasal ang mga anak nila sa isat isa”

Natigilan sya dahil sa sinabi ng ina.Like what she expect. Tila ang buhay ng pinsan nyang si Maria,ay napaka perfect.Pero dahil kausap nya ang ina.Alam nyang may binabalak ito na kung ano.

“Wala kabang reaction sa sinabi ko?” Tanong ng ina ng ilang segundo syang hindi kumibo.“Your cousin will be the perfect girl in the town ija.Wala kabang plano?”

“Plano for what?” Tanong nya “Sabi ko naman sayo wala akong pakialam sa Maria nayan.Im not despirate like you mom. Gusto ko ng umuwi sa manila.Ikaw nga dapat tinatanong ko nyan e.Kasi ako I dont care.E ikaw? Ano bang plano mo”

“I have plans like what I said” sagot nito “At ikaw papagawin ko ng bagay nayun”

Kumunot nanaman ang noo nya dahil sa sinabi nito pero kapwa silang natigilan ng bigla ulit nagbukas ang gate sa tabi nila.

Kasya nya lang naisip naisip na gate na iyun ay utomatik na bubukas pagmay dadating na sasakyan.

Ngayon,nagbukas nga ito at may pumasok na sasakyam sa loob.Pinagmasdan lang nila ito hanggang sa pumarada katabi ng naunang dalawang kotse.At hindi na sila nagulat dito dahil lumabas ang magina kasama ang binata.

Hindi sila ng mga ito pinansin at nagtuloy lang sa loob.

“Ang bilis ng pangyayari” saad ng ina ng muli syang nitong balingan “Tignan mo,ngayong gabi rin ata ang pagmamanhikan”

“Congrats to them” saad nya nalang bago bagot na bumuga ng hininga “Happy ending na sila.Maria Esther and Juanillo Montefalco ay may malaking kasalang magaganap.Sila na ang truly weds ng taon.Maligayang kasal”

“Chandra” saway sa kanya ng ina “Alam mong makukuha mo ang gugstohin mo hindi ba? Para ipaalala ko sayo.You are true Erschonen.Hindi ka dapat nagpapadaig sa Maria nayan”

“Mom pwede ba?” Saad nya “Ayokong makipag kumpitensya sa Mariang yan. Hindi ako magpapakababa dahil hindi pa naman ako dispirada”

“I know sweetie” malambing na saad nito sa kanya.“Hindi mo naman kailangang magpaka dispirada gaya ng sinasabi ko e.Stick to my plan lang,at magiging maayos tayong lahat.Makukuha mo na ang gusto mo at makakauwi ka pa sa manila kahit ilang beses pa”

Napatitig sya sa ina.Hindi sya umaagree sa lahat ng sinasabi nito pero kusa atang sumasangayon ang pag pagiisip nya.“W-what plan ba?” Pagdadalwang isip nyang tanong.

“Lets destroy Maria” saad nito “Ikaw ang maglalabas ng baho nya.Gawin mo syang madumi sa tingin ng uncle dad mo”

NAPAKUNOT noo sya sa isang maliit na basurahan mula sa hallway na iyun paakyat ng hagdanan.Sa laki ng mansion na ito,kailangan talagang maglagay ng basurahan sa bawat kanto nito.

At isang basurahan ang napukaw ng pansin nya nang makaayat sya mula sa baba.Kita nya na ang ginang ang nagtapon nito.Si Aling Pasing na ina ng pinsan nyang si Maria.Mukha itong balisa habang dumadaan sa kanyang harapan kapagkuwan ay basta nalang itinapon ang papel nitong hawak sa basurahang iyun.

She was obviously curious on that paper lalong lalo na sa nangyayari sa magina.Kaya naman wala syang pagdadalwang isip na tignan iyun at kunin mula sa basurahan.Kahit kinakabahan,binuklat nya ang papel na hawak at binasa ang laman niyun.

Ganun nalang ang gulat nya ng makita ang nakasa sulat sa papel 99.9% positive.This girl is a carier.

“Buntis si Maria Esther?”

Yan ang tanong nya bago sya matigilan dahil muling nagbukas ang pinto ng silid kung saan pumasok ang ina ng pinsan na si Aling Pasing.Nagpupunas pa ito ng luha at mukha nanamang balisa na hindi nanaman ata sya napansin sa daan dahil nagtuloy lang ito sa paglakad.

Nilampasan sya nito na parang hangin.Hindi nya naman na ginawaran payun ng pansin dahil sa ngayon. Halo halo ang nararamdaman nya.

Nagulat sya sa nalaman at nalilito din.Pero aaminin nya,may kaunting excitement ang nararamdaman nya.Dahil tuloy dito nakakabuo tuloy sya gamit ang pinagtagpi tagpi pangyayari mula kanina.

Hindi kaya dahil sa lalaking nagpupumilit na makausap si Maria ay ang ama ng dinadala nito.

’Pero bakit parang walang pakialam si Maria… Bakit parang hindi alam nito ang nangyayari.

’Maria Esther…ano ba talaga ang klase ng taong mayroon ka?

Sino si Sebyo?

Sya ba ang ama ng dinadala mo?

Wala na syang panahon pa magisip dahil sa nalaman. Tuluyan syang kinain ng excitement at pagtatanong sa isipan.Kaya naman wala sya sa mismong isip nang tunguin ang silid ng dalaga.

Binuksan nya ang pinto nito at tuluyang pumasok. Nadatnan nya don ang katiwalang si Belen na kausap ng dalaga.Sabay itong napatingin sa kanya na kapwa gulat ang mga mata sa biglaang pagpasok nya.

Sya naman ay walang pakialam na nilantad sa ere ang hawak na papel. Kapagkuwan ay nakangiti syang tumuran sa dalagang kay rangal.

“Congratulation caz!” Magiliw na saad nya “You will be mom soon,you are pregnant!”

CHAPTER 36

“Sebyo!” Sigaw ng isang mahinhin at pinong boses mula sa isang dalaga “Alis bilis! Itatapon ko tong bato”

Nakinig sya dito at pinanood nya lamang ang ginagawa nitong pag lalaro.Mula sa pwesto nito ay itinapon nito sa tubig ang malapad na bato.Natigilan sya dahil sa lakas ng pagkakahagis ng dalaga ay tumalsik ang tubig at natamaan sya dahilan upang mabasa ang kanyang damit.

Kapwa naman silang gulat na napatingin sa isat isa.Pinagmasdan nya ang dalaga na may pagaalala sa damit nyang nabasa ngunit ng marealize nito ang itsura nya.Nagsimula itong matawa ng malakas na tila isa syang payaso na nagpeperform para sa nakakatuwang magic tricks.

Dahil dun,tila napukaw ng magandang tinig ng pagtawa nito ang kanyang atensyon.Hindi nya namamalayang nakangiti na pala sya habang pinagmamasdan kung paano ito humagikgik dahil sa simpleng basa lamang ng damit nya.

Mababaw ang kaligayahan nito.Pero para sa kanya,sa simpleng pagtawa lang ng dalaga.Mabilis dinala pailalim ng damdamin nya ang nararamdaman nya para dito.Ang makitang napasaya nya ito ay tila isa ng tagumpay na nagawa nya sa buhay.

“Ah ganun” nangingiting nyang turan sa dalaga “Basaan ba ang gusto mo? Kasi pagbibigyan talaga kita” wala syang pasabi ng mabilis nyang isaboy sa dalaga ang tubig ng sapa na dumadaan sa mga binti nya.

Nagtitili tili ito habang natatawa habang masaya naman nya itong sinasabuyan ng malamig na tubig.Alam nyang hindi magpapatalo ang dalaga dahil nung oras na tumigil sya gumanti ito na dahilan para mabasa na sila ng tuluyan.Ito ang simula ng kanilang inosenteng paglalaro mula sa malinaw ngunit malamig na sapa.

Hindi nya pa nararanasan ang ganitong saya sa kanyang buhay.Lalo na nakasama nya ang dalagang kay rangal.Sa mga mura nilang edad,nahanap na nila ang simpleng kaligayahan. Ang paliligo sa sapa kahit na may pagaalalang pagagalitan ng mga magulang.

Limang taon yun…limang taon nakalipas pero hindi nya nakalimutan ang unang ngiti ng dalaga sa kanya.Ang unang pagtawa nito sa harap nya.At ang pinaka mahalaga.

Ay ang unang pagtibok ng puso nya dahil sa walang muwang na pagibig dito.

Mula noon,iba na ang tingin nya sa dalaga.Hindi lang bilang kapitbahay,kaibigan, kalaro o kakilala.Kundi may pagibig ng namamagitan dito.Gusto nya itong makasama ng mas matagal.Labis nya itong nirerespeto kung kayat ginagalang nya ang mga disisyon nito.Kahit na nung unang naglakas sya ng loob para amininin nya ang pagibig dito.

“Gusto kita Maria” ani nya sa dalaga.“Gusto kita noon pa,mahal na kita kahit mga bata pa tayo.Tumitibok kasi yung puso ko na to pagkasama kita e”

Natawa ang dalaga sa tinuran.Alam nyang natigilan ito pero gamit ang mahinhin nitong pagtawa itinago nito ang pagkabiglang naramdaman dahil sa tinuran nya.

“Sebyo..” Sambit nito sa pangalan nya,kapagkuwan ay masuyo sya nitong hinawakan sa pisngi “Mga bata pa tayo.Marami pang mangyayari.Kaya ngayon, panghawakan mo yang nararamdaman mo. Kailangan mag tapos muna tayong dalawa.Pwede bayun?”

Dahil sa sinabi nito,dapat kabiguan ang mararamdaman nya.Pero tila mas lalo pa syang humanga dahil sa pagpapahalaga nito sa pag aaral.Kaya naman kahit papano,hindi sya nalungkot.

May panghahawakan na sya,at kailangan nyang maghintay para dito.

Dahan dahan,nginitian nya ang dalaga.Ganun din ang ginawa nito sa kanya.At kahit ilang beses nya na itong nakikitang nakangiti,ang isang to ang pinakagusto nya.Ang tumatak sa pusot isip nya.

Nagiwan ito ng masayang alaala…

Pero…

Napalitan ito ng luha at pagkamuhi,yung mukhang masigla at masiyahin noon.Nawasak at nawala dahil sa isang pagkakamali ng gabing iyun.

Kitang kita nya nya ang pagluha nito, nagmamakaawa na wag nang ituloy ang ginagawa nya.

Sya ang sumira sa dalaga.Sinira nya ang tiwala at pagkakaibigan nito dahil sa masidhi nyang pagnanasa. Mula sa madilim,malamig at tahimik na lugar ng sitio hangganan.Dito din nagkaron ng hangganan ang kanilang pagkakaibigan. Basta nagising na lang sya pagkatapos na makuha nya ang gusto nya.

Nakahiga ang dalaga sa kanyang harapan,punit ang damit,basa ng luha ang mga mata.Walang malay,na siguradong paggising nito ay sisimulan na syang kamuhian.

Nagsimula syang mabahala. Hindi nya alam ang gagawin dahil ngayon lang nagsink in sa utak nya ang mga nangyari.

Ano bang nagawa nya?

Bakit nya ginawa to?

Nagsimulang tumulo ang mga luha,napapalingo sya sa paligid at hindi alam ang dahilan kung bakit hindi nya magawang hawakan ang dalaga.

“M-Maria…” Sambit nya sa pag aalalang wala na itong malay. “Maria mahal ko…gumising ka pakiusap”

Nagtuloy ang mga luha nya,kapagkuwan ay aakmang bubuhatin nya na ito subalit natigilan sya.May humawak sa braso nya at bahagya syang inilayo sa bulto ng dalagang iyun.

“Umalis na tayo” sambit ng kilala nyang boses.Ito ang kanyang matalik na kaibigan.Si Kiko “Umalis na tayo bago pa may makakita sayo dito.Mapapagamak ka kaya tara na”

Bahagya nya ito pinigilan, hindi sya makapag isip ng maayos dahil hindi nya magawang iwan ng ganto ang kalagayan ng dalaga.

“Sandali” ani nya “hindi ko alam ang gagawin ko Kiko,hindi ko sinasadya”

“Wala kang kasalanan” sambit nito “Kinain ka ng galit mo.May sakit ka Sebyo at hindi mo to ginusto hindi ba?”

Napapaisip syang napapatango.

“Magaling” ani muli nito “kaya tara na,umalis na tayo.Pag naabutan ka nila,siguradong makukulong ka.Masisira ang buhay mo kaya tara na,magtatago tayo”

Hindi nya na alam ang gagawin.Kinain na sya ng mga sinabi ng kaibigan kung kayat unti unti syang nagpadala sa pagalalay nito sa kanya.Pero tila may kumukurot sa puso nya na iwan nalang basta ang dalaga ng ganun ganun.Kaya naman muli nya itong sinipat na kusang tumigil ang paghakbang nya dahil sa kamulos mulos nitong itsura.

Punot ang damit nito, nakababa ang panloob nito hanggang sa binti.Kaya naman labi ang naramdaman nyang dahil sa itsura nito.

“Sandali” sambit nya bago sya bumalik sa dalaga.

Agad nyang hinubad ang suot nyang t’shirt at isinuot dito.Ang nakababang nitong panloob ay kinaya nyang ibalik sa dati nitong pwesto.Ang punit naman nitong pantaas ay itinapon nya sa katabing dagat ng mahubad nya ito sa dalaga.Doon,muli nyang nasilayang maayos ang dalaga.Wala sya sa sariling hinalikan ito sa noo nago muling lumuha ang kanyang mga mata.

“Patawarin mo ako Maria…” Sambit nya “Mahal na mahal kita kaya nagawa ko to.Patawarin mo ko mahal ko”

Yun lang ang mga salitang binatawan nya bago sya sumunod sa kaibigan.Para namang may buhay ang ulo nya at kusang napalingon sa gawi ng dalaga.Doon nasilayan nya nanaman ang bulto nito.

At bumalik ang mga alaala ng dalaga na naging masaya ito habang kaharap sya.Pero ngayon,mukhang hindi na…

Wala ng Maria ang ngingit sa kanya.Wala narin ang matalik nilang pagkakaibigan.

“Maria!…” Tanging sambit nya bago sya magising mula sa malalim na pag tulog.

Nakamulatan nya ang may kadilimang paligid.Bahagya pa syang hinihingil at tumatagagtak ang pawis sa katawan nya.Kaya naman dahan dahan syang gumalaw upang ayusin ang sarili.Pero bago paman sya makaalis sa pwesto,naramdaman nya na ang bigat ng isang bisig na nakapatong sa dibdib nya.

Kasya nya lang namalayan na katabi nya pala ang matalik na kaibigan.Kung kaibigan pa nga ba ang maituturing nila sa isat isa sa kabila ng pangyayari sa pagitan nilang dalawa.

Hindi nya inaasahang may nararamdaman pala ito sa kanya.Hindi nya alam kung ano ang magiging reaksyon nya dahil hindi pala tuwid ang sekswalidad nito.Kaya naman dahil sa lungkot at takot na nararamdaman sa sarili.Hinayaan nya ito.

Pinagbigayan nya ang kaibigan na halikan sya nito,pinainit sya nito,ginamit ang kasalukuyang kahinaan nya.Ngayon,hindi nya alam kung ano pa nga ba dapat ang kahahantungan ng lahat.Isa tao ang minamahal nya ngayon.

Hindi nya magagawang paasahin ang kaibigan.Hindi nya kayang mahalin ito pabalik dahil kaibigan lamang ang maibibigay nyandito.Kaya naman, marahan syang kumilos upang umalis sa higaan.

Nagtungo sya sa maliit na kusina ng tahanang tinutuloyan nila.

Uminom sya doon ng tubig upang mapakalma ang sarili.Tulad ng dati wala nanamang nagbago sa kalgayan nya.Dinadalaw parin sya sa ng dalaga sa panaginip.

Kinokonsensya sya sa ginawa nya.Pinapamukha kung ano nga ba ang sinayang nya.

Siguro,hindi nya makakaya magtagal pa sa lahat ng ito.Kahit kailan.Makatakas man sya sa buhay na dapat hinarap nya noon palang noon.Hindi sya matatahimik. Uusigin sya ng konsensya dahil sa ginawa nya sa dalaga.Ipapamukha sa kanya ang katotohanang sinira nya ang matalik nilang pagkakaibigan.

Kaya naman gumawa na sya ng disisyon.Mabilis na pagpapasya upang tapusin ang lahat ng dalang problema.

Nagtungo syang muli kung saan sila natutulog ng kaibigan.Kinuha nya ang nagkalat na dami nya sa sahig at sinuutan nya ang hubad baro nyang damit. Nang matapos sya sa ginagawa at pagkabuo nya ng isang malaking disisyon sa isipan.

Binalingan nya ang binata na mahimbing na natutulog sa kama.

“Patawarin mo ako Kiko” mahina nyang saad “Pero hindi ako mabubuhay sa pagtatago at pagtakas sa katotohanan.Mahal ko si Maria at nais kong mapatawad nya ako sa mga ginawa ko sa kanya” matiim syang napalunok ng laway “Haharapin ko sya, pupuntahan ko sya at hihingi ako ng tawad makulong man ako at masira ang buhay ko.Kaya kong gawin lahat para sa babaeng pinakamamahal ko”

KITA NYA ANG pagaalala mula sa mukha ng kanyang ina.Napansin nya ito mula ng umaga bago sila umalis. Hanggang sa kotse patungo sa clinic na pinagcheck upan nila ay hindi nawala ang ekspresyon ng mukha nito.

Lihim syang napapatanong sa isipan.Siguro nagaalala lamang ito sa kanya dahil sa nararanasan nyang kalagayan ngayon.Maging sya ay nagaalala sa sarili.

Hindi nya mawari kung bakit sumasakit ang ulo nya at nagsusuka sa umaga.Hindi kaya buntis sya,pero paano mangyayari yun.Wala syang kasintahan,wala pang lalaki ang nakakapanaig nya.

Bahagya syang natigilan ng biglang kumirot ang puso nya dahil biglang pumasok sa isip nya si Sebyo.

Ganun nalamang ang pagtataka nya kung bakit iba ang nararamdaman nya pagdating sa binata.May lungkot sya dito,may panghihinayang at ang hindi nya maintindihan.Tila kinamumuhian nya ito,nang hindi nya alam kung bakit.

Nasan kana ba kasi Sebyo?

Bakit

bigla ka nalang nawala…

Mabilis nyang pinunasan ang luha na tumulo sa kanyang pisngi.Hindi nya alam pero pag naiisip nya ang binata. May kung anong kurot sa dibdib nya ang nagsisimula nyang maramdaman.

“Ayos ka lang?” Tanong ni Juanillo na kasalukuyang nasa tabi nya.Nandito sila ngayon sa hallway,nakaupo sa tapat ng isang clinic room na pinuntahan nila.Nasa labas sila,habang ang ina ang nakikipag usap sa doctor upang alamin ang ginawang examine sa kanya.“Nagaala na ako sayo Maria.Basta basta kanalang lumuluha” ani pa nito bago nya ito balingan.“Ano bang nangyari? Bakit mo hindi sabihin sakin,may nangyari bang masama”

Napabuga sya ng hininga habang kinalma ang sarili “Hindi ko alam e” saad nya “Basta,wala akong matandaan.Nung gabing yun,parang ayokong maalala. Hindi ko alam ang nangyari. Gusto kong matandaan pero sumasakit ang ulo ko.Pati yung dibdib ko sumisikip”

“Masama ba ang nangyari sayo?” Natigilan sya sa tanong ng binata kaya hindi agad sya nakasagot. “Hindi mo kasi maalala.Maaring may short term memory lost ka.Dahil sa sama ng pangyayaring iyun.Kusang inalis ng utak mo ang pangyayaring iyun sa buhay mo.Pero utak ang nakakalimut e,hindi yung puso”

“Gusto kong maalala” saad nya “Gusto ko talaga pero para kasing ansakit.Para kasi akong nasira” napabuga nanaman sya ng malalim dahil sa bigat nanaman ng dibdib nya.

Naramdaman nya ang masuyong paghawak ng binata sa kamay nya at matamay nitong pagtitig sa mata nya.Doon nakakaramdam sya ng kaunting kaginahawakan.

“Wag mo nalang isipin” ani nito kapagkuwan ay narinig nya ding napabuga ito ng malalim na paghinga “Kahit ako rin kasi ayokong maisip ang mga posibilidad na nangyari sayo”

“Anong posibilidad?” Tanong naman nya.

“Hindi ko alam pero nagtataka lang talaga ako” sambit nito “Bakit nung gabing matagpuan ka nila aling Pasing ay nasa dulo ka ng stio hangganan? Suot mo din yung isang t’shirt na hindi namin alam kung kanino?”

Kumunot ang noo nya “Anong ibig mong sabihin?” Tanong nyang muli.

“Nakasuot ka na ng ibang damit mo dun Maria” saad nito “Sa natatandaan ko naka off shoulder ka.Pero wala nayun.Hindi nanamin makita.Isa pa,may mga natagpuan din silang basag basag na kagamitan sa paligid.Lamesang tumba. Hindi namin maintindihan ang nangyari sayo.Ang kinatatakot ko lang” saglit itong napatitig sa mukha nya,tila pinagiisipan nito ang susunod nitong sasabihin.

“Hindi kaya nagahasa ka Maria?”

Kusang tumigil ang segundo ng mundo nya dahil sa huling sinabi ng binata. Dahan dahan,lumuha muli ang mata nya,bahagya pa syang napahawak sa dibdib nya dahil sa paninikip nito.

Hindi nya napigilang mapahikbi.

Nakaramdam sya ng takot dahil sa sinabi ni Juanillo. Hindi nya maintindihan kung bakit pero ngayon,takot na takot sya.

“Im sorry,Im sorry” agad naman saad ng binata na masuyo syang niyakap upang mapakalma sa pagiyak nya “I-inisip ko lang naman.Natatakot lang ako kasi baka hindi ko mapatawad ang sarili ko kung nangyari sayo yun.Dapat hindi kita hinayaang sundan ang Sebyong yun nung gabing nagaway kayo” naramdaman nya ang mahinang paghagod sa likod nya ng binata.Ito ang rason kung bakit unti unti tumigil sya sa paghikbi. “Ang hindi ko din maisip,bakit nawawal ang Sebyo nayun? saan naman sya nagpunta. Kahit sana sya mismo maligtas ka kung ano mang masamang nangyari sayo”

Hindi na sya sumagot pa sa turan ng binata.Nabalot sila ng katahimikan nayun habang kumportable syang nakasandal sa dibdib nito.Walang umiimik sa kanila.Binasag lamang ng binata ang kumportable nilang lagay nang magsalita ito.

“Im sorry Maria” paghingi nito ng paumanhin na parang malaki ang ginawa nitong kasalanan.

Dahan dahan naman syang umayos ng upo at tinignan ang binata.“Para saan naman?” Tanong nya “Wala kanamang kasalanan sakin”

“Meron” sagot nito na kinakunot lang ng noo nya “Pinabayaan kita” anit nito kapagkuwan ay tumingin ito sa malayo “Nagsisisi ako kasi pinabayaan pa kitang lumabas ng kotse.Dapat sinamahan nalang kitang sundan ang kaibigan mo.Nagaalala ako sayo kasi kitang kita sa lungkot mo ang nangyari sa gabing yun na hindi mo maalala.Kung ano man yun,hindi ko mapapatawad ang sarili ko”

Napabuntong hininga sya bago magsalita.“Juanillo wala ka naman kasalanan” ani nya kapagkuwan ay masuyong hinawakan ang kamay nito dahilan para mapabaling sa kanya “Wag mong isipin na masama ang nangyari sakin sa gabing yun.Kung ano mang bumabagabag sakin,kasalanan ko yun.

Nagmatigas akong ayusin ang problema namin ni Sebyo“

Ilang segundo,tumahimik ito.

Natigilan sya ng tinitigan lang sya ng binata.Hindi sya naging kumportable sa tingin nito dahil tila may gusto itong sabihin sa kanya.

“Mahal mo ba si Sebyo?” Tanong ng binata matapos ang ilang segundo.Muli, natigilan sya kaya hindi sya nakasagot “Alam kong may pagkakaibigan kayo nun kaya handa mong isakripisyo ang kaligtasan mo nang sundan mo sya.Pero nakita ko na hindi mo kayang sirain ang meron kayo kaya naging matapang ka nang gabing iyun”

“Magkaibigan kami nun Juanillo” sagot nya “Kaibigan ko si Sebyo”

“Magkaibigan lang?” Tanong muli nito na nagpatigil muli sa kanya “Im sorry,Maria. Pero alam kong wala akong karapatang magselos dahil magkaibigan tayo.Kaibigin na kita dahil halos isang buwan na kitang kakilala at kasama.Hindi ko narin itatago ang nararamdaman ko sayo.Kasi kung ako si Sebyo,nahulog na ang loob ko sayo.Nagustuhan na kita”

“Sinabi mo nayan diba?” Tanong nya.

“Kailan?” Medyo gulat nitong sagot na kinangisi nya.

“Nung gabi ring hinatid mo ako” ani nya “Kaso may sinabi kang word.“friend zone” bayun?“

Nakita nyang natawa ang binata dahil sa words na sinabi nya. “Yeah,its Friendzone” saad nito “Kasi nga may kaibigan kana,si Sebyo.At pri-nenzoned mo ko dahil gusto mo lang ulit ng bagong kaibigan.Dahil pag aaral din muna ang uunahin mo”

“Tama naman yun” sagot nya “Gusto ko munang makatapos sa pagaaral. Ngayong dumating na si Dad sa buhay ko.Mas gusto kong magsikap para may mapatunayan ako sa kanya”

Narinig nya natawa ang binata na ipinagtaka nya. “bakit ka tumatawa?” Kunot noo nyang tanong dito.

“Its nothing” nakangisi nitong sagot “I remember my dad,he told me that your dad is hes bestfriend way back in Australia.Ngayong nasa pilipinas na sila pareho,at nakita ka na ng dad mo.He split the tea to me.May plano sila satin”

“Ano namang plano yan?” Tanong nya.

Muli lang itong ngumisi bago sumagot “They promise to each other that if they have a children.Saktong babae at lalaki pa tayo” saad nito “We will getting married”

Saglit syang natigilan.

Hindi nya alam pero napangiti sya sa tila biro ng binata.“ano? Ikakasal?” Kunot noo nyang tanong.

“Yeah” sagot nito “Ang malas lang kasi nakatadhana na tayo sa isat isa.Baka hindi na natin magawa ang gusto natin sa buhay kasi kasal na tayo”

Medyo harsh ang sinabi nito pero imbis na mainis,nakita nyang nakangisi ang binata. “Para hindi ka naman dissapointed?” Tanong nya “Parang gusto mo naman”

Nanatili syang nakatingin dito nang tignan sya ng binata.

Nagkasalubong ang mga mata nila bago ito magsalita. “Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako masaya sa sinabi ni dad” saad nito “Pero dahil hindi mo naman ako gusto.At hindi ka pa tapos magaral. Maghihintay ako sayo Maria,may karapatan kang tanggapin ang kasal o hindi kahit napagkasunduan nayun.Nirerespeto kita kaya hihintayin ko ang tamang oras at panahon na magkakagusto ka sakin. Pagnangyari yun,it is easy for us na tanggapin ang marriage proposal”

“Maria…” Napatingin sya sa nagsalita ng pangalan nya.Dahil dun hindi na sya nakasagot sa binata.

“Mama” ani nya kapagkuwan ay tumayo sya at lumapit dito. “Kamusta po? Ano po bang resulta ng findings ng doctor?”

Saktong lumabas ang doctor pakatanong nya.Kapwa sila napatingin sa pinto kung saan nanggaling ang ina.

“May idea na ako kung bakit hindi ka makaalala Iha” sya ang tinuran ng magsalita ito “May short memory lost ka,kaya hindi mo maalala ang ibang bagay na nangyari sayo nung gabing iyun.Yun ang kwento sakin ng nanay mo”

“Short memory lost” saad nya “ayun din po ba ang dahilan kung bakit sumasakit ang ulo ko at nasusuka ako tuwing umaga?”

Napansin nyang nagkatinginan ang doctor at ang kanyang ina dahil sa tanong nya.Nakaramdam naman sya ng kunting pagdududa dahil dito.

“Ahmm,siguro” sagot ng doctor “Mabuting magusap muna kayo ng nanay mo ng maayos para maliwanagan ka.Kailangan nyo kasi yun”

Napabaling syang muli sa ina.Ngayon ay mas mukhang naging lumo ang mukha nito na pinagalala nanaman nya.

Kaya sa buong byahe,tahimik lang ito.Lalo lang bumibigat ang nararamdaman.Kundi dahil kay Juanillo na pinapagaan at pinapasaya sya sa buong byahe,hindi nya mapipigilan magtanong sa kung ano ba ang nararamdaman nito.

Kaya naman binaliwala nya muna ang lahat.Tinuon nya ang sarili sa binata na pilit syang pinapasaya sa mga bagay.Naging maayos ang pakiramdam nya pero tulad ang kaba kanina,nang maabutan nya ang ama sa kanilang sala kasama ang kaidaran nitong lalaki.

Napagalaman nyang ito ang ama ni Juanillo,na hindi sya nagkakamali sa biro ng binata kanina.Baka magkatotoo na ipapakasal sila ng mga ito sa isat isa.

Saglit syang kinausap at pinakilala ng dalawang ama sa harapan nila.Gaya ni Juanillo ang masaya nitong ngiti sa kanya.Hindi tulad ng ina na umakyat lang agad sa ikalawang palapag at nagtungo sa sarili nito silid.

Mabuti nalang at nandyan ang nanay Belen na katiwala nila.

Pinaasikaso sya ng ama dito upang paghandain sa isang maliit na salo salo mamaya.

Hindi nya mafathom ang lahat kasi parang ambilis ng pangyayari.

“Ma,ano bang nangyayari sayo” saad nya sa ina ng matapos syang bihisan ng magandang damit ng nanay Belen nya sa sariling silid.Ang ina na kanina pa inaalala nya ay kusang pumasok sa kanyang silid.Kaya lubos nya itong pinapasalamat kasi hindi nya ito magawang kausapin dahil sa bilis ng mga nangyayari ngayon.

“Kanina pa po ako nagaalala sa kalagayan mo.Kanina pa kita napapansin na may malalim na iniisip.Tapos ngayon,ano pong nangyayari.Ano ba talagang plano ni Dad?”

Masuyo sya nitong hinawakan sa buhok at hinagod ito “Isipin mo muna ang sarili mo ngayon anak” saad nito “Aayusin ko muna ang lahat.Tapos kasya ko sayo ipapaliwanag ang mga nangyayari”

“Yun na nga po e” sagot nya “Kanina hindi ko alam kung biniro lang ako ni Juanillo na ipapakasal kami ng mga tatay namin sa isat isa. Sinusubukan nya palang manligaw sakin kaninang umaga pero ngayon may pamamanhikan na?”

Napabuga ito ng malalim bago muling magsalita “Kakausapin ko ang daddy mo” saad nito “Alam kong hindi ka naman nya pipilitin. Na kwento nya na sakin to minsan na ipapakilala ka ng daddy mo sa mga kaibigan nya.Masaya lang sya na muli ka nyang nakita”

“E pano po yung tungkol sa pagpapakasal” tanong nya “Nandun po yung daddy ni Juanillo,at si Dad.Para naman pong nagkasundo na sila”

“Hindi anak” saad nito sa kanya “Masaya lang sila na nagkakaayos kayo ni Juanillo.Hayaan mo,kung tungkol yun sa kasal.Dapat alam ko yun.Dahil ang daddy mo,hindi magdidisisyon hanggat wala akong sinasabi” marahan sya nitong niyakap.Hindi nya mapigilan ang sarili dahil may nararamdaman talaga syang bigat sa mga kilos nito.“Aayusin ko ang lahat anak.Pagkatapos ng gabing to,ipapaliwanag ko sayo ang lahat.Ihanda mo lang ang sarili mo.Malaking laban ang haharapin natin”

Napakunot sya ng noo bago bumitaw ang ina sa pagkakaakap sa kanya. Magtatanong nanaman sana sya ng tumalikod na ito sa gawi nya.Napatanga nalang sya ng lumabas na ito sa pintuan at doon sakto namang dumating ang nanay Belen nya para muli syang icheck.

“Maayos kana ngayon iha” saad ng matanda sa harap nya “Buti nalang kasi nandyan na daw sa baba yung iba pang bisita ng daddy mo”

“May ibang bisita pa?” Tanong nya.

“Oo,may inimbitahan pa ang daddy mo” sagot nito “Mukhang proud talaga ang daddy mo na ipapakilala na nya sa lahat ang nawawalang prinsesa nya”

Sasagot na sana sya sa matanda,ng biglang nagbukas ang pinto na nilabasan ng ina ilang segundo lang ang nakalipas.

Kapwa sila natigilan dahil sa pagtataka kung sino ang pumasok.

Its,Chandra,wearing her grind smile to her.Tila may binabalak ito na kung ano.

“Congratulation caz!” Magiliw na saad nito “You will be mom soon,you are pregnant!”

Hindi agad sya nakasagot at napatanga sa dalaga. Kapagkuwan ay may nilabas itong papel mula sa likodan nito.At nilantad sa kanya.

“99.99% positive of pregnancy” basa pa nito sa papel “Congratulation,nasa timing talaga ang lahat”

Ilang segundo syang napatitig dito.

Hindi nya na inintindi ang sinabi nito,tila may buhay ang paa nyang lumapit sya sa dalaga.Nais nyang tignan ang papel na hawak nito ngunit ng aakmang kukunin nya na.Natigilan sya ng ilihis ito ng dalaga palayo.

“Akina yan” tiim nyang saad dito “Patingin ako,hindi ko alam ang pinagsasabi mo”

Nakita nyang ngumisi lang ito sa kanya “Sinong ama?” Tanong nito kapagkuwan ay bahagyang natawa “Nga pala,hindi na ako dapat na magtanong,I know naman na yung soon to be husband mo ang tatay nyan.I’ll congrats him too”

Bigla syang nakaramdam ng matinding kaba ng tinalikuran na sya ng dalaga.Lumabas ito sa kanyang silid na utomatik para sa kanya ang sundan ito.

Wala syang maintindihan sa mga nangyayari.Tila palaisipan ang mga ito.Kaya naman para masiguro sa kinakatakot pilit nya pading inagaw ang papel sa dalaga.

Para itong bata na nakikipaglaro sa kanya nang pabiro nitong iiwas ang papel sa kanya.Kahit nahihirapan,pinilit nya itong agawin habang pinipigilan ang matinding pagkainis mula rito.

Tinatawanan lamang sya ng dalaga,pilit parin nitong inilalayo ang papel sa kanya habang para syang tangang inaagaw ito.

Hanggang sa makakaba na sila sa hagdan,dito nya lang namalayang may ilan ilang tao na palang nasa kanilang malaking sala.At dahil may kaingayan silang dalawa, naagaw nila ang pansin ng mga ito.

Nabalot ng katahimikan ang buong paligid at tila isa silang magandang palabas ng dalaga kung tignan sila ng mga taong iyun.

Hindi nya alam ang gagawin,kinain na sya ng kaba kung kayat hindi nya na napigilan si Chandra nang magpunta ito kay Juanillo mula sa baba ng hagdan.

May pagkapilya nitong niyakap ang binata habang may ngisi sa mga labi.

“Congrats may cousin in law” ani nito ng bumitaw ito sa binata kapagkuwan ay bumaling ito sa kanyang ama na bahagyang lumapit sa kanila.“Congrats din po uncle dad” saad ulit nito pagkatapos dumukhang ito para ito naman ang yakapin.

Tila mauubusan sya ng hininga ng tumuon pa ang dalaga sa ilan ilang tao sa salang iyun.Parang sinasadya pa nito na tawagin ang atensyon ng lahat upang maipalaam ang nakakagulat nyang kalagayan.

“Chandra,itigil mo ang kahibangang to” sambit nya pero hindi sya nito pinansin.

“Ano bayun Chandra?” Tanong ng daddy nya.

Tumingin lang sa kanya ng nakakaloko ang dalaga bago ito muling magsalita.

“Congrats po Uncle Dad” ulit nito sa sinabi “You will be grandfa soon.Buntis na po si ate Maria,positive po ang resulta ng pregnancy test nya”

CHAPTER 37

AN; Expected na may error sa chapter nato as always.

Happy reading 💕

“Ano bayun Chandra?” Tanong ng daddy nya.

Tumingin lang sa kanya ng nakakaloko ang dalaga bago ito muling magsalita.

“Congrats po Uncle Dad” ulit nito sa sinabi “You will be grandfa soon.Buntis na po si ate Maria,positive po ang resulta ng pregnancy test nya”

Tila may dumaang anghel sa paligid at binalot ng katahimikan ang lahat.Kita nya kung paano pukulin sya ng tingin ng mga taong nasa harap nya.Yung tingin ng pagtataka at pagkagulat na tila hinuhusgahan sya.

“P-pregnancy test?” Ani ng ama at tumingin ito sa gawi nya.

Hindi sya nakapagsalita, hanggang sa narinig nya na ang ilang taong bisitang iyun ay nagbulong bulongan na tila palihim itong nagkukumento sa kanya.

“Whats is it Maria?” Tanong pa ulit ng ama “Anong pregnancy test? Buntis ka anak”

Umuwang na sana ang labi nya upang magsalita ngunit biglang sumingit ang dalaga.

“Yes uncle dad!” Sabat nito “This mansion have a baby so-”

“Shut up Chandra” putol naman ng ama sa iba pa nitong sasabihin.Dito nya nakita ang tyahing si Fresia na agad umalalay sa dalaga ng matigilan ito.

“Ano ba Chandra?” Sabmit nito sa anak “Ano ba kasing kagulohan to?”

“Wala namang gulo mom” saad nito sa ina “Im just announcing to all here that my cousin,Maria Esther is pregnant.Magiging tita narin ako soon!”

“But this is not your moment to deside”

“Yeah,but Im really excite-”

“You two shut up!” Natigilan ang dalawa ng muling sumigaw ang ama.

Muling nabalot ng katahimikan ang buong paligid kapagkuwan ay tinuunan muli sya ng ama.

“Tinatanong kita Maria” matiim na nitong sambit sa kanya “What is this all about?” Nakita nyang lumakad ito palapit kay Chandra at pasimple nitong hinablot ang papel na hawak ng dalag bago inuwestra sa kanya “Ano to?! Buntis ka? Paano?!” Singhal nito.

Tila binuhusan sya ng malamig na tubig dahil sa pagkagulat at kaba.Doon, nagtuloy ang kanyang luha nang hindi nya inaasahan.

“H-hindi ko po to alam dad” ani nya “H-hindi ko po alam na buntis ako”

“Kaya nahihilo ka tuwing umaga?” Tanong nito sa kanya “Kaya ba nagsusuka ka? Masama ang pakiramdam mo tuwing gigising ka.Buntis ka pala pero hindi mo alam?” Pagakat itong tumawa “Paano naman?”

Umiling sya “Totoo po yun?” Ani nya “w-wala akong alam?”

“Ginawa nyo hindi mo alam?” Si Chandra ang nagsalita kung kayat napatingin sya dito “how it can be possible? May ganun bang pwedeng mangyari.Im sure sigurado naman kayo ni Juanillo while doing that thing”

Sabay sabay silang napatuon kay Juanillo ng mabanggit ito ng dalaga.Medyo gulat itong natigilan na agad ding kwinelyuhan ng kanyang ama dahilan upang magulat ang lahat.

“What did you do?!” Singhal ng ama nya dito “Pinagkatiwalaan kita diba?”

Nais nya sanang pigilan ang ama pero natigilan sya ng mapatingin sa kanya ang binata.

“B-but Im sure were not doing that” ani nito “N-ngayon ko palang po nililigawan ang anak nyo.Wala pa pong nangyayari saamin-”

“Sinungaling!”

Hindi nya inaasahan ang ama at hindi na ito nakapagpigil at agad din nitong sinapak ang binata dahilan upang mapatumba ito sa sahig.

Inaasahan nya ng sasaklolo ang ama ni Juanillo at dinepensehan ang anak.Ang hindi nya lang inaasahan dahil ginantihan nito ang kanyang ama kung kayat nagkasikitan ang mga ito na agad ding pinigilan ng ilang lalaking bisita doon.

Nagkaroon ng ingay ang buong paligid bago ito maawat.

“Alamin mo muna ang lahat Maliano!” Saad ng ama ni Juanillo sa kanyang ama “Wag mong sasaktan ang anak ko dahil pwede natin tong mapagusapan!”

“E hayop yang anak mo e!” singhal ng kanyang ama dito “pinagkatiwalaan ko sya tapos ganto ang gagawin nya sa anak ko! Sya lang naman ang lalaking malapit sa anak ko kaya sya ang mapagbibintangan ko”

“Maniwala ka po tito” Si Juanillo na ang nagsalita mula sa likod ng ama nito “Ginagalang ko po si Maria. Hindi ko po yun gagawin sa kanya kaya hindi ko-”

“E sinong lalaki ang nakabuntis sa anak ko huh?!” Putol ng ama sa pagsasalita ng binata “sinong walang hiya ang makakabuntis dyan gayo-”

Sabay sabay silang natigilan ng biglang tumigil sa pagsasalita ang ama.Ganun nalang ang paglaki ng mata nya ng magsimula itong tumumba sa sahig habang hawak ang dibdib nito kung saan banda ang puso.

Wala syang ano anoy napatakbo sya palapit dito.

“Daddy!…” Sigaw nya ngunit ng aakmang hahawakan nya na ito ay biglang may humigit ng kanyang braso at may pwersa syang napaharap sa kung sino.

“Walang hiya ka!” Ganun nalang ang gulat nya ng bigla syang sampalin ng tyahin nya na nanlilisik ang matang nakatingin sa kanya “Anong ginawa mo? Malanding babae ka,sabi ko na nga e.Wala kang dadalhin sa pamilyang to,kundi kahihiyan lang!”

Kahit nagulat at hindi pa nakakabawi ay agad na syang tumuon sa ama. Siniwalang bahala nya ang sakit ng pisngi dahil sa sampal nito.Naluluha syang umalalay sa ama na hindi alam ang gagawin.Pero hindi tumigil ang tyahin at hinampas sya ng ilang beses sa kanyang likuran.

Wala syang ginawa kahit pa ang kasunod niyun ay ang pagsabunot na sa kanyang buhok.Kahit may pwersa syang inilalayo ng tyahin sa kanyang ama ay pilit syang lumalapit dito upang alalayan ito.

“Malandi kang babae ka” galit pa nitong ana sa kanya “My brother will give everything tapos ito ang igaganti mo! Wala kang kwenta”

Umiyak sya,binuhos ang luha dahil sa pinaghalong sakit sa pisikal at sa emosyonal na nararamdaman nya.

Sinisisi nya ang sarili dahil sa mga oras na ito,nasa kritikal na kalagayan ang ama. Nakikipag agaw buhay dahil inaatake ito ngayon sa puso.

Patuloy pa ito sa pananakit sa kanya,kunga kayat hindi nya nadin namalayang nakalapit na pala ang ina kundi pa ito nagsalita sa babaeng nananakit sa kanya.

“Wag mong sasaktan ang anak ko!” Singhal nito “Wala kang karapatan ilapat yang kamay mo sa balat ng anak ko dahil wala kang alam sa nangyari!”

Kahit bahagya,nakawala sya sa mabigat na kamay ng tyahin at tumuon muli sa ama.

“Kayo ang walang alam!” Rinig nyang singhal din ng tsashin sa ina. “Kung alam ko lang na kahihiyan lang pala ang dadalhin ng anak mo sa pamilyang ito edi dapat matagal ko na kayong ipinatapon sa basura!”

“Ang kapal ng mukha mo” hindi nagpatalo ang ina.

“Mas makapal ang mukha nyong dalawa” ani pa ng tyahin.

Kahit nakatuon sya sa naghihingalong ama rinig at ramdam nyang nag kasakitan na ito kung kayat napatuon sya ina.

Ganun nalang ang lumo nya ng nasa ilalim na pala ito habang sinasaktan ng kanyang tyahin.

Agad syang lumapit dito upang pigilan ang pagaaway nito pero nasa kabilang utak nya ang pagaalala sa kalagayan ng ama.

Ngayon hindi nya na alam ang uunahin.Ang nasasaktang ina ba o ang naghihingalong ama na nasa tabi nya.

“Mama!” Ani nya sa ina pero tumoon agad sya sa ama. ’Daddy…

Ingay at kaguluhan lang ang nasa paligid nya na hindi nya alam na may dadagdag pa ng biglang may sumigaw mula sa pintuan.Ang driver nila ito na tila natatarantang nagsasalita.

“May nagiingay sa labas!” Saad nito “May nanggugulo! May lalaki po”

Napatuon sya dito kung kayat sya ang binalingan ng pansin nito habang patuloy parin ang kagulohan sa paligid “Maam,may nanggugulo po” ani nito sa kanya “Sebyo po ang pangalan”

’Sebyo po ang pangalan…

Sebyo…

Ilang segundo,natigilan sya.

Samasama ang kaba at gulat sa mga pangyayari sa kanya ngayon.Narinig nyang muli ang pangalang iyun.

Sebyo…

“Patawarin mo ako Maria” isang pamilyar na boses ang pumasok sa isip nya.

Makapal na boses na kinatakutan nya isang gabing nagdaan sa buhay.May pagnanasa ito,pakiusap at kasabikan sa isang laman.

“K-kailangan ko tong gawin…para tuluyan ka ng maging akin”

Sa isang iglap,namilipit sya at napahawak sa kanyang ulo.Nanakit ito na tila puputok ang mga ugat sa loob nito kung kayat napahawak sya dito.

Nanghina din ang kanyang mga tuhod kung kayat napaluhod sya sa sahig.Mula sa pinakagitna ng kagulohang pangyayari…

Napasigaw sya.Napahiyaw sa sobrang sakit kung kayat sandali nyang narinig ang katahimikan.

Hindi nya alam kung ayos naba ang lagay ng ama pero basta,bigla nyang narinig ang tahimik na paligid na tanging paghiyaw nya lang ang tanging maririnig.

“Arghhhhhh!!” reklamo nya sa nanakit na ulo,isang senaryo ang biglang pumasok sa isipan nya.

Nakakatakot iyon.

Malinaw ito at ditelyado. Mula sa pagpupumiglas at pamimilit.Sa pagpatong at pagsigasig.

Ang lahat ay ditalyado na para bang sa isang babae,ito na ang nakakatakot na pangyayari sa lahat.

“Ginahasa ako!” Kapagkuwang Sigaw nya “Ginahasa ako! Binaboy akoooo ginagasa ako!!”

Doon nagtuloy tuloy ang luha nya sa pisngi.Nagsimula syang humikbi hanggang sa naging pagiyak at paghagulgol na ito.

“Hayop sya!!” Patuloy nya “hayop!! Sya,baboy sya!! Binaboy nya ako!!”

Ito lang ang huli nyang binitawang salita habang wala sa sariling napatakbo papalabas sa pintuan.Hindi nya alintana ang mga dinaanang mga bisita.Kung kayat para ba syang baliw at hindi inintindi ang itsura nang sumugod papunta sa gate na pinagmumulan ng isang nilalang.

Ang lalaki na dahilan ng lahat.

Si Sebyo,ang dating matalik na kaibigan.

Mabilis nyang binuksan ang gate nayun kung nasaan ang binata.

Hinarap nya ito at wala sya sa sariling sinugod ang bulto nito.Ginawa nya ang lahat ng makakaya upang ambahan at hampasin nya ito gamit ang dalawa nyang kamay.

Kasabay ng paghagulgol nya at pagiyak dahil sa sakit na nararamdaman,sinaktan nya ang binata.Matapang naman nitong tinanggap ang mga kamay nyang punong puno ng galit.Kasabay ng pagsikip ng dibdib nya.Hindi ito alintana upang maihiganti ang nasira nyang pagkatao.

Nagpaubaya ang matipuno nitong katawan kahit masakit.

“Walang hiya ka!!” Singhal nya sa binata “Binaboy mo ako!..sinira mo ang pagkatao ko”

“Tama na Maria” sagot nito sa kanya “Patawarin mo ako pakiusap…”

“Anong tama na huh?” Ani nya “Nababaliw ako sa nalaman ko,pinahamak mo ang daddy ko! Ginulo mo lahat!”

Hindi sya tumigil sa paghampas sa dibdib nito.Kahit habol ang hininga, pinilit nya ang sarili upang masaktan lang ang binata.

Hanggang sa ilang segundo naramdaman nya ang masuyo nitong pagyakap sa kanya kahit may pagpupumiglas sya.

Mahigpit iyun,na tila sinisugurong hindi sya makakawala mula sa mga bisig nito.Patuloy lang sya sa paglabas ng kanyang hinanain dito at tumigil lang sya ng marinig nya ring humikbi na ito.

Natigilan sya,salungat sa inaasahan mula sa binata.

Isinubsob nito ang mukha sa balikat nya at doon ito umiyak ng umiyak.

“P-patawarin mo ako Maria” sambit nito habang nakakulong ang mukha sa kanyang balikat “Mahal na mahal lang kita kaya nagawa ko yun…patawarin mo ako pakiusap…”

Yun lang ang mga salitang binitawan nito bago tila umikot ang kanyang paningin.

Nagsimulang dumilim ang kanyang paningin at muling maramdaman ang pagkahilo.

Kapagkuwan ay lumipas ang ilang segundo at nawalan na sya ng malay.

“Maria…Maria…”

“Tara na! Umalis na tayo dito”

“Hindi! Hindi ko iiwan si Sebyo…kailangan nya ako!”

“Parating na ang mga pulis,makikita nya tayo dito”

“Tumawag ka ng pulis?”

“Oo,para matapos na ang lahat ng ito”

“Pero bakit? Ikaw ang magpapahamak satin.Sakin! Kukunin ko si Sebyo! Akin sya at isasama natin sya”

“Patay na si Sebyo!-”

“A-anong sinasabi mo?”

“Patay na si Sebyo…pinatay mo sya.Nakita ko ang lahat,sobrang galit ka.Galit ka lang kaya nagawa mo yun”

“H-hindi…hindi pa sya patay… nagaway lang kami”

“Makinig ka,huminahon ka muna gumawa tayo ng paraan”

“Pero si Sebyo? Pano sya,h-hindi ko sinasadya.

Mahal ko sya ng sobra pero hindi ko sinasadya. Kinain lang ako ng galit“

“Alam ko…alam ko…kaya gumawa na ako ng paraan.

Ngayon tumawag ako ng pulis para matapos natong lahat.Umalis na tayo dito at magiwan ka ng matinding ibedensyang magdidiin sa kanya…itong kutsilyo“

“Natatakot ako…”

“Wag kang matakot…nandito ako,itong kutsilyo,ilagay mo to sa kamay nya.Sya ang aatang ng lahat”

“Pano si Sebyo? Wala na sya? Napatay ko sya?”

“Hindi…hindi mo sya pinatay,dahil ang babaeng yan ang pumatay sa mahal mo.Kagabi,nakita mo silang naguusap habang nagtatalo.

Tapos umalis sila at nagtungo dito sa abandunadong lugar nato maliwanag?.Nakita mo ang lahat,sya ang pumatay kay Sebyo.Pinatay nya ang mahal mo at hindi ikaw,maliwanag“

“Wala na si Sebyo…patay na sya”

“Oo at pinatay sya ng

babaeng yan.Hindi ikaw o hindi kung sino man,kundi ang babaeng yan“

“Pinatay sya”

“Oo”

“Pinatay sya ng babaeng yan.Hindi ako ang pumatay sa kanya.Pinatay sya ng babaeng yan.Pinatay nya si Sebyo”

“Oo,mamatay tao sya Kiko…mamatay tao si Maria Esther”

“TULOOONG!!”

Abot abot ang hilakbot ni Maria Esther ng makita nya ang isang kutsilyo mula sa kanyang kamay.Punong puno ito ng dugo kasama ang puti nyang damit na nabahiran nito.

Hindi nya maipaliwanag ang mga nangyari,hindi nya alam kung nasaan sya.Basta nagising nalang sya at nasa isang hindi pamilyar na lugar.

Nang magkaroon sya ng lakas,tumayo sya hawak parin ang kutsilyo ngunit ng mahunian nya ito ay agad nya rin itong tinapon kung saan.

Dito sya natigilan nang tumama ito mula sa ibabang paa ng isang nilalang.Nang tignan nya ito,ganun na lamang ang panlulumo nya habang napahawak pa sa kanyang bibig.He saw a man,nakahiga sa maduming lupa na may tuyong dahon at damo.

Duguan ang katawan nito at wala ng malay.Hindi sya agad nakabawi sa pagkagulat nya dahil ng mahunian nya kung sino ang lalaking iyun.

Nanghihina ang kanyang tuhod na agad na patakbo dito.

“Sebyo!” Sigaw nya “Sebyo anong nangyari sayo?!”

Tuloy tuloy na nag malabis ang kanyang luha habang sinusuri ang binata sa harap nya.“Sebyo gumising ka.Anong nangyari sayo? Sinong gumawa sayo nito?!”

Ganun nalamang ang kanyang takot dahil mukhang ilang oras na itong walang malay.

Mukhang madame nang nawalang dugo sa katawan nito kung kayat tila wala na itong buhay.

’Hindi maari…hindi pwedeng mawala si Sebyo.

Wala sya sa sariling inalalayan ang binata upang sana patayuin ito.Hindi nya na alam ang gagawin at tuluyan ng sinaklob ng takot.

Pero ganun nalang din ang pagkagulat nya nang tatangakin nya ulit alalayan ang binata ng marinig nya ang isang sigaw.

“Itaas ang kamay!” saad nito “wag kang gagalaw!”

Dahan dahan napatuon sya kung saan ito nanggaling, at ganun nalamang ang pagkalumo nya ng mahunian nyang may anim na kapulisan ang dahan dahang lumalapit sa gawi nya.

Hawak ang baril nito na nasa kamay,nakatutok ito sa kanya na tila binabalaan na huwag sya gagawa ng kahit ano mang masamang bagay.

Hindi sya nakagalaw,nagulat sya sa nangyari at tila napako na nakaluhod sa tabi ng lalaking wala ng malay.

Dahil hindi alam ang gagawin.Wala sya sariling napataas ang dalawang kamay,hindi alam ang sasabihin,hindi magawang ipagtanggol ang sarili.

“Maria Esther Herminia Erschonen” muling saad ng isa sa mga pulis “Inaaresto ka namin sa salang pagpatay sa binatang si Sebyo Natividad.May karapatan kang kumuha ng abogado at ipagtanggol ang iyong sarili.Ang ano mang bibitawan mong salita ay maaaring gamitin sayo sa korte”

Dahan dahan,tumulo ang mga luha nya.Hindi nya inaasahan ang mga mangyayari sa buhay nya.

Akala nya magiging tahimik ang lahat,pero tila biglang naging impyerno ang mga sandali kasiyahan nya.

Hindi nya inaasahan na aalalayan sya ng mga pulis habang nakaposas ang mga kamay.Hindi nya alam na lalabas sya sa isang abandunadong lugar kasama ang pulis habang inaasikasuhan sya ng isang salang hindi nya ginawa.

Halos madurong ang mata nya sa kislapan ng mga ilaw sa paligid,mga ibat ibang uri ng camera ito na nakatutok sa kanya.Para rin syang mabibingi sa ingay at bulong bolungan ng mga tao sa paligid nayun.

Hindi nya ito inaasahan, ngayon,mula sa isang tila bangungot.Nagising sya sa kalagitnaan ng mataong lugar nayun.

Pinagpepyestahan ang nangyayari sa kanya.

Wala sya sarili pinagmasdan ang mga tingin nito na tila nandidiri sa nagawa nya.

’Anong bang nagawa ko?

’Bakit ako nandito?

’Bakit ako may posas?

’Bakit may mga pulis? May mga media? May mga taong mapanghusga.

’Hindi nila alam ang totoo?

’Hindi ko rin alam ang totoo? Ano bang nangyari?

’pano humantong sa ganto ang lahat?

“Walang hiya ka!” Isang singhal ng babae ang biglang sumulpot sa kanyang harapan.Malapit na sila sa kotse ng mga pulis ngunit ang nilalang na ito ay nagpumilit na makalapit sa kanya upang sya sya ay sampalin.

“Walang hiya ka! Bakit mo to ginawa sa anak ko?!” Ani pa nito bago sya muli paghahampasin sa dibdib at mukha nya.Wala syang nagawa,hinayaan nya ang sariling masaktan “mabuting tao anak ko! Hindi nya deserve na mamatay ng maaga bakit mo sya pinatay.Bakit mo pinatay ang anak ko.Mabuti syang kaibigan sayo Maria… kaibigan mo si Sebyo..”

Dahan dahan,muling nagmamalabis pababa ang kanyang mga luha.Tila nagising sya sa walang malay nyang isip at unti unting nagising mula sa pagkawala ng isip dahil sa nangyayari.

“Hindi ko po pinatay si Sebyo” ani nya ng paghikbi “wala akong ginagawang masama maniwala kayo…hindi ako ang pumatay sa kanya.Hindi ko sya pinatay!”

“Sinungaling!” Ani ulit ng ginang bago sya muling saktan na agad ding pinigilan ng mga pulis. “Sinungaling ka huli kana sa akto! Ikaw ang pumatay sa anak ko walang hiya ka”

“Wala po akong ginagawa!” Ani nya pa,bago sya pilitin ng pulis pumasok sa kotse “Hindi ko kayang pumatay! Maniwala po kayo hindi ako ang pumatay kay Sebyo. Hindi ako mamamatay tao!”

CHAPTER 38

“Mom…Im scared” ani Chandra sa kanya ng isang umagang magising ang dalaga.“How about ate Maria? Kasalanan ko tong lahat.Si Uncle dad? Napahamak po sya,I dont know dapat hindi na po ako nangialam e”

“Wala kang kasalanan, maliwanag” pagpapakalma naman nya dahil nakita nyang nagngingilid na ang mga luha nito “This is all her fault.Kundi dahil sa kalandian nya,wala sa hospital ang uncle dad mo.Sya ang nagpabuntis kung kani kanino.Kaya dapat harapin nya ang kahihiyan nya”

Pasimple nagigting ang kanyang panga dahil sa naiisip “Dinamay nya tayong lahat na mga Erschonen. Wala syang karapatang dalhin ang apelyedo natin dahil nakakahiya syang tao.Kunwari mahinhin na dalagita,yun pala may bahong itinatago”

“Nagtataka lang po ako” ani ng anak sa kanya “Bakit kagabi parang nagiba sya? Sumigaw po sya at sobrang sakit ata ng ulo nya” tinignan nya ang anak ng titigan sya nito “Ginahasa daw sya mom? Sinigaw nya yun na para bang ngayon nya lang naalala.Hindi kaya totoong may nangyari sa kanya dahilan po para hindi nya maalala na buntis sya?” Bumuga ito ng malalim na hininga “Hindi po kaya ginahasa si ate Maria?”

Saglit syang natigilan sa tinuran ng anak.Sa totoo, naisip nya nadin ang bagay na iyun sa dalaga.Pero dahil masidhi ang galit nya sa kapatid dahil sa ginawa nito.At dahil gusto nyang ang anak nito ang magbayad sa ginawa ng kapatid nya.

Wala syang pakialam.Mas gusto nya ang mga bagay na nangyayari ngayon sa magina.

Unti unti na itong bumabagsak.

“Kung narape man sya,dapat syang magsumbong sa pulis” ani nya “dapat sa halos magiisang buwan nareport nya man lang na ginahasa sya.Hindi ngayong alam nya ng buntis na sya.Kasya nya lang maalala na binaboy pala sya.Na ngayon lang sya magrereklamo dahil may laman na ang tyan nya,napapaisip ako.Baka sa isang banda,ginusto din nya”

“Mom…” Narinig nya ang anak na nagreklamo dahil sa huli nyang sinabi.“Nagaalala nga po ako sa kanya e,kagabi pa po sya wala.San ba sya nagpunta,kailangan sya ni uncle dad.Naaawa po ako kay Ate Maria,mukha naman po syang mabait e.Dapat alamin natin ang totoo.She dont deserve all of this”

Tinignan nya ng masama ang anak dahil sa ideya nito.

Magsasalita pa sana sya ng makarinig sya ng ingay mula sa labas ng kwarto ng anak.

Natuon ang pansin nya dito kung kayat iniwan nya ang anak sa silid nito at nilabas ang kaguluhan.Bahagya pa syang natigilan dahil may dalawang pulis ang pumasok sa pintuan.

Kita nya ang pagkagulat kay Pasing na ito ang sumalubong dito.Sandali lang itong nagusap at doon,parang lantang gulay ang ginang na napaupo sa sahig.

Nagtaka sya at medyo kinabahan.Kung kayat nilapitan nya ito na kasalukuyan ng inaalalayan ng tapat nitong katulong na si Belen.

“Whats happening?” Tanong nya.

Napatuon naman sa kanya ang katulong “Si Maria Esther daw po,inaresto ng mga pulis” sagot nito “Caught in the act po.Pinatay nya si Sebyo”

Hindi nya alam ang isasagot,kapagkuwan ay napatuon ang pansin sa ginang ng magsalita ito.

“Wala ng natira sakin” kapagkuwang sambit nito “Una si Meliano,ngayon naman ang anak ko? Paano ba nagkaganito ang lahat?”

Tumikhim sya.

“Thats the idea of the of circle of life,Pasing” anang ani nya dito kung kayat tumon sa kanya ang ginang “Una,nasa tuktok kayo. Tinatamasa ang lahat ng yaman na hindi naman dapat sa inyo.Ngayon,lugmok na kayo sa lupa.Namnamin nyo ang lahat ng kabiguan nyo”

“Bakit mo to ginagawa?” tanong nito sa kanya “Ganun ba kami kasama para pagdaanan namin ang lahat ng hirap? Masaya ka naba na nakikita mong nahihirapan kami.Para bato sa lahat ng yaman na gusto mong makuha? Sayo na,isaksak mo na sa baga mo”

Tinitigan nya ito bago sya sumagot.

“You know Pasing” ani nya “Wala naman kaming kasalanan e,kayo ang lahat ang gumagawa ng ikakasama nyo.Una,nagpabuntis si Maria sa kung sinong lalaki dyan.Pangalawa,Mamamatay tao sya” hindi nya napigilan ang sarili at bahagya ng natawa kung kayat pinigil nya agad ito.

“Kinukuha ko lang naman ang dapat sakin noon pa Pasing.In the first place si Kuya ang lahat ng may kasalanan kung bakit ako ganto sa inyo.Ninakaw nya ang pera na pamana ng mga magulang namin.It is 4.5 million pesos Pasing.At dahil sa pagkawala nun,kalahati ng buhay ko,naghirap, nagdusa.Ang lahat ng nakikita nyong yaman at ari-arian.May ambag ako dyan,kukunin ko lang”

“Sayo na lahat” sagot naman nito “Pati ang buhay na dapat sa anak ko,sayo na. Patahimikin mo lang kami”

Natigilan sya.Nakita nya ang tila pakikiusap sa mga mata nito.

“What do you want me to do?” Kapagkuwang tanong nya.

“Tulungan mo kami” narinig nyang nag crack ang boses nito at nagsimula ng humikbi “Tulungan mo ang anak ko. Ilabas mo sya sa kulungan, buntis sya Fresia.Wala ng magagawa ang daddy nya sa ngayon.Kalahati ng katawan nito bandado na,wala ng silbi.Kaya naman ikaw na ang papahawakin ko sa lahat.Ibibigay ko ang lahat ng hati namin.Lalayo na kami ni anak ko palayain mo lang sya sa kulungang iyun”

Hindi sya sumagot,hindi sya umimik.Namalayan nya nalang na dinadala na pala sya ng mga paa nya patungo sa isang terris dito din sa mansion.

Doon,kusang nagtipa ang mga daliri nya sa telepono at tinawagan ang isang tao.

Pagkasagot na pagkasagot nito,agad syang nagsalita.

“Sinong pumatay kay Sebyo?” Tanong nya.

Naramdamaan nyang natigilan ang nilalang sa kabilang linya pero agad din itong sumagot.

“Nagiba ang plano” saad nito. “yung inutos mo samin na gawing masama sa paningin ng lahat ang pamangkin mo.Nangyari,pero mas malala”

“So sino nga ang punatay sa kanya?” Paguulit nyang tanong dito.

“Si Kiko” sagot nito “Napatay nya si Sebyo kagabi dahil sa galit”

Umigting ang panga nya “bakit nyo sya pinatay?” Anas nyang sagot “Ang utos ko,kuhaan nyo lang sila ng litrato habang naguusap sa harap ng bahay.Gagamitin ko yun para masira si Maria sa daddy nya.Na totoong may kalandian talaga ang unika iha nya.Paanong humantong sa ganto ang lahat? Minette. Bakit nyo sya pinatay?”

“Nagaway sila” medyo nanginginig nitong sagot sa kanya.“Nakita ko ang mga pangyayari.Si Kiko,nagselos sya,hindi nya matanggap na sa kabila ng ginawa nya kay Sebyo,babalik at babalik parin pala ang kaibigan nya sa babaeng yun”

Saglit syang napaisip bago muling magsalita “what do you mean about that?” Tanong nya “Are you trying to say na may love affair ang dalawang lalaking yun?”

“Yes madam” sagot ng kausap “Matagal ng may gusto si Kiko kay Sebyo.At dahil sa pangyayari kagabi, na tinakasan sya ng binata para lang kitain si Maria. Napatay nya si Sebyo.Galit na galit sya kaya nya nagawa yun”

“How about my nephew?” Tanong nya “Bakit at sa paanong paraan nyo nadiin ang dalagang yun na sya ang pumatay kay Sebyo?”

Saglit na namayani ang katahimikan sa kabilang linya bago magsalita ang kausap.

“Nawalan po ng malay si Maria kagabi mula sa bisig ni Sebyo” saad nya “Nakita sila ni Kiko,at dahil magkasama sila,nagsimula itong magalit. Ang nakakapagtaka lang, tinulungan pa nyang dalhin ang dalawa sa safe na lugar. At doon,habang walang malay ang dalaga.Nagaway ang dalawang kalalakihan. Doon nangyari ang pagpatay. Gumawa ako ng paraan para maalis sa maaaring kapahamakan ni Kiko dahil sa pagpatay nya kay Sebyo…

…Ako ang naglagay ng kutsilyong ginamit ni Kiko sa pagsaksak kay Sebyo.Habang wala paring malay si Maria. Nilagay ko ito sa kanyang kamay.At ngayong umaga,sya ang pinagbintangan ng mga pulis.Sya ang nakakulong ngayon para litisin ng batas“

Marahas syang napabuga ng hininga sa mga nalaman. Kinalma nya ang sarili bago muling kausapin ang dalaga “Bakit mo naisip ang bagay nayun Minette?” Tanong nya sa dalaga “Bakit hindi mo hinayaang si Kiko ang makulong gayong sya naman talaga ang pumatay kay Sebyo at hindi si Maria”

Ilang segundong nanahimik ang kausap,pero pagkatapos nito.Narinig nyang tila humihikbi na ito bago muli syang sagutin.

“M-mahal na mahal ko po si Kiko Madam” sagot nito na bahagya nyang kinatigil.“Sa lahat ng dinanas nya, nakikita ko parin na may kabutihan sa puso ng lalaking yun.Nagmahal lang din sya ng tao at nasaktan. Alam kong hindi nya sinasadyang makapatay.Kaya naman hindi nya deserve na mahirapan pa lalo sa kulungan.Mahal ko sya,kaya nagawa kong magsinungaling para maprotektahan sya,at hindi ko po yun pagsisisihan”

“How about Maria Esther?” Tanong nya “Madidiin sya sa kasalanang hindi nya nagawa”

“Dapat lang po sa kanya yun” matapang na sagot nito “Sya nalang lagi,sya nalang ang laging pinipili.Sya nalang ang bida.Mahal sya ni Sebyo,kaya hindi nitong magawang mahalin si Kiko pabalik. Ako,mahal ko si Kiko,pero mahal nya si Sebyo.Dahil dun,kaya nahihirapan ang taong mahal ko.Wala ng natitira sakin,naiinis ako sa babaeng yun.Kaya hindi ako nagdalwang isip na pagbintangan sya.Ngayon, mabubulok sya sa kulungan”

Ramdam nya ang galit mula sa dalaga.Dahil dito, nagsimula syang nagdalwang isip.Gusto nyang umatras dahil sa kabilang isip nya,mas nakakaawa ang sitwasyon ng kanyang pamangkin.

“Hindi ako ganun kasama Minette” kapagkuwang saad nya dito,bumuga sya ng malalim na hininga “Mali ang ginawa nyo,ang gusto ko lang,mapasama ang dalagang yun sa daddy nya.Dahil oo,galit ako.Galit na galit ako dahil sa mga ginawang panloloko  ng kapatid ko sakin.Ninakawan ako,niloko at naghirap.Kaya naman si Maria ang nakita ko para magbayad ng lahat.Pag nangyari yun, magsisisi si Kuya.Baka manghingi sya ng tawad sakin at oo,baka mapatwad ko sya”

“Ano po bang ibig nyong sabihin?” Tanong nito sa kanya.

“Sapat na ang naranasan ni Kuya ngayon” saad nya “nasira ko na sa kanya ang anak nya.Ngayon,patay na ang kalahati ng katawan nya.Dahil na stroke sya kagabi.Nakaganti na ako Minette,tapos na ako sa kanila.Kukunin ko nalang ang dapat saakin”

“Umuurong kana ba?” Tanong nito.

“Oo Minette” saad nya “tutolungan ko si Maria na makalabas,kaya ang tamang pwede mong gawin.Ay ang sabihin ang katotohanan sa korte.Kundi,ako ang magsisiwalat sa lahat”

“Yan ang wag mong gagawin” natigilan sya at tila nanlamig sa kinatatayuan ng marinig ang matigas na boses.Iba na ang kausap nya sa kabilang linya,hindi na ito ang dalaga “Subukan mong kumanta. Sisiguraduhin kong madadamay ka.Tandaan mo sa unat huli,kasama ka sa mga planong ito Fresia.Ikaw ang gustong magpabagsak kay Maria.Ikaw ang gustong masira sya.Kaya sa muling pagkakataon,itikom mo yang bibig mo.Si Maria Esther, mabubulok sya sa kulungan. Sya ang dahilan kung bakit nawala sakin si Sebyo.Hindi ako titigil hanggat hindi sya nagdudusa”

Hindi sya nakasagot.Bahagya syang kinabahan dahil sa narinig mula sa galit na boses nito.

Kilala nya kung kanino nagmumula ang masamang boses nayun.

Kay Kiko,at wala syang ibang maisip sa binata kundi ang maghiganti kay Maria.

Tumikhim sya upang sana sagutin ang binata.Pero agad din syang natigilan nang patayin nito ang linya.

Kasabay naman nito ay narinig nya ang naghuhumayos na katulong na si Belen.Lumapit ito sa kanya habang natataranta.

“Maam,si Maam Pasing po” ani nito,habol ang hininga. “Naghihingalo po,inaatake po sya sa puso”

TILA pinasok muli sya sa isang impyerno ng magising sya ng umagang iyun.

Napapalibutan parin sya ng rehas,ingay at tunog ng mga bakal na hinahampas ng mga preso doon.

May mga tumatawa, tumatawag ng pangalan.May mga sumisigaw at ang malala,yung mga ginagawa nitong pagiingay sa rehas nayun.Sadyang masakit sa tenga na tila dinudurog ang eardrums nya.

“Maria Esther Herminia!” tawag ng pulis sa kanya mula sa labas ng rehas na tinutoluyan nya ngayon. “Kakausapin ka ng attorney mo”

Natigilan sya ng ilang segundo.

Nagtungo sya sa gawi nito,kapagkuwan ay sinuotan sya ng posas sa dalawang kamay.

Inalalayan sya nitong makarating sa opisina ng mga pulis habang dinadaanan lang nila ang ibat ibang rehas na naghihiwalay sa karamihan ng mga preso doon.

Maingay,nakakarindi.Pero agad ding itong nawala nang makapasok sila sa loob ng opisinang iyun.Pagkasara ng pinto,umupo sya sa harap ng matabang attorney nayun. Hawak ang mga papeles tungkol sa kaso nya.

Dahan dahan,humikbi sya.Hindi nya napigilan ang kahit konting saya ng malaman nyang may attorning lalaban sa kanya.

Halos tatlong araw na sya dito,natatakot at umiiyak tuwing gabi.Tinatanong kung bakit nya nga ba nararanasan ang lahat ng to.

Ni hindi nya na nakita ang ina simula ng hulihin sya ng mga pulis,hindi nya na ito nakausap manlang.Maging ang ama,ang huling alam nya lang ay inatake ito sa puso, hindi nya na alam kung ano na  nga ba ang kalagayan nito ngayon.

Suot ang may kalumaang damit,pinanasan nya ang luha.Wala na syang paki,sa itsura nyang hindi na makapag ayos.

Ang importante ngayon,ang attorney sa harap.Ang taong baka sakaling lumaban sa kanya sa kaso.

“City Jail parin ba to?” Nangingilid nyang tanong sa kaharap.Natigilan ang attorney habang napatitig sa kanya “Attorney,hindi papo ako nahuhusgahan ng korte.May karapatan pa po akong lumaban.Bakit nandito napo ako agad? Bakit nasa bilibid na ako? Tapos napo ba agad ang laban ko? Sarado napo kaagaad ang kaso?”

Nakita nyang tumikhim ang kaharap bago ito nagsalita.Ayun pa sa pagbuga ng malalim na hininga nito.Mukhang masama talaga ang kanyang kalagayan.

“Caught in the act ka,Maria” saad nito “Kung tutuosin, wala na nga dapat pang lalaban na Attorney sayo.At oo,sarado na ang kaso simula ng mahuli ka.Mata sa mata.Malakas ang laban ng ina ng biktima,agad syang nakapag file ng kaso sayo.Kaya didiretsyuhin na kita,mabigat ang kasong kinakaharap mo.Kita nila kung nasan ka.Nandoon ka mismong biktima nung araw na mangyari yun.Ang huling hatol sayo,murder”

Napahikbi sya nang marinig ang mga sinabi nito.Pero pinilit nyang ayusin ang sarili,para makipagusap dito.

“Wala po akong ginagawang masama” ani nya “Nagising nalang po ako,nasaakin na ang kutsilyo.Si Sebyo, nakahiga na sa sahig.Wala ng buhay” hinawakan nya ang kamay ng kaharap at pinakatitigan ito “Attorney hindi po totoo ang binibintang nila,hindi ko kayang pumatay. Tinutulongan ko pa nga si Sebyo nun nang  makita ako ng mga pulis.Hindi ko rin po alam ang nangyari.May nagset up po sakin”

“Mabigat ang akusasyon nayan” saad ng attorney “Paano mo yan mapapatunayan? May mga testigo kaba? May kakaiba kabang naramdaman noon na kahina hinala? Dapat may ibedensya ka.Hindi sapat na wala kang malay noon,at sasabihin mong hindi mo nakita ang totoong sumaksak sa biktima.Hindi ka basta basta paniniwalaan ng hukuman.Dapat may pinanghahawakan ka”

Dahil sa mga sinabi nito, bumagsak ang balikat nya.Wala syang nagawa kundi muling mapahikbi.

“Ang kalaban natin,matibay ang ibedensya” kapagkuwang saad ng attorney “Hindi ko alam kung san sila nakakuha ng testigo pero may lalaban para sa kanila”

Natigilan sya sa binanggit nito.Napakunot ang noo nya “S-sinong mga testigo?” Tanong nya “P-papaanong nagkaroon ng mga testigo”

“Kung kilala mo sila Minette at Kiko” sagot ng Attorney “Sila ang tatayo sa katotohanan.Sila ang tetistigo dahil malapit nilang kabigan si Sebyo.Sila ang nakakita ng kabuoan sa gabing iyun”

“DYOS ko Maria anak” mariin nyang niyakap ang ginang ng pagkalabas syang muli sa rehas nayun.

Kahit papano, nakaramdamdam sya ng saglit na kapayapaan mula sa bisig nito.Kaya sinamantala nya ang mga sandali.

Matapos syang kausapin ng attorney nayun pagkalipas ng dalawang araw.Dinalaw sya ng ginang.

Nagtataka man,mainam narin ang presensya nito kaysa sa mas inaasaahang dadating ngayon sa harap nya.

“Nasaan po si Mama?” kapag kuwang tanong nya dito “Bakit ikaw lang po ang nandito nay Belen?”

Umayos muna sila ng upo.Magkaharap sila nito,habang inilalapag ng ginang ang dala dala nitong plastik bag na may lamang pagkain.

“Ilang araw napo ako dito nay Belen” saad nya “Hindi ko alam kung sino ang dadalaw sakin.Kailangan ko po si Mama ngayon, nahihirapan na po ako dito”

Nagtataka sya kung bakit hindi agad nakapag salita ang ginang.Narinig nya nalang itong mahinang humihikbi habang hindi makatingin sa kanya.

“Nay,tinatanong po kita” tanong nya ulit dito pero nakangiwing umiiyak lang itong tumingin sa kanya. “Magiging maayos lang po ako dito” saad nya sa inaakalang umiiyak ito dahil sa kalagayan nya “kailangan ko lang po talaga si Mama. Nasaan na po sya? Bakit hindi mo sya kasama?”

Kahit humikbi ang matanda, pinilit nitong kumalma para makasagot sa tanong nya.“Hindi ko alam kung pano ko pa sayo sasabihin ang lahat ng to Maria” saad nito “Base sa kalagayan mo ngayon,baka hindi mo to makakaya”

Bumuga sya ng malalim at pinilit iwaglit ang masamang nararamdaman sa isip nya.Base sa itsura ng ginang, hindi maganda ang kalalabasan nito.

“Sobrang bilis ng pangyayari anak” saad nito “Hindi alam ng nanay mo ang gagawin. Nagulat nalang sya isang gabi,nagkakagulo na. Sinasaktan kana ng tiya mo habang ang Daddy mo naman nakahilata na sa sahig,naghahabol na nanghininga.Hindi na sya nakapag isip ng maayos.Hindi nya alam ang gagawin,lalo nat nawala karin ng gabing iyun”

Muli itong napahikbi kung kayat pinilit nitong ikalma ang sarili para makapagpatuloy

“Sinugod nila ang daddy mo sa hospital habang hinahanap ka.Natataranta ang lahat at ang nanay mo ang labis na naapektuhan sa mga nangyari.S-siguro hindi nya na kinaya ng kinaumagahan nang malaman nyang hinuli ka ng mga pulis.Nakapatay ka daw” muli itong humikbi,bago pinilit magpatuloy

“…anak mahirap e…”

Natigilan na sya ng napahagulgol na ang ginang.Dito nya na ito pinakalma dahil nararamdaman nya ang bigat ng paghinga nito.

Kahit natatakot sa iba pa nitong sasabihin.Pinili parin nyang magtanong.

“K-kamusta na po sya nay Belen?” Nauutal nyang tanong “Nasaan na po si mama? Dadalawin nya po ba ako”

Ilang segundong natigilan ang ginang at pinakatitigan sya.Kapagkuwan nakalipas ang ilang sandali,dahan dahan itong umiling bilang sagot.

“Hindi na anak” sagot nito. “Sinugod din sya sa hospital matapos malaman ang kalagayan mo.Nagsabay sabay na lahat dahil na stroke daw ang daddy mo at nakulong kapa” mahigpit sya nitong pinanghawakan sa kamay na tila nakikiusap sa ano mang magiging reaksyon nya sa malalaman.

“Wala na sya anak” saad nito “Inatake sya sa puso.Hindi naagapan ng doctor,hindi na sya nai-survive…Binawian na sya ng buhay”

’Binawian na sya ng buhay…

Dahil sa narinig,tila nabingi sya.Yung ingay sa paligid,tela kulog na boses na hindi nya maintindihan.

Dahan-dahan,tila wala syang buhay na mapasandal sa inuupuan.Nawala ang ekspresyon ng mata nya at napatitig lang sa kawalan.

Sabay-sabay,sama-sama. Nagisangbagsak ang mga nangyari sa kanya.

Una,nang magulat syang may dindala na pala syang bata sa sinapupunan.

Pangalawa,napahiya sya.Nasira sya sa mga mata ng taong ngayon nya lang nakita.

Pangatlo,ang tatay nya.Kitang kita nya kung paano ito inatake dahil sa mga nalaman.

Pang-apat ang pagkamatay ni Sebyo.Ang pagkabigla dahil ngayon nya nalang naalala na ginahasa sya nito.Binaboy sya ng matalik na kaibigan. Ang pagkakakulong nya.

At pang lima…

Ang pagkawala ng nanay nya.Ang kaisa isang taong inaasahan nya sa ngayon. Wala na,iniwan na sya.

Wala nang natitira sa kanya.

Unti unti,naramdaman nya ang paginit ng kanyang pisngi.Dahil ito sa pagdaloy ng luha nya.Tuloy tuloy ito,hindi nya mapigil.Ayaw nyang pigilan.

Namalayan nya nalang na nagwawala na pala ang sarili.Isinaboy nya kung saan ang pagkaing nasa harapan nya.Ibinuhos nya sa pagsigaw at pagwawala ang sakit.

Kahit anong mahawakan nya,itinaboy nya maging ang lamesa sa harap at ang upuan.

Wala na syang pakialam kung makagawa na sya ng iskandalo.

Ang nanay Belen nya ay napatakip lang sa bibig,hindi rin kinakaya ang itsura ngayon.

Nagpatuloy sya,ibinaling ang galit sa mga gamit.Hanggang naramdaman nya na ang pagawat sa kanya ng pulis mismo.

Pwersahan sya nitong ibinabalik sa loob ng mga rehas kahit hindi pa sya tapos.Hindi pa nauubos ang galit at sakit.

“Mga hayop sila!” Sigaw nya na isa lang ang mga tinutukoy.Ang dalawang taong kinamumuhian nya,kamumuhian nya at habang buhay nyang kamumuhian kailan man

“Mga hayop! Wala silang kaluluwa! Wala silang awa arghhhhh!!!”

CHAPTER 39

Happy reading 💕

“Hayop ka! Walang hiya ka! Mamatay tao!”

Yan ang agad na bungad sa kanya nung oras na pumasok sya sa pintuang iyun.Isang ginang ang umiiyak at tila naglulumpasay ng makita sya.Nang-gagalaite ito at nanlilisik ang mata na kinahikbi naman nya sa loob.

Hindi ako masamang tao…hindi ko kayang pumatay.

Inilibot nya pa ang mata.Dito nya nakita ang inaasahan. Mula sa kanang bahagi ng mga upuan nayun. Dumadaan sya sa gitna pero nakatuon ang mata nya sa dalawa.

Hindi mawari ang mga mukha nito.Tila kinaawaan sya,kinatatakutan,o may pagsisi sa mga mata.Hindi nya mawari pero isa lang ang alam nya.Galit na galit sya dito,gusto nyang kumawala sa pagitan ng dalawang pulis na umaalalay sa kanya.

Gusto nya ng makapatay nangtuloyan dahil sa galit.Pero kusang tumigil ang mundo nya ng magawi sya sa dalawang pang nilalang.

Nakatitig ito sa kanya.Hindi kagaya ng magina,blangko ang mga mata nito.Walang laman na tila may tinatago kung ano.

Si Kiko…at ang kasama nya,si Minette.

Ang pinagtataka nya,bakit sila? Paano at kailan?

Bakit hindi nya maitago ang kaba ng makita ang mga ito.Kagaya ng blangkong mga mata nito.

Tila blangko din ang katotohanan na sasabihin nito.May nililihim sila,may tinatago silang isang bagay.

At ngayon,sa loob ng korteng ito.Sa araw ng paglilitis para sa kung sino ang totoong may sala.

Ngayon ilalabas ang katotohanan.

Dito bubuking ang kasinungalingan na kahit sana masama ang tingin ng mga tao sa kanya ngayon.Umaasa sya sa tamang hustisya

Umaasa sya na papanigan sya ng katotohanan.

Isa,dalawa,hanggang tatlong pukpok ng kahoy na martilyo.Ang judge na nasa harap ng lahat mula sa mahabang lamesa ay itinakda na ang oras upang matahimik na ang buong paligid.

Tumuon sila dito,mas naging seryoso at naging mabigat ang lahat.

“Tinatawagan ko sa korteng ito,ang testigo ng biktima” ani pa ng judge.

Na kinatuon nya Mula sa kaliwang panig.Dito hindi nya sinasadyang mapasadahan ng tingin ang ang ina ni Sebyo.Habang tumatayo ang nilalang na tinutukoy ng judge.Mula sa likod nun nakaupo ang ginang.

Kagaya nya,hindi narin ito nakapag ayos ng sarili.

Tila ang itsura nito ay literal na pinagbagsakan ng langit at lupa.Nakaramdam sya ng awa sa ginang.Nais nya itong daluyan sa kalungkutan, ngunit alam nya,hindi nito alam ang katotohanan.

Tanging galit lamang ang nararamdaman nito sa kanya.

Paano at sino ba kasi talaga ang pumatay sayo sebyo? Bulong nya sa sarili ’kung makikita mo lang si Tita ngayon,ang mama mo.Hindi mo gugustohing makita ang itsura nya.Pero hinihiling ko,bumalik ka nalang pakiusap.Kailangan ka nya.

“Mr.Kervi Sebastian” sambit ng isang attorney na lumapit sa tinuran ng judge.Si Kiko ito,ang kaibigan nila ni Sebyo.O dating kaibigan na nga lang ba sa kabila ng mga nangyari “Na ngangako ka bang magsasabi ng katotohanan at pawang katotohanan lamang sa korteng ito?”

Ilang segundong katahimikan ang namayani at saglit syang natigilan ng tumuon ang tingin sa kanya ng binata.

Habang nangungusap ang mga mata,alam nyang punong puno ito ng galit.

Nanlilisik at nagiigting ang panga.

Sa kalooban ng isip, napapatanong sya.

Ano nga ba ang nagawa nya?

Sa paanong paraan ito naging witness ng katotohan?

Bakit sa kabila ng pangamba nya?

Tila umuusig sa kanyang puso ang isang bagay.

Ano nga ba kasi ang katotohanan sa lahat ng nangyari?

Ano ang hindi nya nasaksihan sa mga oras na wala syang malay.

“Opo,attorney” matiim nitong saad matapos ang ilang segundong pananahimik,ganun parin.

Nakakatitig sa kanya “magsasabi po ako ng katotohanan at pawang katotohanan lang sa korteng ito.Sisiguraduhin kong makukulong ang totoong may sala at mabubulok sya sa kulungan”

Napapaiwas sya ng tingin,napaluha ang mga mata.Pilit na pinapakalma ang sarili,pinapatatag ang bawat sigundo ng sandaling iyun.

“Kung gayon,maupo ka na at ilat hala ang lahat ng iyung nalalaman” saad pa ng Attorney bago sumunod ang binata.

Ngayon,nakaupo na ito sa harap ng lahat.Nasa gilid ng judges na handang makinig sa maaring sabihin ng binatang ito.

“Nasaan ka ng gabing nangyari ang krimen?” Panimulang tanong ng attorney matapos maghanda ang lahat.

“Nasa labas ng isang mansion” sagot naman ng binata “mansion na kasalukuyang tinitirhan ni Maria Esther”

“Ano naman ang ginagawa mo sa disoras ng gabing iyun?” Pangalawang tanong “Bakit ka nandoon at sino ang iyung kasama?”

Tumikhim ang binata bago sumagot “Nandun ako kasi may nabalitaan ako tungkol sa mga Erschonen” sagot nito “Si Maliano na isang Australiano ay nagbalik sa pilipinas.Para sana hanapin ang nawawalang anak nitong si Maria Esther.Sa gabing iyun,ito daw ang araw na ipapakilala ng lalaking iyun ang anak nya sa lahat.Kaya naman nandun ang mga kasyoso nito sa negosyo upang bilang bisita”

“Ayun sa nalalaman ko Mr.Sebastian sa kabilang street ka pa daw nakatira?” Tanong muli ng attorney “Papano ka naman nakarating sa harap ng bahay ni Maria Esther? Ganun ka ba katsismoso para lang sa dalaga?”

Nakita nyang napabuga ng malalim ang binata habang nakatitig lang ito sa attorney.

“Kaibigan ko si Maria” saad nito “Magkakaibigan kaming tatlo ni Sebyo.Matatalik na kaibigan at magkakabata noon pa man” saglit itong tumigil bago nagpatuloy.

“Hindi moko masisising maging masaya para sa kanya ng malaman kong natagpuan na sya ng daddy nya.Ito ang isa sa hakbang ng bago nyang buhay.Kaya naman nadun ako, nagbabasakali na makisaya kasama nya sa bagong buhay na haharapin nya.Pero akala ko ito na ang pinakamasayang gabi namin lahat para sa kanya.Hindi ko inaakalang sa gabi narin na iyun ay mawawala sakin si Sebyo”

Tumikhim ang kasunod. Saglit na pinakatitigan ang binata bago ito muling magsalita.

“Maari mo bang ikwento sakin ang buong pangyayari sa gabing iyun Mr.Sebastian?” Tanong muli ng attorney “Paano nga ba humantong sa pagpatay ang lahat?”

Tumingin sa kanya ang binata pagkatapos ng ilang segundo,sa pagtitig nito.Tila ba sinasabi na ito ang nangyari,at ito dapat ang paniwalaan ng korte.

“Halos isang buwang nakalipas nang mabalitaang nawala si Sebyo sa Stio.Sampaguita” saad nito “Hinanap ko sya,ginawa ko ang lahat para makita ang matalik kong kaibigan.Kahit na may nangyari daw kay Maria nung huli nyang kasama si Sebyo.Hinayaan ko syang magpahinga ng halos isang buwan.Si Maria ang huli nyang kasama nung gabing mawala sya.Pero ang nakakainis,parang walang maalala ang babaeng iyan kung ano nga ba nangyari kay Sebyo? Wala syang pakialam kung ano nga ba nangyari sa kaibigan namin.Ang importante sa kanya,maayos na sya.Stable na ang buhay nya habang nahihirapan naman kami sa nawawalang si Sebyo…”

Narinig nyang napahikbi ang binata.Pero agad din nitong ikinalma ang sarili bago magpatuloy.

“Nung gabi yun,ayun din ang kauna unahan kong muli nasilayan si Sebyo” patuloy nito “Nagulat ako,nabigla at nagtaka dahil hindi ko alam kung saan na nga ba nanggaling ang kaibigan ko.Basta nalang sya sumulpot sa harap ng gate ng mansiong iyun.Sumisigaw, nakikiusap”

“Ano naman ang mga sinasabi ni Sebyo?” Tanong ng Attorney “Ano ang sinisigaw nya sa labas ng gate nila Maria”

Napakagat labi ito bago sumagot “Nanghihingi sya ng tawad sa isang bagay” saad nito “Basta sumisigaw sya na patawarin sana sya ni Maria.Naawa ako sa kanya dahil kaya nyang maging ganung kahina para lang sa dalagang yan.Pero ang masakit nilabas man sya ni Maria para kausapin. Pumunta naman sila sa isang abandunadong lugar hindi kalayuan sa mansiong yun…

…Nakita ko lahat attorney,kasama ko si Minette na magpapatunay din sa mga nakita namin“ muling tumingin sa gawi nya ang binata bago ito mag patuloy.“Pinatay nya po si Sebyo dahil sa sobrang galit. Gamit ang kustilyo,wala syang awang pinagsasaksak ang kaibigan namin.Galit na galit si Maria,hindi ko alam kung ano bang nagawa ni Sebyong kasalanan sa kanya at nagawa nya itong patayin” tinuro sya nito at nagsimula na ulit umiyak,umakto na parang natatakot sa kanya.

“Sya po ang pumatay kay Sebyo! Mamatay tao sya! Mamatay tao sya! Mamatay tao ka Maria Esther!”

“Hindi totoo yan Kiko!” Hindi na nya napigilan ang sarilit napatayo na sa kinatatayuan dahil sa mga narinig sa binata “Wala akong matandaan ginawa ko yan! Hindi ko kayang pumatay! Hindi ako masamang tao.Hindi ko yang gagawin yan kay Sebyo maniwala kay-”

“Manahimik ka!” Bahagya syang natigilan ng ina na ni Sebyo ang nagsalita.Gaya nya napatayo narin ito sa kinatatayuan na agad ding pinigilan ng mga katabi “Ikaw ang pumatay sa anak ko! Walang hiya ka! Pinagkatiwalaan kita Maria.Bestfriend ka ng anak ko bakit mo yun nagawa sa kanya walang hiya ka!”

Tatlong pukpok ulit ng kahoy na martilyo ang umalingawngaw sa silid na iyun.

Natahimik silang lahat at pinilit ang mga sariling ibalik ang mga sarili sa dating kina uupuan.

Sya nama’y unti unting muling napahikbi,hindi na alam ang gagawin at tuluyan na atang nawawalan ng pag-asa.

“Quiet everyone” ani judge sa lahat kasya muling pinagtuunan ang judges sa harap ni Kiko.“Pleas proceed attorney”

Muli syang napabaling dito na bahagyang natigilan. Hindi nya alam na baka guniguni lang ang kanyan nakita.

Simula kasi sa malungkot at humihikbi nitong mukha. Nang pasadahan nya ng tingin at magkatitigan sila.Tila isang demonyo ang binata nang ngumiti ito.

Hindi iyun napansin ng lahat na tila sya lang ang pinapakitaan ng ngiting iyun.Kaya sa pagkakataong ito,dito nya napagtanto ang lahat.

Nagsisinungaling si Kiko.

Pinaglalaruan lang nito ang lahat.

’Demonyo ka…sinungaling at walang hiya… Ani nya sa isipan habang nagiigting ang panga.

Dahan dahan,napatukod nya ang dalawang kamay sa mukha habang nakapatong ang siko sa lamesa.

Tila talunan syang napatungo habang unti unting nawawalan ng pag asa sa mga nangyayari.

“Y-yun lang po ang lahat ng mga nalalaman ko Attorney” saad ni Kiko.“Gusto ko nalang po ng hustisya sa kaibigan ko…wala syang puso.Hindi ko alam kung ano nga ba ang nagawa ni Sebyo sa kanya kaya nya ito napatay.Pasensya na po attorney,hanggang dun nalang ang nalalaman ko”

Hindi nya na nagawang pakinggan ang huling sinabi nito.

Kahit mahirap,muli syang bumalik sa pwesto at hinarap ang mga nangyayari.

“Thats for all Judge” saad ng attorning iyun “Im sorry for my commenting but this is a nonsense at all,hindi na po dapat binuksan ang kasong ito.Matibay napo ang ibidensya at kitang kita saating client na guilty sya sa mga kinuwento ng tistigo ko”

Natigilan sya sa mga sinaad nito,ngunit agad na napabaling ang pansin sa katabi nyang abugado.

“Mr.Judge excuse me” saad nito habang tumatayo at binalingan ang attorney-ing huling nagsalita “Im sorry but this is not your story for you to decide.Lalaban papo kami ng client ko.Walang matibay na ibedensya ayun sa mga katotohanan”

Narinig nyang muli ang pagpukpok ng judge sa lamesa na nagpatigil sa dalawa.

“Go proceed Mr.Almaron” saad nito sa abugado nya.“Let hear your statement”

Kinakabahan at bahagya pa syang nanginginig ng paupuin na sya ng sariling abugado sa inupuan din ni kiko kanina.

Sa pwesto nya ngayon,tanaw nya ang mga mapanghusgang mata.Dito nya napasadahan ng tingin ang dalawa pang babae sa buhay nya.

Mula sa kaliwang bahagi habang nakaharap sya dito.Kahit may pagtataka, natigilan sya.Hindi nya inaasahan na iba ang makikita nyang ekspresyon sa mga mata nito.

Mula kanina hindi nagbago,naawa itong nakatitig sa kanya habang may bahid ng takot ang mga mata nito.

Mula sa kanan nyang pwesto sa upuan kanina.Nadun din pala nakaupo ang magina. Tila kumakampi sa kanya, pero imbis na matuwa.

Mas nanggigilaite sya sa mga ito,kaplastikan lamang ang palagay nyang pinapakita nito.Dahil alam nya una palang,yaman lang ng daddy nya ang kailangan ng magina.

Kaya sa lahat ng nararanasan nya,ang pinakanagdidiwang.Ay ang dalawang ito.

Si Chandra ang pinsan nya at tiya nyang si Fresia.

’masaya naba kayo? Ani nya sa isipan ’ nandito nako,talo na.Nakuha nyo na lahat.Kaya mag enjoy na kayo sa lahat ng mga oras.Dahil sa oras na makawala ako sa impyernong pinaglagyan nyo sakin.

Maghihiganti ako…

Malalagot kayo…

“Ms.Herminia!” May kalakasang boses ang nagpapukaw sa kanya. Bahagya syang nagulat at natigilan.

Nang prosesuhin ang lahat,nasa harap nya na pala ang sariling abugado.

“Kanina pa kita tinatanong” saad nito at bahagya pa syang pinandilatan ng mata upang siguro umayos sya.“Mag focus ka pakiusap”

Dahan dahan syang tumango.Kapagkuwan ay muling napabaling sa attorney ng kabilang partida ng magsalita ito.

“See jugdge?” Ani nito na sya ang tinutukoy “Wala syang masagot” tila bored nitong saad. “nagaaksaya lang tayo ng oras para pakinggan ang kriminal nayan”

“Objection you honor” ang abugado nya ang nasalita. “hanggang wala pang disisyon ang korte,hindi ka dapat magsasalita ng ganyan”

“Kitang kita naman” muling nagsalita ang kasunod “wala sya sa sarili.At nasisiguro ako na wala sya sa sarili ng oras na patayin nya ang biktim-”

“Nagahasa ako!” Sigaw nya upang matigil ang dalawang abugado na nagtatalo.Lahat ay nagulat sa sinabi nya na tila hindi makapaniwala.

“Anong sinabi mo?” Medyo may gulat na tanong ng sarili nyang abugado,kapagkuwan ay bahagya pa itong lumapit “wala sa mga papeles natin ang kasong iyan Maria.Hindi ka nagbigay ng statement na ganyan.Maari nila yang gamitin at ipanglaban saatin”

Umiling sya at nagsimulang humikbi na nauwi sa pagiyak.

“Ginahasa ako attorney…yun ang totoo” saad nya “Ginahasa po ako ni Sebyo!…binaboy nya ako!!-”

“Sinungaling ka!” Natigilan sya at napatingin sa gawi ng ina ni Sebyo ng bigla itong sumigaw “Sinungaling ka! Walang hiya ka! Hindi yun magagawa ng anak ko sayo.Nagsisinungaling ka lang para ikaw ang mapaniwalan sa korte walang hiya ka!”

“Totoo po yun…” saad nya dito “Buntis po ako,buntis po ako tita isang buwan na.Apo nyo tong dinadala ko pakiusap maniwala po kayo-”

“Objection your honor” muli,natigilan sya dahil biglang sumingit ang abugado ng kabilang partido “Wala po sa statement at mga sinumpaang salaysay ang sinasabi ng client nayan Judge.Pahintulutan nyo po ako na mag tanong upang malaman ng aming panig ang mga sinasabi nya”

Walang nagawa ang sarili nyang abugado ng mapahilamos nalang ito sa sariling mukha.

Mas kinabahan sya pero pinatili parin ang kapanatagan sa kanyang loob.Sa isip nya kanina,sa pagkakataong nasa harap na sya ng lahat.

Dapat malaman na ang buong katotohanan.Lalong lalo na ang punot dulo ng lahat ng ito.

Ang paggahasa,pagbaboy at pagtraydor sa kanya ng matalik nyang kaibigan.

“I hope you ok Ms.Herminia” bati sa kanya ng kalabang abugado na hindi nya alam na nasa harapan nya na pala.“Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa,ano ang dahilan kung bakit nasabi mo ang paratang nayun?” Tanong nito na napakunot pa ang noo “Ginahasa ka? Paano? Kailan at saan?”

“Sa Stio hangganan” mabilis na sagot nya “fiesta yun ng sumaka.Nag away kami, tapos sinundan ko sya nung gabing yun-”

“Owww…sinundan mo sya?” Tila hindi sersyosong tanong nito sa kanya “nung gabi ng kasiyahan,nagaway kayo?”

“Oo dahil hindi ko sya maintindihan” paliwanag nya “galit sya kay Juanillo. N-nagsisilos sya”

“Nagseselos?” Tanong muli nito “Ang kaibigan mong si Sebyo ay nagseselos sa Juanillong yun?” Bahagya itong natawa “Ibig sabihin ba? May gusto na si Sebyo sayo noon ganun ba? Nagselos sya sa Juanillo at nagaway kay-”

“Hindi ko alam” ani nya “hindi ko sya maintindihan basta,nag away kaming dalawa.Nagalit sya sakin”

“Kaya sinundan mo sya?”

Tumango sya.

“E bakit mo sya sinundan?” Tanong ulit nito “Sa pagkakaalam ko,ang stio hangganan ay madilim.Bakit mo sya sinundan kung alam mo namang delikado na?”

“E kasi naaawa ako sa kanya”

“Naaawa ka sa kanya?” Tanong muli nito “kaya naman nung gabing nandun kayo sa stio hangganan para hindi na kayo mag away at dahil naaawa ka sa kanya ay pinagbigyan mo sya? Nagpabuntis ka sa kanya ganun ba?”

“Hindi totoo yan!” Sinigawan nya ito “Ginahasa nya ako! May sakit sya kaya nya nagawa yun.Binaboy nya ako! Sinira nya ang pagkatao ko”

“Kung gayun bakit hindi ka nagreklamo sa mga pulis?” Tanong muli ng attorney na ikinatigil nya “Sa halos isang buwang nawawala si Sebyo hindi mo sya nireklamo? Pero ngayon nabuntis kana nagdedemand ka na ginahasa ka ng binatang yun? Tatanungin ulit kita Ms.Herminia” lumapit ito sa kanya at ipinatong ang dalawang kamay sa kaharap nyang lamesa “nung gabing nagahasa ka bakit hindi ka humingi ng tulong? Bakit hindi ka kaagad nakapag pasa ng ng reklamo?”

“Dahil nagising nalang ako sa hospital” ani nya “wala na akong maalala,hindi ko na maalala ang nga nangyari sa gabing yun”

“Ang ibig mo bang sabihin nagkaroon ka ng Short memories lost?” Tanong muli nito “Dahil ba sa nangyari nung gabi iyun ay natakot ka kaya sadyang nakalimutan ng utak mo ang pangyayaring ginahasa ka?”

Dahan dahan,napatango sya.Lahat ng sinabi nito ay totoo.Pero malas lang talaga sya,dahil wala syang patunay.

“Sinungaling” sambit nito.

Natigilan sya kung kayat nagsimula syang humikbi. Kinain na sya ng kaba.Hindi na sya nakapagisip ng tama.

Wala lang itong paki at nagpatuloy.

“Ang client na ito ay nagsisinungaling” sambit nito kapagmuwan ay nagtungos sa gitna kaharap ng marami.

“Alam kong hindi sya nagsasabi ng totoo dahil unang una,hindi nya sinabi sa kanyang abugado ang tungkol sa lahat ng statement na binitawan nya.Pangalawa, kung totoo syang nagkaroon ng short memory lost ay may finding ang doctor at inilalaban nya ito sa korteng ito…

…basta nalang lumabas ang kasinungalingan sa bibig nya.Para siguro ipang depensa na ang dahilan ng pagpatay nya kay Sebyo ay ang pangre-rape nito sa kanya.Judge,sarado na po ang kaso,ang client nato ay isang sinungaling“

“Hindi totoo yan!” Saad nya dito at muling nagpahikbi “Ginahasa ako yun yung totoo Attorney…Binaboy nya ako,pero hindi dahilan yun para patayin ko sya.Hindi ako sinungaling at hindi ako mamamatay tao! Maniwala kayo..wala akong ginagawang masama!”

Hindi na sya nakapagtimpi at napatayo na sa kinauupuan. She want to beg,and to pleas everyone.

Pero huli na ang lahat ng may dalawang kapulisan ang humawak sa kanyang mga kamay.Kasabay nun ay ang muling pagpukpok ng kahoy na martilyo mula sa lamesa.

Natigilan ang lahat.

Kapagkuwan saad ng Judge ay.

“Maria Esther Herminia,who found out to the abondent house with Sebyo Natividad. Is guilty for the death of this victim.Mapapatawan sya ng parusang habang buhay na pagkakulong” pinalong muli ng judge ang lamesa “This case is already close… dismiss”

Ayun na ba yun?

Tapos na ba?

Talo na sya…

Halos wala syang maramdaman ngayon, maingay ang paligid.

Pinaghalong bulungan ng mga tao roon,kasabay ng pagiyak ng isang babae.

Ang mga boses sa paligid.Tila kulob na hindi nya maintindihan.

Basta,para syang wala sa sariling nag papadaloy nalang sa ano mang agos ng mga pangyayari ngayon.

Kasabay ng paglakad nila sa daan,sa gitna ng mga taong maingay.

Kinain sya ng pagiisip.

Isa lang din naman kasi ang aral natutunan nya sa paglilitis nato.’Sa loob ng hukuman.Ito ay ang pagsasabi ng katotohan.Kung walang magsasalita para sa kanya,mabuting sya ang magsambit para sa sarili.

Ngunit suguro malupit talaga ang tadhana.Nagsasabi na sya ng totoo,eksakto at tamang salita na sinasaad nya sa mga taong nandoon. Kahit malakas ang boses nya,tila hindi sya naririnig.

Walang naniniwala sa lahat ng sinasabi nya.

Ganun ang buhay,magsabi ka man ng katotohanan.Pipiliin lang nila ang pakikinggan ng mga salitang lumalabas sa bibig mo.

Ang masama lang para sa kanya,ni isang mga salita na binitawan nya walang naniwala.Nakasara ang mga tenga nito upang hindi sya marinig.

’Wala akong kasalanan… She mumbled ’wala akong ginagawang masama.

Sa pagitan ng dalawang panig.

Dumaan sila sa gitna,hawak sya ng dalawang pulis sa dalawa nyang braso, inaalalayan.Patungo sa panghabambuhay nya ng mundo.

Ang kulungan ng impyerno. Ang lugar kung saan sya itinapon ng mga taong sinusumpa nya hanggang sa huli nyang hininga.

Sa gitna ng daan,naririnig nya ang maigting na salitang binibitawan ng ginang nayun.

Katulad nya,naloko sya.Wala ding alam sa mga katotohanan.Napuno lang ito ng galit at pagkasuklam sa kanya.

“Mamamatay tao ka!” Sambit nito nang bahagya syang makalampas sa gawi nito.

Doon wala syang nagawa nang hablutin ng ginang ang buhok nya.Napaigting sya sa sakit na mabuti nalang ay agad syang inalalayan ng dalawang pulis na katabi nya at agad itong inawat ang ginang.

Kahit humihikbi,humarap sya sa ginang iyun.Kahit sa huling pagkakataon sana,isisigaw nya ang katotohanan.

“Walang akong kasalanan tita…” Sambit nya “Hindi ako ang pumatay kay Sebyo maniwala kayo-”

“Sinungaling ka!” putol nito sa iba pa nyang sasabihin kapagkuwan ay agad itong bumitaw ng malakas na sampal sa kanya.

Napaatras sya,nanlatak sa pisngi nya ang sakit ngunit tiniis nya ito kasabay ng pagpapatuloy ng matanda.

“Nahusgahan ka ng husgado, masama kang tao! Mamatay tao ka.Dapat sayo sinusunog sa impyerno”

Mariin syang umiling at muli,humikbi nanaman sya.

“Maniwala po kayo” ani nya “Sa loob ng korteng ito,may nagsisinungaling.May hindi nagsasabi ng totoo”

“At kami yun?” Mula sa likod ng ginang ay sumingit ang isang dalaga.Si Minette ito na kasama sa pagtestigo ngunit hindi na nakapagsalita dahil agad na syang nahusgahan. “Ang korte na ang nagsabi ng katotohanan.Nahusgahan kana kaya ang magagawan mo nalang ay aminin ang nagawa mo”

“Hindi mo na kailangan sirain pa ang reputasyon ni Sebyo” natigil si Minette ng sumingit din ang binata.Mula sa likod ng dalaga,dito lumabas si Kiko “Hindi mo kailangang magsinungaling na ginahasa ka nya”

“Pero yun ang totoo” ani nya “Ginahasa nya ako Kiko, maniwala kayo”

“Tama na” saad ng binata “Kung buntis ka man ngayon. Panigurado akong hindi kay Sebyo yan.Nakita ko ang nakita ko.Hindi mo man naalala pero ito ang sasabihin ko sayo Maria. Ikaw ang pumatay kay Sebyo.Wala kang awa ng bawian mo sya ng buhay. Kaya kasama mo yang anak mo.Habang buhay na kayo mabubulok sa kulungan”

Hindi na sya nakapagsalita. Tila tumikum na ang bibig nya at kusang pumatak ang mga luha.Sya naman ay muling iginawi ng dalawang pulis upang alalayan sya patungo sa kulungan.

Nagtutuloy ang luha,dibdib ay humihikbi.Pagkaharap nya sa daan,dito nya nakita ang binata.

Ang mga matang nakatingin sa kanya,ito ay ang ayaw nyang masilayan.Ang awa at pagdadalwang isip na baka sa isang banda,kinain narin to ng kasinungalingan.

Akala nya magsasalita ito, Na nakauwang lamang ang mga labi at bumaling ito sa kanyang abugado na malapit din sa kanya.

“Anong nangyari?” Sambit ng binata dito “Bakit ganto? tuluyan na talaga syang makukulong? Wala na talagang pagasa?”

“Ginawa ko na po ang lahat Mr.Montefalco?” Sagot ng abugado nya “malaki rin po sana ang laban natin.Kung sinabi nya palang nung una na ginahasa sya”

“Ginahasa talaga sya?” Tanong pa ng binata na kinatango lang ng abugado.

Unti unti,bumaling sa kanya ito.

Nanunubig ang mata at walang binitawang mga salita,masuyo sya nitong niyakap.

Sa pagkakataong yun.Wala na syang maramdaman.Tila kusang tumigil ang pagiyak nya.Napagod na ang mga mata nyang maglabas ng mga luha.

“Kukuha ulit ako ng abugado Maria” sambit nito nang bumitaw ito sa kanya at masuyo sya nitong sinapo sa pisngi.“Gagawa ulit ako ng paraan.Ilalaban natin to,ilalabas kita dito.”

“Tama na Juanillo” walang buhay nyang saad “Walang maniniwala sakin.Lahat sila,masama ang tingin sakin.Mamamatay tao.Wala akong magagawa kung magtulong tulong sila para pabagsakin ako.Kaya ito na ako ngayon,talo na… tatanggapin ko nalang lahat ng katotohanang na sa mundong ito.Walang mabuti at masama.Lahat sinungaling,lahat may tinatago”

Hindi na nakapagsalita ang binata at napatanga nalang sa kanya.

Kaya naman muling kumilos ang dalawag pulis na katabi nya upang muli syang alalayan at lumakad sa diretsyong daan.

Patay na ang puso nya.Wala ng buhay ang mga mata nya.Tikom ang bibig at tingin ng diretsyo.

Alam nya,ang dalawang inang iyun ay nakatingin sa kanya habang nilalagpasan nya ito.

May gusto itong sabihin,may gustong iparating ngunit wala na syang pakialam.

Ngayon,sa paglabas nya ng pintuan ng korteng iyun. Iiwan nya ang mga taong nagtaksil,nanloko at gusto syang pabagsakin.

Pinatay na sya ng mga ito.Pinatay na nila ang dati nyang pagkatao.Kaya sa kahit huling pagkakataon, muli nyang nilingon ang silid ng korteng iyun.

’Maghihiganti ako… Saad nya sa isipan ’sisiguraduhin kong makakaganti ako sa inyo.

Babalikan ko kayong lahat.Lahat kayo…walang ititira kahit is

a

CHAPTER 40

AN: its almost 5k words yung chapter na to.So,hindi ko na na-edit hehe.Hope maintindihan nyo padin.

Happy reading 💕

Sa pagpasok nyang muli sa rehas na bakal.Alam nya dito na sya mananatili.

Alam nya,natatagal sya dito.Kaya naman kailangan nya ng masanay sa mga ingay na nasa paligid nya ngayon.

Mga ingay na malakas na paguusap.

Tawanan.

Tunog ng mga hinahampas na bakal sa rehas.

Kailangan masanay sya sa mga taong walang disiplina dahil sa mga oras na ito.

Nahusgahan na sya ng mundo.

Sa oras nato,isa na sya sa mga nakakulong na preso dito.

Kriminal na syang maituturing.

Kaya naman ng muling pagpasok nya kung saang rehas sya nabibilang. Bumuga sya ng marahas na hininga.

Kasama nya pa ang apat pang babae sa loob nun na hindi nya alam kung bakit din nakulong kagaya nya.

Naupo sya sa isa sa limang papag na magkakapatong. Ngayon,nakaharap sya, tanaw ang labas ng bakal na rehas nayun.

Wala syang ibang nakikita kundi mga katapat na rehas lang din.Mga ibat ibang presong nakakulong kagaya nya.

Sa kanyang palagay,hindi na siguro sya makakakita ng puno o isang magandang kalsada. Babalutin ng mga rehas nato ang mundo nya.

Ay hindi pala…

babalutin ng rehas nato ang mundo nila.Kasama nya ang anak nyang unti unti ng nabubuo sa sinapupunan nya.

“Tatagan mo ang loob mo iha” saad ng isa sa apat na matandang babae doon. Kasabay ng paghawak nito sa balikat nya.Naupo ito sa kanyang tabi.

“Sigurado ako,magiging mahirap ang mga unang taon mo dito” huminga ito ng malalim “Pero masasanay ka din.Dito na ako tumanda, kaya kailangan masanay sa buhay na meron ako dito.Ang mga kagaya mo,malaki pa ang dapat i-udjust.Kaya kailangan mong maging matatag”

Tumingin sya sa matanda, hindi sya ngumiti. Pero nagpapasalamat syang may kumausap sa kanya sa mga oras na ito,dahil nararamdaman nya.Para na syang sasabog.

“Kung bibigyan man ako ng pagkakataong mabigyan ng parole” tugon muli nito “Hindi ko yun tatanggapin.Wala na akong babalikang buhay sa labas.Wala nang tatanggap saakin.Dahil sa paratang ng pagpatay sa isang paslit na bata.Sa kulungan na ako tumanda.Dito narin ako mamatay”

Napakagat labi sya.Akala nya tuyo na ang mga luha nya mula kanina.Hindi pala, nararamdaman nya nanaman kasi ang pagbabadya ng mata nya na magpatak ng likidong luha.

Sa presensya kasi na meron ang matanda ngayon. Kailangan nya ng isang bisig ng ina.

“Wala na pong natitira sakin manang…” Kapagkuwang saad nya bago sya mapahikbi.

“Namatay na po ang nanay ko,ni hindi ko nga manlang sya nakita e.Yung daddy ko,hindi ko na alam ang kalagayan ngayon.Kung ayos na ba sya.O,katulad nadin sya nilang lahat.Masama ang tingin sakin.Tinatakwil nadin ako dahil sa paratang na hindi ko naman talaga ginawa” saglit nyang pinunasan ang luha bago sya magpatuloy “Wala na pong natitira sakin,wala na si mama.Wala na si Daddy, kinuha nilang lahat sakin. Ginulo nila ang tahimik na mundo ko.Binigyan nila ako ng kasalanang hindi ako ang gumawa.Hinusgahan ako ng mundo…itinapon nila ako sa impyerno”

Ngumiti ng tipid ang manang kapagkuwan ay masuyo syang niyakap.Nakaramdam sya ng kaunting kaginhawaan na nais nyang maramdaman sa piling ng kanyang ina.

Ngayon,ang matanda na ang magbibigay dito.

“Buntis po ako manang…” saad nya sa matanda “Natatakot po ako hindi para sa sarili ko.Hindi ko kasi alam kung maibibigay ko ang magandang buhay na dapat na magkaron ang anak ko e.Ayokong lumaki sya at makamulatan ang mundo.Nandito sya kasama ng mga taong itinakwil ng lahat.Ayokong makamulatan nya na ang mundong ginagalawan nya,ay punong puno ng mga makasalanang tao”

“Tatagan mo lang ang loob mo iha” ani naman ng matanda “Ang batang yan ay ang bagong magbibigay ng pagasa sayo.May rason kapa kung bakit kailangan mong mabuhay” narinig nyang huminga ng malalim ang matanda bago sya muling umayos ng upuan.

“Naniniwala akong lumubong man ang puting buwan.May sisikat naman na bagong araw.Doon,may bagong simula.Sya ang mag papatuloy.May buhay dyan sa sinapupunan mo,at may karapatan syang mabuhay sa mundo.” Napatitig sya sa matanda ng makaramdam sya ng kaunting pagasa dahil sa mga sinabi nito.“Ang batang yan iha,ang bagong umaga mo,ang bagong pagasa mo”

’Bagong umaga…bagong pag-asa..

Pag-asa…

Yan ang tanging naibigay ng matandang babae na minsang tumabi sa kanya isang araw sa kulungan.

Simula nun,tinanggap nya ang katotohanan.Tinanggap nya ang buhay na meron sya sa loob ng apat na pader ng seldang iyun.

Nakakatakot…

Nakakapanibago…

Pero nandito na sya,kailangan nya lang mabuhay.Kailangan nya lang maging matatag.

Gamit ang pag-asa…at ang galit na natitira sa puso nya.Ginamit nya ito sa tuwing may umagang darating.

Kailangan at dapat,may pinanghuhugotan.

Gaya ng mga preso na kasama nya,naranasan nya ang mga naranasan ng mga ito.

Nilubog sa inodoro ng isang siga at matagal ng preso sa kulungang iyun.

Umiyak sya,nagtiis.Naipon ang galit.

Habang nasasaktan ng emosyonal. Nasasaktan din sya ng pisikalan. Pero dahil may buhay sa kanyang sinapupunan.Kailangan nyang maging matatag.

Kailangan nyang lumaban.

Gamit ang galit.Gamit pagasa.Nabuhay sya,hanggang sa isang araw hindi na sya nasasaktan.

Hindi na sya sinasaktan.

Imune na ang lungkot at sakit,imune na ang mga bagay na magpapasuko sa kanya.

Kasabay ng paglaki ng kanyang tyan.Ang paglaki ng kanyang pagasa.

Limang buwan.

Anim….

Pito…

Walo…

At ang kanyang kabuwanan.

Siyam.

Ang pagasa na kanyang inaasahan para mabuhay.Makikita na nya,mahahawakan nya na.

Ngingiti sya…akala nya tapos na.

Pero siguro…

Malupit ang buhay…malupit ang mundo.

Sa isang iglap…

May bago nanaman…

At tulad ng mabilis umikot paibaba ang buhay nya.Hindi nya rin ito inaasahan.

“Gustong gusto kita ilabas sa seldang yan anak” ani ng matanda.

Ang ginang na matyagang nagtitiis na dalawin sya. Nagbibigay ng pagkain at magagamit sa tuwing araw ng dalaw.

“Nagaalala ako sayo” ani pa nito “Malaki na ang tyan mo,hindi magandang manganak ka dito sa kulungan.Kaya sana,mapayagan mokong ilabas dito ang bata.Ako na muna ang mag-aalaga sa kanya pag naisilang mo na sya”

Maganda sanang suhestyon.Pero ayaw nya.

“Hindi po pwede nanay Belen” saad nya “Gusto ko naman pong mabigyan ng magandang buhay ang baby nato.Pero ayoko pong lumayo sa kanya.Sya nalang ang meron sakin”

“Naiintindihan kita” saad naman ng matanda “Pero alam mong mahirap magpalaki ng bata sa loob ng kulungan.Tutolungan kita anak…kami,ni.Juanillo.Hindi ka namin pababayaan kasama ng anak mo.Mas magiging maayos ang buhay na meron sya kung nasa labas sya ng mga seldang ito.Lalaki syang normal na bata”

“Si Juanillo po?” Tanong nya at hindi pinansin ang iba pang sinabi nito.Natuon ang pansin nya ng marinig ang pangalan ng binata. “Tutulongan nya ako?” Tumango ang matanda na bahagya nyang kinatawa “Hindi pa po ba sya nagsasawa? Wala naman na po syang makukuha sakin.Hindi na po ako dating dalagang nakilala nya noon”

“Mahal ka ni Juanillo anak” saad ng matanda na bahagya nyang ikinatigil.“Alam kong alam mo yun.Kaya handa nyang gawin ang lahat sayo.Tutolungan nya ang anak mo.Handa syang maging tata-”

“Hindi na po” agad nyang pigil sa ginang sa pagsasalita nito. “Naririnig nya ba ang sinasabi nya? Alam nya ba kung kanino galing to?” Napakagat labi sya,at pinipigilan ang luha sa mata. “Ayoko na pong madamay sya sa gulo ng buhay ko.Kahit sila Tita Fresia at Chandra.Hindi ko hahayaang makahawak at makalapit sa anak ko.Ito na ang mundo ko nanay Belen.Kasama ang anak ko,magiging matatag ako para sa kanya” pasimple syang nagigting ang panga

“Hindi ko hahayaang magulo ang buhay nya kasama ng mga taong yun sa labas.Kaya pakisabi po kay Juanillo ,tumigil na sya.Lumayo na sya sakin.Yung pagmamahal na meron ako sa kanya,unti unti nang naglaho.Wala na akong ibang mamahalin kundi ang anak ko.Ilalaan ko ang buhay ko para sa kanya” tumingin sya sa kawalan na tila ito ang kausap nya.

“Ipapakita ko sa anak ko,kung anong klaseng mga tao ang nagtapon saamin sa impyernong ito” saad nya “Papalikihin ko sya at pababalikin ko sya sa bayang yun.Humanda sila,dahil sa oras na makalapat ang mga paa namin sa bayang iyun.Sisiguraduhin kong magsisisi silang lahat na binuhay pa nila ako”

Natahimik ang buong paligid.Hindi na nakapagsalita pa ang ginang kung kayat wala na syang paalam at nagpapasok na sya muli sa loob.

Ayaw nya na itong lingunin pa.

Dahil baka sa isang kisap magbago ang kanyang isipan.

Buo na ang kanyang desisyon na itong batang nasa tyan nya ay ang kaisa isa nyang pag-asa.

Maghihiganti sya.

“Nasisiguro ako,kung hindi lang malaki ang tyan mo ay napakaganda mo dyan sa suot mo” napalingon sya sa matanda ng magsalita ito “Kung may salamin lang sa seldang ito Maria,makikita mo ang iyong sarili.Napakaganda mo”

Unti unti ngumiti sya.Bahagya nya pang hinagod ang tyan at marahang napabuga ng hininga.

“Bigay po ni Nanay Belen” saad nya “Pulang daster. Isang masayang kulay daw para kahit papano, nagkakaroon ako ng pagasa sa loob dito”

“Nasisiguro naman ako na punong puno ka na ng pag asa anak” saad naman ng matanda,kapagkuwan ay marahan ding hinawakan ang tiyan nya. “Kabwanan mo na ngayon.Alam kong doble pa ang saya mo pagnasilayan mo sya ng pisikal”

Ngumiti sya.

“Syanga pala” saad muli ng matanda “Ano ang ibibigay mong pangalan sa bata?”

Lalo pang lumawak ang ngiti nya dahil sa tanong nito.

“Kung babae po,Marcelina” ani nya “Marcelina Herminia”

“E kung lalaki naman?”

Napabuga sya ng malalim at bahagyang napaisip.’ Papaano nga ba kung lalake ang anak ko? Tanong nya sa isip bago muling bumaling sa matanda.

“Avery po” sagot nya “Avery Herminia”

Matamis syang nginitian ng matanda na agad din nyang ginantihan.Pero lumipas lang ang segundo,ang mga ngiti nila ay biglang naglaho.

Kapwa sila napatigalgal ng marinig nila ang malakas na ’wangwang sa buong paligid. Namalayan nya nalang na ang lahat ng preso sa seldang iyun ay nagkukumahog sa pagtakbo kung saan.

“Anong nangyayari?” tanong nya ng lumabas sya sa sariling selda upang tignan ang kaguluhan sa hallway nayun.

“Sa unit ng mga kalalakihan.Anim doon gumawa ng gulo” sagot naman ng natanungan nya na tatakbo na sana kung saan.

“Pero dis oras na ng gabi” sagot naman ng matanda na sumunod sa kanya “hindi paba sila pinapapasok sa mga unit nila?”

“Hindi kasi ang anim nayun ay nag-amok ng away,malaking gulo ito na nakagawa pa ng hindi inaasahang pagsunog” sagot naman ng kausap “Kunwari gumawa sila ng kagoluhan para magkaroon ng rayot.Yun pala,kasabay ng pagsunog may ginawa na pala ang mga itong lagusan papalabas”

“Teka,plano nilang tumakas?” Tanong nya sa babaeng yun.

“Panigurado” sagot nito “Taktiks lang nila ang pagsunog at paggawa ng rayot para mahati ang atensyon ng mga pulis sa pagtakas nila” bahagya itong tumawa ng nakakaloko “Yun nga lang,syempre hindi magpapahuli tayong mga babae.Nalaman din namin kung saan yung butas na gusto nilang labasan pagtakas”

“Sigurado ka?” Tanong nya,na hindi naintindihan ang sarili sa naiisip “Saan naman yun?”

“Sa unit XXX” sagot nito “Malapit sa ground floor.Paglabas dun, siguradong kalye agad. Makakatakbo agad”

Muli syang nginitian ng kausap ng nakakalokong ngiti.Tatakbo na sana muli ito ng wala sya sariling pinigilan ito sa pulsuhan.

“T-teka lang” ani nya dahilan para matigilan ito.

Sa sandaling iyun.Pumasok sa kanyang isipan.Ang kanyang nanay Belen.

“Naiintindihan kita” saad naman ng matanda “Pero alam mong mahirap magpalaki ng bata sa loob ng kulungan.Tutolungan kita anak…kami,ni.Juanillo.Hindi ka namin pababayaan kasama ng anak mo.Mas magiging maayos ang buhay na meron sya kung nasa labas sya ng mga seldang ito.Lalaki syang normal na bata

“Sasama ako” kapagkuwang saad nya na kapwa ikinagulat ng kasunod at ng matanda.

“Anong sinasabi mo Maria?” Tanong ng matanda “Kabwanan mo na.Mali ang pagtakas at mas lalong mali na tatakbo ka sa kalsadang iyun para takasan ang kaparusahan mo”

“Manang wala po akong kasalanan” matiim nyang saad dito “Nandito ako hindi dahil sa parusang pagpatay.Nandito ako kasi nilagay nila ako sa impyernong lugar nato”

“Naririnig mo ba ang sarili mo?” Tanong nito “Tatakas ka? Ilalagay mo sa kapahamakan ang anak mo Maria”

Huminga sya ng malalim “Tama po kayo,hindi ko naririnig ang sarili ko” saad nya “Lahat sila hindi nila naririnig ang boses ko.Magsabi man ako ng katotohanan.Para silang bingi. Gagawin ko lang po ang lahat para sa anak ko.Sa panahon ngayon,sarili ko muna ang iispin ko.Para po sa anak ko ang gagawin kong to”

“Pero anak…”

“Hindi ko mabibigyan ng magandang buhay ang batang ito hanggat mananatili ako sa seldang to” saad nya na bahagya ng napaluha “Doon sya sa labas.Kasama ako,hindi kami nararapat sa impyernong to”

Hindi nakasagot ang matanda.Hinawakan nya nalang ito sa kaliwang braso.

“Magingat po kayo manang” ani nya,bago tumingin sa katabi na agad ding nagets sa inaasal nya.

Mabigat ang loob sa gagawin kung kayat diretsyo ang tingin,lumakad na sila palayo sa matanda.Pero bago pa man nila bilisan ang mga kilos.

Pinilit nya ang sarili upang muling tignan ang ginang iyun.

“Im sorry po manang” saad nya “Pero alam ko,sa mga kagaya ko,gagawin ang lahat para sa anak nila.Magiingat ka po”

Tumalima sya at doon,kasabay ng mga kaguluhan ng mga kapwa nya preso.

Sa ingay na sumasaklop sa buong paligid.Mga pumaparoon at pumaparining takbuhan.

Matapang nyang binagtas ang daan patungo sa unit XXX.

Sa butas na tinutukoy ng hindi kilala pero kapwa nya presong babae.Sumama sya dito.

Tatakasan nya ang hatol ng batas na habang buhay na pagkakakulong.Tatakasan nya ang buhay sa selda na alam nya,hindi nya dapat nararanasan.

Tatahak syang muli sa labas ng mundong iyun para harapin ang buhay…

Ang buhay na nararapat para sa anak nya.

Totoo nga,ang batang dinadala nya ay nagbibigay sa kanya ng bagong pagasa.Nagbibigay ito ng tapang na harapin at gawin ang mga bagay na kailan man ay hindi nya magagawa.

Ang makipag agawan sa kalayaan sa kakarampot na pagasang iyun.

Ang may kaliitan na butas na tinutukoy ng babaeng preso. Kakarampot ang pagasa pero ginawa nya ang lahat para makuha ito.

Natatakot,kinakabahan at nahihirapan.

Pero hindi sya sumuko para lang makalabas sa butas nayun.

Kahit malaki ang tyan at may piligro.Pinatus nya,para lang makalabas.

“Ayos ka lang?” Tanong ng babaeng iyun “Sigurado kaba na kaya mo? Dapat hindi ka na sumama sakin e.Tatakbo tayo,baka mapano ang baby mo”

Nangingiwi ang mukha dahil sa bahagyang naramdamang sakit.Tumango sya.

Kung ang pagtakbo lang sa humabol na batas ang susi para makalaya sya.Gagawin nya.

Kaya naman sa hudyat na itinakda ng babaeng yun.Tumakbo sila,mabilis at walang tigil dahil alam nyang ilang minuto lang ay makikita na sila ng mga pulis sa paligid.

Tumakbo sila ng tumakbo ng walang humpay hanggang ang mga paa nya na mismo ang kusang tumigil para mapahinto sya.

Nasa kalagitnaan sila ng isang mahaba at madilim na daan.Lamig ng simoy ng hangin at mapunong lugar lang ang paligid.

Walang kahit sino liban sa kanilang dalawa.

Dito,naramdaman nya ang sobrang pananakit ng tyan.

Napatigalgal at napapangiwi na sya.Sa hindi inaasahang pagkakataon at oras.Sumakit at tila naghilab ang kanyang tyan.

Huli na nang malaman nyang manganganak na sya.

“S-sandale” sigaw nya sa kasama “A-ang sakit na ng tyan ko,ang sakit ng tyan ko”

“Wag mong sabihing manganganak kana!” Singhal nito na tila natataranta “babae ka dapat hindi na kita sinama e,maabutan pa nila tayo!”

Pilit kinalma ang sarili upang sana muling ihakbang ang paa at muling tumakbo.

Pero natigilan na talaga sya ng maramdaman ang muling pagsakit ng tyan.Sunod sunod na ito na tila humihilab na,kapagkuwan lumipas ang ilang segundo.Naramdaman nya nalang ang sarili na may pumutok na sa kanya.

“Manganganak kana nga!” Muling tigalgal ng kasamahan na hindi alam ang gagwin.“Pumutok na ang panubigan mo!”

Tila ba nanlamig na sya at muling napangiwi sa sobrang sakit na naramdaman sa kanya tyan.

Dito nilapitan na sya ng kasama at kapwa hindi alam ang dadalhin.

“Anong gagawin ko?!” Muling saad nito na napapalingon pa sa paligid.Wala itong magawa na napilitang pumwesto sa harap nya

Naluluha at napapaaray syang humiga mula sa madilim at malamig na kalsadang iyun.

Hindi alam ang gagawin.Hindi alam kung paano mailalabas ang bata sa sinapupunan nya.

“Umiri ka!” Sigaw ng kasama “Iire mo! Ilabas mo ang bata”

Tila pinagpawisan na sya ng malamig.Hinahabol nya narin ang hininga pero pilit ihanda ang sarili.

Kapagkuwang muling hudyat ng kasama ay sya namay walang ano anoy napairi ng malakas.

“Arghhhhhhhhhhh!!!”

Siguro,malupit talaga ang tadhana.Hindi nya alam na sa buong buhay nya,tatakas sya sa kulungan.Tatakbo sa isang madilim at mahabang daanan.

At ang malala,manganganak sa tabi ng daan.

Mukhang hindi sila pinagbibigyan ng pagkakataon.Dahil sa pagsabay ng hiyaw nya,biglang nagliwanag ang paligid.

Nilingon nya ito at huli na ang lahat dahil ang liwanag na iyun ay nagmumula sa isang sasakyan.

Hindi nya mawari kung ano ang sasakyan na iyun.Pero kasabay ng unti unti nitong paglapit sa kanila,dito sya nawalan ng malay.

Ang tanging narinig nya nalang ay ang pagiyak ng isang sanggol.Mga yabag ng pagtakbo at pagtawag ng kanyang liwanag.

“Maria…” Saad ng isang boses “Maria Esther…”

“LUMABAS ka dyan! Juanillo” isang malakas na sigaw ang unti unting nagpapamalay sa kanya. “Lumabas ka dyan! Wag mong itago ang mamamatay tao nayan!”

“Tumigil kana Kiko!” Sigaw naman pabalik ng binata.Malabo ang mata nya na pinaprocess ang lahat.Pero kilala nya ang boses nayun “Alam mong walang kasalanan si Maria sa pagpatay! Hindi sapat na mahusgahan sya ng hukuman”

Narinig nyang may kumalabog na kung ano.Kaya dito na nya iminulat ang mata.

“Mamamatay tao sya,hindi dapat sya tumakas sa kulungan” singhal pa ng boses mula sa di kalayuan “Ilabas mo sya Juanillo,ibabalik ko sya sa dapat nyang kalagyan!”

“A-anong nangyayari?” Nanghihinang tanong nya sa binata ng makabalik na sya sa katinuan.

Namalayan nya nalang na nasa isang papag na sya,kaharap ang binatang si Juanillo.

“Gising kana Maria,mabuti nalang sa dyos” puna nito at hinawakan pa ang kanyang noo “Tingin ko hindi kana maaaring manatili pa dito.Kailangan mo nang umalis dahil nalaman na nilang tinatago kita”

“Tinatago?” Kunot noo nyang tanong “teka nasan naba tayo?”

“Nandito tayo sa kubo ni manang Tasya” saad nito “Malapit na ito sa dulo ng Stio.Sampaguita.Halos nandito na tayo kalapit ng Stio. Hangganan.Maliblib na lugar nato pero nakakapagtakang nalaman parin ni Kiko kung nasan tayo”

“Papaano ako napunta dito?” Tanong nya “Bakit tayo nandito?”

“Nabalitaan kong may kagulohan sa bilibid” saad nito “pinuntahan kita para kamustahin ang kalagayan mo,pero isa ka pala sa mga tumakas.Maswerte nalang at nakita kita sa daan nayun” buong may simpatasya ito tumingin sa kanya “Nanganganak…”

Bigla syang natigilan sa naalala.

“A-ang bata Juanillo?” Tanong nya “Nasan ang bata? ang anak ko”

Kapwa sila napabaling ni Juanillo ng biglang dumating ang presensya ng isang matanda.

Ang kanyang nanay Belen karga ang isang sanggol.Lumabas ito sa mula sa isang pang pintuan.

“Nilinisan ko sya” saad nito na bahagya pang nagmamadali. “Lalaki ang anak mo Maria, malusog sya.Pero sa tingin ko kailangan na nating magmadali” bahagyang itong tumingin sa bintana kung saan nakikita ang mga tao sa labas “Napansin kong nagsama pa ng ilang tauhan si Kiko para tugisin ka.Hindi sila makakapayag na makawala daw ang isang mamatay taong kagaya mo”

May bahagyang pagalala sa mukha ng ginang pero ngumiti pa ito sa kanya.

Inuwestra naman nya ang kamay para kunin dito ang bata pero aakmang lalapit na sana ito nang sabaysabay na silang natigilan.

Tila nanlamig ang kanilang mga katawan ng isang bote ang biglang pumasok sa bintana.

Sa pagitan nila ng matanda ay pumagitna ang bote nayun na agad ding nabasag dahil sa pagbagsak at nagliyab ito.Ikinagulat nilang lahat ang nangyari.

Pumagitna ang paglaki ng apoy sa pagitan nilang ng matanda at ng bata kung kaya hindi nya nagawa pang kunin ito.

Si Juanillo naman ay hindi alam ang gagawin ng magmadali itong sumampa patawid sa bahagi ng matanda.

“Maria!” sabay na sigaw ng dalawang ito.

Sya naman ay agad nabumangon sa pagkakahiga at nagmadaling gumawa ng paraan para makalabas.

“Sa bintana!” Saad ni Juanillo “Lumusot ka sa bintana Maria!” Utos pa nito at agad nyang binalingan ang bintana sa likod nya.

Sasampa na sana sya sa bintanang iyun nang maalala muli ang anak.

“Lumabas kana Maria Anak!” Sigaw ng nanay Belen sa kanya “Kaming na ang bahala sa anak mo!”

“Magkita tayo sa likod bilisan mo!” Sigaw pa ni Juanillo at agad na ding kumilos.

Pero aakmang tatalima na ang dalawa ng biglang mag bukas ang pintuan at doon pumasok ang ilan pang tauhan papaloob.

“Tumatakas na ang mamatay tao nayun!” sambit ng isa na nakilala nya bilang tyuhin ni Sebyo.

Galit na galit itong nanlisik ang mata sa kanya.

Kita nya kung paano inihanda ni Juanillo ang sarili para pigilan ang mga iyun makalapit sa kanya.

Pero ang bahagya nyang ikinatigil ay ang biglang pagkawala ng matanda karga ang kanyang anak.

Dito sya nagising sa kaba at takot na inakala nyang nakatakas na ang dalawa.

Kahit natatakot at kinakabahan ay pinatapang nya ang sarili.

Kaya naman ng mabuksan ng mga tao ang pintuan papasok.Wala na talaga syang pagpipilian kundi tumalon sa bintana na may kataasan.

Pero bago pa man nyang muli isalba ang sarili.

Muli syang napabaling sa gawi ni Juanillo.Hindi sinasadyang napatingin din ito sa kanya habang abala sa pagpigil sa mga aramdaong lalaking iyun.

And then he mumble.

’Umalis kana maria…mahal kita…

Nanubig ang mga mata nya para sa kitang pagsasakripisyo ng binata.

And the she mumble too.

’Muli tayong magkita…hihintayin kita.

NAKARAMDAM sya ng pamamanhid ng paa ng oras na makalapag na sya sa lupa.

Hindi nya ito ininda na agad tumalima papuntang likuran ng kubong iyun upang sana salubungin ang matanda na karga ang anak nya.

Pero imbis na ang mga ito ang masilayan.Isang nanlilisik ang mata habang may hawak na patalim ang bumungad sa kanya.

“K-kiko…” Saad nya na bahagyang pang napaatras dahil sa naramdamang takot.

“Ang kapal ng mukhang mong tumakas sa kulungan nayun Maria” matiim nitong saad sa kanya. “Pagkatapos mo patayin si Sebyo nagbalak ka pa talagang lumabas sa kulungang iyon!”

“Kiko hindi ko kayang pumatay!” Ani nya “Hindi ako ang pumatay kay Sebyo maniwala ka.Hindi ako mamatay tao!”

Natigilan sya ng ngumisi ito ng nakakaloko sa kanya.

“Ako…kaya kong pumatay” malamig na ani nito kapagkuwan ay may lumabas na bulto sa likod nito.

Natigilan sya na ang nanay Belen nya ito.Hawak ng isang babae na ang pagkakakilala nya ay si Minette.

Kinabahan sya dahil wala itong hawak na sanggol gaya ng inaakala nya.

“Maria Anak…” Nangingiyak na sambit ng matanda.Hindi ito makagalaw dahil nakatutok sa pisngi nito ang kutsilyong hawak ng dalaga.

“A-ang anak ko?…” Nanginginig na tanong nya habang naluluha ang mga mata.

Ngumisi si Minette na syang may hawak sa matanda bago ito bumaling sa kubo.Dito nya lang napansin na bahagya nang lumalaki ang apoy.

Umiling sya dahil hindi sya makapaniwala sa nakikita.

“H-hindi…” Ani nya “ang anak ko!!”

“Nasa mabuting kamay na sya” saad naman ng Minette “Kaya magpaalam kana sa kanya”

Napapatakip ng labi at nanlalaki ang mga mata,napasigaw sya.

“Walang hiya kayo!!” Singhal nya bago walang ano anoy tinangkang sugurin ang dalawa na bahagya nya ding ikinatigil.

Kitang kita nya kasi sa dalawang mata nya ang paghiwa ng babaeng iyun sa pisngi ng matanda.

Dahil dun,unti unti nanlambot sya.Muling natakot kung kayat namalayan nya nalang ang sarili na tumatakbo papalayo sa dalawang iyun.

Kay Kiko at kay Minette.

“Sige tumakbo ka Maria!” Rinig nyang sigaw ni Kiko na alam nyang sumunod sa kanya. “Takbuhan mo ang pagkakasala mo kay Sebyo! Tumakas ka!”

Blangko na ang isip nya sa nangyayari.Walang direksyon ang paghakbang na ginawa ng kanyang mga paa.

Hanggang sa namalayan nya nalang na nandito na sya.Sa Stio.Hangganan.

Sa isang lumang pantalan na hangganan daw ng mga problema.Sa lugar kung saan nagsimula ang gabi ng pagkasira nya.

Hindi syang makapaniwalang dito rin magtatapos ang lahat.

“Wala ka ng tatakbuhan Maria Esther!” rinig nyang sigaw muli ni Kiko sa bungad ng pantalang kinalulunlan nya.

Tama ito,nasa pinaka dulo na sya ng Stio.Hangganan.Tanging lamig ng hangin at pagaspas lang ng alon ng dagat ang nasa harap nya.

Madilim ang paligid.Wala syang makita kundi ang taas ng dagat na umaalon papunta sa tamang direksyon nito.

“Naalala ko ang kwento ng mga matatanda sa baryong ito Maria” saad ng binata na tila nakikipag kwentuhan sa kanya.

Nagugoluhan,humarap sya dito.

“Babaeng walang mukha” sambit nito na ngumisi pa “Hindi bat sinumpa nya ang baryong ito ukol sa mga magagandang babaeng kagaya mo?” Pagak itong tumawa “Swerte ka Maria,dahil alam ng babaeng walang mukhang iyun na maganda ka.Pero dahil inggetera sya,walang mabubuhay na magandang dilag sa baryong ito na masaya.Kaya ito ka” inuwestra nito ang kamay sa gawi nya “Malas sa buhay.Namatayan ng nanay,na stroke ang tatay.At ngayon…namatayan ng anak!”

“Walang hiya ka!!” Singhal na nya dito at nagsimula ng mapahikbi “Walang hiya ka Kiko…sabihin mo ano bang nagawa ko sayo para maging gantong kalaki ang galit mo sakin huh?!”

“Nasayo na lahat Maria” sabat nito “kinuha mo na lahat nasayo na lahat ng simpatsya,pati si Sebyo kinuha mo na…” Bumuga ito ng malalim na hininga “ikaw na ang maganda,ikaw na ang laging napapansin.Ikaw na ang kinaiinggitan.Nasayo na lahat.Si Sebyo nalang ang meron ako,pero ngayon dahil sayo.Nawala nadin sya”

“Hindi ako ang pumatay sa kanya Kiko-”

“Pinatay ko sya” singhal nito na bahagya nyang ikinatigil.

“A-anong sinabi mo?” Hindi nya makapaniwalang sambit.

“Oo Maria” ani nito bago apuyan ang hindi nya napansing hawak nitong bote.“Pinatay ko sya,pinatay ko si Sebyo” parang wala nang katinuan ang kausap nya ng bahagya itong lumapit sa gawi nya.Hawak parin ang nag aapoy na bote.

“kung hindi sya magiging akin Maria” sambit nito at tuluyan na syang kinain ng takot “Hindi rin sya magiging sayo.Walang dapat na may mag-ari sa mahal ko”

Ito lang ang huli nyang narinig sa binata.Kapagkuwan ay walang sabi sabing binato nito ang nagliliyab na apoy sa harap nya.

Napatitig sya…

Natigilan…

Nanghina ang loob at tuluyang tinakasan na ng kaluluwa.

Kitang kita nya ang mabilis na paglaki ng apoy sa harap nya.Mabilis itong kumalat at agad na bumalot sa kabuoan ng pantalan.

Ilang segundo,pumasok sa kanya ang mga alaala.

Mga alaala ng pagkamatay,pagtaksil,pagbintang at pagkawala.

Dito napaluhod sya,nakatingin sa nagliliyab na apoy sa harap nya habang napapahawak sa ulong hindi mawari kung nanakit.

Kapagkuwan..

“Arghhhhhh” wala sa sariling nyang sigaw “Mga hayop kayo! Mga walang hiya!…wala akong kasalanan.Wala akong ginagawang masama! Hindi ako masamang tao…hindi ko kayang pumatay!” Ani nya bago unti unti ay lumalaki ang apoy.Unti unti syang kinakain nito. “’Sinira nyo ako!…sinira nyo ang pamilya ko!…wala na sakin ang lahat.Kinuha nyo ang lahat sakin…wala nang natitira!…” Tumingin sya sa kanyang harap.Kita nya ang mga taong iyun.Nakatayo sa harap ng pantalan.Walang gingawa,nakatingin lang sa kanya.

Hinahayaan syang masunog,hinahayaan syang mamatay.

“Isinusumpa ko! Babalik ako sa baryo na ito! Babalikan ko kayong lahat! Maniningil ako!…iisa isahin ko kayo! Luluhod kayo sa harap ko at magmamakaawa.Pero huli na ang lahat! Dahil sa pagbabalik ko! Ipinapangako ko! Magsisisi kayo! Gaganti ako! Itutumba kayo!” Napahikbi sya.Sa mga segundong iyun.Naramdaman nya na ang init.

Naramdaman nya ang sakit.Pero tila wala na syang paki rito,napuno na ng galit ang kanyang puso.

“Ako si Maria Esther…at babalik ako para maningil hindi ng utang…kundi ng buhay!…

arghhhhhhhhhhh!“

Let me know your thoughts about this chapter pleas.Thank you! 💕

CHAPTER 41

AN;I think its almost five or ten chapts nalang tayo. Isasara ko na tong kwento so guys.Kapit lang,thank you sa mga nagbasa nito.

Happy reading 💕

“Its been 18 years” narinig nyang sambit ng ginoo “18 years Esme,sariwa parin ang ala-alang iyun.Wala akong ginawa.Wala akong nagawa para iligtas sya”

“Wala po kayong kasalanan” ani naman nya at masuyong hinawakan ang kamay nito “Wala pong may gusto ng nangyari.Wag nyo po sisihin ang sarili nyo”

Ilang segundong natigilan ang ginoo bago muling nagsalita.

“Kung nailigtas ko lamang sya” saad nito “kahit hindi na sana si Maria.Kahit ang bata nalang”

Kumunot naman ang noo nya dahil sa sinabi nito “Ang bata po?” Tanong nya dito.

Tumango ito.

“Ang anak ni Maria” sambit nito “Nanganak si Maria, bunga ng isang pag nanais sa laman.Bunga ng isang kasalanan”

“Nabuntis po si Maria…” Sambit nya.

“Oo,isang batang lalaki” sagot nito “Isang malakas at malusog na batang lalaki. Napakaganda nya,sa unang pagkikita namin” tipid itong ngumiti kapagkuwan ay napatingin sa kanya “Alam kong kamukhang kamukha sya ng nanay nya.Isang batang lalaki,pero may taglay na kagandahan… taglay nya ang ganda ni Maria Esther”

Hindi nya alam kung bakit tila kumabog ng ilang beses ang dibdib nya.

Tila ang naramdaman nyang iyun ay kakaiba at hindi inaasahan.

“M-May pangalan po ba ang bata?” Kapagkuwang tanong nya.

“Wala” sagot naman ng kausap “Nang makita ko sila nung gabing nagkagulo sa bilibid.Tumakas pala si Maria doon.Kabwanan nya na at ang kasamaang palad, sa daan sya nanganak” bumuga ito ng malalim na hininga.

“Mabuti nalang at may kasama sya sa pagtakas. Kapwa preso nya din na kasalakuyang tinutulungan syang manganak sa daan.Mabait pa siguro ang panginoon nun kay Maria.Dahil nung oras na wala na akong pagasa pang makita sya.Kasalukuyan kong binabagtas ang daan pauwi at doon.Nadaanan ko sila…nakita ko ang bata,kakalabas lang sa sinapupunanan ng kanyang ina”

“Hindi nyo po sya binigyan ng pangalan?” Tanong nya.

“Nung gabing sinakay ko sila sa kotse,hindi na ako makapag isip” saad nito “Ang importante lang ay mailigtas ko sila…”

Muling sinakop ng katahimikan ang buong paligid.Bago ilang segundo. Narinig nya nalang ang ginoo na tahimik na humihikbi sa gawi nito.

Sa pagkakataong iyun,wala na syang sinayang na pagkakataon at masuyo nya itong niyakap.

“Hindi ko sila nailigtas ng gabi iyun Esme…” Saad nito habang nakasubsob sa kanyang balikat “Dapat pala,hinayaan ko nalang syang manganak sa daan.Dapat hindi ko nalang sya muling dinala sa Stio.Sampaguita.Dapat mas nag isip ako nun at dinala nalang sya sa ibang lugar.Itinago ko dapat sya sa mga walang hiyang taong iyun.Ang tanga ko,ako pa ang nagdala sa kanya sa kapahamakan”

Humikbi ito kung kayat masuyo nya na itong hinagod sa likuran “W-wala akong ginawa…hinayaan ko silang mapahamak.Pinanood ko nalang syang unti unting kainin ng malaking apoy nayun sa stio hangganan. Sumisigaw ng katarungan… Gusto nyang maghiganti”

Tila kinalibutan sya sa huling sinabi ng ginoo.Kung kayat muli syang nagayos ng upo at hinarap ito.

Napaisip sya,kapagkuwan ay bumuga ng malalim na hininga.

Naramdaman nya ang tila pagiigting ng panga dahil sa naiisip.

“Sa lahat po ng kinuwento nyo sakin tungkol kay Maria,dapat po talagang maghiganti sya” saad nya “Alam kong hindi tamang ilagay nya ang batas sa mga kamay nya.Pero dapat may managot.Dapat may mapanagot ng totoong may sala”

Tumikhim sya.

“Siguro nga pong pinatay nya si Sebyo.Pero…hindi sapat na dahilan para pagtulungan sya ng mga tao.Hindi sagot na patayin sya,na sunugin sya sa pantalang iyun” tumitig sya sa ginoo na nakatingin din sa kanya “Hindi na po makatao ang ginawa nila,dapat nila itong pagbayaran”

Hindi nya alam kung bakit tila na-stock ang mga mata ng ginoo sa mukha nya.

Hindi nya mapigilang kabahan sa pagkatitig nito sa kanya.

“Maria Esther…” Saad nito na tila pinagdudungtong ang lahat ng naiisip.“kamukhang kamukha mo talaga sya,Esme…kulang nalang isipin kong ikaw sya.O di kaya ang anak nya”

Natigilan sya.

’Anak nya?

“Hindi po ba,patay na ang anak nyang yun?” Tanong nya at inilayo ang sarili sa ginoo,naisip nya ang isang bagay na sinabi nito sa kanya nung nakaraan.

“Gusto ko pong hanapin ang mga Erschonen pagkarating ko sa lugar nayun,s-sr Juanillo” ani nya “Pero gusto ko lang pong tanungin sa inyo kung bakit sinabi nyo na ako yung nakaligtas sa sunog? Bakit ako yung tinutukoy nyo na nakaligtas sa binabanggit nyong sunog dati.May kinalaman po ba kayo sa buhay ko?”

Narinig nyang bumuga ng malalim na hininga ang ginoo bago ito nagsalita.

“Ikaw narin ang nagsabi Esme” ani nito na hindi sinagot ang turan nya “kailangang may managot.Kailangan may magbayad sa kabila ng mga nangyari sa kanya.Kaya naman,sa pagbabalik mo sa Stio.Sampaguita.Malalaman mo ang gusto mong malaman.Mahahanap mo ang ang totoo mong pagkatao.Gamitin mo ang pagkakataon para makagawa ng paraan Esme,ikaw ang pagasa nya”

Nakatangang nakatingin lamang sya sa ginoo dahil sa mga sinabi nang marinig nyang magsalita ang driver ng kotse.

“Mga sr…andito na po tayo” imporma nito kung kayat napatingin sila sa labas ng binatana ng kotse “Nandito na po tayo sa bukana ng Stio.Sampaguita”

’Stio Sampaguita…

Saglit syang tumingin sa labas at dito,nakita nya ang arko na may sulat na Stio.Sampaguita.

Kapagkuwan ay muli ibinalik ang paningin sa gawi ng ginoo.

Bahgay naman syang natigilan ng mahuniang nakatingin ito sa kanya.

“Hanapin mo si Nay Belen pagnakapasok kana” saad nito “matutulongan ka nya,alam nya ang buong katotohanan” tumango sya,at hinanda ang sarili para sana sa paglabas ng sasakyan nang muli syang pigilan ng ginoo kung kayat napatingin syang muli dito.

“Ipaghiganti mo si Maria” sambit nito na ikinatigil nya “Ikaw ang susi para makamit nya ang buong hustisya Esme.Be my Maria…”

TILA isang bagong yugto ng buhay nya ang haharapin nya nang kasalalukyan na syang nasa harap ng arkong iyun.

Naka baba na sya sa kotse ng ginoong si Montefalco.

Nagabala itong ihatid sya sa lugar nato matapos nyang pag isipan ang pagbabalik kung saan nagsimula ang lahat.

’Stio.Sampaguita,

since

1900-2000

.

Basa nya sa isip.

Ito ang misyon nya…Ang nais nya.

Ang bumalik sa pinagmulan ng lahat.

Gusto nya nang hanapin ang sarili nya.Malaman kung sino ba talaga sya.Sa lugar lang na ito nya makikita ang totoo.

Pero alam nya,sa paghahanap nya ng totoo nyang pagkatao.

Nakalapit sa mukha nya ang isang lumang kwento.

Nakadikit sa pagkatao nya ang isang lumang pangalan ngunit kilalang kilala ng lahat.

’Maria Esther…

Hindi nya alam kung bakit nais nyang ipagpatuloy ang binabalak ng malaman nya ang pangalang iyun.

Lalo na nang nagbibigay ng isang magulong kahulugan ang ginoo.

Napapatanong sya sa isipan.

Sino ba talaga si Maria Esther?

Ano ba talaga ang kinalaman ng buhay ko sa kanya?

Bakit kailangan ko syang tulungan?

Bakit ako lang ang dapat makakatulong sa kanya?

Gusto nya lang naman maghanap ng katotohanan sa pagkatao nya.Pero ang lumang kwento ng babaeng yun ay nagbibigay sa kanya ng isang bagay upang maisip na gusto nya itong tulungan.

Nung mga oras na ipinagtapat sa kanya ng ginoo ang lahat.Unti unti syang nalilinawan kung sino ba talaga sya.

Nung mga oras na nagtanong sya kung sino ang mga Erschonen.Si Maria Esther ang sinagot nito.

Sa babaeng iyun nya sinimulan ang kwento.

Kaya naman nang malaman nya ang dinanas ng babaeng yun.

Nabuo sa isip nya na magpunta sa lugar kung saan nagsimula ang lahat.

Hindi lang para malaman kung sino ba talaga ang pagkatao nya.

Kundi siguro tulungan ang babaeng yun.

Buklatin muli ang kwento ni Maria Esther.

Nandito na sya…

Nagbalik sya?…

Totoo nga ang sumpa,bumalik sya…

Maniningil na sya…sisingilin nya tayo…

Sya naba yan?…

Sya yan…kamukhang kamukha nya…

Labing walong  taon…labing walong taon ang nakalipas…nagbabalik ang babae mula sa dulo ng sto.Hangganan.

Totoo sya,hindi lang sya lumang kwento ng matatanda.

Totoo ang babaeng isinumpa.

-at maniningil sya hindi ng utang…kundi ng buhay.

Napapakagat labi sya at hindi makatingin ng diretsyo sa mga mata ng taong naruon.

Hindi nya alam kung ilang milya na ang nilakad nya nang makapasok na sya sa bayan ng Stio.Sampaguita.

Pero sa pagpasok nyang iyun.Sadyang kumakabog ang puso nya ng magsimulang mapansin sya ng mga tao roon.

Bawat dinadaanan nya may naririnig syang bulungan.

May mga kumento kung paano sya pagmasdan ng mga ito.

Tila nire-rate ang pagkatao nya.Kung ano ang itsura nya.

At ang nakakakaba.Hindi sya nagkamili dahil narinig nyang muli ang kwento ng babaeng iyun.

Sa mga oras nayun tila gusto nyang magpalit ng mukha.Gusto nyang magtago,dahil halos lahat ng mga taong nakatingin sa kanya.

Iisa lang ang ang nakikitang mukha sa pagkatao nya.

’Im not Maria

Eather… he mumbled. ’Hindi ako yung taong tinutukoy nila.Hindi ako si Maria…

“Anong pangalan mo?” Natigil sya sa pagiisip ng may magsalita sa harap nya.Isang babaeng may kaidaran ang sinusubukan syang kausapin.

“Ngayon ka lang namin nakita.Bago ka lang ba dito?” Tanong pa muli nito.

Napa tikhim naman sya bago sumagot.Hindi nya magawang tumingin sa mata nito na hindi nya alam kung bakit.

“May hinahanap lang po ako” saad nya “Isang kakilala po na nandito po naninirahan”

“Sino naman?” Tanong nitong muli.

Naalala nya ang sinabi sa kanya ni Juanillo bago sya lumabas sa kotse. ’Si Nanay Belen.

“Si nanay Belen po” sagot nya.

Kumunot lang ang noo ng kausap kapagkuwan ay tumalikod na ito sa kanya.Tila naramdaman naman nyang pinapasunod sya nito kung kayat inihakbang nya ang mga paa at sinundan ang bulto ng ginang.

Ilang segundo lang ang lumipas,nang marinig nya ang ginang sa harap nya.

“Pambihira” di kalasang boses na saad nito pero sapat para marinig nya “kamukhang kamukha ka nya” bahagya itong tumawa. “Nakakakilabot na makikita kong muli ang mukha ng babaeng yun.Pambihira dahil parang ikaw ang lalaking bersyon nya.Pero halos lahat ng detalye at hulma ng mukha nya.Nakuha mo”

Nanatili lang syang nakasunod dito,habang binabagtas nila ang isang daan kung saan man patungo.

Nagpasalamat naman sya dahil nawala na ang mga taong pinagmamasdan sya mula sa daanan kanina.

“Ano ba kasing pangalan mo?” Tanong nito “San ka nanggaling at napadpad ka sa bayan ng Stio. Sampaguita?” Muling itong tumawa ng mahina “Tinatakot mo ang mga tao sa lugar na to iho dahil dyan sa mukha mo” saglit itong tumigil at tinignan sya “Hindi mo alam kung gaano mo sya kamukhang kamukha.Hindi mo alam kung anong merong kwento sa lugar nato ang dala dala mong mukha ngayon.Nakakatawang isipin na mula sa kwento ng matatanda noon.May naniniwala pa pala dahil sa pagdating mo”

Nagpatuloy muli ito sa paglalakad nang tumalikod ito sa kanya.

Sumunod sya habang napapaisip sa mga sinabi ng ginang.

“A-ano po ba yung lumang kwento na sinasabi nyo?” Tanong nya.

Tinignan nya lang ang ginang ng bumuga ito ng hininga na tila nabo-bored sa tanong nya.

“Bata-bata pa ako nun nang marinig ko ang lumang kwento ng babaeng walang mukha” saad nito na ikinakunot ng noo nya ’babaeng walang mukha? Ngayon nya lang ito narinig.

“Sabi sabi yun ng mga matatanda na isinumpa daw ng babaeng iyun ang bayang ito” saad nito “Hindi ako naniniwala,kagaya lang din ng iba.Hanggang isang araw may nagpatunay ng kamalasang sumpa ng babaeng iyun”

“Sino naman po?” Tanong nya.

Malapit na sila mula sa isang maliit na bahay ng lingunin syang muli ng ginang.

“Seryoso?” Ani nito “ikekwento ko nanaman yun? Uulitin ko nanaman”

Natigilan sya “Pasensya na po” ani nya “nagugoluhan lang po kasi ako.Bago lang po kasi sakin yung babaeng binanggit nyong walang mukha”

“Panahon pa ng kastila ang kwento nayun iho” sagot ng ginang sa kanya “Yung babaeng walang mukha ang unang nagsumpa sa maliit na bayang ito.Sabi nya,lahat ng babaeng may magandang mukha na isisilang sa baryong ito.Makakaranas ng kamalasan,at ilang dekada ay may nagpatunay ng sumpang iyun.”

Bumuga ito ng marahas na hininga “Labing walong taon ang nakalipas.Tila sariwa parin sa mga tao dito ang pangyayaring iyun.Kitang kita nila kung paano kainin ng malaking apoy ang babaeng walang kalaban laban”

Napaisip sya sa sinabi nito.Kapagkuwan.

“Si Maria Esther po ba ang tinutukoy nyo?” Tanong nya na ikinatigil ng ginang “Si Maria po ba ang kauna unahang natamaan ng sumpa ng babaeng walang mukha na tinutukoy nyo?”

Napatitig sa kanya ng ilang segundo ang ginang sa bago ito sumagot.

“Kung maganda ang pagkakakilala mo sa kanya,hindi ka nagkakamali” saad nito “Sya ang babaeng isinumpa na ngayon ay sumumpa din mula sa dulo ng stio.hangganan…nangako syang babalikan nya ang baryong ito upang maghiganti.Kukuha sya ng buhay”

Hindi nya alam pero nakaramdam sya ng kaba sa sinambit ng ginang.

Hindi nya alam kung ilang segundo na syang nakatitig sa mukha nito ng matigilan sya at narinig nya itong nagsimulang tumawa.

Napapakurap na inilayo nya ang paningin sa ginang na mukhang tawang tawang sa ekspresyon ng mukha nya.

Siguradong nakita nito na halatang natakot sya sa sinambit nito.

“Kung nakita mo lang ang mukha mo siguradong matatawa ka” sambit nito at muling nagbitaw ng isang halakhak “Syempre,hindi ako naniniwala dun.Kung ang mga bobong tao sa baryong ito ay hihimatayin sa takot dahil sa sumpa na dala ng Babaeng walang mukha at nung Maria Esther.Ibahin mo ako,sa tanan ng buhay ko.Wala akong na-encounter ni kahit isang kababalaghan sa bayang ito” napalingo ito ng ulo na.

“Sarili lang nila ang tinatakot nila.Kahit ang mismong nanay nanayan ko pa ang nagalaga sa Maria nayun, wala naman akong naramdamang kakaiba dahil naging malapit ito sa kanya”

Napakunot noo sya dahil sa huling binanggit nito “I-inalagaan po ng nanay nyo si Maria?” Tanong nya.

“Oo,yung nanay ko ang nakasaksi ng lahat ng pangyayari sa babaeng yun” sagot nito “Katiwala sya ng mga Erschonen noon dahil wala na syang pamilya.Pero nang mawala si Maria,sya namay pagampon nya sakin. Labing pito taon lang ako nun,palaboy laboy pero ako ang nakasama nya ng magisa na talaga sya buhay.Inampun nya ako”

“Si nanay Belen” saad nya.

“Marami syang ikekwento sayo tungkol kay Maria” ani nito at pinagmasdan sya mula ulo hanggang paa “Sigurado akong magugulat yun pagnagkita kayo. Inaasahan nya na noon pa na balang araw daw ay may maghahanap sa kanya.Kaya nang makita kita,hindi na ako nagulat.Matagal ka ng inaantay ng nanay ko, nararamdaman nya na baka daw balang araw,may dadating dito.Hindi man daw si Maria,kundi isang tao na makakapagpabago ng lahat”

Muling tumalikod sa kanya ang ginang.O ginang paba ito ayun sa inaasal nitong pagbibiro sa kanya.

Hindi nya matatawag na matanda ang babae na mukhang nasa therty plus lang ang edad.

Pero ang babaeng nakaupo na nasilayan nya mula sa tumba tumbang upuan sa harap ng bahay nito,ay mukha na talagang matanda.

Sinundan nyang muli ang paglakad ng ginang hanggang sa pumasok ito sa gate na kawayan.

Tanaw nya ang may kalumaang bahay nito pero ang pumukaw sa kanya ay ang matandang iyun.

Lumapit sila dito at nagbigay ng mano ang ginang na naghatid sa kanya.Sya namay hindi alam ang gagawin habang nakatingin lang sa matanda.

Nakatitig ito sa kanya na para bang hindi makapaniwala.

“Nay…may bisita po tayo” saad ng ginang dito at kunot noo sya nitong tinignan “Sino ka nga ulit iho?” Tanong nito “Kanina pa tayo nagkakausap pero ni hindi mo man lang sinabi sakin ang pangalan m-”

“M-Maria…” Natigilan ang ginang at sabay silang napabaling sa matanda ng magsalita ito “Ikaw si Maria Esther,anak ko.Ikaw si Maria Esther…nagbalik ka anak”

Natigilan sya sa mga sinabi ng matanda kung kayat napansin nyang tila inalalayan ito ng ginang nang mapansing hindi sya naging kumportable.

“Nay,batang lalaki po yan” ani nito “malabo na po ba talaga ang ang mata mo? Hindi po yan si Maria,bisita natin yan nay.Hinahanap daw po kayo”

Napansin nyang biglang umiling ang matanda at hindi nito pinansin ang ginang.Subalit ay nagtangka pa itong tumayo sa kinauupuang tumba tumba kung kayat agad inalalayan ito ng ginang.

Nagtataka sa mga kinikilos ng matanda pero nagbulontaryo parin syang alalayan din ito nang makitang nahihirapan ang ginang sa ginagawa.

Dito,paglapit nya sa matanda.Buong malapitan syang pinagmasdan nito na kinailangan nya dahil sa tila manghang manghang pagtitig nito sa mukha nya.

“N-napakaganda mo parin iha” sambit nito ng muli nilang maibalik sa upuan ang matanda.Hindi nito inalis ang pagkakatitig sa kanya na bahagya pang hinawakan ang kanyang pisngi.

“Tandang tanda mo paba ang mga nangyari anak?” Tanong nito na hindi nya magawang sagutin.Kapagkuwan ay itinuro nito ang sariling pisngi.“Nakikita mo ba ito? Dahil ito sa kagagawan ng mga hayop nayun.Tandang tanda ko pa nang gabing nahiwa to at tinangka mo pa akong ipaghiganti…pero huli na ang lahat”

“Pasensya kana iho” sumingit na ang ginang at bahagya na syang inilayo sa matanda.

Pero mukhang matigas ito dahil agad itong naghumayos nang lalayo na sya sa gawi nito.“sandali…” Sambit nito sa kanya “Sa halos labing walong taon.Hayaan mo munang yakapin kita iha,miss na miss na kita. Walang araw na hindi kita inantay na babalik ka dito”

Hindi na sya nakagalaw pa ng masuyo sya nitong yakapin.

Nagpaubaya nalamang sya lalo na nung marinig nya itong humikbi.

Hindi nya ring napigilang mangilid ang luha sa mata dahil nang marinig nya ang hikbi ng matanda.Tila kay bigat nito na matagal nang dala dala at ngayon lamang naibuhos lahat.

“Maghiganti kana Maria…” Sambit nito mula sa kanyang tainga,natigilan sya at bahagyang hindi nakagalaw sa pwesto “Ang pagbabalik mo lang muli ang inaantay ko.Bumalik ka sa mga Erschonen,masasagit nito ang lahat ng katotohanang hanap mo.Maghinganti ka Maria,kuni mo ang hustisya”

Yun lang ang narinig nyang huling mga salitang binitawan ng matanda bago ito tumahimik.

Dahan dahan syang umalis sa pagkakaakap nito pero ganun nalamang ang lumo nya ng makita nyang nakapit na ito.

May luha sa mga mata na hindi na nagawang pang patuyuin habang mapayapang nakapikit.Akala nya nung una ay nakatulog na ito pero nang magsimulang mataranta ang ginang na katabi nya.

Dito nya nahunian ang isang bagay.

“Wala na si nanay Belen…” Sambit nito habang napapatakip ang labi “Sabi nya,sa oras na may dumating.May mamamaalam” natigilan sya ng tumingin sa kanya ang ginang “Matagal ka nyang inaantay iho.Ikaw nalang ang hinihintay nya kaya kinaya nya pang mabuhay ng ilang taon para sa pagbabalik mo…”

Napatingin syang muli sa matanda habang nakapikit na ito na animoy na tutulog lang.

Dito kusang nagtuloy tuloy ang kanyang mga luha.

“May inutos sya sayo Maria Esther” tiim sambit ng ginang na tila pinapaalala nito ang huling sinabi ng matanda.

“Hindi ako si Maria Esther” sagot nya.

“Kahit sino kapa” sambit nito

“Inutusan ka ng nanay ko.Kaya sa pagbabalik mo dito.Maghiganti ka,kagaya ng mga sinabi nya.Maging ikaw si Maria Esther,wala akong pakialam pero kuni mo ang hustisyang nararapat para sa kanya”

CHAPTER 42

“Nagbalik na sya…” Sambit nito nang oras na makapasok sya sa sala.

Kunot noo syang napatingin dito na walang ekspresyon ang mukha habang nakaupo sa mahabang sofa.

Ito nanaman ang bubungad sa kanya mula sa paguwi sa nakakapagod na trabaho.Ang babaeng walang ibang ginawa kundi laitin sya at sisihin sya sa lahat ng nangyari.

“Ano bang pinagsasabi mo Minette?” Tanong nya habang inilalapag ang mga gamit sa lamesa. Pinagmasdan nya ito habang nakatingin lang ito sa kawalan “Naka shabu kaba? Ano bang nangyayari sayo?”

“Bumalik na sya Kiko” sambit muli nito nang tumingin ito sa mga mata nya “Bumalik na sya sa Stio.

Sampaguita.Manghihingi na sya ng katarungan sa mga ginawa mo,sa pagkakataong ito.Hindi lang ang baryong iyun ang babalikan nya. Kundi ikaw mismo“

Natigilan sya sa mga sinabi nito at hindi napigilang magngilid ang kaba.

“Baliw kana Minette” sambit nya na bahagya pang tumawa para maibaling ang nararamdaman “Sa tingin mo,makakabalik pa sya?” Tanong nya dito “Sa tingin mo makakabangon paba ang katawang naging abo na? Makakabalik paba ang taong patay na?”

“Hindi sya ang tinutukoy ko” tiim na sambit ng ginang kapagkuwan ay tumayo ito sa kinauupuan at hinarap sya “Si Esme,bumalik na sya sa Stio.Sampaguita upang ungkatin ang mga katotohanan.Unuungkat nya na ang mga kahayupang ginawa mo”

Pagak syang natawa nang marinig ang pamilyar na pangalan.

“Si Esme? Bumalik sa Stio.Sampaguita?” Tanong nya “Ano naman ang gagawin nya dun? Maghanap ng abo?”

“Naghahanap sya ng katarungan” sambit nito “Naghahanap sya ng katotohanan upang maipangbayad sa mga kasamang ginawa mo!”

Hindi nya inaasahan ang muling pagakyat ng dugo nya sa ulo kung kayat mabilis nyang inilampaso ang mga gamit sa lamesa.

Hindi nya napigilang mainis.

“Hanggang kailan mo ako sisisihin na kasalanan ko ang lahat Minette huh!” Singhal nya dito “Ano bang kinatatakot mo? Ang pagbabalik ng paslit na bata nayun? Bakit ano bang alam nya? Basura lang sya! Produkto lang sya ng kasiraan ng lahat.Sya ang punot dulo ng lahat ng to pero wala syang alam”

“Wala sa ngayon” ani nito “pero pag nagtagal sya sa baryong yun.May malalaman na sya,hinahanap nya na ang mga Erschonen.Alam ko na makakapagsabi sila ng totoo.Isisiwalat nila ang mga krimeng ginawa mo!”

“Ginawa natin!” singhal nyang muli dito “kasama ka Minette kaya hindi lang ako ang may kasalanan dito.Ikaw din! Isang pagkakamali na binuhay mo pa ang batang iyan.Ngayon,natatakot ka na baka isang araw hindi kana umuwi sa bahay nato kundi sa kulungan na ang tuloy mo”

“Tapos na akong matakot Kiko” sambit nito sa kanya “Ibinigay ko na sayo lahat una palang nang magdisisyon tayong pagbintangan si Maria na pumatay kay Sebyo.Ibinigay ko na sayo lahat ng makakaya ko pero may konsensya ako.Tapos na akong matakot,kulang pa ang mga ginawa ko kay Esme sa kabila ng mga ginawa natin sa mga magulang nya”

“Ikaw ang nagdisisyon” sambit nya “ako ang pumatay pero ikaw ang nagdisisyon sakin.Ikaw ang nagsabi sakin na ito ang gawin ko,na ganyan ang gawin ko.Ikaw lahat yun Minette.Ngayon na inaakala mong dehado na tayo magdidisisyon ka nanaman sa isang bagay?” Hindi nya napigilang iduro ang ginang dahil sa nararamdaman nyang galit. “Ano sasabihin mo kay Esme ang totoo nyang pagkatao? Sasabihin mo ba sa kanya na-”

“Kiko marunong akong makunsenysa…” Naputol ang sasabihin nya ng magsalita ulit ang ginang.Sa sandaling iyun,narinig nya na itong humikbi. “Sa sandaling nahawakan ko ang sanggol ni Maria nakunsensya na ako,binago natin ang buhay nya.Pinatay natin ang mga magulang nya” napakagat labi ito at sinubukang pigilan ang luha bago ito magpatuloy.

“Alam mong mahal na mahal ni Sebyo si Maria.Alam mong handa syang maparusahan sa kabila ng mga ginawa nya.Kung susumahin,baka mapatawad sya ni Maria… baka pumayag ito na panagutan sya ni Sebyo..na maging pamilya sila”

“Hindi Minette” ani nya sa ginang habang nagiigting ang panga.Hindi nya matanggap ang mga sinasabi nito kahit alam nya na pwedeng iyun ang totoo.

“Sa isang banda,alam kong may pagmamahal si Maria kay Sebyo”

“Hindi” tiim nyang muling saad.“Sa isang banda,baka mapatawad nya ito dahil sa una naman ay naging matalik naman silang magkaibigan,diba?”

“Hindi Minette”

Saglit itong tumigil ng ilang segundo bago ito nagpatuloy.

Pinakatitigan sya nito “Sa isang banda kiko” sambit nito “Baka ginulo mo lang talaga ang lahat.Baka tinakot mo lang si Sebyo,pinaniwala na baka mapapahamak sya kung haharapin nya ang kasalanan nya kay Maria. Pero hindi” bumitaw ito ng malalim na hininga “Mabuting tao si Maria… marunog syang magpatawad.Lalong lalo na kung may pagmamahal sya sa isang tao…

…Kung mahal nya si Sebyo,papatawarin nya to“

“Ako lang ang nagmamahal kay Sebyo” sambit nya rito “May nasimulan na kaming dalawa nung mga araw bago pa sya mawala sakin” pinakatitigan nya ang ginang na tila dito binubuhos ang galit “Hinalikan ko sya,at hinalikan nya din ako.Dun palang may pagasa na ako pero lahat ng yun nawala…dahil yun kay Maria,inagaw nya sakin si Sebyo”

“Tama na Kiko” sambit nito sa kanya “maawa ka na sa bata”

“Hindi Minette” sambit nya dito “Hindi ko hahayaang guluhin nanaman ni Maria ang buhay ko.Sya ang wala na,matagal ng abo pero nadidito parin ako.Buhay na buhay humihinga araw araw pero araw araw ding nasasaktan dahil sa pagkawala ng taong mahal ko.Dahil yun sa kanya”

Umiling ang ginang ng mariin “Hindi Kiko” sambit nito “Dahil sayo yun.Ikaw ang pumatay kay Sebyo”

“Dahil sa pagmamahalan nya kay Maria kaya nagawa ko yun” sambit nya “Sa kabila ng mga ginawa ko,si Maria parin ang gusto nya,si Maria parin ang pinipili nya”

“Dahil hindi pinipili ang pagmamahal,Kiko” saad ng ginang at bahagya pang tinuro ang sarili nito. “Hindi ka pipiliin ng pagmamahal dahil ang pagmamahal ang pipili sayo Sebyo.Andito ako,sa kabila ng mga ginawa mo,natin.Nananatili ako sa tabi mo dahil pinipili kita.Ikaw ang pinipili ng pagmamahal ko”

Bahagya syang kumalma sa mga sinabi nito.Kung kayat ng mapansin ito ng ginang.

Naramdaman nya ang paghawak nito sa braso nya.

“Iwanan mo na ang nakaraan Kiko” sambit nito “Mag simula tayo muli… magsimula tayo ng walang nararamdamang galit. Tulungan na natin sya kiko”

Tumingin sya sa gawi nito.“Anong gusto mong gawin ko?”

“Sabihin na natin kay Esme ang lahat,ang totoo” sambit nito sa kanya “Sabihin na natin na ang totoo nyang mga magulang ay Sebyo…at si Maria”

“MARIA ESTHER HERMINIA,who found out to the abondent house with Sebyo Natividad.Is guilty for the death of this victim.

Mapapatawan sya ng parusang habang buhay na pagkakulong“ pinalong muli ng judge ang lamesa “This case is already close…dismiss”

Hindi nya napigilang mapatakip ng bibig nang marinig ang hatol ng husgado kay Maria.

Agad syang napatingin sa gawi nito na inaasahang nagulat din sa mga nangyayari.

T

ila,isang sampal ang natamo nya habang nakikitang unti unting bumabagsak ang pagasa ng dalaga.’Hindi ako ganto kasama…hindi ito ang gusto kong ganti…

Ang nais nya lang ng una ay sirain ang pangalan nito sa kanyang kapatid na ama nito.Sa pamamagitan kasi nito ay makikita nyang mahirapan ang kanyang kapatid.

May pagsisisi dahil sa mga ginawa nito sa kanya.Ganti nya ito dahil sa halos ilang taon,dahil sa pagnakaw nito ng kanyang pera.Nagdusa sya,naghirap.

Makikita nya ng maapektuhan ang pamilya nito sa pamamagitan ng isang malaking kahihiyan.

Pero hindi ito ang kanyang inaasahan.

Ang hatulan ito ng habang buhay na pagkakakulong ay sadyang kay bigat ng paratang.Masisira ang buhay nito dahil sa kasalanang hindi nito ginawa.

Nang oras na maglakad sa harap nila si Maria,alam nyang hindi nya dapat ito titigan sa mata.Pero ginawa nya.

Hindi sya nagkamali dahil punong puno ng galit at hinagpis ang mga mata nito.Nanlilisik na tila gusto makawala sa bising ng mga pulis at basta sila sugurin upang patayin.

’Patawarin mo ko Maria…

Gusto nya manghingi ng kapatawaran dahil alam nya ang katotohanan.

Natakot lang sya,nagdalwang isip kung kayat tinago nya ito.

Nanahimik.

“Am I bad person mom?” Tanong ni Chandra sa kanya nang makalabas na sila sa court room nayun.Patungo na sila sa harapan ng gusaling iyun kung saan nakaparada ang kotse nila.

“No,anak…wala kang kang kasalanan” pagpapakalma naman nya sa dalaga.

“But mom ako po yung dahilan kung bakit nakakulong si Ate Maria” she insist “Nangialam ako sa katotohanan ng pagbubuntis nya,naapektuhan si Uncle dad” humikbi ito at hindi napigilang mapaluha “Sakin po nagsimula ang lahat.Ako ang gumawa ng iksena kaya nagkagulo gulo.Patay na po si Tita Pasing.Si lolo naman po hindi na makagalaw dahil inatake sya.Tapos…si Ate Maria” agad nyang niyakap ang anak dahil hindi nito mapigilang ang pag-iyak.

“Nakulong sya mom” sambit nito sa balikat nya “Nakakulong sya dahil lumabas sya sa mansion,dahil hindi nya kinaya ang pangingialam ko.K-kaya sya nakapatay…”

Dahil sa huling narinig dito.Masuyo nya itong hinawakan sa pisngi at pinakalma ito.

“Makinig ka,Chandra” mariing sambit nya dito “Wala kang kasalanan.Si Maria,nakapatay sya.Pinatay nya ang taong nambaboy sa kanya.Kaya ngayon nakakulong sya.Nakaganti na sya,kaya ok na ang lahat”

“Pero hindi daw po sya ang pumatay” sambit ng dalaga “Wala daw po syang kasalanan”

Mariin syang umiling “May kasalanan o wala” sambit nya “Labas na tayong pakialam don.Wala na tayong kinalaman dun kaya magpapatuloy muli ang tahimik nating buhay. Ngayon,alagaan na muna natin ang uncle dad mo.Maliwanag? Manatili tayo sa tabi nya dahil kailangan nya tayo sa kabila ng mga nangyayari sa pamilya nya”

Pinakatitigan nya ang dalaga na unti unting tumungo. Kapagkuwan ay niyakap nya ito ng mahigpit.

“Nangyari na ang sumpa…”

Nasa ganong posisyon sila ng nang may magsalita sa kanilang likuran.

Natigilan sya.

Dahil dun kunot noo nya itong hinarap.

“A-ano pong sinabi nyo?” Tanong nya dito dahil hindi nya ito naintindihan.

Tumitig lang ito sa kanya habang inaayos ang itim na belo nitong nakasukbit sa katawan nito.

This old woman is creepy.Para itong matandang nanggaling saan mang liblib na bundok na basta nalang lumutang sa kanilang harapan.

“Babalik sya iha” sambit nito “Sya ang babaeng isinumpa ng babaeng walang mukha.Dahil sa kagandahan nya at sa inggit ng nakakarami,dadanas sya ng mga unos sa buhay”

“Ano po bang pinagsasabi nyo?” Muli nyang niyakap ang anak dahil hindi nya napigilang matakot dito.Sadya kasi itong nakakapangilabot tignan “Hindi ko po alam kung sinong tinutukoy mo.Hindi ka namin kilala manang,Im sorry po dahil hindi po kita maintindihan”

“Hindi mo kailangan intindihin iha” sambit nito sa kanya “Sigurado ako sa mga taong nilapitan ko,at kayo yun.Gusto ko lang kayong balaan sa mga mangyayari. Magiingat kayong magina, dahil may magbabalik upang maningil”

“S-sino po ba kayo?” Si Chandra na ang nagtanong.

“Kilala ako ni Maria Esther” sagot nito na muling binanggit ang pangalan ng dalaga “Sya ang ginawa kong reyna ng gabi sa fiesta. Binalaan ko na sya, sinabihan.Dapat nakinig sya sakin.Pero nawala nalang sya bigla.Hindi nya alam sa gabing iyun mangyayari ang simula ng pagbabago ng buhay nya.Ngayon, magtatapos na ito.Mawawala ang dapat mawala.Isisilang ang bagong henerasyon,at babalik sya dito.Maniningil sya.Sisingilin nya kayong lahat”

Hindi na nya napigilang kapitan ang anak sa pulsuhan at igawi ito sa kanilang sasakyan.

Hindi nya kinaya ang mga sinasabi ng matandang iyun na tila isang sumpa o ano man.

Kaya naman ng makapasok na sila sa sasakyan.Mabilis nya itong pinaandar at umuwi sa mansion.

Mabilis lang lumipas ang mga segundo,minuto at oras hanggang sa naging araw.

Kasabay nito ang hindi inaasahang pangyayari sa kanilang buhay.Hindi sya makapaniwala.

“Mom…” Ito ang agad na bungad ng anak na si Chandra ng makita nya itong pababa sa hagdan.

Umiiyak ito at ng makalapit sa kanya,mahigpit sya nitong niyakap.Alam nyang narinig nito ang lahat ng paguusap nila ng mga pulis.

Ibinalita ng mga may utoridad sa kanya ang isang kalulos lulos na pangyayari. Hindi nya ito kinaya kayat alam nyang hindi din kakayanin ng anak nya.

Lalong lalo na ng kapatid nya kung sakaling malaman nito ang nangyari sa pamilya nito.

“Totoo po ba?” Tanong ng kanyang anak “Wala na po ba si Ate Maria? Pero pano po? Hindi ba nakakulong sya? Paano sya nakarating sa Stio.Hangganan nayun?” Sunod sunod ang tanong nito habang humihikbi.

Pinatapang nya ang sarili at pinunasan ang mga luhang nasa pisngi ng anak.

“Nasunog sya sa pantalan anak” ani nya sa anak na kinalikahan ng mata nito “Ang sabi,tumakas lang daw si Maria sa hospital.Kaya naman siguro…hinabol sya ng batas.Hindi ko alam kung paano o sino ang gumawa sa kanya ng kalumos lumos na pagsunong.Pero yun ang nangyari”

“Ano na pong gagawin natin?” Tanong ng anak “Paano natin ito ipapaliwanag kay uncle dad?”

“Hindi ko alam” sagot nya “Mas inaalala ko ang pwedeng mangyari satin anak”

Saglit silang binalot ng katahimikan.Pero agad nya ding binasag ito ng maisip nya ang isang bagay.

Wala syang imik na magtungo sa sariling silid,tinawagan nya ang isang agency at doon. Nanghingi sya ng ilang mga tauhan para gawin ang binabalak nya.

“What are you doing mom?” Tanong ng anak matapos ang ilang minutong paghihintay sa mga pinatawag nya.

Alam nyang nagtataka ito sa anim na bagong katulong na ipinadala sa kanya ngayon.

“Who are they?” Tanong muli nito “bakit andami mong kinuhang katulong? Dalawa nalang tayo sa mansiong ito.Uuwi narin tayo sa manila so what is the meaning all of this?”

“Pupunoin ko ng tao ang bahay na ito” sambit nya “We need a lot of them. Masyadong malaki ang bahay,masyadong tahimik. Mas magandang lagi nakakakita ng may buhay sa bahay nato”

“Are you nuts mom?”

“What did you say?” Hindi nya nagustuhan ang inasal nito kung kayat sininghalan nya ito.“wag mo akong tatanungin ng ganyan Chandra!”

“Mom,hindi kita maintindihan”

“Kailangan natin sila” saad nya dito “Kailangan natin silang lahat para sa pagliligpit ng mga gamit nila pasing at Maria.Itapon natin,itago o sunugin what ever basta ayoko ng makita ang mga kagamitan nila dito”

“Hindi pa ba sapat?” Napatingin silang dalawa sa gawi ng hagdanan ng magsalita ang kilalang boses.

Bahagya syang natigilan, hindi dahil sa basta nalang ito sumulpot kung saan. Kundi sa itsura ng matanda.

May sugat ito sa pisngi na halatang hindi pa nalilinisan dahil sariwa pa ito.

“Kulang paba Maam Fresia?” Tiim na tanong muli nito “Sa lahat ng ginawa mo,naisipan mo pa talaga ang bagay nayan”

“Wala na silang dalawa” nagmamatapang nyang ani kahit ramdam nya ang kaba “Patay ni Pasing at si Maria”

“Kinuha mo na ang lahat sa kanila” sambit nito “wala ng natitira pero anlakas parin ng loob mo para hindi igalang ang natitirang alaala ng dalawang tinutukoy mo”

“Anong gusto mong gawin sa kagamitan ng mga yan?” Tanong nya “Ilagay ko sa museum para maalala ng lahat na isang araw ay nabuhay ang mahal na mahal nyong si Maria sa bayang ito”

Hindi sya nakapaghanda ng agad na lumapit sa kanya ang katulong na si Belen at pinakawalan sya nito ng malakas na sampal.

Nagulat at natigilan sya kung kayat papatulan nya na sana ito pero agad syang pinigilan ng anak.

“Walang hiya ka!” Singhal nya dito “Ang kapal ng mukha mo katulong ka lang dito! Wala kang karapatang maglabas pasok lang sa mansyon na to at sampalin ako ayun sa gusto mo!”

“Wala kang karapatang igalang Fresia” sambit nito na lalong ikinainis nya.

Kaya naman agad syang nagpabitiw sa pagkakakapit ng anak at agad na binalingan ang mga katulong sa baba.

“Kayong lahat” sambit nya mga ito.“Kunin nyo lahat lahat ang mga gamit ng magina sa dalawang kwartong ito.Wala kayong ititira kahit ni isa.Itapon nyo o sunugin nyo walang akong pakialam!”

Muli syang humarap sa matanda ng matapos syang magsalita.Kita nya ang namumugtong mata nito habang madilim na nakatitig sa kanya.

“Kung akala mo,mabubura ang alaala ni Maria Esther sa lahat ng ito nagkakamali ka” sambit nito “Babalik sya, babalikan nya kayong lahat at maniningil sya.Nanumpa sya sa huli nyang hininga at sinasabi ko sayo to.Hinding hindi sya matatahimik pagkatapos ng mga ginawa nyong lahat”

Natahimik sya.

Natigilan at tila nanlamig.

Hindi nya namalayang nakaalis na ito sa harap nya.Basta naramdaman nya nalang ang nanghihinang tuhod at pagdaloy ng anak sa kanya dahil napaupo na pala sya sahig.

Pumasok uli sa kanya ang isang alaala na sinabi din ng isang matanda.

Hindi mo kailangan intindihin iha“ sambit nito sa kanya “Sigurado ako sa mga taong nilapitan ko,at kayo yun.Gusto ko lang kayong balaan sa mga mangyayari.

Magiingat kayong magina,dahil may magbabalik upang maningil“

“MOM…MOM…mom,are you ok?” Isang malambing na boses ang nagpagising sa diwa nya.

Napakurap kurap na ibinaling nya ang pansin sa anak.

Dito nya nahunian nasa isang party sya.Maganda ang desenyo ng mansiong ito ngayon dahil ang anak ang nagdisensyo nito.

Kasama ang mga bisita nilang taga manila ay dinalaw sila ng mga ito upang i-celebrate ang kaarawan ng anak na si Chandra.

Its her therty five years of age but her daughter look so young on the that age.

Nakakatwang sa edad nito ay may kaartihan parin itong taglay at hindi pa ito kasal sa matagal na nitong kasintahan.

Napipiling ang ulo nya sa pagtataka dahil basta nalang bumalik sa kanyang ala ala ang lahat ng nangyari.Dahil dito nagsimula syang kabahan.

“Mom,you look terrible” ani pa nito “ano bang iniisip mo,were in the middle of this party.Bakit parang nakakita ka naman ng multo?”

Napabuga sya ng hininga bago ipalibot sa kabuuan ng mansion ang kanyang mata.

Its been eighteen years ago.Wala ng bahid ng takot ang mansyong ito dahil sa babaeng iyun.

Masigla ng tignan ang buong paligid dahil sa party na ginawa ng anak.

“Pumasok lang kasi ang masamang alaala anak” sagot nya.

“Kung sya parin po ang iniisip mo” sambit nito “Ipapaalala ko lang po sayo na labing walong taon na po ang nakalipas.Kung natatakot ka parin sa pagbabalik,e nagsasayang nalang po kayo ng oras.Sinisira nyo lang po ang saya ng gabing ito”

Huminga sya ng malalim. Pinilit ngitian ang anak. Sasagot na sana sya nang biglang nagsalita ang lalaki sa di kalayuan.

Ang guard nila ito na kakapasok lang sa loob habang may hingal sa paghinga.

“May nanggugulo po sa labas maam” saad nito ng mapadako ang tingin nito sa kanya.

Nakuha ang pansin ng lahat dahil sa guard na ito pero pinanitili nya ang pagkainis sa loob dahil sa medyong kahihiyaang iyun.

“Edi paalisin mo” si Chandra ang nagsalita “Ano bang silbi mong guard ka? Gumagawa ka ng iksensa sa party ko pa talaga”

“E mom,may kailangan daw po e” saad nito “anak daw sya ni Belen na dating katulong dito”

“Yung tomboy na gina nayun?” Sambit parin ng anak nya “Ano namang ginagawa nya dito”

“May ipapakita lang daw po sa inyo” sagot nito “importante lang po iyun dahil sigurado daw syang ito ang matagal nyo ng hinihintay na pagbabalik nya”

Napakunot noo sya at magsimulang kabahan dahil sa sinabi ng guwardya.

“Sinong nya?” Hindi na nya napigilang magtanong.

“Si Maria Esther daw po” sagot nito.

Nagkatinginan sila ng anak na kapwa din nagulat sa sinabi ng guwardya.

“Matagal ng patay si Maria Esther” saad ng anak “Nagiimbento lang ang tomboy na anak ng Belen nayun dahi-”

“Ako nagiembento?” Natigilan sa pagsasalita si Chandra at sabay sabay silang napabaling sa pintuan.

Biglang lumitaw dun ang may pagkagusgos na babae na alatang nagpumilit ito pumasok dahil sa kasalukuyan pa itong pinipigilan ng isa pang guwardya na nagbabantay sa gate.

“Lumabas kana dito lesbian” anas ni Chandra na halatang nahihiya na sa mga bisita.

Napansin nya lang na ngumisi ito bago nagpatuloy magsalita.

“Bakit? Natatakot ba kayong dalawa?” Maangas na saad nito “Akala nyo maiibsan ng parting ito ang mga ginawa nyo kay Maria?”

“Tumigil kana Gina” tiim na sambit nya.

Hindi na sya nakapagpigil dahil nakakagawa na sila ng iksena at pinapanood na sila ng mga bisitang naroon.

Ngumisi lang ang babaeng iyun at bumaling sa likuran.

“Esme!” Tawag nito sa isang pangalan.

Natigilan sya at napabaling sa nilalang na iyun na agad ding lumitaw sa likod ni Gina.

’Isang binatilyo?

Halatang bahagyang nagpupumiglas pa ito sa kamay ng pangatlong guard na nakahawak.

Halatang nasasaktan ang binata.

Kung kayat bahagyang inagaw ng Gina ang bulto ng nilalang nayun sa pagkakakapit ng guwardya.

Dahil sa hindi sinasadya,napalakas ang paghila ni Gina at doon,kitang kita nilang lahat natumba ang binata sa sahig.Sa mismong gitna nilang lahat kung kayat lahat ng mga matang naroon ay nakatuon sa binata.

Biglang bumilis ang tibok ng puso nya nang makabawi na sa pagkakatumba ang binata.

Bahagya na itong nagayos ng sarili at nagsimula ng tumayo.

Sa pagkakataong iyun,tila tinakasan sya ng kaluluwa dahil sa nakikita sa harapan nya.

Unti unti nagiging pamilyar sa mga mata nya ang bulto nito.

Kapagkuwan ay nagtama ang mga tingin nilang dalawa at hindi sya nagkakamali sa nakikita.

Kamukhang kamukha ito ng babaeng iyun.

Hulmang hulma ang pagkakahugis ng mukha nito na ditelyado nyang pinagmasdan sa mga huling sandali.

’S-she is he… Wala sa sarili nyang sambit ’M-Maria Esther?…

He is Maria Esther…

CHAPTER 43

“Nakikiramay po ako,a-ate Gina” sambit nya sa ginang na kasalukuyang nasa harap ng altar pinagmamasdan ang litrato ng pumanaw na matanda.

Simula ng mawalan na ito ng buhay,napagdesisyunan ng ginang na ipadala ang labi ng ina sa purinarya.

Alam na daw nitong mangyayari ang bagay nayun sa buhay ng kinilalang ina.Kaya kahit papano ay nakapag handa na ang ginang ng kahit konting ipon para sa pagke-cremate ng matanda.

Pero kahit siguro na alam na ng ginang na ito na mawawala sa kanya ang kinilalang ina,hindi parin ito handa.

Dun nya napatunayan na wala talagang handang tao sa isang kamatayan.

Kita nya ang lungkot nito nang umuwi sila muli sa bahay nito pagkatapos nilang maasikaso ang labi ng matanda.Kaya ngayon, para tuluyan na itong makapag pahinga.Taimtim nila itong dinasalan.

“Inaasahan ko na to kahit papano” sambit ng ginang na hindi ipinapahalatang malungkot ito.“Nagulat lang ako kasi parang kahapon lang.Nandyan kami sa labas ng bahay,nakatambay habang nagkwekwentuhan at nagtatawanan.Yun na pala ang huli”

Tila bahagyang kinurot ang puso nya sa sinabi nito “Im sorry po” buong simpatsyang sambit nya “Kung hindi po siguro sakin,baka magtatagal pa po sya.Baka po talagang nagulat sya sa pagdating ko” napabuga sya ng hininga “Baka po nagulat sya dahil sa mukha ko…dahil kamukhang kamukha ko yung dating inalagaan nya,si Maria Esther”

“Inaasahan ka na nya noon pa ano kaba” sambit nito na tila pinapaintindi sa kanya ang nangyari “Hindi ko alam kung magiging masaya ako kasi sa pagbalik mo,nakapagpahinga na sya.Kitang kita ko kasi yung hirap nya dati habang nandidito pa sya.Hindi ko nga alam kung bakit sa kabila ng mga nasaksihan ko sa kanya,hindi parin ako naniniwala sa mga multo o kahit ano pa mang super natural”

Napatingin sya sa ginang dahil sa naramdaman nyang angas nito.Kanina nya pa ito napapansin, malayo ang ginang sa mga babaeng pino at mahinhin kumilos.Kaya tila humahanga sya dito.

“Alam kong minsan,dinadalaw sya ni Maria Esther sa panaginip nya” sambit nito “tuwing magigising ako sa madaling araw.Nakasanayan ko nang silipin si Nanay sa sarili nitong kwarto.Doon,nakikita ko syang umiiyak.Binabanggit nya ang pangalan ni Maria.Minsan nga,nahuli ko pa syang yakap yakap ang litraro nung babaeng yun.Tapos ginising ko sya.Ang sabi nya lang sakin,kahit daw sa panaginip makasama nya lang ang dalaga ok na.Nagiging masaya na sya”

Hindi nya alam ang sasabihin sa ginang kung kayat nanatili lamang syang tahimik.

“Sobrang mahal na mahal nya si Maria,Esme” sambit nito “Ang sabi nya,kung nakaligtas lang ang dalaga sa sunog,sya ang tatayong ina nito.Ilalayo nya si Maria sa gulo ng Stio.Sampaguita. Sigurado ring susuportahan nya din ang pagmamahal nung Juanillo kay Maria para maging magasawa na ito at maging mga magulang sa anak ng dalaga” saglit itong humugot ng hininga bago magpatuloy “Pero nawala ang lahat ng yun dahil sa isang paghihiganti at inggit.Namatay si Maria…nasunog sa pantalan habang ang anak naman nito ay namatay din sa maliit na kubo.Parehas naghirap ang mag ina kaya siguro labis ang hinagpis ni Nanay sa lahat lahat ng bangungot nayun.Hindi nya matanggap na wala na ang mga ito.Pilit nyang sinasabi sakin na nakakausap nya daw si Maria sa panaginip.Nagpaparamdam daw ito sa kanya,hindi natatahimik, dahil hindi pa tapos ang laban nito”

Napansin nya atang nagpipigil ng luha ang ginang kung kayat masuyo nya itong hinawakan sa balikat bago ito nagpatuloy.

“Pero alam mo” sambit nito “Kagaya ng pagkatao ko,magkasalungat.Salungat din ang gusto ko” tumingin ito sa kanya at tipid na ngumiti “Sa isang banda.Nag te-thank you ako na nawala din ang mga naunang tao sa buhay ng nanay nanayan ko.Dahil siguro kung nabuhay man si Maria Esther.Hindi ako matatagpuan sa salansangan ni Nanay Belen.Baka hanggang ngayon,dakilang tomboy na ako sa daan,adik na at basta nalang nambubugbog” bahagya itong tumawa sa sarili nitong biro “Si Nanay ang dahil kung ano ako ngayon.Wala syang sinabi ng malaman nya ang kasarian ko.Hindi sya nanghusga kung isa akong tomboy.Pero dahil mahal ko sya,gusto kong maging proud sya sakin.Gusto kong maging disente ako sa harapan nya kung kayat nagpaka manang ako.Yun nalang ang kabayaran ng pagkupkop nya sakin.Ang makita nya ako kung paano ako inilikha ng dyos”

“Mabuting tao s-si nanay Belen” sambit nya,kapagkuwan ay napadako ang tingin sa litrato ng matanda “Sana mas nakilala ko pa sya”

“Tama ka” saad naman ng ginang “Sya ang taong hihilingin mong makasama sa buhay mo”

Saglit silang sinakop ng katahimikan at walang ginawa kundi pagmasdan ang litrato ng matanda.

Hindi nya mapigilang malungkot sa nangyari sa matanda.Sa isang banda ng isip nya,sinisisi nya ang sarili kung kayat tila may kahihiyan sya sa matanda.

“Ipag higanti mo sya Esme” basag ng ginang sa namuong katahimikan.Napatingin naman sya dahil dito bago ito nagpatuloy “Isa rin syang biktima ng mga hayop na taong yun.Dapat nilang pagbayaran ang lahat ng masasamang ginawa nila kay Maria,sa anak nito,lalong lalo na kay Nanay Belen”

Napahinga sya ng malalim at muling dumako ang tingin sa litrato ng matanda.

“A-ano bang gusto mong gawin ko?” Kapagkuwang tanong nya.

“Samahan mo ako” sambit ng ginang “Ipapakilala ko sayo ang mga taong dapat mong makilala noon pa.Ang mga Erschonen”

ILANG beses na silang pinigilan ng may tatlong guwardya sa mansiong pinuntahan nila ngunit tila matigas ang ginang.

Nakakagawa na sila ng iksena sa harap ng gate nayun pero kitang nyang desidido ang kanyang ate Gina upang makapasok sa loob.

May kalakasan ito,halatang laki sa kalye ang paguugali kung kayat kahit tatlo na ang nagbabantay na guwardya.Nagawa parin nitong lusutan at makapasok sa loob.

Nakakatakot at sobra ang kaba nya pero wala syang magawa kundi sundan ang ginang.

Kahit pa pinipigilan sila ng mga guwardya na iyun nagawa parin nilang makapasok sa mismong loob ng mansion.

“Lumabas kana dito lesbian!” rinig nyang anas ng isang babae na halatang nahihiya na sa mga bisita.

Sya rin,sobrana ang hiya sa mga bisita kung kaya pilit nyang ikinukubli ang sarili sa likod ng ginang sa harap nya.

“Bakit? Natatakot ba kayong dalawa?” Maangas na saad lang nito sa nagsalita “Akala nyo maiibsan ng party-ng ito ang mga ginawa nyo kay Maria?”

“Tumigil kana Gina” isang boses pa ang narinig nya mula sa di kalayuan.

Halatang nagiigting na ang panga nito dahil sa ginagawa nila ngayon.

Pinagtitinginan na sila ng mga bisita.Sa kamalas malasan ay may kasalukuyan pang pagdiriwang sa mansiong ito kung kayat mali sila ng timing sa pagpunta.

Sobrang nakaka kaba at nakakahiya.

Akala nya masisindak ang ginang sa pagalit na anas ng babaeng nagsalitang iyun.Ngunit ngumisi lang ito,at tsaka sya binalingan na ikinatigil naman nya.

“Esme!” Tawag nito sa kanya hindi nya alam ang gagawin.

Gusto nya nalang kainin ng lupa at maglaho kung kayat tinanggal nya ang pagkakakapit sa kanya ng guwardya.

Yun nga lang,akal nito ay manggugulo din sya kagay ng ginang kung kayat mas pinaghigpitan pa nito ang hawak sa braso nya.

Napansin siguro ito ng ginang kung kayat nagulat nalang sya at bigla syang inagaw sa gwardya na humahawak sa kanya.

Medyo malakas ito kung kayat hindi nya nabalanse ang sarili at natumba sya.

Sa kamalas malasan,sa gitna pa talaga sya natumba kung saan makikita ng lahat ng mga taong naroon.

Binalot na sya ng kaba,at hindi na alam ang gagawin.Kaya nang makabawi na sya sa pagkakatumba inayos nya ang sarili at pinilit itayo ang katawan mula sa sahig.

Sa pagkakataong ito,hindi nya sinasadyang napadako ang tingin sa mga kaharap nya.

At ganun nalang din ang gulat ng kanyang sarili ang gulat ng mga mata nito nang magtama ang mga tingin nila sa isat isa.

Napahawaka pa ang isang babaeng medyo bata ang edad sa isang ginang na napatakip pa ng bibig.

Hindi nya alam ang gagawin,hindi nya alam ang sasabihin kung kayat natigilan sya ng sabay pa ang mga ito ng binanggit.

“Maria Esther…”

Bahagya syang napaatras dahil sa kaba.

“N-nagbalik ka?” Pagpatuloy ng isang babae na medyo may edad na.“T-totoo nga,nagbalil ka…”

Sa takot sa mga tinuran nito,mariin syang napailing.

“H-hindi po ako si Maria Esther” ani nya “Im not Maria Esther”

“Pero paano?” Saad nito at napansin nyang tila nagiigting na ang panga nito “Paano ka naka balik? Patay kana! Patay kana Maira Esther!”

“Hindi po ako si Maria Esther” Nagkrak ang boses nya at nagngilid ang luha sa takot.Kita nya sa matandang iyun ang panlilisik ng mga mata “Hindi po ako ang tinutukoy nyo…hindi po ako si Maria Esther”

“Sinungaling!” Singhal nito kapagkuwan ay inisang hakbang lang nito ang pagitan nila bago sya sampaling ng malakas.

Napasinghap sya sakit at doon,tuluyan ng napaluha.

“Mom,stop!” Saad ng medyo batang babae at agad pinigilan ang matanda.“Mom,hes not Maria,anlayo po…isa syang batang lalaki”

Pagpapakalma pa nito sa matanda na mariin lang lumingo.

“No,Chandra” sambit nito habang napapaluha.Dito nya nakita ang takot na takot nitong mga tingin sa kanya na tila hindi makapaniwala.“Sya si Maria Esther…sya si Maria,nagbalil sya.Binalikan nya tayo”

“Mom listen-”

“No!,nagbalik sya” pigil pa nito sa iba pang sasabihin ng Chandra,kita nya na dito na tila natataranta na ito “Nagbalik sya! Binalikan nya tayo”

Wala syang masabi o magawa.Tuluyan na syang kinain ng takot kung kayat napatakip pa sya sa kanyang bibig habang mariing napapailig.

“Umalis kana dito!” Singhal pa sa kanya ng matanda “Umalis kana sa bayan nato manahimik kana Maria! matagal na kaming maayos simula ng nawala ka…Kaya umalis kana”

Hindi nya alam kung bakit hindi sya makagalaw sa pwesto.Siguro ay sa sobrang takot sa mga nangyayari.

Hindi nya alam na ganto pala katindi ang galit at takot na dinadalang pangalan ni Maria.

Wala syang maramdaman,kundi ang panginginig sa mga nangyari.

Namalayan nya nalang na hawak na syang muli sa braso at tila papel lang syang dinadala papalabas ng mansion iyun kasama ang ginang na si Gina.

“Wag na wag ka ng babalik dito!” Saad ng isang babae na Chandra ang pangalan na sumunod sa mga guwardyang kaladladin sya sa labas.

Parang silang mga basura kung itapon mula sa maduming lupa sa harap ng mansiong iyun.Itinapon dahil kahit nairecycle na,sinusuka parin ng may ari.

“Wag mo ng gugulohin ang pamilya ko kung sino kaman o kahit si Maria ka man” saad pa nito “Matagal ka ng patay kaya kahit magtago kadyan sa katawan ng batang lalaki nayan.Hindi hindi mo na mababawi ang lahat saamin!”

“Hindi sya pumarito para bawiin kung ano man ang inagaw nyo” si Gina ang sumagot habang itinatayo sya mula sa pagkakatumba “Sasabihin ko sa inyo kagaya ng sinabi saakin ni Nanay Belen.Babalik si Maria hindi para maningil ng utang…kundi sisingilan nya ang mga buhay nyo!”

“Manahimik kana!” Singhal muli ng Chandra “Umalis na kayo dito,umalis na kayo mga hampas lupa!”

Napansin nyang aambahan na sana ni Gina ang babaeng iyun ngunit agad nya itong napigilan.

Sa sandaling iyun,tila naginit ang ulo nya dahil sa huli nitong mga sinabi.Sa buong buhay nya,ngayon lang sya sinabihang ng ganong salita.

“Ikaw ang manahimik” biglang tiim na saad nya,tila naramdaman nya agad ang pagbabago ng ugali nya “Sa lahat ng mga ginawa nyo o kahit sabihin nyong inosente kayo.Kung wala kayong ginawa kay Maria Esther hindi kayo matatakot ng ganya”

Napansin nya bahagyang nagulat ang Chandra dahil sa inasal nya kung kayat nagpatuloy lang sya.

“Kagaya ng sinabi ni ate Gina at ni nanay Belen” sambit nya “babalik sya.Babalikan nya kayo lahat”

“AYOS KA lang ba?” Isang tanong ng ginang nang makauwi na sila sa bahay nito.

Wala syang imik,hindi nya alam ang sasabihin.Tila ang katawan nya hindi pa nakakapagadjust sa mga nangyari.

“Pasensya kana kung ngayon pa kita pinilit na magpunta sa mansiong yun” sambit pa nito “Sobrang sama lang talaga ng loob ko.Tingin ko kasi ito ang tamang pagkakataon para magpakita ka sa mga Erschonen.Sa kabila ng mga ginawa nila,nakuha pa nilang makapagparty sa mismong mansion kung saan namalagi si Maria” napabuga ito ng hininga “Kung nandidito lang si Nanay Belen.Hindi nya rin matatanggap ang mga kawalang hiyaan nila”

“Ano bang nagawa ni Maria sa kanila?” Kapagkuwang tanong nya “bakit ganun nalang ang galit at takot nila kay Maria? Naging masamang tao ba talaga sya”

Saglit na nagisip ang ginang sa tanong nya bago ito nagsalita.

“Hindi ko sya nakilala noon” sambit nito “Nakilala ko sya,base sa mga kwento ni nanay Belen. Mabuting tao ang babaeng yun.Pero siguro,pagmabuti ka.Mas masasaktan ka.Mas lolokohin ka nila.Kaya siguro nangyari kay Maria ang lahat ng to,dahil kinaya lang syang lokohin ng mga taong nakapaligid sa kanya.Kaya ngayon,babalik sya…maninigil sya”

“Pumunta lang ako dito para malaman ko kung sino ang totoo kong pagkatao” sambit nyang muli “Sa lugar na daw na to makikita ko ang mga magulang ko.Sabi sakin ni tita Minette.Yung babaeng itinuring ako na isang anak,na nagpalaki sakin.Sabi nya,hanapin ko daw ang mga Erschonen kasi sila ang makakapagsabi ng totoo.” Saglit syang napabuga ng hininga

“pero mukhang wala naman silang alam e…hindi nila ako kilala.Mas nakita pa nila si Maria kaysa sakin”

Pinakatitigan sya ng ginang na tila kinikilatis syang mabuti.

“H-hindi kaya nakagligtas ka?” Kapagkuwan saad nito sa kanya na ikinakunot lang ng kanyang noo.“Hindi kaya,nakaligtas ka sa sunog nayun?” Napabuga ito ng malalim “Pero imposible e,ang sabi sakin ni Nanay Belen.Wala ng natira sa sunog.Pati yung buong kubo hindi nila pinalampas”

“Ano bang sinasabi mo?” Hindi nya napigilang magtanong.

Tila natauhan naman ang ginang sa mga sinabi nito kung kayat agad itong umayos.“Wala,wag mokong pansinin” sambit nalang nito kasya bumaling sa isang pinto malapit sa sala “Sya nga pala Esme,kung sakaling hindi ka kumportable na sa sofa matulog,p-pwede mong tulugan na muna ang kwartong ito”

Bumaling sya sa tinuran ng ginang.

“Kay nanay Belen yan” sambit nito “Alam kong kung hindi sya nawala ngayon,at miss na miss nya na si Maria na nakikita nya sayo.Dyan ka nya patutulogin.Magkatabi kayong dalawa”

“Magiging ok lang ba sa kanya?” Tanong nya dito.

Tumingin lang sa kanya ang ginang at matipid syang nginitian.

“Oo naman” sagot nito “Magiging ok sa kanya”

Hindi na sya umimik ng tumuloy na ang ginang mula sa isang katabing silid.

Saglit syang napatitig sa pintong iyun at ilang segundong kinilatis ito.Hindi nya maintindihan ang sarili dahil tila kinakabahan sya ng kung ano.

Pinilit lang nyang iwaglit sa isipan ang kabang iyun at piniling humakbang patungo sa silid na nasa harap nya.

Nang makapasok na sya,isinara nya ang pinto at doon namayani ang katahimikan.

Dala ng tahimik na gabi,tahimik din ang may kaliitang silid na iyun.Dito,pinagmasdan nya ang iniwang gamit ng matanda.

Maayos ito at malinis.Halatang maisinop ang huling taong tumira dito.

Subalit sa paglikot ng kanyang mga mata.Hindi nakatakas sa kanyang paningin ang isang lumang larawan.

Hindi nya alam pero sa pagkakataong yun.Nang sandaling mapadako ang tingin sa larawan,sumabay ang malamig na simoy ng gabi na humawi sa manipis na kurtina na nasa bintana.

Dahil dun,pumasok ang hibla ng sikat ng buwan sa loob at sumakto sa larawang nakasabit sa dingding ang liwanag na iyun.

Kinalibutan sya,bahagyang kinabahan dahil sa unang pagkakataon tila sinasagot ng larawang ang lahat ng kanyang katanungan.

Sa unang pagkakataon,dito nya nasilayan ang isang lumang larawan.

Larawan ng isang babae na masasabing kamukhang kamukha nya.

Ang mga tanong nya sa isipan kung bakit sya pinagkakamalang si Maria Esther ay itinuturo ng sinag ng buwan na binigyan liwanag ang lumang larawan na nakasabit sa ding ding.

Kinabahan sya,pero nanubig ang mga mata.Parang sya ang nasa larawan.Parang sya ang babaeng may tipid na ngiti at mapupungay na mata sa larawang iyun.

Kay ganda nito…

Mala anghel ang mukha at may purselana ang kutis.

’Maria Esther… Wala sa sarili nyang banggit ’ A-ako si Maria Esther…

Kasabay ng bulong nya sa sarili ang paglakas pa ng hangin at paglamig ng paligid.

Nagulat sya dahil agad na kumalampag ng malakas ang pinto at nagbukas ito.

Nanlalaki ang mga matang napadako sa gawi noon…at doon,nagsimula syang kilabutan.

Pakiramdam nya nakalutang sya,tila may kung ano sa dibdib nya ang gustong pumasok.

Kinakain ng kaba at pagkagulat unti unting nawalan sya ng malay.

’Tulungan mo ko Esme…

Ikaw si Maria Esther…maging ikaw si Maria Esther…

Hindi ako si Maria Esther…Im not Maria Esther…

Tulungan mo ko Esme…

Ikaw si Maria Esther…maging ikaw si Maria Esther…

Tigilan mo na ako…Im not Maria Esther I dont want to be Maria Esther…

Sa isang iglap,tila wala sya sarili.

Nagpapadala lamang sya sa daloy ng malamig na hangin.

Dama nya ang malamig na lupa na inaapakan nya.

Nakapaa sya,wala sa sarili habang papalabas ng bahay.

Hindi nya alam pero tila isang direksyon lang ang tinatahak nya.

Patungo sa isa isang mansyon,kagaya ng daan na tinahak nila kanina.

Patungo sya sa mga Erschonen…

Tulungan moko Esme…

Ikaw si Maria Esther…maging ikaw si Maria Esther…

Ipag higanti mo ako…maghiganti tayo…

Singilin nating silang lahat hindi ng utang…kundi ng buhay…

CHAPTER 44

AN: Last 3 chapts guys!.Hope di kayo mabitin hehe.Love you!

Napaluhod habang hindi makapaniwala sa mga nakita.Wala syang pakialam sa mga bisitang naroon.

Dire diretsyong bumagsak ang mga luha nya sa pisngi.

Naramdaman nya din ang panginginig ng katawan dahil sa takot.

Hindi sya makalapaniwala.

’ Ang mukhang yun… She mumbled ’Ang mukhang yun,hindi ako nagkakamali.Hindi ko makakalimutan ang bawat ditalye ng mukhang yun.

Kamukhang kamukha nya si Maria Esther.Sya si Maria Esther.

“Everyone!” Tawag sa pansin ng lahat ni Chandra. Kakapasok lang ulit nito sa pinto na hindi maitago ang pagkainis at bahagyang pagkagulat sa mga nangyari. Kasama itong naghatid palabas sa binatang iyun.

Yung taong sumira sa gabi nya…gabi nilang dalawa ng kanyang anak.

Napabaling sya dito na ganun parin ang posisyon nya.Lugmok sa sahig at tuloy ang pagluha ng mga mata.

“Pleas,everyone.Pasensya na sa inyong lahat.But this party is already done” sambit pa nito “Tapos na po ang party,p-pwede na po kayong magsiuwi”

Narinig nyang nagbulong bulongan ang lahat.Pero hindi na ito pinansin pa ng anak at agad na syang dinaluyan upang itayo.

Halata ang pagkabahala nito sa mukha kung kayat sumunod lamang sya dito nang alalayan sya patungo sa taas sa kwarto nya.

Nang makarating na sila sa loob,dito nya ibinuhos ang mga luha habang nakayakap sa kanya ang anak.

Walang sawa itong inalalayan sya hanggang sya na ang kusang huminahon at inayos ang sarili.

“Bumalik sya anak” sambit nya dito “Binalikan nya tayong lahat.Totoo ang sinasabi nya,bumalik sya para maningil”

“Hindi sya si Maria Esther” sambit ng anak na bahagya parin syang pinapatahan “Batang lalaki lang yun.Ni hindi natin sya kilala,ni hindi natin alam kung san ba sya nanggaling.Ngayon lang natin sya nakita.Wag mong ikatakot ang pipityuging nilalang nayun”

“Pero kamukhang kamukha nya si Maria” ani nya “Paano kung sya talaga yung babaeng yun,paano kung nagibang tao sya.O nabubuhay lang sa katawan ng iba? Anong gagawin natin kung balikan nya tayo dito…baka patayin nya tayo”

Kita nya ang awa ng kanyang anak sa itsura nya.Hindi nya maitago ang pagkabalisa.

Hindi nya na alam ang gagawin.

“Hindi mangyayari yun mom” sambit nito “Nandito ako,at sisiguraduhin ko kung magawa nya man ang bagay nayun ay dadaan na muna sya sakin”

Napapaluha man ay muli nyang binalikan ang insidenseng yun.Sa alaala muli nyang pinagmasdan ang mukha ng binata.

Oo ngat hindi nya maitatangging kamukhang kamukha ito ni Maria Esther.Ngunit napakainosente nitong tignan.Kagaya ng babaeng yun,mala anghel ang mukha nito at may mapupungay din itong mga mata.

’Masama ba syang tao… tanong nya sa isipan ’magagawa nya bang pumatay para maghiganti? Sino kaba talaga bata? Anong kinalaman mo sa pagkatao ng babaeng yun? Bakit kamukhang kamukha ka nya?

“Kilalanin natin sya anak” kapagkuwan sambit nya sa anak dahilan para matigilan ito.

“Ano po sinabi nyo?” Tanong naman nito.

“Kilalanin natin sya” paguulit nya “alamin natin kung sino ba talaga sya? San sya nanggaling? Bakit nakikita natin sa kanya ang pagkatao ng babaeng yun?”

Nakita nyang napaisip ang anak dahil sa mga sinabi nya.Napatingin pa ito sa kawalan na tila pina-process ang gusto nitong maalala.

“Y-yung anak po ni Ate Maria?” Kapagkuwang sambit nito “Nasan na po ba ang bata?”

Hindi sya umimik.Gaya ng dalaga napaisip din sya.

“Hindi po ba buntis si ate Maria?” Saad pa nito “Nakapanganak na po ba sya nung buwang mamatay sya? O,kasama nya ding mawala ang batang yun?”

“Kamukha kamukha nya si Maria” saad na nya “Imposibleng may isang tao sa mundo na kamukhang kamukha pero hindi mo sya kamag-anak”

“Wala tayong nabalitaan tungkol sa anak nya mom” saad ng dalaga.“Hindi rin natin nabalitaang may kasama itong mamatay sa sunog”

Napabuga sya hininga habang iniisip ang isang bagay.

“Tama ka nga anak” sambit nya “Hindi sya si Maria Esther,kundi…sya ang nawawalanag anak ni Maria Esther”

Agad syang napabangon sa gilid ng kamang kinauupuan.Tila wala sya sa sariling kinuha ang telepeno sa isang stante.

Sa gantong pagkakataon, isang tao lamang ang makakapagpapaliwanag ng lahat.

“Sino pong tatawagan nyo?” Rinig nyang tanong ng anak ng nasa tenga nya na ang telepono.

Saglit syang tumingin dito bago sumagot.

“Si Kiko at Minette” sagot nya “Sila ang nakakaalam ng totoo.Sila ang dapat magpaliwang ng lahat ng katotohan”

ILANG segundo na nyang tinititigan ang telepono na kanina pa tumutunog.

Isang numero ang hindi nya kilalang tumatawag sa kanya.Hindi na nya natatandaan ang huling taong tumawag sa kanya para paalalahanan sya sa lahat.

Kagaya ng numerong ito,nararamdaman nya din dito ang kakaibang kaba.Hindi sya mapalagay na halos hindi nya na mahawakan ang sariling telepono para alamin kung sino ang tumatawag.

Nababahala sya kahit may isang desisyon nang nabuo sa isip nya.

“Sabihin na natin kay Esme ang lahat,ang totoo” sambit nito sa kanya “Sabihin na natin na ang totoo nyang mga magulang ay si Sebyo…at si Maria”

Bigla syang napahawak sa sentido ng biglang pumasok sa alala ang sinabi ni Minette ng nakaraang araw nayun.

Ano nga ba kasi ang magiging desisyon nya.

Alam nyang sa mga pagkakataong iyun,hindi dito natatapos ang lahat.

May kabayaran ang mga ginawa nya.

Kailangan nyang pagdusahan ang nagawa nyang pagkitil sa isang buhay.

Hindi sya makaniwala na dahil lang sa pagmamahal sa lalaking iyun.Hahantong sa ganun ang lahat.

’Bakit mahal kita Sebyo? Tanong nya sa isipan ’bakit handa akong maging kriminal para lang sa pagmamahal ko sayo? Bakit sa lahat ng mga ginawa ko,hindi mo ko kayang mahalin pabalik.

Hindi nya namalayang nagtuloy tuloy na ang luha nya sa pisngi.

Napasubsob sya sa dalawang palad habang hindi mapiligilan ang paghikbi dahil sa sakit.

’Pinatay ko na sya… sambit nyang muli sa isipan ’nakaganti na ako sa pang aagaw nya sayo sakin.Pero baki ganun? Hindi parin ako masaya…minumulto parin nya ako mula sa nakaraan.Bakit hindi sya matahimik

Muli syang nagising sa kanyang diwa ng marinig uli ang tunog ng telepono.

Nagiigting ang panga nyang hinawakan ito upang sana ibato nang makita na nya sa screen ang isang txt message.

Natigilan sya at wala sa sariling binuksan ang mensaheng iyun.

Sa pagbabasa,dito sya tuloyan nanlumo.

Txt message from: [Wag mokong subukang takasan kiko.Alam ko ang totoo.Wag mo akong taguan dahil kahit isa pang labing walong taon ang lumipas hinding hindi mo maitatago ang katotohanan.] Basa nya sa unang minsahe [Bumalik na sya rito sa Stio. Sampaguita at alam kong maghahanap na sya ng katotohanan.Kamukhang kamukhang sya ni Maria, hindi mo maitatanggi sakin kung sino sya.Magsabi ka sakin ng totoo Kiko,paano namatay si Maria? Sino ang pumatay sa kanya? Paano napunta sayo ang bata? Sagutin mo ako kundi sasabog sa lahat ang katotohanang ginawa mo sa pamilya nya.Malalaman nya kung sino kaba talaga,at kung gaano ka kasamang tao]

Pagkatapos na pagkatapos nyang basahin ang mensahing iyon ay agad na tumunog ang telepono.

Dahil hawak nya ito,ay wala syang magagawa kundi sagutin ang tawag.

“Fresia” tiim na sambit nya ng mailagay sa tenga ang telepono.“ano bang kailangan mo?”

“Ikaw ang may kailangan saakin”   sambit naman ng nasa kabilang linya “Kailangan mong sabihin saakin ang lahat kung ayaw mong lumabas ang bahong itinatago mo”

“Tumigil kana”  tiim na sambit nyang muli “Tapos na ako,nananahimik na ako,kaya manahimik kana rin.Umalis na ako sa lugar nayan.Matagal ko ng iniwan ang nakaraan”

Narinig nyang tumawa ang tao sa kabilang linya bago ito sumagot “Hinding hindi mo matatakasan ang nakaraan kiko”   sambit nito “Sabihin mo sakin,paano mo natiis na makasama ang batang yun gayong kamukhang kamukha sya ng karibal mo kay Sebyo? Sino ba talaga sya huh? Sya ang bunga ng kataksilan nila sayo,nabubuhay ang anak ng nakaraan.Ngayon bumalik sya dito upang alamin ang katotohanan”   narinig nya bumuga ng hininga ang kausap bago ito nag patuloy.

“Sa mga susunod na araw,o baka ngayong gabi…hindi lang ata ang katotohanan ang gusto nyang makuha” pagpapatuloy nito “Maniningil sya kiko,sisingilin nya tayong lahat sa kabila ng mga ginawa natin”

“Manahimik kana!” Singhal nya dito.Biglang syang binalot ng kaba at takot dahil sa mga narinig sa matanda “Subukan nya,makikita nya talaga kung sino ang kinakalaban nya”

Saglit namayani ang katahimikan sa kabilang linya kung kaya ipinagtaka nya ito.

Hindi sya mapalagay dahil patuloy ang kabang nararamdaman sa kanyang dibdib.

“Sa tingin mo hahayaan kita?” Kapagkuwan tanong ng matanda na ikinatigil nya “Hindi ko na hahayaang masaktan mo pa ang isa sa pamilya ko.Apo ko sya Kiko,at hindi ko hahayaang maulit ang nakaraan.Ikaw ang pumatay kay Maria at hindi ko hahayaang gawin mo din yun sa apo ko”

“Plastic ka” tiim na sambit nya.

“Plastik? Hindi kiko” saad naman nito “nakukunsensya oo,alam ko kung sino ang batang yun.At nanalantay sa dugo nun ang pagiging isang Erschonen.Im so sorry Kiko,pero sasabihin ko na ang lahat ng katotohanan sa kanya.Maghanda kana dahil ikaw naman ang mabubulok sa kulungan”

Tila tuluyan na syang tinakasan ng kaluluwa nang bigla nyang maitapon ang telepono sa dingding.

Kitang kita nyang kung paano ito kumalas at mawasak.Ganun sya ngayon.

Tila kumalas ang katawan nya sa maliliit na parte.

Tila nawasak ang mundo nya dahil sa mga narinig.

Hindi sya makapaniwalang sa ganto hahantong lahat.Kaya naman sa tila takot kanina na naramdaman.

Napalitan ito ng galit…

Galit na ngayon nya lang ulit naramdaman pagkatapos ng labing walong taon.

At hindi maganda kapag nararamdaman nya ang bagay nayun.

“A-anong nangyari dito?” Tanong ni Minette ng pumasok ito sa kanyang silid “Bakit Kiko? Anong nangyari sa cellphone mo”

Nagdidilim ang kanyang paningin ng tignan nya ang ginang.

“Umabot na ako sa dulo ng pisi ko Minette” tiim na sambit nya “Ito ang ayokong mangyari.Ang mawalan ako ng pagpipilian”

“Ano bang ibig mong sabihin?” Tanong nito.

“Humanda sya” sambit nya “Humanda silang lahat”

“SIGURADO kana po ba sa gagawin nyo mom?” Tanong sa kanya ng anak.

“Sigurado na ako” sagot naman nya “Kalahati na ng buhay ko,nabuhay sa takot at pagaalala.Sawa na ako,pagod na ako”

Tahimik ang anak na yakapin sya mula sa likuran bago sya nagpatuloy.

“Totoo ang konsensya” saad nya “At nararanasan ko yun ngayon.Madame akong katotohanang dapat sabihin.Alam ko,bumalik ang batang yun para sa katotohanan lang.Kaya para makabawi man lang sa pamangkin ko,sasabihin ko na sa kanya ang totoo” saglit nyang tinignan ang anak ng maisip ang isang bagay “tutulongan natin ang apo ko.Ang pamangkin mo anak”

“Ipa DNA po natin sya mom” saad nito “kung isa nga syang Erschonen he deserve to be with us.Ang hirap na sa ilang taon habang nakikita ko si Uncle dad hindi ko syang magawang pasiyahin.Kahit bigyan pa namin sya ng apo ng boyfriend ko,hindi hindi sya magiging masaya.Ang binata lang nayun ang tanging makakapagpasaya sa kanya”

Hindi nya napigilang mapaluha dahil sa mga narealize.Kamag anak nila si Maria Esther.

Kadugo at kaisa. Ngayon,nahanap nanila ang nawawalang anak nito.

Isa lang ang nasa isip nya.Ang humingi ng kapatawaran at ikalawang pagkakataon.

“Aalagaan natin sya huh?” Naluluhang sambit nya “Ilalayo natin sya sa kapahamakan.Gawin natin yun para kay Maria…para kay Pasing,at sa pamilya natin”

Binalot sila ng katahimikan. Nakatingin lang sila sa glass door ng balkunahe dito mismo sa loob ng kwarto nya.Tanaw nila ang labas. Dama nila ang simoy ng hangin na pumapasok sa loob dahil bahagyang nakabukas ang glass door patungo doon.

Nakaramdam sila ng kaunting kapayapaan.

“Matulog na tayo mom…” Kapagkuwang sambit ng anak at bumitaw ito sa pagkakayakap sa kanya.

Hindi nya alam kung bakit gusto nyang pagmasdan ang mukha ng anak.

Basta bumaling na lamang dito at nakangiti nya itong pinagmasdan.

“Mahal na mahal kita Chandra” sambit nya “Wag mong pababayaan ang sarili mo huh”

“Mom,para ka naman pong magpapaalam nyan” kunot noo naman sambit ng anak “Matutulog lang po tayo,nasa iisang mansyon lang tayo kaya magkikita pa tayo bukas”

Hindi nya tinanggal ang ngiti sa labi ng masuyo nya itong yakapin.

“Good night anak” sambit nya na agad ding tinugunan nito.

“Goodnight din po mom,I love you po”

Yun lang ang huli nyang narinig sa anak bago ito lumabas sa kanyang silid.

Nang magisa nalang sya sa silid nayun.Binalot na sya ng katahimikan.Nagpadagdaga sa naramdaman nyang kapayapaan ang madilim na kawartong iyun bago sya humiga sa kama.

Nasa kisame ang paningin,unti unting bumigat ang talukap ng kanyang mata.

Ilang segundo nakalipas bago nya namalayang tulog na ang sarili.

‘Mga hayop kayo! Mga walang hiya!…wala akong kasalanan.Wala akong ginagawang masama! Hindi ako masamang tao…hindi ko kayang pumatay!’

Sumilay sa kanya ang malamig na hangin ng marinig nya ang mga salitang iyun.

Kinabahan sya,punong puno kasi ito ng galit.

‘Sinira nyo ako!…sinira nyo ang pamilya ko!…wala na sakin ang lahat.Kinuha nyo ang lahat sakin…wala nang natitira!…’

Nagpatuloy ang sigaw.

Pero maya maya lang, nakaramdam sya ng isang kaluskos mula sa kanyang likuran.

Kinabahan sya,natakot.Kung kayat utomatik para sa kanya ang tumakbo.

Hindi nya alam kung san sya tutungo pero muli nyang narinig ang hinagpis na sigaw nayun.

’Isinusumpa ko! Babalik ako sa baryo na ito! Babalikan ko kayong lahat! Maniningil ako!…iisa isahin ko kayo! Luluhod kayo sa harap ko at magmamakaawa.Pero huli na ang lahat! Dahil sa pagbabalik ko! Ipinapangako ko! Magsisisi kayo! Gaganti ako! Itutumba kayo! Ako si Maria Esther…at babalik ako para maningil hindi ng utang…kundi ng buhay!…arghhhhhhhhhhh

Dito sya tuluyang kinain ng kaba,habang pabilis ng pabilis ang pagtakbo.

Palakas na palakas din ang kaluskos.

Bahala na kung san sya dalhin ng mga paa,pero kusang tumigil ito sa isang pantalan.

’Isang pantalan? Paano ako napunta dito?

Nasa dulo na sya nun.Tanaw nya na ang dagat at wala na syang matatakbuhan pa.

Kayat utomatik sa kanya ang umatras para sana bumalik.

Pero nang humarap na sya sa bukana ng pantalong iyun.Kusang nanlaki ang kanyang mga mata.

Binabalot na ito ng apoy,malaking malaking apoy at patungo ito sa kanya.

Hindi na nya alam ang gagawin,hindi na nya alam kung san tatakbo kayat humarap sya muli sa dulo ng pantalan.

Balak nyang tumalon sa dagat ngunit muli syang natigilan.

May babae,nakapulang damit.Umiiyak,tila nanghihingi din ng tulong.

Wala syang maisip gawin kung kayat hinawakan nya ito sa balikat.

Pero ganun nalang ang gulat nya ng humarap ito.

Wala itong mukha,walang kahit ano sa mukha nito.Dahil sa pagkagulat napaatras sya.

Pero sa pagkakataong iyun.Huli na,dahil sinakop na sya ng apoy sa likod nya.

Nasunog na sya.

“Tulong! Tulong!” Wala sa sarili nyang sigaw.

Tila utomatik sa katawan nya ang mapabalikwas sa kama ng maramdaman ang init nayun.

’Sunog? Tanong nya sa isipan bago ilibot ang paningin sa paligid.

’Panaginip lang pala.

Nandito parin sya sa kanyang higaan.Nasa kama habang balot na balot ng kumot kung kayat mainit ang kanyang nararamdaman.

Napahawak sya sa dibdib,at inayos ang sarili.

Napahinga sya ng malalim bago sya muling magdisisyong humiga.

Pero bago nya pa magawa yun.Hindi nakatakas sa kanyang paningin ang isang bulto.

Kunot noo syang napabaling sa kurtina na nakasabit sa glass door ng balkunahe.Pero natigilan sya ng walang makita dito.

Nakaramdam sya ng kaba kung kayat napabuga muli ng hininga.

Sa pagkakataon iyun,napagdisisyunan nya ng tumayo.

Hindi maganda ang kutob nya kung kayat napaisip syang buksan ang ilaw.

Pero nang aakmang pipindutin na nya ang switch.Tila may nasagip muling pigura ng tao ang gilid ng kanyang mata.

“S-sino ka?” Hindi na nya napigilang tanong kahit wala naman syang nakita doon.

Bahagya nya pang pinagmasid ang paningin sa paligid pero wala syang nakita kung kayat natawa sya sarili.

Napapailing ay inabot nya ng muli ang switch at aakmang bubuksan na nya ito ay dito na sya natigilan.

Biglang may tumakip sa kanyang bibig at doon hinila sya sa kanyang pwesto.

Gulat na gulat ay pumalag sya sa pagkakakapit nito sa kanya.

Hindi nya alam kung sino iyun pero sadyang kinabahan sya.Hindi nya alam ang gagawin at sino ang hihingan ng tulong.

Gusto nyang sumigaw pero tuloyan na syang natumba sa sahig.

Dito nya nakita ang bulto ng taong iyun.Isa itong lalaki pero hindi nya makilala dahil sa nanlalabong mga mata.

Nakita nyang pumaibabaw ito sa kanya na lalo nyang kinakaba dahil may hawak na itong lubid.

Nagtatanong ang isip at natatakot sinagot sya ng nilalang nayun.

“Magpaalam kana sa gabing ito…tita Fresia” sambit nito “Dahil nagsisimula palang ako,nagbabalik ako upang maningil.Hindi ako papayag na isang matanda lang ang sisira ng lahat…rest in piece,Fresia Erschonen”

Yun lang ang mga huli nyang narinig nang namalayan nya nalang na nasa itaas na sya.

Kita nya ang ibaba,at ang kumikiwal na paa dahil sa pagsikip ng kanyang leeg.

Pilit nyang inaalis ang lubid sa leeg na nakapolupot sa kanya.

Unti unti na syang nawawalan nanghininga. Nasasakal na sya habang ang pigura ng nilalang nayun ay nakatangang nanunuod lang sa kanya habang nawawalan na sya ng buhay.

’M-Maria Esther?….

Huli nyang sambit bago magdilim ang kanyang paningin at maramdaman ang pagtigil ng pagtibok ng kanyang puso.

CHAPTER 45

Happy reading 💕

Hindi alam ni Chandra kung bakit punong puno ng luha ang pisngi nya ng magising sya isang umaga.

Nagtataka man kung bakit ay pinunasan nya nalang ito.

Nakakatwang hindi lang pala laway ang tumutulo sa pagtulog.Kundi mga luha rin.

Napapahikab tinignan nya ang may kalakihang bintana.

Dito nanggagaling ang liwanag. Kay aliwalas ng kanyang silid na tila bagay na bagay sa magandang umaga pag gising nya.

Kaya naman bumangon na sya sa higaan at mas binuksan pa ng mas malaki ang kurtina sa bintanang iyun.

Nangingiting pinagmasdan nya ang labas.Napakalawak ng baryo.

Isang magandang lugar at tahimik na mamamayan.

Naisip nya kung hindi nga lang nangyari ang sabisabi na sumpa ng bababeng walang mukha.

At kung hindi nangyari ang insidente ni Maria sa pantalang iyun.Tuluyang tahimik ang bayang ito.

Wala sanang nabubuhay na kababalaghan.Malayo sa ganda ng bayang ito ang nakakatakot na kwento ng matatanda.

Wala sya sa sariling napahawak sa kanyang tiyan.Tila may kinakapa syang bagay doon na nagbibigay sa kanya ng kakaibang ligaya.

’Gusto ko ding makita mo ang ganda ng lugar na to anak saad nya na ang bata ang tinutukoy ’kung sakaling dun na tayo titira sa states kasama ang daddy mo.Kahit pa may banta ng kalokohang sumpa ang bayang ito.

Babalik ako dito kasama ka.Dapat mong makita ang ganda ng bayang ito kahit punong puno ito ng misteryo.

Napabuga sya ng hangin.Mas lalong lumawak ang ngiti nya nung maalala ang araw nayun.

Bago kasi sya mag diwang ng kaarawan.Nakakaramdam na sya ng kakaiba sa sarili.

Nakakatwang sa edad nyang tatlong put apat ay ngayon pa sya binayayaan ng sanggol sa tyan.

Grabi ang saya nya.Tila ito na kasi ang regalo sa kanya nung kaarawan nya.

Ang ika tatlong put lima nyang kaarawan ay sobrang kay ispesyal.

Hindi matatawaran ang kanyang kasiyahan.

Hindi pa nya gustong umalis sa tapat ng bintanang iyun pero natigilan na syang ng tumunog ang kanyang telepono mula sa kanyang bedside table.

Kinuha nya ito at agad na sinagot ang tawag.

Isang bariton na boses ang bomungad sa kanya.Pero kahit ganon ang boses, damang dama nya padin ang lambing nito.

’ “Babe…goodmorning” ani ng nasa kabilang linya ’“Hows your day? Kamusta si baby”

Saglit syang natawa sa tanong ng binata.Para kasing pisikal na nyang nahahawakan ang anak.E isang buwan palang naman ng malaman nyang pinagbubuntis nya ito.

“He’s ok babe” sagot nya “kumakain na nga e”

Natawa ang kasunod sa biro nya pero agad din itong tumigil.

’ “He’s?” Tanong nito ’“Teka? Napa ultrasound mo na ba sya? Alam mo na yung gender ni baby” kahit nasa telepono alam nyang umingos ito “Babe…dapat sinabihan mo ako,alam mo naman excited ako sa mga ganyang bagay e.Andaya mo naman”

Napapailing syang pinipigilan ang tawa dahil sa sinabi ng nobyo.

“Ano kaba Brylle” sambit nya “Angel pa ang baby natin sa tyan ko.Kumbaga dugo palang na unti unting nagpo-form ng body.Siguro mga four months or six.Malalaman na natin,not sure din kasi ngayon palang ako magbubuntis sa edad kong to.Kaya ikaw,dalian mo umuwi sa states hah.Samahan mo ako sa manila para alamin ang gender ni baby”

Narinig nyang napabuga ng malalim na hininga ang nobyo bago ito magsalita.

’“Miss na miss na kita Babe…” Kapagkuwang saad nito ’“sana nayayakap na kita kasama ang baby natin”

Napangiti sya dahil don “I miss you too babe.I hope I’ll see you soon” sambit nya bago sakupin sila ng ilang segundong katahimikan.

‘“ Kamusta si Tita?“ Kapagkuwang tanong ng nasa kabilang linya dahil nawalan na sila ng sasabihin .’“Nagte-take na ba sya ng medicine? Baka may mga mararamdaman na sya wag mo syang kakalimutang alagaan”

Muli syang napangiti sa turan ng nobyo. Nakakatuwang isipin na hindi lang ito maasikaso sa kanya at sa magiging anak nya.Kundi din sa mommy nya mismo.

“Sigurado akong uungusan ka ni mom pag nagaalala ka sa mga medicenes nya” sambit nya “Ayaw na ayaw nun tatawagin sya matanda at magpapalala ng gamot nya kasi hindi pa naman daw sya makakalimutin.Ayaw nya ngang inaalagaan sya e”

’“ Pinaalala ko lang“ sambit nito ’“wala kasi ako dyan para may magtingin sa inyo.Kaya medyo nagaalala ako”

Napabuga sya ng malalim “Wag kang mag i-ispoil Bryll” nangingiting saad nya “Hindi pa nga natin nasasabi sa kanya na magpapakasal na tayo.Son in law na ang galawan mo”

Tumawa naman ang kasunod dahil sa sinabi nya “Bakit dun din naman punta natin ah” sambit nito “Magpapakasal na tayo soon right?.Isa pa magkakaapo na sya.I hope she can get it”

Natigilan sya ng maisip ang isang bagay dahil sa sinabi ng nobyo.

“Yeah I hope she can get it” saad nya “I know she will freak’out kapag nalaman na nyang may apo na sya” bahagya syang natawa ng maisip ang gulat na mukha ng ina pag sinabi na nya ang totoo “I dont know kung ano nalang magiging reaksyon nya kapag sinabi kong buntis ako slash magpapakasal na.I know kasi medyo nagaalala nayun e.Sa edad ko pa naman to huli na ako sa mga kaibigan kong mag kaanak”

“Im sure magiging masaya si tita” sambit ng nobyo na sinaway nya naman agad.

“Mommy na ang itawag mo sa kanya Babe” sambit nya “Hindi matatapos ang taon na to.Magpapakasal na tayo”

Narinig nyang napabuntong ito bago magsalita. “I love you and your mom Chandra” kapagkuwang saad nito “I know hindi stable ang lagay ni Tito Maliano sa Australia.Kaya naman ako na ang tatayong lalaki dyan sa buhay nyo.Hayaan mong protektahan ko kayo babe…mahal na mahal ko na kayo ni tita–este ni mommy”

Wala sya sa sariling napangiti dahil sa mga narinig sa binata.

Naramdaman nya din ang panunubig ng mata dahil damang dama nya talaga na napamahal na ito sa pamilya nya.

Totoong buong buhay nya,wala ng padre di pamilyang tumayo sa kanila ng mommy nya.Dahil sa maagang iniwan sila ng kanyang daddy,nasanay na syang ang ina nalang ang kasama sa buhay.

Hindi naman nya maramdamang kasama nya talaga ang uncle dad nya dahil bandado parin ito at inuwi nila ito sa Australia.

Kaya naman maswerte syang may dumating sa buhay nya na isang Bryll Stechebell. Mahal na mahal sya nito at ng kanyang mommy.

Ngayon,magiging kahati narin nila sa pagmamahal ng binata ang kanyang ipinabubuntis.

Sisiguraduhin nyang magiging masaya sila habang buhay.

Pinatay na nya ang tawag at inayos na ang sarili.Bumaling sya sa salamin na nakasabit sa dingding ng kanyang kwarto.

Saglit nyang pinagmasdan ang mukha bago kusang bumaling sa picture frame ng kanyang mommy.

Saglit nya itong pinagmasdan at sa pagkakataong yun.Tila may pumiga sa puso nya.

Hindi nya mawari pero bigla syang nakaramdam ng kaba.

Kaya naman napabuga sya ng hininga at napahawak sa tyan.Tila kusang humakbang ang mga paa nya sa sahig.

Patungo ito sa silid ng ina.Habang papalapit ng papalapit don, bahagya namang sumisikip ang puso nya.

Napapatanong kung bakit pero alam nya ang sagot kung kayat agad nyang ipinihit ang doornob ng pinto.

Bahagya syang natigilan nang hindi ito magbukas.

Nakalock ito at hindi nya alam kung bakit dahil hindi nag la-lock ng pinto ang ina.

Nagtataka,kalma nyang tinawag ang isa sa anim nilang katulong sa mansion.Pinaabot nya dito ang susi sa lahat ng kwartong narito sa second floor.

Bahagya pa syang nanginginig ng ishoot nya sa butas ng doornob ang susi.

Pinihit nya ito at ng ilang segundo din ay nabuksan nya.

Hindi nya alam ang mararamdaman,hindi nya alam ang uunahin.

Hindi nya alam kung anong hihilingin.Tila mas gusto nya nalang matulog ulit sa kanyang kwarto upang pagmagising sya.Baka bangungot na ang lahat.

Pero alam nyang totoo ito.Lalo na ng marinig nyang napasigaw ang katulong nilang kumuha ng susi.

Katulad nya nagulat ito,pero hindi kagaya nya.Sya ay nakatanga lang sa bulto ng ina.Hindi alam ang gagawin.

Samantalang ang katulong na katabi ay sumigaw dahilan para matawag ang lahat ng atensyon ng tao sa mansion.

Napapaluha,kusa nanamang naglakad ang kanyang mga paa.Kusang nagtungo sa katawan ng kanyang ina.

Nakalambitin ito sa taas.Tumutulo pa ang likido ng dugo sa paa nito.

Pero ang malala,ang makita nyang nakalambitin ang ina.Wala ng buhay…may nakapulupot na lubid sa leeg nito.

Tila pinapalabas na ito ay nagbigti.

Pero hindi nya maintindihan.

Wala syang maintindihan.

’Bakit may dugo? Nanginginig nyang tanong sa isipan ’bakit m-may sugat ka? Mom..

“Mommy…” Sambit nya habang nakaawang ang labi at nakatingala sa ina na wala ng buhay “mommy…”

Ilang segundo prinocess ang lahat ng nakikita.Hindi nya alam,hindi nya matanggap kung kayat wala sya sa sariling napaluhod sa sahig at buong lakas ng loob na ibinuhos ang pagkagulat sa nangyari.

“Mom!…mommy!” Hikbing saad nya habang napapahawak sa ulo dahil hindi makapaniwala “mommy ko!…sinong gumawa sa inyo nito mommy!!” Humikbi sya ng humikbi.

Ibinuhos ang luha na tila hindi na mauubos dahil sa sakit na naramdaman “Mommy kooooo!!…mooom! Who did this to you tell me! Tell me mom magsalita po kayo”

She freak’out.Hindi na nya naawat ang sarili at tila batang naglumpasay sa sahig.

Nagpatuloy lang iyun ng ilan pang segundo hanggang sa isang katulong na nila ang yumakap sa kanya para pakalmahin sya pero wala din itong nagawa.

Nagtuloy tuloy syang mapahikbi at mapaluha.Paulit ulit ang tanong nya na tila sirang plaka.

“Sinong gumawa mommy!!…” Sambit nya “Mommy koooo”

Mariing syang pumikit at humikbi ng humikbi.Hindi na nya alam ang gagawin hanggang sa kusa na nyang idinilat ang mata.

Sa pagkakataong iyun,kusa syang dinala ng paningin sa isang dingding.

Natigilan sya ng makita ang pulang tinta doon kung kayat kusa syang kumalas sa pagkakaakap ng katulong at agad na tumakbo doon.

Natigalgal sya sa nabasa.

‘I home Erschonen’…Im back,at hindi ko hahayaan na sa isang matanda lang ang sisira ng mga plano ko.

Tatapusin ko na ang lahat.

Napapatakip ng labi,wala syang ibang maisip kundi isang tao lamang.

’M-Maria…Maria Esther?

MARAMING tanong ang mga pulis sa kanya na hindi nya nasagot.

Wala syang maisagot dahil nabigla sya sa mga nangyari.

Nareport na sa mga utoridad ang nangyari,kaya agad na mga ito inasikaso ang labi ng kanyang ina.

Masakit isipin na tatawagin nya ng labi ang katawan nito just to describe her.

Hindi sya makapaniwala at ang bilis lang ng lahat.

Mabilis kumalat ang masamang balita sa bayan ng Stio.Sampaguita.

At hindi pa nga nagtatanghali ay nagmistulan ng isang palabas ang harap ng mansion nila sa dami ng tao.

May mga media din na gusto syang makausap pero hindi ito hinahayaang makapasok ng mga pulis.

Rinig nya ang mga sinasabi ng lahat,dahil sa chismisan ng mga katulong sa paligid nya.

Hindi nga sya nagkakamali,ang tanging hinihinalaan ng mga ito ay ang pagbabalik daw ng babaeng iyun.

Nagsisimula na daw itong maningil at nauna na ang kanyang ina.

Gusto nyang sumigaw na baliw lang mga ito dahil sa mga sinasabi.

Hindi nya kasi lubos maisip na babalik ang isang multo para lang pumatay ng tao.

Kung gusto nito bumalik, noon pa.Hindi na nito pinalipas ang labing walong taon para lang pumatay.

Pero sa isang banda,hindi nya mapigilang magdalwang isip.

Lalong lalo na nang mabasa nya ang iniwang minsahe sa dingding ng kwarto.

Gamit ang dugo ng ina,ito ang pinansulat upang ipabatid sa kanya na nakabalik na sya.At maniningil sya.

Pero paano nakapagsulat ang isang multo?

Paano naman naibigti ng multo ang isang matanda?

Yun ang labis nyang ikinagugulo ng isip nya.

Hindi nya alam ang mga sagot kung sino ang pumatay at gumawa ng minsahing yun.

Nakakainis na pinicturan pa ito ng isa sa mga pulis at ginamit upang ipang headline sa isang news.

Dahil siguro dun mas umingay ang ugom ugom na nagbalik na nga sa bayang ito ang babaeng iyun.

Na ito ang pumatay sa kanyang ina dahil naniningil na ito.

Wala sa sariling napasapo sya ng noo.

Nahunian naman agad to ng isa sa pulis na naginterview sa kanya.

Kung kaya nagpaalaam na ito upang hindi na sya maabala.Wala naman kasi talaga syang maibibigay na impormasyon.

Tanging makukwento nya nalang siguro ay ang sakit ng nararamdaman nya kung paano nagulat ng makita nyang nakabigting ina.

Baka tanging pag iyak lang nya ang malaman ng mga reporter.

Natapos ang halos kalahating araw nayun.Balisa syang nakatayo lang sa gitna ng silid ng ina.

Ngayon malinis na ito,wala ng bahid ng mga dugo o krimen na ng nangayari.

Tanging naiwan na lang sa kanya ay ang malaking katanungan kung sino ang gumawa nun sa kanyang ina.

One thing she realize in her life.Mabilis umikot ang kapalaran.

Kanina lang,masaya sya.Kausap nya ang fiance nya.Dapat,ipapaalam nya nasa araw na ito kung ano na ang kalagayan nya.

Nabuntis sya at magkaka apo na ang mahal nya ina.

Pero,hindi nya nasabi.Ang huling paguusap nila ay ang nakaraang gabi.

Na ngayon,mag gagabi nanaman.Pero hindi na sya makakapag good night pa sa ina.

Dahil,matagal na itong mahihimlay sa pagkakatulog.

Nagtuloy tuloy ang mga luha nya sa pisngi.Hindi nya magawang pigilin ito dahil sunod sunod pumasok ang mga alaala na kasama nya ang ina.

Lahat masasaya,at dahil masasaya mas masakit. Mahirap kalimutan dahil hindi na nila magagawang maging masaya kagaya ng dati.

Ang asul na kalangitan ay sumisilay sa bintana.Tanda ito na malapit ng muling magdilim.

Pero bago pa man sakupin ng dilim ulit ang walang ilaw na silid ng ina.

May kumatok na sa pinto.

Napahinga sya ng malalim upang kalmahin ang sarili. Napagdesisyunan nya nalang na bukasan ang pintong iyun na ang katulong lang din ang bumungad.

“Maam,may naghahanap daw po sa inyo” sambit nito.

“Sino naman?” Walang gana nyang sagot.

Saglit itong tumingin sa ibaba na parang may tinutukoy bago ito sumagot. “Si Kiko po” saad nito “Gusto ka daw po nyang makausap”

Kumunot ang noo nya sa narinig.Hindi nya inaasahan na ang tao na yun mismo ang darating ngayon.

Hindi na sya umimik at sinundan nalamang ang katulong nang bumaba ito sa living room kung saan daw naghihintay ang binata.

Balisa pa sya pero tingin nya kaya nya namang harapin ang isa sa mga hayop na nakilala nya.

Kung paano ba ito nakilala ng kanyang ina,indi nya alam.Dahil hanggang ngayon,alam nyang may hindi pa sa kanya sinasabi ang ina.

Nagtataka sya dahil ang tao ngayong nasa harap nya.Ni minsan ay hindi nya nakausap o ano paman.

Ayun lang sa pagkakaalam nya,noon ay tumistigo ito laban sa kanyang ate Maria.

Kaya naman,palaisipan parin sa kanya kung paano ito nakasundo ng ina at ngayon.Anlakas pa ng loob para dalawin ang labi nito upang makitaramay.

“Kamusta ka Chandra?” tila concerened na tanong nito,na ikinailang nya “Nabalitaan ko yung tungkol kay…t-tita Fresia”

Kumunot ang noo nya nang marinig ang huling sinabi nito.“Tita Fresia?” Tanong nya “Kailan mo pa tinawag na tita si mommy.For your info,were not even relatives”

Napansin nya natigilan lang ang binata bago ito sumagot “Im sorry,gusto ko lang naman magbigay ng respeto sa kanya” saad nito “N-naging malapit narin naman ako sa kanya nitong mga nakaraang taon”

“Papaano naman?” Tanong nyang muli. “sa natatandaan ko,may tinatago ka daw sa kanya.Yun ang huli nyong pinagusapan kagabi lang.Diba ikaw yung binatang tumistigo laban sa ate ko?”

Natigilan ito.

“Tama ka,ako yung tumistigo laban sa ate Maria mo” sagot nito “Dalawa kami ni Minette nun.Nakita kasi namin ang katotohanang ginawa ni Maria”

Saglit syang napaisip at binalikan ang nakaraan sa hukuman.Dito naalala nya ang siniwalat nitong katotohanan na tuloyang nagpakulong kay Maria.

“Pinatay nya si Sebyo?” Kapagkuwang tanong nya.

Napatingin lang sa kanya ang binata bago ito sumagot.

“Oo,pinatay nya ang matalik naming kaibigan”

Hindi sya sumagot sa halip ay iniwas ang tingin nya sa binata.

“Sabi mo,natatandaan mong nagtalo kami kagabi?” Saad muli nito sa kanya ng hindi na sya nagsalita “Narinig mo lahat ng pinagusapan namin? Paano mo naman nalaman na ako yung kausap ng mommy mo”

“Binanggit ka nya sakin” saad nya “Kagabi lang din,para syang mababaliw.Nagulat kaming lahat.Specially kaming dalawa ni mommy na basta nalang may sumulpot sa harap namin na binata”

“Binata…” Bulong nito.

“Nagpumilit sila pumasok dito sa mansyon at alam mo ba ang nangyari” patuloy nya “Kitang kita namin ni mommy na ang binata nayun ay kamukhang kamukha ni Maria.Yun ang dahilan kung tinawagan nya yung kiko at ikaw yun.Nagtalo kayo kagabi diba? At ang huli kong pagkakaalam,may tinatago kadaw na katotohanan tungkol sa binatang yun”

Nakita nyang hindi naging kumportable ang lagay ng binata pero nagdesisyon syang magpatuloy.

“Sino ba talaga ang binata nayun?” Tanong nya “Maraming nalalaman si Mommy tungkol kay Maria Esther at lalong lalo na daw sa sikreto mo.Gusto nya lang makumpirma kagabi kung sino yung binatang nagpakita samin na kamukhang ni Maria.Anong kinalaman mo sa buhay nya?”

“Si Esme ba ang tinutukoy mo?” Tanong nito na nagpatigil sa kanya.Ngayon nya lang kasi narinig ang pangalan nayun.

“Esme ang pangalan nya?” Tanong nya.

“Oo,sya ata yung batang tinutukoy nyo”

“So sino sya?” Tanong nya “Bakit kamukha sya ni ate Maria? Ano bang totoong pagkatao nya?”

Tumingin ito sa malayo na tila iniwasan ang mga tingin nya.Dito nagsimula na syang mapatanong sa isip.

“Wala bang ibang nasabi sayo ang mommy mo?” Tanong nito pabalik na hindi sinagot ang tinuran nya.

“Bakit ano bang dapat kong malaman?” Saad nya “Ang gusto ko lang makumpirma ngayon ay ang pagkatao lang ng Esme nayun”

Akala nya sasagot na ito ngunit ilang segundo pa itong tumitig sa kanya.

“Sabihin mo na ang totoo sakin Kiko” sambit nyang muli sa kausap “wag mo ng paikot ikutin ang lahat”

“Gusto mo ba talaga syang makilala?” Tanong muli nito “Gusto mo ba talaga malaman ang totoong pagkatao nya?”

“Oo” tiim na sagot nya “Dahil yun ang huling gustong gawin ni mommy.Kung anak man sya ni Maria Esther gusto nya tong tulongan.Gusto nyang makabawi dito dahil para narin syang nakabawi kay ate Maria nun. Ngayon ako na ang gagawa ng lahat ng yun gaya ng sinabi nya.Gusto ko lang naman malaman kung sino sya na ikaw mismo ang magsasabi”

“Bakit sakin mo gustong malaman ang totoo?” Tanong nito “Paano ka nakakasiguro na lubos ko ngang kilala ang batang yun.Hindi ba pumasok dyan sa kokote mo na baka anak talaga namin yun ni Minette?”

“Kamukhang kamukha nya si Maria” sambit nyang muli “At alam ko may pagdududa sayo si mommy na gusto nyang kumpirmahin kung paano sa inyo napunta ang bata.Kung anak yun ni ate Maria? Bakit napunta sa inyo si Esme? Kung anak yun ni Ate Maria? Bakit hindi nyo sya binigay saamin”

“Dahil baliw ang batang yun” saad nito na bahagya nyang ikinatigil.

’Baliw?

“May malasi demonyo ang batang yun Chandra” sambit ulit nito “Kakaiba sya,masasabi kong isa syang paranormal oh ano pa”

“Ano bang ibig mong sabihin?” Nagugoluhang tanong nya.

“Itinago ko sya sa inyo dahil noon paman may nararamdaman na ako sa kanya” natigilan sya ng bahagya lumapit si kiko sa gawi nya “Bata palang sya kakaiba na sya.Kaya ngayon,masasabi kong ang pagkamatay ng mommy mo.Isa lang to sa kagagawan ng batang yun” kita nya na tila nagigting ang panga nito bago magsalita.

“Totoo ang paranormal, exorcism o pagsanib Chandra.Si Esme totoong sinasaniban sya ng masasamang elemento.At ngayon nakabalik na sya sa Stio.Sampaguita.Alam ko ng mangyayari to.Sya ang pumatay sa mommy mo.Sa pamamagitan ng katawan nya,naghihiganti si Maria sa lahat ng mga ginawa nyo sa kanya”

“Nababaliw kana!” Singhal nya dito dahil hindi nya magawang maniwala sa mga sinabi nito “baliw kayong lahat! Tama na! Tama na!”

“Maniwala ka Chandra!” Saad din sa kanya ng binata “Bumalik si Maria Esther mula sa katawan ng anak nya na inalagaan ko pa. Buong buhay ko nakikita kong kakaiba si Esme.Hindi sya normal.Alam ko na balang araw gagamitin ni Maria Esther ang katawan ng anak nya para lang bumalik dito.Chandra sya ang nagsulat ng minsahe sa pader ng kwarto ng mommy mo”

“Paano mo naman nalaman ang lahat ng yun?” Tanong nya.

“Dahil pinapanood ko sya tuwing gabi habang natutulog” sambit nito “Lagi nyang sinasabi na babalik sya at magiiwan ng palatandaan,maniningil sya. Ngayon,pinatay nya na ang mommy mo.Hindi malayong isunod ka nya”

“Shut up!” Singhal nyang muli dito.

Dahil sa mga narinig nagsimula na syang kabahan at matakot.

Lalo na ng makarinig pa sya ng ingay sa labas.Tila nag po-protesta ito o nagrarally ayun sa iisa nitong tugon.

Naluluha,masuyo syang hinawakan ng binata sa braso at dahan dahan syang iginawi sa bintana upang makita ang nagyayari.

Ganun nalang ang kanyang lumo ng makita nya tila isang batalyon ang mga ito.

Pakiramdam nya,lahat ng mga mamayan sa bayang ito ay nandito na.

Nakikiisa para pugsuin ang lumang paniniwala at lumang kwento ng mga matatanda.

“Hindi ka pa ba naniniwala sakin Chandra?” Kapagkuwan tanong ng binata habang sabay nilang tinitignan ang tila pagrarally ng mga tao sa labas.

’I cant believe this…paano silang lahat nagkaganto.

“Ikaw nalang ang hindi naniniwala sa sumpa,sa pagbabalik ng multo ng nakaraan,sa pagpatay at paghihiganti” sambit pa nito “wag mong hayaang ikaw nalang ang maging mangmang sa lahat ng ito Chandra.Totoo ang mga sinabi ko.Namatay ang mommy mo dahil nagbalik na si Maria,naniningil na sya”

Wala sya sariling napahikbi. Inihilamos nya sa mukha nya ang dalawang palad dahil sa mga nangyayari.

Sa gantong mga panahon,sino pa nga ba ang biktima.Sino nga ba dapat ang iligtas.Ang paniwalaan.

Saglit syang niligaw ng isipan hanggang sa maalala nya ang sinabi ng kanyang ina.

“Aalagaan natin sya huh?” Naluluhang sambit ng ina “Ilalayo natin sya sa kapahamakan.Gawin natin yun para kay Maria…para kay Pasing,at sa pamilya natin”

“Hanggang sa huli,gusto ni mommy makabawi kay Maria” kapagkuwang sambit nya,di alintana kung maririnig sya ng binata “Ngayong alam ko na naanak ni Maria si Esme.Totoo ko syang pamangkin.At hindi dapat sya masaktan kung ginagamit man ang katawan nya ni ate Maria, biktima lang din sya dito”

“Tutulongan ka nila Chandra” sambit ng binata sa kanya “Nagkakaisa kami para maprotektahan ka laban sa paghihiganti ni Maria”

“Hindi Kiko” mariing syang umiling kapagkuwan ay tinitigan nya ang binata “Baliw kayong lahat.At poprotektaha ko ang pamangkin ko sa kabaliwan nyong lahat”

Napansin nyang nagulat ang binata sa sinabi nya pero wala na syang pakialam.

Matapang syang lumabas sa mansyon.Hinarap ang mga taong may maling paniniwala.

“Mga baliw kayo!” Sigaw nya sa lahat pagkarating nya sa labas ng gate.Natahimik ang lahat na tumuon sa kanya “Tumigil na kayo! Hindi totoo ang sumpa! Walang sumpa,hindi totoo ang babaeng walang mukha at hindi totoo ang pababalik ni Maria.Mga baliw kayong lahat!”

“Nadito kami para tumulong” saad ng isang nilalang mula sa tumpok ng mga tao.“Sya ang pumatay sa mommy mo.Hindi paba sapat yun?”

Hindi sya nakasagot kung kayat hindi sya nakapagsalita.Hanggang sa isa nanaman ang sumigaw mula sa mga taong nasa harap nya.

“Matagal nang takot ang bayang ito sa mga lumang kasabihan” saad nito “Gusto nanamin ng pagbabago kaya tutulong kami.Kung sa bata nayun magmumula ang kamalasan ng lahat.Kung sya ang sinasaniban ni Maria para pumatay,hindi malabong gawin nya samin yun.Kaya tutulong kami sa pagpuksa”

Pagak syang natawa,hindi makapaniwala sa mga tinuran nito.

Sa isang banda ng puso nya,alam nyang may pumatay sa kanya ina.

Pero hindi nya magawang mapaniwalaan na ang pamangkin nya ito.Si Esme.

Kaya naman blangko ang isip nyang naghakbang mga paa.

Nagtungo sya sa isang direksyon ngunit nya alam kung saan iyun patungo.

Hindi na nya alam ang gagawin,kinain na sya ng mga tanong,pagtataka. Kinakain sya ng pagdadalwang isip at pagdududa.

Nagpatuloy sya sa paglakad.Mula sa malamig na lupa at malamig na simoy ng hangin dahil sa gabi sinalubong nya ito.

Niyakap nya ang sarili,hindi napigilan ang luha dahil sa mga nangyayari.

Nagsamasama na sa utak nya ang lahat lahat.

Una,patay na ang mommy nya.

Pangalawa,hindi nya ma-attempt na paniwalaan ang sinasabi nung Kiko nayun.

Sumasanib si Maria kay Esme para maghiganti? At ito ang pumatay sa mommy nya?

Gusto nya itong paniwalaan,pero para sa kanya na lumaki sa liberated na pamumuhay.Malayo sa mga lumang kasabihan.

Sobrang hirap nitong paniwalaan.

Sa isang banda,napapatanong sya.

Sino nga ba ang pumatay sa kanyang ina?

Bakit may minsahe?

Sino ang naglagay ng minsaheng iyun?

Napapahawak sa ulo at napaupo sa lupa.Puro ’sino,paano lang ang naririnig nyang tanong sa kanyang isipan.

Hindi nya alam nya ang gagawin,hindi nya alam kung ano ang paniniwalaan.

Nagsimula syang humikbi sa gitna ng kung saan.Hindi nya na alam kung saang lugar na sya naroroon.

Basta ang alam nya,binabalik sya ng kadiliman at katahimikan.

’Kailangan kong mabuhay…kailangan kong maging malakas.

Sa kakarampot na pagasa, lumakas sya.Napahawak sya sa kanyang tiyan.

Oo nga pala at may bata pa roon.

May sanggol pa ang umaasa sa kanya.May lalaki pang nagaantay sa kanya na umo-oo para sa pagpapakasal sa kanya.

Kaya naman huminga sya ng malalim,inayos ang sarili at tumayo.

Gusto nya nalang muna umuwi kung kayat nagsimula sya maglakas papabalik.

Pero agad din syang natigilan nun dahil may nakiya sya.

Hindi yun guni guni dahil malinaw ito sa paningin nya.

Mula sa diretsyong daan sa kintatayuan nya,may lalaki.Bulto ng isang tao na may pigura ng isang lalaki.

Hindi kalakihan ang katawan pero alam nya kung lalaki ito.

Sa dulo ng daan nayun,katapat nya nakatayo ito.Madilim,hindi nya maaninang,pero basta nakatayo lang ito sa kanya.

Tila inaantay ang kanyang paglapit.

Nagsimula syang makaramdam ng takot. Kumakabog ang dibdib nya kung kayat kusang umatras ang mga paa nya upang umabante.

Tinalikuran nya ito kalaunan at lumakad nalang sa kabilang direksyon ng daan.

Hindi nya alam kung san papunta ang tinatahak nya pero gusto nya lang makalayo.

Iba ang nararamdaman nya.Natatakot,kung kayat bahagya nyang binilisan ang paglakad.

Ilang segundong nakalipas,sinubukan nyang mulinh tignan ang gawi ng bulto nayun.

Napakunot noo sya dahil naglalakad lang din ito.Nakasunod lang sa kanya pero ang di nya maintindihan ay ang kakaiba rito.

Tila wala itong buhay sa paglalakd.Diretsyo lang na parang ang hangin lang ang kumokontrol dito.

Wala sya sa sariling napahinto.

At napatitig lang sa nilalang nayun.

Kakaiba ito,may iba sa taong iyun.

Maya maya pa,tila lumalakas ang hangin.Napayakap sya sa sarili.

Hindi nya gustong antayin ito sa daan para makapalapit sa kanya kung kayat nagpatuloy syang muli sa paglakad.

Muli na syang tumalikod upang pumunta sa direksyong hindin nya alam ang patungo.

Sa pagkakataong yun,tila mas lumalakas ang hangin,nahuhulog ang ilan sa mga dahon mula sa puno.

Ang sikat lang ng puting buwan ang nagsisilbing liwanag sa daan.

Hindi parin umaalis ang kaba nya,narealize nya na parang tanga na sya sa isang daang hindi nya alam kung saan patungo.

Kung kayat nilingon nyang muli ang likuran.

Natigilan sya dahil ang kaninang bulto ng lalaki roon ay wala na.

Hindi nya alam pero dapat mas maging ok na ang nararamdaman nya.

Pero tila mas kinabahan pa sya dahil basta nalamang ito naglaho.

Saan naman ito nagpunta.

Saan ito nagtungo.

Napapailing sa sarili,lumakad muli sya.

Sa pagkakataong iyun ay sa direksyon na sya pauwi kung saan dapat syang dumaan.

Akala nya ok na ulit.Akala nya yung nakita nyang tao ay isa lang sa risedente ng bayang ito na kasalukuyang nakasalubong nya sa daan.

Pero nagkamali sya.

Isang kisap mata,naramdaman nya ang pagdamba sa kanyang likuran.

Dahil dun natumba sya sa sahig at at namilipit sa sakit.

Hindi nya alam ang nangyari kung kayat ninais nyang alamin kung sinong tao ang gumawa nun.

Pero nang humarap na sya,dito sya tuluyang nanlumo.May hawak itong lupid na agad pumulupot sa kanyang leeg.

Pinigilan nya ito kung kaya hindi nya magawang makita ang mukha ng nilalang nayun.

Hanggang sa namalayan nya nalang nahihirapan na syang huminga dahil sa paghigpit ng lubid sa leeg nya.

Ang malala pa,gamit ang lubid nayun ay pinanghila sa kanya.Sa isang direksyon ito ng daan nag lakad habang sya naman ay kikiwal kiwal ang paa dahil pasikip ng pasikip ang kanyang ulo.

Nais nyang tignan ang mukha ng taong humihila sa kanya pero di nya magawa.

Abala sya sa pagtanggal ng lubid sa leeg nya habang kinakaladkad sya pero hindi nya ito magawa.

Ang tanging malay nya nalang ay nasa taas na sya,kita nya ang ibaba at ang paa na kumikiwal dahil ilang saglit nalang ay wala na syang buhay.

She managed to compose herself just to look whos the culprit.

Pero mga huling salita nalang nito ang narinig nya bago sya tuluyan mawalan ng buhay.

’Im back…Erschonen,at tatapusin ko na ang lahat ng ito.

CHAPTER 46

AN:Sorry sa mga error guys.

Enjoy reading 💕

“Esme! Esme!” isang sigaw ang nagpagising sa kanya ng umagang iyun.

Napabalikwas sya sa higaan at sinimulang ilibot ang paningin.

Nandito parin sya,nasa hindi pamilyar na silid ng kasalukuyang tinutuluyan nya.

Kusot mata,hinarap nya ang tila galit na nagsalita nayun na gumising sa kanya.

His ate Gina.

Kunot noo itong nakatingin sa kamya na hindi naman nya maintindihan kung bakit

“Hindi na ka lock ang pinto” sambit nito “Lumabas kaba kagabi?”

Napakunot noo syang napabaling dito.

’Lumabas?

“H-hindi po” kapagkuwang saad nya.

“E pano hindi naka lock yun e ako ang naglock nun kagabi” sambit nito “sigurad kaba? Hindi kaba talaga lumabas kagabi?”

“Hindi po talaga” saad nya “San naman po ako pupunta kung lalabas ako.Isa pa po,gabi nayun.Dalawang araw palang naman ako dito wala pa naman po akong mga kaibigan”

Hindi sumagot ang ginang at napatitig lang sa kanya.Sya namay kusang napabaling sa picture na nakasabit sa dingding sa ulunan nya.

It a picute of a girl name…Maria Eather.

“Ok kalang ba talaga Esme?” Kapagkuwang tanong nito na kinakunot ng noo nya.

“Oo naman po” sagot nya “Bakit nyo naman po natanong?”

Huminga ng malalim ang ginang “Wala lang,napansin ko kasi kahapon,pag-gising mo.Para kang balisa” saad nito “Para kang pagod na pagod na ewan”

Kumunot ang noo nya “pagod na pagod po?” Tanong nya “Sa ano naman pong paraan para ako mapagod e natulog lang naman ako.Isa pa,hindi naman ganun kabigat ang mga gawain dito para ikapagod ko kahapon.Sanay naman ako sa gawaing bahay e”

“Hindi naman yun ang tinutukoy ko e” sabat ng ginang “sabihin mo nga,may iba kapa bang nararamdaman?”

Natigilan sya sa tugon nito.

“Ano po bang ibig nyong sabihin?”

“Alam mo ang sinasabi ko Esme” saad muli nito “Nakwento ko na ang tungkol ka nanay Belen.Dito sya natutulog at laging may kakaibang nangyayari sa kanya, Sayo ba? Meron”

Hindi sya agad nakasagot. Napaisip sya sa mga sakaling ngang nangyayari sa kanya.

“Pangalawang beses ko ng nadadatnang bukas ang pinto Esme” sambit nito “Sigurado akong nila-lock ko yun bago tayo matulog.Kaya tinatanong kita kung lumalabas kaba pag gabi.Hindi ko alam ang nangyayari sayo. Magsabi kasakin ng totoo.May iba kapa bang mga nararamdaman?”

Matapang nyang tinignan ang ginang bago sya magsalita.

“Magsisinungaling po ako sa inyo kung sinabi kong wala” saad nya kapagkuwan ay mahina syang natawa “Aaminin ko po nung unang gabi ko dito may naramdaman na akong kakaiba…Normal lang po ba sa bahay na to ang humangin ng malakas,hawiin ang kurtina at magbukas ng kusa ang pinto?”

“Nagsisimula na sya” sambit nito “baka may gusto syang ipabatid sayo.Baka kailangan may gawin kana”

“Ano naman pong gusto nyang gawin ko?” Tanong nya “Kung nagpaparamdam nga sya sakin.Anong pinahihiwatig nyang gusto kong gawin?”

“Ang mga Erschonen” sambit ng ginang “Sa pagkakaalam ko kay nanay Belen,malaki din ang kasalanan ng mga ito kay Maria.Ngayon nandito kana. Nagpaparamdam sya sayo para kumilos kana”

“Gusto nyang gantihan ko ang mga Erschonen.Patayin ko sila ganun?” Tanong nya kapagkuwan ay napaiwas ng tingin sa ginang“Hindi ko naman po kayang gawin yun.Hindi ako ganun kasama para pumatay ng tao”

“Masyado kang mabuting tao Esme” sambit ng ginang “Pero ikaw ang gustong tumulong ni Maria Esther.Ikaw ang dapat maghiganti kagaya ng sinasabi ni nanay Belen”

“Pero paano?” Tanong nya “Labas ako sa problemang meron ang pamilyang Erschonen.Wala akong maintindihan kung bakit sinabi ni tita Minette na sa pamilyang ito mahahanap ko ang katotohanan. Hindi ko sila kaano ano,wala silang kasalanan sakin”

“So wala ka talagang gagawin?” Tanong ng ginang.

“Syempre meron” sambit nya “Kailangan ko parin naman sila lapitan e,kailangan may alamin parin ako sa kanila.Kung si sr.Juanillo at si tita Minette na ang nagsasabing lumapit ako sa mga Erschonen gagawin ko.Pero hindi para maghiganti.Hindi ako si Maria Esther,hindi ako nagbalik dito para maniningil ng buhay”

“E anong gusto mong gawin sa kanila?”

“Gusto kong mahanap ang totoo kong pagkatao” sambit nya “B-baka kasi may alam sila sa mga magulang ko.Alam kong hindi magsasabi si Sr.Juanillo at tita na ang pamilyang yun ang dapat kong lapitan kung wala akong makukuhang sagot”

Tinignan sya ng ginang sa buong mukha na tila kinikilatis sya nito.

“Mga Erschonen” kapagkuwang sambit nito “Si Maria Eather” ani pa nito at tumingin sa ding ding kung saan nakasabit ang litrato ng dalaga “Kamukha mo sya” masuyo syang hinawakan sa braso ng ginang at pinaharap sa litrato “Si Maria Esther ay nawawalang anak daw ni Maliano Erschonen.Si Fresia ang kapatid ng kanyang ama.Si Chandra ang anak nito ang pinsan nya.Si Maria Esther,nirape ng isa sa matalik nyang kaibigan.Ang sabi sakin ni nanay Belen,nabuntis daw ang dalaga.Dahil sa hindi maipaliwanag na dahilan ng pagkamatay ni Sebyo.Nakulong si Maria dahil sa isang paratang.Buntis sya nun,at don balak manganak dahil sa panghabang buhay na pagkakakulong…

…pero isang araw,nagkaroon sya ng pagkakataong makatakas sa kulungan.Pero kabwanan nya nayun at sa mismong pagtakas nito,nanganak sya.Sa kalsada.Pero nasagip sya ni Juanillo at itinago sila sa isang kubo malapit sa stio.hangganan.Hinanap sila ng mga utoridad.Ng mga kamaganak ni Sebyo na sinasabing pinatay nya.Doon… nangyari ang pagsunog dahil sa pagtugis sa kanya.Nasunog ang kubo,nasunog si Maria sa pantalan.Pero ang sabi sakin ni nanay Belen,may mga sumadyang pumatay kay Maria.Dahil binanggit mo sakit ang pangalang Minette,naalala ko si Kiko na isa ring kinuwento sakin ni nanay Belen“

“Mga tumayong magulang ko sila” sambit nya,nasa picture parin ang kanyang paningin “Pero nalaman ko ang totoo na hindi sila ang biological parents ng malaki na ako.Simula nun tinawag ko na sila bilang tita tito”

“Alam nila ang totoo noon pa man Esme” sambit nito “Nasa sayo ang sagot pero simula palang tinatago na nila sayo to”

Kumunot ang noo nya at hindi nakasagot.Dahan dahan syang iniharap ng ginang sa bulto nito at pinakatitigan.

“Ikaw ang nawawalang anak ni Maria Esther” sambit nito na nagpatigil sa kanya “niligtas ka nila sa nasusunog na kubo at ngayon,pinalaki. Inililihim ang lahat ng katotohanan.Pinapaikot lang nila ang lahat,ang buhay mo”

Napapalunok sya ng laway,pilit pinakalma ang sarili sa mga nalaman.

“Paano namatay si Maria Esther?” Ito ang unang pumasok sa isip nya na tinanong nya kaagad.

“Yung sugat na napansin mo sa mukha ni nanay Belen” sambit nito hindi sinagot ang tanong nya “Si Minette daw ang gumawa nun.Galit ang naging puhunan ng dalawa.Lalong lalo na si Kiko.Huling nakita nya si Maria tinatakbuhan ang binatang yun.Pero kanibukasan,idiniklarang patay na si Maria.Nasunog daw sa pantalan”

Parang sinuntok ang puso nya na tila naipagtatagpi nya ang mga katotohanan.Kusang tumulo ang mga luha nya sa mata ng mapaisip sa isang bagay.

Wala sya sa sariling nilampasan ang ginang at lumakad papalabas ng kwarto.

Papalabas na sya ng pintuan ng bahay nung maramdaman nyang hinawakan na sya ng ginang sa pulsuhan.

Humarap sya muli dito at doon,bumuhas ng matindi ang mga luha nya.

“A-ang ibig mo bang sabihin?” Nanginginig nyang ani “yung mga kinilalang kong mga magulang,sila ang pumatay sa nanay ko? Pinatay nila s-si Maria? Yung mama ko?”

Dahan dahan tumango ang ginang na lalo nyang kinahugolgol.

“Esme sinabi ko lang ang mga nalaman ko kay nanay Belen” sambit nito “Marami pa syang hinala tungkol sa pagkakakulong ng nanay mo.Sa pagkamatay ni Sebyo,at bakit basta nalang na si Maria ang pinagbintangan sa lahat”

“Sino si Sebyo?” Tanong nya.

“Sya ang matalik na kaibigan ni Maria” sambit nito “Sya rin ang gumahasa sa dalaga kaya nabuntis ito”

“S-sya ang totoo kong tatay?” Tanong nya.Muli syang humikbi na may halong pagkahingal na kung kayat masuyo na syang niyakap ng ginang.

“Naghahanap nalang pala ako sa wala…” Sambit nya “Hindi ko na po pala sila makikita,ano po bang katotohanan.Sino po talaga ang pumatay sa mga magulang ko…”

“Walang makakasagot sa totoong pagkamatay ni Sebyo” sambit ng ginang “Pero isa ang hinala ni nanay Belen kung sinong pumatay kay Maria.Baka raw si Kiko”

Kumalas sya sa pagkakaakap sa ginang.Inayos nya ang sarili at matiim tumitig dito.

“Hindi ang mg Erschonen ang dapat kong paghigantihan” sambit nya “Kundi si Kiko at Minette, pinaikot nila ako.Pinaglaruan nila ako…pinatay nila ang nanay ko”

“Ang sabi ko kay nanay Belen, bakit ayaw nyang pabuksan ang kaso” sambit ng ginang “Ang sabi nya sakin,hindi lang daw pagkakakulong ang dapat nilang maranasan.Kulang payun sa lahat ng mga ginawa nila sa pamilya”

“Mga hayup sila” nagiigting na ani nya.

“Ano na ang gagawin mo Esme?” Tanong ng ginang.

“Aalamin ko ang katotohanan” sambit nito “pagnakumpirma ko sa mga Erschonen kung sino ba talaga ako,magbabayad sila.Baka mas piliin kong maging si Maria Esther at patayin ko silang lahat”

“ANONG gagawin mo!” Sambit nya sa binata.Takot ang namumutawi nya dito pero kailangan nyang maging matapang.

Delikado na ang mga ginagawa nito.At natatakot na sya hindi para sa sarili.Kundi para sa tinuring nyang anak na si Esme.

“Nababaliw kana ba Kiko?” Sambit nya “Hindi na tama to,hindi nato makatao”

“Wala kang magagawa” saad naman nito sa kanya “Hindi mo ako mapipigilan”

“Tama na pakiusap” sambit nya “tigilan mo na si Esme maawa ka sa kanya”

“Anong kinaawa ko?” Tanong nito sa kanya “Dahil sa kanya nagdudusa ako ngayon,dahil sa kanya pakiramdam ko kasama ko parin si Sebyo.Na pinagtataksilan parin nila ako ni Maria.Sya ang bunga ng kawalaang hiyaan nila saakin Minette.Ang pagmumukha ng batang yun at ang dumadaloy na dugo ng batang yun sa katawan nya ay dugot laman ni Sebyo at Maria.Humihinga at nabubuhay ang pagtataksil nila saakin.Baliw na ako na mas pinili ko syang makasama ng labing walong taon!”

“Hindi paba sapat?” Tanong nya dito “inalila mo na sya,inapi mo na sya pinahirapan.Hindi paba sapat yun?”

“Kulang pa” sambit nito “kulang na kulang”

“Sa mga ginagawa mo ikaw ang nagmumukhang bipolar” sambit nya “Mas mukha ka pang may sakit kay Sebyo. Psychopath ka”

“Mahal ko si Sebyo” sambit nito “May nasimulan na kami pero agad yun tinapos ng babaeng yun.Nawala sakin si Sebyo ng dahil sa kanya”

Matagal syang natigilan at napatitig lang sa mukha ng binata.

“Kasalanan ko tong lahat” saad nya “Dapat hindi ko na talaga ginawa yun.Dapat hinayaang ko nalang na tanggapin mo ang mga ginawa mo.D-dapat hindi nalang ako nabaliw at umasa na mamahalin moko pabalik”

Hindi umimik ang binata.

“Hanggang ngayon,nakatali ka parin pala sa pagmamahal mo kay Sebyo” saad nya “Nagagawa mo ang lahat ng yan dahil may pinagsisihan ka.May mga pinaghihiyangan ka na dapat nangyari.Pero ito ang kinahinatnatan ng baliw na pagmamahal mo…pumatay kana ng tao”

Unti unti napahikbi sya, magsasalita na sana ang binata pero bahagya nya itong pinigilan.

“Im sorry kiko” sambit nya “Sorry kasi,tinaniman ko ng galit yang puso mo.Ako talaga ang may kasalanan ng lahat ng ito.Dapat una palang,ako ang gumabay sayo para harapin ang mga kasalanan mo.Narealize ko,parehas pala tayong baliw sa pagmamahal.Handa tayong gumawa ng mga bagay na hindi natin inaakalang gagawin pagnagmamahal tayo.” Bumuntong hininga sya.

“Lubos akong nagsisisi dahil hinayaan kong magpasakop sayo” sambit nya “Nagsisi ako dahil hinayaan kita kainin ka ng galit mo.Labing walong taon pa man ang lumipas o kahit ilang taon pa.Habang buhay kang makukulong sa pagmamahal kay Sebyo.Habang buhay kang masasaktan at maghihiganti”

“Buo na ang desisyon ko Minette” sambit ng binata.

Tumamgo sya.“ako rin Kiko”

“Anong ibig mong sabihin?” Tanong naman nito.

“Hindi ko hahayaang maging kasing baliw mo ang taong bayan” sambit nya “Wag mong gamitin ang lumang paniniwala nila para lang sa mga plano mo.Hindi totoo ang paghihiganti ni Maria,hindi totoo ang kamalasan ng bayang ito na handang makapatay ng sino man”

“Anong balak mong gawin Minette?” Tanong muli nito sa kanya “Anong magagawa mo kung taong bayan na ang kalaban mo.Takot silang lahat sa multo ng nakaraan.Kaya sama sama kaming ibabalik kung saan mang impyerno nanggaling ang ligaw na kaluluwa nayun.Wala ka ng magagawa.Tatapusin ko na ang lahat na dapat noon pa man ay ginawa ko na sa batang yun”

Ilang segundo pa syang napatitig kay Kiko bago ito tumalikod sa kanya.

’mga baliw sila…mga baliw kayong lahat.

Nagbago ang plano.Nagibang landas ang binata.

Ang buong akala nya,buo na ang desisyon nito na aminin kay Esme ang lahat ng katotohanan.

Pero sa halip ay may hinanda itong malaking plano.

Nakakatakot iyun,imposible para sa makabagong panahon na ito pero nagawa yun ni Kiko.

Halos ang buong bayan ng Stio.Sampaguita ay nakuha na nito.

Gamit ang lumang kwento at kasabihan ng matatanda.Handa silang pumatay ng inosenteng tao.

At ito ang hindi nya hahayaang mangyari.

Hindi nya hahayaang maulit ang nakaraan at humantong sa dulo ang lahat.

Ang kagilalas na pangyayaring iyun sa dalaga isang gabi.

Ay hindi maaring maulit sa inosenteng binata.

’Kailangan itong malaman ni Esme…dapat maprotektahan ko sya.

Sa hapong iyun.Papalubog na ang araw.

Sabay silang pumasok sa Stio.Sampaguita ng binata.

Ngunit sa gitna ng kung saan lang,naghiwalay sila.

Biglang nagkaiba ang mga plano nila na akala nya ay iisa lamang ang kanilang hangarin.

Ngayon,sa isang mapunong lugar.Liblib na kung saan.

Lumakad sya na hindi alam ang pupuntahan.

Isa lamang ang nasa isip nya.

Una ay ang iligtas nya ang binata.

Pangalawa ay ang makaalis sila sa lugar na ito.Ang makalayo sila sa mga baliw na nilalang na naniniwala sa lumang kwento.

Ngayon,hindi nya alam ang patutungohan.Basta gusto nyang malaman ang tinitirhan ng matandang yun.

Si Nanay Belen.

Ito ang gusto nyang lapitan dahil baka ito ang unang taong pupuntahan ni Esme pagdating sa bayang ito.

Ang matandang iyun,maraming nalalaman.

Maraming itinatago kung kayat tama ang taong pinuntahan ng binata.

Pero nasan na nga ba sya?

Ano na nga ba ang nilalakaran nya?

Sadya syang natigilan nang mahunihan kung nasaan naba sya ngayon.

Sa sobrang kinain sya ng pagiisip at kaba dahil sa masamang plano ni Kiko kay Esme.

Basta nalang sya naglakad kung saan matagpuan lang ang binata.

Pero sa kamalas malasan.Hindi ang binatang yun ang natagpuan nya.

Hindi nya alam ang gagawin dahil sa mga oras na nakatayo sya kung saan.Naramdaman nya ang pagtibok ng dibdib nya.

Alam nya,sa di kalayuan.May nakasunod sa kanya.

Gumagawa ito ng kakaibang kaluskos na labis nyang ikinakaba.

Saan na nga ba sya pupunta?

Magtatago ba sya?

Tatakbo?

Gusto nyang gawin kahit isa man sa mga ito.Pero huli na ang pagkakataon nayun.

Dahil habang sa paglakad nya papalayo.Tila papalapit ng papalapit ang kaluskos nayun.

At doon,kapagkuwan.Mula sa kanyang likod ay may dumamba sa kanya.

Napatumba sya sa maduming lupa kasama ang mga tuyong dahon.

Kasabay ng pagsakop ng kadiliman sa paligid ay ang pagdilim din ng kanyang paningin.

Hindi nya makita ang taong iyun kahit tumihaya na sya at humarap dito.

Sinubukan nya pa itong pigilan sa pagsakal nito sa kanya pero sadyang malakas ang nilalang nayun.

Alam nya ay isa itong lalaki ayun din sa kalakihang braso nito.

“B-bitawan mo ako hayop ka!” Pilit na sigaw nya dito.Unti unti nararamdaman nya na ang pagsikip ng kanyang hininga.

“Huli na ang lahat” tiim naman na saad ng nilalang nayun. “Nakabalik na ako dito.Gaya ng sinabi ko,maniningil ako.Tatapusin ko na ang lahat ng ito”

Sa ilang pagkakataon, sinubukan nyang makawala.

Ngunit huli na siguro ang pagkakataong iyun nang subukan nya pa itong sipain.

Mabilis ang mga kilos nito at malakas syang sinampal. Kasunod din nun ay pagsuntok sa kanyang sikmura.

Napaigtang sya sa sakit dahil doon.

Ito na ang pagkakataon ng nilalang para mabilis kumilos na ilang segundo din.Namalayan nya nalang na nakasabit na sya.

Kita nya ang kumikiwal na paa dahil sa pagrereklamo ng pagsikip ng kanyang leeg.

Nakabigti na sya.

Napapangiwi sa sakit na nararamdaman.Nagawa nya padin tignan ang nilalang mula sa baba.

Nakatingin ito sa kanya habang pinapanood syang unti unting mawalan ng buhay.

Pero bago pa sya tuluyang kainin ng dilim at ilabas ang huling hiningang maibubuga nya.

May narinig sya sa nilalang na ito.

“Rest in piece Minette…” Ani nito “Hindi ka naniniwala pero nagbabalik ako.Maniningil ako ng mga taong hindi tapat sakin…ako ang nagsimula,ako rin ang tatapos”

PAGBUKAS nya ng pinto,sabay na napatayo ang ginang.

Mabilis syang nilapitan nito para daluyan at buong pagaalalang tignan sya.

“San ka nanggaling?” Tanong nito at bahagya pa syang sinuri sa katawan “Nagalala ako sayo,hindi ko alam kung san kana nag punta.Nagising ako kanina,wala ka nanaman sa higaan mo Esme.San ka nagpunta ngayong dis oras ng gabi?”

Bahagya syang natigilan pero bahagya nyang pinakalma ang ginang.

Isinara nya ang pinto at sinadya nya talagang i-lock ito ng mabuti.

Napansin ata agad ng ginang ang mga kilos nya kung kayat masuyo syang pinaupo sa sofa at bahagya pinakalama rin.

“Anong bang nangyari?” Tanong nito “Ano bang ginawa mo? Saan nanggaling?”

Tumitig sya dito “Hindi ako si Maria Esther” kapagkuwang saad nya “Mga baliw silang lahat.Hindi ako ang babaeng tinutukoy nila”

“Teka ano ba kasi talagang nangayari?”

“Lumabas nga ako ngayong gabi” saad nya.

“Pero diba nagusap na tayo?” Saad naman ng ginang. “Ipagpabukas mo na ang papunta don.Pinagalala mo ako dahil lumabas ka ng dis oras ng gabi.Baka may mangyari sayo”

“Pasensya na” sambit nya “Gusto ko lang puntahan ang mga Erschonen pero iba ang mga nakita ko”

“Nakita? Ano naman yun?”

Unti unti syang napahikbi dahil sa naramdamang takot.

“Patay na ang mga Ershonen” saad nya “S-si Fresia daw,naabutang nagbikti sa kwarto nito.Tapos yung Chandra,nakitang nagbikti sa isang puno hindi kalayuan dito sa bahay.Tapos…” Hindi nya napigilan ang sarili at sunod sunod napahikbi, sobrang natakot sya sa mga nalaman at nakita “S-si Tita Minette.Patay nadin sya.Katulad ni Fresia at ni Chandra.Nakabigti din ito”

Nakita nyang natigilan ang ginang at bahagya pang nanlaki ang mata dahil sa mga sinabi nya.

“S-sinong gumawa nun?” Tanong nito.

Umiling sya “Hindi ko alam” sambit nya “Hindi ko talaga alam,pero sa bawat pagpatay.Sa bawat natagpuang katawan.May nakita silang isang minsahe na nakasulat gamit ang dugo ng biktima” bahagya syang humugot ng malalim na hininga at inisip ang sulat na iyun “Nagbabalik daw sya para maningil…sa lahat ng taong hindi tapat sa kanya ay kailangan mamatay”

Napatakip ng labi ang ginang dahil sa nalaman.

Muli syang napahikbi dahil sa namutawing takot.

“Totoo ba talaga si Maria Esther?” Kapagkuwang tanong nya “Nagbabalik ba talaga sya para maningil?”

Masuyo lang syang niyakap ng ginang nang hindi na nya napigilan mapaluha.

“Hindi ako si Maria Esther” nanginginig na sambit nya “Nababaliw na po silang lahat.Akala nila ako ang babaeng ligaw nakulalaha. Natatakot po ako…sasaktan po nila ako”

Agad bumitaw ang ginang ng marinig ito sa kanya “Anong ibig mong sabihin?” Tanong nito.

“Nakabuo na po sila ng isang grupo” saad nya “Nakakatakot po silang lahat kasi tila po nag rarally sila.Isinisigaw po nilang ibalik daw ang ligaw na kaluluwa kung saang impyerno ito ng galing”

“Kailangan mo ng umalis dito” saad ng ginang “Malakas ang paniniwala ng bayan na ito ukol sa pagbabalik ni Maria Esther at sa lumang sumpa ng babaeng walang mukha.Nangyari na ito noon,dala ang maling paniniwala, sinunog nila ang babaeng kay rangal.”

“Pero hindi ako si Maria Esther” sambit nya “Im not Maria Esther”

“Ligaw na kaluluwa” sambit ng ginang “Ang mukhang daldala mo ay isang mukha ng nakaraan.Sa maling paniniwala ang pangalang Maria Esther ang magdadala sayo ng kapahamakan at magiging dahilan ng mitya ng iyong buhay”

“A-anong pong gagawin ko?” Tanong nya sa nanginginig na boses “Natatakot po ako ginang Gina”

Masuyo syang hinawakan ng ginang sa dalawang kamay.

“Magmadali kana” sambit nito “Umalis kana sa bayang ito,tumakas kana”

Mariing syang tumongo at mabilis kumilos.

Nagtungo kagaad sya sa kanyang silid upang kunin ang mga importanteng gamit nya.

Napapaisip at nalulungkot.Hindi nya alam na sa ganto hahantong ang lahat.

Nais nya lang na malaman nya kung sino ba talaga sya.Kung saan sya nagmula,sino ang tunay na mga magulang.

Ni kailan man,hindi nya ninais na maging sino man.

Hindi nya gustong tawagin sya sa pangalang nagbibigay mitya sa buhay nya.

Kaya naman,kung ang pangalang yun ay maari nyang ikapahamak. Itatanggi nya ito kahit sa huli nyang hininga.

Bahagya syang natigilan sa ginagawa ng makarinig sya ng malakas na katok sa kanyang pintuan sa kwarto.

Nilingon nya ito at ang bumungad sa kanya ang naghuhumayos na ginang.

“Kailangan mo ng umalis!” Sigaw nito “Nandyan na sila”

Nanlaki ang kanyang mga dahil sa narinig.

Agad syang nagtungo sa isang binta na malapit sa pinto at ganun nalamang ang pagkalumo nya.

Nakita nya ang mga taong nakita nya din kanina sa harap ng mansyon.

May hawak itong mga kahoy na may apoy sa dulo nito.

Isinisigaw padin ang paulit ulit na mga salita.

’palayasin ang ligaw na kaluluwa…ibalik ito sa impyernong kung saan ito nararapata!

Napasapo sya sa noo.Hindi makapaniwala sa nangyayari.

Para syang nasa unang panahon kung saan sumusugod ang sang katauhan mapuklaw lang ang masamang pangitain.

Hindi nya alam na nangyayari parin ito sa makabagong panahon.

Napapaluha sa takot. Napansin nya ang pamilya na bulto ng lalaki sa harapan ng mga taong iyun.

’T-tito Kiko?… He mumbled.

Kapagkuwan ay narinig nya itong sumigaw.

“Pugsain ang ligaw na kaluluwa!” Saad nito sa marami “Ibalik ito sa impyernong pinanggalingan nito”

Hindi nya alam ang mararamdaman ng makita ang isang kilalang tao sa buhay nya.

Ibang iba ito sa Kikong nakilala nya noon.Mas masama ito.

“Pugsain ang ligaw na kaluluwa!” Saad muli nito sa marami “Ibalik ito sa impyernong pinanggalingan nito!”

Tumugon ang lahat sa sinabi ng kanyang tiyo.

Sa pagkakataong yun.Kinain na sya ng matinding takot.

“Hindi ako si Maria Esther!” Sigaw nya pabalik kung kayat narinig ito ng lahat.Napatingin ito sa gawi nya sa loob ng bahay “Im not Esther believe me”

Yun lang ang huli nyang binitawang salita kapagkuwan ay nagulat nalang sya.

Bigla kasing nagapoy ng malakas ang harapan ng bahay.Namalayan nya nalang na may naghagis pala nito.

Napaigtang sya sa gulat at sa takot.

“Patayin si Maria Esther sa katawan ng batang iyan!” Rinig na sigaw pa ni Kiko ng huli.

Nailing nalamang sya habang napapaluha ng maramdaman nyang hilahin sya ng ginang sa pulsuhan.

Blangko ang isip nya ng magtungo sila sa loob ng kanyang silid.

“Tumakas kana” sambit ng ginang bago ito kumuha ng upuan.

Basta nitong itinapon ito sa babasaging bintana dahilan para mabasag ito makagawa ng malaking uwang.

“Dito ka dumaan,lumakad ka sa kakahuyan papalabas ng street na ito” instraksyon pa nito sa kanya.

“P-paano ka po?” Tanong nya.

“Ako ng bahala dito” sambit nito “pipigilan ko sila para makalayo ka kaagad”

Nangingilid ang luha nya ng yakapin nya ang ginang.

Nagpapasalamat syang may tumutulong sa kanya kahit ngayon nya lang nakilala.

“Magmadali kana” sambit nito “Wala na tayong oras”

Tumango lang sya kapagkuwan ay mabilis na sumampa sa binata na nabasag na ang salamin. Puno puno ito ng bubog na hindi nya alintana kung masusugatan ba sya.

Namalayan nya nalang na may dumudugo sa parte ng hita nya ng makababa sya dito pero hindi nya ito inindan.

Sa halip ay,muli syang tumuon sa ginang na nasa ganun padin posisyon.

And then they mouthed to eache other…

’Paaalam

Ito lang ang huling nagawa nya bago sya magsimulang tumakbo.

Pero hindi pa man sya nakakalayo nang maliwanag ang paligid.

Dito nya namalayang nagaapoy na pala ang buong bahay at ang masakit nandoon pa sa loob ang ginang.

“Mga hayop kayo!” Sigaw nya kapagkuwan ay muli nagtuloy ang kanyang mga luha.

Wala na syang magagawa sa mga oras nayun kung kayat nagpatuloy sya sa pagtakbo.

Tumakbo sya mula sa masukal at madilim na kagubatan.Hindi nya alintana ang mga maliliit na sangang paminsan minsan ay tumatama sa brasot hita nya.

Ang sugat na natatamo nya ay wala ng katumbas na sakit sa lahat ng mga nangyari sa kanya.

Hindi sya makapaniwala na ang mga Ershonen.Si Fresia ang baka sakaling lola nya,si Chandra na ang baka sakali nya ding tita ay patay.

Pero sino ang pumatay sa mga ito.

Maaring ba talagang si Maria Esther yun?

Ganun ba kalaki ang galit ng babaeng iyun sa sarili nitong pamilya.

Ganun din ba ang galit nito sa kanya kung kayat nararansan nya ang lahat ng ito.

Ang habulin ng kamatayan sa gitna ng kawalan at sa madalim na lugar.

Sa isang banda,gusto nya nading maglaho.

Gusto nya na ding mawala dahil wala naman na syang babalikan.

Wala na ang kanyang mga magulang,hindi nya nakailangan hanapin ang mga ito dahil matagal na pala itong mga patay.

Wala nadin ang mga natitirang Erschonen na si Fresia at Chandra.Namatay din ang mga ito na hindi malaman ang dahilan kung sino ang gumawa nun.

Wala nang natitira sa kanya.

Nagiisa na lamang sya.

Kaya naman nang makalabas sya sa mula sa masukal na kakahuyang iyun.

Nakatagpo sya ng isang madilim na kalsada.

Doon,napaluhod sya.Napahikbi ng tuluyan hanggan sa habulin nya na ang hininga.

’Susuko na ba ako?… tanging tanong nya ’bakit nangyayari saakin lahat ng to? Bakit ako pa Maria?

Huminga sya ng malalim.Tumingin sa taas kung saan naroroon ang puting buwan.

“Tigilan mo na ako Maria Esther” sambit nya,bago sya humugot ng malalim na hininga.Kapagkuwan.

“Tigilan mo na ako tama na! Hindi ako ikaw! Hindi ako si Maria Esther”

“Ikaw yun Esme” natigilan sya ng makarinig sya ng nagsalita “Inuutusan kita na maging ikaw yun.Si Maria Esther”

Nilingon nya ito at ganun nalamang ang gulat nya.

Si Kiko,nanlilisik ang mga matang nakatingin sa kanya.Habang may hawak na isang kahoy na may apoy.

“Tito kiko…” Sambit nya dito.

Ngumisi lang ang binata “Ako ang simula” sambit nito “At ako rin ang katapusan”

Ramdam nya ang pagigting ng panga nito.Doon,nakaramdam uli sya ng takot.

Kung kayat dahan dahan syang tumayo.

Narinig nya ang nakakatakot na pagtawa nito.Kaya humakbang sya para sana tumakbo papalayo.

Pero ganun nalang ang lumo nya ng maramdaman ang kirot ng binti.

Ito ang nasugat kanina sa pagtalon nya sa mabubug na bintana.

Ito ngayon ang dahilan kung kayat bumagal ang kilos nya.

Kahit ganun pilit nyang ililigtas ang buhay.Paika ika syang maglakad ng mabilis pero bahagyang natitigilan sa muli pagkirot ng kanyang binti.

“Wag mo ng Subukan Esme” sambit nito “Ikaw ang huli,ikaw na ang katapusan kaya wag mo ng subukang tumakbo”

Kahit namumitawi ang takot ay muli nyang nilingon ang binata.

Dito nakita nyang itinututok sa kanya ang malaking kahoy na hawak nitong may apoy sa dulo.

Kung kayat nagmadali sya,kahit nasasaktan.

Tumakbo sya kahit paika ika at bahagya pang napapangiwi dahil sa sakit.

Hindi nya alam kung ilang metro na sya lumayo sa binata.Basta namalayan nya nalang na nandito sya sa isang pamilyar na lugar.

Kasya lang pumasok sa kanyang alaala ang isang panaginip noon.

Ang sitwasyon nya ngayon ay halos parehas lamang sa panaginip nya.

Isang lumang pantalan.

Isang madilim na dagat.

Malamig na simoy ng hangin na nangagaling sa malamig na gabi.

Natigilan sya,at kusang naglakad sa isang daan ng pantalon na iyun patungo sa dulo.

’Dito nangyari ang lahat he mumbled ’dito rin hahantong ang huling buhay ko kagaya ni Maria Esther…masusunog din ako.

Nagmalabis ang kanyang luha habang napaharap sa bukana ng pantalang iyun.

Hindi na sya nagulat ng makita nya ang ilang mamamayang nakatayo sa harapan ng pantalang iyun.

Nakatangang naka tingin sa kanya.

At yung binata…yung tito nya,yung demonyong minsan itinuring nyang ama.

Nandun sa kabilang dulo ng pantalang iyun.Hawak parin ang kahoy na may apoy na handa atang ihagis sa kanya bago syang tuluyang masunog.

“nauulit ang nakaraan” sambit ng binata sa malayo “Mula sa magkaparehong mga mukha.Sa magkaparehong scenaryo… bumalik ka Maria para maghiganti? Pero hindi na papayag ang bayang ito na muli mong balutin mo sa takot ang lahat”

“Hindi ako si Maria Esther” sambit nya “Hindi totoo ang sumpa.Walang ligaw na kaluluwa,mga baliw kayong lahat!”

Nakita nyang natawa ng mahina ang ginoong iyun.

“Ikaw man o hindi ang babaeng isinumpa” sambit nito “dapat kang mawala,ikaw ang bunga ng kataksilan.Ikaw ang bunga ng maling pagmamahalan. Ikaw ang dapat magdusa…mawala sa mundong ito Esme”

Sa huling patak ng luha,tinignan nya mata sa mata ang binata.

Isang ngiti lang ng demonyo ang nakita nya dito.

Bago ito umamba upang ibato ang kahoy na may apoy sa harap nya.

Nagliwanag ang lahat,parang sumabog…parang kumislap.

Pero ang mata nya ay nanatiling nakatingin sa demonyong mga mata ng binata.

Ito ang mukhang huli nyang makikita bago sya mawalan ng buhay.

Makakabalik ba sya?

Babalik ba sya para maghiganti?

Sya ba ang katapusan ng lahat? O sya lang ang simula?

Hindi ako si Maria Esther… In the last of his Breath,he mumbled.Unti unti,binabalot sya ng apoy. Nararamdaman nya ang init nito.

Pero wala syang maramdamang sakit.Ang katawan nya ay tila alam na ang mangyayari sa lahat ng ito.

Nagpasakop sya…

Sinakop na sya ng malaking apoy.

Pagkatapos nun,wala na syang ibang nakita kundi malalaking apoy na bumabalot sa paligid.

Pumikit sya at malungkot na ngumiti.

’Kagaya nya…ito rin ang katapusan ko…Pero kahit ganun,pilit ko parin itatanggi ang pangalan na nagbigay mitya sa aking buhay.

’I am,Esme Hermosa…

’I dont want to be Maria Esther… Beacuse Im not Maria Esther…

At ito ang kwento ng buhay ko .

“Im not Maria Esther”

CHAPTER 47

AN: Hindi pa ako maka move on sa INME so,dinagdagan ko sya ng chapters.

Pero sure nato.May epilogue na sa dulo.May ending na hehe.

Happy reading 💕

Doc vee,is he ok?

Ayos na ba ang kalagayan nya?

Bakit hindi pa sya nagigising?

Na-coma ba sya doc? May nangyayari bang masama sa kanya ngayon?

Dont worry,anak.Hes ok.

E bakit hindi pa sya nagigising?

May problema ba sa kanya?

Ahm,I think he just recovering.Pero magiging maayos naman sya soon.

Recovering…pero magdadalwang araw na syang walang malay.Do you think ok paba sya?

Ako ang doctor dito Bella,anak.I know whats happening on my own patient’s kaya wala ka dapat na ipagalala dahil maayos na ang kalagayan nya.

By the way? Saan mo ba nakita ang batang yan?

WALA na syang narinig na sagot mula sa mga naguusap na iyun.Nanghihina nalang syang nakahiga ngayon sa isang malambot na kama.

Bahagyang kumirot ang ulo nya ng bahagya syang gumalaw.

Kung kayat,agad na may dumaloy sa kanya upang alalayan sya. Napapangiwing inilibot nya ang paningin sa paligid at dito nya napagtanto kung nasaan sya.

Nasa isa syang hindi pamilyar na silid at dahil dito.Nagsimula syang magpanic.

“Its ok kid” sabat ng isang mahinhin na boses mula sa kanyang tabi nang magsimula syang lumingo lingo.Ni hindi nya ito tinignan sa mukha dahil sa ngayon ay naghahabol sya ng hininga.“Ok lang yan,ok lang ang lahat”

Umiling muli sya at magsimulang dumaloy ang mga luha sa pisngi.

Bumalik nanaman ang nakakatakot na alaalang iyun.Hindi nya mawari kung isa bayung panaginip o isang alaala na lalong nagpapasakit ng ulo nya.

Dahil dito mariin syang pumikit at ipinilig ang ulo upang mawala ang mga sinaryong iyun.Pero parang isang bala ito ng baril na sunodsunod syang tinamaan at pumapasok ito sa kanyang isipan.

“Hindi…hindi ako si Maria Esther” he mumbled “tama na hindi ako yung taong tinutukoy nyo.Tama na po”

Nagmalabis muli ang mga luha nya.Pero patuloy parin ang pagpasok ng mga alaala.

Ayun sa kanyang vision.

Nalaman nya ang isang katotohanan na hindi nya matanggap isang araw.

Dahil dun,sa gabing nagdaan mula ng makwento sa kanya ng isang babae ang kagilalas gilalas na sinapit ng kanyang mga magulang ay lumabas sya isang gabi.

Pinuntahan nya ang isang mansion para hanapin at alamin ang isang katotohanan mula sa dalawang tao.

Pero iba ang nakita nya rito.

Maraming mga tao.Maingay doon at magulo.

Sa harap ng mansiong iyun parang may nagrarally. Nagtago sya sa isang puno malapit dito at doon,palihim nyang pinag masdan at pinakinggan ang mga nangyayari.

Dito nalaman nya ang isang bagay na nagpangilabot sa kanyang sarili.

“Bumalik na ang ligaw na kaluluha!” Sigaw ng isang lalaki na hindi nya mawari kung nakilala nya ba ito sa boses “Totoo ang sumpa! Totoo ang ligaw na kaluluha at nandito na sya para maghiganti” narinig nyang nagbulong bulongan ang ilang tao roon pero nag patuloy lang ang nagsasalita.

“Babalik sya at hahanap ng isang taong pwede nyang saniban at gamitin upang ipangpatay sa mga taong nagkasala sa kanya,mahina ito.Wala itong pananalig sa dyos kung kayat hindi malayo na lapitin ito ng masasamang ispiritu”

“Marami na ang karanasan ng bayang ito ukol sa mga kababalaghan” sumagot ang isang tao mula sa kumpulang iyun “Naniniwala kami sa mga pinagsasabi mo,ukol sa naliligaw na kaluluhang iyan.Pero sino ang mga taong pwede nyang saniban? Isa ba saatin?”

“May tao ng nakatakdang upang tanggapin ang kaluluwang ito” sagot ng kaninang lalaking unang nagsalita “Gagamitin,at magpapagamit sya dahil kapwa silang may galit sa pamilyang ito,kawawang mga Erschonen”

Nanatili sya mula sa likod ng punong iyun habang napapatakip ng bibig.Nais nya ng umalis pero tila gusto pa ng katawan nyang manatili upang pakinggan ang nakakatakot na paguusap na iyun.

“Ang mga Ershonen” sambit ng isa pang boses mula sa kumpol na taong iyun “Kamag anak ng babaeng iyun.At nung nakaraan pang gabi lamang,may nanggulo sa pamilyang ito na isang binata.Ang nakakatakot pa,kamukhang kamukha daw ito ng babaeng iyun”

“Posible kaya na iyun si Maria Esther?” Sumabat ang isa pang boses “Posible ba na nagbalik ang kaluluwang ligaw gamit ang katawan ng batang iyun?”

“Baka ito rin ang pumatay kay Maam Fresia nung nakaraang gabi” nakarinig ulit sya ng isang boses mula sa kumpol ng mga taong iyun “baka nagsimula na syang pumatay at inuna nya si Maam Fresia.Hindi malabong ito rin ang pumatay kay Maam Chandra kagabi na natagpuan nating wala ng buhay habang nakabigti sa isang puno”

“Grabi na ang pangyayaring ito” sumabat muli ang isa pang boses.

“Ganun ba talaga kagalit ang ligaw na kaluluwang iyun para patayin nya sa magkasunod na gabi ang mag ina? Ang sama nya…”

Hindi na nya maprocess sa utak nya ang mga naririnig.Sa pagkakataong ito.Hindi na nya alam kung sino ang mga nagsasalita.

Nananatili lang sya sa likod ng punong iyun habang napapaluhang pinapakinggan ang walang kwentang teyorya ng mga taong iyun.

Nakakatakot dahil para na itong mga nababaliw.

“Wag kayong mag alala” nagsisimula na ang malakas na bulungan kung kayat narinig nyang muli ang pamilyar na boses ng lalaking iyun.“Alam ko na ang gagawin.Tugisin natin sya,kailangan matigil na ang mga ginagawa nya bago pa ito lumaki” saglit itong tumahimik bago ito magsalita “Kung ganto lang din pala ang mga mangyayari.Hindi dabat iniwan ko na sya noon palang sa nasusunog na kubong iyun.Hinayaan ko na dapat syang mamatay.Iisa lang ang pwedeng gumawa ng ganitong bagay.Ito ay si Esme…sya ang pumatay sa maginang iyun dahil sya si Maria Esther.Sa kanya sumasanib ang naliligaw na kaluluwa”

Nanlamig ng tuluyan ang kanyang katawan.Hindi sya makapaniwala na hahantong sa ganto ang lahat.Bakit sya? Wala syang kasalanan.

Naramdaman nyang kumilos na ang kumpol ng mga taong iyun.

Kung kayat,tila may sariling buhay ang mga paa na humakbang papalayo sa mga ito.

Wala sya sa sariling tumungo sa isang direksyon hanggang sa namalayan na nyang nasa madilim at liblib na sya ng kakahuyan.

Tila nanlalamig at hindi makapagisip ng tama dahil sa takot,nagpatuloy syang maglakad.

Ngunit sadyang tumigil ang katawan nya mula sa isang malaking puno.

Tila napako ang kanyang katawan at napatitig lang sa punong iyun.Hindi alam ang gagawin at hindi alam kung lalayo ba sa bulto ng nakikita nya ngayon basta…

Nagising nalang sya mula sa sariling sigaw ng mapagtanto nya ito.

“Hindi maari! Bakit? Sinong gumawa sayo nito!” Sambit nya habang napapatakip pa ng bibig “Tita Minette! T-tita…”

Nagtuloy ang mga luha nya ng mapagtanto nya na ang bultong iyun na kanyang nakikita.

Gulat na gulat syang nakabigti ang katawan nito,may dugo sa pulsuhan.Wala na itong buhay at wala na syang magagawa dito upang tulungan ito.

Basta napadako nalamang ang kanyang paningin sa tumutulong dugo nito hanggang sa mapansin nya ang mga patak,patungo sa isang direksyon.

Dito,nabasa nya ang isang sulat sa hangganan ng patak ng mga dugong iyun.

Im back….at hindi ko hahayaan na isa sa mga kagaya mo lang ang sisira ng mga plano ko.Tatapusin ko na ang lahat.

Napatakip ng labi.Kusang umatras ang kanyang mga paa.

“M-Maria Esther?…” Tanong nya sa sarili “Totoo ba si Maria Esther? Pero hindi ako yun? Bakit ako ang tinuturo nila? Hindi ako si Maria”

Tumakbo sya patungo sa isang direksyon.Binalot na sya ng takot at gusto nya nalang tumakas sa bayang ito.

Ayaw nya na dito.Gusto nya ng umalis dahil hindi sya ang taong tinutukoy ng mga galit na mamayang iyun.

’Hindi ako si Maria Esther…hindi ako si Maria Esther…

Hindi ako si Maria Esther.

Baliw kayong lahat.

Hindi ako si Maria…

Im not Maria Esther!

“Hey! Hey!” Isang malakas ngunit mahinhin na boses ang nagpagising sa kanya mula sa nakakatakot na alaalang iyun.

Dito na syang napahagulgol kung kayat naramdaman nya ang pagyakap ng nilalang na iyun sa tabi nya.

Kahit hindi nya ito kakilala. Hinayaang nya ang sarili na sumandal dito at tumuloy sa pagiyak.

Takot na takot sya ngayon na tila may susunggab sa kanya ano mangoras.

“Come down kid” sambit pa ng kasunod “its ok,everything will be ok.Nandito ako,I will help you”

“Natatakot po ako” nanginginig na sambit nya “Ayoko na pong bumalik don.Mga baliw sila…hindi ako si Maria Esther,ayokong maging si Maria Esther.Maniwala po kayo”

Tila natigilan ang babaeng iyun sa tabi nya.Tumahimik saglit at,itinigil ang paghagod sa kanyang likod.Maya maya lang ay bumitaw ito sa pagkakaakap.

“Anong sabi mo?” Tanong nito “Anong pangalan ang sinasabi mo?”

Hindi nya ito sinagot.

Nanatili lang syang nakatungo,patuloy ang pagluha nya hanggang sa sapuhin na sya ng babaeng iyun upang mapaharap ang mukh nya dito at mapatingin sa mukha nito.

Sa pagkakataong iyun.Natigilan sya at nagulat.

Dahil dito hindi nya sinasadyang maitulak ang babae sa gilid ng kama dahilan upang mahulog ito.Mabuti nalang at agad na dinaluyan ng katabi nitong doctor kung kayat hindi ito tuluyang natumba.

“Whats your problem?” singhal nito sa kanya,halata ang pagkagulat “Anong bang problema mo? Im trying to help you”

“Come down Bella” sambit ng katabi nitong doctor at hinawakan ng bahagya ang braso nito “I think he have phobia.Kailangan ko pa syang imbistigihan. Maraming nangyari sa kanya na nagpapabago ng ugali nya.Natatakot pa sya sa ngayon”

Napansin nyang huminahon ang babae pero nakatingin parin ito sa kanya. Nagkatitigan silang dalawa ng ilang segundo hanggan sa basagin nya na ito.

Nagtataka sya,hindi makapaniwala sa nakikita.

“Kamukhang kamukha mo sya” sambit nya dito “Hindi ako nagkakamali,ikaw yung nasa litrato.Ikaw si Maria Esther”

“Actually magkamukha kayo” sumabat ang doctor.

“Shut up” tiim naman na tutol ng babaeng iyun at muli syang binalingan “Paano mo nalaman ang pangalan na iyun? Sino kaba?”

“Ikaw sino ka?” Kunot noo nyang tanong “Bakit kamukha mo sya? M-Magkamukha tayo.Hindi ako nagkakamali.Ikaw yung nasa picture ni nanay Belen.Ikaw ang totoong si Maria Esther.Buhay ka”

“Im not Maria Esther kid” tiim muling saad ng babaeng iyun “I am Bella…Bella Esmiralda.At wag kang magkakamaling tawagin ako mula sa pangalan nayun”

“So ikaw po talaga yun?” Hindi nya makapaniwalang tanong “P-pero paano? Ang sabi nila patay kana”

“Si Maria Esther patay na” tiim na saad muli nito “Pinatay ng mga hayop nayun.Nang lalaking gahaman na iyun.Ako,si Bella Esmiralda.Hindi na ako si Maria Esther kagaya ng tinutukoy mo?”

Unti unti syang umiling na tila hindi makapaniwala. Hindi na nya alam ang mga nangyayari.

“Imposible…” Sambit nya “Akala ng buong bayang iyun sa Stio.Sampaguita.Nagbalik ka para maghiganti.Akala nila ikaw ang pumatay kila…F-fresia,kay Chandra at k-kay Tita Minette”

Muli syang tumitig sa mukha nito.Walang buhay ang mga mata nito pero tiim bibig itong tumawa ng mahina.

“Pinagiimbistigahan ko na ang lahat” sambit nito “Napagalaman ko,na iisang tao lang ang gumawa nun.Pinapaikot nya ang kwento.Pero dahil ginagamit nya ang patay na pangalan ko.Papaikutin ko rin sya sa sarili nyang mantika”

“Paano ka nabuhay?” Agad na tanong nya “Paano ka nakaligtas sa sunog nayun?”

Muling tumawa ng mahina ang babae.

“Nabuhay ako para magbalik at maningil” sambit nito “Sa lahat ng mga ginawa nila.Kulang ang kabayarang ipapataw ko sa kanila, humanda silang lahat sakin dahil ngayon palang magbabalik ang kinatatakutan nilang si Maria Esther”

Gustong nyang magtanong pa ng nais nyang malaman ng bahagyang mag bukas ang pinto ng silid na iyun.

Natigilan sila at napabaling.

Dumungaw kasi dito ang isang babae na nakauniporme na pang katulong.Binalingan nito yung babaeng nagpakilala sa kanya na Bella Esmiralda.

“Maam Bella” sambit nito “Nandito napo si Mr.Chen. Nais nya daw po kayong makausap”

Hindi sumagot si Bella sa halip ay binalingan muli sya.

“I will be back kid” paalala nito “Mag uusap tayo. Ipakilala mo sakin kung sino ka? I need you,I have a plan”

Hindi sya tumanga o sumagot.Sa halip ay napatitig lamang sya dito habang lumalakad ito palabas ng silid.

“You need to rest” sambit naman sa kanya ng doctor na na iniwan ni Bella “You need it.Nanghihina ang katawan mo dahil sa nangyari.Kalahati ng tubig sa katawan mo ang nawala kung kayat kailangan mo pang magpalakas”

Speaking of what happen.Ito kaagad ang pumasok sa isip nya.Paano sya basta nalang nagising sa bahay na ito.

Sino ang mga taong kasama nya ngayon.

“A-ano po bang nangyari sakin?” Kapagkuwang tanong nya “Papaano nyo po ba ako nakuha? Ang naalala ko po kasi,kunti nalang nung mga oras nayun.Kakainin na ako ng apoy…masusunog na ako”

“Mag pasalamat ka nalang” saad nito “Mabuti na hindi ka nagkaroon ng sunog sa katawan o sugat man lang” tumitig ito sa kanya ng ilang segundo “Pero kahit siguro wala kang galos sa katawan mo.Matindi naman ang epekto sa isipan mo ng mga nangyari.You need psychiatrist.Matutulongan ka nila”

Umiwas sya ng tingin kapagkuwan ay nagbuntong hininga “hindi ko po alam kung sino ang mga gumawa nun kay Tita at….sa mga Erschonen.Malabo po e,may mga pumatay sa kanila pero ako yung tinuturo nila dahil” tinuon nya ang ulo nya sa pinto na nilabasan ni Bella “kamukha ko daw po si Maria Esther”

Hindi umimik sa kanya ang doctor ng ilang segundo sa halip ay hinawakan sya nito sa dalawang kamay bago magsalita.

“Tutolungan kita” sambit nito “Tutolongan ka namin.Aayusin natin ang buhay mo kagaya ni Bella noon.Pero sa ngayon, magpahinga ka na muna. Kailangan ka ng anak anakan ko.Hindi pa daw sya tapos”

Gusto nya pa sanang makipagusap sa doctor na iyun,ngunit nakaramdam sya ng pagbigat ng talukap ng mata.

Nakaramdam sya ng antok kung kayat ipinilig nya ang ulo at muling nahiga.

HINDI nya alam kung ilang oras na syang nahimbing sa pagtulog pero nagising sya dahil sa pahapyaw ng lamig sa mukha nya.

Inumulat nya ang mata at dumungaw sa kanya ang manipis na kurtina mula sa pinto ng balkunahe.

Nasa loob parin sya ng silid na iyun pero dahil sa lamig ng hangin na pumapasok sa nakabukas na pinto ng balkunahe.

Nagising sya.

Ramdam nya ang panghihina ngunit pinilit nyang itayo ang sarili.

Pakiramdam nya matagal na syang nakahiga sa kamang iyun kung kayat nais nyang mag palamig muna sa balkunahe.

Dahan dahan syang nag lakad patungo dito.Pero bahagya lang syang natigilan ng makitang nakatayo dito si Bella.

Tahimik itong nakatanaw sa madilim na palang kapaligiran.Habang sinasalubong ang lamig ng simoy ng hangin.

Unti-unti lumapit sya dito at tumabi sa babae.

Ramdam naman nito na nasa tabi na sya ngunit hindi umimik.Kung kayat ilang segundo pa nilang pinagmasdan ang kalaliman ng gabi bago ito magsalita na nagpabasag sa munting katahimikan.

“Are you ok now kid?” Tanong nito “may nararamdaman ka pa ba?”

Saglit nya itong binalingan bago sya sumagot “Ok na po,m-medyo nanghihina pero makakabawi naman po sa tingin ko”

Umikhim ang babae “You need it” sambit nito “Ipunin mo ang lakas mo.Dahil hindi dito natatapos ang lahat.Wag mong hayaan na sa dulo lang ng hangganan matapos ang buhay” tumingin ito sa kanya “yung ginawa mo,maling mali.Dapat lumaban ka.Dapat hindi mo hinayaang kainin ka ng apoy nayun”

“Tinutukoy nyo po ba ang nangyari sakin sa pantalan?” Tanong nya “P-paano nyo po ba ako nailigtas?”

Nawala ang ekspresyon ng babae bago ito sumagot “Nababalitaan ko ang mga nangyayari sa loob ng bayang iyun Kid.Meron akong mga mata” sambit nito “Alam ko na ang mga plano nya una palang.Pati ang ginawa nya sayo. Kaya naman pinaimbistigahan ko na sya.For all what he did.Sobra nato,huli kana”

Kumunot ang noo nya sa sinabi ni Bella.Wala syang naintindihan kahit isa dito.

“Hindi ko maintindihan kung anong kasalanan ang ginawa ko sa kanya” saad pa ng babae “Bakit sa una palang ang tanga tanga ko?.Bakit hindi ko kagaad napansin na plinano nya tong lahat.Pati ang pagkakakulong ko at ang…muntik ko ng pagkasunog sa pantalang iyun”

“Ikaw po si Maria Esther” kapagkuwang sambit nya “Ikaw po ang babaeng ligaw na kaluluwang sinasabi nila.P-pero paano? Paano kapo nakaligtas sa sunog nayun”

Tumingin ang babae sa kawalan bago ito sumagot “Tumalon ako sa dagat” sambit nito “Iniligtas ko ang buhay ko para balang araw pisikal akong babalik sa bayang iyun para maningil” tumawa ito ng bahagya “Ang galing nya…ang galing galing ni Kiko” sambit nito kapagkuwan ay nakita nya kung paano nagigting ang panga nito.

“Alam nya noon pa man,na nakatakas ako” paliwanag nito “Alam nya noon pa man na walang katawan ang nasunog doon.Na walang Maria Esther na pinatay nya sa pantalan.Kaya ngayon takot na takot syang baka bumalik nga ako.Natatakot syang baka balikan ko sya at singilin sa mga ginawa nya.Buong buhay nya nabuhay sya sa takot sa pagbabalik ko kaya nya nagawa ang mga planong yun.Pinatay nya ang mga Erschonen”

Huminga sya ng malalim.Hindi nya alam kung anong sasabihin sa mga nalaman nya ngayon.

“Nakikita mo to?” Tanong nito sa kanya bago bahagyang ibaba nito ang damit sa braso at ibaling ito sa kanya.

Napatingin naman sya sa braso nito at nakita nyang may peklat nga ito dahil sa natamong sugat dahil sa sunog.

“Ito ang palatandaan na kaya nya akong patayin” sambit nya “Ito ang palatandaan na habang buhay ko syang hahabulin at sisingilin sa mga ginawa nya” Bumuga ito ng hininga.

“Tama na sana na ako nalang e…” sambit nito “Pero dahil sa maling akala nya.Nagawa nya sakin to.Pinakulong nya ako sa salang hindi ko naman ginawa.Kulang pa yun sa ginawa nya dahil pagkatapos nya akong akalaing mapatay.Ngayon, pinatay nya naman ang mga Erschonen.Sya ang pumatay kay Tita Fresia at Chandra. Maging ang kasabwat nyang si Minette ay pinatay nya din”

Unti unting naramdaman nya ang pagtulo ng kanyang luha.Hindi nya napigilang mapahikbi dahil sa mga nalaman.

“Tapos ako din po…” Sambit nya “Balak nya din po akong patayin nung gabing iyun”

“Oo,alam ko yun kid” sambit nito sa kanya “Pero alam ko na ang mga plano nya.Hindi lang ako makapaniwalang handa ka talagang magpasunog sa pantalang iyun kung kayat iniligtas na kita.Wala ka ng malay sa mga sandaling hinila kita patalon sa tubig”

“Sinubaybayan nyo na po ang mga plano ni Tito Kiko nun?” Tanong nya.

“Nagplano ako,pagkatapos kong matagpuan si Doc,Avee. Tinulongan nya ako” paliwanag nito “Sya ang umahon sakin para maging ganto ang buhay ko. Nagpayaman ako,nagsikap gamit ang pangalan ng anak nyang namatay na si Bella Esmiralda…

Kaya may pera na ako para tahimik na paglaruan at alamin ang buhay ng Kikong yun.Sa loob ng labing walong taon,inalam ko kung ano ang buhay nya pagkatapos syang tumakas sa lugar ng Stio.Sampaguita.Nabuhay syang nagmaangmaangan para pagtakpan ang mga ginagawa nyang kasamaan.Wala syang kaluluwa hayup sya“

Napatitig sya sa babae at inisip ang isang bagay.

“Ako po si Esme Hermosa” kapagkuwang sabat nya “A-ako po ang batang nakaligtas sa sunog.Inalagaan po ako ni Tita Minette.Hindi sila ang mga magulang ko.Kinuha nila ako sa sunog at pinalaki.May nakapagsabi sakin,n-na baka ako daw yung nawawalang bata.Ako daw po yung anak ni Maria Esther”

Ilang segundong inantay nya ang pagsagot ni Bella.Para bang habang tumatagal itong tahimik tila mas kumakabog ang puso nya.

“Alam ko” kapagkuwang sagot nito na ikinatigil nya “Alam ko kung sino ka Avery…Avery Herminia,ang anak ko”

Tila sasabog ang dibdib nya sa mga sinabi ng babaeng ito.Pero tila wala itong emosyon at wala man lang syang nakitang ekspresyon ng mukha dito.

Hindi ba sya nito tanggap? O wala lang talaga itong pakialam sa kanya.

“A-alam nyo naman po kung sino ako” sambit nya “Pero bakit hindi nyo po ako kinuha sa puder nila Tito kiko at tita Minette? Ayaw nyo po ba sakin?”

Hindi ito tumingin sa kanya.Sa halip ay sa kawalan ito tumitig na tila dito ito nakikipag usap.

“Anak ka ni Sebyo” sambit nito “Anak ka ng lalaki na bumaboy sakin.Anak ka ng lalaking sumira sa pagkatao ko.Ang punot dulo ng lahat”

“Kaya po ba hindi nyo po ako tanggap?” Tanong nya “Hindi nyo po ko mahal at wala kayong pakialam kasi bunga lang ako ng kasalanan” humikbi syang muli ay sa pagkakataong ito.Hindi na nya pinunasan ang luha nya “Kulang pa po ba ang mga naranasan ko sa kamay ng mga tumayong kong magulang?…kagaya nyo rin po ako Ms.Bella” saad nya na unti unti ay kinatingin sa kanya ng dalaga.

“Ni-rape din po ako…at ang gumawa pa non ay ang kinikilala kong ama”

“Anong sabi mo?” Kapagkuwang tanong nito sa kanya ng marinig ang huli nyang sinabi.

“Im gay” sa halip ay sagot nya “Pero sinamantala yun ni Tito kiko to use me for his night routine. Isang beses lang yun,pero malaki ang epekto sakin.Ginahasa nya ako,binaboy”

“Hayup sya” tiim saad ng babae bago nya makitang nagmalabis ang luha nito sa pisngi.

Dahan dahan lumapit ito sa kanya kapagkuwan ay masuyo syang niyakap.

Doon,mas bumagsak pa ang kanyang mga luha at humigpit din ang yakap nya sa ina.

“Hayup sya” muling sambit ni Bella habang ganun parin ang kanilang mga posisyon “im sosorry…Im sorry natakot lang ako.Im scared to use you too.Ayokong gamitin ka sa paghihiganting gagawin ko.Naawa ako sayo”

Umayos ito at kumalas sa kanya.Punong puno narin ng luha ang mukha nito habang sinasapo ang mga pisngi nya.

“Ikaw ang anak ko Esme” sambit nito “ikaw si Avery at matagal ko ng alam yun.Pero hinayaan kita sa mga kamay ng hayup nayun para araw araw naalala nila kung sinong taong tinapon nila sa impyerno.Hindi ako nagisip na pwede mo tong ikapahamak.Mas natakot lang talaga ako na nadamay ka pa sa lahat…

…Ayokong gamitin kita laban sa paghihiganti ko.Pero nandito ka parin.At muntik ka ng mawala sakin.Simula ng bumalik ka sa Stio.Sampaguita sinusubaybayan na kita.Kaya naman ng mangyari sayo ang sunog sa pantalan. Kaparehas yun ng trahedyang nangyari sakin.Kaya ginawa kong lahat para maligtas ka.Kahit itakwil mo pa ako bilang ina“

“Akala ko po wala ng natitira sakin” sambit nya “Huli na ng malaman kong isa ako sa mga Erschonen.Pinatay ni Tito kiko si Lola Fresia at tita Chandra.Wala narin si Tita Minnette na minsan naging mabuti sakin.Wala na pong natitira sakin kahit isa” muli syang humikbi “Kayo nalang po…mama.Kayo nalang ang meron ako”

Aasahan nya na sana ang pagtanggi sa ina ngunit unti unti itong tumungo.Binitawan sya nito ng mahigpit na yakap. Kapagkuwan ay hinalikan sya nito sa noo.

Ilang segundo rin silang kinain ng katahimikan bago sila nagayos ng sarili at muli nilang pinagmasdan ang kalaliman ng gabi.

“Hayup sya” kapagkuwan saad ni Bella dahilan upang mabasag ang katahimikan.Nanatiling naktutok ang mata nito sa kawalan.

“Hindi pa sya nakuntento sakin.Pinagbintangan nya na ako sa lahat ng kasalanang hindi ko ginawa.Pagkatapos ay dinamay ka nya.Pumatay pa sya ng mga tao.Wala syang kaluluwa”

Bumuntong hininga sya na tila pinapahayag sa katabi nyang ina ang isang bagay.

“Tapusin na po natin to” sambit nya na ikinatingin naman sa kanya nito “Gusto ko napong mamuhay ng normal.Yung tahimik at malayo sa gulo.Kuntento na po akong nahanap kita.Nalaman ko na po ang totoo kong pagkatao.Kaya naman gusto ko ng mamuhay ng tahimik kasama po kayo” tipid nyang nginitian ang ina.

“Tapusin napo natin to…mama”

“May plano ako anak” kapagkuwan saad nito na ikisinangayunan naman nya “Lets do this one.Sya naman ang dapat nating itapon sa imyerno.Matutulongan mo ba ako?”

Tumango sya “opo mama…tutolungan ko po kayo” saad nya “ano po bang plano?”

CHAPTER 48

Happy reading 💕

“Ano bayan,Its creepy naman here” rinig nyang reklamo ni Imzy “Fiesta pa naman sa baryo nato ngayong gabi.And then you tell that to us ng mga kalokohan mo.Stop it na nga,I cant even”

Natawa sya sa looban dahil sa reklamo ng dalaga.Matapos nya kasing ikwento ang buong storya ng ligaw na kaluluwa.

Magrereklamo din pala ang mga ito sa kanya.Tila lahat kasi sila ay binalot ng takot at kaba.

“It means…totoong nagbalik ang kaluluwa ni Maria sa lugar nato?” Napabaling sya sa nag tanong.Ito ay si Wen na laging tanong lang ata ang nariring nya.

“Oo Wen paulit ulit” si Rex ang sumagot “Bumalik sya upang patayin ang mga taong nangabuso sa kanya”

“Kawawang mga Erschonen” sambit naman ni Ivan “lalo na si Fresia,antanda nya na para patayin at mabigti.Si Chandra naman,kawawa yung boyfriend nyang nasa states.Sabi ng reporter buntis daw yung babaeng yun kung kayat labis ang sama ng loob ng boyfriend nito.Hindi daw ito makapaniwala”

“Thats Bryll” sabat naman uli ni Imzy “I feel his love and sadness when he came from state but suddenly…wala na syang babalikan.Patay na ang magina nya e.Wala narin ang soon to be mommy nyang si Fresia na pinangarap nyang makasundo para pakasalanan ang magiging asawa nya.Hyst…thats love”

“Ano kayang naramdaman nya no?” Muli,tanong nanaman ang narinig nya kay Wen.“Ang hirap sigurong tanggapin na ang pumatay sa pamilya mo ay ang ligaw na multo.Hindi sya pwedeng makaganti kasi multo na nga e.It means wala na.Baka ikasanhi nalang nya ito ng depression”

“Pero diba? Yung Esme daw ang gumawa?” Isang tanong ang narinig nyang muli kay Rex “Posible daw na sumanib dito ang kaluluwa ni Maria Esther at gamit ang katawan nito ay pinatay nya ang mga Erschonen”

“But Esme already dead” si Imzy naman ang sumagot “Hindi nya parin to magagantihan kasi patay na nga din diba?”

“Ang creepy” sabat naman ni Ivan “Biruin mo,yung Esme nayun kamukhang kamukha daw ni Maria Esther.Tapos literal na sinaniban ng babaeng yun at pumatay ng mga tao.Ganun ba talaga kagalit ang multo ng nakaraan para magawa yun?”

“Para sa lahat ng mga sinapit ni Maria sapat yun” sabay sabay silang napatingin sa gawi ni Rigel ng magsalita ito “Totoo man ang sapi o pagbabalik ng kaluluwa sa mundo.Sa lahat ng dinanas ni Maria sa kamay ng mga mapagsamantala.Sapat yun. Nakakalungkot lang na ang sinapit ng binatang iyun ay kapareha rin ng sinapit din ng Maria Esther sa pantalan.Ang masunong ng buhay. Kaya tama lang ang ginawa nya,tama lang ang mga nangyari”

“So kampi ka kay Maria sa pagpatay nya ng mga tao?” Natigilan sila sa tanong ni Wen kay Rigel.

Mabuti nalang at hindi na ito pinansin ng binata dahil muli ulit nagsalita si Rex.“Naiisip nyo ba?” Saad nito.

“Paano kaya nakakayanan nung Kiko ang mga nangyari?…una naging anak nya si Esme. Nakasama nya sa bahay at inalagaan nya.Wala ba syang napansin kakaiba sa batang yun?”

“Anong nararamdaman nya na namatay din ang asawa nyang si Minette” sabat ni Imzy “Paano nya natanggap na ang pumatay pa rito ay ang anak anakan nyang si Esme…”

“Lahat ng katanungan nayan ay masasagot ni Kiko pagpinuntahan natin sya” muli,natigilan silang lahat sa suhestyon ni Rigel.Para silang dumino na napabaling sa binata.

“Pati sya i-enterviewhin natin?” Tanong ni Wen.

“Yes” sagot naman ng binata “Sya ang nakakaalam ng lahat.Kung gusto nyo matapos ang ginagawa nating research project.Sya mismo ang tamang taong dapat puntahan natin.Sa kanya lang natin malalaman ang lahat ng kasagutan about sa murder case na kinabilangan ni Esme Hermosa”

Dito ay naisipan nya ng umimik dahil sa sinabi ng binata.

“Ahm,pero diba” panimula nya “Pitong buwan palang naman ang nakalipas.Sa palagay nyo ba stable na ang kalagayan nung Kiko? Naisip ko lang naman kasi sa kabila ng mga nangyari sa pamilya nya.Baka hindi pa sya nakakamove on.Lalo na wala pang isang taon ang nakakalipas ng mangyari ang trahedya nayun”

“Ysay is right” napatingin sya kay Ivan ng magsalita ito “baka kasi sa oras na ipaalala naman natin sa kanya ang pangyayaring yun.Ma trigerd lang sya.Mahirap na baka tayo pa ang dahilan ng depression if he was already move on”

Tumikhim si Rigel para sagutin ang binata.“Ok,so magko-cunduct tayo ng mga research from this community? Kung gaano ba katotoo ang mga nangyari at ano ang opinion nila sa lahat ng iyun”

“That good Idea Mr.Leader” si Rex naman ang nagsalita “Mas maraming opinion mas makatutohanan”

Huminga ng malalim si Rigel kapagkuwan ay tumayo ito at tiningnan sila isa isa.

“So…tara na?” Tanong nito sa kanilang lahat na ikinakunot ng noo nila “Ngayon gabi tayo magtatanong tanong.Maraming tao sa plaza dahil fiesta ngayon ng SuMaKa,mas marami tayong participants”

“Ngayon talaga?” Tanong ni Wen dito “Agad agad?”

“Hindi man lang ba tayo magpapahinga or something?” Sabat Imzy “Magdadalwang araw na tayong nagkakalap ng impormasyon.You know? Why atleast we having fun here! Tutal fiesta naman,lets get party!”

Imzy giggled lalo na ng sinangayusan sya ng tatlo.Pero wala man lang ekspresyon ang mukha ni Rigel na nakatingin sa mga ito.Mukhang hindi nagustuhan ang suhestyon ni Imzy.

“tama si Imzy Rigel” saad ni Rex “Sa labing walong taon na nakalipas sa stio.Sampaguitang ito.After sevent month ng taon na ito.Ngayon lang uli sila makakaranas ng fiesta.Bakit hindi muna tayo makisama sa pakikipagselebrasyon nila? Parang nakakabastos kasi na habang ninanam nila ang kalayaan dahil sa masasamang pangyayari past seven months ago.Nandito tayo para manira ng mode.Ngayon talaga? Magtatanong tayo ng mga nangyari dati? Para kasing mali”

Hindi umimik si Rigel sa halip ay tumingin lamang ito sa kawalan na parang nagiisip.

Dito ay sumingit na muli sya sa usapan.

“Tama naman kayong lahat” saad nya sa mga ito “Pero tama rin si Rigel.Marami ngang participants. Pero bilang bagong simula ito ng bayan,at selebrasyon nila lahat para mag move on sa mga nangyari.Sa suhestyon ko,makisama na muna tayo sa mode nila.Wag nating sirain ang saya ng bayang ito.Marami na silang pinagdaanan”

Sunod sunod na naging masigla ang apat pwera lang kay Rigel na nagbitaw ng malalim na hiniga.Tumingin ito sa kanya na tila sa kanya humuhugot ng opinion para pumayag.

Unti unti ngumiti sya na kinagaan naman ng mukha nito kung kayat na wala ang simangot nito sa mukha.

“Ok,lets get party”

“Yey! Thank you leader!” Sabay sabay saad ng apat na kinatawa nya lang.

Iniligpit na nila ang mga kagamitan na dala dala nila. Kapagkuwan ay nilisan na nila ang may kadilimang lugar na iyun.

Hindi na nya maalala kung ilang oras na sila tumagal sa kanilang paguusap.

Ang mabuti lang ngayon ay alam na ng mga kasama nya kung ano ang lumang kwentong may roon ang bayang pinagmulan nya.

Na ikuwento na nya ang buong buhay ni Maria Esther sa mga kasama na sinalin lang din sa kanya ng kanyang lola.

At ang latest na pangyayari mula kay Esme na ginamit ng dalaga seven monthe ago.Nalaman nya ang storya nito dahil narin sa pagreresearch nya at sa mga imbistiga ng mga pulis.

Ngayon,dahil may research sila sa kanilang subject.Ito ang naisip nyang ipanglaban sa thesis priminilary.Ang dating bayan na minsan tinirhan nya nung bata pa sya ay muli nyang binalikan upang buksan ang lumang kwento.

Ngayon matapos nilang maghanda lahat,ay nagtungo na sila sa fiesta.

Bumugad sa kanila ang makulay na plaza at maingay na kapaligiran.Marami ngang tao na nagkukumpulan sa dance floor at sinasabayan ang tugtog ng banda mula sa intiblado.

Mukhang pinaghandaan ng bayang ito ang bagong bihis ng fiesta ng SuMaKa.Kumuha na ang mga ito ng banda na magpapasigla ng lahat.

Naisip nya,deserve ito ng bayang ito sa kabila ng mga nangyaring kababalaghan.Mula sa mga pagpatay at sa pinaniniwalaang sumpa ay sadyang nakaka takot ang lahat ng mga nangyari.

Kaya mula sa magarbo na pista ng SuMaKa.Ang lahat ay deserve makaranas ng kasiyahan at katiwasayan.

Napapangiti sya dahil sa kakulitan ng apat,habang papasok sila sa isang arko patungo sa dance floor sa harap ng intabladong may kumakantang banda.

Nakikita nya kasing sumasayaw na si Wen habang naglalakad.

Sinabayan lang din ito ni Imzy na sinundan ni Ivan at Rex na nagkukulitan nanaman.

Sila naman ni Rigel ay parang mga magulang lang na nakatingin sa kanilang mga anak habang naglalaro.Nasa likod sila ng mga ito kung kayat tila wala itong mga paki sa kanila.

“Guys!” Medyo may kalakasang ani ng binata sa mga kaibigan para marinig dahil sa lakas ng tugtog at ingay ng mga taong katabi nila “wag lumayo,dun parin kayo sa makikita namin! In case of emergency lang”

Natawa sya ng mahina “Tatay lang po Rigel?” Tanong nya.

“What?” Kunot noong tanong ng binata “Its just for…in case of what happen. Atleast madali natin mahahanap ang lahat,kung sakaling magkagulo right?”

Napapangiti syang tumango kapagkuwan at bumaling sya sa binata.

“Nagsasayaw kaba?” Kapagkuwang tanong nya “since nandito naman tayo sa dancefloor.Bakit di ka sumali sa kanila? Itigil mo muna yang pagiging masungit mo.Bukas mage-start nanaman tayo for reasearch.Smile ka muna”

Pinaningkitan lang sya ng binata dahil sa sinabi nya pero kapagkuwan ay tipid na itong ngumiti.

Huminga sya ng malalim at lakas loob na inuwestra sa binata ang dance floor.

Kapwa sila ngumiti and then they are about heading to the dance floor.When the two person approach them.

Kapwa sila natigilan na napatingin lang sa mga ito.Pero mas lalo lang atang nanlaki ang mata nya ng makilala nya ang mga tao sa harap nya.

“K-Kye?” Baling nya sa binata “Kyst?” Ani nya rin sa babaeng katabi nito.

Ito ay ang magkambal na Montefalco,na minsan na nilang nakasama sa isang college entance exam sa manila.Pero nakakapagtaka na hindi ito tumuloy sa halip ay nagaral nalang ito sa kalapit nitong skwelahan sa bayan ng stio.Marka.

Ang MMU College.

“Ahm…Ysay?” Si Kye ang nagsalita kapagkuwan ay binalingan si Rigel “Oh,bro you here too.Anong ginagawa nyo ditong dalawa?” Tanong nito sa kanila na may kalakasan ang boses dahil sa ingay ng paligid.

“Were here for the research” diretsyong sagot ni Rigel na pinatungan ang ingay dahil sa lakas ng boses nito.

“Kayo? Anong ginagawa nyo dito siz?” Binalingan nya ang dalaga na si Kyst.Usual sa appearance ng dalaga.Mukhang nagtataray nanaman.

“Ahm w-wala we just having fun here-”

“We just finding the bullshit informations” pinutol ng dalaga ang sagot ni Kye sa kanya.Halata ang inis si Kyst kung kayat kapwa sila natigilan ni Rigel.“Nandito kami para hanapin ang isang multo”

“Shut up kyst” nakita nyang nagigting ang panga ni Kye ng sumagot ito sa dalaga.Dahil dito hindi na muna sila umimik.“I told you na huwag ka ng sumama dito kung ganyan parin ang mindset ng utak mo”

“Iba ang pinagusapan natin Kye” saad ng dalaga “sabi mo titignan natin dito ang dating mansyon nila daddy.Dapat hindi na ako naniwala sayo dahil alam ko na may ibang pakay kapa sa lugar nato”

“Im just finding the truth” sagot naman ng binata dito “Masama bang maghanap ng information about him?”

“Information your ass” saad naman ng dalaga “Bakit hindi mo nalang kasi matanggap na naghahanap ka nalang sa wala.He is already dead.Pitong buwan na ang nakalipas can you pleas move on?”

Hindi agad nakasagot si Kye kung kayat napabaling sya dito.

Bahagya syang natigilan ng makitang namuo ang luha sa ilalim ng mga mata nito.Dito nakaramdam sya ng awa.

“May kinalaman ba ito kay Esme?” She mumbled.

“Im sorry to interrupt you guys!” Si Rigel na ang nagsalita kapagkuwan ay mahina itong natawa “But we are in the middle of party? Magaaway talaga kayo”

“This is all his fault” saad ni Kyst “Hindi sya maka move on.Iniiyakan nya parin ang labi ng faggot nayun kahit I already told him na wala na ito”

“Shut up Kyst!” Angal muli ni Kye.

“No!you shut up!” Saad naman ng dalaga “Esme is already dead wala na sya so start move on…”

Muli nyang ibinaling ang pansin kay Kye at hindi nga nakawala sa paningin nya ang pagluha nito na agad ding pinunasan ng binata.

Dahil dun,she confirmed something.Maaaring si Esme and Kye ay may nasimulan na… Ang masakit lang ay agad itong naputol ng mawala ang binata.

Huminga ng malalim ang binata at ipinilig ang sarili sa kanila. Tumalikod na ito at magsisimula na sanang maglakad patungo sa maraming tao ng mapansin nyang sinalubong ito ni Wen.

Katulad nya kanina ay gulat na gulat itong nakita ang binata kasama ang tatlo pang sila Imzy,Ivan at Rex.

Sila sila rin kasi lahat ang nagkasama sa college entrance exam na iyun.

Naaawa man kay Kye dahil sa nahunian nyang kalagayan nito. Wala syang nagawa ng ayain muli ni Wen ito patungo sa harapan nila.

“Guys! Look what I found” magiliw nitong ani sa kanila “And yes you” turo pa nito sa dalaga “Hi! kyst Montefalco right?”

Katulad ng paguugali ni Kyst.Nagtaray lang ito kay Wen na hindi naman pinansin ng dalaga.

“Kanina pa kami nag uusap dito Wen” si Rigel ang sumagot “Huli ka nanaman”

“Oh sorry” saad ng dalaga.

“Kumpleto nanaman tayo ah” si Rex ang pumuna sa kanilang lahat.“Kasi tong dalawang kambal kung nagaral lang to sa manila edi sana squad na tayo”

“Yeah squad goals!” Saad ni Ivan at inuwestra nito ang kamay na tila nakikipag piece bomb sa lahat kaya tinarayan lang ito ni Imzy.

“Eww,really Ivan,Rex?” Sambit nito sa dalawa “Ang cringe huh?”

Tumawa lang ang dalawa na sinabayan ni Wen.Pero natigil din ito ng hawakan ni Kyst ang kakambal nito paalis.

“C’mon kye” sambit nito “We just wasting our time here”

“Wait hindi ba kayo nagpunta dito for party?” Natigilan ang dalawa ng magtanong si Rex “Anong ginagawa nyo rito kung ganun?”

“Naghahanap sa multo” mataray na saad ni Kyst “Ito kasing kakambal ko hindi lang ako inenform na magiging pharanormal na pala sya ngayon”

Napansin nyang kumunot ang noo ni Kye dahil sa sinabi ng kakambal.

“Can you stop blaming me for a while Kyst” saad nito sa kakambal “Nasa harap tayo ng mga kaibigan natin”

“Kaibigan mo” saad naman ng dalaga na ikinatigil ng lahat.

Dahil dito,hindi nya na napigilang sumingit sa usapan.Dahil maaaring mag simula nanaman ang alitan nito.

“Actually were here for the reasearch” saad nya kung kayat bumaling sa kanya si Kye “Gumagawa kami ng research kaya kami napadayo sa bayang ito.At…tungkol lahat yun kay Esme,at kay Maria”

Walang umimik sa tinuran nya sa halip ay nakita nyang natawa si Kyst sa katabi ng kakambal.

Medyo na offend sya sa asal nito kung kaya nagsalita muli sya.

“Were not here for the crazy things” saad nya “Were here para malaman ang buong katotohanan.Gusto naming malaman ang buong kwento sa likod ng pangyayari sa mga pagpatay nayun.” Hindi nya napigilan mapabaling kay Kyst ng saglit syang tumigil “Hindi nakakatawa ang mga ginagawa namin kasi we just heading to stand the truth”

Napansin ng dalaga ang tingin nya dito kung kayat buong tapang itong tumitig sa kanya.

“Ilang beses kong inaway ang kakambal ko for that sh*t” saad nito sa harapan nya

“Ang hirap na nakikita mo na unti unti kinakain sa lungkot ang kapatid mo” bahagya itong tumawa “And guest what? Ayokong magpunta sa lugar nato para hindi sya matrigerd e.And then here,ito? Makakasama ko pa ang mga baliw na kagaya nyo?”

“What did you say?” Si Imzy na ang sumingit at nagtanong kay Kyst.“Are you f*ck up? Nangiinsulto kaba?”

“No” walang ganang saad ni Kyst dito “Hindi lang ako makapaniwala na may anim pa palang baliw na tao bukod sa kapatid ko na naghahanap ng kwento mula sa faggot nayun.Anong meron sa taong yun kung bakit ganto nyo nalang sya bigyan ng importansya huh?”

“Kung nakilala namin si Esme kung nabubuhay pa” muli syang sumingit “alam namin na mas mabuti syang tao kaysa sayo.Were para malamang ang totoo.Kaya oo,importante sya samin”

Tumingin sa kanya ang dalaga,kapagkuwan ay malakas na natawa ng ilang segundo.“really?”

Natatawang saad nito bago ito huminga ng malalim na tila pinapakalma ang sarili bago magpatuloy.

“Esme is just a bullshit!” Kapagkuwan saad nito na ikinatigil nilang lahat “Ano bang meron sa kanya kung bakit baliw na baliw kayong lahat huh? Patay na sya! Nabubulok na ang mga abo nya kung saan man lupalop ito nagpunta-”

“Shut up kyst” putol muli ni Kye sa sasabihin ng kakambal.

“No kye” saad muli nito “You shut up” kapagkuwan ay tinignan silang lahat isa isa “All of you shut the f*ck up!…wala na si Esme,patay na sya hindi na sya babalik dahil wala na sya”

“Hey stop na Kyst” nakita nyang malapit na maghesterical ang dalaga kung kayat bahagya nya na itong inawat.

Pero nag patuloy lang ang dalaga “No!” Sigaw na nito at doon,nagsimula na itong umiyak.

“Si Esme nalang lagi! Sya nalang! sya nalang! Si daddy cant move on too.Si kye parang mababaliw din katulad ni Tally na laging umiiyak sa pagkawala ni Esme…e pano ako? I cant believe na pati ang mga naging kaibigan ko from manila ay dumayo pa for him!” Nagtuloy ito.

“Lahat nalang kayo si Esme nalang lagi! Si esme nalang! si Esme nalang! Kaya tama na to,stop all of this dahil tama lang na nawala sya! Tama na napatay na sya! Dapat lang sa kanyang mawala!”

Everything was fast like a second.Kanina lang ay nakatanga silang pinagmamasdan mag hestirical si Kyst dahil sa bigat ng nararamdaman nito.

Pero ngayon,kapwa silang natigilan lahat ng may biglang pumutok na kung ano.

Napakalakas nito dahilan upang magulat ang lahat lahat ng naroon sa dance floor.

Hindi nya alam ang gagawin lalo na ng mamatay isa isa ang mga ilaw sa paligid. Nabalot ng dilim at hiyawan ng mga tao ang lahat.

Dito sya nakaramdam ng pinong kaba na lalo lang lumala ng biglang umusok ang paligid.

Literal na usok ito pero hindi ito nanggagaling mula sa sunog.Kundi nangagaling ito sa labas ng arko mula papasok sa dance floor kung saan sila naroroon.

Its like an a horror dahil madilim na ang paligid. Binalot pa ang mga paa nila ng usok na pumapasok mula sa bukana nayun.

Lahat sila ay nakabaling sa arko nayun.Tila inaantay kung sino ang lilitaw mula sa madilim at mausok na bukana.

Maya maya lang ay natahimik ang lahat.Kinakabahan at nagsisimulang tumibok ng mabilis ang mga puso.

Nakatutok ang mga mata sa arko papasok…

Dito nila nasaksihan ang mabagal na paglalakad ng isang bulto.

Kapansin pansin ang nanghihinang katawan nito dahil sa tila walang lakas na braso nito at diretsyong lakad.

Pero habang tumatagal at papalapit ng palapit ang bulto na iyun.Unti unti nahuhunihan nila ang nilalang nayun.

Tila ba isa itong lalaki…na nakasuot ng dress?

Kahit madilim,pero dahil sa liwanag ng buwan nasisilayan nila ang nilalang na iyun at hindi sya nagkakamali.

Isa nga itong binata na nakasuot ng red dress…

Walang buhay ang mga mata.Diretsyo ang lakad patungo sa kanila.

Sino To?… Tanong nya sa isipan kapagkuwan ay narinig nyang nagsalita si Kye sa tabi nya na tila sinasagot ang tanong nya.

“Maria Esther…” Sambit nito “No,his not Maria…s-sya si Esme….Esme Hermosa”

Last Chapter

AN: Sorry last chapter na pala to, hehe.Di ako nakapagpaalam.But dont worry.May Epilogue naman itey so kitakits ulit dun.

Happy reading 💕

Nakatitig lang sya sa mabagal na paglakad ng binatang iyun.

Ito ba talaga si Esme? Tanong nya sa sarili ’B-But how? Papaano sya nakabalik ng…physical? O isa na ba syang kaluluwa…

“Guys…Im scared” rinig nyang sambit ni Imzy.Dahil dun, bahagyang pumunta si Rigel sa harapan nya na tila pinoprotektahan silang anim.

“Umatras kayo guys” mahinang sambit nito sa kanila “Im sure na kung hindi ito isang kaluluwa, katawan ito na sinaniban ng masamang Elemento”

“Shocks…” Sambit ni Ivan sa likod nya “Totoo ba to? Hindi pa ba natatahimik si Maria? Bumabalik balik talaga sya sa bayang ito? Pero bakit ganun? Patay na si Esme diba? E sino yan?”

“Paano sya nakabalik?” Si Wen ang narinig nyang nagtanong.

Walang sumagot sa agam agam ng kanyang mga kaibigan.Sa halip si Rigel lang ang kumilos sa harap nya at patuloy silang pinaatras.

“Ano mang mangyari,walang maghihiwa hiwalay,maliwanag” sambit nito.

Bago sila muling balutin ng katahimikan.

Pinagmasdan lang nila ang binata nayun na patuloy lang sa paglalakad.Maging sila at ang iba pang mga tao roon ay nakatutok lang sa mga kilos nito.

Utomatiko na sa kanilang lahat na gumawa ng isang daan upang sa lalakadan ng binata sa gitna.

Binalot sila ng katahimikan. Habang ang binatang iyun ay nakarating sa pinakagitna ng dancefloor.Pero mukhang hindi ito magsasayaw dahil tila wala ito sa sariling katinuan at nakatayo lamang ng diretsyo.Walang ginagawa…walang sinasabi.

Hindi pa ba sya titigil?

Patay na sya…tapos na ang sumpa diba? Pero bakit ito nanaman?

Katulad ni Maria nagbalik sya…

Pitong buwan lang ang pinalipas nya.Hindi nya talaga hahayaang maging payapa ang bayang ito.

Ano nanaman ba ang kailangan nya?

Sino na ba sya ngayon? Si Maria pa ba yan? O si Esme?

Yang suot nya…sigurado ako yan ang kwento ni lola.A red dress-

Huling suot ni Maria Esther bago sya masunog sa pantalan.

Pero bakit? Bakit si Esme nanaman? Sino ba talaga sya? Sya ba si Maria Esther.

“Crazy” kapagkuwang rinig nyang sambit ni Kyst na nasa tabi nya parin pala.Ito lang ang kaisa isang nagsalita pagkatapos nilang marinig ang bulungan ng mga taong iyun “Baliw na silang lahat.Baliw na ang bayang ito”

“No” sagot naman ni Kye sa kakambal “s-sya si Esme…kung kaluluwa man sya o buhay man.Kailangan ko syang makausap”

“No kye” pigil ng dalaga dito “Are you crazy too.Im gonna make sure na he just acting.Baliw na ang faggot nayan”

Nagsimula muling magtalo ang kambal subalit naramdaman nya namang kumilos si Rigel sa tabi nya.

Isa isa silang tinapik nito dahilan upang mapabaling sila rito.

“We need to get out of here” sambit nito “this is a totally crazy stuff…come on guys”

“Mabuti pa nga” sambit naman ni Imzy and then they are about to walk outside.Palabas sana sila sa lugar nayun ng may narinig ulit silang sumabog.

Kapwa silang natigilan lahat at muling binalot ng hiyawan ang mga tao roon.Napatingin sya sa isang spotlight mula sa taas at dito nakita nyang kumikislap kislap na ito.

Nagsimula muling magbulong bulongan ang mga tao sa paligid.Yung iba nagaatubili na sanang umalis ng may sumabog muli.

Isa nanaman itong spotlight na nakasabit sa taas at doon.Sunod sunod na ito dahilan lahat ng mga tao ay nataranta.

Yung iba nagtakbuhan palabas at iba dumaan sa gilid ng stage.

Lilisanin narin sana nila ang nakakapangilabot na lugar nayun ng makarinig sila ng napakalakas na sigaw.

Doon,natoon sya kay Esme na nasa gitna parin ng lahat ng taong natira sa dance floor.

Nanlumo syang makita na hawak ng binata ang ulo nito na tila nanakit.Isinisigaw ang nararamdaman sa pamamagitan ng paghiyaw.

Nakakatinding balahibo dahil sa pagsigaw nito,ang mga ilaw sa paligid na kanina ay namatay,nagbukas sindi na ito.

Tila naaapektuhan sa malakas na pagsigaw ng binata ang mga electronic na gamit sa paligid.

“Esme! Esme stop!” Napabaling sila kay Kye ng sumigaw ito sa binata.Nakita nila na pinipigilan ito ni Kyst sa tangkang pagpunta nito sa binata sa gitna ng lahat.

Ganun parin si Esme,nakahawak sa ulo habang patuloy lang ang pagsigaw at napapaluhod pa sa sahig.

Nanlumo syang makita ito lalo na ng magpumiglas na si Kye sa kakambal para makawala.Mabuti nalang at tinulungan na nila Ivan at Rex si Kyst na pigilan makalapit si Kye sa binata.

“Mga hayop kayo! Mga walang hiya!…” Natahimik ang lahat ng magsimulang magsalita si Esme.

“wala akong kasalanan.Wala akong ginagawang masama! Hindi ako masamang tao…hindi ko kayang pumatay!”

Napatitig sya sa binata at hindi sya nagkakamali sa tinuturan nito.Ito kasi ang mga salitang binitawan ni Maria bago ito kainin ng sunog sa pantalan.

“Sinira nyo ako!…sinira nyo ang pamilya ko!…wala na sakin ang lahat.Kinuha nyo ang lahat sakin…wala nang natitira!…”

“Tama na Esme…nandito ako” sagot ni Kye sa binata na patuloy parin ang pilit pagkawala sa bisig nila Ivan.

Kita nya ang kagustuhan ni Kye na malapitan ang binata sa pagkakataong ito.Dahil una palang,ramdam nya na isa ito sa lubos na naapektuhan dahil sa inaakalang pagkawala ng binata seven month ago.

“Isinusumpa ko!” Sambit muli ng binata.

“Babalik ako sa baryo na ito! Babalikan ko kayong lahat! Maniningil ako!…iisa isahin ko kayo! Luluhod kayo sa harap ko at magmamakaawa.Pero huli na ang lahat! Dahil sa pagbabalik ko! Ipinapangako ko! Magsisisi kayo! Gaganti ako! Itutumba kayo! Ako si Maria Esther…at babalik ako para maningil hindi ng utang… kundi ng buhay!…arghhhhhhhhhhh”

Ilang segundo,nabalot ng katahimikan ang paligid. Pagkatapos ay nakarinig sila ng mahinang paghikbi mula din sa binatang iyun.

Hindi nya alam pero tila tinutusok ang dibdib nya ng kung ano habang pinakikinggan ang paghikbi ni Esme.Lahat tahimik,tila nakikinig at nakikisimpatsya sa mga luhang binbitawan ng binata.

“Nagbalik ako para sabihin sa inyo ang katotohanan…” Kapagkuwang sambit nito “Sa lahat ng mga nangyari,iisang tao lang ang gumawa nun.Pinapaikot nya lang ang kwento.Binabali nya ang katotohanan at pinagbibintangan ang walang sala”

Anong pinagsasabi nya? Rinig nyang sambit di kalayuan sa mga tao.

Anong pinapaikot?

Binabali ang katotohanan?

May tao pa sa likod nito? Sino naman?…

“Bumalik ako para isiwalat ang lahat lahat” patuloy ng binata “Marahil,ang kwento na inyong nalalaman ay taliwas sa katotohanan.Hindi nyo alam biktima din kayo…hindi nyo alam niloloko din kayo.Kaya nandito ako para bigyan tuldok ang kwentong punong puno ng kasinungalingan.Kung nakikilala nyo si Kervi bilang Kiko.Sya…sya ang dapat katakutan.Sya ang may kasalanan ng lahat.Dahil katulad ng tingin nyo saakin.Isa rin syang mamamatay tao”

Narinig nya muli ang bulong bulongan bago may umalya upang magsalita mula sa mga tao ring naroon.

“Esme…o Maria” sambit ng kung sino man “Kung sino ka man na nasa harapin namin.Pleas tumigil kana,manahimik kana,bumalik ka na kung saan ka man galing. Tumawid kana…sa kabilang buhay,palayain mo na ang bayang ito”

“Maawa kana sa mga taong narito” isang tao muli ang narinig nilang nagsalita “ngayon nalang ulit kami nakaranas ng kapayapaan sa lugar ng Stio.Sampaguita. Pero nandito ka nanaman,bumabalik ka para manggulo”

Hindi sumagot ang binata ukol sa mga sinabi ng mga iyun.Nanatili itong tahimik ng ilang segundo, kapagkuwan ay narinig nila itong tumawa.

Medyo natigilan sila sa ginawa ng binata dahil ang munting halakhak nito ay tila isang demonyong may pinplanong masama.

Kinakabahan,inantay parin nila ang susunod nitong gagawin hanggang sa magtigil ito sa pagtawa.Ilang segundo itong tumahimik bago muling nagsalita.

“Sa tingin nyo? Kailangan ko na ba talagang tumawid sa kabilang buhay?” Tanong nito sa lahat “Sa tingin nyo,nagiilusyon lang kayo na isang ligaw na kaluluwa lang ang nasa harapan nyo?”

Muli nanaman itong tumawa

Pero sa  pagkakataong natapos ang lintanya ng binata.Sabay sabay silang napatakip ng tenga.

Napabitaw si Ivan at Rex kay Kye para takpan ang sarili nitong mga tenga samantalang tatakbo na sana ang binata patungo kay Esme ng matigilan din ito.

Napakalakas kasi ng isang eco na nagmumula sa malalaking speaker na nasa intablado.

Napakalas ng tunog nayun na tila mabibingi na sila.Doon,lahat ng tao ay napapahiyaw narin sa sakit maging sila na magkakasama.

Lahat ay tila nanghihina na isa isang napapaluhod sa sahig hanggang sa kahuli huli.Nagulat sila na ang lahat ng ilaw sa paligid ay muling nagliwanag.

Tumigil ang eco at doon,binalot sila ng katahimikan.

Marami syang katanungan sa isipan ng pagkakataong yun pero muli lang syang natigilan.

Mula kasi sa muling pagtahimik ng lahat dito narinig nila ang isang palakpak mula sa kung saan.

Tila pumapalakpak ang nilalang naiyun upang batiin ang isang magandang pangyayari kaya agad nya itong hinanap kung saan.

Dito,napabaling sya sa bukana ng arko nayun.Isang babae ang papasok habang nakangiti at patuloy ang pagpalak pak.

The girl was so stunning,nakasuot din ito ng red dress pero mas magardo sa sa suot ng binata.

Naglakad ito sa gitna patungo kung saan nakapwesto si Esme.Ito ang dahilan kung kayat lahat at napabaling dito.

Nagtataka…

Puno ng katanungan sa isipan.

’Sino nanaman to? Ani nya sa isipan.

“M-Maria Esther?” Napabaling sya kay Kyst ng magsalita ito.Kapagkuwan ay muling tumingin sa babae.

She is really gorgeous at sa pagkakataong yun ng magkatabi na sila ng binata.

Dito nasagot ang katanungan nya.

Esme…and the Mysterious girl.

Ay magkamukhang magkamukha.

’S-sya nga ba si M-Maria Esther? Muli nyang sambit.

“Good job Esme” kapagkuwan sambit nito sa binata “Goodjob may son.You did it very well” bati nya sa binata habang tumatayo ito mula sa pagkakahaluhod.

Nagsimula muling magbulong bulongan ang lahat.Sya namay naramdaman nyang may umalalay para makatayo na sya.

Hindi nya kasi maaalis ang mga mata sa nakikita.Kung kayat hindi na nya namalayan ang lahat na nakatayo na.

Ano ba ang nangyayari? Tanong nyang muli sa isipan ’Isa ba itong…palabas?

“Are you ok?” Tanong ni Rigel sa kanya.

“Yes Im” sagot nya habang nasa harap parin ang paningin.

“Hi everyone” napabaling ang lahat ng magsalita ang babaeng iyun.Kinuha nito ang lahat ng kanilang atensyon “Magandang gabi,at masayang fiesta sa inyong lahat”

Walang bumati pabalik subalit narinig nyang muli ang bulungan na ikinatawa nalang ng babae.“By the way,I am the one who organize of this event.Para sa pambawi ko naman sa inyo dahil sa pananakot sa bayang ito” ani nito “Did I?…scared everyone?” Nakakalokong tanong nito sa lahat.

“Marahil punong puno kayo ng katanungan sa mga nangyayari,pero hindi kayo nagkakamali” patuloy nito “Ang taong nasa harap ninyo ay ang taong itinapon nyo sa impyerno… nagbabalik ako,hindi para maningil ng utang…kundi may sisingilin akong buhay.I am,Bella Esmiralda…and Im not,Maria Esther”

“Anong ibig sabihin nitong lahat?” Kapagkuwan narinig nyang sambit ng isang tao sa di kalayuan “buhay ka…kung si Maria ka man,buhay ka.At ito ka ngayon sa harap namin.Anong balak mong gawin?”

“Nais ni mama linawin ang lahat” si Esme ang nagsalita para sa ina nito “Oo,lahat ng nakikita nyo ngayon sa harap nyo,palabas lang.Totoo, buhay si Maria Esther…at sya ang mama ko.Buhay din ako,at ako ang anak nya.Ako si Esme Hermosa,pero ako na ngayon si Avery Herminia Erschonen.Ang dating inakala nyong pumatay sa mga inosenteng tao.Ang hinayaan nyong masunog sa pantalan kagaya ng mapait na sinapit ng mama ko”

“Pero paano?” Tanong muli ang narinig nila mula sa kumpol ng tao sa harapan ng magina “Paano kayo nabuhay? Hindi nyo alam na labing walong taon binabalot ng takot ang bayang ito…hindi nyo alam sa pitong buwan na nakalipas, binabagabag kami ng konsensya ng dahil sa pangyayari”

“Na dapat lang din” sabat ni Maria sa nagsalita “Biktima kayo lahat dito.Yung ginawa nyo sa anak ko ay isang malaking kalokohan.Dahil sa maling paniniwala nyo,at sa maling paratang nyo muntik ng mapahamak si Esme.Hindi nyo alam,may isang tao ang nagpapaikot ng kwento na ito”

Muling bulongan ang naisagot ng lahat sa turan ng babae.Nais nya pang makinig sa mga usapan nito ngunit hinawakan na sya ni Rigel mula sa braso.

Sa pagkakataong iyun,ito ang tamang oras na lumisan sila habang busy sa pakikinig ang lahat sa rebelasyon ng magina.

“Hey,Kyst Kye” tawag ni Rigel sa magkambal ng nagsisimula na silang maglakad “c’mon baka madamay pa tayo dyan”

Napansin nyang sumangayon si Kyst sa turan ni Rigel ngunit ng aayain na nito ang kakambal na si Kye.Para itong nakuryente ng agawin nito ang braso sa dalaga.

“Hindi ako sasama,umalis na kayo” matiim na sambit ng binata habang tutok na tutok ito sa magina sa harap.

“What Kye?” Tanong ni Kyst sa kakambal “Hindi paba sapat na malaman mong buhay si Esme. Ayan na sya,nasa harapan mo na.Thats enough,umalis na tayo”

“Hindi ganun kadali ang lahat Kyst” sagot ng binata “Marami akong itatanong sa kanya”

Napansin nyang napailing si Rigel ng wala sa oras.Nagsisimula na kasing magtalo ang dalawa at nasasayang ang kanilang mga oras.

Kaya naman sumenyas na ito upang magtuloy na sila sa paglakad.But they are about heading to the front door when someone sunddenly appear in front of them.

Natigilan sila dahil sa nahuniang nilalang naiyun.

“S-si Kiko?” Kapagkuwang tanong nya.

Nakatingin silang anim dito nang bigla itong bumunot ng baril sa tagiliran nito at doon.Nagsimula itong magpaputok sa ere.

Lahat ay naghiyawan sa gulat at maging sila.Kapansin pansin kasi sa lalaking ito ang pagkawala sa sarili habang nakatuon sa magina sa harap.

Dito,alam na nya kung sino ang puntirya nito.Si Esme at si Maria.

“C’mon c’mon c’mon!” Sambit sa kanila ni Rigel bago sila magmadali palabas ng lugar na iyun.

Mabilis silang tumakbo at natigil lang nang maramdaman na nilang malayo na sila sa plaza.Rinig na rinig parin nila ang hiyawan at paputok ng lalaki na alam nya,nakakagawa na ito ng kagoluhan.

“I dont know…” Kapagkuwan saad ni Imzy sa tabi nya “Sa lahat ng nangyari,ewan ko lang kung wala pa tayong magawang thesis nyan”

“Pwede na tayong gumawa ng isang libro tungkol lang sa buhay ni Maria” dagdag naman ni Wen.

“Grabe…” Sambit ni Ivan “Ang buhay ng babaeng iyun…ay napaka kumplikado”

“Tama ka” saad naman ni Rex “For all what happen,hindi ko na alam na may ganto pala talagang kalokohang buhay.Its just a cruel and hell life at all”

“Nandun pa sila Kyst and Kye” sambit ni Rigel “I think,kahit anong mangyari.Kyst always stay beside in her twins.Kahit pa handang gawin kahit ano ni Kye kay Esme” maya maya tumingin ito sa kanilang lima “I thank god were safe,ito na ata ang pinaka dabest experience ko pagdating sa thesist”

Natawa silang lahat sa turan ni Rigel.Hindi ito pala biro kung kayat naramdaman nyang kahit worse ang experience nila. Nakaramdam ito ng saya sa mga nagngyari.

Pwede na nila itong ilagay sa book of experience nilang lahat.

“Ang daming nangyari kay Esme at kay Maria” sambit nya “At alam ko,hindi pa dito natatapos ang lahat…”

“Oo,hindi ka nagkakamali Kiko” sambit ni Maria sa kanya “Buhay ako,humihinga at buong buong nasa harap mo”

“Hindi!” Singhal nya dito “Patay kana matagal ka ng wala pero bakit nandito kapa? Bakit nagbalik pa kayong dalawa?!”

Punong puno sya ng galit,takot at pagtataka ngayon sa mga nakikita nya.

Tila sinampal sya ng malakas nang makita nya ang dalawang ito.

Hindi sya makapaniwalang nasa harapan nya na ang dalawang taong kinamumuhian nya.

Si Esme at si Maria.Ang mga taong binalak nyang patayin pero ngayon nasa harapan nya.They look so Stunning, wala ng bahid ng takot sa mga mukha nito.

“Nandito ako para maningil kagaya ng kinakatakutan mo” tiim na sambit ni Maria “Diba? Ito ang gusto mo? Ito ang inaakala mo na babalik ako para singilin ang bayang ito? Ngayon nandito na ako.Nandito narin ang anak namin ni Sebyo,buhay na buhay at humihinga”

Umiling sya,naluluha habang pinproses ang lahat “Tinapos ko na to,nanahimik na ako” sambit nya “bakit pa kayo bumalik? Bakit gustong gusto nyong pinapahirapan ako”

“Ikaw ang nagpahirap samin tito Kiko” si Esme ang sumagot sa kanya “Ikaw ang nagpahirap sakin,noon palang.Hindi mo ako tanggap dahi-”

“Dahila anak ka ni Sebyo!” Putol nya sa iba pa nitong sasabihin “Nabuo ka dahil sa pagtataksil nila saakin.Anak ka ng babaeng ito na kahit kailan ay gustong agawin sakin ang taong mahal ko”

“Walang sayo Kiko” sambit ni Maria “Alam mong ginahasa ako,alam mong hindi ko yun gusto pero sinasabi mo paring pinagtaksilan ka namin”

“Pinagtaksilan nyo ako dahil nirape ka man ni Sebyo o hindi,magugustohan mo parin sya” saad nya “Ginawa ko ang lahat para sa kanya,naging mabuti akong kaibigan at kakampi.Pero ikaw ang pinipili nya,lagi nalang ikaw!”

“Hindo ko yun hiniling” sambit ng dalaga na ikinatawa nya lang sa loob.

“Siguro…” Kapagkuwang sambit nya “pero sana hindi mo na hiniling na mabuhay kapa ng gabing yun at muling bumalik sa bayang ito”

Bahagyang natigilan si Maria ng itutok nya ang baril nya dito.Wala ng kwenta ang paguusap nila dahil matagal na itong tapos.

Pakiramdam nya,wala na sya sa sarili dahil hindi sya makapaniwala sa nangyayari.

Nagsisisi syang dapat noon siniguro nyang patay na ang dalaga.Hindi nya inaasahan na buhay pa ito at nasa harapan nya.

Kaya ngayon,ito ang oras para tapusin ang lahat.Gamit ang baril na hawak,wala syang pagdadalwang isip na itininutok ito sa babae.

Ngunit ng pinindot nya na ang gatilyo upang pumutok ang bala nito.Nagtaka sya ng walang lumabas na bala.

“Walang hiya ka!” Singhal ng dalaga na hindi nya namalayang nasa harapan nya na pala.

Dito,nag-agawan sila sa baril na walang bala hanggang sa matumba sila sa sahig at pinaibabawan sya nito.

Nakulong sya sa bulto ng dalaga hanggang sa magsimula itong umamba sa kanya at pagsasampalin sya nito.

Tila wala syang lakas ng isang lalaking kung kayat hinayaan nya lang masaktan sya ng dalaga.

Pumikit sya at tinanggap ang galit nito.Pagod narin kasi sya,akala nya tapos na ang lahat ng mapatay nya ang mag ina noon.

Akala nya natuldokan na ang hindi nya maipaliwanag na galit sa puso ng patayin nya si Maria.Akala nya tapos nayun ng isunod nya si Fresia at Chandra,nang wala syang pagpipilian kundi patayin rin si Minette dahil pakiramdam nya tinalikuran na sya nito.

At yung binatang yun…ang bunga ng kataksilan ng dalawa na kahit alam nya disgrasya lang ang lahat.Ansakit ansakit parin sa kanya.

Kaya para matapos ang sakit na iyun,tinangka nya parin itong patayin para mawala ang galit nya.

Ngunit,sadyang mapaglaro ang tadhana.Hindi sya makapaniwala na magbabalik ang dalawa mula sa nakaraan.

Ang sakit,takot at lungkot na nararanasan nya ay iisa lang ang dahilan kung bakit.

Nagmahal sya ng isang tao na hindi sya kayang mahalin pabalik.

Pumatay sya ng mga tao para maitago ang katotohanan at sakit.Sinayang nya ang taong nagiisang umiintindi sa kanya,nagawa nya din itong putulan ng buhay.

At yung bunga na inaakala nyang bunga ng pagtataksil.Bunga lang ito ng pagkakamali isang gabi.Ang batang iyun ay bunga ng pagmamahal pero nasa maling pamamaraan.Kaya tinangka nya din itong mawala.

Ang lahat ng pagkakamali nya,ay dahil lang sa pagmamahal sa isang tao.

Pero ito sya ngayon,tinatanggap ang lahat ng sampal ng isang babaeng sinira nya ang buhay.Habang pumapasok sa alaala ang mukha ng binata na may masayang ngiti.Pero hindi sa kanya,kundi para sa dalagang nasa ibabaw nya.

“Tama na!” Singhal nya na dito at doon,itinulak nya ang dalaga dahilan upang tumalsik ito sa isang tabi. “Tama na! Tama na!” Ani nya pa ulit bago magmalabis ang kanyang luha.

Agad syang tumayo at hinarap ang lahat ng naroon.

“Nagmahal lang ako” sambit nya “Nanghihinayang lang ako kasi akala ko may masimulan na kami.Minahal ko lang si Sebyo pero hindi nya ako nagawang mahalin pabalik.Buong buhay ko,naiinggit ako.Buong buhay ko punong puno ng galit ang puso ko dahil nagawa nya akong paasahin” tumingin sya kay Maria na nakatayo narin bago ilipat ang mga mata kay Esme.

“Hindi ako magsisisi na dinamay ko ang mga mahal nya sa buhay para pahirapan” dugtong pa nya “Dapat lang makita ni sebyo na naging miserable ang buhay ng pamilya nya! Hanggat hindi natatapos ang pagmamahal ko sa kanya.Hinding hindi ako magsisisi na pinahirapan ko ang mga mahal nya sa buhay…wala akong pinagsisisihan sa mga nangyari.Dapat lang silang lahat maging miserable,dapat namatay na silang lahat”

Humikbi sya,pero agad ding tumalikod.Kasama ng mga luha nya sa pisngi,tumakbo sya papalayo sa lahat.Palabas ng plaza.

Tumakbo sya ng tumakbo hanggang sa matagpuan nya ang sarili na nasa madilim ng kakahuyan.

Sa gitna ng kawalan nayun,humikbi sya,umiyak at ibinuhos ang lahat ng luha.

Napapaluhod sa lupa habang pilit inaalis ang sakit sa dibdib dahil sa di matapos tapos na hinagpis.

“Bakit ba kita minahal Sebyo!” Singal nya sa kawalan “Tignan mo ang ginawa mo sakin.Pumatay ako para mamatay din ang sakit…pero,ngayon sinisingil na nila ako.Minahal kita at naging masama ako dahil sa pagmamahal nayun.Dapat hindi mo ako binigyan ng pagasa.Dapat hindi mo ako hinayaang magmahal para mainggit at pumatay…ayoko na.Ayoko na ng sakit nato”

Tumuloy sya sa pagluha,humikbi sya ng humikbi hanggat wala ng ilalabas ang mga mata nya ng mga luha.

Pagkatapos,huminto sya,huminga ng malalim at sinalubong ang malamig na hangin dahil sa gabi.

Nakatulong ang liwanag ng buwan para muli syang kumalma at doon,inayos nya ang sarili.Muling ibinalik ang dating Kiko na walang pakiramdam.

“Buhay man kayong dalawa,ako parin ang panalo” kapagkuwang saad nya “Tapos na ako,nawala na ang mga taong dapat mawala.Ngayon,pagsisihan nyo nabuhay pa kayong dalawa dahil ibabalik ko lang kayo sa impyernong dapat nyong kalagyan”

Ito ang huling salitang binitawan nya bago sya maglakad mula sa tahimik at madilim na kakahuyang iyun.

Itinago nyang muli ang miserableng mukha na tinakpan lang ng mukha nyang walang ekspresyon.

Hindi nya alam kung san sya patungo pero tila alam ng katawan nya ang nais nyang tahakin.

Tahimik lang ang buong lugar na tanging pagtapak lang ng paa nya sa tuyong dahon ang maririnig.Pero sa mga segundong iyun.Nakarinig sya ng mga kaluskos.

Kasabay nun ang paglamig ng paligid at pagtibok ng mabilis ng puso nya.

Dito nya naramdaman na mayroong ibang nilalang syang kasama.Pero imbest na matakot at magtaka,hindi nya alam kung bakit ikinatawa nya pa ito ng mahina.

“Welcomeback Maria Esther” kapagkuwan sambit nya na tila kinakausap ang mga kaluskos nayun “Hindi ako natatakot sayo,sundan mo ang kamatay mo”

Nagpatuloy sya sa paglakad hanggang sa makita nya na ang pamilyar na lugar na iyun.

Ang tila paborito nyang lugar kung saan natatapos ang lahat.

Ang pantalan…ang stio.Hangganan.

“Natatandaan mo ba to Maria?” Sambit nya sa inaakala nyang nakasunod sa kanya “Ito ang lugar kung saan nagpupunta ang mga taong may problema hindi ba? Dahil ang problema ay may hangganan daw” unti unti natawa sya.

“Its good to hear” sambit nya pa “kasi isa na itong history ng hangganan ng buhay”

Kinuha nya ang isang posporo mula sa bulsa nya.

Tipid syang ngumiti bago ibaling sa kabuoan ng pantalang iyun ang paningin.Kapagkuwan ay napabuntong hininga.

“Pagod na ako Maria…” Sambit nya “Pagod na ako kainggitan ka,pagod na ako magmahal ng patay habang nabubuhay at nasasaktan.Si Sebyo hindi na sya babalik.Kaya siguro…ako dapat ang umalis para puntahan sya”

Alam naman nya na hindi sasagot ang presensyang nasa likod nya.Kung kayat kinuha nya nalang ang malaking galon mula sa gilid ng pantalang iyun.

Binuksan nya iyun at ibinuhos sa lapag ang halos kalahating laman nito.Pagkatapos ang kalahating natira naman ay ibinuhos nya sa kanyang buong katawan.

Hinahanda nya na sindihan ang hawak na posporo ng muli nyang maramdaman ang presensya mula sa likod nya.

“Anong ginagawa mo?” Kapagkuwan tanong nito kung kayat lumingon sya dito.

“I want to end this life Maria” sambit nya “Bumalik kayo,sapat nayun para ako naman ang umalis”

“Hindi ito ang kabayaran na dapat sayo” matiim nitong saad “Dapat mong pagdusahan ang mga ginawa mong pagpatay kiko.Hindi ito ang gusto kong ganti”

Tumawa sya sa sambit ng dalaga.Halatang pawisan ito na mukhang hinabol sya parating sa lugar na ito.

Pero wala na itong maabutan kundi isang lalaking gustong tapusin na ang buhay nito.

“Magiging sapat ito Maria” sambit nya habang may malungkot na ngiti sa mga labi “Magiging sapat ito,dahil makikita mong nahihirapan ako…paalam,at patawad”

Ito lang ang huling binitawan nyang salita bago nya sindihan ang posposporo.

Nakatingin lang sya sa dalagang patakbo ng lalapit sa kanya ngunit agad din ito nahinto ng magliyad na ang buong paligid.

Umaatras sya patungo sa dulo ng patalan habang ibinubuhos sa sahig ang natitirang gas.

Doon,sinusundan ito ng apoy na nagmumula sa bukana ng pantalang iyun hanggang sa makaabot na sa katawan nya.

Kinain na ng apoy ang buo nyang katawan.

“Hindi!” Rinig nyang sigaw ng dalaga.Pero wala na syang pakialam at ipinikit nalang ang mga mata.

ILANG kisap mata lang,nakita nya ang nagliliyab na apoy sa kanyang harapan.

Wala syang magawa kundi panoodin nalamang ang nagliliyab na katawan ni Kiko.

Sumisigaw ito sa sakit at doon,naramdaman nya kung paano nahihirapang mamatay ang binata habang unti unting nawawalan ng buhay.

Napapaluha at tila nanghihinayang sa mas gusto nya pang sapitin ng taong ito.Huminga sya ng malalim.

Ang makitang nahihirapan pala at nagdudusa ang taong nagbigay sayo ng miserableng buhay.

Tila unti unti…nakukuntento sya.

Nais nya sanang makulong ito ng habang buhay upang sana habang buhay din itong usigin ng konsensya.

Ngunit,nasa harapan nya na ito ngayon.Nialalamon na ng malaking apoy at labis labis na ang paghihirap.

May magagawa pa ba sya?

Makukuntenta na ba sya?

Nanatili ang kanyang mata sa nagliliyab na pantalan.Halos ang sinaryong ito ay kapareha lamang ng sinapit nila ni Esme.

Pero ngayon,literal na may tao na talagang nasusunog dito.At ito ang taong dapat talagang makaranas ng gantong kaparusahan.

“Mama!” Tawag ni Esme ng makalapit ito sa kanya at agad syang niyakap.Kapareha nito,napukaw din ng malaking apoy ang paningin nito kung kayat nanatili silang dalawa na nakatingin dito.

“Akala ko po napahamak na kayo” ani pa ng anak bago yumakap ng mas mahigpit sa katawan nya.“nakita ko pong  hinabol nyo si tito kiko…kaya sinundan ko po kayo kasi baka mawala nanaman po kayo sakin”

Napatingin sya sa anak.

“Tapos na anak” sambit nya bago nya ito halikan sa noo at ibalik ang paningin sa nagliliyab na pantalan “Sya mismo ang nagtapos ng lahat.Sinunog nya ang sarili nya bilang kabayaran at bilang kapayapaan narin nating lahat”

“Bakit nya yun ginawa  ma?” Tanong nito “May pagkakataon syang tumakas,may pagkakataon syang lumayo.Pero ginawa nya to.Bakit nya sinunog ang sarili nya?” Naramdaman nyang huminga ito ng malalim “Psycopath po ba talaga si Tito? Bakit kaya nyang pumatay ng tao at pati ang sarili nya”

“Dahil pagod na sya” tanang sagot nya “Sobrang mahal mahal nya ang papa mo.Kaya nakapag attempt din syang pumatay ng mga tao dahil natatakot sya.Gusto nyang makasama si Sebyo…kaya it na sya,tumawid na sya sa kabilang mundo”

Ilang segundo natahimik silang dalawa.Tila payapang pinapanood nila ang malaking apoy sa harapan nila na wala ng bakas ng binata.

Ang katawan na nito ay sumama nasa apoy at naging abo na.Wala ng bakas ni Kiko.

“Hindi sapat ang ginawa nya” kapagkuwan sambit nya “Pero sa sandaling nalaman ko ang pagmamahal nya kay Sebyo ng sundan ko sya sa kakahuyan.Ang pagmamahal nayun ang magpapago ng lahat sa isang tao.Kaya nating gumawa ng masama para lang sa pagmamahal.Kaya nating maghiganti para lang makamit ang hustisya sa mga taong mahal natin.Nagiging matapang tayo dahil sa pagmamahal.At ang pagmamahal na sinasabi ko…ang dahilan kung bakit natin naranasan ang lahat ng ito anak…” Tumingin sa kanya ang anak na tila nagugulohan.

Sya namay ngumiti dito ng tipid.“Mahal ako ni Sebyo…at dahil sa pagmamahal nayun,sa maling pamamaraan ng pagmamahal nayun.Nasira nya ako.Nasira nya kaming dalawa.Ang pagmamahal din ang nagtulak kay Kiko para itago ang kasalanan ni Sebyo sa lahat.Ginawa nya ang lahat para sa tatay mo.Pero minsan ang pagmamahal ay hindi natin basta basta nasusuklian.Nabuhay ang galit ni Kiko saakin ng ako ang piliin ni Sebyo.Masyado nyang mahal ang tatay mo kung kayat ito ang nagtulak para maghiganti sya.Pakiramdam nya inagaw ko sa kanya si Sebyo,pakiramdam nya pinagtaksilan namin sya.Kaya nangyari ang lahat at tumawid ang lahat ng kamalasan sa henerasyon mo.Parehas tayong naghirap.Parehas tayong nawalan”

“Pero po,pagmamahal lang din ang nagbuklod sating dalawa” sambit nito na ikinangiti nya “Sapat na po yung love nayun para magsama tayong dalawa mama.Yung love natin sa isat isa,sapat na para maging buo tayong dalawa…kahit marami pong nawala saatin”

“Tama ka” kapagkuwan saad nya “Hanggang sa huli,ang pagmamahal parin ang bubuo sa lahat.Kahit ang pagmamahal din ang sumira.Ito parin ang magaayos sa dulo”

Ilang segundo,nanatiling nakatingin sila sa malaking apoy nayun.

Tila nakaramdaman sila ng kapayapaan at katiwasayan kahit pa may tao doon na nagbuwis ng buhay.

Pakiramdam nya,ang nagliliyab na apoy ay indikasyon ng katapusan ng paghihirap,hinagpis at kalungkutan.

Tapos nako dito…sapat na ang sinapit nya…nakaganti na ako.

Ayoko ng mabuhay sa galit at paghihiganti.Tinatapos ko na ang lahat ng to.

“Mama…” Sambit ng anak sa kanya “Umuwi na po tayo”

Nginitian nya ito at tumango bago sumagot.

“Umuwi na tayo,tapos na tayo dito…”

Epilogue

AN: Update ko nadin to,wala na pala ko load mamaya.

Thank you for reading this novel guys!.Pleas support my two ongoing hehe.Asahan ko ulit kayo don.

Lab yah!

Happy reading 💕

1 year later…

Isang taon ang nakalipas,isang taon ang nagdaan.Isang taon ang pagkakataon upang pahilumin ang lahat ng sakit na nararamdaman.

Sa isang taon nayun,marami nang nagbago.

Everything is getting better, everything had a chance to change.

Sa loob ng isang taon nayun,marami na nangyari.Marami nang naganap.

At hindi matago ni Esme ang saya nang maramdaman nya ng nasa ayos na ang lahat.

Maging ang kanyang ina na si Maria Esther ay may totoong ngiti na sa mga labi.May saya na nakumikislap sa mga mata nito.

Alam nya kasing nahanap na nito ang isang daan patungo sa tunay na kaligayahan.

Naalala nya noon kung ano rin kasi ang unang rason kung bakit sya nagbalik sa stio.Sampaguita.

Hindi lang para mahanap ang tunay na pagkatao nya na ngayon ay nakita nya na.Kundi ang matulongan ang isang lalaking magpatuloy muli sa buhay kahit hindi pa tapos mag mahal.

Nakangiti sya ngayon habang nakikita nya na masaya na ito.Kuntento na ang isang Juanillo Montefalco kapiling ang isang dating pagmamahal.

Magpapatuloy ito sa bagong buhay at sa bagong pagkakataon.

Magpapatuloy na ang pagmamahalan ni Maria Esther at Juanillo Montefalco.

A love collided because of the tragedy from the past.

Pero ngayon,ang sugat ay naghilom…ang pusong sugutan ay unti unti nang gumagaling.

“Thank you for inviting me here Esme!” Sambit sa kanya ng pamilyar na boses kapagkuwan ay naramdaman nya itong umakbay sa kanya.“For all what happen,you deserve all of this.Hindi nyo matatakasan ang nakaraan. Masakit man ang mga naranasan nyo sa pantalang ito,masaya ako dahil bumalik parin kayo dito”

Nginitian nya ang kaibigang si Rosaine bago nya inilibot ang mata sa buong pantalan.

Oo,bumalik sila upang basbasan ang lugar na ito dahil sa mga nangyari.Lumipas ang isang taon bago nila maramdaman na tapos na talaga lahat.May payapa na sa bayang ito.

“Gusto yun ni Lolo Dad” sagot nya na tinutukoy ay ang lolo nyang si Maliano “Pagkauwi nya kasi dito sa pilipinas pagkagaling nya sa Australia,inorginisa nya to. Tinulungan namin sya ni Mama para makalimutan ang sakit ng mga nangyari,hopefully gumaling din ang sakit nya.Mabigat din sa kanya nang mawala si Lola Fresia at si Tita Chandra.Pero nandito naman na daw kami ni mama. Parang kami lang daw kasi ang pumalit sa dalawa e,ngayon solid ang saya nya.Kaya naka move on na sya at nag-aya sa lugar nato”

Tumango ang dalaga“nakamove on narin siguro kayo sa sakit” sambit nito “pero bilib ako sa kanya,pagkatapos kasi ng mga nangyari…kaya nyo pang bumalik dito.Hindi ba masama sa inyo yun? For all what happen here”

Napatango sya. “Siguro hindi na,isang taon na nakalipas e” sagot nya “Si lolo dad ang may gustong bumalik kami rito para magpatawad at tuluyang makalimut.Dinala nya kami dito hindi para ibalik ang masakit naalaala sa lugar nato. Kundi nandito kami para mag move on sa mga nangyari. Pagkalimut at pagpapatawad lang daw kasi ang sagot, bago umabante”

Saglit silang kinain ng katahimikan bago nya naramdamdamang niyakap sya ng dalaga mula sa likudan.

“Andaming nangyari sayo Preni” malambing na saad nito “Wala ako sa tabi mo para protektahan ka.Hindi mo alam kung anong epekto sakin ng akala kong pagkamatay mo,grabe pitong buwan akong nagdusa nun.Para narin akong mamamatay”

“Loko” natatawang sambit nya “Kasalanan ko rin kasi naglihim ako sayo…kailangan e.Yun ang plano namin ni mama.Para ipamukha sa mga taong takot sa lumang kasabihan ukol sa ligaw na kaluluwa.Literal na nagbalik kami ng pisikal at buong buo dito.Ang plano namin,ay maghiganti.Pero hindi sa mga tao dito,kundi sa isang tao lang na sumira ng buhay namin.Masaya na kami ni mama,kahit sobrang galit ang namuo sa puso namin.Hindi parin kami nakasakit ng ibang tao.Ansabi nya,kuntento na syang makitang mahirapan ang taong iyun na unti unting kinakain ng apoy.Hindi nya yun ginusto.Pero yun daw ang nararapat”

Bahagyang kumalas sa kanya ang dalaga at tinignan sya nito sa mukha “Masaya ako para sayo” sambit nito “Nahanap mo na si Tita Maria,tapos wala ka ng kinatatakutan.Masaya na tayong lahat” nakangiti itong ibinaling ang paningin sa dulo ng pantalan,kung nasaan ang dalawang pinakamsayang mga tao ngayon sa mundo.

“They look so happy” sambit ni pa nito sa tabi nya “Sana makahanap karin ng ganyan.Alam ko naman na hindi na kayo pwede ni Kye kasi soon to be brother in law na kayong dalawa”

Natawa sya sa tinuran nito “Naka move on na yun sigurado” sambit nya “Hindi yun sasama dito kung alam nyang nandito ako.Wala na yung gusto sakin,sa ngayon…Si mama lang ang iniisip ko. Kailangan nya ng kaligayahan at sa tingin ko,si Tito Juanillo na ang makakapagbigay nun sa kanya” Bumuga sya ng malalim habang pinagmamasdan ang dalawang taong yun sa dulo ng pantalan.

“Tsaka na ako…” Sambit nya pa “Si mama muna.Kahit hindi na muna ako”

Hindi nya inalis ang tingin sa kanyang ina at kay Juanillo. Totoong masaya sya para sa mga ito.Sa ngayon kasi,nakita nya ang totoong ngiti ng ina na iginagawad sa ginoo.

Alam nyang binubuo ng mga ito ang bawat isa.Kaya hindi na sya nagtaka sa pagkakataong ito,ipinagpapatuloy ng dalawa ang naudlot nilang pagmamahalan sa dalawa.

“Preni…” Tawag ng kaibigan nya sa kanyang tagiliran “Tutal hindi naman na kayo magkakatuluyan ni Kye,pwedeng sakin nalang sya?”

Natigilan sya sa turan nito kapagkuwan ay natawa.

“Ano kaba Rosaine” saad nya “Hindi ko pagaari si Kye.Alam kong nasasaktan parin sya sa desisyon ko kahit ipinapakita nya na wala na syang nararamdaman sakin.Kaya kung magkakagusto man sya sayo.Magiging masaya ako dun dahil nasa mabuti na syang tao”

Dahil siguro sa sinabi nya kung kayat mas humigpit ang yakap ng dalaga sa likuran nya.Lalo lang tuloy syang natawa.

“Salamat Esme…” Sambit nito “Alam mo kung gaano ko sya ka-hate noon dahil sa katigasan ng ulo nya.Pero nung nakita ko ang goodside nya dahil nagbago sya para sayo.Doon nahulog na ang loob ko.Sa ngayon ang kapal ng mukha ko pero alam kong hindi nya ako magugostahan. I dont know kasi if Kye was gay or not.Basta inlove talaga ako sa kanya.Wag mo lang mamasamain,kasi I know wala naman akong karapatan”

“Kye is good” sambit nya “Mabuti syang tao kaya hindi nya ako deserve dahil hindi ko naman ipinaglaban kung anong meron kami.Mabait sya kaya hindi nya deserve masaktan ng dahil saakin”

Narinig nyang nagbuntong hininga ang dalaga na ikinakunot ng noo nya.

“Whats is that for?” Tanong nya.

“Wala lang” sagot nito “Sana kasi simbait ng kambal nyang si Kye itong si Kyst no? Yung kaya ka ring i-give up kasi mas diserve mo ng mas mabuting tao.Pero wala e,I think iiwan talaga yan si Kyst ng mga taong malapit sa kanya dahil sa ugali nya”

Hindi sya nakaimik.Hindi nya kasi inaasahan na hanggang ngayon ay may tampo parin tong si Rosaine kay Kyst.Kahit na medyo nagkakaayos na sila ng dalaga, hindi parin pala ito gusto ng kaibigan nya.

“Ehem…” Bahagya silang natigilan ng may magsalita sa likod nila.Napatingin sila dito at hindi na sila nagulat na ang dalaga ito.

“Pinag uusapan nyo nanaman ba akong dalawa?” Tanong ni Kyst,kapagkuwan ay nag taas ng kilay “Ang hilig nyo talaga akong ipulutan”

“Sorry Kyst” si Rosaine ang sumagot “Hindi namin alam na nandyan kapala hehe”

“No its ok” sambit ng dalaga “Alam ko namang hindi mo agad ako matatanggap kahit in a month magiging magkapatid na kami ni Esme-Avery I guest…I cant pleas other people”

“Excuse me” sambit nalang ng kanyang kaibigan bago ito nagpaalam na magpupunta sa tent na ginawa nila kung saan ang pahingahan at mga pagkain sa pagtambay nila dito.

Sya namay napatingin sa dalaga.

“Im sorry,hindi ka namin gustong pagusapan”

“No its ok” sagot nalang nito “I dont mind.I know na wala ka ng galit sakin,ngayon pa ba na ayos na ang Daddy ko and yung mama mo?”

Unti unti napangiti sya sa dalaga “Ok na sayo?” Saad nya “W-wala na bang issue sayo si mama?”

Umiling ito “Wala na as long masaya si Daddy” saglit itong tumingin sa kanya “Ako nalang ang may issue sayo”

Bahagya syang natigilan pero agad din nabawi ng sundan nya itong tumingin sa kakambal mula sa malapit.

“Naiinis parin ako sayo becuase you still hurting my brother” sambit nito pagkatapos ay ibinalik nito ang tingin sa kanya “For all what happen,Kye was still sad about your decision.Umasa sya noon na buhay ka pa na inakala naming patay kana.Sabi nya sakin, pagnagbalik ka.Ipagtatapat nya na ng mas maayos ang nararamdaman nya para sayo.Ipaglalaban ka na nya kahit ikutsya syang bakla dahil nainlove sya sa isang lalaki….

…sabi nya,popularity is not important when you fall in love to the person by not their gender. Kung sino kaman daw.Tama na ang pagmamahal ang sagot“

Napaiwas sya ng tingin dahil sa sinabi ng dalaga.Alam nyang nanunubig ang mata nya pero pinigilan nya itong tumulo.

“Im sorry Kyst” sambit nya “Hindi ko nakita kong paano sya nagstruggle sa decision ko.Ikaw ang laging nakakakitang nahihirapan sya dahil sa pagmamahal nya sakin.Akala ko kasi noon.Kahit isang taon na ang nakalipas,naka move on na sya.Ang cold na ng treat nya sakin kaya panatag na ako na baka tapos na.Pero hindi pa pala…”

“I know what is love” sambit ng dalaga “And Ive learned na that was a hurt feeling I will ever feel.Nakita ko na yun sa kapatid ko na hanggang ngayon.He still healing”

“Im selfish” saad nya sa dalaga habang tinititigan ang ina at ang ginoo na masayang naguusap sa dulo ng pantalan.

“Kaya tatanggapin ko kung sisisihin nyo ako.Pero kung uunahin ko yung sarili ko.Paano sila? Mas madami na silang pinagdaan na dumating pa sa point na naputol yung love na dapat naituloy na nila noon. Ayokong mawala nanaman ang pagmamahal nayun dahil ipinaglalaban ko ang sakin.I know tito Juanillo really love my mom…at hindi ko hahayaang may makasira ng pagmamahal nayun”

Nagtaka sya ng ilang segundong hindi na umimik ang dalaga. Namalayan nya nalang na nanunubig na pala ang mata nito ng dumako ang paningin nya dito.

Huminga ito ng malalim kapagkuwan ay tila nagdadalwang isip sa gagawin.Pero maya maya lang,masuyo itong yumakap sa kanya na bahagya nyang ikinatigil.

“Thats what I want to Esme” sambit ng dalaga sa balikat nya “Alam ko yung struggel ni Dad ng mamatay si mom sa sakit nito.I see the sadness of his eyes nung mga araw na bumabalik na sa alaala nya si Maria Esther…kaya ngayon nagkasama na ulit sila.Ayokong mawala yung saya ni Dad na ang tanging makapagbibigay lang ay ang mommy mo”

Kumalas ito sa pagkakaakap sa kanya.

“Im sorry for all what I did to you” sambit nito “gusto ko lang protektahan si daddy from the pain.Pero ngayon,nakita kona na masaya na sya.Ang kapatid ko naman ang nasasaktan.I dont know what to do now.I just want to make my family happy kaya minsan kailangan kong maging masama”

Mariin syang umiling dahil sa huling sinabi ng dalaga.

“Hindi ka masama para sakin” sambit nya “Bagkus,nagmahal ka lang at nagpoprotekta.I can be like you kung may mga tao rin akong gustong protektahan from the pain.Wala kang dapat ihingi sakin ng tawad dahil yun ang natutunan ko sayo.Ang importante ngayon tanggap at magkasundo na tayo”

“Thank you Esme,thank you for understanding” sambit nito bago bahagyang dumistansya sa kanya at punasan ang mga luha.

“Pero may ihihiling sana ako sayo na isang bagay” dugtong pa nito na bahagya nyang ikinatigil “I hope pagbigyan mo ako kahit ngayong araw lang dahil uuwi ka na sa Australia bukas kasama si tito Maliano right?”

Saglit nyang tinitigan ang dalaga ilang segundo bago sya dahan dahan tumango dito “Yes,Ano bang gusto mong hilingin?”

Kyst snorted before she speak

“pleas,talk to Kye” sagot ng dalaga “Kahit ngayon,hayaan mong hawakan nya ang kamay mo? Kahit ngayon,iparamdam mo ring mahal mo din sya.Kahit ngayon araw,hayaan mo munang yakapin ka nya sa likud habang nakatingin sa papalubog na araw.Gusto ko lang may closure kayo ng kapatid ko.Na sana ipaintindi mo sa kanya ang lahat.Promise,bukas,tutolungan ko na si Kye na kalimutan ka nya.Ipapaintindi ko na sa kanya na hindi talaga pwede kayong dalawa”

Muli syang napatitig sa dalaga.Hindi nya alam kung anong isasagot nya dito.Nakita nya kasi ang pagkadispirada ng dalaga mapasaya ang kapatid.

At ito ang nagtutulak sa kanya ngayon para unti unti pumayag sa gusto nito.

“Kyst…”

“Ate Avery!” Natigilan sya ng may tumawag sa totoo nyang pangalan.Kapwa silang napalingon dito ng dalaga at at nahunian nilang ang bunsong kapatid ito ng mag kambal.Si Tally.

May masasayang ngiti nanaman itong gawad sa kanya habang lumalapit ito sa kanya at masuyo syang niyakap pagkatapos.

“Im taking that as a yes” kapagkuwang saad ni Kyst ng muli syang mapadako dito “I will call Kye later.Magusap kayo”

Hindi na sya nakasagot nang mabilis itong tumalikod sa kanya.Palihim nya nalang tuloy inihanda ang sarili para harapin ang binata.

“Totoo po bang aalis ka na dito sa bansa ate?” Malambing saad sa kanya ni Tally ng silang dalawa nalang ang naiwan.“Dun kana po ba sa Australia titira kasama si tito Maliano? How about our mom and dad? Iiwan nyo na po kami”

Nginitian nya ang dalaga bago nya ito masuyong hinaplos sa buhok.

“Kailangan e” sambit nya “Dun magaaral si Ate Avery mo.Pero pagkatapos ko dun,I will go back here.Aalagaan kita e”

Tally grinned before she hug him “Thank you po ate” sambit nito bago sya titigan sa mukha “Thank you kasi binigyan nyo po ako ng oppurtunity na maging kapatid ka.Dahil po sayo masaya na si Daddy kay mommy Maria.Hindi ka po tumutol ng ipagtapat nila saating mahal nila ang isat isa.Thank you for understanding kahit alam ko pong naiinlove na po kayo ni kuya kye sa isat isa.Gusto ko po kayong dalawa ni kuya but you and us ay magiging magkapatid na soon right? Kahit malungkot dahil hindi na pwede.I know daddy and mommy Maria was happy now”

Bumuga sya ng marahas na hininga “Yun din ang gusto ko” sambit nya “Kaya namin to ni Kye.Dahil I know maiintindihan nya na kung kailangan may magpatuloy na pagmamahalan mula sa nakaraan.May kailangan naman mg tumigil na love sa kasalukuyan.Hindi madamot ang pag mamahal.I know someday gagawa yun ng paraan para maging masaya na kami ni Kye kahit hindi kaming dalawa ang magkasama”

Saglit silang kinain ng katahimikan kung kayat napabaling muli sya sa dalaga

Nahunian nyang nakatitig din ito sa dulo ng pantalan kung nasaan si Juanillo at ang ina nya.

“As long daddy and mommynare happy,magiging happy narin po ako” sambit nito bago umaliwalas ang mukha at muling ibalik ang tingin sa kanya.

“By the way po ate” saad nito na iniba ang usapan “may nabasa po akong article na gawa ng six students sa university ng UST sa manila.Nakakatuwa pong sumikat ang article na ginawa nila about the mystery article slash story ng isang babae.Its sound familiar po pero I dont bother nalang.Atleast dahil sa kanila,nalaman ko na talaga kung ano ang gusto ko”

Napatingin sya sa dalaga dahil sa sinabi nito habang napapangiti.“Talaga,ano naman ang pinaka gusto mo?” Tanong nya.

“I want to be a journalist someday ate” sambit nito “I want to spread the truth behind the false na kumakalat sa mundo.Hindi ko hahayaang may mga taong nagsisinungaling habang pinapaikot at sinasaktan nila ang mga tao sa paligid nila.Hindi ko na hahayaang may mga taong mapahamak dahil lang sa kasinungalingan at kasamaan ng mga tao.I want to be theire voice”

Sa sinabi ng dalaga ay may naalala syang tao.Hindi ito nalalayo sa mga narinig nya kung kayat napangiti sya.

“Tama ka” sambit nya “We need people like you Tally.Wala na dapat kasinungalingan sa mundo dahil ito ang nagiging sanhi ng kapahamakan ng mga tao.Dapat una palang tanggapin na nila kung ano man ang dapat lang sa kanila.Dahil sa inggit nagsisimula at lahat kaya nakakapagsinungaling ang isang tao.Ang inggit ang dahilan kung bakit nakakagawa tayo ng masama.Hindi natin alam lahat pala ay pwedeng mapahamak dahil nainggit at nag hangad tayo.Sa huli,ikaw din ang talo,ikaw din ang kawawa at masasaktan”

“Ate Avery…” Sambit ng dalaga na nakangiwing nakangiti na sa kanya.

Maya maya natawa sya dahil dito.

“Im sorry” sambit nya “Mukhang malayo na ata ang sinasabi ko sa pagiging journalism mo” tumawa sya muli na sinunod lang ng dalaga.

Maya maya natigil din sila ng may maramdaman silang prisensya mula sa likod nila kung kayat nilingon nila ito.

Ito ay ang binata.Kagaya ng dati,nagbalik ang walang emosyong mukha nito pagkaharap sya.

“I’ll leave muna po para makapagusap kayo ni Kuya Kye ate Avery” sambit ng dalaga bago lumisan sa tabi nya.

Tila dinaanan sila ng anghel dahil bigla silang binalot ng katahimikan.

“Kye…” Sambit nya matapos ang ilang segundo.

“Avery” sambit din ng binata “Avery Herminia Erschonen.Soon to be Avery Erschonen Montefalco”

Ramdam nya ang pait sa sinabi ng binata kaya napatingin sya dito.

“Esme ang itawag mo sakin Kye” saad nya “Kung san ka kumportable.Tawagin mo ako sa pangalang Esme”

“Ayoko” sabat nito “Avery is enough,dahil yung pangalang Esme na yun.Yun yung pangalang minahal ko”

“Kye…” Mahinang sambit nya na ikinatingin sa kanya ng binata.

“Im I wrong?” Tanong nito “Nagsasabi lang naman ako ng totoo.I love Esme Hermosa from stio.Marka.Nagaaral sya sa MMU habang laging rank one sa faculty namin.Pero namatay sya last one year and seven month ago” bumuga ito ng malalim “Iniwan nya nako”

“Kye-”

“Bakit moko gustong makausap?” Tanong nalang nito na ikinatigil ng iba pa nyang sasabihin.“Hindi mo ba napapansin na nagmomove on na ako sayo?” ani pa nito bago bahagyang natawa “Nag momove on ako sayo kahit wala naman talaga tayong nasimulan”

“You want to move on because you love me” saad nya.

“Yeah,at alam mo yun pero mas pinili mo nanamang magsakripisyo”

Napakunot ang noo nya dahil sa sinabi nito kapagkuwan ay napatingin sa mga magulang nila.

“I sacrifice my possible happiness with you becasue of them” saad nya “Its enough na makitang masaya na sila dahil magiging masaya narin ako”

“E ako masaya ba?” Tanong ng binata “Tinanong mo ba ko na masaya ako na mawala kasakin dahil magiging magkapatid na tayo in a few month”

“Im sorry” huminga sya ng malalim “Im sorry Kye but I love you too.Pero sa ngayon mahal ko si mama.Sa lahat ng pinagdaanan nya she deserve to be happy.At si tito Juanillo lang ang makapagbibigay nun.Sana naman wag kang maging selfish.Marami ng pinagdaanan ang mga magulang natin.Sapat nayun para maging masaya na sila”

“Im selfish because I love you” saad ng binata “Im sorry pero wag mo naman sanang tanggalan ako ng karapatan para mahalin ka,hayaan mo mahalin kita nanghigit sa pagiging kapatid natin sooner.Mahal kita yun ang sagot and that will be enough”

Natigilan sya ng agad syang talikuran ng binata.Kung kayat agad nya din itong hinawakan sa pulsuhan para pigilang umalis kapagkuwan ay masuyong niyakap.

“Let spoil ourselves today Kye” sambit nya mula sa balikat nito “You can hold my hands and hug me too tightly”

Bahagya syang kumalas sa binata at pinakatitigan ang mukha nito.Masuyo nyang hinawakan ang dalawang pisngi nito upang mapatuon ito sa kanya.

“You can kiss me like you own as of today-”

Hindi na sya hinayaang matapos sa pagsasalita ng binata.Agad nitong nilapat ang labi sa labi nya.At sa pagkakataon nun,naghalikan sila na tila wala ng bukas.

Sa mga oras nato,hindi na nila inisip kung maraming makakakita sa kanila.Wala syang pakialam kung anong sasabihin ng bestfreind nyang si Rosaine,ang magiging kapatid nyang si Kyst at si Tally.

Hindi nya na inisip kung ano na ang magiging tingin sa kanya ng lolo dad nya.As of this day,silang dalawa muna.

Wala muna syang paki sa mga magulang nila na magiging magasawa na soon.

“That was the last Kye” nakangiting sambit nya pagkahiwalay ng kanilang mga labi.

The boy chuckled “Goodbye kiss bayun?” Nangingiting tanong nito.

“Yes” tumango sya “Ako muna si Esme ngayon na nakilala mo sa MMU.Hindi muna ako anak ni Maria Esther at isang Erschonen.Tayong munang dalawa hanggang sa lumubog ang araw.Dahil sa oras na sumapit uli ang umaga.Ako na uli si Avery Erschonen.At aalis na ako sa bayan ng Stio.Sampaguita”

Napatitig sa kanya ang binata bago ito dumukhang upang masuyo syang halikan sa noo.

“C’mon” kapagkuwang aya nya dito bago nya ito hawakan sa kamay at tumungo sa dulo ng pantalan.

Tinabihan nila ang mga magulang na halata ang pagtataka dahil sa ginawa nila.Alam nilang nakita sila nito dahil sa paghahalikan nilang dalawa.

“What is this all about?” Masuyong tanong ni Juanillo habang nakatingin ito sa magkasiklop nilang kamay.“Kye? Kinausap ka namin about this diba?”

Wala itong bahid ng galit kung kayat masuyo nya lang itong nginumitian.“Its ok tito” sambit nya at tinignan ang binata “Ako po ang may gusto,for the last and for this day.Hayaan nyo munang maging masaya si Kye.Aalis na po ako bukas at limang taon po ako sa Autralia”

“I promise po dad” saad ng binata “Sa limang taong wala si Esme dito,magmo-move on na ako.Sisiguraduhin kong papatayin ko na ang feeling ko sa kanya”

Saglit silang kinain ng katahimikan habang nagkakatinginan apat.Ganun din ang ina nyang si Maria na walang bahid ng galit sa kanilang dalawa.

Bagkus niyakap pa sila nito isa isa bago magsalita at magpaliwanag din kay Juanillo.

“Pagbigyan na natin sila” sambit nya sa nobyo nito.“Nagtitiwala ako kay Avery.Sa ngayon,hindi na muna natin sila mga anak.Isipin lang muna nating mga tao tayong nagmamahal.Apat na taong ninanamnam ang kapaypaan sa pantalang ito.Lets win the love muna sa mga oras nato” huminga ng malalim ang ina bago ito muling yumakap kay Juanillo at isandal ang ulo sa dibdib nito.

“Malaki din ang sinakripisyo ng mga anak natin para magpatuloy tayo” dugtong pa nito “Kaya hayaan natin silang mahalin ang isa isa bilang mga taong umiibig sa isat isat.Tutal sa pagmamahalin din natin ito magtatapos”

Wala na silang narinig pang ibang sasabihin sa ina kung kayat binalot sila ng katahimikan.

Nakatingin nalang sila ngayon sa payapang karagatan sa harap nila habang papalubog ang araw.Ang malamig na simoy ng hangin ay sumasamyo sa katawan nila na nagpaparamdam ng kapayapaan.

“for the last kye” sambit nya at masuyo ring inihilig ang ulo sa dibdib nito “Mahal kita…Mahal kita sa huling araw na ito”

“I love you too Esme” sambit nito at narinig nya itong napahikbi.“Hanggang sa huling mga oras.Mamahalin kita”

Kapayapaan na ang naramdaman nila ng sakupin muli sila ng katahimikan.

Kasabay ng paglubog ng araw. Ay paglubog din ng hinagpis at kasamaan.

Alam nila,alam ni Esme.Na sa oras muling sisikat ang araw.Babalutin ng liwanag ang buong paligid.

Doon,magsisimula ang bagong buhay nya.Matatapos ang pagmamahal nya sa binata at tatanggapin nya kung sino sya.

Sa pagmamahal nagsisimula ang lahat . . . Pero sa pagmamahalan din nagtatapos.

Ang salitang love,ay sobrang nakakapag pabago sa isang tao.Ito ang nakakabigay saya pero ito rin naman ang nakakasira sa lahat.

At ang pagmamahal ang pinagmulan ng kwento nato.

Actually this is not the story of a girl who name Maria Esther.But a story of a man who fall inlove to his bestfriend name Sebyo.

Pero ang love nayun,hindi ibig sabihin nasusuklian.Dahil ang taong iniibig nya ay may mahal ng iba.Ito ang dahilan kung bakit humantong sa inggit,paghihiganti na nauwi sa pagpatay ang nangyari.

Kagaya ng sinabi ko,love is the key to be change you into other person.Magagawa mo ang mga bagay na hindi mo inaasahang magagawa mo.

Mananakit ka na ng iba at ang masama ay makapatay ka na . . .

Isa lang naman ang dahilan ng mga iyun,ito ay dahil sa maling pagibig at mali nitong pamamaraan.

Kaya siguro ngayon . . . hinayaan ko ng magpaubaya at magparaya sa love na nararamdaman ko.

Sapat nang isantabi ko ang love na ito kaysa naman may masaktan pa akong ibang tao.Hindi man maging kami sa huli.Atleast hindi ko pinilit at wala na akong nasaktang iba.

I love that man . . . really.

Pero kung may iba akong masasaktan.Mabuting wag nalang.

I am,Avery Ershonen Montefalco,dating si Esme Hermosa.Na inakalang si Maria Esther Herminia.

Pero nagkakamali sila dahil anak nya ako,at hindi ko itatangging magkamukha kaming dalawa.

Because from now on . . . They all know that.

“Im not Maria Esther”

Authors note’

Thank you for this journey.Sapat na yung reads na nakuha ko para mainspired sa pag susulat.

Maraming beses akong nawalan ng gana sa pagsusulat.Una dahil hindi ko na alam kung ano ang mga susunod na mangyayari.

Nagkakaron ako ng author’s block bayun? Hehe.

Pangalawa,hindi ako sanay sa gantong genre.Mystery? Patay patayan? Di ako marunong nun.

Alam ko din na hindi magaganda ang scenes at hindi ako satisfied sa plot ko.Pero nagtuloy ako kasi kahit may tatlo,apat o lima,alam ko may nagaantay.Alam ko may nagbabasa padin.

So thank you sa inyong lahat,kasi nandyan pala kayo.Thank you sa mga readers na nagbo-vote.Sa paisa isang comment,alam nyo kung sino kayo.Sa simpleng pagcomment nyo lang ay naiinspired ako.Kaya sobrang salamat.

Sa mga nagbo-vote.Malaking tulong kayo kasi 800+ na yung vote natin.Sapat na sakin yun,malaking tulong na po.

Sa mga silent readers naman dyan.Tenk u padin kasi kahit papano nagdadag kayo ng reads sa works nato, malaking tulong narin yun.

In short,maraming maraming salamat sa inyong lahat.Sana samahan nyo pa ako sa journey ko sa pagsusulat.


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.